To Stay

Story Written: 2015

Erin Montefalco loved Eion Sarmiento ever since. Itinago lamang ang nararamdaman para sa pinakamamahal na pinsan na tulad niya’y in love din sa binata. When she learned that Eion is courting Klare, she was truly happy for her cousin. Kahit nasasaktan. She would find someone else. Besides, she’s still young.

Kaya naman lubusan ang panghihinayang niya nang nalamang binalewala ni Klare ang nararamdaman ni Eion. The person she wanted the most just got rejected by her dear cousin. Her dear cousin who’s supposedly in love with Eion. Paano nangyari iyon?

But then… Hendrix Richard Chiongbian Ty have loved Erin ever since too. He loved her with all her flaws. He loved her fiercely that it was scary. He loved her deeply that he would fight… just so she’ll stay. Everything for Erin Montefalco to stay. Anything.

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.

WARNING: This story may not be suitable for younger readers. It may contain explicit, violent or provocate content. Read at your own risk.

READ ON WATTPAD

  • SimulaOpen or Close

    Simula

    Sa pagputok ng baril ay mabilis akong tumakbo. Maingay na sumalubong sa akin ang mga sigaw ng kapatid ko. I am not into sports but I don’t know why I am here. Ako kasi iyong nanalo sa school nong nagkaroon kami ng 100 meter dash. Si Kuya Josiah ang may gustong sumali na ako dito. And I don’t mind. I have nothing to do.

    Hinabol ko ang hininga ko nang umabot ako sa puting linya. Alam kong wala akong pag asa. What with my opponents who look like they can run a mile without breathing? I’m sure I’ll lose.

    “Okay lang ‘yan! Pagandahan na lang!” Sabay bigay sa akin ni Kuya ng Gatorade.

    Matalim ko siyang tinitigan ng isang beses. Tinabihan ako ng mga pinsan kong babae na parehong may mga payong. Ang init init kasi dito sa Pelaez Sport Center. Sumilong ako kay Klare habang hinihingal pa lang.

    “You okay?” Tanong ni Klare, isa sa mga pinsan ko.

    “Third place.” Hinihingal kong sinabi. “I don’t really mind. Si kuya kasi nagpapasama pa para lang dito. Kailangan bang tayong lahat ang nandito?” Tanong ko nang namataan sa bandang dulo si Kuya Josiah at si Azi, pinsan ko rin.

    “Erin, sabi ni Joss, irecord mo raw iyong seconds niya. He wants to break his new record.” Sabi ng pinsan kong si Elijah.

    Malaki ang pamilya namin at kilala kami sa buong Cagayan de Oro. Maybe because of my great grandfather’s historical contributions to the city or the name our parents made? Kahit alin doon. And I am greatful that my cousins are my bestfriends too. Hindi ko na kailangan ng iba pang kaibigan. My world revolves around them.

    “Alright.” Sabi ko.

    Naglakad si Elijah palapit sa basketball court kasama ang pinsan kong si Rafael. Tinitingnan nila iyong layo ni Azi at ni Kuya Josiah sa amin. Hindi pa pumuputok ang baril at nakaready na sila.

    “Hindi ‘yan mananalo. Kita mo ‘yong delegates ng ibang school? Tsss.” Sabi ni Damon sa gilid ni Claudette.

    “Gusto kong lumapit na lang don sa grand stand. Ang init!” Reklamo ng nakakatandang kapatid kong si Chanel.

    “Dame, can you record all Kuya’s seconds after this? Naiinitan kami.” Sabi ko habang hawak hawak ang stop watch.

    “Sure thing.” Tango ni Damon.

    Pare pareho naming tinitingnan ang layo ni Azi at Kuya Josiah. Pumutok ang baril at agad kong pinindot ang stop watch. Now, now, I want to see if Kuya Josiah did improve this time?

    “Go Kuya!” Sigaw ko lalo na nang nakitang nauuna siya.

    Tumalon talon si Ate Chanel. Tumatawa habang panapaulanan ng kantyaw ang mabagal na si Azi. Umiling ako, nalulunod sa kanilang tawa.

    Even my cousins near the basketball court whistled. Malakas ang palakpak ni Elijah nang nauna si Kuya Josiah sa lahat.

    “You suck balls, Azi!” Tumawa si Elijah at Rafael bago dumiretso sa basketball court. Nasa ere na ang dirty finger ni Azi nang bahagyang bumagal ang kanyang takbo dahil pang walo lang siya sa at halos mahuli na.

    “Seconds…” Hingal ni Kuya Josiah. He did not mind he won. Gusto niya lang mabasag ang record niya.

    “13 and 57.” Sabi ko.

    Nagmura siya at binunot ang damo sa soccer field pagkatapos ay tinapon sa gilid. “Bumagal ako.”

    “Ang bilis kaya.” Sabi ko.

    “You’ll join again, Joss?” Tanong ni Damon habang binibigay ko sa kanya ang stopwatch. Tumango si Kuya at tumingin sa malayo.

    “Sa high jump na nga lang ako.” Iritadong sinabi ni Azi.

    “Uy, sa grand stand lang kami, ah? Ang init na.” Sabi ko, nagmamartsa sa kinatatayuan dahil nakakasakit sa balat ang init.

    “Yes, sure.” Sabi ni Kuya Josiah pagkatapos ay kinurot ang pisngi ko. “Thanks for joining.”

    Ngumiwi ako sa sakit ng kanyang pagkakakurot. Para bang nanggigigil siya sa aking pisngi. Tinulak ko siya ng malakas. Tumawa lang siya at lumayo.

    “Ang sakit, a?” Sabi ko at inirapan siya.

    “May ribbon ka sakin mamaya! Best in Art-te!” Kumindat pa siya kaya nagmartsa na lang ako palayo don.

    Hinabol ako ni Klare para isilong ako sa kanyang payong. Medyo hinihingal parin ako kaya hindi na ako nagsalita. Palinga linga si Klare sa aming dinaanan. Nasa gilid ang basketball court kung saan may laban yata ang Xavier University High School at ‘yong school na may kulay yellow na jersey.

    “Anong school ‘yan?” I asked.

    “I don’t know. Tingnan natin.” Sabi ni Klare.

    Tumingin ako sa pinsan ko na naglalaro ang mga mata sa mga nakaunipormeng dark blue. Tumikhim na lang ako habang pinagmamasdan siya. She really likes this one particular player from the XUHS. Kailan nag simula iyon? Hindi ko alam. And it makes me sad that I like that particular player too.

    Umakyat kami sa grandstand. Tiniklop ni Klare ang kanyang payong. Ganon rin ang ginawa ni Claudette at Ate Chanel. Nang narinig kong tumili si Ate at inunahan kami sa paglalakad ay nalaman ko na kaagad kung kaninong school ang kalaban ng XUHS.

    “Yasmin!” Nagyakapan ang dalawa na para bang ngayon lang ulit nagkita. She’s from that school, the one in yellow uniform.

    “May sasabihin ako!” Nanggigigil na sinabi ni Ate Yasmin sa kapatid ko. Umupo sila sa isang random na upuan para lang mag chikahan.

    “Let’s go find a better seat. Iyong madaling makita ang laban.” Sabi ni Claudette sabay turo sa mga upuang nasa tapat ng basketball court kung nasaan iyong naglalaban.

    “Okay.” Sabi ko at naunang dumiretso doon sa tinuro niya.

    Nilingon ko ang dalawa sa likod ko at nabunggo pa si Klare sa akin dahil sa kakatingin niya doon sa napupusuan niyang player.

    “I’m sorry.” Sabi niya at agad pumula ang pisngi.

    Kinagat ko ng marahas ang labi ko. “Dito ba, Dette?” Tanong ko.

    “Yup.” Sabi ni Claudette at umupo na doon habang nakatingin sa mga players.

    Grade school pa lang ako nang nagustuhan ko ang player na gusto rin ng pinsan kong si Klare. At first, I liked his looks. Ganon naman talaga iyong una. Mukha ang basehan mo dahil hindi mo pa naman nakikilala ang tao. Hanggang sa nakita ko siyang mag basketball ay hinangaan ko siya. At napag alaman kong marami talagang nagkakagusto sa kanya kaya hindi na ako nagtaka kung ilan rin galing sa aming school ang may mata para sa kanya. Even my cousin Klare.

    “Galing!” Napatalon ng bahagya si Klare nang nakitang nag lay up na parang pro si Eion Sarmiento.

    Ngumuso ako. “Yup.”

    His hawk-like eyes, perfect jaw, slightly messy hair, and perfect body built is a distraction. Hindi ko madalas makita kung gaano siya kagaling dahil sa kanyang mga features.

    “I heard he likes fair, petite girls.” Tumango tango si Claudette habang inaayos ang kanyang earphones.

    Napatingin ako sa kanya. “Saan mo nalaman iyan?”

    “I heard from Kuya Knoxx.” Nagkibit balikat siya at tinuro ang kapatid na taga XUHS na naglalaro din doon sa court.

    Tinikom ko na lang ang bibig ko. Well, I’m no petite or fair. I’m morena, slender, but kind of tall. Swerte nitong si Klare at ganon siya. She’s I guess 5’4 and fair. Ang chinitang mga mata ay mas lalong nagpatingkad sa kanya sa aming mga Montefalco. Her mom’s a Limyap, siguro ay may kaonting dugong chinese kaya iyon ang dahilan kung bakit siya chinita. Even her brother Charles is chinito. While the rest of the Montefalcos, us, have this dark brooding eyes.

    Si Kuya Josiah at Ate Chanel ang mga kapatid ko. Ate Chanel is also petite and fair, with long straight hair and wide smile. Si Kuya Josiah naman ay kasing kulay ko, between fair and moreno. Like me, he’s kind of moreno. Malalim ang kanyang mga mata na mapagkakamalan mong anghel na binaba ng langit. Sa magkabilang dimple at brown na mga mata ay maloloko kang talaga. I know. I’ve seen girls fell for him. Hard. At hindi na ulit nakatayo.

    Claudette’s brothers were Knoxx and Azi. Si Claudette ay maputi. Siguro ay pinaka maputi sa aming mga Montefalco. Mahaba at straight ang kanyang buhok. Maitim ang kanyang mata at pati ang kanyang eye lashes. Si Azi naman at Knoxx ay magkapareho na hindi. They are both fair but Kuya Knoxx has this dark eyes. Para bang laging may gagawing kabulastugan. While Azrael Montefalco’s eyes are always smiling. Kahit na alam ko ring puro kabulastugan lang ang nasa isip.

    Elijah Montefalco and his brother Justin Montefalco resembled each other too. Parehong malaki ang pangangatawan at parehong may malalim na mga mata. They are both like Kuya Josiah and I, in between fair and moreno. Si Ate Yasmin naman ay maputi, may mahaba ngunit umaalong buhok, at nipis ring pangangatawan.

    The brothers Damon and Rafael Montefalco are both fair. Tulad ni Knoxx at Azi, magkamukha rin ang dalawa. Of course they are siblings. Siguro ay masyadong malakas ang dugo ng mga Montefalco kaya ganon. Rafael is very tall. Perpekto rin ang kanyang panga at ang kanyang ngiti. Si Damon naman ay halos hindi ngumingiti. Tuwing ngumingiti ay parang may masamang gagawin. Judge the book by it’s cover, it’s true! He’s one of the bad boys in our school. Ilang beses na rin iyang nasuspended dahil sa pinaggagagawa nila ni Rafael.

    “Go Knoxx!” Sigaw ko nang si Knoxx ang humawak sa bola.

    Nagkakainitan na at kahit na ang kalaban na team ay school ni Ate Yasmin ay mas kumportable akong i cheer iyong kina Knoxx kung saan ay ka team mate niya si Eion Sarmiento.

    “Kaya mo ‘yan!” Sigaw ko nang mabilis niyang pinasa ang bola sa isang lalaking hindi gumagalaw sa kinatatayuan.

    Pumito ang referee at lumabas ang bola sa court. Narinig ko ang mura ni Knoxx sa nangyari.

    “Damn it, Ty! What are you doing, man?” Sigaw niya at nilapitan ang ka teammate na nakatanga lang doon sa gitna.

    “I’m sorry, dude. I got distracted.” Sabi nong lalaki, nagkakamot ng ulo.

    “Boo!” Sigaw ko habang nilingon si Klare na kabado sa laro. Magkapareho lang kasi ang score at malapit nang mag time. Mamaya ay mag overtime pa ito.

    Tumingala sa akin iyong lalaking kausap ni Knoxx. Seryoso ang kanyang mukha. Kumunot ang noo ko. Ikaw ang rason kung bakit matatalo kayo.

    “Dapat ay tinanggal na lang ‘yan ng coach. Parang wala sa sarili kung mag laro.” Sabi ko.

    Sa kalaban tuloy napunta ang bola. Mabuti na lang at mabilis na na block ni Eion ang paniguradong score kaya sabay kaming tumalon ni Klare sa ginawa niya.

    “Galing ni Eion!” Sabi ni Klare.

    “Yes!” Sigaw ko. “Galing mo!”

    Lumingon ulit iyong chinitong si Ty. Matangkad siya. Kasing tangkad ni Rafael. At tulad ng kay Klare na mga mata, hindi ganon ka chinito ito. Para bang may dugo siyang hindi chinese kahit na halata sa apelyido niya ang pagiging ganon.

    Nasa XUHS ang bola at agad ipinasa ni Eion ang bola kay Ty.

    “Eion! Dapat sayo na lang ang bola!” Hindi ko napigilan ang sarili ko dahil bente segundo na lang ang nalalabi at alam kong kapag kay Eion ang bola ay panigurado na ang panalo.

    Dinribble ni Ty na para bang marami pa siyang oras sa mundo. Iritadong iritado na ako sa pagpapasikat niya. Gusto kong mag mura sa pagsigaw ngunit hindi ko magawa dahil baka paalisin kami doon. Too much trash talk.

    Nagulat ako nang lumabas sa gitna ng court si Ty at pumwesto sa three point line.

    “The guts!” Sabi ko sa sarili ko.

    Isang talon at naishoot agad ang bola bago pa tumunog ang siren na hudyat na tapos na ang laban. High five ang binigay ni Eion at ilan pang teammate sa kanya. Inangat niya agad ang tingin niya sa kung saan kami. Luminga ako at tiningnan ko si Klare. He’s looking at her. Bumalik ang tingin ko kay Ty na kahit na kausap si Knoxx ay nakakasiguro akong nasa akin ang matalim na titig.

    Wait. He’s looking at Klare or me?

  • Kabanata 1Open or Close

    Kabanata 1

    First Boyfriend

    “Erin, e, di ako makakapunta. Pinapagbihis ako ni mommy para sa fitting ng gown na isusuot ko sa birthday ko.” Sabi niya sa cellphone.

    Tamad kong nilalaro ang strap ng aking sandals. Nagkasundo pa naman kaming manood ng 3D movie ngayon. “It’s okay. Sige, nandito naman si Ate.” Ngiti ko bago binaba ang cellphone.

    Nilingon ko si Ate Chanel na abala sa pagpupunas ng pawis sa kanyang boyfriend. It’s obvious right? Hindi ko siya maisasama sa panonood ko ng 3D ngayon. Where are my other cousins? Well, they are in front of me playing ball.

    “Thanks, love. Laro ako sa next game.” Di ko nililingon ang dalawa sa gilid ko ngunit alam ko kung gaano ka tamis ang nangyayari sa kanila.

    Pinasadahan ko ng tingin ang basketball court kung saan pawisan na ang mga pinsan kong naglalaro kasama ang ibang mga kakilala namin. Habang nanonood ako roon ay nakita kong nag angat ng tingin si Evan. No… not him. Kinagat ko ang labi ko ngunit na realize na wala yata akong magagawa. Siya ang isasama ko sa panonood ng 3D movie na iyon.

    “Tang ina!” Sigaw ng kapatid ko at mabigat na hinampas ang bola sa sahig.

    Tumayo ako at kinunot ko ang noo ko. What happened? I don’t know.

    “Jos!” Sigaw ni Ate sa kapatid kong pinipigilan na ng mga pinsan namin na sumugod sa nakalabang isa pang player.

    “Ate, just the usual court fight.” Sambit ko habang ang bolang matinding nahagis ay dumiretso sa may gilid ko.

    Nong una ay tiningnan ko lang iyon sa gilid ko. Ngunit nang nakita kong nag ja-jog patungo si Eion Sarmiento sa akin para kunin ang bola ay nanlamig ako. No… No, Erin. You can’t have a crush on him! I already told you!

    Blanko ang kanyang ekspresyon at nanatili ang mata niya sa akin na para bang may inuutos siya. Tumayo ako at kinuha ang bola. Bumagal ang kanyang takbo nang nakitang ginawa ko iyon. Pinunasan niya gamit ng jersey ang kanyang pawising noo at bahagyang nakita ang katawan niya sa nangyari.

    “Can I get the ball?” Malamig ang tono niya at sa bawat banggit ng salita ay mahuhumaling ka sa kanyang mga labi.

    “Sure. Pinulot ko para ibigay.” Sabi ko at binigay agad iyon sa kanya.

    “Joss!” Sigaw ng kapatid kong nasa gilid at dumiretso na sa court.

    Pareho kaming napatingin ni Eion Sarmiento sa court at nakita kong si Rafael, ang pinsan ko, at si Kuya Josiah na ang kalaban ng boyfriend ni Ate Chanel!

    Umiling si Eion at nag jog pabalik sa court. Tumitig ako habang pumapagitna si Damon at Elijah sa kanila. May papalapit sa aking umiiling at alam ko kaagad na si Evan iyon.

    Pinulot niya ang tubig na nilapag niya kanina sa gilid ko at umiling siya.

    “Some game. Your brother should learn to control his anger, Erin.” Ani Evan at uminom sa tubig.

    “Come on, Evan. Laro lang iyan at di maiiwasan iyan.” Sabi ko.

    Evan’s my classmate and a friend. Last year ay niligawan niya ako. I tried, alright. I tried to like him. Well, he’s gorgeous. Chinito siya, moreno, bagsak na buhok, malaking pangangatawan, medyo mayabang nga lang pero mabuti naman.

    “Baka suntukin ng pinsan ko ang kuya mo.” Aniya tumitingin sa away sa court.

    Binalingan ko si Evan. Pinsan niya ang boyfriend ni Ate Chanel. Ayaw kong makialam sa away nila lalo na sa court. Knowing boys, pare pareho lang silang mayayabang at nag ta trash talk pag nag lalaro kaya problema na nila ang mga nangyayari pag nag babasketball. Ate’s just too inlove with her boyfriend.

    “Ano? Labas na lang tayo.” Tanong niya habang bumaling ulit ako kay Eion na pumagitna na rin sa away.

    Hindi ako nakasagot kaagad. May sinabi pa si Evan ngunit hindi ko nasundan.

    “Erin!” Tawag niya. “Ayaw ko nang mag laro. Labas na tayo?”

    Napatalon ako sa tawag niya. “Saan tayo?”

    “You told me you want to watch this movie?” Nanliit ang mga mata ni Evan.

    “Ah, yes! Let’s go!” Sabi ko.

    Pinulot niya ang kanyang bag at uminuwestra sa akin ang labas ng gym.

    “Magbibihis muna ako sa labas.” Sabi ni Evan.

    Tumango ako at nilingon ulit ang court kung saan humuhupa na ang away ng mga nandoon. Kinawayan ko na lang si Ate Chanel at sinenyasan na sasama ako kay Evan. Pagkatapos ay inilipat ko ang paningin ko sa kay Eion na dinampot na rin ang bag at mukhang aalis na rin kasama ang pinsan kong si Knoxx.

    Tumakbo ako ng bahagya para maabutan ang mabilis na hakbang ni Evan.

    “Saan tayo manonood?” Tanong ko medyo natataranta dahil nasa likod na namin si Knoxx at Eion.

    “Sa Centrio na lang tayo.” Lingon niya sa akin nang nakalabas na kami ng gym.

    Nilapag niya ang kanyang bag sa labas at kumuha ng ilang damit. Ganon din ang ginawa ni Knoxx, Eion, at iba pang kasama nila.

    “Erin, saan ka?” Malamig ang tingin ni Knoxx sa akin.

    Napatingin rin si Eion sa banda ko.

    “Manonood kami ng sine ni Evan. Sinabi ko na kay Ate.” Sabi ko.

    “Nag paalam ka na ba sa Kuya mo?” Medyo pagalit niyang sinabi.

    Di ako nagsalita. I don’t find that one necessary, Knoxx.

    “You should ask permission, Erin.” Kung wala si Eion sa gilid niya ay kanina ko pa siya inirapan pero dahil naroon si Eion, nanonood at nakikinig ay hindi ko ginawa.

    “If you’re my little sister, I won’t let you, you know.” Ani Eion, mariing nakatitig sa akin.

    Napaawang ang bibig ko sa kanyang sinabi. Nag high five pa sila ni Knoxx dahil roon. Tumayo si Evan na kakapalit lang ng damit at sapatos, nakatingin siya kay Eion.

    “Sayang at di mo siya kapatid.” Ani Evan at mabilis na akong inakbayan. “Let’s go.”

    Evan’s not bad. Bukod sa talagang palaging galit si Kuya Josiah sa kahit sinong lalaking umaaligid sa amin ni Ate ay iyon lang naman ang naging masamang impression ko sa kanya. I also admired his perseverance. Mag iisang taon niya na rin akong pinopormahan at kailanman ay hindi ko siya namataang may pinopormahang iba. I found great friendship in him.

    Kaya that one time we watched a movie and kissed, siya na ang naging boyfriend ko. My first boyfriend, my first kiss. It was better. Kahit na sabihin na nating lihim kong tinitingnan si Eion madalas, naisip ko ring ganon lang talaga ang buhay. May mga bagay na para sayo at may mga bagay naman na hindi. Tanggapin natin iyong para sa atin para hindi na tayo mahirapan pa.

    Yakap yakap ko ang aking mga libro habang naglalakad sa corridors ng aming school. Sa gilid ko ay si Evan, namamansin sa lahat ng tambay sa corridors.

    “Erin!” Sigaw ni Julia at kinawayan ako.

    Kumaway ako pabalik. “Kita tayo sa classroom!” Sabi ko. “Tara na, Evan.” Nakita ko kasing nahuli siya sa paglalakad dahil may kahigh five pang mga kilala sa baba. Kinailangan na naming umakyat kung hindi ay mali-late na kami sa klase. Isa pa, hinahanap na ako ni Klare.

    Nadatnan ako ni Elijah at Azi na naghihintay sa kay Evan. Inakbayan agad ako ni Azi at inakyat na.

    “Sandali lang, hinihintay ko si Evan.” Sabi ko, nakakunot ang noo sa pinsang makulit.

    “Yaan mo nga ‘yang boyfriend mo! May sasabihin ako!” Aniya kaya naiwala ko kaagad ang atensyon ko sa kay Evan. “Kilala mo ‘yong pinopormahan ni Josiah ngayon na freshmen?” Bulong ni Azi.

    Ngumiwi ako sa kanya. “Hindi. Pumoporma siya ng freshmen?”

    “Oo. Pag nakilala mo na, hingin mo ‘yong number nong bestfriend niya-“

    Sinapak ko kaagad ang dibdib ni Azi. Tumawa si Elijah at hinila si Azi palayo sa akin. “Kayong dalawa talaga puro babae nasa utak niyo!” Saway ko.

    Hinila ni Elijah si Azi palayo at sabay silang nagtawanan. Umiling ako at umakyat pa patungong third floor nang tinawag ako ni Evan, pulang pula ang kanyang mukha.

    “Erin! Erin!” Sigaw niya pagalit.

    “Yes?” Baling ko sa kanya.

    “Where have you been? Bakit mo ako iniwan?”

    “Nagkasabay kami ni Elijah at Azi paakyat. Ang tagal mo naman kasi! Malilate na tayo.” Sabi ko.

    Kinagat niya ang labi niya at halatang galit na galit. Ano bang pinagpuputok ng butchi nito? “Ipapakilala kita sa mga kaibigan ko, e. Umalis ka! Napahiya ako!” Sigaw niya.

    Tinagilid ko ang ulo ko at tumigil ako sa pag akyat. “Pinagtataasan mo ako ng boses?”

    Tinuro niya ang baba. “I told you to wait! Hinihintay kita pag ikaw ang may kailangan, a? Nag aabsent pa ako pag may problema ka tapos kaonting hintay lang kailangan ko sa’yo di mo pa magawa?” Sigaw niya.

    “Don’t you raise your voice on me, Evan!” Iritado kong sinabi. “Bahala ka nga!” At tinalikuran ko siya.

    “Hey! Hey! Erin!” Sigaw niya at sinundan ako patungong classroom.

    Umupo kaagad ako sa tabi ni Klare. Gulat pa siya sa padabog kong pag upo.

    “Anong nangyari sayo?” She asked.

    Umiling ako. Di makapagsalita sa irita. Tiningnan ko ang papel niyang puro pangalan ni Eion ang nakasulat.

    “Erin!” Sigaw ni Evan nang naabutan ako sa upuan. “Mag usap nga tayo!” Sigaw niya.

    Nilingon ko si Klare na mukhang na offend sa tono ni Evan at si Claudette na nakakunot na ang noo.

    “Evan, pwedeng mamaya na. Dadating na teacher natin ngayon.” Umirap ako at hinayaan siyang tumayo sa gilid ko.

    Sinipa niya ang ilang arm chair sa gilid sa sobrang iritasyon niya sa akin. Napatalon ako at napatingin sa mga na disarrange na mga upuan dahil sa pag sipa niya.

    “Will you calm down, Evan?” Sigaw ko at umiling na. “Mag usap tayo mamaya!”

    May ilang umawat kay Evan habang naninipa parin siya ng ilang mga upuan. Umiling na lang ako at nilingon ko si Klare na mukhang kinabahan sa nangyari.

    “I’m sorry.” Sabi ko.

    Habang sinasabi ko iyon ay may ilang tili sa labas. Napatingin kami ni Klare doon. Nagmamadaling pumasok si Julia kasama si Liza, natataranta. Niyugyog nila si Klare kaya kumunot ang noo ko.

    “Bumisita ang crush mo! Si Eion?” Anila.

    Napatingin ako sa labas at nakita ko ang dalawang lalaking may ibang uniform sa amin. Si Knoxx at si Eion. Parehong matangkad at malakas ang dating.

    Tumayo si Klare at sabay sabay silang dumiretso sa pintuan ng classroom namin para tingnan ang dalawa. Naestatwa ako sa aking upuan habang nililingon ang notebook ni Klare kung nasaan ang pangalan ni Eion ay pinapalibutan ng mga puso. Umiling ako at pinasadahan ng daliri ang mahaba kong buhok.

    “Anong ginagawa ni Kuya, dito?” Claudette asked.

    Napatingin ako sa kanya at nagkibit balikat ako.

  • Kabanata 2Open or Close

    Kabanata 2

    My Cousins

    “Shh, Dette. We didn’t cut class,” untag ni Knoxx nang kumprontahin ng kapatid kung bakit narito sila.

    Ayaw kong sumali sa pagkakagulo at pagtitili ng ilang mga estudyanteng kasing edad ko kahit na sumasang-ayon ako na gwapo nga si Eion. Sa gilid ni Knoxx ay ang tahimik, suplado, at malakas ang dating na si Eion Sarmiento.

    Alam kong halata niya ang paninitig ng iilang estudyante sa kanya ngunit binalewala niya lamang ito.

    “Then… why are you here?” nagtaas ng kilay si Claudette.

    “We’re just checking something,” bumaling ito sa malayong classroom.

    Umiling ako. “I know, you’re checking out the transferee. Iyong galing ng Cebu.”

    “Hindi, a?” He said defensively.

    Umikot ang mata ko. Kahit hindi niya sabihin ay nakakasiguro akong ganon nga. “Papasok na ako, Dette. Baka dumating na si teacher.”

    Papasok na sana ako nang tumikhim si Eion at dinugtungan iyon. “Baka dumating ‘yong boyfriend mo.” He eyed me curiously.

    Tinagilid ko ang ulo ko. Luminga si Claudette sa aming dalawa at halatang nagtataka rin kung paano nalaman iyong tungkol kay Evan. Lumipad na ang mga mata ni Knoxx sa isang grupo ng babaeng paparating.

    “What about Evan?” tanong ko, kuryoso.

    “Well, I’ve seen him shout at people downstairs. Ang sabi ay nag away daw kayo. You have one violent boyfriend, Erin.”

    Tumikhim ako at magsasalita sana pero natigil dahil sa mga dugtong niya.

    “Didn’t know he’s your type.”

    Humagalpak si Knoxx. Akala ko ay hindi niya iyon narinig dahil preoccupied siya sa pagiging manyak. “Erin’s type? Big and muscular, Eion. Ganon si Evan, e,” kibit balikat ni Knoxx.

    Kinagat ko ang pang ibabang labi. “Not really, Knoxx.”

    “Wag mo akong utuin. Ganon ang linya ng lahat ng naging crush mo. Iling nito. Nga pala, asan si Klare?”

    Nanahimik si Eion at tumitig sa akin. Nagulat ako na wala siyang dinugtong sa sinabi ng pinsan ko.

    “Ah. Nasa loob.” Ayaw lumabas kasi nanginginig. “Gusto mo tawagin ko?”

    “Di na. Aalis na kami. Late na kami sa school,” sabi ni Knoxx at humakbang ng isang beses palayo.

    “Don’t abuse our new driver. He’s spoiling you and it doesn’t mean you’re allowed to make him your dog, Kuya.”

    “Yes, po!” ngisi ni Knoxx at kinurot ang pisngi ni Claudette bago umalis.

    Sumunod si Eion sa kanya ng walang imik. Huminga muna ako ng malalim, kinakalma ang sarili bago bumaling sa kay Klare na hopeful na nakatingin sa akin. God, she’s crazy. I like Eion but not to that extent. Siguro ay iba-iba sa mga tao. Siguro ay ganito si Klare pag may nagustuhan siya.

    “Huy!” I snapped at her.

    “Umalis na?” tanong niya.

    “Oo. Sinayang mo ang pagkakataon. Nakipag usap nga sa akin. Kakausapin ka non, kung hindi ka lang talaga natatameme.”

    “God! He’s just so handsome, Erin. Grabe! Kita mo ‘yong features sa mukha niya? Perpekto ang ilong niya.” Hinawakan nito ang ilong niya.

    “I have better nose, Klare. Trust me.” Tumawa ako.

    Umismid siya sa akin at nagpatuloy sa pantasya niya kay Eion. It could go on forever, you know. At lasing na ako sa lahat ng papuri niya para dito. Kahit na sumasang ayon ako ay hindi ako nagpapahalata.

    Pagkatapos ng araw na iyon ay napag desisyunan kong makipag usap kay Evan. Mag pa-practice sina Kuya at ang mga pinsan ko ng basketball. Si Klare naman ay nasa dance troupe. Ako lang ang hindi mahilig sa extra curricular activities.

    Magkikita kami ni Evan ngayon sa labas ng gym, kung nasaan may mga benches at lamesa para sa mga estudyante nag aaral, kumakain, o tumatambay lang. Doon ko rin kasi hihintayin ang mga kapatid ko. Kung may kaso si daddy ngayon ay baka hindi kami masundo ng driver. Magtataxi na lang kami pauwi.

    “Whatever, Raf!”

    Napalundag ako sa gulat. Nasa loob ako ng girl’s bathroom nang narinig ko ang usal ng kapatid. Umalingawngaw iyon nang pumasok siya at pinandilatan ako.

    “Oh come on, man!” Rafael groaned.

    Hindi siya makapasok dahil girl’s CR iyon. May dalawang babaeng nasa loob ng cubicle at ako naman ay nasa harap ng salamin, nag pa-powder. Humalukipkip si Ate Chanel sa paghihintay na matapos ang dalawang nasa loob ng cubicle.

    “It’s just ten points!” sabi ni Rafael.

    Umirap ako sa pinag aawayan nila. Ate Chanel’s a freak and I’m on Rafael pag ganitong usapan.

    “Ate Chan, ano na naman ba iyan?” pagod kong tanong.

    “Ewan ko kay Rafael. Nakakainis!”

    Hindi ko na kailangang itanong ang bagay na iyon dahil alam ko na. At ayaw ko rin namang marinig.

    “Nakabawi ka naman nong last quiz, a? Hindi ko naman alam na hindi mo na-follow ang instructions don. E, kung na follow mo, tabla sana tayo?”

    Hindi na nagsalita si Ate Chanel. Halatang iritado na sa pinsan ko. Ang kawawang Rafael ay bigong bigo sa labas habang tinitingnan ang ekspresyon ng kapatid ko.

    “Ayun naman pala, e. Kasalanan mo rin! Follow instructions kasi!”

    Ate is an achiever. Ganon din si Rafael pero hindi kasing obsessive ni Ate. Siguro ay dala na rin na siya ang eldest sa amin at ang daddy ay isa sa top notcher ng bar noong kapanahunan niya, gusto niya ring maging katulad nito.

    “Ang next quiz, Chan, ibabagsak ko,” napapaos na sinabi ni Rafael sa kapatid ko.

    Lumabas ang babaeng nasa cubicle kaya pumasok naman si Ate Chanel para gumamit non. Huminga ako ng malalim at lumabas na roon. Humilig si Rafael sa dingding at humalukipkip. Hinawakan ko ang kanyang balikat.

    “Hayaan mo nga iyang si Ate. Stop spoiling her. No one’s pressuring her. May topak yata ‘yan.”

    “Nagkamali talaga ako. Akala ko kasi talagang di siya magkakamali don. Tsaka may isang item kasi don na akala ko mali ako, correct pala.”

    Umirap ulit ako. Whatever. “Tara na sa gym. Mag papractice kayo diba?”

    “Hintayin ko lang si Chanel. Mauna ka na.”

    Ewan ko kung pang ilang irap ko na pero iniwan ko silang dalawa. Grabe din ang mga topak ng iyon, ha! Ako nga hirap itama ang mga sagot, sila naman minamali pa? Am I Benedict Montefalcos daughter?

    Mag isa akong nagtungo sa gym. Namataan ko kaagad doon si Evan na nakaupo sa bench. Mag isa siya at nakasimangot. Naka jersey siya ng Knights, kulay dark blue. Kasama din siya sa practice ngunit pinilit yata na huwag munang pumasok kahit rinig ko na ang friction ng mga sapatos sa court. Nagsimula na silang mag practice.

    Tumayo siya nang nakalapit na ako. Kahit na 5’6 ako ay tumitingala parin ako sa kanya. I guess Knoxx’s right. Mahilig nga ako sa matatangkad. Well, I’m used to tall boys. Walang hindi matangkad sa mga pinsan ko.

    “Evan.” Umupo ako kaya sumunod rin siya. Blanko ang ekspresyon ng kanyang mukha. “Let’s break up.”

    Ilang sandali pa bago siya nakapagsalita. “Ganon lang kadali?”

    Hindi ako nagsalita.

    “You left me. I got mad. Then we’ll break up? Wow, Erin Montefalco!”

    “Evan, hindi iyon ang dahilan. Narealize ko lang na nakakapagod mag boyfriend. Ayaw ko ng nakatali. Ayaw ko ng parang lagi akong may pananagutan. I’m not the responsible type-“

    “Wow! Wow!” natatawa niyang sinabi. “I can’t believe you! After all this time? Hindi mo iyan naisip nong nanliligaw ako? Just wow!” pulang pula siya.

    “Hindi ko naisip kasi nanliligaw ka pa non! Malay ko ba na ganito ang pakiramdam?” nahihirapan na akong magpaliwanag.

    “Just make damn sure I won’t see you with another guy tomorrow or next week, Erin. I can’t believe you!” Sigaw niya na nang agaw sa atensyon ng mga tumatambay rin doon.

    Sinipa niya ang mesang nasa harap ko. Natulala lang ako at hinayaan siyang mag mura nang mag mura papasok sa gym. Tiim bagang kong nilingon ang gym.

    “Whatever,” bulong ko sa sarili ko.

    “Erin!” natatarantang sigaw ni Julia.

    Mabilis ang hininga niya dahil sa pagtakbo. Lumapit siya sa akin na pulang pula ang mukha.

    “What?” kalmado kong tanong, hindi pa nakakarecover sa nangyari sa amin ni Evan.

    “Si Claudette, napaaway. Silang dalawa ni Klare!”

    “Saan?” tanong ko at agad na tumayo.

    “Second floor.”

    Pagkatapos sabihin iyon ni Julia ay sabay na kaming naglakad diretso sa hagdanan. Mabilis ang pintig ng puso ko habang pinapaliwanag niya sa akin kung paano inaway si Claudette.

    “Si Lana, iyong girlfriend ni Aaron Santiago? Hinarangan niya si Claudette sa second floor! Inakusahan niya na si Dette daw ‘yong kabit ni Aaron.”

    Nakita ko ang komusyon. Apat na babae laban sa dalawang pinsan kong hindi man lang lumalaban. Si Claudette ay nasa likod ni Klare na umiiling sa apat na mukhang agresibong babae. Klare’s shorter than each one of the girls.

    “Hindi ako ang kabit ni Aaron. Stop blaming me. You’re barking at the wrong tree.” Narinig ko iyon galing kay Claudette.

    “What’s happening here?” tanong ko nang nakalapit ng husto.

    Bumaling silang anim sa akin at nagtaas ng kilay ang pinakamatangkad na si Lana.

    “Nagtawag ka pa talaga ng kasama…” nanliit ang mata niya kay Julia.

    “Erin…” nanginginig na si Julia sa likod ko.

    “Your cousin is my boyfriend’s kabit. Malandi. Alam niyang may girlfriend ang tao, pinapatulan pa rin. Iyon ang number mo! Sigurado ako, Claudette! Number mo iyong nag reply sa kanya!” sigaw ni Lana.

    “Bakit? Ano ba ang sinabi ko don? Hindi ba ‘who’s this?’ lang naman?” maarteng sagot ni Claudette.

    “Dette!” may banta sa boses ni Klare.

    “God! I won’t date Aaron! Ang akala mo naman gwapo siya para patulan ko! It will take more than that face to please me!”

    “Aba’t!” Pulang pula na si Lana at sinugod si Claudette.

    Sumugod din ako para pigilan siya ngunit nahagip ng kuko niya ang buhok ni Klare. Nasa likod kasi si Claudette kaya si Klare ang napuruhan. Halos mapaiyak si Klare sa nangyari kaya kumulo ang dugo ko.

    Buong lakas kong hinila ang buhok ni Lana para makalayo siya kay Klare. Hinila din ng isang kaibigan niya ang buhok ko. Ang dalawang kaibigan na kasama niya ay umatras at ayaw makialam.

    Hinila ko pababa ang buhok ni Lana hanggang sa napahalik siya sa sahig. Hinila ko rin ang uniporme ng babaeng humihila sa buhok ko dahilan kung bakit nahulog ang mga butones ng sailor type uniform namin.

    “Ahh!” Tinabunan niya ang kanyang sarili dahil tumambad ang kanyang bra.

    “What is that?” sigaw ng mas boses ng matandang lalaki.

    Pagkalingon ko ay kitang kita ko ang nag aapoy naming prefect. Nagmamartsa siya patungo sa amin. Hinihingal pa ako sa ginawa. Nilingon ko si Klare at hinawakan siya sa braso.

    “Ayos ka lang?” tanong ko.

    Tumango siya pero may bahid paring takot sa mukha. Nilingon ko naman ang nakahandusay pang si Lana na may paiyak iyak pa ngayon.

    “You don’t hurt my cousins,” sabi ko.

    Ito ang naging dahilan kung bakit ginabi ako sa opisina ng prefect of discipline. Umikot ang mga mata ko nang marinig ko kay Josiah na nasa gate na si mommy.

    Sa labas ng opisina ay ang mga pinsan kong maaaring nilalamok na sa paghihintay sa akin. I was detained with the other two girls, si Lana at iyong humila sa buhok ko pero mas nauna silang pinakawalan kesa sa akin dahil pareho silang nasaktan ko.

    “We don’t tolerate your actions in our school, Erin,” matigas ang boses ng aming prefect.

    “I know, Sir. I just can’t tolerate people like that, too.”

    Nilingon ko si mommy na may handbag sa braso at naka kulay abong dress nang pumasok sa opisina. Sumama si Ate Chanel sa kanya doon at tumabi siya sa akin.

    “Dinner out,” ngiti niya.

    “Yes!” I don’t like our recent cook so I love it when we eat somewhere else.

    “Anong ginawa ni Erin?” tanong ni mommy sa aming prefect.

    Lumapit ako kay mommy at humalik sa pisngi niya. Hinayaan niya naman ako.

    “Nagkasabunutan sila ng isang estudyante at nahubaran niya ng damit ang isa.”

    Tumaas ang kilay ni mommy sa akin. Nagkibit balikat naman ako.

    Two girls?” tanong niya at naglagay ng reading glasses nang may ibinigay na papel sa kanya si Sir.

    “Yes, attorney,” sagot ng aming prefect.

    “Well, what’s the punishment?” bumaling si mommy sa akin. “Pwede na ba siyang lumabas?”

    Tumango si Sir kaya bago siya nagsalita para sumagot kay mommy ay nagmamadali na kaming lumabas ni Ate Chanel.

    Sabay sabay na tumayo ang mga pinsan ko nang lumabas ako. Nagkakatuwaan pa yata sa gitna ng madilim naming campus.

    “Erin, nagtatanong si mommy saan daw tayo mag di-dinner. Pauwi na sila kaya baka sumabay na lang sa atin,” tanong ni Azi.

    “Hindi ko alam. Ate?” bumaling ako kay Ate Chanel na ngayon ay katalakan naman si Claudette.

    “Barkadahan Grill, Azi.”

    “Okay,” nilagay niya sa kanyang tainga ang kanyang cellphone.

    “Anong sabi ni tita, Erin? Pinagalitan ka?” nag aalalang tanong ni Klare.

    Umiling ako. “Di, e.”

    “Di ‘yan pinapagalitan, Klare. Mana kasi kay mommy,” sabay akbay ni Kuya Josiah sa akin.

    Lumapad ang ngisi ko at humakbang na kasabay ang mga pinsan palabas ng campus.

  • Kabanata 3Open or Close

    Kabanata 3

    They Can’t Have

    Umirap ako habang tinitingnan si Claudette na palapit sa kay Spike. He’s her… well, i’m not sure if they’re in a relationship.

    “Bilis, Dette! Makita tayo nina Kuya! Tsaka naghihintay si Klare at Ate sa gym!”

    “Saglit lang ‘to.” Sumenyas siya sa akin at tumakbo na sa sulok kung nasaan si Spike.

    Nakita kong inakbayan siya nito at masinsinang nag usap. Humalukipkip ako at bumaling sa matatayog na building ng Xavier University. Ito iyong campus nila sa college. Umihip ang malakas na hangin at nagsimula na ang hiyawan sa kanilang gym.

    May game ang iilang school ngayon sa gym dito. Andito halos lahat ng mga players ng mga highschool kaya andito rin kami para suportahan sila. Syempre, ganap na first five na ang ilan sa mga pinsan ko, namely Rafael, Elijah, and Damon. Kahit bangko namang pareho si Azi at Josiah, dahil parehong mayayabang, napapasok parin sila kahit paano.

    Sa malayo ay kita ko ang mga players na may royal blue na jersey. Hindi sila yellow ngayon. Iyon ang team nina Spike at nahuli na siya dahil sa pakikipag usap kay Spike.

    “Hi Erin!” ngiti ng isa sa players na panigurado akong kapitbahay namin.

    Nginitian ko at agad siyang kinantsawan ng kanyang mga ka team mates. Pulang pula tuloy ang kanyang mukha. Natawa na lang ako. Hay. Boys. Sinundan ko sila ng tingin at nakita kong nilingon niya pa ako. Nginitian ko ulit.

    Pinasadahan ko ng aking mga daliri ang aking buhok. Nilingon ko muli iyong tinatayuan ni Clau at Spike. Naroon parin sila at parang hindi na matatapos sa kanilang pinag uusapan. Tiningnan ko ang aking wrist watch bago ko binalik ang tingin ko sa dalawa. Nakita kong bahagyang umalis si Clau at sumunod din si Spike, parang may pinagtataguan.

    Dumaan sa kinatatayuan nila kanina ang mga matatangkad na players ng Ateneo. Nanguna si Knoxx at si Ty sa paglalakad.

    Hinawakan ko ang aking dibdib sa kaba. Mabuti na lang at namalayan nina Claudette na paparating ang mga ito at baka mamaya malalagot pa siya sa Kuya niya.

    Naunat ang aking leeg sa pagsisikap na makita iyong mga nasa likod ng dalawang pinakamatangkad sa team. And then I saw Eion… kausap niya ang isa pang kasamahan sa team at nagtatawanan sila.

    “Oh, bakit ka narito, Erin?” tanong ni Knoxx nang nakalapit sa akin.

    Nagkibit balikat ako. “Ang init sa loob. Papasok din ako pag nagsimula na. Last game kayo, hindi ba?”

    Tumango siya. “May hinihintay ka?”

    Umiling kaagad ako. Walang bahid na kaba sa isipan. Hindi kailanman iisipin ni Knoxx na si Claudette ang hinihintay ko. For sure ay ang iniisip niya’y may hinihintay akong lalaki ng patago. “Wala.”

    Ngumuso siya. “Boyfriend after Evan?” tumawa siya. “O siya ulit? Hindi ba ay nagdi-date parin kayo?”

    Umikot ang mata ko. I can’t believe he’s asking me these things in front of his teammates. Nakangisi ang iilan sa kanila at ang iilan naman ay nag uusap tungkol sa laro. And for goodness’ sake Eion’s behind him.

    “Those are only friendly dates. At wala akong dinidate ngayon. Please, Knoxx, leave me alone,” bumaling ako sa kung nasaan si Claudette kanina.

    “I heard pinopormahan daw siya nong senior?” Nakangiting sinabi ni Eion.

    Nanuyo ang lalamunan ko. He looked definitely hot with that dark blue jersey. Nakangiti pa siya at hinihintay akong umapila sa sinabi niya.

    “Is that true? Iyong player ba na senior nina Elijah?” tanong ni Knoxx at inakbayan ako.

    Hinawi ko ang akbay niya. Ang bigat naman ng braso nito. “Why don’t you research. Looks like you have some good source,” sarkastiko kong sinabi.

    Tumawa si Knoxx at imbes na akbayan ulit ako ay kinurot niya ang gilid ko. “Chix. Tatambakan namin ang Knights,” at nilagpasan na ako.

    “Yabang!” sigaw ko sa kanya ngunit hindi na narinig dahil kinausap na iyong chinitong Ty na kagrupo.

    Ngumuso ako at pinagmasdan silang papasok na sa gym.

    “Erin…”

    Ikinagulat ko ang pagtawag ni Eion sa akin. Nauna na ang kanyang teammates at nagpaiwan siya.

    “O, Eion…” Hindi ko maiwasang titigan ang kanyang mga mata.

    “Can I have your number?” kinuha niya ang kanyang cellphone.

    Halos malagutan ako ng hininga. I’ve never felt this way before. Para bang panaginip na nagkatotoo. Para bang imposible na mangyari ito. “U-Uhm… T-Teka lang.” Nanginig ang kamay ko habang hinahagilap ang aking cellphone sa loob ng bag.

    Gusto kong magtanong kung para saan ito. Kung ibang lalaki ito ay nagawa ko nang itanong. But it’s Eion Sarmiento for God’s sake. Every girl’s dream is for him to ask for your number.

    Sinabi ko sa kanya ang aking numero at kinuha ko rin ang sa kanya. Ngumiti siya bago umalis at nanatili ang mga mata ko sa kanya.

    Napahawak ako sa railings. Pakiramdam ko ay bibigay ang tuhod ko dahil sa nangyari. Tumunog ang cellphone ko nang nakapasok na siya sa gym. It’s him!

    Eion:

    Wish us luck. 😉

    Kinagat ko ang pang ibabang labi ko. Tinipa ko ang “Good luck!” ngunit dinelete din kasama ng napagtanto ko. He is Klare’s crush. The one and only Klare’s crush.

    “Erin!” tinig ni Claudette ang narinig ko.

    Nilingon ko siya at sakto lang ang pagkakita ko ng pagdating niya at paglagpas sa amin ni Spike. Tapos na silang mag usap.

    “Tara na!” aniya.

    Tumango ako at sumunod na sa kanyang paglalakad. Imbes na mag reply ay binalik ko ang aking cellphone sa loob ng bag.

    Pagkapasok ko ng gym ay inatake kaagad ng ingay ay aking tainga. Maingay sa pag chi-cheer iyong mga estudyante sa naglalabang royal blue at green, dalawa sa malalaking eskwelahan. Hindi pa laro nina Kuya o kina Knoxx kaya naroon sila sa bleachers, nakahilera at mukhang madadaanan pa yata namin.

    “Clau, sa taas na lang tayo dumaan,” tawag ko sa naunang pinsan.

    Hindi niya ata ako narinig kasi patuloy ang paglalakad niya sa harap ng nakahilerang XUHS players. Malalaking patak ng pawis ang naramdaman kong namuo sa aking noo. Goddamnit! Ngayon pa talaga?

    “Good job, Vazquez!” sigaw nong isang player na katabi ni Knoxx at pumalakpak pa dahil sa paunang shoot ng nasabing player.

    Taas noo na lang akong dumaan. Nakikita ko si Klare, Ate Chanel, at Ate Yasmin sa bleachers.

    “Walang reply!?” natatawang sinabi ni Eion nang nahagip siya ng mata ko.

    Pinamulahan ako ng mukha. Humalakhak ang katabi niyang nakatingin sa akin. And boy his smile is beyond sexy. Gusto kong tumakbo at magtago sa hiya at sa kaba.

    Ngumiti na lang ako. “You texted?” tinaas ko ang isang kilay ko at nagpatuloy sa paglalakad.

    Nagmukha siyang disappointed sa akin at umiling. Lumapad ang ngiti ko at mabilis na ang pintig ng puso ko nang nakarating sa bleachers kung nasaan sina Klare.

    “Erin,” ani Klare sabay hila sa kamay ko para matulungan ako sa pag akyat. Inilahad niya rin ang tabi niya para doon ako umupo. Si Claudette ay umupo sa tabi naman ni Ate Yasmin. “Natagalan kayo?”

    Hindi ako makatingin sa kanya. I don’t like that feeling. “Hinintay ko pa si Claudette,” bulong ko.

    Tumango siya. “Nakita mo si Eion?”

    “Yup. Nasa unahan lang siya kasama ang team nila.”

    “Oo nga. Nakita ko siya kanina nong papasok sila. Huli siyang pumasok.” Puno ng interes ang boses ni Klare.

    Nahirapan akong lumunok. Hindi ipinapakita ng mukha ko ang gulong nasa utak ko ngayon. Binalingan ko si Klare at nginitian. “You want his number?”

    “Huh?” pinamulahan siya ng mukha at mabilis na umiling.

    Ngumisi ako.

    “Nakakahiya, Erin. Nakakahiya kaya! Ayaw kong ako ang maunang mag text!”

    “Asus, Klare, hindi na iyan uso! I’m sure Josiah has his number,” singit ni Ate Chanel.

    Tinukso namin siya kaya pulang pula siya sa kanyang upuan, hindi mapakali sa naiisip. Dinungaw ko ang aking cellphone na may isa ulit na mensahe galing kay Eion.

    Eion:

    Snob pala si Erin Montefalco.

    I want to reply so bad. Tell him that I’m not a snob. Na nareceive ko ang message niya. I want to be polite but then… I’m fucking torn.

    Hinugot ko ang kahuli hulihang pisi ng aking katapangan at pinindot ang send pagkatapos ng isang mensahe.

    Ako:

    I’m not snob. The game’s entertaining and Klare won’t stop talking about it. Nakakatuwa.

    I need to insert Klare’s name somehow. Tumunog kaagad ang cellphone ko shortly after that.

    Eion:

    Manood ka sa laro namin mamaya. It will be more entertaining.

    Ngumiwi ako at naisip ang yabang niya. Nakangiti ako nang nag reply.

    Ako:

    Klare will be really entertained I’m sure.

    Pinaglaruan ko ang cellphone ko at pumangalumbaba sa nagkakainitang laro. Maingay na si Ate Yasmin dahil school niya iyang naglalaro ngayon kaya sinabayan na rin ni Ate Chanel.

    Eion:

    And you won’t be?

    Pumikit ako ng mariin. This is a really bad idea. A very bad idea, alright? Tumigil ako sa pagrereply kahit na buong game ay iyon lang ang naisip ko.

    “Masama ba ang pakiramdam mo, Erin?” tanong ni Klare nang napansin ang pananahimik ko.

    “Hindi ah!” sabi ko at nanatiling blanko ang ekspresyon.

    Hinilig niya ang kanyang ulo sa aking balikat at humikab. She’s bored and she probably want Eion to play now.

    “Fourth quarter na. Last game na ang sunod. Sina Eion na,” pukaw ko sa kanya.

    “Oo nga e. I came here to watch them,” ani Klare.

    Nilingon ko siya. “Klare…”

    “Hmmm?” inangat niya ang kanyang ulo para tingnan din ako.

    “Do you want Eion’s number? I’m serious. You can text him next friday. Ang alam ko ay may practice sila with Kuya and others. Kuya changed his number because of his ex kaya wala na ‘yong contacts niya. I can tell him na ikaw na lang ang mag text.”

    Nakita kong pumula ang pisngi ni Klare sa sinabi ko. “A-Are you sure?” she stuttered.

    “Of course.” Tumango ako.

    Binigay ko sa kanya ang cellphone number ni Eion. Pulang pula siya at panay ang tanong sa akin kung paano kung hindi ito mag rereply? Sinabi ko sa kanya na ayos lang ‘yan at hindi naman siya gumawa ng move. Informative text naman ang itetext niya kaya pag hindi ito nag reply, either iniisip niyang hindi pwedeng mag reply sa informative text o… talagang hindi siya interesado kay Klare.

    Tumunog ang cellphone ko. Inakala kong si Eion iyon pero nagkamali ako.

    “Landon…” lumiit ang boses ko para hindi marinig ng mga pinsan ko.

    Naging preoccupied na rin si Klare sa panonood ng paglilinis ng court. Game na nina Eion Versus our cousins!

    “Pinag uusapan ka nina Sarmiento ng XUHS. Did you give your number to him?”

    Fuck. “Yup. It’s for the practice game. Nag bago kasi numero ni Kuya kaya siguro kinuha iyong akin.”

    Nakita kong pababa na ang matatangkad na player ng Knights. Nauuna si Landon, iyong senior na nanliligaw sa akin. Nasa tainga niya ang cellphone habang nakahawak sa bag naman ang isang kamay. Kasabay sila ni Elijah at ang nasa likod ay si Josiah at Evan.

    “I don’t think it’s for the practice game, Erin,” binaba nito ang tawag at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa benches.

    Gusto kong magmura. Malaki ang katawan ni Landon at siya ang may pinakamalaking katawan sa team ng Knights at madumi siyang mag laro. I’ve seen him play and laking pasasalamat ko na ang mga pinsan ko’y teammates niya dahil kung hindi nalumpo na ang mga barumbadong mag laro tulad ni Azi.

    “Erin, si Landon o mukhang badtrip,” tawa ni Ate Chanel.

    Nang nagsimula ang game ay nakuha ni Landon ang score at nasiko pa nito ang pinaka magaling na guard ng XUHS, si Eion. Nilingon siya ni Eion at nakita ko ang talim ng titig niya rito. Mabuti na lang at hinarangan siya ni Knoxx at Hendrix Ty kaya hindi niya ito sinugod at sinuntok.

    “Yeah!” sigaw ni Landon at nakipag high five pa sa natatawang si Elijah.

    “Landon, calm down!” sigaw ko para mapigilan siya ng kahit konti.

    Nag angat ng tingin si Knoxx at Josiah sa akin. Wala na akong pakealam. For goodness’ sake he’s got muscles almost like a UFC fighter, pwede bang huwag na lang muna nilang inisin ito?

    “Yabang!” sigaw ni Eion.

    Naghiyawan ang mga nasa loob ng gym. Hindi ko alam kung saan sila, sa XUHS ba o sa Knights. Hindi ko rin alam ngayon kung saan ako papanig.

    “Kawawa naman si Eion pero gusto kong manalo sina Rafael,” ani Klare.

    Kinagat ko ang labi ko at nanatiling nakatayo. Kabado ako at naisip iyong huling laro ng Knights last year na dumugo ang ilong ng isang player dahil nasiko ni Landon. Damn it! Ayaw ko naman iyong mangyari.

    Ang sumunod na score ay galing kay Knoxx. Agarang nakuha ng XUHS ang lead ng game dahil sa galing din ni Hendrix Ty.

    “Foul! Number 17, Manalo.”

    Pangatlong foul na iyon ni Landon at puro kay Ty iyong foul niya.

    “That wasn’t foul!” sigaw niya at hinarangan kaagad siya nina Elijah para matigil sa pagwawala.

    Tinuro niya si Hendrix na ngayon ay pinasahan ng bola para makapag free throw. Parehong shoot ang dalawang bola at agad niyang tiningnan si Landon gamit ang nakataas na kilay.

    “Yabang ni Ty,” tawa ni Ate Chanel.

    “May ipagmamayabang naman,” sambit ko.

    “Gusto niya atang ma foul out si Landon. Magaling din talaga itong mag isip. Alam niyang mahihirapan sila pag nandyan si Landon kaya una nilang ifa-foul out. Magaling!” ani Ate, tumatango.

    Natapos ang laro at nanalo ang XUHS, as usual. Nagmadali kaming bumaba para salubungin ang mga pinsan na pare parehong badtrip. Fouled out si Landon at puro kay Elijah at Rafael ang lahat ng game.

    “Ang yabang niyo! Madaya kayo! Home court! Sa inyo ang referee!” patuloy na nag talk shit si Landon habang kinakausap sila ng kanilang coach.

    Tahimik naman ang XUHS na nagdiriwang sa gilid. Pinapalibutan ng iilang babae. Hihilahin ko sana si Klare patungo sa kanila kung hindi lang ako badtrip din dahil kay Landon. My cousins are sport, he’s not.

    “Erin, bahay muna tayo nina Klare,” malamig na sinabi ni Kuya Josiah sa akin habang umiinom ng tubig.

    Tumango ako at nagpatuloy na sumabay sa kanila sa paglalakad. Naririnig ko ang boses ni Landon sa likod. Kausap niya si Rafael at panay ang talk shit niya tungkol sa kay Eion at sa pagkaka foul out niya dahil sa kay Ty.

    “Stop it, Landon! You’re annoying!” sabi ko dahil pinagtitinginan na siya ng kabilang team at mukhang nag iinit na ang ulo nila sa paulit ulit niyang giit na nandaya ang mga ito.

    “Oh, yes. Oo nga. I don’t care if we lose. I have Erin Montefalco with me. Someone they can’t have,” deklara niya bago ako inakbayan.

    Nakita ko ang malamig na titig ni Eion sa akin. Ngumisi si Knoxx sa tabi niya at umiling na lamang. Para akong lumulutang sa ere sa kaba at sa kung anong nararamdaman.

  • Kabanata 4Open or Close

    Kabanata 4

    May Alam

    Like what happened with Evan, hindi kami nagtagal ni Landon. Dagdagan pa ng pag aayaw ni Kuya Josiah sa kanya to the point of us not speaking to each other, mabilis lang din ang relasyon namin.

    Pagkatapos rin kasi nong game na iyon kung saan dineklara na ni Landon na kanya ako ay hindi na muli ako tinext ni Eion. Hindi ko alam kung masaya ba ako don o hindi. Masaya ako dahil at least ay hindi na ako magi-guilty pag nag text siya sa akin. Hindi rin dahil syempre crush ko iyon.

    Inaamin ko, hindi ko lubusang nakalimutan iyong nangyari sa amin ni Eion. Lalo na tuwing may game at nagkikita kami ngunit hindi niya na ako pinapansin. Well, it’s better like that right? Awkward naman pag pinapansin niya ako at si Klare naman ay hindi. Ayaw ko rin namang malaman ni Klare na may ganon sa amin ni Eion.

    Sa isang malaking duyan sa veranda namin ay nagsiksikan kaming tatlo ni Ate Chanel, Kuya Josiah, at ako. Humihikbi si Ate Chanel habang tumatawa sa mga hirit ni Kuya.

    Nilagay ko ang aking ulo sa balikat ni Kuya habang hinahawakan ang kamay ni Ate Chan.

    “Shit talaga! Ang tagal kaya namin! Almost four years!” natatawa siya ngunit naiiyak parin.

    “Tumigil ka na nga, ate. I’m so tired of seeing you cry over that asshole. I told you before, some of my girls told me na may ibang babae iyon. You just won’t listen.”

    “Ate, stop being too attached…” hirit ko.

    “Shut up, Erin. Hindi mo naman kasi alam! Palibhasa wala ka pang naging boyfriend na crush na crush mo. Hindi mo naman crush si Evan kahit ganon ‘yon ka gwapo. And I know you’re just amazed with Landon’s muscles.”

    Tumawa ako. “Oy, may nararamdaman din naman ako para sa kanila-“

    “Basically, Erin. You’re the girl version of me.”

    “Ew, Kuya. Hindi ah? Unlike you, I’m pretty reserved.” Umirap ako.

    Tumawa si Kuya Jos at hinawakan ang cross earrings niya. “Hindi, e. I can sense it. If Yasmin is Justin’s counterpart. You are my counterpart.” Kiniliti niya ako kaya hinampas ko ang braso niya.

    “I’m not your counterpart. Oh, please stop it.” Iling ko.

    Nagtawanan kami habang naroon sa veranda. Natatanaw namin ang mga bituin sa langit. Singhot lang ni Ate ang narinig namin ng natahimik. Naging abala si Kuya Jos sa pagtitext kaya dinungaw ko iyong cellphone niya.

    He’s texting a couple of girls.

    “You want to text them instead. Pretend that you’re me?” tawa niya.

    So that’s how I got the skills. He’s been like that to me ever since. Kaya hindi na rin talaga ako nagugulat sa mga pumuporma. I’m not even surprised if people hit on me out of the blue. At marunong akong makihalubilo sa mga lalaki.

    May narinig kaming tumunog na sasakyan sa baba. Mabilis na nagmura si Ate Chanel at nagpunas ng luha.

    “Sino ‘yan?” bahagya akong bumangon para silipin kung kaninong sasakyan ang pumarada sa tapat ng bahay.

    “Uh, Raf’s here.” Sabay tayo ni Kuya Josiah. “Nagpaturo ako sa kanya don sa major. Ang hirap. Malapit na ang finals.”

    Pinanood ko ang pagpupunas ng luha ni Ate Chanel. Naubusan pa siya ng tissue kaya pinunasan ko ang pisngi niya gamit ang kamay ko. Sinuklay ko rin ang magulo niyang buhok gamit ang aking mga daliri.

    “Mabuti pa, Ate, maghilamos ka. Namamaga at namumula ang mata mo. Raf will suspect you cried again,” pumangalumbaba ako.

    “Talaga? Shit!” Tumayo na rin siya para dumiretso sa bathroom.

    Huminga ako ng malalim at hinayaan ang dalawang gawin ang mga dapat gawin. Basta ako ay nandito lang sa veranda at nakahiga, naghihintay ng mga araw dahil gagraduate na kaming tatlo sa high school. Mag co-college na kami at hindi na ako makapaghintay.

    Naging mabilis din ang panahon sa summer. Lalo na dahil may trip kaming pamilya sa El Nido. Masayang masaya ako at buong buo kaming tatlo.

    Joss won’t stop girl hunting at wala akong magawa dahil magkasama kaming tatlo palagi pag pinipili ng mga magulang namin na manatili sa hotel instead of going somewhere else. Kaya lang ay pag balik namin, nalaman ko kay Klare na may trip din daw sila ng pamilya niya kaya hindi ako makagala kasama siya.

    Magkatabi kami ni Claudette sa bleachers habang pinapanood ang mga pinsan kong naglalaro sa court ng Xavier Estates.

    Umuulan sa labas, hudyat na malapit na ang wet season. Patapos na rin kasi ang summer at sa susunod na linggo ay kailangan naming mag enrol na sa college.

    “Sigurado ka na ba sa Business Ad?” Claudette inquired.

    Ngumiwi ako sa weird na sumbrero niyang zebra. She likes cute things to the point of weirdness. “Yup. Ikaw? Ayaw mo?” tanong ko.

    “Gusto. But I want accounting better. I want to be a lawyer din.”

    Tumango ako. “Ako rin pero bago ko iisipin iyan, ipapasa ko muna itong business ad.”

    “Si Ate mo, okay ba sa Psych?” tumagilid ang ulo ni Clau.

    Imbes na manatili ang titig ko sa kanya ay nasa court ang mata ko dahil sa biglaang pagmumura ni Kuya Josiah dahil nagkakainitan ang laro.

    “Okay siya sa Psych. Mag mi-med kasi siya,” wala sa sarili kong sagot.

    “Talaga? Ayaw niyang mag business? O mag Law kaya?”

    “Nope, Dette. Alam mo naman iyong dalawang kinukumpara lagi. Umiwas na siya ron,” sambit ko at naglaro sa bangles sa aking palapulsuhan.

    Tumango si Claudette at muli kaming napatingin sa court nang nagmura si Azi at humandusay sa sahig.

    Sabay kaming napatayo ni Claudette para tingnan kung ano ang nangyari. Dinaluhan siya ni Elijah at Kuya Josiah. Gumulong si Azi at ininda ang kanyang braso.

    “Nabalian si Kuya?” ani Claudette at mabilis na bumaba para tingnan ang kapatid.

    Sumunod rin ako sa kanya at nanatili sa kanyang tabi para tingnan kung anong nangyari kay Azi. Pinatayo siya ni Elijah at Kuya Josiah. Hinatid nila ito sa bench at nagtawag kaagad si Elijah ng maaring tumingin rito.

    “Claudette, ihatid natin si Azi sa isang clinic or something,” sabi ko nang nakita ang pagkalukot ng mukha ni Azi dahil sa sakit.

    Tumango si Claudette at nilingon ako. “Ako na lang ang maghahatid sa kanya. Magpapasama ako kay Elijah. Wag kang umalis dito dahil baka magkagulo, at least may titingin sa mga pinsan natin.”

    Nakuha ko ang gusto niyang iparating. Tumango ako at sinuklay ang buhok ko gamit ang aking mga daliri. Isang bagay na lagi kong ginagawa pag stressed ako. Bumaling ako kay Kuya Josiah na panay ang mura doon sa isang may malaking katawan na senior yata ng SBM Eagles ng Xavier University. Siya iyong tumulak kay Azrael, dahilan kung bakit siya tumilapon at naipitan pa yata ng braso.

    Bumaba si Claudette para daluhan si Azi. Isang senyasan lang namin ni Elijah ay nakuha ko na kaagad ang gusto niyang iparating.

    Nag usap si Kuya Josiah at Eion. Sa ngayon ay magkasama sila sa isang team. Hindi naman kasi High School Alumni ang game na ito kundi practice game lang para sa mga gustong maging varsity ng SBM Eagles.

    “Fuck! Where have you been?” sigaw ng isang player sa isang kakarating lang na player.

    Nakatalikod iyon ngunit nakilala ko kaagad dahil sa apelyido at sa tikas. Hendrix Ty. May isang bag siyang bitbit at naka tsinelas pa lang siya, hindi pa handang mag laro.

    “I’m sorry, bro. Natagalan ako,” aniya sabay lingon sa isang babaeng nasa likod.

    Nakatalikod sa akin ang babae. Kasing puti ng gatas ang kanyang kutis, rebonded straight ang buhok, manipis at maliit ang katawan. Hinintay ni Hendrix na lumapit ito sa kanya at pinadausdos niya ang kamay sa baywang nito.

    Nagtawanan ang mga XUHS alumni na kasama nina Kuya. Tinapik muna ni Elijah sa balikat si Hendrix bago sila nagpaalam para madala si Azi sa pinakamalapit na clinic o ospital.

    “Ej!” tawag ko. “Try mo sa kina tita. Iyong maliit malapit sa Malunggay Bread Shop.”

    Tumango kaagad si Elijah at tuluyan ng umalis.

    Nang muli kong ibinaling ang tingin sa mga players ay naabutan ko ang mga mata ni Hendrix sa akin. Tumiim bagang ako. Kinabahan bigla sa mga matang nakatoon sa akin.

    May lumapit sa kanyang dalawang nasa mid 30s na lalaki, buff, at naka itim. May binulong ito sa kanya na tinanguan niya naman agad. Tinuro ni Hendrix ang kinalalagyan ko para sa kasamang babae.

    Tinagilid ko ang ulo ko.

    “How gay… Game lang may body guards? Really? Body guards? Even Azrael doesn’t have one. Kahit kami nina Ate at Kuya Joss, to think na maraming kalaban ang parents namin,” bulong ko.

    Ngumuso ako at bumalik sa kinauupuan ko. Ilang sandali ang nakalipas ay nakita kong nag susuot na ng sapatos si Hendrix Ty. Iginala ko ang mga mata ko sa bleachers at nakita kong naroon iyong babaeng kasama niya. Ang puting flowing dress nito ay bumagay sa porselanang kutis. Batid ko rin ang chinita nitong mga mata at namumula nitong pisngi habang nakangiting tinitingnan si Hendrix Ty.

    “Erin!” sigaw ni Kuya ang narinig ko galing sa court. “Please… tubig?”

    Ngumiwi ako. Hindi ba ito nagdala ng tubig? Hindi pa ako nakaka-oo ay hinagis niya na sa akin ang susi ng sasakyan bago tumakbo pabalik sa court na parang sasabak siyang muli sa digmaan.

    Umiling ako at bumaba na sa bleachers. Dumiretso ako sa pulang Everest na pinagamit ni daddy kay Kuya. Naroon ang isang cooler kung nasaan ang tubig at mga Gatorade ng mga pinsan ko.

    “Kukunin ko ang lahat ng ito?” umirap ako at kumuha lang ng tatlo.

    Pagkatapos kumuha ay bumalik na ako kaagad sa court. Saktong pagbalik ko ay may time-out sila. Nakapasok si Hendrix at nakita kong anim na puntos agad ang nadagdag sa score nila. The power of that Ty. Tsk.

    “Here’s your water, bro.” Sabay lapag ko sa tatlong tubig na dala ko sa bench.

    Nakita kong humakbang patungo doon sa bench si Eion. Hindi ako nag angat ng tingin sa kanya pero hindi ko maiwasan nang tawagin niya ako.

    “Erin… can you hold my water, please?”

    “Uh…” bumagsak ang tingin ko sa tubig niyang nangalahati na. Tumango ako, hindi malaman kung anong isasagot. “Sure.”

    Sa likod niya ay nakita ko ang mapanuring titig ni Hendrix Ty. Para bang may tinitingnan siyang mabuti sa akin. Para bang alam niya ang lahat ng sekreto ko. Parang… parang may alam siya.

    “You okay?” tanong ni Eion sa akin nang napansin ang pagkabalisa.

    Bumaling ulit ako sa kanya. “Yup, I’m fine.”

    Ito ang unang pagkakataon na kinausap niyang muli ako simula nang game kung nasaan nang asar si Landon sa kanya.

    Hinawakan ni Eion ang baba ko at inangat niya ito para magtama ang aming tingin. Sa gulat ko ay napaatras ako sa kanyang ginawa. Nanlaki din ang kanyang mata sa nakitang reaksyon galing sa akin.

    Umigting ang bagang niya. Kumalabog ang puso ko. Nakita kong nanatili ang mga mata ni Damon at Kuya Joss sa aming dalawa na para bang nagtaka sa inasta ni Eion.

    “I’m sorry. Napansin ko lang na hindi ka makatingin,” tsaka niya ako tinalikuran.

    Nagkatinginan kami ni Kuya. Ngumuso siya at sinarado ang tubig na iniinom bago nilapag sa bench na nasa harap ko.

    “Pinopormahan ka?” tanong niya.

    Umiling agad ako. “Crush iyon ni Klare, Kuya.”

    “Hindi ako nagtatanong kung kaninong crush iyon, Erin. Tinatanong ko kung pinopormahan ka ba niya?”

    “Hindi,” maagap kong sagot.

    “Uh-huh… But, I’ve never seen you so nervous around a boy.”

    Kinindatan niya ako bago siya tumakbo patungo kay Damon na may mapanuri ding tingin sa akin. Yumuko ako at tiningnan ang tubig ni Eion na dala-dala ko parin.

    I’m out. I want out.

    Nilagay ko ang tubig ni Eion sa tabi ng kina Kuya bago ako dumiretso sa bleachers kung nasaan naroon ang mahinhin na babaeng dala ni Hendrix Ty kanina.

    No… No… Kahit gaano ko ka gusto si Eion. Kahit siya lang talaga ang nagustuhan ko ng ganito ka grabe, hindi ko isusugal ang pagkakaibigan namin ni Klare. We’re best friends and cousins at the same time. I love her so much and I can compromise for her.

    “Erin!” tawag ni Eion pagkatapos ng game.

    Nauna akong umalis. nag kwentuhan pa kasi sina Kuya kasama ang iba kong pinsan. Nasa clinic parin daw si Azi at nabalian yata kaya kinailangan ng cast iyong braso niya.

    “Oh, Eion…” I tried to sound fine. Iyong hindi awkward.

    “Iniiwasan mo ba ako?” tanong niya.

    “Huh? Bakit naman kita iiwasan?” natawa pa ako para maibsan ang kabang nararamdaman.

    Kitang kita ko ang bigo at sakit sa kanyang mga mata. Para bang ang tagal na naming magkasama at binibigo ko siya sa pag iwas ko sa kanya ngayon.

    “Is this your revenge to me? Kasi iniwasan kita habang kayo nong Landon na iyon? Iniwasan kita kasi ayaw kong makita kayong dalawa. Ayaw kong kayong dalawa, Erin…”

    Oh shit!

    “What do you mean, Eion?” Naghuhuramentado na ang sistema ko. Nangangapa ako ng salita pero hindi iyon makikita sa mukha ko. I’m a great actress, yes!

    “Ayaw kong sa iba ka,” namaos ang tinig niya.

    Napaawang ang bibig ko. Ang sakit na namuo sa aking dibdib ay parang lason na unti unting gumagapang sa bawat parte nito. “I’m sorry, Eion. I’m not sure if I get your point but…” umiling ako. “Hindi ako umiiwas para maghiganti. Umiiwas ako dahil hindi kita gusto.”

  • Kabanata 5Open or Close

    Kabanata 5

    Burn

    Tumayo ako galing sa pagkakaluhod. Tiningnan kong mabuti ang tahimik na altar ng Immaculate Concepcion Chapel. Naging kaugalian kong bumisita roon bago dumiretso sa unang papasukang klase.

    Ilang buwan na rin ang lumipas simula nong nag pasukan. Nakapag adjust na kaming tatlo ni Klare at Claudette sa buhay ng college. Hindi rin naman naging mahirap dahil nandito naman ang mga pinsan namin.

    Lumabas ako ng chapel at napatingin sa madilim na kalangitan. Ang alam ko ay may bagyo sa Visayas. Apektado siguro ang Mindanao kaya umaambon na rin ngayon.

    Isang hakbang palayo sa kapilya ay bumuhos ang ulan. Bumalik ako sa hagdanan para magpasilong habang kumukuha ng payong.

    Mabibilis na yapak ang narinig kong papalapit sa akin. Ilang estudyante ang sumilong sa gilid ng kapilya habang bumubuhos ang ulan. Ngunit isang pamilyar na estudyante ang nagpasilong sa gilid ko.

    Nilingon ko si Eion na inaayos ang unipormeng nadapuan ng tubig ulan. Namilog ang mata ko ngunit saglit lang iyon. Nanatili ang kalmanteng composure ko. I don’t want him to know that I’m into him.

    Well, sinabi ko na sa kanyang hindi ko siya gusto noon. Pagkatapos non ay cold na kaagad ang treatment niya sa akin. Hindi na kami nagkakausap. Patuloy din ang pagkakagusto ni Klare sa kanya.

    On my eighteenth birthday, I had Kuya Josiah as my escort. Eion got invited but he didn’t show up. Anila ay abala daw ito para sa midterms na hindi kalayuan. But I know for sure we’re still not cool.

    Ngumuso ako at binuksan ang aking payong. Sa gilid ng aking mata ay alam kong nakatingin na siya sa akin.

    Nag tiim bagang ako. I don’t know how to react this time…

    Tumikhim ako at nilingon ko siya. “Uh, nagmamadali ka?”

    Hindi siya sumagot. Tumitig lamang siya sa akin.

    Lumunok ako. “Pa SBM building ako. Kung gusto mo, sumabay ka sakin.”

    “Pa SBM building din ako. Okay lang?”

    Ikinagulat ko ang pagtatanong niya. Ang buong akala ko ay di-deadmahin niya na ako buong oras. Maagap akong tumango at lumusong sa ulan gamit ang payong.

    Dumikit siya sa akin at hinawakan ang kamay kong nakahawak sa payong.

    “Ako na ang hahawak. Malakas ang ulan, baka lumakas din ang hangin,” aniya at ang isang kamay ay umakbay na sa akin.

    Gusto kong namnamin ang pagkakataon ngunit nasa gitna kami ng ulan. Mabilis ang lakad namin, nag iingat na hindi maapakan ang mga parteng binabaha na.

    Basted siya kay Klare. That’s what I know. At hindi ko maipagkakailang nagagalit ako sa ginawa ni Klare. Ilang buwan niyang pinaasa si Eion! Alam ng lahat na crush niya si Eion. Hindi na ako magtataka kung nalaman din iyon ni Eion sa ilang kilala namin.

    But then he wouldn’t court her if he didn’t like her, right? That was her damn chance!

    Gusto kong may sisihin sa mga nangyari. Gusto kong sisihin si Klare. Ako rin, pinaasa niya rin ako. Pinaasa niya ako na mahal niya nga si Eion. Sa lalim at tagal na ng nararamdaman niya para rito, hindi ko alam na kaya niya pa itong pakawalan.

    He loved her truly. I heard that he got drunk the whole month she dumped him!

    Ano kaya ang nangyari at bakit kumupas ang nararamdaman niya? Napagtanto ba niyang hindi niya pala talaga gusto si Eion?

    Gusto kong manisi pero sa huli, sarili ko lang ang nasisisi ko. Hindi ko dapat pagbuntungan ng galit si Klare dahil lamang binasted niya si Eion. In the first place, she didn’t ask me to dump Eion months ago. That was my initiative. Ako lang ang may kasalanan dito.

    Inayos ko ang payong nang nakaapak na kami sa unang palapag ng building. Kumalas siya sa pagkakaakbay sa akin at lumayo na kami sa isa’t-isa.

    “Salamat sa payong. Mag fo-foot bridge na lang ako. Sa Engineering building kasi ang klase ko.”

    “Oh!” tumango ako at sinundan ko ng tingin ang pag alis niya.

    Tumatakbo siya paakyat sa hagdanan ng SBM building. Inayos ko ang payong ko bago ako humakbang sa unang baitan ng hagdanan. Luminga linga ako para maghanap ng kaklaseng pwedeng makasabay ngunit nahagip ng paningin ko si Klare at Elijah na magkasama.

    Naka akbay si Elijah sa kanya habang nagpapayong din silang dalawa.

    Tumigil ako sa pag akyat para hintayin sana silang dalawa.

    “Klare…” I called.

    Hindi niya ako napansin. Nagtawanan sila ni Elijah habang inaayos ang mga uniform dahil bahagyang nabasa sa ulan. Inaayos ni Klare ang itim na payong samantalang tinititigan na siya ng nakangiting si Elijah.

    Nanliit ang mata ko. Tinawag ko ulit si Klare pero hindi niya parin ako narinig. Okay, we’ll blame na heavy rain.

    “Ihahatid na kita,” ani Elijah.

    Umiling kaagad si Klare at napatingin sa hagdanan kung nasaan ako.

    Bahagyang namilog ang kanyang mga mata. Nilingon din ako ni Elijah. Hindi pa nakakapagpaalam ay dumiretso na si Klare sa hagdanan kung nasaan ako.

    “Saan pala nag park si Elijah? Basang basa kayo, a?” tanong ko.

    “S-Sa likod ng chapel, Erin,” sagot niya ng hindi makatingin sa akin.

    Tumango ako. Nauuna na siya sa paglalakad at hindi siya makatingin sa akin. Alam kong alam niyang hanggang ngayon ay nagtatampo parin ako sa kanya dahil sa pambabasted niya kay Eion pero hindi niya naman kailangang umiwas.

    “Si Elijah ang kasabay mong mag lunch mamaya?” tanong ko. Gusto ko sanang sumabay kahit na may Religious Studies ako ng mga 12:20 noon.

    “U-Uh… Baka.”

    Hindi parin siya makatingin sa akin. Pumasok na siya ng diretso sa aming classroom. Naroon na si Claudette at nang namataan kami ay umayos kaagad sa pagkakaupo.

    Umupo siya sa gilid ni Claudette. Tinagilid ko ang ulo ko. Madalas ay magkatabi kami. Then again, maybe she thinks I’m still mad at her. Huminga ako ng malalim at pinagitnaan namin si Dette.

    “Hindi ka naman siguro iiwan kung walang iba, hindi ba?” anang kaklase kong umaalo sa kanyang bestfriend.

    Umagang-umaga ay may broken hearted dito sa amin.

    “Ewan ko. Wala naman daw’ng third party,” anang broken hearted.

    Napatalon ako nang tinapik ako ni Julia. Kumaway siya sa akin at umupo sa naunang upuan.

    “Ready ka na sa recitation mamaya sa RS?” tanong niya.

    Umiling ako. “Mamayang break na ako magbabasa.”

    Nagpatuloy siya sa pagku kwento ng tungkol sa subject na iyon samantalang pumangambaba ako at tinititigan ang broken hearted kong kaklase.

    Walang maiiwan kung walang iba. Tama. Ganon iyon.

    Nilingon ko si Klare at nakita kong nakayuko siya sa kanyang cellphone. Hindi kaya may ibang nanliligaw kay Klare? Hindi kaya may iba siyang gusto? Sino? Are we not that close anymore that she can’t tell me who it is?

    Dumating na sina Hannah at Liza kaya naging abala na si Julia sa pakikipag usap sa kanila. Umayos ako sa pag upo at siniko ko si Claudette.

    “What?” tanong niya.

    “You think someone else’s is courting Klare, Dette?” bulong ko.

    Umiling siya. “Sino naman? Wala namang ibang nakaaligid sa kanya. We’re always together. You think if someone will court her, di natin malalaman?”

    May punto siya.

    But then what could be the possible reason? Misteryo parin sa akin hanggang ngayon iyon. Bakit nga ba niya binasted si Eion? Ano ang problema?

    I’ll just leave her alone, then. May karapatan naman siyang umayaw dahil siya naman ang sasabak sa relasyon. I’m just really curious. What happened to that years of sick obsession? Paano nangyaring nawala ng parang bula?

    Meron… meron pwedeng manligaw sa kanya. But it can’t be, right? It can’t be. We’re… relatives. We’re blood related. It’s all disgusting!

    Ilang linggo kong binalewala ang pag iisip na iyon kahit na madalas akong dinadalaw. I’m suddenly curious about incest. Tuwing may napag uusapan o nababasa akong article tungkol doon ay buong atensyon ko ang nakalaan.

    “Ate, what do you think about incest?” tanong ko. “I’m writing a paper about it.” I lied.

    “Incest? What? Sibling to sibling? Ew!”

    “Why? If it’s cousin to cousin, hindi na ba nakakadiri?” nagtaas ako ng kilay.

    “Of course it’s still nakakadiri! Cousins are like siblings, you know.” Humalukipkip si Ate sa aking harap.

    Tumango lang ako at natigilan.

    “It’s forbidden. Although, maraming ganyan sa literature. Vampires, Royal families, and so on… And also, may haka haka na dahil halos parehas lang ang DNA ng dalawang taong mag eengage sa ganyan, hindi maganda ang kalalabasan sa anak. I mean… you know what I mean, right?”

    Tumango ulit ako.

    “Write it down.”

    Nagpatuloy ako sa pagre-research ng tungkol doon. Pero habang tumatagal ako sa pagbabasa ay bumabalik ako sa Facebook kung nasaan lahat ng mga pinsan ko. I can’t help but stalk Elijah and Klare.

    I can’t help but look at those recent photos in Camiguin. Iyong magkayakap silang dalawa. How odd!

    “Erin, kain na!” sigaw ni Kuya habang kinakalabog ang aking pintuan.

    “Wait…” sigaw ko pabalik.

    “Sige na. Nandito na si dad.”

    Pinatay ko ang aking laptop at bumaba na kaagad. Hinalikan ko si daddy at niyakap. Galing siyang Manila para sa isang case doon. Hindi ko alam na ngayon ang balik niya.

    Umupo na kami sa mga kanya kanyang upuan namin. Kinumusta ni daddy si Ate at Kuya sa school. Nagpatuloy ako sa pagkain kahit na bumabagabag na sa akin ang isang bagay.

    Kalaunan ay hindi ko rin napigilan.

    “Dad… is cousin to cousin marraige forbidden?” tanong ko.

    Kumunot ang noo ni daddy sa biglaan kong tanong.

    “By law, that is?” dagdag ko.

    “By law it is. Well, anong klaseng cousin to cousin ba? I hope this is purely educational?” Nagtaas ng kilay si daddy.

    Nagkatinginan kami ni Ate Chanel. Ngumiti ako kay daddy at mommy.

    “I… I just have this paper. I want to know. If… it’s first degree cousins?”

    Natigil na sa pagkain si daddy. Buong atensyon niya ay nasa akin. “All the more… it is prohibited, Erin. Anong subject ang nagtatalakay ng incestious relationships?”

    Nangapa ako ng pwedeng subject. “Wala. It’s an article written by… a… Pope… and we’ll write our views about it so I want your perspective,” tango ko. “How about you, dad? If… Ate Chanel… and let’s say Rafael will have a relationship-“

    “What? Ew! Erin!” angal ni Ate.

    “It’s just an example, ate!” umirap ako.

    “I won’t allow that, Erin. First degree cousins and both Montefalcos. It’s not only a disgrace to our name but it’s disgusting!”

    “Oo nga! Erin!” iritadong saway ni Ate.

    “So you really are not in favor of something like that? Say… Damon and Me?”

    “Erin…” malamig ang boses ni mommy. “Do you like Damon?”

    Umiling kaagad ako at tumawa. “This is purely educational. Calm down, people!”

    Ngumuso ako at tiningnan ang mga pagkain. Elijah and Klare, huh?

    Kalaunan ay binantayan ko na ang mga kilos ni Klare at Elijah. At habang tumatagal ay umuusbong ang pagduda sa akin. It can’t be, alright? They can’t be together! We’re cousins!

    Kaya nong nahuli namin ni Ate Chanel si Klare on Christmas, hindi ko na napigilan ang sarili ko. How could she hide it from me? Ni hindi siya nagtanong kung tama ba ang ginagawa niya?

    “Cousins don’t give each other those gifts, Klare!” sigaw ko nang nakitang binigyan siya ng isang mamahaling barrette ni Elijah.

    My heart is breaking from pieces to fragments! Hindi pwede iyon! Imagine tito Exel’s reaction? How about tito Lorenzo?

    Umiiyak na si Klare. Hinang hina siya at hindi siya makatingin sa akin. Alam niya. Alam niyang may mali siyang ginagawa! Alam na alam niyang hindi mabuti ito!

    And Elijah? The jerk that he is! Papatayin ko siya kung gusto niya lang ng challenge o gusto niya lang ng maiba naman! This is not a joke! This is not something you try and spit out when you’re done! It will ruin the both of them!

    “Klare, may relasyon kayo ni Elijah.” Deklara ko habang tumutlong parang gripo ang aking mga luha.

    Goddamn it!

    Pareho na kaming umiiyak ngayon. See? Alam niyang may mali siya! Hindi siya lumalaban kasi alam niya kung anong pinasok niya? Pero bakit niya pinasok kung mali? Bakit?

    “Oh my God!” tinapon ni Ate ang box ng Aspial sa sink kung saan agad dinampot ni Klare. Nanginginig ang kamay niyang inayos iyon sa lalagyan.

    Hindi ko na napigilan ang kamay kong dumapo sa kanyang mukha. How could she do this to our family?

    I can’t believe her! I can’t believe her at all!

    Ang babaeng akala ko ay kilalang kilala ko at may parehong pananaw sa akin ay narito ngayon, proving me wrong… Proving me that we’re not on the same page. Proving us all that all those Montefalco principles have gone somewhere else.

    Sunod sunod na ang masasamang salita ko. I want her to open her eyes. Maaaring hindi namin sila ilalaglag pero hanggang saan ito magiging sekreto? Walang usok kung walang apoy. At hindi mo maitatago ang apoy. Susunugin ka nito. I don’t want them to burn for this. I don’t want to be on the sidelines while they burn. Kung maaagapan, aagapan ko.

  • Kabanata 6Open or Close

    Kabanata 6

    Elijah left. That was their ending.

    Grabe ang iniyak ko nong pinag usapan na ng buong pamilya ang tungkol sa kanila ni Klare. Totoong ayaw ko ganyan ang mangyari sa dalawa. Ayaw kong mag ibigan sila. We are cousins, for God’s sake. At ayaw kong mabahiran ng hindi maganda ang samahan namin.

    Simula nong umalis si Elijah, hindi na nabalik ang dati naming samahan ni Klare. I tried, alright. I tried to be as jolly as before.

    Humagikhik ako sa gilid niya pagkatapos ko siyang ipinagkanulo sa kapatid ni Hendrix Ty. I told her that Hendrix is my crush. Kailangang meron dahil hindi naman pwedeng wala akong crush dahil lang hindi ko masabi sa kanyang si Eion ang tunay kong crush.

    But she was cold towards me.

    Pinanood ko ang paglayo niya sa akin. Mahigpit ang hawak ko sa aking bag. Paano ko maibabalik ang dating kami? We were so close and I’m so sad for us.

    Mali ba na inilayo ko silang dalawa? My logic says no… Hindi iyon mali. That was the right thing to do. No matter what their feelings are, it’s still the right thing to do. Hindi tayo dapat papangunahan ng nararamdaman natin. Hindi pwedeng managasa ng tao dahil lang sa mga nararamdaman. Hindi pwedeng padalos-dalos.

    I stand by my decision. I don’t want them to continue that stupid relationship.

    “Josiah, Chanel… Erin…” nanatili ang titig ni daddy sa akin.

    “What is it?” Humalukipkip ako. Ayaw ko talaga ng mga sorpresa.

    Mukha pa namang nakakatakot ang sasabihin ni daddy ngayon sa amin. Mukha siyang problemado.

    “You need to know… Klare’s not a Montefalco,” aniya.

    Hindi ko agad na proseso iyon. Nabibingi ba ako? Ano nga ulit ang sinabi ni daddy? Nilingon ko si Kuya Josiah at Ate Chanel. Si Kuya ay tumatango samantalang si Ate Chan ay laglag ang panga. Palinga linga ako. Seriously? Naniwala kaagad sila don?

    “Anak siya ng tita Helena ninyo nong dalaga pa siya. She’s a daughter of a Filipino-Chinese businessman from Davao.”

    “Bakit niyo ito sinasabi sa amin ngayon?” tanong ni Kuya.

    Ate’s still in shock. And me? I still don’t believe it.

    “Ayaw na sana namin ‘tong sabihin. Lorenzo wants to forget about it. Own Klare. Well, she has our family name. Pero nong nakaraan, nagkita daw sila nong tunay niyang ama.”

    “What? What happened?” tanong ni Kuya.

    This is a load of bull. I don’t believe this. I really don’t.

    Umiling ako at tinalikuran si daddy. May parte sa aking gumuguho ngunit may parte ding hindi naniniwala. Dad must be high. Or this might be a dream.

    “Erin!” sigaw ni daddy.

    “What, dad?” pagalit kong sagot.

    Paakyat na sana ako sa taas nang tumigil para hintayin ang kanyang sasabihin.

    “Please stay. You need to know the details.”

    “About what? That’s a load of crap!” Hindi ko namalayan na nanginginig ang boses ko at tumutulo na ang luha ko. “She’s tito Lorenzo’s daughter! Tita Helena can’t be stupid!”

    “She’s not stupid! Watch your mouth!” sigaw ni daddy sa akin.

    Umiling ako at dumiretso sa aking kwarto.

    Hindi na ako nagpaawat sa mga tawag ni daddy. Nagkulong ako sa kwarto. Hindi niya ako kinatok. Alam niyang walang pwedeng makapasok sa kwarto ko tuwing mainit ang ulo ko.

    Nakahiga ako sa kama at tinitingnan ang cellphone ko. Sinubukan kong tumawag kay Klare pero operator lamang ang sumasagot sa akin. Tila hindi ko maintindihan na maaring nakapatay ang cellphone niya ay paulit ulit ko siyang tinatawagan habang umiiyak.

    Alam niya ba iyon? Hindi? Na gulat ba siya? Anong pakiramdam niya ngayon? Hindi ‘to totoo diba? Imposible naman ito!

    Nakita kong tumunog ang cellphone ko sa tawag ni Claudette. Malamig na “hello!” ang natanggap ko galing sa kanya.

    “Dette…” salubong ko.

    “Erin…”

    Tahimik kaming dalawa. Alam kong alam niya na rin ang nangyari. Pero ayaw ko iyong tanggapin. Klare is my cousin! Klare is a Montefalco! Klare! Lumaki kami ng sabay! Attended halloweens with matching costumes when we were kids! Madalas ako sa bahay nila, nagdadala ng sarili kong doll house at naglalaro kami don! Pretending that we’re neighbors! Hindi pwedeng ganito! Hindi pwede! Hindi pwede!

    “Sinabi na ba ni tito Benedict sa inyo?”

    “No… Hindi iyon totoo.”

    Bumuhos pa lalo ang luha ko. Hindi ko iyon matanggap. Tingin ko ay kahit kailan hinding hindi ko iyon matatanggap.

    Tinapon ni Damon ang cigarette butt sa basurahan. Tahimik kaming lahat sa labas ng sasakyan nila. Umihip ang malamig na simoy ng hangin at kitang kita sa malayo ang papalubog na araw.

    Humalukipkip ako at sumandal sa dalang sasakyan ni Kuya Josiah. Nanghihina ako at punong puno ng sari saring spekulasyon ang utak ko.

    “Ikaw, Erin? Ano sa tingin mo?” tanong ni Azrael.

    “I don’t know… Hindi ko na makuha ang iniisip niya, Azi.”

    Nakapanlulumong isipin na ang pinaka malapit kong pinsan ay hindi ko na naiitindihan ngayon. Pilit kong nilalagay ang sarili ko sa kanyang mga paa.

    Paano kug bigla na lang pala akong naging anak sa labas? Would I change my family name? Would I choose the name of my biological father? In the first place, bakit ngayon lang siya nagpakita? Bakit hindi noon? Bakit hindi niya inagapan na gawin kong apelyido ang Montefalco? Bakit hindi niya ako pinaglaban? Kung gusto nitong kuhanin ko ang apelyido niya, bakit hindi noong musmos pa lang ako? Bakit ngayon pa? Bakit ngayon na may muwang na ako? Na hindi ko na kayang talikuran ang kinagisnan kong pamilya para lang sa kanya?

    Iyon ang ipinagkaiba namin ni Klare. Iyon ang kaibahan naming dalawa.

    “Ikaw, Dette?” tanong niya sa kapatid.

    Umiling si Claudette at humalukipkip.

    “Hindi ko talaga maintindihan, e. Kahit anong intindi ko sa kanya. Kahit na saan ko tingnan. Hindi kaya pinalitan niya para pwede na sila ni Elijah?” ani Azi.

    “Dapat ba natin itong sabihin kay Elijah?” tanong ni Kuya Joss.

    “Lalala ito kung sabihin pa natin kay Elijah. Let the man move on, dude. It was hard for him too,” ani Damon.

    “Hindi rin naman tayo pinapayagan ni Tito Exel na makipag usap kay Elijah. And I bet Ej didn’t want to hear our voice too,” ani Ate Chanel.

    “Fuck!” sinipa ni Azi ang gulong ng sasakyan namin.

    Nagbukas ng isang canned beer si Rafael at uminom siya roon. Kumuha rin ng isa si Kuya Josiah.

    “Dahil pa sa unggoy na iyon! Fuck!” galit na sambit ni Azi.

    Umiling ako. “You think so? Ayaw kong isipin na ganon ka babaw mag isip si Klare, Azi. I’m sure-“

    “What if she was too damn in love with him? Hindi natin alam kung ano talaga ang dalawang iyon! Malay natin kung hanggang saan na iyan! Malay ko kung kaya siya determinadong mag palit ng apelyido ay para lang sa unggoy na iyon?” Azi’s in a shitty disposition these past few days. Ganon din naman ako.

    Ayaw kong magalit kay Klare pero hindi ko maiwasan. Lalo na tuwing naiisip ko ang bawat pagkikita namin na kahit nakatitig ako ng husto sa kanya ay nag iiwas lang siya ng tingin. Para bang may kasalanan siyang hindi hinaharap. Para bang alam niyang may mali pero imbes na humingi siya ng tawad ay tinatakasan niya lang iyon?

    “Damn her!” pinalis ko ang luhang lumandas sa aking mga mata.

    Gusto ko siyang intindihin pero hindi ko talaga makuha ang gusto niyang mangyari. Hindi ko talaga maintindihan.

    Iniisip ko na babalik si Elijah. Babalik iyon. Pero hindi ako makakapayag sa kanila. Elijah will take Klare’s senses away. He’s clouded her mind! She forgot us! She forgot about me! she forgot about the memories we shared! Kung wala iyong sentimental value sa kanya, pwes sa akin meron!

    At mahirap tanggapin ang sakit lalo na pag galing sa taong minamahal mo.

    Ang distansya sa aming dalawa ay mas lalo lang nadepina nong umalis siya sa kanila. Halos hindi ko na siya kilala. And because my other cousin’s are cold towards her, hindi na rin niya nagawang lumapit sa amin.

    Nag uusap kami sa mga benches ng Xavier University. Isang normal na araw iyon para sa amin pero nang nahagip kong nasa kabilang bench pala siyang mag isa ay nanatili ang titig ko sa kanya.

    Tumayo siya nang dumating ang dalawang kapatid. Nauna sa paglalakad iyong nakababatang Ty at hinintay ni Hendrix Ty na sumunod si Klare bago siya sumunod na rin.

    Lumunok ako at bumaling sa nagtatawanan kong pinsan. Parang wala lang nangyari.

    Binalik ko ang tingin kina Klare na tumigil sa paglalakad. May pinag usapan ang nakababatang Ty at si Klare. Bumaling sa akin si Hendrix Ty. Imbes na manatili ang tingin ko sa kanila ay nag iwas na lang ako ng tingin.

  • Kabanata 7Open or Close

    Kabanata 7

    Let’s Go

    Gusto kong lokohin ang sarili ko. Na siguro ay nakuha lang ni Hendrix Ty ang pansin ko nang sinubukan kong kumbinsihin ang sarili ko na siya nga ang gusto ko imbes na si Eion. Oh well, that’s probably why.

    Kalaunan ay nanatiling normal ang buhay sa amin. Nakakalungkot isipin na normal na rin ang turing ng mga pinsan ko sa buhay na wala si Klare.

    Hindi ko naman maipagkakaila na nananahimik na lang din ako tuwing magkikita kaming lahat ng wala si Klare. Kasi tuwing napag-uusapan namin siya ay maraming nababadtrip.

    “Kumpleto ba tayo ngayon?” tanong ni Ate Chanel nang nanood kami ng game ng SBM versus Engineering isang araw.

    “Yup,” sagot ni Claudette, nanatili ang mga mata sa court.

    Napatingin ako kay Ate Chanel na sumisigaw na para sa kasintahan. “Go get them, Bri!”

    Iginala ko naman ang paningin ko sa mga bleachers. Maglalaro ang kanyang kapatid ngayon ngunit mukhang wala siya, baka busy?

    Imbes na halughugin ang gym para sa prisensya ni Klare ay nanatili na lang ang mga mata ko sa court para tingnan ang laro. Kahit na lamang ang Engineering ay mukhang hindi stressed si Kuya at Eion sa court. Nagtatawanan pa nga sila.

    “Umayos ka, Jos!” sigaw ni Ate Chanel.

    Huling pinapasok si Hendrix Ty sa numerong 10. Nagmartsa siya sa tabi ni Rafael at naghintay na ng bola. Sa unang fast break ay naka-score agad siya.

    Hindi ko maiwasan ang pagtalon sa magandang pag kakashoot ng bola. Its perfect! Iyong pagtindig niya at pagtalon para sa isang two-point shot.

    “‘Yan ba ‘yong girl friend,” dinig kong usapan ng mga katabi ko.

    Nakakuha ulit ng puntos si Hendrix at lumamang na sila. Nagsisigaw na ako at nagtatatalon.

    “Ang galing mo!” sigaw ko bago napansin ang marahang pumapalakpak na babae di kalayuan sa amin.

    “Oo, ‘yan ang girlfriend ni Hendrix Ty. Taga Ateneo de Davao daw iyan,” anang katabi ko.

    Natigil ako sa pagpalakpak. Umangat ang tingin ni Hendrix sa taas kung nasaan kami ng babaeng mahinhin na pumapalakpak. Kumaway ang babae sa kanya at nginitian niya naman. that sweet smile directed on her, parang may bumabaliktad sa sikmura ko.

    Umupo ako at kinalma ang sarili. Parang nawala ang gana kong mag cheer para sa SBM.

    Humarap ang babae sa amin pagkatapos kumaway kay Hendrix Ty. Pinasadahan niya ng tingin ang bleachers, siguro ay naghahanap ng mauupuan.

    Blanko ang ipinakita kong ekspresyon pero namangha ako sa kanya. Her full red lips were shaped like cupid’s bow. Maputi at makinis ang balat at may pagkachinita din ang mga mata tulad ng unang babaeng nakita kong kasama ni Hendrix noon.

    Lumapit siya sa amin at tumigil sa tabi ko. Siniko ako ni Claudette. Hindi niya na kailangang kunin ang atensyon ko para makita na tinuturo ng babae ang gilid ko.

    “Wala bang nakaupo diyan?”

    I smiled sweetly. Bakit may nakikita ka bang nakaupo diyan ngayon? Hindi ba ay wala naman? “Wala.” Obviously.

    Ngumiti siya. I can’t help but notice her resemblance with a local actress or host. Anne Curtis? Mas petite at maliit na Anne Curtis ito.

    “May I?”

    Tumango ako at inalis ko ang tingin ko sa kanya.

    Hindi ko na kailangan pang makita ang lahat ng binibigay na tingin ni Hendrix sa may bandang amin para sa babaeng nasa tabi ko. I hate that my heart would pound so loud everytime he looks at us! Dahil alam ko sa sarili ko na itong katabi ko naman ang tinitingnan niya at hindi ako!

    “Oh my God! Galing mo, Joss! Genius!” sigaw ni Ate Chanel.

    Tumayo na rin si Claudette para pumalakpak para sa kapatid ko nang nakakuha ito ng three-point shot sa tatlong sunod-sunod na shots.

    Nanatili akong nakaupo at walang gana. I just wanna vomit or something. May kung anong nangyayari sa aking tiyan.

    “Ate, ginugutom ako. Canteen lang ako, ah?”

    “O sige. Anong nangyayari sayo? Masama ba ang pakiramdam mo?” tanong niya.

    Umiling ako at diretsong umalis para sa canteen.

    Mag-isa akong nakaupo sa pangdalawahang mesa. Nakinig na lang ako ng music at nagpalipas ng oras. May iilang kakilala akong dumadaan na tinatanguan ko lang.

    “O, di ka nanood ng game ng kapatid mo?” tanong ng isang senior namin noong high school.

    Umiling ako. “Mananalo siguro sila. Alam ko na ang mangyayari.”

    “Oy, malakas ang Engineering, huh!?” ngiti niya.

    Tumango ako at nagkibit na rin ng balikat. Alam kong mananalo sila.

    “Nasa gym diba, si Landon?”

    Nagulat ako sa tanong niya. Binaba ko ang earphones ko dahil sa narinig. Nang gumraduate si Landon ay sa La Salle na siya nag-aral. Hindi na ulit kami nagkita. Nagulat ako ngayong may nagbabalita sa akin na nandito siya.

    “Hindi ko alam, e.”

    “Nandito siya! Mukhang semestral break yata nila ngayon? I’m not sure. Nagkita kami kanina sa gate…” ngumiti ang babae. “Siya, may pasok pa ako. Sinabi ko lang sayo kasi akala ko magkikita kayo.”

    Umalis din siya. Sinundan ko ng tingin at agad kinuha ang cellphone ko para itext ang kapatid ko at si Claudette.

    Hindi naging maganda ang break up namin ni Landon. Iyon na rin siguro ang dahilan kung bakit ayaw kong basta-basta na lang sumabak sa isang relasyon.

    Bago pa ako makapagtype ay lumebel sa mga mata ko ang hita at malaking pangangatawan na pamilyar sa akin.

    Kung malaki ang katawan niya noong highschool, mas naging pirmi ito ngayon. Mas lalo rin siyang tumangkad. And that proud air is still around him. I couldn’t help but jump at the sight of him.

    “L-Landon?”

    Wala siyang sinabi. Umupo lang siya sa harap ko. Pinagtitinginan na kami ng mga nasa kabilang table. Ang iba ay nakakakilala sa kanya, ang iba siguro ay naagawan niya ng atensyon.

    “You’re still that same Erin before,” aniya.

    “Well…” tumikhim ako. “Wala kang pasok?”

    Umiling siya. “Wala. Sem break namin ngayon. You don’t have class?”

    “Mamaya pang gabi ang klase ko.”

    Kabado at naiilang ako sa presensya niya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko gayong nakatitig lamang siya at parang pinapansin lahat ng pagbabago sa akin.

    “I heard you didn’t have one after me…”

    Bahagya akong nalito sa sinabi niya kaya hindi agad ako nakasagot. Napaawang ang bibig ko, nangapa ng salita.

    “Alam kong naghiwalay lang tayo kasi ayaw ng mga pinsan mo sa akin.”

    “Landon…” pumikit ako ng mariin. “Matagal na iyon. Nakalimutan ko na nga ang lahat. Let’s be friends…” pinilit ko ang aking ngiti.

    Natigil siya sa sinabi ko. Alam niya na madali akong kausap. Walang paliguy-ligoy. Kung anong gusto ko, iyon ang sasabihin ko.

    “Can I take you out later, then?” tanong niya.

    At kilala ko rin siya. Itong mga sinasabi niya sa akin ngayon ay tanda ng hindi pagsuko. Galit siya sa akin noon at hindi na ulit kami nag-usap. Ngayon lang kami nagkausap ulit at nagulat akong maayos ang tungo niya sa akin. He’s usually always fuming mad when he talks to me.

    “B-Baka kasi may lakad kami, Landon. Ng mga pinsan ko.”

    Hindi siya agad nagsalita. Pinagpikit niya ang kanyang labi at tinitigan ako.

    “I’m sorry.”

    “Kahit saglit lang, Rin.”

    “Hinihintay kasi ako ni Kuya pagkatapos ng klase. O di kaya ay ni Ate Chan, Landon. Mahirap namang paghintayin ko sila,” I lied.

    Hindi ako hinihintay ni Kuya at lalong ni Ate. Madalas akong nagtataxi pauwi. Malayo naman kasi ang bahay nina Azi sa amin kaya di ako makasabay. Minsan sumasabay ako kay Damon pero minsanan lang iyon pag wala siyang babae, ganon din kay Rafael.

    “Erin…” isang baritonong boses ang narinig ko. Galit at may bahid ng iritasyon.

    Nilingon ko kaagad ang pinanggalingan non. Nakita ko si Eion na naka kulay yellow pang jersey ng SBM. Pawis na pawis siya at kitang-kita sa mga mata ang pag aalala sa pakikipag usap ko sa dating bayolenteng kasintahan.

    Mabilis siyang lumapit sa akin at hinaklit niya ang braso ko. Napatayo ako sa ginawa niya. Protective and possessive stance. Imbes na matakot ako sa maaaring mangyari ay kumalabog pa sa tuwa ang aking puso.

    “What are you doing here, Landon?” tanong niya sa kasama ko.

    Tumayo si Landon. He towered over him. He’s as tall as Hendrix Ty. Tinagilid ni Landon ang ulo niya.

    Tsaka ko pa lang nakuha ang mangyayari. Pumagitna kaagad ako sa dalawa sa aktong pag-amba ng suntok ni Landon.

    “Oh shit! Erin!” sigaw ni Landon nang tumama ang paunang suntok niya sa aking braso at nadapa ako sa sahig.

    “Fuck you, Landon!” sigaw ni Eion at agad na kinwelyuhan si Landon at sinuntok sa panga.

    Bumagsak ang malaking katawan ni Landon. Masakit ang suntok niya sa aking braso. Pakiramdam ko ay namanhid ang kaliwang braso ko pero pinilit ko paring tumayo para pagitnaan ang dalawa.

    Kinwelyuhan ulit ni Eion sa Landon kahit na nakahandusay na ito at sinuntok niyang muli ito. Tinulak siya ni Landon, nakabawi sa pagkakagulat sa pag suntok sa akin.

    “Landon!” sigaw ko at mabilis na pumagitna sa dalawa.

    “Erin, I’m sorry…” lumipad ang mata niya sa aking braso na paniguradong namamaga na ngayon.

    “Umalis ka na!” sigaw ko sa kanya sa iritasyon.

    “I’m sorry. Hindi ko sinasadya…”

    Bago pa niya natapos iyon ay nilapitan na kami ng mga security guards ng eskwelahan. Agaran nilang pinrotektahan kami ni Eion laban kay Landon. Kinausap din siya ng mga guards.

    “Are you okay?” tanong ni Eion at nilingon ako.

    Tumango ako at bumaling sa braso kong namamaga na ngayon.

    “Shit! I’m sorry,” aniya at hinawakan ng marahan ang aking braso.

    “It’s not your fault. Salamat sa pagtatanggol, nga pala.”

    “Let’s put some hot compress, Erin. Punta tayo ng clinic. We should do something about that.”

    Tumango ako. Tama siya. Bago pa ito makita ng mga pinsan ko at magkagulong muli. Pero papalabas pa lang kami ay naaninag ko na kaagad sa bulwagan ang purong naka yellow na mga pinsan ko. Nagtatawanan ang mga ito, hindi alam ang nangyari sa loob ng canteen.

    “Erin!” sigaw ni Landon.

    Nilingon ko siya at nakita kong inescort siya ng mga security guard palabas doon o maaaring palabas ng unibersidad.

    “Erin, anong nangyari?” hinawakan ni Kuya Josiah ang aking braso at agad akong napadaing.

    “Kuya…” inilayo ko ang braso ko sa kanya.

    “Wha-what the fuck? Anong nangyari? Sinong may gawa niyan?” pasigaw niyang sinabi nang nakita ang pasa.

    Nilingon ko si Eion na ngayon ay kausap si Ate Chanel at Rafael. Kinukwento ang nangyari kanina.

    “Is that Landon?” tanong ni Damon nang nakitang palayo ang mga security guard.

    “Siya ang may gawa sayo nito?” sigaw ni Kuya.

    “Calm down, Kuya. Hindi niya ako sinuntok. Nasuntok niya lang ako-“

    “What the fuck? Are you crazy, girl? That’s the same!” sigaw niya sa akin na para bang ako ang kaaway niya.

    “Oh! Oh! Jos! Last week lang dumugo ang ilong niyo ni Azi dahil napaaway kayo! Tama na muna. Gamutin natin ‘yang pasa ni Erin. Kay Eion dapat iyong suntok pero humarang si Erin-“

    “Ate, naririnig mo ba ang sarili mo?” hindi nagpaawat si Kuya at dumiretso na kung saan patungo ang mga security guards.

    “Kuya!” sigaw ko at napamura.

    “Raf, please…” ani Ate kaya agad na tinakbo ni Rafael ang distansya nila ni Kuya Jos.

    Sana ay maawat nito si Kuya sa kung anong gagawin. Sumunod si Damon sa kanyang kapatid.

    “Sunod na rin ako. Kumalma sana si Joss at baka ma stroke ang isang iyon,” iling ni Azi.

    Pumikit ako ng mariin. Kung saka sakali ay baka lumaki pa ang gulong ito. Hinawakan ni Eion ang braso ko sa isang marahan na paraan.

    “Aray…” sabi ko nang medyo naramdaman ang sakit kahit sa marahang pagkakahawak.

    “Leche, ang laki ng braso ni Landon tapos nasuntok ka? Pwede siyang kasuhan!” ani Ate.

    Nakita ko namang tahimik si Claudette na tinitingnan ang reaksyon ni Eion sa braso ko.

    “Gagamutin ko ito. Do you mind, Erin?”

    Napasinghap ako sa tanong ni Eion ngunit umiling din. I won’t mind. “Ate, wag na nating palakihin. Hindi sinadya nong tao.”

    “Seriously, do you still like him? Stop defending him!” ani Ate, naiirita.

    “Hindi ganon, Ate,” giit ko.

    Tumunog ang kanyang cellphone bago pa sumagot sa akin. Narinig kong medyo natigilan siya sa kausap niya.

    “Okay, Raf,” aniya bago tumingin sa akin. “Kailangan nila ng babae. Silang lahat na yata ang na ha-highblood.” Nilingon ni Ate si Eion. “Will you two be fine here?”

    “Syempre, ate. Please, stop Kuya.”

    “Tara Dette!” aniya at mabilis nang tumulak patungo sa kung saan lumabas ang mga pinsan ko.

    Naiwan kami ni Eion na mag-isa. Tahimik ako samantalang hinahaplos niya ang aking braso.

    “Sa sasakyan ko may dala akong first aid. Wala nga lang akong hot compress. What time is your class?” tanong niya.

    “Six.” Ngumuso ako.

    Kinagat niya ang pang ibabang labi niya bago nagsalita muli. “Would you mind if I bring you home? Mas magagamot ko iyan ng maayos pag nasa bahay tayo. I’ll make sure you’ll be here by five thirty.”

    Nag-alis ako ng bara sa lalamunan. Hindi ko alam kung papayag ba ako sa gusto niya. Nahihiya ako at kinakabahan. Nang tumama ang tingin ko sa kanyang mga mata ay kitang kita ko ang sinseridad at pag-asa.

    “Nahihiya ako, Eion. Ayos lang ako. Pwede namang sa clinic na lang. I’m fine. Ayokong abalahin ka pa.”

    Nagprotesta kaagad ang mukha niya. “Kahit kailan hindi ka naging abala para sa akin.” Hinawakan niya ang palapulsuhan ko at nilingon niya ang labasan ng canteen. “Let’s go, Erin, please…”

  • Kabanata 8Open or Close

    Kabanata 8

    I Want Us

    Tahimik lang ako sa loob ng bahay nina Eion. Nandoon ang mommy niya kanina at ipinakilala niya ako bago ito umalis para sa isang convention.

    Sinundan ko ng tingin si Eion na ngayon ay may dala uling hot compress. Alas kuwatro y media na at pinangakuan niya akong aalis kami ng alas singko. Hindi yata siya matahimik hanggang hindi ulit nalalagyan ng hot compress ang pasa ko.

    Lumuhod siya sa aking harap. Tahimik kaming dalawa. Hindi siya gaanong nagsasalita kaya di rin ako nagsasalita.

    Marahan niyang idiniin ang hot compress sa pasa ko. Pinagmasdan ko ang kamay niyang naroon.

    Dinala kaya niya si Klare dito sa bahay nila? Gusto kong magtanong ngunit ayaw kong masira ang kung ano man itong nangyayari sa amin. Will talking about Klare spoil what’s between us right now?

    “There,” aniya at binaba ang hot compress pagkatapos ng ilang minutong pagdiin sa braso ko.

    Umigting ang panga niya nang tiningnan muli ang aking pasa. Abot-abot ang tahip ng aking dibdib sa kilos niya.

    “Salamat, Eion. Uhm, baka kailangan ko nang umalis. May mga taxi bang dumadaan-“

    “Ihahatid kita pabalik ng school,” inunahan niya ako.

    “Huwag na! I’m fine.”

    “Paano kung antayin ka ni Landon pagkatapos ng klase mo? What if he’s there?”

    “Siguro naman hindi hahayaan iyon nina Kuya Joss,” sabi ko ng wala sa sarili.

    “Hindi ko rin hahayaan iyon. Seriously, Montefalco. You have some bad taste for boys.” Umiling siya.

    Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Hindi totoo ‘yan! Alam niya ba na kasali siya sa mga gusto ko? Ugh! “Hindi ko naman alam na ganon si Landon.”

    “Ganon talaga siguro ang type mo, cold and hot-tempered,” umiling muli siya at tumayo para ibalik sa kusina ang hot compress.

    Suminghap ako nang nakalayo siya. He’s cold and hot-tempered too. Siguro nga ay may pattern sa mga gusto kong lalaki.

    Simula nong araw na iyon ay halos araw-araw nang sumasabay sa akin si Eion. Lagi niyang sinasabi na para iyon sa kapakanan ko. That he just want to protect me.

    “Kuya, kukunin ako ni Eion mamaya. No need to wait for me,” sabi ko kay Kuya Josiah.

    Nararamdaman ko ang titig niya sa akin. Nagkunwari naman akong hindi napapansin iyon. Nagliligpit ako ng gamit pang eskwela sa aming sala samantalang umiinom siya ng tubig.

    “Erin…” tawag niya.

    “Yes?” hindi ko parin siya tinitingnan.

    “You know he likes Klare, right? What’s the score between you two?” seryoso niyang tanong.

    Inangat ko ang mata ko sa kanya at ngumisi ako. Ipinakita ko sa kanyang wala lang ang lahat ng ito. “Kuya naman… I know he likes Klare and we’re just friends.”

    “Talaga lang? It’s been two months and you two are always together. Kahit si Claudette ay hindi na rin mapangalanan ang relasyon niyong dalawa ni Eion. Hindi iyan maganda.”

    “Do we need to name all the relationships? We’re just friends, that’s all.”

    “Damn it, you sound like me!” umiling siya.

    “Then it’s your fault, kuya. Thanks for teaching me things.” Nanunuya akong tumawa habang umiiling si Kuya Josiah sa mga sinabi ko.

    Tama siya. Mahal ni Eion si Klare. Alam ko iyon. Tuwing magkasama kami at nililingon niya si Klare ay nasasaktan ako. It’s fine. I love Klare too. it’s difficult to forget about her. It’s hard to let her go. Dahil kahit ako ay nasasaktan parin hanggang ngayon. Gustong-gusto ko siyang patawarin. Gustong-gusto kong maging okay na kami pero mailap siya. At hindi rin tinuro sa akin kung ano ba dapat ang sabihin sa mga taong nasaktan at nabasag. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.

    Nang isang araw ay dumaan si Klare sa harap namin kasama ang mas nakakabatang Ty ay nakita ko ang pag lingon ni Eion sa dalawa.

    Suminghap ako at kinuha ko ang hand outs na binabasa ko kanina. Uminom ako sa kapeng nasa tabi bago nagsalita.

    “You miss her?” tanong ko.

    Lumingon si Eion sa akin. “Who?”

    “Klare.” May pait sa tinig ko.

    Hindi siya agad sumagot. Parang kinukurot ang puso ko sa hindi niya pagsagot pero nanatiling blanko ang aking ekspresyon. I would rather die than let anyone see how hurt I am.

    “I’m just wondering… What’s really the reason behind it?”

    Hindi ako makapaniwala sa tanong niya. Hanggang ngayon ay nag iisip pa siya ng ganon? Kuya Josiah is right! Mahal pa nga nito si Klare. Para akong napapaso sa nilalarong apoy. Unti unti akong nagiging abo sa bawat nahihinuha ko. I feel so stupid and desperate! I hate myself for it!

    “Why she rejected you?” napapaos ang boses ko.

    Hindi nila alam ang nangyari sa gitn ng dalawa kong pinsan. It remained a secret within our family.

    Tumango si Eion at pinaglaruan ang kape niya. Nilingon niya ako at ngumiti siya. That adorable smile I really like made my heart melt. Naiinis ako na nasasaktan niya ako ngunit binubuo rin pagkatapos mawasak.

    “I’m wondering if it has something to do with Elijah,” aniya naglalaro sa kape.

    Hindi ako nakapagsalita. I was caught off guard by his speculation. Walang kahit isa sa mga kaibigan namin ang nakaisip non. Sino ang mag iisip non? We’re cousins!

    “Why?” tumawa ako para mapigilan ang kaba. “Anong meron sa pag-alis ni Elijah?”

    “I don’t know.” Sumimsim siya sa kape at nagkibit-balikat.

    “Well, why don’t you ask Klare why?”

    Tumawa naman si Eion ngayon. “I’m just wondering, Erin. Hindi ko naman sinabi na gustong gusto kong malaman. It’s just that that’s the first time I courted someone. Basted pa ako. With no proper explanations.”

    “She’s the one that got away for you, huh?” Pinagmasdan ko siya ng maigi. Tinitingnan ang sinseridad sa kanyang mga mata.

    “Well, something like that. But we’re over you know. Tapos na ako don. I just want to be her friend again but we can’t really be friends kung hindi ko malalaman kung ano ba talaga ang nangyari noon. I just feel like I need the explanation, that’s all.”

    Tinitigan niya rin ako pabalik. Para bang binabasa niya ang utak ko gamit ang aking mga mata. Ngunit ayaw kong mabasa ang iniisip ko kaya nag iwas ako ng tingin.

    After that conversation, I realized something. I want out. I want out of this unnamed relationship. Kuya Josiah is right, hindi ito maganda. Ako ang mapapaso sa nilalaro kong apoy. Kaya naman ay kung pwede ay iiwasan ko si Eion.

    Tumunog ang cellphone ko sa gitna ng huling period ko. Isang linggo na akong gumagawa ng excuses para lang hindi kami magkitang dalawa. Kahit si Claudette at Ate Chanel ay dinadamay ko na.

    Eion:

    Can we have dinner tonight? I miss you.

    “Dette…” kinalabit ko kaagad ang katabi ko.

    “Hmm?” nagtaas siya ng kilay.

    “Sine tayo mamaya? Ano? Game? Pasundo lang tayo kay Azi.”

    Ngumiwi si Claudette. “What? Apat na beses na tayong nag sine this week ha!”

    “It’s my treat anyway. What’s up?”

    Kumibot ang kanyang labi habang pinagmamasdan ako ng mabuti.

    “Sige na, please?”

    “Are you… avoiding Eion?” nanliit ang kanyang mata.

    “Are you psychic?” nanliit din ang mata ko. “Let’s just go! Just come with me!”

    “Hindi pwede. Mag mo-movie marathon kami ni Kuya mamaya. Umuwi si Kuya Knoxx, e. Buti pa pumunta na lang kayo sa bahay. I’ll text Raf na pumunta rin kung gusto niyo?”

    “I need some explanation kung bakit di niya ako maihahatid. That’s not enough of an explanation.”

    “Why do you want to get rid of him, anyway? What’s wrong? I thought you like him?” umismid si Claudette.

    Hindi ko nasabi kahit kanino na gusto ko si Eion. She probably assumed that I like him tulad na lang ng pag aassume ni Kuya.

    “Don’t ask! Basta!”

    “Then let’s tell him na kukunin tayo ni Kuya Azi ngayon?”

    Tumango ako at napagtantong iyon na lang ang pwede kong sabihin kay Eion.

    Sinikop ko ang mga gamit ko pagkatapos ng klase. Nag mamadali ako para sana hindi niya na kami maabutan kahit na sa loob ng apat na araw ay lagi naman siyang naghihintay sa labas bago matapos ang klase.

    “Kuya, sunduin mo kami please? Nasa SC kami ni Erin. Sa bahay siya mag di-dinner,” ani Claudette sa kanyang cellphone.

    Sinabit ko ang shoulderbag sa aking balikat at hinintay na tapusin ni Claudette ang tawag sa kanyang kuya.

    “Let’s go. Sa benches daw tayo maghintay. Nasa Engineering building ang klase niya ngayon. Doon din yata malapit naka park ang sasakyan niya. Dadaanan niya lang tayo.”

    Tumango ako at nagsimula nang pumanhik palabas ng classroom.

    Sabay kami ni Claudette palabas. Habang palapit sa pintuan ay nakita ko na si Eion kasama ang kanyang kapatid na si Silver Sarmiento.

    “Oh shit…” bulong ko sa gilid ni Claudette.

    “Wala ka nang magagawa. Just tell him Kuya Azrael wiill fetch us, Erin. Don lang tayo sa benches para mas madali tayong makita ni Kuya.”

    Tumango ako at dumiretso na sa kay Eion na ngayon ay mukhang pagod at bigo habang hinhintay ako. Umalis si Silver sa gilid niya para iwan kaming mag-isa.

    “Hi!” ngiti ko kay Eion.

    Alam kong hindi na siya mabobola ng ngiti ko. Kahapon pa lang ay ramdam niya nang iniiwasan ko na siya. Naglakad ako palayo, sinisenyasan ko siyang sumunod.

    “Sa benches daw kami maghihintay ngayon kay Azi. Kukunin niya kami dahil mag mo-movie marathon kaming magpipinsan sa bahay nila. You know, it’s Friday so…” nagkibit ako ng balikat.

    “So we can’t have dinner again, huh?” malamig niyang sinabi.

    Nauna ako sa paglalakad. Nangangapa ng salita. Natatanaw ko si Claudette na kinakausap ni Silver sa isang bench. Pinagpatuloy ko ang paglalakad patungo sa di kalayuang benches. Gabi na kaya kaonti na lang ang estudyante.

    “I’m sorry, Eion. I can’t.” Nilingon ko siya.

    Nakapamulsa siya at kahit sa dilim ay kitang kita ko ang pagkislap ng kanyang mga mata.

    Huminga ako ng malalim at umupo sa isang bench. Suminghap din siya at umupo sa tabi ko.

    “So it’s true… play girls like you walk away every time it’s tough,” mahinahon niyang sinabi.

    Bigla akong nahinto sa pag gala sa aking mga mata. Binigay ko sa kanya ang aking atensyon. “What do you mean?” natatawa kong banggit.

    “Don’t play dumb, Erin. Alam kong iniiwasan mo ako.” Hinagod niya ako ng tingin na para bang memorize niya lahat ng kilos ko.

    “Hindi kita iniiwasan, Eion. This thing is normal, alright? Hindi naman pwedeng lagi tayong magkasama, hindi ba? And I’m not a playgirl!” giit ko.

    Ngumiti siya. “You went from hot to cold after what I said about Klare. Erin, I don’t want to lie to you. I want you to trust me. Totoo lahat ng sinabi ko sayo. I just want closure between Klare and me so we can be friends again. At hindi ito normal sa ating dalawa. Hindi normal na hindi tayo magkasama, Erin. Hindi iyon normal para sa akin.”

    Hindi na ako makatingin sa kanya. Nanginginig ako sa biglaan niyang pagsasabi non.

    “Erin…” hinawakan niya ang pisngi ko kaya napatingin ako sa kanya. “Alam kong tinanggihan mo na ako noon. You said you don’t like me. You gave me sleepless nights for years, I hope you know that. Now that we’re close, I don’t want to be without you.”

    Nahirapan na akong huminga. Hindi ko alam kung bakit ang bigat ng pagtaas baba ng aking dibdib. Para bang kinakapos ako sa oxygen. Nag iinit din ang gilid ng aking mga mata. Matapang kong inangat ang tingin ko sa kanya at nakita kong pinagmamasdan niya akong maigi.

    “Funny how I’m so happy right now but so hurt at the same time,” mapait siyang ngumiti.

    “Why are you hurt?” tanong ko, nanginginig ang boses.

    “Because I know you’ll never accept me. Natatakot ka diba? Natatakot ka dahil pakiramdam mo ay mahal ko pa si Klare? Natatakot ka.” He was so sure of what he just said.

    “Eion…” Suminghap ako. Tama siya. Natatakot ako.

    “Gusto kong pawiin ang takot mo ngayon.” Hinaplos niya ang aking pisngi at bumaba ang tingin niya sa aking labi. “I want to kiss you right now. I want to really kiss you.”

    Pakiramdam ko ay tumigil sa pagpintig ang aking puso. It’s like some heart attack. Tiningnan ko ang napaawang niyang labi. Batid ko na maraming tao na dumadaan doon kaya hindi pwede iyon. Besides that, nasa loob kami ng eskwelahan.

    “Sasakay ba kayo o hindi?” iritadong sigaw ni Azi galing sa kanyang sasakyan.

    Napatayo kaagad ako. Halatang guilty sa mga iniisip para kay Eion. Nanatiling nakaupo si Eion at hinawakan niya ang aking kamay, hinihila ako paupo ulit.

    “Azi, teka lang!” sabi ko at nakita nang papunta na si Claudette sa sasakyan ng unggoy.

    Bumaling ako kay Eion na ngayon ay mapupungay ang mga mata na nakatingin sa akin.

    “Can we… talk for a sec, Erin? Ihahatid kita sa kanila Azrael pagkatapos. Please?”

    Hindi ako makapagsalita. I’m torn. Gusto kong umiwas pero ayokong palagpasin ang pagkakataon. Gusto kong umiwas dahil sa takot ko ngunit ang mapangahas kong puso ay gustong sumugal.

    Tumayo si Eion ng hindi ako nagsalita. Bumaling siya kay Azi. Nakababa ang salamin ng sasakyan nito.

    “Azi, ako na ang maghahatid kay Erin,” matapang niyang sinabi.

    “Hindi pwede. Kailangan ako.” Malamig na sagot ni Azi.

    Tumawa si Eion. “Come on, dude. Diretso kami sa inyo, pangako. Pupunta na kaming dalawa sa sasakyan ko ngayon. Iiwan ko si Kuya dito tas ihahatid si Erin patungo sa inyo. Pareho lang iyon.”

    Nanliit ang mata ni Azi at binalingan ako bago nagsalita kay Eion. “Ten minutes then. Pagkadating ko ng bahay dapat sampung minuto lang ay nakauwi na rin kayo.”

    “Don’t worry, dude.”

    Hindi na nagsalita si Azi at tinaas na ang salamin ng sasakyan bago lumabas ng gate.

    Huminga ako ng malalim. Nilingon ako ni Eion at hinawakan niya ako sa palapulsuhan. May sinenyas lang siya sa kanyang kapatid bago ako hinila patungo sa kanilang sasakyan.

    Pinatunog niya kaagad ang car alarm at pumasok kaagad ako sa loob. Naroon na rin siya sa driver’s seat. Nilingon ko siya para magsalita ngunit imbes na pagbigyan niya ako ay siniil niya ng halik ang aking labi.

    Napapikit ako sa kanyang halik. His lips were soft and tender. Matamis ang bawat haplos ng kanyang labi sa akin, parang sinusuyo ako ng husto.

    “I want us together,” bulong niya bago ako siniil ulit ng halik.

  • Kabanata 9Open or Close

    Kabanata 9

    Jealous

    “Happy new year…” humahalakhak pa si Eion sa kabilang linya nang sinabi ito.

    “Happy new year din. I love you,” sabi ko habang pinagmamasdan ang mga pinsan kong nag ka-count down na para sa bagong taon.

    “I love you more, Erin,” aniya sa isang malamig na tono.

    “Erin! Lika na!” sigaw ni Ate Chanel sa kalagitnaan ng pag ka-countdown.

    “Four… Three… Two… One! Happy New Year!”

    Nagpasya akong tapusin ang tawag nang umingay sa pagsabog ng mga fireworks sa paligid. Nandito kami ngayon sa bahay nina Claudette para mag celebrate ng New Year tulad ng nakaugalian ng buong pamilyang Montefalco. Ang mga magulang namin ay nasa long table just beside the rectangular pool. Kami naman ay nasa malayo at nagsisindihan ng mga paputok.

    “Look!” kinalabit ako ni Ate Chanel habang tinuturo ang kanyang iPad.

    May isang pamilyar na babae at lalaki akong nakita doon. It was Elijah and Selena.

    “Hi!” sigaw ko at kinawayan silang dalawa.

    Kilala ko si Selena dahil naging malapit sila ni Elijah last year. At ngayon naman ay ibinalita ni Selena sa amin na sila na nga. I can’t help but feel the thrill. Binalingan ko ang mga magulang namin. This means Klare will be accepted!

    “Happy new year sa inyo!” bati ni Ate Chanel sa dalawang nasa iPad.

    “Happy new year!” sabi ko ng nakangiti.

    “Erin, hawakan mo ito!” tawag ni Kuya Joss at ibinigay sa akin ang isang sparkler.

    Dinumog ni Azi at Damon ang iPad ni Ate para batiin si Elijah at ang kanyang girlfriend na si Selena. Pagkupas naman ng pinahawak ni Kuya na sparkler ay dumiretso ako sa long table kung nasaan ang aking mga tita at tito. Behave din si Charles na kumakain sa tabi ng kanyang ina.

    “Dad, tumatawag si Elijah… at Selena…” Nagkunwari akong wala lang iyon.

    “Oh? Iyan ba ang pinagkakaguluhan ng mga pinsan mo?” tanong niya.

    “Yup. Tingin ko ay babalik na si Elijah. Maybe this year.”

    “Why?” biglaang nahinto si Tito Az sa kanyang pagkain. “Hindi ba ay hindi siya pinapayagan ng tito Exel mo na bumalik? Tapos na ba siyang mag-aral?”

    “I think so, tito…” sambit ko habang kumukuha ng salad. “Hindi naman siguro iyon uuwi kung hindi pa pala nagtatapos, hindi ba?”

    “Kahit na…”

    “Tsaka… he’s very happy with Selena right now. I bet gusto niyang ipasyal si Selena sa hometown niya. That’s probably why tito Exel should allow him to go home?”

    “They’re together?” nagkatinginan ang mga tito ko.

    Tumikhim si tita Helena na nasa tabi ko, tahimik na kumakain.

    “Yup. They are together,” sabi ko.

    Tumawa si Tito Stephen. “Baka gustong magpakasal dito sa Cagayan de Oro!? Hopefully. I can’t wait for a grandchild!”

    Hindi ako nagsalita. Elijah’s welcome here only because he’s with Selena. Bumaling ako kay Tita Helena na tahimik parin hanggang ngayon.

    “Sa… mga Ty po ba nag New Year si Klare?” It’s obvious, you know. I just want to start a conversation.

    Tumango si Tita sa akin.

    “This summer, sa Davao parin ba siya?” tanong ko, naaalala ang isang buong summer last year na hindi nakikita kahit anino niya.

    “Most likely, Erin,” ani tita.

    “Why don’t you invite Klare, Helena? Para naman magkaroon ng mini reunion itong magpipinsan. I’m sure she’ll love to,” ani tito Az na ikinagulat ko.

    I knew it! She’ll be welcomed once again dahil lang alam nilang may iba na si Elijah. Si Elijah ang mahirap paamuin dito. Siya ang bumali sa lahat ng mga patakaran ng pamilya noon. Siya ang iniisip nilang problema. For you can always control Klare because she’s kind and understanding. You can never tame Elijah, though. Kung gusto niya, iyon ang makukuha niya. And now that he’s with another girl, he’s tamed. He’ll never ask for Klare again. She’ll never be exiled again. She’ll be back!

    Kaya naman matindi ang hagulhol ko nang nakita ko siya sa Camiguin na kumakanta. Nalaman ko kasi kay tita Helena na nasa Davao daw siya kaya hindi siya makakapag-Summer dito. Ikinagulat ko na nasa Camiguin siya.

    “Dammit, Klare! You’re my cousin! At hanggang ngayon, di ko parin matanggap lahat! Pero miss na miss na kita!” Nanginginig ang boses ko at tumutulo ng mabilis ang mga luha ko.

    Parang dalawang taon kong itinago ang lahat ng sakit ng pagkawala niya. Dalawang taon akong nangulila sa kanya. Pretending that it’s okay that she’s gone. Pretending that we don’t need her at all. Kasi nasaktan niya kami. Alam kong nasaktan rin siya sa nangyari sa kanya. Gustong-gusto kong makisimpatya pero mahirap tuwing ikaw mismo ay hindi pa nakakaahon sa sakit.

    Time truly heals all wounds. Dahil ang sakit na naramdaman ko noon ay namanhid na sa ngayon. I just want us to be back. I just want her again. I just want her as my cousin!

    “I missed you too. Magpinsan parin naman tayo.” Niyakap niya ako pabalik.

    Niyakap ko siya ng mas mahigpit. Ayaw ko siyang pakawalan. Kahit anong gawin ko ay hindi na ulit ako makakatagpo ng ganitong klaseng kaibigan. We were together before everything even began. At hinding hindi mapapantayan ng kahit ano ang aming samahan.

    Maagang natulog ang mga Ty kasama si Klare. Pakiramdam ko ay gumaan ang puso ko sa nangyari. Parang ilang taon kong kinimkim iyong bigat na naramdaman at ngayon lang ulit gumaan ang puso ko ng ganito.

    Nilagay ko ang ulo ko sa balikat ni Eion. Nag-uusap sila ni Kuya Josiah at Damon ngayon. Hindi naman ako nalasing pero inaantok lang ng husto. Umalis si Claudette kasama si Silver, iyong manliligaw niyang kapatid ni Eion.

    “Sayang at hindi ko nabilhan pala ng pasalubong si Klare. Sa inyo lang lahat ang nabili kong damit,” sabi ni Selena sa kay Ate Chanel.

    Dumilat ako at pinagmasdan siya. May binili si Elijah para kay Klare na sneakers, just like the old times. I wonder if it meant he wants her like the old times? Before that disaster happened? Before he fell?

    “Ayos lang iyon. Klare has everything right now. I’m sure magkakasundo kayo kahit na hindi mo siya nabigyan ng pasalubong. She’s a kind girl, Selena,” sambit ko.

    Mabait din si Selena. Sa halos isang taon kong pagkakakilala sa kanya online ay nakita ko kung paano siya nagparaya at nagbigay kay Elijah nong mga panahong nasasaktan pa ito ng husto sa kanila ni Klare. Now that he’s moved on, she deserve all his love. They deserve each other. Elijah should stick to her. Sana ay huwag niyang gambalain si Klare. Ngayon pa lang ulit natanggap si Klare ng mga parents namin, sana ay huwag niyang sirain muli.

    Pinilig ko ang ulo ko para maputol ang linya ng mga naiisip. Elijah has Selena, hindi niya na gagambalain pa si Klare.

    “It’s weird… Hindi ba ay malapit si Elijah at Klare. They seemed off tonight,” ani Eion, pabalik kami sa hotel.

    “Matagal din kasi silang hindi nagkita, Eion,” I told him.

    Alam kong may napapansin na siya pero hindi niya lang ma-point out ng husto. Mapagkakatiwalaan si Eion. Sa pagsasama namin ay hindi niya ako kailanman binigo sa mga pangako niya.

    Tumango siya. Hindi nga lang ako sigurado kung kumbinsido ba siya sa sinabi ko.

    “Let’s watch the stars first. Talaga bang inaantok ka na?” Naging maligaya ang tono niya.

    “Huh?” nagkasalubong ang kilay ko nang tinuro niya sa akin ang buhangin.

    Matingkad ang mga bituin sa langit ngayon. Syempre dahil maganda ang panahon pagkat summer. Tinuro ni Eion ang mga bituin kaya na engganyo naman ako sa gusto niya.

    Hinigit niya ako sa buhanginan. Naglapag siya ng maliit na sarong sakto lang para maupuan naming dalawa.

    Wala na masyadong tao sa dalampasigan. Syempre dahil gabi na. Iilan lamang ang napapadpad doon para magmuni muni. Isa kami sa kanila.

    Unti-unti akong niyakap ni Eion galing sa likod habang nakaupo kami. Mainit ang kanyang yakap kaya naibsan ang lamig na naramdaman ko dahil sa ihip ng panggabing hangin.

    “You happy?” tanong niya.

    Tumango ako. “Of course. Sa wakas, ayos na kami ni Klare.”

    “I’m glad you are. Sayang ang pinagsamahan ninyong dalawa.”

    Nilingon ko siya. Hindi ko maiwasan ang bumabagabag sa akin. “You should talk to her too. You two are friends.”

    Tumango siya.

    “Alam kong nasaktan ka niya at hanggang ngayon ay hindi mo pa nahahanap ang closure na gusto mo.”

    “I’m fine with this, Erin. I’m fine with Klare. I’m happy with you,” aniya at nilapit ang kanyang mukha para hagkan ako.

    Hinayaan ko siya. Pinikit ko ang mga mata ko at naghintay sa malambot at marahan niyang halik. Ang isang kamay niya ay nasa pisngi ko na para maipirmi ang aking ulo habang inaatake niya ako ng halik.

    “Yes, dad…” isang pamilyar na boses ang narinig ko sa di kalayuan.

    Mabilis kong tinulak si Eion sa narinig ko. Kahit hindi kami madalas magkausap ay nakakasiguro ako sa malalim na boses ni Hendrix Ty.

    Nilingon ko kaagad ang likod namin at nakita ko siyang nasa cellphone, nakatingin sa amin ni Eion. Fuck!

    “What’s wrong, Erin?” malambing na tanong ni Eion.

    Umiling ako. “M-May tao, Eion.”

    Nilingon niya rin ang pinanggalingan ng aking tingin. Huminga siya ng malalim nang nakita niya si Hendrix pero binalingan naman niya agad ako. “Don’t worry. It’s just Hendrix, Klare’s brother.”

    Umamba siyang hahalik muli sa akin pero iniwas ko ang aking mukha sa kanya.

    “Eion, please…” bulong ko.

    Suminghap siya at tinitigan lang ako. Naghihintay na magbalik ang mood ko kanina. Naririnig ko pa ang boses ni Hendrix sa likod.

    “I’ll tell Klare… Hindi ba ay nag-usap na tayo tungkol dito?” bahagya siyang tumahimik.

    Hinawakan muli ni Eion ang aking pisngi at umambang hahalik. Hinawi ko ang kamay niya. Hindi ko kaya.

    Humalakhak si Eion. “Erin Montefalco’s uncomfortable with PDA?”

    “Eion…” saway ko. It’s not funny.

    Hinawakan niya ang labi ko at binakas ang bawat linya nito.

    “By the way, dad. About the files you sent me…” nagpatuloy ang mukhang mahaba pang pakikipag-usap ni Hendrix sa kanyang ama.

    Nilingon siya ni Eion at mukhang napansin din na hindi pa ito matatapos ng ilang saglit. Tinapik ko ang balikat ni Eion at tumayo na ako.

    “Alis na tayo. Inaantok na ako. Hinihintay na siguro ako ni Clau sa kwarto,” sabi ko.

    “Huh?” natatawang sambit ni Eion, pinapanood akong nakatayo.

    “Come on, Eion! Let’s go!” sabi ko at hinila siya patayo.

    Nagpahila naman siya. Wala siyang magagawa. Wala na ako sa mood. Hindi ko na kaya. Kahit pa siguro umalis si Hendrix ay hindi na ako kumportable.

    Nilingon kong muli si Hendrix at nagulat ako nang mabibigat na mata ang idinirekta niya sa akin.

    “Don’t worry, dad. Yes.” aniya habang tumititig sa akin.

    “Let’s go…” ani Eion at hinawakan ang kamay ko para makapanhik na kami sa loob.

    Nag-iwas ako ng tingin kay Hendrix. Bukod sa lamig dahil sa ihip ng hangin ay naramdaman ko rin ang lamig sa aking sistema. Para saan ang titig na iyon?

    Mas lalo lang akong nanlamig. Alam ni Hendrix kung ano ang mga sinabi ko noon kay Klare. Alam niya kung paano namin tinrato ang pinakamamahal niyang kapatid. Alam niya kung gaano kasahol ang naging ugali namin sa kay Klare noon.

    Napalunok ako. He’s probably mad at us. Mad at me, especially. Syempre dahil alam na rin siguro niyang ako ang pinakamalapit kay Klare pero ako pa mismo ang naging dahilan sa lahat ng ito.

    Yumuko ako. His opinion of me is probably low. At wala na akong magagawa don. Besides, bakit ko iisipin ang opinyon niya sa akin? I don’t even think about other people’s opinion about me? Why think about Hendrix Ty’s opinion now?

    Ginawa ko ang lahat para maging maayos ang takbo ng pamilya. Kailangan ay nakapirmi si elijah kay Selena at dapat si Klare ay mananatiling tahimik. It frustrates me everytime I see a few glitches of my plan.

    I feel like this is all my fault. Klare and Elijah is my fault. Kaya kailangan ay magkalayo ang dalawa para lang hindi na muli mangyari iyong noon: ang paglayo ni Elijah at pagiging mailap ni Klare.

    “Kuya, hindi ka mag ji-gym?” tanong ko kahit alam ko na ang sagot sa kapatid ko.

    Umiling si Kuya Josiah. “I got a really bad hangover last night, Rin. Hindi ka ba susunduin ni Eion? Pwede kitang ihatid.” Humikab siya at nagmumukha pang haggard dahil sa inuman nila kagabi.

    “Nasa labas na siya. I’m just wondering if you’d like to hit the gym,” sabi ko sabay tingin kay Eion na nasa labas na nga ng bahay.

    Pagkalabas ko ay walang ngiti ang sumalubong sa akin. Nakaismid siya at nakasandal sa kanyang sasakyan. We’ve been fighting for a week now. I’m not sure who’s fault it is though. I love him but I’m not sure why I get easily annoyed.

    Pinagbuksan niya ako ng pintuan.

    “Bakit di mo niyaya si Klare para dalawa kayong mag gym?”

    There. I got annoyed again. Hindi kay Klare kundi kay Eion na laging sinasama si Klare sa usapan. Yes, half of me is telling me that I’m probably just insecure. I think he’s still in love with Klare. Ngayong madalas na naming kasama si Klare ay bumabalik ang nakatago niyang pagnanasa. Half of me is telling me that I’m not in the mood most days these past few weeks. Lalo na tuwing inilalahad ni Eion sa akin ang mga espekyulasyon niya. That Elijah left years ago because of Klare. Hindi niya ma pin point kung paano iyon. And I’m so over hearing his sentiments about the matter! Pwede bang i-let go na lang iyon at kalimutan ng lahat? Why can’t people move on without proper closure! I can seriously do that! I can move on without hearing anyone say a word! I can move on without knowing anything! Bakit hindi iyon magawa ng ibang tao.

    “I’m not sure if Klare’s still into gym, Eion.” Hindi ko maiwasan ang iritasyon sa tinig ko.

    “You’re mad again?”

    “I’m not mad!” giit ko.

    “You are! Simula pa nga lang ng araw natin, Erin, galit ka na agad? Wala na bang payapa sa mga araw nating dalawa?”

    Nalaglag ang panga ko. “I said I’m not mad! I’m just annoyed with your stupid questions!”

    “You’re jealous! Kay Klare?”

    Fuck. Gusto kong sumabog at isama siya sa pagkakasunog ko. Pumikit ako ng mariin at tumigil sa pagsasalita. Ayaw kong mas lalo kaming mag-away. I love him and yes, I’m probably just jealous. Ayaw kong iyon ang maging dahilan ng kasiraan naming dalawa.

  • Kabanata 10Open or Close

    Kabanata 10

    Naghintay

    Inayos ko ang sintas ng sapatos ko. Natatagalan ako dahil sa dami ng iniisip. Great! Ngayon ka pa talaga nag-iisip habang nag ji-gym.

    “O, ikaw lang? Where’s your bro and sis?” tanong ni Alvin na ngayon ay nilalagay ang mga hurdles sa mat.

    “My sister’s with her boyfriend. May family affair yata ang boyfriend niya today and Kuya Josiah’s got hangover. Kung mag ji-gym man iyon ay baka mamaya pa. Wala si Azi?” tanong ko.

    “Ang sabi ay sinusubukan daw ni Azi iyong gym ng iba mong pinsan.”

    Natigilan ako. So Azi’s probably out of this gym, huh? Baka nandoon siya sa bago kung nasaan sina Rafael at Damon?

    “Okay.”

    Tumayo ako pagkatapos ayusin ang mga sintas. Tiningnan ko ang kulay black at pink kong Sketchers at tumalon ako ng dalawang beses. Feels better.

    “Treadmill muna ako, Alvin.”

    Tumango ang aking instructor at bumaling sa mga hurdles. “Okay. Tawagin mo ako pag mag pa-plyo ka na. Pupuntahan ko muna ‘yong bago.”

    Tumango ako at hinayaan siyang umalis.

    Nilingon ko ang treadmill sa harap ko. Nag stretching muna ako. Can I make it 60 minutes this time? Madalas ay 45 minutes lang ako sa treadmill.

    Inapakan ko na ang treadmill at ni-set sa tamang bilis na madalas kong nilalagay. Huminga ako ng malalim bago ako nagsimulang tumakbo. For the first five minutes, takbo lang ang ginawa ko. Ngunit ang sumunod na mga minuto ay dinagdagan ko na ng exercise kasabay ng takbo.

    “Rin! Side shuffle! Tone your thighs!” sigaw ni Alvin sa malayo.

    Hindi niya na kailangang sabihin iyon. Agaran ko iyong ginawa pagkatapos kong mag lunges. Pabalik-balik ang routine ko at pagkatapos ng tatlumpong minuto ay tumagaktak na kaagad ang pawis ko.

    Nasa harap ko ang aking cellphone kaya nakita ko ito nang umilaw. Tiningnan ko iyon habang tumatakbo. Nakita kong may isang mensahe galing kay Eion.

    Eion:

    Text me when you’re done. Magkasama lang kami ni Kuya. Nasa X.E. kami nag bo-bowling.

    Ngumuso ako at nilapag ang cellphone ko. Ni-set ko sa mas mabilis ang treadmill at muling sinubukan ang routine na ginawa ko kanina.

    “You cardio too much,” pamilyar na boses ang narinig ko.

    Halos mabuwal ako sa treadmill dahil sa gulat. Sa gilid ko ay naroon si Hendrix at nakatingin sa akin. Ang isang gym bag niya ay nasa tagiliran at ang ekspresyon niya ay blanko.

    Hinihingal ako at ayaw kong magsalita. Pawis ako and I probably look shit. Bakit ba tuwing nariyan siya ay may ginagawa akong hindi maganda? I feel stupid!

    Tinigil ko ang treadmill para maharap siya. Mabilis ang pintig ng puso ko at hinahabol ko pa ang hininga ko. Kinapa ko sa harap ang tuwalyang wala naman doon.

    “Here,” ibinigay niya sa akin ang kulay pink kong tuwalya.

    Tinanggap ko ito nang hindi siya tinitingnan. Nagpunas agad ako ng pawis sa noo at naiilang na ako sa paninitig niya sa akin.

    “Thanks,” sabi ko.

    “Erin, tas na?” narinig ko si Alvin na nasa likod.

    Great! Just when I’m going to do plyo, nandito na naman si Hendrix Ty para manood. Bumaling ako kay Hendrix para magtanong.

    “Hindi ka pa papasok sa gym niyo?” tanong ko.

    “Kakatapos ko lang,” nagkibit siya ng balikat.

    Tumango ako. Hindi ka pa ba uuwi?

    “Why? Am I not allowed to stay here?” tanong niya.

    Gusto kong maubo sa tanong niya. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Medyo natagalan ako sa pagsagot. Nauna ko pang tinanguan si Alvin bago ako bumaling ulit.

    “Well, hindi ako ang mag dedesisyon niyan. I’m not the owner of this gym.”

    Pinasadahan ko ng tingin ang buong gym. Marami kaming babae doon. Sabay kami ni Hendrix na tumingin sa isang petite at maputing babae na pumalit sa akin sa treadmill. There’s your type, Ty. Magpakasasa ka.

    “Anyway, alis na ako. I have to do my plyo,” sabi ko at dumiretso na sa kay Alvin na ngayon ay may nilalagay na maliliit na dumbells sa mat.

    “Ohh. Asan si Eion? May bagong boyfriend?” tanong niya sa akin habang tinitingnan si Hendrix na umupo sa monoblock chair hindi kalayuan.

    “Tumigil ka, Alvin. Nag ji-gym ‘yan dito. Siguro may hinihintay. Eion will fetch me later.”

    “Okay. ‘Yon ang sabi mo, e.”

    Pagkatapos ng munti naming pag-uusap ay nagseryoso na ang nasa mid twenties kong gym instructor na si Alvin. Ginawa niya muna ang gagawin ko sa araw na ito at pinalad akong walang squat sa ngayon.

    “Tuck jump, tapos pag dating mo sa dumbells ay diagonal jump ang ending ay tuck jump ulit. Kuha?”

    Tumango ako. “Four sets in twelve?”

    Tumango rin siya. “Sige.”

    Pumwesto na ako. Nalingunan ko pa si Hendrix na ngayon ay umiinom na ng tubig at pinagmamasdan akong mabuti. Bakit ba kailangan ay nariyan siya? Pakiramdam ko tuloy ay titipirin ko ang lahat ng gagawin ko ngayon sa plyo. Imbes na ibibigay ko ang buong lakas ko ay magiging mahinhin ako sa ngayon.

    “Ready, set, go!” sigaw ni Alvin.

    Takbo ko pa lang ay naramdaman ko na ang pagiging conscious ko. Fuck this!

    “Higher, Erin!” sigaw ni Alvin nang tumalon ako ngunit tipid lamang.

    Pilit kong tinapos ang unang set at gusto kong kainin ng lupa nang nakita kong nakangisi si Hendrix habang hinihingal ako. Fuck… Can I take a break?

    “Kaya pa?” tanong ni Alvin.

    Hindi ba aalis si Hendrix? Pumwesto ulit ako. Determinado na ngayon ay mas pagbubutihan ko. Iisipin ko na lang na wala si Hendrix Ty sa likod.

    “Go!” sigaw ulit ni Alvin sa pangalawang set.

    Ganon parin. Tipid na tipid ang mga talon ko na pakiramdam ko ay masama sa ankles ko. Kailangan kong malaman ang schedule ng Hendrix Ty na iyan at doon ako mag ji-gym kung kailan siya wala.

    “Break muna. You’ll strain your ankle. Nag we-weights ka parin ba diyan?”

    Tumango ako. Hindi makapagsalita dahil hinihingal.

    “Tanggalin mo ang weights. Para ka namang athlete. Tanggalin mo,” utos ni Alvin sa akin.

    Tumango ako at naghanap ng equipment kung saan pwedeng umupo. Bumaling ako kay Hendrix na ngayon ay may kausap na chinita, maputi, at petite. Nagtatawanan ang dalawa sa usapan nila. Nandito ba siya para maghanap ng chics?

    Umiling ako at yumuko para kunin ang nilagay kong weights sa aking paa. Nilagay ko iyon sa gilid at pakiramdam ko magaan lang ako dahil nawala na iyon. Mas makukuha ko ng maayos ito ngayon.

    Nag angat muli ako ng tingin kay Hendrix na ngayon ay nakahalukipkip at nakatingin na sa akin. Ngumuso ako. Whatever.

    “Let’s do this, Alvin,” sabi ko at bumaling na ulit sa instructor.

    Mabilis kong ginawa ang sunod na set. Naging madali iyon sa akin. Hindi ko nga lang alam kung dahil ba iyon sa nawalang weights o dahil naiinis ako.

    Pumalakpak si Alvin sa pangatlong set ko.

    “Better!” aniya.

    Nakita kong ngumunguso si Hendrix at parang nagpipigil sa kanyang ngiti. What’s funny?

    Pumwesto ulit ako sa pang-apat.

    “Alvin, tama na muna ‘to. Babawi ako susunod,” sabi ko.

    Tumango siya.

    Sinimulan ko ang panghuling set at mabilis ko iyong natapos. Pakiramdam ko ay naubos na ang lahat ng lakas ko sa ginawa. I still have to cool down but I’m too weak to do that right now. Kailangan kong magpahinga.

    Natanaw ko ang ngisi ni Hendrix sa akin. Sinasadya niya bang ngumisi pagkatapos kong gawin ang set? At bakit? Ano ang nakakatawa?

    “Shit!” sabi ko habang humihingal.

    Dumiretso ako sa counter para kumuha ng Gatorade. Binigay kaagad sa akin ng naroon. Huminga muna ako ng malalim. Hinayaan kong habulin ang hininga ko. Nakita ko na naroon nga pala sa tabi ng inuupuan ni Hendrix ang cellphone ko kaya kinailangan kong dumiretso doon.

    Dumaan ako sa harap niya bago napunta sa bench kung nasaan ko nilapag ang aking phone.

    “Ganon ba lagi ang work out mo?” tanong niya.

    “I work out once a week kaya ganon,” sagot ko.

    Tumango siya. “That’s why I don’t see you every weekdays, huh?”

    Binuksan ko ang Gatorade at uminom doon. Shit! Anong ibig sabihin non? Tumayo siyang bigla. Kumunot ang noo ko at binaba ang Gatorade.

    “Anong mga araw ka bang nag wo-work out?” tanong ko.

    “Well, tuwing may pasok, three times a week. Now that it’s summer, almost everyday. Pag walang game.”

    Tumingin siya sa labas. Aalis na siya? Nakita kong lumabas na iyong kausap niya kanina.

    Bayolente ang pag buga ko ng hininga. Pakiramdam ko ay iniwan ako ng hangin sa aking lungs. Parang may bumagsak.

    “Tapos ka na?” bumaling siya sa akin.

    Umiling ako. “Cool down. Umalis na yata ang kasama mo. Di ka pa aalis?”

    “Kasama ko?” natawa siya sa sinabi ko.

    Uminit ang pisngi ko. Hindi niya ba kasama iyong kausap niya kanina? Hindi ba iyon ang hinihintay niya? Petite, maputi, chinita: his types!

    “Ay? Di mo ba iyon kasama? Iyong maputi?”

    Umiling siya. “She’s my classmate nong high school.”

    Tumango ako at bumaling na kay Alvin para sa cool down.

    Mabilis lang iyong naging cool down. Nang bumaling ulit ako sa kinauupuan ni Hendrix ay nakita kong wala na siya doon. Huminga ako ng malalim at dinampot na ang mga gamit ko.

    Dumiretso ako sa locker para magpalit ng damit. Habang ganon ay tinatawagan ko si Eion ngunit hindi siya sumasagot.

    Naka ilang tawag na ako at natapos na ako sa pagbibihis ngunit wala akong nakuhang sagot sa kanya. Susunduin kaya ako non?

    Bumaba ako sa gym namin at nakita ko si Hendrix kasama ang dalawang nakaitim na body guards niya. May sinabi siya rito kaya umalis ang dalawa. Inayos ko ang bag ko at iginala ang mata sa kalsada. Paano na ito ngayon?

    Tumunog ang cellphone ko sa tawag ni Eion. Huminga ako ng malalim at sinagot ko iyon.

    “I’m sorry. Nagkatuwaan kami. Hindi ko namalayan ang cellphone ko. Are you done?” tanong niya.

    “Yes. Kanina pa. Naghihintay ako sayo dito sa baba ng gym. Malapit sa Dunkin Donuts.”

    “Okay. Wait for me. I’ll be there. I’m sorry.”

    “Okay. I’ll wait,” sabi ko at lumapit sa Dunkin para mas makita ni Eion pag dumating na siya.

    Binaba ko ang cellphone ko at bumaling sa kung nasaan si Hendrix kanina. Nakita kong palapit siya sa akin. Kumalabog ang puso ko. Oh, Erin! Don’t get your hopes up! His chics is probably somewhere near you. Besides, may girlfriend ‘yong tao. Bakit mo iisiping…

    “You’re from Morning Mist, right? Gusto mo ihatid kita?”

    Halos mapapikit ako. Bumaling ako sa kanya ng nakangiti. “Ah, hindi na. Susunduin ako ni Eion.”

    “Oh! Sorry… My bad. I just thought you’re looking for a taxi or something.”

    Umiling ako. “Hindi. Dadating si Eion.”

    Tumango siya at tinagilid ang ulo. “Well then…”

    Tumango rin ako at nginitian siya.

    Tinalikuran niya ako. Nakita kong naka park ang sasakyan nila sa harap lang ng Ministop na katabi ng Dunkin Donuts.

    Naroon yata sa loob ang mga body guards niya. Binuksan niya ang back seat at nilapag niya ang kanyang gym bag doon.

    Huminga ako ng malalim at tiningnan ang wrist watch ko. He’ll be here any minute now.

    Pumasok si Hendrix sa loob ng sasakyan niya. Umilaw ang lights at tingin ko ay aalis na ito. Pero ilang sandali ay namatay ang ilaw.

    Lumabas si Hendrix at nagtungo sa Ministop. Huminga ulit ako ng malalim at tiningnan ang cellphone ko.

    Ako:

    Eion, nasa tabi lang ako ng Dunkin. Nasan ka na?

    Hindi sumagot si Eion. Natulala na lang ako sa paghihintay.

    Lumabas si Hendrix sa Ministop at dumiretso sa sasakyan niya. Bumaling siya sa akin bago siya pumasok sa loob at sinarado ang pintuan.

    Nilagay ko sa aking tainga ang cellphone, tinatawagan si Eion. Naka tatlong beses na ako ngunit hindi niya sinasagot. Lumipas na ang tatlumpong minutos at wala paring sumasagot.

    Sumasakit na ang tuhod ko. Tiningnan ko ang loob ng Dunkin Donuts. Bumili na lang kaya muna ako ng pagkain? Baka masayang ang pag ji-gym ko pag bumili ako ng sweets. But I have no choice, naghihintay pa ako kay Eion.

    Ako:

    Eion, nasa loob ako ng Dunkin Donuts. Bibili lang ng pagkain. Asan ka na?

    Pumasok ako sa loob ng Dunkin Donuts para bumili ng pagkain. Puno at walang bakanteng upuan kaya bumalik din ako sa labas. Orange juice ang binili ko at iginala kong muli ang mata ko sa kalsada. Wala parin ang sasakyan ni Eion at hindi parin siya nagpaparamdam.

    Ako:

    Where the hell are you!? It’s almost an hour! Bakit di ka nagre-reply?

    Pumikit ako ng mariin. Ayaw kong magkagalit kami pero naiinip na ako. Tiningnan ko ang sasakyan nina Hendrix na hindi parin nakakaalis. Huminga ako ng malalim at yumuko. Damn!

    Narinig kong bumukas ang pintuan ng sasakyan niya at lumabas siya roon. Nakapirmi ang tingin niya sa akin at dumiretso rin ang lakad niya patungo sa akin.

    Matuwid akong tumayo. Tumagilid ang ulo niya at nakita ko ang seryoso niyang ekspresyon.

    “Sigurado kang susunduin ka ni Eion?” tanong niya.

    Tumango ako kahit na parang kinukurot na ang puso ko. Hindi ko alam kung bakit. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya.

    “Bakit wala pa siya, kung ganon?”

    “Hindi ko alam, e.” Hindi siya nag rereply. “But I’m sure he’ll be here.”

    “You can text him that you’re home. I’ll take you home.”

    Umiling agad ako. “Lagi niya kasi akong sinusundo. I’m fine.” Nag iinit na ang gilid ng aking mga mata. I don’t know why.

    “But can’t you-“

    Natigil siya nang tumunog ang cellphone ko. Nanlaki ang mata ko nang nakita kong si Eion ang tumatawag.

    “Eion!” bungad ko. Gusto kong magalit pero hindi sa harap ni Hendrix.

    “Malapit na ako. I’m sorry natagalan. Hinatid ko pa si Kuya sa bahay.”

    “A-Asan ka na?”

    Pagkatanong ko non ay naaninag ko kaagad ang pick-up ni Eion sa malayo. Lumingon din si Hendrix sa kung anong nakita ko. Binaba ko ang cellphone at nanatili ang mga mata ko sa sasakyan niyang palapit.

    Bumaling si Hendrix sa akin. Nanatili ang mata niya sa akin kaya bumaling na rin ako sa kanya.

    “Well then…” aniya bago ako tinalikuran para sa sasakyan niya.

    Lumiko ang sasakyan ni Eion sa kinaroroonan ko. Binuksan ko ang pintuan at nakita ko kaagad ang bigo niyang ekspresyon.

    “I’m sorry. Matagal ka bang naghintay? Hindi ako makapag text kasi nag da-drive na ako. Binilisan ko na nga. I’m sorry,” bigo niyang sinabi.

    Tumango lang ako. Kung ibang araw ito ay kanina ko pa siya inaway. Kaya lang ay pakiramdam ko kumalma ako kahit kaonti. Pakiramdam ko okay lang…

    Niliko ni Eion ang kanyang sasakyan sa buong district bago kami lumabas. Naka park parin ang sasakyan nina Hendrix doon.

    Umilaw ang kanyang sasakyan at umandar bago pa kami tuluyang makalabas. Sino ba ang hinintay nila? Kinagat ko ang pang ibaba kong labi.

    “Hey…” hinawakan ni Eion ang aking kamay. Naputol ang titig ko sa sasakyan nina Hendrix sa pagbaling ko kay Eion. “I’m really sorry.”

  • Kabanata 11Open or Close

    Kabanata 11

    Alone

    Dahil sa nangyari nong nag-gym ako ay bahagya akong nagtampo kay Eion. He remained sweet to me, though. Hindi niya alam na may mental turmoil na nagaganap sa akin. I didn’t want to fight. Lalo na ngayong shakey ang aming relasyon.

    “Eion, paki kuha iyong isang cupcake na may basketball,” sabay turo ko sa kulay blue na cupcake.

    Malaki at enggrande ang hinanda ni Selena na party para kay Elijah. Tumulong ako sa paggawa ng lahat ng ito. From planning down to the small details. Ang cake namang ito ay gawa ng isang malapit na kaibigan. Iba rin ang gumawa ng cupcakes at ako na ang bahala sa pagdedisenyo nito sa gilid ng malaking cake.

    Tanaw ko ang mga sofa ng sala kung nasaan si Claudette at Silver, nag-aayos ng videos.

    “This party is big,” bulong ni Eion habang inaabot sa akin ang ilan pang cupcakes.

    “Selena loves Elijah so much. Grabe ‘yong effort niya para dito,” sabi ko, abala sa pag a-arrange.

    “Which means you don’t really love me that much, huh? Wala ka pang ganito ka enggrandeng party na nagawa para sa akin, Erin.”

    Nilingon ko siya. Pilyo ang kanyang ngiti. Nagpaparinig pa siya sa akin? “I surprised you last year. Not this grand but nag-effort parin naman ako.”

    Humalakhak siya at yumakap galing sa aking likod. Sinayaw niya ako ng bahagya at hinalikan sa pisngi. “I’m just kidding. It’s the thought that counts. Hindi ibig sabihin na dahil enggrande ito ay sobra sobra na ang pagmamahal ni Selena kay Elijah. ‘kay?”

    Tumango ako at napangiti.

    Bumukas ang pintuan ng double doors nina Elijah. Dinungaw ko ang cellphone ko para tingnan kung nag text na ba si Selena. Ang plano kasi ay mag di-date muna sila ni Ej at pagkauwi dito tsaka namin iyon susurpresahin.

    Kinalas ni Eion ang yakap niya sa akin. Nilingon ko siya na agad umikot at bumalik sa kinatatayuan niya kanina.

    “Pasok kayo, Klare! Uhm, Ilagay niyo ang regalo niyo doon sa table.” sambit ni Claudette sa dumating.

    Napatingin ako sa pintuan at nakita ko si Klare kasama ang dalawang kapatid. Nilingon ko si Eion na ngayon ay nakatingin na kay Klare. Suminghap ako at bumaling na rin sa kararating kong pinsan.

    “Klare!” ngiti ko at kaway.

    Gusto ko siyang lapitan ngunit nang bumaling ako sa nakabuntot sa kanya ay parang gusto ko na lang ding manatili sa ginagawa. Umupo siya sa sofa at inabala ko ang sarili ko sa mga cupcakes.

    “Eion… paki kuha iyong…” hindi ako nagpatuloy nang nakita kong nakangiti siya habang nakatingin kay Klare.

    Umikot na lang ako para ako na ang kumuha sa huling cupcake na kailangan. Ni hindi niya namalayan na ako na pala ang kumuha sa dapat trabaho niya.

    Kinagat ko ang pang-ibabang labi at tinapos iyong ginagawa. Nag-angat muli ako ng tingin sa kanya at nakita kong nanatili ang mga mata niya kay Klare. Bumaling ako kay Klare na kausap si Claudette ngayon.

    “Tapos ka na, Erin?” tanong ni Ate Chanel sa akin.

    “Yup,” tango ko sa kanya.

    Sumali siya sa usapan nina Klare. Naroon na sina Azi. Ang nakababatang Ty, si Pierre Ty if I’m not mistaken, ay lumabas at sumunod kay Hendrix.

    Naibsan ang kaba ko nang nakita ko sa labas na abala ang mga Ty sa pakikipag-usap sa mga kaibigan nila. Bumaling ulit ako kay Eion na ngayon ay nakikinig sa usapan ng mga pinsan ko pero hindi naman nakikisali.

    Ilang sandali ang nakalipas ay dumating ang pinsan ko at ang kanyang girlfriend. Ang mga ritwal na binilin ay ginawa naming lahat. Kumanta ng marahan at nagsaya.

    Ej’s face is priceless! Gulat na gulat siya kaya hindi ko mapigilan ang pag ngiti na rin. Luminga ako sa likod ko para tingnan kung nasa malapit ba si Eion pero wala siya doon. I figured he must be around his friends or something…

    Hinalikan ni Selena ang pinsan ko at nanukso na kami. Pagkatapos ng ilang sandali ay kainan na!

    Nagtatawanan kami sa aming table. Bumaling si Ate sa akin, nasa iisang table kasi kaming magpipinsan, except with Klare and Claudette na nasa kabila kasama ang ilang mga kaibigan.

    “Where’s Eion?” bulong ni Ate.

    Iginala ko ang paningin ko at nakita kong naroon siya kina Kuya Josiah kasama ang mga classmates at kakilala tulad ni Hendrix Ty. Bumaling si Hendrix sa akin. Nanatiling blanko ang aking ekspresyon. Nanlamig ako at hindi ko alam kung bakit. Sa gulat ko sa titig niya ay hindi ko tanto kung ngingiti ba ako o kakaway. Damn it! Bakit ang hirap mag react?

    Tumaas ang isang kilay niya at nanatili ding blanko ang ekspresyon. Now his intimidating air! He looked away.

    Tumikhim ako at bumaling muli sa aming mesa.

    “Eion, Rin?” ginala din ni Ate ang kanyang mga mata.

    “Nasa kabilang table. Hayaan mo na. Kain na tayo,” sabi ko at nagsimulang kumain.

    Maraming handa pero hindi ako naengganyo. Siguro ganon talaga pag isa ka sa naghanda ay parang wala kang gana. Hindi ako sigurado kung iyon nga ba ang dahilan. Uminom ako ng tubig at muntik na akong masamid nang siniko ako ni Damon.

    Pinasadahan niya ng kanyang mga daliri ang buhok at ang makapal na kilay ay nagkakasalubong sa pagkunot ng kanyang noo.

    “Why would that fucker invite Gwen Ramos?” tanong niya sabay nguso sa ex ni Elijah na nasa kabilang lamesa.

    “What? Chill! Gwen’s fine. Anong problema sa ginawa ni Azrael, Dame?” hindi ko maintindihan.

    Iyon ang akala ko. I thought Selena’s fine with her. Pero nang nakita kong umirap siya sa akin nang palapit ay kinunot ko ang noo ko.

    “She’s been with Elijah for about thirty minutes now. Hindi ako makalapit! Everyone would think I’m being clingy or jealous!” Uminom siya ng tubig galing sa aming mesa.

    Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at nagkatinginan kami ni Ate Chanel. Mabuti na lang at masyadong abala si Rafael at ang kuya ni Gwen na si Ramon Ramos sa pag-uusap kaya hindi nila napansin iyong sinabi ni Selena.

    “Come on, Selena. Ang tagal nilang hindi nagkita ni Gwen. Nagkakamustahan ang mga iyon. Don’t you communicate with your ex?” sabi ko.

    “Do you, Erin?” sarkastikong sinabi ni Damon.

    Gusto kong magmura sa mukha niya ngunit umalingawngaw ang tawa niya. He got me there, huh? Fucker!

    “Wait!” sabi ko at tumayo para tawagin ang iba pa naming pinsan.

    Tinawag ko si Klare at Claudette na nag iinuman na sa kabilang table. I want us together. I want them to help me calm Selena down. Lalo na’t nakikita kong iritadong iritado na siya kay Gwen.

    “Chill, Selena! Ex is ex!” sabi ko nang sa wakas ay lumapit na ang mga pinsan ko.

    Nakatitig parin siya kay Elijah at Gwen na ngayon ay nag pi-picture. Damn, Elijah! Kung hindi mo lang birthday ay binatukan na kita! Why can’t he behave. Acting like he’s damn single while his girlfriend right here wants to murder his ex!

    “She looks drunk. Let it go,” wika ni Ate.

    Umupo si Selena sa bakaenteng upuan sa harap ko. Nagkatuwaan na lang ulit kami habang nag iinuman.

    Maingay naman ang kabilang lamesa na puro mga lalaki. Nagtatawanan sila habang nagpapasikat si Azi. Napangiti ako nang nakita ko si Eion na tawang-tawa. Nahagip naman ng paningin ko si Hendrix na nakangisi lang. So hard to please, eh?

    “Nakakainis talaga! Umalis na nga si Ej, sumunod pa siya!” iritadong sinabi ni Selena.

    “Chill, girl. You look like a psycho,” tumawa ako ngunit hindi man lang siya bumaling sa akin.

    Umiling ako kay Damon pagkatapos ay sumimsim sa isang baso ng vodka. Bahagya akong nag hi-headbang sa music. Kahit sa labas ang party ay naiinitan ako.

    “Ate, may pang pusod ka?” tanong ko sa kapatid ko.

    Umiling siya at nagpatuloy sa pakikipag-usap kay Rafael.

    Bumaling ako kay Selena para sana magtanong pero nakita kong nagmumukha na siyang tanga sa kakatingin kay Elijah at Gwen.

    “Dette, may pang pusod ka?” tanong ko ngunit naputol ang sinasabi niya kay Pierre at iritado siyang bumaling sa akin.

    “Nevermind.”

    Huminga ako ng malalim at bumaling sa iniinom nang biglang tumayo si Selena.

    “Whoa!” ani Damon.

    Kumunot ang noo ko. Matagal rumehistro sa akin na iyong beer na hawak ni Selena ay binitiwan niya at natapon sa lupa. Mabilis ang martsa niya patungo kay Gwen na ngayon ay nakikipagtawanan sa lamesa nina Azi habang pinagmamayabang ang picture nila ni Elijah.

    “Where’s Ej, Dame?” natataranta na ako.

    “Ewan ko. Pumasok sa loob?” litong sinabi ni Damon.

    “Whoaaaa!” hiyaw ng kabilang table ng mga lalaki.

    “Oh my God!” sigaw ni Ate Chanel at mabilis na tumakbo sa dalawang babae.

    Si Gwen ay nasa lupa at si Selena ay sumusugod parin. Mabilis na hinawakan ni Hendrix ang braso ni Selena para pigilan na atakehin si Gwen.

    “Selena!” sigaw ko at dumalo na rin doon.

    Ilang boys ang dumalo kay Gwen ngunit nanlaban ito at sinugod si Selena.

    “Hendrix!” sigaw ko nang nakawala si Selena dahil kinakausap niya si Pierre.

    Nagmamadaling hinawakan ni Hendrix si Selena sa kamay. Sumama na rin si Rafael sa ginawa niya.

    “Oh my God!” sigaw ko at nakita ko ang kalmot sa braso ni Selena.

    “Bitch! Nambabastos ka! Alam mong may girlfriend ‘yong tao pero kung makaasta ka!? Where’s your manners!? I thought you have class? Turns out, Ej has a bad taste for women!” sigaw ni Selena.

    “Selena, tama na. Azi, please call Elijah,” sabi ko bago tumingin kay Gwen.

    “Look who’s talking? Manners? Class? If I were you? Nanahimik na lang ako! Why don’t you slap Elijah, then? Bakit ako?”

    “Because you’re one helluva slut!” sigaw ni Selena.

    Tumawa si Gwen at umiling. “I can’t believe Ej likes you.”

    “Anong sabi mo?” sigaw ni Selena at nanlaban ulit kay Rafael at Hendrix.

    Nasampal niya si Rafael nang hindi sinasadya. Nangangatog na ako. I’ve been fighting with bitches all my life but this one’s pretty intense.

    Hawak-hawak nila si Selena patungo sa malaking pintuan kung nasaan si Elijah na mukhang nagtataka pa sa nangyari. Nagtungo ako doon malapit sa kanya para sabihin ngunit naunahan na yata ako ni Azi sa pagpapaliwanag.

    “Anong nangyari?” tanong ni Klare.

    “Nagalit si Selena sa inasta ni Gwen kay Elijah,” sabi ko, nakatingin parin sa may garden kung nasaan silang lahat.

    “Make her leave, Elijah!” sigaw ni Selena sabay turo kay Gwen.

    “Be sport, woman! Wala akong ginagawang masama! I didn’t kiss him or whatever! Those were friendly pics! You are the girlfriend, dapat ay hindi ka naiinsecure! You ruined this party-“

    The fight went on and on. I can’t believe they’re really fighting for this. I mean, hindi ako nakikipag-away tuwing may lumalandi kay Eion. Ilang beses ko na siyang nakitang nilandi ng mga kaklase niya at hindi ako pumutok ng ganito. Kung nagalit man ako ay kay Eion ko binuntong ang lahat, hindi sa ibang babae.

    Umalis din sina Ramon kasama ang mga dalang babae at ang kapatid. Iyon ang dahilan kung bakit natahimik ang party. Si Selena at Elijah ay pumanhik sa taas para mag-usap.

    Nilingon ko ang lamesa ng mga lalaki kung nasaan sina Azrael na mukhang bigo dahil wala na iyong mga babaeng dala ni Ramon. Kaya siguro nito inimbitahan iyong ex ni Elijah para sa mga babaeng kasama nito?

    Nakita ko si Eion sa kanilang lamesa na nilalagok ang isang shot ng whiskey. Tinitigan ko siya at nakita kong antok na ang kanyang mga mata. Kung wala si Silver ay kanina ko pa ito pinatigil sa pag inom. Pero may magdadrive naman ng sasakyan kaya hindi ako naging masyadong istrikto.

    Lumapit ako sa mga boys para kausapin si Azi. Kakaupo lang ni Hendrix sa gitna at ayaw ko siyang lingunin. For whatever reason.

    “Azi, ba’t mo kasi inimbita si Gwen? This is your-“

    “Oh no! Don’t point your finger at me! Wala akong ginawang masama. Hindi ako ang nakipag-away,” natatawa sa pagkakasabi.

    Umirap ako. “I can’t believe you.

    “Erin!” tawag ni Eion sabay tapik sa kanyang hita.

    “Huh?” nanlamig ang aking tiyan.

    Tinapik niyang muli ang kanyang hita at ang antok niyang mga mata ay nakangiti. He’s so drunk.

    “Come on!” aniya.

    Lumapit ako sa kanya. “Eion, you’re drunk.”

    Nakatayo lang ako sa gilid niya habang pinagmamasdan ang bagong mapupula niyang labi dahil sa pag-inom. Ngumisi siya at agad na hinapit ang aking baywang at sinalalmpak ako sa kanyang mga hita.

    “There!” aniya.

    Binatukan ko siya. “Eion!” umamba akong tatayo ngunit kiniliti niya ako.

    Uminit ang pisngi ko habang naririnig ko si Kuya Josiah na nilalakasan ang boses habang nagku-kwento.

    “Stop it!” sigaw ko sa kay Eion.

    Kumalma naman siya ngunit nanatili ako sa kanyang kandungan dahil sa nakapulupot niyang braso. Nang hinarap ko ang mesa ay tapat ko si Hendrix na ngayon ay blanko ang titig sa akin.

    Shit!

    “Eion, teka lang. Naiinitan ako. Balik muna ako sa mesa namin…” sabi ko.

    “Ano ‘yon? Naiinitan ka?” bulong niya.

    Suminghap ako sa sinabi niya at buong lakas na tumayo.

    “Erin, paki-tawag nga si Damon.” Matigas na boses ni Kuya Jos ang nag-utos sa akin.

    “Yes, Kuya.”

    Pinakawalan ako ni Eion at buong pasasalamat ko sa utos ni Kuya sa aking utak. What the fuck? Nilingon ko si Eion na ngayon ay nakikipagtawanan na sa katabi.

    Dumiretso na ako sa kabilang lamesa at nag-abot kaagad si Ate Chanel sa akin ng pang pusod. Nilugay niya ang kanyang buhok para ibigay sa akin iyong kanya.

    “Naiinitan ka kahit naka spaghetti strap?” kumunot ang noo ni Ate.

    Tumango ako at bumaling kay Damon. “Dame, tawag ka ni Kuya sa lamesa nila.”

    Tumango din si Damon at tumayo.

    “Pierre, let’s go. Uwi na tayo. Itext mo si Klare,” malamig na boses ni Hendrix ang nasa likod ko.

    Ngumuso ako at nagpusod ng buhok. Nasa tabi ko na siya para maghintay kay Pierre na tumayo. Bumaling siya sa akin.

    “Are you going to sleep here?” malamig ang kanyang boses.

    Kahit na hindi ko alam kung sinong tinatanong niya ay kinuha ko nang para sa akin iyon. Nakaharap na kasi siya sa akin. Tinapos ko ang pagpupusod ng buhok at humarap sa kanya/

    “Uhm… I’m not sure. Depende kay ate at kuya. But most probably we’ll go home,” sabay tingin ko kay Eion sa kabilang mesa.

    “I hope you sleep on your bed. Alone,” aniya bago ako tinalikuran.

    Namilog ang mata ko at bahagyang natigilan sa mga binitiwang salita ni Hendrix. Malamig na tubig ang naramdaman kong naglalaro at nanunuya sa aking tiyan.

  • Kabanata 12Open or Close

    Kabanata 12

    Surprise

    Kinusot ko ang aking mga mata. Nasisinagan na ako ng araw sa aking kuwarto. Turns out, hindi ko yata nasarado ang kurtina ko kagabi.

    Tumunog ang cellphone ko ngunit bago ko ito kinuha ay tumingala muna ako sa wall clock. It’s 8:45 am. Ang saya talaga pag summer, hindi kailangang gumising ng maaga.

    “Hello?” napapaos pa ang boses ko nang sagutin ang tawag ni Eion.

    “Good morning, sleepyhead!” halakhak niya sa kabilang linya. “Happy monthsary!”

    Napangiti ako. Ni hindi ko naalala na monthsary namin ngayon. Kung hindi niya binanggit ay makakaligtaan ko iyon.

    “Happy monthsary. I love you, Eion,” hinagkan ko ang aking unan.

    “I love you more. Anong plano mo today? May lakad ba kayo ng ate mo?” tanong niya sa malambing na tono.

    “Hmmm. Siguro. I’ll ask her. Ikaw?” tanong ko.

    “Nagbabasketball kami ngayon sa Alwana.”

    “Sinong kasama mo?” tanong ko.

    “Some SBM friends.”

    “Nandyan ba mga pinsan ko?” napabangon ako sa pag-aakalang may game sila at hindi ako sinama ni Kuya Josiah.

    Mahirap kasi sumakay dito sa amin. Kung bababa ako sa syudad ay kailangang may maghatid. Maagang umaalis si mommy at daddy patungong opisina, samantalang si Ate naman ay madalas na sinusundo ni Brian. Si Kuya lang ang pag-asa ko. May Honda si Ate ngunit hindi ko rin naman ginagamit dahil hindi ako marunong magmaneho ng manual.

    “Wala. These are all juniors, e. Coach called us to train some of them. Are gon be home tonight or?”

    Kinagat ko ang pang ibabang labi ko. “Let’s see, Eion.”

    Noon ay madalas kaming manood ng sine at mag date sa monthsary namin. Pero may mga araw na tulad ng ganito na hindi maiiwasan na busy siya.

    Pagkababa ko ng cellphone ay bumangon na ako ng tuluyan para mag-ayos at hanapin si Kuya sa sala. Kuya Josiah’s near our coffee table, may kausap sa cellphone at medyo magulo pa ang buhok. Wala na nga si Ate dahil siguro ay maagang sinundo ni Brian.

    “Kuya, lalabas ka ba?” tanong ko.

    Tumango lamang siya sa akin. Ayaw pa istorbo.

    “Wait for me. I’ll just change. Sasama ako pababa, ha?”

    Pagkatapos kong kumain ng breakfast ay pumasok na ulit ako sa kwarto para makapagbihis. Itim na rompers ang una kong nahablot sa kabinet kaya iyon ang isinuot ko. Nag-ayos ako ng mukha at nagsuklay ng buhok.

    “Erin!” katok ni Kuya. “Let’s go!”

    “Wait lang!” sigaw ko, inaabot na yata ng siyam-siyam sa pag-aayos.

    I’ve got a plan. Simula kasi nong birthday ni Elijah ay napagtanto kong medyo nag lie low kami ni Eion sa surprises. Kaya ngayon ay bubuhayin ko ulit ito. Ang plano ko ay sosorpresahin ko siya sa Alwana.

    “Where will I drop you? Kina Klare?” tanong ni Kuya. “Or Claudette?”

    “Nagmamadali ka?” nagtaas ako ng kilay. “Pwedeng may kukunin lang tayo sa Red Ribbon, Kuya?”

    “Ano? Cake?” tanong niya.

    “Yup. And then sa Alwana ang punta ko.”

    “Wow ha! Driver ako?” sarkastiko niyang sinabi.

    “Please, Kuya…” kinurot ko ang kanyang pisngi.

    Mabilis niyang hinawi ang kamay ko dahil mas lalo lang siyang nairita. Ginulo niya ang buhok niya at napangisi na lang ako sa mga bulung-bulong niya tungkol sa akin.

    “Saan ka ba kasi pupunta?” tanong ko.

    “Sa condo lang nina Rafael!” Umirap siya.

    Ngumisi lang lalo ako. I’m giving him a hard time pero kahit na nagrereklamo iyan ay susundin niya parin lahat ng gusto ko.

    Nauna kami sa Red Ribbon tulad ng sinabi ko. Although I planned for this, hindi naging sapat ang dalawang araw para makaisip ako ng designed cake kaya iyong normal lang ang kinuha ko.

    “What’s that for?” Dinungaw niya ang cake na may nakasulat na “Happy Monthsary, Eion. I love you!”

    Nakabukas na ito dahil naghahanda na ako sa pagdating ko sa Alwana. Nagsimula na siyang mag drive kahit na hindi ko pa nasasagot.

    “You effort too much,” aniya. “Nasa Alwana si Eion?”

    “Yup, Kuya. Hindi ba kayo kasali don sa tinawagan daw ng Coach?”

    “Hindi. It’s the XUHS alumni siguro. Training the new breed of players sa SBM.”

    Tumango ako. XUHS? Hmm. Parang umurong ang guts ko kanina sa narinig. “Well, that means all the SBM XUHS players are there?”

    “Hindi ko alam, Erin. If you meant the older once like Hendrix Ty, siguro ay wala. Just the fresh grads like Eion.”

    Bayolente ang paghinga ko at iginala ang mata sa labas.

    “Stop surprising your boyfriend. Its hurting my ego,” malamig na wika ni Kuya.

    “What?” Kumunot ang noo ko. “Bakit?”

    “Just… that’s the last one, alright?” seryoso niyang sinabi.

    Umiling ako. “Hindi kita maintindihan, Kuya.” Tumawa ako at pinaglaruan ang mga kanta sa kanyang sasakyan.

    Nang tinigil ni Kuya ang sasakyan sa labas ng sports zone ng Alwana ay lumabas na ako. Bumaba ang bintana at dinungaw ko siya doon para sa mga bilin.

    “Alis na ako, ha? Na kina Damon lang ako. Text when you need something.”

    Tumango agad ako sa bilin niya.

    Pinaharurot niya kaagad ang aming pick-up pagkatapos ng tango ko. Bumaling ako sa bulwagan na magdadala sa akin sa court.

    Pagkapasok ko ay naririnig ko kaagad ang friction ng sahig ng court at ng rubber galing sa mga sapatos ng basketball players.

    Nagtago muna ako para suyurin ang buong court, hanapin si Eion sa lahat ng naglalaro at nakaupo. Ang coach nila ay nasa gitna at sinisigawan ang mga batang players na naglalaro.

    “Wala pa! Wala parin siyang boyfriend ngayon!”

    Napangiti ako nang narinig ang boses ni Eion sa malapit. Naghalakhakan ang mga kasama nito. Isang hakbang pa ang ginawa ko para makumpirma kung naroon nga siya sa mga benches malapit sa akin.

    “She’s the purest Montefalco. I mean, kahit si Claudette diba ay nagka-Vasquez? And knowing, Spike? Tss,” sabi ng isang kaibigan niya.

    Claudette? Bakit nasali si Claudette sa usapan?

    “Yup! Kaya nga, e. Nahihiwagaan talaga ako sa kanya, brad. Alam mo iyong tuwing tinitingnan ko siya ay laging nag iiwas ng tingin. Parang may tinatago? What do you think?” ani Eion.

    “I don’t know. Klare’s pretty and that’s all that matters. Sayang nga lang at patay na patay sa’yo ‘yon noon pero bagal mo!”

    Tumawa ang mga kaibigan niya. Kinagat ko ang labi ko at bumagsak ang tingin ko sa cake na dala-dala.

    “Oo nga, e. Laking panghihinayang ko non. May expiration date pala ang pagkaka crush niya sa akin? Mukhang anghel pero ang sakit mamagsak!”

    Nanginig ang kamay ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa cake na hawak-hawak ko. Pinaalala ko ang sarili ko na wala siyang sinabing masama. Wala siyang sinabing mahal niya pa si Klare… Wala siyang sinabing hindi niya ako mahal! Wala siyang sinabing kahit ano! Pero nasasaktan ako!

    “But hey, Erin Montefalco is a catch dude. She’s like the hottest and the most beautiful… What I’d give…” hindi tinapos ng kasamang lalaki ang sinabi kay Eion.

    Hindi ko na rin narinig na nagsalita si Eion. At ang luha ko ay tumutulo ng parang gripong sira. Hindi ko mapunasan iyon dahil hawak hawak ko sa dalawang kamay ang cake na inihanda.

    Gusto kong sumugot at pagsasapakin si Eion! So much for this surprise! Pero imbes na iyon ang gawin ko ay tumalikod ako doon at naglakad palayo.

    Kahit ang mga security guards sa Alwana ay concerned sa akin. Nagawa pa nila akong lapitan para magtanong kong ayos lang ba ako?

    Ayaw ko talaga pag may nagtatanong. Gusto ko lang na kapag umiiyak ako ay hayaan na lang ako sa isang tabi. I don’t want the spotlight when I’m crying. Dahil parang gatilyo iyon na nagpapabuhos pa lalo sa aking luha.

    “Miss, ayos ka lang?” tanong ng guard.

    Nalukot na ang mukha ko. Nakahanap ako ng maliit na mesang pwede kong paglapagan ng cake para sa wakas ay magpunas ng luha.

    Calm down, Erin. Walang sinabi si Eion na masama! He praised Klare, iyon lang! Please, calm down!

    Pinalis ko ang mga luhang naglandas sa aking pisngi. I hate myself for crying over such nonsense things! Pero kasi naiisip ko lang na ginawa ko ito para sa kanya… ang saya-saya ko kanina at excited pa ako pero ‘yon ang inabot ko? Parang punyal na tumama sa dibdib ang sakit!

    “Okay lang ako, Kuya.” Nanginginig parin ang boses ko.

    May inabot siya sa aking tissue.

    “Salamat po,” sabi ko at tinanggap iyon. “Pwede po magtawag ng taxi?”

    Nangilid muli ang luha ko. Hindi ko na alam kung saan ako sunod na pupunta. Hindi ako nagplano ng plan B sa araw na ito. Paano itong cake? Paano si Eion? Paano ko sasabihin sa kanya?

    Mabilis na nagtawag ng taxi ang security guard. Pinipiga ang puso ko at hindi ko malaman bakit. Parang pakiramdam ko ang maliit na effort ng mga hindi ko kilala ay nakakaiyak.

    “Salamat po ulit,” sabi ko at tinuro ang cake. “Kuya, sa inyo na lang po iyan.”

    Napatingin ang guard sa cake at bago pa siya makapagpasalamat ay pumasok na ako sa loob ng taxi at sinabi ko na sa driver kung saan ang tungo ko.

    Tahimik akong umiiyak sa loob ng taxi. Nililibang ko ang sarili ko sa tanawin sa labas pero tuwing naaalala ko iyong nangyari ay kusang tumutulo ang luha ko.

    Mag-isa ako nang dumating sa bahay. Syempre wala si Kuya at Ate. Ang manang lang at ang cook ang naroon kaya nagkulong ako sa kwarto. Iniyak ko ang lahat ng sakit sa unan ko. Eion didn’t know what happened. He didn’t even text me. Syempre, malay ba niya na ganon ang naging reaksyon ko? Ni hindi niya alam na nasaktan niya ako!

    Namaga ang mga mata ko. Sasayangin ko talaga ang Summer na ito sa pag-iyak. Lumipad na ang utak ko sa paghahanap ng flights papunta kung saan. Humanap ako ng magandang mga lugar na pwedeng puntahan kahit na mag-isa.

    Everything’s just so depressing na hindi ko na kaya pang magkulong doon!

    Nagbihis ako ng pang gym na damit at nagmadaling bumaba sa aming hagdanan. Ang earphones ay nasa tainga ko at nakita kong nagliligpit si Manang ng gamit sa sala.

    “Manang, gym lang po ako.”

    Hindi ko na siya nilingon at dumiretso na ako sa pintuan. Nilakad ko iyong distansya galing sa aming bahay patungo sa gate ng subdivision. Naghintay ako sa labas ng taxi at tsaka lang naka hugot ng hininga pagkapasok sa loob.

    I’m no longer emotional. Pakiramdam ko ay namanhid na ang puso ko at naubos na ang luha ko.

    Mabilis akong umakyat sa gym pagkarating. Nauna ako sa locker para magbilin ng gamit. Hindi ko schedule ngayon kaya paniguradong magugulat si Alvin na nandito ako. I just want to run and free my mind from things.

    “Ohhh…” ani Alvin. “Namamaga ang mata ni Montefalco.”

    “Shut up, Alvin. I’m gonna use this treadmill for an hour or so… ayos lang?”

    “Of course!” natatawa niyang sinabi.

    Niset ko agad ang treadmill sa mahinang bilis. Nag walking muna ako at pagkatapos ng labing limang minuto ay mabilis na ang takbo ko.

    Nawala ko na ang paghingal dahil sa mga pumasok sa isip. Eion’s words. Hindi niya naman sinabi na mahal niya si Klare. Pero bago naging kami ay alam kong mahal niya si Klare. Bago naging kami… am I his second best? Niligawan niya ba ako dahil ayaw ni Klare sa kanya?

    I’m not blind or dumb. ‘Nong highschool ay alam kong nagpapahiwatig siya sa akin ngunit may boyfriend na ako noon. Kaya inisip ko na baka ako talaga ang una niyang naging gusto bago si Klare. Na-develop lamang ang feelings niya nong tinutukso na silang dalawa. And now, I thought he’s finally home with me. I thought I’m the first choice…

    But it turns out… ako pala ‘yong second choice! Ako pala ‘yong kawawa dito!

    Shit! Ang swerte ni Klare! I know what happened with her life sucks big time! ‘Yong pagiging anak niya sa labas! But I really couldn’t fully comprehend her problem about our family. Hindi siya minaltrato ni tito Lorenzo at mahal naman siya ng ama niyang si Mr. Ty kaya hindi siya kailanman magiging dehado!

    Fuck! Niyugyog ko ang treadmill sa bawat pagtalon ko at sa mga lunges. Buong lakas ang ibinigay ko doon.

    Hindi si Klare ang problema! Wala siyang ginawang masama.

    At gusto kong isipin na hindi rin si Eion ang problema pero naiinis ako! Naiinis ako! I am so tired of putting up with shits! I’m so tired of being the second one! I’m so tired of feeling like an option!

    “I thought you said your sched’s weekends?” pamilyar na boses ang narinig ko galing sa likod.

    Hindi ako tumigil sa pagtakbo kahit na gusto kong manigas. I’m not sure if my eyes are fine now kaya hindi ko siya nilingon habang tumatakbo.

    “You’ve been running for about an hour and a half now, Erin. Lalo kang papayat.”

    “I’m okay,” sabi ko at nagpatuloy sa pagtakbo.

    Hindi ko na ulit narinig ang kanyang boses. Iyon pala ay umikot siya para makaharap ako. Wala akong nagawa kundi ang itigil ang pagtakbo. Hindi ako kumportable na tumatakbo ako habang nagkakatinginan kaming dalawa.

    “Tapos ka na bang mag gym?” nag-iwas ako ng tingin.

    “Yup.”

    Hindi ko nakita ang ekspresyon niya dahil hindi ko siya tiningnan. Kinuha ko ang tuwalya ko at nagpunas ng pawis. God, isang oras at kalahati? “Akala ko umaga ang schedule mo.”

    Kaya hapon akong narito ay umaga iyong huli naming pagkikita sa gym. Ayaw kong magkasabay kami for some reason.

    “Minsan hapon… If I have too many works to do.”

    Nilingon ko na siya sa sinabi. Nakita kong blanko ang kanyang ekspresyon, like the usual. He’s almost intimidating. “I see.”

    So nagtatrabaho siya? Hindi ko alam. Huminga ako ng malalim at umupo sa isang equipment. Ayaw ko nang mag angat ng tingin sa kanya dahil naiintimidate na naman ako.

    “You’ll wait for Eion again this time?”

    Umiling ako. “Nope. He’s busy.”

    Hindi siya kaagad nagsalita. May malamig na tubig ang gumapang sa tiyan ko. Ramdam ko ang awkwardness sa gitna naming dalawa. Gusto kong tumakbo at kumawala sa usapan.

    “Can I… drop you home instead then?”

    Holy crap!

    Tumawa ako para itago ang kaba. “Ayos lang ako. I can call Kuya or Ate. They’ll be here when I need them. Or I can commute, kaya ko naman.”

    Hindi na siya nagsalita ulit. Nanatili siyang nakatayo sa gilid ko. Takot akong tingnan siya. Takot ako sa bilis ng pintig ng puso ko. Parang pati ito ay natatakot.

    “Do you always turn down a friendly offer?”

    Uminit ang pisngi ko. Oo nga naman, Erin! Friendly offer iyon! Why the hell would I think otherwise? Nagawa ko na siyang tingnan and I can’t help but be damned by his evil smile!

    “Hindi naman. Ayaw ko lang ng nakakaabala sa ibang tao.”

    Tumango siya. “Hindi abala. Malapit ang Hillsborough sa inyo.”

    Huminga ako ng malalim at pumikit ng mariin. I can’t believe I’m falling for this. Tumango ako bilang pagsang-ayon. Pagkatapos ay tumayo ako. I can’t take this awkward shit anymore!

    “I’ll just change, tapos bababa na rin ako para makauwi na.”

    Tumango siya at nilagpasan ko. Nagmadali ako sa locker. Nanlalamig ako at hindi ko alam kung bakit ganito na lang talaga ang nararamdaman ko ngayon. Why is this bothering me so much? What the fuck is wrong?

    Patakbo akong bumaba sa hagdanan. Sa malayo pa lang ay nakita ko na si Hendrix na nakahilig sa sasakyan niya sa parehong spot kung nasaan iyon nakapark dati. Kumalabog ang puso ko. Here we go, Erin!

    Pero bago pa ako nakalakad patungo sa kanya ay may mga bulaklak at dahon na humarang sa paningin ko. Natigil ako sa paglalakad nang nakita ko ang matamis na ngiti ni Eion.

    “Happy monthsary! Surprise!” Tumawa siya habang ako ay tulala at tuluyan nang naestatwa!

  • Kabanata 13Open or Close

    Kabanata 13

    Break Up

    Nanatili akong nakatayo habang niyayakap ako ng mahigpit ni Eion. Kumunot ang noo niya nang nakitang wala akong reaksyon sa ginawa.

    Muli kong sinulyapan ang sasakyan nina Hendrix na ngayon ay lumiko na at umalis.

    “Erin?” inagaw niya ang atensyon ko. “Happy monthsary! Are you okay?”

    Tsaka ko pa lang nakuha ang buong nangyari. Matagal itong nagproseso sa aking utak. Tila ba tumigil ang oras kanina. Hindi ko magawang matuwa ng lubusan. I could only fake a smile. Iyon lang ang tangi kong naibigay kay Eion. And Eion knows me well.

    Binalingan niya ang mga bulaklak at halu-halo ang nakita ko sa kanyang mukha, pagka-irita at pagkabigo.

    “You’re not happy,” deklara niya.

    Hindi ko magawang tumanggi. Syempre ay ikinagulat ko ang sorpresa niyang ito. Ikinagulat ko na may pakealam pala siya sa akin. Kanina ay akala ko laking pagsisisi niya na ako ang naging girlfriend niya!

    “Eion…”

    Gusto kong magkalinawan kaming dalawa. Nakakapagod na ganito. Nakakapagod na may bumabagabag sa akin. Nakakapagod.

    “What is it now?” iritadong bulalas niya.

    Nairita na rin ako sa galit niyang tono. Nag-iisip pa ako kung sasabihin ko ba sa kanya ang naiisip o ang nangyari kanina o hindi pero heto siya at naggagalit agad! Then I have no choice.

    “Can we talk?” tanong ko.

    “We are talking.” Umigting ang kanyang bagang.

    Pinasadahan ko ng tingin ang paligid at nakita kong may iilang tao ang naroon. Gumagabi na. Hindi ko alam kung saan kami mag-uusap na kaming dalawa lang.

    “Where’s your car?” tanong ko at nagsimula nang maglakad palayo sa kanya.

    Namataan ko ang paghagis niya sa mga bulaklak patungo sa malaking basurahan sa malapit. Natigil ako at napatingin sa kanya. Galit siya. Galit na galit. Kinuha niya ang susi sa bulsa at nagmartsa na papasok ng district para kunin ang sasakyan niya.

    Sumunod ako sa kanya. Medyo nag-aalab na rin ang galit ko sa ngayon. I hate that he reacts violently. Hindi ba pwedeng magtanong ng mahinahon? Hindi ba pwedeng mag-alala ng hindi nagagalit?

    “What’s your problem?” tanong niya bago kami nakapasok sa kanyang sasakyan.

    Hindi ko siya sinagot. Binuksan ko ang pintuan at pumasok na ako sa loob. Binuhay niya ang makina ngunit hindi pinaandar. Nilingon niya ako.

    “What, Erin?” tanong niya.

    Hindi ko makapa ang tamang mga salita para sa tanong ko. Walang indirect, straighforward lang ang naiisip ko. Maybe because I want straightforward answers from him too.

    “Am I your second choice?” tanong ko.

    Umismid siya. “Second choice?”

    “I heard you, Eion! Nagpunta ako kanina sa Alwana at narinig ko ang mga sinabi mo tungkol kay Klare. You like her! You still like her! Until now! At gusto ko mang isipin na noon ‘yon ay ramdam ko parin hanggang ngayon ang panghihinayang mo!”

    Nanlaki ang mata niya. Ginulo niya ang kanyang buhok bago bumaling sa akin. “Klare again? What’s your problem with Klare?”

    “I don’t have a problem with my cousin! ‘Wag mong ibahin ang usapan! I’m asking you if you still like her, Eion!”

    Hinampas niya ang kanyang manibela at bayolente ang kanyang hininga.

    Nag-init ang gilid ng aking mga mata. Takot na takot ako sa isasagot niya. Nangatog ang tuhod ko at ang buong sistema ko ay naginginig sa takot. Ayaw kong marinig pero kailangan.

    “Why can’t you answer?” nabasag ang boses ko.

    “Hindi ba girlfriend kita? Bakit mo ako tatanungin niyan? Syempre ikaw ang mahal ko, Erin!”

    Humikbi ako. Hindi ko na alam kung paano ko siya kukumbinsihin na nararamdaman kong gusto niya pa si Klare. Maaring tama ako o maaaring na iinsecure ako. It’s probably the latter. It should be the latter! Kasi hindi ko yata kaya kung gusto niya pa si Klare.

    “Ang gulo mo, Erin! Ang gulo-gulo mo! Alam mo ‘yon? Tayong dalawa pero nagtatanong ka-“

    “May rason kung bakit ako nagtatanong ng ganito!”

    “Then what is it? My curiousity for Klare? Huh?” Hinampas niya ulit ang manibela. “God, Erin! Syempre, hindi ba sinabi ko na sa iyo noon? Na hindi ko alam kung bakit niya ako binasted?”

    “Why is it such a big deal to you?”

    Pinipiga ang puso ko habang pinapalis ang sariling luha.

    “Bakit kailangan mo pang malaman? Can’t you move on?”

    “You don’t understand! You don’t understand me at all!” sigaw niya.

    “What is it, Eion? Ego? Ego mo? Nasasaktan kasi binasted ka nong babaeng patay na patay sa’yo! Hindi ka maka get-over kasi hindi mo kayang nabasted ka? Ha? Iyon? Then how do we fucking cure that? Huh? You’re wounded ego?”

    “Shut up!” Mas malakas ang boses niya. “Ikaw ang girlfriend ko at paniguradong alam mo pero hindi mo sinasabi sa akin!”

    Nanlaki ang mata ko. He’s still at this. Hindi niya parin ito nabibitawan. I know what he meant by that.

    “Anong sasabihin ko sa’yo?”

    “You two are very close and you should know why! You could’ve ask her why!”

    Pumikit ako ng mariin. Hindi ko kaya ‘to. Hindi ko kaya ‘to! Ang sakit sakit ng puso ko. Ang sakit sakit ng mga tanong niya. Maaaring hindi nga iyon patalim para sa akin pero ang ibig sabihin ng pagtatanong niya ay hindi parin talaga niya nabibitawan si Klare… hanggang ngayon!

    “For what? Kung ako na nga ang mahal mo ngayon, bakit kailangan mo pang makealam sa buhay ni Klare? Ha?”

    “If you really love me, you should’ve told me what was wrong with me, Erin! Kung anong naging problema niya sa aming dalawa! Kung sino ang lalaking mahal niya at bakit hanggang ngayon… wala parin siyang boyfriend! Ano ‘yon? Ilusyon? Ano ‘yon? Imaginary?”

    Sinampal ko siya. Nagulat at napapikit siya sa ginawa ko. Humapdi ang palad ko sa aking sampal sa kanya.

    “Bakit nga, Eion… Please? Bakit kailangan mo pang malaman? What’s so important? What’s the big fucking deal?” nanghina na ako.

    “Let’s break up.” Malamig ang kanyang boses.

    Nalaglag ang panga ko. Sa dinami dami ng away namin ay ngayon lang nabuhay ang usaping ito.

    Wasak na wasak ang pakiramdam ko habang pinagmamasdan siyang nakatitig lamang sa unahan. Hindi niya man lang ako tiningnan. Nakita ko ang luha sa gilid ng kanyang mga mata. I know he’s hurting too. That’s for sure.

    Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko habang umiiyak. Mabilis ang pag angat-baba ng aking dibdib.

    “Ganon lang? ‘Yon lang ang rason? ‘Yon lang?” tanong ko.

    “You made this issue a big deal, Erin! Kung hindi mo sasabihin sa akin ang rason na gusto kong marinig noon pa, ibig sabihin hindi mo ako pinagkakatiwalaan! You’re not helping me get over her!”

    “So you still love her? You still love her?”

    Bumangon ang galit sa aking puso. Hinampas ko ang braso niya habang nagtatanong ng ganon paulit-ulit.

    “You still love her, huh? Then what am I?”

    “Stop it, Erin! Stop it!” Hinawi niya ang kamay ko.

    “Eion, bakit? Hindi… Hindi ko talaga maintindihan kung anong meron sa katotohanang iyan? Why do you fucking need to know? What’s the fucking big deal at bakit tayo maghihiwalay para diyan?” Sigaw ko.

    “Then what’s the big deal too? Bakit hindi mo masabi sa akin ang dahilan? Bakit mo sinisekreto?”

    “Fuck anong dahilan, Eion?” Napasigaw ako sa frustration.

    Paikot-ikot ang usapan namin at hindi niya makuha ang gusto kong intindihin niya!

    “Why can’t you fucking tell me who the guy is? Sino iyong gusto ni Klare? Iyon ang idinahilan niya sa pag ayaw niya sa akin-“

    “What’s the fucking big deal!?” Nakakahanga ang persistence niya sa usaping ito. Nakakahanga at nakakabaliw. What’s the big deal, really?

    “Then let’s break up!”

    “‘Yon lang?” sigaw ko. “Fine! Let’s break up!” Matapang ang naging boses ko, kahit ako ay hindi makapaniwala.

    Binuksan ko ang pintuan ng kanyang sasakyan. Wala siyang imik sa paglabas ko. Naglakad ako palayo habang tumutulo ang luha. Hindi naman umandar ang kanyang sasakyan, nanatili lang sa parking lot.

    Nang nasa labasan na ay pumara kaagad ako ng taxi. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ako pwedeng sa bahay dahil paniguradong nakauwi na sina mommy at daddy. Magtataka sila sa namamaga kong mga mata.

    Sinabi ko ang address nina Claudette sa driver. Iyon lang ang naisip kong puntahan.

    Nilibang ko ang sarili ko sa mga sasakyan sa labas dahil hindi umuurong ang mga luha ko. Ayaw nitong paawat at patuloy itong bumubuhos.

    We broke up! Mahal na mahal ko si Eion. Pero bakit nga ba hindi niya maalis ang utak niya sa rason ni Klare? Ano nga ba ang sinabi ni Klare sa kanya nong binasted ito? Bakit nga ba malaking bagay ito para sa kanya? I want to know.

    Hindi niya naman sinabi sa aking hindi niya ako mahal. Hindi niya sinabi sa aking mahal niya si Klare. Iyon ang pinanghawakan ko. Iyon ang tanging pinanghahawakan ko sa ngayon. But damn, our fights are stressful and too intense! Hindi ko na kaya pang tumagal sa away na paikot-ikot lang.

    “Erin?” si Claudette ang nagbukas sa pintuan.

    Nong nasa taxi pa lang ako ay akala ko hahagulhol ako sa kanya pero siguro dahil sa pagod at gulo ng utak ay diretso lang ang pagpasok ko sa loob ng bahay nila.

    “What happened?” nag aalalang tanong ni Claudette. “Sa kwarto tayo.”

    Tumango ako at umakyat kasama niya. Tahimik ang bahay nila. I assumed Tita’s in Manila and Tito’s busy with work. Si Azrael naman ay paniguradong kasama pa ni Kuya ngayon kung nasaan man sila.

    Nilapag ko ang aking bag sa kama ni Claudette at mabilis na nagtanggal ng sintas ng sapatos. Kumuha siya ng isang pares ng tsinelas at binigay kaagad sa akin. Tahimik siyang pinagmamasdan ako habang tumatayo at sinusuot ‘yon.

    “Erin, what happened?” tanong niya.

    “Break na kami ni Eion,” sabi ko, naninikip muli ang dibdib.

    Naglakad ako patungo sa malaking bintana ng kanyang kwarto at hinawi ko ang kurtina. Nakakahalina ang kanilang swimming pool ngunit wala akong damit.

    “Can I sleep here?” tanong ko.

    “Sure.” Nanunuri ang kanyang titig.

    Hindi ko alam paano magsimula sa pag kukwento. Nagtatanong na si Claudette pero hindi ko pa siya nasasagot. Mabuti na lang at tinawag kami ng kanilang katulong para makakain na.

    Pagkatapos naming kumain ay tumawag na ako kay mommy para magpaalam na kina Claudette ako matutulog.

    “Yes, mom. Thank you. I love you,” sabi ko bago ko binaba ang cellphone.

    Malamig ang tubig ng kanilang pool sa aking tuhod. Pareho kaming nakaupo ni Claudette at nagtatampisaw sa pool. Nilapag ko ang cellphone ko sa aking tabi. Walang text ni isa galing kay Eion.

    “What really happened, Erin?” tanong niya.

    Humugot ako ng malalim na hininga. “You think he’s still in love with Klare?”

    Hindi kaagad nakasagot si Claudette. Para bang tinitimbang pa niya ang mga salita. Nilingon ko siya, nanatili ang titig niya sa akin.

    Mahirap ang paglunok dahil may unti unting nagbabara sa aking lalamunan. Nagbadyang muli ang luha sa gilid ng aking mga mata.

    “Ayaw niyang bitawan si Klare. Gusto niyang malaman kung sino iyong gusto ni Klare. Kung bakit…” mariin kong sinabi. “Bakit siya binasted! Bakit? Bakit, Dette? Anong meron sa pambabasted ni Klare?”

    “Sinabi mo bang si Elijah?” tanong ni Claudette.

    “Gustong-gusto kong sabihin na si Elijah! Gusto kong sabihin! But then why won’t he forget about it? Hindi ko talaga makuha kung bakit pa kailangan iyon sa buhay niya? Why does he need answers? Is that question important to him? Will it change anything? Sasagutin ba siya ni Klare pag malaman niya?” Humagulhol ako at nagmura habang pinapalis ang bawat luha.

    Crying is stupid! Gusto kong tumigil pero parang sasabog ang puso ko tuwing pinipigilan ko.

    “May mga tao lang talagang gusto ng mga sagot para maka move-on, Erin.”

    Sinipa sipa ko ang tubig kaya umalon ang swimming pool nila. Kung ganon anong mangyayari kung malalaman ni Eion ang tungkol doon?

    “I don’t think so. I won’t care about anything. Pag may mahal ako, hindi na ako magtatanong sa mga nangyari dati. Ni hindi ko siya kinwestyon kung mahal niya pa ba si Klare noong niligawan niya ako! Past na iyon! Past is past!”

    “You’re like that. Ang ibang tao, hindi, Erin. May mga bagay sa past na nabubuhay parin sa present,” nilaro na rin ni Claudette ang tubig.

    “Fucking past! I really can’t comprehend! I really can’t understand…” Umiling ako.

    Kahit anong pasok ko sa mga rason sa utak ko ay hindi ko parin ito makuha. There must be something wrong with me, then?

    “If Klare still loves Eion right now, would you let him go?” tanong ni Claudette na nakapagpatigil sa aking linya ng pag iisip.

    “She doesn’t love Eion. She fell for Elijah years ago…”

    “Paano nga, Erin?” nagtaas ng kilay si Claudette.

    Umiling ako, may markang kawakasan sa aking utak. “She’s still in love with Elijah now, I can see it. Kaya imposibleng gusto niya si Eion.”

    “If Klare’s still in love with Elijah, mas lalo lang silang paglalayuin ng pamilya.”

    “Elijah’s with Selena.” Iritado na ako. Hindi ko alam kung paano kami napadpad sa usaping ito.

    Tumango si Claudette sa akin. “Will you let Eion go para lang maging sila ni Klare, Erin? Para makalimutan na ni Klare si Elijah? Can you do that?”

    Ngumiwi ako at napatitig sa pinsan ko. Ang mahaba at itim niyang buhok ay parang tubig kung makadikit sa kanyang katawan. My hair is almost as long as hers.

    Umiling ako. “I love Eion, Dette. At kung mahal niya ako ay para sa akin siya. Klare can find another guy. Why would you even ask me that?”

    Tipid na ngumiti si Claudette atsaka’y umiling. “Wala lang.”

  • Kabanata 14Open or Close

    Kabanata 14

    Have Fun

    Kinaumagahan ay nahihindik akong tingnan ang sarili kong mukha sa salamin. Namumugto ang mga mata ko. Magdamag akong umiyak pagkatapos naming mag-usap ni Claudette.

    Dalawang text ang nakuha ko galing kay Eion at parehong hindi ko iyon nireplyan.

    Eion:

    I’m sorry.

    Eion:

    Where are you?

    Hindi ko maipapangakong magkakaayos kami pag nagkita ulit kami. Sa ngayon ay mas mabuting ganito na lang muna. Dahil may hinanakit pa ako at marami pa akong tanong. I’m sure my questions will only piss him off.

    “Ma’am, sigurado ba kayong hanggang dito ang gusto ninyo?” Sabay pakita ng bading sa itinuro kong lebel ng buhok kanina.

    Tumango ako. Magpapagupit ako ng buhok.

    Tanda ng kagustuhan kong magbago lahat ng pangyayari. Ngumiwi ang bading habang sinusuklay ang mahaba kong buhok.

    “O, sige. Sayang naman itong straight mong buhok. Pero tutubo din naman kaya okay lang,” aniya.

    Ngumisi ako.

    Isang gupit lang at naputol kaagad ang mahaba kong buhok. Pinahawak sa akin nong bading ang mahabang buntot ng buhok ko habang inaayos niya ang paggupit.

    Tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko kaagad iyon at sinagot.

    “Nasan ka na naman?” tanong ni Ate Chanel.

    Pagkagising ko kanina ay umuwi kaagad ako sa amin. Maaga kasing nagpunta si Azrael sa bahay kaya sumama na ako sa kanya. Wala na si Ate Chanel pagkauwi ko, sumama daw kay Rafael. Umalis ako ng mga hapon para magpagupit.

    “Wala ka naman sa bahay,” dagdag niya.

    “Nagpaalam ako kay mommy. Nagpapagupit ako ng buhok ngayon.”

    “Trim? Anyway… mamaya may ticket kami ni Rafael sa foam party. Kinuha namin kay Zoe kaninang umaga, isa kasi sila sa organizers. Tas nandito kami sa kina Klare ngayon. Sama ka mamaya?”

    Ngumuso ako. Party? May party mamaya? Hindi na ako nag-atubili. Paniguradong iiyak na naman ako mamayang gabi kung hindi ko makalimutan ang nangyari sa amin ni Eion. So I would rather party!

    “Syempre!”

    “Hindi ka ba papagalitan ni Eion?” Nahimigan ko ang pag aalinlangan sa tinig ni Ate.

    “Wala na kami. Maghahanap nga ako ng boyfriend sa party kaya sasama ako.” Humalukipkip ako.

    “Oh my God? ‘Di nga? Kaya ka nagpapagupit ngayon? T-Teka, hanggang saan ang pinagupit mo?”

    “Noon ko pa gustong mag pagupit. Ngayon lang ako nabigyan ng rason,” huminga ako ng malalim.

    “Bakit kayo nag break? Anong nangyari? Did he cheat?” Pahisterya ang sunod-sunod na mga tanong ni Ate. “Or did you?”

    Umirap ako. “Basta, ate. Ayoko munang pag-usapan. I just wanna have fun and forget!”

    “O, sige.” May pag-aalala sa kanyang boses. “Sumama ka na lang kina Damon mamaya ha? Dito na tayo kina Klare magkita. Babalik ka pa sa bahay?”

    “Hindi na. Diretso na ako.”

    Pagkatapos naming mag-usap ay binaba ko na ang tawag. Tinawagan ko naman sina Damon at Rafael para magpasundo dahil malapit lang sa kanilang condo ang pinagpagupitan ko.

    Isang oras din akong naglakad-lakad sa loob ng mall para makapag muni-muni na rin. Madilim na sa labas, kitang kita ko iyon galing sa loob ng isang restaurant na kinainan ko. Gayunpaman, hindi nito mapipigilan ang pagsusuot ko ng sunnies. Ayokong mag mistulang namatayan habang gumagala.

    Tumunog ang cellphone ko sa tawag ni Eion. Tiningnan ko lang iyon habang kumakain ako. I don’t want to answer his calls. Bakit niya ako tatawagan? Siya ang nakipaghiwalay sa akin! Siya ang may ayaw na! Totoong mahal ko pa siya at gustong-gusto ko pang magkaayos kami pero I want a break right now. From all the heartaches! From all the pain he’s caused me!

    May biglang umupo sa harap ko. Tumuwid ako sa pag upo at dinampot ang cellphone ko. Damon’s eyes silently inquired my problem. Umiling ako.

    “Where’s Raf?”

    “Nasa labas, naghihintay. Tatawagan sana kita pero busy ang linya. Akala ko may katawagan ka. What happened to your hair?”

    “Wala,” sagot ko nang di siya tinitingnan.

    Inayos ko ang gamit ko at uminom na ng tubig. Tumayo siya at sa isang galaw lang ay nakuha niya ang cellphone ko galing sa aking bag. Gusto ko iyong bawiin pero nakalayo na siya.

    “Eion?” nagtaas siya ng kilay at binigay niya sa akin ang phone na nag va-vibrate parin sa tawag.

    “We broke up, Dame. Hayaan mo na ang isang iyan.”

    “That’s why you cut your long hair? What the fuck, Rin?”

    Tumayo ako at naglakad. Inakbayan niya ako palabas ng Gerry’s Grill, nakangisi.

    “Ang mabuti pa, maghanap ka sa party-“

    “You don’t have to tell me that. That’s my plan, Dame,” pagod kong sinabi.

    “Maghahanap tayo doon.” He laughed. “I’m single too, you know. I mean, walang love life.”

    “Yeah! Party’s for single people. I wanna get drunk, dance, and forget, Dame.”

    Humagalpak si Damon nang nakalabas na kami doon. Kitang-kita ko ang sasakyan nilang nakapark sa tabi ng hagdanan. Pumasok kaagad kami doon.

    “Nagbreak daw sila ni Eion,” natatawang sinabi ni Damon nang nakapasok na kami sa sasakyan.

    “What happened, Erin? And your hair? Tss.” tanong ni Rafael pagkatapos ay pinaandar ang sasakyan.

    “I’m tired, Raf. ‘Wag na muna nating pag-usapan.”

    “Did he cheat?” sumulyap siya sa akin gamit ang rear view mirror.

    Hindi ako nakasagot ng diretso. Hindi ko alam kung ‘cheating’ nga ba ang tamang term doon. He didn’t cheat. Hindi niya naman ginirlfriend si Klare. Pero ang pagkakagusto pa kay Klare ay pwedeng maihalintulad sa pagtataksil.

    Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi. Si Klare na tahimik lang. Mahal niya parin hanggang ngayon si Elijah.

    Naisip ko iyong tanong ni Claudette. Would I give Eion up for Klare? Para hindi na ulit niya mahalin si Elijah? Ganoon ba ako ka desperada to keep Klare with us? To save Klare from the wrath of our parents? No… I will find ways to keep her. Hindi iyong pinagkakanulo ko siya kay Eion. She’ll find other guys for sure. She will.

    Elijah proved me nothing but the shallowness of his love. Kung makakahanap din naman pala siya ng iba, mabuti na lang din na hindi talaga sila natuloy ni Klare noon. Kung hindi ay matatakwil lang silang dalawa sa isang mababaw na dahilan. This will damage the both of them. Mabuti sana kung wagas na pag-iibigan pero kung mababaw lang ito para sa kanya, mabuti na lang at hindi naging sila.

    “Erin, did he cheat?” tumaas ang boses ni Rafael.

    Naputol ang linya ng pag-iisip ko. “Raf, let’s not talk about it.”

    “Sinabi mo na ba ito kay Josiah?”

    Umiling ako. “Kakabreak lang namin kahapon, Raf.”

    “Oh no… You know he’s protective of you, right? He’s so proud that you’re his ‘disciple’. At bakit ka ngayon naka shades? Namumugto ang mga mata mo? Ang akala ko ba ay tinuruan ka ni Josiah na maging matigas? Bakit ngayon, nanlalambot ka?”

    “Tinuruan niya ako but I’m not him, Raf.” Iyon lang ang tanging nasabi ko.

    Lumabas kami sa sasakyan pagkarating sa building nina Klare. Hindi ko na nilingon ang magkapatid dahil tahimik silang nakatingin sa akin. Kakarating lang din ni Brian. Nasa elevator siya at hinihintay kami.

    “What’s with the shades, Rin?” tanong ni Brian habang ang kanyang cellphone ay nasa tainga.

    Umiling lamang ako at humalukipkip. Pagkasara ng elevator ay nagkwentuhan na ang tatlong lalaking kasama ko.

    Lumabas kaagad ako nang nasa tamang palapag na. Sinalubong kami ni Ate at ni Claudette. Diretso lang ang lakad ko kahit kita ko ang pagkamangha sa mukha ni Claudette. Siguro ay dahil sa buhok ko.

    “Oh my God, Erin! Bagay sa’yo ang buhok mo!” natatawang sinabi ni Ate.

    Hinawakan niya pa ang dulo ng buhok ko. Parang hindi makapaniwala na ganito na ito kaiksi ngayon. Nalingunan ko kaagad ang mga pinsan ko sa sala nina Klare. Nagtaas ng kilay si Azi sa buhok ko at si Kuya Josiah naman ay ganon rin.

    Lumapit agad ako sa kay Kuya. He probably heard the news now. Pero nang nakalapit na ako ng husto ay namataan ko kung sinu-sino pa ang naroon!

    Sa mesa ay naroon ang mga Ty. May mga lalaki din akong hindi kilala kaya imbes na magsalita ako ay nanahimik ako.

    “Uh, so we’ll go na po.” A familiar voice spoke.

    Hindi ako magkakamali. Kahit di ko nilingon ay paniguradong si Hendrix iyon. Kahapon ay naalala ko pa ang maiksing usapan namin. Dapat ay hinatid niya ako sa bahay pero dumating si Eion and it happened! Hindi ko alam paano haharapin si Hendrix ngayon. Nahihiya ako dahil hinintay niya ako noon pero binigo ko siya.

    “Okay. Klare, ihatid mo sila sa baba,” sabi ni tito Lorenzo.

    Nilingon ko si tito. Sabay ng pagtayo ng mga Ty at ilan pang lalaki ay dumiretso ako sa kanya para magmano. Lumabas din si Tita Helena galing sa kusina at ganoon din ang ginawa ko.

    “Josiah, alis na kami,” ani Hendrix sabay tapik sa balikat ng kapatid ko. “Azrael… Elijah…”

    Tinapik rin niya ang balikat ni Rafael at Damon. Tinanguan niya si Ate at Claudette. Sa tabi ni tito Lorenzo ay pinagmasdan ko sila. Nauna iyong mga lalaking kilala ko bilang kaibigan lamang ng mga Ty. Huli si Pierre na hinihintay si Hendrix.

    “Ingat!” ani Claudette.

    Lumipat ang mata ni Hendrix sa akin. Shoot! Thank God I’m wearing shades.

    “Alis na kami,” aniya bago sumunod kay Klare at Pierre.

    Pagkalabas ng mga bisita ay inatake kaagad ako ng mga pinsan ko ng mga tanong. Kahit si Tita Helena ay nakisali na rin. It turns out, Ate Chanel told Tita Helena about it.

    “Please, Azrael. I don’t want to talk about it.”

    “So… ibig sabihin siya ang nakipag break! Simpleng tanong, madaling sagutin, Erin. Tsss.” Para bang disgrace para sa pagkatao ko na naunahan akong makipagbreak.

    “Stop it, Azi. Ang mabuti pa ay tulungan ninyo akong dalhin itong mga pagkain sa roofdeck. Nauna na si Josiah doon,” ani Tita Helena.

    Tumulong na rin ako sa paglalapag ng mga inumin doon sa roofdeck. Our Patron got here. Siguro ay dinala ito ni Kuya. May mga beer na rin at mga pagkain.

    May iba pala sa kanilang hindi pa kumain samantalang ako ay kumain na sa labas. Kaya habang nilalantakan nila ang handa ay nagsimula na rin ako sa pag-inom.

    “Don’t worry, Erin. Maghahanap tayo ng pamalit mo sa gagong iyon ngayong gabi,” ani Kuya, medyo iritado.

    “Oh, I will Kuya. Don’t worry!”

    “Kung makapag-usap kayo parang sapatos na nasira lang ah? Hanap ng pamalit!” Humalakhak si Damon.

    Kumuha ako ng pagkain. Lumipas na ang tatlong shots ng Patron at mahaba pa ang gabi. Mamaya ay malasing ako ng husto bago pa ako makahanap ng kasayaw mamaya.

    Saktong pagkabalik ni Klare ay ilan na ang nainom ko. I couldn’t help but remember what Eion told me last night… tuwing nakikita ko si Klare. Lahat ng alaala ko, ang kakulangan ko bilang girlfriend niya, ang gustong mangyari ni Eion, at ang kanyang pinanghihinayangan ay naaalala ko.

    “Kami lang mga walang love life. The rest, dito na lang kayo,” patuya kong sinabi pagkatapos ng pang ilang shots ng Patron.

    Tonight, I’m gonna party hard. I’m tired of all the drama!

    “Excuse me lang. May love life ako,” maarteng sinabi ni Azrael sa akin.

    “Shut up. I know you’re an asshole and you want to be there.” Umirap ako at nilagok ulit ang shot.

    “No way, Erin. Di kami papayag na wala kami don.” Naha highblood na naman si Elijah.

    “Whatever, then. Nauumay na ako sa away.” Tinanggal ko ang aking shades at sinuklay ang maiksing buhok gamit ang aking mga daliri.

    Hindi ko tinantanan ang Patron. Lalo na kasi hindi rin naman ako pinipigilan ni Kuya. Usually, he’s very protective. Ayaw niya minsan na nasosobrahan ako sa pagkalasing pero ngayon ay siya pa mismo ang nagsasalin para sa akin.

    “Jos, you’re going to kill her,” ani Damon.

    “I’m not going to kill my sister, don’t worry, Dame.” Sabay inom din ni Kuya ng tequila.

    Nahihilo na ako. Pero hanggang langit ang energy ko. Gusto kong magtatalon at magsasayaw.

    “She’s going to be drunk dancing in that party, Dame. With a jerk, most probably!” ani Damon.

    “I’ll be watching, don’t worry.”

    Kaya pagkaalis namin doon ay lasing na lasing na ako. All I wanna do is dance and party! Para akong nakawala! Wala nang magagalit sa kung anong gagawin ko sa gabi na ito! Kasi simula nong naging kami ni Eion, hindi na ako nakakapagparty ng ganito.

    Hinamon ko si Klare. Paramihan ng makakasayaw na lalaki. Kami na lang dalawa ang single sa mga babae. Well, Claudette has Silver Sarmiento.

    Hinila ko siya sa dancefloor pero nagpupumiglas siya. I was too drunk to hear her reasons! I just want to have fun!

    Kaya imbes na hilahin pa siya ay nakisama na ako sa dagat ng mga tao. Open part iyon at sa bawat sulok ng venue ay may ga bubbles na lumalabas, malaki at maliliit. Sa ibabaw ng punong nasa harap ay isang malaking hose na may lumalabas na maliliit na bubbles at tubig.

    “Wohooo!” sigaw ko nang nabuhusan ng kaonting tubig at nakahanap ng ilang kakilala noong highschool.

    “Erin Montefalco! Wow! New look!” sabi ng mga kaklase ko.

    Imbes na makipag-usap sa kanila ay nakipagsayaw na lang ako. I’m not here for a little chitchat, I’m here to have fun.

  • Kabanata 15Open or Close

    Kabanata 15

    Akala Ko

    Malayo pa lang ay nakangisi na iyong kaklase ko. Kitang-kita ko ang pagkindat niya. He’s been hitting on me since second year at ni hindi ko siya nililingon noon. Mukha kasing manyakis kahit na gwapo. But now, no way… He still won’t have his chance.

    Umalis ako doon sa mga kaklase ko. Ayaw kong makatabi iyong manyakis. Naiwala ko tuloy si Klare sa likod kasi dumiretso ako sa gitna ng party kung saan mas maingay at mas masaya. Tinanguan ako ng mga kakilala kong naroon at nakipagsayaw na ako.

    Bumuga ang hose ng mas marami pang bula. Nabasa ako at natawa nang naramdaman ang kiliti ng mga bula sa aking balat.

    Naririnig ko ang pamilyar na kumpas ng kanta at tumigil ako sa pagsasayaw. Tinaas ko ang isang kamay ko tulad ng ibang naroon at kinanta ang lyrics nito.

    “One Look was all it took! One glance, I was drawn into your fire!” sigaw ko.

    May naramdaman akong sumasayaw sa likod ko. Nilingon ko at nakita ang mukhang manyakis kong kaklase. Kinilabutan ako at naghanap ng maaring dahilan ng pagtakas.

    Nakikita ko si Azi at Kuya na parehong topless sa gitna ng dancefloor at pinapalibutan ng mga babae at iilang kakilala. Tumawa ako at umambang pupunta na roon pero may humaklit sa aking braso.

    Noong una ay akala ko iyong manyakis ang humaklit pero nang nilingon ko kung sino iyon. Nakita ko si Eion sa dilim. Umiigting ang kanyang panga at marahas ang titig sa akin.

    “Bitiwan mo ako, Eion,” may banta sa boses ko.

    Mas lalo niya akong inilapit sa kanya. Ang aking tainga ay nasa kanyang mukha. Pumiglas ako pero sa lakas niya ay hindi ko nagawang kumawala.

    “You’re back to your old ways again? Dahil wala na ako?”

    Parang asido sa aking puso ang narinig galing sa kanya. So he really did believe na wala na kami? Nasaktan ako, nagpagupit, pero umaasa akong magkakaayos parin kami kahit paano. I’m willing to accept him again. I’m fucking willing!

    “Bitiwan mo ako, Eion…”

    “Please, don’t do this Erin. Please…”

    Naamoy ko ang alak sa kanyang hininga. Tinulak ko siya ng bahagya pero bumalik din ako sa kanyang dibdib dahil sa lakas ng hawak niya sa aking braso.

    “You don’t have a say on what I want to do!” sabi ko.

    “I know you still love me! Nagtatapang-tapangan ka lang! If you want me back, why can’t you swallow your damn pride? If you want us together why can’t you honestly tell me-“

    Hindi pa siya natatapos ay humilata na siya sa sahig dahil sa pwersang nanggaling sa kapatid ko. Isang hatak lang ni Kuya sa braso ni Eion ay natumba na kaagad ito.

    “Stay out of this, Jos! Problema namin ‘to ni Erin!” sabay tayo ni Eion at ayos sa kanyang damit.

    “Kuya!” sabay hila ko sa kanyang braso.

    Because Kuya’s topless, I can see the whole of his muscles tense. Natatakot ako. They are both equally tall but my brother’s into Jiu Jitsu. Si Azrael ay nasa gilid ko, para bang nag-aabang kung may iba pang lalapit sa akin at patungo na rin si Rafael sa amin.

    “”Kuya Jos, hayaan mo na-“

    “Ang problema ng kapatid ko ay problema ko rin!” sigaw ni Josiah bago binigwasan si Eion sa mukha.

    Napasigaw ang ilang mga nakakita. Ang gitna ng party ay halos maubusan ng tao dahil ayaw makisali sa gulo. May mga dumalo na kay Eion at may mga dumalo na rin kay Kuya.

    Gusto kong pumagitna pero hinawakan ni Azi ang braso ko. Hinawi ko ang kamay niya pero ayaw matanggal.

    “Get your hands off me, Azrael!” sigaw ko.

    Hinila niya ako. “You’re drunk!” At binigay niya ako kay Rafael na nasa tabi niya.

    “Azi, ilalabas ko si Erin. I can see your veins from here, don’t go mad now. You need to stop Josiah!” halos hindi ko makuha ang pinagsasabi ni Rafael.

    Hinila niya ako paalis doon pero sumunod si Eion, tinatawag ako. Pinigilan siya ni Kuya at ni Azrael kaya humilata siyang muli.

    “Bro, what’s your problem? Si Erin ang ginirlfriend ko, hindi kayo!” sigaw ni Eion. “Wag kayong makisali!”

    “Kuya! Stop it!” sigaw ko kahit paalis na.

    Kinwelyuhan ni Kuya Josiah si Eion at may sinabi siya ditong hindi ko marinig. Si Azi ay nakatayo lang sa tabi ni Kuya, walang ginagawa para pigilan ang kapatid kong makapatay ng tao.

    “Azrael, you idiot!” sigaw ko nang napansing galit din ito at ayaw awatin ang kapatid ko.

    Sumalampak ako sa dibdib ni Damon habang nakatingin ako sa kung nasaan sina Kuya.

    “Dame, ilabas mo siya sa Lifestyle. Hanapin mo sina Klare at Claudette. Balikan ko sina Josiah.” Mabilis na lumayo si Rafael sa akin at gusto ko na lang magwala nang tuluyan na akong hilahin ni Damon palabas doon.

    “Oh my God, Dame, they’re going to kill Eion!” sigaw ko habang palayo na kami sa kaguluhan.

    Natanaw ko ang mga papasok na bouncer ngunit malos makasiguro na akong bago sila makarating doon ay nagulpi na ni Kuya si Eion!

    “Stop it! They’re not dumb, Rin!” ani Damon at dali dali akong pinasok sa kanyang sasakyan.

    Bago pa ako maka react ay pinaharurot na ni Damon ang kanyang sasakyan. Hindi ko alam kung iiyak ba ako o lalabas ng sasakyan kahit na tumatakbo pa ito.

    “Dame, what about Eion!? What about Kuya?”

    Hindi siya sumagot. Nanatili ang mga mata niya sa kalsada. Nagwawala parin ako hanggang sa nakauwi na kami kina Klare. Minumura ko na si Damon at sinisisi sa pag hatid niya sa akin dito kahit wala pa ang mga pinsan ko.

    “Pwede ba, Erin! Huwag matigas ang ulo?” sigaw niya sa akin habang tumatakbo sa hagdanan.

    He’s expecting me to ride the elevator dahil lang sa lasing ako at pa ekis-ekis na ang lakad ko. But no… I’m going to blame him for taking me here habang nagkakagulo pa ang mga pinsan ko.

    “You asshole! Don’t you care about my brother? Or about Eion!”

    Umirap siya at dumaing. “Josiah will be fucking fine! You’re a mess! Clean up before you sleep! Inuna kita dito dahil alam kong magkakagulo lang doon pag naroon ka! Josiah, Kuya, Azi will get fucking pissed pag inaway ka ni Eion! I will get fucking pissed so you better be somewhere else!” sigaw niya sabay hatak sa akin.

    “Pero… Dame…” huminahon ako. “Si Eion, baka mabugbog ni Kuya.”

    “Tangina, Erin. Sinaktan ka niya, dapat lang!”

    Sinimangutan ko siya at tinulak niya ako papasok sa pintuan nina Klare. Sinalubong kami ni manang na agad tinuro ang kwarto ni Klare. May mga mattress nang nakahanda doon. Umupo ako sa kama ni Klare. Pumasok si Damon sa kwarto at humalukipkip.

    “Clean up, Erin. You’re wet.”

    Tumango ako at tahimik na hinalungkat ang gamit ni Klare sa cabinet. Ganito ako noon pa sa kanya. Tuwing walang damit ay nanghihiram. This time, I didn’t plan to sleep here so…

    “Get out! I’ll strip,” sabi ko at pumikit ng mariin. Tinatamaan ng alak sa matinding paraan. Makakaligo pa kaya ako nito?

    Pagkatapos kong maligo ay humiga na kaagad ako sa mattress na nakahanda sa baba. Isang segundo lang ay patay na kaagad ako sa tulog.

    Kinaumagahan ay nagising ako na si Ate Chanel na ang katabi ko. Ang sakit sakit ng ulo ko at gusto kong matulog muli pero naririnig ko ang ingay sa labas, galing sa nag-uusap kong pinsan.

    “Ang sakit ng ulo ko,” ani Ate nang bumangon.

    Hindi ko na kailangang banggitin sa kanya na masakit rin ang ulo ko. Pakiramdam ko ay mas titindi lang ang sakit nito pag ginawa ko.

    Sabay kaming lumabas ni Ate. Kumakalam ang sikmura ko. Gusto kong kumain ng marami ngayon pero pakiramdam ko ay masusuka ako dahil sa lahat ng pinainom ni Kuya sa akin kagabi.

    Speaking of last night, what happened after?

    “Ate, si Eion kagabi-“

    “Umuwi na. Umuwi rin naman kami pagkauwi mo. Don’t worry. Don’t mention it outside if you don’t want to piss your brother,” maagap na sagot ni Ate bago binuksan ang pintuan.

    “Anong sabi mo?”

    Naabutan kong kinikwelyuhan ni Damon si Azi. Imbes na inaantok ay nagising ako sa nakita pagkalabas ng kwarto. Kumpleto na sila sa labas at kami na lang yata ni Ate ang kakagising lang.

    “Damon, easy!” lumapit si Elijah kay Damon at hinila palayo.

    I am so clueless of what’s happening. Nagtaas ako ng kilay kay Claudette na nagkibit balikat lang sa akin.

    “Boys! What’s wrong?” ani Ate.

    “Wala kang alam, Azrael! Huwag kang mag marunong! Bitiwan mo ako, Elijah!” ani Damon sa mga pinsan ko.

    “Stop sticking your nose to where it does not belong, Kuya Azi!” ani Charles kay Azi na ngayon ay mainit at marahas paring katitigan si Damon.

    “Oo nga, Dame, wala akong alam. Sinasabi ko lang ang opinion ko. That’s for you. Para sa akin? Pag may gusto ako, I’ll be don on bended knees kahit na ayaw ako ng babaeng mahal ko. I’d fucking beg for my chance, Dame! That’s for me! At ikaw, kung ayaw mo, iyon ‘yong sa’yp. I don’t wanrt to offend you but I’m sorry.” Umiling si Azi.

    “Kuya tama na,” sabay hila ni Claudette sa kuya.

    “I don’t care about your principles, Azi,” mariing sinabi ni Damon.

    “Then don’t! Hindi kita pinipilit. Sinasabi ko lang naman. Sino ba dito ang nag hire ng maraming detective para lang makita ulit si Eba at ngayong may nakakita na sa kanya, you act as if you don’t care? Ta’s pag nakawala ulit, hahanap hanapin mo? Damn!”

    “Azi!” sigaw ko. Kitang kita ko ang matinding pagtitimpi sa mukha ni Damon dahil sa mga sinasabi ni Azrael.

    Mabilis na nagmartsa si Damon patungo sa guestroom. Sinundan ko siya ng tingin. Hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi ni Azi. Hired a detective? Eba? Hindi ko masundan talaga. Wala akong alam.

    Damon has been close to me but he’s damn good at keeping secrets. Ni wala akong clue sa lahat ng nangyayari.

    “I think he’s the father of that child.”

    Kinwento ni Klare sa amin lahat ng nangyari sa hapag. Sumisimsim ako ng kape, habang nakikinig sa kanya. I couldn’t believe it!

    Damon, one of my asshole cousins, didn’t think about protection when they did it! Grabe! What an asshole!

    “What an asshole!” sabi ko.

    “He’s not, Rin. I mean, nag effort siyang ipahanap si Eba, hindi ba? Hindi niya lang talaga nahanap. And for Damon to want to find a girl so bad, that’s new! He’s most likely smitten,” ani Ate.

    “He’s still an asshole,” sabi ko. “Sino ba itong Eba Ferrer na ito?”

    “She’s the nursing student, if I remember it correctly. Basta, nursing iyan, hindi ba? I met her sa Sweet Leaf. Iyong nag away si Elijah at Klare.” Nagtaas ng kilay si Claudette.

    Mukhang nakukuha ko na nga. Pero hindi ako makapaniwala na nakabuntis si Damon! Hindi ako makapaniwala na may isang dadagdag sa aming Montefalco. But of course, Damon should get the girl first. And his asshole moves won’t get him anywhere.

    Itinulog ko sa aming bahay ang buong araw na iyon. Pagod na pagod ako sa nangyari kagabi at masakit parin ang ulo ko dahil sa hang over.

    Sa mga sumunod na araw ay nanatili kaming tatlo nina Ate at Kuya sa bahay. We spent the whole days watching movies and all. Alam ko kasing magiging mahirap sa dalawa ang susunod na semester.

    Nong gumraduate si Ate Chan ay isang taon siyang nag-isip kung mag ma-masters ba siya o ipu-pursue niya ang planong pag me-med. Nong Disyembre ay nakapag desisyon siyang kukuha na nga siya ng Med. At ngayong June siya magsisimula non. Si Kuya naman ay kumuha ng exam para sa Law School. Pareho sila ni Rafael at tingin ko ay kukuha nga ang dalawa ng ganon.

    “You think Dame will patch things up with Eba?” tanong ni Ate Chan sa kay Kuya.

    “Siguro. Dame’s not been the same simula nong iniwan siya ni Eba.”

    “Bakit ba kasi siya iniwan?” tanong ni Ate.

    “Sinong magtatagal kung lagi niyang pinapaalala na ayaw niya ng committment,” untag ko nang wala sa sarili. “Siguro ay natakot si Eba. Siguro ay nabuntis siya at alam niyang di rin naman papanagutan ni Dame ang anak niya, or worst, papanagutan nga ni Damon pero di naman niya tunay na mahal kaya umalis. Damon deserves what he got.”

    Ngumiwi si Kuya. “You’re scary, Rin.”

    Humalakhak ako at tumayo.

    “Mag ji-gym ako,” sabi ko at binalingan si Ate Chan na tumango sa akin.

    Kukunin siya ni Brian ngayon kaya makikihitch ako pababa. Dumiretso ako sa kwarto ko at nagbihis na ng pang gym.

    Tiningnan ko ang relo ko at nakitang alas diyez ng umaga. It’s not my schedule now but I want to go to the gym. Namamanhid ang puso ko sa lahat ng nangyari nitong mga nakaraang araw at gusto kong makahinga naman ng konti.

    Hinatid ako ni Brian at Ate sa gym. Nagmamadali ako sa hagdanan at agad sinuyod ang buong gym. Nagulat si Alvin sa pagdating ko.

    “Wow! Napapadalas si Montefalco,” patuya niyang wika.

    Umiling ako at umupo sa isang equipment. “Nagiging hobby ko na.”

    “Ano? Mag se-session ka ng Plyo o hindi?”

    Ginala kong muli ang mata ko sa ibang mga nag ji-gym doon na mga babae. Nakita kong walang tao sa treadmill. Umiling kaagad ako kay Alvin.

    “Treadmill ulit sa ngayon.”

    “Wala ka nong Sabado. Hindi ka nagsession ng Plyo,” aniya habang inaayos ang mga dumbells sa mat.

    “Pagkabalik ko na, magpa-plyo ako,” sabi ko at dumiretso na sa treadmill.

    Tulad ng dati ay nag walking muna ako ng labing limang minuto. Pagkatapos non ay tumakbo na ako na may kasamang routines. Tagaktak ang pawis ko at agad kong ginala ulit ang mata ko sa loob, sa kabilang banda ng gym.

    Pinatay ko ang treadmill at bumaling kay Alvin na may kausap na ibang nag ji-gym.

    “Alvin, kailan huling nag gym si Kuya?” tanong ko.

    “Sabado,” sagot niya.

    Tumango ako at umupo sa sit up bench. Kinakalma ko ang sarili ko habang nagmumuni muni pero bawat may lumapit o gumagalaw man lang ay nililingon ko.

    Pumikit ako ng mariin at humiga sa sit up bench. I’m gonna do 50 sit ups now.

    Naubos ko ang 50 sit ups at nanatili akong nakahiga habang hinihingal. Nakapamaywang ang dumudungaw na lalaki sa akin at agad akong bumangon.

    “Fuck!” sigaw ko nang napagtantong si Alvin lang pala iyon!

    “Okay ka lang?” natatawang tanong ni Alvin.

    Binaluktot ko ang aking tuhod at nilagay ko ang aking noo doon. Niyakap ko ang aking binti at huminga ako ng malalim. Crap! Akala ko kung sino!

  • Kabanata 16Open or Close

    Kabanata 16

    Back Together

    Sa sumunod na araw ay sa hapon ako pumunta ng gym. Nag request na ako ng plyo kay Alvin. Kaya ang resulta ay ang sakit sakit ng katawan ko. Halos dalawang linggo din akong hindi nakapag plyo dahil sa party.

    “Ayos?” tanong ni Alvin, hinihingal pa ako.

    Tumango ako at umiling. Tagaktak ang pawis ko dahil sa session na iyon.

    “So, balik weekends ka ulit? Daming mag we-weekends kasi enrolment na raw ng school niyo,” ani Alvin.

    Tumango ako. “Malapit na kasi ang pasukan.”

    Luminga ulit ako sa buong gym. Tumayo ako para pumunta sa counter at kumuha ng tubig. Nilingon ko kung saan nag ji-gym ang mga lalaki bago bumaling ulit kay Alvin na ngayon ay may kausap nang isa pang babae.

    I’ll come back tomorrow.

    Four consecutive days ay nasa gym ako. Pakiramdam ko ay araw-araw iyon ang dahilan kung bakit ako gumigising. Ang pag ji-gym.

    “You’re not training to be an athlete this year, are you? Magtatatlong oras ka na ngayon, ah?” tumawa si Alvin.

    Umiling ako at niyakap muli ang aking mga tuhod. “I just want an escape, Alvin. Let me have my peace.”

    “Okay! Are you sure? O may hinihintay ka?” Ngumisi siya.

    “Tss…” Nilagay ko ang noo ko sa aking tuhod at niyakap kong mas mahigpit ang aking binti.

    People give up to people who don’t deserve anything. Isa siguro ako sa mga taong hindi deserve ang kahit ano. I don’t give up, easily. People just seem to give me up all the time. Kasi pakiramdam nila, mababaw ako. Mababaw lahat ng kilos ko. Because I make it seem so, para hindi ako masaktan sa huli.

    Huminga ako ng malalim at unti unting tumayo para makapag ligpit ng gamit. Habang nasa locker ay panay ang tingin ko sa labas, sa mga lalaking pauwi o paparating…

    Matamlay akong bumaba sa gym. Bawat baitan ay tinitigilan ko sa pagbaba. Nang tuluyan nang nakababa ay pumara na ako ng taxi para makauwi na sa bahay. It’s almost eight in the evening. Record ko ito. Apat na oras ako sa gym.

    Binuksan ko ang cellphone ko sa loob ng taxi at nakita kong may mensahe doon galing kay Eion.

    Eion:

    Where are you?

    Hindi ko siya nireplyan. Hanggang ngayon ay hindi parin siya sumusuko. Tumingin ako sa labas. Siya na ba talaga? Iyong taong hindi susuko sa akin gaano man ka kumplikado ang ugali ko?

    I miss him, alright! I miss being dependent. Iyong hindi ka na magtatanong kung sino ang isasama mo sa araw na iyon. Hindi ka na mag-iisip kung mag-iisa ka ba o hindi. I miss his company. I miss his worries. I miss his simple gesture.

    Siguro nga ay hindi perpekto ang mga nagmamahal. Walang perpekto. At iyon siguro ang kulang kay Eion. Iyon ang cons sa kanya. Iyong pagiging uhaw niya sa katotohanan sa mga nangyari noon. Other than that, he’s alright. I love him.

    Tumawag siya sa akin nang nasa bahay na ako. Sinagot ko ang kanyang tawag pero hindi ako nagsalita.

    “Erin… where are you?” tahimik ang background niya.

    I wonder where he is right now. Binaba ko ang cellphone ko at pinatay ang ilaw ng aking kwarto. Gabi na at bukas ay simula na ng enrolment.

    Pumikit ako at kinalma ko ang aking sarili. Ilang sandali ang nakalipas ay may narinig akong ingay sa aking bintana. Para bang may tumamang bato doon.

    Noong una ay hindi ko na iyon pinansin. Pero nang tatlong beses na umingay dahil sa bato ay tumayo na kaagad ako.

    Nilapitan ko ang bintana para dumungaw sa kung anong meron sa labas. May nakita akong umilaw sa kalsada at nakita ko si Eion na nakatayo sa likod ng kanyang pick-up. Pagod at walang ekspresyon ang kanyang mukha. Naka maroon v-neck t shirt siya at maong pants. His hair is slightly messy, just like the usual.

    Umiling ako sa kanya. Ginagapangan ako ng kaba sa kanyang ginagawa! Nagmura ako at hinanap ang cellphone para matawagan siya at mataboy.

    Ala una na ng gabi at tulog na kaming lahat sa bahay. Nang dumungaw ulit ako sa bintana ay naabutan kong tumalon siya galing sa pagkakaakyat sa gate.

    Holy shit! Our CCTV? Si Kuya ang nag chi-check noon! Patay ako kay Dad pagnalaman niyang ganito!

    Hindi ko alam kung paano inakyat ni Eion ang pangalawang palapag. Yari sa marmol ang dingding na inakyat niya. Kitang kita ko ang paghihirap niya at natataranta na ako. Hindi ko alam kung gigisingin ko ba ang aming katulong o bababa na ako para mapigilan siya sa pag akyat.

    “May kumot ka?” tanong niya sa akin nang nasa kalagitnaan na siya.

    Pakiramdam ko ay mahuhulog siya pag hindi ko siya pinahiram ng kumot kaya kinuha ko kaagad iyong akin at hinulog. Hinawakan ko ang kabilang dulo ng kumot.

    “Why are you here?” bulong ko.

    Kabado ako dahil ang katabing kwarto ay kay Kuya Joss.

    “We need to talk,” aniya at hinawakan ang aking bintana.

    Nilakhan ko ang pagkakabukas non para makapasok siya. Kitang kita ko ang pagkaka tense ng kanyang muscles sa braso at kamay nang hinawakan ang bintana ko bilang suporta sa kanyang timbang.

    Umatras ako para makadaan siya at nang nasa kwarto na siya ay lumayo ako sa kanya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

    “Eion, what are you doing here?” tanong ko.

    Huminga siya ng malalim. Mukhang napagod sa ginawang pag akyat. Humalukipkip ako. It’s one in the morning for Pete’s sake!

    “I came here to apologize, Erin. I’m sorry for what I did. I’m sorry for what happened. I was drunk and I want you back!”

    Namilog ang mata ko. Oh, Eion, I want you back too but… damn! “You want me back on your terms, right?”

    May katiting na pag-asa sa aking tinig. Pag-asa na sana ay gusto niya ako ng wala nang kundisyon. Pero hindi siya sumagot. I smiled fakely. Alam ko. He won’t give it up. He won’t give that one up. He still wants me in one condition.

    “Bukas, mag-uusap kami ni Klare. I’ll ask her again. I’ll ask her kung sino ba talaga ang ibang lalaking gusto niya.”

    I want to shout at him! Gustong-gusto kong mag wala ulit pero natatakot akong lahat ng ito ay mauuwi sa wala pag hindi ako nag ingat sa mga sasabihin ko. Si Eion ay hindi sumusuko sa akin, sasayangin ko ba iyon? “What if hindi niya sasabihin sa’yo? What if ililihim niya parin iyon sa’yo?”

    “Bakit ba kalihim lihim ang katotohanang iyan? Is it forbidden? Is it extraordinary? Na kailangan pang itago sa mga taong nakakakilala sa inyo, Erin?”

    Wala akong masabi. Nanliit ang mata niya. I know now na kahit wala akong sabihin ay alam niya na ang sagot sa kanyang tanong. Gusto niya lang ng kumpirmasyon.

    “They won’t be together anymore, Eion. Are you going to pursue Klare? Pag nalaman mo kung sino? At pag nalaman mong hindi sila pwede, ano ang gagawin mo? Babalikan mo siya? Make him realize that they can’t be together?” mariin kong tanong.

    Umiling siya. “I want the truth. And then, I want you…”

    Bumaling siya sa bintana at lumapit siya doon. Umiling kaagad ako.

    “Sa kusina ka na dumaan. Come on, I’ll lead the way,” anyaya ko, nanlalambot.

    Unti unti siyang tumango at lumapit sa akin. Binuhay ko ang ilaw ng aking kwarto bago pinihit ang pintuan. Hindi ko na siya nilingon kahit na alam kong nasa likod ko siya.

    Pinadausdos niya ang kanyang kamay sa aking baywang at naramdaman ko ang hininga niya sa aking tainga.

    “I miss you,” bulong niya.

    Kumalabog ang puso ko. How I miss him too. But this situation is killing me too much! Hindi ko na alam ang gagawin ko!

    “Let’s move. When you’re out, gigisingin ko si Kuya. Mapapagalitan ako pag nalaman nilang pumasok ka. You’ll be seen in our CCTV,” sabi ko.

    “Pag pinagalitan ka, tawagan mo ako. Haharap ako sa parents mo.”

    Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at nagpatuloy sa pagbaba kahit na madilim. Damn it! Damn it! I just want him back! I want us back together!

    Binuksan ko ang pintuan sa kusina. Tahimik siyang sumunod sa akin. Dahan-dahan kong binuksan ang aming gate para makalabas siya. Pagkalabas niya ay nilingon niya ako gamit ang mga matang punong-puno ng panghihinayang. I can’t help but stare at him with the same eyes.

    “Magkita tayo bukas,” sabi ko.

    Tumango siya pagkatapos ay sinarado ko ang pintuan.

    Pagkaalis ng kanyang sasakyan ay ginising ko na si Kuya Josiah sa kwarto. Nagmumura pa siya at hindi na makatulog ulit dahil sa nangyari. Maging si Ate ay nagising dahil sa pagmumura ni Kuya at sa ingay na ginagawa niya.

    Umiling ako at umirap.

    “You guys. I just want to be honest with you two. No need to be paranoid! Wala siyang ginawang masama. It’s just a visit. Kuya, paki delete sa CCTV. Papagalitan ako ni daddy.”

    Inirapan lang ako ni Kuya at pinagsarhan ako ng pintuan. Pumikit ako ng mariin at nagkatinginan kami ni Ate Chanel.

    “Sa kwarto ka na lang matulog para hindi ma paranoid si Josiah Travis, Rin,” sabi ni Ate.

    “What’s wrong? Eion did nothing wrong!” sabi ko.

    Bumukas ulit ang pintuan ni Kuya at hinahatak niya na ang kanyang kumot at unan. Wala siyang sinabi. Magulo pa ang kanyang buhok at mukhang antok na antok pa. Dumiretso siya sa aking kwarto at padabog ulit na sinarado iyon.

    I guess, I’ll have to sleep with Ate now. Huminga ako ng malalim at pumasok na lang sa kwarto ni Ate.

    Kinaumagahan ay wala paring imik si Kuya sa akin. Nagpahatid na lang ako kay mommy at daddy sa school. Hindi ako mag-eenrol ngayon pero ang alam ko ay magkikita kami ni Eion.

    Pagkababa ko ng sasakyan ay tiningnan ko kaagad ang aking cellphone. May text si Eion doon at ang sinabi niya’y pumunta daw ako sa Aggies 6th floor.

    Hindi ko alam kung bakit ako pinapapunta doon ni Eion. Wala pang pasok ngayon dahil enrolment at paniguradong walang tao doon. Nagawa kong mag reply.

    Ako:

    Why?

    Pero hindi niya na ako nireplyan. Gamit ang ramp ay umakyat ako sa Aggies 6th floor. Sa 3rd floor pa lang ay tama na ang hinala ko, wala ngang tao halos sa buong building dahil wala pang pasok. Nagpatuloy ako sa pag akyat at sa di kalayuan ay natanaw ko kung sino ang naroon.

    Ang mabining hangin ay hinihipan ang straight at nakalugay na buhok ni Klare. Si Eion ay nakatalikod sa akin. Pormal na magkaharap ang dalawa. Nag tago ako sa dingding at tama lang ang distansya ko mara marinig ang kanilang pinag uusapan.

    “You tell me, Klare. I need our closure,” ani Eion sa isang matigas na boses.

    Nagtago ako. Hindi ko makita ang reaksyon ni Klare. Parang pinipiga ang puso ko sa pangyayari. Hindi ko nga lang alam kung bakit.

    “What closure do you need, Eion?” tanong ni Klare.

    “Noon sinabi mo sakin ayaw mo sakin dahil may mahal kang iba. Sino ‘yon?”

    He just won’t give this up, I knew it! Iyon ang nagpapasakit sa akin. Dahil hindi sapat ang nararamdaman niyang pagmamahal sa akin para lang makalimutan ang bagay na ito.

    “That was a long time ago, Eion,” naririnig ko ang takot sa tinig ni Klare.

    “Sino, Klare?”

    Kung ako si Klare ngayon ay iisipin ko nang nagdududa na si Eion o may alam na si Eion sa sikreto ko. Who would pursue the truth this way? Wala! Kung may alam ka at alam mong bawal iyong pagmamahal ni Klare ay tsaka mo siya aatakihen ng ganito. Pero pag wala kang alam, mananahimik ka at hindi na magdududa. Eion knows… kahit hindi ko pa sabihin sa kanya ay alam kong alam niya ang sagot sa tanong niya.

    “Ano pa ba ang halaga non sa iyo? Kung mahal mo talaga ang pinsan ko, hindi mo na iisipin iyon! Hindi mo na ako iisipin! Hindi deserve ni Erin na gawin mo siyang option dahil lang sa hindi ka pa nakakalimot sa akin, Eion!”

    Pumikit ako ng mariin. Sabay nito ang pagtulo ng aking mga luha. Klare is right Klare is fucking right! But… pano ako? Pano ako? Mahal ko si Eion.

    “I want to know, Klare. Sino ang lalaki? Dahil bakit hanggang ngayon, mag isa ka parin! Bakit wala paring iba?” si Eion.

    “Kung nag dadalawang isip ka kay Erin dahil bumabagabag ‘yan sayo, Eion. Then, I’m sorry but I think you deserve Josiah’s punches.”

    Humikbi ako at nilingon sila. Nakita kong tinalikuran ni Klare si Eion. Hindi gumalaw si Eion sa kinatatayuan niya. Pinakawalan ko muna ang pinakamasakit na hikbi bago ko siya hinarap muli.

    “‘Yon ba ‘yon, Eion?” bulalas ko. “‘Yon ba ‘yong hindi matanggal sa utak mo? Kung sino ang mahal niya noon kaya ka niya binasted?”

    Humagulhol na ako. Pakiramdam ko ay may lumilisan sa aking sistema. Hindi ko lang ma pin point kung ano iyon.

    “Pwes, sasabihin ko sayo. But will you please… please… let’s get back together, Eion.” I hate how desperate I sound like.

    Pumikit ako ng mariin. Alam kong alam na rin niya ang katotohanang ito. Pero ngayon, kahit na sabihin ko man kay Eion ay hindi na magkakatotoo ito. Elijah’s with Selena at wala nang magagawa si Klare kundi ang kalimutan siya. So this truth is void.

    “Pwes, si Elijah!” Sigaw ko. “Siya ang mahal niya noon, okay? Siya ‘yong nagpalito kay Klare. Now what?”

    Nanghina ang tuhod ko dahil sa pag-iyak at dahil na rin sa pagsiwalat sa katotohanang iningatan ko noon. Ito lang pala ang kahinaan ko. Si Eion lang pala ang kahinaan ko! Damn it!

    Bago pa ako tuluyang napaupo ay hinawakan na ni Eion ang braso ko at tinungan niya akong makatayo ng matuwid. Niyakap niya ako ng mahigpit at humagulhol ako sa kanyang dibdib.

    “Klare will hate me for this,” bulong ko habang umiiyak.

    “Shhh… Erin…” bulong niya. “I love you.”

    Humagulhol ako lalo. Parang ang umaapaw na damdamin ko kanina ay napalitan ng kawalan. Tanging kawalan ang naramdaman ko at kahit na tinatahan na ako ni Eion ay hindi ko magawang tumigil.

    “Erin…” malambing niyang sinabi habang hinahaplos ang buhok ko.

    Tulala akong nakasandal sa railings ng 6th floor. Namamanhid ang buong katawan ko. Namamanhid ako. Nawalan ako ng kakayahan pang makaramdam.

    “I knew it’s Elijah. I can see that Klare loves him. Pero they’re cousins. They’re cousins kahit na anak sa labas si Klare,” ani Eion.

    Hindi na ako nagsalita. I told him what he wanted. Please, Eion, let this go.

  • Kabanata 17Open or Close

    Kabanata 17

    Mas Masakit

    Mabilis ang sumunod na araw. Hindi ko alam kung bakit kahit nagkaayos kami ni Eion ay ang sakit-sakit parin ng nararamdaman ko. Nakukulangan parin ako.

    Gusto kong isipin na dahil lang iyon sa pagod at sa sakit na idinulot ng nakaraang mga linggo. Pero habang tumatagal ay namamanhid ako at mas lalo lang akong walang naramdaman.

    “Kayo ba ulit?” pabulong na tanong ni Ate Chanel sa akin nang napansin na pagkaupo ko sa lamesa ay tumayo si Kuya ng walang imik.

    Hinayaan ko muna si Kuya na makaalis at makaakyat sa kanyang kwarto. Nakapag bihis na siya at mukhang aalis na. Ganon din ako. Gusto ko sanang sumabay kaya lang ay hindi niya ako pinapansin.

    “I won’t say yes, Ate. Hindi ako sigurado kung nagkabalikan nga kami.”

    Pagkatapos kasi nong pag-uusap namin sa Aggies Building ay panay na ang text ulit ni Eion sa akin. Nirereplyan ko siya. Pero hindi ko na ulit tinanong sa kanya kung nagkabalikan na nga ba kami. Hindi rin naman niya sinabi. Ayaw ko ring magtanong.

    “What do you mean?” tanong ni Ate.

    Tumikhim si mommy na ngayon ay umiinom na ng kape. “Erin, nakapag enrol ka na?”

    Tumango ako. “Yes, my. Kahapon.”

    “Kamusta iyong party na ginagawa ninyo para sa fiancee ni Damon?”

    Yes. Pagkatapos ng ilang linggo simula nang natagpuan si Eba ay nagpasya si Damon na pakasalan siya. I’m sure it’s not because of Xian, his son, but because he loves her. Kayang buhayin ni Damon ang bata kahit hindi niya panagutan si Eba pero nagpumulit siya.

    “Ayos lang po. Wednesday gaganapin,” sabi ko. “Si Ate ang nagpaplano. Tinutulungan ni Zoe.”

    “Yup, mom. I’m sure it’s going to be fun! Tinext ko nga si Eba kanina, payag naman siya. But we still have to talk later. May dinner kami mamaya sa Lifestyle, e.”

    “I just hope Stephen’s not pressuring Dame to marry that girl just because he wants a grandchild. He’s so proud of it! First born, sa kanyang pamilya. Naunahan si Kuya Exel,” tumawa si daddy.

    “Hindi naman unahan, dad. Kayo talaga.” Ngumiwi si Ate.

    Uminom ako ng tubig at namataan si Kuya na ngayon ay mabilis ang pagbaba sa hagdanan namin.

    “Josiah, hindi ba ay bababa ka? Ihatid mo ‘tong kapatid mo para hindi na siya maghintay kay Brian,” ani mommy.

    Nilingon ako ni Kuya. Nakataas pa ang isang kilay. Ugh! Pangalawang pagkakataon na itong nag-away kami ni Kuya dahil lang sa lovelife ko.

    Tumayo ako at inayos ko ang gym bag ko. I’m going to the gym again.

    Tumigil si Kuya sa salamin at inayos niya ang buhok niya bago ako nilingon.

    “Saan ang punta mo?” tanong niya.

    “Gym,” sabi ko.

    “Sinong susundo sa’yo mamaya?”

    Hindi ako makasagot. Hindi pa nagigising si Eion kaya hindi ko pa alam kung susunduin nga niya ako.

    “Ako ang susundo sa’yo mamaya,” ani Kuya bago pa ako makasagot.

    Tahimik kami sa kanyang sasakyan. Gusto kong sabihin sa kanya na hindi naman kami ni Eion kaya huwag na siyang mag-aalala. We communicate and I want to try again but there’s something lost inside of me. Para bang dahil sa mga nangyari ay wala na akong maramdaman.

    Binaba niya ako sa gym. Hindi ko alam saan ang punta non. Maybe his girls? I don’t know.

    Pagkapasok sa loob ay dumiretso na ako sa locker room para makapag iwan ng gamit. Lumilinga linga ulit ako tulad ng dati kong ginagawa.

    Huminga ako ng malalim at dumiretso na kung nasaan si Alvin.

    “Whoa! Araw-araw!” tawa ni Alvin.

    “Shut up, Alvin!”

    Nanghingi ako sa kanya ng Plyo session. Pagkatapos kong mag Plyo ay nanood ako ng ibang nag pa-plyo. Nang tanghali na ay nabagot na ako kaya kinuha ko na ang cellphone ko para makapag text kay Kuya na magtataxi na lang ako pauwi.

    Nilingon ko si Alvin na ngayon ay nasa counter at umiinom ng tubig. Lumapit ako sa kanya.

    “Alvin, may mga lumipat?” tanong ko.

    “Lumipat?” kumunot ang noo niya at sinarado ang bote ng iniinom.

    “Alam mo na. Regular na nag ji-gym dito pero lumipat na. Mayroon?” tanong ko.

    Humagalpak siya sa tawa. Kinunot ko ang noo ko dahil hindi siya natigil sa tawa. “Ba’t di mo diretsuhin? Si Ty, diba?”

    Umiling ako. “Anyone!”

    “Asus, itong si Erin! Wala siya ngayon. Sa Male’s ka magtanong, mas marami silang impormasyon doon!”

    Sarap-sarap bigwasan ni Alvin kaya imbes na manatili doon ay nagmadali na lang ako sa pag-alis sa gym. Nakakainis talaga! Hiyang-hiya ako! Ba’t ko pa kasi tinanong ang isang iyon?

    Nong gumabi ay parang umuurong ang sikmura ko nang nakita ko si Klare sa Lifestyle District. Ngayon lang ulit kami nagkita simula nong sinabi ko kay Eion ang tungkol sa kanila ni Elijah. Magkatabi pa kami ni Eion ngayon, she probably thinks we’re back together!

    Uminom ako nang uminom habang nagpa-plano si Ate Chanel at ang bestfriend ni Eba sa mangyayari sa Wednesday.

    Sa ngayon ay may Stag Party ang boys kaya habang wala pang alas diyez ay dito muna kami. Tinitingnan lang ako ni Kuya sa malayo habang magkatabi kami ni Eion. I want to tell him that we’re not together para maging maayos na. Isa pa, imbitado si Eion sa Stag Party kaya dapat talagang maayos na sila.

    “Erin!” ani Kuya nang nahuli niya akong sumasayaw.

    “Kuya!” bati ko, medyo tipsy na dahil nakainom.

    “Pahatid ka na kay Eion pauwi. Hihintayin ko siya sa The Site. Pag di siya dumating ng maaga, ipapahanap kita. Go!” aniya at tinitigan ako habang naglalakad patungo kay Eion.

    Ngumiwi ako. Ayaw ko pa sanang umuwi pero para hindi na magalit si Kuya sa akin ay uuwi na ako.

    “Eion, I want to go home,” sabi ko.

    Tumango siya at tumayo. Hinawakan niya ang palapulsuhan ko at tinapik na ang iilang kasama sa mesa pati si Damon. “Ihahatid ko lang si Erin. Kita lang tayo sa The Site?”

    Tinanguan nila si Eion pero nakikita ko ang titig ng mga pinsan ko sa amin kahit na medyo nahihilo na ako.

    Umupo ako sa front seat ng kanyang sasakyan. Marami pa siyang kinawayan bago niya pinaandar ang sasakyan. Sumulyap siya sa akin at hinawakan niya ang aking kamay.

    “Where do you want to go?” tanong ni Eion.

    “I just wanna go home,” sagot ko.

    Binitiwan niya ang kamay. Dalawang kamay na ang nasa manibela habang nililiko ang sasakyan.

    “Are you okay?” tanong niya.

    “Yup. I’m just a little bit tipsy. That’s all,” sagot ko at nilingon ko ang labas.

    “Sa Wednesday hindi ba bridal shower na?”

    Tumango ako. Hindi sigurado kung pagod o ayaw ko lang talagang makipag-usap sa ngayon.

    “Gusto mo sunduin kita pagkatapos ng party niyo?” tanong niya, nahihimigan ko ang pag-asa.

    Nilingon ko si Eion. Parang pinipiga ang puso ko habang tinitingnan ang kanyang mga matang tagos sa kaluluwa kung makatingin. I can see that he’s also confused with what I’m doing to him right now. I’m so sorry, Eion. Pakiramdam ko ay may nawala ako habang minamahal kita.

    “”Wag na. Kuya will be there for us. Siya ang susundo.”

    “Oh! Okay…” nahimigan ko ang kabiguan niya.

    Hindi na ako nagsalita. Hindi na rin siya nagsalita hanggang sa nakarating kami sa bahay.

    Pagkatapos pumutok ng mga locks ay umamba na akong lalabas. Bago pa ako makalabas ay hinawakan niya ako sa braso. Nilingon ko si Eion. Pagod na ako.

    “Are we good?” tanong niya, nag aalinlangan.

    Tumango ako. “We’re good.”

    “I love you, Erin,” aniya.

    I love you too, Eion. I’m just not sure I want to be in a committment right now. I’m not sure if I’m capable of taking care of anyone. Pakiramdam ko ay nawala ko ang sarili ko kung saan. Pakiramdam ko ay hindi ko na mahanap ang sarili ko at ang sakit sakit non. Mas masakit pa iyon sa pagtalikod niya sa akin.

    I was so sure about myself before that happened. Ngayon ay pakiramdam ko hindi ko na kilala ang sarili ko. Pakiramdam ko hindi ko na gamay ang lahat ng gagawin ko. I’m foreign to me. It’s scary.

    “Erin!” napapaos ang kanyang boses nang tawagin ulit ako.

    Pagod akong ngumiti sa kanya. Hindi ko masabi pabalik ang gusto niyang marinig.

    “Eion…” kinagat ko ang pang-ibabang labi ko.

    “I know these past few weeks have been shitty.” Pagod din siyang ngumiti. “I’m sorry. I’m sorry if it made you tired. I won’t give up, Erin. I will understand if you want to rest for now. Pero hindi ako titigil.”

    Humugot ako ng malalim na hininga. I wish it’s that simple.

    Hanggang text na lang muna kami ni Eion nong nag Bridal Shower kami nina Ate para kay Eba. Naging mabilis din ang panahon. Lalo na’t kahit na may hangover ako dahil napainom ako sa gabi ay pumupunta parin ako ng gym, walang mintis.

    “Baby Xian!” nilalaro namin ang bagong Montefalco. Ang anak ni Damon na si Xian.

    Namanhikan na sina tito Stephen, ang daddy ni Damon, sa kay Eba at nandito kami ngayon sa Pryce Plaza para mag celebrate. Ngayon lang din ipinakilala sa amin ang unang apo ng mga Montefalco at nanggigigil ako sa kanyang pisngi.

    “Kamukhang kamukha niya si Damon!” sabi ko at napatingin ako kay Dame na may bad boy image. Itong anak niya ay may pagka suplado at bad boy din ang mukha kahit na batang bata pa.

    Namataan ko ang mga pinsan ko sa kabilang lamesa na pinagkakatuwaan ang mga pinsan din ni Eba. Nanliit ang mata ko habang tinitingnan si Azrael na pinopormahan na ata ang isa doon.

    Bumalik na kami sa mesa para tapusin ang dessert. Pagkatapos ay bigla kong namataan si Elijah nag nagtaas ng kilay sa kay Klare. Nilingon ko si Klare na ngayon ay na-aawkward na naman.

    “Elijah, kelan kayo huling nag usap ni Selena?” tanong ko.

    “Why, Erin? Hindi siya makakapunta sa wedding. Baka umalis na siya papuntang States non,” hindi makatingin si Elijah sa akin.

    I know Klare still loves Elijah. Mahusay na artista si Elijah. Mahusay na mahusay.

    “Invite her. Move her flight or something,” I tested.

    “That’s hard. Masasayang ang pera niya,” sagot niya.

    There! Noong si Klare ang mahal niya ay pakiramdam ko ikakamatay niya ang paghihiwalay nila! Ngayong si Selena kuno ang mahal niya ay hindi niya kayang pag gastusan? What the hell!

    “Do something. You have the money.” I tried to control my voice.

    “Oo nga, Ej. Mukha pa naman siyang interesado nong tinawagan ko siya? I feel bad for her,” inosenteng sinabi ni Ate Chanel.

    May work siya doon at gusto niya na ring umalis. I’ll let her,” ani Elijah pero hindi ko na pinulot ang paliwanag na iyon

    Tumitig ako sa shake na nasa harap ko. No. No… No, Elijah. If you… fuck! He really loves Klare that way then? Pero paano? Paano naging sila ni Selena? Does this mean Klare’s the second party? O baka si Selena ang second party? Ano? Hindi ko alam!

    Elijah is a fucking asshole! How could he do that to Klare? Ano? Pinagsasamantalahan niya na mahal siya ni Klare kaya iniisip niya na okay lang kay Klare na maging ganon?

    “Bathroom break, Klare?” ani Claudette.

    “Sama kami,” maagap kong sinabi at kinuha ang purse ko.

    Tumingala si Ate sa akin at kahit hindi naman niya gustong mag bathroom ay tumayo na rin siya ayon sa gusto ko.

    Nauna si Klare sa amin at sumusunod si Claudette sa kanya. Sa suot niya ngayong dress ay kitang kita ko ang anklet ni binigay ni Elijah sa kanya noong 18th birthday niya. I still remember it clearly. It used to be a very innocent gift.

    “Galing kay Elijah yung infinity anklet mo diba?” tanong ko nang nilingon niya ako pagkatapos ko siyang tawagin.

    “Oo. ‘Yong binigay niya nong debut ko.” Pagkatapos ay tinulak niya ang pintuan ng CR.

    Pumasok siya sa loob. Ganon din si Claudette pagkatapos ay ako at si Ate Chanel. Nagkatinginan kami ni Ate Chanel. Kitang kita ko sa mga mata niya ang pagtatanong at ang kunklusyon.

    “Suot mo parin hanggang ngayon?” tanong ko, medyo kumakalabog na ang puso.

    Why would she still pursue Elijah? For Jesus’ sake may girlfriend ang tao! And more importantly, magpinsan kami! Yes, mag pinsan kami! Mag pinsan kami!

    “Oo,” nahihimigan ko ang nginig sa kanyang boses.

    Kinagat ko ang pang ibabang labi ko at tiningnang mabuti ang aking repleksyon sa salamin. I knew it!

  • Kabanata 18Open or Close

    Kabanata 18

    Bad Lips

    “You still love him.” I accused her.

    Nanginginig ako. Hindi ko alam kung ano pang pwede kong gawin para sa mga pinsan ko. Elijah’s with Selena and Klare will only get hurt if she keeps on doing this! Ano? Sumugal na ba siya? Na bahala na kung si Elijah at Selena basta mahal niya pa rin si Elijah?

    “Erin… what are you talking about?” singit ni Claudette.

    Kitang kita ko ang takot sa mukha ni Klare. It pains me na alam niyang mali ito pero ginagawa niya. But then… maybe it’s really like that. Kung mahal mo iyong tao, hindi na baleng mali.

    “Klare?” ani Ate, parang tinitimbang niya pa ang nangyayari.

    “Erin… mahal ko parin siya.”

    Lumapit kaagad ako kay Klare. Gustong gusto ko siyang sigawan! Ayaw ko nang bumalik ulit kami sa nangyari noon! Ang hirap noon! Ang hirap siyang tingnan sa malayo! Ang hirap na hindi siya tanggap sa amin! At isa pa, may girlfriend na si Elijah! Ano? Magiging kabit siya?

    “Erin, stop it. We can’t do anything about her feelings! That’s hers!” ani Claudette.

    “Alam mong may girlfriend siya, Klare! Alam mong may girlfriend siya!” Binalewala ko ang sinabi ni Claudette dahil paulit ulit ko itong sinabi kay Klare. Nagmamakaawa na sana ay matauhan siya.

    Kitang kita ko ang pagod sa mga mata ni Klare. Pagod para saan? Naiiyak na ako. Gustong gusto kong magwala at magmakaawa sa kanya na tama na!

    “Klare, ipinagpalit ka ni Elijah. You know he’s an asshole! He’s never good for you! He’s your cousin for God’s sake! You are a Montefalco!” sigaw ko out of frustration.

    Umiling siya sa akin. Kitang-kita ko ang pangingilid ng kanyang mga luha. “Gustong gusto kong maging Montefalco, Erin pero hindi ko maitatanggi ang katotohanan. I’m not a Montefalco. Ni isang patak ng dugo ninyo, wala ako.”

    “You changed your family name for this?” tanong ni Ate.

    Lalapit na sana si Ate kay Klare pero pinigilan ko siya. I need to hear her explanations! I need to know what she’s thinking! Kasi kahit na nagbalik na siya sa amin, simula nong nawala siya ay hindi ko na alam kung ano ang mga iniisip niya.

    “Kahit kailan. Kahit gano ko pa kamahal si Elijah, hinding hindi ko tatalikuran ang pagiging Montefalco ko, Chanel. Pero hindi… kasi hindi naman talaga ako tunay na Montefalco. I don’t deserve your family name kasi anak ako sa labas!”

    “Kahit kailan hindi ka namin sinumbatan na anak ka sa labas-” sigaw ko.

    “My father suffered because of me! Si Dad, Erin, Chanel, nasasaktan dahil sa akin! Hindi niyo alam ‘yon because you were never there for me! I was completely alone because I pushed the only man who ever loved me strong enough! Para sa inyong lahat! Para matanggap niyo ulit ako! Dahil mahal na mahal ko ang pamilyang ito! Higit pa sa pagmamahal ko sa kanya!”

    Nag iiyakan na kami doon. Humihikbi na ako. I feel so guilty! I feel so damn guilty! Hindi ko alam kung para saan basta ay bigong bigo ang sistema ko.

    “Alam ko namang tama kayo. Kasalanan ‘yong ginawa namin. That was beyond stupid. Kasalanan ‘yon sa mata ng Diyos, sa mata ng tao. But I love him so much and I cherished the moments we were together kasi alam ko na sa oras na papipiliin ako kung pamilya ba o siya, pipiliin ko ang tama. Dahil gusto kong protektahan kayo!”

    Diyos? She knows! Alam niyang mali ito sa mata ng Diyos! And she needs to understand that our family is hurting because of what they did years ago! Kasalanan ito sa Diyos kaya lubos ang pag-ayaw namin! Hindi niya ba iyon nakikita?

    “Sumagi ba sa isip mo, Klare, na nakakadiri ang ma inlove sa pinsan mo-” pinutol niya ako.

    “Tingin mo hindi ‘yan sumagi sa isip ko? Mahirap ang naging simula namin ni Elijah. I pushed him away, he pushed me too-“

    “Then you’re not really pushing him away hard enough!” pinutol ko rin siya at sinigawan.

    Mabilis at mabigat na ang pagtaas baba ng aking dibdib. Hindi na ako makahagilap ng tamang oxygen. And Ate’s right beside me, nanginginig ang kamay, hindi kaya ang tensyong nagaganap.

    “Erin, tama na,” bulong ni Ate.

    “Tinulak ko siya palayo at lumayo siya sa akin, Erin. Kung hindi mo nakita, nilipad niya kalahati ng mundo para lang makalayo!” sigaw niya.

    “At ngayong nagbalik na siya, kinuha mo ulit, ha? Ganon ba ‘yon, Klare? Elijah Montefalco is capable of loving someone else, Klare. Kaya niyang magmahal ng iba, bukod sayo kaya sana ay hinayaan mo na lang siya!” sigaw ko rin pabalik.

    No please. Klare, please. No… This is not right! Gusto kong isigaw sa kanya pero useless iyon dahil alam niya! Alam niya mismo na mali nga ito!

    “Mahal ko, e.”

    Fuck! Tumulo ng kusa ang panibago at maiinit kong luha. Mag pinsan nga kami! Kayang baliin ang kahit anong prinsipyo para sa minamahal!

    Hinawi ko ang kamay ni Ate. Kitang-kita ko ang bayolenteng reaksyon ni Claudette nang nabitiwan ako ni Ate. Para bang aatakihen ko si Klare. Pero hinawakan ko ang braso ng babaeng pinakamalapit sa akin.

    I want to understand. I want to know. Niyugyog ko siya, nagmamakaawa na sabihin niya sa akin.

    “You are not a mistress, Klare. You are better than that! Elijah is a fucking asshole! He should just disappear! Kasalanan itong lahat ng ginagawa niyo! Kahibangan ito!”

    Umiling siya. Walang ekspresyon ang kanyang mga mata habang tinitingnan ako. “Wala na sila ni Selena.”

    Nabitiwan ko ang braso ni Klare. Is she serious? Paanong? Kakatawag lang namin kay Selena, ah?

    “No way, Klare,” hindi makapaniwala si Ate.

    Kung ano man ang ginatong ni Elijah kay Klare ay isinusumpa ko siya!

    “Liar! Kung ano man ang pinaasa ni Elijah sa’yo, Klare, wa’g kang maniwala. Sila parin! Ang sabi ni Selena, sila parin! He’s two timing!” sigaw ko. She needs to see reason.

    Nakita ko ang gulat sa kanyang mga mata. Para bang hindi niya alam na si Selena pa at Elijah. Gusto kong magmura! Hindi niya alam? We all fucking know that!

    “I can’t believe you, Klare! I can’t fucking believe you!” Kinuha ko ang aking gamit at mabilis na nagmartsa patungo sa pintuan.

    “Erin!” Sigaw ni Ate habang sinusundan ako.

    Pinalis ko ang mga luhang lumandas sa aking mga mata. Life could’ve been easier if they didn’t love each other! Life could’ve been simplier! Kung wala akong mga pinsang nag iibigan ay sana hindi na magkakagulo!

    Naisip ko ang mga magulang naming nagkakasiyahan sa loob! I can’t let them see my face right now! Magtatanong lang sila! At magsisinungaling lang ako…

    Tumigil ako sa paglalakad half way papuntang hall.

    “Uuwi na ako,” sabi ko kay Ate.

    Namumula lang ang ilong ni Ate. Hindi tulad kong namumugto talaga ang mga mata. Kailangan kong umuwi.

    “Okay. Wait! Wait here!”

    “Mag tataxi ako, ate. I’m fine,” sabi ko.

    Pero bago pa siya makagalaw ay lumabas na sa hall si Elijah at Azi. Nang tumama ang mata ni Elijah sa akin ay kumunot kaagad ang kanyang noo. Imbes na ipagpatuloy ang pag-uwi ay nawala iyon sa isipan ko.

    “Elijah!” tawag ko nang nilagpasan niya kami at dumiretso sa CR kung nasaan si Klare. “Elijah!” Sinundan ko siya at hinawakan sa braso.

    “Bitiwan mo ako, Erin.”

    Lumabas si Klare at Claudette sa CR. Mabilis silang lumapit sa dalawa kong pinsan samantalang ako ay sumusunod sa kanila.

    Ang mga waiter sa restaurant ay napapatingin sa amin. Siguro’y nag tataka kung anong kaguluhan ang nangyayari.

    “You’re cousins, Elijah. May girlfriend ka. You are making her your mistress.”

    Hinawi niya ang kamay ko. “We’re not cousins. Wala akong girlfriend. At hindi siya kailanman magiging mistress so get your hands off me!” Pagkatapos ay nilingon si Klare.

    Nalaglag ang panga ko! For him, that is! But what about for our parents?

    “Sige! Sige mag landian kayong dalawa! Mabubuking kayo in no time. Elijah’s ass will be sent back to the US of A, and you Klare will be miserable again!” sigaw ko.

    Parang may gumagapang na init sa aking sikmura. Hindi ko alam kung ano iyon. Basta ang alam ko ay takot na takot ako para sa kanila ngayon! This is no joke anymore! Ang unang pagkakataon ay maaring pagkakamali lang pero ang pangalawa, baka hindi na sila mapatawad!

    “That will never happen, Erin, if you just shut your mouth!” sigaw ni Elijah sa akin.

    “I don’t need to open my mouth! Buking na buking na kayong dalawa sa mga galaw niyo pa lang! At ikaw, Klare? You never kept you promise! You should let him go because you’re not good for him. You’ll destroy his name, his family, his life-” sigaw ko, determined to make them understand though it seems like they never will!

    Hinarap ako ni Elijah. I can see his muscles go tight. Hindi ako natatakot! If this is what it takes to protect them and our family, then I will stand up with no fear! Pumagitna si Azrael at si Klare ay dumalo kay Elijah.

    “I don’t. fucking. care. If this love can destroy my whole life. Kung hindi mo pa iyon maintindihan, go ahead and spill the beans. I don’t care! I hope you’ll be happy, Erin,” mahinahon ngunit mariin niyang sinabi.

    “Elijah, pinabalik ka dito dahil akala ng mommy at daddy mo, pati nina mommy at daddy, na okay ka na. Na wala na si Klare sa utak mo. They want to protect you because they love you-” pinutol niya ako.

    “Protect me from what? From Klare? I know that, Erin, but I don’t understand!”

    “Because that’s incest. It still is. Lumaki kayong magkasama at naniwala kayong magpinsan kayo. She’s tito Lorenzo’s daughter!” sigaw ko, desperate to make them see reason!

    “Wala akong pakealam kung kaninong anak siya. I want her-“

    You want her? Why because you’ve never been this challenged before?

    “This is all lust! All fucking lust-” sigaw ko, pahisterya,

    “Just leave us alone! And stop being so insecure! Hindi ibig sabihin na dahil nahihirapan ka kay Eion ay pahihirapan mo si Klare!”

    Natigilan ako sa sinabi ni Elijah. Ganon? Ganon ba ang iniisip nila? Tumalikod siya sa akin para harapin si Klare.

    Ang mga mata ni Azi, Ate, Claudette, at Klare ay nakatoon sa akin. I wonder if they think I’m that desperate? I wonder if they think I’m doing this because I hate Klare so much? Oh my God! Na naman ba? Na naman? Ulit? Para sa kanila ay iyon ang ginagawa ko?

    Damn! Kahit kailan… hindi ko inisip si Eion pagdating sa parteng ito! Kahit kailan, hindi ko siya sinasali! Damn! Wala na! Iyon na ba ‘yon, Klare?

    Alam kong may kasalanan ako sa kanya. Marami. Maraming marami. Pero…

    “Now you’ve done it,” tumakbo na ako palabas ng hotel, nanginginig at umiiyak.

    Pumara na kaagad ako ng taxi at dumiretso na sa loob para hindi na ako maabutan ng kahit na sino.

    Ganon ang iniisip nila tungkol sa akin? Ganon ako kababaw?

    Kahit kailan hindi ko inisip ang tungkol sa amin ni Eion tuwing gusto kong umiwas silang dalawa sa isa’t-isa! That’s all I got from my want to preserve peace in our family? Iyon na ‘yon?

    “Erin?” kinatok ni mommy ang aking pintuan.

    “Mom, masakit tiyan ko,” halos bumuga ulit ako ng hikbi.

    “I know, your ate told me. You want medicine? Open the door,” ani mommy.

    Kakarating lang nila sa bahay at si mommy ang unang kumatok sa aking pintuan. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko.

    I don’t want my mom to know whatever’s happening with me. But I could really use her hug right now. It feels good to know na kahit na halos tinalikuran ka na ng mga taong pinaghihirapan mo ay nandito parin ang mga taong nagmamahal sayo. And I’m content of that. I’m content.

    I should not ask for more. Asking for more will mean losing some other. At ayaw ko na non. Pagod na ako don.

    “Anong nangyari sayo?” salubong ni mommy nang pinagbuksan ko siya at nakita niyang namumugto ang mga mata ko.

    Humagulhol ako sa kanyang balikat. I feel like I’m such a little girl. Though almost twenty-one, I still feel five!

    Hindi ko na alam kung paano na ako nakatulog. Basta ay iniyak ko ang lahat ng nararamdaman ko sa gabing iyon hanggang sa mamanhid na ang buong katawan ko.

    Kinatok ako ni Kuya kinabukasan. Kinukusot ko pa ang mata ko at pakiramdam ko ay namumugto na naman ito.

    “Erin!” sigaw niya ng pabalik-balik.

    “What, kuya?” tanong ko.

    Kinapa ko ang cellphone ko. Nakita kong may mensahe doon si Eion pero imbes na buksan ay nauna pa akong tumayo para pagbuksan si Kuya Josiah.

    Nang binuksan ko ay naamoy ko kaagad ang bango niya. Bagong ligo at ready’ng ready kung saan patungo.

    “Magbihis ka na. Bababa ako para mag gym,” he said without looking at me.

    Pakiramdam ko ay naramdaman niyang malungkot ako kaya gumagawa siya ng paraan ngayon. Gusto kong sumigaw na ayaw kong mag gym at gusto kong manatili sa bahay pero narinig ko ang pagkalabog ng kanyang pintuan.

    Huminga ako ng malalim at dumiretso na lang sa banyo para makaligo at makapag bihis.

    Ginagapangan ng malamig na tubig ang aking sikmura. Pakiramdam ko ay umuurong ito sa ideyang mag ji-gym ako. I feel like I shouldn’t. Nahihiya ako at hindi ko alam bakit at kanino.

    Pagkatapos naming mag breakfast ay dumiretso na kami sa sasakyan. Maligaya si Kuya habang ako ay chinicheck ang mga text ni Eion na nagtatampo kasi hindi ko siya nareplyan kagabi.

    Ako:

    I’m sorry, Eion. Pagod ako kagabi. Pagkauwi ng bahay ay natulog na ako.

    Nagpatugtog si Kuya ng maligaya at maiingay na kanta. Nang may dumaang babaeng naka shorts ay sumipol pa siya kahit na hindi naman siya naririnig ng babae.

    “I like her butt,” sabi ko, may naaalala.

    “I like her butt, too,” sambit ni Kuya.

    Nilingon ko siya at nanliit ang mata ko.

    “What?” natatawa niyang sinabi.

    Sinundan niya ng tingin ang babae at halos lumipad ang sasakyan namin nang may hump pala. Napamura ako.

    “Ang bastos mo,” sabi ko.

    “You girls think it’s okay to compliment another girl pero pag lalaki na ang nagsasabi, bastos na? Where’s justice, men?”

    Umiling ako at tumawa. And he seems satisfied for making me laugh. I appreciate that but I can’t say I’m already entirely happy. But I’ll try to be.

    Nang nasa gym ay wala na akong ibang binabalik balikan sa isip ko kundi iyong nangyari kagabi. Si Klare at ang paratang ni Elijah sa akin. Ganon ba talaga? Ganon nga ba, Erin? Ganon ba talaga? You think so?

    Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at nagpahinga sa sit ups seat. Kanina pa nakaalis si Kuya. Apat na oras na ako sa gym na ito at dito na rin ako nag lunch. I feel like I should spend time here. Especially that… I think this is going to be my last.

    “Saan ka naman lilipat?” tanong ni Alvin.

    I don’t want to leave Alvin. He’s been the best instructor for me but I think I need to leave. Ayaw kong may mag isip pa ng masama. Ayaw kong iniisip ng iba na ginagawa ko ang mga bagay para sa ibang tao.

    “I don’t know. Where do you suggest?” nag-angat ako ng tingin kay Alvin.

    Nag kibit siya ng balikat. Nag-iisip din kung saan maganda.

    “Siguro ay sa kung saan nag ji-jiu jitsu si Kuya dahil malapit lang sa bahay. That way, hindi na hassle sa kanya o kahit kanino. Maglalakad na lang siguro ako patungo doon.”

    “Sabi mo, eh,” ngumiti si Alvin.

    Damn, I’m really going to miss this gym.

    Pinasadahan ko ng tingin ang mga nag ji-gym. Hindi tulad nong first time ko dito, mas marami ng tao ngayon. Siguro ay dahil mahusay ang mga instructors at maganda ang equipments.

    “Ready, Erin? In five! Four! Three! Two! One!” sigaw ni Alvin nang piniperform ko na ang pang huling set ko sa pangatlong klase ng plyo ko sa araw na iyon.

    Sinagad ko na ang lahat. Tutal ay kumain naman ako ng unsalted meat kanina ay malakas ako ngayon.

    Hinihingal ako at tumatawa nang natapos. Nakipag high five pa ako kay Alvin. Pumalakpak siya at pinuri ako sa kasipagan ko sa araw na iyon.

    Pinasadahan kong muli ang buong gym. Huminga ako ng malalim at bumagsak ang balikat ko. I know… I know, Erin. I know you’re hoping for something but it just won’t happen anymore.

    “Wala na ba talagang makakapigil?” tanong ni Alvin sa akin nang nilalagay ko na sa aking bag ang mga gamit sa locker.

    “Wala na.” Tumawa ako.

    Pagkatapos kong magpaalam sa kanya at sa counter ay dumiretso na ako sa hagdanan. Isang baitan at naupo na lang ako.

    Madilim na sa labas. Isang araw yata ako sa gym na ito! Kaninang alas otso akong dumating at ngayong alas syete ng gabi ako umalis.

    Niyakap ko ang tuhod ko habang pinagmamasdan ang hagdanan. Naalala ko ulit iyong nangyari kahapon. I bet Klare thinks I’m such a bitch. She thinks I like making her suffer dahil lamang sa nakaraan nila ni Eion. Elijah thinks that way, e.

    Nangilid ang luha ko. Nilagay ko ang aking noo sa aking tuhod at hinayaan kong tumulo ang luha ko.

    “Dammit!” sabi ko sabay punas noon.

    Tama na. If they both want it then I’ll let them. At kung tibagin sila ng pamilya ay iiyak na lang ako sa tabi. Because I will only be judged if I let them know my feelings! Iisipin lang nila na hadlang ako dahil lang sa bitter ako kay Eion!

    Damn, speaking of Eion… ni hindi ko na nga iyon na replyan ulit.

    Humugot ako ng malalim na hininga at tinuwid ang tuhod ko. Mariin kong nilagay ang mga daliri ko sa aking mga mata at nagdasal na sana ay tumigil na ang luha ko sa pagtulo. Nang tanggalin ko iyon ay nakita ko sa baba ng hagdanan si Hendrix Ty na nakatingala sa akin.

    “Oh shit!” bulong ko at nagkukumahog kaagad akong tumayo.

    Pero kasabay ng pagtayo ko ay ang pagmamadali niya sa pag akyat. Pakiramdam ko ay dalawang baitan ang inaakyat niya sa bawat isang hakbang. Dahil sa pagtayo ko ay nasa tabi ko na siya.

    “What’s wrong?” pagalit niyang sigaw sa akin.

    Umiling ako ng mabilis pero tulad non ay mabilis ding lumabas ang luha ko. Sa sobrang bigat ng dibdib ko ay pakiramdam ko sasabog na iyon. Sa harap ni Hendrix!

    And my fucking tears won’t stop falling!

    “Fuck!” sigaw ko habang pinapalis ang mga luha ko.

    Mabilis ang kanyang hininga at hindi ko na makita ang ekspresyon niya. Hinawakan niya ang kamay kong pumapahid sa luha ko. Ang sikip sikip ng paghinga ko. Hindi na ako makahagilap ng tamang hangin.

    “Watch your words. I don’t kiss bad lips, Montefalco,” he said in a very cold tone.

    Hinila niya ako palapit sa kanya at niyakap ng mahigpit. Humagulhol ako sa kanyang dibdib. For the first time in so many years, I feel fucking okay.

  • Kabanata 19Open or Close

    Kabanata 19

    Attraction

    Nang humupa ang luha ko ay ginapangan ako ng hiya. Hiyang-hiya ako sa biglaang pag-iyak. Hiyang-hiya ako na niyakap niya ako. Ano kaya ang iniisip niya ngayon?

    Kinalas niya ang pagkakayakap sa akin at habang nagpupunas ako ng luha ay alam kong naghihintay siya.

    “I’m sorry. I’m sorry, I’m just really emotional today…” Nagawa ko pang tumawa kahit na naiiyak. Nababaliw na yata ako.

    “May susundo sa’yo?” tanong niya.

    Nag-angat ako ng tingin. Seryoso at mukhang iritado siya. Hindi ko nga lang alam kung bakit at kanino.

    Humakbang ako ng isang baitang. Natatakot ako na iritado siya sa akin. Baka iritado siya na umiyak ako sa kanya?

    “Magtataxi ako pauwi,” sabay turo ko sa labasan.

    Nagpatuloy ako sa paglalakad pero hinawakan niya ang aking braso at pinigilan niya akong bumaba. Nilingon ko siya. Ikinagulat ko ang ginawa niya. I don’t want to be a bother to anyone.

    “Pwede kitang ihatid.”

    Ngumisi ako at gumala ang mata ko sa hagdan. “Kakarating mo lang, aalis ka kaagad? Hindi ka ba mag ji-gym?”

    “Why are you here? Gabi na, ah? You changed your sched?” He ignored my questions.

    I changed my sched? I didn’t! I was here the whole day! Siya siguro ang may ibang schedule, hindi ba?

    Umiling ako. “Nope.”

    Tumitig lang siya sa akin. Para bang tinitimbang kung ano ang susunod na sasabihin sa pamamagitan ng ekspresyon ko. Huminga ako ng malalim at tiningnan ang kanyang kamay na nakahawak sa aking palapulsuhan.

    “Let’s go…” aniya at imbes na umakyat ay bumaba siya, hila-hila ako.

    Mabilis ang pintig ng puso ko. His broad and powerful shoulders are on my sight. Hindi makalma ang sistema ko.

    “Hendrix,” tawag ko nang hindi niya ako nililingon at patuloy siya sa paglalakad.

    Binitiwan niya ang kamay ko at hinarap niya ako. My hand floated freely beside me. Pakiramdam ko ay may kung ano roon.

    “Uhm, I’m fine. I can go home alone.”

    He really damn looks pissed and irritated! Ako ba ang dahilan ng iritasyon ang galit niya? Parang pinipiga ang puso ko na hindi ko malaman. Does he feel like I’m his responsibility so he needs to drive me home safely? Kasi kilala niya ako. Kasi malapit ako kay Klare. Kasi pinsan ako ng kapatid niya.

    “Pauwi rin ako. Ihahatid na kita.”

    Tinuro ko ang gym sa pagtataka. “Hindi ka mag ji-gym?” tanong ko.

    Humalakhak siya. Ang kaninang madilim na ekspresyon ay medyo umaliwalas pero may naglalarong kapilyuhan sa kanyang mukha. “May ichi-check lang sana ako. I can come back here tomorrow to work out. I’m fine today.”

    Marahan akong tumango. So… he still goes to this gym, huh? Pero bakit wala siya nong nakaraan? Kahit anong bola ko sa sarili ko, inaamin kong hinahanap ko siya noong mga nakaraang araw. Nasanay ako na lagi siyang nariyan tuwing nag ji-gym ako.

    “So… will you let me drive you home now?” nagtaas ang isang kilay niya.

    Luminga ako para sa sasakyan nila. Nakita kong naka park ang isang itim na Alterra sa tapat ng Ministop, kung saan madalas naka parking iyong sasakyan nila. That was his usual car. I wonder if I would fit? What about his two body guards? Well, dalawa lang iyong nakikita kong kasama niya lagi but…

    “Or are you waiting for someone?” lumamig ang tono niya sa tanong.

    Umiling kaagad ako. Naaalala iyong huli siyang nagyaya sa akin at biglaang dumating si Eion.

    Tumango siya at ngumuso. “Let’s go,” he ordered.

    Hindi niya na kailangan ng sagot doon. Para bang ang utos niya ay dapat sundin. Humugot ako ng malalim na hininga at sumunod sa kanya. Nang medyo nakalapit na siya sa sasakyan ay tumunog ito at umilaw. Kumunot ang noo ko. Walang tao?

    Pinag buksan niya ako ng pintuan sa front seat. There! Wala ngang tao! Where are his body guards?

    Nagkatinginan kami. Para bang alam niya ang iniisip ko kaya nagtaas siya ng kilay.

    “You don’t like bodyguards, right?”

    What? Gusto kong tumawa pero pinigilan ko ang sarili ko.

    “I think having bodyguards is gay,” tumikhim ako, nagpipigil ng tawa. “But… I have nothing against it. Kung kailangan mo, then you have to have one or two.” Nagkibit ako ng balikat.

    Nakataas parin ang kanyang kilay at nakalahad parin ang pintuan sa akin. I feel like I’m bothering him or something. Imbes na manatiling nakatayo ay pumasok na lang ako sa loob at umupo. Hindi niya agad sinarado ang pinto. Tinitigan niya pa akong nakaupo doon sa loob na parang may problema.

    “Seat belts…” aniya.

    “Oh…” tumango ako at sinuot ang seatbelts.

    Sinarado niya ang pintuan at umikot siya sa harap. Amoy lemon at strawberry’ng pinaghalo ang sasakyan niya. Malinis ang loob at mukha paring bago. I wonder if he did really fire his bodyguards or what?

    “So…” nakasakay na siya at pinaandar niya na ang sasakyan. “You don’t have bodyguards anymore?”

    “I have. They’re around. They’re just experts in hiding.”

    Ngumuso ako at tiningnan ang paligid habang pinapaandar ang sasakyan. Seriously? That’s creepy. But… whatever. That’s not my problem.

    “Why? Do you miss them now?” natatawa niyang sinabi nang nahuli kami ng red light sa may Gaisano intersection.

    “Is that a serious question?” natatawa ko ring tanong.

    “Hinahanap mo, e…” he stopped. Para bang may idudugtong siya pero hindi niya nagawa.

    “Hindi, a. I just thought they’re gone or something,” sabi ko.

    “Simula noong bumalik kami galing Davao, I asked them to hide,” ani Hendrix.

    “Davao?” nagtaas ako ng kilay. “Bumalik ka ng Davao?”

    “Yup. Family thing.”

    Tumango ako at hindi na nagsalita. That explains it, huh? Kaya siya wala kasi nagpunta siya ng Davao.

    Bahagya akong nag headbang sa kantang nasa stereo. Mahina lang iyon pero inaliw ko na lang ang sarili ko doon. My God! This is awkward! Pinagpapawisan ako ng todo.

    Nang nag green ang traffic light ay pinaandar niya ang sasakyan. Tahimik kaming dalawa hanggang sa humugot siya ng malalim na hininga at nagtanong.

    “You and Eion broke up?” tanong niya.

    Nilingon ko siya. His expression remained blank habang nakatingin siya sa kalsada. His features only illuminated by street lamps and lights from buildings. I am in awe of his fair skin and angled jaw. May pagka chinito siya ngunit hindi sobrang chinky ang mga mata. I suddenly wondered if he’s pure blood or not? From what I heard, he is though.

    “We broke up uhm, weeks ago. But… he asked me back…”

    I know now sinusubukan naming dalawa ni Eion na ibalik iyong dati pero nahihirapan na ako. I don’t know how to put the broken pieces of my heart back together. And he understands that. Nagkasakitan kaming dalawa. He’s got his own issues that I couldn’t understand and I have my own issues he failed to understand too.

    “So… you back again?” halos mag yelo ang tono niya.

    Umiling ako. “But we’re trying.”

    “Is that why you’re crying?” tanong niya.

    I wish I could say yes. Unfortunately hindi iyon. Alam kong nasaktan ko si Klare dahil sa pagpupumilit ko sa mga prinsipyo ko. No one… I mean it. No one would ever understand it just like how I couldn’t understand their situation.

    Nanahimik muna ako ng saglit para kalmahin ang sarili ko. I now accept the fact that people will never understand each other fully, gayunpaman ang tanging magagawa natin ay ang sumuporta at magpaubaya. It won’t be simple but that’s the only way. Ayaw ko nang ipilit ang prinsipyo ko at ayaw ko na ring pilitin ang sarili kong intindihin ang prinsipyo nila.

    Sometimes you support things you don’t understand, because those things are important to you.

    “Nag-away kami ni Klare,” halos mabasag ang boses ko.

    Luminga na ako sa labas para sa taxi. He would probably throw me out. I don’t know how they treat Klare but I’m sure they love her. Sino ba ang hindi magugustuhan si Klare? I even want her to be my sister!

    “What happened?” marahan ang pagkakasabi niya.

    “I… tried to make her realize things like…” kinagat ko ang labi ko. I’m not even sure if he knows a thing about Elijah and Klare!

    “Things like?” he inquired.

    Hindi ako makapagsalita. Tinigil ko muna at nagsimula ako sa una.

    “You know… weeks ago may sinabihan ako ng sekreto niya. Sinabi ko kay Eion iyong sekreto niya,” matapang kong sinabi.

    Ayaw ko siyang lingunin. Ayaw kong makita ang kanyang ekspresyon. I’m prepared to go out of his car. Anyway, I can find taxi right here. Nasa Divisoria na rin naman kami at marami naman dito.

    “And what did you get from it?” his voice sounded normal.

    “Nothing. I just feel like I betrayed her.”

    Gusto kong magmura at sumigaw ng malakas. Although, Eion knows something about her, iba parin ang pakiramdam na ako mismo ang nagkumpirma noon sa kanya!

    “Kaya kayo nag-away ni Klare?” tanong niya.

    Umiling ako at ngumisi. “I tried to stop them from doing it again.”

    Sumulyap siya sa akin. Medyo nagulat sa sinabi ko.

    “Sa aming lahat, I’m the only one who can do that. Talk like that to Klare. To save their asses from our parents. I don’t want her to go through that pain again. I don’t want them to be apart again. I don’t want her to be away again. Kasi nakakasiguro akong hanggang ngayon ay tutol parin ang pamilya namin. It’s a cultural rule, you know. And we follow it.”

    “Kahit na hindi naman talaga sila magkadugo?”

    Nilingon ko siya. “Kahit na. Sana lang ay kung sila man, totoo iyan. Sana lang walang bawian. Kasi pag binawi pa nila, kawawa sila. Magsisisi ako kung bakit hindi ko binuwis lahat matibag lang sila.”

    “Is it not enough that you all broke the two of them. And after how many years, they’re still at it? It’s been two years. You still think it’s a joke?”

    Natahimik ako. Well… if Elijah can prove us all that he’s not on for his flavor of the year…

    “I think attraction that lasts for at least two years is serious,” aniya sa seryosong tono.

    Tinitigan ko siya. Nasa Mastersons Avenue na kami. Malapit na kaming lumiko sa village namin.

    “Well, if it’s true then I guess I should be happy for them. But I still can’t say what they are doing is good.”

    Ngumisi siya. Kumunot ang noo ko sa kanyang ngisi. What’s funny? Nagtaas siya ng kilay habang nililiko ang kanyang sasakyan patungo sa aming village.

    Oh. We’re almost home.

    “Uh, liko lang dito,” sabay turo ko sa street namin.

    Tumango siya at sinunod ang sinabi ko.

    Nanlalamig ang kamay ko. Hindi ako sigurado kung sa aircon ba o dahil talagang nanlalamig lang ako.

    “Dito lang,” sabi ko nang nasa tapat na kami ng bahay naming kulay flesh at maroon ang combination.

    Tiningnan niya ang bahay namin. Gumapang na muli ang kabang akala ko ay wala na kanina. Holy crap! How am I going to say goodbye? Thank you?

    “So… uh… salamat sa paghatid. Pasensya na sa abala,” sabi ko nang di tumitingin sa kanya.

    “No problem,” pormal niyang sinabi.

    Tumango ako at binuksan na ang pintuan para makalabas.

    Nang makalabas na ako ay hindi pa ako sigurado kung kakawayan ko ba siya habang bukas pa ang pintuan o ano. Nakita ko ulit ang pilyo niyang ngisi samantalang balisa na ako. Hindi ko alam kung anong gagawin. Dammit! Mental block? I’ve never been this confused with my reactions.

    Tinuro ko ang loob ng bahay namin. “So… I… Uh… gotta go. Thank you ulit.” I awkwardly waved.

    Fuck!

    Uminit ang pisngi ko nang naalala ko iyong sinabi niya kanina. Tumango siya at kumaway din bago ko sinarado ang pintuan. The windows were tinted so hindi ko alam kung ano na ang ekspresyon niya.

    Ang mga kamay ko ay nasa likod habang kinukurot nila ang isa’t-isa. Hinihintay kong umalis ang sasakyan pero hindi ito gumagalaw kahit isang pulgada.

    What’s wrong? Grrr. Please, end this awkward misery!

    Bumaba ang isang salamin at nakita kong nangingiti si Hendrix habang pinagmamasdan ako.

    “You go in. I won’t leave until you’re inside your house,” aniya.

    Oh crap! Tumango ako at nagmadaling pumunta sa gate namin. Sa pagmamadali ko ay halos hindi ko pa iyon mabuksan. Nang nabuksan ay sinarado ko kaagad at hiniligan habang hinahabol ang hininga.

  • Kabanata 20Open or Close

    Kabanata 20

    Reset

    “Why won’t you reply to my texts?” mahinahong tanong ni Eion sa akin habang tinatanaw ko ang asul na dagat.

    Kakatapos lang ng kasal ni Damon and Eba. I’m not sure if I’m sleepy or just tired of what just happened. Maaga kasi iyong kasal at kami nina Ate at Kuya ay nandito na sa resort kagabi pa lang.

    Nilingon ko siya. Nakaupo ako sa isang malaking sarong. Kanina ay katabi ko si Kuya ngunit umalis ito para maligo sa dagat. Hindi masyadong mainit ang panahon, hudyat na patapos na nga ang summer dito sa Pilipinas.

    Imbitado si Eion sa kasal pero ngayon lang kami nagkalapit ng ganito sa araw na ito. Sa kasal ay masyado akong abala para lapitan siya.

    Nilingon ko ang mommy at daddy na kasama ang mga tito at tita ko sa isang malaking cottage, nag vi-videoke at nagkakatuwaan. Naroon din ang ibang bisita namin na nanatili kahit tapos na ang kasal.

    Umupo si Eion sa tabi ko. Umusog ako ng kaonti. Inaayos ang kulay pink at mint green kong bikini.

    “I’m sorry. I’ve been very busy.” Hindi ko na siya nilingon.

    Alam kong nakatitig siya sa akin at hindi makapaniwala sa sagot ko.

    Noon ay kahit gaano pa ako ka busy, nakakapag text parin ako sa kanya ng kahit isa. Ngayon, ay parang kay hirap na. Halos makaligtaan ko na nga ang cellphone ko. What with so many unknown numbers texting, kasama na ang mga manyakis, hindi ko na iyon pinapansin.

    “Busy? Anu-ano ba ang ginagawa mo? I asked you if we can have this movie date, you didn’t even reply,” may halong pait na sa kanyang boses.

    Nilingon ko siya. “I’m sorry. These past few days, nawalan ako ng gana. I don’t know. I want to reset everything, Eion. I feel like-“

    “Nawalan ka ng gana saan? Sa atin? You asked me back at ngayon ay umuurong ka na sa gusto mong mangyari?”

    Nag-init ang ulo ko. Ayaw kong makipag-usap sa kanya dahil alam ko na ang kahahantungan nito. Mag-aaway lang kaming dalawa.

    People cannot fully understand each other. Hindi ko lubusang maiintindihan ang ibang tao at hindi rin ako lubusang maiintindihan ng ibang tao. You can only feel sympathy. You can only have a slight picture of how they feel. But you can never feel it. You can never feel it like how they are feeling it. It can never affect you like how it affects them.

    “That time, Eion. All I care about was us. You love me and I guess I needed that love to make me whole again. Pero ‘nong nakamit ko iyon, hindi ko nakuha ang gusto ko. I feel like a part of me died that day. I feel like betraying Klare broke me more. Na hindi kayang ayusin ng pagmamahal mo o pagmamahal ko sa iyo iyong nabasag sa akin.”

    Napaawang ang bibig niya. There. I said it. I finally said it. It took me weeks to understand what happened between us. Kung ako ang tatanungin, oo at minamahal ko si Eion. Pero minsan hindi iyon ang importante sa buhay na ito. Hindi ang pagmamahal mo sa natatanging tao. Kundi iyong pagmamahal mo sa sarili mo. Ang pagmamahal mo sa pamilya. Life isn’t all about romantic relationships. How could I love someone deeply when I couldn’t even appreciate myself?

    “So what are you saying this time, Erin?” tumaas ang kanyang boses.

    Kitang-kita ko ang pangingilid ng kanyang luha. Namumula ang kanyang ilong. Eion deserves someone who can fight for what she feels. Hindi ako. I can’t fight for it. My priorities have changed for the past weeks. And maybe, iyon talaga ang prinsipyo ko. Na naiwala ko simula nong nasaktan ako. Simula noong nagkasiraan kami ni Klare at lubusan kong minahal si Eion.

    “What?” sigaw niya.

    Tumulo ang luha ko na agad kong pinalis. Nagdadasal na sana ay walang makakita sa akin na umiiyak. Malayo sina Kuya Josiah at ang iba kong pinsan kaya malabo kung makikita nila ang pag tulo ng luha ko.

    Umiling ako bilang sagot sa tanong ni Eion.

    “Dammit!” aniya at tumayo na kaagad para talikuran ako.

    Pinalis ko ang luha sa aking mga mata at tumingin sa dagat para magkunwaring ayos lang ako. Natatakot akong may makakitang umiiyak ako.

    “Erin…” malamig na boses ni Claudette ang pumalit sa kung saan nakatayo si Eion kanina.

    “Dette.” Hindi ko na siya nilingon.

    Sa inupuang parte ni Eion sa aking sarong ay umupo din si Claudette doon. She’s wearing her brown bikini at may sarong lang sa baba. Hindi pala siya kasama sa naliligo. Kung ganon ay si Ate Chanel lang ang nasa dagat. Si Klare kasi ay kasama ng mga magulang namin. Pakiramdam ko ay umiiwas siya kay Elijah.

    “You okay?” tanong niya.

    Tumango ako.

    “Nag-away kayo ni Eion?”

    Umiling naman ako.

    Hindi na siya nagtanong muli. Pareho kaming tiningnan lang ang alon ng dagat at ang nagkakatuwaan kong pinsan. Azi’s riding the jetski now.

    Huminga ako ng malalim at nakita si Ate Yasmin na sumisigaw sa mga pinsan kong nasa dagat. Gusto niya ring maligo kaya naglalakad na siya kung nasaan si Ate Chan.

    “Yas! Come here!” ani Ate.

    Nandito na kasi ang pamilya ni Elijah. We’re all complete for this celebration.

    “Klare seems off today. Hindi nakikisama,” sabi ni Claudette.

    Well, I don’t think that’s new. Either iniiwasan niya nga si Elijah para hindi magduda ang mga parents namin o iniiwasan niya rin ako dahil ayaw niya sa akin.

    “Sinabi mo ba kay Josiah ‘yong nangyari?” tanong ni Claudette.

    Umiling ako. “Nagdesisyon kami ni Ate na manahimik na lang. Tayo lang ang nakakaalam, Dette. But I’m sure Kuya’s not dumb. He probably knows it by now. Sa obvious ba naman ni Klare…”

    Kinagat ni Claudette ang labi niya. Alam kong ganoon din ang iniisip niya. Klare’s too honest to pretend. She’s very, very obvious. Hindi ko nga lang alam kung obvious din ba iyon para sa mga taong hindi nakakakilala sa kanya ng lubusan.

    “Do you think what they’re doing is fine?” tanong ko habang niyayakap ang aking tuhod.

    Suportado ni Claudette ang dalawa simula pa noong una. Kahit alam niyang maari nitong ikasira ng dalawa ay sinuportahan niya ang mga ito.

    “I mean…”

    Umiling si Claudette. “You mean their relationship? Of course not, Erin, pinsan natin ang dalawa. Lumaki tayong magpinsan. Alam ni Klare na hindi ako boto sa relasyon ng magpipinsan but that’s what they want. That’s what they’re fighting for. I’m their family. If they want my support, I will give it to them.”

    Humugot ako ng malalim na hininga. “You support instead of correcting them. But… anyway wala na rin naman tayong magagawa. Hindi natin mapipilit ang mga tao sa ayaw nilang gawin.”

    Saglit na natigilan si Claudette sa sinabi ko. “I just hope it all turns out okay. Natatakot ako para sa kanila. Natatakot ako na malaman ulit ng parents natin.”

    Pinagmasdan ko ulit ang mga pinsan namin na nagkakasiyahan. If that’s what makes them happy, huh?

    Pero sa gabi ring iyon nalaman ko ang pinakanakakatakot na balita.

    Naka balik na kami sa Cagayan de Oro. Tulog na ako nang gisingin ako ni Ate. Umiiyak siya. Mabilis akong ginapangan ng kaba. Thinking if it’s about our parents or what.

    “Si Klare! Nabuking siya!” ani Ate.

    Nanlaki ang mata ko. Kahit pagod at antok ay nawala sa akin. Humahagulhol na ako sa sasakyan pa lang habang iniisip kung ano na naman ang gagawin ng mga parents namin?

    “Erin, may kinalaman ka ba dito?” tanong ni mommy na nasa front seat.

    It was dad who helped her change her family name. Dad is cool about Elijah and Klare. Isa siya sa konting may bukas ang utak para sa dalawa. Pero walang may gustong mangyari ito sa dalawa. Kung pwedeng pigilan ay mas gugustuhin nilang pigilan. Kung pwedeng ‘wag ituloy ng dalawa ay mas susuportahan nila na huwag na lang.

    “Chanel!” ani mommy nang hindi ako sumagot.

    “We just know, mom. But… my God! It’s been like two years and Klare isn’t a Montefalco!”

    “You tell your tito Exel that!” ani mommy.

    Parang naglilitis nang dumating kami sa bahay ni Klare. She looked so devastated and distant. Gusto ko siyang lapitan pero natatakot akong magdadala lang ako ng problema at stress sa kanya. Naroon na rin si Elijah.

    Nang nakarating na ang lahat ay nagsimula na sila sa pagtatalo. Parang pinipiga ang puso ko habang tinitingnan si Klare na hirap na hirap tanggapin lahat ng mga masasakit na salita ng aming mga magulang.

    “Tito… maawa po kayo sa aming dalawa. Ilang taon na rin ang lumipas. Hindi ba sumagi sa isip ninyo na maaaring… maaaring… Maaaring pinagtagpo ulit kami dahil iyon ang gusto ng-” umiiyak na siya.

    “Ipinagtagpo kayo dahil hinayaan ko. Klare, I’m starting to think that you’re clouding Elijah’s mind too much. You’re not good for him-” ani Tito Exel.

    “Dad, wa’g niyo siyang pagsalitaan ng ganyan-” sigaw at putol ni Elijah.

    “See? See? Kita mo kung anong ginawa mo sa kanya? I barely know him now. His mother… is weeping for her lost son… She doesn’t know Elijah anymore because of you.”

    Nag-iiyakan na kami. Pakiramdam ko ay hihikain na ako sa paninikip ng dibdib ko. Pulang pula ang ilong ni Ate at ni Claudette. Mahapdi na rin ang mga mata ko at si Kuya Josiah ay halos tulala na lang sa isang tabi.

    “Akala niyo ba hindi ko naisip na sana ay nawala na lang ako? Akala niyo ba kahit kailan hindi ko pinagdasal na sana ay wala ako rito? Hindi niyo alam, tito. Mahal na mahal ko kayo na gugustuhin kong isakripisyo ang sarili ko para sa ikakasaya ninyo. I’m more than willing to sacrifice just about anything you asked me to. Hindi ko pa ba iyon naipakita sa inyo?” ani Klare.

    Pumikit ako ng mariin. Asking God to make my heart numb. Ayoko na po.

    “Tito, hindi po ikaw iyong araw araw na nakakarinig ng pangungutya sa ibang tao! Hindi ikaw ang pinag uusapan nila tungkol sa pagiging Montefalco ko gayong hindi naman ako tunay na anak! Wala kayo don! Ni isa sa inyo walang sumama sa akin para lagpasan iyon! Hindi ko… hindi ko sinusumbat ang pagkawala ninyo. I deserved your treatment! I deserved the cold. Kasi may kasalanan ako sa inyo. Kasi minahal ko si Elijah. Tiniis ko ang lahat ng iyon.”

    Bawat salita ni Klare ay tumatagos sa akin. We were all blinded by our own pain. We were protecting the same thing but we couldn’t unite.

    “Wa’g niyo pong isipin na hindi ako tumanaw ng utang na loob. Alam niyo po kung anong kaya kong gawin para sa pamilyang ito… Pero ngayon po… Isa lang ang hinihingi ko sa inyong lahat… Ito lang po talaga… I know I don’t deserve your family name. I will probably never deserve Elijah. Because he’s a Montefalco. Pero… parang awa niyo na po, mahal na mahal ko siya…”

    Halos mapunit na ang labi ko sa pagkagat. Ang sakit lang na marinig iyon sa kanya. Nag simula na ulit silang magtalo. Mas lalong uminit ang pagtatalo at sa huli ay nasa kay Elijah ang naging hatol.

    Natulala ako nang nakita kong binagsak niya sa sahig ang susi at kanyang wallet na para bang wala na siyang pakialam doon. Nagmartsa siya palabas ng pintuan, wala ni isa sa aming magpipinsan ang gumalaw sa sobrang gulat. Ilang minuto yata akong hindi huminga dahil sa ginawa ni Elijah. Nakakatakot iyon!

    Si Azi lang ang tanging humabol pero hindi niya naabutan si Elijah.

    Now, everything’s a mess! Elijah’s gone, Klare’s hurt, and our family is in pain.

    Tahimik sa aming bahay sa sumunod na mga araw. Abala si mommy at daddy sa pagtulong sa paghahanap kay Elijah. Tahimik rin kaming tatlo nina Ate at Kuya Josiah. Azrael, Rafael, and Claudette were almost always with us sa bahay para lang pag-usapan ang mga mangyayari o nangyari.

    Malapit na ang pasukan. Sina Damon at Eba ay nasa kanilang honeymoon pa.

    Inaayos ko ang sintas ng aking sapatos. Nilingon ako ni Claudette na nasa aming sala, kumakain ng pop corn.

    “You’re heading off to the gym?” tanong niya.

    Tumango ako. It’s the only way to calm my nerves.

    “Rin, papahatid ka?” dinampot ni Kuya ang susi at tumayo para lumapit sa akin.

    “I can walk, Kuya. Sa Elorde na ako mag ji-gym. I’ll try it there and I will enrol today.”

    “Whoa! You’ll box or Jiu Jitsu?” tanong niya.

    Umiling ako. “Titingnan ko pa.”

    “Bakit ka lumipat ng gym?” tanong ni Ate sa akin. Nakataas ang kanyang kilay.

    Tumayo ako at pinasadahan ng tingin ang aking suot. Gusto ko sanang manatili ngayon pero simula noong umalis si Elijah ay pabalik balik lang ang topic namin. Lahat kami ay may plano. At nakakasiguro akong pagkauwi ko mamaya galing sa gym ay narito parin sila sa bahay namin.

    “Para malapit lang sa bahay,” sagot ko kay Ate.

  • Kabanata 21Open or Close

    Kabanata 21

    I Don’t Care

    Pawis na pawis ako pagdating ng Elorde Boxing gym. Ngayon ko lang napagtanto na kailangan parin palang sumakay at kulang ang paglalakad kung pupunta ako doon galing sa bahay.

    “Paki fill-up lang ito, miss,” ngiti ng nasa counter habang binibigay sa akin ang isang form kung nasaan ilalagay dapat ang pangalan.

    Tumango ako at nilagay ang mga impormasyon tungkol sa aking sarili. Am I sure about this? Pinasadahan ko ng tingin ang buong gym. Although there are some girls, mas nangingibabaw ang mga lalaki dito. Boxing gym kasi ito at madalas ang mga lalaki dito.

    Nakita ko ang isang pamilyar na mukha na nag s-sparring sa kanilang boxing ring. Tingin ko ay schoolmate ko noong high school o ano. At kumpara kay Alvin na may tamang muscles, medyo mas malaki ang mga katawan ng kanilang mga instructor dito. Mismong ang nagbigay sa akin ng form ay mukhang palaging nag wi-weights.

    “Erin Louisse Rivera Montefalco. Kaano-ano mo si Josiah Montefalco, miss?” tanong niya nang ibinalik ko na ang papel.

    “Uh, he’s my brother.”

    Tumango siya at ngumiti. Marahan ang tinig niya nang iginiya niya ako sa mga equipments. “May lockers diyan, pili ka lang. Pagkatapos ay kung session ka lang, free kang gumamit ng equipments pero kung sigurado ka na at babayaran mo ang annual fee at isang buwan ay pwede ka na naming bigyan ng sarili mong instructor. Pwede kang pumili sa kanila, pwede ring ako.”

    Nilingon ko siya pagkatapos kong pasadahan ng tingin ang mga instructor na naroon.

    “I’m Kent, by the way. May mga regulars kami dito.” Iginala niya ang paningin niya sa buong gym. “Wala na yata. Nakaalis na ‘yong isang babae. Si Nikka, kilala mo?”

    Halos matawa ako. How will I know? “Hindi.”

    “Base sa form, taga Xavier ka. Marami kaming mga regulars dito na taga Xavier. Marami ding mga Koreano. Alam mo na.” Nagkibit siya ng balikat.

    “Ay, hindi ko po kilala. Malaking unibersidad ang Xavier. Di kilala lahat ng tao,” sabi ko at inayos ang bag ko.

    I’m gonna pay the annual fee and the monthly fee. Wala na akong magagawa. Although I miss my old gym, narito na ako. Siguro ay naninibago lang ako. Masasanay din naman siguro ako.

    “So… sino ang kukunin mong instructor?” tanong niya.

    Ngumuso ako. “Well, you’re the first one who entertained me so…”

    Tumango siya at mas lalong lumapad ang ngiti.

    Dumiretso na ako sa locker para makapag iwan ng gamit. Tinanggal ko rin ang t-shirt ko at tanging racerback at cycling shorts ang suot ko. Inayos ko ang sintas ng aking kulay purple na Sketchers bago ako tumayo para sa treadmill.

    “You’re not new to this, right?” nilapitan kaagad ako ni Kent.

    Umiling ako at pinaandar ang treadmill. “I cardio first. Nag pa-plyo ako pero ngayon, weights is fine for me. Masyado akong nagbabad sa Plyo ‘nong nakaraan.”

    Tumango siya. “Don’t you want to try boxing? I can teach you.”

    “Hmm. I’ll see. For now, I’ll cardio.”

    Tumango ulit siya at umatras. Nag simula ulit akong mag walking. Habang ganoon ay nakakapag muni-muni ako. Ngayong Lunes ay pasukan na. It’s going to be a hectic year since graduating na kami. Paniguradong ma s-stress kami sa subjects. Not that I’m not already stressed with my family.

    I wonder where is Elijah right now? I wonder if Klare knows? I wonder if she’s still in their house o nasa mga Ty siya ngayon?

    Pagkatapos ng labing limang minuto ay binilisan ko na ang treadmill at ginawa ko na ang mga dating ginagawa.

    “Whoa!” sigaw ni Kent nang nakita ang routine ko sa treadmill.

    Napalingon ako sa kinatatayuan niya. Nakahalukipkip siya at may mga lalaki siyang katabi na nakatingin rin.

    Nahagip din ng tingin ko ang isa pang lalaking nakahalukipkip sa may counter. He looks pissed and iritated once again.

    Muntikan na akong madala ng treadmill. Mabuti na lang at nahawakan ko ang sides kaya naibalanse ko ang sarili ko. Anong ginagawa ni Hendrix Ty sa gym na ito?

    Bumaling muli ako sa treadmill para itigil ito. Unti-unting gumapang ang kaba at hindi malamang emosyon sa akin. Bakit ko ito tinitigil? Do I have to go near him? Wait… why am I suddenly?

    “Galing!” pumalakpak si Kent.

    “Thanks.” Ngumiti ako at pinulot ang nakalapag kong tuwalya.

    Pinunasan ko ang pawis ko at tiningnan si Hendrix na nasa akin parin ang titig. He doesn’t look like he’s going to the gym. Naka puting round neck t shirt siya at maong. Parang may lakad o ano.

    Parang hinihipan ng hangin ang binti ko sa sobrang gaan habang naglalakad patungo sa kay Hendrix. Hindi ko alam kung may karapatan ba akong lumapit at magtanong. It’s just that I’m curious why he’s here kung ang gym naman niya ay iyong dating gym namin?

    Nang tuluyan na akong nakalapit ay umurong agad ang sikmura ko. He didn’t even smile or called me. Nanatili lang ang kanyang iritadong mga mata habang hinahayaan akong lumapit sa kanya.

    “Uh… You’re here,” deklara ko. “L-Lumipat ka?”

    Dammit! I’m stuttering!

    Umiling siya at humugot ng malalim na hininga. Bumalik na si Kent sa counter para i entertain ang bagong dating na si Hendrix.

    “Mag i-inquire ka, sir?” tanong ni Kent.

    “Hindi. I’m just checking.”

    Tumango si Kent at bumaling sa kanyang mga kasamahan. Nag-uusap na sila. Binalewala kaming dalawa.

    “I heard from Alvin, lumipat ka daw?” his usual cold tone jarred me.

    Hindi ko alam na ipinagkakalat ni Alvin ang paglipat ko. “Yeah. Nag desisyon kasi ako ‘nong huli nating pagkikita doon.”

    “Why?”

    “Uh…” Hindi ako makahanap ng mga salita. Bakit nga ba? Maging ako ay hindi alam!

    “Before that you were there almost everyday, right? While I’m away.”

    Shit! Paano niya nalaman iyon? Si Alvin?

    “Uhm, yup. How did you know?” Hindi na ako makatingin sa kanya.

    Pinasadahan niya ng tingin ang buong gym bago bumaling muli sa akin. “I’m gonna enrol here.”

    Namilog bahagya ang mga mata ko. Bakit? Hindi ko maintindihan. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ang lakas lakas ng pintig ng puso ko ngayon.

    “Enrol, sir?” tanong ni Kent kay Hendrix.

    Tumango siya at kinuha ang ballpen sa gilid. Parang pinipiga ang puso ko habang pinagmamasdan na binigyan siya ng form ng instructor.

    Yumuko siya at nilagyan ng pangalan ang papel. Hindi ako makahinga habang binabasa ang nilalagay niya doon.

    Hendrix Richard Chongbian Ty, 23 years old… Nag iwas ako ng tingin at kinagat ko ang labi ko.

    “What’s your schedule?” tanong niya sa akin.

    Umiling ako. “Hindi ko pa alam. I’m thinking if it’s weekends or MWF.”

    “I’ll wait for her sched. Magkano lahat?” tanong niya kay Kent.

    Kinuha niya kaagad ang kanyang wallet. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay hindi ko mahabol ang hininga ko. Dammit!

    Binayaran niya sa Kent. Kahit ang pagtayo ko sa kanyang tabi ay awkward.

    “Are you done for today?” tanong niya.

    Tinuro ko ang treadmill. Hindi pa ako tapos pero ang tinig niya ay parang nang-uudyok na matapos na ako. Kaya imbes na sabihing hindi pa ako tapos ay napatango na lang ako. Damn! Kailan pa ako naging ganito?

    Pinutok ko ang mga daliri ko. Nininerbyos ako sa di malamang dahilan.

    Nilahad niya ang palad niya sa akin. Ang isang kamay niya ay may ballpen na nakatutok din sa akin. Kumunot ang noo ko. Hindi malaman kung ano ang ibig sabihin niya. Hindi siya makatingin sa akin.

    “I left my phone at home. Nagmamadali kasi ako kanina. Can you… scribble your phone number on my palm instead?”

    “Uhm… sure!” kinuha ko ang ballpen sa kamay niya.

    Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Hindi ko mapigilan ang pag ngiti ko. Dammit, Erin! Stop smiling!

    Hinawakan ko ang palad niya. Malaki iyon kumpara sa kamay ko.

    “Dito ba?” tinuro ko ang ibaba ng kanyang thumb.

    Tumango siya at nag kagat din ng pang ibabang labi. Natawa na ako. What the hell? Naramdaman ko ang bahagyang pamamawis ng kanyang kamay habang pinapatong ko ang akin doon para makapagsulat.

    Nahirapan pa ako sa pagsusulat. Nang natapos ay nilapag ko ang ballpen sa may counter at nag angat ng tingin sa kanya. Hindi siya makatingin sa akin. Itinago niya ang kanyang palad.

    “So… are you now… going?” tanong ko.

    “I thought you’re done?” the hope in his voice is funny.

    Hindi ko ulit mapigilan ang pag ngiti. Tumango ako kahit na ang totoo ay kakasimula ko pa lang.

    “Magliligpit lang ako ng gamit saglit.”

    Tinalikuran ko siya para pumunta ako ng locker. Pakiramdam ko ay lumulutang ako habang palayo sa kanya. Kahit na nakatalikod ay alam kong tinititigan niya ako palayo.

    Habang nagliligpit ako ng gamit ay naalala ko iyong nangyari kay Klare. I wonder if he knew. Siguro? At ano ngayon ang reaksyon niya doon?

    Nag bihis ako ng panibagong racerback bago lumabas ng locker. Nasa balikat ko na ang gym bag at handa na akong umalis.

    Natanaw ko kaagad si Hendrix na nakaupo sa high chair at naghihintay sa akin. Ngumiti si Kent at nagpaalam sa akin.

    “Let’s go…” ani Hendrix at tumayo para sumabay na sa paglalakad ko.

    Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang mangyari. Ihahatid niya ba ako sa bahay? Tahimik siya kaya naisip kong magtanong ng tungkol kay Klare.

    “Nag-usap na ba kayo ni Klare?” tanong ko.

    “Phone, yes. I know what happened to Elijah. I’m sorry,” aniya.

    Pababa na kami sa Stonestown building. Suminghap ako. Alam kong ganito ang mangyayari at ito ang iniiwasan ko.

    “Ayaw ko sanang mangyari ito. But what Ej did proved me something. Na ganoon niya ka mahal si Klare. In a wrong way but fierce and real. I just hope magpakita na siya. O kung nasaan man siya ay maayos siya. We’re all worried about him.”

    Hinintay niya akong makababa sa huling baitan.

    “I’m worried about Klare, too. Nasaktan siya sa nangyari,” sabi ko.

    “Kaya nga gusto ko sanang umuwi na muna siya sa amin. I think it would be better if she’s out of that house,” ani Hendrix.

    Umiling ako. “I think hahanapin ni Elijah si Klare kung saan niya ito iniwan. Kaya dapat sa bahay lang nila siya. That would be better.”

    Namataan ko na ang itim na Alterra sa harap. Alam kong hindi siya uuwi dahil maporma at mukhang may pupuntahan. Malay ko kung may date ito? After all, ang alam ko ay may girlfriend siya, hindi ba? Or did they broke up already? Sino iyong dinala niyang taga Ateneo de Davao di umano? Nasa Davao ba ang babae hanggang ngayon?

    “Anyway, I’m going home. Nasa bahay ang mga pinsan ko.”

    Kumibot ang kanyang labi at pinatunog ang kanyang sasakyan. “Ihahatid na kita.”

    Ngumisi ako. “Wala ka bang lakad? You look…” Ugh! How do I rephrase it? I was about to say dashing! “like you’re going somwhere. Mukhang may date.”

    Uminit ang pisngi ko sa sariling mga salita. Hindi na tuloy ako makatingin sa kanya.

    “I don’t have. Pumunta lang ako ng gym tapos dito. Uuwi na rin ako. I have work to do.”

    Oh? Gaano pala ka importante ang gym at sinasadya niya talaga? Well, that’s off limits right? I should just shut up.

    Binuksan niya ang pintuan at hinintay niya na naman ako. Kinalma ko ang sarili ko bago ako lumapit at pumasok. Inayos ko kaagad ang seatbelts tulad ng gusto niyang mangyari.

    Umikot siya at nang nakasakay ay pinaandar niya kaagad. The scent of his car hit my nose. Ang bango talaga! Maging siya ay mabango!

    “You’re going to school next week?” tanong niya.

    Tumango ako. “It’s my last year.”

    “It’s Klare and Pierre’s last year too.”

    Bumaling ako sa kanya. “You were done two years ago. Are you taking MBA or something?”

    Umiling siya. “Maybe next year. Busy ako sa business.”

    “Mabuti at pinapayagan ka ng pamilya mo na dito muna imbes na sa Davao na lang para mas matuonan ang business niyo?”

    Hindi siya nagsalita ng ilang sandali. Nawalan na rin ako ng idudugtong kaya hinayaan ko ang saglit na katahimikan.

    “Why? Gusto mo bang sa Davao na lang ako imbes na dito?”

    Parang gusto kong magbasag ng kung ano. Bumilis ang pintig ng puso ko at hindi ko alam na kay hirap niya palang tingnan!

    “Of course… I want you here.”

    Shit!

    Humalakhak siya. Nangiti ako pero tumingin ako sa labas para hindi niya makita. At panigurado ring kasing pula na ng kamatis ang mukha ko ngayon.

    “I want to be here too.” His laugh is so sexy. Mariin na lang akong napapikit na nakaharap sa labas.

    Tumikhim ako nang niliko niya na ang sasakyan. I suddenly wish for a longer ride!

    “Will you stay home today?” Hindi ko alam kung bakit imbes na tanong iyon ay pakiramdam ko pakiusap iyon.

    “Wala akong lakad kaya sa bahay lang ako. And my cousins are there too.”

    “Good,” aniya.

    Para akong nabigyan ng medalya sa sinabi niya. How could this man affect me so much? Nakakahiyang aminin!

    Nang tumapat na sa bahay namin ay ayaw ko pang umalis. Gayunpaman ay kinalas ko parin ang seatbelt para makapanhik na sa loob.

    “Thanks for the ride.”

    Ngumiti siya at tumango. Binuksan ko ang pintuan at nangangatog pala ang binti ko nang subukan kong tumayo.

    Kumaway lang ako at agaran na ang pagpasok sa bahay sa takot na mapansin niya ang pangangatog ko.

    Abot-abot ang kaba ko nang palapit na sa aming pintuan. Naririnig ko parin ang asaran ng mga pinsan ko sa sala. Nang nakapasok ako ay nilingon nila ako.

    “Wow! Ang aga!? Milagro? Hindi mo nagustuhan?” tanong ni Ate.

    Umiling ako. “Uh… nag enrol ako. Pero maagang natapos.” Hindi ako makatingin sa kanila.

    Nagpatuloy sila sa asaran. Nakita kong naglalaro na pala sila ng videogame sa sala. Mura nang mura si Kuya dahil sa pagkatalo nila ni Azi laban kay Rafael at Ate.

    Umupo ako sa tabi ni Claudette at nilapag ang bag ko sa mesa. Hindi parin ako matapos tapos sa pagpabalik balik ng mga nangyari kanina.

    “You okay?” tanong ni Claudette, kanina pa nakatitig.

    “Yup!” maligaya kong sinabi.

    “You look flushed. You’re cheeks are bright red,” puna niya.

    Sinabi mo pa, Dette!? Kinuha ko ang unan at hindi na pinansin ang mga napuna niya.

    “Kita mo ‘to, Azi?” tanong ni Kuya sa galit na tono.

    Tumatawa na si Rafael at Ate Chanel sa ginagawa ni Josiah. Nilahad niya ang kanyang palad. Kumunot ang noo ni Azi sa palad ni Kuya na wala namang laman.

    “Ano? Alin diyan?”

    “Itong hawak ko! Kita mo ba?” iritado parin ang tono ni Kuya.

    “Hindi! Wala kang hawak,” ani Azi sa pagtataka.

    “Oo! Ganyan ang utak mo. Hindi makita!” Tumayo na kaagad si Kuya at tumawa samantalang si Azi ay iritado at pinagmumura na si Kuya.

    Sumabay ako sa tawa nila. At least kahit na nagkanda hirap na ang sitwasyon namin, nakakapag bonding at nakakatawa parin kami kahit paano. Not that we don’t care about what’s happening. We care. We just at least need a break sometimes. I suddenly wonder if Klare has her own breaks?

    Ngayong Lunes ay babantayan ko siya sa school. I know making up to her habang ganito ang sitwasyon ay mahirap. But at least I will try to be there for her.

    Tumunog ang cellphone ko sa isang mensahe galing sa hindi kilalang number. Mas lalong humigpit ang yakap ko sa unan. Mabilis agad ang pintig ng puso ko. Alam ko kung sino iyon!

    Unknown number:

    I’m home. This is Hendrix Ty. Hope you save my number.

    Tumitig ako sa mensahe niya bago ako nag tipa ng reply.

    Ako:

    Thanks for the ride again. I will save your number. Erin Montefalco.

    Hiilig ni Claudette ang kanyang ulo sa aking balikat. Inilag ko ng bahagya ang cellphone ko para hindi niya mabasa ang text.

    “I’m not gonna look at your phone, Erin,” singhap niya at kinuha din ang kanyang phone para may itext.

    Tumunog ulit ang cellphone ko at nakarecieve ulit ako ng isang mensahe at isang notification sa Viber kung saan galing parin kay Hendrix. I accepted him on Viber and opened his message sa iMessage.

    Hendrix:

    Can I take you out this Monday? After your class.

    Lumapad ang ngiti ko at nanggigil sa tanong. What the hell?

    Mabilis akong nag tipa ng isasagot.

    Ako:

    Sure. :) Pero baka may magalit? What about your girl?

    Iniisip ko kung may naiwan ba siya sa Davao? Pero kung niyayaya niya ako, ibig sabihin wala nga siyang girlfriend na. Wala na sila ‘nong dating girlfriend niya.

    Hendrix:

    I still don’t have one, though. What about you? Please don’t make me fall for your tricks.

    What? Kung malapad ang ngisi ko kanina ay gusto ko nang magwala ngayon!

    Ako:

    What tricks? I don’t have that. At… may magalit man, wala rin namang karapatan. My brother is my brother. Wala siyang magagawa.

    Hendrix:

    I respect Josiah. I can’t take that lightly, though. Sana ay hindi siya magalit. But… anyway, if you want to be with me, I don’t care who gets angry.

    “Ayos ka lang, Rin?” kumunot ang noo ni Claudette sa akin.

    “Oo nga! Ayos lang ako!” natatawa kong sinabi kay Claudette.

    What the hell is this feeling? I cannot even contain it anymore. Parang nakakawala ang nararamdaman ko sa aking sistema kaya halos manginig at magwala ako dito.

  • Kabanata 22Open or Close

    Kabanata 22

    Nagdadalawang-isip

    Sa unang araw ng pasukan ay halos ma late ako sa kakapili ng damit. Dahil maraming bawal sa aming paaralan ay hindi ako makapili ng maayos at maganda.

    Isang knee-high black spaghetti strap dress ang sinuot ko. Nag suot na rin ako ng cardigan para makapasok ako sa eskwulahan. Hindi kasi pinapapasok ang may sleeveless shirt o kahit anong ganoon.

    Hindi pa matatali ang buhok ko dahil medyo maiksi pa kaya hinayaan ko na lang na nakalugay ito. Kaonting make-up na bagay sa morena ang nilagay ko sa aking mukha.

    “Wala pa masyadong klase kasi unang araw ng eskwela,” ani Claudette habang pinagmamasdan ang mga dumadaang estudyante sa aming inuupuan sa Magis Building.

    Nakatingin ako sa salamin at inaayos ang mukha habang si Klare ay nasa gilid ko. Kanina ay tulala ito. Ngayon ay tinitingnan naman ang kanyang cellphone. I seriously don’t know how to comfort her so I’ll just stay beside her.

    “Oo nga. Kahit sa major kanina, walang pasok,” sabi ko.

    “Hi!” Biglaang dumating ang tatlo pa naming kaibigan.

    Bineso ako ni Julia. Tinuon ko ang pansin sa kanila at sinantabi ang aking salamin. Nilingon ko si Liza at Hannah na parehong mapormang-maporma ngayong unang araw ng pasukan.

    “Gaaah! I miss last year,” ani Liza sabay upo sa tabi ko.

    “Oo nga, e. We are the seniors now. Last year at nandito pa ang mga pinsan niyo. Sa mga General Assembly natin, wala na sila,” umirap si Julia.

    “Ayos lang iyon. Si Kuya ba ang naghatid sa’yo ngayon, Klare?” tanong ko sa katabi ko.

    Tumango siya sa akin.

    Dahil nag-aalala ang mga magulang namin ay pinababantayan siya sa mga pinsan ko. Si Kuya yata ang naghatid sa kanya kanina. Si Ate naman ang nagdala sa akin dito dahil nagpapa enrol na siya sa Med school.

    “Hi, Klare!” may bumati sa kanyang kilala ko bilang manliligaw niya noon.

    Vaughn Aguirre to be exact. He’s with his Engineering flock. Nakikita ko ang matatangkad na mga lalaki sa kanyang likod, including Pierre Ty who looked like Hendrix nga lang ay mas bata.

    “Hi, Vaughn!” pilit ang ngiti ni Klare.

    Tahimik kaming lima dahil sa panibagong mga dumating. Pinagmasdan ko lang ang mga Engineering na kasama niya. Seymour Salvador, Pierre Ty, Lewis Andrews, at iba pang hindi ko na maalala. Nag-iwas ako ng tingin.

    “What’s your sched? Baka magkaklase tayo sa isang subject?”

    This guy is obviously hitting on Klare. Natanaw kong binigay ni Klare ang kanyang schedule. Nagkatinginan kami ni Claudette. Para bang nakuha niya rin ang naiisip ko.

    Nilingon ko si Klare at binigyan ng masamang tingin pero hindi niya iyon nakita. This Vaughn Aguirre couldn’t get enough of her and now he wants her schedule. For what? Stalking?

    “Aww! Sayang! Wala, e. But we’re neighbors in this subject. Katabi lang classroom natin dito,” sabay turo niya sa isang subject namin na gaganapin sa Commerce Building.

    Umirap ako at uminom sa shake na binili. Really?

    “Sige, kita na lang tayo. Pero wala yatang pasok mamaya. Unang araw pa lang. Kung meron man, course syllabus pa muna,” ngumiti si Klare.

    Ngumuso ako at tumingin na lang sa paligid. Nang natapos na sila sa pag-uusap ay hindi na rin naman ako umapila. Nanahimik na lang ako at inabala na lang ang sarili sa Facebook.

    Mabilis natapos ang araw na iyon. Saktong alas kuwatro nang nag text si Hendrix. Luminga pa muna ako para tingnan kung may nakatingin ba sa cellphone ko o wala bago iyon binuksan.

    Hendrix:

    Are you done? Papunta na ako. Where can I find you?

    Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at nagtipa na ng reply.

    Ako:

    I can wait near Dunkin Donuts.

    Nilingon ko kaagad si Klare at Claudette na naglalakad sa tabi ko.

    “Dette, kina Klare ka susunduin ni Azi?” tanong ko.

    “Yup. Ikaw?” nagtaas siya ng kilay.

    “I’m… going home alone so baka mauna na ako sa labas?”

    “Pwede naman tayong mag sabay,” ani Claudette.

    Bumaling si Klare sa akin. She spaced out the whole day at ito ang unang pagkakataon na nakuha ko ang atensyon niya ng buo. Tingin ko tuloy ay nababasa niya ang kaluluwa ko kaya imbes na tumingin sa kanya pabalik ay nag-iwas ako.

    “Hindi. Okay lang. Mauna na ako,” sabi ko at tinuro ang gate.

    “O-Okay…” ani Claudette.

    Kumaway ako kay Klare. Pareho silang may bahid na pagtataka ni Claudette. Nagmadali tuloy ako sa aking mga hakbang para lang makalabas ng school.

    Laking pasasalamat ko na naman na hindi na masyadong gala ang mga pinsan kong lalaki. Kung hindi Sabado ang kanilang mga pasok ay gabi naman kaya hindi nila ako makikitang nagmamadali sa paglabas ngayon sa school.

    Hinubad ko ang aking cardigan sa gate. Sa wakas at hindi na ako maiinitan. Isang hakbang patungo sa pedestrian lane ay nahagip kaagad ng paningin ko si Eion kasama ang mga fresh graduates na kaklase niya.

    Natigilan ako ng saglit dahil sa pagkakagulat. Hindi ko inexpect na magkikita kami gayong gumraduate na siya.

    “Sinong hinahanap mo? Papasok ka naman para kay Klare?” tukso ng kaibigan niya.

    “Bakit?” natatawang sinabi ni Eion. “Alam mo kung nasaan siya?”

    Parang tumigil ako sa paghinga. Kahit na tapos na kami ay naniniwala akong kinain lamang siya ng kuryusidad sa kay Klare. Naniniwala akong hindi niya ako niloloko. But then, ano na iyon sa ngayon? Wala na itong halaga ngayon.

    “Ikaw ha! Akin na lang si Erin, pre! Pinamimigay mo yata ang ganda noon! Ikaw talaga!” anang kausap niya.

    Nag highfive pa sila at hindi siya sumagot. I felt betrayed and insulted. Hindi ko alam kung ayaw ba niya ng away o talagang wala siyang pakealam sa akin.

    Humakbang ako patungo sa kalsada. Determinadong makalayo at itigil na ang pakikinig nang bigla niya akong nakita.

    “Erin!” pasigaw niyang tawag.

    Hindi ko na siya nilingon dahil tumatawid na ako sa daan. Kahit na nakatawid na ako ay hindi ko na siya nilingon.

    Wala na kami at dapat ay hindi na ako magpaapekto sa kanya. It’s just that I couldn’t believe him! Sa tagal ng pinagsamahan namin ay kung tratuhin niya ako ay parang hindi niya ako minahal? I can’t believe him! Nakakatampo! Iniisip kong maaari parin kaming maging magkaibigan pero ngayon ay parang hindi ko na kaya iyong ibigay sa kanya. How can I befriend someone who fooled me?

    “Erin!” sabay hablot niya sa aking braso nang paliko na ako patungo sa Dunkin Donut.

    “What is it, Eion?” hindi ko maitago ang galit sa boses ko.

    Nakikita ko ang pamumutla niya. Taliwas sa ipinakita niyang kulay kanina habang nag-uusap sila ng kaibigan niya. Hindi siya makapagsalita.

    “Ano? You’re wasting my time!” iritado kong sinabi.

    Naninikip ang dibdib ko. What about friendship? Kahit iyon ba ay hindi niya kayang ingatan? I know what happened between us can’t be fixed anymore pero sayang ang kahit pagkakaibigan na lang! Because I surely can’t give it to him if he’s a jerk!

    “I’m sorry. I was… about to enter Xavier to find you.”

    Umiling ako at ngumiti. “Bitiwan mo ako.”

    Hinawi ko ang kamay niya. Nahihiya ako sa mga taong dumadaan at nakatingin sa aming dalawa. Ano kaya ang tingin nila sa amin ngayon? Magsyotang nag-aaway?

    “Biro lang iyon ni Johnny! Iyong tungkol kay Klare!”

    “I don’t care, okay?” sabi ko. “And being here is useless. Ayaw kong makipag-usap sa’yo!”

    “You broke up with me! You left me hanging! You wanted me back and now ito? Cold treatment? What do you want, Montefalco?”

    Nalaglag ang panga ko. Pinipiga ang puso ko. Hindi ako makapaniwalang nagawa niya pa akong sumbatan pagkatapos ng kagaguhan niya.

    Tinalikuran ko siya. Ayaw ko nang makipag-usap. Tapos na ako. Tapos na kami. Ang tanging nararamdaman ko na lang ngayon ay ang pagtatapos na rin ng iningatan kong pagkakaibigan namin.

    “Erin! Talk to me and stop walking away!” sigaw niya.

    “Can’t you understand?” hinarap ko siyang muli. “I don’t want to talk to you, Eion! Don’t force me! Tapos na tayong mag-usap at nalinawan na tayong dalawa!”

    Napatingin ako sa mga taong nakatingin na rin sa amin. I can’t believe we are disturbing the public!

    Umigting ang kanyang panga. May tumapik sa kanyang balikat at nakita kong mga kasama niya ito noon. Siguro ay mga kaklase sa high school.

    Umirap ako at tinalikuran siya.

    “Ang sabi mo mahal mo ako? Ang sabi mo tayo ulit? Pero ano ‘to ngayon, ha?” sigaw niya habang palayo ako.

    Nanginig ang bibig ko.

    “Tangina mo, Erin! Galing mong mambitin sa ere!” sigaw niya.

    Hindi ko siya nilingon. Dahan dahan akong naglakad patungo sa Dunkin Donuts, nangangatog ang aking binti. Nang nasa tapat na ako ay tsaka ko pa lang nilingon ang kinatatayuan ni Eion kanina. Wala na siya roon. Siguro ay hinila na ng mga kaibigan niya palayo.

    Pumikit ako ng mariin. Dammit! Kung gusto niya si Klare, edi ligawan niya? Bakit kailangan niya pa akong gawing kasangkapan? Bakit pinipili niya ako kung gusto niya pala si Klare? Kasi may mahal na iba si Klare? So ano ako? Second option?

    May pumaradang sasakyan sa harap ko. Napasinghap ako nang bumaba ang salamin at naaninag ko si Hendrix sa loob ng driver’s seat. Muntikan ko nang nakalimutan ang sadya ko dito sa tapat ng Dunkin Donuts.

    Binuksan niya galing sa loob ang pintuan. Hindi ako makatingin sa kanya nang pumasok ako.

    “Hi! Are you okay?” bungad niya habang pinapaandar ang sasakyan.

    Tumango ako, parang pinipiga ang puso. The sound of his voice is comforting. Sa sobrang comforting nito ay parang hinuhugot nito lahat ng emosyong pilit kong tinatago.

    “You don’t seem okay, though. Si Eion ba ang nakita kong kausap mo kanina?”

    Hindi na ako nagsalita. I guess the break up is still very fresh to me. I know… I’m feeling something special for this man. Kaya lang ay natatakot ako. Natatakot ako sa aking sarili. Natatakot ako na baka dahil sa mga bagahe ko ay hindi niya ako matanggap.

    “Erin…” he called my name softly.

    Hindi ko alam kung saan kami patungo. Kailangan ko siyang kausapin. Bumaling ako sa kanya at nang nakita ko ang nag-aabang niyang mga mata ay parang nalusaw ang puso ko. Pumikit ako ng mariin at napaluha.

    Agad ang pag punas ko sa aking luha. Pinilit kong kalmahin ang sarili ko para makapag salita.

    “Do you still want this dinner?” nanginig ang boses ko.

    Nakatingin na siya sa kalsada. Ang isang kamay niya ay nag abot sa akin ng tissue. Pinaharurot niya ang kanyang sasakyan.

    Fuck! I think I ruined our date!

    “Do you still want it?” pabalik niyang tanong sa akin.

    Of course I fucking want it! Pero pinaiyak ako ng isa pang lalaki. Isn’t that a turn off?

    “Well…” hindi ko madugtungan.

    “If you’re tired, I can drive you home instead. But if you want this, we’ll push it.”

    Nasa bridge na kami ngayon. Tanaw ko na ang kulay orange na langit, papalubog na kasi ang araw. At ang Cagayan de Oro River ay nagsasalamin sa kulay ng langit.

    Nilingon ko ulit siya nang kumalma na ako. Nanatili ang kanyang mata sa kalsada. Nilapag ko ang tissue sa dashboard kung saan ito nanggaling.

    Shit! I ruined my make up!

    Kinuha ko ang aking salamin para icheck ang aking mukha. Medyo pula ang aking ilong at ang aking pisngi. Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang pagsulyap niya sa akin.

    Nilingon ko rin siya.

    “You still love him?” halos di ko marinig ang boses niya.

    Huminga ako ng malalim. “Namamanhid na lang ako. All he did was hurt me. Hindi ko na siya kayang mahalin ulit.”

    Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at huminga ng malalim. Kahit na ayaw ko ay tingin ko ito ang nararapat. Ito ang kailangan. I can’t mess up just because I’m hurt. I can’t do it.

    Nagulat ako nang nag park ang kanyang sasakyan sa isang restaurant uptown. Buong akala ko ay uuwi na kami. Ang tinahak kasi naming daanan ay patungo sa bahay pero nang tumigil ang sasakyan sa tapat ng Lantaw ay nilingon ko na siya.

    Abala siya sa pagpapark ng tama kaya hindi ko makuha ang atensyon niya sa pamamagitan ng tingin. Nang tumigil ang sasakyan ay kinalas niya kaagad ang kanyang seatbelts.

    I should do it while it’s early!

    “Uh…”

    Nilingon niya ako. The intensity in his eyes almost jarred me to immobility. Pakiramdam ko ay hindi ko kayang sabihin sa kanya. Ang puso kong naghuhuramentado ay ayaw sabihin sa kanya.

    “I think we should stop this,” sa wakas ay nabanggit ko.

    “Why?” tanong niya.

    Kinurot ng mga daliri ko ang isa’t-isa. Para bang kinukurot ko ang sarili ko dahil sa mga sinasabi. Hindi ako makahanap ng dahilan sa sinabi.

    “You should stop seeing your ex,” aniya.

    “I didn’t want to see him. Nagulat lang ako at nagkita kami sa gate. He was there and then he saw me. Hinabol niya ako.” I can’t help but explain. “Tapos sinisi niya ako sa nangyari sa amin. I can’t help but get mad at him. I mean… I don’t want to be affected anymore. Wala na kami. I at least want him to be my friend. Sayang iyong pinagsamahan.”

    “I don’t want you to be friends, though,” malamig niyang sinabi.

    Nagulat ako sa sinabi niya. Huminga siya ng malalim at mataman akong tinitigan. Hinawakan niya ang seatbelt ko at siya na mismo ang nagkalas nito. Binuksan niya rin ang aking pintuan galing sa loob habang nakatitig siya sa akin.

    “Forget him. Date me.”

    Pinigilan ko ang paghinga ko. Especially that he’s so near me and his manly scent filled my mind.

    “Shit…” kinagat ko ang labi ko.

    Bumaba ang tingin niya sa labi ko at ngumisi siya.

    “Do you want to date me tonight?” tanong niya.

    Dahan dahan akong bumaling sa labas. Determined to stop the eye to eye contact between us. Pakiramdam ko ay sasabog na ako kung patuloy ang titigan namin. This is really not good! Hindi ko na alam!

    I just know that I shouldn’t date someone right after a break up! Pero tuwing magkasama kami, nakakalimutan ko na ang lahat!

    “Yeah,” I said.

    Tumango siya at agad na binuksan ang kanyang pintuan para makalabas. Pumikit ako at sinadyang tumigil para makalma ang sarili. Pinagbuksan niya ako galing sa labas at nakita kong sumilay ang pilyong ngiti sa kanyang labi.

    Hindi ba siya natatakot? Hindi ba siya nagdadalawang isip?

    I know he shouldn’t worry. I just don’t want to be unfair to him.

    Pababa ako ay nagkatinginan kaming dalawa. I can now breathe better. Hindi tulad kanina na parang barado pa ang pakiramdam ko. Sinarado niya ang pintuan sa likod ko at pagkalingon ko ay naabutan ko ang pagpasada niya ng tingin sa aking damit.

    “Do you go to school that way?” tanong niya.

    Umiling ako. “May cardigan ako kanina. Tinanggal ko. Hindi naman kasi pwedeng pumasok ng school ng naka ganito.”

    Tumango siya at hinawakan ang palapulsuhan ko. “Let’s go.”

  • Kabanata 23Open or Close

    Kabanata 23

    Dance In The Rain

    Ilang sandali pa bago ko napakalma ang sarili ko. Ni wala akong masabi nang nagtanong si Hendrix sa gusto kong kainin nang tinitingnan ko ang menu ng restaurant.

    “Ganito na lang. Do you have allergies? Or foods you dislike?” tanong niya nang hindi ako makasagot.

    Umiling na lang ako at tinitigan muli ang menu.

    “Okay. I’ll choose for us.”

    Pinanood ko siya habang inuutusan ang waiter sa mga gusto niya para sa amin. Nilapag ko ang menu at nilingon na lang ang natatanaw na iilang mga ilaw sa downtown ng Cagayan de Oro. Umihip ang malamig na hangin galing sa labas. Halos kilabutan ako sa malamig na haplos nito sa aking likod.

    “Lagi ka ba niyang kinukulit?” tanong ni Hendrix.

    Kahit na hindi niya binanggit kung sino ay alam ko na kaagad. Si Eion ang tinutukoy niya.

    “The last time we talked, iyong kasal ni Eba at Damon sa Midway. And then now…”

    Tumango siya at pinaglaruan ang basong nasa gilid niya. “You should stop seeing him.”

    Tumango rin ako. Ayaw ko na naman talagang makita si Eion. Ayaw kong mawala ang friendship namin pero habang hindi pa kami maayos ay mas nakakabuti sa aming ‘wag na munang mag-usap.

    Sabay kaming napatingin sa labas nang nakita ang biglaang pagbuhos ng malakas na ulan. Kaya pala malamig na ang hangin kanina ay uulan pala ngayong gabi.

    “So… how’s your day?”

    Isinantabi ko iyong tungkol kay Eion at naalala ko ang normal na araw sa eskwulahan. “Well, fine. Just the normal first day. Kung may profs man ay nag discuss lang naman ng course syllabus. Ikaw? How’s y-your day?”

    Hindi talaga yata ako masasanay sa mapanuring mga mata niya. I tried to act confident but then I’m failing big time.

    “Boring?” humalakhak siya. “Nasa bahay lang ako at nagbababad sa laptop. I do things for our business.”

    “Ano pala ang business ng pamilya ninyo?” tanong ko.

    “Hmmm… Well, marami. We’re into farming, cars, and construction.”

    Nagulat ako doon. Marami siguro siyang ginagawa para sa kanyang ama, kung ganoon? “So… you’re busy everyday?”

    Tinuon niya muli ang mga mata niya sa akin. Para bang may sinabi akong nagpagising sa kuryusidad niya. “You can say that.”

    “Hindi ka ba tinutulungan ng kapatid mo sa business? I mean… Pierre?” nagtaas ako ng kilay.

    “Hindi siya interesado sa business. Gusto niyang tumulong pero hindi sa pamamagitan ng pag ma-manage.”

    Kita na man iyon kay Pierre. Para siyang laging iritado sa mundo kaya baka nga ayaw niya ng tulad ng ginagawa ni Hendrix.

    “After school, what are your plans?” tanong niya sa akin.

    Kinabahan kaagad ako. Sumabay pa ang kulog sa kaba ko kaya halos mapatalon ako sa gulat. “Uh…”

    Unlike Ate and Kuya, I’m content with Business Management. Gusto ko ngang mag open ng store. Kung hindi restaurant ay boutique. Kaya nahihiya ako dahil kumpara sa mga ginagawa niya ay simple lang ang pangarap ko.

    “Mag-iipon ng pera?” ngumiwi ako. Hindi ko alam kung paano sasabihin iyon sa kanya. “Magtatrabaho siguro ako sa bank?”

    Uminit na ang pisngi ko. Masyado siyang attentive at pakiramdam ko ay nakakahiya ang pag-amin sa simpleng mga pangarap.

    “Tapos pag naka ipon na ng pera galing doon ay itatry kong magsimula ng negosyo,” tumango ako, kinakalma ang sarili. Kinukumbinsi ko ang sarili ko na ayos lang ito.

    “Anong negosyo ang gusto mong simulan?” tanong niya.

    Mabilis na talaga ang pintig ng puso ko. Nahihiya talaga ako. “Pastry shop? I like baking. Uh… Ikaw?”

    Kahit na hindi ko na kailangang magtanong ay ginawa ko parin para lang mawala sa aking ang spot light. Ayaw ko nang pinag-uusapan ang naiisip ko sa future. Lalo na pag siya ang kausap ko. I feel so small compared to him.

    “Manage our business, I guess?”

    “You’re the eldest right? Kaya ikaw talaga ang mag ma-manage. Is that a family business? I mean sa daddy mo?” tanong ko.

    “Farming is my dad’s business. Cars and Constructions are my grandparent’s business,” aniya. “But they expect me to manage it all. I’m the first born of the Tys.”

    Fuck! I knew there was something about him! At ito iyon! The reason why he’s so intense and so… mature is this! Maaga siguro siyang namulat sa katotohanang pasanin niya ang lahat ng business ng pamilya niya.

    “So ‘yong grandparents mo, sila muna nagmamanage parin hanggang ngayon?” I got confused.

    “My ahma is not able to manage the business anymore. My angkong died years ago.”

    Natigilan ako. Hindi maproseso sa utak ko iyong sinabi niya. Pero unti-unti kong napagtanto na ang tinutukoy niya ay ang kanyang lola at lolo.

    “My father’s also the eldest of the Tys. Kaya siya rin ang nagmana ng lahat ng iyon.”

    Tumango ako. He’s the successor of whatever the Tys are doing. “But then… are you happy?”

    Ngumiti siya. “I like the business so…” Nagkibit siya ng balikat.

    “That’s good. Hindi ka naman siguro papayag pag hindi ka masaya.”

    Nagkatinginan kaming dalawa. Naputol lang iyon nang dumating ang waiter para ilagay sa aming mesa ang mga pagkain.

    At kahit sa pagkain ay nagmukha na akong tanga. Lahat ng kilos ko ay tipid. Hindi nga ako nagugutom, e. Hindi rin ako nabusog dahil ayaw kong masobrahan sa pagkabusog. It’s awkward and I don’t know how I fucking got it all done!

    “Wala ka pang homeworks or group works?” tanong niya.

    Umiling ako habang nginunguya ng dahan-dahan ang watermelon. “First day pa lang, e. But I’m sure marami iyan lalo na ngayong fourth year.”

    “Yup. I can help you out if you want. Pag mahirapan ka lang.”

    Lagi akong nahihirapan at gustong-gusto kong magpatulong! Pero nakakahiya! Napaka walang kwenta ko naman kung ganoon!

    “Tinutulungan naman ako ni Kuya Josiah pag may hindi ako naiintindihan.”

    Suminghap siya at uminom ng tubig. Malakas parin ang ulan sa labas at pakiramdam ko ay hindi pa ito huhupa. It’s eight in the evening. Maaga kumpara sa uwi namin ng mga pinsan ko pag may gala pero may pasok na kaya kailangang nasa bahay na ako kahit paano.

    “By the way, nakapag desisyon ka na ba sa schedule natin sa gym?” tanong niya.

    “Hmmm. Weekends? Kasi baka gabihin ako pag may mga school works kaya mas mabuting weekends na lang.”

    “Okay. Kukunin kita sa inyo pag schedule na natin at sabay na tayo sa gym.”

    Ugh! Tumango na lang ako at uminom na rin ng tubig. Ilang sandali ang nakalipas ay nagdesisyon na kaming umuwi na kahit na umuulan pa. Nanghiram siya ng payong sa restaurant para mahatid kami sa kanyang sasakyan.

    Mabuti na lang at binigyan kami ng malaking payong. Nagyaya na siyang lumabas kaya tumayo na rin ako.

    Nang nasa bukana na ng restaurant ay nagtatawanan na kaming dalawa. Ang lakas lakas ng ulan at hangin! Kailangan namin ng teamwork para lang hindi kami mabasa.

    “Okay! Dapat sabay tayo,” sabi ko.

    Humalakhak siya at agad akong inakbayan. Umismid ako at tumingin sa kamay niyang nasa aking balikat.

    “Come on. Mababasa tayo!” natatawa parin niyang sinabi.

    Imbes na umapila ay sumunod na ako sa gusto niyang mangyari. Palapit na kami sa sasakyan nang may humarurot na Trooper. Hinigit niya ako pabalik para hindi mabasa ng tubig galing sa binahang kalsada. Huli na ang lahat!

    Napapikit ako nang nabasa ang pang-ibaba ko ng tubig. Hinila niya parin ako. Tinulak ko kaagad si Hendrix. Natatakot na mabasa ko siya.

    “Erin!” sigaw niya, may bahid na galit sa pagtulak ko sa kanya.

    Lumayo pa lalo ako dahilan kung bakit nabasa ako ng ulan. Ayokong mabasa siya sa putik na nasa damit ko kaya mas mabuting lumayo. Tumawa ako habang pinagmamasdan siyang tulala sa akin. May payong siya samantalang ako ay mabilis na naging basang sisiw.

    Pinasadahan ko ng daliri ang buhok ko at tumingala na lang sa ulan.

    “Ayos lang! Nabasa na ako, e!” sabi ko at nagtungo sa pintuan ng kanyang sasakyan para bahagyang buksan iyon.

    Nakatayo parin siya kung saan ko siya iniwan kanina. Lumapad pa lalo ang ngisi ko. Itong si Hendrix, parang ngayon lang nakakita ng taong nababasa sa ulan! I used to do this with Ate and Kuya, naliligo sa ulan malapit sa aming garahe o di kaya ay sa aming front yard. Wala namang problema doon!

    “Sakay na!” kinawayan ko siya at uminuwestra ko ang looban ng kanyang sasakyan.

    Bawat patak ng ulan ay nanunoot sa aking balat. Ang lamig. Nanginig ako nang umuhip ang malakas na hangin.

    “Bilis!” sabi ko sa kanya at agad siyang nilapitan para hilahin. He looks so stunned! Natawa na lang ako. “Ano? Tara na!”

    Umiling siya sa akin. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi. Hindi ko alam kung natatawa ba siya sa itsura ko o sa ginawa ko.

    Lumingon siya pabalik sa restaurant at sinarado ang payong na hawak. Bumalik siya doon at nilapag malapit sa pintuan. Tawang-tawa na ako sa pagkakabasa niya. Hindi ako makapaniwala na nagpabasa din siya sa ulan!

    “Anong ginagawa mo?!” Natatawa parin ako.

    “Are you crazy? Magkakasakit ka!” pagalit niyang sinabi nang nakalapit na ulit sa akin.

    “Nabasa na ako, e. Tsaka… ayos lang ‘to!”

    Halos di ko marinig ang sarili ko sa lakas ng buhos ng ulan. Kitang kita ko ang bawat patak ng ulan na tumatama sa kanyang mukha, balikat, at braso. Lumapad lalo ang ngisi ko.

    “Ba’t ka nagpabasa din? Baliw ‘to!”

    Ngumuso siya at inakbayan ulit ako. Ngayon ay pareho na kaming basang-basa. “Let’s go home. Papagalitan ka ng mga magulang mo.”

    Dumipa ako para damhin ang lumalakas pang ulan pero mas lalo lang niya akong pinuluputan ng braso.

    “Hendrix, I’m having fun here!” saway ko.

    Bumaling siya sa akin at pinakawalan niya ako. Tumawa pa lalo ako. Humilig siya sa sasakyan at humalukipkip. Nakasimangot siya at nababasa parin sa ulan.

    Mabilis kong sinalubong ang bawat patak ng ulan gamit ang aking mga palad para basain siya lalo sa mukha. Ang sungit! Galit kaagad? Kasalanan ko ba iyon? Nabasa ako at ayaw ko sa putik. Mas gugustuhin kong mabasa na lang ng ulan.

    Hinihingal na ako sa ginagawa ko sa kanya. Tumigil ako at lumapit sa nagsusungit.

    “Are you done having fun?”

    Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at huminahon. Suplado nito!

    Binasa niya ako ng isang beses kaya umilag ako at humagalpak sa tawa. Pagkatapos ay hinigit niya ang palapulsuhan ko at binuksan naman ang pintuan ng front seat.

    “Done, Erin. We’re going home.”

    “Ang daya mo!” sigaw ko, tumatawa at pumapasok na rin sa kanyang sasakyan.

    Tiningnan ko ang upuan na nabasa kaagad pagkapasok ko. Shit! Madudumihan ko yata ang sasakyan niya!

    Pumasok na rin siya sa loob. Basang-basa. Nilingon niya kaagad ako, seryoso ang mga mata.

    Binaba niya ang aircon sa gitna at inabot niya rin ang aircon sa banda ko para ibaba.

    “You’re going to be sick, Erin,” sabi niya.

    “Hindi ganoon ka weak ang resistensya ko, don’t worry.” Ngumiti ako.

    Pinaharurot niya kaagad ang sasakyan patungo sa Pueblo. Kaya ang bilis naming nakarating sa aming village. Parang sa isang iglap lang ay village na namin!

    “Is your dad and mum home by now?” tanong niya nang palapit na kami sa bahay.

    “Depende. May malaking kaso si daddy ngayon. Baka nasa kliyente pa kasama si mommy. Si Kuya at Ate naman baka nasa Xavier pa para sa klase nila.”

    Pinarada niya ang kanyang sasakyan sa tapat ng aming bahay. Pagkatanggal ko ng seatbelts ay nakalabas na siya. Pinagbuksan niya ako ng pintuan at binuksan niya rin ang dalang payong.

    “I’m already wet, anyway…” sabi ko.

    Hinapit niya ng mabuti ang baywang ko para dumikit ako sa kanya at makasilong sa payong. Tumingala ako sa kanya at nakangisi na siya.

    “Tigas ng ulo mo.”

    “May ulo bang malambot?” nagtaas ako ng kilay.

    Umiling siya at mas lalong napangiti. “I don’t know what to do with you, Erin.”

    Tumawa ako at nang nasa gate na namin ay hinarap ko na siya. I… want him to go inside our house. Iminuswestra ko ang loob. Hindi pa ako nakakapagtanong ay umiling na siya.

    “‘Tsaka na pag nandyan ang parents mo,” aniya at hinawi ang buhok kong nanggugulo sa mukha. “Dalhin mo ‘tong payong para di ka mabasa pag pasok.”

    Umiling ako. Payong niya iyon. Siguro payong sa loob ng sasakyan niya. Bakit ako ang ipagdadala niya?

    “Just do it, Erin. Stop being stubborn,” banta niya.

    Umirap ako. “Okay fine!”

    Hinagilap niya ang malikot kong mata. “What a bad girl.”

    Tumigil ako sa pangungulit. Is he annoyed? What?

    “Don’t do that again,” malamig niyang sinabi.

    Inayos ko ang buhok ko at tinanggap ang payong na kanina niya pa nilalahad sa akin.

    “Do what?”

    The dancing in the rain? Kakulitan ko? Lahat ng ito?

    “Dance in the rain?” nanginig ang boses ko.

    So much for having fun. Ayan, Erin! Ngayon ay nakahanap ka ng katapat mo! Ang taong aayawan lahat ng kakulitan ko! Bumagsak ang mata ko sa kalsadang basang basa parin sa ulan. Medyo humuhupa na ang ulan ngayon. Hindi na tulad ka bayolente kanina.

    “Saying we’ll stop this. Don’t do it again.”

    Inangat niya ang baba ko para mahagilap ang aking tingin. Nagulat ako sa kanyang isinagot.

    “I don’t want to stop this,” aniya.

    Parang pinipiga ang puso ko. Hindi ko alam kung bakit ganito. Sa sobrang saya ko ay literal kong naramdaman ang pag init ng aking puso. Nanikip ang aking dibdib. Ang sakit! I never thought being this happy could hurt this bad!

  • Kabanata 24Open or Close

    Kabanata 24

    Is There A Way

    Mabilis na nagdaan ang mga araw sa eskwela. Paminsan-minsan ay sinusundo ako ni Hendrix para makapagdinner kami. Minsan naman, pag masyado nang late ay diretso na ang uwi ko sa bahay.

    “Nagtataxi ka pauwi?” tanong ni Ate pagkatapos kong makauwi ulit dahil sa paghahatid niya.

    Wala pang may alam sa aming dalawa. Hindi ko naman inililihim pero hindi ko rin masabi. Lalo na’t nagkaalitan kami ni Klare noon at Kuya niya itong si Hendrix.

    “Uhm… Aga mo yata ngayon?” tanong ko, winawala ang usapan.

    Nakalatag ang mga libro niya sa sala. Milagro at dito nag-aaral sa sala kung pwede naman sa kwarto.

    “Ah! Hinihintay ko si Brian. Pupunta siya dito ngayong gabi, e,” nanatili ang mapanuring mga mata ni Ate sa akin.

    “Asan si Kuya?” tanong ko.

    “I don’t know. Probably with his recent flavor of the week?”

    Tumango ako nang napangisi si Ate. Sapat na iyon bilang hudyat na nawala na ang kuryusidad niya sa kung sinong naghatid sa akin.

    Nagdaan ang ilang linggo at ganoon parin ang estado namin ni Hendrix. Sinusundo niya ako sa bahay tuwing gym. Sinusubukan ko ring huwag masyadong dumikit sa kanya sa gym dahil baka wala na kaming magawa kundi mag-usap.

    “Alterra ba ang sasakyan nina Eion?” tanong ni Ate isang Sabado, pagkatapos ko sa gym.

    Umiling ako at patakbo nang umakyat sa hagdanan. Alam kong hindi parin humuhupa ang kuryusidad ni Ate sa ‘sumusundo’ sa akin tuwing Sabado.

    Kahit na naging mabilis ang lahat para sa amin ni Hendrix, I am determined to take it slow this time. Wala namang nagmamadali. At isa pa, kaka-break lang namin ni Eion. I don’t want him to think na nakalimutan ko na lang kaagad iyon. I don’t want to be unfair to him.

    Abala din siya sa business. Gayunpaman ay hindi ako nagrereklamo sa ibinibigay niyang oras. Tama lang iyon dahil abala rin naman ako sa eskwela.

    Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko habang natatanaw na ang Slick. Pagkatapos ng dinner namin kanina ay parang nabibitin ako. Lagi naman, e. Tuwing pauwi o di kaya ay paalis na siya ay lagi na lang akong nakukulangan. But of course, I can’t tell him that. Masyado naman akong demanding kung ganoon.

    “Is that your other car?” tanong ko nang nakita ang isang Accord na nakapark malapit sa isa pang building.

    Binagalan niya ang takbo ng kanyang sasakyan.

    “Ginagamit iyan ni Pierre. Baka nandiyan siya kasama ang mga kaibigan niya,” ani Hendrix at nilagpasan namin iyon para makapag park sa tabi ng pupuntahan ko.

    Isa at kalahating buwan na simula nang naglayas si Elijah. May mga leads kami pero puro nakakatakot. Walang ni isa sa amin ang may ideya sa nangyari sa kanya o kung nasaan man siya. Kahit ang mga Vasquez, mga kamag-anak ng kanyang ina, ay wala ring impormasyon.

    “My friends are there too. Doon na lang ako sa table nila,” ani Hendrix. “Will Klare be there?”

    Umiling ako. “Nasa bahay lang yata siya. I am not sure if she’s grounded or her parents won’t let her go out this late.”

    Nagkatinginan kaming dalawa. Kinalas niya ang kanyang seatbelts kaya ganon din ang ginawa ko sa akin.

    “I thought you’re going home?” nagtataka kong tanong.

    “I’m not.” Umiling siya pinatay ang makina ng sasakyan.

    Ngumuso ako at nagkibit balikat na lang. Sabay kaming lumabas sa kanyang sasakyan. Kabado kaagad ako pagkalabas. Kahit na nasa ibang lamesa kami ay hindi ko alam kung bakit nakakakaba ang pumunta doon sa loob ng kasabay siya.

    “Let’s go…”

    Tumango ako at nagmadali na sa paglalakad.

    Tahimik kami nang palapit na sa looban ng Slick. Nakita ko kaagad si Pierre kasama sina Vaughn at iilan pang pinaghalong Engineering students at mga graduate Business Ads sa kabilang table. Nagtatawanan sila samantalang sa lamesa ng mga pinsan ko ay parang may pinag-uusapang seryoso.

    Nilingon ako ni Claudette. Pinagbuksan ako ni Hendrix ng salaming pintuan at nauna akong pumasok ‘tsaka siya.

    Magkaiba kami ng pinuntahang lamesa kaya hindi na rin naman kami napansin. Umusog si Claudette para makaupo ako sa sofa.

    “Where have you been?” tanong ni Ate sa akin.

    Nakita ko ang nilalaklak nilang hard liquor sa lamesa. Inisa-isa ko ang mga mukha ng aking mga pinsang bigo at parang wala sa sarili. Si Kuya ay nakakunot-noong tumitingin sa akin, si Raf ay inom nang inom galing sa kanyang baso at si Damon ay kausap si Azi sa isang tahimik na paraan.

    “Galing akong mall. Anyway, kamusta ang balita?” kabado kong tanong.

    “There’s a news again about scary accidents. Nakakatakot kaya ‘yong ganoon!” ani Ate.

    Sa nakaraang linggo, iba-iba ang nararanasan namin sa paghahanap kay Elijah. Kahit na nag hire na sina tito Exel, ang ama ni Ej, ng mga tao para ipahanap siya ay hindi parin nakakawala sa aming pamilya iyong mga balitang aksidente o pagpatay kung saan may mga unidentified victims. Lalo na pag may lalaking nasa 20s o mid-20s.

    Kami nga ay nagigimbal, paano pa kaya ang mommy at daddy ni Ej? Dapat ay magpakita na siya!

    “Ang sabi ni Yasmin, pumunta sila sa punerarya kagabi para icheck iyong mga namatay sa isang bus accident near Butuan.”

    Nagulat ako sa sinabi ni Ate Chanel. Nagtawag si Azi ng isang baso para sa akin at sinalinan agad ng Chivas iyon. Habang nakikinig sa kwento ay nilalagok ko na lang ang alak. Kaya pala nanlulumo ang mga ito habang nag-uusap!

    “Tito Exel got rushed to the hospital right after. Minor lang naman daw iyon,” ani Ate.

    “Tang ina talaga ni Elijah. Kung nasaan man siya, sana magpakita na siya!” ani Kuya.

    “So… what happened last night? Kamusta iyong sa punerarya?”

    Kinilabutan ako sa sarili kong tanong. Natatakot ako para kay tito Exel at Tita Beatrice. Paano kung imbes na mahanap nila si Elijah ay makakuha na tuloy sila ng sakit dahil sa mga nangyayari?

    “Wala doon. But there are three boys mid 20s na sabog iyong mukha. Buti na lang may tats si Ej, at least pwedeng ang katawan ang tingnan.”

    Napapikit ako ng mariin. What the fuck? This is so scary!

    “Nakakatakot, hindi ba?”

    “Why would Elijah be near Butuan?” tanong ni Rafael.

    “I don’t know. Surigao Bound siguro. That’s what they think,” sagot ni Ate.

    “Ano kaya ang iniisip ng unggoy na iyon ngayon?” tanong ni Azi.

    “Alam ba ni Klare ‘to?” tanong ko, nag-aalala.

    Umiling silang lahat. Huminga ako nang malalim at nagpatuloy kami sa pag-uusap.

    Walang pinaparating na balita kay Klare. That girl is already morbid since Elijah left, hindi pwedeng may makakapag padepress pa sa kanya. Mamaya ay mas lalo lang kaming manlumo dito.

    “Just forget it, people. Imbes na manlumo tayo dito, dapat nagsasaya tayo dahil paniguradong ligtas si Elijah ngayon!” ani Rafael at nilagyan ang aming mga baso ng alak.

    Umiling si Ate at ngumisi.

    Para iyong naging kalabit sa panibagong mga topic. Nagkaroon ng topic si Kuya at Azi kaya nagsimula nang maghagikhikan ang dalawa. Si Damon naman ay naging abala sa kanyang cellphone.

    “Seriously, put the phone down, Dame,” saway ni Rafael.

    Tumawa si Ate sa kay Rafael at nagsimula na silang manukso kay Damon at Eba.

    Nagawi ang tingin ko sa kabilang table na nagtatawanan parin hanggang ngayon. Hagalpak na ang iba sa mga kasama nila pero tipid parin ang ngiti ni Hendrix. Suminghap ako.

    “Sinong naghatid sa’yo dito?” biglaang tanong ni Claudette.

    Nilingon ko siya. Ginapangan muli ako ng kaba. Ang mga mata niya ay tila hindi tumatanggap ng kasinungalingan. “Kailangan ba may maghatid?” bulong ko.

    Nagtaas siya ng kilay at bumaling sa kanyang baso. “Well, you can’t accidentally bump on Hendrix outside Slick.”

    Nanatili ang mukha ko pero halos magwala na ang sistema ko. Alam niya! Alam niyang may ganito! Now what would she think about it? Kamakailanlang ay halos isumpa ko si Klare at Elijah tapos ngayon ay malalaman na lang nilang nakikipagdate ako sa kuya ni Klare?

    “Wala na kayo ni Eion?” tanong niya ulit.

    Mabuti na lang at kinain na ng tawanan ang mga pinsan ko kaya hindi na nila pinansin ang mahinahong pag-uusap namin ni Claudette.

    “Wala na, ‘no. You know what happened, Dette,” sabi ko.

    “Ang bilis naman yata? Don’t tell me you’re over him now?”

    Napatingin ako kay Claudette. “Matagal din kami ni Eion, Dette. Matagal ko rin siyang pinangarap. It’s just that, I want to move on. I’m tired of it.”

    Sa sinabi ko ay pakiramdam ko ay parang inamin ko na rin kay Claudette na may kung ano nga sa amin ni Hendrix. Nanatili ang normal kong ekspresyon. I can’t let her see my real reaction.

    Nag kibit ako ng balikat. Naabutan kong titig na titig si Claudette sa akin.

    “He’s chinese. And… first born.” Sa mga salitang iyon ay para bang tinitimbang niya ang magiging reaksyon ko.

    “I know that…” napainom ako sa Chivas.

    Mapaparami yata ako ngayong gabi. Habang nagsasalin ako ng isa pa ay tumunog ang cellphone ko. Nakita ko ang pangalan niya sa aking screen.

    Hendrix:

    Tone down your alcohol intake, please.

    Kinagat ko ang pang ibabang labi ko at nilingon si Claudette na nasa akin parin ang tingin at nag-aabang.

    “It’s just… friendly dates, Dette. What’s wrong?” halos manginig ang boses ko doon.

    Oo, at naisip ko na rin ang naiisip ni Claudette. Naiisip ko na baka hindi nga ako pwede kay Hendrix. Pero sinong nagsabi na magpapakasal na kami, ‘di ba? Sino ang nagsabi na ako na talaga ang para sa kanya? We don’t know. No one really knows.

    “Really, Erin?” aniya.

    “Well, Dette… hindi ko pa naiisip iyang mga naiisip mo.”

    “What if his family won’t let him date you. Baka ikaw lang ang mapaso niyan… Baka masaktan ka…”

    She said it heartily. Na para bang naranasan niya na iyon. Pinipiga ang puso ko habang naiisip ko lahat ng naiisip niya.

    “Hindi ko pa naiisip iyan, Dette,” sabi ko sabay tingin sa kanya.

    “Pero pag ba… naging ganyan, ipagpapatuloy mo kahit mahirap?” tanong niya.

    Nakatitig ako sa baso sa aking harap. Pagkaangat ko ng tingin ay nakita ko si Hendrix sa kabilang table na nakatingin din sa akin. Tinikom ko ang nakaawang na bibig bago ko binalingan si Claudette.

    I like him. I like him too much, actually. Sa sobrang pagkagusto ko sa kanya ay natatakot na ako. Natatakot ako sa mga kaya kong gawin para sa amin.

    “If he wants me, then I will,” matapang kong sinabi.

    Tumango si Claudette sa akin. Bumaling si Ate Chanel sa aming dalawa.

    “Anong pinag-uusapan ninyo? Masyado kayong seryoso! Tama na ‘yan!” tawa ni Ate.

    Sabay kaming umiling ni Claudette at bumaling sa mga pinsan kong nagkakatuwaan. Dumating si Brian kaya nawala ang atensyon ni Ate sa amin.

    “Mabuti na lang talaga at dumating ka!” iritadong sinabi ni Ate sabay halik sa kanyang boyfriend.

    “Bri… ikaw na bahala sa kanila,” sabay tapik ni Kuya sa balikat ni Brian.

    Kumunot ang noo ni Brian at ngumisi. Hay! Mga lalaki talaga.

    “Magtataxi na ako pauwi!” ani Claudette.

    “Ay ako rin!” irap ko.

    Nagkasundo ang mga lalaki na magparty sa gabing iyon. Hindi nga lang ako sigurado dahil hindi magkasundo si Kuya at Azi sa gusto nilang mangyari. Gusto rin ni Rafael na mag poker kaya umayaw na talaga kami ni Claudette. Most days, pag ganito ay sumasama kami. Pero kahit saang party pa iyan, parang ayaw kong sumama.

    “Ang lalandi niyo, ‘oy! Azrael!” saway ni Ate habang naghahagikhikan si Kuya at Azi.

    Pareho silang pulang pula na. Nag-aalala tuloy ako sa pagda-drive ng mga ito. Mabuti na lang din at nagkasundo silang iuwi ang sasakyan ni Kuya at ni Azi at iyong kay Rafael lang ang gamitin.

    “O! Sumama ka na sakin kung ayaw mong sumama sa amin para makauwi ka na!” ani Kuya.

    Umiling ako. “Ayoko!”

    “Ang aarte ng mga ito? So… dito lang kayo, kung ganoon?”

    “Umalis na nga kayo! Si Brian na lang ang maghahatid!” giit ni Ate.

    Matagal ang naging pagtatalo sa pag-uwi ng sasakyan. Nang nakaalis na sa wakas ang mga lalaki, natira na lang kaming apat doon. Si Ate at Brian ay naglalampungan na, samantalang si Claudette ay kumakain na ng fries.

    “Dette, di ka pa uuwi?” tanong ko.

    Umiling siya at sinubo ang isang fries.

    Alas onse na ng gabi. Hindi naman sa gusto ko nang umuwi pero… nilingon ko si Hendrix sa kanilang lamesa. Tumitig siya sa akin at tumayo. Isang tingin niya lang ay alam ko na kaagad kung ano ang ibig niyang sabihin.

    Inayos ko ang bag ko at bumaling kay Ate na kausap si Brian.

    “Ate, uuwi na ako,” sabi ko.

    “Huh? Ano? Mag tataxi ka? Uuwi na rin naman kami ngayon. Saglit lang. Di ka maghihintay?”

    Umiling na lang ako at bumaling na rin kay Claudette para magpaalam. Ngumiti siya at hinayaan na nila akong lumabas ng Slick. As usual, Hendrix held the door for me.

    Nauna akong maglakad sa kanya. Nasa likod ko siya at maraming gumugulo sa utak ko ngayon.

    “You wanna go home?” tanong niya.

    Nope. “Hmm. Yeah.”

    Tumunog ang kanyang Alterra at pinagbuksan niya ako ng pintuan. Hindi ako makatingin sa kanya habang pumapasok at nag seatbelt. Hindi pa niya sinasarado ang pinto kaya pinilit kong bumaling.

    Nakita kong mapanuri ang mga mata niya ngayon. Ayaw niyang gumalaw. Nanatili siya sa aking pintuan.

    “You okay?” tanong niya.

    Huminga ako ng malalim. “Yeah!”

    Tumango siya at sinarado ang pintuan ko. Napahinga ako ng malalim nang pumasok na siya at tahimik na pinaandar ang sasakyan. Tahimik kaming dalawa habang nagmamaneho siya. Pero ang utak ko ay sobrang ingay. Sa sobrang ingay ay hindi ko na kayang manahimik.

    “What happened to your exes?” tanong ko.

    “Exes?” tanong niya pabalik.

    “You know… your ex girlfriends. Ang alam ko may nakita akong dalawang babae na nakasama mo dito sa Cagayan de Oro. The first one is the chinita. The second is ‘yong maputi at kamukha si Anne Curtis. What happened to them? Why did you guys break up?” Kinagat ko ang pang ibabang labi ko. Am I too nosy?

    Nanatili ang mga mata niya sa kalsada. Para bang ayaw niyang pag-usapan iyon!

    “Nevermind,” bigo kong sinabi nang napansin ang kanyang reaksyon.

    Sumulyap siya sa akin. “Well, the first girl I brought here? Hindi nag work out ‘yong relationship namin.”

    Hindi ako nagsalita. It must be that chinita. So what about the Anne Curtis look alike?

    “Ganon din sa pangalawa.”

    Tumango ako. “Hindi ka ba pinagkakanulo…” tumawa ako para hindi malagyan ng tensyon. “ng mga magulang mo sa chinese? I mean… isn’t that your traditional rule?”

    Tumango rin siya. “Yes. My dad fixed some things. ‘Yong una kong naging girlfriend, they suggested her. She’s chinese too.”

    Fuck! That’s it!

    “How about now? Hindi ka na ba gina ganoon?” tanong ko.

    “Why? Does it matter if they interfere?” Sumulyap siya sa akin.

    “Uh…” Humalakhak ako. “I’m just curious. That’s all.”

    HIndi na ako nagsalita pagkatapos. Hindi na rin siya nagsalita hanggang sa nakarating na kami sa bahay. Pagkatanggal ko ng seatbelt ay umikot siya para salubungin ako sa pintuan ng sasakyan. Binuksan niya iyon at hinawakan niya ang back rest ng upuan ko. Ang isang kamay niya ay nasa dashboard, para bang ayaw niyang lumabas ako doon.

    Hinagilap niya ang mga mata ko. Alam niyang marami akong naiisip kaya tinitigan ko siya pabalik. Ngumisi ako para bigyan siya ng assurance na okay lang ako.

    “Are you afraid of the traditions?” tanong niya.

    Natigilan ako. Naririnig ko ang pag-usbong ng ingay sa aking dibdib. Damn, my heart! Stop it!

    “Well, Hendrix, you see. I’m not chinese.” Inunat ko ang gilid ng aking mga mata para magmukha akong chinese.

    Ngumiti ako, trying to make him smile too. Pero hindi siya ngumiti. Nanatili ang seryoso niyang ekspresyon habang tinitingnan ako.

    “Then… I’m sorry cuz I fell for someone who is not chinese.”

    Tumitig ako sa kanya. Nanatili din ang mga mata niya sa akin. Pero paano ito? Paano siya? Is there a way? Is there a way that we could be together then? Because… I think I’m falling for him really fast too!

  • Kabanata 25Open or Close

    Kabanata 25

    Serious

    Hindi matanggal ang mga mata ko sa aking cellphone. Alas syete pa lang ng umaga at panay na ang usapan ng mga pinsan ko sa group chat.

    Damon: : Kasama ni Klare si Elijah sa Davao.

    Rafael: I don’t know what they’re going to do. I’m sorry.

    Chanel: Elijah? Bakit? Where is Elijah?

    Rafael: Alam ko kung saan siya nagtatago. Ilang linggo ko nang alam.

    Azrael: Fuck you, Raf! How could you?

    Josiah: Ano ‘yong flight nila?

    Yasmin: Rafael! Are you serious?

    Rafael: Yes. I’m sorry. Sinunod ko lang ang gusto niyang mangyari.

    Rafael: I was about to tell you guys pero natatakot akong makealam sa problema.

    Chanel: Hindi makalma si tito at tita pero here you are? Staying quiet? Habang kami sobrang nagpapanic?

    Rafael: I’m sorry.

    Chanel: Bakit ngayon mo lang sinabi?

    Rafael: Because he’s done seeking for my help now. Tsaka natatakot ako sa anong gagawin ng dalawa! Baka mamaya magtanan iyon!

    Azrael: Fuck! Kaya niya ‘yon?

    Yasmin: Kaya niya ‘yon, Azi.

    Claudette: Shall we go to Davao instead? Habang walang pasok dahil sa Intramurals?

    Justin: You guys should. If that’s okay with you.

    Damon: Nag check ako ng flights. Ano? Game?

    Lahat kami nag reply na pupunta kami.

    “Uy! May problema ba kayo?” tanong ni Julia nang nahalata ang pagtitig namin ni Claudette sa aming mga cellphone.

    Umiling ako. Si Claudette naman ay talagang di na kumibo.

    Nagpatuloy sila sa mga chikahan tungkol sa mga players ng Engineering at ang soccer team ng SBM.

    Tumunog ako ng cellphone at nakita kong tawag iyon galing kay Hendrix. Nilingon ko ang mga kasama ko bago ko iyon sinagot.

    “Hello…”

    “Good morning!” he said in a husky voice.

    Magkikita kami ngayon sa school dahil uuwi daw sila ng Davao bukas. Wala akong pasok kaya inisip niyang bisitahin ako dito at tsaka kami aalis para mag lunch o di kaya ay manood ng sine.

    “Nasa school mo na ako. Where are you?”

    Oh damn! Kasama ko ang mga kaibigan ko ngayon! Naiilang akong makita nila na may kung ano sa amin ni Hendrix.

    “Kiosk. Ikaw?” tanong ko at tumayo na para maglakad lakad at kumawala sa mga kaibigan ko.

    “Magkasama kami ngayon ni Rafael. Nagtanong siya kung ano daw ang address namin sa Davao. You guys going to Davao?” tanong niya. “Sasama ka?”

    “Uh. Yup. Kaming lahat.”

    “Okay… Tiningnan ko ang flights ngayong araw, only two seats left. Hindi kayo magkakasya,” aniya.

    “Then… pwede naman sigurong mag landtrip?” tanong ko.

    “Yup… Pero nakakapagod ‘yon.”

    Huminga ako ng malalim. “It doesn’t matter.”

    Nag-iba ang plano para sa buong araw. Umuwi kami ni Claudette para mag-impake. Ang mga boys ang gumawa ng excuse para sa pag-alis naming ito. Maging si Ate Yasmin at Kuya Justin ay nagawang ipahiram sa amin ang sasakyan ni Elijah para pagdating namin ng Davao ay may sasakyan ito doon.

    Nagulat ako nang sa labas ng Mcdo ay naroon din ang isang van ng mga Ty. Lumabas doon si Hendrix at Pierre. Hindi ko alam na sasama pala sila sa amin. With their own car that is. Kaya hindi ko napigilan ang sarili ko nang lumapit si Hendrix sa amin.

    “I thought bukas pa kayo at mag a-airplane?”

    Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Sumilay ang ngiti sa labi ni Hendrix samantalang ako ay nanlamig. Kitang kita ko ang biglaang pagtingin ni Damon at ni Ate Chanel sa akin.

    “Sasama na kami sa inyo para malaman ninyo kung nasaan sina Elijah at Klare sa ngayon.”

    Nag-iwas ako ng tingin kay Hendrix. Sa gilid ko ay masama na ang tingin ni Kuya sa akin. Para bang tinraydor ko siya o pinagsinungalingan. Tumingin ako kay Kuya at nilagpasan na lang siya para makaalis ako sa kanilang pag-uusap.

    “We can lead. Since hindi niyo kabisado ang Davao. Ngayon ay mukhang nasa isang hotel ang dalawa.”

    Tahimik ang lahat. Isang hotel, huh.

    “I’m not sure kung pumunta ba sila ng bahay.”

    “Bakit sa hotel kung pwede namang sa bahay ninyo?” tanong ni Rafael.

    “Baka may problema. Let’s all find out when we get there. Kailangan na nating umalis. Mahabang byahe ito,” ani Hendrix bago lumingon sa akin.

    Tipid ko siyang nginitian sa aktong nilingon din ako ng lahat ng nakikinig sa kanya. What the hell? Nakataas ang kilay ni Damon, Kuya Josiah, Ate Chanel, Rafael at Knoxx sa akin. Tinalikuran ko sila at dumiretso na sa pintuan ng aming sasakyan. Fuck it!

    Mahaba ang naging byahe. Si Knoxx ang nag drive ng sasakyan ni Elijah. Ako naman ay nasa amin kasama si Ate at Kuya.

    “Anong meron, Rin?” tanong ni Kuya nang nakalayo na kami sa Cagayan de Oro.

    These are the questions I don’t want to answer. Wala pa kami sa boyfriend-girlfriend stage ni Hendrix at hindi ako makakasigurong magkaibigan lang nga kami. This is corny but I think we’re on the Mutual Understanding stage at ayaw kong pag-usapan iyon kasama si Ate at Kuya.

    “Nothing,” sagot ko sabay lagay ng earphones sa aking tainga.

    Mahaba nga ang byahe. Natulog, nagising, kumain, natulog ulit, nagising ulit, nakinig ng music, tumingin sa labas, nagbabad sa cellphone… marami na akong nagawa at bago kami nakarating sa Davao. Madilim na noon at pagod na pagod na ako.

    Nagbababad na ako sa cellphone nang nasa city proper na kami. Hinahalughog ko ang Facebook at nakita ko ang friend request ni Hendrix. Sa tagal na naming nag di-date ay hanggang ngayon, hindi parin kami friends sa Facebook. Inaccept ko kaagad at tiningnan ang kanyang Timeline.

    “Ito na ‘yon!” ani Ate sabay turo sa isang matayog na building.

    Napatingin din ako sa itinuro niya at nakita ko nga ang Marco Polo.

    Natagalan kami sa hall. Ang dami kasi namin at may mga dala pa. Pagod na pagod ako kahit na nakaupo lang naman ako buong byahe. Hinilig ko ang aking ulo sa sofa habang naghihintay sa kanilang matapos mag-usap.

    Nang nakapagdesisyon na sila na umakyat na kami ay tsaka lang ako nabuhayan ng loob! Sa wakas at makakapagpahinga na ako!

    Nagsiksikan kami sa elevator. Hindi na ako makapaghintay! May kasama pa kaming manager ng hotel. Hindi ko nga lang alam kung paano nila napapayag ang mga iyon na sumama at tulungan kaming mahanap ang mga pinsan namin.

    Pagkarating namin sa kwarto ay naroon nga si Elijah at Klare!

    Iba-iba ang naging paraan para kumustahin si Elijah. Minura at nagtampo ang mga pinsan ko dahil sa nangyari. And now all I care about is rest. Kahit na mangha ako sa pagkakakita kay Elijah, hindi ko parin maipagkaila ang pagod ko.

    “Yup. Booked near you. Two Executive suites, tulad nito,” ani Rafael.

    Nabuhay ako sa narinig na iyon. May room kami! Pakiramdam ko tuloy sa sobrang tuwa ko ay nawala ang pagod ko. Now, I just want proper food. Puro kasi fast food iyong nakain ko buong araw sa sasakyan.

    Napatingin ako kay Hendrix na parang kanina pa nag-aabang sa titig ko sa kanya.

    “Ganito, we’ll let you stay here. Okay, Klare? Catch up kayo sa mga na miss ninyo-” aniya sa kanyang kapatid.

    “Hindi nila alam? Akala ko alam nila at…” bumaling si Klare sa akin.

    “What’s with Selena? She’s still here, Klare?” napatanong ako. Kanina pa nila pinag-uusapan pero hindi ko nakuha.”Relatives kayo? At anong nangyari?”

    “Nang pinakilala ko si Elijah, akala ng mga Ty na sila parin ni Selena. Noong una, natakot pa akong umamin na hindi na iyon totoo. At wala ring pakealam si Selena kung totoo man ‘yong mga sinabi niya o hindi. Umalis sila ni Elijah sa bahay… at sinabi ko rin kay lola kung ano talaga ang totoong nangyari kay Elijah at Selena,” aniya.

    Nalaman naming lahat na hindi pa nakaalis si Selena tulad ng akala namin. And worst… she’s Klare’s relative. Nilingon ko kaagad si Hendrix sa pagtataka. May alam ba siya dito?

    “We need to get an exec room too. ‘Yong malapit dito,” ani Hendrix.

    “What? Di tayo uuwi? Then how are we going to solve this,” iritadong sinabi ni Pierre.

    “We’ll stay here for tonight. Bukas ng umaga, uwi tayo para kausapin si mommy. Besides, wala silang alam na umuwi tayong Davao. Klare is here, we need to be here.”

    Kinagat ko ang labi ko. Ang swerte ni Klare!

    “Alam ni mommy na uuwi tayo ngayon. Remember? It’s Cristine’s debut tomorrow night!” ani Pierre.

    “Who’s Cristine?” Nagtaas ng isang kilay si Kuya Joss.

    Umiling ako at humilig ulit sa sofa.

    “Kaya nga bukas tayo ng umaga uuwi. Pupunta tayong lahat don.”

    “What? We’ll gatecrash?” Umismid ako. Ang alam ko ay may pupuntahan silang debut bukas pero hindi ko alam na isasama kami.

    Nanahimik si Hendrix. Parang nag-iisip. Nilingon na ako ni Kuya at ni Damon. Inirapan ko lang ang dalawa.

    “Magkakaroon lang ng scene doon pag sasama kaming lahat, Hendrix. Isa pa, ang dami namin. Imposibleng hindi kami mapapansin,” ani Elijah.

    “Akong bahala sa inyo. Hindi kayo mapapansin because it’s masquerade. Sasabihin ko kay mommy na magdadala ako ng kaibigan. They won’t mind.”

    Pagkatapos ng seryosong usapan at kaonting tuksuhan ay isa-isa nang nagsialisan ang iba. Kumuha ng room si Pierre at Hendrix samantalang ang iba ay sabik na para sa kama ng sarili din naming room.

    Nag request si Claudette ng pagkain. Gusto ko na ring kumain! Pero ang mga boys ay parang walang kapaguran. Gusto pa nilang mag-asaran at mag-inuman. Baka maging maayos ako pagkatapos kong makaligo o makapagpahinga ng saglit.

    “Mauna ka na, Erin,” ani Claudette sabay bigay sa akin ng tuwalya nang nakapasok na kami sa sarili naming suite.

    Tulad lang din ito ng suite nina Elijah at Klare. Malaki at halos kumpleto. Iyon nga lang ay kaming tatlo lang sa loob dahil gustong magsiksikan ng mga lalaki.

    Nag shower ako at pagkatapos ay kinuha ang hair dryer sa aking maleta.

    “Seriously, Erin? May dala kang hair dryer?” natatawang sinabi ni Ate.

    Hindi na ako umimik. We’ll need this tomorrow.

    “Anyway, bukas mag hanap tayo ng damit ha?” Nagsimula na siya sa kanyang mga naiisip na susuotin.

    Habang nagsasalita siya ay unti unti ko namang inaayos ang buhok ko. Kahit sa ingay ng hair dryer ay narinig ko ang katok sa pintuan. Nilapag ko ang hair dryer at tumayo para matingnan kung sino ang kumatok.

    Binuksan ko ang pintuan at nakita ko si Hendrix sa labas, bagong ligo at nakapagpalit na ng damit tulad ko.

    “Sino ‘yan, Erin?” tawag ni Ate.

    “Pasok ka…” sabi ko sabay bukas ng mas malaki sa pintuan.

    This is fucking inevitable, alright.

    “Ohhh!” tumawa na si Ate samantalang kahit si Claudette na nasa bathroom ay sumigaw na rin kung sino iyong kumatok.

    Nakita kong lumagpas lang si Pierre sa likod niya. Mukhang patungo na ito kina Klare. Pinaupo ko si Hendrix sa sofa habang sinasarado ang pintuan.

    Umupo ako sa tabi niya sa sofa. Nagkatinginan na kami. Si Ate ay binuksan na ang veranda at doon na tumambay pansamantala.

    “I’m sorry. Hindi ko sinabi iyong tungkol kay Selena. I didn’t know we were really relatives. Sa reunion ko pa siya nakilala. Taga New York kasi siya at hindi na kami nagkita simula ‘nong naging schoolmates kami grade school.”

    Tumango ako. “Hindi ko lang talaga inasahan iyon. I know Selena’s a Chiong. Hindi ko lang talaga alam na ganoon ka liit ang mundo.”

    Huminga siya ng malalim. “Do you have a dress for tomorrow? I can find you one.”

    Umiling ako. “Wala pa. Pero ayos lang, maghahanap kami sa mga malls dito. I’m sure we’ll find one.”

    “Okay… sabihin mo lang sa akin pag mahirapan ka. I can contact a good designer here in Davao.”

    Tumawa ako. “You don’t know my size. Or what design I want.”

    Pinasadahan niya ng tingin ang aking katawan. Halos maestatwa ako sa ginawa niya. Uminit ang pisngi ko at nanigas sa pagkakaupo.

    “That’s easy…” nagtaas siya ng kilay sa akin, nangingiti. Pagkatapos ay tumayo siya. “Magkita na lang tayo sa suite nina Klare at Elijah.”

    Tumango kaagad ako. Pilit kong kinalma ang sarili ko bago tumayo para ihatid na siya sa pintuan.

    Pagkaalis niya ay pinaulanan agad ako ng tanong ni Ate. Hindi siya tumitigil!

    “Hindi nga sabi!” giit ko.

    Kanina pa siya nagtatanong kung kami na daw ba ni Hendrix.

    “Mukha niyo parehong inlove! Are you kidding me, Erin?”

    Humalukipkip ako at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa kwarto nina Klare at Elijah.

    Kumain kami doon at nag-inuman na rin ang mga lalaki. Sumama kami ng mga girls. Si Claudette ay panay ang lagok sa beer. Tumatawa na lang ako sa bawat pag ngiwi niya.

    Natigil lang kami nang padarag na nabitiwan ni Klare ang bote ng San Mig Light at natapon ito sa lamesa. Napatayo ako.

    “Easy, Klare,” saway ni Pierre.

    “I… Uhm… Inaantok na ako,” ani Klare sabay talikod sa amin.

    Nagkatinginan kami nina ate at Claudette. Alam niyang hindi pa kami sanay na makita sila ni Elijah na intimate. Ganoon din ang nararamdaman ko pag sa amin naman ni Hendrix. I understand what she’s feeling. Pero magkaiba nga lang kami kasi alam niyang tumututol kami halos lahat sa kanila. At syempre dahil na rin sa lumaki kami bilang magpinsan. It’s too awkward to think about them as lovers now. Siguro naman ay makaka adjust pa kami.

    Sumunod kami kay Klare para makapag kwentuhan ng kaonti. Naging magaan din ang loob niya sa amin nang ikinwento niya ang tungkol kay Selena.

    I almost couldn’t believe what’s happening. Sa pagkakakilala ko kay Selena, mabait naman siya. Iyon nga lang, clingy ito kay Elijah. Ganoon naman talaga siguro pag inlove, hindi ba?

    Pinag-usapan din namin ang tungkol sa mga damit para bukas. At nang naiwan kaming dalawa dahil naligo si Ate at si Claudette ay naghanap ng paraan para ma-charge ang cellphone ay naisip kong ito ang tamang panahon para magkalinawan kaming dalawa.

    “Klare…” untag ko. Nakatingin kami sa disenyo sa kisame. Madalas kaming magkatabi sa kwarto niya bago sila naging close ni Elijah noon.

    “Hmm?”

    “Sorry sa lahat,” matapang kong nasabi. “Sorry kay Eion. Sorry dahil sinabi ko sa kanya. Do you trust him?” Bumaling ako sa kanya.

    Kahit na nasaktan ako ni Eion ay alam ko rin naman kung anong klaseng tao siya. He’s a good friend. He’s a good friend to me. Paano pa kaya kay Klare, hindi ba?

    “He’s my friend,” ani Klare.

    “Hindi niya sasabihin yon kahit kanino. I’m really sorry. I’m just desperate that time,” bumaling ulit ako sa kisame habang binabalikan ang pakiramdam ko noon.

    Because I felt so lost, akala ko si Eion lang ang tanging makakaintindi sa akin. Losing him meant losing my whole world. Iyon ang pakiramdam ko sa mga oras na iyon. I lost friends. My family’s in chaos. I’m not open even to my closest friends kasi ang tanging pinagkakatiwalaan kong kaibigan ay si Klare na tingin ko ay tinalikuran kami sa panahong iyon.

    “Mahal ko siya. Mahal na mahal. Sobra,” sabi ko, nanginginig ang boses ko. I can’t believe that my love for Eion almost destroyed me. “I really, really love him. Pero pag sobrang nasaktan ka na, aabot pala sa puntong mas mangingibabaw ang self worth mo.”

    Kasi noong naghiwalay kami, sa sobrang ubos ko na ay wala na akong maramdaman kundi kawalan. I poured my love to him so I’m left with nothing. I just feel empty. Hindi ko na nga mahanap ang pagmamahal ko sa kanya sa sobrang pagkaubos ko.

    “Dapat ay pahalagahan muna natin ang sarili natin bago magmahal ng iba, Erin,” aniya.

    “I know…”

    “Kailan ka nagsimulang magkagusto sa kanya?” tanong niya.

    Hindi ako agad nakapagsalita. Ayaw kong balikan iyon lahat. Ayaw ko nang balikan ang nakaraan. I am content of what’s going on now. Pakiramdam ko ay hindi ako nabubuhay noon. Pakiramdam ko ay ngayon lang talaga ako nagkaroon ng pagkakataon. Nagkaroon ng liwanag. Habang iniisip iyong lahat ng nangyari noon, pakiramdam ko ay ang dilim dilim ng mga pinagdaanan ko.

    “Erin…” tawag niya.

    “Since high school,” nabasag ang boses ko.

    “Bakit… Bakit di mo sinabi sakin?” Halos umangat siya sa pagkakahiga sa sobrang gulat.

    “Eh kasi crush mo siya at ayaw kong mag agawan tayong dalawa.”

    Hindi ko na kaya. Ito iyong miss na miss ko nang Klare. Nandito siya ngayon sa tabi ko. My best friend! Ito iyon, e! Iyong hindi naiilang! Iyong walang itatago sa akin! Kahit ang nararamdaman niya kay Eion ay sinasabi niyang lahat sa akin!

    “Crush ko lang naman ‘yon. Pwede naman kung sa’yo na ‘yon. Hindi niya naman ako pinapansin kaya naghanap ako ng ibang crush!” sabi ko at mas lalo akong naiyak nang naramdaman ko ang pag-iyak niya habang magkayakap kami.

    “Crush ko lang naman si Eion noon, Erin. Pwede namang sabay tayong kiligin?” aniya.

    “Mas ma effort ka, e. Mas pansin ‘yong pagkakagusto mo. Ayokong makisawsaw kaya hinayaan kita. Pero I’m sorry for everything. Dahil naging boyfriend ko si Eion, dahil sinaktan ko kayo ni Elijah, dahil tumutol ako sa inyo.”

    Pinipiga ang puso ko sa lahat ng sinabi ko. This is going to be the last straw. I’m done with the past. I have everyone I love with me. There’s no turning back.

    “Naiintindihan ko naman kung bakit ka tumutol sa amin,” aniya.

    Ang saya ko sa gabing iyon. Nanatili ako sa kanyang gilid hanggang sa bumalik si Ate. Tulog na si Klare kaya dumiretso na si Ate sa mga boys na hanggang ngayon ay nag iinuman parin sa may veranda.

    “Tulog na?” tanong ni Elijah nang bumisita siya sa kwarto.

    Tumayo ako at tumango. Sa likod niya ay nakita ko si Hendrix.

    “Inaantok na rin ako. Balik na ako sa kwarto,” sabi ko.

    “You can… stay here if you want to be with her,” ani Elijah.

    “Asa! Ikaw?” Umiling ako at tumawa.

    Nagkatinginan si Elijah at Hendrix. D’yan! Patay ka d’yan! Bahala na nga kayo! Dumaan ako sa gitna ng dalawa habang nag-uusap tungkol sa pagtulog ni Elijah sa tabi ni Klare.

    “You’re so… stiff,” sabi ko kay Hendrix habang umiinom ako ng tubig.

    “That’s my sister, Erin,” nagtaas siya ng kilay sa akin at lumapit na.

    “Oh alright. Naiintindihan ko. Kuya would do the same,” sabi ko sabay labas na doon sa suite.

    Sumunod siya sa akin. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko.

    “You should sleep now,” aniya.

    Tumango ako. “Yup. Baka nandoon na si Ate at Clau sa kwarto.”

    Sabay kaming dumating sa kwarto. Hindi nga ako nagkakamali! Naroon si Claudette sa veranda. Hindi niya na ako nilingon. Si ate naman ay nasa sala at may katawagan. Nakabukas ang pintuan ng kwarto. Gusto ko pang umupo sa sala para makipag-usap kay Hendrix pero hinawakan niya ang palapulsuhan ko.

    “You need to rest,” utos niya.

    Tumango ako at nagpatianod sa kanya patungo sa kwarto. Ugh! Pakiramdam ko ay nawala ang antok ko kanina dahil sa kanya. Umupo ako sa kama samantalang inayos niya ang comforter. Inangat niya iyon at tinabunan ako hanggang leeg. Hinawi ko iyon at ginawa kong hanggang baywang lang.

    Ngumiwi siya at umupo sa tabi ko.

    “Tigas ng ulo,” aniya.

    Hindi na ako nagsalita. Tinitigan ko na lang ang seryoso niyang mukha. Bukas, makikita ko ang mga taong nagpalaki sa kanya. His whole family. Ano kaya ang magiging reaksyon ko?

    Hinawi niya ang buhok na nasa pisngi ko at nilagay niya iyon sa likod ng aking tainga.

    “Hey…” aniya.

    Hindi ako kumibo. Nanatili ang mga mata ko sa kanya. Lagi naman, e. Laging nasa kanya iyong mga mata ko.

    “I want a serious relationship with you.”

    Halos mapunit ko ang labi ko sa pagkagat. “Oh… shit…” Halos kumawala ang puso ko sa aking dibdib.

    “I’ll wait for your answer, alright? I want us official.”

    Hinawakan niya ang pang-ibabang labi ko. Pabalik balik niya itong hinaplos.

    Tumango na lang ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin. Should I shout ‘yes’? Oh my god.

    “Good night,” ngumiti siya at tumayo para makalabas na sa kwarto.

    Pumikit ako ng mariin. Pakiramdam ko ay tinamaan ako ng husto.

  • Kabanata 26Open or Close

    Kabanata 26

    Napapaso Ako

    Kinaumagahan ay hindi na kami magkanda ugaga sa mall para maghanap ng damit. Pinasok na namin lahat ng pwedeng pasuking boutique. Nakapili na si Klare, Ate at Claudette pero nahihirapan ako.

    “Ano ba kasing gusto mo?” tanong ni Ate.

    “I want something simple. Pero elegante!”

    Gusto ko iyong kay Ate. Pero dahil guston-gusto niya iyon ay hinayaan ko na lang siya.

    Kailangan naming bumalik ng mga alas tres para makapaghanda na. Alas dos na nang nawalan ako ng pag-asang makahanap pa ng damit. Dagdagan pa ng pagkakapressure ko, hindi na talaga ako makapili ng maayos.

    Hendrix:

    I bought you a dress. In case lang… It’s okay if you won’t wear it.

    Huminga ako ng malalim. Talaga? Pansamantala akong natigilan sa harap ng tatlo na ngayon ay lumilinga-linga sa mga boutique na napasukan na namin.

    “Nevermind,” sabi ko at pinaghihila na lang sila patungong Starbucks, kung saan naghihintay ang mga lalaking pinsan.

    “May dala ka bang dress or anything?” nag-aalalang tanong ni Ate.

    “Meron pero pang beach ‘yon. Inisip ko kasing pupunta tayo ng Samal,” humalakhak ako. Nag-aalala na ang mukha nila kaya kailangan kong ipakita na okay lang ako.

    “Ha? Edi anong susuotin mo mamaya?” tanong ni Claudette, ngumingiwi.

    Ipinagkibit ko na lang iyon ng balikat.

    Nawawala na ako sa sarili pauwi kami ng Marco Polo. Panay ang tanong sa akin ni Ate kung ano nga ang susuotin ko.

    “Hindi ka sasama no? Natatakot ka? Ha? Natatakot ka?” pang-aasar niya.

    “Natatakot? Hindi! Basta!” iritado kong sinabi.

    Pagkadating ng Marco ay umupo na lang ako sa sofa habang si Ate ay abala na sa pagmi-make up kay Claudette. Kinuha ko ang cellphone ko para maitext si Hendrix.

    Ako:

    Hindi ako nakapili ng damit. :(

    Pabalik-balik lang ang mga lalaki sa aming room. Minsan tinitingnan kung anong ginagawa namin. Madalas nangungulit. Kinukutya pa nila si Ate dahil masyado dawng maarte.

    “Umalis nga kayo dito, Raf!” saway niya kay Rafael at Knoxx na nagtatawanan at gusto daw ring magpamake up.

    Hendrix:

    Okay. Ihahatid ko ngayon. Papunta na ako.

    Mabilis akong nagtipa ng reply. Natapos din si Claudette sa pagmi-make up at inatasan ako ni Ate na ako na ang gagawa kay Klare dahil magmi-make up siya sa kanyang sarili.

    Ako:

    Please don’t. Kukunin ko na lang sa baba. Hindi ba naka check out na kayo? Tumawag ka pag nasa baba ka na para makuha ko.

    Umupo na si Klare, pinapanood ako. Hindi ako makatingin sa kanya. Pinulot ko na lang ang BB cream na gagamitin kong base sa kanyang mukha.

    Inayos ko muna ang buhok niya para hindi manggulo pagnagsimula na ako. Dahil puti ang kanyang dress, hindi magiging mahirap bagayan sa kulay ng make up.

    Nagsimula na ako sa BB Cream nang may kumatok sa pintuan namin. Bumukas na kaagad ito at napatingin ako sa kung sinong naroon.

    I saw Hendrix! May itim na dress siyang hawak. Isang tingin ko lang ay alam kong magugustuhan ko na kaagad iyon. Would it fit? I think so…

    Bumaling si Klare sa akin, pagkatapos ay kay Hendrix ulit, pagkatapos ay sa akin ulit. Nakikita ata niya kung saan nakadirekta ang titig ng kanyang kuya.

    “Here’s the dress. Is this okay?”

    Fuck! Sa harap ni Klare, Hendrix? Really? Hindi tuloy ako makatingin sa kanya. I told you kukunin ko lang sa baba!

    “Ilagay mo lang diyan,” sabi ko at nag-iwas ng tingin.

    “Is this okay? Do you like it?” Nahimigan ko ang panunuya sa kanyang boses.

    What the hell? “Basta, ilagay mo lang dyan.”

    Kitang-kita ko ang pagtatanong sa mukha ni Klare pero hindi ko siya sinagot.

    “Uh, okay. You hungry, Klare?” sabay lapag ni Hendrix sa damit.

    Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at nagkunwaring kumukuha ng mga eyeshadow.

    “N-No. Kumain naman kami sa labas,” Klare said awkwardly.

    “Let me know if you need anything. Si Pierre ang maghahatid ng masks.” Pagkatapos ay umalis na si Hendrix.

    Just when I thought I could tell Klare everything? Naiilang ako. Naiilang ako na kuya niya iyong gusto ko. Naiilang ako dahil hindi ito inaasahan lahat. Kahit ako.

    Pagkatapos ko kay Klare ay tiningnan ko na iyong damit na ibinigay ni Hendrix. Nakita ko rin sa cellphone ko iyong mensahe niya.

    Hendrix:

    You’re so cute when you’re nervous. Haha!

    Ngumuso ako at nagtipa ng sagot.

    Ako:

    Nakakainis ka! Sabing ako na lang ang kukuha!

    Tiningnan ko ang dress at nakita kong maganda nga ito. Kulay itim at may lace ito hanggang leeg. Mukha siyang tube top pero dahil sa lace ay hindi kita ang cleavage. Damn, Hendrix!

    Sinuot ko iyon. Mabuti na lang din at maaga kaming nakapili ng shoes kanina.

    Ako:

    Thanks. I like it.

    Kabado na ako kahit nasa sasakyan pa lang. Marami silang bilin kay Klare. Hindi ko alam kung gaano ka bigatin ang mga relatives nila.

    Nang dumating kami sa venue ay hindi pa muna kami pumasok. Naka mask na kaming lahat dahil masquerade ang debut ng pinsan ni Hendrix. Nakatayo ang mga pinsan kong lalaki sa gilid. They look too formal. Hindi malalamang party crashers dahil pare parehong matatangkad at makikisig. Sa malayo pa lang ay alam mo nang de kalidad na lalaki. Iyon ang tingin mo.

    “Ganda ng dibdib!” narinig kong sinabi ni Kuya kay Azi.

    Sa tingin mo lang de kalidad sila na mga lalaki. Looks can really be deceiving. Sa height na nasa gitna lang ng 5’11 to 6’3, akala mo na kaagad kung sinong artista. With all those right biceps and perfect smile? Akala mo na talaga prince charming.

    Nilahad ni Azrael ang kanyang kamay.

    “Paano kaya ‘yan pag hinawakan ko. Malambot kaya?” hagalpak niya.

    “Hoy, Azi!” saway ko kaagad.

    Dammit! Lumingon lang siya sa akin at nagkibit ng balikat.

    Pumasok na kami sa loob. I can’t believe the boys are taking this lightly. Nakikita ko ang mga bisitang pormal na pormal at pare parehong mapuputi. Kaonti lang sa kanila ang hindi kasing puti ng papel. Claudette can blend in this crowd, really.

    Ang mga bulaklak sa bawat gilid na may maskara bilang centerpiece, ang engrandeng chandelier sa gitna ng dancefloor, ang kulay purple na kurtina sa taas na nagmistulang umaalong dagat, lahat ng ito nagsisigaw ng kasaganahan at kayamanan. Not that this isn’t normal in our family too. Ganito din maghanda sa amin, but with warmer air. Dito ay parang malamig. Dito ay parang walang tawanan. Everyone is stiff sa puntong nakakatakot nang magsalita.

    “This is kinda scary,” ani Ate nang iginiya na kami ni Pierre sa lamesa kung saan kami nararapat.

    Sa red carpet ay nakita namin ang biglaang pagdami ng taong dumalo. Isang matandang intsik ang pinapalibutan ng mga kasing edad lang ng mga magulang namin. They didn’t even smile as they graced the red carpet.

    May ilan pang matanda sa likod ng naunang matandang iyon. Kahit ang mga teenagers sa kanila ay tipid kung mangiti.

    “Si Selena yon?” ani Ate.

    Namataan ko si Selena sa likod ng naunang matanda. That must be their Ahma, then?

    Sumalubong si Hendrix sa kanyang lola sa gitna ng red carpet. Lumapit siya para marinig ang sinasabi ng matanda at pagkatapos ay iminuwestra ng matanda ang katabing babae.

    Ngumiti si Hendrix sa babae at bumaling ulit sa matanda. Luminga-linga ang matanda habang nagsasalita kay Hendrix. Lumapit din si Pierre at humalik sa pisngi pero hindi niya muna ito pinansin hanggang sa makita ang hinahanap.

    Isang maputi ulit na babae ang nakita kong lumapit sa matanda. Ang mahaba at straight niyang buhok ay nagpaalala sa akin sa buhok kong pinutol.

    Nakita kong napatitig si Hendrix sa babae. Tumawa ang matanda at sa isang hawi lang ng babae sa kanyang maskara ay namilog ang mata ni Hendrix. Para bang sobra sobra ang pagkasurpresa niya.

    Sa tangkad ni Hendrix ay tumalon ang babae para mayakap siya sa leeg. Yumakap pabalik si Hendrix sa babae.

    Nag-iwas agad ako ng tingin. Just… probably her cousin. Hindi ko na ulit iyon tiningnan. Inabala ko na lang ang sarili ko sa aking cellphone.

    Kahit noong tapos na at naupo na sila sa presidential table ay hindi na ulit ako nangarap na tumingin sa paligid. Parang asidong unti unting kinakain ang bawat gilid ng aking puso ang sakit na naramdaman ko.

    Nilibang ko ang sarili ko sa Facebook. Tahimik na rin sa table bukod sa hagikhikan nina Azi at Kuya minsan.

    Hendrix Ty. I scrolled down on his timeline.

    Isang picture ang nakita ko kaagad sa unang pagbaba pa lang sa kanyang timeline. Isang picture na ngayon lang kinuha. It was from a girl named Stella Althea Singson.

    Hawak hawak ng babae ang kanyang maskara. Nakakapit siya sa braso ni Hendrix at pareho silang nakangiti sa isang selfie. And I’m so horrified to see that that girl is the Anne Curtis look alike!

    Napainom ako ng tubig. Hindi ako makahinga. Bumaling ako sa presidential table kung nasaan si Hendrix na abala sa kanyang pamilya. Pagkatapos ay iginala ko ang paningin ko sa mga pinsan kong tahimik at nakikiramdam sa mga pangyayari.

    Tiningnan ko ang picture ng dalawa at binasa ko ang caption.

    ‘Even after all these years, nothing’s changed between us.’

    Binaba ko para makabasa ng mga komentaryo ng kanyang mga kaibigan. Nakita ko ang iilan doon.

    ‘You two against the world.’

    ‘Nasa party ka nila, Stell? OMG. Wow!’

    ‘You got invited?’

    ‘You two should get back together! We miss seeing you two!’

    Unti unti ang pagbuga ko ng mainit na hininga. Para bang kasabay noon ang pag init ng aking mga mata. Pinatay ko kaagad ang cellphone ko at uminom na lang ng tubig.

    Calm down, Erin. Think straight. They are ex lovers! She’s just his ex!

    Mabilis na rumagasa sa utak ko ang mga posibleng nangyari sa kanilang dalawa noon at lahat lahat na! Rumagasa ang libu-libo at nakakatakot na posibilidad. Umuurong ang tapang ko sa bawat naiisip.

    She’s not chinese! Wait! She’s not chinese! Sino iyong unang babaeng ipinakita ng kanyang Ahma sa kanya? If she’s not chinese, why would her Ahma… Hindi ko lubos maisip ang lahat.

    Overthinking will be my downfall. I shouldn’t.

    “Klare, hanap ka ata ng daddy mo,” ani Claudette.

    ‘Tsaka pa lang ako bahagyang natauhan! May gagawin nga pala kami ngayon. I should calm down! I should forget it!

    “Lalapitan ko na si Selena,” ani Elijah.

    Halos di rumihestro sa utak ko ang ibig sabihin ni Elijah. Nanatili ang titig ko sa kanila ngunit walang pumapasok sa utak ko.

    “Lalabas na ako pagka senyas ni Hendrix. Isasama nila si papa at si lola,” ani Klare.

    Napabalik ako ng pangalan niya. Nilingon ko si Hendrix na kinakausap ang kanyang ama. Pinapili ko ang sarili ko. Kay Klare na kakausapin ang kanyang papa at Ahma o kay Elijah na si Selena ang kakausapin.

    “Sama ako, Ej,” sabi ko. Determined to make everything easier for me.

    Hindi na ako naghintay ng kumpirmasyon kay Elijah. Sumunod na ako sa kanya patungo kay Selena.

    “Selena, let’s talk.”

    Bumaling si Selena kay Elijah. Nasa gilid lang kami ng party, sa may madilim na parte.

    “What is it, Elijah? Why are you here?” tanong ni Selena.

    Sumulyap siya sa akin at kumunot ang kanyang noo.

    “Why are you all here?”

    “Nandito ako para makipag-usap sa papa ni Klare-“

    Tumawa siya. “I’m done helping you two out! Tapos na, Ej. And don’t ask for my help-“

    “I am not asking for your help, Selena.”

    “Then why do you wan’t to talk to me? To rub it in my face na wala na nga tayo? Hindi ka ba kuntento na nasaktan mo ako? At ginamit pa?”

    “I’m sorry for what I did! I’m sorry, Selena.”

    Wala akong masabi. Marami ang tumatakbo sa utak ko pero umurong ang lahat ng iyon dahil sa sakit na nararamdaman ko.

    “So we’re done! Now… kung gusto mong matanggap kayo ni Klare ng pamilya namin ay bahala na kayo. It’s your fault! That’s a stupid relationship!” ani Selena. “Kung hindi ka lang sinulot ni Klare-“

    “Sinulot, Selena? Really?” natatawa kong sinabi.

    Ngayong alam ko na ang lahat, hindi ko na matatanggap pa ang mga paninira.

    “Oh please…” iling ni Selena at dumiretso sa pintuan kung nasaan sina Klare at ang kanyang Ahma.

    Mabilis na sumunod si Elijah. Ganoon din ako. Kumulo ang dugo ko nang nadatnan kong umiiyak na si Klare sa harap ng nanggagalaiting matanda.

    “Ang totoo po… habang kami ni Elijah ay nilalandi siya ni Klare,” sinabi kaagad ni Selena sa matanda para kumpirmahin ang kanilang espekulasyon na si Klare ay isang salot. “Kasama po ako ni Elijah nang umuwi kami dito sa Pilipinas. Parati pong lumalapit si Klare sa kanya kaya naakit si Elijah.”

    I couldn’t believe her! After all we did? After supporting them? Really? Iyan ang isusukli niya? Parang may buhay ang mga palad ko nang dumapo iyon kay Selena.

    “HIndi iyan ang alam ko! I know Klare is in love with Elijah but she will never do that! Hindi niya lalandiin si Elijah dahil alam niyang may girlfriend na ‘yong tao!” sigaw ko.

    “Erin, the poker night? Paano napunta si Elijah sa Lifestyle District kung hindi siya tinawagan ni Klare!? Kung hindi siya nilandi!?” sigaw niya pabalik sa akin

    “Klare will never do that!” giit ni Elijah.

    Nasa aming tatlo na ang mga mata ng matanda, ng papa ni Klare, ng mga hindi ko kilalang naroon, at ang iba naming mga pinsan.

    “Lalo na nang bumalik ka dito at nilalandi ka ni Klare!” sigaw ni Selena.

    Gustong-gusto ko na siyang sampalin ulit. Baka sakaling mayanig ng sampal ko ang kanyang utak at mapagtanto niya ang ibig naming sabihin.

    “Huwag mong pagsalitaan si Klare ng ganyan! Kung meron mang malandi dito, ikaw iyon! Ipinagpipilitan mo ang sarili mo sa taong alam mong may mahal na iba!”

    “Who are you?” sigaw ng matanda sa akin.

    Napatingin ako sa Ahma ni Hendrix. Nanliit ang mga mata niya at ang kanyang labi ay isang linya na lang.

    “Ahma…” sabay hawak ni Hendrix sa balikat ng kanyang lola.

    Nagkatinginan kaming dalawa ni Hendrix. Pero hindi ko kayang tumagal. Napapaso ako.

  • Kabanata 27Open or Close

    Kabanata 27

    Paano Ako?

    Mahaba parin ang byahe pauwi pero itinulog ko na lang ang mga oras na iyon. Ayaw ko nang maraming gumugulo sa isip ko kaya mas minabuti kong huwag na lang munang intindihin.

    Pagkarating namin ng Cagayan de Oro ay nagimbal kami sa balitang nagkasakit si tito. All of us felt shit. Pakiramdam namin ay kasalanan naming lahat na nagkaganoon.

    “You think this is going to be okay?” tanong ni Ate pagkarating namin ng bahay.

    Magbibihis lang kami at magpapahinga sandali bago kami bibisita sa ospital mamaya.

    Hindi pa ako nakakasagot ay sinalubong na kami ni mommy at daddy.

    “Nagpunta kayo ng Davao pagkatapos ninyong sabihin sa amin na sa Midway lang kayo? For God’s sake!” iritadong sinabi ni mommy.

    Suminghap kaming sabay ni Kuya at nag irapan na lang samantalang guilty’ng-guilty si Ate na nagpaliwanag.

    “Hindi po namin sinabi ang totoo kasi alam naming magagalit kayo…”

    Nagmano na ako kay mommy at daddy. Humingi muna ako ng tawad bago pumasok sa loob. Si Kuya at Ate na ang bahalang magpaliwanag sa lahat lahat.

    Naiwan sina Hendrix at Pierre sa Davao. Susunod lang daw sila. Kailangan pa nilang ayusin ang gusot sa pamilya nila. Sa bagay, nagkagulo ang kanilang party kagabi. I don’t know what happened to Hendrix’s Ahma pero tingin ko ay inatake na iyon ng kung ano. The way she got mad yesterday, imposibleng hindi iyon nakaapekto sa kanyang katawan.

    Nagti-text din si Hendrix every now and then but I don’t want to disturb him. Alam kong sinisikap niya lang na magtext sa akin sa gitna ng gulo sa kanilang pamilya.

    Ako:

    Ej’s dad is in the hosp. Nag-aalala kaming lahat.

    Hendrix:

    I’m sorry to hear that. Ayos lang ba si Klare? Uuwi na din kami diyan.

    The next texts were about our families. Lagi siyang may nasasabi tungkol sa aming pamilya dahil syempre nag-aalala siya kay Klare.

    Gusto ko ring magtanong kung maayos na ang Ahma niya. O maayos na ba ang pamilya niya pagkatapos ng nangyari ngunit nahihiya ako. Kami ang nagdala ng gulo doon. Pakiramdam ko ay wala akong karapatang magtanong.

    The next days were quiet. Syempre dahil abala kami sa pamilya namin at ganoon din siguro si Hendrix.

    Bumalik na rin kami sa eskwela sa mga sumunod na araw. Inabala ko na rin ang sarili ko sa pag-aaral.

    “Ayos na ba ang daddy ni Elijah? Siya ba ang nagbabantay?” tanong ni Hannah habang nagsusulat ako ng assignments at kumakain ng Snickers.

    Nakatunganga si Klare sa gilid ko. Spacing out again, huh? Hinayaan ko na lang dahil alam kong mahirap ang pinagdadaanan niya. She probably blames herself for what happened. Hindi siya. Si Elijah ang dapat na sisihin. Kung bakit pa kasi siya naglayas? Well, we can’t do anything about that now… Pero napatunayan niya kung gaano kalakas ang pagmamahal niya kay Klare.

    “Hindi. May nurse,” ani Claudette.

    “Asan ba siya ngayon? Ayos lang siya? I bet he’s depressed.”

    Nagpapalpitate na ang kilay ko sa kay Hannah. She’s always asking about Ej. Hindi ko rin naman siya masisi dahil mamaya kung anong paasang mga salita ang pinakain ni Elijah noon sa kanya kaya umaasa parin.

    Bago pa ako makapagsalita ay pinutol ng isang tawag ang mga iniisip ko. Nakita ko ang pangalan ni Hendrix sa screen. Bago pa umalis si Elijah ay nakauwi na siya pero hindi parin kami nagkikita. Naging abala kasi kami sa midterms.

    “Hey…” napapaos ang kanyang boses.

    Napatingin ako sa kay Liza at Julia na parehong nanonood sa akin. Tinabi ko ang kinakaing Snickers at tumayo na para makalayo sa kanila.

    “Hi!” bati ko.

    “Magbi-birthday na si Klare next week. Nagpaplano kami ni Pierre na magkaroon ng kaonting salu-salo para sa atin ngayon bago iyon. Invite your cousins,”

    Gumapang ang init sa aking dibdib. Gusto kong tumalon pero pinigilan ko ang sarili ko.

    “Are you still there, Erin?” tanong niya nang di na ako nakapagsalita.

    “Yes! Yup! I’ll tell them.” Hindi ko na naiwasan ang excitement sa tono ko.

    Pinaypayan ko na lang muna ang sarili ko. Thank God, wala naman siya dito!

    “Missed me, huh?” Patuya niyang sinabi.

    Ngumiwi ako pero hindi ko mapigilan ang ngiti. “W-Well… I love parties.”

    “I know…” aniya.

    Halos lumundag ang puso ko. Pagkatapos ng tawag ay para akong nawalan ng lakas. Halu-halo ang nararamdaman ko habang umuupo ako pabalik sa Kiosk.

    Ayaw ko mang isipin ay hindi kaya ng utak kong magmaang-maangan. Naiisip ko na naman kung paano yumakap iyong Stella Althea Singson kay Hendrix.

    “Si Hendrix?” pabulong na tanong ni Claudette.

    Gusto kong isiwalat na may party sa bahay nina Klare mamaya sa Hillsborough pero nahihiya naman ako kung nasa harap nina Julia, Liza, at Hannah pero hindi sila invited kaya binulong ko na lang ulit kay Claudette.

    “May kaonting salu-salo daw sa bahay ng mga Ty mamaya. Invited tayong magpipinsan.”

    Tumango si Claudette sa akin, pinapanood ang ekspresyon ko.

    Sinabi ni Hendrix sa akin na susunduin niya daw ako mamayang gabi dito sa school. Si Klare naman ay isasama na lang daw ni Pierre pauwi. Si Claudette ay sasama kay Kuya at Azi. Si Rafael at Damon ay isasama si Eba at Xian. Si Ate naman ay kasama si Brian. Kami lang iyong pupunta sa bahay nila.

    Hindi pa ako nakakapunta doon kaya excited ako.

    “Nag-usap na ba kayo ni Hendrix tungkol sa babaeng nasa debut?” tanong ni Claudette pagkatapos ng huling subject namin.

    Nilingon ko siya. “Huh?”

    Ayaw ko na ngang isipin pa iyon pero dahil binanggit niya ay naalala ko ulit. Nagtiim bagang ako, bracing for her comments.

    “I’ve seen the girl. And have you seen Pierre’s been introduced to a girl too?” aniya.

    “Pagkatapos kong makita iyong kay Hendrix, hindi na ako bumaling ulit doon,” sagot ko.

    Tumango si Claudette. “Chinese is for Chinese, huh?”

    Umiling ako. “I know some of our chinese schoolmates before, Dette, at hindi naman yata sila pinipilit na mag-asawa ng chinese din. I doubt it.”

    “It goes for some chinese families, iyong iba ay nanatiling ganoon. Some of the families are very traditional. Apparently, I think the Tys are very traditional.”

    “Why would their Ahma want Selena to marry Elijah, na hindi naman chinese?” tanong ko. Ito ang bumagabag sa akin kaya may kaonti pa akong pag-asa.

    “Because Selena is not much of an asset, I think. She’s only half, Erin.”

    Napatikom ako sa sinabi niya. Hendrix is pure and first born, dammit! Bumaling ulit ako kay Claudette na nag-iwas ng tingin.

    “May sinabi nga pala si Kuya Knoxx noong nanonood tayo sa debut,” ani Claudette.

    “Ano?” kinakabahan ako na gusto ko na lang i-pressure si Dette sa sinabi ni Knoxx.

    “Iyong si Stella ay Ex ni Hendrix noong High School. Sabi niya ayaw daw ng parents ni Hendrix sa kay Stella, kaya nagtaka siya kung bakit siya naroon.”

    Hindi ako mapakali sa sinabi ni Claudette. I want to ignore it. Kaya lang…

    “Bakit naman?” tanong ko.

    “I failed to ask Kuya. You should ask someone from XUHS. Iyong kaibigan nila. If you want more information. Or you can ask Hendrix himself.”

    Scratch the last one. Hinding hindi ko tatanungin si Hendrix niyan.

    Should I ignore it? Should I? Umupo ako sa bench sa tapat ng chapel sa school. Dito ako iniwan ni Klare at Claudette. Dito rin ako maghihintay kay Hendrix.

    Hindi ko namamalayan na natutulala ako tuwing naiisip ko iyong mga sinabi ni Claudette. Nawawalan ako ng lakas. Pakiramdam ko ay may kung ano sa babaeng iyon.

    Kinuha ko ang cellphone ko at inopen ang Facebook. I know this is probably going to hurt me but I want to know. Binuksan ko ang account ni Hendrix at hinanap ko ang pangalan ni Stella Althea Singson.

    Nang nakita ko na ang profile niya ay tiningnan ko ang mga picture. Pagkatapos ng selfie niya sa default ay ang sumunod na picture ay isang picture nila ni Hendrix sa isang hindi pamilyar na lugar. Nakaakbay si Hendrix sa kanya at malaki ang ngiti ni Stella. Ang sumunod na picture ay kanilang dalawa parin sa isang bahay. Nakaupo siya sa armrest ng inuupuang sofa ni Hendrix.

    And the rest of her pictures were about the two of them. Parang pinipiga ang puso ko habang pinagmamasdan ko ang lahat ng iyon. Bumalik ako kay Hendrix para mahimasmasan. Inungkat ko ang kuwarentang profile picture niya at may isa doong silang dalawa ni Stella.

    “Erin…” malamig na boses ang narinig kong bigla habang nakatingin sa mga pictures.

    Hindi pala ako humihinga habang nagba-browse. Mabilis kong tinago ang cellphone ko sa gulat ko. Si Eion ay nasa harap ko.

    Hindi ko alam kung tatayo ba ako, lalayo, o itataboy siya. Ang tono ng boses niya kanina ay banayad. Pagod din ako sa emosyonal na byaheng naramdaman ko habang nakatingin sa mga picture ni Hendrix at Stella kaya hindi ko na nagawang magalit o manigaw sa kanya.

    Umupo siya sa malayong tabi ko. Kinagat ko ang labi ko. Hindi pa nakakaahon sa unang naramdaman ay may sasawsaw pa ulit.

    “Eion, what are you doing here?” tanong ko.

    Ilang minuto na lang ay dadating na si Hendrix. Paniguradong hindi noon magugustuhan na nandito siya. At isa pa, the last time we saw each other ay sinigawan niya ako at minura.

    “I just want to apologize for everything,” ani Eion.

    Pakiramdam ko ay naubos na ang lahat ng sa akin. Hindi ko siya papatawarin dahil kailangan niya. Papatawarin ko siya dahil kailangan kong magpatawad. Revenge and anger will only pull me down. It will only drain me more. It will make me emptier. At ayaw ko ng ganoon.

    “I forgive you, Eion,” sabi ko nang di siya nililingon. Nararamdaman ko ang pag lingon niya sa akin. “Nasasayangan ako sa friendship natin. Nasasayangan ako sa lahat lahat. You hurt me and all but I don’t think I deserve to bring that anger always. I need to forgive you so I can let you go.”

    “Rin, I still love you.”

    Napalingon ako kay Eion. Hindi ako makapaniwalang masasabi niya iyan. But now… will it really matter if he loves me or not? Will it matter?

    “I’m in love with someone else now,” matapang kong sinabi.

    Dinungaw ko ang mga daliri kong naglalaro sa isa’t-isa. Ayaw kong sabihin sa kanya ito lalo na dahil nagtapat ulit siya pero ito ang closure na gusto niyang marinig. Ito ang closure na hiningi niya kay Klare noon. Nahuli si Klare sa pagbibigay pero ako, hinding hindi ako mahuhuli. I will never let him go through that pain again.

    “I’m in love with Hendrix,” ngumiwi ako.

    I can’t believe I told him that. Hindi nga ako makapaniwala na inamin ko iyon sa sarili ko. Ngayon ko lang iyon na amin ng buong buo! Parang pinipiga ang puso ko pagkatapos kong sabihin iyon. Para bang tinamaan ako ng realization na totoo na talaga ito. Na sa tapang ko, takot na takot na ako ngayon! I’ve never been this scared before!

    “Hendrix… Ty?” may pag-aalinlangan sa boses ni Eion.

    Tumango ako. Hindi ko alam kung bakit nangingilid ang luha sa aking mga mata.

    “Ang akala ko ay nagkabalikan sila ni Stella? Is this one-sided, Erin?”

    Napalingon ako sa pagbabanta ng tono niya. Alam niya? Kilala niya si Stella? And why would he say that they’re back together?

    Hindi ako nakasagot sa tanong niya. Parang pinipiga ang puso ko. Well, he didn’t really tell me na in love siya sa akin.

    “Susunduin niya ako ngayon, Eion,” sagot ko kahit na walang koneksyon sa tanong niya.

    Nagkatinginan kaming dalawa. Humugot siya ng malalim na hininga.

    “I just thought nagkabalikan sila ni Stella dahil pumayag na ang kanyang parents. I remember way back, Erin, na pinaghiwalay sila noong ex niya dahil hindi pure chinese si Stella. You’re not chinese.”

    Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam kung anong sasabihin.

    “Ipinakilala ka na ba niya sa mga magulang niya?” tanong ni Eion sa nag-aalalang tono. “Hindi ako naninira. I care for you, Erin.”

    “Hindi pa niya ako pinapakilala, Eion.”

    “Stella Singson is not pure chinese. Iyon ang dahilan ng paghihiwalay ng dalawa. His parents or relatives want them to break up. Akala ko noong nakaraan ay nagkaayos na rin dahil may picture ulit sila ni Stella.”

    Wala talaga akong masabi. Maging ako ay walang alam sa lahat ng nangyari!

    “They’re over. Matagal na iyon,” nanginig ang boses ko sa giniit ko.

    Tumango si Eion ng marahan at tumigil sa pagsasalita saglit. “I just thought… Hendrix was crazy for her way back in High School. Dinadala niya nga iyon dito sa Cagayan de Oro.”

    Kinagat ko ang labi ko habang naiisip si Hendrix na may gustong ibang babae. I couldn’t imagine it. And it hurt so fucking bad to even imagine it!

    Binabantaan ko ang mga luha kong nagbabadya. Ayaw kong umiiyak para sa walang katuturang bagay!

    “I’m sorry, Erin. I-I didn’t know…” he said nang nakita na siguro ang ekspresyon ko.

    “Eion, can you please leave me for now. Naghihintay ako sa kanya…” bumigay na ako sa puntong iyon.

    Bumuhos ang traydor kong luha. Sinubukan ni Eion na lumapit sa akin pero pinigilan ko siya at umiling ako.

    “Pleae, Eion! That’s all I’m asking right now! I want to be alone! Please?” halos pumiyok ako sa huling sinabi.

    “I-I’m sorry, Rin! Hindi ko alam na ganito ang magiging reaksyon mo nito!”

    “Please, Eion!” pasigaw ko nang pakiusap habang pinupunasan ang aking luha.

    Dammit!

    Paano kung nagkahiwalay nga lang sila dahil ayaw ng pamilya niya sa half chinese na iyon? At ngayong mukhang maayos na ang tungo ay pwede na ulit sila? Is that why… Is that why it’s them against the world?

    Tangina, ako iyong nandito habang di pa sila pwede at ngayong pwede na sila… paano ako?

    Fuck!

    “Eion! Please!” sigaw ko, bumubuhos ang luha nang nakita siya nakatayo parin doon at nag-aalala sa akin.

    Umatras siya ng dalawang beses bago ako tinalikuran. Pag-alis niya ay humagulhol ako at nagmura sa sarili. Fuck!

  • Kabanata 28Open or Close

    Kabanata 28

    Good Sleep

    Pilit kong kinalma ang sarili ko. Hindi ko malaman kung mauupo ba ako o tatayo at maglalakad-lakad na lang muna para maibsan ang sakit na sinapit.

    Mga yapak ang narinig ko habang humihikbi pa ako. Tuluyan lang natigil ang mga hikbi nang nakita ko si Hendrix sa aking harap.

    Nagmamadali na akong magpunas ng luha. Ayan, Erin! Nakakainis ka kasi! Ang dami-dami mong iniisip!

    “Uy! Andyan ka na pala!” natatawa kong sinabi kahit na alam kong hindi na maipagkakaila ang pag-iyak ko kanina.

    His eyes were dark and mysterious. Blanko din ang kanyang ekspresyon kaya di ko malaman kung ano ang nasa utak niya.

    “Tara na?” anyaya ko.

    Hinigit niya ako sa palapulsuhan kaya napasubsob ako sa kanyang dibdib. Namilog ang mga mata ko sa ginawa niyang kilos. Imbes na kumalma ay mas lalo lang kinurot ang puso ko. How could this gentle man hurt me, right? Impossible!

    Pumikit ako ng mariin at nilanghap ang bango niya, dinama ang init ng kanyang mga bisig. If only there’s a way for us to be together in the future… pero sa ngayon ay wala akong magagawa kundi ang lumigaya na lang sa kung anong nangyayari ngayon.

    Pagkatapos ng sandaling niyakap niya ako at tahimik na kaming pumunta sa kanyang sasakyan na nakapark sa likod ng chapel. Nakapasok na pala ang sasakyan niya sa school.

    “Kanina ka p-pa?” napatanong ako habang inaayos ang seatbelt.

    Tumango siya at pinaandar ang sasakyan.

    Nilingon ko siya. He never said a word simula nang dumating siya. Tahimik lang din siya sa byahe at ganoon din ako. I don’t want to ruin whatever’s in between us kaya imbes na maghisterya sa lahat ng nalaman ay hindi ko ginawa. I need to trust. But then… insecurities are eating me up.

    Sa huli kong relasyon, naging pangalawa lang ako. Pati ba naman dito? Kahit anong gawin kong laban sa sarili kong mga demonyo, lagi parin nilang nagigiba ang pader na dahan-dahan kong nilalagay.

    Napatingala ako sa kabuuan ng bahay nila sa Hillsborough. Simple pero elegante. Malaki ang garahe, may garden, at maliit na pool. Maingay na sa loob, tingin ko ay naroon na ang iilan sa mga pinsan namin.

    “Hope you’re fine now…” malamig na sinabi ni Hendrix habang papasok kami.

    Tumango ako at pilit na ngumiti. Tumango rin siya at binuksan ang pinto para sa akin.

    “Andyan na si Erin…” sabi ni Ate at agad na akong sinalubong.

    Pumasok na si Hendrix. Sinundan ko siya ng tingin at nakita kong kausap niya ang kanilang katulong.

    “Lika dito, Rin! Try natin ‘tong laro nila!” anyaya ni Ate habang hinihila ako patungo sa sofa.

    Tiningnan ko ang kabuuan ng bahay nila. Malaki nga iyon at pormal na pormal ang pagkakakahalayhay ng mga muwebles. Mukhang antique ang mga wooden cabinet na may mga kuwadro. May malaking salamin sa gilid. Ang mga kurtina ay kulay rosas at ganoon din ang carpet.

    Naroon na silang lahat. Kami yata ni Hendrix ang huling dumating. Si Klare pala ay nasa dining table, tumutulong sa mga katulong sa paghahanda ng mga pagkain.

    Abala si Hendrix at Pierre sa labas. Ang sabi ni Claudette ay naglalagay ang mga ito ng mga inumin doon dahil request ng mga pinsan ko.

    “Kuya, di na kayo nahiya!” bulong ko nang nalamang isa ito sa pasimuna.

    “Kaonti lang naman. Bukas ay paparty din tayo!” ani Kuya Joss pagkatapos ay bumaling na ulit sa laro.

    Imbes na sawayin sila isa-isa ay pinili ko na lang na puntahan si Eba na kasama ngayon ni Klare. Naroon din si Xian kaya nakipaglaro muna kami doon.

    Kumain din kami sa dining table nang natapos na ang paghahanda. Puno ng tawanan dahil panay lokohan ng mga pinsan ko. Si Hendrix ay nasa gitnang upuan at nangingiti lang habang humahagalpak ang aking mga pinsan.

    “Raf, ihatid mo ‘tong si Dette mamaya ha? May lakad pa ako,” ani Azi sa gitna ng tawanan.

    “Ano? Wag kang pumarty ngayon. Bukas na! Baka bukas din ang uwi ni Elijah, e,” apila ni Rafael.

    “Kuya, you’re so mean! How could you do this to me?” iritadong sinabi ni Claudette.

    Parang di nakikinig si Azi. Nanatili ang mata niya sa kanyang cellphone kaya sumabog ang usapang ilagay lahat ng cellphone sa ilalim ng mesa at ang unang kumuha ng cellphone ay siyang magbabayad sa dinner bukas.

    “Sige! Sige bah!” hamon ko rin sa kanila.

    “Ang daya mo, Erin! Daya nito!” giit ni Klare.

    Tumawa ako. Alam kong naghihintay parin siya sa mga text ni Elijah kaya malamang ay isa siya sa pwedeng matalo.

    Nilingon ko si Hendrix. Nag-iwas siya ng tingin nang nagtama ang mga mata namin. Huminga siya ng malalim at tumayo.

    “Iche-check ko lang ang table sa labas,” paalam niya kay Klare.

    Napalunok ako. Ang lamig niya ngayon, ah? Sinundan ko siya ng tingin… parang nag-iba tuloy ang disposisyon ko sa hapag.

    “Ayos na? Labas na tayo?” ani Kuya.

    Bumalik si Hendrix sa hapag para tawagin ang mga boys. Naayos na daw ang mesa sa labas kaya pwede na sila doong mag chill.

    Sabay sabay na lumabas ang mga lalaki. Tumulong naman kaming mga babae sa pagliligpit ng mga pinggan. Si Eba at Ate Chanel ay nasa sala na kasama si Xian. Nanonood sila ng pambatang show. Kaming tatlo naman ni Klare at Claudette ay paalis na sa kusina.

    Sa pasilyo ay may mga kuwadro ng kanilang pamilya. Mr. Ty, their mother, Pierre, and Hendrix. Pareho kami ni Claudette na nananatili ang mga mata sa bawat kuwadrong nadadaanan.

    “Klare, matagal na ba itong bahay nila na ito?” tanong ko.

    Tumango si Klare. “Simula ng lumipat si Rix dito noong high school. Or earlier. Binili na ito ni daddy noon pa. Simula noong nalaman niyang nasa Cagayan de Oro ako.”

    Tumango ako at nagpatuloy sa paglalakad. Umupo kaagad si Klare at Claudette sa sofa ngunit ako ay nanatili sa kanilang kabinet na may mga kuwadro parin. Isang pasada ko lang ng tingin ay nakita ko kaagad ang apat na kuwadrong may pictures ni Hendrix kasama ang babae.

    Sa unang kuwadro ay isang babaeng intsik. Bata pa sila noon. Palagay ko’y late grade school or early high school. Matangkad na si Hendrix noon pa, maputi, seryoso. Sa tatlong sunod na kuwadro naman ay picture nila ng iisang babae. Stella Singson. Sa una ay grade school pa ang dalawa. Sa pangalawa ay highschool. Naka floral dress si Stella, si Hendrix ay naka puting v neck shirt at maong. Ang pangatlong kuwadro ay bago pa. College o graduate na si Hendrix. He’s topless and the girl’s in bikini.

    “Klare…” tawag ko habang hinahawakan ang huling kuwadro. Trying so hard not to throw it against the wall.

    “Hmm?” nagtaas ng kilay si Klare sa akin.

    “Kilala mo ‘to?” tanong ko sabay turo sa babaeng katabi ni Hendrix.

    Umiling siya. “But I’ve seen her before. Dalawang beses o tatlo? I’m not sure.”

    Nilapag ko ang kuwadro at ibinigay na ang buong atensyon kay Klare.

    “Sa ilang parties noon sa Davao. Minsan kasi dinadala ako ni Pierre at Hendrix pag may pinupuntahan silang party noon with their batchmates. Tapos… sa…” kumunot ang noo niya. “Samal?”

    Humugot ako ng malalim na hininga bago bumaling ulit sa picture. This must be in Samal then? Hindi pa ako nakakapunta doon. And this is recent…

    “Pierre, kilala mo kasama ni Rix sa frame?” tanong ni Klare sa kapatid na biglang dumaan sa sala. Mukhang patungong kusina.

    “Sino? Si Stella?”

    Bumaling ako kay Pierre na ngayon ay malamig ang tingin sa akin. Just like his brother, his expression is almost always blank.

    “Yup. She’s his bestfriend and… first love,” mariing sinabi ni Pierre.

    Lumagpas na siya sa amin. Bumaling ako kay Klare na ipinagkibit balikat na lang ang sinabi ng kapatid. Humugot muli ako ng hininga bago bumalik sa sofa para makaupo. Kinuha ko ang cellphone ko para tingnan kung may message ba doon. Nakita kong may mensahe nga galing sa isang kaklase ko at kay Eion.

    Binuksan ko ang mensahe ni Eion, bahagyang disappointed dahil walang nakitang galing kay Hendrix.

    Eion:

    Are you okay? I’m really sorry.

    Hindi ko na nireplyan. Tahimik na lang akong umupo at nanood ng cartoons para kay Xian. Nag-uusap si Ate at Eba tungkol sa kung saan samantalang si Klare ay babad sa cellphone niya. Ganoon din si Claudette.

    Bumalik na si Pierre sa labas at pagkatapos ay si Hendrix naman ang dumaan ngayon. Tumuwid ako sa pagkakaupo at nag-antay sa pagbalik niya. Lumabas siya ng kusina at naglakad pabalik. Naabutan kong kakapindot niya lang sa cellphone niya at binaba niya kaagad. Hindi niya man lang ako tiningnan. Sinundan ko siya ng tingin ngunit kahit isang baling ay wala siyang ibinigay.

    Dinungaw ko ulit ang cellphone ko para tingnan kung may message niya ba ngunit wala. Nanahimik na lang ako habang nasa sofa. Nililibang ang sarili sa paminsan minsang pakikipag-usap kay Klare at Claudette tungkol sa aming thesis.

    Ilang sandali ang nakalipas ay nagyaya na silang umuwi. Kailangan daw naming maagang umuwi ngayon dahil bukas ay baka matagalan kami. Nilingon ko si Hendrix at hindi parin siya makatingin sa akin.

    Hinatid lang nila kami sa labas at pagkatapos ay umalis na kami.

    Pagkauwi ng bahay ay tsaka pa lang nagtext si Hendrix. Marami nang mga spekulasyon ang nasa utak ko.

    Hindi kaya napilitan lang siyang sunduin ako kanina? Simula noong debut at nalaman niyang pwede na sila ni Stella ay baka napagtanto niyang mas gusto niya iyon. Mas gusto niya si Stella. And the only way that’s keeping him from being with Stella again is his parents? I’m just the girl he dated before the real girl!

    Hendrix:

    Are you home safely?

    Ako:

    Yup.

    Humiga na ako sa kama. Gulong-gulo ang utak ko sa mga nangyayari. Nasasaktan ako at nagagalit. Nagagalit sa aking sarili. Bakit ko hinayaan ang sarili kong magkaganito? Hindi pa nga ako nakakaahon ay nalulunod na ulit ako?

    Hendrix:

    Rest well tonight. I’m sure pagod ka na.

    Pumikit ako ng mariin at hindi na nagreply. Pinilit ko ang sarili kong matulog na lang sa gabing iyon. Ngunit umabot ng alas dos ng madaling araw ay hindi parin ako nakakatulog.

    Sana pala ay uminom ako kung ganoon! Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang Facebook. I browsed my friendlist para tingnan kung sino ang gising pa. Nakita ko ang kulay green na circle sa gilid ng pangalan ni Hendrix. He’s still awake. Sino kaya ang ka chat niya?

    Fuck this life!

    Nilog out ko ang aking account at pinilit na lang ang sariling makatulog hanggang sa nag alas tres.

    Kaya naman kinabukasan ay sabog na sabog ako. I feel like a walking zombie. Mabuti na lang at kaonti lang ang gagawin. Maaga din akong umuwi kasama si Ate para maghanda sa pagkikita naming lahat. Tipid ang text ni Hendrix sa araw na iyon.

    Hendrix:

    See you later.

    Tinapon ko ang cellphone ko sa aking kama. Kung napipilitan lang siyang mag text, edi huwag na siyang mag text! It’s simple! Kung ayaw niya pala sa akin lalo na ngayong andyan na si Stella, e ‘di huwag! Hindi niya ako nabuntis para ipilit na panagutan ako! I can deal another fucking heartache!

    Hindi ko na siya binalingan noong kumakain kami sa Redtail. Thank God Elijah came, ibinaling ko na lang kay Klare ang atensyon ko para maging normal parin kahit paano.

    Kaya lang ay magkakagulo pa yata dahil nagdala sila ng mga kaibigan, at ibig sabihin noon ay kasama si Vaughn. Iyong dating manliligaw ni Klare na hanggang ngayon ay umaasa parin.

    “Klare, sa likod ka,” ani Pierre.

    How insensitive. Insensitive o selfish? Hindi niya ba nakikita na muntik nang nag-away si Elijah at Vaughn dahil lang sa kay Klare?

    “Klare, mas mabuting dito ka na samin sumama,” ani Hendrix nang nasa labas na kaming lahat.

    Pinulupot ko kaagad ang aking braso kay Klare. Bumaling si Hendrix sa akin but his cold stare didn’t stop me. “Klare, don na tayo sasama kay Elijah. Tayo nina Azrael, at Claudette. Si Ate Chanel ay sasama kay Brian. Si Eba, Damon, at Kuya Joss ay kay Rafael.”

    “But we have more room for people,” iritadong sinabi ni Pierre sa akin.

    “Let her go. Don na lang siya kina… Erin,” ani Hendrix.

    Nagkibit ako ng balikat at hinigit na si Klare palayo sa kanila. Tsaka lang ako naka hinga ng maayos nang nakalayo na kami sa mga Ty.

    I’m really tired of being in this drama. Palagi na lang akong option. At ako pa ang hindi makatulog sa gabi na para bang ako iyong may ginawang hindi masama.

    Inagawan ko ng mikropono si Azi.

    “Maghunos dili ka, cuz. Tama na please!” sigaw ko sa kanya nang bumirit sa kanta ni Bon Jovi.

    Pagkatapos ng kantahan sa Microphone Hero ay nagpasya kaming pumarty na muna sa isang maliit na bar doon. Hindi na ako nagpaliguy-ligoy pa. Ilang shot ng Red Label ang nainom ko sa Microphone Hero at medyo tipsy na ako. I want a good sleep tonight. Hindi iyong tulad kagabi na ako na nga ang nasaktan, ako pa iyong parang may utang.

    Booze and music will make me dizzy and will give me a good sleep.

    Nakakita ako ng iilang mga kaibigan sa dancefloor. Nakita ko iyong mga bading kong kaibigan kasama si Zoe kaya pumagitna na ako sa kanila at nagsimulang sumayaw. Ni hindi ko na hinintay na makahanap sina Ate ng table. Sila na ang bahala doon.

    Nakita ko rin sina Azi, Rafael, at Kuya Joss na sumasayaw na. Bumaling ako kina Ate na ngayon ay nakahanap na ng lamesa. Umupo si Hendrix sa isang stool at iginala ang paningin sa dancefloor. You care, my ass?

    “Shots, Erin! Sagot ko ‘to!” anang isa kong classmate. “Birthday ko ngayon!”

    “Uy! Happy birthday!” tawa ko sabay inom ng ibinigay na shots.

    Nakisali ako sa party nila kahit na ngayon ko lang nalaman iyong tungkol sa birthday.

    Ilang minuto o oras din akong nakikisali sa mga shots at bottoms up nilang magbabarkada. Si Kuya ay nakahanap na yata ng prey sa may gilid at si Azi ay may malanding kasayawan na. Sumakit na ang paa ko sa kakasayaw. Gusto kong umupo pero ayaw ko sa mesa namin dahil naroon si Hendrix at umiinom ng beer.

    “Kanina ka pa umiinom ah?” ani Ate nang nabangga ko sila ni Brian sa dancefloor. “You’re tipsy na siguro.”

    Umiling ako at nagpatuloy sa paglagok ng tequila naman ngayon at umasim ang mukha ko sa lemon. “I’m fine!”

    Nagbago ng DJ at mas lalong umingay at sumaya ang party. Nasa gitna parin ako ng mga kaklase ko. Nakapikit na ako habang nagsasayaw nang biglang dumami yata ang tao. May dumidikit na sa likod ko. Gusto kong lingunin kung sino iyon ngunit nahirapan na ako sa daming sumasayaw.

    Ang sunod na lang na pangyayari ay ang sigaw ng mga sumasayaw at ang biglaang pagluwang ng dancefloor dahil may humandusay na sa sahig.

    “Ano, Hendrix?” sigaw ni Eion at agad bumangon para manuntok kay Hendrix.

    Nakita ko ang dugo sa gilid ng labi ni Eion. Narinig ko ang mura ni KIuya Josiah sa malayo. Isang suntok pa ulit galing kay Hendrix at tumama si Eion sa isang mesa. Narinig namin ang parang kulog na tunog ng mga baso at boteng nabasag sa pagkakatumba ng mesa.

    “Hendrix!” Saway ko dahil nakita kong duguan na ang mukha ni Eion.

    Pareho nga silang mataas pero isang tingin pa lang alam mong si Hendrix ang mas malakas.

    “Stop it!” sigaw ko at pupuntahan na sana si Eion nang biglang sumigaw si Hendrix sa akin.

    “Ano?”

    Bumaling ako sa kanya at nakita kong duguan din pala ang gilid ng kanyang labi.

    “Fuck it, Rin. Let’s go!” sigaw ni Ate sabay higit sa akin paalis ng Illest.

    Hinila na rin si Hendrix nina Vaughn at Pierre samantalang pinatayo si Eion ng mga bouncer at iilang kakilala.

  • Kabanata 29Open or Close

    Kabanata 29

    Truths

    Hinila ako ni Ate patungo sa nakahilerang mga sasakyan namin sa parking ng Lifestyle District.

    “Erin naman…” aniya, frustrated sa nangyari.

    “It’s not my fault,” giit ko kaagad.

    “Not your fault? Sumasayaw siya sa likod mo tapos di mo kasalanan?” iritadong singhal ni Hendrix, kahit malayo pa siya ay klarong klaro ang mga salita.

    Kumulo ang dugo ko sa salita at galit na ipinakita niya sa akin. How could he blame me? Ni hindi ko alam na si Eion iyong naroon sa likod ko!

    “Malay ko ba? Kung hindi ka sana bayolenteng maka react edi sana hindi na nagkagulo pa! Hindi ka na nasaktan!” sabi ko sabay tingin sa gilid ng labi niyang namumula at may kaonting dugo parin.

    Tinanggal niya ang konting dugo gamit ang kanyang thumb. Mas lalo lang akong nairita sa ginawa niya.

    Bumaling ako kay Ate na ngayon ay tahimik na nanonood sa aming dalawa. Sa gilid ay si Pierre at Claudette na parehong nagtatalo sa kung anong bagay.

    “Ate, may first aid sa sasakyan, ‘di ba?” tanong ko.

    Tumango si Ate Chanel at agad nang pinabuksan kay Kuya Josiah ang sasakyan namin para makakuha ng first aid kit.

    Binuksan ni Hendrix ang back seat ng sasakyan niya at umupo siya doon. Iritado parin siya at ayaw tumingin sa akin. Humalukipkip ako sa harap niya. Kung iritado siya, iritado rin ako ngayon. Why the hell would he blame me for this?

    “Ano? Uuwi na lang muna kami o doon na lang tayo magkita sa kina Hendrix,” ani Ate habang inaabot sa akin ang kit.

    Tumango na lang ako at kumuha ng betadine at bulak. Nilagyan ko kaagad ng betadine ang bulak at saka lumapit kay Hendrix. Bumaling siya sa akin nang nakalapit ako sa kanya.

    “This is just nothing…” iritado niyang sinabi.

    “Dumugo po ang nothing,” iritado kong sinabi at bahagyang yumuko.

    Ikinabigla niya ang ginawa ko. Tinitigan ko ang kaonting sugat sa gilid ng kanyang labi. Dahan-dahan kong idinampi ang bulak sa kanyang sugat. Iniwas niya iyon sa akin dahilan kung bakit ako natigilan sa pag gamot.

    Gusto kong maghisterya sa kanya pero imbes ay pinagpatuloy ko iyong panggagamot. Tumuwid ako sa pagkakatayo para ayusin ang bulak bago yumuko ulit para gamutin ang sugat niya.

    “I’m fine!” giit niya.

    Bahala ka sa buhay mo, Hendrix Ty! Nagpatuloy ako sa pag gamot. Nag-iinarte siya.

    Dumating si Klare at Elijah. Umalis na ang mga kapatid ko kasama ang ilang pinsan. Nag desisyon na rin kami nina Pierre na isasama ko si Hendrix sa sasakyan ni Elijah. Kaming apat ni Klare. Habang si Claudette ay isasama niya. Ihahatid muna nila si Vaughn bago sila uuwi.

    Nasa backseat na kami ng sasakyan ni Elijah at nagtataray parin si Hendrix. Dala dala ko ang bulak at Betadine, in case dumugo ulit iyong labi niya. Nakita kong may kaonting dugo doon kaya hinawakan ko ang baba niya at hinarap ko ang mukha niya sa akin. Mas lalo siyang nairita kaya dinampian ko na lang kaagad ng bulak ang kanyang sugat.

    “Anong nangyari?” panimula ni Klare.

    Umaalis na ang sasakyan ni Elijah sa Lifestyle District. Pauwi na kami sa bahay nina Hendrix.

    “It’s his fault,” sagot ko.

    “Nagtatanong si Klare kung ano ang nangyari. Hindi siya nagtanong kung sino ang may kasalanan.” Sunod-sunod ang kanyang sagot gamit ang iritadong tono kaya pinindot ko ang kanyang sugat. “Ouch!”

    “Kung sana ay hindi siya nagpa bida ay sana hindi siya nagkaganito. Bar ‘yon kaya syempre, sasayaw ako. What the hell is wrong with you?”

    Hindi ko naman alam na si Eion na pala ang kasayaw ko! Anong akala niya sa akin? May mata sa likod? Manghuhula?

    “You’re dancing with your ex. Hindi ka parin nadadala? Just… nasan mo nilalagay ‘yong utak mo?” tumaas ang tono ng boses niya.

    Tungkol ba sa utak ang pinag-uusapan namin? E siya rin, hindi niya ginagamit ang lintik na utak niya! Why the hell would he accuse me of dancing with my ex! Hindi ko nga alam, ‘di ba? And besides, hindi ba ay hindi kami bati? Hindi ba ay malamig siya sa akin? What if gusto niya lang na mag-away kami para may dahilan siya sa pag give up sa akin?

    “So what? Anong pakealam mo? This isn’t your life.” I reminded him.

    “Don’t come running to me pag nasaktan ka niya ulit. I’m not going to shelter you anymore,” mariin niyang sinabi.

    Natigilan ako sa sinabi niya. Is that it? Iyon ba ang tingin niya sa aming dalawa? Na naging takbuhan ko lang siya dahil nasasaktan ako kay Eion? Kinagat ko ang ibabang labi ko.

    “I didn’t ask for anything. I will never ask for anything, Hendrix,” mariin ko ring wika.

    Hindi na siya nagsalita ulit. Hindi na rin ako nagsalita. Binuksan na lang ni Klare ang stereo sa sasakyan ni Elijah para kahit konti ay maibsan ang katahimikan.

    Nang nakarating na kami sa tapat ng kanilang bahay sa Hillsborough ay atat na atat si Hendrix na lumabas ng sasakyan. Ngumiwi ako at lumabas din para sundan siya.

    Nasa loob na ng kanilang bahay ang mga pinsan ko. Tahimik at nagsisisihan na sila. Si Azi at Kuya Joss ay nasa sofa na at parehong nakapikit.

    Sinisi pa ako ni Rafael sa katigasan daw ng ulo ko gayong hindi ko malaman kung kailan ako naging pasaway sa gabing iyon. Kung iyong pagsasayaw ni Eion ang tinutukoy nila, malay ko ba na siya iyong kasayaw ko?

    “Dito na lang kayo matulog,” ani Pierre.

    Hindi ko malaman kung anong mararamdaman ko sa alok ni Pierre. Nilingon ko si Hendrix na nakasimangot sa gilid at kinakausap na ang kanilang katulong.

    “Wa’g na,” ani Rafael.

    “Sige na, Raf. Nag isip karin naman kanina na matutulog tayo kina Elijah,” ani Ate.

    Pinasadahan ng tingin ni Pierre ang kuya at pinsan kong parehong tulog na sa ngayon.

    “They’re asleep. Dito na lang kayo matulog,” ani Pierre.

    Trust me, they’ve been through worst. Hindi ito ang pinakamalalang pagkalasing nila. They’re just probably tired. Syempre ay parehong nagsasayaw ‘tong dalawa kanina sa bar. Nagtaka tuloy ako kung anong nangyari sa mga babaeng nakasayaw nila? Usually ay sumasama sila o sinasama nila ang babae kung saan. What happened now? It didn’t work?

    Bumaling ako kay Hendrix na ngayon ay umupo sa isang sofa. Kaaalis lang ng kanilang katulong. Nakita kong hinawakan niya ang kanyang sugat na ngayon ay dumudugo ulit. Tiningnan niya ang kanyang daliri. Nakakairitang tingnan na pinalis niya lang iyong dugo.

    “God!” umirap ako at tumayo para puntahan siya.

    Napatingin siya sa akin. Bago pa ako tuluyang makalapit ay tumayo na rin siya para umalis doon. Natigilan ako sa gulat sa pagwa-walk out niya.

    “Kung napipilitan ka lang na gamutin ang sugat ko, wa’g mo na lang gamutin!” galit niyang sinabi ‘tsaka nag martsa patungong kusina.

    Sa sobrang gulat ko sa galit na ipinakita niya ay natigilan ako sa paglalakad. Napatingin ako sa mga pinsan kong nanahimik dahil sa nangyari. Ilang sandali pa bago sila nakabawi.

    Sa nangyari ay nagdesisyon sila na manatili sa bahay nina Klare. Abala si Pierre sa pag aasikaso sa mga kwarto samantalang ang mga pinsan ko ay nasa kusina at mukhang nagkakatuwaan.

    Umakyat na lang kami sa kwarto ni Klare. Hindi parin ako nagsasalita dahil sa nangyari. I don’t know what to do with Hendrix. Is he really mad or is he just playing mad to get rid of me?

    “Do you still like Eion?” agarang tanong ni Ate pagkatapos kong magpaliwanag sa tungkol sa nangyari.

    Walang puwang si Eion sa issue dito. My issue is all about Hendrix. Why would he blame me for what happened? Nagdedeliryo siya na alam kong si Eion ang nasa likod ko. Wala akong mata sa batok kaya paano ko malalaman iyon?

    “He doesn’t deserve-” pinutol ako ni Ate.

    “You still like him.” Humalukipkip si Ate at tumayo.

    Nakaupo na ako ngayon sa kama ni Klare. Nilalapag naman ni Klare ang foam at iilang comforter sa baba ng kanyang kama. We’re sleeping here. Si Claudette ay tahimik na nagcha-charge ng phone sa gilid.

    “Ate, what he did to me was painful-” I still care for him. We’re friends, after all. Pero hindi ko na siya mahal romantically. Kung sana ay pinatapos ako ni Ate.

    “Fine, fine! Dito na kayo. Bababa ako. Don na ako sa mga boys. Bigyan niyo ako ng comforter mamaya, a?” Hinawi ni Ate ang kanyang buhok at agad na lang na tumulak paalis ng kwarto.

    Humugot ako ng hininga at saka pinatong ang paa sa kama ni Klare. Niyakap ko ang aking mga tuhod habang nag-iisip sa kung ano ba talaga ang problema ni Hendrix. Napatingin ako kay Claudette na mapanuri ang tingin sa akin. I know what she’s thinking. Pareho lang sila ni Ate.

    “Masakit lang talaga ‘yong ginawa ni Eion sa akin. Hindi ko makalimutan.”

    “Maybe you should forget him and date someone else instead,” ani Claudette.

    Inangat ko ang ulo ko. That’s not it. Ayaw ko ng ganoon. Hindi kaya iniisip ni Hendrix na iyon ang ginagawa ko sa kanya? But then… how sure am I na hindi niya iyon ginagawa sa akin? Date me to forget her.

    “You don’t date someone else to forget, Claudette,” mariin kong sinabi.

    “You’ll learn to love that person eventually. So it’s win-win for the both of you,” she said matter-of-factly.

    “No. Natatakot akong pumasok ulit sa ganon. I don’t wanna be dropped anytime. Ayokong makipag date lalo na pag alam kong wala rin namang patutunguhan.”

    Naaalala ko tuloy ang mga dating na-i date ko. I dated them thinking I’ll eventually fall. It didn’t work. At bakit kaya iyon ang nasabi ni Claudette? Is this based on experience? Nanliit ang mga mata ko sa kanya. Nanatili naman ang mga mata niya sa cellphone.

    Well… whatever. Nilingon ko na lang ang flatscreen sa kwarto ni Klare at nagyaya nang manood ng horror movies. So I’ll forget. Pakiramdam ko ay ang mga nainom ko kanina ay nawalan ng bisa dahil sa nangyaring suntukan. So much for booze and music.

    Nanghiram kami kay Klare ng pambahay. Pajama at isang kulay pink na spaghetti strap ang sinuot ko. Humiga na kaagad ako sa baba.

    Nagising na lang ako dahil inuuhaw at naiihi na ako. Siguro ay dahil sa dami rin ng nainom ko.

    Tahimik na nang bumangon ako. Tulog na silang lahat sa tabi ko. Tiningnan ko ang aking wristwatch at nakita kong alas kuwatro na pala ng madaling araw.

    Dumiretso ako sa bathroom ni Klare para umuhi. Pagkatapos ay bumalik na ako sa kama para sana matulog pero sa sobrang uhaw ko ay hindi na ako makatulog.

    Bumangon ulit ako, tinitingnan ang ilalim ng pintuan kung may ilaw pa ba sa labas. Damn, horror pa, Erin!

    Mabuti na lang at may ilaw pa. Tumayo ako para buksan ang pintuan at makababa sa kanilang kusina para sa tubig. Nakita kong maliwanag parin sa sala. Kumunot ang noo ko para dinggin kung may mga tao pa ba pero wala na akong naririnig. Siguro ay tulog na sila?

    Bumaba ako sa hagdanan at dumiretso sa kusina. Binuksan ko ang ref para maghanap ng pwedeng mainom.

    Nagsalin ako ng tubig sa baso. Nakabukas pa ang ref habang umiinom ako at tinitingnan ang sala na sobrang maliwanag pa. Nakatulog na kaya sila?

    Pagkatapos kong uminom ay dumiretso na ako sa sala. Dito kami kagabi. Sila ay nasa labas yata nag inuman pagkatapos noong sa kusina. Nilingon ko ang puting sliding door na patungo sa labas. Nakabukas din ito at maging ang ilaw sa kanilang backyard ay nakabukas din.

    May tao pa?

    Nakapaa lang ako. Inaapakan ang malamig na damo sa backyard. Nakita ko ang lamesang may mga bote pa at mga silyang hindi naayos. Wala nang tao doon.

    Nilapitan ko iyong nakikitang umiilaw na cellphone sa mesa para tingnan kung kanino iyon. It’s familiar. Nang nakalapit ako ay nakita kong kay Hendrix iyon.

    “Please tell me you can’t sleep too.”

    Halos mapatalon ako sa gulat sa narinig ko. Napaatras ako nang nakitang si Hendrix iyong nasa likod ko. His eyes were dark and brooding. Para bang may tinatago siya sa aking kung ano.

    Humugot siya ng malalim na hininga at bumagsak ang tingin niya sa paa ko.

    “Where’s your slippers?” tanong niya.

    Nakita kong may band aid na sa baba ng kanyang labi. Maybe to stop it from bleeding.

    “I don’t have one,” sabi ko, medyo gulat pa rin dahil gising pa siya.

    Huminga siya ng malalim at umupo sa isang silya. Tumingala siya sa akin at kinuha ang silya sa tabi niya. Inilahad niya iyon sa akin.

    “Bakit ka nandito?” tanong niya.

    Tiningnan ko lang ang silya. Hindi ko alam kung tama bang umupo ako doon. Tinapik niya ang silya, parang inuutos sa akin na umupo doon.

    “Uminom ako ng tubig tapos chineck kung may tao.”

    Why am I suddenly answering him now? Kanina lang ay iritado ako sa kanya. Ngayon ay pinapatakbo niya na naman ng milya milya ang traydor kong puso. What a very confused heart? Nasasaktan niya ako pero heto at hindi parin magkanda ugaga ang puso ko sa mga salita niya.

    “Please sit, Erin,” sa wakas ay sinabi niya.

    Nagdalawang-isip pa akong umupo doon. Pero sa huli ay isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago ako tuluyang naupo. I’m now suddenly worried about my face. Kakagising ko lang sa mahimbing na tulog. Hindi ko man lang chineck kung may dumi ba ako sa mukha. And for goodness sake, he’s wearing a khaki shorts and striped t shirt samantalang mukha akong basahan sa pajama ni Klare!

    “We need to talk,” aniya.

    Napatigil sa pag indayog ang puso ko. Ito iyong mga linyahan kapag tatapusin na ang relasyon. Ito iyon. And he’s giving it to me. He’s finally letting me go? Kasi… kasi iyong si Stella talaga ang para sa kanya. He just tried? Tried to fall in love with another girl to forget. Pero hindi siya nagtagumpay kaya heto, masasaktan ako. Like I’m the one he’s going to sacrifice.

    “Erin, can you hear me?” tanong niya.

    Napatunganga na pala ako. Nag iinit na ang gilid ng aking mga mata.

    “Please don’t be gentle, Hendrix. Kung ayaw mo na ay tapusin mo nang agad-agad,” matapang kong sinabi.

    His eyes widened. Hindi siya agad nakapagsalita.

    “Ano? You’re surprised because I’m so straightforward?” pagalit kong sinabi.

    Ayaw kong magtanim ng galit. I like him… No… I am really in love with him now. Oo at tingin ko ay masyadong mabilis. Masyadong mabilis ngunit totoo ito.

    Nalaman ko ngayon na sa buhay ay maraming katotohanan. Truths that can change your life… bend… or break you… or maybe just change the way you think… or truth that makes you nod. There are different kind of truths. And some truths are truer than other truths. Like some loves are stronger than other loves. At eto iyon. Kung minahal ko si Eion noon, mahal ko rin si Hendrix ngayon. And I can say that this truth is truer. This love is indeed stronger. Dahil kung hindi ko kayang iwan ako ni Eion noon, ngayon kakayanin ko kung iwan man ako ni Hendrix!

    “Why would I end this?” hinawakan niya ang aking braso.

    Tumulo na ang luha ko. Agad kong pinalis iyon. Hindi ako makatingin sa kanya kahit na nakatoon ang mga mata niya sa akin. Like he wants me to melt because of his piercing eyes.

    “You still love Stella Singson! Iyong bestfriend mo! ‘Yong nasa frame? ‘Yong sa Davao?” sabi ko kahit na alam kong kilalang kilala niya ang tinutukoy ko.

    Namilog ang mata niya. Pakiramdam ko ay ngayon lang siya naliwanagan sa talambuhay niya. “What? What’s with Stella? Rin… why are we talking about Stella? Ni hindi ko na napapansin ang mga frame sa loob ng bahay. I don’t always look at all the frames in this house!”

    “Shit naman, Hendrix!” mabilis ang tulo ng luha ko. Agad agad ko iyong pinalis ng paisa-isa. Pabalikbalik sa ilalim ng magkabilang mata.

    “Watch your language,” aniya. “Why is this suddenly all on me? You danced with Eion at alam mong ayaw ko ng ganoon. You even… cried for him days ago.”

    Ako naman ngayon ang pinanlakihan ng mga mata. Napatama ang tingin ko sa kanya. What did he just said?

    “I get it, alright! Kaka break niyo pa lang. Wounds don’t heal that fast but I just can’t help it…” nag-iwas siya ng tingin. “I can wait till you get better and totally forget him. Nagselos lang ako.”

    What? What the hell?

  • Kabanata 30Open or Close

    Kabanata 30

    Stay

    Nakatitig na ako sa kanya pagkatapos niyang banggitin ang mga katagang iyon. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa ngayon. Hindi parin niya ako binabalingan. Nanatili ang tingin niya sa isang bagay kung saan.

    Tumayo siyang bigla at dumiretso sa may malapit sa kanilang swimming pool. Sinundan ko siya ng tingin, napatayo din tulad niya.

    “Hindi ako umiyak kay Eion days ago. And how many times do I have to tell you that it’s not my fault. Hindi ko alam na si Eion ‘yong kasayaw ko sa gabing iyon,” banayad kong sinabi.

    Hindi siya nagsalita. Nanatili siyang nakatalikod at nakatingin sa swimming pool. Humakbang pa ako palapit sa kanya. Iyon ba ang iniisip niya? Kaya ba siya malamig sa akin dahil akala niya ay umiyak ako dahil kay Eion sa mga oras na iyon?

    Nilingon niya ako at hinarap. Para bang ngayon lang niya narinig ang sinabi ko.

    “I saw you two. Nag-usap kayo sa benches. Dumaan ang sasakyan ko doon. I was about to call you but then you were too preoccupied with him so I parked my car near the chapel instead,” nakakunot ang noo niya.

    “We were talking about something else. Hindi ako umiyak para sa aming dalawa. O para sa kanya,” paliwanag ko.

    Pumikit siya ng mariin at umigting ang panga niya. Para bang may kinainisan niya.

    “I felt shit for days because of what happened! What was it, then? Why did you cry in front of him? Wala akong maisip na ibang dahilan kundi iyong nakaraan ninyo. And I can’t help but feel…” kinagat niya ang kanyang labi. “This thing is making me curse.”

    Bumagsak ang mga mata ko sa aking mga daliring naglalaro ngayon. Para bang may sarili silang mga mundo. Kusang naglalaro nang di ko nalalaman. “Can we talk about Stella, instead?” nanginig ang labi ko.

    Natahimik siya. Ramdam ko ang tingin niya sa akin. I couldn’t help it. I know she’s his bestfriend. She’s probably important to him. Well, I have no guy bestfriend after Evan. Hindi ko alam kung anong pakiramdam ng ganoon.

    “Stella is just my friend,” panimula ni Hendrix sa pormal na boses.

    “She’s your ex.” Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko.

    “She is, yes, Rin… Can you do this?” Hinawakan niya ang magkabilang braso ko. “I can’t talk about Eion with you. Nahihirapan ako, Rin. Pero ikaw, bakit gusto mong pag-usapan si Stella?”

    Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Hindi ko malaman kung bakit nakaramdam ako ng matinding pagtatampo sa sinabi niya.

    “You met her that night. Sa debut, ‘di ba?” Gusto ko pang dugtungan sa nalalaman ko ngunit ayaw kong ako ang magsabi noon. Gusto kong siya.

    Siya mismo ang magsiwalat sa katotohanang namagitan sa kanila. Not that I need it. Not that I needed Evan, Landon, or Eion to explain what happened to their exes… Sa kay Hendrix lang ako lubos na nahirapan ng ganito.

    “Yeah…” nalilito niyang sinabi. “I was completely shocked that she was there. My parents and relatives disliked her. Nasurpresa ako dahil nasa party siyang iyon…”

    “You still love her!” giit ko nang nakitang naglakbay ang mga mata niya sa pag-iisip.

    “I don’t! Okay!?” Mas iginiit niya.

    “Come on, Hendrix…” kumawala ako sa pagkakahawak niya sa akin. Isang hakbang akong umatras. “I’m giving you time. I can set you free right now. With no hard feelings at all! If you still love her, then go! Walk out!”

    Nalaglag ang panga niya habang tinitingnan akong halos maghisterya. Dammit! Naiisip kong ngayong pwede na sila ni Stella ay hindi naman mangyayari dahil nandito na ako. Niligawan niya na ako, e. Tapos magpinsan kami ni Klare. Paano niya ako masasaktan, ‘di ba?

    Humakbang din siya palapit sa akin at hinawakan muli ang magkabilang braso ko. Mariin na ang pagkakahawak niya ngayon. Parang may halong frustration at pagtitimpi.

    Gusto kong murahin ng husto ang bawat luhang lumalandas sa aking pisngi. Nakatitig siya sa aking mga mata habang lumuluha ako. It’s like he wants to look at me as I cry out my frustrations. I hated him for being so… ugh!

    Pumikit ako ng mariin at iniwas ko ang mukha ko sa kanya. Nahihiya na umiiyak ako sa harap niya.

    Hinila niya ako palapit sa kanya. Hinawakan niya ang batok ko at dahan-dahang dinala ang aking ulo sa kanyang dibdib.

    Nanginig ang balikat ko sa sobrang inis at takot na nararamdaman. Parang gumuguho ito sa aking dibdib at ngayon lang kumawala.

    I don’t want him with anyone else! I can’t imagine his life before me! His life noong mahal niya pa ang Stella’ng iyon! I can’t imagine him being in love with someone else! Kung mainlove man siya sa iba ay sana huwag na akong ipasaksi ng Panginoon non.

    “I am not in love with Stella. We were bestfriends, Rin. Simula pa noong bata pa kami. I missed her noong highschool ako. Kasi nandito na ako sa Cagayan de Oro noon,” banayad niyang sinabi.

    Gusto kong murahin ang sarili ko. Magmakaawa na tama na sa paghikbi dahil gusto kong makinig sa sasabihin ni Hendrix! Ngunit ayaw makinig ng traydor na mga luha!

    “I understand the traditions. The family legacy. I want to uphold it. Because I believe in it. Kaya hindi naging kami ni Stella noong mga panahong dapat naging kami… dahil may ibang babae, Rin. Gusto ng pamilya ko ‘yon. But it didn’t work.”

    Parang punyal na tumama sa aking puso ang bawat katagang sinabi niya. Tumigil ako sa paghikbi. Pinalis ko ang kaonting luha na nagpatuloy sa pagtulo. Bahagya akong kumawala sa yakap niya. Tumango ako nang tumigil siyang magsalita para tingnan akong mabuti.

    “That’s why you think it’s lost love? Kaya noong hindi nag work iyong una, bumalik ka sa kanya?”

    Hindi niya na kailangang umo-o sa tanong ko. Alam ko. Napagtanto ko sa mga sinabi niya.

    “But we didn’t work too. I couldn’t let it.” Umiling siya.

    Kumunot ang noo ko at matapang akong nag-angat ng tingin. I’m determined to know what happened. Or what he meant by that.

    “She’s chinese, right? What happened?” Napalitan ng kuryusidad ang nararamdaman ko.

    “It’s not enough that she’s half-chinese. It’s always not enough for my family,” aniya.

    Kailangang puro? Kailangang walang halong hindi chinese? Paano ako? Sobrang bastarda na ako dahil walang kahit isang patak ng dugong chinese sa mga Montefalco at mga Rivera. For God’s sake, how am I going to survive this whole thing?

    “Is this why you cried that day? You think I’m with Stella?” tanong niya.

    Bumagsak ang tingin ko. Asan ang tapang mo ngayon, Erin Montefalco.

    Humugot si Hendrix ng malalim na hininga at tumingala. Hindi ko na siya kailangang tingnan pa para makitang bumaling ulit siya sa akin.

    Hinawakan niya ang baba ko at pilit na inangat ang mukha ko para magtama ang aming mga mata. Ngunit nanatili ang titig ko sa mga damo sa baba. I don’t want to look at him.

    “Oh… will you please look at me?” napapaos niyang sinabi.

    Ngumiwi ako. Binitiwan niya ang baba ko. Bumuntong hininga ako ngunit nanatili ang mata ko sa baba.

    “You know what? The whole time I was here for high school, I was crushing on you.”

    Nahirapan akong lumunok sa sinabi niya. What did he just said? Huh?

    “Maybe you think this is a little too fast. Yup. Maybe you’re right. This is really fast for you. For me, it isn’t. Para sakin, matagal akong naghintay na magkaroon ng pagkakataon.”

    I am Erin Louisse Rivera Montefalco, sister of Josiah Travis Rivera Montefalco. He is bluffing.

    Umangat ang tingin ko sa kanya. Babarahin ko na sana siya kung hindi ko lang nakita ang mga mata niyang seryoso, mabigat, at punong puno ng ekspresyon.

    “I’m sorry for being too fast. I’m giving you time to think about me. Think about us. I’m not rushing. But this isn’t fast for me. Nine years isn’t fast, Rin.”

    Nine fucking years?

    Parang tubig na rumagasa ang mga alaala sa akin. Lahat ng mga alaala ko tungkol kay Hendrix. Noong highschool ay hanggang sulyap lang ako sa kanya. And all those times? Lahat ng sukli niya sa sulyap ko… ibig sabihin?

    “Why didn’t you court me… way back?” naiiyak kong sinabi. “Fuck!” sabay mura ko sa panibagong batalyon ng luha na tumulo.

    Ngumisi siya sa sinabi ko. I suddenly want to punch him for smiling! Dammit! I’m serious!

    “Do you like me too… way back?” marahan niyang pinunasan ang luha ko gamit ang kanyang daliri.

    Hindi ako makagsalita sa tanong niya. I am not sure if I liked him. Siguro ay sa mga panahong iyon, he caught my attention pero masyadong imposibleng makalapit sa kanya kaya hindi ko na lang pinangarap.

    “You know what’s keeping me from courting you before? You being in love with someone else.”

    Mahapdi na ang mga mata ko sa pinagsasabi niya. This is impossible! He can’t be crushing on me all those times! No way!

    “Evan… Landon… Eion… you were always preoccupied. Kahit suitors.” Umiling siya.

    Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. I still can’t believe it, really. I can’t!

    Nilagay niya sa likod ng aking tainga ang takas na buhok. Huminga ako ng malalim at sa wakas ay nakaramdam ako ng ginhawa pagkatapos ng ilang araw na pamimigat ng damdamin.

    “Pero paano ‘yan…” mahinahon kong sinabi. “I’m not chinese. Not one drop of my blood is chinese, Hendrix.”

    I want him to open his eyes. Sa katotohanang ito. Na hinding hindi mababago kahit ng panahon.

    Ang akala ko noon, nagbabago ang lahat pagkatapos ng mahabang panahon. Ngayon ko napagtanto na may mga bagay pala talagang nakaugat sa pagkatao mo.

    “The legacy you want to uphold won’t let me in your life.” Ngumiwi ako.

    Tumango siya. “I know that.”

    Ang pagbagsak ng tingin niya sa aking kamay ay nagpasakit ulit sa aking puso. Hinawakan niya ang kamay ko, ang bawat daliri ko… like he’s memorizing the lines of my fingers.

    “Are you scared?” mataman niya akong tiningnan.

    Umiling ako at ngumisi. Ang totoo ay takot na takot ako. Hindi pa ako kailanman nakaramdam ng ganito ka tinding takot sa mga mangyayari.

    Ngumisi rin siya sa akin.

    “Brave,” bulong niya.

    Nagkatinginan kaming dalawa. Para bang may gusto siyang iparating sa kanyang mga mata. Hindi niya lang mahanap ang tamang salita.

    “I wish I could find better words to make you stay with me,” aniya.

    Suminghap ako sa sinabi niya. “Hindi ka ba nanghihinayang? I think your relatives like your ex now. I think they’re pro Stella now. It will be easy for you two to get back together.”

    Iritado na ang kanyang ekspresyon habang sinasabi ko iyon. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa aking mga daliri.

    “You know… Now that they like her na… She’s not anymore your the-one-that-got-away…”

    Natigil lang ako sa pagsasalita nang hinawakan niya ang pang-ibabang labi ko at diniin ng bahagya. Parang pinipigilan akong magsalita.

    “Are we official yet?” Marahan niyang sinabi.

    Pakiramdam ko ay tumigil sa pagpintig ang puso ko sa tanong niya.

    “I-I thought di ka n-nag m-mamadali?”

    For goodness sake! Hindi ko na alam kung paano magsalita ng maayos!

    “Oh! My bad…”

    Kinagat niya ang pang-ibabang labi niya at tumingin sa aking mga mata. Binaba niya rin ang kamay niya galing sa aking labi.

    “T-That’s okay…” bumaba naman ang tingin ko sa aming mga kamay na magkahawak ulit.

    “I am in love with you, Erin. Please stay with me… whatever happens.”

  • Kabanata 31Open or Close

    Kabanata 31

    Jealous

    Hindi ako makatulog nang bumalik na ako sa kwarto. Mag-uumaga na rin at marami akong iniisip kaya mas lalo lang tuloy akong hindi dinalaw ng antok.

    I’m in love with Hendrix too. Kaya lang ay ayaw kong magpadalos-dalos ngayon. Hindi ko maipagkakaila na sariwa pa sa lahat iyong nangyari sa amin ni Eion kahit na apat na buwan na ang nakararaan.

    Nagpatuloy ang tungo namin sa isa’t-isa. Sinusundo niya ako minsan sa school pag may oras siya. Minsan naman ay sabay kaming nag ji-gym.

    Nasa gitna ako ng party ni Kuya Justin sa Sentro 1850 nang nagtext siya sa akin.

    Hendrix:

    Is the party over yet?

    Luminga ako sa buong venue. Si Tito Exel ang nagsasalita sa gitna. Patapos na ang party at tahimik ang lahat na nakikinig sa speech niya.

    Nagkasundo kami ni Hendrix na pumunta sa High Ridge ngayong gabi at doon na siya magdi-dinner. Binaba ko ang cellphone ko sa ilalim ng mesa dahil bumaling si Kuya sa akin.

    Ako:

    Can you please eat your dinner now? Tapos na nga akong mag dinner dito. Snack na lang tayo sa High Ridge.

    Pumalakpak ang mga tito at tita ko pagkatapos magsalita ni tito Exel. Naka wheel chair siya at may nurse na dala. Hindi parin kasi siya nakakarecover. Kailangan pa yata nilang magpa heart rehab sa Manila.

    Natapos ang party. Nagpaalam si Kuya at Ate kay mommy at daddy na lalabas muna kami. Hinayaan ko ang dalawang magpaalam kahit na hindi naman talaga ako sasama sa kanila.

    “Bye!” Ngumiti ako at sinarado ang pintuan ng front seat kung nasaan si mommy at daddy.

    “Uwi kayo agad, ha?” bilin ni daddy kay Kuya.

    Kumaway ako sa kanila nang tumulak na ang mga ito pa kalsada. Sinundan ko ang tingin ng sasakyan namin nang nakita ko ang pamilyar na Alterra na naka park malapit lang doon sa kinatatayuan namin.

    Bumaling ako kay Ate at Kuya Josiah na parehong patungo na sa aming sasakyan kung nasaan si Azi, Hannah, Julia, at Liza. Nagtatawanan ang mga kaibigan ko habang kausap si Azi.

    “Ate! Mauna na kayo. Susunod lang ako!”

    Hindi na ako naghanap pa ng kumpirmasyon at dumiretso na ang lakad ko patungo sa Alterra.

    Nakita kong bumukas ang front seat ng Alterra nang palapit na ako. Sinalubong ko ang door handle at agad kong binuksan para makapasok sa loob. Nalanghap ko ang amoy lemon atr strawberry na pinaghalo ng kanyang sasakyan nang nakapasok na ako.

    “Nag paalam ka?” tanong ni Hendrix habang pinagmamasdan sa harap namin ang sasakyan ni Kuya.

    “Yup.” Tumango ako. Mabilis parin ang pintig ng puso dahil sa pagmamadali.

    “Sa parents mo?” tanong niya.

    “Uh…” Ngumiwi ako. “Yup. Nagpaalam si Ate at Kuya na lalabas muna kami.”

    Tumango si Hendrix at agad pinaandar ang sasakyan. Nilingon ko siya, seryoso ang mukha.

    “Hindi ka nag dinner dahil may dinner date tayo ngayon sa High Ridge?” tanong ko.

    Tumango siya. “I’m fine. I’m not really hungry, anyway.”

    “Kahit na! Sana ay kumain ka na lang kahit konti! I won’t get mad. At isa pa, kumain na ako sa birthday ni Kuya Justin.”

    Sa dami kong sinabi ay pakiramdam ko ako lang ang nagpapaingay sa buhay niya. Umirap ako sa sarili ko.

    “I told you magdidinner ako kasama ka. So mag didinner ako kasama ka,” he said.

    Oh my God! I get it! He’s always true to his words. Kung ano man iyong nalaman ko tungkol sa kanya sa ilang buwan naming “pagkakaibigan” ay iyon ‘yon. He’s true to his words.

    “Fine!” sabi ko.

    Tahimik na ulit kaming dalawa. Ang dami ko pa namang naiisip na itanong kaya lang ay pinipili ko na lang ang mga salita ko. Mamaya ay maingayan pa siya sa akin.

    Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang pagsulyap niya sa akin.

    “How was the party?” tanong niya.

    “Okay lang,” tipid kong sagot.

    Sumulyap ulit siya sa akin. Nanatili akong tahimik.

    “You mad?” nag aalinlangan niyang tanong.

    Umiling ako at bumaling sa kanya. Nakapagtataka ang tanong niya.

    “Why are you silent then?” Nanatili ang mata niya sa kalsada.

    “Hindi naman. I just think masyado akong madaldal… you don’t like it.”

    Napatingin ako sa labas. Naisip ko tuloy kung madaldal ba iyong mga naging ex niya.

    “Are you crazy?” natatawa niyang sinabi. “That’s how I like it.”

    Pakiramdam ko ay nag yelo ako sa kinauupuan ko. Hendrix Ty! Nakakainis ka talaga minsan! Hindi ko lang alam kung bakit ako biglaang naiinis at pinag iinitan ng pisngi sa sinabi niya. Mas lalo lang tuloy akong nanahimik.

    Nabasag lang ang katahimikan nang tumunog ang kanyang cellphone. Naka konekta iyon sa stereo tuwing nagda-drive siya kaya isang pindot lang ay naririnig na naming dalawa ang tumatawag.

    “Hendrix…” malalim ang boses ng kanyang daddy nang sinagot iyon.

    “Yes, dad,” ani Hendrix.

    “Naipasa mo na ba sa aking email iyong mga reports sa farm? I need it for tomorrow para malaman ko kung magkano lahat ng liabilities.”

    “Yes, dad. Nasa email mo na iyon. Pati iyong nareceive kong limang bagong Isuzu. Hindi pa nahahatid sa display. Bukas pa ihahatid.”

    “Kamusta iyong preparations sa birthday ni Klare? Ayos na ba ang lahat?”

    “Opo. Kumuha na po ako ng organizer. Maayos na ang lahat.”

    “Make sure, okay? Pupunta kaming lahat diyan. At pag nandyan kami, please treat your Ahma right. Alam kong may di pagkakaunawaan sa inyo noon.”

    Nakita kong umigting ang panga ni Hendrix sa sinabi ng kanyang daddy.

    “Matagal na iyon, dad,” iyon lang ang tanging naging sagot niya.

    “Hope you’re happy now. I’m sorry for what happened years ago. I know malakas ang impact sayo noon. I admire you for choosing what’s right and now you deserve a reward.”

    Kumunod ang noo ni Hendrix sa sinabi ng ama niya. Para bang may hindi siya makuha doon. Parang may hindi maintindihan.

    “I’m fine, dad. Don’t worry about me. I have to go now… May gagawin pa po ako.”

    “O-Okay then. I’ll call again tomorrow. Please take care of your brother and sister.”

    “Always,” aniya bago pinindot ang cellphone para matapos ang tawag.

    What happened years ago? May hindi sila pagkakaunawaan ng kanyang Ahma?

    Nakarating na kami ng High Ridge. Kaonti na lang ang tao doon. Siguro ay dahil weekdays at malalim na masyado ang gabi.

    Sabay kaming bumaba ng kanyang sasakyan. Sinuyod ko ang looban kung nasaan may iilang pamilyar na mga mukha sa di kalayuan.

    “Let’s go…” ani Hendrix sabay hawak sa kamay ko.

    Tumango ako at hinayaan siyang hilahin ako papasok ng restaurant.

    Sinalubong kaagad siya ng isang waitress na naglalahad ng menu. Tinuro ng waitress ang isang upuang nasa dulo.

    Sumunod si Hendrix sa sinabing upuan. Nasa likod niya ako, tinitingnan ang paligid.

    Namataan kong grupo ng mga kilalang intsik iyong nakaupo sa kabilang table. Nakatingin kaagad silang lahat sa amin. Karamihan sa kanila ay babae. Kitang kita ko ang pagtatanong ng kanilang mga mata habang hinahawakan ni Hendrix ang kamay ko.

    Instinct ang nagpabawi sa akin sa kanyang kamay. Para bang ayaw ko ng pinagtitinginan kaming dalawa habang naglalakad kaya tinanggal ko ang kamay ko sa kanya.

    Naalis ang tingin ng mga babae sa amin at nag-usap sila ng pabulong. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko at bumaling kay Hendrix. Nakakunot ang kanyang noo ay nilahad ang isang upuan sa akin.

    Umupo ako roon at hinintay siyang maupo na rin sa harap ko. Sa kaliwa namin ay ang kabuuan ng Cagayan de Oro. Nadedepina ang bawat building at kalsada sa mga nagtitingkarang ilaw ng syudad. Umihip ang malamig na hangin galing doon. I shivered. Hindi kaya ng tube top dress ko ang lamig ng hangin na nanggagaling sa syudad. Kahit na nag suot na ako ng cardigan.

    Sinabi ni Hendrix ang order naming dalawa. Hinintay ko munang makaalis ang waitress bago siya sinalubong ng tanong.

    “Kilala mo ba iyang mga babae sa kabilang table?” tanong ko nang di nililingon ang pang maramihang lamesang inuukupahan ng mga babaeng intsik.

    Tumango siya. “Some of them. Batchmates ko kasi iyong iba,” sagot niya.

    “Nag-iisip siguro sila kung tayo na ba.” Ngumiti ako. “Baka iniisip nila hindi tayo bagay. I’m morena and so not chinese. You’re fair and chinese.”

    “Don’t mind them… Wala silang magagawa.”

    Tumango ako at nanahimik na lang. Nag serve ng tubig ang waitress at pagkatapos ay umalis na rin.

    “Hindi ka ba papagalitan ng Ate at Kuya mo na sumama ka sakin?” tanong niya.

    Umiling ako. “Si Kuya siguro magtatampo. Hanggang doon na lang iyon.”

    Ngumiti siya. “Hindi ako nagtatampo pag may lakad si Klare at Elijah. Your brother is jealous.”

    “He’s not usually like that. ‘Tsaka lang pag nakikita niyang seryoso ako.”

    Nagtaas ng kilay si Hendrix sa akin. Tumitig siya at nagtaka tuloy ako kung may nasabi ba ako.

    “So you are serious? Akala ko ay pinaglalaruan mo lang ako.” Tumawa siya.

    “Huh?” Uminit ang pisngi ko. “Bakit ako maglalaro?”

    Tumango siya at nangingiti. Nakakainis ‘to! “Anyway, are you ready for Klare’s birthday?”

    Tumango rin ako sa tanong niya. “Pupunta diba ang buong pamilya mo galing Davao?”

    “Yup. ‘Yong iba lang sa kanila. Most of the Tys.”

    Kumunot ang noo ko sa pagkakalito. Nang nasa Davao kami ay ang sama ng pakikitungo ng mga Ty kay Klare, ngayon ay parang importante na ang tungo nila sa kanya.

    “Hindi ba galit ang Ahma mo sa kay Klare?”

    “Noong pumunta tayo ng Davao. I’d like to think she wants to apologize to Klare kaya sila naghanda para sa party niya.”

    “Nagkagalit din kayo ng Ahma mo noon?”

    Napaangat ang tingin niya sa akin. Dumating ang waitress para i-serve ang aming pagkain. Mag di-dinner siya samantalang mag s-snack lang ako.

    “Yup. But we’re okay. I think we’re okay now.”

    “Bakit kayo nagkagalit noon?” tanong ko. I feel like I’m too curious. Dapat ay tinikom ko na lang ang bibig ko.

    “Because of… well… Stella. They disliked her for being half chinese.”

    There! Sabi na nga ba! Alam kong ito ang dahilan pero hindi parin ako naliliwanagan hanggang ngayon. Nanahimik ako. Hinayaan kong kumain muna kami ‘tsaka ako muling nagsalita.

    “Kaya mo iniwan si Stella?” tanong ko.

    Tumango siya.

    Shit! Sa tango niyang iyon ay nawalan ako ng lakas para magsalita ulit. Nanahimik ako at nanatili ang tingin ko sa sandwich.

    Natagalan pa ako sa pagkain dahil sa dami ng iniisip. Siya naman, nang natapos ay kinuha ang cellphone at nangingiti pa akong kinuhanan ng picture.

    “Hendrix!” saway ko.

    “I need pictures of you!” giit niya at nilayo ang cellphone sa akin para hindi ko iyon makuha.

    “Bakit? Don’t post it on Facebook!” sabi ko.

    “It’s just your lips. Don’t worry!”

    “So you’ll post it?” halos mapasigaw ako na natatawa.

    Hindi siya nagsalita. Nanatili ang mata niya sa kanyang cellphone. Pumikit ako ng mariin at umiling. He will post it, I’m sure!

    Sa kalagitnaan ng pagkuha niya ng picture sa akin ay may dalawang babaeng lumapit.

    “Hendrix!” tawag ng isang intsik.

    Napawi ang ngiti ko at bumaling sa dalawang babae. Tumango si Hendrix sa dalawang palapit. Tingin ko ay ito iyong batchmates niya. Parehong sobrang puti at chinita ang dalawa. Ngumiti sila kay Hendrix at kumaway na rin.

    “Kamusta ka na? Long time no see!” Sumulyap ang babae sa akin.

    “I’m fine, Min. By the way, this is Erin. Erin, classmates ko noon sa Xavier, Carmina and Jerica.”

    Ngumiti ako sa dalawa. Ngumiti din sila pabalik sa akin ‘tsaka bumaling kay Hendrix.

    “Pinapatanong ng pinsan ko kung kamusta ka na raw. Kailan daw ang balik mo ng Davao? Miss ka na non, for sure!” ngiti noong Carmina.

    Sinong pinsan kaya iyon? Nanatili ang tingin ko sa shake at sumipsip ako ng kaonti habang nakikinig.

    “I’ll see. Babantayan ko kasi si Klare. Her family’s here so-“

    “Naku! Tanda na ni Klare. Kaya na noong mag-isa. Miss ka na ni Stella.”

    Halos masamid ako sa iniinom kong shake. Naramdaman ni Hendrix ang reaksyon ko. Nakita ko ang pagsulyap niya sa akin.

    “We saw each other the last time I went home. Sa Debut ni Cristine.”

    “Alam ko! It’s all over Facebook! Ang saya nga niya sa nangyari. Baka magbakasyon ‘yon sa bahay namin ngayong sembreak.”

    Tumango si Hendrix. “Magbabakasyon din siguro kami ng Surigao for some days…”

    “Talaga? So Hindi kayo magkikita? Sayang naman kung ganoon.” Bumaling ulit ang Carmina sa akin bago kay Hendrix muli. “Well then… see you around na lang. I text mo siya. Miss ka na ng bestfriend mo!”

    “Sige.” Ngumiti si Hendrix at tumango.

    “We gotta go now, Hendrix.”

    Kumaway iyong Carmina at iyong kasama niyang si Jerica kay Hendrix bago umalis. Sinundan ko sila ng tingin at nakita kong umalis na rin sila ng mga kasama nila.

    Humugot ako ng malalim na hininga. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang magiging reaksyon ko. Nanatili na lang ang mata ko sa shake.

    “I’m sorry for that.” Panimula ni Hendrix.

    Umiling ako at ngumisi.

    Walang problema sa nangyari. That’s normal. Normal na ganoon ang reaksyon ng iba. Wala siyang ginagawang masama kaya hindi dapat ako nagtatampo.

    “That’s okay. Walang problema.” Nilingon ko ang city lights. “I’m done with my food now. Maybe we should take a picture of the view?”

    Tumayo ako at kinuha ang cellphone ko para makakuha ng picture. Mas maganda kung nasa gitna kaya kailangan naming pumunta doon. Lilibangin ko na lang ang sarili ko para makalimutan iyong nangyari. That’s okay, Erin. That’s nothing.

    Tumayo rin si Hendrix pero hinayaan ko na lang siya. Nanatili ang mata ko sa cellphone habang naghahanap ng magandang angulo. Naglakad pa ako patungo sa center para makuhanan ang kabuuan.

    “Ang ganda!” sabay hilig ng katawan ko sa railings.

    Nakita ko ang magkabilang kamay ni Hendrix na nakahawak sa railings. sa magkabilang gilid ko ay kinulong niya ako sa kanyang mga kamay.

    “Yeah…” bulong niya sa likod ko.

    Ngumiwi ako at binaba ang aking cellphone. Hindi na ako makagalaw sa ginagawa niya.

    “Can I hear your thoughts, please?” bulong niya.

    “What thoughts?” tanong ko pabalik.

    “Please turn around…” malambing niyang sinabi.

    Naestatwa pa ako saglit bago ko tinalikuran ang Cagayan de Oro para maharap siya. Humalukipkip ako. His eyes were full of emotions. Para bang dahil doon ay sumasakit ang puso ko.

    “That’s okay. It’s normal. You two are best friends. You know… I understand.”

    “Really? That’s all, huh?”

    Hindi ako makatingin sa kanya. Hinahanap niya ang mata ko. Umirap ako at humalukipkip.

    “That’s all. I’m trying to understand the situation here. Medyo mahirap pero kaya ko naman.”

    “That’s all? Please tell me everything. Erin, ang tagal kitang pinangarap. If you’re… falling for me now, I’ll do everything to keep it that way. I don’t want you to be upset… tapos hindi mo na ako magustuhan.”

    Literal na may humaplos na sakit sa aking dibdib. Gustong-gusto kong magmura sa nararamdaman pero mas nangibabaw ang pagkamangha ko.

    “Hey…” hinaplos niya ang pisngi ko. “Did you tell me everything?”

    Tumango ako. “And… I’m jealous.”

    Pumungay ang mga mata niya. Kinagat niya ang pang ibabang labi para magpigil ng ngiti pero hindi siya nagtagumpay. Tinagilid niya ang ulo niya.

    “Really?”

    Umirap ako sa kanyang reaksyon kaya humalakhak siya.

    “My crush confessed!” Tawa niya.

    “Ewan ko sayong intsik ka!” iritado kong sinabi sa pagiging maligaya niya dahil doon.

    Hinampas ko ang dibdib niya. Hindi ako makawala sa kanyang braso. Kinurot niya ang ilong ko kaya hinampas ko ulit siya.

    “You shouldn’t be jealous, you know. You really shouldn’t be…” aniya na para bang may hindi pa ako nalalaman sa kanyang nararamdaman.”

  • Kabanata 32Open or Close

    Kabanata 32

    Pighati

    Hindi ko man ipahalata ay kabado ako mga araw pa bago ang kaarawan ni Klare. Naging mas busy rin si Hendrix sa kanyang mga ginagawa. Magbabakasyon ang kanyang daddy kaya kailangan gawa na ang lahat ng trabaho sa buwan na iyon. He is determined to finish the work too kaya sinuportahan ko na lang.

    Natataranta ako kahit sa pinakamaliit na detalye sa susuotin ko sa birthday ni Klare. Ang sabi ni mommy ay hindi niya daw nagustuhan na nanguna ang mga Ty sa celebration na ito, pero wala na kaming magagawa. It’s her lola’s way of saying that she’s now welcome in their family. Welcome nga ba? People don’t change overtime. But well, let’s give it a try. Mabilis din naman kasing mag bago ang isip ng mga tao, ito siguro ang nangyayari ngayon.

    “Ano bang ginawa niyo last birthday mo?” Hendrix asked.

    Nagkakape kami ngayon sa isang coffee shop. Katapat niya ang kanyang laptop at ganoon din ako. Siya, ginagawa ang reports ng negosyo. Ako naman ay ginagawa ang thesis namin. Biglaan niya lang tinanong sa akin pagkatapos tumawag ng kanyang mommy para kumustahin ang preparasyon.

    Tumingala ako para mag isip sa ginawa ko noong birthday ko. I remember it clearly. Ang tanging ginawa ko sa araw na iyon ay ang magbabad sa gym. Sa gabi ay kumain kami sa labas ng pamilya ko at nag-inuman at iyon lang ang naalala ko.

    “Dinner and booze at night,” sabay balik ng tingin ko sa kanya.

    “In the morning?” nagtaas siya ng kilay.

    Ngumuso ako. “Nasa gym ako.”

    “Nasa gym ka,” malamig niyang sinabi.

    Matalim niya akong tinitigan. Para bang nagsisimula siyang mapikon. Hindi ko nga lang alam kung kanino siya napipikon at bakit?

    “What’s wrong?” tanong ko nang nalilito sa reaksyon niya.

    “Talagang nasa gym ka the whole time noong nasa Davao ako?”

    “I’m just that bored those weeks. That’s all.” Hindi ako makatingin sa kanya pagkatapos kong sabihin iyon.

    “You were hoping I was there.” Natatawa niyang sinabi. “I’m sorry. You should’ve told me. Palagi ka kasing nagtataray sa akin. I thought you don’t like me around.”

    Umirap ako. Pakiramdam ko ay pinapamulahan ako ng pisngi sa pinagsasabi niya ngayon. “Please, Hendrix…”

    Tumawa siya at hinawakan ang batok ko. Inayos niya ang buhok kong nakadikit doon.

    Nanatili ang tingin ko sa aking laptop habang siya ay hindi na muli makatingin sa kanya. All he did was stare at me. Hindi ko na lang sinaway at hindi ko na lang rin kinausap.

    Engrande ang naging birthday ni Klare. Kabado ako habang tinatanaw ang pagdating ng bawat kamag-anak nina Hendrix. Kanina nang kami pa ay maingay at maraming tawanan pero simula nang tumapak sa carpet ng pa isa-isa ang mga Ty, naging tahimik na ang buong hall.

    Dumating din ang isang sikat na pamilya ng mga intsik dito sa Cagayan de Oro. I then wondered what they’re doing here. Nilingon ko si Hendrix na naroon sa tabi ng kanyang mommy. Napatingin din siya sa akin. Parang alam niya ang pinagtataka ko.

    Nawala lang ang tingin niya nang nagkamayan sila noong isang matandang intsik.

    “The Cos are here,” sabay siko ni Claudette sa akin.

    Iyon pala sila. Hindi ko kaagad nakilala ang iilang schoolmates namin na naroon. Mas bata lang ng ilang taon. May isa ding ka age namin.

    “Is that Gavin Co?” tanong ni Ate Chanel habang tinuturo ang isang pamilyar na lalaki.

    Tahimik ang naging party. Parang bumabaliktad ang sikmura ko habang pinapanood si Klare na nahihirapang makisama sa gusto ng kanyang mga relatives. Si Gavin Co ang naging escort niya.

    “God, if Elijah’s here…” Umiling si Azi habang kumakain kami.

    Tahimik na lang din kami sa aming lamesa. Pinapanood ko ang itsura ni Tita Helena na medyo hindi kumportable. I suddenly got curious about her relationship with tito and Klare’s papa.

    Paano kaya nangyari iyon?

    Nilingon ko si Hendrix na makisig parin sa suot niyang all black suite habang kinakausap ang mga panauhin sa kanilang lamesa. It must’ve been hard for him. Growing up in a family like that. Siya na nga ang tambakan ng lahat ng trabaho, baka nagkagulo pa noong nalaman ng kanyang mommy na may anak ang daddy niya sa labas. All I know is that he’s here for Klare, simula pa lang noong high school. I admire him for that. Na hindi siya nagtanim ng galit sa kay Klare kahit na nag-aaway na ang mga magulang nila para rito.

    Medyo may tensyon sa party ngunit naibsan din naman nang pinili ng Ahma nilang bumalik sa lamesa. Kaswal ang tungo ng kanilang pamilya kay tita Helena. They are classy. His mom is… classy. Kitang kita ko na kahit na may tensyon ay hindi umabot sa kung ano.

    Napatingin iyong mommy niya sa akin bago sila tuluyang umalis. Para akong nawalan pansamantala ng kakayahang huminga.

    Matangos ang ilong ng kanyang mommy at hindi rin gaanong intsik ang mga mata. Kasing puti ng papel ang kanyang kutis at mamula mula ang kanyang pisngi. Parehong matangkad ang kanyang mommy at daddy. I wonder if they’re strict or not.

    But then the party ended peacefully. Iyon nga lang ay nang natulog kami sa hotel na iyon, hindi namin maiwasan ang topic na baka ireto si Klare sa isang intsik.

    “You told me that half-bloodeds are not much of an asset. It won’t happen,” sabi ko kay Claudette nang igiit niya na maaring mangyari iyon.

    “Klare won’t do that.” Iling ni Ate. “Sa dami ng pinagdaanan nila ni Elijah, bibigay siya dahil lang sa mga Tys? I get that they’re her family, pero…” Umiling siya, hindi makahanap ng isusunod. “I don’t get it. Hindi niya talaga iyon magagawa. Tayo ngang mas matagal niyang itinuring na pamilya, nakaya niyang suwayin para kay Elijah, iyong mga Ty pa kaya?”

    “You’ve got some point there, Chan…” ani Damon. “We’ll see.”

    Nilingon ko si Klare na ngayon ay tulog na tulog na sa kama. Tama si Ate. Hinding hindi magagawa ni Klare iyon.

    Gayunpaman ay hindi parin nila magawang ipagkaila ang pagdududa nila sa nangyayari. What if she’s offered acceptance in exchange of what she wanted. And knowing Klare, knowing the damages this brought her, alam kong nangangarap siyang matanggap ng pamilya. Sa Montefalco man o sa Ty. Nangangarap siyang may isang pamilya diyang susuportahan siya sa kahit anong gusto niya.

    We have failed in supporting her years ago. Now, we won’t. Sana lang ay pati ang mga magulang namin ay matanggap. Hindi nila kailangang intindihin. Ang dapat lang ay tanggapin. After all, acceptance and understanding are different things.

    Kinaumagahan ay nagreklamo ang mga pinsan ko sa sakit ng ulo. Nagka hang over sila dahil sa ininom kagabi kaya gusto nilang maligo ng pool ngayon. Of course, I want pools and beaches so di ako makatanggi.

    Nagtipa muna ako ng sasabihin kay Hendrix bago ako dumiretso sa pool.

    Ako:

    Good morning! Maliligo kami ng pool ngayon.

    Iniwan ko ang aking cellphone sa lamesang katabi ng sun lounger. Patungo na raw si Klare dito at ang mga pinsan ko ay pare parehong nasa pool na.

    “Here I come!” sigaw ni Kuya habang nasa baywang niya ang dalang bibeng salbabida.

    Tumalon siya sa pool at isang malaking splash ang sumabog sa amin.

    “Ano ba ‘yan!” iritadong sinabi ni Ate kay Kuya.

    Ganoon din ang ginawa ni Azrael kaya nagsimula na sila sa tawanan. Habang nagtatawanan sila ay kitang kita ko ang paglapit ni Hendrix, Klare, at Pierre sa pool.

    Sumisid ako ng matagal sa ilalim para makalapit kay Azi at Rafael. Sa ilalim ay hinawakan ko ang mga binti ni Azi kaya panay ang mura niya sa gulat.

    “Erin!” sigaw ni Azi sa akin.

    Humagalpak ako sa tawa dahil sa gulat niya. Binasa ko siya ng tubig.

    “You’re such a pussy!” sabi ko sabay irap.

    “Whatever. Meow! Just don’t do it again!”

    Mas lalo lang akong humagikhik. Bumaling ulit ako sa kung nasaan si Klare at ang kanyang mga kapatid. Hindi ko na nakita si Hendrix doon. Luminga na lang ako para mahanap siya kung saan ngunit nabigla ako nang galing sa tubig ay umahon siya!

    “H-Hendrix!” nautal ako sa bigla.

    Naramdaman ko ang pag alis ni Rafael at Azi sa likod ko. Mukhang nilapitan nila si Ate na ngayon ay kakausapin yata si Klare dahil sa dami ng tanong sa utak. I don’t have questions, though. Klare won’t do stupid things. But if she did, I’m going to drag her ass back to Elijah. Bakit? Syempre dahil pagkatapos ng lahat lahat ng ito, bigla na lang palang aayaw siya? Sana noon pa siya umayaw kung ganoon! At this point, there’s no turning back for me. Tinanggap ko ng sila, dapat ay sila nang talaga!

    “Good morning!” ngiti niya.

    Halos mapamura ako sa pagtindig ng balahibo ko sa bati niya. I hate how straightforward he is sometimes. Para bang wala siyang pakealam sa paligid niya.

    Bumaling ako sa mga pinsan kong may pasulyap sulyap sa amin kahit nag-uusap usap.

    “I missed you last night.”

    Naramdaman ko ang hawak niya sa aking baywang. Mas lalo lang uminit ang pisngi ko at agad akong lumayo sa kanya. The feel of his hands on my skin makes me feel high. Pakiramdam ko ay libo libong boltahe ang kumukuryente sa akin.

    Nagtaas siya ng kilay at ng mga kamay. Defensive sa ginawang kilos.

    “Don’t do that! Nakatingin sila,” sabi ko.

    “So… I can do that when they’re not watching? Erin, delikado ang hinihingi mo sa akin,” humalakhak siya.

    Mas lalo lamang uminit ang pisngi ko kaya binasa ko siya ng tubig. “Ewan ko talaga sayo!”

    “It’s better to do that in the open. Not when we’re alone!” natatawa niya paring giit.

    “Shut up, Hendrix!” sabay irap ko.

    Nakakainis. Hiyang hiya tuloy ako sa sinabi ko sa kanya. Pakiramdam ko ay halatang halata niya na na patay na patay ako sa kanya. Dammit!

    Linangoy ko ang layo ng gitna patungo sa malayong gilid kina Klare. Ganoon din ang ginawa niya kaya nang umabot ako doon ay naroon na rin siya.

    Hinanap niya ang mata ko nang di ako tumitingin sa kanya. Matalim ko siyang tinitigan nang nahanap niya iyon. Humalakhak lang siya. Parang tuwang tuwa sa nangyari.

    “By the way, saan kayo mag babakasyon this semestral break? That’s three weeks. I’m sure you guys want a get away.” Pormal na ang tono niya sa ngayon.

    Nag kibit ako ng balikat. “I don’t know. Elijah’s still in Manila. Parang walang plano ang mga pinsan ko.”

    “We’re going to Siargao with the whole family,” aniya.

    Binigay ko na sa kanya ang atensyon ko. “Ilang araw?”

    “Hmmm. Say four to five days? I don’t know. Isasama namin si Klare.”

    Tumango ako. Dammit, I’m gonna miss him again!

    “Wanna join us?” tanong niya.

    Agaran ang iling ko.

    Alam ko ang gusto niyang iparating sa akin. Gusto niyang maramdaman ko na kaya niyang ipakilala ako sa kanyang pamilya. But then… in truth… it’s not going to be easy. Nothing’s going to be easy.

    “Baka magbakasyon din kami. At isa pa, t-that’s your family’s bonding. I shouldn’t be there.”

    Wrong. Hindi ako matatanggap doon. Iyon ang totoo.

    “We have no plans after Siargao. Do you want to go somewhere else?” tanong niyang ikinabigla ko.

    Nag-isip ako ng gusto kong puntahan. Marami. Pero inunahan niya ako.

    “Naka pasyal ka na ba ng Davao? The last time you went there, you really didn’t enjoy it right? Sa hotel lang kayo namalagi noon. You want to visit the places there?”

    Ngumisi ako. “May mga beaches ba? I love beaches.”

    Ngumiti din siya. “Mayroon. Okay, then…” aniya kahit na wala pa akong sinasabi.

    Kumunot ang noo ko at sinundan siya ng tingin. I don’t know what he meant by that pero hinayaan ko na lang.

    Nang tumaas na ang araw ay nagdesisyon na rin kaming umahon, magbihis, at mag check out na rin. Tutal ay naenjoy na namin ang pool. Pinulupot ko sa aking katawan ang bathrobe. Hinanap ko si Hendrix at nakita kong may kausap na siya sa cellphone. We looks amazed by what the caller told him. Natigilan siya at parang nangingiti.

    Who could be the caller? His parents are here.

    “Tara na! Nilalamig na ako!” ani Ate Chanel sabay siko sa akin.

    Tumango ako at sumunod na lang sa kanila. Nauna na si Hendrix sa paglalakad habang kausap iyong nasa cellphone niya.

    “Tara, Rin!” iritado nang sabi ni Ate nang napansin ang pagsunod ko ng tingin.

    The next days were normal for me. Kahit na nagkanda problema na ang mga pinsan ko sa mga nangyayari nitong mga nakaraang araw, walang nagbabago sa amin ni Hendrix.

    Nag sleep over ang mga pinsan ko sa bahay nang nagkaproblema si Klare. Sinundo lamang siya ni Hendrix sa araw na iyon para makauwi na si Klare sa kanila. And… the stupid me expected that because it’s a weekend, siguro ay mag ji-gym kami sa araw na iyon.

    Ako:

    I’m done. Just text me when you’re coming over na…

    Nakapagbihis na ako ng pang gym na damit. Naka sintas na rin ang sapatos ko at nasa bench na ako sa front yard para maghintay kay Hendrix sa ngayon.

    He didn’t reply to my texts. Siguro ay nakatulog o ano? Baka magigising lang iyon ngayon kaya hindi na ako nag text ulit.

    Nahihiya talaga akong mag flood ng texts sa kanya. Pakiramdam ko, I’m bothering or annoying him if I did so hinayaan ko iyong text kong iyon.

    Inisip ko tuloy kung sira ba ang network o talaga ba kayang na send iyon? Maybe another the same text won’t hurt? So I texted him that same message again.

    Kalahating oras pa ang hinintay ko ngunit hindi parin siya dumating. Binuksan ko ang aming gate para magsimula nang maglakad palabas ng Morning Mist.

    Kahit sa paglalakad ay nagawa ko paring sulyapan ang cellphone ko para makahanap ng text niya. So far, ito ang pinaka late niyang pagpunta sa bahay.

    Nang nasa labas na ako ng village, inisip ko pang lalakarin ko ba patungo ang Hillsborough, kung nasaan ang bahay nila o sasakay ako ng jeep para maihatid na lang ako diretso sa gym.

    Luminga ako sa magkabilang side na pwedeng daanan at sa huli ay nagpatalo ang utak ko sa puso. Sinunod ko ang patungong Hilssborough.

    Nalibang din naman ako dahil cardio na rin ang paglalakad. At least hindi sayang ang paglalakad ko patungo sa kanila.

    Pumasok na ako sa Hillsborough ‘tsaka ko pa lang naalala na nasa bahay nga pala nila iyong Ahma niya. Would she throw me out pag nakita niya ako? Well, she won’t kasi nasa labas lang ako. Hinding hindi ako papasok sa bahay nina Hendrix. Not when his Ahma’s there.

    Lumiko na ako sa street nila. Sa malayo pa lang ay tanaw ko na ang naka park na kulay pink na Suzuki Celerio sa tapat ng kanilang bahay. Binalewala ko iyon. Nagpatuloy ako sa paglalakad.

    Nang nakalapit ako ay nakita kong gumalaw iyong matayog nilang gate at may lumabas doon na isang maputi at payat na babae.

    Natigil ako sa paglalakad. Siguro ay limang metro na lang ang layo ko sa babae nang natanaw ko kung sino iyon.

    Pinatunog niya ang kulay Pink na Celerio at binuksan niya ang pintuan sa driver’s seat. May kinuha siya doong isang box na may print sa kada gilid ng mga cupcakes. Para akong nalagutan ng hininga nang ngumiti siya at tumingin sa kung sinong tao sa gate.

    Her lips parted and she flashed a perfect smile. Sinarado niya ang pintuan ng kanyang sasakyan gamit ang kanyang baywang bago nagmadali pabalik sa bahay nina Hendrix.

    That was Stella Althea Singson. And she’s with Hendrix!

    Ang tagal kong naramdaman ang sakit. Tila ba sa sobrang gulat ay hindi pa muna ako agad nasaktan. Para bang pinroseso muna ng utak ko ang nangyari bago ko naramdaman ang kulog at pighati sa aking sistema. Fuck!

  • Kabanata 33Open or Close

    Kabanata 33

    Scary

    Hindi ako tumuloy sa pag ji-gym. Lumabas ako ng village nila at naglakad ulit pabalik sa bahay. Habang naglalakad ako ay hindi na ako makaramdam ng kahit ano. Namamanhid at natutulala parin ako.

    Para akong robot na dire diretso ang lakad sa aming bahay. Nag bihis na lang ako ng ibang damit. Aalis ako dito sa bahay at baka pumunta na lang ako kina Claudette.

    Pagkatapos kong magbihis ay nakita ko ang cellphone kong may isang mensahe galing kay Hendrix. Kakarating lang nito.

    Hendrix:

    I’m sorry for the late reply. May inutos si Ahma sa akin. I’ll prepare now. Are you still there?

    Nakita ko rin ang limang missed calls galing sa kanya.

    Matinding galit at pagtatampo ang naramdaman ko. He didn’t even bother to tell me na iyong utos ng Ahma niya ay ang ientertain si Stella. Or inutos ba talaga iyon ng Ahma niya? Hindi niya na kailangan pang pumunta dito para i-prove sa akin na wala lang iyon o kaya niyang balansehin ang oras niya sa aming dalawa ni Stella.

    Nagtipa agad ako ng reply habang palabas na ulit ng bahay. Isang taxi ang kakagaling sa kabilang street at lumiko sa amin. Agad ko itong pinara at binanggit ang address ng village nina Claudette.

    Ako:

    Hindi na. Ayos lang. Akala ko kasi di na tayo tuloy. Umalis na lang ako ng bahay. Punta lang ako sa pinsan ko.

    Agaran naman ang reply niya sa text ko. Dinungaw ko ang cellphone ko.

    Hendrix:

    Sure? I’m sorry. Can I call?

    Hindi na ako nagreply. No you can’t Hendrix. Text lang ang kaya ko para sa iyo ngayon. Hindi ko kakayanin na magkausap kami. The acid in my voice would drip and he could never ignore it.

    Nagpupuyos ang damdamin ko habang tinatanaw ang bahay nina Claudette. Nakapag text na ako sa kanya na pupunta ako sa kanila. She didn’t mind. Anyway, magpapalipas lang din naman ako ng oras sa kanila hanggang mamayang gabi sa party.

    “Oh, anong nangyari?” salubong ni Claudette sa akin pagkapasok ko sa kanilang bahay.

    Pinasadahan ko ng tingin ang kanilang tahimik na sala. Azrael’s probably out. Naka puting sleeveless lacy spaghetti strap at blue shorts siya. Medyo magulo ang buhok at mukhang kakagaling sa tulog.

    “Wala… I just want to rest.”

    Umupo ako sa kanilang sofa at hinilig ang ulo doon. This is comfortable.

    “Rest, really? The last time you came here alone, may problema ka. Ngayon, for sure ay mayroon na naman. Tss…”

    Imbes na hintayin ang kumpirmasyon ko ay dumiretso lang siya sa kusina at nagtawag ng katulong para sa pagkain. Kinuha ko ang remote ng kanilang flatscreen at nagsimula na akong maghanap ng magandang papanoorin.

    Sa huli ay nagyaya ako sa kanyang mag swimming sa kanilang pool. Wala akong dalang two piece kaya nanghiram na lang ako ng kanya. Ayaw niya naman kaya nanatili siya sa gilid, babad sa cellphone at tahimik.

    There’s nothing I can do about this. Kung gusto ng pamilya ni Hendrix si Stella para sa kanya, anong laban ko, kung ganoon? And if Hendrix likes Stella, mas lalo lang akong walang laban.

    Parang kinukurot ang puso ko sa mga naiisip. I’m dead tired of thinking about it. I’m tired of even just trying to fix it on my mind. And what can I do if Hendrix would never fight for this? Ako ang masasaktan sa huli nito. Ako ang maiiwan. At least siya, may fall back, may option one. If he can’t be with me, he can be with Stella. Paano ako?

    “Shit!” mura ko nang umahon at naramdaman ang literal na sakit sa aking puso.

    Nag angat ng tingin si Claudette sa akin. Tinagilid niya ang ulo niya. Nilangoy ko na lang ang distansya patungo sa gilid ng pool para makaahon na. Kinuha ko ang tuwalya sa tabi ni Claudette, nakatingin parin siya sa akin.

    “Nag-away kayo?” tanong niya.

    Hindi ko pa siya nasasagot ay natoon na ang pansin ko sa ingay na nanggagaling sa loob ng kanilang bahay. Nagkatinginan kami ni Claudette. Sino kaya ang dala ni Azi at bakit parang marami kaming naririnig sa labas?

    “Sina kuya?” tanong ko kay Dette.

    Bumaling siya sa loob ng kanilang bahay. Nagpatuloy ako sa pagpupunas ng sarili. Kulay orange na ang langit dahil sa papalubog na araw. Hinanap ko sa lamesa ang cellphone ko ‘tsaka ko pa lang napagtantong iniwan ko nga pala sa kwarto ni Claudette.

    “There you are, Dette! Get your ass ready!” ani Azi nang natagpuan kami sa tabi ng swimming pool.

    Naka puting t shirt at itim na pants siya. Maayos ang buhok at mukhang handa na sa party mamaya.

    “Hindi sabi ako sasabay sa inyo!” iritadong sinabi ni Claudette.

    Nakita ko ang iritasyon sa mukha ni Azi. Bumaling pa ito sa akin bago hinarap muli si Claudette. “Isasama ko kayo ni Erin! Okay? Joss is going to be there with the girls.”

    “Si Kuya?” kumunot ang noo ko habang nagpupunas ng buhok. “Hindi mo kasama?”

    “Hindi. Magkasama sila ni Rafael.”

    Tumango ako sa sagot ni Azi. Nagdabog si Claudette pabalik ng kanilang bahay samantalang nanatili si Azi doon, mukhang sinundan ng kung sinong kasama niya.

    Binaba ko ang paang nakapatong sa isang silya nang nakita ko kung sino ang mga kasama niya.

    He’s here with his friends. At ang isa sa naroon ay si Eion.

    “Hi, Erin!” tawa ng isang nauna kong nakita.

    Tumango ako at ngumisi sa kanila. ‘Tsaka ko pa lang napagtantong naka bikini nga pala ako nang umihip ang malamig na hangin.

    Tinakpan ko ang katawan ko gamit ang tuwalya bago humarap sa kanila. Nakita ko ang paninitig ni Eion sa akin. Para bang kay tagal na naming hindi nagkita simula noong huli.

    “Mag bihis na kayo. Dito lang tayo sa bahay mag di-dinner,” ani Azi.

    Tumango ako at nilagpasan silang lahat. Kahit si Eion na halatang gustong makipag-usap sa akin.

    Dumiretso ako sa kwarto ni Claudette kung saan siya naliligo. Naghintay akong matapos siya bago ako pumalit para makapag bihis na rin.

    Inabot yata kami ng siyam siyam ni Claudette sa kwarto kaya pagkalabas namin ay iyong sigawan na lang ang narinig namin sa baba.

    “What’s that?” tanong ko nang narinig ang mura at lagapak.

    “Edi hanapin mo!” iritadong sigaw ni Azi.

    Hindi na ako nakapaghintay. Si Claudette ay nagawa pang bumaba. Ako ay dumungaw na sa sala para makita kung ano nga ang nangyayari.

    Nakita ko silang lahat sa sala. Nakatayo ang lahat. Naroon si Kuya malapit sa pintuan at si Rafael na pumagitna sa dalawang nagkakainitan.

    “Elijah!” sigaw ko.

    “Gago ka!” sigaw ni Azi.

    “Fuck you, Azrael!” ani Elijah bago hinawi ang kamay ni Azi at Rafael. Dumiretso siya sa pintuan at lumabas kaagad.

    Nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa lahat ng naroon. Kumunot ang noo ng mga kaibigang dala ni Azi. Siguro sa pagtataka kung bakit galit na galit si Elijah.

    Iyon ang naging laman ng usap-usapan namin habang nag di-dinner. Ang pagbabalik ni Elijah pagkatapos niyang saktan si Klare.

    “We should warn Klare, you know,” ani Azi.

    Tumango ako at uminom ng tubig.

    Sa tapat ko ay si Eion na nakatingin sa bawat galaw ko. Tinaas ko ang kilay ko at bumaling sa ulam.

    Pagkatapos naming kumain ay nagpasya agad silang dumiretso na sa party. Si Eion pala ang nagpasok sa amin sa guestlist. Maghahanap na sana ako ng tickets nang bigla niya akong pinigilan.

    “Nilista din kita,” aniya. “Nilista din kasi ni Kuya si Claudette.”

    Tumango ako. I don’t know what to say. Dinungaw ko ang cellphone kong may iilan nang text galing kay Hendrix.

    Hendrix:

    Hindi ba tayo magsasabay?

    Hendrix:

    Rin, are you mad?

    Hendrix:

    Please, answer my calls.

    Humugot ako ng malalim na hininga. What is worse than being mad? It is feeling nothing. Iyong parang sumuko na ang puso mo sa sakit. Iyong tipong alam mong kahit paulit ulit kang maghanap ng paraan, alam mo sa sarili mo na walang paraan. Walang wala.

    And if Hendrix would choose Stella… or if he’s just even confused between the two of us, ngayon pa lang alam ko nang walang wala akong panlaban. Kahit magmakaawa ako sa langit, hinding hindi ako pagbibigyan.

    “Can I buy you a drink?” tanong ni Eion nang nasa loob na kami ng Junno.

    Isinama ko si Klare sa loob dahil iniwan din naman siya ng date niyang si Gavin.

    Tumango ako at ngumiti sa kay Eion. That’s nothing but a friendly gesture. Nilingon ko ang kabuuan ng lamesa namin kung nasaan ang mga pinsan ko, ilan sa mga kaibigan nila at mga kaibigan din namin.

    “Ang saya ng party sa labas!” Nag hi-headbang na si Azi habang tinatanaw ang mga tao sa labas na basang basa dahit sa wet party.

    “I don’t wanna be wet,” sabi ko habang pinapanood ang ilang makukulay na ilaw sa labas.

    “You’re in the wrong party, then. Let’s get you drunk first,” sabay bigay niya sa akin ng isa pang shot. Itinabi niya iyon sa ibinigay na cocktail drink ni Eion sa akin.

    Umirap ako. Sige. Lalasingin yata ako ng mga ito ngayon.

    Nihilera pa ni Rafael ang siguro’y mga benteng shot glass sa aming harap. Nilalagyan ng tamang dami ng Smirnoff ang bawat isa.

    Ngumiwi na ako sa dami. Uminom si Klare sa shot na kanina pa nilagay ni Kuya sa kanya. I wonder if she’s with her brothers?

    Tumunog ang cellphone ko. Para bang kahit sa ingay ay gusto nitong magpapansin ng husto sa mga taong nasa paligid.

    Kinuha ko ito sa aking bag. Napatingin si Eion sa akin. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko at kinansela ang tawag na galing kay Hendrix. Binalik ko ang cellphone ko sa aking bag at nilagok iyong nilagay ni Rafael na shot ng Smirnoff sa aking harapan.

    “Let’s do this!” ani Rafael sabay hawak sa kanyang shot glass.

    Tumawa ako at kumuha na rin ng isa doon. Can I forget everything?

    Sa kauna unahang pagkakataon, nakita ko ang bilis ng lagok ni Klare sa kanyang shot. Mas mabilis pa siya sa akin! Nanlaki ang mata ko at tiningnan ko siya. Hindi siya maka focus. Di nakakatagal ng tatlong segundo ang tingin niya sa akin!

    “Hey, let’s enjoy this night. Wala naman sigurong Elijah ngayong gabi,” bulong ko.

    “Ano ngayon kung nandito siya? Bakit ako matatakot sa kanya? Siya ‘yong may ginawang masama sa akin kaya dapat ay siya ‘yong matakot.” Ngumiwi siya.

    I knew it! Nakita ko ang isang shot sa aking harapan. Galing kay Eion at binibigay kay Klare.

    “Thanks, Eion. Kamusta ka na?” Nagawa niya pang kamustahin si Eion!

    “Eion, stop the shots,” mariin kong sinabi. Confirmed. She’s drunk. Not even tipsy. No. She’s fucking drunk.

    “You jealous?” bulong ni Eion sa akin na nagpaagaw ng atensyon ko.

    For goodness sake! Am I?

    “No.” Umiling ako ‘tsaka bumaling kay Klare na nagpatuloy sa pag iinom.

    Great God! Akala ko ba ay ako ang maglalasing ngayon. Mukha atang hindi ako pwedeng maglasing para lang mabantayan ang isang ito.

    “I’m sorry. I was just shocked sa inasal mo,” ani Eion.

    Bumaling ulit ako sa kanya.

    “We’re already cool, Eion. Please stop it. I care for Klare. Kaya ayaw kong nilalasing mo siya,” sabi ko.

    Sunod na baling ko kay Klare ay kinuha na siya ng mga kasama niya. Mukhang sasayaw sila sa dancefloor. I don’t wanna be wet. Kaya lang ay ayaw ko ring pabayaan si Klare sa mga lalaking iyon.

    Kung hindi lang ako pinigilan nina Kuya sa pamamagitan ng kwentuhan ay dumiretso na ako sa labas.

    “You going out? Akala ko ayaw mong mabasa?” tanong ni Eion.

    Ngumiti ako at tumayo. Inayos ko ang sarili ko. “Ichi-check ko lang si Klare.”

    “Gusto mo samahan na kita?” tanong niya.

    “I’m fine, Eion. Babalik din agad ako,” sabi ko at naglakad na patungo sa double doors ng Junno.

    Tinulak ko iyon. Nang nakalabas ay sinalubong kaagad ako ng ingay na nanggagaling sa malalaking speakers sa party. Umaambon ng kaonti at ang tubig galing sa punong kahoy ay bumubuhos kasabay ng pag indayog ng mga katawan ng mga tao.

    This party is cool. Pero saan naman ako magsisimulang maghanap kay Klare?

    Naglakad ako patungo sa gitna ng Lifestyle District. May iilang bumati at sumayaw sa akin, tinawanan ko na lang.

    Inisip kong dahil isa sa organizer sina Seymour, maaring nasa gitna o harap si Klare. Nakisiksik ako sa mga katawang umaalon sa salin ng electric music. Biglang bumaba ang beat para sa isang kantang nagpatindig ng balahibo ko.

    “Stop and listen… hold my hand I’m here… Your touch takes me… beyond this world!” sumabay ang lahat sa pagkanta ng pamilyar na kanta.

    Nakapikit ako habang sumasabay at nang dumilat ako ay nahanap ng mga mata ko si Hendrix. Nangingiti siya habang sinasayawan ng isang babaeng maputi, makinis, at hindi katangkaran.

    That’s his type. Nanliit ang mata ko. Trying to focus on the girl. Hoping that it wasn’t Stella. Pero bago ko pa lang nakuha ang mukha ng babae ay nakita ko nang bumaling si Hendrix sa akin.

    Nagtiim bagang ako. Hindi na ako nagdalawang isip na talikuran ang dancefloor. Parang unti unti ang pag init ng ulo ko. Habang naiinis ako ay nasasaktan na rin ako. Ngayon pa lang nag sink in sa akin ang sakit na kanina’y nagpamanhid sa akin.

    “Erin!” tawag niya nang nagpatuloy ako sa paglalakad. Kahit na hindi ko alam kung saan naman talaga ang tungo ko. “Erin!”

    Hinablot niya ang kamay ko. Nasa labas na kami ng district. May iilang mga taong papasok at patungo sa party ngunit kami ay lumabas na at nang aagaw ng eksena!

    “Shut up! Go to your damn girl and stop it with me!” Hinawi ko ang kamay niya at nagpatuloy ako sa paglalakad.

    If only I know kung saan ako patungo. Palapit na ako sa Ministop nang may nakita akong dalawang matatangkad at nakaitim na lalaki. Pinitik ni Hendrix ang kanyang mga daliri at nilapitan ako ng isa. Ang isa ay nagpatunog sa hinihiligang Alterra at nag bukas ng pintuan. Hinagis niya kay Hendrix ang susi.

    “Miss, ayaw naming pilitin ka pero pwede bang pumasok ka sa sasakyan ni Mr. Ty?”

    Fuck! Really, Hendrix? Nilingon ko si Hendrix sa aking likod. Pumungay ang mga mata niya kahit na matalim ang gamit kong titig sa kanya.

    “Erin, please, get in.”

    “Are you using your guards on me?” tumaas ang boses ko.

    Isang tingin lang ni Hendrix sa dalawang body guards ay nawala na sila ng parang bula. Nakabukas na ang kanyang sasakyan at isang tulak niya na lang ay makakapasok na ako doon. Hindi ko ginawa. Imbes ay hinarap ko siya.

    “Bakit hindi iyong kasayaw mo ang iuwi mo? Or was it Stella? Iyong kasayaw mo kanina?”

    Humugot siya ng malalim na hininga. “That wasn’t Stella-“

    “Oh edi whatever! Iuwi mo kung sino man iyon! Hindi ka pa nakuntento kay Stella, nagtawag ka pa ng isa?”

    Kinagat niya ang pang ibabang labi niya at tumingin sa paligid. Seriously, I have never been this scandalous my whole life. I mean, not about love life! Nakakahiya kayang ipakita sa lahat na nag-aaway kaming dalawa!

    “Rin…” mahinahon niyang sinabi. “Please, get in. I want to talk to you. Hindi mo sinasagot ang mga tawag ko. And maybe that’s because you were with your ex-“

    Pinutol ko siya para sa punto ko. “Hindi ko sinagot ang tawag mo dahil ikaw ang may kasamang ex!”

    “Please take a seat. I won’t drive, don’t worry.” Mahinahon niyang sinabi.

    Hinampas ko ang dibdib niya. Hindi siya natinag sa ginawa ko. Lahat ng frustrations na natago kanina ay ‘tsaka pa lang bumuhos ngayon.

    Mabilis ang pag angat-baba ng aking dibdib dahil sa paghingal, sa damdaming hindi ko na kayang ilagay pa sa aking puso. It’s too much. Everything is too much!

    “Why can’t you tell me now? Huh? Wala na akong planong sumama sa iyo! Kung mahal mo parin ang ex mo, edi bumalik ka! O kung gusto mo ng ibang babae, edi maghanap ka! Wag mo na akong isama!”

    “I don’t love my ex, Erin!” mahinahon niyang sinabi. “Hindi ako agad nakapag reply sa iyo kasi pinatawag ako ni Ahma. I was in her room the whole time. My phone’s not with me. Akala ko kasi sandali lang iyong pag-uusap namin kaya lang ay natagalan.”

    I hate that he sounds so sincere. I hate that I’m even listening. I hate that I want to listen to him, even!

    “Noong natapos kami, ‘tsaka dumating si Stella sa bahay. How did you know about her? Were you there?”

    Hindi ako makasagot sa tanong niya. Kumunot ang noo niya at mas lalo akong tinitigan.

    “Pumunta ka sa bahay?”

    Oo. Gago!

    “I’m sorry, Erin!” Hinigit niya ako ng buong lakas at niyakap ng napakahigpit.

    Hinalikan niya ng paulit ulit ang noo ko. Hindi ako makahinga sa sobra sobrang paninikip ng dibdib. Hindi ko na napigilan ang mga luha kong bumuhos ng walang pasubali.

    “Bumisita lang siya sa bahay. Ilang sandali pa bago ko naakyat ang phone ko para mareplyan ka. I went to your house, wala ka na doon. You don’t answer my calls. You don’t respond to anything, Rin. And then I saw you inside Junno with Eion. Tinawagan pa kita habang tinitingnan ko kayong dalawa. I’m sorry…”

    Hindi kaya ng sorry niya ang pamamanhid ko kanina. Hinding hindi matatawaran ng sorry niya ang sakit at pagkakabagabag ko.

    “And that girl’s just a high school friend. I’m not interested. She danced near me and that’s all…” malambing niyang sinabi habang pinupunasan ang luha ko kahit na pilit kong nilalayo ang mukha ko sa kanyang kamay.

    Hindi ako nagsalita. I’m a mess. I’m a very big mess.

    I am so fucking hopelessly smitten with him at hindi ko matanggap na kumplikado na nga kami, sandamakmak pa ang third party!

    “Rin, I haven’t heard you explain your side yet. Why… are you with Eion…” mas malambing niyang dugtong.

    Bahagya ko siyang tinulak palayo sa akin. Kitang kita ko ang pagsusumamo sa kanyang mga mata na halos pumiga pa lalo sa puso ko.

    “Erin…” hinanap niya ang aking braso. Hindi ko na siya tiningnan. Seeing him struggle for me makes me want to melt. At ayaw ko ng ganoon. Na pagkatapos ng lahat ng nangyari ay tatanggapin ko siya agad agad dahil lang sa mahal na mahal ko siya.

    Lumapit pa ulit siya sa akin. Parang kinukulong ako at pinipilit na pumasok sa kanyang sasakyan.

    “If you don’t want to talk, it’s okay. Let’s just go home? I’ll get you home.” Malambing parin ang tono niya, dahilan kung bakit parang pinipiga ang puso ko.

    “Can you please… just give me space to think, Hendrix!” giit ko at tinulak siyang muli.

    Nagulat siya sa sinabi ko. Nakita ko ang paglunok niya. Pinagmasdan niya ako, ilang dipa na ang layo. Tinitigan ko siya at buong lakas ang nawala sa akin habang nawawala ako sa kanyang mga mata.

    “I am too in love with you. It’s scary,” iling ko.

    Gumuhit ang gulat sa kanyang mga mata. Isang hakbang ang kumain sa ilang dipang distansya naming dalawa. Bumagsak ang tingin ko sa kanyang dibdib. Masyadong nakakasilaw ang kanyang mga mata.

    “I’m too in love with you, too. But I’m not scared…” pabulong niyang sinabi.

  • Kabanata 34Open or Close

    Kabanata 34

    Girlfriend

    Nanghina ako ng sobra sobra sa nangyari. Hindi na rin siya nagsalita pagkatapos. Bumaling ako sa sasakyan pagkatapos ng ilang sandali. Unti unti akong umupo doon sa front seat.

    Narinig ko ang unti-unti niyang pag hinga ng malalim. Yumuko siya para lemebel ang paningin namin.

    “I know you want to go home now. Do you think your parents are still awake?”

    Napatingin ako sa kanya. Nagugulat sa tanong niya. Dinungaw ko muna ang wrist watch ko bago nag kibit ng balikat. It’s eleven in the evening. Kahit na workaholic si mommy at daddy, rest day ngayon kaya hindi ako sigurado kung gising pa ang mga iyon.

    “Okay… then, we’ll go,” aniya bago sinarado ang pintuan ng sasakyan at umikot para makapasok na.

    Tahimik siyang nag drive. Nanatili din akong walang imik. Nawala ang nakadagan sa pakiramdam ko kani-kanina lang. I just suddenly want to ask him kung bakit niya ako natanong kung gising pa ang parents ko.

    “After Surigao, would you let me visit you?” tanong niya pagkatapos ng katahimikan.

    Hindi ako agad nakapagsalita. Sumulyap siya pagkatapos magtanong.

    “In your home. If… you don’t mind,” aniya.

    Tumango ako. Nasulyapan niya iyon.

    Hindi na siya nagsalita. Hindi na rin ako umimik. I still can’t forget the feeling of seeing him with someone else. Pakiramdam ko ay sasabog ako sa galit. Hindi ko alam kung sino ang dapat kong atakihen sa galit ko, kung siya ba o iyong babae. Well, I’m blinded. Siya dapat talaga kasi nagpapalandi siya! Kahit na ayaw niya sa babae, why would he let her dance with him like that? And about Stella, kung ayaw niya rito, ba’t di niya itaboy?

    I get the Stella part. She’s his bestfriend.

    Pagkapark ng sasakyan niya sa tapat ng aming bahay ay agaran ang pagkalas ko ng seatbelts. I don’t want to talk too much right now. Dahil tuwing nag uusap kami, nalulusaw ako.

    “Thanks for the ride. Good night!” sabi ko at sinarado ang pintuan.

    Mabilis ang pintig ng puso ko nang tinakbo ko ang distansya ng kanyang sasakyan patungo sa aming gate. Walang pag aalinlangan ang pagpasok ko sa gate at ang pagtakbo ulit papasok sa bahay.

    Dumiretso kaagad ako sa kwarto at sinubsob ang sarili sa comforter at unan ng aking kama. Pumikit ako ng mariin.

    Can I really do this?

    Tumunog ang cellphone ko kaya tumihaya ako para tingnan kung sino ang maaaring nag text. It was Kuya…

    Kuya Josiah:

    Where are you???

    Mabilis akong nagtipa. Hindi nga pala ako nagpaalam.

    Ako:

    I’m home. Chill.

    Isa pang mensahe ang dumating. It’s from Hendrix.

    Hendrix:

    I’m sorry for being a jerk.

    Tumipa kaagad ako ng reply. Naninikip ang dibdib ko nang napagtanto kung gaano ka walang konek ang aking tanong.

    Ako:

    Are you home?

    Please don’t text me while you’re driving. Ilang saglit pa bago siya nakareply.

    Hendrix:

    I am now home. I’ll just wash up and sleep. Sleepy yet?

    Naluluha na ako. Nabubwiset ako sa sarili ko. How can I be this emotional over simple texts? Hinding hindi ko pa ito naramdaman noon. Sa dami ng karanasan ko sa pagbo-boyfriend, kahit sa first love ko, hinding hindi ko pa naramdaman ang sakit, pait, tamis, at saya na pinaghalo.

    Ako:

    Nope. I’ll wash up and change first too.

    Nagawa ko pang maligo at magbihis ng pambahay sa loob ng trenta minutos. Pagkatapos ng mabilisang ritwal ay bumalik na ako sa kama kung nasaan ang cellphone ko.

    Hendrix:

    I’m done. I’ll wait for you.

    Ako:

    I’m done.

    Nang humiga ako ay pakiramdam ko may dumagan sa katawan ko sa sobrang pagod. Mabilis akong nakatulog. Because of the alcohol or the things I’ve done today.

    Kinaumagahan ay iritado ako sa pag gising. Lahat ng nangyari ay mabilisan. Kahit ang pagpa-pack ko ay mabilisan na rin.

    “Azrael! Tumigil ka na!” sigaw ko nang kanina pa siya nag iingay sa torotot na dala.

    Nagtatawanan lang sila habang ako ay nabubwisit. Everyone seems to be in a good mood today.

    Pupunta kami ngayon ng Surigao. Hindi ko na alam kung ano ang nangyari earlier this morning at paano nakumbinsi ni Elijah na sumama kaming lahat sa kanya para habulin si Klare.

    Pinagkasya namin ang aming mga bag sa likod ng trailblazer. May iilan pang nilagay namin sa bubong dahil sa sobrang dami naming sasama. Nasa labas kami ng bahay habang nagbabayanihan ang mga pinsan ko para lang malagay ng maayos ang mga bag.

    “Akin na ‘yong dulo ng lubid, Max!” tawag ni Kuya sa kay Maxwell, iyong pinsan ni Elijah sa mother’s side.

    Siyam kaming babyahe ngayon sa iisang sasakyan. Kanina pa kami pinapanood ni daddy habang inaayos ang mga gamit sa loob.

    “Paano kayo magkakasya?” tanong niya kay Rafael.

    Tumawa si Rafael. “Ewan, tito. Si Azi at Josiah sa harap kasama ang driver?”

    Nagtawanan silang lahat. Pinalis ko naman ang pawis sa aking noo habang nilalagay ang isang bag na maliit sa ilalim ng dashboard.

    Sa likod ko ay ang kanina pang tingin nang tingin na si Elijah. I don’t know what he’s up to but I’m sure something’s bothering him.

    Hindi naging maganda ang relasyon naming dalawa simula noong nagsila ni Klare. Syempre,a ko ang nangunguna sa pag ayaw. And today, I still stand with my decision. Kung naagapan ito, sana ay huwag ipagpatuloy. Pero dahil hindi na ito maaagapan pa ngayon, dapat nang mangyari.

    “Erin…” he called.

    Nilingon ko siya at inayos ko ang buhok ko. Ramdam ko ang kaba niya kahit sa kanyang tinig. Humalukipkip ako.

    “Have you seen the video?” tanong niya.

    Ngumisi ako. “Sinong hindi nakakita noon, Elijah?”

    Nilagpasan ko siya para ayusin ang gamit ko sa likod.

    “It’s not recent. Noon pa iyon. Noong nasa New York pa ako.”

    Tumaas lang ang kilay ko. Hindi ko naman talaga inisip na totoo iyon, e. But why would Ate Yasmin lie?

    “Pero ang sabi ni Ate, magkasama kayo sa gabing-“

    “We were together for dinner, yes. We didn’t party. Nagpaalam lang siya na uuwi na siya ng New York. I was about to tell Klare that when-“

    “Bakit sa akin ka nag eexplain?” Nagtaas ako ng kilay. “You want me to tell Klare?”

    Umiling kaagad si Elijah. “I know you two are close. Siguradong kung anong iniisip mo, iyan din ang naiisip niya.”

    “Well… you should tell her that now. Or else, baka may pagkakamali siyang gawin.” Pinilit ko ang sarili kong mag seryoso. “Mamaya sa sobrang depressed noon, mahalikan pa iyon ni Gavin Co. You know… to mend the pain-“

    Hinampas niya ang pintuan ng kanyang sasakyan. Agad akong hinigit ni Maxwell palayo. Humagikhik ako saglit at tinakpan kaagad ang bibig ko.

    “Ikaw talaga! Magdadrive pa ‘yan, oy!” siko ni Ate sa akin.

    “Rin!” Bumaling si Spike sa akin at umiling. “You’re crazy.”

    Nag kibit ako ng balikat at lumapit kay Elijah. Tinapik ko ang kanyang balikat. Awang awa ako sa binibigay niyang ekspresyon ngayon. Like a helpless little puppy.

    “Okay lang ‘yan. Klare’s at fault too. Di niya sinabi iyong tungkol kay Gavin ‘di ba? Just tell her everything and then you’re good.”

    Dahil sa ginawa ko ay ako pa ang napiling umupo sa front seat kasama si Azi. God, the annoying one.

    Kaya imbes na matulog sa buong byahe ay nakanganga ako dahil sa ingay ni Azi. Elijah’s bearable now. Iba talaga pag badtrip. Iyon nga lang, sa sobrang badtrip niya, pakiramdam ko ay naiiwan ang kaluluwa ko tuwing nang o-over take siya.

    Dinungaw ko ang cellphone ko. Nakita kong may text ulit si Hendrix pagkatapos ng ilang text kaninang madaling araw.

    Hendrix:

    We’re nearing Butuan now. Still not awake?

    Ako:

    I’m awake now. Two hours ago actually. Sorry for the late reply.

    Agaran ang reply niya pero ramdam ko naman ang lamig.

    Hendrix:

    Oh. I thought you text me first thing in the morning. Sorry for being an annoying texter.

    “Sino ‘yan?” tanong ni Azi nang napansin ang pagtitipa ko.

    Inilag ko kaagad ang cellphone ko. Annoying slash chismoso. Umirap ako at inantala na lang ang pag rereply.

    Nang nakatyempo ay nireplyan ko na din.

    Ako:

    You’re not annoying.

    Nakakapagod ang kabuuan ng byahe. Bukod sa madalas kaming mag break dahil sa sakit ng katawan ay kung anu-ano pang reklamo nila tulad ng naiihi, nauuhaw, at marami pang iba.

    Gabi na nang nakarating kami sa Surigao. Kina Elijah kami tutuloy pero dahil gusto nilang lumabas ay dumiretso muna kami sa boulevard para makakain. Ang nakakagulat ay nakita pa namin si Klare doon kasama si Hendrix at Gavin.

    Pilit kong itinago ang ngiti ko nang nakita kami ni Hendrix. He was so shocked na pakiramdam ko ay magagalit na siya sa akin dahil hindi ko sinabi na pumunta kami doon.

    Muntikan pang nagkagulo kaya imbes na manatili kami doon ay inilayo namin si Elijah. Nasa madilim na parte ng boulevard at nagpapalamig. Nagkainitan kasi sa loob ng restaurant.

    Mura nang mura si Elijah habang kinakalma siya nina Kuya, Azi, at Spike. Si Ate Chanel naman ay nag rereklamo na ng gutom. Si Claudette ay umupo sa isang bench katabi si Maxwell at Rafael.

    “Maghanap na tayo ng makakainan, Elijah. Ako na ang mag dadrive,” ani Rafael.

    Hinagis kaagad ni Elijah sa kanya ang susi. Iritado parin ito sa nangyari. Naunang maglakad si Ate sa sasakyan. Tumayo si Rafael at sumunod. Sumunod na rin ako at si Claudette. Nanghihina na kami sa pagod, gutom, at lahat ng nangyari. Paniguradong pagkauwi nito ay tulog kaagad kami sa kina Elijah.

    Tahimik na kami sa loob ng isa pang restaurant sa malapit. Nag uusap parin ng masinsinan sina Elijah, Spike, Azi, at Kuya. Humihikab na ako sa sobrang antok. Tumunog ang cellphone ko. Nakita kong may mensahe si Hendrix.

    Lumapit ang waiter para ilagay sa aming harap ang mga pagkaing inorder. Habang nilalagay niya sa aming harapan ay binasa ko ang message ni Hendrix.

    Hendrix:

    Hindi mo sinabi sa akin na pupunta kayo dito. Who are those two boys you’re with? They’re familiar.

    Ako:

    Spike and Maxwell Vasquez. Elijah’s cousins sa mother’s side. I’m sorry. I just wanna see your reaction.

    Huminga ako ng malalim at tiningnan na ang pagkain sa hapag. Nagsimula na kaming kumain. Gutom na gutom ako at pagod na pagod na rin. Kaya nang natapos akong kumain ay niyaya ko na silang umuwi imbes na mag inuman.

    “Kailangan din nating umuwi na talaga kasi maaga tayo bukas pa Siargao,” ani Maxwell.

    “Kung magigising tayo ng maaga. Sobrang nakakapagod kaya ang araw na ‘to!” sabi ko.

    Nakita ko ang cellphone kong may dalawang mensahe na galing kay Hendrix.

    Hendrix:

    And how’s my reaction? You should’ve told me.

    Hendrix:

    Your skirt is too short.

    Kumunot ang noo ko sa mga text niya. Lalo na iyong pangalawa.

    Nagtipa kaagad ako ng sagot.

    Ako:

    This is the same kind of dress I wore noong nag date tayo sa Lantaw. Noong umulan. Same length and same store.

    Hindi ko alam kung bakit ako nagpapaliwanag sa kanya. Hindi ko lang maintindihan kung bakit niya pinuna iyon.

    Hendrix:

    It’s fine then. You’re mine now. It’s different.

    Pagkatapos kong binasa iyon ay binasa ko ulit. Tama ba ang pagkakabasa ko? Pakiramdam ko ay natigil ang mundo ko.

    Ako:

    Oh wow! I can’t wear my favorite clothes now? :(

    Habang naglalakad patungo sa sasakyan ni Elijah ay pakiramdam ko nakalutang ako. Ang akbay lang ni Kuya ang nagpababa sa akin sa pagkakalutang. Ang bigat ng braso kaya kinurot ko siya sa tagiliran.

    “You’re so harsh!” ngumiwi siya at hinawakan ang kanyang tagiliran.

    “I’m tired, kuya. I want to rest!” sabi ko.

    “Ito naman! Di na malambing. Period?” halakhak niya.

    Pumasok na ako sa sasakyan at tumabi kay Rafael na siyang mag dadrive ngayon. Sa gilid ko ay si Elijah para turuan si Raf sa tamang dadaanan patungo sa kanilang mansyon.

    Dinungaw ko ulit ang cellphone ko para sa text ni Hendrix.

    Hendrix:

    Only when I’m around. Are you home yet? Kina Elijah kayo matutulog? Sinong katabi mo sa pagtulog?

    Ako:

    Yup. Maybe Claudette and Ate?

    Agaran ang pag reply niya.

    Hendrix:

    Ok. That’s good. Nasa hotel na kami.

    Ngumiti ako at nagtipa ng irereply.

    Ako:

    Pauwi pa lang. You said it’s different now… what do you mean?

    Halos hindi ko mapindot ang send dahil sa kaba ko. Kada segundo tuloy ang tingin ko sa cellphone ko dahil lang sa pag aabang ng sagot galing sa kanya. Walang dumating na sagot. Imbes ay tumawag siya.

    Luminga muna ako kay Rafael at kay Elijah na nasa magkabilang gilid ko bago ko sinagot ang tawag ni Hendrix.

    “Hello…” maliit ang boses ko.

    “Tayo na ‘di ba? You told me you love me. Tayo na,” maingat niyang sinabi.

    Tumango ako. “I guess so…” Kinagat ang pang ibabang labi.

    “You… don’t wanna be with me yet?” mas maingat niyang tanong.

    “No… I mean… I want to be with you, of course.”

    Lumingon na si Elijah sa akin. Nagkatinginan kaming dalawa. Kinunot ko ang noo ko sa kanya. Sige. Umarte ka at aasarin talaga kita.

    “Not now?” tanong niya.

    “I want us now.” Pumikit ako ng mariin.

    “Sino ‘yan, Rin?” baritonong boses ni Kuya sa likod.

    Nagsimula nang humalakhak si Rafael sa gilid ko. Ramdam ko ang balikat niyang nanginginig dahil sa pagtawa. Pinaglalaruan na ni ate ang buhok ko.

    Wow! Now… the whole world knows…

    “Then you are my girlfriend now…” ani Hendrix sa kabilang linya.

    “Yes,” sabi ko at pumikit ng mariin.

  • Kabanata 35Open or Close

    Kabanata 35

    Don’t You Want

    Pagod na pagod kami sa gabing iyon. Nasa loob na kami ng mga kwartong inihanda ni Elijah para sa amin. Si Ate at Claudette na parehong katabi ko ay tulog na. Paminsan minsan ay gumigising si Claudette para magbukas ng cellphone. Ganoon din ako.

    Hendrix:

    Anong oras kayo bukas sa Siargao?

    Binabaan ko ang brightness ng aking cellphone dahil narinig kong umungol si ate dahil sa sinag na nanggagaling sa akin.

    Ako:

    Hindi ko alam, e. Maaga daw but I doubt it. Kayo ba?

    Hendrix:

    Maaga rin. See you there then.

    Hindi ko na alam kung anong oras akong natulog sa kakatext kay Hendrix. Inabot yata kami ng madaling araw sa pagtitext.

    Tinanghali kaming lahat ng gising. Ako lang yata iyong agad na bumangon pagkagising at agad na nag panic.

    “Mag-ayos na kayo!” saway ko sa kanila habang nasa hapag kami at may iilang inaantok pa.

    “Napaka energetic mo ata?” puna ni Maxwell sabay hila sa kamay ko nang dumaan ako sa kanyang silya.

    “Hmmm. Ano kayang meron?” Ate smirked.

    Pinandilatan ko na lang ang dalawa. I just really want us to go now. Ako lang yata ang natataranta. Nagagawa ko pang mamulot ng mga damit na nagkalat para lang mailagay sa kani kanilang mga bag.

    I’m all set and my cousins are slowing me fucking down.

    “Ano, Elijah? Tatanga-tanga ka lang diyan?” hamon ko sa pinsan kong natutulala sa gilid ng kanyang sasakyan.

    Umirap siya at humugot ng malalim na hininga. “You’re too inspired.”

    Nguimiwi ako. “Bakit? Ayaw mong sundan si Klare?”

    “‘I explained my side.” Naglakad siya patungo sa driver’s seat at nag ayos ng gamit.

    Sumunod naman ako sa kanya. “So that’s it? Balik na lang ng Cagayan de Oro?”

    Umiling lang siya. Umaga pa ay badtrip na. Nagtatampo siguro? Pumasok na lang ako sa kanyang sasakyan at pumwesto sa front seat. Hinintay ko ang mga pinsan ko hanggang sa unti unti nang napuno ang Trailblazer.

    “Saan ba tayo mauuna?” tanong ni Azi.

    “Sa Magpupungko. Pero baka pag dating natin, hapon na. Nasa tatlong oras ang byahe sa barge. Tapos baka High tide na pag dating natin doon. Hindi na lilitaw ang lagoon,” ani Maxwell.

    Nilingon ko si Maxwell sa likod. Kumunot ang noo ko. “Lagoon?”

    “Oh yeah! This is your first time here, Erin, right?” Ngumiti siya at ipinakita niya ang cellphone na may picture ng lagoon sa Magpupungko.

    Habang nasa byahe ay iyon ang pinag-usapan namin. Sinabi ni Maxwell at Spike kung gaano ka lakas ang alon tuwing may bagyo. Na kung minsan ay papantay pa sa barge iyong alon. Manghang mangha kami sa sinabi nila. Hindi kami maka paniwala. Mabuti na lang at walang bagyo kahit na hindi summer ngayon.

    Pagkarating namin ay tirik na tirik na ang araw. Pinalitan ni Maxwell si Elijah sa pagmamaneho dahil mas kabisado ni Maxwell ang daan galing ng port patungong Magpupungko.

    “Maxwell, ‘wag naman masyadong mabilis!” saway ni Ate na nasa likod.

    Nakahawak na ako sa dashboard sa takot na baka pag mag break ay tumilapon ako sa harap.

    Tumawa lang ang katabi ko at mas lalo pa yatang binilisan. Nagtawanan ang boys. Sinapak ko ang braso ni Maxwell dahil sa kanyang ginawa.

    “I’m sorry. Reincarnation ako ni Paul Walker, e.”

    Mas lalo ko siyang sinapak. Ang alam ko ay nag da-drag race sila ni Spike sa US noon. Kaya heto siya at mabilis ang patakbo. But it’s useful, though. Mas maaga tuloy kaming nakarating sa Magpupungko Tidal Flats kaysa sa oras na inasahan ng pagdating.

    Manghang mangha kami kahit na hindi na kita ang lagoon. We all adored the sceneries. Ang mga batong malalaki at ang mga cave sa gilid, ang linis ng dagat, ang katahimikan, lahat ay gustong gusto namin doon.

    Kaya inubos namin ang buong oras namin doon. Naligo, nag picture, kumain, at kung anu-ano pa ang mga ginawa namin.

    We watched the sunset there too. It’s amazing! Pagkatapos ng sunset ay ‘tsaka pa lang kami tumulak patungo sa hotel kung nasaan kami nagpareserve.

    The hotel’s nice. Kahit na madilim at gabi na ay kitang kita namin ang kagandahan ng tanawin doon. Ang nagtatayugang mga niyog, ang kulay berdeng damo at ang hampas ng dagat sa buhangin ay sadyang nakakaengganyo.

    Nagdesisyon kami na pumunta sa Paseo para maghanap ng pwedeng makain aside sa dinner namin sa hotel. Maghahanap din kami ng maiinom at ng night life dito sa isla.

    Nang nakarating kami sa Paseo ay namili kami. Nagawa pang mag videoke ng mga pinsan ko kaya medyo natagalan kami doon.

    Hendrix:

    We’re in Paseo now too. Where are you?

    Nagwala kaagad ang puso ko pagkatapos mabasa iyong text ni Hendrix. Luminga kaagad ako sa paligid. Nahagip ng tingin ko si Klare na palapit sa amin. Pero ang nasa likod niya ang tiningnan ko. I saw him there. Mukhang may hinihintay sa tindahan.

    “Klare!” tawag ni Ate nang namataan si Klare.

    Nagtama ang paningin namin ni Hendrix. Kahit nasa malayo siya ay kitang kita ko ang mga mata niyang nakatoon para sa akin.

    Tumikhim ako at dumungaw sa cellphone.

    Ako:

    I saw you.

    Nakita kong dumungaw din siya sa kanyang cellphone. Nagtipa siya sandali kaya hinintay ko ang kanyang sagot habang ginugulo ng mga pinsan ko si Klare.

    Hendrix:

    I saw you too. We can’t stay long, though. I miss you.

    Ngumuso ako at bumaling na lang sa mga pinsan ko. Pakiramdam ko ay solve na ako sa text niyang iyon. I’m complete for today and it’s crazy! Nababaliw na ba ako?

    Umalis din sila kaagad. Kahit kaonting silay ko lang sa kanya ay ayos na ako.

    Ako:

    I miss you too.

    Habang nag tetext kami ni Hendrix ay nagkakatuwaan naman kami doon sa resort. Nag iinuman sila at nagpatuloy ang videoke sa hall ng hotel.

    Sinasaway ko pa silang lahat dahil kailangan naming maging maaga bukas para sa Cloud 9. Gusto kong maabutan sina Hendrix doon.

    “Chill, Rin. Maaga nga tayo bukas. Don’t you worry,” giit ni Maxwell nang sinaway ko sila dahil gising parin.

    Kinaumagahan, ako parin ang unang nagising. Pinag gigising ko sila sa kani kanilang mga kwarto para lang makapunta na kami ng Cloud 9 at makapag surf na.

    May dalang Surf boards sina Maxwell, Spike, at Elijah. Ang ibang boys naman ay nanghiram na lang ng surf board sa Cloud 9. Ganoon din ako. I don’t know how to surf but I want to learn.

    Nang nakita ko na si Klare sa baba ng boardwalk ay bumaba na kami para mapuntahan siya. Nakita ko kung gaano kagaling si Pierre sa pag su-surf. Luminga ako para maghanap kay Hendrix pero wala siya doon. Siguro ay nasa malayo. Kanina pa kasi nag yayaya sina Maxwell na sa huling parte daw ng boardwalk ay mas malakas ang alon.

    “Tara na. Madali lang pala,” sabi ko.

    Sabay-sabay kaming nag paddle, tulad ng tinuro ni Klare sa amin. Tawa nang tawa si Claudette at Ate dahil hindi gumagalaw ang mga surfboards nila.

    Hindi ko alam kung madali lang ba iyon para sa akin o ano pero mabilis kong nakuha ang inutos ni Klare. Nakikita ko na ang isang magandang alon sa malayo kaya sinalubong ko ito. Napansin ko rin ang iilang kasabay ko. I was just too preoccupied to see kung sino ang naroon sa tabi kong nagpapaddle din.

    Nang nasa alon na ay tumayo kaagad ako. Siguro ay mga tatlong segundo akong nakatayo bago na wipe out. Umahon kaagad ako at natawa sa nangyari. Dammit! It’s hard, alright!

    “Not bad!” Pumalakpak si Kuya na naroon parin malapit kina Ate at sumasakay sa kanyang board.

    Nagpatuloy sila samantalang ako naman ay nakitingin na lang. Sa isa pang alon ay sabay-sabay silang tumayo ngunit agaran din ang pagkahulog. I can’t believe Pierre can do it very well.

    Sinubukan ko pa ng isang beses at tingin ko ay beginner’s luck lang ang nangyari kanina. It was a very bad wipe out. Halos di na ako nakatayo sa surfboard. Sa iritasyon ko ay naghubad ako ng rashguard.

    “Ayoko sa rashguard, mas komportable ako sa bikini,” sabi ko nang nakalapit na sa shore.

    “Erin, sumunod tayo kina Azi at Joss,” anyaya ni Ate.

    Luminga ako para hanapin si Kuya ngunit wala na siya doon. Ang sabi ay nagpunta na sa malayo ang dalawa para subukan ang mas malalaking alon.

    Umakyat kami sa boardwalk at tumulak patungo sa pinakadulo para makababa na rin sa dagat doon.

    Sa taas pa lang ay kitang-kita ko na si Hendrix na sumasabay sa mga alon. May dalawa siyang kasamang parehong mapuputi at intsik din. Si Azi at Kuya ay panay lang ang tawanan habang nawa-wipe out ng malalaking alon.

    “Hoy Joss! Mag ingat ka!” saway ni Ate sa aming kapatid nang pababa kami.

    “Ate, I wanna try too!” giit ko at nauna na ako sa pagbaba.

    Pinipigilan niya ako pero hindi ako natatakot. I can swim. And besides, Azi, Josiah, and Hendrix are there so walang problema, hindi ba?

    Sumakay ako sa surfboard ko at bahagyang tiningnan muna ang kabuuan ng dagat. Nagtama ang paningin namin ni Hendrix. Kakaahon niya lang pagkatapos ng isang magandang sakay. Lumangoy siya patungo sa akin. Patagilid akong umupo sa surfboard ko, anticipating his presence.

    “Rix!” baritono ang boses ng isang intsik sa malayo.

    Nanliit ang mata ko dahil sa sinag ng araw habang tinitingnan ko ang dalawang lalaking nandoon sa malayo.

    Umahon si Hendrix at hinawakan niya ang aking surfboard. Sa tabi ko ay ang kulay asul niyang surfboard. Hinawakan ko ito para hindi madala ng alon.

    “I’ll be there, Champ.” Nilingon niya ang tumawag sa kanya kanina.

    May sinenyas siya kaya nilubayan kami at nagpatuloy ang dalawa sa pag su-surf. Alam kong nanonood lang si Ate sa amin sa may hagdanan kaya bahagya akong lumalayo doon. Lumangoy din si Hendrix kasama ang surfboard ko.

    “Rix! Baka mamaya tawagin na tayo para mag lunch! Tatawagin na tayo nina Cristine!” sabi ng isa pang intsik.

    Binalewala na ni Hendrix ang mga tawag nila. Nakalayo na rin kami kay Ate kaya mas kumportable na ako.

    “Where’s your rashguard?” tanong niya habang dinudungaw ko.

    “I left it sa taas. Naiinitan ako,” sabi ko. ‘Tsaka ko pa lang napagtanto na partikular nga pala siya sa mga damit.

    “You should wear it. May kasama kang hindi mo pinsan. And you’re in a public place.”

    Umirap ako. “Gosh, Rix! Hindi pwedeng mag long gown dito sa dagat. This is the appropriate thing.”

    Nagtaas siya ng kilay at hinawakan niya ang palapulsuhan ko. Hinigit niya ako pababa ng surfboard dahilan kung bakit nahulog ako doon. Napatili at natawa ako sa ginawa niya. Hinampas ko ang dibdib niya kahit na sinalo niya naman ako at hindi tuluyang bumagsak ng husto.

    “What did you say? Did you call me using my nickname?”

    Niyayakap niya na ako at hindi ko mapigilan ang pagtawa at pagpapadyak dahil sa pagpapanic at pagkatuwa sa sitwasyon.

    “Will you please let me go first? Malulunod ako dito!” giit ko habang tumatawa.

    “Tsss. Wag kang malikot kasi!” maarte niyang sinabi.

    Tinutulak ko siya palayo para makawala pero mas lalo lang niya akong kinukulong.

    “Ahia!” may naririnig kaming sigaw sa taas ng boardwalk pero imbes na pareho naming tingnan ay hindi namin nagawa. Masyado akong malikot kaya hindi niya rin maibigay ang atensyon niya doon.

    “Hendrix…” isang pormal na boses ang nagpatigil sa aming dalawa.

    Sabay kaming nag angat ng tingin. Bahagyang nanghina ang yakap niya sa akin. Sa taas ay sabay naming nakita ang kanyang mommy na naka maxi dress at may malaking sumbrero. Ang tangos ng kanyang ilong at ang intsik at maarteng mata ay mas lalong umarte habang pinagmamasdan kami doon.

    “Shit…” bulong ko.

    Bumaling si Hendrix sa akin. Pilit kong kinalas ang kamay niya sa akin ngunit ayaw niya akong bitiwan. Sa malayo ay nakikita namin ang dalawa pang intsik na umaahon dahil sa tawag.

    Unti-unti akong huminahon. Tumingala ulit ako at nahanap ko ang tingin ng kanyang mommy sa taas.

    “I’ll be there,” ani Hendrix.

    Napabaling ako sa kanya dahil nasakin parin ang buong atensyon niya.

    “Let’s go?” anyaya niya sabay hawak sa kamay ko.

    Kaba ang umusbong sa aking puso. Hindi ko kayang tingnan muli ang kanyang mommy na nasa boardwalk at nakadungaw sa amin.

    Una siyang umahon at hinintay niya ako sa hagdanan. Si Ate ay nasa surfboard na ni Azi. Pinagmamasdan kaming dalawa ni Hendrix at walang imik. Hindi ko alam kung bakit sinasama ako ni Hendrix na umahon ngunit sumunod ako.

    “Rin, maglu-lunch na rin tayo?” tanong ni Ate.

    Nagkibit balikat ako at tinanggap ang naghihintay na kamay ni Hendrix. Umahon ako at umakyat patungo sa boardwalk.

    Nang naroon na kami ay nauna na ang mga pinsang babae ni Hendrix at ang dalawang lalaki. Ang nanatili roon ay ang kanyang mommy. Ang daddy niya ay paalis na, kasunod ng mga pinsang nauna.

    “Where’s Pierre?” tanong ng kanyang mommy kahit na sa akin naman ang tingin.

    Nag sisi tuloy ako kung bakit ako naghubad ng rashguard. Kinuha ko iyong rashguard na naroon lang sa isang upuan at ang see through cover up ko. Sinuot ko iyon kahit na basang basa pa ako sa tubig. Hinintay ako ni Hendrix bago siya naglakad kasama ang kanyang mommy.

    “Magkasama sila ni Klare,” ani Hendrix.

    “Si Klare lang ang nakita ko,” sumulyap ang mommy niya sa akin.

    “This is Erin, mom, my girlfriend. Erin… Mommy ko,” ani Hendrix.

    Hinawakan niya ang baywang ko at bumulong. “I’m sorry. Hindi ito ganito ang plano ko sa pagpapakilala sayo.”

    “Ohh?” tumigil sa paglalakad ang kanyang mommy at hinarap kami.

    Mas lalong lumayo na ang mga pinsan ni Hendrix at ang kanyang daddy sa amin. Tumigil din kami ni Hendrix sa paglalakad. Ngumiti ang kanyang mommy sa akin.

    “I’m Marichelle Ty. You can call me tita, from now on. Erin?” naglahad siya ng kamay.

    “Montefalco, po.” Ngumiti ako at tinanggap ang kamay niya.

    “Montefalco…” she trailed.

    Binitiwan niya ang kamay ko at nagpatuloy sa paglalakad. Ganoon din ang ginawa namin ni Hendrix.

    “You’re Hendrix’s classmate in college, Erin?” sumulyap ang ito sa kay Hendrix bago ngumiti ulit sa akin.

    “No po… I’m… still in college right now. Mas bata po ako sa kanya ng dalawang taon.”

    Nagkatinginan kami ni Hendrix. Ngumiti siya sa akin. Kahit paano ay naibsan ang aking kaba.

    Lumingon ang kanyang mommy kung nasaan kanina sina Klare bago bumaling ulit kay Hendrix.

    “Rix, your brother and sister are not here. Baka nasa restaurant na si Klare pero si Pierre hindi namin makita.”

    “I’ll find him later, mom,” ani Hendrix.

    Nagtaas ng kilay ang kanyang mommy bago nagpatuloy sa paglalakad. Ilang sandali pang tahimik habang inaatake kami ng ihip ng hangin. Kinalabit ko na si Hendrix sa mga sandaling iyon.

    “Hey, I can’t join you. Hihintayin ko na lang sina Ate sa shore?”

    Tumango siya sa akin.

    “Ah! You’re Klare’s cousin? Ibig sabihin, magka batch kayo ni Klare o… may back subjects ka kaya ka behind?” Bumaling ang mommy niya sa akin.

    “Batch sila ni Klare, my…” si Hendrix na ang nagsalita para sa akin.

    “Oh! Yeah! You’re two years younger than Hendrix.” Ngumiti ang kanyang mommy sa akin. “You’re in Business Administration? Finance?”

    Ikinagulat ko ang tanong ng kanyang mommy. Umiling ako. “Marketing po.”

    “So you like business?” nagtaas siya ng kilay sa akin.

    Tumango ako, nagdalawang-isip sa kanyang tanong.

    “What business do you want to start then when you graduate?”

    Nagkatinginan kami ni Hendrix. Binigyan niya ako ng pirmisong sagutin iyon kaya bumaling ulit ako sa kanyang mommy.

    “When I graduate po, I think maghahanap muna ako ng trabaho para makapag ipon at makapag simula ng isang business. I want pastries or anything that involves food and cooking. Mahilig din po kasi ako sa kusina kaya ganoon. But then, sa ngayon ay ang priority ko ay makapagtrabaho para makapag simula ng business. I don’t want to rely too much on my parents.”

    Sa dulo ng boardwalk ay hinarap niya muli kami.

    “Your parents are? Sino sa mga Montefalco?” tanong niya, seryoso.

    “Benedict and Liezl Montefalco po.” Nalilito ako sa mga tanong niya.

    “The Attorneys. Don’t you want to follow their footsteps instead?”

    Humugot ako malalim na hininga bago umiling.

    Ngumisi siya saglit bago bumaling kay Hendrix.

    “Find your brother, Rix.”

  • Kabanata 36Open or Close

    Kabanata 36

    Meet Your Parents

    Kabadong-kabado ako nang nakaalis na si Hendrix. Mabuti na lang at kinausap niya ang kanyang mommy at pareho silang nagpaalam sa akin sa pag-alis. Huminga ako ng malalim at bumaling sa boardwalk. Parating na si Azi, Kuya, at Ate galing doon.

    “Ayos ka lang?” tanong ni Ate sa nag-aalalang tono.

    Tumango ako at ngumiti.

    Inakbayan ako ni Kuya at nagyaya nang kumain sa pinakamalapit na laid-back restaurant malapit lang sa Cloud 9. Naroon na kami sa restaurant, tahimik dahil pare parehong gutom at pagod dahil sa pag su-surf.

    “Island hopping later? anyaya ni Maxwell pagkatapos naming kumain.

    Unti-unting nag-ingay ang mga pinsan ko pagkatapos kumain. Nagpahinga kami saglit bago tumulak sa Paseo para maghanap ng masasakyan na bangka para sa island hopping.

    Hendrix:

    We’re in Guyam Island now.

    Ako:

    Kakasakay lang namin ng bangka. :(

    Kasama ni Hendrix sina Klare at ang kanyang mga pinsan. Turns out, those other two guys with him are his cousins too. Naiintimidate tuloy ako tuwing naiisip na puro talaga sila mg a intsik.

    Nag enjoy kami sa byahe. Tawanan at kulitan ang nangyari. Pinatigil pa sa gitna ng dagat para maka langoy ang mga pinsan ko.

    “Bilisan na ninyo!” sigaw ko dahil naiinip na. Mamaya, saktong pagdating namin sa Guyam Island, paalis naman sina Hendrix.

    “Bakit ka ba laging nagmamadali?” tanong ni Maxwell pagka ahon.

    Umamba pa siyang yayakapin ako kaya tinulak ko siya para hindi ako mabasa.

    “Para maabutan si Klare!” giit ko at nag-iwas ng tingin.

    “Si Klare ba talaga?” ani Kuya.

    Umirap ako at umupo na lang sa gilid. Syempre, gusto kong makita si Klare. But… of course, I miss someone too.

    Pagkadating namin ng Guyam Island ay namataan ko kaagd si Klare sa buhangin na nakaupo. Sinugod namin siya doon para makapag picture. Tingin ko ay inubos namin ang oras sa pag pi-picture.

    Luminga ako para hanapin si Hendrix pero nang nakita ko siya ay naroon ang kanyang mga pinsan. I don’t know if his mother told them that we are together. Pero ang kanilang mga tingin sa amin ay nagsasabing wala pa silang alam. Curious but still clueless.

    Umalis din sila kaagad patungong Daku Island. Kakarating lang namin kaya naligo ulit sila. Naligo na lang din ako dahil ayaw kong maging KJ.

    Pagkatapos ng ilang minuto ay lumipat kami sa Daku Island kung nasaan ulit sina Klare. Klare was waiting for us when we came pero wala na doon ang kanyang mga pinsan. Nasa kabilang parte daw ng isla.

    “Klare! Tara? Wa’g na lang pala…” agad kong binawi ang pagyayaya ko nang nakitang mukhang may pag-uusapan sila ni Elijah.

    Pareho nila akong seryosong tinitigan na para bang nakakaistorbo ako sa kanila at kailangan kong makiramdam. Iyon nga ang ginawa ko. Tinawag ko na lang si Azi para makasunod.

    Dumaan kami sa mga puno ng niyog, gitna ng Daku Island para hindi masyadong mainit. Sa malayo ay nakikita ko sina Ate, Rafael, at Maxwell na nag pi-picture.

    “Hey!” sigaw ko, gustong makisali.

    Naabutan ko sila nang nasa tabing dagat na ulit kami.

    “Isama na si Erin, kawawa naman.” Ngumiwi si Maxwell at agad akong hinigit para makapag picture kaming lima nina Ate, Rafael, Azi, Maxwell, at ako.

    I paused for the picture. Pagkatapos ng dalawang click ay tumigil ang mata ko sa nag su-surf na si Hendrix sa malayo. Sa paligid niya ay ang mga pinsang lalaki. Ang mga babae naman ay naliligo malapit sa tabing dagat.

    “Nandoon sina Ty! Tara na!” anyaya ni Azi sabay takbo sa kung nasaan si Kuya kasama si Spike.

    “Tara, Rin! Ligo tayo!” hinubad ni Ate ang kanyang cover up. Ganoon din si Claudette. Isang hawi ko lang sa kimono ko ay bumagsak na kaagad iyon sa buhangin.

    Iniwan namin ang mga gamit doon sa isang kahoy malapit sa dagat. Sabay sabay kaming dumiretso sa dagat. Hindi pa nakakalayo sa shore ay malalim na kaya nanatili kami doon para makaligo.

    Ang mga lalaki ay nag su-surf. Kinuha ko rin ang surfboard para makalapit. Ganoon din ang ginawa ni Claudette.

    Nag paddle ako palayo. Kitang kita ko kung gaano kagaling si Hendrix sa surfing. Even his wipe out was graceful. I can’t believe it. Sinubukan ko ring tumayo nang may nakasalubong akong alon. Alam kong pinapanood niya ang ginagawa ko.

    “Sige pa!” tawa ni Rafael nang nakita akong tumayo.

    Limang segundo akong nakatayo at na wipe-out kaagad. Tawang-tawa sina Rafael at Maxwell sa akin. Gusto kong magmura. Umiinit ang pisngi ko sa kantyaw nila lalo na dahil nanonood si Hendrix sa di kalayuan.

    Seryoso lang ang tingin niya sa akin. Hindi ko mabasa ang gustong iparating ng kanyang mga mata, Linangoy ko ang kaonting distansya patungo sa kanya. He then looked away.

    “Watch me, Rin!” tawa ni Maxwell sabay paddle patungo sa mga alon.

    Nilingon ko siya habang lumalangoy patungo kay Hendrix. Nang nakalapit sa kanya ay ngumiti ako.

    “Ang hirap pala.”

    “Hindi ka ba nagpaturo sa mga marunong sa inyo?” malamig ang kanyang tono.

    Umiling ako at hinilamos ang tubig dagat sa aking mukha.

    “You just do it over and over again kahit na na wa-wipe out ka. You’ll do good eventually,” nag-iwas siya ng tingin.

    “Yeah! Practice makes perfect. Hmmm. You practice a lot ha?”

    “Not much these past few months,” aniya.

    Tumango ako at bumaling sa mga pinsan kong naroon.

    “Rix! Tara!” anang pinsan niyang si Champ sabay turo sa isang malaki laking alon.

    Tumango siya at sumakay sa kanyang surfboard para doon. Pinanood ko ang pagsakay niya sa surfboard. His body muscles showing with every flex. Sumakay ako sa aking surfboard, nangingiti habang pinagmamasdan siya.

    “Asus!!!” sa malayo ay naririnig ko ang mga panunuya ni Ate.

    Lumapad lamang ang ngisi ko. I can’t believe that he’s my boyfriend!

    “Bakit, Chan?” tanong ni Maxwell, nagtataka sa panunuya ni Ate.

    Nalibang sila sa paglalaro ng mga alon kaya nang natapos kami sa Daku Island ay pagod na pagod na kami. Sa Naked Island, ang huling isla sa island hopping namin ay nag picture na lang kami. Hindi na kami nagtagal dahil sa init at sa pagod na rin.

    “Good Friday ang mukha natin, ah? Nabitin?” Nanunuya si Ate.

    “Ha?” nilingon ko siya at nakitang si Claudette ang tinutukoy niya. Kung mukha akong Biyernesanto, mas mukhang nagluluksa si Claudette sa akin.

    Tumikhim ako nang napagtantong hindi pala ako ang pinuna niya. I don’t know why I feel down. Dinungaw ko ang cellphone ko nang nakarating na kami sa Buddha Resort. Tiningnan ko kung may text ba si Hendrix doon at nakita kong mayroon.

    Hendrix:

    Pupunta kami sa Resort niyo ngayon.

    Parang nawala ang nakadagan na lungkot sa akin dahil sa tinext niya. Mabilis akong pumunta sa kwarto para makapag bihis ng bagong damit pangligo. Gusto kong mag snorkelling, pero kanina ay parang nawalan ako ng gana. Ngayon na nag karoon ulit ako ay ipagppatuloy ko ang ginagawa ko.

    “Saan ka, Erin?” tanong ni Spike nang lumabas ako sa kwarto.

    “Pupunta ako sa counter. Magbabayad ako doon kasi mag s-snorkelling ako. I’ll see if I can find a guide.”

    “Sama ako!” ani Maxwell at hinayaan kong sumama siya sa akin sa counter.

    Nang naroon na kami ay nilibre niya ako sa activity. Kaya mabuti na rin at kasama ko siya. Maging sa guide ay siya na ang nagbayad. Pagka balik namin sa villa ay namataan ko si Klare. Sinugod ko kaagad siya at niyakap.

    “Elijah Montefalco, kunin mo ‘yong katabing villa para sa inyo ni Klare!” Humagalpak ako sabay turo sa isang villa doon.

    Hindi mag-isa si Klare, syempre. Kasama niya si Hendrix, Pierre, at Gavin. That was just a joke.

    “May limitations ako.” Malamig na sinabi ni Hendrix. “We’re not staying for this night. Uuwi kami later. We can’t stay.” Pinagtaasan niya ako ng kilay.

    Nag kibit naman ako ng balikat. “KJ.”

    Tumitig siya sa akin. Nag-iwas ako ng tingin. Nagbibiro lang naman ako sa sinabi ko. Ang suplado naman talaga.

    Nag-usap muna kami sa gagawin mamayang gabi. Nag kasundo kami na kumain sa hotel at huwag nang lumabas doon o pumunta ng Paseo.

    Pagkatapos ng usap-usapan ay tumingin na ako sa dagat. Kailangan na naming magsimulang mag snorkel dahil baka gabihin pa kami. Hindi ko na tinawag si Maxwell. Dumiretso na ako sa dagat at agad naghubad ng kimono sa buhangin.

    Nilakad ko ang distansya ng shore patungo sa malalim na parte at nagsimula na akong sumisid.

    Hindi na masyadong malinaw dahil papalubog na ang araw pero may iilang isda parin akong nakikita. Umahon ako at namataan si Maxwell sa gilid ko na sumisisid na rin.

    “Erin! Jelly fish!” natatawa niyang sinabi sabay sisid ulit.

    “Saan?” tanong ko at nilangoy ko ang distansya namin.

    Nang nagtabi na kami ay nakakita kami ng kulay puti at maliliit na jelly fish. Umilag kaagad ako, natatakot.

    “Nasa gilid mo!” gulat ang mukha ni Maxwell at tinuro ang gilid ko.

    Tumili ako at lumayo.

    Tinawanan niya lang ako. Napamura tuloy ako sa kanya. Nakakainis!

    “Nakakainis ka, Max!” inirapan ko siya at sumisid ulit.

    Iilang isda ang nakita ko. Lumayo pa lalo ako kay Maxwell dahil sa takot na inisin niyang muli ako. Nang umahon ako ay nalingunan ko si Hendrix na nakapamulsa at tumitingin sa akin.

    Kinawayan ko siya at nginitian ngunit hindi siya ngumiti o kumaway man lang pabalik. Ngumiwi ako. Nakapagtataka.

    Lumangoy ako patungong seashore para mapuntahan siya. Tinawag ako ni Maxwell nang nakaahon na ako.

    “Rin, tapos ka na? Hindi pa lumulubog ang araw!” ani Maxwell.

    “Ayoko na!” sabi ko habang palapit kay Hendrix.

    “Ah! You’re so boring!” wika niya at umahon na rin. “Magbibihis lang ako! Ikaw?”

    Nilingon ko siya. Lumangoy na rin siya pabalik ng seashore at bumaling sa akin.

    “Later,” sabi ko.

    Nakita niyang nagkaharap na kami ni Hendrix. Palipat lipat ang tingin niya sa akin at kay Hendrix bago siya tahimik na naglakad pabalik sa resort. Hindi kalayuan ay naririnig namin ang ingay nina Azi, Kuya, at Rafael dahil sa ginagawa nilang pag akyat sa mga puno ng niyog ng resort.

    Humalukipkip si Hendrix nang nakalapit na ako ng husto. Kinuha ko ang aking kimono at sinuot.

    “You should try snorkelling. It’s nice,” sabay turo ko sa dagat.

    Tumango siya. “I’m fine here. I can watch you instead. May kasama ka naman.”

    Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. It’s weird. “That’s Maxwell, pinsan ni Elijah.”

    “I know him. He’s a basketball player, noong high school, hindi ba?”

    Tumango ako. Is he jealous? Kaya ba ay kakaiba ang kilos niya simula pa kanina.

    “We’re friends. Simula pa noong grade school,” paliwanag ko.

    Tumango siya at humakbang ng isa palapit sa akin.

    “Uhhh… Are you mad?” tanong ko nang di ko na mapigilan.

    Humugot siya ng malalim na hininga.

    “I don’t want to be, though.”

    Nanlaki ang mata ko. “So… you are? Hendrix, we’re just friends.”

    Tumango tango siya. “I know. I understand, Erin. Kaya nga pinipilit kong ayos lang ang lahat sa akin. Don’t worry. Come here…” Nilahad niya ang kamay niya para sa akin.

    Naestatwa ako. Hindi ko alam kung lalapit ba ako sa kanyang katawan. Pakiramdam ko ay hindi dapat. Pakiramdam ko ay masyadong masaya para magkatotoo.

    Tumagilid ang ulo niya nang napansin ang pagdadalawang isip ko. Hinagilap niya ang aking palapulsuhan at hinila niya ako pabagsak sa kanyang katawan.

    “It’s so easy for you to let other guys touch you. And you won’t let me. Why is that?” dinungaw niya ako.

    Tanging ang tshirt niya lang at ang mga braso ko ang nakapagitan sa aming dalawa para magyakapan kami. Uminit ang pisngi ko. Mabuti na lang at hawak niya ako, baka kanina pa ako napaluhod. Masyadong nanghina ang tuhod ko.

    “Hindi naman sa ganoon.” Hindi ko maipaliwanag ng husto. Paano ko sasabihin sa kanya na nangangatog ako tuwing malapit siya? Na gustong gusto kong nariyan siya pero nininerbyos naman ako.

    “You’re beautiful and hot. You make guys around you drool. And I can’t put my arms around you because you’re keeping us a secret.”

    “I’m not keeping us a secret. N-Nahihiya lang ako.” Hindi ako makatingin sa kanya. “What if your mom doesn’t like me? Or your cousins?” Pinaglaruan ko ang mga daliri kong nasa kanyang dibdib.

    “What can they do, then? Huh?” malambing niyang sinabi. “If I’m in love with you… what can they possibly do?”

    Umiling ako. “Kaya nila tayong paghiwalayin. I’ve seen how my parents, relatives, disagree with a relationship. Ang sakit noon. Iyong mga mahal mo, hindi magkasundo. I’ve seen how painful it is. At ang kalaban lang noon ay ang nakasanayan namin. What more if it’s a legacy?”

    Parang pinipiga ang puso ko. This has been inside of me for days now… for months, even. Ngayon ko lang nasabi ng buo.

    Hinawakan niya ang mga daliri ko at binaba niya ito sa aming gilid. Then I am closer to him now.

    “What if they want us to break up?” matapang ang boses ko at nag angat ako ng tingin sa kanya. “What if… tulad noong kay Stella? ‘Nong pinag break kayo?”

    Umiling siya. “Rin, we are never breaking up. We are never breaking up. Understand?”

    Hinawakan niya ang baba ko at inangat pa lalo ang aking mukha.

    “Do you understand, Erin? We are never breaking up,” banayad niyang sinabi.

    Parang kinukurot ang aking puso sa sinabi niya. Dinampian niya ng halik ang aking noo, pababa.

    May tumama sa paa kong bilugang bagay. Bumaba ang tingin ko sa aking paa at nakita kong may gumulong na buko doon.

    “Pangatlo ‘yan!” sigaw ni Kuya sa malayo.

    Humigpit ang hawak ni Hendrix sa aking kamay. I can sense his frustration.

    Kinalas ko ang aking kamay at pinulot iyong buko.

    “Eto?” sigaw ko.

    “Oo!” sigaw din ni Kuya.

    Maglalakad na sana ako pabalik para ihatid ang buko nang hinigit ako pabalik ni Hendrix.

    “Hey…” malambing niyang sinabi.

    “Hmmm?” Hindi ako makatingin sa kanya.

    “Pagbalik natin ng Cagayan de Oro, I want to meet your parents.”

    Bumaling ako sa kanya at pagkatapos ay tumango.

    “Okay.”

    Tumango rin siya.

  • Kabanata 37Open or Close

    Kabanata 37

    Real Thing

    Inuman at kulitan ang nangyari sa huling gabi namin sa Siargao. Everyone seem to have their own world. Si Elijah at Klare. Si Kuya, Rafael, at Chanel na nangungulit sa mukhang badtrip na si Azi. Claudette’s quietly sitting beside Pierre and Spike. Si Gavin naman ay kausap si Spike at Maxwell. Ako naman ay nakikitawa sa mga jokes na narininig ko, madalas galing kay Kuya at Rafael.

    Lumalim pa lalo ang gabi. Siguro ay dala na rin ng pagod sa mga ginawa namin sa araw na iyon, mabilis kaming nakaramdam ng antok. Although I am trying to be fine, still hindi ako nilulubayan ng pagod at antok. Kahit si Ate ay nakahilig na kay kuya, umiidlip sa balikat nito.

    Humikab ako at kinusot ang mata.

    “You wanna sleep now?” tanong ni Hendrix sa gilid ko.

    Umiling kaagad ako. Kahit na antok na ay ayaw kong umalis doon. Gusto ko pang makasama sila.

    “You should now,” seryoso niyang sinabi. “Ihahatid na kita sa kwarto. Pagkatapos ay uuwi na kami.”

    Ngumuso ako. Although it’s inviting, talagang ayaw ko pang umalis doon. Kung hindi lang masyadong ma awtoridad ang kanyang titig sa akin ay hindi ko na siya sinunod.

    “Okay…”

    Tumayo ako. Ako yata ang unang matutulog ngayong gabi. Luminga ako sa paligid bago nagpaalam at nakita kong nakapikit na rin si Klare. She’s tired too. Dapat lang ay umuwi na sina Hendrix.

    Sabay kaming naglakad sa kwarto. Di naman ito kalayuan. Nasa tapat lang ito ng pinag lagyan namin ng bonfire.

    Hinatid niya ako sa loob ng villa namin. Sa pagod at antok ko ay halos hindi ko namalayan na sumunod si Maxwell sa amin.

    “Oh, Rin… matutulog ka na?” tanong niya habang ina-unplug ang china-charge na cellphone sa aming kwarto.

    Nilingon ko si Hendrix na ngayon ay nakatayo sa gilid ng aking kama. Umupo ako at bumaling naman ngayon kay Maxwell.

    “Yup. Matutulog na ako. Inaantok na kasi ako,” sabi ko.

    Bumaling siya kay Hendrix na nakatingin din sa kanya. Tumikhim ako para maibsan ang nararamdaman kong tensyon sa dalawa. There’s nothing wrong with this, right?

    Umupo ako sa kama kung saan dapat kami matutulog nina Claudette at Ate. Mabuti na lang at nakaligo na ako kanina pagkatapos naming mag snorkeling. Inayos ni Hendrix ang kumot. Nagkatinginan kaming dalawa habang si Maxwell ay nasa gilid at patuloy na nag chi-check sa phone.

    “Hay!” pagod na hinga ni Ate at pumasok na kaagad sa villa namin.

    Kinagat ko ang pang ibabang labi ko. Inaantok na rin siya. Baka matulog na rin siya.

    “Oh, Maxwell? Ba’t di ka sa villa niyo mag charge?” tanong ni Ate nang namataan si Maxwell doon.

    Bumaling siya kay Ate na may kinuha yata sa CR. Ngunit nagtama din ang paningin namin nang hindi niya mahanap ang kapatid ko.

    “Malapit lang kasi dito,” sagot ni Maxwell.

    “Hey…” natoon ang atensyon ko sa tawag ni Hendrix.

    Humiga na ako sa kama at dahan dahang hinila ang kumot. Umuga ang kama nang umupo si Hendrix sa gilid ko.

    “Matutulog ka ba talaga pagkauwi ko?” bahagya siyang ngumisi.

    Kumunot ang noo ko. “Anong akala mo sa akin, sinungaling? Of course. I’m tired. Pero pag ‘di ka pa naman uuwi, then I won’t sleep yet.”

    Uminit ang pisngi ko sa sinabi ko. Did I really say that? O ang alak lang iyon, nagpapalakas sa loob ko.

    “I just thought you want to enjoy the night without me,” aniya.

    Nanatili ang mga mata ko sa kanya. I can’t believe he’s imagining that. Na mag eenjoy ako ng wala siya. “I’m gonna sleep now. You can call me pagkauwi ninyo sa hotel n’yo. I’ll answer if I’m still awake.”

    Tumango siya at dahan-dahang dinampian ng halik ang aking noo. Uminit ang pisngi ko sa ginawa niya.

    “Lalanggamin na kayo, ha!” natatawang sinabi ni Ate nang palabas na siya sa CR.

    Napangiti ako sa sinabi niya. Huminga ng malalim si Hendrix at naaninag ko rin ang tipid niyang ngiti. Tumayo siya at bumaling kay Ate.

    “We’re going back-“

    “Sino? Isasama mo kapatid ko?” Tumawa ulit si Ate.

    “Ate! Baliw ‘to!” saway ko.

    “Kidding, Hendrix!” Ngumisi si Ate.

    “Well, if I’m allowed to I’ll bring her with me. For now, paki bantayan na lang muna ang girlfriend ko. Will you please?”

    Halos mapapikit ako sa sinabi ni Hendrix. Tumaas ang kilay ni Ate at tumango sa akin. Kung may hinala na si Ate noon, ngayon ay nakumpirma niya na.

    “Sure thing, Hendrix. Kapatid ko ‘yan, eh.”

    Bumaling si Hendrix sa akin at ngumiti. Gusto kong lumubog na lang sa aking kama sa mga sandaling iyon.

    “I’m gonna go now. See you in CDO?”

    Tumango ako. Binalikan niya ulit ako sa kama at marahang dinampian ng halik ang tungki ng ilong ko.

    “Good night. I love you, Rin.”

    Halos hindi lumabas ang boses ko. Kung hindi lang ako nagsumikap para lang masabi rin ang gusto kong sabihin sa kanya. “I love you too, Rix. Drive safely.”

    Naglaro ulit ang ngiti sa kanyang labi nang tumayo siya. Para bang naninibago siya sa akin. Imbes na maging kumportable ay mas lalo lang akong nahiya. Now, I can’t look at him straight.

    Si Ate ay nasa gilid at nag aayos ng mga gamit niya. Si Maxwell naman ay nanonood sa aming dalawa. I don’t mind. Pakiramdam ko ay kaming dalawa lang ni Hendrix ang naroon.

    Naglakad na siya palayo ngunit nanatili ang tingin ko sa kanya. Nang nakalabas siya tsaka pa lang ako nakahinga ng maayos.

    “Boyfriend mo pala siya, Erin?” tanong ni Maxwell.

    Narinig ko ang halakhak ni Ate sa gilid. Tumango ako kay Maxwell at matamis na ngumit. Dammit! Pakiramdam ko ay ang saya-saya ko namang umamin na kami na nga.

    The ride back to Surigao City was very tiring. Mas lalo naman iyong byaheng pabalik ng Cagayan de Oro. Well, if it wasn’t because of the Klare and Elijah, it would be boring. Mabuti na lang at hindi naman ako puro tulog sa byahe dahil sa nangyari.

    I can imagine how Hendrix got really torn because of it. Lumipat kasi si Klare ng sasakyan sa amin nang pauwi na sila. Inaway yata siya ng mga pinsan niya dahil sa relasyon nila ni Elijah. Of course, kakampi sila sa pinsan nilang may gusto rin kay Elijah. Mas gusto nila iyon, eh.

    People don’t see reason. Kung sinong gusto nila, iyon ang kakampihan nila. Kahit na hindi naman tama ang mga rason. That’s the truth.

    Tulog na tulog ako pagkauwi ng bahay. Magdamag kaming nag celebrate sa Balingasag dahil sa pagtanggap ng pamilya namin kay Klare at Elijah. Well, hindi parin sila tanggap sa mga Ty but we don’t really need their acceptance. Basta ba ayos lang sa Papa ni Klare si Elijah ay ayos na ang lahat.

    Inuman, kainan, at kwentuhan ang nangyari sa celebration namin. Nagawa pa naming maligo sa isang maliit na pool. Isa iyon sa mga pinakamasayang get together naming magpipinsan. Siguro ay dahil pagkatapos ng ilang taon, ngayon lang talaga kami ulit nabalik sa dati.

    “Erin?” naririnig ko ang boses ni Manang sa labas.

    Kumakatok siya sa aking pintuan. Antok na antok pa ako kahit na binuhos ko naman ang araw ko kahapon sa pagpapahinga.

    “Erin!” kay mommy na boses na ang narinig ko.

    Kinusot ko ang mata ko. Ano ba ngayon? Sabado naman. Sa Lunes ko na kukunin ang grades ko. Sandali lang… may release na ba ng grades? Kailan nga ulit ang simula ng 2nd semester? Bibisita na ba kami kay lolo?

    Pilit kong dinilat ang mga mata ko para makita ang kalendaryo ng aking cellphone. Dammit! Sabado talaga ngayon at may dalawang linggo pa bago magpasukan ulit. Ano ba ang drama ngayon at bakit ako ginigising ng maaga?

    It’s 10 in the morning! It’s Saturday at mamayang ala una o alas tres pa ang gym namin ni Hendrix. Wait… Hendrix?

    Napaupo ako sa aking kama.

    “Mom?” sigaw ko.

    “Erin!” si manang na iyon. “Kanina ka pa ginigising. Hinahanap ko na ang susi ngayon sa kwarto mo. Buksan mo na ito at may bisita ka. Ayon at nasa baba ang mommy mo, inaasikaso ang bisita.”

    Holy crap! Hindi pa ako nakaligo! Hindi pa ako nag-aayos! Fuck it!

    Para akong si the Flash kung makagalaw sa aking kwarto. Isang daanan ko lang ang tuwalya at naligo na kaagad ako sa banyo. God, and I will blow dry?

    “Erin?” mas lalo lang akong natataranta sa mga tawag ni Manang.

    Naririnig ko na ang mga yapak niya sa loob ng aking kwarto. Nakapasok na siya at hinahalughog niya na ngayon ang looban. Siguro ay inaayos ang kwarto kong magulo. Hindi ko na naayos kanina pagkagising dahil sa pagkakataranta.

    “Sinong nasa baba, manang?” tanong ko kahit na alam ko na ang sagit.

    “Iyong intsik. Sino ba iyon?”

    Napamura ulit ako. Nagmamadali na akong mag ayos ng mukha. Pagkatapos ay nagbihis ng pambahay na mas disente bago bumaba.

    Basang basa pa ang buhok ko. Para akong nagmamarathon sa pagbaba ko sa hagdanan. Si Hendrix ay nasa sofa na namin at nakaupo. Sa mesa ay may bouquet ng malalaki at magagandang bulaklak sa iba-ibang klase. Sa tapat niya ay si Kuya na nakahalukipkip. Medyo magulo pa ang buhok nito habang kinakausap si Hendrix. Kahit na nagsasalita ay nagawa ni Hendrix na iangat ang tingin niya sa akin.

    Kumalabog ang puso ko. Namataan ko si daddy na nanggaling sa kusina. Matalim ang tingin niya sa akin kaya nginitian ko na lang siya. Parang may kung anong naglalaro sa tiyan ko dahil sa sitwasyon. Bumaling ako kay Hendrix na nakatoon parin ang tingin sa akin hanggang ngayon. Unti-unti akong lumapit sa kanya, making sure that we’re distant para maging kumportable naman si daddy o si Kuya.

    “Good morning! Sorry, tinanghali ako ng gising,” bati ko kay Hendrix.

    “Good morning!” ngumiti siya at binigay sa akin ang bulaklak na dala.

    Uminit ang pisngi ko. I never thought courting this days would mean this formal. Pero syempre, hindi niya na naman ako nililigawan. But still, I appreciate it so much. Na siya pa mismo ang gustong makaharap ang parents ko.

    Tumikhim si daddy na ngayon ay tumabi na kay Kuya. Pinulot ni Kuya ang newspaper sa aming coffee table. Tumawa si daddy at tinapik si Kuya.

    “So early today when last night, you and your ate came home very late huh?”

    Tulog pa yata si Ate ngayon. Gusto kong magtanong ngunit hindi ko ginawa. Mas priority ko ang pormal na pagpapakilala kay Hendrix kay daddy ngayon.

    “Dad, I’m sorry tinanghali ako. Uhm…” bumaling ako kay Hendrix. “This is Hendrix Ty, my…” Hindi ko pa masabi.

    Kahapon ay binanggit ko na sa parents ko na may ipapakilala ako sa kanila ngayon. Mom was thrilled. Si daddy naman ay medyo hindi sang-ayon.

    Ito ang kauna-unahang pagkakataong may pormal ako ipapakilala sa pamilya ko. Although kilala ni mommy at daddy si Eion bilang isa sa mga kaibigan ni Kuya o kasama sa circle of friends namin, at kahit may ideya na sila na naging kami nga, hindi ko siya naipakilala ng ganito ka pormal sa pamilya ko.

    “boyfriend…” Nagkatinginan kami ni Hendrix.

    “Yes. Ipinakilala niya na ang sarili niya kanina sa akin, Erin, noong tulog ka pa.” Tumayo siya. “Your mom’s prepared us brunch. Hindi magising ang Ate mo kaya tayo na lang muna.”

    Tumayo si Kuya at humikab. Sinisikap niyang sumama sa brunch kahit na hindi na naman kailangan. Kilala niya na si Hendrix.

    “Okay. I’m sorry tinanghali ako. Auntie Azon, cooked?” tanong ko, tinutukoy ang cook namin.

    “Yes. And your mom too. Dapat pala ikaw ang nagluto.” Biro ni daddy nang naglalakad na patungong dining room.

    Kinuha ko ang kamay ni Hendrix at hinila siya doon. Ngumuso ako sa kanya. Ang tahimik, ha? Tutuksuhin ko sana kung hindi lang ako kabado rin.

    “Next time,” sabi ko kay daddy.

    Dinala ko ang mga bulaklak na bigay niya sa dining room. Naroon na si mommy at nakangiti sa akin. Tumutulong siya sa pag aayos ng mesa. Binitiwan ko ang kamay ni Hendrix para kunin ang vase na may nalalanta ng mga bulaklak.

    “Ako na niyan,” ani manang nang nakitang papalitan ko na sana ang mga iyon.

    I like doing simple things. Ipapaubaya ko nga lang ito ngayon dahil may importanteng pangyayari.

    “My, this is Hendrix-“

    “Yup. Kilala ko na.” Ngumiti si mommy, her smiling maarte face looked adorable. “Sige na, umupo na kayo.”

    Tumango ako at hinila ang upuan ko. Itinuro ko ang tabing upuan para makaupo si Hendrix. Hinila niya ang upuan ko at iminuwestra ang pag-upo ko. Sumunod ako sa gusto niyang mangyari. Umupo rin siya pagkatapos ko. Si Kuya ay nasa harap niya at inaantok parin kahit sa harap ng hapag.

    “By the way, kasali ba iyong kapatid mo sa Magis Cup? Ang alam ko ay may nakalista doon na Ty. Or ikaw ba iyon?” tanong ni Kuya.

    “Kaming dalawa. Pero hindi pa ako sigurado kung sasali ako. Si Pierre, panigurado.”

    “Wait… you’re the Ty from Xavier University basketball noong mga high school pa sina Josiah?” tanong ni daddy.

    “Yes po.” Bumaling si Hendrix kay daddy.

    “We used to watch games. Iyong iba’t-ibang cup. We’re friends with your coach noong high school ka pa. Ka-batch ko iyon sa Xavier at sinabi niyang na offeran ka daw ng scholarship sa tatlong malalaking unibersidad sa Maynila. Hindi ka pala kumuha ng alinman sa tatlo?” takang-taka si dad sa tanong niya.

    Wait. I don’t know that thing kaya palinga linga ako sa usapan nila. Tumango si Hendrix. Umupo na si mommy sa harap ko, nakatoon rin ang atensyon kay Hendrix.

    “Hindi ako tumuloy. May kursong namang ganoon sa Xavier so I’d rather stay.”

    “Sa bagay. Kayang kaya nga naman ni Ricardo na pag-aralin ka alin man sa mga unibersidad na iyon kahit na di ka na gawing scholar. So it was your choice to stay here in Cagayan de Oro?”

    Tumango ulit siya at bumaling sa akin. “I know some players in Joss’s school na nabigyan din ng offers from other universities.”

    Tumawa si daddy. “They don’t offer slots for dirty players. Unfortunately, my son is a dirty player.”

    “Dad!” tawa ni Kuya, nawawala ang antok.

    The basketball conversation went on habang kumakain kami ng brunch. Tahimik lang si mommy ngunit nangingiti na siya sa akin. She seems to like Hendrix very much.

    “So… at a very young age, pinahawak ka ng ng negosyo ng daddy mo?” tanong ni mommy, kuryoso.

    “Yes. It wasn’t a burden to me, though. I like numbers. I like how business goes.”

    Tumango si mommy, gustong gusto ang sagot. “Wala bang ibang maaasahan? Wala bang maaasahan sa mga kapatid ni Ricardo?”

    “He’s my Ahma’s only son. Sa kanya lang kasi binigay ang negosyo. My tita’s husbands are also into business kaya hirap na kung magpapatulong pa siya. Walang choice si daddy.”

    “That’s good. Good that you like business. Na kahit na sobrang hirap dahil bata ka pa, dahil passion mo iyan ay naging madali. Naaalala ko tuloy ang papa. Dahil sa paglago ng negosyo ng lolo namin, kinuha niya agad ang oportunidad na matuto kung paano patakbuhin-” ani daddy.

    “This is the machinery po?” ani Hendrix.

    “Yup. Kaya rin siya naging Engineer dahil doon. Take every opportunity. Pag bumagsak, learn from it. Just take and take every opportunity. Walang mangyayari pag hindi ka marunong sumugal.”

    Tumango si Hendrix. “Ganoon sa negosyo…”

    The conersation went on again. Pakiramdam ko ay sa sobrang engrossed nila sa usapan ay nakakaligtaan na na pinapakilala ko nga pala siya bilang boyfriend…

    “That’s why your Ahma really cared for Klare, huh? Anak siya ni Ricardo, the only bearer of your name. Well, how about you. You’re the eldest, right? Hindi ba ito bawal sa iyo na ang anak ko ang nagustuhan mo?”

    Uminit ang pisngi ko sa biglaang pagliko ng mga topic. Sumulyap si daddy sa akin. Alam niyang bigla akong naging hindi kumportable.

    “Aside from you being a chinese, dahil sa nangyari kay Elijah at Klare, mas lalo lang sigurong nag init ang dugo ng lola mo sa amin. Alam ba nila na kayo ni Erin?” parang ulan na sunod-sunod ang patak ng mga tanong ni daddy.

    “Dad! We’re not on that stage yet!” nagsalita ako dahil hiyang-hiya ako sa kay Hendrix.

    “My mom knows, I introduced her when we were in Siargao. I assume na sinabi niya na rin kay daddy. I will formally introduce Erin to my parents soon. Nasa Davao na sila ngayon kaya baka dalhin ko siya sa Davao.”

    Ilang segundong naging tahimik ang hapag sa sinabi ni Hendrix. Kung hindi lang nakiusyuso si mommy ay hindi mababasag ang katahimikan.

    “Hindi ba iyon bawal? Hindi chinese si Erin.”

    “Chinese is for chinese, huh? Some people don’t follow that tradition anymore. Bakit ang pamilya ninyo ay istriktong sumusunod?” tanong naman ni Kuya.

    “I will introduce Erin first-“

    “What if they don’t like Erin? Kawawa naman ang kapatid ko, Hendrix!” giit ni Kuya.

    Naramdaman ko ang pag apila ni daddy dahil sa sinabi.

    “Kuya! Girlfriend pa lang naman ako!” kabado kong sinabi. “I’m sure they’re not naive para isiping dahil ako ang girlfriend, kami na agad magkakatuluyan.”

    Ramdam na ramdam ko ang tingin ni Hendrix sa akin. Parang kinukurot ang puso ko sa sarili kong sinabi.

    “Yeah, I’m sure. Pero kahit na!” ani Kuya.

    “As much as possible, we want to avoid that feud again. It’s too much. Kawawa kayong dalawa,” mas kalmanteng sinabi ni daddy. “I’m sure your parents will think you’re decision might change overtime. Hindi naman siguro sila agarang mag iisip na kayo na ngang dalawa ni Erin. Siguro ay pagbibigyan kayo, pansamantala. But not for very long…”

    “My decision is final, though. I don’t think I will ever change my mind,” matigas ang boses ni Hendrix ng sabihin niya ito.

    Natahimik ako. Pakiramdam ko ay may naglalaro ulit sa tiyan kong kung ano.

    “What about your parents, then?” tanong ni daddy.

    Tiningnan ko si Hendrix. Kahit kaonting pagkakaintimidate ay wala akong nakita sa kanya. Hindi man lang siya natinag sa mga binatong tanong sa kanya.

    “I will make them understand,” simple niyang sagot.

    Nagkatinginan si mommy at daddy. Para bang may naiisip silang pareho. Huminga ng malalim si daddy bago bumaling muli kay Hendrix.

    “This will be really hard, Hendrix,” ani daddy. “It’s not like some business deal. I’m sure.”

    Tumango si Hendrix. “I know. They have to understand, though. This is not anymore a boyfriend-girlfriend relationship for me. I want the real thing. So… they really have to understand.”

    Para akong naestatwa sa kinauupuan ko. Hindi ako makatingin sa kahit kanino. Gusto ko na lang pumasok sa loob ng basong nasaharap ko at maging kasing liit molecule para hindi na makita.

    “I am in love with your daughter, Attorney.”

  • Kabanata 38Open or Close

    Kabanata 38
    Something Wrong

    “Sigurado ka na ba dito?” tanong ni Claudette habang tinitingnan akong nagliligpit ng gamit.

    Kanina pa siya nandito sa kwarto ko. Sina Ate, Kuya Joss, at Azi ay nasa baba. Hindi ko nga lang alam kung saan ang gala nila. Sasama sana ako kung hindi lang ako aalis ngayon.

    Bumuntong-hininga ako at sumulyap kay Claudette. Kabado na nga ako, mas lalo niya lang akong pinaka kaba.

    Ilang araw pagkatapos bumisita ni Hendrix sa bahay ay niyaya niya na kaagad akong pumunta ng Davao. Kaarawan na rin kasi ng kanyang mommy at may magaganap na isang intimate dinner sa kanila. Kabado ako dahil wala si Klare. Nagpunta sila ni Elijah sa Singapore para sa isang tournament kaya ako lang at ang magkapatid na Ty ang pupunta doon.

    “Of course.”
    “Hindi ka ba natatakot?” tanong ni Claudette.

    Ngunit bago ko pa siya masagot ay may kumatok sa aking pintuan. Bumukas iyon at natanaw namin ni Claudette si daddy na papasok. Binalikan ko ulit ang itim kong bag at nagpatuloy sa iimpake.

    Kagabi pa lang ay paulit-ulit akong pinapaalalahanan at binabalaan ni daddy sa mga mangyayari sa Davao. Alam ko na mahirap pero gusto kong subukan.

    “Five days, right? Nakapagbook ka na ba ng Hotel? Malapit ba sa bahay nila? Kakasya kaya ang pera mo? Need anything else? Don’t hesitate to contact us-” panimula ni daddy.
    “Dad, calm down. I’ll bring my Mastercard.” Ngumiti ako.
    “Tito, nandoon naman si Hendrix kaya hindi magkakaproblema niyan,” ani Claudette.
    Umiling si daddy. “She shouldn’t rely on Hendrix. Erin, listen…”

    Paulit ulit itong babala ni daddy sa akin. Nanunoot na ang mga kataga niya sa aking balat. Memorize ko na ang lahat ng ito at naipangako ko na rin sa kanya ang lahat.

    “Kung yayayain ka man ni Hendrix na pansamantalang tumuloy sa kanya, refuse the offer. You don’t need a place to stay when you can afford a hotel. I don’t want you to stay with the Tys.”

    Alam kong hindi pride ang pinapairal ni daddy. Alam kong ayaw niya lang na magkabuhol ang mga pangyayari dahil lang naroon ako sa puder nila. I don’t have plans to stay with the Tys too. Nakakahiya kaya iyon.

    “I won’t, dad. Don’t worry,” sinabi kong muli.
    “Which hotel again?” tanong ni daddy.
    “Waterfront Insular Hotel. Pumayag naman si Hendrix doon kaya ayos lang,” sabi ko.

    Ilang sandali ang lumipas ay pumasok na rin si mommy sa kwarto ko. Ngumiti siya habang nilalagay sa bag ko ang isang mas maliit na bag na may lamang lotion, body wash, at kung anu-ano pang pang katawan.

    “Mag ingat ka doon. Don’t hesitate to call. Mamasyal kayo ha? Maghihintay ako ng pictures sa Facebook.” Ngumiti si mommy.

    Ilang sandali lang ay bumaba na kami. Naririnig ko rin si Ate na kinakausap na si Hendrix. Nandoon na siya sa sala kasama ang kanyang kapatid. Tumayo kaagad si Pierre pagkababa ko. Tumalikod siya at umambang lalabas. Si Claudette na nasa likod ko ay sumunod naman. Kumunot ang noo ko sa dalawa nang nakitang palabas sa aming bahay.

    “Rin, ingat ka!” Tumawa si Ate sabay yakap sa akin.

    Sinalubong ni Hendrix ang aking bag at bumati siya kay mommy at daddy na nasa likod ko.

    “Dapat na talaga kaming gumala. Nag kakaubusan tayo ngayong sembreak, e,” ani Ate.
    “You call, Erin,” ani Kuya.

    Tumango ako bago bumaling kay Hendrix. Tumango siya sa akin at sabay na kaming nagpaalam dalawa sa aking mga magulang, kapatid at kay Azi. Hinanap pa namin si Claudette na wala doon kaya lumabas na lang kami ng bahay.

    Hindi kami mag i-airplane. Gustong dalhin ni Hendrix ang kanyang Alterra kaya iyon ang sasakyan namin.

    Nag-usap sila ng driver at ng isang body guard na dala pagkatapos kong pumasok sa loob. Bumaling ulit ako sa bahay kung nasaan nakatayo sina mommy at daddy, mga kapatid ko at si Azi. Binaba ko ang bintana at kinawayan sila.

    “Ate, nakita mo ba si Pierre at Claudette?” tanong ko, nagtataka.
    “Hindi.” Umiling si Ate kaya sabay silang tatlong bumalik sa bahay para hanapin ang dalawa.

    Ilang sandali ang nakalipas ay pumasok na si Hendrix sa sasakyan. Tumabi siya sa akin. Nakita ko rin si Pierre na palabas ng bahay, kasama si Claudette. Diret-diretso ang lakad ni Pierre sa sasakyan at sumalampak kaagad sa upuan. Sinarado niya ang pinto ngunit binaba ulit ang bintana.

    “Dette! Bye!” kumaway ako sa kanya.

    Umandar ang sasakyan at napawi ang kaway ko. Bumaling si Hendrix sa akin at hinawakan niya ang kamay ko. PInagsalikop niya ang daliri naming dalawa.

    “This will be a long ride.”
    Tumango ako. “Ayos lang. Naranasan ko na rin ito noong nagpunta kaming Davao para kay Klare.”
    Tipid siyang ngumiti at binitiwan ang kamay ko. He wrapped his arms around me. Ang kanyang balikat na ang hinihiligan ko ngayon. ‘Tsaka niya pinagsalikop ang aming mga daliri ulit.

    Ramdam na ramdam ko ang kaba ko sa kanyang ginawa. Nilingon ko si Pierre na nanatili ang mga mata sa labas. Uminit ang pisngi ko at nag-angat ng tingin kay Hendrix na nakatitig na sa akin.

    “I really can’t believe that you’re with me,” bulong niya.
    Ngumiti ako at unti-unting humilig sa kanyang balikat. I love this man so much. Kahit na natatakot ako ay nagawa ko paring magmahal ng ganito.

    Nakakapagod nga ang byahe patungong Davao. Tumitigil lang kami para kumain at diretso ulit ang patakbo.

    Madilim na nang nakarating kami sa syudad. Pagod na pagod ako kahit na wala naman akong ginawa kundi ang umupo sa tabi ni Hendrix.

    “Pierre, ihahatid ko muna si Erin sa hotel,” paalam niya sa kanyang kapatid.

    Gabing gabi na kaya nagkasundo kaming i-check in na lang ako. Bukas ng gabi ang dinner at magpapaalam muna si Hendrix na dadalhin niya ako bukas. Sa gabing ito ay magpapahinga muna ako. Bukas ng umaga ay pinangakuan niya akong mamasyal sa iilang mga spots sa Davao.

    “Okay,” sagot ni Pierre. “Sasama na rin ako sa inyo. Sabay na tayong umuwi,” ani Pierre.
    Bumaling si Hendrix sa kanya. “We can drop you off, Pierre-“

    Tumunog ang kanyang cellphone kaya natigil ang pagsasalita niya. Sinagot niya ang tawag.

    “Dad…” panimula niya. “Yes, nasa Davao na kami… Right now? Yes… Uuwi din.”

    Bumaling siya sa akin bago pinatay ang tawag. Kumunot ang noo ko, nagtataka. Gusto kong magtanong kung hinahanap na ba sila. Pu-pwede namang idrop na lang nila ako sa Waterfront at mag-isa na lang akong mag chi-check in.

    Tumigil ang sasakyan sa loob ng Waterfront Insular Hotel. Kahit na gabi ay kitang kita ko ang kagandahan ng hotel.

    Lumabas kami ng sasakyan. Sa paglabas pa lang ay naamoy ko na ang dagat. Hindi ko alam na malapit pala ito sa dagat. Ang alam ko lang ay may swimming pool doon, precisely the reason why Hendrix suggested it. Alam niyang mahilig akong mag swimming.

    “Ihahatid ko siya sa kanyang room. Pierre, dito ka muna.”

    Bumaling si Pierre sa akin bago tumango sa kanya. Tipid akong ngumiti kay Pierre. Medyo nahihiya na ako dahil kanina ko pa sila inaabala. Nang nakalayo ay nagsalita na ako kay Hendrix.

    “I can do this alone, you know. Pagod na pagod na ang kapatid mo. Dapat ay diretso na siyang umuwi,” sabi ko.
    “I offered to drop him off at home. Para na rin sana iwan ang driver at bodyguard pero ayaw niya kaya… ayaw niya pa siguro talagang umuwi.” Nagkibit siya ng balikat.

    Iilang coconut trees ang nakikita ko sa labas ng hotel. Kahit madilim ay naiilawan sila kaonti ng mga ilaw na galing na mismo sa hotel. Hindi crowded ang buong hotel. Kahit sa tanggapan ay iilan lang ang naroon.

    “Check in, sir?” nakangiting tanong ng babaeng nasa tanggapan.
    “Yes. Under my name,” ani Hendrix at agad binigay ang I.D. at kanyang card.

    Kumuha rin ako ng card. Nilagay ko iyon sa tanggapan ngunit agad iyong binaba ni Hendrix. Bumaling siya sa akin. His irritated look flashed once.

    “You agreed,” giit ko. “Kay daddy.”
    “Spend your money somewhere else. I invited you here, ako ang gagastos sa tutuluyan mo.”
    “Akala ko ba nag usap na kayo ni daddy?” giit ko parin.
    “I told him I’ll pay for your stay, Rin.”
    “The room is ready, sir. Executive room for two? Here are the cards.”

    Hindi na ako nakipagtalo. Nalilito na ako. Should I call dad? Maliit na bagay lang ito, ‘di ba? Binigay niya sa akin ang isang card at ang isa naman ay nilagay niya sa kanyang wallet.

    “Uuwi ako ngayong gabi. Babalik ako ng madaling araw. I wish you stay in your room and behave while I’m out. Okay?”
    Tumango ako at tinanggap ang isang card.

    Sabay na kaming pumunta sa pangalawang palapag kung nasaan ang executive room na kinuha niya para sa akin.

    Isang swipe ng card sa pinto ay nakapasok na kaming dalawa sa isang malaking room. Pinasadahan ko ng tingin ang bar, couch, at isang pintuan patungo sa bedroom. Binuhay niya ang lampshade at mga ilaw. Binuksan ko naman ang pintuan patungong bedroom. Napangiti ako nang nakita ang malapad na kama at ang tamang lamig ng buong suite. Makakatulog ako ng maayos sa gabing ito, for sure!

    Nilapag ni Hendrix ang aking bag sa may cabinet at lumangoy na kaagad ako sa kama. I like this! Pakiramdam ko ay ilang araw akong hindi nakahiga ng maayos dahil sa byahe.

    Dumungaw siya sa akin at humalukipkip. Kinagat niya ang kanyang labi.

    “You’ll go now, right?” tanong ko, naka dipa sa kama.
    Tumango siya. “I’ll be back. Ihahatid ko lang si Pierre at kakausapin si mommy at daddy para bukas. You hungry?” tanong niya.
    Medyo. Pero umiling ako para makauwi na sila. “Kakakain lang natin ng dinner. And besides, I can order pag gutumin ako.”
    Tumango ulit siya. “Call and text me while you’re awake. Don’t go to the pool or roam outside without me.”

    Umupo siya sa kama. Bumangon ako at umupo na rin. Nag indian sit ako sa tabi niya.

    “I hate to leave you alone here. I’m sorry,” aniya.
    Ngumisi ako. “It’s okay. Kaya ko naman at babalikan mo naman ako, ‘di ba? I’ll be fine, Hendrix.”
    Tumango siya at hinaplos ang pang-ibabang labi ko. Para akong natigil sa pag hinga sa kanyang ginawa. Napatingin ako sa labi niya. Nagkatinginan kaming dalawa.
    “I’ll be g-good, you know.”
    Ngumuso siya, nagpipigil ng ngiti. “You should be.”

    Tumayo siya at bumuntong hininga ako. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko. Pinatay niya ang ilaw sa taas at ang tanging umiilaw ay ang dalawang lamp sa gilid ng aking kama. Bumaling siya sa akin.

    “I’ll go now. Be good, alright? Text and call me.”
    Tumango ako kahit na ayaw ko siyang tanguan. I fucking want to kiss him but I feel like I’m not good enough kaya ayaw niya akong halikan.
    “Okay.”

    Umalis na siya at nanatili ako sa aking kama.

    Ni hindi na ako nakapagbihis sa sobrang pagod. Tulog na tulog ako buong gabi. Iyon ang naisip ko nang nagising ako kinabukasan dahil sa gutom. Patay na ang mga lampshade sa tabi ng aking kama. Hinagilap ko kaagad ang cellphone ko na maraming text galing kay Hendrix. Marami din siyang missed calls doon. Binasa ko isa-isa ang mga mensahe niya habang tumatayo para tingnan ang nasa likod ng kurtina.

    Umaga na! Ang sabi sa cellphone ko ay alas nuwebe na ng umaga. Nagbalik na ang sigla ko, hindi tulad ng pagod kong estado kagabi.

    Hendrix:
    You should call your dad. Tell him we’re here. Tinawagan ko na siya kanina. Hindi ka raw nag rereply.

    Hendrix:
    Erin?

    Hendrix:
    Answer my calls.

    Hendrix:
    Rin, tell me you’re just asleep.

    Hendrix:
    Erin Montefalco!

    Hendrix:
    Your dad is worried, Rin. Please call me when you receive this text.

    Ilan pang ganoon din. Kinabahan tuloy ako at kaagad nang tumawag kay daddy. Mabilis akong lumabas sa room at naaninag ko kaagad ang TV na nasa HBO at si Hendrix ay nasa couch, kinukusot ang mata.

    “You’re here!” napasigaw ako sa gulat.
    Suplado niya akong tiningnan. “I told you I’ll be back.”

    Sa kabilang linya naman ay sinagot ni daddy ang tawag ko. Tinuon ko muna ang pansin ko sa cellphone.

    “Dad, I’m sorry di ako nakatawag kagabi. Tulog na tulog ako pagkarating ko ng hotel. Tinawagan ka naman ni Hendrix, ‘di ba?”
    “I was worried sick, Erin! Next time, bago ka umidlip ay mag text ka naman na nakarating ka na ng Davao!” ani daddy.
    Pumikit ako. “Yeah. I’m sorry, dad. I’ll call you again. Mag aayos lang ako.”

    Binaba ko kaagad ang cellphone at bumaling kay Hendrix na naroon parin sa sofa. Nakita kong nakaayos ang unan sa gilid at may itim na bag sa baba ng sofa.

    “Diyan ka natulog?” tanong ko sabay turo sa sofa.
    Tumango siya at inayos ang buhok na medyo magulo pa dahil sa pagtulog.
    “Anong oras kang dumating dito?” tanong ko.
    “Two AM.” Tinapik niya ang tabi niya. Gustong maupo ako doon.

    I suddenly feel conscious. Mabuti na lang at hindi buhaghag ang buhok ko kaya pagkagising ay bagsak kaagad ito. Nakakainis lang na hindi ko man lang chineck kung kamusta ang mukha ko sa mga sandaling ito bago ako lumabas ng kwarto. Hindi ko naman kasi alam na nandito si Hendrix.

    “B-Buti pinayagan ka?” sabi ko sabay taas sa kilay.

    Lumapit ako sa kanya at dahan dahang umupo sa tabi niya. Hindi masyadong kumportable ang sofa kumpara sa kamang tinulugan ko. I wonder if he slept well tonight. Sana ay tumabi na lang siya sa akin kagabi.

    “Did you sleep well?” tanong niya, binalewala ang aking tanong.
    “Yup. I’m just a little hungry right now.” Ngumiti ako.
    “Pinahatid ko na dito ang breakfast. Dito na tayo kakain. You want to visit places today? I’ll be your driver.”
    Lumapad ang ngisi ko. “Where? Tayong dalawa lang?”
    Tumango siya. “You can research the places and tell me kung saan mo gustong pumunta.”
    “Hindi ba tayo mali-late mamayang gabi sa dinner?” tanong ko.
    “Hindi. I’ll make sure we’ll be home on time.”

    Pumalakpak ako. Excited na kaagad ako sa mga pupuntahan namin kahit wala pa. Nagmadali ako sa pagligo at pag-aayos. Nakaharap na ako sa salamin at nag bo-blowdry ng buhok nang pumasok siya sa kwarto.

    “Can I use your bathroom? Maliligo din ako,” aniya.
    Ngumiti ako at tumango. Hinayaan ko siyang maligo doon habang ako ay nag aayos ng buhok at mukha.

    Halos lahat ng damit ko ay jumpshorts para hindi mabigat sa bag. Jumpshorts din ang suot ko ngayon.

    Ilang sandali lang ay tapos ng maligo si Hendrix. Nakapagbihis na siya nang lumabas siya galing sa banyo. Kahit malayo ay naaamoy ko ang bango niya. Sa salamin ay nakatingin ako sa kanya. He’s wearing a simple black polo shirt and a dark blue maong pants. Basa pa ang kanyang buhok at inaayos niya ang kanyang relo sa palapulsuhan.

    “Nakahanap ka na ba ng gusto mong puntahan?” tanong niya kaya na distract ako sa pagtitig.
    “Uh… Philippine Eagle Center, ‘tsaka ‘yong Crocodile farm… sana…”

    Sa salamin ay nakikita kong tinitingnan niya ako ng mabuti. Ang suot ko, ang likod ko… Inaayos niya ang kanyang sapatos. Ako naman ay binababa ang suklay, natitigilan dahil nakatingin na sa kanya.

    Inayos niya ang sintas ng kanyang sapatos bago tumayo at lumapit sa akin. Nagkunwari akong nagsusuklay muli para itago ang kaba ko.

    Inayos niya ang buhok niya habang nakatingin sa salamin. Pagkatapos ay niyakap na ako galing sa likod. Tinitingnan niya ako sa salamin. I couldn’t help but sigh.

    “We’ll go anywhere you want to,” bulong niya, malungkot ang tinig.

    Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. Hinilig ko ang ulo ko sa kanyang leeg. I feel like I fit perfectly in his arms. Is it wrong to wish to stay like this for a while?

    Tumango ako at hinaplos ang braso niyang nakayakap sa akin. Is there something wrong? I wonder.

  • Kabanata 39Open or Close

    Kabanata 39
    Chinese

    Malayo pala ang Philippine Eagle Center sa kung saan ang hotel. Inabot yata ng higit kumulang isang oras ang naging byahe galing doon. Kaming dalawa lang ang nasa sasakyan. Nagtaka tuloy ako kung umaaligid din ba ang mga bodyguards niya sa amin ngayon o ano.

    I never really like the wild much. Iyong tipong mala gubat at puno ng berdeng halaman. I’ve always adored the beach, sand, and sun. Pero sa araw na ito, sobra sobra kong naappreciate ang kagubatan.

    Nakakita ako ng iilang mga malalaking Philippine Eagle. Lahat yata ay pinicture-an ko. Hendrix spoiled me too. Hinayaan niya ako. Madalas ay siya pa ang kumukuha ng pictures ko.

    Hila-hila ko siya habang tinuturo ang mga ibon sa itaas.

    “May buwaya, ‘di ba? Dito?” tanong ko sabay turo sa isang kulungan sa malapit.
    “I think so…”
    “Hmmm… Paano kaya kung makawala? Mabagal naman silang kumilos kaya ayos lang, ‘di ba?” Bumaling ako sa kanya.

    Nanatili ang titig niya sa akin. Tumango siya at tipid na ngumit. He’s always so uptight na pakiramdam ko ay masyado akong maingay at annoying.

    Pagkatapos naming gumala sa Philippine Eagle Center ay nagpasya agad kami na dumiretso sa Crocodile Farm. Sa gitna ng byahe ay ginutom kami kaya tumigil muna kami sa isang restaurant.

    Pumili siya ng kakainin namin habang ako ay tinitingnan ang bawat pictures sa camera at cellphone. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko habang iniisa-isa ang mga picture lalo na iyong magkasama kaming dalawa.

    “You fine with what I ordered?” tanong niya.
    Tumango ako at ngumiti. “Look at this!”

    Ipinakita ko sa kanya ang isang picture na kaming dalawa kasama ang eagle sa malapitan. Gustong gusto ko ang ekspresyon ng eagle.

    “Send it to me. I’ll upload it on my Facebook,” aniya.
    Tumagilid ang ulo ko. “Talaga?”
    Tumango siya at ngumiti rin kaya ginawa ko ang gusto niya.

    True enough, pagkakuha niya ng picture namin ay iyon ang pinalit niya sa kanyang profile picture.

    Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na kami sa Butterfly farm sa tabi lamang ng Crocodile farm.

    Natagalan kami doon dahil nawili ako sa mga butterfly na pumapatong sa ulo, kamay, o braso ko paminsan minsan.

    “Siguro dahil mabango kayo ma’am…” anang caretaker doon.

    Lumapad ang ngiti ko. Parang gusto ko tuloy maglagay pa ng pabango para lang atakehin ako ng mga paru-paru.

    Hinawakan ni Hendrix ang aking baywang kaya napatingin ako sa banda niya. Nakatingin siya sa mga paru-paru malapit sa may pond at seryoso ang mukha niya.

    “Let’s go…” aniya sabay diin pa sa pagkakahawak niya.
    “I like it here…” sabi ko.
    Huminga siya ng malalim at bumaling sa akin. Isang beses na lumagpas ang tingin niya sa aking likod kung nasaan ang caretaker bago ako pinaupo sa isang bench malapit sa may pond.

    Nagulat ako nang sabay sabay na lumipad ang maraming butterfly. Napatingala kaming pareho ni Hendrix. Tumayo ako at dumipa para makahagip ng iilan ng hindi sila sinasaktan. Hinawakan niya ang baywang ko at hinila palapit sa kanya.

    Hinarap ko siya sa pagtataka. Dumungaw ako dahil nanatili siyang nakaupo.

    “What is it?” nangingiti pa ako nang tinanong ko siya.
    Umiling siya at sinuklian ang ngiti ko. “Even the butterflies like you.”

    Hinigit niya ang kamay ko pababa na para bang gusto niyang abutin ang mukha ko. Nagpahigit ako sa kanya hanggang sa nagkalapit pa lalo kami. Ang isang kamay niya ay nakahawak sa aking batok.

    Sobrang lakas ng pintig ng puso ko. Pakiramdam ko ay nanlaki ang mga mata ko habang pinapanood siyang tumititig at parang nawawala sa akin. Bumaba ang tingin niya sa aking labi. Mas dumami ang paru-parung nagwawala sa aming paligid hanggang sa dinampian niya ako ng isang mababaw at mabilis na halik.

    Nang bumitiw siya at kinagat ko ang aking labi. Ngumisi siya.

    “Because I can’t be your first kiss anymore, I want to be your most memorable.”

    Parang kinurot ang puso ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit. Kahit na ayaw ko ay nangingilid ng paunti unti ang aking mga luha. Dammit, Erin! Hindi ko alam kung bakit ang sakit sakit ng naramdaman ko para sa mga salitang sobrang ganda. Maybe that’s it. Ang mararamdaman mo na lang pag sobra-sobra kang nagmamahal ay sakit. Iyon ‘yon.

    Ngumiti siya at tumayo. Pagkatapos ay hinila na ako palabas doon dahil may iilang mga tao na ring pumasok. Ilang saglit akong di makapagsalita. I was shocked and very very happy.

    Indeed that was my most memorable kiss. The most simple and the most remarkable. Evan’s my first kiss at nasa sinehan kami noong mga oras na iyon. I was high school, that time. I didn’t know that first kisses were important. Wala akong pakealam. But right now, tinuruan ako ni Hendrix na may mga bagay na hindi dapat agad binibigay. Na may mga bagay na hinihintay. May mga bagay na hindi dapat minamadali. Because if it’s meant for you, it will always be in the end.

    Sa Crocodile Farm ay naaliw kami sa mga buwaya. Ilang beses kong inisip kung anong mangyayari sa aming dalawa pag nakawala ang lahat ng buwaya doon sa farm. Natatawa lang siya sa mga naiisip ko.

    “Is that Master Shi Fu?” natawa ako habang tinuturo ang isang malaking tortoise malapit sa isang iguana.
    “That’s Master Oogway!” Kinatok niya ang ulo ko kaya mas lalo lang akong natawa. Hindi ko alam na kilala niya pala ang tinutukoy ko.
    “Seriously?”

    Lumaki din ang ngiti niya habang nagsi-selfie kami ni Master Oogway. Pakiramdam ko ay wala nang hangganan ang kasiyahan ko sa mga sandaling iyon.

    Nang nag oorange na ang langit at nagkasundo na kaming umalis sa Crocodile Farm ay naramdaman ko na ang kaba. Uuwi kami ng hotel ngayon para makapag ayos. Kailangan kong mag bihis ng medyo pormal para sa intimate dinner na gaganapin sa kanilang bahay.

    “I’ll just shower and change…” sabi ko, kabado na habang papasok sa suite.
    “Okay. I’ll wait here,” aniya at narinig ko ang pag on ng flatscreen.

    Sa banyo ay kung anu-ano nang mga naiisip ko. Paano kung ayawan ako ng kanyang mommy? We met weeks ago sa Siargao at maayos naman ang tungo niya sa akin. She probably doesn’t hate me, huh?

    Nireplay ng utak ko ang nangyari sa Siargao. I’m not even sure if she’s cool with me that time. Malamig siya at wala masyadong sinabi. Nagtanong lang siya ng mga tungkol sa akin. I don’t even know is she liked my answers. Naging totoo lang naman ako sa aking sarili.

    “I’m… done…” nahihiya akong lumabas pero pinilit kong maging normal.

    I’m wearing a black simple dress. Naka flats lang din ako na itim dahil ayaw kong maging masyadong pormal kung mag heels pa ako. Tumitig siya sa akin habang inaayos ang purse na dala.

    “I-Is this fine?” tanong ko sabay tingin sa aking damit.
    “Uh-huh…” tango niya.

    Pakiramdam ko tuloy dahil sa pagsisikap kong maging simple ay masyado na tuloy akong underdressed. Bongga kaya ang intimate dinner? Who’s invited?

    “You look at me like there’s something wrong with what I’m wearing,” sabi ko.

    Ngumisi siya at tumayo. Naglahad siya ng kamay. Tinanggap ko iyon kaya hinila niya na ako palabas ng hotel.

    “Can’t I just be amazed?” Nagtaas siya ng kilay.
    Nagtaas rin ako ng kilay para pigilan ang sarili ko sa pagwawala. Dahil sa pagpipigil ko ay pakiramdam ko pulang pula na tuloy ang pisngi ko.

    Nang nasa loob na ako ng sasakyan ay tahimik na ako. Pabalik balik ang happy thoughts sa aking utak para lang maibsan ang kabang nararamdaman.

    “After the dinner, we can go back to the hotel,” ani Hendrix.
    Tumango lang ako dahil nininerbyos na.
    “Don’t worry…” aniya sabay hawak sa kamay ko at dala nito sa manibela. “Please…”

    Tumango ulit ako kahit na alam ko sa sarili ko na hindi ko magagawang hindi mag worry. I will always be worried for this.

    Nakapasok na kami sa bahay nila. Hindi gaya ng amin, malayo ang garahe ng bahay nila sa gate. May fountain pa sa gitna nang pumasok kami. Tinigil niya ang sasakyan sa tapat ng kanilang double doors na malaking nakabukas.

    Sabay kaming lumabas doon. May iilang body guards na lumapit sa kanya. Binigay niya doon ang susi bago bumaling sa akin.

    “Let’s go…”

    Tumango ako at pinasadahan ng tingin ang buong bahay nila. We bought three lots in Morning Mist for our house. Pakiramdam ko ay isang block ang binili nila sa subdivision na ito para lang malikha ang mansyon na ito.

    Tahimik ang labas. Parang walang nangyayaring party. Ganoon siguro talaga pag masyadong malaki ang bahay.

    Pagkapasok ko ay marahan ang lakad ko. Si Hendrix naman ay nagmamadaling mahanap kung nasaan ang mga bisita. Nasa dining room daw sabi ng katulong.

    Tumingala ako sa isang classic na chandelier sa itaas. May enggrandeng hagdanan din kung nasaan may mga painting ng kung sinu-sinong intsik. Probably his Ahma, mommy, daddy, and so on…

    “Baka kakasimula pa lang nilang mag dinner,” ani Hendrix.

    Hinila niya ako patungo sa isang room. Narinig ko kaagad ang tawanan at pormal na usapan doon. Karamihan ay babae ang nagsasalita. At nang nakita ko nga ang dining room ay halos puro babae ang naroon.

    Tatlong lalaki lamang ang mayroon sa isang 16-seater wooden long table. Ang iba ay puro intsik na babae na ang naroon.

    “Hendrix! Where have you been?” tanong ng mommy ni Hendrix sabay linga. “Hindi parin bumababa si Pierre.”

    Napatingin ang mommy niya sa akin. Ngumiti ako at lumapit.

    “Good evening, po. Happy birthday!” bati ko sabay bigay sa kanya ng regalo.

    Pinaghandaan ko iyon. I bought her a simple but fabulous bracelet. Ngumiti siya at tinabi ang regalo ko nang hindi binubuksan. May nilingon siya sa lamesa kaya napagala din sa banda roon ang tingin ko.

    May dalawang kasing edad kong babae sa lamesang iyon. Nagkatinginan ang dalawa. Namukhaan ko kaagad ang isa bilang si Stella. Her red lipstick caught my attention.

    “Hendrix, hijo! We missed you!” anang isang kasing edad ng mommy ni Hendrix sa gilid.

    Nagawa pa nitong halikan si Hendrix sa pisngi at may sinabi sa isang banyagang lenggwahe. I’ve never really thought about that part. Alam kong marunong mag chinese ang iba kong kaklaseng half o pure chinese noong high school pero hindi ko naisip iyon kay Hendrix.

    “Yes, tita. This is my girlfriend. Her name is Erin Montefalco.” Diretsong sagot ni Hendrix sa babae.

    Ikinagulat ko iyon. Hindi ko nakuha kung bakit sinabi iyon ni Hendrix. Siguro ay dahil nagtanong ito sa chinese?

    Nakakabinging katahimikan ang naranasan naming lahat. Sa malayo ay kitang kita ko ang pag-igting ng bagang ng daddy ni Hendrix. Ang kaba ko ay mas lalo lang lumala.

    “Nice meeting you, po.” Ngumiti ako sa babae. Hindi ko alam kung ano ang maaaring sabihin ko.
    “This is Tita Rita. She’s my mom’s best friend,” paliwanag ni Hendrix.
    “Upo muna kayo, Erin, Rix. Kumain kayo,” anyaya ng kanyang mommy para yata basagin ang tensyon at katahimikan.

    Agad tiningnan ni Hendrix ang upuan sa tapat ni Stella. Ang katabi nito ay wala ring nakaupo. Nilingon niya ang kanyang daddy na malapit lamang sa upuan na iyon.

    “Let’s sit there,” aniya at pinauna na ako sa paglalakad.

    Pakiramdam ko ay matutunaw na ako sa tingin nila sa akin. Kung hindi lang nagsalita si Hendrix ay hindi ko na magagawang maupo pa doon.

    “Where’s Ahma?” tanong ni Hendrix sa kanyang daddy pagkatapos mag mano.
    “Nasa kina Tita Tania mo. She’ll spend the night there. Bukas ng umaga ay nandito na ulit siya.”
    Tumango si Hendrix sabay tingin sa akin. “Dad, si Erin po, girlfriend ko.”
    Ngumiti ako sa kanyang daddy. Gusto kong tumayo para maglahad ng kamay pero mapapagitnaan ang lalaking nasa tabi niya kaya hindi ko ginawa. “Nice meeting you, po.”
    “You’re Klare’s cousin?” tanong niya.
    Tumango ako. “I’m the daughter of Benedict Montefalco.”
    “I see. Mag dinner na kayo. Help yourselves. Hendrix…”
    “Yes, dad.”

    Umupo si Hendrix sa tabi ko. Tapat iyon ni Stella na hanggang ngayon ay parang nawiwindang parin sa nangyari.

    “Erin, this is Stella,” agarang sinabi ni Hendrix. “… and Pia. That’s Tita Cora, Tita Eve, Tita Ivy, Tita Gene. This is Tito Wesley, daddy ni Stella. Ito naman si Tito Roman.”

    Isa-isa kong nginitian ang mga binanggit ni Hendrix. Syempre ay medyo hindi nagtagal ang tingin ko kay Stella na parang hindi parin makapaniwala sa nangyayari. Her red lips were set in a grim line.

    Nagsalita ulit ng banyagang lengwahe iyong kanyang Tita Rita. Nagtaas ito ng kilay sa akin bago bumaling kay Hendrix.

    “I’ll introduce her to my Ahma. Ngayon dapat iyon. I didn’t know that she’s with Tita-“

    Pinutol siya at may binanggit ulit na banyagang lengwahe. Narinig ko ang tikhim ni Stella. Napatingin ako sa kanya. Hindi rin siya makatagal sa titig ko at napainom na siya ng juice.

    “I was with her po. That’s why,” tanging sinabi ni Hendrix at umupo na sa wakas sa tabi ko.

    Unti-unting bumangon ang usapan sa ibang topic. Ganoon din ang usapan ng kanyang daddy kasama ang dalawang lalaking katabi. Isa doon sa kanila ay ang daddy ni Stella.

    “What do you want to eat?”

    Kani-kanina lang ay kumakalam ang sikmura ko. Ngayon ay pakiramdam ko hindi na ako nagugutom!

    “Anything…” sabi ko.

    Nilapit niya sa akin ang iilang pagkaing hindi ko malaman. They all look like Tausi or something. May iilang pansit na sa iba-ibang recipe. Nang nakita ko ang chopsticks sa gilid ay napagtanto kong chinese food halos ang lahat ng handa.

    Dammit, I don’t know how to use chopsticks! Kumakain ako ng chinese food pero tinidor at kutsara namana ng gamit ko.

    “Do you always eat chinese food because you’re chinese?” bulong ko habang nilalagyan ni Hendrix ng kung ano ang pinggan ko.
    Humalakhak siya. “No. Nagkataon lang ‘to. My mom’s friends like chinese food.”

    Kinagat ko ang labi ko habang tinitingnan ang chopsticks. Wow! Wala talagang kutsara sa paligid. Parang ang dali dali lang ng ginawa ni Hendrix nang ginamitan niya ng chopsticks ang pansit na nilagay sa aking pinggan.

    Napatingin ako kay Stella na nakatitig kay Hendrix sa ngayon.

    “Where’s Pierre, Rix?” tanong ni Stella.
    “I don’t know… Nasa kwarto niya?” ani Hendrix sabay lagay pa ulit ng isa pang ulam sa aking pinggan.

    May isang buong mukhang lechon doon kaya lumakas ang loob ko. Kaya ko naman sigurong pulutin iyon gamit ang chopstick, ‘di ba?

    Sinubukan ko ng isang beses ngunit agad itong nahulog. Inayos ko ang kamay ko at mas hinigpitan ang hawak ng chopstick na nasa baba. Isang beses ko ulit sinubukan ngunit nahulog ulit ito.

    “Goodness…” May dinugtong iyong isang babae nang kinausap ako. Hindi ko iyon nakuha.
    “Huh?” napatanong ako.

    Nagtawag na si Hendrix ng katulong at nanghingi ng kutsara at tinidor. Uminit ang pisngi ko lalo na nang nakita ko ang iritadong mukha noong isang kaibigan ng kanyang mommy.

    “I said, don’t you know how to use chopsticks?” tanong niya na parang degrading ang ka walang alam ko.
    “I didn’t know po that it’s necessary if I can use spoon and fork,” sagot ko.”
    Umismid siya at bumaling sa mommy ni Hendrix.
    “You should learn that. It’s necessary. Paano pag fine dining sa isang chinese cuisine restaurant?” ani Stella.
    “That’s okay. Chinese restaurants have spoon and fork too, Stell,” sagot ni Hendrix para sa akin.
    Nagtaas ng kilay si Hendrix. “Nagsalita! Ikaw nga ang nagturo sa akin niyan noon para pag nag date tayo sa isang chinese restaurant, na paborito mo, marunong ako.”

    Tinanggap ko ang kutsara at tinidor nang hindi tinitingnan si Hendrix o si Stella. Fuck!

  • Kabanata 40Open or Close

    Kabanata 40
    Salty Kisses

    Nagpatuloy ako sa pagkain. Hindi na dinugtungan pa ni Hendrix ang sinabi ni Stella. Imbes ay itinuon niya ang pansin sa akin.

    “You want more of this?” tanong niya habang ipinapakita sa akin ang isa pang putahe.
    Umiling ako. Nawalan ako ng gana. Kakain lamang ako out of respect.

    Nagpatuloy ang usapan ng mga bisita. Samantalang ang nasa harap naming si Stella at ang kaibigan nitong si Pia ay tahimik.

    “Pierre! Kumain ka na!” anang mommy ni Hendrix nang nakita si Pierre. “Sa tabi ka ni Pia,” dagdag nito nang nakitang hindi na makahanap si Pierre ng upuan.

    Nagngitian si Pia at Stella. Isang beses ko namang namataan ang pagsulyap ni Stella kay Hendrix. Para bang nag e-expect siya na susulyapan din siya ni Hendrix pero nagkamali siya dahil ako ang naabutan niya.

    Umupo si Pierre sa tabi ng kaibigan ni Stella. Pinagmasdan kong mabuti ang pagsusuplado niya. Tahimik na naglagay ng pagkain sa pinggan nang di pinapansin ang katabi.

    “So… Hendrix, last time I went to your house in Cagayan de Oro, sabi mo ay uuwi ka rin ng Davao ngayong pasko. I hope you stay here. Mas mahirap pag malayo ka. Mahirap sa negosyo.”
    “Stella’s right, Hendrix. ‘Tsaka di mo ba nami-miss dito?” ngiti ng Pia.
    “It’s alright. Sa laptop lang naman ako magtatrabaho kaya pwede parin kahit malayo.”
    “Hindi ba ay sinabi mo nga sa akin, mas effective kang mag trabaho pag hands-on? So mas maganda nga ang narito ka,” giit ni Stella.
    “Oo nga naman, Hendrix. Why don’t you concentrate on your business?” I can’t help but interrupt.

    Tumitig si Hendrix sa akin. Hindi siya makapaniwala na nakaya kong sabihin iyon. Nagtaas siya ng kilay, parang hinihintay sa pag amin kong nagbibiro lang ako.

    “Mas lalo akong mahihirapang magtrabaho pag malayo ako,” hindi naputol ang titig ni Hendrix sa akin.

    Uminit ang pisngi ko. I can’t assume, alright. Kaya lang ay dahil sa titig niya, nanghihina ako.

    “Kaya nga… dapat dito ka na lang,” halos pahisteryang sinabi ni Stella.
    Bumaling si Hendrix sa kanya. “I don’t think I’ll be effective pag nandito ako. I’d rather stay in Cagayan de Oro.”

    May biglang tumawa sa isa sa mga kaibigan ng mommy ni Hendrix. Bumaling kaming lahat sa banda nila para tingnan kung anong mayroon.

    “What kind of birthday is this? Walang cake?”

    Napatingin ako sa handa na puro nga naman ulam at walang cake.

    “I can buy her one, tita,” singit ni Hendrix sa isang apologetic tone. “Pierre…”

    Siniko ko si Hendrix nang nakitang kumakain pa si Pierre. Bumaling si Hendrix sa akin at ngumisi.

    “He’s still eating. Uh… Do you have an oven?” tanong ko nang may nakuhang ideya. I know it’s a dumb question. Paniguradong may oven sa bahay na ito.

    “Hendrix and Pierre, ni hindi niyo man lang hinandaan ang mommy niyo ng cake?” Tumawa iyong kaibigan ng mommy niya.
    “Rix, I’ll contact a friend. Baka may cake pa doon sa shop nila,” ani Stella.

    Tumango si Hendrix at bumaling ulit sa akin, naghihintay sa maaring sabihin ko.

    “I got her cake yesterday. Kaya lang ay naubos ng mga trabahante,” tumawa ang kanilang daddy.
    “I can bake one, tito,” sabi ko.
    “Whoa, really?” natatawang sinabi ni Hendrix.
    “You know how to bake, Erin?” napatanong ang kanyang mommy.
    Tumango ako at ngumiti.

    Dahil doon ay mabilis kong tinapos ang pagkain ko. Hindi ko malaman kung ano ba talaga ang gustong mangyari ni Hendrix. Ayaw niyang mag bake ako dahil hindi raw ako pinapunta doon para gawin iyon pero excited naman siya sa gagawin ko.

    “So… are these all that you need?” tanong niya.

    His mommy requested for a chocolate cake. Gusto ko sanang iyong mas mahirap kaso hindi available ang mga mas magandang ingredients kaya ito na lang ang gagawin ko.

    “Yup.”
    “Hindi ba mahirap?” tanong niya habang nagsisimula na ako sa mga dry ingredients.
    Umiling ako. Hindi mahirap lalo na at halos kumpleto ang mga materyales na naroon. They can actually just let their cook bake this but of course, I’d like to think na mas mahalaga ang cake na ito dahil ako ang nag bake. Nasa garden na ang lahat pagkatapos kumain at doon din dadalhin ang cake na ito pagkabake kaagad.

    Nakaupo siya sa harap ng lamesa habang abala ako sa paghahalo halo ng ingredients. I will need to bake a cake without frosting this time.

    “Hendrix…” narinig kong tawag ng isa sa mga kaibigan ng kanyang mommy.
    “Po?” agaran ang pagtayo ni Hendrix.
    “Your dad called you. Mag-uusap daw kayo,” anito.

    Napatingin ako kay Hendrix na parang nagdadalawang isip na iwan ako. Tumango ako sa kanya.

    “Don’t worry. Mabilis lang naman ‘to. I have all the things I need so… this will be really easy.”
    Tinikom niya ang nakaawang na bibig bago bumaling sa tumawag at tumango. “Call manang if you need anything here. I’ll be back,” aniya.
    Tumango ako at ngumiti.

    Isang halik sa ulo ay dumiretso na siya palabas. Tahimik ang malaking kitchen habang nag hahalo ako ng mga ingredients.

    I wish they’ll like my cake, though. Napasubo pa yata ako. Pasikat ka kasi, Erin. Ayan tuloy. But anyway, I’m glad to help. I’d rather bake here than talk with them. Masyadong nakaka stress iyong pag-uusap kanina. And the chopsticks?

    “How is it?”

    Halos mapatalon ako sa nagtanong galing sa labas. Nilingon ko ang mommy ni Hendrix na papasok sa kitchen. Naka pulang dress siya at puro gold ang mga alahas. Nahihiya akong nagpakita ng pan na ilalagay na sa oven.

    “Okay lang po. Ilalagay ko na ito sa oven and I’ll just wait a bit.”

    Sinunod ko ang sinabi ko. Hinayaan ko siyang pasadahan ng tingin ang medyo magulo ng kitchen dahil sa ginawa ko kanina. Ni-set ko sa tamang Farenheit ang oven at isang beses na tiningnan ang nasa loob. This will be fine. Sa lahat ba naman ng ibinake ko, ito pa ba ang papalpak?

    Bumaling ako sa mommy ni Hendrix na hanggang ngayon ay naroon parin, nakatingin sa akin. Istrikta ang mukha niya. Ang kabang kanina ko pa nararamdaman ay mas lalo lang nagsumigaw ngayon.

    “Alam ba ni Hendrix na marunong ka mag bake?” tanong niya.
    Nalito ako doon. Kahit na alam ko ang sagot ay nalito parin ako sa kahalagahan ng tanong niya. “I think so…”
    Tumango siya at humilig sa counter. Humalukipkip siya at ngumiti.
    “And do you know that he likes chinese food?” tanong niya.
    Tumikhim ako, nahihilaw ang ngiti. “H-Hindi po, e. He never mentioned.”
    “Ilang buwan na kayong magkakilala?” tanong niya, diretsahan.
    “Kilala ko na po siya simula noong high school. He’s my cousin’s classmate and madalas po siyang naglalaro kasama ang mga pinsan ko,” sagot ko.
    “Pero ilang buwan na kayong magkaibigan?”

    Ang tanong niyang iyon ay hindi ko masagot. I’m not even sure if we have that part in our story. Siguro iyong parteng kami pa ni Eion at iyong bago ko siya sinagot, iyon ang pagiging magkaibigan namin ni Hendrix. I’ve never really thought about that. I didn’t know it’s important.

    Ngumiti ang kanyang mommy sa akin nang hindi ako nakasagot. “You know… sa relasyon, importanteng foundation ang pagkakaibigan. Relationships bound by romance and only that won’t last. Eventually, mawawala ang romance at mananatili ang friendship. If you two don’t have that, you two won’t last.”
    Huminga ako ng malalim. Hindi ko alam kung ano ang punto niya pero ayaw kong mag maang maangan, she’s questioning the strength of my relationship with Hendrix. “Habang kami po, mas lalo ko siyang nakikilala bilang siya. So I think, we’re not only tied because we love each other. I like him as a person… as a friend, too.”

    Malungkot na ngumiti ang kanyang mommy sa akin. Kinalas niya pagka halukipkip ng mga braso at humakbang ng isang beses palapit sa akin.

    “Erin, di-diretsuhin na kita…”

    Halos hindi na ako makahinga sa sandaling iyon.

    “Hendrix is bound to marry Stella Singson, his half-chinese bestfriend. His Ahma is expecting it. He’s old enough to settle down and it’s only right for him to marry someone like Stella. She’s a graduate of Ateneo de Davao. CPA na siya two years ago and now she’s in her second year sa Law School.” Huminga siya ng malalim.

    Naiinggit ako at nakakahinga pa siya samantalang ako ay parang pinutulan ng kakayahang suminghap man lang.

    “Ilang beses na naming pinakilala si Hendrix sa mga pure chinese na pwedeng maging girlfriend but he never liked anyone of them. He tried but never succeeded. I know you’re familiar of Stella and Hendrix’s love story. They’re bestfriends. Hindi puro si Stella kaya hindi masyadong maganda sa aming lahat. Hendrix loved her dearly na nakaya niyang suwayin kahit ang daddy at lola niya…”
    “But what happened if he loved her dearly? Bakit wala na sila ngayon, po? I’m sorry for interrupting your explanation. I just want to know… I don’t get the point.” Umiling ako.
    “Because Hendrix knows our family’s tradition is absolute. Nirerespeto niya iyon kaya niya iniwan si Stella. Now that we’re slowly opening up to the Singsons, I think Stella is the better woman for Hendrix.”
    Tumango ako. “She probably is… Pero natanong ba ninyo si Hendrix tungkol dito?”

    Hindi ako makapaniwala na nakaya ko pang magtanong noon. Hindi ako makapaniwala na kaswal parin ako hanggang ngayon kahit na halatang ayaw nila ako para kay Hendrix. Kahit na masarap pa iyang binake ko, hinding hindi nila iyon magugustuhan.

    “Hindi kayang baliin ni Hendrix ang desisyon ng daddy at Ahma niya. He knows these things. He understands it. He follows it and never questions it.”
    “I am so sorry po but I just want to ask… If he follows it, bakit niya ako niligawan? I… I of course would like Hendrix to respect and follow your traditions. You’re his family. I want him to respect his family. But… I don’t think ako po ang dapat ninyong kausapin ng ganito. If Hendrix would ask me to leave him because he wants to follow your rules, siguro naman po ay wala akong magagawa doon.”
    “I just want you to know that he might actually leave you for this. That this isn’t a joke na pwede lang niyang baliin anytime. His Ahma would definitely disagree with this.”

    Huminga siya ng malalim. I still don’t see the point but I’ll let her talk in the hopes that eventually, I’ll understand.

    “Pinaghirapan ni Hendrix ang negosyo ng pamilya. At a very young age, his father entrusted him almost half of the business. Lumago ito dahil sa pagsisikap niya. He likes this and this is my sons passion. I can’t let this one relationship ruin his dream. Alam kong ngayon, maaaring infatuated lamang siya sa iyo kaya nabubulag siya sa maaaring dulot nito, but I wish you understand the importance. This is Hendrix’s life. If you would only sacrifice for him to have his life, his passion, then I can say that you truly love him.”

    Nagulat ako sa sinabi niya. She’s holding this against me. Na kailangan kong iwan si Hendrix para lang maging masaya siya.

    Ganoon ba talaga? Mas masaya ba talaga si Hendrix pag iniwan ko siya? Mas masaya ba ang buhay niya? Walang gulo, mananatili ang negosyo? Why? Tatanggalan ba nila ng karapatan si Hendrix sa negosyo habang kami pa?

    “Erin, you’re a nice girl. But this time, I want to protect my family. I want my son to get what’s rightfully his. Hindi maibibigay sa kanya ang negosyo pag hindi siya sumunod sa kagustuhan ng Ahma at daddy niya. Hendrix loved the business. It’s his life. Mas gugustuhin mo bang magpatuloy kayo nang hindi siya masaya dahil nawala na ang lahat ng pinaghirapan niya?”

    Nanikip ang dibdib ko. That hit me bull’s eye. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ni wala akong masabi kahit na nagsusumigaw na ng mga salita ang utak ko.

    “We’re only lucky that his Ahma’s not here right now. His Ahma wants… I’m sorry… a girl with so much passion for performance and achievement like Stella. Na kahit na hindi ito puro, dahil sa lahat ng mga nakamit niya ay nakuha niya ang loob ni Mama. I’m sorry but you will only be a liability to Hendrix, Erin.”

    Hindi ko matanggap lahat ng narinig ko. I know unlike Stella, I don’t have much passion for academic achievement. Ang tanging hangad ko lang pagkatapos ng aking pag aaral ay isang simpleng buhay.

    Would that really matter? Tama nga kaya iyon? Magiging pabigat ako kay Hendrix?

    Tumunog ang oven, hudyat ng pagkakaluto ng cake na binake ko. Bumaling ang kanyang mommy sa oven. Hindi ako makagalaw. Hindi ko kayang gumalaw pagkatapos ng lahat ng narinig ko.

    Pinilit ko, ilang sandali ang nakalipas. Humugot ako ng malalim na hininga at kahit nanginginig ang tuhod ko ay nagawa kong yumuko para kunin ang lutong cake.

    Buong buo ito. Perpekto at humahalimuyak sa buong kwarto ang bango.

    “Thank you for the cake. I really appreciate it,” anang mommy ni Hendrix.
    Tumango ako at lumunok. Nilapag ko ang lutong cake sa counter. Nagtawag ang kanyang mommy ng iilang katulong para tumulong sa akin sa pag aayos ng cake.

    “Luto na?” narinig ko ang boses ni Hendrix sa labas.

    Huminga ulit ako ng malalim. Pinilit kong kumalma. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba kay Hendrix ang lahat ng sinabi ng mommy niya sa akin o hindi. Naisip kong hindi ito ang tamang panahon dahil may selebrasyon sa ngayon.

    “Yup. Luto na,” ngiti ko sa kanya.

    Ramdam ko ang titig ng kanyang mommy sa akin. Hindi halata na may pinag-usapan kaming masakit kanina.

    Tinagilid ni Hendrix ang ulo niya. Parang may tinitingnang mabuti sa aking mukha. Hindi na ako makatingin ng diretso sa kanya. Pinanood ko na lang ang katulong na nag aayos sa cake at umaambang ihahatid na iyon sa labas.

    “Lumabas na rin kayo,” anang kanyang mommy.

    Tumango ako at sumunod na sa kanyang mommy. Napabalik lang ako sa kinatatayuan ko nang hinila ako pabalik ni Hendrix doon.

    “What’s wrong?” tanong niya.

    Seryoso na ang kanyang mga mata. Bumaling siya sa pintuan. Kaming dalawa na lang ang naroon sa kusina. Ayaw ko munang sabihin sa kanya iyong nangyari pero sa tingin ko ay may naiisip na siya sa ngayon.

    “Nothing…” ngumisi pa ako.
    Ramdam ko ang init ng titig niya sa akin. “Nandito si mommy kanina habang wala ako, ‘di ba? Anong sinabi niya sa’yo?”
    “Hendrix, wala. A little chitchat. I’m just nervous. Masarap kaya iyong cake?” normal kong sinabi.
    Hindi bumenta sa kanya. Kitang kita ko sa mga mata niya na may konklusyon na siya kaagad sa nangyari. “Please tell me what it is.”
    Umiling ako. I would never ruin this. Siguro ay sasabihin ko sa kanya ngunit sa tamang panahon.

    Nakumbinsi ko siyang lumabas na doon para sumali sa kanila sa garden. Inabangan ni Stella ang pagdating naming dalawa. Hinihila ko si Hendrix, wala na sa mood dahil ayaw kong sabihin kung ano talaga ang nangyari.

    Sa mesa na naroon ay nakita kong may isang mas bonggang cake. Napagtanto ko kaagad na maaaring ito iyong ipinangako ni Stella kanina na cake. Gayunpaman ay nagawa ko paring ngumiti sa mga tinging sumalubong sa amin. I won’t be that emotional to even make that a big deal.

    “Mabuti na lang at may cake pa nga doon sa kaibigan ko. It looks fabulous,” wika ni Stella. “Just like you, tita.”

    Red velvet rectangular cake iyon. Taliwas sa hugis bilog kong cake na nasa tabi nito at masyadong plain tingnan.

    “Tikman natin!” ani Pia sabay kuha ng isang slice doon sa velvet cake.

    Pinaupo ako ni Hendrix sa isang upuan na medyo malayo sa mga cake. Isang tapik niya lang sa balikat ko ay napatingala kaagad ako sa kanya. Umalis siya sa tabi ko at nakita kong nilapitan niya ang kanyang mommy.

    “Hendrix!” tawag ko upang pigilan siya ngunit huli na ang lahat.

    Bumulong siya sa kanyang mommy bago sila umalis sa pagtitipon para mapag isa. Sinundan ko sila ng tingin na papasok ng bahay. Gusto kong sumunod para lang pagsabihan si Hendrix ngunit naagaw ang atensyon ko ang salida ni Stella.

    “This red velvet cake tastes so good! Ito kayang chocolate cake? Pahingi, Erin, ha?” ngiti niya.
    “Sure!” ngiti ko.

    Kumuha ng chocolate cake ang isa sa mga kaibigan ng mommy ni Hendrix at nagpatuloy sa pakikipag-usap sa iilan pa nilang kaibigan. Sa malayo ay naroon parin ang mga lalaking kasama nila kanina kasama ang daddy ni Hendrix. Nag iinuman na sila ngayon.

    “Pierre, try this red velvet. Mas masarap ‘to!” halakhak noong Pia sabay bigay ng isa pang platito kay Pierre.
    “Oo nga! Mas masarap ‘to!” dagdag ni Stella.

    Lason na ang nalulunok ko habang pinapakinggan ang puri nila sa red velvet cake. I accept criticisms, alright. Maaari ngang mas masarap iyong inorder nila. Calm down, Erin.

    Nagtatawanan na ang tatlo habang kumakain ng cake. Nilapag ni Pierre sa mesa ang kanyang cake bago kinuha ang cellphone sa bulsa.

    “Erin, try mo ‘to!” anyaya ni Stella sabay pakita sa red velvet cake niyang nangalahati pa.
    Umiling ako. “I’m good. Busog ako.”
    “Sige na! Try mo!” ngisi niya sa akin.

    Humugot ako ng malalim na hininga. Bago pa ako makatanggi muli ay may humawak na sa braso ko.

    “Let’s go…” ani Hendrix.
    “Huh?” napatingala ako sa kanya.
    Itinayo niya ako. “Nakapagpaalam na ako kay mommy. Magpaalam na tayo kay daddy. It’s late. Kailangan na kitang iuwi sa hotel mo.”

    Napasunod niya ako kahit na masyado akong nabilisan sa pangyayari. Ni hindi na ako makatingin sa mga nasa paligid dahil hinila niya na ako palapit sa kanyang daddy.

    “Dad, ihahatid ko na po si Erin,” ani Hendrix.
    “Okay…” bumaling ang kanyang daddy sa akin. “Mag ingat kayo. You’ll come back, right?”
    “Yes. I need to talk to you,” diretsong sinabi niya bago ako hinigit muli.

    Binigyan ko lang ng ngiti ang mga panauhin dahil sa pagmamadali ni Hendrix na makauwi na ako. Nang nasa sasakyan na kami ay ‘tsaka pa lang ako nakapagtanong.

    “Bakit ka nagmamadali?” tanong ko.

    Pinaandar niya ang sasakyan nang di ako sinasagot. May nangyari? Ano kaya ang pinag-usapan nila ng mommy niya.

    “Rix, nothing happened kanina. I’m fine. What’s wrong?” tanong ko.
    Sumulyap siya sa akin habang nag da-drive. “I know my mom and dad won’t accept our relationship. Pero dinala parin kita doon… Now, I want you to stay in your hotel. I’ll be back later. Mag uusap lang kami ni mommy at daddy.”
    “Not now! It’s your mom’s birthday!” tumaas ang tono ng boses ko.

    Hindi siya nagsalita. Kung anu-ano na ang naiisip ko. Pakiramdam ko ay magkakagulo na. Pakiramdam ko ay dahil sa akin, magkakasiraan sila!

    “It’s fine! I’m fine! Pinagsabihan lang naman ako ng kaonti at walang masama doon. Hendrix, please don’t overreact. You’re damn scaring me!”

    Hindi parin siya nagsalita kahit na sobra sobra na ang pagpapanic ko. Hinawakan niya lang ang kamay ko habang kung anu-ano na ang mga sinabi ko para lang pigilan siya.

    “Walang ginawang masama ang mommy mo. If anything, it’s your tradition. She’s just following what the tradition put up. Hendrix, ayos lang iyon…” Paulit ulit na ang mga sinabi ko pero sa mukha niyang diretso lamang sa kalsada, alam kong hindi na magbabago ang isip niya.

    “I want you to please stay inside the hotel. I’ll be back. Give me a couple of hours, okay?” bilin niya bago siya umalis. Hindi na siya mapipigilan.

    Sa mga oras na wala siya sa hotel ay marami na akong nagawa. Ilang ulit ko nang naisip ang mga sinabi ng kanyang mommy. Ilang ulit kong naisip kung paano mawawala kay Hendrix ang pinaghirapan niya para lang sa akin. Ilang ulit kong inisip na ako ang magiging pabigat sa kanyang buhay. While Hendrix wants to be on top, I am dragging him down.

    Is it because I have no passion for greater heights like Stella? I only want a simple life. I want to be successful and simple. I want that… nothing more. Dahil ba wala ako masyadong matayog na pangarap kaya mas lalong hindi ako matanggap. Bukod sa hindi na nga ako chinese, hindi pa ako successful, is that it?

    I couldn’t cry. Sa sobrang pagkamanhid ko at pagkakagulat ko sa lahat ay hindi ko maipalabas ng maayos ang nararamdaman ko.

    Ala una y media na at wala pa si Hendrix. There’s no text from him too. I wonder if he’ll really come back? Pinapili kaya siya ng mommy at daddy niya? Is it me or iyong sobra sobrang pinaghirapan niyang business? It’s rightfully his, indeed. At ako ang magiging dahilan kung bakit hindi iyon maibibigay sa kanya.

    Hindi parin ako dinadalaw ng antok sa aking kama. Kaya ang ginawa ko ay nagpunta ako sa may restaurant para makahingi ng chopstick. Luckily, they have some.

    I don’t even know that Hendrix loved chinese food. He never mentioned it to me. Kay Stella ko lang iyon unang narinig.

    Hirap na hirap ang mga daliri kong pakisamahan ang chopstick. Isang oras na yata akong nag eensayo sa sofa kung paano pulutin ang kapirasong bulak. Nagawa ko pang manood ng video o di kaya ay mga steps kung paano ba talaga gamitin ang chopsticks.

    Maybe his mother’s right… wala nga talaga ako masyadong alam kay Hendrix. We were never really friends. Ni hindi ko nga alam kung ano ang tawag sa amin sa mga panahong nagkakalapit na kami.

    Gusto ko nang tusukin ang bulak dahil sa pagod ko at hindi ko parin iyon mapulot nang mabuti. Hindi parin pantay ang chopsticks. Kailangan bang pantay? O kailangan lang mapulot ang pagkain sa kahit anong paraan?

    Napatalon ako nang tumunog ang pintuan at pumasok si Hendrix doon. Although he looked so serious, nanatili ang kakisigan at kagwapuhan niya kahit na madaling araw na. His polo shirt is now maroon, siguro ay nagbihis siya sa kanilang bahay.

    “You’re still awake?” pagalit niyang tanong at lumipat ang tingin niya sa aking kamay kung nasaan ang chopsticks.
    “I couldn’t sleep,” sabi ko.

    Napaawang ang bibig niya habang tinitingnan ang aking kamay. Dahan dahan siyang lumapit sa akin. Hinintay ko ang paglapit niya.

    “Anong nangyari? Nagkausap ba kayo ng mommy at daddy mo?” nag-aalala kong tanong.

    Hinawakan niya ang kamay kong may chopsticks. Agad niyang inalis iyon sa kamay ko. Nilapag niya iyon sa lamesa.

    “You don’t have to do things…” umiling siya. Ramdam ko ang sakit sa kanyang boses dahilan kung bakit nanikip ang dibdib ko.
    “Turuan mo ako!” sabi ko, nanginginig ang boses.
    Umiling siya.
    “Hindi ako marunong noon. Paborito mo ang chinese food, ‘di ba?”
    “I don’t care!” sigaw niya.

    Nagulat ako sa sigaw niya. I want to know more things about him! I want to fucking deserve him! Alam kong kanina pa lang pinapamukha sa akin ng mga tao sa paligid niya na hindi ako deserving… na hindi ako ang nararapat… na pabigat ako… kaya magsusumikap ako para hindi ganoon! Kahit na alam ko sa sarili kong imposibleng hindi ako magiging pabigat! I will forever be undeserving!

    Nangilid ang luha ko. Ngayon lang sila nagbantang lumabas kahit kanina pa ako naiiyak. I love him but I don’t deserve him. I love him but I’m gonna be his destruction. I love him but I’m going to drag him down with me… I can’t do that to the one I love!

    “Rin, listen… okay? You don’t have to try so hard.” Hinawakan niya ang pisngi ko.

    Bumuhos ang luha ko sa pagod, sakit, at pagmamahal. Hindi ko alam na posibleng pagsama samahin ang mga pakiramdam na iyon sa isang sitwasyon lang.

    “I am in love with you and there’s no way in hell I am going to let you go for anything… I don’t need you to do things. I just want you to be you. Okay?” untag niya.

    Humikbi na ako.

    “This situation will take you away from me, Rix… Hindi ko pala kaya… Hindi ko pala kaya na nahihirapan ka dahil lang sa kasama mo ako,” nabasag ang boses ko.
    Umiling siya. “No… No… Mas mahihirapan ako pag wala ka. No…” Paulit ulit siyang umiling bago ako siniil ng halik.

    I am sure my kisses were salty because of my tears. Ngunit ang labi at halik niya ay sobrang tamis na pakiramdam ko’y mawawala lahat ng problema dahil lang doon. Pumikit ako at nagpaubaya sa mga halik niyang nagpapaalis ng bawat pangamba ko. Sa bawat dampi ng kanyang labi, ramdam na ramdam ko ang gusto niyang iparating. That I am his… and he is mine… and he wants us for always.

  • Kabanata 41Open or Close

    Kabanata 41
    Wala Ka

    “Dad… I’m fine…” sagot ko sa tawag ni daddy habang bumabyahe kami ni Hendrix palabas ng Davao.
    “How was the dinner last night? Sinu-sino ang nasa dinner?” tanong ni daddy.

    Bumaling ako kay Hendrix na ngayon ay dire-diretso na ang pagdadrive palabas doon.

    Itinulog ko lahat ng sakit at takot kagabi. ‘Tsaka lang talaga ako tuluyang natahimik at kumalma pagkadating ni Hendrix. Pagkatapos naming mag usap ay dinalaw na ako ng antok dahil sa sobrang pagod. Nauna akong natulog sa kanyang kandungan. I wasn’t even sure kung nakatulog nga ba siya dahil nang nagising ako ng mga alas diez ng umaga ay gising na rin siya.

    “Hendrix’s family and his mom’s friends po.”
    “How was it?” tanong ulit ni daddy.
    “It’s fine. Nag bake po ako ng cake kagabi para sa mommy ni Hendrix.”

    Hindi ko kayang sabihin kay daddy ang totoong nangyari. I don’t want him to worry. Tahimik lang din si Hendrix sa tabi ko habang nag da-drive. I don’t know his stand on this but this is mine. I’m not going to tell dad about it.

    “Talaga? Did they like the cake?” nahimigan ko ang gulat at tawa sa boses ni daddy.
    “Of course they did…” ngiti ko.
    “They sure did, right? You bake well.” Humalakhak si dad.

    Doon ko napagtantong hindi na siya gaanong nangamba sa nangyari kaya nagpaalam na ako.

    “Dad, I have to go. I’ll call you later, okay? Don’t worry too much,” sabi ko.
    “Okay… Call me, alright?”
    “Okay… Bye dad.”

    Doon ko pinutol ang tawag. Bumaling ako kay Hendrix na tahimik parin. Isang kamay na lang ang gamit sa manibela. Nang nagising ako kanina ay sinamahan niya lang ako sa pag breakfast at sinabihang mag impake dahil aalis na kami sa hotel.

    Ngayon ay nakikita kong puro berde na ang paligid at wala na ata kami sa city proper ng Davao. Ang akala ko ay lilipat lamang kami o pupunta sa malapit na pasyalan pero nagkamali ako.

    “Where are we going?” tanong ko, nakaharap na sa kanya.
    “I just want to be out of the city.” Sumulyap siya sa akin. “Is that okay with you?”
    Ngumuso ako. “Alright. Hindi pa ako nakakapunta sa mga lugar na ito. Ikaw ang magaling dito kaya bahala ka…”
    Sumulyap ulit siya. “Your dad asked you kung nasaan tayo?”
    Umiling ako. “Alam niyang nasa Davao lang tayo. We’re just in Davao right? Sa mga probinsya?”
    “We’re heading to Davao Oriental. Technically, it’s still Davao.”

    Huminga ako ng malalim at pinagmasdan ang mga dinadaanan namin. Then we’re still in Davao.

    Unti-unting bumagal ang patakbo ni Hendrix. May tinitingnan siya sa side mirror, paminsan minsan. Ilang sandali ay tumigil ang Alterra sa gilid ng malawak na palayan.

    “Here?” tanong ko.
    Umangat ang gilid ng kanyang labi. “We’re still three hours away, though. If you’re tired, you can sleep.”
    “Why did we stop then?” tanong ko sabay tingin sa likod.
    “I’m waiting for the body guards.” Sumulyap ulit siya sa kanyang side mirror.

    May isang itim na Corolla ang tumigil sa likod namin. Lumabas si Hendrix at wala akong nagawa kundi ang tingnan siya galing sa loob.

    Lumabas din sa Corolla ang dalawang nakaitim at may malalaking katawang body guards niya. Pamilyar na sa akin ang dalawang ito. Sa pag di-date namin madalas ay madalas ko na ring nakikita ang dalawang loyalistang body guard niya.

    Nag usap ang tatlo. Parang may binibilin si Hendrix sa kanila dahil kitang kita ko ang pagtango nila habang nagsasalita ito. Pagkatapos ng ilang sandali ay bumalik na si Hendrix sa sasakyan. Ganoon din ang mga body guards sa kanila.

    “What’s wrong?” tanong ko.

    Bumaling kaming dalawa sa likod at nakita kong lumiko ang Corolla pabalik kung saan kami nanggaling. Pinaandar ni Hendrix ang kanyang sasakyan bago ako sinagot.

    “I told them to go back.”

    Tumingin ulit ako sa aming likod. Wala ni isang sasakyan akong nakitang nakasunod sa amin. Kahit na local o bus ay wala akong nakita. Bakit niya kaya pinabalik ang mga body guards niya? Sa bagay, hindi naman siguro namin kakailanganin ang mga ito.

    Hinalughog ko ang cellphone ko para sa mapa kung nasaan na kami pagkatapos ng ilang mga taniman ng palay at puno ng niyog. Nasa Davao pa nga kami. Iilang bayan na ang lumipas at nagdadrive parin siya. I feel like it’s a never ending road. Kumakanta na lang ako sa salin ng mga kantang nasa kanyang stereo. He’s silent kaya pakiramdam ko ay naiirita na siya sa akin.

    “Ugh! Na low bat pa ako!” sabi ko nang nakitang nagrereklamo na ang cellphone ko.
    “You can use my powerbank. It’s in my bag. Nasa back seat,” aniya.
    “No… No… I have mine, anyway.”

    Kahit na ganoon ay nilingon ko parin ang bag niya sa likod. Nagdala siya ng bag? Magtatagal ba kami sa kung saan kami pupunta?

    “Are we staying overnight or something?” tanong ko habang sinasaksak ang powerbank sa aking cellphone.
    “Yup. Days if you want…”
    Suminghap ako. Sumulyap naman siya sa akin.
    “I hope you won’t get bored with me,” ngumisi siya.
    “What?” natatawa kong tanong.
    “I’m a boring date. I’m sure you know that now…”
    Tumawa ako. He’s just usually silent. Iyon lang naman. I’m never bored. O baka naman talagang naaaliw ako kahit sa mga maliliit na bagay kaya hindi ko na kailangan ng maraming entertainment. “I’ve never been bored, though.”
    Nakangiti siya habang pinapaharurot na ang sasakyan.

    Ngumuso ako at kinurot ang kanyang pisngi. Inilag niya ang mukha niya sa aking daliri. Para bang naiinis pero nangingiti parin.

    “You’re so cute!” Tumawa ulit ako.
    “Stop it. I don’t want to be called cute.”
    Humagalpak na ako sa pagsusuplado niya. “Oh edi gwapo?”
    “Tssss…” Umilag ulit siya sa kurot ko.
    “Ang gwapo mo, Hendrix!” tukso ko.
    “You’re really just bored. Just sleep,” suplado niyang sinabi.
    “The first time I saw you, noong nagbabasketball ko. I think that you’re gwapo… Sa Sports Center yata iyon. Milo something…”

    Naisip ko iyong nasa Sports Center kami. Iyon kasi ang unang beses na nakita ko siya. May basketball game noon.

    “You didn’t flirt with me, though. Nag trashtalk ka lang noon.”
    “What?” natatawa na naman ako. “You remember that? You’re bluffing!” I’m really positive!
    “I can’t forget that part. My crush is insulting me. How do I forget that?”

    Hindi ako nakapagsalita. Tumitig lang ako sa kanya. He really did crush on me way back. Hindi parin ako makapaniwala talaga.

    “You were rude,” dagdag niya.

    Hindi naman ako makatanggi. Totoo ang mga nangyari.

    “I’m sorry…” hindi ko talaga mapigilan ang hagikhik ko.
    “Nagu-gwapuhan ka sa akin pero ang rude mo naman?”
    “I don’t really go after looks, anyway. Kaya wala akong pake kung gwapo.”

    Kung saan saan na napunta ang usapan namin. Pakiramdam ko ay ang bilis ng byahe dahil sa tawanan.

    “You should’ve flirted with me back then. I really thought you hate me so much. You want my shots to fail everytime I try to jump shot,” kitang kita ko ang frustration sa mukha niya habang nag da-drive siya.

    Natutuwa ako at hindi ko alam kung bakit. Siguro ay dahil natutuwa akong naaalala niya kahit ang mga konting detalye. I can’t even remember those things. Hindi ko nga lang talaga maitanggi dahil madalas akong sumisigaw ng “boo!” o “sana huwag ma shoot!” noon tuwing laban nina Kuya sa kahit sinong kalaban.

    “I don’t really flirt. Ano ka? Ano ba talaga ang tingin mo sa akin?” Nagkunwari akong na ooffend.
    Tumawa siya. “Really? You don’t? You’re a good texter. Kahit ka teammate ko noong high school, ka text mo raw. Like wow! Your number’s all over my teammates.”

    Humagalpak ulit ako nang maaalala ko ang high school. I can’t believe we’re talking about this.

    “Oh? Bakit? Ano bang mga sinabi ko sa teammates mo?” Naging boyfriend ko nga lang si Eion. What the fuck? Natawa na lang ulit ako. “Malay ko ba na gusto mo palang itext kita. You should’ve texted me first! I don’t text first!”
    “You hate me. Bakit kita itetext? Babastedin mo lang ako. Tsss.”
    “Hoy!” Umalma ako. “You’re such a pussy! Bakit? Kung may gusto ka, dapat tatry mo parin. Hindi iyong dahil may gusto sa’yo, kaya mo liligawan!”
    “Watch your mouth!” iritado niyang sinabi. “What I’m trying to say here is… kung ayaw sa akin ng isang tao, hindi ako mamimilit.”
    Umirap na ako. Kung saan-saan na napupunta ang usapan naming dalawa. “Trying is not namimilit, Rix.”

    Ngumuso siya.

    “I know. I tried… hindi naman kita pinilit, ‘di ba?” hinawakan niya ang kamay ko.

    Asus! Uminit ang pisngi ko pero hindi ko maiwasan ang panliliit ng mga mata ko habang tinitingnan ko siya. Porma nito!

    “I got you now, anyway. Hindi bale na kung anong mga nangyari noon. Basta nasakin ka ngayon. I’m good.”

    Iinisin ko pa sana siya pero unti-unti akong naniniwala na talagang ang tagal niya na pala akong gusto. Naisip ko tuloy kung worth it kaya ang paghihintay niya? Kung sa tingin niya ba ay worth it na hinintay niya ako ng ganoon ka tagal? Na worth it na sumugal na talaga siya sa akin ngayon…

    Nalaglag ang panga ko nang nakita sa isang signboard kung nasaan na kami. Mati City! We’re in Mati?

    “Hendrix…” tawag ko habang hinahalughug ang bayang nakikita ko sa labas.
    “You want to feel the Pacific again?” tanong niya.
    “Mag bi-beach tayo?” excited kong sinabi.
    “Yes…”
    “Yes!” pumalakpak na ako.

    Kahit na hapon na nang nakarating kami sa syudad na iyon ay hindi parin mapigil ang excitement ko. Nag stop over muna kami para kumain bago tumulak patungong Botona. Iyon ang resort na tutuluyan namin ngayon. Ako pa ang pinag desisyon niya kung ilang araw kami doon.

    Kumikinang ang asul na dagat at malalaking alon sa Dahican Beach. Hindi ako makapaniwalang nandito kami. Halos lumulubog ang tsinelas ko sa buhangin sa bawat pag tapak ko.

    Mabuti na lang at nagdala rin ako ng iilang bikini. I’m always ready tuwing may trip kaya hindi ko na kailangan pang bumili kahit sa resort.

    Sa isang cottage kami tumuloy ni Hendrix. Ang room na kinuha niya ay may dalawang single size bed. Gusto ko pang mag suggest na iyong may isang queen size bed na lang dahil mas mura. Ayos lang naman sa akin kung mag tabi kami kaya lang ay sa tono niya kanina sa tanggapan, pakiramdam ko ay hindi mababali ang desisyon niya.

    “Wear this!” aniya nang palapit na sa akin.

    Umaatras ako tuwing lumalapit ang alon sa akin. Isang itim na bikini bottom at aztec-designed bandeau ang suot ko ngayon. Palubog na ang araw pero nakakaakit parin ang dagat.

    “Nah! Bukas na iyan! I’m not gonna surf now.” Iling ko sa binibigay niyang long sleeves rashguard.

    Umismid siya sa akin. Ngumisi lang ako. Nilapag niya sa buhangin ang rashguard at agad na akong hinigit patungong dagat.

    I enjoyed everything with him. Naligo kami at nagbalak pang mag kayak. Kung hindi lang talaga mag gagabi na ay ginawa na namin ang lahat.

    Nagpaluto lang kami ng hapunan sa resort. Pareho kaming pagod sa byahe at sa mga ginawa kanina sa beach kaya maaga kaming nakatulog. Sa sumunod namang araw ay maaga kaming nagising para mag kayak.

    Ang linaw ng dagat at ang puting buhangin sa beach na iyon ay nasaksihan ko. Everything feels like a dream. Hindi ako araw-araw humihingi ng kung anu-ano sa Diyos pero sa ngayon, hihingin ko na sana ay dito na lang kami palagi.

    Nag surfing din kami. Baguhan ako kaya panay ang bantay niya sa akin. Tingin ko tuloy ay hindi niya lubusang na eenjoy dahil imbes na mag surf siya, binabantayan niya ako. Tuwing na wa-wipe out ako at sabay kami sa alon, nagpapahulog siya para lang hagilapin ako.

    “I know how to swim. I swim a lot way back in high school! Sa swimming pool ng school namin!” giit ko.
    “That doesn’t mean I won’t worry, Erin.”

    Dala-dala ko ang surfboard ko nang nasa shore na. Sumunod siya sa akin kaya hinarap ko siya.

    “I’m gonna build a sand castle here,” sabay turo ko sa kinatatayuan namin. “Ang mabuti pa… mag surf ka na lang. Ma bo-bored ka lang dito pag makiki gawa ka rin ng sand castle.”

    That’s how I managed to let him enjoy the waves. Mahilig siya sa surfing ngunit ang presensya ko sa mga alon ay nagpapabigat sa kanya. I want to see him enjoy this even if it means I won’t be around him.

    Gumawa na nga lang ako ng sand castle doon. Unti unting inaabot iyon ng mga alon kaya palagi akong napapaatras, kasama ito.

    Sa malayo ay kitang kita ko si Hendrix na nag eenjoy. May iilang foreigners na surfers na rin akong nakita. May mga local din pero hindi naman super crowded. Actually, tingin ko nga ay masyadong tahimik sa lugar na ito. It’s a nice place. Everyone should see it!

    Umihip ang hangin galing sa Pacific Ocean. Pumikit ako at dinama ito. I wish this is forever.

    “How’s your sand castle?” tanong niya nang nagkukulay orange na naman ang langit. Papalubog na ulit ang araw nang umupo siya sa tabi ko.

    Pulang pula na ang kanyang puting balat dahil sa init na naramdaman kanina habang nag su-surf.

    “Ilang ulit na kinain ng dagat,” bigo kong sinabi. “Hindi tuloy masyadong matayog.”
    “Don’t build it near the sea para hindi makain ng dagat,” malambing niyang sinabi. “You want help?”
    Umiling ako. “I’m done with the sand castle. Ayos lang kahit hindi masyadong matayog,” sabi ko.

    Tumitig siya sa akin. Ngumiti ako sa kanya. Lumapit siya ng bahagya. Nagtama ang mga braso naming dalawa.

    “Did you enjoy the waves?” tanong ko.
    Tumango siya. “Yup. I enjoyed it.”
    “You always worry about me. Kaya hindi ka tuloy nag enjoy kanina habang nagsusurf tayo.”
    “You can’t really ask me to not worry about you. I will always be worried about you, Erin. And… I enjoyed surfing because I can see you here. Kahit nasa dagat ako, nakikita kitang naghihintay sa akin.”

    Uminit ang pisngi ko at unti unting pinutol ang mga tore ng ginawa kong sand castle para lang may mapagkaabalahan. Ramdam ko ang titig niya sa akin. Ramdam ko na malalim ang tingin niya sa akin.

    “Hey…” hinawakan niya ang baba ko at hinarap sa kanya ang aking mukha. “Sorry sa nangyari sa Davao. I hope you forget about it.”
    Tipid akong ngumiti. “I can’t just forget about it. Iyon ang magsasabi kung pwede ba talaga tayo o hindi…” Tinusok ko ang sand castle kaya tuluyan itong nagiba.
    “That’s not it. You’re wrong, Rin… Our feelings will decide,” wika ni Hendrix.
    “Anong kwenta ng feelings kung hindi tayo tanggap ng mga magulang mo. What will happen to you?” Bumaling na ako sa kanya. I can’t hide the bitterness in my tone. “What about the business you love so much? Iyong pinaghirapan mo ng husto?”
    “Aanhin ko ang lahat ng iyon kung wala ka?” malinaw niyang sinabi bago umiling. “Walang halaga ang lahat, Rin, pag wala ka…”

    Naninikip ang dibdib ko habang tinititigan siya. Kitang kita ko sa mga mata niya ang sinseridad sa bawat katagang binitiwan. Sana ay ganoon lang ka dali ang lahat. Sana ay wala na lang hadlang. Sana ay tulad lang ng isang normal na relasyon.

    Sa gilid ko ay ang mga gamit namin kasama ang camera at ang cellphone ko. Tumunog iyong akin habang nagtititigan kami.

    Suminghap siya at tumingin sa cellphone ko. Nakita kong si daddy ang tumatawag. Sinagot ko iyon habang tinitingnan si Hendrix.

    “Where are you?” tanong ni daddy.
    “Sa Davao Oriental… Mati-“
    “Ricardo is here with her wife… Hinahanap nila sa atin si Hendrix! Are you with him, Erin?”

    Pumikit ng mariin si Hendrix na para bang alam niya na kung ano ang itatawag ni daddy sa akin. Naglahad siya ng kamay.

    “May I speak to your dad?”
    “Hindi ka nagpaalam?” tanong ko sa gulat. Hindi siya nagpaalam na pupunta kami dito?
    “Are you with him, Erin? Ang akala ng lahat ay nagtanan na kayo! Nagtatanan na ba kayo?” tumaas ang tono ni daddy sa huling tanong.

  • Kabanata 42Open or Close

    Kabanata 42
    Leave

    “Hindi po, daddy! Namasyal lang po kami!” iniwas ko kay Hendrix ang phone. Gusto kong kausapin si daddy at ipaliwanag sa kanya ang nangyari.
    Narinig ko ang buntong hininga ni daddy at ilang sandali siyang tahimik. “May I speak to him?”

    Nagkatinginan kami ni Hendrix. I don’t want to. Natatakot ako sa pag-uusapan nila kaya medyo matagal kong naiabot ang cellphone. Sinalubong ng kamay niya ang cellphone ko kaya hindi ko na nabawi.

    “Attorney…” salubong niya sa isang business like tone.

    Tumayo si Hendrix at lumayo sa akin. Tumayo rin ako para sundan siya. I want to know what they’re talking about. Or at least on Hendrix’s side. Kinakabahan ako.

    “I’m sorry. Hindi kami nagkaintindihan back home kaya hindi ako pormal na nakapag paalam sa kanila.”

    Natigil si Hendrix sa sinabi ng daddy ko. Kumunot ang noo ko. Nasa likod niya ako at nakikinig lamang siya sa cellphone.

    “Ok po.”

    Kabado ako sa sinabi ni daddy. Magagalit ba siya kay Hendrix? I don’t want my dad to get angry at him. Siguro talagang nag-away sila sa gabing iyon dahil sa akin. Sinuway ba niya ang kagustuhan ng mga magulang niya?

    Mas lalo lang akong kinabahan nang nakitang ilang sandali pa siyang nakinig kay daddy.

    “Uuwi na po kami bukas ng umaga. Opo…”

    Nagtiim-bagang ako. Uuwi na kami dahil hinahanap na siya ng kanyang mga magulang. Nakakapanghinayang pero kailangan naming sundin si daddy. Hinahanap na siya ng kanyang mga magulang at nag-aaalala na ang mga iyon.

    “Don’t worry, Attorney. Sige po…” Iyon ang huling sinabi niya kay daddy bago niya pinutol ang linya at binigay sa akin ang cellphone.

    Nagkatinginan kaming dalawa. Nangangamba ako sa lahat ng maaaring sabihin ng mga magulang namin.

    “I’m sorry…” buntong hininga niya.
    “Pinagalitan ka ba ni daddy?” tanong ko.
    “May mga bilin lang siya sa akin. Hindi ako nagpaalam ng mabuti sa parents ko, I’m sorry for the mess.”
    Umiling kaagad ako. Alam ko na hindi niya ito kasalanan. Sa totoo lang, ako ang dahilan ng lahat ng ito. Kung sana ay wala ako sa buhay niya, hindi mangyayari ang lahat ng ito. Life would’ve been easier for him.
    “Your mom and dad staying in CDO para sa pagbabalik natin?” tanong ko.
    “Yes… They’ll wait for me,” ani Hendrix.

    Kinagat ko ang labi ko. Hindi ako makapaniwala na may nagawa nga kaming gulo. Kitang kita ko sa ekspresyon niya ang pag-aalala. And I’m sure it’s not because of the situation, it’s because of me. Hinawakan niya ang magkabilang braso ko, para bang may ibibilin siya sa akin ngunit umiling ako. Binaba ko ang mga kamay niya at hinila.

    “What are you doing?” Nagulat siya sa inasta ko.
    “This is our last day here, right? Let’s surf together.”

    Hinatak ko siya patungo sa mga surfboards namin. Pinulot ko ang isa at tumakbo na ako sa dagat. Nilingon ko siya na hindi pa muna makagalaw.

    “Kung hindi ka gagalaw diyan, iiwan kita!” sigaw ko at dire diretso nang sinalubong ang mumunting mga alon sa dagat.

    Pinulot niya ang kanyang surfboard at tumakbo na rin siya patungo sa dagat.

    Sumakay na ako sa surfboard nang di siya nililingon. Alam kong susundan niya ako kahit na ikinabigla niya ang nangyari.

    Sinasalubong ko na ang mga alon at nag concentrate para makahanap ng tyempo kung kailan ako tatayo at magbabalanse. Hindi ako magaling pero malakas ang loob kong sumubok.

    Isang beses kong nilingon si Hendrix na agarang nasa likod ko na. Tumawa ako dahil seryosong seryoso siya sa kanyang ginagawa.

    Binalanse ko ang katawan ko kahit na ramdam ko na ang sakit sa aking mga braso. Nang nakuha ko ang balanse ay unti unti na akong tumayo sa pagsalubong sa isang malaking alon.

    Tumayo ako at tatlong segundo lang ay bumagsak na ako sa dagat. Inasahan ko na iyon kaya lumangoy kaagad ako patungo sa aking surfboard. May naramdaman akong humawak sa aking baywang kaya lumingon ako sa likod. Si Hendrix ay nagpahulog na naman yata sa kanyang surfboard para lang mahagilap ako.

    “What are you doing?” matigas niyang tanong.
    “This is our last day here, hindi bale nang maraming problema pagbalik. Ang importante, nasulit natin ito,” sabi ko.

    Unti unti kaming tinutulak ng alon pabalik. Naramdaman ko na ang buhangin sa aking mga paa habang palapit na kami sa shore.

    “Okay…” aniya.

    Tumili ako nang bigla niya akong hinawakan sa baywang at inangat para makaupo sa surfboard na nasa likod ko. Sinapak ko ang balikat niya dahil sa kanyang ginawa ngunit hindi na ako gumalaw sa takot na mahulog muli ako sa dagat.

    “What are you doing, Rix?” natatawa kong sinabi.

    Hinigit niya ang aking surfboard palapit pa lalo sa shore bago niya inangat na din ang sarili para makaupo sa sariling surfboard. Ngayon ay lebel na ang paningin naming dalawa. Ang mumunting mga alo sa dagat ay banayad na humahampas sa aming mga sinasakyan.

    Dumidilim na at tanging ang palubog na araw na lang ang nagbibigay ng munting ilaw sa amin.

    Nagkalapit ang aming mga surfboards. Panay ang hagikhik ko dahil sa biglang nangyari.

    “Come here,” hinigit niya ang palapulsuhan ko nang unti-unti akong nilalayo ng mga alon. Bumanggang bahagya ang surfboard ko sa kanya bago ito kumalma.

    Humalakhak ako nang nagkalapit pa kami ng husto. Hinawakan niya ang labi ko para matikom. Unti-unti siyang lumapit sa akin. Pumikit ako, anticipating his kisses. And yes, it came. Marahan ang dampi ng kanyang labi hanggang sa sinuklian ko ang bawat halik na ibinibigay niya sa akin. Ang mararahang mga halik niya ay unti unting naging kasing init ng araw kaninang tanghali. Hawak niya ang aking baba habang nawawala ako sa bawat halik niya.

    Tumigil siya at hinalikan niya ang gilid ng aking ilong. Unti unti akong dumilat kahit na inaantok ang aking mga mata.

    His shoulders flexed as he moved his lips down my neck.

    Kakaibang mga lakas ang naramdaman ko sa aking sarili habang pumipikit. Tumigil siya kaya unti-unti ulit akong dumilat.

    “I’m going to fight for us,” napapaos ang kanyang tinig. “Please, stay with me no matter what.”

    Lumunok ako at marahang tumango. Hinawakan niya ang aking pisngi. His kisses resumed noong nasa kwarto na kami. This is going to be our last night here together. Natatakot akong bumalik.

    Can we stay here, instead? Gusto kong isatinig iyon pero natatakot akong tutuparin ni Hendrix ang kahit anong hingin ko sa kanya.

    Bumitiw siya sa lumalalim na halikan at hinalikan niyang muli ang aking pisngi. I am already drunk with his kisses. Dumilat ako at naabutan siyang tinititigan akong mabuti. Pinaglalaruan niya ang daliri ko. Naka higa kaming dalawa sa kanyang kama. Inayos niya ang ulo ko sa unan niya bago niya inayos ang kanyang sarili.

    “Why did you stop?” Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pagtatanong noon.

    Kinagat niya ang kanyang labi para pigilan ang ngiting nakatakas parin.

    Nagtaas ako ng kilay dahil hindi niya ako sinagot. Ngunit ang tanging sagot niya ay isang buntong hininga at yakap.

    Noong una ay nagtatataka pa ako sa higpit ng yakap niya ngunit kalaunan ay naging kumportable na ako at unti unting dinalaw ng antok.

    Sa byahe pauwi ay marami na ang tumatawag sa akin. Sinimulan iyon ni mommy na nag-aalala na kung nasaan kami. Tumigil lamang iyon nang naputol dahil sa pagkakawala ng signal.

    Sinundan naman iyon ng tawag ni Ate, pagkatapos ay ni Kuya. Ilang tawag na rin ang nakuha ko galing sa aking mga pinsan mula kay Damon at Claudette. Tumawag na rin ang mga kaibigan ko tulad nina Liza at Julia na parehong nag-aalala.

    “I said we’re fine, Ate,” pag uulit ko sa paulit ulit na tawag ni Ate sa akin.
    “Chan, calm down…” narinig ko ang boses ni Brian sa background.
    “Basta, umuwi ka na! Enrolment niyo na! Don’t tell me hindi mo tatapusin ang huling semester mo?”
    “I will, don’t worry! Calm down, okay? Pauwi na nga kami!” giit ko nang hindi siya matigil sa pangungulit sa akin.

    Binaba ko ang tawag ni Ate at may pumasok ulit na isa pang tawag. Hindi kilala ang number pero sa dami ng tumawag sa akin sa mga oras na iyon ay iniisip kong isa parin sa mga pinsan ko. Maybe it’s Rafael on his other or new number?

    “Hello?” sagot ko.

    Hindi agad sumagot ang nasa kabilang linya.

    “Hello?” ulit ko.
    “Erin…” pamilyar na boses ang narinig ko.

    Napalingon ako kay Hendrix na ngayon ay patuloy sa pagdadrive. Si Eion ang tumatawag!

    “I heard what happened. Are you okay?” tanong niya.
    “I-I’m fine… Uh… Kanino mo nalaman?” Not that it mattered but… “I mean… thanks for the concern.”
    “I heard from Azi and Rafael. Iyon ang pinag-usapan nila habang naglalaro kami ng basketball.”

    Huminga ako ng malalim. Kakalat na yata ang balitang ito.

    “Pauwi ka na?” tanong ni Eion.
    “Pauwi na kami ni Hendrix.”
    “Oh… You’re with him…”
    “Who’s calling?” tanong ni Hendrix.

    Pumikit ako bahagya at tumingin sa labas.

    “Gotta go now.”
    “Oh. Okay… Ingat, Erin.”
    “Salamat,” sagot ko at binaba na ang cellphone.

    Sumulyap si Hendrix sa akin at tiningnan ang cellphone ko.

    “Si Eion…” sagot ko.
    Ilang sandali pa bago siya nagsalita. “Anong sinabi niya?”
    “Nangungumusta lang. He heard what happened. Kay Azi at Rafael daw…”
    “You still have his number?” tanong niya.
    Bumaling ako sa kanya. “I don’t. Hindi ko kilala ang tumatawag. I thought it’s Rafael’s new number or what… Si Eion pala…”
    Tumango siya at nanatili ang mata sa kalsada. Ramdam ko ang kanyang pagtatampo.

    Ikinagulat ko na magtatampo parin siya sa akin kahit na mahal na mahal ko siya. Hindi ko ba naipaparamdam sa kanya kung gaano ko siya ka mahal? Naninikip ang dibdib ko habang tinitingnan siyang seryoso sa pagda-drive. Ano kaya ang nasa kanyang utak?

    “Hindi na kami nag-uusap ni Eion. Ngayon lang ulit siya tumawag sa akin,” paliwanag ko.
    Tumango siya. “I understand.”

    Tahimik siya kahit noong nag lu-lunch na kami. Ramdam kong hindi parin natatanggal sa utak niya ang pagtawag ni Eion. Kahit sa byahe, nakatulugan ko na lang ang pag aalala ko sa kanya hanggang sa nakita ko na kung nasaan na kami. We’re almost back pagkagising ko.

    “Rix, diretso ba tayo sa bahay?” tanong ko.
    Tumango siya at tahimik parin. Hindi ko na natanggal ang tingin ko sa kanya.
    “Are you still mad? Dahil tumawag si Eion?”
    Humugot niya ng malalim na hininga at umiling. “I’m not.”

    I know he’s still upset because of that. Kumuha ako ng pangpusod para ayusin ang buhok ko. Papasok na kami ng Cagayan de Oro. Kailangan ko nang mag ayos.

    Sinikop ko ang buhok ko at inangat para mapusod. Isang beses siyang sumulyap sa akin. Nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo. Pagkatapos ng pagpupusod ko ay bumaling ako sa kanya.

    “Rix, please don’t be upset because of Eion. Ikaw ang mahal ko…” mataman kong sinabi.
    Tumango ulit siya. “I’m just thinking…” Umigting ang kanyang panga. “I couldn’t offer you what other men can, Rin…”

    Gusto ko siyang yugyugin para matigil ang pag-iisip niya doon. Wala akong pakealam sa ibang lalaki. He should know that! Wala akong pakealam kung maibigay man nila ang mundo sa akin! I want him and no one else!

    Pinarada niya ang kanyang sasakyan sa gilid ng kalsada. Papasok na kami ng Cagayan de Oro. Hinarap niya ako at kitang kita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha. I have never seen him this upset!

    “I can only promise you one thing. I won’t hurt you… I will protect you from whatever or whoever will hurt you. Iyon lang. Iyon lang talaga. Please don’t fall for other guys pag naging mas kumplikado ito.” Halos magmakaawa siya sa akin.

    Sinapak ko ang dibdib niya. Inis na inis ako! Naiinis ako sa kanya! Sobra-sobra akong naiinis na hindi ko mapigil ang sarili ko sa paghampas sa kanyang dibdib. Pinigilan niya ang kamay ko pero nagpumiglas ako.

    “Baliw ka ba, Hendrix? I won’t fall for other guys! Fuck! I…” nanginig ng husto ang aking labi na hindi ko masabi ang nararamdaman ko. I am lost for words! “I love you na pakiramdam ko hindi pa ako… hindi pa ako kailanman nagmahal ng ganito tapos sasabihin mo sa akin ‘yan? How can I fucking fall for someone else? Ha?” Nagpumiglas ako.

    Niyakap niya ako.

    “How can I fall for anyone? Eh, mahal na mahal na kita! Nakakainis ka! Nakakainis!” Paulit ulit kong sinabi hanggang sa napagod ako.

    Ilang sandali kaming nanatiling ganoon habang kinakalma ko ang sarili ko. Hinalikan niya ang noo ko ng paulit-ulit.

    “I’m sorry…” hingi niya nang natigil ako sa pag-iyak. Pumikit ako habang nasa dibdib niya.

    Hindi na ako nagsalita. Nanatili na lang ako sa ganoong posisyon hanggang sa kinailangan na naming umalis dahil sa mga tawag galing sa pamilya.

    Kabado na ako nang pinarada niya ang sasakyan sa tapat ng aming bahay. Ang alam ko ay wala na doon ang kanyang mommy at daddy. Nasa Hillsborough ang dalawa at naghihintay kay Hendrix pero papasok si Hendrix sa bahay para humingi ng tawad kay daddy.

    Sabay kaming pumasok. Dala-dala niya ang mga bag ko. Inayos ko ang sarili ko at binuksan ang aming pintuan.

    Sa sala ay bumungad kaagad si mommy at daddy na seryosong nag-uusap. Tumayo si daddy nang nakita ako at agad akong niyakap. Binaba ni Hendrix ang mga bag ko sa tabi ng sofa at agad bumati kay mommy at daddy.

    “I’m sorry for the mess, Attorney.”

    Tumango si mommy at niyakap ako pagkatapos ni daddy. Hinarap ni Hendrix si daddy at pinaupo sa aming sofa.

    “Did you call your mom? You should’ve. She’s worried,” ani daddy.
    Tumango si Hendrix at bumaling sa akin.
    “Dad, ano pong nangyari? Pasensya na po…” singit ko.
    “Ang akala nina Ricardo at Marichelle ay nandito si Hendrix sa Cagayan de Oro o sa atin,” ani mommy.
    “I’m sorry po. May hindi pagkakaunawaan po kami ni daddy nang umalis kami ni Erin sa bahay kaya hindi na ako nakapagpaalam,” ani Hendrix.
    “Your mom and dad dislike our daughter, Hendrix?” matapang at diretsong tanong ni mommy.
    “Hindi po ganoon. They just want me to follow the tradition-“
    “So bakit kayo inaway? It’s not like you and Erin are getting married anytime soon!” giit ni mommy.

    Yumuko si Hendrix at tiningnan niya ang kanyang mga kamay. Hinintay naming tatlo ang kanyang sagot nang narinig ko ang boses ni ate.

    “Erin…” niyakap niya ako.

    Bumaling si Hendrix sa akin.

    “I told them I’m serious about this. That I’m sure. Kaya pinigilan nila ako.”
    Narinig ko ang singhap ni Ate sa sinabi ni Hendrix.
    “Hijo… didiretsuhin na kita… I really like you for my daughter. I like you for Erin,” ani daddy. “But I don’t want Erin to get hurt. Ayaw kong magkabuhol buhol ang lahat ng ito. I know your family dislike the Montefalcos now. Mas lalala pa ngayon… Your parents want you to handle your business. Ricardo told me na sana ay huwag mong talikuran iyon dahil iyon ang pamana sa inyo ng iyong Angkong.”
    Tumango si Hendrix. “I love our business. May sentimental value ito sa akin lalo na dahil matagal ko na itong pinag-aralan. But if this thing will hold me back… bibitiwan ko po ito. I am the first born but I’m not the only son. Pierre will learn to handle that.”

    Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. I can’t believe it!

    Umiling si daddy. “No… That’s not it… Hijo, that act is heroic for Erin but let’s face it. Ang pagmamanage ng business niyo ay hindi lang tungkol sa pagpapalago ng negosyo, iyan din ang nagpapatunay na sinusunod mo ang iyong mga magulang. Ang bitiwan ito ay nangangahulugang sinusuway mo sila. Baka dahil diyan ay itakwil ka nila!”
    Tumango si Hendrix na parang alam niya na na ito ang sasabihin ni daddy. “I know. I am not their ideal son… I really love, Erin, tito.” Bumaling si Hendrix sa akin.
    Umiling si daddy at bumuntong hininga. Humgpit ang hawak ni mommy sa aking kamay.
    “I can’t pretend to care for our business more than I care for her. If I can’t have both then I’m going to leave one. And they know by now that I’m ready to leave it.”
    “Leaving your business means leaving your family, Hendrix,” sabi ko.
    “Staying with them means leaving you.” Bumaling siya sa akin. “You know that… right? And I can’t do that.”

    Sabay sabay na napabuntong hininga si mommy at daddy. Nangilid na ang luha ko.

  • Kabanata 43Open or Close

    Kabanata 43
    Let Go

    Iniwan ako ni Hendrix sa bahay. That’s the original plan. Siya lang ang haharap sa kanyang parents dahil ayaw niyang pagsalitaan ako ng mga ito ng masama. Ayaw niyang masaktan ako.

    Nanatili ako sa bahay, hindi makalmante sa mga nangyayari nang bigla akong kinatok ni daddy sa aking kwarto.

    Pinagbuksan ko siya. Alam niyang hindi ako makalma sa lahat ng nangyayaring ito. Pagkapasok niya ay umupo kaagad siya sa kama. Naroon si mommy sa hamba ng pintuan, sumunod na rin pala kay daddy.

    “What are your plans now?” tanong ni daddy.
    Umiling ako. “Hindi ko po alam, dad. I’m worried kay Hendrix. Hindi parin siya nag ti-text hanggang ngayon.”

    Apat na oras na ang lumipas simula nang umalis si Hendrix sa aming bahay para makauwi at makausap ang kanyang mga magulang.

    “May bubuksan silang business sa Davao. Ngayong Disyembre iyon magbubukas at inaayos nila lahat para sa business na iyon these past few weeks kaya kabadong kabado si Ricardo sa pag-alis niyo. He might not come back,” ani Daddy.

    Napabuntong hininga si daddy at napatingin ulit sa akin.

    “Ricardo wants Hendrix to be in Davao for the mean time habang inaayos ang business.”

    Nagulat ako doon. Hindi ko alam iyon. Hindi nabanggit ni Hendrix iyon! Papayag kaya siya? Kung kailan pala siya ng pamilya niya para sa business ay kailangan niyang bumalik na muna sa Davao.

    “Hindi sinabi ni Hendrix sa akin iyon, dy. Hindi ko alam,” sabi ko.
    Tumango si daddy. “Mukhang nakapag desisyon na siyang huwag munang bumalik.”
    “No…” umiling ako. “If that’s important then he should go back.”

    Tiningnan lang ako ni mommy at daddy. Para bang hinihintay nila akong magsalita tungkol sa isyung ito.

    “I want Hendrix to stay here pero kung ganyang may kailangan pala siyang gawin, he should go back to Davao. I… I trust him,” sabi ko.

    Bago makapag react si daddy ay narinig kong may tumawag sa aking cellphone. Dali dali ko itong tiningnan at nakita kong si Hendrix ang tumatawag. Sinagot ko kaagad ito.

    “Hendrix…” tinalikuran ko si mommy at daddy.
    “I’m sorry hindi ako agad nakapag text. My parents are still here and we’re not done talking…”
    “Are you okay?” tanong ko, hindi maiwasan ang pag-aalala.
    “Hendrix, please invite Erin over. Siya ba iyang tinatawagan mo?” narinig kong tanong ng kanyang mommy na unti unti ding nawala.

    Siguro ay lumayo siya sa mga ito para mapag isa.

    “Rix, can I come?” diretsahang tanong ko.

    I am not a martyr. Siyempre ay gusto kong katabi ko si Hendrix palagi. Gusto ko nang lagi kaming nagkikita. But this thing is for his growth. Hawak niya ang kanilang business at siya ang dapat na mag mana nito dahil siya ang naghirap para rito. I don’t want to deprive him of whatever should be his. Hindi ako ang babaeng maghahadlang sa kanya sa lahat ng dapat sa kanya. I want to be the girl who will support him in everything.

    “I will invite you anytime, Rin. But my parents are still here and-“
    “Alam ko kung bakit sila nariyan. They want you back in Davao para sa opening ng business niyo, right?” Napatingin ako kay mommy at daddy.
    “My dad can handle that. He’s making this an excuse para bumalik ako at malayo dito.”
    “I’m sure makakatulong ka doon pag naroon ka. Please… hindi ko kaya na dahil sa akin ay hindi mo magampanan ng mabuti ang trabaho mo. Pinaghirapan mo iyan…”

    Bumuntong hininga siya. Alam kong nakuha niya ang gusto kong iparating ngunit may takot sa kanya.

    “I don’t want you to worry, Erin. Kaya dito lang ako hanggang hindi pa kita madadala sa Davao. You’re still studying. This is your last semester. I want to be here so I can help you with anything.”
    Pumikit ako ng mariin. Mas gugustuhin niya iyon kesa sa hawakan ang business na pinaghirapan niya? “Hendrix, I can do this. Don’t worry about me…”

    Hindi siya nagsalita sa kabilang linya. Tingin ko ay may malalim siyang iniisip.

    “Hey… pwede ba akong pumunta diyan? I’m worried about you,” malambing kong sinabi.
    Dinig ko ang buntong hininga niya. “Kukumbinsihin ka lang ni mommy na pauwiin muna ako sa Davao. They can handle the business. They don’t need me.”

    Panay ang kumbinsi niya sa aking huwag nang pumunta sa kanila. Kahit sa pagpapaalam at sa pag sasabi kong pupunta ako doon ay inayawan niya ang desisyon ko. But then… right now, no one can stop me.

    Nang umalis si mommy at daddy sa kwarto ko para mag grocery sa SM ay lumabas na kaagad ako ng bahay. Nilakad ko galing sa aming bahay patungo sa Hillsborough Pointe. Hindi ito ganoon ka layo kaya naging madali para sa akin ang gawin iyon. Nang nasa block na ako nina Hendrix ay ‘tsaka pa lang ako nag text na naroon na ako.

    Isang tawag kaagad ang sumalubong sa akin. Malayo pa lang ay nakita ko nang bumukas ang gate at lumabas si Hendrix.

    “What… What were you thinking?” tanong niyang pagalit sa kabilang linya.

    Hindi ako nagsalita at binaba ko na ang tawag. Tutal ay magkakaharap naman din kami.

    “You’re so stubborn, Montefalco. I told you to stay home!” galit niyang salubong sa akin nang nakalapit na ako.
    “I just want to check on you…” Nanghihina kong banggit at agad niya akong niyakap ng mahigpit.
    “Can you please listen to me next time?” iritado niyang sinabi kahit na niyayakap na ako.
    “Hendrix?” pormal na boses ng kanyang mommy ang narinig ko sa likod niya.

    Suminghap kaagad ako. I’m here because I want to talk to his mom and dad. Sa party’ng iyon, bukod sa pag-uusap namin ng kanyang mommy sa kusina ay hindi na ulit nasundan. I haven’t explained my side yet. Kaya ngayon, nandito ako para ibuhos lahat ng opinyon ko sa nangyayaring ito. I would let Hendrix go… in my terms…

    “Ihahatid ko lang pauwi si Erin.” Pagpapaalam agad ni Hendrix kahit na kakarating ko lang.

    Kumunot ang noo ko sa kanya at agad nilingon ang kanyang mommy na nasa kanilang gate ngayon. Naka puting bestida siya at kahit kita sa mukha ang pagod ay nagniningning parin ang kagandahan.

    “No… papasukin mo siya sa bahay. Erin, naghapunan ka na ba?” tanong ng kanyang mommy kahit na nakaharang si Hendrix sa aking paningin.

    Pilit kong hinarap ang kanyang mommy. Tumango ako bago bumaling kay Hendrix.

    “Pumasok ka muna, Erin.”

    Nagkatinginan kami ni Hendrix. Kitang kita ko sa kanyang mga mata ang pagtutol.

    “Sige po…” sagot ko sa kanyang mommy at naglakad na papasok sa kanilang bahay.
    “Erin…” tawag ni Hendrix ngunit sumunod parin siya sa akin.

    Nauna na ang kanyang mommy sa loob ng kanilang bahay. Sumunod naman ako. Si Pierre ay nasa sofa ng kanilang sala. Sinundan niya ako ng tingin at binati ko siyang ng magandang gabi.

    Nasa garden nila kami kung nasaan may isang round table. Naroon ang daddy ni Hendrix, nakaupo. Nilahad ng kanyang mommy ang isang upuan para sa akin. Tumango ako at sumunod doon. Panay ang sunod ni Hendrix sa akin.

    Nilingon ako ng daddy ni Hendrix at ikinagulat niyang naroon ako.

    “Erin…” aniya.
    “Good evening, Sir,” bati ko.
    “Good evening.” Napabaling si Mr. Ty sa kanyang wife na ngayon ay nakaharap sa akin.
    “Do you want anything?” tanong ng mommy ni Hendrix habang naglalagay ng juice ang isang katulong nila.

    Umiling ako. Umupo si Hendrix sa gilid ko at hinawakan ang kamay ko. Nakita ko ang pag dungaw ng kanyang mommy sa ginawa ng anak. Tahimik ngunit ramdam ko ang tensyon sa aming apat.

    “I’m glad you came. Gusto sana kitang makausap so I want Hendrix to invite you for dinner but he didn’t. I’m glad you came here,” anang kanyang mommy.
    “Nag aalala lang po ako sa nangyari.” Sumulyap ako kay Hendrix. “I know nag-alala kayo dahil sa pag alis namin. Hindi ko alam na hindi niyo po alam ang pag punta namin ng Mati City.”
    “Hendrix explained that part. I’m sorry for what happened in Davao. I know I scared you…” nilingon niya si Hendrix. Bumaling din si Hendrix sa kanyang mommy kaya hinawakan ko ng mahigpit ang kanyang kamay.
    “We’re sorry, Erin. Sa mga guests namin doon na hindi naging maganda ang trato sa iyo,” wika naman ngayon ng kanyang daddy.
    “I understand it po. I know that you guys don’t really like me for Hendrix.” Hindi ako makapaniwalang nasabi ko iyon ng matapang at diretso. “Alam ko rin ang katotohanang may nirereto kayo sa kanya-“
    “Erin, taliwas sa lahat ng nilahad kong mga salita sa Davao… gusto kong malaman mo na kung saan masaya ang anak ko ay iyon ang susuportahan ko. Kung masaya si Hendrix sa iyo, susuportahan ko siya. But I just want you to know that our relatives won’t take this easily.”
    Tumango ako. “I know po. I don’t expect your relatives to like me. Seeing Klare’s situation, I expected the worst.”
    “Erin…” malamig na tawag ng kanyang daddy sa akin. “I respect your relationship with my son.” Bumaling siya kay Hendrix. “We understand it. If you would, would you convince him to-“
    “Dad, this is not going to work. I know you can handle the business alone. I can do my thing while I’m here in Cagayan de Oro. Kaya niyo na iyon ng mag isa-” singit ni Hendrix.
    “Hindi ba ay hiningi mong itayo ang business na ito para na rin kay Pierre? Bakit hindi mo tapusin ngayon? We are not anymore forcing you anything, Rix. We want you to take the responsibility. We talked about these months ago and you agreed. Ngayon na kailangan ka ng business natin, please huwag mong talikuran.”

    Tiningnan ko si Hendrix. Nahihirapan siyang sagutin ang kanyang ama. Hindi ako sigurado kung ano nga ang pinag uusapan ngunit sa mga narinig ko ay si Hendrix ang may gustong magpatayo ng negosyong bubuksan nila. This is his dream come true. Alam kong gusto niya nga itong panindigan kaya lang ay nabubulag siya sa takot niya para sa aming relasyon.

    “I can be in Davao every weekend if you want para masuportahan ang ating negosyo-“
    Umiling si Mr. Ty at pinutol siya. “You know it’s hard for me to be on the site the whole time at ang katuwang ko ay nandito. This is all I ask of you. Ilang buwan lang iyan, Rix. If you two really are meant to be, kahit na ano pa iyan ay malalagpasan ninyong dalawa. You don’t have to see each other everyday just to prove a point!”

    Mas lalong humigpit ang hawak ko sa kamay ni Hendrix. Ramdam ko ang nagbabadyang galit ng kanyang ama para sa kanya.

    “Umpisa pa lang ito ng ipapatayo mo at gusto mong wala ka? When I was young, palagi akong nandoon kung nasaan ang negosyo. Hindi ko iiwan dahil may responsibilidad ako doon. Please take the responsibility now…” Sumulyap ang daddy niya sa akin. “I am sure Erin would understand-“
    “Dad, huwag niyong ibigay sa kanya ang desisyon. My decision is to stay here-“
    “Hendrix…” tawag ko kaya natigil siya sa pagsasalita.

    Kitang kita ko ang kabiguan sa kanyang mga mata nang bumaling siya sa akin. He couldn’t hide it from me. Nahihirapan siya ngayon. Nahihirapan siya dahil ako ang pipiliin niya kahit na alam niya na ang tamang desisyon ay ang pagsuporta sa negosyong ipapatayo.

    “I am not going to let Hendrix choose between me and the business you are talking about,” mataman kong tiningnan ang mga magulang niya sa aming harapan. “That would be unfair. Gusto ko po sanang sundin kayo ni Hendrix dahil may responsibilidad siya sa negosyo niyo-“
    “Erin…” suminghap siya ngunit hindi ako napigilan.
    “I want him to take the responsibility. I understand po…” nilingon ko ang kanyang mommy. “Mahirap sa inyo ang nangyayaring ito. Mahirap din sa akin ito. I’m no martyr. And this move isn’t martyrdom. Gusto kong umuwi siya sa Davao para maayos ang negosyo niyo… sa mga kondisyon ko.”

    Nakita ko ang gulat sa mga mata ng kanyang mga magulang. Nakatitig lang si Hendrix sa akin habang nagsasalita ako.

    “This is going to be my last semester. Kaya magiging abala din ako sa pag-aaral, Hendrix.” Nilingon ko siya. “So… I probably can’t spend much time with you…”
    “I can help you, you know…” Malambing niyang sinabi.
    “Mas marami kang magagawa para sa pamilya mo kung umuwi ka na muna…” bigo kong sinabi. “You can come back every weekend or when I’m not busy and you’re not busy so we can meet.”

    Natahimik si Hendrix sa sinabi ko. Bumaling muli ako sa kanyang mommy at daddy na ngayon ay nasa akin ang buong atensyon.

    “Please don’t make him date someone. That’s my condition,” sabi ko.

    Hindi sila kumibo. Bumuntong hininga lang ang kanyang mommy pagkatapos akong marinig.

    “Alam ko kung ano iyong nangyari kay Klare at Elijah. At alam ko rin na gusto niyong ireto si Hendrix sa dati niyang kasintahan na si Stella. True… maybe she’s better than me.”
    “We’re not talking about this. I’m staying,” ani Hendrix.
    Umiling ako. “Successful and chinese. All that I’m not.”
    “Hindi nila ako mapipilit, Erin. You don’t need that condition,” ani Hendrix.
    “Okay…” anang mommy ni Hendrix. “I am sorry for telling you that noong nasa Davao tayo. You’re right, hindi mapipilit si Hendrix. I am not anymore going to force my son date someone else. I’m sorry.”
    Tumango ang kanyang daddy. “Makakauwi naman si Hendrix dito tuwing Sabado at Linggo. We just need him while the business is beginning.”
    Bumaling ako kay Hendrix na ngayon ay nakatitig parin sa akin. “Please…” sabi ko at ngumiti. “We can Skype everyday if you want.”
    “I want more than that,” bulong niya.

    Ngumuso ako. Ang akala niya ay hindi ako nag-aalala. Nag aalala din ako pero ayaw kong maging hadlang ang pag aalala ko.

    “Excuse me,” ani Hendrix at tumayo pagkatapos ay hinila ako paalis doon.

    Bumalik kami sa loob ng bahay kung nasaan si Pierre. Nakaupo parin ito sa sofa at wala nang pakealam si Hendrix nang tumigil kami doon.

    “Erin, I can handle our business and my dad can do that thing-“
    “Ang dami niyong negosyo at mag isa ang daddy mo. I know you want this too. I know your business is important to you, Rix. We can do this, please?”

    Kita ko na ang pagsusuplado niya sa gusto kong mangyari. Nahihirapan din naman ako pero ayaw kong makita niya. Kaya naming dalawa ito. Simple lang iyon. Kung mahal niya ako at mahal ko siya wala dapat kaming pwedeng ipangamba!

    Hinawakan niya ang aking magkabilang siko at hinila palapit sa kanya ang katawan ko.

    Napalingon ako kay Pierre na nakatitig sa aming dalawa. Gusto kong senyasan si Hendrix na nakatingin ang kanyang kapatid sa amin pero mukhang hindi na yata mababali ang atensyon niya sa nangyayari sa amin.

    “I am going to miss you everyday.” Umiling siya.
    Ngumuso ako. “I’m gonna miss you too. But we can do this…”
    “Oh edi di na lang ako uuwi ng Davao. I don’t want you to miss me too much.”

    Medyo naninikip na ang dibdib ko pero dahil sa sinabi niya ay lumuwang ito at natawa ako. Umiling ako habang tinititigan siya.

    “Rix… Dapat ay gusto mong mamiss kita. Please do this for me?”

    Nag-iwas siya ng tingin sa akin. Para bang alam niyang makukumbinsi ko siya pag maglalambing pa ako ng husto.

    “Please, Rix…”

    Hindi ibig sabihin na dahil nandito na ako ngayon, titigil na si Hendrix sa kanyang mga pangarap. His mother’s right. This business should be his. It is his. Wala nang ibang may karapatang mag mana ng mga iyan kundi siya dahil siya ang naghihirap para dito.

    “I’m in Davao now…” sa kabilang linya ay si Hendrix.

    Napangiti ako. Tinitingnan kong mabuti ang schedule ko. Kakaenrol lang namin ni Claudette para sa second semester.

    “Where are you?” tanong niya.
    “Nasa school. Pagkaalis mo kanina, dumiretso na ako dito,” sabi ko. “I’m enrolled.”
    “That’s good. Who’s with you?” tanong niya.

    Nilingon ko si Claudette sa tabi ko.

    “I’m with Claudette. Bakit?”
    “Wala… I’m just checking. Ngayon ang uwi ni Klare. Pumasyal kayo sa bahay pagkatapos niyang mag enroll…”
    “Okay… We will…” sabi ko at nilingon ang dalawa kong pinsan na papalapit. “I need to go. Nandito na si Klare at Elijah.”
    “Okay… Bye. I love you, Rin.”

    Kumaway ako kay Klare na hindi makangiti sa akin. What’s making her upset?

    “I love you too, Rix. Ingat ka.”

    Pagkatapos ay binaba ko na ang aking cellphone para salubungin si Klare ngunit niyakap niya akong bigla.

    “I heard what happened! I’m sorry…” salubong niya.

  • Kabanata 44Open or Close

    Kabanata 44
    I Miss You

    Pagkatapos ma enrol ni Klare, alam niya na ang buong nangyari sa amin ni Hendrix. Hindi matanggal ang mga mata niya sa akin habang kinikwento ko ang nangyari noong nagpunta kami sa Davao.

    “His mom told me na hindi daw ako magugustuhan ng relatives niyo… that they like someone for Hendrix…” Pinaglaruan ko ang aking mga daliri.

    Pinutol ko doon ang pagsasalita ko. Nag angat ako ng tingin kay Klare at nagulat ako sa kanyang paninitig. Kitang kita ko ang sakit at pagkakagulat para sa lahat.

    “Don’t look at me like that…” nag-iwas ako ng tingin sa kanya.
    “You let my brother go?” tanong niya. “From what you told me, mahal na mahal ka niya, Erin.”

    Hindi ako makapaniwala na sa lahat ng tao ay siya pa ang ku-kwestyun sa naging desisyon ko. Umiling na lang ako at sumakay sa back seat ng Trailblazer ni Elijah.

    Sumunod si Claudette sa akin at si Klare ay dumiretso sa front seat. Bumaling siya sa akin habang pinapaandar ni Ej ang sasakyan.

    “Hindi ka pa niya naipapakilala kay Ahma, right? My papa and tita Marichelle are powerless pag si Ahma na ang magsasalita!” nag aalalang sinabi ni Klare.
    “From what I see, Klare, hindi ganoon ka masunurin si Hendrix,” ani Claudette. “Kung hiniwalayan niya man si Stella noon para sa inyong Ahma, that was probably because he didn’t like her that much.”
    “I don’t know…” Umiling si Klare. “I trust Hendrix. Natatakot lang ako sa maaaring gawin ni Ahma. All the desperate moves she can make… all the situations she probably can manipulate just to make sure that my brother marries the girl my Ahma wants.”

    Hindi na ako nakapagsalita. Hindi ko alam kung bakit mas lalo lamang akong kinabahan sa sinabi ni Klare.

    “I don’t think so, Klare. I’m sure hindi magpapamanipula si Hendrix sa Ahma mo,” ani Elijah kahit na nakatoon ang mata sa kalsada.
    “I really hope so…”

    Hindi ko na ulit binanggit ang tungkol doon nang dumating kami sa bahay nina Klare. Naroon si Pierre sa sala nila at parang nanibago ako na nandito ako ng wala si Hendrix.

    Niyaya ako ni Klare na pumunta sa kanilang kusina para magluto ng kung ano. Nagpaiwan si Claudette at Elijah sa sala. Si Elijah ay parang may tinitext sa kanyang cellphone at nalaman ko na lang kay Klare na si Azi ay pinapapunta din niya doon.

    Pinag-usapan namin lahat ng pwedeng mangyari sa kasalukuyan. Ayaw ko na munang isipin ang tungkol sa magiging reaksyon ng pamilya ni Klare. Kahit ako ay nalilito sa kung anong gagawin ko kung sakaling may mangyaring hindi maganda.

    “Paturo ako sa pag gawa niyan, ha?” ani Klare habang nilalapag ko sa oven ang oatmeal cookies, ang huli sa ginawa namin doon.

    Tulad ko, mahilig din sa kusina si Klare. Ngunit ako lang yata ang mas may panahon na mag-aral tungkol doon simula pa noon dahil mas mahilig siya sa pag sasayaw.

    “Tinuruan na kita nito noon ah?” nagtaas ang kilay ko.
    Ngumuso siya. “Still. Hindi maganda ang resulta ng mga nagawa ko. Si Charles lang ang kumakain ng lahat. I’m not sure if maganda ‘yong appetite niya sa panahong iyon o ayaw niya lang na mabigo ako.”
    “Fine. I’ll teach you again.” Humalukipkip ako at umupo sa high chair sa tapat niya.
    “Hey… What are your plans after graduation?” biglaan niyang tanong.
    “Well, I don’t have plans yet. Ang sabi ni mommy ay kung gusto ko raw, susubukan kong mag apply sa isang German bank sa Manila. Kina Tita Suzanne ako titira dahil ayaw niyang bumukod ako.”

    This is what my mom offered a year ago. Syempre ay gusto ko ito. My original plan was to make money so I can invest para sa plano kong negosyo. Hindi na rin ako umapila siyempre sa pagtira sa kapatid ni mommy dahil mas makakatipid ako kung sakali.

    “Hindi ka kaya panghinaan ng loob na bumalik dito at magtayo ng negosyo? Why don’t you jump into business agad?” Kumunot ang noo ni Klare.
    “I don’t want to rely too much, Klare. Alam kong malaki ang nakukuha nina daddy at Kuya sa lupain pero kung kaya ko namang kitain ang ipamumuhunan ko, bakit hindi?”
    “So… you are going to leave after graduation, is that it?” tanong ni Klare.

    Ngayon lang sumagi sa isip ko ang pinag-uusapan naming dalawa. Masyadong nakulong ang utak ko sa pag-iisip sa gagawin ko pagkatapos mag-aral na nakalimutan ko kung bakit kailangan kong manatili dito. Iiwan ko ba si Hendrix?

    “What are your plans?” ibinalik ko kay Klare ang tanong. “Magtrabaho sa bank?”

    Nagkunwari akong wala lang ang lahat sa akin kahit na natamaan ako doon. Sumimsim ako sa isang basong nasa harap ko bago ko binalik ang tingin sa kanya.

    “Nope. Tutulong lang ako sa inventories sa building. Kaya naman ni mommy kaso gusto niyang ako na daw ang gumawa.”
    Tumango ako.

    The conversation went on. Mostly ay tungkol sa mangyayari after graduation ang napag-usapan naming dalawa ni Klare. Pinag usapan din namin ang defense para sa thesis at pareho kaming kabado.

    Nang naluto na ang mga ginawa namin ay saktong nandoon na si Azi at Kuya Josiah. Hiyang-hiya tuloy ako kay Pierre na kinailangan pa niyang tiisin ang ingay ng mga pinsan ko gayong dapat ay payapa sa bahay nila.

    Nagkukwentuhan at tawanan kami nang biglang tumawag si Hendrix. Kinailangan ko pang umalis sa tabi ni Klare para lang masagot ang kanyang tawag. Maingay kasi ang mga pinsan ko sa tawanan kaya baka hindi ko marinig ng mabuti.

    “Hello…” sagot ko nang nasa kusina na ako.

    Tiningnan kong mabuti ang mga tira tirang cookies sa pan. Wala ako sa sarili dahil sa tawag niya.

    “Hello… How are you?” Napapaos ang kanyang boses.
    “I’m fine. Ikaw?”
    “Fine too. Nasa Hillsborough kayo?” tanong niya.
    “Yup. We baked some cookies. Nandito din nga pala si Elijah, Claudette, Azi, at Kuya…” kinagat ko ang aking labi.
    “That’s good. Maybe you should bake some for me sometime.”
    “Hmmm… Okay…” ngumiti ako. Hindi ko pa nga pala siya nagawan ng ganito.
    “Pasyal kayo diyan lagi… If you’re bored, you can go there.”
    “Ha? Anong gagawin ko dito?” Natatawa kong tanong. “What if Klare’s not here?”
    “You can bring Claudette. I’m sure Pierre will be happy.” He chuckled.
    “Pierre and Claudette?” Natawa rin ako.

    Napag-usapan namin ang pagbabalik niyang muli. Dalawang linggo pa bago siya makakabalik. Kahit kasi Sabado ay may aasikasuhin siya kaya Linggo lang talaga ang kanyang free time. Of course, I can’t let him just ride the plane in the morning and go back to Davao in the afternoon. That would be unfair. Bukod sa mapapagod lang siya ay para na ring pinagkaitan ko siya ng pahinga.

    “How’s your love life?” biglaan niyang tanong sa akin.
    “Love life?” Nalilito kong sagot habang pinaglalaruan ang mga cookies.
    “You know… Your love life habang wala ako diyan. Everyone probably thinks you’re single. Malayo ako sa’yo.”
    Humagalpak na ako sa sarkastikong tono niya. Bakit sobrang suplado ng lalaking ito? “My love life is fine, Hendrix. We’re fine unless kung magselos na naman ‘yong love life ko para sa walang kwentang dahilan. Get over that! Hindi ako pinagkakaguluhan ng mga lalaki dito!” Umirap ako sa kawalan.
    “I will stop if you stop going with your brother everytime may laro sila kasama ang mga alumni.”

    Laglag ang panga ko habang nakikinig sa kanyang nagsusuplado. Kahit na hindi ko siya nakikita ay alam ko kung ano ang kanyang ekspresyon. Boses niya pa lang, naiisip ko na kung paano siya gumalaw.

    “I was bored. Aside from going to the gym, wala na akong ginagawa kasi wala ka dito.”
    “No one plays better than me.”

    Napapikit na ako. I can’t believe this.

    “Ang yabang mo ha! So? Hindi na pwedeng manood kasi ikaw na ang pinakamagaling?”
    “Tss…” Para bang dahil nafu-frustrate na siya sa akin ay iyon na lang ang sinagot niya.
    “Fine! It’s true, though. No one… plays better than you…” uminit ang pisngi ko.

    Kung pwede ko lang sabihin sa kanya na tuwing nabo-bored ako ay pupwede ko ba siyang tawagan o di kaya Skype man lang kaso nahihiya ako. I know he’s busy and asking for that time will be a burden.

    And indeed, sa unang dalawang linggo ng pagbabalik sa eskwela ay naging hectic ang schedule ko dahil sa mga proyekto at thesis.

    Kung anu-ano ang naranasan namin. Madalas pang nag aaway ang mga ka groupmates dahil sa mga mali-maling ginagawa. Minsan ay dahil may mga tamad at may mga inaako ang lahat ng gawain.

    “Oh, Erin… Nagmamadali ka yata?” tanong ni Claudette nang halos tumakbo ako palabas ng AVR pagkatapos ng lecture.

    Sabado iyon at panigurado’y nakarating na si Hendrix. Alas Dose kami natapos at ang alam ko ay alas diez ang dating ni Hendrix dito.

    “Hendrix, e,” iyon na lang ang nasabi ko kay Claudette nang lagpasan ko sila ni Klare kasama ang mga kaibigan ko.

    “Hintay!” sigaw ni Klare sa akin.

    Isang beses ko siyang nilingon at nakita ko ang ngisi niya. Natigil ako nang narinig ang pamilyar na dambana at kasunod ang isang panalangin.

    Marahan akong pumikit. Mabuti na lang at nakasilong ako sa malalaking kahoy sa tabi ng soccer field ng aming unibersidad. Hinipan ng mabining hangin ang aking buhok. Dumilat ako at nakita ang ibang estudyanteng natigil din para banggitin ang panalanging iyon.

    “Why?” sigaw ko kay Klare sa aktong pagkatapos ng dasal.

    Lumapad lang lalo ang ngisi ni Klare. Napangiti din si Claudette. Si Julia, Liza, at Hannah na nasa gilid ng dalawa ay pare parehong namamangha.

    Unti unting nagdilim ang paningin ko dahil sa kamay na dumapo sa aking mga mata. Pamilyar na bango ang umatake sa aking ilong. I’m sure it’s Hendrix!

    Tinanggal ko ang kamay niya at pagkalingon ay agad ko siyang niyakap ng sobrang higpit. Natawa siya sa reaksyon ko.

    “Oh…” Ibinaon ko ang mukha ko sa kanyang dibdib. I miss him so much.
    “I missed you so much,” bulong niya. “Can I date you today?”

    Bumitiw ako sa pagkakayakap ko sa kanya. Narinig ko ang tawag ni Klare kay Hendrix. Mas lalo lang uminit ang pisngi ko. Ngayon ko lang napagtanto na sa sobrang excitement ko ay hindi ko sinasadyang naipakita sa madla na sabik na sabik ako kay Hendrix.

    “Rix! I miss you!” ani Klare nang nakalapit.
    “I miss you too. Wala na kayong pasok?” bumaling siya sa akin.
    “Wala na. Uuwi na nga ako. Isasama ko si Claudette at Elijah.”
    Tumango si Hendrix. “I hope you don’t have plans with Erin.”
    “Kaya pala ayaw niyang mag Xbox kami sa bahay niyo…” seryosong sinabi ni Claudette.
    Tumawa si Hendrix. Ngumiti lang ako kay Claudette. Hindi naman ako makatingin ng diretso sa mga kaibigan ko.
    “We’re sorry. I need her time.”
    “That’s okay, Rix.” Ngumiti si Klare.
    “Well then… We’ll go now…” ani Hendrix sabay hawak sa kamay ko.
    “Sorry, Klare, Dette…” ngumiti ako. Sumulyap ako sa mga kaibigan kong hindi parin nagsasalita hanggang ngayon. “We have to go…”

    Pinakawalan nila kami. Pakiramdam ko ay kailangan kong sulitin ang mga oras na magkasama kami sa dalawang araw na inilaan niya para sa amin. Uuwi din siya bukas at planado na lahat ng gagawin namin sa dalawang araw na ito.

    Ngayon ay sabay kaming mag lu-lunch, manonood ng movie, pagkatapos ay dinner ulit. Ihahatid niya ako sa bahay sa gabi at kinabukasan ay bibisita ulit siya sa bahay para makapagpaalam.

    “Don’t look at me like that. I’m distracted,” ani Hendrix nang napansin ang paninitig ko sa kanya habang nagmamaneho.
    Tumawa ako. “What’s wrong with looking at you. Ang tagal kaya tayong hindi nagkita!”
    “Why don’t you drive here para ako naman ang manitig sa’yo?”
    Umirap ako sa sinabi niya but that gave us an idea.

    Pagkatapos ng date naming iyon, sa sunod na dalawang linggo pa ulit ang balik niya. Pagkabalik niya ay iyon nga ang ginawa namin.

    Hindi ako marunong mag maneho ng manual kaya tinuruan niya ako. Sa loob lamang kami ng Hillsborough Pointe nag practice mag drive.

    “You’re doing real good…” he chuckled.

    Totoong medyo gamay ko na ang mga aapakan kaya lang ay sa sobrang pagko-concentrate ko sa mga aapakan ay masyado nang mabagal ang patakbo ko.

    “Shut up! I know I’m not good enough!” Umirap ako at itinigil ang sasakyan. “Ang hirap pala nito.”
    “What? You’re doing great.” Nanliit ang mata niya. “That’s already good. Anong klaseng pagdadrive pa ba ang gusto mo?”
    “I drive… like 30kph in manual at iyon ang pinakamabilis. Seventy is fine.” Tumango ako.
    “Seventy?” Gulat niyang tanong. “Erin, you’re a girl!”
    Nagulat din ako sa ideya niya. “That doesn’t mean I can’t drive seventy, right? Kung kaya ni Kuya, kaya ko rin!”
    Tumingala siya sa frustration. “I can’t let you drive, then.”
    “What?” Mas nagulat pa ako sa sinabi niya.
    “Thanks, but I don’t want to worry. Dapat ay may driver ka…”
    Umiling iling ako, hindi maintindihan ang sinasabi niya. “May driver kami. I want to learn so I can do it myself. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay may driver kaya mas mabuting matuto. And besides, what the hell is wrong with seventy kilometers per hour? Kaya pa ngang mas mabilis ng mga pinsan ko, bakit ako hindi?”
    “Because I don’t want to have a heart attack everytime I think of you with a car? Is that enough explanation, Rin?” Iritado niyang sinabi.
    “Oh my God, Hendrix! Ang liit na bagay niyan!”
    Humugot siya ng malalim na hininga at hinawakan ang kamay ko. I got distracted right away.
    “Well, whatever. In the future, I’ll make sure sa lahat ng pagkakataon ay may driver o kasama mo ako so you won’t need to drive.” Tumawa siya ng mahinahon, parang sumusuko na sa kaonting argument namin.

    Umirap ako at minaniobra ang sasakyan para makauwi na kami sa bahay nila. Sinubukan kong lumagpas ng 40kph at tumawa na lang ako nang panay ang saway niya sa akin.

    Humagikhik ako habang pinapark ang sasakyan sa gitna ng kalsada. Damn! I don’t know how to park this thing lalo na pag manual. Will I ever learn this one?

    “Ayoko na!” mabilis ang paghinga ko.
    “Ang tigas talaga ng ulo mo,” mariin niyang sinabi. “Let me park it.”
    Umiling kaagad ako. “I’ll do it myself. Please, teach me…” pagmamakaawa ko sa kanya.
    “No!” Binigyang diin niya iyon.
    “Please, Rix…” malambing kong sinabi.

    Binuksan niya ang pintuan ng front seat at pinaatras niya ang upuan ng driver.

    “Anong ginagawa-” Napatili na ako nang isang sikop niya lang sa akin ay inangat niya na ako at inilipat sa front seat kung saan siya nakaupo. “Rix!” sigaw ko natatawa sa ginagawa niya. Sa sobrang frustration ay pinilit niya na akong bumalik sa front seat.
    “‘Wag kang malikot!” aniya habang tumatawa na ako at nawawalan ng hangin. Bahagya kong hinampas ang kanyang dibdib at unti unti siyang bumaba dahil sa mga galaw ko.
    “Bakit ba kasi ayaw mo?” Hindi ko masabi ng maayos dahil sa tawa ko.

    Nakita kong sumilay na ang ngiti sa kanyang labi. Hindi niya kayang magseryoso kahit na gustuhin niya man. Nagpatuloy ako sa pagkislot, natigil lamang nang pinatakan niya ako ng isang halik sa labi.

    “Stop wriggling, Erin. You’re going to drive me crazy if you keep that up!” aniya at ikinabit ang seatbelt bago niya ako binalingan muli. “There… Now you’re calm.”

    Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Nagkatitigan kaming dalawa. Sa haba noon ay umiling din siya sa huli.

    “No… I still need to park this car.” Umiling ulit siya. “Stay there…”
    Ngumisi ako at hinintay ang pag ikot niya patungo sa driver’s seat.

    Bina balik balikan ko ang mga alaalang iyon habang wala pa siya. Wala akong magawa kundi maghintay. Lalo na dahil nalalapit na ang pasko at doon magpapasko ang magkapatid maliban na lang kay Klare.

    Sa simula ng Christmas break ay umalis si Pierre para pumuntang Davao. Pait ang naramdaman ko habang tinitingnan siyang umaalis. I would never probably see Hendrix till the New Year. Marami silang events tulad ng Reunion at kung anu-ano pa kaya mas lalong mahihirapan siyang makakabisita. Ilang taon ding nag pasko si Klare sa mga Ty kaya hinayaan siya ngayon dito sa amin. Well, I don’t think so though. Tingin ko ay kaya siya hinayaan ng papa niya dito sa amin dahil ayaw niyang maging big deal na naman ito sa kanilang Ahma.

    “You… don’t want to come?” nagulat ako sa tanong ni Pierre sa akin.
    Ngumiti ako at umiling. “Busy rin naman siya, e. Baka… mahirapan lang siya.”
    Tumango si Pierre. “Gusto niyang umuwi pero nahihirapan siya. I just thought you want to come instead… kahit isang araw lang o dalawa. Mas malaya ka kasi kumpara sa kanya.”
    “Thank you… Pag-iisipan ko,” Iyon ang naging sagot ko kahit na marami na akong naging ideya sa sinabi ni Pierre.

    Pwede iyon. I can go to Davao right after the Christmas day. Kahit dalawang araw lang, ‘di ba? Pwede iyon. Now what?

  • Kabanata 45Open or Close

    Kabanata 45
    Pleasure

    Pinaalam ko kay daddy at mommy ang desisyon kong magpunta ng Davao pagkatapos ng Pasko. Hindi nila pinahayag sa akin ang pagtutol o kahit pag sang-ayon sa gusto ko. Alam nilang hindi maganda ang nangyari nang nagpunta ako ng Davao noong nakaraan. Alam din nila na kung hindi man nila ako payagan ay gagawa ako ng paraan na mangyari ang gusto ko kaya wala parin silang magagawa.

    “Erin…” narinig kong tawag ni tito Exel sa akin sa mesa kung nasaan sina daddy, Tito Azrael, Tito Stephen, at Tito Lorenzo.
    “Tito! Merry Christmas!” bati ko sa kanilang nasa round table at nag iinuman ng wine.

    Abala ang mga pinsan ko sa pagbabalat ng mga regalo. Hindi ako magtataka kung magtanong si tito Exel tungkol sa pagpunta ko sa Davao. Dad probably asked for their opinion.

    “Merry Christmas.” Ngumiti si tito Exel. “Your dad told us na may plano ka raw’ng bumalik ng Davao? Is it true?”
    Tumango ako. Hindi ko itatanggi iyon dahil talagang mangyayari iyon kahit na pigilan nila ako.
    “For what?” tanong niya.
    Ngumuso ako at agarang sinagot. “It’s just a two day trip tito. May opening po kasi na dadaluhan si Hendrix para sa bagong business nila. I’m hoping we can see each other before New Year.”

    Hindi ako makapaniwalang sinabi ko iyon ng diretso. Kitang kita ko ang pag a-eye contact ni tito Lorenzo at Tito Stephen.

    “Hindi ba ay hindi maganda ang tungo sa iyo ng mga Ty sa huling punta mo sa Davao?” tanong naman ngayon ni Tito Stephen. “Erin, nakalimutan mo ba na humupa na ang problema nila kay Klare at ngayon ay ikaw naman ang po-problemahin nila?”
    Napalunok ako. Iniisip ko kung ano ang gusto ng pamilya ko. Kung ano ba talaga ang opinyon nila dahil hindi nila sinasabi ng diretso ang mga punto nila. Dad’s just watching me, siguro ay tinitingnan kung ano ang isasagot ko sa mga tanong ng kapamilya ko.
    “So do you suggest I should stay away from Hendrix, tito? Para humupa na rin ang problema nila sa akin?”

    Nagtaas ng kilay si Tito Exel at nagkatinginan sila ni Tito Stephen.

    “Well if it can be helped…” ani tito Azrael at ngumiti sa akin.
    Umiling ako. It can’t be helped. Hindi ko na isinatinig dahil ayaw kong mas maging tunog rebelde iyon.
    “We are trying to protect you from it. Bukod sa hindi nila matatanggap dahil iba ang lahi natin, may iringan nang namagitan sa mga pamilya natin. Alam mo iyan. We don’t want you torn in this situation.”
    Tumango ako bilang pag tanggap sa kanilang opinyon. “I know it’s still early. Kaya mas gugustuhin ninyong agapan ang lahat ng ito. But tito, I want to try. I want to make it fit somehow. Kahit na hinding hindi ako babagay sa mundo nila, I still want to try.”

    Nakita kong nilingon ni Tito ang mga pinsan ko. Tinawag niya si Charles at may binulong siya sa pinsan ko.

    “I can see that… Okay… We’re just warning you. Kung ano man ang mangyari, please tell us. We can book an appointment with Ricardo so we can talk about this, right?” ani Tito Azrael kay Tito Exel.

    Nakatitig lamang si Tito Exel sa akin. Para bang kita niya sa salamin ang utak ko. Alam kong alam niya ang iniisip ko. We don’t need to book an appointment and talk it over with Hendrix’s father. Kaming dalawa ni Hendrix ang magdedesisyon kung itutuloy namin ito o hindi. The people around us don’t have a say in this. Pwede silang maghayag ng opinyon pero hindi kami mapipigilan kung ayaw naming magpapigil.

    “Dad?” ani Klare, nagtataka.

    Nagulat ako dahil tinawag ni Tito Lorenzo si Klare.

    “Now, Erin… I don’t want to send Klare to Davao-“
    “No… No… Tito!” giit ko kaagad. “Ayaw ko rin po. Kaya kong mag-isa doon. Mahihirapan lang si Klare.”
    “You’re going to Davao, Erin?” tanong ni Klare.

    Crap! Sa pamilya ko lang iyon sinabi para makapag paalam. I don’t want my cousins to know. Lalo na siyempre si Klare. She would volunteer to help me out at alam kong hindi pa maganda ang tungo ng Ahma niya sa kanya kaya ayaw ko sanang ganoon ang mangyari.

    “Kailan, dad?” tanong ni Klare sa kanyang ama.
    “Tito, please… Klare, kaya ko ang sarili ko.”
    Ngumiwi si Klare at hinintay ang sagot ng kanyang daddy. “Tomorrow.”
    “Hindi ba ay wala si Hendrix dahil opening ng business bukas?”
    “After,” paliwanag ko.
    “Please be with her-“
    “Tito, kaya ko po…” giit ko.
    “We don’t want to hear another rumor na nagtanan kayo ni Hendrix,” ani tito Stephen. “Just bring your cousin.”
    “Pero tito, si Klare po hindi ba umiiwas pa sa-“
    “She’s going to stay with you in the hotel. Sa bahay nila nakatira ang kanyang Ahma and as much as possible, we want to avoid conflict.”
    “Erin, sige na,” ani Klare dahil iniiligan ko siya.
    “Ang problema Kuya ay kung malaman ng mga bata, baka sumama lang sila,” ani daddy.
    “Hindi sasama si Azrael at Claudette. May lakad kami bukas. Why don’t you book the flights right now para hindi na maantala ang lahat ng ito?” ani tito Azrael.

    Wala na akong naging choice. Iyon ang desisyon ni daddy at ng mga tito ko. It’s absolute. Ayaw ko rin namang suwayin iyon. I must admit, being with Klare (and maybe Elijah) makes me less nervous.

    “Hindi naman kasi ako makikipagkita sa pamilya niya. It’s just Hendrix, Klare. Calm down…” sabi ko habang naghahanap ng upuan sa Gate 4 ng airport.

    Kanina niya pa ako pinapaulanan ng pag aalala.

    “Sinabi ko kay papa na mag da-davao ako at sasamahan kita,” sabi ni Klare.
    Natigilan ako at nilingon ko siya. “Why?”

    Natigil din silang dalawa ni Elijah sa likod ko dahil sa gulat.

    “I don’t think Hendrix will keep that a secret anyway. At isa pa… anong sasabihin ko? He’s always checking on me at pag nalaman niya na nag Davao ako? Magugulat iyon pag wala akong masabing rason.”
    Umirap ako at nagpatuloy sa paghahanap. “Great! Ang gusto ko lang ay tahimik na trip. Iyong walang nakakaalam, ngayon alam yata ng sambayanan!”
    “I’m sorry. Like I said, I think Hendrix will eventually tell Tita Marichelle and papa.”

    Sa sumunod na minutong nakaupo kami sa Gate 4 ay nagpatuloy ang litanya niya sa pag-aalala. Umiirap na lang ako sa bawat pag-aalala niya.

    “Marco Polo,” sagot ni Elijah nang tinanong ko siya kung saan kami mag s-stay sa Davao.
    “May suki card ka na doon?” tukso ko sa pinsan ko.
    Ngumiwi lang siya. “Just stop it with your mouth. You will piss the Tys more with that.”
    “Tseh! This is why I want to travel alone.”
    “Erin…” masuyong sinabi ni Klare sa akin at agad siniko si Elijah.

    Sa gitna dapat ako pero nakipagpalit ako kay Elijah na sa bintana malapit. Third wheel ako kaya mabuti nang may libangan ako sa tabi ng bintana.

    Pagkadating namin ng Davao ay tumawag kaagad si Hendrix. Maaga ang opening ng business nilang may kinalaman sa langis. This is I think made for Pierre. Ayaw ni Pierre sa business kaya si Hendrix parin ang mag mamanage pansamantala ngunit nasa linya ito kung sakaling ipa-practice niya na ang kanyang kurso.

    “You’re here?” dinig ko ang excitement sa tinig ni Hendrix.

    Nasa taxi na kaming tatlo, nagpapahatid sa Marco Polo.

    “Yup. Good luck later!” maligayang bati ko.
    “Thank you. I can’t wait to end this. Siguro ay mamayang gabi pa ako matatapos. I’m sorry.”
    “Ayos lang.” Ngumiti ako.

    I just want to hand him my Christmas gift. Binilhan ko siya ng isang itim na Casio watch. Napansin kong may isang relo siyang laging sinusuot kaya naisip kong bilhan siya ng isa pa. It’s not that luxurious but it’s nice. Simple lang din naman iyong suot niya kaya tingin ko ay ayos lang itong ibibigay ko.

    “I love you…” narinig ko ang halakhak niya.
    “Why are you laughing?” tanong ko.
    “Wala. I just can’t believe you really did come here…”
    Uminit ang pisngi ko. Ngayon ko lang naramdaman ang hiya. Hindi ako nakapagsalita. Was it a desperate move? But I just want to see him before this year ends!
    “Erin?” tawag niya dahil hindi na ako nagsalita.
    “I’m sorry. Naiistorbo ba kita sa pagpunta ko?”
    “What? No! I’m just saying na hindi ako makapaniwala na mag eeffort ka ng ganito para sa akin!” aniya.
    Hindi parin ako makapagsalita. I really feel like an idiot now. Am I too smitten? Dammit!
    “Erin!” sigaw niya nag hindi ako nagsalita.
    “Okay…”
    Suminghap siya. “Oh… no… Rin, I am just thrilled. Please don’t make me pee in my pants now. Ni ninerbyos ako sa iniisip mo.”
    Tumawa ako. “Wala… Sige na! Good luck diyan! Gagala na lang muna kami habang wala ka.”
    “Saan kayo pupunta?” tanong niya.
    “I don’t know… Malls? Or whatever…”
    “Fine… I love you, alright? No boys sight seeing alright?”
    “I love you too.” Tumawa ako.

    Pagkatapos ng usapan ay tsaka ko lang napagtanto ako lang ang maingay sa loob ng taxi. Tahimik si Klare sa gilid ko at si Elijah ay nasa front seat, tahimik din.

    “Uh, saan na tayo?” tanong ko para mabasag ang katahimikan.
    “Hmmm…” Nag ngising aso si Klare.

    Umirap ako. Mas lalo ko lang naramdaman ang hiya dahil sa ngiti niya. Hindi yata siya sanay na ganoon ang tungo namin ni Hendrix. Of course, I kept it a secret.

    Nang nasa hotel na kami ay mas maliit na room sa dating tinuluyan namin doon ang kinuha. Dalawang room lahat para sa akin at para sa kanilang dalawa. I didn’t mind, anyway. Wala na rin kasing available na family room kaya iyon na ang kinuha namin.

    Kinatok ako ni Klare habang nag aayos ng gamit. Pinagbuksan ko siya at pagkatapos ay inayos ang kalat na nagawa ko sa aking shoulder bag.

    “You ready? Gusto mo bang mag Philippine Eagle Center or Crocodile farm?”
    “Pupunta kayo?” tanong ko paglingon ko sa kanya.

    I have other plans, though. Gusto ko sanang mag mall kaso ayaw ko namang mag demand kay Klare at Elijah na ganoon ang gawin.

    “Yup. Hindi ba ay sasama ka?” tanong niya.
    “No… You two can date. I’d rather be alone than be the third wheel.”
    Nagulat siya sa sinabi ko. “Hindi naman kita ina-out of place, ah? You said you’ll go with us?” dismayado niyang sinabi.
    “Hindi na. I need to buy things sa mall kaya doon na lang ako. Magtataxi lang ako at babanggitin ang malapit na mall para makabili. Kayo, tumuloy na kayo sa date.”
    “That’s not a date! Pasyal lang tayo! Ang ganda kaya doon sa Crocodile Farm! Nakita mo na ba si Pangil?” hindi matigil si Klare sa giit.
    “I’ve seen it all. We went there last Sem Break so don’t worry, okay?”
    “Erin…” malambing niyang sinabi.
    “Seriously, Klare… Just go and have fun with Elijah. May mga kailangan akong bilhin. Hindi ako nagdala ng maraming damit kaya wala akong isusuot bukas. I planned it out. I’m shopping here. Okay?”

    Pinagmasdan niyang mabuti ang aking mukha. Nang walang nakitang depresyon o pag aalinlangan sa akin ay ‘tsaka pa lang siya napanatag.

    “Are you sure about this? Pumunta ka ng SM Lanang o sa Abreeza kung gusto mo.”
    Tumango ako sa suhestiyon niya. “Iyong dalawa siguro ang pupuntahan ko.”
    Tumango rin siya. “Alright then… Anong oras tayong magkikita at saan?” tanong niya.
    “We’ll see. Just text me. Baka matagalan kayo o ako. Maybe we can just meet here na lang.”

    Pumayag si Klare sa sinabi ko. Nagpaalam sila ni Elijah sa akin nang papasok nang papasok na ako sa banyo para makaligo. It’s too early to go to the mall so I have time.

    Pagkatapos kong maligo ay ginawa ko na ang mga ritwal ko bago magbihis. Nag bo-blow dry ako ng buhok nang tumunog ang cellphone ko sa tawag ni Klare.

    “Hi! Nasa Philippine Eagle Center na kami! Ikaw?” aniya.
    “That’s good. Nasa Marco parin ako, nagsusuklay ng buhok.”
    “Anong oras ang alis mo diyan?” maligaya niyang tanong.
    “Hmmm. Maybe after thirty minutes or an hour? Hindi naman ako nagmamadali. Maaga pa naman. It’s just nine thirty, goodness!”
    “Okay! Ingat ka ha? Text me pag nasa taxi ka na!” aniya bago binaba ang tawag.

    Nagkibit balikat ako at nagpatuloy sa pagbo-blow dry nang tumunog ulit ang cellphone ko.

    “Klare!” sabi ko ng wala sa sarili.
    “Erin…” isang pormal na babae ang narinig ko sa kabilang linya. Pamilyar iyon, hindi ko lang mapunto kung kanino o saan ko iyon narinig.
    “Who’s this po?” naging pormal din ang tanong ko.
    “This is Marichelle Ty… Hendrix’s mom.”

    Matagal pa bago ako natauhan. Tinigil ko ang pagsusuklay sa buhok.

    “I’m sorry to ask this of you but can we meet? I know you’re in Marco Polo. Ricardo told me na magkasama daw kayo ni Klare.”
    “Uh… Yes po…”
    “I just want to meet you for… maybe breakfast?” pormal niyang tanong.
    “Hindi po ba may opening kayo ng business ngayon?” Hindi ko na napigilan ang sarili ko. I didn’t know na may oras pa ang mommy ni Hendrix sa pag bibreakfast kasama ako. Kung ano man ang pakulong ito ay kinakabahan na ako ngayon pa lang.
    “Ah! Yes! Saglit lang naman… I’m very sorry to ask for your time. Someone wants to meet you.” Nahimigan ko ang pait sa boses niya. “We’ll be in Marco Polo’s restaurant in five minutes. Will you be there that time too?”
    “Okay po. I will.”

    Hindi ko alam kung paano ako pumayag. Siyempre out of respect na rin sa mommy ni Hendrix kaya ako agaran sumagot noon. Hindi naman din niya ako tinrato ng masama kaya hindi rin ako nagduda sa intensyon niya sa nangyari. Hindi ko lang talaga maiwasan ang kaba lalo na nang pababa na ako.

    Isang simpleng puting v neck t shirt, skinny maong pants at itim na ballet flats ang suot ko. Ayaw kong maging masyadong pormal at isa pa, kapos naman ako sa damit dahil ito lang ang pinaka pormal sa mga dala ko.

    Wala pa ang mommy ni Hendrix nang umupo ako kaya nagpasya akong umorder na lang ng juice. Pagkababa ko sa menu at pagkasabi ko sa waiter sa order ko ay ‘tsaka ko naaninag ang kanyang mommy na papasok sa double doors ng restaurant.

    Tumuwid ako sa pag upo lalo na nang nakita kong naka long flowing dress siyang kulay puti. May isang gold purse sa kabilang kamay niya. Sinundan siya ng isang naka scrub suit na babae, tila nurse o may ganoong klaseng trabaho. May inaalalayan siyang matandang pamilyar na sa akin. It was Hendrix’s Ahma!

    Halos malaglag ang panga ko sa nakikita. Kasunod nila ay isa pang kasing tangkad ng mommy ni Hendrix na babae. Intsik din ito tulad ng nabanggit at mahaba ang maitim na buhok.

    Nang natagpuan ako ng mommy ni Hendrix ay may bahid na lungkot at dismaya kaagad sa kanyang mga mata. Dumiretso siya sa akin. Sumunod ang nurse, matanda, at iyong isa pang babae.

    “Good morning, Erin!” anang mommy ni Hendrix at agad na naghanap ng waiter.
    “Good morning po!” sabi ko sabay tayo.

    Hinintay kong makalapit ang nurse kasama ang matanda. Nang tuluyan nang nasa mesa ko ay bumati na ako ng magandang umaga sa mga bagong dating.

    “Good morning po!” sabi ko.
    Umangat ang gilid ng labi ng isang babae ngunit ang tanging nakita kong ekspresyon ng matandang nasa harap ko ay ang panunuri sa akin.
    “Sit,” anang matanda sa umaalalay na nurse sa kanya.

    Ganoon ang ginawa ng nurse. Sabay sabay na rin kaming umupo pagkatapos. Abala na ang mommy ni Hendrix sa pagkuha ng menu.

    “Mama, anong order ninyo?” tanong niya sa matandang nakatitig sa akin.
    “I’d like some hot chocolate, Marichelle, please.”
    “Okay. Ikaw, Tania?” tanong ng mommy ni Hendrix sa kasamang intsik.
    “Juice,” sagot naman ng babae.
    “You, Erin?” tanong ng mommy ni Hendrix sa akin.
    “I’m fine po. Nakapag order na ako.”
    Tumango siya at sinabi sa waiter lahat ng order. Umalis ang waiter para sa mga order ‘tsaka bumaling ang mommy ni Hendrix sa akin. “Mama, this is Erin.” May bahid na pait sa boses niya. “Erin Montefalco. She’s Klare’s cousin. Daughter of Benedict Montefalco. Erin…” bumaling siya sa akin. “You probably know Hendrix’s Ahma?”
    “Opo…” hindi matanggal ang tingin ko sa matanda.

    Umiismid siya. Para bang may naamoy na hindi maganda sa paligid habang pinapakinggan ang eksplenasyon ng mommy ni Hendrix.

    “Hindi mo ba ito pinagsabihan, Marichelle?” istriktang tanong niya.
    “Sa… ano po?” nahimigan ko ang nerbyos sa tanong na iyon.
    “Well, you don’t have to, right? It’s common sense!” Bumaling ang matanda sa akin. “Common sense lalo na kasi kilala niya na ang pamilya natin. Common sense is a gift nowadays, very rare. Hindi porquet ipinanganak sa pamilyang may class ay may common sense na kaagad.”

    Nagdasal ako na sana ay hindi ko nakuha ang ibig niyang sabihin pero kahit anong dalangin ko ay alam ko sa sarili ko na kuhang kuha ko ang nais iparating ng matanda.

    “Hmmm. To what do I owe the pleasure of this meeting po?” I tried to sound calm and normal.
    Humalakhak ang Ahma ni Hendrix sa harap ko. Nakita ko ang pagyuko ng mommy ni Hendrix sa gilid. Naghuhuramentado na ang sistema ko. I know what this is… I just want them to say it to my face right now!

  • Kabanata 46Open or Close

    Kabanata 46
    Insults

    Hindi ako natawa. Nanatiling blanko ang ekspresyong binibigay ko. Ang tita ni Hendrix ay nakangiti lamang. Ang mommy niya naman ay naka yuko. Tanging ang Ahma lamang ni Hendrix ang tumatawa sa hapag.

    “I know you know what this meant, lady. And if you understand this, I hope you won’t be blind…”

    Tumigil siya nang lumapit ang waiter para sa mga order. Pinanood ko ang unti unting paglapag ng waiter ng mga inumin. Nang umalis siya ay ‘tsaka nagsimula ulit ang matanda.

    “Perhaps you would tell me about your successes, lady? Hindi ba ay Montefalco ka? Ano ang trabaho mo?” Tumaas ang kilay niya.

    Hindi ko alam kung seryoso ang tanong na iyon. Alam ko na ang punto niya rito ngunit ibibigay ko sa kanya ang detalye ng pagkatao ko dahil alam kong may karapatan siyang alamin iyon. These people care for Hendrix at ayaw nilang sa kung sinu-sino lang mapunta ang first born nila.

    “I am still studying po. Business Administration-“
    “You’re still studying?” gulat niyang tanong.
    Tumango ako. “This is my last year in college po.”
    Tumango rin siya at sumimsim sa hot chocolate na inorder niya. “And what are your plans after college?”
    “Open a business po,” matapang kong sinabi.
    Tumaas ang kilay niya. “Aren’t you the daughter of Benedict Montefalco? You don’t have plans to become a lawyer?”
    “Wala po,” maliwanag kong sinabi.
    Umiling ang matanda na para bang may bahid na disappointment. “Not chinese, not an achiever, there is definitely nothing about you. Hindi ka ba nahihiya?”

    Nagulat ako sa pagiging normal ng boses niya kahit sobrang sakit ng kanyang mga salita.

    “Why would I be embarassed po? I like business. Isn’t that how you all are earning?”
    “Small business isn’t an asset. That’s a liability!” anang matanda.
    Ayaw ko na sanang makipagtalo. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niyang iyon. “Hindi po ba iyon ang simula ng malalagong business?”
    “I want my grandson to have the best and clearly you are not one of it. You’re not even chinese. Hendrix will inherit the family business and I need him to marry someone who is chinese.”

    Hindi ako nagsalita. Kailangan ko pang marinig ang lahat. Baka sakaling malaman ko kung bakit ako ang kinakausap nila imbes na si Hendrix!

    “You are not worthy of our family name. You are not worthy of the first born.”

    Kinalma ko ang sarili ko. How can I be worthy then? Kung sana ay may magagawa ako. I strive to be successful, hindi nga lang sa paraang gusto nila.

    “I am not saying that I am the best for Hendrix. Hindi po ako iyong achiever na gusto ninyo para sa inyong apo. I love him wholeheartedly and I think he loves me back-“
    “My grandson is stubborn. He lives in the present. He once forgot about the legacy for a girl. Pero kalaunan ay natauhan siya. He is loyal to the family and to the legacy. What’s going on between you two will live only today. Bukas kapag nagising siya sa totoong dapat prayoridad ay itatapon ka lang ng apo ko!”
    “Why don’t you wait for that day then? I’m sure you aren’t protecting me from it. Kung itatapon niya rin po pala ako sa mga susunod na buwan ay bakit ninyo pa ako binabalaan ngayon?”
    Umigting ang panga ng matanda. “I didn’t know the Montefalco’s could raise a child like you! Naiintindihan ko pa si Klare dahil siya ay ipinanganak na kulang sa kalinga ng tunay na magulang, pero ikaw? Walang modo!” sigaw niya.
    “I didn’t mean to offend you. I’m sorry po but I don’t get why you are all trying to convince me that Hendrix will leave me soon. Kung iyon naman pala, why can’t we let it happen naturally?”

    Sa bawat bigkas ko ng mga salita ay mas lalo lamang nagagalit ang matanda. Hindi ko na mapigilan ang mga salitang bumuhos sa aking bibig. I want to be understood! Kahit na alam ko sa sarili ko na hindi nga iyon posible, I still want to try.

    “If you all really want Hendrix and me to part, bakit hindi po si Hendrix ang sabihan ninyo ito. If he cares so much about the legacy, then he would understand and leave-“
    “Are you saying na walang pakealam si Hendrix sa pamana naming ito?” singit ng tita ni Hendrix.
    “I am not saying that po. I just don’t get why I’m being pressured kahit na hindi naman po ako ang magdedesisyon nito. I love Hendrix so I’ll decide to be with him. Kung ayaw niya sa akin ay hindi ako mamimilit.”
    “I didn’t know that a family of class can raise someone so low like you!” sigaw ng matanda sa akin.

    Kumalabog ang puso ko ngunit hindi ko iyon pinahalata. Tahimik kong kinalma ang sarili ko habang pinapanood siyang nanggagalaiti. Tumayo ang mommy ni Hendrix para hawakan ang matanda sa braso. Nagngingitngit na rin sa galit ang tita ni Hendrix dahil sa sinabi ko.

    “You stupid girl! I will disown Hendrix if he stays with you! Lahat ng manang sana ay sa kanya ay ibibigay ko sa kanyang kapatid! Wala siyang makukuha ni isang kusing at papalayasin ko siya! And it will all be because of you! All because of your misplaced witt! Selfish and very stupid!”
    “Erin, please!” naiiyak na tawag ng mommy ni Hendrix sa akin.

    Mabilis na ang hininga ko. Alam ko ang lahat ng gusto nilang mangyari ngunit hindi ko maintindihan kung bakit kailangang ganito ang maging proseso nila.

    “Is that why you are all here? To make me realize na kailangan ko siyang iwan?”
    “I want you to know that I am not going to accept anyone less of my expectations for my grandson!” sigaw ng matanda. “He will marry Stella Singson with my approval! You are nothing compared to her! Ikinakahiya kong naging karelasyon ka ng apo ko! No! You are just a stupid toy he’s dating before everything gets serious! Galing sana sa magandang pamilya but clearly you are a girl with no class at all!”
    “Mawalang galang na po pero gustong gusto ko pong intindihin ang lahat ng punto ninyo. I respect all of you because you are Hendrix’s relatives. Pinipilit ko po kayong intindihin kaya subukan ninyo naman akong intindihin!”
    “Ang hindi mo maintindihan ay ang katotohanang hindi kita gusto para sa apo ko! Hindi ko maintindihan kung bakit mo ipinagpipilitan ang sarili mo sa apo ko!” anang matanda.
    “Mama!” saway ng tita ni Hendrix nang napansin ang sobra sobrang galit sa mukha ng matanda.
    “You’re stupid and useless! While we are here my grandson is with Stella sa grand opening ng bagong negosyo namin. You are not worthy to stand beside Hendrix while all these things are happening! At alam ng apo ko iyon dahil kung ikaw nga ang gusto niya, dadalhin ka niya sa malaking pagdiriwang na ito. Hindi ka niya dinala dahil pang kwarto ka lang. You will remain that way for my grandson!”

    Parang giniba ang puso ko sa sinabi ng matanda. Tanging rason na lang ang dahilan kung bakit hindi ko siya nasigawan pabalik. Ubos na ang respeto ko. Pumikit ako ng mariin at pilit na kinalma ang aking sarili.

    “You want Hendrix to live without everything that should be his, huh? Anong klaseng pagmamahal iyan?” dagdag ng matanda.
    “Erin… if you really love my son, please set him free. Hendrix deserve everything. You’re a great girl… I’m hoping you understand our situation. He’s the first born, Erin.” Halos magmakaawa na ang mommy ni Hendrix.
    “I know girls like you. You’re one of those girls who are too lazy to strive for success kaya naghahanap ng lalaking successful na. You’re a liability. Pabigat ka kay Hendrix at hindi niya kailangan iyon. Hindi niya kailangan ng babaeng hihila sa kanya pababa. He needs his equal and you… you are lightyears away compared to his achievements!”
    “Tama na po!” sigaw ko nang hindi ko na kinaya.

    Tumayo ako at matapang na hinarap ang matanda. Manghang mangha siya sa pagtayo ko na para bang ngayon lang siya nakakita ng sumuway sa kanya.

    “Alam ko po ang pagkukulang ko! Alam ko po ang lahat ng gusto ninyong iparating! You have no right to degrade me just to lift some other people up! I know where I stand. I know my worth! And I don’t deserve your insults!”

    Dire diretso ang mga salita sa aking bibig. Mabilis na din ang hininga ko. Tumayo ang nurse at hinawakan ang braso ng matanda na para bang inaaya na ito palabas ngunit hinawi lamang ng matanda ang kamay nito.

    “I am not going to give Hendrix up for your satisfaction! Mahal ko po si Hendrix at maghanap kayo ng paraan para makumbinsi siyang iwan ako! I want to seek for your approval because I respect you as Hendrix’s parents but I don’t think I can bear with your insults, madame!” mataman kong sinabi.
    “If… you…” tumayo ang matanda.

    Tumayo rin ang tita ni Hendrix, inaalalayan ang matanda.

    “Can’t bear with my insults then leave Hendrix… Simple,” mahinahon ngunit pinal na sinabi ng Ahma ni Hendrix.

    Umiling ako.

    “If you really care for my grandson, you want what’s best for him. What’s best for him is your disappearance. With that, sa kanya parin ang mga negosyong. Nararapat sa kanya iyon. Ngunit dahil ikaw ay inutil at makasarili, mas gugustuhin mong kumapit at makisawsaw!”
    “Excuse me…” pagpapaalam ko.

    I don’t want to add further damage to this. Gusto kong magkaroon ng respeto sa kanila ngunit unti unting nawawala ang inilalaan ko. Ayaw kong maubos iyon.

    “I am not yet finished, stupid girl!” sigaw ni Ahma.

    Napatingin halos lahat ng mga kumakain doon. Pakiramdam ko ay sobra sobra na ang pagkapahiya ko. Gusto kong maiyak ngunit sa galit ko ay umuurong ang luha ko. Tanging nag aalab na mata ang naipapakita ko sa kanila.

    Tumalikod ako at humakbang ng isang beses ng hinawakan ng mommy ni Hendrix ang aking braso.

    “Erin!” anang mommy ni Hendrix. “Please give this to my son. Alam mong hindi makakausap si Hendrix. Alam mo kung gaano ka niya kamahal kaya nga lumalapit kami sa iyo-“
    “Mahal, Marichelle? Give it a year or two, sa basurahan ang babaeng ito. Hendrix is like Ricardo. Mag ama nga ang dalawa. Hindi nakukuntento. Kailangan marami. Kaya kahit na gusto niya si Stella, naglalaro parin ng apoy. Thinking that Stella will be his anyway, he’ll get his toy for now…”

    Umiling ako. Hindi ako makapaniwala sa sinasabi ng matanda.

    “Erin…”

    Hinawi ko ang kamay ng mommy ni Hendrix at hinarap ko siya.

    “I want to preserve my respect for you people so please let me leave now.”
    “No I am not yet done!” sigaw ng matanda kasabay ng paghila ng mommy ni Hendrix sa akin.

    Hinawi ko ulit ang kamay ng mommy ni Hendrix ngunit napaatras ito sa ginawa ko. Nakita ko kung paano siya nahulog sa matanda dahilan kung bakit napaupo ang matanda sa silya at parehong dumaing ang dalawa.

    “What did you do?” sigaw ng tita ni Hendrix at nagmamadaling naglahad ng kamay sa matanda.
    “Pagbabayaran mo ito!” sigaw ng matanda.
    “Pasensya na, mama!” agaran ang pag sumikap ng mommy ni Hendrix sa pagtayo.

    Nagawa ko pang maglahad ng kamay para sa dalawa ngunit tinampal lamang ng matanda ang kamay ko. Halos mapadaing ako sa hapdi ng tampal niya.

    “Mommy!” isang pamilyar na boses ang umalingawngaw galing sa pintuan ng restaurant.

    Nang nahagip ko ng tingin ang nagmamadaling si Hendrix ay naestatwa ako sa kinatatayuan ko. He’s wearing a black tuxedo. Hindi pa nakakatayo ang matanda sa aking likod. Dumadaing ito sa masakit na balakang samantalang ang mommy ni Hendrix ay tumutulong na rin sa matanda.

    “Your stupid mistress pushed your mom, Hendrix!” sigaw ng matanda habang dumadaing na rin sa sakit.

    Diretso si Hendrix sa kanyang lola. Tumulong siya sa pag aalalay sa matanda at nilingon lamang ako pagkatapos itong mapaupo ulit.

    “Ang sakit ng balakang ko! Aray! Aray!” Daing nang daing ang matanda habang hinahawakan ang balakang.
    “Jenna! Check her blood pressure!” sigaw ng tita ni Hendrix.
    “Hendrix! Bakit ka nandito?” anang kanyang mommy.
    “Bakit kayo nandito?” sagot ni Hendrix sa tanong.
    “Hendrix!” anang kanyang tita. “Please help me carry your Ahma papuntang sasakyan. We need to have her checked in the hospital.”

    Daing parin nang daing ang matanda. Hindi parin ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Bumaling si Hendrix sa kanyang Ahma na nasa upuan at ngumingiwi na sa sakit.

    “Jenna, wheel chair!” sigaw ni Hendrix sa nurse.
    “Tania,” tawag ng mommy niya sa kanyang tita. Rumesponde ulit ito at hinawakan ang matanda sa kamay.

    May ilang waiter na rin ang lumapit para tumulong ngunit umiling si Hendrix at sinikop ang matanda sa pagkakaupo.

    Nakapikit na ang kanyang Ahma at dumadaing sa sakit. Pinatabi ng mga waiter ang taong kakapasok lang sa restaurant para makadaan sila palabas.

    Nauna si Hendrix, dala dala ang kanyang Ahma. Sumunod ang kanyang mommy at Tita. Naiwan ako doon sa loob at hindi alam ang gagawin.

    Pumikit ako ng mariin at tinakpan ng palad ang aking mga mata.

    From the very start, I know that this is not going to work pero sinubukan ko parin. It’s so sweet that I’m drawn. Kaya lang alam ko sa sarili ko na kapag sobra ay hindi na maganda. This time, Erin, things are too sweet na hindi na ito maganda.

    Matapang ako pero nanghihina ako ngayon.

    Nanatili akong nakatayo doon at tulala. Pinagtitinginan na ako ng ibang waiter at alam kong nakita nila ang lahat ng nangyari kanina.

    Pumasok ang dalawang waiter na tumulong sa kanila kanina. Hinintay ko ang pagpasok ni Hendrix kahit na alam kong sobra sobra ang hinihingi ko.

    “Umalis na… dinala ata sa ospital ang matanda,” narinig kong sinabi ng waiter.

    Huminga ako ng malalim at humakbang palabas. Bago pa ako tuluyang nakalabas ay pumasok sa restaurant si Stella. Luminga linga siya na para bang may hinahanap. Nang napansin ako at tumigil ang mga mata niya sa paghahanap. Umismid siya at unti unting lumapit sa akin.

    “Have you seen Hendrix?” tanong niya.
    Hindi ako sumagot.
    “He kind of escaped the opening. It’s not going very well for some suppliers and clients, e.”

    Pinasadahan ko ng tingin ang kulay puting dress ni Stella. She’s dressed as Hendrix’s equal… I am not noting this to sourgrape. I am noting this to decide… and my decision is going to be final.

    “He rushed his Ahma to the hospital,” sabi ko.
    “Ha? Bakit?” Kumunot ang noo ng bestfriend ni Hendrix.
    “She fell. Why don’t you text him and tell him the problem? It wil be easier that way…” I smiled bitterly.
    “Hindi kasi siya sumasagot sa tawag ko…” Nanliit ang mata ni Stella. “May nangyari ba?”

    Nagkatinginan kaming dalawa. Ilang sandali bago siya huminga ng malalim. Nag iba ang ekspresyon niya, mas lalong naging seryoso.

    “Erin, can we talk?”

  • Kabanata 47Open or Close

    Kabanata 47
    Is He Your Man

    I am emotionally drained. I am even surprised na nagawa ko pang tumango at sumang-ayon sa kagustuhan ni Stella. Siguro ay umaasa kong sana ay matuldukan na sa ngayon ang lahat ng ito.

    Nasa tanggapan kami ng Marco Hotel. Panay ang tingin ko sa labas, nagbabakasakaling naroon si Hendrix pero wala siya. Siguro ay hinatid niya ang kanyang Ahma sa ospital. Siya ang inaasahan ng lahat kaya aakuin niya ang responsibilidad.

    “I’ve been friends with Hendrix since we were in grade school. Sabay kaming dalawang lumaki. Alam ko ang mga pinagdaanan niya simula pa noon. Alam ko rin kung ano ang gusto at ayaw niya.”

    I want to butt in. Gusto kong sabihin na alam ko rin naman ang mga iyon. Hindi nga lang papantay sa kaalaman niya.

    “Alam ko kung ano ang napagdaanan niya noong may alitan pa ang kanyang mommy at daddy. He’s almost always stressed. He matured early…”

    What is her point? I know that. Hindi niya na kailangang ielaborate na kilala niya si Hendrix simula pa lang noong sanggol pa sila. Batayan na ba iyon ngayon?

    “You’re his half sister’s cousin, right?” ani Stella.

    Nakahalukipkip siya at para kaming normal na magkaibigang nag kakaroon ng kaonting usapan sa tabi ng mga sofa sa tanggapan. In truth, I want to hear everything she has to say about this situation. Not that anyone has a say to my decision. Ang desisyon ko ay akin at walang maaaring makakaimpluwensya nito.

    “I know he matured because of this. I am not sure about your point. Nagpapasikatan ba tayo kung sino nga ba ang mas malapit sa kanya kasi kung ganoon ay hindi ako lalaban sa’yo.”
    Nagtaas siya ng kilay sa akin. “Ang sinasabi ko lang ay mas kilala ko si Hendrix. Mas kaya ko siyang i-handle. We loved each other years ago at iniwan niya lamang ako dahil hinadlangan kami ng kanyang pamilya. How he would like us to be together if only his family did not stop us.”

    Habang nakikinig ako sa mga sinasabi niya ay hindi ako makapaniwalang pinaninindigan niya ito.

    “I am glad na alam mong wala kang laban sa akin sa parteng ito kay Hendrix. Nalaman ko kay Tita Luisa na gusto kang kausapin ni Ahma para malayuan mo na si Hendrix. You’re not good for him.” Ngumiwi siya.

    Pakiramdam ko ay gusto niyang ulitin lahat ng punto ng matanda kanina. Hindi ko kailanman sinabi na mas kilala ko si Hendrix. In fact, I think they’re right. Hindi ko pa lubusang kilala si Hendrix tulad ng pagkakakilala nila rito. But I can give him my time para lang makilala ko siya ng husto. That’s all that matters right. Besides, hindi pa naman kami magpapakasal.

    “I don’t really get your point.” Nanliit ang mata ko. Humalukipkip na rin ako, tanda ng pagsisimula ng iritasyon ko. “Bakit gustong gusto ninyo na layuan ko si Hendrix? We’re not getting married yet, Stella. Malay mo, lokohin niya ako sa mga susunod na buwan at babalik siya sayo. Bakit atat na atat na kayo? Do you want to get married now? So bad?”

    Umigting ang panga ni Stella. Ang kaninang maamong mga mata ay bigla na lang nagtalim ngayon.

    “Because you’re dragging him with you. You’re pulling him down! Halos lahat ng kliyente nila ay chinese at partikular ang mga iyon sa background ng may-ari. Pag nalaman nilang ikaw ang girlfriend ni Hendrix, they will not take him seriously. It’s a scandal. At isa pa, hindi mo pa ba alam na tatanggalan siya ng mana? Itatakwil siya ng kanyang pamilya kapag ikaw ang nakatuluyan niya?”

    Nanatili ang pagtitig ko sa kanya. I heard all of these and I know how it can affect Hendrix and his family. Hindi naman sa wala akong pakealam sa kahihinatnan ni Hendrix. Yes, he deserves everything he’s worked for. He deserves the honour and the power his family will give him. I know this at nakikisimpatya ako sa gustong mangyari ng kanyang ina. I just don’t want anyone to think that I am giving him up because they said so.

    “Hindi mo ba alam kung gaano niya ka mahal ang business nila? Kung gaano niya pinangarap na balang araw ay siya na ang mamamahala sa lahat? Oh, yes!” ngumisi siya at umiling. “Hindi mo alam kasi wala ka noon. Hindi mo alam kasi ngayon mo lang siya nakilala. Hindi mo alam kasi sa totoo lang, wala ka naman talagang alam sa kanya.”
    “So you’re saying that I should leave him because-“
    “I am saying…” tumaas ang boses niya. “… that you need to leave him because you’re not worthy. You’re not woman enough to take my man, Erin Montefalco.”

    Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. How can she be so possessive of Hendrix. Alam kong may nakaraan silang dalawa ngunit wala na sila ngayon!

    Napaawang ang bibig ko at tikom ulit. Gusto kong magsalita kaagad ngunit pinigilan ko ang sarili ko para mas maorganisa ang sasabihin ko. Dalawang segundo ako pumikit at nang dumilat ay ‘tsaka pa lang nagsalita.

    “Is he your man?” tanong ko.

    Taas-baba ang kanyang dibdib sa bilis ng hininga niya sa tanong ko.

    “He is! Nandito ka lang ngayon kasi hindi kami puwede noon!”
    “Pwede na kayo ngayon, bakit hindi ka niya balikan?”

    Mas lalo lamang bumilis ang hininga ni Stella. Humakbang siya ng isang beses. Kitang kita ko na ang pamamasa ng kanyang mga mata.

    “He’s scared of hurting you!”
    Tumawa ako. “And he’s not scared of hurting you? Kung ikaw ang mahal niya, bakit mas pipiliin niyang ikaw ang masaktan kesa sa akin? “
    “How dare you say that!” sigaw niya.

    Pakiramdam ko ay lahat ng mata ng mga taong naroon ay nakatoon sa aming dalawa.

    “Pakawalan mo si Hendrix, Erin!”

    Umiling ako at tinalikuran siya. Ubos na ang kanyang rason. Her arguments failed to make me see her reason. It’s disappointing. Kung gusto nilang iwan ko si Hendrix dahil mahal nito si Stella, kailangan ko ng matibay na rason para doon.

    “‘Wag mo akong talikuran!” sigaw niya sabay hawak sa aking braso.
    “Bitiwan mo ako!” Marahas kong binawi ang braso ko.

    Kitang kita ko ang mga luha ni Stella na bumubuhos na. How dare she cry in front of me? Hindi siya ang nainsulto! Hindi siya ang sinaktan! But well, maybe nasasaktan siya sa kanila ni Hendrix.

    “Let him go, Erin! That’s what’s best for him!”
    “Hindi ko siya bibitiwan. Kunin mo siya sa akin, kung kaya mo.”

    Mapait akong ngumiti bago siya tinalikuran. Because even in the most painful battles, I can still win an argument. Kahit na alam ko sa sarili kong lumubog na ako bago pa ako lumaban…

    Dire diretso ang paglalakad ko patungo sa labas ng Marco Hotel. Kahit na ayaw kong umalis doon para hintayin si Hendrix ay nagawa ko parin. I don’t want to be around Stella. At mamaya ay lahat pa ng kamag-anak ni Hendrix ang pumunta doon para lang kumbinsihin akong iwan si Hendrix.

    Tinawagan ko si Klare. Alam kong hindi ko dapat sila iniistorbo ni Elijah kaya nag desisyon akong sa Abreeza sila hintayin habang nagliliwaliw pa.

    Sinuyod ko ang buong mall kahit na madalas akong tulala. Tumunog ang cellphone ko sa tawag ni Hendrix ilang sandali ang nakalipas pagkatapos kong dumating sa mall.

    “Hello…”
    “Hendrix…”
    “Where are you?” tanong niya kaagad. “Bumalik ako ng Marco, wala ka na.”
    “How’s your Ahma? Hindi ba ay may opening kayo ngayon?”

    Hindi siya kaagad nagsalita. Para bang pinapakinggan niya ang tono ng boses ko at tinitimbang kung ano ang nararamdaman ko sa ngayon.

    “Where are you, Erin?” tanong niya.
    “Makikipagkita ako kay Klare. Don’t worry. Hihintayin kita pagkatapos ng opening ninyo. Tapusin mo na lang muna. Is your Ahma fine?”
    Bumuntong hininga siya. “She’s in the hospital. Tumaas lang ang blood pressure niya. She’s fine. What are you thinking?” Nag-aalala parin ang boses niya. Para bang anytime ay pwede akong mag desisyon ng hindi maganda.
    Napangiti ako. “I can’t wait to see you later.”
    Huminga ulit siya ng malalim. “Can you wait for me on Jack’s Ridge tonight? Makipagkita ka muna kay Klare at Elijah and ask Klare to bring you there. Please? Doon na tayo magdi-dinner.”
    “Okay, Hendrix. I will.”
    “Really, Rin?” mas mahinahon niyang tanong.
    “Really. I will wait for you there.”
    “I am in love with you.” Klarong klaro ang pagkakasabi niya nito. It’s like he wants me to hear how sincere he is with those few words.
    “I am very in love with you too…”

    Narinig ko ang ngiti at paghinahon niya sa kabilang linya.

    “I’m sorry for what happened. Don’t worry about it. We’ll talk later, okay?”
    “Okay.”

    Binaba ko ang cellphone at nanatili ang utak ko sa kay Hendrix. Naiisip ko siyang naka itim na tux kanina. Matipuno at sobrang bagay sa kanya ang ganoong damit. It was like he’s made for that outfit. He’s made for formal things. Mas lalo nitong sinisigaw na lumaki siya sa isa sa pinaka elite na pamilya dito sa Davao, if that’s not the most elite.

    Gumala ako sa buong mall. Doon na rin ako kumain ng lunch kahit na panay ang tawag ni Klare sa akin sa pag-aalala. Nang nag alas tres ay nakabalik na sina Klare at Elijah sa Marco Polo kaya bumalik na rin ako doon upang makapag bihis at makuha ang regalo ko kay Hendrix.

    Dumiretso ako sa kwartong kinuha ko. I texted Klare na nakarating na ako sa hotel at maliligo lang ako. Kakatok lang ako sa kanila pagkatapos kong mag bihis.

    Pagkatapos ng isa at kalahating oras ay kinatok ko na si Elijah at Klare sa kanilang kwarto. Bumukas ang pintuan at tumambad sa akin ang nakatapis lang na si Elijah at si Klare ay nasa kama, nakahiga.

    I cleared my throat. Nginuso ni Elijah si Klare.

    “Nakatulog. Gigisingin ko daw pagdating mo. You want to wake her up, instead? Maliligo lang ako.”
    Tumango ako. Tumalikod si Elijah sa akin at nagtungo sa banyo. Bumaling ako sa kanya at nang nakapasok siya ay nagkatinginan kaming dalawa. Tinaas niya ang kanyang kamay.
    “Don’t look at me like that.”
    “This is how I look at people. ‘Wag kang defensive!”

    He slammed the door. Umirap ako. Dahil sa ginawa niya ay nagising ata si Klare. Nakita kong kinukusot na ni Klare ang kanyang mata at bumangon.

    “Erin!” aniya nang namataan ako.
    Ngumiti ako. “How’s your trip?”

    Nagmamadali agad siya sa pagtayo. Halos yugyugin niya ako nang makalapit siya sa akin.

    “What happened! Sinabi sa akin ni Hendrix na nag-usap kayo ni Ahma? Sinugod si Ahma sa ospital?”
    Kinagat ko ang labi ko. “I’m sorry, Klare. Tumaas yata ang blood pressure niya. She hates me and she wants me to leave Hendrix.”

    Unti unting bumaba ang kamay ni Klare, nanghihina. I know Klare. Kahit na anong trato ng Ahma niya sa kanya ay mahal niya parin ito. She wants her approval. She’s craving for it. I understand. Pero kanina ay talagang nawalan ako ng preno. I just can’t take all the insults when I can see na may hindi tama sa mga rason nila.

    “Ininsulto ka ba ni Ahma, Rin?” ani Klare, halos naiiyak.
    “I don’t care, Klare-“
    “Iiwan mo ba si Rix?” tanong niya.

    Tumitig lang ako sa kanya. Nag iwas lang ako ng tingin nang nakita kong may namumunong luha sa kanyang mga mata. I don’t want to cry. I didn’t cry kahit noong narinig ko ang lahat ng mga insulto. Kahit nasasaktan ako ay tinitiis ko.

    “Magkikita kami mamaya sa Jack’s Ridge. Sama kayo ni Elijah, ha?”
    Tumango siya. “Sinabi niya rin sa akin iyon, Erin. Ang sabi niya ay mag di-date kayo. Are you going to leave my brother?”

    Napaawang ang bibig ko. Parang kinukurot ang puso ko sa tanong niya. It’s like she’s begging me to stay for her brother.

    “You left Elijah for our family, right, Klare?” tanong ko.
    Tumango siya at hindi nagsalita.
    “I’m in love with Hendrix.” Ngumiti ako.

    Mahal na mahal ko siya at hindi ko kayang gawin ito sa kanya. Hindi ko kayang ako ang dahilan ng kabiguan niya.

    “We’re done!” ani Elijah pagkatapos nilang mag ayos na dalawa.

    Kanina pa ako nakahiga sa kama nila at nanonood ng MTV. Pinatay ko ang TV pagkatapos at tumayo na. Hinagilap ko ang aking sandals sa baba ng kama at sinuot ko na iyon.

    Nakatingin ang dalawa sa akin, naghihintay na matapos ako para makaalis na kami.

    Saktong Alas Singko Trienta na nang nakaalis kami sa Marco Polo. Hinatid kami ng taxi sa Jack’s Ridge. Tapos na rin si Hendrix at habang hinihintay namin siya doon ay inenjoy muna namin ang tanawin sa buong syudad ng Davao.

    Picture kami ng picture ni Klare. Si Elijah ang ginawa naming photographer. Panay ang yakap ko sa aking pinsan. I even kissed her. I like making Elijah jealous so much. His asshole side is showing everytime.

    “Klare oh, may gwapo!” sabay turo ko sa may gazebo na part ng Jack’s Ridge.

    May matatangkad at foreigner na naroon. Inaakbayan ko si Klare habang tinuturo ang mga gwapong tinutukoy ko.

    “Asan?” inosente niyang tanong.
    Humagikhik ako. “Ayun oh!” sabay turo ko.
    “You girls! Stop it!” iritadong sinabi ni Elijah.

    Nagtawanan kami ni Klare. Jealous.

    “Saan ang gwapo, Rin?” isang pamilyar na boses ang narinig ko sa malayong likuran namin.

    Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Tumawa na si Elijah. His laugh sounds so evil I wanna break his jaw!

    “Hendrix…” tawa ko nang nalingunan si Hendrix.

    He came here straight from their event. Niluwangan niya ang neck tie niya at wala na ang itim na mga coat ng kanyang damit.

    Sinalubong niya ako. Tinawag siya ni Klare at binati ngunit dumiretso siya sa akin at hinawakan ang baywang ko.

    “Nevermind…” sabi ko sabay tingin sa malayo.

    Mas lalong tumawa si Elijah.

    “Fucking asshole!” hindi ko na napigilan ang pagmumura.

    Naramdaman ko ang paghigpit ng mga daliri ni Hendrix sa aking baywang. Yumuko siya para mabulungan ako.

    “Your mouth…”
    “Sorry…” bulong ko para hindi na ako makantyawan ng pinsan ko.
    “Let’s eat… Gutom ka na?” tanong niya.
    Tumango ako.

    Agad kaming umakyat sa ilang steps ng hagdanan para makapunta sa kung nasaan ang mga restaurant doon. Sumunod si Elijah at Klare sa aming dalawa.

    “Akin na ang bag mo,” aniya nang naramdaman pumapagitna sa aming dalawa ang bag ko.
    “Hindi na. Ililipat ko na sa kabila,” sabi ko.

    Tumango siya at hinayaan ako sa gusto kong mangyari.

    Umupo kaagad kami doon sa isang restaurant. Over looking parin ang buong syudad ng Davao. This reminds me so much of High Ridge in Cagayan de Oro.

    Sinabi ko iyon kay Hendrix at sumang-ayon siya sa akin. He told me he likes this place kaya mas lalo ko lang iginala ang mga mata ko.

    “Is your Ahma okay?” tanong ko.

    Nakatoon agad ang atensyon ni Klare at Elijah sa tanong ko.

    Tumango si Hendrix. “Nakalabas na siya ng ospital kanina. Anong sinabi niya sa iyo?”
    Nagkibit ako ng balikat. “The usual things your relatives tell me… iwan kita.”
    “Tss… Please don’t let this affect us.”
    Lumunok ako at nag angat ng tingin sa kanya. Pinagmamasdan niya ako, parang binabasa ang mga kilos ko kaya winala ko kaagad ang usapan. “By the way, nandoon din si Stella. Hinanap ka niya. Nag usap kaming dalawa.”
    Umigting ang bagang ni Hendrix sa sinabi ko. “Anong sinabi niya sa iyo?”
    “It’s a girl thing Hendrix. Some things don’t need to reach you.”
    He glared at me. “Erin, tapos na kami ni Stella. Please don’t let this ruin us…”
    Tumango ako at ngumiti. “I know, Hendrix.”

    Bumaling ako kay Klare at Elijah. I have things to say to him but I couldn’t tell him in front of my cousins. Gusto ko iyong kaming dalawa lang.

    “We’ll talk more later. In the meantime, let’s eat, okay? Gutom ka na, hindi ba?” Tinagilid niya ang ulo niya.

    Tumango ako. Tumango rin siya. Tiningnan ko ang mga pagkaing nilalapag sa harap namin. Sa gilid ng aking mga mata ay alam kong nanininitig siya sa akin. Pinagmamasdan niya ako. Maaaring tinitingnan kung mababasa niya ba ang iniisip ko.

  • Kabanata 48Open or Close

    Kabanata 48
    Take Care

    Tapos na kaming kumain. Naging abala si Klare sa kanyang cellphone. Bumaling si Hendrix sa kanya…

    “Pierre is in trouble or something. He wants to call. Kanina pa siya text nang text. Aalis daw siya ng bahay.”

    Napatingin ako kay Hendrix. Hindi na siya nagulat. Kinabahan ako sa sinabi ni Klare.

    Huminga ng malalim si Hendrix. “Maybe dad offered him to manage some of our business.”
    “Ha? Bakit?” Gulat na gulat si Klare sa sinabi ni Hendrix.

    Para bang hindi niya kailanman na imagine na si Pierre ang mag mamanage ng ilan doon. Besides, si Hendrix talaga iyong tanging naghahandle ng business nila. Pinaglaruan ko ang juice ko nang unti unting napagtantong maaaring kaya si Pierre na ang pinagbubuntungan ngayon ay dahil sa akin.

    Bumaba ang tingin ni Klare sa kanyang cellphone at nakita kong nanlaki ang mga mata niya. “He’s leaving the house!”
    Bumuntong hininga si Hendrix. It was like he expected this to happen.
    “Excuse me, I’ll answer his call…” ani Klare at tumayo na para masagot ang tawag ni Pierre.

    Sumunod si Elijah sa kanya palabas ng restaurant. Kumuha naman ng bill si Hendrix habang ako ay nanatiling tahimik.

    Pagkatapos mag bayad ay niyaya ko siyang lumabas para magpahangin.

    Malamig sa labas at kaonti lamang ang mga bituin. Natatabunan ang iba ng medyo pulang mga ulap. Kahit gabi ay kitang kita ko ang mga ulap sa langit.

    Sina Klare at Elijah ay nasa malayong gazebo. Kausap niya parin yata si Pierre sa cellphone habang kami ni Hendrix ay nakahilig sa railings, tinatanaw ang baba nitong Jack’s Ridge. Nostalgic ang natatanaw kong city lights. Pakiramdam ko ay nakita ko na ito kung saan kahit na first time ko naman dito.

    “Hindi ka ba nilalamig?” tanong ni Hendrix habang hinagod ang aking braso.

    Ang sarap sa pakiramdam ng mainit niyang kamay. Nilalamig ako pero hindi ko iyon aaminin sa kanya. Hinarap ko siya.

    “I’m fine…”

    His eyes bore to mine. Para bang may kinukuha ulit siyang impormasyon sa pamamagitan ng pagbasa sa aking mga mata. Hindi ko alam kung paano niya iyon nagagawa.

    “Hendrix, pinagalitan ka ba ng parents mo sa nangyari sa Ahma mo?”
    Nag-iwas siya ng tingin. “Hindi na dapat pumunta si mommy at Ahma sa Marco. Kung gusto pala nilang makausap ka, bakit hindi nila sinabi sa akin?”
    “Because they know you won’t like it…”
    Sumulyap siya sa akin. Ibinalik niya ang kanyang mga mata sa tanawin. Humawak siya sa railings. When his hand left my arms, mas lalo lang akong nanlamig. Ngunit kahit na ganoon, hindi ibig sabihin noon na manghihina na ako.
    “I’m sorry. I don’t know what to do to make them understand. I know they wouldn’t but I will try…”
    Umiling ako. “Hendrix, I don’t think your parents or your Ahma will ever understand this. It’s family tradition. You don’t break family traditions. At alam kong alam mo iyan…”
    Bahagya siyang umiling ngunit tumigil din at bumuntong hininga. “I understand this tradition. Sang ayon ako rito… pero ‘nong nalaman kong may pag-asa ako sa’yo, I don’t see it important anymore.” Bumaling siya sa akin.
    Kumunot ang noo ko. Para akong kinikilabutan sa titig niya sa akin. I wish I can make all of this simple. “Hindi ka ba nasasayangan sa lahat ng paghihirap mo? I know gusto mo iyang family business ninyo. Bago ako ay minahal mo iyan ng husto. And you like business. Being with me means you can’t have it. Now your Ahma wants Pierre to manage kahit na walang alam ang kapatid mo sa pag nenegosyo.”

    Tumitig lamang siya sa akin. Hindi ko mabasa ang iniisip niya. Nanghihina ako habang tinitingnan siya.

    “I can invest on other businesses Erin. I can’t lose you just because of it,” mariin niyang sinabi.
    Ngumiti ako ngunit kinukurot na ang puso ko. “So you’re saying na mas pipiliin mo ako kesa sa pamilya mo? Sa mga bagay na pinaghirapan mo, Rix?”

    Umiling siya. Nakikita ko ang sakit sa kanyang mga mata.

    “What is this? Why are you asking me this?” parang may napagtanto siya.

    Kinagat ko ang labi ko. Nag iinit na ang gilid ng mga mata ko. Nagbara ang lalamunan ko kaya hindi ako nakapagsalita ng ilang sandali.

    Lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabilang balikat ko. Mas gugustuhin kong layuan niya ako kay sa sa aluin dahil mas lalo lang yata akong maiiyak.

    “I can’t do this with you anymore…” umiling ako kasabay ng pagpatak ng aking mga luha.
    “What?” halos hangin na lang ang boses niya. “Erin… no!”
    Hinawi ko ang kamay niya. “You have to listen to me, alright?”
    “No! If you want me to listen to your reasons about leaving me, then I won’t!”
    “Rix… please?” pagmamakaawa ko.
    “Ipaglalaban kita! Gagawa ako ng paraan! Don’t give me up just like that!”
    “There are things far more important than being this happy… right now, Hendrix. Wala akong maipagmamalaki sa pamilya mo. Alam kong gusto nila ng ganoon. Iyong hindi pabigat. They think I am a liability. Pabigat ako sa’yo. And if you lose everything because of me, then tama nga sila. Lahat ng nagagawa ko sa iyo ay nagiging dahilan ng paglubog mo.”
    “How can you say that? I will never let that happen to us!” Mas mariin ang bawat bigkas niya na para bang kapag ginawa niya iyon ay makukumbinsi niya ako.

    Humugot ako ng malalim na hininga. Nakatitig parin siya sa akin. Pinalis ko ang luhang bago bago ako nag angat ulit ng tingin sa kanya.

    “May mga bagay na hindi pa dapat ngayon… I don’t have a degree yet. I’m not chinese and I have no achievements. I am no good for you…”
    “Shhh… Kailan ko ba iyan sinabi sa iyo? It’s never a big deal to me! You will be great, I know that because you’re a great woman!”
    “I will prove that, Rix. We need to go separate ways para hindi tayo malunod dalawa. Kailangan mong mag concentrate sa trabaho mo, kailangan kong mag concentrate sa pag-aaral ko. I need this so much…” Pumiyok ang boses ko.
    “Why do you need it? Ako? Hindi mo ba ako kailangan?”

    Gusto kong mag mura. Mas lalo lang namuo ang luha ko at bumuhos ulit. Dammit, Rix! Don’t make me cry like this!

    “The insults your parents, your Ahma, and Stella told me were true! Wala pa akong nararating! Gaano ko man sabihing hindi ako apektado ay alam ko sa sarili kong tama sila! Totoo naman, ah? Kahit ako! Kahit ako alam kong hindi ako deserving sa’yo! Kaya please… I need this for myself. I need this to be your equal! I need this so I can be the “great” girl you’re talking about! I need this para hindi ka na mapahiya na hindi na nga ako chinese, wala pang ginawa kundi maging pabigat!” sigaw ko.

    Napaawang ang bibig niya. Hinawakan niya ang aking mga siko.

    “I don’t need you to prove anything…” mahinahon niyang sinabi. “Erin, hindi na sila ulit makakalapit sa iyo from now on just don’t leave. We are not breaking up. We will never break up!”

    I carried my insecurities with me noon pa ngunit hindi ito naging big deal sa akin. Hindi ako natamaan ng mga ito just because I am still confident. Pero tuwing nakikita ko ang kaibahan namin ni Hendrix ay mas lalo ko itong nararamdaman.

    Gusto kong isipin na para ito sa kanya. Gusto kong isipin na para ito sa mga taong nasa paligid niya. For them to stop mocking Hendrix… kung bakit ako ang pinili ni Hendrix. But in the end, it will all end up to me… I want to overcome all of these. Gusto kong mapatunayan sa sarili ko na tama si Hendrix, hindi nga ako pabigat.

    “Please, I ask this of you… I want to take a break. Kung tayo rin naman talaga sa huli, tayo parin naman ‘di ba?”
    “I don’t understand the need to take a break. You can have me now, why are we going separate ways?”
    Bahagya akong tumawa. “I need to finish this degree. I need to improve-“
    “Why? Can’t you do that while you’re with me? Why are we… Please, Erin. Don’t do this.”

    Hinawakan ko ang kanyang braso. Tumingin siya sa kamay ko.

    “Are they going to force you to marry Stella?” tanong ko.
    Umiling siya kahit na alam kong maaaring mangyari iyon. They will manipulate things and what nots.
    “They will force you, Rix. Lalo na pag nandito pa ako. Mas luluwang sila sa iyo pag hindi na tayo. And your business, mas lalo mo lang itong mapagtutuonan ng pansin pag nasa Davao ka-“
    “You can’t force me to live here. I’ll be in CDO whatever you say!”
    “I’ll be studying hard for the next three months para maka graduate ako. And after that… I’ll probably train… Gusto kong mag invest sa Feasibility Study namin… I will be very busy. Both of us will be very busy…”
    “I am not that busy na wala na akong oras para sa’yo! Don’t decide-“
    “Rix… Kung ano man ang desisyon ko ngayon, kung mahal mo talaga ako at wala kang iba, ako parin ang makakatuluyan mo, hindi ba?”

    Natigilan siya sa sinabi ko.

    “If after all of these, tayo parin. Kapag may napatunayan na ako sa sarili ko, at mas maayos na ang pamilya mo… You should help Pierre. Tingin ko ay nabubuntong sa kanya ang lahat dahil sa atin. He’s pressured.”

    Pumikit si Hendrix, kinakalma ang sarili. Hindi siya nagsalita.

    “Fix you family. Fix your business. Kasi pakiramdam ko mas lalo lang nag iinit ang ulo ng mga tao kasi nandito ako…”
    “Erin, you’re asking me to wait?” Dumilat siya at nag angat ng tingin sa akin.

    Tumitig lang ako sa kanya. I love this man so much. Kung hindi lang ako pasakit para sa kanya ay hinding hindi ko gagawin ito.

    “I want us both to fix some things. You fix your things. I’ll fix mine…”

    Ilang sandali pa bago siya tumango. Parang kinukurot ang puso ko. This is it! I know he’d understand. Ako ang nagdesisyon nito kahit alam kong masakit. But this is the most mature decision I have ever made. To let go of him to let him fix his life and to let me fix mine.

    May pangamba ako para sa aming dalawa ngunit naniniwala ako na mahal niya ako. Naniniwala ako na kaya naming dalawa ito.

    “God!” Umiling si Hendrix. “What you’re asking is really hard for me, Erin. Madali lang ba ito sayo?”
    Umiling ako. “HIndi. I just think that this is the right thing for now!”
    “Then give me some assurance! I want your assurance!” Humakbang siya palapit sa akin at hinawakan niya ang aking pisngi. “I want assurance na kahit ilang buwan o taon man ang lumipas ay ako parin ang mahal mo! Hindi ko alam sa iyo pero sa akin? I’ve been standing here for nine years thinking this is just infatuation but who am I kidding? Nine years? I want assurance!”

    Tumango ako.

    This is the last time for now. Masakit na nakakapanghina ang nararamdaman ko sa aking puso. I’m letting go the person I love the most to find the best part of me and to let him fix his issues. It is both freeing and painful.

    Tumingkayad ako para maabot ang kanyang labi. Hinawakan niya ang baywang ko at iginiya niya ang aking labi sa kanya.

    I kissed him wholeheartedly. I kissed some lips before but this kisses felt like it’s the first time. The deepest. The most heartfelt. The most painful.

    “I need your words too…” Bulong niya pagkatapos ng halik. “No man after me.”
    “No man after you,” sabi ko.

    Nag angat ako ng tingin sa kanya. Kitang kita ko ang pangingilid ng luha sa kanyang mga mata.

    “No love after me…” nanginig ang kanyang boses.
    Umiling ako. “I won’t stop loving you even after this, Rix…”
    “Then… no infatuation after me…”
    “No infatuation after you…” Ngumiti ako.
    “How could you smile when you’re hurting me so bad? Huh?” banayad niyang sinabi.

    Kinagat ko ang labi ko.

    “Kasi alam kong kahit na ganito, mahal mo parin ako.”
    “Damn confident!” Umiling siya.

    Natawa ako sa mura niya. I though Hendrix Ty doesn’t curse!?

    “Kahit na irereto ka kay Stella, huwag kang mag aalala… alam kong ako ang mahal mo.” Ngumisi ako.
    Umiling siya. “I won’t let that happen. You will see.”

    Ngumuso ako. Binitiwan niya ako at may kinuha siya sa kanyang bulsa. Sinundan ko ang mga kamay niyang may nakasabit na kulay gold. Kumikinang ito sa ilalim ng mga ilaw doon.

    “What’s that?” tanong ko.
    “This is my Christmas gift for you…”
    Tinitigan ko ito. “Ibibigay mo kahit break na tayo?”
    “Ibibigay ko kasi mahal kita,” pagtatama niya.

    Ipinakita niya sa akin ang isang gold necklace. May maliliit na bilog akong nakikita. Nilapitan ko ito para makita kung ano iyon.

    “These are bells… Nine…” aniya.

    Nakapalibot sa gold chain ang siyam na gold round bells. Namangha ako habang tinitingnan ko ang pagkinang nito.

    They make cute small sounds kapag sobrang nagagalaw.

    “Turn around…” aniya.

    Tumango ako at sumunod sa gusto niya. Hinawi niya ang buhok ko. Pagkatapos ay nilagay na sa aking leeg ang necklace. Sa aking batok ay ni lock niya ang chain. Hinawakan ko ang bawat bell habang ginagawa niya iyon.

    “Thank you… I like it.”

    Hinarap ko siya at kinuha sa loob ng bag ko ang isang box kung nasaan ang relong binili ko para sa kanya.

    “I have a gift too. Hindi siya masyadong mahal pero…” Nagkibit ako ng balikat.

    Tinanggap niya ang maliit na box at nakita kaagad ang pangalan ng brand.

    “A watch?” tanong niya.
    Tumango ako at tinulungan siya sa pagbubukas niyon. Nang nakuha na niya ang itim na Casio ay agad niyang tinanggap ang kanyang relo.

    Dinungaw ko kung ano ang brand ng kanyang relo. Napalunok ako nang nakitang Piaget ito. Fuck!

    “Uh… ‘Tsaka mo na lang ‘to suotin kung may lakad ka or something…” sabi ko kahit na tinanggal niya na ang kanyang relo.
    “Why?”

    Fuck that’s Piaget. Replacing it with a Casio is fucking funny!

    “Hold this for me…” sabay bigay niya sa akin sa Piaget.

    Nilagay niya sa kanyang palapulsuhan ang bigay kong relo. Perpekto ang sukat nito. Umiling ako, hindi ko maintindihan kung bakit pinalitan niya kaagad ang isang ganito ka mahal na relo sa relong binili ko lang sa mall!

    “Thank you,” bumaling siya sa akin.

    Nilahad ko ang kanyang lumang relo. Saan na ito ilalagay ngayon? Bago pa ako makapagtanong ay narinig namin si Klare.

    “Rix, dad called. Pinapauwi ka sa bahay. Naglayas yata si Pierre… I’m sorry…” ani Klare.

    Huminga ako ng malalim. So this is it, huh? From now on, we’ll fix our issues. We’ll set each other free.

    Bumaling si Hendrix sa akin. Nagkatitigan kaming dalawa. I let my eyes run through every corner of him. I want to memorize every inch of his face.

    “Okay… I will help them. Please take Erin home.”

    His words were marked with finality.

    Tumango ako. “Take care, Hendrix.”

  • Kabanata 49Open or Close

    Kabanata 49
    Nothing Happened

    I feel empty. Pauwi kami nina Klare at Elijah sa hotel at tahimik ako sa loob ng taxi. Si Klare lamang ang maingay dahil sa tawag ni Klare o di kaya ay sa kanyang papa.

    “Pierre, please talk to papa. Pauwi na si Hendrix-“

    Kanina pa siya pinuputol ni Pierre sa pinag-uusapan nila. I don’t know how bad it is, though. Ano kaya ang nangyari?

    “Just go home. Ahia will take care of this…”

    Kahit si Klare ay umaasa kay Hendrix. Nangilid ang luha ko at tumingin na lang sa labas.

    “Pierre! Pierre!” sigaw ni Klare na mukhang pinatayan ni Pierre sa kabilang linya.
    “Hayaan mo na lang si Pierre, Klare. Baka gusto niya lang munang magpalamig,” ani Elijah.

    May tinawagan ulit si Klare sa kanyang cellphone.

    “Pa, pauwi na si Hendrix,” ani Klare.

    Ilang saglit na nakinig si Klare sa sinasabi sa kabilang linya. Tahimik ang buong taxi hanggang sa suminghot na siya.

    “You can’t ask me that…” nanginig ang boses ni Klare.
    “Baby, what’s wrong?” mahinahong tanong ni Elijah.

    Nilingon ko si Klare sa tabi ko. Napatingin siya sa akin bago umiling.

    “I can’t do that! Pa, may paraan pang iba, hindi ba? Kausapin mo si Ahma! Pierre won’t go back kung pipilitin ninyo siya!”

    Binaba ni Klare ang kanyang cellphone bago pinunasan ang luha.

    “What’s wrong?” tanong ni Elijah.
    “Gusto talaga ni Ahma na kay Pierre ibigay halos lahat ng negosyo. Ayaw ni Pierre!”
    “Does your Ahma have the right to give the businesses to Pierre? Hindi ba ang ibang negosyo ninyo ay nakapangalan sa daddy mo?”
    Tumango si Klare. “Halos lahat ay nakay Ahma parin. Siya parin ang mag dedesisyon. Halos lahat pa noon ay iyong mga inalagaan ni Hendrix.”
    Kinagat ko ang aking labi. “I know this is because of us. Ako at si Hendrix. Kasi kung hindi kami ni Hendrix, maayos ang relasyon nila ng iyong Ahma, hindi ba?”

    Umiling si Klare. She’s in denial. I know what’s happening. I’m not blind or naive.

    “Alam kong kayang gawan ng paraan ni papa ito!” giit ni Klare.
    “They should stop pressuring Pierre. Wala na kami ni Hendrix,” sabi ko.

    Ilang sandaling nanahimik si Klare. Nilingon ako ni Elijah.

    “You’re kidding me, right?” ani Klare nang sa wakas ay nakapag salita.
    “I’m not. We ended our relationship kanina. Sa Jack’s-“
    “Bakit mo ito ginawa kay Hendrix?” nagulat ako sa reaksyon niya.
    “Klare, ang gulo pa ngayon. This is not the right time to push our lock. Mainit pa ang alitan ng dalawang pamilya-“
    “You’re not chinese and you won’t be, Erin. Kaya ngayon man o bukas ay tututol sila sa inyo!” ani Elijah.
    “I’m not saying na magiging chinese ako eventually, Elijah. Kaya kong ipaglaban si Hendrix pero hindi ngayon. Wala pa akong maibubuga. Klare’s family can’t be proud of me. Nagkakagulo na sila at-“
    “Kaya kang ipaglaban ni Rix ngayon, Erin,” giit ni Klare.
    Pumikit ako ng marahan at umiling. “Hindi lang siya ang lalaban. Kailangan ko ring lumaban, Klare. But I say I need more time to really do it with him…”

    Hindi umimik si Klare. Tingin ko ay nagalit siya sa ginawa ko. Humihikbi siya sa tabi ko at hindi ko na pinilit ang mga naiisip ko. Of course, magagalit siya. Kapatid niya ang sinaktan ko, e.

    Pagkarating namin ng hotel ay tahimik parin kami sa pag akyat. Naririnig ko ang mga bulong ni Elijah kay Klare para lang kumalma. Nanatili ang mga mata ko sa pintuan. I won’t explain anymore. She will get hurt. Kahit na gaano pa ka ganda ang rason ko ay masasaktan ko siya.

    Pumasok na ako sa aking room pagkatapos kong magpaalam sa dalawa. Tumango lamang si Elijah at dumiretso na si Klare sa kanilang kwarto.

    Agad akong humiga sa kama. Niyakap ko ang malaking unan at inisip ang lahat ng nangyari. Gusto kong maiyak. Ang bigat bigat ng pakiramdam ko pero alam kong para lamang ito sa ikinabubuti ng lahat.

    Tumunog ang cellphone ko sa isang tawag. Si daddy iyon!

    “Dad…” sagot ko.
    “Are you okay?” agaran niyang tanong.
    “I’m fine po. Bakit?” Pinaglaruan ko ang relo ni Hendrix na kanina ko pa hawak hawak. Hindi na niya ito kinuha ulit simula nang naisuot niya ang bigay ko kanina. Nakalimutan niya kaya ito?
    “Hendrix called…”
    Napatingin ako ng diretso sa sinabi niya. Nilapag ko ang relo at bumangon.
    “Humingi siya ng tawad sa lahat ng nangyari. Earlier, Ricardo called asking me kung nasa Cagayan de Oro ba si Pierre o may alam ba ang mga pinsan mo kung nasaan siya. Of course, I don’t know… And then he told me what happened to Senica Ty. Naospital ito pagkatapos ninyong mag usap? He said something about you pushing the old lady…”
    “Daddy! Hindi ko po siya itinulak!”
    “Hendrix called. Humingi siya ng paumanhin sa lahat ng nangyari, Erin. Wala na raw kayo…”

    Nalaglag ang panga ko. It’s weird hearing daddy say it. Parang kanina ay wala lang sa akin ngunit ngayong si daddy na ang nagsabi, at galing pa kay Hendrix, ‘tsaka pa lang tuluyang nag sink in.

    “Opo. Wala na kami.”
    “He broke up with you because of what happened?” Tumaas ang boses ni daddy.
    “I broke up with him-“
    “Don’t you lie to me, Erin! Are you protecting him? Hiniwalayan ka ba niya para sa lahat ng ito!?”
    Laking gulat ko sa tono ni daddy. “Hindi po, dad. Ako po ang nakipag hiwalay!”
    “Pumunta ka diyan? Ang saya-saya mo pa! And now you two broke up? Pumunta ka diyan para lang masaktan? Umuwi ka na dito!”
    “Dad, yes, uuwi na kami bukas-“
    “Umuwi ka na dito!” ulit niya.

    Galit na galit si daddy. I almost couldn’t handle him. I’ve never heard him this angry my entire life.

    “Yes, dad… Uuwi-“
    “Huwag mong ipagpilitan ang sarili mo diyan! You don’t deserve to be treated that way! You are precious! You are Erin Montefalco! Nobody can make you feel like that-“
    “Dad, calm down, okay? I’m fine!”
    “Alam ko na masakit ang mga nasabi ni Senica sa iyo! You don’t deserve their rejection! Kung ayaw nila sa iyo, pwes, ayaw ko rin sa kanila. Hinding hindi ako makakapayag na ikaw ang magmamakaawa!”
    “Dad! Dad! Please!”

    Ngayon ay kabado na ako sa kung ano man ang naiisip ni daddy. Kailangan ko siyang pigilan. I feel like his pride got hurt so much!

    “Dad! Can we talk about this tomorrow-“
    “You are going home tomorrow! Early in the morning! You are not staying in Davao for another day!”
    “Yes, dad! Please, calm down! I’m fine! You have nothing to worry about. I just want to rest for tonight. I’m sorry…”
    “I warn you, Erin. Huwag ka nang makikipagkita sa pamilya ni Hendrix. And if he’s hurt you, find someone else who won’t!”
    “Dad, hindi po ako nasaktan ni Hendrix. Ako pa nga ang nakasakit sa kanya… It’s my decision!”
    “I know he’s a good man, Erin. Noong ipinakilala mo siya dito ay nakita ko iyon. Pero ngayon, kung bakit hindi ka niya kayang ipaglaban.”
    “Dad…” Bumuntong hininga ako. “Ako po ang may ayaw na lumaban kami… Please don’t think bad of Hendrix. Desisyon ko po ito!”

    Tingin ko ay tumagal pa ng kalahating oras ang pag uusap namin ni daddy tungkol doon. Paikot-ikot lang ang pinag usapan namin dahil hindi siya naniniwala na ako nga ang nakiusap kay Hendrix na maghiwalay kami.

    Nakatulog ako sa pagod dahil sa tawag ni daddy. Nagising lamang ako sa tawag ni Klare at sa mga katok sa pintuan ko.

    Alas sais nang kinatok niya ako para makapag ready na kami pauwi. Nakaligo na siya at nakapag impake sa kanyang mga gamit nang pumasok siya sa kwarto ko para gisingin ako.

    “Good morning…” ngunit malungkot ang boses niya.
    “Good morning! Maliligo muna ako,” sabi ko habang pinapasadahan ng mga daliri ang aking buhok.

    Pinagmasdan niya ako ng mabuti. Para bang palaisipan na ako ngayon para sa kanya. Naalala ko pa kung gaano siya nagalit kagabi pero binalewala ko na lang iyon na para bang walang nangyari… na hindi siya nagalit.

    “Nakausap mo na ba si Hendrix?” tanong niya nang papasok ako sa bathroom.

    Umupo siya sa aking kama at humalukipkip. Pakiramdam ko ay hindi parin siya naniniwala na wala na kami ni Hendrix.

    Umiling ako. “Simula kagabi ay hindi na kami nag titext sa isa’t-isa…”

    Sinarado ko ang pintuan at hinayaan na lang ang sariling mawala sa init ng tubig. Lahat ng ito ay parang panaginip lamang. Kahit ang kaonting kasiyahan na naramdaman ko noong kami pa ni Hendrix. Paulit ulit ko itong binalikan at paulit ulit ko ring inassure ang sarili ko na kaya ko ang lahat ng ito.

    Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako. Nang natapos ko namang ayusin ang gamit ko ay inaya na ako ni Klare na kumain na muna ng breakfast sa baba bago kami umalis para sa flight namin. May oras pa naman kaya pwede pa.

    Tahimik ang pagkain namin sa Marco Polo. Panay ang pabalik balik ng tingin ni Elijah sa akin at sa kay Klare.

    Tumunog ang cellphone ko sa text ni Ate. She’s asking me kung okay lang ako.

    Ako:
    I’m fine. How’s dad? Pauwi na kami.

    “Is that Hendrix?” tanong ni Klare.
    “Si Ate Chanel, Klare.” Nilapag ko ang cellphone sa tabi ng aking pagkain.
    “Erin… is this really serious?” tanong niya.
    Tiningnan ko lang siya.
    “Pumunta ba tayo dito para hiwalayan mo si Hendrix?”
    Nilapag ko ang aking mga kubyertos. “Pumunta ako dito para lang ibigay sa kanya ang regalo ko, Klare. And because of what happened yesterday, dahil sa pagkakagulo, tingin ko ay deserve ni Hendrix ang break.”
    “Hindi ba ay nagkausap kayo ni Stella? What did you tell her? Did you tell her na iiwan mo na si Hendrix? My brother loves you, Rin… I hope you can see that. Kaya ka niyang ipaglaban…”
    Namungay ang mga mata ko. I appreciate how Klare likes me for Hendrix. O kung ayaw niya lang talagang masaktan ang kanyang kapatid. “I told Stella na hinding hindi niya makukuha si Hendrix sa akin…”
    “Oh? Bakit gano? Bakit mo pinakawalan?” tanong ni Klare.
    “Klare, kung kami ni Hendrix, mamahalin niya ako kahit malayo kaming dalawa. Can’t you see? Your family is in chaos! If we break up, hindi ma pe-pressure si Pierre. And also, I still need to study hard. This is our last sem. Kung ma sstress ako sa lahat ng ito, baka pa bumagsak ako. Edi mas lalo lang akong hindi deserve kay Hendrix? Your brother is an achiever, Klare. At ako? I’m like… the Magna Cum Laude in Alcoholic Beverages…”
    Humalakhak si Elijah pero natigil din. Sumulyap ako sa kanya, ibinalik din kay Klare ang paningin.
    “Hindi isinumbat ni Hendrix iyan sa’yo…”
    “Hindi pero ang parents niya, oo. I’m not chinese. At least make me a successful person. Para kahit hindi ako chinese, maayos parin ako.”
    “And you think they won’t reject you just because you’re successful, Erin?” seryosong sinabi ni Elijah.
    “I think I can better fight with him because I am successful. Hindi ako magiging pabigat. I won’t be pulling him down! Please understand… Klare… I know you don’t want your brother to get hurt-“
    “I don’t want you to get hurt too!” Nabasag ang kanyang boses. “Kung hirap ka! Hirap din siya… bakit kailangang maghiwalay ‘di ba?”

    Parang nababasag ang puso ko sa linya niya.

    “Of all people, dapat ikaw ang nakakaintindi niyan ‘di ba? Please… I need this.”

    Humagulhol siya at niyakap ako. Niyakap ko siya pabalik. And that was it… alam kong kahit hindi niya naiintindihan ang desisyon ko ay hinayaan niya ako.

    Umuwi kami ng Cagayan de Oro. Sa Airport pa lang ay nakaabang na si Azi at Kuya Josiah. Nakahilig sila pareho sa pick-up ni Knoxx.

    Nag high five kaagad silang dalawa kay Elijah. Bumaling si Kuya sa akin.

    “Ito lang ang bag mo?” tanong niya sabay kuha sa dala ko.
    Tumango lang ako.

    “Where’s your Fortuner?” halakhak ni Elijah.
    “Shut up, bra… Tss…” Supladong sinabi ni Azi.
    “Si Clau, Azi?” tanong ni Klare.
    “Nasa bahay…”
    “Hindi sumama?” tanong ko.
    “Grounded…” iyon ang sagot niya.

    Sa byahe papuntang Cagayan de Oro ay naging usapan namin ang pagkakagrounded ni Claudette. Although I have a slight idea, mas maganda paring marinig kay Azi ang sagot. Hindi niya nga lang ma pin point kung bakit. This guy sucks balls and I can’t believe wala siyang alam sa mga nangyayari!

    Nang nakarating kami sa bahay ay laking gulat ko nang sa sala namin ay naroon si Tito Azrael, Tita Claudine, Daddy, Mommy, Tito Lorenzo at Tita Helena. Naroon din si Charles sa aming sala. Nakaabang sila sa pagdating namin at lahat ng mga mata ay nasa akin.

    “I will sue the Tys…” panimula ni daddy pagkatapos kong mag mano.
    “Dad? No!” halos mag wala ako sa narinig ko sa kanya.

    Hinawakan ni mommy ang aking balikat.

    “Benedict, don’t overreact, please! We need to think about this…”
    “Hindi ako makakapayag na ganito…”
    “Sino ang kakasuhan at bakit?” ani daddy. “Don’t you think it’s a bit emotion-driven?”
    “Benedict is right, Lorenzo. I’m sure we can find a way to make them pay for whatever they did…” ani tito Azrael.
    “Tito! No! Wala pong masamang nangyari! Let’s not make this a big deal! Mas lalo lang gugulo. I broke up with Hendrix para hindi na magulo! Kaya huwag ninyong sayangin ang ginawa ko! Tama na!”

    Nanahimik silang lahat. Nakatingin silang lahat sa akin ngayon.

    “Kung ayaw nila sa akin, hindi ako mamimilit! Let’s just go on with our lives like nothing happened! Please?” halos magmakaawa ako.
    “Benedict… Please…” ani mommy.

    Sabay na bumuntong hininga si daddy at tito Azrael.

  • Kabanata 50Open or Close

    Kabanata 50

    Wala Yan

    Pinalipas ko ang inis ng aming pamilya sa pamilyang Ty. Dagdagan pa ng pag rerebelde ni Claudette, mas lalong dumami ang problema ng aming pamilya.

    “Erin…” tawag ni Hannah sa akin habang nag-eedit ako ng isang presentation.Katabi ko si Klare na nag-aaral din para sa quiz mamaya.

    Nilingon ko si Julia, kakarating niya lang.

    “Si Claudette? Ilang araw na siyang absent, ah?”I know she’s a friend to us. Kaya lang ay alam kong kahit na nagtatanong siya niyan ay may alam na siya sa nangyayari. Gusto niya lang yata ng kumpirmasyon galing sa amin ni Klare. Ayaw magsalita nI Klare kaya ako ang tinatanong niya.

    “Oo. Papasok na ‘yon bukas.”

    “Hindi kaya siya ma i-AF?” tanong niya, tinutukoy ang pagkakabagsak dahil sa dami ng absences.

    “Hindi naman siguro…” sabi ko at bumaling na sa laptop.

    Alam kong hindi pa tapos si Hannah sa pagtatanong pero nilagay ko na lang ang earphones sa aking tainga para mapigil niya na ang kanyang sarili. I am not going to answer more questions.

    Lumipas ang ilang linggo at naging mas normal ang buhay pamilya. Hindi ko inakalang babalik sa normal ang lahat pagkatapos ng kaguluhan dahil lamang sa alitan sa mga Ty.

    “Erin, tumatawag ang tita mo…” ani mommy nang pumasok sa aking kwarto.Pinapatuyo ko ang buhok ko at agad na kinuha ang cellphone ni mommy para kausapin si Tita Suzanne.

    “Ano, nakapag desisyon ka na ba?”Ilang linggo na kaming nag-uusap tungkol sa gusto kong mangyari. Noong una ay gusto kong pasukin ang pagbabanko. Ang aking rason ay para makaipon ng pera at makapag patayo ng sariling negosyo. But the she disagreed with my plan. Ang sabi niya ay hindi problema ang pera. Kung gusto kong mag negosyo, kailangan pang negosyo ang isipin ko. Kung gusto kong mag banko, hindi na ako makakapag negosyo. Noong una ay hindi ko maintindihan pero kalaunan ay nakuha ko rin.

    “‘Yong feasib kasi namin nina Klare, medyo lumago. Tita, iyon sana ang ipagpapatuloy ko,” sabi ko.

    “I told you… Oh! I will get you a slot sa sinasabi ko sa iyong culinary program dito. I know you’ll tell me na hindi mo na kailangan. Kung gusto mo ay dito ka na rin mag NC 2 sa culinary kasabay ng program na ibibigay ko sa iyo?”

    “Hindi, tita. Sige kailangan ko po niyan.”

    “Oh, magsisimula ang pasok sa third week of March. Sana ay makapunta ka na dito. Ano? Hahanapan ba kita ng pwesto kung kaya mo nang i fund ang gusto mong mangyari?”Nanlaki ang mata ko. “Huwag na po! Dito ko sa CDO gagawin ang shop. Hindi po sa Manila.”

    “Ah, ganoon ba? O sige! Just call me when you’re ready. Book a ticket! Tatawag ako pag nakakuha na ako ng slot para sa iyo.”

    “Sige, tita Suzanne! Thanks!”Nagkatinginan kami ni mommy nang binaba ko na ang cellphone niya. Binigay ko kaagad sa kanya iyon at nagpatuloy sa pagpapatuyo ng buhok.

    “My, kukuha po ako ng ticket pa Manila,” iyon lamang ang nasabi ko.

    “You can just build the shop even after you graduate, Erin,” ani mommy.

    “I need expertise. Hindi naman porke’t marunong akong mag bake at nagustuhan ninyo ay kaya ko nang tumayo. Kailangan ko ng papel na hahawakan bilang patunay na kaya ko nga ito. That I learned this somewhere at hindi ko gawa-gawa ang mga ito.”

    “It’s a shame you don’t want to enter law school…” ngumiti si mommy.

    Ngumiti din ako. “I’m not like Kuya, my… You know I’m lazy. I want to own my time…”

    Kinuha ni mommy ang brush at sinuklay niya ang aking buhok.

    “Bago ako pumasok sa law school ay ganyan din ang inisip ko,” ani mommy.

    “Salamat kay lolo at napilit ka niyang pumasok sa Law School. Kung hindi ay baka hindi kayo nagkakilala ni daddy.” Humagikhik ako.

    “Why don’t you enter Law School. Malay mo mahanap mo rin ang lalaking gusto mong makatuluyan!” Tumawa si mommy.Nilingon ko siya. I already found him, though.

    “Hmmm. Actually, my… Siguro nga papasok ako. Pero hindi ngayon. Titingnan ko muna kung kaya ni Kuya.” Tumawa ako.

    Sa kalagitnaan ng tawanan namin ni mommy ay kumatok si Ate sa pinto.”Erin,” tawag ni ate.

    Bumaling ako sa kanila at nakita ko si Claudette at Klare na nasa likod niya. Tumayo si mommy at nagpaalam sa kanila.Nandito ang mga pinsan ko ngayon dahil mag lalaro sina Kuya, Azi, Rafael, Elijah, at Damon ng isang game sa Alwanna Business Park.Ayaw kong pumunta. Alam kong pipilitin ako ni Klare. Kaya naman noong sinabi ko na sila na lang muna dahil may aasikasuhin ako, agad nagdesisyon si Klare na dito sa amin sila mag tipon tipon bago dumiretso sa Alwanna. Modus Operandi…

    “Erin…” ngiting ngiti si Klare sabay higa sa aking kama.

    Humalukipkip si Claudette at matalim ang tingin sa akin. Hindi ko alam kung anong problema ng isang ito.

    “Habang magbabasketball sina Elijah, pwede tayong mag swimming sa hot pool ng Marco!” ani Klare. “I brought my bikini!”

    This girl knows how to bribe. Nanliit ang mata ko. Whatever, Klare.

    “You’re a crazy girlfriend. Ano? Bantay sarado ba si Elijah na kahit basketball game niya ay pinapakealaman mo?” Although, I know that that’s not her main reason. May iba…

    Ngumuso siya. “Ito naman! Please?”Umiling lang ako at tumingin sa mukhang galit na si Claudette.

    Nagtaas ako ng kilay sa kanya.

    “What’s your problem now?” tanong ko.

    “Sabihin mo nga, Erin… Hiniwalayan mo ba si Hendrix para sa akin?”

    Nagulat ako sa pagbanggit ni Claudette ng pangalan ni Hendrix. Pakiramdam ko ay kay tagal ko na itong hindi naririnig.

    “Dette!” tawag ni Ate Chanel.

    Umirap ako. “Hindi iyon para sa iyo, Dette. It’s for us… For me and Hendrix… Please don’t think of me as a saint. Na kaya kong saluhin lahat-“

    “Really? Because from the way I see it, all the responsibilities were lifted last week because Hendrix will take over all the businesses of the Tys.”

    Nanlaki ang mga mata ko. I can’t believe it. Pagkatapos ng dalawang buwan ay nasa kanya na ulit ang pamamahala ng mga ipinagkait sa kanya!

    “I don’t know about that part-”

    “Oh? Ano?” Umiling si Claudette. “You’re saying na mas mahal mo si Eion, Rin? Kasi noong si Eion ang humiwalay sa iyo, nag makaawa ka para lang mabalik siya. Pero si Hendrix, dalawang buwan pa lang kayong magka hiwalay ay parang wala lang sa iyo! Please don’t do this kung para lang sa akin!”

    Tumayo si Klare at pumagitna sa aming dalawa ni Claudette. Umirap ako. Bakit iniisip ng mga tao na nagpapakabayani ako dito? Well, partly, it’s true. Hiniwalayan ko si Hendrix for reasons like that but I don’t want people to make it a big deal. Ayaw kong koronahan ako at bansagang Reyna ng Kamartyran!

    “Claudette!” Tumaas ng kaonti ang boses ko. “Pwede ba? This is my decision! If you think you can change it dahil lang nagagalit ka sa akin ngayon, nagkakamali ka! Just be happy that his responsibilities were lifted! Be happy that it’s all okay now!”

    “Erin…” hinawakan ni Klare ang braso ko.

    “I just don’t want you to sacrifice for me. Ganito ka na noon para sa akin, para sa amin! Pati ba naman ngayon?” nanginig ang boses ni Claudette.

    May dumaang sakit sa aking dibdib kaya imbes na aluin ang pinsan ko ay inirap ko ang luhang nagbadya sa aking mga mata at lumayo na sa kanila.

    “Bathroom lang…” sabi ko.

    Hindi naging matagumpay si Klare sa paghihikayat sa akin na sumama sa mga basketball game nitong mga nakaraang linggo. Kahit noong na kumpirma na ang pag graduate naming tatlo ay hindi parin niya ako nadadala.

    “May ticket ka na?” tanong ni Klare nang naghihintay kaming matapos ang graduation practice.

    Nakiusyuso siya sa aking cellphone. Nakita niya yata ang itinerary details ng ticket ko pa Maynila.

    “Oo. After graduation day ang alis ko.”

    “Agad-agad?” nagulat siya.

    Tumango ako. “Diretso kasi ang start ng program. Late na nga ako, e. Ayaw ko lang ng wala ako sa graduation day kaya pinilit ko na.”

    “So di tayo makakapag celebrate niyan?” ngumiwi si Klare.

    “Sa dinner lang ako pwede. Wala na ako sa celebration ninyong talaga.”

    “Ano ba ‘yan! Grabe! May game ulit sina Elijah bukas. Sasama ka na? Hot pool na tayo sa Marco!”And there’s her Modus again.

    I know tuwing nagyayaya siyang ganyan ay nandoon si Hendrix sa Marco at kasamang naglalaro nina Elijah.

    “O sige, sasama na ako,” sabay ngiti ko.

    Napalingon si Claudette sa amin.

    Pareho kaming nakaupo sa gym at halos hindi na magkarinigan sa dami ng mga estudyanteng graduating at nag uusap usap din.

    “Talaga?” Malaki ang ngisi ni Klare sa narinig sa akin.

    After months of not communicating and not seeing Hendrix, bago man lang ako umalis pa Maynila ay gusto kong masilayan man lang siya. He respected my decision. Gusto kong maghiwalay muna kami kaya binigay niya ito sa akin. Hindi ko na rin siya ginambala kahit na sobra sobra na ang pangungulila ko sa kanya. I guess I’ve grown dependent on him and I think it’s bad. I should be able to stand on my own, right?

    “Oo na…” ngiti ko.

    Hindi tuloy ako mapakali sa gabing iyon. Kabado ako. Kahit ang mga damit ko ay pinag diskitahan ko. Pinili ko ang mga dapat susuotin. Paulit ulit kong nireplay sa aking utak ang mga pwedeng mangyari bukas.Nang dumating na ang kinabukasan, hapon na kami pumunta ng Alwanna Business Park. Nagulat ako nang mas pinili ni Klare na sa hot pool na lang muna kami imbes na dumiretso sa kung saan maglalaro ang mga boys. Pumayag naman ako dahil gusto ko rin namang mag swimming.

    “So kukunin mo? Erin, pwede namang per month na rent lang muna ang bayaran. Hindi naman kailangang annual ang pagbabayad mo nito…” ani Klare habang lumalangoy kami.

    Si Ate ay nasa sun lounger kasama si Brian. Si Claudette naman ay nasa gilid ng pool at may kausap sa cellphone. Kami ni Klare lamang ang nag eenjoy sa paglangoy at nag uusap tungkol sa negosyo sisimulan.”Abiso iyon ni daddy, e. Kaya sige na…” sabi ko.

    Umiling siya. “Ikaw bahala. Basta I don’t mind if you won’t pay the whole year.”

    “Para na rin hindi mabigat every month. Mas mabuti na iyong annual.”

    Pinag uusapan namin ang kukunin kong space sa tabi ng flower shop sa unang palapag ng Montefalco Building. Umalis kasi iyong ticketing office na nandoon kaya ibinigay ni Klare sa aking ang spot. Ang fund ay kukunin ko sa aking trust, pagkatapos ay babayaran ko rin ito.

    Nagsimula kasi kami sa online orders at stall lang para sa FS namin at nag click ito. Ako ang nag bi-bake ng lahat ng binibenta namin at medyo nagkaroon na rin ito ng pangalan kaya kukunin ko iyon at palalaguin.

    Lumangoy si Claudette patungo sa amin at nag usap pa kami saglit tungkol sa graduation. Excited na silang dalawa. Ako rin naman kaso mas nangungulila ako. Ako lang kasi ang aalis pagkatapos ng graduation.

    “Mag bihis na tayo. Baka patapos na ang game nila ngayon!” ani Klare pagkalipas ng isa at kalahating oras na pagbababad sa hot pool.

    Sumang-ayon ako. Palapit nang palapit ang pagkikita naming muli ay mas lalo akong nagiging kabado. It feels like it’s the first time or something. Hindi ako mapakali. Hindi ako matahimik.

    “Tara na!” ani Claudette.

    Napalunok ako. Ang hirap naman nito! Nilingon ko si Ate na walang pakealam habang ka holding hands si Brian.

    Nilakad lamang namin ang hot pool patungo sa court. Naka shorts at loose sleeveless shirt lang ako na may cover up hanggang tuhod. Pakiramdam ko ay nag ta-transform into jelly ang mga tuhod ko dahil ayaw nitong sumunod sa bawat hakbang ko.

    Palapit na kami nang marinig namin ang ingay ng mga sapatos. May mga mura at sigaw na rin sa court. The usual boys game…Nang nasilayan ko ang mga naglalaro, una kong nakita ang mga babaeng nakatalikod sa akin. Sa benches ay may sumisigaw na pamilyar na boses.

    “Go Hendrix! Para sa future natin ‘yan!” sigaw ni Stella sabay tawa sa kanyang mga katabing babae.

    Natigilan ako sa paglalakad. Nasa likod nila kami. Napansin ni Klare ang pagtigil ko kaya tumigil din siya. Stella’s here!

    “Cristine?” ani Klare.

    Nilingon siya ng babaeng kasama ni Stella. Lumingon din ang tatlo pa nitong kasama.

    “Klare!” bati ng pamilyar na babae.

    “Oh! Nandito kayo?” gulat na gulat na sinabi ni Klare.

    Napagtanto kong mga pinsan niya ito sa mga Ty. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko.

    “Erin…” tawag ni Claudette sa akin.

    “Oo, e. Sinama kasi kami ni Ahia Hendrix. You know… itong si Stella…” ngumisi ang pinsan ni Klare sabay tukso kay Stella. “Nagkabalikan na sila…”

    “Hi Klare!” kumaway si Stella kay Klare at lumipat ang tingin niya sa akin.

    “Huh?” Dinig na dinig ko ang gulat at pagkakagiba ng kasiyahan ni Klare sa sinabi ng kanyang pinsan.

    “Erin…” Kumaway din sa akin si Stella.

    “So… you guys watch his game everytime, huh?”

    Ngiting ngiti si Stella. Ang naka ponytail niyang buhok ay sumusunod sa bawat galaw ng kanyang ulo.Tumingin si Klare sa akin. Kitang kita ko sa kanyang mga mata ang pagsisisi na dinala niya pa ako dito. She’s guilty. Hindi niya alam na ganito ang mangyayari.

    “Hindi. Ngayon lang kami nanood,” ani Claudette bilang sagot sa kay Stella.

    Lumipat ang tingin ni Stella kay Claudette saglit bago ibinalik muli sa akin. Humalukipkip siya.

    “Tara, Rin…” ani Claudette.

    “You can wait for the game to be done. Nag over time lang kaya natagalan. Or I can call him right now…” sabay turo niya sa court.

    Nag init ang gilid ng aking mga mata. Napatingin ako kay Hendrix na nasa free throw line para mag shoot ng bola.

    Well… wala akong masabi.

    I never really thought na ganito ang mangyayari. I don’t know if Stella’s bluffing or what. If she is then… that’s good. Kung hindi naman siya nagsisinungaling, then sino ako para mag reklamo, hindi ba? I broke up with him. It’s my decision. Kaakibat nito ang mga consequences like him falling for someone else… or him choosing someone else who’s willing to be with him at times he needed someone.

    Sino ako para manumbat?

    Huminga ako ng malalim. Ayos lang ‘yan. With or without Hendrix, I will continue to want to be successful. Not for other people. But for me. And that’s enough. It should be enough. Palalakasin ko ang sarili ko kasi kailangan ko ang sarili ko.

    “Tara na, Klare…” yaya ko kay Klare.

    I’m not hurt. I just feel empty. And it’s okay to feel that way…

    “Hindi. I’m gonna wait for Hendrix…” sabi ni Klare.

    Bumaling ako sa court. Ako… hindi ako maghihintay. Nanliit ang mga mata ko nang nakita kong dinribble niya ang bola at tinitigan ang ring para sa free throw.

    Ako… hindi ako maghihintay. I won’t wait or stay here. I won’t… Pero sisiguraduhin kong alam niya… Alam niyang nandito ako ngayon bago ako aalis.

    “WALA YAN! BOO!” buong puso kong sigaw nang pinakawalan niya ang bola.

    Nilingon ako ng lahat. Maging si Stella ay nagulat sa ginawa ko. Nanlaki ang mata ni Klare. Nakita ko ang pag lingon ni Hendrix sa banda namin.

    “Fuck, Erin!” sigaw ni Ate sabay hila sa akin palabas ng Alwanna.

    Naiwan si Klare at Claudette doon. Naramdaman ko ang panggigigil ni Ate sa ginawa ko nang kinaladkad niya ako patungo sa sasakyan ni Brian.

    “Fuck! Don’t be bitter! You broke up with him so show him that it’s okay! Huwag kang bitter!” sigaw ni Ate Chanel sa akin.

    “I am not bitter, Ate…” Gusto kong magpaliwanag.

    Hindi alam nino man ang pinag usapan namin ni Hendrix bago kami naghiwalay. Though, I admit it… Rude masyado ang ginawa ko. Gusto ko lang malaman niya na alam ko ang nangyayari. Gusto kong makita niya na naroon ako nang dinala niya si Stella ulit dito sa Cagayan de Oro. Although, wala na akong karapatan ngayon. I feel like he assured me too. Na ako lang, kahit anong mangyari.

    Hindi pa nakakalayo sa Marco ay tumunog na ang cellphone ko sa tawag ni Hendrix. Nag iinit ang puso ko habang tinitingnan ang pangalan niyang nasa screen. Nanginig ang kamay ko. Nagtatalo ang puso at isip ko kung sasagutin ko ba ito.

    “Kung nasasaktan ka pala ay bakit mo pa siya iniwan? You keep people who don’t deserve you tapos you push away people like him? Noong kayo ni Eion ay mas kumapit ka pa kahit na hindi naman talaga…”

    Hindi ko na nasundan ang mga sinasabi ni Ate dahil sa paulit ulit na tawag ni Hendrix. I don’t know where are we going pero patungo ito sa pinakamalapit na mall.

    “Who the hell is calling? I am talking to you! I silent mo iyang phone mo!” sigaw ni Ate nang nairita sa pangatlong tawag ni Hendrix.

    Nakita kong nagtext din siya doon.

    Hendrix:

    Whatever Stella told you, that’s not true. Please answer my calls. You make me real nervous. Please.

    “Erin!” seryosong sinabi ni Ate. “Sino ang tumatawag?”

    Napatingin si Ate sa aking cellphone. Tumunog ulit ito sa tawag ni Hendrix. Lumunok ako bago sumagot.

    “Si Hendrix, Ate…” sabi ko.

    Nalaglag ang panga niya. Bahagyang natigilan sa gulat na tinatawagan pa ako ng lalaking inakala niyang pinagpalit ako.

    “Why would he… Why don’t you answer?!”

    His text is enough explanation to me. I muted my phone. Nagkatitigan kami ni Ate.

    “Ate Chanel…”

    Niliko ni Brian ang kanyang sasakyan sa isang Coffee Bean sa labas ng Luxxe. Doon yata kami magpapalipas ng oras pagkatapos naming tumakbo galing Marco.

    “Iniwan ko siya para magkaroon kami ng oras para ayusin ang mga issue namin. Hindi ko sinabi sa kanyang hindi ko siya mahal at hindi rin niya sinabi sa akin iyon. He loves me and he let me go because I want to… And he said he’ll wait.”

    “Wait? Eh, Erin! Malinaw na sinabi ng babaeng iyon na sila na ulit!” giit ni Ate.

    “Kung sinabi ni Hendrix na hindi… hindi sila…” umiling ako.

    Hinampas ni Ate ang dashboard at bumaling ulit sa akin. Ilang mura ang pinakawalan niya.

    “Why don’t you talk to him? Go and talk to him! B, let’s go back!” ani Ate kay Brian.

    “Ate! Huwag na!” sabi ko.

    Hindi siya sinusunod ni Brian. Bumaling silang dalawa sa akin, naguguluhan.

    “Te, ayaw kong magkita na muna kami.”

    “Ha? Bakit?”

    Kinagat ko ang labi ko. Kitang kita ko ang pagtataka sa mukha ng dalawa. It’s like I’m asking for something impossible.

    “Kasi, ate… baka pag nagkaharap ulit kami, hindi ko na siya kayang pakawalan. Baka… masayang lang ang paghihiwalay namin… Kasi…” nanginig ang boses ko. “Kasi baka hindi ko mapanindigan ang kagustuhan kong ayusin muna ang lahat. Kasi baka tumakbo ulit ako pabalik sa kanya at hindi ko na siya mapakawalan ulit. Natatakot ako. I want to be like him… to be true to my words… And I asked him to let me go, to set each other free, so we can be together in the right time… Hindi ngayon…”

    Ilang sandaling natahimik si Ate. Kung makatingin siya sa akin ay para bang hindi niya na ako makilala. It’s like I’m foreign to her.

    Nanatili kami sa Coffee Bean hanggang sa dumilim. Doon na rin kami naghapunan. Alam kong gusto nang umuwi ni Ate pero ako ang hinihintay nilang mag request na umuwi na. Ilang tawag na rin ang sinagot ni Ate mula kay Klare, kay Kuya, kay Claudette sa paghahanap sa akin. Tingin ko ay hindi niya muna sinabi.

    I appreciate her efforts to understand and protect me.

    Nang nag alas nuwebe ay umuwi na kami sa bahay. Tahimik pagkapasok namin ngunit alam kong si mommy at daddy ay seryosong nag uusap sa sala. Naroon din si Kuya, nakahalukipkip sa gilid. Nang namataan ang pagpasok namin ay kumalas ang halukipkip ni Kuya at hinarap kami…

    “Saan kayo galing?” salubong niya.

    “Josiah…” pigil ni daddy sa nagbabadyang iritasyon ang kapatid ko.

    Lumipat ang tingin ni daddy sa akin. Hindi ko alam kung anong mayroon pero kita ko sa mga mata niya na gusto niya akong kausapin.

    “Dad! I called her kanina. Ilang beses. Hindi sumasagot!”

    “Joss!” saway ni mommy sabay hagod sa likod ng kapatid ko.

    Umiling si Kuya at padabog na umalis sa sala. Huminga ako ng malalim at bumaling kay daddy.

    “Pumunta si Hendrix dito. Pinaalis siya ng Kuya mo…”

    Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni daddy. “Po?”

    Tumango siya. “Yes… Kung hindi ako dumating malamang aabutin ng gabi iyong si Hendrix sa paghihintay sa iyo. What happened?”

    “Where’s he?” tanong ko.

    “Pinauwi ko na. Ang sinabi ko ay ako na ang magsasabi sa iyo ng nais niyang iparating.”

    “Anong sinabi niya, dad?” tanong ko.

    Nakita ko ang titig ni daddy sa akin na para bang tinitimbang ang ekspresyon ko. Pinaghalong excitement at kuryusidad lamang ang nararamdaman ko.

    “He said he’s sorry. He’s not engage to anyone. Hindi sila nagkabalikan ng… I forgot the name of the girl. At sinabi niya ring kung hindi mo sasagutin ang tawag niya, sana man lang ay kahit isang text na lang…”

    Hindi ako makahinga. Seryoso ang pagkakasabi ni daddy sa akin noon.

    “Tell me… did you two really end it?”

    Tumango ako, naiiyak. Fuck!

    “Excuse me, dad.”

    Tumalikod ako at kinuha ang cellphone ko. Agad akong nag tipa ng sasabihin habang lumalayo sa kanila. This couldn’t wait, I’m sorry.

    Ako:

    I’m sorry for not answering your calls. I just need time to think at ayaw kong ipakita sa iyo na nasasaktan ako. Ako ang nakipag break kaya dapat ‘di ako nagrereklamo. I’m fine. I know hindi kayo nagkabalikan. I believe in you and I trust you. But then please know na kung magkabalikan man kayo, it’s not your fault. I will hurt but I will also understand. Gagraduate na ako. I’m leaving for Manila after Graduation day para mag training doon. I can’t stay here for now. Pag nandito ako, I don’t think I can move. I will be stuck. I will be stuck like this and I don’t want that. One day, I will deserve you… I can only hope that you can wait for that. I love you…

    Naging mahirap ang paglunok pagkatapos kong mag send ng message. Mabilis at malakas ang pintig ng puso ko.

    Ano man ang mangyayari, I’ll stand by my decision. I won’t stay. No… I won’t stay.

    Isang tunog ng cellphone ko ang nagpabalik sa aking pag-iisip.

    Hendrix:

    You don’t have to do this. I don’t want this. But if this makes you happy, if this can make you proud then I guess I have to let you go. Thank you for your reply. I want to hear your voice but I guess that’s too much, right? And if you’re asking me to wait… Yes, I will. I won’t stop till I change your last name. My family might have hurt you, but I will never do that, Erin. Sana pag balik mo, that will be enough. I’m sorry. Please come back soon. I will protect you. I love you.

    Huminga ako ng malalim at iniyak ko ang lahat ng sakit. I will definitely be back, Rix. I promise.

    Isang mensahe pa ang dumating galing sa kanya.

    Hendrix:

    If you can’t stay, then I will. I will wait for you where you left me. I will stay for you.

  • EpilogueOpen or Close

    Epilogue

    “Hendrix!” my teammates called.

    Bumuntong hininga ako. Why are they so excited for this? It is just a practice game for the coming Milo thing. Inaayos ko pa ang sintas ng sapatos ko.

    “Hendrix, tumatawag ang mommy mo,” ani Roger. He’s standing beside me holding out my phone.

    Binitiwan ko muna ang aking sintas at tinanggap ang cellphone. Narinig ko kaagad ang banayad na boses ni mommy sa kabilang linya.

    “Rix… hindi ka uuwi?”

    “I need this games for June. I don’t want to be left behind.”

    “Pierre wants you to train him sa basketball. Even for this summer, anak. Please give your brother this.”

    “I will be home after the games, mom. I told him that. Please don’t let him manipulate you. I know he knows I can’t be home yet.”

    “Rix, it’s your brother who needs you… Please understand!”

    Humugot ako ng malalim na hininga. I get it. I know I should be home now. Kahit para kay Pierre. Though I already told him I can’t be home yet, I feel like it’s my responsibility to be there.

    “Sige. Just let me finish this. I’ll give my phone to Roger. I will call you after,” sagot ko kay mommy.

    “Okay, Rix. Don’t drop the call yet. I need to talk to your body guard too.”

    “Okay, mom. Ibibigay ko na po kay Roger.”

    Binigay ko ang cellphone ko kay Roger at bumaling ulit sa aking sintas. Tumalikod si Roger para sagutin si mommy.

    “Hendrix ‘tol! Halika na!” narinig kong sigaw ni Knoxx Montefalco.

    “Fine! Fine!” sabi ko sabay tayo.

    Now, I’m satisfied with my knots. Tumalon talon ako habang tinitingnan ang aking sapatos. You’re new. Give me a good luck. Kung hindi, hindi na ulit kita susuotin!

    When I got into the court, maingay na sa mga sapatos na nagkikiskisan sa sahig. Humalukipkip ako at tumabi kay Knoxx na nakapamaywang naman. Pareho naming tinitingnan ang nagsisimula ng game.

    We’re inside the court of one of the host schools for the games. This is Klare’s school. I expect her to be here today. Nandito ang mga pinsan niya kaya siguradong nandito rin iyon.

    “Hendrix!” narinig ko ang tawag ni Roger galing sa labas.

    I looked at him, annoyed. What now? Pinapakita niya ang cellphone ko sa akin.

    Naglakad ako pabalik para kunin ito. Nang makalapit ay nakikita ko ang tawag ni Stella. Tumango ako kay Roger na ngayon ay ngumingisi. Umiling ako. I know what he’s thinking. He’s been with me since I was seven kaya kilalang kilala niya na ako.

    “Hendrix!!!” maingay na sigaw ni Stella sa kabilang linya. Inilayo ko pa saglit ang cellphone ko para lang maiwasan ang sigaw niya.

    “Yes?” pormal kong sinabi.

    “Pierre told Cristine na uuwi ka daw? Kailan?” Naririnig ko ang pagtalon at paghingal niya.

    “Hmmm… I don’t know yet, but I will call you when I’m there.”

    “Oh my God! Shit! I’m excited!” sigaw niya.

    “Why are you cursing?” Ngumuso ako.

    “I’m sorry! I’m just too excited!” aniya.

    “Pasok na tayo, ‘tol!” sabay tapik ni Knoxx sa balikat ko.

    Tumango ako at nilingon si Roger na nasa labas, naghihintay.

    “I need to go, Stell. I’ll call you later,” sabi ko.

    “O sige! Bye!” ani Stella.

    Binaba ko ang tawag at nilagay ko ang cellphone sa bench. Pumasok na ako sa loob ng court. Pinalitan ko si Eion na kanina pa naglalaro. I gave him a high five before entering the court.

    Tatawa tawa lang si Knoxx na ka teammate ko dahil ang kalaban namin ay mga pinsan niya lang. I know them by name but I’m not really well acquainted with them. Basta ang alam ko ay lagi nilang kasama si Klare.

    I added six points in my first two minutes. Sa akin tuloy lahat ng bantay kaya hindi na muli ako gumawa ng puntos. I let everyone else play the game. Nasa akin kasi lahat ng guards. Ayaw ko ng naba block ako kaya hindi na ako nagtangkang pumuntos ulit.

    After two minutes again, they thought I’m useless. Tinanggal ang mga guards na nakabantay sa akin at pinalitan ng isang hindi ko kilala kaya nakagawa ulit ako ng puntos.

    “‘Ba ‘yan! Ayusin niyo naman!” narinig ko ang sigaw sa bleachers.

    Hinihingal ako at tumingala sa sigaw. The first girl I saw was Klare. Nakatayo siya at kumakaway sa pinsan niyang naglalaro. Katabi niya ay ang isa niya pang pinsan na maputi at may mahabang buhok. Ang katabi naman noong pinsan niya ay pinsan niya ring morena.

    I tried to score again, hindi nga lang pumasok dahil na frustrate yata iyong bantay at finoul ako. Tumingala ako dahil sa paghingal. I need more air. Maybe I should jog more?

    “Free throw!” sumenyas ang referee.

    Pumwesto ako sa free throw line. Dalawang beses kong diniribble ang bola bago tumingala para asintahin ang ring.

    “Wala ‘yan! Kulelat!” sigaw ulit ng parehong babae.

    Pumasok ang bola at gusto kong tumalon. Hinanap ko kaagad ang babaeng sumisigaw. It’s Klare’s cousin. She’s wearing a thin and very fit material. Naka cycling shorts lang din siya, basa ang kanyang mahabang buhok, at may tuwalya sa kanyang balikat. Pakiramdam ko ay galing swimming ang babaeng iyon.

    Nagkatabi kami ni Knoxx nang nag time out ang coach namin. Tumingala ulit ako at kausap na ni Klare iyong pinsan niya.

    “Knoxx, does this school have a swimming pool or something?”

    Tumango si Knoxx. “Mayroon.” Tinuro niya ang mga nasa itaas. “Iyong pinsan ko si Erin, galing iyang pool. Mahilig iyan lumangoy, e.” Nagkibit balikat si Knoxx.

    Tumango ako at nanatili ang tingin ko sa pinsan niyang si Erin.

    Her eyes were expressive and deep. It’s like she’s in love with everything she’s looking at. Her hair was straight and a bit wet. Siguro dahil sa pag si-swimming. She’s also taller than Klare. Matangos ang kanyang ilong at manipis ang kanyang labi. Her cheeks flushed noong nagtawanan sila ni Klare. Pakiramdam ko ay wala siyang pakealam sa kahit na sino kung may kausap siya.

    Bumaling siya sa court nang narinig naming lahat ang siren. Ni hindi ako nakinig sa kay coach! Now what should I do?!

    “Knoxx! Sa ilalim ba ako?” I feel so stupid!

    “Sa labas ka daw, ‘di ba?” Knoxx told me confused.

    “Knoxx! ‘Yong pinsan mo, ang galing sa text pero sa personal hindi man lang ako tinitingnan!” ani Mikael, isa sa teammates namin.

    Inisip ko kung paano ako aatake sa game pero hindi ko rin masasabing nabibingi ako sa usapan nila. I should be out? For what? Should I make some points? What game? And… maybe I should wait and see kung sino ang magbabantay sa akin?

    “Lapitan mo mamaya. Hindi naman ‘yan mahiyain.” Tumawa si Knoxx.

    “Si Erin ba?” Tyrel asked.

    “Dude, we’re fucking playing!” sigaw ni Knoxx sabay kuha sa bola.

    Umiling ako at sumunod na sa takbo ni Knoxx. Ipinasa niya sa akin bigla ang bola at nagulat ako nang wala ni isang nakabantay sa akin. Idiniretso ko kaagad sa ring ang bola at isang talon ko lang, pumasok ito ng walang kahirap hirap.

    “Fuck you, people! You’re so damn useless! Kuya! Bantayan niyo naman ng maayos!”

    Naabutan ko ang pag sigaw ng pinsan ni Klare. Ang dalawang kamay niya ay nasa gilid ng kanyang bibig. Nakapaa lang siya at nakatungtong sa railings para mas marinig siya ng lahat Her legs were dripping with water and I can’t believe her cousins let her shout at them like that!

    The other team called for a time out so we all went to our coach.

    “Oh fuck! I’m gonna…” Humagikhik si Mikael habang tinitingnan ang babae na nakatayo doon. “Pa sub, Knoxx! Papasukin n’yo nga si Eion. Pa porma lang ng isang beses sa pinsan mo.”

    Tumingala ako at nakita kong bumaba na siya. Tinuro niya ang labasan kay Klare at niyakap niya ang kanyang tuwalya. My stomach suddenly felt cold. Bumaling ako kay Knoxx.

    “Pagkatapos na ng game, Mikael. Nandyan pa ‘yan mamaya. Di ‘yan uuwi kasi nandito ang kuya niya,” ani Knoxx.

    My eyes turned to them again. No… right… I’m looking at Klare. She’s fine and happy. I wonder if she’ll like Pierre? I wonder if Pierre would like her? I’m not sure. Lumipat ang mga mata ko sa kay Erin Montefalco. Pinusod niya ang kanyang basang buhok habang paalis sila. Nagkatinginan kaming dalawa. I feel like the time stopped. No smile or frown was given to me. Tiningnan niya lamang ako. Tinitigan.

    “Fuck, Knoxx! Tinitigan niya ako!” sigaw ni Mikael.

    What?

    Pumikit ako ng mariin. Pinilig ko ang ulo ko. A part of me fell… akala ko ako ang tinitigan niya. Bumaling ako kay Mikael na tuwang tuwa ngayon.

    “I’m gonna text her. Sana bumalik siya dito!” ani Mikael. He’s giggling like an idiot.

    Pabalik balik sa utak ko ang titig ni Erin Montefalco. I feel like she’s looked at me. But then… Mikael thinks she’s looking at him too!

    “Tinitext ka niya, Mikael?” tanong ni Jeth.

    “Oo! I feel like she’s letting me court her, dude! Damn!” ani Mikael.

    Kumunot ang noo ni Jeth. “What? Hindi ba ay sinabi ko sa iyo na huwag mong pormahan kasi gusto ko iyon! I’m courting her now, dude!” tumaas ang boses ni Jeth.

    Pumagitna kaagad ako para pigilan ang dalawa.

    “Easy!”

    “What’s happening?” tanong ng coach.

    Tumawa si Knoxx.

    “Anong problema mo, Jeth?” sigaw ni Mikael. “Panira ka!”

    Nagkatulakan ang dalawa. Anger boiled within me. Tinulak ko silang pareho.

    “Let’s all concentrate on the game! Stop thinking about that girl, will you?” sigaw ko sa dalawa.

    Nagulat si coach sa “leadership” na pinakita ko. “You can leave if you can’t concentrate, Mikael and Jeth. You’re not the best players here. I don’t need you two!” ani coach sa dalawa.

    But they can’t leave. Unless they kill each other though!

    Tumigil sa pagtatalo ang dalawa. Umiling ako. Tinapik ni Knoxx ang aking balikat.

    “Thanks for that. Sorry. Pinsan ko pa naman dahilan,” natatawang sinabi ni Knoxx.

    “Maybe you should tell your cousin to slow down with the boys. We’ll lose this team if this continues, Knoxx,” iritado kong sinabi at bumalik na sa court.

    Maganda na sana… playgirl lang!

    “Who’s your crush?” tanong ni Stella pagkatapos sinabi sa akin na gusto niya iyong kaklase namin noong grade school.

    We were in Grade 10 that year when she tried to ask me that question. Nasa bahay nila kami, sa may duyan. We used to go to their house very often. Not alone though. Her friends are inside. Kaming dalawa lang ang nasa labas. Most of the time, niyayaya niya ako mag duyan kahit na ang mga kaibigan niya ay nasa loob naman ng bahay.

    I laughed. “Do I have to answer that?”

    “Hmmm. Bakit naman hindi?” Lumaki ang ngisi niya.

    “Well…” Tumaas ang kilay ko. “She doesn’t like me so… what’s the point of crushes?”

    “Rix! Just spill it! I spilled mine! Unfair mo naman!” aniya.

    “You don’t know her.” Umiling ako.

    “Just spill it!” hindi na siya makapaghintay.

    “It’s a girl from other school. Sa Cagayan de Oro. Hindi mo kilala!” sabi ko.

    Bahagya siyang natigilan. “Who? Name?”

    “Why?” nagtaas ako ng kilay at natawa. Then suddenly I realized she’s not anymore laughing or smiling at this. “Sino ba? Facebook? Patingin!”

    “Bakit?” tanong ko ulit. I don’t really spill that part. Wala pang may alam. Well, except of course kay Roger.

    “Basta! Okay! One picture only…” sabi ko.

    Mas kumportable akong ipakita na lang ang picture kesa sa sabihin ko ang pangalan. I browsed my folders and found a picture of her. I saved it. Isang picture lang kasi private ang photos niya. I don’t want to be creepy and ask someone to find me more pictures of her.

    “This girl.”

    Naka itim siyang spaghetti strap at ripped jeans. Kumikinang ang pagka morena niya at ang mahaba at itim niyang buhok ay naka lugay lang.

    “What’s her name?” seryosong tanong ni Stella.

    “Picture lang ang sinabi ko!” Tumawa ako at iniwas sa kanya ang cellphone ko.

    “Nag titext ba kayo?” tanong niya.

    “Hindi. Though I wish!” tumawa ulit ako.

    “Saang school? Malapit lang sa school mo?” I can sense something in her voice now.

    “Hmmm… Malayo…” sabi ko at pinagmasdan si Stella.

    “May number ka niya? Nag titext kayo?” Inulit niya lang ang tanong.

    “No… I don’t have her number and we really don’t text, Stella. What’s wrong?”

    All of my decisions before paid off. All of these is worth it. Hindi ko man siya pinormahan noon, ayos lang. Hindi man naging kami kaagad, it doesn’t matter. The only thing that matters to me is her heart right now…

    My chest hurt. Thinking about seeing her again made me feel dizzy. Ni hindi ko alam kung pwede na ngayon. Hindi ko alam kung pu-pwede na ba. Nagbabakasakali lang naman ako.

    “Are we even invited?” Vaughn asked.

    Bumuntong hininga ako. Dapat ay hindi ko na dinala si Pierre at Vaughn dito. Kung bakit pa kasi nagpumilit si Pierre!

    “Vaughn, kahapon lang ang opening. There’s nothing grand here today. We’ll just walk in and order some sweets…” ani Pierre sa kaibigan niya.

    Palapit kami doon sa kanyang shop ay kinakabahan na ako. I feel like I can’t do it! I just want to go back to my car and wait for another hour. Pero tuwing naiisip kong nandito nga siya sa loob at makikita ko na siya ay hindi ko naman kayang bumalik.

    “I like their cheese cake. I’ll order!” ani Vaughn.

    “Make it two…” ani Pierre.

    Pumasok si Pierre sa loob. Si Vaughn ang sumunod at nagpahuli ako. May limang customer ang naroon sa dalawang table. Umupo kaagad si Pierre at Vaughn sa isang kulay puting upuan at lamesa.

    Natigilan ako nang nakita ko siya. Nakatalikod siya sa counter at nag aayos ng cakes. Mahaba na ulit ang kanyang buhok. Nakapusod ito at may kaonting buhok na tumatakas sa gilid ng kanyang tainga.

    “Go ahia…” mahinahong sinabi ni Pierre.

    I just want to shout at him and tell him to shut up! Nagsisikap ako dito para hindi kabahan!

    I cleared my throat. She didn’t even notice it.

    “I’d like to order…” sabi ko sa kanya.

    “What is it, sir?” isang tindera ang ngumiti sa akin, tinatabunan ang tingin ko sa amo niya.

    “That… uh… cake?” sabay turo ko kay Erin na nakatalikod parin.

    “Alin po?” tumabi ang babae para makita ang tinuturo ko pero hindi maayos dahil nakatayo doon si Erin. “Ito po bang hinahawakan ni ma’am?”

    Tumango ako. I’m not even sure what cake she’s holding! Just! I want her! Please! Turn around, Erin!

    “Ma’am… Iyong cheese cake daw po,” sabi ng babae.

    “Okay. Ito kasi bago…” aniya sabay lingon sa akin.

    I can’t even look at her straight. Bumaba ang mata ko sa wallet. What the heck, Hendrix? I just know I saw the necklace I gave her.

    “A-Anything else?” tanong ni Erin sa akin.

    Umiling ako. “Iyan lang…” Kumunot ang noo ko at bumunot ng pera.

    “Huwag ka ng magbayad. Sagot ko na ‘to…” ani Erin sabay kuha ng isang kulay purple na box…

    Nag angat ako ng tingin sa kanya. Nakatingin siya sa cake na inaayos niya para mailagay sa box. Nakatayo lang ako doon at hinihintay na matapos siya sa pag aayos sa cake. Nanatili ang cashier. Nakatayo siya doon at nakatingin sa aming dalawa.

    “So… kahapon ka pa… dumating?” Wow! Hendrix! Alam mo? I thought you don’t want to look creepy! Dapat ay hindi ko sinabi iyon!

    “Yup…” tumango si Erin habang inaayos parin ang box.

    I want to be that box. If she can look at me that way then I’ll be a box. What the hell?

    “I want to pay for that… It’s not for me, anyway. It’s for Vaughn. Pinapabili niya daw iyan so I’m gonna pay…” sabi ko.

    Sumulyap siya sa akin ng isang beses. “Libre ko na iyan sa inyo…”

    “Hindi na… Sige na… Vaughn will pay anyway…” sabi ko.

    “Really, Hendrix. That’s for Vaughn then…” inayos niya ang ribbon at nilapag sa counter.

    Tumindig ang balahibo ko dahil sa pagtawag niya sa akin. I can’t help but bite my lip. What else am I going to do here? Should I get the box and give it to Vaughn? What, Hendrix?

    “So… uh… Congratulations! You’re business is successful!” I smiled.

    Tumawa si Erin. Her eyes twinkled. “How can you say that? Ilang buwan pa lang itong open at ngayon ko pa lang talaga siya ihahandle. It’s not yet successful, Hendrix…”

    My heart sank. When will it be successful enough?

    “I think this is still successful. To put up something like this, I think it’s really good,” sabi ko.

    Tumango si Erin. “Yeah. Thank you.”

    The conversation is seriously ending. What now!? Nagkatinginan kami… My chest hurt so bad. How can I ease this one now? She’s right in front of me at wala akong magawa kundi ang magsalita at lumubog.

    “So… you’re staying?” Pakiramdam ko ay lahat ng tanong ko, mali.

    “Yup… For the business…” tumango siya. “I mean… to handle this…”

    Naramdaman ko ang kanyang kaba. Mas lalo lang tuloy akong kinabahan.

    “Can we get this now?” tanong ni Vaughn sabay hawak sa box na nilapag ni Erin doon.

    “Aakyat na lang muna kami kina Klare, Ahia. Dito ka pa?” tanong ni Pierre.

    “Oh! Pupunta kayo kina Klare?” ani Erin… “Nasa taas lang siya. Nandoon din si Elijah at Claudette…”

    “Yup… We’ll go…” ani Pierre.

    “Sila lang…” sabi ko.

    Bumaling si Erin sa akin. Nag iwas ako ng tingin. Damn!

    “Kami lang…” Humagikhik si Vaughn. “Alis na kami, ‘tol!”

    Tumango ako at pinanood silang umalis ni Pierre. I’m not even sure why I’m still here. I mean… I don’t know what to tell her!

    “Excuse me… I want to order two blueberry cheese cake and iyong cupcake n’yo po…” anang babae.

    Tumabi ako para mapagbigyan ng cashier ang order niya. Tumikhim si Erin at tinuro ang loob ng shop.

    “Do you want to see the kitchen?” she asked.

    “Of course!” sagot ko kaagad. I seriously should stop sounding like I’m too excited for this!

    Pinapasok niya ako sa loob ng kitchen. She’s got I think two more workers there. Tiningnan ko ang mga cupcakes na kakaluto lang.

    “I taught them my recipe,” ngumiti siya. “But sa cakes, ako pa muna. Kaonti lang naman ang orders since kahapon pa ako nagsimula. Eventually, I’ll teach them how to bake the cakes too.”

    Tumango ako at tinuro ang isang pintuan. “What’s in there?”

    Nilingon niya ang pintuan na tinuro ko. “Hmmm. My small office.”

    Her cheeks flushed. Pakiramdam ko ay nahihiya siyang ipakita sa akin iyon.

    “That’s okay. You’re still starting this anyway… Soon, dadami at lalaki din ito.”

    Mas lalo lang pumula ang pisngi niya sa sinabi ko. Hindi na siya makatingin sa akin.

    “May I see?” sabi ko.

    “Huwag na! Nakakahiya naman. I can only imagine your offices in your business.” Ngumisi siya.

    “I save space, Erin. Maliit lang din ang office ko,” sabi ko.

    Ngumuso siya. Her nose is kind of red now. It’s adorable! “Sige…”

    Binuksan niya ang kanyang opisina. Agad kong nakita ang lamesa at ang sofa na tabi nito. Pumasok siya at agad bumaling sa akin. Masikip nga ang opisina na ito. I should ask Klare kung pwede bang rentahan din ang katabi nito para mas lumaki naman itong opisina niya? Wait! I told her that I save space so I shouldn’t…

    “It’s clean…” puri ko nang nakitang walang kalat kumpara sa opisina ko.

    I closed the door behind us. Tiningnan niya ang pintuan. Siguro ay nagtataka sa pagsara ko. Kinabahan ako doon at binuksan ulit.

    “My bad…” sabi ko.

    “No… That’s okay…” sabi niya sabay tulak sa pintuan para maisarado ulit.

    Nagkatinginan kaming dalawa. I am literally dizzy because of her expressive and deep eyes. I feel lost in there. I couldn’t help but really get lost in there.

    “Erin… how successful is successful to you?” tanong ko nang hindi ko na maiwasan.

    Umatras siya. Nasaktan ako. Pakiramdam ko ay ayaw niya. Pakiramdam ko ay may hindi siya gusto. Pakiramdam ko ay mali ako ng tyempo. Pakiramdam ko ay mawawala siya dahil mali ang tyempo ko. I don’t want that to happen!

    “I’m sorry… I just really miss you. I thought now that you’re back… we… we can be… I mean… We can communicate. At least communicate more.”

    Nag angat siya ng tingin sa akin at humalukipkip siya. Abot kamay ko lang siya pero hindi ko inaabot dahil sa takot ko.

    “You’re still not in good terms with your Ahma?” tanong niya.

    Umiling ako. “We will never be in good terms. She wants something I don’t want. Paano kami magkakasundo?”

    Ngumuso siya at tumingin sa kawalan. What now? Huminga ako ng malalim. I need to let go of my frustrations.

    “Kung ipagpapatuloy natin ito, magkakagulo ulit,” aniya.

    I feel like I want to punch the door or these walls! Bakit? Ano ngayon?

    “I want you to get what you deserve. You worked for your businesses-“

    “Two months ago, pinangalan na sa akin ang kalahati ng mga business ng mga Ty. They can’t do that to me now…”

    Nanlaki ang mga mata ni Erin. Yes, Erin. And even without it, I can stand on my own! I don’t need it.

    “Your mom and dad will get mad. Pati ang Ahma mo… Paano si Pierre?” tanong niya.

    Humakbang ako ng isang beses. Nilabanan ko ang sarili ko. Gustong gusto ko siyang kargahin at paupuin sa lamesa niya. I don’t want her stepping back each time I move forward.

    “What are you saying? Are you saying that you’re not yet ready or are you telling me na huwag na lang kasi kahit ready ka na, hindi parin tayo pwede dahil sa pamilya ko? Ha?” hindi ko na napigilan.

    “That’s not what I meant!” Umatras siya.

    Hindi ko na kaya.

    Hinawakan ko siya sa baywang. Humawak siya sa braso ko sa gulat nang inangat ko siya at pinaupo sa kanyang mesa. Bahagya siyang tumili kaya nilock ko ang pintuan.

    “Hendrix! Holy shit!” sigaw niya.

    Humawak ako sa magkabilang gilid ng kanyang mesa. I brushed my lips against hers. I miss her so much. I miss her so bad. Now that she’s here, I’m not letting her go anymore. May negosyo na siya. Magiging successful din ito. Wala nang rason para hindi maging kami. My family is not enough reason for us to be apart again… Nothing will ever be enough!

    I kissed her thoroughly and hungrily. Ikinagulat ko nang sinuklian niya ako ng halik. The pain attacked my chest again. Hindi ko alam na masakit pala maging ganito ka saya.

    “What…” mahinahon kong sinabi. I want to kiss her more but I need to talk. I need her to reassure me. I need her words. Ilang buwan niya akong iniwan, hindi pwedeng isang halik lang ay pwede nang walang mga salita. “I don’t want to pressure you. If you want to start over again, then fine. But if you want me now, then I have a ring in my pocket.”

    Nanlaki ang mata ni Erin. I need her words, straight to the point. Tinitigan ko siya. Hindi ko mabasa ang kanyang ekspresyon. Tumawa siya na parang naiiyak. Umiling siya at tumawa ulit. Hinawakan niya ang braso ko.

    “You don’t want to pressure me? Pero may singsing ka? Really, Rix?” tumawa siya.

    “Why are you laughing? Should I be happy? What, Erin?” This is so frustrating!

    “Damn Hendrix Ty…”

    Nilapit ko ang ilong ko sa kanya. Tiningnan ko ang kanyang labing bahagyang nakaawang na. She’s anticipating my kiss. Bahagyang namungay ang kanyang mga mata. Her fingers touched my biceps.

    “I thought you don’t kiss bad lips…” aniya.

    “Yeah… Still don’t…” Ngumiti ako at inilayo ko ang aking mukha sa kanya.

    Kinagat niya ang kanyang labi. Ang kamay kong nasa kanyang batok ay binaba ko sa kanyang collarbone. Hinaplos ko ang binigay kong necklace sa kanya.

    “Should I add another bell?” tanong ko.

    Umiling siya at ngumiti.

    Then… I know… She’ll stay now…

    I can’t help but smile. Hinawakan ko ang kanyang kamay at tiningnan ko ang bakanteng mga daliri niya. This is where I should put the ring.

    Nag angat ako ng tingin sa kanya.

    “Thank you…” Nanginig ang boses ko.

    Kitang kita ko kung paano niya pinigilan ang luha niya. She failed miserably. Her tears fell. Pumula ang kanyang ilong dahil sa pag iyak. Agad kong pinunasan ang kanyang mga luha.

    “I love you so much, Rix! I am so… so… so… damn in love with you! I am so damn in love with you! Miss na miss na kita! Walang araw na hindi kita nami-miss! I am so damn in love and I don’t know what to do! I feel like I’m married to you kahit na hindi naman talaga!” Humagulhol siya.

    Tumango ako. I can’t believe she just said that! I can’t believe she told me that! Nag init ang puso ko. Niyakap ko siya.

    “I am married to you…” bulong ko.

    I really can’t believe that Erin Montefalco is this in love with me…

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

11

24 Responses to To Stay

  1. Woah! I’m really loving the template/theme of this site. It’s simple, yet effective. A lot of times it’s very hard to get that “perfect balance” between superb usability and appearance. I must say you have done a very good job with this. Additionally, the blog loads super quick for me on Safari. Outstanding Blog!

    Reply
  2. I see you don’t monetize your website, don’t waste your traffic,
    you can earn extra cash every month because you’ve got hi quality content.
    If you want to know what is the best adsense alternative, search in google: adsense alternative Mertiso’s
    tips

    Reply

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

3 × 5 =

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <s> <strike> <strong>