Until He Returned

Story Written: 2014
This is the Book 2 of Until Trilogy

Nang malaman ni Klare na hindi siya tunay na anak ng kanyang kinilalang ama, nag bago ang ikot ng kanyang mundo. She’s torn between her love for her family and her desire to seek for the fragments of her real identity. Sa kalagitnaan ng lahat ng ito, pilit din siyang binabalikan ng mga alaala ng nakaraan. Her past is haunting her. But she knew it is impossible to turn back the time. Pinanindigan niya ang mga nagawang desisyon noon at tanggap niyang may mga tao na dumadadaan lang ngunit hindi nagtatagal. Ngunit paano naman ang mga umaalis at magbabalik?

Sa pagbabalik ba ng kanyang minamahal matitibag ang kanyang mga paniniwala at desisyon? How will she handle him now that he’s back? Will she fight now? Now that he’s returned?

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.

WARNING: This story may not be suitable for younger readers. It may contain explicit, violent or provocate content. Read at your own risk.

READ ON WATTPAD

  • SimulaOpen or Close

    Simula

    Malamig ang gabi sa Davao habang nakaupo ako sa mga hagdanan Magsaysay Park. Hindi ko alam kung ano ang meron ngayon pero may mga taong nagsisindi ng sky lantern sa may boardwalk. Dahil sa mga pinapalipad nilang sky lantern, mas lalo kong nakita ang kagandahan ng madilim na dagat sa malayo. Para itong pangyayari sa isang animated movie na napanood ko noon.

    Nangaligkig ako sa ginaw ng hanging umihip. Hindi naman maginaw sa umaga, summer na kasi at umiinit na ang panahon. Pero tuwing gabi, ganito ang temperatura. Hindi ko nga lang alam kung sa Davao lang ba ito o sa buong Pilipinas.

    Niyakap ko ang sarili ko at binaba ko ng isang palapag ang dalawa kong paa. Bakit ba kasi ako naka shorts at loose tank top. Kahit na may tube sa loob ay nanginginig parin ako sa lamig. Mabilis akong nag sisi pag labas sa gabing ito.

    “It’s summer, Klare! It’s my turn!” Sigaw ni Papa sa akin.
    “Pero, pa, I’ve been with you all year.” Pangatwiran ko nang nanggalaiti siya.
    “Oo, sa Cagayan de Oro! Hindi dito sa Davao! Now I want you here in our home. Bakit ka aalis?” Aniya.
    “Klare.” Malamig na tawag ni Tita Marichelle, Papa’s wife.

    Hinawi niya ang kanyang mahaba at kulot na buhok at pinagdiin ang mapupulang labi bago suminghap at nagpatuloy sa pagsasalita.

    “As much as I want you gone in this house-“
    “Mom, stop it.” Putol ni Hendrix sa mommy niya.
    “Sorry. Pero ang sinabi ni Ricardo ang masusunod. Batas ang kanyang mga salita.”

    Kinagat ko ang labi ko. Hindi ko mapigilan ang pagdaramdam tuwing nagsasalita si Tita Marichelle. I get that she doesn’t like me. Hindi ito ang unang beses na pinaramdam niya sa akin ito. Ngunit sa loob ng dalawang taon ay hindi parin ako nasasanay. I have never been hated. Kahit na sabihin nating naging ‘hate’ ako nina Erin, Chanel, at Ate Yasmin noon, hindi parin ako natrato ng ganito harap harapan.

    This is better, actually. Mas maganda siyang makitungo kumpara sa mga pinsan ko ngayon. but I’m not in the right place to blame my cousins. I understand. Alam ko kung bakit kinakamuhian nila ako sa ngayon. I want to do something about it. Kaya lang, alam kong may mga sugat na hinahayaan na lang para mag hilom. Kasi pag inaalagaan mo ito, mas lalo lang dudugo, maiimpeksyon lang.

    “Okay.” Sabi ko at tumayo habang kumakain pa sila.

    Intimidating ang atmosphere ng malaking bahay ng mga Ty sa Davao. Kumpara sa bahay ng mga pinsan kong may pagka-modern, itong bahay nila ay puno ng makikintab na antiques.

    “Saan ka pupunta?” Tanong ni papa.
    “Magpapahangin.” Sagot ko.
    “Hindi ka pa tapos kumain!” Aniya.
    “I’m done.”
    “Klare Desteen Ty!” Sigaw niya nang nakalayo na ako at napagtanto niyang hindi na ako babalik sa hapagkainan.

    Ilang beses na rin akong napagalitan dahil sa suot ko habang kumakain. Ngayong gabi, espesyal dahil hindi ako napagalitan sa suot kong loose top at shorts lang. Ngunit napagalitan naman ako sa ibang rason… Suminghap ako at nilingon ang hapagkainan. Silang apat ay nakatingin sa akin. I feel like I don’t belong here.

    “Ganyan ka ba pinalaki ng mga Montefalco? Umaalis nang di pa natatapos ang pagkain? We are having dinner here, Klare! Wa’g kang bastos!” Ani papa.

    Ilang beses ba ako masasaktan tuwing binabanggit ang pangalan na iyan? Hindi ako pinalaki ni daddy na ganito. Hindi ako bastos. Hindi ako nagrerebelde dito sa bahay nila. I’m just really, really pissed. Ayokong mapagbuntungan ko sila habang kumakain kami. Imbes na magsalita ako ng masama ay mas pipiliin kong manahimik at umalis.

    “Dad! Will you give her a break? You’ve been too hard on her.” Ani Hendrix.
    “Pa, I just really want to go. I’m not hungry. At naiinip na ako. Ayokong hintayin na matapos kayong kumain bago umalis.” Sabi ko.
    “Klare, asan na ang manners mo? Proper table etiquette.” Singit ni Tita Marichelle sa isang dalisay na boses.

    Yes, she hates me. Ang gusto ko sa kay Tita Marichelle ay hindi siya ‘yong tipong plastik at tinatago ang kulo. Sinasabi niya ang mga gusto niyang sabihin sa harap ng mga tao. She’s also not bitter all the time. Sa loob ng halos dalawang taon na nakasama ko siya ay may naidulot na rin siyang maganda sa akin. Naniniwala akong kahit ang mga taong nasaktan at mananakit ay may kalambutan at kabaitan rin na tinatago sa katawan. Iyon ang natutunan ko sa loob ng mahigit dalawang taon.

    “Sorry, tita.” Sabi ko.
    “Let her go, Ricardo. Pierre…” Sabay tingin niya kay Pierre na tumayo agad.
    “I know, mom. You don’t have to tell me.” Ani Pierre at agad tumayo at naglakad patungo sa akin.

    Diretso ang lakad ko palabas ng kanilang bahay. Wala na si Pierre sa likod ko. Naririnig ko ang agos ng fountain sa kanilang garden habang naglalakad ako patungong gate. Hindi ko na kailangang sabihin sa security guard na aalis ako dahil binuksan niya na ang gate. Umilaw agad ang headlights ng sasakyang nasa likod ko. Kung hindi ako tatabi ay masasagasaan ako nito kaya minabuti kong tumabi. Nang tumigil ito sa harap ko ay sumakay na agad ako sa front seat.

    Ganito ang eksena halos gabi gabi. Noong bago pa lang ako dito sa bahay nila, kuntento na ako sa garden at sa gilid ng fountain. Pero pagkabalik ko galing Cagayan de Oro, naging maliit na ang bahay para sa akin. Mas gugustuhin kong umalis at magpahangin sa labas.

    Hinihingal si Pierre habang ipinapakita sa akin ang skateboard na dala. Nakayakap na ako sa tuhod ko habang pinagmamasdan siyang pawis at nakangisi.

    “You sure you want to go back?” Tanong niya habang umuupo sa tabi ko.

    Pinunasan niya ang kanyang pawis gamit ang kanyang t-shirt. Pinanood ko ang mga gulong ng skateboard na binigay niya sa akin last December bilang regalo.

    “Naisip ko lang… Simula nung nagpalit ako ng apelyido, hindi na ako masyado nakakauwi sa bahay namin.”
    Tinitigan niya ako. Hinawakan ko ang gulong ng skateboard na kulay pink.
    “Miss ko na sina mommy at daddy. Miss ko na ang kapatid ko.”
    “You’ve been with them yesterday, Klare.” Ani Pierre.
    “Oo. Pero not really ‘with’ them. Nag paalam lang ako na sa Davao ako magbabakasyon. Iyon lang, Pierre.”
    “Tuwing Sabado at Linggo, umuuwi ka naman sa inyo.”
    “Oo. Pero…” Hindi ko mahanap ang tamang salita.
    “You want to be with your family just for this summer? Do you miss your travels? ‘Yong mga beach niyo, sleep overs, what else?”
    Nag angat ako ng tingin kay Pierre.

    Nag iwas siya ng tingin at nagpatuloy siya sa pagsasalita.

    “Okay. Sabihin mo kay daddy ‘yan. He’ll let you go. O baka pa nga ngayong Summer ay sa Cagayan de Oro tayong lahat mag summer para sa ikakasaya mo.” Bumaling ulit siya sa akin.
    “You know that won’t happen. Tita Marichelle will get mad, Pierre. I understand, but… Okay lang naman sa akin na ako na lang. Kahit na wa’g na kayong sumama.”
    “Understand that dad is possessive of you. Ilang taon kang ipinagkait sa kanya ng mommy at daddy mo. Gusto niya lang makabawi.” Aniya.
    “Nakabawi na si papa. Alam kong mahal niya ako. And he gave me his name… Hindi na ako Montefalco ngayon.”

    Natahimik siya. Seryoso ang kanyang mga mata habang sinusuri ako.

    “You were never a Montefalco.” Umihip ang malakas na hangin.

    Nag iwas ako ng tingin. Treachery? Pakiramdam ko ay tinraydor ko ang mga Montefalco dahil sa ginawa kong ito. Ang gulat at sakit na idinulot sa akin ng katotohanan two years ago ay ang naging dahilan sa mga pagbabago at mga desisyong tinahak ko ngayon. I don’t want to think about that anymore, though. Wala akong pinagsisihan.

    Kinagat ko ang labi ko at kinuha ang skaterboard sa kamay niya bago ako tumayo.

    “Hindi ko deserve ang pangalan nila. Guess you’re right… I was never a Montefalco.” Sabi ko.
    “What do you mean?” Aniya nang pinaubaya sa akin ang skateboard.
    “They are great people, Pierre. At ako? Kasalanan ako. I’m the proof of the mistake years ago.” Ngumisi ako at natuwa sa mukhang galit na ipinakita ni Pierre.

    Madalang siyang magbigay ng ekspresyon. At tuwing nakikita ko siyang galit o gulat ay natutuwa ako.

    Tumawa ako at nilapag ang skateboard sa baba. Sinakyan ko ito at mabilis kong sinalubong ang hangin. Nilagay ko ang kamay ko sa likod ko at hinayaan ang sariling sumakay rito kasabay ang ibang skaters sa Magsaysay Park.

    “Don’t pull that stunt again, Klare!” Sigaw ni Pierre sa malayo.

    Naalala ko tuloy nong una akong natutong mag skateboard gamit ang skateboard ni Pierre. Nasugatan ako non dahil akala ko kaya ko ‘yong tulad ng mga ginagawa niyang pag lipad sabay hawak sa board.

    Tumigil ako nang nakalayo na at nginitian ang ilang mga kaibigan ni Pierre at Hendrix na nakasalubong ko sa park.

    “Asan si Pierre?” Tanong ni Vaughn.

    Siya lang ang tiningnan ko sa dagat ng mga kaibigan ni Pierre. Sa kanilang lahat, sa kanya lang magaan ang loob ko. Bukod kasi sa taga Xavier University rin siya, hindi rin siya intimidating tulad ng iba. Nakaupo lang siya sa bench at pinapanood akong hinihingal at tumitigil sa pag s-skate. Naka puting t-shirt lang siya at khaki shorts.

    “Ah? Iniwan ko sa may tower.” Sabay turo ko sa kay Pierre na ngayon ay papalapit na pala.

    Aksidente kong nahagip sa tingin ang babae sa likod niyang palaging badtrip sa akin, si Dana. Nakahalukipkip siya at nakakunot ang noo.

    “Bakit ka nandito?” Tanong niya.
    “Uh, nagpapahangin lang kami ni Pierre.” Sabi ko.

    Alam ko kung bakit galit siya sa akin. Sa mga tropa ni Pierre na may gusto sa kanya, siya lang ang may ayaw tumanggap na magkadugo kami ni Pierre. Tingin niya ay threat ako sa kanya. Which isn’t true… kasi bukod sa nakakadiri iyon ay may mahal na akong iba.

    “Akala ko si Pierre lang ang nandito. Di talaga malakas ang dating mo, di kita napapansin.” Ani Dana, iyong palaging galit sa akin.
    “Dana, tama na nga.” Saway ni Vaughn.

    Tinalikuran ko sila at nakita kong sobrang lapit na ni Pierre sa akin. Hawak hawak niya ang kanyang cellphone at seryoso niya akong tinitigan.

    “There you are, Pierre!” Ani Dana.

    Hindi kumibo si Pierre. Diretso ang tingin niya sa akin habang nilalagay ang cellphone niya sa kanyang bulsa.

    “Uwi na kami mga pre.” Aniya sa mga kabigan sabay high five.
    “Ang aga? Summer naman, a? Party muna.” Ani Vaughn at tumayo sa gilid ko.
    “Pass muna. Kailangang umuwi ni Klare.”
    Kumunot ang noo ko sa kapatid ko.
    “Bakit?” Usisa ni Vaughn.

    Narinig ko na ang usap usapan ni Dana kasama ang mga kaibigan niya kung gaano siya kainis sa akin at sa mga ginagawa kong pagpipigil kay Pierre na lumabas kasama silang lahat.

    “Oo nga naman?” Tanong ng isa pa niyang intimidating friend.
    “Babalik kaming Cagayan de Oro. Bukas.” Ani Pierre.

    What? Ni hindi nga pumapayag si papa. Nag text ba si papa sa kanya na payag na siya? Sasama kaya sila ni Tita Marichelle? Sasama ba si Pierre at Hendrix? Kung hindi sila sasama ay paniguradong pwede na akong tumira sa Montefalco Building. Kinagat ko ang labi ko sa kaba… Charles, we’ll meet again! Maglalaro tayo ng Xbox buong magdamag!

    Totoo talaga siguro ang kasabihang, “you don’t know what you got till it’s gone”. Kasi noong palagi pa kaming magkasama ni Charles, madalas ko siyang binabalewala. Ngayong hindi na, nasasabik naman ako sa kanya. Malaki na siya ngayon. Hindi na siya cute, gwapo na raw siya. He’s grade 5 and he’s very, very tall. Hindi talaga namamalayan ang panahon.

    “Oh? Summer there?” Tanong ni Vaughn sabay tingin sakin. “O si Klare lang?”
    “Kami.” Ani Pierre sabay lakad palayo.

    Nginitian ko si Vaughn at nagpaalam na. Kumaway din si Pierre sa kanyang mga kaibigan bago kinuha sa akin ang skateboard ko at naglakad papuntang sasakyan niya.

    “You sure you really want to go?” Tanong niya ulit sa akin nang nakalayo na kami.
    “Pierre, nag text ba si papa? Pumayag ba siya?” Excited kong tanong.
    “Yup. Di ka niya natiis.” Sagot niya.
    Halos tumalon ako sa sinabi ng kapatid ko. Inakbayan ko siya ngunit lumayo siya ng konti sa pagkakairita. “THANK YOU!” Pumalakpak ako.
    Umismid siya at umiling sa reaksyon ko. “Kahit na sabihin ko sayong this week din ang balik ni Elijah, tutuloy ka parin?”

    Nalaglag ang panga ko. Binitiwan ko siya at napawi ang ngisi ko.

    “You are joking, right?” Tanong ko.
    “I’m not, Klare.” Sabay pakita niya sa cellphone niyang may status ng pinsan kong kaibigan niya sa fb.

    Claudette Jamilla Montefalco: Elijah’s almost back. I’m stoked.

  • Kabanata 1Open or Close

    Kabanata 1
    Montefalco

    “Kumpleto na ba ang lahat?” Tanong ni papa habang nilalagay ang skateboard ko sa likod ng van na sasakyan namin pabalik ng Cagayan de Oro City.
    “Dad, why don’t we take the plane?” Tanong ni Hendrix kay papa.
    “Bakit, Hendrix, nagmamadali kayo?”
    “Hendrix, okay lang. Mas gusto ko rin naman mag travel by land.” Sabi ko.

    Ang totoo ay gusto ko rin sanang irequest kay papa na mag van lang kami pauwi ng Cagayan de Oro. Nang nalaman ko mismo sa kanya na iyon nga ang sasakyan namin, hindi ko na kailangang banggitin iyon sa kanya.

    Matalim na tinitigan ni Hendrix ang apat na bodyguards sa loob ng sasakyan. Iyon ang ayaw niya tuwing bumibyahe kami ng matagal. Mas marami ang kakailanganing bodyguards. Iyon na ang nakasanayan ni papa para sa dalawa kong kapatid.

    Ang alam ko, maraming negosyo si papa sa Davao. Malaking tao siya sa lugar kaya kailangan niya ng mas maraming bodyguards. Ilang beses nang nagtalo si Hendrix at si papa tungkol sa mga bodyguards na pinapadala niya para sa amin. Aniya’y wala namang magtatangka sa amin dahil hindi naman kami ang humahawak ng negosyo. But papa will always insist… syempre, mga anak niya sila at pati ako.

    Bumaling si papa sa akin at ngumiti. Sa gitna ng kanyang ngiti ay nakita ko ang pangamba. Naglahad siya ng kanyang braso at naghintay sa paglapit ko para yumakap.

    “Thanks, pa.” Sabi ko sabay yakap sa kanya.
    “All for you.” Aniya sabay halik sa akin ulo.
    “Take care, Klare. Also, take care of Hendrix and Pierre.” Nakahalukipkip na sinabi ni tita Marichelle sa likod ni papa.

    Kumalas ako sa yakap ni papa para harapin si Tita Marichelle. Alam kong labag sa loob niya ang pag alis naming tatlo ngunit gaya ng sabi niya, ang mga salita ni papa ay batas.

    “Makakaasa ka po, Tita.”

    Hindi naman kailangang sumama ni Hendrix at Pierre sa Cagayan de Oro. Dito ang buhay nila sa Davao. Ngunit si Hendrix na mismo ang nagsabi na sasama sila. Masaya rin sila sa Cagayan de Oro at ani Pierre ay gusto rin daw ni Hendrix na kumawala sa mommy nila.

    “Susunod siguro kami ng Tita Marichelle mo pag natapos ang trabaho.” Ani papa.
    Tumango ako.

    Kahit na hindi ako makapaniwala na sasama si Tita Marichelle sa Cagayan de Oro, hindi na ako kumibo. It’s nice to know that they are opening their minds now. Na ang nakaraan ay hindi na maaaring maulit pa. Marami na ang nangyari sa loob ng ilang taon at naka move on na ang lahat. Wala nang dahilan para manatili sa nakaraan.

    “You sure you don’t want to visit Samal again, instead?” Tanong ni papa nang sumakay na si Pierre at Hendrix sa van.
    Ngumisi ako. “I love Samal. Maybe next time, pa.”

    Ngumiti siya at naawa ako sa chinito niyang mga mata. Ayaw na ayaw niyang pinapakawalan ako. Madalas ay nagagalit siya ngunit pinagbibigyan niya parin ang mga kapritso ko.

    Pumasok ako sa sasakyan at umupo sa tabi ni Hendrix. Umupo si Pierre sa front seat at binaba niya na ang likod ng upuan at umambang matutulog na. Ang isang body guard ay nasa tabi ko at ang tatlo ay nasa likod.

    “Klarey, palit tayo.” Ani Hendrix sa akin.
    Tumango ako. Sa maiksing panahon ay alam na nina Hendrix at Pierre kung ano ang mga gusto ko. Gusto ko sa tabi ng bintana. Gusto kong manood ng tanawin sa labas. Nakakarelax kasi.

    “Sorry, Klare, but I need to remind you to take care of your ahias, too.” Tumawa si papa.
    “No problem, pa.”
    Ngumiwi si Hendrix sa kanyang daddy. “Take care, dad and mom. Alis na kami.”

    Nang umandar na ang van ay naging abala si Hendrix sa pag chicheck sa maaari naming makain. Si Pierre naman ay tulog agad sa pakikinig sa iPod. Binigyan ako ni Hendrix ng chichirya. Tinanggap ko ito at nagpasalamat na.

    “Anong plano mo pagbalik ng CDO?” Tanong ni Hendrix.
    Nagkibit balikat ako. “Pupunta sa bahay. G-Gusto ko sanang tumira doon kaso… magagalit si papa.” Nag iwas ako ng tingin.
    “Are you sure? Or you didn’t try hard enough to convince him? Malambot si dad sa’yo. Matigas siya sa amin ni Pierre. Kaya kahit anong kumbinsi ko sa kanya na sa mga Montefalco ka tumira ay hindi niya ako pinagbibigyan. Well, I guess maybe I also didn’t try hard enough. Ayaw ko sa gusto mo, e.”

    Bumaling agad ako kay Hendrix. Kumakain siya ngayon ng caramel popcorn at umiinom ng Monster habang tinitingnan ang daan palabas ng Davao.

    “Thanks, Rix. I don’t know what to say. Salamat at dahil sa’yo ay pinayagan ako ni papa na bumalik sa CDO.”
    “No, he was too soft, Klare. No problem.” Aniya at suminghap bago ako tiningnan. “Ano? You sure you won’t convince him?”
    Ngumisi ako. “Enough na siguro ang makabonding ko ang kapatid kong si Charles araw-araw.”
    “You are not literally going to spend your every summer day with him, are you?” Umismid siya.

    Sa kanilang dalawa ni Pierre, si Hendrix ang mature at mas cold. Kung si Pierre ay simple-minded at misteryoso. Si Hendrix naman ang madaling espellingin at may pagka suplado. Iyan siguro ang isa sa dahilan kung bakit hindi ko naramdaman ang presensya niya kahit na nakikita ko naman siya noong high school. He’s just there… watching me from afar. Hindi tulad kay Pierre na parang ikakamatay kung hindi siya mapansin.

    Tumawa ako. “I won’t. Uh… Siguro mga four to five days a week? I also miss my mom and dad.”
    “Hindi mo ba na mi-miss ang cousins mo?”
    Napawi ang ngiti ko at bumagsak ang mga mata ko sa baba. “Of course, I miss them. Kaso hindi na rin naman nila ako tatanggapin.”
    “The boys don’t seem to mind.” Ani Hendrix.
    “Galit si Azi. Kaya wala siyang pakealam.” Nag angat ako ng tingin sa kanya.

    Parang pinipiga ang puso ko habang inaalala ang lahat ng nangyari dalawang taon na ang nakalipas. Masakit ang bawat araw na pinagdaanan ko. Hindi lang dahil may pinakawalan akong parte ng sarili ko, kundi dahil sa pagkawala niya, mabilis namang gumuho ang mundo ko.

    Hindi ko na alam kung paano aayusin ang mga bagay na basag na at nawasak pa ulit. Masyado nang masakit kung aayusin pa ang lahat. At ang mga desisyon ay pinapanindigan. Walang puwang sa puso ko ang mga ‘what ifs’ at ‘what could have beens’. Masyado akong puno ng maraming tanong at maraming isyu kaya hindi ko na kailangang dagdagan pa iyon.

    Nagkulong ako sa kwarto dalawang araw pagkatapos kong nalaman ang totoo. Hindi ko alam kung paano ko nagawa iyon. Walang pagkain. Umiyak lang ako nang umiyak. Kumakatok si mommy at daddy ngunit hindi ko sinasagot. Binuksan nila ang pintuan para kausapin ako ngunit hindi ako gumagalaw sa pagkakahiga.

    Daddy isn’t really my ‘dad’. And mommy cheated on me. Bukod sa may ginawa siyang immoral ay hindi ko matanggap na ang love story na pinaniwalaan kong wagas at totoo ay nauwi sa ganito. At ako ang patunay na walang love story na walang pagkakamali. Lahat may loopholes, lahat dumaan sa delubyo.

    “Klare, our relatives are here to discuss this. Please, kumain ka naman. Please, lumabas ka ng kwarto. Your cousins are here, too.”

    Hindi ko matanggap iyon. Ni hindi ko alam kung relatives ko nga ba sila o mga pinsan ko nga ba ang mga pinsang pinaniwalaan ko. Hindi ko rin alam kung sino ang nakakaalam at sinong walang alam tulad ko. Hindi ko alam kung paano na ako ngayon. Gusto ko silang ituring na kadugo, dahil iyon ang nakasanayan ko. Pero ang malamang hindi pala ay parang isang bangungot! Sana ay magising na lang ako! Sana ay hindi ito totoo.

    “Ate, stop crying.” Umiiyak si Charles habang pinagmamasdan akong umiiyak sa kama ko.

    Napagtanto kong hindi tama itong ginagawa ko. Dapat ay hindi niya makitang ganito ako. At ayaw kong makitang umiiyak siya… mas lalo lang akong naiiyak.

    Tumayo ako, nag ayos at lumabas kasama si Charles. Pagkalabas ko ay nakita ko ang nakahilera kong mga pinsan sa aming sala. Mabilis na dumalo si Claudette, Azi, at Rafael sa akin na para bang bigla akong madadapa kung hindi nila ako lalapitan.

    “I’m okay.” Sabi ko sabay upo sa tabi ni Erin.

    We’re here again for another issue. Kitang kita ko ang lungkot sa mga mata ng mga tito ko. Daddy has been crying for two days, too. Lalo na si mommy. Ngunit pag dinadalaw nila ako sa kwarto ay pinipilit nilang maging matatag para sa akin. I appreciate that. I love them. And I want us to be real family.

    “Klare, you are my cousin.” Ani Erin na siyang nagpabasag sa katahimikan.

    Iyon din ang naging gatilyo sa pagsasalita ni Tito Az.

    “We should file a case, Lorenzo.” Ani Tito.

    Nagulantang ako sa sinabi ni Tito Azrael kay Daddy. Kanino sila mag fa-file ng kaso? Kay Mr. Ricardo Ty? Para saan?

    “That’s not the answer here, Azrael.” Ani Tita Claudine.
    “Tama si Claudine. Bakit tayo mag fa-file ng kaso-“
    Pinutol ko si daddy. Tingin ko ay may right ako dito. At hindi iyong kaso ang gusto kong pag usapan, kundi ang buong pagkatao ko. “Bakit niyo po inilihim ang lahat ng ito sa akin?”

    Pumikit si Claudette sa gilid ko at umiyak.

    “Klare, believe me, I didn’t know. We didn’t know. Fuck, I’m so guilty!” Ani Erin at humagulhol na rin.
    “Erin, your words!” Matigas na sinabi ng kanyang mommy.
    “Sinong nakakaalam? Bukod kay mommy at daddy, alam niyo po ba, Tita?” Bumaling ako kay Tita Claudine.

    Nag iwas siya ng tingin sa akin. Binalingan ko ang naka tux na si Tito Stephen. Naninigarilyo siya sa loob ng bahay at tumango siya sa akin. Halos mapamura ako sa tango niya. Bumaling ako kay Tito Benedict at Tita Liezl na parehong nag iwas ng tingin. At sa huli, bumaling ako kay tito Azrael. Matalim ko siyang tinitigan.

    “Gusto naming tratuhin ka na isang tunay na Montefalco, Klare.” Paliwanag ni Tito Azrael.

    Alam nilang lahat! Alam ng mga tito at tita ko na hindi ako tunay na Montefalco! Mabilis na tumulo ang mga luha ko. This… betrayal!

    “Klare, listen up!” Ani mommy at tumayo para lumapit sa akin.

    Lumuhod siya sa harap ko. Umiling ako dahil alam ko na kung ano ang sasabihin niya. Ilang beses niya nang sinabi ito sa loob ng dalawang araw na pagkukulong ko sa kwarto.

    “You’re not a mistake.” Aniya.

    I am. Kasi kung hindi nga iyon ‘mistake’ bakit kinailangan pang itago? What the hell happened between Mr. Ricardo Ty and my mother?

    “N-Nung nagkahiwalay kami ng daddy mo dahil nag aral siya sa Manila at ako naman ay pumuntang Davao para magtrabaho-“
    “Sinong daddy po?” Matigas kong tanong na nag paangat ng tingin sa lahat.
    “KLARE!” Sigaw ni Tito Azrael sa isang matigas at malalim na boses.
    “Kuya, hayaan mo si Klare. May karapatan siya.” Utas ni daddy sa likod.
    “Your dad, Klare.” Pumikit si mommy at nagpatuloy. “Nagtrabaho ako para kay Ricardo Ty. And there… it was wrong, forbidden… Pagkakamali iyong nagawa naming dalawa pero hindi pagkakamali na nabuo at ipinanganak ka!” Aniya.

    Hindi na ako makahinga. Narinig ko ang mga singhap ni Erin sa gilid ko at mga hikbi naman ni Claudette at Chanel sa kabila.

    “Tita naman, why didn’t you tell us…” Ani Erin.
    “Two months akong buntis nang bumalik ako ng Cagayan at nagkita ulit kami ng daddy mo. Sinabi ko sa kanya ang lahat… but your dad loved me, Klare. He loved me enough to give you his name!”

    Mas lalo akong umiyak. Umiiyak ako dahil nagi-guilty ako. Kung kani kanino ko na lang naipapadama ang galit at inis ko. Napagtanto kong nasasaktan ko si daddy sa ginagawa at sinasabi ko. Nasasaktan ko din si mommy. Nilingon ko si daddy na nakayuko sa tabi habang si Charles ay umiiyak.

    I love the Montefalco family so much! Mahal na mahal ko sila at masakit na malamang hindi ka parte ng pamilya! Na kahit anong pilit mong gawin, anong pilit nilang gawin, walang dugo nila ang nananalaytay sa mga ugat mo. Kahit isang pursyento ay hindi ako Montefalco. Nagseselos ako kay Claudette, kay Erin, kay Chanel dahil pare pareho silang ipinanganak na tunay na Montefalco.

    I really, really want to belong! Tingin ko ay Montefalco ako! Tingin ko ay hindi naman importante kung magkadugo kami o hindi! Ang importante ay naramdaman kong pamilya kaming lahat, na kapamilya ko sila!

    “Ngayon bakit kay mag fa-file ng kaso sa kay Mr. Ricardo Ty?” Tanong ko.

    Walang sumagot. Kahit si tito Azrael ay hindi na nakasagot.

    “He’s my biological father.” Sabi ko sabay tingin kay daddy.

    Parang sinasaksak ang puso ko habang nakikita siyang nakayuko at malungkot. He raised me as his own.

    “You are my daughter, Klare.” Ani daddy.
    Tumango ako. “I am, dad.”

    Naaalala ko pa ‘yong mga ginawa namin noon. Kahit kailan, hindi niya pinaramdam sa akin na iba ako. Pareho kaming dalawa ni Charles. Mamahalin ang mga laruan ko at hindi ako pinagkaitan sa edukasyon, mga gamit, at pagmamahal. Walang butas ang pagmamahal niya para sa akin. Ngunit nang malaman ko ang katotohanang ito, hindi ko mapigilan ang pagiging curious sa tunay kong ama.

    “I understand…” Sabi ko at pinunasan ko ang mga luha ko. “Alam ko pong gusto niyo lang akong ituring na tunay na Montefalco. Ayaw niyong maging iba ako sa inyo. Alam kong mahal niyo ako.” Nanginig ang boses ko.

    Sana ay hindi ko na lang ito nalaman. Mas mabuti nga atang naniwala na lang ako sa katangahang iyon, sa kasinungalingang iyon. Pag wala kang alam, wala ka ring mararamdaman na sakit. Innocence is a bliss.

    “Kaya lang po… gusto kong makilala si Mr. Ricardo Ty. Sino po siya?” Humikbi ako. “Anong klaseng tao siya? Gusto ko ring makilala ang tunay kong ama.”

    Walang kumibo ni isa. Nanghina si mommy kaya ang kamay niyang kanina ay nakapatong sa aking mga tuhod ay nahulog.

    “Klare, baka masamang tao siya? Klare, baka i brain wash ka niya para magpalit ka ng apelyido?” Ani Erin.
    Umiling ako. “Alam niyong hindi niya magagawa sa akin iyon, Erin.”
    “Klare, Erin’s right! What if he’ll make you choose?” Ani Rafael sabay pasada ng kamay sa kanyang buhok.
    Bumaling ako kay Rafael at umiling ulit. “Mahal ko kayo. Get that? Kayo ang pamilya ko. I just really want to know him.”
    “Klare, I swear this is a big mistake! Just let the whole idea go! You are a Montefalco! Period! Iyon na ‘yon.” Ani Chanel. “He’s just your biological father.”
    “Pinagkait ako sa kanila tulad ng pinagkait sila sa akin. I want to get to know him, and my half brothers. This is a mess, mom.” Bumaling ako kay mommy. “Hindi ko na alam kung ano ang gagawin. Pero alam ko kung ano ang tama… may rason kung bakit nalaman ko ang katotohanan kahit na pilit niyo itong tinago. Ang rason ay para kilalanin ko sila.”
    “Ang rason, Klare…” Ani mommy. “Ay gusto ni Ricardo na kunin ka. Iyon ‘yon. Kaya ayaw ko!” Tumayo siya. “You are not going anywhere.”
    “Mom? Hanggang ngayon ba pinagdududahan ninyo parin ako? I sacrificed my heart for this family! Kahit na ang sarili kong kaligayahan ay binalewala ko para lang mapanatili ang pamilya natin! Hindi pa ba sapat ang mga pinatunayan ko kung ano ang kaya kong gawin para sa pamilyang ito? Now you don’t say that I can’t!”

    Nanahimik silang lahat.

  • Kabanata 2Open or Close

    Kabanata 2
    Ty

    Hindi naging madali para sa kanila ang pagpayag na makipagkita ako kay Mr. Ricardo Ty na mag isa. Nag daan ang ilang araw bago nila ako pinayagan. Mabuti. Dahil sa sarili ko, alam kong kahit hindi nila ako payagan ay gagawin ko parin iyong gusto ko. I want to get to know my father. My real father.

    “Klare…” Suminghap si daddy nang araw na pinakawalan niya na ako para makilala ko na ang totoong ama ko.

    Sa aming lahat, kaming dalawa talaga ang naaapektuhan. Ayaw kong maramdaman niyang may kumpetisyon silang dalawa. Walang kumpetisyon. Mahal ko si daddy at hindi na iyon mababago ng biological father ko.

    Napagtanto ko ring hindi ito tungkol sa pagsisinungaling na ginawa nila sa akin. Ito ay tungkol sa paghahanap ko sa sarili ko. Gaano ko man kamahal ang mga Montefalco, hindi ko parin maiwasan ang pag iisip sa kay Ricardo Ty. Hindi rin ako makapaniwala na hindi lang si Charles ang kapatid ko. May dalawa pa akong half brothers, ang isa sa kanila ay palagi kong nakikita noon at hindi ko pinapansin.

    “Remember, you will always be my daughter.” Nanginig ang boses ni Daddy ngunit hindi siya umiyak.
    Tumango ako at hindi rin umiyak.

    I need to be strong. Ilang araw na rin akong umiiyak dahil dito. Tama na iyon. Kailangan ko nang magpakatatag para sa aking sarili.

    “I know you… I raised you well.” Aniya. “At kung sakaling maisipan mong pumili at pipiliin mo sila-“
    “Dad, walang pipili. Hindi ako pipili. Ikaw ang daddy ko and it will never change. Oo, gusto kong makilala si Mr. Ty, pero iyon ay dahil gusto kong hanapin ang sarili ko, ang buong pagkatao ko.”
    Tumango siya. “I know, Klare. I… I just want to let you know that I support you. Kung ano man ang mga magiging desisyon mo ay susuportahan ko. Huwag mong sisihin ang mommy mo sa lahat ng pagsisinungaling at pagsesekreto ko at ng mga tito at tita mo. Ako… Ako ang nakiusap na huwag nang ungkatin ito. Because I want to treat you as my own daughter-“
    “Dad, I am your daughter. I will always be.”

    Pinakawalan na ako ni daddy. Alam niya noon pa man na may posibilidad na kukunin ako ni Mr. Ty. Ngunit para sa akin, hindi iyon ‘pagkuha’. Hindi ako tuluyang sasama sa kanila upang putulin ang koneksyon ko sa mga Montefalco. I loved the Montefalcos at hindi na iyon mababago ng panahon at nang kahit anong pagkakataon.

    Ngunit hindi ko maipagkakaila na gusto ko ring makilala ang tunay kong ama. Gusto ko ring makilala ang dalawa kong half brothers na umaligid sa akin nitong nakaraang buwan. Gusto ko ring maramdaman ang pagmamahal nila… kung paano mabuhay nang sila ang kasama. Nobody would understand… I know. Kasi sa aming lahat, ako lang ang may ganitong buhay.

    Malaki ang ngisi ni Mr. Ricardo Ty sa akin nang nagkita ulit kami sa Bourbon St. Bistro. Nasa kabilang table sina Pierre at Hendrix, kumakain at mukhang walang pakealam sa amin. Walang tao sa buong restaurant kundi kami.

    “I’m glad you came.” Ani Mr. Ty.

    Halos hindi ko makain ang coffee jelly na siyang tanging inorder ko sa lunch na ito. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula sa pagtatanong. Tumikhim siya at kumunot ang gilid sa kanyang mga mata.

    “I want to introduce myself to you. Dahil mukhang hindi naging maganda ang naging takbo ng first meeting natin. May I?” Nag angat siya ng kilay.

    Ngayon ko lang napagtanto, na parehong pareho ang kilay ni Pierre, kilay ni Mr. Ty, at ang mga kilay ko. Lumunok ako sa naisip na iyon. God! Bakit ngayon ko lang ito nakita? Iyong mga paglapit ni Pierre sa akin. Iyong misteryosong mga sinasabi ni Hendrix tuwing lumalapit si Pierre sa akin noon! It all made sense now!

    “I’m Ricardo Chiong Ty. Taga Davao City ako, kung saan kami nagkakilala ng mommy po. Naging sekretarya ko siya sa kompanya ko.”

    I’m not sure if I want to talk about that part, though. May mga bagay na gusto kong malaman at may mga bagay na gusto kong tanggihang malaman.

    Tumango ako. “Mr. Ty, where is your wife?” Diretso kong tanong.
    “Ang asawa kong si Marichelle Ty ay nasa Davao.” Nilingon niya si Pierre at Hendrix sa gilid. “Hindi iyon sanay na wala ang kahit isa sa mga anak niya sa bahay ngunit tingin ko ay hindi na talaga mapipigilan.”
    Nilingon ko si Pierre na kumakain ng steak.

    Paano kaya nangyari ang lahat? Kung taga Davao sila ay bakit nakita kong lumaki si Hendrix sa Cagayan de Oro? Paano at bakit? Nang bumaling ulit ako kay Mr. Ty ay pakiramdam ko nabasa niya ang mga tanong ko.

    “Around two years old si Hendrix noong nangyari iyon.” Aniya sa mas mababang boses. “Hindi niya na maalala. Anong maaalala ng isang toddler? Ngunit sa malalaking away namin ng kanyang mommy simula nang nabuntis siya kay Pierre hanggang sa nag isang taon si Pierre, syempre, maaalala ni Hendrix na minsan ay nag away ang kanyang mommy at daddy.”

    Halos hindi ko maimagine ng maayos ang mga batang mukha ni Pierre at Hendrix. Kahit lingunin ko sila ay wala akong maimagine.

    “Nang hinanap ko si Helena, not because I want her back, but because I want to know you, five years old si Hendrix noon. Nalaman niya. He’s a smart kid.” Nilingon niya si Hendrix. “Madalas ulit kaming mag away ng mommy niya kaya napabayaan silang dalawa ni Pierre. Well, Hendrix can take care of himself, Pierre can’t. Iyon ang dark years namin ni Marichelle. Madalas ako sa Surigao o sa Cagayan de Oro just to get close to Helena. I’m not after her. Alam kong masaya siya sa daddy mo. i just really want to know my daughter.”

    Nairita ako sa sinabi ni Mr. Ty. Bakit siya habol nang habol sa akin gayong may dalawa siyang anak na kinailangan ang kalinga at atensyon niya? Nagagalit ako sa kanya! But then again… I probably will never understand. He’s a father.

    “Bakit po sa Surigao? Wala po kami sa Surigao.” Kinagat ko ang labi ko.

    Dammit! Bakit ako nagtanong non? Of course I know why!

    “May malaking Palm plantation kayo doon, diba?” Nag taas ulit siya ng kilay.
    “Hindi iyon amin. Sa tito Exel ko iyon.” Kinagat ko ulit ang labi ko.

    May kirot akong naramdaman sa puso ko. I can still remember him vividly. At ayokong sumagi siya sa isipan ko nitong mga nakaraang araw. Mabuti na rin at wala siya dito. Mabuti na rin na umalis siya. Mabuti na ganoon ang nangyari. Kasi kung ganitong pasabog na rin lang naman ang aabutin ko sa buhay na ito, hindi ko alam kung mabibigyan ko pa ba siya ng normal na relasyon. He deserved a normal relationship. Sweet moments, kiss under the rain, no holds barred… everything normal. Hindi iyong taboo at magulong relasyon na tanging naibigay ko sa kanya.

    “Still, umasa ako.” Ani Mr. Ty.
    “Nang na contact ko na siya sa Cagayan de Oro, may Temporary Restraining Order na agad ako sa inyo.”
    Nalaglag ang panga ko.
    “I tried again ngunit kinausap ako ni Lorenzo na huwag na kayong gambalain. He can afford after all, my daughter doesn’t need my financial attention. Ngunit hindi iyon ang gusto kong ibigay sa’yo. I want to love you, take care of you…”

    Hindi ko alam kung bakit uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Kumirot din ang puso ko at nangilid ang mga luha sa aking mga mata. Nakita ko rin ang luha sa gilid ng kanyang mga mata.

    “Umuwi ako sa Davao na bigo. Umuwi ako nang may galit si Hendrix sa akin. Alam niyang may kapatid siya. Grade one siya non at kinakalaban niya na ako. Palagi niya akong tinatanong kung bakit imbes na silang dalawa ni Pierre ang pagkaabalahan ko, bakit iyong isang kapatid niya ang gusto kong makita? Mas mahal ko ba ang mommy ng isang kapatid niya sa mommy nila? Iyon ang nagpagising sa akin.”

    Hindi ko alam kung bakit si Charles ang naiisip kong mukha ni Pierre noon. Ang sakit para sa isang bata na maisip na agad iyon! Mr. Ty is such an ass! But I want him to pursue me, too! Gusto ko rin sanang maramdaman ang pagmamahal niya noon. Kahit na hindi naman ako kinulang sa pagmamahal. That’s too selfish of me. I didn’t like that feeling. Hinayaan ko siyang magpatuloy.

    “Walang alam si Pierre at wala ring sinabi si Hendrix. Nagulat ako nang nagdesisyon si Hendrix na mag transfer sa Cagayan de Oro pagtungtong ng grade 7.”

    Nanlaki ulit ang mga mata ko at nilingon ko si Hendrix na ngayon ay kumakain na ng dessert.

    “Alam ko siyempre kung ano ang gusto niyang mangyari. May binili akong bahay sa Cagayan de Oro at doon siya pinatira. Marichelle did not approve, though. Ngunit hinayaan ko si Hendrix sa Cagayan de Oro.”
    Tumango ako. “Kaya siya nag high school sa Xavier.” Ngayon ko lang napagtanto ang lahat.
    “Exactly. At nagulat ako dahil nakilala ka niya ngunit hindi ka niya kailanman nilapitan. He’s just watching you from afar. Iyon lang. Dahil alam niyang wala siya sa lugar para isiwalat ang katotohanan. Last year, though…” Tumikhim si Mr. Ty. “Nalaman ni Pierre ang tungkol sayo. Hindi ba mag e-eighteen ka na non? I was thrilled and I want to meet my eighteen-year old daughter. Hindi ka na minor at pwede na akong magpakilala. Nalaman iyon ni Pierre kaya nagalit siya at naisip na sumunod sa kanyang kuya sa Cagayan de Oro. Gusto ka niyang makilala. Gusto niyang makita ang dahilan kung bakit napabayaan siya noon.”

    Uminom ako ng tubig. Hindi ako makapaniwala kung paano nag kasya lahat ng piraso sa puzzle na ito.

    “But unlike his brother, Pierre is more… vocal. I heard he went up to you.” Humalakhak si Mr. Ty. “Hendrix got mad at him. Palagi silang nag aaway na dalawa tungkol sayo. Gusto ni Pierre na kilalanin ka, si Hendrix naman ay mas gustong pinapanood ka lang.”

    Mas dumami ang naging alam ko sa kay Hendrix at Pierre. Mas gumaan rin ang loob ko kay Mr. Ty. Isang meeting lang iyon ngunit nawala na agad ang mga pader sa aming dalawa. Magaan ang loob ko sa kanya at hindi ko maintindihan kung paano iyon nangyari.

    Nagkaroon din ng schedule para magkaharap si mommy, daddy, ako, at Mr. Ty. Isinama ni mommy at daddy ang isang abogado. Wala masyadong palitan ng salita at tensyonado ang naging meeting. Tahimik lang ang abogado sa gilid ko. Para bang nag hihintay ng maling sasabihin ni Mr. Ty.

    “Uuwi na ako ng Davao this weekend. Ang mga anak ko, dito lang sa Cagayan de Oro hanggang next week. Kung gusto mong sumama, Klare…”
    Nanlaki ang mga mata ko sa offer niya.
    “Sabihin mo lang kay Hendrix o kay Pierre. Pinilit nila akong sabihin sa’yo ‘to-“
    “Ricardo…” Malamig na utas ni mommy. “Hindi sasama si Klare. Dito lang siya sa Cagayan.”
    Bumaling si Mr. Ty kay mommy. “Helena, hindi ko sinabing isasama ko siya. Iyon naman ay kung gusto niya. I’m giving her a choice. She’s not a child.”
    Nakita kong hinawakan ni daddy ang braso ni mommy para kumalma ito.
    “Paano kami nakakasiguro na hindi mo ibi-brainwash si Klare pagsumama siya? Baka hindi na siya bumalik!” Ani mommy.
    “Mom!” Saway ko.
    “Helena…” Tumawa si Mr. Ty. “Wala ka bang tiwala sa anak mo? Dalawang beses ko pa lang siyang nakausap pero alam ko na agad na matino at mature siyang mag isip. I’m not gonna lie here, Lorenzo.” Sabay tingin niya sa kay daddy. “I want her to be a Ty. She is.” Sabay tingin niya sa akin. “Pero I’ll give her that choice. Hindi ko siya pipilitin.”
    Umiling si mommy at halos umiyak na.

    Naging mahirap ang desisyon sa pagsama sa Davao. Ilang beses kong inisip ang mga maaaring mangyari sa akin doon. Ano kaya ang itsura ng bahay nila? Ano kaya ang mga business ni Mr. Ty? Ano kaya ang typical na araw para sa kanila? Kahit na ayaw kong isipin ito ay nagugulat na lang ako sa sarili ko. Mabilis na lumilipad ang utak ko sa mga tanong na iyan.

    Nang nagkaroon ng malaking party dahil sa birthday ng daddy ni Azi, doon ko naramdaman ang malalaking spaces sa gitna ko at sa mga pinsan ko. Alam kong nararamdaman ko lang ito dahil ngayon, alam ko na ang katotohanan.

    “Ate, let’s go and take a picture.” Ani Charles na siyang palagi kong kasama.

    Hindi niya ako tinatantanan. Sunod nang sunod si Charles sa akin. Pagpinipili kong umupo na lang at hayaan ang mga pinsan ko, umuupo lang din siya sa tabi ko.

    Mga malalaking round tables ang pagitan sa amin ngayon ng mga pinsan kong nag papicture sa stage ng engrandeng venue.

    “Klare!” Sabay hila ni Erin sa akin.

    Nakikipagtawanan ako sa kanila at nakikisali na rin ngunit lumilipad ang isip ko sa Davao. It’s wrong, alright? It’s unfair! Kaya minabuti kong tumahimik at iniwasan na lang ang pag iisip ng ganon.

    “Clau… Hindi ba ampon si Klare?” Narinig kong tanong ng isang pinsan ni Claudette at Azi sa mother’s side.
    “Hindi siya ampon.” Ani Claudette, pabulong at mukhang galit.

    Pinaglaruan ko ang kutsara ko at nagkunwaring hindi sila naririnig.

    “Anak siya sa labas? O ampon, ano ba talaga?”
    “None of your biz-“
    “Illegitimate child, ba? OMG? Ba’t ngayon lang nalaman? So scandalous. Alam mo bang pinag usapan namin ‘yan ng tropa ko? Kumabit ba ‘yong mommy niya sa iba?”

    Hindi ako makahinga sa mga sinabi nang kanyang pinsan. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ni Claudette para tumigil ang pinsan niyang iyon ngunit nang bumalik siya sa aming table ay mukha siyang guilty at iritado. Tingin siya nang tingin sa akin at hindi siya matahimik kahit nginingitian ko siya. How will I assure her that I didn’t really hear anything? Nagkibit balikat na lang ako at nagpatuloy sa pagkain.

    Simula pa lang iyon ng lahat. Napagod akong sumagot sa mga tanong ng mga kaibigan namin tungkol sa tunay kong pagkatao. Apparently, it wasn’t a secret anymore. Alam agad lahat ng nakakakilala sa amin na either ampon ako o anak ako sa labas.

    “The Montefalcos should just get rid of her. Nakakahiyang eskandalo.” Narinig ko sa mga relatives ng mama nina Azi.
    “Matalino si Lorenzo pero bakit niya tinanggap si Helena pagkatapos nang nangyari. Worst, nagbunga pa.”

    Noong una ay pahapyaw lang ang sakit na naramdaman ko ngunit kalaunan ay sinasaksak na ako.

    “Klare, ampon ka o anak sa labas?” Tanong ng isang kakilala.

    Hindi ko alam kung nagpapatawa ba siya sa tanong niya o seryoso. Hindi pa rin ako natanong ng ganito ka diretso.

    “A-Anak sa labas.” Sagot ko.

    Tuwing ganon ang isasagot ko ay parang nadidisappoint silang lahat. Para bang mas maayos kung naging ampon na lang ako. Patalikod na sakit ang idinulot nito sa akin. Iyong araw-araw, nababato ako ng mga salita at ayos lang iyon sa akin pero sa totoo lang ay nanunoot ito at nasasaktan talaga ako.

    “Ba’t di mo pa iniiba ang apelyido mo?” Inosenteng tanong ni Hannah nang kinwento ko sa kanila ang lahat isang araw sa mall.
    Nakanganga lang ako. Marami akong gustong sabihin ngunit hindi ko naituloy.
    “Ha? Bakit niya ichi-change, Hannah?” Tanong ni Julia.
    “Hello! It’s her real father. Mas mabuti na iyong malinaw. At isa pa, sabi ni daddy, dapat daw mag change kung ganito ang sitwasyon. Mapapahiya kasi si Mr. Montefalco kung hindi. Okay sana kung tulad noon, na walang nakakaalam. Pero ngayong kumalat na na anak ka ng isang Filipino-Chinese, dapat ay dinala mo na ang apelyido nila para humupa na ang issue at patahimikin na nila ang daddy mo.”

    Binalewala ko iyon lahat. Ayokong mag paapekto. Oo, naaapektuhan na ako ngunit pag iisipin ko pa ito lalo ay mas lalo lang akong maapektuhan kaya pipiliin kong huwag nang mag isip.

    “My…” Isang araw habang kumakain ako ng cereals.
    “Hmmm?” ani mommy nang gumagawa siya ng sandwich para kay Charles. May swimming lessons kasi iyon ngayon.
    “Sama kaya ako ng Davao kina Pierre at Hendrix?”

    Halos matapon ang sandwich na ginagawa ni mommy dahil sa tanong ko. Pulang pula ang kanyang pisngi nang bumaling siya sa akin.

    “You are not going anywhere, Klare Desteen!” Nanggagalaiti siya.
    “It’s just a vacation, mom. Say… 5 day-“
    “NO!” Sigaw niya.

    Mas lalo lang lumayo ang damdamin ko sa lahat. It’s depressing… wala akong masandalan at makausap. Walang makakaintindi. Alam ko. Dahil noon, may mga kaibigan ako sa school na illegitimate child o iyong mga batang galing sa isang broken family, at inaamin kong noon, hindi ko naiintindihan ang mga desisyon at mga trip nila. Ngayon, hindi ko namamalayang ganon na rin ang mga desisyon at trip ko… dahil ako na ang nasa kalagayan nila.

    “Nakakaingit ka, Clau.” Sabi ko isang araw nang nagkita kaming magpipinsan.

    Masayang masaya sina Erin at Chanel kasama ang mga boys. Tahimik lang ako sa gilid katabi ang natatawang si Claudette dahil sa mga ginagawa ng mga pinsan namin. Napawi ang ngiti niya at bumaling siya sa akin.

    I hate that I feel so depressed. Ayaw ko mang pahiran ang ibang tao sa pagiging problemado ko, nagagawa ko parin. Naguilty agad ako nang nakitang nalungkot si Claudette. Kani kanina lang ay tuwang tuwa siya sa ginagawa nila.

    “Sorry.” Sabi ko.
    “Klare…” Sabay hawak niya sa likod ko.

    Dammit! Bakit tuwing pinapansin ako ay naiiyak ako? Isang kalabit lang sa akin ay naiiyak ako! Para akong bomba na pag nahagip lang nga kahit ano ay agad nang sasabog!

    “Don’t be sad about it. Ugh!” Suminghap siya. “I actually don’t know what to say…”

    Alam ko. Alam kong nahihirapan ang mga taong mag adjust at umintindi dahil sila mismo wala pang napagdadaanang ganito. I just want to shut up and keep all my feelings to myself. Kaya lang, minsan, hindi ko maiwasan. Para akong isang balde na napupuno at umaapaw. Resulta ay nadadamay ko ang taong nasa paligid ko.

    “It’s okay.” Yumuko ako at ngumisi.

    I guess I’ll just keep all of these to myself, huh?

    “Oh, Klare! Para kanino itong mga bulaklak?” Tanong ni Kristal na tindera ng flowershop sa baba ng building namin.
    “Ah! Ilalagay lang ni mommy sa dining table.” Sabi ko.
    “Oh? Akala ko naman ibibigay. Madalas kasi lilies yong inoorder niya. Ngayon white roses.” Tumango si Kristal. “Wait? Montefalco ka parin ba?”
    Nagulat ako sa tanong niya. “Oo. Bakit?”
    “E, pwede mo nang ibahin apelyido mo diba kasi iba naman daddy mo? Bakit Montefalco ka pa rin?”

    Isang inosenteng tanong na hindi ko masagot. Damn!

  • Kabanata 3Open or Close

    Kabanata 3
    Klare Desteen L. Ty

    Sa sumunod na linggo ay mas lalong lumala ang mga usap usapan. Hindi nga ako nakasama kay Pierre at Hendrix sa Davao. Hindi na rin naman nila ako pinilit na sumama doon. Halos wala nga akong text na nakuha galing sa kanila. Si Mr. Ty lang ang text nang text sa akin.

    Mr. Ty:
    Klare, hindi pa nakakauwi si Pierre at Hendrix dahil sa isang basketball tournament na sinalihan. Pag nagbago ang isip mo, just text them. I really want to bond with you.

    Mas mabuti na rin sigurong hindi ako natuloy sa Davao sa linggong ito. Na promote kasi si daddy bilang Head of Office sa kanyang trabaho. Nagkaroon ng isang party, despidida sa retired Head of Office at welcome naman para sa bago.

    Pumalakpak ako nang pumalakpak ang audience para sa speech ni daddy. Ngiting ngiti si daddy at halata sa buong opisina na paborito siya ng lahat. Maraming kumukuha ng picture sa pagsasalita niya.

    Kumakain lang si Charles ng ice cream. May mantsa na ang kanyang maliit na tuxedo. Pinanood ko siya habang nakikita si mommy sa gilid ko na may katawanan at kabulungan. Naghiyawan ang ibang matatandang empleyado sa nakakatawang speech ni Daddy. Nang may sinabi naman siyang makabagbag damdamin tungkol sa pag alis ng kanilang dating Director ay natahimik naman ang mga tao.

    Kasabay ng pananahimik ng mga tao ay ang pagkakarinig ko sa mga salita ng kasamahan niya sa opisina. Sa likod ko ay nagbulung-bulungan sila…

    “Sayang si Lorenzo. Hindi pala kanya pero inangkin niya. Dapat ay dinala na lang ng bata iyong apelyido ng tunay na ama nito para hindi siya mapahiya.” Boses ng isang matandang babae.

    Nilingon ko si mommy na nakangiti at inspiradong pinapanood si daddy. Ako lang ang nakarinig ng mga sinasabi sa likod. Kahit na sabihin nating maaaring naririnig ito ni Charles, hindi niya naman alam kung ano ang ibig sabihin nito.

    “Oo nga, Mat. Kung ako si Lorenzo, matatanggap ko naman iyong bata pero di ko isusunod sa apelyido ko at magkunwaring akin ang batang iyon.”

    Kinagat ko ang labi ko at halos manginig ang kamay ko sa halo halong mga emosyon. Bakit ganon? Daddy loves me so much. Iyon ang dahilan kung bakit kinupkop niya ako kahit na resulta ako ng pagkakamali ni mommy. Iyon na lang sana ang pagtuonan ng pansin.

    “Okay lang naman talaga, e. Kaya lang, kabit pa ‘yong asawa niya.”, mas mahinang bulungan nila.
    “Tama. Eskandalo talaga. Narinig kong nairita si Atty. Benedict Montefalco sa pang iintriga tungkol diyan. Ayaw nilang magsalita.”

    Nilunok ko ang mga luhang nagbabadyang lumabas sa aking mga mata. Ganito na lang ba talaga palagi? Nilingon ko ang mga kasama ni daddy na nag uusap tungkol sa akin. Sa paglingon ko ay nalaglag ang kanilang mga panga at naging resulta sa pag uusap nila sa mas mahinang tono na hindi ko na marinig. Ang dalawang matandang babae ay ngumingiwi sa akin at hindi man lang nahiya sa kanilang inasal.

    Pumikit ako nang naalala ko ang lahat ng iyon. Sa mga panahong iyon, patong patong na ang naging problema ko. Masyado na akong naguluhan at pakiramdam ko ay sasabog na ako sa isang kalabit na lang.

    Hinilig ko ang ulo ko sa upuan. Napatalon ako nang bigla kong narinig ang boses ni Pierre.

    “Kuya, lay your seat back. Para makatulog si Klare.”

    Pinanood kong sinunod ni Hendrix ang sinabi ni Pierre kaya nakahilig ako nang mas maayos sa upuan. Pinanood ko ang bawat punong nadadaanan namin. Nakalayo na kami sa Davao. Nasa mga probinsya na kami at ilang oras pa ang byahe.

    “Klare, we’ll stop for lunch later. Pag ginutom ka ng mas maaga sa break natin, sabihin mo sa akin.”, ani Hendrix.
    Tumango ako at pumikit.

    Ito ang isa sa dahilan kung bakit ako naging malakas sa mga panahong iyon. Nakilala ko si Pierre at Hendrix. Hindi ko alam kung paano nila nagagawa ang pag aalaga at pag aalala sa akin. Kung tutuusin ay dapat galit at matabang silang dalawa sa akin. Hindi iyon nangyari. Ang mga pagkukulang at mga guwang na naramdaman ko sa aking sarili ay napunan nilang dalawa. Maging si Papa ay ganon ang pinaparamdam sa akin.

    Nang pinayagan ako ni dad na pumuntang Davao, hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot. Mawawalay ako sa kanila ngunit matutupad ko na ang gusto ko. Hindi nagustuhan ni mommy ang desisyon na iyon. Aniya’y sapat na na nakilala ko si Mr. Ty, sapat na na nalaman ko ang katotohanan at hanggang doon na lang iyon.

    “Helena, pagbigyan mo ang anak mo. Gusto mo ba, Klare?” Tanong ni daddy nang pinagtaasan na siya ng boses ni mommy.

    Dahan dahan akong tumango. Galit ang nakita ko sa mga mata ni mommy ngunit hindi niya ako pinagbuntungan. Imbes na ako ang tirahin niya ay si daddy ang binanatan niya. Nag away ang dalawa dahilan kung bakit mas namroblema pa ako.

    “Ate, dad is not around and mom is really busy. Kailangan kong pumasok sa swimming lessons today,” wika ni Charles.
    “Ganon ba, Charles? Sa Marco ‘yon diba?” Kinagat ko ang labi ko.

    Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Commute? Mag text kay Azi o kay Damon? What? Hindi na ako nakapag isip ng maayos. Lalo na nang narealize kong inasahan ni Charles na ako ang maghahatid sa kanya. Tinext ko na agad ang mga boys para matulungan ako. Nakapag reply si Josiah, Rafael, at si Azi. Sa kanilang tatlo ay nauna si Azi na walang ginagawa kaya siya ang naabala ko.

    “Sorry, Azi… Wala talagang maghahatid.” Utas ko.
    “Asan ba si tito?” Tanong niya habang nilalagay ni Charles ang bag niya sa likod.
    “Nasa trabaho.” Palusot ko.
    “Ganon? Kahit pala Sabado ay nagtatrabaho iyon. No wonder na promote.”

    Ngumiti na lang ako. Bago umandar ang sasakyan ay tinapat ni Azi ang airfreshener sa aircon. Kinagat ko ang labi ko nang bumuhos sa akin ang mga alaala noon. There’s something with that scent. Maging ang showergel ko ay hindi ko na naaamoy nang walang naaalala.

    Umubo si Azi at pinaandar ang kanyang sasakyan. Kinukurot naman ang puso ko habang pinapanood ang mga sasakyan sa labas. Kailangang mag salita pero wala akong masabi. Baka manginig lang ang boses ko.

    May mga amoy, pakiramdam, sitwasyon, o bagay talaga na noon ay binabalewala mo at pag naging alaala na lang ay lagi mong naiisip. Nakakatuwa kasi kahit iyong pakiramdam ko tuwing malamig na gabi, siya ang naiisip ko. Ang amoy ng showergel at amoy ng airfreshener, siya ang naiisip ko. Kahit anong gawin kong iwas na isipin siya ay hindi ko talaga magawa.

    “Kuya Azi.” Ani Charles at pumagitna agad sa amin nI Azi. “I miss kuya Elijah. Do you?”

    Hindi kumibo ng ilang segundo si Azi. Pakiramdam ko ay kahit siya, nakakaramdam ng awkwardness sa tanong ni Charles.

    “Of course.”
    “Ate misses him too, for sure.”

    Hindi ako sumagot sa sinabi ni Charles. He concluded, anyway.

    “By the way, Klare. Nag usap na kayo?” Biglaang tanong ni Azi.
    Umiling ako at binalingan siya. “I’m not allowed to talk to him.”
    “Kami rin.” Aniya.
    Nagulat ako sa sinabi niya. “Sabi ni daddy, kung di namin kayang tumahimik tungkol sa nangyari sa iyo ay mas mabuting huwag na lang makipag communicate kay Elijah. Besides, hindi naman din siya naghahanap ng paraan para makipag communicate. No Facebook, Instagram, or anything. Just nothing. Kaya wala rin.”

    Naging mabuti rin naman iyon para sa akin. Alam kong sa oras na malaman niya ay maaaring tatakbo iyon pabalik dito. Yes, I needed him. Kaya lang, gaya ng sinabi ko, wala akong maibibigay sa kanya sa ngayon. Puro sakit lang at sama ng loob. I’m broken. So broken.

    Umalis ako papuntang Davao para makapag bonding kay Mr. Ty at sa dalawa kong half brothers. Iniwan kong nag aaway si mommy at daddy dahil don. Hinatid ako ni Tito Benedict sa SM dahil doon daw ako ipi-pick up nina Pierre at Hendrix.

    “Klare,” Basag niya sa matinding katahimikan. “Hindi na ako magpapaliguy ligoy pa, pero na consider mo na bang magpalit ng apelyido?”

    Nagulantang ako sa tanong niya. Pinagmasdan ko pa si Tito habang nagmamaneho. Ngayon alam ko na kung bakit ayaw niyang si Josiah o ang driver nila ang mag mamaneho para sa akin. May gusto siyang itanong na sakin.

    “Hindi pa po. Hindi naman ata iyon pwede.” Sabi ko.
    “It’s allowed, Klare. Di ka na minor at biological parent mo si Mr. Ty. Hindi ko sinasabing magpalit ka. I just want to know kung may balak ka ba.”

    Ano ba ang makukuha ko pag magpapalit ako ng apelyido? Matitigil ba si mommy at daddy sa away nilang dalawa? For sure matitigil ang tsismis sa kay daddy sa pagkupkop niya sa akin at sa pagiging martyr niya sa mga kasalanan ni mommy. Matitigil ang lahat ng ito.

    Hindi ko masagot ang tanong. Kaya nang nagbakasyon ako sa Davao at naging mas magaan ang loob ko doon ay mas lalong nabura ang linya sa gitna ng dalawang apelyido.

    “Welcome to Samal, Klarey!” Ani Pierre habang vinivideo ako sa loob ng bangkang inarkila namin.

    Hinawi ko ang camera ngunit tumawa lang siya at nagpatuloy. Tinakpan ko ang mukha ko.

    “Camera shy ang kapatid ko.” Tumawa siya.

    Mabilis ang pintig ng puso ko sa pagkakasabi niya iyon. Ang kumpirmasyong iyon galing sa kanya ay nakakataba ng puso. Naramdaman kong may pamilya ulit ako. Iyong tipong masyadong mahabang panahon akong naging palaboy sa daan at sa ngayon ay may kumukupkop na sa akin. It’s heartwarming.

    Alam kong mali ang mag isip ng ganon. Pamilya ko parin ang mga Montefalco. Sila lang talaga. Ngunit hindi ko kayang magsinungaling sa sarili ko. Staying with them was hard. Hindi naging madali ang makasama sila simula nang nalaman ng lahat ang totoo. I think it will never be the same again. At naiinis ako sa sarili ko kasi nararamdaman ko ito. Traydor ako at ayaw ko nang ganito.

    Nang nakalapit na kami sa baybayin, nagulat ako nang tumalon si Hendrix sa dagay kasama ang isang malaking board.

    “Pangit mo, Kuya!” Sigaw ni Pierre na tinutok naman ngayon ang camera kay Hendrix na sinusubukang tumayo sa board.
    “He knows how to surf?” Napatanong ako nang nakitang kaya niyang gawin iyon sa medyo malalaking alon.
    “Uh, not really!” Tumawa si Pierre nang lumagapak ang dagat dahil sa pagkahulog ni Hendrix.

    Lumitaw ang dirty finger ni Hendrix galing sa dagat bago siya umahon. Humagalpak si Pierre at natawa na rin ako.

    “Bye, Kuya! That’s not how you do it, though.” Tinutok niya ulit sa akin ang camera.

    Nakapangalumbaba ako habang tinitingnan si Hendrix na nakahawak sa kanyang board sa malayo at tumatawa dahil may babaeng naka jetski na para bang umiikot sa kanya.

    “Ayos lang kay Tita Marichelle at Mr. Ty na sa resort lang sila?” Tanong ko.
    “Ganon talaga ang matatanda. Less adventurous.” Humalakhak ulit siya.
    Hinawi ko ang camera ngunit hindi siya tumigil.
    “Ba’t mo tinatawag si Dad ng Mr. Ty? You’re too formal for my taste, Klare.” Aniya.
    Nagtaas ako ng kilay. Ganon din ang ginawa niya sa akin. Sa camera siya nakatutok at hindi sa mga mata kong pinapanood siya. “Wala namang sinabi si Mr. Ty na tawagin ko siyang kahit ano. I think he’s okay with ‘Mr. Ty’.” Sabi ko.
    Umiling siya. “Daddy is just shy, Klare. Ayaw niyang mag request sayo nga ganon. It’s all up to you now.”
    Nag iwas ako nang tingin. “May daddy ako, Pierre.”
    “Papa, then?” Aniya.
    Bumaling ako sa kanya. Pinatay at binaba niya ang camera bago bumaling sa akin.
    “Papa. Say it, Klare. He’ll be happy.”
    “Nahihiya ako.” Uminit ang pisngi ko.
    “Eighteen years at sasabihin mo lang sa akin na nahihiya ka? Come on, pasayahin mo siya pagkatapos ng labing-walong taon na paghihirap na maalagaan ka.”

    Bumaling ako sa papalapit na baybayin. Nakita kong nakatayo ang naka polo na si Mr. Ty o papa… Naka higa naman si Tita Marichelle sa Sun Lounger. May dala siyang lemonade at malaki ang kanyang sumbrero. Malaki ang ngisi ni papa nang tumigil ang bangka sa harap niya.

    “Promise me, turuan mo akong mag skim board?” Sabi ko kay Pierre habang pinapanood siyang dinadampot iyong skimboard sa sahig ng bangka.
    “Bilhan pa kita ng board, kung gusto mo.” Malaki ang ngisi niya.

    Nakalahad ang mga braso ni Mr. Ty para sa aming dalawa. Nilingon niya ang bangka at kumunot ang kanyang noo.

    “Where’s your ahia, Pierre?”
    “Nandun sa mga alon. Nan chi-chix, dad. Some Anne Curtis look alike.” Humalakhak si Pierre.
    Umiling si Mr. Ty at bumaling sa akin. “How was it, darling?” Malambing ang kanyang tono.
    Pinagmasdan akong mabuti ni Pierre. Yumuko ako bago nagsalita. “I enjoyed it, pa. Thank you.”

    Walang nagsalita. Ni si Tita Marichelle na madalas ay umaangal ay hindi na nagsalita. Hindi ko matingnan ang mukha ni Mr. Ty… o ni papa… Basta naramdaman ko na lang ang mainit na yakap niya na nagpaluha sa akin. Damn, it’s been ages since I felt this… Naiirita ako sa sarili ko kasi ganon ang naramdaman ko. Klare, ayusin mo naman. You are a Montefalco.

    Walang nagsalita kahit humupa na ang luha ko. Nagawa pang magbiro ni Pierre sa isang walang kinalamang bagay na dahilan kung bakit mas naging magaan ang loob ko sa kanila. It feels like home… feels like they are my family. Real family.

    Naiisip ko si Charles at ang mga ginawa niyang bagay para mapasaya ako. Nahahabag ako. He’s my family, too. Kung pwede lang ay dalhin ko siya saan man ako magpunta pero sa Montefalco Building siya dapat, kasi nandoon ang kanyang mga magulang. Naiirita na naman ako kasi naiisip kong dapat ay maging masaya ako sa piling ni mommy at daddy. Mahal ako ni mommy, mahal ako ni daddy, pero bakit hindi ko magawang maging masaya? Bakit ako naghahangad ng higit pa? Natural ba talaga iyon sa mga batang anak sa labas? Natural ba talaga na mangailangan ako ng iba pa bukod sa kanila? Noong hindi ko pa alam na anak ako sa labas ay hindi naman ako nangailangan ng iba, a? Kung ganon, ano ang nagbago? Anong meron noon na nawala na ngayon? Bakit lubos akong nangangailangan ng pagkalinga ni papa kung nandyan naman ang pamilyang kinagisnan ko?

    Hindi ko alam. Siguro ganito nga talaga pag may kulang sa pagkatao mo. Kaya siguro hindi ko maintindihan noon ang mga desisyon ng mga anak sa labas ay dahil hindi ko iyon nararanasan. At ngayong nakakaranas na ako, kinikwestyon ko naman ang nararamdaman ko. I really can’t blame anyone. Ganito lang talaga ang pakiramdam. Walang kasalanan kahit sino. Talagang ganito lang ang pakiramdam.

    “Paki lista po ang mga pangalan ng guests, Mrs. Ty.” Anang babae sa reception hall bago kami kumain sa restaurant.

    Nag uusap si Hendrix at Pierre habang pinapanood ko si papa na may kausap sa cellphone at si Tita Marichelle na nag susulat.

    “Check ko lang po kung tama ba: Ricardo Ty, Marichelle Ty, Hendrix Richard Ty, Pierre Angelo Ty… Yong babae po?” Sabay turo sa akin ng babae.

    Napatalon si Tita Marichelle nang nakita ako. Para bang nagulat siya dahil nandito nga pala ako.

    “Klare, what’s your name? Just Klare Montefalco?” Tanong ni Tita sabay sulat.
    “Klare Desteen.” Sagot ko.
    “Girlfriend po ni Pierre, Madame?” Humalakhak ang babae sa receptionist.

    Umiling si Pierre at ngumisi sa akin.

    “That would be incest.” Ani Hendrix. “Yon ang tunay na incest.” Bulong niya.
    Tumawa ang dalawa. Hanggang ngisi lang ako habang pinagmamasdan si Tita Marichelle na tinataas ang kanyang malaking aviators. “Girlfriend agad? Why not katulong, miss?”
    “Mom!” Sigaw ni Hendrix.
    Nakita ko agad na binaba ni papa ang kanyang cellphone para lapitan si Tita Marichelle. “Marichelle! You’re being rude to my daughter!” Sigaw ni papa.
    Nakita kong tamad na umirap si Tita Marichelle sa receptionist na nagulantang din. “Daughter.” Aniya.
    “Say sorry!” Utos ni papa.

    Galit na galit siya. Ngayon ko lang ata nakitang nagalit siya nang ganito. Mas galit pa siya ngayon kumpara sa unang pagkikita namin ni Tita Marichelle at sa pag ngiwi niya sa akin noon.

    “You okay, Klare?” Tanong ni Pierre.
    “Mom, stop acting like some spoiled brat. Tanggapin na natin. It’s been eighteen years.” Ani Hendrix.
    “Marichelle!” Sigaw ulit ni papa.
    “Alright, alright! Napapahiya pa ako! Ba’t kasi di na lang magpalit ng apelyido para di na tayo natatanong. I hate answering stupid questions, Ricardo. Change her surname, already. Ayokong sa kada pasok natin sa mga hotel o sa mga usiserong nagtatanong ay ako pa ang sasagot sa mahabang istoryang ginawa mo!” Bumaling si tita Marichelle sa akin gamit ang matalim at chinita niyang mga mata. “Change it, Klare. Isa kang Ty. Change your family name.”

    Ilang linggo pa bago ko tuluyang napag desisyunan ang lahat. Nang dumating ako sa bahay ay nag kaayos na rin naman si mommy at daddy. Naging mabuti iyon para sa akin. Ngunit nang sinabi ko sa kanilang makikipag kita ulit ako sa mga half brothers kong sumama pabalik ng Cagayan de Oro ay hindi na ako pinayagan ni mommy. Nagalit ulit si daddy sa kanya.

    “You are being possessive!” Sigaw ni daddy.
    “Well that’s because Ricardo is brainwashing her, Lorenzo! Please understand me! Akala ko ba napag usapan na natin ito?”

    I just want them to shut the hell up! Ano ngayon kung sasama ako sa mga Ty? Hindi naman ibig sabihin non ay kanila na ako. Ang gusto ko lang naman ay maging malaya. Malayang gumalaw sa gitna ng dalawa ngunit hindi talaga yata matatahimik ang lahat.

    Hindi na rin ako matahimik. Isang araw ay nilapitan na ako ni Papa kasama si Tito Benedict. Nagulat ako nang si daddy rin daw mismo ang nag suggest. Alam niyang nahihirapan na ako sa sitwasyon. Hindi ko alam pero naintindihan ko. I need to stand. Kailangan kong pumirmi bilang isang Ty, dahil iyon naman talaga ang apelyido ko. I don’t deserve their family name. I’m not a Montefalco. I never was. But my dad made me who I am today. Utang ko sa kanila ni mommy kung ano ako ngayon and I’m proud of that. Pero siguro dumating na ako sa punto na kailangan ko na talagang klaruhin ang lahat ng ito. Set things straight… I am Klare Desteen L. Ty.

  • Kabanata 4Open or Close

    Kabanata 4
    Hindi Nakita

    “Klare, I’m really sorry.” Napapaos ang boses ni Tito Azrael nang sinabi niya ito sa akin.
    “It’s okay, Tito.” Sabi ko.
    “Naging malupit kami sa iyo lalo na nang nalaman namin ang tungkol sa inyo ni Elijah. Natakot ang daddy mo na dahil don ay lalabas ang katotohanan tungkol sa pagkatao mo. Understand that we really want to keep you. Ayaw niyang magkaroon ka ng insecurities sa pagiging Montefalco mo. Dapat ay hindi ka mag dalawang isip.” He sighed.
    Tumango ako. “Naintindihan ko po ang lahat, Tito. At pasensya na rin po sa desisyon kong ito-“
    “No, don’t say sorry for that. We understand. Alam naming lahat na sa oras na malaman mo ang tungkol sa tunay mong pagkatao, maaaring ganito ang mangyayari. Besides, Ricardo Ty is really determined to give you his name.”
    “No, Tito. Wala pong kinalaman si Papa dito. Ako po ‘yong nag desisyon.”

    Ang mga tito at tita ko ay naging open-minded sa desisyon ko. Nagpapasalamat ako doon dahil hindi ko na kailangan pa ng karagdagang issues. Natanggap na rin ni mommy ang desisyon ko ngunit madalas ay hindi niya parin naiiwasan ang pagbabawal sa akin sa pakikipag kita sa mga Ty.

    “Klare, sinong kasama mo ngayon sa mall?” Tanong ni mommy nang paalis na ako.

    Ang totoo, sasama daw si Pierre sa akin ngayon kahit na kasama ko ang mga pinsan ko. Gustong makipag kita ni Claudette sa akin kaya pupunta ako at isasama ko si Pierre.

    “Sina Claudette at Erin po.”

    Hindi ako nagsinungaling ngunit hindi ko rin sinabi ang totoo na kasama si Pierre. Alam kong pag sasabihin ko lang rin naman ang totoo ay pagbabawalan niya ulit ako at mag aaway na naman kaming dalawa.

    Nang dumating ako sa Starbucks ng Centrio Mall naaninag ko kaagad ang mga pinsan ko sa maraming table. Nandoon silang lahat. Si Azi, Damon, Rafael, at Josiah sa iisang table habang si Erin, Chanel, at Claudette naman nasa isa pa.

    “Klare, may titingnan lang ako sa loob. Susunod ako.” Ani Pierre habang gumagala na ang mga mata sa loob ng mall.
    “Okay…” Sabi ko at hinayaan siyang umalis.

    Unang nakakita sa akin si Azi na agad kumunot ang noo at nag iwas ng tingin. Ngumiti ako nang nag tama ang mga mata namin ni Erin at kinawayan ko sila ngunit ang malulungkot lang na mata ni Claudette ang bumati sa akin.

    Pagkapasok ko sa Starbucks ay tumayo agad si Claudette at naglahad ng upuan. Papaupo na ako nang biglang tumayo si Azi.

    “Alis na ako.” Aniya.
    “Kuya, andito na si Klare. Saan ka pupunta?” Tawag ni Claudette.
    Bumaling si Azi sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang kitang kita ko ang nag aalab na galit sa mga titig niya. “Ayoko naman siyang makausap.”
    “A-Azi, bakit?” Tanong ko nang tinalikuran niya ulit kami.

    Tumayo na rin si Damon para sumunod kay Azi. Walang sinabi si Damon pero ramdam ko rin ang galit niya. Nilingon ulit ako ni Azi at mas matalim na tinitigan.

    “Tingin mo hahayaan ka ni Elijah na magpalit ng apelyido, Klare? Kung nandito siya, hindi ka hahayaan non. Magkakamatayan pero Montefalco ka dapat! Pero ikaw, anong ginawa mo?” Tumaas ang tono ng kanyang boses.
    Nalaglag ang panga ko sa galit na ipinakita niya. Nangapa ako sa mga salita. “A-Azi, hindi mo naiintindihan-“
    “Ikaw ang hindi ko maintindihan. Dammit, Klare. I don’t want to talk to you.” Aniya at mabilis na humakbang palabas.

    Nakita kong nakatingin na ang ibang mga tao sa loob ng Starbucks. Kinagat ko ang labi ko at pinasadahan ng tingin ang mga natitira. Claudette’s upset about the scene. Sinundan niya ng tingin ang kanyang kapatid na mabilis na umalis kasama si Damon. Hindi niya man lang kami nilingon sa loob.

    “Sorry, Klare. Sorry sa inasal ni Azi at Damon pero naiintindihan ko sila.” Suminghap si Rafael.
    Tumango ako at bumilis ang pintig ng puso ko sa kabang ngayon lang nagparamdam. Masyado akong nagulat sa nangyari na naging late ang reaction ko. “Naiintindihan ko, Raf. Sorry din talaga. Naiintindihan ko kung bakit galit kayo sa akin.”
    “Hindi ako galit, Klare. Hindi lang talaga kita maintindihan.” Umiling si Josiah at nag iwas ng tingin.

    Umupo si Claudette sa harapan ko at tiningnan ang dalawa kong pinsan sa tabi ko. Diretso ang tingin ni Erin sa kapeng inorder samantalang si Chanel naman ay nasa cellphone ang buong atensyon.

    “I’m sorry, Erin.” Sabi ko.
    Kinagat ni Erin ang kanyang labi at nag angat agad ng tingin sa akin.

    Pulang pula ang kanyang mga mata. Para bang naiiyak siya ngunit pinipigilan niyang lumuha para lang maharap ako.

    “Hindi ka namin maintindihan, Klare. Sige nga… mag explain ka kung bakit mo nagawa ang katraydurang ito?” Aniya.
    “Erin, hindi ako nag traydor. Kinailangan kong klaruhin sa mga tao at sa sarili ko kung ANO talaga ako.”
    “Montefalco ka! At sinabi mo samin na kami ang pipiliin mo!” Sigaw niya.
    “God, Erin! Hinaan mo ang boses mo.” Angal ni Claudette.
    “Wala akong pinipili! Montefalco ako! Ty rin ako! Dalawa ang pamilya ko. Mahal ko ang mga Montefalco. Walang tanong dyan dahil kayo talaga ang pamilya ko. Ngunit hindi ko maipagkakaila na pamilya ko rin ang mga Ty. Wala akong pinipili, okay?”
    “Walang pinili pero nag iba ng apleyido? Bakit? Hindi ba pwedeng Montefalco ka na lang-” Ani Chanel na pinutol ko.
    “Hindi niyo kasi alam. Hindi niyo nararamdaman ang nararamdaman ko. Hindi niyo alam kung paano ako nag hirap-“
    “Kami rin. Hindi mo rin alam kung paano kami naghirap dito at paano kami natraydor sa ginawa mo!” Ani Chanel.
    “Erin, Ate… Please, stop it.” Ani Josiah.
    “Hindi, Joss, kailangang malaman ni Klare na hindi natin nagustuhan ang ginawa niya.” Iling ni Chanel.
    “Klare, sabihin mo nga.” Pumikit ng mariin si Erin bago ako binalingan. “Nagpalit ka ba ng apelyido para magkatuluyan kayo ni Elijah?”

    Nalaglag ang panga ko sa tanong niya. Ni hindi ko kayang isipin ang tao sa gitna ng paghihirap kong ito. Oo, naaalala ko siya ngunit hindi siya ang inisip ko nang nag palit ako. This is not about him, anymore. I need clarity and peace for myself. At para makuha ang lahat ng iyon, kailangan kong maging klaro sa sarili ko at sa ibang tao. Wala siyang kinalaman sa lahat ng desisyong tinahak ko!

    “Bakit di ka makapag salita?” Tanong ulit ni Erin.

    Nangilid ang luha ko. Hindi ko na napigilan ang pagluha. Agad ko itong pinunasan. Hindi ako makapaniwala sa tanong niyang iyon. Bakit kailangang masali siya dito? Wala naman siyang kinalaman!

    “Hindi ako mababaw, Erin.” Sabi ko.
    “Hindi mababaw ang naramdaman niyo para sa isa’t-isa. Kaya nga ginagawa mo ‘to ngayon kasi malalim na talaga, diba? Hindi mo kayang hindi kayo ang magkatuluyan-“

    Kasabay nang pagbuhos ng mga luha ko ay ang pag lipad ng kamay ko sa kanyang pisngi. It’s too much! I can’t take her words anymore. Pumitik ang sampal sa kanyang mukha na siyang nagpatahimik sa kanya.

    Bumuhos ang mga luha ni Erin sa ginawa ko. Ganon rin ako. God! We are making a scene here!

    “Kahit kailan, hindi ko siya naisip sa mga desisyon ko. Maaaring nangulila ako sa kanya pero wala akong inisip na ganon!” Sabi ko.
    “Iyon lang ang dahilang naisip namin, Klare.” Ani Chanel.

    Hindi na makapagsalita si Erin dahil sa ginawa ko sa kanya. Mabilis akong na guilty sa pananampal ko. Masyado akong nagulat. Masyado akong nagpadala sa damdamin ko. Kinukurot ang puso ko habang tinitingnan si Erin na naghihilamos sa sariling luha.

    “I’m sorry, Erin.” Nabasag ang boses ko.
    Umiling siya. “Don’t talk to me.” Aniya.
    “Klare, sige nga, sabihin mo bakit talaga? Kasi naiisip lang namin kayong dalawa ni Elijah. Na siya ang dahilan ng lahat ng ito! Na dahil sa kanya kaya mo naisipan ang lahat. Wala kaming ibang maisip kundi iyon.” Ani Chanel.
    “Chan, hinuhusgahan ng mga tao si daddy. Hinuhusgahan ng mga tao si mommy. Kayong lahat, dahil sa akin-“
    “Ni hindi nga kami nag papaapekto, ikaw pa kaya? Hindi kami kailanman nag reklamo!” Ani Chanel.
    “Chanel, tama na.” Bulong ni Claudette. “Let’s go somewhere else to talk.” Sabay hila ni Clau sa braso ni Chanel.
    Hinawi ni Chanel ang kamay ni Claudette.
    “Ngayong Ty ka na, pwede na kayo ni Elijah. Tinalikuran mo kami para mangyari kayo. That’s it, right? Now, Klare…” Nag angat ng tingin si Erin sa akin. “Go and tell him. Alam kong magagawa mo ‘yan. Sabihin mo kay Ate Yasmin na gusto mong kausapin si Elijah. Contact Kuya Just… Go and tell him para kumaripas iyon pabalik dito at magkatotoo kayong dalawa!”

    Hindi tumigil sa pagluha ang mga mata ko. Hindi ako makapaniwala na ganito ang mangyayari. Na ganito ang iisipin nila!

    “Erin, ano ba!” Tumaas ang boses ni Claudette.
    “God! Girls! Tama na!” Ani Josiah at agad tumayo para mag walk out.

    Sumunod si Rafael sa kanya kaya kaming mga babae na lang ang natira doon. Ngunit di nagtagal ay tumayo na rin si Chanel at Erin. Mabilis nilang dinampot ang bag nila. Nakita kong pumasok ang nag aalalang si Pierre sa loob ng Starbucks. Hinanap niya ang mga mata kong nakatitig sa dalawa kong pinsan na ngayon ay nakatayo na.

    “This is not about him, Erin, Chanel. Please, pakinggan niyo ako. Sa sarili ko lang ito. Hindi ito-“
    “Whatever, Klare. Just go fuck yourself. Magkalimutan na tayo.” Mariing sinabi ni Erin.
    “Erin!” Sigaw ko.

    Mabilis na silang naglakad palabas ng Starbucks. Nakita kong pinupunasan nila ang kanilang mga mata dahil sa mga luha. Tumayo si Pierre sa likod ni Claudette. Nakatingin siya sa akin na para bang natatakot at naaawa.

    “Clau, please tell them. This isn’t about him.” Sabi ko sabay hawak sa kamay ni Claudette.
    “I know, Klare. I believe you. Pero hindi nila matanggap talaga. Bago pa sila nag desisyong kausapin ka, sinabi ko na sa kanila pero ayaw nilang makinig. O hindi nila makita ang rason mo.” Aniya.
    “Clau, mahal na mahal ko kayo. Ginagawa ko ang lahat para matahimik ang pamilya. Pero bakit ako ang di natatahimik?” Nabasag ang boses ko.

    Mabilis na dumalo si Pierre sa akin. Kitang kita ko ang gulat sa mukha ni Claudette nang pinunasan ni Pierre ang luha ko sa kanyang harapan.

    “I’m okay, Pierre.” Sabi ko sabay hawi sa kamay niya.
    “Klare, kung nandito si Elijah, tama si Kuya Azrael, hindi ka niya hahayaang mag palit ng apelyido. Kahit na sabihin nating pwede na kayong mangyari pag nagkataon.” Ani Claudette.
    Umiling ako. “I know better. He will understand. He will always understand me.”
    Umiling si Claudette. “Hopefully, pag balik niya, maiintindihan niya.”
    Humikbi ako at nakita kong tumayo si Claudette. Hinawi niya ang kanyang buhok at pinunasan niya ang kanyang pisngi gamit ang tissue.

    Pulang pula ang kanyang ilong. Kitang kita ito dahil masyado siyang maputi. Nag angat ng tingin si Pierre sa kanya.

    “I need to go, Klare. Pupuntahan ko sina Erin at Chanel para kausapin. I’m really sorry for this.” Aniya.
    Tumango ako. “Thanks, Clau. Sorry din talaga.”
    Tumango rin siya at tinalikuran na ako.

    It’s the worst kind of pain. Ang makitang lumalayo sa’yo ang mga taong pinaglaban mo at iningatan mo. Pagkatapos ng lahat, ikaw din pala ang makakasira sa relasyon ninyo. Sa dinami dami ng pinagdaanan mo at sinakripisyo mo para sa kanila, ikaw parin pala ang sisira sa iningatan mo.

    Hindi na ata mag hihilom ang mga sugat na iniwan nila sa akin. Ganon din siguro ang mangyayari sa sugat na iniwan ko sa kanila.

    Sa loob ng dalawang taon, namuhay ako nang hindi sila masyadong kinakausap. They hated me so much. Ang mga lalaking Montefalco ay naging civil din naman sa akin kalaunan. Si Damon at Azi lang ang hindi pa nakaka recover. Halos di pa ako matingnan ni Azi.

    Tuwing nag aaral ako sa isang bench na mag isa, madalas ko silang makitang nag titipon tipon kasama ang ibang kaibigan ni Chanel at mga kaibigan kong si Julia, Hannah, at Liza. Masaya sila sa malayo at malakas ang tawanan habang nag kukwentuhan. Natitigilan ako sa pag aaral para tumingin sa kanila at maalala na minsan ay kasama ako sa grupo nila. It’s heartbreaking. Madalas ay naiiyak ako tuwing nakikita ko at naiisip kong ganon nga. Ang layo layo na nila sa akin. Para bang ang hirap ng abutin. I did this to myself, though. You really cannot hold two things at once.

    “Klare…” Umupo si Hendrix sa tabi ko habang pinagmamasdan ko ang mga pinsan ko sa malayo. “Are you done?” Tanong niya.
    “Yup, Rix.” Niligpit ko ang mga gamit ko sa bag.
    “Uwi na tayo.” Aniya.

    For all the things you’ve lost, you will gain something else. Iyon ang pinanghawakan ko. I lost the Montefalcos for the Tys. It’s not okay. It will never be. Pero magaan din ang loob ko sa mga Ty at hindi ko pinagsisihan na nakilala ko sila. Ang tanging pinagsisihan ko lang ay hindi ko naipaabot sa mga Montefalco kung gaano ako nahirapan sa sitwasyon. I know that they will never understand. Wala sila sa sitwasyon ko. Tanggap ko iyon. Tanggap ko ang lahat. Ngunit hindi ko talaga maipagkakailang nasasaktan ako.

    “Let’s go.”

    Mas madalas ako sa Montefalco Building kesa sa bahay ng mga Ty sa Hillsborough Pointe. Ayaw ko rin kasing mawalay kay Charles dahil ma mimiss ko siya. Ngunit may mga buwan ding sa mga Ty ako umuuwi. Lalo na pag nandyan si Papa sa syudad para sa negosyo.

    Tuwing pasko naman, umuuwi sina Pierre at Hendrix ng Davao kaya sa bahay ako namamalagi. At tuwing nagkakaroon ng annual party, naiisip ko na lang ang mga nangyari sa amin noon ni Elijah sa pasko. Wala na rin kasi akong pinagkakaabalahan dahil si Claudette na lang ang kumakausap sa akin. Ang tanging nakakapag pagising lang sa akin ay ang madalas na pagkakadulas ni Azi sa kanyang galit. He’s the coldest among the boys. Ngunit siya rin itong madalas na madulas…

    “Knoxx, Rafael, Damon, Azrael, Josiah, Charles, Erin, Chanel, ako… sinong kulang?” Tanong ni Claudette habang kukunot ang noo at inaayos silang lahat para sa annual picture.
    “Si Klare!” Maligayang sinabi ni Azi.

    Napatalon ako nang binaggit niya ang pangalan ko. Natahimik silang lahat. Nakangisi siya nang tiningnan niya ako ngunit agad napawi nang siguro ay naalala niya na galit dapat siya sa akin.

    “Sorry.” Sabi ko sabay tayo para lumapit sa kanila at magpapicture.

    “Klare…” Bulong ni Hendrix sa akin. Unti unti kong dinilat ang akong mga mata. Nakarating na ba kami sa Cagayan de Oro?

    Nilingon ko ang labas at hapon na. Papalubog na yata ang araw. Nakita ko ang pamilyar na mga kalsada ng Cagayan de Oro. Hindi ako makapaniwalang nandito na ulit ako. Kahit na halos dalawa o tatlong araw lang ako sa Davao, pakiramdam ko ay ang tagal kong di nakabalik.

    Inayos ni Hendrix ang upuan namin at mas lalo kong nakita ang maraming mga sasakyan, hudyat na malapit na kami sa puso ng syudad.

    “San ka matutulog? Sa bahay o sa building niyo?” Tanong ni Hendrix.
    “Sa bahay na lang muna? Hindi ko alam.” Kinusot ko ang mga mata ko at kinuha ko ang cellphone ko.

    Bago kami umalis ng Davao ay tinext ko si mommy na uuwi ako ng Cagayan de Oro. Ngayong nasa Cagayan de Oro na kami ay nabasa ko naman ang text niya.

    Mommy:
    Klare, I’m sorry di ka namin agad na inform agad. Itetext na sana kita ngayon kaso nakita ko itong text mo. Pupunta kaming tatlo sa Singapore and Hongkong. Isang linggo kami doon, kasama si Charles at ‘yong mga kaibigan niya. Do you want to come with us? Bukas ng umaga ang flight. Ibobook ka namin ng ticket once makapag desisyon ka na.

    “Oh no…” Sabi ko. “Pupunta sila ng Singapore at Hongkong.”
    Nakatingin na si Pierre sa akin. Tiningnan ko naman silang dalawa. “Sama ka?” Tanong nila.
    “Hindi siguro. Kasama ni Charles ang mga kaibigan, e. I’ll just wait till they come back. Sa bahay na lang ako ngayon. For the whole week.” Sabi ko.
    “Maybe we should plan a trip, too? Nakakaumay sa bahay.” Ani Pierre. “Ikaw Kuya?”
    “Siguro. Pero tayong tatlo lang?”
    “Why not? It’s fun. I’ve never been to Camiguin. Nakapunta ka na, diba, Klare?” Ani Pierre.
    “Oo.”
    “I’ll text Vaughn and the gang. Kaso sabi nila sa Davao sila magbabakasyon.” Kinuha ni Hendrix ang kanyang cellphone at tumingin sa driver ng van. “Paki liko sa Limketkai. Dinner muna tayo.”

    Kung ano man ang plano nila, magpapadala na ako sa agos nito. Wala akong mapupuntahan. Siguro ay dadalaw ako sa bahay pagkatapos ng dinner at tatanggihan na ag offer ni mommy. Maghihintay na lang ako sa pagbalik nila.

    Naglalakad na kami sa buong Limketkai mall para magpunta doon sa pizza parlor na gustong kainan ni Pierre. Nasa gitna ako ng dalawang matatangkad kong kapatid. Hindi ko alam kung nasaan ang mga bodyguards at ayaw ko ring magtanong kay Hendrix tungkol sa kanila. Hinayaan ko na ang pag iisip non at tumingin tingin na lang sa bawat boutique na dinadaanan namin.

    Tumindig ang balahibo ko nang nakita ko ang pamilyar na tikas ng lalaking matagal ko nang hindi nakikita. Nasa kabilang side sila ng mga boutique. Bawat hakbang ko ay naging magaan. Para bang nilipad ako ng sarili kong mga paa. Kumalabog ang puso ko at gusto kong hilahin ang dalawang kapatid ko para tumigil, tumakbo, o magtago. What is this feeling?

    Naka faded jeans siy, stripes na polo shirt sa kulay na royal blue at puti. Mas tumangkad siya at mas nadepina ang katawan. Pamilyar na pamilyar sa akin ang lakad niya at ang pagngisi ng kanyang mga mata. Pinasadahan ko ng tingin ang kanyang brasong may nakakapit.

    “Holy hell.” Mura ni Pierre sa gilid ko.

    Nilingon niya ako sa pag aalala. Hinawakan ko ang braso niya para suporta at para na rin hindi siya mag react at hindi niya maagaw ang atensyon ng dalawang taong naglalakad malayo sa amin.

    “Is that…” Hendrix trailed off.

    Mabilis na ang hininga ko. I just want to get out of here.

    May nakakapit sa kanyang babaeng maganda, matangkad, makinis, at makurba ang katawan. Sinuklay niya ang kanyang kulay brown na buhok gamit ang mga daliri at natural itong bumagsak. Kulot-kulot ang ibaba nito, parang tulad ng sa mga modelo. Naka itim na dress siyang perpekto sa sukat niya. Nadepina nito ang nipis niyang baywang at makurba niyang dibdib. Nakangiti siya at tinuturo niya kay Elijah ang isang boutique na may nakakatawang manikin. Ngumisi si Elijah at tiningnan niya ang babaeng kasama gamit ang mga matang punong puno ng saya at adorasyon.

    “Klare, let’s eat somewhere else.” Ani Pierre at hinila ako palayo doon.

    Hindi na ako lumingon pabalik. Masakit pala talaga. Masakit na makita siya muli. Masakit na makita siyang may ibang kasama. Dapat ay hindi na ako nagulat. Dapat ay hindi na ganito ka sakit ang saksak nito sa aking puso dahil tatlong buwan na ang nag daan nang nalaman kong may iba na nga siyang mahal.

    Tatlong buwan na nang nalaman ko galing kay Claudette na may girlfriend na nga si Elijah. He’s happy with her and they are going steady. Hindi ko inasahang dadalhin niya ang babae dito sa pagbalik niya. Umiyak ako nang nalaman kong iyon dahil masakit. Masakit talaga. Pero wala na akong magagawa. Noon pa man, alam ko nang maaring mangyari ito at ngayon ay nangyari na nga. Palagi ko namang sinasabi sa sarili ko na sa oras na magmamahal siya ng iba ay papakawalan ko na siya. Matagal ko na siyang pinakawalan pero sa puso ko, hindi ko parin siya maalis. Siya parin talaga ang para sa akin ngunit hindi na ako ang para sa kanya.

    Bumuhos ang luha ko habang hinihila ako palabas ng mall ni Pierre. Mabilis din ang lakad ni Hendrix palabas.

    “Ni hindi niya man lang ako nakita.” Sabi ko at humagulhol na lang.

  • Kabanata 5Open or Close

    Kabanata 5
    Sayang

    “Next week pa daw ang dating nina Vaughn dito. Busy siya sa Davao at ayaw namang mauna nina Jack dito.” Umiling si Hendrix habang binababa ang cellphone niya.

    Tulala ako habang tinitingnan ang isang baso ng tubig. Kakatapos lang namin kumain at kanina pa nag uusap si Pierre at Hendrix tungkol sa trip na bukas agad namin gagawin. Pakiramdam ko ay ginagawa nila ito para ma ilihis ang atensyon ko sa ibang bagay.

    “Tayo na lang, kuya. Ano ngayon kung tayong tatlo na lang muna?” Ani Pierre.
    “Tas pagdating nila dito, saan naman tayo?” Tanong ni Hendrix.
    “Depende. Marami pa namang pwedeng pasyalan. Dahilayan ulit? Ultra Winds, Duka Bay, Mantanggale, Dakak, Midway, kahit saan. Pwede nga tayong mag Cebu.”
    “Ang gusto nina Jack, ‘yong dito lang, e. Palagi rin namang sa Cebu ‘yon.”

    Tatlong buwan na ang nakalipas nang nalaman ko kay Claudette na may girlfriend na si Elijah. Nag dalawang isip pa siya nang sinabi niya sa akin iyon. Masakit. Sobrang sakit nga nang marinig ko iyon galing sa kanya, mas lalong masakit ngayong nakita ko siya. Ni hindi niya man lang ako nakita. Abala siya sa pagngiti sa babaeng kinahuhumalingan niya ngayon.

    Inasahan ko na ang lahat ng ito. Masasaktan ako, oo, magrereklamo ako, oo, pero hindi ako manunumbat dahil batid kong kasalanan ko ang lahat. Hanggang doon lang ako. Hanggang reklamo sa sarili, hanggang dama sa sakit, hanggang doon lang dahil wala akong karapatan.

    Ako ang nagtulak sa kanya palayo at hiniling kong sana ay makahanap na nga siya ng iba. Ngunit ngayong nangyari na, nasasaktan ako. Hanggang sakit na lang ako. These are the consequences of my actions. Tanggap ko ito kahit na nasasaktan ako. Kahit iyong karapatan na lang para masaktan, aakuin ko. Hindi naman ako manunumbat. Wala naman akong sisisihing iba. Hindi naman ako maghahabol. Tahimik akong masasaktan. That’s all.

    “Klare, papasok pa ba kami?” Tanong ni Hendrix pagkatapat ng sasakyan sa aming building.

    Gabi na non at kabado ako habang pinagmamasdan ang tahimik naming building. Sasakyan na lang namin ang meron sa labas kaya inisip kong nasa taas sina Mommy, Daddy, at Charles.

    “Huwag na. Saglit lang naman ako.” Sabi ko sabay labas ng sasakyan.
    “Okay, maghihintay kami.”

    Tumango ako at dumiretso sa elevator. Tulala ako habang sumasakay doon at gusto ko na lang sampalin ang sarili ko. Bakit ako palaging tulala? Kinagat ko ang labi ko at dumiretso na sa bahay. Nadatnan ko sina mommy, daddy, Charles at ang kanyang mga kaibigan na nag lalaro ng kinect sa sala.

    “O, Klare… Ano? Sasama ka ba bukas? Tatawagan ka na sana namin.” Salubong ni mommy.
    “Hi, Ate!” Mabilis na lumapit si Charles sa akin.

    Magkasing tangkad na kami. Kahit na hindi naman talaga ako katangkaran, masasabi kong matangkad na bata itong si Charles. Grade 5 pa lang siya at pumantay na siya sa height ko.

    Nilapag ko sa mesa ang mga pagkaing mayaman sa Davao. Agad itong tiningnan ni Charles. Bumaling ako kay mommy at umiling.

    “Wa’g na po. Sasama po ako kina Hendrix. Gusto ko sanang makasama si Charles at kayo. Pero since may trip kayo, maghihintay na lang ako sa pagbalik niyo. Isang linggo ba?”

    Nagkatinginan si mommy at daddy.

    “Oo, isang linggo.” Sabi ni daddy. “You have the keys here, right? Pwede kang dito na muna since wala kami ng mommy mo at walang kasama si manang dito. You can… bring your brothers.”
    Nakita ko ang matalim na titig ni mommy kay daddy.

    Nakatungtong na si Hendrix at Pierre sa aming building ngunit alam kong hindi parin ganon ka gaan ang loob ni mommy sa dalawa.

    “Ayos lang po. Tingnan namin.” Sabi ko.

    Nilingon ko si Charles na ngayon ay binibigyan ng mga pagkain ang mga kaibigan niyang maingay dahil sa Xbox. Bumaling siya sa akin at ngumisi.

    “Ate, nakauwi na si Kuya Elijah. Just today.” Aniya.

    Suminghap si mommy at daddy sa sinabi ni Charles. Hanggang ngayon, wala paring alam ang kapatid ko sa nangyari tungkol sa amin ni Elijah. Nalaman na lang ni Elijah na anak ako sa labas, 2 months ago, si Charles wala paring alam sa naging relasyon namin ni Elijah noon.

    “Nagkita na ba kayo?” Tanong niya sa malalim na boses. Hudyat ng pagbibinata.
    Umiling ako.

    Nakita ko siya. Pero hindi niya ako nakita, Charles.

    “Ganon? Why don’t you call him, ate? He’ll introduce Ate Selena to you. You know Ate Selena?” Ani Charles.
    Dahan dahan akong tumango.

    I know exactly who Selena is. Siya ang girlfriend ni Elijah at siya iyong nakita ko sa Limketkai.

    “Galing sila dito kanina, Ate. They gave me new shoes. Two Derrick Rose latest from Adidas. Wanna see?” Excited na sinabi ni Charles.
    “Sure, Charles. Patingin? Kakainggit ka naman.” Ngumisi ako at pinagmasdang umaalis si Charles para kunin ang bigay na sapatos ni Elijah sa kanya.

    Nilingon ko si mommy at daddy na parehong walang kibo sa ginagawa ni Charles. Umubo si daddy at nag angat ng tingin sa akin.

    “May pasalubong ka rin pala galing sa kanya.” Ani Dad.
    Napalunok ako at nagulat sa kanyang sinabi. “Talaga po? Ano po yon?”
    “Shoes din. Wait… Charles?” Tawag ni daddy. “Please get the shoes of Ate Klare. Nasa kwarto.”

    Narinig kong umo-o si Charles at pumasok sa kwarto nina mommy at daddy. Nag iwas ako ng tingin sa kanila. Lahat ng regalo ni Elijah sa akin ay iningatan ko. Iyong barrette at ‘yong anklet ay parehong ginagamit ko pa. Sa katunayan, sinusuot ko ngayon ang anklet na binigay niya. That’s when he’s still in love with me. Ngunit ngayong may iba na siya, hindi ko alam kung matatanggap ko ang regalo niya. I will probably just leave it inside my room here. Kumikirot ang puso ko. The bitterness is hard to hide and this is the kindest thing I can do for this gift.

    “Here, ate. It’s your favourite color.” Sabay bigay sa akin ni Charles ng isang kulay orange na box.

    As usual, it was another latest from Nike. Alam niyang mahilig akong sumayaw kaya either training shoes o sneakers ang binibigay niya. This time, sneakers. I love it! Hindi ko talaga maipagkakaila na matayog at maganda ang mga taste niya sa bagay bagay.

    “Wow! This is cool.” Sabi ko at sinarado ang box.
    “Hindi mo ba isusukat?” Tanong ni Charles.
    “He knows my size, Charles. Of course this will fit.” Sabi ko.
    Tumango si Charles at ipinakita niya naman ang mga binigay ni Elijah sa kanya.

    Sa bawat segundo na nandito ako sa bahay at naririnig ko ang pagsamba ni Charles sa kay Elijah, mas lalo akong nasasaktan. Para bang may mga kinikwento siya sa akin na minsan ay akin ngunit ngayon ay halos hindi ko na maabot.

    “O di ba ‘yan dadalhin?” Tanong ni mommy nang naabutan niya akong nilalagay ang mga sapatos sa shoe rack ng closet ko.
    “Hindi na, mom. May sapatos pa naman ako-“
    “I know Ricardo can afford those things, Klare. But it’s a gift from Elijah.” Ani mommy.

    Hindi ko alam kung bakit gusto ni mommy na dalhin ko iyong sapatos ni Elijah. What’s the point? But then again, I’m just probably bitter. Kailangan kong mag practice na hindi maging bitter. I need to really move on from all of these. Hindi pala talaga enough na na let go mo na ang lahat. Kailangan mo parin talaga ng pag mo-move on. We have no unfinished business anyway. May closure ang naging relasyon namin ni Elijah at sa huli ay klaro ang naging desisyon ko at hanggang ngayon pinaninindigan ko ito. There’s no point in hoping or trying. It’s done. He’s happy and I’m trying to be happy. Ito ang mga natutunan ko at ito ang mga pagbabago.

    “Uuwi rin naman ako dito, mom. I’ll just leave it here. Besides, some of my shoes are here.” Sabi ko. “Nga pala, di na ako magtatagal. Naghihintay si Hendrix at Pierre sa akin. Uuwi na muna kami.” Hinalikan ko ang kanyang pisngi. “Take care kayo bukas, my. I love you.”

    Pagkatapos kong magpaalam kay Daddy at kay Charles na masayang masaya sa nangyayari sa kanyang buhay, umuwi na ako at natulog sa bahay. Ngunit hindi maalis sa utak ko ang mga matang masaya ni Elijah habang tinitingnan si Selena. Para bang ‘yong mga nakakatakot kong panaginip ay nagkakatotoo na.

    Tiningnan ko ang cellphone ko at nagulat ako nang may text si Claudette. Hindi naman siya madalas na nag titext sa akin. Isa pa, dis oras na ng gabi at gising pa siya?

    Claudette:
    I heard from tita Helena, nasa CDO ka raw. You okay?

    Mabilis akong nag reply. Alam ni mommy na sa lahat ng mga pinsan ko, si Claudette lang ang nakakasundo ko sa ngayon. Maaaring pinapansin na rin naman ako ng mga boys ngunit hindi na tulad noon.

    Ako:
    I’m okay, Clau. May gagawin lang kami ng mga kapatid ko. Thanks for asking. Good night. :)

    Iniisip kong may party sila ngayon para kay Elijah. He’s back, of course kailangang may party. Though, I don’t know if he’s back for good. Gusto kong malaman ang mga detalye: Kailan siya babalik? Babalik pa ba siya ng New York? Bakit siya umuwi? Anong ginagawa ninyo ngayon? Kaya lang… ayaw kong itanong ang mga ito. Mas pinili kong manahimik.

    Kinabukasan ay halos tinutulak na ako ni Pierre at Hendrix sa sasakyan. Tuloy talaga kami ng Camiguin kahit na kaming tatlo lang. Hindi ako sigurado kung dahil ba gusto nilang makapunta doon o para lang makalimutan ko ang lahat ng nangyari.

    “Ilang araw tayo don?” Tanong ko.
    “Three days and two nights lang.” Umirap si Pierre. “We will need to register in this summer basketball tournament.” Aniya sabay tingin kay Hendrix.
    “Kung hindi tayo magbabasketball, anong gagawin natin whole summer dito sa Cagayan de Oro?” Tanong ni Hendrix sa kapatid niya.
    “We’ll just travel, Kuya. Labas tayo ng bansa with Klare.”
    “You’re a big idiot. Kaya nga tayo nandito coz Klare wants to be with her family.”

    Nagpatuloy sa pagtatalo ang dalawa. Nakaka guilty tuloy dahil halatang bored sila sa syudad at gusto nilang umuwi ng Davao ngunit wala silang magagawa dahil desisyon ko ito.

    “Hendrix, Pierre, pwede namang umuwi kayo ng Davao. I’m okay here-“
    “No.” Sabay silang dalawa at nagkatinginan.
    “Besides, Klarey, pupunta ‘yong mga friends namin from Davao para magbakasyon dito. Baka rin kasi pagdating ng pasukan ay babalik na talaga ako ng Davao. Dad wants me to handle our business. Si Pierre naman, magsusunog na ng kilay since it’s his fifth year. So this bonding will be good for me.”
    Tumango ako at nalumbay agad nang nalaman ang plano ni Hendrix.
    “Hendrix, bibisita ka parin dito, diba?”
    Ngumisi si Hendrix sa akin. “Sinusubukan ko pang kumbinsihin si dad na ‘yong business niya na lang muna dito ang ihahandle ko tulad nang ginawa ko last year.”

    Sana nga. Sila na lang ang pinagkukuhanan ko ng lakas. Ayokong mahiwalay sa kanila.

    Pamilyar na pamilyar na sa akin ang byaheng papuntang Camiguin. Parang mga bata si Pierre at Hendrix nang sumakay kami ng barge at nakakita sila ng tatlong dolphin na sabay sabay na tumalon.

    “Wala bang ganito sa Samal? Niloloko niyo yata ako.” Tumawa ako nang grabe ang tuwa ni Pierre sa nangyari.
    Nagtawanan kaming tatlo.

    Kahit na tatlo lang kami, kumpara sa nakasanayan ko noong maramihan habang nag babyahe, magaan ang pakiramdam ko at masaya. I love my brothers. Hindi parin talaga malupit ang tadhana sa akin. Sa bawat sakit na naranasan ko, may katumbas parin na kaligayahan. At dyan ako dapat manahanan. Hindi sa mga sakit na naranasan ko.

    Nakakatakot ang naging byahe patungong Mantigue Island. Masyado kasing maalon at mahangin kaya kabado ako sa byahe. Mabuti na lang at marunong naman kaming lumangoy na tatlo. Ang tanging nagpapanerbyos lang sa akin ay ang mga sinasabi ni Pierre.

    “Beware of sharks daw o.” Sabay turo niya sa karatulang nadaanan namin sa gitna ng karagatan.

    Nakatalikod na ito kaya di ko na nakita. Hindi ko tuloy alam kung totoo. Nanatili ang pag uusap namin tungkol sa mga sharks at nag pasya kaming pagkarating sa suite doon sa resort ay magda download kami ng mga movies na may kinalaman sa mga shark o mga isdang pumapatay ng tao.

    Pinanood kong nag s-skim board si Hendrix at Pierre sa dagat habang nakaupo ako sa duyan. Ito iyong eksaktong duyan na inupuan ko nang nagpunta kami dito kasama ang mga pinsan ko. The memories are still so vivid to me. Para bang kahapon lang nangyari ang lahat.

    “I DATED SO MANY DAMN FUCKING GIRLS TO FORGET YOU, KLARE!” That’s what he said to me.

    Dinate niya ba si Selena para makalimutan ako? O nakalimutan niya na ako kaya niya dinate si Selena? Suminghap ako. No. Siguro ay nakamove on na siya kaya siya pumasok sa isang relasyon. I know him. May mga babae siya para makalimutan ko, pero hindi siya kailanman nagkaroon ng relasyon sa kanila. This time, it’s different. You can see it from his eyes.

    “Klare!” Sabay kaway ni Hendrix at tinuro niya si Pierre na iniinda ang sakit sa likod pagkatapos lumagapak sa buhangin dahil sa skim board. Nagtawanan ang dalawa.
    Kumunot ang noo ko at umiling bago sila dinaluhan para tulungan.

    “Thank God we have a sister.” Linya ng dalawa pagkatapos kong lagyan ng cream iyong pulang likod ni Pierre.
    “Kaya ikaw, Klare. Pag skate board o skim board, wa’g kang mangarap na si Pierre ang taga turo sayo kasi di ‘yan marunong.”

    Nag asaran ulit ang dalawa nang pabalik na kami sa resort. Gumagabi na kaya naging maganda ang byahe nang pinagmasdan namin sa dagat ang papalubog na araw.

    “Ako ang nagturo sa kanyang mag skate at skim, Kuya. At magaling siya. Talagang may starfish akong nakita kaya ako nadulas.” Paliwanag ni Pierre.

    Nagtawanan at nag asaran kami hanggang sa dumating na kami sa restaurant. Mabilis na nag order ang dalawa ng pare parehong pagkain. Ganon din ang inorder ko. Mukha atang gutom na gutom sila dahil masyadong marami ang inorder nila. Naiisip ko tuloy kung asan na naman iyong driver at dalawang bodyguard na dala namin. Siguro ay kumakain sila kung saan? Hindi ko alam at hindi ako nagtanong.

    Habang ngumunguya si Hendrix ng pagkain ay itinuro niya ‘yong babaeng kumakanta sa stage. Nilingon ko iyon. Kanina ko pa kasi napapansin na medyo malulungkot ang pinapatugtog at natutulala tuloy ako.

    “I’ve seen you dance and all, Klare. Syempre, since college at pati na rin nong nag enrol ka sa dance studio sa Davao, pero ‘yong di ko pa naririnig ay ang boses mo.”
    Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Hendrix.
    “Oo nga. Kumanta ka kaya? Just one song, please?” Ani Pierre.
    “What!? No! No! No way!” Kinabahan ako sa request nila.
    “Sige na! Turuan kitang mag surf, promise.” Ani Pierre na agad sinapak ni Hendrix.
    “Dad doesn’t approve!” Aniya.
    “Dad will. Please, Klarey?” Nag puppy eyes siya sa akin.
    Panay ang iling ko ngunit pinagtulungan ako ng dalawa. Hinila ako ni Pierre patungo sa stage at nagtawanan kaming dalawa. Si Hendrix naman ay kinausap iyong vocals at ang guitarist.

    Pinagpawisan ako ng malamig sa mga ginagawa nila. Pinasadahan ko ng tingin ang buong restaurant. Matumal yata ngayon? Kami lang at ang isang pamilya ang naroon kaya hindi masyadong big deal kung kakanta man ako. I guess I can do this?

    “O sige na nga!” Umirap ako sa dalawa at bumaba naman ang nakangiting vocalist sa stage.

    Mukhang nailigtas ko siya sa susunod niyang kakantahin, a? Uminom siya ng tubig at pumalakpak sa akin habang tinuturo ng guitarist ang sumunod na piece. May mga lyrics sa librong itinuro niya. Mabuti na lang at pamilyar ako sa kanta kaya pumayag ako.

    “Woooo!” Sigaw ng dalawa kong kapatid.

    Malakas ang palakpak ni Hendrix habang abala si Pierre sa DSLR niya. Ayan na naman at nag vi-video siya.

    Ngumisi ako at umupo na sa high chair habang inaayos ang microphone. Nag simula ang pianist at guitarist. Marahan kong pinasabay ang ulo ko sa tono ng kanta at tiningnan kong mabuti ang lyrics ng kanta.

    “Hello boy, it’s been a while
    Guess you’ll be glad to know
    That I’ve learned how to laugh and smile
    Getting over you was slow
    They say old lovers can be good friends
    But I never thought I’d really see you, I’d really see you again” Nakapikit ako nang kinanta ko ito. Hindi ko naman pala kailangan ng lyrics dahil saulo ko ang lahat.

    Nang dumilat ako ay halos mapatalon ako sa kinauupuan ko nang tumambad sa akin ang natigilang mga pinsan ko. Halos di ako makahinga nang nakita sila isa-isa. Si Azi at Damon na parehong nakanganga at nakatingin sa akin, si Rafael at Josiah na nakahalukipkip habang kampanteng pinapanood ako, si Claudette na kaka pasok lang sa restaurant, si Erin na nasa bibig ang mga kamay habang umiiyak, si Chanel na humahagulhol sa gilid, at si Elijah kasama ang kanyang girlfriend na magkahawak kamay. Nakita ko rin ang ilan sa mga kaibigan ni Chanel at mga kaibigan namin nina Erin. Si Eion naman na kakapasok lang ay mabilis na dumalo sa umiiyak na si Erin. Bakit sila umiiyak?

    Gusto ko na lang tumakbo at mag tago. Bakit sila nandito lahat? Is this a reunion?Why am I always in the wrong place and at a wrong time? Ngunit ang mga lyrics ng kinakanta ko ang nagpapirmi sa akin sa aking upuan. Pumikit ulit ako para kantahin ang chorus.

    “I go crazy when I look in your eyes, I still go crazy
    No, my heart just can’t hide that old feeling inside
    Way deep down inside
    Oh baby, you know when I look in your eyes, I go crazy…”

    Nang dumilat ako ay nakita kong nakatitig ng diretso si Elijah sa mga mata ko habang masayang nagsasalita ang kanyang girlfriend.

    Pumikit ulit ako.

    Sayang.

    Sayang na sayang, Klare. Hanggang dito na lang talaga.

  • Kabanata 6Open or Close

    Kabanata 6
    Mga Mata

    Tinapos ko ang kanta. Nakapikit na lang ako pagkatapos ko silang makita. Parang panibagong liwanag ang natagpuan ko nang dumilat ako at ngumiti sa camera ni Pierre pagkatapos ng kanta. Sumipol si Hendrix at pumalakpak. Uminit ang pisngi ko dahil siya lang naman itong pumapalakpak.

    Bumaba agad ako. Nakita kong nakaupo na ang mga pinsan ko habang nakatingin pa rin sa amin ng mga kapatid ko.

    “You look so pretty and you sing so well. May mga bagay ka bang hindi nagagawa, Klare?” Biro ni Pierre habang pinapakita sa akin ang kanyang camera.

    Pinlay niya ang unang parte ng pagkanta ko. Nahihiya ako. Hindi ako masyadong sanay na makita ang sarili ko sa video. Nag angat ako ng tingin sa mga pinsan kong naroon sa pinaka malaking table. Kailangan kong lumapit sa kanila. Kailangan kong bumati at makihalubilo.

    Nakita kong kumaway si Claudette sa akin sa gilid ni Kuya Silver Sarmiento. Kinakausap siya ni Kuya Silver ngunit nakatuon ang pansin niya sa akin. Napansin ko rin na umiiyak parin si Erin at Chanel. Si Azi naman at Damon ay parehong namumutla na pinapanood ako. Ngumiti ako sa kanila at kumaway na rin.

    “Pierre, Hendrix, lapit muna ako sa mga pinsan ko.” Sabi ko.

    Seryoso nila akong tiningnan. Kumunot ang noo ko sa mga pinakita nilang ekspresyon.

    “Kuya, let’s just drink near their table.” Anyaya ni Pierre sa kay Hendrix na titig na titig sa akin.
    “I’m okay, Rix. Hindi ako magtatagal.” Sabi ko.
    “Kuya, di naman pwedeng umalis na lang tayo nang di niya binabati ang mga pinsan niya.”
    Suminghap si Hendrix at nilingon niya si Pierre. “Alright. Lumapit tayo sa table nila.” Sabay lagay niya ng pera sa table namin.
    Ngumuso ako at hinayaan ang dalawa sa gustong mangyari.

    Papalapit ako sa table ng mga Montefalco ngunit pinagmasdan ko ang mga kapatid kong umuupo sa two-seater na table sa gilid nila. Tumawag sila ng waiter at may inorder. Nagkibit balikat ako at lumapit kay Claudette.

    “Hi, Klare!” Bati ni Julia sa akin.
    “Hello!” Ngumisi ako at nilapitan siya.

    Kasabay ng pagdating ko ay ang pagdating rin ng mga pagkain nila. Nilapitan ko sina Liza at Hannah para yumakap. I missed them. Nakita kong nag angat ng tingin si Rafael sa akin. Nagulat ako nang nag lahad siya ng kanyang braso at naghintay rin sa yakap ko.

    Tumawa ako at niyakap siya. I missed all of them. Palagi naman. Palagi akong sabik na makita sila kaya lang masakit ang dulot nito sa akin. Sa loob ng ilang taon, naging pamilya ko sila at hanggang ngayon itinuturing ko parin silang pamilya kahit na sa tingin ko’y hindi na mutual ang feelings.

    “I miss you, Raf.” Niyakap ko siya ng mahigpit.
    “Damn, girl. I missed you more.”

    Mas lalo akong natawa. Natapos lang ang yakapan namin nang bigla akong tinawag ni Claudette. Nasa kabilang dulo siya ng mahabang table. Si Rafael ay nasa gitna kaya kinailangang sumigaw ni Claudette. Sa tabi ni Claudette ay si Kuya Silver kaya naman nagulat ako nang nilagyan niya ng isang upuan sa gitna nilang dalawa.

    “Klare!” Sigaw ni Josiah at niyakap ako ng saglit.
    “Joss!” Masungit na sinabi ni Claudette at tinuro ulit sa akin ang upuan.

    Hindi na ako magkanda ugaga kung saan ako titingin. Tinawag rin ako ako ni Azi. Ngunit naiinip na si Claudette sa pag upo ko sa tabi niya kaya nalito ako kung sino ang una kong dadaluhan.

    Uupo na sana ako sa tabi ni Claudette nang biglang sumugod si Erin sa akin at mas lalong humagulhol. Lumakas ang kalabog ng puso ko at natigilan ako dahil hindi ko alam kung bakit siya lumalapit sa akin nang umiiyak. May ginawa ba akong masama?

    “Dammit, Klare! You’re my cousin! At hanggang ngayon, di ko parin matanggap lahat. Pero miss na miss na kita.” Nabasag ang boses niya.

    Parang sinaksak ang puso ko nang narinig ko ang pagpiyok ng boses niya out of frustration. Natahimik ang maingay nilang mga kasama. Maging ang mga kaibigan ni Chanel ay nanahimik sa gilid dahil sa pagsabog ni Erin sa akin.

    Niyakap ko siya pabalik. “I missed you, too.” Sabi ko. “Mag pinsan parin naman tayo.”
    Humagulhol siya sa leeg ko. Sobrang higpit ng yakap niya na halos hindi na ako makahinga. Ngunit hindi ako nagreklamo. Hinayaan ko siya. Para akong nabunutan ng tinik. May bumabara sa lalamunan ko ngunit may naalis namang bigat sa damdamin ko.
    “Klare.” Mas mahinahon na si Chanel nang niyakap niya kaming dalawa ni Erin. “I’m sorry.” Aniya.

    Hindi ko alam kung anong nagawa ko at bakit nakuha ko ang ganitong pagtatrato galing sa dalawa. Noon ay kuntento na ako sa pagiging civil nila sa akin. Halos hindi nila ako kausapin pag walang kailangan. Naging kuntento ako roon dahil alam kong galit sila sa ginawa ko. ‘Yon naman talaga ang pagtatratong nababagay sa akin galing sa mga taong nasaktan ko. Ngunit ngayong may sinasabi na sila tungkol sa nararamdaman nila, nakakagaan ng feeling. Nakakatuwa!

    Humalakhak ako nang nakita si Claudette na pinupunasan ang kanyang mata. It’s like a dream. At hanggang ngayon hindi ko parin alam kung anong meron at bakit nila ako biglang napatawad.

    “Finally!” Tumawa si Josiah.

    Nakita kong tumango si Azi sa akin at ngumisi naman si Damon. Ngumiti din ako. Pinakawalan ako ni Chanel at Erin. Tinawag ni Eion si Erin at pinaupo niya sa katabing upuan.

    Ngumisi ako at nilingon si Claudette na hanggang ngayon ay tinuturo parin ang bakanteng upuan sa gitna nila ni Kuya Silver.

    Sa loob ng dalawang taon, marami ang nangyari. Ang daming pagbabago at halos hindi ko na mahabol ang lahat. Isa sa pagbabagong iyon ay ang feelings ni Eion at Erin para sa isa’t isa. Hindi ko pa alam ang buong detalye dahil hindi rin naman ako kinakausap ng mga pinsan ko tungkol doon ngunit halata na may espesyal na tratuhan ang dalawa. Nagkatinginan kami ni Eion pagkaupo ko. Nakita kong pumula ang kanyang pisngi at nag iwas siya ng tingin. Well, that’s good for him. I’m happy for him.

    Nang nalaman ko ang lahat ng tungkol sa kanya, pinanghawakan ko ang ideyang iyon. Naka move on si Eion sa akin at naka move on din ako sa kanya. We liked each other back then. Dahilan kung bakit mas lalo akong naniwala na totoong nakaka move on ang mga tao kahit gaano na katagal ang feelings nila. It happens. That’s reality.

    At ngayong nasa harap ko si Elijah kasama ang kanyang girlfriend, mas lalo akong nanalig sa katotohanang iyon. Makaka move on din ako. Nag angat ako ng tingin sa kay Elijah at kay Selena na nasa kabilang dulo ng table. Sumulyap si Elijah sa akin habang may sinasabi ni Selena sa kanya. Humilig siya sa upuan ni Selena para makinig sa mga sinasabi nito. He looked so interested in every word that she was saying. His eyes were so passionate. But then again, his eyes were always like that. Naaalala ko pa noon kung gaano ako nangangatog tuwing tinititigan ako gamit ang mga matang iyon.

    Ngumiti ako sa aking sarili. Those were the days. Nong malayo pa siya sa akin, naisip kong sana ay wala na lang nangyaring ganon sa aming dalawa. Kasi kung wala, sana hindi kami nahirapan. Ngunit ngayong nandito siya sa harapan ko, naisip kong mas gusto kong may mga alaala kaming dalawa. Hindi bale na kung mahirap makalimutan. At least may naaalala ako. Once in my life, natitigan niya ako at natitigan ko siya nang ganon ka bigat pabalik.

    Kumunot ang noo ni Elijah habang kausap ang nakangiting si Selena. Sumulyap si Elijah sa akin. Kumalabog ang puso ko sa sulyap niya. Am I staring at him too much? Bumalik ang kanyang titig kay Selena na nagsasalita parin hanggang ngayon.

    Naputol lang ang titig ko kay Elijah nang tinapik ni Claudette ang kamay ko. Bumaling ako sa kanya at nagtaas ng kilay. Gaah! I really did stare too much. It’s embarrassing.

    “Sorry hindi ko nasabi sayong pupunta kami dito. Hindi ko rin alam hanggang kaninang umaga.” Aniya.
    “Okay lang. Kung niyaya mo rin kasi ako baka di ako makasama kasi kasama ko naman ang mga kapatid ko.”
    Kinagat ni Claudette ang kanyang pulang labi at sumulyap siya sa kabilang table kung saan umiinom ng beer ang mga kapatid ko habang nag uusap ng seryoso. “Kapatid.” Ulit ni Claudette.

    Hindi ko na maalala kung natawag ko na bang kapatid sina Hendrix at Pierre sa harap niya. Siguro ay hindi pa dahil nanibago siya sa salita. May tumawag ulit sa akin. Nginitian ko si Chanel.

    “Ilang araw kayo dito?” Tanong niya.

    Nararamdaman kong pagkatapos ng pag iyak nila at paghingi ng tawad ay may kaonting gap parin sa amin. Syempre, maging ako ay may nararamdaman paring ilang sa kanila. It’s not easy… Hindi rin naman ito tulad ng sa mga telenovela na pag humingi ng tawad ay agad na nag babati. Ilang taon din iyon at pareho kaming nagkasakitan, maiilang talaga kahit sino.

    “Tatlo lang. Tapos two nights. Kayo ba?” Tanong ko at bumaling na rin kay Erin na nakatingin rin sa akin.

    Kahit na morena siya ay lumilitaw parin ang pamumula ng kanyang ilong. Namaga rin ang kanyang mata. Kumpara kay Chanel ay mukhang mas marami ang iniyak niya.

    “Ganon rin kami, Klare.” Ani Erin.
    Tumango ako. “Magkikita kita rin pala siguro tayo. Papasyal kasi kami. Di pa sila nakakapunta dito.” Sabay tingin ko sa mga kapatid ko.

    Alam kong minsang nagkacrush si Erin sa kay Hendrix. Ngunit hindi ko na kailangang buksan ang topic lalo na ngayong katabi niya si Eion.

    “Maayos ba ang buhay mo kasama sila, Klare?” Tanong ni Kuya Silver sa akin.
    “Okay naman.” Ngumiti ako. “Sweet sila bilang kapatid.”

    Tumingin ako kay Claudette na ngayon ay tinititigan ako gamit ang mala pusa niyang mga mata. I guess he’ll be good for her, huh? Mature na si Kuya Silver. Bagay siya sa medyo may pagka childlike na obsession ni Claudette sa mga anime at K-Pop. Nakakatawang isipin na sobrang daming nagbago.

    Ako lang naman yata ang hindi nagbago. Well, except na lang siguro sa family name ko at sa bago kong pamilya. Bukod doon ay wala na.

    “Minamaltrato ka ba nila-” Siniko agad ni Damon ang biglaang nagsalita na si Azi.
    Nanlaki ang mga mata ko dahil sa pagsasalita nila. Kumunot ang noo ni Azi kay Damon. Humalakhak ako sa kanyang tanong. “Hindi, ah. They’re really sweet.” Sabi ko.

    Nakipag usap si Chanel sa kay Brian na kanyang boyfriend. Ilang taon na rin sila. Nakakamangha ang mga relasyong ganyan. Matatag talaga. Napapangiti ako habang pinagmamasdan ang mga pagbabago sa lahat. Nag uusap na si Josiah at si Azi. Pinapakita ni Joss ang kanyang piercing sa dila. Nakita kong ngumiwi si Julia doon.

    “Elijah, dare? Palagay ka ng piercing sa dila?”
    Bumaling si Elijah kay Azi. Ngumisi siya at ngumiwi din.
    “Azi, di na niya kailangan ng ganyan. He’s already good with his tongue.” Tumawa si Selena.

    Oh. Nag iwas ako ng tingin sa kanila. Bumaling ako sa kay Hendrix na ngayon ay nakatingin na sa kay Elijah o kay Selena. Kumunot ang noo ko dahil may sinabi siya kay Pierre at tumingin din si Pierre sa kanilang banda. May kawili-wiling sinabi si Pierre sa kay Hendrix at sabay silang tumingin sa kanilang Elijah.

    “That’s offending, dude!” Singhal ni Josiah kay Elijah.
    “Hindi ako ang nagsabi non!” Ani Elijah.
    Tumawa si Selena at umiling sa mga pinsan ko.
    “Damn, boy!” Tumawa rin si Azi.

    Nagulat ako nang bumaling ako kay Selena ay nakatingin na siya kina Pierre at Hendrix. Tumili pa siya at nilapitan ang dalawa. Sumulyap ako kay Elijah na ngayon ay mukhang nagtataka sa ginawa ng girlfriend.

    “Ej! Come here!” Sabay hila ni Selena kay Elijah.

    Ngumiti si Hendrix kay Selena. Ganon rin si Pierre. Magkakilala sila? Hindi ko alam. Hindi naman sinabi ni Hendrix o ni Pierre sa akin? O baka ganon lang sila ka walang pakealam na ngayon lang nila nakita ng husto ang girlfriend ni Elijah?

    “This is my boyfriend, Elijah. Mga kilala ko sila from Davao City.” Ani Selena.

    May umubo sa aming table. Bumaling ako kay Claudette at nakita kong nakatitig sa akin si Chanel, Josiah, at si Azi. Damn, I know… Alam kong kanina pa siguro nila ako pinagmamasdan para malaman ang mga reaksyon ko. I did nothing wrong. Tumitingin lang din naman ako. I’m okay. They don’t need to worry about me hurting or me pursuing Elijah again. Sana ay hindi nila maisip iyon. I don’t want to ruin the moment.

    Kinausap ko na lang si Claudette tungkol sa Field Study namin na maaaring ipagpapatuloy ko pagka graduate next year. Susuportahan din kasi daw ako ni daddy pag mag nenegosyo. Nag offer din ng suporta si Papa sa akin. Masaya ako dahil pareho nila akong sinosuportahan.

    Nakita kong bumalik din naman si Elijah at si Selena sa upuan nila. Nag usap ulit sila kasama si Josiah at Azi. Hindi na lang ako bumaling dahil ayaw kong may makakita na naman sa akin.

    “Isn’t it weird.” Bulong ni Claudette sa akin nang nagsalita si Erin tungkol naman sa Field Study niya.
    “What?” Bumaling ako sa kanya.

    Tumingin lang siya sa akin. Mas lalong kumunot ang noo ko. Nag angat siya ng tingin sa harap at biglang tumayo.

    “Selena…” Tawag niya.
    Kumalabog ang dibdib ko. Anong weird ang sinasabi niya at bakit niya tinatawag si Selena?

    Bumaling si Selena sa kanya. Naglakad si Claudette palapit kay Selena. May binulong siya rito. Tumango ang masiyahing si Selena at bumaling sa akin. Mas lalong kumalampag ang tibok ng puso ko sa kaba. Dammit, Klare! What’s wrong?

    Humakbang silang dalawa palapit sa akin. Nakita kong nilingon ni Selena si Elijah na nagmamasid lang.

    “Klare, this is Selena…” Ani Claudette.

    Girlfriend ni Elijah. I can finish the sentence for you. Ngumiti ako at naglahad ako ng kamay.

    “Klare.” Sambit ko.
    Tumango si Selena. “You’re really pretty, Klare.” Aniya. “Narinig na kitang kinikwento nina Claudette simula pa kahapon. She’s right… You’re the prettiest Montefalco.”
    Nagulat ako sa puri niya. “Hindi, ah. I’m… I’m not the prettiest. Mas magaganda sila.”

    I’m sure she’s just trying to impress me. I’m not ugly but I know I’m not the prettiest Montefalco around. No way. They are way pretty.

    “But you’re pretty.” Aniya at ngumisi.

    She’s damn pretty, too. Kulang pa nga ang salitang iyon. We need sizzling hot, here. Kahit na sa simpleng cropped shirt at short pants niya, kitang kita ang hubog ng kanyang katawan. I’m slender, kaya naman naiinggit ako sa mga may dibdib at likod na tulad niya.

    Ngumisi na lang ako at umupo sa aking upuan. Kinausap ni Chanel si Selena at nagtawanan sila tungkol sa kay Josiah. They’re all pretty close now, too. Ngumiti na lang ako at bumaling sa umuupong si Claudette.

    Nag order ng mga beer ang mga lalaki pagkatapos nilang kumain. Nakakatuwa ang mga kwentuhan nila. Mas marami akong natututunan tungkol sa mga ginawa nila for the past months. It’s all refreshing. Humikab ako at kinusot ko ang aking mga mata. Ilang sandali ang nakalipas ay may tumapik sa akin. Tumingala ako at nakita ko ang nakasimangot na mukha ni Pierre.

    “You’re sleepy. Balik na tayo ng suite.” Aniya.
    Umiling ako. “I’m not sleepy.”
    “You liar.” Humalakhak siya. “Lika na.” Aniya ay hinila ako.
    Ngumisi ako at tumango na. “Manood muna tayo ng Piranha? Any shark movies?”
    “As you wish.” Ngumisi siya.

    Bumaling ako sa mga pinsan ko at nagpaalam na. Tumingin si Elijah sa kanyang relo at bumaling sa akin. Kumaway ako sa kanilang lahat. Narinig kong umangal si Erin sa pag alis ko ngunit hindi magpapapigil si Hendrix at Pierre. I needed to go, too. I guess that ‘meet and greet’ thing is done now. Maligaya akong medyo may development ang relasyon namin nina Erin at Chanel. That’s an accomplishment for tonight. I’m already happy.

    Nanonuot sa aking puso ang mga alaala ko kanina kay Elijah. May mga bagong alaala ulit ako sa kanyang mga mata. Ngunit ngayon, hindi na iyong nakatitig siya sa akin, kundi iyong mga titig niya sa ibang babae. I’m happy for him, though. Ngunit nasasaktan talaga ako.

    Narinig ko na ang munting hilik ni Pierre pagkatapos ng movie na pinanood namin. Pinatay ko iyong flatscreen at ang kanyang laptop. Kanina pa tulog si Hendrix. Alas dos na rin kasi ng madaling araw. Ako lang yata ang tumapos sa movie.

    Ngumisi ako at tiningnan ang dalawang nagsiksikan sa iisang king size bed. Na kay Hendrix ang kabuuan ng comforter habang si Pierre naman ay nakikiagaw lang. Kinuha ko ang comforter ko at nilagay sa katawan ni Pierre. But I love them, too. Can I love two families at once? Pwede naman siguro iyon, hindi ba? Wala naman sigurong batayan ang pagmamahal. Hindi naman sa kung sino ang tunay mong kadugo o kung sino ang mas matagal mong nakasama. Ang importante ay mahal mo sila.

    Napagtanto kong hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Nagsiksikan kaming tatlo sa iisang suite dahil gusto nilang nasa iisang kwarto lang kaming tatlo. May isang king size bed, at isang single bed, kung saan ako matutulog. Kaya lang ay hindi parin ako inaantok.

    Bumaba ako ng hotel sa pagbabakasakaling dalawin ako ng antok pag makita ang dalampasigan ngayong malalim na ang gabi. Batid ko ang mga gising pang tao sa restaurant at sa kanilang sea side na grill. Lumabas ako ng hotel at dinama ang buhanging nanonuot sa aking tsinelas. Papalapit na ako sa mga alon nang nakita kong may taong nakatayo na roon at nanonood na rin sa alon.

    Nakahalukipkip siya at nakatalikod sa akin. Natigil ako sa paglalakad. Kumalabog ang puso ko. Si Elijah iyon. Unti unti akong umatras. Tahimik akong umatras pabalik ng hotel.

    Talking to him right now is a bad thing. I really think it’s a bad thing. Kung ano man ang dahilan at mag isa siya dito at hindi pa natutulog ay ayaw ko nang alamin. Tumakbo ako pabalik sa hotel at pumasok sa kwarto. I’ll just lay here and wait till I fall asleep.

  • Kabanata 7Open or Close

    Kabanata 7
    Ang Mga Salita

    Alas otso ng nagising ako. Inaantok parin ako kaya lang hindi na pumapayag si Pierre na matulog ulit ako. Gusto niyang mag skim board kami.

    Humikab ako habang sinusuot ‘yong kulay pink na rashguard ko. Kanina pa talak nang talak si Pierre sa labas.

    “Si Kuya Hendrix nasa labas na, nag ji-jetski. Tayo, nandito parin. Hindi naman masyadong mainit sa labas kaya sayang kung di tayo mag ji-jetski o skim board!” Aniya sa labas ng bathroom.
    “Yes, yes, yes, Pierre. Eto na. Lalabas na ako.” Sabi ko ay agad nang lumabas para harapin ang kapatid kong sobrang naiinip.

    Dinampot niya ang dalawang skim board na nakahilig sa kama namin. Tinatali ko naman ang buhok ko habang hinahanap ang aking mga tsinelas.

    “Let’s go. Are you full?” Tanong niya at pinasadahan ako ng tingin.
    “Yup. Ang dami kong nakain sa breakfast.” Sabi ko.
    Ngumuso siya at dinampot ang isang sarong at hinagis sa akin. “Well, you don’t look full. Para kang hindi pinapakain.” Umirap siya.
    Pinagmasdan ko siyang nagsusungit na lumabas. Umiling na lang ako at ngumisi. “What’s your problem, boy.”
    Bumaling siya sa akin at sumimangot. “I’m not a ‘boy’. Dapat nga ay ahia ang tawag mo sakin dahil mas matanda ako sayo.”
    “Mas matanda ng eleven months?” Tumawa ako.

    Iritadong iritado siya at hindi ko alam kung bakit. Bumaling na lang siya sa akin at bigla niya akong inakbayan pagkalabas namin ng hotel. Ngumisi na lang ako at na weirduhan sa kanya. Palagi naman talaga siya weird sa akin.

    Naaninag ko agad ang mabilis na patakbo ni Hendrix sa jetski na sinasakyan niya sa karagatan. Nakakainggit. Gusto ko ring subukan iyan kaso hindi ata ako papayagan ng dalawang ito. Ayaw din kasi ni papa kahit nong trip namin sa Samal, e.

    Nakita ko ring kararating lang ng tatlong bangka na sinakyan ng mga pinsan ko. Papababa sila sa bangka. Siguro ay nanggaling sila sa white island? Kumaway ako sa kumakaway na si Claudette sa akin. Nahagip ko rin ang pag lahad ng kamay ni Elijah kay Selena nang pababa sila ng bangka. Nakatitig na naman ako. Pagkalingon ni Elijah sa likod niya ay agad nag tama ang mga mata namin. Kumunot ang noo niya nang nagkatitigan kami at agad siyang nag iwas ng tingin.

    Hinawakan ni Selena ang kanyang kamay at may sinabi siya kay Elijah na kawili wili ngunit walang bakas na ngisi sa mga labi ni Elijah. Imbes ay mukha pa siyang galit o iritado.

    “Klare…” Malamig na tawag ni Pierre sa gilid ko.

    Batid kong naiwan niya na ako. Nakalapit na siya sa dalampasigan kanina ngunit binalikan niya ako nang nakitang nakatunganga lang dito.

    “Hmmm…” Sabi ko habang tumititig parin sa mga Montefalco. Lalo na kay Elijah.

    Pinasadahan niya ng kanyang palad ang kanyang buhok. Halos wala talagang nagbago sa kanya bukod sa mas lalo siyang tumangkad at mas lalong lumaki ang kanyang katawan. I missed him so much. Iyong mga katangian ng kanyang mukha na buong akala ko’y hindi ko na ulit makikita o mararanasan… miss na miss ko na siya. May kirot sa aking puso na siyang nag pa iwas sa akin ng tingin sa kanya.

    Bumaling ako sa seryosong si Pierre. Kinagat niya ang kanyang labi at taas noo niya akong pinagmamasdan.

    “I really think you should get a boyfriend.” Aniya.
    Umiling ako at kinuha sa kamay niya ‘yong skim board.

    Naglakad ako patungo sa dalampasigan. Nanuot sa mga tsinelas ko ang buhangin. Dinungaw ko ang paa ko habang lumalapit sa munting mga alon.

    “Miss, nahulog ang sarong mo. Paki lagay ulit sa baywang mo. Naka rash guard ka nga, naka bikini bottom naman.” Ani Pierre.
    Tumawa ako. “You sound like Papa.”

    Hindi ko sinunod ang gusto niya. Nakapag suot naman ako ng two piece noon sa Samal. Hindi naman siya ganon maka react noon. Bakit ngayon, ganito? Tsaka, mababasa ako dahil sa pag s-skimboard, di ko kailangan ng may nakakabit na sarong sa baywang ko.

    Ni-slide ko ang skimboard sa maliliit na alon at tumakbo ako para tumungtong doon. Unang subok ko pa lang sa araw na iyon ay smooth na agad ang takbo ko. Pumalakpak si Pierre sa malayo.

    “Good job, shobe!” Aniya.
    Ngumisi ako. “Because of you and Hendrix, I got a thing for boards.”
    “It runs in the blood.” Ngumisi siya at pinadausdos din ang kanyang skim board sa maliliit na alon.

    Nang sumakay siya ay hindi ko talaga maipagkakaila, I learned from the best. Magaling si Pierre at Hendrix sa mga may kinalaman sa board. Minsan ko na ring nakita si Hendrix na nasabayan ang mga alon habang nag su-surfing sa Samal. He’s really good.

    Pinadausdos ko uli ang skim board pabalik. Batid kong may mga pinsan akong tumigil para manood, samantalang ang mga babae naman ay mabilis na pumunta sa restaurant. Siguro ay hindi pa sila nakakapag breakfast.

    “Anong gagawin natin ngayon?” Tanong ko habang hinihingal dahil sa pagtakbo pabalik at pag dampot ulit sa skim board.
    “Anong gusto mo? White Island?” Tanong ni Pierre.
    “Wala na yata pag matatagalan pa tayo. Alam kong wala na ‘yong island pag high tide.” Sabi ko.
    “Meron pa ngayon. We’ll call kuya.” Aniya.
    Tumango ako. “Sige.” At pinadausdos ulit ang aking skimboard sa munting mga alon.

    Kumunot ang noo ko nang nagbiro si Pierre at mabilis na nag lahad ng braso para mapigilan ako sa pag s-skim. Mabilis pa naman ang takbo ko kaya tumawa ako dahil alam kong tatama ako sa katawan niya.

    Muntik na akong nadapa nang tumama ako sa braso niya. Mabuti na lang at kinabit niya ang braso niya sa baywang ko. Yong skimboard ay nasa malayo na. Hinampas ko ang braso niya habang nagtatawanan kami.

    “Tigil na. Aalis na tayo.” Aniya at biglang sumipol gamit ang index finger at ang thumb niya para tawagin ang nag ji-jetsking si Hendrix.

    “Wow, Klare! Marunong kang mag skimboard?” Tanong ni Rafael sa likod ko.

    Bumaling ako sa kanya at nagulat ako nang nakita kong nakaupo siya sa buhangin habang si Azi at nakatayo at nakahalukipkip sa gilid niya. Nakita ko ring paparating si Damon para manood.

    “Oo, e.” Ngumisi ako.
    “Pahiram ng skimboard?” Ani Damon.
    Tumango ako at hinayaan siyang kunin ang skim board ko. Sumunod din si Rafael at Azi kay Damon. Pinagkaguluhan nila ang skimboard.

    “Ahia’s at it again.” Suminghap si Pierre nang nakita si Hendrix na may kahabulan sa jetski. May isa pa kasing babaeng naka bikini na nag ji-jetski at parang tuwang tuwa silang dalawa dahil sa ginagawa nilang iyon.

    “Klare…” Narinig ko ang boses ni Claudette sa likod ko.

    Bumaling ako sa kanya at nakita kong sumabog ang mahabang buhok niya dahil sa hangin na umihip. Sa likod niya naman, hindi ko maiwasang hindi makita si Elijah na nakahalukipkip at pinapanood ang mga boys na nag aaral paano mag skimboard. He wants to join them, I know. Ngunit bakit ayaw niyang lumapit?

    Bumaling ulit ako kay Claudette na nasa harapan ko na ngayon. Kumunot ang noo niya. She’s really a keen observer. Hindi ko iyon maipagkakaila. Hanggang ngayon, basang basa niya parin ang mga mata ko. Ngumiti ako at binigay ang buong atensyon sa kanya.

    “Klare, you should really get a boyfriend. Or a suitor at least.” Dinig kong sambit ni Pierre sa likod ko.
    Umirap ako sa kawalan. Ayan na naman siya.
    “I probably should stop Kuya from his evil and stupid plans of ruining your lovelife.” Humalakhak siya.
    “What evil plan are you talking about?” Bumaling ako sa kanya.
    “Wala. Just kidding.” Ngumiti siya.
    “I’m okay with my status, Pierre. Being single is great. Pinanganak akong single kaya mabubuhay rin akong single.”

    I know he’s just concerned about my feelings for Elijah. Halata rin ni Pierre at Hendrix iyon. Ngunit ayaw kong manggamit ng ibang tao para maka move on. I think I’m really doing well. Ipinagmamalaki ko naman na hindi ako nag aalburuto tuwing nakikita ko si Elijah kasama ang kanyang girlfriend. Yes, nasasaktan, pero hindi ako nagwawala. That’s a good thing, right? Considering na sobrang possessive ko sa kanya noon. Na gusto kong sa akin lang talaga siya.

    “Ikaw na lang ang walang boyfriend sa mga pinsan mo, e.” Ani Pierre.
    “No. I’m single too. Wala rin akong boyfriend.” Singhap ni Claudette.

    Bumaling ako kay Claudette na blanko ang ekspresyon at nakatingin kay Pierre.

    “Well, I don’t think so. Sa dictionary ko, pag nag hoholding hands, in a relationship na iyon. Except of course kung kapatid.” Nagkibit balikat si Pierre sa akin.
    Kumunot naman ang noo ni Claudette at mukhang naging iritado. “Your ideas are too primitive, then. Pwedeng mag holding hands ang friends. And he’s courting me anyway. I let him do that so I can feel him.”
    Pumula ang pisngi ni Pierre. Gusto ko sanang sumingit dahil mukhang nagkakainitan na ang dalawa. Ayaw kong mag away ang kapatid ko at ang pinsan ko.
    “Well, I’m sorry for being traditional. Pero iyon ang para sa akin. I don’t do flings and shits.” Ani Pierre.
    “I don’t do flings, too. He’s courting me.” She explained.
    Nagkibit balikat si Pierre at mabilis na naglakad palayo. Naramdaman niya yata ang pagdating ni Hendrix. “Klare, dito ka lang muna. Balikan ka lang namin.” Ani Pierre.

    Pinagmasdan kong umalis silang dalawa patungong hotel.

    “Stupid.” Bulong ni Claudette sa hangin.
    Kumunot ang noo ko sa kanya. “Clau, sorry for Pierre. Suplado talaga iyon.”
    Umiling si Claudette. “No, It’s okay. Nakikita ko naman na suplado talaga siya.”
    Kinagat ko ang labi ko at naagaw agad ng mga boys ang atensyon ko. Pinagkaguluhan nila ang skimboard ko. Tumawa ako nang nakitang basang basa si Azi na nakahandusay sa buhangin. Mukha atang nadapa siya.

    “Lampa mo!” Sigaw ni Josiah na nakalapit na ngayon.
    “Fuck you! Kill yourself!” Sigaw ni Azi.
    Nagtawanan sila. Tumawa rin ako. I miss them. God, I missed them so much!

    “Klare.” Nasa gilid ko na si Claudette.
    “Hmmm?” Sabi ko at naglakad palapit sa mga boys.
    Sinabayan niya rin ako. “I’m really happy na okay na kayo nina Erin.” Aniya.
    “I’m happy too, Clau.” Sabi ko.
    “Sana ay magpatuloy ito. Hmmm. Kasi… P-Pwede na ba kitang ma invite kung sakaling may mga events kasama ang mga pinsan natin?”
    “Oo naman!” Bumaling ako kay Claudette. “Oo, syempre.”
    “Hindi ba awkward?” Tanong niya.
    Ngumuso ako. It will be really awkward but it’s all bearable to me. “Nope.”
    “Okay. You can invite your brothers too. Kung mas kumportable kang kasama sila. I can see that you are very close na.”
    Tumango ako. “Hindi sila mahirap pakisamahan.” Sagot ko.
    Hindi siya kumibo.

    Narinig ko na lang na sinasambit na ni Josiah ang pangalan ko nang siya naman ngayon ang nakahandusay sa buhangin.

    “That’s what you get, asshole!” Sigaw ni Azi sabay tawa ng malakas kay Josiah na ngayon ay iniinda ang sakit sa likod.
    “Turuan mo nga kami, Klare! Tumahimik ka diyan, Azi!” Sigaw ni Josiah.
    “Dude, Josiah is crying like a little girl.” Piniyok ni Azi ang kanyang boses para kantyawan si Josiah.

    Tumindig ang balahibo ko nang narealize kung sino ang tinaag niyang ‘dude’ sa likod ko. Elijah’s near me. Oh my God. Relax, Klare. We’re alright. We’re fine!

    “Akin na nga.” Sabay kuha ko sa skimboard kong kulay pink.
    Sumipol si Rafael. “Damn smexy legs.” Tumawa siya.
    Bumaling ako sa kanya. Uminit ang pisngi ko. Tumawa si Josiah. “Rafael, she’s our cousin.” Hindi ko alam kung awkward ba ito o ano pero hiya na lang ang naramdaman ko.
    Tumawa si Rafael at nakipag high five kay Damon. Umiling ako.
    “Damn, you’re not allowed to say something like that while I’m listening.” Ani Elijah na siyang nakapagpatahimik sa kanila.

    Halos manginig ang kamay ko nang bitiwan ko ang skimboard. Parang may nagwawala sa tiyan kong ilang taon ko nang hindi nararamdaman. Nangatog ang binti ko at hindi ako sigurado kung maayos ko bang magagawa ang pag s-skim na ito. Binalewala ko ang nakakabinging katahimikan, binalewala ko ang sinabi niya, tinulak ko ang skimboard at mabilis akong tumakbo at sumakay doon.

    Dammit! My heart is beating so fast! Hindi ko mahabol ang sariling pagpintig. Ang bilis! Ang bilis kong mainlove ulit! Ang bilis bilis! Hindi naman siguro talaga nawala pero hindi ko inasahan na ganito ka grabe ang paghuhuramentado nito pagkatapos ng ilang taon.

    His damn words. He should really just shut his mouth. Damn, I don’t like the words from his mouth!

    Tumigil ang skimboard at tumakbo ako palayo don. Pumalakpak sa malayo ang mga pinsan ko. Nakita kong naiwan si Elijah sa likod na nakatingin sa akin. Dapat ay itikom niya na lang ang bibig niya.

    Ngumisi ako at huminga pa ulit ng malalim. “Ganon lang naman. I don’t-d-d-don’t exactly remember how it worked for me. Tinuruan lang ako ni Pierre, e.” Sabi ko nang nakalapit lang sila.
    “Well, practice makes perfect, siguro?” Sabay kuha ni Damon sa skimboard ko. “Kailan ang punta ninyo sa Ardent, Klare?”
    “Ah, mamayang hapon siguro.” Sagot ko.
    “Good. Mamayang hapon na lang din tayo, Dette, paki sabi kina Erin at Chanel. We need to learn this thing.” Ani Damon.

    Oh. Magsasabay kami patungong hot spring? Hindi ako sigurado kung nagugustuhan ko ba ang ideyang iyon. Tumama ulit ang mga mata ko kay Elijah na ngayon ay ngumunguso at nakatingin sa akin.

    “Klare…” Dinig kong tawag ng naka wayfarers na si Pierre sa akin.

    Pareho silang naka rashguard ni Hendrix ngayon at pareho ding may wayfarers. Inabot niya sa akin ang isa pang wayfarers at agad ko itong sinoot. Uniporme na kaming tatlo ngayon. Suminghap siya at binalewala ang presensya ng mga pinsan ko. Nilagay naman ni Hendrix sa tainga niya ang kanyang cellphone at mukhang may kausap na importante habang naglalakad palapit sa bangka.

    “Let’s go.” Matigas na sinabi ni Hendrix.
    “Come on, Klarey.” Sabay lakad ni Pierre.

    Tumingin ako sa mga pinsan kong pinagmamasdan kaming tatlo na umaalis.

    “Alis na ako. Paki ingatan ang skimboard ko.” Sabi ko at sumunod na sa dalawang kapatid kong naghihintay.

    Inakbayan ako ni Pierre at naglahad si Hendrix ng kamay sa akin galing sa bangka. Tinanggap ko ito at tumungtong na doon.

    “Kaya walang pumuporma sayo, e, bantay sarado ka.” Halakhak ni Hendrix.

    Ngumisi silang dalawa nang nasa bangka na kami. Umiling na lang ako at pinagmasdan ang mga pinsan kong pinagkakaguluhan ang skimboard ko. Sa kanilang lahat, si Elijah lang ang nakatingin ng diretso sa akin. Hindi lang ako ang may kakayahang tumitig sa kanya…

    Nakita kong umiling siya at kumunot ang noo. Nag iwas siya ng tingin at tumalikod sa akin.

    Ngumuso ako at pinagmasdan ko siyang umaalis sa kinatatayuan niya. It’s like he’s angry, mad, and irritated. I don’t know why.

    “Selena is a nice girl.” Ani Hendrix.

    Umandar na ang bangka at bumungad na sa akin ang bagsik ng hangin.

    “Bago sila umalis papuntang New York, naging classmate ko siya nong grade school.” Ani Hendrix.
    “I know she’s nice. Nakilala ko siya kagabi.” Sabi ko.

    Ngunit hindi ko maipagkakaila na gumaan ang loob ko nang sinabi iyon ni Hendrix. Ang malaman na mabait siya galing sa isa pang point of view ay mas nakakawala ng pangamba.

    “Hindi ko siya agad namukhaan kasi maraming nagbago sa kanya. Matagal na rin yon, Grade School.” Ani Hendrix.
    Tumango ako.
    “Are you okay with them, Klare?” Tanong ni Pierre.
    “Yup.” Sagot ko. “I need to be.”

    There’s no other option.

  • Kabanata 8Open or Close

    Kabanata 8
    Friends

    Kumakalam ang sukmura ko pagkabalik namin galing ng white island. Ngumunguso ako at inaayos ko ang aking sarili pababa ng bangka.

    “I’m starving.” Ani Hendrix at nag angat siya ng tingin sa di kalayuang restaurant.

    Mahigit tatlumpong minuto lang naman kaming nawala. Ayaw kasi nilang magtagal doon dahil sobrang init. Pulang pula na nga ang pisngi ni Kuya Hendrix. Si Pierre naman ay di inalintana ang init dahil panay ang kanyang scan sa mga nakuhang pictures sa kanyang DSLR.

    “Let’s eat.” Anyaya ko at nag angat din ako ng tingin sa may restaurant.

    Hindi pa umaalis doon ang mga Montefalco. Nakita kong hinahawakan ni Azi ang aking skimboard habang kumakain kasama ang iba kong pinsan at ang kanilang mga kaibigan.

    “Maya na, Klare. We’ll change first.” Sabi ni Hendrix at nagsimula siyang maglakad palayo doon at papuntang hotel.

    Aniya’y mag re-ready na daw kami sa pag alis patungong Ardent Hot Spring. Ayaw niyang doon matulog ngunit kinumbinsi ko siyang doon na lang dahil masarap maligo sa hot spring buong gabi. Sumang ayon naman siya at mabilis na nagpa book agad ng reservation habang naliligo at nagbibihis kami.

    Inaayos ko ang sintas ng sneakers ko habang nag aayos naman ng buhok si Pierre sa salamin. Narinig kong tumunog ang cellphone ni Pierre. Kinuha niya iyon at bahagyang umalis para sagutin ito.

    “Dude.” Bungad niya sa tumatawag.

    Umupo ako ng maayos at inayos ko naman ngayon ang jacket kong sinusuot. Pinagmasdan ko siyang nagbago ang mga ekspresyon galing sa gulat hanggang sa ngisi.

    “Sige, sabihin ko kay Kuya.” At binaba niya ang cellphone niya.

    Lumabas si Hendrix sa banyo nang nakabihis na at nag aayos na rin ng buhok. Kinuha niya ang cellphone niya at umambang lalabas na…

    “Kuya, tumawag si Vaughn…” Ani Pierre habang sinusndan si Hendrix.

    Sumunod na rin ako sa kanya at sinarado ko ang pintuan. Sinalubong si Hendrix ng isang bodyguard na para bang biglaang sumulpot sa corridor ng hotel namin. May binulong siya rito bago bumaling kay Pierre.

    “Ano daw?” Tanong ni Hendrix.
    Sinundan ko ng tingin ang bodyguard na mabilis na pumunta sa room. Siguro ay kukunin niya ang mga bag namin nang sa ganon ay diretso na kami sa van pagkatapos naming kumain.

    Hendrix is intimidating sometimes. Silang dalawa ni Pierre. Hindi ako makapaniwala, hanggang ngayon, na kapatid ko ang dalawang ito. Walang intimidating sa akin. Well, I don’t know but I don’t think I’m intimidating at all.

    Bumungad sa akin ang maraming tao sa restaurant. May mga foreigners, locals, at syempre sa isang malaking table ang mga Montefalco at mga kaibigan namin. Dumiretso si Hendrix sa isang table na bakante at mukhang naka reserve pa ata. Umupo siya at bumaling sa akin.

    “Anong sabi, Pierre?” Tanong niya habang sinusuri ako.
    “Patungo na silang Cagayan de Oro ngayon.” Ani Pierre.
    Kumunot ang noo ni Hendrix. “Shorts too short, Klare.” Ngumuso siya.
    Umamba akong uupo ngunit tumigil dahil sa sinabi niya. “Sorry. Maiksi lang tingnan kasi masyadong malaki itong jacket.” Umupo na ako.
    Tumango siya at kinuha ang menu sa kamay ng waiter.
    “Kuya, you’re ideas are too primitive.” Ani Pierre.
    Bumaling ako kay Pierre. Humalakhak siya.

    Naglapag ang waiter ng mga baso at agad nilagyan ng tubig sa harapan ko. Nanliit ang mga mata ko kay Pierre dahil napansin kong pamilyar ang sinabi niyang iyon.

    “Well, that’s because we don’t want someone ogling her.” Ani Hendrix sa seryosong tono habang nakatingin parin sa menu.
    “Ha? Sino?” Tanong ko at luminga linga sa paligid.

    Nahagip ng tingin ko ang mga Montefalco na kumakain sa table. Nagtama ang paningin namin ni Elijah. May sinusubong prutas sa kanya si Selena at bahagya siyang umilag roon. Tumawa si Selena. Ngumiti din si Elijah ngunit tiningnan niya ako pabalik habang sinusubo iyong strawberry na binibigay ni Selena.

    Alagang alaga siya ni Selena. That’s good. He deserved the world for his love. Nag iwas ako ng tingin at bumaling kay Hendrix na naabutan kong nakatingin din sa akin.

    “Now you stop watching them. I’ve been watching you too much, too. Halata ka masyado.” Aniya.
    Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.
    “Kuya, let her. Besides, he’s taken. And he looks happy.” Ani Pierre.
    “Sorry… I really just can’t help it.” Utas ko.
    “I know, Klarey. Pero ayaw kong nakikita kang parang naiinggit sa isang bagay. Hindi ka pwedeng naiinggit. Dapat ay sayo ang lahat ng gusto mo.”
    “Rix, hindi ako naiinggit. I’m just… really curious.” Sabi ko habang iniisip kung bakit nga ba ako madalas tumitig sa dalawa.

    Ilang taon din kaming nawalay ni Elijah at natural naman sigurong puno ako ng kuryosidad sa kanyang relasyon ngayon. Hindi ko naman iniisip na pu pwedeng maging ako si Selena. Na pwedeng ako ‘yong sumusubo sa kanya ngayon. Nope. I just really can’t help it.

    “May girlfriend na rin siya. He’s off limits.” Sabi ko.
    Ngumisi si Hendrix at humilig sa akin. “He’s always been off limits to you. And you to him, Klare. Be careful this time.” Aniya.

    Kinilabutan ako roon. Hindi ko alam kung ano ang gustong iparating ni Hendrix sa akin. Simple lang naman ang kanyang sinabi ngunit hindi ko maiwasan ang mapaisip tungkol doon. May girlfriend na si Elijah at masaya na siya. Ako naman, on the process of moving on. Unti unti ko nang natatanggap na tapos na iyong sa aming dalawa. Noon ko pa ito alam ngunit ngayong nakikita siya sa harap kong talagang masaya kasama ang iba, parang ngayon lang talaga ito nanuot sa akin.

    Pagkatapos naming kumain ay tumayo na agad kami. May katawagan si Hendrix sa cellphone habang si Pierre naman ay may ka text. Nilingon ko ang table ng mga Montefalco at nag ingat na hindi gumala ang mga mata ko sa kina Elijah.

    “Klare, alis na kayo?” Tanong ni Erin na ngayon ay inaakbayan ni Eion.

    Ngumisi ako at tumango. Tiningnan ko si Eion na agad umayos sa pag upo at tinanggal ang kanyang kamay sa upuan ni Erin. They look good together. Hindi ngumisi si Eion sa akin. Like he’s intimidated or something.

    “Kayo ba?” Bumaling ulit ako kay Erin.
    “Hinintay lang namin kayo para sabay na tayo? San kayo matutulog?” Tanong ni Pierre.
    “Sa Ardent!” Sabi ko.

    Hinila na ako ni Pierre kahit hindi pa ako nakakapagpaalam. Kumaway na lang ako dahil mabilis na kaming nawala doon.

    Sa sasakyan ay umaandar na naman ang pagiging bangag ni Pierre. Panay ang patugtog niya ng mga maiingay na kanta. Tinawanan ko siya nang sinabayan niya ang kantang Timber ni Kesha. Tumawa rin si Hendrix.

    Nang tumunog ang Mirrors na kanta ni Justin Timberlake, natawa ako dahil ginaya niya ang mga movements ng sayaw ko noon sa Dance Studio.

    “You suck, Pierre!” Tumawa ako.
    “Damn! Magkapatid ba talaga tayo? Ba’t di ako marunong sumayaw ng hiphop tulad mo?” Tumawa siya.
    “Magkapatid kami ni Klare kasi pareho kaming magaling sa skim board.” Tumawa si Hendrix.
    “Magaling din naman ako, a?” Sumimangot si Pierre.
    “No! You suck!” Sabay namin sinabi ni Hendrix.

    Nag asaran lang kami hanggang sa nakarating na kami sa Ardent. Wala masyadong tao roon. Siguro ay dahil weekdays ngayon. Pinili ni Hendrix ang isa sa pinaka kumportableng room. Kahit na aniya’y mas mabuti sana kung sa Resort na lang kami magpapalipas ng gabi. Like papa, he will always give me what I want. Nang sinabi kong dito, talagang nagpasya siyang dito kaya napapangiti ako sa effort niya.

    Inantok ako kaya hindi ako agad naligo. Natulog na lang muna ako habang ang dalawa ay ignoranteng lumusob sa hot spring.

    Nang dumilat ako galing sa pagtulog ay nakita ko sa labas na medyo gumagabi na. Mabilis akong nagbihis ng maari kong iligo sa hot spring. Syempre, naka shorts lang ako at spaghetti strap na top.

    Pagkalabas ko ng room ay naaninag ko agad ang mga pinsan kong nagkalat sa mga lagoon ng spring. Maingay sila at nag tatawanan. Nakita kong nagbabasaan sila sa iisang lagoon. Parang binibiro nila si Josiah at mukhang napipikon na ito.

    Nakita ko sa kabilang lagoon si Chanel, Brian, Claudette, Pierre, at Hendrix. Nag angat ng tingin si Pierre at nakita niya akong lumalabas ng room. Kumaway ako at ngumisi habang umuupo sa batong bench.

    Halos walang pinagbago ang lugar. Ganitong ganito rin ito noon nang pumunta kami rito. Nilingon ko ang lagoon kung saan ako napag isa noon dahil sa selos ko kay Elijah at Cherry o Hannah. Nakita kong naroon si Elijah at Selena na nag uusap sa gilid. Nakita ko rin si Hannah at Julia malapit sa kanila. I wonder if Hannah’s still hurting? Pareho ba haba ng pagmamahal namin kay Elijah?

    Nagtama ang mga mata namin ni Hannah at maligaya siyang kumaway sa akin. Kumaway ako pabalik. I don’t know. Madalas kasi malalakas ang mga tao, lalong lalo na ang mga babae. Ngumingiti sila kahit na ang sakit sakit na.

    Nag kibit balikat ako at pinanood ko ang suot kong balot na balot kumpara sa mga nakabikini kong kaibigan at pinsan. Nakaka out of place naman. Umihip ang hangin kaya niyakap ko ang aking sarili.

    Hindi na muna ako lulusob sa lagoon dahil crowded pa. Mamaya na siguro pag naisipan nilang umahon para kumain. Habang nanonood ako sa mga pinsan kong may kanya kanyang pinagkakaabalahan, may narinig akong strum ng guitar sa gilid ko.

    Humalakhak ako nang nakita ko si Azi na nakasoot ng kulay gray na sleeveless shirt at board shorts. Medyo basa pa ang kanyang buhok at nakangiti siya sa akin. Nag indian sit ako sa malaking bato at pinanood siyang ngumingisi sa akin. Tiningnan kong mabuti ang pag s-strum niya. Nakakamiss mag gitara. May gitara si Pierre at Hendrix kaya lang hindi ko pa naisipang manghiram sa kanila.

    “Pahiram?” Sabi ko.
    Kumunot ang kanyang noo at hinawi ang gitara sa kamay ko.
    “Hayok ka naman masyado.” Sabay kuha ko ulit sa gitara.
    “Isang beses lang, ah!? I’m trying to learn this shit.” Aniya.
    “Ha?” Sabay kuha ko sa gitara. “Para san?”
    Nagkibit balikat siya at ngumisi.

    Umiling ako at hindi na nakiusisa. Siguro ay may inaaral siyang kanta. Marunong naman siyang mag gitara. Mahirap siguro iyong inaaral niya.

    Pagka strum ko ng isang beses sa gitara ay napapikit ako. Para bang may mga alaalang nagbalik sa akin.

    “Oh girl, you also know how to play that thing?” Sigaw ni Pierre sa malayo.

    Tumawa ako at umiling habang kinakalabit ulit ang gitara. May kanta akong gustong kantahin sa mahinang boses. Pinapanood ako ni Azi habang kinakalabit ko ang intro nito.

    “Wow, you play so well.” Ani Azi.

    “I’ve been driving for an hour
    Just talking to the rain
    You say I’ve been driving you crazy
    and its keeping you away
    So just give me one good reason
    Tell me why I should stay…”

    Oh dammit! I miss strumming a guitar. I miss his guitar. I miss his husky voice in my room. I miss his scent. I miss that look in his eyes.

    Pinikit ko ang mga mata ko at inisip siya dalawang taon na ang nakalipas.

    “‘Cause I dont wanna waste another moment
    in saying things we never meant to say
    And I Take it just a little bit
    I, hold my breath and count to ten
    I, I’ve been waiting for a chance to let you in
    If I just breathe
    Let it fill the space between
    I’ll know everything is alright…”

    Tumigil ako sa pagkanta at dumilat. Binalik ko agad kay Azi ang gitara. Nagulat siya sa pagtigil ko.

    “O, ba’t ka tumigil. You look so carried away.” Tumawa siya.

    Nagulat ako nang umahon si Pierre at Hendrix habang nakatingin sa akin. Tumikhim ako at sinagot si Azi.

    “I want to take a dip.” Sabi ko nang napagtantong umaahon na rin ang iba sa lagoon.

    Tinawag ni Claudette si Azi para kumain na ng dinner. Isa-isa silang nag si ahon sa lagoon. Good. Then I can be alone now.

    “Okay. Kain na muna kami, Klare. Baka gusto mong sumama?” Tanong niya.
    “Thank you.” Sagot ko kahit na hindi naman talaga ako pupunta.

    Pinanood ko silang pumupunta sa cottage kung saan pinapalibutan na ng mga pinsan ko. Nakita ko ring dumaan si Selena sa harapan ko at pumunta na doon sa cottage nilang medyo malayo sa amin.

    “Magpapahanda ako ng pagkain.” Sabi ni Hendrix nang nakalapit sa akin.
    Tumango ako. “Alright. I’ll just take a dip.” Sabi ko.
    Tumango si Hendrix at hinayaan akong lumusob sa lagoon.

    Mainit ang tubig, as usual. Kaya masarap talaga dito sa Ardent. Ang problema ko lang tuwing naliligo ako sa mainit na tubig ay ang pag ahon. Nakakapaso ang lamig sa pag ahon pag galing ka sa mainit na tubig. Now, I don’t want to get out of here.

    Nakita kong lumusob din si Pierre at lumangoy siya patungo sa madilim na parte ng lagoon. Bibiruin ko sana siya na baka may ahas na biglang susulpot diyan ngunit naaninag ko ang isang anino.

    Bumaling ako sa pinanggalingan ng anino at nakita ko si Elijah na nakaawang ang bibig at nakatingin ng diretso sa akin. Luminga linga ako para tingnan kung sino ang kasama niya, kaya lang ay nakita kong halos silang lahat ay naroon na sa malayong cottage ng mga Montefalco.

    Tinitigan ko ang mga matang nagpahulog sa akin ng husto noon. Ganon parin ang epekto nito sa akin ngayon. Kung maari ay mas lalong lumalalim pa ang pagkakahulog ko. Tumikhim siya at medyo naagaw ang kanyang atensyon nang biglang humuni si Pierre sa malayong gilid ko. Para bang ipinapaalala niya na hindi kami mag isang dalawa.

    Nakita kong nag igting ang bagang ni Elijah. Nakatitig siya sa akin at para bang may gusto siyang sabihin. Kumalabog ang puso ko. Hindi ako makagalaw sa lagoon.

    “Can you leave us alone, please.” Malamig niyang sambit at bumaling kay Pierre.

    Mas lalong naghuramentado ang damdamin ko. Kung wala ako sa tubig ay baka humandusay na ako sa panginginig ng tuhod ko.

    “Oh…” Dinig kong sinabi ni Pierre at lumangoy palabas ng lagoon.

    Bakit gusto niyang mapag isa kaming dalawa? Where is his girlfriend? Ano ang maari naming pag usapan na kailangang wala ang kapatid ko.

    Humahon si Pierre at kitang kita ko ang likod niyang punong puno ng pumapatak na tubig galing sa lagoon. Elijah was already damp, though. Tinitigan ni Pierre si Elijah kahit na si Elijah ay diretsong nakatitig sa akin.

    “I won’t leave because you said so. Kukunin ko lang ang tuwalya para kay Klare nang makaahon na siya at kumain na kami.”

    Nag igting ang bagang ni Elijah. No, Pierre. Please, stop.

    “This isn’t two years ago. She’s not yours. Hindi na ikaw ang palagi niyang kasama at mas lalong hindi na ikaw ang pinakamalapit sa kanya. You have a girlfriend. And Klare is off limits.” Umigting ang bagang ni Pierre habang binubulong ito ng mariin.
    Bumaling si Elijah sa kanya. “I know that. I’m not stupid. I’m just…” Pumikit si Elijah. “really dying to talk to her. Now, will you please leave?”

    Nalaglag ang panga ko. Ano ang gustong sabihin sa akin ni Elijah at bakit kailangang kami lang talagang dalawa?

    “Please, Pierre.” Sabi ko.
    Bumaling si Pierre sa akin, umirap, at umalis.

    Tumikhim si Elijah at yumuko ng ilang sandali bago bumaling ulit sa akin. Hinanap ko ang mga mata niya kahit na nahihirapan akong tingnan ito ng mabuti.

    “I-I just want to know if you’re okay.” Aniya habang hindi makatingin ng diretso sa akin.
    Tumango ako at unti unting lumapit sa kanya. Nasa lagoon ako habang siya ay nakatayo sa labas nito. Tumitingala ako sa kanya. Gusto kong makalapit ngunit alam kong sobra iyon para hingin ko pa.
    “Ikaw, are you okay? Kumusta ka na?” Tanong ko.
    Nag igting ang bagang niya. Hindi siya agad sumagot. Sinuri niya ang aking mukha bago tinikhim ang sagot na, “Yup, I’m fine.”
    Tumango ako. “I can see that.”

    Binalot kami ng nakakabinging katahimikan. Noong umalis siya ay sobrang lapit naming dalawa. Ayaw kong mawalay sa kanya ngunit kailangan namin iyon. Ngayong nagbalik siya, sobrang daming nagbago sa pagitan naming dalawa at ito ang naging resulta ng pagbabago.

    “She takes care of you so well, Elijah.” Kinagat ko ang labi ko.
    Pumikit siya at tumango. “She’s great.”

    Sinaksak ang puso ko habang naririnig ko iyon. Nag iinit na ang gilid ng mga mata ko sa nagbabadyang mga luha ngunit pinigilan ko iyon. Ngumiti ako at nagpasalamat na nasa lagoon ako. Hindi mahahalata kung luluha man ako ngayon.

    “Mabuti naman at naging masaya ka. I’m happy for you.” Halos hindi ko maayos ang pagkakasabi nito.

    It’s so hard to pretend that I’m really happy at this moment. Totoong naging maligaya ako nang nakita ko siyang masaya sa iba dahil hindi ko iyon maibigay sa kanya noon. Ngunit ang aminin ito sa harap niya ay masakit pala. Sobrang sakit.

    “I’m sorry for not being there. I didn’t know.” Nanginig ang kanyang boses pagkasabi ng huling pangungusap.

    Nag angat ako ng tingin sa kanya. Masyadong madilim para makita ng husto ang kanyang mga mata.

    “Okay lang. Ang mahalaga ay okay na ako ngayon.” Sabi ko at umahon nang nakita si Pierre na paparating.

    Bumaling si Elijah sa akin at nagkaharap kaming dalawa. Suminghap ako at tinalikuran siya nang hinawakan niya ang braso ko.

    “Hey…” He trailed off. “Did I lose you?”
    Nakita ko ng mas malinaw ang kanyang mga mata. Nahihirapan siya at hindi ko alam kung bakit. Narinig ko ang mga yapak ni Pierre sa gilid ko. Hindi ako nakasagot sa tanong ni Elijah.
    Nag igting ang kanyang mga bagang at suminghap ulit. “C-Can we be friends? Is it too much to ask?” Tanong niya gamit ang pamilyar na boses sa akin.

    Parang pinipiga ang puso ko sa tono niya at sa kanyang gustong mangyari. Nasasaktan ako. Sobra sobra na pakiramdam ko ay gusto kong tumakbo at magwala.

    “No. We’re friends.” Tumango ako at ngumisi. “No problem, Elijah.” Sabi ko at tuluyan na siyang tinalikuran bago bumuhos ang aking luha.

  • Kabanata 9Open or Close

    Kabanata 9
    Big Deal

    Kinaumagahan ay tulala ako habang hinihintay ang mga kapatid kong matapos sa pagbibihis. Maaga kaming aalis.

    Kagabi ay hindi na ulit ako lumabas ng room. Nagkulong ako doon at hindi ko magawang tumigil sa pagluha. Masyado akong nasaktan. Masakit na hiningi niya iyon sa akin. Kaya ko iyong ibigay, oo, hindi dahil magaan ang loob ko, kundi dahil kahit ano na lang basta may maibigay ako ay ibibigay ko iyon sa kanya. I’m desperate. Masyado na atang umaapaw ang pagmamahal ko sa kanya na hindi ata makakapayag ang sistema ko kung hindi ko siya mabigyan man lang ng konti.

    Naging mabilis ang byahe. Tahimik sina Pierre at Hendrix buong panahon dahil nasaksihan nila ang pag iyak ko kagabi. Nagsisi ako kung bakit ako umiyak nang ganon. Baka isipin nilang sinaktan ako ng husto ni Elijah at baka magalit pa sila sa kanya. I did this to myself. Ako ang nagtulak sa kanya palayo noon at maaring kung bumalik siya nong nalaman ko ang katotohanan ay mas lalo lang naging magulo ang buhay ko. Wala siyang kasalanan. He found his hapiness now and I’m okay with that. Hindi ko lang talaga kayang hindi ilabas ang lungkot ko. He lost his faith in love, for sure. Nang minahal niya ako at tinulak ko siya palayo, that was a big blow to him. Who would dare afford to lose someone who loved fiercely? I would, if it’s for my family. And Selena gave his faith back to him. Siguro ay sa gitna ng kanyang pag tangis at lungkot dahil sa nangyari sa akin, dumating siya at pinaligaya niya si Elijah. Salamat sa kanya, naging madali kay Elijah ang pag mo-move on. He deserved that kind of happiness.

    Nakatulog ako sa byahe pabalik ng Cagayan de Oro. Nagising na lang ako nang narinig kong bumukas ang pintuan at mukhang lumabas si Pierre at Hendrix.

    Luminga linga ako at nakita kong nasa isang down town subdivision kami. Tumingin ako sa labas at nakabukas ang itim na gate ng isang bahay na puno ng mga tao.

    “Sina Jack?” Sabi ko at kinusot ko ang aking mga mata.

    Inayos ko ang sarili ko habang pinagmamasdan sina Pierre at Hendrix na nakikipagbatian sa mga lalaking kaibigan. Kumpleto sila. Hindi ko gaanong kilala ang mga kaibigan nila kaya minabuti kong manatili sa loob. Si Jack lang naman at Vaughn ang medyo malapit sa akin.

    “Klare?” Binuksan ni Hendrix ang pintuan. “Lika! Hinahanap ka nila.”
    Tumango ako at lumabas na ng van.

    Tanghali non kaya naimbitahan kaming kumain kina Vaughn sa tanghalian. Bahay iyon nina Vaughn dito sa Cagayan de Oro. Ang alam ko ay dito muna maninirahan ang mga boys habang nandito sila sa syudad. Wala kasing tao roon bukod kay Vaughn kaya iyon ang magiging tirahan nila.

    Maingay ang mga lalaki, pero ayos lang sa akin iyon dahil sanay na ako. Tahimik akong kumain sa gilid nang bigla nila akong pinansin.

    “Sayang at di nakasama ang girls. Ayan tuloy, isa lang ang cheerleader natin.” Sabay halakhak ni Jack.

    Nag igting ang bagang niya sa paghalakhak. Masyado kasing naka depina ang panga nitong si Jack. May facial hair sa panga niya kaya nag mumukha siyang mas mature sa kanyang edad. Ngumiti ako at umiling.

    “Don’t worry, dadami rin ang fans niyo. You’ll see.”
    “Baka manalo tayo sa tournament?” Tumawa si Vaughn at sumulyap sa akin.

    Ngumuso ako sa yabang niya. Boys. Talagang nagyayabangan pag sila sila ang magkasama. Well, I won’t disagree na baka nga manalo sila sa whole tournament na ito. Jack, Vaughn, and Hendrix are varsity players. Si Pierre ay naging varisty din sa Ateneo de Davao noon. Si Hendrix, dito sa Xavier University. Sina Jack at Vaughn naman ay sa ADDU naman. Kaya nga siguro walang tumatanggap sa kanilang tournament sa Davao ay dahil kilala silang mga players.

    Sumama ako sa kanila patungong Xavier Estates court. Doon daw kasi magkakaroon ng tournament kaya doon din sila nagparegister. Kabado naman ako dahil dito nakatira sina Elijah. Hindi pa naman iyon nakakauwi siguro kaya ayos lang.

    Pagkapasok ko ng sasakyan ay hiningi kong dumiretso na rin kami sa bahay dahil napagod ako sa byahe. Gusto ko na lang matulog sa aking kama. Pumayag sila dahil gusto ata ng mga kaibigan nilang sa bahay na rin magpalipas ng gabi.

    Walang imik akong dumiretso sa kama at natulog na lang nang dumating kami. Nagising na lang ako nang tumunog ng malakas ang cellphone ko. Hindi pa ako dumidilat nang dinampot ko ito sa tabi ng kama ko.

    “Hello?” Sabi ko nang di alam kung sino ang tumatawag.
    “Hi, Klare! Nagising ba kita?” Maligayang bati ni Erin sa akin.

    Napaupo ako sa aking kama. Maybe my voice was too husky kaya niya nalamang galing ako sa pagtulog.

    “It’s okay, Erin. Bakit?” Tanong ko at kinukusot ang mga mata.

    Hindi pa nga pala ako nagbibihis. I really should change.

    “Nasa labas kami ng Montefalco building lahat.”
    Nanlaki ang mga mata ko habang nagpapatuloy siya sa kanyang pagpapaliwanag.
    “Akala kasi namin dito ka uuwi. Wala sina tita at tito kaya naisip namin na mag overnight sana sa inyo. Nakakabitin kasi ‘yong Camiguin.” Humalakhak siya.
    “Huh? Sana pala nag extend kayo kung ganon…”

    Ooopps! Hindi ko sinasadyang sabihin iyon. Wala akong masamang intensyon ngunit bakit pakiramdam ko ay mali ang pagsabi non.

    “E, atat na rin silang umuwi at ipagpatuloy dito ‘yong party party.” Humalakhak ulit siya.
    “Uhm… okay, so… uhm…” Hindi ko mahanap ang salita.
    “Hindi ka ba available?” Bumagsak ang boses niya. I could almost hear her frown.
    “Uhm, I’m free naman. Sige… Pupunta ako. Pero kakagising ko lang. Magbibihis pa ako. You might want to go somewhere else first. Baka kasi matagalan pa ako.” Paliwanag ko.

    Though, I’m not really sure what they want or what will happen this time.

    “We’re here inside your house. Pinapasok naman kami ni manang.” Humalakhak ulit si Erin.
    “Oh! O sige. Good, then. So… I-I’ll just change at pupunta na ako. I’ll call manang, too. Anong gusto niyo? You can also tell her what you need.”
    “Okay, Klare. Pumunta ka dito, ah? I really missed you! We’ll bond this time.”
    “Okay, Erin. I missed you, too. Sige. Magbibihis lang ako.”

    Pagkababa ko ng cellphone ay natulala na lang ako. Dammit! Gumaan na nga ang loob ko nang umalis ako ng Camiguin dahil pansamantala ko silang di makikita, ngunit ngayon, heto at nasa bahay naman sila? I’m doomed!

    Naligo ako sa banyo at mabilis na nagbihis. Nalito pa ako kung ano talaga ang susuotin ko gayong sa bahay lang naman ang punta ko. Nag spaghetti strap na top na lang ako at isang jeans, sneakers, at tinali ko na lang ang buhok kong medyo mahaba na ngayon. I need a haircut or something. Tumingin ako sa mga dress na nakalatag sa aking kama. Bakit ko kaya naisipang mag dress kanina? Ugh! Nevermind that.

    Mabilis akong bumaba. Now how will I explain this thing? I will surely have to call papa about this.

    “Hendrix.” Untag ko nang naabutan silang nagkakatuwaan sa garden.

    Pinaglalaruan ni Vaughn ang skateboard ko. Nag angat siya ng tingin nang nakita akong bumababa sa hagdanan at lumalabas sa malaking salaming pintuan namin.

    “Gusto ng mga pinsan ko na magdinner or something sa bahay. Baka overnight. I need to go.” Sabi ko.
    Mahinang nag dribble si Pierre ng bola habang tinitingnan ako.
    “Cousins, Klare? You mean the Montefalcos?” Tanong ni Vaughn.
    Tumango ako at bumaling ulit kay Hendrix na sinusuri ako habang may pinipindot sa kanyang cellphone.
    “Sama ako.” Ani Pierre.
    “No, no, Pierre. Okay lang ako. The girls want this. Gusto lang nila akong maka bonding. Sunduin niyo na lang ako bukas ng tanghali. Kailangan ko rin kasing pumunta ng school para kunin ang grades. I’ll be alright.” Sabi ko.
    “Dude, stop being possessive. That’s just her cousins.” Humalakhak si Vaughn at sumulyap sakin.

    Gusto kong magpasalamat kay Vaughn. Totoong kailangan ko sina Pierre ngunit hindi sa lahat ng oras ay nandyan sila. Isa pa, narito ang mga kaibigan nila kaya kailangan nilang may makasama sila dito. Alam ko ring hindi naman siguro magugustuhan nina Erin kung kasama ko parin sina Pierre at Hendrix sa aming bahay. They want me alone.

    Binigay sa akin ni Hendrix ang cellphone at alam ko agad kung sino ang nandon sa kabilang linya.

    “Pa…” Untag ko at tinalikuran sila. “Inimbitahan ako ng mga pinsan ko na mag overnight sa Montefalco Building. Can I go? Without Pierre and Hendrix?” Kinagat ko ang labi ko.
    Tumikhim si papa sa kabilang linya. “One night?”
    “Yup. Just one night.”
    “Naging mabuti na ba sila sa’yo?” Tanong niya.
    “Yes, pa. Gusto lang nila akong maka bonding dahil miss na nila ako. Can I?”

    Pumayag si papa sa gusto ko. Ngunit hindi gaanong kumbinsido ang dalawa sa pagpunta ko. Pinilit ko sila kahit na panay ang matatalim na titig ang pinaulan nila sa akin.

    “Come on, Hendrix. What’s the big deal? That’s her cousins.” Anang nalilitong si Vaughn.

    Inaayos niya ang kanyang semi mohawk na buhok at tinitigan ako nang nakangiti. Thank God for Vaughn! Siya lang ang tumutulong sa akin sa pangungumbinsi na ayos lang kung hayaan nila ako doon. Alam ko namang kung bakit ayaw nila ako doon, iyon ay dahil kaiiyak ko lang kagabi dahil kay Elijah. They think I will break down again this time.

    “Call me when you need me, Klare.” Ani Hendrix at pinaglaruan niya ang kanyang mga susi.

    Halos tumalon ako nang naglakad siya patungo sa garage! I’m going! Gustong sumama ni Pierre sa paghatid ngunit hindi pumayag si Hendrix. Sumama naman si Vaughn dahil may bibilhin daw sila sa isang local convenient store on the way.

    “Klare, tawagan mo rin ako pag may kailangan ka.” Humalakhak siya.
    Ngumuso ako. “How will I call you when I don’t have your number, Vaughn? Silly.” Nilingon ko ang labas habang nag dadrive si Hendrix ng tahimik.
    “Oh? So you’re asking for my number, huh?” Tumawa siya at nilahad sa akin ang kanyang cellphone.
    Humalukipkip ako at tiningnan ang cellphone niyang nasa harap ko.

    Kanina pa siya kwento nang kwento sa front seat at nakaharap siya sa akin sa likod. Narinig kong madramang umubo si Hendrix sa driver’s seat.

    “Pang ilang hingi mo na nga ito sa bumber ni Klare, Vaughn?” Malalim na tanong ni Hendrix.
    “Rix, hindi ako ang nanghihingi, this time. Siya kaya?” Tumawa si Vaughn.
    “Changed your styles, eh?” Umiling si Hendrix at kumunot ang noo ko sa kanilang dalawa.

    Noong unang araw ko pa lang sa Davao, pinakilala na ako ni Hendrix at ni Pierre sa kanilang mga kaibigan. Nanghingi na agad si Vaughn ng number ko kaya lang hindi ko naibigay dahil wala ako sa tamang disposition noon. Tinanggap ko ang cellphone niya at pinindot ko ang mga numero ko.

    “There.” Ngumisi ako at binigay pabalik sa kanya ang kanyang cellphone.

    Tinigil ni Hendrix ang kanyang sasakyan nang bahagyang kinuyom ni Vaughn ang kanyang kamay at mahinahong nag “Yes” ay matalim siyang tinitigan ni Hendrix.

    Tumawa si Vaughn at tinapik niya ang balikat ni Rix, “Easy dude. It’s just the number that I took.”
    Hindi siya tinantanan ng tingin ni Hendrix kaya napangiti ako. So overprotective. “Rix, I need to go.” Sabay tulak ko sa pintuan.
    “Okay, Klare. Seriously text me.” Aniya.
    Tumango ako. “Yup!” At sinarado ko ang pintuan ng sasakyan.

    Binaba ni Vaughn ang kanyang bintana at kinawayan ako habang pinipindot ko ang elevator namin. Halos mapuno ang aming parking lot sa mga sasakyan. Nandito nga talaga sila!

    Kabado ako paakyat ng bahay namin. Dapat ay hindi ako kinakabahan ng ganito. Bakit kaya sobrang kabado ko? I’m strange!

    Nang pumasok ko ay naabutan ko silang maingay na nagbibiruan habang kumakain sa aming dining table. Ang mga kaibigan ni Chanel ay nasa Xbox at naglalaro ng Kinect.

    “Klare!!!” Mabilis akong niyakap ni Claudette.
    Ngumisi ako at niyakap din siya pabalik.

    They were all glad to see me! Halos hindi ako makapagsalita dahil sa mga ngiti nila at sa maiinit nilang pagbati. Maging si Selena ay binati ako nang dumating ako. Kumakain siya ng pizza at nakita kong naka black spaghetti strap at black short shorts lang siya. Kasama siya sa naglalaro ng Kinect. Nakipag beso siya sa akin.

    “Oops, sorry sa grease.” Aniya dahil sa pizza na kinakain niya.
    “It’s okay.” Ngumiti ako at hinayaan sila sa paglalaro.
    “Klare, kain ka!” Sambit ni Erin.
    Ngumisi ako at umiling. “I’m not hungry.”
    “I think you are always hungry, though. You look real thin.” Biglang singit ng natatawang si Elijah na nakahilig sa aming sofa.

    Dammit! Nakita kong nilingon siya nina Erin, Claudette, Silver, at Eion. Nakatitig siya sa akin nang may ngiti sa mukha. Calm the fuck down, Klare. We’re friends, right?

    “I… dance a lot sa Davao.” Gumala ang mata ko habang nag kwento. “At skateboard din kaya siguro medyo pumayat ako.”
    “Your body is good naman.” Singit ni Erin. “You look healthy kahit na slender.”
    “Thanks.” Sabi ko.
    “But that’s not an excuse to not eat. You should eat.” Singit ni Elijah.

    Nilingon ko si Selena na ngayon ay tuwang tuwa sa pag sasayaw kalaban si Chanel. There is nothing weird, right? Ako lang naman ang nagbibigay ng kahulugan dito dahil ako lang iyong hanggang ngayon ay umaasa parin.

    “I’ll eat.” Sabi ko at kumuha ng pizza sa gitna ng maraming ulam at pagkain.

    Gusto ko na lang matapos ang issue tungkol sa pagkain nang manahimik na si Elijah. Umalis ako sa kinatatayuan ko at dumiretso sa ref para kumuha ng tubig at para na rin kumalma.

    “Stop with the Kinect!” Tamad na sambit ni Azi. “We’re upstairs! Lina kayo!” Aniya.
    Tumawa sila at pinatay ang aming Xbox.

    Habang umiinom ako ng tubig ay pinagmasdan ko ang pagsunod ni Claudette at Silver kay Azi. Si Josiah ay tamad na tumayo. Si Selena naman ay mabilis na umupo sa hita ni Elijah. Halos mabilaukan ako kaya tumalikod ako at nilapag na ang baso sa sink.

    “Erin, Eion, tara na sa roof deck?” Anyaya ko at dumiretso na rin sa roofdeck.

    Umakyat ako patungong roofdeck na binalot ng asaran at hiyawan. Ang mga kaibigan ni Chanel ay masyadong maiingay at mapag biro kahit na apat lang naman sila. Napansin kong wala sina Hannah, Julia, at Liza. Buong akala ko ay kasama ang tatlo kaya siniko ko agad si Claudette.

    “Nasaan sina Hannah?” Tanong ko.
    “Umuwi na. Papagalitan na raw, e.” Sabay tingin niya sa kay Silver na mukhang may sinasabi.
    Tiningnan ko isa-isa ang mga pinsan kong naroon at nag iinuman. Medyo may tama na si Damon at kitang kita ang pamumula ng kanyang pisngi. Si Rafael ay tumatagay ng isang mamahaling beer, si Josiah ay may kausap sa cellphone at halatang may tama na rin, si Azi ay nakahilig agad sa upuang inuupuan ni Elijah ngayon. May pinag uusapan ulit ang dalawa. Ano kaya iyon?

    Why am I curious? I shouldn’t mind!

    Sa tabi ni Elijah ay si Selena na kausap naman si Chanel. They all look normal. Normal naman talaga diba? Ako lang talaga ang abnormal dito. I feel too much and that’s a bad thing. I should loosen up.

    Tiningnan kong mabuti kung ano ang mga iniinom nila. As usual, those expensive hard liquors and some local beers. Alin kaya ang magandang inumin? My brothers don’t let me drink hard liquors kaya ito na ang pagkakataong makakatikim ulit ako non. Kumuha ako ng shot glass at nag salin ng Jack Daniels doon.

    “Hinay hinay, Klare.” Ani Damon habang sinisinok na.
    Ngumisi ako. “Ikaw ang maghinay hinay.”

    Nilagok ko ang isang shot at nilapag ko ang shot glass sa harap ng table nang bigla kong narinig ang malamig na boses ni Elijah sa gitna ng maingay na talakan.

    “Is that what you’ve learned from your brothers?” Tanong niya ng nakangisi.

    Halos maibuga ko ang kaonting natitirang JD sa aking bibig.

    “Oh, man. Here we go again…” Pabulong na sinabi ni Azi.
    “My brothers don’t drink much.” Sabi ko. Ano ang ibig sabihin niya don?
    Tumango siya. “Then I’m wrong. Siguro ay you were caged that’s why drinking is new to you this time?” Tumaas ang kanyang kilay.
    Nalaglag ang panga ko. I don’t know how to react. Should I react?

    Nagkatinginan kami ni Claudette.

    “Ej, you know, mas party people ang mga taga Davao. Kaya lang last time akong umuwi, alam kong hindi gaanong umiinom ang mga Ty. So maybe the latter nga.” Ngumisi si Selena sa akin at nagtaas siya ng kilay.

    Hinawakan ni Selena ang kamay ni Elijah at pinagsalikop nilang dalawa ang mga daliri nila. Okay. Okay. Okay. Calm down now, Klare. It’s all okay.

    “Th-They drink but not a lot. They party, pero di rin ganon ka sobra. Mas sporty sila, e.” Paliwanag ko at ngumisi kay Damon na ngiting ngiti lang sa ngayon.
    “Anong itsura ng Davao? I’ve never been to that place.” Ani Elijah nang nakatitig sa akin.

    Sasagot na sana ako ngunit dinugtungan agad ito ni Selena.

    “Oh! We should go, Ej! I told you sumama ka na lang sakin ngayong May!” Ani Selena.
    “Oh? Aalis ka patungong Davao, Selena?” Tanong ni Erin.
    “Yup. Alam nilang nandito ako sa Pilipinas. I can’t just hide on Elijah’s house forever. Kailangan kong bumisita sa relatives ko.”

    Oh! So she’s staying on Elijah’s house? Fuck! Maintain your face, Klare. Pinipiga ang puso ko at bumuhos sa utak ko ang lahat ng pwedeng mangyari sa loob ng bahay nina Elijah habang silang dalawa lang. Pumikit ako at huminga ng malalim. Maintain your face!

    Tumango na lang ako at napatingin sa tulalang si Elijah. Nag igting ang bagang niya at napatingin din sa akin. Hindi ko kayang ngumiti at hindi rin naman siya ngumiti. Nagkatinginan lang kaming dalawa habang nagpatuloy sila sa pag kukwentuhan.

    “Oo nga naman. Kailan ba ang balik niyo sa New York?” Tanong naman nI Chanel.
    “I don’t know with Ej, but I’m going back this May na rin.” She pouted. “Please come with me, Ej?”
    Ngumiti si Elijah at tiningnan ng diretso si Selena. “I can’t. Nasa abroad sina mommy at Daddy at walang maiiwan para sa business.”
    Mas lalong nag pout si Selena sa sinabi ni Elijah. “But you’ll come back within this year, right? I can’t stand being away with you.”
    Sumipol si Rafael at umiling naman si Azi. “The fuck with this shit! Why is everyone falling for this asshole?” Sabay turo niya kay Elijah.
    Tumawa si Rafael. “The biggest question we can’t answer!”

    Nagtawanan sila at nag asaran. I need to fit in. Dahil pakiramdam ko ay talagang hindi na ako makasabay. Nilingon ko si Claudette sa tabi kong nakataas ang kilay at nagmamasid sa lahat habang si Silver naman ay nakikipag usap ngayon kay Rafael.

    “Sa… kwarto ko kayo matulog, a?” Changing the subject with them is really hard kaya heto at kay Claudette ako nakipag usap.
    “Oo naman. I don’t know with Erin and Chanel, though. All your guest rooms are available at wala sa kwarto mo yong mga gamit nila.”
    Tumango ako. “Okay lang naman.”

    Ilang sandali ang nakalipas ay nagkaroon na naman sila ng iba-ibang subject. Tumayo si Erin at Chanel kasama si Selena at bumaba ng roofdeck.

    “I think we need to follow them.” Ani Clau.
    “Bakit?” Tanong ko.
    Nagkibit balikat siya at kinausap niya si Silver. Nag angat ako ng tingin kay Elijah na ngayon ay nakatingin rin sa akin habang nakangisi at nakikinig kay Azi na may kausap sa cellphone.

    “Kailangan ko pa bang mag gym para mag work out tayong dalawa?” Sinabi ni Azi sa kanyang cellphone.
    Humagalpak sa tawa si Elijah habang nakangiti si Azi sa kanyang cellphone.
    “What a fucking line.” Tumawa ulit si Elijah.
    Natawa rin ako sa sinabi ni Azi. Imbes na manatili ang tingin ko sa kanila ay uminom na lang ulit ako ng Jack Daniels. My last shot for tonight!
    “Klare, I don’t like you drunk. Stop drinking that thing.” Malamig na sinabi ni Elijah.

    Kumalabog ang puso ko. What did he just say? Nakita kong nalaglag ang panga ni Claudette. Ni hindi siya makatingin sa akin.

    “T-That’s my last shot.” Paliwanag ko.
    “Better be.” Malamig niyang sinabi.
    “Why is it a big deal to you, Elijah? Nasa bahay nila tayo. Pag nalasing siya, we’ll take care of her and let her sleep in her room.”
    “Kailan ba iyon naging hindi big deal sa akin, Clau. We’re friends and I don’t like her drunk. Is that bad?”
    “Of course it’s not bad.” Halos sarkastikong sinabi ni Azi at binaba ang kanyang cellphone.

    “Klare, Claudette!” Sigaw ni Erin sa pintuan at sumenyas na kailangan naming bumaba.
    “Klare, let’s go.” Ani Claudette at hinila na ako palayo sa table.

  • Kabanata 10Open or Close

    Kabanata 10
    Angry or Drunk

    Sinama ako ni Claudette sa aming living room kung saan naroon sina Selena, Erin, at Chanel. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko alam kung anong meron sa tatlo at bakit mukhang may sekreto silang pinag uusapan.

    “We’re here.” Ani Claudette.
    “Sinabi mo na ba sa kanya, Clau?” Tanong ni Erin.
    Umiling si Claudette at tumingin sa akin.
    “Okay, ako na ang magsasabi.” Ani Selena.

    Tinitingnan ko siyang nakataas ang kulay brown na kilay habang nakatingin sa akin ay naiisip ko rin iyong pagtira niya sa bahay nina Elijah. Okay, I get that she probably doesn’t have her own house here in Cagayan de Oro. God knows what they are doing inside that house or in his room.

    “Klare?”

    Napatalon ako nang kinawayan ni Erin ang tulala kong mga mata kay Selena. Kumunot ang noo ni Selena sa akin. Kinagat ko ang labi ko at pinilit na makinig.

    “Brithday na ni Elijah this coming April 28. April 29 yong alis ko patungong Davao, doon ako for a month, at baka hindi na ako bumalik dito at dumiretso na ako ng Singapore papuntang New York.”
    Tumango ako sa sinabi ni Selena. Hindi ko maalis ang mga mata ko sa bawat katangian ng kanyang mukha. Flawless ang kanyang maputing kutis, para bang inalagaan ito ng husto. Palagi niyang hinahawi ang buhok niyang parang laging kakagaling lang sa salon sa sobrang bouncy at shiny nito. No wonder Elijah fell for her. She’s really pretty and hot.
    “Gusto ko sanang isurprise siya.” Tumili siya. “Will you help me guys?”
    Tumango si Erin at Chanel na mukhang excited din pareho.
    “Klare?” Bumaling si Selena sa akin at hinintay ang pagtango ko.
    “Sure.” Nagkibit balikat ako at sumulyap sa nakakunot noong si Erin.
    “Okay. So, yung plano ko is isusurprise ko siya. Dapat wa’g niyo siyang i greet, kahit isa sa inyo walang mag greet sa kanya. Nakausap ko na ang boys tungkol dito. Tapos magkita na lang tayo sa bahay nila at around 6PM. Hindi ko siya ige-greet niyan habang nag di-date kami at gusto ko sana na naroon na kayo at naka decorate na ‘yong mga gusto niya sa walls…”

    Marami pa siyang sinabi ngunit naglakbay na ang utak ko. Elijah is in love with this girl. Ito ang… pangalawang girlfriend niya. Counted ba ako bilang girlfriend niya? Isa pa… ang unang girlfriend niya ay si Gwen, na in love din siya sa kanya noon, hindi ba? But Elijah’s an asshole. Ilang babae na ang pinaiyak niya at kasama na roon ang matalik kong kaibigan na si Hannah. He’s ruthless and merciless when it comes to that. Ano ang difference ni Gwen at ni Selena sa kay Hannah, Cherry at sa iba pang babaeng naisama sa pangalan niya? I didn’t know.

    “Klare?” Sumimangot si Erin nang nakitang tulala ako.
    “Ah! Oo. Sige, gawin natin ‘yon!” Sabi ko sa kahihiyan.

    I need to pay more attention. Kaya lang ay mukhang hindi ko maiwasan na maglakbay ang aking isipan sa mga detalye tungkol sa kanilang dalawa.

    “I need your number.” Ani Selena.

    Kaya naman ay mabilis kong binigay kay Selena ang number ko. Ngumiti siya sa akin at dumiretso na pabalik sa roofdeck na sinundan naman ni Chanel. Bumuntong hininga ako at susunod na sana ngunit hinawakan ni Erin ang braso ko.

    “Hmm?” Ngumisi ako sa medyo seryosong si Erin.
    “Klare, Selena is a really nice girl for Elijah.” Diretso niyang sinabi.

    Kumunot ang noo ni Claudette at mabilis siyang pumagitna sa aming dalawa. Napawi ang ngisi ko sa sinabi ni Erin at kumalampag ang puso ko. What does that mean?

    “I know, Erin.” Hinawi ko ang braso ko sa kamay niya.
    Binitiwan niya naman ako at medyo pumungay ang kanyang mga mata. “She’s his friend for about two years, that’s what she said, matatag ang pundasyon ng relasyon nilang dalawa.”
    Tumango ako. I get everything but why is she bringing this up? “I can see that, Erin. Kahit sino naman ay makakakita non.”
    “Erin, what do you mean by that?” Tanong ni Claudette.
    “She’s good for Elijah at wala nang ibang mas makakabuti sa kanya kundi si Selena. She understands him at gusto ko sanang suportahan natin silang dalawa.”
    Kinagat ko ang labi ko. What support do they need from me? I didn’t know. Will that involve banners and pompoms?
    “Can we do that, Klare?” Ngumisi si Erin at tumikhim.

    Hinawakan niya ang braso ko at mas lalong linakihan ang mainit na ngisi. Dahan dahan akong tumango.

    “Promise me.” Aniya.
    Tumango ako. Binitiwan niya ang braso ko at dumiretso na sa aming roofdeck. Pinagmasdan ko siya habang umaakyat sa hagdanan. Kinilabutan ako nang napagtanto kung ano ang hinihingi ni Erin. Sumulyap ako kay Claudette na mukhang nahihirapan na rin sa sitwasyon.
    “Klare, what are you going to do?” Maliit ang kanyang boses.
    Umiling ako. “Hindi ko alam. I support Elijah. Kahit ano basta masaya siya, that’s all. I-I don’t know kung ano ang ibig sabihin ni Erin sa mga sinabi niya.”

    Paano ko susuportahan si Elijah at Selena? Hindi ko alam. Is it enough to be just here for them? How do you support a relationship? Napaisip ako sa mga sinabi ni Erin. Kailangan ba nito ng frequent encouragement?

    Umakyat ako pabalik sa roofdeck para makitang medyo may tama na ang iilan sa mga pinsan ko. Elijah’s eyes darted on me immediately. Kahit na katabi niya lang ang umiinom na si Selena ay nagagawa niya pang tumitig sa akin. Hindi naman ako makatingin sa kanya… Why is he staring at me all the damn time? May girlfriend na siya and he should be serious with her, right?

    Nanlaki ang mga mata ko at nilagok ko ang whiskey sa harap ko. This is enough! I need to pretend that I’m sleepy so I can escape!

    Bumuhos sa akin ang tumutugmang mga katotohanan. May napagtanto akong hindi ko kayang sabihin sa aking sarili.

    “Matutulog na ako.” Sabi ko kay Claudette.
    “Oh, Klare, saan ka pupunta?” Tanong ni Rafael nang nakitang tumayo ako.
    Ngumisi ako sa kanya. “I’m really tired, Raf. I need to sleep. Medyo exhausted pa ako sa byahe.” Paliwanag ko.

    Pinasadahan ko ng tingin ang mga pinsan kong panay ang kwentuhan. Mapupungay na ang mga mata ni Elijah habang nakikipagtawanan kay Azi. They’re at it again. Napalunok ako nang tumama sa akin ang mapupungay niyang mga mata at nawala ang ngiti sa kanyang mga labi.

    Go, Klare! Halos isigaw ko ito sa aking sarili.

    “Sunod na rin kami ngayon, Klare. Who’s sleeping sa mga guestrooms?” Tanong ni Claudette.
    “Uuwi kami ni Kuya.” Untag ni Eion at nawala na sila sa pandinig ko nang dumiretso na ako sa kwarto.

    Sumalampak agad ako sa aking kama at tiningnan ang cellphone na may mga text ni Pierre at Hendrix.

    Hendrix:
    Are you having fun? Sleep early.

    Napangiti ako sa text niya. He’s always so protective and bossy at the same time. Naaalala ko sa kanya si papa.

    Pierre:
    What are you doing?

    Pareho ko silang nireplyan na matutulog na ako at goodnight na rin. Pinikit ko ang mga mata ko nang may mga mental images parin sa mapupungay na mga mata ni Elijah. This is really confusing me. I’m so confused! Alam kong nilinaw niya na gusto niya akong maging kaibigan, but clearly, he’s not being ‘friendly’ with me. Naaalala ko ‘yong mga nangyari noon sa inasta niya ngunit hindi ko naman maalis ang katotohanan na may mahal na siyang iba kaya imposible iyon.

    Maybe he’s just guilty about us? Or maybe he’s just really like that because once upon a time he loved me? I don’t know. Wala akong masyadong alam tungkol sa mga feelings at sa mga ibig sabihin nito.

    No, Klare, he’s not using anyone anymore. He can’t be that same asshole he was two years ago. Besides, mukhang seryoso naman talaga ang relasyon ni Elijah at ni Selena. Bakit ako nagdududa sa authenticity ng feelings niya dito ay hindi ko alam. Ugh! I should stop thinking about him! Kung ano man iyong nararamdaman niya ay dapat tantanan ko na lang iyon. It’s wrong to dwell on that after you pushed him away and let him go.

    May karapatan siyang mag move on sa akin at kailangan kong pakawalan ang ideyang mayron parin siyang feelings sa akin. May girlfriend na siya at ayaw kong maging unfaithful siya sa girlfriend niya. He’s an ass but I want him to make the right decisions for himself.

    Half asleep na ako nang nagalaw ko ang braso ni Claudette sa tabi ko. Tahimik na. Aircon na lang ang naririnig kong umaandar. Nang medyo humupa ang makina ng aircon ay may narinig akong kaonting mga boses sa labas. Seems like they are fighting but I was too sleepy to hear everything.

    Nanaginip ako na nahulog ako sa hagdanan. These are my frequent dreams. Tuwing nananaginip ako nito ay lagi akong dumidilat at nagigising. Madalas ay natutulog ako pabalik ngunit dahil sa nainom kong whiskey kanina ay nauhaw ako.

    Tumayo ako at nakita kong mahimbing ang tulog ni Erin at Claudette sa aking kama. Binuksan ko ang pintuan para uminom ng tubig sa aming kusina nang napagtanto kong alas tres na ng madaling araw at may mga boses parin sa roofdeck. Narinig ko ang natatawang boses ni Josiah at ang wasted namang boses ni Azi.

    “Wanna get laid tonight, darling?” Sumisigaw nito si Azi.

    Umiling ako at nagdesisyong wa’g nang buksan ang mga ilaw sa kusina. Matutulog na rin siguro ang mga ‘yan ngayon dahil mukhang lasing na lasing na sila. Binuksan ko ang ref at nagsalin ng tubig sa baso. Uminom ako doon nang may naramdaman akong init sa likod ko.

    Halos mapatalon ako nang nakita si Elijah na nakatayo doon. Amoy na amoy ko ang pinaghalong Jack Daniels at Jim Beam sa kanyang balat. Sa dilim ay pumikit siya at suminghap. Mas lalo kong naamoy ang alak sa kanyang bibig. Damn, he’s drunk.

    “Elijah, you should sleep. Sa guest room kayo ni Selena, diba? I think we have enough room for the boys and Chanel-“
    “Klare, she stays in the guest room at home.” Bigla niyang sinabi, pinuputol ako.

    Nalaglag ang panga ko at pansamantala akong tulala dahil hindi ko nakuha ang kanyang sinabi.

    “Who stays in the guest room?” Tanong ko.
    Suminghap siya na para bang mahirap ito sa kanya. “Si Selena.”

    Napagtanto kong tinutukoy niya ang bahay nila sa Xavier Estates. Sinasabi niya sa akin na si Selena ay sa guestroom natutulog at hindi sa kwarto niya. What difference does it make really? They live in the same room and she’s his girlfriend. Bakit kailangan niya pang sabihin sa akin ito?

    “Okay.” I said plainly. Bakit? Ano ba dapat ang sasabihin ko sa impormasyong ito? Hindi naman ako nagtanong at hindi naman ako partikular sa mga detalye nito.
    “You don’t look okay with it. What can I do? Let her stay in a hotel? Tell me. I’ll do it.” Bumilis at tumaas ang boses niya sa pagkakasabi nito.

    Humakbang siya palapit sa akin kaya napaatras ako. Bumangga ang likod ko sa aming sink. Oh no! Tinakpan ko ang bibig ko sa likod ng aking kamay. Pakiramdam ko ay sa lakas ng kalabog ng puso ko, tatakbo na ito palabas ng bibig ko.

    “No! It’s okay, Elijah. Girlfriend mo siya. I-I don’t care if she even stays in your room.” Sinubukan kong huminahon ngunit pinalala lang ng titig niya ang kaba ko.

    This is really, really confusing me. I didn’t like the idea but I can’t let go of it. Pamilyar na pamilyar sa akin ang pakiramdam ng sitwasyon na ito. Nostalgic and really, really frustrating.

    “Hindi siya natutulog sa kwarto ko, alright?” He explained.

    Nilagay niya ang isang kamay niya sa sink para humilig doon. I should escape now! Ngunit bago pa ako makalabas sa kabilang side ay nilagay niya na ang isa pang kamay sa sink sa kabilang gilid ng baywang ko.

    “But I don’t really care if-“
    Tumalim ang kanyang titig na para bang naiirita siya sa akin. “Hindi siya natutulog sa-“
    “Okay! Okay! Whatever! I said, I don’t care anyway! Girlfriend mo siya at kung ano man ang gawin niyo, I’m out of the picture. Back off, Elijah. You’re drunk.” I got irritated to.

    Bakit niya kailangang mag explain sa akin nito? I don’t fucking care at all! Yes, I am deeply jealous! Na halos nakikipagplastikan na ako sa sarili ko but I know better. I know that this is normal for him! It’s normal for him to fall in love with another girl. Why would I get mad for something normal, right? Ang kinaiinisan ko ngayon sa kanya ay kung bakit siya nag eexplain sa akin. We are friends and you don’t explain the details of your love affairs to your friends. Well, maybe you can. Pero hindi ako! I’m not his ordinary friend here!

    Nalaglag ang kanyang panga at nakita kong kuminang ang kanyang mga mata sa konting repleksyon ng ilaw galing sa pintuan ng roofdeck. “I’m not drunk. I’m just angry… And I miss you.”
    “Yeah and you have a girlfriend. And you love each other. You should stay faithful to her. And we are just friends.” I reminded him about that.
    “Fuck friends. Fuck girlfriend. Fuck cousins. Fuck family. Fuck everything. Just fuck it.”

    Kumalabog ang puso ko. Hindi ko alam kung anong meron at bakit nangingilid ang luha ko sa mga mura niya. Nababaliw na ba ako? I guess I’m really going crazy about this! Siguro ay mas makakabuti talagang lumayo ako sa kanya.

    Yes. I need to be okay with the Montefalcos! Pero kung ipagpapatuloy ko ang madalas na pagsama sa kanila ay ako rin ang sisira nito. May girlfriend si Elijah at hindi ko alam ang rason kung bakit ginagawa niya ito. I know he’s an asshole from the very beginning! Na madali lang sa kanya ang saktan ang ibang tao. Ni hindi siya kumukurap tuwing nananakit siya ngunit gusto kong isipin na iba itong kay Selena ngayon. They love each other and that’s that. I don’t want to be the reason why their perfect relationship will break. I don’t want to be like my mom.

    Oo… Ito ang naisip ko kanina kaya hindi ko naatim na magtagal pa sa roofdeck. Dahil naisip kong parehong pareho ang sitwasyon ko ngayon kay mommy at kay papa noon. May asawa na si papa nang nakilala niya si mommy. Hindi ko alam kung ano ang nangyari at bakit nagawa ni papa na pagtaksilan si Tita Marichelle. Hindi ko rin alam kung paano nagawa ni mommy na pumatol sa isang bawal na pag ibig. It’s such a scary thing. I am a product of a wrong and forbidden love. I can’t have that for my own.

    “Angry or drunk, you say the nastiest things.” Tinulak ko siya ng buong lakas.

    Bahagya siyang napaatras kaya nakawala ako doon sa sink. Hindi ko siya tiningnan pabalik. Dumiretso na ako sa kwarto at agad na ni-lock ang pintuan. Mabilis ang kalabog ng puso ko at mabilis din ang hininga ko.

    God dammit! I need to really stay away from him! He’s bad for me. I’m bad for him. Nagiging unfaithful siya sa akin at nagiging mapusok ulit ako sa kanya.

    Gumapang ako sa kama at pinilit na matulog ngunit hindi ko na ata magawa.

    Kinaumagahan ay nagising akong nag bi-breakfast sila sa dining table. Maingay sina Josiah at Azi na parehong nag aasaran tungkol daw sa nangyari kagabi. Sabog pa ang mukha ni Azi habang si Joss ay mukhang walang nangyari. Si Damon ay nakapikit sa harap ng kanyang breakfast. Si Claudette at Erin naman ay nagtatawanan sa ginagawa ni Azi at Josiah. Nilingon ko ang aming sala nang may napansin akong gumalaw. Nagulat ako nang nakita ko si Elijah doon na natutulog.

    Bumaling ako kay Selena na tahimik na umiinom ng kape sa hapag kainan. This isn’t good. Tsk.

    “Good morning, princess!” Tumawa si Rafael nang nahagip ako ng kanyang paningin.

    Nag angat ng tingin sina Claudette, Erin, at Chanel sa akin at binati na rin ako. Bumati ako pabalik sa kanila ngunit napansin kong ni hindi man lang ako tiningnan ni Selena.

    Kumuha ako ng clubhouse sandwich at nagsimulang kumain.

    “I should wake this asshole. We need to go. May usapan kami nito na mag a-airsoft.” Ani Azi at nilapitan si Elijah.

    Tinapik ni Azi si Elijah habang kumakain ako ng tahimik sa dining table.

    “Klare?” Mariing tawag ni manang sabay wagayway ng telepono sa akin.
    Kumunot ang noo ko at tinanggap iyon sa kanya. “Hello…”
    “You’re not answering.” Malamig na sinabi ng bossy kong kapatid.
    “Sorry. Nasa kwarto ang phone ko.”
    “Just woke up? Papunta diyan si Vaughn at Pierre at sinabi ni Vaughn di mo raw sinasagot ang kanyang tawag. They’ll fetch you.”

    Tumingala ako sa relo sa dining room at nakitang alas diyes na pala.

    “I-I’ll just shower and change, Rix. Bababa ako. Please tell them. Thank you.” Sabi ko at pinatay ang telepono.

    “O, aalis ka na, Klare?” Tanong ni Claudette.
    Tumango ako. “Yep. I have some things to do. Pupunta pa kami ni Pierre sa Xavier para kunin ang grades.” Mabilis kong tinapos ang pagkain ko at dumiretso na agad ako sa kwarto nang hindi sila tinitingnan.

    Naligo ako at nagbihis. I want to get out of here as soon as possible. Pagkatapos kong magbihis ay tumunog ang cellphone ko. Hindi ko agad nasagot dahil tinatali ko pa ang anklet sa aking paa.

    “Hello?”
    “Klare, nasa labas na kami. Kanina pa.” Masungit na sinabi ni Pierre.
    “Okay, okay… I’ll go. Bye.”

    Mabilis kong kinuha ang mga gamit ko pagkatapos kong ayusin ang kama. Nagulat ako nang pagkalabas ko ay naabutan kong paalis na rin ang mga pinsan ko.

    “You might want to stay, okay lang. Manang is here.” Paliwanag ko.
    “May lakad kami ni Elijah ngayon, wanna come? Airsoft.” Ani Azi.
    Nagkatinginan kami nI Elijah at ayan na naman ang mabibigat niyang mga mata. Bumaling si Selena sa akin at nagtaas ng kilay. Alam ko rin na pinagmamasdan na ako ni Erin ngayon.
    Umiling ako. “May lakad din ako, e. Sorry. Kayo na lang.” Sabi ko at dumiretso sa pintuan.

    Nauna ako sa elevator. Nagsiksikan agad at nag unahan ang mga boys kaya naiwan ang mga girls. Ang nasa loob ay si Elijah, Josiah, Damon, Azi, Claudette, at ako lang. Tahimik ako habang pinapakinggan ang hagikhikan ng mga lalaki. Nakita ko rin ang pagkapit ni Selena sa braso ni Elijah. Her hands looked small because of his biceps. Nag iwas ako ng tingin nang nilingon ako ni Selena. Dammit, Klare! Just! Dammit!

    Mabilis kaming lumabas nang tumunog ang elevator. Tumambad agad sa akin ang sasakyan ni Pierre. Naka hilig siya sa pintuan ng kanyang Strada, naka shorts, puting polo, at wayfarers. Si Vaughn ay nakaharap sa kanya, naka t shirt, jeans, at sneakers. Nang may sinabi si Pierre ay mabilis na lumingon si Vaughn sa akin at ngumisi.

    “You’re brother is here.” Bulong ni Claudette na agad dumiretso sa sasakyan naman ni Elijah kasama si Azi.

    “Tara na.” Ani Pierre at supladong binuksan ang kanyang pintuan at pumasok sa loob.
    “So uncool.” Ani Vaughn at humalakhak siya para pagbuksan ako ng pintuan sa likod.
    Tumango ako sa kanya. “Thanks, Vaughn.” Bago pumasok.
    Sinarado niya ang pintuan para sa akin at umikot patungong front seat.

    Nakita kong nagtagal ang titig ni Elijah sa kay Vaughn. Nakaawang ang kanyang bibig habang nakahawak sa pintuan ng Trailblazer. Nasa loob na ng kanyang sasakyan si Azi, Claudette, at Selena. Siya na lang ang hinihintay ng mga ito para umandar na at umalis.

  • Kabanata 11Open or Close

    Kabanata 11
    Taking Sides

    Lumipas ang mga araw at nanatili ako sa bahay namin kasama ang mga kapatid ko. Lumalabas lang ako tuwing may game sila at umuuwi rin naman agad kami. Nakakalabas din ako tuwing pumupunta ako sa Montefalco Building para bisitahin si Charles at makipagbonding kay mommy at daddy. Masaya ako at kahit papaano ay napapasaya ko si mommy, daddy, at Charles dahil sa presensya ko. Nakakuha ako ng iilang imbitasyon galing sa mga pinsan ko. Anila’y mag luluto lang daw ng barbecue kina Josiah o di kaya ay manonood ng sine ngunit hindi ko nagawang mapaunlakan.

    I didn’t want to complicate the things. Alam kong ayaw ni Erin na lumalapit ako dahil nakikita niya ang bawat reaksyon ni Elijah tuwing nandoon ako. Kahit na ilang beses mang sabihin ni Elijah na friends kaming dalawa ay hindi sila makumbinsi. Iniisip ko tuloy kung nahahalata ba iyon ni Selena. He’s in a relationship at hindi ko hinangad na sumawsaw sa dalawa at magpadala sa sarili kong pakiramdam.

    Tinulak ko ang skateboard at sinakyan ko ito habang mabilis na tumatakbo. Tinulak ko ulit to gamit ang aking paa. Gusto ko talaga ang pakiramdam na sinasalubong ang hangin. It makes me feel free and peaceful.

    Sumipol si Vaughn sa likod ko. Kanina’y pinapanood ako ng magkakaibigan na nag s-skate habang naghihintay sila sa oras. Tahimik ang paligid sa aming village habang nag skateboard ako pabalik kina Pierre.

    “Ikaw na naman ang maiiwan sa bahay kung di ka sasama sa game. Sama ka?” Tanong ni Pierre sa akin.
    Tumango ako at pinulot ko ang skateboard ko. “Magpapahatid din ako pagkatapos ng game niyo sa building. May usapan kami ni Charles na mag laro ng Kinect mamaya, Pierre. Doon na rin ako matutulog ngayong gabi. Alam na ni Hendrix ang tungkol dito.” Paliwanag ko.
    Tumango si Pierre at marahang dinribble ang bola.
    “Hindi ka dito mag di-dinner?” Tanong ni Vaughn sa akin ng nakanguso.
    Umiling ako. “May usapan kami ng kapatid ko.”

    Napatingin si Pierre kay Vaughn. Narinig kong humalakhak si Jack sa likod habang sinusuot ang kanyang high cut na sapataos pambasketball. Nagkibit balikat ako at pumasok sa bahay para iligpit ang skateboard.

    Sumama ako sa game nila. Nakatingin ako sa labas habang nagdadrive si Hendrix para sa amin ni Pierre at Jack. Panay ang tanong niya sa akin kung ihahatid niya na lang ba daw ako kina Charles ngayon o talagang manonood pa ako ng game.

    “May practice sa banda si Charles tuwing hapon kaya tuwing gabi ko lang siya makaka bonding. Sasama lang muna ako sa inyo.” Paliwanag ko kay Hendrix.
    “Pero pwede ka namang maghintay doon, a?” Wala sa sariling sinabi ni Hendrix.

    Hindi ko alam kung bakit niya ako tinutulak na pumunta na sa Montefalco Building. Tsaka ko lang napagtanto kung bakit nang nakita ko na kung sino ang makakalaban nila.

    “Oh…” Bulong ko sa sarili ko nang nakita ang nakalagay sa board. “Knights Versus Chevaliers.”

    Grupo nina Pierre at Hendrix ang Chevaliers habang sa mga pinsan ko naman at kanilang mga kaibigan ang grupong Knights. Oo, narinig ko kay Pierre na kasali ang mga pinsan ko sa tournament na ito. Hindi ko pa sila nakikitang naglalaro sa court, ngayon pa lang.

    “This should be easy.” Bulong ni Pierre sabay lagpas sa pagkakatulala ko.
    “Bakit, Pierre? Kilala mo ba ‘yong nasa Knights?” Tanong naman ni Vaughn na pinapanood ang kapatid kong bored na humalukipkip.
    “Oo.” Sumulyap siya sa akin. “Nakalaro ko na sila ilang beses, Vaughn.”
    “Sino ba ‘yong nasa Knights?” Tanong naman ni Jack.
    “Mga Montefalco.” Sagot ni Hendrix.
    “Oh? Mga pinsan mo pala iyon, Klare?” Nagtaas ng kilay si Vaughn sa akin. Tumango ako sa kanya at pinagmasdan ko siyang nakipaghigh five kay Pierre bago pumasok sa loob ng gym.

    Nakalaro na rin ni Vaughn ang mga pinsan ko. Hindi ko nga lang siya napapansin noon pero kasama siya nina Hendrix nang nakalaro nila ang mga pinsan ko two years ago or so. Transferee din kasi siya tulad ni Pierre sa Xavier University.

    Ginala ko ang paningin ko sa bleachers mas maraming tao sa madalas na laman nito. Kita ko kaagad sina Erin, Chanel, Claudette, Hannah, Julia, at Liza sa bleachers na sumisigaw.

    Hindi pa nagsisimula ang laban ngunit mainit na agad ang mga tao. Nag sho-shoot na ng mga bola ang mga pinsan ko na pare parehong naka dark blue na jersey. Numero lang ang iba iba sa kanila dahil puro Montefalco ang nasa taas nito.

    “Klare, manood kang mabuti.” Ngumisi si Pierre sa akin habang tinatapik ang balikat ko para magpaalam.
    “Ano? Manood ng mabuti kung paano natin pababagsakin ang mga pinsan niya?” Humalakhak si Vaughn.

    May kung ano sa tiyan kong namilipit sa mga sinabi nila. Pakiramdam ko ay ayaw kong bumagsak ang mga pinsan ko. Ngunit ayaw ko rin namang matalo ang mga kapatid ko. Hindi ko alam pero parang ayaw ko nang manood ng larong ito.

    “Iabot mo na lang samin ‘yong extra na mga Gatorade at tubig pag naubusan kami. We’re not like your cousins na maraming fans, Klare. Walang sumusuporta sa amin kundi ikaw.” Matabang na sinabi ni Pierre sa akin.

    Tumango ako at nagsimulang maglakad sa bleachers na likod ng bench ng Chevaliers. Gusto ko sanang lumapit kina Claudette ngunit kakailanganin ako ng mga kapatid ko dito.

    Kinawayan ko na lang sila nang nakita nila akong naroon. Sumenyas pa si Julia na lumapit ako doon kaya habang nag wa-warm up ang mga kapatid ko ay nagpaalam akong lalapit muna sa kanila at babalik lang pagkatapos.

    Nang nakalapit na ako sa kanila ay binalot agad ako ng maiingay na sigaw at tawanan. Ngumisi ako at pinasadahan sila ng tingin.

    “Go Eion!” Nakakabinging sigaw ni Erin, halos napapikit ako.
    “Ewan ko nga, Hannah.” Narinig kong iritado na sinabi ni Claudette sa likod ni Julia.
    “Klare! Kanino ka papanig?” Humalakhak si Julia at hinarap ako. “Alam ko na! Syempre sa mga kapatid mo, diba? Pero hindi mo talaga madedeny, ang hot ng mga Montefalco!” Aniya.
    Sumulyap ako sa court at nakitang nag uusap ang mga pinsan ko kasama si Silver, na tumayong coach nila, at si Eion at ilang kaibigan ni Josiah na kasama nila sa team.

    What can I say? Should I confirm that they are hot? Ngumisi na lang ako at tumango kay Julia.

    “Klare, sino ‘yong mga kasama ng mga kapatid mo? Si Vaughn lang ang kilala ko.” Tanong ni Chanel.
    “Uh-“
    “Hindi ko nga alam, Hannah! Wa’g kang umasa!” Mas iritadong sinabi ni Claudette sa kay Hannah na siyang nakakuha ng atensyon ko.

    Nagkatinginan kami ni Claudette at nakita kong iritado nga siya sa kung anong pinipilit ni Hannah. Bumaling ulit ako kay Chanel para sagutin siya…

    “Mga classmate nila sa Ateneo de Davao, Chan.” Sabi ko bago umakyat ng isang palapag para makalapit kay Claudette at Hannah sa likod.

    Dumami pa ang mga babae at nagulat ako nang nakita ko sina Cherry at ang kanyang mga tropa sa malayo. Nandoon rin ang iilang kakilala ko. Siguro ay dahil papalapit na ang championship kaya mas lalong dumadami ang nanonood.

    “Anong nangyari?” Tanong ko kay Claudette at Hannah.
    Suminghap si Claudette at hinarap ako ni Hannah na medyo nangingilid ang mga luha. “Wala si Selena.” Bulong niya.

    Napatingin ako sa paligid. Oo nga. Ngayon ko nga lang rin napansin na wala nga pala si Selena dito samantalang naroon si Elijah sa court.

    “I overheard them, Clau. Narinig ko kay Azi at Elijah at ang sabi ni Elijah ay kaya di sumama si Selena ay dahil may misunderstanding na naman sila. At narinig kong sinabi din ni Azi na akala niya ay wala na sila ni Elijah. Wala na ba si Elijah at Selena?” Desperadong tanong ni Hannah.

    Nagulat ako sa mga narinig ko kay Hannah. Una sa lahat, bakit big deal sa kanya iyon? Hanggang ngayon ba gusto niya parin si Elijah? Pangalawa, anong misunderstanding ang pinag awayan nila?

    “I told you, Hannah. Wala akong alam!” Mariing bulong ni Claudette. “Wa’g ka ng umasa kasi kilala na natin si Elijah, he’s a type A asshole. Mangmang na lang ang hindi makakaintindi non.” Sumulyap si Claudette sa akin.
    “You told me he’s serious with her-” Ani Hannah.
    “Yes, he is. That’s what he said. Let it go.” Mariing sinabi ni Claudette.
    “Pero Clau-“

    Narinig kong pumito ang mga referee. Hudyat na magsisimula na ang game. Nilingon ko kaagad ang bench ng mga kapatid ko at nakita kong naka pwesto na sila sa court habang nakatayo doon si Vaughn at kumakaway sa akin. Sumenyas siya at tinuro niya ang Gatorade sa pwesto ko kanina. Mabilis akong pumanhik para maiabot sa kanya iyon.

    Kung ano man ang pinag awayan ni Elijah at ni Selena, hindi ko na alam. Gusto kong malaman kaya lang ano naman ngayon kung may away nga sila? I shouldn’t be like some scavenger. Ayokong mag abang sa mga bagay na nabubulok at aatake pag may pagkakataon. No, I’m better than that. I know what I need to do and that’s what I will do. Sana lang ay makisama sa akin ang tadhana. Two years ago, hindi siya nakisama, sinira niya kaming dalawa. Sana ay ngayon, papanig na siya sa akin, dahil gusto ko na lang subukang kalimutan siya.

    Inabot ko sa nakangising si Vaughn ang Gatorade. Uminom siya sa harap ko habang nakatitig sa akin. Ngumisi ako.

    “Gago! Ang tagal!” Narinig kong sigaw ni Elijah galing sa harap.

    Naroon na silang lahat sa court at si Vaughn na lang ang hinihintay nila para magsimula.

    “Vaughn, punta ka na don.” Sabi ko.
    Sinarado ni Vaughn ang bote ng Gatorade at ngumisi. “Wala bang good luck diyan?” Kumindat siya.
    Tumawa ako. “Good luck!”
    “Tambakan ba namin?” Mas lalong lumaki ang ngisi niya.
    Kinagat ko ang labi ko. I don’t know what to say.

    Tumawa siya at tinalikuran ako bago nag jog pabalik sa gitna ng court. Aguirre, iyon ang nakalagay sa likod ni Vaughn. I’m not stupid. Alam kong nagpaparamdam siya sa akin. Hindi ko nga lang alam kung nagbibiro ba siya o totohanan na dahil dinadaan niya sa biro ang lahat.

    Nag angat ako ng tingin sa court at nakita kong madilim ang tingin ni Elijah sa akin. Mukha siyang badtrip. I’d like to think that it’s because of their misunderstanding.

    Nagsimula ang game na mainit na kaagad. Nakuha ni Pierre ang unang score at nagkaroon agad ng foul si Azi. Nagbabasketball ang mga pinsan ko ngunit hindi nila iyon siniseryoso tulad ng mga kapatid ko. Masasabi kong mas magagaling ang team nina Hendrix kumpara sa mga pinsan ko. Tumatawa lang naman ang mga pinsan ko tuwing may laro pero iba ngayon, mukhang seryoso sila sa pagbabasketball. Halos mapasigaw nga ako nang bumagsak si Rafael at Hendrix dahil nagkabanggaan habang nag li-lay up.

    “Rix! Get up! Rafael!” Tili ko sa kalabog ng puso ko.

    Nahagip ko kaagad ang tingin ni Elijah sa akin habang naglalahad ng kamay kay Rafael. Inirapan niya ako at nagpatuloy sa game.

    Aba. Anong problema non?

    Nagpatuloy ang game. Gumulong si Vaughn nang nabangga siya kay Eion at Josiah. Tumawa lang siya at mabilis na tumayo.

    “Go, Vaughn!” Sigaw ko.

    Akala ko ay hindi maririnig dahil maraming naghihiyawan at nagsisitilian ngunit nagulat ako nang ngumiti si Vaughn sa akin at kumindat bago nag free throw. Well, I can shout loud, huh?

    Sa 3rd Quarter ay bumagsak si Elijah at Jack nang sinubukan ni Jack na agawin ang bola kay Elijah habang nag li-lay up. Kumalabog ang court sa pagbagsak ni Jack at napangiwi ako dahil alam kong masakit iyon. Si Elijah ay naupo lang sa court at parang walang nangyaring collision. Damn his muscles.

    “Jack! Kaya yan!” Sigaw kong halos umalingawngaw dahil walang sumuporta kay Jack. Hindi kasi nila ito kilala.

    Nakita kong tumingin ulit si Elijah sa akin habang nakaupo sa court. Nakalahad sa kanya ang kamay ni Damon at ni Azi ngunit wala siyang tinatanggap. Umupo lang siya doon at parang may hinihintay.

    Bumuntong hininga ako at umupo sa bleachers pagkatapos kong sumigaw para kay Jack na ngayon ay nakatayo na.

    “O? Asan yong akin?” Sigaw ni Elijah sa court.

    Yumuko ako at nagkunwaring nagbibilang ng Gatorade sa tabi ko.

    “Fucking shout for me!” Aniya.

    Napapikit ako at nangatog ang binti ko. Hindi ko kayang mag angat ng tingin kung ano ang nangyayari sa court habang sinasabi ito ni Elijah. Shit! Alam kong bad idea talaga ang pagpunta ko rito.

    Nagpatuloy ang game at walang nangyari kanina. Gusto ko na rin sanang kalimutan ngunit tuwing tumitingin ako sa court at nakikita ko ang galit na mukha ni Elijah simula non ay kinabahan na ako.

    Hindi nila malagpasan ang dalawang puntos na lamang ng kupunan ng mga kapatid ko. Medyo pagod na sina Pierre pero hindi sila sumusuko. Seryoso silang nagtatalo tungkol sa offense at defense dahil wala silang coach. Hindi na ako sumingit. Pinanood ko lang silang nagtatalo doon.

    May biglang kumalabit sa akin. “Ate.” Aniya.

    Napatalon ako nang nakita si Charles sa gilid ko. Umupo siya at kumuha ng isang Gatorade sa tabi ko.

    “Charles, nandito ka? Wala kang practice?” Tanong ko.
    “We’re done with it. Gusto ko lang manood ng game.” Aniya habang iniinom ang kulay blue na Gatorade. “Ba’t dalawang puntos ang lamang ng kalaban? Is it that hard to win?”
    “Uh… Sina Pierre at Hendrix ang kalaban nila, Charles.”
    Sumulyap si Charles sa akin. I can’t deny the Montefalco blood in his features. Maging ang kanyang aura ay sinisigaw na Montefalco siya. Sa simpleng t-shirt at shorts lang na suot niya ay agaw pansin na agad sa mga kasing edad niyang bata.
    “I know. Mahirap ba silang kalaban? Yong mga kapatid mo? Bakit dalawang puntos lang ay hindi malagpasan nina kuya?”
    “I-I don’t know, Charles. Maybe. Yes.” Sumulyap ulit ako sa court kung saan mainit na ang laban.

    Pwesto agad sina Pierre para sa defense dahil sa mga Montefalco ang bola. Naririnig ko ang sigaw ni Hendrix kay Pierre na huwag maging careless at huwag magpasikat. They’re really at it!

    “Calm down, Pierre. This is just a game. We’ll lose if you think this is life and death!” Sigaw ni Hendrix sa malayo habang pinipigilan siya ni Rafael.

    Si Pierre ang kaharap ni Elijah na ngayon ay may hawak na bola. Pinapasa niya naman ito kay Azi na kaharap ni Vaughn. Tumakbo si Pierre sa ilalim ng court at may sinenyas kay Vaughn. Pinasa ni Azi ang bola pabalik kay Elijah dahil wala nang nagbabantay sa kanya ngunit tumakbo si Vaughn kay Elijah. Tumalikod si Elijah sa kanya nang sa ganon ay hindi maagaw ni Vaughn ang bola. Pag ikot ni Elijah para mag dribble at kumawala sa bantay ni Vaughn ay nasiko niya ito sa tiyan.

    Napaupo si Vaughn sa sahig at ininda ang siko ni Elijah habang walang pakealam na nagdribble si Elijah patungo kay Pierre na agad sumigaw.

    “ANG DAYA! BA’T DI NA FOUL!” Ani Pierre dahilan kung bakit na ishoot ni Elijah ang bola at tumabla ang score.

    Dinaluhan agad si Vaughn sa court. Mabilis ang pintig ng puso ko dahil nakita kong pumipikit si Vaughn sa sakit. Tumayo rin siya ilang sandali ang nakalipas at mabilis na nilapitan ang binabating si Elijah.

    Tinulak niya si Elijah. Halos mapapikit ako sa ginawa ni Vaughn. Please, no. Please, just no, Vaughn.

    “Nananadya ka, a!” Dinig kong sinabi ni Vaughn.

    Pumagitna agad si Hendrix sa dalawa. Sumali si Rafael sa pag gitna. Si Pierre naman ay nasa likod ni Vaughn. Si Eion ay kinausap si Elijah ngunit nag igting lang ang bagang ni Elijah sa sinabi ni Eion.

    “Kung sinadya ko yon, nalumpo ka na ngayon!” Sigaw ni Elijah na mas lalong nagpainit sa ulo ni Vaughn.

    Halos magsilapitan na ang mga pinsan kong babae sa court dahil sa nangyari.

    “Calm down, Elijah!” Sigaw ni Chanel.
    “Be sport, dude! Ang rumi niyong mag laro!” Ani Vaughn habang umiiling.
    “Anong sabi mo?” Sigaw ni Damon.
    “Dame, shut it!” Sigaw ng couch nilang si Kuya Silver.
    “Oh, you want me to say sorry because it’s an accident?” Sarkastikong sinabi ni Elijah kay Vaughn sa court. “Sorry, a? Humaharang ka sa dadaanan ko kaya ka nasiko. Next time, tumabi ka. Dahil baka next time, di lang siko ang makuha mo.” At umalis siya don sa kaguluhan.

    Nakita ko ang pag angat niya ng tingin sa akin, pag irap, at pag iling bago sumalampak sa bench at uminom ng Gatorade.

    “Hindi sinadya ni Kuya ‘yon. It happens all the time in the court. Tsss.” Bulong ni Charles sa tabi ko. “Di mo ba papagaanin ang loob ni Kuya, Ate? Alam kong alam mong di niya ‘yon sinasadya.” Ani Charles.
    Kinagat ko ang labi ko. “Someone’s hurt, Charles. Let’s just stop taking sides. Hindi sinadya ni Elijah ‘yon pero nasaktan si Vaughn. Let’s understand.” Paliwanag ko sa kapatid ko.
    “Kuya Elijah got hurt too, Ate. Sinabihan silang madaya at inakusahang sinadya ‘yon.”

    Napatingin ako kay Elijah na ngayon ay nakatalikod sa akin. Kitang kita ko ang pag igting ng kanyang bagang. Gumagalaw ang kanyang pisngi sa ginagawa niya. Nilapitan siya ni Josiah at Azi at may pinag usapan sila. Nag angat ng tingin si Azi sa akin bago bumalik sa court. He’s not playing for the overtime. Pinalitan siya ni Josiah. At nakita kong kinuha niya ang kanyang bag at umalis na doon sa bench.

    Sinundan ko siya ng tingin. Kumalabog ang puso ko. I shouldn’t take sides pero… I’m really still with him. At natatakot akong palagi akong ganito. Natatakot akong kahit anong gawin niya ay matatanggap ko. Natatakot akong papanig ako sa kanya palagi. Natatakot ako.

  • Kabanata 12Open or Close

    Kabanata 12
    Date

    Sinubukan kong mag ensayo sa skateboard. Pinapa akyat ko iyon sa gutter habang tumatakbo. Medyo nakakaya ko na. Ilang araw na rin kasi akong ganito ang ginagawa tuwing umaga. Hinihingal na ako kaya inapakan ko ang dulo ng skateboard kaya umangat ito. Dinampot ko iyon agad saktong pag bosina ng isang sasakyan na nasa likod ko.

    “Oh, ang aga mo yata?” Tanong ko habang hinihingal.

    Narinig kong bumukas ang gate ng aming bahay nang dumating ang sasakyan ni Vaughn. Nag park siya sa harap ko kaya tumabi ako kay Pierre na kakalabas lang sa gate namin.

    “Excited ako, e.” Kumindat si Vaughn sa akin.
    Napatingin ako sa sarili ko. “Hindi pa ako nakakapag bihis. At maliligo pa ulit ako.” Sambit ko.
    “Maaga pa, Vaughn.” Malamig na sinabi ni Pierre nang tumalikod ako para bumalik sa loob ng bahay.

    Hindi ko alam kung ano ang plano ni Vaughn pero niyaya niya akong mag mall. Manunuod daw kami nitong isang movie na galing sa isang book. Pumayag naman ako dahil mamayang gabi pa ang punta ko sa bahay namin. Doon na naman ako matutulog ngayong gabi. May bagong laro kasi sa Xbox at gusto dawng laruin ni Charles iyon kasama ako. It’s probably really boring to be an only child. Hindi naman only child si Charles pero tuwing naiisip kong siya lang ang nasa bahay boring parin iyon.

    “I-I’ll check on the details, dad.” Dinig kong sambit ni Hendrix sa cellphone niya.

    Pinagmasdan ko siyang umiinom ng kape habang kaharap ang laptop sa sala namin. Pumasok si Pierre at Vaughn sa sala nang nagtatawanan. Nag angat agad si Vaughn ng tingin sa akin nang nakitang umaakyat ako sa hagdanan na bahagyang nakatitig kay Hendrix.

    Diretso na ako sa kwarto dahil ayaw kong paghintayin si Vaughn. Nakuha lang ni Hendrix ang atensyon ko dahil nitong mga nakaraang araw ay halos laptop lang ang inaasikaso niya para sa accounts ng business ni papa. Nagsisimula na siyang i-train para sa business na iyan. Ayaw kasi ni Pierre ng negosyo kaya siya kumuha ng kursong Chemical Engineering tulad ng kay Vaughn. Kung nagkataon at siswertehin kaming tatlo, sabay kaming gagraduate sa susunod na taon. Limang taon kasi ‘yong course nila, samantalang apat lang iyong sa Business Ad na tulad ko.

    Naligo ako at medyo nahirapan sa pagbibihis. This is a friendly date. I’d like to call it a friendly date. Wala naman kasing namamagitan sa amin ni Vaughn at ayaw kong lumagpas sa linyang iyon. I’m content of what we have right now. Kung mayron man kaming kinabukasang dalawa ay gusto ko sanang dahan dahanin lang iyon.

    Hindi ko namalayang dalawang oras pala ang ginugol ko sa pagbibihis! Naisipan ko kasing magsuot ng dress. Halos hindi ko na kasi maalala kung kailan ako huling nag suot nito. Puro kasi pullovers, cropped shirts, shorts, pants, at sneakers ang mga sinusuot ko dahil na rin sa mga hobby ko tulad ng skateboarding at pagsasayaw.

    Inayos ko ang anklet sa aking paa bago lumabas ng kwarto.

    “Always remember that you got this chance because we allowed you to have it. Don’t waste it, Vaughn. At wa’g na wa’g kang magkakamali-“

    Natigil si Pierre sa pagsasalita nang narinig niya ang yapak ko pagbaba ng hagdanan. Nag angat ng tingin ang seryosong si Hendrix at pumangalumbaba siya sa akin.

    “Ako na naman ba ang maiiwan sa bahay ngayon?” Tanong ni Hendrix.
    “Bakit? Saan pupunta si Pierre?” Napatanong ako kay Hendrix.

    Tumayo si Vaughn nang nasa sala na ako sa harap nila. Ngumisi ako sa kanya at bumaling agad kay Hendrix. Sumipol si Pierre at mabilis na hinubad ang kanyang t-shirt.

    “Pupunta lang akong school.” Aniya at umakyat sa hagdanan.
    “See.” Sambit ni Hendrix.
    “Bakit? Wala ka namang summer classes, a?” Tanong ko ngunit hindi niya na ako pinansin.

    Nagtaas ako ng kilay at tumingin kay Vaughn na malaki ang ngisi.

    “Let’s go?” Aniya.
    Tumango ako. “Sure.” Bumaling kay Hendrix at, “Rix, alis na kami.”
    Tumango si Hendrix habang nakatingin parin sa laptop. So workaholic. “Make sure naihatid mo na si Klare sa Montefalco Building around 6:30PM, Vaughn.”

    Ngumisi na lang ako sa pagiging bossy niya at sumunod kay Vaughn palabas ng bahay namin. Pinag usapan namin kung gaano ka over protective ang mga kapatid ko patungong downtown.

    Ito ang unang pagkakataon na lalabas kami na kaming dalawa lang. Ngayon lang din kasi ako pinayagan ni Hendrix. Minsan na akong niyaya ni Vaughn noon ngunit hindi pumayag ang mga kapatid ko. Wala rin naman iyon sa akin dahil madalas ay wala akong ganang lumabas noon at magpakita sa mga tao.

    “Your brothers should really loosen up. I’m glad they did. Tingnan mo, nakakalabas ka na ngayon kasama ko.” Humalakhak siya pababa kami ng Mastersons Avenue.
    “May rason siguro kung bakit hindi nila ako pinapayagan pag nagyayaya ka.” Pang aasar ko.
    “And what reason is that? I’m a good, good boy.” He grinned.
    Nagkibit balikat lang ako at nagtawanan kaming dalawa.

    Hindi naman talaga kami ganon ka close ni Vaughn. Nag uusap kami, oo, pero madalas ay natatahimik ako tuwing nandyan ang mga kapatid ko. Barado rin siya madalas lalo na pag si Pierre ang nagsasalita. Nag ti-text siya sa akin ngunit sadyang hindi lang ako pala text na tao.

    Napalunok ako nang naalala ang mga text namin noon ni Elijah. Well, hindi na ako pala text ngayon.

    “Saan tayo una?” Tanong ko pagkapark niya sa Centrio Mall.

    Sumakay kami ng elevator at dumiretso sa ikatlong palapag ng mall kung nasaan ang mga sinehan.

    “Manonood na tayo ng sine?” Tanong ko.
    Umiling siya. “Medyo punuan ngayon dahil hit ang movie na gusto kong panoorin natin kaya bibili muna tayo ng ticket bago kumain.”
    Tumango ako. He’s thoughtful. Mukhang nag iisip talaga siya sa mga maaaring mangyari sa lakad naming dalawa.

    Tama siya. Punuan nga kaya kahit na alas onse pa lang kami dito ay iyong pag alas kwatrong ticket na lang ang nakuha namin.

    “Grabe, pagkatapos nating kumain mag Time Zone muna tayo or maglakad-lakad.” Aniya habang binubulsa ang ticket.
    Tumango ako. “Kahit ano. Saan tayo kakain?”
    “Where do you wanna eat?”

    Ngumuso ako at tumigil sa paglalakad. Sinuyod ko ang mga kainan sa buong mall. Hindi ko alam kung saan kami dapat kumain. Tinuro ko na lang ang Pepper Lunch na malapit sa kinatatayuan namin.

    “Yes, ma’am.” Tawa niya.

    Magkaharap kaming dalawa sa mesa. Nang binigay ng waiter sa akin ang menu ay agad akong naghanap ng pwedeng makain.

    “Eto na lang ‘yong akin. Sayo?” Sabay pakita ko sa kanya sa menu.

    Hindi siya nakatingin doon. Titig na titig siya sa akin. Naisip ko tuloy kung may dumi ba sa mukha ko, o may tao ba sa likod ko at napagkakamalan ko lang na ako ang tinititigan niya. Lumingon ako ngunit walang tao sa likod.

    “You’re really beautiful, Klare.” Aniya.
    Ngumisi ako. “Mambobola.”
    Tumawa siya. “Ikaw talaga, kailan ba kita binola?”
    “Ngayon ngayon lang, Vaughn.” Sabi ko at hindi matanggal ang ngisi ko.
    “Mukha ba akong mambobola sayo, Klare? Wala akong maalalang binola kita.”

    Nagtaas ako ng kilay habang umiinom sa baso ng tubig na nilapag ng waiter. Ngayon ko lang narealize na ganito pala ako makitungo sa ibang lalaki. Buong buhay ko, pinalibutan ako ng mga lalaking pinsan ko. Ngayon naman, pinalibutan ako ng mga kapatid ko. Hindi ko alam kung paano makitungo sa ibang lalaki na hindi ko relative. Ni hindi ko na maalala kung paano ako nakitungo kay Eion noon.

    “Well, probably I think ganon ang mga lalaki. Mambobola.” Tumawa ako sa katotohanan.

    Montefalco boys for example. Nakita ko kung paano sila maglaro sa mga salita nila. Si Elijah lang ang hindi gaanong nagsasalita ngunit nilalapitan ng mga babae. Maybe because of his face, physique, and his attitude. Mas pipiliin mo talaga iyong nakangisi, tahimik, at patitig titig lang kumpara sa mga maporma, maingay, at madiskarte. Or is it just me?

    “Labas ka rin minsan kasama ko. Mukhang puro mambobola ang kilala mo, a?” Tumawa siya.

    Umiling ako. Yes, Vaughn is right. Hindi naman siguro ganon ang lahat ng lalaki. I have Pierre and Hendrix for example. Hindi ko alam kung paano dumiskarte si Hendrix. He’s sometimes warm, sometimes cold, sometimes funny, sometimes serious while Pierre is most of the time cold and angry. Maaring nakita ko na si Hendrix na nakihalubilo sa mga babae, si Pierre din naman pero masyado akong bulag sa mga lakad nila kasama ang ibang babae. Ayoko namang maisip nilang nakekealam ako sa kanilang buhay kaya hindi ko na lang din sila pinipilit na magsalita.

    Kumain kami ni Vaughn at puro asaran lang ang nagawa namin. He’s a good friend. Naiisip ko tuloy kung bakit naghiwalay sila nong ex niya noon.

    “So… nakailang boyfriend ka na?” Tanong niya nang naglakad lakad kami sa mall para magpalipas oras bago manood ng sine.

    Kinagat ko ang labi ko. I’m not sure… Naging boyfriend ko ba si Elijah? I shouldn’t count him right?

    “Hmmm. Wala pa.” Nag aalinlangan kong sagot.
    “Wala pa? Tama ba ang dinig ko?” Nangingiti niyang sinabi. “You’re kidding.”
    “I’m not. Totoo.”
    Tumango siya. “Kung ganon, ilan na ang nabasted mo?”

    Napatingin ako sa kanya habang hinahawakan ko ang pullover na nakahanger sa harap ko. Naisip ko si Eion ngunit nahihiya akong umamin na may nabasted na nga akong lalaki. Nahihiya akong ihayag na ganon ang ginawa ko.

    “H-Hindi ko siya binasted. I-I mean…” Nangapa ako sa mga salita. “Hindi lang talaga nag work. Nawalan ako ng feelings sa kanya along the way…”
    “Oh that’s scary. You mean, nang nanligaw siya ay may feelings ka na para sa kanya pero habang nanliligaw siya, nawala mo ito? You were probably just infatuated.”
    Nagkibit balikat ako habang tinitingnan pa ang ibang damit na nasa hanger. “Naging crush ko siya ng ilang taon. Simula pa ata ng high school?”
    “Well, that’s probably still infatuation, Klare. Madalas kasi, naiinlove ang mga tao sa mga gestures ng kanilang crush habang nag di-daydream sila. Do you daydream a lot about him noon?”
    Nagulat ako sa sinabi ni Vaughn.

    Hindi ako sigurado kung matalino ba siya o masyado niyang pinag isipang mabuti ang mga bagay na tungkol sa love life.

    “Hmmm. Well, hindi maiiwasan yan.” Uminit ang pisngi ko.
    “See? So that means wala ka pang first love kung infatuated ka lang sa lalaking iyon.” Tumawa siya.

    Uhm… No. Nag iwas ako ng tingin sa kanya. I did not want to talk about it. Tama na siguro na may mga taong nakakaalam kung ano man iyon. Hindi ko na kailangan ng simpatya o pag unawa ng ibang tao.

    “What’s your point?” Nagtaas ako ng kilay at ngumisi.

    I want this conversation and date to be light. So light that I’ll forget how it’s heavy for me.

    “Point is, you’re so pure, Klare.” Aniya at hinawakan ang barrette na naka ipit sa buhok ko.

    Halos mapatalon ako sa pagkakahawak niya rito. Kumalabog ang puso ko. Masyado ba akong guilty? Kasi sa paghawak niya non ay pakiramdam ko malalaman niyang hindi na ganon ka puro ang puso ko. Nagmahal na ako, nasaktan, at nawasak. I’m not here to find someone who will fix me. I can fix myself. Nagagawa ko ngunit tulad ng ibang bagay, kailangan ito ng proseso at mahabang panahon. Iba iba nga lang ‘yong time frame sa bawat tao. May ibang agad naghihilom, may iba namang sa sobrang lalim ay natatagalan.

    “Your heart is so pure. Hindi pa nagmamahal at maaring hindi pa nasasaktan.”
    “I’ve been hurt so many times, Vaughn. Believe me.” Ngumisi ako.
    Ngumisi siya at tinitigan ako sa aking mga mata. “Yes, I know. Your family.” Aniya. “Pero hindi pa iyan tumitibok ng husto, that’s for sure.”

    Iyan ang hindi ko kayang sagutin. Hindi ko alam kung tibok ba iyong pinaramdam sa akin ni Elijah noon ko kalampag at sabog. Masyadong maliit na salita ang tibok para ipaliwanag kung ano ang naramdaman ko noon para sa kanya.

    And I hate that I am always thinking about him. Nangungumpara at nagbabalik tanaw. Sana ay matigil ko na ito. I am trying but am I really trying hard? How do I try hard? Paano ko masasabing sinasagad ko na ang sarili ko para makalimutan siya? Gusto kong sagarin. Gusto kong disiplinahin ang sarili ko. Pero paano?

    I didn’t want to use anyone. Siguro ay ang magagawa ko na lang ay iwasan siya.

    “You love hair clips?” Tanong ni Vaughn nang napansin ang hinawakan niya kanina sa buhok ko.

    I don’t really love hairclips but I love this particular barrette. Tumango ako kahit taliwas iyon sa iniisip ko.

    “Bibilhan kita ng isa.” Aniya.
    Umiling ako. “Naku! Wa’g na!”
    “Hindi… talaga. We are killing the time. Maybe you should stay outside this store para masurpresa kita.” Halakhak niya at pumasok sa isang store na puno ng accessories.

    Sinubukan kong sumunod para pigilan siya ngunit pinigilan niya ako. Tumawa na lang ako at umiling. Should I buy something for him, too? Nahihiya ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit.

    “Tadaa!” Aniya at ipinakita sa akin ang kulay yellow na hairclip.

    Mas maliit ito sa barrette na suot ko. Ngumisi ako hinawakan ang maliit na bato sa gilid.

    “I like it. Thank you!” Sabi ko.
    “Wait!” Aniya at mabilis na tinanggal ang barrette sa buhok ko.

    Nalaglag ang panga ko sa inosente niyang galaw. Naglahad agad ako ng kamay at naghintay na ilagay niya roon ang barrrette na kinuha galing sa buhok ko. Nakita ko ang kulay violet na butterfly sa palad ko habang sinusuot niya sa akin ang binili niya.

    “There.” Nag angat ng labi si Vaughn at humalukipkip siya sa harap ko para iexamin ang mukha ko. “Bagay na bagay.”
    “T-Thank you.” Sabi ko at nilagay ang barrette na butterfly sa loob ng bag ko.
    “You’re so beautiful, Klare. You deserve the world.” Pabulong niyang sinabi.

    Uminit ang pisngi ko. Positibo akong pulang pula na ang pisngi ko dahil sa sinabi niya.

    “Salamat, Vaughn.” Sagot ko.

    Nanood kami ng sine. Ang movie ay tungkol sa isang panibagong mundo kung saan nahahati ang mga tao sa limang grupo. Ilang beses akong umiyak at hindi ko alam kung bakit. Nakakaiyak naman kasi talaga iyong mga pangyayari. Madilim kaya hindi napansin ni Vaughn na umiiyak ako. Nahihiya din akong humikbi kaya kinimkim ko na lang ang paminsan minsan kong pag tangis.

    “Nag enjoy ka ba?” Tanong niya sa akin pagkatapos ng movie.
    Tumango ako at ngumisi.

    Masaya at magaan siyang kasama. Walang problema at walang hadlang. Magaan ang loob ko pagkauwi ko. Ito siguro ang pakiramdam pag nagkaroon ang tao ng isang relasyon o na hindi bawal. Don’t get me wrong. Hindi ko iniisip na may relasyon kami ni Vaughn ngayon pero parang nararamdaman ko na ang pakiramdam ng isang normal na paghahatid sundo o paglabas nang walang halong takot. It’s all refreshing to me.

    Napangiti ako habang tinatanggal iyong seatbelt ko. Nasa tapat na namin ang Montefalco Building.

    “Bakit ka nga pala di makakauwi?” Tanong niya.
    “May bagong game kasi kaming lalaruin ng kapatid ko. At… wala din siyang kasama, e. Nagkaroon kasi ng trip si daddy, sumama si mommy, ngunit ayaw ni Charles. Kaya silang dalawa lang ni manang.” Paliwanag ko.
    Tumango siya. “O sige. See you tomorrow, then?” Aniya.
    Ngumisi ako. “See you. Thank you sa lahat. Nag enjoy ako, sobra, Vaughn.”
    “Surely may second time? Kasi nag enjoy ka, e. Kung walang second time, ibig sabihin hindi ka nag enjoy, diba?”
    Nagtaas ako ng kilay at tumawa. “Surely.” At lumabas na ako sa kanyang sasakyan.

    Umikot ako para tumayo sa aming parking lot. Kakawayan ko na sana si Vaughn nang biglang may sasakyang nag high beam sa tabi ko. Naka park na ito kanina pa at kumalabog ang pintuan nito. Narinig ko ang ingay ng mga susi na mukhang hinagis. Nilingon ko kung sino ang lumabas galing sa driver’s seat at nakita kong nakahalukipkip si Elijah at nakahilig sa pintuan ng kanyang sasakyan. Bahagya siyang nakanguso at nagkasalubong ang mga kilay. Mas nadepina ang kanyang biceps dahil sa paghalukipkip. Anong ginagawa niya dito?

    “Bye, Vaughn. Thanks for today!” Sabi ko nang nakitang nakababa ang salamin ni Vaughn.
    “Thanks din, Klare. Date ulit tayo next time.” Aniya bago umalis.

    Tumalikod ako at nakita ko si Elijah na ganon parin ang posisyon. Hindi ko alam kung babatiin ko ba siya ng magandang gabi o lalagpasan. What the? Kahit yon ay hindi ko alam kung alin ang dapat!

    “Uhm… Pasok na ako sa loob.” Sabi ko at halos tumakbo patungong elevator.

  • Kabanata 13Open or Close

    Kabanata 13
    Just Fight

    Nang humarap ako sa labas ng elevator pagkapasok para pindutin na iyong mga numero at para maisarado ko na ang pintuan ay tumambad sa akin si Elijah na nakahawak sa kabilang side. Nakatayo siya sa harap ko at madilim ang kanyang tingin. Mas lalong nadedepina ang kanyang mga pilikmatang nagpapatingkad sa matalim niyang tingin sa akin. Pinigilan niya ang pintuan na magsarado.

    Kumalabog ang puso ko at napaatras ako sa elevator. Dahan dahan siyang pumasok at suminghap bago pinindot ang 3rd floor at sinarado ang pintuan.

    Calm down, Klare. Ito na ata ang pinakamabagal na byahe ko sa elevator. Hindi pa tumutungtong ng 2nd floor at ilang beses ko na siyang narinig na suminghap. Kumalabog ang puso ko nang narinig kong suminghap siya para magsalita.

    “Who’s that boy?” Malamig ang kanyang tono.
    Nag angat ako ng tingin sa kanya ngunit diretso ang tingin niya sa mga numero ng elevator.

    Kung maka ‘boy’ siya ay parang hindi niya ka edad si Vaughn, a?

    “Vaughn Aguirre. Remember? ‘Yong sa court?” Tanong ko.
    “Oh, the prick…” Tumikhim siya, pumikit, at tumingala na para bang nahihirapan.

    Nakita kong gumalaw ang kanyang adam’s apple dahil sa paglunok at nag igting ang kanyang bagang.

    “Don’t call him that, Elijah. Wala siyang ginagawang masama sa’yo.” Sabi ko.
    Dumilat siya at bumaling sakin. “Where have you been?”
    Napangiwi ako sa mausisa niyang tanong. Wala namang meron sa kung saan kami nagpunta ni Vaughn pero kung makapagtanong siya ay parang may malaking sekreto ako. “Ba’t ka nagtatanong?”
    “I just want to know.” Aniya at naghintay sa sagot ko.
    “Ba’t ka nagtatanong? And why are you here, anyway?”

    Tumunog ang elevator na siyang hudyat na nakarating na kami sa ikatlong na palapag. Ngayon, aakyat na naman ako na kasama siya. Bakit siya nandito?

    Sumunod siya sa akin sa pag akyat ko sa ikaapat na palapag. Mabilis kong binuksan ang pintuan at umalingawngaw agad sa akin ang tawanan ng iilang mga lalaki sa sala. So he’s not alone. Pumunta siya dito dahil nandito ang mga pinsan ko? Bakit parang may lumubog sa puso ko nang napagtanto ko iyon. Narinig kong pumasok siya sa isang guestroom sa likod ko. Nilingon ko ngunit nakita kong wala na siya roon. Bahala siya!

    Dumiretso ako sa sala para halikan ang pisngi ng nakatalikod na si Charles. Tumalon si Josiah nang nanalo siya sa nilalaro nilang NBA. Halos itapon ni Charles ang joystick sa irita sa maingay na si Josiah at sa nag to-talk shit na si Damon.

    “Pangit ng Lakers! Baho niyo!” Ani Damon.
    Matalim kong tinitigan si Damon sa kanyang sinabi.
    “Uy, Klare!” Hupa ng tawa niya.
    “I hate Miami Heat.” Ani Charles sabay halukipkip.
    “Wala yan sa team, nasa naglalaro ‘yan.” Sabay tawa ng malakas ni Josiah na agad kong sinapak.

    Ayaw kong makitang medyo na fu-frustrate ang kapatid ko. Yes, it’s part of being a boy ngunit ang makitang medyo iritado siya ay nagpapairita sa akin.

    “Where’s Elijah, Klare?” Tanong ni Josiah. “Nasa baba ‘yon, a? Di mo ba siya nakita? O baka umuwi?” Tanong ni Josiah sa akin.
    “Ah, di, nasa guest room.” Sabi ko sabay iwas ng tingin.

    Kumalabog ang pintuan sa guestroom at narinig ko ang malulutong na mura ni Azi habang lumalapit sa amin.

    “Next, javelin throw tayo, Charles?” Anyaya ni Damon habang tumatayo sa harap ng Xbox.
    “Shut up, Kuya. Madaya ka.” Ani Charles.
    “Tayo na lang, Joss. Boxing.”
    “Sige!” Sabi ni Joss at silang dalawa ang tumayo sa harapan.
    “What the fuck did you do?” Bulong ni Azi sa akin sabay hawak sa aking braso.
    Napalingon ako sa pinsan ko at sumalubong sa akin ang medyo magulo niyang buhok.
    “Ano?” Tanong ko.
    “The mad fucking man is fantasizing about beating someone. Halos mapunit niya ang mga kumot niyo sa inis niya.”
    Nalaglag ang panga ko at umatras kina Josiah at Damon na parehong nagbo-boxing sa harap namin. Nanonood si Charles at natatawa siya sa ginagawa ng dalawa.
    “I don’t know. Wala akong ginawa.”

    What’s his problem? Buong akala ko ay cool lang siya at hanggang tanong lang siya. Hindi ko naman alam na grabeng pagpipigil ang ginawa niya sa elevator para lang hindi ko makita na sasabog na ang kanyang mundo.

    “Buti pa bumalik ka sa guestroom at ayusin mo ‘yong mga ginusot niyang mga kumot namin. Para may magamit pa kayo mamaya.” Umirap ako kay Azi.
    “We’re not sleeping here.” Aniya.

    Nagulat ako sa sinabi niya. May namuo na kasing teorya sa utak ko na dito sila matutulog. Naisip kong inimbitahan sila ni Charles dahil wala si mommy at daddy. Nang malaman kong nagkamali ako ay… damn… kung masaktan man ako ulit, kagagawan ko na iyon. You know why this is all forbidden, Klare. Double forbidden, at that.

    “Then why are you all here? Just go home, Azi. Magbobonding kami ni Charles.” Sabi ko.
    “Hinihintay lang namin si Rafael. We’ll go out tonight. Around 12 midnight.” Ngumisi si Azi at alam ko agad kung anong ibig sabihin ng ‘going out’ niya.

    Bakit nila isasama si Elijah? He’s taken. Hindi ko alam kung may girlfriend ba si Josiah ngayon pero sanay akong lumalabas siya kahit na may mga girlfriend siya. Elijah is going steady with his girlfriend. Bakit nila siya isasama? Allowed ba siya na luamabas nang hindi kasama si Selena? Why do I care? Bahala sila sa buhay nila kung anong gagawin nila. That’s their problem.

    “Drop your fucking hand.” Malamig at napapaos na sambit ng boses ni Elijah bago niya sinarado ang pintuan sa kwarto.

    Nagtawanan si Josiah at Damon dahil sa kanilang laro habang napatalon naman si Azi at mabilis na binitiwan ang braso kong kanina niya pa hinahawakan.

    Naka itim na black sleeveless shirt lang siya ngayon. Kanina nang nagkita kami sa labas ay naka longsleeve siyang nitupi patungong siko. Siguro ay hinubad niya ang suot niyang iyon. Kitang kita ko ang kanyang tribal tattoo sa pecks at ang panibagong tattoo malapit sa braso patungong likod.

    “Magpapaluto ako kay manang.” Sabi ko at iniwan sila doon para pumuntang kusina.

    Alam ko namang nagluto na si manang. Kinailangan ko lang ng excuse para makawala sa kanila. Tumulong na lang ako kay manang sa paghahanda sa mesa habang nagtatawanan parin sila at naglalaro. Alas otso pa lang ng gabi, alas dose ang dating ni Rafael galing kung saan. Kung ganon, medyo matagal pa sila dito bago umalis.

    “Kumain na kayo…” Sabi ni manang sa kanila.

    Nakaupo na ako sa mesa at tinitingnan na ang mga luto ni manang na madalas kong ma miss. Kumpara kasi sa chef nina Pierre at Hendrix ay di hamak na mas masarap ang mga luto sa bahay na ito. Homemade na homemade ang dating at palagi akong nabubusog.

    “Sarap talagang tumambay dito sa inyo, Klare. Bukod sa downtown lang ay masasarap pa ang pagkain!” Ani Josiah habang nilalantakan ang menudo na niluto ni manang.
    “You should stay here, ate, para medyo tumaba ka naman. Masyado ka ng pumapayat.” Sabi ni Charles. “Hindi ka ba kumakain don? Or they’re not feeding yo, ate?”
    Natawa ako sa sinabi ni Charles, “I told you, Charles, you should visit our home sa Hillsborough. You’ve meet Pierre and Hendrix, right? Mababait naman sila. Hindi nila ‘yon magagawa sa akin.”
    “Yes, but, but they look cold sometimes.” Nag angat ng medyo mapanuring mata si Charles. Hindi ko naman maalis ang tingin ko sa kapatid ko.

    Yes. They’re most of the time intimidating and cold. Ayaw kong mangumpara pero tuwing nasa mga Montefalco ako, tawanan, hiyawan, at kasiyahan ang nadarama ko. Tuwing nasa mga Ty naman ay madalas tahimik at seryoso. Pero anong magagawa ko kung ang kasiyahang gusto ko ay hindi na nagkakasya sa akin at ang tahimik at seryosong lugar ang kinailangan ko para maghilom?

    “You look cold, sometimes, Charles. But you’re warm to your ate.” Ani Elijah sabay inom ng tubig.
    Tumango si Charles at Azi. Nagulat ako nang sinabi iyon ni Elijah nang hindi kami nag aaway. Medyo kumalabog ang puso ko ngunit kinain ko na lang ang pagkain ko para hindi mahalata.
    “Do not judge the book by its cover.” Ani Azi at nagkibit balikat bago kinain ang isang malaking fried chicken.
    “Do I look cold? Probably why girls hate me, huh?” Ani Charles.
    Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. “Who could hate you? Sabihin mo sakin.”
    Umiling si Charles. Tumawa si Damon. “That’s because you don’t know how to kiss-“
    “Dame!” Inirapan ko si Damon bago ako bumaling kay Charles. “Sino, Charles?”
    Kumunot ang noo niya. “Ate, you are creeping me out. Don’t be overprotective. It’s my problem. I’m here for advice.”

    Nalaglag ang panga ko sa sinabi ng kapatid kong binata na yata. Kinagat ko ang labi ko at nawalan agad ng gana sa pagkain. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis sa kung sino mang babaeng tinutukoy ni Charles. Naiirita ako at pakiramdam ko ay mawawala siya sa akin dahil sa mga babaeng bumabagabag sa kanya. I hate this feeling!

    Nagtawanan sina Azi at nagsimula sa kanilang mga estupidong payo. Panay na lang ang irap ko sa kanilang mga sinasabi. I’m not sure if they’re all good influence or not!

    “Say if the girl is like ate Klare, Kuya Joss, how would you make the first move.” Ani Charles.

    Humalukipkip ako at umirap nang tumingin si Josiah sa akin. Nagtawanan sila at nagbulungan. Pinanood ni Charles ng mabuti si Josiah habang umuubo.

    “Hi Klare! May nakita akong isda sa fish pond kanina, it’s so cute, naalala kita.” Ngumisi si Josiah.
    “WHAT? Are you saying na mukha akong isda?” Iritado kong sinabi.
    Tumawa silang lahat. Umunit ang pisngi ko nang nakita kong tumawa rin si Elijah.
    “No! See!” Sabi ni Josiah kay Charles. “See, Charles? Na bother ang ate Klare mo sa sinabi ko. Thus, nakuha ko ang attention niya. That’s how you get the attention of the girl.”
    “Niloloko mo ako, Kuya.” Ani Charles.

    Hindi ko parin pinapatawad si Josiah sa sinabi niya. Kahit na ilang beses niyang pinaliwanag sa akin na art lang iyon at hindi ibig sabihin non na mukha akong isda. Nakakabanas naman. Napatingin ako kay Elijah na nakangisi habang pinaglalaruan ang baso niya. God, this is embarrassing!

    “Hay naku, Joss! You should stop teaching him your moves! Hindi ‘yan bagay kay Charles!” Sabi ko.
    “How bout you, Kuya Elijah? How do you do it?” Baling nI Charles kay Elijah.
    Umiling si Azi. “Wala siyang ginagawa, Charles. Tumatayo lang siya at mabilis na tumatakbo palapit sa kanya ang mga babae.”

    Umiling na lang ako at tumayo para ilagay ang plato ko sa sink. Nagpatuloy sila sa asaran at kwentuhan. Kinuha ko rin ang plato ni Charles nang nakitang tapos na siyang kumain. Halos tapos na naman silang lahat kaya lang wala pang tumatayo dahil sa kwentuhan. Kahit na pinigilan na ako ni manang sa ginagawa ko ay tinulungan ko parin siya sa pagliligpit habang nagkukwentuhan pa ang mga pinsan ko.

    “Kayong lahat mga bad influence kayo kay Charles. This is so sad.” Sabi ko sabay kuha sa mga baso.

    Bumalik ako sa kanila at nakita kong naroon pa ang plato ni Elijah at Josiah. Lumapit ako sa kanila at naamoy ko agad ang pamilyar niyang bango. Nagpatuloy ako sa pagkuha ng plato habang pinapagalitan na ni manang.

    “Hayaan mo na ‘yang mga ‘yan dyan! Minsan ka na nga lang pumupunta dito, iniisip mo pang magliligpit. Makipag usap ka na lang dyan sa mga pinsan mo.” Aniya.
    “Manang, hayaan mo na po. Hindi ko po ito nagagawa sa Hillsborough o sa Davao.” Paliwanag ko.

    Pagkatingin ko sa mesa ay natagpuan ko agad ang mga mata ni Elijah. May kung ano sa mga titig niya na nagpapatunaw sa mga binti ko. Minsan natutunaw na parang yelo, minsan naman ay naninigas na parang estatwa. Damn, his eyes.

    Nagpatuloy sila sa paglalaro pagkatapos naming kumain. Nakaupo lang ako sa sofa habang pinapanood si Azi at Josiah na nag boboxing gamit ang Kinect. Sinusuntok nila ang ere sa harap para makasuntok ang mga character nila sa screen. Tulog si Damon sa kabilang sofa habang si Charles naman ay panay ang tawa sa dalawa. Si Elijah ay nakangising nanonood sa karakter ni Azi na bugbog saradong si Pacquiao.

    “Fuck! Fuck this shit!” Paulit ulit na mura ni Azi habang tumatawa lang si Josiah sa pagsuntok sa ere.

    Sa sobrang frustrated ni Azi ay tinulak niya na lang si Josiah sa tabi niya. Humagalpak kami sa tawa. Hindi niya na ata kayang makipagsuntukan sa ere kaya sinuntok niya na ng totohanan si Josiah.

    “Ayoko na!” Hinihingal na sinabi ni Josiah. “You’re not sport, dude!” Aniya.
    “Sige na, last round!” Hamon ni Azi kahit na hinihingal na rin siya at pinagpapawisan na. Kanina pa ang dalawang ito, a?

    Nakita kong humilig na si Charles sa sofa at nagsimula ng pumikit. He’s sleepy. Sasabihin ko na sana sa kanya na matulog na ngunit nahagip ng tingin ko ang nakakunot noo na si Elijah habang may binabasa sa kanyang cellphone.

    Kinagat niya ang kanyang labi at hinimas niya ito gamit ang kanyang index finger. Natulala siya sa kanyang cellphone bago pumindot roon.

    May nagtext sa kanya? Sino kaya? Siguro si Selena? Ano kaya ang tinext ni Selena? Bakit kaya nakakunot ang kanyang noo? Bakit kaya iniwan niya si Selena sa bahay nila? Ano kaya ang ginagawa nila ni Selena kung nandoon sila sa bahay nila? Binaha ako ng mga tanong. Hindi ko iyon nagustuhan. Nag iwas ako ng tingin sa kanya. PInanood ko na lang ang asaran ng dalawa kong pinsan.

    It’s already 11. Isang oras na lang at darating na si Rafael at aalis na sila. Humikab ako. Dapat ay tulog na ako kaninang alas nuwebe pero heto ako at dilat parin para samahan ang mga pinsan ko.

    “Charles…” Dinig kong tawag ni Elijah sa kapatid kong nakahiga na sa sofa.

    Bahagyang gumalaw si Charles.

    “Lipat ka na sa kwarto mo. Sige na, aalis na kami maya maya.” Ani Elijah.
    Tumango si Charles at tumayo.
    Humagalpak sa tawa si Josiah nang natalo ulit niya si Azi. “Ayoko na! You suck, dude! Maliligo na nga lang muna ako!” At umalis na siya patungong guestroom.
    “You’ve got to be shitting me. Nanalo ako kanina! Asan na ‘yong pustahan natin.” Ani Azi at sinundan niya si Josiah.

    Ilang murahan pa ang narinig ko hanggang sa binigay na ni Josiah ang pera niya at nagbigay rin ng pera si Azi.

    “Damn pointless!” Ani Josiah at pumasok sa kwarto.

    Naghubad si Azi ng kanyang t shirt at dumiretso sa common bathroom namin para doon siguro maligo. Kinuha ko ang joystick at naghanap ng magandang lalaruin. Halos panlalaki lahat ng laro doon. Sinubukan kong maglaro ng Left 4 Dead. Nagulat ako nang kinuha din ni Elijah ang isang joystick. Napatingin ako sa kanya.

    “We’ll be allies, Klare.” aniya.
    Tumango ako at kinabahan.

    Dammit, Klare! Why are you overreacting! He’s just being normal!

    Naghintay kaming magsimula ang laro. Nang nagsimula na ay ako iyong babaeng character, siya naman iyong isa sa mga lalaki. Pamilyar ako sa laro kaya hindi ako nahirapan sa controls at sa mga maaring gagawin. Napansin kong kahit na nauuna ang character niya sa paglalakad ay lagi niyang binabalikan ang character ko para protektahan. Okay… Okay… Just stop right there, Klare.

    “Drop that gun and try this one.” Aniya sa akin nang nakitang pangit ang baril ko.
    “Okay.” Sinunod ko ang payo niya.

    We’re normal friends. I should stop thinking too much. Kung anu ano man iyong mga nangyari, I should just stop and help myself.

    “Baby…” Aniya.

    Kumalampag ang puso ko nang narinig ang sinabi niya. Iyon na siguro ang pinaka nakakakilabot na salitang narinig ko simula nang umalis siya. I missed it so damn freaking much na nanginig ang kamay ko habang naglalaro.

    “Baby, I’m gonna protect you. Stop walking in that direction. I need you close to me so I can protect you.”

    Umawang na ang bibig ko. Hindi ko siya matingnan. Nagpatuloy ako sa paglalaro kahit na blurry na ang aking pangingin sa mga luhang nagbabantang tumakas sa mga mata ko. Kahit ang mismong boses niya tuwing binabanggit ito ay nagpapatakbo sa puso ko. May mga demonyo akong nararamdaman sa tiyan ko. Demonyong minsan na akong tinraydor.

    “Masyadong maraming zombies, Elijah. This is a suicide mission.” Sabi ko at nagulat ako dahil buo pa ang boses ko kahit dinig na dinig ko ang kalampag ng puso ko.
    “Just fight.” Aniya.

    Kinagat ko ang labi ko. Noon pa man, siya na talaga itong nagtutulak sa akin na lumaban sa gitna ng sakit at pighati. Simula pa lang, siya na talaga ang pursigido. Hindi ko maiwasang hindi lagyan ng kahulugan ang nilalaro naming ito. Hindi ko alam kung ganito rin ba ang nararamdaman niya at mas mabuti na rin sigurong hindi ko alam. Tama na iyong alam ko sa sarili ko na naaalala ko siya sa bawat paghinga ko. Kahit anong pilit ko sa sarili kong mag move on ay hindi ko nagagawa. Siguro, ang tanging sulusyon na lang ay ang maglokohan kami ng sarili ko. Siguro ay iisipin ko na lang talaga na nakapag move on na ako kahit na ‘yong mismong paghinga niya ay nakakaapekto sa akin.

    My feelings for him haven’t changed a bit. Kung ano man ay siguro mas lumakas pa ito. That’s bad news for me. May girlfriend na siya. At kahit na wala ay hindi parin kami matatanggap ng pamilya namin. This is all fucked up. I should just stay away. But how will I stay away when I can’t? At ilang beses ko nang nasabi sa sarili ko na hindi ko lang talaga ginagawa ang lahat ng makakaya ko? Should I leave for Davao now? Should I tell papa that I need a summer there and just leave him and my family here? Para lang malayo kaming dalawa?

    Ngumuso si Elijah nang namatay ang character ko. Una siyang namatay dahil sa pagpoprotekta sakin. Nang nakita kong bumagsak siya ay hindi na ako lumaban. Hinayaan ko na lang na matabunan ang character ko ng mga walang hiyang zombie sa screen.

    “You should fight more, Klare.” Singhap niya.
    “Masyadong maraming zombies.” Paliwanag ko.
    “I don’t care. Just fight. I want you to fight.” Aniya at nagkatitigan kami.
    Kinagat ko ang labi ko at dahan dahang tumango.

  • Kabanata 14Open or Close

    Kabanata 14
    You Tell Me

    Nag iwas ako ng tingin sa kanya nang napagtanto kong masyado na kaming natagalan sa pagtitig. Nanuot ang sakit sa aking puso nang sinampal sa akin ng sariling pag iisip ang mga katotohanan sa sitwasyong ito. Una, ang ibig niyang sabihin ay ‘yong laro, hindi ang totoong buhay. Pangalawa, may girlfriend siya. Pangatlo, bumibigay na naman ako.

    Tumikhim siya para magsalita.

    “Is your hairclip new?” At hinanap niya ang aking tingin.

    Halos ma estatwa ako sa kinauupuan ko. Hindi naman kami malapit sa isa’t-isa. Nasa kabilang sofa siya. Nakatingin siya sa hairclip sa aking buhok. Hindi ko alam kung paano niya nasabing bago ang hairclip ko gayong suot ko na ito kanina pa.

    “Tagal na ‘to.” Sabay hawak ko sa hairclip ko.

    I’m not a good liar. Pero siguro ay hinubog na akong ng mahabang panahon ng pagpapanggap at panlilinlang sa sarili ko at sa aking pamilya noong hindi pa umalis si Elijah patungong New York.

    “Uh-huh…” Aniya at nilapag ang joystick sa mesa katabi ng aking purse. “Kaya ba ‘yong binigay ko ay nasa loob lang ng bag mo at di mo na sinusuot? Is that new or old? I’m just asking, Klare. Why lie to me?”

    Kumalabog ulit ang puso ko. There’s no way I can lie to him. Dapat ay alam ko na ang katotohanang iyan. Kahit ang pinaka madidilim kong sekreto noon ay naramdaman niya.

    “Vaughn gave it to me.” Halos hindi ako makahinga.

    Lumagapak ang tingin ko sa aking mga daliri. Bakit ako na gi-guilty? Bakit pakiramdam ko ay mali na tumanggap ako ng regalo kay Vaughn? Naiirita ako sa sarili ko at kay Elijah. I blame him for making me feel this way! Paano niya nagagawa iyon? Juggling two girls at once? Kaya niyang kunin ang loob ko habang sila pa ni Selena.

    Nag angat ako ng matatalim na tingin sa kanya. He’s making me feel shitty inside. I dislike it!

    Tumango siya habang titig na titig sa akin. Mabilis na natunaw ang kaonting galit na namuo sa aking puso. Naka dekwatrong upo siya ngayon habang pinagmamasdan ako. Pumikit ako at sinisi ang sarili sa pagiging mahina pag dating sa kanya.

    “Pang ilang date niyo na iyon?” Tanong niya.
    I can’t believe he asked me that. “Una.” Seryoso kong sagot.
    “I assume you prefer his hairclip than my barrette?” Normal lang ang tono ng boses niya na para bang normal ang pag uusap naming ito.

    Well, I guess it’s really normal. Ako lang ang naglalagay ng malisya dito. Ako lang talaga siguro. Wala yata akong karapatang magalit. He meant well. He wants to be my friend. He wants to know the details of the date. Iyon lang ‘yon. Hindi ko na kailangang maghukay pa ng ibang ibig sabihin sa mga salita niya.

    “Sinuot niya sakin ‘to kanina.”
    Tumango siya at humilig sa mesa para halughugin ang bag ko. Kumunot ang noo ko sa kanyang ginagawa. Nang nakita kong kinuha niya ang barrette sa loob non ay naisipan kong baka bawiin niya ito.

    Bumagsak ang puso ko nang naisip na baka ito na ang huling pagkakakita ko sa barrette na ito. Knowing Elijah, he would probably throw it or just lose it. Gusto kong magmakaawa na ibigay na lang niya iyon sa akin at hayaan na lang ako na mag alaga non ngunit naisip ko rin na kung mawawala iyon sa akin ay pwedeng isang hakbang na ito para makalimot.

    Sinuri niya ang disenyo ng barrette. Tumayo siya at handa na akong pigilan siya sa pagtapon nito kung saan pero nagulat ako nang lumapit siya sa akin.

    Naka pout siya at kunot ang kanyang noo nang tumayo siya sa harap ko. Tumingala ako dahil hanggang ngayon ay nakaupo parin ako. Pinapanood ko ang kamay niyang inaayos ang barrette at ang mga mata niyang nakatingin sa hairclip sa buhok ko.

    “What are you doing?” Tanong ko.
    Marahan niyang kinuha ang hairclip sa buhok ko at nilapag niya iyon sa mesa. Pinasadahan niya ng kanyang daliri ang aking buhok. Halos mapapikit ako sa ilang libong alaala at pakiramdam na naramdaman ko nang ginawa niya iyon. Tumingin siya sa akin habang ginawa niya iyon ng dalawang beses bago nilagay ang barrette sa buhok ko.
    Hindi ko na nakayanan. Lumabas na sa bibig ko ang tanong na bumabagabag sa aking utak simula pa kanina. “You said you want us to be friends, Elijah. We’re friends, right?” Just friends, right?
    Tumango siya. “Yes. We are friends.”

    Napatalon ako nang narinig kong bumukas ang pintuan ng common bathroom namin. Bahagya siyang pumihit at nakita namin ang sumisipol na si Azi. Naka tuwalya siya at nag iwas ng tingin sa aming dalawa.

    Napatalon din ako nang narinig kong bumukas ang pintuan ng guestroom at lumabas si Josiah doon. Umatras si Elijah sa kinatatayuan niya at bumalik siya sa pagkakaupo.

    “Uy! Left 4 Dead! Laro tayong apat!” Ani Joss at mabilis na ginising si Damon.

    Hindi ako makapag concentrate sa laro. Si Elijah at ako, magkaibigan. Iyon lang ang tanging pabalik balik sa utak ko ngayon. That’s all we’ll ever be, probably. I guess I’m okay with that. I guess I’m content with that. Dahil kumpara sa wala ay tatanggap na lang ako basta meron. Kung iyon na lang talaga ang natitira sa aming dalawa ay tatanggapin ko iyon. For whatever reason, naiisip ko paring mahal niya ako. Ang parehong mga galaw niya at pananalita niya ay nagpapahiwatig na may namamagitan parin sa aming dalawa.

    “Let’s go, dude! Antok na ako! Fuck! Akala namin di ka na dadating!” Ani Josiah at nakipag high five sa bagong dating na si Rafael.
    “Sorry. I told you 12 midnight pa ako, diba? Let’s go?” Ani Rafael at hinintay na tumayo ang mga pinsan ko.

    Ngumuso ako at pinatay na ang Xbox habang nagsisitayuan na sila. Saan kaya sila pupunta? Party, maybe? Bumaling ako kay Elijah na ngayon ay may suot ng longsleeve na tinupi hanggang siko habang sinusuot niya ang kanyang relo at tumitingin sakin.

    “Wanna come with us, Klare?” Tanong ni Azi nang nakita kong nauna na si Rafael sa paglabas ng bahay.

    Sumunod si Damon at si Josiah naman ay inaayos pa ang sintas ng kanyang sneakers.

    “Saan ba kayo?” Tanong ko.
    “Party, beerpong, and many more?” Humalakhak siya.
    “No thanks, Azrael.” Ngumiwi ako.
    “Why don’t you ask me, Azi, if I wanna come?” Nagtaas ng kilay si Elijah kay Azi.
    “Shit. You’re not staying, dude.”
    Nanlaki ang mga mata ko at nag iwas ako ng tingin sa dalawa.
    Tumawa si Elijah. “I shouldn’t… talaga…” At nauna na sa paglalakad palabas ng bahay.

    Nagpaalam si Azi at Josiah sa akin. Humiga ako sa kama nang maraming iniisip. Friends? Or whatever this is… I’ll be okay. Elijah is fucking up my fucked up system again. Naalala ko iyong mga sinabi niya at pakiramdam ko talaga may namamagitan pa sa aming dalawa. Pakiramdam ko ay gusto niya akong lumaban. Ngunit paano ako lalaban kung may girlfriend naman siya? Lalaban ba ako kung wala? Magagalit ba ang pamilya namin pag lumaban kaming dalawa? I cannot stand another war. Ayoko ng may magalit pa sa pamilya ko. That means it’s better this way then? To just be friends with him?

    Lumipas pa ang ilang araw at medyo nakuha ko na kung paano ilipat ang skateboard patungo sa gutter at pabalik sa kalsada. Hinihingal na ako nang may sasakyang nagpark ulit sa harapan ko. Nakangisi na ako agad nang nakitang sasakyan ito ni Vaughn.

    “Hi, miss!” Aniya.
    Dinampot ko ang skateboard ko at kumaway sa kanya.
    “Nandyan ba sina Pierre at Hendrix?” Tanong niya.
    Tumango ako.
    “Good. Samahan mo muna ako sa Malunggay Bread Shop, bibili lang ako ng makakain bago pumasok sa inyo.”
    “Okay.” Sabi ko at mabilis na binuksan ang kanyang pintuan. “Can I bring this, though?” Sabay pakita ko sa skateboard.
    “Yup.”

    Mahilig kasi kaming tatlo ni Hendrix at Pierre sa Malunggay Bread Shop. Mahilig silang kumain don at mahilig naman akong mag skate sa parking lot nila. Malapit lang iyon sa bahay, dalawa o tatlong minuto lang ang drive patungo doon. Pero ngayon mukhang aabot ata kami ng limang minuto dahil medyo mabagal ang pag di-drive ni Vaughn.

    “Isasama ka ba ng kuya mo sa Friday?” Tanong niya.
    “Saan ba?” Kumunot ang noo ko.
    “Lifestyle District. May party don, a? Beerpong at billiards, the likes. Dinig kong pupunta silang dalawa.”
    Umiling ako. “Hindi nila nasabi, e. Pero kung ako lang ang maiiwan sa bahay, siguro sasama ako.”
    “Well, that’s great!” Ngumisi si Vaughn at mabilis na pinatakbo ang sasakyan para mag park sa labas ng Bread Shop.

    Pagkalabas namin ay nanghahalina agad ang malawak nilang parking lot. Gusto ko sanang mag skate imbes na pumasok sa loob para samahan si Vaughn. Tatanungin ko na sana siya kung pwede ba pero ngumisi siya at kumindat.

    “You wanna stay? Alright, stay and wait for me.” Aniya at dumiretso sa loob ng bread shop.

    Malaki ang ngisi ko at nagsimula nang mag skate. Habang ginagawa ko iyon ay naisip kong next week na nga pala ang birthday ni Elijah at wala pa akong naiisip na ireregalo ko sa kanya. Kailangan ko ba siyang regaluhan? At ano naman ang ireregalo ko sa kanya? I should ask Pierre and Hendrix kung ano ang magandang iregalo sa isang lalaki.

    Halos mahulog ako sa gutter nang nakita ko ang Trailblazer ni Elijah sa harap ko. Patungo itong parking lot ng bread shop. Tumigil ako sa pags-skate at mabilis na inapakan ang dulo ng skateboard ko para sana damputin na ito ngunit tumigil ang sasakyan sa harapan ko at naaninag ko ang ngiti ni Selena sa front seat.

    Lumagpas ang tingin ko sa nakatinging Elijah sa loob ng sasakyan ngunit hinarangan ng ulo ni Selena ang titig ko.

    “Hi, Klare! Sinong kasama mo? Pierre or Hendrix?” Tanong ni Selena.
    “Uhm… Si… Vaughn.” Sabay turo ko sa sasakyan ni Vaughn.
    “Oh!?” Makahulugan siyang ngumisi at tumango.
    “He-He’s inside the bread shop. May binili lang at babalik na ulit kami sa bahay.”

    Dammit! Kung bakit ba kasi medyo malapit ang Hillsborough at Xavier Estates!

    “Ej, park the car. We’ll eat here.” Ani Selena.

    Mabilis na pinark ni Elijah ang kanyang chevy sa gilid ng sasakyan ni Vaughn. Kumalabog ang mga pintuan sa paglabas nila. Ngiting ngiti si Selena nang sinalubong ako at mariing hinawakan ang aking braso.

    “It’s almost his birthday. Meeting tayo soon. i’ll just text you.” Kumindat siya at nilingon ang nakapamulsang si Elijah.

    Naiinggit ako. Naiinggit ako! Do I need to shout that fact? NAIINGGIT AKO! Envy is wrong. The feelings are wrong. I should stop but the urge to stop is just too weak. Kailangan ko pa atang mamatay sa sakit bago ko matigil ang kahibangang ito. Iyon ay kung hindi pa ako namamatay sa sakit.

    “Let’s go, Ej.” Sabay hawak ni Selena sa braso ni Elijah.

    Bahagyang lumayo si Elijah sa kay Selena at may binulong siya rito. Ngumisi si Selena. Nag igting naman ang panga ni Elijah.

    “Ikaw talaga!” Humalakhak si Selena at nagpatuloy sila sa paglalakad habang nakatingin naman ako sa dalawa.

    Nakakatulala silang dalawa. Iyong mga kulot sa dulo ng buhok ni Selena habang sumasayaw ito sa kanyang paglalakad ay nakakainggit. Iyong kurba ng kanyang katawan at kung paano niya dalhin ang shorts at ang racerback na suot ay nakakainggit. I guess this is all really toxic for me. Kung hindi ako naiinggit sa taong may girlfriend niya ay kinaiinggitan ko naman ang mga katangian niya. Siguro ay dahil na rin sa alam kong walang hadlang sa kanilang dalawa, alam kong madali lang sa kanila ang mahalin ang isa’t-isa.

    Bumuntong hininga ako nang nakitang nilingon ako ni Elijah sa malayo. Nakatingin si Selena sa menu habang siya naman ay titig na titig sa akin.

    “Hey!” Ani Vaughn na nakarating na pala galing bread shop.
    “Hey…” Bumaling ako sa kanya.
    “Nandon pala ‘yong pinsan mo at si Selena. Ganon ba talaga ‘yong pinsan mo?”
    Nagtaas ako ng kilay. “Bakit?”
    “Dinadala niya yata ang galit niya sa labas ng court, e. Death stare attach ‘yong ginawa niya sa akin. I’m cool with him. Lalo na nang pagkatapos ng laro ay nanalo kami. Bakit niya dinadala sa labas ng court ‘yong galit niya? Tsss.” Umiling si Vaughn.

    Hindi ako nakapagsalita. Hindi lang ito tungkol sa court, I know.

    Pinanood ko ang pagpasok ni Vaughn sa sasakyan. Papasok na rin sana ako sa loob nang nakita siyang lumabas at ngumisi.

    “I know you like it here.” Aniya.
    Umiling ako. Yes, damn, I like it here but not now!
    “Can I teach you to Ollie?”
    Nagulat ako sa sinabi niya. “Tinuruan na ako ni Pierre. Medyo marunong na ako.”
    Umiling siya at kinuha ang skateboard ko.

    Sumakay siya rito at pinakita sa akin kung paano gawin ang Ollie sa isang perpektong galaw. Nalaglag ang panga ko nang bumalik siya sa akin pagkatapos niya pinatungtong ang skateboard ko sa gutter at gumawa pa ng tatlong tricks pagkatapos.

    “Now, I can’t do that.” Sabi ko at tumawa.
    “Do just the Ollie, Klare. I’ll watch.” Aniya at humalukipkip.

    Uminit ang pisngi ko. Lagi niya naman akong pinapanood na nag s-skate ngunit pakiramdam ko ay iba itong ngayon. Napatingin ako sa loob ng bread shop at nakitang nakatingin parin si Elijah sa akin. Dumating na ang kanilang mga order at nagsimula nang kumain si Selena.

    “Alright.” Sabi ko habang kinakabahan.

    He’s watching me. Sana ay magawa ko ito ng maayos!

    Sumakay ako sa skateboard at mabilis ko itong pinalipad para tumungtong sa gutter. Mabilis din ang pintig ng puso ko.

    “Well done, Klare! Ngayon, pababa. I promise, bibilhan kita ng ice cream pag nagawa mo!” Aniya.

    Binaba ko ang skateboard sa isang mabilis at malinis na galaw. Pumalakpak si Vaughn at mabilis niya akong pinuntahan sa kinatatayuan ko para yakapin. Tumawa ako at hinayaan siyang yakapin ako.

    “Ngayon may utang ako sayong icecream. What flavor do you want?” Nag taas siya ng kilay at binitiwan ako.

    Hindi ako agad nakasagot dahilan kung bakit kinaladkad niya ako sa loob ng bread shop. Nagulat ako nang pagkapasok namin ay si Elijah na lang ang naroon. Where’s Selena? I don’t know.

    “Vaughn, Double Dutch.” Sabi ko nang pumasok si Vaughn sa loob ng breadshop at pinaghiwalay kami ng salamin ng pintuan.

    Si Elijah ay nasa labas, ilang dipa lang ang agwat naming dalawa. Hindi ko alam kung bakit di ako sumunod kay Vaughn sa loob. Pinili kong doon sa labas at nilingon ko si Elijah.

    “Where’s Selena?” Tanong ko sa kanya.
    Pumikit siya na para bang nahihirapan sa ginagawa. Kumunot naman ang noo ko.
    “You okay?” Tanong ko.
    “You tell me.” Mariin niyang sinabi.

    Luminga linga ako at nakitang wala parin doon si Selena. Nasa loob pa si Vaughn at kaming dalawa parin ang narito sa labas.

    “Anong ibig mong sabihin?” Tanong ko.
    Nag angat siya ng tingin at halong frustration at galit ang nasa mga mata niya. I understood why. There’s no way I can deny. Kahit na wala pa siyang sinasabi sa akin ay alam ko na. Hindi ako bulag, hindi ako tanga. At wala akong balak na mag tanga tangahan sa aming dalawa.
    “I can give you friendship but promise me you’re not going to cross the lines. Selena is a nice girl. You should be nice to her. And I’m not a mistress. I’m not going to be like my mother for you, Elijah.”

    Laglag ang kanyang panga nang iniwan ko siya doon. I finally said it! Paalis ako, malakas ang pintig ng puso ko, naging matapang ako sa pagkakataong ito, pero bakit sa mga mata ko parin namumuo ang mga luhang ito?

  • Kabanata 15Open or Close

    Kabanata 15
    Start A War

    Bumagabag sa akin ang lahat ng sinabi ko kay Elijah. Mabuti na lang at dahil sa pamamalagi ko sa Hillsborough Pointe, medyo distracted ako. Nag aayos ako ngayon para sa party na sinabi ni Vaughn. Kasama nga sina Pierre at Hendrix doon at ayaw nila sana akong sumama kaso hindi na nila ako napigilan.

    “Ready?” Pumasok si Pierre sa kwarto ko habang sinusuklay ko ang medyo mahaba kong buhok. Dapat ay magpagupit na ako.
    “Yup.” Tumango ako at tiningnan ang cellphone kong tumunog dahil sa isang text.

    Nagulat ako nang may text si Erin doon.

    Erin:
    See you tomorrow sa bahay nina Elijah. We’ll plan out the surprise.

    Pupunta ako kaya nireplyan ko agad si Erin. Nag angat ako ng tingin sa kay Pierre na nakaupo sa kama ko habang medyo iritadong tinitigan ang kanyang cellphone. Naka dark blue polo shirt siya at faded pants. May ball cap din sa kanyang ulo at mukhang handang handa nang umalis.

    “Pierre, anong magandang ibigay para sa isang kaibigan?” Tanong ko.
    Nag angat siya ng tingin sa akin. “Hmmm. Para san ba? Birthday? Nothing? Kasal?”
    Ngumiti ako. “Birthday. Okay ba ‘yong jewelries?” Napatanong ako.

    Naisip ko kasi na halos lahat ng binigay ni Elijah sa akin ay mamahaling alahas. Hindi alahas ang barrette na ibinigay niya ngunit maihahalintulad ko parin ito sa ganon.

    “What kind? Earrings?” Tanong niyang nakakunot ang noo.

    May hikaw si Elijah. Hindi ako marunong pumili ng hikaw panlalaki. Madalas ay ‘yong maliit ang sinusuot niya kumpara kay Pierre na madalas ay ‘yong maitim na bilog.

    “Say… watch-“
    “Wait up… Earrings isn’t a good suggestion, by the way. Para kanino ba? Para sa isang babae o isang lalaki?”
    Nagulat ako sa kanyang sinabi. “Bakit? Anong meron sa mga hikaw?”
    “Is it a boy or a girl, Klare?”

    Mas lalo lang akong nagulat nang hindi niya sinagot ng diretso ang tanong ko. Imbes na sagutin ko siya sa kanyang tanong ay mas lalo akong nagtaka kung anong meron sa hikaw.

    “Why not earrings, Pierre?”
    Tumikhim siya. “Coz it’s bad.”
    “Bakit nga bad?” Tanong ko.
    “We’ll, I guess it’s okay. Kung babae ang bibigyan mo. Or I mean, ikaw naman ang magbibigay.” Nalilito niyang sinabi.
    “Why? What’s with earrings and girls?” Nilingon ko na siya.

    Tumayo siya at medyo naging uneasy sa tanong ko sa kanya. Nilagay niya ang kanyang cellphone sa bulsa bago ako sinagot ng seryoso.

    “Pag lalaki ang nagbigay ng earrings sa isang babae, that means he wants you…” Nagulat ako nang pumula ang kanyang pisngi.
    “Oh? So that means if you want this girl, Pierre, you’ll give her an earring?” Medyo naguguluhan kong tanong.

    Mabilis siyang umiling at dumoble ang pagpula ng kanyang pisngi. What’s up with my brother? Pumikit siya habang umiiling parin.

    “Want, Klare. You know… want to…” Nagpatuloy siya habang iminimuwestra ang kama. “You know… want to do ‘it’ with you.”
    “Wait- What?” Halos natatawa kong sinabi. “Ganon ba iyon?”

    Hindi ko alam kung bakit lumalaki ang ngisi ko habang nakikita siyang nahihirapan. Kung isa ito sa mga Montefalco ay siguro kanina pa nasabi ang buong punto. Pero dahil si Pierre ito, at gaya ng sabi ni Claudette, his ideas are primitive, kaya hindi niya ito nasabi agad.

    Hindi ko alam na may mga meaning pala ang mga jewelries. Ano kaya ang ibig sabihin ng mga binigay ni Elijah na barrette at anklet sa akin? And why do I dwell on that thing? I just want to find him a decent gift for his birthday!

    “Kaninong birthday ba iyan, Klare?” Tanong ni Pierre sa loob ng sasakyan.

    Siya ang nasa front seat habang nag da-drive naman si Hendrix. Humalukipkip ako at nagkabuhol ang itim na chain necklace na sinusuot ko.

    “For a friend.” Nag iwas ako ng tingin.
    “Is that friend… a former cousin?” Tanong ni Pierre kaya agad akong tumingin sa kanya.

    Nakita ko rin ang mga mata ni Hendrix sa rearview mirror. Ngumuso ako at tumango.

    “Well, dapat ay hindi mamahalin ang ibigay mo. Just give him a tee shirt, cap, whatever, Klare. Wa’g yang may mga malisya.” Ani Pierre na para bang kilala na agad kung sino ang bibigyan ko.

    Pagkarating namin sa Lifestyle District ay maingay na agad. Nakalatag ang mga billiard tables at mga pingpong tables sa labas at sa loob ng mga bar. Marami akong mga kilala at kinabahan agad ako tuwing naiisip kong maaaring nandito ang mga pinsan ko.

    “You look so pretty, Klare!” Tumatawa si Vaughn nang sinalubong ako.

    May sumalubong kay Hendrix na isang petite at cute na babae. Si Pierre naman ay dumiretso sa mga nag be-beerpong. Pinadausdos ni Vaughn ang kanyang kamay sa aking baywang. Lilingunin ko sana ang ginawa niya ngunit tinulak niya na ako patungo sa billiards table kung nasaan naroon sina Jack at iilang pamilyar na mukha.

    Nginitian ko ang maiingay na nag bibilliards. Pinakilala ako ni Vaughn sa mga Engineering na ka tropa niya. Isang babae lang ang naroon sa kanilang table. Pinanood ko silang nagbiruan at nag iinuman. Nilingon ko si Pierre na ngayon ay nag lalaro ng beer pong habang sa tabi niya naman ay si Cherry. Lumalim ang dimple ni Cherry at hinawi ang maiksing buhok habang binubulungan ng kung ano si Pierre.

    “What do you want, beer or shots?” Tanong ni Vaughn.

    Nilapit niya ang kanyang mukha para mas marinig ko siya. Umugong kasi ang malakas na trance music galing sa Stereo ng buong lugar.

    “Shots.” Sagot ko dahil madalas ay hindi ko maatim ang beer.

    Pinaupo niya ako sa isa sa mga upuan sa harap ng kanilang billiard table habang umaalis siya para kumuha ng shots. Pagkaalis niya ay binigyan ako ni Jack ng isang imported na beer. It says ‘Porter’.

    “Try it, Klare! Masarap yan!” Kumindat si Jack sa akin bago uminom sa kanyang bote.
    Uminom din ako doon at napapikit ako. Hindi ito ang unang pagkakataong uminom ako nito. Parehong si Rafael at Elijah ay mahilig sa mga imported na liquors kaya naman madalas ang iniinom ng mga pinsan ko ay iyong mga tanyag sa ibang bansa.

    Luminga linga ako at nakitang kabulungan na ni Hendrix ang petite na babaeng nakita ko kanina. Mahaba ang maitim na buhok ng babaeng ito at kumikinang sa kaputian ang kanyang binti na kitang kita dahil sa suot na skater skirt. Mahilig talaga si Hendrix sa mga petite. As for Pierre, ewan ko. Hindi ko siya madalas makitang pumorma sa mga babae.

    Nagkatinginan kami ni Cherry na bahagyang ngumiti sa akin. Unlike Hannah, she’s probably over him. Good for her.

    “Hey! Umiinom ka na ng beer, kala ko shots?” Vaughn chuckled.
    “Binigay ni Jack.” Kinuha ko sa kamay niya ang nakikita kong margarita at ininom.
    Nalaglag ang kanyang panga nang diretso ko itong ininom nang hindi nagugusot ang mukha. Ngayon ko lang napagtanto na ito yata ang unang pagkakataong nakita niya akong uminom. Sa Davao, kuntento na ako sa juice dahil natatakot si Pierre at Hendrix sa sasabihin ni papa pag pinainom nila ako. Hindi rin naman heavy drinker ang dalawa kong kapatid kaya madalas ay maaga kaming umuuwi noon.

    Hindi maalis sa mukha ni Vaughn ang gulat pagkatapos kong nilapag ang glass sa mesa. Ngumiti ako sa kanya.

    “Umiinom ka?”
    “Hindi mo pa ako nakikitang umiinom ng whiskey, Vaughn. I’m not all good.” Tumawa ako.
    “Sorry but you’re a saint to me.” Umiling siya.
    Umiling din ako. “I’m a Montefalco. Mas malala pa dyan ang kaya kong gawin.”
    “Former Montefalco.” He corrected.

    Umalis siya para kumuha pa ata ng isa pang shots. Pumalakpak ako nang nakitang nanalo si Jack sa billiards. I can do beer pong, too. Kahit na hindi ako ganon ka galing. I can even play poker dahil walang Montefalco na hindi alam kung paano iyon laruin. But this isn’t the place to brag about that. Natatawa lang talaga ako sa ipinakitang reaksyon ni Vaughn nang ininom ko ang lady’s drink na iyon.

    Lumipat kami sa pag bi-beerpong ni Pierre nang naka tatlong shot na ako ng tequila. I guess the Montefalco blood is wearing off, huh? Medyo namanhid ang labi ko sa pag inom ko ng pang apat na shot.

    “Go, Pierre!” Sigaw ni Cherry sa malayo habang nag co-concentrate ang kapatid kong i-shoot ang pingpong ball sa mga baso.

    Nilingon ko si Cherry na agad napawi ang ngiti. Hindi naman sa nagiging possessive ako sa kapatid ko pero ayaw ko siya para kay Pierre. Narinig ko ang maingay na tawanan ng mesa nina Hendrix. Kasama niya ang kanyang mga kaklase noon at maging iyong petite na babaeng kanina ko pa napapansin.

    Mas lalong lumakas ang music habang lumalalim ang gabi. Open space ang party sa Lifestyle District kaya nang tumingala ako ay nakita ko ang mga bituin sa langit. Wala ba talaga ang mga pinsan ko dito? Nagsimula ako sa pag iisip. They wouldn’t miss a big party like this!

    “Tingnan mo ‘yong lalaking ‘yon.” Sabay turo ni Vaughn sa lalaking nagsasayaw sa dancefloor kasama ang isang mahiyaing babae. “I think he’s drunk.”
    “Yeah. I think the girl’s in trouble.” Dagdag ko habang pinagmamasdan naming dalawa ang mga tao na sumasayaw.

    Hindi ko kayang panatilihin ang titig ko sa dancefloor dahil nangati ang kamay ko sa pagtext kay Claudette.

    Ako:
    Hi, Clau! Nasaan ka? Nasa Lifestyle District ka ba?

    Nagulat ako nang mabilis siyang sumagot sa text ko.

    Claudette:
    Wala. The boys are out for poker. Busy si Erin sa pag tulong kay Selena para sa birthday ni Elijah. For the foods and all. Why? Sumali ka?

    Ako:
    Yup. I’m with my brothers. Ang dami kasing tao, akala ko nandito kayo.

    “Sinong ka text mo?” Tanong ni Vaughn habang dinudungaw ang cellphone ko.
    “Pinsan ko.” Sagot ko.
    Tumango siya at inabutan ulit ako ng isa pang shot ng tequila. Palagi siyang gulat tuwing inuubos ko ito at sumisipsip ako ng lemon.
    “Don’t look at me like that.” Saway ko.
    “The other side of Klare Desteen Ty!” Aniya sa natatawang boses.

    Isang oras ang nakalipas ay nakaubos ako ng lima pang shot ng tequila hindi kasama doon ang dalawang bote ng Porter na binigay sa akin ni Jack. Mas lalong umugong ang music doon kaya hinila ako ni Vaughn na sumayaw. Pierre’s eyes darted on me.

    Tumawa ako kay Vaughn at nakipagsayaw sa kanya sa gitna ng maraming tao. Pumipikit na ako dahil umaalon na ang paningin ko. Hinahayaan ko ang sarili kong sumayaw base sa tono ng music na umaalingawngaw ngayon. Naramdaman ko ang isang kamay ni Vaughn sa aking baywang habang tumatawa. Dumilat ako at tiningnan siya.

    “And you dance so well. Is there anything that you can’t do?” Aniya.
    “You’re crazy, Vaughn! Everyone can dance!” Sabi ko.
    “Hindi lahat magaling.” Aniya habang sinisigawan na ako para marinig ko iyon sa gitna ng umaalingawngaw na trance music.

    Masayang kaibigan si Vaughn. Masarap siyang kasama. Ngunit may linya sa aming dalawa na hindi ko alam kung mabubura ba. I want to open my heart to someone else… for someone new. Ngunit ayaw ko rin nang may pinapaasa ako sa feelings kong hindi pa naman buo. Gusto ko lang ng ganito kami, at sana ganito lang rin muna ang gusto ni Vaughn. Natatakot akong magmahal muli, pero mas natatakot akong baka hindi na ako makakapagmahal ulit. Ng iba.

    Tumatawa si Vaughn habang sumasayaw sa harapan ko. Nakahawak parin ang kamay niya sa baywang ko at hinayaan ko ito doon. Tumatawa rin ako sa kanya kahit na hindi ko na alam kung anong tinatawa tawa ko. Alam kong nakapasok na talaga ang alak sa sistema ko.

    Humawak ako sa kanyang braso nang medyo nayanig ang ulo ko sa pagsasayaw. Damn, this isn’t good!

    “Wait lang, Vaughn. Bathroom break lang ako.” Sabi ko sa kay Vaughn na tumigil sa pagsasayaw at tumango.

    Mabilis akong naglakad palayo para pumasok sa loob ng Comfort Room ng Lifestyle District. Dumaan pa ako sa iilang mga lalaking naninigarilyo at nag vi-vape kaya mas lalo lang sumama ang pakiramdam ko. Nasusuka ako ngunit ayaw kong sumuka.

    Papasok na ako sa bathroom nang bigla akong nahilo. Halos mapamura ako nang nangatog ang binti ko at hindi ko na masuportahan ang sarili kong timbang.

    Dinakma ako ng isang kamay sa braso. Agad kong nilingon ang lalaking nakatayo sa gilid ko. Unfocused ang mga mata ko nong una ngunit nang nakita ko kung sino iyon ay nanlaki ang mga mata ko. There’s no time to look drunk, Klare. We need to soper up coz Elijah’s here.

    “What are you doing?” Naririnig ko ang bakas ng galit sa kanyang boses.
    “Going out with my brothers?” Nagtaas ako ng kilay.

    May kung ano sa tiyan kong gustong lumabas. Pakiramdam ko ay pati ang mga intestines ko ay gustong lumabas. Napahawak ako sa aking bibig. Oh my God! Nasusuka ako! Nanlaki ang mga mata niya at mabilis niya akong kinaladkad palayo doon.

    Nang hindi ko na mapigilan ang sarili ko ay pinasok niya ako sa isang hindi mataong CR at doon ako nagsuka. Nasa likod ko siya habang ginagawa ko iyon. Masyado na akong distracted sa alcohol sa aking sistema na hindi ko na nagawang mahiya sa kanya. I think I drank too much tequila or beer?

    Binigyan niya ako ng tissue na agad kong pinunas sa aking bibig. Doon lang ako medyo nahiya nang bumuti na ang pakiramdam ko. May pumasok na dalawang babae sa loob at napatili nang nakita si Elijah sa gilid ko.

    “You done?” Hindi niya ininda ang tili ng mga babae.

    Hindi ko na alam kung napatili ba sila dahil may lalaki sa CR o dahil may gwapong lalaki sa CR?

    “Yeah…” Pinikit ko ang mga mata ko.
    “Let’s go.” Galit niyang sinabi at naglakad palabas ng CR.

    Tumili pa ulit ang mga babaeng nasa labas. Sumunod ako kay Elijah nang wala sa sarili. Umiiling lang ako sa mga bulong bulungan ng mga babae. Naka simpleng grey tshirt lang naman siya at itim na pantalon. What’s so good about him? Maybe his looks and his aura?

    “Uh, I need to go back.” Sabi ko nang napagtantong patungo siyang parking lot ng Lifestyle District, paalis sa lugar.
    “You’re not going back.” He turned to me.
    “‘Yong mga kapatid ko, mag aaalala. Tsaka si Vaughn, mag aalala-” Sabi ko.

    Napalunok ako nang naramdaman ulit ang pamimilipit sa intestines ko. Hindi pa ako tapos sumuka. Kailangan ko pang sumuka ngunit pinigilan ko ang sarili ko.

    Nag igting ang kanyang panga at mabilis niyang binuksan ang kanyang sasakyan para kumuha ng tissue doon. Hinawi ko ang tissue nang medyo humupa ang nararamdaman sa tiyan ko.

    “You’re not going anywhere now.” Aniya at kinaladkad niya ako sa loob ng kanyang sasakyan.

    Bago pa ako makagalaw ay nasa gilid ko na siya at pinapaandar niya na ito palayo doon.

    “Elijah…” Kinabahan ako at nangapa sa lock ng kanyang pintuan.
    Tumikhim siya nang nakaliko na kami paalis ng Lifestyle District.
    “Elijah!” Sabay tingin ko sa kanya na ngayon ay diretso ang titig sa kalsada habang kinakagat ang kanyang labi. “Where are you taking me!? Kailangan kong bumalik don! Si Pierre, Si Hendrix-“
    “At si Vaughn! Vaughn, fucking Vaughn again! Fucking call Vaughn and tell him you’re with me!” Aniya sabay lagay ng kanyang cellphone sa aking kamay.
    Kumalabog ang puso ko. “You’re not going to start a fight with me, Elijah…” Sabi ko.
    Kinagat niya ang kanyang labi at tinigil niya ang kanyang sasakyan sa gilid ng Kauswagan Bridge. Bumaling siya sa akin.
    “No. I’m gonna start a war. With anyone who gets in the way.”

    Kinilabutan ako sa lamig ng pagkakasabi niya. May bumagsak sa kalooblooban ko. Alam ko… Alam ko kung anong meron dito. Alam na alam ko kung ano ang ibig sabihin niya. At natatakot akong maulit ang lahat ng iyon. I don’t want to go through that pain again.

  • Kabanata 16Open or Close

    Kabanata 16
    Own Me

    Nag concentrate ako sa pag ayos sa aking pakiramdam. Kailangan kog mag isip ng magagandang bagay para lang di ako masuka. Kahit na iniisip kong mas mabuting isuka ko na ang lahat ng ito. Tutal ay nasa isang tulay naman kaming wala masyadong tao.

    Inangat ni Elijah ang aking baba at pinunasan niya ng tissue ang aking mukha. Napatingin ako sa kanyang mga matang walang pinagbago. Ang makapal niyang eyelashes ay nagbibigay buhay sa expressive niyang mga mata. Tuwing tumitingin ka sa kanya habang nakatitig siya ay pakiramdam mo malulusaw ka.

    Hinawi ko ang kamay niya at nag iwas ako ng tingin. Lumakas ang pintig ng aking puso nang narinig ko siyang tumikhim dahil sa ginawa ko.

    “Sorry.” Utas ko at kinagat ko ang sarili kong labi. “I’m not comfortable.” Bulong ko.

    Yes, I am not. Kumakalabog ng husto ang puso ko kahit maling mali iyon. May girlfriend siya at hindi tama na nandito kaming dalawa. Siguro ay tingin niya magkaibigan parin ang turing niya sa akin ngunit hindi ko magawang isipin na ganon nga. I know that we are crossing the lines of friendship, if there ever was a line in between us.

    “You were never comfortable with me.” Malamig niyang sinabi.

    Buti alam mo, Elijah. So let’s just go back, okay? Hindi ko iyon masabi sa kanya dahil natatakot akong manginig ang boses ko pag nagsalita ako.

    Inisip ko na lang ang cellphone kong nasa loob ng purse ko sa table namin ni Vaughn. Kung tatawagan ako ni Pierre o Hendrix ngayon, walang makakasagot. Kinakabahan tuloy ako kung anong magiging reaksyon ng dalawa.

    “Can you call your brothers?” Aniya sabay bigay ulit sa akin ng kanyang cellphone.
    Kumunot ang noo ko. “Bakit? Let’s just go back. They’ll worry.”
    “Tell them I’ll bring you home in thirty, Klare.”
    Nagulat ako sa sinabi niya. Gusto niyang makasama ako ng trenta minutos pa? Bakit? I don’t understand his need for me. May girlfriend naman siya at bakit imbes na si Selena ang inaatupag niya ay narito siya sa harapan ko para mangidnap. This isn’t fair for me. This isn’t fair for Selena.

    Tumikhim ako at binigay ko sa kanya ang kanyang cellphone.

    “Elijah, ibalik mo na lang ako sa Lifestyle District.” Sabi ko.
    “Just thirty minutes, Klare.” Lumingon siya sa akin.

    Nakalagay ang kanyang kamay sa manibela at kagat kagat niya ang kanyang labi habang tinitingnan ako gamit ang bigong mga mata.

    Nag igting ang panga ko at medyo nag alab ang galit sa kalooblooban ko. Naiinis ako dahil mukha siyang bigo ngunit unfair naman ang kanyang ginagawa. I need to make him understand. I need him to do what is right. Kailangan niyang makuha na hindi talaga tama ang pagmamahal sa akin dahil may girlfriend siya.

    “Elijah, I know you’re an ass, pero hindi ko inakalang ganito ka grabe.” Nag iwas ako ng tingin habang sinusubukang i filter ang mga sasabihin ko sa kanya.
    “Trust me, mas malala pa ang kaya kong gawin.” Naghahamon niyang sinabi.

    Hindi ko alam kung pareho ba ang ibig naming sabihin. Pareho man o hindi ay ipagpapatuloy ko ang pagsasalita ko.

    “What do you really want, Elijah? Anong gusto mong mangyari? Sabihin mo.” Nilingon ko siya.

    Nakahalik siya sa kanyang braso. Mariin niyang pinikit ang kanyang mga mata at yumuko siya na para bang nagpipigil.

    “Klare, I am so jealous…” Nabasag ang boses niya.
    Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya ngunit mas lalo lang atang umusbong ang galit sa damdamin ko. “You can’t say that, Elijah. Paanong nagseselos ka kung may iba ka namang mahal-“
    “Selena is a really nice girl, Klare.”
    “I know that.” I swear nangatog ako dahil sa galit. I want to slap him hard but I couldn’t. “Hindi mo na kailangang ipangalandakan iyon sa akin, Elijah. You look so good together. You should just get fucking married.”

    Mabilis ang hininga ko at nag iwas ako ng tingin sa kanya. Oh shit! I think I lost my grip. I can’t do that! I shouldn’t! It’s wrong!

    “But she isn’t you…” Dagdag niya.

    Kahit anong sabihin niya, pakiramdam ko hindi huhupa ang galit ko. Paano ko nagustuhan ang isang gagong katulad niya? Hindi ko alam. Siguro ay sadya akong nahumaling sa pag ibig na bawal kaya labis na lang ‘yong naramdaman ko para sa kanya.

    “Baby, look at me…” Nanginig ang kanyang boses.

    Mabilis din ang kanyang hininga at marahan niyang hinawakan ang baba ko para lingunin siya pero hindi ako nagpadala. Tumingin lang ako sa labas.

    “Baby, look at me… please…” Mas lalong nanginig ang kanyang boses dahilan kung bakit parang kinukurot ang puso ko. Why do I cry for this asshole? Hindi ko maintindihan ang sarili ko.

    Narinig ko ang pagsinghap niya. Para bang kinakalma niya ang sarili niya. Hindi ko parin siya magawang tingnan. I just want us to go. Walang rason na makakapagpabago sa isip ko.

    “Elijah, ibalik mo ako sa Lifestyle District.” Utos kong hindi niya sinunod.
    “I’ll take you home, baby. Give me a sec.” Aniya.

    Kinagat ko ang labi ko at hindi ko parin siya tiningnan. Tinuon ko ang pansin sa mga pribadong sasakyan na dumadaan sa tulay na ito. Narinig ko ang ilang beses niyang pagsinghap.

    “Klare, I tried to move on.” Simula niya.

    Halos wala akong marinig. I swear, walang makakapagpabago sa isip ko. I want to cut him off right there. Sigurado naman kasi akong hindi talaga ako susugal dito. I will not be like my mother. Never.

    “Hindi ko kaya pero sinubukan ko, alright? Selena was there for me. I lost my faith in love but she made me believe.”

    Nalaglag ang panga ko. I think I don’t want to hear this. I don’t want to hear anything.

    “Nang tinulak mo ako palayo…”

    Oh dammit! Nangilid ang luha ko kahit wala pa naman siyang dinudugtong.

    “Pakiramdam ko kahit gaano kita ka mahal, it will never be enough for you. You will never choose me-“
    “How will I choose you, Elijah? Sa gitna ‘yon ng ating pamilya. Can you hear yourself? You made me choose with only two options! You or our family! Mag pinsan tayong dalawa at alam ko kung bakit ganon na lang ang galit ng pamilya natin sa atin. I perfectly understood everything.” Bumaling ako sa kanya.

    Kuminang ang kanyang mga mata sa nagbabadyang mga luha. Matapang ko siyang tinitigan ng diretso. I was to blame but I didn’t want him to blame me. Stupid, isn’t it? Alam kong kasalanan ko kung bakit siya nawala sa akin. At nang bumalik siya, wala akong ginawa kundi lumayo at subukang mamuhay ng hindi siya inaabala. I tried my best pero hindi ko nagagawa. Ganun pa man ay hindi ko parin pinilit ang sarili ko sa kanya. I know my place and my place isn’t with him.

    “I know, baby.” Malambing niyang sinabi.

    Fuck that baby thing! Nag iwas ako ng tingin sa kanya dahil nangilid ang luha ko.

    “I understand you, too. Kaya nga umalis na lang ako. Dahil alam kong firm ang desisyon mo sa ating dalawa. I know you so well and I admire you for all the decisions you made. I don’t blame you for anything. Alam ko kung bakit hindi ako ang pinili mo, sadyang hindi ko lang matanggap.” Tumikhim siya.

    Hindi na ako nagsalita. Natatakot akong may masabi akong mas malala pa sa huling nasabi ko. Hindi ko na rin alam kung bakit pa kami nag uusap ngayon.

    “Sa New York, sinubukan kong alisin ka sa sistema ko. All I do is useless, Klare. Kaya sinabi ko sa isang tao ang lahat ng problema ko in the hopes that I will forget. Because there’s no other way but to forget. Your choice was absolute.”

    Hindi ako nagsalita. Isa lang ang naintinidhan ko, may sinabihan siya tungkol sa problema naming dalawa at tingin ko kilala ko kung sino iyon. It’s Selena, right?

    “She was there for me everytime I needed company. It’s fun to be around her, Klare.”

    Hindi ko alam kung gaano sinasaksak ang puso ko habang naririnig ko siyang sinasabi ito. Pinaawang ko na ang bibig ko para mailabas ko ang hangin na nagbabara sa lalamunan ko. Isang kalabit na lang ay tutulo na ang mga luha ko. Kitang kita ko ang titig niya sa gilid ng aking mga mata. Tulala ako sa harap at hindi ko siya matingnan.

    “I like her.”

    Tumulo ang luha ko at pinunasan ko ang pisngi ko. I don’t care if you see me crying. Bahala na ito. Tumango ako at hindi parin siya nililingon.

    “Four months ago, I thought I should just settle for the second best. Dahil kahit anong gawin ko ay hindi tayo pwede. At alam kong hindi kita makukumbinsi na piliin mo ako. I didn’t need to settle, Klare. Pwede namang wala akong tanggapin na ibang babae, diba? But I refuse to be miserable. I want to forget. I want to forget you!” Tumaas ang tono ng kanyang boses.

    Nakakabinging katahimikan ang bumaling sa aming dalawa. He liked Selena. Iyon ang totoo. Pumikit ako at huminga ng malalim.

    “Akala ko nakalimutan na kita.” Aniya.

    Nakapikit parin ako na para bang tinatanggap ko lahat ng sinasabi niya. I can feel his frustration. Sa bawat salita at tikhim niya ay nararamdaman ko ang pagkabigo niya.

    “Nang nalaman kong anak ka sa labas ng mommy mo isang buwan ang nakalipas, Klare. Nag desisyon akong umalis ng New York to comfort you. I forgot that I found Selena. Nakalimutan ko lahat ng nangyari sa loob ng dalawang taon. All I can see is your pain. Nabulag ako sa pagmamahal ko sayo. Ulit. Damn, baby, I couldn’t forget you.” Aniya. “I broke up with Selena.”

    Napatingin ako sa kanya. Umiling siya sa akin.

    “Ngunit sinabi niya sa akin na nakalimutan na kita. Alam niyang nakalimutan na kita. Tutulungan niya akong kalimutan ka ulit. I was out, Klare. I know exactly that I belong to you and only you. Ngunit nang nalaman kong sinabi lang iyon ng mommy at daddy ko dahil sa akin dahil alam nilang may iba na akong mahal, napagtanto kong hindi nila ako papauwiin ng Pilipinas na mag isa! They thought I’m completely over you, Klare. Kaya nandito si Selena. Because I want to be here for you na walang nagdududa na may ginagawa ulit akong pagkakamali.” Pumikit siya.

    Nalaglag ang panga ko sa mga katotohanang bumuhos sa akin. Umiling ako kay Elijah at nakita ko ang pagmamakaawa sa kanyang mga mata.

    “Elijah, that’s so wrong.” Sabi ko nang nanginginig ang boses.
    “I know…” Sabi niya at dahan dahang nilalapit sa akin ang kanyang kamay.
    “Elijah, nasasaktan mo si Selena…”
    “I know, baby…”

    Hinawakan niya ang braso ko ng marahan. Tumindig ang mga balahibo ko at agad kong hinawi ang kamay niya. Pumungay ang kanyang mga mata at ramdam ko ang takot niya.

    “Elijah, you’re doing everything wrong again. Everything is so wrong again.” Sabi ko.
    “Alam ko. Just… just don’t stay away from me. Kahit na magkaibigan lang muna tayo. Kahit na ano, Klare. Just don’t stay away…” Mariin niyang sinabi.
    Umiling ako at nanlaki ang mga mata niya.
    “I will fuck things up. I will fail you everytime. Mabibigo kita sa mga desisyon ko at natatakot akong mawala kita dahil sa pagmamahal ko sayo.” Aniya at kinuha niya ang kamay ko.

    Sinubukan kong pumiglas ngunit pinagsalikop niya na ang mga daliri namin. Pumikit siya at tumikhim na para bang nabunutan siya ng tinik dahil sa ginawa niyang galaw.

    “If you’re falling for Vaughn, I want to be there… Kahit kaibigan, Klare. Please, baby, kahit kaibigan.” Nabasag ang boses niya at narinig ko ang paghikbi niya.

    Kinurot ang puso ko sa bawat luhang lumandas sa mga mata niya.

    “Klare, kahit kaibigan lang. Kahit na ano, Klare.” Aniya.

    Nanginig ang kanyang balikat at mabilis siyang humilig sa dibdib ko.

    “Please, tell me, Klare that you’ll take me again. Please, Klare. Hindi na kita pinsan. Wala na akong pinanghahawakan. And I’m so damn scared that I’ll lose you. I promise… I’ll try my best to not get jealous everytime. I promise I’ll try to keep it to myself, baby. I’ll try everything. Just…”

    Tinakpan ko ang aking bibig dahil sa pagiyak. Hinawakan ko ang likod niya habang umiiyak siya sa aking hita. Hindi ako makapaniwala sa lahat ng sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit natutuwa ako ngunit nasasaktan rin. I should stop feeling good about this situation because it’s wrong. Mali na ginawa niya iyon. Mali na may ginamit siyang tao. Maling mali na nagkasakitan kaming dalawa.

    “Bakit di mo agad sinabi ‘to sa akin, Elijah? You look so inlove with her. Tuwing nakikita ko kayong dalawa, wala akong maisip kundi kung gaano niyo ka mahal ang isa’t-isa. Bakit ngayon lang?”

    Bumuntong hininga siya at umayos sa pagkakaupo. Hinilig niya ang kanyang ulo sa kanyang upuan at pumikit. Ilang sandali pa bago siya kumalma ng tuluyan.

    “Kailangan kong palabasin iyon, Klare. Sa oras na malaman ng mga parents ko at parents nating hiniwalayan ko si Selena nang dumating ako dito, they would now about my feelings. And I’m freaking scared they’ll get in the way again.”
    Kinagat ko ang labi ko.
    “You’re too selfish, Elijah. Your decisions are too selfish.” Sabi ko.
    Bumaling siya sa akin. “I know. And I’m so in love with someone so selfless like you.”

    Lumapit siya sa akin. Bahagya akong nag iwas ng tingin. Kumalabog ang puso ko nang naamoy ko ang bango ng kanyang katawan. Naramdaman ko rin ang init ng kanyang hininga. Hinilig niya ang kanyang noo sa aking leeg. Dammit, Klare! Just dammit! I missed him so much! I miss him so freaking much. At natatakot akong kayang kaya ko nang baliin ang bawat desisyong nagawa ko noon. Natatakot ako sa bigat ng pag ibig ko para sa kanya. Natatakot ako ng sobra sobra para sa aming dalawa.

    “Please tell me you’re still in love with me, Klare.” Bulong niya.

    Kinagat ko ang labi ko para maiwasan ko ang pagsasalita. Kumalabog ang puso ko. Baka alam niya na kung ano ang nararamdaman ko. Alam kong naririnig niya ang kalabog ng puso ko ngayon.

    “Please be selfish with me, baby. I want you to be selfish with me. I want you to own me.” Bulong niya.

  • Kabanata 17Open or Close

    Kabanata 17
    In Love

    Kinakalma ko ang aking sarili. Ganon din ang ginawa ni Elijah. Humilig siya sa kanyang upuan at pumikit. Humupa na ang kanyang mga luha, ganon rin ako. Hinayaan ko siyang kumalma. Hahayaan ko siya kung kelan niya ako iuuwi sa bahay. Lagpas na ng tatlumpong minuto sa ngayon. Paniguradong nag aalala na ang mga kapatid ko.

    “Elijah, can I borrow your phone?” Marahan kong sinabi.
    Tumango siya at nilagay niya sa kamay ko ang kanyang cellphone.

    Mabuti na lang at saulo ko ang numero ni Pierre at Hendrix. Nag iisip pa ako kung sino ang tatawagan ko sa dalawa. Nang nakapag desisyon akong si Hendrix na lang dahil siya naman ang sinusunod ni Pierre ay agad kong tinype ang kanyang numero.

    Nilingon ko si Elijah na ngayon ay nakatingin sa labas at kinakagat ang kanyang labi.

    “Hello?” Medyo iritadong tono ni Hendrix. “S-Sino ‘to?”
    “Rix, this is Klare.” Sagot ko.
    “Klare!” Tumigil siya sandali.

    Mas narinig ko ang mga nag uusap usap sa background. Naririnig ko ang boses ni Jack at iba pang mga kaibigan ni Hendrix doon. Mukha atang nagtutulungan sila sa paghahanap sa akin.

    “Asan ka? Kaninong numero ito? Are you okay?”
    “Rix, pwede magkita na lang tayo sa bahay? Uuwi rin ako. Doon na lang tayo magkita.”
    “Sinong kasama mo? Bakit ka umalis?”

    Dinig na dinig ko ang pagkakataranta sa boses niya. Pumikit ako at nalamang kailangan kong sabihin sa kanya ang totoo.

    “I’m with Elijah. He’ll take me home soon. Okay?”
    Narinig ko ang buntong hininga ni Hendrix sa kabilang linya. Para bang may naintindihan siya sa sinabi ko.
    “Okay. Bilisan mo. We’ll go now.” Aniya.

    Binaba ko ang cellphone at nilapag ko sa dashboard ng kanyang sasakyan. Tahimik na ulit kaming dalawa. I refuse to say anything. Natatakot akong magkamali sa pagsasalita ko. Natatakot akong dahil sa sobra sobra niyang pagbubukas ng sarili niya sa akin ay konting kalabit ko lang sa kanya, masasaktan ko ulit siya.

    “Another minute, Klare. Then we’ll go…” Aniya.

    Kinagat ko ang labi ko. Hindi ko alam kung gusto ko bang umalis o hindi. Ngunit ayaw kong sabihin iyon sa kanya. Natatakot akong pagnalaman niya iyon ay mas lalo lang lumala ang malala naming sitwasyon.

    “I, uh… err…” Nangapa ako ng salita.

    Napagtanto kong nakalimutan ko ang dapat kong sabihin. Sinarado ko na lang ang bibig ko at pinisil ko na lang ang mga daliri ko.

    “Hindi kita pinipressure. I’m not asking you to say something. I just want you to know.” Aniya. “Don’t worry.”

    Tinanong niya ako kung in love pa ba ako sa kanya kanina. Hindi ba iyon tanong? Or maybe he’s trying to make me comfortable with the silence. Gusto niyang malaman pero ayaw niyang nangangapa ako ng salita habang ganito kaming dalawa.

    Suminghap pa siya bago tahimik na pinaandar ang makina ng sasakyan. Pinihit niya ito at pinaandar patungo sa tulay.

    “Saan nga ang bahay niyo, Klare? Hillsborough?” Tanong niya.
    “Oo.” Sagot ko habang pinagmamasdan siyang nag dadrive.

    Hinayaan niya akong pagmasdan siya sa gitna ng gabi. I missed him so damn much. Takot na takot akong mawala siya sa akin ulit. He loved me back, still. Nandito si Selena para lang pagtakpan na mahal niya na ako. It’s all a mess. Hindi tama iyon. Dapat ay pinakawalan niya na lang si Selena para hindi na ito masaktan. His decisions were all wrong. Ngayon mas dumami na ang mga taong masasagasaan naming dalawa para lang mangyari kami.

    “You’re right. Selena is a nice girl.” Sinabi ko nang napagtanto ang katotohanang iyon.

    Hindi siya nagsalita. Tumingin ako sa malawak na high way. Wala na masyadong mga sasakyan dahil madaling araw na.

    “She truly loves you, Elijah.”

    Dahil kung hindi niya mahal si Elijah, bakit pa siya sumama at nagbaka sakali? Dapat ay iniwan niya na lang si Elijah. She did not deserve him. He’s too much of an ass to her. Pinili niyang manatili sa tabi ni Elijah kahit walang kasiguraduhan ang lahat. I’ll give her that.

    “She sacrificed a lot-“
    “Klare, this isn’t your farewell speech to me, is it?” Malamig niyang sinabi.
    “No. I’m just thinking aloud.” Sinabi ko.

    Hindi na siya ulit nagsalita. Habang papalapit kami nang papalapit sa Hillsborough Pointe ay mas lalo niyang binagalan ang kanyang pagtakbo. I know, Elijah. If only I can ask you to stop para lang magkasama muna tayo.

    These feelings are scary. I’m so scared to even cross the line. I’m scared to touch the world that shouldn’t belong to me.

    “Saan ba?” Tanong niya nang nalagpasan na namin ang guard house.
    “Diretso lang tapos left.” Sabi ko.
    Sinunod niya ang sinabi ko. Nang lumiko kami sa aming street ay nakita ko agad ang sasakyan namin. Hindi pa nila ito pinapasok sa garahe. Naroon din sa labas ang dalawang body guard na nakatingin sa sasakyan ni Elijah.
    “Dito lang.” Sabi ko at mabilis na bumaba.

    Lumiwanag ang mukha ng dalawang bodyguard sa harap at nagkatinginan sila. Nakita ko ang tumatakbong si Pierre galing sa loob at si Hendrix na kalmadong humalukipkip. Narinig ko rin ang pagkabog ng pintuan ng driver’s seat. Nilingon ko si Elijah na bumaba rin.

    “Hendrix, sorry.” Aniya at nilagpasan ako. “Lasing si Klare nang naabutan ko-“

    Tumama agad ang kamao ni Pierre sa mukha ni Elijah. Kumalabog ang puso ko at napasigaw ako sa reaksyon ng kapatid ko.

    “Pierre!” Sigaw ko sabay pagitna sa dalawa. Nasa likod ko si Elijah.

    Dammit! Ayokong may ganitong sitwasyon. I want them calm but I understand Pierre’s reaction. Kinabahan ang dalawang ito. Malalagot sila kay papa kung wala silang maisagot kung nasaan ako. It was my damn fault! Hindi kay Elijah!

    Naramdaman ko ang mainit na kamay ni Elijah sa aking balikat na para bang hinihila niya ako papunta sa kanyang likod.

    “Come on, don’t insult me. Ayaw kong pinoprotektahan mo ako.” Bulong niya.
    “Are you mad?” Sigaw ko at hinawi ang kamay niya.

    Pierre is fuming mad. Kalmado si Hendrix habang may binubulong kay Pierre. Nakita kong medyo dumugo ng kaonti ang mukha ni Elijah dahil sa suntok ni Pierre. Okay. Kahit na mas malaki ang katawan ni Elijah sa kapatid ko, natamaan parin siya ng kanyang kamao tapat sa kanyang mukha.

    “Pierre! Calm down!” Sabi ko.

    May binubulong si Hendrix sa kanya na mukhang nagpapakalma rin. Mabilis ang hininga niya at matalim na tinitigan si Pierre.

    “What are you doing, Elijah?” Mariing sinabi ni Pierre.
    “Hey, hey!” Sigaw ni Hendrix nang mabilis na namang tumungo si Pierre sa aming dalawa para manuntok.

    Nilagay ni Elijah ang kanyang mga kamay sa kanyang bulsa. He wasn’t going to fight back, I know.

    “Pierre!” Sigaw ko at sinalubong ang galit na si Pierre.
    “Bakit mo ninanakaw ang kapatid ko?” Umalingawngaw ang kanyang tanong.
    Elijah chuckled. Now, I want to punch him straight. That will piss Pierre more, asshole!
    Malutong na nagmura si Pierre at umambang itutulak ako kung hindi ako aalis sa harapan niya. “May girlfriend ka! Anong plano mo? Paglaruan ang dalawa? Your ex and your present, huh?”
    “Pierre, tingin mo papayag ako? Stop it! We’re just friends! He’s just being nice!” Sabi ko.
    “Naabutan ko siyang nasusuka at lasing na lasing kanina.” Seryosong sinabi ni Elijah. “Anong pinainom niyo sa kanya?”
    Napatingin ang nanliliit na mata ni Pierre sa akin. “Anong pinainom ni Vaughn sayo?”
    “Tequila, Margarita and… Porter.” Sagot ko.
    Kumunot ang kanyang noo.
    “No, don’t blame Vaughn, Pierre. Ininom ko yon lahat. I got sick so I went to the bathroom and E-Elijah found me there. Tinulungan niya ako, that’s all.” Sabi ko.

    Tumikhim si Pierre, tumalikod, at nakapamaywang habang tinitingnan akong mabuti. Nakita kong naglakad si Hendrix patungo kay Elijah.

    “Sorry sa suntok ni Pierre, Elijah. Salamat sa paghatid kay Klare. Klare, sana ay tumawag ka ng mas maaga para hindi na kami nag alala.” Lingon ni Hendrix sa akin.
    “Sorry. It’s my fault. Elijah offered me his phone kanina pa lang pero hindi ako tumawag. I’m sorry.” Sabi ko.
    Mas lalong nanliit ang mga mata ni Pierre sa akin.

    They both know that I still have feelings for him. Sana lang ay wa’g na muna silang manghimasok sa aming dalawa ni Elijah. I’m confused and it’s all a mess again. Noon, nagkahiwalay kaming dalawa dahil sa mga taong nasa paligid namin. Kaya ngayon, gusto ko ‘yong kaming dalawa na lang muna ang mag ayos sa aming mga gusot. Kahit na gustong gusto kong agad-agad na tumakbo sa kanyang mainit na bisig, hindi ko iyon magawa. We still need to heal. Make other people accept. At marami pang iba… The right thing to do right now is to be his friend. Pareho naming ayaw mawala ang isa’t-isa kaya gagawin ko ito. Kung sakali mang malalagpasan ulit namin ang linya, then we’ll find out what’s next for us.

    “It’s late. You need to go, Elijah. Matutulog na rin kami.” Sabi ni Hendrix at sumenyas sa mga bodyguard.

    Mabilis na pumasok ang driver sa loob ng sasakyan namin at pinarada iyon sa aming garahe. Ang mga bodyguard naman ay pumasok na rin sa bahay.

    “Alright. Good night.” Ani Elijah at pinatunog ang kanyang sasakyan.

    Naglakad pabalik si Hendrix sa aming bahay. Naglakad din si Pierre pabalik doon ngunit hindi niya ako nilulubayan sa kanyang titig. Matikas na naglakad si Elijah patungo sa sasakyan. Nang humarap siya sa akin para buksan ang kanyang pintuan ay tumitig siya sa akin.

    “Klare, come on.” Wika ni Pierre.
    “Yeah.” Naglakad ako ngunit ang titig ko ay kay Elijah parin.

    Hindi siya gumalaw sa kinatatayuan niya. Pinanood niya akong pumapasok sa aming bahay. Pinanood ko rin siya hanggang sa unti-unting sinarado ng bodyguard ang aming gate. Nagkakarera ang puso ko nang sinarado na ang gate. Dammit! I’m still so in love with him! So in love with him!

    “Klare.” Malamig na utas ni Pierre.
    Napatalon ako at mabilis na pumihit para pumasok na sa loob ng bahay. Sinundan ako ni Pierre kahit na mabilis ang lakad ko. “I get that you’re still into him… pero may girlfriend siya…”

    Pinanood kaming dalawa ni Hendrix. Sinusundan ako ni Pierre. Gusto kong ipaliwanag sa kanila na sa oras na hiwalayan ni Elijah si Selena, maaaring ibalik na ulit siya sa New York at magkakalayo kami. Iyon ang meron sa kanila ni Selena.

    “Yes, Pierre. May girlfriend siya. And we are just friends. What’s wrong with friends?” Hinarap ko ang kapatid ko.

    Coz I will never be like my mother. I will settle for friendship. Kahit na sabihin na nating wala naman talagang Selena para kay Elijah, ayaw ko paring pumasok sa sitwasyong iyon. Hanggang sa hindi pa sila naghihiwalay, friendship lang ang maibibigay ko kay Elijah. That’s all!

    “You know that’s not friendship, Klare. You know that…”
    Umiling ako. “Hindi ko gagawin ang pagkakamali ni mommy at papa, Pierre. Don’t worry.” Sabi ko at mabilis na pumasok sa kwarto.

    Sa sumunod na araw ay medyo naging masayahin ang turing ni Pierre sa akin. Siguro ay naguilty siya sa nangyari kagabi. Wala naman siyang dapat ika-guilty. Alam ko ang punto niya. Alam ko kung bakit over protective siya. Kaya ko nasabi ang mga sinabi ko kagabi dahil gusto kong malaman niya na alam ko kung ano ang ginagawa ko. Elijah is tempting but I know where I stand.

    “What are your plans for today?” aniya habang umiinom ng tsokolate sa aming hapag.
    “Pupunta ako kina Elijah. May plano sina Erin at Selena para sa birthday niya this Monday. Tutulong ako.” Mabilis kong sinabi.
    “Oh? Ilang taon na siya ngayong Monday?” Tanong niya.
    “Twenty two.” Sagot ko.
    “Invited ba kami sa birthday niya?”
    Ngumisi ako. “Kung hindi mo siya sinuntok kagabi, most probably invited ka.”
    Namutla siya sa sinabi ko. Para bang natatakot siyang maalala ko kung ano ‘yong nangyari kagabi. Natatakot siyang mapag usapan ulit namin iyon.
    Pinindot ko ang kanyang ilong. “Now you’re stunned!” Humalakhak ulit ako.
    “You mad at me?” He stuttered.
    “Nope. Alam ko naman ang punto mo. At gusto ko lang rin malaman mo ang punto ko.”

    Biglang naging maingay nang narinig ko ang papasok na mga kaibigan nila sa aming bahay. Naunang pumasok si Vaughn na nakalahad agad ang mga braso para sa akin dahil sa pag aalala.

    “Ba’t di ka nag text kagabi? Kung hindi sinabi ni Hendrix na kasama mo ang pinsan mo ay siguro patay na ako ngayon sa pag aalala!” Aniya sabay yakap sa akin.
    Ngumisi ako at tumingala sa kanya. “I got sick so…”
    He frowned. “Kaya nga mas lalo akong nag alala.”
    “Dude, pinainom mo kasi ng marami!” Baling ni Pierre sa kanya.
    “Well, that’s because you didn’t watche her close enough.” Singit ni Hendrix habang nagbabasa ng dyaryo.
    “Pinainom kasi ng Porter ni Jack.” Baling ni Pierre kay Jack.
    “You were busy with Cherry, Pierre.” Ani Jack.
    “Boys, can you not? Wa’g nga kayong magsisihan!” Umiling ako. “I’m okay. Hindi ko kailangan ng bantay.” At si Elijah naman ang kasama ko.

    Oh dammit! Napainom ako ng tubig sa iniisip ko. Now this is hard.

    “She’s a big girl. She can handle herself.” Ani Vaughn.
    “Yes. At ikaw ang ipapapatay ni daddy pag bigla siyang nawala?” Nag taas ng kilay si Pierre.
    “Ako ang papatay pag nawala siya.” Ani Hendrix sa kalmadong boses habang umiinom ng kape.

    Seriously? Now I feel like a caged animal. Ang daming issues pero natatawa na lang ako sa kanila. They’re so overprotective. Imbes na magalit ako ay natatawa na lang ako. Thank God for my brothers!

    “Saan ka pupunta? Di ka ba manonood ng game? Semi Finals na.” Ani Vaughn nang nakitang naghahanda ako para sa lakad ko.

    Busy silang lahat kaya ang driver ang maghahatid sa akin patungong Xavier Estates sa bahay nina Elijah. Siguro ay ngayon kami magpaplano dahil wala rin sina Elijah para sa semi finals ng tournament.

    “Nope. May gagawin kami ng mga pinsan ko. Good luck!” Ngisi ko kay Vaughn.
    “Baka matalo kami kasi wala ang good luck charm ko.” Ngiti niya sa akin.
    “We’ll probably win. Wala kang distraction.” Singit ni Hendrix.
    “What’s wrong with you, Rix?” Tumawa si Vaughn at bumaling kay Hendrix.
    Ngumisi si Hendrix at umiling. Hinayaan ko silang mag asaran na lang. Sumama na ako sa driver palabas ng bahay at agad na kaming nagtungo sa Xavier Estates.

    Nang pinatigil ko ang sasakyan sa labas ng bahay nina Elijah ay nakatanggap naman ako ng mensahe galing kay Vaughn.

    Vaughn:
    I’m serious, Klare. Baka matalo kami kasi wala ka.

    Napangiti ako. Safe. May bagay na pwede namang madali lang pero bakit sa mahirap ka parin sumusugal? Bakit mas pinipili natin ang mapanganib kesa sa ligtas?

  • Kabanata 18Open or Close

    Kabanata 18
    I Can’t

    Pumasok ako sa loob ng bahay nina Elijah. Naaninag ko kaagad si Erin, Claudette, Chanel, at Selena sa sala na may tinitingnang mukhang mga magazine at picture.

    “Sorry, I’m late.” Sabi ko.

    Nagkalat ang iilang pictures ni Elijah noong high school, grade school, at mga pictures niya doon sa New York. Mabilis na nag iwas ng tingin si Selena sa akin habang tinitingnan niya isa-isa ang mga larawan ni Elijah.

    “Upo ka, Klare.” Sabay tapik ni Claudette sa sofang nasa tabi niya.

    Abala sila sa pagtatagpi tagpi ng mga pictures ni Elijah simula pa nong bata pa siya hanggang ngayon. Napansin ko rin ang isang linya ng pictures sa mga kamay ni Selena na silang dalawa lang ni Elijah. Umupo ako sa tabi ni Claudette at pinagmasdan isa-isa ang nakalatag na pictures ni Elijah at Selena.

    Unang picture ay group picture. Si Elijah ay nasa gitna at may dalawang tao pa bago si Selena sa loob ng bar. May dala-dala silang mga alak at malalaki ang ngisi nila. Sa sumunod na picture ay si Elijah sa background habang nag li-lift ng kung ano sa gym, habang si Selena ay nakangiting nag si-selfie. Sa sumunod pang picture ay silang dalawa na may kasamang malaking roasted turkey, siguro sa Thanksgiving. May isa pang nasa isang beach sila. Naka board shorts si Elijah at si Selena naman ay naka bikini.

    Siniko ako ni Claudette. Nag angat ako ng tingin sa kanya. Kumunot ang noo niya sa akin at para bang may sinisenyas na hindi maganda ang ginagawa kong panonood.

    “Klare, tulungan mo na lang ako dito sa high school pictures ni Elijah.” Aniya at binigyan ako ng mga pictures. “Paki hanap ‘yong mga high school pics niya.”

    Tumango ako at nagsimula sa gagawin. Hindi ko parin mabitiwan ang pagsulyap sa mga pictures ni Elijah. They started out as friends. Makikita mo iyon sa mga pictures nila. Elijah did try to move on. Hindi ko alam kung alin ang mas mahirap sa sitwasyon namin. Siya na tinulak ko palayo o ako na nagtulak sa kanya palayo. Kung may iba man siyang nagustuhan pagkatapos ko ay hindi ko siya masisisi. But… I can’t hide the pain.

    “Ito yata ang first time na masosorpresa si Elijah sa birthday niya. That’s what I know.” Ngumisi si Selena.

    Nagpatuloy ako sa pagkuha ng mga picture niya nong highschool. Sa bawat larawan ay tumitigil ako para matingnan kong mabuti.

    “Oo, e. Lagi kasi siyang may bonggang birthday noong mga bata pa kami. Hindi namin siya na sosorpresa dahil laging planado.” Ani Chanel.
    “Kaya nga. I want him to remember this day. ‘Yong espesyal ito para sa kanya. Ito ang una. Hindi ito mabubura sa kanyang isipan.” Inspiradong nakangiti si Selena.

    Kumirot ang puso ko habang tinitingnan siya. Selena loved Elijah deeply. At nagsisimula na ring mahalin ni Elijah si Selena pabalik. Kung sana ay hindi na lang muna siniwalat sa kanya ang katotohanan sa nangyari sa akin. Kung sana ay pinatagal pa. Kung sana ay hinintay pa ang pag ugat ng kanilang mga damdamin. Kung sana ay wala ako, hindi na sana mahihirapan pa ang dalawa. Hindi na sana mahirap ang lahat.

    “Anong mga regalo niyo?” Tanong ni Erin sabay ngisi.
    Lumaki lalo ang ngisi ni Selena. Umiling si Claudette habang seryosong nakatingin sa mga pictures sa harap namin.
    “Akin ay gym bag. Kahit marami na siyang ganon. Wala kasi akong maisip.” Nguso ni Chanel.
    “Perfume lang nga yong akin!” Simangot ni Erin na ngayon ay nakatingin kay Claudette.
    “Mines… uh, aviators.” Ani Claudette.
    Napatingin si Selena sa akin. Nag kunwari akong nagbibilang ng mga larawang na segregate ko na. “Ikaw, Klare, anong sayo?”

    Nag angat ako ng tingin kay Erin na ngayon ay tumigil sa ginagawa niya para hintayin ang sagot ko. Alam na alam ko kung para saan ang titig niya. Kilalang kilala ko na siya. Alam ko rin kung bakit hanggang ngayon ay ayaw niya parin sa aming dalawa ni Elijah. I’m their cousin. Kahit na hindi kami magkadugo ay lumaki parin kami sa paniniwalang iyon. Kahit anong tulak ko sa ideyang incest, para sa kanya o kanila, hindi na iyon mawawala. I understand them too much. I wish I didn’t understand…

    “W-Wala. Uh… Di ko kasi alam anong ibibigay ko.” I said awkwardly.
    Tumangi si Selena. “You might want to give him a tee shirt.”
    “Uh, okay. I’ll see. Tingnan ko bukas kung makakabili ako.” Hindi parin ako makatingin sa kanila.

    Pagkatapos naming ikabit ang mga pictures sa mga sinulid ay hinayaan ko na sila sa mga plano nila. Mukhang alam na alam na nila kung ano ang gagawin nila. Nilagay nila ang mga ginawa namin sa isang malaking box habang nag meryenda kami.

    “Anong oras ba ang balik ng mga boys?” Tanong ni Erin.
    “Isang oras na lang.” Sabi ni Selena. “Dapat ay umalis na kayo bago pa sila makabalik. Elijah will find it weird.”
    Tumango si Erin. “Kilalang kilala mo na talaga siya, ano?”
    “Of course. We’ve been friends, Erin. Kilalang kilala ko siya. That’s why I’m in love with him.”

    May kung anong kumukurot sa puso ko. Dapat ay wala ako dito. Dapat ay wala ako sa larawan ng dalawa. Dapat ay walang Klare sa Elijah at Selena. I’m the wrong part.

    “May kinabit ka atang medyo di magandang picture sa highschool ni Elijah, Clau. Tanggalin mo na lang ‘yan.” Ani Erin.

    Nilingon ko ang sinulid ni Claudette at nakita ko doon ‘yong picture ni Elijah na kasama ako at ang isang batang bungal na si Charles. Iyon ang tinuturo ni Erin sa sinabi niya.

    “This is a good picture, Erin.” Ani Claudette.
    “Palitan mo na lang ng group picture. O ‘yong prom picture ni Elijah. Wa’g yan.” Sabi ni Erin.

    Kinagat ko ang labi ko. Kitang kita ko ang pag ngiwi ni Claudette sa kay Erin.

    “Erin, come on… This is a good picture. Ito lang yata ang picture ni Klare aside don sa picture natin sa Camiguin na puro group picture naman!” Medyo tumaas ang tono ng boses ni Claudette.
    Nanlaki ang mga mata ni Erin. “This is not about who’s the closest to Elijah, Clau! Ang mga picture na ito ay ‘yong mga taong nakapaligid sa kanya. Tayo ang nakapaligid sa kanya!”
    “Si Klare ba, hindi nakapaligid sa kanya? Si Charles, hindi?” Sarkastikong sinabi ni Claudette na siyang nakapagpatayo kay Chanel para pigilan si Erin sa paglapit kay Clau.
    “Chill, Erin. Claudette is right. Okay lang yan.” Sabi ni Chanel.
    “No, ate! Alam kong okay lang yan! Alam ko! Pero mas okay kung ‘yong group picture natin sa prom night!” Paliwanag ni Erin.
    Umirap si Claudette at humalukipkip. Hindi ako sanay na kinakalaban niya si Erin. Hindi ko alam kung ginagawa niya ba ito para sa akin o dahil ba pinaghirapan niyang pagtagpiin iyon at ipapabago lang ni Erin ang lahat.
    “I guess… Erin’s right! Mas maganda kung kayong lahat, Chanel. Magpipinsan kayong lahat. Mas maganda kung picture niyong lahat.” Tumango si Selena.

    Tinikom kong mabuti ang bibig ko. I get what’s she’s saying, though. Mas maganda nga kung kaming lahat ang nasa picture pero anong masama kung may isang picture na kaming tatlo ni Elijah lang muna? Tutal ay may picture din naman doong sila ni Claudette at Azi?

    Tumango ako at tinanggal agad ang picture namin ni Elijah. Nilagyan ko ng glue ang group picture namin nong prom at dinikit ko doon sa pinagkuhanan ko nang picture namin ni Elijah.

    “Klare!” Ani Claudette.
    “It’s okay, Clau. It doesn’t matter.” Ngumiti ako kahit na medyo nasaktan ako sa pagtatalo nila.
    “See? It looks better, Dette.” Ngisi ni Selena sabay kindat sa akin.
    Ngumisi rin ako pabalik sa kanya.

    Pakiramdam ko ay naglalaro lang ako dito. Pakiramdam ko ay niloloko ko silang lahat. Bumalik na rin sa dati ang lahat. Nakalimutan na iyong pagtatalo kanina ngunit hindi parin maalis sa utak ko.

    “So, kita kita na lang tayo dito sa Lunes ng mga alas singko. Alas sais ang dating nina Elijah at Selena. Nakahanda na ang lahat that time. May pagkain na at kung anu ano pa.” Ani Erin.
    “Sinong mga kasali?” Tanong ni Chanel.
    “‘Yong mga friends natin. Magtetext lang ako sa kanila bukas. Maghihitay tayong lahat sa living room at kakantahan natin si Elijah pagkapasok nila dito.” Ani Erin.

    Tumango ako at tumayo. Papatapos na kami at naisipan kong pumunta muna sa CR nila bago ako umalis. Makikisakay lang ako kina Chanel at siguro ay magpapadrop na lang ako sa gate ng village namin.

    Pagkatapos kong gumamit ng CR sa kanilang kitchen ay naabutan ko si Selena na umiinom ng kung ano sa counter. Nakatingin siya sa kawalan habang nilalagok ang kulay brown na mukhang whiskey. Sinuklay niya ang kanyang buhok ng kanyang daliri bago ako nilingon. Ngumisi siya sa akin at kinabahan ako.

    Lalagpasan ko na sana siya para dumiretso na sa sala ngunit nagsalita siya.

    “Klare…” Hinga niya.
    Tumango ako at ngumisi sa kanya. Nagdasal ako na sana ay huwag niya nang dugtungan ang tawag niya sa akin ngunit hindi ako dininig ng langit.
    Tiningnan niya ang shotglass at humilig siya sa counter para harapin ako. “Gusto talaga kitang makausap. ‘Yong tayong dalawa lang.” Aniya.
    Lumunok ako. “Okay. Anong pag uusapan natin?”

    Kinalma ko ang sarili ko at hinarap siya. Pinilit kong ngumiti pero bigo ang mga subok ko.

    “Alam ko ang tungkol sa inyo ni Elijah noon.” Aniya.

    Gusto kong masurpresa pero naunahan na siya ni Elijah sa pagsasabi non. Alam ko kung ano ang mga alam niya. Ang hindi ko alam ay kung hanggang saan ang alam niya. Kung naintindihan niya ba ang ginawa ko o naintindihan niya desisyon ko.

    Tumango ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya nag hintay ako ng dugtong niya.
    “Pinagkakatiwalaan niya ako sa lahat ng mga sekreto niya.”

    Now, I wonder if he also told her about what happened that night? Iyong gabi sa tulay? Sinabi ba ni Elijah sa kanya na alam ko na ang tungkol sa kanilang dalawa? Or was that secret just between us. I’m not proud of that secret, though. I’m being unfair to Selena. Wala naman siyang ginawa kundi mahalin si Elijah. Elijah is truly an asshole. Nasaktan niya na ang matalik kong kaibigang si Hannah noon, hindi na ako magugulat kung pati si Selena ay masaktan niya.

    “I want you to know na alam ko ang tungkol sa inyo. Ayokong mag isip ka na wala akong alam. Gusto kong malaman mo na alam ko dahil seryoso siya sa akin.” Nabasag ang boses niya. “We started out as friends… Natanggap ko siya bilang siya. Tinanggap niya rin ako bilang ako. We… love each other.”

    Nag iwas ako ng tingin kay Selena. Now, I don’t know who to believe.

    “I know. Good for you two.” Ngumisi ako.
    Ngumisi siya. “Tanggap na tanggap ako ng mommy at daddy niya nong nasa New York pa kami.” Medyo kumalma siya sa sinabi ko. “I’ve never been this happy, Klare. Ngayon naintindihan ko na kung bakit minahal mo siya kahit bawal kayong dalawa.”

    Nangilid ang luha sa aking mga mata. I wanted to shout at her! Liar! Hindi ko alam kung bakit nag alab ang galit sa aking puso. I need to calm down! I need to calm the f down! I’m just bitter. You’re just bitter, Klare! Gusto kong sabihin sa kanya na sinabi ni Elijah sa akin na matagal na silang wala! Sinabi ni Elijah sa akin na pinilit siya ni Selena. Sinabi ni Elijah sa akin na kinailangan niya si Selena para lang makauwi sa akin! But then I thought maybe she’s desperate. I’m desperate too!

    “Alam ko…” Iyon lang ang tangi kong nasabi.

    Nilapag niya ang shot glass. Mainit ang pisngi ko sa pagpipigil ko ng luha. Ngumisi si Selena at humalukipkip.

    “Kung sakali bang nalaman mo noon na anak ka sa labas at hindi ka tunay na Montefalco, itutulak mo pa ba siya palayo?” Nakangiti siya nang tinanong niya ako nito.

    Nilunok ko ang bara sa lalamunan ko at nag angat ako ng tingin sa kanya.

    “No.” Iling ko.
    Nanlaki ang mga mata niya at nawala ang kanyang ngiti. Kinalas niya rin ang kanyang paghalukipkip.
    “Kung nalaman ko ‘yon ng mas maaga, hindi ko siya itutulak palayo. Not because I think we can be together, but because I depend on him.” Nabasag ang boses ko. “Hindi ko kinaya ang katotohanan sa pagkatao ko. You wouldn’t understand because you’re not me. Hindi mo alam kung ano yong pakiramdam na ang inakala mong pamilya ay hindi mo pala totoong pamilya. I will need him so much. I needed him so much.”
    Nakaawang ang kanyang bibig habang pinapanood akong sinasabi iyon. Nakita ko ang galit sa kanyang mga mata. Lumandas din ang luha sa kanyang pisngi na agad niyang pinunasan. “Why didn’t you call him, then? Bakit di mo siya hinanap? You didn’t love him enough, Klare. Binasura mo lang siya noon, diba?”
    “Dahil nakapag desisyon na ako. Naitulak ko na siya palayo. At wala na akong lakas pang pabalikin siya nang nalaman ko ang katotohanan. I was devastated-“
    “Excuses!” Aniya. “You didn’t love him enough! Hindi mo siya ganon ka mahal para ipaglaban siya!”

    Nanlaki ang mga mata ko sa sigaw niya. Hindi ko alam kung paano kami napunta sa usapan na ito pero hindi ko na talaga ata mapipigilan.

    “I love him enough to let him go.” Sabi ko.
    Ngumisi siya at pinunasan niya ang kanyang mga mata. “Kung ganon, kaya mo ba siyang pakawalan ngayon? Pakawalan para pumunta na siya sa akin? You love him, right? You love him enough to let him go? Now… let him go!” Aniya.

    Nalaglag ang panga ko. This is how she’s gonna play this game.

    Lumunok ako at inayos ko ang sarili ko. Inangat ko ang tingin ko para lumebel sa kanyang mga matang pulang pula.

    “I can’t.”

  • Kabanata 19Open or Close

    Kabanata 19
    Happy Birthday!

    Parang walang nangyari sa gitna naming dalawa ni Selena pagkabalik namin sa sala. Ni hindi niya ako matingnan nang nag paalam kaming dalawa.

    Napabuntong hininga ako habang nagsusuklay sa buhok ko. Hindi ko alam kung pupunta ba ako ngayon o hindi. Kung hindi lang imbitado ang dalawa kong kapatid ay hindi na lang ako pupunta. It will be weird there.

    “Ready?” Inaayos ni Pierre ang kanyang buhok habang tinitingnan niya ang repleksyon ko sa salamin.
    Tumango ako. “Wala akong gift.”
    Ngumuso si Pierre. “Wala rin kaming gift. But it’s okay, I think. We’ll help with their surprise.”

    Kahit na inamin ko kay Selena na hindi ko mabitawan si Elijah, hindi ko parin maipapangako na kaya ko iyong sabihin ng harap harapan sa ibang tao. Alam ko ring hindi iyon ipagsasabi ni Selena. Alam kong itatago niya iyon sa kanyang sarili. At sa ngayon, alam ng ibang tao na sila pa rin, pag sumawsaw ako sa dalawa ay ako ang magiging kawawa. Hindi naman ito paligsahan, I can wait for the right time. I’ve been waiting all my life anyway.

    Silang dalawa lang ang inimbitahan ni Selena. Buong akala ko nga ay kasama sina Vaughn at Jack ngunit nagkamali ako. Siguro ay hindi niya gaanong ka close si Vaugn at Jack. Paano naman kaya niya naging close ang mga kapatid ko? I wonder.

    Naka simpleng itim na t-shirt lang ako at shorts. Hindi talaga ako nakapang party. Sinabi rin naman nina Erin at Chanel na huwag daw’ng masyadong formal kaya ito lang ang suot ko.

    “Let’s go.” anyaya ng mga kapatid ko pagkatapos maipark ang sasakyan sa labas ng bahay nina Elijah.

    Papalubog na ang araw. Napansin kong naroon na ang mga sasakyan ng mga pinsan ko. Siguro ay kanina pa sila naghahanda. Naka bukas ang double doors nina Elijah at pumasok agad ako. Tumuloy rin ang mga kapatid ko. Nakita ko ang mga pictures na pinagdikit namin noong Sabado sa bawat dingding na pinasadahan ko ng tingin.

    Maingay sila at abala sa pag peprepare ng videos. Si Kuya Silver at Claudette ay nakatutok sa laptop sa pag i-edit ata ng video na nirequest ni Selena. Si Erin at Eion naman ay abala sa pag aayos ng cake sa hapag. Naroon na ang mga pagkain at nagulat ako sa engrandeng handaan.

    Nag angat ng tingin si Claudette sa akin sa gitna ng maraming tao. Nakipagkamayan si Hendrix sa iilang taong kilala niya roon. This is the biggest house party I have ever been to. Pinaghandaang mabuti ni Selena ang lahat. Of course, Elijah deserved the best.

    “Pasok kayo, Klare. Uhm, ilagay niyo lang ang regalo niyo doon sa table.” Ani Claudette at medyo naasiwa sa pagsasalita sa akin.
    Tumango ako at nahiya. Wala akong regalo. Sana pala ay hindi na lang talaga ako dumalo.

    Umupo ako sa sofa. Mas lalo akong nahiya nang napagtanto kong wala akong ginagawa habang silang lahat ay mukhang may kani kanilang inihahanda.

    “Pupunta ba dito sina tito at tita, Clau? How about mom and dad?” Bulong ko sa kanya habang pinapasadahan ng tingin.
    “Nope. Bukas pa ‘yong celebration with them. Strictly for friends ito ni Elijah. Iyon ang gusto ni Selena.” Ani Claudette.
    “A-Are we invited tomorrow?” Tanong ko.
    Nilingon ako ni Claudette aktong kinalabit din ako ni Pierre. “I’m not sure, Klare.” Ngiwi ni Claudette.
    Nilingon ko ang nangangailangan ng atensyon na si Pierre.

    Syempre dahil umalis na si Hendrix at pumuntang patio para makihalubilo sa common friends nila ni Josiah. Nagtatawanan na sila at nakita kong nag iinuman na kahit na maaga pa naman. Nag taas ako ng kilay kay Pierre.

    “This is so corny.” Aniya sabay pakita sa kandilang hawak.

    Binigyan niya rin ako ng isa. Tiningnan ko ng mabuti ang kandila at inisip ko kung para saan ba iyon. Lights off ba mamaya at sisindihan namin ‘tong lahat para surpresahin si Elijah? Maybe that was it?

    “Why don’t you tell Selena that, Pierre? Tsss.” Masungit na sinabi ni Claudette sa kapatid ko.

    Nag igting ang panga ni Pierre at tinitigan si Claudette na ngayon ay nakatitig na sa screen ng laptop ni Kuya Silver.

    “We’re done!” Ani Kuya Silver at niyakap niya si Claudette ng patagilid.
    Maingay na tumikhim si Pierre at mabilis na umalis sa tabi ko. Kumunot ang noo ko sa inasta niya kaya nilingon ko si Claudette. Nakita kong sinundan ni Claudette ng tingin si Pierre kahit na yakap yakap siya ni Kuya Silver.
    “Excuse me.” Aniya at mabilis na tumayo.

    Pinanood ko ang mga pinsan kong abalang abala sa kanilang ginagawa. Inisip ko tuloy kung may alam na ba si Elijah sa mangyayari. Surely, Azi can’t just shut his mouth. Tumingin ako sa kay Azi at nakita ko siyang ka chikahan naman ang tatlo kong kaibigan na imbitado rin. Kumaway ako sa kanila at naisipan kong lumapit.

    “Klare!” Nagulat si Azi nang nakita niya ako sa gilid niya.
    “Hello!” Ngisi ko sa kanila.
    “Anong regalo mo kay Elijah?” Tanong niya nang nakataas ang kanyang kilay.
    “Got him a watch.” Pilit na ngumisi si Hannah.

    Naaalala ko tuloy kung paano niya kinulit si Claudette sa bleachers tungkol kay Elijah at Selena. Nakita niya ang paninitig ko sa kanya kaya bahagya siyang umiling.

    “I-It’s just nothing, Klare.” Ngiti niya.
    “I got him nothing.” Sagot ko. “Wala akong maisip na ibigay sa kanya.”
    “Apir!” Tawa ni Azi sabay pakita ng kanyang palad. Ginawa ko ang gusto niyang mangyari. “Wala rin akong maibibigay sa kanya. Kaya nga inimbitahan ko na lang sina Ramon.”

    Babalewalain ko na sana ang sinabi ni Azi pero medyo nagulat ako sa sinabi niya. Bumaling ulit ako sa kanya.

    “Ramon, Azi?” Tanong ko.
    Tumango siya na para bang ang tanga ko dahil hindi ko agad makuha ang iniisip niya.
    “Ramon Ramos?” Kumpirma ko.
    “Oo. Bakit?”

    Kinagat ko ang labi ko nang napagtantong inimbitahan ni Azi ang kuya ng ex ni Elijah na si Gwen. What the hell? Magarbo pa siyang tumango samantalang laglag ang panga ni Julia, Liza, at Hannah sa sinabi niya.

    “That means Gwen and her gang will be here too?” Kumpirma ni Julia.
    Magarbo siyang tumango. Ipinagmamalaki niya ang kanyang magandang ideya.
    Hinampas ko ang kanyang braso. “Why would you invite his ex? Pakana ito ng current girlfriend niya, Azrael. Why would you invite someone from his past?”
    Kumunot ang noo ni Azi na para bang inisip niya pa kung ano ang ibig kong sabihin. He didn’t understand. “Ah! Yes!” Aniya. “Oo nga pala. Pero hindi ko na mababawi.” Nagkibit balikat siya at umalis.

    Nagkatinginan kaming apat na parehong laglag ang panga sa sinabi ni Azi. Totoo nga. Dahil ilang minuto ang nakalipas ay nakita ko na ang mga BMW ng pamilya nila. Nakita kong sinalubong ni Azi si Ramon Ramos na tanging lalaki sa grupo at ang lima pang babae, kasama si Gwen.

    “Hindi niya inimbitahan sina Gwen para magkagulo. Tingin ko may popormahan siya sa mga kaibigan ni Gwen.” Ani Erin na nasa gilid ko pala.
    “I know…” Habang tinitingnan ko si Azi na nakikipag usap na sa isang babaeng maputi at kulot kulot ang buhok.

    Nakita ko ang medyo pinag hirapang dress ni Gwen. May dala pa siyang regalo at agaw atensyon siya sa mga kaibigan namin. It’s summer, kaya siguro nandito siya sa Cagayan de Oro. Narinig ko pang siya mismo ang nag disenyo sa kanyang kulay pulang halter top na dress.

    Oh this is probably war? I don’t know. Alam ba ni Gwen na may girlfriend si Elijah? Siguradong didistansya siya. Knowing her, she’s classy. Hindi siya desperada. But we don’t know people when they are in love or they want something so bad… it can change them.

    “Paparating na sila guys!” Sigaw ni Chanel na umalingawngaw sa buong bahay.

    Nahanap ako ng medyo nakasimangot na si Pierre at tumayo siya sa gilid ko. Si Hendrix naman ay nasa malayo kasama ang iilang mga kaibigan. Ang tatlo kong kaibigan ay nasa tabi ko habang nagkalat ang mga pinsan ko para sindihan ang mga kandilang dala dala ng lahat.

    “Who’s idea is this? Elijah will find this corny!” Humagikhik si Gwen sa harap.

    Kinagat ko ang labi ko. This was Selena’s idea. Sana lang ay huwag niyang sabihin iyon sa harap ni Selena at baka mag away pa ang dalawa. This is still Elijah’s birthday. Gusto ko rin namang maganda ang alaala niya sa kaaarawang ito. Kahit na korni ay maganda parin naman ang ideya. Gwen should just shut up.

    “Is this your idea, Erin?” Ani Gwen.
    “Oh shut up, Gwen. Just do it.” Tawa ni Erin sa kaibigan niyang si Gwen.

    Ngumuso ako at luminga linga sa paligid. Nakita ko si Eion na nakatingin sa akin. Kitang kita ko na diretso ang mga mata niya sa akin kahit na madilim at kandila lang ang umiilaw sa aming lahat. Nginitian ko siya ngunit hindi siya ngumisi pabalik sa akin.

    Bago pa ako maka react ay narinig ko na ang mga boses ni Erin at Chanel na nagpapatahimik sa aming lahat dahil pumapasok na sa gate ang sasakyan ni Elijah.

    Naka sarado ang pintuan at maghihintay kaming bumukas ito bago kami kakanta. Bubuksan ang mga ilaw pagkatapos ng kanta para makita ni Elijah ang mga larawan niya sa dingding ng living room. Nagreklamo si Rafael na masyado daw itong korni ngunit wala silang nagawa sa surpresang inihanda ni Selena.

    Nang narinig namin ang pag pihit ng doorknob ay kinabahan na agad ako. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Siguro ay masyadong kong inanticipate ang pagdating nilang dalawa.

    “Happy birthday to you, Happy birthday to you…” Dahan dahan naming kinanta nang bumukas ang pintuan.

    Nag materialize si Elijah sa dilim. Sumunod si Selena na ngiting ngiti sa amin. Nilingon ni Elijah si Selena at kitang kita ko ang gulat sa kanyang mukha. Baka mahulog ang loob niya kay Selena dahil dito. She did this for him. Nag effort siya. Kaonting kurot ang naramdaman ko sa aking puso. Marami siyang sakripisyo para kay Elijah. She deserved him so much. I don’t. Wala pa akong nagawa para kay Elijah. Sakit lang ang idinulot ko sa kanya.

    “Happy birthday to you. Happy birthday to you…”

    Hindi ko na makanta ng maayos. This isn’t the time for realizations, Klare. Just continue acting good!

    “Happy birthday Ej!” Ani Selena sa likod ni Elijah habang kumakanta pa kami.

    Nilingon ni Elijah si Selena nang may ngiti sa kanyang mukha. Bago pa siya makapagsalita ay mariing siniil ni Selena ng halik si Elijah.

    Oh shit! Mariin kong pinikit ang aking mga mata.

    “Klare…” Bulong ni Pierre sa akin.
    “I’m okay.” Bulong ko pabalik sa kanya bago ako dumilat.

    Pagkadilat ko ay tapos na ang halikan ng dalawa. Huminga ako ng malalim at bumukas ang mga ilaw. Kinagat ni Selena ang kanyang labi habang kitang kita ko naman ang pamumula ng labi ni Elijah habang ngumingisi sa mga kaibigang bumabati sa kanya.

    Mabilis kong tinakpan ang bibig ko. Naiiyak ako sa mga iniisip ko. Naiiyak ako dahil gusto ko akin lang siya. Naiiyak ako kasi nasasaktan ako sa halik ni Selena. Natabunan na siya ng mga lalaking bumati sa kanya. Sinalubong si Selena ng mga kaibigan at pinsan ko para batiin at tingnan ang mga pictures na ginawa namin noong Sabado.

    I couldn’t move. I should move, right?

    “Klare, shall we go?” Bulong ni Pierre sabay hawak sa braso ko.
    Umiling ako. “We’ll stay.” Sabi ko at tatalikuran na sana sina Elijah nang narinig kong umalingawngaw ang boses ni Gwen.
    “Happy birthday, Elijah! I missed you so much! Missed me?” Halakhak niya sabay pulupot ng kamay niya sa leeg ni Elijah.

    Nanlaki ang mga mata ni Elijah ngunit nakangiti parin siya.

    “Of course, Gwen. Nice to see you.” Aniya.

    Ngunit hindi kinalas ni Gwen ang kanyang pagkakayakap. Nakita kong nag taas ng kilay si Selena habang kinakausap siya ni Erin.

    “It’s been years at sa wakas nagka girlfriend ka na ulit after me. Ang tagal mong naka recover, ah?” Biro ni Gwen bago kinalas ang yakap kay Elijah.
    Humalakhak si Elijah at hindi nagkumento.

    Mabilis niyang nahanap ang mga mata ko kahit na nasa gitna siya ng pangkat. Tumalikod ako at piniling pumunta na lang sa labas kung nasaan naroon ang mga boys. May naka set up din kasing mga upuan doon.

    “Kainan na!” Tumatawang sinabi ni Damon.

    Sa labas kami kumain. Hindi masyadong marami ang kinain ko dahil wala akong gana. Ganon rin ata si Pierre sa tabi ko. Sa round table namin ay kasama namin si Claudette, Kuya Silver, Julia, Hannah, at Liza. Sa kabilang table naman ay sina Erin, Chanel, Selena, Damon, Rafael, at Ramon.

    Abala si Elijah sa pakikipagtawanan kasama ang ibang mga kaibigan. Naka long sleeve polo siya na tinupi hanggang siko. Kumikinang ang kanyang wrist watch at pormal na pormal tingnan habang kinakausap ang iilang guests niya.

    He looks so happy. I’m happy for him. Kaya lang ay hindi ko talaga maalis sa isip ko na wala akong naidulot na maganda sa kanya. Hindi ko alam kung napangisi ko ba talaga siya noon. Puro sakit lang ang dinanas naming dalawa. It will be easier if we just let each other go. Siya para kay Selena at ako naman maghahanap ng ibang walang sabit. That’s the easier way. We are both free to choose. But why are we choosing each other? Mamamatay ako sa konsensya pag ipagpapatuloy ko siya, masasaktan naman siya pag ako ang gugustuhin niya. This is all fucked up.

    “Klare, shots? Don’t worry, I’ll keep an eye on you this time.” Ani Pierre sa akin habang binibigyan ako ng tequila.
    Tumango ako at nilagok ko iyon.

    Tinatawag na ako ni Erin sa kanilang table. Naroon na rin si Eion sa tabi niya. Gusto nilang nasa iisang table lang kami para mag usap usap. Kanina pa kasi ako umaayaw sa mga offer nila.

    Nakatutok silang lahat kay Elijah na ngayon ay nasa table naman nina Gwen.

    “Chill, Selena. Ex is ex.” Ani Erin.
    “Sana lang ay hindi ganyan ka grabe maka chansing ang ex niya.” Dinig kong sabi ni Selena habang tinitingnan si Elijah at Gwen na nagpapapicture.

    Nakapulupot ang braso ni Gwen sa leeg ni Elijah habang nag papapicture.

    “She looks drunk. Let it go.” Ani Chanel.
    “Still, Chanel.” Ani Selena. “She’s crossing the line.”

    Umiinom si Selena ng beer nang bigla siyang nasamid. Dinaluhan siya nina Erin. Alam ko kung bakit siya nasamid. Mas lalo pa kasing inilapit ni Gwen ang katawan ni Elijah sa kanya habang nag pipicture.

    “Pierre, bathroom break lang.” Sabi ko.
    “You okay? You drunk?” Mabilis niyang mga tanong.
    Umiling ako. “That’s just one shot, Pierre. I need to pee.”

    Isang beses ko pang pinasadahan ng tingin sina Erin at Selena. Patuloy sila sa pag uusap tungkol kay Gwen. Napatingin ako kay Elijah na ngayon ay nasa table na ng iilang mga kaibigan niya. Nandoon siya pero nakatingin siya sa akin.

    Ugh! I need to go. Mabilis ang lakad ko pabalik ng kanilang bahay. Kumalabog ang puso ko. Damn right, Klare! Ganon ganon lang talaga? Pagkatapos ng iilang ‘kasalanan’ niya ay marunong paring kumalabog ang puso mo? Nasaktan ako nang hinalikan siya ni Selena, medyo nasaktan ako nang nakita kong close na close sila ni Gwen, pero pagkatapos ng lahat ng tabang na nararamdaman ko ay titig niya pa lang, kumakalampag na naman ang puso ko. This is how it works for Elijah. God!

    Half running na ako patungo sa abandonadong kitchen. Lahat ng tao ay nag iinuman o kumakain sa labas kaya wala nang tao sa kanilang kitchen.

    Nag wala ang mga demonyong nang aakit sa akin nang naramdaman ko ang init ng kamay ni Elijah sa braso ko. Alam kong siya agad iyon. Nang naamoy ko ang pabango niya ay alam ko na agad na ganito ang gagawin niya.

    “What’s your gift for me?” Natatawa siya nang tinanong niya ako nito.
    Hindi ko naman maitago ang galit sa mukha ko nang tiningnan ko siya pabalik. “I don’t have one.”

    Pinagmasdan niya akong mabuti. Damn, I’m gonna pee in my pants if he’ll continue this staring shit!

    Tinikom niya ang bibig niya habang tinitingnan parin ako. Pinagpapawisan na ako ng malalamig sa kanyang pagtitig. We need to stop this. Kahit na gustong gusto ko. Kahit na nakikiliti ako ng mga demonyo sa tiyan ko. We need to stop. May girlfriend siya. Well, hindi niya tunay na girlfriend pero iyon ang tingin ng mga tao sa kanilang dalawa. We should stay friends until everthings good.

    “Sorry.” Aniya. “I’ve been an ass again today.” Pumungay ang mga mata niya.

    Buti alam mo. But I’m not going to say that. I’ll just stare back.

    “Can you greet me, please?” Aniya.

    Kumalabog ang leche kong puso. Will this ever end? Magsasawa ba ang puso ko sa pagkakanda ugaga sa kanya? Hindi ko alam. I don’t even want to bet.

    “Nag greet na ako. Kumanta ako kanina.” I said.

    Tumikhim siya at pumikit ng sandali.

    “I want to hear it.” Aniya.

    So help me God. Dahil wala akong regalo ay kailangan ko ‘tong gawin. Hindi naman sa sobrang hirap nitong gawin, pero sobrang hirap nitong gawin habang naghuhuramentado ang puso mo.

    “Happy birthday, Elijah.” Sabi ko ng mabilisan.
    “I wanna kiss you.” Aniya.

    Dammit! Dammit! Dammit! Ginalaw ko ang aking braso para makawala sa kanyang kamay. Bakit niya sinasabi ‘yan? Nagulat siya sa ginawa ko at mabilis kong nakita ang takot sa kanyang mukha.

    “I-I’m sorry. Alam kong hindi pwede. Sinabi ko lang ang nasa isip ko.” He stuttered.
    Tumango ako at nag iwas ng tingin sa kanya.

  • Kabanata 20Open or Close

    Kabanata 20
    Secret

    Hindi ko kayang hindi maisip ang halik ni Selena kay Elijah. Kahit na sabihin na nating hindi iyon ginusto ni Elijah, hindi ko parin maalis sa sistema ko iyon. Noon pa man, marami na siyang naging babae. I have seen him jump from one girl to another. Kung noon ay wala lang sa akin ang makita iyon sa kanya, ngayon nasasaktan na ako.

    “What are you thinking, baby?” Malambing niyang sinabi.
    Umiling ako. “Wala, Elijah.” Hindi ko maitago ang tabang sa salita ko.

    I hate that he’s innocent! Kinailangan niyang dumikit kay Selena para hindi kami magkalayo. Damn!

    “I know you’re thinking about the kiss.” Tinaas niya ang baba ko kaya inangat ko ang tingin ko sa kanya. “I’m sorry. Sinabi ko na kay Selena na dapat hindi niya ginawa iyon. I got pissed kaya hindi ako umupo sa table nila. Hindi ko siya mapagsabihan ng maayos kasi nakapaligid sina Erin sa kanya.”

    Bumagsak ulit ang tingin ko na mabilis niya namang inangat.

    “Klare, please, I’m sorry? Takot na takot lang talaga ako.” Aniya.

    Napalunok ako at tiningnan ko ang takot na nakapaloob sa kanyang mga mata. I can’t believe I’m in love with this asshole. At ano ang ikinatatakot niya? Natatakot pala ang isang Elijah Montefalco?

    “Bakit ka natatakot?” Tanong ko.
    Nanlaki ang mga mata niya. Ikinagulat niya ang pagtatanong ko nito. “Natatakot akong malaman ng lahat ang tungkol sa nararamdaman ko parin para sa’yo…”

    What’s so scary about that? Hindi ba noon ay hindi ka naman natatakot, Elijah?

    “At sa oras na malaman ulit ng lahat at papapiliin ka kung ako ba o ang pamilya… natatakot akong sila parin ang pipiliin mo. Natatakot akong bibitawan mo parin ako. Natatakot akong wala parin akong halaga.” Nabasag ang boses niya.

    Kung kanina ay kinukurot lang ang puso ko, ngayon ay sinasaksak na ito. Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Hindi ako makahinga ng maayos. Nagtititigan kami pero sobra sobra akong nasaktan sa sinabi niya. Nasasaktan ako kasi natatakot siya sa maaaring gawin ko para sa aming dalawa. I hated myself for that. I’m so sorry, Elijah. Sorry dahil naparamdam ko sa’yo iyan. Sobra sobra siyang nasaktan nang pinili ko ang pamilya ko. Milagro na na bumalik pa siya nang mahal niya parin ako!

    “Elijah Riley, you are so wanted outside.” Humahalakhak na sinabi ni Azi habang papasok sa kitchen at agad namang bumalik sa kanyang dinaanan nang nakita kaming dalawa.

    Tumingin si Elijah sa gilid habang dinidinig si Azi.

    “Stay there, Azi. Babalik na ako ngayon.” Ani Elijah bago bumaling ulit sa akin.

    Sumipol si Azi. May alam ba si Azi? Siguro. Kung sa bagay ay nakita niya kung paano nag wala si Elijah noong nasa bahay kami. Elijah’s not that hard to figure out.

    May kinuha si Elijah sa kanyang bulsa. Huminga siya ng malalim at kinuha ang kamay ko. Kita kong isang kulay itim na box ang naroon na agad niyang nilagay sa kamay ko.

    “Ano ‘to?” Tanong ko.
    “Open it.” Aniya.

    Unti unti ko itong binuksan gamit ang nanginginig kong mga kamay. Hinawakan niya ang kamay ko upang matigil sa panginginig. I never thought I’d receive another gift from him again. Nalaglag ang panga ko sa nakita ko.

    “Bakit mo ako binibigyan ng regalo? Birthday m-mo naman?” Utas ko.
    “Coz I want you to wear me all the time, Klare.” Aniya.

    Binitiwan niya ang kamay ko. Kinunot ko ang noo ko habang tinititigan ang dalawang maliit na diamonds na nakalawit sa kulay gold na hoop earrings.

    “See you outside.” Aniya.

    Naramdaman ko ang mga titig niya sa akin habang hindi ko inaalis ang tingin ko sa binigay niyang hikaw. Nanginginig parin talaga ang kamay ko. Naaalala ko ang sinabi ni Pierre sa akin tungkol sa mga earrings. Surely, Elijah didn’t know about that. Ganun na siya pumili ng mga regalo. Madalas ay puro jewelries. This time, ito naman. Kinagat ko ang labi ko. Dammit!

    Natagalan ako sa bathroom. Milagro na nga’t hindi ako pinuntahan ni Pierre o ni Hendrix para hanapin. Inayos ko ang sarili ko at nilagay ko sa aking purse ang binigay ni Elijah. Naaalala ko ang mga mata niyang puno ng takot. Pinipiga ang damdamin ko tuwing ganon ang kanyang ekspresyon.

    Nang nagtungo na ako sa labas, nalaman ko kaagad kung bakit hindi nakatuon ang pansin ni Pierre o Hendrix sa akin.

    “Anong nangyari?” Bulong ko kay Erin na naiiyak.

    Kumalabog ang puso ko habang pinapanood ang medyo nabulabog na mga kaibigan namin. Nakita kong inaawat ni Hendrix si Selena. Magulo ang buhok ni Selena at ang isang pumps ay hindi niya na suot. Pinalibutan sila ng iba pang mga kaibigan nila samantalang sa kabilang dako naman, si Gwen ay pinapalibutan naman ng mga Montefalco. Mabilis ang paghinga ni Selena habang inaayos ang kanyang buhok. Si Gwen naman ay kalmado at mataray na tinitingnan si Selena.

    “Nagalit si Selena sa inasta ni Gwen kay Elijah.” Ani Erin.

    Hinanap ko kaagad si Elijah na naroon sa harap ni Gwen na para bang kinakausap siya.

    “Make her leave, Elijah!” Sigaw ni Selena.

    Kumalabog ang puso ko. Nagulat ako sa pagsigaw niya at sa amba niyang pagsugod ulit! Nakita kong nagulat si Gwen sa ginagawa ni Selena. Mabuti na lang at naroon si Rafael at si Hendrix na pinipigilan si Selena sa pag sugod.

    “Be sport, woman! Wala akong ginagawang masama. I didn’t kiss him or whatever! Those were friendly pics! You are the girlfriend. Dapat ay hindi ka naiinsecure! You ruined this party-“
    “Gwen, stop. Just stop-“
    “No, Elijah! Kita mo ito? That woman is a crazy bitch!” Pinakita ni Gwen ang kanyang braso.

    Lumapit si Claudette sa kanila. Sumunod na rin ako, I think Gwen should leave. Kahit na sabihin nating si Selena ang nauna ngunit bisita si Gwen rito. Kailangan niyang umalis!

    “Oh, bakit? Bakit? Hindi mo ba ako sinaktan pabalik?” Ipinakita naman ni Selena ang kanyang braso na may iilang pulang mga marka.

    Nakakatakot! I have never been hurt that way. Napatingin ako kay Elijah na mukhang naging problemado sa sitwasyon. May binubulong si Damon sa kanya habang si Josiah naman ay kinakausap si Gwen. Nakita ko ring kinakausap ni Azi si Ramon. Tumatango si Ramon at hinihila na si Gwen palayo ngunit ayaw ni Gwen umalis.

    “Sinaktan kita kasi sinaktan mo ako! You are one pathetic fucked up bitch!” Matalim na sinabi ni Gwen.

    Parang baril na kinalabit ay sumugod agad si Selena. Nakawala siya sa pagkakahawak ni Hendrix at Rafael. Mabilis siyang hinarangan nina Damon bago pa niya mapuruan ang natatakot na si Gwen.

    “Selena!” Sigaw ni Elijah na mukhang galit na galit.

    Narinig ko ang mura ni Azi nang natamaan siya sa sampal ni Selena. Napahawak si Azi sa kanyang mukha habang mabilis na kinaladkad ni Elijah si Selena palayo sa party.

    Natahimik ang lahat. Narinig ko ang hagulhol ni Gwen. Pinanood ko ang pag alis ni Elijah habang hinahawakan sa braso si Selena. Nilagay ko ang kamay ko sa bibig ko.

    “Damn bitch.” Dinig kong sigaw ng isang kaibigan ni Gwen.

    Nagbulong bulungan sila tungkol sa nangyari. Nakita ko si Hendrix at Pierre na nag uusap ng seryoso. Napatingin sila sa akin at sumenyas na aalis na kami nang bigla kong narinig ang boses ni Elijah.

    “Klare, I need your help.” Aniya.

    Nakita ko ang kanyang pagod na mukha. Nakababa ang isang butones sa kanyang polo. I’m sorry, Elijah. Sorry at ganito ang nangyari sa birthday mo. I feel so bad. Wala na nga akong regalo sa kanya, nagkagulo pa sa birthday niya. Pakiramdam ko ay responsable ako sa lahat ng nangyari. Pakiramdam ko ay responsibilidad kong pasiyahin siya ngunit nabigo ko siya ngayon.

    Tumango ako at mabilis na pumasok sa kanilang bahay. Sumunod ako sa kanya habang matikas siyang naglalakad. I can’t keep up with him. Halos tumakbo ako habang naglalakad siya paakyat sa kanilang bahay. Nakita kong pumasok ang kanilang katulong sa isang guest room na may dalang batya ng tubig ay tuwalya. Pumasok kami ni Elijah sa guestroom na iyon.

    “Elijah-” Naputol ang malambing na boses ni Selena nang nakita niya ako sa likod ni Elijah.

    Naka upo siya sa kama at pinipisil niya ang duguan niyang kamay. Hindi niya maalis ang tingin niya kay Elijah ngunit hindi na siya nag salita. Nasa harapan niya ang batya na mabilis kong nilapitan. Binasa ko ang tuwalya ng mainit na tubig na nasa batya at dahan-dahan kong diniin iyon sa sugatan niyang braso.

    “Klare, you’re not here to do that.” Sumenyas si Elijah sa katulong ngunit umiling ako.
    “I can do this, Elijah.” Sabi ko at ginawa pa ulit iyon.
    “Klare, stand up.” Aniya sa matigas na boses.
    “Elijah…” Banta ko.
    Bumuntong hininga siya at tumigil.

    Bago pa makapagsalita ulit si Elijah ay narinig ko na ang hikbi na nanggagaling kay Selena. Nag angat ako ng tingin. Halos hindi ko makita ang mga mata niya dahil natatabunan ito ng kanyang buhok.

    “Selena, dapat ay pinalagpas mo na lang si Gwen…” Ani Elijah.
    “Shut up, Elijah. You’ve been flirting too much today.” Mariin kong sinabi habang pinupunasan ang braso ni Selena.

    Hindi agad nakapagsalita si Elijah. Narinig ko ang mga yapak niya patungo sa akin. Naningkayad siya sa tabi ko at kitang kita ko ang titig niya sa akin sa gilid ng kanyang mga mata.

    Elijah should also stop flirting with me. Lalo na’t kaharap namin ang kanyang girlfriend. Binuksan niya ang kanyang bibig para magsalita. Pumikit ako at nag taas ng index finger.

    “Don’t start.” Sabi ko sabay tingin kay Selena. “Kabilang braso naman.”
    “I hate you.” Aniya.

    Natigilan ako. Hindi ko alam kung para sa akin ba iyong sinabi niya o para kay Elijah.

    “Don’t hate her, Selena.” Matigas na sinabi ni Elijah. “It’s all on me.”
    “I hate that you are protecting her, Ej. She doesn’t need the protection. May mga kapatid siya.”

    Kinagat ko ang labi ko. I shouldn’t be here, right? Hindi ko alam kung paano ako napapayag ni Elijah na sumama sa kanya rito.

    “I told you before, Selena.” Pagod na sinabi ni Elijah kay Selena.
    Tumango si Selena. Ngayon ay nakita ko na nang lubusan ang kanyang mga mata. Nang tingnan niya ako ay wala akong makita sa mga mata niya kundi ang hinanakit… sa akin. Lumunok ako at yumuko. Hindi ko alam ang istorya nila ni Elijah ngunit kilalang kilala ko ang taong mahal ko. Nasaktan niya si Selena sa lahat ng paraang pwede. Naiinis ako kay Elijah. Naiinis ako dahil masyado siyang naging makasarili.
    “I told you you’ll forget her, Ej. You never tried.” Hindi maitago ang tabang sa boses ni Selena.
    “I think I should leave.” Sabi ko sabay tayo.

    Mabilis na hinawakan ni Elijah ang kamay ko at pinigilan niya ako sa pag alis.

    “I can’t move on from her.” Ani Elijah.
    “Elijah, I should leave.” Matigas kong sinabi.
    “I want you to hear the whole damn thing, Klare.” Aniya.

    Narinig kong humikbi si Selena sa harap ko. I feel so guilty. This love is too destructive. Masyadong maraming nakaharang at nasasagasaan. Kung sana ay kaya kong turuan ang puso kong mag mahal ng iba, iyong walang hadlang. I guess I didn’t try hard enough.

    “I’m sorry Selena kung nasaktan man kita. Sorry dahil hindi ko nagawa ang gusto mo.” Nanginig ang boses ni Elijah.

    Naramdaman ko ang higpit ng hawak niya sa kamay ko. Lumapit siya ng bahagya sa umiiyak na si Selena.

    “Believe me, I tried my best to forget her. I wanted to forget her! Nasaktan niya ako. Siya lang ang makakasakit sa akin ng ganito kaya kinailangan kong malimot siya. God knows I tried! Pero nang nalaman ko ang nangyari sa kanya, hindi ko alam kung bakit galit na lang ang naramdaman ko para sa mga taong humadlang sa akin-“
    “H-Hindi…” Humagulhol si Selena. “Hindi mo na kailangang ipaaalala sa akin ‘yan, Ej. I remember the whole thing.”

    Kinagat ko ang labi ko. Gusto kong magsalita pero napagtanto kong masama na nga na nandito ako sa tabi nila, mas masama pa kung bubuksan ko ang bibig ko. I should keep quiet and they should just pretend that we’re not here.

    “Pero gusto kong umasa na makakalimutan mo siya. Gusto kong nandyan ako habang kinakalimutan mo siya.” Tumango si Selena habang bumubuhos ang kanyang luha.

    Tumayo si Elijah at binitiwan ang kamay ko. Tumikhim siya at hinarap si Selena.

    “You will leave for Davao tomorrow. Alam ko ang kahihinatnan ng ginawa kong ito. The Montefalcos will resent Klare for this again. They will resent me, too. At ang tanging pag asa ko na lang ay hindi niya ako bitawan kahit anong mangyari. I will understand if you-“
    “No-” Umiling si Selena at nag angat ng tingin kay Elijah. “No, Ej.” Basag ang kanyang boses at sumulyap siya sa akin.

    Kumunot ang noo ni Elijah sa sinabi ni Selena. Bahagya akong umatras sa kanilang dalawa. Damn! Dapat ay wala talaga ako dito, e.

    “You can have your own happy ending, okay? I will not tell them about our relationship.” Umiling si Selena at pagod na ngumisi. “Pagkaalis ko ng Davao next month, we can pretend that we’re still on. I can pretend that we still have a relationship-“
    “Selena, don’t do this-“
    “I want to do this. Let me do this. Okay? Aalis ako bukas nang walang bahid na iyak sa mukha. Pero sa oras na nakabalik na ako sa New York, please don’t contact me anymore? I can help you both. I can pretend. And you two can keep your secret. We can pretend to be in a Long Distance Relationship, Ej.”

    Nadurog ang puso ko sa offer ni Selena. Elijah is a freaking ass. I hate him so much right now! Nakasakit siya ng isang babaeng tunay na nagmamahal sa kanya. I hated him to the depths of hell!

    “We don’t have a secret, Selena.” Sabi ko at mabilis akong umalis sa kwarto. Pinigilan ako ni Elijah ngunit nakawala ako sa mga kamay niya. Damn, asshole!

  • Kabanata 21Open or Close

    Kabanata 21
    Unwanted

    Ayokong nakakasakit ng ibang tao. Ayaw kong may tinatapakan kaming dalawa ni Elijah sa relasyon na ito pero natitibag na ng pagmamahal na ito ang mga prinsipyo ko. Takot na takot na rin akong mawala siya ulit. Takot na takot na akong isugal siya para sa kahit na ano.

    Nagpatuloy ako sa paglalakad palabas nang mabilis niyang hinila ang braso ko. Nanlaki ang mga mata ko nang inipit niya ang pulso ko sa dingding at ang kabilang kamay niya ay bumagsak malapit sa mukha ko.

    “I’m desperate, Klare. You run again, I’ll chase you down. Wala akong pakealam kung malaman ng mga magulang natin ang nangyayari. Let’s decide. Alin sa dalawang desisyon ang gusto mo, you run away or we’ll do this pretend thing.” Seryoso ang kanyang tono.

    Sobrang lapit niya na sa mukha ko. Nalalasing ako sa titig niya at hindi ako makapag isip ng tama. Mabuti na lang at nasa labas halos lahat ng tao at medyo nagkakagulo parin, kung hindi ay baka may makakita na sa aming dalawa. Nag iwas ako ng tingin kay Elijah. Nanikip ang dibdib ko. Hindi ko siya kayang tingnan nang nahihirapan.

    Totoong ayaw kong may nahihirapan para sa amin pero kinakain ako ng takot kong mawala ulit siya sa akin. I hate him for that and I hate myself for thinking that it’s okay. That it’s okay to pretend.

    Hinawakan ko ang kanyang braso. Kitang kita ko ang panginginig ng kamay ko habang nagtutungo ito sa mainit niyang bisig. Huminga siya ng malalim habang tinitingnan ang kamay kong hinahaplos ang kanyang braso. I miss him. I miss him so much. I can’t afford to lose him again.

    “Baby, stop clouding my mind. Let’s decide now.” Mahinahon niyang sinabi na tumunaw sa lahat ng kakayahan kong mag isip ng matino.
    “I don’t know what to do.” Inamin ko sa kanya.

    I am torn. Always torn between him and my family. At natatakot ako sa aking sarili ngayon dahil mas nangingibabaw sa akin ang pagmamahal ko sa kanya.

    “Tell mo more, Klare.” Malambing niyang sinabi at inilapit niya ang katawan niya sa akin.

    Dammit! Wala na akong masabi! Naghuhuramentado na ang buong sistema ko. Gusto ko na lang siyang yakapin ng sobrang higpit at huwag na siyang pakawalan ulit. Gusto kong ikulong siya sa aking braso hanggang sa mapagod ako.

    Nag iwas ako ng tingin sa kanyang mabibigat na mata. Binitiwan ko ang braso niya ngunit bago pa bumagsak ang kamay ko ay hinawakan niya na ito at hinalikan. Pinipiga ang puso ko sa tuwa. Is it possible? To get hurt while you are happy?

    “We’ll have it your way, Klare.” Ani Elijah.
    Umiling ako. “I can’t run.”
    “Uh-huh…” Malambing niyang sinabi habang hinahalikan ulit ang likod ng kamay ko.

    Alam kong nakadungaw siya sa akin. Nakatingin lang ako sa dibdib niya. Hindi ko maangat ang tingin ko. Natatakot akong mahalikan ko siya at may makakita sa aming dalawa.

    “What to do now?” Bulong niya sa akin.
    Tumindig ang balahibo ko sa bulong niya. “We’ll… We’ll buy our time, Elijah.” Sabi ko.
    “Yes, baby, we will.” Aniya. “If you want me to back off, I will. If you want me to pretend that we’re cool and we’re friends, I will. We’ll buy our time. We’ll take this slow. I don’t want to lose you again.”

    Nagulat ako sa sinabi niya. Malayong malayo sa Elijah noon na walang pakealam kung may makahalata sa aming dalawa. Mas maingat na siya ngayon. Kaya siguro nang dumating siya dito galing New York ay halos mapaniwala akong totoong naka move on na siya. He’s trying real hard to suppress his feelings. At ngayon mas lalo pa naming itatago ito. Ngayong aalis si Selena at maiiwan si Elijah, lahat ng mga mata ay sa aming dalawa ulit. Maghihintay na naman sila kung sino ang unang gagalaw sa aming dalawa, kung sino ulit ang lalagpas sa linyang kami na rin mismo ang gumuhit.

    Ganong takot ang naibigay ko kay Elijah kaya ngayon ay kaya niya ng magsakripisyo at magkimkim ng nararamdaman. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o malungkot.

    “Okay.” Iyon lang ang tangi kong nasabi.

    Ayaw ko sa ideya ngunit iyon lang ang kaya kong sabihin sa ngayon. We needed this. Kailangan namin ng panahon bago namin aminin sa mga magulang namin ang lahat. Kailangan ko ring ipaintindi ang mga pinsan ko. Kailangang maintindihan kami ng pamilya namin.

    “Thank you.” Buntong hininga niya.

    Nag angat ako ng tingin. Nakita ko ang mga mata niyang punong puno ng emosyon habang tinititigan ako. Sa kauna unahang pagkakataon simula nang umalis siya at nagkalayo kami, pakiramdam ko ay nasa tamang lugar ako. I feel at peace in his arms. I feel at home with his gaze.

    “Klare, we need to go.”

    Pareho kaming napatalon nang narinig namin ang boses ng kapatid ko. Nakahalukipkip si Pierre at nakataas noo habang tinitingnan ang posisyon namin ni Elijah. Kinalas ni Elijah ang kanyang mga kamay na ang kukulong sa akin sa dingding. Umatras siya ng bahagya at tumango naman ako kay Pierre.

    Naglakad ako patungo sa kapatid ko. Ni hindi ako tiningnan ni Pierre. Nanatili ang kanyang titig kay Elijah. Hinila ko ang braso niya para lang makaalis kami doon.

    Nasa loob ako ng sasakyan namin habang tinitingnan ko ang regalo ni Elijah sa akin. He’s probably innocent. Wala siyang alam tungkol sa meaning ng hikaw. Should I wear this? Ngumiti ako. I will allow myself to be happy. Just for this night. Even just for tonight. Kahit na maraming masamang nangyari ay nagawa ko paring mapangiti. Iyon ang nagagawa ni Elijah sa akin.

    Naisip ko si Selena. Naisip ko ulit kung paano pag wala ako. Paano kung wala ako dito, mamahalin niya kaya si Selena? Nagseselos ako tuwing naiisip ko iyon. Kahit na may karapatan naman talaga siyang magmahal ng iba ay hindi ko kakayanin iyon. He liked her. Kinagat ko ang labi ko. Then again, I liked Vaughn too. But I’m pretty sure I can’t love him the way I loved Elijah. Siguro ay pareho kami ng nararamdaman ni Elijah. Siguro ay pareho naming niloko ang aming sarili para lang makalimutan ang isa’t-isa.

    “What’s that?” Kinuha agad ni Pierre ang box na nasa kamay ko.
    Mabilis ko itong binawi. Laglag ang panga niya habang tinitingan ang box na nasa kamay ko ulit.
    “Sinong nagbigay niyan?” Aniya.
    “Ano ‘yan?” Tanong ni Hendrix habang nag dadrive. “Regalo? Who else, then? Tss.”

    Tinitigan ako ni Pierre. Nag iwas ako ng tingin sa kanya. I know what he’s thinking pero hindi ko naman alam kung iyon din ba ang nasa isip ni Elijah. Maybe I should just keep this. I can’t wear it. Aabangan ako ni Pierre araw-araw kung susuotin ko ito.

    Sa sumunod na mga araw ay mas naging magaan ang loob ko. Narinig ko kay Pierre na umalis na daw si Selena at nag tungo na sa Davao.

    Wala akong sinasabi sa dalawa ngunit pakiramdam ko ay alam nila kung ano ang pinaplano namin ni Elijah. Nagpapasalamat ako at hindi sila gaanong nagtatanong tungkol doon. Kahit na madalas ay tinititigan nila ang bawat galaw ko, mas mabuti na iyon kesa sa babatuhin ako ng mga tanong na ako mismo ay walang sagot.

    Nagbabasa ako ng magazine sa sala nang biglang sumalampak si Pierre sa sofa at humugot ng malalim na hininga. Kumunot ang noo ko sa kanya.

    Narinig ko sa likod si Hendrix na may kausap sa cellphone. Siguro ay si papa ang kausap niya.

    “Yes, dad…” Aniya. “Hindi ba talaga pwede?” Mahinahon niyang sinabi. “I know… I know…” Napatingin si Hendrix sa akin.
    “Anong meron, Pierre?” Tanong ko sa kapatid kong umirap.
    “Ama wants us there.” Umirap ulit siya.
    Tumango ako at kinagat ko ang labi ko. “Tatlong linggo na lang pasukan na, a?”
    “Kaya nga. Nalaman niya na sa Cagayan de Oro kami nagpalipas ng summer kaya ngayon binabawi niya na kami. She wants us in her ancestral house.” Umirap pa ulit siya.
    Napangiti ako sa kanyang pagsusuplado. “You hate Davao now?” Nagtaas ako ng kilay.
    Nagkasalubong ang kilay niya. “No, I don’t. I just… hate not being here.” Lumiit ang boses niya sa huling sinabi.

    Tumigil si Hendrix sa pagsasalita. Hudyat iyon na tapos na ang usapan nila ni papa. Alam ko na agad kung ano ang gagawin ko. Sasabihin ko na sana kay Hendrix nang biglang nagpakita si Vaughn, Jack, at ilan pang kaibigan nila sa aming pintuan.

    Nakipag high five si Hendrix sa kanila. Tumayo si Pierre at ganon din ang ginawa. Nag asaran sila hanggang sa bumaling ulit si Hendrix sa akin. Hinintay ko ang kanyang pagsasalita nang biglang tumabi si Vaughn sa akin sa sofa.

    “Missed you, Klarey!” Sabay kurot niya sa ilong ko.
    Ngumiti ako sa kanya ngunit hindi ko parin maalis ang bagabag sa aking sistema dahil sa balitang dumating. Bumaling ako kay Hendrix para magsalita ngunit naunahan niya ako.
    “Will you be fine alone here?” Aniya. “For a month?”
    Ngumiti ako. “Huwag mong kalimutang may bahay pa ako downtown. I can always be with my family, Hendrix, while you’re gone.”
    “What gone? Saan kayo pupunta, Hendrix?” Tanong ni Vaughn.
    “Pinapauwi kami ng Davao, Vaughn.” Aniya.
    “Ano? Bakit naman? Isasama niyo ba si Klare?” Sumulyap si Vaughn sa akin.
    Umiling ako. “Nope. Sila lang.”
    “Bakit parang masaya ka?” Naiiritang sinabi ni Pierre.
    Kumunot ang noo ko sa kanya. “I’m not happy. I’m just stating a fact, Pierre.”
    Nanliit ang mga mata niya. “Can I stay, Kuya?”
    “Bakit hindi kasama si Klare?” Tanong ni Vaughn. “Not that I want her to go, pero ba’t di siya kasama?”

    Bumagsak ang tingin ko. Yes, I’m probably happy that I won’t be going with them. Hindi ako masaya na mawawalay ako sa kanila ngunit alam kong mas malulungkot ako kung sumama ako. Isang taon ang nakalipas, sinubukan akong ipakilala ni papa sa Ama o Lola nina Pierre at Hendrix. Isang restaurant sa Davao ang pinasarado ni papa sa araw na iyon para lang maging eksklusibo para sa amin ngunit sa malayo pa lang, nang nakita niya ako, ay mabilis siyang bumalik sa sasakyan.

    “Back off, Vaughn. Klare will stay. Dad’s orders.” Ani Hendrix.
    Tumango si Vaughn at ngumisi. “Pwede naman kaming mag bonding kahit wala kayo, diba? Pwede parin kaming bumisita?”
    “Of course, Vaughn.” Sabi ko. “Kaya lang sa Montefalco Building na siguro muna ako tutuloy. This house is cold without them.”
    “We’ll make it warm.” Halakhak niya.
    “Try, Vaughn.” Seryosong sinabi ni Hendrix.
    Natawa ako. Alam kong nagbibiro lang si Vaughn. Tumawa rin si Vaughn at inasar si Hendrix.

    Ayaw ng Lola nila na sa akin. Iyon ang alam ko. Hindi na rin sumubok si papa na ipakilala ulit ako sa kanya. Ang sabi niya ay hindi ko na kailangan ng dagdag sa stress. Tingin ko naman ay magiging malupit ang Lola sa akin. I know coz I’ve seen the looks of their other relatives faces. They didn’t like me. They were all cold and terrifying. Alam kong kailangan ko silang harapin balang araw, ngunit sa panahong iyon ay minabuti kong manahimik. Wala pa akong lakas na harapin sila noon.

    “Gusto mo bang, err, dalhin ang ibang gamit mo sa Montefalco Building?” Tanong ni Hendrix.
    “‘Yong iba siguro. ‘Yong madalas kong sinusuot. Kailan ang alis niyo?”
    “Tomorrow morning.” Tikhim niya. “Eroplano.”
    Tumango ako at naintindihan na kailangan ko na ring mag alsabalutan. I can’t stand this house without them. I needed a warm place to stay. Miss na miss ko na rin sina mommy at daddy. Ilang beses na nila akong sinabihan na sa bahay tumuloy ngunit palagi kong tinatanggihan dahil halos araw-araw naman akong naroon.

    Tumunog ang cellphone ko habang nag liligpit ng gamit sa kwarto. Pumasok si Hendrix at tinulungan akong buksan ang luggage ko. Pumasok rin si Vaughn at humiga sa kama.

    “First time ko itong makapasok sa kwarto ni Klare.” Ani Vaughn at nakangisi siyang nakatingin kay Hendrix.
    I can only imagine Hendrix face.

    “Hello?” Sagot ko kay papa sa cellphone.
    “Klare, I’m sorry.” Bigo ang kanyang tono. “Gusto sana kitang papuntahin dito sa Davao. Let you stay somewhere else. But I figured you’d be lonely without your brothers.”
    “Okay lang, pa. I’ll stay here. Kina mommy na lang muna ako. Besides, I miss them.” Gusto kong magtiwala siya sa aking magiging maayos ako.
    “I’m really sorry. Dito ka sana sa bahay pero pupunta rin si Mama dito. She’ll see you and I don’t want her to hurt you.”

    I understand that he’s just protecting me. Paano ko siya kukumbinsihin na maayos ako sa desisyon niyang ito. There is nothing to worry about me. I’ll miss my brothers but surely, I can live without them.

    “It’s okay, pa. I’m fine here. Gusto ko rin dito, e. Kailangan rin nina Hendrix at Pierre na makipagbonding sa mga Ty. Masyado na silang dumidikit sa akin.” Halakhak ko.
    Narinig ko rin ang halakhak ni papa sa kabilang linya. Guminhawa ang pakiramdam ko nang narinig ko siyang tumawa.
    “Okay, Klare. You take care. I’ll call your mom and dad tomorrow. Ayaw ko talagang iwan ka sa kanila… pero wala akong magagawa.”
    “Yes, pa.”

    As much as I want to be wanted, I’m still the unwanted child for their family. Nagsisinungaling ako kung sasabihin kong sapat na sa akin na tanggapin ako nina papa at ng mga kapatid ko. I also want to know more about my lola. But if she wouldn’t let me, I won’t force her.

    “Is this all?” Tanong ni Hendrix habang nilalagay ang ilang sapatos ko sa luggage ko.
    Tumango ako at binaba ang cellphone. “Thanks, Rix.”

    “Klare, skate tayo sa labas? Kelan ka aalis?” Tanong ni Vaughn habang umuupo sa kama ko.
    Napatingin ako kay Hendrix. “I’ll give you an hour, Vaughn.”
    “Yes!” Sigaw ni Vaughn sabay kuha sa skateboard ko.

    I think I’ll bring my skateboard too.

  • Kabanata 22Open or Close

    Kabanata 22

    All In

    Masayang masaya sina mommy at daddy nang nalaman nilang sa kanila muna ako titira hanggat wala pa sina Pierre at Hendrix. Sa sobrang saya nila nang tinawagan ko sila ay nagawa pa nilang anyayahan sina Pierre at Hendrix sa bahay naming sa gabing iyon.

    “Dahan dahan, a?” Sabi ni Hendrix nang lumabas kami ni Vaughn para mag skateboard.

    “Okay lang wa’g siyang magdahan-dahan. Sasaluhin ko naman siya pag nahulog.” Humagalpak si Vaugn sa tawa.

    Umiling ako at ngumisi sa mukha ni Hendrix na hindi malaman kung iritado o papatay nang tao.

    Kung makapagbiro naman kasi si Vaughn ay walang preno. Madalas ay binabalaan ako ni Hendrix na huwag masyadong maging malapit sa kanya. Naiisip ko tuloy kung nagiging protective si Hendrix sa akin o sadyang kilalang playboy lang si Vaughn kaya nag aalala siya para sa akin.

    “Huwag mo masyado biruin si Hendrix, baka mag away kayo.” Sabi ko nang nakalayo na ako at nakahabol siya.

    Tumatawa parin siya at hinihingal sa paghahabol sa akin. “Ayos lang ‘yon. Di naman ako nagbibiro.”

    Tumigil ako sa pag s-skateboard at napatingin ako sa kanya. Ayokong maging assuming pero nararamdaman kong pumuporma siya sa akin. Nagdasal ako na sana ay nagbibiro na lang siya. Na sana ay totoong playboy na lang siya dahil sa ngayon ay wala akong maisusukli sa nararamdaman niya para sa akin kung meron man.

    Tumawa siya at tinuro niya ang mukha ko. “You’re so funny, Klare.”

    Ngumuso ako. Nagbibiro siya, diba? “Huwag ka ngang mag biro ng ganyan, Vaughn.” Sabi ko.

    Sinakyan ko ulit ang skateboard. Pagkasakay ko ay bigla niyang hinawakan ang kamay ko para alalayan ako kahit na maayos naman ang pagkakasakay ko. Hindi naman ako mahuhulog.

    Napatingin ako sa kamay naming dalawa. Napatingin ako sa nakangisi niyang mukha. Bago ko pa mabitiwan ang kamay niya ay napatalon na kami sa ingay ng bosina sa harap naming dalawa. Mabilis kong tinanggal ang kamay ko sa kamay niya nang namukhaan ang sasakyan at nakilala ang plate number. Halos makita ko ang mukha ni Elijah nag alit sa tinted nitong salamin.

    Why is he here?

    Unang lumabas ang nasa front seat na si Azi, sumunod si Chanel na nasa likod. Anong meron?

    “Hi!” Bati ni Chanel sabay beso sa akin. “Narinig naming na uuwi ka?”

    Nagulat ako dahil sa binalita ni Chanel. Napatingin pa siya kay Vaughn at nginitian niya ito. Humalukipkip naman si Azi habang tinitingnan si Vaughn.

    “Yup. Uh, pano niyo nalaman?” Tanong ko.

    “Si tita kasi.” Paliwanag ni Chanel at medyo bumusangot ang kanyang mukha.

    Sinuklay niya ang kanyang buhok gamit ang kanyang daliri at pinaglaruan niya ito. Hinintay kong dagdagan niya ang salita niya.

    “Pinagpaalam kasi kita kay Tita na pumunta tayo ng Foam Party sa Lifestyle kanina. Tapos sinabi niya okay lang daw kasi sa bahay ka daw nila matutulog for the mean time ngayong wala ang mga kapatid mo? Mamaya pa ‘yong 10pm. Tapos gusto ni Erin na kung sana ay mga alas sais ay nasa bahay na ninyo tayo para makapag bonding.” Suminghap siya.

    Tumango ako.

    “Nandito kami para…”

    Natigil siya nang bumagsak ang pintuan ng sasakyan sa driver’s seat hudyat na lumabas na si Elijah. Naka wayfarers siya at humalukipkip sa gilid ng kanyang Chevy para panoorin kami. Kumalabog agad ang puso ko. Dammit! Bakit ganon? Hindi ko talaga maintindihan ang nararamdaman ko.

    “…para sana sunduin ka. Kasi baka mamaya ka pa ihatid ng mga kapatid mo.” Ani Chanel.

    Tumango ako. “Ngayon nila ako ihahatid. Binigyan lang ako ng isang oras para magskate board.”

    “We still have 30 minutes, Klare.” Ani Vaughn sa likod ko.

    Umayos sa pagkakatayo si Elijah at lumapit sa amin. Habang papalapit siya ay parang tambol ang puso kong kumakalabog. Damn! Ganito ba talaga palagi? Tuwing lalapit siya sa akin ay maghuhuramentado ba talaga ako palagi? Sana hindi. I want to be comfortable with him too. This feeling is driving me insane!

    “May gamit ka bang dadalhin?” Malamig niyang tanong sa akin.

    Hindi ako makatingin sa mata niyang natatabunan ng wayfarers. Nahihiya ako. “Meron. Nasa loob.” Tumalikod ako dahil hindi ko kaya ang bigat ng naghuhuramentado kong sistema.

    “I’ll get it for you.” Aniya.

    Mabilis akong lumakad pabalik ng bahay. Sumunod naman si Azi. Narinig kong nag offer si Chanel kay Elijah na ilalapit niya ang sasakyan sa bahay namin. Pumayag si Elijah at binigay ang kanyang susi kay Chanel. Kasabay ko sa paglalakad si Vaughn na may dala ng skateboard ko at si Azi na bumubulong sa akin.

    “Kakagaling niya pang Surigao. Pagod ‘yan. Don’t push his buttons. Or make someone else push his buttons. We don’t want a mad ape for today-“

    “Anong sinasabi mo, Azi?” Malamig na utas ni Elijah sa likod namin.

    Hindi ako nagsalita. Hindi ko alam kung may alam ba si Azi o sadyang nahahalata na kami ni Elijah. Kung may alam man siya, mapagkakatiwalaan ko naman siguro ang isang ‘to. Hindi kasi ako naniniwalang nakakaramdam siya. Kasi alam kong manhid siya noon pa.

    “Klare, am I going to spend the last 30 minutes saying goodbye?” Humalakkhak si Vaughn.

    Ngumiti ako at pumasok sa bahay. Nakita kong nagulat si Pierre sa presensya ng mga pinsan ko. Tinawag niya agad si Hendrix kaya lumabas ang kapatid ko.

    Tinanggal ni Elijah ang kanyang wayfarers nang pumasok siya sa bahay namin at dumiretso kay Hendrix. Tinapik siya sa likod ni Hendrix at binati.

    “Sinabi ni tita na sa Montefalco Building daw muna si Klare ngayon.” Ani Elijah.

    Seryoso ang tono ng boses niya. Buong buo at matikas. Bakit kaya manghang mangha ako sa mga bawat galaw niya kahit gaano iyon kaliit?

    “Alam ko. Tumawag rin siya sa akin. Ihahatid namin siya ngayon.” Ani Hendrix.

    Tumango si Elijah at nagkibit balikat. “Kunin ko ang bagahe niya para ihatid don. In case na matatagalan pa kayo. Papunta rin kasi kami ng mga pinsan ko doon.”

    “Hindi. Ihahatid na namin siya ngayon. Sorry, can’t let her ride with you. At least give us that time, Elijah.” Ani Hendrix.

    Uminit ang pisngi ko sa sinabi ng kapatid ko. Kung makapagsalita sila ay para bang napaka importante ko at ayaw nilang mawalay ako sa kanila. Nakakahiya! Gusto kong magtago sa hiya.

    “No problem. I’m taking her luggage. Just make sure you’ll take her there. Naiintindihan ko. I’ll have her later.” Ani Elijah at tumalikod kay Hendrix para kunin ang luggage ko.

    Halos tumakbo ako para magtago dahil sa sinabi niya. Hindi man lang siya sumulyap sa akin. Medyo seryoso siyang umalis at sinama niya si Azi. Iniwan niya kaming tahimik sa loob ng bahay. May lumitaw na ngiti sa labi ni Hendrix at sinulyapan niya si Pierre na nakasimangot.

    “Let’s go, bro. Ihahatid pa natin si Klare.” Aniya sabay tulak sa likod ni Pierre.

    “Okay. Whatever.” Ani Pierre at sumunod sa kuya niya.

    “Sama kami!” Ani Jack.

    Hinayaan ni Pierre at Hendrix na sumama ang mga kaibigan nila. Kung sabagay ay boring ang bahay pag wala ang dalawa kaya sumama sila sa paghahatid sa akin. Kandong ko ang skateboard sa loob ng sasakyan ni Hendrix. Sa harap namin ay ang sasakyan ni Elijah.

    “Your cousins are tight.” Ani Vaughn. “Punta kayo mamaya sa foam party?”

    “Most probably.” Sagot ko.

    “Paparty ka mamaya, Klare?” Medyo iritadong tanong ni Pierre.

    “Yup.” Tumango ako sa kanya.

    Tumaas ang kanyang kilay. “Huwag masyado. I don’t like party girls.” Aniya.

    “I’m not a party girl, Pierre. ‘Yong mga pinsan ko siguro.”

    Hindi siya tumigil sa pagtitig sa akin. Kumunot ang noo ko sa titig niyang nagtatagal. Umiling siya at tumingin sa labas pagkatapos ng ilang sandal. He’s weird. We’ll, he’s always like that.

    “Ilang araw ba kayo sa Davao, Hendrix?” Tanong ni mommy sa kapatid ko nang nakapasok na kami sa bahay.

    Nagulat ako kasi walang pag aalinlangang pinapasok ni mommy ang dalawa kong kapatid na si Pierre at Hendrix. Sa sobrang saya niya ay medyo gumaan ang loob niya sa dalawa. Naroon si Elijah, Azi, Claudette, Josiah, at Chanel sa aming sofa, kumakain ng fries na niluto ni mommy.

    “Higit isang buwan po.” Pormal na sagot ni Hendrix.

    Binuksan ni mommy ang kanyang bibig upang makapagsalita pa ngunit tinikom niya ulit ito. Ano kaya ang sasabihin niya at bakit nagbago ang isip niya?

    “I’m so glad you’re here, Klare.” Aniya sabay yakap sa akin.

    Ngumiti ako at niyakap siya pabalik.

    “Dito na lang kayo mag dinner, Pierre at Hendrix.” Ani daddy na nasa likod ni mommy.

    “Hindi na po, tito. Naghihintay rin po ang mga kaibigan naming sa labas.” Sabi ni Hendrix.

    “Oh? Papasukin niyo dito para dito na mag dinner.” Ani daddy at sumenyas sa aming katulong.

    Nilingon ni Hendrix si Pierre na medyo nakasimangot parin. “Call Jack, Vaughn, and Andrei, Pierre.”

    Tumango si Pierre at tumalikod para tawagan ang tatlo nilang kaibigan.

    Kinagat ko ang labi ko nang nakitang nag aayos na si manang ng hapag. Hindi kami magkakasya sa dining table namin. Narealize kong baka nga hindi na muna kakain ang mga pinsan ko kasi hindi pa naman sila kumpleto. Binilang ko ang mga platong nilapag ni manang at nakitang pito lang ang nilagay niya. May tinanong si daddy kay Hendrix atsaka niya pa lang dinagdagan ng tatlo.

    “Mauna na kaming kumain, Dette? Sa roofdeck ba kayo kakain? Pinag order ko na kayo ng pagkain at pinagluto nong request ni Erin.” Ani mommy. “Is she okay, by the way?”

    Kumunot ang noo ko at napatingin kay mommy. “Ba’t mom? Anong nangyari kay Erin?”

    Ngumiti si mommy sa akin. “Broken hearted daw?”

    My jaw dropped. Broken hearted? Hindi ko alam kung anong meron kay Erin at Eion. Hindi ako sigurado kung sila na ba ngunit kung sila na nga ay natapos na ito ngayon. Gusto kong magtanong pa ngunit pumipigil sa akin ang katotohanang medyo hindi maganda ang posisyon ko upang magtanong dahil may nakaraan kami ni Eion.

    Nagkatagpo ang tingin naming ni Elijah. Pinapanood niya ako habang naglalakad at umuupo sa hapagkainan. He should stop staring at me. Sinubukan kong tumulong kay manang sa paglalagay ng kutsara ngunit tuwing naabutan ko si Elijah na nakatingin sa akin ay nabibitiwan ko ang kutsara.

    Napatingin ako kay Pierre na nakatitig sa flastcreen namin at kay Hendrix na may kausap sa cellphone. Sumulyap ulit ako kay Elijah at pumikit nang padarag kong nabitiwan ang tinidor at bumagsak ito sa sahig. Fuck!

    Sumulyap pa ulit ako ng isang beses sa kanya at nakita kong naglaro ang ngiti sa kanyang labi. Hinawakan niya ang kanyang labi para siguro mapigilan ang tuluyang pag ngisi. Dammit! Why am I suddenly being clumsy?

    Kinuha ko ang baso para ilagay ulit sa tabi ng mga plato ngunit tinanggihan ako ni manang.

    “Baka maubos ang baso natin, Klare. Umupo ka na lang.” Aniya.

    Mas lalong lumaki ang ngisi ni Elijah kaya napa upo ako habang humahataw ang puso ko. Damn, asshole! Lutang na lutang ako habang nakaupo. Lumabas si Charles sa kanyang kwarto at hinalikan niya ako sa pisngi.

    “Am I going to see you more this time? I miss your morning face, ate.” Ngumisi si Charles.

    “I don’t miss my morning face, Charles. I hate my morning face.” Ngisi ko.

    Sumimangot siya at umupo sa harap ko. Tinitigan niya ako. Nginitian ko naman ang gwapong kapatid ko. Sa mga lalaking Montefalco ay siya lang ang medyo chinito. Kahit ganon ay lumilitaw parin ang pagiging Montefalco ng kanyang katawan at bone structure.

    “Wala ng mga tissue, manang? Naku! Kailangang mag grocery. Pano na ‘yan?” Dinig ko si mommy sa kusina.

    Ilang sandal ang nakalipas ay pumasok sina Vaughn, Jack, at ang isa pa nilang kaibigan. Nahihiya si Jack nang nakita niyang naroon ang mga pinsan ko. Panay tawanan pa sina Josiah at Azi sa isang commercial na nagpapakita ng sexy’ng babae.

    “Meet the parents ba, Vaughn?” Dinig kong sinabi ni Jack nang lumapit sila sa hapagkainan.

    Napatingin sila kay Hendrix na hindi masyadong masaya sa narinig kay Jack. Nakatayo sila sa gilid ko kaya inanyayahan ko silang umupo. Tinuro ni Pierre ang mga pinsan ko, umiling ako at sinabi kong mamaya pa sila.

    Umupo silang lahat bago lumabas si mommy at daddy galling sa kitchen. Nakangisi si daddy habang nagbibuiruan sina Jack.

    “Eto po ang mga kaibigan ko na naging kaibigan na rin ni Klare, tita. Ito si Jack, Andrei, at si Vaughn.” Ani Hendrix.

    “Nice meeting you. Salamat sa pag aalaga sa anak ko habang nasa kanila.” Ngiti ni mommy isa isa sa kanila.

    “My pleasure.” Sagot naman ni Vaughn.

    Nakita kong nag igting ang panga ni Elijah habang mariing nakatingin sa TV. I know he’s suppressing his feelings right now. I hope we can really do this. I need us to buy more time. Siguro ay mabuti na rin na nasa poder ako nina mommy at daddy ngayon at mailalakad ko ang tungkol sa amin ni Elijah ng mas mabilis. I should plan about that one but right now, I’m in a very problematic situation. I don’t want to make this hard for Elijah.

    “Ganon? Salamat talaga sa inyo.” Ani mommy nang nakatingin kay Vaughn.

    Hindi mapigilan ni Jack at Andrei na tumawa at kantyawan si Vaughn sa sinabi. Tumawa rin si Vaughn kasama nila. Umiling ako at pinagmasdan silang hindi magkamayaw sa kakatawa.

    “Shhh. Nakakahiya kina tita at tito.” Saway ni Hendrix saka pa lang sila medyo tumahimik.

    “Bakit? May nanliligaw ba dito sa anak namin?” Nagtaas ng kilay si mommy.

    “Sana ay wala?” Nakangiting sinabi ni Daddy.

    “This is worse than the Tys, eh?” Hagalpak ni Andrei.

    “Siya po, o!” Sabay turo nila kay Vaughn.

    “Hala, hindi ah!?” Sabi ko sa kaba. “Hindi naman nanliligaw si Vaughn.”

    Tumawa si Vaughn. “Kayo talaga! Huwag kayong ganyan. Let’s just eat, I guess.”

    Salamat naman at medyo hindi agresibo si Vaughn dito. I can see that Hendrix isn’t pleased. Wala namang imik si Pierre. Pinagmamasdan niya lang akong mabuti. Si Charles ay pinagmamasdan sina Vaughn ng nagtataka.

    “Kung manliligaw po ba ako, pwede po ba?” Sa gitna ng katahimikan ay biglang nagtanong si Vaughn.

    Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang mapangahas na tanong. Hindi ko inaasahan na sasabihin niya iyon sa harap nina mommy at daddy. Mas lalong hindi ko inaasahan na kaya niya iyong sabihin ng seryoso!

    “Vaughn!” Ani Hendrix na mukhang galit na.

    Ngumisi si mommy at napatingin kay daddy. Hindi ko naman malaman kung saan nakatingin si daddy, kung kay Pierre ba na nasa kabilang dulo o lagpas doon at sa mga pinsan ko na.

    Kumalabog ang puso ko sa maaaring sabihin ni daddy. Will he throw them out? Because I’m sure Charles and Hendrix didn’t like it!

    “I’m not going to lie but I don’t like the idea.” Maarteng sinabi ni Charles sabay tingin sa akin.

    “Manliligaw lang naman. It will all depend on Klare sa huli.” Ani daddy at uminom ng tubig.

    Sa huli ay sumulyap ako kay Elijah sa gitna ng nag uusap kong mga pinsan. Nag taas siya ng kilay sa akin at may pinindot sa kanyang cellphone. Sino ang ka text niya?

    Bago pa ako makapag isip ng kung anu-ano ay naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko sa aking bulsa. Dahan dahan koi tong nilabas at tiningnan sa ilalim ng mesa. May nakita akong isang number na wala sa contacts. Naghuramentado ulit ang sistema ko lalo na nang nabasa ko ang mensahe.

    Unknown number:

    Well I don’t mind a little competition. I’m not gonna fold. I’m all in. Kahit tagilid, Klare. I’m all in.

  • Kabanata 23Open or Close

    Kabanata 23
    Seduce

    Nangatog ang kamay ko nang nilagay ko ulit ang cellphone ko sa bulsa. I know it’s Elijah. Alam na alam ko kung paano siya mag text at miss na miss ko na ang bawat text niya sa akin noon.

    Hindi na ako makasunod ng maayos sa mga sinasabi ng mga tao sa hapag dahil sa text na iyon. Ngumingiti na lang ako at hinayaan na mag asaran sina Vaughn at Jack. I should stop Vaughn form all of these. Medyo nag dadalawang isip pa rin ako kung totoo ba iyan o nagbibiro lang siya. Dinadaan niya kasi sa biro ang lahat. Paano ko naman siya pipigilan dito? Should I tell him directly o ipapahiwatig ko iyon sa kanya?

    “Taga Davao ka rin pala, Vaughn.” Ani daddy nang kinausap niya na si Vaughn.

    Masyado namang rude si Charles. Lagi niyang pinaparinig ang tikhim niya at masyado siyang naging vocal sa hindi niya pag sang ayon kay Vaughn. Alam ko ring napansin iyon ni Vaughn. Mahirap na di iyon mapansin kasi bukang bibig iyon ng kapatid ko.

    “I don’t really think some other guys deserve my ate.” Maarteng sinabi ni Charles.
    “Charles, don’t start.” Pigil ko.

    Hindi naman ako sobrang special para protektahan niya ng ganon. Naiintindihan ko siy dahil ganon rin ang tingin ko para sa kapatid ko. Tingin ko ay wala akong magugustuhang babae para sa kanya. Kaya lang ayaw kong sinasabi niya iyon sa harap ng maraming tao.

    “I think so too.” Sang ayon ng supladong si Pierre.

    Napapikit ako. Sarap pag untugin ang dalawa. Nakikita ko pa naman ang hilaw na ngisi ni Vaughn. Nahihiya siya dahil lantaran siyang pinaparinggan ng dalawa. Humalakhak si daddy at Hendrix sa sinabi ng dalawa.

    “It sucks to be an only girl, huh?” Tawa ni Josiah sa sala nang narinig ang usapan.
    “Yeah. It sucks big time.” Sagot ni Claudette.
    “I don’t think it sucks for you, though.” Ani Pierre nang di man lang nililingon si Claudette.

    Bahagya pa akong nalito sa sinabi niya. Hindi ko alam kung sinong sinabihan ni Pierre non. Kung ako ba o si Claudette na huling nagsalita. Napagtanto ko na lang na si Claudette nang nakita kong pumula ng parang kamatis ang mukha ng pinsan ko. Walang nakahalata sa mga nasa hapag at nagpatuloy sila sa pag uusap.

    “You can’t keep your ate, Charles. She’s twenty. Ayaw ko ring magka boyfriend siya pero it will happen. She’s beautiful and kind. Maraming magkakandarapa.” Ani daddy.

    Nakakahiya ang mga puri ni dad sa akin. Uminit ang pisngi ko at sinimangutan ko siya. Humalakhak lang siya nang nakita niya akong ganon.

    “Yup.” Sang ayon ni Hendrix sabay tingin sa akin.

    Humalakhak si Jack at Andrei sabay tingin sa medyo nahihiyang si Vaughn. Hindi ko na alam kung saan humantong ang usapan. Nag usap na lang si Hendrix at daddy tungkol sa business. Si Vaughn naman ay kinakausap si Jack at sinasaway dahil sa nangyari. Nanahimik na lang ako. This is all awkward. Mabuti na lang at mabilis naman kaming natapos sa pagkain at desididong umalis agad ang mga kapatid ko.

    “Pasensya na po talaga. We can’t stay long. Hindi pa kami nakakapag impake at bukas, airplane kami papuntang Davao.” Paliwanag ni Hendrix pagkatapos naming kumain.

    Humupa ang tawanan ng mga pinsan ko sa sala at pinagmasdan kong mabilis na nagtungo si Claudette at Chanel sa pintuan. Narinig kong bumukas ito. Si mommy ay pumunta rin doon at napagtanto kong siguro ay dumating na si Damon, Rafael, Brian, at Erin.

    “It’s okay, hijo. Naiintindihan namin.” Ani dad.
    “Maraming salamat po sa dinner.” Ani Hendrix at nag angat ng tingin sa kararating lang na si Erin na my malaking shades sa mga mata.

    Gabi na ngayon at hindi ko ma imagine kung paano siya nakakita sa labas kung suot niya ang shades na iyan. Naiintindihan ko naman dahil inisip kong baka namamaga ang kanyang mga mata. Bakit kaya sila nagkaganon ni Eion.

    Lumapit siya sa sofa at hinawakan niya ang balikat ni Josiah. Kinagat ko ang labi ko nang nahagip ko ang titig ni Elijah sa akin. Bakit ang mga mata niya ay laging nakatingin sa akin? Naagaw naman ni Hendrix ang atensyon ko nang tumikhim siya. Pinasadahan niya ng tingin ang suot ni Erin na high-waist na shorts ay isang maliit o cropped na t-shirt. Napalingon si Erin sa amin na nakatayo na at handa ng umalis at bahagya siyang lumayo.

    “Uh, so we’ll go na po.” Sabi ni Hendrix.
    “Okay. Klare, ihatid mo sila sa baba.” Ani daddy.

    Nagpaalam na rin si Hendrix sa mga pinsan ko. Nahihiyang nagpaalam sina Vaughn, Jack, at Andrei sa kanila samantalang walang imik si Pierre at sumabay na lang sa akin sa paglalakad.

    “Gonna miss you.” Bulong ni Pierre sa akin sabay akbay.
    Ngumiti ako. “So sweet. Sana ganon ka rin sa ibang babae.”
    Sumimangot siya at umirap.

    Sumulyap ako kay Vaughn na nakatoon ang titig sa akin. Now this is awkward. Gusto ko siyang kausapin at nararamdaman ko ring ganon rin para sa kanya ngunit pinipigilan niya lang dahil sa mga kapatid ko. Nang nakababa na kami sa building at naihatid ko na sila sa loob ng sasakyan ay binaba ni Vaughn ang salamin para kausapin ako.

    “Teka lang, Rix.” Aniya.
    “Okay.” Singhap ng kapatid ko sa driver’s seat.
    “Sorry kanina, Klare. Naging awkward ba iyon para sayo?” Nakangiti niyang tanong.
    I won’t lie so I said, “Yes.”
    “Sorry talaga.” Ngumuso siya.
    Tumango ako. So I was right? Hindi niya iyon sinasadya. Nagbibiro lang siya. He’s kinda confusing but I’m glad he’s not serious. “It’s okay, Vaughn. No problem.” Sabi ko sabay atras nang pinaandar ni Hendrix ang makina ng sasakyan.

    Kinawayan ko sila nang papalayo na. Now, I have to deal with my cousins. Nami-miss ko na rin kasi ang ganitong feeling. Nami-miss ko na ang mukha ng Montefalco Building tuwing gabi. Tumingala ako at tiningnang mabuti ang bahay na kinalakihan ko. I miss it here so much. Mabuti na lang at sa ngayon ay dito ako titira.

    Pagkarating ko sa loob ay nakita kong wala na doon ang mga pinsan ko. Sumenyas si mommy na nasa taas na sila at kumakain. Tumango ako at umakyat na rin sa aming roofdeck.

    Naaninag ko ang kulay puting lights na nakapaligid sa aming roofdeck na pinaglalaruan ni Azi habang kumakagat sa barbecue. Busog na ako kasi kakakain lang namin ng mga kapatid ko kaya hindi ako sumali sa kanila kahit na inanyayahan ako ni Chanel. Hindi ako nilingon ni Elijah habang kumakain siya. Ngayon, ako naman ang hindi matanggal ang titig sa kanya. Nakakahiya dahil tingin ko kada limang segundo ay lumilingon ako sa kanya.

    “So… saan na nga ba tayo?” Tanong ni Chanel kay Erin.

    Mukhang may naputol silang usapan bago ako dumating. Nakaupo ako ngayon sa gitna ni Erin at Claudette. Sa harap namin ay si Chanel na inuusisa ang mukhang walang ganang si Erin. Iniikot niya lang ang spaghetti ngunit hindi sinusubo. Hindi niya parin tinatanggal ang kanyang shades.

    “That was it. Hindi ko siya maintindihan at hindi niya rin ako maintindihan. I yelled at him, he yelled at me. We were both mad and I’m so fed up…”
    Nalaglag ang panga ko. Hindi ko maimagine na ganon ang nangyari sa kanilang dalawa. “Kayo ba?” Tanong ko.
    Hindi siya agad sumagot. Akala ko nga ay hindi niya ako sasagutin. “Hindi na ngayon.”

    I think my question was dumb, though. Kinagat ko ang labi ko at uminom na lang ng tubig.

    “So hindi ko gets. Ba’t kayo nag away? What’s the cause?” Tanong ni Chanel.
    Umiling si Erin. “I really don’t wanna talk about it, Ate. I just want to get drunk and party!” Ngiti ni Erin.

    Kaya lang ay kahit nakangiti siya ay batid kong hindi siya masaya. Girls. Amazing. Ganon talaga ang mga babae. Kayang kaya nilang ngumiti kahit na masakit. Kaya ko rin naman. Kayang kaya.

    “Nag seselos ako sa mga may magandang lovelife dito!” Ani Erin sabay pasada ng tingin sa mga pinsan ko. “Sayo ate Chan at Brian na matagal na, kay Elijah na kahit long distance ay sila parin… Kay Rafael na medyo-“
    “Uy, anong ako? I don’t have anyone, Erin.” Ani Rafael sabay ngisi.

    Nakita kong medyo tumagilid ang ulo ni Elijah na para bang nagpipigil siyang sumabat sa sinabi ni Erin tungkol sa kanya. Thank God he can stay quiet. We need it.

    “Ah, basta! Naiinis ako kaya sana wa’g na kayong sumama sa foam party!” Ani Erin sabay inom sa isang beer.
    “Whoa whoa whoa! Easy there. I’m going!” Ani Rafael.
    “Onga, Erin. Mas masaya pag kumpleto tayo!” Ani Chanel sabay hawak sa kamay ni Brian.
    Ngumiwi si Erin. “I hate Claudette, too. I forgot you have Silver Sarmiento.”
    “He’s just courting me, Erin.” Defensive na sinabi ni Claudette. “Come on, you’re being bitter. Sino ang gusto mong pumunta sa party?”
    “Si Damon, Kuya Joss, Azi, at Klare.” Ani Erin. “Kami lang mga walang love life. The rest, dito na lang kayo.”
    “That’s unfair.” Ani Elijah.

    Kumalabog ang puso ko. He’s starting!

    “Excuse me lang. May love life ako.” Ani Azi.
    “Shut up. I know you’re an asshole and you want to be there.”
    Tumawa si Azi.
    “No way, Erin. Di kami papayag na wala kami don.” Elijah crossed his arms.
    Tinanggal ni Erin ang kanyang shades at sinuklay niya ang kanyang buhok gamit ang daliri. “Whatever, then. Nauumay na ako sa away.”

    Nagulat ako nang hindi niya man lang pinigilan si Elijah. Akala ko ay seryoso siyang iiwan namin sila dito sa bahay. Of course Elijah won’t let that happen. Hindi nga rin sang ayon si Chanel. She won’t stop drinking beer. Sa gitna ng pag uusap usap namin tungkol sa foam party na galing pala kay Chanel ang tickets ay ilang bote na ang naubos niya.

    “That’s why we’re wearing slippers.” Ani Chanel habang tinitingnan ko sa ilalim ang kanyang paa na naka tsinelas nga lang.
    Tumango ako. “First time ko ito sa isang foam party. Nong nasa Davao kami, hindi ako pinayagan ni Hendrix na sumama sa foam party.” Sabi ko.
    “Nag paparty ka sa Davao?” Tanong ni Elijah.

    Ugh! My heart skipped a beat. Is this normal? Parehong kinakabahan ako dahil baka mahalata kami at naeexcite sa galaw niya.

    “O-Oo naman. Minsan.” Sabi ko.
    “We’ll get wet, Klare.” Paliwanag ni Chanel. “Kaya nga maiiksi at halos shorts lang ang suot namin. You can’t wear your pants there. Mag shorts ka na lang at mag halter top.”
    Tumango ako at inisip na kung ano ang susuotin. “I’ll change.”

    Napatingin ulit ako kay Erin at pinagmasdan ko ang iilang bote niyang nainom. Dalawa pa lang halos ang naiinom ng mga boys. Nakita kong pangalawa pa lang ni Elijah samantalang kay Erin ay pang anim na. Not good. Tsk.

    Naligo ako at nagbihis ng sinabi ni Chanel. Naka tube top ako sa loob ng aking loose na halter top. Maiksi rin ang shorts ko at naka tsinelas lang. Nilagay ko ulit ang anklet ko bago umalis doon sa kwarto at umakyat pabalik sa roof deck. Nine Thirty na at ang alam ko ay alas diyes ang party magsisimula.

    Tumama ang mga mata ko sa nag iiwas na tingin ni Elijah. Kitang kita ko ang pagkagat niya sa mapupula niyang labi. Natunaw ang tuhod ko sa simpleng galaw niya. Dammit, Klare!

    “Better!” Ani Chanel.
    “Masyado atang maiksi ang shorts. Pero kasi naiwan ko ata halos lahat ng okay na shorts sa Hillsborough.”
    “That’s okay. My shorts is shorter anyway.” Ani Erin na medyo ngumingiwi.
    “Erin, stop the Patron. Ang dami mo nang nainom.” Ani Claudette.
    “I drink to forget, Clau. Hayaan mo ako.”
    “Why don’t you get some boys, Erin? Stop drinking.” Ani Josiah.
    “Yes, I will, Kuya. Hindi ba, Klare? Paramihan tayo ng lalaki ngayon. Since tayong dalawa lang naman talaga ang single, tayong dalawa ang mag bo-boy hunt ngayon!” Medyo lasing niyang sinabi.
    “Yo-You’ve got to be kidding me. I don’t do that, Erin.” Sabi ko.
    “Oh, bakit? May mahal ka na ba ngayon? Sino? Wala na diba? You should get your self a boyfriend!” Umirap siya.
    Tumawa si Rafael at Damon. “Hell yes! This is fun!” Ani Damon.

    Napatingin ako kay Elijah na nag igting ang panga. Hindi niya ako matingnan.

    “I bet Erin will get more boys!” Ani Rafael. “500 bucks, bra!”
    “Sali ako! Thousand? Erin will get more boys kumpara kay Klare!” Tumawa si Josiah.

    Mga gago!

    “Thousand bucks naman ako para kay Klare. She’ll get more boys.” Kumindat si Damon sa akin. “Damihan mo, Klare. Hati tayo pag nanalo ako.”
    “Game, then?” Nag taas ng kilay si Erin sa akin.
    “No way. I don’t do that, Erin.” Medyo hilaw kong sinabi.
    “Wala ka bang konsiderasyon, Klare? I’m brokenhearted and I want to feel good. This will make me feel good so stop being so conservative!” Ani Erin.

    I get that I should make her feel better but this certainly isn’t right! Alam kong maling ganon. Hindi ako tumanggi kina Rafael, Josiah, at Damon. Kayang kaya ko namang umo-o at hayaan na lang na matalo si Damon, diba? At masisiyahan pa si Erin kasi marami siyang makukuhang lalaki.

    Dalawang sasakyan ang dala namin. Kay Elijah at kay Rafael. As usual, pinagbabawalan na naman si Azi na mag drive kaya nakatunganga ang sasakyan niya sa parking lot. Si Chanel at Brian ay nauna na gamit ang sasakyan ni Brian. Si Erin, Damon, at Josiah ay sumakay agad kay Rafael. I figured I should go with Rafael. Mas hindi kami mahahalata pag sa kanya ako sasama ngunit bago pa ako makapasok sa kanyang sasakyan ay…

    “Klare…” Mariing sinabi ni Elijah.

    Sumimangot ako sa tawag niya. Sumimangot rin siya sa akin.

    “Get in my car.” Aniya.

    Shit! Alright! Nang narinig iyon ni Azi ay mabilis siyang nagtungo sa likod imbes na sa front seat. Umiling ako.

    “Sa likod ako, Azrael. Tatabi ako kay Clau. Sa front seat ka na.” Sabi ko at napanood ko ang pag irap ni Elijah.

    Freaking maarteng asshole. What’s with him? Kanina lang ay tuwang tuwa siya sa akin at ngayon pumuputok na naman ang butchi niya.

    Nakakabingi ang katahimikan naming apat sa loob ng sasakyan. Maingay ang stereo ni Elijah na pinaglalaruan ni Azi ngunit bukod doon ay wala ng nagsasalita.

    “This is kinda awkward.” Basag ni Claudette sa katahimikan.
    Lumunok ako.
    “You try seduce some boys and I’m gonna fracture their bones, Klare.” Ani Elijah na nagpasabog sa utak ko.

    Oh dammit! Paano niya nasabi iyon sa harap ni Azi at ni Claudette ay hindi ko alam! So much for pretending! Dammit, Elijah! Just dammit! Gusto ko siyang pagsabihan ngunit ayaw kong dagdagan ang kung ano mang nabuo sa isip ng dalawa.

    “Now this is not just kinda awkward. This is super awkward.” Bulong ni Claudette sa kanyang sarili.
    Humalakhak si Azi. “Siguro makakakita ako ng live brawl. Swerte ko tonight.”
    Hindi ko na napigilan ang pananapak ko kay Azi.

    Damn! Sobrang kinakabahan na tuloy ako. Mas lalo akong kinabahan nang tinigil na ni Elijah ang sasakyan at pinark niya na sa Lifestyle District. Malayo pa lang ay dinig ko na ang ingay sa loob. Natabunan ng malaking tent ang open space. At naririnig ko ang ingat ng tao halo sa ingay ng trance music. The party is starting!

    Lumabas kami sa sasakyan. Huling lumabas si Elijah na matalim ang titig sa akin. Kumunot ang noo ko sa kanya. I’m not going to seduce anyone, duh! Mabilis kong tinaype sa cellphone ko ang mensahe ko para sa kanya.

    Ako:
    Keep your shit together. I won’t seduce anyone, okay? Don’t mess this up. Keep quiet.

    Nakita kong kumunot ang noo niya habang binabasa ang message. Sumisigaw na si Erin at kumakanta na kasabay sa music na pinaghalong Wake Me Up ng Avicii at Clarity ng Zedd.

    Hinawakan ni Erin ang kamay ko at tumalon talon siya habang sinasayaw ako. Tumatawa na sina Josiah at Azi at mukhang may naiispatan ng mga magagandang babae.

    “Let’s dance, Klare!” Aniya sabay hila sa akin sa nag aabang na bouncer para maipakita na ang mga ticket namin.

    Nag vibrate ang cellphone ko. Bago ako hinila ni Erin papasok ay nabasa ko ang mensahe ni Elijah sa akin.

    Elijah:
    Really? Coz I think you seduced me too much tonight. Keep your shit together too. I’ll be watching you all night. I won’t blink. So don’t even try.

    Now. How to do this? I forgot. Parang gusto ko na lang bumalik sa sasakyan at makasama siya. ‘Yong kami na lang munang dalawa. Dammit, Elijah!

  • Kabanata 24Open or Close

    Kabanata 24
    Love Is War

    Hindi ko na nakita kung nasaan ang mga pinsan ko dahil sa paghila sa akin ni Erin papasok sa loob. Marami ng tao at medyo basa na sa bubbles ang sahig ng bar. Maingay at sumisigaw ang mga tao habang sumasabay sa music ng isang sikat na DJ. May nakita akong babaeng naka bikini at iilang mga lalaking topless. So this is a Foam Party, huh?

    Natatalisod na humilig si Erin sa bar at umorder ng dalawang hindi ko malamang shots.

    “Ready?” Tanong niya sabay bigay sa akin ng shot glass.
    “Hintayin muna natin ang mga pinsan natin, Erin.”
    Umirap siya at nilagok ang shot niya at nanghingi pa ng isa sa bartender.
    “Tama na, Erin.” Saway kong parang pinalagpas niya lang sa kabilang tainga.
    Umiling na lang ako at dahan-dahang ininom iyong akin. Napangiwi siya pagkatapos niyang ininom ang pangalawang shot.
    “Nagbibihis pa ang mga ‘yon.” Aniya.

    May kung anong tumama sa ulo ko. Hinawakan ko ang ulo ko at naramdaman ang mamasa masang bubbles. Umuulan ng foam sa buong bar at hindi ko malaman kung saan nanggagaling iyon.

    “Wohooo!” Sigaw ni Erin sabay sayaw malapit sa bar. “Hintayin natin sina Ate at Kuya bago mag dancefloor.”
    Tumango ako at tumingin sa bunganga ng bar. Marami akong nginitian na kakilala. May nakausap din si Erin na kaibigan namin kaya medyo naging preoccupied siya. Iyon nga lang, hindi ko alam kung matino pa ba ang mga kinikwento niya gayong medyo may tama na siya.
    “Sina Pierre?” Tanong ng isang kaibigan ni Pierre at Hendrix nang nakita ako doon.
    Umiling ako at iminuwestra si Erin. “Umuwing Davao at nag paiwan ako.”
    Tumango siya at dumiretso na sa dancefloor kasama ang mga kaibigan niyang kilala ko rin naman.

    Hindi na sanay ang mga tao na kasama ko ang mga Montefalco. Lagi nilang hinahanap ang mga kapatid ko sa akin. Kasi naman kung nasaan ako ay naroon din sila. Ngayong nag bago na naman, nalilito na naman sila.

    Nilingon ko si Erin na may kabulungan ng lalaking hindi ko kilala. Inilalapit niya ang katawan niya doon sa lalaki. Gusto ko siyang hilahin pabalik ngunit ang tili ng mga babaeng nasa gilid ko ay nagpaagaw ng atensyon sa akin.

    “Montefalcos!” Sigaw ng isa sa gitna ng maingay na music.
    Nanliit ang mga mata ko sa bunganga ng bar at nakita kong naka shorts at topless si Josiah at Rafael. Pareho silang may tattoo sa dibdib na Montefalco, iba-iba lang ang disenyo. Sumunod si Azi na naka itim na sleeveless at maong. Umiling ako nang nakitang kumindat siya sa mga babaeng nakasalubong niya at halos lumuhod na ang mga babae sa harapan niya.

    Yeah right!

    Sumunod si Damon na katawanan si Claudette. Naka tight na t-shirt lang si Damon at parang walang pakealam kung mabasa siya. Huling pumasok si Elijah na naka kulay grey na sleeveless at pants tulad ni Azi. Tumitig agad siya sa akin ng nakasimangot.

    Tumili ang mga babae sa gilid ko at nagbulong bulungan.

    “May mga tao talaga na pag tinitingnan mo, feeling mo susunod ka sa lahat ng gusto niya-” Kinain ng tili ang pinag uusapan ng mga babae.
    Nilingon ko sila at narinig kong dinagdagan ng isa habang tumitingin sa mga pinsan ko. “‘Yong tipong, kaya mong sundin kung anong gusto nilang gawin mo. ‘Yong isusuko mo ang sarili mo sa kanila…”

    Uminit ang pisngi ko sa pinag uusapan nila. Kahit hindi nila nabanggit na mga pinsan ko ang tinutukoy nila ay parang alam ko na agad.

    “Hi!” May biglang lumapit sa akin na lalaking hindi pamilyar.

    Uh-oh! Mabilis ko siyang binara. Hindi bale na kung isipin niyang assuming ako. Ang importante ay mababara ko agad siya.

    “Uh,” Umiling ako.
    Kumunot ang noo at kumurba ang mapupulang labi ng lalaki. “Wanna drink? Or dance?”

    Narinig kong humalakhak si Erin sa gilid ko. Napalingon ako sa kanya at nakita kong ibang lalaki na naman ang kausap niya ngayon.

    “She can dance! Let’s go dance!” Ani Erin at hinila ako patungong dancefloor.

    Dammit! Napatingin ako sa mga pinsan kong umupo sa mga high chair ng bar. Si Claudette, Chanel, Brian, Damon, at Elijah na lang ang naroon. Samantalang ang tatlong lalaki naman ay nag eenjoy na sa dancefloor na pinaglalaruan ang foam.

    Napapikit ako nang nakita kong hinahawi ni Azi ang foam sa dibdib ng babaeng naka bikini. What the fuck? I missed this kind of scene but I think I’d rather not see it again! Bumaling ulit ako sa mga high chair at kitang kita kong kumikinang ang mga mata ni Elijah na nakatingin sa akin habang umiinom siya ng isang hard liquor.

    Umalingawngaw ang kanta ni Rihanna sa speakers at tumili ang mga tao. Mas lalong naging wild ang sayawan at bumuhos ang mga bubbles galing sa taas. Panay ang sayaw ni Erin kasama ang lalaking hindi ko kilala. Hindi ako gumagalaw doon sa dancefloor habang sinasayawan ako nong lalaking nag aya.

    “Gotcha!” Narinig ko sa likod ang isang pamilyar na boses.

    I felt relieved when I saw him! Pakiramdam ko ay hulog si Vaughn ng langit nang lumitaw siyang nakatopless sa harap ko.

    “Pangalawa?” Tanong ni Erin sabay lasing na nag he-headbang sa kantang Timber naman ngayon ni Kesha.
    Umiling ako. “Kaibigan ko.”
    “Dude, she’s my partner.” Dinig kong sinabi ng lalaking nang aangkin kanina.
    “Find another one.” Ani Vaughn sabay pagitna sa amin nang lalaking iyon.

    Kumalabog ang puso ko sa kabang magkagulo dito! Salamat naman at umalis rin agad ang lalaki pagkatapos titigan si Vaughn ng mabigat at umambang susuntok. Tumawa na lang si Vaughn at hinarap niya ako. Uminit ang pisngi ko nang medyo nahagip ng tingin ko ang kanyang walang gayak na dibdib. Hindi ako makatingin ng diretso.

    “Pano ako? Maisasayaw ba kita ng di nagrereklamo?” Aniya.

    Tumango ako at naisipang mag enjoy na lang. Hindi ito ang unang pagkakataon na naisayaw ko si Vaughn kaya alam ko na kung paano siya gumalaw. Hinawakan niya agad ag baywang ko.

    Shit! This isn’t right! Kahit na walang malisya ito ay alam ko kung sino ang narito. Hinahawi ko ng palihim ang kanyang kamay sa baywang ko habang sumasayaw at tinatanong siya ng kung anu ano.

    “Sinong kasama mo?” Tanong ko.
    “Sina Jack at Andrei. Ayaw sumama ni Hendrix, e. Maaga pa daw sila bukas.”
    Tumango ako. “I understand.” Hinawi ko ang gumagapang niyang kamay sa baywang ko.

    Luminga ako para hanapin si Erin nang narealize na wala na siya doon. Hindi ko alam kung nasaan na siya. Kinain ng dagat ng tao.

    “Asan si Erin?” Sabi ko sa sarili ko. “‘Yong pinsan ko, Vaughn. Nawawala.”
    “She’s probably just around.” Ani Vaughn nang nakatingin parin sa akin at sinasayaw ako.
    Tumango ako at medyo kumalma. Bumalik ako sa pagsasayaw kay Vaughn. Gumapang ang kamay niya sa baywang ko at inisip kong ayos lang iyon nang biglang may isang mainit na braso ang pumulupot sa baywang ko at inilayo ako kay Vaughn.
    “Shit!” Sigaw ko nang narealize kung sino iyon. “Elijah!” Mabilis ko siyang tinulak palayo doon.

    Luminga linga ako at nagpasalamat na si Claudette lang ang nasa malapit at masyadong busy ang iba kong pinsan sa pagsasayaw kung saan.

    Napanood ko ang hilaw na ngisi ni Vaughn habang tinitingnan kami ni Elijah.

    “Sorry, dude. Sinasayaw ko lang ang pinsan mo-“
    “She’s not my cousin.” Mariin at nagpipigil na sinabi ni Elijah.

    Kailangan ko siyang ilayo dito. Nararamdaman ko ang panginginig ng braso niya. Nakakuyom ito at handa ng manuntok.

    “Elijah, let’s go.” Sabi ko at hindi na inisip na baka makita kami ng ibang pinsan namin. I just need us to get out of here and stop him from hurting Vaughn.
    “Sumasayaw lang naman kami. Don’t be ridiculous!” Ani Vaughn.
    Umambang susuntukin ni Elijah si Vaughn kaya mabilis ko siyang tinulak. Hinawakan ko ang kamay niya at wala na akong pakealam kung may makakita sa amin ngayon habang umaalis kaming dalawa.

    Hinarangan kami ni Claudette na nakatingin sa kamay ko. Mabilis siyang nag angat ng tingin at tinuro niya ang back door.

    “Don kayo dumaan.” Ani Claudette.
    “Klare?” Tawag ni Vaughn.
    “Vaughn, sorry.” Paliwanag ko. “Badtrip siya and probably kinda drunk. Next time.” Paliwanag ko at hinila si Elijah kahit na hindi ko na siya halos mahila dahil sa galit niya.
    “Come on, motherfucker! Klare didn’t bitchslap Selena when she got jealous! Get your shit together or you’re both screwed again!” Sigaw ni Claudette sabay tulak kay Elijah sa akin.

    Nang nakaabot na kami sa back door ay nilingon ko si Claudette. Kumalabog ang puso ko at inisip kong baka nga mabubuking na naman kami. Natatakot ako. Natatakot ako dahil alam ko, kung sakaling ganon nga ang mangyari at ayawan na naman kaming dalawa baka ngayon, siya na ang piliin ko.

    “Clau-“
    “You’ve got an hour. Balik kayo dito pagkatapos bago pa sila maghanap.” Aniya at mabilis na bumalik sa loob.

    Shit! Thank God for Claudette. Hindi ko pa naiiaalis ang tingin ko sa backdoor. Nasa gilid lang ang parking lot kaya madali lang makapunta sa sasakyan ni Elijah. I need to dry my hair. Kailangan ko ring ayusin ang sarili ko. Pakiramdam ko ay mukha akong sabog dahil sa nangyari sa loob.

    Malutong na nagmura si Elijah at sinuntok niya ang concrete na dingding na siyang nagpatalon sa akin. Paulit ulit siyang nagmura at naglakad palayo at pabalik sa akin.

    “I’m sorry, Klare.” Aniya.
    Kinagat ko ang labi ko nang narinig ko ang nakakaawa niyang boses. “I need to freshen up, Elijah. Pwedeng punta muna tayo sa sasakyan mo?”
    Tumango siya at naglakad na patungo sa sasakyan niya. Sumunod ako sa kanya habang pinagmamasdan ko ang matikas niyang paglalakad sa likod. Sumisilip ang maiitim na tinta galing sa kanyang tattoo sa likod.

    Pinatunog niya ang kanyang sasakyan at mabilis siyang pumasok doon. Pumasok ako sa likod dahil naiwan ko doon ang purse ko. Nasa front seat siya at hinuhubad ang medyo basa niyang sleeveless. Ngayon ko lang nakita ng buo ang tattoo niya sa likod. Buo at malapitan. Tribal parin iyon tulad ng nasa harap ngunit sa gilid ng kurbadang linya ay may nakasulat na parang ancient na salita. Pumikit siya at tumikhim habang humihilig sa manibela. Mariin ang pagkakahawak niya sa manibela kaya napansin ko ang dumudugo niyang kamao.

    God! Mabilis akong lumabas sa likod at pumasok sa front seat para kunin ang kamay niya.

    Binawi niya ito sa akin na para bang ayaw niyang makita ko ito. Kumunot ang noo ko sa kanya. Hindi siya makatingin sa akin at nararamdaman kong medyo galit parin siya.

    “Akin na ‘yong kamay mo. Gagamutin ko.” Sabi ko sabay kuha ulit sa kamay niya.

    Hindi niya parin ito binibigay sa akin. Mariin ang pagkakahawak niya sa manibela kaya hindi ko rin ito natanggal.

    “Give me your hand, Elijah.” Banta ko.
    Kinalas niya ito sa manibela at binigay sa akin. Sumulyap siya sa akin at pumungay ang kanyang mga mata. “I’m sorry for that.”
    Tumango ako at pinagmasdan ang kawawang kamay niya na duguan. Alcohol lang ang meron ako dito. I don’t want to hurt him kaya naman ay pinunasan ko na lang ito ng wet tissue.
    “Sorry kasi di ko mapigilang mag selos. Klare, pinipigilan ko pero nagseselos talaga ako.”
    Tumango ulit ako at wala ng sinabi. I want to hear more from him. I miss his voice.
    “Klare, I’m not good with this pretend thing. I can’t help it.” Aniya.
    “So what do you suggest?” Mariin kong sinabi.
    “I know. I’m sorry. Ito lang ang paraan diba. I need to… do this.” Aniya.

    Hindi na ulit ako nagsalita. Ito nga lang ang dahilan. Ayaw kong magpadalos dalos kaming dalawa kung pwede namang dahan dahanin. Kung siswertehin ay pareho naming makukuha ang loob ng aming pamilya. That’s our goal. Para maging masaya kaming dalawa, kailangan namin ang isa’t-sa at kailangan rin namin ang aming pamilya.

    Hindi na siya nag salita. Nag angat ako ng tingin nang napansin kong pinupunasan niya ang kanyang pisngi. Halos mapamura ako nang nakita kong nag iiwas siya ng tingin sa akin dahil umiiyak siya.

    “Fucking shit.” Aniya at kinuha niya ang kamay niyang sugatan sa kamay ko para punasan ang luha niya.

    Nalaglag ang panga ko. Pinipiga ang dibdib ko habang pinagmamasdan siyang sobrang frustrated. Nawala ang luha sa kanyang pisngi at hindi siya makatingin sa akin.

    “I’m sorry, Elijah.” Sabi ko.
    “Baby, it’s nor your fault.” Aniya nang di parin ako tinitingnan.

    Pinipiga ang puso ko nang narealize na kasalanan ko. Kung sana ay hindi ko siya tinulak na sumugod doon at mafrustrate ay sana naagapan ito. Kung sana ay lumayo agad ako kay Vaughn at sana nagpakabait na lang ako sa gilid niya ay sana hindi ko siya nasaktan. It’s all my damn fault!

    “Sorry kasi nasaktan kita. W-Wala naman ‘yon, Elijah. Vaughn is just my friend-“
    “Yeah. And you can be together. Walang hadlang sa inyo.” Kinagat niya ang kanyang labi na para bang may nasabi siyang hindi niya dapat sinabi.

    Umayos siya sa pagkakaupo at nag flex ang muscles niya habang hinahawakan niya ulit ang manibela.

    Oh, Elijah. I’m just so in love with you alright?

    “But I don’t want him, Elijah.” Sabi ko.
    Sumulyap siya sa akin ng nakaawang ang bibig. Nakita ko ang irita sa kanyang mga mata. “Really? Coz I don’t think you want me too. Ni hindi mo kinumpirma sa akin na mahal mo ako.” Kinagat niya ulit ang labi niya at nag mura pa ng iilang malulutong na mura.

    Napagtanto ko ngayon kung gaano siya nagpigil. Sa gabing ito, unti unti niyang nalalabas ang lahat ng mga nasa isip niya nitong mga nakaraang araw. Sa gabing ito, kahit ayaw niyang sabihin ay nasasabi niyang lahat sa sobrang desperado at frustrated niya na.

    Hindi ko na alam kung paano ko siya mapakakalma. Hindi ko na alam kung paano ko siya ma aassure sa pakiramdam ko. But I really like his lips right now. Hindi ko matanggal ang titig ko sa kanyang labi habang kinakagat niya ito.

    “Sorry, baby. I’m sorry for that. Just forget it.” Aniya at kinagat ulit ang labi niya. Lumingon siya sa akin at kumunot ang noo niya nang naabutan niya akong nakatingin sa labi niya.

    Great! Fantastic, Klare! Now you’ve done it!

    Nag angat ako ng tingin sa kanya at nakita kong nakatingin na rin siya sa aking labi. Bumigat ang kanyang hininga. This is my fault! Bakit ko pa kasi tinititigan ang labi niya kanina. Ayan tuloy!

    “Baby…” Malambing niyang sinabi.

    Hindi ko na napigilan. The girls were right. May mga tao talagang pag tinitingnan mo sila ay pakiramdam mo isusuko mo ang sarili mo sa kanila. Iyong parang sila na ang bahala sayo. Si Elijah ang para sa akin.

    Hinawakan ko ang kanyang leeg at lumapit ako sa kanya. Hindi ko alam kung paano humalik. He was my first kiss at sobrang tagal na non. But I really want to kiss him. I want to assure him that he’s the one I really love.

    Nang nagtama ang labi namin ay pumikit ako. His lips were soft and sweet. Tumindig ang balahibo ko. Naramdaman ko ang kamay niyang sumuporta sa likod ko.

    “Klare, are you sure about this?” Bulong niya sa gitna ng halik ko.

    Tumigil ako sa paghalik at tumingin ako sa mga mata niyang diretsong nakatingin sa akin.

    “Do you want me to kiss you?” Tanong niya.
    Dammit! Ba’t kailangan mo pang magtanong, Elijah? Uminit ang pisngi ko. He’s being careful. I’m not made in fucking China, Elijah. Pwede akong halikan. I’m not gonna break anytime.
    “If I kiss you some more there will be no hope for me. I am not going to get over you anymore.” Aniya.
    “I’d like that.” Bulong ko at hinalikan ulit siya.
    “Getting over you isn’t possible anymore, baby.” Aniya bago ako hinalikan ng mas mariin at nakakalasing.

    No, Elijah. Sa akin ‘yan. Ako ang hindi makakaahon sayo. That’s for sure.

    Bahagya akong dumilat habang marahan niya akong hinahalikan. Ang kamay niya ay nasa likod ko at ang isa ay nasa hita ko. Damn, pu pwede bang umalis na lang kami dito at hayaan na lang ang mga pinsan ko?

    Pinagmasdan ko siyang unti unting dumilat at tumigil sa paghalik. Ngumiti siya at kinagat niya ang kanyang labi. Pulang pula ang kanyang labi ngayon dahil sa mga halik ko kanina. Nag iwas ako ng tingin sa kanya. He’s extremely sexy.

    “Your fingers want me so much.” Aniya habang hinahawakan ang kamay kong nakahawak sa likod niya.

    Mas lalong uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Kinalas ko ang kamay kong nakahawak sa kung saan ang tattoo niya sa likod. Desperada akong umuwas sa topic na iyon. Naghuhuramentado na kasi ang sistema ko at natatakot akong mawala ko ang sarili ko.

    Hinawakan niya ang ibabang labi ko. Mariin akong pumikit habang dinadama ang kuryenteng nagwawala sa likod ko.

    “What’s your tattoo?” Tanong ko.
    “Hmmm. Just tribal and some hebrew.” Bulong niya.
    Tumango ako. “Anong nakalagay sa hebrew?”
    “Love is war. I am your soldier.” Bulong niya.

  • Kabanata 25Open or Close

    Kabanata 25
    Honesty

    Nagkatinginan kaming dalawa. Ang lapit-lapit namin sa isa’t-isa. Tinititigan ko siya habang iniisip ko ang sinasabi ng tattoo niyang nakasulat di umano sa mga simbolong hebrew na ang ibig sabihin ay ‘Love is war. I am your soldier’.

    Bumagsak ang mga mata niya sa labi ko. Napangiti ako. He wants another kiss. At alam niyang winawala ko ang usapan para matigil kaming dalawa. Umupo ako ng maayos. Huminga siya ng malalim nang napagtanto iyon na ‘yon. Tumingala siya, pumikit, at paulit ulit na kinagat ang labi.

    “Why are you not wearing my earrings, by the way?” Tanong niya at bumaling sa akin.

    Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya. Bakit iyon ang naging tanong niya? Sana ay hindi na lang. Ayaw kong sagutin iyon ngayon.

    “You didn’t like it?” Kumunot ang kanyang noo.
    Umiling ako. “I love it, Elijah. Uh…”

    Hinawakan niya ang hikaw na suot ko at umambang tatanggalin iyon. Dammit! Why now? Should I be honest?

    “Wala namang problema sa’yo ang anklet at ang barrette, a? You don’t like it, Klare?” Nagtaas siya ng isang kilay.

    Binaba ko ang kamay niyang nakahawak sa tainga ko. Pumikit ko at napagdesisyonan na sasabihin ko sa kanya ang totoo.

    “Kasi may sinabi sa akin si Pierre.”
    “Uh-huh?” Nag hintay siya sa idudugtong ko.
    “Masama daw ‘yong meaning ng lalaking nagbibigay ng earrings.”
    Tumango siya. “Bakit daw?”
    Uminit ang pisngi ko. Sana ay tinikom ko na lang ang bibig ko. Pinanood ko ang kanyang mga matang nag hihintay sa maaari kong sabihin. “I think we need to go, Elijah. Mag iisang oras na ata tayo dito.”
    Tumagilid ang kanyang ulo at para bang mas nagtaka siya sa isusunod ko. Humalukipkip siya at pinanood ako.
    “Let’s go.” Anyaya ko.
    “What is it, Klare? Anong sinabi ni Pierre sayo? Will that mean we won’t be together? I’m gonna throw that fucking earrings. Tell me.”

    Nagulat ako sa inisip niya! I knew it! Hindi nga niya alam. Kung kaninong albularyo o ermitanyo man nalaman ng kapatid ko ang tungkol sa ibig sabihin ng earrings ay ewan ko na sa kanya. Nakakahiyang aminin ito kay Elijah pero maiintindihan niya naman siguro na maaaring misunderstanding lang ang lahat.

    “No, no… It’s not about that, Elijah.” Sabi ko sabay iling.
    “E, ano?” Naghintay pa siya sa sasabihin ko.
    “Sabi ni Pierre, ibig sabihin daw nun ay… uh…”
    Nagtaas pa lalo siya ng kilay sa anticipation.
    “Gusto mo raw makasama yung binigyan mo non… sa ano… sa isang gabi.”

    I’m not sure if my choice of words were good. Basta iyon lang ang mga unang pumasok sa utak ko.

    Tumagilid ulit ang kanyang ulo. God, he’s so damn sexy. Nag iwas ako ng tingin at nahiya sa topic namin. Sana ay tumahimik na lang talaga ako.

    “You mean I want to make love with you?” Diretso niyang sinabi.
    “Uh. Kinda like that. Pero sabi lang ‘yon ni Pierre. Lika na. Labas na tayo.” Sabay amba ko sa pagbubukas ng pintuan.

    Hinawakan niya ang braso ko at pinigilan sa paglabas.

    “Ba’t ka nahihiya?” Tanong niya.
    Nilingon ko siya. “Hindi ako nahihiya.” Hindi naman ako makatingin sa kanya.
    “We’ll do that eventually.” Aniya.

    Nanlaki ang mga mata ko at hinawi ko ang kamay niya para lumabas na. Humahalakhak siya habang lumalabas sa kanyang sasakyan. Damn, the pervert asshole!

    Umiling na lang ako at nilagpasan siya sa paglalakad.

    “Just kidding. But. Yes?”

    Yes mong mukha mo, Elijah. Gaaaah! Naiinis ako sa pag huhuramentado ko. Pakiramdam ko ay pulang pula ang pisngi ko pagkapasok ko ng bar.

    Nagulat ako nang may narinig akong nabasag pagkapasok ko sa bar. Mabilis akong nilagpasan ni Elijah para daluhan si Josiah. Bahagyang nagkagulo sa party at sa gitna ng maingay na music ay natigil sa pagsasayaw ang mga tao sa isang banda dahil sa nangyari.

    “Klare, let’s go out!” Utos ni Chanel sa akin habang inaalalayan ni Brian ang lasing na lasing na si Erin.
    Hinila ako ni Claudette ngunit nanatili ang tingin ko sa loob.

    Nakita kong pinipigilan ni Elijah si Josiah. Si Azi ay nasa gilid ni Rafael na bahagyang umaamba ng suntok. Nakita ko naman si Eion na umaahon galing sa pagkakahiga. Nasuntok ata siya ni Josiah.

    “What the hell happened? Bakit ganon ang nangyari kay Eion?” Sigaw ko kay Claudette nang nakalabas na kami.

    Hindi ko talaga alam kung anong meron kay Erin at Eion ngunit ang makitang nagkaganon si Eion ay hindi ko matanggap. Kung ano man iyong nangyari sa kanila, dapat ay hindi na nakealam sina Josiah at Rafael. Mag isa si Eion at kahit na malaki naman ang katawan niya, hindi ko kayang isipin na papatulan siya ng matangkad na si Rafael.

    “Wait, Clau!” Sabi ko sabay hawi sa mahigpit na kamay ni Claudette.

    Nakita ko si Silver sa tabi niya na nagpapaliwanag. Iritado si Claudette kay Kuya Silver kaya hindi niya alam kung kanino siya babaling, sa akin o sa kanya.

    “Wala akong sinabi kay Eion na nandito si Erin. Nagulat na lang ako na pumunta siya dit-“
    “I told you not to come here!” Sigaw ni Claudette. “Sabi ko sayo huwag muna diba kasi hindi pa maayos si Erin!?”
    “Clau, I’ll go back.” Sabi ko at mabilis niya akong hinawakan ulit.
    “Elijah’s going to kill me if you go, Klare. Stay right here.” Mariin niyang sinabi.
    Nag angat ako ng tingin kay Kuya Silver at naghintay ng paliwanag. “Anong nangyari? Kaibigan ko si Eion. Alam kong may bangayan sila ni Erin pero hindi ko hahayaan na bugbugin siya ng mga pinsan ko!”
    “Hindi siya bubugbugin, Klare. Matino pa naman si Damon at Elijah. They won’t let that happen.” Ani Claudette. “Bumalik ka na sa loob, Silver. We’re fine here. Puntahan mo na si Eion.”
    “Clau, don’t get mad, please.” Ani Kuya Silver sa isang mahinahon at nagmamakaawang boses.
    “I’m not mad. Bumalik ka na lang doon!” Utos ni Claudette. “Kailangan ka ng kapatid mo.”
    “Clau, please, don’t get mad at me…”

    Nagpatuloy silang dalawa sa pagtatalo tungkol sa pagiging galit ni Claudette. Ilang minuto na ang nakalipas ay napagtanto kong hindi pa sila lalabas. Anong ginagawa nila sa loob at bakit hindi pa sila lumalabas?

    Tumakbo ako sa loob nang masyado nang naging preoccupied si Claudette kay Kuya Silver. Nakita ko kaagad ang nakatayo na si Eion. Dumudugo ang kanyang labi habang pinipigilan ni Elijah si Josiah na manuntok ulit.

    “Let’s go, Joss. Or I’ll drag your ass out.” Ani Elijah. “Come on, Azrael!”

    Hinila ni Azi si Josiah habang si Rafael naman ay umaamba ng suntok kay Eion. Mabilis kong dinaluhan si Eion. Nakita ko ang gulat sa mukha ni Elijah nang nakita niya ako roon. Natigilan siya at muntikan niya nang mapakawalan si Josiah.

    “Elijah, sige na, ilabas mo na si Joss.”
    “Klare, don’t go near that asshole!” Sigaw ni Josiah sa akin.
    “Just go, Joss. You’re drunk.” Sabi ko dahil kitang kita ang pamumula ng mestizo niyang mukha. “Raf, too. Please?”

    May tinumbang upuan si Rafael bago siya tumalikod at sumunod kina Josiah. Hinatid ni Elijah si Azi at Josiah sa pintuan ngunit nakita ko ang pag amba niyang bumalik.

    “Eion, are you okay?” Tanong ko sabay angat ng tingin sa pisngi niyang duguan.

    This is one bloody night. Medyo hindi na maka focus ang kanyang mga mata. Siguro ay lasing na rin ito.

    “Sorry sa mga pinsan ko. One for all, all for one. We heard you broke Erin’s heart so medyo mainit ang dugo nila sa’yo. Sorry. I, uh, we need to go-” Umamba akong aalis ngunit hinawakan niya ang aking kamay.

    Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa akin. Mahigpit na mahigpit ito. Kahit na kinakalas ko ay hindi ko makalas.

    “Klare…” Aniya.
    “Let’s go.” Dinig kong sinabi ni Elijah at siya na mismo ang marahas na kumalas sa kamay ni Eion.

    Kinaladkad ako ni Elijah palayo kay Eion. Hindi na ako lumingon kay Eion. Natatakot ako. Natatakot ako na may nararamdaman parin siya para sa akin hanggang ngayon. That’s impossible. Erin can make him forget. At isa pa, hindi naman ganon ka lalim ang mga nangyari sa amin noon. Ito ba ay dahil pinaasa ko siya masyado noon? Now, I feel so guilty about it. About Erin.

    “You are so damn good in thinking about others, Klare. I wish you only have to think about me.” Ani Elijah bago kami lumabas sa bar.
    “Elijah, dumudugo ang mukha ni Eion. Mali ang ginawa ni Josiah.” Paliwanag ko sa kanya.

    Nakita kong nag hihintay na si Azi at Claudette sa labas ng sasakyan ni Elijah. Naisip ko tuloy kung nasaan na si Kuya Silver at bakit wala na siya doon. Siguro ay tuluyan na siyang nataboy ni Claudette? O baka naman nataboy ni Azi?

    “What happened, Azi?” Mariing tanong ni Elijah at dumiretso sa loob ng kanyang sasakyan.

    Medyo nalito na naman si Azi kung saan ako uupo kaya dumiretso na ako sa likod sa tabi ni Claudette. Pumasok si Azi sa front seat at nagsimulang magpaliwanag. Halata sa boses niya na lasing na rin siya. Lasing ata silang lahat.

    “Sumasayaw si Erin kasama ‘yong isang lalaki at bigla na lang siyang hinila ni Eion. He was drunk. She was drunk, too. Kaya nag away na naman ang dalawa. Kinaladkad ni Eion si Erin palayo sa lalaki kaya nasuntok ni Josiah.”
    “Silver’s fault. Pumunta siya, e. Kaya pumunta rin si Eion. I told him hindi pwede.” Paliwanag ni Claudette.

    Nanahimik kami sa loob ng sasakyan. Iniisip ko na lang si Eion at Erin. Whatever happened between them, sana nga ay labas na ako doon.

    “What’s for tonight? Saan kami matutulog?” Bumaling si Azi sa akin at ngumisi.
    “Guest room ang boys. Pwedeng sa kwarto ko ang girls.” Utas ko.
    “Boys… including?” Iminuwestra niya si Elijah.
    Uminit ang pisngi ko. “Of course.”
    “Okay. Better clear than blurry.” Humagikhik siya at napagtanto kong gusto ko siyang suntukin.
    “Shut up, Azi.”
    “I am gonna.” Ani Azi.
    “Shut the fuck up.” Tawa ni Elijah habang pinapark ang sasakyan sa gilid ng sasakyan ni Rafael.
    “Bakit red masyado lips natin, Elijah? Did someone suck it?”

    Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Azi. What the hell? Tinapunan siya ni Elijah ng t-shirt at agad siyang lumabas para pagbuksan ako ng pinto.

    “Oh come on.” Ngumisi si Claudette at umiling. Nilagpasan niya kaming tatlo at dumiretso sa elevator ng building.

    “Fuck you, dude.” Ani Elijah. “My lips are always red.”
    “No. Hindi talaga. Parang may kakaiba. Parang nakatikim.”
    “Shit! Shut up, Azi!” Hindi ko na mapigilan kaya sinapak ko siya.

    Pakiramdam ko ay pulang pula ang pisngi ko sa elevator. Ni hindi ko matingnan si Elijah. Alam niya iyon kaya panay ang sapak niya sa pinsan naming masyado nang lasing para ma filter ang bunganga niya.

    “I’m gonna shut up, now.” Ani Azi nang nakapasok na kami sa loob ng bahay.

    Mabilis akong dumiretso sa aking kwarto nang di nililingon si Elijah na papasok na rin sa guest room. Humahalakhak ang hysterical na si Azi at panay ang mura ni Elijah.

    Pagkapasok ko sa aking kwarto ay nakita ko na ang isang maliit na matress sa baba ng bed. Tulog na si Erin doon sa baba samantalang si Chanel ay inaantok nang humihiga sa kama. Si Claudette ay nakaupo sa gitna ng kama ko.

    “A-Ako na lang sana ang sa baba.” Sabi ko kay Chanel.
    Umiling siya. “Mahuhulog si Erin dito sa taas. She’s too drunk.” Hikab niya.
    Tumango ako. “Let’s sleep.” Sabi ko sabay tanggal sa aking racerback.
    “Can I use your shower?” Tanong ni Claudette at mabilis na pumunta sa aking banyo.
    Tumango ako at umupo sa aking kama.

    Tulog na agad si Chanel. Narinig kong bumukas ang shower sa aking banyo. Pinagmasdan kong mabuti ang aking kwartong miss na miss ko na. Nostalgic. Pumikit ako at inamoy ang pamilyar na bango nito. Naaalala ko lahat, naaalala ko kung paano kami nagsimula ni Elijah, naaalala ko na siya ang parati kong kasama dito. At hindi ko na maaalala ang mga gabing mag isa ako dito. Para bang lahat ng naaalala ko ay iyong mga alaala na lang na kasama ko siya.

    “Gagamit ka rin?” Tanong ni Claudette ilang sandali ang nakalipas.
    Tumango ako at kukunin ko na sana ang tuwalya ko nang may nakita akong message sa aking cellphone.

    Sumulyap ako kay Claudette na naglalagay ng lotion sa kanyang binti.

    “Okay lang kayo ni Kuya Silver?” Tanong kong wala sa sarili dahil sa mensaheng babasahin ko.

    Elijah:
    I miss sleeping with you.

    Huminga ako ng malalim at nireplyan siya.

    Ako:
    I miss sleeping with you too.

    “We’re okay. As in okay. We’re friends.” Nagkibit balikat siya at hindi siya lumingon sa akin.
    “Hindi mo pa sinasagot? Bakit?”
    Napatingin siya sa akin. “I kinda like someone else.”
    Ngumuso ako. “Oh? Kamukha niya ba si Taeyang o si Channing Tatum?” Humalakhak ako nang naalala ko iyon.
    Ngumiti siya at hindi sumagot. Sino kaya ang kamukha ng lalaking gusto niya?
    “So, babastedin mo si Kuya Silver?”
    “Gusto ko siyang maging kaibigan, Klare, pero ayaw ko ng umaasa siya sa akin.” Ani Claudette.
    Tumango ako.
    “I know you know how it feels. Siguro ganon ang naramdaman mo noon para kay Eion.” Aniya.
    “Just be honest with your feelings. Sabihin mo kay Kuya Silver.”
    Nagkibit balikat siya. “Being honest gets you nowhere sometimes. It’s better to just pretend.”

    Nagulat ako sa kanyang sinabi. May pinaghuhugutan?

    “Nakakatamad mag pretend, Clau. I wish there’s no need to pretend.” Sagot ko.
    “It probably depends on the situation. In my case, it’s better to pretend, Klare.” Ngumiti siya at kinuha ang kanyang Beats para makinig na naman siguro sa mga Kpop. “Tulog na tayo, Klare. Mag aaral pa ako bukas para sa midterms.”

    Oh? So Claudette is taking summer classes? Hindi ko alam ‘yon. Tumango ako at tumayo para maligo nang nag vibrate ulit ang cellphone ko.

    Elijah:
    Can’t sleep. I can’t stop thinking about your lips.

    Tumingala ako at pumikit. Kaya ko naman sigurong hindi tumili, diba? Natutulog sila but… damn it, Elijah Montefalco!

  • Kabanata 26Open or Close

    Kabanata 26
    This Kid

    Antok na antok pa ako pagkagising ko. Matagal kasi akong nakatulog dahil sa mga texts ni Elijah. Natulugan ko nga ata siya kagabi dahil sa kanya ang huling text. I should apologize.

    Kinusot ko ang mata ko at sinuklay ko ang buhok ko. Maliligo na lang siguro muna ako bago magising ang mga pinsan ko. Ang aircon lang ang naging ingay sa kwarto at ang mahihimbing na paghinga ng mga pinsan ko pagkatapos kong maligo. Maaga pa naman. Alas nuwebe pa at hindi ko inaasahang maaga silang magising ngayon dahil sobrang lasing nila kagabi.

    Napatalon ako habang tinutuyo ko ang aking buhok gamit ang tuwalya nang may marahang kumatok sa aking pintuan. Binuksan ko ito at tumambad sa akin ang inaantok pa na si Charles. May inabot siyang papel sa akin. Kumunot ang noo ko at lumabas ng kwarto para tingnan iyon.

    “Ano ‘to?”
    “Ubos na ang cereals ko. I have try outs later for this Pasarell at the Xavier University gym.”

    Napatingin ako sa mga listahan ng mga pagkain at kung anu-ano pang kailangan sa bahay na kailangang bilhin sa grocery store.

    “Charles, hindi ka ba makakaalis nang di nakakakain ng cereals?” Tanong ko.
    “Are you asking me to go without some breakfast?” Sarkastiko niyang sinabi.
    Umirap ako. Damn the Montefalco blood. “No. I’m asking you to eat bacon. Asan sina mommy at daddy?”
    “They’re out. Nagluluto si manang ng almusal and I need my cereals, ate.”

    Gaah! Tinalikuran niya ako kaya wala akong nagawa kundi tumunganga at tingnan siyang umaalis at kinakamot ang ulo.

    “Anong gagawin ko? Anong oras mong kailangan? I still don’t know how to drive, Charles.” Thanks to papa na ayaw akong turuan mag drive dahil kaya naman daw niyang mag bayad ng driver. “And it will take a while kung mag co-commute ako.”
    “Kuya Elijah is awake.” Aniya sabay turo sa kung sino man ang nasa kusina.

    Nganga ako sa kanyang sinabi. Great! Great! Kaming dalawa ni Elijah ang aalis ngayon para mag grocery para na rin syempre sa senyoritong Montefalco.

    “Your ate awake?” Dinig ko ang boses ni Elijah sa kusina.

    Mabilis akong naglakad at pinasadahan ng tingin ang aking suot na shorts at t-shirt. I’ll just grab my jacket and we can go. Hindi ko na lang iisipin ‘yong pagiging awkward sa aming dalawa. Hindi ko na lang iisipin na sobra sobra ang pangangatog ng binti ko ngayon dahil aayain ko lang naman siyang mag grocery kasama ko.

    Naabutan ko si Elijah na nakasalampak sa upuan ng aming dining table. Bagong gising at may kape sa harap niya. Naka itim na sleeveless siya at shorts. Sumimsim siya sa kape at tumayo pagkakita sa akin.

    “M-Mag gogrocery daw muna ako. P-Pwedeng…” Kinailangan kong tumigil para mapigilan ang sarili ko sa pagkaka utal ko. “Pwedeng pa hatid.”
    “Sure.” Sabi ni Elijah at ngumiti.
    “See, ate? Just go! Maliligo lang ako. Sana pagkatapos, nakarating na kayo. Savemore is near.” Ani Charles at umalis na para maligo.

    Umirap ako at naglakad patungong pinto. I can’t believe my mom and dad raised a monster. He used to be so cute. Anong nangyari ngayon? Well, I still love him anyway. Naaalala ko si Pierre sa kanya, harsher version nga lang. He’s kinda like Elijah now. I don’t know if that’s a good thing or bad.

    Naamoy ko ang bango ni Elijah sa loob ng elevator. Nagpasalamat ako sa Diyos na naligo muna ako bago lumabas. Dapat siguro ay mas madalas ko iyong gawin. Pagkagising, ligo agad para walang problema pag may mangyaring ganito.

    “You smell so damn good.” Singhap niya sa tabi ko.

    Or not. Shit!

    “N-Naligo ako.” Napapikit ako sa sinabi ko. Bakit ko ba iyon sinabi? Was that even necessary?
    “I’m sure.” Aniya.

    Tumunog ang elevator at parang may nawalang bigat sa pakiramdam ko. Para akong nakahinga ng malalim pagkalabas namin doon.

    Sumulyap ako sa nakangiti sa kawalang si Elijah habang pinapatunog ang kanyang sasakyan. Pinag buksan niya ako ng pintuan at hindi na ako nakipagtalo. Tumango ako at pumasok sa loob. Hinintay ko siyang makapasok para pagsabihan.

    “Elijah, dapat siguro huwag masyadong pahalata. We should act like friends. Or cousins. Normal friends or cousins. I think that wasn’t a normal cousin move?” Sabi ko habang pinapaandar niya ang sasakyan.
    “Then what’s a normal cousin move?” Nag taas siya ng kilay sa akin.
    “Dapat hinayaan mo na lang akong pumasok mag isa sa sasakyan mo. Pano kong nakita ni Kristal ‘yon o di kaya ng guard, baka isipin nila meron na naman tayo.”
    Tumango siya. “Okay, baby.”
    Kinagat ko ang labi ko. “Okay. And also… I think we shouldn’t talk much around our cousins. Or don’t say anything lalo na pag may kinalaman sa akin.”
    “That’s hard.” Aniya.
    “This is hard.” Paliwanag ko.
    “Okay, baby. I’ll try.” Hinga niya. “So… I’ll text.”
    Tumango ako. “You’ll text.”

    Bakit ba namin ito pinag uusapan? Natahimik kaming dalawa habang pinapark niya ang sasakyan sa pinakamalapit na Savemore. Sinulyapan ko siya habang inaayos niya ang pagpaparking at hindi ko mapigilang tumitig sa kanyang braso na nakahawak sa manibela. Pano siya naging ganito ka steamy hot sa loob ng dalawang taon ay hindi ko alam? Tinaboy ko siyang matipuno, bumalik siyang mas lumala. How did that happen?

    “Come on, Klare.” Aniya nang napagtantong hindi ako gumagalaw kahit nakarating na kami.

    Stupid, Klare. Don’t ruin this chance. We need to be careful. Kilala kami sa syudad na ito at alam ng lahat kung ano ang nangyari sa akin. Kahit wala silang alam tungkol sa amin ni Elijah ay alam kong isang pindot lang nila sa cellphone at isang sumbong sa isa sa mga pinsan ko ay mabubuking na agad kami. Kahit kami lang dalawa, kailangan parin naming mag ingat. Kailangan parin namin ng distansya sa isa’t-isa.

    Kumuha si Elijah ng isang cart habang nagsimula akong magbasa sa list. Madalas ay puro tungkol iyon sa pagkain ni Charles at sa mga spices. Mayroon ding tungkol sa toiletries. Inuna namin ang mga pagkain. Mabilis kaming natapos dahil maaga pa naman at kaonti pa lang ang nag gogrocery. Sinunod namin ang toiletries.

    “Whisper with wings.” Humalakhak si Elijah.
    Kumunot ang noo ko. “That’s not mine.” Ngunit bahagyang uminit ang pisngi ko.
    “Wala akong sinabi. Binasa ko lang sa listahan.”
    Umirap ako sa kanya.
    “Ang sungit. Is it that time of the month?”
    “Shut up, Elijah. It’s probably that time of the month for my mother.” Sabi ko habang hinahanap ang nasa listahan.

    Nakahilig siya sa cart at sumusunod sa akin nang may dalawang matatangkad at magagandang babae ang namimili din ng napkin sa tinigilan namin. Kumuha na lang ako ng lima sa pads na gusto ni mommy nang biglang nag hagikhikan ang magagandang babae sabay tingin kay Elijah.

    “How’s life, Ej?” Kindat ng pinakamatangkad na babae.

    Oh wow! They know each other?

    “I’m good.” Ani Elijah.

    Kumuha pa ako ng iilang tissues malapit doon habang nag uusap sila.

    “Nandon ba kayo last night sa Foam Party?” Tanong ng isang babae.
    “Yup. With my cousins.”
    “Oh? Kasi nakita ko si Rafael. Pero ikaw, hindi kita nakita. I thought you were not there.”
    “Wala ako sa dancefloor. Nasa bar lang nag chi-chill.”

    Umiirap na ako sa kawalan. I suddenly want to call him and show the girls that he’s mine. Kaya lang…

    “Elijah, kukuha lang ako ng alcohol. You can stay here habang kukuha ako ng isa.” Matabang kong sinabi.

    Pinagmasdan niya akong mabuti. Nag iwas ako ng tingin sa kanya at agad ng tumalikod.

    “Una na kami.” Ani Elijah sa mga babae at siguro ay sumunod sa akin.
    “You got my number right? Text please?” Pahabol ng babae.

    Para akong nadadapa sa paglalakad ko dahil sa irita. Nakakairita. Nakakairita dahil pwedeng pwede sila ngunit ako hindi pwede para kay Elijah. I just can’t hide the bitterness.

    “Alcohol’s here.” Tawag ni Elijah sa likod ko.
    Pumihit ako para tingnan na may alcohol nga sa kanyang kamay. Patuloy ang panunuri niya sa akin. Hindi ako tumitingin sa kanya.
    “Hey…” Tawag niya nang nilagpasan ko siya at pupunta na sana sa counter para magbayad.
    “Let’s go, Elijah. Bilisan natin. Almost one hour.” Mariin kong sinabi.

    Hinahawakan niya ng marahan ang siko ko para sumulyap ako sa kanya pero hindi ko ginawa.

    “Klare, baby, come on…” Mahinahon niyang sinabi habang palapit na kami nang palapit sa counter.

    Pumikit ako. Hindi ako galit sa kanya. Hindi ako galit kahit kanino. Galit lang ako sa sarili ko. Bakit ako nakakaramdam ng matinding selos kahit wala pa naman silang ginagawa? Totoong hindi nito napapantayan ang selos ko noon kay Selena ngunit pinukaw nito ang mga alaalang iyon. Seeing Elijah with other girls can hurt me so much. I want to own him but I can’t. I shouldn’t. We need to learn how to love without possessing each other. Ngunit mahirap pala… mahirap na hindi mo siya maangkin. Nevertheless, we should try not to possess each other.

    Hinawakan ni Elijah ang pulso ko at hinarap niya ako sa kanya. Hindi ako makatingin sa kanya at ramdam ko ang mabilis niyang hininga. Para bang natatakot siya sa kinikilos ko.

    “You jealous? I’m sorry.” Aniya.
    “Nope. Hindi ganon. Hindi dapat.” Sabi ko.

    Itinabi niya ang cart at itinabi niya rin ako sa gilid ng mga canned goods section ng grocery. Inaangat niya ang baba ko para mahagip niya ang paningin ko ngunit pinilit kong sa baba parin tumingin.

    “Come on, tell me you’re jealous, Klare. Sabihin mo sa akin na gusto mo na sayo lang ako. Sayo lang ako tumingin. Sayo lang ako. Come on!” Marahan niyang sinabi.
    “That shouldn’t be the-“
    “Hush, Klare. Just tell me you want to own me. Just tell me.” Pinaglaruan niya ang mga daliri ko.

    May kung anong kuryente na naman ang naramdaman ko sa likod ko. Napahilig ako sa cart at bahagya itong gumalaw dahil sa paghilig ko.

    “Love shouldn’t be possessive-“
    “We were never good at following rules, Klare. We make our own. Just damn tell me. I want to fucking hear it from you.” Aniya.
    Kinagat ko ang labi ko.
    “Naaalala mo ‘yong gabing hinatid ko si Hannah at naghintay ka sa labas, Klare? ‘Yong sinalubong mo ako at sobrang higpit ng yakap mo sa akin non? Naaalala mo ‘yon? That was my heaven, Klare. Noong sinabi mo sa akin na hindi ako pwedeng makipag date ng ibang babae, Klare, langit iyon para sa akin. Make me reach heaven again, this time, please. Tell me you are damn jealous and you want me to just date you alone!”

    Napagtanto ko noon na madalas, kahit na sobra sobra na ang pagpaparamdam mo sa isang tao, kailangan parin pala ng mga salita. Ito ang dahilan kung bakit may mga bibig tayo. Ito ang dahilan kung bakit may mga lengwahe at may mga alpabeto, ang pakikipag usap at pagpapahayag ng damdamin. Dahil kung puro pakiramdaman lang, kulang.

    “I think I like you more than I’m allowed to like someone.” Sabi ko.
    Naglaro ang ngiti sa labi ni Elijah at nag taas ang kanyang kilay. “You really have your own way of saying it.”

    Nagkatinginan kaming dalawa. I should really move my ass but I can’t help but stare at him. Ngumuso siya at pinagmasdan kong mabuti ang kanyang mga labi at kanyang mga matang sobrang expressive. Sa bawat pagkurap niya ay mas lalong na dedepina ang kurba ng kanyang pilikmata. Mabuti na lang at nawala ako sa aking pagkakalasing nang may isang batang biglang pumagitna sa amin para hawakan ang magkabilang binti ko para magtago.

    Nagulat kaming dalawa ni Elijah kaya tiningnan namin ang baby, around 1-2 years old lang siya, umiiyak.

    “Oh, baby, anong nangyari?” Tanong ko habang nag squat si Elijah sa harap ko para tingnan ang batang nagtatago sa gitna ng aking binti.

    Gusto ko ring mag squat ngunit hindi ako makagalaw dahil mahigpit ang hawak niya sa dalawang binti ko at umiiyak siya.

    “Mama!” Sigaw niya sa hindi masyadong klarong boses.
    “Where’s your momma?” Tanong ni Elijah habang hinahaplos ang ulo ng baby.
    “Mama!” Sigaw niya sa akin.

    Nagulat ako nang narealize na baka nawawala ang batang ito at buong akala niya ay ako ang mommy niya!

    “Come here, baby.” Sabi ko at nagkunwaring ako ang mommy para maihatid ko siya sa customer’s service.

    Humarap siya sa akin. Mamasa masa ang kanyang mata dahil sa luha at tinitigan niya ako. Nagulat ako nang nakita ko ang mukha ng batang sobrang cute at pamilyar. Napangiwi siya nang napagtanto niyang hindi ako ang mommy niya.

    “We’ll find your momma.” Ani Elijah.

    Yayakapin ko na sana ang bata nang bigla kong narinig ang tawag ng mommy niya.

    “Xian? Xian?”

    Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses para tawagin ang kung sino mang mommy na tumatawag sa isang nawawalang baby. Nagulat ako nang tumambad sa akin si Eba Ferrer na mabilis na dumalo sa batang nasa paanan ko.

    “Xian, baby… Huwag ka kasing tumatakbo takbo. Sorry, baby.” Aniya sabay tahan sa umiiyak niyang anak.
    “Eba?” Sabi ko.
    Napatingin siya sa akin at nanlaki ang mga mata niya nang nakita ako.

    Oh my God? Ang baby niya ay kamukhang kamukha ni Damon! Pinasadahan ko ng tingin si Eba at halos walang nagbago sa kanya. Payat na rin siya, mahaba parin ang kanyang kulay brown na buhok, at bukod sa dala dalang anak ay wala siyang pinagbago.

    “Nice to see you again, Klare. I need to go.” Aniya ngunit hindi ko mapigilan ang sarili ko.
    “Eba! Kamusta ka na!?” Sabay hawak ko sa braso niya.

    Sumulyap ako kay Elijah na tulala sa bata. Alam kong may naiisip na siya. This is so damn bad. I will never forgive Damon. Kung may alam man si Damon dito ay baka maaway ko siya!

    “I’m… We’re fine.” Aniya habang bitbit niya ang kanyang baby.
    “Ang tagal na nating hindi nagkita. Saan ka ba nagpunta? Naiwan mo ‘yong I.D mo sa CR nong huli tayong nagkita. Narinig ko kay Damon na nag drop out ka na daw kaya hindi na ako nag abalang maghanap.” Sabi ko habang sinusuri siya.
    “Yeah.” Tumango siya. “Pero okay na ako ngayon. Sige, ah?”

    Hindi ko siya pinakawalan. Kumunot ang noo niya sa irita habang tinitingnan ang kamay kong nakahawak parin sa braso niya. Sumulyap siya kay Elijah at nakita kong namutla siya.

    “This kid… is a Montefalco.” Seryosong sinabi ni Elijah.

  • Kabanata 27Open or Close

    Kabanata 27
    The Same Page

    Hindi ko na napigilan si Eba nang hawiin niya ang kamay ko at umalis siya ng walang pasubali. Gusto ko siyang sundan para magtanong kahit na mukhang alam ko na ang sagot ngunit pinigilan ako ni Elijah.

    “Elijah, bitiwan mo nga ako!” Sigaw ko pagkatapos naming magbayad sa counter at papasok na kami sa kanyang sasakyan.

    Lumilinga linga parin ako para hanapin si Eba ngunit wala akong makita. Nakahawak si Elijah sa aking kamay at kinakaladkad niya ako palabas ng grocery para lang mapigilan ako sa pagtakbo at pag hahanap kay Eba.

    “It’s not our story to tell, Klare.” Ani Elijah nang nakapasok na ako sa kanyang sasakyan.
    Kumunot ang noo ko at matalim ko siyang tinitigan, “I’m not going to tell Damon about his son, Elijah. Hindi niya deserve ang kanyang mag ina!” Inis kong sinabi.

    Hindi ko pa natatanong si Eba kung kaninong anak si Xian ngunit kumpirmado ko na sa mukha ng kanyang anak kung sino ang ama nito. Maging si Elijah ay kinumpirma ito. Isa pa, dumagdag lang ang pagtakas ni Eba ng walang imik sa kumpirmasyon. There’s no mistaking. It’s Damon’s son! Kung ano man ang naging problema nilang dalawa at bakit ayaw ni Eba na magpakita kay Damon ay hindi ko alam. Pero tuwing naiisip ko na si Eba lang mag isa ang nagpalaki sa bata at walang pakealam si Damon dito ay umiinit ang dugo ko.

    “What are you thinking?” Tanong ni Elijah habang nag dadrive siya.

    Mabilis ang paghinga ko dahil sa galit na umuusbong sa sistema ko. I should calm down, okay. Mahirap lalo na pag naiisip ko ang maputlang mukha ni Eba habang bitbit ang kanyang anak na nakatingin sa akin.

    “Hindi alam ni Damon na may anak siya, Klare. Wala siyang alam.” Ani Elijah.
    Bumaling ako sa kanya. “Well that’s because he never cared! Naaalala ko kung paano niya pinamumukha kay Eba na ayaw niya ng committment. What’s with you boys ba? Bakit kayang kaya niyong manggamit ng ibang babae at iwan na lang sila agad?”
    Kinagat niya ang kanyang labi.

    Damn it! Bakit nakakalma niya ako? Nag iwas ako ng tingin sa kanya. Gusto kong diligan ang galit sa puso ko hanggang sa makarating kami sa bahay. I want to confront Damon. Ngunit hindi ko maipagkakaila na tama si Elijah. Labas kaming dalawa dito kaya dapat ay wala kaming sabihin.

    “Hinanap ni Damon si Eba, Klare. Believe me. Hinanap niya si Eba ngunit hindi niya mahanap. We guessed she’s out of the country.”
    “Bakit niya hinanap? Alam ba niya na buntis siya nung umalis? Because, Elijah, I feel so damn guilty!” Mabilis ang pintig ng puso ko at tumataas ang tono ng boses ko. “Naabutan ko si Eba na nagsusuka sa CR noon! Do you remember? At naisip kong baka buntis siya ngunit binalewala ko lang because I can’t conclude that fast and I have my own issues!”

    Tinigil ni Elijah ang kanyang sasakyan sa harap ng aming building at hinarap niya ako.

    “Hindi alam ni Damon na buntis si Eba noon. Listen, Klare. Wala kang kasalanan dito. Don’t… just don’t start blaming yourself again for this. Labas tayong dalawa dito-“
    “Elijah, ako! Nakita ko si Eba na nagsusuka! Dapat alam ko agad, diba-“
    “Hush, baby, please. Stop blaming yourself.”
    Huminga ako ng malalim dahil sa mga iniisip ko at dahil na rin sa pagpapakalma sa akin ni Elijah. “Hindi sapat ‘yong paghahanap na ginawa ni Damon kay Eba.”
    Pumikit ng mariin si Elijah.
    “I will blame him for this, Elijah. I’m sorry but I’m going to blame your cousin. Silang dalawa ang gumawa ng baby na ‘yon at dapat ay nag karoon na siya ng doubts na baka nga nabuntis niya si Eba kaya umalis. Dapat ay naisip niya na iyon at mas lalo siyang naghanap! At ngayon, papano natin nakita si Eba sa Savemore? Nandito lang pala siya sa syudad! At anong ginagawa ni Damon? Tumigil siya sa paghahanap?!”

    Nangilid ang luha ko para sa nakakaawang batang Montefalco. If he was mine, I would love him so much. Hinding hindi ko siya papabayaan at hindi na ako babalik sa syudad na ito. Hinding hindi ko siya ipapakita sa kanyang ama. Nanlaki ang mga mata ko nang may napagtanto ako sa lahat ng mga iniisip ko. Si mommy! Ganun din ba ang naisip niya nang nabuntis siya ni papa noon sa akin? Inilayo niya rin ako, hindi ba? Oh my God!

    “Baby, look at me.” Marahang sinabi ni Elijah.
    Pinunasan ko ang konting luha na lumandas sa aking pisngi. “Alam kong maaaring hindi niya minahal si Eba kaya hindi siya naging ganon ka desperado na mahanap siya. His attraction wasn’t enough. O baka nga tinigilan niya ang paghahanap kay Eba because he didn’t want a son!”

    Marahang hinawakan ni Elijah ang aking pisngi at hinarap niya ako sa kanya. Dahan dahang kumalma ang paghinga ko. Napatingin ako sa kanyang mga mata at sa kanyang labi. Alam kong nasa harap kami ng aming building at kahit na tinted ang kanyang sasakyan ay hindi ko parin kayang isugal iyon. Ngumuso siya habang tinititigan niya ng diretso ang mga mata ko.

    “Listen… Noong umalis ako at pumuntang New York, mahal na mahal kita. Tinulak mo ako palayo pero handang handa ako na bumalik sa’yo sa oras na sabihin mo sa aking kailangan mo ako. Sa oras na malaman kong hindi ka maayos, handa akong bumalik, Klare.”
    Tumango ako at nagulat nang inungkat niya iyon.
    “Desperado ako. Oo. Ngunit kung mas makakapagpasaya sayo ang malayo ako ay gagawin ko kahit na masakit. I did that, alright? At inisip ko non na wala na talaga. We’re really done. It will be damn easy for you to find someone else. It will never be easy for me. I know. Kasi sinubukan ko na noon, at sinubukan ko ulit sa New York, pero wala parin. Ikaw parin. Pero anong magagawa ko, Klare? If you don’t want me in your life, how the hell will I fight?”
    “No, Elijah. Huwag mong itulad ang istorya natin sa kay Damon. From the very beginning, pinamukha niya kay Eba na wala siyang maibibigay sa kanya dahil ayaw niya ng committment.”
    Pumikit si Elijah.
    “Sometimes, Klare, you do weird things for the people you really love.” Bulong niya sa akin.
    Huminga ako ng malalim.
    “Kahit na anong tulak ng taong mahal mo palayo, bumabalik ka parin na parang tuta.”
    “No…” Umiling ako. “Damon… Si Damon talaga. Ginamit ni Damon si Eba. Alam niya na gusto siya ni Eba. He made her fall for him. At pagkatapos ay ginamit niya si Eba.”
    Tumango si Elijah sa akin. “Wa’g tayong padalos dalos. Let’s ask Damon first. Let them deal with this.”
    Humugot ako ng isa pang malalim na hininga at umambang lalabas na. Pakiramdam ko ay tatlumpung minuto kaming late sa gusto ni Charles.
    “Hey…” Ani Elijah bago ako makalabas.

    Wala sa sarili ko siyang binalingan. Nagulat ako sa bigat ng ekspresyon sa kanyang mga mata. Napaawang ang bibig ko at kumalma lang nang nakita ko siyang ngumiti.

    “I’m sorry for being an asshole. Sa ibang babae. Sorry.” Aniya.
    Ngumuso ako. “Ba’t sakin ka nag sosorry? Sa kanila ka dapat mag sorry, diba?”
    Ngumiti siya. “I’ll do that later. Ikaw muna. Ikaw una. Palagi.”

    Nauna pa siyang lumabas sa akin. Sinundan ko siya ng tingin habang kinukuha ang mga pinamili namin. Come on, Klare!

    Sa utak ko ay inayos ko na lahat ng sasabihin ko kay Damon. Pinapanood lang ako ni Elijah sa elevator habang nag iisip ako non. Ngunit sa huli ay nawala ako sa pag iisip dahil sa titig niyang nakakaasiwa kaya ang ginawa ko ay nag kunwari na lang na nag iisip. Damn! What a distraction!

    Pagkapasok namin sa bahay ay nakabihis na si Charles at nakakunot na ang noo. Mabilis niyang kinuha sa kamay ni Elijah ang mga pinamili namin. Dumiretso naman ako sa mga boys na nag lalaro na naman sa Xbox.

    Ang naroon ay si Damon at Josiah na naglalaro, si Azi na umiinom ng kape, at si Claudette na nagbabasa ng magazine. Pinanood kami ni Claudette habang diretso ang lakad ko sa kay Damon na maingay na tumatawa dahil sa pagkatalo ni Josiah.

    “Dame…” Utas ko nang narealize na wala nga pala akong listahan ng sasabihin dahil nakalimutan ko lahat nang nagtabi kami ni Elijah sa elevator.

    Nasa dining table si Elijah at tinitingnan ang pinamili habang si Damon naman ay hinaharap ako pagkatapos niyang ma knock out si Josiah.

    “Ako naman!” Ani Azi at kinuha kay Damon ang joystick.
    “What the fuck, dude!” Sabi ni Damon ngunit lumayo na si Azi para makipaglaro kay Josiah.

    Bumaling si Damon sa akin at nag taas siya ng kilay. Pumikit ako dahil hindi ko alam kung papaano ko sisimulan ang usapang ito ngunit napagtanto kong mas mabuti kung diretsuhin ko siya.

    “We saw Eba Ferrer sa grocery kanina.” Sabi ko.

    Nag iba ang ekspresyon ni Damon. Galing medyo galit ay naging galit na galit na siya ngayon.

    “And?” Taas niya sa kanyang kilay.
    “Watch your mouth there, Dame.” Ani Elijah sa dining table.

    Damn, Elijah. Wala akong pakealam kung murahin ako ni Damon dito.

    “I… I just thought you want to know.” Sabi ko.

    Hindi ko sasabihin sa kanya na nakita ko siyang may kasamang anak at mukha itong Montefalco. I won’t dare. Bahala siya kung ano ang problema niya. I just want him to know that Eba’s in town. Iyon lang!

    Bahagya siyang nag isip at umiiling iling. Natigil si Claudette sa pagbabasa ng magazine at tumitig siya kay Damon.

    “She left me.” Ani Damon. “Bakit… Bakit ko hahabulin ang taong ayaw akong makita?” Humalukipkip siya at humilig sa sofa.

    Hindi makatingin ang kanyang mga mata sa akin. Dumilim ang kanyang features at pakiramdam ko ay sinasarado niya ang kanyang sarili sa akin.

    “Yeah. Mind your pride, Dame. Nevermind the broken heart. Just keep your pride.” Halakhak ni Azi.

    Nagulat ako sa sinabi niya kaya tumingin ako sa kanya.

    “Ansabi mo, Azrael?” Mariing sinabi ni Azi.
    “Ang sabi ko, pride over heart. Iyon ang gusto mo, diba?” Sarkastikong sinabi ni Azi.
    Humalakhak si Josiah nang natalo niya si Azi sa laro.
    “Anong sabi mo?” Mariing sinabi ni Damon at tumayo para kwelyohan si Azi.

    Tumayo si Claudette at halos sumigaw para itulak si Damon palayo sa kanyang kapatid. Lumabas ang humihikab na si Chanel at Erin para maabutan iyon.

    “Damon, easy!” Sabi ni Elijah at inilayo niya si Damon kay Azi.
    “Boys! What’s wrong?” Sigaw ni Chanel habang kinukusot ang kanyang mata.
    “Wala kang alam, Azrael! Huwag kang mag marunong!” Sigaw ni Damon kay Azi. “Bitiwan mo ako, Elijah!”
    “Stop sticking your nose to where it does not belong kuya Azi.” Nakisali pa si Charles sa kanila.
    “Oo nga, Dame, wala akong alam. Sinasabi ko lang ang opinion ko. That’s for you. Para sa akin? Pag may gusto ako, I’ll be down on bended knees kahit na ayaw ako ng babaeng mahal ko. I’d fucking beg for my chance, Dame! That’s for me. At ikaw, kung ayaw mo, iyon ‘yong sayo. I don’t want to offend you but I’m sorry.” Iling ni Azi.
    “Kuya, tama na.” Bulong ni Claudette habang tinutulak si Azi.
    “I don’t care about your principles, Azi.” mariing sinabi ni Damon.
    “Then don’t! Hindi kita pinipilit. Sinasabi ko lang naman. Sino ba dito ang nag hire ng maraming detective para lang makita ulit si Eba at ngayong may nakakita na sa kanya, you act as if you don’t care? Ta’s pag nakawala ulit, hahanap hanapin mo ulit? Damn!”

    Nakita kong pumula sa galit ang mukha ni Damon. Pumikit ako. Gustong gusto ko nang sabihin na may anak sila, may Xian na involve dito, ngunit ayaw kong manghimasok. Kung hahanapin man ni Damon si Eba, hindi iyon dahil may responsibilidad siya doon, kundi dahil mahal niya ito.

    “Azi!” Sigaw ni Erin na medyo magulo pa ang buhok. “Stop it!”

    Hinawi ni Damon ang kamay ni Elijah at mabilis siyang dumiretso sa guestroom, padabog na sinarado ang pintuan.

    “Now what?” Halakhak ni Azi.
    Tumingin si Elijah sa kanya at kumunot ang noo niya rito. “Where did you learn the lines, Azi?”
    Ngumisi siya at kumindat. “Let’s just play.”

    Binalingan ako nina Erin, Chanel, at Claudette. Hindi ko alam kung tama ba ang gagawin ko pero pakiramdam ko ay maiintindihan nila lahat kung sasabihin ko ang totoo. Habang kumakain kaming apat sa mesa ay binubulong ko sa kanila ang nangyari sa grocery.

    “Sino ‘tong Eba Ferrer na ito?” Tanong ni Erin nang nag sink in sa kanya na nakita ko si Eba kasama ang isang batang kamukhang kamukha ni Damon.

    Hindi ko alam kung nasabi ko ba sa kanila ang tungkol kay Eba noon o alam ba nila at nakalimutan lang nila. Nakita ko sa mukha ni Claudette na mukhang kilala niya si Eba. Laglag ang kanyang panga habang tinitingnan ako pagkatapos kong sabihin na may anak ito at kamukhang kamukha si Damon.

    “Oh my God?” Ani Chanel.
    “Shhh! Ate…” Bulong ni Erin. “Huwag mong iparinig sa boys. You know them, no secrets. Ayokong malaman ni Dame na may anak siya. He’s an asshole.”
    Napatingin ako kay Erin. I’m glad we’re on the same page.

    Tumunog bigla ang cellphone ko. Nagulat ako nang nakitang isang hindi kilalang numero iyon. Sino ito? Kumunot ang noo ko habang tumatayo at dumidiretso sa kusina para sagutin ang tawag na iyon.

    “Hello?” Sabi ko nang ako na lang mag isa.
    Noong una ay hindi ko nakuha ang boses niya. Namamaos ang kanyang boses at tunog kakagising lang. “Klare, good m-morning.”
    “Sino ‘to?”
    “Sorry, di ko nasabi sayo. Si… Eion ‘to.”
    “Uh, oh, Eion, napatawag ka? I… I’m sorry kagabi sa mga pinsan ko.” Sabi ko habang hinihinaan ang boses ko.

    Kumalabog ang puso ko. Hindi dahil nagugustuhan ko ang pagtawag niya, kundi dahil natatakot ako dito. Natatakot ako na may ibang ibig sabihin ito.

    “Can we talk? ‘Yong tayong dalawa lang?” Aniya.
    “Uh… Uhm… When? Where?”
    “Enrolment na next week, hindi ba? Susunduin kita pagkatapos mong ma enrol.” Aniya.
    “Uh… O sige.”

  • Kabanata 28Open or Close

    Kabanata 28
    Get Back Together

    Kabadong kabado ako nang dumating na ang araw ng enrolment. Unang araw pa lang, gusto ko nang ma enrol na agad nang sa ganon ay hindi na ako magpabalik balik pa sa school. Isa pa, ito rin ang sinabi ko kay Eion. Ngayon kami magkikita. Mas lalo lang akong kinabahan. Mabuti na lang at nalaman ko kay Claudette na hindi sila ngayon mag eenrol nina Erin.

    “Hintayin mo na lang kami.” Ani Pierre sa cellphone ko habang nag liligpit ako ng gamit pagkatapos kong kumain.
    “It’s okay, Pierre, sasama ako sa inyo pag mag eenrol kayo.” Sabi ko.
    “Sinong kasama mo? Si Vaughn?”

    Ngumuso ako sa tanong niya. Nagyaya nga si Vaughn ngunit magkaiba naman ang kurso naming dalawa. Magkakahiwalay parin kami kaya tinanggihan ko muna siya. Isa pa, Elijah will probably get pissed. Kaya nga sinabi ko rin ang lahat ng tungkol sa gustong mangyari ni Eion para wala siyang pangamba. I won’t keep secrets anymore. I want to be honest with him.

    “Hindi. Ako lang.” Sagot ko kay Pierre.
    Bumuntong hininga siya. “Bakit? Sana sinama mo si Vaughn. Ayaw kong naiisip na mag isa kang mag eenrol.”
    Napangiti ako. “It’s okay. I’m a big girl. Kung tratuhin mo ako ay parang bata.”
    “Or baka naman may kasama kang maging sa akin ay dapat mong ilihim?”
    Ngumuso ako sa sinabi niya. Probably yes. “No, Pierre. Ako lang talagang mag isa.”
    “Okay.” Buntong hininga niya ulit.
    “Kumusta kayo diyan? I missed you and Hendrix. Tumawag si papa sa akin kahapon, nangungumusta. Masaya daw kayo diyan kasama ang relatives.”
    “Yup. Wish you were here, though.”

    Natahimik ako sa malungkot na pagkakasabi ni Pierre. Kung sana ay tanggap ako ng kanilang pamilya ay hindi ako mag dadalawang isip na pumunta roon.

    “Kumusta ang lola niyo, Pierre?” Tanong ko.
    “Our ama, Klare. Lola mo rin siya.” Ani Pierre.

    Hindi na ako nakipagtalo. I don’t think I’m allowed to call her that but I really want to.

    “She’s good. Pero madalas siyang magkasakit ngayon. And she’s a little bit grumpy.” He chuckled.
    “You should take care of her.” Sabi ko nang napagtantong matanda na nga pala ang ama. Hindi mo kasi iyon mamamalayan tuwing nagsasalita siya ng malupit. Tingin mo ay malakas na malakas pa siya. Kaya ang marinig na nagkakasakit na siya ay nakakagulat para sa akin.
    “Do me a favor, please? Pasyalan mo naman ang bahay natin. It’s been two weeks and I heard hindi ka pa raw pumapasyal sabi ni manang?”
    “Sorry. Sige, papasyal ako pagkatapos ng enrolment, Pierre.”

    Nakatitig si mommy sa akin habang nasa cellphone ako at inaayos ko ang sarili ko sa salamin. Pagkatapos naming mag usap ni Pierre ay binaba ko na ang cellphone ko. Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin at humugot ako ng malalim na hininga.

    “My, baka hindi po ako dito mag lunch.” Sabi ko.
    Tumango si mommy. “Sa school ka mag lu-lunch?”

    Nilagay ko na agad ang bag ko sa aking balikat. This is it. This is one of my ways. Ito pa lang ang unang hakbang. Sana ay mapansin ito ni mommy at huwag niya agad akong husgahan.

    “Siguro po. O sa labas. Kasama si Elijah at Azi.” Sabi ko at hindi ko na tiningnan ulit ang kanyang mukha.
    “Oh… Okay…” Aniya at nakita kong nagpatuloy siya sa pagliligpit sa mesa.

    Hindi na rin siya tumingin sa akin. I trust my mom. Kung ano man ang nasa isip niya ngayon, hindi siy magpapadalos dalos. Gusto kong unti-untiin ito. Alam kong iniisip niyang si Elijah at Selena parin hanggang ngayon kaya hindi siya magdududa. Balang araw, sasabihin ko sa kanya ang lahat ng nangyari. Sa ngayon, uunti untiin ko muna.

    Mabilis akong nakapunta sa school. Hindi pa gaanong mahaba ang pila dahil maaga pa at kaonti pa lang ang estudyante. Sa mga freshmen ay mahaba na ang pila. Mabuti na lang at inagahan ko para mas mabilis akong matapos.

    Sa huling parte ng enrolment ay nakatanggap ako ng message galing kay Elijah.

    Elijah:
    Just got home from the gym. You done?

    Bago ako makapagreply sa kanya ay nabasa ko naman ang message ni Eion.

    Eion:
    Can I fetch you? Kumain tayo sa labas.

    Nag angat ako ng tingin sa mga estudyanteng pumipila kasama ko. Tinanggap ko ang class schedule ko sa registrar bago ako nag reply kay Eion.

    Ako:
    Can we meet here instead? May kasama na kasi akong mag lunch.

    Umupo ako sa benches habang nag hihintay ng reply kay Eion. Pinasadahan ko ng tingin ang paligid at nagpapasalamat ako dahil kaonti pa lang talaga ang tao. Kung magkikita kami ni Eion mamaya sa isang lugar, siguro mas maganda kung sa mga sixth floor ng building para walang tao. Ayaw kong may makakitang ibang tao sa amin.

    Eion:
    Oh. Sige. Where are you?

    Mabilis akong nag type ng message. Pinag usapan na namin ito ni Elijah. Ayaw ko sanang isama siya kaso hindi ko siya mapigilan. Nangako siyang hindi siya makikisawsaw. Gusto niya lang marinig kung ano ang pag uusapan namin ni Eion. Hindi ko alam kung tungkol na naman ba ito sa trust issues niya o talagang totoong gusto niyang malaman kung ano ang sasabihin ni Eion sa akin.

    Ako:
    Sa Aggie Building, 6th floor na lang tayo mag kita.

    Pagkatapos kong makakuha ng Okay kay Eion ay saka ko pa lang sinabi kay Elijah. Hindi parin kami pwedeng makitang magkasama ni Elijah kaya mas mabuti kung umiwas na lang kami. Magkahiwalay kaming pupunta sa 6th floor. I just wish he won’t butt in kung may mali mang sabihin si Eion.

    Elijah:
    Nasa school na ako. See you there.

    Tumayo ako sa kinauupuan ko at namataan ko kaagad ang kanyang sasakyan na nagpapark. There he is. Kung bakit kailangan naming magtago ng ganito ay hindi ko alam. Wala naman ang mga pinsan ko at wala naman ako masyadong kilala ngayon. Pero para na rin maiwasan ang komplikasyon, kailangan naming gawin ito.

    Umakyat na ako sa building gamit ang ramp. Sinabihan ko siya na gamitin niya ang hagdanan para hindi kami makitang magkasama. Siguro rin ay matatagalan pa siya lalo na pag may makakita sa kanyang mga babae. You know him…

    Bumuga ako ng hininga nang nakarating na ako sa 6th floor. Umihim ang malakas na hangin. Naalala ko kaagad nang nag makaawa si Elijah sa akin sa mismong lugar din na ito. Humakbang ako papalapit sa isang lalaking nakatingin sa mga matatayog na building sa labas. Sinasalubong ng kanyang mukha ang hanging umiihim. Humigpit ang hawak ko sa sling ng bag ko habang papalapit ako sa kanya.

    “Eion.” Sabi ko.
    Bumaling si Eion sa akin. Hinihipan ng hangin ang medyo magulo niyang buhok at kitang kita ko ang repleksyon ko sa kanyang mga mata. He looked tired.

    Natatakot ako sa maari niyang sabihin sa akin. Ganunpaman ay sinubukan kong magpakatatag habang kaharap siya. I know Elijah’s around us. I’m pretty sure now.

    “Sorry again sa mga inasta ng mga pinsan ko noong Foam Party.” Sabi ko nang di ako makahagilap ng mga salita.
    “Do you know why I broke up with Erin?”

    Kumalabog ang puso ko. Kahit na magdasal ako ngayon na sana ay mali ang iniisip ko, kulang iyon, dahil alam ko kung saan patungo ang usapang ito. Hindi ako nag aassume, I’m just simply being realistic.

    “I don’t know, Eion. Pero kung ano man ‘yon, dapat ay sa inyong dalawa lang iyon. I’m here because we’re friends-“
    Pinutol niya ako. “‘Yan ang hirap sayo, Klare, e. You speak like a saint.” Aniya.
    Nagulat ako sa kanyang sinabi kaya hindi ko nadagdagan ang sasabihin ko.
    “‘Yan ang mahirap sayo.” Dagdag niya.

    Tinikom ko ang nakaawang kong bibig. Hindi ko alam kung bakit siya nahihirapan sa akin. Then again, wala ako sa posisyon niya kaya talagang hindi ko iyon mararamdaman.

    “‘Yon bang imbes na dapat ay magalit ka sa akin ay okay lang sayo!”
    Nag angat ako ng tingin sa kanya. “Eion, hindi ako magagalit sayo. Bakit ako magagalit sayo? Ikaw ang dapat na magalit sa akin, hindi ba? I will understand. Pero sana ay mapatawad mo na ako sa nagawa ko sayo noon. I don’t know what’s your point right now but I’m here to be your friend. I want to be here as a friend. Gusto ko sanang… gusto ko sanang mag kaayos kayo ni Erin. You see… she’s a wreck without you-“
    “You tell me, Klare. I need our closure.” Mariin niyang sinabi.
    Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

    Anong closure pa ba ang iniisip niya? Hindi ko alam. Matagal na panahon na iyon at masyadong maraming nangyari sa buhay ko na nahihirapan na ako kung paano iyong noon.

    “What closure do you need, Eion?” Matigas kong sinabi.
    “Noon sinabi mo sakin ayaw mo sakin dahil may mahal kang iba. Sino ‘yon?”

    Kumalabog ang dibdib ko sa tanong niya. Uh-oh. Hindi ko inasahan na ganito ang magiging tanong niya. Hindi ko inasahan na ibabalik niya ang usapang ito.

    “That was a long time ago, Eion.” Sabi ko.
    “Sino, Klare?” Humakbang siya palapit sa akin.

    Mas lalong kumalabog ang puso ko. Damn it! Kung nandito na nga si Elijah, isang kalabit na lang sa lalaking iyon ay baka magpakita na iyon dito. I don’t want that to happen!

    “Ano pa ba ang halaga non sa iyo?” I spat. “Kung mahal mo talaga ang pinsan mo, hindi mo na iisipin iyon! Hindi mo na ako iisipin! Hindi deserve ni Erin na gawin mo siyang option dahil lang sa hindi ka pa nakakalimot sa akin, Eion!”
    Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko.
    “I want to know, Klare. Sino ang lalaki? Dahil bakit hanggang ngayon, mag isa ka parin! Bakit wala paring iba?”
    Umiling ako at mas lalong kinabahan. “Kung nag dadalawang isip ka kay Erin dahil bumabagabag ‘yan sayo, Eion. Then, I’m sorry but I think you deserve Josiah’s punches.”

    Linagpasan ko siya. Sa sobrang gulat niya sa sinabi ko ay wala na siyang naging imik. Ayaw ko sanang sabihin iyon ngunit hindi ko mapigilan ang sarili ko. Pagkaliko ko sa hagdanan ay nakita ko kaagad ang nakapikit na si Elijah at nakahilig sa dingding. Nakakuyom ang kanyang kamao. Lumapit ako sa kanya at umambang hihilahin siya doon para makaalis na kami kahit na naroon ang nanlalaking mga mata ni Azi sa aming harap.

    Nang naramdaman ako ni Elijah ay dumilat siya at mabilis niya akong hinila patungo sa kanyang dibdib.

    “Thank you.” Bulong niya.

    Sumalampak ako sa kanyang dibdib habang hinahaplos niya ang aking buhok. I want us to go! Paano kung sumunod si Eion at maabutan niya kami dito na ganito? Oo nga’t nandito si Azi para pagtakpan ang kung ano mang meron sa amin ni Elijah ngunit kailangan parin naming maging maingat.

    “Elijah…” Nag angat ako ng tingin sa kanya ngunit nanahimik din ako nang narealize ko na may kausap na si Eion.

    “‘Yon ba ‘yon, Eion?” I heard Erin’s voice.
    Nagulat ako. Gusto kong tumingin pero hindi ako pinapakawalan ni Elijah sa kanyang mga bisig.

    “Elijah, let’s go. Nandito pala si Erin.” Bulong ni Azi.

    Nalaglag ang panga ko habang nakikinig kay Erin at Eion.

    “‘Yon ba ‘yong hindi matanggal sa utak mo?” She cried.

    Tinakpan ko ng kamay ang aking bibig habang nakikinig sa kanila.

    “Kung sino ang mahal niya noon kaya ka niya binasted?”
    Walang imik si Eion habang humahagulhol si Erin.
    “Pwes, sasabihin ko sayo. But will you please… please… let’s get back together, Eion.”

    Oh my God! Humigpit ang yakap ni Elijah sa akin.

    “Damn, Erin.” Aniya.
    Hinawakan ko ang kanyang kamay.

    “Pwes, si Elijah!” Sigaw ni Erin. “Siya ang mahal niya noon, okay? Siya ‘yong nagpalito kay Klare. Now what?”

    “Oh shit.” Bulong ni Azi. “Let’s go, Klare.” Sabay hila ni Azi sa akin.
    “Elijah.” Sabi ko sabay hila kay Elijah.

    Pumikit ako at narealize na sinabi lang naman ni Erin sa ibang tao ang sekreto namin. Sinabi niya iyon para lang bumalik sa kanya si Eion. I couldn’t believe it! I just couldn’t believe it!

    Habang bumababa kami ng marahan ay naririnig ko ang boses ni Eion.

    “Impossible. Pinsan niyo siya. At may girlfriend na siya, hindi ba?”
    “Yes. May girlfriend na siya ngayon. Hindi niya na mahal si Klare, Eion. Pero noon, oo, si Elijah ang dahilan. Mahal nila ang isa’t isa noon!” Hagulhol ni Erin.

    Kinagat ko ang labi ko habang nalulunod na ang mga boses ni Eion at Erin sa katahimikan habang papalayo na kami. Hinihila ako ni Azi sa kamay ni Elijah habang iritado at wala sa sarili si Elijah na kumakapit sa kamay ko.

    “Dude, papunta tayong parking lot. You two can’t hold hands. Especially na may ibang tao na ang nakakaalam sa nangyari sa inyo noon.”

    Napatingin si Elijah sa akin. Binitiwan ko ang kamay ni Elijah. Napaawang ang kanyang bibig sa ginawa ko.

    “I-I’ll see you both outside? Maghihintay na lang ako sa labas. Pick me up there.” Sabi ko.

    Nakatitig si Azi sa akin. Si Elijah naman ay nakatingin kay Azi habang tumatango sa sinabi ko. Sinapak siya ni Elijah. Kumunot ang noo ko sa ginawa ni Elijah kay Azrael.

    “What, dude?” Ani Azi habang bumabaling kay Elijah.
    Kumunot ang noo ni Elijah kay Azi. “You are falling for her, aren’t you?”
    Nalaglag ang panga ni Azi. “Ano? Baliw ‘to! We are cousins! Tara na nga!” Ani Azi at humalakhak. “Idiot! Move your ass or you’ll get caught. Stop being so Klaresick!”
    “What?” Iritadong sinabi ni Elijah.
    Ngumuso ako. “Sige na. I’ll see you outside.”

    Pumihit ako para lumabas na sa school ngunit bumagabag parin sa akin na sinabi ni Erin ang tungkol sa nakaraan namin ni Elijah kay Eion! Ibig sabihin nito, maaaring papanoorin na rin ni Eion ang bawat galaw namin ni Elijah. Mas dadami ang mag babantay!

    Pumikit ako. I can’t believe it! Magagawa iyon ni Erin?

  • Kabanata 29Open or Close

    Kabanata 29
    Possessive

    Kumain kami ni Elijah at Azi sa Lefty’s. May katext si Azi habang nag oorder si Elijah ng pagkain.

    “Apat.” Ani Azi sa waiter na naglalagay ng mga plato.

    Pinili namin dito kumain dahil malayo ito sa syudad. Now that Azi’s here, tingin ko ay pinagkakatiwalaan siya ni Elijah sa sekreto namin. It’s probably safe to be around him.

    “Sinong darating, Azi?” Tanong ko.
    Nag angat siya ng tingin sa akin galing sa kanyang cellphone. Humilig siya at umambang bubulong sa aking tainga. Inilapit ko naman ang aking tainga sa kanyang bibig. “Dette Dette.”
    Tumango ako at napagtantong okay lang kasi si Claudette lang naman pala.

    Ngumuso si Azi habang nakatingin sa katabi kong si Elijah.

    “Now you’re not going to accuse me of hitting on her, Elijah. Damn, mad ape!” Umirap siya kay Elijah.
    “I won’t, Azi. If you stop brushing your lips against her ears.” Iritadong sinabi ni Elijah.
    Humagalpak sa tawa si Azi. “Bullshit! We’re not going to lose our friendship over Klare.”
    “Tumigil ka nga, Elijah. You’re being paranoid. Azi’s my cousin.”
    Tumawa ulit si Azi. “See? I’m her cousin. You’re not. You’re her… uh… well… friend?”
    “Fuck you, dude.” Iritadong sinabi ni Elijah habang hinihila ako palapit sa kanya.

    Ngumuso ako at medyo hindi pa kumportable na ganito kami ni Elijah kahit na may tao. It’s weird. Kinagat ko ang labi ko habang nag aangat ng tingin sa mga mata niyang buong buo ang atensyon sa akin.

    “We need to be more careful now, Klare. Pati si Eion ay may alam na.” Sabi niya sa akin.
    Tumango ako. “Iniisip parin ni Erin na kayo pa ni Selena. I think that’s still a good sign.”
    Tumango si Elijah.

    Napatalon ako nang may biglang humalik sa pisngi ni Azi bago umupo sa kanyang tabi. Nakahinga lang ako nang malalim nang nakitang si Claudette pala iyon. Bumagsak agad ang tingin ni Claudette sa kamay ni Elijah na nakahawak sa kamay ko. Instinct na siguro ang dahilan kung bakit kinalas ko ang kamay ni Elijah na nakahawak sa akin. Umayos si Elijah sa pagkakaupo at binati niya si Claudette.

    “You enroled, Klare?” Tanong ni Claudette.
    “Yup.” Sagot kong medyo naaasiwa.
    Tumango siya at bumaling kay Elijah. “What are your plans, Elijah? Babalik ka bang Surigao?”
    “Uh, nope. Dito na lang muna.”
    Tumango si Claudette at bumaling ulit sa akin.

    Dumating ang inorder na sisig at Buffalo Wings. Binalot kami ng matinding katahimikan hanggang sa nag ingay na si Azi kung gaano siya ka gutom. Tahimik si Claudette kaya hindi na rin ako masyadong nagsalita.

    Nilagyan ni Elijah ng pagkain ang aking pinggan. Ngumuso ako habang ginagawa niya iyon. Nararamdaman ko ang titig ni Claudette sa aming dalawa. Now what?

    “I really hate buffalo wings, ya know, nakakabading daw ito, e.” Ani Azi.
    “Bakit, Azi? Nababading ka na ba?” Halakhak ni Elijah.
    “What the fuck, dude? Parang di tayo lumaki ng sabay kung makapagsalita ka.” Kunot ng noo niya.

    Bumaling si Elijah sa akin nang nakangisi bago niya ako tinanong.

    “What do you want, baby? Juice or soda?”

    Nararamdaman ko ang matulis na tingin ni Claudette sa aming dalawa. I think we’re doing something really wrong right now.

    “Juice.” Napapaos kong sinabi.

    Padarag na binitiwan ni Claudette ang kanyang kutsara at uminom ng tubig.

    “I. Get. It.” Aniya at hininaan ang kanyang boses.

    Napatingin kaming dalawa ni Elijah sa kanya. Kumalabog ang puso ko. Bumaling siya kay Elijah at kumunot ang kanyang noo.

    “Hindi ko alam kung anong meron, Elijah, pero dammit, you and Selena are still together, right? Anong plano niyo at bakit kayo ganito?”
    “Easy there, Dette.” Pigil ni Azi.
    “Hindi, kuya, bakit ganito? Klare, you’re not going to be a mistress for him.” Sabay turo niya kay Elijah. “I know your history. Maniwala kayo. Bilib na bilib ako sa inyong dalawa pero hindi ganito. Huwag ganito.”
    “Dette, Wala na kami ni Selena.” Simpleng sinabi ni Elijah.
    “What?” Iritadong sinabi ni Claudette.
    Napatingin ako sa labas. Ayaw kong tingnan ang reaksyon ni Claudette habang nagsasalita si Elijah. “Wala na kami. Hindi ako papabalikin nina mommy at daddy ng Pilipinas hanggang hindi pa ako nag kaka girlfriend.”

    Natahimik si Claudette. Ilang sandali pa bago siya nakapag salita.

    “What will happen if they’ll find out about this, Elijah?”
    Napatingin si Azi sa akin. Napatingin rin ako kay Claudette. Hindi kay Elijah na sagot ang hinahanap ni Claudette. Alam ko dahil sa akin rin siya nakatingin.
    “We’re buying our time, Clau. Ipapaliwanag ko ito ng unti unti kay mommy at daddy. At sana na rin sa inyo… kina Rafael… at kay Erin.”
    Tumango siya. “But what if biglang lalabas ang katotohanan? What about Selena? Pano kong isiwalat niya ang lahat ng ito?”
    Huminga ako ng malalim. “We’re going to gamble, Clau. We’ll trust Selena.”
    “Hell hath no fury like a woman scorned, Klare. Remember that.” Nanliit ang mga mata niya.

    Kinabahan ako sa sinabi ni Claudette. Selena won’t let that happen. Respeto ang maibibigay ko sa kanya dahil mahal niya si Elijah at kaya niyang pakawalan ang mahal niya. At alam ko naman ang gagawin ko pag ganon nga ang nangyari, e. I will stand by my decision. And my decision is Elijah.

    Makalipas ang isang linggo ay hindi na ulit kami nagkita ni Elijah. Hanggang text lang kami dahil nga magiging weird naman kung parati kaming magkasama. Inisip rin niya na tuwing magkasama kami ay kailangan naroon si Azi at Claudette. We can’t be alone. Maraming magdududa.

    “My, aalis po ako. Bibisitahin ko lang ang bahay namin sa Hillsborough.” Paliwanag ko kay mommy.
    “Okay. Papahatid ka sa dad mo?”
    “Huwag na po.” Sabi ko. “Makokontak ko naman po ang driver namin.”

    Sumang ayon si mommy sa sinabi ko. Nagpaalam na rin kasi ako kay Pierre na pupunta ako sa aming bahay para bumisita. Nagulat nga iyon kasi naantala ang pag bisita ko. Kaya naman ay ipapadala niya raw ang driver nila para kunin ako. Hindi na naman kailangan dahil pupunta rin doon si Elijah, Azi at Claudette. Kaya lang ay pinilit niya ako.

    Dinampot ko ang aking skateboard at inayos ko ang aking hikaw, iyong hikaw na bigay sa akin ni Elijah. Kumalabog ang puso ko. Pagkatapos ng isang linggo ay magkikita ulit kami. Naaalala ko pa ang mga text niya kung gaano niya na ako ka miss at ngayong mag kikita ulit kami, nakaka excite. Dammit! It’s hard not to lose control sometimes.

    Pumasok ako sa aming sasakyan habang kandong ang skateboard. Naka bun ang buhok ko at inisip kong tuturuan ko si Elijah ngayon na mag skate.

    Napatalon ang dibdib ko nang may nakita akong mensahe sa aking cellphone. Napawi ang ngiti ko nang kay Vaughn pala iyon. Dammit, Klare! What’s that supposed to mean?

    Vaughn:
    I’m finally enroled! Ang haba ng pila. Where you at, miss?

    Ngumuso ako at mabilis siyang nireplyan habang tumitigil ang sasakyan. Habang nag rereply ako ay binubuksan ko ang pintuan at lumalabas ako.

    Ako:
    Wala ako sa school.

    Nag angat ako ng tingin kay Elijah na ngayon ay nakakunot ang noo. Nasa labas pala siya ng bahay at naghihintay sa akin. Nilagay ko sa aking bulsa ang cellphone at nakita kong sinundan niya ito ng tingin.

    “Where’s Clau and Azi?” Tanong ko.
    “Nasa loob.” Sagot ni Elijah.
    Tumango ako at ipinakita sa kanya ang aking skateboard.
    “Wanna try?”
    “Pag ikaw ang magtuturo.” Aniya.
    Ngumisi ako at tumango ulit.

    Pumasok kami sa loob ng bahay. Naabutan ko si Claudette na nakatayo sa gilid ng piano at tinitingnan ang bawat frame na naroon sa aming bahay. Si Azi naman ay nakaupo sa sofa at nakalagay ang paa sa table habang namimili ng laro sa Xbox.

    “Elijah, laro tayo.” Ani Azi.
    Umupo si Elijah sa sofa.

    Binati at kinumusta agad ako nina manang dahil matagal na akong hindi nakakabisita. Pagkatapos non ay dumiretso na ako kay Claudette na nakatitig sa isang picture ni Hendrix at Pierre na parehong naka sailor outfit.

    “Only got one picture here, Clau.” Sabi ko sabay turo sa isang picture ko noong birthday ko.
    Tumango siya. “I can see that.” Hinawa niya ang kanyang buhok bago bumaling sa akin. “Must be hard to be a Chinese.”
    Kumunot ang noo ko at bumaling kay Azi at Elijah na nagtatawanan. “Ba’t mo nasabi?”
    “You have… some different family rules right? Chinese is strictly for chinese only?”

    Nagulat ako sa sinabi ni Claudette. Dumiretso siya sa sofa kung saan nakaupo si Azi. I know that rule pero hindi iyon kailanman naging pasakit sa akin. Siguro na rin ay dahil hindi naman ako tulad ni Pierre at Hendrix na pinalaking ganon.

    Kumunot ang noo ko kay Claudette at bumaling ako sa picture na tinitingnan niya kanina.

    “Come here, Klare.” Tawag ni Elijah habang nakahilig sa sofa at nakikipaglaban kay Azi sa flatscreen.

    Tumango ako at dumiretso sa tabi niya. Nakatoon ang kanyang buong atensyon sa screen ngunit siniko niya ako.

    “Not there, baby.” Aniya.
    Nag taas ako ng kilay sa kanya ngunit diretso parin ang tingin niya sa screen.

    Kinalas niya ang kanyang kamay na nakahawak sa joystick at nilahad niya ang kanyang hita.

    “Come on, sit here. You’re my good luck. Walang ganito si Azi.” He chuckled.
    “Baliw!” Sapak ko ngunit nag huhuramentado na ang puso ko.
    Napatingin ako kay Claudette na ngumunguso at tumitingin sa screen.
    “Sige na.” Malambing na sinabi ni Elijah at hinila niya ako sa kanyang hita.

    Natunaw ang binti ko habang lumalapit sa kanya. Umayos siya sa pag upo. Pinaupo niya ako sa sofa sa gitna ng kanyang mga hita bago ako kinulong sa kanyang braso. Nagpatuloy siya sa pagpipindot ng joystick.

    “YES!” Sigaw ni Azi nang nanalo siya.
    Bumuntong hininga si Elijah. “Round two.”

    Napahawak ako sa kanyang binti habang ginagalaw niya ang joystick.

    “Fuck shit. Baka mamaya langgamin tayo dito.” Bulong ni Azi.
    Humalakhak si Claudette. “Di ko kayang tingnan. Kumakalabog puso ko pag tumitingin ako e.”
    Uminit ang pisngi ko sa sinabi ni Claudette. “Uh…” Hinawi ko ang kamay ni Elijah at kumawala.
    “Good job, Dette!” Sarkastikong sinabi ni Elijah.
    Tumawa si Claudette at Azi habang ako naman ay nagkunwaring pupunta sa kusina. Nakakahiya!
    “Alam niyo namang mahirap siyang… dammit, you two. Next time, di ko na kayo isasama!” Iritadong sinabi ni Elijah.

    Ilang sandali pa bago ko naisipang lumabas galing sa kusina. Kumalma na ako at dala dala ko na iyong juice at cake na hinanda ni manang. Nag angat ng tingin si Claudette sa akin at nakangiti parin siya. Hindi parin siya nakakarecover sa nangyari kanina. Dammit! Why is this so awkward?

    “Kami naman ni Kuya, Elijah.” Ani Claudette.
    “Oh yeah? I won’t hold back this time, Dette!” Halakhak ni Azi.
    “Kain muna kayo.” Sabi ko habang nilalapag ang mga juice.

    Pinapanood ako ni Elijah habang ginagawa ko iyon. Nanginig na naman ang kamay ko. Dammit! I should stop, alright! Pamilyar na sakin ang panginginig na ito. Dapat ay tumigil ako. Mamaya makabasag pa ako ng baso.

    “Klare, why don’t you teach me how to skate, instead?” Ani Elijah.
    “Uh… Sure!” Sabi ko sabay atras ng bahagya.
    “Yeah. Alone time.” Halakhak ni Azi.
    Uminit ang pisngi ko sa pag puna ni Azi.

    Lumabas na ako ng diretso sa aming bahay at dinampot ko na ang skateboard ko habang minumura ni Elijah si Azi. Tumatawa naman si Azi at Claudette habang naglalaro. They are enjoying this so much. I’m not. It’s too awkward!

    Ngayon, mas lalong naging awkward dahil kaming dalawa na lang ni Elijah at papanoorin niya akong mag i-skate.

    “I think natry mo na ito?” Sabi ko.
    “Uh yeah. Sa New York. Pero di ko trip. Why don’t you teach me?” Ngisi niya.
    “It’s easy.” I lied. “Sakay ka lang tas tulak mo sa paa.”

    Ginawa ko ang sinabi ko. It’s easy like this. Pero syempre kung gusto mo na nang tricks ay mahirap na iyon. Sinalubong ko ang hangin habang ginagawa ko iyon. Niliko ko ang skateboard para bumalik sa kanya. Nakita kong nakapamulsa siyang pinapanood ako sa malayo. Bumalik ako sa kanya.

    “Subukan mo?” Sabi ko.
    “I’ll take off my shirt first. Don’t like sweating on my t shirt.” Aniya.
    “Uh… Well… Okay.”

    Fantastic! Ngayon mas lalo akong maaasiwang tingnan siya dahil sa kanyang katawan at nakabalandrang tattoo.

    Kinuha niya sa kamay ko ang aking skateboard. Mabilis kong binitiwan ang skateboard nang nahaplos niya ang kamay ko. Kumunot ang kanyang noo at nag iwas ako ng tingin.

    “Hold this for me, please?” Aniya at binigay niya sa akin ang kanyang mabangong tshirt.
    “Okay.” Sabi ko.

    Dammit, Klare! Stop being stupid! Dapat ay magseryoso ako dito at huwag nang pansinin ang kung anong nararamdaman ko sa kanya pag ganito kami.

    “Ganito ba?” Tanong niya habang inaapakan ang skateboard ko.
    Namangha ako nang matikas at walang kahirap hirap niyang sinakyan at niliko ang skateboard ko. Tumawa siya pagkaliko ng skateboard.

    “Ang hirap!” Hinga niya.
    “Talaga? San ang mahirap sayo don?” Bulong ko sa sarili ko.

    Nang nakabalik siya sa akin ay mabilis kong dinampot ang aking skateboard at sinakyan ito ulit para ipakita na kaya kong iliko liko yong skateboard.

    “Now what?” Aniya.
    “Watch, Elijah.” Sabi ko.

    Niliko liko ko iyon habang lumalayo sa kanya. Nang pabalik na ako ay nakanguso na siya at seryosong nakatingin sa akin. Ngumisi ako sa kanya at nagdasal na sana ay magawa ko ang ilang tricks para makapagpasikat sa kanya.

    Nang nagawa ko nga ay nakita kong may naglarong ngiti sa kanyang mukha. Kinagat ko ang kanyang labi at napagtantong masyado kong siniseryoso ang pagpapasikat sa kanya kaya dumiretso na ako. Nagulat ako nang nilahad niya ang kanyang braso at sinalubong ako habang nag s-skate.

    Tumama ako sa kanyang dibdib at marahan niya akong niyakap.

    “Nakakainip pala. Can’t stand watching you skate, Klare. Nakakainip tingnan na malayo ka at mabagal ang pag dating mo papunta sakin.” Bulong niya sa akin.

    Thank God he’s hugging me tight. Siya na mismo ang sumusuporta sa akin kaya hindi ako nakaluhod ngayon. Dahil pakiramdam ko ay luluhod talaga ako sa pamamanhid ng aking tuhod dahil sa sinabi niya.

    And he smell so nice. Niyakap ko siya pabalik at mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin.

    “Tinuturuan kasi kitang mag skate kaya ganon.” Sabi ko.
    “I know. But I can’t help it, baby. I can’t help but be possessive.” Bulong niya. “I want you so bad for myself.”

    Kinagat ko ang aking labi. I’m so in love with him, really. Kung paano ko siya naitulak noon palayo sa akin ay hindi ko na maintindihan ngayon. I will never to that to him again.

    Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya nang namataan ko ang isang pamilyar na sasakyan.

    “Sina Vaugn at Jack, nandito.” Sabi ko.

  • Kabanata 30Open or Close

    Kabanata 30
    Again

    Nilingon ko si Elijah. Pinapanood niya ang pag park ng sasakyan ni Vaughn sa harap namin. Mabilis na lumabas si Jack at Andrei galing sa sasakyan.

    “Uy!” Sabay kaway ko sa kanila.
    “Klare! We missed you!” Ani Jack sabay salubong sa akin. “Wala pa rin ba sina Pierre?”
    “Wala pa, e. Isang linggo pa.” Sabi ko.

    Napatingin si Jack sa likod ko. Ganon rin si Andrei na nasa likod niya. Lumabas si Vaughn galing sa driver’s seat at ngumiti sa akin.

    “Di ka na nagreply!” He pouted.
    “Hindi ko namalayan yung cellphone ko!” Sagot ko nang narealize na hindi ko na nga pala ito pinapansin dahil kasama ko na naman si Elijah.

    Nagkatinginan silang dalawa ni Elijah. Naaalala ko tuloy na medyo hindi maganda ang huli nilang pagkikita noon sa Foam Party. Ngayong naaalala ko na lahat, hindi nga pala maganda ang lahat ng mga nangyayari pag magkasama ang dalawa. Binasag ko ang nakakabinging katahimikan na bumalot sa amin.

    “Nga pala. Kasama ko ang mga pinsan ko. Nasa loob ‘yong iba. Pasok kayo?” Anyaya ko sa kanila.
    “Sure!” Halakhak ni Jack.

    Naunang pumasok si Jack at Andrei. Hinintay ko ang pagpasok ni Vaughn sa loob ngunit naghintayan lang kaming dalawa doon habang si Elijah ay nasa likod ko.

    “Mauna ka na, Vaughn.” Sabi ko habang tumitingin siya sa likod ko.
    “Okay.” Medyo matabang niyang sinabi at pumasok na rin.

    Nilingon ko si Elijah at naabutan ko siyang madilim ang titig kay Vaughn. Kinalabit ko siya.

    “Hey, stop it. We’re on cousin’s mode now.” Bulong ko.
    “I’m on cousin’s mode, Klare.” Sarkastikong sinabi ni Elijah.

    Oh yeah! Nakalimutan ko. Kahit pinsan siya ay sobrang protective niya nga pala sa akin. Now what? Bahala na nga.

    “I’m not going to hang around you, okay?”
    Suminghap siya. “Okay.” at pumasok kami sa loob.

    Nakita ko ang gulat na mukha ni Claudette at ang unaffected look naman sa mukha ni Azi. Medyo nailang si Jack, Andrei, at Vaughn nang makita ang dalawang nakaupo sa sofa. Iminuwestra ko sa kanila ang kabilang sofa na walang nakaupo. Sumalampak na si Elijah sa gilid ni Claudette habang pinapanood akong pinapaupo sina Vaughn, Jack, at Andrei.

    Naghalakhakan si Jack at Vaughn.

    “Ngayon lang tayo nahiya!” Tawa ni Jack.

    Nag asaran silang tatlo at napagtanto kong medyo awkward talaga ang pangyayaring ito. Kahit na alam kong medyo kilala na naman nila ang mga pinsan ko ay naisipan kong ipakilala ko na lang sila sa isa’t isa.

    “Eto nga pala ang mga pinsan ko, Eto si Azi.” Sabay turo ko sa walang pakealam na si Azi. “Si Claudette, ta’s si Elijah.” Sumulyap si Claudette sa kanila.
    “Eto nga pala friends nina Hendrix at Pierre. Si Jack, Andrei, at Vaughn.” Sabi ko.

    Tumango si Azi sa kanila. Hindi ko matagalan ang awkward moment kaya imbes na magtagal doon ay umalis ako para kumuha ng pagkain nila. Pagkabalik ko ay ganon parin naman. May sariling usapan sina Vaughn, Jack, at Andrei. May sariling usapan din si Elijah at Azi.

    Nilapag ko ang mga pagkain at hahayaan ko na lang na kumuha sila imbes na isa-isahin ko ang pag bigay sa kanila.

    “Bumisita kami kasi babalik na sina Andrei at Jack sa Davao sa Biyernes.” Ani Vaughn.
    Tumango ako. “Enrolment na ba sa Ateneo de Davao?”
    “Oo, e. Actually simula pa last week kaso tinatamad pa akong umuwi.” Ani Jack.
    Tumango ako at napansin ko ang tumatagal na tingin ni Jack kay Claudette.
    “Kumain muna kayo.” Sabi ko.

    Nakita kong humikab si Azi at binitiwan ang joystick.

    “Labas tayo, Elijah?” Ani Azi.

    Great! Iyong mga nandito pa ay ang mga anti social kong pinsan. Well, Azi’s just anti social to boys. He’s not interested pag hindi babae.

    “Patio lang kami, Klare? Do you have beer here?” Tanong ni Azi.
    Ngumuso ako. “Beer? It’s still early.”

    Umiling ako ngunit tumayo na si Elijah at Azi patungong patio. Tatayo na rin sana si Claudette ngunit may sinabi sa kanya si Jack dahilan kung bakit hindi siya natuloy. Sinagot niya ang bawat tanong ni Jack sa kanya habang pinagsasabihan ko naman si manang ng mga beer na kailangan ni Azi at Elijah.

    Binuksan nila ang pintuan sa patio at umupo sila doon. Nakatingin si Elijah sa akin kahit na nandoon siya at nakita kong kinuha niya ang kanyang cellphone.

    Kinuha ko rin ang aking cellphone at naghintay sa maaari niyang itext nang tumabi ako kay Claudette.

    “Oh? So you know how to bake?” Halakhak ni Jack. “Since business major ka naman, siguro magandang mag negosyo?”

    Nanliit ang mga mata ko kay Jack. Sinasagot naman ni Claudette ang bawat tinatanong ni Jack. Napatingin ako sa luminga lingang si Azi sa patio. Tumawa si Elijah at binatukan niya ito bago itinuro ang naiwan nilang si Claudette doon. Ngayon, silang dalawa na ang nakatitig sa amin sa sala.

    If Jack’s hitting on Claudette right now, he’s done.

    Kumalabog ang puso ko nang tumayo si Vaughn at umupo sa tabi ko. Hindi na ako lumingon sa patio para tingnan kung nakatingin parin ba si Elijah at Azi sa amin pero alam ko na ganon nga. Nakisali si Andrei sa pagtatanong kay Claudette habang humihingang malalim naman si Vaughn sa tabi ko. Humilig siya malapit sa akin at tumunog ang cellphone ko.

    Elijah:
    I want to punch him right now.

    Hindi ko mapigilang ngumiti habang nagtatype.

    Ako:
    OA ka. We’re not even that close. Don’t worry.

    Napatingin si Vaughn sa cellphone kong mabilis kong binaba. Huminga siya para magsalita pero tumunog ulit ang cellphone ko.

    Elijah:
    Siya ba ang katext mo kanina pagkababa mo?

    Hindi muna ako nag reply dahil nakakahiya kay Vaughn.

    “Enroled ka na rin?” Tanong ko kahit na sinabi niya na sa akin ang sagot nito kanina.
    “Oo. Kailan ka nag enrol?” Tanong niya.

    Sinubukan kong mag reply habang nag sasalita kay Vaughn. It’s weird and rude at the same time. Dapat ay hindi ko na ito gagawin ulit!

    Ako:
    Oo.

    “Nong first day pa lang.” Sabi ko.
    “I figured. Dapat kasi nong first day rin ako mag eenrol kasama mo. I want to ask you out again.” Ngiti niya.
    Dahan dahan akong tumango at tumunog ulit ang cellphone ko. Kumunot ang noo ni Vaughn sa cellphone ko kaya mabilis ko itong tinago. Elijah can wait. I need to fix this.
    “When? I’m kinda busy kasi sa mga last days ng May.” I lied.
    “Oh? How about pagkabalik nina Pierre at Hendrix. I’m guessing busy ka dahil sa mga pinsan mo. Pagkabalik mo dito sa Hillsborough, you won’t be busy anymore?”
    “Uh, well. Probably? Hindi pa kita masasagot ng tungkol don ngayon because I’m not quite sure of my schedule yet.”
    Humalakhak si Vaughn. “Schedule. You’re too busy, miss.”
    Umiling ako. “Hindi naman masyado pero ganon talaga sa mga Montefalco. Marami kaming activities.”
    Tumango siya. “I can’t snatch you out from your sched?”
    “We’ll see, Vaughn. But I can’t promise anything.”
    “Ouch!”

    Ngayong sinasabi niya sa akin ito. Napagtanto kong kailangan ko na nga pala siyang kumprontahin. Kung ano man iyong panliligaw na binubuo niya ay kailangan ko siyang pigilan doon. Which is better, Klare? Telling him that you’re not ready for anything or just silently rejecting all the dates he’ll offer? Hindi ko alam pero base sa nangyari sa amin ni Eion noon, kailangan ko talagang magpakatotoo.

    Binuksan ko ang bibig ko para magsalita ngunit nauna siya sa pagsasalita.

    “Iniiwasan mo ba ako, Klare?” Tanong niya.
    Nangapa ako sa isasagot ko dahil sa tanong niya. “H-Hindi!” Sabi ko.

    Shit! Humilig pa siya lalo para bumulong. He wanted privacy. I want privacy too. Ayaw kong naririnig kami nina Jack at Andrei pero hindi ko na siya maputol.

    “Kasi tingin ko oo. I’ve been texting you a lot. Hindi ka naman nag rereply. I’m pretty sure your line is postpaid though. And Pierre says nag rereply ka naman sa kanya.”
    Napalunok ako sa tanong niya. Hindi ako preparado sa tanong na ito kaya nangapa ako ng salita. “Hindi, Vaughn. I’m just too busy.” Halos hindi ako makatingin sa kanya.
    Humalakhak siya. “Talaga? Prove it to me, then. Let’s go out.”

    Na korner yata talaga ako ni Vaughn. This is really hard.

    “Kung sana lang pwede pero kasi sobrang busy.”

    Nangapa ako ng mga events na maaaring makakapag pabusy sa akin kasama ang mga Montefalco. Sa huli ay naisip ko na sana ay umamin na lang ako na may iba na akong gusto at ayaw kong mag selos ang lalaking iyon. Pero wala naman akong maisasagot kay Vaughn sa oras na mag tanong siya kung sino ang ibang lalaking gusto ko.

    “Konti na lang iisipin ko nang iniiwasan mo talaga ako.” Nanliit ang mga mata niya.
    Humalakhak ako para matabunan ang kaba ko. “Hindi. Talaga. Sige, wa’g kang mag alala, sa oras na free na ako, ako mismo mag yayaya sayo.”

    Bago pa siya makapagsalita ay tumayo na ako at kinuha ang mga baso. Nilagay ko sila sa tray para ibalik sa kusina. Maaari namang maghintay ako kina manang para don pero desperada akong makaalis. Guilty ako sa mga sinabi kong pag papaasa kay Vaughn. Batid ko rin na kailangan ko nang masabi sa kanya ang katotohanan sa lalong madaling panahon.

    “Tulungan na kita.” Ani Vaughn sabay hawak sa tray.
    “Huwag na.” Sabi ko ngunit nag pumilit siya.

    Sumulyap ako kay Elijah na nakatingin sa aming dalawa. Ngumiti ako nang medyo ilang sa kanya bago bumaling kay Vaughn at pumuntang kusina.

    “Naku, sana hinayaan niyo na lang ‘yan don.” Ani Manang sa kusina habang nilalapag namin iyon sa sink.

    Naghahanda sila ng tanghalian namin kaya umalis din sa manang patungo sa dining room. Kami na lang ni Vaughn ang nasa kitchen. Nag kunwari akong babalik na ngunit pinigilan niya ako.

    Hinanap niya ang mga mata kong hindi makatingin sa kanya. Nang sa wakas ay nagkaroon na ako ng lakas ng loob na tumingin ng diretso sa kanyang mga mata ay nakita ko ang paniningkit ng kanya.

    “Talagang iniiwasan mo ako, a? May nagawa ba akong mali? That night?” Tanong niya.
    Umawang ang bibig ko para magsalita. Ngumiti si Vaughn at humakbang palapit sa akin. Napahilig ako sa counter. Nilingon ko ang likod ko at hindi na ako makaatras. Kinulong niya ako sa gamit ang kanyang dalawang braso na nakahawak sa counter.

    Bago ako makapagsalita ay may narinig akong padabog na pagbagsak ng baso sa counter. Sabay kaming lumingon sa lalaking naroon sa bar na umiinom ng tubig. Si Elijah! Oh dammit! No scene, please?

    Umayos si Vaughn sa kanyang pag tayo at medyo nahiya sa ginawa niyang pagkulong sa akin.

    “Nice earrings, Klare.” Malamig na sinabi ni Elijah habang umiinom ng tubig.

    Uminit ang pisngi ko. He’s not here to make a scene! He’s here to piss me off!

    Sumimsim siya sa tubig na iniinom at tumalikod para ilagay ulit ang pitsel sa ref. Mabagal pa sa pagong ang bawat kilos niya. Pinasadahan niya pa ang bawat drawer sa ref. Pinanood namin siya ni Vaughn habang ginagawa iyon.

    “Continue your little chitchat. Wa’g kayong mahiya sa akin.” Ani Elijah kahit nakatalikod siya.

    Napabuntong hininga si Vaughn, yumuko, at nagsalita.

    “May nagawa ba akong mali sa gabing iyon? We were just dancing, right? Bakit bigla kang…” Mas lalong humina ang boses niya. “Umalis kasama ang pinsan mo.” Muwestra niya kay Elijah.
    “May… may importante kasi kaming gagawin. Uh… Yon.” Sabi ko sabay ngiti.
    “Sure? O baka may nagawa akong masama sayo? Klare, I… I don’t want you mad at me.” Aniya.

    Humalakhak si Elijah habang may tinitingnan sa ref. God, he’s crazy! Nilingon namin siya ni Vaughn. Sinarado niya ang ref at ngayon naman ay kinuha ang isang low-fat milk at nag salin sa kanyang baso.

    “You only got local beers. You don’t have whiskey or any hard liquors in here.” Kibit balikat ni Elijah.

    Nakita kong nag igting ang panga ni Vaughn habang tinitingnan si Elijah na masayang nagsasalin ng low fat milk. Dammit, Elijah!

    “I’m not mad at you, Vaughn.” Napatingin si Vaughn sa akin.
    Mahinahon ulit ang boses niya at humakbang siya palapit sa akin para marinig ko. “Kung ganon bakit parang iniiwasan mo ako? Kahit anong tanggi mo, nararamdaman ko parin, Klare. Hindi ako manhid.” Sabay angat niya sa baba ko para makapag angat rin ako ng tingin.
    “Hands off.” Ani Elijah habang sumisimsim naman ngayon sa low fat milk na sinalin sa kanyang baso.

    Napalingon si Vaughn kay Elijah. Nakita ko ang pag igting ng kanyang panga sa pangalawang beses. Kalmado ang ekspresyon ni Elijah ngunit kitang kita ko ang pag kuyom ng kanyang kamaong itinago niya na ngayon sa bulsa.

    “What?”
    Nilapag ni Elijah ang kanyang baso. Oh no. This is not effing good!
    “Elijah…” Saway ko.
    “I said, hands off my cousin.” Kalmadong sinabi ni Elijah.
    “Kung ayaw mong makita na hinahawakan ko siya, you may leave.” Medyo iritadong sinabi ni Vaughn.

    Mabait si Vaughn. At hindi ko siya masisisi kung iritado na siya ngayon kay Elijah. Simula pa lang ay nagkakainitan na ang dalawa. Sa court, sa bar, ngayon naman ay dito. Hindi ko nga alam kung paano nagawa ni Vaughn na maging kaswal parin kay Elijah hanggang ngayon.

    “Really want me to leave?” Hamon ni Elijah.
    Tumango si Vaughn.
    “Well, then…” Lumipat ang tingin ni Elijah sa akin. “Let’s go, Klare.”
    “What?” Sigaw ni Vaughn. “Kinakausap ko siya.”

    Naglalakad na si Elijah palabas ng kusina at pumihit siya para harapin kaming dalawa ni Vaughn.

    “Elijah!” Pigil ko sa maaari niya pang sabihin. “Susunod na ako. Give me sa sec, okay? Go ahead.”

    Kinagat ni Elijah ang kanyang labi at tumango bago dumiretso paalis.

    “What the heck is wrong with him, Klare? Anong problema niya sa akin?” Tanong ni Vaughn.
    “He’s just kinda protective, Vaughn. Sorry. Tara na. Lunch na.” Anyaya ko at dumiretso na palabas.

    Dammit! Gustong gusto ko nang sabihin kay Vaughn ang totoo. Mapagkakatiwalaan ko ba siya? Eion… tapos ngayon si Vaughn. Can I really trust them?

    Umupo ako sa tabi ni Elijah habang kumakain kami ng tahimik sa long table. Tumatawa si Andrei, Jack, at Claudette habang si Azi naman ay parang lawin na nag aantay kung kailan magsasalita para pumagitna sa dalawa. Nakatingin si Vaughn sa akin sa bawat subo ko kaya medyo naiilang ako. Sinigurado ko namang walang aksyon si Elijah habang kumakain kami.

    Nagpalipat lipat ang tingin ni Vaughn kay Elijah at sa akin. Damn… Kung magka IQ sila ni Claudette, by now, maaring alam niya na kung anong meron?

    “How about Friday, Klare? Bago umuwi sina Pierre at Hendrix?” Pursigidong sinabi ni Vaughn sa harap ng lahat. He’s talking about our second date.

    Tumunog ang cellphone ni Elijah. Tumigil siya sa pagkain at sinagot niya ang tawag na iyon nang hindi umaalis sa mesa.

    “Yeah…” Aniya sa matigas na ingles. “Friday? ‘Kay, Dame. Congrats!” Ngumiti siya.

    Nagkatinginan kami ni Claudette. Nalaglag ang panga ni Claudette. She figured something out habang ako ay nganga parin. May naiisip na ako pero hindi ko pa maproseso sa utak ko.

    Binaba ni Elijah ang kanyang cellphone at tumingin siya sa akin.

    “Can’t date on Friday. We’ll have family dinner with Eba Ferrer’s family.”
    “WHAT?” Sabay naming sigaw ni Claudette.

    Naguluhan si Vaughn, Jack, at Andrei sa pinag usapan pero wala na akong panahon na magpaliwanag sa kanila. Masyado akong masaya dahil sa mangyayari! Si Damon at Eba ay maayos na? Hindi ko alam pero mukhang ganon na nga! And we’ll have a new Montefalco! Oh wait? Alam na ba ni Dame na may anak siya?

    “Sorry, Vaughn. Family thing.” Sabi ko kay Vaughn.
    Tumango si Vaughn.
    “I’m glad I’m your family.” Tawa ni Elijah.

    Sumulyap ako sa kanya at nag taas siya ng isang kilay habang umiinom ng tubig. Nagtaas rin ako ng kilay sa kanya.

    “O sige, Klare, I’ll just wait for your text then?” Ani Vaughn.
    Tumango ako kay Vaughn at narealize na kailangan ko na talagang sabihin sa kanya na hindi ako interesado.

    Napatingin ako sa aking cellphone at nakitang may iilang messages na si Elijah sa akin doon simula pa kanina.

    Elijah:
    Klare, I’m jealous. Do something.

    Kinagat ko ang aking labi at binasa pa ang ibang message.

    Elijah:
    Why are you so close to each other?

    Elijah:
    Saan kayo pupunta?

    Elijah:
    Am I being too clingy? I’m not clingy. I’m just protective.

    Elijah:
    Oh hell. I’m not going to sit here and wait for you.

    Elijah:
    Klare Montefalco, what the hell are you doing with that boy?

    Mabilis akong nag type sa ilalim ng mesa. Maingay pa si Claudette at Azi sa pag uusap tungkol sa kay Damon at Eba.

    Ako:
    I’m Klare Ty. I’m not a Montefalco anymore.

    Nakita kong nagtype rin si Elijah sa tabi ko. Naghintay ako na matanggap ko ang mesahe galing sa kanya.

    Elijah:
    You will be a Montefalco again.

  • Kabanata 31Open or Close

    Kabanata 31
    Be Careful

    Marami ang gumulo sa isip ko. Unang una ay ang pagpaparamdam parin ni Vaughn para sa akin. Sobrang guilty ako dahil hindi ko kaagad na amin sa kanya na may ibang gusto na ako at hindi ako interesado. I liked him, yes. Ngunit hindi parin talaga nito mapapantayan ang nararamdaman ko para kay Elijah. It’s way, way different. Pangalawa, sa wakas ay naging maayos na si Eba at Damon! Salamat naman at may mommy at daddy na si Xian. Gusto ko na tuloy makita ang batang iyon at matitigan ng mabuti. Pangatlo…

    Napatingin ako sa tumatawang si Azi at Elijah. May pinag uusapan silang nakakatawa na hindi ko alam. Sinusulyapan ko ang nag aayos na si Claudette habang naghihintay sa kanya.

    Pangatlo… Elijah wants me to be a Montefalco again. How? Hindi ko maiwasan ang paglipad ng isipan ko sa sinabi niya. We’re still so young at ni hindi pa kami tanggap ng sarili naming pamilya pero naroon na siya sa stage na iyon?

    “I’m done.” Ani Claudette pagkatapos lagyan ng pink lipstick ang kanyang labi.
    Tumango ako at tumayo.

    Kanina lang ay sinabi ko kina Vaughn na kailangan naming umalis dahil mukhang may party na magaganap. Nauna silang umalis sa amin kaya kaming apat na lang ang natitira sa bahay. Hindi ako sigurado kung party nga ba pero alam kong magkikita kita kaming lahat sa Lifestyle District. Something about Damon throwing a party.

    “Stag Party?” Tumawa si Claudette habang nakatingin sa kanyang cellphone.

    Nakita kong kumunot ang noo ni Elijah habang pinapanood si Claudette.

    “Not till 10.” Ani Elijah.
    So there is a bachelor party. Ibig sabihin ba nito ay hindi kami pwedeng mga girls?
    “Ibig sabihin magpapakasal si Damon at Eba?” Tanong ni Claudette.
    Doon lang nag sink in sa akin ang lahat. Oo nga! Magpapakasal silang dalawa!

    Tumawa na parang baliw si Azi dahil sa sinabi ni Claudette.

    “Quit it, Azi.” Ngiti ni Elijah. “Yes.”

    Wow! I can almost hear the wedding bells! Kailan kaya? At ang mangyayari bang family dinner ngayong Biyernes ay pamamanhikan na?

    Tahimik ako habang pumapasok sa sasakyan ni Elijah. Pumasok rin si Claudette at si Azi naman sa front seat. Nilingon ko ang bahay naming iniiwan ko na naman.

    “Hatid si Klare, ta’s ihatid mo kami sa bahay, Elijah.” Natatawa pang sinabi ni Azi. “I need my car. And I need to call Kuya.”
    “Anong oras tayong magkikita sa Lifestyle? Or are we girls even invited?” Tanong ko.
    “Of course. 10pm pa ‘yong Stag Party, Klare.” Sagot ni Elijah.

    Then that means mga lalaki lang nga ang pwede mamayang alas diyes. Well they can have all the girls they want. Hindi ko maalis ang tabang sa mga iniisip ko kaya tumahimik na lang ako.

    “Saan ba ‘yong Stag Party ni Dame, Elijah?” Tanong ni Claudette.
    “Not yet sure. The Site? I don’t know.” Ani Elijah.

    Sumulyap si Elijah sa akin sa rear view mirror. Hinayaan ko siyang panoorin ako habang tumitingin kay Claudette. Hindi naman napipigilan ni Azi ang kanyang tawa.

    “Damon is fucked.” Tawa niya dahil sa nalalapit na pagkatali ni Damon.
    “It’s not funny, Kuya.” Ani Claudette.
    “I can’t imagine it, Dette. Hearts and rainbows coming out of his ass while saying the magic words!” Humagalpak sa tawa si Azi.
    “Shut it, Azi. Gago!” Ani Elijah kahit na may ngiti rin sa kanyang labi.
    “Balang araw, sana mag makaawa ka nga sa babaeng love mo.” Ani Claudette sa kanyang kapatid.
    “I will. ‘Yon ay kung ayaw niya sa akin.” Kibit balikat ni Azi.

    Lumabas na ako sa sasakyan ni Elijah nang nakarating na kami sa building. Nang nag angat ako ng tingin sa kanyang bintana ay sinalubong ako ng kanyang mga mata. Nakababa na ang salamin sa bintana niya at nakatingin na rin si Azi sa akin.

    “Shall I fetch you again later? Ilang oras ka bago maging ready?” He asked.
    Umiling ako. “I think magpapahatid na lang ako kay Daddy.”
    Tumango siya nang naliwanagan na hindi kami pwedeng magkasabay pumunta ng Lifestyle District dahil naroon ang mga pinsan namin.
    “Alright. I’ll text you. See you there.” Ani Elijah.
    Tumango ako at kinawayan sila habang papaalis.

    Pagkaakyat ko ay nalaman ko rin kay mommy at daddy ang lahat ng tungkol kay Damon at Eba. Huli na raw nang nalaman ni Damon na may anak na sila ni Eba.

    “Dapat ay sinabi ni Ms Ferrer na may anak na sila. Damon has the right to know.” Ani daddy.
    “No. Eba’s decision was right. Ayaw nating i judge si Damon na pinakasalan niya lang si Eba dahil may anak na sila.” Anaman ni mommy.

    Hindi ko na kailangang magpaalam sa kanila tungkol sa party. Alam na nila ang mangyayari ngayong gabi. Excited na rin sila sa Biyernes. Doon lang din raw ipapakilala ni Eba si Xian sa buong pamilya. The newest addition to the Montefalcos!

    Nagkasalubong ang mga mata namin ni daddy pagkalabas ko ng kwarto pagkatapos kong magbihis. Kanina pa sila nag uusap ni mommy sa dining table. Charles was nowhere to be found. Siguro ay naglalaro na naman ng basketball.

    “You done?” Tanong ni daddy sa akin.
    “Yup.” Sagot ko at naghintay na tumayo siya para maihatid niya na ako sa Lifestyle District.
    “Sinong maghahatid sayo mamayang gabi? Si Elijah?”

    Nakita ko ang medyo pag tagilid ng ulo ni mommy. Hindi siya makatingin sa akin.

    “I-I don’t think so, dad. Siguro si Chanel. May stag party po at kasama ang mga boys. Or, I’ll go home before 10.” Sagot ko nang di makatingin kay daddy.

    Tumango si dad at naglakad na palabas ng bahay. Sumunod ako sa kanya ng walang imik. Kinabahan ako sa tanong niya kanina. Alam ko naman na sanay sila na si Elijah lagi ang naghahatid sa akin pero pagkatapos ng lahat ng nangyari, hindi ko alam na magagawa pa nilang banggitin ang pangalan ni Elijah ng ganon.

    “Ayaw ko talaga sa mga party na ito but since you have your cousins and we need to celebrate, then I’m fine.” Ani Dad nang nakita na namin ang Lifestyle.

    Lumabas ako ng sasakyan at alam kong pinapanood ako ni daddy paalis doon. Nagpaalam na ako sa kanya at ayaw kong magtagal. Natatakot akong magtanong siya ng tungkol sa amin ni Elijah. Natatakot ako dahil alam kong sasabihin ko sa kanya ang totoo at hindi ako sigurado kung matatanggap niya ba iyon o hindi.

    Pagkapasok ko sa open area ng Lifestyle District ay namataan ko kaagad ang mga pinsan ko. Maingay sila at nag tatawanan. Mga limang table siguro ang sinakop nilang lahat kasama na roon ang iilang kaibigan ni Damon.

    Mabilis pa ang lakad ko noong una. Napatingin si Elijah sa akin habang nakahalukipkip sa isang table. Hindi ko alam kung didiretso ba ako sa kanya o dapat akong lumayo. Humina na lang ang lakad ko nang nakita ko si Erin sa kanyang table kasama si Eion.

    Lumingon agad ako sa kabilang table kung nasaan si Eba. Nakatingin si Eba sa akin kasama ang kanyang malaking ngiti. Lumapit ako sa kanya.

    “Hi!” Bati ko.
    “Upo ka!” Mahinahong sabi ni Eba at pinaupo niya ako sa tabi niya.

    Maingay sila at nagkakainan pa. Ang mga lalaki sa kabilang table ay nag iinuman na, ganon rin sina Elijah sa table nina Erin. Pumapasyal si Damon sa bawat table at ilang beses ko siyang nakitang nakipagkamayan sa kanyang mga kaibigan.

    “Congrats! Nagulat ako!” Sabi ko.

    Kahit hindi naman talaga kami sobrang close ni Eba ay magaan ang loob ko sa kanya. Siguro ay dahil nasubaybayan ko sila ni Damon. Narinig ko noon kung paano siya kantahan ni Damon sa kanyang cellphone, nakita ko rin noon kung paano medyo nabago si Damon galing sa pagiging playboy hanggang sa pagseseryoso, naabutan ko rin siyang nagsusuka noon sa CR, at sa huli ako rin ang nakakita ng anak nila ni Damon.

    “I thought you will never forgive my cousin.” Sabi ko.
    Medyo napawi ang ngiti niya. “It’s hard not to forgive him.”
    “Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa inyong dalawa ni Dame pero I’m glad you’re back together.” Sabi ko.

    Inaasar na si Damon ni Azi at Josiah sa table nina Erin. Tawang tawa sila sa mga hirit ni Azi tungkol sa pagkakatali ni Damon.

    “I really want to meet your baby, Eba. Saan siya nag s-stay?” Tanong ko.
    “Sa mommy at daddy ko. Ngayong Friday dadalhin ko na siya. Natatakot kasi akong mabigla siya. Sanay siyang kaming dalawa lang. Ngayong nandito na si Damon, medyo gulat pa siya.”
    Tumango ako. “Talagang magugulat siya dahil marami kaming tita at tito niya.”

    Naisip ko tuloy na bumili ng regalo para kay Xian. Hindi ko pa alam kung ano ang mga gusto niya ngunit maghahanap parin ako ng regalo.

    “Kayo lang ang may Stag Party? Guess what?! Magkakaroon din ng Party si Eba! ‘Yong kami lang mga girls!” Ani Erin sabay tayo at tungo sa amin ni Eba.
    Tumawa si Eba at medyo gulat pa sa sinabi ni Erin.
    “We’ll plan it out! May plano na kami ni Chanel. We can have it on Wednesday!” Palakpak ni Erin. “Klare? You in!?”
    Medyo naaasiwa akong ngumiti. “Sure!”

    Bumagsak ang tingin ko sa kay Eion na nakatitig sa akin habang nagsasalita si Erin. They’re back together! Dahil ba iyon sa sinabi ni Erin sa kanya? Nakita kong bumaling si Eion kay Elijah at pabalik naman sa akin. Dammit! He’s watching us.

    Napatingin ako sa cellphone ko habang nagsasalita si Erin at Chanel tungkol sa party ni Eba ngayong Wednesday.

    Elijah:
    Can I date you instead? I don’t wanna go to that party.

    Napangiti ako. Pasimple ka, Elijah. I know you like that party!

    Ako:
    Liar. I know you want to be in that party.

    Nag angat ulit ako ng tingin at nakita ko si Elijah na may binabasa sa kanyang cellphone. Nahagip ng tingin ko si Eion na pinapanood ako at bumaling ulit kay Elijah. Shit! He’s really watching us! Uh-oh! Napainom ako ng tubig at nagsimulang pumansin sa mga pagkain. Titigilan ko muna ang pagsulyap kay Elijah para matigil si Eion.

    Ilang sandali ang nakalipas ay umingay na dahil dumami na ang tao sa Lifestyle District. Mas dumami rin ang kaibigan ni Damon. Madalas na ring umaalis si Eba para ipakilala siya sa mga kaibigan ni Damon.

    Elijah:
    I want to be in that party with you. I want to see your jealous face.

    Umirap ako sa sagot ni Elijah at nag type habang kumakain.

    Ako:
    Sanay na ako na marami kang babae.

    Bigla kong narinig ang tili ni Chanel sa likod. Hindi ko alam kung anong meron pero napatingin ako sa kanila.

    “Si Selena nasa Davao pa pala, Elijah? At hindi mo sinabi sa kanyang ikakasal si Dame?” Ani Chanel.

    Holy cow! What’s going on?

    Tinitigan ko si Chanel habang may kausap sa cellphone. Tumalikod si Chanel kaya bumagsak ulit ang tingin ko sa nakatitig na si Eion sa akin. What the fuck? Binalik ko ang tingin ko sa plato at mabilis na nagtype ng text kay Elijah.

    Ako:
    Please be careful. Eion is watching.

    “Oh? Nasa cellphone siya! Nasa Davao pa pala ta’s di mo sinabi!? She didn’t know, Ej.” Maarteng sinabi ni Chanel.
    “Sasabihin ko na sana ngayon, Chan.” Ani Elijah.

    Napainom ako ng tubig habang nakikinig sa kanila.

    “Oh, heto!” Sabi ni Chanel. “Mag usap kayo! Invite her!” Ani Chanel.

    Dammit! Okay, calm down Klare. Bahagya kong nilingon si Elijah. Nagkasalubong ang kanyang kilay habang tinatanggap ang cellphone ni Chanel. Tumunog ang susi na nakasabit sa kanyang jeans habang tumatayo siya at tumatalikod para makipag usap kay Selena. Kumalabog ang dibdib ko.

    Uminom ako ng beer sa harap ko habang umuupo na naman si Eba sa tabi ko at kinakausap si Damon.

    “Klareyyy!” Sigaw ni Erin sabay kalabit sa akin.
    Nilingon ko siya at nagulat ako nang kasama niya si Vaughn, Jack, at Andrei.

    They’re here?

    “Oh! Vaughn, Jack, Andrei!” Sabi ko sabay tayo. “Nandito kayo?”
    “Yeah! Namukhaan ko ang isang ‘to. Kaibigan mo ‘to diba? So I told them you’re here.” Kumindat si Erin sa akin.
    “We got bored so… Nasa Irie’s lang kami.” Sabay turo niya sa Irie’s.

    Lumakas ang music hudyat na lumalalim na ang gabi. Tumingin ako sa wrist watch ko, alas nuwebe na. Nakita ko rin na nagyaya na si Andrei kay Jack na lapitan ang mga babaeng sumasayaw na rin sa dancefloor malapit sa Microphone Hero.

    “Wohooo!” Sabay palakpak ni Erin dahil umiingay na ang buong bar.

    Nilingon ko si Elijah na tinatakpan ang kanyang isang tainga para marinig si Selena sa kabilang linya. Parang pinipiga ang puso ko habang pinapanood iyon. Napatingin ako sa nanliliit na mga mata ni Eion. Pumikit ako at nang dumilat ay nakita ko ang nakalahad na kamay ni Vaughn sa akin.

    “Let’s dance, Klare!” Anyaya ni Vaughn sa akin.
    “I… I’m kinda tired.” Tanggi ko.

    Ngumuso si Vaughn, clearly unpleased with my rejection.

    “Klare? What’s wrong? Sige na! Sayaw na kayo! Lovelife potential na ‘yan!” Ani Erin sabay tulak sa akin kay Vaughn.

    Nakita kong binaba ni Elijah ang cellphone ni Chanel at binalik niya ito sa may ari bago umupo at pinanood ako. Parang nanonood ng tennis match si Eion kung magpabalik balik ng tingin sa akin at kay Elijah. Bumaling na ako kay Vaughn at tumango.

    “Okay, Vaughn. Let’s dance.”

    Makikipagsayaw ako sa kanya dahil sasabihin ko na sa kanya ang totoo. That I’m in love with someone else. I’m sorry, Vaughn. I’m so sorry. Sa lahat ng taong nasaktan at masasaktan namin ni Elijah. This is a selfish decision. Magagawa ko ba talaga ito para lang maging masaya ako? Masasaktan ko ba talaga ang ibang tao para lang makamit ang gusto ko? No. Kaya kong masaktan para lang sa mga taong mahal ko… ang hindi ko kaya ay ang masaktan ko ulit si Elijah.

    Makita lang siyang masaya, going to hell will be worth it.

  • Kabanata 32Open or Close

    Kabanata 32
    Sweet

    Hinawakan ni Vaughn ang aking kamay. I need to make this fast. Kumukulo na siguro ang dugo ni Elijah ngayon at pag pinatagal ko ito ay sasabog iyon. I don’t want that to happen so I need to move fast.

    Malaki ang ngiti ni Vaughn habang sumasayaw kami sa gitna ng maraming tao. Amoy pinaghalong sigarilyo at beer ang mga taong nabubunggo ko sa pagsasayaw namin. Hinayaan ko ang sarili kong ngumiti sa pagngiti rin ni Vaughn. Tinaas ko ang ulo ko para makita na nakatayo na si Elijah at nakatingin sa akin, si Azi nasa gilid niya. He should calm down. Nanonood si Eion sa amin at konting kaduda dudang galaw lang namin ay may mahihinuha na si Eion.

    “May naisip ka na bang araw para sa date natin?” Bulong ni Vaughn sa akin.

    Halos mamutla ako dahil sa galaw niyang iyon. Elijah would be pissed. Pag lumapit pa ng husto si Vaughn sa akin ay baka hindi na iyon makapag pigil.

    “Vaughn, can we talk?” Sabi ko sa kanya.
    “We are talkingg.” Ngiti niya.

    I hate to wipe away the smile on his face. Kinagat ko ang labi ko at nag iwas ng tingin. Here goes nothing…

    “I can’t… date you.” Sabi ko ng mas malakas sa gitna ng maingay na trance music sa buong lugar.
    “Bakit?” Nagkasalubong ang kanyang kilay at hinanap niya ang aking mga mata.
    I’m not interested? I’m busy? I’m in love with someone else? Kahit alin diyan ay mahirap ipaliwanag. “I want you to be just my friend, Vaughn.” Inangat ko ang mga mata ko sa kanya para mas maging makatotohanan ang linya ko.

    Tumigil siya sa pagsasayaw. Nawala na ang ngiti sa kanyang mukha. Bumagsak rin ang kamay niya sa kanyang gilid. Tumigil na rin ako sa pagsasayaw ko at tiningnan ko siyang mabuti.

    “I’m sorry.” Mahina kong sinabi.
    “W-Why? Am I going too fast for you, Klare?” Nag iwas siya ng tingin sa akin bago nagpatuloy. “What’s your type, then? Wala ka pang naging boyfriend, diba? What’s your type?”

    Hindi ko pa kailanman natanong ang sarili ko sa tanong na iyan kaya wala akong maisasagot. Ngunit ngayong natanong niya ako ay wala akong ibang maisip kundi ang mukha ni Elijah. God! This is crazy!

    “Vaughn, I’m really sorry.” Simple kong sinabi.
    Suminghap siya. “Okay.” Sa wakas ay sinabi niya.

    Handa na ako na umalis siya sa harap ko at magdabog tulad ng ginawa ni Eion sa akin noon ngunit hindi iyon ginawa ni Vaughn. Pinilit niyang ngumiti habang pumipikit na tumatango.

    “Can I sit? Pagod na ako.” Sabi ko habang pinaglalaruan ang daliri ko.

    Tumango siya at pumikit ulit. Hinayaan niya akong umalis doon sa dancefloor kahit na hindi pa natatapos ang music. Sinalubong ako ng pulang pula na si Erin. Naka ponytail na ang kanyang buhok na kanina ay nakalugay. Mukhang kakagaling lang rin nila ni Eion sa dancefloor.

    “Oh? Anyare? Where’s your partner?” Tanong niya sa akin.
    Hindi ako makatingin sa kanya buhat ng nangyari sa Aggie Building. “Vaughn’s tired. I’m kinda tired too, Erin.”
    “No fun!” Aniya at dumiretso sa kanilang table para uminom.

    Hindi ko nilingon si Elijah kung saan siya nakatayo. Natatakot talaga ako na makahalata si Eion o si Erin sa nangyayari sa aming dalawa. Napatingin ako sa cellphone kong punong puno ng text ni Elijah.

    Elijah:
    I miss you.

    Elijah:
    I wish we could dance.

    Halos marinig ko na ang frustration sa bawat texts niya. Napaisip tuloy ako kung ano ang pinag usapan ni Elijah at ni Selena nang binigay ni Chanel ang kanyang phone kanina. Nagkumustahan kaya ang dalawa? Anu ano naman kaya ang tanong ni Selena? Of course may mararamdaman silang pagiging awkward sa unang pag uusap nila pagkatapos ang lahat. Iyon ba ang unang pag uusap nila?

    “Let’s go guys! It’s ten!” Ani Rafael at hinablot na si Damon sa tabi ni Eba.

    Nagsitayuan sina Eion, Brian, at iilan pang kaibigan ni Damon sa mga table. Tumatawa si Eba habang medyo iritadong umaalis si Damon.

    “Ihahatid ko muna.” Sabay turo niya kay Eba.
    “Really? Ba’t di mo na lang hayaan dito mag party?” Natatawang sambit ni Azi.
    “Fuck off, Azi.” Sambit ni Damon at kinuha na ang kamay ni Eba.
    “Bakit sobrang possessive ng mga tao ngayon?” Halakhak ni Azi.

    Namataan kong kumaway si Eion habang hawak hawak niya ang kamay ng medyo lasing nang si Erin. Tinuro niya ang kanyang sasakyan at sinabi niyang ihahatid niya muna si Erin. Kaya naman ay sasabay si Silver kina Rafael. Nakita ko ring magkasama si Claudette at Silver habang papasok sa sasakyan ni Rafael.

    “Hey, Dette will go straight home.” Utas ni Azi. “Bakit di ako ang maghahatid sa kanya?”

    Now that he mentioned it, sino nga ba ang maghahatid sa akin sa bahay? Napalingon ako kay Elijah na medyo seryoso ang mukha sa tabi ni Azi.

    “Klare, sabay ka na sa amin.” Ani Damon sabay tingin kay Eba.

    Nakita kong pinapanood ni Chanel ang aking isasagot kaya hindi na ako nagpakita ng pag aalinlangang sasabay ako kina Damon.

    Dumiretso ako sa itim na Mazda 3. Sabay na nag seatbelt si Eba at Damon habang pinapanood ko sa kabilang side ang umiilaw na Trailblazer ni Elijah at ang Hilux ni Azi.

    “Malapit lang kasi ang bahay nina Eba sa Divisoria, Klare. Mas convenient.” Paliwanag ni Damon.
    “Oh? Mabuti na lang at may maghahatid sa akin. Akala ko wala ng maghahatid sa akin.”
    Medyo tumawa si Damon. “Hahayaan ba namin iyon? Azi can take you home too. Si Elijah din.” Medyo napaos ang boses niya pagkasabi ng huling pangungusap.
    “Mahahassle lang sila. The Site is far from here.” Sabi ko habang tinitingnan na palayo na kami sa Lifestyle District.

    “Do you want to party?” Tanong ni Damon at lumingon kay Eba.
    “Nope.” Ani Eba.
    “You sure?” Medyo mapanuri niyang tinitigan si Eba habang nakasandal ang kanyang siko sa bintana ng kanyang sasakyan. Tumigil kami dahil sa red light.
    “Sure, Dame.”
    “Do you want me to party?” Tanong ni Damon.

    Ngumuso ako. Pakiramdam ko ay ang simpleng presensya ko sa likod ay nakakaistorbo na sa dalawa. Dapat ay nag taxi na lang ako.

    “It’s your stag party.” Ani Eba.
    “May hinandang mga babae si Josiah. I don’t like it.” Ani Damon.

    Nagkunwari na lang akong namamangha sa bawat ilaw na nakikita ko sa labas ng bintana. Cagayan de Oro City at night. Wow!

    “I don’t mind.” Ani Eba. “Hope they’re clean though. Better safe than sorry.” Halakhak ni Eba.

    Kumunot ang noo ni Damon sa kausap niya. Mas lalong lumakas ang tawa ni Eba.

    “Hindi sila prosti. They are actually his girl friends.” Ani Damon.
    “Oh then, that’s good.” Ani Eba nang nakangiti.

    Pagkarating namin sa Montefalco building ay hindi parin matanggal sa mukha ni Damon ang irita sa asta ni Eba na mukhang walang pakealam kung may makita mang iba si Damon. It was actually cute. Kumaway na lang ako sa dalawa at dumiretso na sa taas.

    Naabutan ko pa sina mommy at daddy na nanonood ng Cinema One sa TV. Nagmano ako sa kanila at tamad akong uminom ng tubig sa kusina. I miss Elijah. I missed him today. Kahit na nagkasama naman kami kaninang umaga ay ang mga eksena kanina sa Lifestyle ay masyadong pigil. We don’t have a choice, though.

    “Home early, a?” Ani daddy.
    “Yep. May stag party ang boys so… Nagpunta sila sa The Site.” Sabay lapag ko sa basong ininuman ko.
    “Sinong naghatid?” Tanong ni daddy na dahilan kung bakit napatingin ako sa kanya.
    “Damon.” Simple kong sinabi.

    Wala na rin silang imik. Dumiretso na lang ako sa kwarto, naligo, nagbihis, at gumapang sa kama. Kinuha ko ang cellphone ko na may isang text message galing kay Elijah.

    Elijah:
    You home? The Site na kami.

    Tinitigan ko ang message niya. Ilang sandali pa bago ako nakapag reply.

    Ako:
    Yup. I’m home. Take care and enjoy. :)

    Mariin kong pinikit ang aking mga mata at narealize na hindi pa ako inaantok. I need some diversion. Kinuha ko ang iPad ko at nag install ng Facebook App. Ito na siguro ang panahon para magkaroon ulit ako ng ganon. Nag register ako at mabilis rin naman akong nagkaroon.

    Tumunog ang cellphone ko sa message ni Elijah.

    Elijah:
    Matutulog ka na? Pwedeng mamaya na?

    Nireplyan ko kaagad.

    Ako:
    You can’t text me while you party there. Enjoy. I’m fine.

    Nakita ako ang sobrang private na account ng mga pinsan ko. Isa-isa ko silang in-add. Nisearch ko ang pangalan ni Elijah at in-add as a friend na rin siya.

    Elijah:
    Ayoko dito, Klare. Ayoko lang na magduda si Rafael.

    Ako:
    I know. Just enjoy para hindi nila mahalata.

    Nagulat ako nang may nagtext at nakita kong si Azi iyon.

    Azrael:
    Stop texting Elijah. He’s being a total bitch here.

    Ngumuso ako at hinagkan ko ang aking unan at nagdasal na sana makatulog na ako.

    Elijah:
    What are you doing?

    Napangiti ako sa kakulitan ni Elijah. Ayaw niya talagang mamatay ang usapan naming dalawa. Hindi na ako nagreply. Ngunit hindi rin naman ako nakatulog. Alas dose nang lumabas ako sa kwarto para uminom ng tubig.

    Natulala ako sa kitchen habang iniisip ang lahat ng nangyari sa araw na iyon. Napatalon ako nang tumunog ang cellphone ko sa kwarto, hudyat na may tumatawag. Nagmamadali akong pumasok at sinagot ang tawag na galing kay Elijah.

    “Hey, baby, nagising ba kita?” His voice was husky.
    “Uhm… no… Hindi ako inaantok. Gising ako the whole time.” Sabi ko at naghintay sa maaaring lasing niyang masabi. Drunk call or something?
    “I’m… outside your building. Can I borrow you for a sec? Can you go out?”

    Napatingin ako sa orasan at nakita kong 12:30MN ang nakalagay doon. Tapos na kaya ang party? Tingin ko ay hindi pa.

    “Umalis ka ba sa party?” tanong ko habang kinakalkal ang gamit ko at kumukuha ng jacket.
    “Yup. I’m tired and I miss you.”
    Ngumiti ako. “You’re such a girl.”
    Humalakhak siya. “Just let me see you, please.”

    Dahan dahan akong umalis sa aming bahay. Alam kong may CCTV at malalaman iyon nina mommy at daddy kinabukasan pero naghanda na ako ng mga alibi. May binili ako, may binigay ako kay Claudette, at marami pang iba.

    Nakita ko ang nag bi-blink na ilaw ng sasakyan ni Elijah sa malayo. Nagiging maingat na rin siya ngayon. May kakaibang kalabog sa puso ko ngayon. Hindi ko mapigilang mapangiti. I broke all the damn rules and I don’t care.

    “Can’t stay long.” Sabi ko pagkapasok ko sa kanyang sasakyan.

    Mabilis niyang pinaandar ang kanyang sasakyan. Pinanood ko siyang seryoso at medyo pagod na nagdadrive.

    “Saan tayo?” Tanong ko.
    “Drive thru. Want some sundae?” Ngiti niya.
    Tumango ako.

    Pinanood ko ang bawat pagliko ng sasakyan sa mga kalsada ng divisoria hanggang sa nakarating kami sa Mcdonald’s ng Limketkai.

    “Anong ginawa niyo don? Kamusta ang girls na dinala ni Josiah?” Tanong ko.
    “Boring.” Aniya.
    Ngumuso ako at pinagmasdan siyang nakatingin sa labas habang dahan dahang pinipila ang kanyang sasakyan sa Drive Thru.
    “You’re lying. I’ve seen you with girls, Elijah.”
    “You’ve seen me flirt, Klare.” Umirap siya.
    “Kaya nga. You flirt a lot.” Natatawa kong sinabi. “You can’t just stop your old habits.”
    Ngumuso siya sa akin bago lumingon sa babaeng tatanggap ng order. “Two chocolate sundaes and large fries.” Aniya bago bumaling sa akin. “Hindi ibig sabihin non na nag eenjoy na ako.”

    Tumango ako at umirap din. Pagkatapos namin matanggap ang kanyang order ay diniretso niya ang sasakyan sa Limketkai Drive na walang dumadaang sasakyan at wala ring tao. Pinark niya roon at kitang kita ko ang naka set up na ferris wheel sa tapat. Wala ng tao, gabing gabi na kasi.

    “How bout you? Kamusta ang sayaw niyo ni Vaughn?” Nagtaas siya ng kilay.
    Tinanggap ko ang binibigay niyang sundae sa akin at sabay kaming lumabas ng sasakyan. Humilig siya sa railings at ganon rin ang ginawa ko. Malamig na. Mabuti na lang at naisipan kong mag jacket.
    “Sinabi ko na sa kanya na hindi ako interesado.” Ngiti ko. I was proud of myself.
    Nakatitig si Elijah sakin. “Uh-huh?”
    “He’s a good guy. Hindi siya nagalit. Sabi niya okay lang daw.” Sabi ko.

    Humilig si Elijah palapit sa akin habang kumakain ako ng sundae.

    “Good. I got pissed. Buti na lang pala at napigilan ko ang sarili ko. Please, Klare, I hope that’s the last boy.” Aniya.
    Tumawa ako.
    “I’m serious. Hindi mo alam kung gaano ako nagpipigil, e. I’m going to piss in my pants if there’s another boy.”
    Umirap ako. “You’re crazy, Elijah.” Napawi ang ngiti ko nang may naalala ako. “Kumusta si Selena?”

    Sinuri niya ng mabuti ang aking mga mata. Masyadong mabigat ang kanyang titig kaya hindi ko na kayanan, nag iwas ako ng tingin.

    “She’s doing great. Still in Davao. She was sorry about the call. Si Chanel ang tumawag to check kung alam na ba niya. They invited her but she refused. Aniya aalis na daw siya sa mga panahong iyon.”
    Tumango ako at hindi parin ako makatingin sa kanya.

    Nilapag ko ang sundae sa gilid ng railing. Hinanap ni Elijah ang mga mata ko habang tumatayo ako sa gilid niya.

    “I figured I want you jealous but I don’t want you upset. Nakakalito pala. ‘Yong gusto kong nag tatantrums ka tapos gusto ko rin na masaya ka.”
    Kumunot ang noo ko. “I’m not jealous.”
    “Yes you are not. I know when you’re jealous. You hug me tight and you don’t want to let me go.” Buntong hininga niya.

    Napatingin ako sa relo ko at napagtantong halos isang oras na akong wala sa bahay. I should go.

    “Elijah, uwi na tayo.” Anyaya ko at mabilis na naglakad pabalik sa sasakyan niya.
    “Alright.” Aniya at sumunod naman sa akin.

    Pinatunog niya ang kanyang sasakyan. Binuksan ko ang pinto at umupo sa front seat. Kumuha ako ng isang bote ng mineral water at uminom doon. Inayos ko ang buhok ko at naghintay sa pagpapaandar niya. Nakakunot ang kanyang noo habang dinudungaw ang kanyang cellphone.

    Kumunot rin ang noo ko habang pinapanood ko siya.

    “Sinong katext mo?” Tanong ko.
    Binaba niya ang kanyang cellphone at lumingon siya sa akin. Naghintay ako ng sagot niya.
    “Who texted you?” Kinagat ko ang labi ko.
    “Just… Azi.” Aniya.

    Dinungaw ko ang cellphone niya. Pag angat ko ng tingin sa kanya ay nakahilig na siya sa akin. Kinalas niya ang kanyang seatbelt para mas lalo siyang makalapit.

    “Si Azi ba talaga?” Bulong ko nang lumapit ang kanyang mukha at kumalabog ang aking puso.
    “You’re jealous.” Bulong niya.

    Tinukod niya ang kanyang braso sa aking upuan. Humilig ako sa aking upuan at nasa harap ko na ang nakangiti niyang mukha.

    “I’m not.” Iling ko.
    “You try so hard to be righteous. It’s sexy.” Aniya. Naamoy ko na ang mabangong hininga niya.

    Nanunuya na ang kanyang labi sa harap ko. Hindi ko kayang tingnan na lang iyon doon. Nilapit ko ang aking labi sa kanya at marahan ko siyang hinalikan. Natahimik siya at hinalikan niya ako pabalik ng mas marahan.

    Napapikit ako sa mga mararahan niyang halik sa aking labi. I love him so much. And I’m so damn scared… I’m scared I’ll lose him… over anything. Hindi ko na talaga matandaan kung paano ko siya nagawang itulak noon. I’m going to fight for him now. With all of me.

    Tumindig ang balahibo ko sa leeg habang hinahalikan niya ako at hinahalikan ko siya pabalik. Malakas ang pintig ng puso ko at mabilis ang paghinga niya. Tumigil siya para maghabol ng hininga.

    “You’re sweet, baby.” Bulong niya at unti unting lumaki ang kanyang ngiti. “And I think you are really jealous.”

    Aniya sabay tingin sa mga kamay kong mahigpit na nakawak sa kanyang braso. Pumikit ako at tumango. “I’m jealous. Sa mga babaeng umaaligid sayo at kay Selena na maaaring mamahalin mo kung wala ako.” Pag amin ko.

    Inangat niya ang babae ko para magkatagpo ang aming mga mata. Pinanood niya ng mabuti ang mga mata ko na para bang may hinahanap siya doon.

    “I’ve only ever loved you, Klare.” Hinaplos niya ang aking kamay at pinaglakbay niya ang kanyang daliri sa braso ko, sa leeg, hanggang sa pisngi. “I don’t think I’m capable of loving someone else.”

    Tumango ako at tumitig sa kanyang labi. Ngumiti siya.

  • Kabanata 33Open or Close

    Kabanata 33
    Crush

    Dumilat ako kinaumagahan pagkatapos ng mahimbing kong tulog. Magaan ang pakiramdam ko pagkagising at wala akong ibang inisip kundi ang nangyari kagabi. Panaginip ba iyon? Hinawakan ko ang aking labi. Hinahagkan ko pa ang aking malamig na unan at inalala ko pa ang lahat ng nangyari kagabi. Simple lang naman iyon pero sobrang napasaya na ako nito.

    Kinapa ko kaagad ang cellphone kong nasa tabi ko lang. Nakahanap agad ako ng Good Morning text message na galing kay Elijah. Napangiti ako at nireplyan ko muna siya bago bumangon.

    Pagkatapos kong maligo at magbihis ay lumabas na ako sa kwarto para kumain. Naabutan ko si mommy na nag aayos ng plato at si manang na naglalapag ng pagkain sa aming mesa. Tumulong ako sa pag aayos ng mesa at napagtantong hindi ko kayang tumingin ng diretso kay mommy.

    Pagkatapos ng saya ay guilt naman ang nararamdaman ko. This isn’t good, right?

    Kinalma ko ang sarili ko habang umuupo sa mesa. Lumabas si Charles sa kanyang kwarto na kinukusot ang mga mata at agad dumiretso sa isang box ng Kellogg’s. Umupo si daddy sa upuan na medyo pawis pa, mukhang kakagaling niya lang sa treadmill namin. Unti unti akong nag angat ng tingin sa umuupong si mommy sa harap ko. Naabutan ko siyang matalim na nakatingin sa akin ngunit mabilis rin namang nag iwas.

    “Klare, nag sisimba ba kayo ng mga Ty?” Mariin niyang tanong.
    Tumango ako at kumuha na ng bacon at nilagay sa plato ko.

    Normal na Linggo ito para sa amin. Mamaya ay magsisimba ako kasama sina mommy at daddy sa Immaculate Conception Chapel. Bumuntong hininga ako habang sinusubo ang kanin sa aking plato.

    “Madalas ba?” Tanong ulit ni mommy.

    May pinag usapan si Charles at daddy kaya hindi ako gaanong makapag concentrate sa tanong ni mommy.

    “Hindi kasing dalas ng satin, mom.” Sabi ko.
    Tumango siya. “Lumabas ka kagabi?”

    Natigilan ako. Ilang sandali akong natulala sa aking kanin bago ako nagpatuloy. Stay calm, Klare.

    “Yup. Uhm…”

    Dammit!

    “May… pinag usapan lang kami sandali ng mga pinsan ko.”
    Tumango ulit si mommy. “Ba’t di mo pinatuloy? Sino ba? Erin?”
    Umiling ako. “We… went to Mcdo, mom. It’s about Eba’s party this Wednesday.”

    This isn’t good. I’m lying too much. Kailan pa ba ako natutong magsinungaling? Hindi ba hindi tama iyon? Sa harap pa ng mga magulang ko. This love is so bad. At wala akong magagawa kundi ang punahin na lang ang mga masasamang bagay na nagagawa ko dahil dito. Hanggang puna na lang ako. Wala akong lakas para pigilan ang sarili ko.

    That’s the thing about love. You love the other hald selflessly but you may hurt other people selfishly. Ironic and very contradicting. Papaano kaya magmahal ng walang nasasaktan? Maaari ba talaga nating gawing katwiran ang pagmamahal dahil lang may mga nasaktan tayong mga tao?

    “I was with Elijah, mom.” Hindi na ako nag isip.

    It was useless. Mas marami akong naiisip, mas lalong gumugulo ang utak ko. Lumunok ako sa sarili kong pag amin.

    Ilang sandali pa bago nagsalita ulit si mommy. Matama akong tinitigan ni daddy at natigil sila sa pag uusap ni Charles.

    “Pupunta ba siya dito today, ate? I need help sa guitar.” Ani Charles.
    Bumaling ako kay Charles at umiling. “No, Charles. Maybe tomorrow or sa Wednesday. Your kuya is busy.” Utas ko.

    “He’s with?” Tanong ni mommy nang di parin ako tinitingnan.
    Ilang sandali pa ulit bago ko siya nasagot at di na ulit ako nag isip sa isasagot ko. “He was alone.”

    Nakakaligalig dahil maghapong hindi umimik si mommy sa akin. Tahimik lang din si daddy at si Charles lang ang madalas niyang kausap. Pagkatapos magsimba ay pumasok na lang agad ako sa kwarto.

    Ganitong ganito iyong nangyari noon. Ganitong ganito ‘yong naging pakiramdam ko noon. Iyong kasama mo sila pero outcast ka. Gayunpaman ay nagpapasalamat parin ako na kasama ko sila. Kahit na ganito. Tatanggapin ko kung anong maibibigay nila sa akin. I did this to myself anyway. I fell in love with Elijah and these are the consequences.

    Pinunasan ko ang luha ko nang may narinig akong katok. Katok pa lang ay alam ko na agad kung sino iyon. Marahas at bulagsak, si Charles iyon.

    “It’s not locked, Charles.” Sigaw ko galing sa loob.

    Umupo ako ng maayos at naghintay sa kung anong kailangan niya. Nagulat ako nang sinarado niya ang pintuan at umupo siya sa kasama ko.

    “It’s so boring, ate.” Aniya sabay kuha sa unan ko at higa sa kama ko.
    “Yeah. Lazy Sunday.” Sagot ko habang pinapanood siyang nakatingin sa kisame.
    “Kuya Elijah will join a tournament tomorrow? ‘Yong sa Country Village ba ‘yon, ate, na airsoft?”
    Tumango ako. “Yup. That’s why he’s busy.” Sabi ko.
    “Ba’t di ka na niya sinasama sa lakad niya?” Umismid si Charles.
    Gumala ang mga mata ko bago ko siya sinagot. “Lakad niya ‘yon, Charles. Hindi akin.”
    “Yeah, I know but you used to be so close.” Aniya.
    “We are still close, Charles.” Tinikom ko ang bibig ko.
    Tumango si Charles at umupo sa kama ko. “He used to sleep in your room.”

    Humataw ang puso ko sa sinabi ni Charles. Hanggang ngayon ay hindi ako sigurado sa ideya ni Charles sa aming dalawa ni Elijah. Masyado pa siyang bata noon at wala pa siyang maintindihan. Now that he’s almost grade 6, I assume that he’s not entirely clueless about the rule of blood and family.

    “Sila pa ba nong girlfriend niya, ate?” Nilingon niya ako at misteryoso ang kanyang mukha.
    “I guess, Charles.” I still didn’t want to lie.

    I wondered if he really liked Selena. Nang dumating si Elijah kasama si Selena, naaalala ko pa ang mukha ni Charles na sobrang saya. He was thrilled. Mukha ngang gustong gusto niya si Selena para kay Elijah.

    “Do you like ate Selena for Elijah, ate?”
    Kumunot ang noo ko. Hindi ko alam kung saan siya patungo sa mga tanong niyang ito. “Selena is a nice girl, Charles. Your Kuya Elijah deserves her.”
    “Hindi ka ba nagseselos?” nanliit ang mga mata ni Charles.
    Nakanganga ako at ilang sandali pa bago ako tuluyang nakapagsalita. “We are cousins, Charles. Kami ni Elijah.” Pagtama ko.
    “You’re not cousins, ate.” Iling ni Charles.
    Naningkit na rin ang mga mata ko. “What do you mean?”
    Suminghap si Charles at naglakad patungong pintuan ko. Buong akala ko ay aalis siya nang hindi ako sinasagot ngunit nagkamali ako, nilingon niya ako bago siya lumabas. “I still remember it, ate. I remember the way Kuya Elijah stares at you everytime. I remember it clearly.”

    Sinarado niya ang pintuan at iniwan niya ako roong nakatunganga. Kinabahan ako sa sinabi ni Charles. Ano ang ibig niyang sabihin? His point wasn’t clear to me. May napapansin ba siya sa amin ni Elijah noon? Mukhang meron, base sa mga sinabi niya. Was he okay with it?

    Hindi nasagot ang tanong ko sa sumunod na mga araw. Umasta si Charles na parang wala siyang sinabi sa akin. Naging busy siya sa pag iinvite ng mga kaibigan niya sa aming bahay para mag laro ng Xbox o mag jamming. Madalas din siyang lumabas para makapagbasketball.

    Hindi ko sinabi iyon kay Elijah. Ang tanging nabanggit ko lang sa kanya ay ang kaalaman ni mommy tungkol sa paglabas ko nong gabing iyon.

    “Klare, uwi ka ng maaga. Kukunin ka ng daddy mo?” Nilingon ni mommy si daddy.

    Nakahawak na ako sa doorknob namin at aalis na para sa bridal shower na magaganap para kay Eba. Pinlano ito nina Erin. Alam kaya ni mommy na puro babae lang ang naroon sa Bridal Shower? Elijah can’t be there. Pero napag usapan namin ito ni Elijah at tingin ko ay aaligid siya sa Whatever para lang magkita kami.

    Nag angat ng tingin si daddy kay mommy. May linabi si mommy kay daddy na hindi ko maintindihan. Tumikhim si daddy at bumaling sa akin.

    “I expect Azrael will fetch Claudette. Magpahatid ka na lang kay Azrael dito. He wouldn’t mind.” Ani daddy.
    Ngumiwi si mommy sa sinabi ni daddy.
    “Pwede naman po akong mag taxi kung gagabihin na ako.” Sabi ko para lang matapos ang pangamba ni mommy.
    “No, Klare. It’s safer with Dette and Azrael. Sige na! Enjoy the party!” Aniya at pinakawalan na ako.

    Mabilis akong pumasok sa sasakyan ni Damon. Kanina ay nag offer siya na kukunin daw niya ako para sabay na kami ni Eba sa Whatever. Bad mood siya ngayon at medyo tahimik sila ni Eba kaya tahimik na lang rin ako.

    Nang nakarating kami sa Lokal, kung nasaan ang Whatever bar ay luminga linga na ako sa paligid sa pagbabakasakaling nandoon si Elijah. Nahirapan ako sa paglabas ng sasakyan dahil sa maiksi kong damit. Ito ang theme na sinet up ni Erin at Chanel para sa bridal shower ni Eba. “Daring girls” aniya.

    May pinag usapan pa si Eba at Damon bago lumabas si Eba. Sa pangalawang pagkakataon, pakiramdam ko ay nakikisabad ako sa dalawa dahil sa presensya ko dito. Nang lumabas na si Eba ay nakangiti siya at nagyaya nang pumasok.

    Damon wasn’t very happy when he left, though.

    Pinanood ko ang pagsayaw ng mga buhok ni Eba habang naglalakad kami sa gitna ng maraming nag iinumang lalaki bago makapasok sa loob ng bar. Nag upa kami ng isa sa pinaka malaki nilang room at doon na nilagay ang mga pagkain.

    Maingay sa room nang pumasok kami. Sinalubong si Eba ng mga kulay pulang balloon na hugis hotdog. Maingay sina Erin, Chanel, at iilang kaibigan ni Eba. Namataan ko roon si Marinela at si Karen na minsan ko nang nakilala dahil kay Elijah. Tahimik na lang akong pumasok at pinanood ko silang naghihiyawan.

    “Congrats girlllll!” Sigaw nila.

    Pansin ko ang mga pagkain sa maliit na table. May isang malaking box pa na mukhang surprise cake yata. Nilapag ko ang gift ko kay Eba sa table kung saan nakalagay ang mga gifts at umupo sa tabi ni Claudette.

    Masaya rin si Claudette habang binabati si Eba. Sa suot niyang sobrang fit, yumayakap na sa kanyang katawan at sa buhok niyang naka half ponytail, mas lalong tumingkad ang kanyang mala anghel na mukha. Pansin ko rin ang pulang pulang lipstick ni Erin na mas nagpapatingkad sa kanyang pagkamorena at ang killer heels ni Chanel na nagpatangkad sa kanya.

    “Okay guys! Let’s start the programme! Kalma muna kayo!” Ani Chanel gamit ang microphone.

    Una naming ginawa ay kumain. Sumunod naman ay ang mga messages na sobrang nakakatawa at green dahil na rin sa theme ng party na ito.

    Sumunod ang games na siyang nagpainom sa aming lahat. Tequila shots ang inumin at Maria Went To Town ang laro kung saan hinati kami sa dalawang grupo. Sinoot namin iyong bra, thongs, killer heels, earrings, necklace, at kung anu ano pa at sa huli ay iinom ka ng isang shot ng tequila bago babalik. Nanalo ang grupo namin nina Marinela at nagkaroon din ng simpleng prices.

    Dumami ang laro at mas naging madalas ang pag shot ng tequila. Panay rin ang picture nila at upload sa Facebook. Napagtanto kong timing ang pagkakaroon ko ng Facebook sa event na ito.

    Ipinakita na rin iyong cake na may malaking penis ng lalaki at hindi matapos tapos ang tawa namin habang hinihipan iyon ni Eba. Pulang pula na si Eba at batid kong medyo lasing na siya. Mabuti na lang at kina Azi ako sasabay ngayon, hindi ko masasaksihan ang pag aalburuto ni Dame mamaya.

    “And… the special guests for the night!?” Ani Chanel habang binubuksan ang pintuan at tatlong nakamaskarang lalaki ang pumasok.

    Nagsigawan kami nang nagsayawan ang mga lalaki. Umingay din dahil sa pinatugtog na music. Nakita kong tumakbi si Marinela sa likod ng isa pang kaibigan niya nang sinayawan siya ng isa sa mga lalaki. Nagtawanan kami habang sumasayaw ang nakangiti at nakamaskarang mga lalaki. Tinitingnan ko sila at iniisip kung kilala ko ba sila ngunit wala akong maalala. Siguro ay taga ibang school sila o mga kakilala ni Chanel na graduate na.

    Mas lalong umingay sa hiyawan nang naghubad sila ng t shirt.

    “Easy, girls! Upo muna si Eba!” Ani Chanel at pinaupo si Eba na natatawa.

    Piniringan si Eba. Naghiyawan sila sa susunod na laro.

    “Kakapain ng bride ang katawan ng boys at pipili kung sino ang groom of the night!” Ani Chanel sa gitna ng tawanan at hiyawan.

    Nilagyan ng belo si Eba para magmukhang bride at nagsimula nang mangapa sa tatlong lalaking malalaki ang katawan.

    “Naghahanap yan ng katawan ni Damon!” Tawa ng isa sa mga kaibigan ni Eba.

    Napili ni Eba ang pinaka matangkad. Nagsayaw sila at halos hindi ko kayang tingnan iyon. Tumatawa na lang kami ni Claudette. Nag karoon din ng tatlong body shots si Eba sa lalaking iyon.

    “She’s drunk. Patay tayo kay Dame.” Bulong ni Claudette sa akin.

    Kung may anim na akong nauubos na tequila, pakiramdam ko ay doble na kay Eba. Bumaling ako sa nagsasalitang si Chanel.

    “Okay, guys, before sila umalis ay magkakaroon din tayo ng chance na mag body shots sa kanila.”

    Naghiyawan ang mga kaibigan ni Eba at mabilis na pumila sa harap ng dalawang bakanteng lalaki. May mga pumili doon sa naka kulay maroon na pants, may pumila naman sa naka maong. Tumawa si Claudette at pumila sa nakamaong.

    “Lika, Klare!” Aniya sa akin.

    Lumingalinga ako sa kanila.

    “My God, Klare! Line up!” Ani Chanel at iniirapan ako.

    Natatawa lang si Eba sa mukha ko habang marahang pumipila sa likod ni Claudette. Is this really obligatory?

    “What you see, what you hear, when you leave, leave it here!” Chant ni Erin. “Lalo na ‘yong mga taken! ‘Yong mga single, okay lang!”
    “Ha? Walang picture?” Angal ng isa sa mga kaibigan ni Eba.
    “O gusto niyo? O edi, sige na nga!”

    Nagtawanan sila at nagsimula sa body shots. Pipili ka ng parte ng katawan ng lalaking napili mo at lalagyan mo iyon ng asin, didilaan, bago uminom ng tequila. Hindi ko iyon gusto. I guess the girls were just pretty drunk to realize that it’s not ‘fun’. O baka talaga nahawa ako kay Pierre? I don’t know.

    “I know this guy, Klare.” Siko ni Claudette sa akin.
    “Sino?” Sabay tingin ko sa pinipilahan naming lalaki.
    “Ito ‘yong varsity ng Engineering. Kilala mo?” Tanong niya. “’Yong matangkad, may dimple, guess who?” Excited na sinabi ni Claudette.
    Unti unti kong namukhaan ang lalaking dinidilaan sa leeg ni Karen na pinipilahan din namin. These aren’t typical boys! “Seymour Salvador?” Bulong ko.
    “You got it!” Halakhak ni Claudette at nanggigil siyang tumingin sa lalaki.

    Oras na para mag body shot ni Claudette. Sabay silang nag body shot ni Marinela. Nilingon ko iyong naka pulang pants na nilalagyan ng asin ni Marinela. Nanliit ang hindi maka tumbok kong mata para isipin kung sino iyon.

    “Pwedeng papila sa kabila rin?” Tumatawa ang isa sa kaibigan ni Eba.

    Umiling si Erin at iginiit niyang isang lalaki lang daw dapat dahil aalis na sila.

    “Ikaw na, Klare!” Hiyaw ni Claudette.

    Nagulat ako nang natapos na siyang bigla. Oh my God! Hindi ko alam kung saan ko ilalagay ang asin. Kumuha na ako ng asin at nag isip kung saan ko ilalagay na medyo walang malisya. Madalas ay nilalagay nila sa abs, sa dibdib, sa leeg. Saan ang akin?

    Nilagay ko ang asin sa pulso ni Seymour at hinawakan ko ang kamay niya. Narinig ko ang halakhak niya at ang bulong niya sa akin, “Nice girl.”

    Pumikit ako nang dinilaan ko ang kanyang pulso at naghiyawan ang lahat. Mabilis kong ininom ang tequila at sinipsip ang lemon. Umalis ako sa harap niya at nagpahinga. What in the world was that? Pinilig ko ang ulo kong punong puno na ng alcohol. Tumingin ako sa wrist watch ko at nakitang 11:30 na pala.

    Pagkalingon ko sa kanila ay nakaalis na ang mga boys. Thank God! Pero mukhang nalungkot yata sila sa pag alis ng mga lalaki. Nag simula na silang magsayawan at magkantahan. Nakisali rin ako ngunit nang may tumawag na kay Eba at nag anunsyo siyang kailangan niya nang umuwi ay wala na rin kaming nagawa kundi sumunod.

    “Sinong maghahatid sayo, Klare?” Nilingon pa ako ni Eba.

    Kitang kita ko na sumalampak na si Erin at Chanel sa sasakyan ni Josiah. Nakahilig na ang nakahalukipkip na si Damon sa kanyang itim na Vios at tinititigan ng madilim ang lasing na si Eba.

    “Sina… Azi.” Sabi ko sabay tingin kay Claudette.
    “Oh? Sabay ka na lang samin?” Anyaya ni Eba.
    Ngumiti ako. “Thanks, pero okay lang. Nasabihan ko na rin kasi si Azi.” Sabi ko at nakita kong nag park ang Hilux nina Azi sa tapat ng Lokal.

    Tumango si Eba at nagsimulang maglakad patungo kay Damon. Mabilis ring naglakad si Damon para salubungin si Eba.

    “Uh-oh.” Ani Clau habang hinihila ako patungo sa kanilang sasakyan.

    Naiiwan ang tingin kay Damon na galit at kay Eba na malaki ang ngisi.

    “Girls.” Hikab ni Azi. “Pain in the ass.”

    Umirap si Claudette at sumakay sa front seat. Sumakay na rin ako sa likod ngunit hindi ko mapigilan ang pag linga. Dumungaw ako sa cellphone ko para tingnan ang mga message ni Elijah.

    Elijah:
    Baby, you crossed some damn line tonight.

    Nanlaki ang mga mata ko at nireplyan siya.

    Ako:
    Asan ka?

    Pinaandar ni Azi ang sasakyan. Diniretso niya iyon palayo sa bahay namin ngunit iniliko niya rin pabalik. Kinikwento ni Claudette sa kanya ang nangyari sa bridal shower at ang mga nakakatawang guests.

    “I know right. Kaya ang laki ng panalo ni Joss kanina sa Poker, e. Parehong badtrip si Elijah at Damon.” Sumulyap si Azi sa akin sa rearview mirror at nag taas siya ng kilay. “Getting ready for his wrath, Klare?”
    Kumunot ang noo ko. “Paano niya nalaman ‘yong body shots?”
    “It’s all over Facebook and Instagram.” Tawa ni Azi.
    “Oh Great!”
    “He stalked Seymour Salvador on Facebook. Ginagawa niya yon habang naglalaro kami ng poker. Ayun, he lost.” Tawa ni Azi.

    Nagulat ako nang nakarating na kami sa Montefalco building ay diniretso ni Azi ang sasakyan, hindi niya iyon tinigil.

    “Dammit, mapapahamak ako nito. Bilisan niyo, ah? I give you five minutes, Klare. Your mom called. You should be there in five.”

    Noong una ay hindi ko siya maintindihan ngunit nang nakita ko ang nakapark na sasakyan ni Elijah sa rotunda ay halos buksan ko na ang pintuan ng sasakyan ni Azi kahit umaandar pa ito. Nakahilig siya sa kanyang sasakyan at nakapamulsa habang pinapanood kaming papalapit.

    Humalakhak si Azi at tinatakot niya ako.

    “Galit na galit ‘yan. Brace yourself, Klare. Mad. Ape.” Aniya.

    Pagkalabas ko ay lumabas na rin si Azi. Si Claudette ay nanatili sa loob at binaba ang salamin para paalalahanan kami.

    “five, Elijah.” Ani Clau.

    Tumango si Elijah at bumaling sa akin. Malungkot at pagod ang kanyang mga mata. Napalunok ako at kinabahan dahil sa sinabi ni Azi sa akin kanina. He’s mad. Kitang kita iyon sa kanyag mukha.

    “Did you choose Seymour because you think he’s hot?” Salubong niyang tanong sa akin at humalukipkip.

    Hindi na ako lumapit sa kanya. Tama lang ang distansya naming dalawa. Nagkaroon pa ng sound effects si Azi na parang kumukulog dahil sa nakakatakot na tanong ni Elijah.

    “Hindi ko alam na si Seymour ‘yon. Si Claudette ang nagsabi sakin nong malapit na ako. I joined the line coz Claudette was there.” Paliwanag ko.
    Pumikit si Elijah at nakakuyom ang kanyang kamao. He’s really angry. Nga naman, parang nong huli kaming nagkita ay nakiusap siyang huli na si Vaughn ngunit sa sumunod naming pagkikita ay may isang lalaki na naman. Hindi naman kami close o magkaibigan ni Seymour pero mukhang malaking bagay ito para kay Elijah.

    His biceps were tensed. Igting din ang panga niya, kitang kita ko iyon nang nag iwas siya ng tingin sa akin. Pinasadahan niya ng palad ang kanyang buhok at halos marinig ko na ang pagkabigo sa kanyang daing. Sa wakas ay bumuntong hininga siya at marahang hinawakan ang siko ko.

    “I’m so mad at you.” Aniya at bumaling siya sa akin, mapupungay ang mga mata.
    “Wala naman akong ginagawang masama.” I don’t want him mad.

    Hinawakan niya ang kabilang siko ko at hinigit niya ako ng marahan patungo sa kanya.

    “I’m so jealous, too. Fuck.” Aniya at nagtataka ako kung bakit marahan parin ang haplos niya sa siko ko kahit na sobrang frustrated niya na.
    “Damn, whipped!” Tumawa si Azi sa likod. “Akala ko makakasaksi na ako ng sigawan dito. I was wrong. Fucking love shit.”
    “Shut up, Azi!” Sigaw ni Elijah bago bumaling sa akin.

    Titig na titig ako sa mga mata niyang pabalik balik na tiningnan ang mga mata ko. Sa bawat galaw ng kanyang mga mata ay mas lalo nadedepina ang mahahaba at makurba niyang pilikmata. Oh what I’d give to have eyelashes like that.

    “Do you have a crush on that guy, Klare?” Tanong niya.
    Umiling ako. “No, Elijah. I got a crush on you.” Ngumiti ako.
    Naglaro rin ang ngiti sa labi ni Elijah.

    Narinig ko ang malulutong na mura ni Azrael sa gilid. Nagtawanan na lang kami ni Elijah.

    “Crush, huh?” Ani Claudette.

  • Kabanata 34Open or Close

    Kabanata 34
    Infinity

    “We’ll see each other tomorrow, Pierre.” Sabi ko habang naghihintay ako sa labas ng Pryce Plaza Hotel.

    Lumabas si Daddy sa aming sasakyan kasama si Charles at si mommy ay nasa kanyang cellphone din tulad ko.

    Ngayon ang dating nina Pierre galing Davao. Hindi nga lang ako maka diretso sa bahay Hillsborough dahil sa family dinner na kakabilangan ko.

    “Your mom called dad, Klare. Nanghingi siya ng oras.” Ani Pierre sa tonong medyo bugnot.
    “Oras na ano?” Tanong ko kahit alam ko na kung ano ito.

    Kahapon ay kinausap ako ni mommy na baka daw papayag si papa na sa bahay na lang muna ako. Hindi dahil sa nalalapit na kasalan nina Eba at Damon kundi gusto niya naman na sila naman ang makasama ko ngayon. Isa at kalahating taon na rin na kasama ko ang mga Ty at ngayon nanghihingi siya na kami muna.

    Wala na namang karapatan si papa na pigilan ako dahil nasa tamang edad na ako kaya ako ang kinausap ni mommy. Hindi ko naman siya matanggihan ngunit nakiusap ako na sana ay hindi sa lahat ng oras ay doon ako sa kanila. I want to be fair. I love my brothers too.

    “Oras na diyan ka muna sa bahay na ‘yan. This is what I don’t like. Sinasabi ko na nga ba na sa oras na babalik ka sa bahay na ‘yan ay malaki ang posibilidad na hindi ka na babalik sa amin!”

    Umirap ako sa kawalan dahil sa sinabi ni Pierre. He’s as possessive as papa.

    “Pierre, listen… Hindi ako isang bagay na pag aari nino. I have my own choice too. I love you and I love the Montefalcos too. Hindi naman ibig sabihin na pag sa kanila ako natutulog ay hindi na ako babalik sa inyo.”
    He sighed, defeated. “Alam ko… Pero ayoko lang talaga ng ganon, Klare. What are you doing anyway? Bakit hindi ka excited na makita kami? Vaughn’s coming tonight.”
    “Pierre, may family dinner.” Paliwanag ko habang nakikita ko ang sasakyan ng mga tito ko na nagpapark sa tabi ng sasakyan namin. “Naalala mo ba yung sinabi kong ikakasal na si Eba at Damon? Eto yung dinner.”
    “What are you wearing?”
    Nagulat ako sa tanong ng kapatid ko kaya pinasadahan ko ng tingin ang sarili ko. “Simple white dress and sandals, Pierre. That’s all.”
    “Hay naku! O sige, I will wait for you. Possible ba na ngayong gabi ay magkikita tayo?”
    “Bukas na lang. Baka matagalan ang dinner na ito. Please?”

    Pagkatapos ng medyo iritadong pamamaalam ni Pierre sa akin ay naaninag ko na ang paglabas ng mga pinsan ko. Pormal na pormal ang mga damit namin. Tumatalon talon si Erin sa kanyang bubbly dress habang papunta sa akin. Sumunod si Chanel at Josiah sa kanya. Inaayos ni Josiah ang kanyang relo at tumingala siya sa malaking buwan sa langit.

    “Kayo pa?” Tanong ni Erin sa akin sabay tingin kay Charles na nakababad sa kanyang iPad.
    “Yup.” Tango ko.

    Kumalabog ang pintuan ng sasakyan nina Azi nang lumabas siya. Pareho silang pormal ni Josiah. Parehong naka puting longsleeve na nakatupi hanggang siko. Nag high five silang dalawa at nagbatian. Nagbatian din ang mga magulang namin.

    “Nandyan na ba si Kuya Stephen?” Tanong ng daddy ni Azi sa dad naman nina Josiah.
    “I don’t know. Kuya Lorenzo, sinong nandito na?” Tanong ni Tito Benedict, ang daddy nina Josiah, Erin, at Chanel.
    “Kami pa lang. Dapat ay nauuna tayo. Nakakahiya naman sa mga Ferrer kung sila pa ang maghintay.” Ani dad.

    Nagmano ako sa mga tita at tito kong pormal na pormal. Nagpasya silang pumasok na sa loob ng Pryce Plaza hotel ngunit kami nina Charles, Erin, Claudette, Josiah, Chanel, at Azi ay naroon parin sa labas.

    Napansin ko kaagad ang Trailblazer ni Elijah na papasok sa hotel. Sinusundan ito ng dalawang maiitim na benz ng mommy at daddy nina Rafael at Damon.

    “Kailan dumating sina tito Stephen, Joss?” Tanong ni Azi.
    “Nong Wednesday. Ang alam ko namanhikan na sila kagabi sa bahay nina Eba. Ngayon, family dinner na lang. I heard binibilisan ang wedding. Shot gun.” Kindat ni Azi.
    “That’s bad.” Sabi ni Erin.
    Kumunot ang noo ko ngunit hindi ko maalis ang titig ko sa lumalabas na si Elijah. Tinutupi niya ang kanyang longsleeve patungong siko. Hindi ko matanggal ang tingin ko sa kanya habang papalapit siya sa amin.
    “Why bad, Erin?” Tanong ni Chanel.

    Hindi ko na nasundan ang pinag uusapan nila dahil namangha na ako nang lumabas si Damon, Rafael, Tita Dana at Tito Stephen sa kanilang sasakyan. Pormal na pormal sila at parang importanteng mga tao. Isa-isa kaming nagmano sa kanila.

    “Nagpabook na ba ang mommy at daddy mo, Elijah?” Tanong ni Titp Stephen kay Elijah.
    “Opo. They’ll be here a week before the wedding.”

    Hindi ko alam iyon, ah? Ibig sabihin uuwi ang buong pamilya niya. I’m sure pati si Kuya Justin at ate Yasmin ay uuwi rin.

    “How about Knoxx, Azrael?” Tanong naman kay Azi.
    “He’ll be here next week, tito.”
    “Gumraduate na iyon, hindi ba?”
    Tumango si Azi at pumanhik na kaming lahat sa loob ng hotel.

    Isang malaking function room ang kinuha nina Damon para sa gabing ito. Hindi na naman talaga kailangan ng ganito dahil magkikita kita naman kami sa kasal pero kagustuhan din ito ni Tito Stephen. Gusto niyang magkakilala ng maigi ang dalawang pamilya. Nga naman, si Xian din kasi ang first born na apo dapat ng yumao kong lolo at lola. Napayuko ako nang napagtantong I’m not really blood related to Xian or my lolo and lola. I’m not a Montefalco.

    May mga round tables para sa amin at ang mga magulang namin ay nakaupo sa isang mahabang presidential table sa harap. Katabi ko si Erin at Claudette sa malaking table na inuupuan naming lahat ng pinsan ko.

    Nagtatawanan ang mga boys at ang kukwentuhan at hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagsulyap kay Elijah habang nagsasalita siya kay Azi. Nahuhuli niya akong nakatingin sa kanya kaya ngumingiti siya. Kumakalabog naman ang puso ko at yumuyuko na lang. Ayokong makahalata si Erin.

    “Sino kayang susunod na ikakasal?” Tanong ni Erin, kumikinang ang kanyang mga mata habang pumapangalumbaba.
    “Josiah?” Halakhak ni Claudette.
    “Impossible.” Ani Erin.
    “Well, Damon was impossible too.” Ani Claudette.
    “Wala namang girlfriend si Kuya. Baka si Elijah.” Tumingin siya kay Elijah. “Dapat pumunta si Selena sa kasal, e. Sayang talaga!”

    Hindi na ako nagsalita. Ayaw kong may mapulot siya sa mga galaw ko. Nanahimik ako doon hanggang sa dumating na ang kapamilya nina Eba.

    Nakatingin kami sa pintuan habang halos naka itim ngunit nakangiti ang mga pumasok sa function room. Malaki ang ngisi ng isang lalaking medyo matanda na kasama naman ang babaeng maganda at naka-bun ang buhok.

    “That’s Eba’s dad.” Ani Damon.

    Nagkamayan ang dalawang pamilya. Naroon din ang mga tito at tita ni Eba na isa-isa namang pinapakilala noong daddy niya sa mommy at daddy ni Damon. Tinawag kami ni Tito Azrael kaya lumapit kaming lahat.

    Batid ko rin ang mga pinsan ni Eba, mayroong may mga anak na at mayroon ding ka edad namin. May mga mas bata pa. Humahalakhak na ang mga lalaki sa likod ko.

    “Ganda nong may mahabang buhok.” Bulong ni Josiah sa likod.
    “Tahimik ka nga diyan. Ang landi mo.” Ani Chanel.
    “She’s got a nice rack, Joss.” Bulong ng natatawang si Azi.
    “Mas maganda ‘yong mukhang suplada.” Dagdag ni Rafael.

    Napatingin iyong mukhang suplada sa likod ko, kung nasaan ang mga boys. Naka floral heaven top siya at skater skirt.

    “Nice kicks.” Ani Azi sa supladang pinsan siguro ni Eba.
    Ngumiti ang suplada at pumula ang kanyang pisngi.

    “Nice kicks ka dyan.” Ngiwi ni Claudette.

    Nilingon ko si Elijah na humahagikhik habang binubulungan ng kung ano si Azi. Gusto ko siyang kausapin kaya lang weird iyon sa paningin nila kaya pinigilan ko ang sarili ko.

    “Well, and these are our children. Kilala niyo na si Rafael, ‘yong kapatid ni Dame.” Tumawa si tito Stephen. “This is Josiah.” Hinila ni tito si Josiah at ipinakita niya sa buong pamilya ni Eba. “Josiah, Chanel, and Erin, mga anak ni Attorney Benedict Montefalco and her wife Liezl. I’m sure you know Benedict?” Tumawa ang dad ni Damon.
    Tumango ang daddy ni Eba maging ang mga tito at tita niya. Isa sa mga pinakamagaling na lawyer si tito Benedict. Siya rin iyong tumulong sa akin na mailipat ang apelyido ko sa Ty noon.
    “This is Klare… and this is Charles Montefalco, children of Lorenzo and Helen.” Dagdag ni tito habang ipinapakita kami.

    Uminit ang pisngi ko dahil nakatingin silang lahat sa amin ni Charles. Tumango ang daddy ni Eba.

    “Ito naman ang mga anak ni Azrael at Claudine.” Ngumiti si tita Claudine habang hinihila si Claudette na halos carbon copy niya. “Azrael and Claudette. May isa pa silang anak nasa Manila. Uuwi iyon dito sa kasal.”

    Pinanood ko ang mga kamag anak ni Eba. malaki rin ang pamilya nila at may mga lalaki din siyang pinsan pero hindi kasing rami ng pinsan kong lalaki. Mas marami yata silang babae.

    “And this is Elijah, Exel and Beatrice’s son. May mga kapatid ito nasa States. Si Justin at Yasmin. I believe uuwi rin sila sa kasal.”

    Tumayo si Elijah sa harap ng daddy ni Eba at nakipagkamayan. Nahagip agad ng paningin ko ang mga babaeng pinsan ni Eba na nagbulung bulungan habang tumitingin kay Elijah.

    Nag iwas na lang ako ng tingin. May pangamba sa akin na hindi ko malaman. It’s one of those insecurities. Natatakot akong mapansin nila si Elijah. Wala naman akong magagawa, talagang kapansin pansin siya. Kailangan kong masanay na ganito. He’ll forever be that attractive.

    Biglang nagpakita si Eba na may dala dalang isang baby. Kakagaling niya lang sa iyak at medyo nangingiwi ang kanyang mukha.

    “Baby!” Sabi ni Chanel at sabay sabay nilang dinumog si Xian.

    Nagtago si Xian sa balikat ni Eba. Tinatahan siya ni Eba at pinipilit na pansinin ang mga pinsan kong nagpapapansin.

    “Kamukhang kamukha niya si Damon!” Ani Erin.
    Tumango ako. Kaya nga nakuha ko agad na anak siya ni Damon, e.

    Ilang sandali ang nakalipas ay nagsiupuan na kami at nagkainan. Panay ang tawanan at kulitan nilang lahat.

    Malapit na rin pala talaga ang wedding ni Eba at Damon. Iyon ang Sabado bago magpasukan. Beach Wedding ang napili ni Eba kaya pupunta kaming lahat sa Midway, 45 minutes kung galing ka dito sa Cagayan de Oro.

    “Shut gun, masyado.” Napangiwi ang isang tita ni Eba.
    Ngumiwi rin si Erin. “Ayan na. Sabi na, e.”
    “Ma walang galang na, Stephen pero ‘tong pamangkin ko, hindi pwedeng pinapakasalan lang dahil naanakan.” Dagdag ng tita ni Eba.

    Nakita kong dumalo si Eba sa kanyang tita at mukhang nahihiya siya sa inasta nito. Napatingin kaming lahat kay Damon.

    “Sabi na, e. Ganun ang maiisip ng mga tao. Just because may anak na sila, ayun na agad ang dahilan.” Umiling si Erin.

    Ngayon ko lang narealize ang sinabi ni Erin. May posibilidad nga na ganon ang isipin ng mga tao sa kasal na ito dahil minamadali ni Damon.

    “Sorry, tita, pero hindi po ganon. Papakasalan ko si Eba dahil ayaw kong umalis ulit siya nang di nagpapaalam sa akin. I want to tie the knot. I love her.” Ani Damon.

    Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya kahit hindi naman para sa akin. Nanggigil si Erin at nagtago siya sa kanyang mga kamay. Tumawa naman si Claudette at naririnig ko na naman ang panunuya ni Josiah at Azi sa likod.

    Humupa rin ang pagtatalong iyon at nagpatuloy kami sa pagkukwentuhan. Hanggang sa nagkayayaan na si Azi at Josiah na pormahan ‘yong supladang pinsan ni Eba.

    “Si Elijah.” Ani Azi. “Si Elijah na naman yata ang tinititigan. Ikaw na pumorma!” Aniya kay Elijah.

    Ngumuso ako at dinungaw ang cellphone ko.

    “Azi, bakit mo pinagkakanulo si Elijah sa ibang babae?” Ani Erin. “May girlfriend na siya.”
    Halos masamid sa sariling pagsasalita si Azi dahil sa paalala ni Erin sa kanya. “Ikaw na lang Joss! Hindi ko na type.” Halakhak ni Azi.
    “Elijah, kelan kayo huling nag usap ni Selena?” Tanong ni Erin.

    Kinabahan agad ako doon. Bakit siya nagtatanong? Anong isasagot ni Elijah? Magsisinungaling ba siya?

    “Why, Erin? Hindi siya makakapunta sa wedding. Baka umalis na siya papuntang States non.” Ani Elijah.
    “Invite her. Move her flight or something.” Ani Erin.
    “That’s hard. Masasayang ang pera niya.”
    “Do something. You have the money.”
    “Oo nga, Ej. Mukha pa naman siyang interesado nong tinawagan ko siya? I feel bad for her.” Ani Chanel.

    Oh my God. What now?

    “May work siya doon at gusto niya na ring umalis. I’ll let her.” Ani Elijah.

    Tumunganga lang si Erin sa kanya at nagkibit balikat si Chanel. Nagtama ang tingin namin ni Claudette habang inaayos niya ang naka half ponytail niyang buhok.

    “Bathroom break, Klare?” Anyaya niya sa akin.
    Tumango ako at tumayo kasama si Claudette.
    “Sama kami.” Kinuha ni Erin ang kanyang purse at tumayo na rin si Chanel.

    Kumalabog pa lalo ang naghuhuramentado kong puso. Ganitong ganito iyong nangyari noong Christmas. Ganito ‘yong pakiramdam ko noon. Kasama ko silang tatlo patungong CR. Lutang ako habang naglalakad kaming apat patungo sa CR. Pinupuna ko ang puti at malinis na dingding ng hallway ng hotel para maalis iyon sa utak ko. Pinasadahan ko ng tingin ang french windows at mga painting sa gilid habang papalapit kami sa pintuang kinakatakutan ko.

    “Klare…” Ani Erin bago kami makapasok sa pintuan ng CR.

    Bumuhos sa akin ang alaala ko noon. Iyong barrette na binigay ni Elijah at tinapon nila dahil sa pandidiri sa aming dalawa. Halos manginig ako sa takot. I don’t want that to happen again.

    “Hmm?” Nilingon ko si Erin.
    Nakatingin siya sa paa ko at nakakunot ang kanyang noo. “Galing kay Elijah yung infinity anklet mo diba?”

    Nanlamig ako. Pakiramdam ko ay namumutla na ang mukha ko sa takot ngayon. Nakita kong dinungaw ni Chanel ang anklet sa paa ko.

    “Oo. ‘Yong binigay niya nong debut ko.” Matapang kong sinabi at pumasok ako sa loob ng CR.

    Pumasok din si Chanel at Erin. Inaayos na ni Claudette ang kanyang buhok at kinakabahang tumingin sa akin.

    “Suot mo parin hanggang ngayon?” Tanong ni Erin.
    “Oo…” Napapaos kong sagot.

  • Kabanata 35Open or Close

    Kabanata 35
    Both

    Nagkatinginan kami ni Claudette sa salamin. Naghuhugas ng kamay si Erin habang si Chanel ay pumasok sa isang cubicle. Sinubukan kong magkunwari na hindi ako naapektuhan pero hindi ko mapigilan ang madalas na pag silip sa mukha ni Erin. Nakadungaw siya sa kamay niya habang sinasabonan ito.

    “Kamusta na kayo ‘nong manliligaw mong si Vaughn?” Tanong niya, hindi parin nag aangat ng tingin.
    “Vaughn is just my friend.” Paliwanag ko.
    Saka pa siya nag angat ng tingin sa akin. “Hindi ba nanliligaw siya sayo? Bakit friend na lang ngayon?”
    “Pag nanliligaw, Erin, ano bang tawag don? Hindi ba friend parin naman?” Singit ni Claudette, humalakhak pa siya para pagaanin ang bumibigat na pakiramdam.

    Pinatuyo niya ang kanyang kamay sa dryer at tinitigan niya ako sa salamin. Lumabas si Chanel sa cubicle at nakatingin na agad siya sa akin.

    Kumalampag ang puso ko sa nararamdaman ko sa dalawa. Kinakabahan ako hindi dahil natatakot akong malaman nila ang totoo, kundi dahil alam kong kung tatanungin nila ako ay ako mismo ang magsasabi non.

    “You still love him.” Nanliliit ang mga mata ni Erin habang pinag mamasdan ako.

    Tinitingnan ko ang kamay kong hinuhugasan ko ng tubig galing sa gripo. Tumigil ang gripo at hindi ko na ito binuksan ulit.

    “Erin… what are you talking about?” Ani Claudette.

    Hinarap ako ni Erin. Hindi siya nakuntento sa salamin. Humarap siya sa akin kaya nilingon ko rin siya.

    “Eion told me you’re staring at Elijah all the time. You’re still in love with him!” Hindi iyon tanong. It was more of a conclusion.
    “Klare…” Hinawakan ni Claudette ang balikat ko. She’s desperate and she wants me to hide the truth.
    “Klare?” Lumapit si Chanel.
    “Erin… mahal ko parin siya.” Inamin ko at mabilis akong nakatanggap ng pagsugod sa kanya.

    Napapikit ako at naghintay na tumama ang kanyang kamay sa aking mukha. Hinila ako ni Claudette palayo sa kanya. Nang hindi tumama ay unti unti akong dumilat at nakita kong bumubuhos ang kanyang luha habang pinipigilan siya ng kanyang kapatid na umiiyak din.

    “Erin, stop it. We can’t do anything about her feelings! That’s hers!” Ani Claudette.
    “Alam mong may girlfriend siya, Klare! Alam mong may girlfriend siya!” Paulit ulit niyang sinabi.

    Pinipiga ang puso ko ngunit wala akong lakas para umiyak. Ang tanging nararamdaman ko na lang ngayon ay ang pagod sa mga pangyayari. Pagod na pagod na akong magtago. Pagod na pagod na ako sa panghuhusga.

    “Klare, ipinagpalit ka ni Elijah. You know he’s an asshole! He’s never good for you! He’s your cousin for God’s sake! You are a Montefalco!” Mabilis niyang sinabi na parang mura lahat ang mga iyon.
    Umiling ako. “Gustong gusto kong maging Montefalco, Erin pero hindi ko maitatanggi ang katotohanan. I’m not a Montefalco. Ni isang patak ng dugo ninyo, wala ako.” Napapaos kong sinabi.
    “You changed your family name for this?” Tanong ni Chanel.
    Umiling ulit ako. “Kahit kailan. Kahit gano ko pa kamahal si Elijah, hinding hindi ko tatalikuran ang pagiging Montefalco ko, Chanel. Pero hindi… kasi hindi naman talaga ako tunay na Montefalco. I don’t deserve your family name kasi anak ako sa labas!”
    “Kahit kailan hindi ka namin sinumbatan na anak ka sa labas-” Ani Erin na agad kong pinutol.
    “My father suffered because of me! Si Dad, Erin, Chanel, nasasaktan dahil sa akin! Hindi niyo alam ‘yon because you were never there for me! I was completely alone because I pushed the only man who ever loved me strong enough! Para sa inyong lahat! Para matanggap niyo ulit ako! Dahil mahal na mahal ko ang pamilyang ito! Higit pa sa pagmamahal ko sa kanya!” Bumuhos ang luha ko sa sinabi ko.

    Natahimik sila. Walang nagsalita at hinayaan nila akong humagulhol.

    “Alam ko namang tama kayo. Kasalanan ‘yong ginawa namin. That was beyond stupid. Kasalanan ‘yon sa mata ng Diyos, sa mata ng tao. But I love him so much and I cherished the moments we were together kasi alam ko na sa oras na papipiliin ako kung pamilya ba o siya, pipiliin ko ang tama. Dahil gusto kong protektahan kayo!”
    “Sumagi ba sa isip mo, Klare, na nakakadiri ang ma inlove sa pinsan mo-” Pinutol ko ulit si Erin.
    “Tingin mo hindi ‘yan sumagi sa isip ko? Mahirap ang naging simula namin ni Elijah. I pushed him away, he pushed me too-“
    “Then you’re not really pushing him away hard enough!” Sigaw niya sa akin.
    “Erin, tama na.” Bulong ni Chanel habang nakahawak sa mgakabilang balikat ni Erin para pigilan siya sa pagsugod sa akin.
    “Tinulak ko siya palayo at lumayo siya sa akin, Erin. Kung hindi mo nakita, nilipad niya kalahati ng mundo para lang makalayo!” Sigaw ko rin pabalik sa kanya.

    Pinipiga ang puso ko sa bawat salitang sinasabi ko. Nararamdaman ko ang lamig ng nanunuyong luha sa pisngi ko.

    “At ngayong nagbalik na siya, kinuha mo ulit, ha? Ganon ba ‘yon, Klare? Elijah Montefalco is capable of loving someone else, Klare. Kaya niyang magmahal ng iba, bukod sayo kaya sana ay hinayaan mo na lang siya!”

    Wala akong masabi. She’s right. Pupwede ko namang hayaan na lang si Elijah at Selena. Kahit na sinabi ni Elijah sa akin na sinubukan niyang mag mahal pero hindi siya nagtagumpay dahil ako parin, sana ay hinayaan ko na lang siya kay Selena. Selena loved him dearly. He deserved that kind of love. Hindi niya deserve ang pagmamahal na ganito, sobrang daming hadlang, at sobrang daming masasaktan.

    “Mahal ko, e.” Nanikip ang dibdib ko sa sinabi ko.

    Wala talaga akong mahanap na mga tamang salita. That was the only explanation I have. Sana ay maintindihan nila ‘yon kahit na alam kong malabo.

    Nabitiwan ni Chanel si Erin dahilan kung bakit niya ako nalapitan. Basang basa ang kanyang mukha dahil sa luha at pulang pula ang kanyang mga mata. Kahit sa kalagayan ay bagsak parin ang buhok niya at nanatili paring maganda ang postura.

    “Chanel!” Sigaw ni Claudette nang sinugod ako ni Erin at niyugyog niya ng husto ang balikat ko.
    “You are not a mistress, Klare. You are better than that! Elijah is a fucking asshole! He should just disappear! Kasalanan itong lahat ng ginagawa niyo! Kahibangan ito!”
    Umiling ako. “Wala na sila ni Selena.”

    Natigilan si Erin at tiningnan niya akong mabuti. Nilapitan siya ni Chanel at hinila niya si Erin palayo sa akin.

    “No way, Klare.” Ani Chanel.
    Umiling ulit ako.
    “Liar!” Ani Erin. “Kung ano man ang pinaasa ni Elijah sa’yo, Klare, wa’g kang maniwala. Sila parin! Ang sabi ni Selena, sila parin! He’s two timing!” Ani Erin.

    Yumuko ako at naisip iyon. Elijah can’t be, right? Umalis si Selena dito at ginawa niyang klaro iyon. Selena is just helping us out.

    “I can’t believe you, Klare! I can’t fucking believe you!” Ani Erin at marahas niyang dinampot ang kanyang purse at nagmartsa palabas ng pintuan.
    “Erin!” Sigaw ni Chanel at sinundan niya si Erin.

    Mariin akong pumikit. Binitiwan ni Claudette ang aking balikat at hinarap niya ako.

    “I’m sorry, Klare.” basag ang boses niya.

    Hindi ko alam kung bakit siya nag sosorry sa akin. Wala naman siyang kasalanan. Nanatili akong tahimik. Ganon rin siya. Inayos ko ulit ang sarili ko ngunit hindi ko na maibalik ang ngiting suot ko kanina.

    “You think ilalaglag niya ako?” Tanong ko kay Claudette ng wala sa sarili.
    “Klare, Erin loves you. Kahit ganon, ayaw niya, pero hindi ‘yon magsasalita.” Ani Claudette.

    I don’t know. I love her, though. Pero hindi na ako sigurado kung mapagkakatiwalaan ko ba talaga siya. She hated me so much for destroying this family, for my scandal, for my selfishness. Na tingin ko ay kaya niyang gawin lahat para lang matigil ako.

    “You should tell Elijah.” Ani Claudette.
    Tumango ako pero hindi ko naman alam kung paano. Erin and Chanel will be watching me all the time. At ang ipakita sa kanila na magkalapit kami ni Elijah ay masakit sa mga mata nila. Isa pa, ayaw kong si Elijah naman ang mag wala.

    “I’ll text him.” Sabi ko.

    I trust Elijah. May tiwala akong hindi na siya magpapadalos dalos ngayon. Sa lahat ng nangyari sa aming dalawa, marami na kaming natutunan.

    Ako:
    Erin knows about us.

    Mabilis siyang nag reply. I know he’ll freak out.

    Elijah:
    Asan ka?

    Mabilis akong nagtype sa pangambang hahanapin niya ako. Nanginginig ang kamay ko at kinailangan ko pang huminga ng malalim para mapigilan ang panginginig.

    Ako:
    Stay there. I’ll be there.

    Nakuntento na ako sa mukha ko kahit na medyo bakas parin doon ang pagluha ko kanina. Tinulak ko ang pintuan at sumunod si Claudette sa akin. Na estatwa ako nang nakita ko si Erin na hinahawakan ang braso ni Elijah. Naroon si Azi sa likod ni Chanel at mabigat ang nararamdaman kong tensyon. Ang mga waiter na dumadaan patungo sa mga function room ay napapatingin sa nangyayari.

    “Bitiwan mo ako, Erin.” Malamig na sinabi ni Elijah.

    Mabilis akong naglakad patungo sa kanila. Kumakalabog ang puso ko sa pangamba. Matalim akong tinitigan ni Erin habang si Elijah naman ay nakatingin parin sa kamay niyang nakadikit sa kanyang braso.

    “You’re cousins, Elijah. May girlfriend ka. You are making her your mistress.” Ani Erin.
    “We’re not cousins. Wala akong girlfriend. At hindi siya kailanman magiging mistress so get your hands off me!”

    Binawi ni Elijah ang kanyang braso at humarap siya sa akin. Kinagat ko ang labi ko at nakita ko ang mga titig ni Erin at ang pag iling ni Chanel.

    “Sige! Sige mag landian kayong dalawa! Mabubuking kayo in no time. Elijah’s ass will be sent back to the US of A, and you Klare will be miserable again!” Aniya.
    Pumikit si Elijah. “That will never happen, Erin, if you just shut your mouth!”
    “I don’t need to open my mouth! Buking na buking na kayong dalawa sa mga galaw niyo pa lang!” Aniya at tumingin siya sa akin. “At ikaw, Klare? You never kept you promise! You should let him go because you’re not good for him. You’ll destroy his name, his family, his life-“

    Mabilis siyang hinarap ni Elijah. Natakot ako sa maari niyang gawin. Pumagitna si Azi sa kay Erin at Elijah. Tumakbo ako palapit sa kanila. Nanginginig ang mga braso ni Elijah sa galit. Marahan ko siyang hinaplos ngunit mas lalo siyang nanginig.

    “I don’t. fucking. care. if this love can destroy my whole life. Kung hindi mo pa iyon maintindihan, go ahead and spill the beans. I don’t care! I hope you’ll be happy, Erin.”
    “Elijah, pinabalik ka dito dahil akala ng mommy at daddy mo, pati nina mommy at daddy, na okay ka na. Na wala na si Klare sa utak mo. They want to protect you because they love you-“
    “Protect me from what? From Klare? I know that, Erin, but I don’t understand!”
    “Because that’s incest. It still is. Lumaki kayong magkasama at naniwala kayong magpinsan kayo. She’s tito Lorenzo’s daughter!”
    “Wala akong pakealam kung kaninong anak siya. I want her-“
    “This is all lust! All fucking lust-” Sigaw ni Erin.
    “Just leave us alone! And stop being so insecure! Hindi ibig sabihin na dahil nahihirapan ka kay Eion ay pahihirapan mo si Klare!”

    Nalaglag ang panga ni Erin sa sinabi ni Elijah. Lumubog ang kanyang braso at nanginig ang kanyang labi. Humarap si Elijah sa akin ngunit ang titig ko ay nanatili kay Erin.

    Ilang beses siyang humikbi bago nanginginig na sinabi, “Now you’ve done it.” at tumakbo siya palabas ng hotel.
    “Azi, help me out. Ihatid natin si Erin sa bahay.” Ani Chanel.

    Mabilis na tumugon si Azi at sinundan nilang dalawa si Chanel sa labas. Lumapit si Elijah sa akin at nang tumama ang mga mata ko sa kanya ay mabilis ko siyang pinagsabihan.

    “Bakit mo sinabi ‘yon kay Erin?”
    “Sorry. i got carried away. Hindi ko makalimutan. I don’t want her to hurt you, Klare.” Aniya.
    “Now she got hurt! She was already hurting, Elijah!” Sabi ko.
    “Are you okay?” Tanong niya pagkatapos balewalain ang tanong ko.

    Hinawakan niya ang pisngi ko. Nag iwas ako ng tingin.

    “I’m sorry. Nakikita kong insecure siya sayo.” Aniya.
    Bumuntong hininga ako. “She cared for me, that’s why. Sana ay hindi mo na lang iyon sinabi!”
    “Klare, I think we need to go back. Masama na nawala si Erin ngayon. Tatanungin tayo ni Tito Benedict.”
    “She’ll tell them, anyway.” Sambit ko.
    “She won’t. Trust me, Klare.” mariing sinabi ni Claudette. “I know she’s a bitch. Ayaw niya sa pagmamahalan ninyong dalawa ni Elijah. She wants Elijah to be happy with another girl. She wants you to be happy with another guy. Iyon ‘yon. She will try to destroy your relationship but she’s not going to spill it. Remember last time? Remember?” Ani Claudette.

    Pumikit ako at tumango. Nag angat ako ng tingin kay Elijah.

    “Say sorry to her, Elijah.”

    Nag igting ang panga niya. Sigurado akong iritadong iritado na siya sa akin. Pero wala akong maisip kundi ang mukha ng pinsan kong humahagulhol habang lumalayo. The family I was trying to protect two years ago, is the family that I’m going to destroy now. This is all my fault.

    Marahan niyang hinaplos ang braso ko.

    “Okay, baby. I’ll do whatever you want.”

    At niyakap ko siya ng sobrang higpit. I am in love with him completely. I love my family too. I will try my best to hold both.

    Bumalik kami sa party na parang walang nangyari. Malayo ako kay Elijah at hindi ko kailanman siya tinitigan ulit dahil alam kong nanonood siya sa akin. Ilang minuto ba ang nakalipas bago bumalik si Chanel at Azi.

    “Where’s Erin?” Dinig kong tanong ni Tita Liezl, ang mommy ni Erin, Chanel, at Josiah.
    “She’s… not feeling well. Hinatid namin ni Azi sa bahay.” Ani Chanel.
    “Bakit? Sick? May lagnat ba o ano?” Kunot noong tanong ni Tita.
    “May nakain lang sigurong hindi maganda. She’s fine, mom.” Ani Chanel at tumalikod.

    Mabilis na nag tama ang aming mga mata. Matalim ang titig niya sa akin. Ikinagulat ko ang pagtabi niya sa akin. Hindi ako makagalaw. Elijah’s watching us closely.

    “Klare…” Aniya.
    Nilingon ko siya nang umupo siya sa tabi ko.
    “Itago niyo ang relasyon niyong dalawa. Iwasan mo siya.”
    “I can’t do that.” Halos matawa ako sa sinabi ko. “I’m sorry.”
    Umiling si Chanel. “No, I mean… Yes, if you want that relationship, then go. Pero pag nasa publiko tayo, please, itago niyo.”
    “Kahit kailan hindi namin pinakita sa inyo na may relasyon kaming dalawa ni Elijah, Chanel.” Sabi ko.
    “Just keep it. We have a huge event coming at ayaw nating masira ito ngayon. Please keep it for Damon and Eba.” Sabay tingin niya kay Damon at Eba.

  • Kabanata 36Open or Close

    Kabanata 36
    Who Are You Texting

    “You’ll be out again? Really?” Bigong wika ni Pierre nang palabas ako sa bahay namin sa Hillsborough.

    Pumayag si papa sa gusto ni mommy na sa bahay muna ako ng ilang buwan. Naintindihan niya iyon dahil sa nalalapit na mga events na mangyayari. Kasal na ni Eba at Damon bukas at ngayong gabi ay may family dinner ulit kami.

    “Pierre, I was here the whole day. Pati kagabi.” Ngumiti ako sa kapatid ko.
    “Gusto niya atang sumama.” Halakhak ni Hendrix habang nakababad sa kanyang laptop.

    Matalim na tinitigan ni Pierre si Hendrix. Umiling na lang ako. Halos dalawang linggo na rin ang nakalipas nang bumalik sila. Sinisigurado ko namang parati ako sa Hillsborough kahit sa Montefalco Building ako umuuwi. Hindi iyon sapat kay Pierre. Hendrix was open about it, though.

    Isang linggo na ang nakalipas nang dumating ang parents ni Elijah at ang kanyang dalawang kapatid. Kumpleto na naman kaming lahat dahil nakarating na rin si Knoxx. Hindi na nga lang kami nagkikita ni Elijah maliban sa mga family events. Halos hindi rin kami makapag usap dahil nakatingin si Erin at Chanel sa amin.

    Hindi nga ako makasigurado kung inilihim ba ni Erin at Chanel iyong nangyari kay Josiah dahil madalas kong makita si Josiah na nakatingin sa akin. Sa cellphone ay pinipilit ko si Elijah na mag sorry kay Erin, ginawa niya na ito isang beses at narinig ko iyon. Hindi iyon taos pusong pagso-sorry. Kaya halos hindi rin siya pinansin ni Erin. Hindi na rin sumubok pa si Elijah. He said it’s not worth it.

    “You okay?” Tanong ni Pierre habang inaayos ko ang sandals ko sa aming sofa.

    Lumebel ang tingin ko sa kanya nang tumayo ako. Nagkatinginan sila ni Hendrix at parang may pinag uusapan sila na hindi ko naririnig.

    “I’m good. Bakit?” Tanong ko.

    Nilingon ako ni Pierre at medyo namutla siya. Malalim ang hininga ni Hendrix kaya nagtaka ako kung ano iyong pinag usapan nila.

    Hindi ko sinabi sa kanila na may nangyayari na naman sa akin at sa mga Montefalco. Hindi ko magawa. Ayaw kong makarating ito kay papa at natatakot akong ihiwalay niya ako sa kanila. Natatakot akong pumangit ang tingin niya sa aking pamilya.

    “Nothing. Come on, I’ll drive you.” Ani Pierre at kinuha niya ang kanyang mga susi.

    Madali lang iyong naging drive dahil mabilis ang patakbo ni Pierre at malapit lang naman ang bahay na tinutuluyan ng mommy at daddy ni Damon at Rafael. Kung ang magkapatid ay tumutuloy sa isang condo, downtown. Pag umuuwi naman ang kanilang mga magulang ay sa Courtyards sila tumutuloy kaya doon din kami madalas mag tipon tipon ngayon.

    Pagkarating ko ay naabutan ko kaagad silang lahat na pinapanood iyong Pre-Nuptial shoot ni Damon at Eba. Maganda ang naging video nila, Pre Nup pa lang. Maraming lugar ang pinag shooting-an at naging bagay ang kantang ‘I Won’t Give Up’ bilang background music.

    The video was sweet. Nakakainggit.

    Nakaupo ako sa tabi ni Claudette habang nagpatuloy ang video sa flatscreen nila. Si Elijah ay nasa malayong side, nakayakap sa throw pillow at nilalaro si Xian. Hindi ko maiwasang tumingin sa kanya pero alam kong nakatingin din si Chanel at Erin sa akin.

    “Let’s eat, guys! Tadaaa!” Ani Ate Yasmin habang nilalapag ang mga cupcakes sa harap namin.

    Siya ang nagbake nito. Kumuha agad ang mga boys. Si Erin na nasa tabi ni Claudette ay patuloy na pinapasadahan ng kamay ang kanyang maikling buhok. Oo, nagpagupit siya. Umikli ang kanyang buhok at hindi ko alam pero mas pinatingkad nito ang kanyang mga features.

    “Excited na ba kayo bukas?” Maligayang tanong ni Ate Yasmin sa aming lahat.

    Naka-bun ang kanyang buhok at may suot siyang over sized jacket habang pinapalakpak ang kanyang kamay dahil sa excitement para sa kasal bukas.

    “Excited na ako.” Tawa ni Chanel. “Hindi ako maka get over sa mga gown natin.” Ani Chanel.
    “Ako rin!” Nagkasundo ang dalawa.

    Kaming lahat ng girls ay ginawang bride’s maid ni Eba. Ang boys naman ay groom’s men. Si Rafael ang naging best man at si Karen naman ang naging Maid of Honor. Ginawa ring bride’s maid at groom’s men ang mga pinsan ni Eba. Si Xian naman ang naging ring bearer. Nakakatuwa nga kasi nagpapractice pa siya.

    “Dapat maaga tayong umuwi ngayon para makapag prepare bukas! Maaga pa naman bukas!” Ani Ate Yasmin.

    Sumulyap ako kay Elijah na may pinipindot na naman sa kanyang cellphone. Kumalabog ang puso ko dahil alam kong may paparating na naman siyang text. Naghintay ako sa text niya.

    Elijah:
    I want to sit beside you.

    Natulala pa ako sa text niya. Ganon rin ang gusto ko pero natatakot akong may masabi si Erin at baka malaman pa ng lahat. It’s a bad time. Damon’s wedding is tomorrow.

    Ako:
    But we can’t sit together :( Sorry

    “Sinong ka text mo, Klare?” Napatalon ako sa boses ni Erin.

    Nakadungaw siya sa aking cellphone at mabilis ko iyong tinago. Napatingin si Ate Yasmin sa amin at si Chanel, nagtataka.

    “A…Ah, just a friend. Bakit?” Tanong ko.

    Blanko ang ekspresyon ni Erin sa akin. Batid kong nagbabanta siya na kung hindi ko titigilan ang ginagawa ko ay sasabihin niya sa lahat.

    “What are you some sort of police?” Utas ni Elijah.

    Napatingin si Ate Yas sa kanyang kapatid. Nag iwas ng tingin si Elijah kahit kanino. Narinig ko ang sipol ni Azi sa malayo. Si Josiah naman ay kumuha ng cupcake sa harap namin.

    “Elijah…” Biglang tinapik ng kararating lang na si Tito Exel ang balikat ni Elijah.

    Nilingon agad siya ni Elijah.

    “Just a sec, son.” Ani tito.
    Tumango si Elijah at umalis para sumama sa kanyang dad patungong dining room, kung nasaan ang mga magulang namin.

    “Magkagalit kayo ni Elijah, Erin?” Tanong ni Ate Yasmin kay Erin.
    “No, ate.” Ngiti ni Erin habang nilalagay ang takas na buhok sa kanyang tainga.

    Tumango si Ate Yas at tumingin sa akin. Nag iwas ako ng tingin sa kanya.

    “Nga pala… natawagan mo na si Selena, Chanel?” Dinig kong sinabi ni Ate Yasmin.
    “Out of coverage area na. Baka nag sweitch to roaming na siya at umalis na patungong New York.” Ani Chanel.
    “Talaga? Iyon din ang sabi ni Elijah sa akin. Dapat ay pinigilan niyang umalis si Selena.”

    Hindi na ako kumibo. Inubos ko na lang iyong kinuha kong cupcake at nagpatuloy sa panonood ng slideshow ni Eba at Damon sa harap.

    Nag vibrate ang cellphone ko at nakita kong may text si Elijah doon. Tumayo muna ako at lumabas ng bahay bago iyon binuksan. Ayaw kong may masabi na naman si Erin.

    Elijah:
    Dad wants me to contact Selena. I said she’s out of the country. Pinagalitan niya ako dahil hindi ko pinigilan. I want… to tell him the truth.

    Shit! mabilis akong nagtype ng mensahe ko para sa kanya.

    Ako:
    Don’t!

    Ako:
    Don’t tell him, Elijah. Let’s not ruin this event. Kung sasabihin natin, siguro ay pagkatapos na nito. Please. I’m sorry.

    Kumalabog ang pintuan, hudyat na may sumunod sa akin sa labas. Naghanda na ako para sa mga patama ni Erin sa akin ngunit nagulat ako nang si Josiah iyong lumabas at nakatitig sa akin.

    Guminhawa ang pakiramdam ko at nagpasalamat na ang angelic na mukha lang ni Josiah ang sumalubong sa akin. Nang may nakita akong makahulugang tingin galing sa kanyang mga mata ay kinabahan agad ako.

    Tumingala siya at nadepina ang kanyang adam’s apple. Tumayo siya sa tabi ko at suminghap.

    “Klare, I won’t pretend.” Aniya.
    Pumikit ako. Alam ko na.
    “Hindi sinabi ni Ate at Erin sa akin, ako mismo ang nakaramdam. Because they are cold to you, and you are distant to them as well.”

    Hindi ko alam kung masaya ba ako kasi hindi naman pala sinabi ni Erin at Chanel iyon pero pareho parin, ngayon, may nakakaalam na naman. I just hope Josiah will keep this too. Sa ngayon.

    Suminghap ulit siya na para bang nahihirapan. “Hindi ko talaga alam kung anong sasabihin ko.”
    “You don’t need to tell me something, Joss.” I just want your support. At kung hindi niyo kayang ibigay iyon sa amin, sana ay huwag niyo na lang kaming hadlangan. I don’t wanna be harsh to him. Wala pa naman siyang sinasabing opinion.
    “I’m not against. I’m not pro, too. I just want you to know that this will raise hell, Klare. Tito Exel, tito Azrael, tito Stephen weren’t happy about this two years ago. At ngayong nag iba na ang apelyido mo, hindi parin nagbabago ang pananaw nila.”

    I know that. Kaya nga nag iingat kaming dalawa.

    “Don’t make the same mistakes again. I heard them talk at narinig ko mismo sa bibig ni tito Exel na si Elijah ay nandito kasama si Selena and he was glad he’s over you. You two shouldn’t be together kasi magkasama tayong lumaki at naniwala tayo ng ilang taon na magpipinsan tayo. And you are still a Montefalco to us. You get that? We love you, Klare na nagalit kami kasi nagpalit ka ng apelyido. We love you to much that we refuse to acknowledge that you’re not a Montefalco anymore.”

    Nilingon ko si Josiah. I get his point. At kitang kita ko kung saan siya nanggagaling at kung bakit siya tama. Hindi ako bulag. Alam ko kung ano ang pinaglalaban ng mga Montefalco. Erin’s right, she couldn’t accept it. Iyon ang dahilan kung bakit kahit dehado siya kay Eion ay hindi niya parin ako nagawang ipagtulakan kay Elijah.

    “If you really love me, Josiah, support me.” Utas ko na parang pinalabas ko na lang sa kabilang tainga ang sinabi niya.
    Half open ang kanyang bibig na para bang nahihirapan siyang huminga. “I support you, Klare. But I’m warning you, this will not be easy.”
    Ngumiti ako sa kanya. “This will never be easy. But I know it’s going to be worth it.”

    Narinig kong bumukas ulit ang pintuan. Napalingon kami sa lumabas doon at nakita ko si Kuya Justin, Knoxx, Rafael, at Azi na nagtatawanan.

    “Joss, where have you been! Let’s play!” Sabay wagayway ni Knoxx ng poker chips.

    Lumabas si Elijah at napatingin siya sa akin. Nginitian ko siya habang lumapit si Josiah sa mga lalaki. Lumapit din si Elijah sa outdoor table na pinapalibutan ng boys at may tinype agad siya sa kanyang cellphone.

    Naglakad na ako pabalik sa loob habang ginagawa niya iyon. Mga titig ni Josiah ay sa akin nakatoon hanggang sa nakapasok ako.

    Nag vibrate ang cellphone ko at nakita kong may mensahe agad ni Elijah.

    Elijah:
    Hindi ko sinabi. We’ll wait. I’ll wait. I love you.

    Humugot ako ng hininga at hindi iyon agad na ibuga dahil sa huling sinabi niya.

    “Klare?” Nagulat ako at halos mabitiwan ko ang aking cellphone nang bigla itong dinungaw ni mommy.

    Mabilis ko iyong nilagay sa bulsa ko. Kumunot ang kanyang noo dahil sa naging reaksyon ko. Nanonood si Erin, Chanel, at Claudette sa amin habang si Ate Yasmin ay nasa kusina na naman.

    “We’ll… go home early today. Anong nangyari sayo ba’t para kang nakakita ng multo? Got a prob? Who texted?” Tanong ni mommy.

    Siguro ay namutla ako dahil sa naging reaksyon niya.

    “Just Vaughn, tita, her friend.” Singit ni Erin habang hinahagkan ang unan sa kanyang dibdib.

    Nilingon ko si Erin. Nanatili ang mapanuring titig ni mommy sa akin. Kumalabog ang puso ko.

    Sa sobrang kaba ko ay hindi ko na ulit dinungaw ang cellphone ko. Panay ang tingin ni Elijah sa akin habang naroon kami at iniwasan ko ang mga titig niya sa takot na may makahalata ulit. Naging mas napagmatyag din si mommy sa akin. Halos bawat sampung segundo ay nakatutok siya sa akin.

    Masaya ang naging pagtitipon para sa lahat, maliban sa akin. Kahit paano ay nakita ko namang tumatawa si Elijah habang nag popoker sila sa labas. Naunang umalis sina Azi, Claudette, Knoxx, at sina tito at tita. Sumunod naman kami.

    Humihikab papasok sa sasakyan si Charles. Si mommy naman ay nakatingin sa akin habang pinagmamasdan akong nagmamartsa palapit sa sasakyan namin.

    “Hindi ka nagpaalam kina Erin at Chanel.” Aniya.
    “N-Nag paalam po ako.” Sabi ko ngunit hindi siguro niya iyon narinig dahil mahina lang. I’m exhausted.

    Nilingon ko ng isang beses ang bahay nina Rafael at Damon at nagtatawanan parin sina Kuya Justin, Elijah, Josiah, Rafael, at Damon habang naglalaro sa labas. May ngiti sa labi ni Elijah habang pinapanood niya ako.

    “Klare!” Sigaw ni mommy na siyang nakaagaw ng atensyon ko.

    Nang hindi tinititigan si mommy ay pumasok na ako sa sasakyan at tinabihan ko na si Charles. Humihikab na ang kapatid ko at hinilig niya na ang kanyang ulo sa upuan.

    Tahimik na nagdadrive si daddy patungo sa amin. Tahimik rin si mommy at medyo hindi ako naging kumportable. Hindi ako sanay na tahimik silang dalawa. Nang malapit na sa amin ay saka pa lang nagsalita si dad.

    “Eba’s a nice girl. Nice for Damon.”
    “Masyado nga lang silang bata para ikasal.” Ani mommy.
    “That’s okay. Kawawa naman si Xian. Tsaka Damon loves the girl.” Ani dad.

    Habang nag uusap sila ay dahan dahan kong kinuha ang cellphone ko sa pagbabakasakaling sa wakas ay marereplyan ko na si Elijah. Marami siyang naging mensahe doon.

    Elijah:
    You look sad. Are you upset?

    Elijah:
    I miss you so much.

    Mabilis ko siyang nireplyan.

    Ako:
    Pauwi na kami. Di ako nakapag reply agad kasi si mommy, nagtatanong kung sino ang katext ko.

    “Mukhang di talaga makakarating ‘yong girlfriend ni Elijah.” Ani Mommy.
    “Nasa New York na siguro.” Ani Dad.
    “Ba’t di niya pinigilan?”

    Nakarating na kami sa bahay. Ginising ko si Charles. Naalimpungatan siya at mabilis na bumaba ng sasakyan.

    “My head is throbbing. I’m so sleepy.” Aniya at lumabas ng sasakyan.
    “Klare…” Malamig na utas ni mommy.
    “Po?” Tanong ko at tumingin sa nakalingon na si mommy sa akin.
    “Bakit di pinigilan ni Elijah si Selena?”
    Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya. “Hindi ko po alam.” Sabi ko.

    Dahan dahan kong binalik ang cellphone ko sa aking purse. Bumagsak ang mga mata niya sa purse ko.

    “Who are you texting?” Tanong ulit ni mommy.

    Pumikit siya at mabilis na lumabas ng sasakyan. Nakalabas na si daddy at si Charles ay nasa elevator na. Kinalabog ni mommy ang aking pintuan.

    “Get out of the car.” Mariin niyang sinabi habang tinatapik ang aking salamin.

    Mahinahon kong binuksan ang aking pintuan. Ito na ‘yon. Sigurado akong may nararamdaman na siya at hindi niya iyon palalampasin. Nakita kong bumaba na ang elevator ngunit hindi parin pumapasok si Charles dahil nakatingin siya sa naging reaksyon ni mommy. Si daddy ay nasa likod ni mommy.

    “Sino ‘yong ka text mo?” Mas mariin niyang tanong.
    “Si Elijah po.”

    Tumango si mommy at kinalma ang sarili.

    “Paki tanong nga sa kanya…” Mabigat na ang bawat bigkas niya sa mga salita. “Bakit hindi niya pinigilan ‘yong girlfriend niyang umalis?”

    Matama ko siyang tinitigan at hindi ko kinuha ang cellphone ko sa loob ng bag ko. Hinintay ko lang ang mga idadagdag niya.

    “Klare, get your phone and ask him.” Ani mommy.

    Hinawakan ni daddy ang mga balikat ni mommy. Naglakad si Charles patungo sa amin.

    “Mom, ano yan?” Wala nang bakas ng antok sa kanyang mga mata.
    “My…” Pabalik balik kong tinitigan si mommy at daddy. “Dy… please?”
    “Oh my God!” Hinilamos ni mommy ang kanyang mga palad.
    “Klare?” Nagtatanong ang mga mata ni daddy.
    “Dy…” Lumapit ako sa kay daddy sa pag asang hindi niya ako bibiguin. “Dad, si Elijah parin…” Pumiyok ang boses ko.

    Pumagitna si mommy sa aming dalawa ni daddy. Galit at pagsisisi ang makikita sa kanyang mga mata. I know this is going to end here. Ito na iyon… kahit anong gawin ko para lang maantala ang pangyayaring ito ay tadhana na mismo ang nagtutulak sa akin.

  • Kabanata 37Open or Close

    Kabanata 37
    Don’t Give Me Up

    “Pumasok tayo sa loob.” Mahinahong sinabi ni daddy.
    “Hindi, Lorenzo, itong anak mo-“
    “I said pumasok tayo sa loob!” Halos pasigaw na sinabi ni daddy.

    Napatingin si mommy kay daddy. Sinamantala ko ang pagkakataong iyon para dumiretso sa elevator. Hindi ko man lang tiningnan ang nagtatakang si Charles. Sumunod ang kapatid ko sa akin sa elevator at sabay kaming umakyat habang nagtatalo si mommy at daddy sa labas.

    Tulala ako sa elevator at hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay Charles. Nakatingin naman siya sa akin buong byahe pataas. Nang nakalabas kami ay saka pa lang siya nagsalita.

    “Ate, you and Kuya Elijah…”
    Pumikit ako nang hindi niya madagdagan ang sinasabi niya. Umakyat ako sa hagdanan at pinindot ang doorbell. Ilang sandali ay binuksan na iyon ni manang at nakapasok na kami ni Charles.

    “Charles, stay in your room.” Utos ko habang nilalagay ang bag ko sa sofa.
    “No, ate, papagalitan ka ni mommy.” Ani Charles.
    Sa wakas ay nagawa kong mag angat ng tingin sa kanya. Halo ng pag aalala at takot ang nakita ko sa kanyang mga mata. “Charles, you don’t wanna see or hear this.”
    Umiling siya pero bago pa siya nakapagsalita ay padabog nang binuksan ni mommy ang pintuan.
    “Klare!” Tawag ni mommy habang sinusundan siya ni daddy.
    “Helena!” Sabay hawak ni daddy sa braso ni mommy ngunit marahas na binawi ni mommy ang kanyang braso at napa igtad si dad.
    “Charles, go to your room.” Utos ni daddy pagkatapos akong sugurin ni mommy.

    Hinawakan ni mommy ang aking braso. Hindi ito ang unang pagkakataon na nakita ko siyang ganito ka galit pero hindi parin ako nasasanay.

    “No, dad!” Ani Charles.
    “Hindi ka pa ba nadadala? Hindi ka pa ba nagsasawa sa mangyayari? Halos kamuhian ka ng mga tito at tita mo noon dahil sa ginagawa mong iyan!”
    Mabilis ang agos ng luha ko habang tinititigan ko si mommy. “Mom, mahal ko si-“
    “Anong klaseng pagmamahal ‘yan? You are so selfish, Klare! Ito na ba ang ganti mo sa amin? Ha?”
    Umiling ako. Tinawag ng marahan ni dad ang pangalan ni mommy ngunit hindi niya ito marinig.
    “Klare, ganti mo ba ito sa akin?” Nakita ko ang mga luha sa mga mata ni mommy. Patuloy ako sa pag iling. “Kung ganon, ano na naman ‘to? Pinag bigyan kita sa lahat! Pinagbigyan kita na makasama si Ricardo! Pinagbigyan ko lahat ng kapritso mo!” Tumigil si mommy at lumayo sa akin, isang daliri niya ay nasa ere. “No. Don’t tell me kaya mo binago ang apelyido mo para pu pwede na kayo ni Elijah!”
    “Helena!”
    “Mom!” Halos sabay siyang sinaway ni dad at Charles.
    “Is that it, huh, Klare?” Sigaw ni mommy habang lumalapit siya sa akin. “Ano na ‘to ngayon, inaakit mo ba si Elijah kahit na may mahal na siyang iba? HE GOT OVER YOU, KLARE! At sinong sisisihin ko ngayon dito? IKAW! Kasi ‘yong tao, may mahal ng iba, pero ikaw…” Tinuro ako ni mommy.

    Baradong barado na ang aking lalamunan at pumapagitna na si Charles sa aming dalawa.

    “… ikaw, dumidikit ka!”
    “Helena, you are talking to our daughter!” Sigaw ni daddy.
    “Mom, tama na! Walang kasalanan si ate!” Ani Charles.
    “Is this your form of rebellion? Kasi alam mong nagawa ko na ‘to noon kaya gagawin mo rin ‘to ngayon?” Pumiyok ang boses ni mommy.

    Tinulak ko si Charles sa gilid para harapin si mommy. Hindi ko na kaya. Nanginginig na ang buong sistema ko sa mga sinasabi niya. Malaki ang respeto ko sa mga magulang ko at gusto kong marinig ang lahat ng mga hinanakit nila sa akin pero gusto ko rin na malaman nila kung ano ang nasa utak ko.

    “Mom, ‘nong umalis si Elijah dito pinakawalan ko siya kahit nasasaktan ako. Wala ka sa sapatos ko kaya di mo maramdaman ang emosyonal at pisikal na sakit! Hindi mo nakita, ma…” Bumuhos ang luha ko. “Hindi mo nakita kung paano ako umiyak, paano ako nangulila pero isinantabi ko lahat ng iyon dahil mahal ko kayo-“
    “Pwes kung kaya mo naman palang isantabi, bakit hindi mo isantabi ‘yon ngayon?” Sigaw ni mommy sa akin.
    “Helena, listen to your daughter!” Sigaw ni dad kay mommy.
    “I tried so hard, my… I was miserable. Hindi niyo ‘yon nakita kasi hindi naman kayo nakatingin. Akala niyo ba hindi ko naramdaman? Iba na ang tungo niyo sa akin sumula ‘nong umalis si Elijah. Mom, umalis ‘yong mahal ko tapos nalaman ko pa na anak ako sa labas… Mom, nawala ko ang sarili ko…” Humikbi ako.

    Umiyak si mommy at napaupo sa sofa.

    “‘Nong nagkita ulit kami, hindi pa talaga ko maayos pero pinanindigan ko ang desisyon ko. Hindi ko babawiin iyon kahit na gano ko siya kamahal. Pero… iyan siya, e. Mahal niya ako-“
    “Elijah isn’t in love with you. May girlfriend siya…” Ani mommy.
    “Kuya Exel made it clear, Helena, hindi niya papabalikin si Elijah dito pag hindi pa siya nakahanap ng iba… Is that it, Klare?” Tanong ni daddy.

    Tinitigan ko lang si mommy at naghintay ako sa susunod niyang sasabihin habang nakaupo siya sa sofa.

    “Mom, I’m sorry…” Pumiyok ang boses ko. “I’m sorry kung puro pasakit lang ang dala ko sa inyo. I’m sorry kung pinapahamak ko kayo…”
    “Klare…” Malamig na sinabi ni daddy. Nag angat ako ng tingin sa kanya. “Anong plano ninyo ni Elijah? Are you going to keeo this secret forever? Bakit hindi niyo sinasabi?”
    Pinunasan ko ang aking pisngi. “Naghihintay lang kami ng tamang tyempo, dad. Obviously, this isn’t the right time. We have a big event coming.” Napatingin ako sa kamay ko.
    “Klare, pinsan mo si Elijah-“
    “Mom!” Singhal ni Charles. “Hindi mag pinsan si ate at si kuya Elijah.” Aniya.

    Napatingin ako kay Charles na mukhang iritado na. Kung hindi man niya alam ang nangyari sa amin noon ni Elijah, ngayon paniguradong alam niya na.

    “Pinalaki silang magkasama Charles. Your ate and your kuya Elijah are cousins by heart.” Ani mommy.
    Tumawa si Charles. “So what now, mom? We’ll let ate cry and push away Kuya again?”
    “I won’t do that again.” Mariin kong sinabi at pinanood ko ang paglukot ng mukha ni mommy dahil sa narinig. “You have to deal with it, mom. Kung gusto ninyong sabihin sa lahat bukas sa kasal ni Dame at Eba ang lahat ng ito, it’s your choice. My choice is to buy time, wait for the right opportunity… But if you want us to break so bad, then go ahead, mom!”
    Galit akong tinitigan ni mommy. “Saan ka natutunong magsalita ng ganyan? Iyan ba ang itinuro ni Ricardo sayo?”
    “Helena, hayaan na natin si Klare. She’s old enough. She knows what’s right and wrong. She can decide for herself!”

    Tingin ko ay nasabi ko na lahat ng maari kong sabihin kaya habang nagtatalo si mommy at daddy ay mabilis akong tumakbo patungo sa aking kwarto. Sinarado ko iyon at sumalampak agad sa aking mga unan. Ilang sandali akong humagulhol dahil sa pisikal na sakit na nararamdaman ko sa aking puso.

    Kinalma ko ang sarili ko bago kinuha ang cellphone na punong puno ng mensahe ni Elijah. Nag aalala na siya sa nangyari. Walang pag aalinlangan kong dinial ang kanyang numero. Isang ring ay sinagot niya ka agad. Buntong hininga ang una bago siya nagsalita.

    “Are you okay?” Tanong niya. “Anong nangyari?”
    “Alam na ni mommy at daddy…”

    Ilang sandali pa bago siya nagsalita. Narinig ko ang mga galaw niya at ang pagtunog ng kanyang sasakyan.

    “Elijah…” Tawag ko at kumalabog ang aking puso.
    “Umiiyak ka ba?” Tanong niya at narinig ko ang pag pihit ng kanyang sasakyan.
    “Hindi.” Pinilit kong maging matapang ang aking boses.
    “Papunta na ako.”
    “Elijah, please, no… Wa’g na nating paguluhin pa ang sitwasyon.”
    “Klare, kung alam ng mommy at daddy mo, hindi ko hahayaan na ikaw lang mag isa ang sasalubong sa lahat ng sasabihin nila. I’ll be there. I’ll be there with you.”
    “No…”
    “I’ll be there in five minutes.” Aniya at binaba ang kanyang cellphone.

    Napatalon ako sa kinahihigaan ko. No… no… No way… I need to do something. Hindi ko hahayaan na makakatungtong si Elijah sa bahay namin. Kailangan ko siyang salubungin sa baba at pigilan. Madadaan pa ito sa usapan.

    Naririnig ko parin ang pagtatalo ni mommy at daddy sa labas. Humilig ako sa aking pintuan at binantayan ko ang relo. Nang dumaan ang tatlong minuto ay humupa na ang bangayan ng dalawa at narinig kong kumalabog ang pintuan sa kwarto.

    They won’t see me yet. Hindi pa nila mapapansin iyon sa CCTV. Nagdasal ako na ganon nga. Dahan dahan kong binuksan ang aking pintuan. Luminga ako at nakita kong nakapatay na ang ilaw sa aming sala.

    Dahan dahan akong naglakad patungo sa pintuan at kinalas ko ang tatlong bar doon, pinihit ang gitna ng door handle at lumabas na. Halos mapatalon ako sa gulat nang nakita ko si daddy na nakapamaywang sa aming hagdanan. Kumunot ang noo ni dad sa akin. Mukhang naistorbo ko siya sa malalim niyang iniisip.

    Dammit, Klare! Buking na naman?

    “Dad…” Nauutal kong banggit.
    “Saan ka pupunta?” Tanong niya.

    Tinikom ko ng mariin ang bibig ko. Ayaw ko sanang magsalita. Gustong gusto kong magsinungaling pero lalala lang ang lahat pag magsisinungaling ako.

    “Nasa… labas po si Elijah.”
    Nanlaki ang mga mata ni daddy. “Anong ginagawa niya dito?”
    “I… I told him alam niyo na. Nag… nag aalala siya.” Nag iwas ako ng tingin.

    Tumango si daddy at bumaba. Siya na mismo ang pumindot sa elevator. Nang bumukas ito ay iminuwestra niya sa akin ang loob. Tumunganga ako dahil hindi ko siya maintindihan.

    “Let’s go. Ako na ang bahala sa mommy mo pag nakita niya ito sa CCTV. I need to talk to Elijah.” Aniya.

    Tumango ako at mabilis na nagtungo sa loob ng elevator. Ito na yata ang pinakamabagal kong sakay sa elevator. Mabagal dahil hinihintay kong bumaba ito at makita si Elijah.

    Kasabay ng pag bukas ng elevator ay ang paglabas din ni Elijah sa kanyang sasakyan. Mabilis siyang nagtungo papunta sa akin kahit na kitang kita niyang kasama ko si daddy.

    Pinigilan ako ni daddy sa paglapit.

    “Elijah.” Ani Dad.
    “Tito…” Ani Elijah habang hinahanap ako sa likod ni dad.
    “Mag usap tayo.” Ani daddy.

    Sumulyap si Elijah sa akin, saka kay Daddy, bago tumango at sumunod sa kanya. Nag usap sila malapit sa sasakyan ni Elijah. Umupo ako sa gutter ng parking lot namin habang pinapanood ko ang seryosong usapan nila.

    Niyakap ko ang aking tuhod. Tatlumpong minuto na silang nag uusap. Hindi parin natatapos. Lumalamig at lumalalim na ang gabi.

    “Klare…” Tumingala ako kay daddy na lumalapit sa akin. Tumayo ako para maglebel ang tingin naming dalawa. “Matulog na tayo.” Aniya.

    Nilingon ko si Elijah sa likod niya.

    “Tito, pwedeng kahit sandali lang?” Ani Elijah sa likod ni daddy.
    Nag igting ang bagang ni daddy at hinarap niya si Elijah. “Okay.”

    Parang kalabit sa akin ang mga salita ni daddy at mabilis akong tumakbo kay Elijah para yumakap. Niyakap niya ako pabalik, hinahalikan ang buhok ko at tinatahan ako kahit hindi na ako umiiyak.

    “You alright?” Bulong niya.

    Batid kong nakatingin si daddy sa amin pero naubos na ang pakealam ko. He knows about us, anyway.

    Tumango ako at tumingin sa mga mata ni Elijah. This is where I really belong. I belong in his arms.

    “Hey, baby, listen… This will be quick…” Aniya.
    Tumango ako at halos handa na sa kahit anong sasabihin niya.
    “No matter what happens, don’t give me up, okay?” Aniya habang hinahawakan ang magkabilang pisngi ko.
    Tumango ako.
    “Okay, baby? I want to hear it.”
    “Okay.”

    May kung ano sa mukha niyang nag aalinlangan sa sinasabi ko.

    “Klare, please, I want to hear it straight from you…”
    “I won’t give you up, Elijah.” Bulong ko, namumuo ang mga luha sa aking mga mata.

    Alam ko kung bakit siya nawalan ng seguridad sa akin, sa amin. Ako ang bumitaw noon. Iniwan ko siyang lumalaban sa ere at natural lang na magduda siya ngayon. Nakatitig parin siya sa akin na para bang sinasaulo niya ang bawat detalye ng aking mukha.

    “Please, don’t ever give me up again. Mahal na mahal kita Klare, at pag naiisip kong iiwan mo ulit ako, itutulak mo ulit ako, pakiramdam ko hindi ko na makakayanan. I will never get over you anymore. I’m going to fight for us… kahit anong mangyari at kahit gaano ka tagal.”
    Tumatango lang ako dahil hindi ko na kayang magsalita. Hahagulhol ako sa oras na bubuksan ko ang aking bibig.
    “Please, baby, that’s all I’m asking… Just don’t give me up. Ako na ang bahala sa lahat.”
    Tumango ulit ako. Hinalikan niya ang aking noo at bumitiw siya, dumiretso sa kanyang sasakyan. Nilingon niya ako bago niya sinarado ang pintuan.

    Pinupunasan ko ang mga luha ko.

    “Klare, let’s go…” Dinig kong sinabi ni daddy sa likod ko ngunit hindi ko siya pinansin.

    Binaba ni Elijah ang kanyang salamin. Ngumiti siya kahit bakas sa kanyang mga mata ang pagod.

    “Klare… bumalik ka na sa bahay niyo. Hindi ako makakaalis dito pag nakikita kang umiiyak.”
    Mabilis akong tumango at tumalikod sa kanya. I swear to God, kahit anong ipapagawa ni Elijah sa akin ay susundin ko.

    Mahimbing ang tulog ko sa gabing iyon. Kahit na alam kong hindi tamang maging kampante ako dahil sa sitwasyon. Pero ang boses ni Elijah at ang mga mata niya ay nakakapanlambot.

    Nang nag madaling araw ay walang imik si mommy sa akin. Naging normal ang pakikitungo niya sa akin, kay daddy, at kay Charles. Ganon rin si daddy. Ngunit hindi matanggal ang simangot sa mukha ng kapatid ko. Hindi siya kumikibo kay mommy at bawat hindi niya pag kibo ay tumitingin si mommy sa akin na para bang nanghihingi ng tulong.

    “Charles, lika na.” Sabi ko.

    Alas kwatro ay bumyahe na kami patungong Midway Resort dahil doon gaganapin ang kasal. Ang mga pinsan ko ay naroon na, kagabi pa lang. Ganon din si Damon at Eba. Mahigit isang oras ang byahe patungo doon at kailangan naming mag madali dahil alas sais ng umaga ang kasal ni Damon at Eba. Iyon daw ay para masalubong nila ang pagsikat ng araw.

    Tulog kaming dalawa ni Charles sa buong byahe at pagkadating ay mabilis na kaming nagbihis. Busy ang buong angkan sa pagmi-make up, pagbibihis, at kung anu-ano pa sa loob ng hotel nila. Tawanan, ngitian, at usapan ang nag paingay sa bawat kwarto. Maingay na nagtatawanan si Chanel, Erin, at Ate Yasmin habang nag pipicture kami. Nakakangiti ako ngunit hindi ko magawang tumawa ng lubos.

    “Mamaya, tutulak na si Eba at Damon sa labas ng bansa. Sinong maiiwan kay Xian?” Excited na tanong ni Ate Yasmin.
    “Kina Tito Stephen daw siya! Bisitahin natin!” Excited na sinabi ni Erin.

    Pastel colors ang naging gown naming mga girls. Malambing na kulay Blue Green ang akin na dumadausdos hanggang tuhod ko. Kulay orange ang kay Erin na bumagay sa kanyang pagka morena, kulay pink ang kay Claudette na kinaiinggitan ko dahil paborito kong kulay, kulay green ang kay Chanel, kulay yellow naman ang kay Ate Yasmin. Sa mga pinsan naman ni Eba ay may kulay lavender, yellow green, at kung anu ano pa. Eight kaming bride’s maid at eight din ang groom’s men.

    “Sige na… Pasok na groom’s men.” Anang photographe sabay bukas sa aming pintuan.

    Pinapasok niya ang mga groom’s men pagkatapos naming magpamake up. Naka black tux silang lahat at tumili ang mga bride’s maid na pinsan ni Eba. Halos manlaki ang mga mata ko nang nakita ko ang nakangiting si Elijah, kumikinang ang kanyang hikaw sa kaliwang tainga. Nag iwas ako ng tingin.

    “Klare, tabi kayo ni Claudette.” Ani Erin sabay turo sa dulong parte ng mga babae.

    Tumango ako at sumunod sa gusto niya.

    Pinahilera kaming lahat doon. Sa gitna si Elijah, at iyong magiging partner niyang pinsan ni Eba, iyong maarteng tinutukoy nila noong dinner. Napalunok ako at ngumiti na lang sa camera.

    Habang pinipindot ng photographer ang kanyang camera ay dumating si mommy at pinasadahan niya ako ng tingin, at si Elijah, sinisigurado niyang hindi kami magkatabi o magkasama. Don’t worry, mom. I know what to do.

    “Doon naman sa labas!” Sigaw ni Erin kaya lumabas kaming lahat.

  • Kabanata 38Open or Close

    Kabanata 38
    Sila Parin

    Medyo madilim pa nang nagpapicture kami sa labas. Tawanan at asaran ang bumalot dahil sa mga boys, nahihiyang nakikisali naman ang mga pinsan at kaibigan ni Eba sa amin. Dumalo na rin si Rafael kasama si Karen sa amin at ilang beses pa kaming nag pa-picture.

    “Mga Montefalco please!” Sigaw ni Kuya Justin, hawak hawak ang kanyang camera.

    Nagpapicture kaming mag pipinsan doon. Sa likod namin ang namumuong bukang liwayway na napapakita ng dagat.

    “Wacky pose!” Ani Azi at sabay sabay naming nginiwi ang mukha namin para mag pose nga ng ganon.

    Nagtawanan kaming lahat. Tumingin ako sa tabi ko at nagulat ako nang si Elijah ito. Nagkatinginan kami ng may ngiti pa sa labi. Nanibago ako sa lapit naming dalawa. Ramdam ko ang mga mata ni Erin sa likod niya.

    “Klare?” Tawag ni mommy sa malayo.

    Mabilis ko siyang nilingon. Nakita ko na nagpalipat lipat ang mata niya sa akin at kay Elijah. Wala naman kaming ginagawang masama. Para maibsan ang kanyang pangamba ay lumayo ako kay Elijah.

    “Ate…” Ani Charles nang nakalayo ako kay Elijah. Nasa gitna na ako ni Knoxx at Claudette ngayon habang lahat kami ay naghihintay sa pag dating ni Eba.
    “Hmm?”
    “Hayaan mo na si mommy. Just talk to kuya. Hindi pa kayo nag uusap. Are you two okay?” Tanong ni Charles.
    Ngumiti ako. Bata pa si Charles. Hindi pa niya makita ang lahat lahat ng tunay na problem at ang mga maaaring magiging resulta nito. “I’ll talk to him later, Charles.”
    Hindi niya ako tinantanan sa titig. Luminga na lang ako para hanapin si Eba.

    Ilang sandali ang nakalipas ay nakarating na si Damon. Naka puting tuxedo siya at malaki ang ngisi. Kausap siya ngayon ni Elijah at Rafael. Habang nagsasalita si Rafael sa kanilang dalawa ay napapatingin si Elijah sa akin. Bumabagsak ang tingin ko sa buhangin.

    Ilang sandali ang nakalipas ay napansin ko na lahat ng dekorasyon dahil sa unti unting pag liwanag. Kitang kita na ang malayong asul na dagat sa view. Ang mga upuan ay dinamitan ng puting tela at may mga vines at bulaklak sa likod nito. Imbes na red carpet, ginamit ang mas maputing buhangin para gawing aisle. Ang ganda! Sa gitna ay mas isang mesa at batid kong doon tatayo ang magkakasal sa dalawa.

    “Ayan na si Eba! Holy… Ang ganda!” Ani Chanel.

    Nagsimulang mag click ang mga camera. Instinct na hinanap ko kaagad si Damon para tingnan ang kanyang mukha. Nakanganga siya habang tinitingnan ang nakangiting si Eba. Nilipat ko ang tingin ko sa kanyang katabing si Elijah na nakatingin naman sa akin. Dinungaw niya ang cellphone niya at mukhang may tinype doon.

    Hinanap ko si mommy at nakita kong abala siya sa pagsuri kay Eba. Kumalabog ang puso ko sa maaaring itext ni Elijah sa akin.

    “Sponsors, line up, please!” Anang bading na organizer ng kanilang kasal.

    Nagsimula ng maging busy ang lahat. Naririnig ko na ang I Won’t Give Up sa background at pinapalinya na kaming lahat kasama ang mga partner.

    “Azi…” Dinig kong sambit ni Elijah galing sa likuran.

    Pinigilan ko ang sarili kong lumingon sa kanya.

    “Yes, dude. This is no fun.” Ani Azi at tamad na tumabi sa akin.
    Nilingon ko siya. “Ikaw ba ang partner ko?”

    Batid kong nakatingin siya sa isang lalaking nasa gilid niya. Isa ata ito sa mga pinsan ni Eba. Ang alam ko, pinsan ni Eba ang magiging ka partner ayon sa invitation.

    “Just go find your own damn partner.” Maarteng sinabi ni Azi sa lalaki.
    Nakita kong matalim ang titig ng lalaki kay Azi, narinig ko namang sumipol si Elijah sa likod dahilan kung bakit napatingin ang lalaki sa kanila.

    I can’t believe it! Sa kalagitnaan ng mga problema namin ni Elijah ay nagawa niya paring utusan si Azi na maging ka partner ko. Umiling ako at dumungaw sa aking cellphone.

    Elijah:
    You look stunning. And I crave for your touch and your voice.

    Nag angat ang dulo ng labi ko. Imbes na pagsabihan siya sa ginawa ay hindi ko na lang tinuloy. Inabala ko ang sarili ko sa panonood sa mga sponsors na marahang nagmamartsa sa puting buhangin at umuupo sa mga upuang para sa kanila. Isang pamilyar na kanta ang nasa background. Umalingawngaw ang kanta kasama ang tunog ng mga alon sa tabing dagat.

    Kumalabog ang puso ko habang papalalim ang kanta at papalapit naman ang pagmamartsa namin ni Azi.

    “Bakit ito ang kanta?” Dinig ng isang hindi ko kilalang boses na alam kong babaeng pinsan ni Eba. “Nakakaumay na. Tsaka, hindi naman ‘to pangkasal.”

    Napapakanta ako kasabay ng I Won’t Give Up habang papalapit na kami ni Azi.

    “Antay ka lang. Panoorin mo na lang.” Medyo iritadong sinabi ni Erin at natahimik iyong babae.

    Liningon ako ni Claudette na sumenyas na baka may away na magaganap. Umiling ako at ngumuso nang nakitang kami na ang susunod na magmamartsa. Dala-dala ang bouquet ng lilies ay nagmartsa kaming dalawa ni Azi. Nang nakarating sa harap ay lumiko ako sa left side, sa right side naman siya umupo. Ganon rin ang ginawa ni Ate Yasmin, Erin, at Chanel sa kani kanilang mga partner.

    Hindi na makangiti si Damon sa gitna. Kahit malamig ang pinagpapawisan na siya at malaki naman ang ngisi ni Rafael sa gilid niya na parang nang aasar.

    Nagbago ang kanta at isang pamilyar na classic song ang umalingawngaw sa buong lugar. Napatingin ako kay Eba. Para siyang anghel na kabababa lang sa langit dahil sa puti at simple niyang gown. May bulaklak na korona siya at ang belo na nakatakip sa kanyang mukha ay halos hindi makita dahil sa tingkad ng kanyang ganda.

    “Light is in your eyes,
    Love is in our hearts,
    I can’t believe you’re really mine forever.”

    Nakaawang ang bibig ko habang pinapanood ang kanyang mga maliliit na yapak. Tumatawa siya. Nagtaka ako kung bakit ngunit nang nakita kong umiiyak si Damon ay nalaman ko rin. Pinipiga ang puso ko sa pagpapatuloy ko sa panonood sa dalawa.

    “So if you feel the cold winds
    blowing through your nights
    I will shelter you and forever
    here that tears your fear away…

    Sa pagtitig ko kay Eba ay hindi ko napigilan ang pagluha. Nakakainggit. Nakakainggit sila ni Dame. Kahit kailan, hindi ko tinanong sa Panginoon kung bakit pa kami naging magkamag anak ni Elijah, pero ngayon? Paulit ulit ang tanong ko sa puso ko. “Bakit mo po ako pinaibig sa taong hindi naman pala pwede sa akin?”

    Inisip ko na baka pagsubok ito ng Panginoon, pero hindi ako sigurado kung aling pagsubok ba ito. Pagsubok sa akin bilang tao, sa mga desisyon ko, at para malaman ko na ang tamang desisyon ay ang pamilya. Ang tamang desisyon ay ang iwan siya at hayaang makalimutan ako. O ito ba ay pagsubok sa aking pagmamahal sa kanya? God, are you testing my love for him? Kung hanggang saan ako? Kung makakaya ko ba siyang ipaglaban? Alin kaya sa dalawa? Parehong reasonable ang dalawa pero paano ko malalaman kung alin talaga?

    Bumuhos ang luha ko pisngi. Hindi ko iyon agad pinunasan dahil natatakot akong may makahalatang umiiyak ako. Nang nakalapit na si Eba kay Damon ay nahagip ng paningin ko ang malungkot na mukha ni Elijah habang nakatitig sa akin.

    Dahan dahan kong pinunasan ang mga luha ko at nginitian ko siya. I’m okay, baby.

    Humugot siya ng malalim na hininga at dumungaw sa kanyang cellphone. Dumungaw rin ako sa akin para itext siya na ayos lang ako at ayaw kong mag alala siya.

    Elijah:
    I’m sorry, I still can’t give you a relationship like that. Baby, I’m real sorry

    Humikbi ako sa nabasa kong text galing sa kanya. Umupo kaming lahat at siniko ako ni Claudette. Pinagapang niya sa kamay ko ang kanyang panyo.

    “Thanks…” Bulong ko at pinaypayan ang sarili gamit iyon bago nag punas ng luha.

    Isang tingin niya pa lang sa mga mata ko, alam niya na agad na naiinggit ako kay Damon at Eba. Naiinggit ako dahil sa pagkakamali ng dalawa ay natanggap parin sila. Naiinggit ako dahil madali lang iyon sa buong pamilya samantalang itong amin, umabot na ng ilang taon, wala parin. Siguro ay kaya alam ni Elijah na naiinggit ako dahil ganon rin ang nararamdaman niya ngayon.

    Ako:
    It’s not your fault. We can do this together.

    Mabilis din siyang nag reply.

    Elijah:
    Uuwi kayo diba? Magkita tayo mamaya. Bibisitahin kita. Sa labas lang ako.

    Pumayag ako sa gusto niya. Iyon lang ang tanging panahon na makakapag usap kami dahil bantay sarado kaming dalawa sa buong kasal.

    Nang nag halikan na si Damon at Eba para selyohan ang kanilang pangako, mabilis na tumakbo si Xian sa kay Eba. Kinuha siya ni Damon at nakunan ko sila ng picture na maligayang maligaya, hindi ko mapigilan ang aking ngiti.

    Ilang sandali pa bago kami nagparty pagkatapos ng kasal. Natagalan dahil sa pagpapapicture ng bawat pamilya.

    Kumakain kami sa mga round tables malapit sa mga mesa lang din ng mga magulang namin. Panay ang biruan ni Azi, Elijah, at Josiah. Madalas pa nilang kinukuha si Xian kay Damon at tinuturuan nila ng kung anu-ano.

    “Kuya!” Sigaw ni Claudette nang nakitang tinuturuang tumalbog ni Azi si Xian.
    “What?” Natatawang sinabi ni Azi.
    “Akin na nga…” Ani Knoxx at kinuha sa kapatid niya ‘yong bata.

    Umirap si Claudette at nagpatuloy kami sa pagkain. Ganon rin ang aming mga magulang. Batid ko parin ang mga sulyap ni mommy halos kada isang minuto sa akin, naniniguradong hindi ako nakikipag lapit kay Elijah.

    “Sino kaya ang susunod?” Tanong ni Tita Dana.
    Humalakhak si Tito Benedict. “Definitely not Erin, Chanel, or Josiah!”
    “Baka si Chanel?” Ngisi ni tita Dana kay Chanel na halos mabilaukan sa kanyang tubig.
    “Naku, tita! Alam niyo po, madalas ‘yong mga hindi inaasahan ‘yong nauuna.” Sagot niya.
    “Baka naman si Azrael?” Ani dad.
    Napalingon ang natatawang si Azi kay Daddy.
    “Mas gusto kong si Knoxx muna ang mauna kesa kay Azrael.” Tawa ni tito Az.
    “Dad…” Ngumiti si Knoxx sa kanyang daddy.
    Tumango naman si tito sa kanya.
    “Ba’t hindi si Elijah?” Tumawa si Ate Yasmin at tumingin sa nanahimik niyang kapatid.
    “Oo nga pala, Elijah. Where’s your girlfriend?” Tanong ni tita Dana.
    “Probably in New York by now, tita.” Ani Elijah.

    Tumitig na lang ako sa softdrinks sa harapan ko para maiwasan ko ang pag iiba ng ekspresyon.

    “Hindi mo ba inimbita?” Tanong ni tito Stephen.
    “Inimbita po pero aalis na raw siya.” Ani Elijah.

    Napatingin ako kay Erin, kinakagat niya ang kanyang labi. Si Chanel naman ay ginawang abala ang sarili sa pakikipag usap kay Brian. Si Josiah ay nakatingin sa akin, ganon rin si Claudette at Azi.

    “Sana ay pinigilan mo. Nagpapalambing lang iyon.” Nakangising sinabi ni Tita Dana. “Naaalala ko pa noon, tuwing may gusto ako? Nag tatampo ako. Nagpapapansin.”
    “So you mean, mom, gusto lang ni Selena na kaladkarin siya ni Elijah dito?” Tawa ni Rafael.
    “Ganyan talaga ang mga babae, ‘yong mga sinasabi nila kabaliktaran sa tunay na nararamdaman.” Tumatango si Knoxx habang kinakalas ang unang dalawang butones sa kanyang tux.
    “Oo nga, Ej. Why don’t you call Selena again? Hindi pa kami nag uusap pero baka naman hindi pa siya nakakauwi?” Tanong ni Ate Yas.
    “There’s no point. The wedding’s over.” Ani Elijah.
    “But she can still come here, right?” Ani Ate Yasmin.
    “We’re not even sure she’s still in Davao, ate.” Ani Elijah.
    “Why are you not sure, son?” Kumunot ang noo ni Tito Exel.

    Mariing tinikom ni Elijah ang kanyang bibig. Kumakalabog na naman sa kaba ang puso ko. Please, Elijah. No.

    “She’s… she’s probably boarding to Singapore now, dad.” Pahabol ni Elijah.
    “Dad wants grandchild from you, Elijah.” Tawa ni Kuya Justin.
    “Ikaw muna.” Ani Elijah sa kanyang kapatid.
    Tumawa si Tito Exel.
    “Ikaw ang may girlfriend. Besides, you’re earning.” Panunuya ni Kuya Justin sa kapatid.
    “Naiimagine ko na, Ej. Baby girl ang anak ninyo ni Selena.” Tawa ni Ate Yas.

    Kumunot ang noo ni Elijah at uminom ng beer sa harap. Hindi niya pinatulan pero patuloy ang pantasya nila sa pagkakaroon ng anak ni Elijah at Selena.

    “Hindi mo pa ba niyayayang magpakasal ang girlfriend mo, Elijah?” Tanong naman ni tito Stephen.
    Umiling si Elijah. “Tito. I’m still 22.” Aniya.
    “Damon is 22.” Sagot ni Tito.
    Umiling ulit si Elijah at hindi na makangiti. Nag tama ang paningin naming dalawa.

    Ano kaya ang iisipin nilang lahat pag nalaman nilang dahil sa akin ay wala na ang dalawa. Wala ng pag asa. They would hate me even more.

    Ang totoo, masakit na marinig sa kanila ang lahat ng ito. Marinig na may isang babae silang gusto para kay Elijah at hindi iyon ako. Ang tanging nakakapag pagaan sa loob ko ay ang pananaw na ako ang mahal ni Elijah. I know this sucks but I have no choice. Ito ang pinili kong daan at ito ang resulta ng daan na iyon.

    Pagkatapos ng maiksing programme sa reception ay nag bathroom break ako. Mag isa ako dahil abala sila sa games at pictures. Pagkalabas ko ng CR ay nakita ko kaagad si Elijah na nakahilig sa dingding, naghihintay sa akin.

    “Sorry kanina.” Panimula niya.
    Tumango ako. I tried real hard not to hug him. “Okay lang.” Hindi ko maiwasan ang tabang sa aking ngiti.

    Tumayo siya ng maayos at humakbang patungo sa akin. Bago pa niya mabuka ang kanyang bibig para makapagsalita ay nagsalita na si mommy sa likod niya.

    “Klare!” Mariin niyang tawag sa akin.
    “Mom…” Nanlaki ang mga mata ko.

    Nilingon siya ni Elijah. Nag tagal ang tingin ni mommy kay Elijah. Hindi siya bumaling sa akin kahit na nagsalita siya.

    “Uwi na tayo.” Ani mommy.
    Tumango ako at nilagpasan si Elijah para sumunod sa gusto ni mommy.

    True enough, umuwi nga kami. Bukod sa pamilya ni Eba, kami lang ang umuwi ng maaga. I know that mom’s just trying to prove a point. Alam niyang kahit na anong gawin niyang pagbabantay sa amin ni Elijah, we will always find a way.

    Nakahiga ako sa kama halos buong mga oras pagkatapos naming umuwi. Nakatingin lang ako sa cellphone kong walang text ni Elijah. I figured he enjoyed the after party. Kung ano man ang meron o baka naman naligo sila sa dagat. I don’t know.

    Nakaidlip ako at nagising nang nanginig ang cellphone ko sa aking kamay. Naalimpungatan, nag angat ako ng tingin sa relo at nakita kong hating gabi na.

    Tumatawag si Elijah sa akin kaya agad ko itong sinagot.

    “Hello…” His voice was husky.
    “Hi…” Napaupo ako.
    “I’m outside. Can we talk? Fifteen minutes lang.” Aniya.
    “Yup… Give me… 5 minutes.” Sabi ko at mabilis na bumangon para mag ayos.

    Pagkatapos kong mag ayos ay binuksan ko na ang pintuan sa kwarto. Patay na ang ilaw at alam kong tulog na si mommy at daddy. Bukas, kung magtatanong si mommy kung saan ako pumunta ngayong gabi, sasabihin ko parin sa kanya ang totoo. Besides, labing limang minuto lang naman akong mawawala.

    Dahan dahan akong umalis at bumaba sa aming building. Nang nakita ko siyang nakahalukipkip sa gilid ng kanyang sasakyan mabilis akong naglakad patungo sa kanya. I don’t want him to think I’m too eager. Lalo na ngayong may naka plaster na ngisi sa kanyang mukha.

    “What happened to my craving girl?” Panunuya niya sa akin.
    Uminit ang pisngi ko at naalala kung paano ako tumakbo sa bisig niya kagabi para lang mahagkan siya. Damn, asshole! Kaya niya paring magbiro tungkol don.

    Isang hakbang para makalapit na ako ng husto sa kanya ay mabilis kong narinig ang sigaw ni mommy sa likod.

    “WHAT ARE YOU DOING HERE!?”

    Napatalon ako at nilingon ko siya. Kasama niya si daddy na pinipigilan siyang mag wala. Mabilis ang hininga ni mommy habang matamang tinititigan si Elijah.

    “Tita, I’m just visiting. I’m not allowed inside so…”
    “Helena, leave them alone. Elijah’s-“
    “Lorenzo! Tingnan mo ang anak mo mukhang itatanan na ng pamangkin mo and you’re just right there to watch?”

    Marahas akong hinablot ni mommy at nilagay niya ako sa kanyang likod.

    “Mom!” Sigaw ko sa irita ko sa sarili kong ina.
    Bago pa ako makasagot ay nilagay niya na ang kanyang cellphone sa kanyang tainga.

    “Hello, Kuya Exel… Nandito si Elijah-“
    “Helena!” Galit na sigaw ni daddy.

    Lumipad ang kamay ko sa aking bibig. Elijah didn’t even flinch. Tinitigan niya lang si mommy na para bang naghahamon.

    “Mukhang itatakas niya si Klare… Yes… Ganon parin… Hanggang ngayon. Sila parin…”

    Shit!

  • Kabanata 39Open or Close

    Kabanata 39
    Bet

    Hindi ko alam kung paano ko nalagpasan ang halos isang oras na pagtunganga sa labas ng bahay namin. Unti unting nag datingan ang buong pamilya ko. Halatang nagising sa pag idlip, padabog na sinarado ni Tito Stephen ang sasakyan nila. Sumunod ang nag aalalang si tita Dana.

    “Lorenzo, anong nasa isip mo at bakit nasa labas kayo? Gusto mo bang marinig ng buong Cagayan de Oro ang skandalong ito?” Sigaw ni tito.

    Umiling si daddy at dumiretso sa elevator. Hinila rin ako ni mommy patungo roon. Magsasara na ang elevator at kitang kita ko ang panggagalaiti ni tito Stephen kay Elijah. Gusto ko siyang tulungan ngunit mahigpit ang hawak ni mommy sa kamay ko.

    Pagkarating namin sa 4th floor ay naririnig ko na ang paghikbi ni mommy.

    “Don’t start with me, Helena. This is all your fault!” Mariing sinabi ni Dad, papasok kami sa bahay.
    “Your daughter is in trouble, Lorenzo. Alam mo iyon.”

    Pumikit si daddy at nilingon si mommy. Frustrated si daddy sa ginawa ni mommy at gusto ko na lang takpan ang tainga ko, magtatalo na naman silang dalawa.

    “Maaaring hindi gusto ng mga kapatid ko ang relasyon ng dalawa pero kailangan mo ba talaga ‘yon gawin? Ha? Nilaglag mo si Klare! Nilaglag mo ang sarili mong anak! Imbes suportahan mo siya ay nilaglag mo siya!”

    Hindi umimik si mommy. Bumuhos ang kanyang mga luha.

    Tumunganga ako sa pintuan ng aking kwarto at hindi ako sigurado kung tama bang magkukulong na lang ako dito sa loob at hintayin na gibain nila ang pintuan ko o sumunod at umupo sa sofa.

    Umiinom ng tubig si Daddy sa counter habang si mommy ay humahagulhol sa sofa. Narinig kong bumukas ang pinto at nakita kong pumasok si Tito Stephen, Tita Dana, Rafael, at Elijah.

    “Nasa Midway pa sina Damon at bukas ang alis niya kasama ang asawa nila. Raf, wa’g mong sabihin sa kapatid mo na may nangyaring ganito. Not on his wedding night!” Ani Tito Stephen.

    Sa sulok ng sofa ako umupo habang pinapanood si Elijah na lumalapit sa akin, walang bakas na guilt at kalungkutan sa kanyang mga mata. Lumapit siya sa akin.

    “Elijah!” Sigaw ni Rafael at pinigilan niya si Elijah sa paglapit sa akin.
    “What?” Inis na sambit ni Elijah.
    “Don’t make this worst!” Ani Raf at mabilis niyang hinila si Elijah palayo sa akin.

    Inayos ni Elijah ang nagusot niyang jacket dahil sa pagkakahawak ni Rafael at nagtitigan ang dalawa. Pakiramdam ko ay mag susuntukan sila ngunit nang bumukas ang pintuan ay napigilan sila.

    Dumating ang pare parehong naka jacket na si Claudette, Azi, at Knoxx. Umiiyak na si Claudette. Tinatahan siya ni Knoxx ngunit hindi siya matigil. Ang pulang ilong at pisngi ni Claudette ay nagpahabag sa akin. Ang makitang umiiyak siya sa sitwasyon namin ay humihigit sa gilid ng mga puso ko.

    Mabilis niya akong niyakap.

    “Klare…” Bulong niya.
    “Dette!” Sigaw ni tito Az na pumasok kasama si Tita Claudine. “I told you, don’t defend something this dirty!”

    Umiling si Claudette sa kanyang ama at hinawakan niya ang kamay ko.

    “Dad, andun ako the whole time. Andun ako. Kasama nila ako. Simula pa lang, two years ago, dad, hindi ko kayang magkalayo sila.” Umiling siya habang tinatakpan niya ang kanyang bibig ng kanyang kabilang kamay.
    “May kasalanan ka dito?” Nanliit ang mga mata ni Tito Az at nilapag niya sa aming mesa ang kanyang salamin.
    “Dad, come on…” Ani Azi.
    “You helped them?” Ani tito habang lumalapit kay Claudette.
    “Dad!” Sigaw ni Knoxx, mas malakas sa mahinahong sigaw ni Azi. “Wa’g mong pag buntungan ng galit si Dette Dette!”

    Bumulong bulong si tito ng mga salitang hindi ko marinig habang tumatalikod. Hinihimas ni tita Claudine ang kanyang likod at pinagsasabihan na huminahon.

    Sa isa pang pag bukas ng pintuan ay nagpakita sa amin si tito Benedict, tita Liezl, kasama ang tatlong anak na si Josiah, Erin, at Chanel na parehong mukhang binunot pa sa kama. Namumugto ang mga mata ni Erin at hindi siya makatingin sa akin. Si Chanel ay dumalo kay Elijah, nagtatanong kung bakit pa siya pumunta dito.

    Hindi makapagsalita si Elijah. Halos tulala siya at hindi ko na mabasa kung ano ang nasa isip niya.

    Narinig ko ang pagbagsak ng pintuan ng kwarto ni Charles. Narinig ko ang sinabi ni daddy na bumalik siya sa kwarto niya ngunit mariing tumanggi si Charles. Hinanap niya ako sa dagat ng mga kamag anak namin. Nang nahanap niya ako ay tumabi siya sa akin kahit na sa sulok ay wala ng mauupuan.

    “What happened, ate? Why are they here?” Tanong niya.

    I wish I could answer him. Hindi ko rin alam kung ano ang mangyayari sa ngayon. Ginala ni Charles ang kanyang mga mata, inisa isa niya ang aming mga kamag anak at tumigil siya kay Elijah.

    Bago ko pa masundan ang tingin ni Charles ay bumukas ulit ang pintuan at nagpakita si tito Exel kasama si Tita Beatrice. Sumunod si Kuya Justin na mabilis na tumabi kay Elijah, at si Ate Yasmin na nakatayo sa gilid ng kapatid.

    This is it. Naalala ko kung gaano ako kinabahan noon. Nang kausapin nila kaming lahat. Kinabahan ako dahil natatakot akong mawala si Elijah sa akin. Ngayon, natatakot parin ako. Natatakot na magdedesisyon ako at siya ang pipiliin ko. Bibiguin ko ang bawat isa sa kanila. Ito na ang pinaka makasarili kong desisyon sa lahat. Maaaring balang araw ay pagsisisihan ko ito, maaaring balang araw ay malalaman kong mali ang desisyong ito, pero sa ngayon, ang naiisip ko lang na tama ay ang mahalin si Elijah.

    Nagmano si Charles sa mga tito at tita kong naroon. Hindi ko na naisip na magmano pa, naalala ko noon na halos itapon ni Tito ang kamay ko habang nagmamano. Yumuko ako at naghintay sa unang magsasalita sa kanila sa gitna ng katahimikan.

    “Dad…” Simula ni Elijah.
    “Elijah, hindi kita pinalaking ganito.” Simula ni tito Exel.

    Narinig kong sarkastikong tumatawa si Tito Az sa gilid. Nag angat ng tingin si tito Exel sa kanya.

    “Will you listen, please?” Ani Elijah at tumayo siya.

    Kumalabog ang puso ko. Hindi pwedeng tumunganga lang ako dito. I want to fight. I need to fight too. Tumayo rin ako ngunit hinayaan ko si Elijah na magsalita.

    “First off, I love her and I don’t care-“
    “You listen to me, son.” Mahinahong sinabi ni tito Exel. “You turned Klare into your mistress!” Napatalon ako dahil pasigaw iyon.

    Parang nayanig ang daigdig ko dahil sa sigaw ni tito. Natigil din si Elijah ngunit nagpatuloy siya sa pagsagot sa kanyang daddy.

    “Hindi na po kami ni Selena. Wala na kami, okay?” Ani Elijah. “So will you stop talking and here your son first?”
    Nakita ko ang nakaawang na bibig ni tita Beatrice habang patuloy na hinahaplos ang likod ni tito Exel. “I did not raise you like that, Elijah. Hindi kita pinalaking…” Halos di niya masabi ang salita dahil sobrang dumi nito. “Sinungaling…”

    Pumikit si Elijah nang marinig iyon sa kanyang ina. I can almost hear him hurting. Nakita kong umiyak si Ate Yasmin sa gilid niya at si Kuya Justin ay nakapikit na lang.

    Napagtanto ko doon na kinakaya ni Elijah na saktan ang pamilya niya para sa akin. Hindi iyon tama. Hindi kailanman magiging tama iyon. And I hate that he’s hurting because he’s fighting for me.

    “Tita, I’m sorry…” Panimula ko.
    “Oh no, don’t start, Klare.” Ani tito Az sa akin. “Alam mong may girlfriend ang tao!” Sigaw ni tito at nilapitan niya ako.

    Hindi ko maiwasang makita si Knoxx at Azi sa mukha ni tito Azrael. Pumikit ako at sinalubong lahat ng kanyang sasabihin.

    “You settled for that!? You allowed yourself to become a mistress?”
    “Will you stop calling her a mistress, tito?” Sigaw ni Elijah sa kay tito Azrael.

    Narinig ko ang daing ni Azi sa gilid.

    “Iyon ang ginawa mo sa kanya Elijah. You turned her into a mistres. How could you? Iyon ba ang tinatawag mong pagmamahal? Kay baba baba pala ng tingin mo sa salitang iyon!” Baling ni tito Azrael kay Elijah.
    “Wala na kami ni Selena. And you all know that I’m so fucking in love with her, alright? Alam niyo ‘yon kaya niyo gustong lumayo ako sa kanya!” Sigaw ni Elijah.
    “You got over her, Ej.” Sabi ni Yasmin. “Alam kong bad idea talaga ‘yong pag balik mo…”
    “Ate, hindi mo alam iyon. When I heard about her problems-“
    “That’s the point!” Sigaw ni tito Exel sa kanyang anak. “‘Nong nalaman mo na hindi siya tunay na anak ni Lorenzo, may girlfriend ka na non. Selena practically all over you kaya alam kong wala ka ng nararamdaman sa kay Klare, kaya ka nakauwi.”
    “Yeah…” Ani Elijah. “That’s the point dad. I used that opportunity para makabalik ako dito…” Pasigaw na ang bawat salita niya. “To check on her… Coz I couldn’t get her out of my system! Dahil kahit sino walang makakapantay! Walang papalit!”
    “Naririnig mo ba ang sarili mo, Elijah?” Sigaw ni tito Stephen sabay lapit kay Elijah at tulak sa kanya.

    Sumigaw ang mga pinsan ko. Pumagitna si Chanel sa dalawa. Tumalikod si tito Azrael at nag usap sila ni tita Claudine.

    “Mag pinsan kayo-“
    Pinutol ni Tito Benedict si tito Stephen. “They are not related by blood, Kuya. At mas lalong hindi na sila pareho ng apelyido ngayon.”
    “Did you change your family name for this, Klare?” Baling ni tito Stephen sa akin.

    Ang nakatalikod na si tito Azrael ay humarap at tumingin sa akin. Lahat ng mga mata ay nakatoon sa akin.

    “I didn’t.” Sabi ko.
    “Umasa ka na kayo ulit kaya pinagsamantalahan mo ang pagkakataong anak ka sa labas at iniba mo ang apelyido mo!” Naningkit ang mga mata ni Tito Stephen sa akin.
    “Tito, hindi po…” Sabi ko, nangingilid na ang mga luha ko.
    “Are you trying to relive the mistakes of your mother?” Sigaw ni tito Stephen sa akin.

    Binuksan ko ang bibig ko para makahinga ng maayos. Hindi na ako makahinga ng maayos dahil sa nagbabara sa lalamunan ko.

    “Don’t insult my daughter, Kuya Stephen!” Sigaw ni daddy.
    “This is not your daughter, Lorenzo!” Ani tito.

    Tumulo na ang mga luha ko. Bawat salita nila ay patalim na sumasaksak sa akin.

    “She isn’t like anyone else. I told you, tito.” Nag igting ang bagang ni Elijah at hinarap niya si tito Stephen. “Wala na kami ni Selena! It’s just all for show! To get to her-“
    “Elijah…” Nabasag ang boses ng mommy ni Elijah. “What happened to you? Hindi kita pinalaking ganito-“
    “Mom, you don’t know what I can do for her. I’m sorry to disappoint you pero desperado na ako non. Guilty’ng guilty ako kasi iniwan ko siya at ang malamang nahihirapan siya dahil sa kanyang mga problema ay hindi ko kaya…” Nabasag din ang boses ni Elijah.
    “We don’t want to hear your love for her, Elijah. This is incest. Ilang beses ko iyong sasabihin?” Ani tito Azrael na ngayon ay lumalapit kay Elijah. “Alam kong iniisip niyo na hindi na kayo magkadugo. Alam kong iniisip mo na pwede na kayo dahil magkaiba na ang apelyido niyo pero ang mga tao, kami, Elijah… Nakita namin kayong lumaki ng sabay, lumaki kayo bilang magpinsan. Ba’t di mo iyon nakikita? Lumaki kayong sabay at naniniwala na magpinsan kayo. Hindi kayo pwede sa isa’t-isa…”
    Kinagat ko ang labi ko at nag angat ng tingin kay tito Azrael. “Hindi po kami magkadugo, hindi rin kami magkapareho ng apelyido. Paano po naging incest ito?”

    Lumingon ulit silang lahat sa akin. Narinig kong tinawag ni Erin ang aking pangalan at sumabay ang kanyang paghikbi.

    “Tito… maawa po kayo sa aming dalawa. Ilang taon na rin ang lumipas. Hindi ba sumagi sa isip ninyo na maaaring… maaaring…” Hindi ko mabuo ang salita dahil sa panginginig ng labi ko. “Maaaring pinagtagpo ulit kami dahil iyon ang gusto ng-“
    “Ipinagtagpo kayo dahil hinayaan ko.” Mariing sinabi ni tito Exel. “Klare, I’m starting to think that you’re clouding Elijah’s mind too much. You’re not good for him-“
    “Dad, wa’g niyo siyang pagsalitaan ng ganyan-“
    “See?” Sabay lahad ng kamay ni tito Exel sa kanyang anak. Pumikit ng mariin si Elijah. “See? Kita mo kung anong ginawa mo sa kanya? I barely know him now. His mother… is weeping for her lost son… She doesn’t know Elijah anymore because of you.”

    Napatingin ako sa mommy ni Elijah na pinupunasan ang luha habang pinipigilan si tito Exel.

    “Kuya Exel, that’s enough.” Ani tita Claudine. “This is too much. This is not Klare’s fault.”
    “Dad, I told you. This isn’t her fault! Ako ang naghila sa kanya sa sitwasyong ito! Pinanindigan niya ang desisyon niya noon sa akin at ako ang gumiba doon. Ako ang nag udyok sa kanyang mahalin ulit ako. Ako ang lahat ng may kasalanan nito.”

    Parang hindi nila narinig si Elijah nang bumaling sila sa akin.

    “Klare…” Basag ang boses ni tita Beatrice. “Klare, did you like him too much? Na nagawa mo iyon? Kahit na alam mong may iba siya?”
    “I told her about Selena and I, mom.” Ani Elijah.
    “Klare, nagdesisyon ka na noon, bakit hindi mo iyon pinanindigan?” Sabay hawi ni tita Dana sa kulot niyang buhok.
    “Did you want attention too much, Klare?” Mariing sinabi ni tito Azrael sa akin. “Kaya ba gusto mong magkaganito ulit?”
    “Azrael! Wa’g mong pagsalitaan ang anak ko ng ganyan!” Nanginginig na sigaw ni mommy.
    Bumaling si tito sa kanya. “Helena, your daughter is out of her mind! This is disgusting!”
    “Kuya Azrael, si Klare ang tinutukoy mo dito!” Sigaw ni daddy at umambang susuntukin si tito.

    Ang makitang nagkakagulo sila ng ganito ay napakasakit. Ang makita ang galit ni daddy na nagwawala sa kanyang mga matang nakatitig ng diretso kay Tito Azrael ay hindi ko kaya. Hindi ko kaya. Ako na naman. Ako palagi. Ako palagi ang dahilan ng pagkakagulo nila. Naisip kong kung sana ay wala ako sa pamilyang ito, walang iibigin na pinsan si Elijah, magiging masaya siya sa ibang babae, at magiging masaya silang lahat. Sana ay wala na lang ako… Wala na rin naman talaga akong halaga. Inisip ko si Pierre at Hendrix at ang kanilang mga paghihirap kasagsagan nong nalaman ni tita Marichelle na may kabit si papa. Kung sana ay hindi iyon nangyari ay sana masayang lumaki ang dalawa. I’m the pain in the ass here.

    “Tito…” Wasak ang boses ko at humagulhol na ako.

    Nilingon ako ni Elijah at mariin siyang pumikit.

    “Akala niyo ba hindi ko naisip na sana ay nawala na lang ako? Akala niyo ba kahit kailan hindi ko pinagdasal na sana ay wala ako rito? Hindi niyo alam, tito. Mahal na mahal ko kayo na gugustuhin kong isakripisyo ang sarili ko para sa ikakasaya ninyo. I’m more than willing to sacrifice just about anything you asked me to. Hindi ko pa ba iyon naipakita sa inyo?”
    “Klare…” Tawag ni Elijah ngunit hindi ko siya pinansin.
    “Iniwan ko si Elijah. Tinulak ko siya palayo!” Sigaw ko sabay turo kay Elijah.

    Tahimik silang lahat na nakikinig sa akin. Humihikbi si Erin at Claudette sa sofa.

    “Tinulak ko siya dahil iyon ang makakapagpapasaya sa inyo! Kahit na mamamatay ako bawat araw na wala siya ay okay lang… okay lang kasi makakamove on pa ako. Kasi iyon ang gusto ninyo!” Pinunasan ko ang luha ko.
    “You changed your last name for this…” Ani tito Stephen. “Alam ko.” Aniya na parang may nakuha na talaga siyang impormasyon. “Alam mo kung gaano ka kamahal ni Elijah that’s why you changed your last name. That’s selfish, Klare. You are so selfish. Na kaya mong saktan kaming lahat para lang-“
    “I suggested it, Kuya Stephen.” Ani tito Benedict.
    “She accepted your offer! Kung talagang pinapahalagahan mo ang pamilyang ito, bakit mo pa kailangang ibahin ang apelyido mo? You can go on with your life and be a Montefalco! Bakit mo kinailangang maging Ty. Yes, your real father is Ricardo Ty pero lumaki kang Montefalco. Pinalaki ka ni Lorenzo, ang iyong ama. Wala ka bang utang na loob sa kanya? Wala ka bang inisip kundi ang sarili mo? Hindi mo ba naisip na masasaktan mo siya? Kami?”
    “TITO!” Sigaw ko.
    “Ate…” Bulong ni Charles sabay hila sa akin dahil lumalapit na ako kay tito Stephen.

    Tinanggihan ko ang kamay ni Charles. Gusto kong harapin si tito Stephen sa pag asang pag mas malapit ako sa kanya ay mas maiintindihan niya ako.

    “Tito, hindi po ikaw iyong araw araw na nakakarinig ng pangungutya sa ibang tao! Hindi ikaw ang pinag uusapan nila tungkol sa pagiging Montefalco ko gayong hindi naman ako tunay na anak! Wala kayo don! Ni isa sa inyo walang sumama sa akin para lagpasan iyon! Hindi ko… hindi ko sinusumbat ang pagkawala ninyo. I deserved your treatment! I deserved the cold. Kasi may kasalanan ako sa inyo. Kasi minahal ko si Elijah. Tiniis ko ang lahat ng iyon.”

    Hindi ko alam kung makakatigil pa ba ako sa pag iyak. Paos na paos na ako at hindi ako titigil sa pagsasalita.

    “Tiniis ko lahat ng naririnig ko sa ibang tao, tiniis ko ‘yong trato niyong iba sa akin. Habang tinitiis ko lahat ng sakit para lang mapanatiling buo ang pamilya ko ay unti unti kayong nalalagas sa akin. Nawalan ako ng mga pinsan. Nawala si mommy sa akin.” Nilingon ko si mommy at nakita ko ang pagsisisi sa kanyang mga mata. “‘Yong sarili kong ina halos hindi na ako matingnan dahil bawat galaw ko nag papaalala sa kanya sa lahat ng pagkakamali niya noon. Sa bawat hakbang ko puro pangungutya kay daddy ang lumalabas sa bibig ng mga tao. Na ako ang may dala ng dumi sa kanyang pangalan.” Nilingon ko si daddy na yumuyuko. “Dad, look at me.” Sabi ko.

    Nag angat siya ng tingin sa akin.

    “Alam ko po na hindi ko pa ito nasasabi sa’yo pero maraming salamat sa pagbibigay mo sa akin ng pangalan mo kahit na hindi naman talaga ako karapatdapat.” Hikbi ko. Umiling si dad sa sinabi ko. “Maraming salamat sa inyo dahil tinuring ninyo akong kapamilya kahit na alam niyong hindi, tito, tita… Masaya po ako. Pero… alam ko sa sarili ko na hihilahin ko lang kayo pababa kaya ko nagawang palitan ang apelyido ko.” Sabi ko.

    Huminga ako ng malalim, nagpapasalamat at nasabi ko iyon sa kanila nang hindi ginambala kahit nino.

    “Wa’g niyo pong isipin na hindi ako tumanaw ng utang na loob. Alam niyo po kung anong kaya kong gawin para sa pamilyang ito… Pero ngayon po… Isa lang ang hinihingi ko sa inyong lahat… Ito lang po talaga… I know I don’t deserve your family name. I will probably never deserve Elijah. Because he’s a Montefalco. Pero… parang awa niyo na po, mahal na mahal ko siya…” Bumuhos ang panibagong luha sa aking mga mata.

    Kitang kita ko ang luha sa mga mata ni tito Stephen. Ganon rin ang nakita ko sa mata ni tita Claudine, tita Dana, at tita Liezl.

    “Klare…” Buntong hininga ni tito Azrael. “I’m sorry pero mag pinsan kayo sa paningin naming lahat.”
    Tumango si tito Exel at pumikit.
    “Dad, no…” Ani Elijah.
    “Hindi mo ba naiisip kung anong kahihinatnan ng lahat ng ito, Elijah?” Mariing sinabi ni tito Exel. “You lost my trust. You lost your mom’s trust. You made another mistake.”

    Yumuko si Elijah at nag igting ang kanyang panga habang pinapakinggan ang sinasabi ng kanyang ama.

    “Alam naming hindi kayo mag pinsan na totoo noon pa, but we intend you two to live as cousins. At ngayong nalaman mo na ang totoo ay hindi nagbabago ang desisyon ko-“
    “Fuck, no. You are not telling me to push her away because I will never do that, dad.” Ani Elijah.
    Umusbong ang galit sa mukha ni Tito Exel. “We are protecting you. You two are still young. You are just 22, son. You can find other girls. Pag hindi nag work ang relasyon ninyong dalawa at nagkahiwalay kayo, this family will never be the same again.”
    “Gamble with me. Try me. Try us, dad.”
    “This isn’t a joke. Hindi pwedeng sumugal sa isang bagay na hindi ka sigurado. We need a sure win.”
    “This is a sure win, trust me.” Ani Elijah halos magmakaawa na sa kanyang ama.
    “Kuya Exel, naririnig mo ba ang anak mo? Hindi ka ba kinikilabutan? Hindi ko ata kaya kung sasabihin iyon ni Justin kay Chanel. O ni Knoxx kay Yasmin. This is not right.” Ani Tito Azrael.
    Hindi siya pinansin ni tito Exel. Nakatingin ng mabuti si tito Exel sa mga mata ni Elijah. “Tonight, you failed me. Wala kang napatunayan sa akin. Ang tanging pinatunayan mo lang ay kayang kaya mong bumitiw sa mga relasyon. You jump from one relationship to another like this is just a joke. You will jump from Klare to another girl one day. You’re not man enough to decide on your own.”

    Namutla si Elijah sa sinabi ng kanyang daddy. Gusto kong magsalita ngunit walang lumabas na salita sa aking bibig.

    “I don’t want you to create a mess. I don’t want to bet. This is a game for you. You’re still a boy. You failed me.”

    Bawat salita ni tito ay ginigiba ako. Hindi ko na kayang isipin kung ano ang dulot ng mga salitang iyon kay Elijah. Nasasaktan ako ng sobra sobra para sa kanya. Humakbang ako para daluhan siya ngunit nakita kong humakbang rin siya palapit sa kanyang ama.

    May kinuha siya sa kanyang bulsa. Binitiwan niya ang kanyang wallet at tumama iyon sa sahig.

    “No… No… Ej.” Dinig kong iyak ni Ate Yasmin.

    Kumalabog sa aming tiles ang susi ng kanyang sasakyan.

    “Yeah, you’re right. I’m a failure. I don’t deserve anything. I failed you because I’m in love with my cousin so much! Binigo ko kayo dahil kayang kaya kong talikuran ang buong pamilyang ‘to para sa kanya!” Ani Elijah. “Come on, cage her. Coz I’ll get her without your help.” Banta niya at mabilis siyang umalis sa bahay sa gitna ng tawag ng mga pinsan ko at tawag ng kanyang ina.

  • Kabanata 40Open or Close

    Kabanata 40
    I’ll Stay

    Hindi ko alam kung paano ko pinalipas ang gabing iyon. Tulala ako sa sofa habang nag iiyakan silang lahat. Sinundan ni Azi si Elijah palabas ngunit bumalik siyang humihingal dala ang cellphone ni Elijah.

    “Found this near his car.” Ani Azi sabay bigay ng cellphone ni Elijah sa kay Tita Beatrice.

    Mas lalong umiyak si tita. Ang makitang iniwan ni Elijah ang kanyang cellphone at hindi na siya naabutan ni Azi ay mas lalong nagpamulat sa aming lahat na umalis nga siya. Umalis siya. Iniwan niya ang buong pamilya.

    Saan siya pupunta? Saan siya matutulog? Saan siya titira? Ano ang kakainin niya? Sino ang mag aalaga sa kanya? Ano ang mangyayari sa kanya?

    Maraming tanong ang naglaro sa aking isipan. I want to know everything. Natatakot ako sa maaaring mangyari sa kanya. Naiiyak ako tuwing naiisip ko ang mga masasama.

    Gusto ko siyang sundan pero alam kong may mga kamay na hihila sa akin pabalik. Nang umalis siya, hindi ko agad iyon natanggap. Tiningnan ko lang siya at inisip kong hindi niya iyon magagawa, hindi niya iyon magagawa sa pamilya namin. Elijah’s not like that. He can’t love me like that.

    “Klare…” Hikbi ni Tita Beatrice.

    Lumapit siya sa akin. Nasa cellphone si tito Stephen. Nagkakagulo ang mga pinsan ko sa pag lalabas pasok sa aming building. Si mommy ay umiiyak sa kay daddy. Si Tito Exel ay pinapainom ng tubig ni tita Claudine at tita Dana. Si Tito Benedict ay kinakausap si Josiah. Si Claudette ay nasa gilid ko parin. Si Charles ay tahimik na nakatayo rin doon.

    Nilingon kami ni mommy at tita Liezl. Hinawakan ni tita Beatrice ang mga kamay ko. Halong pagmamakaawa at galit ang nakita ko sa kanyang mga mata. Mas nangibabaw doon ang pagmamakaawa.

    “Klare, please, pag nakita mo si Elijah, pabalikin mo siya dito.”

    Dumalo si Ate Yasmin sa kanyang mommy. Ni hindi niya ako tiningnan. Dala na rin siguro ng galit. Blanko ang naging ekspresyon ko para kay tita Beatrice.

    “Anong plano niya? Do you know anything about this? May alam ka ba na ganito ang gagawin niya sa huli at may plano ba kayong dalawa? Tell me, Klare.” She said desperately.
    Umiling ako. “Wala po.”

    Nanuyo na sa pisngi ko ang mga luha. Natuon ang atensyon ng mga naroon sa akin dahil sa tanong ni tita Beatrice. Napagtanto kong may naisip sila doon sa sinabi ni Tita kaya mas lalo akong umiling.

    “Wala po kaming plano. Hindi po kami nagplano na aalis. Hindi po namin pinlano ang kahit ano. We just want you to accept us.”
    “Hindi ba kayo nagplano na mag tanan?” Tanong ni Tito Azrael.
    “Hindi po. Hindi ko po iyon gagawin sa pamilyang ito.” Tinikom ko ang bibig ko.

    Gusto kong sabihin sa kanila na hindi ko hahayaan si Elijah na gawin iyon pero natatakot akong sa ngayon ay naituring ko na rin iyong option para sa aming dalawa. Nag iwas ako ng tingin kay tita. Mas lalo siyang umiyak. Ang tunog ng kanyang iyak ay nakapagpahabag sa akin.

    Hindi ako natulog. Unti-unti silang umuwi. Si Chanel, Josiah, Erin, Claudette, Azi, at Knoxx ay nanatili sa bahay. Doon sila natulog sa guestrooms.

    Umiyak ako nang umiyak at panay ang tingin ko sa cellphone ko. Nagbabakasakali akong mag text si Elijah sa akin. Sana ay bumalik na siya.

    Alam kong masakit ang natanggap niyang mga salita galing sa kanyang ama. Ngunit ayaw kong umalis siya ng ganon. Marami na kaming nasaktan at mas dadami pa dahil sa pag alis niya. Kung sana ay alam ko kung saan ako mag titext sa kanya. Kung sana ay makausap ko siya kahit saglit.

    Nakatulog ako dahil sa pagod. Nagising ako, dala dala pa rin ang sama ng loob at pag aalala kay Elijah. Unti-unti akong dumilat, pinapakiramdaman ang bigat ng katawan. Naaninag ko ang umiiyak na si mommy sa gilid ng aking kama.

    Tiningnan ko lang siya. Umuusbong ang galit sa aking sistema. She’s the reason why these things happened. Hindi ko matanggal ang paninisi ko sa kanya. Nag iwas ako ng tingin para matigil ko ang unti unting pag buo ng mas mainit na galit sa kanya.

    “I’m sorry, Klare.” Pumiyok ang kanyang boses.

    Parang kalabit ng baril ang boses niya sa akin. Tumulo ang luha ko dahil don. Halo halo ang naramdaman ko. Dismaya, galit, pagsisisi, at kung anu-ano pa. I need to tell her. Hindi ako matatahimik kung hindi ko masasabi sa kanya ang lahat.

    “It’s done, mom.” Sabi ko sa matigas na boses.
    “I’m sorry. Natatakot lang ako para sa inyo ni Elijah. Ginawa ko ang lahat para hindi na ako sumbatan ng pamilya ng daddy mo sa nagawa ko noon. Ngayon na nagkaroon kayo ng relasyon ni Elijah, pakiramdam ko maibabalik non ang matagal ko ng iniwan na mga katotohanan.”
    “You are so selfish, mom.” Namuo ang luha sa aking mga mata. Imbes na dugtungan ay tumigil ako at hinayaan ko iyong dumaloy.

    When will I stop crying?

    “I know… I’m sorry… I’m just trying to protect you… to protect us.” Aniya.
    “Anong klaseng proteksyon ‘yan? Bakit ako ang nasasaktan? Kelan niyo ba maiintindihan, ma. Mahal ko si Elijah. Mahal niya ako. Ang paghihiwalay sa aming dalawa ang dahilan kung bakit magkakagulo talaga tayo. When will you all learn?”
    “Klare, hindi ‘yan maiintindihan ng mga tito mo. You know, kami ang nagpalaki sa inyo. Kami ang nakakita ng lahat at tumatak sa aming mga isipan na magpinsan kayo.”

    Fuck cousins. Pinilit ko ang sarili kong intindihin ang lahat. Pinilit ko ngunit hindi ko maintindihan. O siguro, ayaw ko lang talagang intindihin. Maaaring tama sila, kami ni Elijah, hindi namin maramdaman ang matayog na pader sa gitna namin dahil mahal namin ang isa’t-isa. Silang lahat, iyong mas nakakapag isip at hindi nagmamahal ang mas nakakaramdam at nakakakita non. Sila ang mas marunong dahil hindi nila ginagamit ang kanilang mga puso. Mas nakikita nila na hindi kami pwede dahil mag pinsan kami, hindi man sa dugo, ngunit sa puso.

    “Leave me alone, mom.” Sabi ko nang hindi ko na kaya.

    Hindi ako kumain ng buong araw. Dinalhan ako ni Claudette ng pagkain, tinitigan ko lang ito. Ni hindi ko alam kung umaga pa ba o gabi na.

    “Eat, Klare.” Aniya at umupo sa paanan ng kama ko.
    “May balita na kay Elijah?” Tanong ko.
    Umiling siya. “Hindi ka ba kakain hangga’t walang balita kay Elijah?”

    Hindi ako umimik. It’s pointless.

    “Klare, listen. Ikaw ang magpapalabas sa kanya. Ikaw ang magpapalabas kay Elijah. Pag lumabas ka ng bahay niyo, bukas, sa pasukan, paniguradong magpapakita siya sayo.”

    Nag angat ako ng tingin kay Claudette.

    “Dette, I can’t eat.” Sabi ko. “Hindi ko kayang kumain habang iniisip na maaaring walang nakakain si Elijah ngayon. He’s still young and without his family-“
    “Do you think Elijah’s dumb, Klare?” Medyo naiirita niyang sinabi.
    Natigilan ako sa sinabi niya.
    “Hindi niya hahayaan ang sarili niyang umalis ng walang back up plan.”
    Nanliit ang mga mata ko. “What’s his back up plan, Dette? Hindi ko alam.”
    “Hindi ko rin alam.” Aniya. “I just know he’s not going to let that happen to himself. He’s proud and arrogant. Can’t you see that? He’s not going to sink like that.”

    May punto si Claudette. Ang makita si Elijah sa utak ko na maayos at may nakakain ay nagpakalma sa akin. Nasaan kaya siya? Saan siya kumakain? Saan siya tumutuloy? May tumutulong ba sa kanya?

    Kumapit ako sa salita ni Claudette. The next day, naging normal ang galaw ko. Ikinagulat iyon ni mommy ngunit sa pag aalalang babalik ulit ako sa kwarto ay tumahimik na lang siya. Charles went to school early so we did not see each other that morning. Tumulak na rin ako patungong school para sa unang araw.

    Habang naglalakad ako patungong school, iniisip kong bigla na lang magpapakita si Elijah sa akin. Bigla niya na lang akong gugulatin. Bumagal ang mga yapak ko.

    “Klare!” Pamilyar na boses ang umalingawngaw sa aking tainga.
    “Eli-” Nilingon ko ang hinihingal na si Josiah.
    “Damn, I parked my car outside the campus para maabutan kita. Wala ka na sa inyo pag punta ko.”
    Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Josiah. “Bakit?”
    Umismid siya at di nagsalita.

    Hindi niya na kailangang magsalita. Just like the old times, I needed a guard. Hindi na ako magtataka kung bukod sa isa kong pinsan ay may umaaligid na detective sa akin. Tito Stephen probably sent one of his goons. I don’t care. I don’t give a damn. Sa oras na bumalik si Elijah, no one can stop us.

    Gumala ako sa buong school, lumilinga linga at nagbabaka sakaling isa sa mga estudyante ay si Elijah kahit na malabo dahil hindi na iyon nag aaral.

    “Joss, I think it’s weird. Hindi ka ba naaasiwa.” Sabi ko pagkapasok namin sa classroom.

    Sumama talaga siya sa akin sa loob. Umupo siya sa tabi ko kahit na kakagraduate lang din niya last March. Ang tanging nag aaral sa amin ngayon ay si Claudette, Erin, at ako. Ang pag aaksaya ni Josiah ng oras dito ay mali. But I don’t think it’s a pain in his ass. He’s enjoying the freshmen.

    Umiling ako nang nakita ko siyang may kinakausap na bagong estudyante sa labas ng classroom habang naghihintay kami sa professor. Pumasok si Hannah, Julia, at Liza. Ngumiti sila at binati ako. May nakita akong lalaki sa likod ni Hannah, may dala ng kanyang bag. Ngumiti si Hannah ng mas malaki at kumindat sa akin. Nginitian ko rin sila.

    I hated that this is normal for them. Lahat sila ay nagpapatuloy sa kanilang buhay samantalang ako ay hindi makausad sa bangungot.

    Ilang klase ang pinasukan ko, umalis lang si Josiah nang nagkaklase na kami ni Erin at Claudette. Naririnig ko si Julia na nagrereklamo sa boring na pasukan. Ang pag graduate ng mga Montefalco boys ay bad news para sa kanilang lahat kaya nag hanap sila ng ibang lalaki.

    I hated that they feel so normal. I hate it. Luminga linga pa ako. Walang Elijah sa paligid.

    Tumigil ang paningin ko sa isang pamilyar na mata. Medyo iritado siyang tumititig sa akin habang pinapalibutan ng kanyang kaibigan. Kitang kita ko rin ang malaking ngiti ni Vaughn sa tabi niya na nawala nang tumama ang paningin sa akin. Lumapit siya sa akin sa pavilion. Tumayo ako para salubungin ang kapatid ko.

    “Pierre…” Sabi ko ngunit hindi ko pinilit ngumiti.
    Sinalubong niya ako ng mahigpit na yakap. Halos nakkaahiya sa sobrang higpit non. Pinagtitinginan na kami ng ibang tao. “I miss you.”
    “I missed you too.” Sabi ko at nilingon ang mga pinsan kong walang imik sa nangyari.
    “You okay?” Sinuri niya ang mga mata ko.
    Tumango ako at tinanggal ko ang kanyang kamay sa aking pisngi.

    He can see through me. Gustong gusto kong sumama sa kanya at umalis na sa mga Montefalco ngunit natatakot akong bumalik si Elijah at masasaktan ako pag nadatnan niyang wala ako sa lugar na iniwan niya.

    “Yup.” I said.
    “You don’t look okay, though.” Ani Pierre.
    “I’m okay, Pierre.” Matigas kong sinabi.
    “She’s not.” Ani Claudette.
    Bumagsak ang titig ni Pierre sa pinsan ko at pabalik sa akin.
    “Dette…” Ani Erin.
    “Klare, stop taking it all by yourself. We’re obviously here. Nandyan ang kapatid mo. Tell him.” Ani Claudette.

    Wala akong kawala sa titig ni Pierre. Alam kong hindi niya ako bibitiwan ngayong may nalaman siya sa pinsan ko. Umalis ako sa pavilion para magkaroon kami ng privacy. Hinigit niya ako sa gilid ng isang sasakyan para makapag usap kami ng wala masyadong tao.

    “Elijah’s gone.” Sabi ko.
    Naghintay siya sa isusunod ko. Naghintay naman ako sa sasabihin niya ngunit walang dumating.
    “Galit ang mga Montefalco sa akin.”
    “Umuwi ka na satin.” Buntong hininga niya.
    Umiling ako. “Alam kong sasabihin mo ‘yan. That’s the main reason why I don’t want you to know anything about my problem, Pierre.”
    “Ayaw kong nasasaktan ka. Tuwing naiisip kong ganon, nasasaktan din ako. Umuwi ka na. We’ll find Elijah.” Aniya.
    “What if we don’t find him? Pinapahanap na siya, Pierre. What if siya ang babalik at paano kung babalik siya ta’s wala ako sa amin? I want to be there, Pierre.” Sabi ko.
    Tumingala siya Pierre at kitang kita ko ang pag igting ng kanyang panga sa kanyang pisngi. Para bang may pinipigilan siya sa kanyang sarili.
    “I’m sorry.” Sabi ko.
    “Ama…” Aniya. “wants to see you.”

    Tumunganga ako sa kanya. Hindi ko inexpect na iyon ang sasabihin niya sa akin.

    “Ayaw ko sanang sabihin ‘to sayo ngayon. Dad was so thrilled at sinabi niya sa akin na siya ang magsasabi sayo. You know me, I love the spotlight, Klare. Gusto ko ‘yong ako ang nagsasabi sa’yo.”
    “When? Where?”
    “I don’t know… She’s old, Klare. At tingin ni daddy ay gusto niyang ayusin ang mga nangyari sa inyo noon.” Ngiti ni Pierre. “So… come back.”

    Tumunganga ako sa kinatatayuan ko.

    Sa wakas ay matatanggap na ako ni lola. Sa wakas ay may pamilya ng tatanggap ng buong buo sa akin. Gusto kong matuwa ngunit walang laman ang utak ko ngayon kundi ang pagkawala ni Elijah. I might have to decline this offer. Hanggat hindi ko pa nahahanap si Elijah, ay hindi muna ako aalis sa amin.

    “I can’t, Pierre.”
    “Come on, Klare. I’m not happy with you Montefalco Family. Hindi ko alam kung ano ‘yong mga nangyari at kung paano ka nila pinahirapan this time pero alam kong kakayanin mo ang hirap para kay Elijah. But this time, our family wants you. We want you there. Kung malaman ni Kuya Hendrix na nahihirapan ka na dyan, he’ll drag you out of that house.”

    Mabuti na lang at hindi ko sinabi sa kanya kung ano talaga ang mga ginawa ng Montefalco sa akin.’Galit’ was an understatement. Pag nalaman ni Pierre na ininsulto ako at sobrang sinaktan, maaaring siya na mismo ang kakaladkad sa akin ngayon din. Siguro nang nakita niyang maayos at magkasama kami ni Claudette at Erin, naisip niyang hindi pa ganon ka lala ang sitwasyon. Nagpapasalamat na rin ako at hindi siya nag isip na masama na rin ang sitwasyon kasi sa ngayon, gusto kong manatili muna dito. I can’t run away now.

    “I’ll wait for dad’s call, Pierre. I want to know the details about it. Pero sa ngayon, I’ll stay with the Montefalcos. I’m sorry.” Sabi ko.

  • Kabanata 41Open or Close

    Kabanata 41
    Angelus

    Lumipas ang ilang linggo at wala parin akong nasasagap na impormasyon tungkol kay Elijah. Bawat text ng hindi kilalang number o tawag ng hindi kilalang number ay agad kong pinapatulan sa pagbabakasakaling siya iyon.

    Desperada na akong makarinig sa kanya. Lumilinga linga ako sa buong school araw araw sa pagbabakasakaling makita ko siyang nakatingin rin sa akin.

    “Klare,” sabay tapik ni Hannah sa aking balikat.

    Napatingin ako sa kanya. Napangiwi siya sa ginagawa kong paglinga. Ang lahat ng mga kaibigan namin ay iniisip na si Elijah ay nasa Surigao lang at nag fa-follow up sa palm oil business nila doon.

    “Sinong hinahanap mo?” Sabay linga rin niya sa loob ng library.
    “Wala. May… ano… hinihintay lang ako.” Sambit ko at napatingin sa mga librong kinuha ko kanina sa shelf.

    Tumingin si Hannah sa likod ko. Siniko siya ni Julia at sabay silang nagligpit ng mga gamit. Nakapagtataka dahil iiwan nila kami ni Claudette. Si Claudette ay may hinahanap pang book sa third floor.

    “O, saan kayo pupunta?” Tanong ko.
    Ngumuso si Julia. “Baka kasi… kailangan niyong mapag isa ng taong hinihintay mo.”

    Nanlaki ang mga mata ko at bumilis ang pintig ng puso ko. Hinila ni Julia si Hannah. Nakita ko ang takot sa mga mata ni Hannah habang papaalis sila. Sinundan ko sila ng tingin at naaninag ko si Eion na nakatingin sa akin.

    Si Eion ba ang tinutukoy nila? Luminga pa ako ng isang beses sa bawat sulok ng 2nd floor library para maghanap kay Elijah pero wala siya doon. Kung ganon, si Eion nga ang tinutukoy nila. Nakapamulsa si Eion na naglakad patungo sa table ko.

    Bumaling ako sa mga libro at yumuko para mag kunwaring nagbabasa. Umupo siya sa tabi ko at narinig ko ang singhap niya.

    “Klare, I’m sorry.” Aniya.
    Nanatili akong nakatingin sa libro. “Ba’t ka nag sosorry, Eion?”
    “Sa lahat lahat ng ginawa ko.”
    Bumaling ako sa kanya. “Anong nagawa mo?”
    Pumikit siya at tumikhim. “Sa inyo ni Erin. Sa… lahat.” Aniya.
    Pinilit kong ngumiti. “Kay Erin ka mag sorry. Sa lahat ng nangyari sa inyong dalawa.” Nag iwas ulit ako ng tingin. “I can see that you don’t really love her.”

    Ilang sandali siyang natahimik sa sinabi ko. Alam kong mahapdi ang naging salita ko ngunit hindi ko maiwasan. Hindi ko alam ang buong istorya nila ni Erin. Ang tanging alam ko lang dito ay wala na silang dalawa at hindi maganda ang naging katapusan nila. Palaging umaalis si Erin pag nandyan si Eion at hindi rin kumportable si Eion pag nandyan si Erin.

    “I liked her, Klare. I loved her. Pero hindi lang talaga kami nagkakaintindihan.”

    Naiirita ako sa mga taong hindi gumagawa ng paraan para maintindihan ang taong mahal nila. Kung tunay mong mahal ang isang tao, kahit hindi kayo magkakaintindihan, you will stay and you will try to understand. Ang gawin iyong excuse para lang iwan ang mahal mo ay hindi makatarungan. Naiirita ako dahil iyon lang ang naging problema nila at nag break na agad sila. Naiirita ako dahil sana ay iyon na lang ang naging problema namin ni Elijah imbes na itong kaguluhan sa pamilya.

    “You don’t love her, then. Kasi kung mahal mo siya ipaglalaban mo siya, Eion. Kung mahal mo siya, iintindihin mo siya.” Kinagat ko ang labi ko at mas lalong hininaan ang boses. “Narinig ko sa 6th floor kung paano nagmakaawa si Erin sa’yo para lang balikan ka niya. You don’t treat girls like that. Lalo na dahil sinabi mo sa aking mahal mo siya. You’re probably just confused.”
    Nanlaki ang mga mata niya.

    Wala ng katuturan kung idedeny ko pa o mag bubulagbulagan ako sa nangyari noon sa 6th floor. He knows my secret. He knows everything about me.

    “I don’t know, Klare. I’m sorry kung nasaktan kita. Nag sorry na ako kay Erin pero hindi niya ako kinakausap. I want her back but I’m not asking for anyone’s help. Sorry dahil pinilit ko si Erin na malaman kung sino ‘yong gusto mo.”

    Hindi na ako nagsalita. I think that’s enough. Wala na kaming dapat pang pag usapan pa. I’m not going to tell him that I don’t like him for Erin.

    “Sorry to hear about Elijah, Klare.” Aniya. “Wala siya sa Surigao diba? He’s gone…”

    Lumunok ako. Ang marinig galing sa ibang tao ang katotohanang iyon ay hindi ko matanggap. Mahigit isang buwan na at wala parin akong natatanggap na kahit isang salita galing kay Elijah. It breaks my heart.

    “Babalik siya.” Sabi ko. “He’ll be home for me.”
    “What if di na siya babalik?” Tanong ni Eion na naka agaw ng atensyon ko.
    “He’ll come back.” Matigas kong sinabi.
    “It’s been, what, a month, Klare. What’s taking him so long?”
    “Eion, dalawang taon siya sa U.S pero bumalik siya sa akin.” Sabi ko.
    “I know… This one’s just different.” umiling siya. “Ang sabi ni Erin sa akin, umalis siya dahil pinagsalitaan siya ng masama ng kanyang pamilya.”

    Natahimik ako. Nagulat ako dahil nag uusap pa rin sila ni Erin hanggang ngayon kahit hindi naman sila nag kikibuan sa publiko at halos hindi sila nagtitinginan. At isa pa… may punto siya. Hindi kaya pinili na rin ni Elijah ang umalis para sa kanyang pamilya?

    Pagkatapos ng pag uusap namin ni Eion ay nanatiling bumabagabag sa akin utak ang lahat ng kanyang mga sinabi. Bakit hindi pa nagpapakita si Elijah sa akin hanggang ngayon? Iniisip kong dahil sa mga pinsan kong nakaaligid sa akin. O dahil sa takot niyang may makakita sa amin.

    “Klare…” Sambit ni Rafael nang nakasama ko siya sa loob ng campus.
    “Hmmm?” Nag angat ako ng tingin sa kanya pagkatapos kong luminga sa paligid.

    Nakaupo siya sa tabi ko habang nanonood ng mga tao sa paligid. Nasa loob kami ng Pavilion at busy ang lahat para sa midterms.

    “Tumigil ka na sa pag hahanap kay Elijah.” Ani Rafael.

    Nagulat ako sa bigla niyang sinabi. Paano niya nalaman na hinahanap ko si Elijah? Am I that obvious? Hindi ako nagsalita pero dinugtungan niya ang sinabi niya.

    “I know you’re looking for him everyday. Pareho kami ng na obserbahan ni Josiah at Azi sa’yo. Stop it. Magmumukha kang tanga. Hindi siya lalapit dito. Maraming naghahanap sa kanya. Pinapahanap siya ni papa at tito Exel.”
    “Raf, hindi ko iyon maiiwasan. I’m deperate. It’s been 6 weeks at wala pa akong natatanggap galing sa kanya.”
    Nanliit ang mga mata niya. “Do you expect him to contact you?”
    Kinagat ko ang labi ko.
    “Come on, Klare. May usapan ba kayo? Just tell me.”
    “Wala.”
    “Don’t lie to me. May usapan ba kayo?” Tanong niyz ulit.

    Ganito rin ang naging tanong ng nagmamakaawang si Tita Beatrice sa akin. Nagpunta siya sa bahay kasama si Ate Yasmin para magtanong ulit sa akin kung nakipag communicate ba si Elijah sa akin.

    “Klare…” Aniya, mas matigas at mas pormal kumpara noong huli kaming nagkita.

    Nanonood si mommy sa amin habang si Ate Yasmin ay hinahawakan ang braso ng kanyang ina.

    “Hindi pa ba nag titext sayo si Elijah?”
    Umiling ako. Sana ay masagot ko siya ng mas magandang sagot katulad ng ‘oo’ pero hindi, e. Wala pa akong naririnig galing kay Elijah.
    “‘Yong banta niya noong nawala siya, Klare. He’ll get you with his own strength, I’m pretty sure may ginawa na siya ngayon.”
    “Beatrice, are you calling my daughter a liar?” Matigas na putol ni mommy.
    Umiling si tita Beatrice. “Of course, I believe Klare. Pero Helena, it’s impossible. My son is in love with your daughter at ang mawalay sa kanya ng halos dalawang buwan ay hindi makakaya ng anak ko. There must be something… about it.”
    “Ang sabi ni Klare, wala siyang natanggap galing kay Elijah. Deal with it.” Humalukipkip si mommy.

    Bumuntong hininga si tita Beatrice at tumingin sa akin.

    “I’m sorry, Klare.” Aniya at nangilid ang luha sa kanyang mga mata.

    Nangilid din ang luha sa aking mga mata. Ang makitang frustrated ang mommy ni Elijah dahil hindi pa niya nahahanap ang kanyang anak ay nakakahabag sa akin. Pareho kami ng taong mahal. Pareho naming mahal si Elijah.

    Iniisip niya rin siguro kung maayos ba si Elijah. Kung ligtas ba siya. Kung nakakakain ba siya ng maayos. At kung anu-ano pa. Gabi gabi ko iyang iniisip at hindi ko lubos maisip kung ilang beses iyan nagpabagabag sa utak ni tita Beatrice. Anak niya si Elijah at mahal niya ito, maaaring higit pa sa pagmamahal ko sa kanya.

    Nang tumungtong ng dalawang buwan ay wala pa rin akong naririnig galing kay Elijah, hindi ko na nakaya.

    “Azi!” Tawag ko nang magkasama kami sa campus. Tumingin ako sa paligid at hininaan ko ang boses ko para walang makarinig na ibang tao. “Wala bang sinabi sayo si Elijah?”
    “Si Elijah? Bakit? Nahanap na siya?” Nagulat si Azi sa tanong ko.

    Unti-unting nabasag ang puso ko. Ang marinig sa pinaka malapit na pinsan ni Elijah na wala siyang alam tungkol sa kanya ay masakit. Iniisip kong kahit text ay may natanggap si Azi galing kay Elijah.

    Nanuyo ang lalamunan ko. “Hindi. Akala ko lang nag text siya sayo.”
    “Bakit? Nag text siya sayo? Klare, nag text ba siya?” Hinarap ako ni Azi mas seryoso ang mukha niya.

    Nagulat ako nang nakita ko sa kanyang mga mata ang pagmamakaawa na sabihin ko sa kanya ang totoo. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at niyugyog niya ako sa pag aakalang pu pwedeng mayugyog niya sa akin ang sagot. Umiling na lang ako at unti unti kong naramdaman ang luha ko sa pisngi.

    “Azi, I’m desperate. Please, kung kinontak ka ni Elijah, pakisabi naman sa akin, o. Sabi niya kukunin niya ako. Ba’t ganon? Ba’t hanggang ngayon wala pa?”
    Nag mura siya at tinanggal niya ang kamay niya sa mga balikat ko.

    Humikbi ako. Pumikit siya at nilagay ang index finger sa ere.

    “Don’t say anything, Klare. Huwag kang umiyak sa harapan ko. Ang makita at marinig galing sayo na hindi ka pa niya hinahanap ay nakakairita para sa akin. Damn…” Aniya at nag iwas siya ng tingin.

    Pinunasan ko ang luha ko. Tumango ako at humikbi pa sa harap ni Azi. I’m so desperate and I’m tired of pretending. Hindi normal ang pakiramdam ko, hindi normal ang buhay ko, paano ko nagawang mamuhay ng normal sa loob ng dalawang buwan?

    “Akala ko tinitext ka niya at hindi ka lang nagsasalita. Akala ko may plano kayo!” Aniya.
    Umiling ulit ako.
    Pinasadahan niya ng palad ang kanyang buhok. “Fuck wala? Kailangan niyang bumalik ng buhay para mapatay ko siya.” Ani Azi at umalis.

    Kahit mag isa ako sa buong campus at sa labas, pauwi ng bahay, ay wala paring paramdam si Elijah sa akin. Kinakabahan na ako. Kumakalabog ang puso ko sa mga naiisip ko. Paano kung may nangyari ngang masama sa kanya? Paano kung… hindi ko kayang kumpletuhin ang lahat ng iniisip ko. Masyadong masakit at hindi ko kakayanin.

    “Klare, sabi ni dad, sana ay makapunta ka ng Davao ngayong nalalapit na . Walang pasok sa mga panahong iyon.” Ani Hendrix sa akin nang bumisita ako sa Hillsborough.
    Tumango ako. “I’ll try.”
    “Don’t try, Klare. Just go there! Pagbigyan mo si dad! Pinagbigyan ka niyang manatili sa impyernong puder ng mga Montefalco!” Ani Pierre.
    “Hindi na naman ganon ka gulo doon. Just a little, Pierre.”
    Nanliit ang mga mata niya sa akin. “Don’t you deny it. Kita sa mga mata mo ang stress. Nahihirapan ka na. Isang kalabit na lang magsusumbong na ako kay Dad.”
    “I’m stressed because Elijah’s nowhere to be found.” Sagot ko.

    Nanahimik ang dalawa. Ganon naman talaga. Walang makakasagot sa problema ko. Walang nakakaramdam sa mga pangambang nararamdaman ko habang iniisip ko si Elijah. Asan na siya? Nakalimutan niya na ba ako?

    Pumayag ako sa gusto ni daddy. Pag dating ng intramurals, pupunta na ako ng Davao. Iniisip kong paano kung maghanap si Elijah sa akin sa mga panahong iyon?

    Papasok ako sa Xavier University, tulala habang iniisip ang lahat ng maaaring mangyari sa pag alis ko patungong Davao. Iniisip kong maghahanap si Elijah sa mga oras na iyon. Paano kung kaladkarin siya ng mommy at daddy niya pabalik sa New York at sabihin nilang wala na ako, hindi ko siya pinili. Nanlamig ang mukha ko sa mga naiisip.

    Tatlong beses tumunog ang bell at nagsimula ang pamilyar na prayer ng Angelus habang nasa harap ako ng Immaculate Conception Chapel. Tumigil ang lahat na para bang tumigil ang oras sa buong campus.

    Nakatingin ako sa Office of Student Affairs, kung saan nanggagaling ang prayer. At nagpasalamat ako na nasa tapat ako ng puno at hindi ako naiinitan tulad ng mga estudyanteng nasa gitna ng kalsada. Umihip ang malakas na hangin at napapikit ako habang nagdadasal ng sarili kong dasal kasabay ng Angelus.

    Dumilat ako at naaninag ko ang sagot sa dasal ko. Dalawang metro ang layo sa kinatatayuan ko, nakatingin si Elijah sa akin nang nakangisi. Nanlaki ang mga mata ko. Ilang beses akong kumurap para lang masiguradong hindi nga ako nananaginip. Ang tanging nag pipigil sa akin para tumakbo para yakapin at pagalitan siya ang ang prayer na hindi pa natatapos. Pumikit ako at nagpasalamat sa Panginoon, pagkadilat ko ay nakatayo parin siya, hindi makalapit. Pareho kaming naghihintay na matapos ang Angelus para lang makalapit kami sa isa’t-isa.

  • Kabanata 42Open or Close

    Kabanata 42
    Run

    Nanginginig ang tuhod ko nang humakbang ako palapit kay Elijah pagkatapos ng Angelus. Hindi ako makatakbo, hindi rin ako makatalon. Ang tanging nagawa ko ay ang dahan dahang paghakbang palapit sa kanya. Naka kulay grey na jacket siya at naka pants, dalawang kamay ang nakapamulsa habang hinihintay ako sa paglapit. Nangilid ag luha ko nang naamoy ko ang pamilyar niyang bango. This is Elijah Montefalco in front of me. Am I dreaming?

    Inabot ko ang kanyang pisngi. Sinalubong niya ng haplos ang kamay ko at naramdaman ko ang init ng kanyang palad. I’m not dreaming!

    “Saan ka galing?” Nanginig ang boses ko at hindi ko mapigilan ang paghikbi. “Bakit ngayon ka lang?”

    Humalakhak siya. Mas lalong bumigat ang nararamdaman ko dahil natatawa lang siya habang nahihirapan ako. Hinampas ko ang kanyang dibdib, hinawakan niya ang kamay kong nakakuyom.

    “Wa’g kang tatawa tawa diyan, hindi ako masaya na umalis ka! Bumalik ka na, Elijah! Kaya natin ‘to!” Sabi ko.
    Tumikhim siya. “Hindi ‘to kaya ni dad, Klare. Kailangang kumalma ang galit ng mga tao sa akin.”
    Umiling ako. Inangat niya ang baba ko para magkatagpo ang mga mata namin.
    “Listen, I don’t have all the time. Pinaalis lang ni Raf ang mga nanonood sayo.”
    “Ni Rafael? Bakit? May alam si Rafael?” Tanong ko.
    Tumango siya. Nanlaki ang mga mata ko at inaalala ko lahat ng medyo hindi magandang sinabi ni Rafael. Kahit na medyo tutol siya sa amin ni Elijah ay nagawa niya paring tulungan siya!
    “We’ll see each other again later. Sa condo ni Rafael.” Aniya.

    Nasa condo siya ni Rafael? Ibig sabihin, talagang tinutulungan siya ni Rafael dito? At totoong walang alam si Azi, Josiah at ang lahat ng mga pinsan ko! Marami akong tanong pero alam kong wala na kaming oras. Titig na titig si Elijah sa akin habang gumagala ang paningin ko sa paligid sa takot na may ibang taong makakita sa amin.

    “Elijah, sumama ka sakin sa Davao.” Sabi ko.
    Tumaas ang isa niyang kilay.
    “Pupunta ako ng Davao next week. Pupunta ako kina papa. Magpapatulong tayo sa kanila. Sumama ka sakin.”
    “I don’t think that’s a good idea, Klare. Dad’s mad. Mas lalong magagalit ‘yon pag-“
    “No, Elijah. My father is a good person. Kayang kaya niyang ipaliwanag kay tito Exel lahat ng ito. Matutulungan niya tayo.” I said desperately.

    Tumitig lang si Elijah sa akin. Alam kong gusto niyang kaming dalawa lang muna ang lumaban. Gusto niyang patunayan na kaya namin ‘tong dalawa pero ang totoo, hindi. Kailangan namin ng suporta ng ibang tao. Kailangan namin ng suporta galing sa pamilya ko.

    “Kailan ka pupuntang Davao?” Tanong niya.
    “Next week.” Sagot ko.
    Tumango siya. “Sasamahan kita. Mag isa ka ba o sasama ang mga kapatid mo?”
    Umiling ako. “Mag isa. They’re both busy.”
    “Sasamahan kita. We’ll see each other on Sunday?”
    Tumango ako. “Magdadala na ako ng gamit.”
    Ngumuso siya at tumango rin.
    “I’ll see if… I can get you a plane ticket.” Naaasiwa kong sinabi.
    “Ako ang magbabayad sa ticket natin, Klare. You are hurting my ego, big time.”
    Kinagat ko ang labi ko. “Elijah, iniwan mo ang pera mo. I don’t want you to borrow money from Rafael or Damon or-“
    “You really are hurting me fucking big time, baby. Iniwan ko ang pera ni daddy. I have my own money. I’m not stupid. Alam kong dadating ang panahon na kailangan kitang buhayin ng walang tulong galing sa pamilya natin.”
    Yumuko ako. Inangat niya naman ang baba ko at nagkatinginan ulit kami.
    “I’ll see you on Sunday. Sa airplane. Ibibigay ko kay Hendrix ang plane ticket mo.” Aniya at mabilis akong hinalikan sa noo. “I love you.” At mabilis din siyang umalis.

    Hindi ako makapagsalita. Pinanood ko lang siyang sinasalubong ni Rafael. Mga mata ni Rafael ay nakatingin sa akin habang naglalakad sila paalis sa campus. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Habang tumatagal ay lalong bumibilis ang pintig ng puso ko. Late reaction. Napahawak ako sa dibdib ko. Damn, Elijah Montefalco!

    Wala akong naging imik nang nagkita kami ni Erin at Claudette sa klase. Hindi ako makatingin sa mga mata nila sapagkat natatakot akong mabasa nila sa mga mata ko na nagkita kami ni Elijah at may usapan na kami ngayon. Kumakalabog ang puso ko sa bawat mala-pusang tingin ni Claudette sa akin na mas lalong dumadalas ngayong hindi ko na sila tinitingnan.

    “Okay ka lang, Klare?” Tanong niya pagkatapos akong titigan ng napakatagal.
    “Oo naman.” Sabi ko nang hindi siya sinulyapan.
    “Oo nga. Ba’t ba ako nagtatanong, e, mukha ka ngang okay. Sa loob ng two months, ngayon lang kita nakitang naging maayos.” Aniya at pumangalumbaba sa upuan ko.

    Napatingin si Erin sa aming dalawa. Kumalabog pa lalo ang puso ko sa kaba. Hindi na ako nagsalita. Natatakot akong may masabi akong mas lalong makakapag duda kay Claudette. Mabuti na lang at dumating din ang professor namin at nag simula na ang aming klase.

    Lumipas ang isang oras, ang tanging naging laman na lang ng isip ko ay si Elijah at ang kanyang mga mata. I missed him so much at gustong gusto kong mayakap siya pero hindi namin iyon nagawa. Na miss niya kaya ako?

    “Ayan na naman si Vaughn.” Ani Erin habang nagliligpit ng gamit kakaalis lang ng professor namin.

    Napatingin ako sa pintuan ng classroom at nakita ko ang nakangiting si Vaughn doon. Madalas ay sabay kaming naglalakad pagkatapos ng klaseng ito. Nakalimutan kong ganon din dapat ngayon. Naging friendly naman si Vaughn sa akin. Hindi na siya ulit nagtanong tungkol sa feelings ko sa kanya o nagsalita tungkol sa feelings niya sa akin at masaya ako doon.

    Tumango ako kay Erin at nagligpit na rin ng gamit ko. Padabog niyang inaayos ang kanyang mga book sa kanyang upuan. Napatingin si Claudette sa kanya. Nag angat rin ako ng tingin sa kanyang seryosong mukha.

    May problema kaya si Erin at Eion? Mukhang bad trip siya sa araw na ito. Tinalikuran niya ako at humakbang siya palayo sa akin. Isa pang hakbang at pumihit siya para harapin ulit ako, mukhang mas galit ngayon kesa kanina.

    “Ewan ko, Klare, pero nasasaktan ako para kay Elijah. He’s gone at ngayong wala siya ay may kinakasama kang iba. Wala ka bang konsiderasyon? Can you reject everyone for him, please? Kahit ‘yong mga walang masamang intention.”

    Nagulat ako sa sinabi niya sa akin. Sumulyap siya kay Vaughn.

    “Vaughn is just my friend, Erin.” Paliwanag ko.
    “Kahit iyong walang masamang intensyon. Kahit ‘yong mga kaibigan lang, Klare.” Ginulo niya ang buhok niya at mariing pumikit. “Sorry. Di ko maintindihan. Nevermind.” At umalis ng bigla.

    Tumingin ako kay Claudette na umiiling na lang, sumasabay ang buhok niyang mahaba sa kanyang pag iling. Sumulyap siya sa akin habang sinasabit ang kanyang bag sa balikat.

    “Ang mas nakapagtataka sa akin ay kung bakit ayaw ni Erin na mapunta ka sa iba. Kaya pala halos masabunutan niya ako tuwing magkasama kayo ni Vaughn. Weird, though.” Nagkibit balikat si Clau sa akin. “See you later, Klare.”

    Bumaling ako kay Vaughn na naghihintay sa akin sa pintuan. Hindi ko naisip na makakasama ito sa amin ni Elijah. Hindi ko naisip dahil alam ko sa sarili kong wala akong plano sa amin ni Vaughn kundi ang pagkakaibigan. Erin’s probably just over thinking. Suminghap ako at naglakad kasabay ni Vaughn.

    “May event kang sasalihan sa intramurals?” Tanong ni Vaughn.

    We would usually talk about school stuff. Wala naman iyong malisya at nilinaw ko na naman kay Vaughn noon kung ano talaga kami kaya ayos lang naman siguro ito.

    “Wala, e.”
    “You don’t do sports? You’re the sporty type.” Aniya.
    “Uh, nag s-swimming ako. Kaso mas inclined ako sa sayaw.”
    “Wala ba kayong presentation sa kasama ang All-Star?” Tanong niya.
    “Meron, but I’ll pass.”
    Kumunot ang noo ni Vaughn. “Bakit?”
    “Uuwi ako ng Davao this Intrams.” Ngumiti ako. Hindi ko alam kung bakit ako nakangiti. Siguro ay dahil alam kong makakasama ko si Elijah.
    Tumango siya. “Whoa! That’s good. Sayang lang at di ako makakasama. I have Engineering basketball. Yayayain sana kitang manood ng games but I guess you’ll be very busy.”

    Sabay kaming tumigil sa pintuan ng sunod kong klase. May mga estudyante na sa loob at hinihintay na lang nila ang professor namin para makapag simula na kami.

    “Sorry, Vaughn. Maybe next time.” Ngiti ko sabay ambang papasok.
    “Next time…” Ani Vaughn at tuluyan ng umalis.

    Halos walang pumasok na lesson sa utak ko noong araw na iyon. Ang tangi kong naisip ay ang pagbabalik ni Elijah at ang excitement ko papuntang Davao. Magkakasama kami. Masusundan kaya kami ng mga hina hire ni tito Stephen na mga tao? Siguro ay gagawa ng paraan si Rafael? Paano naman kaya iyon? Kasabay ng excitement ko ay ang pangamba sa maaaring mangyari.

    “What?” Tumaas ang boses ni Pierre nang sinabi ko sa kanila ni Hendrix ang totoo.

    Alam kong dapat ay manahimik ako nang sa ganon ay walang makaalam tungkol kay Elijah ngunit hindi ko mapigilan. Sinabi rin naman kasi ni Elijah na ibibigay niya ang ticket ko kay Hendrix. Ibig sabihin, malalaman din ni Hendrix na natagpuan ko na si Elijah at magkasama kami patungong Davao.

    Gulantang si Pierre samantalang walang pagbabago sa ekspresyon ni Hendrix habang iniinom ang kanyang Coke.

    “This is a bad idea, Klare.” Ani Hendrix.

    Pinanood ko ang kalmado niyang ekspresyon. Naririnig ko ang maingay na tikhim ni Pierre at pabalik balik niyang paglakad sa tapat ng bench na inuupuan ko malapit sa soccer field.

    “This is a bad idea.” Ani Pierre.
    “Bakit? Hindi naman siguro sasabihin ni papa kay tito Exel, diba? And besides, I promised papa. Hindi ko na pwedeng i-cancel iyon. Panahon na para ipakilala ko si Elijah sa kanya.”
    Nagkatinginan ang dalawa.
    “Klare, hindi ba pwedeng ikaw na muna ang pumunta?” Halong pag aalala at panunuri ang tingin ni Hendrix sa akin.
    “Bakit?” Bigo kong sinabi.
    “You’ll meet ama, too.” Ani Hendrix na para bang sapat iyong dahilan para iwan ko si Elijah dito sa Cagayan de Oro.
    “Ako lang ang pupunta kay ama, if you want, Hendrix. I just want papa to meet Elijah. That’s all.”

    Suminghap ulit si Pierre. Napatingin ako sa kanyang matatalim na titig sa akin na para bang may masama akong gagawin. Hindi ko iyon maintindihan. At wala ring makakapigil sa akin.

    “Pierre, shall we book a roundtrip ticket? Siguro right after Intramurals niyo.” Ani Hendrix sa aming kapatid.
    “Rix, I can do this alone. Stop worrying.”
    “I’ll call the secretary, kuya.” Ani Pierre na parang walang narinig galing sa akin.
    Bumaling si Hendrix sa akin at tumaas ang kanyang kilay. “Alam kong may ticket ka na galing kay Elijah.”
    Ngumuso ako. “How did you know, Rix? Do you know anything?”

    Because I’m damn desperate to know the details. Kung ano man ang mga tinatago ng mga tao sa paligid ko tungkol kay Elijah ay kailangan kong malaman. Ano ang ginawa ni Elijah sa loob ng dalawang buwan? Saan siya kumuha ng pera? Sinu sino ang tumulong sa kanya? This is ridiculous. Pamilya ko silang lahat ngunit bakit kailangan kong hatiin sa kaibigan at kaaway ang mga tao? This is bad.

    Walang naisagot si Hendrix sa tanong ko. Aniya’y si Elijah lang daw ang sasagot nito. Pinilit ko, ngunit wala akong makuha.

    Nagsimula akong mag impake ng gamit. Nagpaalam na si papa kay mommy na pupunta ako ng Davao, umaga ng Sunday. Pumayag si mommy, hindi ko alam kung dahil ba gusto niya iyon o dahil natatakot siyang magalit ako sa kanya. Hindi pa kami maayos ngunit kinakausap ko na siya ngayon kumpara noon.

    “Take care, Klare.” Ani mommy nang hinahatid ako sa labas ng bahay papasok sa sasakyan nina Hendrix.

    Ihahatid ako ng dalawa kong kapatid ngayon patungong airport.

    “Take care din kayo ni dad at Charles, my.” Sabi ko sabay yakap kay daddy.

    Wala si Charles dahil may field demo sila mamaya sa school. Ang alam ko, papanhik na rin si mommy at daddy sa school ngayon para manood.

    Pumasok na ako sa loob at hindi ko na sila sinulyapan pa. Natatakot akong makita nila sa mga mata ko na makakasama ko si Elijah. Hindi ko alam kung ano ang stand nila tungkol sa amin ni Elijah ngayon, pero ayaw kong umasa na tanggap nila. Siguro si daddy at si Charles, tanggap nila. Si mommy? Hindi ko alam. I don’t want her to call tito Exel again.

    “Klare, dapat ay iwan mo na lang si Elijah dito.” Pilit ni Hendrix.

    Nasa tabi ko siya habang si Pierre ay nasa front seat. Mabilis ang patakbo ng driver. Isang oras na lang at flight ko na. Sa sobrang excitement ko, matagal akong nakatulog kagabi kaya pumalpak sa gising. I will see Elijah again!

    “Bakit?” Sumulyap ako kay Hendrix.
    Hindi siya nagsalita. Tinikom niya na lang ang bibig niya at humalukipkip siya.
    “Is this about… the chinese rules?” Palipat lipat ang tingin ko kay Hendrix at kay Pierre.
    “Kuya…” Tawag ni Pierre kay Hendrix nang walang nagsalita.
    “Hey, Rix?” Sabi ko at hinarap siya.

    I’m not going to back down. Kahit ano pa ‘yan. Alam nila ‘yan. Sukdulan na ang mga natanggap namin ni Elijah sa aming pamilya. Pakiramdam ko ay hindi na ulit ako matitinag sa kahit ano.

    “No, Klare. This is not about that.” Ani Hendrix.

    Napabuntong hininga ako. Umiling si Pierre at bumaling na lang sa kalsada.

    “But if ama would make you choose between the family and Elijah, who would you choose?”
    Kinagat ko ang labi ko.

    Gustong gusto kong matanggap ako ng lola namin. Gustong gusto ko iyon dahil pamilya ko sila. Miss na miss ko na ang magkaroon ng pamilya ng walang sinusumbat sayo, ng walang masamang sinasabi sayo. Miss na miss ko na ang maramdaman na kabilang sa sa mga taong ito. Wala na ako para sa mga Montefalco kaya sisikapin kong tatanggapin ako ni lola sa mga Ty. Just her approval and I’m good. Kasi pakiramdam ko sa oras na tanggapin niya ako, tatanggapin ako ng mga tito at tita ko.

    “Hindi ba pwedeng mahalin ang dalawa? It’s not the same love, Rix.” Hindi ko siya binalingan.
    “What if, Klare?”

    Hindi ako nagsalita. Napili ko na ang pamilya ko noon. Ngayon, aminado akong uhaw ulit ako sa pagmamahal ng isang pamilya. Gagawin ko ang lahat para lang maging masaya si lola. She better not make me choose.

    “Rix, kung ikaw ang nasa lugar ko. Marami na kaming napagdaanan ni Elijah. Mahal ko ang pamilya ko, pero kung mahal nila ako, tatanggapin nila kung sino ang mamahalin ko.”
    Hindi siya nagsalita. Diretso parin ang tingin niya sa kalsada.

    Hindi na rin ako nagsalita. Natatakot ako sa lahat ng sinabi ni Hendrix. Siguro ay hindi ko na nga lang talaga muna ipapakilala si Elijah kay lola. Papa would be enough. And we’ll tell him about our problem. Maiintindihan niya kaya kami? I guess. Papa’s understanding.

    Pagkarating namin sa airport, agad agad akong pumila papasok. Pinapanood ako ng mga kapatid ko sa pila. Parehong bigo ang mukha nila samantalang ngiting ngiti ako habang kinakawayan ko sila.

    Totoong kinakabahan ako pero alam ko sa sarili kong hindi ako bibitaw kay Elijah kahit anong mangyari.

    Nagmamadali ako papasok. Hindi ko na pinuna ang mga detalye sa buong airport dahil mali-late na ako at sobrang excited ko ng makasama si Elijah.

    Tinakbo ko ang gate 4, kung saan naroon ang flight patungong Davao. Nakita kong isang tao na lang ang pumapasok at alam kong pumasok na ang lahat sa eroplano bukod sa akin. Inabot ko kaagad ang ticket ko at tumatakbo ako papasok ng eroplano.

    Memoryado ko na ang seat number ko at half running kong tinahak ang center para makarating sa upuan ko.

    Hinihingal na ako at mabilis ang pintig ng puso ko habang unti unti kong naaaninag si Elijah sa tabi ng bintana, naka earphones, pinaglalaruan ang lower lip, at pinapanood ang mabigat kong pag hinga.

    Unti unti kong tinigil ang pagkakataranta ko. Sising sisi agad ako na tumakbo ako ng ganon ka layo at ngayon ay pawis na pawis na. Inayos ko ang buhok ko at pinunasan ang medyo pawis kong noo. Umayos siya sa pagkakaupo at tumabi ako sa kanya.

    “You want to sit here? I’ll move.” Aniya.
    “Uhm, okay.” Halos manginig ang labi ko sa sagot ko.
    Umupo muna ako para makadaan siya tsaka ako lumipat sa inupuan niya kanina. Naaasiwa akong umupo doon at hinintay ko ang pagbabalik niya. Pareho kaming naka jacket. Siya ay nakaitim na jacket, samantalang ako ay naka kulay grey.

    Sumalampak siya sa upuan at naamoy ko ulit ang pamilyar niyang bango. I miss him. I miss him so much.

    “Wa-Wala bang tauhan ni tito dito?” Tanong ko.
    “Wala.” Aniya.
    “Paano nangyari?” Tumingin ako sa kanya at nagulat ako dahil malalim na ang tingin niya sa akin.

    Tumindig ang balahibo ko. Bawat hibla sa aking katawan ay nagising dahil sa titig niya.

    “Inutusan ni Rafael na huwag ka ng sundan. Tsaka na pag balik mo dito.” Aniya. “May lead silang nasa Cagayan de Oro lang ako.”
    Tumango ako.

    Nilagay niya ang kanyang braso sa likod ko at hinila niya ako palapit sa kanya. Naramdaman ko ang ilong niya sa pisngi ko. Hindi ako makagalaw. Inilapit niya ang kanyang bibig sa aking tainga. Lahat ng demonyong nanahimik sa aking tiyan ay muling nabuhay.

    “I missed you so much. Kahit nakikita kita halos araw araw sa school niyo, miss na miss parin kita ng sobra.”
    Nanlaki ang mga mata ko. “N-Nasa school ka?”
    Bumuntong hininga siya. Tinagilid ko ang aking ulo dahil sa kiliting naramdaman. “It’s torture. Makakapatay ako ng tao pag minamahal kita sa malayo. I won’t do it again. Pagbalik natin galing Davao, we’ll both face our family. This time, pag hindi parin sila pumayag. Will you run away with me?”
    “We shouldn’t run. We can live near them, Elijah. I can’t… I can’t do that. Mahal ko ang pamilya natin at dapat ganon ka rin. But I’ll be with you. We shouldn’t run, alright? Pero pag wala na tayong choice, then I’ll run with you. Kahit na masakit. I’ll run with you.”
    Kinagat niya ang kanyang labi at niyakap niya ako ng mahigpit. “I’m sorry, baby. Pero mahal na mahal lang talaga kita at hinding hindi ako mapipigilan.”

  • Kabanata 43Open or Close

    Kabanata 43
    Deserve Her

    Hindi naman matagal ang naging byahe. Malapit lang naman kasi ang Davao, ngunit sinulit ko ang panahong nakahawak kamay sa akin si Elijah. I missed him so much at palagay ko’y hindi ko na muna siya dapat paulanan ng tanong.

    Hindi rin siya nagsalita buong byahe. Nang nag land na ang eroplano at naghintay na kami sa mga bagahe ay tsaka lang nabasag ang katahimikan namin. Bumaling siya sa akin pagkatapos niyang walang kahirap-hirap na kinuha ang maleta ko.

    “I need to find a hotel.” Aniya.

    Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko iyon naisip! Pinanood ko siyang may kinukuha sa kanyang bulsa. Nakita ko ang isang iPhone na kakabukas lang. Dumungaw ako at tumingin sa screen, tumingin rin si Elijah sa akin ng nakangisi.

    “Finally, a phone.” Aniya.
    “Matagal ka ng may cellphone ulit?” Tanong ko.
    Umiling siya. “Ngayon lang ulit. Ayokong magkaroon kasi baka matext kita at malaman pa ng ibang tao na may communication parin tayo.”
    “Bakit? Bakit ang tagal mong nagpakita?” Sa wakas ay naitanong ko na rin sa kanya ang kanina ko pa iniisip.
    “Kasi alam ko, mas maaga, mas binabantayan ka.” Aniya at pinindot niya ang ilong ko bago nanghila.

    Nagpatianod ako sa hila niya. Pamilyar na sa akin ang airport pero parang bago ito ngayong kasama ko na si Elijah. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko nang pinanood ko siyang lumilinga linga sa paghahanap ng taxi na masasakyan.

    “Susunduin tayo ng driver namin.” Sabi ko sa wakas bago siya pumara ng isang taxi.
    Bumaling siya sa akin at ngumuso. “Pwede bang utusan natin ang driver niyong ihatid muna tayo sa Marco Polo?”

    Tumango ako at nakita ko kaagad ang naka puting polo at naka shades na driver ni daddy. Naka abang siya sa pintuan ng sasakyan at ang isa pang lalaki ay naglalahad ng kamay sa maletang dala ni Elijah. Binigay ni Elijah ang maleta ko, naka backpack lang siya at inisip kong saan niya kaya nakuha ang backpack na iyan o may damit ba siya sa loob. Naisip ko rin kung saan siya kumukuha ng pera.

    “Kuya, pahatid po muna sa Marco Polo. Chi-check in lang po ang kasama ko.” Sabi ko.
    Tumango ang driver at hinila ko na si Elijah sa loob ng sasakyan.

    Hindi ko pa nasasabi kay papa na isasama ko si Elijah sa Davao. Ngunit alam kong alam niya na ngayon na kasama ko si Elijah. Paniguradong sinabi na ni Hendrix o ni Pierre ang balitang iyon. Tumunog ang cellphone ko, di pa kami nakakalayo sa airport.

    “Hello, pa. Nakarating na po kami.” Sabi ko.
    Hindi siya agad nagsalita.
    “Kasama ko po si Elijah…” Hindi ko alam kung dudugtungan ko ba ng pinsan o ano? “Montefalco.”
    “Narinig ko nga sa kapatid mo.” Tunog bigo ang boses ni papa.
    Imbes na magtanong ako kung bakit ganon ay hindi ko ginawa. Ayaw ko kasi munang marinig sa kanya na hindi siya sang ayon sa aming dalawa. Lalo na’t sa cellphone pa lang naman at hindi ko pa lubusang naipapakilala sa kanya si Elijah. “Ihahatid ko lang po siya sa Marco Polo. Ta’s pupunta na kami diyan.” Ito ang naging batayan ko sa kanyang pagtutol at pag sang ayon sa aming dalawa. Dahil kung sang ayon siya, mag o-offer siya ng isang kwarto kay Elijah sa bahay namin.
    “Okay, Klare. Dito na kayo mag breakfast.” Ani papa.

    Kinagat ko ang labi ko at nagpaalam na sa kanya. Affirmative. Ayaw ni papa kay Elijah bilang pinsan ko. Paano na lang kung malaman niyang may relasyon kaming dalawa? O baka naman may alam na siya?

    Pinapanood ko ang labas ng sasakyan. Kahit na nakailang beses na akong pabalik balik sa Davao ay hindi ko parin memoryado ang lahat. Hindi parin talaga ako sanay sa tanawin. Bumaling ako kay Elijah sa pag aakalang ganon din ang ginagawa niya ngunit nagulat ako dahil nakatitig lang siya sa kamay naming pinagsalikop niya.

    “Anong nangyari sa loob ng dalawang buwan?” Tanong ko sa kanya.
    Napatingin siya sa akin habang pinaglalaruan niya ang mga daliri namin. “Nagpalamig ako. Umalis ako ng Cagayan de Oro, bumalik, hinanap ka, but I can’t go near you and you know that right?”
    Tumango ako. “Saan ka nagpunta nang umalis ka ng Cagayan de Oro?”
    “Went to Surigao, then back again. Gusto kong magkaroon sila ng lead na nasa Surigao ako para di na nila ako mahanap sa CDO. Pero nahanap ako ni Rafael.” He chuckled.
    Nanlaki ang mga mata ko. “Saan ka nagtago nang nahanap ka ni Rafael?”
    “Dynasty Court Hotel?” Mas lalong lumaki ang ngisi niya.
    Mas lalo ring lumaki ang mata ko. Paano ba naman kasi, sobrang lapit ng hotel na iyon sa bahay namin. Hindi ako makapaniwalang doon lang siya nag tago.
    “Hindi nila maiisip na nasa paligid ako. Iisipin ng lahat na lumayo ako ng husto. Because I don’t wanna be found, I’m probably somewhere far.” Nagkibit balikat siya.

    Claudette was right. Totoong may plano si Elijah. Hindi niya kailanman hahayaan ang sarili niyang tumakbo na lang ng hindi nag iisip. And he’s plan was flawless.

    “Anong ginawa ni Raf sa’yo?” Tanong ko nang narealize na may nakahanap nga pala sa kanya.
    “Aksidente lang na nakita niya ako. Nasa labas siya ng Hotel with this girl at nakatingin ‘yong girl sa akin habang kinakausap ko ‘yong receptionist sa hall kaya napatingin din si Rafael sa akin.” Tumawa siya.
    Nanliit ang mga mata ko. Hindi ko alam kong binibiro niya ba ako o ano. “You’re kidding me…”
    Umiling siya. “That’s what happened!” At tumawa ulit.
    Umirap ako at tinanggap ang sinabi niya para makapag tanong ulit. “Anong ginawa niya nong nakita ka niya?”
    “Kinausap at niyayang bumalik. Sinabi ko sa kanya ang plano ko. Nag offer din siya na magstay ako sa kanyang condo since Damon’s not staying there anymore. Of course, I refused. I don’t need anyone’s help.” Tinagilid niya ang ulo niya at tinaas ang isang kilay na parang nagyayabang.
    “Sabi mo you stayed with him?” Pinaalala ko sa kanya.
    “Yup. ‘Nong malapit na akong magpakita sayo. Mas monitored ko ‘yong mga galaw ng tao ni tito Stephen. I have the means pero mas accurate ‘yong mga alam niya. Hindi ko kailangan ng tulong pero basta tungkol sayo, sating dalawa, kailangan hindi pumalpak.”
    Ngumuso ako. “Where did you get your money? Nag ipon ka sa New York? Sa negosyo niyo? What?”
    Ngumisi lang siya at tumingin sa labas. Tumingala siya sa isang medyo matayog na parihabang gusali sa tapat. “Marco Polo.”

    Tumingala din ako sa hotel. Hindi pa ako nakakapasok dito pero isang tingin pa lang, alam ko na agad na mahal ang hotel na ito. Muntik ko nang bilangin kung magkano ang gastos ni Elijah nang pansamantala siyang nanatili sa Dynasty Court. Kung ano man o saan man siya kumukuha ng pera, hindi na iyon biro na negosyo. He’s earning… a lot.

    Sumalubong agad sa amin ang malaking swimming pool pagkapasok namin sa premises ng hotel. Pinanood ko ang mga foreigner at kanilang mga partner na naliligo doon. Diretso naman ang lakad ni Elijah papasok sa hotel. Sumunod lang ako sa kanya at nagulat ako nang mabilis lang siyang nabigyan ng kwarto.

    “Reserved. Elijah Montefalco. Paki private ‘yong details. Lahat.” Aniya at binigyan ng pera ang babae sa hall.

    Sumakay na kami sa elevator. Isang room boy ang maghahatid sa amin doon. Aniya’y iiwan niya lang daw ang bag niya at aalis na kami.

    Pagkapasok namin sa kwarto ay mabilis kong napansin ang malaking salamin na bintana. Kitang kita doon ang kabuuan ng syudad. Nilapitan ko kaagad iyon habang abala si Elijah sa paglalapag ng kanyang gamit sa cabinet ng room.

    “I need to close the curtains before we go.” Ani Elijah sa likod ko.

    Tumango ako at pumihit para hanapin siya ngunit nagulat ako nang nasa harap ko na kaagad siya. Nagkatitigan kaming dalawa. Kinagat ko ang labi ko at naisip na kailangan na naming umalis. Papa’s waiting. Alam kong maaaring sinabi na ni Hendrix kay papa na huwag sabihin kay mommy na kasama ko si Elijah pero mas maigi sana kung ako mismo ang magpapaliwanag sa kanya.

    “I’ll close the curtains.” Aniya at hinawakan ang magkabilang balikat ko para itabi muna ako bago dumiretso sa kurtina.

    Ngumuso ako at pinanood siyang sinasarado iyon. Pagkatapos ay mabilis niyang tiningnan ang pintuan.

    “Let’s go.” Aniya at mabilis ring humakbang patungo ron.
    “Okay.” Sabi ko at sumunod sa kanya.

    Bakit bigo ako dahil hindi ko siya nahalikan sa maiksing panahon na iyon? Hindi ko alam. Maraming tao nang pumasok kami sa elevator kaya pareho kaming tahimik sa loob.

    Pagkababa namin ay nandoon na rin ang driver at naghihintay sa pagsakay ulit namin. Tahimik ulit kami sa loob. Para mabasag ang katahimikan ay tinuro ko sa kanya ang iba’t-ibang lugar na napuntahan ko na. Itinuro ko kung saan kami madalas pumunta ni Pierre pag bored siya, kung saan madalas nag paparty si Hendrix at kung anu-ano pa.

    “Taga saan si Selena?” Tanong ko ng wala sa sarili.
    Bumaling si Elijah sa akin. “Didn’t know. Ang alam ko lang ay hometown niya ang Davao City.”
    Tumango ako. I don’t know if he’s bluffing or what. Baka ayaw niya lang pag usapan o ayaw niya lang na magselos ako. “Hindi niyo ba napag uusapan ang Davao?” Tanong ko.
    Umiling siya at tumingin sa labas.

    Tumigil na ako sa pagtatanong. Lalo na nang pinalitan na ng kaba ang kaninang kalmado kong sistema. Papalapit kami nang papalapit sa bahay ay mas lalong lumalalim ang kaba ko. Hindi ko iyon naramdaman sa kamay ni Elijah na hindi man lang natitinag habang hinahawan ang kamay ko.

    “You okay?” Tanong niya.

    Mukha siguro akong natatae dahil sa kaba. Tumango na lang ako lalo na nang nakita ko na ang kulay itim naming gate.

    “This is our house.” banggit ko.
    “Nice house.” Aniya. “Maganda ba ang tungo ng mommy nina Pierre at Hendrix sayo?”

    Papasok kami sa gate nang tinanong niya iyon. Ang pamilyar na fountain namin na may anghel na umiihi sa taas ay mas masigla tingnan ngayon. Mas berde rin ang bermuda ng garden at naging mukhang mas malinis ang bahay. Hindi ko alam kung dahil ba nandito ang lola o talagang ganito ang itsura ng bahay tuwing pasukan.

    “She’s okay. Hindi naman siya malupit. Hindi rin naman kami close. Just okay.” Sabi ko at bumaba na nang tumigil ang sasakyan.

    Bumaba na rin si Elijah. Ang dalawang kamay ay nasa bulsa ng kanyang jacket. Hinintay naming umalis ang sasakyan bago tumuloy sa loob.

    Hindi pa ako nakakalahati sa hagdanan ay naaninag ko na si papa sa pintuan. Nakalahad ang kanyang mga braso para yakapin ako. Tumakbo ako sa kanya at pinulupot ko ang braso ko sa kanyang katawan.

    “I miss you, pa.” Sabi ko.

    Hinalikan ni papa ang aking noo. Tumingala ako sa kanya at malaki ang ngiti niyang dumudungaw sa akin. Naririnig ko ang yapak ni Elijah sa hagdanan kaya kumalas agad ako kay papa para ilahad si Elijah.

    “Pa, si Elijah po.” Sabi ko.
    Tumango si papa at tinitigan si Elijah.
    “Elijah Montefalco po.” Naglahad ng kamay si Elijah kay papa.

    Mabilis namang tinanggap ni papa ang kamay ni Elijah. Ang singkit niyang mga mata ay mas lalong naningkit sa pagngiti niya.

    “Nabanggit ka ni Hendrix sa akin.” Ani papa.
    Nagulat ako sa kanyang sinabi.
    “Nag invest ka daw.” Tawa ni papa.
    Tumawa rin si Elijah at kinalas ang kamay niya galing kay papa. “Opo. Magaling po ang anak niyong humawak ng pera.”
    Tumango si papa. “Of course, he’s my son.”
    “Nag invest ka sa kompanya ni papa?” Tanong ko kay Elijah.
    Ngumisi lang siya at hinawakan niya ang kamay ko.

    Iniisip ko pa kung paano niya ginawa iyon. Bumaling ako kay papa na ngayon ay nakatoon ang pansin sa magkahawak naming mga kamay. Uh-oh.

    “Pa…” Panimula ko, hindi ko matingnan ang mukha ni papa.
    “I heard from Pierre na hindi ko raw pwedeng sabihin kay Helena na may kasama ka dito. Hindi ko naman sasabihin kay Helena kung may dadalhin kang kaibigan, o pinsan… but I’m curious. Bakit hindi ko pwedeng sabihin sa mommy mo, Klare?”
    Kinagat ko ang labi ko. Nararamdaman ko na gustong magsalita ni Elijah ngunit pinigilan ko siya sa pamamagitan ng pagpisil ng kanyang kamay. I need to explain this to my father.
    “Pa, I’m sorry kung itinago ko sa iyo ‘to… pero… si Elijah po…” Hindi ko iyon masabi. Nag angat ako ng tingin kay papa at nakita ko ang liwanag sa kanyang mga mata. Alam kong may alam na siya pero hinihintay niya akong magsalita. “Siya po ‘yong pinsan ko… na mahal ko.”

    Halos tumunog ang tainga ko sa sarili kong salita. Mahigpit ang hawak ko sa kamay ni Elijah. Hindi ako magtataka kung masasaktan ko siya sa pagkakahawak ko sa kanya.

    Hindi nagsalita si papa. Binuksan niya na lang ang pintuan at iminuwestra ang loob ng bahay namin. Naglakad kami papasok ni Elijah doon. Napansin ko ang mga bagong muwebles at ang puting kurtina. Ikinagulat ko ang walang tao sa loob. Inisip kong nandito si lola kasama ang mga pinsan at ibang relatives ko.

    “Sit.” Utos ni papa sabay turo sa aming sofa.

    Umupo kaming dalawa ni Elijah. Tumikhim si papa at kinuha ang isang tasa sa coffee table. Ang puting longsleeve polong kanyang sinusuot ay nagpapatunay na may trabaho siya ngayon at hinihintay niya lang ang pagdating ko.

    “Elijah… Montefalco?” Ani papa habang humihigop sa kanyang kape.
    “Opo.” Sagot ni Elijah. “Anak ako ni Exel-“
    “I know your dad… and your mom. Famous Exel Montefalco’s son.” Ani papa.
    “Pa, magpinsan po kaming dalawa.” Inulit ko.
    Bumaling si papa sa akin at umiling.
    “I brought disgrace to that name a long time ago. I’m doing it again now. I don’t deserve your daughter. Mabait po siya, selfless, perpekto. I’m a sinner for loving her too much. She’s too good for me. She deserved good things… and I’ll never be a good thing to her. But I’m trying my best to be one of the good things. I want to deserve her.”
    “Hindi kayo magpinsan.” Ani papa. “She’s my daughter. We don’t need to test her DNA. She belongs to me, it’s obvious.” Bumaling si papa sa akin. “Pero naiintindihan ko ang mga Montefalco. Lumaki kayong sabay.”
    “Pa!” Halos manginig ang boses ko sa pagtawag sa kanya.
    Tumango si papa. “Maraming taon pa para malaman kong karapatdapat ka ba sa anak ko. Bibigyan kita ng chance.” Ngumiti si papa kay Elijah.
    Tumingin ako sa seryosong mukha ni Elijah.
    “But this is a big blow to the Montefalcos. Very big blow.” Iling niya. “We can never undo history. Kung sana ay lumaki si Klare sa puder ko,” Nagkibit balikat siya. “You two will never happen. I will need her to find a chinese man and you two will never, ever meet. Pero dahil lumaki siya sa mga Montefalco…” Ngumuso si papa. “This is a very unusual thing.” Malalim ang kanyang inisip.

    Tahimik kami ni Elijah at hinayaan naming mag isip si papa habang umiinom siya ng kape. Narinig ko ang yapak ni tita Marichelle galing sa dining room. Kumalabog agad ang dibdib ko. Nang nagtagpo ang aming mga mata ay nakita ko ulit ang tiitg niyang walang ekspresyon. Walang duda, dito nakuha ni Pierre ang kanyang kilos.

    “Uuwi si mama ngayong lunch.” tumigil ang kanyang mga mata kay Elijah. “Klare, kumain kayo ng breakfast. Isama mo ang kaibigan mo.” Ani tita Marichelle at hinawi ang kanyang buhok bago bumalik sa dining room.
    “Muntik ko nang makalimutan! Kumain muna kayo. I’ll join you.” Ani papa at tinuro ang dining room.

    Nabunutan ako ng tinik sa mga narinig ko galing kay papa at sa inasta ni tita Marichelle. Bumaling ako kay Elijah na seryoso parin hanggang ngayon. Ngumiti ako at kakaibang init ang naramdaman ko sa aking puso. Sa wakas, matatanggap na kami!

  • Kabanata 44Open or Close

    Kabanata 44
    Granddaughter

    Kumakain kami ni Elijah sa dining table. Si papa ay nakaupo lang doon at sumisimsim sa kanyang kape. Hindi ko alam kung nasaan si tita Marichelle pero tingin ko ay nasa kusina siya at tumutulong sa mga katulong nila.

    “Hindi na ako magtatagal, Klare. May aasikasuhin pa ako sa site. You’ll be okay here. Handa na naman ang kwarto mo.” Ani papa at bumaling kay Elijah. “Are you going to stay here?”
    Umiling si Elijah. “Naka check in na po ako sa isang hotel. I’m good.”

    Gusto ko sanang sabihin kay papa na dito na lang muna si Elijah pero tingin ko ay mali iyon. Ayaw kong bigyan ng dahilan si papa na ayawan si Elijah. One step at a time na lang muna. Mabuti na iyong alam kong hindi galit si papa sa amin. Ang humingi ng isa pang pabor ay sobra na ata.

    “Dito na rin kayo mag lunch. Hintayin mo ang lola mo, Klare, bago kayo pumasyal. Kayong dalawa lang ba?” Tanong ni papa.
    Tumango ako. “Opo. Kumusta na nga po pala si lola?”

    Nilapag ni papa ang kanyang tasa at umupo ng maayos. Nakikita kong nahihirapan siyang sumagot.

    “She’s not in a good shape, Klare.”
    Tumango ako at uminom ng tubig.

    Kahit na hindi naman kami close ni lola ay hindi ko parin maiwasang makisimpatya at makaramdam ng awa. Lola ko siya. Nananalaytay sa akin ang kanyang dugo. Mahal ko siya kahit na hindi niya iyon kailanman nasuklian.

    Bata pa ako nang namatay ang lolo at lola ko na mga Montefalco. Ang tanging naaalala ko na lang ay mahilig silang mamigay ng mga kendi sa aming magpipinsan. Mahilig din sila sa mga regalo kaya masayang masaya ako pag kasama ko sila noon. Lubos ang iyak ko nang namatay si lola. Sumunod si lolo pagkatapos ng ilang buwan kaya medyo masakit ang taong iyon.

    Ngayong may lola ulit ako, gusto kong iparamdam sa kanya ang pagmamahal na halos hindi ko naiparamdam sa lola at lolo ko noon. Masyado pa akong bata noon para maintindihan ang kahalagahan ng pagmamahal at ang sakit ng pagkawala.

    “Mas gusto niyang sa bahay kasama ang mga pamangkin niya, kumpara sa ospital.” Umiling si papa. “Ni ayaw niyang magpa check up. Nag mi-maintain parin naman siya ng meds for high blood pressure at monitored din ang kanyang BP. In fact, nandito ang nurse niya sa bahay.”
    Tumango ako.
    “Hindi siya nagpipigil sa mga kinakain niya. Mas madalas din ang pagkakahilo niya these past few weeks. Tigas ng ulo ni mama.” Ani papa.

    Sa pagkakakilala ko naman kay lola, medyo may katigasan nga siya ng ulo. Hindi ko makalimutan kung paano niya ako pinaalis noon dahil hindi niya ako matanggap. May takot akong nararamdaman ngayon pero mas nangibabaw ang awa sa aking puso.

    I want to get to know her. I want to break the ice between us. Posible kaya iyon? Maybe I shouldn’t mention Elijah yet? Siguro ay kukunin ko na muna ang loob niya bago ko dahan dahang sasabihin sa kanya ang tungkol kay Elijah.

    Tumunog ang cellphone ni papa. Sumenyas siya sa amin at tumayo para sagutin ito. Nagkatinginan kami ni Elijah.

    “I still need to deal with my lola.” Paliwanag ko.
    Tumango siya. “Aalis ba ako?”
    Umiling ako. “Let’s see?”

    Bumalik si papa ng nagmamadali. Uminom siya ng tubig at nakapamaywang na humarap sa amin.

    “I need to go. Tawagan niyo ako kung may kailangan kayo. Sa opisina lang ako.”
    “Kelan uwi mo, pa?” Tanong ko dahil sanay ako noon na pag aalis siya patungo sa site ay naaabutan siya ng ilang araw bago makauwi.
    “I still don’t know. Just call me when you need me.” Ani papa at hinalikan niya ako sa noo. “Take care of her, Elijah. Treat this as your home.”

    Tumango si Elijah at pinanood namin si papa na umalis ng bahay. Tumikhim ako at bumaling kay Elijah na nakatingin na sa akin. Parang may barang nawala sa aming dalawa. Alam kong hindi iyon naging solusyon sa mga problema namin. Ganon parin naman, pagkauwi namin sa bahay, galit parin sila. Ngunit ang malamang may kakampi ka kahit paano ay nakakagaan sa pakiramdam.

    Nagvibrate ang cellphone ko sa tawag ni mommy. Siguro ay kanina pa siya tumatawag ngunit ngayon ko lang ito napansin. Sinagot ko kaagad ito at sinenyasan si Elijah na manahimik.

    “Mommy, nasa Davao na po ako. Nasa bahay na.” Pambungad ko.
    “Okay. Mabuti naman. Nag alala ako kasi di ka tumawag.”
    “Sorry, medyo pagod sa byahe at naghahanda po ako kasi mag uusap kami ni lola mamaya pag dating niya.”

    Hindi nakapagsalita si mommy. Akala ko ay naputol ang linya kaya sinulyapan ko muna ang screen.

    “My?”
    “Ayos ka lang ba? Sigurado kang makikipagkita ka sa… ama mo? Asan ang papa mo? Nandyan ba?”
    “Wala na po. Nasa trabaho.” Sabi ko.
    “Okay. Baba ko muna ‘to.” Ani mommy sa nagmamadaling boses.

    Kilala ni mommy si lola. Si lola ang taong kung ano ang gusto niya, iyon ang masusunod. Kahit si daddy ay hindi napapasunod si lola. Takot halos lahat ng mga relatives ko kay lola.

    “Is this your lola?” Tanong ni Elijah nang may nakita siyang picture ni lola sa taas ng piano sa sala.
    “Yup.” Tiningnan ko rin ang picture ni lola sa frame.

    Mas bata siya doon. Hindi rin gaanong singkit ang kanyang mga mata ngunit paper white ang kulay ng kanyang balat. Ganyang ganyan din ang balat ng mga relatives ko, masyado silang mapuputi, tulad o higit pa sa kaputian ni Claudette. Maputi rin naman ako, pero pag itinabi na ako sa kanila, makikita mo talaga ang diperensya ng balat nila.

    Kumunot ang noo ni Elijah. “Familiar.”
    “Magkamukha ba kami?” Ngumiti ako.

    Tulad ni Hendrix at Pierre, hindi rin gaanong singkit ang mga mata ko. Hindi ko nga lang alam kung kanino nagmana ang mga mata ko, kay mommy ba o kay lola.

    “Close ka ba sa mga relatives mo?” Nilapag ni Elijah ang frame at tumingin pa sa iilang medyo lumang picture ng mga tito at tita ko.
    Umiling ako. “Hindi ako tanggap.”
    Bumaling si Elijah sa akin.
    “Ang alam ko may mga pinsan ako sa mga Ty. Halos babae, I think? Pero hindi ko pa sila nakakasama ng matagal.” Kibit balikat ko.

    Nakatoon na ang buong atensyon niya sa akin ngayon. Umupo kami sa sofa at nagpalipas oras. Kahit sobrang lapit naming dalawa ay hindi naghahaplos ang balat namin.

    Sumulyap ako kay Elijah na ngayon ay nakahilig sa sofa, nakapikit ang mata.

    “Hindi ko parin matanggap na wala ako nong naghirap ka.” Aniya.
    Ngumiti ako. He’s overthinking. Totoong naghirap ako noon at mas maganda kung nandoon siya pero nalagpasan ko rin naman. “Naramdaman ko noon na wala talaga akong pamilya. Sa mga Montefalco, lamig lang ang natatanggap ko. Hindi ko rin naman kayang isubo ang sarili ko sa mga Ty dahil ayaw nila sa akin. I’m completely alone that time, Elijah. Hindi na kita mapapansin pag nandon ka pa. Siguro ay frustration lang ang maibibigay ko sayo.” Wrong. I just want to make him feel better. Alam kong malaking bagay kung nandon nga siya noon.
    “Anong ginagawa ko nong mga oras na ‘yon?” Dumilat siya at tumingin sa kawalan. “Party, booze, girls? Damn it!”
    Ngumiti ako. “Because you’re Elijah Montefalco, you can party, have your booze and girls.”
    Sumimangot siya at bumaling sa akin. “I’m Elijah Montefalco, and I can’t have you.”

    Nagkatitigan kaming dalawa. Nabasag lang ang titigan nang narinig ko ang mga yapak ni Tita Marichelle.

    “Klare…” Malamig niyang sinabi.
    “Po?” Tumayo agad ako sa gulat.

    Dammit, Klare! Ayan kasi, may patitig titig ka pa!

    “Nandyan na ang lola mo.” Ani tita.

    Tumango ako at walang pag aalinlangang sumunod sa kanya patungo sa double doors. Naaninag ko kaagad ang dalawang itim na sasakyan sa tapat ng pintuan namin. Lumabas ang mga driver at sinalubong nila si lola sa pintuan para alalayan. Nakita ko kung paano marahas na hinawi ni lola ang kamay ng umaalalay sa kanya.

    “I don’t need your help!” Aniya at medyo nanginginig na bumaba sa sasakyan.

    Isang kalabit na lang ay tutulungan ko na siya pero dahil alam kong aayawan niya ang tulong ko ay nanatili ako sa pintuan. Inayos ko ang sarili ko. Naramdaman ko si Elijah sa likod ko. Naglakad si tita Marichelle patungo kay lola.

    Lumabas na rin ang nagtatawanan kong mga tita. Sinalubong sila ni tita Marichelle at nakipag beso beso sila sa kanya. Ang isa kong tita ay may malaking sumbrero na halos liparin ng hangin kaya tumili siya.

    Lumabas ang isang pinsan kong lalaki, nasa high school pa lang at medyo hawig kay Pierre. Tumingin siya sa kabilang sasakyan. Lumabas din sa kabilang sasakyan ang dalawa kong pinsang babae, kasing edad ko lang at hindi ko alam ang pangalan. Nagtatawanan silang dalawa at medyo may halong chinese ang pinag uusapan nila. May lumabas pang tatlong medyo mas matandang babae sa kanila na parehong nakaputi at maitim ang buhok. May tinatawag sila sa loob habang sumusulyap sa akin.

    “Klare…” Tawag ni lola sa akin.

    Hindi ko alam kung guni guni ko ba iyon o ano pero tinawag ako ni lola sa pangalan ko! Gumuhit ang ngiti sa aking labi at umaliwalas ang aking mukha. Tinakbo ko ang hagdanan pababa nang sa ganon ay masalubong ko si lola para makapagmano.

    “Magandang tanghali po, lola.” Sabi ko.
    Nakikita ko ang pilit niyang ngiti. Bakas sa kanyang mga mata ang pagsusuri sa akin. “Asan ang papa mo?”
    “Nasa site po.” Sagot ko.
    Tumango siya at naglakad. “Sinong kasama mo papunta dito? Ang mga apo ko ba?”
    Umiling ako. “Busy po si Hendrix at Pierre sa Cagayan de Oro.”

    May mga binulong siyang hindi ko nakuha. Sinundan ko ang yapak niya samantalang ang ibang relatives ko ay nasa likod at nagbubulung bulungan. Naririnig ko parin ang tawanan ng mga pinsan ko.

    Nahihirapan si lola na umakyat sa hagdanan. Bago pa ako nakapag lahad ng kamay ay nauna na si Elijah. Mabilis siyang bumaba at naglahad ng kamay kay lola. Nag angat ng tingin si lola kay Elijah. Nanliit ang kanyang mga mata.

    “Sino ito?” Ani lola kay tita Marichelle.

    Bumaling ako kay tita na nanlalaki ang mga mata sa akin. Imbes na sagutin ko si lola ay nahagip ng paningin ko ang itim na pumps galing sa isang makinis na binti, pababa ng sasakyan. Nalaglag ang panga ko nang nakita ko ang seryosong mukha ni Selena. Inaayos niya ang kanyang itim na dress na may naka ekis na strap sa harapan. Ang buhok niyang umaalon ay sinusuklay niya gamit ang kanyang mga daliri.

    “Siya po si Elijah Montefalco, ama.” Sagot ng isang pinsan ko sa tabi ni Selena.

    Bumaling si lola sa kanila. Naghagikhikan ang mga pinsan ko. Napatingin ako kay Elijah na nakatingin na rin sa akin dahil sa gulat at nandito si Selena.

    “Selena, she’s your boyfriend?” Malaki ang ngiti ni lola. Malayong malayo sa ngiting ibinigay niya sa akin kanina. “So you are Exel Montefalco’s son?” Baling ni lola kay Elijah.
    “Opo. I’m actually here for Klare-“
    Tumawa ng pagkalakas lakas si lola at pinalakpak niya ng dalawang beses ang kanyang kamay. “Akalain mo nga naman. Selena, i-tour mo nga ang boyfriend mo sa loob ng bahay.”

    Bumagsak ang puso ko sa mga sinabi ni lola. Gusto ko siyang putulin at gusto kong sabihin sa kanya na hindi na sila ni Selena.

    Kitang kita ko ang pag iigting ng panga ni Elijah. I know he’s not going to shut up. Kaya naman inangat ko ang index finger ko sa aking labi at nanghingi sa kanya ng katahimikan.

    Nilahad niya ang dalawang kamay at nabasa ko sa kanyang bibig ang “What?”
    Umiling ako at nanatiling naroon ang kamay ko sa labi para maintindihan niyang ayaw kong magsalita siya.

    “Okay, ama.” Ani Selena at mabilis na hinalikan si lola sa pisngi.

    Tumatawa si lola. Tuwang tuwa sa nangyayari. Tinitigan ko si Selena sa pagbabakasakaling may paliwanag sa kanyang mga mata ngunit hindi niya ako tiningnan. Tumigil siya sa harap ni Elijah at nagkatitigan ang dalawa.

    Nagsimula nang umiling si Elijah kay Selena. Nakita ko ang mabilis na pagbabago ng ekspresyon ni lola sa ginawa ni Elijah.

    “Please, Ej?” Malambing na sambit ni Selena sa kanya.
    “Oh, ano pang hinihintay niyo? Selena’s been missing you, boy. It’s been hard on her. Nasa iisang isla kayo at hindi pa kayo nagkikita. What’s wrong? Chivalry is not yet dead. Prove it to her.” Halakhak ni lola.

    Kinagat ko ang labi ko. Sumulyap si Elijah sa akin at binuksan niya ang kanyang bibig. Kitang kita ko ang galit niya sa akin habang binabanggit ang mga salita.

    “Baka hindi pumayag ang pinsan ko’ng mamasyal ako nang wala siya.”
    Bumaling si lola sa akin. Umiling ako. “No, No…” Halos manginig ang boses ko. “It’s okay, Elijah. Go ahead.” Ngiti ko.
    “See? At gusto ko munang makipag usap rin kay Klare. Please accompany my grand daughter. Kanina pa ‘yan nakikiusap sa akin na samahan siyang mag shopping. I can’t. I’m too old.” Ngiti ni lola.

    Yumuko ako at pumikit. Gusto kong magalit kay Selena. Paano niya nagawang magpanggap kay lola na sila parin ni Elijah. Umusbong na rin ang galit ko sa aking sarili. Bakit ko na naman ito ginagawa? Dapat ay sabihin ko kay lola ang lahat. But is it the wisest thing to do right now? Ni hindi pa kami nag uusap ni lola! What if di niya tanggapin iyon at magiging dahilan pa iyon ng mas lalong pagka muhi niya sa akin? At paano pag kinausap ko muna siya bago ko sinabi, tsaka niya matatanggap?

    “Go, Elijah. I’m fine here. Be with Selena.”

    Hinawakan ni Selena ang braso ni Elijah. Napatingin ako sa mga daliri ni Selena na marahang hinahaplos ang brasong dapat ay sa akin. Nag iwas ako ng tingin kahit batid kong tinutusok ako ng matatalim na titig ni Elijah.

    “Oh yeah!” Sarkastiko niyang sinabi at dahan dahang naglakad palayo kasama si Selena.

    “Now, Klare… Let’s go. Hayaan mo na ‘yong pinsan mong makasama si Selena. We’ll have lunch inside.” Sabi ni lola at nagpatuloy siya sa paghakbang sa hagdanan.

    Nanatili ako sa kinatatayuan ko. Pumasok na rin ang mga pinsan kong nagtatawanan parin at chinicheer si Selena sa malayo.

    Selena’s her granddaughter! That means, we’re cousins? What the heck?

  • Kabanata 45Open or Close

    Kabanata 45
    Apo Niyo Rin Ako

    Inisip ko lahat ng sinabi ni Hendrix at Pierre tungkol kay Selena. Kung hindi ako nagkakamali, sinabi ni Hendrix na kaibigan niya si Selena at magkaklase sila noon. Bakit kinaligtaan niya ang isang importanteng detalye? Alam ng dalawa ang history namin ni Elijah bago pa lang kami nagkabalikan. Dapat ay naisip nilang importanteng sabihin sa akin na kadugo ko ang girlfriend ni Elijah noon.

    Hindi ko pa na oorganisa ang aking mga iniisip ay kinailangan ko ng makisabay sa mga relatives ko. Hindi ko rin mabalewala ang mga tingin nilang halos mandiri sa akin. Imbes na sila ang pagtoonan ko ng pansin ay si lola ang tiningnan kong komportableng nakaupo sa isa sa mga upuan sa dining table.

    “Hindi ko po ba tatawagin sina… Elijah at Selena?”
    Umismid siya sa akin. “Bakit mo tatawagin? Hayaan mo ang dalawa. Lalabas sila ngayon. Doon na sila sa labas kakain. Mamayang gabi ko na kakausapin ‘yong pinsan mo tungkol kay Selena.”

    Napatingin ako sa mga tita ko sa harap na nag uusap at sa mga pinsan kong katabi ko sa hapagkainan. Wala ba akong magagawa para maiwasan ni Elijah ang pagsama kay Selena? Damn!

    Hindi ako ginugutom kahit na masasarap ang bawat putaheng nilagay ng mga katulong sa mesa. Tuwang tuwa si Lola. Naalala ko tuloy ang sinabi ni papa na hindi siya nag iingat sa kanyang kinakain.

    “Mama, dahan dahan lang. Ang blood pressure mo.” Anang isang tita ko.
    “Huwag mo akong pangunahan halos lahat ng oras, Tania.” Mariing sinabi ni lola at nilagay na ang iilang seafood at karne sa kanyang plato.

    Natahimik ang isang tita ko. Napatingin siya sa akin at inirapan niya ako. Bumagsak ang tingin ko sa aking plato at nagsimulang maglagay doon ng iilang pagkain.

    “Kamusta ang negosyo nina Exel, Klare?” Tanong ni lola habang kumakain kami.
    “Maayos po.” Sagot ko.
    “Ayun lang ang isasagot mo? You should describe the site, describe their earnings… ilang truck na ba ang meron sila at ilang ektarya na ba ang lupa nila sa Surigao?” Nag abang si lola sa isasagot ko.
    “I… I’m not sure about the details, lola. Maybe we should call Elijah?”
    Umiling si lola at bumaling sa kanyang pagkain. “How disappointing. Montefalco ka pero wala kang alam sa negosyo niyo?”
    Lumunok ako. “Negosyo po ‘yon ng pamilya nina Elijah. Konti lang po ang alam ko.”

    Bakit pakiramdam ko ay kinakausap niya lang ako para malaman ang mga detalye tungkol kay Elijah? Pinilig ko ang ulo ko para mabura iyon sa isip ko. No. There must be a way to earn her attention.

    “Ty na po ako ngayon. Uh, two years ago, I changed my family name…” Kinagat ko ang labi ko.
    Hindi sumagot si lola. Nagpatuloy siya sa pagkain.
    “Ano ba talaga ang iniisip ni Ricardo, Chelle?” Tanong ng isang tita ko sa kay tita Marichelle.
    “She’s his daughter.” Kibit balikat ni tita Marichelle.
    “She’s a living reminder of Ricardo’s mistakes! At kaya mong tanggapin siya? How stupid!” Anang tita ko.

    Padarag kong nabitiwan ang aking mga kubyertos. I can’t do this. I can’t stay quiet. Napatingin ako kay tita Marichelle na ngayon ay pinapanood ang bawat galaw ko.

    “Tania, Ricardo’s mistakes. Not the girl’s mistake. Kung meron mang dapat mag dusa dito, si Ricardo iyon. Hindi ang anak niya.” Ani tita Marichelle.
    “Abomination. Wala pang ganitong eskandalo sa ating pamilya, mama. Hindi ko parin talaga matanggap.” Anang isang tita ko kay lola.
    “Mawalang galang na po, pero nakikinig po ako.” Bumagsak ang mata ko. “Mas gusto ko pong hindi ko naririnig ang mga ito.”
    “Luisa, tama na.” Ani lola.

    Gusto kong magpasalamat kay lola at pinatahimik niya ang mga tita ko. Masakit ang mga salitang binitiwan nila at lahat ng gana ko para sa araw na ito ay nawala na. Hindi ko na ginalaw ang pagkain ko. Dumungaw lang ako doon sa takot na mas lalong mag alab ang galit ko pag nakita ko ang mukha ng mga taong nasa mesa.

    “Ama, maayos kaya ‘yon si Ate Selena?” Tanong ng isa sa mga babae kong pinsan.

    Kung isasabay talaga ako sa kanila ay magmumukha akong hindi chinese. Singkit at masyadong mapuputi. Madalas din silang nag ma-mandarin at hindi ko iyon maintindihan.

    “With her boyfriend?”
    Kinagat ko ang labi ko sa salitang boyfriend. How will I tell her about that?
    “Of course. He’s Exel’s son.”
    “But he’s not chinese.” Anang isang frustrated kong pinsan.
    “Cristine, it doesn’t matter to me.” Ani lola.
    “Bakit sa akin po, hindi pwede?” Tanong ng medyo bigong pinsan ko. Kitang kita ko ang pamumutla niya sa huli niyang tanong.
    Matalim siyang tinitigan ni lola. “Because your filthy boyfriend is poor. And Jesse Co will be good for you.” Pahabol ni lola.

    Nagpabalik balik ang tingin ko kay lola at kay Cristine. Walang nagawa si Cristine. Nagpatuloy siya sa pagkain habang ang katabi niyang pinsan ko rin ay humahalakhak at nanunuya sa kanya.

    “How about Pierre and Hendrix, lola? Hindi po ba sila pwedeng magkaron ng girlfriend na walang dugong chinese?” Tanong ko.
    Tumango si lola. “Is that even a question? Your brothers are pure bloods. Raised by your father and Marichelle na parehong puro. I can’t let the boys be tainted. Isa pa, when you say girlfriend… that’s just a girlfriend. Hindi mag aasawa. Then that’s fine with me. Pero kung mag aasawa na.” Umiling siya. Hindi niya na kailangang dagdagan iyon.
    “Swerte naman pala ni Ate Selena.” Matabang na sinabi ni Cristine habang sinusulyapan si lola.

    Naisip ko ulit si Elijah at Selena na magkasama ngayon. Hindi ko alam kung nasaan na sila ngayon o kung nandito pa ba sila sa aming bahay. Inisip kong magtatapat ako sa tunay na relasyon namin ni Elijah pero inisip ko rin ang kalagayan ni lola sa ngayon.

    Pagkatapos kumain ay pinaupo siya sa sofa sa sala. May naka unipormeng babae ang nagmamasahe sa kanyang paa. Panay ang tingin ko sa labas. Wala ng bakas ni Elijah o ni Selena doon at inisip kong maaring umalis na ang dalawa. Hindi ko masisi si Elijah dahil ako ang nagtulak sa kanya palayo ngayon. Alam kong galit siya sa akin pero kailangan ko ito. Kung sasabihin ko kay lola ang totoo ngayon, kailangan wala siya.

    Hindi ko alam kung ano ang balak ni Selena o anong nangyari at bakit patuloy siyang nagpapanggap na sila pa ni Elijah. Alam kong malabong magiging kakampi namin siya. Sinaktan namin siya ni Elijah, ginamit siya ni Elijah, natural sa tao na magtanim ng galit sa mga taong nanakit sa kanila. I won’t blame her.

    “Mag pinsan po ba kami ni Selena, lola?” Tanong ko habang iniinda niya ang masahe sa kanyang paa.
    Umiling si lola. “Anak siya ng pamangkin ko. You don’t know? Hindi ba ay nagkita na kayo sa Cagayan de Oro? Galing siya ng Cagayan de Oro with her boyfriend.”

    Halos mapatalon ako sa salitang ‘boyfriend’. This is really wrong. Habang tumatagal na iniisip niyang sila parin ni Elijah ay mas lalong magiging mahirap ‘to. Nanlamig ang mukha ko habang iniisip kung paano magsisimula sa pag amin.

    “Kaninong anak po siya?” Not that I know anyone from their family. Hindi ko kabisado ang pamilya nila dahil hindi nila ako binigyan ng pagkakataon.
    “Pamingkin ko. Chiong. She’s a Chiong, Klare. Pinsan ni Ricardo ang kanyang daddy. Bakit ka nagtatanong?” Nanliit ang mga mata ni lola.
    “I was just curious.” Sabay iwas ko ng tingin.

    Mabilis kong inisip ang lahat lahat ng koneksyon namin ni Selena. Magkadugo kaming dalawa pero hindi direktang mag pinsan. Anak siya ng pamangkin ni lola. She’s not a Ty. Nakahinga ako ng malalim. As if that would make a difference.

    “Cristine!” Halos napatalon ako sa mariing tawag niya sa pinsan kong nasa kabilang sofa.

    Yakap yakap ni Cristine ang unan habang may katext sa kanyang cellphone.

    “Are you texting that kid again? I said you stop it!” Utos ni lola.

    Binaba ni Cristine ang kanyang cellphone at kita ko sa mga mata niya ang takot.

    “Mag i-eighteen ka na bukas. You will have Jesse Co as your escort. Huwag ka ng mangarap na makihalubilo sa lalaking iyan.” Ani lola.

    Si lola ang batas. Walang umaangal sa kanya dito. Alam ko ‘yon noon at ngayon ay napatunayan ko na. Kahit si papa ay walang nagagawa sa katigasan ng ulo ni lola.

    “You’re invited, Klare. Wear your best dress.” Singhap ni lola. “Siguro ay alam na rin ‘yan ng pinsan mo, I expect?”

    Pinaglaruan ko ang mga daliri ko at hindi ako sumagot kay lola. Narinig ko ang paghinga niya ng malalim.

    “I’m talking to you, Klare. Alam ba ‘yan ng pinsan mo?”
    Umiling ako. “Hindi po.”
    “Oh, well, siguro naman ay sinabi niya na ngayon sa pinsan mo. Young love, huh?” Ngumiti si lola.

    Kahit nakangiti siya ay alam mo talagang mahirap siyang kalabanin. Lalo na dahil kadugo ko siya. Lalo na dahil alam ko sa sarili kong mahal ko siya at gusto kong kunin ang loob niya, ngunit hindi sa ganitong paraan.

    “Hindi na po kasi sila nag uusap ni Elijah.” Sabi ko.

    Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang mabilis niyang paglingon sa akin.

    “Sino?” Lito niyang tanong.
    “Si Selena at Elijah po, hindi na nag uusap.” Sagot ko.
    “No way. They’re mag on, right?” Sabay tingin ng isa kong pinsan kay Cristine.
    Tumawa si lola. “They’re so in love? Paano sila hindi mag uusap? Siguro ay hindi mo lang napapansin.”
    Umiling ako kahit kita ko sa mga mata ni lola ang pagkairita. “Matagal na po silang hindi na talaga nag uusap.”

    Napawi ang ngiti ni lola. Tinitigan niya ako.

    “Break na po sila.” Tumingin ako sa mga daliri ko.

    Hinahanda ko na ang sarili ko sa dadating na masasakit na salita. Dumating ang isa sa mga tita ko at umupo sa tabi ni lola habang pinapanood ang pagmamasahe.

    “Ako naman ang sunod.” Ani tita.
    “What are you talking about, Klare? Puno ng kasinungalingan ang bibig mo.”
    Kumalabog ang puso ko sa panimula ni lola. “It’s true. Nong umalis po si Selena sa Cagayan de Oro, wala na po sila ni Elijah.”

    Hindi ko kayang tingnan ang mga mata ni lola.

    “Sandali nga!” Sigaw niya sa nagmamasahe. “Umalis ka dito!” Aniya at nagmamadaling umalis ang nagmamasahe.

    Nanlaki ang mga mata ni tita habang tinitingnan ako. Tumingin siya sa mga pinsan kong nasa kabilang sofa na walang imik dahil sa takot.

    “Sinasabi mo ba na nagsisinungaling si Selena? You have no right to accuse her!” Mariin niyang sinabi sa akin.
    “Ang sinasabi ko lang po ay ang totoo.” Mahinahon kong sinabi.

    Kahit na gusto ko na ring manggalaiti sa galit ay binantayan ko ang sarili ko. Na dapat ay kontrolado ko parin ang boses ko, ang emosyon, at ang pakikitungo ko sa kanya. Dahil kahit anong gawin ko, siya ang lola ko. Nanggaling ang ama ko sa kanya at mahal ko siya. Ito ang pamilyang pinangarap ko. Umalis ako sa Cagayan de Oro dahil hindi ako matanggap ng pamilya ko, ngayon, nandito ako para may masilungan. Pero ano na naman ‘tong pinasok ko?

    Sumikip ang dibdib ko.

    “Liar!” Sigaw ni lola sabay turo sa akin. “Wa’g na wa’g mong akusahan ang apo ko ng ganyan!”
    Nanlaki ang mga mata ko. “Pero apo niyo rin po ako.”
    “You are not my granddaughter!”

    Nalaglag ang panga ko. Tumayo ang mga pinsan ko at lumapit sa kay lola. Mabilis namang tumakbo si tita sa kusina para siguro tawagin ang iba ko pang tita at si tita Marichelle.

    “I’m sorry kung hindi niyo po nagustuhan ang katotohanan, but that’s the truth. Hindi ko po alam kung bakit patuloy na nagpapanggap si Selena bilang girlfriend ni-”
    “Bakit sila umalis kung ganon? Bakit pumayag ang lalaking isipin kong boyfriend parin siya ni Selena? You are one crazy girl!” Tumayo si lola.

    Nakaupo ako at hindi ko na alam kung tatayo ba ako at lalapitan siya o aatras ako. Galit na galit siya at natatakot ako sa maaaring mangyari sa kanya.

    “Kasi inutusan ko siya, ama…” Kinagat ko ang labi ko. Tinawag ko siyang ganon nang maisip niyang apo niya parin ako. Hindi ko magagawang magsinungaling sa ganitong bagay sa kanya. I treasure the whole family but I can’t lie this time.
    “Don’t you call me that!”

    Napatayo ako dahil lumapit na si lola sa akin. Umatras ako kahit na sofa lang ang nasa likod ko.

    “Bakit ka naman susundin ng pinsan mo? This is impossible! He can’t pretend for you! Kung tunay na wala na sila, hindi iyon aalis kasama si Selena. At kung may katotohanan nga ‘yang mga kasinungalingan mo ay maaaring nagkabalikan na ang dalawang ‘yon.”
    Umiling ako at umatras. “Inutusan ko siya na sumama. Pumayag siya dahil mahal niya ako.”
    Naningkit pa lalo ang galit na mga mata ni lola.

    Mabilis na dumalo sina tita Marichelle sa amin. Hinawakan nila ang braso ni lola. Marahas akong hinila ng isa sa mga pinsan ko at pakiramdam ko ay nakalmot niya ang braso ko. Mahapdi pero hindi ko ininda. Nanatili ang paningin ko kay lola.

    “Anong sinabi mo?” Nanginginig ang boses ni lola nang lumapit siya sa akin.
    “Klare! What are you talking about!??” Sigaw ni tita Marichelle.
    “This is what I’m telling you, mama!” Sigaw naman ni tita Tania.
    “Anong sinabi mo?” Tanong ulit ni lola sa mas mahinahong boses.
    Umiling ako. “Elijah is not my cousin. He’s a Montefalco, I’m not. Wala na po sila ni Selena. Ako ang mahal niya.”

    Mahapdi nang lumagapak sa aking pisngi ang mabigat na palad ni lola. Napaiyak ako sa pisikal at emosyonal na sakit.

    “He’s your cousin! At silang dalawa ni Selena ang dapat!” Turo niya sa akin.

    Hindi pa nakakaharap ang mukha ko sa kanya ay nakatanggap ako ng isa pang sampal galing sa isa kong tita.

    “You are just like your mother! Ang hilig hilig ninyong manulot! Makisawsaw sa mga relasyong hindi para sa inyo!” Sigaw ni tita.
    Kinagat ko ang labi ko. Tumutulo ang luha ko sa pisngi, sa baba… “Hindi na po sila ngayon. Matagal na po. At matagal ko na rin pong mahal si Elijah, bago pa siya umalis-”
    “He’s your cousin!” Turo ni lola sa akin.

    Wala akong ginawa kundi umiling nang umiling. Paano ko sasabihin o ipapaliwanag ang side ko sa mga taong hindi makikinig? Bago pa lang ako magsalita ay may katotohanan na silang pinaniniwalaan at wala silang panahon para dinggin ang kahit anong hindi sumasang ayon sa kanilang pinaniniwalaan. Ganon ka hirap. This is all futile. I love my family but they will probably never love me back.

    “Ano ka, hayop?” Sigaw ni lola. “Aso ka ba na kaya mong patulan ang sarili mong kapatid dahil lang sa tawag ng laman mo? You…” Turo niya habang pinipigilan siya nina tita Marichelle. “You are not a Ty. You will never be a Ty. You belong to nobody!”
    “La, please, pakinggan niyo po ako…”

    Alam kong hindi siya makikinig pero walang masama sa pagbabakasakali. Nawawalan na ako ng pag asa pero may kaonti paring natitirang naniniwala sa akin. Naniniwala ako na kahit gaano ka ka galit sa isang tao, pag pamilya mo sila, maaawa ka parin sa kanila.

    “Hindi po kami magpinsan ni Elijah. Wala na po sila ni Selena. Hindi ko po alam kung bakit sinasabi ni Selena na sila parin, pero iyon ang totoo. If you want, we’ll ask Selena together.”
    “Sulutera ka, Klare. You’re a bitch, just like your mother!” Sigaw ng isa kong tita.
    “Tania, tama na!” Sigaw ni tita Marichelle.

    Nagkatitigan ang dalawa. Tinuro ako ni tita Tania habang nakatingin siya kay Marichelle.

    “Chelle, manang mana sa kanyang pinanggalingan! Kitang may relasyon ay sumasawsaw. She’s a bitch, too! Totoong kung ano ang puno ay siya rin ang bunga!”
    Umiling ako at tumingin kay tita Marichelle. “Tita, hindi po ‘yan totoo.”
    “Don’t you dare call Marichelle your tita!” Sigaw ni lola sa akin.

    Lumapit ako kay lola ng dahan dahan habang walang tigil na tumutulo ang luha ko. Sinubukan kong hawakan ang kamay niya.

    “La, please, kausapin niyo si Selena.”
    “You’re a liar.” Ani lola.
    Umiling ako. “Hindi po ako ganon, la.”
    “Don’t you call me ‘lola’! You are not my granddaughter! You are dirty for loving your cousin. Disgusting for seducing someone else’s boyfriend. Sinungaling na bata ka. Hindi ka kasi pinalaki ng mga Ty. You’re a disgrace to this family!”

    Tinapon niya ang kamay ko at tinulak palayo. Muntik na akong madapa ng patalikod at parang walang nangyari sa kanila. Tiningnan lang nila akong lahat na para bang may malaking barrier sa gitna namin.

    “You will never belong to us. You will never be our family!” Sigaw ni lola at mabilis na bumigat ang kanyang paghinga.
    “Mama!” Nakakabinging sigaw ni tita Marichelle.

    Hinabol ni lola ang kanyang hininga. Pinalibutan siya ng mga tita ko at ginabayan sa pag upo. Narinig ko ang iyak ng mga pinsan ko sa gilid. Nakatunganga ako sa kanilang harapan, guilty sa nangyari, at sobrang takot na baka kung mapano si lola dahil sa akin.

    Humakbang ako palapit sa kanila para makita ng mas maayos si lola. Mabigat ang hininga niya. Tumakbo ang nurse at may pinainom sa kanyang mga gamot. Ang isang nurse ay kumukuha na ng kanyang blood pressure.

    Bumaling sa akin ang umiiyak na mga pinsan ko at tinulak nila ako palayo doon.

    “Lumayas ka dito!” Sigaw ni Cristine.

    Hindi parin mag sink in sa akin ang nangyari.

    “She’s okay. Kailangan niyang magpahinga.” Sabi ng isang nurse sa kay tita Marichelle.

    Matalim ang mga mata ng mga tita ko nang bumaling sila sa akin. Alam kong ipapatapon na nila ako sa labas ngunit hindi ako makagalaw dahil sa nangyari.

    “Umalis ka na dito! Lumayas ka!” Sigaw ng isang tita ko.

    Hindi parin ako makagalaw. Tumingin ako kay tita Marichelle na mas kalmado sa kanilang lahat.

    “Klare, sasama ang pakiramdam ni mama pag nandito ka. Mas mabuting umalis ka na lang muna.” Ani tita Marichelle.
    Tumango ako. Kasabay ng pagtango ko ay pag tulak sa akin ng isa ko pang pinsan. “Layas sabi! Sampid ka dito! Sampid!” Sigaw niya.

    Pinipiga ang puso ko. Tiningnan ko silang lahat isa-isa. I guess I really don’t belong anywhere. Walang pamilyang tatanggap sa akin. Now, I’m lost. At siguro ay dahil sa galit ni Elijah, pati siya ay nawala ko na rin.

    “What the hell are you waiting for, bitch? Go away! Dirty rat!”

    Bumuhos ang luha ko nang tinalikuran ko sila. Pinunasan ko ito habang tumatakbo ako palabas dala dala ang mga gamit ko.

  • Kabanata 46Open or Close

    Kabanata 46
    All Here

    Napag isip isip kong maaaring wala pa si Elijah sa hotel. Gusto ko sanang pumunta doon ngunit ayaw kong tumambay sa labas ng kanyang pintuan, maghapon. Nagsisi agad ako kung bakit hindi ko kinuha ang kanyang cellphone number.

    Sumakay ako ng taxi patungong Magsaysay Park, ngunit siguro ay hindi ako narinig ng maayos ng driver kaya sa People’s Park niya ako hinatid. Hindi na ako nagreklamo. Wala na akong naging panahon dahil bumubuhos ang mga luha sa mga mata ko.

    Love is both a strength and a weakness.

    Umupo ako sa isa sa mga bakanteng bench. Kitang kita ko ang mga couples sa harap ko na sobrang sweet sa isa’t isa. Wala silang kinakatakutan at walang pamilyang umaangal sa kanila. Mahal ko ang pamilya ko. Sila ang nagbibigay ng lakas sa akin. Pero sa mga panahong ito, sila ang humihila sa akin pababa. I have to remember that they love me too. Talagang mali lang sa kanila ang ginagawa kong ito. I couldn’t blame them fully. Pero sana naman ay bawasan ang pang iinsulto at pang mamaliit sa akin.

    Pinaglalaruan ko ang luggage sa tabi ko habang pinagmamasdan ang bawat taong dumadaan. What will happen now? Dalawang pamilya na ang nagtakwil sa akin. Tinakwil na rin si Elijah ng pamilya namin dahil sa akin. I am the cause of all these pain. I couldn’t blame anyone. Talagang sarado lang ang pag iisip nila tungkol dito at maaaring hindi ko na mababago iyon.

    Napatalon ako nang tumunog ang cellphone ko. Nakita ko ang pangalan ni Pierre sa screen.

    Inisip ko na kaya nila sinabi sa akin noon na kaibigan lang nila si Selena ay dahil hindi sila close sa kanya. Hindi naman sila direktang magkamag-anak. Kamag anak siya ni lola at maaaring sa mga gathering ng mga Ty ay hindi nakakasama si Selena. Tinanggap ko ang explanation na iyon sa aking utak at sinagot ang kanyang tawag.

    “Hello?”
    Hindi agad nagsalita si Pierre.
    “Pierre?” Nanginig ang boses ko kaya kinagat ko kaagad ang labi ko.

    Ayaw kong malaman nilang may nangyayaring masama dito sa akin. I don’t want them to worry.

    “You… okay? Are you… mad?” Nanginginig din ang kanyang boses.
    Umiling ako habang tumutulo ang aking mga luha.

    Ito siguro ang dahilan kung bakit parang may inililihim silang dalawa sa akin.

    “I’m not.” Matapang kong sinabi.
    “K-Kumusta kayo ni lola?”
    Hindi ko siya sinagot. Imbes ay inilihis ko ang usapan. “Apo rin pala ni lola si Selena, no?”

    Narinig kong nagmura siya sa kabilang linya. Halos makita ko ang mga pinsan kong Montefalco dahil sa lutong ng pagmumura niya. May narinig akong boses na nagtatanong kung anong nangyayari. I assumed it was Hendrix.

    “Anong nangyari? I-I’m sorry. We’re sorry.” Mabilis na sinabi ni Pierre.
    “Pierre, akin na.” Dinig kong sinabi ni Hendrix.
    “No, Kuya, I need to talk to her.” Ani Pierre. “Klare…”
    Tumango ako. Hindi na makapagsalita dahil sa pagbabara ng lalamunan.
    “Ano na ang nangyari? Dinala mo ba si Elijah sa bahay? Dapat ay sinabi namin agad, e. Kaso hindi ko alam kung paano.”
    “Ba’t di niyo sinabi?” Tumindig ang balahibo ko nang narinig ko ang pagkabasag ng sarili kong boses. Humikbi ako at narinig ko ang iilan pang mura ni Pierre.

    Narinig ko rin ang mga boses sa kabilang linya. Nagkakagulo sila. Hindi ko alam kung sino ang kasama nila pero sa ngayon ay mas importante sa akin na kumalma ako. Ayaw kong mag alala ang mga kapatid ko pero hindi ko mapigilan ang pag iyak.

    “Listen, Klare. We’re sorry. Malaki ang pamilya ng mga Chiong at hindi unique ang apelyido nila.” Si Hendrix na ngayon ang nasa linya. “Sa Ateneo de Davao noon, marami kaming mga Ty, may mga Go, may Co, may mga Chiong, at iba pang chinese family. Hindi namin alam kung sino ang relative nino.” Bumuntong hininga si Hendrix. “We care only for our first degree cousins. Iyon ang lagi naming nakakasama. Last reunion, doon lang namin nakilala si Selena, bilang parte ng pamilya nina lola. We are truly sorry.”

    No. Actually, it doesn’t matter to me. Kung naging kapatid ko man si Selena ngayon, it just doesn’t matter. Elijah is in love with me and I love him back. We should be together. Hindi ko siya kayang ibigay sa mga taong nangangailangan sa kanya, sa mga taong hindi niya naman mahal. No. Yes, I love my family. But I’m not selfless enough to pretend that it’s okay to give him away. I will fight for this. I will fight for him.

    “It’s okay.” Sabi ko.

    Tahimik ang kabilang linya. Akala ko ay naputol na.

    “Where’s Elijah? Kasama mo?” Tanong ni Hendrix.
    “No. He’s with Selena.” Hindi ko maitago ang tabang sa boses ko.

    Hindi ulit nagsalita si Hendrix. Hindi ko alam kung anong iniisip niya o kung masama ba ang loob niya sa nangyayari.

    “What do you mean ‘it’s okay’, Klare? You mean everything’s okay for you? Maayos ka na magkasama si Elijah at Selena ngayon? Are you giving him up?”
    “No.” Sabi ko.
    “Then why are they together? Mina manipulate ka ba ni ama? Klare, what’s happening?” Natatarantang sinabi ni Hendrix.

    Napatayo ako nang narealize na kailangan ko ng hanapin si Elijah. Papalubog pa lang ang araw at kung seryosong desperada si Selena ay hindi niya papakawalan si Elijah hangga’t di niya ito makukuha ulit. Kaya lang ay kailangan kong magbakasakali na nakauwi na siya sa hotel. I need this chance. I need to stay there and wait for him. Kahit na walang kasiguraduhan kung babalik pa ba siya o hindi na.

    “Rix, talk to you later. Aalis lang ako.” Sabi ko agad habang kinukuha ang luggage ko.

    Binaba ko ang cellphone ko at nagsimulang maglakad palabas ng People’s Park. It’s time to stop crying and move.

    “Manong, sa Marco Polo.” Sabi ko sa driver ng taxi at sumakay na agad.

    Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ni Elijah pag nagkita kaming dalawa. Pero alam kong galit iyon. Galit siya sa akin dahil sa ginawa ko. Siguro ay sumagi sa isip niya na ipapaubaya ko na naman siya sa iba para sa pamilya ko.

    Nang tumigil ang sasakyan sa tapat ng hotel ay mabilis na akong nagpunta sa elevator. Ni hindi ko na nilingon ang magandang tanawin ng swimming pool ngayong gumagabi na.

    Sa tamang floor ako bumaba at medyo nahirapan ako sa mala-maze nitong corridor. Nang natagpuan ko na ang room ni Elijah ay prepared na ako para umupo sa sahig at maghintay sa kanya. Isang pihit sa door handle ay nalaman kong bukas iyon. He’s inside! Dahan dahan ko itong binuksan. Dim ang lights. Ang tanging may ilaw ay ang maliit na lamp malapit sa kama at ang ilaw galing sa mga building sa labas.

    Nakahiga si Elijah sa kama, pinaglalaruan ang lowerlip. Tiningnan niya akong pumasok ngunit hindi niya ako nilapitan o kahit ano. I’m sure he’s angry.

    Dinala ko ang luggage ko sa gilid ng sofa at tinanggal ko ang jacket ko. Walang nagsalita sa aming dalawa. Kung hindi siya galit ay kanina niya pa ako pinaulanan ng mga tanong.

    Tumingin ako sa kanya at nakatingin lang din siya sa akin. Kumikinang ang kanyang pagod na mga mata. Naka puting t shirt siya at isang jersey shorts. Magulo ang kumot sa kama. Patay ang TV. Ang ilaw sa lamp lang ang nagliliwanag sa kanyang mukha.

    “Sorry.” Sabi ko, lumalapit sa kama.

    Hindi siya umimik. Nag iwas siya ng tingin sa akin. Gumapang ako sa kama sa tabi niya. Gumalaw siya para mabigyan ako ng lugar.

    “I’m sorry.” Ulit ko habang nakatingin sa kanya kahit hindi naman siya nakatingin sa akin. “Hey…”

    Hindi parin siya tumitingin sa akin. Dinig ko lag ang mabigat niyang hininga at ang patuloy niyang paghaplos sa kanyang labi.

    “Elijah…” Malambing kong sinabi.
    Pumikit siya. Hinawakan ko ang baba niya at hinarap ko ang mukha niya sa akin.
    “Elijah, sorry. Nagulat ako nang nandun si Selena. Hindi ko alam na relative siya ng mga Chiong. Wala akong alam.”
    “Pinaubaya mo ako sa kanya.” Galit niyang sinabi at hinawi niya ang kamay ko.
    “Gusto kong magpa good shot muna kay lola bago ko sabihin sa kanya ang totoo.”
    “That’s never a good shot. To lie is never a good shot.” Mariin niyang sinabi.
    “White lies, Elijah. Gaya ng ganiwa mo noon kay Selena. Para makauwi ka.” Sabi ko.
    “Well, Klare, you don’t know how to use white lies. You should get yourself a teacher from hell.” Aniya.
    “Elijah…” Hinawakan ko ang braso niya.

    Dinungaw niya ang kamay kong nakahawak sa kanyang braso. Lahat ng sakit kanina ay nawala. Ang makita siya, maramdaman siya, makasama siya, ay nakakawala ng sakit at pagod para sa akin. I could live like this forever.

    “Don’t talk to me.” Aniya sabay talikod sa akin.

    Ngumiti ako dahil kitang kita sa pag irap niya na konting kalabit na lang ay bibigay na siya.

    “Elijah, I’m really sorry. Mali iyong nagawa ko. But still, kinailangan ko iyon sa panahong iyon. I need to gain my grandma’s trust.”
    “To gain your grandma’s trust, you want me to date Selena, Klare? Ganon ba iyon? Sakripisyo na naman ako para sa pamilya mo?” Humarap siya sa akin.

    Ngumuso ako. He really is mad at me. Naiintindihan ko naman. That was a stupid plan.

    “No. I just want to buy time bago-“
    “Binili na natin lahat ng oras sa Cagayan de Oro pa lang.” Humalukipkip siya. “I’m not mad because you’re choosing your family over me. I’m mad because it’s easy for you to drop me everytime.”
    Yumuko ako.
    “Okay, that’s a lie. I’m also mad because you always choose your family over me. Not that it’s bad. That’s a good thing. Damn! Fuck! Very good thing!” Nag iwas siya ng tingin.

    Napatingin ulit ako sa kanya. Hindi na siya makatingin pabalik sa akin ngayon.

    “Makes me want to be your family. So you will love to choose me all the damn fucking time.”

    Kinagat ko ang labi ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Gusto kong magtanong kung ano ang ginawa nila ni Selena ngunit pinigilan ko ang sarili ko. I need to win him back and a jealous Klare can’t win him back.

    “Sorry. Hindi naman sa ganon, Elijah. If I can keep you both, I will. I want to keep you both. I love my family.”
    “I know.” Aniya, may bakas paring galit sa boses.
    “Pero, kung hindi nila tayo kayang tanggapin, Elijah. You know I’ll stay with you.”
    Napatingin siya sa akin. “I didn’t know you will.”
    “I will.” Mariin kong sinabi.
    “Alam kong importante sa’yo ang pamilya mo, Klare. And it’s also important for me that you’re happy. Just don’t… don’t give me away like that. Don’t you ever give me away. Hindi ko magagawa iyon sa’yo. Kahit sa utak ko, hindi ko kayang binibigay kita sa iba. I’m going to jail pag nakita kong may nakahawak sayong iba. Trust me. Halos mapatay ko si Rafael nong nakita kitang kasama mo si Vaughn.”

    Yumuko ulit ako. Erin’s right.

    “You own me, baby. But please don’t give me away. I can’t do that. And if you ask me to pretend again tomorrow, then I’m telling you, we’re going straight to your father.”
    Umiling ako. “I will not ask you to pretend, Elijah. ‘Yon lang ‘yon para sana makausap ko ng walang galit si lola sa akin. Napag alaman kong ang mga utak at pusong sarado ay mahirap ng buksan. Kaya kong maghintay kung kailan nila bubuksan ang kanilang mga puso sa atin pero hindi ko kayang maghintay ng wala ka.”

    Nanginig ang boses ko nang naalala ko ulit ang mga masasakit na sinabi ng mga kamag anak ko kanina.

    Hindi na ako makatingin sa kanya. Naramdaman ko na ang haplos niya sa pulso ko. Pinipiga ulit ang puso ko dahil nakakapagod ang haplos niya. Gusto ko na lang nagpahinga sa piling niya at gusto ko ring sabihin sa kanya kung bakit ako nasasaktan ngayon.

    “Elijah, I lost my family.” Umiyak ako sa harapan niya at hinila niya ako palapit sa kanya.

    Humikbi ako sa kanyang dibdib. This is my home. This is my forever. Hindi bale na ang lahat, wa’g lang siyang mawala talaga.

    “From now on, I’m your family, Klare. Ako lang.” Bulong niya.

    Tama siya. I love him so much. Siguro ay dapat ma appreciate ko na lang ang mga taong sumusuporta sa amin at hindi na ako mamimilit sa mga taong may ayaw. I’m done trying. I’m done crying. It’s time to fight. They will have to deal with my decision. Kung tatanggapin nila kami, mabuti. Kung hindi naman, I will not try to open their minds. They can close it forever.

    Pinunasan ko ang luha ko. Nanatili ako sa kanyang dibdib. Hinahaplos niya ang likod ko.

    “I’m sorry talaga.” Sabi ko, bakas parin ang hikbi sa bawat salita.
    “Yeah, alright, I’m really mad.” Aniya.
    “You’re mad pero kinocomfort mo parin ako.” Sabi ko habang tulala sa kawalan. Nakasandal ang aking ulo sa kanyang dibdib.
    “Of course, I’m in love with you, Klare. Inis ako sayo pero mahal parin kita.”
    “I’m really sorry.” Sabi ko. “Bakit kaya hindi sinabi ni Selena kay ama na wala na kayo?”
    “Because dad will know pag nalaman ng ama mo.” Ani Elijah.
    “She’s trying to protect us.” Sabi ko.
    “And she wants me back, too.” Bulong niya sa akin.

    Napatingin ako sa kanyang mukha. Kita ko ang seryoso niyang mga mata. Sinusuklay niya ang buhok ko gamit ang kanyang daliri.

    “Anong sabi mo?”
    “Ayon, umuwi ako dito.” Ani Elijah.
    “Were you mean to her?”
    Kumunot ang kanyang noo. “I don’t know.”

    Alam kong oo ang sagot non. I know this boy and I’ve seen him break some hearts.

    “Sorry kasi nilagay kita sa ganong sitwasyon.” Sabi ko at hinawakan ko ulit ang braso niya. Lumipad ulit ang mga mata niya sa kamay ko.

    Hinilig ko ang aking ulo sa kanyang dibdib. Huminga siya ng malalim at pinulupot niya ang kanyang kamay sa akin. Nagkadikit na ang mga binti naming dalawa sa kama.

    Kinagat ko ang labi ko. We’re intimate.

    “Hindi ka nagugutom?” Bulong niya sa akin.
    “Hmmm. Medyo. Oorder tayo?” Tanong ko at tinagilid ko ang ulo ko.
    Hinalikan niya ang tainga ko. “Later.”

    Halos mapatalon kaming dalawa nang biglang sumabog ang pintuan namin dahil sa mga taong pumasok sa aming kwarto.

    “Ito ba? Ito ba?” Dinig na dinig ko ang boses ni Azi at ni Erin na nag tatanong sa iritadong si Hendrix.

    Pumasok silang lahat sa kwarto namin ni Elijah at wala akong nagawa kundi tumunganga habang pinapanood silang nagugulat din sa amin ni Elijah.

    “What the fuck? May gana kayong magulat kahit na kayo ang nanggugulat?” Sigaw ni Elijah sa mukha ni Josiah na nakanganga, hawak hawak ang strap sa kanyang backpack.

    They are all here. My cousins! And my brothers!

  • Kabanata 47Open or Close

    Kabanata 47
    Catch Up

    Nabasag lang ang awkward na katahimikan nang nagsalita si Hendrix.

    “Sorry, Elijah. They were too excited.” Ani Hendrix sabay tingin sa nakasimangot na Elijah ngayon.
    “Bakit kayo nandito?” Tanong ni Elijah at nagsalin ng tubig sa may coffee table.

    Tumayo naman ako para makita silang lahat. Inisa-isa ko silang tiningnan at ang bawat isa sa kanila ay may dala dalang gamit. May malaking luggage si Azi at Claudette. Ganon din si Erin. Si Josiah, Damon, Rafael, at Knoxx ay parehong naka pack bag. Nagsiksikan sila sa aming living room. Umupo si Azi at hinaplos niya ang sofa.

    “Ah! Finally!” Bumuntong hininga siya.

    Napatingin ako kay Erin na nag iwas naman ng tingin sa akin. Malaki ang ngisi ni Claudette nang nilapitan niya ako. Kinakabahan ako pero mas nangibabaw ang kagalakan ko dahil nakita ko ulit sila.

    “Ang sakit ng ulo ko pero ayos lang.” Ngumisi si Claudette at niyakap ako.

    “Nagpumilit sila. Nasa school kami ni Pierre nang nilapitan ako ng mga pinsan mo na saan daw ‘yong bahay namin sa Davao.” Sumulyap si Hendrix sa mga pinsan ko. “Bukas pa sana kami pupunta dito ni Pierre kaso…” Nag kibit balikat siya.

    Nilaapg ni Elijah ang kanyang baso at nakipag high five siya kay Rafael at Damon.

    “Dude, where have you been?” Ani Azi, siya lang ang nakaupo sa sofa.
    “Oo nga!” Dagdag ni Joss sabay lahad ng kamay kay Elijah.
    “Kina Rafael.” Ani Elijah.
    “What?” Sigaw ni Azi. “Nasa kina Rafael ka lang?”
    “Teka, sinong nagsabi sa inyo na magkasama kami ni Klare dito?” Tanong ni Elijah sa kanila.
    “Me.” Amin ni Damon. “Nakita ko ang data ng flight mo sa computer ni Rafael.”
    Umiling si Rafael. “So nosy.”
    “You left your wife?” Tanong ko kay Damon dahil nakita kong tatlo lang ang babaeng narito, si Erin, Chanel, at Claudette.
    “Alam niya. Siya ang nag encourage, actually.” Ani Damon.
    “Alam ba ng mga magulang natin na nandito kayo?” Tanong ni Elijah.
    Umiling silang lahat. “We told them, mag a-outing lang sa Midway.” Sabi ni Knoxx.
    “Who would believe that reason?” Ani Elijah.
    “Mga parents natin.” Sagot ni Azi. “Apparently, tinulungan tayo ng mga kapatid mong makaalis. Hindi sila sumama pero sila ang nag encourage sa amin. We brought your Chevy by the way. Say thanks, please?”
    “What? You brought my car? How?”
    Nanlaki ang mga mata ko. That’s why they’re all exhausted! Nag land trip silang lahat. “Oh my God, Rix? Nag land trip kayo?” Tanong ko at binilang agad ang oras.

    Mag aalas otso na non ng gabi at binilang ko pabalik ang oras. Walong oras ang byahe patungong Davao.

    “Brought four cars. Your Chevy, Josiah’s, Rafael’s, and ours.” Ani Knoxx.
    “Kayo, Pierre?” Tanong ko sa kapatid kong mukha ring pagod.
    “Land trip din. Hindi kami nagkasya sa airplane. We were too many. Tss.” Ani Pierre at lumapit sa akin.

    Umupo si Claudette sa tabi ni Azi at hinilig niya ang kanyang ulo doon.

    “Tabi, Dette.” Sabi ni Erin sa kay Claudette habang hinahawi ang maiksi niyang buhok.

    Nagsiksikan silang lahat sa sofa ng room namin.

    “Klare, tinawagan mo na ba si daddy? Anong nangyari? Anong sinabi ni lola? Uuwi ka ba ng bahay?” Sumulyap si Hendrix kay Elijah.
    “No…” Sagot ni Elijah. “She’s staying here.”
    Nag igting ang panga ni Hendrix at bumaling ulit sa akin. “Why, Klare?”
    “Kasya tayo lahat sa bahay. Marami kaming guestrooms.” Sabi ni Pierre sabay sulyap sa mga pinsan kong nasa sofa.
    “We don’t need your hospitality. We can afford.” Singhal ni Azi.
    Napatingin ang kapatid ko sa kanya. Si Azi naman ay nakipag usap kay Josiah tungkol na naman sa pagkawala ni Elijah at parang wala siyang sinabing ganon kay Pierre.

    Hinawakan ko kaagad ang braso ni Pierre. Hindi ito ang panahon para mag away-away. Marami akong tanong. Gusto kong malaman kung bakit sila nandito? Kung ano na ang mga alam nila? Ngunit alam ko rin namang medyo pagod na silang lahat kaya mas maigi sigurong magkaroon muna sila ng matutuluyan. Alam ko ring maraming tanong si Pierre at Hendrix sa akin. Pero uunahin ko muna ang mga Montefalco.

    “Okay, may room na kayo?” Tanong ni Elijah sa mga pinsan ko.
    “Yup. Booked near you. Two Executive suites, tulad nito.” Ani Rafael sabay wagayway sa mga cards.
    “Paano niyo nalamang nandito kami?” Tanong ko sa kanila.
    “Hendrix, Klare. I told him kung saan ako tumutuloy.” Ani Elijah.

    Napansin kong magkasundo si Hendrix at Elijah. Sa pagkakaalam ko ay ginawang pribado ni Elijah ang data niya sa hotel na ito kaya impossibleng ma track kami ni Rafael o ni Damon. Kaya pala… it’s my brother.

    “Hindi ka uuwi, Klare?” Tanong ni Pierre.
    “Pierre, I can’t. Kahit si tita Marichelle, pinalabas ako ng bahay.”
    “Who’s tita Marichelle?” Nalilitong tanong ni Channel.
    “Their mom, Chan.” Sagot ni Claudette at kinagat niya ang kanyang labi.
    “Bakit hindi mo tinawagan si dad? For sure may magagawa siya!” Sabi ni Pierre.

    Nakita ko agad ang pag ko-contact ni Hendrix ng kung sino sa kanyang cellphone. Kinabahan ako tuwing naiisip kong si daddy ang tinatawagan niya. Mabilis ko siyang pinigilan.

    “Rix, wa’g na lang muna. May sakit si lola. Inatake siya kanina kaya pinaalis ako ng mga tita ninyo. Bukas, we’ll tell papa. Masyado ng gabi ngayon para problemahin niya ito. Tsaka, pagpahingahin muna natin si lola.”
    “Klare, you’re my sister. Bahay mo rin iyon.”
    Umiling ako. “Let’s face it, Rix. I’m not welcome. Bukod sa hindi maganda tingin nila sa akin ay dinagdagan pa ng problema kay Selena.” Sabi ko.
    “What Selena?” Putol ni Erin.

    Nagulat ako nang nalaman kong wala silang alam na relative namin si Selena. Wala silang alam tungkol doon at nagtaka agad ako kung bakit sila nandito.

    “Apo ni lola si Selena.” Sagot ko kay Erin.
    “What?” Nagkatinginan ang mga pinsan ko.

    Suminghap si Hendrix at umiling. Pabalik balik ang kanyang lakad at tumigil siya nang nakapag desisyon.

    “Ganito, we’ll let you stay here. Okay, Klare? Catch up kayo sa mga na miss ninyo-“
    Pinutol ko kaagad si Hendrix. “Hindi nila alam? Akala ko alam nila at…” Hindi ko maitago ang kaba ko.

    Umatras agad ako at lumapit kay Elijah na kausap ni Azi at Josiah.

    “Why are you all here?” Tanong ko. Hinahanda ko na ang sarili ko sa mga masasakit na sagot nila.
    “Alam naming hindi ka tanggap ng lola mo, Klare. At nalaman din namin kay Damon na pupunta ka dito kasama si Elijah. Inisip namin na kung magtatanan kayong dalawa, kailangan naming i-convince kayo na huwag.”
    Nalaglag ang panga ko. They’re here to stop us?
    “You’re doing it wrong, Chan.” Putol naman ni Knoxx. “We’ll fight with you. Unti unti nating sabihin sa parents nating lahat na okay lang kayo. Okay lang na ganito ang set up. Walang mag tatanong at mangungutya kung maayos sa ating lahat ang sitwasyong ito.”
    Tumango ako at medyo naliwanagan. Ngunit hindi parin ako makapaniwala na okay na sa kanilang lahat ang sitwasyon namin ni Elijah. Si Claudette at Azi ay parehong sang ayon, noon pa man. Si Chanel, Knoxx, Damon, at Josiah ay medyo tutol ngunit nandito parin silang tatlo. Si Rafael, tutol rin pero nang tulungan niya si Elijah, napagtanto kong maayos na rin sa kanya. At si Erin, sobrang tutol. Nakakagulat na nandito siya.

    “What’s with Selena? She’s still here, Klare?” Mariing tanong ni Erin sa akin.
    Tumango ako.
    “Relatives kayo? At anong nangyari?” Tanong ulit niya.
    “Nang pinakilala ko si Elijah, akala ng mga Ty na sila parin ni Selena. Noong una, natakot pa akong umamin na hindi na iyon totoo. At wala ring pakealam si Selena kung totoo man ‘yong mga sinabi niya o hindi. Umalis sila ni Elijah sa bahay… at sinabi ko rin kay lola kung ano talaga ang totoong nangyari kay Elijah at Selena.”

    Tahimik silang lahat na nakikinig sa akin. Tumigil sa pagsasalita si Josiah at bumaling rin sa akin. Nakapamaywang lang si Elijah at pinapanood akong kinikwento sa kanila ang nangyari.

    “Hindi sila naniwala. Nagkaron ng high blood pressure si lola, kaya pinaalis ako don.”

    Hindi ko na idedetalye kung paano ako ininsulto. That was between me and the people involved. Kahit na masakit at gusto kong sabihin sa ibang tao para makawala siya sa aking sistema ay nanatiling tikom ang aking bibig.

    Nanliit ang mga mata ni Pierre. “That was a bad scene, I’m sure.”

    Kilala niya si lola kaya alam niyang hindi iyon ganon ka dali nangyari. Bumaling si Pierre kay Hendrix.

    “Kuya, let’s go home. Kausapin natin si ama.”
    “She’s sick. Wa’g kang padalos dalos, Pierre.” ani Hendrix.
    “Then, anong sasabihin natin?” Tanong ni Pierre.
    “We need to get an exec room too. ‘Yong malapit dito.”
    “What? Di tayo uuwi? Then how are we going to solve this.”
    “We’ll stay here for tonight. Bukas ng umaga, uwi tayo para kausapin si mommy. Besides, wala silang alam na umuwi tayong Davao. Klare is here, we need to be here.”
    “Alam ni mommy na uuwi tayo ngayon. Remember? It’s Cristine’s debut tomorrow night!”
    “Who’s Cristine?” Singit ni Josiah na agad siniko ni Elijah.
    “Kaya nga bukas tayo ng umaga uuwi. Pupunta tayong lahat don.” Tumingin si Hendrix sa aming lahat.
    “What? We’ll gatecrash?” Umismid si Erin.
    Natahimik si Hendrix at natulala sa sinabi ni Erin.
    “Magkakaroon lang ng scene doon pag sasama kaming lahat, Hendrix. Isa pa, ang dami namin. Imposibleng hindi kami mapapansin.” Ani Elijah.
    “Akong bahala sa inyo. Hindi kayo mapapansin because it’s masquerade. Sasabihin ko kay mommy na magdadala ako ng kaibigan. They won’t mind.”
    “Then what, Rix? Baka magkagulo lang sa debut ni Cristine. Nandon si Ama, nandon rin si Selena.”
    “Magkakaroon ng pagkakataong mag usap kayo ni Selena. At isa pa, siguro ay kung uuwi man si dad, didiretso siya sa debut. We’ll talk to him there. Not necessarily on the venue pero pwede ko siyang dalhin sa labas with us. And then you can talk to ama.”
    Umiling ako. “I won’t. Tapos na akong magsalita, Rix.”

    Natahimik ulit si Hendrix. Seryoso niya akong pinanood bago siya bumuntong hininga.

    “Ihanda niyo na ang mga damit niyo. Ako na ang bahala sa mga mask. Pupunta tayo sa party bukas.” At tinalikuran niya kaming lahat.
    “We’ll book a room, Klare.” Sabi ni Pierre at pinasadahan ng tingin ang mga pinsan ko. “Pahinga na kayo.”

    Umalis ang mga kapatid ko. Ngayon ay ang mga pinsan ko na lang ang natitira. Pare parehong pagod sa haba ng byahe at siguro ay pareho na ring gutom tulad ko.

    “Kuya Knoxx, order ka naman ng pagkain.” Sabay hawak ni Claudette sa kanyang tiyan.
    “Yup. I think we should… uh, go to our rooms?” Anyaya ni Knoxx.
    “Sinong saan?” Tumayo si Elijah.
    “Two rooms right? Well, I, uh, guess, Erin, Chanel, Claudette-” Turo ni Rafael.
    “Can we have Azi in our room?” Request ni Chanel.
    “What the fuck. I’m not gay.” Luminga linga si Azi.
    Tumawa si Elijah at tinukso si Azi.
    “Okay fine. Lima tayo sa room at tatlo ang girls sa kanila? Ayos ba?” Tanong ni Rafael.
    “Fine!” Umirap si Chanel. “We want boys in our room kasi.”
    “We can stay in your room if you want. Pero sa room namin kami matutulog.”

    Litong lito ako sa kanilang mga desisyon. Umupo ako sa isa pang sofa at pinanood silang nagdedesisyon para sa gabing iyon.

    “Can we catch up now? Here? Pagkatapos nating mag ayos ng kwarto?” Tanong ni Claudette.
    “Why not!” Excited na sinabi Chanel. “Dito na lang kaya tayo kumain?”

    Tumingin silang lahat kay Elijah ng nakangisi. Umirap si Elijah at bumuntong hininga.

    “Isa pa, I’m sure pupunta rin naman dito ang mga Ty, dito na lang tayo.” Nakangising sinabi ni Chanel.
    Sumipol si Azi.

    Uminit ang pisngi ko nang narealize na naninibago sila dahil nasa iisang kwarto kami ni Elijah. Hindi ito ang unang pagkakataon ngunit ngayon pa lang nila natanggap ulit. We won’t do anything strange but I don’t want to sound defensive. Alam kong marumi na ang utak nila sa ngayon at ayaw kong gatungan pa iyon. I’ll just shut the hell up while my face is burning shit.

    “Sure.” Ani Elijah.
    “YES!” Sigaw ng boys at naghigh five ulit silang lahat.
    “Bring the beer!” Sabi ni Knoxx.
    “And the chips!” Dagdag ni Josiah.
    “Tumigil kayo. This is Davao, not Vegas. May mangyayari pa bukas at hindi tayo nandito para mag party!” Saway ni Chanel.
    “But we can drink, right? Ang KJ mo ate.” Sabi ni Josiah.
    “Whatever losers! Let’s go, Erin, Dette!”

    Tumayo ang mga girls at dumiretso sa pinto. Si Claudette lang ang lumingon sa akin para magpaalam.

    “Mag aayos lang kami, babalik din kami para mag dinner dito.” Aniya.

    Tumango ako. Gusto kong sabihin sa kanila na na aappreciate ko ang pag punta nila dito. Ang effort nila at ang presensya nila ay sapat na sa akin. Ngayon, wala na akong pakealam. Ang gagawin namin bukas ay ang pagpapaliwanag na lang kay papa at ang pagpapaalam sa kanya na uuwi na kami ng Cagayan de Oro City. Ang malaman na kasama ko ang mga pinsan ko sa labang ito ay sapat na sa akin. I feel like I can face Tito Azrael, Tito Exel, and Tito Stephen. Salamat sa mga pinsan ko.

    “Sinong nag drive ng sasakyan ko?” Tanong ni Elijah.
    Tinuro ni Knoxx si Azi.

    Ilang mura ang narinig ko sa dalawa. Si Damon naman ay abala sa pakikipag usap sa telepono at sa pag oorder ng mga pagkain.

    “Father figure.” Halakhak ni Rafael at lumipad agad ang dirty finger ni Damon para sa kapatid.

    Damn, I miss them so much. I miss the warmth of the Montefalcos. Sabihin na nating nagkaroon nga ako ng problema sa kanila noon ngunit iyon ay dahil mahal nila ako. Concerned sila sa sasabihin ng ibang tao sa amin ni Elijah at syempre hindi nila matanggap na may ganong nangyari. Pero mahal nila kami kaya natanggap nila kami ni Elijah. Wala na akong mahihiling pa. This is enough for me.

    “Mag sho-shower lang ako.” Hikab ni Damon sabay kuha sa card ng kanilang kwarto.

    Sumunod si Knoxx at Rafael. Si Josiah, Azi, at Elijah naman ay nag uusap tungkol sa sasakyan. Pinatingin daw nina Josiah at Azi lahat ng dalang sasakyan para maganda ang kondisyon kung sakaling ba byahe kami pabalik.

    Umupo ako sa sofa ng maayos at kinapa ko kaagad ang remote ng TV. Binuksan ni Azi ang bintana at dinungaw ang buong syudad sa balcony.

    Lumapit si Elijah sa akin at tumabi. Nilagay niya sa tainga ko ang takas na kong buhok at ngumuso siya.

    “Masaya ka ba dahil nandito sila?” Tanong niya.
    “Masaya na ako kanina. Mas naging masaya lang ngayon.” Ngumiti ako at nahagip ko sa aking mga mata ang panonood ni Josiah sa amin.

    Uminit agad ang pisngi ko. Hindi parin talaga ako kumportable na nagiging public na kaming dalawa. Kahit kina Azi at Claudette ay hindi ako komportable, sa iba ko pa kayang pinsan?

    “Ako, medyo na istorbo.” Ngumisi si Elijah.
    Kumunot ang noo ko, gusto ko sanang magsalita ngunit lumalapit na si Josiah sa amin.
    Napatingin si Elijah sa tinitingnan kong si Josiah at Azi. “Umalis na nga muna kayo?”
    “Elijah!” Sabay hampas ko sa braso niya.
    Napakamot ng ulo si Josiah. “Yeah, I, uh, I think we should go.” Sabi ni Josiah ng medyo naaasiwa at mabilis niyang hinila si Azi palabas.

    Pumikit ako sa kahihiyan. Hindi ko ata kaya na ganito kami ni Elijah sa harapan nila!

  • Kabanata 48Open or Close

    Kabanata 48
    Sleep

    Hindi rin nagtagal ay pumasok si Pierre sa kwarto. Nakabihis na siya at mukhang bagong ligo pa. Hindi tulad ni Josiah, hindi niya ininda na naabutan niya kami ni Elijah na malapit sa isa’t-isa.

    Mabilis niyang binuksan ang TV. Nakatingin kaming dalawa ni Elijah sa kanya. Umupo siya sa tabi ni Elijah at nag scan ng channels. Nanatili ang kanyang mga mata sa TV at walang imik. Ngumuso ako dahil medyo natatawa ako sa pagiging walang pakealam ni Pierre.

    “Asan na mga pinsan mo, Klare?” Tanong niya, hindi parin inaalis ang mga mata sa TV.
    “Nasa mga kwarto pa nila. Nagbibihis.” Sabi ko.

    May narinig kaming kumatok sa pintuan. Mabilis na tumayo si Pierre at nagtungo sa pintuan namin. Bumaling si Elijah sa akin at ngumiti.

    “Must be the food.” Ani Elijah.

    Tama siya. Dumating na nga ang inorder na mga pagkain ni Damon para sa aming lahat. Hindi nagkasya sa table ang lahat ng pagkain, kinailangan pang kunin ni Pierre ang table sa balcony at ang coffee table malapit sa kama. Nag offer naman ang mga waiter na naghatid na sa restaurant ng Marco Polo na lang daw kami kumain kaya lang ay tingin namin ay huli na ang lahat. Naihatid na ang pagkain at nagkasundo na kaming doon nga kakain lahat.

    Naging busy kami sa pagkakasya ng mga pagkain sa mesa. Dumating si Hendrix na bagong ligo din at naka itim na sleeveless shirt at kulay blue na shorts. Tumulong siya sa pag aayos.

    Maingay nang dumating si Azi, Knoxx, at Josiah. Wala silang ginawa kundi ang suriin ang mga pagkaing naroon. Pinaalam din ni Josiah na paparating na rin ang beer na inorder nila. Nagkasundo din silang doon na sa balcony mag inuman at mag usap-usap. Sa bagay, matagal na silang hindi nakakapag usap. Mahigit dalawang buwan din kasi nilang hindi nakasama si Elijah kaya ayos lang naman siguro. Isa pa, gabi pa naman ang party kaya hindi namin kailangang gumising ng maaga kinabukasan.

    Nagkaasaran ulit ang mga pinsan ko. Sinasali pa nila ang tumatawang si Hendrix samantalang nakatoon ang pansin ni Pierre sa TV.

    “What the heck is that?” Utas ni Azi sabay turo sa TV.

    Nasa Channel V iyon at ang puro tugtog ay mga Korean songs. Naaalala ko tuloy si Claudette.

    “Walang matinong channel.” Ani Pierre habang nakapangalumbaba.
    “Ganito na nga sa bahay, ganito pa dito?” Reklamo ni Azi.
    Binigay ni Pierre ang remote kay Azi. “Find a good channel, then.”
    Umaliwalas ang mukha ni Azi at tumingin agad siya kay Elijah. Umangat ang labi ni Elijah at sumulyap sa akin. “I know what you’re thinking, Azi. Stop it.”
    Binatukan ni Josiah si Azi. “Gago! Walang ganon dito! This is not a motel, you idiot!”
    Nagtawanan silang tatlo. Tumawa rin si Hendrix kasama sila. “Wala atang ganon dito.” Ani Hendrix.
    “Give me the remote, Azi.” Utos ni Josiah habang nakakahilong ni-scan ni Azi ang bawat channel sa pag hahanap ng kung anong kabulastugan.
    “Walang porn dito. If you really want, search mo na lang sa phone mo.” Tumawa si Elijah.
    “Desperate shit!” Sabay kuha ni Josiah ng remote kay Azi.
    Ngumiwi si Azi. “I’m not desperate. Kayo? Ang paplastic niyo? Puro kayo mga pa virgin! Lalo ka na Elijah!”

    Muntik na akong sumabog sa kakatawa. Alam ko. Alam ko naman kung ano ang mga kabulastugan nilang lahat pero bakit ngayon parang tinatago na ni Elijah sa akin.

    “Shut up, Azi.” Ani Elijah.
    “Ah! TWD.” Ani Josiah at umupo sa sofa.

    Napatingin ako sa TV kung saan ang palabas ay iyong isang popular na american series na tungkol sa pamumuhay ng mga tao sa gitna ng zombie apocalypse.

    “TWD? The White Dick?” Utas ni Azi habang umuupo sa tabi ni Josiah.
    Napatingin si Josiah sa litong mukha ni Azi. “The Walking Dead, fucker!”
    Mabilis namang tumama ang unan sa mukha ni Azi galing sa kay Elijah. “Damn, Azi. Anong pinapanood mo sa inyo? Puro ba porn? Ewan ko sayo!” Humalakhak si Elijah at lumapit sa sofa na inuupuan ko.

    Ilang mura pa ang narinig ko galing sa kanila. Asaran dito, asaran doon. Nakakasabay na rin si Hendrix sa kanila. Si Pierre ay tumatawa lang kasama nila.

    “Gutom na ako.” Reklamo ni Josiah.

    Mabuti na lang at ilang sandali ang nakalipas ay dumating na si Knoxx, Rafael, at Damon kasama ang girls. May dala dala silang beer. Hindi ko alam kung sa hotel ba nila iyon binili o sa labas na.

    “Kain na tayo!”

    Syempre, maingay kaming lahat sa buong room. Hindi ko lubos maisip kung paano kami nakakaistorbo sa mga katabing suite. Pinaalalahanan naman ako ni Elijah na sound proof daw ang mga rooms. Pero tingin ko ay hindi kaya ng sound proof ang ingay namin.

    Pinili ng mga boys na sa balcony mag inuman. Kahit na halos hindi sila magkasya doon ay pinilit nila ang mga sarili nila. Lalo na’t may mga smokers sa kanila, kinailangan nila ang open space habang nag iinuman.

    Noong una ay kasali pa kami ng mga girls doon. Napansin ko ang malakas na pag inom ni Claudette. Tatlong bote agad ang natapos niya habang kalahati pa lang ako sa bote ko.

    “Anyare? Got a problem, missy?” Tawa ni Erin habang inuubos ang iisang bote niya.

    Nilagok ni Claudette ang kalahati ng pangatlong bote at ngumiwi siya pagkatapos.

    “Para makatulog ng mabuti.” Paliwanag ni Claudette.
    “Ako, di ko kailangan ng beer. Makakatulog ako ng mabuti ngayon dahil pagod ako.” Wika ni Chanel.
    “Alcohol poisoning…” Singit ni Pierre.
    Matalim ang titig ni Claudette sa kapatid ko pagkatapos ng sinabi niya.
    “Hindi pa naman ako mamamatay nitong tatlong bote. God!” Umirap si Claudette at nag excuse para daw mag CR.
    “She’s probably going to puke.” Umirap din si Pierre nang wala na si Claudette.
    “No.” Sagot ni Knoxx. “You’ll need Jim Beam to make her puke.” Binuga ni Knoxx ang usok ng kanyang sigarilyo habang tinititigan si Pierre.
    “Yeah right. This is a family of party and booze.” Sabi ni Pierre.

    Kinabahan agad ako dahil baka mamaya ay magalit si Knoxx sa sinabi ni Pierre. Kilala ko pa naman si Knoxx. Mas malalim siyang magalit kumpara kay Azi. Tinitigan ko ang nakatayong si Knoxx sa balcony. Nakahilig siya sa railings at humahalakhak sa sinabi ni Pierre.

    “And a primitive mind to make her puke, too.” Nagtaas ng kilay ni Knoxx kay Pierre.
    Ngumuso si Pierre at nanahimik sa kanyang upuan.
    “Come on, man. Don’t be too stiff.” Sabay tapik ni Josiah sa balikat ni Pierre.

    Kumuha si Pierre ng isa pang bote ng beer. Umangal agad ako.

    “Pierre, wa’g kang makisabay. Just let them be.” Sabi ko habang pinapanood siyang ngumingiwi sa pangatlo na niyang beer. “Sanay ang mga iyan. They’re bad influence.”
    “Ouch!” Halakhak ni Azi at Elijah sa tabi ni Knoxx.

    Nakahilig si Elijah, Azi, Knoxx, at Hendrix sa railings. Si Rafael naman ay nakaupo at naninigarilyo sa tabi ni Elijah. Si Damon ay umiinom pero cellphone ang inaatupag. Si Josiah at Pierre ay malapit sa pintuan. Kami nina Erin at Chanel ay nandon rin sa tabi ni Josiah at Pierre.

    “How bout me, Klare? Di mo ba ako pagbabawalan?” Sabi ni Elijah.
    Lumakas ang tawa ni Azi na para bang may kumikiliti sa kanya.
    Uminit ang pisngi ko lalo na nang nanahimik silang lahat at ang tawa lang ni Azrael ang umalingawngaw.
    Kumunot ang noo ko kay Elijah. Kumindat siya sa akin. Nakakahiya naman ito!

    Pekeng umubo si Chanel at mariing pumikit. “Wa’g ka ng uminom, Elijah. Makakasama yan sa atay mo.” Nakangising sinabi ni Chanel.

    Napapikit ako sa kahihiyan. God! I can’t take this! Nakakainis si Elijah! Hindi ba siya nahihiya sa mga pinsan namin. Alam kong alam na ng lahat at tanggap na nila pero hindi ko parin kayang gawin ang mga sinasabi ni Elijah.

    “Uh…” Tumayo ako at natumba ang beer na nasa mesa kaya natapon iyon.

    Tumayo din si Erin at Chanel sa takot na mabasa sila ng beer. Shit! I’m panicking! Dammit, Elijah!

    “Easy, Klare.” Sabi ni Pierre at pinatayo ang bote.
    “I… Uhm… Inaantok na ako.” Sabi ko.
    “Tissue oh.” Sabi ni Chanel sabay punas sa natapong beer.

    Dahil sa kahihiyan ay hindi ko na nagawang tingnan silang lahat. Nagpaalam na lang ako na maliligo para makatulog na. Nabigo si Chanel at Erin sa sinabi ko dahil gusto pa nilang makipagkwentuhan kaya sinabi ko sa kanilang mag kwentuhan kami sa kama.

    Nagsusuklay ng buhok si Claudette sa kamay nang umupo si Erin at Chanel doon. Kinuha ko ang tuwalya para makaligo na. Binilisan ko dahil sabik din akong makausap silang tatlo.

    Naabutan ko silang naghahagikhikan sa kama. Naka pajama na ako at gumapang na agad sa tabi ni Claudette. Pinasadahan ako ng tingin ni Erin at ngumuso siya.

    Inubos namin ang isang oras para mag usap tungkol sa nangyari noong nagpunta ako sa bahay nina Pierre at Hendrix at naabutan doon si Selena. Mas detalyado at mas naintindihan ng apat ang nangyari. Ang sumunod na trenta minutos ay naubos dahil sa pagsasabi ni Erin na kailangan naming maagang magising para i-check kung may dress bang magaganda sa Abreeza para sa party.

    “Erin, hindi yon party natin. Joiner lang tayo.” Paaalala ni Chanel.
    “Anong gusto mo, ate? Dahil joiner tayo, magmumukha na tayong taong grasa? No way.” Umirap si Erin.
    “Erin’s right, Chan. Party parin iyon. Mas maganda kung makiblend in tayo para hindi tayo mahalata.”

    Nahuhulog na ang mga mata ko. Nakaupo sila sa kama at nagtatawanan kasabay ng asaran at tawanan ng boys sa balcony. Nakahiga ako at inaantok na talaga.

    Humikab si Chanel at nagpaalam na maliligo na sa kwarto nila. Si Claudette naman ay hindi mapakali sa low batt niyang cellphone at sa puno naming mga outlet. Dito na rin kasi sila nag charge ng mga gadgets kaya kinailangan niyang bumalik sa kwarto nila para makapag charge.

    Si Erin na lang at ako ang natitira. Humiga siya sa tabi ko. Imbes na antukin ako ay agad akong kinabahan.

    “Klare…” Ani Erin, pareho kaming nakatingin sa magandang disenyo ng kisame.
    “Hmm?”
    “Sorry sa lahat.”

    Mas lalong nawala ang antok ko sa sinabi niya.

    “Sorry kay Eion. Sorry dahil sinabi ko sa kanya. Do you trust him?” Bumaling siya sa akin.
    Tumingin din ako sa mapupungay niyang mga mata. “He’s my friend.”
    Tumango siya. “Hindi niya sasabihin yon kahit kanino. I’m really sorry. I’m just desperate that time.”
    Tinikom ko ang bibig ko at hinayaan ko siyang magsalita.
    “Mahal ko siya. Mahal na mahal. Sobra.”
    Kinagat ko ang labi ko. Ang marinig ito ng diretso sa kanya ay hindi ko kaya. Inisip ko kung kailan siya nagsimulang magmahal kay Eion at natatakot akong mas nauna siyang magkagusto kay Eion kesa sa akin.
    “I really, really love him. Pero pag sobrang nasaktan ka na, aabot pala sa puntong mas mangingibabaw ang self worth mo.”
    “Dapat ay pahalagahan muna natin ang sarili natin bago magmahal ng iba, Erin.” Sabi ko.
    “I know…” Malambing niyang sinabi.
    “Kailan ka nagsimulang magkagusto sa kanya?” Nakatingin ako sa seryoso niyang mga mata na nakatingin naman sa kisame ngayon.
    Hindi siya agad nagsalita.
    “Erin…” Tawag ko.
    “Since high school.” Ani Erin sabay tingin sa akin gamit ang naiiyak niyang mga mata.
    Nanlaki ang mga mata ko at wala akong gustong gawin kundi ang yakapin siya. “Bakit… Bakit di mo sinabi sakin?”
    “Eh kasi crush mo siya at ayaw kong mag agawan tayong dalawa.” Humikbi siya at hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin ang pinaka close kong pinsan.

    I miss her so much. And I love her so much. Inaamin kong nasaktan niya ako noon at nagkaroon ako ng hinanakit sa kanya pero hindi ko maimagine kung gaano rin siya nasaktan dahil sa akin.

    “Crush ko lang naman ‘yon. Pwede naman kung sa’yo na ‘yon. Hindi niya naman ako pinapansin kaya naghanap ako ng ibang crush!” Sabi ni Erin habang yakap ko siya.
    “Crush ko lang naman si Eion noon, Erin. Pwede namang sabay tayong kiligin?”
    Umiling siya sa balikat ko. “Mas ma effort ka, e. Mas pansin ‘yong pagkakagusto mo. Ayokong makisawsaw kaya hinayaan kita. Pero I’m sorry for everything. Dahil naging boyfriend ko si Eion, dahil sinaktan ko kayo ni Elijah, dahil tumutol ako sa inyo.”
    “Naiintindihan ko naman kung bakit ka tumutol sa amin.”
    “Sorry dahil nagtanim ako ng hinanakit sayo. Kasi pakiramdam ko tinatalikuran mo kami, at mahal na mahal kita, hindi ko kayang tinatalikuran mo kami. Masyadong mataas ang pride ko. Sorry talaga. I’m really, really sorry.” Ani Erin.
    Tumango ako. “Sorry din sa lahat. Alam kong nasaktan din kita, Erin. At naiintindihan ko ang mga ginawa mo.”

    Hindi ko alam na may mas isasaya pa pala ang araw na iyon. Ang marinig iyon lahat galing kay Erin ay parehong masaya at nakakalungkot.

    Nagising ako na madilim na ang kwarto. Ang ilaw na lang sa lamp ang hindi napapatay. Natakot agad ako na panaginip lang ang lahat ng nangyari kaya agad akong bumangot.

    “Oh, shit.” Mura ni Elijah nang naabutan ko siyang dahan dahan na humihiga sa kama.
    “Asan na sila?” Tanong ko sa kanya, dilat na dilat ang mga mata ko. Takot na takot na sagutin niya akong nananaginip lang ako.
    “Nasa mga kwarto nila.” Ani Elijah.
    Napa buntong hininga ako at agad humiga.
    “Sorry nagising kita.” Napapaos na boses ni Elijah.

    Nagpaalala iyon sa akin kung sino ang nasa tabi ko ngayon at anong nagagawa niya sa akin. Naghuramentado ang puso ko. Lahat ng antok ay lumipad na sa bintana. Nakita ko sa digital clock na mag aala una na ng madaling araw.

    “O-Okay lang.” Sagot ko.
    “Sorry kanina kung naging uncomfortable ka. Gusto sana kitang sundan para mag sorry pero na realize kong baka lalo kang magalit.”
    Naalala ko ulit ang pangyayari kanina sa balcony. Tinakpan ko ang mukha ko ng kumot para magtago sa kahihiyan. Tumindig ang balahibo ko.

    Hinawi ni Elijah ang kumot. Binaba niya iyon hanggang sa nakita niya ang mga mata ko.

    “You are too cute.” Ngumiti siya at tiningnan niya ako gamit ang pagod niyang mga mata.
    “Lasing ka ba?” Tanong ko.
    Umiling siya.
    “Okay lang kay Hendrix na magkatabi tayo?” Tinaas ko ang kilay ko.
    “Uh, yup. Pero sinabi niya karapat dapat daw ako para sayo kung rerespetuhin kita lalo na sa gabing ito.” Ngumuso siya.

    Mariin akong pumikit sa kahihiyan na bumuhos sa akin. Bakit ko ba kasi siya tinanong ng ganon? At bakit iyon sinabi ni Hendrix sa kanya? Nakakahiya!

    “Oh… Okay. Let’s just sleep.” Sabi ko at umambang tatalikuran siya.
    “Hey… you mad?” Ani Elijah habang hinahaplos ang braso ko.

    May naglakbay na kuryente sa batok ko kaya hindi ko nagawang humarap agad sa kanya. Hindi ko rin mahawi ang kamay niyang nakapatong sa braso ko.

    “I’m sorry. Alam kong nahihiya ka pa pag nasa harap nila. Dahan dahan na ako, next time.”
    “O-Okay lang ako, Elijah.” Sabi ko nang hindi siya tinitingnan.
    “Look at me, please?” Malambing niyang sinabi.
    Kinagat ko ang labi ko. Dammit! Unti unti akong humarap sa kanya. Tumingin agad siya sa labi kong kinakagat ko ngayon.
    “Are we good?” Tanong niya.
    Tumango ako kahit na nakatitig siya sa labi ko. “We’re good.”
    “Great.” Aniya hindi parin natatanggal ang mga mata sa labi ko.

    Oh no… Titig niya pa lang ay nalalasing na ako.

    “Do you think it’s a good idea to kiss you?” Tanong niya na hindi ko na nasagot dahil lumapit na siya para halikan ako.

    Lahat ng konsepto sa utak ko ay nawala. Ang sitwasyon, ang lugar, ang oras, ang bukas, lahat ay nawala dahil sa mababaw at mahihina niyang mga halik. Lasang matamis at mint ang kanyang bawat halik at naging conscious agad ako sa hininga ko gayong kakagising ko lang sa aking pagkakaidlip.

    Hinila niya ako palapit sa kanya. Walang pag aalinlangan akong tumugon at sumunod sa bawat halik niya. Habang tumatagal ay lalong lumalalim at pakiramdam ko ay wala na akong pakealam sa kahit anong bagay. I just really want him.

    Tumigil siya sa paghalik, hinihingal at bahagyang lumayo.

    “It’s a bad idea, baby.”

    Kinagat niya ang kanyang labi at umupo agad sa kama para talikuran ako. Hinawakan ko ang labi ko at ang dibdib kong sobrang lakas ng pintig. Bumangon din ako at hinintay siyag humarap sa akin.

    “Sorry, I don’t know how to k-kiss.” Nahihiya kong sinabi. “Tsaka… mabaho ba ang hininga ko?”
    “NO!” Sigaw niyang nagpatalon sa akin.

    Humarap siya sa akin. Tinitigan niya ako. Tumingin siya sa kama namin at pabalik ulit sa akin. Tinagilid ko ang ulo ko sa pagtataka kung ano ang iniisip ng isang Elijah Montefalco.

    “Can we sleep?”
    “Oo, matutulog na tayo.” Sabi ko.

    Tumango siya at humiga ulit. Tinitigan ko siya habang tulala sa kisame, malalim ang iniisip.

    “You know how to kiss and you know that. You’re making me break some rules again.” Sulyap niya sa akin.
    Kumunot ang noo ko. “Hindi ko alam na big deal sayo ang mag break ng rules, Elijah.” Ngumisi ako.
    Mariin siyang pumikit at tinabunan niya ng kumot ang kanyang katawan. “Baby, will you please just sleep at shut your pretty mouth?”
    Tumawa ako at humiga sa tabi niya. Damn, I love him so much!

  • Kabanata 49Open or Close

    Kabanata 49

    Kung walang kumatok sa pintuan namin ay hindi ako magigising. Masyadong komportable ang pakiramdam ko habang natutulog. Wala akong inalalang problema kahit marami parin ako non. Siguro ay natuto ko ng tanggapin na may mga bagay na hindi ko na talaga mababago. Ang tanging magagawa ko na lang ay ang pahalagahan ang mga taong sumusuporta sa amin.

    Malalim ang hininga ni Elijah nang bumangon ako dahil sa kumakatok. Nakahiga na pala ako sa braso niya, hindi ko namalayan. Siguro ay kalagitnaan kagabi ay gumalaw ako at naipatong ko ang ulo sa kanyang braso. Kinusot ko ang mga mata ko at nilingon ko siya. Laking gulat ko nang nalamang gising na pala siya!

    “Good morning!” Napapaos ang kanyang boses at itinukod niya ang kanyang siko sa kama, nilagay ang baba sa kanyang kamay.
    Uminit ang pisngi ko at narealize na kahit bagong gising ay matingkad parin ang kanyang kagwapuhan. Sa gitna ng mapupungay na mga mata at napapaos na boses ay sobrang kisig niya parin. Kamusta naman kaya ang mukha ko?

    Dumapo ang kamay ko sa aking mga mata para icheck kung may muta ba ako. Nilinis ko iyon at mas lalong nahiya.

    “K-Kanina ka pa gising?” Tanong ko.

    Biglang lumakas ang katok sa pintuan. Pumikit si Elijah na para bang naiirita sa kumakatok.

    “Medyo. Ayoko lang maistorbo ang pag tulog mo.” Aniya at mabilis na bumangon para lapitan ang pintuan.

    Nakita kong alas otso na ng umaga. Medyo kumakalam na ang sikmura ko at tingin ko ay kailangan naming bumaba sa restaurant nila para kumain.

    “Go away, Azi!” Sigaw ni Elijah sa pintuan at mabilis niyang sinarado.

    Hinampas pa ni Azi sa labas ng isang beses bago siya tumigil. Kumunot ang noo ko at napatingin ako kay Elijah.

    “Ano daw sabi?” Tanong ko.
    “Kanina pa kasi kumakatok sina Chanel dito. Maaga daw kayo ngayon para maghanap ng dress sa Abreeza. Si Azi na ang inutusan nila ngayon para gisingin ka.” Umirap si Elijah.
    “Ganon ba?”

    Tumayo agad ako at hinablot ang tuwalya para makaligo at makapag bihis na. Ngayong maayos na ulit kami ni Erin ay determinado akong panatilihin namin ang status na iyon. Hindi ako pwedeng mag pa importante. Alam kong mahalaga sa kanila ang susuotin namin mamayang gabi kahit na hindi ko nakikita ang kahalagahan non.

    “Relax, Klare.” Saway ni Elijah pagkatapos kong sinarado ang pintuan sa banyo.

    Mabilis akong naligo at nagbihis sa loob ng banyo. Si Elijah ay nanonood lang ng TV at humihikab, pinapanood akong natataranta.

    “Mag bi-breakfast muna tayo.” Aniya. “Sinabi ko sa kanila na by 9, nasa restaurant na dapat tayong lahat. That can wait, Klare.”

    Tumango ako at umupo sa sofa nang siya naman ang naligo.

    Nang nag alas nuwebe ay bumaba na kami ni Elijah kasama sina Pierre at Hendrix. Anila’y nauna na ang mga pinsan ko sa baba dahil ginugutom na sina Damon, Knoxx, at Josiah. Humihikab si Pierre sa loob ng elevator habang si Hendrix naman ay kausap si Elijah tungkol sa damit na susuotin nila mamaya.

    “Uuwi na rin muna kami ni Pierre pagkatapos kumain. Babalik kami mamayang hapon.” Ani Hendrix.
    Tumango si Elijah. “We’re probably going out with the girls. Hindi pwedeng sila lang.”

    Kaya habang kumakain kami sa restaurant ay napagkasunduang sasama ang boys sa Abreeza pero kami lang ang pag ha-hunting ng maisusuot. Ayaw kong gumastos ng mahal kaya siguro simple at mura lang ang bibilhin ko. Si Claudette ay determinadong makakuha ng damit na maganda kahit na magkano, ganon din si Chanel at Erin.

    Ang mga boys ay gagala lang daw sa mall at siguro ay mag ha-hunting ng girls. Mas gusto nilang mag chill kesa sa sumama sa amin na nakanganga sa bawat boutique na bibisitahin.

    Sa mataong mall ay gumala ang mga mata namin. Halos katulad din ito ng mga mall sa Cagayan de Oro, mas matao nga lang.

    “Sasama ako sa kanila.” Ani Elijah sabay turo sa amin.
    Mabilis akong umiling. Alam kong ayaw niya lang na iwan ako pero para sa akin ay mas mabuting sumama siya sa boys. Ma bo-bore lang siya habang naghahanap kami ng damit.
    “What the fuck, dude?” Angal ni Azi.
    “Hindi kami tumututol, Elijah, pero grabe ka naman. Masasakal si Klare niyan. Ultimo paghahanap ng damit niya, sasama ka pa.” Ani Josiah.

    Nalaglag ang panga ni Elijah at luminga siya sa akin.

    “Anong susunod, dude, lalagyan mo na ba ng red carpet ang nilalakaran ni Klare, tas papaypayan mo na siya at bibigyan ng lemonade?” Tumawa si Azi.
    Bumaling si Elijah kay Azi at tinuro niya ito. “Shut up or I’m gonna punch you.”
    Napawi ang ngiti ni Azi. “Joke lang ‘yon!”

    Kinagat ko ang labi ko at hinila si Elijah palayo sa kanila. Nag uusap na sina Claudette at Erin sa route namin ngayong araw. Tinitingnan nila ang mapa ng mall.

    “Elijah,”
    “So what if I’m smitten? Fuck, Azi. Pag siya nag mahal, maliligo siya ng bara sa akin.”
    “Eh kasi mas maganda sana kung sumama ka na lang muna sa kanila. You know, mahirap ‘tong gagawin namin. You know Erin at Chanel. Grabe kung makapag shopping. Ma bo-bore ka lang. Tsaka, kailangan ko rin makipagbonding sa kanila. It’s been a long time since nagkaganito ulit kami.”
    “Nasasakal ba kita?” Nanliit ang mga mata niya.
    Ngumuso ako para magpigil ng ngisi pero hindi ko maiwasan ang pag angat ng labi ko. He’s so cute! Lalo na pag seryoso, galit, o frustrated. Hindi talaga ako magsasawa sa kanya.
    “Klare, nasasakal kita?” Tanong niya ulit.
    Umiling ako ng nakangisi.
    Pumikit siya ng mariin. “Okay.” Bagsak ang kanyang mga mata sa baba. “Okay, I’ll calm down. I don’t want to lose you over my possessiveness.” Tinalikuran niya ako.
    “Hey, Elijah. Hindi ako nagrereklamo.” Sabi ko.
    Bumaling ulit siya sa akin. “Ayokong umabot tayo sa puntong mag rereklamo ka na.”

    Dumiretso siya sa paglalakad kina Josiah. Umirap si Josiah nang nakita niya si Elijah.

    “If you’re going to be motherfucking sad with us, then go ahead! Sumama ka kay Klare.”
    Tumawa si Damon at Knoxx sa sinabi ni Josiah. Bumaling si Elijah sa akin at ngumisi. Ipinakita niya ang cellphone niya sa akin. Tumango ako at ngumisi din pabalik.

    Paano ‘yon? Wala akong number niya? Kinuha ko ang cellphone ko nang nakalayo na sila at nakita kong may message na doon galing sa hindi kilalang number. Alam ko kaagad na kay Elijah iyon galing.

    Elijah:
    Baby, I’m really greedy. And I’m completely drawn to you. :( Gusto ko sa akin ka lang. And I’m really sorry about that.

    Humampas ang puso ko sa aking dibdib, malakas at mabilis. Damn, Elijah. Bakit ka nagsosorry gayong gustong gusto ko ang ginagawa mo?

    Ako:
    Gusto ko rin na sa akin ka lang. Don’t worry.

    Elijah:
    Talaga? Can I hear you say it, please? Yong boses mo talaga. Where are you?

    Natawa ako sa kanyang kabaliwan. Hindi pa nag sasampung minuto na magkahiwalay kami ang naghahanap na agad siya sa akin. Hinayaan ko siyang maghanap habang kami ay patuloy rin sa paghahanap. Impyerno siguro ang pakiramdam nina Azi ngayon dahil kay Elijah.

    Alas dos na nang nakahanap si Chanel ng kanyang damit. Kanina pa kami nakahanap ni Claudette. Kulay grey ang kay Claudette na spaghetti strap. Kay Chanel ay tube na kulay green. Ang akin ay kulay puting spaghetti strap. Si Erin na lang ang walang mahanap.

    “Nevermind.” Ani Erin sabay hila sa kamay ko at kamay ni Claudette.
    “May dala ka bang dress or anything?” Tanong ni Chanel kay Erin nang papunta na kami sa coffee shop kung saan ang mga boys.
    “Meron pero pang beach ‘yon. Inisip ko kasing pupunta tayo ng Samal.” Humagikhik si Erin.
    “Ha? Edi anong susuotin mo mamaya?” Tanong ni Claudette.

    Ipinagkibit balikat lang iyon ni Erin. Hindi ko maintindihan kung bakit wala lang ito sa kanya gayong siya ang excited na mamili kami ng damit. Kinailangan na naming umuwi dahil alas tres ay mag hahanda na kami para sa party.

    Nakita ko kaagad ang kislap sa mga mata ni Elijah habang pinapanood akong pumapasok sa loob ng flowershop. Uminit ang pisngi ko at nag iwas ako ng tingin sa kanya.

    “Marco Polo na tayo.” Sabi ni Knoxx.

    Tumayo na ang mga boys, ang presensya nila ay nagpapasikip sa buong coffeeshop. Ang mga mata ng mga tao ay nasa kanilang lahat. I wonder what’s with them?

    Nagkahiwalay kami sa parking lot. Syempre, kay Elijah ako sumama. Tahimik siyang pinapanood ang bawat kilos ko. Tahimik rin akong sumasakay sa kanyang sasakyan.

    “You say it.” Utos niya.
    “Ano?” Kahit alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin.

    PInaandar niya ang sasakyan dahil nahuli na kami. Umalis na silang lahat.

    “Na gusto mo sa’yo lang ako.” Aniya.

    Ngumisi ako. Hindi ko alam kung bakit big deal sa kanya ang sabihin ko iyon. Malaki agad ang ngiti niya nang narinig akong sinabi iyon. Hanggang sa Marco Polo ay damang dama ang maganda niyang disposisyon.

    “Bah!” Tumatawa si Azi nang napansin ang ngiti sa labi ni Elijah.

    Umiling na lang ako at umirap. He’s crazy. Napatingin si Azi sa akin, mabilis akong nag iwas ng tingin.

    Papasok kami sa mga room namin. Hinila agad ako ni Chanel.

    “Dito tayo sa room namin. Make up and all. You know?” Ani Chanel kaya napatingin ako kay Elijah na nakangiting tumango.
    Ngumisi ako sa kanyang reaksyon.
    “Ano kayang nangyari.” Humalakhak si Azi at nagyayang mag swimming sa kanilang lahat.

    Pagkapasok ko sa room nina Claudette, Chanel, at Erin ay naabutan kong nakalatag na ang mga damit namin sa kama. Kasing laki ng room nila ang room namin ni Elijah.

    “Unang mi-make up-an ay si Claudette.” Sabi ni Chanel.

    Umupo si Claudette at hinayaan niyang make-upan siya ni Chanel at Erin. Naligo ako naman muna ako bago ko sinoot ang dress na nabili ko sa Abreeza.

    Nang natapos si Claudette ay tinuro nila ako bilang susunod na mi-make upan. Umupo ako sa upuang binakantehan ni Claudette. Si Chanel ay lumapit sa kanyang naka charge na cellphone at si Claudette ay inaayos ang suot niyang damit.

    Habang inaayos ni Erin ang BB Cream sa aking mukha ay may kumatok sa pintuang nakaharap sa akin. Hindi na non hinintay na may magbukas, binuksan na ng kumakatok ang pintuan at nagulat ako nang tumambad si Hendrix na may dalang itim na dress, nakasabit sa hanger.

    “Here’s the dress. Is this okay?” Ani Hendrix.

    Napaturo ako sa aking sarili. Hindi kasi ako sigurado kung sino ang kanyang kausap.

    “Ilagay mo lang diyan.” Sagot ni Erin.
    Tumingala ako kay Erin na hindi makatingin kay Hendrix. Bumaling ulit ako kay Hendrix na nagkakamot sa kanyang ulo. “Is this okay? Do you like it?”
    “Basta, ilagay mo lang dyan.” Sagot ni Erin.

    Nagkatinginan kami ni Claudette.

    “Uh, okay.” Sabi ni Hendrix at nilapag ang magandang dress sa kama. Bumaling siya sa akin. “You hungry, Klare?”
    Nautal ako sa pag sagot. Hindi ko alam kung bakit. “N-No. Kumain naman kami sa labas.”
    Tumango si Hendrix at umambang lalabas na sa aming room. “Let me know if you need anything. Si Pierre ang maghahatid ng masks.” At umalis.

    Binalot kami ng nakakabinging katahimikan. Gusto kong magtanong kay Erin kung nagkakausap ba sila ni Hendrix o ano pero natatakot akong magalit siya sa tanong kong iyon. Si Claudette ay nakatitig na ngayon sa cellphone niya at si Chanel ay parang walang napapansing kahit ano. Weird.

    Nang dumating na ang mga masks namin ay kinabahan na agad ako sa mga mangyayari. Alam kong mas maayos ako ngayon dahil kasama ko ang mga pinsan ko pero kinakabahan parin ako tuwing naiisip ko si Ama.

    Titig na titig si Elijah sa akin nang papasok ako sa kanyang sasakyan. Makisig siya sa kanyang suot na tux at inisip kong hindi kaya siya mapagkakamalang escort ng debutant? Pumasok din si Claudette at Azi sa aming sasakyan dahil ang kanilang sasakyan naman ngayon ang pinatingin.

    Maingay ang byahe patungo sa hotel kung saan ang venue dahil kay Elijah at Azi. Kinakabahan naman ako sa mga mangyayari.

    Nang nasa parking lot ay nilapitan kaagad ako ni Pierre para sabihing papunta na rin si papa.

    “This is the plan, Klare.” Ani Hendrix. “Lalapit kami kay dad. Isasama ka namin. I’m sure dad will confront ama-“
    “Rix, baka masira ang partyni Cristine.” Saway ko.
    Umiling siya. “Sasabihin ko kay dad na sa labas na lang tayo makipag usap. We’ll also need Elijah and Selena. And we think si Elijah lang ang makaka kumbinsi kay Selena na sumama sa kanya sa labas. But I can’t assure you that we’ll convince ama about this.”
    Tumango ako. “Alam ko ‘yon. Gusto ko lang linisin ang lahat ng gulong ito. Gusto kong malaman ni Ama na wala na si Elijah at Selena. I want to thank Selena dahil pinagtakpan niya kami. I want to say sorry, too. At gusto ko ring magpaalam kay papa. We’re leaving tomorrow. We’ll face the Montefalcos.” Sabi ko.
    “Wala ka ng magiging problema sa Montefalco, Klare.” Ani Knoxx.
    Napatingin ako sa pinsan ko.
    “Anong magagawa nila kung suportado namin kayo. Wala na. Dad will probably just back off. Baka nga ipakasal niya pa kayo.”
    Napangiwi ako habang iniisip na ipapakasal kami ni Elijah at papangunahan iyon ni tito Azrael.
    “Tama si Kuya, Klare.” Ani Claudette. “And tita Beatrice doesn’t have a problem with you two. Kaya paniguradong pati si tito Exel.”
    “At basta mahanap lang si Elijah ay maayos na kay dad.” Ani Rafael. “So… this will be a piece of cake. Besides, kung ayaw parin nila, isama niyo kami sa tanan.”

    Humagalpak silang lahat sa sinabi ni Rafael. Gumaan ang pakiramdam ko at inisip kong ang mga Ty na lang talaga ang haharapin ko.

    Sinuot na namin ang mga maskara at pumasok na kami sa loob. Halatang halata na hindi kami kilala dahil lahat ng ulo ng mga nandoon ay nakatoon na agad sa amin sa pagtataka kung sinu-sino kami. Naka maskara din sila pero ang iba sa kanila ay walang pakealam kung makita ang mukha nila. Habang kaming lahat ay maingat na sinusuot ang mga maskara para hindi mamukhaan.

    Umupo kami sa pinakamalayong table ayon sa inutos ni Hendrix. Gusto ko sanang tahimik kaming lahat para hindi kami mahalata ngunit sadyang hindi mapigilan ang mga bibig ng mga pinsan kong nakukuha pang magbiruan.

    “May chix.” Bulong ni Josiah sabay siko kay Elijah.
    “Asan?” Sagot ni Rafael.

    Itinuro nila ang isa sa mga pinsan kong medyo maypagka revealing ang suot na deep v-neck dress.

    “Hindi naman yan chix.” Sagot ni Elijah sabay halukipkip.

    Kahit na gumagala ang mga mata ko para tingnan ang kabuuan ng angkan ng mga Ty ay hindi ko maiwasang pakinggan ang pinag uusapan nila. Masyadong mukhang importante ang bawat tita at tito ko habang naglalakad sa red carpet ng malawak na venue’ng ito. Mas malawak pa ito sa naging venue ng debut ko noon sa Xavier Estates. Kulay violet ang mga roses at ang mga balloons na nasa gitna. May upuang kulay violet din sa stage na wala pang umuupo. Doon siguro uupo si Cristine.

    “Wa’g mong kausapin si Elijah. Wala yang nakikita kundi si Klare.” Sabi ni Azi.

    Nag asaran pa sila at nangatwiran pa si Elijah na totoong hindi naman iyon maganda. Binalewala ko sila. Siguro ay kinakabahan din ang girls dahil tulad ko ay pinagmamasdan nila ang galaw ng mga tao.

    “This is kinda scary.” Utas ni Chanel nang dumating ang aking lola na pinapaligiran ng mga tita at tito ko. Nasa likod niya ang hula kong si Selena. Naroon din ang iilang matatandang Ty na hindi ko parin na kikilala hanggang ngayon. Siguro ay kapatid ng lolo ko dahil masyadong respetado at importante.

    “Si Selena yon?” Bulong ni Chanel kay Erin.
    Hindi sumagot si Erin. Alam kong matalik silang magkaibigan ni Selena at hindi ko inaasahang may kakampihan siya sa aming dalawa.

    Napalunok ako. Nahihiya ang chinita kong mata at puting kutis ko sa mas chinitang mga mata ng pinsan ko at mas maputing balat nila. I don’t belong. Parang ang layo ng agwat ko sa kanilang lahat. Lalo na pag nag ma-mandarin na sila.

    Nag serve muna ng pagkain bago nagsimula ang programme. Halos wala akong makain sa sobrang kaba lalo na nang kalagitnaan sa aming pagkain ay pumasok si papa kasama ang dalawang bodyguard at si tita Marichelle sa kanyang braso.

    Naka tux si Papa at si tita Marichelle naman ay naka kulay violet na dress. Walang maskara ang dalawa. Si tita Marichelle ay may dala ngunit hindi niya iyon sinuot. Tumayo agad ang dalawa kong kapatid para salubungin si papa. Halos hindi niya pansinin ang dalawa nang sinuyod niya ang table ng mga kapamilya. Napatingin ang nakapamaywang na si Pierre sa akin at si Hendrix ang nagpapaliwanag. Siguro ay hinahanap niya ako.

    Gumapang ang kaba sa akin. Lalo na nang sinalubong din siya ni lola. Binuksan ni lola ang kanyang pamaypay at nakangiting hinawakan ang braso ni papa. Itinuro niya ang mesang para sa kanila. Nakita kong nag iwas ng tingin si Hendrix kay lola at si Pierre naman ay si papa lang ang pinapanood.

    Ilang sandali ang nakalipas ay pumwesto na si papa sa presidential table nila kasama si Hendrix at Pierre. May ibinulong si Hendrix sa kanya at napatingin siya sa aming table, tila may hinahanap.

    “Klare, hanap ka ata ng daddy mo.” Sabi ni Claudette.
    Tumango ako at nanatiling nakaupo. Ayaw kong mahalata ni lola na nandoon ako. Hindi ko alam kung paano pinaliwanag ni Hendrix ang nangyari pero nagpapasalamat akong walang gulong nangyayari.

    Dumating na si Cristine, suot suot ang kanyang kulay violet na ball gown kasama ang kanyang escort na si Jesse Co. Hindi man lang siya ngumingiti ngunit naghihiyawan ang buong angkan. Nagpalakpakan at panay ang click ng mga camera lalo na nang sinuot niya na ang kanyang napakagandang maskara.

    Halos hindi na ako mapakali. Nag enjoy ang mga pinsan ko sa panonood ng programme. Panay pa ang side comments ng mga boys tungkol sa misteryosang pinsan ko na naka maskara dahil mukha rawng maganda.

    “Hey…” Bulong ni Elijah nang nagsimula na ang huling parte ng party.
    “Hmmm?” Hindi ako makatingin sa kanya dahil kabadong kabado parin ako.
    “Lalapitan ko na si Selena.” Hinalikan niya ang aking balikat.

    Natunaw ako. Batid ko na nanonood sa amin si Erin at Chanel. Ayaw kong makita nila kaming sobrang sweet. Alam kong kahit na hindi na sila tutol ay hindi ibig sabihin na tanggap na nila kaming ganito sa isa’t-isa.

    Tumango ako.
    “Will you be okay?” Tanong niya.
    Tumango ulit ako. “Lalabas na ako pagka senyas ni Hendrix. Isasama nila si papa at si lola.”
    Tumango si Elijah at hinawakan ang kamay ko. “I’ll be there. Saglit lang ito.” Sabi niya.

    Napalunok ako at mas lalong humampas ang puso ko sa aking dibdib nang tumayo ang tatlo sa presidential table. Napangiwi si tita Marichelle nang inayos ni papa ang kanyang sleeves at tinatapik siya ni Hendrix, iminumuwestra ang isang pintuan sa backstage.

    Tumayo na rin si Elijah at nakita kong napatingin agad si Selena sa kanya. Umawang ang labi ni Selena, natigilan nang nakita niya ang kanyang ex sa party ng pamilya nila.

    “Sama ako, Ej.” Sambit ni Erin.

    Tumayo na rin ako nang nakitang lumabas na si papa sa pintuang iyon. Parang lumulutang ang aking mga paa habang naglalakad patungo doon. Hinahabol ko ang hininga ko sa sobrang kaba. Nakita kong tumayo ang natatawang si lola habang hinahawakan ni Pierre ang kanyang kamay. Syempre, papayag siya pag ang lalapit sa kanya ay ang kanyang paboritong apo.

  • Kabanata 50Open or Close

    Kabanata 50
    Home

    Kinakabahan ako para sa aming lahat. Hindi ko na natingnan kung nasaan na si Elijah basta ay dumiretso na ako sa pintuan. Pagkalabas ay naabutan ko si Hendrix na tahimik na kinakausap si papa.

    Nasa labas kami ng function room. Mabuti at kaonting waiter lang ang dumadaan doon. May exit sa kanan at ang mga CR naman sa kaliwa. Nang natagpuan ako ng mga mata ni Hendrix ay agad siyang tumigil sa pagsasalita.

    Tinanggal ko ang maskara ko. Napatingin si papa sa akin at agad niya akong niyakap.

    “Hindi mo sinabi sa akin. Hindi ka tumawag!” Sabi niya.
    Napatingin ako kay Hendrix na ngayon ay seryoso at mukhang kinakabahan rin. Ano kaya ang sinabi niya kay papa? Sinabi niya kaya ang buong detalye?

    Bago pa ako makapagsalita ay kumalabog na ang pintuan at narinig ko ang hagikhik ni lola. Kumalas ako sa pagkakayakap kay papa para harapin ang aking lola na ngayon ay napawi na ang ngiti.

    “Anong ginagawa ng babaeng ‘yan dito?” Bungad ni lola sabay turo sa akin gamit ang kanyang pamaypay.

    Mabilis akong nilagay ni papa sa kanyang likod para maharap niya si lola.

    “Ricardo! Bakit nandito ‘yang estupidang batang iyan?” Ani lola, halos manggalaiti.

    Bumalik si Pierre sa loob. Si Hendrix ay pumigil kay lola at bumubulong na kumalma muna. Nang lumabas ulit si Pierre ay nakita kong kasama niya na ang isang nurse.

    “Mama, she’s my daughter! Don’t call her names!”
    Napangiwi si lola dahil sa sinabi ni papa. “Ang batang iyan, Ricardo, sinungaling! Walang Ty’ng sinungaling! She will never belong to us!” Sigaw ni lola.
    “I didn’t lie!” Pangatwiran ko.
    “Sumasagot pa!” Nanginginig si lola sa galit.

    Nakita ko ang kaba sa mukha ni papa. Hindi niya kayang makitang ganon si lola. Natatakot at naaawa din ako. Hindi ko na alam kung kaya ko pa ito o hindi. I just want this to end. Kahit na ang katapusan ay hindi niya kami tatanggapin, tatanggapin ko iyon.

    “Mama, Calm down.” Ani papa habang hinahaplos ang likod ni lola. “Klare’s not a liar.”
    “Sir, hindi po pwedeng ma stress si madame.” Sabi ng nurse.

    Tumulong si Pierre sa pagpapakalma kay lola. Napatingin si lola kay Pierre.

    “This girl is not your sister, Pierre. Wala siyang galang, walang modo, at sinungaling pa!”
    Hindi sumagot si Pierre. Kumunot ang noo ni Hendrix pero hindi rin nagsalita.

    Ayaw ko na ring magsalita. Tatanggapin ko na lahat ng sasabihin niya. Masyadong sarado ang isipan niya at pag aaksaya lang ng laway ang mangyayari kung magsasalita pa ako.

    “Hindi ko alam, Ricardo, kung bakit mo pa talaga kinuha ang batang ito. Sana ay hinayaan mo na lang siyang manira ng pamilya kina Helena. She’s a big mistake!”
    “Mama!” Sigaw ni papa. Halos mapatalon si lola sa sigaw ni papa. “She’s not a mistake. Ako ang may kasalanan at sa kanya ako may kasalanan. You should know that by now. Nang ginawa ko ang kasalanang iyon noon, wala pa si Klare. She’s the victim here! Wa’g mo siyang pagsalitaan ng ganyan-“
    “Ricardo, kita mo ‘to? Nag aaway tayo ngayon dahil sa batang iyan. DOn’t you think she’s the pest here?”
    “Ama…” Utas ni Hendrix.
    “Oh you shut up, Hendrix. Pareho kayong dalawa ni Ricardo! You will make the same mistake-“
    “Mama!” Sigaw ni papa, halatang galit na siya sa kay lola.
    “This is all because of this girl.” Sabay tingin ni lola sa akin. “Ricardo, hindi mo ba nakikita? Isa siyang malaking kahihiyan maging sa mga Montefalco. Mahal niya raw ang pinsan niya!” Tumawa si lola.

    Tahimik kaming lahat. Si papa ay nagpipigil at nag iiwas tingin kay lola. Ganon din si Hendrix. Si Pierre na lang ang nakakaatim na tingnan siya. Ang nurse ay nalilito sa mga sinasabi ni lola.

    “Incest! That is really close to bestiality if you tell me.”
    “Mama, hindi sila tunay na magpinsan. Walang dugong Montefalco si Klare!”
    “No, no… Naiimagine ko ang mukha ni Exel pag nalaman niyang ganito. Disgusting. Kahit na hindi sila magkadugo ay lumaki silang magkasama. So disgusting.” Ngumiwi si lola sa akin.

    Tumulo ang luha ko dahil sa reaksyon niyang halos masuka sa harapan ko. Tatanggapin ko ang lahat, kung ano man yan.

    “At isa pa, sinulot niya si Elijah kay Selena! Si Selena at Elijah ang magboyfriend. Manang mana talaga siya sa kanyang ina, nanunulot.”

    Nalaglag ang panga ko. Kailangan ko pang paalalahanan ang sarili ko na ang babaeng nagsasalita ay ang lola ko. Dahil sobrang nasasaktan na ako at nagdidilim na ang paningin ko. Kahit maraming pagkakamali si mommy ay mommy ko parin siya. Mahal ko siya. At ang marinig na pagsalitaan siya ng ganito ay sobrang sakit!

    “Grabe din si Helena, ano? Talagang binigay niya pa ang talent niya sa kanyang anak.”
    “Mama, stop it! She’s my daughter-“
    “Your daughter, Ricardo, is a big monster! A family wrecker!”

    Pagkasabi niya sa huling pangungusap at bumukas ang pintuan at nakita kong lumabas si Elijah at Selena kasama si Erin at Claudette. Namutla si Claudette nang nakita niya akong umiiyak habang si Erin naman ay pinagmamasdan lang ang mga nangyayari.

    “See? Selena’s here!” Sabi ni lola sabay hila kay Selena. “Come on, Selena, tell your tito na sinulot ng sampid na iyan ang iyong boyfriend. Tulad ng panunulot ni Helena!”

    Yumuko si Selena. Kahit na sa takot at kabadong ekspresyon ay matingkad parin ang kanyang kagandahan. Itim at sexy ang kanyang halter top at ang buhok niya ay umaalon sa kanyang likod.

    “Tito…” Malamig na sinabi ni Selena.

    Naramdaman ko si Elijah sa likod ko, sa tabi ni Hendrix. Tumutulo parin ang luha ko ngunit hindi na ako humihikbi. Gusto kong marinig ang sasabihin ni Selena.

    “Ang totoo po… habang kami ni Elijah ay nilalandi siya ni Klare.” Pumikit siya.

    Unti unting napaawang ang bibig ko. Hindi ako makapaniwala sa kanyang sinabi!

    “Selena, what are you talking about?” Banayad na boses ni Elijah sa likod ko.

    Hinawakan ni Elijah ang aking kamay. Napatingin si papa sa akin, halatang may bahid na pagdududa na ang kanyang mga mata. Pati ba si papa ay itatakwil ako ngayon? Begging for him to believe me will be useless.

    “Kasama po ako ni Elijah nang umuwi kami dito sa Pilipinas. Parati pong lumalapit si Klare sa kanya kaya naakit si Elijah.”

    Hindi pa ako nakakakurap ay lumagapak na ang palad ni Erin sa pisngi ni Selena. Gulat na gulat si lola at napatingin siya kay Erin gamit ang galit niyang mga mata. Napahawak si Selena sa kanyang pisngi.

    Mabilis na dinaluhan ni Hendrix si Erin. Kung hindi niya hinawakan ang braso ni Erin ay paniguradong sumugod na siya kay Selena.

    “HIndi iyan ang alam ko! I know Klare is in love with Elijah but she will never do that! Hindi niya lalandiin si Elijah dahil alam niyang may girlfriend na ‘yong tao!” Sigaw ni Erin.
    “Erin, the poker night? Paano napunta si Elijah sa Lifestyle District kung hindi siya tinawagan ni Klare!? Kung hindi siya nilandi!?” Sigaw ni Selena.
    “Klare will never do that!” Sigaw ni Elijah kay Selena. “Ako ang kusang lumalapit sa kanya. Selena, you should give it up. I’m really sorry.” Pagod at nanghihinang sinabi ni Elijah. “I told you. Hindi mo na kailangang sumama sa akin sa Pilipinas.”

    Humagulhol si Selena. Parang kinalabit ng mga salita ni Elijah ang kanyang mga luha. Hindi na siya ulit nagsalita.

    “You know I love Klare so much. Yes, I needed your help para makauwi. At sorry kasi ganito ang nangyayari.”
    “Ej, you were okay with me sa US. Pero nang nalaman mo na anak sa labas si Klare, halos baliktarin mo ang mundo mo! What am I? Just a past time?”

    Nag iwas ng tingin si Elijah. Umiyak ako dahil alam kong may kasalanan talaga si Elijah sa kay Selena. He’s not perfect but I will kiss all his flaws. Ang importante sa akin ay mahal niya ako. Ako lang. At ngayon, napatunayan ko iyon.

    “Lalo na nang bumalik ka dito at nilalandi ka ni Klare!” Sabay tingin ni Selena sa akin.
    “Huwag mong pagsalitaan si Klare ng ganyan!” Sigaw ni Erin. “Kung meron mang malandi dito, ikaw iyon! Ipinagpipilitan mo ang sarili mo sa taong alam mong may mahal na iba!”
    “Who are you?” Sigaw ni lola kay Erin.
    “Ama…” Saway nI Hendrix.

    Kinagat ni Erin ang kanyang labi at hindi na dinugtungan ang mga sinabi.

    “Ricardo, look… ang sampid na iyan ay nagdala pa ng kanyang mga kampon! This is stupid!” Umiling si lola.

    Humarap si papa sa akin at bumuntong hininga. Pinunasan ko ang aking mga luha. Si Elijah ay nasa likod ko, ang kamay niya ay nasa balikat ko bilang suporta.

    “Elijah, please…” Humagulhol si Selena. “Please, di ako babalik ng New York kung di ka kasama. Please?”

    Pumikit ako. Pumiyok na ang boses ni Selena sa pagmamakaawa kay Elijah. Hinawakan niya ang kamay ni Elijah na nasa balikat ko.

    “Selena, please, stop it. I’m sorry.” Kalmadong sinabi ni Elijah.

    Tinakpan ni Selena ang kanyang mukha habang humahagulhol. Hinila siya ni lola at halos durugin na ako ni lola gamit ang mga mata niya.

    “Klare…” Ani papa.
    Bumaling ako kay papa at tumango. “Sorry, pa. Gulo lang ang naging dala ko sa buhay niyo.”

    Handa na ako sa magiging speech ko para magpaalam kay papa. Oo. Magpaalam. This love is bad for me. Dapat ay hindi ko tatalikuran ang pamilya ko. Dapat ay mas uunahin ko silang lahat sa sarili kong kaligayahan. Kaya lang, I love Elijah and he’s my family too. Kung pwede ko lang ipagsabay ang dalawa ay gagawin ko.

    “I’m sorry kasi pagkakamali ako. I’m a living reminder of your mistake. Pati sa mga Montefalco. I’m sorry because I’m even existing.” Humagulhol ako.

    Narinig kong nagmura si Pierre at mabilis siyang dumalo sa akin. Pumulupot ang braso ni Elijah sa aking baywang. Lumapit si Erin at Claudette sa akin.

    I really can’t let go my family. Hindi ko kayang magpaalam kay papa. Hindi ko kayang magpaalam kay Hendrix at Pierre at mas lalong hindi ko kaya kung mag away sila dahil lang sa akin.

    “Papa!” Sigaw ni Hendrix sa tulalang si papa.
    “I’m sorry kung nagkakagulo kayo dahil sa akin. Trust that I won’t do this again. And you don’t have to do anything for me again.” Sabi ko.
    “Mabuti pa nga. Umalis ka na lang dito.” Sabi ni lola habang tinatahan si Selena. “Ungrateful child.”
    “Mama!” Natauhan si papa sa matatalim na salita ni lola. “Stop it. She’s my daughter. At kung may pagkakamali man siya, hindi mo siya kailangang pagsalitaan ng ganyan! If you don’t want to acknowledge her as your granddaughter, then don’t. But she will always be my daughter!” Sabi ni papa.

    Bumilis ang hininga ni lola at humingi agad siya ng tulong sa nurse. Umiling si papa at lumapit kay lola para alalayan siya pero hinawi ni lola ang kanyang kamay.

    “I’m disappointed, Ricardo!” Sabi ni lola habang hinahawakan ang kanyang ulo.
    “Pierre,” Sabi ni papa.

    At mabilis na bumalik si Pierre sa loob. Nahihirapan ang nurse at si Selena sa pagtulong kay lola. Tumulong si Hendrix ngunit hinawi na rin ni lola ang kamay niya.

    Pagkabalik ni Pierre ay dala niya na ang iilang nurse na may dalang wheel chair. Naroon na rin si tita Marichelle at iilan ko pang tita at tito. Tinulungan nila si lola habang nanggagalaiting nagsasalita ng masama si lola tungkol sa amin.

    “Bastard! Home wrecker! I can’t believe this! Sinira na naman ni Helena ang pamilya sa pamamagitan ng lintik niyang anak.”

    Yumuko ako nang napatingin ang mga tito at tita ko sa akin. Lumapit si tita Marichelle kay papa.

    “Ricardo, this won’t be solved here. Pag sarado ang loob ang ulo, hindi mabubuksan galing sa labas. That’s what I’ve learned. Kung matatanggap niya man ito, hindi dahil pinipilit natin. Iyon ay dahil gusto niya ng tanggapin. Pag binuksan niya na galing sa loob.”

    Napabuntong hininga si papa at tumingin silang dalawa sa akin. Si Elijah ay hinahalikan na ang buhok ko para mapatahan ako.

    “Let’s go. Call your other cousins.” Sabi ni papa.

    Mabilis na tumakbo si Hendrix sa loob para tawagin ang mga pinsan ko. Patuloy sa pang iinsulto si lola sa akin. Kinwento niya sa relatives ko ang nangyari.

    “Let’s go, Klare.” Sabi ni papa at nanguna na siyang lumabas sa amin.
    Napatingin ako kay tita Marichelle na ngumiti din sa akin at kay Elijah. “Go.” Aniya.
    Tumango ako at sumunod kay papa. Ganon din ang ginawa ni Pierre, Claudette, at Erin. Ilang sandali ang nakalipas ay tumatakbo na rin palabas ng venue sina Azi, Knoxx, Rafael, Damon, Josiah, Chanel, at Hendrix.

    Malalim na ang gabi. Kitang kita ang maliwanag na buwan at ang bituing nagsisilbing palamuti sa langit. Tumigil sa paglalakad si papa sa parking lot ng hotel. Sa malayo ay natatanaw ang garden at ang malaking entrance ng buong hotel, pag tatalikod ka naman ay makikita mo ang kabuuan ng hotel. Humalukipkip si papa at tumingala ako sa kanya.

    “I’m sorry, pa.” Sabi ko, nagtatapang tapangan at nagdarasal na hindi na ako maiyak nang sa ganon ay maging klaro ang bawat salita ko. “Hindi ko po gustong magkagulo kayo. Maiintindihan ko po kung magagalit kayo sa akin dahil gulo lang ang naibigay ko sayo simula ng-“
    “Klare, hindi mapapantayan ng lahat ng ito ang kasiyahang nadama ko nang tawagin mo akong ‘papa’ noon.” Ngumiti si papa, siyang nagpaiyak ulit sa akin.

    Dammit, Klare!

    “Hush it, baby.” Bulong ni Elijah sa tainga ko. Pinunasan niya ang takas na luha sa aking mga mata. Napatingin ako kay Elijah at kita ko sa mukha niya ang paghihirap.
    “I will support you. Kahit ano pa ‘yan, I will be here to support. Your tita Marichelle and I will be here to support you. Pamilya ka namin. You should know that. You won’t need your ama’s support. You will only need ours. Okay?”

    Pinunasan din ni papa ang pisngi ko. Pinipiga ang puso ko sa kasiyahan dahil sa mga narinig kong salita galing sa kanya. Hindi ako makapaniwala!

    Tumango agad ako. Their support is everything to me. Nang akala ko’y itatakwil niya rin ako kanina ay gumuho ang mundo ko. Ngayong nalaman kong sumusuporta parin siya sa akin ay tama na sa akin iyon.

    Ito ang natutunan ko. Sa mundong ito, hindi mo mapapasang ayon sayo ang lahat ng tao. Kahit ang mga mahal mo at ang mga nag mamahal sayo ay maaaring iba ang magiging pananaw at opinyon sa mga ginagawa mo. Kaya makontento tayo sa mga taong nagmamahal at tumatanggap. Hindi na natin kailangang magtanim ng galit sa mga taong hindi nakakaintindi. Tanggapin na lang din natin na iyon ang pananaw nila at huwag na nating ipilit.

    “Next month, birthday mo, hindi ba?”
    Nagulat ako dahil naalala ni papa iyon sa gitna ng kaguluhang ito. Of course, next month will be September.
    “Pupunta kami ni Marichelle, Pierre, at Hendrix sa Cagayan de Oro. We’ll celebrate with your family, Klare. Okay? At pag naisipan mong umuwi sa dito sa Davao, you’ll always be welcome in our house. ‘Yong ama mo, siguro ay kina tita Tania mo titira.” Ngumiti si papa. “So don’t worry about it.”

    Niyakap ko si papa. Ito lang talaga ang tanging hinihingi ko. Ito lang.

    “I called Helena, too. Sinabi ko sa kanya na nandito kayong lahat.”
    “Po?” Pasigaw na sinabi ni Rafael. “I’m dead.”
    “Don’t worry. Hindi niya sasabihin sa mga magulang niya but I expect you’ll tell them eventually pag nakauwi na kayo?” Kumalas si papa sa pagkakayakap sa akin at tumingin siya sa mga pinsan ko.
    “I’m dead, too.” Tawa ni Knoxx.
    “Opo. Sasabihin din namin.” Ani Rafael.
    “Pinapauwi na kayo. Alam ni Helena at ng dad mo, Klare, na kasama mo si Elijah dito. Ang tanging gusto nila ay makauwi kayo. They will support you.” Ngumiti si papa sa akin.

    Tumango ako at parang nabunutan ako ng tinik. Sa loob ng ilang taon, namuhay ako kasama ang tinik na iyon. At ngayon na susuportahan na ako ng pamilya ko at susuportahan na rin ako nina papa ay sapat na sa akin.

    Napatingin ako kay Elijah. Ngumiti siya sa akin. This is all for you, baby. Ngumiti rin ako pabalik.

    “Tito, bukas, uuwi na kami. Hindi na kami magtatagal kasi baka mabuking na kami. Isasama namin si Elijah at Klare.” Ani Knoxx.
    Tumango si papa. “Okay. Klare, visit our house. Sina Pierre at Hendrix, sa susunod na araw ko pa ipapauwi.”
    Tumango ako at niyakap pa ulit si papa.
    “I’m gonna miss you.” Bulong ni papa sa akin.

    Hindi na rin kami nagtagal. Hinahanap na si papa sa party at pinababalik na si Pierre at Hendrix doon. Isa-isa na kaming pumasok sa mga sasakyan para bumalik na sa hotel. Kahit na halos wala naman kaming ginawa ay pagod na pagod ako. Nakakapagod palang makinig sa mga pang iinsulto ni lola. Nakakapagod palang mangatwiran pag hindi naman nila dinidinig ang mga salita mo.

    Gayunpaman ay sobrang saya ko sa suportang natanggap ko galing sa aking mga pinsan. Kina Erin, Chanel, at Claudette. Sa mga boys na kahit na hindi sila lubos na makapag enjoy sa Davao City dahil sa mga issues ko ay pinilit parin nilang magpakasaya at sumuporta sa akin. Wala na akong mahihiling pa. Sila lang ang kailangan ko sa buhay kong ito.

    Wala ng pangamba sa aking sistema. Elijah’s with me, my family’s with me, everything’s alright. Sa pagod ko ay mabilis akong nakatulog sa kama.

    Kinaumagahan ay nagising ako na nag iimpake na si Elijah sa mga damit ko. Naka topless siya habang inaabot ang mga damit ko at nilalagay sa loob ng luggage.

    “Good morning!” Bati niya at mabilis siyang dumalo sa akin.
    Kinusot ko ang aking mga mata, mahapdi parin dahil sa matinding pag iyak ko kahapon.
    “Hungry?” Tanong niya.
    Umiling ako. Nilagay niya sa tainga ko ang takas kong buhok.
    “Breakfast tayo bago umalis. Tatapusin ko lang ‘to.” Sabay turo niya sa mga gamit namin.

    Kumalabog ang pintuan namin dahil sa mga pinsan kong gutom na at naghihintay sa amin. Nahihiya ako dahil halos silang lahat ay nakapag bihis na kaya mabilis akong naligo at nagbihis na rin. Maingay sila sa kwarto namin at panay ang asaran nilang lahat.

    Panay din ang reklamo nilang gutom na sila kaya naman ay mabilis na kaming bumaba para kumain sa restaurant. Isang long table ang kailangan para makaupo kaming lahat. Syempre, tabi kami ni Elijah habang kumakain at si Azi at Erin ay nasa harap naming dalawa.

    Nilalagyan ni Elijah ng pagkain ang pinggan ko habang si Azi naman ay pinapanood kami habang ngumunguya siya ng fries.

    “Ayoko na dito. So sweet I’m gonna die.” Humagalpak si Azi at tinulak niya si Josiah para paupuin siya sa gitna nila ni Rafael.
    “Ako na nga lang don.” Sabi ni Josiah at umalis sa kanyang upuan para umupo sa bakanteng upuan ni Azi.
    “Kiss my ass, Azi.” Sabi ni Elijah habang inaabot ang ham at nilalagyan ang pinggan ko. “What else do you want, baby?” Malambing niyang baling sa akin.
    Uminit ang pisngi ko nang napaupo si Erin. Tinapik ni Josiah ang likod ni Erin habang natatawa siya. Wala ng nagsalita.

    Pumikit ako at pakiramdam ko ay kumukulo na ang pisngi ko sa kahihiyan. Damn, Elijah!

    Siniko ko si Elijah, “Preno muna.” Bulong ko.
    Kumunot ang noo niya at ngumuso habang tinititigan ako.

    Tahimik kaming kumain pagkatapos non. Nag drama pa si Chanel tungkol sa pagkakamiss niya sa Davao pagkaalis namin at sana daw ay babalik kami para mamasyal at pumunta sa Samal, next time. Syempre, pumayag ako dahil tingin ko ay masaya iyon. Excited agad sila lalo na nang binanggit ko ang iilang mga magagandang beach sa Davao Oriental tulad ng Dahican sa Mati City at marami pang iba.

    “So… Bili muna tayo ng pagkain. By lunch, stop over tayo sa pinakamalapit na makakainan. Stay close.” Sabi ni Knoxx.
    “Elijah, stay close daw. Huwag mong paliparin ang sasakyan mo.” Utas ni Josiah.
    Tumawa si Elijah.
    “He won’t, idiot. Syempre, he’ll obey all the traffic rules and will forever slow down kasi baka mapano si Klare.”
    Uminit ulit ang pisngi ko lalo na nang pinanood ni Erin at Chanel ang reaksyon ko. Nag iwas na lang ako ng tingin. Hindi parin talaga ako masasanay sa asarang ganito.

    Tumunog ang mga sasakyan nila at pumasok na isa-isa doon. Huli kaming pumasok ni Elijah, pinapanood ang pag alis nila isa-isa patungo sa pinakamalapit na fastfood para makabili ng makakain habang nag babyahe.

    Pinatunog ni Elijah ang sasakyan niya kaya nabuksan ko ang pintuan. Pumasok ako roon at chineck ang bag ko sa likod. Ready na akong umalis. Sinuot ko ang seatbelt at pinanood ko siyang pumasok.

    “Let’s go.” Sabi ko.
    “Okay.” Bumaling siya sa akin habang pinapaandar ang kanyang sasakyan palabas ng parking lot ng hotel.
    “Eyes on the road, Elijah.” Saway ko habang nakatingin ako sa kalsada.
    “Okay, Klare.”

    Bumaling ako sa kanya at nakakagat labi siyang tumitingin sa kalsada. Sa sinabi niya ay pakiramdam ko lahat ng gusto ko ay gagawin niya.

    Nakalinya kaming lahat sa drive thru ng isang fast food. Nasa huli kami ni Elijah, kasunod nina Knoxx.

    Bumaling siya sa akin habang naghihintay na kami naman. “You okay?” Tanong niya.
    Tumango ako at ngumiti.
    “Good.” Sabi niya at pinaandar ang sasakyan nang nakalabas na sina Knoxx.

    Sinabi niya ang order at pinaandar ulit ang sasakyan para tanggapin iyong mga pagkain. Nilagay ko iyon sa likuran at nagsimula na siyang mag drive sunod kina Knoxx, palabas ng Davao City.

    Binuksan ko ang GPS ko para tingnan ang dinadaanan namin. Hindi na naman kailangan dahil tanaw naman namin ang aming mga pinsan at medyo pamilyar din sa akin ang lugar.

    “Sinong ka text mo?” Sumulyap si Elijah sa akin at pinaharurot ang sasakyan.
    “Wala. Tinitingnan ko lang ang GPS ko.” Sabi ko.

    May pinindot siya sa baba ng aircon at nakita ko doon ang isang mapa, katulad ng GPS ko sa aking cellphone.

    “Put your phone down. Napaparanoid ako.” Aniya.

    Ngumuso ako at nilagay ko ang cellphone ko sa aking bulsa. Iniisip ba niyang may katext akong ibang lalaki kahit na pinaglaban ko na siya ng husto?

    “You think may lalaki akong katext?” Tanong kong natatawa.
    “May hang over pa ako sa panonood sayo kasama ‘yong Vaughn na iyon.” Sulyap niya sa akin.
    “Oh my God! You’re one jealous boyfriend.”
    Nakita kong pumula ang pisngi niya. “Yeah, right.” Medyo iritado niyang sinabi.
    Humagalpak ako sa tawa. “Dapat ay alam mo na ngayon na ikaw lang, Elijah. Pumunta ako ng impyerno para sayo.”

    Hinintay ko ang reaksyon niya pero nakakunot lang ang noo niya. Ang mga mata niya’y malalim at tinitingnan ang kalsada. Ang makurbang pilikmata ay mas nagpa highlight sa ekspresyon ng kanyang mga mata. Naka pout din ang kanyang labi at mukhang nagtatampo.

    Mas lalong lumaki ang ngiti ko nang narealize ko kung ano ang problema niya. Simula nong nagbalik siya at nagkabalikan kami ay hindi ko pa sinasabi sa kanya na mahal ko siya. I don’t think that’s necessary. Ang mga kilos ko na ang magsasabi sa kanya kung gaano ko siya kamahal pero… isa rin iyon sa natutunan ko. Na ang kilos ay hindi sapat, kailangan parin ng mga salita.

    “I love you, Elijah.” Sabi ko na agad kong pinagsisihan dahil sa biglaan niyang pag tigil sa sasakyan.

    Napasigaw ako sa gulat. Kumalabog ang puso ko sa kaba.

    “Dammit, Elijah! Mag dahan dahan ka nga!” Sigaw ko habang inaayos ko ang buhok ko.
    “What did you just say?” Aniya sobrang lapit na ng kanyang mukha sa akin.

    Hinahabol ko ang hininga ko ngunit nahihiya akong bumuga dahil ang ilong niya ay nasa tapat na ng labi ko. Ang dalawang kamay niya ay nasa gilid ng dalawang upuan ko.

    Bumagal ang pag buga ko ng hinga dahil sa pagkaka conscious at sa gulat sa ginagawa niya.

    “Say it again, Klare.” Utos niya.
    Kinagat ko ang labi ko.
    “Stop biting your lip and say it.” Naaamoy ko na ang mabango niyang hininga.

    Halos dumikit na ako sa aking upuan sa kaba at pananabik. I love him so much. Too much. Kung masasaktan man ako para sa pagmamahal na ito, tatanggapin ko ang lahat, magkasama lang kaming dalawa.

    “I said, I l-love you.” Sabi ko.
    “Ba’t nanginingig ang boses mo?” Tanong niya, ang ilong niyay humahaplos na sa ilong ko.

    Halos mapapikit na ako. Hindi pa nga dumadapo ang labi niya sa labi ko ay nalalasing na ako. Damn it, Elijah! This is what you do to me!

    “B-Because you’re making me nervous.”
    “Really?” Ngumiti siya at hinalikan niya ang labi ko, isang beses.

    Naglakbay ang kuryente sa aking batok at humahataw na ang puso ko sa sobrang saya. Damn it!

    “I’m in love with you. Are you in love with me?” Tanong niya habang pinapaulanan ako ng malalambing na halik.
    “Hmmm.” Hindi ako makapagsalita dahil sa halik niya.
    “I think you are.” Aniya at pinagpatuloy ang mababaw at nakakalasing niyang mga halik.

    Napapikit ako at pinulupot ko ang aking braso sa kanyang leeg. I’m in love with you. So freaking much, Elijah.

    Naririnig ko ang halakhak niya habang sinusuklian ko ang halik niya. Nanghina ako. Hindi ko na maramdaman ang braso ko, ang kamay ko, dahil sa halik niya. Hinayaan ko siyang paulanan ako ng malalim at mababaw na halik.

    Bumaba ang kanyang halik sa aking panga. Napatingala ako dahil sa kiliting nararamdaman sa bawat halik niya. Uminit ang pisngi ko nang narealize na ginigiya ko siyang humalik pababa. Dammit, Klare!

    “Hmmm. Klare, how do you feel about this?” Tanong niya habang hinahalikan ako pababa sa panga.

    Kinagat ko pa lalo ang labi ko para mapigilan ang sarili ko sa pag daing. Why are you even asking me those questions, Elijah? Just… Kiss me!

    “Do you like how this feels?” Humalakhak siya habang hinalikan ako sa aking leeg.

    Nawala na ako sa aking sarili. Lasing na talaga ako sa kanya.

    “Baby, do you like this?”

    Tumigil siya sa paghalik. Dumilat ako at bumungad sa akin ang isang Elijah’ng nakangiti at mukhang nalulugod sa kanyang epekto sa akin.

    “I can’t drive like this. I can’t concentrate.”
    “Hindi tayo m-makakauwi pag di ka mag dadrive.” Sabi ko.
    Nag angat ang kanyang labi. “Hindi ako matatahimik pag naiisip ko yong mukha mo habang hinahalikan kita. You’re pretty pleased because of my kisses.”

    Humalakhak ako at nagkatitigan kaming dalawa.

    “Let’s go home.” Sabi ko.
    Tumango siya.

  • WakasOpen or Close

    Wakas

    “Ayan na naman si Azi kasama ang kanyang girlfriend.” Umirap si Erin habang nag s-stretching kami para sa Grade 5 Physical Education.
    “That’s not his girlfriend, Erin.” Natigilan si Claudette habang pinapanood ang kanyang kuya na may katawanang babae.

    Naka uniporme namin iyong babae at napapaligiran siya ng mga pinsan namin. Si Damon at Josiah ay nag uusap habang si Azi naman ay nakatoon ang pansin sa babae. Si Elijah ang unang tumigil at sumandal sa punong kahoy, likod ng aming basketball court. Pinapanood niya kaming nag s-stretching.

    Inabot ko ang aking paa galing sa likuran para makapag stretching na rin doon. Ang aming lesson sa ngayon ay badminton. Kilala ang school namin dahil sa pangunguna sa mga sports activities. Madalas ang mga champion sa badminton, basketball, volleyball, at kung anu-ano pang sports ay galing sa school na ito kaya seryosong subject ang P.E sa amin.

    “Sino pala ang girlfriend niya, Claudette?” Tanong ng kaibigan kong si Liza.
    “Marami.” Simpleng sagot ni Claudette.

    Sumulyap ulit ako kay Azi na halatang pinopormahan iyong babaeng nagpapacute sa kanya. Ngunit imbes na manatili ang tingin ko sa kanya ay nahagip ng paningin ko ang paninitig ni Elijah sa akin. Mabilis akong nag iwas ng tingin. Naalala ko na ang sapatos na suot ko ngayon ay iyong ibinigay niya.

    “I hate sports!” Ani Claudette nang nagsimula na kami sa badminton.

    Sa aming tatlo nina Erin at Claudette, ako lang iyong mas magalaw sa sports. Mapili nga lang ako. Hindi ko gaanong gusto ang badminton, volleyball, at basketball kahit na madalas akong nakakascore sa mga iyon. Sa lahat ng sports ay swimming lang ang kinahihiligan ko. Pero dahil mas nakakaengganyo ang pagsasayaw, iyon ang mas pinagtuonan ko ng pansin.

    Tagaktak ang pawis ko sa badminton. Lalo na dahil isa ako sa hindi natanggal. Nakasilong na sa benches ang mga pinsan ko nang natanggal si Claudette pagkatapos ng dalawang laro at si Erin naman ay pagkatapos ng lima. Pagod na pagod na ako pero nang pumasok ang shuttle cock sa court nang hindi nakuha ng kaklase ko ay nanalo ako!

    Tumalon ako sa tuwa. Exempted na ako sa quiz next week! Pumalakpak ang mga kaklase ko at pinalibutan agad ako. Hiyang hiya pa ako dahil medyo tuyo na sila habang pawis na pawis pa ako dahil sa game.

    “Congrats, Klare!” Sigaw ni Erin.
    High pa ako sa tuwa kaya tumango tango lang ako sa kanila.
    “Probably because of the shoes!”

    Napalingon ako sa sumigaw ng ganon. Nakita kong nakangiti si Elijah habang ang dalawang kamay ay nasa bulsa. Hinampas siya ni Josiah at naglakad na sila palayo, iniiwan si Elijah na nakatitig sa akin. Inirapan ko siya. It’s not because of the shoes, asshole! Isampal ko sa mukha mo itong sapatos na bigay mo, e.

    Hindi ko talaga alam kung bakit kahit hindi kami madalas mag usap ay lagi siyang nang iinis at lagi naman akong naiinis sa kanya. Minsan kahit wala siyang ginagawa ay naiinis lang ako bigla sa kanya.

    Siguro ganon talaga ang buhay. Hindi talaga natin maiiwasan ang hindi pagkakaintindihan. At para sa akin, sa lahat ng mga pinsan ko, siya ang ayaw ko. Kahit maliit niyang galaw ay naiirita na ako.

    Kaya naman ay nang isinama sila ni daddy sa Fit n Well nang kinuha niya ako isang araw ay nairita ako.

    Pinapanood ko ang sarili ko sa malaking salamin sa harapan habang nag aaral ng hiphop grooves kasama ang dance instructor ko. Apat lang kami na nakaenrol dito pero ngayon ay espesyal. May tatlong babaeng nakadagdag at kilala ko sila. Schoolmates ko sila pero mas matanda sila sa akin ng isang taon. Binati nila ako kanina at awkward naman akong ngumiti at nag concentrate sa pagsasayaw.

    Umupo si Azrael at Elijah kasama ang kapatid kong si Charles sa likod ko. Na badtrip kaagad ako lalo na nang nakita kong ngumingisi si Elijah habang tumitingin sa akin. Hindi ko alam pero tuwing ngumingisi siya ay pakiramdam ko’y kinukutya niya ako.

    Inosenteng naglalaro si Charles ng kanyang transformers sa tabi ni Elijah habang nakapangalumbaba naman si Elijah sa kakapanood sa akin. Mga mata niya ay diretso sa salamin sa harap ko para makita ang ekspresyon ng mukha ko.

    “Okay, girls, dapat mas snappy pa niyan.” Sabi ng instructor sa mga baguhang babae sa gilid ko.

    Tumatawa lang sila habang piniperform ang utos ng instructor. Malamya sila. May pag asa lang sila sa hiphop dance kung aaraw arawin nila ang routines sa loob ng isang taon. Wala talagang puwang ang hiphop sa mga mahinhin at medyo girly na babae. Hindi ko alam kung babalik pa ba sila dito next week o hindi na dahil marerealize nilang hindi para sa kanila ang pagsasayaw.

    “Klare, show me.” Sabi ng instructor pagkatapos mabigo sa mababagal nilang moves.

    Pinakitaan ko siya ng mismong itinuro niya sa amin, dinagdagan ko lang ng detalye at mas binilisan dahil iyon ang gusto niya. Pagkatapos kong gawin iyon ay hinubad ko kaagad ang pawis kong jacket.

    Tinalikuran ko ang instructor para magtungo doon kina Charles nang sa ganon ay makainom ako ng Gatorade at mailagay ko iyong jacket sa bag ko. Malayo pa lang ay kitang kita ko na ang panghahalungkat ni Elijah sa mga gamit ko. Kumulo agad ang dugo ko kaya nang nakalapit ay marahas kong binawi sa kanya ang bag ko.

    “Anong hinahanap mo?” Sigaw ko.
    Nagtaas siya ng kilay at binigay niya sa akin ang tuwalya ko. “Wipe your sweat.”

    Mabilis kong kinuha sa kamay niya ang tuwalya. Medyo napahiya ako don. Hindi ko alam kung masyado ba akong malupit sa kanya o talagang nagkamilagro kaya mabait siya ngayon.

    “Alam ko.” Sabi ko at pinunasan ang sarili ko habang kinukuha ang Gatorade para uminom.

    Kinuha niya ang pawis kong jacket at nilagay niya sa likod ng upuan. Hinayaan ko siyang gawin ‘yon. Sinisiko na siya ni Azi habang ginagawa niya iyon.

    “What?” Iritadong sabi ni Elijah nang harapin niya si Azi.

    Binaba ko ang Gatorade ko at pinanood ko ang tatlong babaeng palapit sa upuan namin. Sila iyong tinutukoy kong tatlong babaeng tinuturuan ng instructor kanina. Pawis ang tatlo at tumatawa pa habang lumalapit.

    Pare pareho silang mapuputi at naka make up. Kahit pawis ay hindi natanggal ang make up nila. Isa sa mga babae ay pulang pula parin ang labi kahit na basang basa ang buhok.

    “Hi! Nag ji-gym pala kayo dito, Lanie?” Paunang sinabi ni Azi.
    Tumango ang magandang si Lanie. “Oo. Sinubukan lang naming tatlo. You know, malapit na kasi ang summer. Mag boboracay kami, e.”

    Napatingin si Lanie kay Elijah habang si Elijah ay tamad na humihilig sa upuan.

    “Sinusundo niyo si Klare?” Tanong ni Lanie kay Azi nang narealize na walang balak na makipag usap ang isa kong pinsan.
    “Oo. Nag grocery pa ang dad niya sa Robinsons kaya iniwan kami dito. Mamaya andito na iyon.” Sabi ni Azi.

    Kahit na pareho silang marunong nang mag drive, hindi parin legal sa mga Grade 10 students ang mag drive ng sasakyan. Hindi pa sila gaanong pinapayagang mag drive ng sasakyan. Sa kanilang lahat ngayon ay si Kuya Justin, Knoxx, at Rafael pa lang ang malayang nakakapagdrive.

    Nilingon ko ang kapatid kong naka pajama at naka puting sleeveless shirt habang umiinom ng Chuckie. Pinunasan ko ang kanyang bibig ng panyo habang nakikinig sa pinag uusapan nila.

    “Ganon ba? Lagi niyo ba siyang sinusundo, Elijah?”

    Napatingin ako kay Elijah. Si Gwen Ramos, isa sa tatlong babae ay tinutukan talaga ng tanong si Elijah.
    Nag angat ng tingin si Elijah sa mestiza’ng pawis at may mapulang labi. “Yup.” He lied.

    Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Sa pagkakaalam ko, ito pa lang ang kauna unahang pag sundo sa akin. Why would he lie about it, I don’t know. I’m not sure.

    “Ganon? Mukhang mapapadalas talaga tayo dito.” Halakhak ng isa pa nilang kasama.
    Tumawa si Azi kasama ang mga babae. “Aba mapapadalas din kami dito.” Kumindat siya sa kanila.

    Kasabay non ang pagkakabasa ko sa text ni daddy na nasa labas na daw ang sasakyan. Pwede na daw kaming pumasok. May binili lang siya sa Prime Meat ng Rosario Arcade. Dinampot ko kaagad ang mga gamit ko at pinatayo ko ang kapatid ko para makaalis na kami. Kung ayaw pang umalis ng boys ay bahala sila.

    “Saan ka pupunta?” Tanong ni Elijah sa akin nang bitbit ko na si Charles.
    “The car’s outside. Uwi na kami. Dito na lang muna kayo. Marami namang taxi sa labas.”

    Tumayo agad si Elijah at hinila niya si Azi.

    “Are you kidding me?” Iritadong sinabi ni Elijah sa akin.

    Umirap ako sa kawalan at mabilis na naglakad palabas. Nagpaalam ako sa babaeng nasa hall na madalas kong inuutangan ng tubig kapag uhaw na uhaw na ako para kumuha ng pera sa wallet. Nakita ko kaagad ang sasakyan naming naka park. NIlagay ko si Charles sa loob at sinuotan ng seatbelt. Kuntento na siya basta may Chuckie at Transformers.

    “Huwag ka ngang mag dabog.” Ani Elijah.

    Lumabas ako sa likod para ilagay ang gamit ko sa harapan. Sinarado ko ang pinto at hinarap si Elijah.

    “Hindi ako nagdadabog.” Sabi ko.
    “Tsss. You guys stop it. Nauumay na ako sa pag aaway ninyo araw-araw.” Ani Azi at pumasok sa loob, bini baby talk si Charles.
    “Stop it, idiot. Ayokong mabungi ang kapatid ko sa pag bibaby talk mo.” Iritado kong sinabi kay Azi.
    “Ang sungit sungit mo, Klare.” Ani Azi sa akin.
    Inirapan ko siya. “Alam mo? Kayong dalawa? Bakit pa kayo sumama? Sana doon na lang kayo sa bahay at nag order ng pizza. You guys are ruining my class.”
    “What do you mean ruining your class? Naka upo lang naman kami don.” Ani Elijah.
    “If you don’t want me to hook up with your classmates, Klare, then sorry pero you can’t stop me.” Humagalpak si Azi.
    Luminga si Elijah kay Azi at sa akin. “Ewan ko sa inyo.” Sabi ko at pumasok na sa front seat para maghintay kay daddy. Gusto ko ng umuwi.

    Hinampas ni Elijah ang salamin ng front seat at iminuwestra niya sa aking ibaba ko iyon. Umirap ako at ibinaba ko iyon. Mas klaro kong nakita ang mukha niyang hindi ko malaman kung galit ba o natutuwa.

    “You are a big fat liar, Elijah.” Sabi ko.
    Laglag ang panga niyang pinapakinggan ako.
    “Ang sabi mo palagi ninyo akong sinusundo kina Gwen pero ang totoo first time niyo naman ito. Yuck! You guys would lie just to get the girls you like!” umiling ako sa pandidiri.
    “Bakit? Ayaw mong sunduin ka namin?” Nagtaas ng kilay si Elijah sa akin.

    Hindi ko alam bakit umaapaw ang galit ko gayong dapat ay wala naman akong pakealam. Siguro ay gusto nilang magpa impress sa mga babaeng iyon kaya nila nasabi iyon. Maliit na bagay lang ito, Klare. Bakit ganito ka makapag react? Just let them flirt. I shouldn’t care.

    “You lied to get their attention. Disgusting. Tss.” Sabi ko at mabilis na sinarado ulit ang salamin.
    “Hey!” Sigaw niya galing sa labas ngunit hindi ko na siya pinansin.

    Malakas na buntong hininga ang pinakawalan niya pagkapasok niya sa likod ko.

    “Dammit, I don’t understand girls.” Bulong niya.
    Tumawa si Azi.

    Kaya naman simula noon ay palagi na silang sumasama sa pag sundo sa akin. Madalas ay sila na mismo ang sumusundo sa akin kasama si Damon at Knoxx gamit ang sasakyan ni Knoxx. I don’t understand them. Pinopormahan nila iyong tatlong schoolmates namin. Anila’y mas maganda daw’ng pormahan pag hindi naka uniporme ang mga babae. Ang tahimik kong dance lessons ay naging piyesta para sa kanila kaya naman palagi akong bad trip.

    Nang nag Grade 11 sila ay naging usap usapan na ang maswerteng mga babaeng magiging date nila sa Fine Dining. February ng taong iyon, walang laman ang hangin kundi ang nalalapit na Fine Dining. Hindi ko alam kung bakit big deal sa kanila iyon. Nag papractice kami sa gym ng prom at nandoon na ang Grade 11 at Grade 12 na mga estudyante sa bleachers dahil sila na ang susunod sa amin.

    Kumakanta kami ng community singing na kanta namin nang nakita kong kasama ng mga Montefalco sa pag upo sa bleachers si Gwen Ramos.

    “Totoo ba ‘yong balita na sila na ni Elijah?” Tanong ni Julia sa akin habang kumakanta ako ng You’ll Be In My Heart ni Phil Collins kaharap ang partner kong mahiyain.
    “Ewan ko.” Lingon ko kay Julia.
    “Feeling ko, e, sila na.” Ani Erin.
    Nilingon ko si Erin.
    “I saw her in Elijah’s car.” Aniya. “Sa front seat. Probably mag didate.” Kibit balikat ni Erin.

    Nairita ako sa hindi malamang kadahilanan. Tinitigan ko si Gwen Ramos at inisa-isa ko ang bawat magandang parte ng katawan at mukha niya. Maputi, matangos ang ilong, pula ang labi dahil sa lipstick, maganda ang mga mata, makurba ang katawan, maporma manamit, katamtamang haba ang buhok at madalas ay may headband.

    “She’s pretty.” Ani Claudette.
    Napatingin ako kay Claudette at hindi ko magawang makipagtalo sa katotohanang iyon. The girl is pretty.
    “And she’s Elijah’s date for Fine Dining!” Ani Hannah.
    Tumango ako at pinanood ulit silang nag uusap at nagtatawanang dalawa.

    Simula noon ay mataas na ang tingin ko kay Gwen. Kung meron man akong titingalaing babae ay siya na iyon. Gusto kong maging kagaya niya. Iyong mahinhin, babaeng babae, at maganda. Lahat ng sinusuot niyang damit ay pilit kong tinatatak sa utak ko para pag nasa mall ako ay ganong klaseng damit din ang bibilhin ko.

    “Huy!” Tinampal ni Erin ang aking balikat nang naabutang titig na titig ako kay Gwen sa bleachers nong basketball game nila Elijah.

    Tumitili siya pag nakaka shot ang Knights, mahinhin siyang tumatalon kapag nakaka shot si Elijah, kasama niya ang iilan niyang kaibigan at nagtatawanan sila sa mahinhin na paraan.

    “Sinong tinitingnan mo diyan?” Tanong ni Erin.
    “Wala. Tulala lang ako.” Uminit ang pisngi ko sa kahihiyan.

    Tinanggal ko ang tingin ko kay Gwen at pinapak na ang popcorn na bili nina Claudette kanina. Ito na ang finals ng Pasarell, kalaban ang Crusaders ng XUHS.

    Napatingin agad ako kay Eion Sarmiento at naisip ko kung ganong babae rin kaya ang tipo niya? Iyong mahinhin at hindi makabasag pinggan?

    “Go, Go XUHS!” Sigaw ni Erin at tumatawa, nag iingat na hindi marinig ng mga pinsan namin.

    Matalim siyang tinitigan ni Rafael. Tumahimik si Erin at bumungisngis sa gilid ko kaya natapon ang ilang popcorn.

    “Erin, ingat naman dyan!” Sabi ko.

    Tumunog ang bell at idineklarang panalo ang Knights. Tuwang tuwa ang mga pinsan ko. Bigo naman ang XUHS.

    “Nanalo lang tayo kasi team B lang ‘yon ng XUHS, ‘yon. Wala ‘yong Ty.” Sabi ni Claudette.

    Napatingin ako sa mga pinsan kong nagtatalunan. Sinalubong ni Elijah ang tuwang tuwa na si Gwen at pinulupot agad ni Gwen ang kanyang braso sa leeg ni Elijah para makahalik ng ilang beses. Nagtawanan silang dalawa. Agad akong nag iwas ng tingin at natigil sa pagkain ng popcorn. May parte sa dibdib kong pisikal na sumakit.

    Kumunot ang noo ko at binigay kay Erin ang popcorn. “Ayoko na.” Sabi ko.
    “Okay.” At kinuha niya sa kamay ko. “Lika! Puntahan natin ang mga pinsan natin!”

    AYOKO. But it’s wrong to say that. Bakit naman ayoko? Hindi ba dapat ay masaya ako dahil nanalo sila? Nakasimangot ako papalapit sa mga pinsan namin. Tuwang tuwa na si Erin at sinalubong niya ang kanyang kapatid na si Josiah.

    “Congrats, Kuya!”
    “Congrats!” Ani Claudette sa mga pinsan ko. “Kahit na nanalo kayo dahil wala ‘yong Ty at si Kuya Knoxx.”
    “Shut up, Dette dette. Kahit nandito sila, talo sila.” Ani Azi.

    Tahimik ako doon sa gilid. Batid kong nakapahinga ang kamay ni Elijah sa baywang ni Gwen. Hindi ko sila matignan.

    “Biyernesanto, Klare?” Halakhak ni Elijah.
    Hindi ko siya matignan.
    “Oh! Natalo natin ang crush niya.” Ani Azi.
    “Nasiko ko pa.” Hambog na sinabi ni Elijah. “Pero di ko ‘yon sinasadya.”
    Tinapunan ko siya ng matalim na tingin at agad akong nag iwas dahil nakita kong hinahaplos niya ang baywang ni Gwen. Mas lalo lang akong nagagalit! “I hate dirty players!”
    “Nangyayari naman talaga ‘yon sa game.” Ani Elijah.
    “Bakit tuwang tuwa ka na nangyari ‘yon? Siguro ay nasaktan si Eion sa ginawa mo tapos tuwang tuwa ka?”
    “Nasaktan siya sa ginawa ko. Pero hindi ko ‘yon sinasadya. It’s part of the game, Klare.” Ani Elijah.
    “Elijah’s right, Klare. Ilang beses din siyang nasiko. Nasaktan din siya.” Paliwanag ni Gwen.
    “Of course.” Sarkastiko kong sinabi at tinalikuran ko sila.

    I don’t care if he’s right. I’m mad! Ewan ko!

    Kahit na isang taon ko na silang nakikitang magkasama ni Gwen ay hindi parin ako sanay na makita silang magkasama at sweet. I don’t get myself and I don’t want to overthink. Iritado ako kay Elijah all the fucking time. Iyon lang iyon.

    “Hey!” Nag ja-jog siya sa likod ko para maabutan niya ako.

    Suot suot parin niya ang kanyang kulay dark blue na jersey na may nakalagay na Knights Number 28. At least it’s his birthdate. Hindi iyong tulad ni Josiah na kung sino ang girlfriend niya sa panahong iyon ay sa monthsary niya binibiyaya ang numero ng kanyang jersey.

    “Hey, Klare!” Aniya dahil hindi parin ako tumitigil sa paglalakad.

    Hinawakan niya ang braso ko kaya napatigil ako sa paglalakad. Hinarap niya ako sa kanya. Matalim ko siyang tinitigan.

    “Aray, ano ba?” Sabi ko. “Gusto ko lang bumili ng pagkain sa labas.”
    “What’s your problem with Gwen?” Ilang beses niya na ‘tong naitanong sa akin at palagi ko siyang hindi sinasagot.

    Tiningnan ko ang kamay niyang mahigpit na nakahawak sa braso ko.

    “Bitiwan mo ako!” Sabi ko.
    “What’s your problem with my girlfriend, Klare?” Mariin niyang sinabi habang hinihigpitan pa ang hawak sa braso ko.
    “Aray, Elijah, nasasaktan ako.” Sabi ko sabay hawak sa kamay niya sa braso ko.

    Tumitig lang siya sa akin. Kumalabog ang puso ko at gusto ko na lang kumawala sa pagkakahawak niya sa akin. Wala akong problema kay Gwen. Wala akong pakealam kaya nga wala akong sinasabi. Gusto ko lang talagang umalis at bumili ng pagkain.

    “What can I do to stop the pain?” Tanong niyang hindi ko naintindihan.
    Kumunot ang noo ko at napatingin ulit ako sa kamay niyang humihigpit ang hawak sa akin. “Let go!” Sabi ko.
    “Let go of who?”

    Nalaglag ang panga ko sa tanong niya. Nag angat ako ng tingin sa kanya at hindi ako nag iwas kahit na sobrang lakas na ng pintig ng puso ko. I just want him to let go. Isa-isa kong kinalas ang daliri niya. Nanghina siya sa ginawa ko kaya mabilis kong nakalas ang kamay niya sa braso ko.

    “Let go of who, Klare?”

    I won’t answer that question. Nag bago ang ekspresyon sa kanyang mga mata, ang dati’y galit at determinado ay nagmukha ng nasasaktan at pagod. Kinagat ko ang labi ko at tinalikuran siya. Dahan dahan akong naglakad palayo sa kanya.

    “Let go of the other girl, of course. Because I can’t let go of you.” Aniya kaya mabilis akong tumakbo palayo.

    I don’t want to hear it. I don’t want to hear anything.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

2

5 Responses to Until He Returned

  1. Best story! first time ko magcomment sa kahit anong story na nabasa ko na, but this time, I can’t help it. You’re really the queen. :) Pangalawang beses ko na itong binabasa and kinikilig pdn ako. Your stories made me so kilig, and I always wait for your updates. But I’m really a silent reader. Tumaas ng sobra ang taste ko sa stories. I love your stories so much, It’s different and it also has real-life-opinions. Naeenjoy ko na ang stories mo and nakakakuha pko ng mga aral. I’m so inlove with elijah, hindi ko to nafeel kay knoxx, jacob, etc. Too in love that I’m wishing he’s real nlang. It actually hurts na di siya real. Haha! Itong until trilogy me feel the excitement and also I’m so nervous. Na kahit nabasa ko na ay nasasaktan pdn ako for the both of them. Bagay kanta ni zayn na FOOL FOR YOU for the love of elijah to klare. No words can explain how thankful I am, queen. :) But I also hate it kase pabalik balik nko s stories mo, sa sobrang taas ng taste ko ay wala nko masyadon mahanap na stories. It’s a compliment, dont worry 😉

    Reply
  2. Ate jonah paki extend naman po ang book na ‘to oh? please po huhuhuhuhuhuhuhuhuhu. i still miss elijah and klare and the whole Montefalcos

    Reply
  3. Hi! I know this is somewhat off topic but I was wondering which blog platform are you using for this website? I’m getting tired of WordPress because I’ve had problems with hackers and I’m looking at alternatives for another platform. I would be great if you could point me in the direction of a good platform.

    Reply

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

three × five =

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <s> <strike> <strong>