Training To Love

Story Written: 2013

Nakakabagot ang buhay. Lalo na pag papasok ka nang school, kakain, humiga sa pera, maligo sa puri, mamili ng babae, at matulog. Paulit-ulit lahat araw-araw. Lahat nalaro mo na, poker hanggang pag-ibig naipanalo mo na. Kung sana may pwedeng paglaruan. Yung unique. Yung nakakatuwa.

Nang dumating siya sa buhay ko, natuwa ako kasi pinaglaruan ko siya. Humingi siya ng pabor. Binigay ko. Nagpaturo siya. Tinuruan ko. Humingi siya ng masasandalan. Binigay ko. Kasi nakakatuwa siya! Pero habang tumatagal, bakit siya na yung natutuwa at ako na pinaglalaruan?

Hate. Lies. Temptations. Betrayal. Pain. Love. All in one. Training To Love.

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.

WARNING: This story may not be suitable for younger readers. It may contain explicit, violent or provocate content. Read at your own risk.

READ ON WATTPAD

[accordion title=”Simula”]

Simula

“Eto na!” Binubuksan ko ang isang sulat sa harap ng mga kaibigan ko.

Napalunok ako ng ilang beses bago biglang hinila ito palabas ng envelop.

“Sht!” Napamura ako sa nakita.
“Patingin.” Kinuha yun ni Emma para tignan ang nakasulat. “Rejected?”

Pinasa niya ito sa iba pang kaibigan ko. Napamura ako sa isipan ko habang tinitignan ang paligid dito sa corridor. May ibang nagtatatalon sa tuwa, yung iba naman ay malungkot. Gusto kong umiyak nang umiyak.

“Paano nila ka nireject? Andami kong internship na ginawa! Singapore, Cambodia, Thailand!? Tapos sino yung kinuha nila? Yung mga walang experience?” Sabi ko habang tinitignan ako ng mga kaibigan ko.

Tinapik ni Beatrice ang balikat ko at hinaplos naman ni Camille ang ulo ko. Lintek na Le Marcelle! Alam kong malaking hotel ito pero utang na loob naman, hindi ba nila iki-credit yung mga experience ko? Ito na lang yata ang kulang eh!

“Trisha, Le Marcelle ‘to. Chain of hotels. Expected na mahirap makakuha ng internship doon.” Sabi ni Emma sakin.
“Oo nga! Kaya nga di yung ibang branch nila yung pinasukan ko, diba? Kaya nga dito lang sa Pilipinas na Le Marcelle yung inapplyan ko kasi baka sakaling pwede ako!” Umirap ako.

Nakita ko yung mga nagtatatalon sa tuwa. Ang alam ko, ang mga babaeng ito ay hanggang Singapore lang ang inabot. May common sa kanila! Matangkad, makinis, maganda at payat. Yun ang mga kinukuha nila!

Napatingin ako sa sarili ko. Hindi ako kasing puti nila at kasing tangkad nila! Halos umusok yung ilong ko habang tinitignan pa lalo ang paligid.

“Trish, alam mo kung anong gagawin mo?” Tanong ni Earl na boyfriend ni Emma.

Tinititigan parin nila ako hanggang ngayon. Natatakot yata sila nag magwala ako dito. First time kong mareject sa isang internship! Magaling yung interview ko! Kahapon, sigurado akong makakapasok ako. Pero ngayon? Gumuho ang mundo ko. Tanginang Le Marcelle na yan! Alam kong sikat ka kaya nga ako nag iintern sayo diba?

“Ano?” Kumunot ang noo ko.

Itinuro niya ang isang lalaking pinapalibutan ng mga kaibigan niya. Tumatawa ang mga kaibigan niya dahil sa joke na sinasabi niya. Tumaas yung kilay niya nang nakitang nakatitig ako sa kanya. Agad naman niyang tinignan ulit ang mga kasama. May mga babaeng matangkad at magaganda din sa paligid niya. Paminsan-minsan ay nan-cha-chancing siya sa pamamagitan ng paghawak ng mga baywang nila. Bumubungisngis naman ang mga babaeng ginagawan niya ng ganun. Nakipag-apir siya sa mga lalaking kausap niya at umambang aalis na.

“No! Ayoko!” Sigaw ko kay Earl.

I. Hate. That. Guy.

Alam mo yung feeling na ganun? Yung ayaw mo sa kanya kasi ayaw mo lang. Nakakainis lang talaga siya. Lahat ng ginagawa niya naiinis ka lang. Kasi wala lang. Talagang nakakainis lang siya.

Ni-view ko sa iPad ko yung Facebook niya.

Troy Ezekiel S. Salazar – Add Friend? Friend mong mukha mo! Angas! Bwiset! I-report kita at i-block diyan!

Kainis yung mukha niya sa profile picture! Naka-nganga siya at naka-dirty finger habang nasa likod niya ang Eiffel Tower. Sarap sirain ng iPad! Sobrang yabang niya! Ano ngayon kung nakapunta na siya diyan? Marami na namang nakapunta ng Paris samin ah? Alam ko yung ibig sabihin niya… Kasi naman, stock holder sila ng Le Marcelle Chain of Hotels! Kaya pwedeng doon siya sa Paris forever! Hula ko may visa na siya sa kahit anong lugar. 50 countries lang naman nakatirik ang 120 hotels ng Le Marcelle!

Sarap niyang tirisin sa picture! Kainis ang mokong! Alam kong di niya ako kilala pero nakakainis isiping kilala ko siya! Kahit na kinaiinisan ko siya, kilala ko parin siya!

Okay! Alam ko na! Magpapakilala ako sa kanya at magpapare-consider ako sa OJT na yun! Gustong-gusto kong makapasok sa Le Marcelle. Ngumiti ako sa sarili ko habang nilalagay ang iPad sa loob ng bag.

Hindi mahirap hanapin si Troy Ezekiel… Para siyang beehive na palaging napapalibutan ng bubuyog. Ang mga bubuyog ay yung mga lalaki at babaeng kasama niya.

Sinundan ko siya buong hapon. Tama! Umabsent ako sa ilang klase ko para sundan siya sa klase niya.

Habang tumatagal, lalong lumalaki ang galit ko sa kanya. Lahat ng ekspresyon niya sa mukha at aksyon niya, mayabang! Mayabang pati yung hibla ng buhok niyang parang Astroboy. Ang sarap niyang sipain.

Alas singko nang sa wakas ay dalawa na lang ang kasama niya. Nakilala ko yung dalawa na sina Theo at Nash na matalik niyang kaibigan. Nag apir ulit sila at nagtawanan nang nakarating kami sa parking lot.

“Pano, ‘tol! Later?” Sabi ni Theo.
“Tignan ko, dude! Sige! Punta siguro ako!” Sigaw pabalik ni Troy habang kinakapkap ang bulsa para sa silver na Audi A5 Coupe. Hindi ako ganun ka stalker para malaman ng kumpleto ang specs ng sasakyan niya pero pagkabalik ko galing Singapore nung March, ito ang bukambibig ng mga schoolmates ko.
“O sige! Bihis lang din kami!” Sigaw ni Nash sabay talikod sa kay Troy para pumunta na sa sasakyan niya.

Rich kids! Heh! Ganun naman yung mga gusto ni Troy eh. Gusto niyang napapalibutan siya ng popular at mayayamang batang tulad niya.

Tumigil siya sa paglalakad. Napatigil din ako. Pumihit siya at kumunot ang noo nang nakita ako.

“Are you stalking me?” Lumiit ang mata niya nang tinanong ako.
“Excuse me? Hindi! Bakit?” Umirap ako.
Ngumisi siya.

Ngisi na nakakapanindig nalahibo. Nakita ko yung dimple niya sa kaliwang pisngi sa ngisi niya. Nihead-to-foot niya ako.

“Okay…” Nagkibit-balikat siya at tinalikuran ako para maglakad ulit palapit sa sasakyan niya.

Sht! Sorry pride pero kailangan ko ‘tong gawin!

“Troy!” Sigaw ko nang tumunog na yung Audi niya. Hudyat na papasok na siya.
“Hmmm?” Ngumuso siya at tinaas ang kilay sakin. Lumiit agad yung mata niya nang nakita akong nandoon parin. “Sino ka ba?” Tumingin siya sa paligid na walang tao. “May CCTV dito, kung balak mong mang hold up, ikaw rin.”

Napanganga ako sa sinabi niya at inisip na lang ang internship sa Le Marcelle! Mas malaki pa yata sa universe ang inis ko sa kanya ngayon. Sarap mag mura ng isang araw dahil sa sinabi niya! OMGGGGGG! Kainis! Nanginginig ako sa inis.

I swear, nanginig din yung labi ko nang sinagot ko siya, “Trisha G. Roncesvalles, HRM student.” Mapride ko yung sinabi.
“Uh-huh?” Binuksan niya ang sasakyan niya at may kinuha siya sa loob.
“At tsaka… ermmm.” Natameme ako nang narealize kong di ko inisip kung paano ko sasabihin sa kanyang na reject ako sa hotel nila!

Lord, ipakain mo na lang ako sa lupa.

“Eto oh? Sorry miss ah?” Sabay lagay ng 1 thousand bill sa harap ng sasakyan niya para ibigay sakin. “Mali-late na kasi ako sa lakad ko eh. Wala akong time para ihatid ka. Mag taxi ka na lang.” Nagkibit balikat siya at pumasok sa loob ng sasakyan niya.

Oh my God, Lord! Pakiramdam ko usok, dugo, at kung anu-ano pa ay lumalabas na sa ilong, tenga at mata ko sa panahong iyon. Kinuha ko ang 1 thousand bill at pumasok sa front seat niya.

“Oi!” Sigaw niya na parang nadumihan ko ang sasakyan niya. “Oi! Miss! Umalis ka dito!” Sigaw niya.
“Isaksak mo sa baga mo yang pera mo! Hindi ako magpapahatid sayo! Gag0!” Sigaw ko.
“Oo na! Sige na! Alis ka na! Sht naman!” Sigaw niya. “Gulo mo! Alis na!”

Sinaksak ko rin sa baga yung letter ng Le Marcelle at ngumisi sa kanya.

“What’s this?” Tanong niya habang hinahawakan yung letter na parang nandidiri. Humagalpak siya sa tawa nang nakitang na-reject ako sa OJT na inapplyan ko. Tumingin siya ng diretso sa dibdib ko at mas tumawa lalo, “Alam ko kung bakit ka na reject!” Tawa ulit. “Eh ang liit nung boobs mo!”

Suminghap ako habang tinitignan siyang tumatawa. WALANG HIYA! ININSULTO PA AKO?! Humanda ka ngayon, Troy at magpapatiwakal ka talaga sa gagawin ko.

Una sa lahat. Alam kong namumugad si Troy sa branch ng Le Marcelle na inaaplyan ko. Dun niya dinadala ang mga modelong nilalapa niya gabi-gabi. Pangalawa. Siya ang tumatayong CEO ng kompanya tuwing umaalis ang Daddy niya papuntang Lehman Bros Group, ang samahan ng stock holders ng Le Marcelle. Pangatlo. May pinapangalagaan siyang pangalan dahil nga CEO siya minsan ng Le Marcelle Philippines.

“Kita mo ‘to?” Sabay pakita ko ng blank CD.
Kumunot ang noo niya. “Ano naman yan?”
“Isang araw, Troy, napadaan ako sa Le Marcelle. Nagkataong open yung pintuan ng kwarto mo kaya gumapang ako papasok at vinedeohan kung anong ginawa mo dun…”
Mas lalong kumunot ang noo niya, “Tapos?”
“Tapos? Tadaaaah! This is your freakin sex scandal, Troy Ezekiel Salazar!”

Kinuha niya agad sa kamay ko at binasag ang CD. Nalaglag ang panga ko sa ginawa niya at narealize na dapat hindi ganun ang reaksyon ko.

“Bye bye, sex scandal.” Ngumisi siya. Malademonyo. Kulang na lang sungay.
“Anong akala mo sakin? Girl scout ako! May kopya pa sa laptop ko, sa desktop ko, sa cellphone, at sa lima pang CD na nakatago sa bahay. Meron pa sa USB.”
Siya naman ngayon ang nalaglagan ng panga.

Ilang sandali pa bago siya nagsalita ulit.

“Damn!” Tinignan niya ang resume ko. “Trisha Roncesvalles. Titignan ko kung anong magagawa ko-“
“Hindi mo titignan, Troy! Gagawin mo ang lahat! Narinig mo ako? Gagawin mo ang lahat ng magagawa mo para makapasok ako sa Le Marcelle or else, you’ll be ruined!” Ngumisi ako.
“Freak!” Bulong niya sa sarili niya. “Okay! Whatever! O ayan! Kasama ka na sa mga OJT! Akin na lahat ng kopya ng scandal na yan!”
“I need the letter… At patapusin ang semester na ‘to with flying colors!” Tumaas ang kilay ko.

Sinapak niya ang manibela ng kotse niya.

“Damn! Damn! Freak!” Sabi niya.
“And Don’t call me a freak!” Sigaw ko.

Umiling siya at yumuko. You’re a dead meat, Troy!

HAHA! Hawak ko na sa leeg ang mayabang na si Troy! Ang hindi niya lang alam… ay loko lang lahat ng iyon. Wala akong sex scandal niya. My God, maliligo ako ng holy water kung makahawak ako ng sex scandal ng pinakakinaiinisan kong tao sa balat ng lupa.

My plan worked! This is it! Bye bye, mayabang Troy Ezekiel S. Salazar. From now on, you’re my puppet! Haha!

[/accordion]

[accordion title=”Kabanata 1″]

Kabanata 1
Mr. Araw-Araw May Dalaw

“Hindi ako naniniwala na may sex tape ka sakin.” Ngumisi siya nang nagkasalubong ulit kami sa school.

Ngumisi din ako. Alam kong marerealize niya ito. Kaya inutusan ko si Earl na gawin ‘to para sakin.

“Eto oh,” Sabay pakita ko ng isang flash disk sa kanya. “Gusto mong tignan? Bibigyan kita ng isang oras. At wa’g mong isiping ito lang ang kopya ko dahil marami pa yan.” Ibinalandra ko ang flash disk sa ere.

Tinignan niya itong mabuti nang nakakunot ang noo. Kukunin niya na sana pero inilayo ko ‘to sa kanya.

“Tandaan, hanggang mamaya lang ang letter ah? Magsisimula na ang interns bukas. Ito na lang ang kulang ko kaya dapat bilisan mo.” Ngumisi ako at biglang may kumuha sa flashdisk.

“Huy!” Sigaw ko pero nakatingin ako sa ekspresyon ng mukha ni Troy.

Ginulo niya ang buhok niya at mas bumilis ang paghinga.

“Dude, what the fck!?” Sigaw niya sa kumuha.

Yun ang inutos ko kay Earl!

“Ano ‘to, Trish?” Tanong niya at kinuha yung laptop sa bag niya. “Anong meron?” Tanong niya.
“Akin na yan, Earl!” Sigaw ko sabay kuha sa flashdisk, pero syempre, pinahirapan niya kuno ako.
“Akin na yan, dude! Di yan sayo!” Sigaw ni Troy.

Sumimangot si Earl.

“Titignan ko lang naman eh. Ano bang problema?”

Namutla si Troy habang tinitignang binubuhay ni Earl ang laptop niya para tignan kung anong meron sa loob ng USB.

Sinapak ni Troy ang kamay ni Earl kaya tumilapon yung USB sa isang makitid na kanal.

“Oh my god! Yung flashdisk ko!” Sigaw ko.

Humagulhol ako sa iyak. Nagmura at inakusahan si Troy.

“Nandoon lahat ng importanteng files ko, Troy!” Tinuro ko siya.

Tumingin siya sa paligid at namutla. Nakatingin ang iilang estudyante saming tatlo. Kinindatan ko si Earl bago siya umalis.

“Walang hiya yung kaibigan mo! Muntik niya nang makita yung sex tape!” Sigaw niya sakin.
“Ikaw ang walang hiya! Nasira na at nawala yung USB ko dahil sa katangahan mo!”
Sumimangot siya nang sinabi ko ang salitang ‘katangahan’. “Iniinsulto mo ba ako?”

Fake tears ang umaapaw sa pisngi ko habang hinarap siya. Sarap tumawa. Nanginginig na nga ang bibig ko dahil sa pagpipigil ko nang tawa.

“I will ruin your life, Troy Ezekiel Salazar.” Madrama ko siyang tinalikuran dahil di ko na talaga kayang hindi tumawa.

Humakbang ako palayo sa kanya. 5… 4… 3… 2… 1…

“Sandali nga Trisha!” Sabay hila niya sa braso ko.

Sabi na nga ba! Hindi siya makakatiis.

“Tayo na nga sa Le Marcelle! Freak!” Sabi niya.
Madrama ko siyang sinampal.
“What the fck, Trish?” Kitang kita ko ang pag aalab ng galit sa mata niya.

Kinagat niya ang labi niya at pumikit. Pinipigilan niya ang galit niya sa ginawa ko.

Napatingin ako sa paligid. May ibang natigilan na talaga sa ginawa ko. Paano ba kasi, sinampal ko ang the great Troy Ezekiel Salazar!

“Troy? Okay lang ba kayo? Sino yan?” Tanong ng isang modelo.
“Wala.” Sabay hila niya sakin papuntang sasakyan niya.

“Hindi mo pa nga kinakalat yung sex tape, sinisira mo na ang buhay ko. I hate you! Damn!” Umiling siya at pinatunog ang sasakyan niya.
“The feeling is freakin mutual. I hate you, too.” Sabi ko.

Pinunasan ko yung fake tears ko at kinapalan ang mukha sa pagsakay ulit sa sasakyan niya. Umiling siya nang nakita ako sa front seat. Tinitigan niya ako. Hindi ko alam kung bakit pero ganyan ba talaga ka expressive yung mata niya? Brown ang kulay ng mga mata niya at pag tinitignan mong mabuti ay parang makikita mo yung kaluluwa niya.

“Sinampal mo ako. Sa harap ng mga estudyanteng naglalakad!” Sigaw niya sakin sa sasakyan niya. “ANONG GUSTO MO? MASABIHAN TAYONG NAG E-LQ?”
“Oh my God! Gusto ko nga niyan kasi may lihim na pag tingin ako sayo!” Ngumisi ako at sumimangot. “Hinulog mo ang USB ko sa kanal at tinawag mo ulit akong freak, nararapat kang sampalin!” Sigaw ko pabalik sa kanya.
Suminghap siya at pinaandar ang sasakyan, “God! I hate you!” Bulong niya sa sarili niya.

Inayos ko ang sarili ko habang nag di-drive siya patungong Le Marcelle. Naka pony tail ang buhok ko at nilagyan ko ng pressed powder ang mukha ko. Sumusulyap siya paminsan-minsan. Naglagay din ako ng lipstick at blush on. This is it! Finally! Mag O-OJT na ako sa Le Marcelle. Makukuha ko ngayon ang letter pagkarating namin. Genius talaga ako sa pag gamit ko kay Troy!

“Labas!” Sigaw niya sakin nang nakapark na kami.
Tumaas ang kilay ko, “Ang sama mo! Bakit daming nagkakandarapa sayo? Eh ang sama mo!” Umirap ako at lumabas.
“Whatever!” Umiling siya at naglakad papasok ng hotel.

Ang laki ng Le Marcelle! Maraming pool. May Infinity pool pa! May pool pa sa rooftop. Pagkarating mo dito, kung guest ka, para ka talagang queen.

Yumuyuko yung mga nagtatrabaho dito. Hindi ko alam kung sa lahat ba ng guest or sa kay Troy lang na mayabang na tinatahak ang red carpet papasok ng main hotel.

“Mr. Salazar.” Sabay yuko ng security guard ng Main Hotel.
“Call Jayden Corpuz, please.” Salubong niya sa bati ng guard.
“Oh my God!” Napalunok ako.

Agad-agad? Di ba pwedeng upo muna tayo? Bakit tatawagin agad ang 24 years old na professor namin sa HRM at manager ng Le Marcelle?

Umupo si Troy sa sofa at sinandal ang ulo niya doon habang hinihintay si Sir Jayden.

Nanginginig ang paa ko at halos tumakbo na ang puso ko palabas ng dibdib ko sa kaba.

“What’s your problem?” Tanong ni Troy.
Nilingon ko siya. Nakapikit siya habang sinasandal parin yung ulo niya sa sofa. May grupo ng mga babaeng interns din siguro galing sa ibang school na tumitili habang tinitignan siya.

Napailing na lang ako sa kanila.

“W-Wala!” Okay, wala ba talaga ngayong nauutal na ako.
Dumilat siya. Narinig niya siguro sa boses ko ang kaba ko. “Kinakabahan ka sa manager pero di ka natitinag sa acting CEO?” Kumunot ang noo niya at umiling.
“Iba si Sir Jayden sayo. 24 years old siya at professor namin sa Hotel Management. Ikaw, schoolmate kita k-kaya hindi ako kakabahan sayo-“
“I’m 20 years old, Trisha. Apat na taon lang ang agwat namin ni Jayden at ako ang acting CEO dito. You should atleast respect me.”
Umirap ako, “Isang taon lang ang agwat natin, Troy. At di ka pa tapos ng college. Kwits lang tayo. Kung naka baon pa ako sa lupa, ikaw din. Si Sir Jayden, lumilipad na sa matayog na lugar. MBA graduate na siya kaya wala kang laban kahit na acting CEO ka pa. Ipinanganak ka lang na mayaman.” Umirap ako.
Umiling siya at lumiit ang mga mata habang tinitignan ako.

“Ah! Jayden!” Ngumisi si Troy sa likuran ko.

Halos bumigay ang tuhod ko nang hinarap ko si Sir Jayden Corpuz. Yung tikas niya sobrang nakakahimatay. Naka white button down shirt siya. Simple lang pero gwapong gwapo. Kitang kita mo rin yung malalagkit na tingin ng mga receptionist sa kanya (na tumitingin din kay Troy). Iba talaga pag mejo older na yung lalaki. Ang lakas ng dating. Kaya crush na crush ko siya. Okay, well… ngayon ko lang aaminin sa inyo na kaya din ako desperadong desperado na makapasok sa Le Marcelle ay dahil sa kanya.

“Ito si Trisha Ronces-ano yun?” Natigilan si Troy at tumaas ang kilay sakin.
“T-Trisha R-Roncesvalles.” Sabay lahat ko nang nanginginig na kamay.

Tinanggap ito ni Sir Jayden at nakipagkamayan sakin. Oh! My! Goodness! Parang na electrify ang buong katawan ko sa ginawa niya. Natulala ako.

“Ehe-Ehem…” Sabay tanggal ni Troy sa kamay ko kay Sir Jayden.
Binalewala yun ni Sir Jayden at ngumiti sakin, “Estudyante kita diba? Sa HR 41?” Tanong niya.
Tumango ako. Tuyo ang lalamunan ko at di ako makapagsalita.
Ngumiti ulit siya at tumingin kay Troy.
“Nireconsider ko yung internship niya dito sa Le Marcelle. Paki sabi sa HR na mag rerequest ako ng letter at i-notify ang school na nareconsider siya ngayon para bukas, makapagsimula na siya.”
Tumango si Jayden at tumingin sakin, “Okay. Buti na reconsider mo siya, Troy. Sometimes, I’m not sure if your interns deserve to be part of Le Marcelle.” Umiling siya. “But I’m sure, hindi ka magsisisi na tinanggap mo si Trisha. I heard A lahat ng internship mo sa Singapore at Thailand?” Tanong niya sakin.
Halos sumuka ako ng rainbow sa saya. “A-A-A Oo eh.” Uminit ang pisngi ko.

Pinupuri ako ni Sir Jayden!

“Sorry, Jayden, pero ako ang masusunod dito-“
“Yeah, I get it, Troy.” Tapos tinalikuran kaming dalawa ni Troy.

Halos magtatalon ako sa tuwa dahil pinaglaban ako ng gwapong si Sir Jayden. Tahimik si Troy na tinitignan ako habang pinipigilan ang pag burst.

Tinuro niya ako at, “Crush mo siya.”
Napasinghap ako, “Ano ngayon?” Uminit ang pisngi ko.
Ngumisi siya. Malademonyong ngisi. Tumindig ang balahibo ko nang nakita ko ang mata niya.

Pure evil. I’m not sure which of the seven deadly sins… ang sin niya.

“At ano namang nagustuhan mo sa kanya?” Tumaas ang kilay niya.
“Wala ka ng pakialam dun!” Tumingin ako sa malayo. Sigurado akong pulang-pula na ang pisngi ko ngayon.

Ngumisi siya lalo.

“May pang bablackmail ka sakin, may blackmail din ako sayo. Paano ba yan?”
Namutla ako sa sinabi niya, “Troy! Utang na loob, professor siya. Hindi pwedeng magkarelasyon ang estudyante at professor kaya wa’g mong sabihin kahit kanino, lalo na sa kanya.”

Halos umusok yung ilong ko nang sinabi ko ang salitang ‘relasyon’! Ako at si Sir Jayden, may relasyon? KYAAAA! Mahihimatay na yata ako sa kilig.

“Pwes ano ngayon kung sabihin ko nga?” Tanong niya.
“Edi ikakalat ko yung sex scandal mo!”
Umiling siya at sumimangot, “God! I really, really hate you! Diyan ka na nga!” Sabi niya at iniwan ako.
“Troy!” Sinundan ko siya.
“What?!” Masungit niya akong nilingon.
“Ibalik mo ako sa school!” Utos ko.
Umiling ulit siya, “Freak!”
Sumimangot ako.
“Wa’g mo akong lalapit-lapitan sa school ah? Kahiya ka!” Aniya.
“Huy! Excuse me! Baka ikaw pang lumapit sakin. Kapal muks mo! Nilapitan lang naman kita para makapasok ako sa Le Marcelle. Yun lang yun. Baka akala mo isa ako sa fanatic sayo, nagkakamali ka huy, hater mo ako. Tseh!”
“Ang ingay ingay ng bunganga mo. Grabe ka!”

Buong drive papuntang school, halos mabilang na ang mga ngipin ko sa kakangiti. Siya naman, mura nang mura sa kahit anong bagay. Badtrip masyado si senyorito!

“Bakit ba sobrang galit mo? Ano bang problema mo?” Sabi ko nang nakangiti.
Nanlilisik ang mga mata niya nang ibinaling niya ang tingin sakin, “Pwede ba? For once, just keep quiet?” Umiling siya at nagmura ulit sa traffic.
“Para kang Araw-Araw May Dalaw.” Humalakhak ako.
Ibinaling niya ulit ang tingin niya sakin.
“Araw-Araw May Dalaw. Mr. Araw-Araw May Dalaw.” Tumawa pa ako lalo.
“God damnit! Shut up, Trisha! Ang ingay mo!” Ginulo niya ang buhok niya.

Masaya talaga pag badtrip ang taong hate mo ano? Music to my ears ang galit niya.

[/accordion]

[accordion title=”Kabanata 2″]

Kabanata 2
Akala ko Nakatalikod

“Sinasabi ko na nga ba, Trisha!” Sigaw ni Emma sakin.

Ngumisi lang ako habang nag aayos ng buhok. Ito ang unang araw na dapat akong mag duty sa hotel pero dahil hawak ko naman sa leeg yung acting CEO nila, nandito ako sa school. Kukunin ko din kasi yung letter sa kanya.

“Masaya si Mommy at Daddy na nakuha ako sa Le Marcelle. Maging masaya na rin kayo!” Sabi ko habang tinitignan ang sarili sa salamin.
“Binlackmail mo si Troy Salazar. At! Pustahan tayo, gusto mo lang pumasok dun para mapalapit ka kay Sir Jayden.” Umiling si Emma.

Napabuntong hininga din sina Beatrice at Camille.

“Aminin niyo, ang swerte ko!” Sabay tili ko sa kanila.
Tumili din sila pero natahimik dahil sa titig ni Emma.
“Hayaan mo na lang Em! Eh ako nga muntik na akong nag shift sa HRM nung nakita ko si Sir Jayden. Ang gwapo niya talaga!” Tumili pa si Camille.

Habang nagtitilian si Camille at Beatrice, naispatan ko si Mr Araw Araw May Dalaw sa gilid ng mata ko. Gaya ng sabi ko, madali siyang makita kasi pinapalibutan siya ng isang pulutong na kaibigan. Nagtatawanan yung mga babae sa joke niya. Halatang inaakit siya ng mga babae dahil hinahaplos siya kung saan saan. Mga babaeng ito, ang kakati, sumasamba sa Troy na yan.

Tinignan ko siyang mabuti. Tawa siya nang tawa. Sigurado akong mag mo-mood swing yan ngayon pag makita ako. At tama nga ako! Nang nasulyapan niya ako at ibinalik ulit ang tingin niya sakin, bahagyang nanlaki ang mga mata niya at sumimangot agad.

Napabuntong-hininga si Camille at Beatrice.

“Bakit ba kasi may mga gwapo at mayabang at the same time? Hindi ba pwedeng gwapo at mabait tulad ni Sir Jayden?”

Ngumisi ako at nilapitan si Troy. Nang nakita niya akong lumalapit na… sobrang laki na ng pinagbago sa ekspresyon ng mukha niya. Talagang mukha na siyang may dalaw ngayon!

“Troy!” Mahirap siyang lapitan dahil sa nakalibot na mga tao sa kanya.
“Ew? Who is she, Troy?” Sabi nung modelong nakita ko nung isang araw.

Pa-conyo pa ito. Suntukin kita diyan! Tignan natin kung makapag english ka pa diyan.

“Huh?” Pa blind naman itong si Troy kahit na mukha na siyang may dalaw.
“Sino ba ‘to, dude?” Tanong ni Nash.

Ni-head to foot ako ng mga kaibigan niya. Nagkibit-balikat na lang si Troy.

“Maybe a fan.” Sabay iling ng kutis-porselanang babaeng ito.
“Miss, walang time si Troy sayo kaya sorry ka na lang. Tsaka di siya mahilig sa tulad mong nobody!” Inirapan ako ng modelong conyo.
Bago pa ako nakapagsalita, “Tayo na nga!” Tapos tinalikuran nila ako at umalis na.

Sa soooobrang inis ko parang ako na ang may dalaw! Nagngingitngit ako sa galit! Hindi pa ako kailanman nainsulto ng ganun! I know! Nobody ako kaya hindi pa ako na expose sa opinion ng ibang tao, except kina Emma, Camille, Beatrice at Earl na mga kaibigan ko na simula pa nung unang panahon.

“TROY!” Sigaw ko.

Hindi sila tumigil. Binalewala ako.

“ALAM MONG KILALA MO AKO! AT ALAM MO RIN KUNG ANONG GAGAWIN KO KUNG DI MO AKO PAPANSININ!” Sigaw ko.

“Back off, missy! Isa ka lang sa mga may gusto sa kanya. Baka isipin mo na by showing up here in front of people, you’ll get his attention. Ew! Back off!” Sigaw nung makinis sakin.

WHAT THE EF? Napapikit pa ako sa sigaw niya. Sumugod agad si Emma, Camille, Beatrice at Earl sakin.

“Sabi na eh! Nagkataon lang yun nung isang araw!” Sabi ni Emma.

Mabilis parin ang pintig ng puso ko habang palayo nang palayo ang gang ni Troy. Bushet na Troy! Anong ibig sabihin nito?

Buong araw hininap ko siya sa school pero hindi ko na ulit siya mahagilap. Bulung-bulungan agad sa school na sinugod ko si Troy NA UMIIYAK. Okay! Exage talaga huh?

Nang nag alas syete na ng gabi at di ko parin siya mahagilap, umiyak na talaga ako. Sinabi ko na kay mommy at daddy na napasok na ako sa Le Marcelle. Anong sasabihin ko pag nalaman nilang hindi pala? Baka nalaman ni Troy na nagsisinungaling ako sa sex tape kaya nagpasya siyang kalimutan na lang na nangyari ako.

“May make up class kami sa accounting, Trish.” Sabay tingin ni Emma sa relo niya.
“O-Okay lang.” Napahikbi ako. Mag iisang oras na akong umiiyak. Narealize ko na kasi na mukhang wala na talaga akong pag asa. “Sige na, iwan niyo na ako dito.”
“Haaay! O sige! Tama na yan. Tawagan kita mamayang gabi. Umuwi ka na muna.” Sabay iling at pahid sa luha ko.

Tumango ako at umalis na dun. Papalabas ako ng school. Walang hiyang buhay! Nasakin na, nawala pa! Wais din ang Troy na yun ah?

“AHHHHHHHHHHHHHH!”

Biglang may yumakap sakin galing sa likuran at hinila ako paatras. Pumiglas ako.

“Nasa school pa ako at gaya ng sabi ni Troy, may CCTV dito! Kaya lagot kang holdaper o rapist ka! OMYGOD! Mari-rape ako? Rapist! AHHHH!” Tinakpan niya ang bibig ko.

Rapist! Rapist!

“Shut up, Trisha!” Napahingang malalim si Troy pagkatapos akong tinapon papasok ng front seat niya. “Damn, ang ingay ingay mo talaga!” Umiling siya.

Napaiyak ako sa kaba… at sa relief…

“Huy!” Nag snap siya ng daliri sa mukha ko nang nakitang nag break down na ako. “B-Ba’t ka umiiyak?”

Nilock niya yung pintuan ko at umikot sa driver’s seat para umupo. Hinarap niya ako.

Sinuntok ko ang dibdib niya pero di siya natinag. Ewan ko ilang beses kong sinuntok yun.

“Lanya ka, Troy! Akala ko rapist! Akala ko di ko na makukuha ang Le Marcelle! Akala ko mabibigo na ako! Akala ko mamatay na ako!” Nagwala ako sa sasakyan niya.

Tumawa siya. Sumakit pa yata ang tiyan sa kakatawa.

“Rapist? Talagang inisip mo pang rapist? May man ri-rape ba sayo eh halos wala kang laman?” Tanong niya.

Sinapak-sapak ko na naman ang dibdib niya sa inis ko. Pero tumatawa lang siya na parang di nasasaktan. Nag-ekis na lang yung braso niya para di ko na siya masapak.

Napasinghap siya pagkatapos niyang tumawa at agad sumimangot, “Diba sabi naman sayo wa’g mo akong lalapitan sa school kasi nakakahiya ka?”

Sinapak ko ulit.

“Anong nakakahiya sakin? Ang ganda ko kaya!”
Umamba siyang tatawa na naman pero inirapan ko at sinapak ulit.

May kinuha siya sa backseat. Tumingin lang ako sa malayo habang kinakalma ang sarili ko. Jusko! Akala ko talaga katapusan ko na! Akala ko headlines ako ng dyaryo bukas! Sayang, na rape, pinatay, ang ganda pa naman sana. Tapos mag wewelga ang lahat ng nagmamahal sakin at ipapaclose ang school kasi di reliable ang security.

Kinalabit ako ni Troy nang nakangisi.

Sinimangutan ko siya, “Ano?”

Mas lalong lumaki ang ngisi niya habang kinakalabit parin ako.

“ANO?” Sigaw ko.

Tumawa na talaga siya.

“Ay? Nakaharap ka na pala. Akala ko nakatalikod ka, ang flat kasi ng chest mo parang likuran? HAHAHAHA!”

Sinapok ko na ang mukha niyang tumatawa ng wagas! Bwiset na bwiset talaga ako sa kanya! Pa’g maganda ang mood ko, siya yung galit. Pag siya naman ang may maganda ang mood, ako naman ang galit. Hindi ba pwedeng sabay kaming masaya?

“Loko ka! Kainis ka!” Sinapak-sapak ko na naman siya.
“Huy! Aray! Sakit ah! Wa’g nga sa ulo, Trisha!” Sigaw niya nang sa wakas ay nasaktan ko na.

Inayos niya ang buhok niya at tinignan ang sarili sa salamin. Yung buhok niyang parang kay astroboy o kung anong tawag ng hairstyle na yan.

“Kainis ka naman! Eto!” Sabay bigay ng letter.

OFFICIALLY ACCEPTED!

“Wa’g mo na ulit akong gambalain ah? Lalo na dito sa school. Di alam ng mga kaibigan kong may kilala akong tulad mo.”
“Tulad ko?” Tanong ko.
Nakatingin parin ang vain na ‘to sa salamin at inaayos ang buhok.

Hindi ko alam na pwede pa palang mas lumala yung dislike ko sa taong kinamumunhian ko. Kay Troy lang yata yun mangyayari. Makasarili at vain siya. Yung reputasyon, mukha, pangalan, at kapangyarihan lang ang importante sa kanya. I doubt kung ‘friends’ niya ba talaga ang mga kaibigan niya. Tingin ko dumidikit lang sila sa kanya dahil mayaman at gwapo siya. Nakakainis!

[/accordion]

[accordion title=”Kabanata 3″]

Kabanata 3

Sino Ang Pipiliin

Excited akong pumasok sa Le Marcelle sa sumunod na araw. Nakatali ang buhok ko at naglagay ng light make up para mahighlight yung mga features ko. Nakasoot ako ng uniform ng Le Marcelle. Linagyan lang ng scarf para makitang intern ako. Iilan lang kaming interns ng Le Marcelle, hula ko di lalagpas ng sampu.

Na-assign ako sa top floor, left wing. Pagkatapos kong mag ayos at mag iwan sa locker ng mga gamit, narealize ko talaga kung gaano ka high end ang hotel na ito. Tingin ko, ito ang pinaka engrandeng hotel sa buong Pilipinas. Lahat ng tao sa hotel na ito ay profesional. Gagawin ko ang lahat para di ako pagalitan ng floor supervisor… at syempre lalo na ng manager.

Disappointed ako nang di ko man lang nakasalubong si Sir Jayden sa buong paglalakbay ko patungong 30th floor.

“Hi! Intern ka ba?” Tanong ng isang babaeng may nameplate na Jane.

“Oo.” Sulyap ko sa scarf.

Tumango siya at ngumiti. Nagtatrabaho din siya dito at propesyunal siyang makitungo.

“Buti pa, ikaw ang mag check sa end rooms, yung malapit sa rooftop kasi ayaw ko dun.”

Tumango ako, “Ba’t naman?”

Ngumuso siya at pumula ang pisngi. Hindi siya makatingin sakin.

Narealize ko na baka mali yung ginawa ko. Kahit anong utos dapat ng mga regulars dito, dapat u-oo ka lang. Nakakacurious kasi sa ekspresyon ng mukha niya kaya nagawa kong magtanong.

“Ah. Sorry. Sige, ma’am, punta na ako.” Sabi ko at tumango naman siya.

Nakakacurious naman yung pagpula ng pisngi niya. Hindi kaya may multo sa mga rooms na yun? Tinulak ko yung cart na nagdadala ng mga panlinis at iba pa sa mga suites dito.

Unang room, walang tao. Sumunod na room, magulo. Habang naglilinis ako dun… may naririnig akong dumadaing… hindi… umuungol sa terrace ng kwarto.

Ini-slide ko ang pintuan at nakita ang breathtaking view ng mga iba’t-ibang skyscrapers ng syudad. Pero higit sa lahat, dinig na dinig ko ang ungol na nanggagaling sa kabilang terrace.

What the? This isn’t a distress call!

Sinarado ko agad. Ok. Balik sa trabaho, Trish. Confidential yun kaya wa’g nang i-disclose.

Pagkatapos kong maglinis sa room na yun, nakalimutan ko lahat ng narinig ko sa sobrang pagod. One last suite bago ako mag break.

Kumatok ako at pinindot ang speaker. Protocols.

“Excuse me, Housekeeping!” Sabi ko at naghintay ng sagot.

Walang tao? Papasok ako?

“Yes, please. What’s your name?” Tanong ng nasa loob.

“Trisha, Sir. I’m sorry. I can come back later.” Kinagat ko ang labi ko.

“No, actually. I want you to clean now. My suite is pretty messy.”

Ok. Standard protocol na hindi dapat pumasok pag may tao na pero since gusto ng guest… hindi. Talagang hindi pwede. Hindi ko pa nasusubukan na magkaroon ng ganitong guest na okay lang mag housekeeping kung nasa loob pa siya. Hmmm?

Binuksan niya ang pintuan. Sumalubong sakin ang mala demonyong ngisi ni Mr. Araw-Araw May Dalaw. Messy ang buhok niya. At sorry kung sasabihin kong mapupuri ko talaga siya kung ganyan lagi ang mukhang ipapakita niya.

Humugot ako ng malalim na hininga nang nakita kong naka boxers siya. I think… I think… lunok… nagbababad siya sa gym.

“Clean it, Trisha!” Mas lalo niyang binuksan ang pintuan. “And close your mouth.” Sabay tulak niya sa baba ko para maisarado ko ang kanina pang nakangangang bibig.

Umiling siya at humalakhak habang lalong ginugulo ang buhok. Imbis na pasadahan ko siya ng tingin ay napatingin ako sa sala ng suite niya. Rated SPG, Trish. Alam nating lahat na mejo may pagka manyak ako pero never been touched ang beauty ko no!

“What? May sextape ka sakin diba? Kita mo na lahat sakin. Ba’t ka nahihiya pa riyang tignan ako?”

Actually, ewan ko sayo Troy. Sobrang confident ng kurimaw na tingin ko ay kaya niyang maglakad sa kahabaan ng EDSA ng naka hubo’t-hubad lang. Sabagay, kung smoking hot ka, ba’t ka nga ba mahihiya?

“Ah! Danica!” Aniya sa babaeng nanggaling sa kwarto sa kabila.

Nakatapis lang ito ng tuwalya. Tumingin ang babae sakin at pabalik kay Troy.

Narinig kong humalakhak si Troy nang lumapit na ang babae sa kanya. Tingin ko ay half-foreigner si Danica.

“It’s not Danica, Troy. I’m Lian!” Narinig ko ang pagsimangot ni Lian.

Pagkatapos nun ay iba na ang narinig ko. Ang ‘friction’ ng mga labi habang naghahalikan.

This guy… is such a horndog. Hindi ako makagalaw sa ginagawa nila. Seriously, girl? One night stand? Alam ko namang marami na talagang nagpapaloko sa Troy na yan pero ngayon lang talaga ako nagkaroon ng Live Version!

“O, ano, Trish? Ba’t di ka makatingin?” Tanong niya.

Sumulyap ako at nakitang hinahalikan siya ni Lian sa leeg. Nakangisi siyang nakatingin sakin habang ginagawa iyon ni Lian. Napatingin agad ako sa labas at nagsimulang maglakad papuntang pintuan. Umiinit ang pisngi ko.

“Oh, saan ka pupunta?” Aniya.

Sumulyap ulit ako at nakitang itinigil niya si Lian sa paghalik para harapin ako. Nakapamaywang siya at ngumisi ulit.

“What’s your problem? Ang pula ng pisngi mo.”

“Troy…” Pero tumigil si Lian at tinignan ako. Masamang tingin. Para bang nabitin. Ako pa ang may kasalanan eh si Troy naman ang pumigil sa kanya.

“Wala!” Uminit ulit ang pisngi ko.

“Bakit? Diba nakita mo na akong naka hubad?”

Nakita kong nanlaki ang mata ni Lian. NOT WHAT YOU’RE THINKING!

“Tsaka, nakita mo na akong nag mi-make out? Tsaka…-“

“Ooohhh na, whatever!” Pinigilan ko siyang tapusin ang punto niya dahil mukhang magkakaheart attack na si Lian sa sinabi ni Troy. “Iba siya Troy pag live na. Yung nakita ko, video lang-“

“Bakit? Nakapikit ka ba nung kinuhanan mo yun?” Tumaas ang kilay niya.

May point si Mr AAMD! Pero sa araw na ‘to, mukhang wala siyang dalaw kasi ako yung iniinis niya.

“A-Ah! Syempre, nakapikit ako!” Sabi ko.

Tinalikuran ko sila at sinarado ang pinto. Hindi niya naman siguro ako isusumbong sa floor supervisor diba? Ito siguro ang ayaw ni Jane? Ang makita o marinig ang mga sigaw sa suites ni Troy. Napabuntong-hininga ako…

“Ms. Roncesvalles?”

Naaninaw ko ang naka suit and tie na si Sir Jayden sa harapan ko. Lumakas ang pintig ng puso ko at unti-unti akong nanlamig. Kay. gwapo. niya. talaga!

“S-S-ir Jayden!” Nauutal na untag ko.

Ngumiti siya.

Uh, sir, pulutin ko lang yung panty ko ah? Nalaglag yata? JOKE! Oh my god! Sobrang gwapo niya! Yung clean cut na buhok, matangos na ilong, mejo singkit na mga mata at makisig na katawan.

“You okay? Ang pula ng pisngi mo ah?” Tumingin siya sa likuran ko at umiling. “Is it Troy?”

“Huh? Ah… hindi n-naman.”

Suminghap siya, “I know what’s going on. Lagi yan dito. Pinormahan ka ba niya? Nagtangka ba siyang… halikan ka or something?”

Ha? Come again? Ano yon? Halikan ka?

“Trisha?” Nakita kong nag alala ang mukha niya. “Hinalikan ka ba niya?” Lumapit siya sakin at pinasadahan ng tingin ang mukha ko.

Para bang naghahanap siya ng dumi.

Sumusuka na talaga ako ng rainbow sa sandaling ito. Isang dangkal na lang ang layo ng mukha naming dalawa at mukhang lumipad na ng bongga ang panty ko.

“So what if I did, Jayden?” Sagot ng pamilyar na boses sa likuran ko.

Sumimangot si Jayden at ibinaling ang atensyon kay Troy.

Stunned pa ako sa ginawa niyang paglapit sa mukha ko.

“Troy, she’s an intern here. At… may kasama ka.”

Napalingon ako kay Troy at Lian. Nakabihis na si Lian na parang ready to go.

May binulong si Troy kay Lian. Kumunot ang noo ni Lian, sinulyapan ako at umalis din.

“Now… wala na akong kasama. And you’re right, she’s an intern so kailangan niyang linisin ang suite ko.” Nagkatitigan si Troy at Sir Jayden.

“Para saan? Para paglaruan siya tulad ng ginagawa mo sa halos lahat ng interns dito, Troy?”

Sumimangot si Troy. Nagbalik yung pagiging Mr. Araw Araw May Dalaw niya. “Why would I? Hindi siya attractive. Hindi ko siya type. I just want her to clean my room, that’s it. Got a problem?”

“Troy! Anong klase kang lalaki? Bakit mo sinasabing hindi siya attractive! I’m concerned because she is attractive. Siya yata ang pinakamaganda ng interns dito kaya bakit mo yan sinasabi?”

Nag nosebleed na rin ako ng rainbow at tingin ko ay tatae na rin ng rainbow sa sobrang kilig ko. Talaga bang pinuri niya ako? Talaga bang sinabi niya na ako ang pinaka maganda?

Kita kong galit na galit si Troy habang tinitignan si Jayden, “So? Anong balak mo, Mr Manager? Pull her out from this floor? I’m the CEO here… gusto mo yatang ipaalala ko sayo yun?”

Umiling si Sir Jayden na para bang disappointed siya kay Troy, “Napaka immature mo parin talaga.”

“No… I’m not. Let’ see? Tanungin kaya natin si Trisha? Ano, Trish? Maglilinis ka ba dito o hindi?”

Dapat ako yung nabablackmail dito? Dapat ako yung nasusunod! Paano ko tatanggihan si Sir Jayden nang di ko siya na ooffend? Talaga bang pipiliin ko si Troy? Nakatingin silang dalawa sakin at…

“Troy, actually pagod ako kaya mamaya na lang akong maglinis.”

Nanlaki ang mga mata ng badtrip na si Troy. Ngumiti naman si Sir Jayden sakin.

“Tsaka mag bihis ka na rin muna.”

Mas lalong ngumiti si Sir Jayden sakin.

“Coffee, Ms. Roncesvalles?”

HAHA-HA-HA! AHHHH! Yebah! Coffee at ikaw, pwede? Namatay na yata sa inis si Troy kasi di niya na ako ginulo ulit habang paalis kami ni Sir Jayden.

[/accordion]

[accordion title=”Kabanata 4″]

Kabanata 4
Hawak Sa Leeg

“A-Allowed po ba kaming mag coffee?” Tanong ko agad kay Sir Jayden.
“Well, oo naman. Sa break time. At break time naman ngayon kaya pwedeng pwede.” Tumango siya sakin at ngumiti.

Ngiting Close Up, ah? Uminit agad ang pisngi ko nang nakitang tinitigan niya ako nang mas matagal. Kakasabi niya lang sakin na maganda raw ako. Diba puro magaganda yung mga tinanggap ng kurimaw na Troy na yun, paanong sa mata ng gwapong si Sir Jayden ay ako yung maganda?

“Hmmm. May ginawa ba si Troy sayo?” Tanong niya pagkarating namin sa ground floor kung nasaan yung bar at restaurant ng Le Marcelle.
“W-Wala naman.”
Tumaas ang isang kilay niya.
“Wala talaga.” Ngumiti ako.
“Hmmm. Sorry kasi sanay ako sa mga babaeng interns dito na lagi niyang…” Natigilan muna siya bago magsalita ulit. “Pinaglalaruan. Abuse of power yung ginagawa niya. Pero wala akong magagawa since yung mga babae, parang nagugustuhan din ang ginagawa ni Troy.”
Tumango ako.

Actually, halos wala akong maintindihan. Tinitignan ko lang siya at kung paan o niya igalaw yung bibig niya habang nagsasalita siya. Para pa akong nakalutang sa ere habang naglalakad kaming dalawa.

“Sir Jayden!” Bati nang bartender ng bar.
“Eliz!” Bati ni Jayden at inarangkada ang ngiti niyang worth million dollars.
“May klase ka ba mamayang gabi?” Tanong ni Eliz.
“Yep. Two. Bakit?”
“Hay! Dapat tigilan mo na yang pagpapart time mo, mapapagod ka na mamayang gabi.” Sumulyap siya sakin.

Whut? Bakit ang dirty minded ko?

Tumawa si Jayden at sumulyap sakin, “Its okay. Passion ko ang pagtuturo. Natutuwa ako sa mga estudyante. By the way, this is Trisha, one of my students.”
Tumaas yung kilay ng bartender pero ngumiti siya sakin. Pilit?
“Eliz, can I have coffee? Dalawa. Para sakin at kay Trisha.”
“Pwede namang sa opisina mo na lang ipahatid, bakit dito pa?” Tanong ni Eliz.

Nakikiusyuso! Pakialam mo ba, nag momoment kami dito ang epal mo!

“Dito na lang. May pag-uusapan lang kami ni Trisha, saglit. Magaan ang loob ko sa kanya eh.”

Nagkibit balikat si Eliz habang nag susuka ako ng rainbow. Okay. Sobrang lakas na ng pintig ng puso ko. Tingin ko may kabayo na sa dibdib ko.

Binigyan din kami ng kape ni Eliz at umalis na pagkatapos ngumiti ni Sir Jayden sa kanya. May nakita akong grupo ng interns na nag bi-break din. Napatingin pa sila sakin nang nakita si Sir Jayden. Narinig kong nag tilian sila ng bahagya. Masakit talagang isipin na napigilan nila yung tili nila para kay Sir Jayden pero halos nanisay sila sa tili nung nakitang lumabas si Troy sa elevator. SOBRANG TILI NILA NA HINDI KAYANG I-EXPLAIN THROUGH CAPSLOCK.

“Oh my Gosh! Sinong na assign sa 30th floor? Oh my Gosh!”

Naka wayfarers si Troy. Nakasimangot siyang habang nag titext sa cellphone niya. Papasok na yata siya sa school. Nakita ko agad na pumark sa tapat ng Le Marcelle yung Audi niya. May lumabas sa driver side na naka black tux at ipinakita ang susi kay Troy.

Kinuha ito ni Troy at umalis na.

“Sheeeet! Lakas talaga ng dating ni Troy! My gooood!”

Mga mahaderang babae! Anong lakas ng dating dun? Sobrang vain na tingin ko’y bading siya.

“I’m surprised na hindi mo pinili si Troy over me.” Sabi ni Sir Jayden.
“Ha? Bakit ko naman pipiliin si Troy? Syempre, ikaw ang pipiliin ko!” Sabi ko na agad ko namang kinahiya.

Yun ang bad sides ng pagiging madaldal. Minsan, walang filter ang sinasabi mo. Kung anong trip ng utak mo, yun ang lalabas sa bibig. Kaya kung trip mo ng makamundong pagnanasa, kagat labi na lang para di ka makasuhan ng public disturbance.

“I-I mean-“
Tumawa siya, “You’re amusing. Talagang iba ka.” Tumango siya at uminom ng kape.
Uminom din ako ng kape para makapagpasikat sa kanya kahit alam kong di yun tinatanggap ng tiyan ko. Masarap. Pero mamaya, kakabagin ako ng bongga. Wala pa naman akong dalang Kremil S.
Tumaas ang kilay ko, “Marami namang ayaw kay Troy eh.” I lied. Okay… Marami kasing ako sa mundo.

Suko na ako! Ang totoo, ako lang yata ang may ayaw sa kanya. True that! Maraming nayayabangan sa kanya. Pero admit it, kung gaano siya kayabang, ganun din siya ka gwapo, ka-hot, at kayaman. Kaya pag ikaw nagtaray sa kanya at salidahan niya ng isang beses na lambing, titiklop ka parin. Kahit si Emma na naturingang best friend ko, nagu-gwapuhan kay Troy. Ako lang yata ang nakukurimawan sa kanya.

“Bakit ba galit sayo si Troy?” Tanong ko.
“Hmmm. Hindi naman talaga siya galit. In fact, cool naman yung pakikitungo namin sa isa’t-isa. Minsan kasi, sinasaway ko siya sa mga ginagawa niya kaya nagagalit. Of course kasi ipinagbilin sakin ng daddy niya na bantayan ko si Troy. And as manager, kailangan ko ring pangalagaan ang Le Marcelle.”

Mas lalong tumaas ang paghanga ko kay Sir Jayden. Napaka responsable niyang tao. Magkasalungat sila ni Troy. Puro sarili lang ang iniisip nun. Puro babae, pera, karangyaan at iba pa.

“Naku! Ikaw pala dapat ang CEO dito.” Sabi ko.
Humalakhak siya. One. Sexy. Chuckle.

Oh my god! Naghuramentado ang sistema ko.

“Nah! That’s not my priority.” Tinignan niya ako. “Tinutulungan ko lang ang Le Marcelle.”

Kinuha niya ang tissue sa lalagyan at humilig palapit sakin.

“May I?” Nakita kong umaamba siyang punasan ang mukha ko.
“Huh?” Instinct na pinunasan ko agad yung mukha ko gamit ang kamay ko.
Ngumiti ulit siya, “Ako na.” Pinunasan niya ang taas ng lips ko. “There. Better.”

Excuse me, CR lang ah? Susuka lang ng rainbow?

Buong araw akong masaya dahil sa nangyari samin ni Sir Jayden. Muntik ko ng kunin yung tissue na pinagpunasan niya sa taas ng labi ko kung di lang sana siya nakatingin. Ang saya-saya ko nang biglang sumakit ang tiyan ko.

Badtrip. Shutanginabeks sobrang sakit. Alam kong hangin ang laman nito dahil sa kape. Pero hindi ko kayang i-risk kaya agad na akong nag-out. Buti di ko nakasalubong si Sir Jayden at baka di na talaga ako makapag pigil.

Bilis, Trish! Mag taxi ka na lang para agad kang makauwi.

*BOM!*

Narinig kong padabog na isinarado ni Troy ang Audi niya at hinagis dun sa naka tux ang susi.

“May kukunin lang ako. Wa’g ng ipark. Diyan lang yan. Saglit lang ako tapos uuwi rin.” Malamig na sinabi ni Troy sa naka tux.
“TROY! OH MY GOSH! MY SAVIOR!”

Alam kong badtrip na naman si Senyorito Troy pero wala na akong ibang magagawa. Tawagin ko man lahat ng santo, walang CR na lalapit sakin. Alam ko, may common CR naman dito sa first floor. Ang problema nga lang ay natatakot akong umalingasaw ang baho ko at malaman pa ni Sir Jayden yun. Hindi ko yata makakaya yun kaya itong si Troy ang pinagdiskitahan ko.

“Huh?” Tinanggal niya ang kamay ko sa balikat niya.
“TROY! Pagamit naman ng CR! Please!” Sabi ko.

Kumunot ang noo niya.

“Anong problema mo?”
“Wa’g ka na ngang mag inarte! Bilisan mo na lang!”
Para siyang nainsulto sa sinabi ko. Sa mukha niya ngayon parang ang sama kong tao. Parang ako yung suspect sa mga bombings na ibinabalita.
“Sorry na! Pero please naman!”
Umiling siya at tumingin sa paligid. Nagpatuloy siya sa paglalakad.

Sinundan ko na.

“Troyyyy…” Tawag ko habang nakikisama sa kanya sa elevator.
“Ba’t di ka dun magpatulong sa Jayden mo? Tuwing may problema ka lang yata pumupunta sakin eh.”

Natigilan ako sa sinabi niya. Sumulyap siya sakin at umiling ulit.

“Bilisan mo!”

HALLELUJAH!

“Natatae ka, huh?” Tanong niya at ngumisi ulit.

Hindi na ako nakapagsalita dahil sa pagpapawis ko. Luckily, hindi naman ako natae. Ewan ko kung bakit ganun pero ganun talaga ang nangyayari tuwing umiinom ako ng kape. Kabanas!

“Uwi na ako.” Sabi ko kay Troy.

Nakahilata siya sa sofa. Kulang na lang ng korono, hari na siya. Kumakain pa ng grapes.

“Sabay na tayo.” Pinatay niya ang TV.
“Wa’g na!” Sabi ko.
“Tignan mo? Tuwing okay ka na, wala ka lang. Kung may problema, ako ang takbuhan.”
“Salamat ah?” Sarcastic kong sinabi. “Pagnakita tayo ni Sir Jayden sa baba, iisipin nun na tayo. Isa ako sa mga maruruming babae mo-“
“Ano ngayon kung isa ka? You should be flattered! When in fact, you’re not even that pretty.” Umirap siya.
“Blabla, Troy. Wala akong pake sa opinyon mo. Sinabi ni Sir Jayden na attractive ako at mas maganda ako sa mga babae dito. Dyan ka na!” Sabi ko at umalis na.
“Wala na si Jayden ngayon, FYI. Kanina pa nag change ng shift habang tumatae ka sa suite ko. Wala ka talagang utang na loob, no?” Sinundan niya ako pababa ng elevator.

Oo nga pala! Nagmuni-muni ako sa elevator. May punto si Mr. Araw Araw May Dalaw. Mukha na siyang may dalaw ngayon kaya pwede na akong ngumisi.

“Troy…” Malambing kong binanggit ang pangalan niya pagkalabas namin ng elevator.
“BAKET?” Umirap siya.
“Pahatid naman sa amin oh?”
Bumehlat siya at tumakbo sa sasakyan niya.
“TROY!!” Sigaw ko habang pinupukpok ang salamin ng Audi niya. Nasa loob na siya.

Nilapitan ako ng security.

“TROY! Ikakalat ko ang-“
“SHT!” Malakas pa siyang nagmura.

Lumabas siya ng sasakyan at binawi ang magkabilang braso ko sa dalawang naka tux na humahawak nito.

“Harmful animal!” Binuksan niya ang pintuan ng front seat at tinapon ulit ako dun.

Pagkatapos niyang isinarado ay sinipa niya ang gulong ng sasakyan sa sobrang badtrip niya. Hawak na hawak ko siya sa leeg. Nyahahaha! Trisha G. Roncesvalles. Genius. Gifted Child! Batang May LABAN!

[/accordion]

[accordion title=”Kabanata 5″]

Kabanata 5
Ang Offer

“Wa’g mo ngang pakealaman ang mga gamit ko.” Sabi ni Troy habang nagd-drive siya.

Hinahalungkat ko kasi ang drawer niyang may lamang condom, gamit para sa buhok, lotion, at iba pa…

“Trisha!” Sigaw niya nang na traffic na kami.

“Oo na!” Umirap ako at sinarado ang drawer.

Tumikhim siya.

“Napaka gulo mo talaga, ano? Kung di ka nag iingay, nakikialam ka?” Aniya.

“Ikaw din! Parati ka na lang naiinis sa lahat ng actions ko. Lagi kang mukhang may dalaw araw-araw. Alam mo bang binansagan kita sa utak kong Mr. Araw-Araw May Dalaw?”

Kumunot ang noo niya at napabuntong-hininga, “You’re unbelievable.”

Natahimik siya. Mukhang malalim ang iniisip. Ilang sandali pa bago siya nagsalita…

“Taga Domino Heights ka diba?” Tanong niya.

“Oo. Paano mo nalaman? Stalker!”

“Asa ka! Nasa resume mo kaya.” Aniya.

Tinitigan ko siya. Nakatingin lang siya sa labas habang may malalim na iniisip.

“Strict ba ang parents mo?” Tanong niya.

“Mejo. Si Daddy. Si mommy, hindi. Bakit?” Tumaas ang kilay ko.

Tumango lang siya.

“Si mommy lawyer. Si daddy surgeon. Nag iisang anak lang ako. Nakakaantok sa bahay.” Sabi ko.
Tumaas ang kilay niya.
“Ikaw? Saya ng life mo no? Dami niyong negosyo. Balita ko namamalagi ka sa casino. Poker? Ano pang nilalaro mo?”
“Grabe! Sobrang daldal mo talaga!” Napabuntong hininga at iling ulit siya. “Nga pala… ano bang nakain mo at bakit ka nag LBM?” Nabigla ako sa tanong niya.
“Coffee. Hindi naman ako nagkaLBM. Kabag lang or something. Ganun talaga pag umiinom ako ng coffee.” Tumango-tango ako sa kanya.
Inirapan niya ako.

Sumimangot ako. Nang nakarating na kami sa Domino Heights, itinuro ko sa kanya ang daanan patungong bahay namin.

“Yun yung bahay namin.” Sabay turo ko sa white and maroon combo na bahay namin.
Tumango siya, “Pwede bang makidinner?” Ngumisi siya sakin.
“Tseh! Di pwede! Ano pang sabihin ng mommy at daddy ko. Hmp!” Sabay labas ko sa sasakyan niya.
Humagalpak siya sa tawa habang tinitignan ako palabas, “Okay, next time then!”

Malademonyong ngiti ang huli kong nakita sa mukha niya bago siya umalis.

Ganoon palagi ang eksena sa Le Marcelle, araw-araw. Syempre, may mga araw na wala si Troy. Yun ang mga araw na nagdiriwang ako. Ayoko kasing naglilinis sa kwarto niya ng mga… alam niyo na. Errr. Si Sir Jayden, lagi nariyan. Nginingitian niya ako palagi pag nagkakasalubong kami. Malaking effort ang ginagawa ko para di ko siya gaanong makausap. Paano ba naman kasi, ang daming matang nakatingin samin.

“Trisha, may something ba sa inyo ni Sir Jayden?” Tanong ng isang intern na gaya ko.
“W-Wala. Bakit?”
Nagkibit-balikat lang siya at umalis.

Dalawang linggo lang ang nakalipas ay ganun na agad ang tingin nila. Paano ba naman kasi, lagi kaming nagkikita ni Sir Jayden sa restaurant o bar tuwing breaktime.

Isang araw, habang naghihintay ako sa kanya, tumitingin ako sa paligid…

“Busy ah.” Narinig ko ang isang pamilyar na boses sa harapan ko.

Tiniklop niya ang newspaper na binabasa niya. Nakita ko ulit si Troy na nakawayfarers at umiinom ng kape.

Kainis! Andito na naman si Mr. AAMD. Dapat siya yung naiinis pag ako ang makita niya eh.

“Ba’t ka nandito?” Pabulong kong tanong sa kanya.

Nagtitilian na yung ibang employees sa gilid. Walang lumalapit kasi may dadampot agad na security kung maharass siya.

“My hotel, remember?” Malademonyo na naman ang ngisi niya.

Inirapan ko siya at napatingin sa likuran niya. Paparating na kasi si Sir Jayden. Lakas talaga ng dating niya! Parang laging naglalakad sa redcarpet ang peg.

“Hi, Ms Roncesvalles.” Ngumiti siya.

Tumalon naman ang puso ko.

“Hello Sir Jayden.” Ahihihi.
“Hmmm. Diba sabi ko sayo, Jayden na lang?” Napasimangot siya.
“Sorry. H-Hindi lang talaga ako sanay na Jayden lang.”

Tingin ko pulang-pula na ako ngayon.

“Masanay ka na. Palagi naman tayong nag uusap eh. Gusto mo ng kape?”

Nakita kong sumulyap si Troy sa table namin habang nakasimangot. Kape. Ang salarin kung bakit ako natatae.

“Hmmm. Juice na lang muna ako ngayon.” Sabi ko.
“Okay!” Umorder ulit siya kay Eliz.
“Mmm… Si-Sir Jayden.”
Sumimangot agad siya.
“Jayden… Uhm… m-may gagawin ka ba mamayang gabi?” Tanong ko.

Nakita ko ang pag kunot ng noo niya.

Nauutal talaga ako kaya di ko maipagpatuloy ng maayos ang sinasabi ko, “K-Kasi… Overtime ng parents ko mamaya… wala akong kasamang magdinner. Ako lang… Kaya… baka sakaling.. p-pwedeng… t-tayo?”

Ilang beses akong nag ensayo sa linyang yan sa harap ng salamin. Sa wakas ay nasabi ko rin. Yeah boyyy!

“Hmmm. Sorry, Trisha. Pero may klase kasi ako.” Nakita ko ang disappointment sa mukha niya habang umiinom ng kape.

Laglag ang panga ko sa sinabi niya. Oo nga naman pala! Bakit di ko yun naisip! Hindi siya pwede tuwing gabi kasi may klase siya. Napahiya tuloy ako. Hindi na ako sigurado kung mapula ako ngayon o namumutla na. Hiyang-hiya ako. Nakita kong halos di rin siya makatingin sakin. Argh! Pwedeng lamunin na lang ako ng lupa ngayon din? Kainis eh! Bakit ko pa kasi siya niyaya? Grrrr…

“Sir Jayden!” Tawag ng receptionist.
Tumango si Sir Jayden at tumayo, “I’m really sorry. Siguro next time?” At tinalikuran ako para umalis.

Napahinga ako ng malalim nang umalis na siya. Humagalpak naman sa tawa ang isang demonyo sa kabilang table.

Like I said, maligaya siya pag mukha akong AAMD. Maligaya ako pag siya naman ang AAMD.

Tumayo ako at umambang lalapitan siya para sapakin. Pero natigilan siya sa pagtawa…

“Oh! Oh! Easy lang! Walang lapitan pag umaga! Maraming nakatingin! Akala nila girlfriend pa kita.” Tumawa ulit siya. “Such a loseeeer!”

Aruuuuuuy! Sobrang nakakainis! Anong pake ko sa ‘walang lapitan tuwing umaga’?

Sinapak ko na. Tumingin siya sa paligid. Nakita kong papalapit na ang mga body guards niya para damputin ulit ako.

“Hoy mga manong! Kilala ko tong amo niyo. Di ako baliw kaya wa’g niyo akong mahawakan-“
“Stop.” Sabay taas niya ng kamay para sa dalawang body guards.

Napabaling ako kay Troy. Nakakagat labi siya habang ngumingisi. Nakakapanindig balahibo kasi tinititigan niya ako.

Isang beses pa siyang tumingin sa paligid bago ako tinignan ulit…

“I have an offer for you, Trisha.”

Kumunot ang noo ko.

“See you in my suite.” Tumayo siya at pumuntang elevator na nakangisi.

[/accordion]

[accordion title=”Kabanata 6″]

Kabanata 6
Sabay Tumawa

Paeffect pa tong si Troy. Anong gagawin namin sa suite niya? Mamaya na nga lang. Mag tatrabaho muna ako. Nagtrabaho ako na parang house elf sa Le Marcelle. I’m sure pumuputi na ang mga mata ni Troy ngayon sa kaka antay sakin. Iniisip ko palang tuwang tuwa na ako! Nakakasaya sa puso.

Alas singko na nang bigla kong naisipang lumapit sa left wing, kung nasaan ang trono niya.

“TRISHA!” Narinig kong sigaw niya.
“Uy! Troy! Ikaw pala…” Pinipigilan ko ang tawa ko. “Kamusta? Lalo yatang tumitingkad ang kagwapuhan mo ah?”

Halos magsiputukan ang mga veins niya sa ulo habang tinitignan ako. I swear, may nakita pa akong usok sa ilong niya.

“ANONG BA’T ANG TAGAL MO?” Ginulo niya ang buhok niya.
“Baket?” Umirap ako.
“LIKA NA NGA!” Sabay hila niya sakin papasok sa suite niya. “Alam mo bang ilang oras akong naghintay? Tsss! Ikaw na nga itong tutulungan… kaw pa ang nag iinarte diyan!”

Tinapon niya ako sa sofa ng sala niya. Napakurap-kurap ako. Sa mukha niya parang may gagawin siyang makamundo sakin kahit galit eh. Talaga? O masyado lang akong manyak?

Kumunot ang noo niya at humalukipkip.

“Apat na oras, Trish. Apat na oras mo akong pinaghintay! Alam mo bang wala pang taong nakakagawa sakin niyan?” Tanong niya.
“Ay! Ako pala nauna? Congrats to me-“
“BALIW KA TALAGA! FREAK! Damn, girl!” Ginulo niya ang buhok niya at umupo sa tabi ko.
“Ano ba kasi yang offer mo at nagtiis ka sa paghihintay sakin?” Tanong ko.

Ilang sandali pa bago siya bumaling ulit sakin. Nang nakuha ko na ang atensyon niya, nakangisi na siya na parang may masamang binabalak.

“Gusto mo si Jayden diba?”

Uminit ang pisngi ko. Hindi ako makatingin sa kanya kaya mas lalo siyang ngumisi. Kinagat niya ang labi niya at kinurot ang pisngi ko.

“Gusto mo siya.”

Napatingin ulit ako sa kanya.

“Ano naman sayo?” Tanong ko.
Umiling siya at napabuntong-hininga, “Bakit? Ang pangit ng singkit na yun. At isa pa… matanda na siya. Hindi ko maintindihan.”
Sarap sapakin! Makapanlait ‘to parang gwapo… pero gwapo nga siya… pero di yun dahilan para manlait sa gwapong si Sir Jayden, “HEXCUSE ME lang ah? Pero hindi siya singkit! At hindi siya matanda!”
“Singkit siya, bulag ka ba? Tsaka matanda na siya! 24? By 24 may apo na ako!”
Sinapak ko ulit.
“Wa’g mo akong masapak-sapak! Hinahayaan lang kita kasi hawak mo ang leeg ko! Pag napuno ako, idedemanda na talaga kita at wala na akong pakealam sa kahihinatnan ng pangalan ko!” Sigaw niya sakin.
“Hindi siya singkit, Troy. Para nga siyang korean actor! Duh! Palibhasa tingin mo ikaw lang itong gwapo… kahit hindi naman talaga! Tsaka anong pake mo kung gusto ko ng mejo older?”
“Mejo older din naman ako sayo ah?”
Sumimangot ako, “Nang ano? Isang taon? Salamat na lang! Mas matanda pa yata akong mag isip sayo!”

Ginulo niya na naman ang buhok niya…

“Okay, whatever… So… gusto mo nga siya. Gusto mo bang i-train kita kung paano maakit ang taong gusto mo?”

Ewan ko ba kung bakit mahalay yung tono ng boses ni Troy.

“I’m not like you, Troy…” Seryoso kong sinabi.
“What? I’m helping you!” Lumitaw ulit ang ngisi sa mukha niya.
“At di ako maniniwala sayo! Hah! Akala mo ah? Siguro ay aambushin mo ako? Baka pumalpak at sa huli ay ikaw ang tatawa. No way, Troy!” Panuya ko.
“Trisha, I’m freaking bored with my life. Kaya gusto kong gawin ito-“
“Bored with your life? Bored ka pa sa lagay na yan eh pwede ka namang mag casino o makipagharutan sa mga babae mo? Balita ko gabi-gabi ka sa Penthouse? Bored ka pa diyan? Anong tawag mo sa buhay ko aber? Nakakamatay sa kaboringan?”
“Come’on, Trish! I’m helping you. It will benefit both of us. Ako, hindi na mabo-bore. At ikaw, maaakit mo si Jayden. Wala naman tayong pwedeng pagkatiwalaan kundi ang isa’t-isa diba? You have the tape. If I… If I mess this up, you can always threat me with that.” Seryoso niyang sinabi.
“Why would you do that? Bakit mo ako tutulungan?”
“Because I’m freaking bored!” Umirap siya.
“Troy, hindi ko intensyong akitin si Sir Jayden.” Uminit ang pisngi ko. “Hindi naman ako tulad mo na puro pang aakit ang ginagawa. Gusto ko magustuhan niya ako. Ma inlove siya sakin.”
Humagalpak siya sa tawa. Para bang mamamatay na siya sa kiliting nadarama niya.
“Huy!” Sapak ko.
“ANO BAH!?” Agad siyang natigil sa sapak ko. Inarapan niya ako at… “There is no such thing as love, Trisha.” Tumawa ulit siya. “There is only seduction.”

Iyan! Iyan ang nagpapagaan ng konsensya ko. Hindi ako nakokonsensya na ginagamit ko siya ngayon dahil sa prinsipyo niyang yan.

“LOVE for family, maybe. Pero yung ‘in love’? Butterflies in your stomach? Heart beating fast? Heart aches? Stupid tears? That’s for pussies, Trish.”
“I’m not a pussy! Pero totoo yan, Troy!”
“Sige nga!? Ilang beses ka ng nagkaboyfriend? In love ka ba sa kanila? Bakit hindi kayo nagtagal? Bakit kayo nag break? Kung in love kayo, bakit maghihiwalay?”
“Troy, wala pa akong naging boyfriend. Pero alam kong totoo yung ‘in love’.”

His lips parted.

“You never had a boyfriend? You’re nineteen… pero di ka pa nagkakaboyfriend?”

Wow! Parang naannounce ko lang na hindi pa extinct ang mga dinosaurs ah? Sa mukha niya parang milagro yung nagawa ko.

“Yes! And never been kissed!” Sabi ko.

Kinagat niya ang kanyang labi habang ngumingisi. Ewan ko kung bakit tumindig ang balahibo ko sa ginawa niya.

“Got a problem with that? Hindi naman kasi yan, milagro Troy! Actually, kung ayusin mo lang ang paghahanap, marami ang kalahi ko. Never been touched, kissed, never had a boyfriend. Marami kami.”
“Alam ko. I just… I didn’t know you belong there.” Kumunot ang noo niya at tinanggal ang tingin sakin.

Tumaas ang kilay ko habang nagmu-muni-muni siya.

“Paano naman natin yan gagawin, aber? Siguraduhin mo lang na ma iinlove sakin si Sir Jayden niyan, huh? Actually, di ko naman kailangan ng tulong dito. Pero… since nag offer ka, why not, diba?”

Tumango siya na parang wala parin sa kanyang sarili. Anong problema nitong Mr. AAMD? Mukhang magkakadalaw na talaga siya ah?

“Pero Troy, may pagkain ka ba dito? Kumakalam na sikmura ko eh.” Sabi ko na nakapagbalik sa atensyon niya.

Ngumisi siya at tumayo.

Tinawagan niya ang room service para dalhan kami ng pagkain sa suite niya. Napangisi ako sa dami ng inorder niya para sakin.

“So… what do you think, Trisha?” Tanong niya pagkarating ng mga pagkain.
“Good idea!”

Sa unang pagkakataon, sabay kaming ngumisi sa isa’t-isa. Kumislap ang brown eyes niya habang tinitignan akong ngumingiti ng abot tainga.

Habang kumakain kaming dalawa sa malaking dining room nila…

“Okay, una sa lahat, kailangan mo muna ng make over.”
“Make over?” Natigil ako sa pagkain. “Hindi na kailangan! Maganda na ako!” Sabi ko.
“Whatever you say! Pero yung mga matatandang tulad ni Jayden, they dig for girls na hindi tulad mo.”
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwalang iniinsulto niya na naman ako.
“Bungisngis ka kasi masyado. Dapat pormal. Para kang bata. Parang high school. Kaya ka siguro di nag kaka boyfriend.”
Nilunok ko na lang ang sarili kong laway at tinanggap ang sinabi niya. May point siya pero masakit sa pride eh. “Hindi ako bungisngis, jolly ang tawag dun!”
Hindi niya pinansin ang sinabi ko. “Maybe you should consult a stylist? Or whatever. Tapos wa’g ka masyadong magsalita. Kasi sa sobrang laki ng bibig mo, para kang buwaya minsan.”
Sinapak ko siya. At for the first time, sabay ulit kaming tumawa.

[/accordion]

[accordion title=”Kabanata 7″]

Kabanata 7
Alis Na!

“Di ka ba nag da-diet?” Tanong ni Troy habang pinagmamasdan akong nilalantakan yung steak na hinatid sa suite niya.

Sabado ngayon at aniya’y nagpapunta siya ng stylist dito para ayusin ang buhok ko.

“Bakit ba?” Natigil ako sa pagkain.
“Grabe ka eh. Mga kilala kong babae, hinay-hinay naman sa pagkain. Ikaw parang monster.”
Kumain ulit ako, “Akala ko sasabihin mo na mataba ako.”
“Mukha ka ngang stick sa kapayatan mo. Ang pangit tignan.”

I glared at him. Okay! Talagang kumbisido na ako na Araw-Araw May Dalaw siya. Grabe ang mood swing at palaging nang-iinis o naiinis.

Biglang may dumating na tatlong tao sa suite niya.

“Troooy! Baby! I missed youuuu!” Sabay beso nung isang kilalang stylist na bading.

Dalawa sa kanila, bading. Yung isa naman ay babaeng matangkad na pwedeng mapagkamalang artista.

“Kel, Hugo, Toni.” Sabay killer smile ni Troy sa kanilang tatlo.

Nakita kong napabuntong hininga silang tatlo. Umiling naman yung babae at ngumiti.

“Pag araw-araw tayong nagkikita, Troy, baka araw-araw din akong himatayin sa ngiti mo.” Saby ni Hugo.
Tumawa si Troy at kinagad ang labi habang nakangiti.

Nakita kong tumingin nalang ang babae sa overlooking terrace ni Troy habang pinipikit ang mga mata.

“You are so handsome that it hurts!” Sabay hipo ni ‘Toni’ sa braso ni Troy. “Ang sabi ng gym instructor mo dumadalas daw ang pag ji-gym mo nitong mga nakaraang araw. He’s right!” Nakatingin siya sa braso ni Troy.

Humalukipkip si Troy kaya natigil yung paghipo ng bading.

“Enough about that, I have here Trisha Roncesvalles.” Sabay tingin nilang tatlo sakin.
“Girlfriend mo, Troy?” Tanong ng babae.
Tumaas ang kilay ni Troy.
“No… I’m sorry. You don’t do girlfriends.”
“No… She’s an intern here. I want you to dress her up… Make her look like a lady.”

Sinimangutan ko si Troy dahil sa sinabi niya pero bago pa ako nakapagsalita…

“Tama ka. What’s with the bangs, dear? Di na uso yan! Tsaka, nagsusuklay ka ba? Mukha kang hinahabol ng suklay ah?”

WTF? Mga manlalait!

“Tayo ka nga!” Sabay hila sakin ni Hugo.
“Minsan, nag po-ponytail siya at umaaliwalas naman ang mukha niya. Pero di siya marunong mag make up kaya disaster parin.” Sabi ni Troy.

Sarap kumuha ng tinidor at itapon kay Troy eh. Di bali! Isipin ko na lang na libre itong ginagawa ni Troy… nagmamagandang loob! Subalit tuwing nakikita ko ang ngiti niyang nanunuya sakin, naiinis ako lalo.

“Ganyan ka ba talaga manamit, dear?” Tanong naman ng matangkad na babae.
“Keds! Mahal yan.” Sabay turo ko sa sapatos ko na tinitignan niya.
“Cropped t-shirt, bleached shorts… okay rin to ah? Pero not lady enough.” Tumango ang dalawang bading.

“Hey, you can use my room if you want. Babalik lang ako mamaya, ah? Need to go home, Hugo…” Sabi ni Troy.
“Aww! Akala ko pa naman masisilayan ko ang kakisigan mo the whole time.” Nag beautiful eyes pa si Hugo.

Narinig ko na naman ang malakas na buntong hininga ng babaeng matangkad. Nang nagkatagpo ang mga mata nila ni Troy, nakita kong pumula ang pisngi nito.

“Kel, maraming salamat.” At hinaplos ni Troy ang mukha nung namumulang babae.

I swear to God mas lalong pumula ang pisngi niya.

“No problem, T-Troy.”
“Mauna na ako, Toni.” Yung isang bading naman ang pinasadahan niya ng ngiti.

Ibang klase din ‘tong si Troy, noh? Stone heart! Di ba niya nakitang halos mag hyperventilate na yung babae kanina? Tingin ko may nakaraan sila.

“At ikaw… ready ka na ba sa testing mamaya?” Itinuro niya ako.
“Oo! Sinabi ko na kay mommy at daddy na may lakad kami ng mga kaibigan ko. Pero dapat hanggang 12 lang ah? Ihatid mo ako sa bahay. Tsaka… inimbitahan ko na rin yung mga kaibigan ko para di ako mabuking.”
“Whatever!” Tapos umalis na.

Natahimik kami hanggang sa binasag ni Hugo ang katahimikan.

“Shall we?”

Mahaba na ang bangs ko at nasasabit na sa tainga. Pero sinabi nila sakin na mas mabuting pahabain ko yun para di ako mag mukhang bata. Ewan ko din kung bakit daw mukhang bata pag may bangs? Grrrr. Tsaka pinayuhan nila akong bumili ng flats at tsaka sandals imbes na mga keds at vans ang sinusoot ko. Binigyan nila ako ng magazines. Binigyan nila ako ng isang dress na mahal at pumps na mahal. Courtesy of Troy Ezekeil Salazar. Ni-trim din nila ang buhok ko at ginawang layered para daw bagay sa bangs at di ako magmukhang sadako sa straigh cut kong buhok. Mas maganda daw sana kung lagyan ko ng waves ang dulo ng buhok ko para mas mukhang mature kaya nilagyan nila.

Alas otso ng gabi nang natapos kami. Light make up lang ang nilagay nila sakin. Tinuruan din ako ni Kelly (yung matangkad na babae) kung paano mag make up. Nalaman kong si Kelly pala ay isang stylist ng isang sikat na magazine. Si Hugo naman ay make up artist at may ari ng isa sa pinaka sosyal na bar sa buong Pilipinas. Yun ang pupuntahan namin ni Troy mamaya. Si Toni naman ay isang image consultant ng mga artista.

Nalaglag ang panga ko nang nakita ko na ang sarili ko sa salamin. Okay! Bias… alam ko yun pero hindi ko alam na may igaganda pa pala ako!

“Wow! Salamat!”

Tumango silang tatlo.

“Sana ay sundin mo ang mga payo namin. Oh…” Sabay hagis sakin ng suklay. “Eto, gift ko yan sayo. I bet wala kang suklay diyan sa purse mo. May mga shampoo at hair products din ako dito, ibibigay ko sayo. Pasalamat ka malakas si Troy sakin… Ano ba talagang relasyon niyong dalawa?” Tanong ni Toni.
“Uh… wala. May utang siya sakin kaya binabayaran niya lang.”
Nagkatinginan silang tatlo. Weird.

Ilang sandali ang nakalipas, tinawagan ko sina Emma at Earl. Pupunta kami sa isang bar. Ang sabi ni Troy, pag lalagpas ng sampu ang magyaya sakin sa pagsayaw o pag bigay ng number, tatalab na ang new look ko kay Sir Jayden!

Sige! Maniniwala ako sa Master of Seduction na yan! Dapat sa Lunes, magsusuka ako ng maraming rainbow! Kung hindi, lagot si Troy sakin.

Sasama si Emma, Earl, Camille at Beatrice. Hindi naman kami nagpupupunta sa mga bar kahit na uso yun sa school. Pero since mula nung naging intern ako sa Le Marcelle, di na nila ako nakita, nagsilbi itong reunion sa amin.

“Done?” Binuksan ni Troy ang pintuan ng kwarto niya habang nag aayos ang mga stylist.
“She’s perfect, Troy!” Bati ni Hugo kay Troy.

Nakatingin parin ako sa salamin. Tinitignan ko yung likod ko. Mukhang hindi maayos ang pagkakazipper ng dress.

“Troy, paki ano naman ng zipper.” Sabi ko habang inaabot ito.

Binalingan ako ni Troy ng tingin.

“Bilis!” Sabi ko.

Hindi siya gumalaw. Tinignan niya lang ako at parang na bilaukan siya sa sariling laway dahil napaubo siya ng bongga.

“Tubig, Kell!” Tawag ni Hugo.

Mabilis namang lumabas si Kelly sa kwarto ni Troy para kumuha ng tubig.

“I’m okay!” Sabi ni Troy kahit nakita kong pulang-ula na siya.
“Ayan na yung karma express! Ang bilis!” Bulong ko.
“Ansabe mo?” Sigaw ni Troy sakin.

Nilapitan niya agad ako.

“Wala!” Umirap ako. “Bilis na… Ayusin mo yung zipper!” Sabi ko at nakitang halfway na ang zipper sa likod ko. Ayan kasi, sinusubukan kong ayusin, mas lalo yatang bumababa.
“Erm… Aryt.” Nakita kong nahirapan siyang lumunok bago hinawakan yung zipper.

Tinignan ko ang repleksyon niya sa salamin habang nagco-concentrate siya sa pag sarado sa zipper.

Bakit parang malamig yung kamay niya?

“Tapos na?” Sabi ko nang di na ulit gumalaw ang kamay niya pero nakapirmi parin sa likuran ko.
“O-Oo.” Napalunok ulit siya kaya hinarap ko na.
“Ang ganda ko no?”
Nanlaki ang mga mata niya nang makita akong nakaharap na sa kanya.
“Hindi! Ang plain parin!” Umiling siya at ibinaling ang tingin sa kama niya.

Umupo siya dun.

“Huh? Ang laki ng pinagbago niya, Troy!” Sabi ni Hugo.

Dumating si Kelly dala ang tubig ni Troy. Nilapag lang ito ni Troy sa mesang malapit sa kanya.

“Ewan ko. La naman akong alam sa mga pagpapaganda ng babae kaya di ko alam. Para sakin ganun parin siya.”

Sumimangot dina Hugo. Ang sama din nitong Troy na ‘to! Pinaghirapan kaya ito nina Hugo, Toni at Kelly! Bakit niya sasabihin yun? Ako ang nagpasalamat sa kanila nang umalis na sila. Nag tatantrums na naman kasi si Troy. May dalaw ulit si Mr. AAMD.

“Tayo na!” Sabi ko.

Napabuntong hininga siya at umalis kami sa suite nila. Wala na si Sir Jayden ngayon kasi gabi na. Sobrang ganda ko siguro kasi nganga yung mga taong nakakita sakin. Buti walang nakakakitang morning shift kaya di ko kilala ang lahat ng nag tatrabaho ngayon.

Tahimik na nag drive si Troy papuntang Penthouse.

“Marami bang tao sa bar? Anong oras ba dadami ang tao? Baka nandun si Sir Jayden? Ah! Hindi yun nagbabar kasi matured yun.” Uminit ang pisngi ko. “Pang boys lang kasi yung bar… he’s a gentleman!” Tumili ako.
Sumulyap at umiling si Troy pero tahimik parin siya.
“Ano bang problema mo at nakabusangot ka diyan?”

Pinark niya ang sasakyan niya sa tapat ng Penthouse. Maraming pumapasok. May ilan pang napansin ang sasakyan ni Troy. Mukhang mga kaibigan niya yun ah.

“Troy, diba sabi mo di ako pwedeng makita ng mga kaibigan mo? Itago mo na ako bilis!”
Suminghap siya at pinaandar ulit ang sasakyan.
“I-drop mo na lang ako dun tapos magkita na lang tayo sa loob. Kita ko na rin yung sasakyan ni Earl sa parking lot, nandito na sila.” Sabi ko.

Tahimik parin siya. Kaya tinitigan ko na.

“A-Ano?” Sumulyap siya sakin at mas lalong sumimangot.
“Anong problema mo?”
Ginulo niya ang astroboy niyang buhok. Tapos inayos yung itim na v-neck t-shirt niya na para bang naiinitan siya, “Hanggang 11 lang ah? Wa’g ka masyadong malikot sa loob. Dumikit ka sa mga kaibigan mo. Pag gusto mo mag CR, isama mo sila. Wa’g kang mag kakalat at baka mapaaway ako dun!” Sinigaw niya sakin ang huling pangungusap.

Napapikit tuloy ako sa bigla.

Ngumisi siya at narinig kong bumukas ang lock ng mga pintuan.

“At eto…” Ginulo niya ang buhok ko.

As in sobrang gulo! Halos mapaiyak ako habang iniisip ang mga ginawa nina Hugo para maging presentable siya.

“What the?”
“Ayan! Alis na!” Sabi niya.

[/accordion]

[accordion title=”Kabanata 8″]

Kabanata 8
Art of Seduction

Iniwan ako ni Troy sa labas nang magulo ang buhok. Ang lintik na lalaking yun talaga!

Habang naglalakad ako patungong Penthouse, inaayos ko ang magulo kong buhok. Buti na lang at smooth at madaling ayusin ‘to ngayon. Sinuklay ko siya at bumalik din naman sa dati. Inis naman ako sa pumps na soot ko. May mga pumps naman ako pero sinisigurado kong di ganun ka taas ang heels, ito? Susmaryosep! 5’5 lang ako at matangkad si Troy. Kanina nung nagkalapit kami, pansin ko yung paningin ko nasa labi niya na. Alam kong tumangkad talaga ako ng husto dahil dito.

“Trisha? Trisha Roncesvalles?” Tumigil sa paglalakad ang tatlong naka-heels din na kaklase ko noon.
“Oo. Bakit?”
“Oh my God!” Ni-head to foot nila ako. “Saan ka nag iinternship? Bakit gumanda ka ng husto?”
Hindi ko alam pero nakakainsulto yung sinabi niya ah? Pero palalagpasin ko na nga lang! “Le Marcelle.”
“Nakakaganda pala ang Le Marcelle?” Sabi nung isa at nanlaki ang mata niya. “Oh my God! CEO si Troy Ezekiel Salazar dun ah? Nagpapaganda ka ba para sa kanya?”
“Excuse me?” Nainsulto na talaga ako pero di nila ako pinakinggan.

Hinila nila ako papasok sa loob. Marami ng tao sa loob at maingay na. Malamang dahil kadalasan, ganitong oras dinudumog ang mga bar.

*KRIIIIING*

Hinanap ko agad yung cellphone ko.

“Hello?” Si Emma ang tumatawag.
“Asan ka na ba?” Tanong niya.
“Andito na ako. Sandali lang. Ang ingay!” Sabi ko pero namataan ko siyang kumakaway sa mag sofa sa pinakadulo ng bar.

Pinatay ko na agad ang cellphone ko at tinahak ang landas na puno ng nagliliwaliw na mga tao. Sayaw dito, sayaw doon. Smoke dito, smoke doon. Inom dito, inom doon. Bakit ba kasi sa dulo pa ang napili nina Emma?

“Hi, Miss! Sayaw tayo?” May humarang na dalawang lalaki sa harap ko.

Sa sobrang ingay halos di ko sila marinig at di rin nila ako marinig.

Umiling na lang ako at ngumiti. Two down, eigh to go? Hinanap ko agad si Troy. Nakita ko siya sa isang sofa malapit sa kinatatayuan ko. Pinapalibutan na naman siya ng mga tao. Karamihan babae. Umiinom siya at nakangiti habang tinititigan ako. Tumawa siya dahil sa joke na ibinulong ng isang babae pero di niya iniaalis ang titig niya sakin. Kinagat niya ang labi niya habang ngumngiti.

WTF? Bakit kinikilabutan ako sa titig niya?

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Nang sa wakas ay nakarating na ako sa table nina Emma, isa-isa nila akong niyakap.

“O my God!” Dinig ko na sinigaw ni Emma kahit maingay. “Ang ganda ganda mo na! Sa wakas may nakapag introduce na ng suklay at parlor sayo?”
Tumawa sila at ni-head to foot ako.

Narealize ko agad na hindi magandang reunion ito. Hindi ko maidedetalye sa kanila ang tungkol kay Troy. Panigurado ay maglalaglagan ang panga nila pag nalaman nilang nag gagamitan kami. Este… nagkakasundo na.

“Wooooh! Sayaw tayo! Wooooh!” Sigaw ni Beatrice habang winawagayway ang isang shot glass.

Na realize kong kanina pa pala sila nandito at mejo nakainom na. Hayun at sumayaw na si Beatrice at Camille na parehong single. Mukhang may nakuha pa yatang lalaki sa dancefloor. Nag P-PDA naman si Emma at Earl sa gilid ko.

“Miss…” Nabigla ako sa sumalubong na ngiti sakin ng isang gwapong binatilyo.
“Yes?”
“Sayaw naman tayo oh?” Tanong niya.

Napatingin na naman ako kay Troy. Nakatitig parin pala siya sakin kahit malayo na kaming dalawa.

Oo nga pala. Hindi ko alam kung o-oo ba ako pag may nag yaya o hindi. Hindi niya kasi sinabi eh.

“Sure!” Ngumiti ako.

Hinawakan niya ang kamay ko. Wala namang masama. I’m single! Pwedeng makipagharutan kahit kanino! Syempre, may crush akong si Sir Jayden, pero wala naman siya dito diba?

Hindi ako marunong kumanta pero sobrang passion ko ang sumayaw. Member ako ng dancetroupe noong highschool. Sumasayaw ako sa bahay pag may time kaya hindi ako nahirapang makipagsayaw sa lalaking nagyaya.

“Whoaaa!” Sigaw niya nang nakita akong sumayaw ng agresibo sa harapan niya.

Sumayaw din siya ng sarili niyang moves.

“Miss, want a drink?” May isa pang lumapit. “Wait… are you… Trisha Roncesvalles?”

Nakakahilo ang lights na sumasayaw kaya kinailangan kong tumigil sa pagsasayaw para makita ko ang mukha ng lalaking nakatayo. Kaklase ko rin to noon. At kung papipiliin ako kung sinong isasayaw ko, mas gugustuhin ko yung kilala ko.

Naglahad siya ng kamay at tinanggap ko na agad at ngumiti.

“Hey! Tol! Nagsasayaw pa kami ah!” Sabi nung kasayaw ko.
Kumunot ang noo ng classmate ko, “Kanina pa siya tumigil, sasama siya sakin, kita mo ba?”

Napatingin ako sa kinauupuan ni Troy. Nakita kong nakatitig parin siya habang umiinom ng beer.

“Ang yabang mo ah!” Nabigla ako nang sinuntok ng kasayaw ko ang classmate ko.

Napasigaw ang ibang nagsasayaw na nakakita. Yung iba naman ay walang pakealam.

Tumingin ulit ako kay Troy. Nakita ko siyang tumayo na at umaambang pupunta sa kinatatayuan ko.

Sinuntok din nung classmate ko ang kasayaw ko. Napasigaw na rin ako sa bigla! May lumapit na mga bouncer sa kanila. Umalis naman ako at dumiretso sa table namin nina Emma.

“Oh my God!” Sabi ko at kinuha ang purse ko.
“Okay ka lang ba?” Tanong ni Emma habang chinicheck ako.
Tumango ako, “Lalabas lang ako saglit.” Sigaw ko sa kanya dahil di kami magkarinigan.
Napatingin ako kay Troy na kausap na ang mga bouncer ngayon. Napatingin din siya sa banda ko. Iminuwestra ko sa kanyang lalabas ako kaya tumango siya ng bahagya.

“Hay! Grabe Troy! Yun yata yung pinakaunang pagkakataon na may nag aaway dahil sakin!” Sabi ko sa kanya nang lumabas kaming dalawa.

He clenched his jaw. Galit ba siya? Hinila niya ang braso ko palayo sa bar.

“Huy?! Ano?!”
“Are you crazy? Sumasayaw ka sa isa tapos sasama ka sa iba? And have you seen yourself? Yung pagsasayaw mo?” Padabog na binuksan niya ang pintuan ng sasakyan niya.
“Anong problema dun? Tsaka… kilala ko yung sasamahan ko dapat. Kaklase ko siya.”
“Get in!” Sigaw niya ulit sakin at uminuwestra ang front seat.
Umirap ako at sumunod.
“Ang problema sayo, masyado kang easy to get.” Sabi niya nang pareha na kaming nasa loob.

Pinaandar niya agad ang sasakyan.

“Anong easy to get?”
“Pag may magyaya sayo, patagalin mo naman o pahirapan mo! May nagyaya lang, bumigay ka naman agad.” Aniya.
“Sabi mo dapat sampu yung magyaya kaya syempre mas marami, mas okay sakin-“
“Magyaya lang… hindi isayaw!” Galit na galit talaga siya no?

Nagpasya akong di na lang muna ako makikipagtalo kaya tinext ko si Emma.

Ako:
Uwi na ako. Talk to you soon. May di pa ako sinasabi sayo.

Sumulyap si Troy sakin at mas lalong kumunot ang noo.

“Pagkausap kita, hindi ka pwedeng mag text o may katawag na iba.” Seryoso niyang sinabi.
Nalaglag ang panga ko habang tinitignan siyang nag drive, “Ano bang problema mo at bakit ang sungit sungit mo? Sabi mo kanina dapat marami akong mabingwit na lalaki. Ngayong may nabingwit nga ako nagsusungit ka diyan!”
Binalingan niya ako ng matinding titig.

Tinigil niya ang sasakyan sa tapat ng isang business center. May mga coffee shop, cafe at iba pa.

“Sabi mo tuturuan mo ako kung paano kunin ang loob ng mga tao, o ngayon, turuan mo na ako.” Humalukipkip ako.

May kinuha siya sa drawer ng sasakyan. Nakita kong may nakasulat na Heineken ang kulay green na lata. Isang beer. Ibig sabihin, hindi kami lalabas sa sasakyan niya. Dito lang kami. Sa bagay, ayaw niya rin naman kaming nakikita ng marami. Wala pang nakakaalam na friends kaming dalawa. Yun ay kung matatawag mo ngang ‘friends’ kami.

Ininom niya ito at may kinuha ulit siya sa drawer na orange juice.

“Etong sayo.” Sabay bigay sakin.

Ininom ko na rin.

“First, Trisha, pag magyaya sayo, hindi ka agad bibigay. Let’s say, may nagyaya sayong sumayaw…”
Tumango ako sa sinabi niya.

Tinignan niya ako at napapikit siya.

“Ermm… Okay.” Napalunok siya at uminom ulit ng beer. “May nagyaya sayong sumayaw. Pwede mong sabihing, ‘no thanks, may hinihintay pa kasi ako.’ Ganun ka simple. That way, iisipin nilang hindi lang sila yung nag po-pursue sayo… may iba pa… at may mas nauna.”
“Hindi ko maintindihan.”
“Okay. Example… niyaya ka ni Jayden mag lunch. Pwede mong sabihin, ‘Kailan? Hindi ako pwede mamaya kasi maglu-lunch kami ni Troy.'”
Kumunot ulit ang noo ko, “Nakakaloka! Hindi ko yan sasabihin sa kanya! Baka isipin nun na isa ako sa mga babae mo! Hindi ko yan sasabihin-“
“Pambihira ka naman! Example lang naman!” Sabi niya. “Pwede kang gumamit ng ibang pangalan! Example nga diba?” Inirapan niya ako.
“Okay. Bakit ko naman gagawin yan? Edi mawawala na yung opportunity kong makasama siya sa lunch. Duh!?”
“That’s the Art of Seduction, Trish. Kahit na sabihin mo yun sa kanya, hindi ka tatantanan ng pag iisip niya. Uulitin niya yan at sa sumunod na pagkakataong yayayain ka niya, pwede mo na siyang pagbigyan. Kailangan mong iparamdam sa kanila na maraming humahabol sa iyo. Na hindi lang siya. Na marami kang options. Never make them feel na sila lang talaga ang gusto mo. The best way to get people to like you is not to like them too much.”

[/accordion]

[accordion title=”Kabanata 9″]

Kabanata 9
V Line

Gulat na gulat si mommy nang nakita ang bago kong anyo. LOL. Parang naging diosa bigla? Masaya din siya dahil sa wakas ay bumili na ako ng damit na pasok sa panlasa niya. Puro dress at floral tops ang binili ko (tulad ng sabi ni Kelly).

Lunes at excited akong pumasok sa Le Marcelle. Paano ba naman kasi, ngayon ko masusubukan ang mga payo ni Troy sakin. Aniya’y maging snob daw dapat. Hindi naman maging suplada pero wa’g daw over friendly lalo na kay Sir Jayden.

Usap-usapan sa buong morning shift ang bagong buhok ko. Nilugay ko lang siya para maipakita ang loose curls. Pinagkaguluhan din ang bago kong pumps na halos sambahin ng ibang interns.

“Whoa! Kung wala kang scarf, iisipin kong board ka dito.” Sabay iling ni Jane.
“Salamat.” Ngumiti ako. “New look lang para maiba. Nakakasawa na rin kasi yung dati.”

Wala si Troy sa suite niya kaya malaya akong nakakatrabaho sa loob. Nang nag break na, kinabahan na ako ng husto. Ilang beses akong napalunok habang tinitignan ang repleksyon ko sa salamin.

Magkikita na ulit kami ni Sir Jayden, kasama ang new look ko! Sa sobrang kaba ko tingin ko papalpak ako. Okay!!! Relax, Trish! Ang sabi ni Troy, wa’g magpapahalata na gusto mo siya. Dapat hard-to-get. The best way to get people to like you is not to like them too much. Be confident!

Naglakad ako papuntang restaurant. Nabigla ako nang nakita ko agad ang mga mata ni Sir Jayden na naka titig sakin. Nakaupo siya sa isang table at may dalawang kape na sa hapag niya.

Tinaas ko ang kilay ko at tumingin sa paligid. Animo’y di siya nakikita. Biglang tumaas ang kamay niya…

“Trisha!” Kumaway siya.
Linagyan ko ng nakakabiglang ekspresyon ang mukha ko, “Sir Jayden!” At nanginginig na naglalakad papunta sa kanya.
“Uhmmm, may hinahanap ka?” Tanong niya nang umupo ako.
Nagdalawang isip pa ako sa pagsagot, “Wala, inisip ko lang kung saan magandang umupo.”
“Hmmm. Bakit? Ayaw mo ba dito?”
Napaawang ang bibig ko habang tinitignan siya.

Teka lang ah? Break muna, Troy, susuka lang talaga ako ng rainbow? Inisip ko ang inis na mukha ni Mr. AAMD habang nagmumura sa pagiging engot ko, pero di tumatalab sa ngayon. Nilipag na yata talaga ng hangin ang isipan ko dahil sa titig ni Sir Jayden. Ngumisi pa siya nang nakita ang mukha ko.

“O-Okay lang naman.” Fail, Trish, nautal ka pa!
Mas lalo siyang ngumiti sa sinabi ko. Saglit lang talaga, ah? Mukhang lumipad ang butas-butas na panty eh! “Diba sabi ko sayo, Jayden na lang? Bakit may Sir parin hanggang ngayon?” Kumunot ang noo niya.
Bumungisngis ako at naalala na naman ang lintik na mukha ni Troy kaya inayos ko ang sarili ko, “Sorry, nakalimutan ko kasi.”
Tumawa rin siya at tinitigan ako.

Lintik! Mapapamura talaga ako ng wala sa oras nito kasi nakatitig na lang siya sakin ng walang sinasabi.

“Maganda ka na noon, pero mas lalo ka pang gumanda ngayon.” Ngumiti ulit siya.

Naghuhuramentado na ngayon ang sistema ko. Hindi ko lubos maisip noon na posible palang mangyari ang pagkakataon na ito. Nakanganga lang ako dati habang nagtuturo si Sir Jayden ng Hotel Planning and Design sa school. Akala ko talaga hanggang doon na lang yun. Pero ngayon, ano to? Bakit sinasabihan niya na akong maganda?

“Salamat, Jayden.” Ngumiti ako pero bakit pakiramdam ko mukha akong aso?

Salamat, Jayden.

Langya! Mukhang bumabaha na ng rainbow dito sa resto ah? Kanina pa pala ako naihi?

“No problem, totoo naman eh.” Ngumisi siya. Ang cool niya talaga!

Nabigla siya nang nakita ang kape sa hapag.

“Sayo nga pala yan. Hindi ko nasabi agad. Baka lumamig na yan, inumin mo na.” Sabay muwestra niya sa kape.
At dahil ayokong biguin siya, kinuha ko yung kape at ‘ininom’ kahit hindi naman talaga. Mukha lang ininom pero ang totoo, todo higpit ang kagat ng labi ko sa tasa para di ko siya mainom ng tuluyan, mamaya mag kabag attack ulit ako eh.
“Uhmmm. Diba niyaya mo ako last week mag dinner?”

Halos matapon ko yung kape sa tanong niya. Oh yes, that embarrassing moment!

“Oo. Bakit?” Tanong ko.
“Pwede bang ako naman ang magyaya ngayon?”

Nanigas na ako sa puntong iyon. Its a matter of life and death. Hindi ko alam na ganito niya ako kabilis tatanungin nun! Akala ko matatagalan pa. At ano ang isasagot ko? Susundin ko ba si Master of Seduction?

“Ehh, di ako pwede tonight.”
Nakita ko agad ang disappointment sa mukha niya. Napabuntong hininga siya.
“Bakit? Wala ka bang class mamaya?” Tanong ko.
“Wala. Pinag research ko ang mga estudyante ko. Ganun ba? Sayang naman.”

Errrr. Bakit ganito? Ako yata ang nase-seduce kay Jayden! Shemay!

“Sayang nga. May kasama na kasi akong mag dinner mamaya eh.” Si Troy – example niya yun. Lokong yun! Kainis!
Tumango siya at lumunok ulit.

Kinuha ko na lang ang cellphone ko para itext sana ang lintik na hayop na yun. Baka naman sinasabotahe niya ako dito, huh?

“Ah! By the way, can I have your number?”

Ayun. Nagsuka na ulit ako ng rainbow. Bakit kailangang ganito? Bakit kaakit-akit lahat ng alok niya?

“Sure.” Sabi ko.
“Here.” At binigay niya ang cellphone niya sakin.

Tinaype ko agad yung number ko at ngumiti sa kanya. Ngumiti rin siya.

“Sige, Trish. Salamat. Itetext na lang kita mamaya.” Aniya at umalis na.

Ohhhh, boy! I love you, Jayden! Uminit ang pisngi ko habang pinagmamasdan siyang nagmartsa palabas ng restaurant. May binati pa siyang maswerteng costumer nang binuksan niya ang transparent double doors.

“BAKIT MO SIYA HINAYAANG UMALIS?” Sigaw ng galit na Master of Seduction sakin pagkatapos kong ikwento sa kanya lahat ng nangyari sa araw na yun.

Akala ko ay magiging proud siya sa pagtanggi ko pero nagkakamali ako.

“Trisha… You don’t do that. Whatever it is… dapat ikaw ang unang umalis. Pag magkasama kayo, dapat sasabihin mong, ‘mauna na ako, may gagawin pa kasi ako’.”
“Ang rude naman, Troy-“
“The Art of Seduction, Trisha! You have to trust me.” Umiling siya at kumunot ang noo niya. “Kung sakaling mangyari ulit yun, kailangan mauna ka sa pag alis. Dapat lagi kang busy. Dapat di siya ang mundo mo.”

Talaga bang kailangang ganito?

Nilantakan ko na lang ang mga steak na nakalatag sa suite niya. Di bale na nga lang! Susundin ko na siya kasi ang sarap ng mga inihahain nila dito sa kanya eh.

“Pag nagtext siya sayo, wa’g mo agad siyang replyan.” Sabi niya.
“HUH? Is that really part of this, Troy? O sinasabotahe mo lang ako?” Tumigil ako sa pagkain.
Napabuntong-hininga siya at tamad na umupo sa harap ko. “Bakit naman kita isasabotahe? Anong mapapala ko?”
Nagkibit-balikat ako at kumain ulit.
“Pagnag text siya ngayong gabi, bukas ng umaga mo na siya sagutin. Sabihin mo, exhausted ka or nabusy ka, make excuses. Make him feel that he’s not the only one.”
“Why? He’s the only one.”

His lips parted. Tinitigan niya ako. That same intense gaze I saw at the bar.

Tumayo siya at biglang tinanggal ang t-shirt niya.

“Huy! Troy!”

Hindi ko mapigilang mabighani sa muscles niya. True! He is really damn hot! Well cut! Kahit na ayaw ko sa kanya, naaakit ako sa hubog ng katawan niya. That V line na nagsisimula sa hips niya patungo sa– oppps SPG!

Nakita kong nakangisi na siya at nakakagat labi nang nakita akong nakatitig sa V-line na yun. Damn! Uminit ang pisngi ko.

“Bakit ka naghuhubad?” Tinakpan ko ang mata ko habang nginunguya ang muscles niya… este… ng karne… ay? Bakit ganun? Bakit dirty yung karne? OMG! LORD! SORRY NA PO!
“Ang init! Got a problem with that?” Narinig kong nilakasan niya ang aircon.

Bakas din sa boses niya ang ngiti niya kaya di ko na lang siya titignan pang muli. Inisip ko ang makisig na si Jayden. Ano kayang meron pag hinubad na yung white button-down shirt niya ano? Iniisip ko pa lang naluluha na ako ng rainbow.

“Make him feel that he’s not the only one, Trisha.”

[/accordion]

[accordion title=”Kabanata 10″]

Kabanata 10
Hamon

Hindi ko alam kung bakit hindi ko matanggal ang tingin ko sa V-line ni Troy. At feeling ko naman nananadya siya. Alam niyang masyadong kaakit-akit yun kaya binalandra niya sa harapan ko.

“Okay,” Halos di ko manguya ng maayos yung karne habang dinudungaw ang plato ko. “Enumerate natin. Una, ayaw mong pansinin ko siya masyado. Sunod, ayaw mong mag agad ko siyang samahan sa dinner. Ngayon ayaw mong magrereply ako agad sa text niya. Yung totoo, Troy. Sinasabotahe mo ba talaga ito?” Kumunot ang noo ko at di parin makatingin sa kanya.

“Kinikwestyon mo ba ang itinuturo ko sayo?” Nabigla ako nang umupo siya sa harapan ko at kumuha na rin ng pagkain.

Ito ang unang pagkakataon na nagsabay kaming kumain ni Troy dito sa suite niya. Half-naked pa siya kaya disturbing masyado sa paningin. Nakaka aburido namang gawain ito. Nagpatuloy na lang ako sa pagnguya ng karne.

“Haaay! Ginugutom ako.” Sabi niya nang napansing natameme na lang ako sa pagkain niya.

Sinubo niya yung kapirasong steak. Bakit ang swerte ng tinidor na ginamit niya? OH MY GOD! Nagnanasa na ba ako sa kanya? Matindi talaga ang nagagawa ng tukso. Minsan kahit ayaw mo sa tao, matutukso ka parin lalo na pag nakahain siya sa harap mo. Bless my soul, O Lord!

Maingay akong napalunok nang nakita ko ulit siyang sumubo ng isa pang karne. Nakita kong may something sa gilid ng lips niya: Yung sauce ng steak! And from then on, nalaman ko kung gaano siya ka dangerous.

Ipinilig ko na lang ang ulo ko para makalimutan ang nakakagambalang pag iisip na iyon.

“Troy, how can you be so sure that this will work?” Nanliit ang mga mata ko habang tinititigan parin yung sauce ng steak sa gilid ng labi niya.

Halos mag palpitate na yung kilay ko habang tinitignan yun. Naiinis ako. What’s with that sauce? Bakit siya nandyan sa lips ni Troy? Bakit di siya pumasok na lang sa bibig niya? Bakit siya nag ha-hang-out diyan?

“May dumi ba ako sa mukha?”
Nanlaki ang mata ko sa tanong niya. Ipinilig ko ulit ang ulo ko para ilipad ng hangin ang iniisip kong weird, “Actually, meron, and, its annoying. Dito.” Sabay turo ko sa sauce na malapit sa lips niya.

At imbis na kumuha siya ng tissue para tanggalin yun, dinilaan niya na lang! Napasinghap ako sa ginawa niya.

“Troy! Kadiri ka naman! Gumamit ka ng tissue!” Hiyaw ko.
Tumawa siya, “Malapit lang naman sa bibig ko!”
“Kahit na!” Uminit ang pisngi ko sa inis dun sa ginawa niya.

Humalukipkip ako at tumingin sa kawalan. Inis ako sa ginawa niya at hindi ko mahugot sa utak ko kung bakit.

“What’s your problem?” Natatawa parin siya sa reaksyon ko.

Hinuli niya ang tingin ko at nang sa wakas ay nahuli niya, inirapan ko agad siya.

Tinignan ko na lang ang cellphone ko. 12 new messages.

Binasa ko yung mensahe nina Emma, Camille at Beatrice na puro ‘I miss you’. Tapos isang unknown number.

“I told you, Trisha. Don’t text when we’re talking.”
“We’re not talking, Troy.” Umirap ulit ako at binuksan ang mensahe.
Napabuntong hininga siya at tinitigan ako.

Unknown number:
Hi Trisha! This is Jayden. I hope you’ll save my number. How’s your dinner out?

“O! M! G! Si Jayden-“
Kinuha ni Troy ang cellphone ko at binasa ang mensahe ni Jayden, “Old fart!”
Kinuha ko ulit pero may pinindot siya doon bago ko nakuha, “Binura mo?” Nanlaki ang mata ko habang tinataas niya ang kilay niya at ngumiti.
“I told you. Don’t reply! Bukas ka na magreply! Sabihin mo, ‘Napasarap yung usapan namin ng kasama ko kaya di ko na namalayan ang cellphone ko. Sorry. Good morning!’ Voila!”
Sinapak ko na ang demonyo, “Hindi ako naniniwala-“
“Why? Have you ever seduced someone, Trisha? Coz I’ve been seducing women all my life.” Tumango siya sa huling pangungusap at ngumiti. That leering smile. Damn!
“Iniinsulto mo ba ako, Troy?”
“Well, siguro ininsulto kita kasi iniinsulto mo rin ako!”
Sinapak ko na ulit siya. Wala na akong pakealam kung matamaan itong mga pagkain namin sa gitna ng mesa. “At bakit mo binura yun? Sabi mo wa’g akong magreply? Hindi naman ako nagreply, ah? Kailangan ko ang message na yun! His first text ever! OH MY GOD! You ruined our history!”
Kumunoot ang noo niya na para bang di niya naiintindihan ang sinasabi ko. “You’re crazy.” Ngumiti siya.
Napa-face palm ako. Parang na flush sa inidoro lahat ng rainbow na nangyari ngayong araw na ito dahil sa Troy na ito. Nakakahawa din talaga yung Dalaw ano? “Okay, I won’t reply Troy. At susundin ko lahat ng advice mo sa Training na ‘to in one condition.”

Humalukipkip ako. Humalukipkip din siya na para bang naghahamon.

“And what is that?” Tumaas ang kilay niya.
“Seduce women in front of me.”
“I think that’s invalid. I did that so many times, Trisha. Sa school. At nung naglinis ka dito.”
Nanliit ang mata ko sa sinabi niya. Ginulo niya ang buhok niya at nanlaki ang mata ko. Tingin ko yung V-line ang dahilan ng lahat kung bakit gumwapo siya ng konti sakin ngayon. At mas gumugwapo siya pag magulo ang astroboy niyang buhok.
“Oh, don’t look at me like that! Alam kong kilala mo ako noon pa. At alam mo kung anong mga ginagawa ko-“
“No Troy! I want you to do it, in front of me. Siguro na se-seduce mo lang sila dahil gusto ka na nila noon pa. That’s easy. I want you to seduce someone else.”

Napalunok siya sa sinabi ko. Para bang naging uneasy siya sa upuan. Ginulo pa niya lalo ang buhok niya at naramdaman ko ang tensyon sa features niya.
Napangiti ako. Good, Trisha. Kahit nakita mo ang half sa makarne niyang katawan, lumiligaya ka parin pag mukha siyang aburido! You’re still you! Hindi ka nagpakain sa kadilimang dala ng Master of Seduction na ito.

“Who?” Tanong ni Troy.
“Friday night, punta ulit tayo sa Penthouse. Ako ang mamimili kung sino ang popormahan mo.”

Pipili ako ng sopistikadang mga babae. Yung mukhang may boyfriend na? Pwede ring mga suplada. Kahit ano. Pipili ako ng mabuti. Tignan natin kung hanggang saan siya.

All out ang buntong-hininga niya sa balita ko at ngumisi ulit. Bumalik ang confident niyang mukha. Ginulo niya pa ang buhok niya. “No problem. Hanggang sa magsawa ka, Trisha. Kahit ilan.”

Ako naman ngayon ang nadidismaya sa ekspresyon niya.

“In one condition. You won’t go out with Jayden… yet… And don’t wear that same fitting dress again… And you take this training seriously after that… and don’t put make up on your… plain face-“
“Akala ko ba isang condition lang, Troy? Bakit marami?”
“Isang sentence lang yun, Trisha.” Ngumisi ulit siya. “And… sa ngayon, you should still follow what I’ll tell you.”
“Whatever. O sige! Game ako sa hamon- I mean HA-MON… H-Hindi hamon.” Kumunoot ang noo ko sa sinabi. BAKIT HAMON YUNG NASABI KO? HAMON! YUNG KLASE NG KARNE? What the heck is wrong with me?

Tumawa siya. Halos mamatay siya sa kakatawa.

Nininerbyos naman ako sa tawa niya kaya uminom na lang ako ng tubig. Still. Not. Good.

What the f? HAMON? Talagang yung hamon na pagkain? Oh my gosh! Such a big fat steamy fail!

Hindi ko nireplyan si Sir Jayden. Guilty ako at di ko matanggal sa isipan yung text niyang binura ng kurimaw na yun. At paminsan-minsan sumasagi yung maswerteng sauce sa nag hang-out sa labi niya minsan ngayong araw na ito.

Kinaumagahan, gumising ako para magreply sa text ni Jayden.

Ako:
Good morning, Sir! Sorry sa late reply. Hindi ko namalayan yung text mo kagabi. Hihi.

Nag reply siya agad!

Jayden:
No problem. Drop the ‘Sir’, Trisha. :)

Ayan! Buo na ang araw ko! Kakaulan lang ba? May rainbow kasi sa langit ko! Aw!

Inspired akong pumasok at makita ang kagwapuhan ni Jayden sa Le Marcelle. Unang bumati sakin ang ngiti niya pagkapasok ko. Ngumiti rin ako at kinabahan agad.

Kailangan kong isipin yung mga sinabi ni Troy. Nililipad naman kasi ng hangin tuwing nginingitian niya ako eh.

“Hi!” Aniya.
“Uyy! Good morning!” Kaswal na sinabi ko.
“Kamusta yung dinner kagabi? Okay ba?”

AHA-AHA-AHA! Masakit mang isipin pero unti-unti na talaga akong naniniwala kay Troy. Tumatalab talaga ang mga tips ng unggoy na yun! Bakit niya binabalik-balikan yung dinner kagabi? Over thinking ba ito o talagang may nangyayari na nga sa sistema ni Jayden?

“Okay naman.” Napalunok ako sa sinabi ko.

Sigurado akong pupukpukin ako ni Troy sa ipinakita ko ngayon.

“Sino ba ang kasama mo?”

OVERJOYYYYEDDD! Hahaha! Bakit? Bakit ang daming rainbow? Para akong nakalunok ng ilang durian bago ko siya nasagot.

“O-Old friend—s…”
Napangiti siya nang narinig ang ‘s’ sa huling sinabi ko.

Hindi ko kayang biguin ulit si Jayden. Masyado na akong nahuhumaling sa kanya.

Nakita ko agad ang pag gaan ng ekspresyon sa mukha niya. Mas lalong na emphasize yung damit niyang longsleeve at kulay light blue na naka fold hanggang siko niya.

Ngumiti siya at naglakad kasama ko papuntang elevator. Pero pakiramdam ko, hindi ako naglalakad… lumilipad ako.

Gosh! I think I’m in love!

[/accordion]

[accordion title=”Kabanata 11″]

Kabanata 11
Laglag Panty

Hinintay ko talagang mag Friday dahil sa usapan namin ni Troy. Pero unti-unti ko ring nakalimutan ang excitement ko sa pagdi-daydream ko kay Jayden. Minsan, nauuwi ang pagdi-daydream sa katotohanan.

“Trisha!” Napadpad bigla si Jayden sa floor ko.
“Uy, Sir, I mean, Jayden.”
Ngumiti siya at tinignan ang paligid. “Okay ka lang ba dito sa floor mo? Wala bang nanggugulo?” Bumaling siya sakin.
“Wala naman.” Nag-init ang pisngi ko. Bungisngis pa ako ng konti.
“Hmm. Mabuti naman. Malapit na kayong mag shift diba? Saan ang susunod mong shift?” Tanong niya.
“Hmmm. Two weeks from now, sa reception na ako.” Ngumiti ako.
Ngumiti rin siya.
“S-Sir Jayden?” Biglang dumating si Jane.
Ngumiti si Jayden kay Jane. “Kamusta kayo dito ni Trisha, Jane? Wala bang problema?”
“W-Wala po naman. Magaling si Trisha.”
Tumango si Jayden at, “Alam ko.”

Umalis din naman siya pagkatapos magpakilig sakin. Nakiusyuso pa si Jane sa relasyon namin ni Jayden pagkatapos noon.

“Hindi… Wala. Professor ko lang si Jayden.”
Nanlaki ang mata niya, “Hindi ka nag si-Sir sa kanya? OMG!” Niyugyog niya ako.
“Hindi. Talagang wala.” Pero deep inside, nag diriwang na ang sistema ko. Nagtatapon na ng confetti ang puso ko.

Permanente na lalo ang rainbow sa langit ko nang dumating ang Biyernes.

Nakaupo si Sir Jayden sa upuan namin lagi doon sa restaurant. As usual, inaabangan niya akong pumunta doon. Hindi na ako nagpaliguy-ligoy. Dumiretso na ako sa kanya.

Nakangiti na siya nang umupo ako sa harapan niya.

“I’m so tired.” Sabi ko at ngumiti. “Yung isang foreigner kasi doon, masyadong makalat.”
Ngumiti siya, “Ganyan talaga sila. I mean, hindi lahat, pero kung ikukumpara mo sila sa mga pinoy, di hamak na mas malinis ang mga pinoy sa kanila.”
Tumango ako, “I agree. Nung sa Singapore ako, kahit na sa Restaurant yung shifts ko, nahihirapan talaga ako sa mga di-Asian. Although, okay sila dahil madaling makipag usap sa kanila, pero minsan sila yung sobrang demanding tsaka mayabang.”

Narealize kong habang nagsasalita ako, tinititigan niya pa ako lalo. Sa init ng pisngi ko, pakiramdam ko pwede nang magprito ng itlog doon.

Natahimik kaming dalawa at nagkatinginan na lang.

“Oppps! I forgot to order.” Humalakhak siya at sinenyasan si Eliz sa bar.

Tumango naman si Eliz at agad kaming dinalhan ng kape. Ayan na naman ang kape! Halos araw-araw kong pinipeke ang pag inom dito eh.

“Sayang, hindi kita mayaya mamaya sa dinner.”
AYAN NA NAMAN. Nag li-leak na naman ng rainbow sa mga pores ko. “Huh?”
“Kasi malapit na yung preliminaries. Doubletime kami sa Major Subject na tinuturuan ko ngayon. Ewan ko lang kung may natututunan ba yung mga estudyante ko dun.” Uminom siya ng kape.
“Meron talaga! Alam mo, nung ikaw ang prof ko? Dami kong natutunan! Syempre… Uh… ilang taon ka nga pala nung second year ako?” Tanong ko.
“Hmmm, 23. Last year palang naman yun. Ang bata ko pa para magturo sa inyo.” Ngumisi siya.
“Oo! Bata tsaka successful na! Gumraduate ka ng MBA, 22 ka diba?” Stalker mode on.
Tumawa siya, “Oo. Mag MBA ka na rin.”
Umiling na lang ako at umakmang iinom ng kape (pepekein na naman).
“Ano nga palang trabaho ng mommy at daddy mo?”
“Si Dad, doctor. Si Mommy, lawyer.”
“Oh? Ayaw mong sumunod sa mga yapak nila?” Tumawa siya.
“Okay naman sakin yung pagiging doctor at lawyer pero I’m really into business. Tsaka… feel ko talaga yung course ko. Gusto ko ng mga hotels.” Ngumiti ako. “Tsaka… wala na akong place sa Gozon Law Firm.” Tumawa ako.
“Oh! Kasama ang mommy mo sa Law Firm ng mga Gozon?” Tanong niya.
Tumango ako, “Sina mommy at kanyang mga kapatid ang nagtatag nun.” Umamba na naman akong iinumin ang kape. “Gozon ang middle name ko.” May something na biglang tinapon ang kung sino sa kape ko kaya nag splash ng konti ang kape sa mukha ko.

Napatingala agad ako. Wala namang debris o kung ano.

“Sorry! Nadulas sa kamay ko.” Sinabi ng nakawayfarers na si Troy sa kabilang table.

Umiinom siya ng shake na may maliit na payong sa gilid. Bakit kailangan ganyan ang scene pag siya ang nakikita ko? Palaging may disturbing things?

“Nadulas? Paano madudulas yun? Hinagis mo yun!? Ano yun?” Sabi ko.

Tinignan din siya ni Jayden. Nagkibit balikat na lang si Troy at ngumisi.

Mukhang pinapaalala niya sakin na mamaya na yung hamon ah?

“Troy, can you just leave Trisha alone?” Nabigla ako sa sinabi ni Jayden.

Nakita kong uminom si Troy sa shake at nang bumaling na siya samin ay seryoso na ang mukha niya.

“I’m doing that, Jayden.” Umirap siya.
Humalukipkip si Jayden, “Really? Lagi kitang nahuhuling nangungulit sa kanya.”

Trust me, nakatunganga lang ako ngayon habang pinagmamasdan si Jayden na pinagtatanggol ako.

“Hindi ako nangungulit gaya ng inaakala mo, Jayden. Kasi sa totoo lang, kung nangungulit ako sa kanya, wala siya diyan sa table mo ngayon.” Sumulyap siya sakin at tumayo. “Kung kinukulit ko nga siya, di mo na siya makakausap pa. Kasi pag ako nangulit, sa akin ang buong atensyon.”

Madramang nag walk-out ang unggoy. Wala akong pakealam sa kanya. Mamaya ko na siya pepektusan. Ang importante ngayon ay ang pagtatanggol ni Jayden sakin.

Kumuha siya ng tissue at tinignan ang pisngi ko.

“May kape sa pisngi mo.” At pinunasan niya iyon.

Hindi niyo na talaga maimagine kung ilang kulay ang makikita niyo sa isipan ko.

“Bakit ka iinom ng kape? Para sumakit na naman yung tiyan mo? Damn, Trisha!” Pambungad na bati ni Troy sakin nang sinundo niya ako sa labas ng Domino Heights.
“Kaya mo ba hinulugan ng kulangot yung kape ko?” Sagot ko at padabog na sinarado ang pintuan ng sasakyan niya.
“Kulangot?” Suminghap siya at umiling. Disappointed na naman sakin.
“Well, salamat sa hinagis mo sa kape ko at laglag na naman ang panty ko kay Jayden.” Tumili ako at gigil na sumayaw sa front seat.

Hanggang ngayon, hindi parin ako nakakarecover sa nangyari kanina. AHHHHH!

“WHAT?”

Nakakabigla ang ekspresyon niya. Ginulo niya ang buhok niya at tinitigan ako. Mas lalo akong kinabahan nang inilapit niya ang mukha niya sakin.

“WHAT DID YOU JUST SAY?”
“A-Ano?”

Isang pulgada na lang ang agwat ng mukha naming dalawa. I can clearly see his perfect brown eyes, perfect nose, perfect jaw, bakit puro perfect siya? Pati ang skin niya, perfect din!

“Anong nalaglag ang panty, Trisha?” Mas seryoso niyang tinanong sakin yun.
“HUH?” Tinulak ko siya pabalik sa personal space niya.

Napalayo siya ng konti pero ibinalik niya rin ang maliit na distansya namin.

“Expression lang yun! Hindi mo ba alam yan? Ganyan kaming mga babae. Nalalaglag ang panty… Kinikilig. Ganun yun.” Napalunok ako.
Napabuntong-hininga siya at umayos na, “Damn!”

Tumitingin lang siya sa kawalan. Seryoso parin ang mukha. Hindi ko mabasa ang iniisip niya.

[/accordion]

[accordion title=”Kabanata 12″]

Kabanata 12

Magaling na Troy

Tahimik parin si Troy ng mga ilang sandali sa drive papuntang Penthouse.

“Jusko! Halos manisay na ako sa kilig! Minsan kahit nakakairita ka, okay parin yung nagagawa mo dahil maganda ang timing!” Sabi ko habang tinitignan ang mga lights galing sa mga sasakyan at mga building.

Minsan, may nakikita akong mga tao na napapalingon samin. Tinted naman ito kaya sigurado akong yung sasakyan niya ang tinitignan nila.

“Ginagamit mo ba talaga yung ekspresyon na yun?” Biglang tanong ni Troy pagkatapos ng mahabang katahimikan.

“Oo naman. Bakit? Ikaw kasi, dirty minded ka masyado! Napakaliteral ng iniisip mong pagkakatanggal ng panty! Hindi naman ako tulad mo na manyak.” Sabi ko.

Sumulyap siya sakin nang nakasimangot.

“Trisha, Jayden is 24. What do you expect?”

Kumunot ang noo ko at napaawang na lang ang bibig habang tinititigan si Troy na tumitingin sa daanan. Paminsan-minsan ay naliliwanagan ang mukha niya sa city lights at mas lalong naliwanagan ang mukha niya. Napalunok ako. Kahit nakasimangot, gwapo parin. How can someone be this handsome?

“What do you mean?” Nanliit ang mata ko habang tinutulak ang mga kababalaghan sa pag iisip ko.
Bumuntong hininga siya, “Marami na siyang karanasan sa sex, Trisha. 24 na siya kaya paniguradong normal na sa kanya ang pag-“

“WHAT?” Uminit ang pisngi ko.

Sumulyap siya sakin at ngumisi.

“That’s the truth.”

“No! No! Impossible! Ikaw lang naman ang manyak dito kaya wag mong itulad ang pagiging manyak mo sa kanya. Iba siya!”

“Really? Can you ask him, then? Diba you always have the guts? Why don’t you ask him? Kung sino sa mga ex niya ang nauna? Kung ilang beses sila sa isang linggo-“

“SHUT UP!” Sabay takip ko sa tainga ko. “Shut up, Troy!”

Bumuntong-hininga ulit siya, “Trisha, sorry, pero ikaw na lang yata ang conservative dito sa mundo-“

“Hindi pwede!”

“Anong tingin mo? Na wala ding tinatagong kamanyakan yang si Jayden?”

Natahimik ako. Tama si Troy. May punto siya. Siya nga na 20 pa lang ay marami nang nakaganun, si Jayden pa kaya na 24 na? OMG! Ilan na kaya ang naging ex ni Jayden? Or may girlfriend kaya siya ngayon? OMG! Naninikip ang dibdib ko habang iniisip ko yun. Inaamin ko talaga, may point ang kurimaw na ito. Umaasa akong sana ay ang una ko ay siya ring huli. Uminit pa lalo ang pisngi ko habang iniisip yun. BAKIT ITO ANG INIISIP KO NGAYON? Kainis si Troy!

“Hmm? Anong iniisip mo?” Tanong niya habang nagpapark kami sa parking lot ng Penthouse.

“Wala.” Sabi ko.

Tumaas ang kilay niya, “Ayusin mo yung soot mo. Pag umuupo ka, umiikli. Tsaka yung imaginary cleavage mo, takpan mo. Wa’g kang sumayaw doon ah? I see the way you danced that night.” Lumiit ang mata niya.
“Ano bang problema mo? Akala ko ba paramihan ng maseseduce? Kasalanan ko bang seductive lang ako masyado lalo na pagsumasayaw?”

Natahimik siya ng ilang segundo bago nag salita ulit, “Not tonight. Its my game, remember?” Tumaas ang kilay niya.
“Okay, whatever. So… ingunguso o ituturo ko sayo kung sino ang gusto kong pormahan mo ngayong gabi.”

“Aryt! Ang ituturo ko naman sayo ay kung paano mambola.”

Napaisip ako sa sinabi niya.

“Hindi ko naman kailangan ng lesson na yan, Troy.” Nabola nga kita na may sextape ka ngayong wala naman. Talo na nga kita.

Ngumisi siya at binalewala ang sinabi ko. “You have to say something weird. Say something different. At pwede mo rin siyang pintasan.”

“Pintasan?”

Marami parin pala akong di nalalaman. Pumwesto ako sa bar. Hindi ko tinitignan ang mga tao para di na makaagaw ng atensyon.

“For you, miss?” Sabi ng bartender sakin.

“Thank you.” Sabay kuha ko ng juice.
“Boyfriend mo?” Tumaas ang kilay ng lalaking bartender habang tinuturo si Troy sa malayo.

Sinasalubong siya ng kanyang mga sosyal na kaibigan.

“WOOOOH!!! PARTY!” Sigaw nung model-type na babae habang tinataas ang shot glass niya. Sumasayaw pa.

“Hindi.” Sagot ko sa bartender.

Umalis din naman siya agad para kausapin ang iba pang costumer.

Ilang sandali ay nakahanap na ako ng mga prospect. Nakita ko ang isang sikat na batang designer ng mga bags. Si Kate Anika. Tahimik lang siyang nakaupo sa table nila. Maingay at sosyal din ang friends niya pero hindi naman sila mukhang fanatic ni Troy kaya susubukan natin.

Tumayo ako at naglakad patungo sa isang table malapit kay Kate Anika. Hindi ko na kailangan pang ituro iyon kay Troy kasi kanina pa siya nakamasid sakin. Na gets niya agad kaya tumayo siya at pumunta malapit sakin… pumunta kay Kate Anika.

Bilib ako sa kapal ng mukha niya para umupo sa table nila, huh! Naweirduhan pa ang mga kasama ni Kate nang tinignan nila si Troy.

“Uy! Kumusta Troy!” Sabi nung isang lalaki sabay apir kay Troy.

“Okay lang pare!” Sabi ni Troy. “I’m good! Kayo dito?”

“Okay din! Buti napunta ka dito samin!” Sabi nung lalaki. “By the way guys, this is Troy Salazar!”

“Hi!” He flashed a killer smile.

Narinig kong napasinghap ang iilang babae sa kanila. Halos ako mapa buntong-hininga na rin sa killer smile na yun eh. Dun palang, panalo na siya!

“Troy Salazar?” Tanong ng isang babae. “May ari ng Le Marcelle?”

Ilang sandali pa bago siya nakilala nang husto ng mga tao dun. Nang sa wakas ay sumayaw na ang iba at may amats na yung ibang kasama ni Kate, saka bumaling si Troy sa kanya.

“Hi, miss?” Sabi ni Troy.

“Hello.” Matabang na sagot ni Kate.

“Bakit wala kang kasama? Lahat ng mga kaibigan mo may kasama ah? Napansin kong ikaw lang ang wala.”

Napatingin si Kate kay Troy, “Hindi naman kailangan ng kasama to have a good time, diba?”

Taray ni Ate! Tignan natin ang galing mo Troy.

“No. I think you’re wrong. Mas masaya kung may kasama.” Ngumisi siya.

Napatingin ulit si Kate kay Troy, ngayon, mas matagal na tingin na. Halos tinitigan niya na nga si Troy. Uy, girl! Maubos yang mukha ni Troy sa kakatitig mo huh?

“Its really better to dance with someone. Personally, ayokong sumayaw mag isa.” Dagdag ni Troy habang umiinom ng beer niya. “How bout you? Do you dance alone?” He chuckled. Sexily. Fvck!

Ngumisi din si Kate.

I know for sure… sa puntong ito, kuha niya na ang loob ni Kate.

Humanap pa ako ng iba. Umalis ako sa tabi nila at nakahanap ng mas okay. Mukhang mataray ang isang ‘to. Maganda siya, sobrang tangkad at mukhang suplada. Lumipat din agad si Troy doon nang nakita ako.

“Hi, Miss! Care if I join you?”

“No, thanks, I wanna be alone.” Matabang na sagot niya.
“Ohh! Mukhang may pinagdadaanan. Heart broken?”

“It’s none of your business.” Hindi niya parin tinitignan si Troy hanggang ngayon.
“Well, if I were you, I’d dump the guy who made me feel that way.” Uminom si Troy ng beer.

Sa kalagitnaan ng pag inom niya, napatingin ang babae sa kanya.

“No one should make you feel that way. Maganda ka at sexy pa.” Pinasadahan siya ng tingin ni Troy hanggang sa nagtagpo ang mga mata nila. “Hmmm. Let’s see. Maybe mas maganda kung ilugay mo yung buhok mo? Di kasi masyadong attractive ang hairstyle mo pero maganda ka and I’m sure mas gaganda ka pa kung ganun ang gagawin mo.” Kumindat si Troy.

“Huh?” Napahawak ang babae sa buhok niya.

Pumula pa ang pisngi niya habang tinitignan si Troy na umiinom ng beer at ngumingiti sa kawalan. Darn that guy!

“You think so?” Sinabi ng babae.

Lumingon si Troy sa kanya at ngumiti, “Of course. I’m no hairstylist, but I know my taste… and it tastes like that.” Tumango si Troy at ngumisi.

Ako na yata ang may pisnging pumupula sa puntong ito.

Ngumiti din ang babae at tumango. Napailing na lang ako sa kinauupuan ko. Nagkatitigan sila ng ilang segundo bago bumitaw si Troy sa titig. I swear na kung nadagdagan lang sana yun ng lima pang segundo ay nagkahalikan na silang dalawa.

Nang nag CR ako, nakita ko yung babae sa CR na nilulugay ang buhok at nagrereklamo sa salamin.

“Pangit ba talaga pag nakaponytail ang buhok ko? Mas maganda ba ang lugay?” Habang sinusuklay suklay ang buhok niya. “Gosh! Hindi ko makalimutan yung sinabi niya!”

Okay… I guess I should take note. Pinintasan ni Troy yung babae, imbes na ma-offend yung babae, hindi niya na maalis sa isipan niya si Troy. Dapat marunong ka talagang dumala ng pintas para maging effective.

Napabuntong hininga ako paglabas ng CR. Ilang minuto pa bago ako nakahanap ng bagong prospect. Mag isa ang babaeng ito at mukhang sopistikada. Nakalugay ang straight niyang buhok at nakasoot ng itim na dress habang tulala sa bar counter.

Hinanap ko si Troy at nakita kong naliligo siya sa kamay ng mga kaibigan niyang babae. Halos lapain siya ng buhay doon sa table niya. Nakangiti lang siya habang tinitignan ang nanlalaking mata ko. Hinalikan pa ng isa ang leeg niya. WHAT A SIGHT! Galit kong nginuso sa kanya ang ikatlong prospect.

“Hi Miss, why are alone?” Tanong ni Troy.

“I’m sorry, I’m not interested. May boyfriend na ako.” Sagot nung babae.

“Well, I know you have one. Sa ganda mong yan, impossibleng wala.” Sagot ni Troy at umupo parin sa tabi ng babae.

Binola niya in a very flattering way!

“Pero bakit ka niya hinahayaang mag isa dito?” Concern na ang mukha ni Troy ngayon habang tinitignan ang babae.

“He’s busy. But I’m really loyal. So I’m not into this.”

“Its okay, miss. Hindi naman kita aagawin sa kanya. Tsaka… its not like magpapaagaw ka.” Uminom si Troy ng beer. “And if I were him, hindi kita hahayaang pumunta sa mga ganitong bar na mag isa.”

Nagkibit balikat lang ang babae.

Tinitigan siya ni Troy kaya napatingin na rin ang babae sa kanya. Nanliit ang mata ni Troy habang pumupula ang pisngi ng babae.

“You look like someone I know… Kamukha mo yung tita ko.” Tumango si Troy. “She’s old… but really pretty.”

Halos matawa ako sa sinabi niya. WHY IN THE WORLD? Kung ako yung babae, sasampalin ko si Troy!

“Excuse me?” Mukhang na offend yung babae. Pulang pula ang pisngi niya habang tinitignan ang seryosong si Troy.

“Really. She’s so pretty. Naaalala ko siya sayo. Only that your lips are way sexier.” Nakatingin si Troy sa lips ng babae.

“You told me I look like her… and that she’s old! How can that be pretty!?” Sagot ng babae.

I know what you did there, Troy! Unresponsive ang babae kaya halos ininsulto niya! At ngayon ay nakangiti na ang kurimaw dahil sumagot yung babae.

“Wait? Sinabi kong pretty siya diba? You’re pretty, too. Don’t insult my tita, missy. I love her, you know!” Sumimangot si Troy.
Luminga-linga ang babae at napalunok ng halos limang beses bago nakapagsalita ulit, “I-I’m sorry. It’s just weird.”

“I know… The world is.” Nagkatitigan sila ni Troy. “Like… you have a boyfriend. I don’t have a girlfriend. Bakit di na lang tayo gayung bagay naman tayo? Diba? The world is really weird.” Tumawa si Troy.
Umiling ang babae at tumawa na rin, “You’re crazy.”

“I am.” Kumindat si Troy.

“What’s your name?” Tanong ng babae.

“Why? I a-add mo ako sa Facebook?” Tumawa si Troy.

Tumawa ulit ang babae, “Pwede. So what’s your name?”

“I’m Troy. How about you?”

“I’m Gela.” Ngumiti ang babae.

Kumindat si Troy at, “Nice meeting you.” Naglahad siya ng kamay.

Tinanggap ito ni Gela.

Kumindat si Troy at, “Hey, I need to go back to our table. Baka hinahanap na ako eh. Sige, see you around Gela!”

Una siyang umalis, tulad ng sinabi niya sakin: dapat una kang umalis. Okay! Tinitigan siyang mabuti ni Gela habang naglalakad palayo at pabalik sa table nila. Halos lumuha na siya habang tinitignan si Troy. Nanghihinayang yata sa pag alis niya.

Sa dami kong natutunan sa gabing ito, halos di ko na maorganisa sa utak ko. Grabe si Troy! Tatlo pa lang yun pero na prove niya na sakin kung gaano siya kagaling. Syempre, plus points talaga ang looks.

“Hi!” Halos napatalon ako sa nagsalita.

Isang lalaking maypagka astroboy din ang buhok. Nakalahad na siya ng kamay at nakangisi pagkalingon ko.

“I’m John, you?”

“Uhmmm, I’m-“

Bago ko pa nasabi ang pangalan ko, may bigla nang humila sa kamay ko. Hinila niya ako palabas ng bar.

[/accordion]

[accordion title=”Kabanata 13″]

Kabanata 13
May Ibang Gusto

“Umalis na tayo!” Sabi ni Troy at binitiwan ang kamay ko.

Hiningal ako sa pagkakahila niya. Sa bilis ng lakad niya halos tumakbo na ako.

“D-Diba bumabalik k-ka palang…” Hindi ko matapos sa hingal ko. “Sa t-table niyo?”
“Oo nga. Liningon kita, ikaw naman yung pinopormahan. Umuwi na nga tayo! Wa’g kang magtiwala sa mga lalaki diyan sa bar.”
“Alam ko. Tsaka… ano sa tingin mo? Loyal tong puso ko kay Jayden.” Sa wakas at nakarecover na ako sa hingal.
“Tayo na nga!” Galit na sinabi niya.

Binuksan niya agad ang driver’s seat at pumasok sa loob. Anong problema ng kurimaw na ito? Pumasok na rin ako sa front seat at tinitignan siyang naka busangot ang mukha.

“Naniniwala na ako sayo.” Sabi ko.
Napatingin siya sakin, galit parin.
“Sige na! Turuan mo na ako kung paano.”
“Tinuruan na kita. Sana inalala mo lahat ng ginawa ko.”
“Ano? Uhmm… Let’s see… Pinintasan mo yung babae, nilait, pero pinuri parin. Ganun yun diba para di ka matanggal sa isipan nila?”

Tahimik lang siya habang nakatingin sa kawalan.

“So… ganun ang gagawin ko kay Jayden.” Ngumisi ako. “Para di na ako matanggal sa isipan niya.”

Kinuha ko ang cellphone ko. Nalaglag ang panga ko nang nakitang may mensahe si Jayden doon.

“OMG! TROOOY!” Sinabunutan ko si Troy.
“ANO BAH!” Sigaw niya sakin at inayos ang buhok niya. “Kainis ka naman oh! Wa’g mo ngang guluhin ang buhok ko.”
“Si Jayden! Nag text!” Sabay pakita ko sa cellphone ko.

Pero di ko hinayaang makuha niya sakin dahil baka idelete niya na naman ang text na ‘to.

Jayden:
Hi, miss! Good evening!

Tumili ako sa loob ng sasakyan ni Troy. Halos mabingi na nga siya sa tili ko. Tinignan ko kung anong oras niyang tinext yun, mga alas otso pa pala, gayung 10:30PM na ngayon.

Ako:
Hi! Sorry sa late reply. Dami kong ginagawa.

Tumili ulit ako.

“Anong tinext mo sa kanya?”
Sumimangot ako sa tanong ni Troy, “Na marami akong ginagawa kaya late ako nakapagreply.”
Ngumiti siya at humalukipkip.

Nagreply agad si Jayden!

Jayden:
Oh! Busy ka pala pag gabi. Hehe

Mahirap talagang di tumili! Lalo na pag umaapaw ng rainbow ang cellphone mo. Nag type agad ako ng reply.

“No!” Sabi ni Troy.
“Huh?”

Tinakpan niya ang cellphone ko.

“Sabi mo maniniwala ka na sakin, diba?”
Tumango ako.
“Mag reply ka after 5-10 minutes. Hindi ka pwedeng mag reply agad. That’s another tactic.”
“HUH?” I swear lalabas na yung eyeballs ko. “Talaga bang kasali yan, Troy?”
Umiling siya sa kawalan bago ako binalingan ulit, “Sa larong ito, Trisha, kailangan mo ng disiplina sa sarili. Alam kong nagkakandarapa ka kay Jayden. Alam kong atat kang makareply. Pero kung susundin mo ako, hinding-hindi ka na niya lulubayan ulit.”
Tumango ako at sinubukang idisiplina nga ang sarili ko.

Pinaandar niya ang sasakyan niya at napansin ko agad na di papuntang bahay ang nilikuan namin.

“Saan tayo?” Tanong ko.
“Mag di-drive ako kung saan-saan hanggang sa matapos kayong mag text. Saka kita iuuwi.”

Bakit parang naninikip ang dibdib ko sa sinabi niya? Bakit parang may nag li-leak doon? Hindi ko alam kung ano. Siguro dahil lang yun sa pag iisip ko na mahal ang gas ngayon… at kung gagawin niya ang sinasabi niya, mag-aaksaya lang siya.

“Talaga? Gusto mo bayaran ko ang gas mo?” Tanong ko.
Tumawa siya, “May rason kung bakit ako si Troy Ezekiel Salazar, Trisha.” Sumulyap siya at kinilabutan ako sa ngiti niya.

Narealize kong magulo na pala ang buhok niya. At dahil magulo na ito, mas lalo siyang gumugwapo. Posible ba talaga yan? Ang alam ko, pumapangit ang mga tao pag magulo ang buhok nila. Pumapangit din sila pag galit pero bakit si Troy, hindi? He’s dangerous.

“Replyan mo na. Sabihin mo hindi ka busy.” Sabi niya nang nakitang natulala na ako sa mukha niya.
“O-Okay.”

Ako:
Hindi naman ako busy. Haha

“Matagal akong nagrereply tapos sasabihin kong di ako busy, Troy? Bakit?” Tanong ko.
Ngumiti na naman siya, ngayon kinagat niya na ang labi niya.

DARN! Pwedeng itigil at maglakad na lang akong mag isa. Parang ayoko na yatang kasama si Troy lalo na pag ginagawa niya yan! Tinignan ko pa yung kamay niyang tamad na nakahawak sa manibela. Bakit parang lahat ng moves niya ay cool tignan? Bakit?

“Para mabaliw siya sa kakaisip kung anong ginagawa mo. Sinabi mong di ka busy, pero matagal kang nag rereply. O diba?” Tumawa siya.

May point ang kurimaw. Luluhod na ako at sasambahin siya. Master of Seduction nga!

Agad nag reply si Jayden.

Jayden:
Mukha ka namang busy. Hehe.

Naghintay ulit ako ng limang minuto bago nakapagreply ulit.

Ako:
Talagang hindi. haha! Ikaw?

Jayden:
Hindi rin. Bakit gising ka pa? Gabi na ah?

Nakita kong dumadaan na kami ni Troy ngayon sa isang madilim na kalsada. Walang streetlights.

“Troy! Ba’t tayo nandito? Di ka ba natatakot dumaan dito? Baka may mumu!” Sabi ko habang tinitignan ang labas.
“Mumu ka diyan! Nasobrahan ka yata sa panonood ng horror! Maganda dumaan sa mga madilim na lugar kasi kitang kita mo yung mga bituin.” Sabay nguso niya sa labas… sa langit.

Tama siya! Mas matingkad ang kulay ng mga bituin kung nasa madilim na lugar ang tumitingin. Tinignan ko ulit si Troy. Nakita kong nakangisi lang siya habang nag di-drive. Tapos ay may inabot siya sa gitna ng sasakyan. Nagpatugtog siya ng music!

“Patingin ng playlist.” Sabi ko.
“Okay.” Sagot niya.

Kinuha ko ang iphone para tignan kung anong mga music doon. Halos party music ang lahat ng nandoon kaya wala akong choice kundi pumili ng ganoong klaseng music.

5 minutes. Humikab ako at kinuha uli ang cellphone ko.

May isa pang text si Jayden:
Hey? Still there?

Sumulyap si Troy sakin at niliko ang sasakyan.

“Sabihin mo inaantok ka na. Matutulog ka na.” Sabi niya sakin.
“Huh? Kaya ko pa namang makipag text sa kanya ah?” Bumabalik na kami sa dinaanan namin ngayon.
“Sige na. Sabihin mo na lang. Para maiuwi na kita. Tsaka… dapat ikaw ang unang bumitiw sa text niyo. Hindi pwedeng ikaw yung matulugan niya. Dapat ikaw yung makatulog.”
Tumango ako at sinunod siya.

Ako:
Sorry, nakaidlip ako. Inaantok na kasi ako. Tulog ka na rin. Good night, Jayden.

Jayden:
Sure! Good night din! Sweet dreams, Trisha. :)

Napangiti ako sa text niya at ibinaling ko ulit ang tingin ko sa seryosong mukha ni Troy.

“Anong sabi niya?” Tanong ni Troy nang narealize na nakatitig na ako sa kanya.
“Sweet dreams, daw.” Ngumisi ako.
Umiling siya, “Parang yan lang masaya ka na?”
“Oo. Bakit? Ganyan pag crush, Troy. Wala ka bang crush?” Tanong ko.

Sumulyap siya sakin. Matagal siyang nagsalita. Sa sobrang tagal akala ko nagalit siya sa tanong ko.

Napabuntong hininga siya at napalunok bago sinabing, “Meron.”
Ngumisi ako. Kahit paano ay tao din pala siya.
“Pero may iba siyang gusto.”

[/accordion]

[accordion title=”Kabanata 14″]

Kabanata 14
Paghanga

Susundin ko na lahat ng sinabi ni Troy sakin kahit na mahihirap ang mga ito. Aniya’y kailangan nga ng disiplina ang Art of Seduction.

“Kumusta?” Naghihintay na tanong ni Jayden sa restaurant nang nag break.
“Okay lang.” Ngumiti ako at agad luminga-linga.

Importante daw ang eye contact pero maganda rin kung tumingin sa ibang bagay para di kabahan ng bongga.

“Malapit ka ng lumipat sa front desk ah?” Tanong niya.
Tinignan ko na siya ngayon, “Oo nga. Excited na akong makihalubilo sa mga tao.” Humalakhak ako.
“Hilig mo palang makihalubilo?” Tumawa rin siya.
“Mejo. Pero sa school hindi naman ako masyadong nakikihalubilo.” Ngumisi ako.
“Ah! Onga pala. Order na ako.”

Bago niya pa senyasan si Eliz para sa kape.

“Uh, juice nalang yung akin.” Sabi ko agad.
Nabigla siya sa sinabi ko. Kinabahan naman ako at baka nainsulto ko siya.
“Inuuhaw kasi ako ngayon. Gusto ko ng malamig.” Ngumiti ako.
Tumango siya at umorder na rin ng para sakin.

Tinignan kong mabuti ang buhok niya. Ilang ulit ko rin ‘tong pinag isipang mabuti. Hindi ako makapaniwalang gagawin ko na talaga ito ngayon!

“Uh… Masyado ng mahaba yung buhok mo no?” Sabi ko.
“Huh?” Napahawak siya sa buhok niya at napangiti. “Bakit?”
“Mejo mahaba na kasi. Mas bagay sayo iyong clean cut.” Tumango ako at ininom ang juice na kararating lang.

Natahimik siya habang hinahawakan ang buhok.

Dinig na dinig ko naman ang kabog ng puso ko habang hinihintay ang sasabihin niya.

“Talaga? Sige, di bale magpapagupit ako.” Ngumiti siya kaya napabuntong-hininga ako.

Hay salamat!

Sa sumunod na araw, nagpagupit nga siya. Laglag ang panty ko at naihi ng rainbow nang nakita ko siyang inaantay ako sa pintuan ng Le Marcelle na nakangiti.

OH MY GOD! Sobrang gwapo niya talaga! Clean cut na ulit yung buhok niya at kumikislap ang mga mata niya habang nakangiti sakin.

“Better?” Tanong niya.
“Better.” Sabi ko at ngumiti.

Sasambahin ko na talaga si Troy sa sobrang galing niya.

Dumiretso ako sa paglalakad papuntang elevator. At sa sobrang kaba ko, bumigay na ang nanginginig kong paa.

“AHH!” Napasigaw din yung ibang nakakita.

Tanggap ko na talaga na mahahalikan ko na yung tiles ng Le Marcelle nang may brasong pumulupot sa baywang ko.

“Careful.”

Nabawi niya agad ako bago pa ako nakahalik sa tiles. Nanlaki ang mata ko nang nakitang natulala si Jayden sa mukha ko. Nakapulupot parin ang braso niya sa baywang ko.

Unti-unti kong naramdaman ang init ng pisngi ko.

Nagkatinginan lang kaming dalawa.

“Uyyyy!” Tili ng isang taga Le Marcelle.

Pareho kaming nabunutan ng tinik kaya napabitiw siya sa pagkakahawak sakin. Umayos din ako. Ngayon, di na ako makatingin ng diretso sa kanya. Nanginig pa lalo ang legs ko dahil sa nangyari. Shet naman oh! Umayos naman kayo!

“S-Sorry.” Di parin ako makatingin sa kanya habang nagmamadali akong pumasok sa elevator.

Nabigla ako nang pumasok din siya sa elevator! Nanlaki ang mga mata ko habang tinitignan siyang nakangiti.

“S-Sorry ulit.” Sabi ko.
“Okay lang. Ihahatid na kita. Baka madapa ka ulit.” Tumawa siya.
Mas lalong nag init ang pisngi ko sa sinabi niya.
“Joke lang ah? Baka seryosohin mo.” Humalakhak siya. “Tsaka sisimulan ko na rin yung pag chi-check sa buong Le Marcelle. Dumating na kasi ang daddy ni Troy galing California kaya kailangan i-check ng mabuti ang buong hotel.”
“Ah? Ganun ba? So hindi na acting CEO si Troy kasi nandito na ang dad niya?” Tanong ko.
“Oo.” Tumango siya at nginitian ulit ako. “May gagawin ka ba mamaya?”

Kinabahan ako sa tanong niya. Ito na ba yung sinasabi ni Troy na pangalawang beses na pagyaya sakin? Mukhang epektibo talaga lahat ng tips niya!

“Uhmmm. Wala.” Sabi ko.
“Hmmm. Kailangan ko pang pumunta ng school para ibigay ang hand-outs sa students. Pagkatapos, pwede na tayong mag dinner. Okay lang ba yun sayo?” Tanong niya.

Nalulunod na ako ng rainbow dito sa loob ng elevator. Napatili ang buong sistema ko pero sinubukan ko paring maging pormal. Di pwedeng mahalata niyang nagkakandarapa ako sa kanya.

“Sure.” Ngumiti ako.
“Great!”
“Pero pwede bang umuwi muna ako pagkatapos ng shift? Ayoko kasing mag dinner na naka uniporme.” Sabi ko.
“Oo naman!”
“Kita na lang tayo sa school mamaya? Doon na lang ako maghihintay sayo.” Sabi ko.
Tumango naman siya.

Nang nakaalis na siya sa palapag namin, doon pa lang ako nakahinga. Posible pala talagang mangyari iyon? Hindi ko inakala na mangyayari pa iyon. Noon, akala ko hanggang tingin na lang ako sa kanya. Pag tungtong ko ng Le Marcelle akala ko yun na ang pinaka malapit na agwat naming dalawa. Pero ngayon, dahil sa Art of Seduction ni Troy, mas lalo siyang napapalapit sakin!

Tinext ko agad si Troy para ibalita sa kanya ang lahat:
He asked me out!

Ilang minuto pa bago siya nag reply:
Enjoy!

Hindi na ako makapaghintay! Troy isn’t that bad! Akala ko noon sobrang vain at selfish niya, pero ngayong nakilala ko na siya, nakakatulong din naman pala.

Pagkatapos kong mag bihis, dumiretso na agad ako sa school. I’m sure nandoon pa sa classroom o faculty si Jayden kaya nakipagkita muna ako kina Emma, Earl, Camille at Beatrice.

“HOOOOY! Asan ka na ba!? Gumanda ka lang! Di ka na nagpaparamdam!” Sabi ni Camille.
Niyakap ko sila isa-isa at nginitian.
“Hmmm? May kahulugan sa ngiti mo ah?” Sabi ni Emma.
“Wala. Sobrang busy ko lang talaga. Busy yung Le Marcelle. Tapos lilipat pa ako sa front desk. Gagawa pa ako ng report sa dating job. Daming trabaho.”

Hinaplos ni Emma yung buhok ko.

“Sino bang nakapagpabago sayo?” Nanliit ang mga mata niya. “Mag dadalawang buwan ka pa lang doon sa Le Marcelle pero mukhang mas malaki na agad ang pinagbago mo kumpara nung nag Singapore ka. Parang huminhin ka yata?”

Nagtawanan sila.

“Tseh! Hindi no! Ganun parin! Mukha lang yung nag bago! Naisipan ko lang namang mag ayos.”
“Hmmm!” Tumaas ang kilay ni Emma. “Sana naman tuwing Sabado sumama ka samin sa mall. Di ka na masyadong sumasama.”
“Oo na! Sige. Dami ko kasing pinagkakaabalahan-“
“Found you!” Sabi ng isang boses sa likuran ko.

Isa-isang naglaglagan ang panga nila. Natahimik ang maiingay kong kaibigan nang makita kung sino ang nasa likuran ko.

“Nandito ka lang pala.” He chuckled.

Unti-unti akong lumingon at naaninaw ko agad ang perpektong ngiti ni Jayden.

“Ah!” Uminit ang pisngi ko lalo na nang nakita ko ulit ang ekspresyon sa mukha nilang apat.

Sa sobrang windang nila, wala na silang nasabi.

“Kilala niyo naman siguro siya diba? Si Jayden, yung prof ko noon.”
“J-Jayden?” Tanong ni Beatrice. “Sir Jayden, diba?”
“Jayden na lang, miss. Kaibigan naman kayo ni Trisha. Ang lakas nito sakin.” Pinasadahan niya ulit ng ngiti ang mga kaibigan ko.

Hinila agad nila ako palayo kay Jayden.

“Ito ba yung sinasabi mong di mo pa nasasabi?” Tanong ni Emma.
Tumango ako.
“OH MY GOD! Magkaka boyfriend ka na!?” Bulong na napatili si Beatrice.
“SHHH! Oh my gosh!” Pinaypayan ni Camille ang sarili niya. “At sa crush mo pa talaga.”

Alam ko. Hindi nga rin ako makapaniwala sa nangyayari.

“Eto nga pala si Camille, Beatrice, Emma at Earl.” Sabi ko kay Jayden nang nakabalik na kami sa kanya. “Mga kaibigan ko.”

Tahimik silang tumango. Nanibago agad ako dahil tahimik sila pero hinayaan ko na lang. Nakakawindang din kasi ang nangyayari.

“Dinner muna kami, ah? Text text na lang.” Sabi ko.

Nanlaki pa ang mga mata nila habang tumatango sakin. Nagpaalam na rin si Jayden sa kanila. Mas lalo yatang nagri-rainbow ang paningin ko dahil sa reaksyon ng mga kaibigan ko!

“Saan mo gustong kumain?” Bumaling si Jayden sakin pagkalayo na namin sa mga kaibigan ko.
“Sa Candy’s na lang.”

Itinuro din ni Troy sakin na magkaroon ng sariling desisyon. Kapag tatanungin ka ng prospect kung saan mo gustong pumunta, kumain o kung anu-ano pa, kailangan may desisyon kang sayo. Kailangan ikaw ang masusunod. Mas attractive daw iyon kesa sumagot na, ‘Kung saan mo gusto…’. Kaya heto at sinunod ko.

Tahimik ako habang kumakain kami sa Candy’s. Hindi parin ako makapaniwalang sumakay ako kanina sa sasakyan niya. Hindi kasing engrande ng sasakyan ni Troy pero sweet dahil pinagbuksan niya ako ng pintuan.

“Tahimik ka ba talaga?” Tanong ni Jayden habang tinitignan ako.

Bawal umaming nahihiya. Ang sabi din ni Troy, tumahimik na lang kung di ka sigurado sa sasabihin mo. Less talk, less mistakes. – YUN MISMO ANG NARIRINIG KO SA UTAK KO NGAYON. Ibang klase din si Troy, ah? Kahit wala siya naririnig ko ang boses niya sa likod ng utak ko.

“Hindi naman.” Dinaan ko sa tawa ang kaba ko.
“Hmmm. May boyfriend ka na ba? Baka may magalit sakin dahil magkasama tayo ngayon?” Seryosong tanong niya.

[/accordion]

[accordion title=”Kabanata 15″]

Kabanata 15
Unang Halik

“W-Wala naman. Hindi pa ako nag kaka boyfriend eh.” Uminit ang pisngi ko at di ako makatingin sa kanya.
Tumango siya, “Akala ko meron. Buti wala.” Tumawa siya.

Lintek na puso! Puro tibok lang ang nalalaman! Dinig na dinig ko na! Nag leak na ng tuluyan yung rainbow na kanina ko pa pinipigilan.

“Ikaw? May girlfriend ka ba?” Tanong ko.
Umiling siya habang umiinom ng tubig, “Wala. Nagkagirlfriend na ako. Dalawang beses.” Nagkibit balikat siya.
“Ganun ba? Bakit naman kayo nagkahiwalay ng mga girlfriend mo?”

Seryoso niya akong tinignan. Narealize kong baka mali yung tinanong ko kaya…

“Sorry… Hindi mo naman kailangang sagutin yun.” Sabi ko.
“Hindi. Okay lang naman. Matagal na yun.” Ngumiti siya. “Yung una, masyado pa kasi kaming bata nung naging kami. High school pa lang. Apat na taon kaming nagtagal. Tapos narealize namin na we’ve grown. Iba na yung pananaw namin sa buhay. Iba na yung mga gusto namin kaya naghiwalay kami.”
“I’m sorry.” Sabi ko.
Umiling siya. “Its okay. Yung ikalawa naman, girlfriend ko nung college. Uh… 3rd year college, to be exact. Tumagal din kami. Limang taon. Pero di ko natagalan kasi sobrang selosa.” Aniya.
“Talaga? Wow! Siguro kasi marami kang babae?” Tumawa ako.
Tumawa din siya, “Hindi naman. Pag ako na inlove, hindi ako titingin sa iba. Ikaw lang talaga. Pero hindi maiwasang may ibang babae din sa work place kaya lagi siyang nagseselos. Kinukumbinsi ko siya araw-araw na siya lang talaga.”
“Talaga? Kahit sino pinagseselosan niya?” Nabigla ako sa sinabi ni Jayden.
Tumango siya, “Oo. Kahit sino. Sayang nga eh. Mahal na mahal ko yun. Pero that’s okay. Matagal na yun. Mag dadalawang taon na kaming wala.”

Hindi ko alam kung bakit

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

2 Responses to Training To Love

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

13 + 19 =

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <s> <strike> <strong>