No Perfect Prince

Story Written: 2009
*Before Wattpad*

Si Benjamin Jimenez at Denise Gozon ay parehong evil. Magkaibigan at naggagamitan. Kung si Denise ay ginagamit si Bench para mapanatili ang kanyang pangalan sa alta-sosyedad, si Bench naman ay ginagamit siya para mag higante sa kasalanang nagawa ni Denise noong mga bata pa lang sila. Ngunit paano kung may isang maiinlove? Paano kung ang dating pag gagamitan ay mauuwi sa pag ibig? Sino ang in love? At sino ang masasaktan? Sino ang mang iiwan? At sino ang maghahabol?

Will the dark prince fall for the evil princess’ fangs or will the evil princess fall in the arms of the dark prince?

May happy ever after kaya para sa dalawang devil na ito? O ang happy ever after ay para lang sa mga mabubuting tao? Let’s all see.

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.

WARNING: This story may not be suitable for younger readers. It may contain explicit, violent or provocate content. Read at your own risk.

READ ON WATTPAD

  • PreludeOpen or Close

    Prelude

    Nagsisimula ang social climbing sa preschool.

    “Denise! I like her Barbie more!” At tinalikuran ako ng half-american kong kaibigan.

    Pumunta siya dun sa kabilang table kung saan nakaupo yung bruhang may mas magandang Barbie kesa sakin.

    Bukas, bibili ako ng mas maganda diyan! Tinitigan ko ang Barbie niya at nag wish na sana maglaho ito. She stole all my friends! Kahapon lang, ako ang star at ang bida dito, ngayon di na! Pero sisiguraduhin kong bukas… ako na ulit!

    Ilang beses pang naulit ang mga pangyayaring ganun. Minsan ako yung nang-aagaw ng kaibigan, minsan ako yung naaagawan. Minsan dahil sa Barbie o sa sapatos, minsan naman sa headband o sa crayons.

    Pagka-highschool. Ganun parin. Uso ang social climbing kahit di pinapangalanang ‘social climbing’.

    “Yes! Dala ‘to ni Daddy galing US.” Sabi ko habang ipanapakita ko ang latest na PSP, 2nd year high school ako.

    Lahat sila namangha. Ang totoo, di ko naman talaga type ‘tong PSP, talagang ginusto ko lang magpasikat. Pagmarami kang mga bagay na ganito, sisikat ka, mayaman ka, ikaw ang nasa tuktok.

    Yun ang prinsipyo ko. Pero may kilala akong walang nalalamang ganun… May ibang taong walang pakealam sa social climbing. Pero bihira lang yun. Tama… dahil bihira lang. Kasi lahat tayo nakikihalubilo sa iba.

    “You’re my best friend!!!” Sabay hug sakin ni Eliana.

    Grade 3 ako noon. Matagal ko na siyang kilala, simula preschool pa. Paminsan-minsan, inaaway ko siya at iniinis. Pero sa huli, ang sasabihin niya lang ay, “You’re my best friend, I don’t care!” Matapos ko siyang itulak sa putikan sa hacienda nila.

    Nagustuhan ko din siya. Lagi akong nagbabakasyon sa hacienda nila. Di siya lumalabas dito. Home-schooled siya at walang ibang kaibigan kundi ako. May mga pinsan siyang ka-age niya tulad ni Brent at Ara Cruz at si Bench Jimenez, pero di nya nakakalaro. Home-schooled parin siya nang nag high school kami.

    Kung akala niyo ay mayaman ako, nagkakamali kayo. Normal lang kami. Di tulad nina Eliana na malawak ang lupain at maraming negosyo. Nakilala ko siya dahil sa parents ko. My Dad is their lawyer. Tama! Dahil negosyante ang mga magulang ni Eliana, kailangan nila ng attorney… at si Daddy na yun.

    “Ang ganda naman ng PSP mo, Denise!” sabi ng classmate ko.
    “Oo! Likayo dito, picture tayo!” Sabi ko.

    Alam kong naiinggit yung iba. Lalong lalo na yung mga kumpetensya ko, bahala kayo! Mamatay kayo sa inggit! Nyahaha!

    Pero di kalaunan, kumupas din lahat ng damit, gadgets, bag, sapatos at kung anu-ano pa sakin. May alam akong di talaga kukupas. Kung meron ka noon, sikat ka, forever.

    Narealize ko ‘to nang sinundo ako ng body guards ni Bench sa school dahil may pupuntahang party di umano ang mga magulang ko.

    “Miss, pupunta muna tayo kay Bench. Matagal kasi yun lumabas eh kaya inuna ka na namin.” Sabi nung isang bodyguard.
    “Okay.”

    Pumasok ako sa SUV nila. Di kami pareho ng school ni Bench. Sa mas exklusibong school siya pumapasok. Mas maraming mayaman. Kaya excited akong pumunta.

    “Kuya Joe.” Sabi ko sa main bodyguard ni Bench. “Ako na bahala kay Bench. Ako na ang maghahanap.” Sabay ngiti ko.

    Pumayag naman siya. Ang totoo, gusto kong makita kung paano ang buhay sa school nila.
    Ang daming magaganda at gwapo! Halatang mayayaman talaga! May pumapansin sakin pero konti lang. Kaya naman nabigla ako nang nakita ko si Bench, pinapalibutan ng maraming tao. Parang ang sikat niya. May kinakausap siyang babae kaya halos di niya ako makita.
    Lumapit ako ng konti para marinig siya.
    “Ang gwapo ni Bench no, yun ba yung bago niyang girlfriend?” Napatingin ako sa nagsalitang dalawang babae sa unahan. Tinitignan din nila si Bench at yung kausap niya.
    Lumapit pa ako para marinig na talaga siya.
    “So, this Saturday… at room 408, Marriot Hotel, ayt?”
    WHAAAT? Ang landi pala nito! O malandi lang akong mag-isip?
    “Wear thongs.” Kinindatan niya ang babaeng kausap.
    Tumawa naman yung babae pagkatapos ng huling bulong ni Bench.
    BENJAMIN JIMENEZ IS A MANWH0RE!
    “I will definitely.” Bulong ng babae.
    Ang sarap naman gutay-gutayin ng buhok niya!!! GRRRR!
    “Bench.” I interrupted them intently.
    Napatingin silang dalawa sakin. Yung babae namutla, parang nakakita ng multo.
    Tinitigan ko talaga yung babae habang nakataas ang isang kilay ko. I see what you did there.
    “Let’s go.” Sabi ko.
    Mas lalong nabigla ang babae at ang mga taong nasa paligid nang inakbayan ako ni Bench…
    “Of course.” Sabi niya ng nakangiti.
    Diretso ang lakad namin palabas ng school nila. At pagkatapos ng insidenteng yun, sumikat si Denise Cordelia Gozon.

  • Stage 1Open or Close

    Stage 1.
    You only need me.

    Alam ko na noon kung paano. Kaya hanggang ngayon, I’m living the dream. Malapit ako kay Bench simula pa pagkabata. Pero ngayong nalaman ko kung paano ko siya magagamit, edi may benefit na ako sa kanya.
    Hindi ko na siya kailangang maging boyfriend. Kasi pag boyfriend ang gusto mo sa kanya, mag-eexpire ka lang. At ayoko yun. Gusto ko yung hindi nag-eexpire.
    “You’re so late! Buti di natunaw yung make up ko! Jeez!” Pinandilatan ko siya nang nakitang bumukas ang bintana sa itim na SUV nila.
    “Ba’t di ka kasi sumama na lang sa mama at papa mo?” Tanong niya habang binuksan ang pintuan para sakin… with evil smile.
    “They wanna be early. And I can’t, you know.” Sabay pakita sa hairdo, make-up, at damit ko. “I’m surprised! Wala kang date?” Tinignan ko ang tabi niyang walang tao/babae.
    Tumawa siya. Umiling naman ako.
    “One-week-girlfriends.” Sabay pa kaming dalawa sa pagsabi nun. “I know.” Umiling ulit ako.
    “Let’s go, Joe!” Sabi niya sa driver/guard niya.
    Minsan solo siyang nag mamaneho ng kanyang sportscar o ng SUV, minsan lang siya nagpapasundo sa personal bodyguard niya. Sa mga okasyon lang tulad nito. Ngayon ang age of coming ni Eliana. Debut. Ngayon siya ipapakilala sa lahat. Eighteen years siyang tinago sa lahat. Sa wakas! Ipapakilala na siya. Magco-college na din siya sa university na pinapasukan namin ni Bench. Magfi-first year pa lang siya habang parehong mag thi-third year college na ni Bench.
    Tinignan ko si Bench, nakatingin siya labas habang nakapangalumbaba pero nakangiti.
    “Are you in love or something?” Napatanong tuloy ako.
    Tinignan niya ako. “Of course not.” Tumawa siya.
    “Ba’t ka nakangiti jan? May turiring ka yata eh?”
    “Sakit mo namang magsalita. Masaya lang ako! Di ba pwedeng ngumiti?”
    Nakita kong tumingin si Joe samin sa likod gamit ang salamin sa harapan.
    “Kuya Joe, sa lahat ng driver ni Bench, kaw talaga pinaka ayaw ko. Nakikinig ka kasi.” Sabi ko.
    Tumawa si Bench at kinurot ang pisngi ko.
    “Ano bah!” Ayun, nabatukan ko.
    Kinuha ko ang pressed powder ko at tinignan ang sarili sa salamin. Pumula ang pisngi ko dahil sa kurot ni Bench.
    Tinignan ko pabalik si Bench, nakangiti parin at tumitingin sakin.
    “Ba’t di na lang kayo ang magkatuluyan?” Tanong ni Joe habang pinapark ang sasakyan sa Plaza Maria Clara.
    “Like ew? May STD yata ‘tong si Bench. No thanks na lang. Gusto ko pang mabuhay ng matagal.”
    Nagtawanan silang dalawa. Kainis talaga! Ganyan palagi lalo na pag si Joe ang kasama niya. Si Kuya Joe ang kasama niya. Mejo matanda na si Kuya Joe at matagal ng bodyguard ni Bench.
    Pumasok kami sa loob. Late kami.
    “Ladies and gentlemen!” Sabi nung emcee. “Ms. Eliana Jimenez, daughter of Mr. Andrew Jimenez!”
    Nagpalakpakan ang lahat. Umupo kami ni Bench sa harapan at pumalakpak na din.
    Hindi binanggit ang mama ni Eliana. Yung mama niya kasi, patay na. Yung tumatayong mama niya ngayon ay ang bagong asawa ni Tito Drew.
    Miracle baby si Eliana. Ipinanganak siya habang comatose ang mama niya. Dahil hindi talaga alam ng halos lahat ng tao yun, akala ng iba, anak sa labas siya. Lalo na’t homeschooled siya, mas kapanipaniwala tuloy na anak siya sa labas.
    Kumaway si Eliana at mukhang masayang-masaya. Ngumiti siya samin ni Bench. Halatang excited sa kalayaan na binigay sa kanya ng kanyang Daddy.
    “You’re extra popular… tulad ng gusto mong mangyari.” Sabi ni Bench sakin sabay turo sa isang lalaking may dalang malaking camera at kanina pa picture nang picture samin.
    Tumingin ako kay Bench. Nakangiti ulit siya.
    All because of him. At ngayong nandyan si Eliana, mas lalo akong mapapabilang sa mga sikat.
    “Hey! Sorry I’m late!” Sabay halik ni Ara Cruz sakin. Si Ara Cruz ang isa sa pinsan nina Bench. Umupo pa siya sa tabi ko.
    “Where’s Brent?” Tanong ko at hinanap ang kanyang kapatid.
    “Uh!” Nakatingin siya kay Eliana at kumaway. “He’s with his girlfriend.”
    “What girlfriend do you mean?” Tanong ni Bench. Humalakhak pa ang isang ‘to. Pareho kasi silang playboy nung Brent. Mag pinsan talaga. Pero I tell you, mas malala ang sang ‘to… Mas malala si Bench!
    Kung si Brent ay malapit lang talaga sa babae at nakakainlove pa. Ang isang ‘to wala talaga. Puro sex ang nasa isip. Manyak na manyak.
    “Maxine Alvarado. His soon-to-be-girlfriend. Sabi niya.” Tumawa si Ara at Bench.
    “He’s still chasing that girl? Move on.” Umiling si Bench.

    Sayang, wala si Brent. Hindi makokompleto ang pictures perfect ko. Alam kong di ko sila kadugo at maaring magmumukha akong sampid. Pero gusto nila ako at matagal ko na silang kilala. I belong. Kung nandito si Brent, mas lalo akong sisikat. Pati sa kabilang school. Lalo na ngayong may paparazzi pa sa tabi. Nyahaha!
    “Bit sad, eh?” Bulong ni Bench sakin. “Sikat ka na sa school. And now, your target is…their school?”
    Ngumiti ako. I can’t believe he knows almost everything bout me.
    “You won’t need Brent to do that. You only need me.” Kinindatan niya ako.

  • Stage 2Open or Close

    Stage 2.
    If that’s what you wish.

    “Excited na talaga ako!” Sabi ni Eliana habang hinhalungkat ang susootin niya para bukas sa first day of school namin.
    “Don’t forget. Wa’g kang maniwala kahit kanino. Don’t trust anyone. Don’t be too friendly.” Sabi ko.
    Binibrainwash ko siya dahil hindi niyo aam kung gaano siya ka inosente sa outside world. Nagplano na din kami ni Bench na samahan siya mamayang gabi sa isang bar at painumin ng kahit konti para di siya manibago. Para siyang probinsyana na ngayon lang talaga maeexpose sa real world.
    Tumango siya ng nakangiti.
    “Excited na rin ako mamaya. Bilisan niyo ah?” Sabi niya.

    Kinuha ko ang gym bag ko at tinali ang buhok.

    “Wheres Bench?” Tanong niya.

    “He’ll be here in a minute. Late na naman. Sa condo niya siya natulog. You know, baka may babaeng dinala na naman.” Sabi ko.

    “Hindi na talaga natuto.” Umiling si Eliana.

    Nasa bahay kami nina Eliana at nagpapasundo ako kay Bench dahil mag gi-gym kaming dalawa.

    “Eli, Bench is here!” Sigaw ni Tita na step-mom ni Eliana.

    Hinatid kami ni Eliana palabas ng gate. Siya pa nga ang nagbukas nito.

    “Ingat kayo ah?” Sabi niya.

    Kumaway na lang kaming dalawa ni Bench at humarurot na siya. Ibang klase tong magpatakbo 80-100kph! Naiinis ako minsan. Pinagtityagaan ko na nga lang sumama sa kanya sa gym dahil wala kaming driver today.

    “Langya naman Bench oh, mamatay naman tayo dito…” Sabi ko nang tumigil siya sa stoplight.
    “Don’t worry, di tayo mamatay sa pagkabangga… sa nerbyos lang.” Tumawa siya.

    Umirap na lang ako. Ang walang hiyang demonyo talaga. Kainis! Sobra! Dumating kami at agad akong tumungtong sa treadmill at nagsimula. Si Bench din, nandun na. Pero ilang sandali lang… habang nageehersisyo parin ako sa treadmill. Nakita ko na siyang may kaharutan!

    Tinanggal ko ang earphones ko para makasagap ng mga sinasabi niya sa katalakan niya…

    OH MY! NO WAY! Si Candice San Juan. Gusto kong lumapit.

    “Have we met before?” Sabi ni Bench sa kanya.
    “No… but we’re schoolmates.” Ngumiti pa si Candice.
    “Oh! Pamilyar ka talaga sakin… hmmm.”

    Nagpacute pa itong si Candice.

    “Magkamukha kayo ng grandma ko..” Sabi ni Bench.

    Tumawa si Candice at nagpacute ulit.

    Umiling ako at umirap sa kawalan. Ang kapal muks talaga nitong si Bench! Hindi nahiya sa balat niya! Alam ng lahat kung paano siya dumiskarte. Alam din ng lahat kung ano ang gusto niya sa mga babae, pero nagpapauto parin ang mga ito. Parang na hypnotize lang! Ang nakakainis pa dito, si Candice pa talaga! Ayaw ko sa bia#ch na yan! Alam mo yun? May mga tao lang talagang ayaw mo na lang bigla. Unang tingin mo pa lang, di mo na siya agad feel! Ganun yung feeling ko sa kanya!

    “Pero mas kamukha mo siya kung itatali mo ang buhok mo.” Ngumisi si Bench habang hinahawakan at inayos ang buhok ni Candice, may dalang chancing pa!

    Naku naman!

    “Bench!” Tinawag ko na. “Inuuhaw ako. Can you please get our water.” Sabi ko at ngumiti. Plastik.

    Sa lahat ng taong kilala ko, si Bench lang ang nakakabasa sa mga plastik kong ngiti. Tiniklop ko ang braso ko at itinaas ang isang kilay habang tinitignan ko si Bench.

    “I’ll be right back, baby.” Sabi niya kay Candice.

    Ngumiti si Candice kay Bench at pagkaalis nito ay tumingin na sakin.

    “Are you jealous?” Tanong niya. “Sumisingit ka pa eh!”

    Ayan! Yan yung ayaw ko sa kanya! Kung makapagsalita, akala niya ang ganda niya. Yes, maganda siya, totoo. Model type, matangkad, matangos ang ilong, makintab ang buhok. Lahat. Hindi naman yun dumidiskarte si Bench kung di maganda. Okay lang sakin kahit sino… Amanda Myers, Janice Villanueva, Tina Tiu at kung sinu-sino pang mga sikat na babae niya noon. Walang pinalagpas si Bench, lahat pinatulan niya, pinaiyak. Wala akong pakealam! Pero ito kasing si Candice, isa siya sa rivals ko sa school noong high school!

    Classmate na kami ngayong college at inaagaw niya ang atensyon ng mga tao sa pamamagitan ng pag momodelo at pagpapakita sa iba’t-ibang fashion blogs! Okay lang sakin na paiyakin siya ni Bench! SYEMPRE! Nyahahaha! Ang ayoko lang ay dahil siya si Candice – annoying feelingera! Ipagkakalat niya na in love si Bench sa kanya, kahit di naman talaga! AAHHH! Kahit sino Bench, wa’g lang ‘tong sang ‘to!

    “No I’m not! Why would I be? Besides, gusto ka lang naman niyang ikama.”
    “Ang sabihin mo… inggit ka lang kasi walang nangliligaw sayo!” Tumawa pa siya.

    KAINIS! PASALAMAT SIYA AT BINALAAN KO SIYA!

    “Okay then! Go get Bench! Sa huli, ikaw ang iiyak. At sa panahong yun, pagtatawanan kita habang humahalik ka sa lupa.”

    Pagkatapos kong sabihin yun, dumating agad si Bench.

    “Here’s your water.” Sabay abot sakin.

    Matalas parin ang tinginan namin ni Candice.

    “Hey hey hey! Anong nangyari sa inyo?” Tumawa si Bench. “Easy…” Sabay hawak sa baywang ko.
    “I think this girl is crazy about you, Bench.” Tinuro ako ni Candice. “Siniraan ka niya sakin.”
    “Easy…” Sabi ni Bench. “Don’t worry bout her… ganyan talaga siya. Eto…” Binagay niya ang calling card niya. “Just text me up, mmmkay?” Kumindat si Bench at hinila ako palayo sa kay Candice.
    “What’s wrong with you?” Tanong niya sakin.
    Nakahawak parin siya sa baywang ko.
    “Chansing ka talagang unggoy ka!” Tinanggal ko ang kamay niya sa baywang ko.
    “Di ka naman ganito noon ah? No comment ka sa girls ko. Why now?” Tanong niya ng nakangisi.
    “Because I just hate her!” Sabi ko.
    Nasa lob kami ng sasakyan niya.
    “Why?”
    Natahimik ako. Hindi ko kasi alam basta ayaw ko lang sa babaeng yun!
    “Wala naman akong sineseryoso diba? one-week-girlfrends nga diba? you don’t have to deal with her forever.”
    Ngumisi siya kaya hinampas ko ng stufftoy kong iniwan ko sa sasakyan niya.
    “Okay, okay, I won’t date her..” Humalakhak ang unggoy at inayos ang buhok niyang kakahaircut lang kahapon.
    Sa sobrang gwapo niya maraming nagkakandarapa sa kanya. Samahan pa ng pagiging madiskarte, pera at hotness, marami talagang magpapaloko. Sa sobrang dami, di ko na malaman kung ilan na ang naging girlfriend niya. Ilan na rin kaya ang ninakawan niya ng virginity? Sagad sa buto ang kagwapuhan at hotness niya. Gym nang gym! Yummy ang katawan at kumpleto ang abs! Wala ka ng hihingin pa sa kanya. Lahat yata mahuhulog sa mga mata niyang mala-demonyo. Alam mong manyakis pero maginoo naman kaya sige ka nang sige. Sugal kahit alam mong mali. At sa huli, uuwi kang luhaan. Wala ka ng magagawa kasi tapos na.
    “Date her. Patagalin mo… para mas masakit.” Sabi ko.
    Tumingin siya sakin with his evil smile.
    “If that’s what you wish.”
    At eto pa… hindi ko alam kung bakit sunod siya nang sunod sa utos ko. Benjamin Jimenez. Evil… Denise Cordelia Gozon… more… evil.

  • Stage 3Open or Close

    Stage 3.
    That was an observation

    “Let’s go!” Nasa gitna namin ni Bench si Eliana papasok sa Core.

    Balak naming mag bar hop ngayon at ito ang unang bar na pinuntahan namin. Papasok palang, naagaw na namin ang tingin at atensyon ng mga tao lalong lalo na ang mga schoolmates kong nandun.

    “So, Eli… This is called a bar–” Binatukan ko si Bench.
    “Tigilan mo nga si Eliana, Bench!” Nakangisi ito habang tinitignan ako. “Alam niya. Di siya ganun ka ignorante.” Sabi ko.
    “Harsh mo namang magsalita.” Nag-sad face si Eliana pero ngumiti din. “Oo. Alam ko na ‘to. Sa internet tsaka sa magazines no. Everyone is dancing, drinking and smoking.” Sabi niya.
    “Well of course you don’t have to do all that.” Sabi ni Bench. “Just dance… drink… a little.”

    Tumango ako. Palingon-lingon si Bench habang sinasabi niya ang mga iyon. Narealize kong nandun pala si Candice! Parang nakita ko siya sa crowd! Maraming nakatingin samin at alam kong curious sila sa kay Eliana.

    Maganda si Eliana. Matangkad ng konti sakin. Mahaba ang buhok. Natural na brown ang buhok niya. Matangos ang ilong at maputi. Ganun talaga ang karaniwang description sa pamilya nila. Litaw na litaw ang dugong espanyol.

    “So…-“
    “So aalis ka na kasi maghahanap ka na naman ng bagong biktima?” Inunahan ko si Bench. “Shoo!”
    Ngumisi siya. Ayan na naman ang ‘the-look’ niya. Ganyan siya sa tuwing may biktimang nakikita.
    “Let’s meet here ater one hour.” Sabi ni Bench.
    “Aryt!” Sabi ko.

    Umalis siya at pumunta doon sa banda kung saan ko nakita si Candice. Naaninaw ko din yung mga kaibigan ko…

    “Denise!” Excited silang lumapit sakin.
    Ngumiti ako at ipinakita si Eliana. “This is Eliana Jimenez.” Sabi ko. “El, si Tanika, Abby at Nina.”

    Naglahad sila isa-isa ng kamay. Nag order si Nina ng margarita at pinainum si El. Syempre, ang mga kaibigan kong ‘to, alam kong excited lang sila dahil kay Eliana. Alam din nilang pinsan ‘to ni Bench. Si Bench naman, aside sa halos public figure na siya, marami pang kaibigang mayaman at sikat. Sa mga babaeng social climber na hindi pinalad na maging si Denise Gozon, langit na sa kanila ang sumunod sakin at halos sambahin ako.

    “Where’s Benj Jimenez?”

    Trivia: Ang tunay na nickname ni Bench ay Benj. Bench ang tawag ko kaya nahawa na rin ang halos kalahati ng populasyon.

    “He’s with Candice.” Sabi ko.

    Nakita kong dinala na ni Tanika at Abby si Eliana sa dancefloor.

    “What? Kakabreak lang nila ni Phoebe ah?”
    Tinignan ko na lang si Nina habang nilagok ang Margarita. “What’s new…”

    Hinayaan ko si Eliana na sumayaw sa dancefloor. Hindi naman talaga ako interesado masyado sa bars. Si Bench itong maimpluwensya kaya palagi ako dito. Marami ding hanga sakin. Straight As yung mga grades ko sa school kahit na sobrang dalas ako sa mga bars. Ganun talaga.

    Naupo ako malapit sa bartender habang tinitignan sina Eliana. Parang nagwawala sa dancefloor.

    Sa tuwing nagba-barhop kami. Ako ang pinakasikat. Umiinom din pero di ako tulad nila. Hindi ako umiinom ng higit pa sa kaya ko. Sigurista ako. Lahat sila wasted, ako lang ang sober. You need to be wiser to be on top.

    “Hi, Denise.” Sabi ng biglang umupo sa harapan ko.

    He offered me a shot of another margarita. Magtatatlong baso na ako.

    Ngumiti ako sa lalaking gwapo sa harapan ko. Si Lance Ramos.

    “Do I know you?” Sabi ko.

    Syempre. Kilala ko siya! Kinabahan nga ako bigla nang lumapit siya. THIS IS THE FIRST TIME EVER NA LUMAPIT SIYA SAKIN. Actually, ilang beses na akong nalapitan ng lalaki, pero hanggang dun lang yun. Hindi tulad ngayon.

    “Lance Ramos.” Naglahad siya ng kamay.
    Pinilit kong magmukhang annoyed kahit ang sarap sa pakiramdam!
    “You know, crush kita, noon pa.” Ngumiti siya.
    “Don’t be too fast. I’m not drunk.” Sabi ko.

    Tumawa siya.

    “Wish to hang out with you… anywhere. sa school maybe. Pero masyado kang busy eh.”
    Nagkibit balikat ako. Ininum niya ang beer na hawak niya.
    “That’s too bad.” Sabi ko habang nakapangalumbaba at pinaglaruan ang lemon ng margarita.
    “Maybe we could exchange num-“

    “Denise…” Bench interrupted.

    Di lang yun, hinila niya ang braso ko kaya napatayo ako.

    “What?” Gumuho talaga yung mundo ko.

    Bwisit na Bench. Magharutan pa kayo dun ni Candice! Malapit na kaming magkaigihan ni Lance-gwapo eh! Imbis na minsan lang yun sa isang dekadang mangyari…ipinagkait pa!

    May gusto yata ‘to sakin eh!

    Itinuro niya si Eliana.

    Mali ako. Wala siyang gusto sakin. HAHA!

    “She’s been dancing like a slut! Ilan na kaya ang nainom niyan!?” Tumawa siya pero agad sumugod para pigilan ang pinsan niya.

    Napasugod na rin ako at hinila naming dalawa si Eliana Jimenez palabas ng bar. She’s wasted.

    “Dad’s gonna kill me.” Sabi niya. “Pag may media.”
    Zigzag ang lakad ni Eliana.
    “You’re too busy flirting with Lance.”
    “Are you blaming me?”
    “Wala akong sinabi. That… was an observation.”

    Nakakunot ang noo ko pero nakaya niya pang ngumisi habang pinahiga namin si Eliana sa loob ng SUV.

    “Let’s go home.” Aniya.

    Sumakay kami. Nasa front seat ako. Si Bench ang magd-drive.

    “Ano? Napainlove mo na ba si Candice?” Tanong ko.
    “What do you think?”

    Ipinakita niya ang iPhone niyang may conversation:
    –See you in my condo later tonight?
    Yes sure!– (Candice San Juan)

    “As you wish.” Pinaandar niya ang sasakyan.

    That fast.

  • Stage 4Open or Close

    Stage 4.
    Let’s just hang out.

    Si Benjamin S. Jimenez, tagapagmana ng overall ari-arian ng ama at ina niya dahil first born sa pamilya. Only son. Pamangkin ni Governor Vilfred Cruz. Mayayaman ang mga Jimenez. Mas yumaman lang sila dahil madiskarte ang papa ni Bench. Lumago ang negosyo nila at dumami ang lupain.

    Noong bata pa kami, di siya masyadong nagsasalita. Pero kapag nagsalita siya, wagas naman sa banat at pang-iinis. Nagsimula kami sa mga batang away nang away. Ilang beses ko siyang napaiyak noon dahil sa pagsusumbong ko sa Dad niya. Pinapagalitan siya agad nito pag inaaway ako.

    Nang nag teenager kami, nagsimula na siyang magbinata. Di mahirap bihagin ang mga babae para sa kanya. Mayaman, matangkad, gwapa, dimples, killer smile, killer eyes,hot, angas at diskarte. Kumpleto siya. Mahilig siya sa sports: basketball, bowling, frizbee, swimming… etc.

    Kinatok ko ang pintuan ng condo niya. Tatlong beses. Walang sumasagot. Bihis na bihis ako, 7:00am sa umaga. First day of school. Mamaya pa ang klase kaso excited si Eliana. Susunduin kasi namin siya ni Bench.

    Kinuha ko ang susi ko sa condo niya. Yep… mero ako niyan!

    “Bench!”

    Dumiretso ako sa kwarto niya. Malinis ang kanyang condo. Walang bakas ng ano mang paghaharutan kagabi.

    “Uhmm.” Umungol siya nang binuksan ko ang pintuan. Walang damit pang-itaas at hula ko boxers lang ang suot. Natabunan kasi ng kumot niya ang ibaba.

    “Tayo na!” Binuksan ko ang blinds kaya lumiwanag ang kwarto niya. “How was last night?”
    “Mmmmkay.”

    Tinignan ko ang cellphone. Ang mokong! Daming katext!

    Candice: Thank you… I love you.

    Hinagis ko sa dibdib niya ang iPhone kaya nabigla siya at tumayo. Humikab pa ito at ginulo ang buhok.

    “Let’s go na!!!” Yinugyog ko ang katawan niya pero hinila niya ako palapit sa kanya at humiga ulit ito.
    “AHH!” Muntik ko na ngang mahalikan eh.

    Sinampal ko na.

    “Okay… okay!” Tumakbo ito sa banyo.

    Naka boxers nga lang. Napailing ako.

    “Bench… Papuntahin mo dito si Manang para malinisan na ‘tong… condo mo.”

    Inayos ko ang higaan niya.

    “Sayang talaga kagabi! Lance Ramos na talaga yun… Haaay!” Sabi ko nang nandun na kami sa loob ng sasakyan niya.
    “Di ka pa ba nadadala? Yung mga nagtatangkang makipag friends sayong type mo di natutuloy…” Evil smile habang nagstop kami sa traffic light.
    “Nagkakataon lang yun.”

    Pagkatapos naming sinundo si Eliana at nagpuntang school… narealize kong totoo ang sinabi ni Bench.

    “Bye El! Ingat ka ha? Don’t forget, ayt? Yung mga tips ko.” Sabi ko nang nidrop namin siya ni Bench sa unang klase niya.

    Excited siya at tango lang nang tango. May hangover pa yata ‘to eh.

    “Wala namang pasok today eh. Let’s just hang out.” Sabi ni Bench papalayo kami sa room ni Eliana.

    Habang sinasabi niya yun, parang nakita ko si Lance na dumaan sa maraming tao. Naririnig ko rin ang iPhone ni Bench na kanina pa nagri-ring.

    “Yan si Bench at Denise…blahblahblah” Freshmen. Tsk. Sikat talaga ako.

    Ngumiti siyang lumabas ang dimples.

    Kinuha ko sa bulsa niya ang iPhone niya.

    “It’s Candice! Sagutin mo. Hang out with her. Make her fall harder!” Sabi ko at umalis sa harapan niya para hanapin si Lance.

    Di ko na siya pinasagot.

    At tama siya sa sinabi niya kanina…

    Nagtagpo ang landas namin ni Lance… pero ni hindi niya ako pinansin! Sa inis ko nung araw na yun, sinira ko na rin ang araw ng mga kaibigan ko.

    “Iwan mo na nga yung boyfriend mo, Nina! Hindi ka niya masyadong tinitext diba? Hindi ka niya mahal!” Sabi ko. Bitter.
    “Sobra ka naman, Denise.” Sabi ni Tanika. “Di naman ganyan lagi eh. Tsaka… ganun talaga pag long time bf mo na.”
    “Hay! Ewan ko sa iyo, Nina. Basta kung ako sayo… iiwan ko na siya. Hula ko may iba siya kaya siya ganyan.”

    Halos di makangiti si Nina sakin. Alam ko ang iniisip nila. Alam nilang di pa ako kailanman nagkaboyfriend o niligawan man lang. Kahit anong sabihin ko about relationships ay invalid kasi wala akong karanasan! Wala naman akong pakealam kung di ako magkaboyfriend eh. I’m contented with being on top of my social circle.

    Habang nakasimangot ako sa cafe… nakita ko ang diretsong tingin ni Candice sakin. Nakataas ang isang kilay. Sa tabi niya ay ang makinang na lalaking pangarap ang lahat. Naagaw nila ang atensyon ng madlang tao… Benjamin Jimenez with his new girl.

    “Kala niya naman.” Bitter kong binulong sa sarili.

  • Stage 5Open or Close

    Stage 5.
    Paranoid mo naman.

    Pagkalipas ng isang buwan, mejo nasasanay na si Eliana sa dami ng tao at sa iaasal niya sa mga ito. Nagkaroon din siya ng maraming kaibigan sa klase niya. Narealize ko yun nang naabutan ko siyang nakikipag-usap sa mga kaklase niya. Pinapalibutan siya ng mga ito, mapa babae man o lalaki. Aniya marami din daw nag ti-text sa kanya.

    “Eliana.” Tinawag ko siya galing sa labas ng classroom nila.

    Iniwan niya ang mga kaklase niya at sumama sakin.

    “Where’s Bench?” Tanong niya.
    “With Candice, most likely.” Sabi ko.

    Walang development! Tama! Wala parin akong matanggap na feedback galing kay Lance. Wala na talagang pag-asa kaya lulubayan ko na ang pag-iisip ko sa kanya. Nabigla naman ako dun sa may biglang bumuhos sa damit ko!

    “What the?!” Hinayupak!

    Nakakabadtrip! Ang sarap ibully kung sino man siya! Halos lahat ng taong nakakita ay napanganga.

    Unti-unti kong inabsorb ang lahat at tinignan kung sino ang nakadisgrasya sakin.

    Mali. Di siya disgrasya. Nang nakita kong halos ngumisi si Candice sa harapan ko hawak-hawak ang isang lata ng Pepsi, napakunot ang noo ko.

    “Ano bang problema mo?”
    “Ikaw ang problema ko! Paharang-harang ka sa dinadaanan ko eh!”

    Basang-basa ang lower part ng top ko sa softdrinks niya.

    “Ang luwang ng daanan, ta’s sinabi mong humaharang kami?” Singit ni Eliana.

    Binalewala ito ni Candice. Alam niya yatang pinsan niya si Bench.

    Ngumisi ako. Hinawakan bigla ang lata ng Pepsi na dala niya at binuhos ang natira sa mukha niya.

    “Paharang-harang ka sa paningin ko!”

    Hinila ko si Eliana paalis sa scene. Narinig ko ang tili ni Candice sa inis.

    Linagpasan ko ang mga nagtsismisan at nakita ko si Bench sa dulo ng mga tao. Nakangisi.

    “Leche ka! Anong problema nung girlfriend mo at napagbuntungan ako!?”

    Tumawa silang dalawa ni Eliana.

    “Napagbuntungan ka o siya ang napagbuntungan mo?” Sabi ni Eliana. “Siya yata ang natalo eh.”

    Umirap na lang ako sa kawalan. Di parin naaalis sa isip ko ang basa kong top.

    “Ang tagal kasi nung mga utos mo. Okay na ba yung one month? Nag lie low na ako sa kanya eh.” Sabi ni Bench.
    “At bakit ako nasali?”
    “Ewan ko ba dun.” Humalakhak ito.
    “Hindi nagtatanda, nakakainis! Wa’g mo muna siyang i-break. Patagalin mo pa. Pahirapan mo. Hanggang manisay siya diyan at kaawaan ng lahat.” Sabi ko.
    “Yes, ma’am.”

    Napailing si Eliana.

    “Ibang klase talaga kayong dalawa. Hindi niyo yata kayang mabuhay ng wala ang isa’t-isa.” Sinabi niya yun ng parang di sinasadya.

    Nakita niya kasing kumaway yung sandamukal na classmates niyang puro weird, nerd at nasabi ko na ba yung weeeiirrrd?

    “Uy! Hello!” Excited naman si hija.
    “Lika! Sumama ka samin, mag mo-movie marathon kami dun sa gazebo!” Sabi nung isang weird. Weird number 1.
    “Movie marathon? Sa Gazebo?” Sumingit pa talaga ako. May pandidiri pa sa mukha ko.

    Napawi ang ngiti ng lahat ng weird sa mundo.

    “Anong i-mo-movie marathon niyo? Wall-E? At bakit sa gazebo?-“
    “Uhhh. Eto nga pala si-” Di pa natapos si Eliana sa pagpapakilala sakin…
    “Denise Gozon. Bench Jimenez.” Sabi nung weird number 2.
    “Are you stalking me?” Mas lalong nakakadiring tingin sa kanila.

    Halos matawa si Bench sa likuran ko.

    “Hindi. Kilala ka ng lahat.” Weird number 3.
    “OMG. As in? Pati yung mga samahan ng mga weird?”
    “Tama na Denise…” Halos matawa si Eliana.

    Pero seryoso ako! What? Don’t tell me sasama siya diyan sa mga weird?

    “Pasensya na talaga kayo sa kanya ah? Ganyan talaga siya. Hehe! Sige bah!! Sama ako. Denise, Bench, hintayin niyo ko please?” Puppy eyes.

    Ako naman… nandidiri-look.

    “Okay fine.”

    Umalis din sila.

    “Hula ko sa halos sampung weird na kasama niya may isang nagkukunwaring weird para lang makasama at makaclose si Eliana.”
    “Paranoid mo naman.” Tumawa si Bench.
    “I’m not paranoid. Alam ko. Alam na alam ko ang mga hasang ng mga tao sa school na ‘to.”

    Nagwifi ako sa cellphone ko para ipakita kay Bench ang sinsabi ko.

    Ilang blogs ang nakita ko agad na may lamang balita tungkol kanina.

    “See?”

    Denise Gozon, binuhusan ng Coke si Candice San Juan.

    “Mga blog ‘to ng mga kaibigan niyang naninira sakin. Binuhusan ko siya dahil binuhusan niya ako. And it’s not Coke… it’s Pepsi.” Umiling ako.

    “Pati yung Coke at Pepsi, damay sa mga maling nakita mo. HAHA!” Sabi niya.

    Tumawa si Bench. Nakakunot ang noo ko.

    Marami akong kaibigan… baka akala niyo puro bad things ang ginagawa ko. Mabuti din ako sa mga mabuti sakin. Pero syempre, halos lahat ng tao dito nangangarap maging ako, kaya di maiiwasan na may manira sakin.

  • Stage 6Open or Close

    Stage 6.
    Paano mo yun ginagawa?
     
     
     
    Laganap sa Facebook ang tsismis tungkol sakin.
     
    Inaway ko daw ng sobra sobra si Candice San Juan. Ang walang hiya, nagpost pa ng video sa Youtube na sinasabing hindi siya makapaniwala sa ginawa ko.
     
    “That… b1tch!”
     
    Tinype ko sa status ko:
    Poor girl. Can’t accept that his boyfriend likes someone else. Now attacking me to conceal the truth.
     
    HAHAHA! Sumali na rin yung mga kampon ko sa status at iba pang supporters! Isang minuto ko pa lang na post, ang dami na nagcomment! GRABE! Hindi na ako nagcomment ulit. Hula daw nila si Candice ang pinariringgan ko. Wala naman akong sinabing pangalan kaya bahala kayo diyan.
     
    Kahit na di naman totoo na may ibang babae si Bench. Bahala na!
     
    *Kriiing-Kriiing*
     
    “Hello?”
     
    Si Eliana.
     
    “Where are you?” Tanong niya.
    “Coffee Bean. Oorder lang ng frappe tapos babalik ng school para sa last class namin ni Bench.” Sabi ko.
     
    Habang kinakausap ko siya, kumaway si Barbie Cortez sakin. Isang Brazilian model na kakilala namin ng bff kong si Ara.
     
    “Call you later, Eli. Oorder lang ako.” At binaba ko ang telephone.
     
    “Hey!” Pumunta siya sakin.
    “Hi! Kumusta?” Tanong ko.
     
    Part na naman ng social climbing. Ang social niya kasi. Tumataginting na Balenciaga’ng bag at heels na Jimmy Choo ang napuna ko agad.
     
    “Buti nakita kita!” Sabi niya.
    “Bakit? You need something?” Tanong ko.
    “Kasi… I need Bench for a shoot.”
     
    Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. I know! She’s using me to get to Bench.
     
    “Shoot? What shoot?” Tanong ko.
    “Sa isang clothing line for beach wears. Sa bora yun. Call me if he’s available next Saturday.”
     
    Now that she mentioned it… pwedeng pwede! May plano ako. At kasing baho ng plano ko ang dagang nabubulok.
     
    Ngumisi ako.
     
    “Okay, I’ll contact you.”
     
    Kinuha ko ang frappe ko at umalis na. Kamuntik na pala akong malate sa klase.
     
    Nag quiz kami agad pagdating ko kaya di na nakahirit si Bench sa pagtatanong sakin.
     
    “Who got the highest score?” Tanong ng Professor.
     
    “Saan ka galing?” Tanong ni Bench.
     
    Hinahawakan niya pa ang ballpen niya nang tinanong ako. Di ko siya agad sinagot. Hinintay ko pa ang sagot ng mga kaklase ko sa tanong ni Prof.
     
    “Denise Gozon.” Sabi ng mga kaklase ko.
    “What’s her score?” Tumingin ako sa kaklase kong nagcheck ng papel ko.
    “No worng.”
     
    Nagtinginan silang lahat sakin. Ngumisi na lang ako.
     
    “Pass your papers. Dismissed.”
     
    “Paano mo yun ginagawa?” Tanong ni Bench sakin habang kinuha yung mga books kong nakalatag sa desk.
     
    Nagkibit-balikat ako.
     
    “Just like how you do it… but better.” Ngumisi ako sa kanya. ” Isang wrong lang yung sayo.”
     
    Ako kasi nag check sa paper niya. Umalis kami ng room. Habang papunta kami kina Eliana… yinaya ko na siya sa offer ni Barbie.
     
    “Whoa! You sure?”
    “Yep! Weekend lang naman eh. Pumayag ka na!” Sabi ko.
    “Bakit?” Tanong niya.
    “Basta!”
    “Sasama ka?”
    “Oo! At… isama mo si Candice.” Sabi ko.
    “Huh? Baka mapuno lang ako sa catfight niyo. Kuntento na ako sa’yo.” Tumawa siya.
    “Isama mo siya.” Iginiit ko.
     
    Ngumisi siya.
     
    “I smell something fishy…”
     
    Ngumiti na rin ako.
     
    “Aryt!”
     
    I’m soooo excited! HAHAHA! Halos mapatili ako sa pagpayag ni Bench! Let the hunger games begin! nyahahaha!

  • Stage 7Open or Close

    Stage 7.
    Why are you so hot?

    “You’re late.” Sabi ni Bench sakin.

    Pareho kaming dalawa naka Wayfarer. Si Candice, nalaglag ang panga nang nakita niya akong dumating.

    “Ba’t siya nandito?”
    “Of course. Ako ang nagyaya sa kanya, ako pa yung aabsent?”

    Halos umusok yung ilong niya at di na mapakali.

    “Let’s just go. Hayaan mo na yang si Denise.” Hinawakan ni Bench ang baywang ni Candice at nagsimulang maglakad sa isa sa mga plane nila.

    Oo. May ari ang mga Jimenez ng isa sa mga matagal ng airlines dito sa Pilipinas.

    Umupo ako sa likuran nina Bench. Silang dalawa nasa harapan ko, naglalampungan.

    “Respeto naman, Bench.” Sabi ko nang tinanggal ko ang Wayfarers at lumipad na ang airplane.

    Natawa siya. Tumayo siya at mukhang magC-CR yata… yun pala… bumalik siya na may inabot sakin. Walang imik lang na inabot niya sakin ang isang pares ng Reef na tsinelas.

    “Thanks. I need it.”

    Tumango na lang siya at nagsimulang makipaglampungan ulit kay Candice.

    Umiling na lang ako at tumingin sa mga ulap na parang cotton candy. Mabuti na lang di matagal yung byahe. Dumating kami agad sa bora. Tumanggi si Bench sa alok ng Dad niyang sa resthouse na nila kami tutuloy. Aniya, mas maganda daw yung malapit lang sa lugar kung saan isho-shoot yung photoshoot nila.

    “Alam mo ba kung bakit tayo nandito?” Tanong ko kay Candice.

    Pinagpatuloy ko parin kahit alam kong inis na siya… ang totoo pala… pinagpatuloy ko kasi alam kong naiinis na siya.

    “Oo!” Sabi niya na may tonong parang sinasabing ako yung walang alam.
    Ngumiti ako, “Wa’g kang magseselos ah?”
    “Ba’t ako magseselos? Duh?! I’m not like you.”
    “We’ll see about that.”

    Lumapit ako sa paparating na si Barbie at nakipagbeso. Nagbeso din siya kay Bench.

    Alam kong may hidden desire tong si Barbie kay Bench at yun ang gagamitin ko laban kay Candice. Pababagsakin ko siya…

    “Candice, this is Barbie. Yung model na tinutukoy ko. Barbie, Candice, my girlfriend.” Sabi ni Bench.

    Natawa si Barbie at pinagtaasan ng kilay si Candice. Naglahad ng kamay si Barbie pero di ‘to pinansin ni Candice! Nakakatawa nga eh! HAHA! Awkwaaaard!

    “Uh… Mag chi-check in lang kami.” Sabi ni Bench.

    Inspeaking of that… ibig sabihin ba ng check in na yan ay ako sa isang kwarto tapos silang dalawa sa isang kwarto din?

    “One room for three. Yung pinakamaganda.” Sabi ni Bench sa frontdesk ng resort kung saan nakacheck in din si Barbie.

    Ang mokong nakaevil smile at nakatingin sakin! Kung anu-ano tuloy ang pumasok sa isipan ko.

    “Miss. Pwede yung two separate beds an room? Thanks.” Pinandilatan ko ang manyak na tingin ni Bench sakin.

    I’m used to it.

    Agad kaming nagpunta sa kwaro. As usual, high end na kwarto talaga ang pinili ni Bench. Ganun naman talaga parati. Palibhasa mayaman. Ako dito nagpapalibre lang. Kahit ‘tong soot kong tsinelas na mamahalin, galing pa sa kanya. Who cares, as long as di ako humihingi ng kahit ano sa kanya. Siya lang ‘tong bili nang bili para sakin.

    “Nice.” Sabi niya nang nakitang soot ko ang binili niya.

    “Mas nice sana ang trip na ‘to kung tayo lang dalawa, Bench.” Singit ng walang alam na si Candice.

    Napawi tuloy yung saya ko sa ibinigay niya.

    “Wa’g kang mag-alala, just pretend that I’m a ghost.” Umirap ako at lumabas na para makasagap ng preskong hangin. Umupo ako sa buhangin at pinaglaruan na lang ang Instagram ng phone ko. Ang daming tao! Pero di na ako makapaghintay sa shoot nila ni Bench. At sa… ‘scene’ kung meron man.

    Ilang sandali, napatayo ako nang nakita ko si Barbie na naka twopiece na at may dalang surfboards. Anlaki ng boobs niya, kaya siya lapitin sa mga ganitong shoot. Si Bench naman, perpekto ang katawan. Triceps, abs… name it he has it.

    “Ready?”

    Akala ko naman ako yung tinanong ni Barbie, yun naman pala, si Bench nasa likuran ko naka boardshorts, topless, kumikinang yung katawan. Halos malaglag ang panga ko. Imbis na titigan ko siya, inalis ko na lang agad ang mata ko sa kanya kasi alam kong ngingisi lalo yun sakin pag nakita akong nakatitig sa kanya.

    Nilagpasan nila ako at sumunod na kay Barbie. Nakahawak siya sa balikat ni Candice.

    Napabuntong-hininga ako, iling at nagkagoosebumps.

    Bakit? Ang gwapo kasi talaga ng mokong! Ang gwapo gwapo gwapo niya na hindi ko kayang di siya tignan. Makisig siya, malakas ang dating, sagad sa buto ang pagiging matipuno.

    “Aryt! That’s good! Great!”

    Halos walong photographer ang nandun at nakapaligid sa kay Bench at Barbie.

    Nacurious tuloy ako sa reaksyon ni Candice nang nakitang ang boyfriend niya ay mukhang sinusuyo at kumakarinyo sa ibang babae.

    “Alam mo…” Tinabihan ko siya at naisipang gatungan. “May HD si Barbie kay Bench.”
    “Anong HD?” Mata niyay nakatuon parin sa dalawa.
    “Hidden desire.”
    “Wa’g mo nga akong lokohin.”
    “Hindi kita niloloko no. Sinasabi ko lang ang totoo. Nung highschool pa lang.” Sabi ko.
    “Ano naman ngayon, ilang years na ang nakalipas noh!”
    “Hmmm. Well, may point ka. Mukhang 4th year highschool tayo nang nakita ko sila sa corridor ng school nila na naglalampungan. Akala ko nga sila eh, di naman pala. Sabi ni Bench… hindi niya daw kaya ligawan si Barbie. Siguro dahil totoong mahal niya ito.”

    WAAHAHAHA! Sobra na to! Halos sumabog ang bibig ko sa tawa kaya tinikom ko ‘to ng maayos pagkatapos kong magsalita. Totoong nakita ko ang dalawang naglalampungan noon pero dagdag lang yung iba. HAHA! Si Candice umuusok na talaga ang tenga! Totoo! Nakita kong gumalaw ang muscles niya sa pisngi na para bang gusto niyang tadtarin ang dalawang tinutukso ang isa’t isa sa harapan niya.

    Umalis siya sa galit. Ako na lang ang natira dito at di ko mapigilang tumawa. Para akong baliw. HAHAHA!

    “Anong nangyayari sayo?” Tanong ni Bench sa gitna ng isang break.
    “Wala lang.”
    “Ba’t ang saya mo yata?”
    “Bawal ba?”

    Tinaas ko ang isa kong kilay. Kanina ko pa napapansing di mainit ang araw ngayon. Cloudy. Kaya sasamantalahin ko ‘to para makapagswimming sa dagat. Tapos na ang misyon ko, at malalaman niyo ang resulta mamaya.

    “Bench, will you hold this for me?” Sabay abot sa cellphone kong dala.

    Kinuha niya naman. Hinubad ko ang soot kong dress. May two-piece kasi sa loob nito.

    “I’ll just take a dip.”

    Yung mga mata niyang mapupungay ang agad kong namatyagan paghubad ng dress ko. Unti-unti siya ngumiti.

    “Sama ako?” Sabi niya.

    Binatukan ko na!

    “Wa’g mo nga akong manyakan, please?”

    Tumawa siya nang papalayo na ako. Sinigawan pa talaga ako…

    “Why are you so hot?”

    Sarap mag dirty finger sa kanya nang sinabi niya yun. Bistado ko na ang lahat ng diskarte niya. Alam na alam ko ang pasikot-sikot sa utak niya. Kabisado ko ang hasang niya kaya, bukod sa mga barkada niyang lalaki, ako lang ang sinusunod at palagi niyang sinasamahan.

  • Stage 8Open or Close

    Stage 8.
    Let’s party tonight?

    Pagkabalik ko galing swimming, narealize kong nandun na sila sa isang seafood restaurant, kumakain. Pero si Bench, inabangan ako para ibigay yung dress ko.

    Inakbayan pa ako ng mokong.

    “Tigilan mo nga ako. Una ka na sa resto. Magbibihis lang ako sa kwarto.” Sabi ko.
    “Sama ako-“
    “Tseh!”

    Iniwan ko na siya. Buti at sinunod niya naman ang utos ko.

    Nagbihis ako at nagmadali ng pumunta sa resto. Ginugutom na ako. Paano ba kasi ang tagal natapos nung shoot. Halos makarating na ako sa kabilang isla sa paglalangoy ko, joke, OA. haha! halos dalawang oras. Alas kwatro na ngayon-este-alas singko. Isang oras pala ako sa banyo.

    Pumasok ako sa resto, parang pista lang yung mga pagkain. Uupo na sana ako nang nakita ko ang scene na hinahanap ko.

    “You’re purposely doing this!” Sigaw ni Candice.

    Dinig na dinig ko ang music sa resto na highclass pero mas dinig ko yung sigaw niya. Nakahawak si bench sa isang braso niya habang nanggagalaiti si Candice. Si Barbie naman ay nakangisi sa harapan niya.

    “Wa’g kang ngingisi ngisi diyan! Alam kong matagal mo ng gusto si Bench!”
    “Stop it, Candice! You’re making a scene.” Seryosong sinabi ni Bench.
    “Ba’t di siya ang sinasabihan mo ng stop?!” Tumingin si Candice kay Barbie. Halos mangiyak-ngiyak na! “Monthsary namin ni Brent next week! Mag dadalawang buwan na kami! Matagal na kami! Wala pa siyang sineryoso… ever!”

    Nabigla ako sa sinabi ni Barbie. Parang may naalala agad ako. ever.

    “At ikaw, isa ka lang sa obstacles ng relasyon namin!”

    Hindi na talaga napigilan ni Barbie ang kanyang tawa! Sumabog siya sa kakatawa. Natigilan na halos lahat ng tao sa resto para tignan ang commotion.

    Kinuha ko na agad ang iPhone ko para mapicturan ang hinihintay kong scene. Lumapit ako.

    “How dare you!” Sasampalin na sana ni Candice si Barbie nang napigilan ni Bench ang kamay niya!

    “Gotcha!” Bulong ko sa sarili ko.

    Humalakhak pa ako. Hindi nagpahalata! NYAHAHA!

    “Kinakampihan mo ba siya, Bench?!” Mas lalong tumaas ang boses ni Candice.

    Umiling si Bench. Seryoso ang mokong. Naapektuhan din naman pala siya. LOL! Oo naman, syempre alam kong may feelings din siya.

    “Then why are you defending her?!”

    Napabuntong-hininga si Bench. Ako naman, busy sa pagfoforward ng picture kina Tanika, Abby at Nina.

    Text:
    Ipakalat niyo. Candice, crying… Ipinagpalit ni Bench sa isang Brazilian model. Kawawa naman. Here in bora. So Sad. NYAHAHA >:D

    Tinago ko talaga yung phone ko nang nakita kong tinitigan ako ni Bench sa kalagitnaan ng commotion.

    “Sumagot ka! AHHH!” Umalis si Candice sa humiliation.

    Nabadtrip din yata si Bench kaya umalis. Si Barbie lang at ako ang natira para kumain. Agad kong inubos ang pagkain ko.

    Abby (text):
    Nakalat na sa net. Grabe maka react yung mga tao!

    Tanika (text):
    You’re in bora?

    Nina (text):
    Grabe sila! Kakampi mo na sila!

    Halos matawa ako, kundi ko lang nakita si Bench sa harapan ko habang naglalakad at hinahanap siya.

    “You look happy.” Seryoso niyang sinabi.

    “Hinahanap kita. Saan ka nagpunta?” Tanong ko.

    Agad kong sineryoso ang mukha ko at linagay ang cellphone sa bulsa.

    “Got slapped by Candice, twice. Kinausap ko siya.”
    “Tapos? Anong nangyari?”
    “I don’t know. Nandyan lang siya sa tabi-tabi, umiiyak.”

    Its not like its the first time na nagpaiyak siya ng babae. Ilang beses na nga diba? Nung highschool pa, tapos ngayong nasa college na kami, 18 years ng nabubuhay, ganun parin ang ginagawa niya. Naguilty naman ako sa mukha niya ngayon. Parang biyernes santo lang. Kawawang Bench. Utos ko pa naman yun. Guilty din ako no! Pero wala na akong magagawa kasi nangyari na.

    “I’m sorry.”

    Nagpacute ang mokong at umaliwalas ang mukha.

    “The sun is setting… Gabi na maya-maya. Let’s party tonight?” Ngumisi siya.

    “Sure!!!”

  • Stage 9Open or Close

    Stage 9.
    Call me.

    Nagpunta kami ni Bench sa isang Beach bar. The Tavern. Ang daming tao! May mga kilala pa si Bench dun. Kilala naman kasi yung pamilya niya. Ngumingiti din sakin kasi kasunod ng pangalang Bench Jimenez ay ang Denise Gozon.

    Sayawan dito, sayawan doon. Inom dito, inom doon. Heto si Bench at nakailang lagok na. Hindi pa lumalagpas ng isang oras ay halos maubos niya na lahat ng inumin.

    Ganyan siya. Sa tuwing may makikipagbreak o ibi-break niya, tri-triple ang iniinom niya.

    “Para ka lang iniwan ng mahal mo ah?” Humalakhak ako.
    “It’s a hobby.” Ngumisi siya at lumipad agad ang mata sa mga babaeng nasa dancefloor.

    Umiling na lang ako. World record talaga at umabot sa halos dalawang buwan sila ni Candice. Ako naman yung may pakana kasi inutos ko sa kanya yun.

    “In love ka ba sa kanya?” Pabirong tanong ko.

    Tumingin siya sakin.

    “Alam mo naman ang sagot, tinatanong mo pa.” Linagok niya ang isa pang shot.

    Alam kong hindi.

    “Don’t get too excited, ayt? Makikipagsayawan lang ako. wa’g kang aalis at sumama sa kahit sino dito.”

    I gave him a ridiculous look then he pinched my nose. Umalis ang manyak at hayun, nakipagharutan sa halos tatlong babae sa dancefloor.

    Well of course, sino ka para tumanggi kay Bench Jimenez eh tagapagmana yun ng mga Jimenez, hot, magaling dumiskarte at sisikat. Kapag katabi mo siya, kahit na isa kalang malaking kuto, bigla kang magiging balyena! Big fish! Maswerte ako at ipinanganak akong si Denise Gozon, hindi ako nahirapan makipagsabayan sa ibang malalansang isda na nagkukunwaring balyena. Dahil si Denise Gozon ako, na malapit sa mga Jimenez, nagmumukha akong kagaya nila.

    Nakita kong may tumitingin sakin kanina pa, nasa dancefloor pero na sakin ang mata. Ang pangit naman kaya inirapan ko na lang. Feeling naman! Kala niya naman papatulan ko siya. HAHA! Ang sama ko talaga! Di ko na lang papansinin. Sana wa’g na lang akong gambalain.

    “Hey Denise, where’s Bench?” Linapitan ako ni Barbie.

    Plunging neckline pa.

    “Nasa dancefloor…” Sabay nguso ko kay Bench na mukhang may amats na.

    “K, thanks!” At umalis para puntahan si Bench.

    Ilang sandali, sumasayaw na silang dalawa. Busy ako sa pagpipicture, naka Instagram sabay edit pa para mas maganda. Hayan! Nasend na sa lahat ng taong pwedeng magpakalat nito. Kawawang Candice. In speaking of her, nasan siya?

    Madaling nabore si Bench. Alas nuwebe pa lang ay nagyaya na siyang umalis sa bar. Halos dalawang oras pa kami dun. Pagod siguro sa mga ginawa niya ngayong araw.

    “Let’s go!” Inakbayan ako ng manyak papalabas ng bar.

    Hinayaan ko na. Ta’s bigla kaming hinarangan ni Candice sa daanan.

    “Bench… can we talk?” Sabi niya.

    Tinignan ko si Bench na di parin maalis yung ngiti sa mga nangyari at nakasayaw niya sa bar.

    Di pa nga nakakasagot yung tao, nasampal na agad! PAK!

    Napawi tuloy yung ngiti niya!

    “What the eff? Candice! Stop that!” Sarap ng sakalin ah!?

    Nagtimpi ako kanina nang sinabi ni Bench na dalawang beses siyang sinampal, ngayong pangatlo at sa harapan ko pa, na highblood talaga ako!

    “Wa’g kang makealam! Di ikaw ang girlfriend niya!” Sinigawan pa ako!
    “Hoy bruha ka! Wa’g mong masampal sampal tong si Bench at pagsabihan ako ng ganyan!” Inalis ko ang kamay ni Bench sa balikat ko para maharap ko si Candice ng maayos. “Binalaan na kita, ikaw tong go lang nang go! Kasalanan mo yan. Know your place, dog!-“
    “Stop it, Denise. Stay in our room. Mag uusap lang kami ni Candice.” Seryosong sinabi ni Bench sakin at umalis na.

    Sinundan siya ni Candice.

    “Pasalamat talaga siya at ayokong maging tulad niya na sa harap ng maraming tao ay nagwawala! Bwesit! Sana di ko na lang hinayaan si Bench dun sa babaeng yun!” Sigaw ako nang sigaw sa phone ko.

    Tumawag kasi si Eliana. Halos gigil pa ako.

    “Ano? Nagsisisi ka?”
    “Mejo… Pero hindi rin! Ngayon, balik ulit siya sa putikan. Kala niya naman sineryoso siya nun!”
    “Hay nako, Denise. Kawawa naman si Candice. Dami niyang pics sa Facebook.” Napabuntong-hininga siya.
    “Dapat lang no! Sana na-share mo! Tatlong beses! Tatlong beses niyang sinampal si Bench ngayong araw!-“

    Nadistract ako nang may narinig na parang music sa Project X at mga taong bumabati.

    “W-Wait, where are you?”

    Humalakhak si Eliana.

    “Try ko lang. Mag isa lang akong pumunta… dito sa Core.”
    Napanganga ako at naalala ang nangyari noon. “What the?!-“
    “Pumuslit ako. Wa’g kang maingay ah?”
    “NOOO! Umuwi ka na!!!” Mahahigh-blood na yata ako!

    *TOT-TOT-TOT*

    Walang hiya!

    Text ko kay Eliana:
    Uwi ka na. Or I’ll tell tito drew.

    Napahiga ako sa kama. Sa dami kong iniisip di ko namalayang nakatulog na pala ako. Pero wala nang mas sasama sa sumunod na umaga!

    “Good morning!” Habang umiinom ng kape sa harapan ko.

    Nasa kama ako, ganun parin ang posisyon ko kagabi nang nakatulog ako. Si Bench naman, naka sleeveless, exposed ang triceps, biceps at iba pa. Kahit mug lang yung props, para na siyang model.

    Masama kasi nakadungaw ang manyak sakin. Halatang kanina pa ako pinagmamasdan. Nung tulog pa ako!

    Agad akong napatalon! Tumawa naman siya!

    “Easy…” Inom ulit ng kape.
    “What happened?”
    “Purple… undies.” Tumawa siya.

    “Bwesit ka!” Binato ko ng unan. Nakailag naman. “Manyak mo. Yiii! Di ka ba nandidiri? Eww!”
    “Kumain na tayo.” Binalewala ba naman yung sinabi ko.
    “Anong nangyari kagabi? Where’s Candice? Saan ka natulog kagabi?”
    “Of course in this room.” Evil grin. “And I saw your purple undies…peepin-“

    Binato ko ng unan kaya di natapos magsalita.

    “Ewww, Bench!” Tumayo ako at inayos ang sarili ko.
    “Kiddin’!” Sabi niya habang tumatawa.
    “Kidding ka jan! Alam kong totoong nakita mo kasi purple ang undies ko! Tseh!”

    Tumawa pa siya ng mas malakas. Kadiri talaga tong isang ‘to. Puro sex yata laman ng utak.

    “Hmmm. And… Candice… went home last night.”

    Natigilan ako at tinignan siya.

    “She broke up with me.” Ngumiti siya.

    Tumango ako.

    Akala ko talaga seryoso yung usapan namin… seryoso naman pero…

    “Uh… hey! Good morning! Denise.” Sabi ni Barbie na mukhang kakabihis lang.

    Nasa pangalawang bed pala siya! WHAT THE HECK?

    “I-I’ll go now…” Ngumiti si Barbie.
    Si Bench kumaway lang, “Call me.” Kumindat pa ito.
    “Yeahhh~” Pumula ang pisngi ni Barbie. “And…uhmm.. thanks for last night!”

    Nag tiptoe siyang umalis sa room namin.

    FACE PALM.

    “Ikaw na talaga, Bench.” Umiling ako.

    Humalakhak naman siya. Akala ko pa naman…

  • Stage 10Open or Close

    Stage 10.
    It’s okay.

    Nakauwi na kami ni Bench. Hinatid ako nila ako ni Kuya Joe sa bahay.

    “Bench.” Sabi ko pagkalabas ko sa sasakyan niya. “I’m worried about Eliana. Lumabas siya kagabi, mag-isa.”

    Tumawa si Bench. Akala ko nagiging heartless ulit siya. Walang pakealam.

    “Akala niya naman mag-isa siya, pinasundan ko siya kay Kuya Joe para siguradong walang mangyaring masama.” Kumindat pa talaga siya.

    “Aryt! K. Bye!” Umirap ako at papasok na sana sa bahay.

    “What’s the plan now?” Tanong niya.

    Lumingon ako sa kanya.

    “Anong plan? Wala akong plano. Ikaw tong pinangungunahan ako eh.”

    Then his evil grin again.

    Nagkibit-balikat ako.

    “Ipagpatuloy mo na lang yan nang mas lalong masaktan si Candice.”
    “Aryt!”

    Tapos umalis na.

    Haaay si Bench talaga. Sagad na naman sa buto ang pagkahaliparot niya. Kahit ganyan siya, parang di na siya nasanay sa mga nakikipagbreak sa kanya. Kaya naman pagkatapos ng break up, dadami ang inom niya. Parang affected lang… akala mo naman affected talaga… pero hindi naman pala. Nakahanap agad ng iba.

    “Kumusta yung lakad niyo ni Bench sa boracay?” Sabay halik ni Daddy sakin.

    Yinakap ko siya sabay abot ng sandamukal na pasalubong ni BENCH para sa kanya at kay Mommy!

    “Okay lang! As usual…” Tapos hinalikan niya ako sa noo.

    Tinignan niya ako ng mabuti sa likod ng kanyang eyeglasses.

    “He’s modeling for this… clothing line. Kasama namin yung girlfriend niyang si Candice San Juan sa bora.”
    “Girlfriend? Di yon nag gi-girlfriend diba?”
    “Oo nga po pala. Ano… uhmm. fling lang sila.” Tumawa ako.

    Seryoso parin si Daddy.

    “Joke. Girlfriend niya yun.”

    Umalis na lang ako para di na maraming tanong. If I know, nananagap ng balita si Daddy sa kabulastugan ni Bench para malaman ng Dad ni Bench kung anong pinaggagawa ng anak niya. Only child si Bench at first born sa mga Jimenez kaya natural na sa kanya ang halos kalahati ng yaman nila. Busy din ang parents ni Bench sa negosyo. Aside sa airlines, marami silang farm tapos nag aangkat pa ng mga produkto sa ibang bansa. Big time!

    Ako naman… Only child din pero walang yaman. NYAHAHA! Mga kapatid ni papa nasa States lahat. Bukod sa ilang squaremeters na lupa at ginawang commercial building at tong bahay namin, wala na kaming ibang pag-aari. Buti at parehong abogado si Mommy at Daddy kaya ayun, sosyal parin ako.

    Si Eliana naman… May half brother at sister. Anak nung Step mom niya. Twins yun. Pero bata pa. Inspeaking of twins, may pinsan pa silang twins, si Brent Cruz at Ara Cruz. Mayayaman din yun kasi anak ni Governor. Daming lupain din. May-ari ng isang food corp. Oh well, Jimenezes.

    “Eliana!” Yinugyog ko si Eli nang makita sa school.

    Kahahatid lang ni Daddy sakin dito tapos si Eliana agad ang nakita ko.

    “Hindi mo na ako tinawagan ulit! Di ka pa nag text! What happened???”

    Ngumiti siya. One creepy smile. I know may tinatago siya.

    “Wala naman…” Creepy smile ulit.

    Alam ko talaga pero hinayaan ko na muna.

    “Where’s Bench?” Tanong niya at sinuyod ang paligid.

    Nagtataka siguro ba’t di ko kasama.

    “Idun-“
    “Ahh! Ayun!” Sabay turo kay Bench na pinagtitinginan ng mga tao!

    Si Barbie naman ngayon ang kaakbay niya. Kumaway pa ito samin!

    “Denise! Ano bang pinag-uutos mo diyan sa pinsan ko. Nakakahiya na siya ah? Iba-ibang babae na lang talaga.” Umiling si Eliana.
    “Wala akong inutos. Tsaka… masasanay ka rin.”

    Umalis din si Eliana para sa klase niya. Ako naman, pumasok na sa class namin ni Bench. Nakangisi na yung baliw sa upuan niya pagdating ko. Pinaglalaruan pa ang signpen niya.

    “Yes, thanks to you… Nasa halos lahat ng blogs na ako. Napalitan na ang mukha ni Candice. I owe you that… Pero kadiri na talaga yang inyo ni Barbie ah.” Sabi ko ng pabulong sa kanya.
    “So ano? Titigilan ko?” Ngumisi ulit siya.
    “Titigilan? Yun ay kung mapipigilan mo yang libido mo!”

    Tumawa pa ito na nakatawag pansin talaga sa mga kaklase ko. Kinurot niya ang pisngi ko. Sinapak ko agad yung kamay niya.

    “Tigilan mo nga ako. Eww!” Umayos ako sa pag-upo, pagdating ng professor namin.

    Natahimik. Kaya naman dinig ko agad yung nagtsismisan sa likuran…

    “Di kaya si Denise at Bench naman talaga ang mag-on?”

    Hindi na ako nahiya! Lumingon ako sa likuran para tignan at TITIGAN ng sampung segundo ang mga nagtsismisan! Natahimik talaga sila at nagkunwaring walang sinabi.

    Pagkatapos ng klase… nagpaalam agad si Bench. Aniya, magkikita daw sila ni Brent. Pero di pa siya nakakaalis… Nasabuyan na siya ng juice… nino? Di ko kilala!

    “Sorry! Sorry!” Agad kinuha nung babae ang panyo niya at pinunasan ang damit ni Bench.

    Si Bench naman parang na badtrip!

    Tahimik siya habang tinitignan ang babae. Hindi makagalaw.

    “Bakit mo ginawa yun.” Tinulak ko yung girlet.

    Nerdy style! Maganda pero di sexy. Mukhang minor de edad pa. Freshmen yata. Maiksi ang buhok… parang… familiar yung aura.

    “Sorry… Sorry talaga!” Yumuko-yuko pa siya.

    Nagkalat yung gamit niya sa sahig, di pa nakukuha kasi pinunasan niya pa ang damit ni Bench.

    “It’s okay.” Sabi ni Bench.

    Sabay pa silang pumulot ng parehong notebook kaya hayun, nagkabanggaan ang kamay at nagkatitigan.

    Wait a minute… kapeng mainit… Ngumiti si Bench na parang naiilang sa girlet! Weird!!! Ano yun?!

  • Stage 11Open or Close

    Stage 11.
    I want to stop

    “Jenny Agatha Zafra. Mabait, maganda, matalino-” Sabi ni Nina habang binabasa ang mga nasagap niyang impormasyon tungkol sa nabunggo ni Bench noong isang araw.

    “Bakit puro puri yan? Wala bang iba?”

    “Hindi pa nga ako natatapos, chill ka lang!” Sabi ni Nina na natatawa.

    “W-Wait? Jenny Zafra? I think she’s my classmate. Anong problema mo sa kanya Denise?” Tanong ni Eliana habang iniinom frappe niya. Naglalakad kami sa school…

    “Wala! I just want to know.” Sabi ko.

    Nagtagpo ang kilay niya.

    “Hmmm. Freshmen. Business Major. From Affaires School, ibig sabihin sa school ng cousin niyong si Brent. And then… At yung Mommy at Daddy niya ay nasa France, may restaurant sila doon. Pangarap niyang maging isang chef someday… She likes anime… cosplaying… pero di siya nag cocos-“
    “Ano ba yan!? Wala bang relevant information? Parang puro useless.” Sabi ko.
    “anong klaseng info ba kasi yung hinahanap mo?”
    “Like? Ex boyfriends?? Etcetera?”
    “No Exbf. Maraming suitors. Extremely Popular sa batch niya sa dating school.”
    “Popular? Maganda siya, ba’t di siya pinormahan ni Brent dun sa kabilang school?” Napatingin ako kay Elaina.
    “Of course, coz Brent’s in love with one girl. Right? So… teka… Ba’t ba talaga curious ka kay Jenny?”

    Napakamot ako sa ulo ko. Hindi ko alam kung anong isasagot ko.

    “Don’t tell me gusto mong biktimahin siya ni Bench?” Yinugyog ako ni Eliana kaya natigilan kami sa paglalakad.

    Now that she opened that topic. PWEDE. Since she’s popular… pwedeng pwede! Pag-iisipan ko. Hmmm…

    “Most probably-“
    “Oh God, Denise! No!” Parang OA naman makareact si Eliana.
    “Bakit? I’m just kidding.”
    “Jenny is a good girl!” Sabi niya na para bang sapat yun para kaawaan ko ang classmate niya.
    “So? You’re saying that Barbie, Candice, and all other Bench Girls are bad girls? HAHA!”
    “Hindi yon! Ang ibig kong sabihin… di tulad ng Bench Girls na yan, inosente si Jenny.”
    “Inosente si Janice Villanuea, Tina Tiu at iba pang mga babae nang inibig nila si Bench. What’s wrong with that? I mean… anong pinagkaiba nila?”

    Umiling na lang si Eliana.

    “Well, sa ngayon. Wala pa akong plano. Si Bench naman itong gustong papalit-palit ng babae. Tignan natin kung sino ang susunod kay Barbie.”
    “Anyone… Just any sl-tty girl, not Jenny.”

    Tinignan ko si Eliana ng mabuti. May napapansin ako sa kanya… Ipastalk ko kaya ‘to sa mga galamay ko? Parang may weird akong nararamdaman sa pananamit, pag-asal, at kilos niya.

    “Don’t look at me like that.” Kumunot ang noo niya at tumawa.

    Hinalikan ako sa pisngi tapos…

    “See you later. May pasok pa ako. Byeee!”

    Siniko ako ni Abby. Napalingon ako sa nginuso niyang si Bench kasama si Barbie.

    May nakita pa ako sa likurang army ni Candice na nagbubulong-bulungan! Ayan! Todo na yung pagbagsak ni Candice. Poor girl.

    “Bench… Barbie!” Ngumiti ako ng plastic.

    Pinatago ko yung notes ni Nina.

    “You sure you don’t wanna hang out with me tonight?” Ngiting-ngiti si Barbie nang sinabi niya yun kay Bench.

    Umiling si Bench. Tapos tumingin sakin.

    “Ba’t naman Bench?” Tanong ko.
    “Diba may gagawin tayo?” Sinenyasan niya akong umo-o na!
    “Hmmm. Oo nga pala.”
    “Anong gagawin niyo? Kayong dalawa lang?”

    Napatingin tuloy si Abby At Nina sakin.

    “Well, I don’t think you wanna hear it.” Sabi ko tapos tinaas ang kilay.

    Alam kong gusto nang kumalas ni Bench kay Barbie. MANWH0RE nga diba? Hay nako! Kelan pato magbabago?

    In speaking of pagbabago… naiisip niyo ba ang naiisip ko? Jenny Agatha Zafra. Pagbabago. Kung naiisip niyo, ibig sabihin magkapareho tayo ng takbo ng utak! NYAHAHAHA! So… lulubos-lubusin ko na ‘to!

    “Naku! Sayang naman! May pupuntahan kasi kaming party ni Bench sa success ng swim wear photoshoot namin. Isasama ka sana namin, Denise. Pero kung ayaw mo…”

    PARTY? I love parties! Tapos… ibig sabihin, maraming tao…

    “Do I need to bring a date?” Tanong ko.

    Sumama tuloy ang tingin ni Bench sakin.

    Party kasi, big sabihin, may media… Lalago na naman social circle ko. Sorry Bench.

    “Nope… So ano? See you tonight?”
    “Aryt! I’ll bring Eliana.”

    Ngumisi ako tapos umalis si Barbie. Hinila ako ni Bench palayo sa mga kaibigan ko…

    “Okay… Okayy… I get it!” Sabi ko.
    “I want to stop it na. Pero kahit anong pahiwatig ko, di niya ako iniiwan.” Sabi niya. “Sana di tayo sumama eh!”
    Ngumisi ako, “Don’t worry. After this party, wala na kayo.”

    Tumingin siya sakin at ngumisi.

    “I have a plan. 😉 “

    Ang di niya alam… mas malalim pa ang plano ko. Wait and see… Makikita niyo ang pagbabago ni Benjamin Jimenez.

    Nagbago dahil nasaktan, magbabago dahil masasaktan. 😀 Iniisip ko pa lang excited na ako!

  • Stage 12Open or Close

    Stage 12.
    kundi ikaw.

    “Hindi ako magtatagal.” Kararating pa lang ni Eliana, yun na agad ang sinabi niya.

    “Hindi naman talaga tayo magtatagal dito.” Sabi ko habang inaayos ang kinulot kong buhok.

    Hinawakan ko ang kamay ni Eliana. Pareho kaming nakasuot ng makikinang na damit. Star studded ang buong party. Daming mga artista. Daming sosyal.

    Inakbayan ako ni Bench nang nakitang pumarada lahat ng photographers sa harapan namin.

    “Yan ba yung real life girlfriend mo, Bench?” Tanong ng isang photographer.

    Ako naman, busy sa ngiti. Ayokong magkaroon ako ng pangit na picture ano! Nyahaha!

    “No, she’s not!” Sumingit si Barbie at hinawakan ang braso ni Bench.

    Hinila niya si Bench kaya heto kami ni Eliana na lang ang magkasama.

    “Sobrang daming paparazzi.” Sabi ko.

    “Ladies and gentlemen, the designer of SeaShore Beach Wears!” Sabi nung emcee.

    Nagpalakpakan kami. Si Benjie Uy pala yung designer nun!

    Habang pumapalakpak kami, nakita ko si Candice! Nakatitig siya kay Bench at Barbie! As planned! Haha! Ako ang nagpapunta sa kanya dito. I know! I’m a genius!

    “Ginugutom ako, lapit muna ako dun ah?” Sabay nguso ni Eliana sa mga pagkain ng party.
    “Sure. No alcohol.”

    Umalis siya at ngayon ay nakatuon ang pansin ko kay Candice, nakatingin kay Barbie.

    Linapitan ko siya. Gagatungan ko ulit. Nagkunwari akong kukuha ng cocktail drinks.

    “Haaay nako. Alam ko, noon pa na ganito ang mangyayari sa pag magkakaroon ng time si Bench at Barbie.”

    Lumingon si Candice sakin. Nag-aapoy ang mga mata sa sobrang inis sa lahat ng nangyayari.

    “Kasalanan mo ‘to. Kung sana di mo inimbita si Bench sa Bora para makapagphotoshoot, hindi mangyayari ‘to.”
    “Hindi ako nag-imbita sa kanya, si Barbie.” Ngumisi ako. “Well… I warned you. So, akala ko di ka dadating.”

    Tinitigan niya si Barbie na may kinausap na ibang designers.

    “Maghihigante ako sa Barbie na yan!”

    Aray ko po! Ibang klase din ang fighting spirit niya ah. Kala niya siguro babalikan siya ni Bench.

    “Hindi ako umaasang magkakabalikan kami ni Bench. Gusto ko lang talagang gumanti sa bruhang yoooon!” Iniwan niya ako at umalis na.

    Candice will do everything for me. HAHA!

    Kumain ako kasama si Eliana. Sinigurado kong lumapit ako sa bawat designer na nakita ko sa loob ng isang oras. Napicturan ng paparazzi with some of my sosy friendly friends. Napicturan din kami ni Eliana pero mailap si Eliana eh. Di siya masyadong interesado sa sport kong social climbing.

    “Pwede kitang maging model!” Click nang click ang isang photographer sa harap ni Eliana.

    Namamangha sa mukha niya.

    “Cousins pala kayo ni Benjamin at Brent? Kaya pala. Magaganda at gwapo yung lahi niyo.”

    Si Eliana naman, ngiting-ngiti.

    Napatingin siya sakin, “Diba ikaw yung girlfriend ni Benjamin? Denise… Gozon?”

    Ngumiti ako ng plastik ulit, “Hindi…-“

    Bago pa ako makipagplastikan sa photographer. Nayanig na kami nang dalawang babaeng nag pupunitan ng buhok!

    “Omigad! Si Candice at Barbie?” Sabi ni Eliana.

    Ako naman… hindi ko maitago ang ngiti! Nyahaha!

    Linapitan namin si Bench na umiiling sa gilid.

    “Let’s go home.” Sabi ko.

    Tinitigan niya ako. Pinigilan ng mga guard si Barbie at Candice. Pareho silang gulong-gulo na ang buhok.

    “Is this your plan?” Tanong niya sakin.

    Nagkibit-balikat ako.

    “It’s Candice’s plan, I made it happen for her.” Ngumisi ako. “Let’s go! Gusto mo na siyang iwan diba?”

    Umalis kami ni Eliana.

    “Eli, puntahan mo na lang muna si Kuya Joe.” Sabi ko nang nakita si Bench na tumitingin lang sakin.

    I know… seryoso na naman ang mukha niya. Kahit na marami siyang pinaglalaruang babae, di parin maalis sa kanya ang pagiging guilty. Hindi pa nagkakalyo ang puso at isipan niya. Patunay ito na may pag-asa pa siyang magbago. Kaya nga sa tuwing may iiwan siyang babae, mas napaparami pa ang iniinom niya, diba?

    “Bench! Uuwi ka na? Don’t go!” Sa likuran nangibabaw ang boses ni Barbie.

    Pinipigilan si Bench na umalis.

    Ako nasa pintuan na. Si Bench nasa gitna namin ni Barbie. Si Candice, napaalis na yata ng guards.

    “Barbie… stop it. Bench will never choose anyone over me.” Sabi ko ng mahinahon.

    Ikinainis ‘to ni Barbie kasi linapitan niya at hinila-hila si Bench para makabalik na sa party.

    Tinaas ko na lang ang kilay ko habang tinitignan si Bench na seryosong nakatingin sakin.

    “You’re not his girlfriend.” Sabi ni Barbie sakin with utmost confidence.

    Ngumisi ako.

    “At simula ngayon, hindi ka na rin niya girlfriend.” Tinalikuran ko silang dalawa.

    Agad namang sinabi ni Bench kay Barbie na, “Denise is right. Barbie, we should stop this. I’m sorry. Good bye!”

    I told you… He’ll never choose anyone over me.

    Inakbayan ako ni Bench papalabas. Naiwan si Barbie doong nakatunganga, di makapaniwalang iniwan siya ni Benjamin Jimenez.

    “Alam na alam mo talagang wala akong pipiliing iba, kundi ikaw.” Seryosong sinabi niya.

    Ngumisi na lang ako.

    “Well except ofcourse kung mainlove ka na…” Sabi ko.

    Tumawa siya.

    “That won’t happen.”
    “We’ll see about that.”

    Ngumisi ako. Hindi ko alam kung sino saming dalawa ang may maitim na balak… kasi pareho kaming di maalis ang ngiti sa mukha.

  • Stage 13Open or Close

    Stage 13.
    Regardless

    “Kung ano man yung plano mo, Denise. Stop it na.” Sabi ni Bench habang nakasubsob ang mukha sa unan.

    Nasa bahay nila ako ngayon. Minsan kasi di siya sa condo unit niya natutulog. Nababagot kasi ‘to dun eh. Tsaka mag-isa lang siya dun. Dito naman sa bahay nila, sina Kuya Joe, ibang body guards. mga maid, mama at papa niya kaya feeling niya masaya. LOL. Minsan bumibisita din ang twins na half-sibs ni Eliana dito kaya naaliw siya.

    “Anong pinagsasabi mo jan? Wake up! Mag gigym pa tayo!” Sabi ko.

    “Mmmm.” Ayun, tulog parin.

    Maayos talaga yung kwarto niya. Malinis. Mahilig kasi si Bench sa malinis.

    “Gusto mo yatang magkabalikan kayo ni Barbie eh!”

    Lumingon siya sakin. Sa wakas, dilat na dilat na ang mga mata!

    “Yoko no!”
    “Bumangon ka na pleaaase?” Hinila ko siya paalis ng kama niya.

    Agad niya naman akong hinila pabalik. Ang lakas ng mokong! Buti na lang at nabitawan ko agad ang kamay niya kaya eto at ako naman angf nadapa sa sahig!

    “Ouch!”
    “Uy!” Agad syang bumangon para iupo ako sa kama niya.

    Binigwasan ko na! Kainis eh!

    Nakangiti pa!

    “Wag mo kasing ayawan ang paghila ko, ayan tuloy nadadapa ka!”

    Tinapon niya pa ang unan niya sa mukha ko at umalis na para maligo.

    “No peeping!” Kumindat pa ang mokong pagkatapos magpalit agad ng tuwalya at pumunta sa bathroom.

    “Ewan ko sayo, Bench! Bilisan mo na diyan!”

    Umalis ako sa kwarto niya at ayun pinakain ako ni Yaya Mariz ng sandamukal na cake. Parang taste test lang ah? May custard, chocolate, black forest at rainbow. Kung anu-ano.

    Yoko talaga dito! Tataba ako at maguiguilty maya-maya sa kinain ko! Kaya ayokong nagpupunta dito. Buti pa dun sa condo ni Bench halos walang pagkain lalo na pag di ko sinasabihan si Yaya Mariz na ubos na yung sa Condo. Si Bench kasi kung makakain kala mo pista. Daming kinakain nun, kaya ewan ko ba kung bakit makisig parin at nakalatag ang abs ng mokong na yun!

    “I know, Denise. I know na may pinaplano ka sakin kaya wag mo akong tignan ng ganyan.” Sabi niya sakin pababa kami sa SUV nila.
    “Ano?” Humalakhak ako. “Ang feeling mo naman!” Umirap ako at nag simula kaming mag gym ulit.

    Hinayaan ko na naman ang mokong na makipag harutan sa limang babae dun sa gym. Concentrate lang ako dito kasi nga dami kong nakain kanina. Bahala ka diyan, playboy ka! Yung plano ko, iniisip ko pa kung paano ko sisimulan!

    Yun naman pala… hindi ko alam na sinimulan na pala ng tadhana! Feeling ko tuloy kambal tuko kami ng tadhana. Lahat yata ng gusto ko’y nasusunod na.

    “What the f-” agad hininto ni Bench ang sasakyan.

    Ako nasa front seat pinagpawisan ng malamig! Ilang segundo ang tunganga ko nang nainis akong bigla!

    May isang babaeng biglang tumawid sa daan papalabas kami sa parking space ng gym at Centro Towers! Agad siyang tumawid! Imbis na sisimulan na naman ang pagharurot ni Bench sa sasakyan! Napalabas kaming dalawa ni Bench para tignan! Pulang pula ang pisngi niya habang tinitignan ang babaeng hindi nasagasaan pero nadapa sa harap ng sasakyan! Ineng ka! Buti na lang nakapagbreak ang prinsipe!

    “Are you okay?” Tanong ni Bench habang tinitignan ang sugatang tuhod ng babae.

    Naka tunganga lang ako dun at hinintay na sumagot ang babae. YUN NAMAN PALA! Hindi yun isang babae lang! It was Jenny Zafra!

    “I-Ikaw?” Pabulong na sabi ni Bench.
    “I’m sorry! Nagmamadali kasi ako e-eh…” Tumayo siya.

    Hiyang-hiya sa pangalawang engkwentro kay Benjamin Jimenez.

    “Ba’t ba kasi bigla bigla ka na lang tumatawid eh!” Sabi ko.
    “Uhh.. Sige ah? Aalis na ako.” Pa ika-ika siyang naglakad.

    “No… Miss… We’ll take you to the hospital.” Sabi ni Bench.
    “Di na. Kaya ko ‘to.”

    Nainis pa si Bench sa pagpapakipot ni Jenny kaya hinila niya ito papasok sa SUV niya. Agad naman akong nagpunta sa front seat para makaalis na kami.

    “Hindi na talaga-“

    Bench closed the door at pinaandar ang sasakyan.

    “You’re hurt! Kailangan kang magamot.” Sabi ni Bench.
    “Pero kasalanan ko naman yun-“
    “Regardless.”

    Tinignan ko ang seryosong mukha ni Bench. Oh hello, Destiny! Iisa ba tayong dalawa! Let the love games begin. Our enemy? the big boss! Benjamin Jimenez.

  • Stage 14Open or Close

    Stage 14.
    Just do it.

    “Concerned ka talaga huh?” Nakangisi kong sinabi kay Bench.

    Kakalabas niya lang sa room kung saan ginagamot si Jenny. Papasok sana ako eh lumabas siya kaya naabutan ko.

    “Concerned ka diyan! Malaman ‘to ni Dad, pagalitan pa ako…” Sabi niya.
    “Ows? Yun lang ba talaga? O may iba pang dahilan?”
    “Anong dahilan ba ang pinagsasabi mo?”

    Nainis yata. Hindi makatingin sakin. Magkasabay kaming pumasok sa room. Kakatapos lang ang paggamot ng nurse.

    “Okay na yan, sir.” Sabi nung nurse at umalis.

    Tumango lang si Bench. He folded his arms while looking at Jenny.

    “Okay lang talaga ako-” Agad siyang tumayo, yun naman pala masakita pa kaya nadapa!

    Agad siyang sinalo ni Bench.

    Ayan na! Nagkakadevelopan na talaga ang dalawa!

    “S-Sorry.”

    Hindi ako makapaniwalang bakas sa mukha ni Bench ang kaba, ilang, at kahihiyan! Hindi ako sanay na makita siyang ganito.

    Nabull’s eye ko yata yung gusto ni Destiny eh!

    “Hey, Dad called me… At… pupunta muna ako ng SM ah? May bibilhin ako. Bench you take her-“
    “Shut up, Denise! Ihahatid kita.”

    “Huh? P-Pero… Dad called kanina…” Pinakita ko ang phone ko.

    Hindi naman talaga tumawag si Daddy. Sinubukan ko lang para talaga maiwan ko silang dalawa… Pero… alam kong di ako magtatagumpay.

    “I know you… Ihahatid kita… and Jenny…”

    Napalingon si Jenny kay Bench.

    “Ki-Kilala mo ako?” Tanong ni Jenny.

    Nagtataka. Pati ako nagtataka.

    “O-Oo.” Ayan na naman.

    Bench is stuttering! I can’t believe this! There’s something weird!!! I know there is.

    “Lika na… Ihahatid ka namin ni Denise.” Utos niya kay Jenny.

    Umalis na si Bench kahit na inaayawan nitong si Jenny.

    “Lika na… Sumama ka na lang! Pakiramdam niya, kasalanan niya ang nangyari kaya hayaan mo na.” Ngumisi ako kay Jenny at naniwala naman.

    Pareho kaming sinundan si Bench na nakalagay langa ng mga kamay sa bulsa.

    “Denise Cordelia Gozon.” Naglahad ako ng kamay.

    “Lam ko… Kilala na kita. Mga boys kasi sa classroom ikaw yung idol… Tsaka, bestfriends kayo ni Ara Cruz at ni Eliana?”

    LOADING… AH oo nga pala! Taga Affaires to kaya kilala si Ara Cruz. Tapos classmate niya pala si Eli.

    “Yep… And he’s…”
    “Benjamin Jimenez…” Siya ang dumugtong. “The notorious playboy and heartbreaker.”

    Pinagbuksan siya ni Bench ng pintuan ng sasakyan.

    “Get in.” Sabay nguso sa loob kay Jenny.
    “No thanks-“
    “Muntik kitang nasagasaan kaya nararapat lang na gawin ko sayo ‘to.” Seryosong sinabi niya. “You’re nothing special so just get in.”

    WHOA! Ang alam kong Bench ay malambing dumiskarte! Ba’t parang inis siya ngayon at ang harsh makapagsalita!?

    “Alam ko. Pero talagang ayos lang ako. Ang totoo, ako yung may kasalanan kasi bigla akong tumawid-“

    Katahimikan.

    “Just do it.” Sabi ni Bench.

    Tinulak ko si Jenny sa loob para matapos na. Pumasok naman siya. Pagkasara ng pinto. Binulong ko na lang sa naiinis na si Bench ang…

    “Defensive…”

    Walang imik ang prinsipe ninyo at pinagbuksan ako ng pinto. Hindi na ulit tumingin sa mga mata ko.

  • Stage 15Open or Close

    Stage 15.
    dahil yun ang gusto mo

    “Diyan lang ako sa kanto. M-may bibilhin lang ako sa Powerbooks eh.” Sabi ni Jenny kay Bench.

    Niliko naman ni Bench patungo dun sa kantong sinasabi niya. Malapit sa SM.

    “Huh? Hihintayin ka na namin… Ihahatid ka ni Bench sa bahay niyo.”

    Tumingin si Bench sakin. Ansamang makatingin! Parang tinutusok-tusok ako ng mga mata niya.

    “Stop it, Denise.” Kalmado niyang sinabi at hininto ang sasakyan sa kantong sinabi ni Jenny.

    Lumingon si Bench kay Jenny.

    “S-Salamat.” Sabi ni Jenny umaambang aalis na.
    “Bench! Ihahatid mo pa diba?” Sinenyasan ko siyang umoo na!

    Ayaw talaga akong sundin! Minsanan lang ‘tong umaangal siya lalo na pag involve ang isang babae. I smell something fishy na talaga huh!

    Tumingin si Bench kay Jenny. Bibigay na yan! Bibigay na yan! Muntik na niyang yayaing ihatid si Jenny!

    “Wa’g na. Salamat talaga ng marami… Uh… Denise… Gozon… and Benjamin Jimenez.” Ngumiti si Jenny at umalis na agad.

    Halatang ayaw bumuhol pa lalo ang buhay ngayong nagkaroon na ako ng interes sa kanya.

    “What’s your problem?” Tanong agad ni Bench pagkaalis ni Jenny.
    “What’s YOUR problem.” Suminghap ako. “Ako dapat ang nagtatanong sayo niyan eh. She’s pretty, cute, makinis, sikat, at bata. Ba’t mo inayawan? Amoy na amoy ko na ang bago mong biktima eh!”
    “Anong bagong biktima? She’s nowhere near my type. Why do you think so?”
    “Whut? Bakit? Noong naging girlfriend mo si Camille Montenegro, Tina Tiu and etcetera, parehong pareho sila ng description ni Jenny. Anong pinagkaiba nila?”

    Umiling siya. Nandito parin kami sa kanto.

    “Is it because she’s kind? Looks too kind? Eh ganun din yung mga naging ex mo. Although I admit na mayroong mga liberated, but most of them ganun talaga. Whats so special about her?”

    Umiling ulit siya.

    “Alam ko na…” Ngumisi ako.

    Napatingin siya sakin. Seryosong mga mata. Halatang may lightbulb sa ulo kong nakabalandra. At alam niya na yun di ko palang sinasabi…

    “Natatakot ka kasi baka mainlove ka sa kanya. Kasi… unlike your exes, wala siyang interes sayo… wala siyang interes sa lovelife… natatakot kang maapakan yung pride mo. The first girl ever who rejected the great prince!”

    Na-carried away ako sa lightbulb sa utak ko. Hindi ko namalayang hinarurot niya na naman ng 100kmph or more ang SUV nila. Overspeeding.

    “Okay! okaaay!” Agad kong sinoot ang seatbelt ko.

    Buti na lang at nag stop sa trafficlight. Suminghap ako. Jusko! Dinig na dinig ko ang kawawa kong puso muntik ng magkaheart-attack sa ginawa niya!

    “Bench naman!” Sinapak ko na.

    Seryoso parin ang mukha.

    “Don’t drive that way!”

    Nag go… mejo kalmado na ang pagd-drive niya ngayon.

    “So what do you want me to do?” Nakatingin lang siya sa daanan.
    “Well… nothing.” Halos mangiti na ako habang pinaglalaruan ko ang buhok ko, parang naglalaro lang ng telephone wire.
    “Nothing? Kung may gawin man ako, hindi dahil maapakan ang pride ko… Kundi, dahil yun ang gusto mo.”

    Napatingin ako sa labas. Di ko na talaga mapigilan ang ngisi ko. YEEEEEEEEHESSS NAMAN!

    “Wala akong inuutos sayo…” Sabi ko.

    Hindi ko alam kung bakit pero bigla kong narealize na di ko na siya uutusan ngayon. Ayokong makipagrelasyon siya dun dahil sa utos ko. Gusto kong mainlove siya ng tunay… inutos ko man o hindi.

    Pero alam kong sa huling sinabi ko… alam niya na kung anong gagawin niya.

    “Okay, if that’s what you wish.”

  • Stage 16Open or Close

    Stage 16.
    Deal!

    Akala ko talaga isasagawa na ni Bench ang mga plano ko sa sumunod na mga araw. Pero di naman pala… Ngayong araw na ‘to, limang beses ko siyang nakitang may kasamang iba-ibang babae.

    Napailing na lang ako nang nakita ko siyang tinitilian ng mga babae. Ewan ko kung saan siya papunta.

    “Bench again… but alone.” Sabi ni Eliana habang nginunguso si Bench.

    Agad kong niligpit ang nakalatag na gamit ko sa cafeteria. Hinila ko si Eliana.

    Alam niyo kasi, gumagana na naman ang above average kong utak. Nakita kong papunta si Jenny kanina sa lockerroom. At ngayon, si Bench at mapapadaan doon.

    Sinundan namin si Bench.

    “Wh-What are you doing-“
    “Shhhh?” Napa-tiptoe na rin si Eliana habang sinusundan namin si Bench.

    Ang sasama pa ng tingin ng mga nakakita samin. Buti na lang at pagkarating namin malapit sa lockerroom wala na masyadong tao.

    “Oppps!”

    Nagtago kami ni Eli. OMG! Nagkabanggaan na naman ang dalawa! Si Jenny at Bench! As innn!

    “Hindi ko na talaga kailangang mag plot ng scenes ah?” Nakangisi ako habang nag e-eavesdrop at sumisilip.

    “Ikaw na naman…” Sabi ni Bench.
    “Sorry. Hi-Hindi ko naman sinasadya.”
    “It’s okay… basta ba di mo ako binubuhusan ng kung anu-ano.” Ngumisi si Bench sa kanya.

    And in return, binigyan lang siya ng nagtatakang mukha ni Jenny.

    Aalis na sana si Jenny nang…

    “Kilala mo ako, right?” Maangas na tanong ni Bench.

    Kapal muks! Pero yes! May right siya! Enough said…

    “O-Oo.” Nahihiyang sagot ni Jenny.
    “Bakit?”
    “Tinatanong pa ba yan? Of course everyone knows you. Benjamin Jimenez. Daming nagkakandarapa sayo.”
    “HAHA.” His evil laugh. “Bakit?”
    “Kasi nga diba… gwapo… magaling dumiskarte… at iba pa.” Umiling si Jenny. Para bang galit.
    “So sinasabi mong gwapo ako?”

    Natigilan si Jenny.

    Tinigilan ko din ang pagsilip ko. Sumandal na lang ako sa wall na pinagtataguan namin ni Eliana.

    “No. No… Bench.. Jenny is a good girl.” Bulong ni Eliana na nagtatago kasama ko.

    Masama na ang mga tingin niya sakin. Sigurado akong alam niyang inutusan ko si Bench. Pero di ko naman siya inutusan diba? Tsaka… di naman sinasadya ang pagakakataong ito? Diba?

    “Oo.” Sabi ni Jenny na may galit sa boses. “Pero kung ako ang mga babaeng nagkakandarapa sayo, di ako magpapaloko. Kasi alam kong wala silang patutunguhan. Paiinlabin mo lang sila at iiwan. Mga tanga na kasi ang mga babae ngayon eh… Pumapatol pa sayo.”

    Umalis agad siya pagkatapos niyang sabihin ang mga iyon.

    Hinila ako ni Eliana papunta sa nakatungangang Bench!

    “HAHA! Sabi ko na nga ba eh! Di magpapaloko si Jenny sayo… kaya stop it couz! Nakahanap karin ng katapat mo!” Tawa nang tawa si Eliana habang si Bench naman ay mukhang duguan ang puso.

    Nakatunganga parin siya sa kinatatayuan niya.

    “Huh? What are you talking about? Ni hindi ko pa nga siya pinopormahan eh.” Pasikat niya.

    Tumaas ang kilay ko. HAHA! Sabi na nga ba. Maapakan ni Jenny ang pride ni Bench.

    “Oh yeah? Sige nga Bench! Show me what you got!”

    Tinitigan niya ako ng seryoso.

    “Uy! you two, stop it na! I know! I know, Bench… Kaya mo na nga kahit sino. Just not Jenny. Please?” Nagmakaawa pa si Eliana.

    “Admit it, Bench. Hindi mo kayang paibigin si Jenny.” Evil grin.

    Mas lalong tumalim ang mga tingin niya sakin. Tapos ngumiti…

    Nawala na lang bigla ang momentum nang may narinig kaming tili kung saan!

    “Ano yun?” Eliana said.

    Napalabas kami ng building. May nakita kaming ilang mga lalaki na may hawak-hawak na tig-iisang letters. W-I-L-L Y-O-U B-E M-Y D-A-T-E? Ang nakahawak ng question mark ay si Yuan Tan. Isa sa mga popular gwapong filipino-chinese sa school.

    At yung inalok niya? Si Tanika Uytingco. Isa sa mga hukbo ko dito.

    “Congratulations! Woooo! Tanika!!” Sigaw ko nang tanggapin ni Tanika ang mga roses galing kay Yuan.

    “This early?” Sabi ni Bench.

    Early kasi February pa ang Yearly Ball ng school namin. Tulad ng sister school nitong Affaires, may Yearly Ball din ang school namin. August pa lang ngayon at yinaya na ni Yuan Tan na maging date si Tanika sa Yearly Ball naming sa February pa.

    “Of course, baka maunahan.” Sabi ko.

    Paglingon ko kay Bench, narealize kong kaming dalawa na lang pala…

    “Where’s Eliana?” Tanong ko.
    “She left.”
    “What? Why?”

    Nagkibit-balikat si Bench.

    Tapos tinignan ko ulit ang proposal ng… I should say… hindi gaanong happy-looking na si Yuan Tan. Umo-o si Tanika pero parang byernes santo lang ang mukha nitong si Yuan. Hmmm. I knew it. This isn’t voluntary. It’s tradition… Chinese people.

    “You should prepare a surprise for Jenny, Bench. Yung mas sweet nito.” Sabi ko.

    “Why are you so into… Jenny?” Tanong niya.

    Ngumisi lang ako.

    “Para maiba naman.”
    “Huh?” Umiling siya. “Okay… If I get what you wanted… anong kapalit?”
    “Then I’ll stop talking about Jenny. Tapos pwede mo na din siyang tigilan.”
    “Okay. Deal!”
    “Deal!”

    YES!!! So… gagapang na si Bench sa hirap kay Jenny! Eto na ang exciting! HAHA.

  • Stage 17Open or Close

    Stage 17.
    This is a nice movie

    Kung akala niyo ay pinalagpas ko yung scene ni Eliana, nagkakamali kayo. Pinabantayan ko siya sa mga galamay ko. Alam niyo namang matagal na akong naweweirduhan sa kilos niya.

    Kinakabahan tuloy ako, alam niyo naman ang sitwasyon niya diba?

    “Hey Denise!” Naaninaw ko ang maaliwalas na pagmumukha ni Bench.

    Dahil preoccupied ako sa pagpapastalk kay Eliana nitong mga nakaraang linggo, hindi ko na namamalayan ang development sa mga pinaggagagawa nitong si Bench.

    “Hello!” Ngumiti ako pagkatapos kong isarado ang librong binabasa sa library.

    “Kukunin ka ba ng driver niyo mamaya?” Tanong niya.
    “Siguro… Bakit?”

    Nagkasundo kasi kami kahapon na siya ang maghahatid sakin ngayon kaya siguro nagtatanong. Lagi namang ready yung driver naming kunin ako, kaso lang, minsan tinatanggihan ko kasi hinahatid ako nI Bench.

    “Can’t take you home later.”
    “Why?”
    “Kasi pupuntahan ko si Brent. Makikipag-inuman.”

    Yung pinsan niya na namang patay na patay sa isang babae. Ang alam ko, last birthday nun, naghanda ng bonggang proposal doon sa kinababaliwang babae. Then it turned out na iba yung nagpunta sa place. Another girl. Kaya nabigo… Ayan tuloy!

    “Okay? That problem again…” Sabi ko.
    “Yep!” Tumango siya at umalis na agad.

    Hmmm. Akala mo Bench, huh? I can see through you.

    Sinundan ko siya. Parang stalker lang huh? Hindi ako makapaniwalang sa gazebo na halos wala ng tao ko siya makikita.

    Wait?! Akala ko ba pupunta siya kay Brent? Nandito ba si Brent?

    Sabi na nga ba.

    “This is a nice movie.” Sabay abot niya sa isang flashdisk sa naghihintay na si JENNY!

    Yes! Muntik na talaga akong mapasigaw sa di malamang kadahilanan! I can’t believe this!!!

    Sa laptop ni Jenny, nanood sila ng isang romantic movie! Wala namang kahit anong gesture na nagsasabing sila na. Nakaupo lang sila dun, sharing earphones and watching that stupid movie. Freakin korny!!!

    Napatakip talaga ako sa nakanganga kong bibig. Hindi ako makapaniwala. Alam kong ginusto ko ‘to. Pero may kung ano saaking nabigo.

    Ba’t nagsinungaling si Bench sakin? Pupunta daw siya kay Brent diba? Ngayon, nandito siya? WTH?

    Alam niyang magugustuhan ko kung magkakaigihan na sila ni Jenny, kaya dapat sinabi niya sakin ‘to imbis na ilihim diba?

    Ano ang maaring dahilan niya para ilihim sakin ang bagay na ‘to? Wala akong maisip eh.

    Umalis ako doon dala ang maraming tanong sa aking sarili.

    2 weeks since our deal. Not as fast as other girls pero nagawa niyang kunin ang loob ni Jenny.

    O… baka naman… si Jenny ang nakakuha sa loob niya?

  • Stage 18Open or Close

    Stage 18.
    I’m trying to protect her

    Sa sobrang inis ko, nalimutan kong ako yung nag utos sa kanya para igirlfriend si Jenny. Nakalimutan ko rin yung mga impormasyon ko sa kay Eliana.

    “Hello-“

    Sinapak sapak ko na si Bench nang nakita ko siya the next day.

    “A-Anong problema mo?!” Hindi niya na nakayanang pigilan ang pagtawa.

    Naka ekis pa yung braso niya para panangga sa mga sapak ko.

    “Walang hiya ka! Walang hiya ka!”

    Tawang-tawa siya sa reaksyon ko. Ganito talaga kami. Minsan nga sinusuntok ko na eh.

    “May pa Brent-Brent ka pang nalalaman! Yun naman pala, si Jenny ang pinagkaabalahan mo!” Sinapak ko ulit!

    “Ohhhh! Cool ka lang!” Tawa. “Akala ko ba yun ang gusto mo? Nagseselos ka na?”
    “Selos? Mukha mo! Ang akin lang eh ba’t di mo sinabi saking si Jenny pala yung pinagkaabalahan mo? Ba’t kailangan mo pang magsinungaling!?”

    Tumawa siya ng tumawa. Grabe! Anong nakakatuwa dun?

    “Hindi ako nagsinungaling! You can ask Brent. Talagang pinuntahan ko siya after naming manood ni Jenny ng movie…”
    “Ba’t di mo sinabi sakin?”
    “You didn’t ask me…”

    Nagkibit balikat siya.

    Huminahon naman ako dun sa sinabi niya.

    “Stalker ka na pala ngayon?”
    Sinapak ko ulit. “Tigilan mo ako ha!”
    “Oooy, easy… easy…”
    “As punishment, sasamahan mo ako mamaya sa pagsho-shopping, gagawin kitang alalay.

    Every month may isang araw akong ‘shopping day’. Pinag-iipunan ko yan ah at dinagdagan lang ni mommy at daddy. Kailangan ko talagang pag-ipunan kasi ang mamahal ng taste ko. Pag pupunta ako sa Forever21, yung nagugustuhan ko usually yung mga pinakamahal. Kaya hayan at kailangan kong mag ipon ng pera para diyan. Noon, si Ara Cruz ang sinasama ko, ngayon busy na siya dahil sa boyfriend niya.

    “Weh? As punishment? Eh buwan buwan mo akong ginagawang alalay kahit wala akong kasalanan-“
    Sinapak ko na ulit.
    “Bayolente nito masyado oh. Sasama naman ako… Tama na.” Humahalakhak parin ang baliw.

    Dahil di na ako makapaghintay ng Sabado para mamili, pagkatapos ng school, dumiretso na agad kami ni Bench sa Ayala. Namili na agad ako.

    Nagpapasalamat ako at walang sawa talaga ang mokong sa pagsama sakin tuwing nagsho-shopping ako. Baon na baon siya ng mga shopping bags at kung anu-ano pa.

    “Convenient.” Ngumisi ako habang binigay sa kanya ang mukhang pangsampung bag galing Mango.

    Ngumiti naman siya. Aminado akong gwapo ang mokong. Walang plastikan dito ah? Kanina pa yan kinukulit ng mga tindera at may nagpaparamdam nang mga babae diyan habang namimili kami pero parang may kakaiba sa kanya.

    “Kamusta na nga pala kayo ni Jenny?” Tanong ko.
    “Okay lang…” Wala siya sa sarili sumagot.

    Tumitingin sa mga damit.

    “Wala parin bang development? Almost three weeks na ah? Antagal naman yata.” Sabi ko.
    “I told you, she’s not the type of girl na usual kong dinidate.”
    “Pero may development naman? I mean, nagugustuhan ka na niya?”
    Nagkibit-balikat siya, “Ewan ko. I mean… It doesn’t really matter to me.”

    Hindi ko matikom ang mga bibig ko pagkasabi niya nun. Ngumisi na lang ako. Siya hanggang ngayon, wala sa sarili kung makapagsalita.

    “Na-iinlove ka na yata sa kanya eh!” Sabi ko.
    “Its not hard to like her. She’s simple, pretty, jolly at mabait.” Tinignan niya ako. Seryoso.

    Hindi ko na lang kinulit ulit. Mukhang seryoso na yata ang prinsipe niyo ah!? Then… good for him diba! Ano siya ngayon? Utang niya pa sakin ang lahat kung ganun nga diba?

    Pero teka, 3 weeks na silang magkasama lagi pero walang rumors na kumalat. Hmmm…

    May tinitigan akong damit! Sayang, huli ko na ‘to nakita. Ayan tuloy nakabili ako ng iba kanina. Ganda pa naman nito! Di hamak na mas maganda kesa sa ibang pinamili ko.

    “We’ll take it.” Sabi ni Bench sa tinderang nakaabang.

    Kinuha niya sakin ang damit.

    “Huh?”

    Binabayaran niya na.

    “Kung gusto mo pati buong mall bilhin natin eh.” Ngumisi siya.

    Umangal ako. Gusto ko yung damit pero ayaw kong parang nagkakautang ako sa kanya kahit na mukhang ilang milyon na talaga ang utang ko sa kanya. Ganyan talaga si Bench. Swerte ang mga naging girlfriend niyang materialistic dahil sa mga regalong binibigay niya. Pero walang makakatalo sa mga binibigay niya sakin.

    “Peace offering.” Kumindat siya. “Kumain na tayo?”

    Tumango naman ako sabay nag, “Thanks!”

    “Uhmm, kanina ko pa ‘to iniisip. Sa halos 3 weeks na pagdidiskarte mo kay Jenny, napansin kong wala pang tsismis tungkol sayo. Dapat sana, ngayon, hot topic na kayo lalo na sa school… hmmm. Bakit kaya.”
    “I’m trying to protect her, Denise… Ayokong bigla na lang siyang pag-usapan. She’s a very private person, you know.”

    Now… no doubt. Your prince is in love… with Cinderella…

  • Stage 19Open or Close

    Stage 19.
    Ang Bench na single

    “So today… Bench is most probably out there with Jenny?” Tanong ni Eliana sakin habang umiinom ng frappe.

    Pa sway-sway pa ang bag niyang Balenciaga habang naglalakad kami sa school. Kasama namin ang mga friends kong sina Nina at Abby.

    “Oo.”

    Sinabi ko sa kanya ang lahat ng mga nalaman ko tungkol kay Bench. Syempre, di ko hinayaang marinig ako nina Nina at Abby, baka ipagkalat pa ng mga ingrata.

    “Hindi pwede yun! Hindi pwede! Ayoko!” Sabi niya.

    Tumigil siya sa paglalakad.

    “Ba’t worried ka? Dahil kay J? Eh…” Tumingin ako kay Nina at Abby na parehong nagchichikahan tungkol siguro sa mga boyfriend nila. “Eh hindi ka nga sigurado kung si J yung maiinlove sa kanya. Baka nga… si B pa eh!”
    “Guguho na siguro ang mundo kung mainlove pa yun.”
    “It happened before… it may happen again.” Sabi ko at nagkibit balikat.

    Umiling si Eliana tapos…

    “Alis na ako… Have papers to do-“
    “Wait! Wait lang!”
    “Byeee!” Umalis na agad siya.

    “Hi!” Bigla namang dumating si Tanika.

    Wait a minute… May na se-sense yata ako. Hindi ako top one sa klase para wala lang. Hindi ako genius, pero street smart ako.

    “Congrats nga pala ah!” Nagtilian sina Nina at Abby.

    Blooming ang lola niyong si Tanika. Di pa yata nakamove on sa proposal ng date ni Yuan. DATE pa lang yan ah? Di na makamove-on, ano pa kaya kung pagiging girlfriend na? After how many weeks, ngayon lang nagpakita eh. Artista na agad. Napanood kasi sa Youtube yung proposal kaya nahihiya dawng lumabas at magpakita sa publiko. Ingrata! Akala mo naman sikat na? Ikaw yung babae sa Youtube… yun lang ang alam ng mga tao… Hindi nila alam ang pangalan mo kaya wag masyadong feeling!

    Ang bitter ko talaga. Nyahaha!

    Pero… Yehes naman! May nasesense ako…

    “Kelan magiging kayo?” Tanong ko kay Tanika.

    Di pa nga natatapos sa chika niyang kay dami-dami, inistorbo ko na agad.

    “H-Hindi ko pa alam.”
    “Baka naman may ibang babae yang si Yuan.” Sabi ko.
    “Denise naman, ang bitter nito!” Sabi ni Nina. “Wa’g namang ganyan. Kung may iba man si Yuan… ba’t si Tanika ang yinaya niyang makadate?”
    “Well… you can never tell. Baka naman taga ibang school ang gusto ni Yuan kaya di niya mayaya. O baka naman… hindi chinese?”

    Tama. Yun ang duda ko. Umalis si Eliana pag propose ni Yuan Tan kay Tanika. At sigurado akong umalis siya ngayon dahil nakita niyang papalapit si Tanika. Siguro malikot ang pag-iisip ko pero wala namang masama kung pagdudahan ko yun diba?

    “Huh? Imposible naman yata.” Umiling si Abby.

    Saming tatlo, ako lang ang walang lovelife.

    “Ang bitter nito. Magkalovelife ka na kasi!” Sabi ni Tanika.
    “I don’t need a man.” Sabi ko. “Kaya ko namang mabuhay ng walang lovelife, ieenjoy ko muna ‘to. Kasi alam kong pag magkakalovelife na ako, mamomroblema lang ako sa walang katuturang mga bagay.”

    Sumimangot talaga silang tatlo. Alam kong panira talaga ako ng moment lalo na paglovelife.

    “Palibhasa yung mga kilala mong lalaki halos players lahat kaya di kita masisisi. Yung pinakaclose mo pa ang sobrang heartbreaker!” Sabi ni Abby.
    “Bakit, Abby? Kung liligawan ka ni Bench ngayon, hindi mo ba iiwan yang ka fling mo?”

    Natahimik si Abby.

    “See? Hindi players ang problema… Yung mga kokote talaga ng mga babae. Yun ang problema.” Umiling ako.

    Tapos biglang sumulpot si Bench. Naglalakad siya galing gate papunta yatang cafeteria. MAG-ISA.

    “In speaking of Bench, mag iisang buwan na wala parin siyang girlfriend. Bakit? Nasaktan ba siya sa kanila ni Barbie?”

    Halos matawa ako. NASAKTAN? BARBIE?

    Para siyang lumulutang habang naglalakad. Itim na v-neck ang soot. Binigay ko yan sa kanya noon. Mas lalo siyang hot kung yan ang susuotin niya.

    “Ang Bench na single… ay mas lalong attractive. Alam mo yun? Lonely boy na kay gwapo.” Sabi ni Nina.
    “Yeah right…”

    Kung alam niyo lang… May babae siyang kinahuhumalingan. Jenny. Next mission? Alamin ang mga detalye straight from her mouth! Bring it on!

  • Stage 20Open or Close

    Stage 20.
    So… you’re here…

    *Krrriing-ting-tong-Krrriiiing*

    Bench is calling.

    Inayos ko ang glasses kong pa effect lang. HAHA. Binili ko ‘to nang nagshopping kami ni Bench. Para mukhang bookworm kuno.

    Hindi ko sinagot ang tawag ni Bench. Hahanapin lang ako nun, kung malaman niyang nandito ako… sigurado akong maggagalit yun. HAHA!

    Sweet Leaf ang pangalan ng milktea shop kung saan tumatambay si Jenny Agatha Zafra. Nasa next table siya. Seryosong nagbabasa ng comics? Manga? Ewan… Basta yung mga may anime na mukha. Mag-isa.

    Ako naman… seryoso din dawng nagbabasa ng Paulo Coehlo. NYAHAHA. Tinigilan ko na kasi inaantok ako. May glasses pa akong peke kaya tumayo ako at nag CR. Pagkatapos…

    “Uh… Pwede makipagshare ng table sayo?”

    Tumingala si Jenny sakin at tinignan ang mga bakante table.

    “Naiinip kasi ako kapag mag-isa lang ako. Ayokong maging lonely.” Sabi ko. Halos matawa na ako.

    Ang sagwa ko!

    Ibinalandra ko ang aklat ni Paulo Coehlo para ma kumbinsi pa siya.

    “O-Okay, Denise.”

    Ngumiti ako. Ngumiti din siya. Nagbasa ako ng aklat for about 5 minutes…

    “Haaay! Sakit ng mata ko.” Sabi ko.

    Tinignan niya ako at balik ulit siya sa pagbabasa.

    KSP ako masyado… Tinignan ko ang book cover niya, talagang nagpahalata ako!

    “Anime ba yan?” Tanong ko.

    Halatang naistorbo ko siya, “Manga.” Sabi niya.
    “Ahhh… Hilig ako ng mga ganyan nung highschool!” Sabi ko.

    Sinarado niya ang aklat at tumingin sakin ng nakangiti. Patay! Mapapasubo yata ako. Pero walang sundalong pupunta sa gyera ng walang armas!

    “Talaga? Ano yung binabasa mo?”
    “Nung highschool? Marami yun. Nanonood pa nga ako ng anime eh. Gundams… etcetera.”
    “Talaga? Di nabanggit sakin ni Bench yun ah!”

    HUH? BINABANGGIT BA YUN DAPAT?

    “Gusto ko rin yung Gundam Wing… Gundam Seed! Sobra!”
    “Oo nga… Ako rin.” Napalunok ako. “Crush ko si Kira.” Wikipedia 😉
    “Ako din!” Excited siya.
    “Nanonood ba kayo ni Bench ng gundam?” Sabi ko bigla…
    “Hindi naman… Di yun mahilig eh.”
    “Ahhh! oo nga.” Ngumiti ako.
    “Di ko alam na mahilig ka pala dun.” Sabi niya sakin. Puppy eyes.

    Her innocence kinda reminds me of… someone…

    “Oo eh. Watch din kayo ni Bench nun! Para masaya!” Sabi ko.
    “Naaah! Ayoko.”
    “Ba’t naman?” Tanong ko with the sarcastic worried face.
    “Di niya type yun… Mga girls type nun.” Sabi niya habang umaambang magbabasa ulit.
    “Huh? Di… Nagbago na yun.”
    “Nagbago? Di magbabago ang mga tulad niya.” Sabi niyang ikinabigla ko.
    “Nagbago nga yung pinsan niyang si Brent dahil sa isang babae eh.” Sabi ko.
    “Well… kung totoo man yun, good for him. Tsaka… oo, siguro magbabago din si Bench…” Tumango siya habang umiinom ng milktea.
    “Hmmm. Kung mainlove yun.” Sabi ko.

    Halos mabilaukan siya sa sinabi ko.

    “Alam mo feeling ko kasi… naiinlove na siya sayo.” Sabi ko. Seryoso. No plastik. Mejo lang. hihihi.
    “What? For 1 month? Impossible!” Tumawa siya.
    “Oo. Alam mo yun, di nawawalan yun ng girlfriend… Ngayon lang siya nagkaganyan.” Seryoso ulit.

    Yung mukha niya… skeptical. Tumatawa-tawa pa.

    “Whatever it is… I’m sure… gusto niya lang ng ibang challenge. Siguro wala pa siyang naging girlfriend na tulad ko.” Umiling siya.
    Tumango naman ako. “Ilang taon na kaming magkaibigan ni Bench. We’re superclose… kaya alam ko ang halos lahat ng iniisip niya.” Sabi ko.
    “Halos pa lang… hindi lahat…” Ngumiti siya. “Baka nga ikaw yung gusto niya… di mo lang alam. Di nasali dun sa ‘HALOS’ lahat ng iniisip niyang alam mo.”

    Nalito naman ako dun. Lalim ng babaeng ‘to. LOL

    Nagkibit-balikat ako. “But I know its possible… na inlove siya sayo.”

    Katahimikan.

    “Ang pakiramdam ko… hindi.” Aniya. “Pero… sigurado akong walang pag-asa kaming dalawa… coz I hate players…” Seryoso.

    Tumaas ang kilay ko dun… Ilang sandali akong tumunganga habang nagbasa ulit si Jenny.

    “So… you’re here…” Sabi ni Bench.

    Nabigla ako at natunton niya. Kinuha pa ang glasses kong peke.

    “What’s that? nerd look?”

    Pinandilatan ko. Tumawa si Bench.

    “You stalker.” Sabi ko.
    “Look who’s talking!” Tumawa siya.

    Talagang umexit sa eksena ‘tong si Jenny! Pero kitang-kita ko ang paghila ni Bench sa mga braso niya.

    “I told you I’m gonna fetch you tonight, ayt?”
    “You don’t have to.” Sabi ni Jenny.

    Nagtinginan silang dalawa… Napabuntong-hininga si Jenny at…

    “Ang kulit mo…” umiling siya at pumayag.

  • Stage 21Open or Close

    Stage 21.
    Don’t worry, Denise

    Di daw magpapaloko kay Bench pero nagpapahatid naman!

    Ingrata din ang isang ‘to. Pero di kasing ingrata ng iba. Pagkahatid… agad…

    “Bye. Salamat!”

    Hindi na hinayaang buksan ni Bench ang pintuan para sa kanya. Parang nagmamadaling umalis sa sasakyan ni Bench. Ako naman ang nasa likuran.

    “W-Wait!” Pipigilan sana ni Bench pero di ko hinayaan.

    Sinundot ko siya bago pa siya makapagsalita.

    “Hayaan mo na nga lang yun.” Sabi ko.

    Tumaas naman ang isang kilay niya at tuluyan ng pumasok si Jenny sa loob.

    “You’re weird. Akala ko ba gusto mong i-pursue ko siya.”
    “I can’t believe na nasa likuran ako this time!” Sabi ko binalewala ang sinabi niya.

    Nag-aalburoto ako pero agad nag punta sa front seat.

    “Saglit lang naman yun eh!” Sabi ni Bench. Tumatawa. “Tsaka! Ano bang plano mo at nakipag-usap ka talaga sa kanya!?”
    “And I can’t believe na alam mo na kung saan ang bahay nina Jenny.” Umalis na kami at tumingala ako sa laki ng bahay nina Jenny, binalewala ang tanong niya.
    “Lagi kang nag ch-change topic.” Sabi niya ngumingisi. Kitang kita yung dimples niya.
    “Well… I just want to know some things…” Hehe… Ngumisi din ako.
    “Things like what?”
    “Like… kung gusto mo siya. Sabi niya ayaw niya sayo… pero… I don’t think so… Actions speak louder than words.”

    Tumawa lang siya.

    “Saludo na talaga ako sayo! Playboy of the Year!” Tahimik parin siya.

    Natahimik narin ako at tumingin lang sa daanan.

    “Seryoso ka na ba kay Jenny?” Seryosong tanong ko.

    Tinignan niya rin ako ng seryoso.

    “Ba’t mo natanong?” Tanong niya.
    “Tinanong kita, sagutin mo ako… ba’t mo ako sinasagot ng tanong din?” Umirap ako.
    “Eto naman oh! Masyadong high blood!” Tawa niya. “Eh ano naman ngayon kung seryoso ako?” Tumaas ang isang kilay niya.
    “Edi masaya!” Tumawa ako! “Seryoso na si Benjamin Jimenez! YES!”

    Hahaha! umiling siya. Totoong masaya pero narealize kong kung magseryoso siya, mawawalan ako ng Bench… Ang Bench ni Denise… Alam niyo yun? Wala ng maghahatid sakin pauwi. Siguro pati pagsama sa shopping, wala na. Hindi naman pwedeng isama namin si Jenny. Tsaka yung pag gi-gym, wala na akong kasama. Sa bar, si Eliana na lang ang kasama ko. At maari pa siyang mawala sakin kasi baka may boyfriend na yun. So… ako na lang mag-isa.

    Kaya ko namang mag-isa. Lonely pero kayang-kaya parin… Napabuntong hininga ako habang tumitingin sa labas. Nagtatraffic ang mga sasakyan.

    Somehow, thinking about it… makes me feel sad… I don’t know which part is sad, being lonely or not having Bench around.

    “Akala ko ba masaya ka.” Sabi niya bigla.

    Seryoso ang mukha. Traffic.

    “Ba’t parang byernesanto?”
    Sinimangutan ko siya, “Huh? I’m just thinking…” Sabi ko.
    “Thinking about what?”

    Natahimik ako.

    Nagkatinginan kami… We can’t be together, anyway. And I don’t love him, anyway. I don’t even like this playboy.

    “Thinking about how you’ll be sad and lonely without me?” Sabi niya, seryoso padin ang ekspresyon.

    Lumakas ang tibok ng puso ko. Kinabahan ako dahil hindi ko alam kung paano niya nalaman ang laman ng isipan ko.

    “Hindi no! Iniisip ko lang yung nalalapit na finals natin. Mags-study na ako mamaya.” Sabi ko. “Ewww! Wa’g ka masyadong assuming.” Sinapak ko na.
    Tumawa na siya, “Of course you’re Denise Gozon. Hindi mo yun aaminin!”
    “Ang feeling mo! Ang feeling-feeling mo!”

    Hinarurot niya ang sasakyan! 100kmph ulit!

    “Kainis ka, bwisit!” Napamura talaga ako pagkarating sa bahay at agad tinanggal ang seatbelt.
    “Don’t worry, Denise…” Sabi niya pagkalabas ko ng sasakyan. “I’ll never be far from you, kahit na ilang beses mo akong utusan.” Kumindat siya at humarurot paalis.

    Isa lang sa mga salita niyang panama talaga sakin. I hate how he can see through me… Tapos… minsan di ko siya mabasa. Hindi pala minsan… halos sa lahat ng oras… di ko siya mabasa.

  • Stage 22Open or Close

    Stage 22.
    Yes… He brought some

    “Good morning!” Sabi ko kay Eliana.

    Kakagising niya pa lang. Ako naman ay nag co-coffee sa labas ng bahay nila sa hacienda. Dito siya lumaki. Dito ako palaging nagbabakasyon noon para makipaglaro, makipagchikahan at kung anu-ano pa. Pero di tulad noon, hindi na siya gaanong interesado dito. Feeling ko na bobored siya.

    Semestral break na. Top parin ako sa klase. Of course diba? Gozon-family of lawyers, magpapahuli pa ba ako?

    Humikab siya at umupo sa tabi ko.

    “Haay! Hindi na ako makapaghintay bumalik ng school.” Sabi niya.
    “Whut? Dalawang araw pa lang tayo dito…”

    Palibhasa ilang taon siyang nanirahaan dito. Umiling ako.

    “Buti pa si Bench… Saan na kaya yun ngayon?”
    “Ewan ko. Hayaan mo na ang isang yun.” Sabi ko.

    Huling gabi ko sa syudad, nag bar hop kami ni Bench. Susunod lang daw siya dito kasi may aasikasuhin pa siya. Hmmm.

    “Eliana, tapatin mo nga ako…” Sabi ko habang nilapag ang kape sa mesa. “Are you dating someone?”

    Nanlaki ang mata niya.

    “H-Hindi ah!”

    Tinitigan niya ako.

    “O-Oo.” Inamin din niya. “H-Hindi ko alam.” Napabuntong-hininga siya.
    “Sino?”
    “Shhh! Papagalitan ako ni Daddy.” Tumingin siya sa paligid.
    “Wala naman ang Daddy mo eh!”
    “Kahit na!!!” Sabi niya.
    “Parang bata ‘to. Sige na. Spill it-“

    Sa malayo, kitang-kita ko ang pagbubukas ng gate nila.

    “Si Daddy ba yun?” Tumayo talaga siya.
    “Nope… It’s just Bench.” Sabi ko at nagpatuloy sa pangungulit sa kanya.

    Nakatayo siya at inabangan talaga si Bench.

    Uminom pa ako ng kape habang tumitingin sa malayo.

    “Sana nagdala siya ng dvds, tulad ng utos ko sa kanya.”

    “Yes… He brought some dvds…” Sabi ni Eliana, masaya. “And someone!”

    Tapos tumakbo na para salubungin ang kakalabas lang na si Bench… at si Jenny.

    “So… dito mags-stay si Jenny?” Napalunok ako at ngumiti kay Jenny habang pinapaupo siya ng yaya nina Eliana sa long table nila.

    Kakain kami ng breakfast.

    “H-Hindi naman ako magtatagal. Bukas, uuwi agad ako.” Ngumiti siya.

    Para namang pinapaalis ko siya sa tono niya.

    “D-Di! Okay nga yun eh! Diba di na kami ma bo-bored ni Eliana dito!” Sabi ko.

    Tumingin si Eliana sakin. Ang sama makatingin. Di ako plastik no! Wala lang akong masabi. LOL

    Ipinakita ni Bench ang mga dala niyang dvds.

    “I brought some dvds-“
    “Nakikita ko nga.” Hindi ko na siya pinatapos.
    “Bad morning ba dito?” Lumapit siya sakin.
    “Hindi.” Pinandilatan ko na.

    Si Jenny naman, napaghahalata na yatang inis ako sa presensya niya kaya ngumiti-ngiti ako sa kanya.

    “Okay then, let’s eat!?” Alok ni Bench.
    “Okay! Kain na tayo! yey!” Sabi ko.

    Napatingin silang lahat sakin. Nagsimula na lang akong kumain.

    “Stop your creepy smiles na, D. Alam kong plastic yan kaya wa’g mo ng ipakita kasi masyadong halata.” Bulong ni Eliana.

    “Its not plastic.” Bulong ko. “Ang tawag dun ay social graces. Dapat ngumiti kahit di naman talaga nakakangiti.”

    Tumawa si Eliana sa hapag kainan! Mas lalong naging awkward dahil kaming dalawa lang yung nagsasalita habang si Jenny at Bench ay tahimik.

    Para tuloyng nawawalan ng gana si Jenny at naiilang. Kasalanan ko ba kung di ko siya masali sa usapan namin ni Eliana.

    Maraming guestrooms sa resthouse nina Eliana. May sarili akong room sa tabi ng pagkalaking room niya… Ang tabi naman ng room ko ay kay Bench. Pinatuloy niya si Jenny sa isa pang guestroom.

    “Ba’t di mo na lang pinatuloy sa kwarto mo?” Tanong ko nang binisita niya ako sa kwarto.

    Kakaligo ko lang kaya sinusuklay ko ang buhok ko.

    “She’s not the type of girl, Denise.” Sabi niya nang nakangiti at nakatitig sakin.

    Nasa harapan ako ng malaking mirror at tumayo siya sa likuran ko.

    “Ba’t mo nga pala siya sinama ngayon? Dito pa? Para ano?” Tanong ko.
    “Hindi pa kasi siya nakakasakay ng kabayo eh… Hehe.. Kaya sabi ko, marami kaming kabayo… Ayun, sumama.”

    Katahimikan.

    “Are you mad?”

    Tinignan ko siya sa repleksyon ng aking salamin.

    “Hindi.” Tumayo ako at inayos ang mga damit na nakakalat sa kama. “I just hope na di puro love story o di kaya namay anime ang dala mong dvds.”

  • Stage 23Open or Close

    Stage 23.
    Yes… its natural

    Tawa nang tawa si Bench at Jenny habang sumasakya dahan dahan sa kabayo.

    Umirap na lang ako sa kawalan habang tinitignan sila.

    “Puntahan natin?” Nakangisi si Eliana habang nanonood sa kanila.
    “Ikaw nalang.” Sabi ko.

    Tinignan niya ako.

    “What’s wrong with you, D? Akala ko ba gusto mo ‘to, ba’t parang galit ka?” Aniya.
    “Huh? Wala! eh ikaw? Kala ko ba ayaw mong magkalapit yang dalawa kasi masasaktan yung isa? Ngayon parang gusto mo na?”
    “Nakikita ko kasing mukhang di naman siya paglalaruan ni Bench eh.”

    Hindi na talaga nakayanan ni Eli ang kati sa paa niya. Tumakbo siya papunta kina Bench at hayun nakitawa na rin! Sumakay pa ng kabayo!

    “Lika dito!” Sigaw niya sakin!

    Ngumiti na lang ako, plastik ulit.

    Si Bench at Jenny natigilan para tignan akong sumasandal sa dingding ng resthouse nila.

    Ayan! Ako tuloy yung na bored! Ang sakit sa pride sa tuwing naiisip kong pumunta sa kanila. Ang sarap matulog na lang.

    “Lika dito, Denise!” Niyaya pa ako ng manyak.

    Tseh! Gusto mo yan kasi nakahawak ka sa kamay at minsan sa baywang ni Jenny! Mag enjoy kayong tatlo jan! Sana mahulog si Jenny sa putikan!

    Kinuha ko ang iPhone ko. Tatawagan ko na talaga sina Nina para makibalita kung nasaan sila ngayong sembreak. Mas malilibang pa siguro ako kung tatawagan ko siya.

    Pagkatalikod ko para tawagan si Nina, iniwan din ni Bench si Jenny para puntahan ako at yayaing sumakay na kabayo.

    “AHHHH! Jenny!”

    Pag lingon ko… Pinatay ko agad yung tawag at tumakbo sa kanila. OH MY GOSH! Joke lang yun nagkatotoo! Nahulog si Jenny sa kabayo!

    “Bench kasi iniwan mo!” Sabi ni Eliana na agad inalalayan ang kawawang si Jenny.

    “I’m sorry… I’m sorry!”

    Dumugo ang tuhod ni Jenny!

    “Okay lang! hehehe!” Tumawa pa siya ng awkward. “Poor talaga ako sa balance kaya ganito. Walang kasalanan si Bench.”

    Binuhat naman agad ng inyong prinsipe si Cinderella patungong bahay… Nakita ko ang pagpula ng pisngi ni Jenny sa nangyari! Si Bench ay seryosong nilapag si Jenny sa couch at agad kumuha ng first aid kit.

    “Bench, ako na niyan-” Sabi ng caretaker ng rest house nilang si Manang Rosa.
    “Di na, Manang-” Sabat ni Bench.
    “Oo nga Bench, si Manang Rosa na niyan… Baka bo-” Siniko ako ni Eliana bago pa matapos ang pagsasalita ko.

    Nakatingin kasi si Bench ng seryoso sakin.

    What?

    Tapos ginamot niya na ang sugat ni Jenny.

    BAKA KASI BOSOHAN MO! Duh! You manyak!

    Umiling na lang ako habang nagmomoment yung dalawa.

    “Ayyy…”
    “Bakit? Mahapdi?” Tanong ni Bench.

    Pumula ulit ang pisngi ni Jenny sa pangalawang pagkakataon.

    Of course mahapdi! Sino satin ang nagkasugat tapos nilagyan ng alcohol na hindi mahapdi?! DUH, BENCH!

    Kainis talaga! Bwisit na bwisit ako buong araw! Sana mag umaga na ulit! HAHA! Pati sa hapagkainan habang kumakain kami ng dinner, badtrip parin ako.

    Katabi sila ni Bench, ako naman ang katabi ni Eliana. Nasa harap ko si Bench…

    “Try this Jenny! Sarap magluto ng cook namin dito! Buti nga di ako tumaba eh.” Sabi ni Eliana.

    Tinanggap ni Bench ang bowl ng isang putahe. Ako namannakatingin lang… observing sa lahat ng mga kilos ng Cinderella niyo. Matagal na kaming magkaibigan ni Bench, dahil sa kanya, marunong akong kumilatis ng tao. Itong sang ‘to, alam kong totoo siya pero kainis dahil sa sobrang totoo. Di tulad ng mga ex ni Bench na puro crazy at OA.

    Si Bench pa talaga yung naglagay ng pagkain sa plato ni Jenny ah! Nakakawalang gana tuloy.

    “So… Jenny… Nagkaboyfriend ka na ba?” Tanong ng nakangiting si Eliana.

    Nailang naman agad si Jenny. Ako kanina pa inom nang inom ng tubig. Walang gana talaga.

    “Hi-Hindi pa.” Ngiting nahihiya.
    “Ow? Sa ganda mo niyan, wala pa?”
    “Its natural, Eli… Ikaw wala pang boyfriend sa ganda mong yan.” Sabat ko.

    Tinaas ko agad ang kilay ko at tinignan si Eliana. Si Eliana naman ay nakatingin sakin at ngumingiting plastik! Ayan! Sige! Tanong ka pa baka banatan kita diyan at malaman nilang may ka fling ka na!

    Pinandilatan niya ako.

    “Yes… its natural. Tulad mo din, Denise… Maganda pero hanggang ngayon wala pang manliligaw.” Evil smile sabi ni Bench.

    Parang nainis ako dun ah! Kasi ako na talaga! Ako na ang nasa world record. Alam kong maganda ako. I mean, hindi naman siguro ako sisikat kung pangit na friend ako nina Bench diba? Sa tuwing titingin ako sa salamin, alam kong may mukha akong pwedeng mag model… pero bakieeeet? Bakeeeet wala pang nanliligaw ni isa? Kahit secret admirer lang! PLEAAASE?

    LOL! Tulad ng sinabi ko, di ko kailangan ng boyfriend. Gusto ko lang ng manliligaw para ibasted ko, pero hanggang ngayon wala paring naglalakas loob.

    “Haaay! Busog na busog ako.” Sabi ni Bench.

    Tapos na ring kumain si Jenny. Ako naman, parang wala pang nagagalaw sa pagkain ko.

    “Tara! Pili na tayo ng movies para sa movie marathon!?” Anyaya niya kay Jenny.

    Excited naman silang dalawa. Si Eliana, eto at dalawang plato na ang nauubos.

    “Sige, pili kayo! Yung maganda ah!?” Sabi ni Eliana.

    Tumayo si Jenny at Bench.

    “Denise, parang walang gana ‘to. Kumain ka na diyan!” Ngising-ngisi pa ang prinsipe ninyong kanina pa ako binabara.

    Umalis agad para di ko masabuyan ng tubig! Sarap kutusan ng prinsipe niyo. Sorry talaga pero nakakainis siya!

  • Open or Close

    Stage 24.
    Oo nga naman, Denise

    Kung akala ng lahat ay birhen pa ang lips ko, nagkakamali kayo. Nilapa na ito noon ni Bench. Prom night, 4th year higschool kami. Yung school nila kasi pag prom kailangan mag dala ng date, pwedeng classmate pwedeng taga ibang school. Ako yung dinala niya dahil gusto niyang lubayan na siya ni Janice Villanueva na noon ay patay na patay sa kanya.

    Hinalikan niya ako sa harap ng maraming tao para mapahiya ang Queen B noon na si Janice. Nagwalk-out sa party si Janice. Kung akala niyo ay cheap ako at nagpagamit lang sa kanya, nagkakamali ulit kayo… Ang modus ng mokong ay ang pagdala sakin sa prom upang pagselosin ng husto si Janice… eh yun naman pala, may plan B siya! Hinalikan niya ako sa gitna ng dancefloor. Buti walang nakakitang teachers.

    Isang linggo akong nagmukmok. Kahit na ganito ako, may pagkacheesy din naman ako. Pakiramdam ko na rape ako ni Bench nun! Lam niyo naman yun eh, ang kiss na sinasabi ko ay hindi wholesome kiss, yung talagang parang nilalapa ka. Hinawakan pa talaga ang batok ko para sabayan siya. Pagkatapos nun, ngiting-ngiti lang siya na parang masaya! Ako, jusko mariya! Inis na inis ako! Gusto ko siyang suntukin pero di ko magawa! Nagkulong ako at nag iiyak sa kwarto ko pagkatapos nun. Araw araw pa siyang nagpapadala ng maraming regalo. Walang alam ang mga magulang namin. Pero nakarecover na rin ako dun.

    Binabalikan ko ang alaalang ito dahil pagkatapos naming kumain, naabutan namin ni Eliana si Bench at Jenny na nagkwentuhan habang hinahawakan ni Jenny ang frame na picture naming dalawa ni Bench sa promnight niyang yun.

    Umiling na lang ako habang tawa sila nang tawa.

    “Sige na, let’s watch a movie.” Anyaya ni Bench pagkakita sa pag-irap ko.

    Umupo ako sa couch, katabi ko si Eliana. Tapos si Bench at Jenny sa kabila. Wholesome, walang physical contact kay Bench at Jenny.

    “Mabuti naman di puro anime yung dala niyo…” Sabay tingin ko sa mga dvd na dala nila.

    Buti at pabulong yun at di ko nasaktan ang damdamin ni Jenny.

    “Ako ang pipili!” Sabi ni Eliana.

    Agad siyang nakapili.

    “This Means War.” Sabi niya.

    Wala pang nakapanood samin nun.

    Maganda yung movie. Nakakatawa at hindi lang lovestory, may action pa! Pasalamat talaga ako at si Eli ang pumili baka yung A Walk to Remember pa yung mapili nitong si Jenny, antukin lang ako.

    Siniko ako ni Eliana pagkatapos ng mahigit isang oras na panonood.

    Tinignan ko siya tapos nginuso niya si Bench at Jenny sakin.

    TADAAAAH! Si Jenny, nakasandal sa shoulders ni Bench! Tulog!

    “Oh come on.”

    Tinitigan ako ni Eliana na may halong pagtataka.

    “Napaghahalataan na kita ha…” Bulong niya.
    “What do you mean?” Hindi ko binulong. Duh!

    Si Bench pinapatahimik kami. Hindi gumagalaw nang di ma istorbo ang pagtulog ni Cinderella.

    “What? Kanina pa tayo nanonood dito ng movie, surround sound tapos papatahimikin mo yung soft voice ko. No way, Bench.” Sabi ko.

    Hamalakhak si Bench, trying not to disturb Cinderella.

    Napatingin ulit ako kay Eliana. Ngumingiting tahimik na nakayingin sakin.

    “What?” Tanong ko.
    “You know what, Bench?Buti pa ihatid niyong dalawa si Jenny sa kwarto para makatulog siya ng maayos.” Evil grin ni Eliana.
    “Ano? Why us? Why me? Kaya niya na yan! I’m enjoying here-“
    “Sige na! Baka di na yan bumalik si Bench dito pag di ka kasama. Baka may mangyari.” Kumindat si Eliana.
    “So?”

    Ayun at tinulak na ako ni Eli kaya napatayo ako.

    “Sige na, pretty please?”
    “Oo nga naman, Denise… Bigat nito eh, ikaw bumuhat sa mga paa niya.” Humalakhak si Bench.
    “Tseh!”

    Nasa mga bisig na naman ni Bench si Jenny ngayon.

    “Okay whatever!”

    Kaya sinamahan ko siya sa kwarto ni Jenny.

  • Stage 25Open or Close

    Stage 25.
    Your first kiss… was me…

    Nilapag niyang dahan-dahan si Jenny sa kama. Tulog na tulog ang inyong Cinderella.

    Hinaplos ni Bench ang mukha niya, inayos ang buhok at linagyan ng kumot.

    “Tapos na ba?” Tanong ko kahit di pa siya natatapos magmuni-muni at tumingin-tingin kay Jenny.

    “What’s your problem, Denise?” Agad niya akong hinila palabas ng kwarto ni Jenny at dun kinausap.
    “Wala naman… bakit?”
    “Why are you acting this way?”

    Natawa ako ng bahagya. “Di ka pa nasasanay? Ganito naman talaga ako ah?”

    Hindi ako makatingin sa mga mata niya.

    “Ganito ka na talaga? Alam kong maarte ka at minsan may pagkakontrabida, pero hindi kasing lala nito.” Aniya.

    Nakangiti pa ang damuho. Hindi ko naman alam kung bakit! May dumi ba ako sa mukha? Hiyang-hiya tuloy ako habang tinititigan niya.

    “Ganito na talaga ako, nuka ba!”

    Tinalikuran ko siya pero biglang… BANG!

    Hinila niya ako at napahumapay sa dingding.

    “Aray, ano ba!”

    His face was so close to me. Ganito kami kalapit nung hinalikan niya ako noon. Kitang-kita ang matangos niyang ilong, maningning niyang mga mata, malalim na dimples, at ngiting nakakapanindig-balahibo.

    “I know you remembered something… today…” Sabi niya.

    Naaasiwa ako dahil amoy na amoy ko ang hininga niya dahil sa lapit ng aming mukha. Nakalagay ang kanyang magkabilang kamay sa dingding, para bang binibilanggo ako dito.

    Sumimangot ako at tinignan siya ng diretso at ilang segundo lang ay napatingin ulit sa kawalan.

    “Anong sinasabi mo diyan!” Sabi ko!

    Kainis! Feeling!

    “Your first kiss… was me…”

    Tinulak ko na agad!

    “Stop reminding me! Tono mo parang na devirginize mo ako. Tseh!”
    “See? Namumula ang pisngi mo! Kanina pa yan ha!” Tumawa siya.
    “Like ewww? Kung namumula man ito ay dahil yun sa galit ako.”
    “Kita mo na! Galit ka pala! Ba’t ka galit?”

    Natahimik ako at di ulit makatingin sa kanyang mukha. Matagal na kaming magkaibigan nitong si Bench, nangyayari ito paminsan-minsan, yung binabara niya ako, pero hindi kasing lala nito. Para bang pinapaamin niya ako sa kasalanang di ko ginawa.

    “Just tell me to stop and I will…” Seryoso.

    Nag walk-out ang mokong! Alam niyo yun? Seseryoso tapos mag wowalk-out. Pag-upo ko sa tabi ni Eliana, siya tawa nang tawa habang nanonood ng movie na parang walang nangyari.

    Weird Benjamin Jimenez…

    But wait… Kung seryoso yung sinabi niya sakin, ibig sabihin lang nun ay di siya talagang seryoso kay Jenny… Ginagawa niya lang ito dahil inutos ko. Pero… nakakalito parin siya.

    Kanina ko pa siya tinititigan tapos biglang… tinitigan niya rin ako! Nakangiti! Bwiset, napatingin talaga ako sa TV at natawa na rin kahit na iyakan na pala yung scene.

    “Ba’t ka tumatawa?” Tanong ni Eliana.
    “Ahhh, wala… may naalala lang ako.”

    Hay nakukrung-krung na yata ako. Linsyak na Bench sobrang misteryoso, pati ako nalilito.

    Kung akala niyong di ko siya, ni katiting, nagugustuhan… nagkakamali kayo… Syempre, aminado akong super gwapo at sagad sa buto ang kakisigan niya pero bago ko pa yun maisip, tinitigilan ko na.

    He is damn… attractive… super duper hot… Pero alam niyong lahat na off-limits siya. He’s a manwhore playboy at ako… ako ang dahilan kung bakit iyon nangyari.

    And it was because I chose to save him… from his own feelings.

  • Stage 26Open or Close

    Stage 26.
    You know what I mean…

    Enrolled na ako at bukas, pasukan na ulit!

    Nasa Coffee Bean kaming dalawa ni Eliana pero para namang ako lang mag-isa. Paano ba naman kasi, text nang text ang ingratita!

    Umamba akong aagawin yung phone pero agad namang nabawi.

    “Nu ka ba!” Sabi niya.

    Kinaumagahan pagkatapos ng gabing iyon sa hacienda nila, umuwi na kami. Wala namang masyadong nangyari. Binalewala ko lang si Bench… as usual. Balik sa dati. Gym. Hang-out. Gym…

    “Maghanap ka nga ng libangan sa iba.” Aniya.
    “You’re texting…’him’?” Tanong ko habang nakapangalumbaba.

    Ngumiti siya. Para bang kinikilig.

    “Oo.”

    Napailing ako.

    “Sino ba yan?”
    “Hindi naman kami eh!” Sabi niya imbis na sagutin ang tanong ko.
    “Sino nga?”
    “Basta!” Nakakagat-labi pa si Eliana.

    Humanda ka kung malaman ko kung sino yan!

    Anyhow… tama si Eliana. Sina Nina, Abby, at Tanika pare-parehong may lovelife… Si Eliana, eto at mukhang meron na din, kakalabas niya pa lang sa real world may ganun na agad. Si Bench naman, mukhang preoccupied kay Jenny… Ako na lang ang walang lovelife. Kaya siguro pakiramdam ko bored ako. Dapat kasi sa ganitong edad diba dapat may kaharutan ka, ba’t ako wala?

    “Where’s your Bench? Para tantanan mo na ako.” Sabi ni Eliana habang nakatitig sa cellphone niya.
    “Idunno. Siguro kasama si Jenny.” Sabi ko.
    “Itext mo.” Tinitigan niya ako habang umiinom ng frappe.
    “Why?”
    “La lang! Itext mo…” Sabi niya.

    Okay.

    Text:
    Bench, where are you?

    Agad nag reply!

    Bench:
    Nkikipagdate. Bakit?

    Ako:
    LOL. Okay! enjoy!

    Bench:
    Pipigilan mo ba ako o hindi?

    Ako:
    Anong pinagsasabi mo?

    Bench:
    Tsss. You know what I mean…

    Ako:
    Alam ko namang gusto mo si Jenny… for real eh. Haha! Kaya enjoy.

    Bench:
    You know I don’t.

    Di ko na nireplyan.

    Pagkatingin ko kay Eliana, nakatingin na siya sakin, with her evil grin.

    “Ano?” Tanong ko.
    “You think Bench is serious with Jenny?” Tanong niya nakangiti parin.
    “Oo.” Sabi ko.

    Napabuntong-hininga ako.

    “Bakit?” Tanong niya.

    Katahimikan.

    Nakita ko si Candice sa labas, mukha na namang galit ang bilis pa ng lakad. Ewan ko kung saan papunta…

    “I think he reminds him of her…” Napalunok ako sa sinabi ko.
    “Exactly! Kung gusto man niya si Jenny… o kung napapalapit man siya kay Jenny, dahil lang yun dun. Wala nang iba. Kilala ko si Brent. Alam ko kung paano siya kumilos.” Sabi ni Eliana.

    Katahimikan ulit. Di ako makapag-isip ng maayos.

    “Ni minsan ba di sumagi sa isip mo na baka ikaw ang gusto niya, D?”

    Halos ma iluwa ko yung frappe pagkarinig ko nun.

    Natawa pa ako ng bahagya, “Ano? He hates me…” Sabi ko.
    “Sinusunod ka niya… Kahit ano… Kahit sabihin mo sigurong magpakamatay siya, gagawin niya yun… para sayo.” Umiling si Eliana.
    “Sinusunod niya ako kasi nag eenjoy siya sa ginagawa niya.”
    “Sabihin mo nga, kung hate mo ang isang tao, magagawa mo pa kayang sundin ang mga utos niya?”

    H-Hindi…

    “It’s his revenge… nag-kukunwari lang siya.”

    Umiling na lang si Eliana. Alam niyang kahit anong pilit niya, hinding hindi sasagi sa isip kong magugustuhan ako ni Bench o kaming dalawa ang mag iibigan sa huli. Kasi alam kong galit siya sakin… simula pa lang… galit na siya sakin…

  • Stage 27Open or Close

    Stage 27.
    Don’t ask me to chase her

    Tinanghali ako sa first day of school ng second sem. Di na kasi ako nasanay sa oras ng pag gising kahit di naman talaga ganun ka aga yung pasok ko.

    “Denise!!!” Halos madaganan ako ni Nina, Tanika at Abby nang sinalubong ako.

    “What??-“

    Hinila nila ako papuntang locker room kung saan marami na ding mga tao. Halos di na nga namin makita ang mga nangyayari. Narinig ko na lang ang lagapak ng pisngi!

    *PAK*

    “Kawawa naman… kawawa talaga…” Bulung-bulungan ng mga tao.

    Si Jenny, sinampal ni Candice! WTF?!

    “Kapal kapal ng mukha mo!” Sigaw ni Candice. “Kay bata-bata mo pa, malandi ka na! Stop flirting with Bench! Alam mo girl, kung di ka pa na-oorient dito, si Bench ang notorious playboy, gagamitin ka lang niya. Kung makapagsalita ka akala mo naman ang tagal niyo ng magkakilala!”

    Hindi pa nakunteto si Candice at kinausap pa ang mga taong nakiusisa.

    “Ladies and Gentlemen, eto si Jenny Zafra, ang bagong dinidate ni Bench.”
    “Di kami nag di-“
    “Akala niya sisikat siya sa ginagawa niya! hah!” Tumawa pa io, parang witch lang! “Akala niya naman seseryosohin siya… Hello? Isang tulad niya, seseryosohin? Well, Jenny, to tell you frankly, ako lang ang sineryoso ni Bench. Kami lang ang nagtagal, kaya wa’g kang mangarap girl!”
    “Hindi ako nangangarap! Wala akong pakealam sa inyo at kung anuman ang sabihin ninyo… Hindi ko siya ginagamit.”

    Grabe, kumakati na talaga ang buong katawan ko at gusto ko ng sugurin si Candice at pagsasampalin sa mga sinasabi niya. Walang hiya na hahighblood ako. Hindi ko nga feel si Jenny pero alam kong wala siyang ginagawang masama! Bwisit!

    Bago pa madugtungan ni Jenny ang mga sinabi niya…

    “Akin na ang timba…” Sabi ni Candice sa isa sa mga kampon niya.

    BINUHUSAN NIYA NG TUBIG SI JENNY!

    “Padaanin niyo nga ako!” Sigaw ko nang di ko na talaga ma take!

    Saka pa ako napansin ng mga tao. Mga bwisit kayo, nakatunganga lang kayo diyan at nakiusisa, wala ni isang nakialam!

    Imbis na ang lapit-lapit ko na kay Candice… Hinarangan ako ng kamay ni Bench.

    “Bench…”
    “Ako na ang bahala…” Aniya.

    “Bench…” Takot na sambit ni Candice.

    “ANONG GINAWA MO!?”

    Grabe! Galit na galit si Bench!

    “Ginawa ko lang ang nababag-“
    “Get out of my sight…”
    “Tama naman ako diba-“
    “NOW!”

    Napaiyak si Candice at nag walk-out!

    Sa sobrang bwisit ko, susundan ko na sana habang nakatitig pa si Bench kay Jenny na basang-basa… Pero bago niya nilapitan si Jenny, hinawakan niya ang braso ko.

    “Hayaan mo na yun.” Seryoso.

    Hinubad niya ang kanyang jacket at sinuot kay Jenny. Pero inayawan siya nito.

    “Umalis na nga kayo dito? Anong tinitingin-tingin niyo?” Pinalayas ko ang mga tao…

    “Iwan niyo ako dito.” Sabi ni Jenny na nakaupo sa floor.

    Hindi sinusoot ang jacket na bigay ni Bench.

    Ipinilit ito ni Bench… pero…

    “Stop it, Bench! Alam kong tama si Candice!!!” Sigaw niya kay Bench.

    Si Bench naman tahimik.

    “Na hindi ka kailanman magseseryoso!”

    Tumayo si Jenny para harapin si Bench. Si Bench, may guilty-face. Si Jenny, galit.

    “I’m sorry… Hindi ko inaasahang gagawin niya ‘to sayo.”
    “It’s all your fault! Kung di sana ganun ka daming babae ang sinaktan mo, di sana ganito. Alam kong di ka magseseryoso!”
    “I’m sor-“

    *PAK!*

    ABAAAAAAAAH! Lecheng! Ba’t inis talaga ako sa tuwing sinasampal si Bench. Pakiramdam ko ako lang ang pwedeng gumanon sa kanya. Parang sa tuwing may nananampal sa kanya, isang bahagi sa akin ang namamatay. Sobrang sakit… lalo na pagnakikita ko ang mukha niyang nasasaktan din.

    “Alam kong di mo ako seseryosohin! Kahit na sabihin ko sayong…” Pinunasan niya ang luha sa kanyang mga pisngi. “Mahal na kita…”

    At nag walk-out.

    Ngayon… kami na lang dalawa. Napalunok ako.

    Tinignan niya ako… His sad eyes… :(

    Mahal ka daw niya… habulin mo! Pero walang boses na lumalabas sakin.

    Seryoso niya akong tinitigan. His sad eyes and dark look… Gusto ko siyang yakapin. Hindi ko alam kung ganito din ba yung mukha niya noon nang iniwan siya ng kanyang first love. Hindi ko kasi kayang tignan ang mukha niya nun… pero ngayon, kaya ko na… siguro nasasanay na akong makita siyang nasasaktan dahil sakin.

    “Don’t ask me to chase her…” At nag walk-out na rin.

    What the efff?! Sinong makakapasok sa school na ganito ang nangyayari sa kanya? Hindi ko siya nasundan pero pursigido akong hanapin siya. Hindi ko na uulitin ang nangyari noon.

    I’ll be the light in his dark eyes… unlike what I did years ago…

  • Stage 28Open or Close

    Stage 28.
    Lalong lalo na…

    “Hello, Kuya Joe?”

    Ang sakit sakit na ng paa ko. Kanina pa ako lakad nang lakad dito sa school at pumupuntang rooftop para tignan kung nandun ba ang inyong prinsipe.

    “Alam niyo ba kung nasan si Bench?”
    “Di naman. Bakit? May nangyari ba?” Sabi niya.

    Tinawagan ko na at magpapatulong ako.

    “Paki hanap naman po oh, hindi ko mahanap eh, kailangan ko siyang makita.”
    “Etext mo na lang.” Sabi niya.
    “Naka-off yung cellphone niya.”
    “O Sige…”

    Ayun, nag tatatakbo na ako para lang mahanap ko siya.

    “Hello, Eli?” Tinawagan ko na ang isa pang di mahagilap. “Where are you?”
    “Huh? Uh…”
    “Nakita mo ba si Bench? Alam mo ba kung nasaan siya?” Tanong ko.
    “Hindi eh… Bakit ba?”
    “Text me pag nakita mo siya ah? O di kaya, tawagan mo ako.”
    “O-Okay! Why?”

    Di ko na sinagot at tumawag pa sa ibang taong maaring nakakita sa kanya.

    Tapos biglang nag dilim ang paligid. Hindi ako nakapanood ng news pero feeling ko may bagyong papasok si Pinas.

    “Oh nooo… Hindi ko pa siya nakikita.” Bulong ko sa sarili ko habang tinatawagan siya.

    Nag ring ang phone niya! Pero walang sumasagot!

    Napatakbo ako sa labas ng school. Pumara ng taxi, bakasakaling nakauwi na siya. Pero bago pa ako tuluyang nakarating sa bahay nila, naabutan ko yung sasakyan niyang nakapark sa isang parke.

    “Dito na lang.” Sabi ko sa driver at inabot na ang bayad.

    Nakita ko siyang nakaupo sa isang swing. Seryosong nag-iisip at ganun parin ang ekspresyon. May nakita pa akong mga lata ng Heineken sa katabing bench. May hawak siyang isang lata, umiinom.

    Hindi niya talaga sinundan, huh?

    “Kung guilty ka kasi ako ang nagtulak sayo kay Jenny, kaya di mo siya sinundan… useless lang yan. Sana sinundan mo na. Inutos ko man o hindi… kasi halata naman sayo na mukhang gusto mo na rin siya.”

    Hinarap ko siya at tinitigan. Nakatingin siya sa kawalan.

    “Everything was for you.” Sabi niya.

    Nakakapagpabagabag talaga sakin sa tuwing may sinasabi siyang tulad nito. Hindi ko alam kung bakit.

    “Halata sayo na gusto mo na rin siya-“
    “Its easy to like her, Denise. Pero ayaw ko siyang paasahin, kasi alam kong… alam kong may naaalala lang ako sa kanya. Yun lang yun.”

    Napalunok ako. Sa wakas, tinignan niya na ako ngayon, mukha pang galit kaya kinabahan ako.

    “A-Akala ko…”
    “No, Denise. Kinaibigan ko siya because you asked me to.” Galit at seryoso talaga ang mukha niya. “And now… I feel so guilty…”

    “Hindi ba yun naman yung gusto mo? Makipagflirt sa mga babae?” Sabi ko. Gusto kong alisin sa utak ko ang katotohanang na-gui-guilty na rin ako. Kasi ako ang nag utos…

    “Sinabi ko sayo diba? Na ayaw ko!?” Biglang tumaas ang boses niya!

    “So!? Are you blaming me!?”

    Sa inis niya napapikit na lang siya.

    “You are blaming me… Alam ko kasalanan ko. Pero diba simula pa noon ginagawa mo na ‘to, Bench? Diba pinapaiyak mo na talaga sila?”

    “You don’t get it-“

    “Alam ko! Simula pa lang… ako na yung may kasalanan para sayo!-“

    “You don’t get it, Denise! Wa’g mo ngang ipilit yang baluktot mong rason! Hindi mo ba nararamdaman?-“

    Grabe! Pareho kaming dalawang nag hahyperventilate. Totoong sinabi ko kanina na ico-comfort ko siya. Pero ngayong lumantad ang katotohanan… parang naguguluhan na ako.

    “Nararamdaman, syempre! Nararamdaman ko na sinisisi mo ako… HANGGANG NGAYON! Sinisisi mo ako sa pagkawala niya…”

    Napapikit siya at napayuko, hindi ko alam bakit.

    “Muse was the right girl for you, Bench, pero we’re just twelve that time! At ayaw ng mga magulang mo sa kanya! Patawarin mo ako kung nagawa ko man sa inyo yun-“
    “Stop being so dense! Stop dragging her name here! Wala siyang kinalaman dito! This is about you and me!”

    Ayan na naman siya. Napalunok ako. Hinawakan niya ang swing ko at hinila ako palapit sa kanya… Dahan-dahan niya akong hinalikan…

    At sa unang pagkakataon, nasampal ko siya ng seryoso!

    *PAK*

    Matagal siyang nakarecover sa sampal ko. Natigilan talaga yata sa ginawa ko.

    “We grew up together… at alam kong ginagawa mo ‘to para gantihan ako sa nangyari noon!”

    Aalis na sana ako nang hinila niya ang braso ko.

    “Stop it, Bench. Alam mong di ako tulad ng iba. Kilala kita at kilala mo ako… Useless lang ang pagpapanggap mo.”

    Tama. Ilang beses niya ng pinararamdam sakin na may gusto siya sakin pero kahit kailan, di ako naniwala. Dagdagan pa ng pambababae niya, alam kong gusto niya lang maghigante sa mga nagawa ko.

    “Kilala mo rin ako, Denise… Hindi ako titigil pag di ko nakukuha ang gusto ko…”

    Hinila ko ang braso ko galing sa kamay niyang nakahawak. Aalis na talaga ako! Gusto? Gusto niya ako? HAHAHA! As if Denise Cordelia Gozon would believe him. Halos kabisado ko ang bituka niyan… alam na alam ko ang pasikotsikot niya, kilalang-kilala ko siya. Alam kong paghihiganti lang lahat ng ito. Siya na rin ang nagsabi noon na maghihiganti siya sakin.

    “Lalong lalo na pag mahal ko…”

    Nagpatuloy ako sa paglalakad. Yes, Bench isn’t one of my loyal allies… In fact, he’s the main enemy. The pretentious prince is the main enemy.

  • Stage 29Open or Close

    SPECIAL EPISODE: The flashback! PART 1

    Stage 29.
    mahal mo ako…

    It was always those closest to us who also wished us dead.

    Yun lang ang naiisip ko sa relasyon at pakikitungo naming dalawa sa isa’t-isa ni Bench. Bata pa lang kami, parang aso at pusa na kami kung mag-away. Hindi kami nagkakasundo, pero close kaming dalawa.

    Madalas akong umiiyak para mapagalitan siya. Oo, ganun ako noon. Alam niyo naman ang sakit ng mga bata. Martyr naman siya at sinasalo lahat ng mga paghuhuramentado ng kanyang Daddy. Close sila ng Daddy at Mommy niya… pero isang araw… nadungisan ito…

    Ayokong balikan ang alaalang ito pero kailangan. Lalong lalo na ngayong nahahalungkat ito.

    “Bench!” Tawag ko imbes na Benj.

    “Sandali lang.” Tinatalikuran niya ako para magpunta sa bahay ng mga magsasaka sa hacienda nila noon.

    “Tinatawag ka na! For lunch!” Sigaw ko habang sinusundan siya.

    Palaging ganito sa buong summer na iyon. Twelve years old kaming dalawa. Tuwing summer kasi, sa hacienda nila ako tumutuloy para makalaro si Eliana.

    Sa pagsunod ko sa kanya, doon ko nalamang nakikipagkita pala siya sa apo ng isang magsasaka nila. Si Muse.

    Si Muse. Maganda. Makinis. Kutis porselana. Maagang nagdalaga at maiksi ang buhok. Kilala ko siya kasi paminsan-minsan, nakikipaglaro siya kay Eliana. Pero yun nga lang, boring siyang kalaro dahil hindi naman talaga siya naglalaro pa… Hobby niya ang pagsusuklay, pag-aayos at iba pa.

    Nagtago ako. Nakita kong binigyan niya ng bulaklak ang si Muse. Pumula agad ang pisngi nito at hinalikan siya sa cheeks!

    Halos napanganga ako! God, my innocence! We were only twelve! Pero di ako umapila, nagtago parin ako at naisipang komprontahin si Bench pagkatapos.

    “Bench…” Nagulat siya nang nakita ako habang papaalis na siya, isang oras ang nakalipas.
    “A-Anong ginagawa mo dito?” Tanong niya.
    “Lagot ka! Isusumbong kita sa Daddy mo!”
    “Huh? Anong p-pinagsasabi mo?”
    “Akala mo ba di ko nakita? Kayo ni Muse!”
    “Huh?” Tumawa pa siya! “H-Hindi no! Lika na nga!” At hinila ako pabalik sa mansyon.

    Ilang beses niyang pinagkaila sakin yun.

    “Sige! Itanggi mo pa Bench!” Sabi ko sa kanya nang sa wakas ay nagkaroon ako ng lakas na loob na magpakita sa kanilang dalawa habang naglalambingan.

    “Denise! Wa’g ka ngang makealam. Kahit kailan ka talaga!” Sabay taboy sakin.

    Nasa may batis sila ng kanilang hacienda.

    “Akala niyo ba ako lang ang nakakaalam? Hoy, imbis na ako ang problemahin niyo, problemahin niyo ang mga taong nakakakita sa inyo!” Sabi ko.
    “Ano naman ngayon kung may makaalam? Wala naman kaming ginagawang masama!”

    Ewan ko kung bakit pero nararamdaman kong di tama yung mga nangyayari.

    Mabait si Muse. May mga bonding moments din kami noon. Pero dahil sa pagiging madamot ko sa magpinsan ay hindi ko siya gaanong pinapansin. Sinumbong ko sila kay Eliana. Kaya hayun at nadulas si Eliana at pinagsabi sa mga tao sa mansyon na ganoon. Di kalaunan ay nalaman din ng Daddy at Mommy niya.

    “Denise…” Tinawag ako ni Muse habang nagtatago sa mga palumpong sa hardin nina Bench. Pinagbawalan na silang dalawang magkita.

    “What?”

    “Pakibigay ‘to kay Benj oh.” Sabay abot sakin ng kapirasong papel.

    Kinuha ko agad.

    “Sa tingin mo, ba’t ko ibibigay ‘to?” Pinagtaasan ko siya ng kilay.
    “Please? Kailangan naming magkita!” Sabi niya.
    “Bakit?”
    “Miss na miss ko an siya.” Namula pa ito at ngumiti.

    Hindi na nahiya.

    “Baliw ka ba? You’re dating Benjamin Jimenez, the owner of this land. Isang malaking iskandalo ‘tong pinaggagagawa niyo!” Sabi ko.
    “Bakit Denise? Minamaliit mo ba ako? Porke’t anak lang ako ng mahirap, ganun na agad? Porke ba’t anak mayaman siya, di na pwede! Sinabi niyang mahal niya ako at ipaglalaban niya ako, papaniwalaan ko siya dahil alam kong totoo yun!”

    Halos matawa ako sa sinabi niya.

    “This isn’t fairytale! Wake up, girl! Twelve years old pa lang tayo, sa tingin mo after five years kayo parin? Syempre hindi! Mag-isip ka! Gamitin mo yung kokote mo. Wa’g kang gumawa ng mga bagay na ikakahiya mo pagdating ng panahon.” Sabi ko.
    “Mas mabuti pang pagsisihan ko dahil nagawa ko kesa sa pagsisihan ko kasi di ko ginawa!”

    Umiyak siya sa harapan ko. Hindi ko ma-take! Si Bench? Si Bench na inaaway ko ay napa-inlove ang babaeng ‘to!?

    “N-Nagkita ba kayo ni Muse?” Pabulong na sinabi ni Bench sakin nang dumaan ako sa kwarto niya.

    Bantay sarado siya ng mga guards nila. Hindi ko alam bakit di pwede sila. Pero pakiramdam ko, tama lang yun.

    “Hindi.” At nilagpasan siya.

    Hindi ko pinakita ang papel na binigay ni Muse sakin.

    “Your son is just twelve years old! Sabi ng mga katulong, nakikita nilang naghahalikan sila nung babaeng yun sa may batis. What the!” Sigaw ng Daddy ni Bench sa loob ng working room nila ng kanyang Mommy sa loob ng mansyon.

    Naririnig ko sa labas. Curios lang. hehe. Di naman chismosa… Nagkataon lang na napadaan ako kaya tumigil at nakinig.

    “I know… I know…” Mahinahong sinabi ng kanyang Mommy.
    “He’s our only son. Gusto kong maayos ang buhay niya. Hindi naman sa ayaw ko sa mga mahihirap, I don’t care who he’ll love… just not now! It’s not the right time! Masyado pa siyang bata.”
    “Hindi naman siguro ganun si Benj, hon.” Sabi ng Mommy niya. “But I know what you mean… I don’t know if its the right thing, though.”
    “You heard your son, right! Nagmamarunong! Parang alam niya na lahat ng bagay sa mundo kung makapagsalita…”

    Biglang pumasok si Bench na nasa likuran ko pala at kanina pa nakikinig.

    “But I love her, Dad!” Aniya.

    Laglag panga talaga ako sa pangyayaring yon. Nabigla ang Daddy at Mommy niya sa pagsulpot niya bigla.

    “You don’t know what your talking about.”

    Na awa ako sa kanya. Sumasakit ang puso ko sa tuwing ganoon ang nangyayari. Para bang walang pwedeng magpaiyak sa kanya kundi ako… ako lang… ako ang gagawa ng paraan para mamulat siya sa katangahan niya. Magagalit siya sakin ngayon pero balang araw pasasalamatan niya ako lalo na pag mag mahal na siya ng iba.

    “Bench…” Bulong ko. “Nagkita kami ni Muse kanina… Binigay niya sakin ‘to.” Yung papel.

    Magkikita daw sila sa batis, bukas ng madaling araw. Syempre binasa ko muna bago ko binigay sa kanya.

    Original yun kasi sulat kamay ni Muse kaya di siya nagdalawang isip. Umalis agad ako para bayaran ng 500 pesos ang taga ligo ng mga kabayo nilang si Kiko.

    “Kiko… pumunta ka mamayang madaling araw sa batis at landiin mo si Muse. Halikan o yakapin mo lang ah?”
    “Huh? Bakit?”
    “Para matapos na ang kahibangan ni Benj Jimenez.”

    Siguro ay naintindihan din ako ni Kiko at sa tindi na rin siguro ng pangangailangan niya kaya’t sinunod niya ako.

    Commencing my devastating evil plan.

    Kinaumagahan, nagising ako sa balitang umalis na sina Muse sa hacienda. Pinalayas di umano ni Benjamin Jimenez.

    Guilty ako masyado. Di bale na’t buti na lang ay back to normal na si Bench na di ko naman nakikita.

    “Guess what…” Sabi ni Eliana.

    Seryoso habang kumakain kami ng almusal.

    “Pinalayas din niya si Kiko.” Aniya habang sinusubo ang sunny side-up egg.

    Napalunok ako.

    “At dahil dun… sinabi niya kay Bench na ikaw ang may pakana ng lahat.”

    Tug-tog…..tug-tog. Parang nag skip-beat ang heart ko dun ah!

    May tinitignan si Eliana sa likuran kong mas lalo kong ikinakaba.

    Paglingon ko… si Bench… Mukhang hindi nakatulog at nakatingin sakin ang galit na mga mata.

    Umupo siya sa tabi ko na parang walang nangyari.

    “Sorry… I-I did it for your own good-“
    “Sino ka para idikta sakin ang nakakabuti para sakin!” Biglang-bigla ako nang sinigawan niya ako. “Do you even care, Denise? O yung kababawan at inggit mo lang ang pinaiiral mo!?”

    Parang nasaktan ako dun! I care for him kaya ko yun ginawa! Inilayo ko ang babaeng maaring makasira sa magandang samahan nila ng kanyang mommy at daddy!

    Si Eliana nakabasag talaga ng pinggan at baso nang narinig kaming dalawang nagtatalo!

    “Kababawan at inggit!? Really Bench? I can’t believe ganun ka babaw ang tingin mo sakin! Napakaengot mo at di mo magamit ang utak mo!” Sabi ko. Pinatulan ko talaga kahit na mangiyak-ngiyak ako, nasaktan sa sinabi niya.
    “Wala kang ginawa kundi makealam kahit alam kong wala kang pakealam! AHH!” Sobrang inis niya halos itapon niya lahat ng gamit na mahawakan.

    Ginulo niya ang kanyang buhok.

    “God, I can’t believe you! Ang tanga-tanga mo! Palibhasa wala kang alam kundi mang-api! Hindi mo man lang inisip ang kapakanan ng iba! Hindi ka pa nagmamahal kaya manahimik ka na lang sana!” Magwa-walk-out na sana siya…
    “Balang araw, marerealize mo din na tama ang mga ginawa ko para sayo!” Tumulo na talaga ang luha ko. Hindi ko na kinaya ang mga sinabi niya sakin.

    Hinarap niya ako at naglakad papunta sakin. Galit ang kanyang mga mata. Galit na galit. Sobrang inis. Gulong-gulo ang kanyang buhok.

    “Balang araw, mararamdaman mo rin ang naranasan ko. Magmamahal ka ng sobra at mababasag ang puso mo. Sa kahit anong paraan, maghihiganti ako sayo… Kung hindi ko man mabasag ang puso mo tulad ng pagbasag mo sakin, babasagin ko din ito dahil mahal mo na ako.”

    The evil prince cursed me.

  • Stage 30Open or Close

    Stage 30.
    futile, too

    Pagkatapos ng tatlong linggo, hindi parin pumasok si Bench. Ayokong magtanong kahit kanino kung nasaan na siya dahil alam kong ako na naman ang dahilan kung bakit siya nawala. Ayoko ring malaman ng lahat na hindi ko alam kung nasan siya.

    “Ehe-Ehem…”

    Hinintay kong umalis ang mga kaklase ko bago ko pinuntahan sa table niya ang professor kong paalis na rin sana.

    “Prof… How about Bench Jimenez?” Tanong ko.
    “Anong ibig mong sabihin?”
    “Enrolled siya sa klase na ‘to pero di siya pumapasok diba?” Hininaan ko ang boses ko.
    “Ah.. Hindi mo ba alam?” Nagtaka si Prof. “He’s taking special classes online coz his Dad asked the school.”
    “Ah…”

    Dami ko pa sanang tanong eh ayun at umalis na si Prof.

    “Ang walang hiyand Bench na yun ginamit pa talaga ang kapangyarihan niya para takasan ako!?” Sabi ko kay Eliana habang kumakain ito ng crepe. “Excuse na lang sa family niyo pero si Bench lang ang tinutukoy ko.”
    “Paano ba naman kasi… Kayong dalawa, kung hindi nagkakasundo ng mabuti, nag-aaway naman.” Umiling siya.
    “Nahihiya siguro yun sa sinabi niya sakin.” Sabi ko.

    Natahimik si Eliana tapos nag evil smile.

    “Paano kung… totoo ang sinabi ni Bench sayo?” Sabi niya.

    Tinitigan ko na lang siya. Ngiting-ngiti ito habang sinisimot ng crepe niya. Pinandilatan ko na lang.

    “Impossible.”
    “Hmmmm.” Nag evil smile ulit.

    Pagkatapos ay nagpaalam siyang umalis. Siguro ay makikipagkita sa mystery man niya.

    Ayun at sinundan ko at nakitang pumunta sa isang liblib na lugar sa school at pumasok sa tinted na sasakyan ni… TENENENENTENEN! Tama ang hinala ko. Si Yuan Tan nga ang kanyang mystery man!

    Si Yuan Tan na ang alam ko ay dinidate si Tanika, really??? OMG! Sabay tingin ko sa mga taong dumadaan sa labas ng Coffee Bean. Nasa two-seater tabel ako ngayon. Para bang naiinis pag tinitignan ko ang upuan sa harapan kong walang nakaupo.

    “Hey! Denise! You’re alone?” Sabi ng isang friend kong sosyalera habang umiinom ng frappe niya at paalis na.
    “Mmm no… I mean… Oo, pero may hinihintay ako.” Ngumiti ako. Plastik.

    Tumango naman yung sosyalera at umalis. Kainis minsan pag iniisip ko. Halos lahat ng tao sa edad ko ay may lovelife talaga. Kahit yung kalandian lang tulad kay Eliana… Kalandian, syempre! Kasi impossibleng legal yung kanila. Secreto iyon kaya nga patago sila kung magkita. Kung bakit sila patago, ay ewan ko na lang… Tinatamad akong makitsismis… Tinatamad akong mag move on… ewan ko kung saan.

    Asan na ba kasi si Bench? Kung hindi siya umalis edi hindi sana ako mag-isa, tinatamad at walang gana?! Pero okay na rin na wala siya at walang manggugulo sakin. Kung ganun na rin man yung treatment niya sakin, mas mabuti pa sigurong wala siya.

    Sina Nina, Tanika, at Abby sigurado akong nasa kani-kanilang lovelife ang mga iyon. At ngayon naman pati pa talaga si Eliana. Ewan ko lang pala kay Tanika kung nasan man siya ngayon sa lovelife niyang nag to-two-time.

    “Hello there, Denise!” Biglang sumalubong sakin ang ngiti ni Brent habang nakapangalumbaba ako at nakatitig sa upuan sa harapan kong inupuan na niya.

    Nakangiti ito, halos abot tenga. Nagka heart attack naman ako dun! Akala ko si Bench eh.

    “Why are you here?” Tanong ko.
    “Ang sama mo yatang makatingin sa inuupuan ko ah. Parang papatay.” Humalakhak siya. “Missing someone?”

    Tinitigan ko siya na parang papatay ng tao ulit.

    “I know what you mean, Brent. And I’m not missing you’re cousin.” Sabi ko habang umiiling.
    “Okay. Sinabi mo eh.” Sabi niya at nakatitig parin sakin.
    “Ba’t ka nandito? At ano ang pakay mo?” Tanong ko.
    Tumawa ulit siya. Tawa nang tawa eh nabu-bwisit ako dito sa mga tanong at panunuya niya. “Napadaan lang naman.”
    “Napadaan? Bakit? Saan ka galing eh ang layo ng lugar niyo dito sa school namin ah? Ang sabihin mo, pinapunta ka dito ni Bench para sirain ang araw ko…” Sabi ko. Mas lalo siyang nakiliti. Kainis!
    “Oh! Chill ka lang. Ba’t mo naman maiisip yun? Ganun na ba talaga kasama si Bench para sayo?” Tumawa siya. “At kaya niya namang sirain ang araw mo, ba’t ipapadala niya pa ako?”

    So this means… Bench is just around the corner?

    “Kasi wala siya dito…” Sabi ko.
    “Do you know where he is?” Tanong ni Brent sakin.
    “Nope.”
    “Do you wanna know?”

    Napatingin ako sa kanya. Alam ko talaga ang pakay niya dito. Sigurado akong nautusan ito ni Bench na icheck kung may signs and symptoms ba ako sa pagkakagusto sa kanya.

    “I don’t and I don’t care…” Inirapan ko siya.
    “Yun ba ang gusto mong ibalita ko sa kanya?” Tanong niya. “Pagkatapos mo siyang saktan?”

    WTF? Pare-pareho kayong mga Jimenez mga manloloko! Kainis! Kainis! Hindi ako makapagsalita sa inis ko. At imbes na magsasalita na ako at pakakawalan ko na sana ang mga murang nasa isip ko…

    “He’s in Hawaii. He’ll be spending his coming birthday and most probably Christmas there… Susunod ako sa kanya sometime in December with my family. Now if you want me to tell him how much you DON’T care about him on his birthday, then it’s fine with me… but I doubt if it’s fine with him.” Ngumiti siya.
    “Kung hindi pa yun sapat para sa kanya… pakisabi na rin na tigilan niya na ang pagdadrama niya. Revenge is futile. I won’t waste my time thinking about him and his whereabouts. Verbatim.”
    “Ang galing!” Sabi niya at napatayo na, aalis na yata. “Kilalan kilala ka na talaga niya.”

    Napailing si Bench.

    Nagtaka naman ako dun… Tapos may binigay siyang mukhang invitation. Kulay pula at gold ang nakasulat.

    “Escaping from me is futile, too.” Nasa gold italic letters.

    At umalis na si Brent.

  • Stage 31Open or Close

    Stage 31.
    old maid

    Oo. malapit na ang kanyang birthday. Dec. 17. Mag De-december na. Ngayon, alam ko ng matatagalan pa siya sa pag-uwi dito.

    Hindi ako sigurado kung kelan siya uuwi, pero isa lang ang alam ko… Desidido na ako…

    Bago pa siya makauwi dito, dapat may lovelife na ako para hindi niya na ako mabibiro. HUMANDA KA BENCH!

    “So… you want to plan an exclusive party sa bar na ‘to?” Tanong ni Hugo na event organizer at party planner ng bar na ‘to. “When? On your birthday?” Aniya.
    “Nope… earlier. Kung birthday ko pa ang hihintayin edi next year pa.”

    Umiling siya.

    “Uh-oh, Denise. I’m afraid booked na ang bar na ‘to for the whole December!”
    “Whaat? Bakit?”
    “M-Maraming events.”

    Nakakaduda naman ang pag-iiwas niya sa mapagduda kong mga mata.

    “O sige, then book it next year.” Sabi ko.
    “Okay, when?” Napangiti siya at kinuha ang planner nya.

    Umupo kami sa isang table sa bar na nakadungaw sa mga sosyal na nagsasayaw. Kung hindi lang talaga sosyal yung bar na ‘to… naku!

    “So I’m not gonna host the party, mag o-organize lang ako. I’ll let my friends organize this too. And I want to send invitations to the most popular guys sa lahat ng unibersidad. Pwede na rin yung mga young bachelors!”” Kumindat ako.
    “So… Let’s clear this up. No girls allowed?” Tanong niya.
    “Hmmm. Meron din. At least 1 is to 6 ang ratio.”

    Tumango naman siya at pumayag.

    This is all part of the plan. operation boyfriend-hunt! Gusto ko yung sikat, mayaman, gwapo at kayang-kaya si Bench! Sayang lang at hindi ko ma-book ang party earlier! Kainis at baka nakauwi na si Bench nun.

    “Gosh! I’m so excited for that party!” Tili ni Abby.

    Nasa bar ulit kami kasi gusto ko talagang makihalubilo. I drank my 5th shot of tequila and went to the dancefloor!

    Agad akong nabigla nang nakita ko si Lance na nakatitig sakin at papalapit. Pero bago pa siya makalapit, may sumayaw na sakin…

    “Hi my lady!” Malalim ang boses niya.

    Matangkad, gwapo, matangos ang ilong, sa sobrang gwapo niya ay nakatingin ang mga tao sa aming dalawa. Palagay ko ay naudlot ang pagpunta ni Lance sakin dahil sa gwapong ito.

    “You are?”
    “Lorenzo de Ocampo.” Naglahad siya ng kamay kaya natiglan ako sa pagsasayaw. “Or Renzo for short.” Kumindat pa siya.
    “Denise Gozon.”

    Ngumiti siya at sumenyas na umupo muna kami para makapag-usap ng maayos.

    “You’re from Affaires?” Tanong ko.
    “Nope. We’re schoolmates, Denise.”
    “Really?”

    Weirdly, hindi ko siya nakikita sa school. Pero sa bagay, malaki ang school para makita siya.

    “Hindi mo talaga ako makikita kasi sa psychology department lang ako palagi. But I know you…” Ngumiti siya.

    Loading… Loading…

    NOW I KNOW! Renzo de Ocampo! Yung basketball star player ng school namin!

    Kalma ka lang Denise… Wa’g masyadong ma overwhelm at baka akala niya easy to get ka. HAHAHA. This is it, Bench! Bakit kaya sa tuwing wala si Bench parang may development sa lovelife ko, at pag nandyan siya, walang wala talaga? Ewan ko…

    “Ba’t mo ako kilala?”
    “Sinong hindi makakikilala sayo?” Sabi niya sabay ngisi. “Nga lang… di ka malapitan dahil sa Benjamin Jimenez na yun.”

    What? Ba’t nasali si Bench sa usapan?

    “Huh? Bakit naman?”
    “I… I mean, he’s always around you. Para kayong magboyfriend… don’t you know?”
    “Na?”
    “Nagpapaulan siya ng death threats sa mga nagtatangkang pumorma sayo.”

    JAWDROPPING! Hindi ko matikom ang bibig ko.

    “He’s just probably kidding…” Plastik na tawa ko.
    “Nope. I heard the latest victim is Lance Ramos. Hindi ko nga lang alam kung anong ginawa ni Bench… Well… ako… I’m not a coward like Lance. Hindi ako natatakot sa Benj Jimenez na yan.” Kumindat ulit siya.

    Napalunok na lang ako. Wala akong masabi. Ngumiti ako… plastik.

    “Although malakas talaga ang impluwensya ng pamilya niya, I still don’t think may karapatan siyang magyabang.”

    Tumango ako. Speechless parin.

    “I’m sorry. I’m talking too much.” Tumawa siya at tinignan ako.
    “It’s okay-“
    “Excuse me lang.” Si Kuya Joe biglang sumulpot. Naka uniform pa talaga. “Ako ang naatasang magsundo sayo ngayong gabi.” Sabi niya.
    “Wha-What? Eh susunduin ako ng driver ni Daddy-” Sabi ko.
    “Tinawagan ako ng Daddy mo na ako daw ang susundo sayo.” Ngumiti pa siya at humikab.

    Sa sobrang inis ko sumama ako kay Kuya Joe.

    “Renzo… See ya around, I need to go!”

    Tumango siya at umalis ako.

    “What the heck! Alam ko ‘to! Pakana na naman ‘to ni Bench! That guy! Hindi niya talaga ako tatantanan. Ngayon lang ako sasama sayo kuya Joe ah! Hindi na ‘to mauulit! Sa sobrang inis ko, hindi ko na kinayang ngumiti sa harapan ng potential boyfriend ko dahil sa kay BENCH! Ahhhh! Kung nasan man siya ngayon sana lamunin na siya ng lupa! Hindi niya na ako binigyan ng konsiderasyon! Magiging old maid na ako neto!”

    Sigaw nang sigaw ako pag-upo ko sa sasakyan nila.

    “Nah-uh!” Katabi ko pala si Eliana. Nagtatago pa talaga sa likuran ah. “You won’t be an old maid, you future Denise Jimenez.”

    Isa lang ang naisip ko nun… KASABWAT SILA NI BENCH.

  • Stage 32Open or Close

    Stage 32.
    I know what you did there…

    Mabagal ang panahon. Araw-araw kong nadarama ang pagkawala ni Bench. Aray ano ba yan! Para naman akong namatayan. Minsan kasi pag may nakikita akong paparating na malakas ang dating pakiramdam ko siya yun. May pasulpot-sulpot pang tulad ng SUV nila, tinititigan ko tuloy yung plate number. Kainis bakit ganito?

    Warning, Denise! Today is his birthday kaya wa’g kang mag Facebook o kahit ano! Alam mo yung kaninang madaling araw may natanggap akong balita na nagpost siya ng picture with Brent na nasa Hawaii silang dalawa? I bet with girls yun!

    “Hey Denise!”

    Nabigla ako nang naaninaw ko si Lance Ramos!

    “Oh! Hi!” Shocked.
    “Can I sit here?” Sabay turo sa upuan sa harapan ko.

    Nasa loob ako ng Coffee Bean, kanina pa.

    “Sure.”

    Ngumiti siya at parang nahiya.

    “I-I’m sorry.” Sabi niya. “Hindi na kita pinapansin-“

    Handa akong makinig sa kanya nang biglang dumating ang hinihintay ko!

    “Ehe-Ehem…”

    Napatingin kami ni Lance kay Renzo na nakatayo sa harap namin.

    “Nawala lang si Bench, pumuporma ka na ulit.” Sabi ni Renzo.
    “Pasensya ka na pare… ang alam ko kasi, ikaw din sumulpot lang pagkawala niya. Bakit kaya?”

    Nagkatitigan silang dalawa. Tumayo pa si Lance para harapin ng maayos si Renzo. Ang mga chismosa naman, panay ang tingin sa table ko at sa reaksyon ng dalawa.

    “Anong ibig mong sabihin?” Halos itulak ni Renzo si Lance buti at napigilan ko.
    “Tama na, Renzo!” Sabi ko.

    Grabe! Ang haba ng hair ko habang nagtitinginan ang mga tao samin. Pero hindi ako natutuwa sa nangyayari…

    “I’ll back off today… just today, kasi ayoko ng gulo.” Sabi ni Lance. “And Denise, never trust players…” Tapos umalis.

    Mukha tuloy na badtrip si Renzo. May usapan kasi kami na manood ng sine today. DATE! Tama! Finally at umaariba na ako! First time kong makaroon ng date! Syempre masaya ako! Pero somethings weird… Ewan ko lang kung bakit ko yun nararamdaman.

    “Kainis yung Lance na yun, nanggugulo.” Aniya palabas kami ng Coffee Bean.

    Birthday ni Bench ngayon… andun siya sa malayo. First time itong malayo siya sakin kaya heto ako at nag eenjoy sa aking freedom! Yun ang naiisip ko, para namang di ako free noon.

    “Never trust players? Ha!” Sabi niya.
    “Hayaan mo na lang siya.” Sabi ko.

    Parang weird naman nito. Siguro dahil maliban kay Bench ay di pa ako nakakasama sa kahit sinong lalaki na kami lang dalawa. Almost 19 years na ako tapos kay Bench lang umikot ang mundo ko. Natural lang siguro na maweirduhan ako sa pagsama ko sa isa pang lalaki.

    Lumapit kami sa sasakyan niya. First time ko ding makasakay. Yun ay kung matutuloy kami!!!

    Bakit???

    “Uh-oh! I think flat yung gulong ng sasakyan mo, Renzo.”
    “Huh?” Sobrang gulat yung mukha niya pagkasabi ko nun.

    Dumungaw siya sa gulong ng Accent niya.

    “What the?!”

    Flat na flat! Sobrang flat ang gulong sa harapan.

    “Kahapon ko pa ‘to pinalitan, flat agad?”

    Nakatayo lang kami sa labas ng sasakyan niya.

    Hay nako! Napakamalas naman! Parang di meant to be! Nilapitan ko ang gulong habang may tinatawagan siya sa cellphone.

    May isang malaking butas sa gulong. BUTAS TALAGA! Ewan ko lang kung bakit nagkaganun ha? Bakit nga ba may malaking butas?

    “Uh.. There’s a hole.” Hindi ko na muna inistorbo si renzo na may kausap sa cellphone…

    THERE IS A HOLE! Paano yun? Thumb tacks? Nail? Ewan!

    May lumapit pa sakin. Naka black usual suit na uniporme ng mga tauhan nina Bench. Naka black Spyder shades pa.

    “Ms. Denise… Pinapatawag ka ng Daddy mo-“
    “Daddy?”

    Unti-unting dumaloy ang init sa pisngi at ulo ko habang unti-unti kong narerealize kong ano na naman ito.

    “Daddy ba talaga o yung boss niyo?!”

    Hindi siya gumalaw. Nakita ko sa malayo ang nakaready na black SUV nina Bench.

    Natapos ang phonecall ni Renzo.

    “Renzo… I need to go… I’m sorry. Siguro next time na lang… May aasikasuhin lang ako. I’ll just text you.” Sabi ko na may halong panghihinayang sa ekspresyon.
    “Wha-” He sighed. “Okay.. I’m sorry! God ang malas!” Sabay suntok niya sa kanyang sasakyan.

    Sumama ako sa mga goons ng walang hiyang Prinsipe ninyo. Pati ang tadhana dinidiktahan niya para lang malasin ako ng husto. Sumama ako… alam nio kung bakit?

    “Let me talk to your boss…” Sabi ko sa sumundong tauhan ni Bench sakin.
    “Hindi po-“
    “I KNOW WHAT YOU DID THERE! Anong ginamit niyo para mabutas yung gulong ng sasakyan ni Renzo! God that Crazy manwhore! Let me talk to him!” Sigaw ko nang nakarating na ako sa sasakyan niya.

  • Stage 33Open or Close

    Stage 33.
    It was no luck after all.

    Hysterical ako sa loob ng bagong SUV nina Bench. Oo, bago. Yun talaga ang unang napansin ko.

    “Asan na? Asan na? Yung boss niyo!?”

    Walang imik ang dalawa habang nagdadrive at nasa headphone naman yung isa… may kinakausap yata.

    “Target secured.” Aniya sa kausap niya sa headphone.

    “Where’s Bench?!”
    “Nasa Hawaii po.” Sabi nung may kausap sa headphone.
    “Is there anyway na makausap ko siya?”

    I’m not dumb. Of course meron, this isn’t 2000 years ago… May skype na. Pwedeng chat, pwedeng mag webcam, kahit ano… Pero ang ibig kong sabihin ay papayag ba siyang kausapin ko siya.

    Binigyan niya na naman ako ng tulad nung binigay ni Brent sakin. Yung red envelop na may nakasulat…

    “You choose. You talk to me. Or I talk to you…” What? “Is this some kind of game? May ganitong drama pa siya! edi syempre, kakausapin ko siya. Di bale ng di niya ako kausapin, ang importante ay masabi ko sa kanya lahat ng hinaing ko!”

    Walang imik parin ang dalawa sa harapan ko. Mukhang papunta kami sa bahay nila. Ako naman gigigil na gigil at di na makapaghintay sa mga sasabihin ko kay Bench. Sa isipan ko, ibinalangkas ko ang lahat ng aking sasabihin sa kanya. Mula sa mura hanggang sa pagpapaalam sa kanya na nagustuhan ko ang pagkawala niya.

    “Umupo po kayo dito. Hintay lang tayo ng signal tapos online na si Sir Bench.” Sabi ni Kuya Joe.

    Then I realized, stupid idea Bench! Ba’t may palaru-laro ka pang ganito? Na ako lang pwede ang magsalita kung pinili ko… O kung ikaw lang ang magsasalita kung gusto ko… Ba’t di na lang tayo mag-usap dalawa? What’s this game? Ugh! Sige! Ikaw bahala!

    “Miss Denise.” Sabi ni Kuya Joe.

    Nasa loob kami ng ‘theater’ sa loob ng mansyon nina Bench. Yes of course, what do you expect? He’s a gazillionaire! May private plane nga, eto pa kaya.

    Buffering… yun ang nakasabi sa malaking screen ng theater nila.

    “Wa’g niyo pong kalimutang mag greet sa kanya ng happy birthday.” Ngumiti siya na may halong kaba.

    Umirap na lang ako pagkatapos ay umalis na siya.

    Nabasa ko sa screen… Benjamin Jimenez – ONLINE!

    “So you’re there?” Sabi ko. “God I sound stupid! Una sa lahat… nakakairita itong laro mo. Kung ano man ‘to, tigilan mo na. Ba’t kailangan may pagpipilian pa… Ako magsasalita, o ikaw? Pangalawa, alam ko na kung paano mo ako binakuran simula pa nung highschool! Ikaw ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay wala parin akong boyfriend! Nakakainis ka! Alam kong inis ka din sakin sa mga ginawa ko noon pa!” Napatayo ako sa umaapaw kong emosyon. “Pinaghihigantihan mo ako kaya ganito. I get it! But trust me… hindi ka magwawagi. Sooner or later, magkakaboyfriend din ako at wala ka ng magagawa dun. God damn it! You ruined my date with Renzo! 18 years, Bench! Eighteen years kong hinintay na may makipagdate na lalaki sakin tapos ipinagkait mo? Tigilan mo na ‘to! I’m so happy that you’re not here!”

    Grabe, dinig na dinig ko ang puso kong ang bilis ng tibok. Umaapaw talaga ang inis at galit ko sa kanya.

    “Sana diyan ka na lang kung saan ka man. Rot there with your girls so I can have my own happy ending with my own perfect prince charming. I don’t need you here!” Pagkatapos kong sabihin ang huling pangungusap, natigilan ako.

    Sumakit ang dibdib ko. Akala ko naman heart attack… pero di pala… May isang parteng gumuho sakin. Ang harsh ko yata sa kanya… Tapos naalala kong birthday niya nga pala ngayon at binanatan ko ng mga masasamang salita. Sa sobrang guilty ko, gusto kong mag walk-out sa theater. Pero ayaw gumalaw ng mga paa ko, parang naninigas sila. Kinabahan ako.

    Masyado akong na carried-away sa galit ko kaya hindi ko masabi ang magic words: I’m sorry.

    Denise, your pride. That’s not Renzo or Lance… Si Benjamin Jimenez yan. Pangalan pa lang tunog walang puso na. Kaya wa’g kang maguilty.

    Aalis na sana ako nang bigla siyang nagsalita.

    “I tried my best to make you miss me, Denise. Through this… One-way communication game.”

    You know it’s effective! I miss you! So much na kailangan ko ng ibang kasama…

    My subconcious betrayed me. Ni hindi ko alam na yun ang maiisip ko pagkarinig ko sa boses niya.

    “And don’t think I stayed away coz I’m being a coward. Nandito ako sa malayo coz Dad gave me the 70% authority of our company. This means I’m here to work and talk to some potential investors.”

    Hindi ako makapagsalita. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Halos di ako makalunok sa sikip ng dibdib ko.

    Ang boses niya tunog seryoso at malungkot.

    “And it turns out… I’m the one who’s missing you instead… I know that I can barely stay away from you, yet I tried my luck. It was no luck after all. Now if you want me to stay far away from you till the end of this year, please, stop being with your ‘prince charming’. Kung hindi mo magagawa yun, expect that you’ll catch me trying to put a hole in you prince’s car the next day.”

  • Stage 34Open or Close

    Stage 34.
    Apology accepted

    So the name is Benjamin Jimenez also known as The Stalker. Hindi ko alam kung paano niya ginagawa yang pag s-stalk niya. Nagpapahire ba siya ng mga detective para i-stalk ako? Alam kong kaya niyang sweldohan ang mga ganun lalo na ngayong hawak niya na pala ang 70% sa company nila. Imagine taking over an Airline, Farms at iba pa… Hindi mag-iisang kusing ang sweldo niya sa mga detective na maari niyang i-hire. Pero sino naman ang lokong tatanggap ng ganoong klaseng trabaho? Para sundan lang si Denise Gozon-work?

    Hindi ko talaga siya ma kuha-kuha. I wish I can read his mind. Natapos ang taong yun na walang development sa lovelife. As you wish, Bench Jimenez. LOKO LANG YUN! Akala niya sinunod ko siya? Nagkakamali siya!

    “Hello Nina?”

    Ang saya saya namin ng pamilya ko habang pinapanood ang fireworks at kumakain sa patio namin.

    God I miss Bench. New year last year pinuntahan niya kami dito. May regalo siya sakin, meron din ako sa kanya. Pero ngayon biglang naglaho ang lahat. Natapos ang birthday niya ng hindi ko siya na gigreet at nag new year ng hindi siya nakakasama.

    “Let’s get it started.” Sabi ko sa kanya.

    I’m all fired up for my very own bachelor’s-party plan. Kasi naman mangyayari yun the day before my birthday two weeks from now.

    Naging busy ako sa invitations at kung anu-ano pa… Drinks, wines, food, etc. Para na ring birthday ko. Ayoko namang ipangalandakan kung paano ako nangangailangan ng boyfriend ngayon kaya di ko na ginawang birthday party ko.

    *1 message*

    Tumunog ang cellphone ko. Kasama ko na naman si Eliana sa paglalakad sa corridors. Gusto kong magtanong tungkol kay Bench. Babalik na ba siya? Eh January na ah? Pero bago lumabas ang tanong sa bibig ko, may nagtext na.

    From Renzo:
    Am I invited?

    Ngumiti ako.

    Reply:
    Of course you are. Pero hindi ka rin siguro mag eenjoy, few girls lang eh. 😉

    Bilis mag reply.

    Renzo:
    I know I’ll enjoy it. I only need one.

    OH EM GEE! Ni hindi pa nga niya ako na di-date ah? Kilig naman ako!!! Hihihi.

    “Sino ba yan?” Inagaw ni Eliana sakin ang iphone ko.
    “Sht!”

    Nag-agawan pa kami.

    “Ngiti ka nang ngiti, kinikilig ka ba?”

    Hinayaan ko na at binasa niya ang text… PERO DI NIYA NABASA KASI MAY ISANG MENSAHE PA!

    “‘Bench Jimenez: Kahit yung mga text mo, alam ko.’ What the f? It’s just Bench naman pala.” Evil smirk.
    “What?”

    Napatingin ako sa iphone ko. Bench Jimenez nga! HIS NUMBER! Does this mean he’s back? OMG! Nevermind na yung pagiging stalker niya. Wait a minute, I think he hacked the telecommunications’ company, eh?

    “Is he back?” Tanong ko kai Eliana.

    Nagkibit-balikat naman si Eliana. Hay nako, sabi na nga ba kasabwat itong isang ‘to.

    Reply ko agad:
    Stop threatening me, I’m not scared.

    Agad siyang nag reply na para bang inabangan ang reply ko.

    Bench:
    If you aren’t, ba’t di niyo inulit ang date niyo ng Prince Charming mo?

    Ako:
    Shut up, its none of your business. I’m busy.

    Agad talagang nag rereply ang prinsipe niyong baliw. Napatigil talaga ako sa paglalakad, hindi ko na nakikita kung sinong nasa paligid.

    Bench:
    Busy with your upcoming hunt-for-mr.right-party?

    PATI HIDDEN AGENDAS NA HACK NIYA!

    Ako:
    You’re not invited, sorry ka na lang.

    TSEH! Guilty ako nung birthday niya at na miss noong Christmas at New Year pero ngayong alam kong nasa tabi-tabi lang siya halos isuka ko siya.

    Bench:
    Apology accepted… Challenge accepted, too. >:D

    I hate the evil smiley. I know he’ll gatecrash my party!

  • Stage 35Open or Close

    Stage 35.
    You’re not with him anymore…

    Nasa party na ako. Uneasy. Paano ba naman kasi, I’m kinda expecting HIM to be here. Di naman siya invited. Patingin-tingin ako sa cellphone ko.

    Sobrang saya ng mga girls! Paano ba naman, kay daming lalaki at kay gu-gwapo. Pinili ko talaga yan. Kahit na taga kabilang school nandito.

    “Is that Richard Martinez?” Linapitan agad ni Abby si Richard Martinez.

    I’m wearing a black shimmering smexy dress. Talagang binili ko ‘to for this party. I curled my hair tapos make up, smoky eyes.

    Halos lalaki yung mga nakikita ko. Si Abby, may tatlong lalaki ng kausap.

    Nilapitan ako ng nakangiting si Renzo. Kakarating niya lang yata at kasama niya ang mga kaibigan niya sa basketball team.

    “Hi!” Sabi niya at hinawakan ang siko ko.
    “Hi!”

    I think I blushed.

    Sayawan na! Nasa background ang Lights by Ellie Goulding

    Halos mapasayaw ako pero hindi parin maalis sa isip ko ang prinsipe ninyong maaring sa ngayon ay nakapasok na. Tumingin ulit ako sa cellphone ko.

    “What’s wrong?” Tanong ni Renzo nang nakikita akong tuliro at tumitingin sa cellphone.
    “Wala.” Ngumiti ako.
    “Wanna dance?” Naglahad siya ng kamay.
    “No, thank you. I think I need a drink.” Ngumiti ako.

    Nagkabuhol ang tiyan ko. Hindi ko alam kung bakit pero nalaman ko din ilang sandali…

    Kumuha si Renzo ng vodka.

    “Cheers!” Sabay kami.
    “Nagustuhan mo ba ang party?” Tanong ko.
    “I like parties, pero syempre nagustuhan ko ‘to kasi magkasama tayo.” Ngumiti ulit siya.

    Uminit talaga ang pisngi ko.

    “Alam kong birthday mo bukas, kaya eto. Happy birthday!” Sabi niyang ikinabigla ko.

    May gift siya!!!

    “Whoa! Thank you!-” Tinanggap ko ng kinikilig!

    Hinawakan niya ang kamay ko at hinila sa dancefloor. Ayaw kong sumayaw pero sige na nga!

    Daming tao at mukhang enjoy na enjoy silang lahat. Ako rin nag-eenjoy na sa ngiti ni Renzo. Nakahawak siya sa baywang ko at hinihila papalapit sa kanya habang sumasayaw. Ang sunod na namalayan ko ay nakangiti na rin ako sa kanya habang ang isang kamay niya ay nasa likod ng ulo ko. Pumiglas ako ng konti kasi nahihiya ako pero malakas ang tulak niya sa ulo ko.

    AKALA KO TALAGA MAGHAHALIKAN NA KAMI SA DANCEFLOOR pero may bigla ng sumulpot, the uninvited.

    “Denise!” Yinakap niya ako. Casual.

    Napakalas talaga si Renzo, nabigla at mukhang nainis. Di niya naman ipinakita. Nasaktan din ako para kay Renzo, ang sakit sa ego nun ah!

    Ako naman ay nabigla sa plastikang ipinakita niya sa harapan ko. PARANG WALANG NANGYARI AH!? PARANG DI MO AKO INIWAN SA ERE TAPOS INI-STALK!

    “I missed you! I’m back!” Aniya.
    “Oo. You are back.” Tinitigan ko lang siya na nakangisi at hindi pinapansin si Renzo sa gilid.

    It’s 11:30PM. Kaya naman pala sumulpot na ang mokong, aswang kasi siya eh. Shet bakit casual siya!? Kinabahan tuloy ako. Alam ko… Alam ng tiyan kong nagkabuhol-buhol na may planong masama ang evil dark prince ninyo.

    “At ba’t ka andito? I didn’t invite you.” Sabi ko at sumulyap sa nakangangang reaksyon ng madlang pipol sa pagdating ni Bench.
    “Of course I’m invited, we grew up together at may nakaraan tayo.”

    Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Nakangisi parin siya.

    “Wha-“

    Hello, Renzo? Tulungan mo naman akong itaboy si Bench, please? Nakatunganga lang si Renzo.

    SI ELIANA! Bigla kong naisip si Eliana, siguro siya ang nagpapasok sa mokong na ‘to. Whatever, Bench. You wan to play this game? We will play this game!

    “Okay… Maraming girls jan, you might wanna check. This is Renzo.” Sabi ko.

    Dali-daling naglahad ng kamay si Renzo na hindi naman tinanggap ni Bench, nagkukunwaring hindi ito nakita. Kaya ibinaba niya na lang ang kamay niya.

    Inakbayan ako ni Bench. Stupid wh0re! Anong plano mo diyan sa show mo?

    “I missed Christmas, New Year and tomorrow’s your birthday! May regalo ako sa’yo pero nandun sa sasakyan, wanna see it?”
    “No, Bench, nagpaparty ako and I’m with Renzo.” Sabi niya.

    Pinandilatan ko siya.

    “Oh okay.”

    Akala ko susuko siya pero hindi…

    “Sayang naman yun. So, Uh…” At last at tinignan niya si Renzo. “Kentou, pwede bang kumuha ka ng drinks? Gin and tonic tsaka vodka.”

    Bakas sa mukha ni Renzo ang pagkainis. Halos takpan ko ang bibig ni Bench.

    “Renzo.”
    “Kentou, Retzo, whatever.” Tapos tumingin si Bench sakin ng nakangisi.

    Umiling si Renzo at umalis bago ko pa siya matawag at ipagtanggol.

    “You’re not with him anymore…” Ngumisi siya. “Tara sa sasakyan!”

    Hinila niya ang kamay ko at binawi ko naman ito.

    “You ruined my date again! Wa’g kang magpupupunta dito kung ganun naman yung gagawin mo!” Pabulong na sinabi ko sa kanya maingat sa mga taong nasa paligid.

    Naging seryoso ulit ang mukha niya at tinignan ang kamay ko. Para siyang nasaktan sa ginawa at sinabi ko. Agad namang nagbuhol ulit ang tiyan ko, na-guilty.

    Di ako pwedeng ma guilty! TAMA LANG YUN SA KANYA! Ininsulto niya si Renzo tapos inagaw niya ako imbis na maghalikan kami ni Renzo sa dancefloor (mabuti na lang kasi ayokong mangyari yun). Crus ko si Renzo, but not crush enough para dun. Hindi ko alam! Naguguluhan na ako!

    “Renzo is not the guy for you, Denise.”
    “Bakit? Anong problema sa kanya!? Ikaw lang yung may problema dito eh!” Napalakas yata ang boses ko kasi nakita kong tumingin ang mga tao samin.

    Dahan-dahan niyang kinuha ang kamay ko. GOOSEBUMPS! Ano yun? Some kind of electric effect sa pagkahawak niya sa kamay ko.

    Napalunok ako. Sa sobrang banayad ng pagkakahawak niya kinabahan ako. Dinig na dinig ko ang puso ko.

    “Bakit? Sino ang right guy para sakin?” Napalunok ulit ako!

    Bakit parang nag eexpect akong sasabihin niyang siya?

    “Let’s get out of here, accept my gifts, be with me, and I’ll tell you.”

    Ano yun? Anong nangyari at bigla akong sumama sa kanya? ITINULAK BA AKO? NINO? KAYO? OH NO!

    Denise Cordelia Gozon, you can’t be…

  • Stage 36Open or Close

    Stage 36.
    Happy birthday…

    Nasa labas na kami ng bar. Hinihila niya parin ako na parang walang nakatingin sa aming dalawa. Lahat yata ng tao nakatingin samin eh. Halos ma samid na ako sa pagkakahila niya.

    “Bench, ano ba!”

    Hindi pamilyar ang sasakyan na binuksan niya. Cool. Tinignan ko talaga ang buong sasakyan kaya di ko namalayang nasa front seat na pala ako at umikot na siya at nasa driver’s seat na.

    Seryoso siyang nakatingin sakin. Tinititigan akong mabuti. Tinitigan ko rin siya. Oh I get it… Mas gumwapo siya ngayon. Lalong gumwapo. Kumurba ang kanyang labi at nakita ko ulit ang pamilyar niyang dimple. Ang mga mata niya, nakatitig parin sa mga mata ko. Tapos tumitibok ng malakas ang puso ko.

    What is this? Am I tensed? Bakit ako kinakabahan?

    Napalunok ako.

    You’re denying it, Denise.

    Binawi ko ang tingin ko at tumingin sa labas. Di parin niya inaalis ang mga mata niya sakin.

    “Alam ko kung anong ginagawa mo, Bench.” Sabi ko. Halos mapaos.

    He sighed. Di parin inaalis ang tingin niya sakin.

    “You’re ruining everything, Bench! First time kong magkaroon ng date, ipinagkait mo pa sakin. At ngayon… eto ka at mang-iinis sa kanya-“
    “He’s not the right guy for you, Denise.”
    “Then who is?” Hindi ko alam kung bakit pero inis na inis ako sa kanya.

    Hindi ko naman ganun ka gusto o mahal si Renzo. Halos di ko pa nga siya kilala, getting-to-know-each-other stage pa lang tapos bakit inis na inis ako kay Bench?

    May kinuha siya sa likuran. Tatlong maitim na paper bag.

    “These are my gifts for you, Denise. Eto sa Christmas. Eto naman Sa New Year. Eto naman sa Birthday mong ilang minuto na lang…”

    Tinignan ko siya. Nakangiti na parang wala lang.

    “Christian Louboutin ito. Diba gusto mo ‘to, sabi mo sakin noon?”

    Binuksan niya ang isang paperbag at ipinakita ang nasa loob ng box. Isang pink high-heeled pumps na may gold sa gilid. Christian Louboutin.

    Kung noon siguro matatanggap ko ‘to tulad sa pagtanggap ko sa mga regalo niya, pero ngayon, parang isinusuka ko na ang lahat at di ko alam kung bakit.

    “And this one’s a bag from Louis Vuitton-“
    “Bench, stop it!”

    Hindi ko siya tinignan dahil alam kong hindi ang mga regalo niya ang makakapagpalambot ng puso ko, kundi ang kanyang mga mata. He’s deadly and we all know that. Ganito kaya ang nararamdaman ng mga girls na naiinlove sa kanya?

    “Kung gusto mong malaman kung bakit hindi siya para sayo, I’ll tell you. After your birthday, that is.”

    Tinignan ko siya. Disappointed kasi di ko man lang hinawakan ang mga regalo niya.

    “You listen, Bench.” Tumingin ulit ako sa labas para di ko malimutan ang tatlong linggo kong inisip na script para sa kanya. “I know what you are up to. Kilala mo ako. Alam mo kung gaano ko ka gusto ang lahat ng luho sa buong daigdig. Gusto ko ang spotlight at isa akong social climber. Pero hinding hindi mo ako mauuto sa mga gifts mong ‘to. Alam ko kung ano ang gusto mo! Wa’g na wa’g mo na ulit akong bigyan ng mga ganito. Ayokong umasa kang mapapaibig mo ako at mapapaikot para lang mapaghigantihan si Muse!”

    Sinulyapan ko siya. Mukha niya? Shocked at sobrang nakakaantig. Bwisit! AYOKO NITO! Kanina ko pa napapansin ang sarili ko. Ginulo niya ang buhok niya huminga ng malalim, trying to look cool and calm.

    “Can’t take this anymore.” Binuksan ko ang pintuan ng bago niyang sasakyan.

    Akala ko hindi ko mabubuksan yun kasi bago nga at di ako pamilyar kung paano pero adrenaline rush na!

    Umalis ako sa sasakyan niya. Nasa harapan ako ng sasakyan niya naglalakad habang pinupunasan ang mga luha. Bakit ako umiiyak?

    Narinig ko ang pagbukas ng pintuan sa sasakyan niya.

    Uuwi na ako. Di ako babalik sa bar… Aalis na ako. Bwisit na Bench! Sinira niya ang lahat!

    Napatingala ako nang may nakitang sumabog sa langit at iba-ibang kulay ang nahulog. Natigilan ako sa gulat at sa ganda, pareho.

    “Happy birthday…” Sabi ni Bench sa di gaanong kalayuan. Nakatayo parin siya malapit sa kanyang bagong sasakyan.

    Fireworks! Sobrang ganda.

    Lumingon ako sa kanya. Nakangiti siya pero malungkot ang mga mata…

    Don’t fool me.

    Napalunok ako. Siya ang may pakana ng fireworks na yun? Alas dose na at ibig sabihin birthday ko na nga!

    Tumakbo ako papuntang kalsada at agad pumara ng taxi palayo sa kanya.

    I know he’s evil. He is trying to conceal it. Gusto niyang paniwalaan ko na malungkot siya sa mga sinabi ko… Gusto niyang masilaw ako sa yaman at sa makukuha ko kung papatol ako sa kanya. Estupido! Alam niyang alam kong ganyan siya ka playboy tapos ako pa ang pagtitripan niya? At kung gusto niyang maghiganti, sana di niya ako kinaibigan at di niya ako ginawang ‘close friend’.

    “Saan tayo, miss?” Tanong ng taxi driver.

    Sinagot ko at tumingala ulit sa fireworks. Nakita ko pa kung saan ito galing. At ang mas masama pa dun, nakita kong sina Kuya Joe at iba pa niyang bodyguards ang nagsisindi sa bawat fireworks na lumilipad pataas.

    Holy Sht!

    Wala kang makukuha sakin Bench! Yun lang ang nasa isip ko at sinasabi ko ito pabalik-balik parang sirang plaka.

    Napapikit na lang ako nang lumandas ang luha sa pisngi ko at sa wakas na amin sa sarili na…

    Ang walang hiyang yun… mukhang nagtagumpay siya sa paghihiganti niya ah?!

    Umiiyak ako kasi nasasaktan ako. Nasasaktan ako sa mga sinabi ko sa kanya. Nasasaktan akong nakita siyang malungkot kahit hindi ako siguradong malungkot nga siya. Nasasaktan ako dahil hindi ko siya kayang paniwalaan. Nasasaktan ako kasi gusto niyang maghiganti!

    Kung hinayaan ko sila ni Muse noon, maghihiganti pa kaya siya? Kung hinayaan ko siya noon, magiging ganito kaya kaming dalawa?

    Napabuntong-hininga ako.

    I give up thinking… He won! I think I’m in love with him!

  • Stage 37Open or Close

    Stage 37.
    Baka mapatay ko pa

    Denise. Kala mo lang inlove ka sa kanya dahil sa kagwapohan niya, katawan, yaman at diskarte niya! Yun lang yun! Gosh!

    Binalik-balik ko ang pag iisip nun para maalis sa isip ko ang pag-amin ko sa sarili ko.

    He is perfect… almost… perfect. Kung di lang siya playboy, totoong mahal niya ako at kung di niya sana ako sinumpa eh baka matagal na kaming nagpakasal.

    Gah! In love ako sa kanya at kailangan kong lumayo. Be with someone else! NOW!

    “Finally! A date with you!” Ngumiti si Renzo pagkasundo niya sakin sa labas ng subdivision namin.

    Papalubog na ang araw at manonood kami ng sine tapos kakain. Simple lang. Isang bagay na hindi ko pa nagagawa ever kasama ang isang lalaki except kay Bench.

    Teka, ba’t ko ba siya iniisip? BURA NA!!!

    *Inbox*

    Bench:
    Are you still mad at me?

    Hindi ito coincidence! Alam ko! Alam kong kaya ngayon siya nag ti-text sakin pagkatapos ng lahat ng nangyari dahil alam niya kung ano ang gagawin ko ngayon.

    Denise:
    Yes, I am. Don’t text me. At wa’g mo akong sundan.

    “Saan tayo pupunta?” Tumingin si Renzo sa phone ko kaya ibinaba ko at linagay sa purse.
    “Uh… Sa mall? Kain muna tayo?” Sabi ko.
    “Saka nood ng sine?” Ngumiti siya.
    “Oo.”

    Hindi ko na binanggit sa kanya ang tungkol sa eksena doon sa bar kasi nahihiya akong maalala yun.

    Kumain kami sa isang restaurant. Spare ribs tsaka strawberry shortcake ang inorder ko. Tingin nang tingin ako sa paligid baka nandyan si Bench. Mukha tuloy akong gaga.

    “Are you okay?” Tanong ni Renzo.
    “Yep… Pasensya ka na.” Sabi ko.
    “Shall we watch a movie?” Tanong niya.
    “Sige, uh, sure!”

    Tingin parin ako nang tingin sa paligid. Hindi ko na talaga masyadong napagtutuonan ng pansin si Renzo dahil dito sa paranoia ko. Hindi pa naman nagrereply si Bench. Siguro nasa paligid lang talaga yun. Tingnan natin Bench kung pati sa sine ay masundan mo kami! Ha! Paranoid noh?

    Chainsaw Massacre 3D ang pinanood namin. Gulat na gulat ako sa bawat eksena. Langya, paranoid kasi eh! Shet! Napatingin ako sa paligid kahit madilim. Di mana siguro kayang sumunod dito ni Bench noh? Gagastos pa siya… OHHH! Of course gagastos yun. Piso lang sa kanya ang gastos na gagawin niya.

    Feeling ko talaga.

    “Hey, are you okay?” Tanong ni Renzo.

    Hiyang-hiya na talaga ako sa kanya. Kanina pa kami magkasama pero si Bench ang laman ng utak ko. Ang walang hiyang yun na mukhang wala naman talaga dito sa paligid ay iniisip ko.

    “Oo. Natatakot lang ako sa scenes.” Sabi ko.

    Hinawakan niya ang ulo ko. Ngayon ko lang narealize na nasa likuran at nakaakbay na pala sakin ang mga braso niya. Linagay niya ang ulo ko sa kanyang leeg.

    “Para di ka matakot.” Aniya.

    Halos di ako gumalaw. Di ako kumportable. Parang weird. Parang di tama.

    Pagkatapos nung movie, nawala yung paranoia ko kay Bench. Effective yung ginawa ni Renzo ah!

    Nasa sasakyan niya na kami at aalis na. Uuwi na. Puyat na puyat ako dahil siguro ‘to sa pagiging paranoid ko.

    “Saan na tayo ngayon?” Mukhang hindi pa napapagod si Renzo.
    “Uwi na?” Tanong ko.

    Sumimangot siya.

    “Mukhang marami kang iniisip ah? May problema ba?”
    “Wala naman.” Sabi ko.

    Lumapit siya ng konti sakin. Nasa driver’s seat siya, nasa front seat ako. Hindi niya pa sinoot ang seatbelts niya.

    Napabuntong-hininga siya.

    “If you’re worried, let me take your worries away…”

    O.M.G. Kinabahan ako. Sobrang kaba!

    Papalapit ng papalapit ang mukha niya sa mukha ko. Sobrang lapit na. Nakatitig siya sakin. Nararamdaman ko na ang hininga niya.

    “Renzo, hindi-” Hindi ko na natuloy kasi nagkasalubong na ang mga ilong namin at maghahalikan na talaga.

    Sa sobrang kaba at adrenaline rush ko, tinulak ko siya pabalik sa upuan niya! Nabigla yata pero maslalong nagpursigi at umulit pa.

    “Renzo, teka lang! Hindi-” Tinulak ko ulit.

    Sht! Parang rape lang ah! OMG! Di tama to! At this point, naiisip ko na bigla-bigla ang lahat ng pwedeng mangyari kung magpatuloy siya at ayaw ko nun. Ang masama pa, di siya tumitigil.

    Hinawakan niya ang magkabilang braso ko at ayan na! Hahalikan niya na talaga ako! Nagpumiglas ako. Tinulak ko siya at nandiri ako sa kanya! Rapist tendencies! My God, Denise! Umalis ka na!

    Uulitin niya pa sana pero biglang bumukas ang pintuan ng sasakyan, may humila sa braso ko palabas nito at hinila niya pa ang t-shirt na soot ni Renzo.

    “Sh1t denise!” Sigaw niya tapos ay sinuntok si Renzo sa panga at sa mukha.

    Dumugo ang labi ni Renzo. Sa sobrang bilis ng pangyayari hindi ko namalayang umiiyak na pala ako.

    “Bench! Tama na!” Hinila ko ang baywang ni Bench palayo kay Renzo na nasa loob parin ng sasakyan.

    I swear to God, kung di ko siya hinila patay na si Renzo ngayon!

    “Tama na!”

    “Walang hiya ka, Renzo!!! F-ck you!”

    Hindi makapagsalita si Renzo, iniinda lang ang sakit sa suntok ni Bench.

    “Tama na!” Hinila ko ulit kasi susugurin niya yata! “Tama na, Bench!”

    Humarap ako sa kanya at hinawakan ang dibdib niya. Pormal ang soot niya. Mukhang inalis lang ang coat sa tux. Parang kaaattend lang ng party o di kaya naman ay board meeting…

    “Tama na, please!”
    “Tama na, Denise? Do you even know what you’re talking about!?” Sinigawan niya ako sa sobrang galit niya.

    Galit na galit siya. Hindi ko alam kung kanino pero pakiramdam ko sakin…

    Napabuntong-hininga siya.

    “Joe, dalawang gulong. Hayaan niyo siya dito sa carpark.”

    What? At nandoon si Kuya Joe sa unahan na nakaabang lang sa sasabihin ni Bench. Tumango siya at kumilos na kasama ang isa pang bodyguard ni Bench.

    Anong ‘dalawang gulong’? What?

    Pinunasan niya ang luha ko gamit ang hinlalaki niya at hinila.

    “Let’s go! Baka mapatay ko pa yang walang hiyang yan.”

  • Stage 38Open or Close

    Stage 38.
    take her home.

    Tumunog bigla ang sasakyan niya at umilaw pa nang papalapit kami. Eto yung sasakyan nung birthday ko. Walang duda ay bago ‘to.

    “Magtataxi-“
    “Sakay.” Aniya bago ko pa matapos ang sasabihin ko.

    Pinunasan ko ang kaonting luha sa pisngi ko sa kakaiyak ko kanina. Hindi parin humuhupa ang kaba ko. Dinig na dinig ko parin ang puso ko.

    Binuksan niya ang pintuan, pumasok na man ako. Pumayag na lang kasi nahihirapan akong makipagtalo sa lagay kong to. I suddenly felt stupid. Alam ni Bench noon pa na ganoon si Renzo. Hindi ko nga lang alam kung paano niya nalaman pero binantaan niya ako. At eto namang si ako… hindi man lang nag background check sa kanya.

    Umikot siya at pumasok, pagkatapos ay pinaandar para makaalis na kami sa carpark.

    Two-seater lang ang sportscar. Kulay itim at may napansin akong Mercedes-Benz na simbolo sa manibela. Hindi ako magaling sa sasakyan kaya di ko matukoy kung anong klaseng Mercedes-Benz ‘to.

    Tumingin ako sa labas. Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa huminto sa traffic light.

    “God! Sana di kita hinayaan sa kanya!” Bigla niyang tinulak ang manibela na ikinabigla ko.

    Tinignan ko siya. Nakatingin lang siya sa labas at mukhang may malalim na iniisip.

    “Kaya ko naman ang sarili ko-“
    “Kaya? Muntik ka ng na rape tapos sasabihin mo sakin kaya mo?” Nabigla ulit ako sa galit na ipinakita niya. Parang ako lang yung mang ri-rape ah? Ba’t sakin ‘to nagagalit?
    “Hello! If hindi ka pumunta dun, edi nasuntok ko na yung ano niya!” Pinandilatan ko siya.
    “May gana ka pa talagang mag taray eh umiyak ka lang naman kanina!?”
    “Eh sa nabigla ako!”

    Napabuntong-hininga siya.

    “Okay ka lang ba?” Tanong niya at sumulyap sakin.

    Kainis! Kung makatingin parang totoong concerned siya.

    “Oo. Hindi naman ako nahalikan o nahawakan.”
    “Talagang hindi…” Humalakhak pa siya na parang sarcastic o galit nakataas ang isang kilay. “Wouldn’t let that happen.”
    “Whatever, Bench.”

    Tama naman siya dun. Salamat sa kanya at na save ako. Pero yun nga, sisipain ko na sana yung chaka ni Renzo eh dumating siyang bigla. Umiyak lang naman ako sa kaba eh. Pero salamat na rin diba? Haaay! Ano ba ‘to. Talagang ayaw ko lang dumikit sa kanya ngayon kasi nagugustuhan ko na siya.

    Ilang sandali ang nakalipas, narealize kong di kami papunta sa bahay. Bago ko pa natanong sa kanya, ay nag open na siya ng ibang topic.

    “Natanggap mo na ba yung regalo mo?” Tanong niya.
    “Anong regalo?”
    “Ipinadala ko sa bahay niyo kanina.” Ngumisi siya.

    Weird nito. Parang di galit kanina.

    “Hindi. Pero kung me ganun, ibabalik ko parin yun sayo kasi hindi ko iyon matatanggap.”
    “Bakit? Noon, tinatanggap mo naman ang mga regalo ko ah?” Ngumisi ulit siya na para bang may light bulb na umilaw sa utak niya.
    “Iba yung noon sa ngayon.” Sabi ko.
    “Bakit? Anong nag-iba?” Lalo siyang ngumisi. The evil smile I’ve missed.

    Hindi ako makatingin ng mas matagal sa limang segundo sa mga mata niya kaya tumingin na lang ako sa daanan. Ibinalik niya din ang tingin niya sa daanan.

    “Sa akin kasi… kung ano yung noon, ganun parin ngayon.”

    Napalingon ako pagkasabi niya nun. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin. Ano nga ba? So talagang di niya ako gusto!? Ganun?! I knew it! Kung ano man yung pinagsasabi niya last year, wala yun. Assuming lang talaga ako!!! Sa kaka assume ko, eto ako at di siya maalis sa utak!

    “Teka, saan tayo pupunta?” Tanong ko nang natauhan ako.

    Kinuha niya ang iPhone niya at may tinawagan.

    “Hello Joe, asan na kayo? Lapit na kami sa 777, bilisan ninyo, ayokong may makakita. She’ll be in big trouble… Okay, good.” Tapos binaba.

    Ano yung pinag-usapan?

    “Saan tayo?” Tanong ko.
    “Club 777.”
    “Ha? Wala ako sa mood mag clubbing…”
    “Ako rin…” Huminga siya ng malalim at nag park sa harap ng Club 777.
    “Diba bawal mag park dito?” Tanong ko.

    Tumingin siya sakin at bumaba. Binuksan ulit ang pinto at bumaba naman ako.

    Kinuha niya ulit ang phone niya at nakita ko yung SUV nila papalapit na rin samin.

    “Lapit na pala sila.” Aniya.
    “Bench, what are you doing?” Tanong ko.
    “Your friend, my cousin, Eliana Jimenez has been drinking, crying and dancing like a whore in this club for the past 50 minutes. We are gonna take her home. Come.” Naglakad siya papasok.
    “WHAT?”

    Sa bigla ko ay sinundan ko na lang siya.

  • Stage 39Open or Close

    Stage 39.
    Let’s Sleep.

    Pumasok kami sa loob. Maraming tao, as usual. Pero nasa pintuan pa lang kami, kitang kita ko na si Eliana. Naka black-laced dress. Maiksi yun at mas lalong umiksi dahil sa disturbing na pagsasayaw niya. Naghihiyawan ang mga tao at tuwang-tuwa sa kanyang malanding pagsasayaw. Parang pumula ang pisngi ko sa hiya. Sumulyap ako kay Bench na umiiling na.

    “Let’s go.” Sabi ko nang nakitang natigilan siya dahil sa hiya.

    Sa adrenaline rush, agad kaming nakarating ni Bench sa stage kung saan nagsasayaw si Eli.

    “Eliana!” Tawag ko.

    Hindi niya ako naririnig.

    May nag-abot pa sa kanya ng isang shot. Buti at kinuha iyon ni Bench bago niya pa nalagok. Hinila ko na rin siya.

    Nagpumiglas pa ito.

    “Sino ka? Ayoko! Ayoko!”

    Nagtulungan pa kami ni Bench sa pagkaladkad sa kanya.

    “Eliana, umayos ka!” Sabi ko.

    Wala siyang sinabi. Parang walang malay. Naglalakad na wala lang.

    Pero nang nakalabas na kami sa Club 777, napagtanto kong basa ang pisngi niya at umiiyak siya.

    “Are you okay?” Tanong ko.

    Bigla niya akong yinakap!

    “Ayaw niya yata sakin! Pangit ba ako?”

    WHAT IN THE WORLD IS THIS?

    “Joe, ihatid mo sa condo.” Sabi ni Bench sa mga bodyguards niyang naka abang. “Mauna na kami ni Denise dun.” Dagdag niya.

    Sinakay namin si Eliana sa SUV nina Bench. Tapos sumakay kami ni Bench sa bago niyang sasakyan.

    “Anong nangyari sa kanya?” Tanong ko nang nasa loob na kami ng sasakyan niya.
    “Just drunk…” Aniya at pinaandar ang sasakyan.
    “Parang broken-hearted.”

    Tumingin siya sakin.

    “Alam kong minsan walang preno siya kung uminom pero di naman siya umiiyak ah?” Sabi ko. “Tapos ganun pa yung sinabi niya sakin.”

    Nag-isip si Bench sa kawalan.

    Ngayon ko lang narealize na mejo nag-iba siya. Tulad ng iniisip ko kanina sa carpark, naka formal attire siya, tux na tinanggal ang coat. Mukha siyang… businessman. But then again, that’s what he is. Nineteen years old kaming dalawa pero simula nang umalis siya at nagpunta ng Hawaii and other places God knows where, ay parang iba na siya.

    Dahil siguro sa 70% na shares sa kompanya nilang pinapasan niya na ngayon. Mas seryoso, gwapo at…

    Tinignan niya ako nang nagstop kami sa traffic light. Nasindak naman ako sa tingin niya at napagtantong kanina pa pala ako nakatingin! Agad akong tumingin si traffic lights.

    Ngumisi siya. He licked his lips and smiled again.

    “Namumula ka.” Sinabi niya pa talaga!

    AWKWARD!

    Anong nagbago sa kanya? Wala! Ganun parin. Yun nga lang… ngayon, mas seryoso, mas mas gwapo at mas… evil.

    Evil siya noon pero mas sumobra ngayon. He’s back with a vengeance! Kung noon ay may dala siyang isang milyon in exchange sa tiwala at pagmamahal ko, ngayon hindi lang isang milyon ang dala niya. Dala niya ang buong mundo para lang makuha ako.

    Natatakot ako.

    “Kelan mo ‘to binili?” Sabi ko, para baguhin ang topic, habang tumitingin sa buong sasakyan niya.
    “Last December. Mercedes-Benz SL-Class, mabilis ‘to atsaka maganda kaya gusto ko.”

    Nakatingin parin siya sa akin. Intimidating. Buti at nag green light kaya nakatoon ulit siya sa kalsada.

    “Uh… Saan ka galing today?”

    Halos mabilaukan ako sa sarili kong tanong. Ba’t yun ang tanong ko? Syempre, curious ako dahil bigla siyang sumulpot kanina sa carpark.

    “Business meeting.” Sabi niya.
    “Ba’t ka pumunta sa carpark?” Tanong ko sa kanya.
    “To save you…” Sumulyap siya.
    “Bench, don’t be ridiculuos!”
    “I warned you! Diba sabi ko sayo dapat layuan mo siya. Ayaw mong makinig kaya pinasusundan kita.”
    “What?!” Para akong nabigla pero di naman talaga kasi alam ko ang pinaggagagawa niya.

    Pero nakakabigla parin.

    Ngayon, mas lalo pa akong nahihilo sa lahat ng mga nangyari. Last year, nagpahiwatig si Bench na parang may gusto siya sakin pero ayokong maniwala kasi binantaan niya ako noon na papaibigin niya ako at sasaktan. Ngayon parang ewan na talaga!

    Pinindot niya ang elevator habang tinutulungan namin si Eliana na umayos sa pagtayo. Umiiyak parin siya.

    “Denise…” Daing ni Eliana. “Ipinagpalit niya ako…”

    Hanggang sa nasa condo niya na kami.

    Binuhat ni Bench si Eliana papuntang guestroom.

    “Dito na kayong dalawa matulog sa condo.”
    “Huh? Pero si Dad-“
    “He agreed.”
    “What? Nagpaalam ka sa kanya?”

    Nandilat siya sakin at ngumisi.

    Prepared siya masyado… para bang… nasa plano.

    “He left me for that girl~!” Nakahiga na si Eliana pero iyak parin ng iyak.
    “Tigas kasi ng ulo eh.” Sabi ni Bench. “Hindi na nga pinapalabas, pumupuslit parin para makita lang yung lalaki niya.”
    “Huh? Alam mo ba kung sino?” Tanong ko.
    “Of course. Yuan Tan. The half-chinese.”

    Dumilat si Eliana nang narinig ang pangalan ni Yuan.

    “Dahil di ako chinese di kami pwede! Anong klaseng excuse!? Ayun! Iniwan ako!”

    Umiling si Bench at linagay ang index finger sa mga labi niya.

    Tumingin siya sakin.

    “Pag nalaman ‘to ng Dad niya, sigurado akong ipapadala siya sa abroad. At pagnagkaganun, ikaw na lang ang nasa school. Wala ako. Wala si Eliana.”

    Nilapitan niya ako at hinila palabas sa kwarto na para kay Eliana.

    “Huh?” Parang naririnig ko na naman ang kaba sa dibdib ko.

    “Get in my room. Change. Let’s sleep.”

    Inakbayan niya ako at ngumisi siya.

  • Stage 40Open or Close

    Stage 40.
    Sweet revenge

    Lahat ng mga ginagawa niya sobrang nakakatukso. Gusto kong komprontahin siya at tanungin kung gusto niya ba ako o hindi. Pero kung tatanungin ko siya, pakiramdam ko siya ang nanalo.

    Dalawang room lang meron ang malaking condo niya. Guest room tsaka yung sa kanya kaya walang choice.

    “Hoy, Bench. Sa labas ka matulog! Dun ka! Kala mo nakalimutan kong manyak ka?!” Sigaw ko nang nakita kong seryoso siya sa sinabi niya.

    Nakatuwalya na siya at maliligo. Ayoko tuloy maligo kasi uneasy ako na nandito ako sa condo niya.

    “Condo ko ‘to, ikaw nga dapat yung nasa labas!” Tumawa siya.
    “Ikaw kaya yung nagsabing dito ako matulog! Sana umuwi na lang ako!” Sabi ko.
    “Bakit? Wala ka bang tiwala sa sarili mo?” Evil smile.
    “Anong walang tiwala ang pinagsasabi mo diyan!”

    Nilapitan niya ako. OMG! Nakatuwalya siya at di matanggal yung mga mata ko sa bakas ng kalamnan niya. Abs! At mukhang mas madalas pa siyang nag wo-work out kesa sa noon ah.

    Binato ko siya ng unan pero umilag siya.

    “Wala kang tiwala sa sarili mo kasi alam mong matutukso ka sakin, ano?”
    “Heh! Sayo ako walang tiwala!” Sabi ko pero pulang-pula na talaga ang pisngi ko.
    “Walang nanunukso kung walang matutukso.” Ngumisi siya at naligo na.

    Okay! Easy Denise! Alam mong playful lang talaga yang si Benjamin Jimenez kaya hayaan mo na! Alam mo ding first time niyo ‘tong matulog na magkatabi kaya wa’g kang magpadala sa kanya. Mahal mo siya pero hindi siya mapapagkatiwalaan kaya wa’g kang magpaloko. Ayokong tumulad kay Eliana no! Whatever happened with her alam kong dahil nagpaloko siya. Well, I’ll just ask her tomorrow.

    Tinignan ko sa closet niya kung nandun parin ba yung ibang damit ko na iniwan ko dito ages ago. Tama, nandun parin yung shorts tsaka white t-shirt ko. Eto na lang yung itutulog ko ngayon. Nasa tabi nito ang kanyang mga damit, t-shirt, shorts, at iba pa.

    Habang tinitignan ko ito, napapangiti ako. Parang… I belong here. We belong to each other. He’s evil, I am evil. Denise and Bench, kaming dalawa evil. Kailangan namin yung isa’t-isa. May damit at keys ako sa condo niya tapos binibilhan niya ako ng kahit anong gusto ko. Alam kong binibilhan niya din naman yung mga babae niya pero parang ako yung uuwian niya pagkatapos ng lahat.

    He’s almost perfect… Everything is almost perfect. Pero joke lang yun! Nagpapaloko lang ako! Kasi alam kong kahit anong gawin ko, paghihiganti lang ang habol niya sakin.

    Agad kong pinalitan ang damit ko. Buti at na zip ko agad yung shorts bago pa siya natapos maligo. God! Kinabahan ako dun ah!?

    “Namumutla ka?” Tanong niya pero nakangisi parin.

    Basa yung buhok niya at magulo. Kumikinang yung abs niya dahil kakaligo niya lang! SUPER DUPER HOT na parang gusto ko na lang mahimatay tsaka kalimutan ang nakaraan. Errr… Makamundong pagnanasa!

    Tumalon ako papunta sa kama niya at ibinalot ang sarili ko sa comforter.

    “Sa labas ka matulog!” Sabi ko.
    “Its my condo. Kung gusto kong tumabi sayo, tatabi ako.” Sabi niya.

    Ang kapal ng mukha talaga ng mokong! Masyadong confident sa pangangatawan at nagawa pang tanggalin ang tuwalya sa harapan ko. WALA AKONG NAKITA! PROMISE! Agad kong tinakpan ang mukha ko ng comforter.

    Narinig ko ang halakhak niya.

    He’s a manwhore! Damn it!

    “Stop it Bench, its not working! Matutulog na ako.” Sabi ko.

    Narinig ko ang pagbukas ng closet niya at pagbibihis niya. Kahit naka full ang aircon pinagpapawisan ako ng todo-todo. Walang hiya! Kung nakamamatay lang ang punyetang hotness na yan, matagal ng patay ang mokong na ‘to. Di mo talaga maidedeny na kaya siya pinagkakaguluhan ng babae eh dahil sa kagandang lalaki niya.

    “I wish that monkey learned his lesson.” Sabi niya.

    “Talaga!” Sabi ko.

    Tinanggal ko na ang comforter sa mukha ko. Nakita kong naka boxers lang siya at susuotin na ang puting sando na ipangtutulog niya yata.

    “Siguro nandun pa yun sa carpark. Kainis! Kung sana alam ko lang na ganun siya.” Sabi ko.

    ANG SABIHIN MO DENISE! ALAM MONG MAS MANYAK PA ITONG KASAMA MONG MATUTULOG TONIGHT PERO SUMAMA KA! Where is your logic? Baka naiwan mo sa bahay? Kanina ka pa pumapalpak diyan eh.

    “Hindi lang siya… hindi lang siya ang gusto kong matuto… kundi silang lahat.”

    Humiga siya sa tabi ko. Mejo lumayo ako. My God! Tama ba itong pinaggagawa ko? Hindi kaya ako matukso sa kanya? Hindi naman siguro. Masama ako pero hindi naman masyadong malandi kaya kaya ko ito.

    “Huh?” Tanong ko.

    Nakahiga kaming dalawa. Humarap siya sakin, nakaharap din ako sa kanya.

    “Dapat alam ng lahat na ikaw ay sa akin lang.”

    Napalunok ako. He is half-smiling but his eyes look serious.

    Natawa ako sa sinabi niya. Itinawa ko na lang ang pagtibok ng puso kong parang nagmamadaling kabayo.

    “One of your strategies, eh? To get to me?” Sabi ko.
    “Yes. Coz finally, you want to have someone in a romantic way.”
    “Ganun ba? Hinintay mo ito bago ka pumorma? After how many years, sisimulan mo na ang revenge mo.”

    Pumikit siya na para bang nahihirapan.

    “Yes… my revenge. Sweet revenge.” Hinaplos niya ang mukha ko.

    Shet! Narinig mo yun?! Finally inamin niya pero may kung anong pwersa na parang gusto kong bumigay na lang at kumawala.

    This man wants his revenge. At alam kong nagwagi na siya cos he is Benjamin Jimenez, he gets who he wants how he wants. But I’m Denise Gozon, hinding hindi ako papayag.

  • Stage 41Open or Close

    Stage 41.
    She’s my cousin.

    “Good morning!”

    Bago ako dumilat may bumati na agad sakin.

    Napatalon talaga ako sa bigla. Nakayakap ako sa abs ng damuho! Kaya pala mainit! Jusko! Ginawa ko pang unan ang dibdib niya hindi ko kinaya kaya agad akong tumayo.

    “What the f-ck!” Sigaw ko. “Good morning mong mukha mo!” Sinapak ko siya ng unan.

    Nakangisi at mukhang kanina pa gising.

    “What?” Tumawa pa.

    Bad trip ako sa umaga! Leche!

    “Ikaw itong yakap nang yakap sakin! Harassment! Pasalamat ka hindi ako nagreklamo.” Humalakhak ulit siya.
    “Reklamo? Ikaw pa ang mag rereklamo eh yun naman ang gusto mo!”
    “Hindi kita hinawakan! Ikaw itong nagpumilit kaninang madaling araw na yakapin ako.”

    Sinapak ko ulit. At nag walk-out. Tawa siya nang tawa. Hindi ko matanggap na may tendencies talaga akong mangyakap dahil sa malalaking unan na nakapaligid sa kama ko sa bahay. Nasanay na akong may yayakapin gabi-gabi. Tuwang-tuwa ang mokong na parang solb na ang araw niya. Kainis.

    “Denisssse!” Naaninaw kong nagtitimpla ng kape si Eliana sa kitchen.

    Parang walang nangyari. Buti at 7:00am pa kaya di ako natataranta. Thursday ngayon at may pasok talaga.

    “Natulog ka with Bench?” Kasing evil ng smile ni Bench ang smile niya ngayon.
    “I have no choice.”

    Nakangiti parin siya habang uminom ng kape.

    “Anong nangyari?” Sabi ko.

    Agad nag mood swing ang lola niya.

    Inayos niya ang buhok niya.

    “I have a class at 10am.” Sabi niya na para bang yun ang dahilan kung bakit ayaw niyang sabihin sakin.
    “Mag absent ka today, then.”

    Kumuha ako ng tubig sa malaking ref ni Bench. Pagkabalik ng mga mata ko kay Eliana, nakatunganga na siya at parang iiyak na.

    “Ano ba talaga ang nangyari sa inyo ni Yuan Tan?” Tanong ko.

    Sinabi niya sakin ang lahat. Talagang nagpaloko siya. Ako na walang karanasan sa mga lalaki ay alam na naloko siya. Pero ganun pa man, hindi ko kayang ipangalandakan kung gaano ka tanga ang mga pinaggagagawa niya. Naaawa din naman kasi ako sa kanya.

    Si Yuan Tan ay ipinagkakanulo sa isa pang chinese na kaibigan kong si Tanika Uytingco. Ang sabi ni Yuan ay ayaw niya kay Tanika at gusto niya si Eliana. Which I doubt kasi kung totoong gusto mo ang isang tao, hindi mo itatago ang relasyon niyo. Yes. Pumayag si Eliana na parang more than friends sila pero tinatago lang ito dahil magagalit ang parents ni Yuan. Very childish na gusto kong sumuka. Yinaya ni Yuan si Tanika for the upcoming ball dahil utos ng parents niya. And suddenly, finally, Eliana got fed up. Ayaw niya ng tinatago-tago siya. Sinorpresa niya si Yuan sa bahay nila pero pinagtabuyan siya ng pamilya ni Yuan… ang sabi ay hindi siya pwede kay Yuan dahil anak lang siya ng kabit! THAT’S THE WORST THING! Hindi siya anak ng kabit, diosmio!

    Pero may mas worst pa pala… tinaboy din siya ni Yuan Tan!

    Kawawang Eliana na ang nagawa ko na lang ay yakapin siya. Humanda ang lahat ng makakasalubong ko mamaya at masisipa ko talaga. Nagngingitngit ako sa galit ngayon.

    “Ba’t di mo kasi sinabi sakin para matulungan kita?” Tanong ko.
    “Ayokong may makaalam, baka kasi ayaw niya na sakin kung may pagsasabihan ako.” Sabi niya sa gitna ng paghikbi.

    Nakita ko si Bench na mukhang kanina pa nakatayo at nakatingin sa amin.

    I’m gonna ruin Yuan Tan… and I know the master devil is on my side. Pero hindi ko alam kung bakit ito ang sinabi niya…

    “Don’t make your moves yet, Denise. Hayaan mo na ako dito. She’s my cousin.” Sabi niya.

    Ha! Kaya ko na ‘to, Bench.

    “She’s my friend.” Tinaas ko ang isang kilay ko at umiling na lang siya.

    Nanggigigil na akong pumunta sa school. I can’t effin wait!

  • Stage 42Open or Close

    Stage 42.
    Miss me?

    Walang nagawa si Bench. Hinatid niya na lang ako sa bahay at umuwi din. May nakalimutan akong itanong sa kanya kanina…

    “See you later…” Sabi ko pagkababa ko sa sasakyan niya.

    Awkward.

    “Yes… maybe, later.”

    Bakit nga ba sabi niya pag mawawala si Eliana, ako na lang mag isa? Bakit?

    “You slept with Bench?” Pataas ang tono ni Daddy nang sinalubong niya ako.

    He made it sound so disgusting.

    “NO! Natulog ako sa condo niya with Eliana. Sleepover!” Sabi ko na nagpapanic sa tanong niya.
    “Oo! Kaya nga sabi ko… you slept with him kasi sleepover.”

    DAFUQ did he just say?

    “Whatever, dad.” Nilagpasan ko siya.

    Humalakhak naman si Daddy.

    “Nga pala… yung mga sapatos at kung anu-ano pa, nandun sa kwarto mo. Yung galing kay Bench.”

    Oh right! Meron pa pala akong problema dun. Now now… mukhang okay na kami pero not exactly okay. Ayoko paring makareceive ng kahit anong gift sa damuhong yun.

    Pagkabukas ko sa kwarto, tumambad sakin ang lahat ng pinamili niya. May tatlong bags pa ng Aldo doon.

    May note:
    Thought you didn’t like the Louboutins, this ones one of your favorite brands.

    God! Ano ‘to!? This is madness! Sana di niya alam yung size ko para di niya ako basta-bastang mabilhan ng mga ganito. Should I return this or something? It creeps me out.

    Siguro diyan lang yan at maghihintay ako ng tamang tyempo para ibalik sa kanya. Hindi ko na tinignan kasi baka ma tempt lang akong gamitin.

    Ngayon, kailangan kong mag plot ng plan for Yuan Tan…

    “Yo! Denise, what’s up!” Sabi ni Nina nang nagkita na kami sa cafe ng school bago pumasok sa klase.
    “Do you know Yuan Tan?”
    “Of course! Mukhang boyfriend niya na yata si Tanika eh! Saya kasi ni Tanika kagabi. Nagkatuwaan nga kami. Eh parang shock pa siya. Di ko nga maintindihan kasi months ago pa nagpahiwatig si Yuan na gustom niya si Tanika dahil dun sa pag anyaya niya sa Ball diba? Eh teka, may date ka na ba sa Ball? malapit na din yun! I suspect you’ll be with Renzo?”

    Hmmm. Mukhang dahil sa sobrang supportive ni Nina kay Tanika, di ko siya magiging kakampi. Pero… magagamit ko siya!

    Tsaka pinaalala niya pa sakin ang rapist na si Renzo kaya iniba ko ang usapan…

    Pagkapasok namin sa classroom, wala parin si Bench! BAKIT WALA SIYA? Eh hindi na ba siya papasok EVER?

    Text ko:
    Where are you? Di ka ba papasok?

    Bench:
    Miss me?

    Denise:
    No. I’m just wondering kung gusto mo pa ng degree ngayong sa iyo naman yung kompanya.

    (rich kid problems) Me? I need the degree. And soon I’ll take up Law… Business? No! Hindi kami ganun ka yaman para mag fund ng business. Maybe small businesses but not my thing.

    Bench:
    Of course, gusto. But the company needs me more.

    Denise:
    So you dropped out?

    Bench:
    No. I’m taking special classes.

    Denise:
    Is that even possible?

    Halos matapon ko ang phone ko sa basurahan! Pera, pera! Pinapaikot ang mundo!

    Nagreply si Bench pero di ko na binasa… nakita ko kasi si Nina.

    “Hey, Nina!” Tawag ko kay Nina na papunta na sana sa next class niya.
    “Yes?”
    “Alam mo ba kung nasaan si Tanika ngayon?” Tanong ko.

    Nagtaka siya pero sinagot niya rin naman.

    “Siguro nasa cafeteria… or locker room.”

    Agad akong nagpunta sa locker room. Tama si Nina, nandito nga si Tanika at kinukuha ang ilang books niya. Para siguro sa next class. Nilapitan ko ng dahan-dahan at siniguradong walang tao sa paligid.

    “Tanika…”
    “Denise!” Nabigla siya nang nakita ako.
    “Can we talk?” Tanong ko.

    Una, kay Tanika muna ako pupunta. Kukumbinsihin ko siya na lumayo kay Yuan hindi para magkatuluyan si Yuan at si Eliana kundi para iligtas ang kanyang sarili. Yuan is a freakin liar! Gusto kong maging impyerno ang buhay niya.

    “Sure!” Sabi niya.
    “It’s about Yuan.”

    Sumimangot siya at alam kong di magandang senyales yun.

    “What about Yuan?”
    “Alam kong gusto mo siya. But I just want to let you know that he’s a liar.”
    “anong proweba mo?” Mejo napataas ang boses niya at tumaas pa ang isang kilay.
    “Si Eliana. I don’t know kung alam mo pero pinaasa niya si Eliana na magiging sila. He told her that he loves her pero yun naman pala, sinungaling!”
    “What made you think na nagsisinungaling siya sakin?”

    Napanganga ako sa tanong niya.

    “Sinabi niya sakin na mahal niya ako, period!” Pinipigilan niya ang mga luha niya.
    “Alam mo bang ganito ang nangyayari all along?”
    “Oo!” Pinunasan niya ang luha niya. “Pero hinayaan ko. Kasi alam kong kahit na maghanap siya ng iba, sakin parin ang bagsak niya. Tanga lang si Eliana. Naniwala agad kay Yuan. Yuan’s just dating her for fun! She’s the type of girl you date before you get serious! Tsaka, nagmana lang siguro si Eliana sa kabit niyang mommy!”

    NASAMPAL KO NA! Kanina pa kumukulo ang dugo ko eh ngayon ko lang nailabas!

    Nanlaki ang mga mata niya at natigilan sa sampal ko.

    “Hindi anak sa labas si Eliana. Itatak mo yan sa kukote mo! Kaya ka pala nagpapakatanga diyan kay Yuan kasi totoong tanga ka! Ikaw itong tanga, Tanika! Alam mo pero hinahayaan mo. And worst tinanggap mo pa ulit!Kung nagawa niya ngayon, gagawin niya ulit yun.”
    “Anong karapatan mong pagsalitaan ako ng ganyan Denise? Wala kang alam! Hindi ka pa nagkaboyfriend at alam kong hindi ka pa nagmamahal! Paano ka magmamahal eh hindi mo kayang magpakatanga?”
    “Oh my! Can you hear yourself? So okay lang sayo na mambabae si Yuan basta kayong dalawa ang magkakatuluyan? What kind of love is that!? Oh my god! Get a god damned life and love your self sometimes!”
    “Ang sabihin mo, Denise! Plano mo ‘to! Gusto mong iwan ko si Yuan para sila ni Eliana ang magkatuluyan. Well, you’ll never succeed!”

    Tapos nagwalk-out siya. Napasigaw ako sa gigil!

    What the?! Hindi ko kailanman papayagan si Eliana na makipagbalikan o makipag-usap man lang ulit sa Yuan na yun. He’s gonna learn his lesson freakin well this time!

    May biglang nahulog na mga aklat sa kabilang lockers at nakita kong pinupulot ito ni… Jenny!!!

    “So-Sorry!” Sabi niya.
    “Didn’t you know that its rude to eavesdrop?”
    “Hindi ko naman sinasadya.” Pinupulot niya parin ang mga books niya.

    Ano ‘to? Intermission number niya! Ilang dekada ko na siyang di nakikita and here she is, back to being nerd. Away from Bench. Wala akong pakealam kung narinig niya yun. Its none of her business.

  • Stage 43Open or Close

    Stage 43.
    The devil will never play fair.

    Hinanap ko na agad si Yuan. Binalewala ko na si Jenny dun sa locker. Hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin kaya ang ginawa ko muna ay hinanap ko ang sasakyan niya.

    Ilang minuto akong naghintay bago ko siya nakitang papalapit sa sasakyan niya. He knew I was there to scold him and slap him for what he did but he faced me bravely.

    “I know why you’re here.” Sabi niya.
    “You should! Ngayon, gusto kong malaman mo na I’m gonna-“
    “Ruin my god damned life? Its already ruined, Denise. Di mo na kailangan pang dumagdag.” Sabi niya.

    For some reason, biglang sumulpot si Tanika at sinampal ako.

    PAK!

    Napatingin lahat ng tao dun at natigilan.

    “Tigilan mo na ‘to!”

    Langya! Pwede namang sinabi niya lang na tigilan ‘to at di na ako sinampal. Nahighblood ako sa ginawa niya kaya sinampal ko din. Magkakalimutan na ang magkakalimutan. Kainis!

    “Ikaw ang tumigil, Tanika! Are you blind? Tsaka, wa’g kang makealam dito!” Sabi ko.
    “Bakit? May karapatan akong makealam dahil relasyon namin ni Yuan ang pinag-uusapan dito. Wa’g ka ngang kakabit at papapel.”

    Nagbulungan ang mga tao sa paligid. May narinig pa akong… “Kabit si Denise?”

    Sige, eto na ha! Kainis na kayong dalawa!

    “Kakabit at papapel ako dahil sinaktan niyo si Eliana! Alam mong, inosente siya, Yuan.” Sigaw ko. “At ikaw naman, Tanika… My goodness, magkaibigan tayo pero ni hindi mo sinabi na alam mong may ganung nangyayari. Ano ba kayo? Nagtatangatangahan!?-“
    “Anong pinagsasabi mo?” Sinubukan ni Tanika ang pagpapatigil sa bunganga ko dahil hiyang-hiya na siya sa mga nakakarinig.
    “Wa’g kang mag maangmaangan. Wag mong ipalabas na ako ang ginawang tanga, si Eliana ang ginawa niyong tanga!”
    “HINDI KO SIYA GINAWANG TANGA!” Sigaw ni Yuan sakin.

    Nabigla naman ako dun. Galit na galit siya at pulang pula ang kanyang pisngi.

    “Eh anong tawag mo dun? Minahal ng totoo-“
    “WALA KANG ALAM, DENISE!” Sigaw niya.
    “Ewan ko sainyo Yuan, ang alam ko lang ay niloko niyo si Eliana. Kayong dalawa ng GIRLFRIEND mo! Niloko niyo siya! Ang kakapal ng mukha niyong lokohin siya!”

    Hindi ko na alam kung anong iniisip ng dumadagsang mga taong nakatingin.

    “HINDI KO SIYA NILOKO! HINDI! MINAHAL KO SIYA NG TOTOO!”
    “Minahal? HAHAHA”

    Sa sobrang inis niya sa pagtawa ko hinawakan niya na ang magkabilang braso ko at niyugyog ako.

    “Oo! YUN ANG TOTOO! WALA AKONG MAGAW-“
    “Excuse me pare pero mukhang nasasaktan na si Denise.” Biglang sabi ni Lance.

    Saka ko nakita si Tanika na umiiyak at wasak na wasak. Matagal na siyang wasak. Binalaan ko siya pero hindi siya nakinig.

    Hinawakan ni Lance ang braso ko.

    “Ang ibig kong sabihin ay bitawan mo siya.”

    Huminga ng malalim si Yuan at umiling. Humupa naman ang mga tao dahil umalis si Tanika at si Yuan naman ay pumasok sa kanyang sasakyan.

    “Okay ka lang ba?” Tanong niya sakin habang yumuyuko at tinitignan ako.
    “Okay lang.” Sabi ko na parang naiilang.

    Touched ako dahil nag-alala si Lance pero nanghihinayang din kasi nawala ko si Yuan at Tanika.

    Nagkatitigan kaming dalawa ng halos sampung segundo nang biglang may umubo sa likuran.

    “I’m kinda late but I think I still deserve the right.” Bigla akong hinila ni Bench papunta sa kanyang mga bisig.

    Parang tumigil ang oras at nag slow motion ang lahat. Nakita kong natigilan ang mga taong naglalakad sa carpark at sa field.

    Bench is back with a vengeance.

    Akala ko matatameme si Lance pero hindi… Kalmado lang siya pero parang nainsulto.

    “The girl is mine.”

    Ngumisi si Bench na parang may masamang mangyayari sa susunod na makita niyang hawakan ako nino man.

    “You always say that, but its not your decision Bench.”

    Pero may pasabog din pala tong si Lance!

    “Until that decision is made…” Tumingin si Lance sakin. “Saka mo siya makukuha.”

    Nakiliti naman ako sa ilong ni Bench na inamoy ang buhok ko sa likuran. Ngayon ko lang na realize na nakapulupot parin ang isang braso niya sa baywang ko. Si Lance naman, mukhang nabadtrip sa ginawa niya.

    “The devil will never play fair.” Sabi ni Bench.

    Parang gusto kong magsalita… Pero seryoso silang dalawa at takot ako sa mangyayari…

    “And they will never win.” Sagot ni Lance sa kanya.

    Hinila ako ni Bench na parang tuta. Inis yata sa linya ni Lance.

  • Stage 44Open or Close

    Stage 44.
    Sit here.

    “Saan tayo pupunta?” Tanong ko habang nag di-drive si Bench ng sasakyan.

    “ARE YOU CRAZY!? DIBA SABI KO SAYO WA’G KANG GUMAWA NG KAHIT ANO?” Biglang sigaw niya.

    Parang nag burst out ang prinsipe niyo sa inis.

    “Wala namang nangyari ah? Anong problema mo-“
    “Kung di ako dumating, baka nagkasabunutan na kayo ni Tanika… O baka na harass ka ni Yuan.”
    “Anong ‘kung di ka dumating’? Eh si Lance yung unang dumating-“
    “Dont you talk to Lance again.” Sabi niya.

    “Huh? Wait- What?”

    Pumikit siya at mas lalong binilisan ang pagpapatakbo sa sasakyan niya.

    “Mamamatay tayo dito, Bench!” Sigaw ko habang kinakabahan.

    Leche tong mokong na ‘to. Kung mainit ang ulo niya eh pagbuntunan niya yung iba, wa’g ako.

    “Ano bang problema mo?” Nakapark kami sa tapat ng building nila.

    So he’s working. Pero bakit niya ako isinama?

    “You are my problem!”

    Lumabas siya at hinila na rin ako palabas ng sasakyan. Hinagis niya kay Kuya Joe ang keys at dirediretso siyang pumasok sa loob.

    “Bakit ako?”

    Halos madapa na ako sa kakahila niya.

    “Bench, tigilan mo nga. Ugh!” Sinubukan kong tanggalin ang kamay niya sa braso ko pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya.

    “G-Good morning, Sir!” Nag-aalangang bumati ang mga tao sa kanya dahil sa mukha niya siguro.

    “Mood swing ba yan? May dalaw ka at bakit bigla ka na lang galit diyan?”

    Nakapasok kami sa elevator. Sinarado niya at ni-press ang 17 sa buttons… 17th floor.

    “What’s wrong-” Bigla niya akong tinulak sa elevator wall.

    Seryoso ang mukha niya at kay lapit lapit. Naamoy ko na ang mabango niyang hininga. Kahit galit siya, may bakas parin ng dimple niya sa mukha. Sobrang gwapo talaga. Andyan na naman yung makamundong pagnanasa ko. Hindi tuloy ako makatingin sa mga mata niya. Hay nako! Hidden desires :(

    “I know I won’t ever get you with my words or mere actions. Right?”
    “Hu-“
    “So this time, I’m gonna own you.”

    Hindi ko maintindihan ang lokong ‘to. Anong ‘get you-get you’ na sinasabi niya? Siguro atat na talaga siyang makapaghiganti sakin at alam niyang di ko hahayaan ‘to.

    “Sa ayaw at sa gusto mo.”

    *TING!*

    Bumukas ang elevator kahit nasa parehong posisyon kaming dalawa. Ang laswa tignan na napatalon ang mga papasok sana. Hindi sila tumuloy at sila pa yung nahiya…

    Bigla akong hinila ni Bench. Binigyang daan kami. Laglag ang panga ng lahat. Nahiya tuloy ako dahil yung iba professional-looking talaga.

    Parang giraffe na nagtataasan ang leeg ng mga employees nina Bench kung makatingin sakin.

    “Ba’t mo ba ako dinala dito? Huy!” Sigaw ko.

    Panay parin ang hila niya sakin papunta sa isang double-door at glass na pintuan. Ilang segundo lang ay nakapasok na ako at tumambad sakin ang mukhang nag bo-boardmeeting na mga stock holders, sa gitna ay ang kanyang Daddy.

    Ginalaw lang ng daddy niya ang kanyang glasses at umubo ng konti tapos ngumiti sakin…

    “My son’s back…”

    Nakatingin na sakin lahat ng stock holders.

    “With someone… Pakilala mo sa board, son.”

    Tumango si Bench at pumula ang pisngi. The devil!

    “This is Denise Gozon, by the way, my girlfriend and future wife.”

    Believe me… mas gulat ako sa inyo!

    Sa sobrang tahimik ng mga tao gusto ko na lang lumiit at magtago at magkunwaring langgam.

    WHAT THE EF? What did he just say? Gusto ko siyang sigawan pero umuurong ang boses ko dahil sa mga taong nasa harapan.

    Ngayon ko lang napansin na kanina pa pala ako nakanganga at hindi humihinga.

    Tinignan niya ako at hinawakan ang aking kamay.

    “Sit here.” Aniya at pinaupo ako sa kanyang upuan.

    “Congrats!!” Saka pa bumati ang mga nabiglang board members…

    Ayoko ng marinig ang kanilang mga sinabi. Hindi ko talaga magawang umapila dahil yung daddy niya ay parang na carried-away. Hindi ko alam kung masaya dahil sa wakas ay mukhang matatali na ang kanyang anak o dahil eto rin ang plano niya.

    Naka face-palm ako nang natapos ang ‘congratulations’ ng mga tao at nag resume ang meeting.

    Why am I even here?

    Tinanggal niya ang kamay kong kanina pa naka face-palm.

    Naaninaw ko agad ang nakangisi niyang mukha. Ibang-iba sa ipinakita niya kanina sa sasakyan. Ngayon, masayang-masaya na siya. Kainis nga eh.

    Now I know, the devil… will never… ever play fair.

    Kawawang Lance. Pero ganun pa man, I won’t give him the satisfaction of my defeat! Hinding-hindi siya makakapaghiganti sa akin kahit na alam kong mahal ko na siya. I won’t let him!

    Napapikit ako. Ngiti niyang sobrang nakakatukso… paano na ‘to ngayon?

  • Stage 45Open or Close

    Stage 45.
    Iuuwi na!

    “What the hell, Bench? What the hell?!” Sigaw ako ng sigaw pagkalabas namin sa building nila.

    Uuwi na yata siya.

    “Shall I send you home?” Tanong niya.

    Di parin maalis ang ngisi sa mukha niya. Sinapak ko na.

    “Aray naman!”
    “Ano bah!!! Ano ba ‘tong ginagawa mo?”

    Papalapit kami sa sasakyan niya.

    “Bukas, papasok ka ulit diba? Kahit anong porma ang gawin ni Lance sayo at kahit wala ako, wala na siyang magagawa. Its over, Denise.” Ngumisi ulit.

    “Over mong mukha mo, Bench! Kung paghihinanti lang yung balak mo, di mo ako madadaan sa mga pakulo mo, noh!?”

    Natigilan siya sa harap ng sasakyan niya at humarap sakin bago pumasok…

    “So… Kung tunay ‘to, papayag ka na?” Tanong niya ng seryoso.
    “Uhhh…”

    Titig na titig siya sa aking mga mata. Ako tuloy yung naiilang at di makayanang tignan ang mata niya.

    Ano ba ‘to, ba’t ko pinapatagal ang pagsagot at bakit pinag iisipan ko pa?

    “Syempre hindi rin! Ano ka ba, Bench. You dated at least hundred girls… you expect me to believe you?” Tumawa ako pero seryoso parin siya.
    “That’s my point, Denise… You won’t believe me in anyway… kaya pipikutin kita hanggang sa sumuko ka.”

    Tinignan ko ang mga mata niya at kinabahan. Alam kong mangyayari talaga yun… ngayon pa lang sumusuko na ako. Yung pride ko na lang ang nakatayo.

    Nagkatitigan kami. Tapos ilang sandali ay nakita kong nakatingin ang mga mata niya sa… lips ko? Kinabahan ako. Kinabahan ako hanggang sa naisip kong hindi na kaba ‘tong nangyayari sakin. So… nangyayari pala talaga yun? Yung sabi sa TV at ibang books na pag inlove ka, maririnig mo talaga yung puso mo? Pinagpawisan ako ng todo.

    Akala tumigil ang pag-ikot ng mundo.

    “Ah!” Ginulo niya ang buhok niya at pumikit. “Now you get in.”

    Binuksan niya ang pintuan at agad akong pumasok ng walang imik.

    A.n.o.y.u.n.g.n.a.n.g.y.a.r.i?

    OMG!

    Huminga siya ng malalim pagkapasok sa driver’s seat at hinarurot agad. Sobrang awkward. Or is it just me?

    Maturn-on nga yung iPod niya para may music naman. Pipindutin ko na sana nang daliri niya ang napindot ko… Nagkahawakan tuloy kami ng kamay.

    “Sorry!” Sabay pa talaga kami!

    Tinignan ko siya at pinaglaruan niya ang kanyang mga labi para maitago yung ngiti.

    Oh my god! Kinikilig ako! you wish its true, Denise! Sige mag assume ka para masaktan ka. And in the end, ikaw lang pala yung naaapektuhan!

    Nabuksan niya yung iPod…

    *Cause there’ll be no sunlight if I lose you, baby… There’ll be no clear skies if I lose you, baby…*

    Parang ako naman ngayon ang gustong ngumiti ng pagkalaki-laki dahil sa naririnig kong kanta.

    Napatingin ako sa kanya at nag pout para maitago ang ngisi kong halos di ko mapigilan.

    Sumulyap siya habang nagd-drive…

    “Don’t look at me like that…” Balik ulit ang tingin niya sa kalsada. “Ayokong dalawang gabi kang di natutulog sa inyo. At pag nangyari yun baka di ka na ulit makakauwi sa inyo.”

    Tumawa siya at binatukan ko na.

    “Iuwi mo na ako!!!” Natawa na rin ako.

    Jusko, ayokong bumigay!!!

    “Heto na nga! Iuuwi na!” Tawa ulit niya.

    Kainis. Dimple pa lang nanghihina na ako, paano na kaya kung ganito? Hanggang kailan ako makakapagtimpi?

  • Stage 46Open or Close

    Stage 46.
    Let’s date

    Naglalakad ako sa school. Di parin matanggal ang ngiti ko sa mukha ko. Nakalimutan ko na may mga issues pa pala akong kailangang tapusin… tulad ni Tanika at ni Yuan.

    Sa ngayon, dinig ko ay di pa siya pumapasok ng school.

    “Eli… Are you sure okay ka lang mag isa?”
    “Oo.” Aniya nang pumasok sa classroom nila.

    Pinagtitinginan siya ng mga kaklase niya. Kung noon ay mangha, ngayon ay pagkayamot. Syempre, kilalang couple din si Yuan Tan at Tanika kaya alam nila kung sino ang nanghimasok. Alam natin na ang totoo, na naloko lang talaga si Eliana, pero hindi yun maiintindihan ng lahat. They will believe the otherwise.

    “Hey, Denise!” Nakita ko si Lance na mukhang may inaabangan.

    Nakangiti ito at bagong gupit. Sobrang bango pa!

    “Uy! Lance!”
    “Tama ako, ihahatid mo si Eliana kaya inabangan kita dito.” Sabi niya.
    “Pasensya ka na sa inasal ni Bench nung isang araw.”

    Napawi ang ngiti niya.

    “Okay lang yun. I don’t understand that guy. May gusto ba siya sayo?”
    “Hi-Hin…Wa-Wal” Nabigla ako sa tanong niya.

    Buti at binalewala niya ang sagot kong hindi ko alam kung ano…

    “Balita ko nag e-special classes na lang daw siya. Nung nandito pa siya, hanep kung maka paulan ng death threats sa mga lumalapit sayo. Ba’t siya ganun eh may ibang girlfriend naman siya diba? Well, anyway, maybe he’s just overprotective sayo. Magkababata kayo diba?”

    Na-stun naman ako sa sinabi niya at parang nabunutan ng tinik. Tama siya. Bench is just overprotective. Hindi niya talaga ako gusto. Patunay dun ang maraming girlfriend niya noon. Pero… teka… yung kahapon? Sabi niya ‘my fture wife’? Anong ibig sabihin nun?

    Naisip ko na ulit yung mukha niya. Yung malungkot niyang mukha bago umalis at yung mukha niya nung ipinakilala ako sa board.

    “Denise?”
    “Uhh! Oo! Yun nga lang.”

    Confused din ako. A part of me wants to believe him… but I just can’t…

    Habang nag-iisip ako may lumipad ng suntok sa mukha ni Lance. Hindi ko alam kung saan nanggaling! For a second I thought it was Bench! Pero hindi naman pala!

    “Walang hiya ka Lance!!!” Sigaw ni Renzo.

    Sh1t! Ilang araw ko din siyang di nakita! Buti ngayon at naconfirm kong buhay pa siya at di ipinasalvage ni Bench. Buhay pa siya! Alive and kicking! Kicking! Sinisipa si Lance!

    Nagsuntukan ang dalawa. Leche naman ‘tong buhay na ‘to.

    “Tama na! Renzo!!!”

    Inawat sila ng mga tao. Ayoko namang makealam at baka masuntok pa ang maganda kong mukha! Bwahaha! Pero kailangan eh kasi kasama ko si Lance.

    “Walang hiya ka pare! Walang talo-talo!” Sigaw ni Renzo. “Alam mong… alam mong…”
    “Alam kong pinagpustahan niyo lang si Denise, Renzo!!!” Sigaw ni Lance. “Kaya tama na! Punong-puno na ako sa inyo!”

    Pinagpustahan?! Alam ni Bench to kaya ayaw niya kay Renzo… At manyak pa huh?! Sana pala tinuluyan na ‘to ni Bench!

    “Anong pinagsasabi mo pare-! Denise!” Sigaw ni Renzo na pinupunasan ang dugo sa gilid ng labi niya.

    “Tama na Renzo! Hinding-hindi ako papatol sa tulad mo! Kaya wa’g ka ng umasa! Sa tingin mo pagkatapos ng ginawa mo maiimpress ako sayo? Nakakasuka ka! Wa’g ka ng magpakita sakin ulit!”

    Sabi ko bago inawat ng security guards at pinadala sa Discipline Office.

    Syempre, si Renzo ang may kasalanan. Siya yung unang sumuntok. Pagkalabas ni Lance, sinamahan ko siya sa clinic para gamutin ang konting pasa sa mukha niya.

    “Sorry, Lance…” Sabi ko habang linalagyan ng hot compress ang kanyang pasa. “Lagi na lang kitang dinadamay sa mga gulo ko. Una kay Yuan, ngayon dito…”
    “Okay lang… Aray!”
    “So-Sorry…” Nadiinan ko yata ang hot compress.

    Ngumiti siya.

    “Ba’t ba kasi inaaway mo pa si Yuan?” Tanong niya.
    “Sinaktan niya si Eliana.” Sabi ko.
    “Kasi mahal ni Eliana si Yuan? Ganun ba?”

    Tumango ako.

    “Pag mahal mo ang isang tao, masasaktan ka talaga.” Aniya.
    “Iba ‘to eh. Niloko… niloko siya ni Yuan.” Sabi ko.
    “Well, if that’s the case… kung ikaw naman ang lolokohin, siguradong sasaktan ko rin ang manloko sayo.” Ngumiti ulit siya.

    Jusko! Parang tumindig ang balahibo ko sa sinabi niya. Di ko tuloy maipagpatuloy ang paglalagay ng hot compress sa pasa niya.

    Hinawakan niya ang kamay ko at linagay ang hotcompress pabalik sa mukha niya.

    “Denise… will you be my girlfriend?”

    Napanganga ako sa tanong niya. Eto ba ang first time akong natanong? Bakit wala akong maalalang nagtanong sakin nito?

    “Uh-Uhhh…”

    Nilagay niya ang kanyang index finger sa lips ko.

    “You don’t need to answer me now, I can always wait… Lets date! And get to know each other better. Alam kong maaga pa para magtanong sayo nito, pero ayokong maunahan.”

  • Stage 47Open or Close

    Stage 47.
    Trabaho. Bakit?

    In the end, I couldn’t turn Lance down. Marami akong utang sa kanya. Kahit na di ko alam kung kaya kong mag entertain ng kahit na sino ngayon dahil sa mga nangyayari, nagawa ko paring bigyan siya ng pagkakataon. This is my first time anyway!

    FIRST TIME!

    Si Renzo hindi na yun kasama kasi pinaglaruan niya lang ako. I feel stupid about it pero dahil sa dami kong pinoproblema, hindi ko na masyadong naisipan yun.

    “And uhmm… are you free tomorrow?” Tanong ni Lance sakin.

    Abot tenga ang kanyang ngiti. Ngayong nabigyan ko na nga siya ng pansin, narealize kong gwapo nga talaga siya. Sa kahit anong angulo mong tignan gwapo siya. Kaya nga nung kinausap niya ako sa bar last year ay grabe yung reaksyon ko kasi gwapong-gwapo at sikat din ang isang ‘to.

    Ikukumpara ko sila ni Bench? Ewan ko kung bakit panalo parin si Bench sa kagwapuhan at kakisigan. Siguro bias ako dahil mahal ko siya…

    “I’m not sure. Siguro mag sho-shopping ako. Malapit na rin kasi yung Ball diba?”

    At ngayon ko lang din narealize na wala na nga pala si Bench. Which means wala akong date!

    “I can go with you!!!” Aniya.

    Sa alin? Parang nabasa niya ang subconscious ko ah?

    “Sa Ball o sa shopping?” Tanong ko.

    Tumawa siya.

    “Both, if you don’t mind.”

    I think I’m crazy. Hindi ko alam kung bakit pero nanghihinayang akong wala si Bench sa school. Sana siya yung kasama ko sa ball eh.

    “Tomorrow? Hindi ako sure kung maisasama kita, I’ll just text you. And sa Ball, sure!” Ngumiti ako.

    Ngiting-ngiti ako na hindi ko alam na yun pala ang dahilan kung bakit mag aalburuto si Bench pagkasundo niya sakin galing school.

    Nag hihintay ako ng taxi nang bigla siyang sumulpot at ipinasakay niya ako sa Benz.

    “WHAAAAAAAAAAAAT? Tanggihan mo.” Sabi niya.

    Hinampas niya pa ang manibela ng sasakyan. Niluwagan niya ang necktie niya at ginulo ang buhok.

    “Anong ibig mong-“
    “Obviously, I’ll go with you to the Ball! Tanggihan mo si Lance!” Sabi niya.
    “Huh? Ayoko nga! Ang bait nung tao. Tsaka malay ko ba na sasama ka pala sa ball? Hindi ko naman alam.”
    “Malay ko rin ba na yayayain ka nun. Di pa rin mailagay sa kokote ang ibig kong sabihin! At isa ka pa!!! Alam mong ayaw ko, ginagawa mo. Nananadya ka ba?”

    Itong sang to, kung magalit parang kanya ako…

    “Sinabi mo na ba sa kanya ang tungkol satin?” Tanong niya.
    “Huh? tungkol satin? Ano yun? Balitang di ko alam? Hoy Bench, hindi mo pa ako napapayag kaya wag kang assuming! Binabakuran mo na yata ako kahit di mo pa nabibili yung lupa.” Inirapan ko na.
    “May masama ba kung mag assume ako? Di naman ikaw yung masasaktan sa huli… Ako naman diba? Kaya problema ko na yun.”

    Natahimik naman ako sa seryoso niyang sagot.

    Pinaandar niya ang sasakyan. Mabilis na naman ang takbo. Parang naiiwan lang yung kaluluwa ko.

    “Uh… Diba di ka na sa school pumapasok bakit sasama ka sa ball?” Tanong ko.
    “Obviously para makasama ka!” Sagot niya na para bang pinaramdam niya sakin ang katangahan ng pagtatanong ko.
    “Wa’g na. Pumayag na ako kay Lance.”
    “Tanggihan mo nga.” Sabi niya ulit.
    “Ano ka? Di ko pwedeng tanggihan yun no!”

    Tumahimik na lang siya at sumimangot habang nag di-drive.

    “May gagawin ka ba bukas?” Tanong ko.

    Kung wala, isasama ko siya sa shopping. Pero nang tinitigan ko ang seryoso niyang mukha na nagdi-drive, naka necktie at pormal, agad kong napagtanto na hindi na siya ang dating Bench. Hindi na siya palaging ‘free’. Marami siyang ginagawa at mukhang wala ng puwang sa kanya ang mga sosyalera kong laro.

    “Trabaho. Bakit?” Tanong niya. Galit parin.
    “Wala naman.” Napabuntong hininga ako.
    “Bakit nga?” Tanong ulit niya.
    “Wala… Curious lang.” Sabi ko.

    Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Lance…

    Denise:
    Are you free tomorrow?

    Siya ang isasama ko sa pag sho-shopping.

  • Stage 48Open or Close

    Stage 48.
    what do you need?

    “May damit ka na ba para sa Ball?” Tanong ni Lance sakin nang kanina pa kami paikot-ikot at namimili ng sapatos ko.
    “Oo naman syempre. Kaya nga namimili na ako ng sapatos.” Ngumiti ako.

    Syempre, palalampasin ko ba yun? December palang meron na akong gown for the Ball.

    “How about date… for the ball? Meron na ba?” Tanong niya at ngumiti.

    Napangiti na rin ako.

    “Ako kasi… gusto kong magvolunteer.”

    Tumawa kaming dalawa.

    “Sure naman!” Tawa ko.
    “Talaga?”
    “Oo na! Diba sabi ko sayo kahapon?”

    Nagtawanan kaming dalawa.

    Masarap kasama si Lance kasi puro tawanan lang yung nangyayari. Marami pang nakakitang schoolmates saming dalawa. Wala naman akong pakealam kung anong sabihin nila.

    “Saan na tayo?” Tanong ko nang nasa loob kami ng sasakyan niya.

    Ginugutom na ako. Saang restaurant kaya kami kakain?

    “Alam kong ako ang unang lalaking nanligaw sayo.” Sabi niya bigla kahit off-topic.

    Ngayong sinabi niya yan, tama siya. Siya nga… Well, ewan ko lang kung panliligaw ba yung kay Bench. Kahit na alam kong para sa paghihiganti niya yan…

    “Kasi…lahat ng lalaki inilalayo ni Bench sayo.” Sabi niya.
    “Now that you mention it… Paano niya nga ba inilalayo sakin yung mga lalaki? Ang alam ko kasi talagang wala akong sobrang close friend na lalaki talaga simula pa noon, si Bench lang. Hindi ko naman nararamdaman na may inilalayo siya sakin.”
    “Ngayon lang…” Sabi niya. “Simula nung pinormahan ka ni Renzo saka mo naramdamang inilalayo niya nga ang mga lalaki sayo… at ngayon, ako naman ang ilalayo niya. Hindi mo ba siya pinipigilan?”

    Sa huling tanong niya napaisip ako ng sobra. Nalaman ko noon na may ginagawa nga si Bench sa mga napapalapit saking lalaki… pero di ko siya pinigilan. Tama rin naman kasi yung ginawa niya para kay Renzo eh. Manyak ang isang yon. Maybe he really is concerned for me… Maybe… he really loves me.

    Umiling na lang ako.

    Hindi ko naman alam kung bakit sa isang parke niya pinark ang sasakyan niya.

    “Let’s go?”
    “Huh? Saan tayo?” Confused naman ako. “Saan ang restaurant dito?” Naibulalas ko ang nasa utak ko.

    Tumawa siya.

    “I know you’ve never been here, Denise. All your life you’ve been with Bench and his wealthy hobbies. Tell me, anong mga ginagawa niyo? Shopping, eat in expensive restaurants, party, and all the other expensive hobbies he has… Hindi mo nabuksan ang sarili mo sa mga tao maliban sa kanya. Hindi mo kailanman na-experience and buhay maliban sa buhay mo kasama siya. Come…”

    Naglahad siya ng kamay.

    I was hesitant. This is unlike me. Ayoko dito. Anong meron dito sa park? Parang wala namang restaurant dito.

    Ngumiti ako. My plastic smile. Hesitant but yes, I’ll go…

    “Ano ‘to?”

    Dinala niya ako sa mga maliliit na tindahan ng iba-ibang pagkain. Dirty foods?

    “Street foods. Alam kong pag nagshopping, nood ng sine, at kumain sa restaurant, tutulad lang ako sa mga karaniwang ginagawa niyo ni Bench. Pero ito, iba ‘to… Hindi pa kayo nagpunta dito… I wan’t you to know that my world is different. Its not all expensive cars and credit cards…”

    Ngumiti siya at inabot sakin ang isang stick na may mukhang dumplings. Bago pa ako makapagtanong kung ano yun, kinagat niya na ang stick niya at kumain na parang ang sarap-sarap.

    “Kwek-kwek.” Sabi niya nang inabot niya sakin ang isang bilog na kulay orange. “Masarap yan.”

    Halos di ko nga maubos ang dumplings-looking na pagkain, may ‘kwek-kwek’ naman.

    “I wan’t you to remember me… remember this day…” Sabi niya.

    Kakain naman kaya si Bench nito? I wonder.

    Bakit ko ba iniisip si Bench eh kasama ko naman si Lance.

    Pinagtitinginan pa kami ng mga tao. Siguro masyadong sosyal yung soot ko na kumakain dito.

    “Haaay! Busog na busog ako.” Sabi niya nang umupo kami sa isang bench. “Ikaw?”
    “Busog na busog din. Akalain mo… masarap pala yun. Heheh.”
    “See?”

    Tumawa ulit siya.

    Lance isn’t that bad. Pero parang may kulang na di ko alam. Kung si Bench ang kasama ko parang kumpleto.

    Napabuntong hininga ako…

    “Wait lang… Bibili lang ako ng tubig.” Sabi ni Lance at biglang umalis.

    Tinignan ko ang cellphone kong walang message. Hindi nanggugulo si Bench… Ibig bang sabihin nito ay hindi siya tutol kay Lance?

    “Ehe-Ehem…”

    Tumingala ako at naaninaw ko si Bench! Napatayo ako sa bigla.

    “A-Anong ginagawa mo dito?” Tanong ko.

    Kumakain siya nung parang dumplings at iba pa.

    “I just wanna taste this.”

    Sinapak ko na.

    “Stalker!” Sigaw ko.
    “I’m not stalking you! Napadaan ako… at tadaaah! What a pleasant surprise! Nandyan ka pala!” Pinipigilan niya ang pagtawa.
    Sinapak ko na ulit. “Napadaan ka diyan! Sinasadya mo eh!”
    “By the way, why are you here? Date? In this place?”

    Umirap ako. Hindi niya naman maiintindihan.

    “I can take you to better places, Denise. Ba’t siya ang sinasama mo?”
    “Eh kasi.. busy ka naman. And I don’t need better places, Bench.”

    Parang nasaktan ako sa sinabi niya. Totoong gusto ko ng mga sosyal na mga bagay pero hindi yun ang gusto ko sa kanya. He really is evil. Isipin niyo, parang binibili niya lang ako?

    “Kung ganun, what do you need?”

    Napatingin ako sa malayo pang si Lance na may dala-dalang mineral water.

    Napatingin din si Bench. I don’t know why but for some reason his face darkened. Para bang nasaktan ko siya…

    “I guess I’m not needed here… I’ll go, Denise. See you later.” Ngumisi siya kahit malungkot ang kanyang mga mata at umalis.

  • Stage 49Open or Close

    Stage 49.
    Are you reconsidering?

    “Thanks for this day, Lance.” Sabi ko pagkababa ko sa sasakyan ni Lance.

    Nasa tapat kami ng bahay.

    “Salamat din!”

    Ngiting-ngiti kaming dalawa nang biglang sumalida si papa kakalabas ng gate.

    “Denise! What are you doing here? Get inside!” Sabi ni papa.

    Aba’t galit! Bakit naman kaya? Kinabahan tuloy ako at naisip si Bench. Wala ng ibang maisip kundi siya. Kung bakit galit si Papa ngayon, dahil siguro yun sa kanya, sigurado!

    “Dad-“
    “Get inside! Now!”

    Napatalon ako sa kaba at pumasok sa loob. Tumakbo ako at hinanap si Mommy.

    “Mom? Anong nangyari kay dad?” Tanong ko nang nakita ko siyang nanood ng TV.
    “Denise!” Nabigla siya nang nakita ako. “Saan ka galing?”
    “Nag shopping po!” Sabay pakita ko sa mga dala kong paperbag.
    “Shopping? Pero ba’t di si Bench ang kasama mo?”
    “Kailangan ba talaga si Bench ang kasama ko? Ayoko po dun!”
    “Bakit? Kasi nag away kayo? Anak… kung ano man yung nagawa ni Bench sayo pag-usapan niyo yun-“
    “Huh? Paano niyo nalaman yun?”
    “We know everything, baby…”

    Tapos pumasok na si Dad.

    “Dad!”
    “Pinaalis ko na.” Aniya.

    Pinaalis si Lance? OMG! Sobrang nakakahiya yung ginawa ng parents ko.

    Agad akong tumakbo papunta sa kwarto ko para tawagan si Lance.

    “Hello, Lance? Anong sabi ni Dad?” Tanong ko.
    “Denise? okay lang naman. Kala ko nga papagalitan niya ako. Tinanong niya lang kung saan tayo galing at sino ako.” Tumawa naman siya.
    “Ganun ba? Kinabahan talaga ako. Sorry ah?”
    Tumawa ulit siya. “Okay lang yun! Mas mabuti nga yun kilala niya na ako…”

    Habang nag-uusap kami may nakita akong isang note na nasa kama ko.

    “Uh oo nga. Sige Lance, see you tomorrow!”
    “Okay, Denise! Bye!”

    Binaba ko ang phone ko at binasa ang note.

    “I will have you in any way I can.” Ang sabi dun sa note.

    Kahit di na lagyan ng pangalan alam ko na kung kanino galing kasi sulat kamay iyon ni Bench. Nagpunta siya dito!!! Sa bahay! Sa kwarto!

    Tumindig ang balahibo ko sa banta niya.

    Lumabas ako at narinig si mommy at daddy na nag-uusap.

    “Nag-aaway lang silang dalawa. Normal yun sa mga magboyfriend at grilfriend, hayaan mo na.” Sabi ni mommy habang hinahaplos ang ulo ni Dad.
    “Kawawa naman kasi si Bench eh. Wala ng magawa kaya nagpunta na talaga dito. Tapos yang anak mo pa, konting away lang naghanap na ng iba.” Umiling si Dad.

    Napabalik talaga ako sa kwarto para tignan ulit ang note habang tinatawagan si Bench.

    “Denise! Napatawag ka?” Sinagot niya sa unang ring parang inabangan talaga ako!
    “TSEH! Napatawag?! You want me to call you! Nagpunta ka ba dito sa bahay?” Jusko, yung boses ko parang buang lang. “Anong sinabi mo sa parents ko! Ikaw talaga!”
    “Kelan mo ba kasi sasabihin yung tungkol satin?”

    Napaface-palm na lang ako sa tanong niya. I know! I know he’ll never play fair. Sinisi ko pa ang sarili ko sa pagiging malambot nang nakita siyang umalis. inisip ko pa talaga yung nakakaawa niyang mukha pero ngayong naririnig ko siyang tumatawa sa linya, ang sarap niya ng kutusan!

    “Anong tungkol satin-“
    “Tungkol satin! You can’t deny it anymore, Denise. Ako na mismo ang nagsabi sa kanila. Sinabi ko na rin sa harap ng board diba?”
    “Ugh! This is not fair Bench! Nihindi ka pa nanliligaw! Hindi pa kita sinasagot!”
    “Finally! Are you reconsidering? Pinapayagan mo na akong manligaw?” Tumawa siya.
    “NO! Of course not! Papaikutin mo lang-“
    “Well then, I won’t play fair, Denise.”

    Tapos binabaan niya ako! Kapal ng mukha! Ako pa yung binabaan!?

    Hindi na ako nakapagpigil, tinext ko na!

    Denise:
    Are you serious?

    Matagal siyang nag reply. Mukhang pinag-isipan ang isasagot!

    10 minutes.

    Bench:
    Would I go this far if I’m not?

  • Stage 50Open or Close

    Stage 50.
    Benjamin Jimenez

    Stop thinking about Bench, D! He’s not serious! Its all part of his damn plan!

    Papalapit na nang papalapit ang Ball. Wala akong pakealam sa mga sinabi ni Bench sa akin. Kung talagang gusto niya ako, liligawan niya ako. Liligawan tulad ng ginagawa ni Lance sakin!

    “Magkikita kayo ni Lance today?” Tanong ni Eliana sakin.

    Nasa loob kami ng kwarto niya. I don’t know if she’s better or worse. Ang mahalaga ay dito lang siya sa bahay nila. Narealize ko kasing pag nandun sa school ay lumalala lang ang depression niya. Buti at walang pasok ngayon dahil sa mga preparations for the ball.

    “Oo. He asked me out kahapon.”
    “Saan kayo pupunta?” Tanong niya.
    “Sabi niya dinner eh. I don’t know.” Sabi ko habang nakatingin sa salamin, inaayos ang buhok at tinitignan si Eliana.

    Nakita ko siyang nagtext agad pagkatapos kong sinagot ang tanong niya. Agad akong tumalon papunta sa kama niya at inagaw ang cellphone. I knew it! She’s been leaking the infos!

    Tama ang hinala ko! May text dun na di pa natatapos!

    Eliana:
    Dinner, hindi ko alam kung-

    Agad kong dinelete ang nitype niya.

    “Eli, stop telling Bench what I’m doing.” Sabi ko.

    Tumawa siya.

    “Wait! Binablackmail ka ba niya?” Tanong ko.
    “Of course not!” Inagaw niya sakin ang cellphone niya at yinakap ang kanyang unan. “He asked me, sinasagot ko lang yung tanong niya.”

    Evil! She showed me her evil smirk. Napailing na lang ako.

    Ilang sandali ang nakalipas, nagtext si Lance…

    Lance:
    You ready?

    Nireplyan ko agad pero kinabahan ako… hindi ko naman alam bakit.

    Denise:
    Yep.

    Lance:
    Let’s meet. 815 Maze Garden.

    What? Hindi niya pala ako susunduin? At higit sa lahat sa isang park? Ang alam ko wala na namang restaurant sa lugar na yun tapos dinner yung sabi niya. Ibig sabihin yung kwek-kwek at iba pa yung kakainin namin?

    Denise:
    Ok. See you there.

    Napabuntong-hininga ako.

    “O, anyare?” Kumakain na ng Lays itong si Eliana habang pinagmamasdan ako.
    “Wala.”
    “Gusto mo ba si Lance?” Tanong niya.
    “I like him. He’s not hard to like…but…”
    “But? Kung gusto mo ang isang tao, walang ‘buts’.” Ngumisi siya.

    Napatingin ako sa kanya. Kung makapagsalita mukhang maraming natutunan sa experience niya kay Yuan ah?

    “Ah basta! Ewan ko na! Alis na ako!” Sabi ko.

    Tumayo ako at kinuha ang purse ko. Kay ganda pa naman ng dress ko ngayon tapos kwek-kwek? Sana sinabi ni Lance na ‘street-food dinner’ para malaman ko kung paano lumugar. Hay! Gusto ko naman si Lance, totoo, pero may bumabagabag sakin. Ang evil smile ng prinsipe ng kadiliman. Para ngang nami-miss ko na siya eh. Masyadong busy sa work.

    “Hatid ka na ng driver namin…” Sabi ni Eliana.

    Nagdalawang isip pa ako. Gusto kong magpahatid pero nang narealize kong allied force ni Bench itong si Eliana ay tumanggi na lang ako. Malaman niya pa kung saan ako pupunta tapos manggugulo at mangugutya siya dun.

    I can only imagine… ‘Eto lang ba ang kaya mong ma afford, Lance?’ Nako! Magkakagulo talaga dun!

    Nagtaxi ako papunta dun sa park. To my surprise… may nakita akong kaibigan ni Lance pagkalabas ko ng taxi. Tinuro niya sakin ang daanan ng maraming rose petals at ngiting-ngiti siya.

    “Thanks!” Sabi ko.

    May mga christmas lights na puti pang nakapalibot doon sa daanan. Yung lights lang ang nagpapaliwanag sa daanan. Parang sinadya talaga.

    Sa bawat liko ko, may nakaabang na kaibigan niya.

    “Denise!” Sabi nung classmate ko sa isang subject.
    “Hi!”
    “Sige, dito ka dumaan.” Ngiting-ngiti siya.

    At dahil doon, hindi naman ako bobo, alam ko ng may ‘event’. May naiisip ako pero ayokong masyado akong assuming. Pero nang nakita ko ang table sa harapan ko pagkadating ko sa dulo, may candlelight dinner pa at mga bulaklak.

    Nakita ko si Lance… hinihintay ako. Hinila niya ang silya at umupo ako. Ngiting-ngiti at gwapong-gwapo siya sa soot niyang coat and tie na para bang papunta siya ng ball.

    Umupo siya sa harapan ko. Yung nagpapaliwanag sa mukha niya at ang kandila sa harapan namin at ang ngiti niya.

    I know… I know this is going to be tough. Alam kong di ka mag eeffort ng ganito kung wala kang sasabihing importante unless you’re Benjamin Jimenez. And he’s not Benjamin Jimenez…

  • Stage 51Open or Close

    Stage 51.
    I’ve been waiting for you

    May steak na inihain at kung anu-ano pa. May tumugtog pa ng acoustic.

    “Akala mo street foods?” Nakangiting sabi ni Lance.

    Tumawa na lang ako. I’m speechless.

    “You are so beautiful, Denise.” Sabi niya.

    Tinitigan niya ako. Para bang isinasaulo niya ang bawat linya sa mukha ko. Hindi ako makatingin sa kanya. Hindi sa kahihiyan kundi dahil alam kong masasaktan ko lang siya sa gagawin niya. Assuming?

    “Thanks, Lance. Nag abala ka pa talaga sa gabing ito.” Sabi ko.
    “Of course, its all for you.”

    Ngumiti siya. Nginitian ko na rin.

    Oh God! Tulong! Anong gagawin ko? Sasagutin ko na siya!? Ibabasted? Paasahin?

    Ilang awkward moments ang nakalipas…

    Nagkatinginan kami tapos biglang nag ring yung Phone ko!

    *Bench calling…*

    I canceled his call. Nananadya na naman yata siya.

    “Sorry.” Sabi ko habang uminom ng wine.
    “Okay lang.” Ngumiti ulit siya.

    Tapos biglang na-off yung lahat ng lights sa paligid, kaya naman ang dilim-dilim na! Akala ko nga sinadya yun pero nang nagkagulo na… Nagpakita na yung mga kaibigan ni Lance sa paligid.

    “Anong nangyari?” Sabi nung classmate ko.
    “Ewan ko, siguro may nakaapak sa wire o ano.” Sabi nung isa.
    “Diba wala namang tao dun?” Tanong nung isa.
    “Baka may napadaan tapos biglang in-unplug?”
    “Sorry, Lance ah? Gagawa na kami ng paraan.” Tapos umalis sila.

    Napaface-palm si Lance.

    “Sorry, Denise.” Sabi niya.
    “O-Okay lang.”

    Nagdududa na talaga ako. I don’t think its a natural phenomena! I think someone is behind it. Pestering me again… Napatingin ako sa palagid…

    Pero nang nakita ko ang seryosong mukha ni Lance na nakatayo at naglalahad ng kamay sakin, para bang gusto niyang isayaw ako…

    “I want to dance with you before the Ball, Denise.”

    Naputol din diumano ang wire na para sa guitar kaya lumapit yung kaibigan niyang nag-gi-gitara para marinig namin yung tugtog niya.

    Tumayo ako at linagay ang kamay sa kamay niya.

    Sana pala pinagpatuloy ni Bench ang panggugulo niya. Ayoko ng awkward moments. Hindi… Siguro hindi ko naman talaga ayaw ang awkward moments… ang ayaw ko ay ang puntong alam ko na hindi ko masasagot si Lance kung sakaling magtanong siya.

    “Sa maikling panahon na nakasama, Denise… Minahal na agad kita.”

    OH EM GEE! Sa ngayon, di ko na maitsura ang mukha ko. Oh no!

    Tapos may konting ingay sa pagbabalik ng mga kaibigan ni Lance. May dala dala silang kandila at may tig-iisang papel pa sila.

    “I know its too early but I want to be the first one to ask you this…”

    Pagkasabi niya nun ay ipinakita ng mga kaibigan niya ang tig-iisang letters…
    W-I-L-L Y-O-U B-E M-Y G-I-R-L-F-R-I-E-N-D?

    OMG! Masyado siyang nag effort para nito! I don’t wanna mess things up!

    Mahal ko si Bench pero maghihiganti lang siya sakin at ayokong masaktan. I like Lance, he’s so good to me. In fact, he’s too good for me. I don’t deserve him. Pero sigurado akong di ako masasaktan sa kanya. Ayokong umasa sa wala.

    Tumigil ako sa pagsasayaw.

    Pero pag sinagot ko ba siya, sigurado akong di ako masasaktan ni Bench? Paano kung magseryoso na siya sa iba? Pero paano kung hindi? Either way masasaktan ako ni Bench. Kahit na maging kami pa ni Lance ngayon, masasaktan parin ako ni Bench, simply because I love him.

    “Denise…” Worried na sabi ni Lance.

    I can move on with Lance but I won’t be over Bench…

    “I-I’m sorry-“
    “You don’t have to answer me now.” Aniya.

    Nagbulung-bulongan ang kanyang mga kaibigan. Hindi ko na alam kung anong sinasabi. Pero nang tinignan ko ang mga mukha nila, may isang babae dung umiyak tapos yung iba ang sama makatingin sakin.

    “I don’t deserve you Lance. I’m sorry.”

    Nagwalk-out ako kahit madilim. Tapos tumakbo na kasi di na ako makapaghintay na makaalis dun sa place. Halos maputol na yung takong ng pumps ko sa kakatakbo. Hindi ko ininda yung kadiliman. Nasasaktan ako para kay Lance. Gusto kong umiyak sa sobrang guilty.

    Hanggang sa naaninaw ko na yung kalsada.

    Tumigil ako pagkalabas ko. Hinihingal.

    “I’ve been waiting for you.” Binuksan ni Bench ang pintuan ng sasakyan niya.

    And in the end, its not a battle of who can take me to better places… its a choice of who i want to be with.

  • Stage 52Open or Close

    Stage 52.
    Do you love me

    Pagkapasok ko sa sasakyan niya, pinaandar niya agad ito. Humarurot hanggang nag punta kami sa isang mall kahit gabi na.

    “You hungry?” Tanong niya.

    Lumabas kami pagkatapos niyang pinark ang sasakyan.

    “Nope.” Sabi ko nakatunganga lang.
    “What do you wanna do? Want to buy something? Shopping? Movie? What?”

    He looked worried.

    Gusto kong tanungin kung mahal niya ba ako pero di ko magawa dahil umuurong yung bituka ko. Pride yata ang umiiral.

    “Sinundan mo ba ako?” Tanong ko.
    “Why? You think its better if I was not there?” Seryosong tanong niya.

    Umiling ako.

    “Di mo sinagot, Denise?” Tanong niya at ngayon, hinarap na niya ako, nakatitig. “Bakit?”

    I want to pull it out of him… pero ngayon, baliktad ang sitwasyon. Siya yung magpapaamin sakin. How evil! He’s tempting me. He can read my mind. Alam niyang gusto ko siya kaya tinatanong niya ako dahil alam din niyang vulnerable ako ngayon.

    “Because I don’t love him. You see Bench, I’m not like you. Pinopormahan ang mga babae kahit di nila mahal.”

    Tumingin siya sa labas at nag-pout ng kanyang lips. Ilang sandali napabuntong hininga siya.

    “I knew karma will get me one day but I never knew it’ll be this hard.” Sabi niya.

    Napabuntong hininga ulit siya.

    “I know its not going to work on you. You heard me say it so many times and you know those were all lies. Kaya ayaw kong sabihin sayo yun. Instead, I want you to feel it. Can you feel it, Denise? Can you feel me?”

    Nagkatitigan kami. Hindi ko alam kung bakit at paano nangyari pero masyado palang close yung mukha namin sa isa’t-isa kaya ramdam ko yung hininga niya. He smells really good. His eyes dark and shining. Hair so perfect. He’s godlike. Even beyond. A temptation.

    Kakagat ka ba talaga sa mansanas kahit alam mong bawal?

    He’s a playboy for god’s sake. And he’s up for revenge! And above all… he’s evil!

    Pero dahil hindi ako anghel. Kakagat ako sa mansanas. Hell will be better with you, Benjamin Jimenez.

    We kissed. Its a mistake, I know.

    Pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay ko.

    Hindi pa ako makahinga at nakatunganga lang sa loob ng sasakyan niya. Anong ginagawa ko? Nagpapaloko ako sa kanya?!

    Tinignan ko siya. He’s beyond happy! Sa sobrang ngiti niya ay napansin ko talaga ang dimple niya.

    Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko.

    “Do you love me, Denise Cordelia Gozon?”

    Nagkagoosebumps ako. Hindi ko alam kung dahil ba kinikilig ako o dahil kinikilabutan ako. Bakit ako ang tinatanong niya? And hell, I won’t say I love him yet! NOT TILL I PROVE THAT HE’S SERIOUS WITH THIS!

    Pero ngayong tinatanong niya na ako. Saka nag flashback sakin ang memory ng pagsumpa niya sa akin sa araw na iyon. Ang 500 pesos na ibinayad ko sa tagapangalaga ng kabayo para maipalayas ang kanyang pag-ibig. Sigurado ako kaya siya playboy ay dahil nasaktan siya ng masyado. At ngayon, naisakatuparan na ang kanyang paghihiganti. Konti na lang at magtatagumpay na siya. Sa oras na sabihin kong, ‘Oo’, tapos na ang lahat!

    Masasaktan ako, Bench. Pero sisiguraduhin kong hindi mo malalamang masasaktan ako. I won’t give you the satisfaction of my defeat. Tama na ang masaktan ako, sobra na ang malaman mo pa.

    Kinalas ko ang kamay ko sa kanya. Napawi agad ang ngiti sa mukha niya. His face darkened once more.

    “Let’s go home.” Diretso ang tingin ko sa daanan.

  • Stage 53Open or Close

    Stage 53.
    I love you.

    Hindi na kami nag-imikan hanggang nakauwi ng bahay. He’s giving up. Syempre, tama na dapat. Matagal na yung nangyari. Bata pa kami nun. Sana naman tigilan niya na ang paghihiganti sakin.

    That night, I couldn’t sleep.

    Mahal ko si Bench pero sana tama na yun lahat. Kasalanan ko na. Masama na ako.

    Kinabukasan… ang sakit ng ulo ko.

    *Kring*

    “D, papunta na ako ng school. Ikaw?” Sabi ni Eliana.
    “Huh? Kakagising ko lang.”
    “What? Bilisan mo na.”

    Pinatay ko ang tawag niya.

    Hay nako. Si Eliana talaga. Halos walang pasok today ano dahil bukas na yung ball.

    Pagkatingin ko ulit sa cellphone ko may text doon ni Lance.

    Lance:
    I’ll fetch you tomorrow.

    Akala ko ayaw niya na akong makasama pagkatapos ng ginawa ko dun sa surprise niya. Mas lalo tuloy akong na-guilty. But what bothered me most? Walang ni isang text ni Bench. Hindi man lang ako nakapagpasalamat sa kanya kagabi. Tapos parang mas lalo akong na-guilty sa mga sinabi ko sa kanya. Kung sana sinabi ko na lang na mahal ko siya edi okay na sana! Wala na akong pagsisisihan!

    Pagkatapak ko sa gate ng school namin, weird kasi nakikita ko ang mga schoolmates kong tumitingin sakin at nagbubulong-bulungan.

    “Denise!” Biglang hila ni Eliana palayo.

    Para bang may iniiwasan kami.

    “Bakit?” Tanong ko.
    “Diretso na tayo ng classroom.” Aniya.
    “Huh? ‘Tayo’? Eh di naman tayo magkaklase. Tsaka, may kukunin lang ako sa locker room.”

    She looks stressed and worried about something…

    “Lika na!” Sabay hila niya.
    “May problema ba?” Tanong ko.
    “W-Wala!”

    Hay Eli. Mukha mo palang alam kong may problema siya. Kaya imbis na sundin ko siya, pumunta ako ng locker room para tignan kung ano ang problema niya.

    Pagkapasok ko napa-nganga ako sa nakita ko.

    “Who the hell did this?!”

    Grabe! Tumaas yata ang dugo ko. Maha-heart attack na ako.

    May malaking vandal na nakalagay ‘Denise Gozon is a B1tch’ sa lockers!

    Tinignan kong mabuti at may nakita pa akong ‘Go To Hell Denise’ sa pader.

    Lumabas ako at pumuntang CR, may malaking Go to hell Denise sa salamin!

    Pagkalabas namin ni Eliana sa CR, nakita ko si Renzo na nakangisi.

    “Ikaw ang may gawa nito?” Agad kong ibinulalas sa galit ko.

    Tinulak ko siya.

    “Easy, Denise. Easy!” Nakangising sabi niya.

    Naagaw ko tuloy ang atensyon ng mga tao sa paligid.

    “Hindi ako ang gumawa niyan. Kung ako ang gumawa niyan, matagal na sana. Can’t you see?” Tinuro niya ang mga nagbubulung-bulongang mga tao sa paligid.

    Nakita ko sina Candice, Jenny, Tanika at iba pa…

    “Maraming galit sayo. I don’t know for what reason pero galit sila. Kung sana lang ay di mo sila ginalit.”

    “Jenny!” Sigaw ko.

    Nakita kong umurong siya ng bahagya.

    “Ikaw ba-“
    “Hindi ako!” Aniya.

    Nakita ko na rin ang galit sa mukha niya kahit na may luha na dito. Lumapit siya sakin.

    “Pero bagay lang yun sayo, Denise! Hindi ko makakalimutan ang ginawa mo sakin! Inutusan mo si Bench na paglaruan ako! Napakasama mo! Kung sino man yung gumawa nito, magpapasalamat ako sa kanya! YAN ANG NABABAGAY SAYO!”

    Tapos sinampal ako.

    Napahawak talaga ako sa pisngi.

    “Jenny! Tama na nga yan!” Sigaw ni Eliana.

    Umalis din naman sila.

    Kainis talaga! Sobrang nakakainis! Ano ba ang problema ng mga taong ‘to? At sino ang gumawa nito?

    “D! Sabi ko naman sayo eh.”
    “Argh! Ayoko na! Aalis na ako! Ayokong pumasok!” Aalis na sana ako nang nakita ko si Lance.

    “Denise…” He looks sorry and worried. “Wa’g kang mag-alala, hahanapin ko ang gumawa sayo nito.”
    “Salamat kung ganun. But for now, I’ll leave.” Tapos nilagpasan ko siya.

    Bago ako tuluyang makalagpas… hinila niya ang kamay ko.

    “Please promise me you’ll go with me tomorrow.”

    Tumango lang ako. Wala na akong lakas para magsalita. Napagod ako sa mga pangyayari. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kung wala si Eliana sa tabi ko, hindi ko alam kung anong mangyayari. Kung sasabihin ko to kay Daddy, sigurado akong maghuhuramentado yun at makakasuhan talaga ng harassment ang gumawa nun. Ayaw ko namang gumawa ng malaking gulo kaya tatahimik na lang ako.

    Galit na galit ako! Galit na galit! Panirang Jenny sinampal pa ako! Kung makapagbulung-bulungan naman yung mga tao dun parang wala na silang maling nagawa ever! Nakakainis! SOBRANG INIS KO NA NAGKULONG NA LANG AKO SA KWARTO.

    First time sa tanang buhay ko hindi ako excited para sa party.

    *Krrriiiing!*

    Bench calling…

    Nakahiga ako sa kama ko nang tumawag siya. Gabi na. Buong araw na lang akong angkulong. Sinamahan ako ni Eliana kanina, pero umalis din nang dumilim na.

    “Hello, Denise?”

    His voice is warm. He gives me assurance. Pero sana kung nasa school parin siya di ‘to mangyayari sakin. Without him, I’m vulnerable.

    Simula pa lang noon. Kahit na lagi ko siyang inaaway nung mga bata pa kami, siya parin ang pomoprotekta sakin. He’s my shadow. I’m not me without him.

    Its not just social climbing… its my identity. When he’s with me, I’m Denise Cordelia Gozon.

    “Bench…” Halos mabasag yung boses ko pagkasabi ko nun.

    I don’t know why I’m crying.

    “Don’t worry about it. I’ll take care of it. Sleep tight for tonight. I’ll see you tomorrow.” Sabi niya.
    “‘mkay.” Ayokong magsalita pa ng marami dahil umiiyak na talaga ako.
    “Shhh. I love you.”

    OMG! Sinabi niya yun! Sinabi niya yun ngayong wala akong lakas para bigkasin ang mga salita dahil sa pag-iyak ko!? Bukas… sasabihin ko sa kanya. Di bale na yung mga doubts ko.

    I’ll not say it just because he’s the only one I have now, I’ll say it because I’ve decided to love him without expecting anything in return.

    Nawala na siya sa linya paghikbi ko. I love you, Bench. So much.

  • Stage 54Open or Close

    Stage 54.
    Hintay ka lang.

    Tapos na akong mag-ayos nang nagdoorbell si Lance. Binuksan ni mama, agad naman akong umalis. Ayoko kasi ng maraming tanong kay mama o kay papa.

    “You look so beautiful, Denise.” Sabi ni Lance.

    Hindi parin ako sigurado kung invited ba ako sa ball. Alam kong invited ako, syempre, pero yung mga tao dun galit sa akin.

    “Thanks Lance, you look good too.” Sabi ko.
    “Okay ka lang ba?” Tanong niya ng nagtraffic na.
    “Okay lang. Makakalimutan ko din yun.” Sabi ko.
    “I’m not sure who did it, pero tingin ko sa Candice San Juan.”

    Napatingin ako sa kanya.

    “Siya lang yung may sobrang galit sayo dun sa kanila eh. She’s jealous of you.”
    “Kung siya ang gumawa noon, dapat noon niya pa ginawa yun. Matagal na yung issue ko sa kanya. I’m sure hindi siya.” Sabi ko.

    Tumango na lang siya at pinark ang sasakyan.

    Agad siyang bumaba at binuksan yung pintuan sa akin at naglahad ng kamay.

    Walang makakatanggi sa ngiti niya. Kay gwapo niyang talaga. Kung wala si Bench sa buhay ko makokontento na ako kay Lance, pero nandyan si Bench eh. Hindi ko makakayang pumili ng tao dahil lang alam kong di niya ako masasaktan. Simula pa noon, gusto ko na talagang sundin ang nakakapagpasaya sa akin.

    Linagay ko ang kamay ko sa kamay niya. Pagkarating namin sa karamihan, sumalubong samin yung kanyang mga kaibigan. Iilan sa kanila ay nandun sa proposal ni Lance. Halos silang lahat naman ang nagbulung-bulungan nung nakita ako.

    Napairap na lang ako sa kawalan.

    Si Lance naman ay busy sa pakikipagchikahan at pagsagot sa iba’t-ibang mga tanong niya.

    Tinignan ko ang soot ko. Simula pa kanina, namomroblema ako. Ni hindi ko na masyadong napagtoonan ng pansin ang soot at make-up ko. Niready ko tong damit ko simula pa last year. Excited akong sootin ‘to pero di ko akalaing hindi pala exciting para sa akin ang araw na ‘to.

    All black ang peg ko. Kumikislap mula sa hips papuntang heels. Tube top at naka french bun ako. Smokey eyes na mas lalong nagpa-drama sa soot ko.

    May nakita akong isang babae sa gilid, nakatayo, mahaba ang buhok at parang nininerbyos.

    Nakuha niya ang pansin ko kasi iba yung soot niya. I’m sure she’s not from our ball. Besides, nasa gazebo pa lang kami at di pa nakakapasok sa function room, siguro may hinihintay siya.

    Lumingon siya sakin at nagkatinginan kami.

    I remember! She’s the girl… What’s her name? Yung maputi at magandang volleyball player na kinalolokohan ni Brent?

    Nilapitan ko siya at agad naman siyang mas lalong na-tetense.

    “Hi, I’m Denise.” Sabi ko at naglahad ng kamay. “You are…”
    “Maxine Alvarado.” Ngumiti siya pero may halong tense yung mukha niya ewan ko kung bakit.
    “Why are you here?” Diretsong tanong ko.
    “A-Ah, hinihintay ko si Brent.”
    “Why? Are you both gatecrashing our ball?” Tinignan ko siya from head to toe.

    True. Maganda talaga siya. Kasing haba lang naman ng legs niya ang legs ni Eliana. In speaking of Eli, hindi siya pupunta sa Ball. You know her… persona non grata sa school. Dapat nga pati ako di na nagpunta. Kasalanan ko bang kailangan ko talagang pumunta kasi sa gown kong noon ko pa pinag-isipan. Sayang yung pictures at lahat! Social climbing…

    Yung soot naman nitong Maxine ay maiksing cocktail dress.

    “If you are, then you’re out of place. Long gowns yung sabi-“
    “Denise!” May isang pamilyar na boses ang biglang humagkan kay Maxine.

    He grabbed her hips and smiled. Brent Cruz, Bench’s cousin. Anong ginagawa nila dito? At sila na pala nitong dream girl niyang wala daw siyang pag-asa?

    “Talk about public display of affection… kayo na pala?”
    “‘to naman oh! Don’t be like that. We’re engaged.” Ipinakita niya ang singsing sa kamay ni Maxine.

    Eto namang si Maxine, pumula ang pisngi.

    “Good for you! Congratulations, then!”
    “Hay nako! You really suit that man. He needs a strong woman. Stronger, even.” Ngumisi siya. “Stop being grumpy. Ganda mo pa naman, tapos parang laging galit at nagtataray.”

    Nagkibit balikat ako.

    “Why are you here? Gatecrashing?”
    “Yep!” Hinalikan ni Brent ang pisngi ni Maxine.

    PDA talaga!

    “May palabas kami. Hintay ka lang. Wa’g kang magwalk-out ah? Pinaghirapan niyang kopyahin ang mga diskarte ko.” Tumawa siya.

    What? Di ko alam kung ano ang ibig sabihin niya. Sino ‘siya’? Si Bench? Palabas? Ano? These men… they creep me out.

    “Smile!” Sabay pindot sa pisngi ko bago sila umalis.

    O.M.G. Parang nagkabuhol-buhol yata ang sikmura ko sa kaba. Butterflies in my tummy. Ayoko ng pumasok sa kaba at sa excitement! Kung alam ko lang na may mangyayaring ganito, sana pala mas mahal at magandang damit ang pinili ko, tapos nagpamake up ako sa pinakamamahaling HMUA! OMG!

    “There you are!” Sabi ni Lance nang nakita akong nakatingin sa kawalan.

    For the first time that day, I smiled.

  • Stage 55Open or Close

    Stage 55.
    all the sacrifices I’m making

    Nagenjoy ako sa mga nagpipicture na paparazzi. Binalewala ko na lahat ng mga nagbubulung-bulongan. Ang inisip ko na lang ay ang gagawin ni Bench. Si Brent kasi, sinabi pa! Sana sinorpresa na lang ako! Assuming naman ako diyan!? Parang naniniwala naman yata ako kay Bench ngayon.

    Pagkapasok ko sa loob, wala akong Bench na nakita.

    “Denise, here.” Sabi ko nang kinawayan ako ni Lance sa isang table kasama yung ibang friends niya.

    Umupo ako sa upuang inilahad niya. Alam kong nag-uusap-usap at nagrereklamo na naman ang mga friends niya dahil nandito ako.

    “Diba binasted ka na? Hayaan mo na lang yan! Kainis na siya ah! Kapal ng mukha.”

    Well, sorry ka na lang girl, balewala ka na sakin ngayon. Maya-maya lang ay may pasabog si Bench kaya hayaan mo na lang ako dito at mamimiss mo rin ang kagandahan ko soon.

    Pinagtanggol ako ni Lance. Ang akala nila ay di ko narinig kasi panay ang tingin ko sa paligid.

    Ang sarap talaga ng pakiramdam pag may hinihintay ka.

    Nagsimula ang engrandeng program at ang kainan. Four courses ang pagkain. Tapos kapag napapasulyap pa ako sa mga kaibigan ni Lance puro biyernesanto ang mukha.

    “Sorry Lance.” Sabi ko. “Di yata ako invited sa table na ‘to.”
    “Hindi. Hayaan mo sila.” Ngumiti naman siya.

    Sobrang bait talaga ni Lance na minsan naiisip kong ang sama-sama kong tao. Parang ginagamit ko lang siya kasi wala si Bench ngayon.

    “Guys, tigilan niyo na yan.” Sabi ni Lance nang nakitang nag-bulung-bulungan na naman ang friends niya.
    “Eh kasi naman Lance, ang tanga mo na! Sorry ba, Denise? Binasted mo na yung tao, pumayag ka pang sumama sa kanya? Pinapaasa mo ba siya?” Mejo tumaas ang boses nung kaibigan niya kaya napatingin ang mga tao.

    Nakakawalang gana namang kumain. Binitiwan ko ang kutsara at tinidor ko dahil baka mabato ko pa sa kanya.

    “Pasensya ka na ha? Si Lance lang naman kasi dapat yung kasama ko, hindi kayo…”
    “Kita mo na, Lance!? Manggagamit!” Nagburst out na talaga siya at nagwalk-out.

    Sinamahan pa nung dalawa sa kaibigan niya.

    Tsk tsk. Wa’g mag paapekto. Just have fun. It’s a party. Sana di na lang sila nag aksaya ng panahon kasi hindi ako matitinag sa ginawa nila. Ano bang problema nila? Hindi ko pinapaasa si Lance. Klaro yung sinabi ko sa kanya, ‘I don’t deserve him’. Siya din yung nag yaya sakin kahit dapat di na.

    Umiling na lang ang ibang kaibigan ni Lance.

    “Denise, excuse me. Susundan ko lang sila.” Sabi ni Lance.

    Tumango ako at hinayaan siyang umalis. Ilang oras ang nakalipas, hindi parin siya bumabalik. I swear I can hear crickets in our table. Walang nagsasalita sa mga naiwan. Nagsasayawan na ang lahat at nagkakasiyahan. Pero ang mas disturbing? Wala parin akong Bench na nakita.

    Naiinip na ako. First time in history na ganito ako kainip sa isang party.

    “Denise!” Biglang dumating si Lance. “Pasensya ka na, natagalan ako.”
    “It’s okay.” Sabi ko.

    I swear badtrip na badtrip ako dahil sa inip at sa inis. ASAN NA BA SI BENCH? ASAN NA YUNG SINASABI NI BRENT NA SURPRISE? Isang oras na lang tapos na ang party ah?

    “Lance, sayaw tayo!?” Sabi nung isang girl na isa dun sa nag walk-out.

    Nakabalik ka na pala, girl? Ano malamig na ba ang ulo mo? Hay! Kainis pa ‘tong grupo na nasamahan ko.

    “I’d have to ask my date first. I want her to be my first dance.” Naglahad siya ng kamay sa harapan ko.

    Sayang ang damit ko at make up ko ngayong gabi.

    “Uh…”

    Nakatingin silang lahat sa amin ni Lance. Naghihintay sa sagot ko at puro mga galit ang mukha.

    “I’m sorry for being with you tonight, Lance. Sorry pero siguro mas maganda kung sila na lang ang isayaw mo para sa ika bubutio ng lahat.” Umalis ako agad para mag CR.

    Ayan! Ako na tuloy ang nag walk-out! Sa sobrang badtrip ko at inip sa paghihintay kay Bench eto na tuloy ag nangyari. Wala akong ganang sumayaw o kahit ano. Masyado akong nag expect sa wala. Siguro isa lang yun sa mga bola ni Brent sakin kanina. Pero ba’t sila nandito kung bola yun diba? STOP DENISE! Ayoko ng umasa! Screw this party! The worst party ever!

    “Denise-“
    “Lance, wa’g mo na akong sundan.” Sabi ko.
    “But Denise-” Hinawakan niya ang braso ko.

    Pagkahawak niya nun, nagsimula ang isang kanta. Kinanta ng isang pamilyar na boses. Nagpakaba sa akin at sobrang nag pasaya. Heto na!

    Nagbulung-bulungan ang mga tao. Alam nilang hindi iyon boses ni Bruno Mars… Parang kakaibang rendition. Mas maganda at mas malamig. Pero ako, alam ko talaga kung sino ang kumantang iyon.

    Natigilan ako at hinarap si Lance.

    “I already love someone else, Lance. I’m sorry.”

    Nalaglag ang panga niya pagkasabi ko nun.

    “I’m sorry I didn’t tell you but it’s true.”
    “Are you telling me this now cuz you think that its the only way to get rid of me? Denise, walang umaaligid na lalaki sayo, ako lang… don’t expect me to believe-“
    “Lance… mukhang nakalimutan mo. Walang ibang lalaking nakaaligid sakin… kundi si Bench.”

    “So keep in mind all the sacrifices I’m making to keep you by my side and keep you from walking out the door…”

    Live band. Everyone was stunned cuz Bench is singing.

  • Stage 56Open or Close

    Stage 56.
    It will rain, Denise

    “Cause there’ll be no sunlight if I lose you, baby. There’ll be no clear skies, if I lose you, baby…”

    Oh my God! I’m almost in tears! Yung feeling na parang gusto ko lumunok para kumalma pero di ko magawa kasi may bumabarang masakit sa lalamunan ko.

    HE SHOWED UP! Hindi ginagamit yung stage pero talagang may live band at nandun siya!

    Stunned ang lahat! Nakatingin lang at kinikilig sa kanya. Tili nang tili ang mga babae sa ball, pero siya, diretso lang ang tingin niya sakin.

    Nang sinundan ng mga tao kung saan siya nakatingin, napatingin din ang lahat samin.

    Oh ano kayo ngayon!? Mga useless! Walang binatbat! Maypa vandal-vandal pa kayong nalalaman diyan! Ayan na o kita niyo ba? Knight in shining armor ko, wala ng makakatalo diyan ah? Sige! Pagtripan niyo pa ako! Benjamin Jimenez is in love with me! He is! Yun ang kinaiinggitan niyo sa akin kaya sige at ipakita niyo pa kung gaano kayo ka insecure sakin! Yung ginagawa ni Bench ang nagpaudyok sakin ang paniwalaan ang lahat ng mga diliryong sinabi niya sakin.

    Nagwalk-out si Candice at ang kanyang mga kasama. Nakita ko talaga kasi malaking pangkat din kasi yung mga kaibigan niya. May isang babae pa dung umiiyak habang nagwowalk-out.

    “Si Jenny ba yun?” Sabi nung isang babae na kanina pa tili nang tili at binibilang ang lahat ng nagwo-walk-out.

    YES! This man in front of you drives everyone crazy… And I mean everyone! Halos kalahati ng mga babae sa ball ang nagwalk-out. Of course kasi alam nilang lahat. Sa mga tingin pa lang ni Bench na nakatoon sa akin, sapat na yun para maging hudyat sa pagkabigo nila.

    “Nah! Bench is a playboy anyway.” May narinig akong nagsabi nun.

    Sa lahat ng mga narinig ko, iyon ang nakapagpabago sa isip ko.

    He is a playboy! Heart breaker diba? Masasaktan niya lang ako kung bibigay ako.

    Pero wala eh. Tumulo yung luha ko bago pa ako makapagpatuloy sa pag-isip.

    Lumapit si Bench sa akin. Papalapit siya nang papalapit nang naramdaman ko ang paglayo ni Lance sakin. He’s giving up. Giving way… to my real ‘owner’. Excuse the word but I’d have to say this… he owns me in everyway. Benjamin Jimenez owns me. And whatever he’ll ask right now, I’m sure I’ll say yes.

    Tinakpan ko na lang ang nakangangang bibig ko nang papalapit na siya ng papalapit sakin…

    “It will rain, Denise, if you won’t say ‘Yes’.” Aniya.

    His face is glowing. Naka coat and tie na naman siya at bagong gupit. Nakangisi at ipinapakita yung dimples niya. Mabango.

    “I’ve been such a jerk before. Immature. But this time it’s for sure. Everything has changed. Nagsisisi ako sa lahat ng ginawa ko. Mahal na kita, noon pa. Hindi ko alam kung kelan nagsimula. Nalaman ko na lang na mahal na pala kita nang nasa kalagitnaan na pala ako sa pagmamahal sayo. So I guess what I’m saying is, my life has changed and I want you to be with me in every single change I’ll have in the future. And I want to be part of the every single change you’ll have in your life too. I love you so please be Mrs. Jimenez for me.” Ipinakita niya sakin ang isang engagement ring na may maliliit na diamonds na nakapalibot sa isa pang mas malaking diamond.

    Tumili ang lahat!

    “He is serious!”
    “He’s got to be!!! Marraige?!? Talagang seryoso!”

    Umulan nga.

    “I love you too, Bench! And I’m gonna be Mrs. Jimenez!”

    Tuwang-tuwa ako at di ko nanapigilan ang luha ko. Hinalikan niya ako at hinagkan pagkatapos. Sobrang saya niya kaya halos binuhat niya na ako sa pagkakayakap.

    Dumating din sina Brent na sobrang saya din. Nandun din pala yung kambal niya.

    Umulan nga…

    Umulang ng palakpakan!

    I’m f*ckin engaged to Benjamin Jimenez! He is not perfect. Playboy nga siya noon. But I’m not perfect either. Nobody is. All we need is to try to love each other perfectly. That’s it, I guess. Finally, I can say… I’m in love! Really in love!

  • Stage 57Open or Close

    Stage 57.
    Just saying…

    “I felt like we ruined the ball.” Sabi ko nang nakita kong halos nagsialisan lahat ng mga kaninay sobrang pa cute sa mga paparazzi.

    Nakapulupot parin ang braso ni Bench sakin at ngiting-ngiti.

    May nagpicture din samin. Yung iba mga paparazzi, yung iba ay mga kaibigan namin.

    Masyadong showbiz ang proposal ni Bench sakin na may iilang mukhang galing sa magazine or newspaper pa talagang nag iinterview sa kanya ilang sandali ang nakalipas.

    “Miss Denise Gozon.” May tumawag saking may dalang cellphone/recorder.

    Tinignan ko si Bench, mukhang busy siya sa interview. Sina Brent naman at yung ibang mga kasama niya ay nakihalo na sa party…

    “Yes?”
    “Can I ask some few questions?”

    Tinignan ko siya, mukha namang mabait tsaka hindi naman siguro masakit kung sasagot ako sa iilang questions.

    “Okay,” Sabi ko.

    First time yata ako ma interview tungkol sa lovelife. Kadalasan yung mga tungkol sa damit ko at mga events ang iniinterview sakin.

    “Are you happy right now?” Tanong niya habang inilapit sakin ang phone para marecord ang sagot ko.
    “Oo naman.”

    Para namang sarcastic na tanong yun. Well, let’s ignore that. She’s just some reporter or blogger.

    “Now that he’s proposed to you, everyones freaking out cuz they think you’ll be just like his any other girl. What are your opinions?”

    Natigilan ako sa tanong niya. Kahit matagal ko ng iniisip yun wala parin akong maisagot sa mga tanong niya.

    “Well, I guess people don’t need to ‘freak out’ for me. Come what may.” Sabi ko.

    Kinda p*ssed.

    “So you think he’s serious now?”

    Why did I even think of letting her ask me some ‘FEW’ questions?

    “Yes, of course. I mean, ni isa sa naging girlfriend niya di niya niyayang magpakasal. Ako lang… He’s crazy if he’s not serious.” Sabi ko with utmost confidence hoping it would silence her.

    Pero di siya natinag.

    “So you are his first love… I mean not technically pero ikaw kasi as far as I know he was never really serious with his past ‘girlfriends’.”

    WHAT THE F? NO I’M NOT, girl! May isa pang nauna sakin. Pero heck I won’t dare tell her.

    “Yes. Of course.” Sabi ko ng wala sa sarili.
    “Hey!” Hinawakan ni Bench ang baywang ko.

    OMG! Tinitigan ko siya. I frowned. Sinenyasan ko siyang tanggalin niya yung kamay niya dun.

    “Thanks Miss Denise, sa time.” Ngumiti yung nag interview at umalis agad.

    “Ang arte naman nito.” Sabi ni Bench nang ako na mismo ang nagtanggal sa kamay niya.

    Umiling na lang ako.

    “I love you, Bench but I know exactly who you are.” Sabi ko.
    “Yes you do.” Hinalikan niya ang pisngi ko at hinawakan ang kamay. “Let’s go.”
    “Huh? Saan?” Tanong ko.
    “Umuwi. Don’t tell me your waiting for your date to dance you tonight. We have no business here anymore.” Aniya.

    Tinanggal niya ang coat at pinasoot sakin.

    His gentleman instincts again. Sweet Bench, I love you so much but I still have my own insecurities and issues.

    Pagkarating namin sa sasakyan niya nakangiti parin siya.

    “Denise… What’s wrong? Di ka ba masaya?” Tanong niya.
    “Masaya.” Ngumiti ako.
    “Ako. Sobrang saya! Finally! Ang tagal kong hinintay ‘to.”

    Hinawakan niya ang kamay ko.

    “Don’t worry. Trust me. Noon ko pa gustong sabihin sayo ‘to pero I know you won’t believe cuz of our past. Just stop thinking about it. Dahil ako, matagal ko ng kinalimutan yun. Simula nung minahal na kita. You probably don’t know that I’ve been blocking and black mailing boys who ‘get in my way’ kahit di pa naman talaga kita nililigawan. Noon hindi ko alam kung bakit ayaw kong may magkagusto sayo or kung may manligaw sayo, I thought it’s just cuz I want you as my companion always. But Denise, I realized that I can’t bear to watch you smile with someone not me. I have fought against myself until I’ve given up… Nung binigay na ni Dad sakin ang authority sa companya as my training, napagdesisyonan kong itigil na lahat ng kahibangang nagawa ko and start living my life seriously. I want you to know that I’m also serious with this.” Hinawakan niya ang engagement ring at hinalikan ang kamay ko. “I love you so much.”

    “I love you more.” Halos mangiyak-ngiyak ako sa mga sinabi niya.

    Pumunta kami sa isang coffee shop para bumili ng frappe at bumalik ulit sa sasakyan.

    “Now, where do you wanna go? Sa condo natin?” Tanong niya with his evil smile.

    Err. NATIN? Condo natin?

    “No, Bench. Uuwi ako. Alam ko ang iniisip mo at tigilan mo na yan. Hindi pa tayo lumagpas ng 24 hours ganyan na ang iniisp mo. Hmp!” Hinampas ko ang dibdib niya.
    “Okay!” Tumawa siya. Does that mean we can do it tomorrow?”
    “Ugh, Bench! Stop that!”

    Hinila niya ako papunta sa dibdib niya. For God’s sake nandito kami sa labas ng sasakyan niya at naka dress pa naman ako kaya mas lalong nakakaagaw-pansin. CEO ‘to ng airlines company ang katabi ko at masyadong sikat tapos ganito ang ginagawa niya. Talaga ‘tong si Bench!

    Umamba pa siyang hahalikan ako.

    “Bench!”

    I pushed his face away. Tumawa naman siya.

    “Let’s go home! i mean… ako… sa bahay namin.” Sabi ko.

    HAHA! Naughty Bench is naughty. Now everyone’s staring at us.

    “Okay Mrs Jimenez.” Umikot siya at pumunta sa driver’s seat. “But I’m afraid your clothes have to go home… not you.”

    Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko at hinawakan ang dala-dala kong frappe at nilapag malapit sa manibela. He started kissing me. Steamy hot kisses that I couldn’t resist.

    Nang matapos yun (na talagang mejo mahaba-haba at halos ma carried away ako)…

    “Ugh Bench, let me go home.” Sabi ko.

    I couldn’t even look at him. Baka malaman niya pang ayaw ko pala talagang umuwi! Hay malandi Denise but we have to go home! I may consider ‘it’ soon, but not now.

    “You know Denise, I can always give our children a good future kahit di ka na magtrabaho. So don’t worry ‘kay?” Then his evil smirk.

    Sinabunutan ko na!

    “Kakasagot ko lang sayo ah?! Gusto mo yata ng break-up agad! Sige ka!” Sabi ko.

    Kainis ‘to!

    “Okay okay!” Tumawa siya. “Just saying…”

    Hinalikan niya ang noo ko.

    God I couldn’t believe that we’re really in this situation. Mahal niya talaga ako. At mahal ko rin siya. Kami na!

    Benjamin Jimenez is mine. At kung sa tingin ng iba ay di siya seryoso sa akin, ba’t pa nila kinailangang mag walk-out kanina sa ball. I need to have more faith in him. More faith in us.

  • Stage 58Open or Close

    Stage 58
    I love you more.

    “Hi! Good morning!” Malat ang boses niya mukhang kakagising lang.

    Kakarating ko lang sa school nang tinawagan niya ako. Text kasi kami nang text kagabi tungkol sa pag amin ko at sa pagkamangha niya.

    “Hi!” Sabi ko halos mapangisi sa kilig.
    “Just woke up. Nasa school ka na?” Tanong niya.
    “Yup!”

    Naglalakad ako patungo sa klase. Tatlong linggo na lang at finals na. I can’t wait to spend my summer with Bench. Iniisip ko pa lang kinikilig na ako.

    “Should have fetch you at home. Sinabi mo na ba kay tito?”

    I rolled my eyes.

    “Hindi. Pero alam niya na yung ‘engagement’ na sinabi mo simula pa nung sinabi mo sa board na tayo na. It doesn’t matter.”
    “It matters to me. I’ll fetch you later after school. Haharapin ko yung parents mo.” Humalakhak siya para bang di makapaniwala sa sinabi niya.
    “Ows? You have the guts?” Tawa ko.
    “Of course, baby.” Ngayon naman seryoso na. “For you.”

    Katahimikan. OMG! Di na lang talaga ako nagsalita ng ilang saglit kasi naghuhuramentado na naman yung sistema ko.

    “Aryt then.” Sabi ko.
    “Nasa classroom ka na?”
    “Almost there.”
    “Okay. You take care and call me if you need me. Need to get ready for work. Okay? Titext kita pagdating ko ng office.”
    “Okay! Take care din.”
    “Love you Mrs. Jimenez.”

    OMG.

    “Love you too Mr. Jimenez.”
    “No. I love you more.”

    Di ko na makakaya ‘to! Natigil na talaga ako sa paglalakad. Siguro pinagtitinginan na ako ng mga tao. Parang hibang lang. Pero syempre, alam nila kung sinong kausap ko ngayon. Lahat yata nakasaksi sa nangyari sa ball.

    “Sige na… You get ready. I have to go.” Sabi ko.
    “Okay…” Tumawa pa siya saka ko pinatay.

    Tapos humingang malalim. Grabe. Heavy. HAHA!

    Saka ko nakita ang mga tao. Yes. Kanina pa ako naglalakad pero dahil occupied ako sa conversation namin ni Bench di ko nakita yung mga nagbubulung-bulungan tungkol sakin.

    Ayan na naman ang mga insecure. Hay nako!

    “Denise!” Pambungad sakin ni Eliana.
    “Eli!” Sabi ko. “You heard the news-“
    “I know. We have no time for that. Tayo na. Alis na lang tayo.” Aniya.
    “Huh? Bakit?”

    Hinila niya ako palayo sa classroom.

    Sa mukha niya mukhang nahihirapan siya sa pag explain.

    “There’s a bunch of girls whose after you. I’m sure ma hahighblood ka lang dito at baka magkagulo pa. Let’s go.”
    “Wait! After me? Bakit?”
    “Don’t ask. I don’t know either. Siguro may gusto kay Bench or ano.”
    “So? Wala naman akong kasalanan! Edi harapin sila.” Sabi ko.
    “No!”

    Hinila niya na naman ako.

    “I promised Bench, Denise. Di ka pwedeng makipag-away or he’s gonna kill me.” Sabi niya ng wala sa sarili at hinihila niya pa ako. Nagmamadali.
    “What? Isa ka na rin kina Kuya Joe. Na demote ka na yata.”
    “I’m not paid no. You’re my best friend and my future cousin-in-law if there’s something like that.”

    Sa sobrang bilis niya nabunggo tuloy siya. Ayan. At ngayon mukhang siya pa dapat ang protektahan ko.

    “Sorry, Eli…” WOW! PARANG DOUBLE MEANING!

    Si Yuan ang nabangga niya. Hinawakan ni Yuan ang magkabilang braso niya at pinatayo.

    And now, Eliana has lost her cool.

    “Excuse me, Yuan ah. Nagmamadali kami.” Ako na lang ang humila kay Eliana palayo sa kanya.

    Naghang yata si cousin-in-law sa mukha ni Yuan. Mukhang ilang dekadang di nagkasalubong.

    And so… nahanap kami ng ‘bunch of girls’ na sinasabi ni Eli.

    They all crossed their arms and raise their brows.

    “Denise Cordelia Gozon, there you are.” Nangunguna na naman si Candice.

    Nandoon din ang mga kaibigang babae ni Lance.

    “Anong kailangan niyo sakin. I heard hinahanap niyo ako. If you’re here to congratulate me, thanks!” Ngumisi ako na nakapagpahigh-blood sa mga kaibigan ni Lance.

    “Aba’t ang kapal ng muk-” Halos sabunutan ako buti at napigilan ni Jenny.

    Yes! Nandun si Jenny!

    “Jenny, you know what? Sa lahat ng mga ‘pinormahan’ ni Bench I thought you’re the most normal. Ngayon, narealize kong tulad ka lang din nila. Obsessed kay Bench kaya di ako mapapalampas kasi ako yung sineryoso niya. As if may magagawa pa kayo-“
    “Hindi kami nandito Denise para i-congratulate ka sa trophy mo.”

    EXCUSE ME? Trophy ko? Si Bench?

    “We’re here to expose how evil you are!” Sinigawan ako nung highblood!

    “Oh my gosh. oh my gosh.” Now I can here Eliana chanting while dialing Bench’s number sa gilid.

  • Stage 59Open or Close

    Stage 59.
    kahit sino, di pwedeng pumasok.

    Ipinakita nila ang pictures nung nag confess si Lance sakin, nung nagwalk out ako at iba pang ‘pananakit’ na ginawa ko kay Lance.

    “Sinabi mong ‘I don’t deserve you, Lance.'” Sabi nung kaibigan ni Lance. “You don’t deserve him cuz you think you deserve Bench? Ganun ba yun?” Biglang sigaw niya.

    Sa galit niya hinampas niya sa mukha ko ang pictures na ipinakita niya.

    Easy, Denise. I can actually sue her for this… Sue them all. Pero di ako ganun ka babaw tulad nila. If they have some problem with me, edi sabihin nila, wa’g lang sana akong saktan o insultuhin.

    Halos matawa ako sa sinabi niya.

    “You’ve got it all wrong, girl.” Sabay iling ko.

    Ang gusto kong sabihin kay Lance sakin ay masyado siyang mabait para sakin. He’s too good for me. kaya naman nasabi ko na, ‘I don’t deserve him.’ Hindi tulad ng akala niya. Baluktot talaga ang pag-isiip ng mga tao. Well, not all maybe, siguro yung mga in love baluktot. Gaya ko, kahit alam kung mejo loko si Bench pero go parin ako ng go!

    “All wrong? Alam naming lahat ni si Bench ang gusto mo noon pa!” Aniya. “Si Candice! Ikaw ang dahilan sa break-up nila! Ikaw ang gumawa ng paraan para mag break sila!”

    Si Candice naman mukhang pusang naiipit sa mukha niya. Malungkot, gustong umiyak at plastik.

    “If he really DID love her, nothing can break them apart. Kahit na may gumawa ng paraan para magbreak sila…” Sabi ko.
    “See?!” Tinuro-turo ako ng ngayong mangiyak-ngiyak ng si Candice. “I told you!” Sabi niya sa mga kasama niya. “It was her! Ngayon, inamin niya na sa harap natin. And I’m sure siya din ang may pakana sa pag layo ni Bench kay Jenny! God knows what she did! She probably seduced Bench-“
    “Hey! Seduced? I don’t need to. Ano bang mga pumapasok sa kokote ninyo at ganyan kayo makapag-isip. What’s this? Samahan ng mga Nasaktan ni Bench? Ngayon tinutuligsa niyo ako kasi kitang-kita niyo ang pagseseryoso niya sakin?”
    “Hell no!” Sigaw ni Candice.

    Si Jenny naman, tahimik sa gilid. Bruha! Di makatingin sakin! Cheap ka at nakisama ka dito! Akala ko papantay siya kay Muse, yun naman pala, si Candice lang ang kapantay.

    “We just want the world to know that you don’t really like Bench you social climbing wh0re!” Sigaw niya. “Ginagamit mo lang si Eliana at si Bench para makaangat ka! Hindi ka naman talaga MAYAMAN eh! You just wanna be one!”

    Eto na! Di na talaga ako makakapagpigil. True. I’ve been such a wh0re for fame and popularity. Pero tapos na yun lahat. Noon yun. Noong grade school na walang pumapansin sakin, noong highschool na wala kang kaibigan kung di ka maganda at may ibubuga, pero ngayon I know better. Hindi ako nagpakahirap para kaibiganin si Eliana at Bench. Nangyari lang siyang bigla. Wala akong frame up o planong ginawa para maging kaibigan ko sila. And now, they are telling me that I did this all to be popular!?

    “Hindi nga ako mayaman, sinong may sabing mayaman ako?” Sabi ko. “GET OVER IT! Magkaibigan kami ni Eli at mahal ako ni Bench. Period. Wala kayong alam kaya tumahimik na lang kayo. Magkaibigan kami simula pa noon kaya wala kang alam, Candice. Don’t you dare tell me that I’m using them. Kung gusto niyong umeksena at magpapansin kay Bench kaya niyo ‘to ginagawa, well, guess what, lalong di niya kayo papansinin. You are all too low for him. And I won’t stoop down to your level.”

    Sa galit nung kaibigan ni Lance at ni Candice sakin ay halos sinabunutan na nila ako. Buti at pinigilan nina Jenny at iba pa nilang kasama.

    Tumawa na lang ako kahit badtrip din.

    “USER!” Sigaw nila. “Buti nga sayo! Sana mag enjoy ka sa mga vandal tungkol sayo…”

    Hinila ako ni Eli habang nakikinig pa ako sa mga sinasabi ng kaibigan ni Lance.

    Nakita ko rin si Renzo doon na tumatawa. Kainis talaga.

    “Let’s go, Denise!” Sabi ni Eli habang tumitingin pa sa cellphone. “Bench isn’t answering. He’s probably in a meeting. Alis na tayo sa gulo.” Sabi niya.

    Nakita ko sa corridors yung malaking vandal. ‘Denise is a b1tch’. Sana ma expel kung sino man ang gumawa nito.

    KAINIS!

    Bigla na lang akong nasabuyan ng orange juice! Nasali pa yung kamay ni Eli na nakahawak sa kamay ko.

    “What the?” Sigaw ni Eli sa mga babaeng nakasalubong namin.

    Hindi ko kilala. Ganun ka maimpluwensya si Bench. Kahit yung mga di ko kilala, inlove na in love sa kanya.

    “Opppss. Sorry!” Anila tapos tumawa.

    I was really speechless! Nakatingin lang ako sa damit kong kulay orange na.

    “Stop it na!” Sigaw ni Eliana.

    Nakita ko sina Nina, Tanika at Abby na nakatingin sa malayo. Mukhang naawa sa kalagayan ko.

    “Di bale D, huhupa din ito. Mejo nabigla lang ang mga tao.Ganito pala pag nasa school ka? Hay.” Sabi ni Eli habang nililinisan ang kamay niya.

    “AHHH!” Sumigaw na lang ako sa inis at galit ko.

    Pagkatapos kong sumigaw, nakita ko ang mga taong mukhang natakot sa maaring gawin ko.

    Pumunta ako sa Discipline office. I reported, “Jenny Zafra, Candice San Juan, Lorenzo de Ocampo, at lahat ng kaibigan nila. I was harassed. May mga vandalism pa sa walls na sila ang gumawa.”
    “Do you have evidence?” Tanong ng officer.
    “I don’t, but Eliana Jimenez is my witness.” Sabi ko at tumingin kay Eliana.
    “Oo. totoo po yun.” Sabi ni Eli ng walang pag-aalinlangan.

    At dahil sa impluwensya ng mga Jimenez at sa magandang record ni Eli, papatawan ng kaparusahan ang mga walang hiyang binanggit ko.

    Umuwi si Eli para magbihis. Ako naman, uuwi na sana pero narealize kong kailangan kong sabihin lahat ng nangyari kay Bench. Sabi niay iti-text niya ako pag nasa office na siya, walang ni isang text ang dumating at di rin siya sumasagot sa mga tawag ko.

    “Mr. Jimenez is in a meeting.” Sabi nung secretary.
    “Mr. Jimenez? Which one, si tito o si Bench?”
    “Si Sir Bench po, Miss Gozon.” Aniya halos di makatingin sa mga mata ko.
    “Whatever meeting is that, I knwo he’ll let me in. Will you tell him na naghihintay ako sa kanya ngayon? See this?” Sabay pakita ko sa kulay orange kong damit.
    “Sorry po talaga, Miss Denise, bilin niya po sakin… kahit sino, di pwedeng pumasok. Kahit ako.”

    Sa sobrang inis ko that day, hindi ko sinunod ang secretary.

    Pinigilan niya pa ako pagkarating ko sa pintuan.

    “Sorry po talaga, di pwede.”

    Pero huli na ang lahat. Nabuksan ko ang pinto sa office niya.

    THERE IS NO MEETING! He is talking with a girl in a black dress. THEY WERE LAUGHING UNTIL HE SAW ME!

    Nawala yung tawa niya. Nanlaki ang mata ko lalo na nung lumingon ang babaeng naka kulay itim sakin.

    Tumangkad at lalong gumanda pero kilalang-kilala ko siya. Halos di ako makahinga. Gumuho ang mundo ko nang nagtagpo ang aming mga mata.

    “Muse.”

  • Stage 60Open or Close

    Stage 60.
    No…Denise…No

    I felt so stupid! THEY WERE LAUGHING! At sa araw pa pagkatapos ko siyang sagutin!? Really!?

    Hindi namna mukhang ngayon lang silang nagkita. Actually, mukha pang matagal na noong nagkita silang muli. THEY LOOK LIKE GOOD FRIENDS! Well, siguro dahil malayo si Muse kay Bench. Pagitan nila yung couch at table ni Bench. But I can only imagine what they’d do if they are inside Bench’s condo.

    UGH!

    Umalis ako!

    Sinundan ako ni Bench pero yung naabutan niya na lang ay ang pag sarado ng elevator.

    “Denise! Wait!”

    Tapos sarado na.

    I know he’ll take the other elevator.

    Nang nasa baba na ako. Nagmadali akong lumabas ng building nila para makahanap ng taxi. Worst! Kahit ‘tong orange juice na nasa damit ko ay wala sa katiting sa ginawa ni Bench.

    I get it now, Bench! Everything is just for revenge, right? Buhol-buhol ang pag-iisip ko. Ang dami kong tanong at gusto kong kumalma pero ayaw ng sistema ko.

    AFTER EVERYTHING? Na-bully ako sa school, sinaktan si Lance, nagyabang na ako ang mahal niya, pero ngayon… parang gumuho ang mundo ko. DI NAMAN PALA TOTOO! Kapal ng mukha ko dun ah? Mas lalo tuloy akong walang mukhang maihaharap kina Candice. I’m sure pagtatawanan nila ako. Pero di bale, haharapin ko sila. Sila din naman ah? Niloko din ni Bench! NOW I’M EFFIN PART OF THAT SAMAHAN NG MGA NASAKTAN NI BENCH!

    May kakaibang kurot akong naramdaman nang bumungad ang mukha niya sakin. Hirap at hinihingal. Ginamit niya ang stairs.

    “Denise.” Hingal niya.

    Tinalikuran ko siya at halos tumakbo at pumara na ng taxi.

    Hinila niya ang braso ko.

    “W-Wait!” Sabi niya.

    He looked disappointed, displeased, whatever!

    I don’t care! Kung mukha siyang nasaktan o nabigo, hindi ibig sabihin nun na dahil mawawala na ako sa kanya! Kasi siguro, kaya siya nasasaktan o nabibigo ngayon ay dahil alam niyang mawawala na ako bago pa niya ako mas lalong masaktan.

    “Denise, I-” Hinihingal parin siya.

    Nasa 16th floor yung office niya at di ko alam kung paano niya ginawang gamitin ang hagdanan papuntang first floor.

    “Shut up, Bench!”
    “Denise-“

    Hinarap ko siya.

    My tears were almost out! Gusto kong maramdaman ulit yung noon! Maramdamang wala akong pakiramdam sa kanya. Yung di ko siya ganito kamahal, pero wala eh, hindi ko na maalala kung paano yung dati. Di ko na maalala kung paano yung pakiramdam na di ko siya mahal.

    “One question, Bench.” Sabi ko at kinurap ang nagbabadyang luha sa mga mata ko.

    Hiningal parin siya. Niluwangan niya ang kanyang tie at mukhang handa siyang sagutin ang tanong ko. Pumarada yung taxi at naghihintay na sa pag-alis ko.

    “Kailan kayo unang nagkita ni Muse mula noon?” Tanong kong seryoso.

    I’m trying not to break my voice and burst into tears.

    Pumikit siya. His guilty face now showing. Tumingin siya sa lupa nang dumilat. Struggling to say the words.

    “Third year… high school.” Aniya.

    GOODNESS! 4 years?! Apat na taon niyang tinago sakin? At ako, kahit ano wala akong tinago sa kanya bukod sa pagtingin ko tapos siya may lihim pala sakin mula pa noon. Hanggang nagkami di niya sinabi sakin. That alone can prove me so many things.

    Kinuha ko ang engagement ring sa daliri ko…

    “No… Denise… No…” Umiling siya ng dahan dahan.

    Tinapon ko ang engagement ring na binigay niya at pumasok sa taxi.

    THAT’S WHAT YOU GET, BENCH! I HATE HIM RIGHT NOW!

    “I don’t want to see you again.” Sabi ko sa kanya bago umalis ang taxi.

  • Stage 61Open or Close

    Stage 61.
    I’d give her my loyalty

    Umiyak ako sa loob ng taxi. Lalo na nung nakita kong di niya ako sinundan. Hinintay niya lang na mawala sa paningin niya ang taxi.

    Gosh I’m stupid! Sabi na nga ba diba? Yun yung matagal ko ng iniisip eh. Paanong sa apat na taon nagawa niyang itago sa akin ang IMPORTANTENG bagay na yun? Importante, dahil buong buhay ko nabubuhay ako sa kaba na baka maghiganti siya sakin dahil kay Muse.

    Nagkulong ako sa kwarto. I tried to hold back my tears cuz I don’t want my parents to notice. Baka tanungin pa nila ako kung bakit namumugto ang mga mata ko at wala akong maisagot.

    Naka-off ang phone ko at nakahiga lang ako sa kama. Di ko alam anong oras na. Di rin ako bababa para kumain. Maghihintay lang akong mag-umaga. Buti at Sabado na bukas. Pagkatapos nito, magsisimula na akong mag-aral para sa finals. Straight As this sem! Kaya ko ‘to! Next sem, 4th year college na ako. Pagkatapos kong gumraduate, maglu-lawschool ako tulad ni Mommy at Daddy. Malay ko may mas mamahalin pa ako dun kay Bench diba?

    “Denise? Denise?” Sabay katok ni manang.

    Pinunasan ko ang konting luha sa pisngi ko.

    “Manang, tapos na po akong kumain. Inaantok ako. Matutulog na.” Sabi ko at pinikit ang mga mata.

    “Huh? Sabi ng mama mo bumaba ka na raw! Diba may usapan kayo ni Sir Bench?”

    Dumilat ako. What BENCH?

    Kinatok ulit ako ni manang.

    “Wala naman manang ah. Wala akong naaalala?” Sabi ko pero ayan na at nag-uunahan na naman ang bawat pintig ng puso ko.

    Kinakabahan ako. Oo nga pala! Sabi ni Bench, kukunin niya ako from school para makipag-usap kay Mommy at Daddy.

    “Aysus! ‘tong batang ‘to! Tawagin ko ang mama mo ngayon-“
    “Manang! Wa’g na po!” Sabay talon at punta ko sa saradong bintana. “Lalabas na ako. Wait lang.”
    “O sige, hinihintay ka na sa hapag. Bilisan mo na.” Umalis si Manang.

    Dumungaw ako at nakita ang Benz ni Bench. Oh God! It’s freakin real!?

    Pumunta ako ng banyo para mag ayos. I need to look pretty! Sinuklay ko ang kulot na dulo ng buhok ko. Inayos ko din ang ‘perfect’ kong kilay. Perfect talaga ang tawag ko kasi ito yung gusto kong parte sa mukha ko. Tulad kasi nung kay Audrey Hepburn. Linagyan ko ng lipbalm ang lips ko. Yun lang. Wa’g na ang lipgloss, baka akala ni Bench nag effort ako sa pagdating niya. Tapos umalis na.

    Pagkahawak ko ng doorknob para akong binuhusan ng malamig na tubig sa kaba.

    “O, ba’t natagalan ka, Denise?” Pambungad na sabi ni Dad pagkarating ko sa table.

    Nandun na si Bench! Sitting BESIDE my chair. Gosh gosh gosh! Di ko siya tinignan. Anong gagawin ko? Sasabihin ko ba kay Daddy ang totoo?

    “Nakatulog po kasi ako.” Sabi ko at umupo sa upuan para kumain.

    Halos di ako makakain dahil nandiyan siya, nakatitig sakin. Ba’t mo ba ako tinititigan, Bench? Kainis! Ba’t ka nandito? Si Muse na lang kaya ang lokohin mo! Kainis! Gusto kong baliin ‘tong kutsarang hinahawakan ko sa inis eh.

    “You okay?” Nagsalita!
    “Dad… saan ba magandang mag Law?” Sabi ko binalewala ang tanong ni Bench.

    Si Mommy lang ang nakapansin. Hindi namalayan ni dad.

    “Hmm let’s see. UP or Ateneo, I guess?” Tanong niya.
    “I want to be a lawyer.”
    “Do you, now?” Ngumisi si daddy. “Kala ko ba magpapakasal muna kayo ni Bench?”

    Halos mailuwa ko yung tubig. Umiinom kasi ako habang sinasabi yun ni dad.

    “Hindi ba, Bench?” Sabi ni dad at tumingin kay Bench. “Kahapon sa ball niyo, sinagot mo na siya, Denise? Is it true?”
    “Actually, dad-” Bago ko masabi yung totoo…
    “Opo. Finally, sinagot niya na ako tito.” Tapos hinawakan niya ang kamay ko.

    GRRRRR! Sinulyapan ko siya. Seryoso ang mukha niya. Parang gusto kong kalasin yung kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Ayoko namang makita ni Daddy at mommy na nag-aaway kami. Pero totoong ayoko na. Dahil sa bilis ng pintig ng puso ko nakakalimutan ko na kung dahil ba ‘to sa galit ko o dahil kinikilig ako at mahal ko parin siya.

    Di pala madaling magkunwaring di mo siya mahal. Mahirap palang kalimutan yung feelings mo agad.

    Tumawa si dad.

    “Hindi ko talaga akalain na magiging kayo.” Sabay tingin saming dalawa ni Bench. “Diba noon, away kayo ng away? Para kayong aso at pusa. Bench… are you really for real? Mahal moi ba talaga si Denise?”

    Napalunok naman ako sa tanong ni Daddy! OMG! Nakakahiya.

    Si mommy naman, tinitignan si Bench… tapos ako… parang nawe-weirduhan.

    “Opo. Mahal ko si Denise. In fact, I’m here to ask you if we can get married soon.”

    Si daddy naman ngayon ang nabilaukan.

    “Ehe-ehem.” Hinaplos ni mommy ang likod ni dad.
    “Okay ka lang, dad?”
    “O-Okay… You know, Bench. Kilala kita simula pa nung mga bata kayo ni Denise. At alam ko kung ano ang pinaggagawa mo nung teenager kayo. Pero alam kong ngayong hinihingi mo siya sakin ay seryoso ka na.”
    “-Opo-“
    “I just hope that this time its for real, Bench. Kung may lalaking mang gusto ko para sa anak ko, ikaw na yun. Kaya wa’g mo siyang saktan. Don’t break my trust.”

    Jusko! Kakahiya si Dad! Ang daming pinagsasabi!

    *Kring-Kring!*

    May tumunog na cellphone kaya naputol yung mga sinabi ni dad.

    “I think that’s mine.” Sabi ni mommy.

    Hindi umaalis ng table si mommy kung di urgent pero ngayon ay umalis siya at sinagot.

    “Opo, seryoso po ako. Don’t worry tito.” Hinawakan ni Bench ng mas mahigpit ang kamay ko. “I wouldn’t go this far if I weren’t. I’d give her everything she wants. I’d give her my loyalty and my heart… forever.”

    Pinandilatan ko siya. Si dad naman tinitigan siyang mabuti. Pasalamat siya’t di ganun kabilis mawala ang pag-aalala ko sa kanya kaya di ko siya kayang ilaglag kay daddy. Not now, probably. But real soon… Ayaw ko namang maabala pa ako sa pag-iisip kung saan ako magsisimula sa pag-eexplain tungkol kay Muse kaya hinayaan ko siya.

    “Dad-” Sabi ni mommy. “May emergency sa firm. I need to go.”
    “Now?” Sabi ni daddy habang umiinom ng tubig.
    “Yes. Pero di naman ganun ka lala.”
    “I’ll go with you.” Tapos tumayo si dad.
    “Wa’g na. Stay here with them.” Sabi ni mommy.
    “No… No… Kaya na nila dito. let’s go.”
    “Bench, Denise, okay lang ba sa inyo?”

    NOOO!

    “Dad! Stay-“
    “Di… Okay lang po! Mag-ingat kayo!” Sabi ni Bench.
    “Sure Bench, we’ll be back soon. May pagkain diyan sa ref in case gusto niyo ng snack. Nandyan din si manang.” Sabi ni mommy at nagmadaling umalis.

    GREAT! Ngayon, kaming dalawa na lang! God! Magkukulong na lang ako sa kwarto.

  • Stage 62Open or Close

    Stage 62.
    one more chance.

    Sinundan ako ni Bench sa sala nang nakaalis na si mommy at daddy. Si manang, ayun at nagliligpit sa kusina.

    “Denise, listen to me…”
    “Bench, baka akala mo okay na tayo at kakausapin na kita? Pinagbigyan lang kita dahil ayokong masira ka sa mommy at daddy ko ng di nila nalalaman kung ano ang tunay na nangyari-“
    “Denise, si Muse-“
    “Shut uo, Bench, I don’t want to hear it!” Sabi ko at binuksan ang TV.

    Naka full ang volume at kitang-kita ko sa peripheral vision ko na naiinis na siya. Yan ang bagay sayo! Tseh!

    Umupo ako sa sofa. Umupo siya sa tabi ko, tahimik at mukhang galit sa ginawa ko.

    Ang mokong, inagaw ba naman ang remote sa akin tapos pinatay ang TV!

    “Denise, hear me… Hindi ko intensyong manakit sayo…” Habang sinasabi niya ito ay umalis na ako sa sofa at pupunta ng hagdanan para makapasok na sa kwarto at lubayan na ng demonyong ito.

    Sinundan niya parin ako. Pinipigilan niya sa bawat salitang sinasabi niya. Hinahawakan niya paminsan-minsan ang nagpupumiglas kong kamay.

    “Alam kong lalong lalayo ang loob mo sakin kung malaman mong nahanap ko siya. True, I wanted revenge cuz I’m mad at you. Pero nung nakita ko na ulit siya…”

    Sinundan parin ako sa hagdanan. Umakyat din ang kurimaw!

    “I realized that I don’t feel the same anymore. Hinanap ko siya at akala ko masisiyahan ako kung mangyari yun pero I was wrong. I cared more for you than my revenge… than her-“
    “OH SHUT UP, BENCH!” Ngayon hinarap ko siya.

    Isang metro na lang kwarto ko na. Pagkaharap ko sa kanya… nakita ko ang galit at bigong mukha niya. Ginulo niya ang buhok niya sa inis at tinulak ako sa dingding malapit sa kwarto ko.

    “Make me…” Sabay lagay ng mga kamay niya sa magkabilang panig ng wall.

    Ngayon, nakasandal na ako. Helpless. He’s frustrated.

    I’m trapped in his arms and his face… so close.

    “You damn listen or I’ll kiss you.”

    Nanghina ako at di ko namalayang sa sobrang gulat ko wala ng lumabas sa bibig ko.

    “I WANTED TO AVENGE OUR LOST LOVE, Denise. Hinanap ko siya. Ilang tao ang pinaghanap ko sa kanya. When at last I found her, I realized that I care for you more than I care for our love thats lost. In fact, right now, I don’t even think it was love. Kasi nung minahal na kita, ibang-iba na. Its way too intense that I can’t even get a hold of myself. I don’t care if you don’t feel the same with me basta ang gusto ko sa akin ka lang. And I know its wrong…its selfish. But it doesn’t matter to me. I’m Benjamin Jimenez, soon CEO of that freakin airline company and my mom’s brewery and I need you to stay with me. I don’t care what it takes. Kahapon, sinabi mo sakin mahal mo rin ako… Tapos ngayon, with that stupid mistake, mawawala lahat ng pinaghirapan ko, guess what, I won’t let it happen. I won’t let you leave me.”

    FCK IT! God! Bakit ganito? Parang sa litanyang sinabi niya nawala ang galit ko sa kanya.

    All I can see now is his eyes… lonely. And he said he needs me…

    “She was there that moment coz I told her what happened. Galing siyang Davao, doon siya nakatira. HINDI KAMI NAGKIKITA ARAW-ARAW, I know thats what you think, we don’t communicate, but I know she’s there. She’s cool with us, cool with me… We’re cool. We’re friends. What happened ages ago… wala na yun. Hindi ko na siya mahal. In fact, nung minahal na kita, I started to doubt if I ever did love her. Coz like what I said, this ones different-“
    “Pero bakit di mo sinabi sakin noon? Would you rather betray me? kung mahal mo ako, sana sinabi mo ang lahat! Kung gusto mo ang trust ko, sana hindi ka nag lihim!”

    Now, I’m crying. Can’t believe I’m really crying. I mean, kaya ko palang umiyak sa harapan niya at ipakitang nasasaktan ako.

    “TRUST ME.” Pinunasan ni Bench ang luha ko habang tumutulo ito.
    “Earn it, Bench.” Sabi ko.
    “Bukas, magkita kayo ni Muse. Ipapaliwanag niya ang lahat sayo-“
    “Oh no no no, Bench! I won’t do that! Hindi ako magpapakita sa babaeng yun!” Sigaw ko.
    “Please, Denise!”
    “No! No! Over my dead body! No!” At tinalikuran para magkulong sa kwarto.

    Bago ako makapasok, hinila niya ang braso ko. Tatanggalin ko na sana pero nabigla ako nang lumuhod siya sa harapan ko.

    “Oh my god!” Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

    BENJAMIN GODAMN JIMENEZ KNEELING IN FRONT OF ME. You’ve got to be kidding me!

    “Please, Denise. Let her prove it. Please… one… more… chance… for me please.”

    Mas lalo akong umiyak at wala ng nagawa.

    Gusto ko siyang yakapin pero pinipigilan ko ang sarili ko. If he’s lying, I’ve gotta say ‘Standing Ovation!’. I just hope he’s not.

    “Okay! Stand up now-“

    Nung tumayo siya, hinalikan niya ako. Deep kisses. Hinayaan ko siya.

    I know how evil he can be. Paano kung si tulad noon kay Jenny… pinilit ko si Bench na lokohin siya. Paano kung si Muse naman ang pumipilit sa kanya ngayon? Gulong ng buhay nga naman. Ngayon ako na ang kawawa.

    But I love this man… with all of me.

  • Stage 63Open or Close

    Stage 63.
    You are going down

    ‘Ang pinakamahirap na karibal sa pag-ibig ay hindi yung mga malalanding nakapaligid sa kanya. Kundi yung minahal niya ng sobra, bago ka.’ Ito lang ang laman ng isip ko nang papunta ako sa isang restaurant kung saan kami magkikita ni Muse.

    Ang sabi ni Bench, puntahan ko daw siya sa office niya pagkatapos naming magkita ni Muse.

    Nag-ayos talaga ako para sa araw na ‘to. Naka dress akong pula at sinoot ko finally yung isa sa maraming ibinigay na sapatos si Bench sakin. Inayos ko ang buhok ko bago binuksan ng guard ang pintuan ng restaurant para sakin.

    Nakita ko agad si Muse. Paano ba naman kasi, nakapula din ang ingratita. Pula din ang kanyang lipstick at nakatali ang mahaba at straight niyang buhok.

    Ang paghaharap. Bakit nakapula kaming dalawa? And most importantly, may pambili na pala siya ng mga damit ngayon? Eh nagta-trabaho lang sila sa hacienda nina Eli noon at mas pobre pa sa daga ah? And Bench said she lives in Davao… may pambili pa ng plane ticket ah?

    “Hi, Denise. Tagal na nating di nagkita.” Sabi niya at ngumisi.

    Kinuha niya ang menu at naghanap ng maoorder.

    “Let’s not prolong this, Muse. Tapusin na natin. Wala rin naman akong ganang kumain dahil hindi ko gusto ang view.” Sabi ko pagkaupo.

    “Baked Ziti at Milk Tea, please.” Aniya.

    Nakakasuka pati ang pinili niyang combinasyon ng pagkain. Umalis ang waiter pagkatapos akong tanungin kung anong gusto ko. Di ako umorder. Ayokong kumain.

    Pero ang di natatanggal sa isip ko ay kung meron na nga ba talaga siyang pera?

    Kahapon naka itim na dress siya. Ngayon, pula. May pambili talaga?

    “Tanungin mo na ako.” Sabi niya.
    “Just tell me everything.” Sabi ko.

    Hindi ko alam kung saan ako magsisimula sa pagtatanong. Ayaw ko ring malaman niyang naiinsecure ako sa samahan nila ni Bench.

    “Gusto mo talagang malaman lahat?” Tanong niya.
    “Isn’t that why I came here? Well, sa totoo lang, di ko naman talaga gustong pumunta dito. Bench begged me to see you. Kahit ayaw ko…”

    Sumimangot siya pagkasabi ko nun.

    “Alam mo, Denise? Di ka parin nagbabago.” Aniya. “Kung ano ka dati, ganun ka parin ngayon. Kaya naman ayoko na…” Umiling siya.

    Mukha siyang nasasaktan at naguguluhan.

    “Ayokong si Bench ang manakit sayo… gusto ko… ako.”

    For a moment, I thought she was posessed by a demon. Nanlilisik ang mga mata niya at mukhang galit na galit. Anong ibig niyang sabihin?

    “Pinahanap ako ni Bench kasi mahal niya parin ako. Alam kong alam mo yan. Nung nahanap niya na ako, gusto niyang maghiganti sayo. Gusto niya akong ibalik sa hacienda nina Eliana, pero di niya ginawa… Alam mo kung bakit? Kasi ayaw niyang malaman mo na nahanap niya na ako dahil gusto niyang mainlove ka sa kanya para saktan ka, tulad ng ginawa mo saming dalawa.”

    Tumaas ang kilay ko.

    “And guess what? Nagawa niya na! He asked me to marry him a year ago nung akala niya ay hopeless ka ng mainlove kasi ang gusto mo lang ay ang pagiging sikat. Kaya tinanggihan ko siya at sinabi kong saka ko siya papakasalan kung napaikot ka na niya. Kaya eto ngayon at sinusuyo ka niya. Kasi naman, sabik na siyang makasal kaming dalawa.”

    Nanlaki ang mata ko at gusto kong tumawa. She’s a beginner. A beginner in lying.

    Dumating ang order niya at di ko na talaga mapigilan ang tawa ko. Now she looks pissed.

    “I’m sorry…” Sabay tawa ko.
    “In fact, buwan buwan akong pinapadalhan ni Bench ng mga damit at kung anu-ano pa. Pati pera.”

    Wait a minute… that’s not impossible there. Napawi ang tawa ko.

    “How can I be sure that you’re telling the truth?” Tanong ko.
    “Kung ayaw mong maniwala, edi wa’g. Ako parin naman ang mananalo eh. Papakasalan ko siya. Kung maniniwala ka naman at iiwan mo siya, okay parin, sasabihin ko na lang kay Bench na di bale na, magpapakasal parin kami.”

    Kumain siya nung inorder niya.

    “Tumatawa kami nung nadatnan mo kami sa office niya dahil naaawa kami sa iyo. Pinapaikot ka lang namin, Denise. Ngayon, ikaw na ang bahalang mag desisyon. Tanungin mo si Bench, sigurado akong idedeny niya ang mga sinasabi ko kasi akala niya, pag di ka niya napaniwala, di na ako magpapakasal sa kanya. HAHA!”

    Habang kumakain siya naiinis naman ako sa kinauupuan ko! Nakatingin siya sakin habang sarap na sarap siya sa kinakain niya. Mukhang ngayon lang siya nakakain niyan.

    “Nakakaawa ka. Anong gagawin mo ngayon? Kung sana hinayaan mo kami ni Bench noon, di ka sana nasasaktan ngayon. Pakealamera ka kasi.” Ngumisi ulit.

    I’m 80% sure she’s lying. Pero naiinis ako kay Bench. Bakit niya pa ako pinapunta dito? At bakit siya nakikipagkaibigan pa sa Muse na ‘to ngayong ganito naman pala kasahol ang ugali. Alam kong masama rin akong tao, maraming kapintasan, pero… Let’s just say this is my karma. Kasi noon, nagawa ko silang traydorin, ngayon ako naman ang ta-traydorin niya o nila. But I did that to save Bench. We were too young and he can’t be inlove with this kind of girl. Kahit na mabait naman talaga siya noon. Whatever happened in the past 6 years na humubog sa kanya sa pagkatao niya ngayon, hindi ko na alam. Most probably, she got bitter cuz of what I did to them.

    Ganun parin ang ginagawa niya: kumakain habang tumitingin sakin. Uminom siya ng milk tea. At nakita kong mejo napailing siya pagkatapos niyang uminom ng tea. She’s not used to these things, I knew it!

    “Thanks for the info, Muse.” Sabi ko at ngumisi.

    Nabigla siya sa ekspresyon ko.

    “Now you can marry, Bench.”

    Ngumisi siya. Akala niya naman nagpatalo na ako.

    “You see… If karma’s a b1tch. I’m b1tchier.” Sabay kuha at tapon ng milk tea sa ulo niya.

    Napatingin yung mga tao. Dun ko namalayang nandun pala yung iilan sa kaibigan ni Candice at napicturan na ang mga ginawa ko. I walked away. Di siya makagalaw for some seconds. Pero nung nakagalaw na siya, tumakbo siya sakin at hinila ang buhok ko.

    “NAPAKAWALANG HIYA MO! ARGH!” Sigaw niya.

    Sinampal-sampal ko habang ginugulo niya ang buhok ko.

    Inawat siya ng waiter. Inayos ko ang sarili ko. Siya naman, sobrang gulo at basa ng buhok at damit niya.

    Tinuro-turo niya ako!

    “Humanda ka! Hindi kayo magkakatuluyan ni Bench! Akala mo siguro!?”
    “OO NA NGA SABI! Ano bang problema mo? Sinabi mo na sakin na kayo ang magpapakasal diba? Edi hindi na kami magkakatuluyan! I don’t effin care, b1tch. But I tell you, sa oras na malaman kong di totoo ang sinasabi mo, hindi lang 500 pesos ang isusuhol ko sa taong magpapabalik sayo sa putik! Buti pa ngayon pa lang, magbalot-balot ka na at umuwi sa inyo, magtanim ng kamote at magpakasaya na lang. Baka pagsisihan mo at binangga mo ako.”

    Umalis ako at dumiretso kay Bench. Wala ng nasa isip ko kundi…

    “Malalagot ka sakin, Bench. Alam kong di totoo yung mga sinabi ni Muse. Well at least I can say, 80% sure ako na di totoo. But the thought that you’re friends with her? You are going down too.”

  • Stage 64Open or Close

    Stage 64.
    Mahal na mahal

    *Kriiing…Kring…*

    “Hello?” Si Eliana.
    “Hello!”

    Pumasok ako sa taxi…

    “Jimenez Group Building, manong.” Sabi ko.

    “Anong nangyayari sa’yo? May nangyari ba sa inyo ni Bench?” Tanong niya.
    “Oo. Iniwan ko siya. Tinapon ko yung engagement ring.” Sabi ko.
    “HUH?” Halos lumabas yung bibig niya sa cellphone ko. “BAKIT?”
    “Nahuli ko sila ni Muse sa office niya.”
    “MUSE? Sinong Muse? MUSE? Yung Muse?”
    “Ano bah, Eli! Stop chanting her name!”
    “T-Teka. Muse? Si Muse nga?”
    “Oo! Sino pa ba!”
    “Tapos? Wait… Where are you? Pupuntahan kita.”
    “Wa’g na. I can handle, Bench. Kung gusto mo, sa bahay ka na lang maghintay.”

    Tapos binaba ko.

    Eliana doesn’t know anything about Muse. Malamang! Kasi kung sinabi ni Bench yun, malamang alam ko na noon na nahanap na ni Bench si Muse.

    Pagkarating ko sa harap ng building nila, nagbayad ako sa driver at dumiretso ako sa elevator. May kasama pa akong mukhang stock holder nila na papunta din sa 16th floor.

    “Denise Gozon?” Tanong niya, kanina pa tingin nang tingin sakin.

    Ngumiti ako. Usual, plastic smile. Naglahad siya ng kamay at tinanggap ko naman.

    “Can’t believe I’m shaking hands to the future wife of the future CEO.” Tumawa siya. “I’m Mr. Lim.”
    “Nice meeting you too, Mr. Lim. I’m just visiting my future husband.” Ngumisi ako.

    Halos matawa ako sa sinabi ko…

    “That’s if he can persuade me right now.”

    Ngayon, napawi ang ngiti ni Mr. Lim at nagmukhang confused.

    *TING!*

    Iniwan ko si Mr. Lim at dumiretso sa pintuan ng office ni Bench. May humarang sakin, yung secretary na halos lumuhod na para di ako makapasok. Inayos ko ang bag kong nakasabit lang sa braso ko…

    “Ms. Denise-Ms. Denise… Si Mr. Jimenez po ba?” Tanong niya.

    Mukha silang badtrip lahat sa opisinang ito. Yung iba nga parang ang samang makatingin sakin. Ano bang nagawa ko at ganito sila?

    “Oo. Bakit? Haharangin mo na naman ako? Sino bang kasama niya?!” Sabi ko.

    Yumuko siya sa takot.

    “Wala po… A-Ano… tuloy po kayo. Sana magkaayos na kayo ni Sir.” Tapos binuksan niya ang pintuan.

    Pumasok ako agad at nakita ko si Bench na nakasandal lang sa upuan niya at pinaglalaruan ang ballpen ng nakatulala. Nang nakita ako, agad tumalon at tumayo.

    “Denise, kamust-” Nakangiti pa siya.

    “I DON’T GET IT!” Sa sigaw ko pakiramdam ko narinig ng mga tao sa labas. “I don’t get why are you even friends with that b1tch, Bench!”
    “Denise… Bakit? Anong sinabi niya? Anong nangyari-“

    Lumapit siya sakin.

    “Don’t come near me!”

    Baka halikan ako nito at maging pusong mamon na naman ako. Alam ko na hindi naman siguro talaga nagsisinungaling si Bench. Pero sa ngayon, gusto kong sabihin at ilabas ang galit at inis ko sa kanya. These past few days he’s seen the worst ever Denise and I can’t believe he’s still here. Kung pagkatapos ng away namin ngayon ay nandyan parin siya, magpapakasal na talaga ako sa kanya, kahit saang simbahan at kahit kailan.

    Natigilan siya. Dalawang metro ang layo namin sa isa’t-isa.

    “Sinabi nung babae mo-“
    “Stop it! Di ko siya ‘babae’-“
    “whatever! Sinabi niya sakin na laro lang ‘to lahat! Sabi niya, pagnapaikot at naloko mo ako, papakasalan ka na niya! Oh? Happy now? Napaikot at naloko mo na ako! Nasaktan mo na ako! Pakasal na kayo!”

    Ayan na naman ang nagbabantang luha ko.

    “Shh! That’s not true, Denise. That’s not true-“
    “Sabi niya, kahit di mo na raw ako mapasagot, basta nasaktan ako, okay na sa kanya yun. Pwede na kayong magpakasal! Kung totoo yung sinabi niya, Bench, itigil mo na ‘to…”
    “Denise! I am not fooling you! Never! Ano bang sinabi- ganun ang sinabi niya sayo- paanong?”
    “YES, BENCH! You’re friends with your ‘Muse’. And she’s like that… I assume you are, too!”
    “Denise!” Linagay niya ang palad niya sa noo niya. “Denise, hindi ko alam. She told me she’s cool. Okay na kami. Kaya naman akala ko okay na talaga.”
    “And you’re giving her money? I don’t care about your money, Bench. Pero she told me, as evidence, na binibigyan mo siya ng pera para matustusan ang ano mang luho niya-“
    “NO! Denise, No! Binigyan ko siya ng pera, oo! Pero ngayon lang! Kasi ako ang nagpapunta sa kanya dito galing Davao! Gusto kong magkita kayo para may closure tayo sa kanya!”
    “And where’s she staying, Bench? Sa condo mo?”
    “NO! I paid for her stay in sa Shangri-La! I gave her pocket money just for this week dahil plano ko talagang ipagharap kayo later this week para masabi niya ang totoo-“
    “SO YUN ANG TOTOO, yung sinabi niya?”
    “Hindi… Hindi ko alam na ganun siya…” Nag-isip siya at mukhang nahihirapan.

    Tinalikuran ko siya at aalis na sana. Ayan na naman siya at hinihila ang braso ko.

    “Don’t leave me, please. Hindi ko alam na ganun…”
    “Now you know, Bench! Di bale, kung iiwan kita, may Muse ka pa naman. O diba? Pinagbayaran ko na ang kasalanan ko noon. Wala na akong utang sayo!”

    Hinila niya ako at yinakap galing sa likuran.

    Now he’s crying like a little kid. Ayan na nga ba sabi ko. Pusong mamon na naman tayo nito kasi umiiyak na naman si The Great Evil Playboy Benjamin Jimenez!

    “Don’t leave me, please. I’ll give you everything…” Aniya.
    “Sana hinayaan mo na lang si Muse. She’s bitter and its my fault. Pero sa tuwing naiisip ko yung kasinungalingan niya tapos dagdagan pa ng ‘magkaibigan’ kayo, tumatawa sa loob ng office at naglihim ka pa… it screwed everything up, Bench. Galit ako.”

    Mas lalong humigpit ang yakap niya sakin… putting his face, burying it, on my neck.

    “Mahal kita. Mahal na mahal.” Sabi niya.

    I can feel his tears on my neck.

    “I don’t think I can say it back right now, Bench. I’m too mad! I want to go home, at wa’g mo akong sundan.” Kinalas ko ang pagkakayakap niya.

    Nasaktan ako sa ginawa ko. Makaalis na nga bago pa ako umiyak ng husto!

    “I’m not fcking giving up, Denise. PUT THAT IN YOUR MIND, ALWAYS!” Sigaw niya nung palabas na ako sa office niya.

    Sa sigaw niya halos napatalon ang mga nakarinig na nagtatrabaho at isa-isang tumahimik at mas naging seryoso pa sa pagtatrabaho.

  • Stage 65Open or Close

    Stage 65.
    Mahal kita.

    I’m not just some stranger, Bench. I’m your friend. We grew up together. Kaya di ko maintindihan kung bakit niya nakayang maglihim sakin.

    Papalabas na ako sa building nila at pumara agad ng taxi. Pero bago pa makaparada sa harapan ko ang taxi, may SUV ng nakarating.

    “Ms. Denise, ihahatid na kita.” Sabi ni Kuya Joe nang lumabas at binuksan ang pintuan sa likuran.
    “Hindi Kuya, mag tataxi na ako.”
    “Sige na.”
    “Hindi na talaga.” Sabi ko.
    “Papagalitan ako ni Bench pag di kita ihahatid. Kanina, halos magwala at tanggalin niya sa trabaho ang mga tao sa opisina. Baka pag di ko siya masunod ngayon, ako naman yung pagbubuntunan niya. Sige na.”

    Alam kong impossibleng pagbuntunan ni Bench si Kuya Joe dahil matagal na siyang driver nito at mukhang pamilya na rin ang turing ni Bench sa kanya. Sinunod ko parin siya dahil naaawa ako sa pinagsasabi ni Kuya Joe.

    Tahimik sa loob ng sasakyan. Mabilis ang takbo kahit di kasing bilis pag si Bench ang driver.

    “Galit na galit siya kaninang umaga.” Sabi ni Kuya Joe habang sumusulyap sakin sa salamin. “Halos itapon niya yung lahat ng mga papel at pagalitan lahat ng nagkakamali. Nagtaka ang mga tao kaya sinabi ko na lang sa kanila na ganyan talaga si Bench at nagkakaganyan lang siya pag galit yung boss niya.” Ngumisi siya.

    Hindi ko na rin kayang di ngumisi sa sinabi ni Kuya Joe. Boss ni Bench? Haha!

    “Sige, Kuya Joe. Dito na po ako.” Sabi ko pagkalabas ko sa SUV.

    Nasa tapat na kami ng bahay.

    “Salamat.” Dagdag ko.
    “Walang anuman. Sabi sayo eh, kayo nga ang magkakatuluyan ni Bench.”
    Umiling ako ng nakangiti, “Yun ay kung kaya niya pa akong balikan pagkatapos ko siyang saktan.”
    “Noon mo pa siya nasasaktan tapos ngayon pa siya susuko? Imposible.” Ngumisi siya.

    Umalis na ako at mukhang maayos-ayos na ang pakiramdam ko dahil sa mga sinabi ni Kuya Joe. Sana nga… Sarap ngang balikan si Bench para makipag-ayos na eh. Hindi na ako galit dulot ng byahe.

    “OMG Denise!” Biglang-bigla pa si Eli pagkapasok ko sa kwarto.

    Andun siya at nakahiga na sa kama, naghihintay sakin.

    “Ikaw pa ang nabigla huh?” Sabay tawa ko.
    “O-Okay na kayo?” Tanong niya at tumayo.
    “Hindi. Bahala siya sa buhay niya. Kung mahal niya ako, edi magiging kami. Gusto ko lang magpahinga ngayon.” Sabi ko.
    “Asusss!” Sabay tawa. “Hindi naman ako nag-aalala kung anong gawin mo kay Bench. Awayin mo yun at lahat na kasi alam kong mahal na mahal ka nun. Honestly, D, I’ve never seen him this way before. At minsanan lang ang mga lalaking tulad niya, kahit alam kong playboy siya noon, pero kitang-kita mo naman na malaki ang pinagbago niya.”
    “Kung makapagsalita parang matagal ka ng exposed sa mga bagay na ‘to.” Sabi ko.

    Talagang marami siyang natutunan sa first love niyang si Yuan ah?

    “Syempre naman.” Tumawa siya at kinuha ang cellphone. “Hello? Kuya Joe… Nasa labas ka pa? Okay… Okay… Ngayon. Bye.” Tapos binaba. “Alis na ako. I know what happened in the office, D. Everyones working hard in that building, and they should cuz their boss’s boss is freakin mad right now and you’re their boss’s boss.” Tumawa siya at mukhang nalito sa sinabi niya. “Anyway, hayaan mo na lang si Muse. Ang isipin mo ngayon ay paano na ako. All of my cousins are engaged, Brent, Ara, Bench, and my bestfriend is engaged, ang mga kapatid ko na lang at ako ang hindi. Pero syempre, di sila pwede kasi ang babata pa nila. AKO NA LANG ANG NAIWAN!”
    “What? Ako, hindi ako engaged!” Sabi ko.

    Lumapit siya sa pintuan para umalis. Bago siya umalis, sinagot niya ako ng…

    “You will again be, soon.” At kumindat tapos umalis.

    Umiling ako sa kawalan at nagpasyang dito na lang ako sa bahay, kumain, matulog, kumain at magstudy para sa upcoming finals.

    Pero nang nag alas diyes na ng gabi, narealize kong dahil kanina pa ako natutulog, hindi ako makakatulog ngayon. May isang message si Bench sa cellphone kong di ko nireplyan.

    Bench:
    Denise, I’ll wait for you when you’re ready. Tomorrow?

    Di ka naman masyadong demanding? Wait for you when you’re ready daw ah may suggestion pa palang ‘tomorrow’? Napangiti ako.

    I’ve never felt this secured in my whole life. Kahit di kami okay ni Bench ngayon, secured parin ako kasi nakita ko nang di niya ako iiwan kahit anong gawing pananakit ko sa kanya. Panahon na siguro para sumugal at bumigay na sa paghila niya sakin.

    We’ll fall together.

    Tapos biglang nag ring ang cellphone ko…

    Bench… calling!

    Hindi ko sinagot hanggang sa nawala na. Tapos nag ring ulit. Sinagot ko nung malapit ng matapos.

    “What?”

    Hindi siya sumagot. Instead, narinig ko ang ingay sa background. Napatayo ako sa kinauupuan ko tapos niligpit ko yung mga books na binasa ko.

    “Denise.”
    “Ano?” Pinilit kong tumunog na parang galit at naaabala.
    “Mahal kita.”

    He’s trying to make me say it back.

    Tahimik lang ako.

    “Nandito ako sa Core, just few shots. Okay?” Ngayon naman humihingi ng permiso o para malaman ko lang at di ko na siya masabihang ‘naglilihim’.
    “Okay, I hope you en-“
    “I’m not enjoying this, Denise!” Ngayon, siya naman ang galit.

    Narinig ko ang pag-inom niya ng isa pang shot. I think he’s drunk.

    “I’ll wait for you tomorrow.” Tapos binaba niya.

    Agad akong nagtungo sa closet ko para mamili ng damit. Pupunta ako sa Core at kukunin siya dun. Kinuha ko ang phone ko at hinanap ang numero ni Kuya Joe.

    “Hello, Kuya Joe?”
    “Napatawag ka?” Tanong niya at mukhang napatalon galing sa pag-idlip.
    “Sorry kung naistorbo kita pero kasama mo ba si Bench?” Tanong ko.
    “Hindi eh. Pumunta siya mag-isa sa Core dala niya yung sasakyan niya-“
    “Okay, Kuya Joe, stand by ka lang ah kasi baka kailanganin kita.”

    Tapos binaba ko para makapagbihis.

    He can’t drive. He’s drunk. I hope I’m not late.

  • Stage 66Open or Close

    Stage 66.
    what happened?

    Pagkatapos kong sootin ang kabibili lang ni mommy na itim na dress at nagsoot ng deadly black pumps, agad akong nakarating sa Core. As usual, maraming tao. Bago ako nakapasok, nakita ko si Brent, yung pinsan ni Bench, papalabas.

    “I was about to call you and… there you are!” Tumawa siya.
    “Bakit? Nasan si Bench?”
    “Nandun sa loob.”

    Ginulo ni Brent ang buhok niya. Halos magkamukha sila ni Bench. Soft ang feature ng mukha ni Brent at si Bench naman lutang na lutang ang pagiging evil. PAreho silang matangos ang ilong at halatang may dugong espanyol. Magkasingtangkad at magkasing gwapong ngumiti. Pero ang ngiti ni Bench, may dalang dimples.

    “Sabi ko sa kanya umalis na kami. Sinamahan ko lang eh. Kailangan kong umalis din agad dahil pupunta pa ako sa bahay ng girlfriend ko.”

    Tumaas ang kilay ko. Ganun ka inlove ang isa pang playboy na ‘to?

    “Tatawagan na sana kita para magkaayos na kayo. Man, he’s too broken.” Umiling siya. “Tama na yan! I know you care for him.” Sabi ko.
    “Yes, that’s why I’m here.”

    Nag evil-smirk siya. I gave him a what-are-you-smirking-at look.

    “I’m not sure if that’s sarcasm, though. alam mo kasi, Denise…” Lumapit siya at halos ibulong ang mga nalalaman niya.

    Kanina may nakita akong babaeng tingin nang tinging kay Brent, kapal muks di na nahiya sa balat, pero sige na nga… Kawawa naman kasi hanggang tingin lang. Pero sana naman wa’g masyadong obvious na parang tumutulo na ang laway.

    “He tried, you know, tried to get rid of his feelings for you nung pumunta kami ng Hawaii. Pero walang nangyari. Bukang-bibig ka niya.” Nagkibit balikat siya. “It’s do or die for him. Sink or swim… though he did not expect to be sunk.”
    “He sunk cuz of the secrets he kept. It’s all his fault.” Sabi ko.
    “So you came here to tell him that? You better not… coz I tell you, he’s really broken right now and I can’t do anything about it. Ikaw lang ang paraan. Ikaw ang sagot. So don’t tell me that you came here to-“
    “No, Bench. I’m fetching him right now. My love is greater than my pride.”
    “FINALLY!”

    Tapos na ring ang phone niya. Ipinakita niya ang tumatawag. It says ‘Maxine A. Cruz’. He’s replacing his grilfriend’s surname with his. He is definitely crazy and in love.

    “Got to go! Bye! Ingat kayo! Don’t let him drive, kay? Text kuya Joe.”

    Pumasok ako sa Core at nakipagbeso sa ilang kakilala ko. Amoy sigarilyo at tequila na sa loob. Maraming sumasayaw at nagkakasiyahan. Nakita ko si Bench sa table na napapalibutan ng couch. Mag-isa at nakasandal ang ulo sa sopa, nakapikit ang mga mata. Habang papalapit ako, nakikita ko yung mga boteng nakalatag sa table. Gilbeys, San Mig Light, Jack Daniel’s, at Bacardi. WHAT THE F? at sila lang ni Brent ang umiinom kanina ah? Tapos di naman mukhang lasing si Brent kaya siguro ininom nitong mokong lahat! GOD!

    Tatawagan ko na sana si Kuya Joe nang bigla akong nagtago. I saw Muse! Ginising niya si Bench at umupo kasama niya sa sopa.

    I’m gonna eavesdrop, you know. Lumapit ako at nagtago sa isa pang sopa. And I kinda look and feel ridiculous. Umupo na lang ako ng maayos, siguro di naman nila ako makikita lalo na pag nakatalikod ako.

    “Bench, anong nangyari?” Pambungad na tanong ni Muse kay Bench nang dumilat nang dumilat si Bench.
    “Denise?”

    Gusto kong tumawa sa reaksyon ni Bench. Di umimik si Muse.

    “Oh God, why are you here?” Dagdag ni Bench nang natauhan.
    “Bench, Hindi ko maintindihan yung text mo sakin na umalis na ako at ayaw mo na akong makita. Bakit? Wala naman akong ginawang masam-”
    “MARAMI KANG GINAWA AND I’M BLAMING MYSELF FOR TRUSTING YOU!” Halos sigaw na sabi ni Bench. Halata na frustrated siya. “At ba’t ka nandito? Diba sabi ko sayo pinuputol ko na ang ugnayan natin.”
    “Bench, magkaibigan tayo. Wala akong-”
    “You don’t even deserve to be called a friend. To me, you’re a stranger now. You better go to the fcking airport and leave, Muse. I don’t need you here now, tomorrow, or any other time. Ayoko ng may ugnayan tayo kahit cellphone number man lang. I am disgusted with what you did! It’s better if you don’t show your face to me again!”
    “Ano bang nangyayari? Anong sinabi ni Denise sayo? Sinabi ko lang naman ang totoo ah?”

    Kinabahan naman ako sa sinabi ni Muse.

    “Anong totoo? Napapakasalan kita?”

    Tahimik si Muse. Napabuntong-hininga si Bench.

    “Hindi! Yung totoo. Na mahal mo siya-”
    “Don’t you dare tell me that Denise is lying cuz I know she’s not! Ikaw ang sinungaling! Noon, akala ko na mali yung ginawa ni Denise sa atin, nanghimasok siya. Pero ngayon, I can’t explain how thankful I am about it! I couldn’t imagine life with you. And I couldn’t imagine life without her. Kahit anong gawin mo, wala ka ng magagawa. My godamn heart belongs to her. At kahit di niya to tanggapin, kanya parin ‘to! So you better back off now. I sent you an airticket that leaves tonight pero di mo sinipot right? I’m gonna pay for the whole airplane just get out of my sight!”

    Narinig ko ang paghikbi ni Muse pero mejo naistorbo ako sa sinabi ni Bench. Na touch at parang gusto kong umiyak sa saya. This is what I’e been waiting for since that day… ang sabihin niya na nakatulong sa kanya yung ginawa kong pagpapalayo kay Muse.

    This made me more secured.

    “Bench, please! Benc-”

    Napalingon na talaga ako sa table nila at nakita kong hinahalikan ni Muse si Bench. Si Bench naman panay ang tulak niya kay Muse papalayo.

    Naweirduhan nga yung mga tao eh. Bago pa may maka video o may makapicture, sumulpot na ako sa harapan nila at hinila ang little red dress ni Muse na soot niya parin hanggang ngayon pagkatapos ko siyang sabuyan kanina ng milk tea. So disgusting!

    Ngayon, nakahandusay siya sa sahig at biglang-bigla sa ginawa ko.

  • Stage 67Open or Close

    Stage 67.
    I’ll give you everything

    Napatayo si Bench at lumiwanag ang mukha nang nakita ako. Tinignan ko lang siya… sa galit ko kay Muse, di ko magawang ngumiti sa kay Bench.

    “Denise, Godamn it, that’s not how it seems!” Sabi niya biglang naging defensive.

    “Kita mo Bench?! Si Denise ang masama!” Sabi ni Muse habang tinuturo ako.

    “Cut that crap, Muse!!! You will never have my sympathy or my heart!” Sabi ni Bench ng mahinahon. “Just go!”

    Umiyak si Muse sa sinabi ni Bench. Tumitingin na ang mga tao samin at parang nagiging eskandalo na.

    “I’m sorry, Bench. Sorry…” Sabi ni Muse.

    Hinawakan ko ang kamay ni Bench. Ikinabigla ito ni Muse at pati na rin ni Bench. Di siya makapaniwalang hawak-hawak ko ang kamay niya.

    “Let’s go, Bench.” Sabi ko.

    Hiyang-hiya na ako sa bar na ‘to. Ang tanging rason kung bakit di pa kami pinapalabas dito ay dahil kilala si Bench ng lahat.

    “Alis na tayo.” Dagdag ko.

    Bakas parin sa mukha ni Bench ang pagka mangha. Hindi ko na tinagalan ang pagtitig ko sa kay Bench dahil baka yakapin niya ako o halikan sa saya at ayaw ko namang magkalat ang pictures namin sa social networking sites na ganun. Amoy na amoy ko na rin ang alak sa bawat hininga niya. Baka hindi ito makapagpigil ngayon dahil sa impluwensya ng alak.

    “I will never let you take Bench away from me, Muse. Put that in your mind, btch.” Kumuha ako ng 5 thousand pesos sa purse ko.

    Take note: Five thousand! Ilang damit din ang mabibili ko sa F21 niyan ah? Para dapat yan sa ‘monthly shopping’ pero isasakripisyo ko para sa scene na ‘to. Actually, may natira pa naman sa bahay na mas malaki-laking halaga pero ang iniisip ko yung mga damit sa Forever 21 na di ko mabibili para sa ingratitang Muse na ‘to.

    “Here. Pay for your own flight cuz I won’t let Bench spend another peso for your freakin flight back to your own bukid. Pag di mo ‘to binili ng ticket, I swear to God, di na kita bibigyan ulit ng pera. Mamumulubi ka dito sa Maynila at mamamatay sa gutom. Papangit ka at pagpipiyestahan ng mga daga sa lansangan. And if I ever see your face again, I will charge you harassment and make sure you rot in prison, Muse. You’re no longer a minor, di ka na sasaluhin ng DSWD.”

    Kinuha ko ang iPhone ko at pinicturan ang P5000 pesos kung saan mukha niya ang nasa background.

    “There. Some evidence.” Hinarap ko ang camera ko sa kanya.

    Ngumisi ako ng plastic at tinapon sa harapan ang pera.

    “Diba sabi mo di ako nagbabago? kung ano ako noon, ganoon parin ako ngayon. See? Nagbago ako. I got better. Now be gone, Muse.”
    “Napakawalang hiya mo!” Tapos umamba ulit na sasabunutan ako kung saan linapitan na siya ng mga bouncer at pinalabas habang umiiyak at hiyang-hiya sa ginawang eksena.

    Nang lumingon ako kay Bench, nandoon siya at bumalik sa pag-upo sa sopa. Kinabahan ako at akala ko affected sa ginawa ko sa kay Muse. Yun naman pala, half-asleep na ang mokong. He’s so drunk! Very drunk!

    “Hello?” Tinawagan ko si Kuya Joe na nasa labas na pala. “Kuya Joe. I need help. Si Bench, tulog na yata.” Sabi ko.

    Nasa likuran ko si Bench at naka-upo sa sopa habang ako ay nakatayo at tinatawagan si Kuya Joe. Naputol ko agad ang mga sinabi ko dahil hinila ni Bench ang baywang ko papunta sa kanya.

    Napaupo tuloy ako at nabitawan ang phone sa bigla.

    “BENCH!”

    God, this drunk man!

    Ngayon ay inaamoy at hinahalikan na yata ang buhok ko.

    “Bench!” Sabi ko at kinalas ang nakapulupot niyang kamay.
    “I love you.” Sabi niya. “So much.”

    Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang lakas niya para idilat ang mga mata at ayusin ang buhok kong mejo na ‘disarrange’. Nilagay niya ang mga nagulong buhok sa tenga ko.

    “God I’ll give you everything.” Aniya.

    Umiling ako.

    “You’re drunk.” Sabi ko.

    Ngumisi siya at hinalikan ako sa pisngi.

    “I wish I was even drunker so I can tell you how exactly intense I feel about you.”

    Yinakap niya ako at pinikit ang mga mata. Ilang sandali ang nakalipas ay dumating si Kuya Joe.

  • Stage 68Open or Close

    Stage 68
    Denise, stay with me.

    “Tagal mo naman, Kuya. Bilisan na natin at parang naloloko na ‘tong alaga mo.”
    “Sir…” Sabay tapik ni Kuya sa likuran ni Bench.

    Inirapan ko si Kuya Joe.

    “BENCH! Gising!” Sigaw ko kaya napatalon siya at agad tumayo. “Let’s go! Kuya Joe is waiting!” Sabi ko.

    Tumawa si Kuya Joe. Kasi naman, may pa tapik tapik pang nalalaman eh di yan gigising kung ganun! Hmp!

    Nasanay ang mokong kaya sandal siya nang sandal sakin kahit sa likuran ng SUV.

    “Bench! Bench!” Sabay tulak ko sa ulo niya papalayo. “I know you’re not that drunk to do that! Wa’g mo akong lokohin! Yung boobs ko yata ang pinupunterya mo eh!” Sabi ko.

    Ngumisi siya at nakasandal parin sa balikat ko.

    “I love you.” Sabi niya ulit.

    Hindi ko talaga masagot sa hiya or something. Uminit ang pisngi ko lalo na nung sumulyap si Kuya Joe at yung isa pang guard na nasa front seat saming dalawa. Halos di ko nga maitago ang ngiti ko nang sinabi niya yung bigla eh.

    “I can imagine life without everyone else, but not without you, Denise.” Hinigpitan niya pang lalo ang pagpulupot ng braso niya sa baywang ko.

    Nakapikit parin siya.

    “Stay with me tonight, please?” Sabi niya.

    Hindi ko parin siya sinagot. Drunk Bench is drunk.

    “Mahal na mahal kita, alam mo yun?” Sabi niya naman. “Di mo parin ako sinasagot. Mahal mo rin ba ako?”

    Ngayon, di ko na mapigilan ang tawa ko. HAHA!

    “Stop laughing at me, its not funny.” Sabi niya at nagseryoso bigla. “I’m actually thinking of ways how to get over you at narealize kong walang paraan, really. I spent my whole damn life thinking bout you, being with you, loving you… at wala ng makakapantay pa dun. No one will ever.”
    “Even the hottest model?” Tanong ko habang nakangisi at nakatingin sa daanan.
    “Even the hottest freakin model in the world. You’re all the best for me. You are everything in one, for me. Pag nainlove ka sakin, I’m gonna give my damn name… papakasalan kita sa pinakamahal na lugar at tingin ko parin di ko pa naiibibigay ang lahat sayo. I will promise you everything and I’ll wish you’ll be content with me and my faithfulness and loyalty.”

    Is Bench really drunk or something?

    “I’m not gonna let you go. Lahat ipapangako at tutuparin ko basta ipangako mo din sa akin na mahal mo ako at ako lang ang mamahalin mo…”

    Gosh. I actually want to cry. Alam kong sweet siya kahit di lasing. Pero parang na realize kong iba pala talaga pag narinig mo lahat ng gusto mong marinig sa taong halos wala sa sarili – no scripts, no pick ups, just plain old truth.

    I love you, too, Bench. You’re drunk and I won’t say it cuz you won’t remember anyway.

    “Stay with me, tonight, please?”

    Yun parin ang linya niya nung nandoon na siya sa kwarto at hinatid na namin nina Kuya Joe.

    “No, Bench. Uuwi ako.” Sabi ko habang inaayos ang ulo niya sa higaan at tinatanggal ang sapatos niya.
    “Please…”
    “Malapit na ang exams, mag-aaral pa ako.” Sabi ko.
    “Di mo na kailangang mag-aral.”

    LOL!

    “No, Bench. Mag-aaral ako.” Sabi ko.

    Nakapikit parin ang mga mata niya.

    “Got to go. Sleep tight, ayt?”
    “Denise, stay with me.” Sabi niya. “Please! I’m drunk…”
    “You’re just drunk, wala kang sakit. Uuwi ako Bench. Need to study.”

    Hinatid ako nina Kuya Joe sa bahay at natulog na rin.

  • Stage 69Open or Close

    Stage 69.
    Alagaan mo ako.

    Buong araw ako ng linggo nag-aral para sa finals. Text nang text si Bench sakin habang nag-aaral ako. Sobrang hang-over niya siguro kaya nagkulong sa condo niya buong araw kahapon. Buti na lang din kasi baka puntahan niya pa ako sa bahay at maiistorbo pa ako sa pag-aaral ko. May bagyo din naman kahapon kaya ayaw ko ring lumabas.

    Bench:
    Ba’t di mo masabi sakin ang 3 words?

    Reply ko:
    We’ll talk soon, Bench. Not now. Nag-aaral ako.

    Bench:
    Yun lang naman ang gusto kong marinig…

    Reply ulit:
    I’m busy.

    Bench:
    Busy din ako pero may time naman ako lagi para sayo. :'( Bakit ayaw mong sabihin? Di mo ba ako mahal?

    GRRRR!

    Reply:
    Kulit mo! Sabi mag uusap tayo next time eh.

    Bench:
    Okay :(

    Kainis pa nga, halos oras-oras nag titext ng sad face sakin parang bata. Sasabihin ko rin naman, ba’t atat pa ang mokong!

    Pagdating ko ng school, parang iba na ang pakiramdam ko. Maraming nangyari nung weekend pakiramdam ko magkaka straight As ulit ako sa semester na ‘to.

    “Denise!” Sigaw ni Eliana sa malayo habang kumakaway. “Lika dito!!!” Sabay hila niya sakin sa mga coridors kung saan may vandals tungkol sakin.
    “Ano? May bagong vandal? Gusto yata nilang masumbong ulit!” Sabi ko.

    Pero nagkakamali ako… Bumungad sakin sina Candice, Jenny at iba pang kaibigan ni Lance na tinatanggal ang vandals gamit ang sponge at sabon.

    Tumingin sila sakin na parang hiyang-hiya sa ginagawa nila.

    “I’m sorry, Denise.” Nasa likuran namin ni Eliana si Lance.

    Malungkot at guiltyng-guilty.

    “Hindi ko alam na sila pala ang may gawa nito. Galit sila sayo, pero maling magalit sayo, you’re just being yourself.” Aniya.

    Ngumiti na lang ako tinignan ang mga babaeng pinagpapawisan na sa pagkuskos sa dingding.

    “Denise! Lika na, magsisimula na exam natin.” Tinawag ako nina Nina at Abby.

    Silang dalawa na lang ang kasakasama ko sa school. Paano ba naman kasi, si Tanika umiiwas na sakin dahil sa issue ni Yuan Tan at Eliana.

    “Okay.”

    Confident ako nang matapos ko yung exam. Pupunta na sana kami ng Cafeteria nina Abby at Nina nang tumatakbo papunta sakin si Eli pagkalabas agad namin ng classroom.

    Hiningal siya sa harapan ko at parang nagmamadali.

    “D! D, may exam pa ako. Tumawag si Tito sakin di pumasok si Bench sa work may sakit daw ayaw pumunta ng ospital papupuntahin nalang nina tito yung doktor mamayang lunch si tita galing na ng condo tapos umalis din para mag attend ng meeting sa kompanya… PUNTAHAN MO SI BENCH! MAY EXAM AKO!” Papalayo na siya nung sinabi niya ang huling pangungusap.

    WHAT THE EF? Totoo ba yun or isa na naman ‘to sa mga pakana ni Bench?

    That devil! Magbabayad siya ng mahal sakin kung puro kasinungalingan lang ang mga sinabi niya kay Eli! Well, I’m sure hindi si Eliana ang gumawa ng istoryang yun (alam niyo naman yun, mejo nagpapa-uto kay Bench)! SIGURADONG SI BENCH! Mga pakulo talaga ng mokong!

    Sige at pupunta ako sa condo niya at malalagot siya sakin kung di totoong may sakit siya!

    LOL! Parang mali yung sinabi ko ah? Dapat masiyahan ako kung di totoong may sakit siya! Ah basta! ewan!

    Sarado ang pintuan ng condo pagkarating ko. Ginamit ko ulit yung susi ko. May nakita akong mga pagkaing nakalapag sa mesa ng dining room.

    Mukhang totoo nga, galing dito si Tita.

    Kumatok ako sa pintuan ng kwarto ni Bench at nakita siyang nakapulupot sa comforter niya at natutulog. Naka full ang aircon! Agad kong hininaan at hinawakan ang noo niya.

    SYET ITS TRUE! May lagnat siya! At sobrang init niya! THIS CRAZY MAN BAKIT NAKA FULL AP YUNG AIRCON KANINA KUNG MAY LAGNAT PALA SIYA?

    “Denise?” Nagising ko siya nung pinatay ko ang aircon.

    Umupo siya sa higaan at hinawakan ang ulo niya.

    “Ano bang nangyayari sayo?” Tanong ko habang hinahawakan ang leeg niya.
    “May sakit, obvious ba?”

    Umiling ako.

    “Ang sungit! Mr. Grumpy Devil. May sakit na nga nagsusungit pa.” Sabi ko at kinuha ang thermometer para tignan ang lagnat niya.

    38.5… Mataas ah?

    “Bakit ayaw mong pumunta ng ospital?” Sabi ko sabay ayos sa comforter niya.
    “Hinihintay kita.”

    Lumingon ako sa kanya at nakita ko ang ngisi niya.

    PARANG AGAD AKONG TINAMAAN NG KIDLAT SA BILIS NG LIGHT BULB SA UTAK KO.

    “Anong ginawa mo kahapon?” Tanong ko.
    “Dito lang sa condo-“
    “Di ka ba lumabas?”
    “Uh nag jogging?” Tumaas pa ang kilay niya.

    Sinapak ko na ng unan.

    “NAG JOGGING KA EH MAY BAGYO KAHAPON BUONG ARAW UMUULAN TAPOS NAG JOGGING KA SA LABAS! Nananadya ka ba Benjamin Jimenez?”

    OMG! Alam mo yung feeling na parang granadang sasabog sa inis. Ganon ako ngayon!

    “Kaya ka naman pala nilalagnat eh! Hay nako! Diyan ka na-“

    Aalis na sana ako sa kwarto nang bigla niyang hinila ang baywang ko. Full force na bumagsak kami sa kama niya.

    “Ano ba!?”
    “Diba sabi mo di mo ako iiwan kung may sakit ako?” Nakayakap siya sakin at nakapikit.

    Damang-dama ko ang init ng katawan niya dahil sa lagnat.

    “Hindi nga eh! Kukunin ko sana yung meds mo at tubig. Bitiwan mo na nga ako!” Pumiglas ako pero di talaga ako makawala.

    “You’re my medicine.” Sabi niya at nakayakap parin sakin.

    Inaamoy niya na naman ang buhok ko. Hinawakan ko ang braso niya at halos nakakapaso ang fever niya.

    “Bench, stop it! Kailangan mo na talagang magpacheck-up, magpagaling… Kasalanan mo din ‘to eh. hay nako! Bitiwan mo na ako para makapaghanda ako ng ice pack or soup or something.” Saka niya ako pinakawalan.

    “Alagaan mo ako.” Sabi niya ng nakapikit ang mga mata at nakahiga sa kama.

    Napailing nalang ako. Boy this man is hot! Nakikita ko yung abs niyang nakalatag habang nakahiga siya sa kama. Inaayos ko nalang ang kumot niya. He is hot, literally, kaya nga dapat gamutin at alagaan.

    “Matulog ka muna habang titignan ko kung anong magagawa ko sa kitchen-“
    “I don’t want to close my eyes because you might leave me when I’m not looking. But I’m afraid to keep them open because I couldn’t stand to watch you walk away.” Seryosong sinabi niya sakin. Ang mga mata niyay halos tagos sa puso at kaluluwa ko.

    It’s on the tip of my tongue, the 3 magic words. I’m saving it for the best moment pero mukhang nahikayat niya ako ngayong banggitin ito. Seryosong seryoso siya na para bang wala nang mas mahalaga para sa kanya kundi ito. Yung mukhang parang tulad nung sabi ni Brent, do or die, sink or swim, but this time, I won’t let him sink again…

    “I won’t leave you, Bench. I’ll stay cuz I love you, okay?”

    Nalaglag ang panga niya at bumangon ng diretso para yakapin ako ng mahigpit.

  • Stage 70Open or Close

    Stage 70.
    I feel the same, Denise

    Nakatulog siya pagkatapos nicheck-up ng doctor at pinainom ng gamot. Ang sabi ay konting flu lang. Pinakain ko rin siya ng lugaw nung dumating ang mommy niya at sinabi sa kanyang sa bahay nila matulog pero ayaw niya.

    “Denise, can I ask you a favor?” Tanong ni tita (mommy ni Bench) bago siya umalis.
    “Yes, po. Anything…”
    “Pwede bang bantayan mo muna si Bench dito? I’ll be back tonight maybe around 6pm to check or maybe get him from here.”

    Tinignan ko ang wristwatch ko, 12 noon.

    “Okay po.”
    “Wala ka bang exams?” Tanong niya.
    “Tapos napo kanina yung dalawa.” Sabi ko.
    “Oh no! So meron pa bukas? Umuwi ka na lang muna at mag-aral, tatawagan ko na lang si-“
    “No, tita. Okay na po ako. Ilang araw na po akong nag-aaral.” Ngumiti ako. “Di po ako nag-aaral pag talagang malapit na ang mga exams kasi nabubura sa utak ko yung lessons…”
    “Okay. Are you sure?”

    Umo-o naman ako at guminhawa ang mukha niya sa sinabi ko.

    Iniwan kami ni tita sa condo. Tulog si Bench kaya tinabihan ko na lang since inaantok na rin naman ako.

    Kinuha ko yung ilang damit ko sa closet niya. Meron talaga akong stock na damit dito sa condo niya ewan ko kung para saan. Minsan kasi nag s-sleepover kami ni Eliana dito kaya meron akong damit.

    Tumabi ako kay Bench sa kama at ilang sandali lang ay nakatulog na…

    Nagising ako sa isang room na puno ng kulay pink na balloons sa kisame.

    “Asan ako?” Tanong ko sa sarili ko nang umayos ako at tinignan ang katabi kong wala na.

    Where’s Bench? Nananaginip ba ako? But it looks real!

    Basket basket na bulaklak ang nakita kong nakapaligid sa kama. May mga red rose petals pa na nakalatag sa tabi ko.

    “Bench?” Sigaw ko nang biglang bumilis ang pintig ng puso ko.

    This can’t be!!! Uminit ang pisngi ko at damangdama ko ang mainit na dugo na dumadaloy dito habang hinahawakan kong nakangiti ang magkabilang cheeks ko.

    “Yes?” Pumasok ang isang lalaking naka puting longsleeve, buttondown shirt at nakaputing pants din.

    Mukha siyang anghel galing langit except that he’s Benjamin Jimenez.

    Nakangisi siya at may dalang balloon na hugis puso at kulay pula. May nakasulat ditong, ‘I love you.’

    Ngumisi pa ako lalo. Magulo ang buhok niya at mukhang kakagaling lang sa tulog pero mas lalo siyang gumwapo dahil dito. Lutang na lutang ang kanyang dimples dahil sa ngiti niyang halos abot tenga. Matangos ang kanyang ilong at mapupungay ang mga mata.

    “I love you, Denise!” Sabi niya sabay pakita sa balloon na hawak-hawak.

    My gosh! Bakit ganito? Surprise! Tapos ang gwapo pa nung nagsurprise sakin samantalang naka spaghetti strap at sweat shorts lang ako. Ni hindi ko pa nakikita ang mukha ko sa salamin, baka may dumi ako o baka magulo ang buhok ko!

    Nilapit niya sakin ang heart-shape balloon at tinalikod ito…

    Sa likuran ng balloon, may nakasulat na… “Will you marry me?”

    Ngumisi siya lalo.

    “Please?”
    “OH MY GOD YOU’RE PROPOSING!” Sabi ko kahit na nagpropose na siya noon sakin, biglang-bigla parin ako.

    Pumasok ang daddy at mommy ni Bench pati narin sina mommy at daddy na pumapalakpak.

    “YES!” Sabi ko sa sobrang saya.

    Pero may mas masaya pa sakin! Binuhat ako ni Bench galing kama at hinalikan ako sa pisngi.

    “So its settled then!” Sabi ni tito kay daddy na kitang-kita sa likuran ng glasses niya ang luha sa mga mata. “We’ll gonna do it soon!”

    OMG! SOOONNN AGAD?

    “Are you sure, Denise?” Sabi ni daddy.

    Speechless si mommy habang hinahaplos ang likuran ni dad.

    “Antonio, its my daughter!” Sabi ni Daddy. “She’s my only child… and she’s only 19… Hindi ko yata kaya…” Sabi ni daddy pero tinatawanan lang siya ni tito.
    “Goodness, attorney.” Humahalakhak parin si tito. “He’s my son… only son, too. I couldn’t give him up and marry any other girl than Denise. Pero yes, naiintindihan kita since you know Bench is kinda… you know…” Sinulyapan niya pa si Bench.

    Si Bench naman sumimangot kay tito.

    “..NOON yun, I must add. Dahil alam ko naman na mula pa noon, silang dalawa lang ang nag-iintindihan. At sigurado akong sila ang magkakatuluyan, tignan mo naman ngayon.” Sabi ni tito habang tinuturo kami.

    Binaba ako ni Bench. Masyadong manyak ‘tong isa. Kung di ko siya kinurot, di ako ibababa.

    “Tito…” Sabi ko bigla. “I want to be engaged to Bench. Wala akong doubts at mahal ko talaga siya, mahal na mahal, at sigurado akong mahal niya rin ako, maaring mas higit pa sa pagmamahal ko sa kanya. But I don’t want to rush.” Sabi ko na ikinabigla ni Bench.
    “What?” Sumimangot siya sakin. “Sana nagdala ako ng pari-“
    “Shh, Bench! Siguro naman kung mahal niya ako, kahit di pa kami kasal, he’ll stick to me. At sigurado naman akong siya lang ang mamahalin ko. Cuz I want to graduate sa law school bearing my dad’s family name.”
    “You can always bring Gozon kahit kasal na tayo…” Tumango pa si Bench na parang nanghihimok sakin.

    Inirapan ko na lang siya.

    “Tsaka sigurado ako, kung ikakasal kami ni Bench baka bukas agad magkababy ako, gusto ko munang tapusin ang pag-aaral ko bago ako magkaroon ng pamilya.” Sabi ko.

    You know, Bench! He’ll think everything’s okay pag kasal na. Wala ng pakealam kung ilang anak ang magagawa kasi kaya niya namang buhayin kahit limang dosena! GRRR!

    “WHAT!? Bakit? Ayaw mong magka baby?” Tanong ni Bench. Hysterical na.
    “No Bench! Gusto kong magkababy, but not now… Pag-aaral muna.” Sabi ko.

    Pumalakpak ang mommy ni Bench at nilapitan ako ng daddy niyang ngayon ay mangiyak-ngiyak na rin tulad ni daddy.

    “God, I wouldn’t give up my son to anyone except for you, Denise.” Sabi ni tita sa malayo.

    Tinapik ni tito ang balikat ko.

    “Well, then. Sorry, son!” Sabi ng daddy niya nakangiti ulit. “Looks like you have another 5 years to persuade your fiancee!” Tumawa siya.

    “I can always wait.” Sabi ni Bench. “Ang importante ay nalaman niyong ganito ako ka seryoso sa kanya. I can always wait, tito.” Sabi ni Bench kay daddy. “Kung mahalaga sa kanya ang pag-aaral, mahalaga na rin yun sakin.”

    Pagkatapos ng ilan pang usapan nila tungkol sakin habang kumakain sa dining room ng condo ni Bench… Nagkaroon na rin kami ng oras para mag-usap ni Bench na kami lang dalawa sa kwarto niya.

    “Dad’s going to name some of our properties under you.” Sabi ni Bench sabay halik sa noo ko.
    “WHAT?
    “Di pumayag ang daddy mo. You should persuade him…”
    “What? No! Dapat lang!”

    His eyes narrowed.

    “You know what, I’m starting to think you’re not really serious with me.”

    Sinapak ko na.

    “What? Sabi mo tayo talaga ang magpapakasal, ba’t ayaw mo ng ganun? Pinayagan kita na ipostpone ng 5 godamn years ang kasal tapos kahit ito, ayaw mo?”
    “Saka na yang mga ganyan pag kasal na tayo! errr! please, Bench!” Sabi ko habang tinitignan ang mga mata niyang nagdududa na.
    “You think you can escape? No, you won’t… I’m not gonna let you.” He told me almost a whisper.
    “I won’t escape, Bench.” Sabay ngisi ko. “Kahit isama mo ako sa impyerno, sasama ako, makasama lang kita. I have to stay with you cuz I’m not myself without you.”
    “I feel the same, Denise. I won’t be Benjamin Jimenez, without my Mrs. Jimenez.” Sabay yakap niya sakin. “So don’t you dare leave me.”

    For a second, I wanted to marry him sooner than what I have planned… But I think this is more than enough for me. I can always marry him whenever I want to cuz Benjamin Jimenez is in love with me. He’s given me his world.

  • PostludeOpen or Close

    Postlude.

    Maybe, the reason why I hate being in a relationship or committment so much is because I know that when I commit, I commit my all. When I get into a relationship, I give my all. Its a scary thing to commit and give your all cuz its uncertain if you’ll get something in return.

    Tinuruan ako ni Denise magmahal ng hindi iniisip ang sarili. At sigurado akong naturuan ko rin siya nun.

    Akala ko noon useless kung mahalin siya, she’s dense and she’s selfish. I convinced myself that she deserves every bad thing I’m planning for her. Pero habang tumatagal, mas naintindihan ko siya. Her bravery, determination, and self discipline are superb. I can’t help but admire her for that. Kahit na minsan, maarte at mareklamo siya… at the end of the day, napaparamdam niya sayo na she’s not all arrogance and pretensions… She’s true. Sinasabi niya ang mga nasa isip niya. No girl is going to do everything she pleased especially in front of the person she likes… si Denise lang.

    “Finally! Kala ko di ka na matatapos.” Sabi ko sa kanya habang tumatayo ako sa pagkakaupo sa sofa nila.

    Naka short-short-short pants lang siya at floral spaghetti strap.

    Hindi ko napigilang sumimangot.

    “What?” Sabay taas ng kilay niya.
    “Denise, papunta tayo ng at least 5 Europian countries at yan ang soot mo?”

    She rolled her eyes.

    “Nasa Pilipinas pa naman tayo, I’ll change pag malapit na tayo dun. Mainit eh.” Aniya.

    Kinuha ni Joe ang maleta niya at iba pang gamit.

    Pumikit na lang ako habang nilalagay ang kamay sa noo. Hindi ko mapigilang ngumiti pagdilat ng mga mata ko. Nag-alala siya sa reaksyon ko.

    “You better change or I’ll plan out something for our first night together.” I smirked.

    Agad siyang bumalik sa kwarto niya nang walang reklamo.

    What’s her problem? Ayaw niya talaga ng ganun, huh? I thought she loves me. Diba dapat okay yun sa kanya kasi mahal niya ako? Girls girls girls… Di mo matanto. At minahal ko pa talaga ang isang ‘to ah? The most complicated one.

    But whatever, she’s mine anyway, I can always have her whenever I want.

    Kung anu-ano na naman siguro ang iniisip nun! Baka iniisip nun na pag may mangyari na samin pagsasawaan ko na siya at iiwan bigla. She’s so smart that sometimes she’s thinking too much. Mali mali naman yung mga iniisip. Ako tuloy yung na co-compromise.

    I sighed and saw her again. Now she’s wearing jeans, sleeveless floral top and a scarf.

    “I’m ready.”

    I can’t help but grin. Damn I love this girl!

    Inakbayan ko siya at inamoy ang mabango niyang buhok.

    “You’re so beautiful.” I whispered.

    Hindi siya umimik pero nakita kong pumula ang pisngi niya.

    She’s even prettier than before. Fashion fashion fashion, yan lang naman ang nasa isipan niya eh kaya laging big deal ang pananamit at pag-aayos sa kanya. But I’d like to think that she’s becoming prettier cuz she wants to look good for me… not that she needed to look good for me. For me, she’s always beautiful. Wala akong maalala sa nakaraan kung saan tingin koy pangit siya. Kahit nung galit ako sa kanya, kahit nung nadapa siya sa putik nung mga bata pa lang kami… wala. Ang naiisip ko lang noon ay kung gaano siya kaganda na natatakot akong lumapit at intindihin siya dahil baka tuluyan na akong mahulog sa kanya.

    But the time I thought I needed to avoid her, I couldn’t anymore cuz it’s too late, I’ve already fallen. Hard. Fast. Deep-rooted. I couldn’t just run away cuz it will hurt me. A lot.

    “Ready?” Tanong ko nang tumutuloy na kami sa isa sa mga eroplano naming bumibyahe palabas ng bansa.
    “Ready!” Abot tenga ang ngiti niya at niyakap ako.
    “I love you so much.” Sabi ko.
    “I love you even more!” Sagot niya.
    “No, I love you more. I can bet on it.” Kinindatan ko siya.
    “Paano natin mapapatunayan yan?”

    Umupo na kami sa eroplano. Malaki at comportable. Siya ang malapit sa bintana. I’m still holding her hand.

    “I asked you to marry me! Dalawang beses! But you refused-“
    “I didn’t, Bench! Sabi ko postponed lang-“
    “Ng five years?”

    Tumatawa na siya.

    “Ang tagal, man!” Sabi ko, tumatawa parin siya. “Tapos sinasabi mo mas mahal mo ako?”
    “Basta! Bahala ka na nga! Hindi naman yun ang sukatan!” Aniya, tumatawa parin.
    “Ang sabihin mo, di ka sigurado sakin kaya ayaw mo munang magpatali. Ni ayaw mo ngang makipaghalikan sakin sa kama ko, what’s wrong with that-“
    “shhhhh-” Pulang pula siya at natigil ang pagtawa, tumitingin sa mga tao sa eroplanong posibleng nakakarinig, ang mga flight attendant at iba pa.
    “we’re lovers. We can kiss, touch-
    “shhhh! Bench!”
    “make love-” Ngayon tinakpan niya na ang bibig ko.

    Hindi ko mapigilan ang tawa ko.

    “Tumigil ka na ah!? Hindi pa nga tayo kasal!”
    “Kaya nga magpapakasal diba?!”
    “Argh!” Inirapan niya ako.

    Hinila ko ang ulo niya at hinalikan siya ng marami sa pisngi.

    “Now you’re angry… even more beautiful than usual.”

    Sinapak niya ako pero tumatawa na. Pulang-pula parin ang pisngi niya.

    “Tigilan mo ako ah!” Sabi niya. Pilit nagseseryoso kahit natatawa.

    You don’t know, Denise. I can always wait… Five years is a piece of cake, I can damn wait. But I’m taking you to places you’ve never been before. I’m taking you to all the possible places I can take you cuz I want each place to be marked by our memory.

    Mataas ang tiwala ko sa pagmamahal ko sa’yo, pero gusto kong makasiguro. Dadalhin kita sa lahat ng mga lugar (5 countries for now as a start, then I give it another month, we’ll travel again) na gusto mo at gusto ko.

    The plane is taking off. She’s really happy beside me right now, and I’m sure nobody can make her happier… but me.

    Gusto ko sa lahat ng parte ng mundo, may alaala kaming dalawa para kung sakaling iiwan niya ako, kahit saan siya pupunta, ako ang maalala niya. Wala siyang matatakbuhan kasi bawat sulok ng mundo alaala naming dalawa ang bubungad sa kanya. Hindi niya makakayang gumawa ulit ng alaala dahil lahat ng maaalala niya sa bawat lugar ay ako… kaming dalawa… na mahal ko siya…

    I’m Benjamin Jimenez.

    I know this plan is selfish and evil, but I’ll risk every evil in this world to make her stay with me.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

15 Responses to No Perfect Prince

  1. Selfish Bench is selfish Bench. OMG, finally after 2 years ng pagiging reader ko ni Queen, nabasa ko na din ‘to. LOL. Hahahahahaha. Naalala ko tuloy si Rozen kay Bench hahaha. What Bench wants, Bench gets. Si Eliana nalang for Jimenezzzzz seriesssss ang babasahin koooo. :)

    Reply

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

5 × 3 =

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <s> <strike> <strong>