Mapapansin Kaya?

Story Description

 

Ilang beses ba nating tinanong ang sarili natin kung mapapansin ba tayo ng mga taong mahal natin? Ilang beses ka ba magtatanong sa buong buhay mo? At ano sa tingin mo ang magiging sagot?

“Mapapansin kaya ako? Ang pag-ibig ko? Ang katauhan ko? Mapapansin Kaya?”

Paano kung hindi? Paano kung oo? Magkaiba ba ang gagawin mong desisyon o pareho lang? Mag-iiba ba ang pananaw mo o magpapatuloy ka lang sa kung anong alam mong constant?

Umaatikabong fame laban sa umaatikabong pag-ibig.

 

This story is published under Summit Media/Sizzle Books. Available on National Bookstores and Summit Media Bookstands nationwide! Grab a copy now!

On Wattpad

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.

WARNING: This story may not be suitable for younger readers. It may contain explicit, violent or provocate content. Read at your own risk.

  • PrologueOpen or Close

    Prologue

    “Stop touching your pimples, Reina.” Saway ni Noah sakin.

    Bumuntong-hininga ako sa tapat ng salamin habang hinahawakan yung tatlong pimples ko sa kaliwang pisngi. Pinagmamasdan ako ni Rozen at Noah. Kanina pa sila natapos sa pagbibihis. Hinihintay nila akong matapos sa pag-aayos dito sa kwarto ko.

    Naiirita akong tinititigan ni Noah. Nakangisi namang nakatingin sa cellphone si Rozen.

    “Bakit kaya ampanget ko?” Tanong ko.

    Tumayo si Noah at inayos ang gitara sa likod niya.

    “Tayo na…” Aniya.

    Sinuklay ko ang buhok ko at hinawi ang bangs na sagabal sa mukha ko. Pero gusto kong may bangs ako… tinatakpan kasi nito ang mukha kong daig pa ang rice terraces kung magkakapimples.

    “Nininerbyos ka na naman ba?” Tumawa si Rozen at tinapik ako.
    Umiling ako at lumunok.
    “Nininerbyos ka nga… Don’t worry Reina.” Kumindat siya at tinalikuran ako.

    Napilitan akong tumayo at sumunod sa kanila palabas ng kwarto ko.

    Pangalawang linggo ko na sa college ngayon. Kumpara sa Grade 12, mas mahirap pala ang college. Mahirap kasi kailangan mong makihalubilo ng iba’t-ibang tao. Kada subject, iba ang mga kaklase mo. Mabuti na lang at kasama ko parin ang iilan sa mga kaibigan ko noong highschool kaya hindi ako masyadong out of place.

    Kaya lang, napepressure ako. Kilala ang mga kapatid kong gwapo at mayayabang sa school na pinapasukan ko. Buti nga at noon pa gumraduate si Kuya Dashiel, pero ito naman si Rozen at Noah, nasa college pa kaya di ko parin maiiwasan ang pagkukumpara ng mga estudyante.

    “Yung mga lalaking Elizalde ang gu-guwapo… Pero si… uhm… Bakit kaya?”

    Napapayuko na lang ako tuwing may naririnig akong ganyan. Syempre, walang may kayang sabihin iyan sa harapan ko o kaya iparinig sa mga kuya ko. Patay sila kung mangyari. Nakakawala bawas tuloy ng self-esteem (kung meron man ako ng ganun).

    Hindi ko na nga tinatawag si Rozen at Noah na ‘Kuya’ simula nung nag college ako. Ayoko kasing ikumpara sa kanila. Pareho silang gwapo at overconfident. Ako ang kabaliktaran nila sa lahat ng bagay.

    “Rei-na!” Sabay yakap ng malambing kong bestfriend na si Coreen.

    Mas mukha pa nga itong Elizalde sa akin. Naiisip ko tuloy minsan kung ampon ba ako. Pero lagi naman nila akong sinasabihan na hawig ko ang mommy ko. Mejo maitim lang daw ako ng konti tsaka tadtad sa pimples ang mukha.

    “Totoo ba yun? Maraming nagtatanong sakin, e?” Tumaas ang kilay niya.

    Suminghap ako. Naglalakad kami ngayon patungo sa gym. Nandoon kasi sina Noah.

    “Oo.” Umiling ako.
    “OH MY GOD!? Pero paano na yan?” Kumunot ang noo niya.

    Mas balisa pa ang reaksyon niya sakin. Gulong-gulo siya at nagpapanic habang pabalik-balik akong tinitignan. Nilagay niya ang dalawang kamay niya sa ulo niya sabay panic-panic ulit.

    “Kaya nga nandoon sila sa gym, diba?” Sabi ko sabay turo sa gym.
    Umirap siya, “Pero sa ganito kadaling panahon?” Nag panic-panic ulit siya.

    Ang OA nito.

    “Aray ku po!” May nagmadaling batalyon ng mga babaeng bumunggo sakin.

    Nakikipag-unahan ba ako patungong gym? Hindi naman ah? Ipapaclose ko pa yang exit gawin kong one way para makadaan lahat papasok. KAPATID KO YUNG NASA LOOB, ARAW-ARAW KO SIYANG NAKAKAHALUBILO SA BAHAY, KAYA HINDI NIYO KAILANGANG MAKIPAG UNAHAN SAKIN NG BONGGA!

    Lintek. Na high-blood ako doon ah? Sarap sigawan nung batalyong tumitili na yun. Nakita ko ang halos gutay-gutay kong binder at isang libro sa lupa. Parang dinaanan ng bulldozer. Nagka stampede pa yata. Palapit kami ng palapit sa gym, mas lalong dumadami ang tao.

    Pinulot namin ni Coreen ang libro at binder ko.

    “Mga leche! Si Reina Elizalde ‘to! Lagot kayo kay Noah! Lagot kayo kay Rozen!” Sigaw ni Coreen sa mga estudyanteng dumadaan.

    Inayos ko ang bangs kong magulo na naman at tinapik si Coreen.

    “Shhh! Low profile. Ayokong-“
    “Hi! Ikaw pala yung kapatid ni Noah?” Sabay head-to-foot sakin ng mestizang bangus na ito.

    Nagkagat-labi pa siya. Nasira yung mukha ko sa ginawa niya.

    “Uhm… Hindi. Hindi ako yun.” Sabi ko.
    Napawi ang ngiti niya at nilagpasan ako.

    YES. Just like that. Marami akong kaibigan pag dadalhin ko ang apelyidong Elizalde. At ayokong magkaroon ng mga kaibigan dahil lang Elizalde ako. Dahil lang gusto nilang mapalapit sa mga kapatid ko. Ayoko. Pero alam kong di ko maiiwasan iyon. Habang kaya kong iwasan, iiwasan ko. Kabaliktaran ako ng mga kapatid ko. They enjoy fame, I don’t.

    “Magkamukha talaga kayo ni Rozen, Reina… na may pagka Noah.” Ani Coreen habang nakatitig kay Noah.

    Gusto kong umupo sa huling upuan. Kaya lang itong famewhore kong bestfriend ay gusto doon sa tapat ni Noah. Kinaladkad niya ako doon.

    “Kung ayaw mong malaman nilang Elizalde ka, pwes ako, gusto ko.” Umirap siya at pinagpatuloy ang pagkaladkad sakin.
    “HEXCUSE ME! Padaanin ako! Asawa ako ni Noah. Tanungin niyo pa siya?”

    Take note: Walang naniniwala sa kanya pero naagaw niya ang atensyon ng iilang mga fans nina Noah. Sumimangot at napamura sa kanya ang iba. Paano ba kasi, pag di siya pinapadaan ay tinutulak niya ang mga ito.

    “Mga bwiset. Tabi. Pay respect, people. I’m his wife, damn it!”

    Umiling na lang ako at napangisi sa mga pinagsasabi niya hanggang nasa harap na kami.

    Si Noah ay ang lead guitarist ng bandang Zeus. Surprisingly, sikat yung banda nila. Pure talent at pure kagwapuhan ang panlaban nila. Binigyan sila ng mejo malaki-laking offer ng isang producer. After 2 years daw, iaadopt sila ng record label na ito kung makahanap sila ng bagong vocalist at makapagperform sa malalaking events. Okay na sana iyon. Dapat ngayon sila iaadopt, kaso, umalis yung vocals nila. Nag abroad. Kaya ayan at back to zero ang banda nina Noah.

    Pumalakpak si Coreen at tumili.

    Siniko niya pa ako sabay turo sa nag au-audition para sa vocalist ng banda nina Noah. Umiiling si Noah habang tinitignan ang kumakanta.

    “Classmate natin yan sa isang minor!” Sigaw ni Coreen sakin.

    Naaninaw ko yung kumakanta at narealize na tama si Coreen. Sayang nga lang at hindi masyadong maganda ang boses ng lalaking ito.

    Nainip ako sa halos tatlumpung minutong panonood ng auditions. Maraming magagaling pero di pumapasa kina Warren (Drummer nila) at kay Noah. Mga epal! Bilisan niyo na at matapos na ang kabaliwang ito.

    “Coreen, may klase pa tayo. Alis na tayo.”
    Hindi parin maalis ang titig niya sa stage, “Saglit lang. May 15 minutes pa tayo.” Aniya.
    Hinila ko siya, “15 minutes. Tamang oras yun para makaalis tayo dito. Ma-s-stampede pa tayo mamaya at magkakalat pa itong mga libro ko kaya tamang tama lang ang 15 minutes-“
    “OH MY GOD!” Lumipad ang palad niya sa bibig para takpan ang pagnganga.

    Nanlaki din ang mga mata niya. Binalot ng katahimikan ang buong gym. Ang tanging narinig ko na lang ay ang makapanindig-balahibong boses ng lalaking kumakanta.

    “Hindi mahanap sa lupa ang pag-asa… Nakikiusap na lang himala… Kasalanan bang, humingi ako sa langit ng isang himala.”

    Nagkagoosebumps ako sa narinig ko. Alam ko… Kilala ko si Noah. Tatanggapin niya ito. Unti-unti akong tumingala para tignan kung sino ang kumakanta.

    Doon ko siya unang nakita. Magulo ang buhok niya, mukhang kakagising lang. Hindi siya payat, tamang-tama lang ang built ng katawan niya. Kita sa soot niyang t-shirt ang muscles niya. Pumipikit siya habang kinakanta niya ang kantang iyon.

    Hindi ko namalayang nalaglag na pala ang bibig ko nang tinitignan siya. Bawat banggit niya sa lyrics, bumabalandra ang dimple niya sa kaliwang pisngi. Hindi siya maputi… tamang kulay lang. Matangos ang ilong niya, mapula ang tamang-tamang labi at ibang klase ang dating. Nabingi ako sa katahimikan ng madla.

    “Okay, that’s enough.” Sabi ni Noah.

    Saka pa unti-unting bumalik ang ingay ng mga nasa paligid.

    “Sino siya?”
    “Saan siya nag highschool?”
    “Kilala niyo ba siya?”

    Dinilat niya ang mga mata niya. Hindi ko alam kung guni-guni ko ba yun o ano pero sakin diretso ang tingin niya. Ngumiti pa siya.

    Doon pa lang… alam ko na kung ano agad ang naagaw niya. Naramdaman ko yung pags-slow motion ng mga bagay. Yung ngiti niya. Yung tunog ng malakas at mabilis na pintig ng puso ko. Ang unti-unting paglunok ko. At ang unti-unting pagyugyog ni Coreen sa braso ko.

    “OH MY GOD! Nakatingin siya sayo!”

    Alam ko. Pero di ako makapaniwala. Posible kayang mapansin niya ako? Mapapansin Kaya niya ako? Sa kagwapuhan, kakisigan at sa galing ng lalaking ito, mapapansin niya kaya ako?

  • Kabanata 1Open or Close

    Kabanata 1
    Mga Maling Akala

    Uminit ang pisngi ko. Napauyuko ako at napatingin sa kamay ko. Nararapat ba akong tignan ng mala-diyos na lalaking ito? Sobrang gwapo niya na tingin ko ay mauubusan ng fans si Noah pag nasali siya sa Zeus. Alam kong walang pakialam si Noah kung may mas gwapo man sa kanya o mawalan siya ng fans… Puro pagsusuplado at pagsusungit lang ang alam noon sa mga babae. Itong si Coreen lang ang nagti-tiyaga sa ugali niyang mas masahol pa sa tae ng kabayo.

    “OMG!” Niyugyog ulit ni Coreen ang braso ko.

    Tumili siya. Nakatingin parin siya sa stage. Laglag ang kanyang panga at kulang na lang ay sumuko ng silver dust sa tuwa.

    “Nakatingin parin siya sayo.”

    Tumingala ako upang makita ang nakangising gwapo sa stage. Nakabalandra parin ang stunning niyang dimple. Naranasan niyo na ba yung feeling na hindi mo kayang hindi tignan ang isang tao? Ito yun, eh! Ayoko siyang tignan kasi nahihiya ako. Ikinahihiya ko ang mga tigyawat sa mukha ko. Ikinahihiya ko ang walang powder at kung anu-ano pa sa mukha ko. Ikinahihiya ko ang kapangitan ko. Hindi ko alam kung bakit nakatingin siya sakin. Hindi ko mapagtanto kung ano ang nakita niya sakin at bakit ganito siya makatingin?

    Love at first site? Hindi.

    Dinig na dinig ko ang lakas ng pintig ng puso ko. Hindi ko pa ito kailanman nararamdaman. Para akong mag o-oral recitation o di kaya ay magsasalita sa harap ng madla sa sobrang kaba ko. Wala naman akong gagawin na dapat ikakakaba ko pero bakit ganito?

    “Iaannounce lang po namin ang result next week. Thank you for coming here.”

    Halos di na marinig ang boses ni Noah sa ingay ng mga tao. Lahat ng mga mata ay nakatoon sa lalaking huling kumanta. Bumaba siya sa stage. Pagbaba niya ay kinuha niya agad ang packbag niyang nakalagay sa isang upuan.

    Nawindang ako nang nakita ko kung ano ang isa pang kinuha niya sa upuan niya. Nung una, hindi ko alam kung ano talaga iyon. Kulay itim at gumagalaw. Ano kaya yun?

    “Ano yang kinukuha niya?” Tanong ni Coreen sakin.
    Nagkibit-nalikat ako.

    May narinig akong suminghap sa likod.

    “Hay naku!” Sabi nung suminghap.

    Gusto ko sanang lumingon pero hindi ko ginawa. Hindi ko talaga matanggal ang titig ko sa lalaking iyon.

    “N-Native chicken ang dala niya?” Sambit ni Coreen.

    Napatingin ako sa ekspresyon ng bestfriend ko.

    “Anong native chicken?” Tanong ko nang nakakunot ang noo.
    “Manok din naman…pero wait… pwede bang magdala ng manok dito sa loob ng campus? At… At…” Natatawa na siya sa sinasabi niya.
    Nakakunot parin ang noo ko sa pagtataka.
    “Bakit siya magdadala nun dito?”

    Tumawa nang tumawa si Coreen! Halos maiyak na siya sa kakatawa. May narinig din akong tumatawa sa kabilang banda. Nawala na yung lalaki pero impression niya ay naiwan saming lahat.

    “Bakit siya nagdadala ng manok dito sa loob ng school?”
    “Bakit may manok siya?”
    “Taga saan ba siya?”
    “Saan siya nag highschool?”
    “Bakit ang gwapo niya?”
    “Ano ang pangalan niya?”
    “Kilala niyo ba siya?”

    Wala nang pakealam ang lahat sa bandang Zeus na ngayon ay nagpapaalam na sa amin.

    “His name is Wade Rivas.” Sabi ng babae sa likuran namin ni Coreen.

    Napalingon na ako sa kanya. Nagkasalubong ang kilay ko nang nakita ko kung sino itong nasa likuran namin. Gumuho agad ang mundo ko. Dahil alam ko… na ang pinaniwalaan ko kanina, ay hindi totoo. Hindi sakin nakatingin yung lalaki, kundi, sa kanya. Hindi ako yung napansin niya, kundi ang babaeng ito.

    Makinis, maputi, mejo brown at mahaba ang buhok, mapula ang labi at matangkad na ka-batch ko noong highschool, si Zoey Santiago.

    Ngumiti siya sakin.

    “Hi, Reina!” Bati niya.

    Pinapalibutan siya ng mga alipores niya. ISang pulutong ng social climbers na nagtatag ng asosasyong may mottong ‘no one ugly allowed’. Obyus na ako ang pinaparinggan pero for some reasons, ang lider nilang si Zoey ay friendly sakin.

    “Hello!” Ngumisi ako.

    Napangiwi ang isa sa mga alipores niya. Ayaw ng iba sakin pero nakikipagplastikan parin sila dahil gusto ako ni Zoey.

    “His name is Wade Rivas.” Inulit niya. “Wade Rivas.”

    Pangalan pa lang tumindig na ang balahibo ko. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang epekto niya sakin.

    “Bakit may dala siyang native chicken?” Tanong ni Coreen.
    “Oh,” Umirap si Zoey kay Coreen. “Taga-probinsya siya. Dun sa farm namin. Magkakilala kami. Scholar siya dito kaya dito siya magco-college. And don’t ask me about his chickens.” Sambit niya nang nakatitig kay Coreen.

    Hinawi ni Zoey ang buhok niya at tinalikuran kami.

    “Bye, Reina.” Kumaway siya at umalis na kasama ang mga alipores niya.

    “Bye, Reina!? TSEH! Plastik! Alam nating lahat na nakikipagkaibigan lang ang social climber na yun sayo dahil mayaman ka. Nakakajirits. Sana mabitin siya ng patiwarik. Kala niya ang ganda niya puro make up lang naman yung mukha! Parang naligo sa flour! Uy, Reina! Tulala ka diyan?” Siniko ako ni Coreen.
    “Coreen, di ako yung tinititigan ni Wade.” Matabang kong sinabi.

    Ang OA ko, oo. Pero talagang nag expect ako na ako yung napansin niya.

    “Ha? Bakit mo nasabi?”
    “Magkakilala sila ni Zoey! At nasa likuran ko si Zoey diba? Si Zoey yung tinitigan at nginitian niya. May gusto siya kay Zoey.”
    “Weh? Sinong magkakagusto dun? Sa ugali ng bruhildang iyon, Reina? Gumising ka nga!” Umiling siya.

    Coreen, ikaw ang gumising. Sa panahon ngayon, wala nang pakealam ang mga tao sa ugali… kung ano ang unang tatanggapin ng mga mata nila, iyon na agad ang gusto nila.

    Nagsalita naman ako! Napansin ko lang din naman si Wade dahil sa gwapo niyang mukha, ah? Pero pinilit ko ang sarili kong isiping hindi lang siya puro mukha… There’s something about him… And I’ll find out soon!

    I know he’s more than just a pretty face… May something sa kanya. May something…

    Pinilit ko ang sarili kong paniwalaang may something pa sa kanya dahil hindi ko matanggap na hindi na siya maalis sa isipan ko kahit hindi ko pa siya nakikilala. Kung puro mukha lang ang titignan ko sa taong magugustuhan ko, anong pinagkaiba ko sa ibang tao, diba? Nagkakagusto lang din sila dahil sa mukha, at ayokong maging tulad sa kanila.

    Pero nagkamali ako.

    Oo. Nagkamali ako.

    Una dahil akala ko ako yung napansin niya. Pangalawa dahil nagtiwala akong may something pa sa pagkatao niya…

    WALA NAMAN PALA.

    Uminit ang pangalan niya sa buong eskwelahan. Mailap din siya sa mga tao. Hindi siya masyadong gumagala sa school kaya mas lalong uminit at naging misteryoso ang pangalang Wade Rivas. Sino siya? Saan siya nanggaling? Hindi na rin nagsalita pa si Zoey tungkol kay Wade.

    Kaya naman nang nakita ko siyang marahang humahakbang papunta sa classroom nila isang araw ay sinundan ko na.

    Sa kagustuhan kong mapansin niya… sa kagustuhan kong ipakita sa sarili kong hindi siya puro mukha at boses lang… nakamit ko ang pinaka nakakadisappoint na katotohanan.

    Nasa likuran niya ako habang naglalakad siya papuntang classroom niya. Mahigpit na ang hawak ko sa mga libro ko. Dumarami na kasing tao. Ayokong mabitiwan ang mga aklat ko sa harap ng mga estudyanteng ito.

    Pero sa tindi ng pag-iingat ko, tila pinaglaruan na yata ako ng tadhana.

    May bumunggo sakin sa likod kaya naitulak ko nang bahagya ang likuran ni Wade.

    OMG! Nahawakan ko yung likod niya! Damn!

    Damn din! Nagkalat ang aklat ko sa sahig. Agad akong yumuko para kunin ang mga libro ko. Mawalala ko si Wade nito!

    Yun ang akala ko. Kasi ilang saglit lang ay tumulong na siya sa pagpulot ng mga aklat ko. Tinignan ko siya para sana magpasalamat pero wala akong nagawa kundi tumunganga at malaglag ang panga sa sobrang kagwapuhan niya. May kwintas pa siyang bagay na bagay sa kanya. Pati yung soot niya, bagay na bagay sa kanya. Lahat yata babagay sa kanya. Konting galaw niya lang, sumisilip yung dimple niya.

    “Eto miss, oh.”

    Tumunganga ako sa mukha niya habang binibigay ang mga aklat ko.

    I knew it! He’s kind, too! GENTLEMAN!

    Ngumuso siya at tumaas ang isang kilay niya. Siguro masyado na akong tumunganga kaya tinignan ko ang kamay niya at inabot na rin ang sariling kamay ko para kunin ang books ko. Nanginig ang kamay ko sa sobrang kaba. Narinig ko agad ang bilis at lakas ng pintig ng puso ko.

    What is this feeling? Ito na ba talaga yun? Yung pagiging in love?

    Natigil at gumuho ang lahat nang binitiwan niya ang pinaka nakakainis na mga salitang narinig ko sa talambuhay ko…

    “Sinadya mo ba ang pagkalat ng mga aklat mo dito?”
    Kumunot ang noo ko at, “H-Ha?”
    “Nanginginig ang kamay mo… Kinakabahan ka ba sakin? May gusto ka ba sakin? Pinapabilis ko ba ang pintig ng puso mo?”

    Napalunok ako sa mga tanong niya.

    Ngumisi siya. Hindi yung ngiting ipinakita niya sa stage… Ito yung ngiting sumisigaw na, ‘I’m up to no good’.

    “Ah. Okay na.” Nagpakita ulit ang dimples niya. “Nasagot mo na ang mga tanong ko.”

    Umiling siya at nilagay sa kamay ko ang mga aklat.

    “Sorry miss, pero wala akong panahon sayo. Wag ka na lang umasa.”

  • Kabanata 2Open or Close

    Kabanata 2
    Mga Lihim na Galit

    “Reina…” Sabay kalabit ni Coreen sakin.

    Nagsasalita pa ang professor namin. Kakarating lang niya at seryoso siya sa mga pinagsasabi niya tungkol sa subject namin. Nakakainis si Coreen, mamaya mapapagalitan ako dito. Hindi pa naman ako magaling magtago ng nararamdaman, si Coreen naman bihasa sa ninja moves kaya ako lang napapagalitan pag nakikipag-usap siya sakin sa gitna ng klase.

    “Anu na naman ba?” Bulong ko sa kanya.
    “Ang bait pala ng Wade Rivas na yun.” Humalakhak siya.

    Are you freaking kidding me? Napatingin ako sa kanya. Diretso ang tingin niya sa professor namin habang nagsasalita.

    “Oo. Kilala mo si Roxanne? Aniya, tinuruan daw siya ni Wade sa isang assignment niya. Talagang tinuruan niya lang daw bigla. Nakita niya kasing hindi marunong si Roxanne-“
    “Nagpapasikat lang yun. Siguro sinabi niya kay Roxanne, ‘Ikaw kasi di ka marunong, bobo!'” Humalakhak ako.
    “Loka! Bakit mo nasabi? Akala ko ba crush mo siya?”
    “Oo! Kasi gwapo. Pero ngayon, nalaman kong suplado pala. Ayoko na.”
    Tumaas ang kilay niya, “Sigurado ka bang si Wade freaking Rivas yung sinasabi mo dito? My God! Maraming testimonya na mabait siya. Ikaw lang yung nagsasabing suplado.”
    “Mabait siya. Yun ang mga sinasabi nila kasi gwapo siya. Naiimpress lang sila sa mukha niya pero ang totoo, suplado siya. Tsss.” Umirap ako at tinignan ang ekspresyon ni Coreen.

    Hindi ko alam kung bakit laglag ang panga niya habang nakatingin sa pintuan.

    “Coreen?” Sambit ko sabay kalabit sa kanya.
    “REINA CARMELA ELIZALDE!” Sigaw ng professor namin.

    Sa sobrang lakas ng sigaw niya, napatalon ako at napatingin sa harap. Parang tumatakbong kabayo ang kabog ng puso ko sa kaba.

    “MANANG-MANA KA TALAGA SA MGA KAPATID MO! I’M TALKING HERE, STOP MURMURING! GET ONE WHOLE SHEET OF PAPER! KAYONG LAHAT!” Sigaw ng shet naming professor.
    “Ugh! Reina naman!” Sabi ng mga kaklase ko sa likuran.
    “What do you want, boy!” May isa pang sinigawan si Mr. Dimaano – yung matandang propesor namin na hobby ang pagsigaw sakin at ikumpara ako sa mga kapatid kong puro balahura.

    Natahimik ang lahat habang pinagmamasdan naming humahakbang papunta kay Mr. Dimaano si Wade Rivas.

    “Late enrolee po ako. Sorry.” Binigay niya ang isang kulay asul na papel kay Mr. Dimaano.
    “Hmm. Sige! Di ka exempted, ah? Get one whole sheet of paper.”

    Hindi na kumuha ng one whole sheet of paper ang mga kaklase ko kasi panay na ang daldalan nila tungkol kay Wade. Kumuha ako ng papel at sumulyap sa kanya habang sinusuyod ang classroom para sa mauupuan niya. Wala pa namang nakaupo sa likuran ko, malamang dito siya uupo.

    Habang nag-iisip ako kung saan siya uupo ay nagkatagpo ang mga mata namin. Kumunot ang noo niya at nakita kong kumuyom ang panga niya. Para bang nagalit siya dahil nagkatagpo ang mga mata namin. Nag iwas ako ng tingin.

    Tumigil siya sa likuran ko at bumuntong-hininga.

    “No choice.” Aniya.

    “Ugh! Sana kami magkatabi.” Dinig ko ang mga babae sa harap.

    “OMG! Reina! Nasa likuran mo ang crush mo!” Sabay siko sakin ni Coreen at sulyap kay Wade. “Hi! I’m Coreen. Ito si Reina!” Sabay turo sakin.

    Uminit ang pisngi ko at sinubukang tumingin kay Wade. Kahit alam kong magsusuplado lang siya, nagbakasakali parin akong tama ang sinabi ni Coreen – na mabait nga siya. Pero nagkamali na naman ako.

    “Hi! Nice meeting you.” Aniya kay Coreen.

    Kumuha siya ng papel nang hindi man lang ako binabati. Napaawang ang bibig ni Coreen habang tinitignan ako. Kulang na lang humagalpak siya sa tawa dahil sa nangyari.

    Umirap ako at nag concentrate sa magiging quiz namin. Pero habang nag ku-quiz kami, wala akong inisip kundi ang pagsusuplado ni Wade Rivas sakin. Binati niya naman si Coreen, pero bakit ako hindi? Ano ang problema niya sakin?

    Have we met before? Ang alam ko isang beses lang naman nagcrus ang landas namin at naitulak ko siya noon dahil natapilok ako. Dahil ba dun? Dahil naitulak ko siya? Tapos feeling niya naman sinadya ko ang pagpapapansin sa kanya dahil lang sa gwapo siya? UNBELIEVABLE.

    Nararamdaman kong tinutusok ako ng mga titig niya sa likuran ko. Hindi ako sigurado kung assuming talaga ako o masyado siyang naiinis sakin kaya nararamdaman ko yung matutulis niyang titig.

    “Marunong ka rin bang mag gitara?” Tanong ng isang kaklase ko kay Wade.

    Kakatapos ng lang hell naming klase, nagliligpit pa lang ako ng gamit ay naglipana na ang mga babae sa paligid niya.

    “Reina, Coreen, aalis na ba kayo?” Tanong nung isang kaklase namin.

    Nagkatinginan kami ni Coreen.

    “Kasi dito sana kami uupo sa upuan niyo pag aalis na kayo. Alam mo na, para makausap si Wade.”

    Tumango ako at nagpatuloy sa pagliligpit ng gamit. Siniko ako ni Coreen. Ang hilig maniko ng isang ‘to.

    “Papayag ka ba? Tumunganga ka na lang diyan para makapagbonding din kayo ni Wade!” Sabay halakhak niya.

    Umiling ako at sumulyap sa mga babaeng nakapalibot sa likuran ng upuan ko.

    “Talaga? Paturo naman!” Sabi ng mga babae kay Wade.
    “Sige bah! Pag magdadala ako ng gitara, tuturuan kita.” Malambing na sinabi nI Wade sa babae.

    Kumunot ang noo ko. BAKIT KAYA ANG BAIT NIYA SA IBA AT ANG ARTE NIYA SAKIN? Okay… well… Siguro dahil pangit ako? Ganun ba yun?

    Padabog kong niligpit ang mga libro ko nang naisip ko ang mga maaring dahilan niya.

    “Jusmiyo, Reina! Ayusin mo naman yan! Aatakihen kami sa puso nito sa sobrang gulat diyan sa mga libro mo.”

    Napatingin ang mga babae sakin. Natahimik sila habang pinapanood akong nagliligpit ng libro.

    Nag peace-sign ako sa kahihiyan at, “Sorry.”

    Sumulyap ako kay Wade at nakita kong hinahawakan niya ang labi niya habang nakataas ang kilay at tinitignan ako. Shet! Naiirita ako sa ginagawa niya pero hindi ko ma ideny na sobrang gwapo niya sa kahit anong anggulo at kahit anong gawin niya.

    “Taga sa’n ka pala, Wade?” Tanong ng isang babae.
    “Taga Alegria.”
    “Ah? yung probinsya? Talaga? Ang layo naman. May farm ba kayo dun?” Tanong ng isa.

    MAYAMAN DIN YATA ANG ISANG ITO! Kaya siguro ang suplado kung maka-asta! Kainis lang! Ang laki-laki ng ulo.

    Bago niya pa masagot ang mga tanong ng mga tao ay nakaalis na kami ni Coreen.

    “Nakita mo yung ekspresyon ng mukha niya Coreen? Parang laging may nakakatawa! Parang laging nakakatawa yung mukha ko! Para siyang laging naiirita o di kaya ay natatawa!” Reklamo ko.
    “Huh? Napaparanoid ka lang! Guni-guni mo lang yan!” Ani Coreen.

    Sana lang tama si Coreen. Ayaw ko pa naman ng may taong galit sa akin. At yung worst ay hindi ko alam kung ano ang dahilan. Para siyang mushroom na biglang sumulpot galing sa lupa at agad siyang nagalit sakin ng walang dahilan.

    Sa sumunod na araw, nalaman kong mabait talaga siya sa ibang tao.

    “Wow! Ang galing mo sa subject na ito. Pwede ba kitang maging tutor?” Sabay hagikhik ng isang babae.
    “Oo naman! Libre pa. Walang problema. Ano pa yung hindi mo alam?” Tanong niya sa babae.

    May tatlong babae pang naghihintay na turuan niya.

    “Hala! Ang hirap nito.” Napakamot ng ulo si Coreen nang tinignan ang assignment namin.

    Naghihintay kami kay Professor Dimaano at gumagawa na rin ng assignment. Over confident niyang nilingon si Wade.

    “Wade, marunong ka nito?” Sabay pakita sa notebook niyang may laman na assignment namin.

    Tumango si Wade at nagsimula sa pagturo kay Coreen. WOW! Buti pa si Coreen may assignment na! Hinayupak sana nagpaturo na lang ako kay Dashiel nito. Bakit pa kasi ako umasa sa kakayanan kong kinakalawang?

    Dumungaw na rin ako sa notebook ni Coreen. Kaso, dahil sa sobrang daming nakapaligid sa kanila, hindi ko na makita ng maayos. Kaya dinampot ko ang notebook ko at ipinakita kay Wade.

    “Pwedeng ako rin?” Tanong ko nang nakangiti.

    Natigil siya sa pag-eexplain kay Coreen. Tumaas ang kilay niya at ngumuso. Ayan na naman ang mukha niya na parang may nakakatawa pero sobrang gwapo parin. Nag iwas ako ng tingin sa takot na baka mahimatay ako sa titig niya.

    “Sorry, di ko alam yan.” At bumaling ulit siya kay Coreen.

    HUUUUUUUUUUUUUUUUUH? BOKYA! PAREHO LANG KAMI NG ASSIGNMENT NI COREEN! PAANONG ALAM NIYA YUNG KAY COREEN AT DI NIYA ALAM YUNG SAKIN!?

  • Kabanata 3Open or Close

    Kabanata 3
    Gwapo Pero Suplado

    Nagdaan ang mga pareparehong araw. Araw-araw kong nararamdaman ang pagtusok ng matutulis niyang tingin sa likod ko. Alam mo yung feeling na ayaw mong gumalaw sa kinauupuan mo? At yung feeling na nahihiya ka pag tinatawag ka ni Mr. Dimaano para sagutin yung pointless niyang tanong? Ultimo pag tayo mo para sumagot, nanginginig ka na kasi pakiramdam mo panay ang titig niya sayo.

    Bakit ba kasi sa likuran ko siya nakaupo?

    “Yes, Mr. Rivas.” Tinuro siya ni Mr. Dimaano nang nakangiti.
    “I guess it’s St. Thomas Aquinas’ first principles of action, Sir.”

    Nakapangalumbaba ako at naninigas na naman sa upuan ko. Soothing ang boses niya pero tuwing naiisip kong masahol ang ugali niya, bumabalik ang stress ko.

    “Exactly.” Nakangiting tumango si Mr. Dimaano.

    Pumalakpak ang mga kaklase ko. Napaupo ako ng maayos. Humalakhak si Wade at nakipag-high five sa mga lalaking kaklase ko.

    Ang galing niya rin. Marami siyang alam at mukhang studious. Madalang ito sa mayayaman pero siguro dahil na rin laking probinsya niya, alam niya ang kahalagahan ng pag-aaral.

    Tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko ‘to para tignan kung sino ang nagtext.

    Noah:
    Reina, classmate kayo ni Wade right now, diba? Pls tell him may practice kami ngayon. 5PM, gym.

    Nanlaki ang mga mata ko. Mabilis kong ni-type sa cellphone ko ang reply.

    Me:
    Tanggap na siya?

    Agad nagreply si Noah.

    Noah:
    Yup, baby.

    At ako ang magbabalita sa kanya? Sakin manggagaling ang balitang ito? Perks of being an Elizalde. Sinakluban ako ng langit at lupa nang narealize kong kakailanganin kong mag aksaya ng laway para magsalita sa kanya. Paniguradong susungitan niya na naman ako.

    “REINA CARMELA ELIZALDE! ILANG BESES KO NA BANG SINABI SAYO NA BAWAL ANG CELLPHONE DITO SA CLASSROOM?” Sigaw ni Mr. Dimaano.

    Takte! Napatayo ako sa sigaw niya.

    “Sorry po, Sir!” Uminit ang pisngi ko.

    Natahimik ang mga kaklase ko. Yung iba ay nagkunwaring walang naririnig, yung iba naman ay painosente effect. Hindi lang naman ako yung nagti-text dito pero talagang maswerte ako kay Mr. Dimaano.

    “Give me your cellphone!” Naglahad siya ng kamay.
    Napalunok ako habang sinusuko ang cellphone ko sa kamay niya.
    “Hindi porke’t mayayaman at malalaking businessman ang mga magulang niyo ay pwede na kayong magloko dito sa klase ko.”

    Hello! Hindi naman sa nagmamalinis pero hindi naman ako nagloloko! Damn! Oo, nag titext ako pero hindi naman yun ‘pagloloko’. Naiirita tuloy ako kay Rozen. Alam kong kay Rozen may galit si Mr. Dimaano. Naambunan lang ako kasi pareho kami ng apelyido. Ang nagagawa talaga ng apelyido. Hay naku!

    Dahan-dahan akong umupo habang nag ka-climax si Mr. Dimaano sa sermon niya.

    “Kaya kayo… hindi kayo nandito sa school para makipagsosyalan! Hindi porke’t mayayaman kayo, Micheal Kors na yung bag niyo. Come on! You’re hear to learn, not social climb.” Sinulyapan ako ni Mr. Dimaano.

    Sumipol si Wade sa likuran ko.

    Tumindig ang balahibo ko sa sipol niya. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko siya nilingon. Nanigas na lang ako sa kakayuko dahil sa sermon ni Mr. Dimaano.

    “Okay, get one fourth sheet of paper.” Yun ang ending ng 15 minutes na sermon niya.

    Saka lang ako gumalaw. Nang gumalaw naman ako, lintek at nahulog pa yung ballpen ko. Hinawi ko ang bangs ko sa kakahanap sa ballpen ko sa harapan.

    “Coreen, nakita mo ba ballpen ko?” Tanong ko kay Coreen na kanina pa ngumingiwi sa pagpaparinig ni Mr. Dimaano.
    “Ha? Hindi. Asan ba?” Tanong niya habang tumitingin narin sa ilalim ng mga upuan.

    Ayaw ko mang gawin, kinailangan ko rin. Unti-unti ako lumingon kay Wade. Diretso ang tingin ko sa nakatitig niyang mga mata. Seryoso ang mukha niya habang tamad na nakaupo sa upuan. May one-fourth sheet of paper niya sa desk niya. Pinaglalaruan niya ang ballpen niya na kahit nakatitig siya sakin. Ayan na naman ang ngiti niyang mukhang laging may nakakatawa. Hindi ako sigurado kung magandang pangitain ba yung ngiti niya o masama… Ngayon kasi, kinikilabutan ako. Parang evil-smile yung ipinapakita niya sakin.

    Nag-iwas agad ako ng tingin at tinignan ang ilalim ng upuan niya.

    TADA!

    Nandoon ang mahiwaga kong ballpen! Nasa ilalim ng upuan niya! At mahihirapan akong abutin iyon!

    Napatingin ulit ako sa kanya sabay turo sa ballpen ko.

    “P-Paki kuha, please.” Sabi ko.

    Ngumuso siya at pinaglaruan ulit ang ballpen niya.

    “Ugh! Ako na nga lang.” Sabi ko nang di siya gumalaw.

    Nakakainis na siya, ah? Sanay naman akong may mga taong ayaw sakin, pero hindi ko alam kung bakit ayaw nito sakin gayung wala naman akong ginagawang masama sa kanya.

    Nagpakahirap akong abutin yung ballpen ko sa gitna ng legs niya. Ni hindi siya gumalaw. Hindi siya naawa sa kalagayan ko.

    “Ugh!” Konti na lang, Reina!
    “ELIZALDE!” Sigaw ulit ni Mr. Dimaano.

    Narinig ko ang pag-burst ng tawa ni Wade. Tinakpan niya ang bibig niya para mapigilan ang pagtawa. Nag-iwas siya ng tingin sakin. Nalaglag ang panga ko at umayos na agad.

    “ANO NA NAMAN YANG KABABALAGHANG GINAGAWA MO DIYAN? Oh, for heaven’s sake! We are having a class! Anong kalibugan yang pinaggagawa mo kay Mr. Rivas!”

    WHAT THE FREAKING SH1T!? Parang sasabog ang pisngi ko sa kainitan.

    “Po? Kinukuha ko lang po yung ballpen ko po sa ilalim ng upuan niya-“
    “You’re unbelievable! You’re just like your brothers! Ilang beses ko nang nahuli ang mga kapatid mong nagkukunwaring may mga nahuhulog na bagay pero ang totoo ay binobosohan lang nila ang mga katabi nila.”

    WHAT THE FREAKING FVCK?

    Nagtawanan ang mga walang hiyang kaklase ko.

    “Hindi naman po ganun si Noah-” Sabi ng isa pang walang hiyang bestfriend ko.
    “Di kita kinakausap, Ms. Aquino!” Pinutol ni Mr. Dimaano si Coreen.
    “Pero totoo naman po-“
    “Enough! Bigyan mo ako ng 2 pages na explanation sa nangyari, deadline mamayang hapon. Number 1…”

    Hindi ako nakasagot sa langyang quiz namin. Sino ang makakasagot dun? Sa nangyaring iyon, wala na akong masabi. Galit na galit ako kay Mr. Dimaano. Galit na galit ako kay Wade. Galit na galit ako sa mga kaklase kong nagtatawanan at di parin nakakarecover sa kahihiyan ko.

    “Reina!” Sigaw ni Coreen habang nag wa-walk out ako pagkatapos ng session naming iyon.

    Naiiyak ako sa inis.

    “Reina!” Sigaw ulit ni Coreen nang naabutan ko.
    “Bakit?” Namuo ang luha ko.

    Nakakainis talaga yung nangyari. Alam mo yung feeling ni Harry Potter pag binubully siya ni Severus Snape.

    “Yung cellphone mo, di mo ba kukunin?”
    Suminghap ako at nawalan ng lakas, “Hay!” Bumalik ako sa dinaanan ko.

    Nakasalubong ko pa ang mga kaklase kong nakangising nakatingin sakin. Yumuyuko lang ako at tinatabunan ang mukha ko sa bangs ko. Nakakahiya! Okay lang sana kung totoo yung mga binibintang ni Mr. Dimaano, pero hindi eh.

    “Sir, can I get my phone now?” Tanong ko kay Mr. Dimaano.
    “Okay. Next time wag ka ng mag text sa klase ko. Send me your incident report mamaya. The next time I’ll see you texting, ibibigay ko na ito sa Discipline Officer.” Tinignan ako ni Mr. Dimaano sa likod ng salamin niya.
    “O-Opo.”

    Naiinis ako sa kanya pero hindi ako yung tipong may kayang ipakita yung nararamdaman ko. Lalong lalo na dahil mas nakakatanda siya at professor ko pa.

    Kinuha ko ang cellphone ko at umalis agad ng room.

    “Kumusta yung pamboboso mo kay Wade, Reina?” Tumawa yung mga lalaking kasama ni Wade.

    Hindi ko sila tinignan. Nilagpasan ko silang lahat hanggang sa natigilan ako dahil sa isang lalaking nakatayo sa harapan ko. Iiwasan ko na sana siya pero umiwas din siya sakin kaya nagkasalubong parin kami.

    Tumingala ako at nakita ko ang masamang tingin ni Wade Rivas sakin.

    “UYYYY!” Dinig na dinig ko parin ang kantsyaw ng mga kaklase ko.

    Dinapuan agad ako ng nag aalab na inis. Wag mo akong matignan ng ganyan! Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ito! Bully! Ayoko na sayo! Iiwasan kita sa abot ng aking makakaya. Itaga mo yan sa bato!

    Pumikit ako at huminga ng malalim. Ito na ang huling beses na kakausapin ko siya. Hindi ko na susubukan pang kausapin siya ulit. Ayoko na. Alam kong galit siya sakin kahit di ko mapagtanto ang dahilan. Just one thing’s for sure: Galit siya. So I should back off.

    “Sabi ng Zeus, pumunta ka raw sa practice nila mamayang 5PM, sa gym.” Dinilat ko ang mga mata ko at tinignan ang perpekto niyang mukha.

    Sayang ka. You just can’t have it all. Gwapo pero suplado. Pangit pero mabait. You just can’t have it all.

    “Bakit naman ako maniniwala sayo?” Tumaas ang kilay niya.

    Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

    “Kung ayaw mong maniwala, edi wag. It’s your loss.” Sabi ko at nilagpasan ko siya.
    “Oh, right! Kasi ikaw si Reina Carmela Elizalde diba?”

    Nilingon ko siya nang nagkasalubong ang kilay ko. Pero pagkalingon ko, nakatalikod na siya at paalis na.

    What is his freaking problem?

  • Kabanata 4Open or Close

    Kabanata 4
    Huli Ka

    Hindi matanggal si Wade sa utak ko. Hindi dahil may nararamdaman ako sa kanya, kundi dahil iniisip ko kung ano ang atraso ko sa kanya.

    Wala akong mahugot sa kakarampot kong utak. Walang dahilan para kamunhian niya ako ng ganun. Hindi ko naman siya na-offend at lalong wala kaming past.

    Napabuntong-hininga ako at binuksan ang pintuan ng sasakyan namin.

    Alas tres pa lang ngayon pero naibigay ko na kay Mr. Dimaano ang report na ipinapagawa niya sakin. Dahil wala naman talaga akong ginagawang masama kanina, wala akong masabi sa report na iyon. PInagalitan niya ako dahil hindi ko inaming namboboso ako kay Wade. Umiling ako at kinuha ang cellphone ko para itext si Coreen.

    “Reina, sabi ng kuya Dashiel mo, siya na daw susundo sayo mamaya kasi may inutos siya sakin.” Sabi ni manong.
    “Okay, po.” Sagot ko.

    Marunong na akong magmaneho ng sasakyan, yun nga lang, paranoid ang parents ko pagdating sakin. Lalo na si daddy. Lalo na pag busy sila. Ayaw nila ng mag-isa akong nagmamaneho. It’s either yung driver o si Dashiel ang susundo sakin. Parehong may sasakyan si Noah at Rozen. Pero may iba-iba silang buhay. Si Rozen ay busy sa mga chics, si Noah ay busy sa banda.

    “Kung busy si kuya, pwede naman akong mag commute.”

    Hindi umimik ang driver sa sinabi ko.

    “Manong, padrive po hanggang Starbucks. Inaantok po kasi ako, tapos may pasok pa ako mamayang 5pm.” Kakasabi ko lang nito sa driver nang nakita kong lumabas ng school si Wade.
    “Okay.” Marahang pinaandar ni manong ang sasakyan.

    Ako naman ay nakatitig kay Wade na naglalakad sa labas ng school. Konting galaw niya lang, sumisilip agad ang malalim niyang dimples sa kaliwang pisngi. Nakalagay ang magkabilang kamay niya sa bulsa.

    “M-Manong, pwedeng pakisundan na lang muna yung lalaking yun. Pero yung di nahahalata, ah?” Hindi na ako nag-isip sa sinabi ko at itinuro na si Wade sa driver namin.
    “O, sige. Sino ba iyan? Classmate mo?”
    “Di po, new vocalist po nina Noah.”
    Tumango si manong at sinunod ang gusto ko.

    Tumawid si Wade sa pedestrian lane. Niliko ni manong ang sasakyan para maabutan namin si Wade.

    Hindi lang siya yung tinitignan kong mabuti, maging ang mga tao sa paligid ay pinagmamasdan ko. Kitang-kita sa mga tao, lalo na sa mga babae, ang pagkamangha nila sa pisikal na kaanyuan ni Wade. Hindi niya na kailangang ngumiti at magpapansin. Simpleng hakbang niya lang at paglingun-lingon sa kalsada ay nakakaagaw na siya ng pansin. Simple lang siya manamit, jeans lang atsaka t-shirt pero daig pa niya ang mga artista sa atensyong nakukuha niya sa mga tao.

    May nakita akong kumaway sa kanya. Ngumiti siya at kinawayan niya rin. Hindi nagtagal ang tingin niya sa mga babaeng kumaway. Kaya nagkaroon ng pagkakataon ang mga babaeng manggigil at manisay sa kilig dahil sa simpleng pagkaway niya.

    Tumigil si Wade sa isang apartment. May batang biglang humila sa t-shirt niya.

    “Patay kang bata ka, supalpal ka ngayon.” Sabi ko.

    Yun ang unang naisip ko dahil sa kasamaan ni Wade pero nagkamali ako…

    Yumuko siya at tinapik ang ulo ng bata.

    “Sino yun? Anak niya?” Tanong ko sa sarili ko.

    Nilapitan ang bata ng isang buntis. Mukhang ito yata ang nanay niya. Hindi ito anak ni Wade. Mejo matanda na yung lumapit, eh.

    “Anak yan ng may-ari ng apartment na ito.” Sabi ni manong.

    Tumango ako at pinagmasdang mabuti ang pagngiti ni Wade sa mga taong nakapaligid. Nakipaghigh-five pa siya sa bata bago pumasok sa loob ng apartment.

    So nag-aapartment siya. Wala silang bahay dito sa Maynila. Pagkatapos ng 15 minutes ay lumabas ulit siya na may dala-dala ng gitara sa likod.

    Sinundan ulit namin siya pabalik ng school. Hindi kalayuan sa school ang apartment niya kaya pwedeng lakarin niya lang. Ganun parin ang nangyari, panay ang bati niya sa mga nakakakilala sa kanya.

    “Sige po, thanks manong.” Sabi ko at lumabas na ng sasakyan pagkarating ko ng school.

    Anu ba yan! Dahil kay Wade nagiging stalker na ako. Paano ba naman kasi, gusto kong malaman kung bakit galit na galit siya sakin. Mabait naman siya sa iba. Bakit hindi siya mabait sakin?

    Mga sampung tao na ang binati niya at nginitian niya ngayon. Oo, sinusundan ko siya dito sa loob ng campus. Nababaliw na yata ako sa ginagawa ko.

    “Huy, Reina!” Biglang tulak ni Coreen sakin.
    Napatalon ako sa bigla. “Ano?” Irita kong tinanong.
    “Saan ka ba galing? May pasok pa tayo! Lika na!”

    Tinignan ko ang wrist watch ko at nakitang 4:30 na pala. Ang bilis naman ng oras! Dahil sa pang-iistorbo ni Coreen sa akin, nawala ko tuloy si Wade.

    “Sinong hinahanap mo?” Tanong ni Coreen at tumingin din sa dinaanan ni Wade.
    “W-Wala.” Sabi ko.
    “Asus! Meron! Mukha mo, mas transparent pa sa tubig.” Itinaas niya ang leeg niya para tignan.
    “Lika na nga!” Hinila ko siya palayo dun sa kinatatayuan namin.

    Talak nang talak si Coreen nang papunta kami sa classroom…

    “Leche… Sana makapanood na ako ng practice nina Noah. Kailan ba sila magpapractice sa bahay niyo at nang makabisita na ako.”
    “Grabe ka. Akala ko ako bibisitahin mo, yung kapatid ko pala.”
    “Bah, syempre. Sa panahon ngayon, dapat tayo na ang naghahabol. 1 is 10 na kaya ang ratio ng mga babae at lalaki. Baka pag pinatagal mo ang paghahanap, mauubusan ka na. Mas maagang pag aasawa, mas mabuti.”
    Umiling ako, “What?”

    Hindi ako makapaniwalang pinag iisipan ito ni Coreen. Hindi pa nga sumasagi sa isipan ko ang pagbo-boyfriend, nag iisip na siyang mag asawa, at sa kuya ko pa! Haha!

    “Kaya ikaw, bilisan mo na ang pag hahanap ng mahahabol mo. Nineteen na tayo, average marrying age ang 23, kailangan 3 years and up kayong mag boyfriend bago ikasal. Buti pa itong akin, matagal na kami kaya sigurado na akong sakin siya mahuhulog.” Tumang-tango pa si Coreen.
    Tumawa na lang ako. Hindi ako sigurado kung totoo ba yung mga sinabi niya.

    Natapos ang klase namin ng 6:30PM. Boring at nakakaantok. Pero okay na rin kesa sa mga klase ni Mr. Dimaano. Gusto kong antukin dun sa subject niya pero hindi ko magawa dahil parang uwak siyang nakamasid sakin at naghihintay ng magandang tiyempo para pagalitan ako.

    “Sinong susundo sayo?” Tanong ni Coreen.

    Nandyan na kasi ang sasakyan ng daddy niya, minsan kasi hinahatid nila ako. Pero dahil si Dashiel ang susundo sakin, hindi ako pwedeng sumama kahit kanino. Magagalit yun. Istrikto na naman yun.

    “Si Dashiel.”
    Ngumisi si Coreen at kumaway. “Okay! Itext mo na para makauwi ka na. Bye, Reina! I love you!” Nagflying kiss si Coreen sakin.
    “I love you, too!” Nagflying kiss din ako sa kanya at kumaway.

    Napatingin ako sa paligid ng benches na pinaghihintayan ko kay Dashiel. Puno ng lovers. Lovers in school ang peg. Samantalang ako, mag isa dito. Nakakahiya naman. Yung isang love birds ay halos maghalikan na sa paglalampungan. Hay naku! Gabi na kasi kaya hindi na gaanong nakikita ng guards. Tsk.

    Makapag CR na nga muna. Mukhang overtime si Dashiel, ah.

    Naglakad ako papuntang CR. Hinawakan ko ang isang pimple na natutuyo na.

    “Hay salamat…”

    At least… kahit na ganito ang mukha ko, may mga panahong pimpless ako. At sa mga panahong yun, inspired ako. Pakiramdam ko ang ganda ko na. Siguro kung pumuti lang ako ng konti, maganda na talaga ako. Hmmm. Hinawi ko ang bangs ko at nilagay sa tuktok ng ulo ko.

    “Not bad.”

    Kumain kaya ako ng Kojic? Haha! Bangag na yata ako. Suminghap ako at hinalughog ang bag. Wala akong dalang pampaganda. Suklay lang ang mejo close sa ‘pampaganda’ kaya pinagtiyagaan kong suklayin ang buhok ko.

    Biglang may kumabog sa isang cubicle.

    Napatalon ako sa bigla. Natigilan ako sa pagsuklay at napatitig sa cubicle na iyon.

    “Hello?” Nanginig ang boses ko.

    I know this. Ganito sa mga horror movies. Naghintay akong masira ang ilaw. Naghintay ako ng black out. Nanginig na ako sa takot. Pero di ako makagalaw.

    “May tao ba riyan?” Tanong ko.

    Dahan-dahan akong humakbang palapit ng cubicle.

    “Hmmmm…” May narinig akong ungol.

    OH MY GOSH! May tao!

    “Okay ka lang ba?” Tanong ko habang tinutulak ang pintuan.

    Nabitiwan ko ang suklay ko nang nakita kong nagpapalitan ng maiinit na halik si Wade at si Zoey sa loob ng cubicle. Nalaglag ang panga ko sa naabutang pangyayari. Halos magkagutay-gutay ang t-shirt ni Wade sa paghila ni Zoey sa kanya. Magulong-magulo ang buhok ni Wade at nakahawak ang isang kamay niya sa legs ni Zoey.

    “OH MY GOD?” Sigaw ni Zoey at tinulak agad si Wade.

    Nakaawang pa ang bibig ni Wade nang tinignan ako. Wala siyang imik. Hindi rin siya nagpakita ng ekspresyon. Seryoso lang ang mukha niya pero itong si Zoey ay di ko na maitsura.

    Nag-init ang braso ko hanggang ulo dahil sa hiyang naramdaman. LIKE, WHAT THE FREAKING SHIZ? Seriously? Naabutan ko ba silang muntik ng mag… sa CR?

    “S-Sorry!” Pumikit ako at tumakbo.

    Mabilis at malakas ang pintig ng puso ko. Buti agad kong nakita ang sasakyan namin. Dumiretso ako sa loob pero hinahabol ko na ang hininga ko. Napahawak ako sa kumakabog kong puso.

    Shucks? Bakit parang ako yung nahalay sa nakita ko? OMG!

  • Kabanata 5Open or Close

    Kabanata 5
    Mapipilitan Siya

    “You okay, Reina?” Naaninaw ko ang nag-aalala at seryosong mukha ni Dashiel.

    Hinahabol ko pa ang hininga ko. Masakit lumunok at pinagpawisan ako ng malamig.

    Si Wade at si Zoey? Alam kong magkakilala sila pero hindi ko alam na sila na. Gumagawa pa talaga ng milagro! Tinitingala ko si Zoey dahil maganda siya, mahinhin at mabait. Nalason ang pananaw ko sa kanya dahil sa nakita ko kanina.

    “I’m okay, Kuya.” Sabi ko.
    Kumunot ang noo niya, “You don’t look okay.”
    Sumulyap ako sa kanya at tumingin sa labas, “Di… Tumakbo kasi ako papunta dito sa pagmamadali kaya ayan, napagod at hingal.” Ngumisi ako.
    Tumango siya at pinaandar ang sasakyan.

    Palaging wala sina mommy at daddy sa bahay. Minsan, wala din si Kuya Dashiel dahil nakatira na siya sa isnag condo. Tanging si Noah at Rozen lang ang parati kong kasama maliban sa mga katulong. Busy kasi talaga si mommy at daddy sa negosyo namin.

    Sumakit ang ulo ko sa kakaisip sa nangyari kanina. Hindi matanggal sa isipan ko yung nakaawang na labi ni Wade. Yung kamay niyang nakahawak sa legs ni Zoey. Yung paghila ni Zoey palapit sa kanya. Yung tipong sabik na sabik talaga sila sa isa’t-isa.

    WTF?

    Tinabunan ko ang ulo ko ng unan hanggang sa makatulog na ako. Mabuti na lang at Sabado na kinaumagahan. Hindi ko na kailangang pumasok sa school at maging guilty sa lahat ng nakita ko sa CR. Seriously, sa CR pa talaga? Natuloy naman kaya? Ugh! Bakit ko ba iyon iniisip?

    Tinali ko ang buhok ko bago bumaba ng humihikab.

    Dapat ko bang sabihin yun kay Coreen o sakin na lang? Nangangati akong magchika sa kanya kaya lang tingin ko mali kung ikakalat ko ang bagay na ito. Alam ko pa naman ang tabas ng dila, nun. Walang preno. Kaso, pakiramdam ko kasi sasabog na ako sa kabaliwan kung di ko yun maikwento kahit kanino.

    Pumunta agad ako ng kitchen para tignan kung anong makakain ko. Kumuha ako ng malamig na tubig para inumin bago kumain. Inaantok pa ako. Blurry pa ang paningin ko.

    Habang umiinom ako ng tubig, may nakita akong tao sa gilid ng mga mata ko. Nilingon ko yung tao at muntik na akong malunod sa tubig na iniinom.

    “Shiz!” Pinunasan ko agad ang mukha ko.

    Basang-basa ang damit ko sa tubig dahil sa bigla. SI WADE, NANDITO SA BAHAY! Umiling siya at kumuha ng baso sa kitchen namin.

    Lumapit siya sa dispenser at uminom ng warm water.

    Napatunganga ako sa sobrang bigla, “B-Bakit ka andito?” Tanong ko.

    Bakit kaya ako pa yung mukhang nag papanic? Samantalang siya naman itong nahuli ko? Dapat siya yung nagpapanic at nahihiya ngayon, diba?

    “Umiinom ng tubig.” Tinignan niya ako habang umiinom ng tubig galing sa baso.

    PILOSOPO! SHIZ! Kung gaano siya kagwapo, ganun din siya kasuplado!

    Nagkasalubong ang kilay ko.

    “M-May practice ba kayo ni Noah?” Tanong ko.
    “Ano pa bang dahilan ko para magpunta sa bahay mo? Wala na naman diba?” Nilapag niya ang baso sa harapan ko.

    He’s getting under my skin. Lalo na pag naiisip ko na mabait siyang tao at masungit siya sakin. What is his freaking problem? Hindi naman ako taklesang tao na posibleng basta-basta na lang magkaroon ng atraso kahit kanino.

    Umiling na lang ako at nilagpasan siya. Hindi na lang ako kakain dito sa kitchen. O mas maganda, hindi na lang ako kakain. Magmumukmok na lang ako sa kwarto ko. Dahil may isa diyang parang galit sa mundo pag nakikita ako.

    “Reina!” Narinig kong tinatawag ako ni Noah galing doon sa kwartong nakalaan para sa mga practice nila.
    “WHAT?” Naiirita kong tanong.
    “What’s your problem?” Tanong niya nang natagpuan akong nakabusangot ang mukha.
    Umiling ako at nag-iwas ng tingin.
    “Anyway, pwede bang tumambay ka na lang muna dun sa music room.”
    “Huh? Bakit?” Nanlaki ang mga mata ko.
    “We need an audience.” Aniya.
    “Noah, may lakad ako.” Palusot ko.
    “With who?” Tumaas ang kilay niya.
    “W-With… W-With… With… uhm… Coreen.” Sabi ko.
    “Sinungaling.” Singit ng boses sa likuran ko.

    May tumutusok na talaga sa utak ko dahil sa kanya. Yung tipong kinakalabit na ako ng nerves ko at pinupukaw na ang damdamin kong manapak ng tao?

    “Bakit mo naman nasabi?” Tumaas ang kilay ko.

    Baka akala nito mahaba ang pisi ko. Nagkakamali ka, may kahabaan nga ito pero umiiksi rin pag inaabuso. Bushet!

    Nagkibit-balikat siya at tumingin kay Noah na nakasimagot.

    “Saglit lang naman, ‘to. Come on, Reina.” Sabi ni Noah sa tonong may command.
    Umirap ako, “Alright.”

    Padabog akong nagmartsa pabalik ng kitchen.

    “Kakain at maliligo lang ako.” Paalam ko.

    Kumain ako at mabilis na naligo. Hindi ko talaga magetsung kung bakit kailangang may Audience? Yung iniisip siguro ni Noah ay yung confidence level ng bago nilang vocalist. Hindi niya ba nakikitang nag uumapaw sa confidence si Wade? Kahit paghubarin pa yan sa harapan ay hindi yan mahihiya. Ni hindi nga siya nahiya sakin kahit nahuli ko siyang nakikipag-palitan ng laway sa magandang si Zoey.

    Padabog akong pumasok sa music room. Umupo agad ako sa sofa at nagbasa ng isang libro, pampalipas oras dito. Maingay kasi. Si Noah pa naman yung tipong perfectionist pag dating sa musika.

    “Hi, Reina!” Kaway ni Warren sakin.
    Kinawayan ko siya pati si Joey na ngumingisi sa akin.
    “Kilala mo na ba itong new vocalist namin?” Tanong ni Warren sakin.
    Tumango ako, “Wade Rivas.” Sabi ko nang nakatingin sa libro.
    “Whoa?” Nag-apir silang dalawa.
    Don’t get me wrong, boys. “We’re classmates.” Ngumisi ako at tumingin kay Wade.
    “Ohh…” Nagtawanan sina Warren at Joey.
    “Sige na, let’s start again.” Pumalakpak si Noah at nagsitayuan na rin sila.

    Nakakailang ito. Umuupo ako sa gitna ng sofa at nasa gitna at harap ko rin si Wade. Inaayos niya ang microphone.

    “Noah, maingay ito-“
    “Hindi, Reina. Ibang mga kanta yung kinuha namin. Hindi ganun ka ingay tulad nung si Stan ang vocals.”
    Tumango ako at nag-resume sa pagbabasa sa libro.

    Una yung guitar at drums sa pagtugtog. Kinilabutan ako. Hindi ko alam kung bakit pero patuloy parin akong nagbabasa ng libro kahit wala na naman talagang pumapasok sa utak ko. Tatlong beses ko na yatang binabasa ang isang paragraph dahil di na naabsorb ng utak ko.

    “Nitong umaga lang,
    Pagkalambing-lambing
    Ng iyong mga matang
    Hayop kung tumingin.”

    Hindi ko na naiwasan. Napatingin na ako sa harapan ko. Si Wade ay kumakanta gamit ang malamig at nakakapanindig-balahibo niyang boses. Tumindig lahat ng balahibo ko, hindi ko na alam kung dahil ba iyon sa perfect pitch niyang boses o dahil sa mga titig niya.

    Titig na titig siya sa mga mata ko nang kinakanta niya iyon.

    “O kay bilis namang Maglaho ng
    Pag-ibig mo sinta,
    Daig mo pa ang isang kisapmata.”

    Nalaglag ang panga ko. Nakakalasing ang pagtitig sa kanya. Yung tipong bawat bigkas niya ng salita ay bumabalandra ang dimples niya, bawat matataas na notes ay mas lalong na de-define ang perpekto at matangos niyang ilong. Hindi ko na kayang makipaglabanan sa kanya sa pagtitig. Para akong napupuwing sa tingin niya kaya’t uminit ang pisngi ko at nag-iwas ng tingin.

    “Shucks.” Bulong ko sa sarili ko.

    Parang kabayong tumakbo ang puso ko. Tinabunan ko ang mukha ko ng libro. Pero di ko mapigilan ang pagsulyap sa kanya kaya unti-unti ko rin tong binaba para tignan ang mukha niya. Nanlaki ang mata ko nang nakita kong nakangisi na siya at nakapikit habang kumakanta.

    Mas lalong bumilis ang pintig ng puso ko. Nakangiti siya hanggang matapos ang kanta. Dinilat niya lang ang mata niya nang natapos na ito at naabutan niya pa akong nakatitig sa kanya.

    Tumaas ang kilay niya kaya nag-iwas ulit ako ng tingin.

    “Okay na siguro.” Sabi ni Warren. “Diba Reina?” Tumaas ang kilay niya sakin.
    “Uhm… Oo n-naman.” Tumango ako at tinignan ulit ang aklat na binabasa. Di ko nga lang naiwasang sumulyap kay Wade na nakangiti paring nakatingin sakin.

    WHAT IS HIS PROBLEM?

    Nakataas ang kilay niya at nakangisi siya. Ngayon, sigurado akong walang tao sa likuran ko kaya ako talaga yung nginingisihan niya. Pinasadahan niya ng kamay ang buhok niya tsaka kinagat ang labi…

    Parang sasabog ang ulo ko sa kahihiyan. Hindi naman ito napansin ni Noah at ng kabanda niya dahil lumapit na agad sila doon sa meriendang nakahanda, pero itong si Wade, lumapit sakin.

    AYAN NA… AYAN NA…

    The question isn’t ‘What is his problem?’. It should be, ‘what is my freaking problem?’

    “May nakapagsabi na ba sayong sobrang obvious mong tumitig?”
    Napalunok ako. “Tumititig lang naman ako sayo kasi nakatitig ka r-rin.”
    Ngumuso siya at tumaas ang kilay niya, “Lahat ba ng lalaking tumititig sayo ay tinititigan mo rin?”

    Binaba ko ang aklat na ginagawa ko ng alibi para di siya balingan.

    “S-Syempre, tumitingin din ako sa inyo kasi nga audience niyo ako. Para ma feel mo na talagang andito ako as ‘audience’, hindi para tumambay lang.”
    Ngumisi pa siya lalo, “Talaga? Alin ba talaga sa dalawang excuse mo yung totoo mong alibi?”

    Uminit ulit ang pisngi ko. Hindi na ako makatingin sa kanya. Ito ang mahirap sa kanya, eh. Gwapo siya at alam niyang gwapo siya. Gagamitin niya ang kagwapuhan niya para inisin ako. Alam niya ang epekto niya sa mga babae. Kaya marunong siyang gumamit ng appeal niya panlaban sa amin. Pero bakit niya ba ako kinakalaban?

    “Seriously, what is your problem with me?” Tanong ko.
    Umiling siya at tinalikuran ako.

    Ayaw niya talagang sabihin sakin kung anong problema niya at bakit galit siya sakin gayung wala naman akong ginagawa sa kanya.

    Nilingon niya ako, ngayon, seryoso na ang mukha niya.

    “Nga pala… Yung nangyari sa CR. Wag mong ipagsabi. Alam kong ikaw yung tipong di makakapagtago ng lihim, pero umaasa akong hindi mo yun sasabihin.”

    WHAT? Are you kidding me? Pagkatapos mong humingi ng favor na wag ko yun ikalat ay bibigyan mo ako ng isang napaka judgemental na linya? Hindi ba ako marunong magtago ng lihim? Mukha ba akong tsismosa?

    Padabog kong nilapag ang libro. Hindi ako makapaniwalang sinabi niya iyon. Kahit na may galit siya sakin, ang kapal din ng mukha niyang sabihin sakin yun.

    “Wade, kain na tayo!” Sigaw ni Warren habang kinakain yung hinanda ng katulong namin.
    “Okay!” Sigaw ni Wade.

    “Wag kang mag alala, ipagkakalat ko yun.” Umirap ako sa kawalan at tinalikuran ko siya.

    Hindi ko yun ipagkakalat, of course pero ginalit ako ni Wade. Gusto kong mabagabag siya sa sinabi ko. Gusto kong iparamdam sa kanya yung inis na pinaparamdam niya sakin.

    Umalis ako sa music room. Pero bago ko masarado ang pinto ay may naramdaman akong tumakbo papunta sakin at hinila ang braso ko.

    “Please, Reina.” Sabi ni Wade Rivas.

    Kumunot ang noo ko. Ang kapal nito! Pagkatapos niya akong paglaruan at insultuhin, kaya niya pang humingi ng favor na ganun ang pagkakasabi.

    Umiling ako, “No.”

    Mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko.

    “Nagmamakaawa ako.” Aniya gamit ang seryosong mukha.
    Binusangot ko ang mukha ko at sinabing, “No.”
    Lumunok siya at tinignan akong mabuti.

    Ang unfair! Sobrang gwapo at sobrang lapit niya sa mukha ko. Nakakaconscious! Nakakakaba…

    “Gagawin ko ang lahat, wag mo lang ipagkalat iyon. Please… Reina.” Lumunok siya.

    Alam ko kahiyahiya ang malanding scene na iyon pero bakit ganito siya ka desperadong wag ko yun ipagkalat? At bakit buwis-pride siya sa bargain niya para sakin? Hindi ako mapagsamantalang tao, ayaw ko lang talagang may galit sakin ng di ko alam ang dahilan.

    “Be friendly with me, then.”

    His jaw clenched. Para bang being friendly with me was too much to ask. Kumuyom din ang panga ko sa inis sa ipinakita niyang reaksyon.

    Tinalikuran ko siya pero hinila niya ulit ang braso ko.

    “Oh Sige…”

    Ngayon, hindi ko na alam kung tama ba yung hiningi ko sa kanya. Mapipilitan siyang pansinin ako. Mapipilitan siyang kaibiganin ako. Mapipilitan siya sakin.

  • Kabanata 6Open or Close

    Kabanata 6
    Friendly

    Nagbabasa ako ng libro sa Philo pero yung isang kamay ko naman ay nakahawak ng isang lapis. Mahilig akong magsketch ng mga bagay. Hindi talaga pumapasok sa utak ko yung mga lesson ni Mr. Dimaano.

    Kumain ako ng fries at tuluyan ng binitiwan ang pagbabasa ng libro. Bakit kaya mas nasusunod ang mga gusto mo kesa sa mga kailangan mong gawin?

    “Pwede bang umupo dito.”

    Nilapag agad ng lalaki ang tray niya sa table ko. Nakatingin parin ako sa sketchpad. Bihira lana ang lumalapit sa akin. Kaya naman ikinabigla ko ang taong yun. Siguro talagang wala ng mauupuan.

    “Sure.” Sabi ko ng wala sa sarili.

    Nasa loob ako ng isa sa mga cafeteria ng school kaya inaasahan kong maingay. Pero bakit parang naging disyerto sa katahimikan ang isang ito? Naramdaman ko agad ang mga nanunusok na titig ng mga tao sakin.

    Napatingin ako sa lalaking kaharap kong ngayon ay parang wala lang na iniinom ang softdrinks niya.

    “Wade?” Nanlaki ang mga mata ko.

    May binili din siyang fries. Dinampot niya iyon at umambang ipapakain sakin. Uminit ang pisngi ko at napalingon-lingon sa mga tao.

    Ngumisi na naman siya pagkatapos ng ginawa ko.

    “Gusto mo ‘to, diba?” Tanong niya.

    “HA? Ano? Ang alin?” Dinapuan ako ng kaba.

    “Anong alin? Eto!” Sabay wagayway niya sa isang fries na nasa mukha ko.

    “OMG? Si REINA ELIZALDE AT WADE RIVAS?” May makapal ang mukhang bumulong nito kung saan.

    Sa sobrang tahimik ay maging ang mga bulungan ay naririnig ko na.

    Bumaling ako kay Wade at nakitang kumuyom ang panga niya. Galit na naman siya. Bakit?

    “Hindi… Uhm… May fries naman ako.” Sabi ko sabay turo sa fries ko sa harap niya.

    “Alam ko. Kaya nga sinabi ko gusto mo ‘to kasi umorder ka nito, diba? Kaya eto oh, sinusubo ko sayo.”

    “WHAT?” Kumunot ang noo ko.

    “Bakit? Sabi mo be friendly. I’m being friendly here.” Winagayway niya ulit ang fries na iyon.

    “Hindi nagsusubuan yung friends.” Sabi ko.

    Tumaas ang kilay niya, “Para sayo. Para sakin, nagsusubuan yung friends.”

    Sa sobrang init ng pisngi ko, pakiramdam ko sasabog na ang ulo ko.

    “A-Alright.” Marahan akong ngumanga.

    WHAT THE FREAK? Is this really happening?

    Ngumisi siya at dahan-dahang nilagay sa bibig ko ang fries. May narinig akong malalalim na pag hinga sa paligid.

    Nginuya ko ang fries na pinakain niya sakin. Pagkatapos kong ngumuya nun ay agad na may winagayway ulit siyang fries.

    “Wade, stop it.” Sumulyap ako sa paligid.

    Hindi nahihiya ang mga tao sa pagtitig samin. Paniguradong parang kidlat na maririnig ng mga kapatid ko ang tsismis na ito. Paniguradong huhusgahan ako kasi gwapo si Wade at hindi ako kagandahan. Wala na nga yung tigyawat ko pero may mga nagbabadya na namang umusbong.

    “Bakit naman?” Kumunot ang noo niya.

    Kahit galit siya, kitang-kita parin ang dimple niya. Pati yung ngipin niya, mas lalong nagiging klaro sakin ngayon… mapuputi ang mga ito at perpekto sa pagkahilera. He’s god-like. He’s the most beautiful man I’ve ever seen. Hindi ako nagbibiro. Maraming gwapo dito sa school pero ang isang ito, iba. Hindi vain, hindi maputi, hindi nakakasawa. He’s damn drop dead gorgeous. You just can’t have it all, huh? Kasi naman masama ang ugali niya… sakin…

    “They are staring at us. Please, stop it.”

    “Anong problema mo sa pagkakakita nila satin?” Binigyan niya ako ng nagtatakang ekspresyon.

    “Hindi mo ba nakikita?”

    “Ang alin?”

    Umiling ako at humilig sa upuan ko. Binaba niya ang fries na kanina niya pa winawagayway sa harap ko.

    “Kung napipilitan ka lang kasi sinabi kong ‘be friendly with me’, wag mo ‘tong gawin. Hindi naman ito ang hinihingi ko sayo. Yung gusto ko lang ay i-treat mo ako tulad ng pagtreat mo sa ibang classmates natin. Yung hindi inaasar. Yung normal. Cuz, I feel like you kinda hate me.”

    Ngumuso siya. What’s with his dimple? Kahit anong gawin niya nagpapakita iyon? Nakakadistract.

    “A-At hindi ko alam kung bakit.”

    Kinagat niya yung fries na dapat ay para sakin. Bumaling siya sakin pero nag-iba bigla ang ekspresyon niya.

    Tinitigan ko siyang mabuti. Kumabog ang puso ko dahil sa pagtititigan namin. Ilang sandali ang nakalipas ay narealize kong may tinitignan siya sa likuran ko.

    Unti-unti akong lumingon sa likuran ko at nakita ang isang batalyong sosyalera… kabilang doon si Zoey. In fact, siya ang center of attention. Kumakaway siya sa iabng sosyalera at maging sa mga lalaking pumapansin sa kanya. Kumikislap ang paligid niya nang tinitignan ko. Sobrang iksi ng soot niya at bouncy pa ang buhok habang naglalakad kasama ang mga magaganda din niyang mga kaibigan.

    “Oh, heto na pala ang girlfriend mo.” Bumaling ako kay Wade na ngayon ay seryoso ng nakatitig sakin.

    Kumaway ako sa mga mata niya.

    “Ako na ba yung tinitignan mo o yung babae parin sa likuran ko.”

    Kumunot ang noo niya.

    “I said, your girlfriend is here.” Ulit ko.

    Bumaling ulit ako kay Zoey na ngayon ay sobrang lapit na sa table namin. Nag-iiba din ang ekspresyon ni Zoey. Naging seryoso din siya pero hindi niya tinignan si Wade. Nagpabalik-balik ang tingin ko kay Wade at Zoey. Nakatingin lang si Wade sa softdrinks niya at nagkakagat-labi. Si Zoey naman ay nilagpasan ang table namin.

    “Nag-away kayo?” Tanong ko.

    Tinignan ako ni Wade.

    “Nag break?” Tanong ko.

    Hindi parin siya nagsalita.

    “Seriously? Sa loob lang ng tatlong araw? Nung isang araw, kakahuli ko lang sa inyong ano-“

    “Paano kami mag bi-break kung hindi naman kami?”

    Biglang tumayo si Wade sa table. WHAT? Hindi sila? Ano yun, naghahalikan sila kahit strangers? No, they’re not strangers, sinabi na nga ni Zoey na kilala niya si Wade.

    Sa sobrang gulo ng utak ko, huli na nang narealize kong umalis na si Wade sa table namin.

    “Seriously, bakit pakiramdam ko ang gulo ng life niya? Tss.” Sabi ko sa sarili ko at tinignan ang upuan niyang may cellphone.

    “WADE! Naiwan mo!” Sigaw ko pero di niya na narinig.

    Naku! Mahihirapan akong hagilapin siya kung di ko siya susundan kaya dinampot ko ang cellphone niya at sinundan siya. Ang bilis ng lakad niya. Marami pang mga estudyante kaya nahihirapan akong abutan siya.

    Pumasok siya sa isang building at gumamit ng stairs hanggang 6th floor. Pagkarating ko ng 6th floor ay naabutan ko na siyang binubuksan ang pintuan ng rooftop.

    “WADE!” Sigaw ko.

    Tuluyan na siyang pumasok doon. Tumakbo ulit ako para sana abutan siya. Seriously, anong gagawin niya dito sa rooftop?

    Bumagal ang pagtakbo ko nang unti-unting narealize at napagtagpitagpi ang puzzle ng buhay ni Wade.

    Si Zoey… ang naghihintay sa kanya dito sa rooftop. Hindi ko alam kung paano ko iyon napagtanto pero yun ang pinakamatindi kong hula.

    Sumilip ako sa pintuang hindi naisarado ng maayos.

    “Stop staring at me, Wade! Sabi ko naman sayo, layuan natin ang isa’t-isa sa publiko.”

    “I’m not staring at you. Si Reina ang tinitignan ko. Anong ikinagagalit mo?”

    Napatalon ako nang narinig ko ang pangalan ko.

    “Oh! You liar! I know how much you want me… And you know how much I hate your lies. Ugh!” Itinulak ni Zoey si Wade.

    Napaatras si Wade sa ginawa ni Zoey. Mabilis na naglakad si Zoey papuntang pintuan kaya agad akong tumakbo at nagtago malapit sa elevator.

    “Alam mong ayaw ko ng may nakakaalam ng tungkol satin. Kaya wag na wag mong ipagkakalat, Wade Rivas!” Mataray niyang sinigawan si Wade bago tumakbo pababa ng stairs.

    Sasabog na yata ang utak ko sa sobrang dami at kulang na impormasyong nakuha ko. I’m not nosy but somehow, pakiramdam ko kasali ako sa pagtatalo nila.

    Hindi agad lumabas si Wade sa rooftop. Naisip kong hintayin na lang ang paglabas niya, tutal ay mejo matagal pa ang pasok ko ngayon. Kaya lang, naisip ko ring pasukin na lang siya sa loob ng rooftop, baka depressed at tumalon galing rooftop… Ay, ewan na, pinasok ko na lang.

    Nakita kong tulala siya at magulo ang buhok. Nakasandal siya sa dingding ng pintuan. Nakaupo siya sa sahig at nakalagay ang braso niya sa tuhod.

    “Wade.”

    Bumaling siya sakin at suminghap.

    “Uhmmm… Naiwan mo ang cellphone mo.” Ipinakita ko sa kanya ang cellphone niya.

    Umirap siya at tumingin ulit sa kawalan, “Bakit mo ako sinundan? Babalikan naman kita dun.”

    Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Bakit kaya iba ang dating sakin nun? Masyado akong nawindang sa isinagot niya. Natagalan tuloy ako bago nagsalita ulit…

    “Uhm… Iwan ko na lang ito dit-“

    “Narinig mo ba?” Tanong niya sakin. “Yung usapan namin?”

    Napalunok ako, “K-Konti.”

    Pumikit siya at suminghap. Kahit malungkot, nakikita parin ang dimple niya. Kahit malungkot, nakakabighani parin siya. In fact, habang kinukurot ang puso ko dahil sa pagiging malungkot niya, mas lalo akong nahahatak sa kanya… Mas lalo akong na cu-curious. Kahit na masungit siya sakin, nararamdaman ko parin yung kabaitan niya.

    What is with you, Wade Rivas? I want to know… everything.

  • Kabanata 7Open or Close

    Kabanata 7

    Bakit Naman Kaya?

    Yes, I want to know everything about him. Pero paano? Kung itatanong ko sa kanya baka magsungit lang iyon. Pag i-stalk ko naman siya, lagot ako pag nalaman niya.

    “Reina, I’ll take you home later. Alright? Wag ka munang umuwi.” Sabi ni Rozen sakin nang nagkasalubong kami.

    Tumango ako, “Okay, I’ll wait. Nasa benches lang ako. Just text.”

    Kakatapos lang ng klase ko at ipinapahintay na agad ako ni Rozen. Sana talaga payagan na ako ni daddy na gamitin yung kotse ko. May kotse na talaga ako pero paranoid sila, ayaw ipagamit sakin.

    “Reina, mag sit in ka na lang sa class ko.” Anyaya ni Coreen.

    Umiling ako, “Naku! Dalawang oras yan, diba? Wag na. Kasi baka magalit si Rozen sakin pag wala ako dito sa benches.”

    Sumimangot si Coreen. “Haay naku! Hayaan mo na yang kapatid mo.”

    Umiling ulit ako, “Okay lang. Makikinig na lang ako ng music tsaka mag i-sketch.”

    Ngumisi si Coreen. “Ako yung i-sketch mo ah?”

    “Okay.” Tumawa ako.

    Masaya niya akong nilubayan. Tinahak ko naman ang daanan sa gilid ng soccerfield. Paborito ko kasing lugar ng school ay ang benches malapit sa field. Mahangin kasi at maganda ang tanawin dito. Malayo pa lang ako, kitang-kita ko na na walang nakaupo sa bench na gusto ko. Mabilis akong naglakad.

    Naka cross-fingers pa ako at nag cha-chant: Sana walang umupo-Sana walang umup…

    PAK!

    Mabilis ang pangyayari. Natigilan ako sa paglalakad ko nang may isang lalaking tumama bigla sa paborito kong bench.

    “OH MY GOOOOD!” Sigaw ng mga tao.

    Napasigaw na rin ako at napahawak sa dibdib ko. Hindi pa ako nakakita ng mga ganitong klaseng eksena. Pinalibutan agad yung lalaki ng mga tao. Nakita kong gumulong ang bola kung saan.

    “Sorry, ‘tol!” Tumakbo papalapit ang mga soccerplayers sa kasama nilang tumama sa bench.

    “Tabi! Tabi!” Sigaw ng iba sa mga usisero.

    “Sorry, Reina!” Napakamot sa ulo ang namumutlang soccerplayer sakin.

    Napalunok ako at napaturo sa sarili.

    “Ako? Bakit?”

    “Tatamaan ka sana ng bola. Buti sinalo ni Wade. Damn!” Sabi nung soccerplayer.

    WHAT? Lumapit ako sa scene at nakita kong hirap na tumayo si Wade habang iniinda ang sakit ng tiyan niya.

    “Lagot! Dalhin na sa infirmary!” Sabi ng isang babae.

    “Wade, are you alright?” Tanong ng isa.

    “Dalhin niyo siya sa infirmary!” Sabi ng isa pang babae.

    Dinumog ng babae sa Wade. Hindi ako nakagalaw sa sobrang windang. Marahan siyang naglakad at nakaakbay sa mga pumapalibot sa kanya. Tinulungan din siya ng mga babaeng nakikiusisa. Yung isa pa sa kanila ay panay ang mura sa sumipa ng bola.

    “Sorry na, hindi ko sinasadya. Ang bilis kasi ng pangyayari-“

    “Kung anong mangyari kay Wade? Sana ikaw na lang yung tumama sa concrete bench! Leche!”

    “Oo nga! Siguro may galit ka sa kanya?”

    “Hindi niya naman kailangang saluhin yung bola.” Napatingin sila sakin. “Pero kung di niya sinalo, tatamaan si Reina.”

    “Reina…” Basag ang boses ni Wade dahil sa sakit na naramdaman sa tiyan niya.

    Natuyo ang lalamunan ko. Ni pangalan niya, di ko mabanggit.

    “Okay ka lang ba?” Dagdag niya.

    Kumunot ang noo ko at nilapitan siya,”Of course, I’m okay!”

    Sumama ako sa pagdala sa kanya sa infirmary. Walang pumapansin sakin. Walang nagagalit pero alam kong palihim nila akong nililigo ng mura dahil sa nangyari kay Wade. Nagulat talaga ako sa ginawa niya. Ni hindi ko alam na naglalaro siya ng soccer!

    May naabutan pa akong umiiyak sa labas. Hindi na ako pumasok kasi marami ng pumasok sa infirmary para icheck si Wade.

    “OMG! Na dislocate daw yung rib niya.” Sabay iyak ng isa sa mga babaeng nag wala kanina sa field.

    Nanlaki ang mga mata ko. REALLY? Like, really? He saved me… tapos… napahamak siya? OMG!

    “C-Can I… uhm…-” Hindi ko madagdagan ang sinabi ko kaya tinuro ko na lang sa nurse ang pintuan.

    “Sure.” Tumango siya sakin.

    Binuksan ko agad ang pinto. Nadatnan ko si Wade na nakangisi sa nurse na naglalagay ng bandage sa tiyan niya. Wala na yung t-shirt niya at lumabas talaga ang mata ko sa nakita kong hubog ng katawan niya. WHAT THE? Alam kong malutong ang katawan niya pero hindi ko alam na sa sobrang lutong halos marinig ko na ang bawat flex nito.

    Uminit ang pisngi ko. Namalayan niya naman agad ang pagpasok ko. Nang tumingin siya sakin ng nakangisi, nag-iwas na lang agad ako ng tingin. Humalakhak siya at…

    “Aray…” Sa gitna ng paghalakhak niya ay napapapikit siya sa sakit.

    Humalakhak din ang nurse na pumupulupot sa bandage. Nakatingin ang nurse sa kay Wade pero si Wade naman ay nakatitig sakin at parang tangang nakangisi parin.

    “Wade, b-bakit mo ako sinagip?” Tanong ko nang nakalapit ako.

    Humalakhak ulit siya, “Arayyyy… wag mo nga akong patawanin! Kanina ka pa.” Tumawa ulit siya at napapikit na sa sakit.

    Humilig siya sa higaan ng infirmary at tumingala. Natigilan ang nurse na umaasikaso sa kanya at nalaglag ang panga.

    SHIT! May abs ang mokong! Putspa! Kajirits! Talagang tinitigan ng nurse ang abs ni Wade.

    “Ehem… Hindi pa ba yan ho tapos?” Tanong ko.

    Nilingon ako ng batang nurse at nakita kong namula siya.

    “Patapos na.” Aniya at agad binilisan ang pag iikot sa bandage.

    “Okay.” Sabi ko.

    Nakatoon lang ang titig ko sa nurse. Nakakasilaw kasi ang katawan ni Wade. Hindi ko kayang tignan ang itsura niya na ganun. Naalala ko yung scene sa CR kahit hindi naman ganito ang posisyon niya nun. WHY?

    Inalog ko ang ulo ko tsaka bumaling sa nakangisi paring si Wade. Kinilabutan ako sa ngisi niya. Hindi ko naman alam kung bakit…

    “Tapos na.” Ngumisi ang nurse kay Wade.

    Bumaling si Wade sa nurse at ngumisi din.

    Now, I’m not sure if he’s friendly or just a shameless flirt!

    “Kailan naman kaya ito maayos?” Nakangising tanong ni Wade sa nurse.

    “Hmmm. Depende. Tanungin mo na lang yung doktor nanag examine at nag x-ray. Mabilis lang yan. Hindi naman napuruhan.”

    Pinasadahan ni Wade ng palad niya ang buhok niya.

    “Makakaapekto ba ito sa pagkanta ko?”

    “Hindi… Just don’t move too much pagkumakanta ka at wag ka ring sumigaw.”

    Tumango si Wade at ngumisi ulit, “Tapos ano… Makakaapekto ba ito sa sex life ko?”

    WAIT… WAIT A MINUTE? WHATTTTTTTTTTTTTTTTTTTTT?

    Uminit ang pisngi ko. Napatalikod ako sa sobrang hiya sa tanong niya. I know, I should be used to horndogs since yung dalaw kong kapatid dumaan o dumadaan sa stage na yan. Pero hindi naman ganito ka bulgar tulad ni Wade!

    Hinawakan ko ang pisngi ko at napatingin sa pintuan.

    Umalingawngaw ang tawa ni Wade at kasunod nito ang reklamo niya sa sakit, “Ahhh! Shit! Ang sakit!” Tumawa ulit siya.

    “A-Ah? S-Sex life? H-Hindi n-naman. Uhm… Wag ka lang siguro m-masyadong g-gumalaw?”

    WOW! Dinig na dinig ko ang pagkakautal ng nurse sa tanong ni Wade.

    “Huh? Paanong di gagalaw?”

    Umalis na ako sa sobrang hiya at sobrang init ng pisngi. Papalapit na ako sa pintuan nang naririnig ko na naman ang unti-unting pagtawa ni Wade kahit di niya pa natatapos ang sinasabi niya.

    “Ibig sabihin bawal akong mag-” Hindi niya na natapos sa sobrang tawa niya. “Araaaay! Shit naman!”

    “U-Uh? Oo. S-Siguro. Tanungin ko lang ang doktor. E-Excuse me…” Sabi nung nurse at umalis na.

    Hinawakan ko ang doorknob ng pintuan at, “Excuse me rin, Wade.” Mapapaexcuse talaga ako dahil sa topic nila ng nurse na iyon.

    “Huh? Reina! I saved your life. Dapat dito ka lang. Please.” Hindi parin humuhupa ang halakhak niya.

    Pumikit ako at unti-unting sinarado ang pintuan.

    “Thanks, Wade. Pero hindi naman siguro ako mamamatay kung natamaan ako ng bola.” Sabi ko at tumingin na lang sa weighing scale.

    Hindi ko kayang tignan ang heat-inducing body niya.

    “Oo, pero pwede kang ma amnesia.” Tumaas ang kilay niya.

    Umiling ako, “Hindi rin. Ang OA, huh?”

    “O, sige. Ayaw mo bang sinalo ko yung bola para sayo kasi ‘friends’ tayo?”

    Humugot ako ng malalim na hininga, “Friends don’t always do that…”

    “Para sayo. Para sakin, ganun yun.” Ngumuso siya, nagpipigil na naman siguro ng tawa.

    Kumunot ang noo ko, “Bakit ka natatawa?”

    Humagalpak ulit siya sa pagtawa, “Aray! Shit! Reina! Wag mo ngang gawin sakin ‘to?”

    “HUH?”

    “Ang cute mo kasi.” Tinitigan niya ako.

    Nagkatitigan kami.

    Umayos siya sa pag-upo kaya kitang-kita ko ang kabuuan ng dibdib at abs niya. Kahit na may bandage, sumisilip parin yung kagaguhang heat-inducing abs. Uminit ang pisngi ko at nag-iwas tingin ulit.

    Tumawa ulit siya.

    “Wade! Stop laughing!” Sabi ko.

    Ang hilig niya talagang paglaruan o inisin ako. Hay naku! Siguro natutuwa siya kasi ampanget ko at tuwing namumula ako, mas lalo akong nagiging pangit! OMG!

    *KRING!-KRING!*

    Hinalughog ko agad yung bag ko at hinanap ang tumutunog na cellphone. Rozen’s calling!

    “Hello?”

    “Reina, where are you!? Sinuyod ko na ang buong benches ng school, wala ka. Di ka pa nag rereply sa texts ko-“

    “Uhm… Nasa infirmary ako-“

    “What? Are ypu alright? Anong nangyari?”

    “I’m okay. Hindi ako. May hinatid lang ako dit-“

    “Okay, nasa parking lang ako. Bilisan mo na.”

    Binaba agad ni Rozen ang cellphone. Tinitigan ko na lang ang screen na kaming dalawa ni Coreen ang wallpaper.

    “Hey, uhmmm, okay ka lang ba dito?”

    Napawi ang ngisi ni Wade.

    “I need to go. Nag aantay na ang kapatid ko.”

    Ngumuso siya at mukhang nag-isip, “Sinong kapatid?”

    “Si Rozen. Rozen Elizalde. Kilala mo?”

    Umiling siya, “Iiwan mo ako dito para sa kanya?”

    “H-Huh? Uhm… No. Wala kasing maghahatid sakin sa bahay. Siya lang kaya…”

    “Okay. Alam ko. Sige na.”

    I actually don’t want to leave.

    Hinawakan ko na naman ang doorknob at sinulyapan siya.

    “I’m sorry for this, Wade. Sorry talaga. Babawi ako.”

    Tumango siya at seryoso parin ang mukha hanggang sa pinagsarhan ko na siya ng pintuan.

    Nandoon parin ang mga babaeng nagdala sa kanya dito.

    “Kamusta siya, Reina?” Tanong ng hindi ko kilalang babae.

    Okay, I’m used to it. Laging may nakakakilala sakin kahit di ko kilala.

    “He’s okay…” Ngumisi ako.

    Napabuntong-hininga silang lahat.

    “Pwede bang pumasok?” Tanong ng isa.

    “I’m not sure… pero pwede na-” Hindi pa ako natatapos sa sinasabi ko ay dinumog na ang infirmary.

    Napatingin ako sa pintuang pinasukan ng mga babae. Wade Rivas: Sometimes he’s hot… sometimes he’s cold. Pinagtatawanan niya ako at iniinis pero may kabaitan ding tinatago sakin. He’s also green. Napaisip tuloy ako kung bakit niya naitanong sa nurse yun kanina. Hindi ako masosorpresa kung ginagawa nila iyon ni Zoey. Maybe, they’re secret lovers.

    Weird… Nanghihina ako pag naiisip ko yun. Si Wade, nasasaktan kasi ayaw ipaalam ni Zoey yung relasyon nila. Bakit naman kaya?

    Alam niyo kung bakit?

    “Rozen, sorry natagalan ako-“

    Umiling si Rozen at pinagbuksan ako sa likod ng sasakyan niya.

    “Huh?” Tumaas ang kilay ko. “Di ba dala ni Noah yung sasakyan niya?”

    “It’s not Noah, Reina.” Ngumisi siya.

    His own evil-smile.

    “Kung ganun, sino?” Sumulyap ako sa loob para tignan kung sinong nasa front seat.”

    “This is Zoey, Reina. Do you know her?”

    Kumaway si Zoey pero nakita ko ang pamumutla niya.

    “Of course.”

  • Kabanata 8Open or Close

    Kabanata 8

    Nasasaktan Ako

    Natuyo ang lalamunan ko dahil sa nalaman ko. Rozen is with Zoey? Really?

    Kilala ko si Zoey dahil iisa kami ng school noong highschool. Magkabatch kaming dalawa. Transferee siya galing daw sa probinsya kaya naman hindi niya naabutan si Rozen. College na kasi si Rozen nang nag transfer siya.

    “Uhm… Saan kayo nagkakilala, Rozen?” Tanong ko.

    Tahimik kasi masyado habang nag di-drive siya.

    “Sa bar.” Cool niyang sinagot.

    Nakita kong inayos ni Zoey ang buhok niya. Lumunok siya at napaawang ang bibig nang nakatingin sa kalsada.

    “Zoey, hindi mo naman sinabing magkaibigan na pala kayo ni Rozen.” Ngumisi ako.

    Sumulyap si Zoey sakin.

    Ngumisi din siya pero maputla parin, “Oo nga, nahihiya lang ako.”

    “Ahh!”

    Sumulyap si Zoey kay Rozen at napalunok.

    Yes… I don’t freaking care for Rozen. Hindi pa siya kailanman nasaktan ng isang babae at pakiramdam ko, hinding-hindi siya masasaktan dahil sa sobrang pagkaplayboy niya. Iba-iba ang girlfriend nito buwan-buwan. Okay sana kung tinatawag niyang ‘girlfriend’, kaso hindi eh… Magmumukhang girltoy ang nagiging kasama niya.

    Yung iniisip ko ay si Wade. Napagtagpi-tagpi ko na rin sa wakas ang lahat! Tinanong ako ni Wade kanina kung sinong kapatid ang susundo sakin. Sinagot ko siya at nakita kong nag-iba ang ekspresyon niya. Ayaw ni Zoey na may makaalam sa nangyari sa CR. Siguro ay ganito: May gusto si Wade kay Zoey pero ayaw ni Zoey kay Wade. Ayaw niya? Paanong ayaw niya eh sabik na sabik siya kung halikan si Wade doon sa CR? Halos magkagutay-gutay yung damit ni Wade doon.

    Naalala ko naman yung scene sa rooftop. Naalala ko yung mukha ni Wade pagkatapos siyang awayin ni Zoey.

    Kumulo ang dugo ko habang tinitignan ang mga sasakyan sa labas. Wade is Zoey’s freaking slave! Mahal ni Wade si Zoey pero ayaw ni Zoey kay Wade! Mabait si Wade kaya ayaw niyang guluhin si Zoey in public. Hinahayaan niya si Zoey na lumandi sa iba!

    “Alam mo ba, Zoey, nadislocate ang rib ni Wade, kanina. Nagsoccer kasi siya kanina tapos sinalo niya yung bola. Sumalpok siya sa concrete bench kaya ayun…”

    Let’s try her reaction, huh?

    “Ha? Si Wade Rivas?” Maputla niyang sinulyapan si Rozen.

    Nakita kong nakakunot ang noo ni Rozen at nagmaneho ng seryoso. Para bang di siya nakikinig.

    “Oo. Dinala siya sa infirmary kanina. Diba pareho kayong taga Alegria?”

    Sinulyapan ulit ni Zoey si Rozen, “Ah! Yes! Nag tatrabaho siya sa farm ng daddy ko, kaya ko siya kilala. C-Classmate din kami nung highschool bago ako lumipat sa Maynila.”

    Naningkit ang mga mata ko.

    “Kilala mo lang siya kasi nagtatrabaho sa farm tsaka classmate?”

    Hilaw ang ngiti niya nang sinulyapan ako, “O-Oo naman. We’re friends. Kawawa nga siya, kasi malayo siya sa pamilya niya. Nasa Alegria lang kasi ang mama at papa niya, pati yung bunso niyang kapatid. Alam mo na… buhay probinsya.”

    Humalakhak si Rozen sa sinabi ni Zoey, “Probinsyana ka rin naman.”

    Mas lalong namutla si Zoey, “Noon yun, hindi na kaya ngayon!” Tumawa si Zoey pero naramdaman ko parin ang pagkakailang niya sa sinabi ni Rozen.

    “Reina…” Bumuntong-hininga si Rozen. “You brought that guy to the infirmary?”

    “Yup. He saved me, kuya.” Sabi ko.

    “Uh-huh…” Hindi na sinundan pa ni Rozen ang tanong niya.

    Tinitigan ko si Zoey na namumutla parin. Baka maubusan ito ng dugo sa sobrang pamumutla, ah? Now, I get the whole frame… She’s a social climber! The biggest social climber in the world! Mahirap o commoner sina Wade at nangangarap siyang mapabilang sa mga malalaking kulugong na social climber sa balat ng Manila! Gusto niyang maging girlfriend ng kapatid kong isa sa pinakamagastos na tao sa mundo!

    “May lakad pa ba kayo, Rozen?” Tanong ko pagkababa ko sa sasakyan.

    Hindi niya kasi pinasok ang sasakyan sa gate kahit na nakabukas ito.

    “Yup. Ikaw na magsabi kay Dashiel.”

    Sumulyap ako kay Zoey na sa ngayon ay tulala. Hindi siya makatingin sakin.

    “Alright, then. Surely.”

    “Thank you, baby.”

    “Bye, Zoey.” Sabi ko kahit na unti-unti na akong naiinis sa babaeng ito.

    Kaya niyang manakit kay Wade Rivas para lang sa pagkasosyalera niya!? WTF? Halos ideny niya na kilala niya si Wade, samantalang ang isang iyon ay wasak dahil hindi siya pinapansin sa loob ng school! Nagkukunwari silang di magkakilala para lang sa kapritso ng makating iyon! WTF? He saved my freaking head from that ball, ang bait niya kahit masungit siya.

    Then it struck me… Of course, masungit siya dahil kilala niya ako, “Reina Carmela Elizalde”.

    Alam niyang kapatid ko si Rozen. Noon pa man, alam niya ng may something kay Rozen at Zoey. Nasasaktan siya kaya ako ang binabalingan niya! Although, ngayon, nag iimprove na ang trato niya sakin… hindi ko parin maiwasan ang mga conclusion ko.

    I HATE HER!

    Hindi talaga matanggal sa isipan ko ang sabik na panghahalik at pag atake niya kay Wade sa CR! I know Wade is ‘probably’ green, pero at least siya seryoso! DAMN!

    Napahinga ako ng malalim pagkatapos kong sabihin ang lahat ng iniisip ko kay Coreen.

    “Ang lantod naman pala ng babaitang yun! Grabe! Torn between Wade Rivas and Rozen Elizalde ang peg? Sino siya, siniswerte? Ha! That’s just crazy, Reina. Di kaya nag o-over react ka?”

    Siniko ko agad si Coreen.

    Nakikita ko kasing si Pumapasok si Wade sa gate.

    Makikita mo ang paglingon ng mga babae, pati na rin ng mga lalaki sa kanya. Hindi niya namamalayan ang lingering stares ng mga nakakasagupa niya papasok sa school.

    “He’s really a god! Next to Noah!” Nakakabinging tumili si Coreen kaya siniko ko ulit siya. “Aray, ano?”

    “Tignan mo…” Itinuro ko si Zoey at Rozen na magkasama.

    Ilang hakbang na lang ay magkakatagpo silang tatlo.

    “Love triangle at it’s best.” Ngumisi si Coreen.

    “No, Coreen. Rozen is hardly smitten for goodness sake. Kilala mo ba si Rozen?”

    “Of course no! Yung tinutukoy ko ay kayong tatlo. Zoey, Wade and you…”

    Nagkasalubong ang kilay ko.

    “Aminin mo, Reina. You’re curious about him. You care for him. You like him.”

    Napaatras ako sa mga bintang ni Coreen.

    “No, Coreen. Nagtaka lang ako kasi nga ayaw niya sak-“

    “I know that feeling, Reina. I know that too well.” Nag evil-smile siya sakin.

    Magkakatagpo na sana silang tatlo nang biglang bumagal ang paglalakad ni Wade. Bumagal ito hanggang sa lumiko na siya.

    “Shucks! Tingin ko nakita niya yung dalawa kaya siya lumiko.” Tumango-tango si Coreen.

    Nanliit ang mga mata ko. It’s really hard for him. Kawawa naman siya. Naiinis ako kay Zoey… I want to make her life a living hell pero hindi ko alam kung paano ko yun gagawin.

    Pumasok kami sa klase namin kay Mr. Dimaano. Ayan na naman… ayaw ko na. Kakapasok ko lang tinitignan ko na ang wrist watch ko, chinicheck kung malapit na bang mag time.

    Umupo agad ako. Ilang sandali pa bago pumasok si Wade. Kasama niya pala sina Warren at Noah. Umalis agad si Coreen para tignan sila sa labas. Kinuha ko na lang ang papel kong may assignment. Isang yellow pad, i-explain daw ang mga principle at irelate ito sa isa pang principle at paano iyon makakaapekto sa araw-araw mong pamumuhay.

    Dumugo ang ilong at tainga ko sa sobrang haba ng isinulat ko kagabi.

    “Reina, may assignment ka na?” Napatalon ako nang narinig ko ang boses ni Wade sa likuran ko.

    Tumindig ang balahibo ko. Kinikilabutan na naman.

    “Oo, eh. Pero hindi ako sigurado.”

    Ipinakita ko sa kanya ang papel ko. Kinuha niya iyon, agad ko sanang babawiin pero itinaas niya na ito at mabilis na binasa ang mga nakasulat. Sobrang bilis niyang magbasa, pinagmasdan ko talaga ang takbo ng mga mata niya pababa ng papel ko.

    “Wade, tama na, nakakahiya!” Sabi ko.

    Ngumisi siya sa gitna ng pagbabasa. That. Smile. Ugh!

    “Wade!” Sinubukan kong abutin iyon, napahawak tuloy ako sa dibdib niya.

    Nabigla ako nang naramdamang ang init ng dibdib niya!

    “Ow!” Napahawak siya sa tiyan niya.

    “Hala! Sorry! Nakalimutan ko!” Sabi ko at nagpanic na.

    Oo nga pala, may masakit nga pala sa rib niya.

    “Sorry!” Sabi ko ulit.

    “Ang sakit!” Inda niya.

    “Saan?” Tanong ko.

    Hinawakan niya ang kamay ko at nilagay iyon sa ibabaw ng mismong abs niya. Mainit ito at matigas. Uminit ang pisngi ko.

    “Dito.” Ngumisi siya.

    Binawi ko ng parang napapaso ang kamay ko.

    Tumawa agad siya ng pagkalakas-lakas.

    Napatingin tuloy ang mga kaklase namin. Tinalikuran ko siya at tinakpan na lang ang mukha sa kahihiyan. Bakit ang hilig niya talagang inisin ako? Ugh!

    “Ouch! Shit!” Pumalatak siya.

    “Yan! Bagay sayo!” Bulong ko.

    “Anong sabi mo?” Pabiro niyang tanong. “Sinong bagay sakin?”

    “Whut? Ay ewan ko sayo!” Sabi ko.

    Humalakhak ulit siya at tumayo. Bigla siyang umupo sa upuan ni Coreen.

    “Why are you here? B-Balik ka na dun sa likod.” Sabi ko.

    “Bakit? Grabe ka naman. May ituturo lang ako sayo dito sa assignment.”

    “Huh? May mali ba?” Tanong ko.

    Nabigla naman ako sa ipinakita niya sakin.

    “Konti.” Itinuro niya ang maling paragraph ko.

    Binigyan niya rin ako ng ideya kung paano ko gagawing tama iyon.

    “Sige na… Kahit na bitamina sa mata pag pinapagalitan ka ni Mr. Dimaano, kahit paano ayaw ko paring bumagsak ka.”

    Sinapak ko ang braso niya.

    “Nakakainis ka!” Sabi ko pero nakangisi.

    Ngumisi din siya.

    “Ehe-ehem…” Sabi ni Coreen sabay kalabit kay Wade.

    Agad tumayo si Wade ng nakangisi. Nahiya agad ako lalo na nang nakita ko ang nanunuyang mga mata ni Coreen.

    Sinulat ko na lang ang assignment ko. Ayan na naman ang mga titig niya saking kahit nakatalikod ako ay nararamdaman kong nanunusok.

    Sumulyap ako kay Wade para kumpirmahin ang titig niya. Nabigla ako nang naabutan ko siyang nakatitig nga sakin ng nakahalf-smile at nakataas ang ballpen. Nakabalandra na naman ang dimple niya at mukhang kanina niya pa ginugulo ang buhok niya. Nang nakita niya ang pagtitig ko ay nag-iwas agad siya ng tingin.

    Nanliit ang mga mata ko sa reaksyon niya. Nagkibit-balikat ako kahit dinig na dinig ko na ang puso ko. Damn, Coreen’s right, I like him. Kahit na suplado siya, alam kong totoong tao siya. At nasasaktan ako para sa kanya… nasasaktan ako sa ginagawa ni Zoey sa kanya.

  • Kabanata 9Open or Close

    Kabanata 9
    Pwedeng Dalawa

    Sinusuklay ni Coreen ang buhok ko. Gusto niyang laging hinahawi ang bangs ko.

    “Pahabain mo na ang bangs mo, Reina. Mas lalo kang gaganda kung gagawin mo iyon.” Aniya.

    Umiling ako, “Still the same, Coreen. Mabuti na ngang meron akong bangs para maitago ko ang pimples ko.”

    Huminga siya ng malalim at hinarap ako, “Hindi ba talaga kailanman sumagi sa utak mo na maaring nagkakapimples ka dahil sa bangs mo? Tsaka… Magpaderma ka kaya para mawala na yang nirereklamo mong pimples.”

    Pinag-isipan kong mabuti ang sinabi ni Coreen. Tama siya. Ngayong masyado akong naiinis sa buhay ng mga tao sa paligid ko, gumawa kasi ako ng plano. Hinding-hindi yun mangyayari kung hindi ako mag-aayos. Kailangan kong i-improve ang sarili ko.

    “Sigurado ka ba talaga diyan sa plano mo? Hindi ba iyan magba-back fire?” Tanong ni Coreen nang napag-usapan ulit namin iyon.

    “Hmmm. No.” Naghanap ako ng mga susootin papuntang mall samantalang, sinusuyod naman ni Coreen ang sketches ko.

    “Paano kung mainlove ka kay Wade?” Tanong niya.

    “I know he’s off limits. He’s in love with someone else, Coreen. Kaya pagkatibok pa lang ng puso ko, papatahimikin ko na agad.”

    Pinagmasdan niyang mabuti ang isa sa mga sketch ko.

    “It’s not some switch, Reina, na pwede mong i-off kung ayaw mo sa mga nangyayari.”

    Natigilan ako sa sinabi ni Coreen. “Mainlove man ako sa kanya, alam ko namang hindi magiging kami.”

    “Bakit?” Napatingin siya sakin.

    “Dahil may gusto siya sa iba. I don’t think I can steal his heart, Coreen. Kaya niyang maglihim para kay Zoey. Diyan pa lang, alam kong mahirap ng talunin at i-divert ang pagmamahal niya.”

    Tumango si Coreen.

    Kakatapos ko lang magbihis. Ito ang unang pagkakataong naramdaman kong confident ako sa sinusoot ko. Sleeveless ruffled top, shorts atsaka flats. Hindi ako ganito manamit noon dahil nahihiya ako, hindi ko alam kung anong sumapi sakin at nakaya ko ito ngayon.

    “Ganyan dapat yung mga damit mo, Reina. Naku! Ayan, kompletong designer ka na!” Tumawa si Coreen.

    Nagmadali akong pumunta sa kwarto nina Mommy at Daddy. Hindi ko na pala kailangang pumasok kasi kakalabas lang nilang dalawa. Naka jacket si mommy at daddy. This isn’t their usual outfit. Palaging naka suit si daddy at naka dress si mommy.

    “Mom, dad, may lakad kayo?” Tanong ko.

    Obviously, may dala silang bag.

    “Travelling?” Tanong ko.

    “Reina, may pupuntahan lang kami sa probinsya. Sa Camino Real.”

    Tumaas ang kilay ko, “Saan yun?”

    “Around 9 hours away from Manila.” Sabi ni mommy. “Take care of your brothers, alright? May tinitignan kaming lupa dun para sa negosyo.”

    Tumango ako, “Okay po. Kailan ang balik niyo?”

    “Depends, baby.” Sabay tapik ni daddy sa ulo ko. “Oh, saan kayo pupunta ni Coreen?”

    Nilingon ko si Coreen na ngayon ay umuupo na doon sa sofa at nagbabasa ng magazine.

    “Mall po sana. Magpapa derma din siguro ako tsaka mamimili.”

    “Really?” Malaki ang ngisi ni mommy sa sinabi ko.

    “Opo. Sinong driver po ba ang available?” Tanong ko.

    “Tatlong driver ang dadalhin namin dun, Reina. Well, let’s try-” Kinuha ni daddy ang cellphone niya para siguro tumawag sa opisina at makapaghanap ng driver pero tinapik ni mommy ang braso niya. “Let her drive, dad.”

    Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni mommy. Napalingon din si Coreen sa sinabi ni mommy.

    “WOHOOOOOOOOOOOOOO!” Napasigaw ako nang nakawala na sa automatic naming gate.

    JUSMIYO! EMBRACE FREEDOM! For the first time in history, pinayagan ako nina mommy at daddyng mag drive!

    “WOHOOOOO!” Napasigaw din si Coreen. “Grabe! Nakakainggit! Kung sana may isa pa kaming kotse, ako na talaga mag dadrive!”

    Malaki ang ngisi ko habang nagda-drive kami. Maingat akong magdrive pero sa sobrang excited ko, bumilis.

    “Hoy, Reina! Aatakihen ako sa puso!” Sigaw ni Coreen.

    Nakapagseatbelt siya ng wala sa oras. Tumawa na lang ako at nagpark na.

    Una naming pinuntahan ang dermatologist. Tama si Coreen, maaring yung bangs ko nga ang dahilan ng pagiging ma-pimple ko. Binigyan ako ng sabon at kung anu-ano pa ng derma. Mahirap magpa-ganda. Natesting ko rin yung peeling chaka nila. Weird. Hindi ako maalaga sa katawan noon pero ngayon, parang ginaganahan ako.

    “Next stop… Salon!” Hinatak ako ni Coreen papuntang salon.

    Ang full bangs ko ay ginawang sidebangs. Pahabain ko raw. Nagpatrim na rin ako ng buhok, ngayon yung walang buhay kong buhok ay naging bouncy na dahil sa cut nito.

    Namili din kami. Enjoy palang mamuhay na kikay. Dati kasi, inaatupag ko lang ay ang pagbabasa ng libro at pags-sketch ng mga design ng damit. Buti at hindi ako nakapasa sa isang French school of design. Nung Grade 12 kasi, nag-apply ako doon, pero hindi pa ako nirereplyan hanggang ngayon. Kung sakaling nakapasa ako, paniguradong hindi ako papasa as ‘designer’ dahil sa pananamit at itsura ko.

    Nakatitig si Coreen sakin habang kumakain kami sa isang restaurant.

    “You look like… Rozen, Noah and Dashiel combined.” Hinawi niya ang bangs ko. “Try kaya natin bumili ng lipgloss or lipstick.”

    Kinagat ko ang labi ko. “No lipstick, please. Nakakatakot. Ayokong magmukhang nagdurugo ang labi ko.” Tumawa ako.

    “Reina, ever heard of pink or peach colors? For your information, hindi naman lahat ng lipstick ay red!” Umirap siya.

    “O sige, pero yung pinakaclose ng color sa lips ko. Tsaka… okay na siguro yung lipgloss. OA naman kung lipstick agad.” Sabi ko.

    Hindi lang lipstick ang pinamili ni Coreen para sakin. Marami pang iba. Iba-iba ang kulay. Hindi ko alam kung para saan at paano yun gagamitin.

    “Kailangan ba talaga ang mga ito, Coreen?” Tanong ko.

    Nagbabayad na kami sa counter ngayon dito sa paborito niyang make-up store.

    “Nung na inlove ako kay Noah, natuto akong gumamit niyan.” Aniya. “Don’t worry, tutulungan kita.” May tinignan siya sa likod.

    “P-Pero-“

    Ngumuso siya sa likod ko.

    Nang lumingon ako, nakita ko agad kung sino ang nandoon.

    “Ito yung paborito ko, eh.” Sabi ni Zoey sa mukhang inaantok na si Rozen.

    “Talaga? I’ll buy that for you, what else?” Humikab si Rozen at ginulo ang buhok.

    Kumulo agad ang dugo ko sa narinig at nakita ko.

    “Hi, Rozen, Zoey!” Halos makita kong magpalpitate ang mukha ni Coreen sa inis.

    Nakangisi siya pero nagmukhang plastik yung ngisi niya dahil sa tinatagong inis.

    “Coreen!” Napatalon si Rozen sa bati ni Coreen. “Sinong kasama mo?”

    “Si Reina…” Sagot ni Coreen.

    “Hey, hi!” Sabi ko sabay kuha sa pinamili namin.

    Dumantay ang paningin ni Zoey sa pinamili ko. Social climbing b1atch!

    “P-Paanong? Reina? Ginamit mo yung kotse?” Tanong niya.

    “Yes, Rozen. Pinayagan na ako nina mommy at daddy.” Tinignan ko ang maputlang si Zoey.

    Tinignan ko rin ang hinahawakan niyang make up. Nang narealize niyang tinititigan ko iyon ay binaba niya agad. Kumunot ang noo ko.

    “Ayaw mo ba nun?” Tanong ko.

    “Ah? Hindi… Uhm… May iba na akong gusto.” Aniya.

    I clenched my jaw. Walang kaso kay Rozen na magwaldas siya ng pera para sa babaeng makaka-satisfy sa kanya at the end of the day. Wala namang kaso sakin kung magkaroon ng fling si Rozen every now and then… ang problema ko dito ay si Zoey… Si Zoey na mahal ni Wade… Si Wade na commoner at hindi maibibigay ang kapritso ni Zoey bukod sa umaatikabong kama.

    “Ang bilis palang magbago ng isip mo.” Ngumisi ako. “Sige, alis na kami ni Coreen.”

    Hinatak ko si Coreen na mukhang nagdevelop na ng ugat sa sahig. Ayaw na kasing magpahatak. Pinasadahan kami ni Rozen ng tingin.

    “That b1tch!!!” Sigaw ni Coreen.

    Sa sobrang gigil niya ay nabitiwan niya ang mga pinamili namin.

    “Tama ka nga, Reina! Masyadong nakakainis! Ngayon, confirmed ko na… Gusto niya si Rozen dahil mayaman kayo! Ayaw niya kay Wade kasi hindi maibibigay ni Wade ang mga gusto niya! WHAT THE FVCK!” Ginulo niya ang buhok niya at tinignan ako gamit ang naniningkit na mga mata.

    “That’s why I’ll do this, Coreen. Papaselosin ko ng husto si Zoey saming dalawa ni Wade.”

    “She’s so full of herself. Akala niya kaya niyang paikutin ang lahat. Akala niya pwedeng dalawa. Make Wade fall in love with you, Reina.”

    “No, you know I can’t do that, Coreen. Kaya kong paselosin si Zoey, but I’m pretty sure I can’t steal Wade’s heart from her. I can only help him wake Zoey up… That’s all.”

  • Kabanata 10Open or Close

    Kabanata 10

    Dahil Gusto Kita

    Hindi naman agad nakita yung resulta ng pagpapaderma ko. Pero may mga improvement na akong nakikita sa kutis ng pisngi ko.

    Nilagay ko ang bangs ko sa tainga. Syempre, pag wala na akong pimples, kayang-kaya ko na ng walang bangs! Sinoot ko yung flats na binili namin ni Coreen. Soot ko rin yung sleeveless floral top at jeans na dati ko pa binili pero di ko naman sinusoot. Mahilig ako sa sleeveless pero nahihiya akong magsoot nito. Ngayon lang talaga ako nagkalakas ng loob.

    These past few days, parang nagkakaroon na ako ng dahilan para mabuhay ng sagad. Hindi ko alam kung bakit.

    Kinatok ako ni Noah.

    “You done? Malilate na ako.” Iritado niyang sinabi.

    “Noah, mauna ka na. I’ll use my car.”

    Ilang segundo pa bago siya nakasagot.

    “So, hindi ka sasabay sakin pag uwi?”

    “Yep…”

    “Alright, bye. You take care, okay?”

    “Yes, Noah.”

    Umalis din naman siya. Uminit ang pisngi ko nang kinuha ko ang pressed powder at yung lipgloss na binili namin ni Coreen.

    Nilagay ko iyon sa mukha ko. Mejo umaliwalas nga ang mukha ko. Sinuklay ko ulit ang buhok ko bago nilagay ang lipgloss. Halos mapaluwa ako ng silverdust sa pag-aliwalas ng mukha ko. Now, all I have to do is walk better. Dapat hindi na yung laging nahihiya. Nilagay ko ang buhok ko sa isang side ng balikat ko at kinuha ang bag ko.

    Pinindot ko yung alarm at tumunog ang itim na BMW ko. Nilapag ko agad ang bag sa front seat at pinaandar ito.

    Ngayon, since humupa na ang pagkaexcite ko sa sasakyan ko, mas maingat ko itong pinaandar. Nang dumating ako sa school, pinark ko agad ito sa tabi ng sasakyan ni Noah. Lumabas ako at naglakad na ng diretso sa classroom.

    “Hi, Reina! Nice hair!” Sabi ng isang lalaking nakasalubong ko.

    Uminit ang pisngi ko at nginitian na lang siya.

    Kahit hindi naman talaga major ang pagbabago ko, marami paring nakapansin. Siguro masyado lang akong naging reserved noon kaya ngayong nagbago ako ng konti, para sa ibang tao, malaking pagbabago na ito.

    Paparating na ako sa classroom. Dinalaw agad ako ng kaba. Ewan ko kung bakit ako kinakabahan.

    Pagkapasok ko pa lang, naabutan ko na agad si Wade na pinapalibutan na naman ng mga kaklase ko. Nagkukwentuhan sila at nagtatawanan. Hindi nila namalayan ang pagpasok ko hanggang sa sumigaw ang lintek kong bestfriend…

    “Hi, Reina! Good morning!” Aniya.

    Napalingon lahat ng kaklase ko sakin. Hinawi ko ang bangs ko at nginitian si Coreen. Kahit sobrang lakas na ng kabog ng puso ko, patuloy parin ako sa pagpapanggap na confident. Fake it until you make it.

    “Good morning.”

    Nilagay ko ang bangs ko sa tainga ko at hindi ko na napigilang di sumulyap kay Wade. Nakahalf-smile siya at nakataas ang isang kilay habang pinagmamasdan ako. Nakakatunaw ang tingin niya lalo na pag nakikita mo yung dimple niya. Ayan na naman ang titig niyang parang may nakakatawa kaya naman mas lalo akong kinabahan. Binawi ko ang titig ko at umupo na sa upuan kong nasa harap niya.

    Tumindig ang balahibo ko sa titig niya sa likuran ko.

    “Ganda ng top mo, Reina. San mo nabili?” Tanong ng isang fan ni Wade na kaklase ko. “Ah… Di ko na maalala eh.”

    Tumango siya at bumaling ulit kay Wade.

    “So… What’s that Wade?” Tanong niya kay Wade.

    “Ano?” Pahalakhak na sagot ni Wade.

    “Yung pinag-uusapan natin… Yung may girlfriend ka na ba?” Tumawa yung isang babae.

    “Wala naman.” Sagot ni Wade.

    “Bakit naman? Sa Alegria ba nagkagirlfriend ka na?” Tanong nung isa.

    “Wala rin. Hindi ako mahilig.” Tumawa si Wade at napareklamo agad sa sakit ng tiyan.

    Hindi parin siguro naaayos yung rib niya. Pumikit ako nang naalala ko yung nangyari sa clinic.

    “Bakit? ano ba kasing type mo sa isang babae?” Tanong ng isa.

    “Hmmm… Wala naman akong type noon. Pero sa ngayon, gusto ko yung simple lang…”

    Hindi naman simple si Zoey, ah? In fact, she’s complicated! Tsk!

    Hindi na napigilan ni Coreen ang sarili niya, lumingon na siya kay Wade at nakisawsaw sa usapan.

    “Yung mabait?” Tanong ni Coreen.

    “Oo, syempre. Tsaka yung madaling mag blush.”

    Uminit ang pisngi ko sa narinig ko. Hindi ko alam kung bakit. Nanigas na lang ako sa kinauupuan ko hanggang sa narinig ko yung halakhak niya.

    “Naku! Simple naman ako, Wade.” Tumawa ang nagbibirong mga kaklase ko.

    Nagpaparinig at mukhang nagbibiro pero alam kong gusto nilang magpapansin kay Wade.

    “Tutugtog ba kayo sa festival, next week?” Tanong ng isang kaklase ko.

    “Oo. Kaya nga araw-araw na ang practice namin, mula ngayon.”

    “Ah? Saan kayo nagpapractice?” Tanong ni Coreen.

    “Sa bahay nina Noah.”

    “WHOA! Ang swerte naman pala ni Reina!” Sabi ni Coreen sabay tingin sakin.

    Napatingin tuloy ako sa kanila. Ganun parin ang ekspresyon ng mukha ni Wade, nakakakilabot parin ang ngisi niya. Napalunok ako at tumingin na lang sa whiteboard.

    Ilang sandali ang nakalipas ay dumating na si Mr. Dimaano. Nagkaroon lang kami ng long quiz at tapos agad ang klase. Masama yata ang pakiramdam niya. Mabuti na lang at di ako napagbuntungan ngayong araw. Niligpit ko ang gamit ko.

    “Reina, mauna na ako! May group meeting pa kami ng kagroup ko. Bye!” Kumaripas siya ng takbo palabas ng classroom kaya naiwan akong mag-isa kasama ang ilang kaklase kong paalis na rin sa classroom.

    “Hey, Reina.” Napatalon ako at napatingala sa tumatawag sakin.

    “Rozen, bakit?”

    Hindi ito bumibisita sakin kung walang kailangan.

    “Nakita mo ba si Coreen?” Tanong niya.

    “Ha? Hindi. Nagmamadali siyang umalis, eh. Bakit?”

    Tumango siya at natulala saglit.

    Napatingin tuloy ako kay Wade. Nakita kong nag-iwas ng tingin si Wade sakin at kumuyom ang panga. Ayaw niya talaga kay Rozen. He hates the boy who stole Zoey’s attention!

    “Sige…” Kumunot ang noo niya nang bumaling sakin. “May pasok ka pa ba?” Tanong niya.

    “Yep.”

    “Okay, bilisan mo baka malate ka.” Sabi niya at umalis na ng nakabusangot ang mukha.

    Bumaling agad ako kay Wade pagkatapos ng pag uusap namin ni Rozen. Nakabusangot narin ang mukha ni Wade at ayaw pang tumingin sakin.

    “Wade…” Tawag ko.

    May iilan pang kaklase ang natira pero marami sa kanila ang nagliligpit na ng gamit.

    “Wade!” Sigaw ko ulit.

    “What?” Tanong niya, para bang iritado siya sakin dahil sa pagbisita ni Rozen.

    Humugot ako ng lakas sa kaibuturan ng puso ko at hinarap siya para tanungin nito…

    “Do you hate Rozen?”

    Hindi siya sumagot.

    “You hate him because Zoey likes him, right? Gusto mo si Zoey, hindi ba?”

    Nalaglag ang panga niya sa tanong ko.

    “You and Zoey we’re never just friends. Mahuhuli ko bang ganun kayo sa CR kung magkaibigan lang kayo?” Nanliit ang mga mata ko. “You’ve been doing things… But she likes Rozen more, right?”

    Natulala siya sa sinabi ko.

    “Ginagamit ka lang niya para sa makamundong pagnanasa niya, samantalang ikaw…”

    “Hindi, Reina. Nagkakamali ka.” Seryoso niyang sinabi sakin.

    “Don’t defend her. I know, Wade. Alam ko ang nangyayari. Hindi ako bulag.”

    Bumuntong hininga siya at pumikit, “Kung ganun nga ang nangyayari, ano ngayon?”

    Diretso ang titig niya sa mga mata ko.

    Kumunot ang noo ko at humakbang papalapit sa kanya. Napaatras siya sa ginawa ko. Nanlaki ang mga mata niya at bumilis ang paghinga.

    “You don’t deserve her… You don’t have to love her, Wade. She doesn’t deserve your love. Masama siya. Ginagawa ka niyang tanga.”

    “Ano naman yun sayo?” Malamig niyang sinabi. “Ano naman ang pakealam mo kung ganito nga ang nangyayari?”

    Umiling ako.

    I can’t believe it… Kaya niyang ganito ang nangyayari para lang kay Zoey!

    “Kung okay sayo ‘to, ngayon gusto kong malaman mo na hindi ito okay sakin dahil gusto kita.”

    Wala na akong maisip na sasabihin pa sa kanya. Hindi ko maisasagawa ang plano ko kung hindi ko ikaklaro ang nararamdaman ko. Kung bakit masyado akong nag aalala at concerned sa nangyayari sa kanya.

    “I like you, Wade Rivas. And I can’t stand seeing you this way.”

    Umiling siya at tinignan akong mabuti, “Hindi ka pwedeng magkagusto sakin.” Aniya.

    Naubos na ang tao sa classroom. Kaming dalawa na lang ang naiwan dito. Paniguradong late ako sa susunod kong class, pero okay lang.

    “Dahil mahal mo siya, hindi ako pwedeng magkagusto sayo? Dahil masasaktan lang ako?” Tanong ko. “No, Wade, you have to have a better reason than that.”

    Napaawang ang bibig niya sa sinabi ko.

    “G-Gusto mo ako?” Tanong niya.

    Nakita ko ang pamumula ng pisngi niya. Nag-iwas siya ng tingin sakin. Tinakpan niya ang pisngi niya ng palad niya. Uminit din ang pisngi ko pero humugot pa ako ng lakas para hindi takbuhan yung sinabi ko.

    “Oo, gusto kita. I like you… So i’ll help you, this time… Tutulungan kita kay Z-Zoey.”

    Kumunot ang noo niya at nakita kong mas lalong pumula ang pisngi niya, “Tutulungan mo ako kay Zoey? Ano? Hindi kita maintindihan. Sinabi mo saking gusto mo ako pero bakit mo ako tutulungan kay Zoey? Nababaliw ka na ba?” Tumawa siya at hinawakan ang tiyan niya.

    Mas lalong uminit ang pisngi ko at mas lalo ring bumilis ang pintig ng puso ko.

    “H-Hindi ba siya naman ang gusto mo? D-Diba? E-Edi tutulungan kita para masaya ka na.” Napalunok ako.

    Naiyak na siya sa sobrang tawa niya, “Aray, shit! Langya! Sakit ng tiyan ko.”

    Humupa ang tawa niya at tinignan niya ako ng diretso. Yung tingin na tagos sa puso. Nanlumo ako. Tutulungan ko ba talaga ang isang ito na paselosin si Zoey hanggang sa marealize nito ang halaga ni Wade? Kung sana pwede ko rin siyang tulungan na lang na makalimutan si Zoey… Sana ganun nga…

    He tilted his head. Nakangiti parin siya habang pinagmamasdan akong mabuti.

    “Kaya ba nag lipgloss ka at nagpagupit ka dahil magtatapat ka na sakin?”

    Kinagat ko ang labi ko at napatingin na lang sa sapatos ko. Nakakahiya.

    “You can’t like me, Reina. Mabait ka at masyado kang inosente para sakin.”

  • Kabanata 11Open or Close

    Kabanata 11
    Pinaglalaruan

    Pagkatapos ng mga klase ko ay dumiretso na ako sa parking lot.

    Ah! The feeling na may sasakyan ka na? BONGGA!

    Pinindot ko ulit yung alarm at binuksan ang pintuan. Ni-dial ko agad ang numero ni Coreen.

    “Hello, Coreen? Uuwi na ako. Nandun si Noah sa bahay, practice nila ngayon.”
    “OO NGA PALA!” Sigaw ni Coreen. “OMG! HUHUHU.”
    “O bakit?” Natigilan ako at pumasok na sa loob ng sasakyan.
    “Hindi ako pwede ngayon. May meeting pa kami ng group ko tsaka susunduin ako ni daddy dahil may dinner kami kasama ang kasosyo nila. Sheeet!” Nabasag ang boses niya.
    “Talaga? Naku! Sayang naman!”
    “Wait… ibig sabihin nandoon din si Wade?” Tanong niya.
    Napabuntong-hininga ako pagkasabi ni Coreen sa pangalan ni Wade.

    Kung alam niya lang kung anong nangyari kanina.

    “Oo.” Sabi ko sabay face-palm.

    Alam kong hindi ako mapapansin ni Wade dahil kay Zoey lang nakabaling ang atensyon niya. Pero nakaya ko paring magtapat sa kanya at kaya ko ring tulungan siya kay Zoey.

    “O… Sige na… Naku! Goodluck! Nandito na kasi yung mga ka-group ko. Next time na lang. Magkwento ka mamaya, ah?” Aniya.
    “Oo. Sige. Bye.”

    Pinaandar ko agad ang sasakyan ko. Dinadalaw na naman ako ng kaba. Naiisip ko pa lang na nandoon si Wade sa bahay ay nanginginig na ang tuhod ko. Umalis kasi siya kanina pagkatapos ko sabihin sa kanya yun.

    Bumukas ang gate namin, pumasok na ako sa loob at pinark sa garahe ang sasakyan.

    Pinagbuksan ako ng katulong namin.

    “Salamat po. Nandito naba sina Noah?”

    Tumango ang katulong.

    “May kasama silang mga taga recording ba yun. Tsaka yung ibang kaklase din.”
    “Ah? Talaga?” Sabi ko at tuluyan ng pumasok.

    Kahit nasa living room pa lang ako, dinig na dinig ko na ang sigawan at pagtutugtog nila sa taas. Siguro ay di nila sinarado yung pintuan. Soundproof yung music room ni Noah, eh.

    “Nga pala… manang, si Rozen?” Tanong ko.
    “Hindi pa umuuwi.”
    “Si Kuya Dashiel?”
    “Nasa condo niya yata. Tatanungin ko pa kung uuwi yun dito.”
    Tumango ako at umakyat na sa taas.

    Sinilip ko ang music room ni Noah. Nandoon nga ang mga manager ng record label na kumuha sa kanila. Nandoon din ang mga babaeng fans nila. Nakaupo si Wade sa sofa at halos lumabas ang mga mata ko nang nakitang naka topless siya habang tinatabihan at kinakausap ng mga babae.

    Nahagip niya ang titig ko kaya bumaling ako kay Noah na ngayon ay seryosong nakikipag usap sa manager.

    “Noah!” Tawag ko.
    Lumingon si Noah sakin, “Bakit?”
    “Nagdinner ka na ba?” Tanong ko.
    “Hindi pa. Nagpaluto ako kay manang, don’t worry. Tignan mo kung luto na… Kumain ka na…” Aniya.
    Tumango ako.

    Sumulyap pa ako ng isang beses kay Wade na ngayon ay nakangisi dahil sa sinasabi ng babae sa tabi niya pero nakatitig ang mga mata niya sakin. Hindi ko rin naiwasang di tignan ang dibdib niyang may kaonting bandage parin.

    Hinawakan niya ang abs niya kaya napatingin ulit ako sa mukha niya. Tumaas ang kilay niya at kumindat sakin. Uminit ang pisngi ko at padabog kong sinarado ang pintuan.

    SHAMELESS FLIRT! Hindi ibig sabihin na dahil alam niya na kung ano ang tunay na nararamdaman ko para sa kanya ay iniinis niya na naman ako. Well, kahit nung simula pa lang… yung di niya pa alam kung anong nararamdaman ko sa kanya, iniinis niya na naman talaga ako.

    Nagbihis na lang ako tsaka pumuntang kusina para mag bake ng cake para sa mga bisita ni Kuya Noah. May pagkain na pero hindi pa rin sila bumababa. Siguro dahil masyado silang busy sa pagkakanta doon.

    “Manang, sa music room niyo na lang kaya dalhin yung pagkain?” Suggestion ko sa kanila.
    “Hindi pwede. Utos ni Noah na sa dining room lang. Ayaw niya daw marumihan ang music room.”

    WTF? Okay… You know Noah, Reina. He’s OC.

    “Okay po.”

    Umalis si manang para mag ayos sa dining room. Panay ang titig ko sa oven, malapit na kasing maluto ang cake.

    Yumuko ako para tignan ang cake sa loob. Natatakot talaga akong masunog kahit alam ko namang di ito masusunog.

    May biglang dumantay sa pwet ko.

    “What the-” Napaayos ako sa pagtayo para tignan kung sino iyon.
    “Oppps… sorry.” Ngumisi si Wade.

    Kumunot ang noo ko sa ginawa niya.

    “Ang laki-laki ng daanan, bakit kailangan mo pang dumaan dito malapit sakin?” Tanong ko.

    Itinuro ko sa kanya ang laki ng kitchen namin. Imposibleng di niya yun sinasadya. Sobrang lawak kaya ng sahig dito.

    Nagkibit-balikat siya, “Gusto ko lang. May masama ba dun?” Nakita ko ang dimple niya sa pagngisi niya.
    Umiling ako, “At a-anong ginagawa mo dito?”

    Buti naisipan mong mag damit ngayon? Kanina pa kita pinagmamasdang nakatopless dun sa music room. Have some decency.

    Ipinilig niya ang dalang pitcher, “Ubos na yung tubig.”
    “Okay…” Sabi ko sabay tingin sa cake.
    “Ano yan?” Usisa niya.
    “Cake. Nibake ko…”
    “Wow! Marunong ka palang mag bake?” Aniya.
    “Oo. Para sayo ‘to…” Sabi ko ng wala sa sarili.

    Natahimik siya kaya binalingan ko ulit. Nakita kong namula ang pisngi niya sa sinabi ko.

    “Ayaw mo?” Tumaas ang kilay ko.
    “G-Gusto.” Sagot niya agad.
    “Good.” Sabi ko at tinignan ulit ang cake.

    *KRRRRIIIIIIIIING!*

    “Hello?”
    “Hello, Reina! Pauwi na ako… Ano? Ano na?” Tanong ni Coreen sakin. “Ano nang ginagawa mo?”
    “Eto nagbi-bake ng cake.” Sabi ko.
    “Para kay Wade?” Tumawa siya.
    “Oo.” Humagikhik din ako sa tawa. “Sinabi ko nga sa kanya.”
    “WHAAAAAAT?” Nakakabinging sinabi ni Coreen.
    “B-Bakit?”
    “Talagang sinabi mo sa kanya?”

    Napasulyap ako kay Wade na ngayon ay seryosong tumitingin sakin habang umiinom ng tubig.

    “Oo.”
    “Teka lang… Call you later. May something… Bye, Reina. I love you.”
    “I love you, too.” Sabi ko.

    Bago ko pa nababa ay pinutol na ni Coreen ang linya. Narinig ko ang mejo padabog na paglapag ni Wade ng baso.

    “Ayan, luto na.” Sabi ko sabay kuha sa cake sa loob ng oven.

    Ipinakita ko sa kanya ang cake bago ko nilapag sa table.

    Nakahalukipkip siya at nakasimangot na tinitignan ko.

    “Lagyan ko lang ng design saka ibalot ko, ah?” Sabi ko ng nakangiti sa kanya.
    Napawi ang ngiti ko nang nakita ko ang galit niyang mukha.

    “Talaga bang para sakin yan?” Tanong niya.
    “Ang alin? Itong cake? Oo. Sinabi ko naman, diba?” Sabi ko.
    “Sinabi mo sakin kanina na may gusto ka sakin, totoo ba yun?” Nag-iwas siya ng tingin.

    UGH! Bakit niya yun tinatanong ngayon? Nahihiya pa naman ako tuwing naaalala ko ang biglaan kong pagtatapat sa kanya.

    “O-Oo.” Nag iwas din ako ng tingin.
    “Kung ganun… bakit may ka-iloveyou ka sa cellphone mo?”

    Nalaglag ang panga ko sa tanong niya.

    Si Coreen yun! Pero hindi niya alam!

    “Tss… Pinaglalaruan mo yata ako, Reina.”
    “Ha? Di ah!” Sabi ko.

    Ngumisi ako at naningkit ang mga mata sa reaksyon ni Wade. Hindi ko sasabihin sa kanyang si Coreen yung tumawag!

    “Bibigyan ba kita ng cake kung di yun totoo?”

    Nalaglag ang panga niya at nag-iwas ng tingin. Kumuha ako sa cabinet ng icing at dahan-dahang nilagyan ang cake ng “I like you, Wade Rivas”

    “Ayan.” Sinulyapan ko siya at nakita kong tinatakpan niya ang mukha niya ng palad.

    Kumunot ang noo ko sa reaksyon niya. Anong problema nito?

    “Tignan mo, oh.” Sabay pakita ko sa cake.

    Ayaw niyang tignan. Mukhang ayaw niya yata rito. Napalunok ako.

    “Ibabalot ko na lang. Kunin mo lang kung gusto mo.” Matabang kong sinabi.

    Kumuha ako ng lalagyan at nilagay iyon sa loob.

    “Reina, where’s Wade?” Tanong ng kaklase kong fan niya sakin.
    “Andito.” Sabay turo ko kay Wade na nakahalukipkip parin at pinapanood akong nagbabalot ng cake niya.

    Nagkatinginan kami ni Wade.

    “Wade, tinatawag ka na ni Noah. Last session daw bago mag dinner.” Sabi nung babae.
    Bumuntong-hininga si Wade at nilagay ang mga kamay sa magkabilang bulsa.
    “Dito ko lang ba yan kukunin, Reina?” Tanong niya.
    Napalunok ako at tumingala sa kanya. “Y-Yep.”

    Kumunot ang noo ng babaeng pinadala ni Noah samin.

    “Okay, kukunin ko yan mamaya.” Suminghap siya at tinalikuran ako.

    Ang hirap niyang ispellingin! Namaywang ako habang pinagmamasdan siyang naglalakad palayo kasama ang babaeng yun.

  • Kabanata 12Open or Close

    Kabanata 12
    Para Sakin

    Pagkatapos kong balutin yung cake ni Wade ay umakyat na ako sa taas para tawagin sila. Handa na kasi ang hapunan. Pero naabutan kong tumutugtog sina Noah.

    Nakapikit si Wade habang kumakanta… seryoso ang mukha niya habang pinipicturan o vinivideohan siya ng mga audience nilang babae.

    “Sana’y hindi nalang pinilit pa
    Wala ring patutunguhan
    Kahit sabihin ko pang
    Mahal kita

    Nalulungkot, nayayamot, nagmumukmok
    Hindi ko pa yata kaya pang
    Labanan ang damdamin ko…”

    Napalunok ako sa lyrics na kinakanta niya. Tumindig ang balahibo ko habang tinitignan ang mukha niya. Nakapikit siya pero alam kong nahihirapan siya sa sitwasyon nila ni Zoey. Somehow, ang kantang kinakanta niya ay parang naglalarawan ng totoong nararamdaman niya.

    Umiling ako lalo na nang humina ang boses niya sa dulo ng kanta.

    “Sana’y hindi nalang pinilit pa
    Wala ring patutunguhan
    Kahit sabihin ko pang
    Mahal kita…”

    Parang kinurot ang puso ko sa kanta at boses niya. Nakakapanindig balahibo.

    Naiisip ko yung unrequited love niya para kay Zoey… Naiisip kong hinusgahan siya ni Zoey dahil hindi siya mayaman. Pinagkaitan siya ng pagkakataon ng babaeng iyon. Bakit pa kasi doon siya kay Zoey na inlove? Bakit pa kasi hindi na lang sa ibang mababait na babae na lang. Kahit hindi sakin, basta sa mga babaeng kaya siyang ipaglaban.

    Napapikit ako habang dinaramdam yung sakit na nararamdaman niya kay Zoey.

    Kung sakin siya maiinlove, iingatan ko ang puso niya. Hinding hindi ko siya sasaktan. Kahit na masungit siya at nang-iinis, nangingibabaw parin ang kabaitan niya minsan.

    Dinilat ko ang mga mata ko. Bumungad sakin ang nakatitig na si Wade. Napaawang ang bibig niya habang pinagmamasdan ako.

    Narinig kong pumalakpak ang managers.

    “Good! That’s really good! Sige, konting exposure pa, itutuloy na natin yung record niyo.” Anila.

    Dinumog agad si Wade ng mga babae. May dumumog din kay Noah pero agad niyang dineadma at nakipag-usap na lang sa managers. Kaya ang resulta, kay Wade pumunta lahat ng mga babae.

    Nakatingin parin siya sakin kaya bumaling ako kay Noah.

    “Excuse me, Noah. Mag dinner na kayo.” Sabi ko.
    Tumango si Noah sakin.

    Tinalikuran ko na agad sila at umalis na sa music room. Nagmadali akong bumaba. Mabuti na lang at tapos na akong kumain kaya tumambay na lang ako sa living room at nanood ng cartoons.

    “Reina, dinner?” Sabi ni Noah sakin.
    Umiling ako, “Tapos na ako, thanks.”

    Hindi na ako lumingon sa mga sumunod sa kanya. Kahit na nararamdaman ko ang titig ni Wade sakin, hindi ko na siya nilingon. Panay ang titig ko sa TV.

    Napabuntong-hininga na lang ako nang nasa loob na sila ng dining room. Tatapusin ko lang ‘tong walang kwentang cartoons at papasok na ako sa kwarto para paghandaan at pagplanuhan kung paano ko isasagawa yung mga ideya ko kay Zoey at Wade.

    “Cartoons?” May narinig akong humalakhak sa likuran ko.

    Boses niya pa lang, alam na alam ko na kung sino. Tumindig ang balahibo ko at umayos ako sa pag-upo. Nilingon ko siya at naaninaw ko na naman ang ridiculous smile sa mukha niya. That… Sexy… Smile! UGH!

    Uminit ang pisngi ko at bumaling ulit sa TV.

    “Asan na yung cake ko?” Tanong niya.
    “Ah! Nasa kitchen. Kunin ko lang.”

    Tatayo na sana ako pero hinila niya ang braso ko. Para akong kinuryente sa pagkakahila niya. Konti na lang, makakakita na ako ng sparks sa pagkakahawak niya sa braso ko.

    “Maya na. Dito ka muna.” Seryosong sinabi niya sakin.

    Napalunok at napaupo ulit ako sa sofa. Umupo siya sa tabi ko. Halos maghuramentado na ako kahit wala pa siyang ginagawa.

    “Nakapikit ka kanina habang kumakanta ako, ah?” Aniya.
    “Uhm… oo.”
    “Bakit? Nakakarelate ka? Dahil ba dun sa ka i-love-you mo?”

    Ack! Hindi niya parin iyon nakakalimutan?

    “Huh?”

    Tagos siya kung makatitig ngayon. Kahit ilang dipa pa ang layo namin, nararamdaman ko na yung init ng katawan niya sa halip ng centralized aircon namin.

    “Anong konek nun? Hindi yun ang iniisip ko, yung iniisip ko ay yung pagiging martyr mo kay Zoey.” Sabi ko.
    “Huh?”

    Natahimik siya sa sinabi ko.

    “Reina, wag mo na masyadong isipin yun. You’re thinking too much.”

    Kinurot ang puso ko sa sinabi niya.

    “No, I’m not thinking too much, Wade. This is really bothering me…”
    Suminghap siya at pinilig ang ulo, “Okay… Ganito. Hindi ako in love sa kanya. Oo, gusto ko siya pero hindi ako baliw sa kanya para magpakamartyr.”

    LIAR. Confirmed ko na talaga ang pagiging martyr niya.

    “Whatever you say.” Sabi ko.
    Umiling siya at tumawa sa sinabi ko.

    Hindi ako naniniwala. Gusto niya lang na tigilan ko itong ginagawa ko dahil natatakot siyang iwan siya ni Zoey, eh.

    Biglang bumukas ang pintuan namin at pumasok si Kuya Dashiel na may dalang bouquet of roses.

    “Kuya!” Bumati ako sa kanya.
    Mapupungay ang mga mata niya habang itinataas ang dalawang braso para mahagkan ako.

    Sinalubong ko ang yakap niya ng yakap din. Hinalikan niya ako sa pisngi. Ang bango ni kuya Dashiel!

    “Yay! Umuwi ka! Walang tao sa condo?” Tanong ko at tinitigan ang roses na dala-dala niya.

    Si Kuya Dashiel naman ay nakatitig kay Wade.

    “Wala. Who’s this?” Tanong niya.
    “Wade Rivas.” Naglahad agad ng kamay si Wade kay Kuya Dashiel.
    Tumaas ang kilay ni Kuya Dashiel at tinignan akong mabuti bago nakipagshake hands.
    “Yung bagong vocalist nina Noah, kuya.” Inunahan ko na siya.
    Tumango si Kuya at nginitian si Wade.

    “I’m tired, baby.” Sabi ni Kuya. “Matutulog na ako.”
    “What’s with the roses?” Tanong ko.

    Tinignan niya ang kamay niyang may hinahawakang bouquet of roses. Ilang sandali pa siyang natulala sa roses bago binigay sakin.

    “I don’t know… I guess it’s for you.” Mahina siyang ngumisi at tinalikuran ako.

    Napatunganga ako sa roses ni kuya.

    “Lagi ba talaga kayong nagyayakapan at naghahalikan ng mga kapatid mo pag nagkikita?” Tanong ni Wade.
    “Huh? Bakit?” Kumunot ang noo ko nang bumaling ako sa kanya.
    Nagkibit-balikat siya, “Sino ang first kiss mo?” Tanong niya.
    “Uhm? Malay ko? Yung mommy at daddy ko?”
    Ngumisi siya at nilagay ang kamay niya sa noo niya, “Hindi… Sa ibang lalaki.”
    “Sa mga kapatid ko? Si Noah?” Sabi ko ng walang sarili.
    “Hindi! Sa ibang lalaki. Yung hindi mo relative.”
    “Uhmmm.” Uminit ang pisngi ko. “Wala pa akong… first kiss.” Sabay lunok ko.
    Nakita kong lumitaw ang ngisi sa pisngi niya nanlaki din ang mga mata niya sa sinabi ko.
    “Don’t look at me like that. Oo, tama ka nga… inosente pa ako.”
    “Paano yung kay i-love-you mo, hindi pa ba yun nakakahalik?” Tumaas ang kilay ko.

    Come to think of it… nahalikan na ako ni Coreen. Pero hindi ko maalala kung nahalikan niya ba ako sa lips.

    “Bakit di ka agad makasagot?”
    Uminit ang pisngi ko. “T-teka lang, iniisip ko pa.”
    Ginulo niya ang buhok niya at naghintay sa isasagot ko.
    “Uhm… Sa pisngi lang yata-“
    “Niloloko mo naman ako!” Pula ang pisngi niya at seryosong tinitignan ako.
    “Huh? Hindi-“
    “Ewan ko sayo, Reina!” Tumayo siya at tinalikuran ako.

    Bakit ayaw niyang maniwala?

    “Imposibleng nag i-iloveyouhan kayo pero wala pang nangyayari.”
    “Magkaibigan lang naman kami nun, Wade. Kung para sayo pwedeng maghalikan ang mga magkaibigan, para sakin, hindi.” I spat.

    Nilingon niya ako at nalaglag ang panga niya sa sinabi ko.

    “Pero para sakin, totoo ang lahat sa oras na mag i-love-you ka na… kaya imposibleng magkaibigan lang kayo kung may i-love-you na…”

    Nalaglag din ang panga ko sa sinabi niya. Bago ko pa nasabi sa kanya kung sino talaga yung tunay na kausap ko, bumalik na siya ng tuluyan sa dining room. He’s right… sa oras na mag a-i love you na, totohanan na iyan. Naisip ko tuloy, nag ‘i love you’ na kaya siya kay Zoey?

    He’s so damn mysterious. I can’t get him off my mind!

  • Kabanata 13Open or Close

    Kabanata 13

    Mas Delikado

    Ganun parin ang tratuhan namin ni Wade buong linggo. Iniinis niya parin ako. Lagi siyang natatawa at pumapalpak ako. Pero natatahimik siya tuwing…

    “Wade, hindi na ba masakit yung ribs mo?” Tanong ko.

    Ngumuso siya, parang nagpipigil ng ngiti. “Hindi na.”

    Tumango ako, “Mabuti na lang. Nag-aalala talaga ako, eh. Baka mapano ka dahil sakin.” I sighed.

    Hindi na siya sumagot. Nang sinulyapan ko siya ay nakita kong seryoso ang mukha niya at nakatingin siya sakin. Pero nang namalayan niyang pinagmamasdan ko na siyang mabuti ay agad siyang tumingin sa ibang bagay.

    *1 text message*

    Agad kong binasa ang nag text na galing kay Coreen.

    Coreen:
    We need to see each other.

    Kumunot ang noo ko. Dahan-dahan akong nagta-type sa cellphone ko. Hindi kasi ako pala text kaya ayan parang stone-age ako kung makapagtext. Mahirap din kasi pag pinipindot mo itong screen. Mahirap kaya o talagang di ako sanay?

    “Tapos ka na ba sa project mo kay Mr. Dimaano?” Tanong ni Wade.

    Kakatapos lang ng klase namin ni Mr. Dimaano at nagkasabay lang naman kami ni Wade sa paglabas. Kahit na narinig ko yung sinabi ni Wade, hindi ko kayang sagutin ang tanong niya ngayong nag tatype pa ako ng text para kay Coreen.

    Ako:
    Why? Saan? What time?

    Naiirita siyang bumuntong hininga kaya napalingon ako sa kanya.

    “Ansabe mo?” Tanong ko at itinago ang cellphone ko.

    “Wala!” Masungit niyang sinabi at inunahan na ako sa paglalakad.

    Nalaglag ang panga ko sa inasta niya. Seriously, he’s hot and cold all the time! Anong problema ng lalaking ito? Mukhang malaki yata problema niya sakin, ah?

    Pinagmasdan ko siyang mabuti habang humahakbang mag-isa. Ilang hakbang pa lang niya ay may sumabay ng mga babae. Hindi basta-bastang mga babae, may nakita pa akong isang ex ni Rozen doon at yung sikat na cover girl ng isang magazine. Kung makahatak talaga ng babae ang kagwapuhan niya. Grabe!

    Umiling na lang ako at tinalikuran siya. Dumiretso na ako sa susunod na klase ko. Ano naman kayang sasabihin ni Coreen at mukhang importante iyon, ah?

    Tatlong sketch ang nagawa ko sa loob ng dalawang oras na klase. Mga gowns pa iyon at napaka madetalye ng design.

    “Wow, Reina! Ang galing mo palang mag design!” Bati nung isang kaklase ko.
    “Thank you.” Hinawi ko ang bangs kong nakawala sa tainga ko.
    “Bakit di ka nag school of design na lang?” Sabay kuha sa mga sketches ko.
    Nagkibit-balikat na lang ako at nagsimulang magligpit ng gamit.

    Overall, limang sketches ang nagawa ko sa loob ng araw na yun dahil sa boredom bawat klase.

    “Anong sasalihan mo sa festival, Reina?” Tanong ng isa kong kaklase.
    “Wala, eh. Di naman kasi ako magaling sa mga extra-curricular activities.”
    “Dapat sumali ka doon sa Fashion show.”
    “Ha?” Nalaglag ang panga ko.

    Hindi naman ako model-type! Kulang ang height ko tsaka alam niyo namang problema ko ang mukha ko kahit nagpapaganda na ako?

    “Kahit hindi na lang model. Kahit designer. Kasi ang galing mo talaga.”

    Kaiyak naman yung sinabi. Well, what do I expect, diba? Tama sila. Talagang sa backstage ang beauty ko.

    Ngumisi ako, “Siguro next time, sasali ako.”

    Yes, of course. Passion ko talaga yung designing. Oh, what I’d give to be a designer. Pero naputol yung panaginip ko sa biglang sigaw ng isang babae.

    “OMG! Si Wade Rivas!” Tumalon-talon pa siya at naiiyak na sa sobrang saya.
    Pati na rin ang mga kaibigan niya ay halos mapaiyak na nang nalaman nilang dadaan nga si Wade sa classroom namin.

    “Hay naku, girls! Hindi niyo pa ba siya nakakaclassmate? Classmate namin siya sa Philo.” Sabi nung isang kaklase ko.
    “Shemay! Yung kay Mr. Dimaano? Sana pala di ko na ni-drop yun! Sabi na, eh! Grrr!”

    Nanggigil silang lahat nang seryosong dumaan si Wade. Natahimik sila. Yung tipong isang kalabit na lang ay sasabog na sila sa kilig. Pinagmasdan ko na rin si Wade na parang lumulutang at sinusundan ng silverdust sa bawat hakbang niya sa corridor.

    Ngumiti ako sa sarili ko at nilagay ang huling mechanical pencil sa pencil case ko. May pangarap na mas mahirap abutin kesa sa pagiging designer.

    “REINA CARMELA ELIZALDE!” Napatalon ako sa biglang-sigaw ni Coreen sa pintuan ng classroom ko.
    “Coreen naman, nakakagulat ka!” Sabi ko at nilagay ang bag ko sa balikat.

    Mabilis siyang naglakad papunta sakin at hinatak ako palabas ng classroom.

    “Bakit?” Tanong ko.
    “I have the answers to your biggest freaking questions. Ihatid mo lang ako sa bahay, sasabihin ko na agad!” Aniya.

    Tumaas ang kilay ko.

    “Ginagamit mo naman yata ako-“
    “Hindi! Totoo ito!” Seryosong sinabi niya.
    “Weh? Sige na nga! Ihahatid kita kasi kaibigan kita. Hindi dahil diyan sa answers to my freaking questions.”

    “Good decision.” Aniya sabay lingon-ligon sa paligid.

    Ano bang problema ng isang ito? Para naman itong kriminal kung makaasta. Mas matangkad ng konti si Coreen sakin kaya naman nahihirapan akong maglakad na hinihila niya. Mabilis pa siyang maglakad papuntang parking lot kaya mas lalo akong nahirapan.

    “Okay! Thank God!” Sabi niya at sinubukang buksan ang pintuan ng kotse ko.

    Tumawa ako at pinatunog ang alarm.

    “Okay, thanks!” Umirap siya at mukhang na badtrip sa ginawa ko.

    Pumasok ako sa loob at pinagmasdan siyang mabuti habang inaayos ang seatbelt.

    “What’s your problem?” Tanong ko.

    “Wala naman.” Ngumisi siya sakin.

    Hinatid ko nga siya sa bahay nila. Sa daanan, kinwento niya sakin yung ‘answers’ na tinutukoy niya.

    “Naalala mo ba yung una nating nakita si Wade?”

    Natigilan ako.

    Hindi ko inakalang tungkol kay Wade ang pag-uusapan namin ngayon.

    “Oo. Bakit?”
    “Hindi ba sinabi ko sayong ikaw ang tinitignan niya?”
    “O-Oo.” Kinabog ang puso ko sa sasabihin niya.
    “Well, kanina, nag usap kami ni Rozen.”
    “Nag usap kayo ni Rozen?” Tumaas ang kilay ko.
    Binalewala niya ang tanong ko, “Inamin niya saking pagkatapos ng audition ay kinumpronta niya si Wade.”

    Natigilan ulit ako sa sinabi niya. Mabuti na lang at traffic kaya tinigil ko ang sasakyan.

    “What?”
    “Oo. Sinabi niya kay Wade na layuan ka… Na wag kang lapitan dahil ikaw ang nag-iisang babaeng Elizalde. Lahat ng lalapit sayo, dadaan sa kanya. Walang deserving sayo kung hindi niya sinasabi. At alam niya rawng tinititigan ka ni Wade… Ayaw niya kahit kanino para sayo, at lalong lalo na si Wade.”
    “HA? Bakit yun sasabihin ni Rozen?”
    “You know him, Reina. He’s territorial. At protective. Lalo na sayo.”
    Tumango ako at napalunok.

    “That’s the reason why Wade’s been harsh to you… Hindi iyon dahil ayaw niya sayo. Dahil yun sa mga sinabi at banta ni Rozen sa kanya.”
    “But Rozen made a big mistake. Si Zoey ang tinignan ni Wade nun, hindi ako.”
    Nagkibit-balikat si Coreen, “Well, maybe. Pero kahit na, kinumpronta ng lintek mong kapatid si Wade kaya agad masama ang impresyon niya sayo.”

    Pinaandar ko ang sasakyan nang nakitang nag green ang traffic light.

    “You know what this means, Reina?”

    Natahimik ako.

    “Ilihim mo muna ang pakikipagkaibigan mo kay Wade kung ayaw mong maudlot ang hindi pa nga nagsisimula. Rozen’s really serious with this. At hula ko maging si Noah-“
    “WHAT?”
    “UGH! Come one, Reina! Let’s face it! Mahirap si Wade. SOBRANG YAMAN NIYO! You can’t expect your brothers to be easy with YOUR boys!”
    “But he’s not mine, Coreen. At wala naman akong plano. Yes, I like him, pero di naman niya ako gusto. Kaya walang mangyayari.”

    I’m really confused.

    “He’s not yours, Reina. Pero mas delikado yata kung ikaw yung kanya.”

    Nanliit ang mga mata ko at sumulyap kay Coreen.

  • Kabanata 14Open or Close

    Kabanata 14
    Ang Katotohanan

    Hinayaan kong maging palaisipan ang lahat. Ayokong ipaalala kay Wade na kinumpronta siya ni Rozen. Ayaw ko ring i-hurt ang ego niya sa pamamagitan ng pagpapaalala kung bakit ayaw ni Rozen sa kanya para sakin. Besides, lumabas na makapal ang mukha ko sa ginawa ni Rozen. Hindi naman ako yung tinitignan niya kaya bakit ko pa bubuhayin yung pagkakamali ni Rozen, hindi ba?

    Pero ayaw ko ring mapahamak siya kaya nag iingat ako sa mga ikinikilos ko, lalo na pag nandyan ang mga kapatid ko.

    Nagse-set up na ng mga stage sa school. Bongga talaga tuwing school festival. Isang linggong walang pasok at puro extracurricular activities lang yung gagawin.

    Sabado ngayon at wala ng pasok pero nandito ako kasi gusto kong bisitahin yung pagsi-set up ng fashion show. Gusto ko ring makita yung designs na susuotin ng models. Baka sakaling may makita akong maganda at mainspire pa ako sa paggawa ng designs.

    Napadaan din ako sa stage nina Noah. Maraming mag pe-perform na mga banda. Isa sa kanila ang pinaka sikat na banda ngayon sa Pilipinas. Excited nga si Noah kasi mag pe-perform sila sa iisang stage nung bandang iyon. Sa sobrang sikat din kasi ng bandang Going South ay nagkaroon na sila ng world tour.

    Ganun ang pangarap ni Noah, ang mapagkakitaan ng husto ang talento niya. Maganda nga iyon. Maganda sana kung mapagkakitaan natin ang mga passion natin, pero mahirap. Most of the time, you are trapped in the wrong place.

    “Hi, miss.”

    Napalingon ako sa nagsalita sa likuran ko. Laking gulat ko nang nakita ko si Wade. Nakangisi siya ng usual evil-smile niya, naka black jacket at nasa likod niya ang gitara.

    “W-Wade?” Uminit agad ang pisngi ko.

    Hindi naman sa hindi ko ineexpect na magkikita kami. Alam kong magkikita kami ngayon pero hindi ko inaasahang kakarating ko lang ay siya ang bubungad sakin.

    “Ba’t ka andito?” Tanong niya.

    Naglakad siya kasabay ko. Pakiramdam ko lumulutang ako sa hangin dahil kasama ko siyang naglalakad. Ngumisi siya at pinasadahan ng palad ang buhok. Gumulo ito kaya mas lalo siyang naging attractive. Pagkatapos nun ay kinagat niya ang labi niya at ngumisi sakin with matching dimple.

    ARGH!

    I looked away…

    “May titignan lang ako.” Sabi ko.
    Tumango siya. “Ano?”
    “Uh, yung stage nung fashion show. Dinig ko kasi ipopost yung designs ngayon. Balak ko sanang tignan ang mga iyon.”
    Ngumuso siya.
    “Uhmm.. Sige, pupunta din naman ako sa stage niyo, dito na ako liliko.” Sabay turo ko sa daanan papuntang fashion show.

    Pagliko ko, nabigla ako nang lumiko din siya.

    Tumaas ang kilay ko at tinignan ko siya.

    “Bakit?” Tumaas din ang kilay niya at ngumiti din sakin.
    “Sasama ka?” Tanong ko.
    “Di naman. Talagang dito lang ako dadaan.”
    Tumango ako at tumigil sa tapat ng stage ng fashion show.

    May mga modelong nagpapractice sa stage. Nakapaskil naman ang mga designs sa baba. Naagaw pa ang atensyon ng mga modelo nang dumating kaming dalawa ni Wade. Well, hindi naman talaga ako yung nakaagaw ng atensyon, si Wade. Bahagyang tumigil ang pag eensayo nila at silang lahat ay napatingin samin. Uminit ang pisngi ko at nagtago sa mga designs.

    Kumunot ang noo niya at tinignan ako, “Bakit ka nagtatago?”
    Umiling ako at ngumisi.

    Nakakunot ang noo niya at patuloy na tinignan ang mga nakanganga-ngising modelo. May isa pang kumindat sa kanya. Sumulyap siya sakin bago kumindat sa babae.

    “Playboy…” Bulong ko sa sarili ko.

    Naalala ko tuloy yung ‘sex-life’ question na tinanong niya sa nurse. Naisip ko tuloy kung ilang babae na kaya ang nging girlfriend niya? At naisip ko rin kung bakit siya nagti-tiyaga sa Zoey na yun.

    Napalingon siya agad sakin at nalaglag ang panga. Nabigla ako sa naging reaksyon niya sa sinabi ko. Para bang may natamaan ako sa sistema niya.

    “Bakit?” Ngumisi ako.
    Hindi siya sumagot.

    Umiling ako at nagpatuloy sa pagtitingin sa mga designs.

    “I’m used to playboys, Wade. Si Rozen at kuya Dashiel ay parehong playboy. Nakita ko kung paano sila magpalit ng babae. Isang babae, sa isang buwan.” Umiling ulit ako. “It’s disgusting but they’re my siblings.”

    Napalunok siya sa sinabi ko. Hindi ko naman mapagtanto kung bakit sobrang kinakabahan siya sa sinabi ko. Kinunot ko na lang ang noo ko.

    “That’s why I like you, Wade… Kasi loyal ka. Pag may gusto ka… siya lang talaga. Kaya mong magparaya para kay Zoey.” Tinamaan ako ng hiya dahil sa sobrang pagtitig at pagkakalaglag ng panga niya kaya naglakad ako palayo sa kanya. “Lika na nga!” Sabi ko.

    Kahit di pa ako natatapos sa pagtitingin ng designs ay niyaya ko na siyang umalis. Bumabaha na kasi ng laway sa paligid. Kitang-kita ko na yung mga babaeng parang langgam kung lumapit sa kanya. Yung tipong sa oras na aalis ako sa tabi niya ay lalantakan siya agad ng mga iyon. Tsk! The cons of being Wade Rivas… Or maybe, the cons of being with Wade Rivas.

    Tahimik siya hanggang sa makarating kami sa stage nila. Nandoon na sina Noah, Warren at Joey sa taas. Nag si-set up na ng stage at chinicheck ang mga instruments. Mas lalong bumagal ang paglalakad ni Wade. Nilingon ko siya at nakita kong half-open parin ang bibig niya. Anong problema ng isang ito?

    Hanggang sa tuluyan na siyang tumigil sa paglalakad. Kumunot ang noo ko at tumigil na rin.

    “May problema ba, Wade?” Tanong ko.

    Tinignan ko ng mabuti ang mga mata niya at nakita kong nakatingin siya sa likod ko.

    Lumingon ulit ako sa stage… sa konting taong manonood ng practice… sa stage ulit… at sa mga tao ulit…

    ZOEY, SPOTTED! She’s freaking here! Kaya siya natigilan! Kinurot ang puso ko. Kung sana ako yung nagdudulot sa kanya ng ganyang reaksyon…

    Hinila ko ang kamay niya. Let the plan begin, Reina!

    “Reina, wag.” Simpleng sinabi ni Wade.

    Umiling ako at mas lalo siyang hinila. Nagpahila siya pero mas malakas parin ang hatak niya sakin.

    “Come on, Wade. Let her see us. Magseselos yun. Don’t be ridiculous! Wag kang matakot na mawala siya sayo!”

    Nabigla ako nang tinanggal niya ang kamay niya sa kamay ko.

    “Tama na, Reina!” Pasigaw niyang sinabi.

    Nanlaki ang mga mata ko at natigilan sa sinabi niya. Akala ko hindi na ako makakapagsalita sa ginawa niya pero humugot pa ako ng lakas para magrason.

    “Pero, Wade! Hindi pwedeng forever ka na lang martyr-“
    “Reina, tama na sabi.”

    Mahinahon ang pagkakasabi niya sakin noon pero tagos sa puso ang naramdaman ko. Namuo agad ang luha ko. Kahit na ilang beses na akong lumagapak sa buhay na ito, pero hindi ko pa naranasan ang ganitong klaseng rejection.

    “Umalis ka na muna, Reina.” Aniya.

    Hindi ako umalis. Tumunganga lang ako sa harapan niya. I know he’s harsh pero hindi ko nakitang ganito siya ka harsh pag nandyan si Zoey.

    “UMALIS KA NA!”

    Napapikit ako sa sigaw niya sakin. Humakbang ako palayo hanggang sa nakita kong papalapit na si Zoey sa kanya. Mabilis ang mga hakbang ni Zoey at mabilis din ang paghinga niya.

    Tumakbo ako papuntang pinakamalapit na dingding at doon nagtago.

    Hindi ko na narinig ang pinag-usapan nila pero nakita kong umalis si Zoey at sinundan siya ni Wade. Patungo sila doon sa CR na pinangyarihan ng lahat.

    WHAT THE FREAK? DON’T TELL ME SHE’S ASKING FOR ANOTHER SESSION?

    Lumandas ang mga luha sa mga mata ko. Sht! Bakit ganito? Mabilis ang pintig ng puso ko pero habang tumatagal ay sumasakit ito. Nararamdaman ko rin ang pagbara ng lalamunan ko. Ngayong naiisip ko na yung nangyari noon sa CR, bakit iba na ang reaksyon ko? Bakit masakit na? Bakit nag evolve na ang nararamdaman ko?

    Naglakad ako palayo sa dingding na tinatayuan ko… Aalis na lang ako. Limang hakbang pa lang ay tumigil na ako at tumakbo papunta kina Wade.

    SHT! Kung masasaktan nga ako, gusto ko yung nakita ko yung lahat… Gusto ko yung damang-dama ko para di na ako uulit pa.

    Hindi ako nagkamali. Dahil wala ng pasok sa school ngayon ay wala ring tao sa CR na yun.

    Alam ko naman simula pa lang na hindi niya na ako mapapansin kasi bukod sa pangit ako, may iba pa siyang mahal.

    PAK!

    Sinampal siya ni Zoey pero si Zoey ang umiiyak. Sinilip ko sila sa bitak ng pintuan. Pinunasan ko ang luha kong dahilan ng pagiging blurry ng paningin ko.

    “Wade Rivas! HOW DARE YOU!”
    “Zoey…” Mahinahon ang boses ni Wade. “Sorry, talagang ayoko na.”
    “Ayaw mo na? Are you kidding me? You fvcked almost all the girls in Alegria, tapos ngayon ka pa titigil dahil nasa syudad ka na? Bakit? May iba ka bang nakita? Yung mas magaling, Wade?”

    Narinig kong suminghap si Wade at pinakalma si Zoey.

    “Sorry, Zoey. Sinabi ko naman sayo. Pag nandito na ako, pag-aaral ko na lang ang aatupagin ko.”
    “I thought you liked me, Wade.” Nabasag ang boses ni Zoey.
    “I don’t like you enough.”

    Hindi ko namalayang hindi na pala ako humihinga.

    “YOU JERK! P-Pagkatapos mong gawin sakin to? GAGAGUHIN MO RIN PALA AKO? WADE, YOU WERE THE ONLY ONE! PERO ALAM KONG PURO KALIBUGAN LANG ANG PUMAPASOK DIYAN SA UTAK MO… YOU ONLY USED ME! AT NGAYON KUNG NASAKTAN MAN KITA, please-” Hahagkan na sana ni Zoey si Wade pero tinulak siya ng marahan ni Wade.
    “Zoey, alam ko ang mga pagkakamali ko. Pero hindi naman pwedeng buong buhay tayong nagloloko-“
    “KUNG MAKAPAGSALITA KA PARANG ANG LINIS MO! IKAW ANG DAHILAN KUNG BAKIT NAGKAGANITO AKO-“
    Napapikit si Wade…

    Kitang-kita ko ang paghihirap niya sa paghandle kay Zoey. Pero hindi ko matanggap ang mga narinig ko… Yes, may relasyon sila… oo, meron, pero umiikot ito sa SEX!

    Buong akala ko ay mahal ni Wade si Zoey! Buong akala ko isa siya sa mga lalaking wagas kung mahal. Yun pala… playboy! Sht!

    “Zoey, tama na. Ayoko na. Alam ko ang mga pagkakamali ko noon. Immature ako at wala akong pakealam sa nararamdaman ng mga tao sa paligid ko. Pero sa ngayon, ayaw ko ng dagdagan pa lahat. Gusto ko ng tapusin ito.”

    Nilagpasan ni Wade si Zoey. Aalis na sana ako sa kabang makita ako ni Wade na nakikinig dito pero nawindang ako nang niyakap ni Zoey si Wade galing sa likuran. Dahil doon ay natigilan si Wade.

    “Come on, Wade… I know this is your weakness.” Nakita kong gumapang ang kamay ni Zoey sa baba ng abs ni Wade.

    Bago pa ito gumapang sa loob ng pants ni Wade ay itinulak niya na palayo si Zoey.

    Napalunok ako sa nakita. Dahil sa sobrang windang ko ay hindi na ako nakagalaw, kaya ang resulta…

    “R-Reina?” Nakita kong namutla si Wade at agad sinarado ang pinto.

  • Kabanata 15Open or Close

    Kabanata 15
    Bawal Humusga

    “You’re a playboy?” Tanong ko sa kanya ng wala sa sarili.

    May natutunan ako sa pangyayaring ito. Hindi ka pwedeng mag conclude kahit dahil lang sa iilang ebidensyang nakalap mo. Kailangang mo ng tunay na impormasyon. Bawal manghusga. Bawal mag predict, lalo na pag pagkatao ng tao ang nakasalalay.

    “Reina…” Hinawakan niya ang braso ko.

    Tinignan ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. Unti-unti kong inilayo ang braso ko sa kamay niya.

    Mas lalo siyang namutla. Napaawang din ang bibig niya. Hindi ko na alam kung anong ekspresyon ang ibinibigay ko sa kanya. Hindi na ako makapag-isip ng matino.

    “Reina-“

    Napalunok ako sa pagkabasag ng boses niya. Pero hindi ko na siya hinintay na magsalita pa ulit. Umalis na ako dun. Hindi ko alam kung ano pang sasabihin ko sa kanya gayung mali ang mga iniisip ko. Parang nakasama ko ang isang taong nakamaskara. Parang nalinlang ako.

    “It’s not his fault, Reina. Ikaw itong humusga sa pagkatao niya. Hindi niya naman sinabi sayo’ng mabait siya, diba? Naging harsh pa nga siya sayo. Ikaw itong nagpumilit na mabait siya. You created your own idea of him.”

    Nakatutok ako sa nagrarampahang models sa harapan. Ang gaganda at ang tatangkad nila. Maganda din ang designs ng mga damit, yung iba hindi ko nagustuhan pero madalas, gusto ko.

    Bumaling ako kay Coreen na kanina pa nagsasalita.

    “Alam ko naman yun, Coreen. Talagang hindi ko lang alam kung paano mag react sa sitwasyon na iyon. Tsaka… isa pang ikinagagalit ko ay alam ni Wade na iniisip kong may gusto siya kay Zoey, bakit hindi niya ako diniretso na wala? Na puro ganun lang ang ginagawa niya?”
    Nanliit ang mga mata ni Coreen sakin, “You think pag sinabi niya sayo, di ka lalayo?”

    May point ang bestfriend ko. Pero sa ngayon, dahil sa inasal ko, sa mga katotohanang nabunyag at sa mga maling akala kong natolerate ni Wade, parang ayaw ko pa yata siyang kausapin. Halu-halong inis, galit, at kahihiyan ang naramdaman ko.

    Alam mo yung feeling na tinawag mo sa maling pangalan ang isang tao? At kailanman, hindi ka niya sinaway sa pagkakamali mo? Kusa mo lang nalaman yung katotohanan pagkatapos ng ilang buwan? Ganun yung pinaramdam niya sakin. Nahihiya ako at nagagalit…

    “Reina! Let’s go! Tapos na ang show!” Sabi ni Coreen sabay hila sa braso ko.
    “Saan?”
    Umirap siya, “Saan pa, kina Noah!”
    “Ayoko!” Uminit ang pisngi ko.
    “Alam kong galit ka kay Wade, pero si Noah ang pupuntahan natin kaya wag kang mag-alala.” Aniya.
    “Ayoko-“

    May bumunggong isang batalyong babae sakin sabay sigaw ng pangalang, “Wade Rivas!”

    WTF? Really? Thanks, ah?

    Kumunot ang noo ko at sinaksak ang mga babaeng yun sa tingin.

    “Kita mo na? Buong school ang pupunta sa stage nila. Magpapahuli ka pa ba?”
    “O sige na nga…” Marahan kong sinabi.

    Agad niya akong hinigit papuntang stage ng banda nina Noah. Tama si Coreen, puno nga ng tao dito. Parang langgam ang liit ng mga mukha nina Noah, Warren, Joey at… at… Wade sa sobrang layo namin.

    “Tabi nga!” Marahas na sigaw ni Coreen sa mga taong nag-aalburuto sa pagiging epal niya sa panonood.
    “Sorry.” Ako yung nag so-sorry sa bawat taong naiinis kay Coreen.

    Wala naman kasi itong pakealam kung sinong masagasaan niya. Mabilis kaming napunta sa gitna ng mga tao. Mainit at maingay. Patalon-talon ang mga tao habang kinakanta ni Wade ang isa sa pinaka maingay na kanta nina Noah.

    At in fairness, mas magaling siyang kumanta nito kesa sa dati nilang vocalist na si Stan. Nagigitara si Wade habang nakikisabay sa tono ng kanta. Nginingitian niya ang mga taong nandoon. Para bang pag tinitignan niya ang mga tao ay nang-aakit siya.

    Bakit hindi ko iyon napansin? Bakit hindi ko iyon nakita? Bakit hindi ko napansin yung pagiging natural niyang mang-akit? Masyado ba akong nahumaling sa ideyang good boy siya?

    “That doesn’t mean he’s bad, Reina.” Sabay hingal ni Coreen nang nakarating na kami sa tapat ng stage.

    Nalaglag ang panga ko nang nakita kong masyado na kaming malapit kina Wade. May hinatak siyang apat na babaeng game na game at tumatalon-talon pa sa kanta nila. Nanggigigil at tumitili na ang mga babae sa tabi ko dahil sa ginawa ni Wade.

    “Sana pakasalan ako ni Wade… AARGHHH!” Napalingon ako sa babaeng hindi ko makita.

    Seryoso? May mga ganoong linya? At may mga ganoong sigaw?

    “WADEEEE! OMY GEEE HE’S MY NEW FAVORITE! ARGGGGHHH!”

    Nilagay ko ang dalawang index finger ko sa magkabilang tainga ko. Ang ingay! Hindi ko na marinig si Wade!

    Punong-puno siya ng pawis. Bakat na ang katawan niya sa ilalim ng t-shirt dahil sa pagpapawis.

    “OMY GOD! WADE, STRIP, BABY!” May manyak na babaeng sumigaw nito somewhere.

    Kakatapos lang ng kanta niya kaya dinig na dinig ito ng mga tao.

    “STRIP, WADE SEXY RIVAS! STRIP WADE SEXY RIVAS!”

    WHAT?

    Nakita kong lumitaw ng ngisi sa mukha niya habang yumuyuko at kinukuha ang isang bote ng mineral water sa gilid.

    “STRIP WADE SEXY RIVAS. STRIP WADE SEXY RIVAS.”
    “You know what, Reina? Someday, they’re gonna be big. And I don’t like it.” Umiling si Coreen habang tinititigan ang kapatid kong tahimik na inaayos ang gitara niya.
    “STRIP WADE SEXY RIVAS!”

    Wade SEXY Rivas? Saan galing yung sexy? I know he’s sexy… pero… damn!

    Humalakhak siya at tinuro ang mga tao.

    “Strip ba ka niyo?” Humagalpak siya sa tawa at unti-unting itinaas ang t-shirt niya.

    Kitang kita yung pawis na pawis niyang abs.

    “ARGGHHHHHHHHHHH!”

    I swear that was the most excruciating shout I’ve ever heard from the audience.

    Napapikit ako sa sobrang sakit ng eardrums ko. Halos mahimatay ako sa ingay. May mga tumulak pa sakin at parang sabik na lantakan yung mainit na abs ni Wade.

    Dahil sa mga sabik na audience ay tuluyan na akong naitulak at rumagasa sa barricade. PUNYEMAS! SANTISIMA! Ang sakit sakit ng kamay kong naging tigasalo ng buong katawan ko!

    “Owww!” I snarled.

    Marahas kong tinitigan ang mga taong wala sa sariling tumulak sakin. Ni hindi nila pinansin ang mararahas kong tingin. May bading pang pasigaw-sigaw at nag sh-showering violation na! Kailangan ko ata ng payong dahil nalalawayan na ako dito!

    “Reina!”

    KAYA NAMAN PALA! Kaya naman pala nagiging warshock itong mga kasama ko dito ay dahil nandito si Wade sa harapan kong naglalahad ng kamay.

    Tumingala ako sa kanya. Agad uminit ang pisngi ko.

    “AHHHH! WADE SEXY RIVAS!” Kinalmot, hinatak at ginahasa si Wade ng mga taong nasa likuran ko.

    Mabuti na lang at lumapit yung mga organizers at guards kaya napigilan ang naghuhuramentadong madla.

    “Okay ka lang ba-“

    Unti-unti akong pinatayo ni Wade.

    “Kaya ko naman.” Sabi ko pero hindi niya binitiwan ang kamay ko.

    Agad ako dinalaw ng kaba. Yung kabang kahit maingay ay dinig na dinig ko. Parang buong sistema ko yung sumisigaw sa kabang iyon. Nang nakatayo na ako at nakatayo na rin ang hanggang baywang na barricade ay agad kong binawi ang kamay ko kay Wade.

    Naramdaman ko agad yung hapdi sa tuhod at kamay ko. Mukhang nasugatan yata ako. Shemay! Pero hindi ko yun sasabihin sa kanya.

    “Okay lang.” Hindi ako makatingin.

    Tinalikuran niya rin naman ako nang tinawag na siya ni Noah.

    “The last song for today, ladies and gentleman.” Sabi ni Warren sa likod ng drums.

    Umiling si Wade at naglakad papuntang stage.

    “STRIP WADE SEXY RIVAS!” Nagpatuloy na parang mantra ang mga tao.
    “Sorry but I need to behave, baby.”

    Hinarap niya ang mga tao ng mas seryoso ang mukha. Tinignan niya rin ang kamay niya. Hindi ko alam kung bakit niya ginawa iyon. At anong ibig sabihin niya sa ‘behave’?

    “AHHHH!” Nagpatuloy ang sigawan ng mga tao.
    “AYAW NAMIN NG BEHAVE, WADE!!! RIVAS!!! SEXY!!!”

    Kelan lang ba naging kasama yung SEXY sa pangalan niya?

    Nilagay niya ang microphone sa kaliwang kamay niya at nagsimulang kumanta.

    “Come a little closer flicker in flight
    We’ll have about an inch space but I’m here
    I can breathe in what you breathe out

    Let me know if I’m doing this right
    Let me know if my grips too tight
    Let me know if I can stay all of my life
    Let me know if dreams can come true
    Let me know if this one’s yours too
    Coz I feel it…”

    Tumindig ang balahibo ko. Natahimik din ang mga tao. Kumpara kasi sa huling kanta nila, mas mahinahon ito. At isa pa, nakapikit si Wade nang kinanta ito.

    “And I feel it right here…” Itinuro ni Wade ang puso niya. “And I feel you right here…”

    Nang dinilat niya ang mga mata niya ay una niya akong tinignan. Kumunot ang noo ko sa mga actions niya. Hindi ko siya maintindihan… Ang hirap-hirap niyang ispellingin. Ayoko ng humusga sa kanya kasi lagi akong nagkakamali. At ayoko ng magkamali pa. Tumalikod ako at hinanap si Coreen na kanina pa yata wala.

    I need to go, too.

  • Kabanata 16Open or Close

    Kabanata 16
    Apartment ni Wade Rivas

    Hiningal ako at pinagpawisan dahil sa ginawa kong paglandas sa gitna ng mga tao. Seriously, where’s Coreen?

    Wala na tuloy akong mapuntahan. Hindi ko kayang tumambay kasama sina Naah sa backstage at baka putaktehin lang ako dun dahil sa presensya ni Wade SEXY Rivas. Okay, calm down, Reina.

    Pinaypayan ko ang sarili ko at parang baliw na ngumisi.

    “Ang sarap talaga pag may sasakyan ka na.”

    Sa ganitong mga panahon, hinihintay ko si Noah o di kaya ay nagtitext sa mga drivers o kay kuya Dashiel para sunduin ako. Pag wala talagang available ay nagtataxi ako. Pero ngayong may sasakyan na ako, madali ang lahat. Madaling umalis… Madaling pumunta kahit saan. May freedom ako.

    Halos kumanta ako papuntang parking lot.

    Pero dahil sa pag-iisip ko sa nangyaring kahihiyan kanina sa stage ay halos mangisay ako sa pandidiri sa nangyari.

    Humugot ako ng malalim na hininga at, “ERASE!”

    Para bang ma-eerase ng sinabi ko ang alaalang yun.

    “Nakuuu! Parang buong buhay ko yatang maaalala yung pagkakatumba ko sa barricade.” I sighed.

    Tinignan ko ang kamay kong may mga sugat dahil sa nangyari. Panigurado pati tuhod ko may sugat. Kaya mas dapat akong umuwi para gamutin ang sugat ko.

    Nang lumiko na ako sa kanto ng pinagparkingan ko ng sasakyan ay nagingig yung tuhod ko sa nakita ko.

    Habang maingay at dinudumog ang backstage niuna Noah ngayon ay may isang taong pawis na pawis paring naghihintay sa sasakyan ko. Kitang-kita ko yung mamasa-masa niyang buhok. Seryoso ang mukha niya. Sumasandal siya sa front seat ng sasakyan ko, nakalagay ang magkabilang kamay niya sa bulsa niya at nasa tabi niya naman ang gitara.

    Agad ako nag u-turn sa paglalakad. I can’t. face. him. right. now. sht!

    “Reina!” Sigaw niya.

    Tumalikod na ako para umalis pero hinawakan niya ang braso ko. Napatalon ako sa pagkakahawak niya.

    “Sorry,” Aniya nang napansin ang pagtalon ko.

    Hinarap ko siya at kinunot ang noo.

    “Ano?” Tanong ko.
    Half-open ang bibig niya at tinignan ako.
    “N-Napansin ko kasing may sugat ka kanina.”

    Kinuha niya ang kamay ko at nilahad ito. Binawi ko agad ang kamay ko.

    Namutla siya sa ginawa ko.

    “O-Okay lang ako.” Sabi ko at tinago ang mga kamay.
    “Kaya ko namang gamutin yan.” Aniya.
    “Huh? Wag na? Konting alcohol lang ito.” Sabi ko.
    “Sumama ka sa apartment ko.”

    Nanlaki ang mga mata ko. Dumausdos ang mga mahahalay kong ideya. WTF? Simula yata nung nakilala ko itong si Wade ay dumadami na ang mahahalay kong iniisip.

    Uminit ang pisngi ko at umatras ng isang hakbang sa kanya.

    “A-Ano… Ang ibig kong sabihin- sht!” Ginulo niya ang buhok niya.

    Nakita kong pulang-pula ang pisngi niya kaya’t tinakpan niya ito at tumalikod ng bahagya sakin.

    “May betadine kasi ako sa apartment… b-baka pwedeng- AHH!” Ginulo niya ulit ang buhok niya. “Bibilhan na lang kita ng betadine.” Aniya.
    “Wag na… May alcohol naman ako.” Sabay turo ko sa sasakyan ko.
    “Reina, masakit yung alcohol.” Nilingon niya ako.
    “Dapat masakit para mabilis humilom yung sugat.”

    Nagkatinginan kaming dalawa.

    “O sige…” He broke the silence. “Ako ang gagamot. Bigyan mo na lang ako ng alcohol at bulak.”
    Umiling ako, “Wag na, Wade.”

    Nilagpasan ko siya at pinatunog ang alarm ng sasakyan.

    “Reina, iniiwasan mo ba ako?” Tanong niya.

    Nasa labas siya. Isasarado ko na sana yung pintuan ng sasakyan pero hindi naman ako bastos para gawin iyon sa kanya.

    “Hindi, Wade.” Simple kong sinabi.
    “Kung ganun, bakit ayaw mo? Akala ko b-ba gusto mo ako? B-Bakit ngayon ako yung naghahabol?”
    Kumunot ang noo ko at tinitigan siya, “Oo. Gusto kita pero hindi muna sa ngayon.”
    Nalaglag ang panga niya. “Ano yan, parang ilaw na may switch? Pwedeng on ngayon, pwedeng off bukas?”

    Isasarado ko na sana yung pintuan ng biglang itong nabilaukan dahil sa kamay ni Wade.

    Malutong na pagmumura ang sinigaw niya dahil sa pagkakaipit ng kamay niya sa pintuan ng sasakyan ko. Napalabas ako ng sasakyan at nagpaulan ng sorry sa kanya…

    “Sorry, Wade, Sorry…” Napalunok ako at tinignan ang kamay niyang tinatago.
    “TANGINA! Hindi ako makakapag guitar nito. Ang sakit!” Aniya.

    Oh noooo! Sumulyap siya sakin. Pabalik-balik naman ang tingin ko sa kanya at sa sasakyan ko. Pinaypayan ko ang sarili ko sa sobrang panic na naramdaman.

    “O-O sige, uhm… ihahatid kita sa inyo.” Sabi ko.
    “Di… Okay lang. Malapit lang yun dito… Uh… Maglalakad na lang ako.”
    “Di, Wade, ihahatid na kita.” Sabi ko.
    “Wag na, Reina.”
    “Tsss. Come on, Wade. Akala ko ba gagamutin mo ang kamay ko sa apartment mo?”

    Natigilan siya sa sinabi ko. Tinalikuran ko na lang siya at pumasok ulit sa sasakyan.

    Binuksan ko ang pintuan galing sa loob at binaba ang salamin para sigawan si Wade.

    “Sige na, Wade.”
    “Maglalakad na lang ako.” Masungit niyang sinabi sakin.

    Pinulot niya ang guitar niya gamit ang kaliwang kamay at nagsimulang maglakad palayo. Suminghap at at pinaandar ang sasakyan para abutan siya.

    “Wade, hindi ko naman sinasadya ang pagkakaipit mo. I’m sorry.”
    “Ang bastos mo, Reina. Nagsasalita pa ako, pinagsasarhan mo na ako ng pinto!” Nakatingin siya sa daanan nang sinabi niya iyon.

    Mabagal pa sa pagong ang takbo ko dahil sa pagsasabay sa kanya.

    “Well, I’m sorry!”
    “Tsss…”
    “Wade, i’ts either pumasok ka dito ngayon o hindi na kita kakausapin.”
    “Edi wag, diba yun naman talaga ang plano mo?”

    Suminghap ako at hinabaan pa ang pisi ko para sa lalaking ito.

    “WADEEEE SEXY RIVAS!” Sigaw ng tumatakbong mga babae papunta kay Wade.
    “Sht!” Napamura siya at bahagyang tumakbo sa unahan ng sasakyan ko para mawala sa paningin nila.

    Ngumisi ako at tinapakan ang gas.

    “Hey, want a ride?” Sabi ko.

    Wala na sa daanan ang buong atensyon niya. Nasa mga babaeng uhaw at sabik na sa kanya. Halos tumakbo na siya sa pagdudumog nila.

    Binuksan ko agad ang pinutuan. Papalapit na nang papalapit yung mga babae sa kanya. Ayaw niya paring pumasok sa loob kahit with arms wide open na yung pintuan ng sasakyan ko.

    “It’s either you rot in their arms or ride with me now, Wade Rivas.” Ngumisi ako at nagpatuloy sa pagdadrive.

    Hindi parin siya umimik. Mukhang last resort niya ang pagtakbo, ah?

    “Hmmm. Sabagay, mukhang type mo yatang magpagahasa sa kanila kaya iiwan na lang kita dito?” Tinaas ko ang kilay ko at naghintay sa reaksyon niya.

    Tinitigan niya ako at ginulo ang buhok niya.

    “WADE SEXYYYYYYYYYYY RIVASSSSSS!” Sigaw ng mga babaeng nasa pwet na ng sasakyan ko.

    Bago pa ako nakaalis ng tuluyan ay tumalon na si Wade sa front seat ko. Bumuntong-hininga siya at sinarado ang pintuan.

    Tinignan niya ang mga babae sa labas. Pinaharurot ko na ang sasakyan ko hanggang gate at tuluyan ng lumabas sa school.

    Hindi na kami nag imikan hanggang sa nakarating kami sa apartment niya. Tinanggal ko agad ang seatbelt ko. Samantalang, tumunganga lang siya sa mukha ko. Uminit ang pisngi ko pero hindi na ako nagpahalata. Baka mamaya ay pagsamantalahan lang ng playboy na ito ang pagkaka-crush ko sa kanya.

    “Ano?” Sabi ko nang binuksan ko na ang pinto ng sasakyan ko.

    “Paano mo nalamang dito yung apartment ko?”

    Nanlaki ang mga mata ko. Oo nga pala, hindi niya alam na minsan ay sinundan ko siya dito. SHUCKS!

    “Uhm…” Nagkibit-balikat na lang ako at lumabas sa sasakyan.

    Lumabas din siya at seryosong nakatitig parin sakin.

    “Okay na ba yung kamay mo?” Tanong ko para mawala na yung usapan namin.

    Naglakad pa ako palapit sa apartment niya. Sumunod din siya sakin. Kinakabahan na naman ako pero di na ako nagpahalata. Diretso na lang ang tingin ko.

    “Masakit parin.” Aniya. “Pero paano mo nalamang dito ang apartment ko?”
    Umirap ako sa muling pagtatanong niya, “Edi sinundan kita.”
    “H-Huh? Bakit?” Natigilan siya.

    Tumigil din ako at nilingon siya.

    “Edi syempre kasi gusto kita…”
    “Ah?” Nakita kong pumula ang pisngi niya.
    Umiling ako at nagpatuloy sa paglalakad, “Asan na yung sayo?” Tanong ko.

    Sumunod din siya nang nakailang hakbang na ako.

    “D-Dito.” Aniya.

    Nasa tapat kami ng kulay brown na pintuan. Kinuha niya ang susi sa bulsa niya. Lumunok ako at dinalaw ulit ng kaba. Okay… fake it until you make it! Alam kong ilang araw ko ng nilalakasan ang loob ko para masabayan at mapansin lang nitong si Wade. Ngayon, kahit marami akong iniisip na kababalaghan dahil sa pagpasok namin sa enclosed space na ito ay pinigilan ko na lang ang sarili ko. Baka dahil sa pag-iisip na iyon ay pumula ng parang mansanas itong mukha ko. Makita pa ni Wade, ngingisi iyon. Damn!

    “Pasensya ka na sa apartment ko. Di ito tulad ng bahay niyong centralized ang aircon. Sorry.” Nilapag niya ang gitara sa pinakamalapit na mesa.

    In fairness, malinis ang apartment niya. Walang nakakalat. Simple lang. May isang laptop akong nakita pero walang TV. May dalawang mesa, may dalawang sofa at may kusinang may ref at mga panluto.

    “Ikaw lang ba mag-isa dito?” Tanong ko at sinuyod ang paligid.
    “Oo.” Aniya.

    Sabay…

    Napalunok ako.

    Sabay hubad ng t-shirt niya. Pagkahubad niya, naamoy ko agad ang pabango niya. Yung tipong kahit pawis na pawis siya kanina ay ang bango niya parin. Parang kahit saang sulok sa katawan niya ay mabango. Nakita ko ring mamasamasa ang tips ng buhok niya dahil sa pawis. Pinunasan niya ang tumutulong pawis sa leeg ng tuwalya.

    Nalaglag ang panga ko nang humarap siya sakin. Kahit anong gawin niya ay kitang-kita talaga ang heat-inducing abs. Para bang effortless niyang naipapakita ito. Hindi na kailangang mag work-out. Hindi na kailangang lagyan ng oil o kung anu-ano pang ginagawa ng iba… Talagang built-in na ito sa katawan niya.

    Binaybay ko ang katawan niyang pinagpapawisan. Kitang kita mo na maganda din ang hubog ng katawan niya sa baba ng abs kasi bawat flex ng muscles niya, kitang kita mo yung external obliques niya. I looked away. Masyadong mainit sa paningin.

    “Sorry, bawal ba ito sayo?” Aniya at agad nilagay ang tuwalya sa katawan niya.
    “Hindi naman.” Kinagat ko ang labi ko at tinalikuran siya para umupo sa sofa niya. “I mean… Okay lang. Sanay na ako. Mga kapaid ko kasi… tsaka… ganyan ka naman sa bahay.” Sinabi ko yun ng di siya tinitignan.
    “Okay…” Tinaggal niya ang tuwalya at agad akong nagsisi sa sinabi ko.

    Nakita kong ngumuso siya nang tinalikuran ako.

    SHT PUTSPA! Kahit yung likod niya ay purmadong-purmado! Yung tingin pa lang ay matigas na… paano pa kaya kung hahawakan mo na? SHT! Bakit ang green ng iniisip ko? Nag-iwas ulit ako ng tingin at inalog ko na lang ang ulo ko para mawala ang mga makamundong pagnanasa. I need to act tough. Fake it until you make it, Reina.

    If he’s tough coz he’s a playboy, then I’m tougher.

    “Uh.” Nilingon niya ako kaya… shucks… nahuli niya yatang kinakagat ko yung labi ko at nag iiwas ng tingin.

    Ginawa kong seryoso ulit ang mukha ko at tinaas ang kilay kahit halos magpalpitate na yung mga muscles ng mukha ko. Ilang segundo na lang bibigay na yung pinipigilan ko.

    “Paki…” Tinignan niya ang hita ko.

    Agad kong pinagtabi ang dalawa kong tuhod na nakaawang kanina. Ano? Anong iniisip mo Wade Rivas? I know you’re freaking sexy pero di ako bibigay sayo, noh! No way! Maaring gusto kita at alam mo yun, pero hinding-hindi ako yung tipong pinapangunahan ng instincts, no! Kaya kahit sumayaw ka pa sa harapan ko, maghuhuramentado ako pero hinding hindi kita lalantakan! HMP! SHT! Stop staring!

    Kumunot ang noo niya saka dinagdagan, “Paki taas ng pants mo. Alam kong may sugat ka sa tuhod.”

  • Kabanata 17Open or Close

    Kabanata 17
    Gusto Kong Marinig

    Ugh! Pinukpok ko ulo ko dahil sa kahihiyang nadarama. Sht naman, oh! Bakit ang green ko na? Hindi naman ako dating ganito?

    Umayos agad ako nang narinig kong bumukas ang pintuan ng kwarto niya. Lumabas siya ng may dalang Betadine at bulak.

    Tinitigan niya ulit ang tuhod ko. Ngayon, syempre alam ko na kung bakit.

    “Uhm… Yung sa kamay na lang muna-“

    Pero bago pa ako natapos magsalita ay lumuhod na siya sa harapan ko. WTF? Agad kong tiniklop agad ang nakaawang kong mga hita. Uminit ang pisngi ko at nanlaki ang mga mata.

    Tumingala si Wade. His jaw clenched…

    “Itaas mo yung pants mo hanggang tuhod, Reina. Para magamot ko yung sugat mo.”

    Napalunok ako. OO, NA! Ako na ang green! Pero masisisi niyo ba ako kung nag-iba na ang tingin ko kay Wade. Hindi na siya gentleman! Playboy na siya sa paningin ko.

    “Tsss…” Bumaling siya sa binti ko at marahang tinupi ang pants ko pataas.

    Naramdaman kong tumindig ang balahibo ng binti ko pagkahaplos ng daliri niya sa legs ko. Natigilan siya ng ilang sandali saka nagpatuloy sa pagtutupi ng pants ko.

    “Hindi na kailangan, Wade.” Sabi ko.
    “Next time, kung balak mong pumunta sa mga gig ko, sabihin mo para mabigyan kita ng VIP pass. Hindi yung nakikihalo ka sa mga tao.” Seryoso niyang sinabi.

    Lumakas, bumilis at lumipad ang puso ko sa sinabi niya. Hindi ako makapagsalita kasi barado ang lalamunan ko sa puso kong pilit na lumalabas sa dibdib ko.

    “Alam kong galit ka sa mga nalaman mo sakin kaya hindi ko ineexpect na manonood ka. Kaya nga nanlalamig ka sakin ngayon, hindi ba?” Tumingala siya habang tinutupi ang kabila.

    Napalunok ulit ako. Yung tipong bawat dampi ng mga daliri niya sa binti ko ay nanginginig ang sistema ko. Pero para sa kanya ay parang wala lang. Just the usual thing. That’s why I hate playboys! Naghuhuramentado ka na dahil sa ginagawa nila, pero para sakanila, nakakaantok pala.

    “Hindi naman sa nanlalamig, Wade. Nabigla lang ako. Hindi ko inasahan. Buong akala ko mahal mo si… Zoey.” Humina ang boses ko sa huling salita.

    Marahan niyang nilagyan ng Betadine galing sa bulak yung sugat ko sa tuhod. Maliliit na galos lang naman iyon, pero tinatrato niyang parang malaki at sensitive.

    “Gusto ko si Zoey. Yun ang totoo. Pero hindi ko siya niligawan dahil alam kong kulang pa ang ‘gusto’ pag nanliligaw na.”
    Umiling ako, “No, Wade. You’re a playboy. Gusto mo ng maraming babae. Ayaw mo magpatali.”
    “Oo, Reina. Ayaw ko… Sorry, ayaw ko pang mabaliw kaya ayaw kong magpatali. Pero tingin mo kung maiinlove ako may magagawa pa ako? Wala diba? Kaya hanggang sa hindi pa ako naiinlove, hindi ako magpapatali.” Umirap siya sakin at nagpatuloy sa panggagamot.
    “Pero bakit mo ginagawa yan?”
    Napatingala siya sakin, “Huh?”
    Kinabog ang dibdib ko dahil sa diretso niyang titig, “I mean… bakit ka playboy? Bakit mahilig kang manakit?” Tanong ko.
    “Reina…” Suminghap siya. “Hindi ako playboy. Ayaw ko lang magpatali. Ayaw kong mainlove. Ayaw kong magkagirlfriend. Bata pa ako at marami akong pangarap.”
    “Pero sinaktan mo si Zoey.” Napalunok ako. “Ginamit mo siya.”

    Namutla siya sa sinabi ko. I looked away. It was the truth.

    “Oo, Reina. Hindi ako perpektong tao. Napapangunahan ako ng masasamang bagay. Maaring dahil bata pa ako noon at makitid pa ang utak ko. Kung alam kog okay sa kanila at…”

    Pumikit ako.

    Suminghap ulit siya, “Wag na lang nating pag-usapan.”

    Dinilat ko ang mga mata ko at tinignan siyang nagpapatuloy sa paggamot ng sugat ko.

    “Hindi, Wade, gusto kong marinig.” Sabi ko.
    Bumaling ulit siya sakin. Nakita kong masyadong naging expressive ang mga mata niya. Para bang binabasa niya ang iniisip ko at natatakot sa maari ko pang maisip.
    “Kasi kung ako yung tatanungin mo, I’ve seen Rozen and Dashiel… Kung makapanakit sila, walang awa. Hindi ko maintindihan pero tinanggap ko dahil mga kapatid ko sila. At si Rozen yung tipong pag nagugustuhan na siya ng babae ay aayaw na siya agad. Pero ikaw… You’re playing with their feelings. Pinaasa mo si-“
    “Hindi, Reina. Hindi ko siya pinaasa. Nung una ginagawa lang naming pampalipas oras ang isa’t-isa. Isang beses lang, Reina. Dahil hindi ako umuulit.”

    Napapikit ulit ako sa sinabi niya. Masyado namang parental guidance itong mga sinasabi niya. But I need to hear it from him. Ayoko ng mag-isip at magkamali. I want the truth… And I hope this is…

    Dumilat ako at ginulo niya ang buhok niya. Hindi na siya nagsalita pa ulit.

    “Tapos, ano, Wade?” Hinuli ko ang tulirong mata niya.

    Kinuha niya ang kamay ko. Bumilis agad ang takbo ng puso ko. Anong gagawin niya sa kamay ko?

    Binuka niya ang palad ko at kumuha ulit ng bulak. SUSMARYOSEP! Reina Carmela, get a grip of yourself!

    Napapikit ako sa hapdi. Mas malalim yata yung naging sugat sa palad ko kumpara dun sa tuhod.

    “Yan kasi… di nag iingat.” Aniya.
    “Tapos, ano, Wade?” Inulit ko ang tanong.
    Huminga siya ng malalim, “Tama na, Reina.”
    “Hindi… Gusto kong malaman.” Sabi ko.
    “Bakit?” Tumaas ang kilay niya. “Anong mangyayari kung malaman mo ang mga detalyeng yun? Magagalit at manlalamig ka lang lalo sakin.”
    “No, Wade. Titignan ko kung gusto parin ba kita kung malaman ko yun.”
    Napalunok siya, “Mas lalong ayaw kong malaman mo ang mga detalyeng yun ngayon…”

    Tumigil siya sa paggamot ng sugat ko. Nilapag niya ang bulak sa mesa at tumayo.

    Nanliit ang mga mata ko sa sinabi niya. Come again? Hindi ko gaanong narinig o hindi ko gaanong maintindihan o hindi lang talaga ako makapaniwala?

    Nilagay niya ang kamay niya sa mukha niya.

    “Alright, Reina. Nakuha mo na ang gusto mo. Nalaman mo na yung mga sikreto kong ayaw ko sanang dalhin dito sa syudad.”
    “Ano pa, Wade? Akala mo pampalipas oras, tapos anong nangyari? Nahulog ka ba sa kanya?” Diretso kong sinabi.

    Buong atensyon ko ay nakabaling na sa kanya.

    Lumuhod ulit siya sakin. I stiffened. What the freak? Bakit tumindig ang balahibo ko sa ginawa niya?

    Ngumuso siya at seryosong sinabi, “Lalagyan ko ng ng dressing saka ibababa ang pants mo.”
    “HA?”

    Napamura na siguro ako ng pagkalakas-lakas kung hindi ko lang napigilan ang sarili ko.

    Ngumisi siya, “Ito, Reina.” Sabay turo sa nakafold na pants ko.

    Parang umalis yung kaluluwa ko sa katawan. SHT! Lupa, kainin mo na ako ngayon din!

    “Kanina ka pa, ah. Wag ka nga masyadong mag isip! Hindi na healthy yan.” Humalakhak siya.

    DAMN! Kanina niya pa pala napapansin? I looked away. Buti at nagpatuloy siya sa pagsasalita kahit na natatawa na siya sa naging reaksyon ko.

    “Sinabi niya saking gusto niya ako. Magkaibigan na kami ni Zoey, noon pa, Reina. Kaya naman hindi ko siya agad natanggal sa isipan ko pagkatapos niyang umamin sakin. To be honest, gusto ko rin siya as a friend. Ayaw kong mawala siya sakin. At kuntento naman siya saming dalawa. Mutual understanding.”
    “Schoolmate ko si Zoey nung highschool. Paano kayo nagkikita?” Kumunot ang noo ko.
    “Reina, hindi naman ganun kalayo ang Alegria dito. Kung gusto mo talagang umuwi, magagawa mo rin yun sa loob ng isang araw.”

    Ang tanga ko talaga.

    “So, umuuwi siya tuwing, uh, weekends?”
    “Oo. Pero dumating sa puntong pinapili niya ako. Kung siya ba o yung pag-aaral ko dito sa Maynila. Pinili ko syempre ang pag-aaral. Kaya nagalit siya at ginawa niya sakin yun.”

    Ngayon, alam ko na. Siguro ay narealize ni Zoey ang pagmamahal niya kay Wade kaya nag makaawa siya noon. Pero ayaw na ni Wade ng magulong relasyon na yun. I sighed. Hindi ko alam kung dahil ba naging malinaw sakin ang lahat o dahil nalaman kong hindi niya mahal si Zoey.

    Bakit kaya gusto ko parin siya kahit marami akong kahindikhindik na nalaman tungkol sa kanya? I really need to be cautious. Paano kung ganun ang gawin niya sakin tulad kay Zoey? Kung sana’y alam ko noon pa na playboy siya, sana hindi ko na inamin sa kanyang gusto ko siya.

    Tumayo ako. Sinundan niya ako ng tingin.

    “Wade, uuwi na ako. Gumagabi na, eh. Uhm…”

    Nagkatinginan kami.

    “Okay. Saglit lang.” Tumayo siya kaya mas lalo kong napasadahan ng tingin ang abs niya at ang perpektong biceps niya.

    DAMN! Nag wo-work out kaya siya? UGH! Mukhang hindi. Ano kayang ginagawa niya sa Alegria? Soccer? Ano pa?

    May kagat siyang t-shirt, dalang keys at wallet pagkalabas niya ng kwarto.

    Sinoot niya yung t-shirt niya sa harap ko. Nalaglag ang panga ko nang nakita ko talaga yung dalawang magkabilang abs sa tabi ng abs na nag flex. The obliques and serratus. Tinikom ko agad ang bibig ko. Baka tumalsik pa yung laway ko dito. SHT! Salivate ang peg.

    Pinikit ko ang mga mata ko at tinalikuran siya.

    “Uh? Saan ka pupunta?” Tanong ko.
    “Bibili lang ako ng pagkain sa labas.”

    Dinilat ko ang mga mata ko.

    “Hindi ka ba marunong mag luto?” Hindi ko siya nilingon.

    Pero naglakad siya papuntang harapan ko. Thank God, may saplot na siya ngayon.

    “Hindi masyado.” Ngumisi siya. “May binibentang pagkain naman ang landlady dito sa kabila. Kaya walang problema.”

    Tumango ako at nag-iwas ulit ng tingin. I can cook. But… UGH!

  • Kabanata 18Open or Close

    Kabanata 18
    Niyayanig

    Nanliit ang mga mata ni Coreen at tinignan ako head-to-foot. Naconscious ako kaya nilagay ko ang bangs ko sa likod ng tainga at yumuko.

    “Pang ilang session mo na sa derma? Sinunod mo ba talaga lahat ng sinabi dun?”
    “B-Bakit? Wala bang pagbabago?” Tanong ko.
    “Are you crazy? Bibigyan ko ng jacket, trophy at CD yung dermatologist mo! My God!”
    “Ah…” Nahiya naman ako sa sinabi niya. “Naisipan ko rin kasing mag ayos sa damit-“
    “After 19 years… ngayon mo lang naisipang mag ayos? As in?”

    Mas lalo pang lumiit ang mga mata niya at tinitigan ang mga labi ko.

    “Lipstick?” Tinulak ko siya sa kahihiyan.
    “Hindi. Light lang naman.”
    Nag evil-smile siya. “Ibang klase talaga ang nagagawa ng pagiging in love, ano? Naaalala ko pa noong nainlove ako kay Noah. Grade 7 pa yata tayo nun. Kaya maaga akong nahinog. Jusko dahil sa kapatid mong hanggang ngayon ay di parin ako pinapansin.”
    “Kilala mo naman yun. Wala sa utak nun ang pag gi-girlfriend.”
    Hindi nagpakita ng ekspresyon si Coreen sakin. Inexamin niya na lang ang mukha ko na para bang ang laki ng pinagbago.
    “Grabe, Reina.” Kinulong niya ang pisngi ko sa kanyang mga palad. “Pimpless! Halos madulas pati lamok dito. Ang kintab at ang smooth.”

    Tinulak ko siya palayo. Masyado na akong pinupuri nito. Nakakaconscious tuloy.

    “So, siguro naman sa attire mong yan talagang sasama ka mamaya sa party?” Tanong ni Coreen.

    Ang alam ko kasi, magkakaroon ng victory party sina Noah dahil mas maaga pa ang pagkakaroon nila ng album. Kung noon ay next year, ang sabi ng record label sa kanila ay gagawing late this year. Ibig sabihin, malapit na silang sumikat. Malapit na silang ipatugtog sa MTV o sa MYX. Malapit na silang magkaroon ng mga music video.

    “Hindi ako sigurado, Coreen. Uuwi ako ng bahay.”
    “Diba ilang araw ng nasa Camino Real ang parents mo? Tsaka si Noah at Rozen ay parehong pupunta.”
    “Kaya nga… Pagbabawalan ako ni Rozen-“
    “Hindi ka na niya pagbabawalan. I told him to stay away from your life, Reina.”
    “WHAT?”
    Nagkibit-balikat siya, “Masyado siyang pakealamero. I know he’s over protective. Mahal ka lang niya at ayaw niyang mapahamak ka. Pero come on, matalino ka at alam mo kung ano ang ginagawa mo. Wade isn’t the bad type, either. Hindi nga siya mayaman, pero anong problema dun diba? Hindi pa naman kayo magpapakasal?”

    Kumabog ang dibdib ko nang narinig ko ang sinabi mo Coreen. Magpapakasal talaga? Naiisip ko tuloy na nag luluto ako sa bahay habang nasa kama pa si Wade. At pagkagising niya ay yayakapin niya ako galing sa likuran habang topless siya. SHT!

    “Huy, Reina? Reina?” Kinalabit ako ni Coreen.
    “Ah?” Nabigla ako.

    SHT NA BUHAY! Ano ba itong pinag iisip ko?

    “I’m fine!” Guilty kong sinabi.
    “Huh?” Hindi na ako yung tinitignan ni Coreen. Nakatitig na siya sa likod ko at wala na sa sarili.
    “Coreen?”

    Napalingon ako at nakita ko kung sino ang paparating. Oo nga pala, wala ng ibang makakapag palundag sa puso nito kundi ang kapatid kong si Noah. Yun nga lang, hindi lang yung puso niya ang lumulundag, pati din yung akin. Slow motion na humahakbang si Wade habang kinakausap ang dalawang babae. SERIOUSLY! Maganda na sanang tignan ang paghakbang niya, kung sana wala na yung kinakausap niya yung dalawang babae. Hindi ko tuloy malimutan ang pagiging playboy niya.

    “Hindi ko alam kung alin yung mas okay, yung hindi ka pinapansin sa sobrang kasupladuhan o yung pinapansin ka nga pero ganun naman ang trato niya sa lahat ng babae.” Sabi ko sa stunned na si Coreen.
    “Reina!” Bati ni Joey sakin nang nakarating na sila malapit samin ni Coreen.

    Siniko ko si Coreen. Baka mapaghalataan na naman ito ni Noah. Mabuti at natauhan din at binalingan ako.

    “Hi!” Ngumisi ako kay Joey.

    Naagaw ko yata ang atensyon ni Wade. Nakita niya ako nang nag ‘hi’ ako kay Joey.

    “Ito nga pala yung mga secretary ng taga record label.” Sabay turo niya sa dalawang nakapalibot kay Wade. “Si Mimi at Karla.”
    Tumango ako pero kay Wade ako nakatingin.
    “Hi, Reina!” Naglahad ng kamay ang isa sa mga babae.
    “Hello!” Tinanggap ko ang kamay niya.
    “Kapatid ka ni Noah, diba?”
    Tumango ako at tinignan si Noah na nahuhumaling parin sa pakikipag usap kay Warren at sa manager na kinuha nila.

    “So ano, sasama ka ba mamaya sa party?” Nagngisihan ang dalawang babae.
    “Sasama, bakit?” Sabat ni Coreen.

    Sabay na nagkunutan ang mga noo ni Mimi at Karla. Inirapan ko si Coreen pero kinindatan niya ako.

    “Wala lang.” Bumaling si Mimi kay Coreen at pabalik ulit sakin, “First time mo bang mag bar?”
    “Hindi. Nung 18th birthday ko, sa bar ang after party.”
    Tumango si Mimi. “Ito kasing si Wade, first time niya. Akalain mo yun?” Tumawa siya.
    “That’s normal, Mimi. Hindi naman kasi siya laking Maynila.” Sabi ni Joey nang nakangiti kay Wade.

    Nakangiti si Joey na para bang may ipinapahiwatig. Nanliit ang mga mata ko at inabangan ang sasabihin ni Wade kay Mimi. PLAYBOY! Once a playboy always a playboy!

    Napalunok si Wade at tinignan ako.

    “Hindi naman kailangang pumunta.” Simpleng sinabi ni Wade.
    “HUH? Bakit? Diba curious ka kung anong meron sa bar? Edi eto na nga! Mamaya! Tsaka para sa inyo naman itong party, dapat kang pumunta.”
    “Oo nga naman, Wade.” Sabi ko pagkatapos magsalita ni Mimi.
    “Sayang naman.” Sabi ni Karla. “Don’t tell me, di ka umiinom?”
    “Umiinom pero hindi naman ako alcoholic-“
    “See? Hindi naman siya ganun ka inosente-“
    “INOSENTE?” Nahiya agad ako sa tono at pasigaw na boses ko.

    GAHD, Inosente? Kahit 1%, hindi ko siya matatawag na inosente. Kahit hindi pa siya nakakapunta sa bar, alam kong hinding-hindi siya magiging inosente sa paningin ko.

    Pinasadahan nila ako ng weird looks.

    “I… I mean… umiinom siya, kaya talagang di siya inosente.”
    “Sige na, Wade Sexy Rivas! Sumama ka na!” Sabay kapit ni Karla sa braso ni Wade.

    Agad lumipad ang titig ni Wade sa mga mata ko. Nanliit ang mga mata ko sa nakita ko. Playboy talaga! Tsk.

    “Reina, tulungan mo naman kaming i-convince si Wade na sumama, oh. Para sa banda nila ito. At nakakapanghinayang naman kung yung mismong vocalist ay di sasama, diba?”

    Ako pa talaga ang coconvince, huh? Durugin ko yung pagmumukha niyo diyan, eh!

    “Sasama lang ako pag sasama si Reina.” Biglang sinabi ni Wade.

    Agad napatingin si Joey kay Noah na hanggang ngayon ay seryoso paring nakikipag usap sa manager at wala paring naririnig. Natahimik naman si Karla at Mimi sa sinabi ni Wade.

    Kaya gaya ng sinabi ni Coreen, sumama ako sa bar. Wala rin naman akong gagawin. Sumama din si Coreen dahil panata niyang suportahan si Noah sa kahit anong desisyon nito.

    “Asan na kaya si Noah?” Tanong ni Coreen nang nakarating na kami sa bar.

    Kanina pa raw dumating sina Noah. Nakita ko iyon kanina, at hanggang ngayon ay nag uusap parin sila ni Warren at nung manager nila. Yun nga lang, nang ibinalik ko yung tingin ko sa table nila ay nawala na silang tatlo.

    “Ewan ko.” Sabi ko kay Coreen.

    Nasa kabilang table kami ni Coreen. Kaming dalawa lang. Puno ang bar ng mga fans nina Noah. Dinumog sila kanina dun sa table nila, kaya siguro umalis. Ngayon, ang tanging natitira ay si Joey at Wade. Si Joey ay may isang babae lang, habang si Wade at pinapalibutan ng babae. Bumubulong-bulong pa sa tainga niya ang mga ito. Mukha pa siyang nininerbyos habang sinusulyapan akong nakatitig na parang lawin sa kanya.

    “Hahanapin ko lang. Dito ka muna.” Aniya at naramdaman kong umalis na siya.

    Pang labinglimang inom niya na ang huling nilagok niya. Aniya’y hindi siya umiinom pero bakit Bacardi ang tinatagay niya? I know, it’s Noah’s choice. Pero kung tunay ngang di siya umiinom, by now, patay na siya sa kalasingan.

    “Let’s dance, Wade!” Tumayo ang isang babae at hinawakan ang kamay ni Wade.

    Sumulyap siya sakin. Ayaw niyang tumayo pero hinila siya ng mga babae.

    PLAYBOY TALAGA! Naku! PLAYBOY PLAYBOY PLAYBOY! WOMANIZER!

    Ininom ko yung juice na nakahain sa table ko habang nakatitig parin sa kanya.

    “Ah, Hindi na.” Aniya sa mga babae.

    Pero sa sobrang dami ng babaeng nakapaligid sa kanya, hindi niya na nakayang tanggihan. Tinutulak siya ng iba at hinihila naman siya ng mga malalanding babaeng iyon. Kasama niya pa si Mimi at Karla, ah? Mukhang galit pa ang dalawa kasi hindi nila tuluyang na solo si Wade sa bar. Ano pa bang inaasahan ng mga ito? Syempre, di nila masosolo kasi maraming fans ang narito. Alam naman nating lahat na nung isang araw pa lang sila sabik sa atensyon ni Wade.

    “Let’s get him drunk…” May narinig akong mga nakamini skirt na babaeng may hawak na mga shots.

    Sinundan ko sila ng tingin. Papunta silang dancefloor kung saan naroon na si Wade at pinapalibutan ng mga babae. Binigyan nila si Wade nung shots na dala nila. Nakita kong ininom ni Wade yung limang shots, straight. Shiz?! Tumatawa na siya at mapupungay ang mga mata.

    Ilang sandali pa ay nakita kong nasa katawan niya na ang mga palad ng babaeng sumasayaw sa kanya. For heaven’s sake, halos magkalasug-lasog na naman ang t-shirt niya dahil sa pag-aagawan nung mga babae.

    Tumayo ako para tignan siya. Nakapikit na siya habang isinasayaw lahat ng babae sa paligid niya. OH MY SHIZ!

    Hindi na ako nag-isip. Agad na akong sumugod sa gitna ng dancefloor at hinila si Wade. Hinigit ko siya at first time kong pinagtulakan halos lahat ng taong nagsasayawan na nakaharang sa daanan.

    “What the hell?” Sigaw nung isang babae.
    “EXCUSE ME!” Pasigaw kong sinabi.

    Maingay na at halos matakpan na ng usok ang bar. Mabigat ang kamay ni Wade. He’s drunk!

    Nagmartsa na ako kasama si Wade palabas ng bar. Hindi na ako nagpaliguy-ligoy pa, tinuluytuloy ko na ang pagmamartsa at paghigit sa kanya papuntang parking lot.

    “WADE RIVAS!” Hinarap ko siya nang nakarating kami sa sasakyan ko.

    Laking gulat ko nang nakita kong nakangisi siya at pulang-pula ang pisngi. Sumandal siya sa sasakyan ko at patuloy sa pagtawa.

    Napakurap-kurap ako sa reaksyon niya.

    “HOY! Taga bukid ka! Kung alam mong di mo na kaya, pwede namang tumanggi sa mga shots! Hindi yung lagok ka nang lagok! For God’s sake…” Umiling ako. “Sumusobra ka na, ah?”

    Mapupungay ang mga mata niya nang tinignan ako.

    “Bakit, Reina? Ayaw mo bang may nakahawak saking iba?”
    Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya.

    Confirmed. He’s really drunk! Ewan ko pero diretso siya kung makatanong kung galit siya sa tao… pero simula nung naging okay na kami, naiilang na siyang magtanong o mag yabang sakin. Pero ngayon… diretso niyang naibulalas ang mayabang na tanong niya.

    “Hindi no!” Napaatras ako. “Wala akong p-pakealam kung sinong humawak sayo… Yung ayaw ko lang a-ay pinaglalaruan ka ng iba. They’re trying to get you drunk, Wade.”
    “Hindi, Reina. Ayaw mong may kasama akong iba.”

    Kumabog ang puso ko. God damn it! He’s drunk. He’s a playboy. He’s both. This is dangerous. Manhole ito na kailangan kong iwasan. Deep excavation na may malaking karatula. Pero bakit patuloy ako sa paglalakad? Hindi ko man lang iniiwasan?

    “Aminin mo, Reina. Please… Aminin mo.” Humakbang siya papalapit sakin.

    Naramdaman ko agad ang init ng katawan niya. Siguro naging mas mainit yung aura niya dahil sa alak. Nakita ko ring mejo na out-balance na siya sa paglalakad.

    “Okay fine, Wade Rivas. Useless namang ideny kasi alam mo namang gusto kita. Oo, ayaw kong may nakapaligid na babae s-sayo.” Anyway, he’s drunk. He won’t remember this. “Oo, ayaw kong may nakahawak sayong iba.”

    Nanlaki ang mga mata niya at nag-iwas agad ng tingin sakin. Tinakpan niya ng palad ang mukha niya at tinalikuran ko.

    “Langya, para talaga akong niyayanig pag sinasabi mo yan. Shit!” Bulong niya sa sarili saka napahawak sa dibdib.

    Unti-unting nanlaki ang mga mata ko. Hinabol ko ang tingin niya. Hinarap ko siya pero nag iwas siya ng tingin.

    “Wade? You’re drunk.”

  • Kabanata 19Open or Close

    Kabanata 19

    Stage 4

    “You’re just drunk, Wade.”

    Nilakihan ni Wade ang mga mata niyang mapupungay nang bumaling siya sakin. Sumandal siya sa sasakyan ko at hinaplos niya ang mukha ko.

    “Nagpapaganda ka ba para sakin, Reina?”

    Napaatras ako sa tanong at haplos niya.

    “Ugh! Wade, iuuwi na kita.” Tinulak ko siya palayo sa pintuan ng sasakyan ko para mabuksan ko iyon.

    Mejo na out-balance pa siya sa pagkakatulak ko kaya kinailangan ko pang hatakin siya. Tumawa siya at pinasadahan ako ng tingin gamit ang mapupungay niyang mata. Damn! Yung dimple niya talaga ang kahinaan ko. Nakakatunaw ang titig niya, dagdagan pa ng malalim niyang dimple, perpekto!

    *KRIIIIING!*

    Agad kong sinagot ang cellphone ko tsaka sinulyapan si Wade na nakangisi parin. Hindi na makapag focus ng maayos ang mga mata niya. Sa mga titig niyang yan? Imposibleng sober siya. Tinititigan niya ako na parang ako lang yung mundo niya. Yung tipong ako yung pinakamagandang babae sa balat ng lupa. Yung tipong pinapangarap niya ako, noon pa. Kaya imposibleng hindi siya lasing.

    Nag-iwas ako ng tingin. Baka matunaw at manisay ako dito dahil lang sa titig niya.

    “Hello?”

    Si Coreen yung tumatawag.

    “Asan ka na?”

    “Uhmm.” Napakamot ako sa ulo. “Nasa kotse. Sa parking lot. Bakit?”

    “Uuwi ka na?” Tanong niya.

    Sumulyap ako kay Wade na ngayon ay nakahalukipkip na. “Siguro.”

    “Sinong kasama mo?”

    Tinalikuran ko si Wade at…

    “Ako lang, mag isa.” Kinagat ko ang labi ko. “Bakit? Magpapasundo ka?”

    “Hindi. Okay lang ako.”

    “Huh? Kung ganun susunduin ka ng dad mo?”

    “Uh… Siguro. Sige na. Mag text ka lang sakin pag nakauwi ka na. Uuwi rin ako. Saglit lang ito. Bye. I love you.”

    “I love you, too.”

    Pinutol na ni Coreen ang linya kaya binaba ko ang cellphone. Siguro ay mag tataxi yun kaya hindi na sasabay sakin.

    Binalingan ko ulit si Wade para pasakayin sa sasakyan ko pero nabigla ako nang nakitang nasa front seat na siya ng sasakyan ko at mukhang galit na.

    “Iuwi mo na ako, Reina.” Utos niya.

    “Oo, iuuwi naman talaga kita. Hindi mo na kailangang utusan ako.”

    Sinarado ko yung pintuan niya at pumasok na sa driver’s seat.

    “Sino ba talaga yang ka iloveyou-han mo, ha?” Galit niyang tanong sakin.

    Ka iloveyou-han? AH! Oo nga pala… tumawag pala si Coreen. Narinig na naman ni Wade yung pinag usapan namin.

    “Kaibigan lang naman-“

    “Kaibigan ba talaga yan? O… So ibig sabihin pwedeng mag ‘I love you’ ako sayo dahil magkaibigan tayo?”

    Nanlaki ang mga mata ko, “W-What? Uh, pwede rin siyempre that’s if you mean it-“

    “ARGHHH!” Ginulo niya yung buhok niya at pinikit ang mga mata, “Hindi yan ang punto ko, Reina. Ang punto ko dito ay saka ka lang mag ‘I love you’ pag kayo na. Wala ka namang boyfriend, diba?”

    Tinitigan ko lang siya. Nakita ko ang unti-unting pagpula ng pisngi niya. Tuliro siya at mapupungay parin ang mga mata. Unti-unting kumunot ang noo niya habang tinititigan ako. ang gwapo niya talaga, kahit saang angulo. Kaya naman halos gahasain siya ng mga babae dun sa bar. I bet, pati sa Alegria ay yung mga babae mismo ang lumalapit sa kanya.

    “REINA!” Lumalim at bumilis ang pag hinga niya.

    Napapikit ako sa sigaw niya.

    “DIBA? Wala kang boyfriend!?”

    “OO! Wala.” Umirap ako.

    Ang lecheng gwapo na ito. Ang sungit! Di makapag hintay sa isasagot ko.

    “Bakit nag isip ka pa? Bakit ang tagal mong makasagot?”

    “Bakit ang OA mo? Eh kita mo ngang wala akong boyfriend! Kung meron akong boyfriend edi sana wala ako dito sa harapan mo. Baka nandun ako sa kanya at siya yung inaatupag ko. Kaya wa’g mo nga akong ipressure.” Umiling ako.

    “Eh bakit may pa thrill ka pa riyang patitig-titig nang di sinasagot ang mga tanong ko. Kung wala kang boyfriend edi dapat sinagot mo agad.”

    Umirap ako, “Ano naman kung may boyfriend ako? Ano yun sayo?”

    Natigilan siya sa tanong ko, “A-Ang sabi mo gusto mo ako. Paano yun? Gusto mo ako pero may mahal kang iba?”

    “Eh ano ngayon kung ganun nga? I mean… hindi ganun pero paano kung ganun? Ano yun sayo?”

    Nanliit ang mga mata niya.

    “Sus! Babae ka! Ang gulu-gulo mo, ano ba talaga?”

    Nagsalita ang magulong lalaki! Ang hirap niya ngang ispellingin tapos ako pa ang sinasabihan niyang magulo?

    “Nagseselos ka ba, Wade?”

    Nalaglag ang panga niya at nag-iwas ng tingin. I know he’s a bit drunk or tipsy kaya pagsasamantalahan ko na ang pagkakataong ito.

    “Di-Di ah.” Simple niyang sinabi.

    “Sa bagay, hindi ka naman magseselos kasi wala ka namang gusto sakin. Ako lang naman yung magseselos dito lalo na pag may iba kang mga babae.” Sinulyapan ko siya s gilid ng mga mata ko.

    Nakita kong panay ang titig niya sakin.

    “Di ka naman pala nag seselos, edi wala ka dapat pakealam kung may sabihan akong I love you, diba?”

    Natahimik siya. Pa effect akong bumuntong-hininga at pinaandar ang sasakyan.

    “Iuuwi na kita. Matulog ka na ah. You’re drunk.”

    “Hindi ako lasing.”

    Sumulyap ako sa kanya bago inatras ang sasakyan para makalabas na. “O, edi, sige, bumalik ka na lang sa bar. Dun ka na lang. Ako na lang ang uuwi.”

    “Ayoko… baka kung sino pa yung ihahatid mong iba.” Bulong niya sa sarili niya.

    “Huh? Anong ihahatid na iba?”

    Ilang sandali pa bago ko narealize na narinig niya nga pala ang usapan namin ni Coreen. Hindi niya alam na si Coreen yun. Iniisip niya sigurong ibang lalaki yung ihahatid ko. WHOA! Siya lang naman ang lalaking nakakasakay sa sasakyan ko, tapos kung makapagselos siya diyan, wagas!

    “Sus! Kunwari ka pa. Alam kong marami kang lalaki. Hindi ko lang nakikita kasi hindi naman ako tumatambay sa mga sosyal na tambayan tulad mo.”

    SOSYAL NA TAMBAYAN?

    Napatingin talaga ako sa mukha niyang nag tatampo at nakatingin sa labas. Ni hindi nga ako tumatambay na may kasamang lalaki. Sa bahay lang nga ang buhay ko. Ano bang iniisip ng lalaking ito?

    “Okay, can we have a deal? Ayaw mong may ka i-love-you ako, ayaw kong may mga babae ka. Hindi ako mag a-i-love-you sa ibang tao kung hindi ka lalapit sa ibang babae.”

    “Simple. Deal! Hindi naman kasi ako lumalapit sa mga babae, sila ang lumalapit sakin.”

    May bagyo ba ngayon? Ang yabang talaga nito, ah? Pero nabigla naman ako sa agad na pagpayag niya in exchange sa pag iwas kong mag I love you sa ibang tao!

    “Eh paano po ba kasi… Kung cancer pa yang ka gwapuhan mo, nasa Stage 4 na yan kaya talagang may lalapit sayo. Ngayon, gusto kong iwasan mo sila kahit na lalapit sila sayo.”

    Tinignan ko siya at nakita kong nakasandal na sang ulo niya sa upuan at nakapikit na ang mga mata niya.

    “Okay, deal. Basta ba ako lang.”

    Kinagat ko ang labi ko at tinignan ulit siya. Naghuhuramentado na ako dito pero nakapikit lang siya at nagrerelax sa tabi niya. Parang kabayong tumatakbo na ng paikot-ikot ang puso ko sa dibdib ko… SHIZ ka Wade SEXY Rivas!

  • Kabanata 20Open or Close

    Kabanata 20

    Ang Galing Mo

    Hinatid ko si Wade sa apartment nila. Nakangisi siya nang lumabas siya sa sasakyan ko.

    “Wa’g mong kalimutan ang deal, Reina.” Aniya.

    “Hindi naman talaga.” Sabi ko pero tinalikuran niya na ako.

    Halos madaganan niya pa yung gate ng apartment nila. Tumawa siya at nagmura ng pagkalakas-lakas.

    “Wade, mag ingat ka naman!” Sigaw ko.

    “Opo.” Sigaw niya at nagpatuloy siya sa pagpasok.

    Nang tuluyan na siyang nakapasok sa kwarto niya ay umalis na ako at umuwi.

    Kinaumagahan, tanghali na ako nagising. Mabuti na lang at school festival ngayon kaya wala kaming pasok.

    Kakatapos ko lang mag toothbrush. Hindi pa ako nakakapagsuklay ay lumabas na ako ng kwarto. Alas onse na pala kaya kumakalam na ang sikmura ko sa sobrang gutom.

    *Kriiiiing*

    Kinusot ko ang mga mata ko bago sinagot ang tawag.

    “Hello?” Paos pa ang boses ko nang sinagot ang tawag ni Coreen.

    “Hindi mo na ako tinawagan kagabi pagkauwi mo. Jusko! Nag worry ako ng sobra.”

    Pumasok ako sa kitchen at kumuha ng tubig na malamig bago kumain.

    “Kasi naman, inaantok na talaga ako pagkarating ko sa bahay. Sinong naghatid sayo?” Tanong ko.

    “A-Ah? Wala… Ako lang. Uy, sige, chineck ko lang kung okay ka na. Pupunta pa ako ng school ngayon para sa isang project namin. Ikaw?”

    “Wala. Dito lang ako sa bahay. Sketch… siguro.”

    “Alright. Sige, bye baby Reina. I love you to the highest level.”

    “I love you, too.” Ininom ko yung tubig habang binababa ang cellphone.

    “SINASABI KO NA NGA BA!”

    Tumindig ang balahibo ko sa biglang nagsalita. Napalingon ako at nakita ko ang nakahalukipkip na si Wade.

    “Huh?”

    PATAY! Bakit ba kasi nandito siya? Agad kong kinapa ang mga mata ko, baka may muta pa eh. Tsaka sinuklay ko rin ang buhok ko gamit ang mga daliri ko, ang gulo pa kasi.

    “May practice kayo?” Tanong ko.

    “Winawala mo ang usapan, Reina. Nahuli kitang nag a-iloveyou sa iba.”

    Napalunok ako.

    Kahit galit siya, nakikita parin yung dimple. It’s disturbing.

    “Ha? Akala ko kasi hindi mo maaalala. Tsaka-“

    “Huh? Bakit di ko maaalala, wala naman akong amnesia. Tss. Reina, ikaw pa yung nag open up ng deal, ikaw rin pala ang unang sisira.”

    “Hindi naman, Wade. I mean… hindi na mauulit, promise.”

    Umirap siya at tinalikuran ako, “Ang unfair mo, Reina.”

    Agad ko siyang linapitan at hinila para humarap ulit siya sakin.

    “Wade… sorry. Promise, hindi na mauulit.”

    Kinalas niya ang kamay kong nakahawak sa braso niya. Hindi siya nagsalita at umalis na. Patay! Talagang galit siya sa nagawa ko. Wala akong choice kundi sabihin sa kanya yung totoo.

    “Wade Rivas!” Sigaw ko. “Wa’g ka ngang magselos diyan! Si Coreen naman yung ka I love you ko! For God’s sake! Ang arte nito.”

    Hinarap niya ako.

    “Paano ako nakakasigurong siya nga?” Tinignan niya ang cellphone na hinahawakan ko.

    Nilahad ko ang kamay ko at ipinakita sa kanya ito.

    “Tss.” Ginulo niya ang buhok niya. “Kalimutan mo na lang. Hindi naman ako boyfriend para tignan pa yung cellphone mo.”

    “Kung nag dududa ka naman… Edi i-check mo na.” Winagayway ko sa harapan niya ang cellphone ko.

    Hinawakan niya ang braso ko. Talagang natigilan ang buong sistema ko nang naramdaman ko ang kamay niyang hinahawakan ang braso ko. Parang kiniliti at kinuryente ang buong katawan ko sa simpleng pagkakahawak niya.

    “Hindi na.” Aniya.

    “E-Eh…” Tinanggal niya yung kamay niya sa braso ko. “Ikaw? Totoo naman kayang iiwasan mo na ang mga babae?”

    Nag iwas siya ng tingin at nakita kong namula ang pisngi niya, “Oo.” Ngumuso siya.

    Nanliit ang mga mata ko, “Nandun ba sina Mimi at Karla sa loob ng music room?”

    Suminghap siya, “Oo.”

    Mas lalong naningkit ang mga mata ko, “Iniwasan mo ba sila?”

    “Oo nga, sabi!” Inis niyang sinabi pero halata parin ang pamumula niya.

    “Show me, Wade Rivas!” Sabi ko. “Dahil hindi ako naniniwalang kaya mong umiwas sa mga babae.”

    Bigla siyang naglahad ng kamay.

    “Sumama ka sakin sa music room.” Seryosong sinabi niya.

    Tinignan ko ang sarili ko.

    “Nakapajama pa ako, hindi pa ako kumakain at higit sa lahat hindi pa ako nakakaligo. Susunod na lang ako, Wade.”

    Umupo siya sa bar ng kitchen namin at humalukipkip.

    “Edi maghihintay ako dito hanggang sa pwede ka ng pumunta dun.”

    “Huh?”

    Hindi siya nagpatinag kaya agad na akong kumain at umakyat sa kwarto ko para maligo at magbihis. Sa sobrang pressure ko ay halos wisik-wisik lang yung nangyari sa banyo. Ni hindi na nga ako nakapag blower. Sinalubong ako ng malalalim niyang titig. Nandun parin siya sa bar ng kitchen habang tinititigan akong papunta sa kanya. Nakita kong kumuyom ang panga niya at umiling.

    “Bakit?” Tanong ko.

    Why is his jaw clenched?

    “Ano yan, wet-look?” Suminghap siya at tumayo.

    “Eh… nagmamadali ako. Tara na! Baka galit na si Noah. At nagtataka na yun dahil wala ka pa.”

    Tumango siya at nagsimulang maglakad.

    Nang dumating na kami sa music room. Nakita kong si Joey lang ang kinakausap ni Mimi at Karla. Mabilis namang lumingon ang dalawa sa aming dalawa ni Wade.

    “Wade! Saan ka ba galing?” Tanong ni Mimi.

    Nagkibit-balikat lang si Wade at dumiretso sa stage. “Another round, Noah?”

    Tumango si Noah at inayos ang gitara niya.

    “Joey, bilis na.” Tawag ni Warren.

    “Eto na… Eto na…” Tamad na tumayo si Joey.

    Siguro ay nahumaling na siya sa atensyon ni Mimi at Karla.

    “GO WADE!” Sigaw ni Mimi.

    Napalingon si Joey sa kay Mimi. Para bang hindi siya makapaniwala na kahit siya yung kausap nila kanina ay kay Wade parin nakatuon ang pansin ng dalawa.

    “I can’t believe it, dude.” Umiling si Joey kay Warren.

    Tumawa si Warren at tumingin sakin.

    WHAT?

    Nagsimulang kumanta si Wade ng isa na namang nakakapanindig balahibong kanta. Tumili at halos manisay sa kilig ang dalawang babae dito. Naging busy na lang ako sa pag i-sketch ng kung anu-ano. Nakakadistract kasi ang ingay ng dalawang ito, tsaka ang boses ni Wade.

    “Simula ng ikaw ay mawala, wala ng dahilan para lumuha…”

    Sulyap kay Wade, sulyap sa sketch pad, sulyap ulit kay Wade pabalik sa sketchpad ko – yan ang ginawa ko sa kabuuan ng kanta ko kaya heto at naidrawing ko siyang kumakanta sa entablado.

    Uminit ang pisngi ko nang nakitang patapos na akong mag sketch sa mukha niya. Maayos kong nilagyan ng buong detalye si Wade. Kahit yung pagpapakita ng dimple niya ay nilagay ko. Kahit ang artistic na pagkakagulo ng buhok niya ay kinopya ko.

    For the first time in my life, nagustuhan ko ang perpekto kong drawing.

    “Patungo… sa iyo…”

    Nahumaling na ako sa paglalagay ng detalye nang patapos na ang kanta nina Wade. Nang natapos na nga siya sa pagkanta ay sinalubong siya nina Mimi at Karla. Sumulyap ako sa kanya para tignan kung iniwasan niya ba ang dalawa.

    Napangisi na lang ako nang nakita kong hinawi niya ang kamay ni Mimi na nakahawak sa braso niya.

    “Excuse me, pupuntahan ko lang si Reina.” Aniya.

    Humalakhak ako ng konti at tinabunan ang mukha ko sa sketchpad. Binubura ko na yung mga linyang di kailangan…

    “Lagi ba talaga akong may kaagaw sa atensyon mo? Kumakanta ako, tapos ikaw nag dadrawing dito.”

    “Eh kasi naman po… Ikaw yung dinu-drawing ko.” Sabay pakita ko sa sketchpad ko.

    Nanlaki ang mga mata niya nang tinignan ang sketchpad ko. Napangisi na lang ako sa naging reaksyon niya.

    “Ang galing… mo… Reina.”

    Uminit ang pisngi ko, “Thanks. Pero mas magaling ka. Kasi naiwasan mo sila.”

    Ngumuso si Wade at tinitigan ako.

    “Madali lang umiwas Reina, basta ikaw ang kapalit.” Seryoso ang pagkakasabi niya nito.

    Halos malagutan na ako ng hininga dahil sa pagpipigil. Nananaginip ba ako o talagang sinabi niya iyon?

  • Kabanata 21Open or Close

    Kabanata 21

    Magkaibigan Kami

    Buong linggo ang walang pasok kaya nasa bahay lang ako buong linggo. Wala naman kasi akong sinalihang event kaya walang dahilan para pumunta ako sa school.

    “Reina, pag dumating si Wade, sabihin mo na lang may lakad pa ako. Baka gabihin ako ng uwi. Dito mo na siya ipagtanghalian. Nakalimutan kong sabihin sa kanya na may lakad pala ako.”

    “Huh?” Padabog kong nilapag ang aklat ko sa table. “Pero, Noah. Itext mo na lang na wa’g na siyang pumunta dito.”

    “Bakit? Eh kung ayaw niyang magstay, sabihin mo na lang sa kanya na iwan na lang yung lyrics at balik na lang siya mamayang gabi.”

    Agad nang umalis si Noah. ANAK NG PUTSPA, dinalaw agad ako ng matinding kaba. Bakit ang swerte ko? Bakit ang galing mang utos ni Noah? Gusto ko namang makasama si Wade kaso nag hahyperventilate ako tuwing kasama ko siya.

    Ano naman ang gagawin naming dalawa?

    “Hi Reina!” Napalundag ang puso ko nang nakita ko kung sinong kakarating lang.

    OMG!

    “Rozen, Zoey? Bakit kayo nandito?”

    Kumunot ang noo ni Rozen sakin, “This is my house, too, Reina.” Nakita kong may halong galit at inis sa ngisi ni Rozen.

    “A-Alam ko naman.”

    Umupo si Zoey sa tapat ng sofang inuupuan ko. Kinulot-kulot niya ang buhok niya gamit ang mga daliri. Si Rozen naman ay tumabi sa kanya. Hinaplos ni Rozen ang leeg ni Zoey. Nakiliti naman si Zoey kaya tumawa siya at sumulyap sakin ng namumutla.

    “Rozen, stop it.” Aniya. “Nandyan si Reina.”

    Kumunot ang noo ko at tumayo sa kinauupuan ko.

    “It’s okay, Zoey. Oh, Reina? Aalis ka?” Sabi ni Rozen sakin nang nakangiti.

    “Sainyo na lang itong sala, kuya Rozen.” Malamig kong sinabi.

    “May lakad kayo ni Coreen?”

    Tinalikuran ko sila at nagsimulang maglakad ng padabog sa hagdanan.

    “Kung may lakad kayo, wa’g mong kalimutang ikwento sa kanya ito, ah?” Nilingon ko si Rozen at kinindatan niya ako.

    What is his problem? Nagpatuloy ako sa pag akyat sa taas nang narinig ko ang katulong namin.

    “Sir Rozen, may naghahanap kay Sir Noah sa labas. Wade Rivas daw.”

    Natigilan ako sa sinabi ng katulong.

    “Ah? Wala ba si Noah?” Dinig kong tanong ni Rozen.

    Bumalik ako sa baba at nakita kong pinasadahan ako ng titig ni Rozen. Para bang may hinihintay siyang reaksyon ko.

    “Manang, papasukin niyo si Wade. May binilin po si Noah sakin. Ako na bahala sa kanya.” Tumango ang katulong namin at sinunod ang sinabi ko.

    Binalingan ko si Rozen na nakangiti (pero halatang galit) at si Zoey na namumutla.

    “I know what you did, Rozen.”

    Sumandal si Rozen sa sofa at ngumuso sakin. Umirap ako at tinignan ang namumutlang mukha ni Zoey.

    “Reina…” Tawag ni Wade sakin pagkabukas ng pintuan namin.

    “Wade.” Nilapitan ko si Wade kahit na nakita ko sa mukha niya ang pagkabigla sa nakitang si Rozen at Zoey.

    “Pasok ka…” Hinigit ko ang kamay niya. “Aalis tayo.”

    “H-Huh? Si Noah?”

    “Wala siya dito. Binilin ka niya sakin.”

    Sumipol si Rozen nang nakitang hinahawakan ko ang kamay ni Wade.

    “Jackpot ba?” Tumaas ang kilay ni Rozen.

    Naramdaman ko ang paninigas at pagkukuyom ng kamay ni Wade. Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kamay niya at mas lalo ko ring binilisan ang paghila sa kanya.

    “Rozen, pwede ba? Tumigil ka nga!” Sigaw ko kay Rozen.

    Ngumuso siya. Hindi siya natinag sa galit ko. “Titigil ako. Just tell her, Reina.”

    Inakbayan niya si Zoey at hinalikan sa leeg. UGH! Uubusin ko ang pera ko para lang makahanap ng babaeng makapagpapatino sa isang ito. Namutla pa lalo si Zoey at kitang-kita ko ang pagtitig niya kay Wade.

    Sumulyap ako kay Wade na nakatingin sa nakahawak kong kamay.

    “So-Sorry.” Sabi ko sabay bitiw sa kamay niya.

    Gosh! Hindi ko na namalayan ang higpit ng pagkakahawak ko.

    Umiling siya at kinuha ulit ang kamay ko bago tinignan ulit si Rozen.

    “Tell her, Reina.” Sabi ni Rozen sakin.

    “Alright, then.” Bahala kayong dalawa, basta ang importante ay masolo ko itong si Wade Rivas!

    MGA LECHE!

    “Saan ba tayo pupunta?” Tanong ko nang binitiwan ko na ang kamay ni Wade nang nakarating kami sa kitchen.

    Nag impake ako ng mga sandwich, fried chicken, french fries at kung anu-ano pang mga pagkain at drinks.

    “Aalis tayo dito. Mag pipicnic tayo.” Sabi ko ng wala sa sarili.

    “Huh?” Narinig ko ang pagtataka sa boses niya.

    Binalingan ko siya.

    “Nagselos ka ba sa ginawa ni Rozen kay Z-Zoey?”

    “HUH?” Mas lalo siyang nagtaka.

    “Don’t deny it, Wade.”

    “Hindi, Reina. Hindi naman ito ang unang pagkakataong nakita ko siyang may kasamang iba. At hindi naman ako baliw sa kanya para magselos.”

    I felt relieved. Hanggang ngayon, kahit hindi ko ipinapakita, worried parin ako para sa nararamdaman niya kay Zoey. Hindi naman kami pero for some reason, nararamdaman kong mas malapit na kami ngayon kesa sa dati. Hindi ko nga lang alam kung ako lang ba ang malapit sa kanya ngayon o may ibang babae pa?

    Nagpatuloy na lang ako sa pagliligpit ng mga pagkain. Tinignan niya ang mga niligpit ko.

    “Saan ba tayo mag pipicnic? At bakit?” Tanong niya.

    “May lupa kami sa Domino Heights. Yung isang subdivision dito. Over looking ang buong syudad doon. Mahilig akong tumambay dun pag walang ginagawa o para mag sketch. Doon na lang tayo pumunta.”

    Tumango si Wade. “T-Tayong dalawa lang?”

    “Oo. Date.” Ngumiti ako.

    “D-Date?” Hindi siya makatingin sakin pero tinitigan ko siyang mabuti kaya tinakpan niya ang mukha niya.

    Wala na si Rozen nang dumaan kami sa sala. Si Zoey na lang ang nandoon. Nilagpasan ko si Zoey, si Wade ang may dala ng mga pagkain namin kaya nahuli siya ng konti sakin. Bago pa lang ako nakalabas ay narinig ko ang tanong ni Zoey.

    “Saan kayo pupunta, Wade?” Malamig ang tanong niya.

    “Wala… May lakad lang kami.” Simpleng sinabi ni Wade.

    Tinignan ko si Zoey na mukhang maiiyak na sa panghihinayang habang tinitignan si Wade na palapit sakin.

    “Wade!” Sigaw ni Zoey.

    Lumingon si Wade kay Zoey. “Huh?”

    Umiling si Zoey at ngumisi. Pero kitang kita parin ang panghihinayang niya kay Wade. “Sikat ka na, ah.”

    “Hindi naman, Zoey.”

    May part talaga sa kanilang dalawa ang hindi ko maintindihan. Magkaibigan silang dalawa… at playboy itong si Wade kaya nahulog yung isa. Pero hindi nanligaw si Wade kay Zoey dahil hindi niya naman daw ‘mahal’ si Zoey. Kaya naman nakipagrelasyon sa iba si Zoey para paselosin si Wade. Pero ang nangyari ay mas lalong nawala si Wade sa kanya. He drifted away… They fell apart.

    “Magkaibigan kami ni Zoey, Reina. Pero kaya ko siyang iwasan ng buong buo kung gusto mo.”

    Seryoso siyang nakatitig sakin ngayon habang naglalakad kami papunta sa sasakyan ko. Napaawang na lang ang bibig ko. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Bakit kaya willing na siyang pagbigyan lahat ng hiling ko? Kung mag papatuloy ito, tuluyan na akong mahuhulog ng husto sa kanya!

  • Kabanata 22Open or Close

    Kabanata 22

    Papatayin Sa…

    Tahimik ako buong drive papunta sa Domino Heights. Ilang sandali pa bago ako nakahugot ng lakas para tanungin siya ng isang bagay.

    “Wade… nilapitan ka ba ni Rozen? Binantaan ka ba niya na wa’g akong lapitan?”

    Hindi agad nagsalita si Wade. Nilingon ko siya at nakita kong seryoso ang mukha niya habang tinitignan ang daanan namin. Mas lalo siyang nagiging attractive dahil sa malalim niyang iniisip.

    “Oo.” Simpleng sinabi niya.

    “Kaya ba nagalit ka sakin? Kaya ba malamig ka nung una, sakin?”

    “Oo.”

    Napalunok ako. Hindi na ako nagsalita ulit. Natatakot kasi ako sa reaksyon niya.

    “Paano mo nalaman?”

    Nagkibit-balikat ako, “Sinabi ni Coreen sakin.”

    Tumango siya.

    Pinark ko ang sasakyan sa tapat ng bakanteng lupa namin sa Domino Heights.

    “Ang ganda dito. Kitang-kita ang view ng buong syudad.” Aniya.

    Lumabas kaming dalawa.

    “Wade, paki kuha yung mat.” Sabay turo ko sa ilalapag naming mat sa ilalim ng punong kahoy na nakatayo sa gitna ng lupa namin.

    “Okay po…” Ngumisi siya sakin.

    5… 4… 3… 2… 1… SIGAW! My God! Pwede bawasan niya ng konti yung pagngiti niya at pagtitig niya sakin?

    Kinuha ko ang mga pagkain at nagsimulang maglakad papunta doon sa puno. Kinuha ni Wade ang mat at nilapag niya iyon sa damuhan.

    “Yung school ba natin yun?” Tanong niya sabay turo sa malaking gusali sa malayo.

    Tumango ako at nilapag ang mga pagkain sa mat.

    “Ang daming buildings, ano? Mas maganda dito pag gabi. Kitang kita mo yung city lights.” Sabi ko at umupo ako sa mat.

    Umupo siya sa tabi ko ng wala sa sarili. Nakatingin parin siya sa malayo.

    “Ang ganda dito sa Manila.” Aniya.

    Pinagmasdan kong mabuti ang kumikislap na mga mata niya. “Maganda din ba sa Alegria?” Tanong ko.

    Tumango siya.

    “Umuuwi ka pa ba dun?” Tanong ko.

    “Syempre… Nandun ang pamilya ko.”

    Tumango ako. “Anong trabaho ng mga magulang mo?” Tanong ko.

    “Si papa ay retired army, si mama naman ay teacher.” Ngumisi siya sakin.

    Hmmm… His life seems normal.

    “May kapatid ka ba?” Tanong ko.

    “Meron akong bunsong kapatid na lalaki.” Tinignan niya ako ng nakangiti. “Balang araw, ipapasyal kita dun.”

    Kinabog ang puso ko sa sinabi niya. He’s not that bad. Mali lang talaga ang simula naming dalawa. Mali dahil ginulo agad kami ni Rozen. Nagkaroon pa ako ng napakaraming panghuhusga sa kanya. Pero masisisi ba ako? Masyado naman kasi siyang misteryoso. Playboy pa. Pero bakit pakiramdam ko normal lang naman siya.

    “T-Talaga?”

    Ngumisi siya sakin, “Gustong-gusto ko talaga pagnamumula ka.” Humalakhak siya.

    “HA?” Boiling point na yata ng pisngi ko sa sobrang init nito.

    Tumawa pa siya lalo, “Kung pwede lang araw-araw kitang inisin o pasayahin para lang makita yung pamumula mo, gagawin ko talaga.”

    “HUH?” Nag iwas na ako ng tingin sa kanya.

    “Ano pa kayang makakapagpula sa pisngi mo? Hmmm?” Tumingin siya sa malayo para mag isip.

    Sinapak ko na. Sasabog na ako sa kakahyperventilate dito pag hindi niya tinigilan ito.

    “Wade! Tumigil ka nga…” Unti-unti na namang nagiging green ang utak ko.

    JUSKO! Bakit ganito ang epekto ni Wade sakin?

    “M-Marami ka bang babae sa Alegria?” Kinagat ko ang labi ko para matigil yung panginginig ng boses ko.

    Tumawa siya, “Anong babae? Wala!”

    “Sinasabi mo lang naman yan para di ako magselos!” Kumunot ang noo ko.

    Umiling siya, “Wala talaga.” Pero nakangiti.

    Hindi ako naniniwala. Nararamdaman ko talagang marami siyang mga babae doon. Napipicture out ko na siyang naka topless habang nag tatrabaho sa farm nina Zoey. May putik sa katawan niya at may mga babaeng naglalaway sa likuran. At dahil malandi siya, kaya niyang makipaglandian sa mga babaeng yun. Naiimagine ko ngang naghahalikan sila sa damuhan ng Alegria. My Gulay.

    Pinukpok ko ang sarili ko.

    “Reina?” Tumaas ang kilay niya nang tinignan ako. “Anong nangyayari sayo?”

    “Ah! W-Wala.” Nag ngising-aso ako at nagkunwaring binubuksan ang isang sandwich. “Kain muna tayo.”

    Tumango siya pero tinitignan niya parin ang mukha ko.

    “Kumakanta ka na ba talaga kahit nung nasa Alegria ka pa?” Tanong ko.

    Tumango siya, “Oo. May mga kaibigan akong mahilig ding magbanda doon. Ako din yung vocalist nila.”

    “Saan ba yung Alegria? Hindi pa ako nakapunta dun. Nakapunta na naman ako ng probinsya.”

    “Marami namang probinsya. Mayaman ka kasi kaya di mo na kailangang pumunta ng probinsya.”

    “Kailangan namin. Si mommy at daddy kasi para sa negosyo. May lupa kaming ginawang rubber plantation.”

    Ngumuso siya.

    “Sobrang yaman niyo. Pakiramdam ko off limits ka.” Mahina ang boses niya at nakatingin siya sa kawalan habang sinasabi iyon.

    “Huh?” Hinabol ko yung titig niya.

    Unti-unting pumula ang pisngi niya. Kumunot ang noo niya mukhang nainis.

    “WALA!”

    Napangiwi ako sa biglaang moodswing niya. Bumunot-bunot siya ng mga damo.

    “Wade? anong sabi mo?” Tanong ko ulit.

    “Wala!” Masungit niyang sagot.

    Inilapit ko ang mukha ko sa kanya para makita ang mga mata niya. Mas lalo siyang umiwas sa titig ko.

    “Reina… Wa’g mo muna akong tignan, please.”

    Wow! Ito ang unang pagkakataong nakita kong sobrang pula ng pisngi niya.

    Nakita kong pulang-pula din ang tainga niya pati ang leeg niya. Amazing!

    Hinawakan ko ang tainga niya. Napatalon siya sa pagkakahawak ko.

    “Reina, ano ba!”

    Ngumisi ako. Hindi parin siya makatingin kaya pinagsamantalahan ko.

    “Ang bango mo, Wade. At ang ganda ng tainga mo… Bakit ka namumula?”

    Ipinikit ko ang mata ko para mas lalong maamoy siya. Sobrang bango niya. Ultimo pawis na galing sa katawan niya ay mabango.

    “R-Reina?”

    “Hmmm?” Hindi parin ako dumidilat. “Ang bango mo, Wade.”

    Unti-unti akong dumilat. Pero bago pa ako dumilat ay naramdaman ko ng dumampi ang malambot niyang labi sa labi ko. Nakapikit ang mga mata niya at sobrang pula ang pisngi.

    Halos tumalon hanggang Mars ang puso ko at umulan na ng silver dust sa paghuhuramentado ko.

    Napaatras ako sa bigla at sa kabog na naramdaman sa dibdib. Dumilat siya at napaawang ang bibig. Tinakpan ko agad ang labi ko sa ginawa niya. Unti-unti ko na lang naramdaman ang init galing sa leeg ko papunta sa mukha ko.

    “Ay shit!” Lumayo siya ng bahagya sakin at tinakpan ang mukha. “Shit, Reina! Wa’g mo sabi akong lapitan! Kung ayaw mong… argh!” Ginulo niya ang buhok niya at ibinaling ang atensyon sa mga dami.

    Shiz! Hinalikan niya ako! Sa labi! First kiss! OH MY GOSH!

    “W-Wade?” Hinawakan ko ang braso niya at napatalon siya sa ginawa ko.

    “Langya, Reina! Lumayo ka muna, please.”

    “H-Huh? Bakit? May ginawa ba akong masama?”

    Nilapit ko ang mukha ko sa kanya para makita kung anong nangyayari. Unti-unti niya akong tinignan. At nakita kong mapupungay ang mga mata niya at nakaawang ang bibig.

    Lumayo pa siya lalo sakin at naibulalas ang malulutong na pagmumura. Kumunot ang noo ko. Tumigil lang ako nang nakita kong bumilis ang paghinga niya at tumingala siya.

    “Shit, Reina! Tumigil ka. Papatayin mo ako sa…”

    Tinakpan niya ang mukha niya at sinulyapan ako. Kumunot na lang ang noo ko. Anong problema nito? Ako dapat yung may problema kasi hinalikan niya ako, eh!

  • Kabanata 23Open or Close

    Kabanata 23
    Simula Ngayon

    Dahil tahimik si Wade, natahimik na rin ako. Kumain kami ng lunch doon sa ilalim ng puno. Kumain din kami ng snacks. Kahit na tinitignan lang naman namin ang paligid.

    Hinawakan ko ang labi ko at tinignan ang nakapikit na Wade sa mat. Orange na ang kulay ng langit, malapit na ang sunset. Pero ayaw ko pang bumalik sa bahay. Gusto ko pa dito. Gusto ko pang kasama siya. Bumilis ang tibok ng puso ko. Napahawak ako sa dibdib ko. I think I’m in love with him.

    Yung halik niya, yung mga sinasabi niya, yung actions niya… lahat… In love na yata ako sa buong pagkatao niya. Alam kong noon ko pa naideklara na in love ako sa kanya pero mukhang ngayon ko lang naramdaman na totohanan na ito.

    “Wade.” Niyugyog ko ang matigas niyang braso.
    “Hmmm?” Dinilat niya ang isang mata niya.
    “Laro tayo. Habulan.”
    “HUH?” Dalawang mata na ang nakadilat sa kanya ngayon.
    “TAYA!” Sabay tapik ko sa braso niya at tumakbo na ako sa malayo.

    Unti-unti siyang bumangon. Magulo ang buhok niya habang tinitignan ako.

    “Ayoko, Reina.” Sigaw niya sakin.
    “Huh? Bakit? Sus! Sige na! KJ ka naman.” Sabi ko.

    Huminga siya ng malalim at tinignan akong tumatakbo-takbo sa damuhan.

    “Reina, ayoko.” Masungit niyang sinabi.

    Nanliit ang mga mata ko. Ang KJ naman ng lolo niyo. Nilapitan ko si Wade. Dahan-dahan. Pa unti-unti. Baka kasi bigla akong maging taya sa laro namin.

    Tumawa siya sa ginagawa ko.

    “Ayoko, Reina.” Ngumisi siya.
    “Ba’t naman?” Tanong ko.

    Tumayo siya at nabigla ako kaya tumakbo ako ng kaonti.

    “Wade! Habulin mo ako!”

    Nalaglag ang panga niya at napakunot ang noo niya sakin. Tumawa ako sa reaksyon niya. Ayaw niya paring gumalaw kaya nilapitan ko siya ng bahagya. Natatawa pa ako sa reaksyon niya.

    “Reina… wag.” Simpleng sinabi niya.
    “Bakit? Kasi di mo ako mahabol? Haha!” Lumapit-lapit pa ako sa kanya.

    Nang isang metro na lang ang lapit ko ay tumawa na siya at sinubukang abutin ako.

    “AHHHHHH!” Mataginting na sigaw inabot niya.

    Malakas at mabilis ang pintig ng puso ko sa sobrang bigla.

    Tumakbo siya sakin.

    “AHHHHH!”

    Nilingon ko siya. Effortless siyang naglalakad papunta sakin pero sobrang gulantang ko na at panay na ang takbo ko palayo sa kanya.

    “Reina, tumigil ka na sa pagtakbo.” Humahalakhak siyang habang sinasabi niya ito.
    “Ayoko! Ayokong maging taya at maghabol sayo!”
    “Hindi ka naman magiging taya, Reina. Sa oras na mahuli kita, tapos na ang laro.”

    Mataginting na sigaw ang naisigaw ko pagkatapos nung linya niya dahil bigla siyang tumakbo ng pagkabilis-bilis.

    “AHHHHHHHHH!”

    Naramdaman ko na lang na pumulupot yung braso niya sa magkabilang braso ko.

    “Huli ka.” Bulong niya sa tainga ko.

    Tumindig ang balahibo ko sa bulong niya. Tumawa siya pero natahimik ako. Ang lakas ng pintig ng puso ko habang tinitignan ko ang brasong nakapulupot sa dibdib ko.

    “Tapos na ang laro, Reina.” Bulong niya.

    Parang may kuryenteng tumakbo galing sa leeg ko hanggang likod. Hindi parin ako makapagsalita. Unti-unting humupa ang tawa niya. Tanging nararamdaman ko na lang ay ang mabilis na paghinga niya. Nakadikit kasi ang dibdib ni Wade sa likod ko. Nararamdaman ko naman sa buhok ko ang bilis ng hininga niya.

    Nanatili kaming ganun ang itsura ng ilang sandali. Binalot kaming dalawa ng katahimikan. Dahan-dahan niyang kinalas ang braso niyang nakapulupot sakin at…

    “Arghhh…” Tinalikuran niya ako at naglakad papunta sa mat.

    Ang bilis talaga ng pintig ng puso ko. Si Wade lang talaga ang nakakapagbigay sakin ng ganitong pakiramdam. Shiz!

    “Uwi na tayo, Reina!” Naiirita niyang sinabi habang nililigpit ang mat.
    “O-Okay…” Sabi ko at napalunok.

    Kinuha ko yung mga tira-tirang pagkain at nilagay ang mga basura sa basurahan.

    “KAYO NA BA?” Nakakawindang na tanong ni Coreen sakin nang tinawagan niya ako.
    “Hindi!”

    Kauuwi lang ni Wade nang tumawag agad si Coreen. Nasa bahay na ako at nakapag usap na sina Wade at Noah. Wala na rin naman si Rozen at Zoey kaya hindi na kami nahirapan dito sa bahay.

    Kinakagat ko ang tip ng unan ko habang sinasabi ko kay Coreen ang buong detalye.

    “Hindi nga…”
    “Reina, tanungin mo siya kung anong nararamdaman niya para sayo.”
    “Huh? Coreen, wala. Wala siyang nararamdaman para sakin.”
    “Bobita! Meron! Seryoso! Alam ko!”
    “Mahirap siyang ispellingin kaya tanggap ko na na may mixed signals talaga siya.”
    “Hindi yan mixed signals…”
    “Tsaka… Coreen, hinalikan niya ako.”

    Mas mataginting pa ang sigaw ni Coreen sakin.

    “OH MY GOOOOD! Ayan na! Sabi na, eh. Kamusta yung lips niya, Reina? Masarap ba?”
    “WHAT?” Napapikit ako sa kabulgaran ni Coreen.
    “Reina, come on, Wade Sexy Rivas, Sexy boy, sexy lips. Don’t tell me mapait yun humalik. Wet?”
    “WHAT WET?” Tinakpan ko na ang mukha ko ng kamay ko.

    Tumawa si Coreen sa reaksyon ko.

    “Naku, Reina!”
    “Coreen, hindi naman yung tipong sa movies na matagal… at uh… wet… Isang halik lang. Yung sa lips… Yung ano…”
    “Smack? ang hina naman ni Wade. Jusko. Akala ko dahil playboy siya mabilis… Naku! Tsk. Nakakadisappoint.”
    “Huh? Seriously, Coreen.”

    Ano ba naman itong si Coreen. Kung makapagsalita ay parang marami ng pinagdadaanan. Malihim ito kaya hindi ko alam. Pero wala pa siyang naging boyfriend.

    May narinig akong nag call waiting sa cellphone ko. Sino naman kaya ito?

    “Coreen, baba ko lang. May tumatawag.”
    “Okay. Bye baby, I love you…”
    “Bawal daw akong mag i love you sa iba, sabi ni Wade.”
    “He-he-he… Talaga? Ganun ba? He-he-he.” Kinilabutan ako sa mala bruhang tawa ni Coreen.
    “B-Bakit?”

    Biglang naputol ang linya. Tinignan ko ang cellphone ko at nakitang may isang unknown number na tumatawag.

    “Hello?”

    Hindi siya agad sumagot. Sino naman kaya ito?

    “Hello…” Tumindig ang balahibo ko sa braso dahil sa narinig kong boses.

    Kalidad pa lang ng buong boses niya ay kilalang kilala ko na agad. Kinagat ko ang labi ko. Napatalon-talon ako sa kama sa sobrang excitement. Sana lang walang tumakas na tili. SHIT! It’s Wade Freaking Rivas!

    “Hello… Sino ‘to?” Tinakpan ko ang bibig ko para maiwasan ang pagtili.

    Huminahon ako pero sobrang lakas parin ng pintig ng puso ko.

    “Si Wade… to…”

    Halos mahimatay na ako nang narinig ko yun. Anong meron? Wala namang nakakakilig dun pero… bakit hindi na ako makahinga sa sobrang kilig?

    “Wade? Oh napatawag ka…” Sabay takip ulit sa bibig baka pumiyok ang boses ko at maging tili.
    “Uhm… G-Gustto ko lang na malaman mo yung number ko. Kasi… mula ngayon, itetext na kita. Bye.”

    Laglag ang panga ko. Hindi ako nakamove-on sa tawag niya kaya nanatiling nasa tainga ko ang cellphone ko. Sumabog ng confetti at fireworks sa kwarto ko dahil sa nangyari. OH MY GOD!

  • Kabanata 24Open or Close

    Kabanata 24

    Dahan-dahan

    Nangangatog ang mga tuhod ko habang naglalakad pabalik-balik sa loob ng kwarto ko.

    Tinype ko agad:

    Saan mo nakuha ang number ko?

    Halos halikan ko ang cellphone ko nang na send iyon. For the first time in my life, nalaman ko ang importansya ng cellphone.

    Mejo matagal siyang nag reply. To the point na napagod ako sa paglalakad ko. Umupo na ako sa kama at tinitigan ang cellphone ko. Labinglimang minuto na ang nakalipas.

    Wade:

    Kay Warren.

    Two words. Ano ba naman ito.

    Ako:

    Anong ginagawa mo?

    Matagal ulit siyang nagreply. Nakakafrustate namang ka text ito. Humiga na ako sa kama at tinitigan ang cellphone ko. 20 minutes.

    Wade:

    Nag lilinis. Ikaw?

    Napangiti ako habang iniimagine siyang nag lilinis. Pero alam niyo yung feeling na nabuhay ang dugo niyo dahil sa simpleng tanong niya? “Ikaw?”

    Natagalan ako sa pagrereply. Hindi ko alam kung bakit. Ilang beses ko pang tinayp at binura ang message ko bago ko nasend.

    Ako:

    Wala lang. Nag ti-text.

    Sampung minuto pa bago siya nag reply.

    Wade:

    Lagi ka bang nag titext?

    Abot tenga ang ngiti ko. Hindi ko alam kung anong meron sa tanong niya at bakit ganito ako makapagreact!

    Ako:

    Hindi naman. Wala ako katext eh.

    Limang minuto bago siya nag reply.

    Wade:

    Panung wala. May numero ka kay Joey at Warren. Hindi ba sila nag titext sayo?

    Tinitigan ko talagang mabuti ang pinakamahabang text niya so far. OMG!

    Ako:

    Hindi naman nila ako tinitext. Ano na gawa mo? (Pansin ko kasi mejo mabilis na siyang nakakareply kaya tapos na sigurong maglinis!)

    Wade:

    Kakatapos ko lang mag linis. Maliligo na ako.

    Para akong tanga sa kakangisi. Bakit ganito? Wala namang something sa mga text namin ni Wade pero bakit parang tanga akong nakangiti.

    Natulugan ko siya. WTF? Sa sobrang saya ko, natulugan ko talaga siya ah! Kinaumagahan, mabilis akong bumaba para tignan kung may practice ba sina Wade ngayong araw.

    “Manang,” Untag ko sa katulong namin. “Asan po si Noah?”

    “Maagang umalis, Reina. Practice daw.”

    “Ha? Saan? Hindi ba sila dito mag papractice?” Tanong ko.

    “Wala siyang sinabi, eh. Alam mo naman yun. Nagagalit pag nang-uusisa kaya hindi ko na tinanong.” Nagkibit-balikat si manang.

    Napabuntong-hininga ako. Sayang naman! Hindi ko alam kung saan yun pupunta! Siguro kina Warren? Bakit naman kasi hindi na lang dito mag practice? Kaya nga may music room, diba?

    “Hey, Reina…” Hinagkan ako ni Kuya Dashiel.

    Kumunot ang noo ko nang nakita ko siyang kakagising lang.

    “Kuya, wala ka bang trabaho?” Tanong ko.

    “Meron. Aalis muna ako ng bansa. Hindi pa kasi makakauwi sina mommy at daddy galing Camino Real dahil sa mga lupang binibili nila para sa plantation. Ako yung nautusan.” Ininom niya ang kapeng nasa kamay. “How bout you? School festival, right? Bakit nag mumukmok ka dito?” Nanliit ang mga mata niya at tinignan akong mabuti. “May ginawa ka ba sa mukha mo?”

    “H-Huh?” Napakurap-kurap ako sa tanong niya.

    Ngumuso siya at ngumiti.

    “May pumuporma na ba sayo?” Tumaas ang kilay niya.

    “W-W-W-Wala ah!”

    Tumawa siya sa pagkakautal ko. Ginulo niya ang buhok ko at umambang tatalikuran. Pero bago niya ako tinalikuran ay…

    “Sino? Yung anak ba ng mga Madrigal?”

    Kumunot ang noo ko sa tanong niya.

    Umawang lang ang bibig ko at di na ako makapagsalita. Nag evil smile siya na para bang nakumpirma ang mga duda niya sa katahimikan ko.

    “Good. By the way, puntahan mo si Noah mamaya sa isang bar o grill, may gig sila. I’ll text you the address. Nakalimutan ko, eh. Malapit lang sa Tribal Lounge. You know that place?”

    Tumango ako.

    “Good.”

    Umalis na siya at naiwan akong tulala. Yung mga madrigal na binanggit niya ay isang prominenteng pamilya. Paano kung malaman ni Kuya Dashiel na si Wade Rivas ang… nagugustuhan ko? Matatanggap niya kaya? Si Rozen nga tinuturing na basura si Wade, paano pa si Kuya Dashiel?

    Ganun pa man, walang nakapigil sa pagtetext ko kay Wade lalo na nung nabasa ko ang mensahe niya kagabi.

    Wade:

    Tulog ka na?

    Ako:

    Sorry, nakatulog ako kagabi. Sorry talaga.

    Napapikit ako. Akala ko agad siyang magrereply dahil sa inis niya sakin pero nagkamali ako. Hindi siya nag reply. Pumuti na ang uwak, hindi parin siya nag reply. Gusto kong mag text pero ayokong maisip niyang desperada ako sa reply niya. Kaya naging busy na lang ako sa pag-aayos sa sarili ko. Pupunta ako sa gig nina Noah! Tinext ko si Coreen at game naman siya sa lakad ko. Kaya ayun at sinundo ko siya sa bahay nila.

    Nagulantang ako nang nakita ko ang itim na t-shirt niya na may puting bold letters na naka print: Owned by an Elizalde

    “Saan galing yang t-shirt mo?” Tanong ko.

    “Ha? Wala. Uhm… Pinagawa ko.” Napalunok siya.

    “WHAT?” Humagalpak ako sa tawa. “Ibang klase na yang pagiging desperado mo para kay Noah.”

    Nanlaki ang mga mata niya, “Of course! Push ko na ‘to!” Tumawa rin siya.

    Hindi parin ako makaget-over sa t-shirt niya. Panay ang ngisi ko habang nag da-drive.

    “Anyway, Reina… Sino yung tumawag sayo kagabi?” Tanong niya.

    Binigyan ko siya ng makahulugang tingin.

    Kinwento ko sa kanya ng buong detalye ang pag uusap namin ni Wade sa call at text. Halos masira ang sasakyan ko sa pagwawala niya.

    “OH MY GOD! Sinasabi na nga ba! OH MY GOD!”

    Mas lalo akong kinilig dahil sa reaksyon ni Coreen.

    Kaya naman ngiting-ngiti kami pagkarating ng grill. Maraming tao doon. Ang ikinabigla ko ay may grupo ng mga babaeng may dalang mga tarpaulin na may malaking mga letra: WADE SEXY RIVAS! GOD!

    May picture pa ni Wade na seryosong nakatitig sa bawat tumitingin sa tarpaulin. Nakalagay ang dalawang kamay niya sa bulsa at nakasandal siya sa isang dingding. Naka half-smile siya kaya lumitaw ang dimples niya.

    Napalunok ako sa impact ng picture niya. Picture pa lang yan, ah!

    “Reina! Ano ka ba naman! Alas sais pala yung gig nila, late tayo ng 30 minutes!”

    “Ha? Yung sabi ni Kuya eh 6:30!”

    “Ugh!” Badtrip si Coreen kaya hinila niya ako at nagsimulang ipagtulakan ang mga babaeng nakaharang sa daanan niya.

    Halos mapunit niya pa yung tarpaulin ni Noah sa sobrang inis niya… pwedeng dahil late kami, pwede ring dahil sa mga babaeng fans ni Noah. Namemersonal ang isang ito.

    Tumindig ang balahibo ko nang narinig ang boses ni Wade. Sexy ang tono ng kanta niya. Napapakagat labi ang mga taong nanonood dahil panay ang ngiti niya habang kinakanta ito.

    “Lahat ng bagay bumibilis

    Lahat ng tao’y nagmamadali

    Litong-lito ang mundo

    Pagod na pagod at nahihilo

    Sa dami ng kaguluhan at kalat kaya.”

    Nang nahagilap ako ng tingin niya ay mas lalong lumaki ang ngiti niya at pinikit ang mga mata.

    “Dahan-dahan tayong bumitaw

    Dahan-dahan tayong gumalaw

    Dahan-dahan tayo sa lahat

    Dahan-dahan tayong mamumulat.”

    Para akong hinihele ng boses niya. Sobrang flexible talaga ng boses niya. Nagpapasalamat din ako sa panunulak ni Coreen at napadpad kami sa harapan.

    “WAHAHAHA! WOHOOO!” Maingay si Coreen at pumapalakpak pa pero ang tanging naririnig ko lang ay ang malamig at malambing na boses ni Wade.

    Ang tanging ipinagpapasalamat ko na lang ngayon ay ang pagiging lead guitarist ni Noah. Dahil masyado siyang preoccupied sa gitara niya, at nasa likod siya ni Wade, hindi niya nakikita ang pagtitig ni Wade… sa akin… at akin lang.

    Mahal ko na siya. Sobra sobra. Ramdam ko yung umaapaw na pag ibig sa puso ko lalo na pag tumitibok ito dahil lang sa mga titig niyang tagos sa kaluluwa ko. Walang makakapigil sakin. Kahit estado ng buhay.

  • Kabanata 25Open or Close

    Kabanata 25
    Napansin Na

    Nangatog ulit ang mga paa ko nang nakitang kakatapos lang ni Wade sa pagkanta. Bumababa na sila sa stage at sinasalubong na siya ng mga fans nila. Tumitig ulit siya sakin nang nakitang paparating na ang mga fans niya.

    Alam kong may usapan kami… no I love you for Coreen means no girls for him.

    Pero sa sitwasyon ngayon, hindi ko siya sisisihin kung kakailanganin niya mang makihalubilo. Kailangan din nila iyon para dumami ang fans nila.

    Nagulat ako nang nginitian ni Wade saglit ang mga babae at tinaas niya ang kanyang kamay sa mga babae.

    “Excuse me lang, mag C-CR ako.” Pawis pa siya kaya para siyang santong hinahaplos ng mga inggratang babae. Parang yung langis na nakukuha sa katawan niya ay nakakapaghilom ng sakit sa katawan.

    Umuungol pa ang iba habang hinahaplos nila ang katawan ni Wade. Sinulyapan ako ni Wade nang nakakunot ang noo. Mahirap kumawala sa mga babaeng iyon. Nang sa wakas ay nakawala na siya sa mga baliw na fans nila ay nakita kong pumunta siya ng CR.

    Ilang saglit lang ay narinig kong tumunog ang cellphone ko. May isang mensahe galing kay Wade!

    Wade:
    Kita na lang tayo sa labas.

    Yun lang ang message niya pero pinagpawisan agad ako ng sobra. Lumingon ako at nakitang nakisama na si Coreen doon sa mga fan girls ng ibang band members ng Zeus. Pero nakita ko talaga ang TEAM WADE SEXY RIVAS na malungkot at inaabangan ang paglabas ni Wade sa CR.

    Hindi ko alam kung paano niya tatakasan ang mga fans na ito kaya sinunod ko ang payo niya. Pumunta ako sa sasakyan kong nakapark lang sa tapat ng grill. Ilang sandali ay nakita ko siyang nagpalit na ng t-shirt at tumatakbo nang natatawa palabas ng grill.

    Lumingon siya at nakita kong hinahabol na siya ng mga fans niya.

    “Wade! Saglit lang! May itatanong lang kami!”

    Nataranta ako. Halos hindi ko mahawakan ng maayos ang mga susi ko para patunugin ang sasakyan ko. Pumasok ako agad. Agad ding binuksan ni Wade ang pintuan. Hinarurot ko ang sasakyan para makaalis na agad sa lugar.

    Sabay kaming tumawa sa nangyari. Nakakatawa naman kasing hinahabol siya nung mga fans. Talagang tinakbuhan niya!

    “Ba’t mo naman yun ginawa? Sana pinagbigyan mo!” Hiningal ako sa kakatawa.
    “Pag pinagbigyan ko sila, ibig sabihin pinagbibigyan din kitang mag ‘I love you’ sa iba, alam mo namang di ako payag.”

    Natahimik ako sa sinabi niya. Nakatitig siya sakin pero hindi ko kayang sumulyap man lang sa kanya. Nahihiya ako. Hinayaan ko ang sarili kong panoorin siya sa gilid ng mga mata ko.

    “S-Saan nga pala tayo?” Tanong ko.
    “Sa apartment. Ipagluluto kita.” Aniya. “Kung maaari.”

    Tumango na lang ako. Kinabog na kasi ang dibdib ko. Naninikip na ito. Konti na lang ay maghuhuramentado na at ayaw kong mapansin niya iyon.

    “T-Talaga?”

    Nakita kong ngumisi siya sa gilid ng aking mga mata.

    “Oo, susubukan ko. Tutal magaling ka namang magluto, sabihin mo lang kung pasado o hindi.” Humalakhak siya. “Para walang gastos.”

    First time kong makakakita ng lalaking ipagluluto ang mga babae. Akala ko mga babae lang ang yung nagluluto sa mga lalaki. Mabuti na lang at nagawa kong mag drive nang di nabubunggo papuntang apartment niya.

    Una siyang lumabas pagkapark ko. Sinarado niya agad yung pinto at hinintay akong lumabas. Naamoy ko ang bango niya sa loob ng sasakyan ko kahit nasa labas na siya. Shiz! Grabe! Anong langis kaya yang lumalabas sa katawan niya?

    Inamoy ko yung front seat. Amoy Wade Sexy Rivas! Shiz! Ayan! Namamanyak na naman ako. Papikit-pikit ko pang inamoy yung upuan niya nang bigla siyang kumatok sa bintana. Tumalon ako sa bigla at agad lumabas dun. Nakita kong naka half-smile na siya pagkalabas ko.

    Kinunot ko ang noo ko, “B-Bakit?”

    Imposibleng nakita niya ang ginawa ko, tinted naman ang sasakyan ko, tsaka gabi na.

    “Wala lang.” Mas lalong lumaki ang ngiti niya. “Anong oras ang curfew mo?”
    Nabigla ako sa tanong niya, “Wala naman talaga akong curfew pero pag dating ng alas nuwebeng wala pa ako sa bahay, magpapa search and rescue operation na ang pamilya ko kaya siguro mas mabuting before 9PM akong umuwi. Unless kung kasama ko mga kapatid ko.”

    Tumango siya at tinignan ang relo niya.

    “7PM pa naman. May dalawang oras pa tayo. 30 minutes na pagluluto, 30 minutes na pag kain…”

    Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya.

    “Eh para saan yung nalalabing isang oras?” Napalunok ako sa sariling tanong ko.

    Mas lalo lang siguro akong namula nang nakita kong tinitigan niya na ako.

    “W-Wade? Anong gagawin natin sa loob ng isang oras?”

    Unti-unti kong nakita ang pagpula ng pisngi niya. Tumalikod siya bago nagsalita.

    “Ano ba yan, Reina. Edi syempre, k-kwentuhan.”
    “Ah! Okay. Sabi ko na eh.” Humalakhak ako at nag isip ng mga topics na mapag kukwentuhan namin.
    “Hay naku!” Hinawakan niya ang ulo niya at ginulo ang buhok na para bang naiirita or something.
    “Bakit?”
    “Wala! Lika na nga!” Masungit niyang sinabi.

    Anong problema nito? Nag mo-moodswing na naman siguro.

    Nang pumasok kami sa apartment niya, agad siyang pumasok sa kwarto.

    “Bihis lang ako. Upo ka muna sa sofa.” Aniya.

    Habang nag bibihis siya ay tinext ko si Coreen para di siya mag alala.

    Ako:
    Coreen, dadaanan na lang kita mamaya. Asan ka? May lakad pa ako.

    Lumabas ng kwarto si Wade nang di pa nag rereply si Coreen. Halos mapasigaw o tili ako nang nakita kong lumabas si Wade na nakatopless na naman. Mabuti napigilan ko ang sarili ko. Nag iwas na lang ako ng tingin.

    “Sorry. Ganito ako sa probinsya. Hindi ka ba sanay? Mag t-tshirt na lang ako.”
    Umiling ako, “Hindi. Okay lang.” Hindi ko parin siya nililingon.
    “Talaga?” Tanong niya.
    “O-Oo.”
    “Sige, ano bang paborito mong pagkain para maipagluto kita. Susubukan ko.” He chuckled.
    “Adobong manok.”
    “O sige, ipagluluto na kita.” Umalis na siya sa gilid ko para pumunta sa kusina.

    Sinundan ko siya ng tingin. Ang buong akala ko abs niya lang ang nakakapanindig balahibo, pati rin pala yung likod niya. Tingin pa lang, mukha na itong mainit. May langis o pawis pang lumalandas galing balikat niya.

    Nalaglag ang panga ko nang pinanood ko yung maswerteng pawis na iyon. Pero bigla siyang lumingon.

    “Tama ba itong ginagawa-“

    Natigilan siya dahil narealize niyang makatitig ako ng nakalaglag ang panga sa kanya.

    “A-Ah?” Tumayo agad ako. “Ano? Patingin.”
    “Ugh, Reina! Wag na lang! Diyan ka na lang!” Kahit nakatalikod siya ay napanood ko yung paglalagay niya ng kamay sa mukha.

    Nakita ko rin sa likod niya ang isang beses na pag hinga niya ng malalim bago ang pag papatuloy sa ginagawa.

    “Ayaw mong patulong-“
    “Wag na. Kaya ko na ‘to!” Masungit niyang sinabi.
    “Wade, ang bango mo kanina… anong pabango mo?”

    Narinig kong nahulog ang kutsilyo.

    “Shit! Tangina!” Agad niyang pinulot yung kutsilyo.
    “Wade, okay ka lang ba?” Nilapitan ko na lang siya.
    “AHHH! Reina, bumalik ka na nga lang dun! At tumahimik ka na lang! Ugh!”

    Bumalik ulit ako sa sofa.

    “Ano bang problema mo diyan?”

    Hindi siya nagsalita. Nagpatuloy lang siya sa ginagawa niya.

    “Wade, sorry kagabi, nakatulog ako.” Sabi ko.

    Sumulyap ako sa kanya kasi matagal siyang nakasagot. Narealize kong mukhang nailunod niya na lahat ng ingredients at naghihintay na lang siyang maluto ito. Nakahalukipkip si Wade at pinapanood akong nakaupo sa sofa. Seryoso ang mga titig niya.

    Unti-unting lumitaw ang dimple niya nang nagsalita siya, “Sa susunod, pag inaantok ka na, sabihin mo sakinpara di na ako maghihintay ng reply.”
    “Uh… Okay. Sorry. Ang bagal mo rin kasing mag reply. Feeling ko di ka na magrereply. Marami ka sigurong ka text.”

    Hindi na ako tumingin sa kanya, baka lumabas lang ang mga mata ko sa kakatitig sa abs niya.

    “Wala akong katext. Naglilinis lang ako dito sa a-apartment. Tsaka hindi naligo.”
    “Okay, pakiramdam ko kasi marami-“
    “Wala nga, eh, Reina!”
    “Di.. kasi diba kung interesado ka naman… magrereply ka agad-“
    “Porke ba hindi ako nakakapagreply agad ay di na agad ako interesado, Reina. Sabing naglilinis ako.”

    TEKA! Tinignan ko siya at nakita kong nag-iwas siya ng tingin. Ngumisi ako.

    “Mukhang hindi ka naman interesado-“
    Kumunot ang noo niya at tinitigan ako, “Sabing interesado! Nag linis ako kasi plano ko na talagang dito ka maghahapunan ngayong gabi kaya…” Tinalikuran niya ako.

    Nakita ko ulit ang pag angat-baba ng likod niya na para bang huminga siya ng malalim.

    Hindi ko na napigilan ang paghalakhak ko.

    “Stop it, Reina.” Masungit niyang sinabi.
    Humalakhak parin ako pero halos mangiyak-ngiyak na ako sa tuwa. Interesado siya sakin! Yung pangarap ko! “Do you like me, Wade?”
    “Diba ako dapat yung magtatanong sayo niyan, Reina?” Hinarap niya ako. “Do you really like me?”
    “Anong nakasabi dun sa cake?”

    Hindi ako makapaniwalang naitanong ko yun sa kanya nang di nababasag ang boses. I’m so happy right now. Parang gusto kong magpapiyesta.

    “‘I-I like you’.” Sagot niya.
    Tumango ako, “Then, I like you.” Nanginig ang labi ko pagkasabi ko nito.

    Narinig kong pinatay niya ang stove. Ibig sabihin, luto na ang niluluto niya.

    “Reina, nababaliw na yata ako sayo.” Nanghihina ang boses niya nang sinabi niya ito.

    Hindi niya agad ako nilingon. Mabuti. Dahil sa sobrang panghihina at panginginig ko, kung lilingon siya ngayon ay baka tumakbo ako papunta sa kanya at yakapin siya. Sa wakas, napansin na ang feelings ko. Nakatanggap na ako ng sagot. Kahit hindi klaro, pero ramdam ko. Ramdam na ramdam ko. Hindi naman kailangan sabihin ang bagay na ito, diba? Pwedeng nararamdaman mo lang.

  • Kabanata 26Open or Close

    Kabanata 26
    Bakit Kaya?

    Binalot kami ng katahimikan. Hindi siya gumalaw. Nakatalikod lang siya sakin.

    “A-Anong sabi mo, Wade?” Tanong ko, kahit nauutal at nanginginig na sa saya.
    “Don’t make me say that again, Reina.” Mariin niyang sinabi sakin.

    Bumuntong hininga siya at kumuha ng mga plato.

    Tumayo ako para tulungan siya sa mga plato.

    “Ako na…” Untag ko.

    Hinawakan ko yung platong hinahawakan niya kaya nahawakan ko rin yung kamay niya. Uminit agad ang pisngi ko. Tinitigan niya ako. Ako naman ngayon ang hindi makatingin sa mga mata niya. Parang sasabog ako sa kilig dahil sa sinabi niya at nangyayari ngayon.

    “Wade!” Sigaw ko nang tinalikuran niya ako.

    Natigilan siya.

    “Ako rin naman, b-baliw na baliw sayo.”

    Nabigla ako nang hinila niyang bigla ang dalawang braso ko. Ikinulong niya ako sa bisig niya saka marahang hinalikan ang mga pisngi ko. Dilat na dilat ang mga mata ko at nakapikit naman ang mga mata niya at nakakunot ang noo. Ramdam na ramdam ko rin ang init ng katawan niya dahil topless siya. Nalasing ako sa halik niya. Ganito pala ang feeling. Yung hindi mo mapigilan ang unti-unting pagpikit ng mga mata mo at panghihina mo. Nakahawak yung kamay niya sa braso ko, pero dahil sa unti-unting panghihina niya at panghihina ko ay nahawakan ko na rin ang braso niya para suporta sa sarili ko.

    Baka bumigay pati yung nangangatog kong binti.

    Marahan at malalim siyang humalik. Hindi ito tulad nung una na smack… Ito na yung tinutukoy ni Coreen.

    “Ugh!” Marahan niya akong itinulak.

    Nakaawang ang bibig ko at mainit pa ang pisngi ko sa nangyari.

    Nilagay niya ang kamay niya sa noo at ginulo niya ang buhok niya.

    “B-Bakit?” Tanong ko.

    Sumulyap siya sakin. Suminghap agad siya nang makita ang nagtataka kong ekspresyon.

    “Langya, Reina. Wag kang masyadong…”

    Kumunot ang noo ko.

    “That was my first kiss, Wade. And I don’t mind giving it to you…”

    Kahit may takot ako sa puso ko dahil sa pagiging playboy niya, nangunguna parin yung pananalig kong hindi yun magagawa ni Wade Rivas. Kasi kung sana ay gagawin niya akong ‘biktima’ sa pagiging playboy niya, dapat simula palang ay pinormahan niya na ako. Pero, hindi, diba? Lahat ng tao ay nginitian niya, ako lang yung sinungitan niya.

    “Ugh! Reina!” Mas lalo niyang ginulo ang buhok niya.

    Mukha na siyang kakagising lang sa mahabang tulog. Nakita kong pawis na pawis ang dibdib niya sa nangyari. Pinasadahan ko ng tingin ang abs niyang gumagalaw dahil sa mabigat at mabilis na paghinga niya.

    “REINA!” Napatalon ako sa sigaw niya.

    Nakita kong kinagat niya ang labi niya, pumukit siya ulit at nilagay ang kamay sa noo.

    “A-Ano?” Napalunok ako.

    Nakita kong dinampot niya ang isang t-shirt sa upuan niya at umambang lalabas.

    “Magpapahangin muna ako sa labas.”

    Tumango ako. Nagmadali siyang talikuran ako. Para bang may iniiwasan siya.

    Nakangisi akong naglalagay ng plato sa mesa niya. Pagkatapos ay nilagay ko rin ang nilutong adobo, tsaka yung rice. Kinuha ko rin ang juice sa ref niya. Lutang na lutang parin ako dahil sa halikan naming dalawa. I’m nineteen and I’ve never been kissed. Imbes na ibigay ko ang halik sa mga taong mediocre o sa mga taong nirereto sakin ng pamilya ko, mas mabuti na ring naibigay ko yun sa taong mahal ko – kay Wade Rivas!

    Lumabas ako para tignan siya. Nakita ko siyang nakaupo sa bench. Sinandal niya ang buong katawan sa dingding tsaka tumitingala. Hinahawakan niya ang labi niya. Para bang may malalim siyang iniisip.

    “Wade, kain na tayo.” Sabi ko.

    Nilingon niya ako. Pero hindi niya tinanggal ang misteryosong ekspresyon at paglalaro sa labi niya. Uminit agad ang pisngi ko. Parang gusto ko rin hawakan ang labi ko. Pero ayokong isipin niyang nilalandi ko siya kaya kinagat ko na lang ito.

    Bumuntong hininga siya at ilang sandali ay tumayo. Anong problema nito at bakit mukha siyang negative? Hay! Oo nga naman, kailan ba ito naging madaling intindihin? Hindi ko pa nga siya kailanman naintindihan. Sa sobrang misteryoso niya, pakiramdam ko, may sarili siyang mundo.

    Pumasok kami sa loob at umupo na sa mesa. Kumain kami ng tahimik. Naaasiwa tuloy ako dahil sa katahimikan namin.

    “Kumusta yung lasa?” Tanong niya.

    Hindi ko agad nakasagot. Nanlaki pa ang mga mata ko at napakurap-kurap. Kumunot ang noo niya sa reaksyon ko.

    “Yung a-adobo ang tinutukoy ko.” Suminghap siya at napainom ng juice.
    “Uhmmm… Masarap!” Sabi ko at tinignan ang adobo. “Pero kulang ng alat.” Tumango ako. “Dapat lagyan pa ng toyo.”

    Nang bumaling ako sa kanya ay nakita kong natigilan siya sa pagkain.

    “P-Pero… masarap… uhm… sobrang sarap.” Hindi ako makatingin sa kanya pero ramdam ko ang titig at ang mga malalim niyang hininga.
    “Reina…” Aniya.
    “Hmmm?”
    “Mag a-alas nuwebe na…”

    Tinignan ko ang relo ko. Ngayon ko lang na realize, 8:30PM na pala! Nanlaki ang mga mata ko. Patay! Magpapadala na ng search and rescue ang mga kapatid ko maya-maya.

    “Ayoko pang umuwi!” Untag ko.

    Nag face-palm ulit siya.

    “Ubusin mo na yan. Uuwi ka.”
    Kumunot ang noo ko, “B-Bakit? Ayaw mo ba akong makasama?”
    “HINDI, REINA!” Narinig ko ang desperation sa boses niya. “Uuwi ka para sa ikabubuti mo!”
    “B-Bakit? May masama ba pag magtagal ako?”

    Uminom ulit siya ng juice. Nakita kong nahihirapan siya. Bakit kaya?

    “Sa bagay, baka hanapin na ako at makakaistorbo ako sa gagawin mo pa.”

    Hindi na siya nagsalita. Ni ayaw niyang tumingin sakin. Mukha siyang galit. Ang hirap niyang espellingin. Minsan, gusto ko siyang tanungin kung anong mga iniisip niya pero tingin ko below the belt na.

    Mabilis siyang natapos sa pagkain. Kaya binilsan ko rin ang pagkain ko.

    “Lika na. Ihahatid kita sa labas.” Aniya.

    Tumango ako at sinundan siya palabas. Tumayo pa ako sa harap ng sasakyan ko bago umalis.

    “Thank you, Wade. Nag enjoy ako. Sana maulit ‘to.” Malaki ang ngiti ko at diretso ko siyang tinignan sa mga mata.
    “Siguro next time, sa public place na lang.” Aniya.
    Napawi ang ngiti ko, “Ha? Ba’t naman? Enjoy naman sa apartment mo!”

    Nagkatitigan kaming dalawa. Napaawang ang bibig niya kaya hindi ko na napigilan ang pagtitig sa mga labi niya.

    “Reina! Umuwi ka na.” Hinila niya ako at pinatalikod.

    Tinulak niya ako palapit pa sa pintuan ng sasakyan ko.

    “Oh! Wade! Bakit?” Pinigilan ko siya.
    “Ugh! Reina, umalis ka na lang! Umuwi ka na! Gabi na!” Aniya.

    Hindi ko makita ang ekspresyo niya.

    “Akala ko ba baliw ka sakin? I can’t get enough of you, if the feeling is mutual… then dapat ikaw din… Dapat di mo ako tinataboy!”
    “UTANG NA LOOB, REINA! Umuwi ka na lang para sa ikabubuti mo!” Inagaw niya sakin ang susing nakakabit lang sa pants ko at pinatunog ang sasakyan.

    Nag pout ako at tinignan siyang galit na binubuksan ang pintuan ko.

    “Mag ingat ka. Umuwi ka na ng diretso. Itetext kita kaya mag reply ka para malaman ko.”

    Kahit na itinaboy niya ako ay napangisi na lang ako sa sinabi niya. Tama ba yun o nagpapakamartyr lang ako dito? Totoo kayang baliw din siya sakin o binobola niya ako?

  • Kabanata 27Open or Close

    Kabanata 27
    Paano Mo Yan Nalaman

    Natapos na ang school festival. Nagbalik na kami sa school. Sa di malamang kadahilanan, excited akong tumungtong sa klase. At sa unang pagkakataon, masasabi kong excited akong pumasok sa klase ni Mr. Dimaano.

    Laging walang tulala o di kaya ay inaantok si Wade tuwing papasok ako sa school. At sa oras na nagkakatagpo ang mga mata namin ay umaayos siya sa pag upo at nabubuhayan.

    Well, iyon ang gusto kong isipin sa tuwing nadadatnan ko siyang sinusulyapan ako paminsan-minsan.

    Isang araw, nagkaroon kami ng long test. Inayos ni Mr. Dimaano ang mga upuan namin. One seat apart. Nasa dulo ako. Siya naman nasa kabilang dulo ng linya namin. Mabilis akong natapos kasi wala akong naisagot. Nangungulelat na naman ako dito. Kahit kailan naman kasi hindi ako naging magaling sa academics. Sumandal ako sa bintana at pinasadahan ng tingin ang mga kaklase kong hindi magkanda ugaga sa pagsagot ng mga tanong.

    Nahagip ng mga mata ko ang mga titig ni Wade. Nilalaro niya na naman ang ballpen niya at diretso ang tingin niya sakin. Uminit ang pisngi ko. Nag half-smile siya at bumuntong hininga. Nakita ko ang pagtaas ng kilay niya.

    Tinignan niya ang papel niya… ilang sandali ay bumaling siya ulit sakin at mas lalong ngumisi. Yung nakakapangilabot at nakakapanindig balahibong ngisi. Ano kayang iniisip nito? Nang nakita niyang nakatingin parin ako ay umiling siya at tumingin na lang sa papel niya ulit.

    “REINA CARMELA ELIZALDE!”

    Halos magkaheart attack ako sa biglang sigaw ni Mr. Dimaano. Hindi iyon basta-basta kasi nung tinignan ko na ang mukha niya ay halos magsiputukan ang mga ugat ng ulo niya sa sobrang galit sakin.

    Ano na naman ba ang ginawa ko? my God!

    “ARE YOU CHEATING!?”

    Nalaglag ang panga ko sa tanong ni Mr. Dimaano.

    “H-Hindi po!” Sabay pakita ko sa papel ko.
    “Kitang kita ko ang paninitig mo sa kaklase mo!”

    Napatingin ang mga kaklase ko sakin. Mas naging kahiya-hiya ang nangyayari dahil sa katahimikang ipinadama nila sa akin. Nakita kong umiling si Coreen at kinakagat ang labi. Nasa harapan siya ng table ni Mr. Dimaano. Lumapit si Mr. Dimaano sakin.

    Tinignan niya ako sa likod ng eyeglass niya. Pula ang mga mata niya sa galit. Napalunok ako. Tinuro niya ako.

    “Bumabagsak ka na sa subject na ito kaya ka nangongopya!”

    Napatayo ako sa panggigigil niya. Nakakahiya! Naiiyak na ako sa kahihiyan! Ayokong sumulyap kay Wade pero hindi ko nakontrol ang sarili ko.

    Nakita ko siyang ngumunguso at tinitignan ang ballpen na pinaglalaruan niya. Bumaling ulit ako kay Mr. Dimaano.

    “Nangongopya ka kay Mr. RIVAS!” Umalingawngaw ang apelyido ni Wade sa buong klase.

    Bumaling din ang mga kaklase ko sa kanya. Kinagat ko na lang ang labi ko at sinubukang magpaliwanag.

    “Hindi po, sir. Uhm… Ni wala nga akong sagot-“
    “WALA KANG SAGOT KAYA NANGONGOPYA KA! AT ALAM MONG MARAMING SAGOT SI MR. RIVAS KASI TOP SIYA SA BUONG KLASE!” Tinuro niya si Wade.
    “Hindi po, Sir.” Untag ni Wade.

    Kahit kailan, wala pang nakikipaglaban kay Mr. Dimaano. Itong si Wade lang yata ang nakita kong naglakas-loob. Paborito siya ni Mr. Dimaano kaya paniguradong hindi ito magagalit sa kanya!

    “Ang layo ko po sa kanya. Hindi niya makikita ang mga sagot ko. At hindi naman po ganung klaseng tao si Reina. Hindi siya nangongopya.”
    “PAANO MO NASASABI YAN, MR. RIVAS? Ikaw yung biktima dito! Ikaw yung kinukopyahan!”
    Umiiling na si Wade sa gitna pa lang ng linya ni Mr. Dimaano, “Hindi po talaga. Nagtititigan lang kaming dalawa. Tinititigan ko siya kaya tiningnan niya rin ako.”

    Narinig ko ang unti-unting pagbubulungan ng mga kaklase ko. Nakita ko ring nakisali si Coreen sa bulung-bulungan. Nakipag tawanan pa siya sa katabi niya at parang kinukuryenteng nanisay sa kilig.

    Gusto ko rin sanang mag hyperventilate pero di ko magawa dahil ako yung tinutuligsa ni Mr. Dimaano.

    Lumingon-lingon si Mr. Dimaano sa mga kaklase ko.

    “Kung gusto niyo po siyang parusahan, ako na lang po. Ako yung nag initiate nung titigan. Ako yung unang tumitig. Pwede rin pong kaming dalawa yung parusahan mo.” Nag half-smile si Wade.

    May narinig akong tumili at biglang tinakpan ang bibig sa takot na isali pa ni Mr. Dimaano.

    Hindi matikom ang bibig ni Mr. Dimaano. He looked so confused. Hindi niya alam kung maniniwala ba siya sa paborito niyang estudyante. Hindi niya masabi-sabi ang iniisip niya sa ngayon. Patuloy lang siya sa pagpapabalik-balik ng tingin. Dahilan kung bakit nasira ang porma ng buhok niya. Nag fly-away ang iba at nakita ang napapanot niyang ulo. Sinubukan niyang ayusin ito pero hindi na nakaya ng pomada.

    “PASS YOUR PAPERS TO MR. RIVAS! AND YOU TWO, COME TO MY OFFICE! Especially you, Elizalde!”

    Nag walk-out si Mr. Dimaano.

    Halos umiyak sa tuwa ang mga kaklase ko sa pag wa-walk out niya.

    “Sa wakassss!” Nakita kong may nakipag shake hands na mga lalaki kay Wade. Iilan din ang nakipag high five sa kanya. Tawanan sila nang tawanan. Mapa babae man o lalaki.

    “OMG! REINA!!” Nanlaki ang mga mata ni Coreen at niyakap ako. “May ganun na, halikan pa lang sa labi iyon ah! Paano na pag-” Tinakpan ko ang bibig ni Coreen.

    Nakita ko kasing napatingin si Wade sa amin kahit maraming kumakausap sa kanya.

    “God! Coreen! Shut your mouth!” Bulong ko.
    “Reina! May something ba sa inyo ni Wade?” Usisa ng iba.
    “Alam kong meron eh, nahihiya lang akong magtanong! Oh my gosh!”
    “Ang swerte mo, Reina!”

    Nahihiya ko silang nginitian. Kinaladkad ko na lang si Coreen palabas ng classroom. Dahil masyado paring mainit na usapin si Wade dahil sa madalas nilang gig, mahirap siyang makasama in public. Kaya yung ginagawa namin noong nakaraang linggo ay nag ti-text na lang kung saan magkikita.

    Nakita kong umuulan sa labas. Malakas at halos umapaw na ang drainage ng school namin. Maraming estudyanteng basa at tumatakbo sa ulan. Walang payong si Wade, paniguradong uuwi yung basa ngayon. Siguro mag o-offer akong ihatid siya kasi may payong naman ako at may sasakyan pa. Tatanggi iyon pero pipilitin ko at sasabihin kong pagpapasalamat ko yun.

    Dumiretso na ako sa faculty kung saan ang opisina ni Mr. Dimaano. Nandoon na rin si Wade dala-dala ang mga papel ng mga kaklase ko. Nagtatawanan na sila ni Mr. Dimaano. Para bang kanina pa sila nag uusap at nakalimutan na ni Mr. Dimaano na papagalitan niya kaming dalawa.

    Umubo ako para mapansin nila…

    Napatingin si Wade sakin tsaka si Mr. Dimaano.

    “Okay, you can now leave Mr. Rivas.” Sabi ni Sir.

    Hindi gumalaw si Wade.

    “May pag uusapan lang kami saglit ni Ms. Elizalde. Pwede kang maghintay sa labas.” Aniya.

    Bumuntong-hininga si Wade, “Okay po, Sir. Nasa labas lang ako, Reina.” Baling niya sakin.
    Tumango ako, “Wade, hintayin mo ako sa labas. Umuulan. May payong ako.”
    Tumango siya at umalis na.

    “Ngayon, para sa kaparusahan mo.” Sabi ni Mr. Dimaano.
    “P-Po? Pero di naman ako nag cheat-“
    “Oo nga, whatever! Sige! Sabi ni Mr. Rivas, hindi, pero hindi ako naniniwala. Kaya paparusahan kita. I’ll let you check all the objective parts of the test. Eto…” Sabay pakita niya sa answer key. “Ayusin mo. Sa oras na magkamali ka, ibabagsak kita. Matutulog muna ako.” Sabay sandal niya sa upuan niya.

    Nilagay niya ang kamay niya sa bilbil at umidlip.

    “Sir… Pahiram ng red ballpen?” Sabi ko pero di na siya umimik.

    Ilang sandali ay narinig ko na lang ang paghilik niya. Umiling ako at nagsimulang mag check. Labas pasok ang mga teachers ng school namin sa faculty. Sa kalagitnaan ng pag chi-check ko, nakita kong may isang lalaking hindi naman faculty pero labas pasok din.

    “ROZEN?” Marahan kong tinawag ang kapatid ko.

    Ngumiti siya. Mukhang ako talaga ang sadya niya dito. Papunta na kasi siya sakin.

    “REINA.” Sumulyap siya kay Mr. Dimaano na ngayon ay mahimbing ang tulog.

    Nnag bumaling siya sakin ay mas lalo siyang nag evil smile.

    “Bakit?” Tanong ko.
    “I’ve heard all about it… Yung pagiging item niyo ng tuluyan sa publiko ni Wade Rivas.”

    Dinalaw agad ako ng kaba. Sa tono ng boses ni Rozen ay mukhang may business proposal siya sakin.

    “Huh? W-Wala-“
    “Ahh, shut up. I know you’re lying, Reina. I’m not blind. But I want you to stop it.” Ngumisi siya.

    Bakit nakangisi parin siya sa sinasabi niya?

    Kumunot ang noo ko, “Bakit naman?”
    Huminga siya ng malalim, “Ah! Inosente ka talaga. Alam ng lahat kung ano ang habol niya sayo. Come on, Reina!” Umiling siya.

    Para siyang disappointed sa mga bagay na hindi ko nakukuha.

    “Dinadaan niya ang karera niya sa pagpapaibig sayo. Yung pagiging miyembro niya sa Zeus… lahat… At ngayon ay sinasakay niya ang pangalan niya sayo dahil alam niyang mas sisikat siya pag ginawa niya yun. Noah Elizalde… Reina Elizalde… Elizalde siblings.”

    Napalunok ako sa narinig ko kay Rozen.

    “Hindi, Rozen. Kung ganun ang ginagawa niya, dapat noon pa ay pinormahan niya na ako-“
    “OF COURSE PINORMAHAN KA NIYA! Kaya nga tinitigan ka niya sa gym diba? Kasi ikaw yung punterya niya! Kaya ko siya nilapitan at binalaan. Nagulat siya dahil may nakakaalam ng plano. Kaya nag iba ang pagturing niya sayo. Naging balakid ka… Pero nang nalaman niyang may nararamdaman ka na sa kanya kahit wala pa siyang ginagawa ay agad ka niyang sinunggaban, Reina!”

    Hindi ako makahinga sa sinabi nI Rozen. Hindi ko alam, pero tumutugma ang mga sinasabi niya. Ayokong maniwala. Hindi yun totoo. Hindi pwede, diba? Lies.

    “No. Rozen. Kung may problema ka, wag mo akong isali. Wag mo akong idamay. Mind your own business, kuya. I know you’re just concerned. Pero hindi ko kailangan ng pagiging protective mo… I can take care of myself.” Untag ko.
    “No, Reina. Sinubukan kong hayaan ka sa sarili mo. Pero ngayon, hindi ko na kayang hindi sabihin sayo.”
    “Paano mo yan nalaman? May mga ebidensya ka ba?” Tanong ko.
    Ngumisi siya, “Alam kong alam mo kung anong namamagitan kay Wade at Zoey, Reina.”
    “She’s just bitter, Rozen! Kasi ayaw na ni Wade sa kanya!”
    “Paano siya magiging bitter kung usapan nila iyon? Kung plano nila iyon? Huh? Reina? He’s just using you, Reina. He’s just using you. Mayaman tayo. Marami tayong koneksyon. He wanted fame so bad, Reina. He wants to use you… Kung gusto mong malaman ang katotohanan, why don’t you ask him, then?”

    Hindi ako naniniwala pero nawindang ako sa confidence na ipinapakita ni Rozen. This is not true!

    Binitiwan ko ang ballpen ko at kinunot ang noo.

    “Not true, Rozen.”
    “I won’t go this far if it isn’t, Reina.”

    Parang kinurot ang puso ko nang binaha na ito ng pagiging misteryoso ni Wade. Nabura lahat ng magagandang alaala. May konting luhang lumandas sa pisngi ko.

    This isn’t true!

  • Kabanata 28Open or Close

    Kabanata 28

    Sino ang Papaniwalaan

    Nagkatitigan kami ni Rozen. Nanalangin akong babawiin niya ang mga binitiwang salita tungkol kay Wade.

    Hindi iyon totoo. Pabalik-balik kong sinasabi iyon sa sarili ko. Ayaw kong dungisan ang magandang imahe ni Wade sa utak ko. Akala ko ilang sandali ay babawiin niya dahil sa guilt niya sa paninira kay Wade pero di niya ginawa.

    “I tell you, Reina.”

    Padabog kong iniwan ang mga papel. Buti natapos ko ang mga iyon. Binalewala ko ang ibang mga taong lumalabas-pasok sa faculty.

    Pagkalabas ko, lumingon-lingon ako sa labas para hanapin si Wade. Hindi ko siya nakita. Kinabahan na agad ako. Asan siya? Nasabihan na ba siya ni Rozen? Umalis ba siya dahil guilty siya?

    Ayokong maniwala! NO! THIS ISN’T TRUE!

    Tumakbo ako pababa ng building. Hinanap ko siya sa bawat floor.

    “Reina? May problema-” Tanong ng mga nadaanan kong mga tao.

    Naiiyak na kasi ako. Kinukurot ng paunti-unti ang puso ko. Habang tumatagal ko kasing di nakikita si Wade ay mas lalong bumibigay ang sarili ko. Unti-unti din akong naniniwala kay Rozen.

    Mabilis ang takbo ko pababa hanggang sa umabot ako ng first floor. Malakas ang buhos ng ulan. Walang payong si Wade. Kung guilty siya at umalis na lang, siguro basang-basa siya ngayon. Pero, teka, bakit iyon ang iniisip ko!? Kung guilty siya, ibig sabihin pinaikot niya lang ako at ginamit!

    Mabilis yung takbo ko nang nakita ko siyang nakatayo malapit sa labasan ng building. Pero unti-unting nawalan ng lakas ang mga binti ko. Unti-unting bumagal ang pagtakbo ko. Unti-unti kong naramdaman ang paninikip ng dibdib ko. Hanggang sa tumigil na ako sa pagtakbo. Mga limang metro na lang ang layo ko sa kanya. Nakatagilid siya sakin. Maraming estudyanteng dumadaan sa pagitan namin, pero walang estudyanteng dumadaan sa pagitan nila ni Zoey.

    Seryoso ang mukha ni Wade nang tinitigan niya ang payong ni Zoey.

    Nakita kong unti-unting lumambot ang ekspresyon ni Zoey. Mas lalo niyang nilapit ang payong kay Wade. Para bang inooffer niya iyon kay Wade.

    Napatingin si Wade kay Zoey.

    Napalunok ako.

    Of course… Wala akong alam. Kung ano man yung namamagitan sa kanila, labas na ako dun. Nandyan na si Zoey bago pa lang ako. Kahit na ibang relasyon nilang dalawa, inamin ni Wade na magkaibigan parin sila noon. Ilang taon na siguro silang magkaibigan. Malalim ang pinagsamahan nila. Kung ano man yung mga pinlano nila, sila lang yung nakakaalam.

    Napaatras ako ng ilang hakbang. Tumindig ang balahibo ko, sa lamig at sa nakikita ko. Lumapit si Zoey kay Wade. Hindi umatras o umiling si Wade. Hinayaan niya lang si Zoey na lumapit sa kanya. Hinawakan ni Zoey ang kamay ni Wade tsaka umambang bubuksan ang payong.

    Bago pa sila umalis ay tinalikuran ko na sila.

    Doon ko na lang naramdaman ang malawak na espasyo saming dalawa ni Wade. Siya at ang kanyang misteryosong pagkatao… Hindi ko alam kung paano nangyaring sa isang iglap ay naniwala na lang ako kay Rozen. Gusto kong magtanong kay Wade pero hindi ko alam kung kaya kong marinig ang sagot.

    Tumakbo ako palayo sa kanya.

    Wala ako sa sarili. Nakakapanghina ang mga nangyari. Nandun na, eh. Masaya na ako! Masaya na ako saming dalawa kahit simpleng mga bagay lang naman ang ginagawa namin para sa isa’t-isa… kahit na hindi pa naman siya umaamin sakin.

    Hindi rin nag text si Wade sakin. Nakakapanlumo. Hinatid kaya siya ni Zoey sa apartment nina Wade. Malamig ngayon… at walang ibang tao sa apartment ni Wade… at ginagawa nila iyon madalas.

    Naiimagine ko ang itsura ni Wade. Naimagine ko yung lahat ng nangyari noon. Yung pagiging malupit niya sakin at ang biglaan niyang pagiging mabait. Yung paghahalikan nila ni Zoey sa CR. Lahat… Maging ang paghahalikan namin.

    Ganun ba ka kapal ng konsensya niya para paibigin ako para lang gamitin?

    Wala akong ganang makipagtext o sumagot man lang ng tawag ni Coreen o kahit nino. May isang text si Wade, pero di ko sinagot. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko…

    Wade:

    Reina, asan ka?

    Nag aalala ba siya o parte ito ng plano nila? Tumitindig ang balahibo ko habang iniisip kong papasok ako kay Mr. Dimaano.

    “O, Reina, parang Biyernesanto tayo riyan, ah?” Untag ni Coreen pagkapasok ko sa classroom.

    Nakita kong nilalaro ni Wade ang ballpen niya at tinitigan ako pagkapasok. Hindi ko siya tinignan. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

    Maingay ang mga kaklase namin. May nakita pa akong ilang mga babae sa labas na palaboy-laboy at nagpapapansin kay Wade. Umiling ako at narealize na maling tao pala ang pinangarap ko. Tsk. Kung papaikutin niya lang naman ako ng ganito, sana pala hindi na lang ako nangarap. Sana pala hindi ko na pinilit ang sarili ko sa kanya. Ako naman ang may kasalanan dito. Ayaw niya na sana sakin pero binigyan ko siya ng dahilan para ipagpatuloy ang plano nila ni Zoey.

    “Reina.” Nanigas ako sa pagtawag ni Wade.

    Malamig ang boses niya. Yung tipong nakakapanindig balahibo. Maingay si Coreen na nakikipagtalakan sa mga kaklase ko. Yung mga tsismis nila ay tungkol sa nangyari kahapon (samin ni Wade), at di umano’y hindi raw papasok si Mr. Dimaano ngayon kasi masakit daw ang likod niya.

    “Bakit wala ka kahapon?” Naramdaman ko ang hininga niya sa tainga ko. “Ni hindi ka nag text.”

    Nagkibit balikat ako at yumuko.

    “Anong problema mo?”

    Umiling ako, “Pagdating ko wala ka na… Ang sabi ko sa labas ng faculty, diba?”

    “Nag CR ako saglit kaya bumaba ako.” Aniya.

    “Natagalan ka ba?”

    “Hindi naman. Saglit lang ako.”

    LIAR! Kinagat ko ang labi ko. Hindi ako makapaniwalang yung 70% kong paniniwala kay Rozen, ngayon ay nagiging 99% na. Kung hindi totoo, hindi siya magsisinungaling, diba?

    “Ah. Ganun ba?” Sa galit ko, hindi ko maiwasang sabihin ito.

    Hindi siya umimik. Hindi ako sigurado kung narinig niya ba sa tono ng boses ko ang galit ko o nagi-guilty siya sa lahat ng ginawa niya sakin.

    Habang tumatagal ay mas lalong umiingay ang mga kaklase ko.

    “Wade, kailan next gig niyo?” Tanong ng mga kaklase naming babae na ngayon ay tumabi na kay Wade.

    Wala kasi talaga si Mr. Dimaano at naghihintay na lang kami sa secretary para malaman kung anong assignment meron kami.

    “Susunod na Sabado.” Simpleng sagot ni Wade.

    Binato pa siya ng mararaming tanong.

    “Wade, marunong ka bang umihaw ng manok?”

    “Wade, anong meron sa Alegria?”

    “Wade, nagsusulat ka ba ng kanta?”

    Biglang pumasok yung secretary at agad sumulat sa whiteboard. Nilagay niya lahat ng gagawin para sa next period at yung coverage para sa finals.

    “Wade, uuwi ka ba sa probinsya niyo ngayong sem break?”

    “Isama mo naman kami.”

    “Maganda ba dun?”

    “Malaki ba yung bahay niyo?”

    “May mga lupain ba kayo?”

    Pagkatapos kong isulat sa notebook ko ang lahat ng nilagay ng secretary ay padabog kong sinarado ito at nilagay sa bag.

    “Mauna na ako, Coreen.” Sabi ko sa bestfriend kong hindi matapos-tapos sa pagsusulat dahil sa pakikipagtsismisan.

    “Huh? Okay!”

    Mabilis kong tinahak ang daan palabas ng classroom.

    “Reina!” Dinig kong tinatawag ako ni Wade.

    Halos mag half-run na ako sa paglalakad ko. Marami pa akong estudyanteng nakakasalubong kaya natatraffic.

    *PAK!*

    Hinayupak! Nabunggo pa ako sa isang estudyante.

    “Sorry.” Sabi nung nakabunggo sakin.

    Pero hindi ko na siya pinansin. Nagmadali ako dahil ramdam ko ang pagtakbo ni Wade sa likuran ko.

    “Reina!” Tumindig ang balahibo ko nang narinig kong masyadong malapit ang boses niya.

    Tatakbo na sana ako pero hindi ko na nagawa. Dahil sa gitna ng maraming nanonood at mga taong naglalakad papunta sa kani-kanilang mga classroom ay hinila ako ni Wade. Mahigpit ang pag kakahawak niya sa braso ko.

    “Wade! Bitiwan mo ako!” Sabay piglas ko.

    Hinila niya ako papasok sa CR ng mga lalaki. May iba pa doong nagulat at agad na lang umalis.

    “Ano ba, Wade?” Sigaw ko.

    Tinitigan niya ang huling lalaking umiihi.

    “Close your eyes, Reina!” Untag niya sakin.

    “Dude, what the?” Umiling yung lalaki.

    Uminit ang pisngi ko nang narealize ang buong kaganapan. Shiz! Pero bago ko pa naipikit ang mga mata ko ay nizipper na nung lalaki ang pants niya. Padabog na sinarado ni Wade ang pintuan pagkalabas nung lalaki.

    “Ngayon, Reina, anong problema mo?”

    Nakita ko ang pamumutla ni Wade. Nag iwas ako ng tingin.

    “Alam ko kung bakit ka nagkakaganito!”

    Nanlaki ang mga mata ko at tinignan siya.

    “Nakita mo kaming dalawa ni Zoey, diba?”

    Hinilamos niya ang kamay niya tsaka bumaling sakin.

    “Hanggang saan yung nakita mo?”

    Bumaling ako sa kanya, “Bakit? Hanggang saan yung ginawa niyo?”

    Nanliit ang mga mata niya, “A-Ano? Huh? Reina, yung binigyan niya ako ng payong? Nakita mo iyon, diba?”

    Hindi ako umimik.

    “Hindi ko tinanggap-“

    “Wala akong pakealam kung tinanggap mo iyon o hindi.” Binalingan ko siya. “Ngayon, Wade, gusto mong malaman ang problema ko?”

    Natahimik siya.

    “Sige, sagutin mo nga ako, pinapalambot mo ba ang puso ko para lang mapalapit sa banda?”

    Nalaglag ang panga niya. Tinalikuran niya ako at suminghap.

    Sa katahimikan niya, narealize kong mukhang may naapakan talaga akong katotohanan. Mas lalong tumindi ang galit ko.

    “Kaya ba hanggang ngayon wala ka pang kinaklaro sakin?”

    “Ugh! REINA!” Tumaas ang tono ng boses niya.

    Para bang gusto niya akong tumahimik habang nag iisip siya.

    “Kaya ba hindi mo pa sinasabi saking gusto mo ako? Are you too guilty to say it, Wade? Na baka karmahin ka dahil tunay ang nararamdaman ko sayo pero nagpapanggap ka lang para makuha ang loob ko. KASI ELIZALDE AKO-“

    “BULLSHIT, REINA!” Sigaw niya.

    Napapikit ako sa biglang sigaw niya. Narinig kong natahimik ang mga taong dumadaan sa labas. Para bang narinig nila ang sigaw ni Wade!

    “SINASABI MO BANG GINAGAMIT KITA?”

    Hindi ako nakapagsalita.

    “Ito mismo ang iniiwasan ko kaya hindi ko pa kinaklaro sayo ang lahat! Dahil ayokong husagahan ako ng mga tao… ayokong husgahan mo ako! Alam ng lahat na iba ka kasi masyado kang mayaman! At hindi kami mayaman, Reina! Wala akong maipagmamayabang sayo! Wala akong kotse at wala akong limpak-limpak na salapi para paniwalaan mo kung anong mga ipinapakita ko sayo!”

    Napalunok ako. Nakita kong pulang-pula ang pisngi niya. Lumalabas ang dimple niya, hindi dahil nakangiti siya, kundi dahil binibitawan niya ang mga salitang ito…

    “Akala ko iba ka sa ibang mayayaman! Hindi ka tumitingin sa estado ng buhay pero nagkamali ako. Ganun parin ang iniisip mo sakin. Dahil hindi ako mayamang tulad mo, pakiramdam mo nakikisawsaw lang ako sa buhay mo-“

    “Pwes, kung ganun bakit ka nakikipagkaibigan sakin? Bakit bigla kang bumait sakin?”

    “Hindi ba yun ang hiling mo? Na maging magkaibigan tayo?”

    Mas lalong nag alab ang apoy ng galit ko.

    “So… you’re really worthless, Wade Rivas! Alam kong hiling ko yun pero buong akala ko kinaibigan mo na rin ako dahil gusto mo ako.”

    May namuo sa lalamunan ko. Hindi ako makalunok ng maayos.

    Nanliit ang mga mata niya.

    “Tingin mo tatagal akong ganito kung hindi ko yun gusto? Oo, nung una kinaibigan kita dahil iyon ang naging deal natin, pero langya, tingin mo kung napilitan lang ako sayo kakaladkarin kita dito para malaman kung anong pinagkakabusangot mo? WALANG HIYANG EFFORTS NA YAN, PINATULAN KO PA! TSSS…” Tinalikuran niya ako.

    Naramdaman ko ang pamumuo ng luha sa mga mata ko.

    “Yes, I may be worthless. I’m not rich like you, Reina. Simple lang ang pamumuhay ko. Pero wag kang mapanghusga. Kung sinusumbat mong hindi ko kinaklaro sayo yung tungkol satin, dahil iyon dito.” Nakita kong kumuyom ang panga niya pagkatapos niyang sabihin iyon.

    “Alam kong may manghuhusga sa nararamdaman ko. Dahil mayaman ka at mahirap akong nainlove sayo, tingin ng lahat ginagamit kita. Ayoko ng ganun. Kung sana pwedeng pumili ng babaeng kakahumalingan, noon ko pa ginawa. Pero bullshit hindi ko kayang pumili dahil ikaw lang ang laman. Sana iniwasan na lang kita. Alam ko namang ganito ang kahihinatnan.”

    Binuksan niya ang pintuan at padabog na sinarado. Iniwan niya ako sa loob na wasak. I’m so confused. Totoo si Wade pero bakit ganun si Rozen!? Kung sino man ang nagsisinungaling sa kanilang dalawa, sana itigil na…

    Mabilis na tumulo ang mga luha ko. Hindi ko na napigilan ang paghikbi ko. SHIT! Hindi ko na alam kung sinong papaniwalaan ko? Family or Love? Shit!

  • Kabanata 29Open or Close

    Kabanata 29
    Hindi Ganito Katindi

    Namumugto ang mga mata ko sa sumunod na araw. Ayaw kong kausapin si Rozen. Nagagalit ako sa kanya. Pero hindi ko naman kailangang mag effort na wag siyang kausapin kasi palagi naman siyang wala. Hindi nagpapakita sakin.

    “Matamlay ka yata?” Bulalas ni Coreen sakin nung sumunod na araw.

    Pagkagising ko kaninang umaga, kinabahan na agad ako. Alam ko kasing magkikita kami ni Wade ngayon dahil sa klase ni Mr. Dimaano.

    “Uhmm… Hindi ah.” Sabi ko nang matama niya akong pinagmasdan.

    Ilang sandali ang nakalipas, dumating na si Mr. Dimaano. Wala pa si Wade. Late kaya siya?

    “Where is Mr. Rivas?” Tanong ni Mr. Dimaano sa aming lahat pero sakin siya nakatingin.

    Yumuko ako at nagsikap na iwasan mag eye contact kay Mr. Dimaano.

    “Elizalde, asan si Mr. Rivas?”
    “P-Po?”

    Pinagmasdan ko ang mga kaklase kong naghihintay rin sa isasagot ko.

    “Hindi ko po alam.”

    Napabuntong-hininga sila nang narinig ang simpleng sagot ko. Paano ba naman kasi, sa sem na ito, hindi kailanman nag absent si Wade. Hindi rin naman ako nakapag absent. Si Coreen, naka ilang beses na. Yung ibang kaklase ko, madalas. Top pa si Wade sa klase kaya naman nakakapagtaka na wala siya.

    Hindi kaya?

    Kinukurot ang puso ko nang naiisip na galit na galit parin siya sakin. Halos sabunutan ko ang sarili ko sa inis.

    Nang tumalikod si Mr. Dimaano para magsulat sa whiteboard ay agad kong tinext si Noah.

    Ako:
    Where’s Wade?

    Noah:
    Tumawag kanina, may flu daw. Why?

    May sakit siya? Tinatablan din pala siya ng sakit? I mean, sa sobrang kisig niya ay nagkakasakit din pala siya? Naiisip kong wala siyang kasama sa apartment niya. Kaya niya kayang kumain ng walang nakaalalay?

    Gustuhin ko mang pumunta sa apartment niya, pinigilan ko na lang ang sarili ko. Natatakot akong galit parin siya sakin. Kasalanan ko ito. Bakit ba kasi ako nagpadalos-dalos sa mga sinabi ko sa kanya? At tuwing naiisip ko yung confrontation namin sa CR, naaalala ko yung indirect na pagkakasabi niyang gusto niya ako. Actually, hindi lang gusto… higit pa dun… mahal niya ako.

    Napalunok ako. Mas lalong kinurot ang puso ko. Totoo kaya iyon? Totoo kayang mahal niya ako? Pero nasaktan ko siya. Mamahalin niya parin ba ako kahit nasaktan ko siya? Naiinis talaga ako sa sarili ko. Ayan na nga yung gusto ko, nakahain na, pero bakit ngayon parang nalilito parin ako sa mga desisyon ko. Parang hindi ko parin alam kung sino ang paniniwalaan ko.

    Sa sumunod na araw ay absent parin si Wade.

    “Two consecutive days na absent si Wade, Reina. Asan ba siya?” May pabulong na nagtanong sakin.

    Isa iyon sa mga fan ni Wade.

    Nagkibit balikat ako.

    “Di ba lagi kayong magkasama? Bakit di mo alam?”

    Nagkibit balikat na lang ulit ako. Believe me, I want to know, too. Pero sa sobrang misteryoso niya, hindi ko mapagtanto kung ano nga.

    “FINALS NA NEXT WEEK AT NAIBIGAY KO NA SA INYO LAHAT NG HANDOUTS AT ANG MGA COVERAGE!” Pasigaw na sinabi ni Mr. Dimaano sa amin. “Wag kayong mag isip na pumasa kayo kasi matatalino kayo, ang isipin niyo, pumasa kayo kasi ayaw ko na kayong makita.” Tumawa siya at tumingin sakin.

    Shiz! Ikaw rin tanda, ayaw na rin kitang makita kaya siguraduhin mo ang pag pasa ko, leche! Kainis huh!

    “Si Reina yun.” Bulong ng iba sabay tawa.

    Napatingin din sakin ang mga kaklase ko.

    “Bwiset na matanda, kung nandito sana si Wade, ipinagtanggol ka na niya.” Ani Coreen.

    Napalunok ako sa sinabi niya.

    “I doubt it.”

    Binalewala ni Coreen ang sinabi ko sapagkat lumalapit na si Mr. Dimaano samin.

    “Ms. Elizalde!” Nakangisi siya at may dalang maraming handouts.
    “P-Po?”
    “Hindi ba close kayo ni Mr. Rivas?”
    “Uhm-“
    “Okay, eto!” Nilagay niya sa desk ko ang mga papel. “Ibigay mo ito sa kanya!”
    “Pero sir-“
    “I don’t care kung di mo siya mahanap. Ito ang last meeting natin at wala siya dito kaya ikaw ang inaatasan kong maghanap sa kanya at ibigay sa kanya ang mga ito.” Tinuro turo niya pa sa harapan ko ang mga papel.
    “End of class. Goodbye.” Nagwalk out siya at napasigaw sa saya ang mga kaklase ko.

    Ako naman tulala at tinignan ang mga papel ni Wade. Paano na ito? Pupuntahan ko siya?

    “Reina, pupunta ka sa bahay nila?” Tanong nung isang fan ni Wade na kaklase ko.
    Hindi ako sumagot.
    “Pwedeng sumama?”

    Actually, pwedeng ikaw na lang ang magbigay sa kanya nito? KYAAA! Hindi ko pa yata kayang harapin siya. Paniguradong galit iyon. Alam niyo naman kung paano siya pag galit. Ugh!

    “Uhmmm…”
    “Ako rin, Reina!”

    Dumagsa ang mga fanatic na gustong sumama sakin papunta kina Wade. Patay, pag dinala ko ang mga ito, mababadtrip iyon at mas lalo lang magagalit sakin.

    “Ibibigay ko na lang ito kay Noah. Gusto niya kay Noah na lang kayo sumama.”
    “Ay…” Ni head to foot ako nung isang may pulang buhok at inirapan. “Akala naman namin ikaw magbibigay kasi mukhang close kayo.”

    Taray ng mga ito pag wala na silang makukuha galing sayo. Mga manggagamit nga naman. Kung hindi ang mga kapatid ko, si Wade naman. Ibabalato ko na lang lahat ng kapatid ko, wag lang galawin si Wade Rivas.

    Namulat na lang ako sa araw na iyon na nasa harap na ako ng pintuan ni Wade. Humugot ako ng malalim na hininga tsaka kumatok.

    Tatlong beses pa akong kumatok bago niya ako dahan-dahang pinagbuksan.

    “Anong kailangan mo?” Napapaos ang boses niya at magulo ang buhok niya.

    Halatang kakagaling lang sa tulog.

    “Uhm… Eto kasi, pinabibigay ni Mr. Dimaano.”

    Pinagmasdan niya mabuti ang mga dala ko.

    “Ano na kasi… finals na next week. Tapos last meeting today. Yung hand outs tsaka coverage nandito na.”

    Kinuha niya iyon sa kamay ko umambang pagsasarhan ako ng pintuan. Tinulak ko naman ang pintuan at dumapo agad ang kamay ko sa nag-aapoy niyang noo.

    “Nilalagnat ka.” Sabi ko.
    “Kaya nga umabsent diba?”
    Kumunot ang noo ko, “Akala ko kasi umabsent ka dahil sa… uhm…”
    Umiling siya. Bago niya pa subukang pagsarhan ulit ako ay pumasok na ako sa loob.

    “Wade, matulog ka na muna. Ipagluluto kita. Kumain ka na ba?” Tanong ko habang tinitignan na ang mga lamang ng ref niya.

    Mabuti at may mga laman itong pwedeng gawing sabaw o ulam niya para mamayang gabi.

    “Hindi mo na kailangang gawin yan, Reina. Hindi ko kailangan ng tulong mo.” Matabang niyang sinabi.
    Nilingon ko siya, halos lumuwa yung mga mata ko nang nakitang topless na naman si Mr. Godlike. Ganunpaman, hindi ako nagpadala sa makamundong pagnanasa pinagpatuloy ko ang sermon ko kahit nahihirapan akong makipag eye contact. “Wade, I’m sorry kung may nasabi man akong masama sayo. P-Paano ba naman kasi… M-Masyado kang misteryoso. Hindi ko alam kung anong nasa kokote mo. Hindi kita mabasa. Hindi pa naman kita gaanong kilala. Wala m-masyadong nakakakilala sayo dito sa syudad. Hindi mo rin naman sinasabi ang mga nasa utak mo. Mahirap kang espellingin-“
    “Kaya hinusgahan mo na lang ako?” Seryoso niyang sinabi.
    “You’re just so vague, Wade.”
    “Vague pa ba ako kahit sinabi ko na iyon sayo?” Nag iwas siya ng tingin at ginulo ang buhok niya.

    Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Pero nakita ko ang pamumula niyang walang kinalaman sa lagnat niya. Yung pamumula hanggang tainga. Nangatog agad ang binti ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

    “Bahala ka. Matutulog ako.” Aniya at pumasok na sa kwarto niya.

    Kinagat ko ang labi ko at bumaling sa mga pagkain sa ref. Pero habang gumagawa ako nun, bigla akong natitigilan at natutulala at ngumingisi na parang baliw.

    Ay oo nga pala! Pinasok ko ang kwarto niya at nakita ko siyang nakahiga ng walang kumot. Pati paraan ng paghiga niya ay nakakainlove. Hindi ko alam kung dahil lang ba ito sa pagmamahal ko sa kanya o talagang ganito ang epekto niya sa mga babae.

    “Anong ginagawa mo dito, Reina?”
    “Kahit magandang tanawin yang heat-inducing abs na yan, hindi kita hahayaang maging topless ngayong may sakit ka. May thermometer ka ba?”
    “What?” Nakakunot ang noo niya.

    Hindi pa niya nasasagot ay nakita ko na ang thermometer sa tabi niya.

    “38.7?” Tinitigan ko ito. “Kailan mo last nicheck?”
    Umirap siya at napabuntong-hininga, “Anong pake mo.”
    Umirap ako, “Ang arte mo talaga. Kaya ang hirap mong espellingin.”

    Binaba ko ang thermometer at kumuha ng t-shirt sa cabinet niya. Dito pala naka store ang mga nakakagwapong t-shirt na yan. Pero in fairness, mas gumugwapo siya pag wala siyang t-shirt. At isa pa, lagi naman itong napupunit dahil sa panghahalay ng mga babae sa kanya.

    “Sootin mo ito, Wade.” Sabi ko.
    “Ayoko!” Pumikit siya at tinaas ang dalawang braso.

    Ngumuso ako nang nakita ang kili-kili niya. Damn! Damn it! Why are you so sexy, man! Shit!

    Nag iwas ako ng tingin at kinuha ang kumot sa paanan niya.

    “Gumamit ka po ng kumot. Kasi kaya ka hindi gumagaling dahil sa hilig mong mag topless. Malamig pa naman ang panahon-“
    “Oo nga. Umulan nung isang araw at may isang babaeng pinaghintay ako para payungan daw pero di dumating kaya basang sisiw akong umuwi dito. Salamat ah?” Tinaas niya ang kilay niya at dinilat ang mga mata.

    Sadyang good mood siguro si Lord nang ginawa itong si Wade kaya naman sobrang gwapo kahit may sakit at nakahiga diyang nakabalandra ang sexyng kili-kili at heat inducing abs.

    “Whatever.”
    “Kahit masama ang pakiramdam ko nung isang araw pumasok ako para marinig ang explanation mo sa di mo pagsipot pero anong ginawa mo? Deadma?” Tumawa siya. “Pagkatapos ako pa ang worthless.”
    Siya naman ang nagsesermon sakin ngayon ah? “Ano yan? Buhos ng mga hinanakit?”
    Binalewala niya ang sinabi ko.

    Tinakpan niya ng kanyang braso ang kalahati ng mukha niya. Mas lalo kong nakita ang defined muscles niya sa dibdib. Ano kayang mga pinaggagagawa nito sa bukid at bakit lagi siyang nag li-lift ng weights?

    “Sinabi ko namang hindi pa ako nababaliw at ayaw kong mabaliw, diba? Tapos sinabi ko ring baliw na ako sayo…” Nakita ko na naman ang paunting-unting pamumula ng pisngi niya.

    Kaya niya siguro tinatakpan ang mukha niya.

    “Tingin mo gusto ko ng ganun? May mga nagustuhan na akong babae, pero hindi yung ganitong nababaliw ako.”
    “Gusto mo ba ako?”
    “Hina naman pumick up-“

    Dinig na dinig ko ang kabog ng puso ko. I need to freaking know… not just in between the lines… I need to hear it… straight… Para walang pagdududa. Walang panghuhusga!

    “Wade, alam kong alagad ka ng sining at musika kaya mahilig ka sa mga bugtong pero for God’s sake, just tell me what you feel!”

    Natahimik siya. Bumangon siya at pinilig ang ulong may buhok na magulo. Mapupungay ang mga mata niya nang tinignan ako. Lumitaw ang dimples niya nang nag evil smile siya. Ginulo niya ulit ang buhok niya at naglahad ng kamay sakin.

    “Huh?” Nanlaki ang mga mata ko.
    “Hindi ako magaling sa mga salita, Reina.” Untag niya. “Ipaparinig ko sayo pero kailangan ko ring ipakita, kasi hindi ko alam kung kaya kong sabihin sayo ng diretso.”

    Halos tumakbo na ako nang nakita ko ang kamay niyang nakalahad talaga sa harap ko. Yung tipong pag tinanggap ko ito, tuluyan na akong mahuhulog sa mga bitag ng pag ibig ni Wade. At sa oras na mahulog ako dun, patuloy akong mahuhulog, dahilan kung bakit hindi na ako makakaahon pang muli.

    “Come here, Reina.” Aniya.

    Malakas pero mahina ang pintig ng puso ko. Pakiramdam ko mahihimatay na ako. Tumitindig din ang balahibo ko habang tinitignan ko ang dimple niya.

    Dahan-dahan kong nilagay ang kamay ko sa kamay niya. Hindi ko pa nga tuluyang nailagay ay sinalubong niya na ito at hinila ako papunta sa kanya. Dahilan kung bakit napaupo ako sa hita niya. Niyakap niya ako galing sa likuran.

    Ang heat-inducing abs niya ay mas lalong umiinit dahil na rin siguro sa lagnat niya. Parang kanikanina lang ay nanlalamig ako, pero ngayon…

    “Minsan…” Bulong niya sa tainga ko.

    Tumindig ang balahibo ko. Hindi ako makapagrelax dahil ramdamn na ramdam ko ang buong katawan niya sa likod ko. Ramdam ko rin ang braso niyang nakapulupot sa dibdib ko.

    “Gusto kong halikan ka… minsan higit pa…”

    WHAT? OMG! Uminit ang pisngi ko. Naramdaman ko ang panghihina ng tuhod ko. Para akong nalalasing sa alak na pinaparinig ni Wade sakin.

    “Pero minsan ayaw ko rin… Kasi ayaw kong tratuhin ka na parang tulad ng iba. Hindi ko trip ang umibig, Reina. Landian lang ang gusto ko. Noon. Pero nung nakilala kita, lanya, salita mo pa lang, nahihigitan na ang lahat ng pwedeng mangyari sa kama. Tingin mo pa lang, nanghihina na ako.”

    Napalunok ako. Bakit ganito ang mga pinagsasabi niya? Nakakapanindig balahibo. He’s really a playboy.

    Inamoy niya ang buhok ko at naramdaman ko ang paghalik niya sa likod ng tainga ko. AHHH! Para akong rocket na mag ti-take off na papuntang outer space dahil sa ginawa niya.

    “Pero ayaw ko talagang gawin yun sayo. I want you to fall for me dahil tanggap mo ang buong pagkatao ko. Hindi dahil sa ugnayan natin sa kama. Hindi dahil sa pwede kong gawin sayo… Gusto kong magustuhan mo ang pagiging simple ko. Gusto kong mapansin mo na higit pa ang pagkatao ko. Hindi yung nagugustuhan ako dahil musikero, dahil matalino, dahil gwapo, dahil magaling sa kama… gusto ko magustuhan mo ako dahil ako ito.”

    Hindi ko alam kung bakit kinukurot ang puso ko. Nararamdaman kong may pinaghuhugutan talaga siya. Para bang buong buhay niya, nagugustuhan lang siya ng mga tao dahil sa mga kataingan niyang ganun.

    “I want you to love the whole package. Love what’s inside.”

    Mas lalong humigpit ang yakap niya. Sinubukan kong lumingon sa kanya pero hinalikan niya ang tainga ko at pinigilan ang ulo ko sa paglingon.

    “LOVE THE WHOLE PACKAGE, WADE? Really? Like… maraming pwedeng ma in love sa whole package mo! Parang kang heater slash iPod slash encyclopedia slash modelo ng Calvin Klein… paanong hindi maiinlove ang mga tao sayo.”
    “Reina… Ang sabi ko… I want YOU to love the whole package. Hindi sila…”

    Uminit ang pisngi ko. Jusko. Hiyang hiya na ako ha? Pakiramdam ko nararamdaman o baka naririnig niya na ang naghuhuramentadong puso ko. Narinig ko ang pagngiti niya. Sobrang lapit niya na kasi sa tainga ko.

    “I love the whole package.” Simple kong sinabi.

    Shiz! OMYGOD! Wala na akong pake. Bahala ka na world. Kahit pagiging Elizalde ko tatalikuran ko na maging Rivas lang!

    “Are you sure? Hindi ba dahil musikero ako? Laglag ang panga mo nung una mo akong nakita. It’s probably just my voice, Reina. Or the looks?”

    Hindi ko na talaga kaya. Naiiyak na talaga ako sa tuwa. Nararamdaman ko na ang pamumuo ng luha sa gilid ng mga mata ko.

    “I love the whole package. I love you, Wade. Sorry kung nasaktan kita kahapon.”
    “Mahal din kita, Reina. O baka higit pa sa mahal. Ewan ko. Hindi naman ganito katindi sa mga kanta o mga movies… Hindi ganito katindi ang nararamdaman ng mga sumusulat at umaarte. Kaya sigurado akong higit pa ito sa pagmamahal.”

    Pwedeng mag mura? HINAYUPAK! PAKSHET!

    “Mahal kita. Kahit mayaman ka. Pero sana hindi. Sana simple. Para pwede na lang kitang itanan nang walang magpapadala ng search and rescue team sa Alegria.”

  • Kabanata 30Open or Close

    Kabanata 30
    Wag Mo Akong Tinutukso

    Namanhid ang buong katawan ko pagkatapos niyang sabihin lahat ng iyon. Pakiramdam ko, nananaginip lang ako. Hindi ako makapaniwala. Kung naging invisible man ako sa mga tao for the past 19 years, wala na akong pakealam, basta may nakapansing Wade Rivas sakin ngayon. Pero kahit na sinabi niya na ng buong-buo sa akin, parang hindi parin ako makapaniwala.

    Dahan-dahan siyang kumalas sa pagkakayakap niya sakin. Buong akala ko ay papakawalan niya na ako pero nagkamali ako. Nilagay niya sa balikat ko ang braso niya at niyakap niya akong mas mahigpit.

    “T-Tayo na ba?” Tanong ko.
    “Kung papayag ka. Edi tayo na.”
    Napalunok ako, “Ako pa ngayon ang di papayag?”

    Natahimik siya ng ilang sandali at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sakin.

    “Magluto ka na lang muna.”
    “Huh?” Nilingon ko siya.

    Nakita kong nakapikit siya. Ilang centimeter na lang ay mahahalikan niya na ang pisngi ko. Uminit agad ang pisngi ko at nanigas na naman sa posisyon naming dalawa.

    “May sipon at ubo ako. Baka pag di ako makapagpigil mahahalikan kita. Tapos magkakasakit ka rin. Finals pa naman next week. Kaya sige na.”

    Di bale na lang na magkasakit ako, gusto rin kitang halikan, Wade. Shemay! Jusko! Naadik na yata ako sa kanya.

    Tinignan ko ang labi niya. Dumilat siya at nadatnan akong nakaawang ang bibig at nakatingin sa labi niya. Kumalas na siya ng tuluyan.

    “Ugh! Reina, sige na… Magluto ka na lang.”

    Hindi ako umalis sa kinauupuan ko.

    “Reina, nagpipigil ako. Matagal na. Kaya wag mo akong bigyan ng rason para… ugh! Sige na, umalis ka na. Matutulog na muna ako.” Lumayo siya ng bahagya sakin.
    Gumapang ako sa kama para kapain ang noo niya. Titignan ko sana kung may lagnat pa ba siya.
    “Shit! Reina!” Nanlaki ang mga mata niya at tinaas ang kamay kong dadapo sana sa noo niya.

    Dahan-dahan niya akong hinalikan. Maiinit at passionate ang mga halik niya. Nahalikan niya na ako noon pero ang mga halik niyang ito ay bago. Marahan at nakakapanghina. Hinawakan niya ang chin ko.

    “Sabing wag akong tinutukso.” Bulong niya sa gitna ng paghahalikan namin.

    Dahil wala pa akong ibang nahalikan, wala akong mapagkumparahan sa halik ni Wade. Nawala na ako sa sarili ko nang hinawakan niya ang gilid ng leeg ko. Sinubukan ko siyang yakapin pero nanghina ang braso ko, hindi na ito umabot sa balikat niya, hinaplos ko na lang ang braso niya pababa. Yung isang kamay ko naman ay nasa dibdib niya.

    Unti-unti kong naramdaman ang pagtindig ng balahibo niya sa braso. Tumigil siya sa paghalik at umatras ng konti.

    “Reina,” Ginulo niya ang buhok niya. “Magkakasakit ka na nito.”

    Hindi ako umimik. I’m just so stunned. Buong buhay ko pinaniniwalaan kong pangit ako at di ako kailanman mapapansin ng tulad ni Wade pero biniyayaan na yata ako ng kagandahan ngayon at bakit nabihag ko siya.

    Kinunot ko ang noo ko, “Ayaw mo ba akong halikan?”

    Tinakpan niya ang mukha niya at bumuntong hininga bago bumaling ulit sakin.

    “Gusto. Pero ayaw kong mabaliw ka sakin dahil lang nakakalasing ang mga halik ko. Ayaw kong hanggang dun na lang.”
    “B-Bakit? Ganun ba ang habol ng iba sayo?”
    Tinitigan niya ako. Yung titig na tagos sa kaluluwa ko. Yung tipong pinaparamdam sayo na ikaw lang ang nasa mundo niya. Na wala siyang ibang tititigan ulit kundi ikaw. “Oo.”
    Umiling ako at hinaplos ang pisngi niya.
    “Sa totoo lang, wala akong pakealam kasi ganun lang din ang habol ko sa kanila noon.”
    Natigilan ako sa sinabi niya.

    Nanghihina ako kahit tinititigan niya pa lang ako. Paano pa kaya kung hahawakan niya na o hahalikan. Baka mahimatay ako.

    “Pero sayo, gusto ko buong ako ang habol mo. Hindi lang pisikal na anyo, hindi lang mga katangian… Dahil langhiya, pagkatapos mo akong insultuhin, kaya mo parin akong pabalikin. Ganun ka tindi ang nararamdaman ko sayo. Hindi ko naiintindihan kung bakit pero kahit anong gawin at sabihin mo sakin, patuloy mo paring mayayanig ang pagkatao ko, Reina. You have that effect on me.” Nag iwas siya ng tingin at nakita kong pumula ang pisngi niya.

    Wala akong nagawa kundi ang ngumiti ng abot tainga. Wade Sexy Rivas… I love you so much. At patuloy akong mahuhulog. Hindi na ako makakaahon nito dahil sa mga sinasabi at ginagawa mo.

    Nasulyapan niya akong nakangiti sa mga sinabi niya. Humiga siya sa kama at nag iwas ulit ng tingin.

    Bumuntong-hininga ako. Ngayon, naiintindihan ko na. Ang ugnayan nila ni Zoey… ang pagiging malihim niya… ang pagiging misteryoso niya. He’s a playboy. Alam niya kung paano gamitin ang pisikal na anyo niya laban sa mga babae. At ganun din ang habol ng ibang babae sa kanya. He’s a trophy for them. Sa sobrang gwapo niya, wala ng nagmamahal ng tunay sa kanya. Ginagawa na lang siyang medalya at dekorasyon tulad ng ginawa ni Zoey sa kanya. Okay lang yun para kay Wade kasi wala rin naman siyang nararamdaman.

    “Wade, hindi ba nag confess si Zoey sayo noon?”
    “Hmm?”
    “Diba mahal ka niya? Hindi ba umamin siya sayo? Kung ganun, hindi lang pala errr, sex, yung habol niya sayo… Kundi higit pa? Kung ganun bakit di mo siya nagustuhan?”
    Suminghap siya, “Tingin mo ba nagustuhan lang kita kasi gusto mo rin ako, Reina? No… Hindi ko rin alam kung bakit bigla na lang akong nabaliw sayo. Basta ang alam ko, gusto kong mabaliw ka rin sakin. Ikaw. Hindi ibang tao. Ikaw.”

    Tumango ako at napalunok. Tinitigan niya ako habang nakahiga siya sa kamay. Nakakagat-labi niya habang ang isang daliri ay hinahawakan ang lowerlip niya.

    Bumilis ang tibok ng puso ko kaya ayan na naman at natutuliro na naman ako. Ikinukulong kasi ako ng titig niya sa ibang mundo. Nakakapanindig balahibo. Nakakahimatay.

    “N-Nababaliw naman ako sayo, ah? K-Kaya nga nandito ako diba?” Sabay turo ko sa kama ko.
    Pumikit siya, “Sh1t, Reina!”

    Hinila niya ang kamay ko kaya naman nakahiga ako sa dibdib niya. Bago ko pa maayos ang sarili ko ay hinalikan niya na ako agad. Ngumisi ako nang naramdaman ulit ang mga labi niya. My boyfriend is Wade Sexy Rivas.

    Tinulak niya ako at napahiga ako sa kama niya. Pumatong siya sakin at mas lalong inatake ang mga labi ko.

    Nanlaki ang mga mata ko nang naramdaman ko ang nakakakiliting haplos niya sa leeg ko. May rhythm na rin ang paggalaw niya sa taas ko.

    OH MY GOSH! Natukso ko talaga yata!

    Hinalikan ko rin siya. Ngayong nakailang beses na siya sa paghalik sakin, mukhang natutunan ko na rin kung paano humalik tulad ng ginagawa niya.

    “Shit… Reina!” Tumigil siya at lumayo sakin.

    Mabilis ang paghinga niya. Tumayo siya at pabalik-balik na naglakad habang ginugulo ang buhok niya.

    Bumangon ako sa kama ng lasing na lasing pa sa halik niya. Sarap niyang humalik. Nakakabaliw. Ngumisi ako nang nakita siyang hirap na hirap sa paghahabol ng hininga niya. Alam kong natutukso na siya pero kaya niya paring kontrolin ang sarili niya.

    “Sarap mong humalik, Wade.” Nanlaki ang mga mata niya.

    Ngayon alam ko na kung bakit iniiwasan niya ako at mukha siyang may malaking problema pag sinasabi ko sa kanya ang nararamdaman ko. Nagpipigil pala siya. Natutuwa at na to-touch ako sa pagiging gentleman niya pero natatawa ako tuwing naiisip na nahihirapan siya.

    Ngumisi pa ako lalo, “Kaya siguro marami talagang sabik sayo sa kama. Hindi ko nga lang alam kung paano kasi wala pa naman akong experience at ikaw naman ang unang halik ko. Pero nalalasing ako sa halik mo. Pwedeng ulitin?”
    Mas lalong nanlaki ang mga mata niya.

    Masaya na sana pero hindi ko napigilan ang paghalakhak ko.

    “Sinasadya mo bang manukso, Reina?”
    Umiling na lang ako nang hindi ko na napigilan ang pagtawa ko.
    “REINA!” Galit niyang untag habang lumalapit sakin.
    Tumatawa parin ako at umatras na.

    Bumilis ulit ang paghinga niya. Ngayon, siguro ay dahil sa galit niya sa mga sinabi ko. Humagalpak ako sa tawa at tumakbo na palabas ng kwarto niya.

    “Babae ka!” Sigaw niya nang nakalabas na ako. “Hayyy!”

    Humagalpak ako sa tawa pagkarating ko sa kusina. Damn, Wade! Nagpipigil pa, parang di playboy. Not that I want us to do that… Syempre sa tamang panahon. Pero natutuwa ako tuwing nakikita siyang nahihirapan sa pagpipigil. Nababaliw na talaga yata ako.

    Sa kalagitnaan ng pagluluto ko, narealize kong dapat akong magpalit ng damit. Kaya lang, wala akong ibang damit kaya pumasok ulit ako sa kwarto ni Wade. Nakita kong tulog na siya kaya naisipan kong kumuha ng damit sa cabinet niya. Gusto ko pa sana siyang pagmasdan na natutulog kaya lang inisip ko yung niluluto kong pagkain.

    Dumiretso na ako sa kusina at nagpalit ng damit sa CR. Jersey ito sa soccer. May nakalagay pang Rivas sa likod. Sarap magpapicture pag soot mo yung jersey ng boyfriend mo. Lalong lalo na pag si Wade Rivas! Hay! Wala akong ginawa kundi ang ngumiti na lang habang nagluluto.

    Pagkatapos kong mag luto ay inayos ko ang mesa niya. Gigisingin ko siya maya-maya para makakakain na kami.

    Para kaming mag asawa sa lagay na ito. Para kaming nagtanan. Naiisip ko tuloy yung mga sinabi niya. Na magtatanan kaming dalawa at pumunta ng Alegria.

    *KRIIIING*

    Patay! Nakita ko yung cellphone niyang nasa sofa. Nag ri-ring ito. Tinignan kong mabuti kung sino ang tumatawag. Nakita kong may nakalagay na ‘Mama’. Mommy ni Wade?

    Gusto kong gisingin si Wade para sagutin yung cellphone niya pero hindi na ako nag isip at sinagot ko na lang ito.

    “H-Hello?”
    “Hello? Sino ‘to?” Malamig at malumanay na boses ng babae ang sumalubong sakin.
    “Ako po si Reina…” Kaibigan ni Wade o Girlfriend ni Wade? “Kaklase po ako ni Wade. Natutulog pa po siya kasi may sakit siya ngayon.”
    “Natutulog pa ang anak ko? Nasaan ba kayo?”
    “Nasa apartment niya po. May sakit po siya.”
    “Ganun ba?”

    Mukhang mejo suplada ang mommy ni Wade, ah? Ang alam ko, teacher ang mommy niya at yung daddy niya naman ay retired army.

    “Opo. Ipapatawag ko siya sayo pagkagising niya-“
    “Bakit ka nandyan sa apartment niya?” Tanong ng mommy ni Wade.
    “Kasi po hinatid ko yung hand outs niya. Nautusan ako ng prof namin. Tapos eto po, naabutan ko siyang may sakit.”
    “Uh-huh.”

    Nanlaki ang mga mata ko nang nakita kong lumalabas na yung walking heater sa kwarto niya. Nakabalandra parin ang maiinit na abs. Tinitingnan niya ako nang nakakunot ang noo habang may kinakausap sa cellphone niya.

    “Eto na nga po siya, kakagising lang. Ibibigay ko po sa kanya yung cellphone.” Nilahad ko kay Wade ang cellphone niya.
    Bumuntong hininga siya tsaka sinagot ang cellphone, “Hello, ma?”

    Sinulyapan ako ni Wade.

    “Hindi po ako nagloloko dito at wala akong babae. May sakit ako kaya nandito ang girlfriend ko para alagaan ako.”

    Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya sa kanyang mommy.

    “Yes, ma, girlfriend.”

    Kinagat ko ang labi ko at naisipang titigan na lang yung mga niluto ko.

    “Hindi siya pwedeng- Po? anong ikinakahiya? ANONG NAGLOLOKO? HINDI PO AKO NAGLOLOKO DITO! ANONG…” Tinakpan niya ang mukha niya. “WALA PA PO KAMING NAGAGAWANG MILAGRO KAYA RELAX KA LANG.”

    Uminit ang pisngi ko sa narinig ko. Tinanong ba siya ng mommy niya kung may nangyari na ba sa amin? Ibig sabihin alam ng mommy niya ang kabulastugang pinaggagagawa niya?

    “Okay po. Oo nga, uuwi nga ako… Oo… Pagkatapos ng finals. I miss you, too. Bye.” Binaba niya ang cellphone niya at tinignan ako from head to foot.

    Tumigil siya sa dibdib ko.

    “Bakit mo soot yan?” Tanong niya.
    “Bakit? Bawal ba? Anong sabi ng mommy mo, Wade?”
    Nanliit ang mga mata niya, “Wag mong winawala ang usapan. Nanunukso ka na naman ba, Reina?”
    “Huh? Bakit? May cleavage ba ito? Wala naman diba?”
    Umiling siya.
    “Tsaka girlfriend mo naman ako. Pwede namang ganito, diba?”

    Ngumuso siya at umupo sa upuan.

    Uupo na rin sana ako sa upuan para makakain na kaming dalawa pero hinila niya ang kamay ko.

    “A-Ano?”

    Mabilis at malakas ang pintig ng puso ko. Tinapik niya ang hita niya.

    “Boyfriend mo naman ako, diba? Edi bagay ka dito.”

    SHT! Kung makabanat ang isang ito nakakalaglag panty.

    Ngumisi siya, “Oh! Pag ikaw nanunukso maingay ka. Pero pag ako naman, natatahimik ka. Mag ingay ka, Reina. Gusto ko ng maingay.”

    PUTANGINEKS! Napapikit ako sa pag init ng pisngi ko.

    “Ang manyak mo namang bumanat, Wade!”
    Hinila niya ako kaya napaupo ako sa hita niya.
    “Sabing wag akong tinutukso.”
    “Oo na, titigil na ako!” Nangangatog na naman ang mga binti ko kahit nakaupo na ako sa hita niya.
    “Nang aakit ka na naman!”
    “HUH? Wala na naman akong ginagawa ah?” Gusto kong lumayo sa kanya dahil masyado ng nakakayanig ang mga pinagsasabi at pinaggagawa niya.
    “Tuwing pumupula ang pisngi mo, natutukso ako, naakit ako.”
    “Eh pakshet paano na yan?” Mas lalong uminit ang pisngi ko.
    “Ewan ko. Virgin ka naman kaya ikaw ang mag pigil. Kasi kung ako yung aasahan mo, baka kinaumagahan buntis ka na. Kaya sabi ko sayo… wag mo akong tinutukso.”

    WHAAAT? Uminit na naman ang pisngi ko. PATAAAAAAAAAAAY! Eh… pakshet naman ang sarap mo naman kasing tuksuhin!

    “Reina, pumunta tayo ng Alegria para makilala mo ang pamilya ko. Simple lang pamumuhay namin pero gusto kong makilala mo ako ng buong-buo.”

  • Kabanata 31Open or Close

    Kabanata 31
    Clean and Green

    Hindi matanggal ang ngiti ko buong weekend. Hindi parin kasi talaga ako makapaniwala sa mga nangyayari. Kami na ni Wade! Hindi ko alam kung pagsasabihan ko ba si Coreen gayung mukha atang busy siya.

    Mataas pa naman ang panahon. Pwede ko pa siyang kwentuhan sa susunod na araw. Mas naging maalaga ako sa katawan. Hindi ko na nga mabilang kung pang ilang session ko na ngayon ito sa derma. Mas naging conscious ako sa buhok ko. Mejo humaba na ang bangs ko kaya hindi na kailangang matabunan ang mukha. Hindi narin ako tinutubuan ng tigyawat.

    Napapangiti ako tuwing nag ti-text si Wade. Madalas siyang mag text. Wala na siyang sakit nang umalis ako sa apartment niya sa araw na iyon. Kaya ang ginagawa niya ngayon ay naghahabol ng mga huling lessons. Studious si Wade. Kahit na matalino na siya at mas mukhang ako pa yug kailangang mag-aral.

    Nakakapanghinayang nga dahil isang subject lang kaming magkaklase.

    “Iba yung kay Aquinas, iba yung kay Augustine. Tignan mo sa hand-out, may nilagay akong table ng similarities and differences ng dalawa.” Sabay turo niya sa mga handout.

    Tumango ako. I feel so hopeless. Hinayupak! Ako na nga itong panget ako pa itong bobita! Ba’t si Wade nasa kanya lahat? Akala ko ba all is fair in love and war? Bakit hindi naging fair ang panginoon sa pagbibigay ng magandang traits? Bakit sinalo niya ang lahat?

    Tumango ulit ako at nagsimulang magbasa sa mga isinulat niya.

    Nakapangalumbaba siya at tinitignan akong nagbabasa. Sumulyap ako sa kanya sa taas ng papel. Nakita kong seryoso ang mukha niya.

    Kinabahan ako sa titig niya. Ayan na naman kasi… nakakapanindig balahibo. Kahit wala naman siyang ginagawa at nakapangalumbaba lang siya sa tabing pinagmamasdan ako, parang kabayong tumatakbo ang puso ko. Unti-unti pa akong lumulutang sa kinauupuan ko. Naka indian-sit kasi siya sa sahig. Ako naman ay parang palakang nakaupo. Pinapalibutan kami ng mga unan. Study session kuno.

    “Tapos, Wade, paano itong-“

    Hinawi niya ang hand-out sa kamay ko. Hinila niya ang kamay ko palapit sa kanya. Parang sasabog ang puso ko sa sobrang kaba. Shiz!

    “A-Akala ko ba mag aaral tayo?” Sabi ko nang naramdaman ko na ang kamay niyang pumulupot sa baywang ko.
    “Anong gusto mong pag aralan?” Bulong niya sa tainga ko.

    Naglakbay ang pag tindig ng balahibo ko galing sa likuran hanggang sa leeg.

    Para akong unan na hinagkan niya na lang ng basta-basta at pinwesto sa gitna ng mga hita niya. Hindi siya nakatopless ngayon pero bakit damang-dama ko parin ang kainitan ng abs niya? Kaya nga heat-inducing, diba? Kasi mainit talaga. Shiz! Namamanyak na naman yata ako.

    “Ano… Syempre itong Philo.” Sabi ko.
    “Ah! Tama na muna yang pag-aaral. Kanina pa nga ako hindi nakakapag concentrate dito dahil sayo.”
    Kumunot ang noo ko nang naramdamang mas lalong humigpit ang yakap niya. Nilingon ko siya para tignan ang mga mata niya, “Tapang talaga nito magsalita pag di ko nakikita.”

    Ngumisi siya at kumindat.

    Nahilo ako sa sobrang lapit ng mukha niya sakin. Nahilo ako sa bango niya. Nahilo ako sa dimple niyang malalim. Natigilan siya nang nakitang napaawang na ang bibig ko at nakatingin sa labi niya.

    “Reina, ugh!” Kumalas siya ng bahagya.

    Mas naging klaro sakin ang konting pamumula ng pisngi niya. Kumalas siya sa pagkakayakap niya sakin pero agad namang hinila ang magkabilang wrist ko. Hinalikan niya ako. Dahan-dahan, lumalalim bawat segundo.

    Dahan-dahan akong humilig sa mga unan. Dumilat ako ng konti at nakita ko ang pagkabigla sa ekspresyon niya.

    “Reina…” Malumanay niyang utag. “Sabi nang wag mo akong tinutukso.”

    Naramdaman kong gumapang ang kamay niya sa dibdib ko. Nanlaki ang mga mata ko. Nanigas ako na parang timang.

    Suminghap siya at itinigil iyun. Yumuko siya at dahan-dahang umupo ng maayos.

    Dahan-dahan din akong umupo ng maayos at pinagmasdan siya. Nakita kong pula ang pisngi niya at tinatakpan niya ang labi niya gamit ang taas ng wrist niya. Hindi siya tumitingin sakin.

    Mabilis parin ang pintig ng puso ko. Naiisip ko tuloy kung kaya ko bang gawin ‘iyon’ kasama siya? Hindi pa nga nangyayari, para na akong baliw sa paghuhuramentado at paninigas.

    “Alam kong di ka pa ready, kaya wag mo akong tinutukso, Reina.” Pagtatampo niya.

    Paano na yan? Eh… shemay ang sarao iyang tuksuhin. Pero pakiramdam ko masyado pa kaming mga bata para gawin ‘iyon’? O masyado pang maaga ang lahat! Diba dapat tsaka na pag kasal na kami? Alam ko namang marami nang nagawa si Wade kasama ang ibang babae.

    “Ang hirap naman nito!” Sabay gulo niya sa buhok niya at tinitigan ako.

    Mapupungay ang mga mata niya at seryoso ang pagtingin niya sakin. Napalunok ako.

    “S-Sorry kung napapahirapan kita.”
    “Magaling akong magpigil kung gusto ko, Reina. Pero ngayon, hindi ko alam kung kaya ko pa ba.”
    Napalunok ulit ako at mas lalong kinabahan.
    Hinaplos niya ang pisngi ko, “Pero gagawin ko ang lahat… Ipangako mo lang sakin na ako lang at sakin ka lang kasi sayo ako… simula nang napansin kita.”

    Mabilis akong tumango.

    Bumuntong-hininga siya.

    “Lika nga dito.” Sabay hila sa kamay ko at yakap niya sakin.

    Ang sarap ng pakiramdam pagkayakap siya. Para bang protektado ka. Para bang hindi ka kailanman malulungkot.

    “Napag isipan mo na ba ang pagpunta sa amin?” Tanong niya.

    Kumalas ako sa pagkakayakap niya at tinignan siyang mabuti.

    “Oo. Sasama ako.” Sabi ko.
    Kumunot ang noo niya, “Pinayagan ka ba?”
    “Uhm… Hindi ako nagpaalam. K-Kasi alam kong di ako papayagan. Ilang oras ba papuntang Alegria?”
    “Hay! Reina! Hindi ka pwedeng pumunta dun nang di ka pinapayagan. Ang akala ko ba magpapa search and rescue kung mawala ka? Tsaka, 9 hours papuntang Alegria.”
    “9 hours?”
    “Oo, 9 hours.”
    “Parang sa Camino Real lang pala.”
    “Sinong taga Camino Real?” Nanlaki ang mata ni Wade.
    “Huh? May farm kami sa Camino Real. Rubber Plantation. Bakit? Alam mo ang lugar na iyon?”

    Nilagay niya ang index finger niya sa labi niya. Ugh! So sexy! God! Why?

    Naalimpungatan ako sa makamundong pagnanasa nang…

    “Kung ganun! Mag bakasyon ka sa Camino Real! Bayan yan pagkatapos ng Alegria, Reina! Malapit lang samin ang Camino Real!”

    Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Wade.

    Nang nakarating ako ng bahay, agad kong nai-google ang mga lugar na iyon. At nakita ko ngang magkatabi lang sila sa mapa. Matagal nang nakauwi si mommy at daddy galing doon at mukhang napaayos na nila ang plantation namin para sa negosyo nila. Isa din sa sadya ng mommy at daddy ko sa pagpunta dun ay ang pagtutok sa renovation ng resthouse namin.

    “So, we’re booked?” Tumaas ang kilay ni Dashiel sa hapagkainan.

    Minsan lang kami nagtitipon-tipon buong pamilya sa hapagkainan. Palagi kasing wala si mommy at daddy, pati si Dashiel minsan.

    Nagkibit balikat si Noah at natamlay na nakapangalumbaba lang si Rozen habang pinaglalaruan ang pagkain niya.

    “Saan, Kuya?” Untag ko.
    “Sa Paris, of course!” Nakangiting sambit ni mommy.
    “Game!” Biglang uminom si Rozen ng tubig.

    Nakita kong kumunot ang noo ni Noah nang sinabi iyon ni Rozen.

    “Game din.” Sabi ni Noah.
    “M-mom.” Napatingin si mommy sakin, “Sasama ba kayo?”
    “Hindi, baby. Kayo lang magkapatid. Alam mo naman. Ilang buwan din kami sa Camino Real. Kailangan ni Kuya Dash mag bakasyon. Samahan niyo siya.”
    “Why, Reina? May problema ba?” Tanong ni Kuya Dashiel.
    Umiling ako, “P-Pwede po bang sa country side na muna ako magbakasyon?”

    Natigilan si mommy.

    “That’s a good idea. Pero sino namang sasama sayo? Noah?”

    Umiling si Noah.

    “Rozen?”

    SHIT NOT HIM!

    “Nah! Bo-ring.” Umirap siya.

    Inirapan ko rin si Rozen.

    “Ako na lang, mommy! Pwede namang ako lang.” Sabi ko agad.
    Kumunot ang noo ni mommy, “Saan naman?”
    Ngumisi ako ng abot tainga. “Sa Camino Real.”

    Dahil finals week na, busy ang lahat sa pag-aaral. Hindi kami masyadong nakakapagkita ni Wade dahil sa pag-aaral. Tumatawag naman siya sakin pagkatapos mag-aral. Yun lang talaga ang dahilan kung bakit nabubuhay pa ako ngayon sa mundo. Malamig ang boses niya sa cellphone. Kasing lamig ng boses niya tuwing kumakanta.

    Nag papractice din sila madalas nina Noah. Kaso, mas naging malimit sa ngayon dahil sa finals. At nang natapos naman ang finals week, agad lumipad ang mga kapatid ko sa France kaya mas lalong wala silang practice sa buong sembreak.

    Nakangiti ako at nag stretch sa kinauupuan ko. Hindi ako sigurado kung anong oras na at ilang oras akong natulog pero nakikita ko na ang bukangliwayway sa taas ng “Welcome to Alegria. Keep this place CLEAN and GREEN.”

  • Kabanata 32Open or Close

    Kabanata 32
    Kalesa

    “Kuya,” Sabi ko sa driver.

    Yung isa kasi ay tulog pa.

    “Po?” Sumulyap siya sakin sa salamin.
    “Pwedeng dito muna ako?” Tanong ko.
    “Po? Bakit?”
    “Gusto ko pong mamasyal dun.” Sabay turo ko sa papalapit na plaza at soccer field.

    Dito kasi kami nagkasundong magtagpo ni Wade.

    “Anong oras po namin kayong susunduin? Tsaka, hindi ka pa nag aalmusal. Paano kung tumawag sina Sir sa resthouse-“
    “Sabihin mo namasyal lang saglit.”
    “Pero, ma’am, hindi pa po ito Camino Real.”
    “Alam ko… I-I mean, pagkatapos nito Camino Real na naman, diba? Manong, itetext na lang kita kung magpapasundo ako. O di kaya ako na lang ang uuwi.”
    “Mas mabuti pong itext niyo na lang kami.”
    Tumango ako at agad niya namang itinigil ang sasakyan sa tapat ng soccerfield.

    Tumindig ang balahibo ko nang nakita kong may mga naglalaro. Grupo iyon ng mga lalaking malamang ay taga rito. May nakita nga akong tatlo sa kanila na nakatopless. Ganito ba talaga sa probinsyang ito?

    “Ma’am, hindi ka ba lowbat?”
    Umiling ako ng wala sa sarili sa driver namin.

    Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan. Ang sarap ng feeling na nakaapak ka ulit sa lupa pagkatapos ng 9 hours na byahe.

    Nakatingin ako sa mga naglalaro nang biglang may tumili sa pagkaka goal ng isa.

    “AAAAAAAAGH! WADE! ARGHHH” Seriously, hindi yun tili, ungol yun.

    Sumimangot ako at tinignan kung sino yung mga tumili. Nalaglag ang panga ko nang nakita kong isang batalyon lang naman ng babae na halos maiyak sa pagkakagoal ni Wade. Hindi ko pa mahanap si Wade, pero ngayong sigurado akong nandito siya, natoon ang pansin ko sa dose-dosenang fanatics niya.

    Yung iba my dala pang banner. What’s with Wade Rivas and banners? Ganun ba talaga ka baliw ang mga tao sa kanya?

    “WADE RIVAAAAAAAS!”
    “KYAAAA! GO WADE!”
    “OMG! NAKATINGIN SATIN! OMG!” Ayan! Nagkasabunutan na sila sa sobrang kilig.

    Napatingin ako sa tinitignan nilang si Wade. Naabutan ko siyang nakatitig sakin at napaawang ang bibig. Mejo hinihingal pa siya at napag iwanan na ng bola at ng ibang players. Tumayo lang siya dun at naliligo ng pawis dahil sa paglalaro ng soccer.

    Dahan-dahan niyang pinunasan ang pawis niya gamit ang tip ng t-shirt niya na siyang dahilan kung bakit umalingawngaw ang tili ng mga babaeng nasa gilid.

    Napapikit ako habang pinupunasan niya ang pawis niya. Kitang kita kasi ang heat-inducing abs niya. Pawis na pawis pa ito at mas lalong nag fi-flex dahil sa mabilis niyang paghinga.

    “WADE!”

    Dumilat ako at naabutan siyang dinudumog ng mga babae. Nakalapit na pala siya ng konti sakin pero hindi siya nakapagpatuloy sa paglalakad dahil sa mga babaeng yun. Kay aga-aga ang iiksi na ng shorts at naka tube lang.

    “Wade! Mamaya ah?” Malambing na boses ng isa sa pinakamatangkad na babae.

    Kumunot ang noo ko nang nakita kong hinaplos ng babaeng iyon ang braso ni Wade. Napalunok si Wade nang nakitang nakatingin ako at agad umatras sa kanila.

    “Wade… pupunta ka bang farm mamaya?” Tanong ng isa pa.

    Nakita kong hinaplos ang pisngi niya ng babaeng iyon. Nakita ko rin ang pagtalon niya sa ginawa ng babae.

    “Wade, bakit? Wala ka bang gana ngayon?”

    Nanlaki ang mga mata ko. Hindi kaya halos lahat ng mga babaeng ito ay nakatikim na kay Wade?

    Kinagat ko ang labi ko at yumuko. Tinignan ko sila isa-isa. Makikinis, magaganda, may mga mukhang mayaman. Kung nandito si Zoey, sasali siguro iyon dito! Grupo ng mga babaeng naka one night stand ni Wade? OMG!

    Napalunok ako ng mga halos sampung beses bago tumalikod sa kanila. Umuurong yung sikmura ko sa mga iniisip ko. Hindi ko alam kung natanggao ko na ba ang parteng iyon sa kanya. Na marami siyang naging babae. Alam kong hindi niya naman minahal ang mga iyon pero sa ngayon, hindi ako sigurado kung alin yung mas mabuti, yung marami siyang babae o may isa siyang minahal ng sobra (at naging loyal dito) bago ako. Hindi ako fan ng mga playboys. Nacurious ako sa kanya dahil buong akala ko ay mahal niya ng tunay si Zoey, pero nawindang at halos mandiri ako nang nalaman kong ibang klaseng ugnayan pala ang meron sila.

    Umiling ako at tinalikuran sila.

    “Reina!” Pabiglang sigaw ni Wade sa kalagitnaan ng mga pagsasalita ng mga babae.

    Hindi ako agad lumingon.

    “REINA!” Sigaw niya ulit.

    Nararamdaman kong papalapit na siya sakin kaya nilingon ko na siya. Natahimik ang mga babaeng kumakausap sa kanya kanina. May nakita pa akong umiirap at nagtataray habang tinigtignan akong nilalapitan ni Wade.

    Tumigil siya sa paghahabol sakin nang hinarap ko na siya. Hinihingal pa siya at kitang-kita ko ang kaba sa mukha niya.

    “A-Ang dami mo palang fans dito.” Sabi ko nang di makatingin sa kanya.
    “Uhmm…”

    Tinignan niya ang kamay niya saka pinunasan ng kanyang jersey bago nilahad sakin.

    “Punta tayo sa bahay, Reina.”

    Nagbulung-bulungan ang mga babae sa likod. May nakita akong nanlaki ang mga mata at ni head-to-foot ako.

    “Sino ba siya?” Bulung-bulungan nila.

    Kinabahan agad ako. Sa mga mukha nila kasi parang kaya nilang sabununtan ang kahit sino mang sumira sa mga kani-kanilang relasyon kay Wade.

    “Wade, pare, ano? maglalaro ka pa ba?” Tanong ng isang nakajersey din at nakapamaywang habang pinagmamasdan si Wade.

    Umiling si Wade at ngumisi.

    “Ayos na ako, pre. Tapos na ang warm up ko.”

    Tumaas ang leeg nung lalaki at tinignan akong mabuti, “Sino yan?”

    Nihead-to-foot din ako ng lalaki.

    “Maganda at makinis ah? Tsaka mukhang di taga rito!” Sumipol siya at pinasadahan ulit ng tingin ang buong katawan ko. “Pakilala mo naman ako.”

    Nakita kong unti-unting kumunot ang noo ni Wade. Pumula ang pisngi niya at ngumiti ng napaka plastik sa kaibigan niya.

    “Sa totoo lang, pre, kakatapos ko lang mag warm up kasi ito naman pagkakaabalahan ko.”

    Uminit ang pisngi ko sa sinabi ni Wade sa kaibigan niya. Bakit parang iba na naman ang ibig sabihin nun?

    “Weh? Pero alam mo na-“
    “Hindi. Akin siya. Humanap ka ng sayo.” Mabilis na sinabi ni Wade tsaka ako hinila.

    “Tayo na nga!” Badtrip na sinabi niya sakin.

    Hinigit niya ako kahit marami pang tumatawag ng pangalan niya. Nilingon ko yung mga tumatawag…

    “Wade, tinatawag ka nung mga babae. Tsaka may isa pang lalaking tumatawag sayo-“

    Tumigil siya at hinarap ako. Kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya. Hindi ko alam. Hindi ako sigurado kung ito ba ang unang pagkakataong nakita ko siyang ganito ka galit.

    “Wag mong nililingon sila, Reina!”
    “B-Bakit?” Napaatras ako sa sigaw niya.
    Ginulo niya ang basang buhok niya, “Baka mapansin ka nila! Hindi lang ako yung may itsura dun, Reina. Pag makita mo sila isa-isa at makilala, paano kung magustuhan mo rin sila?”

    Pulang-pula ang pisngi niya at maging ang tainga niya.

    “Talaga? Eh bukambibig ka naman ng mga babaeng yun. Ikaw ang pinakagwapo dun-“
    “That’s not my point, Reina! UGH!” Pinasadahan niya ng kanyang mga palad ang buhok niya.
    Kumunot ang noo ko, “Ano bang punto mo bakit inis na inis ka? Tinignan ko lang naman kasi tinatawag ka nila.”
    “Baguhan!” Umirap siya at tinalikuran ako.

    Tumaas ang isang kilay ko. Ano bang problema nito? Madalas siyang masungit pero ngayon talaga wala akong maisip na dahilan kung bakit nagsusungit siya. Tuwing na fu-frustrate lang naman siya nagsusungit. Frustrated din siya ngayon, yun nga lang, hindi ako sigurado kung bakit.

    “Ugh! Reina!” Nilingon niya ako at nakitang hindi parin natitinag sa kinatatayuan ko.

    Binalikan niya ako at hinigit ulit. Ilang sandaling paglalakad namin ay may makakasalubong kaming nakangising mga lalaki.

    “Ay puta. Kung siniswerte nga naman.” Bulong ni Wade sa sarili niya.

    Hinuli ko ang tingin niya at sinimangutan.

    “Bakit?”

    Suminghap siya at hinigit ulit ako palayo sa mga makakasalubong namin.

    “WADE, SAAN KA PRE! UY! CHICKS!”

    Pinalibutan na agad kami ng pitong mga pawis na pawis na lalaki. Mukhang kaka laro lang din ng soccer ng mga ito.

    “Bago? Sino yan?”
    “Uy, masyado ka naman, Wade. Sayo na lahat. Hi, Miss! Ako nga pala si Ethan.” Sabay lahad ng kamay ng lalaking pinakamatangkad.

    Abot tainga ang ngiti niya sakin.

    “Uhm…” Nahihiya akong ngumiti.

    Binitiwan ko ang kamay ni Wade para makipagshake hands sa lalaking yun.

    “Uy! Ako nga pala si Rafael.” Sabi nung isang moreno.

    Silang lahat ay nagpakilala at nakipagkamayan sakin. May isa pa sa kanilang inamoy ang kamay ko. Sumulyap ako nang nakangiti kay Wade. Gusto kong ipakita sa kanya na kaya kong makipagkaibigan sa mga kaibigan niya. Kaya lang, nakita kong nakatingin siya sa kawalan habang nakikipagkamayan ako sa huling lalaki.

    “Mga gago, wag niyo akong mapare-pare! Girlfriend ko yan!” Sigaw ni Wade sabay marahas na bawi sa kamay ko.

    Natigilan ang mga lalaki. Bago pa sila makapagreact ay umalis na kami ni Wade dahil panay ang hila niya sakin.

    “Baguhan talaga, nakakainis, nagawa pang makipag kamayan sa ibang lalaki. Nakangiti pa-“
    “Wade? Sinong kausap mo?”
    “Wala! Lecheng buhay. Minsan na nga lang ako magkagusto, sa baguhan pa.”
    “HUH? Ako ba ang pinariringgan mo?”

    Aray ku po! Muntik pa akong madapa sa bilis ng higit ni Wade sakin.

    “Uy, Wade! Dahan-dahan naman!” Sabi ko.
    “Ikaw magdahan-dahan diyan, Reina! Alam mo ba ang ibig sabihin ng mag girlfriend at boyfriend?”
    Kumunot ang noo ko, “Oo naman.”

    Tumigil kami sa isang waiting shed. Humalukipkip siya at hinarap ako.

    “Sige nga, Reina. Ano?”

    Masyadong intense ang titig niya. Para bang curious na curious siya sa mga isasagot ko kaya nag isip akong mabuti at nag iwas ng tingin sa kanya.

    “Uhm… Nagmamahalan kayong dalawa?”
    “Ano pa? Bakit kailangang isa lang ang boyfriend mo?”
    Mas lalong kumunot ang noo ko at ngayon ay tinignan na siya, “Syempre, isa lang dapat ang mahal mo?”
    His jaw clenched, “Ngayon, pwede bang hawakan mo ang kamay ng mga taong di mo mahal?”
    “Huh? Syempre, hindi diba-“
    “KUNG GANUN BAKIT MO HINAWAKAN ANG KAMAY NILA? Reina, dahil boyfriend mo na ako, ako lang dapat. Ayokong nakikita kang nag eentertain ng ibang lalaki! Alam mo bang hindi pwede yun sa relasyon?”
    “Bakit? I mean… kaibigan lang naman.”
    “Mukha ba silang nakikipag kaibigan? Hindi diba? Kita mo yung mga titig nila?” Galit na galit siya na para bang ang laki laki ng kasalanan ko.
    “Sus, ito naman.” Sabi ko. “OA mo naman. Pwede naman yun-“
    “Hindi yun pwede sakin, Reina.” Seryosong sinabi niya.
    “Ang seloso mo naman. Siguro kasi nakikita mo ang sarili mo sa kanila no?”

    Nakita kong pumula ang pisngi niya.

    “Oo! Seloso na kung seloso. Hindi ka pwedeng lumapit sa kahit sinong ayaw ko. Shit! Ang hirap palang bakuran ka.”

    Hinila niya ang baywang ko at hinalikan ako ng pasubali sa open space, open area, sa harap ng mga tao sa kabilang kalsada, at sa harap ng mga tricycle na dumadaan.

    “Uy! Wade! Totohanan na ba yan?” May tumawa sa kabilang kanto.

    Nahihiya ako pero dahil nakakalasing ang halik niya at ang paghila niya sa baywang ko, nadala ako. Kaya lang, agad niyang tinapos ang halikan namin at hinila ako sa likod niya.

    “Wade?” Shiz, gusto ko pa.

    Napaawang ang bibig ko at tiningala siya.

    “Bullshit! Ni ayaw kong may nakakakitang humahalik ka… Pero langya gusto kong halikan ka ngayon na!”

    Nagmadali siyang pumara ng tricycle.

    “Manong, sa kabilang daanan samin.”

    Hinila niya agad ako papasok ng tricycle. Tumango ang driver.

    “Wade, bakit ba mukhang ang laki-laki ng problema mo?” Sabi ko.
    Tinitigan niya ako. Walang nagpapakitang dimple dahil hindi siya ngumingiti o nagsasalita. But, damn it, he looked so damn good. Paano niya nagagawang magselos ngayon kahit sino naman siguro hindi siya kayang ipagpalit.

    Maaring naiiisip niya yung sarili niya sakin. Kaya niyang ipagpalit ang kahit sinong babae noon, at tingin niya kaya ko siyang ipagpalit kahit kanino. Ako nga dapat yung kabahan dito kasi playboy siya noon pero bakit mukha siyang mas naiinsecure pa kesa sakin?

    “Ang problema ko dito ay baliw na baliw na ako sayo… Sa sobrang kabaliwan ko, na ha-highblood ako tuwing nakikita kang ngumingiti man lang sa ibang lalaki. UGH! Ano ba ‘to!” Ginulo niya ang buhok niya.

    Ngumisi ako. Hindi ko maipaliwanag ang init na naramdaman ng puso ko. Kahit na babadtrip siya, hindi ko talaga maipaliwanag kung bakit ang saya ko.

    Ilang sandali ang nakalipas ay…

    “Andito na tayo.” Masungit niyang sinabi nang nakita ko ang isang malawak na ricefield at mga kakahuyan.
    “Saan ang inyo?” Tumaas ang kilay ko.

    Ngumisi siya at itinuro ang isang kalabaw na nakatali sa isang KALESA?

  • Kabanata 33Open or Close

    Kabanata 33

    Lumabas ako ng tricycle at tinitigan at nag baka sakaling may lalabas na bahay sa kalesa at kalabaw na iyon.

    “Sasakyan natin yan papuntang bahay.” Aniya nang nakita ang mukha kong nagtataka sa kalabaw at kalesa.

    Napalunok ako. Ito kasi ang first time kong makakasakay ng ganyan. Hindi ko alam kung tatakbo ba ako o magyaya kay Wade na maglakad na lang. Pero naglahad siya ng kamay kaya tinanggap ko na.

    Buong pag aakala ko ay hahayaan niya akong humakbang sa kalesa pero nagkamali ako, binuhat niya ako sa mga bisig niya. Ngiting-ngiti siya nang ginawa ito.

    “ARGH! Wade!” Hinampas ko ang braso niya sa sobrang kaba.

    Naririnig ko na talaga ang sarili kong puso na halos lumabas na sa dibdib ko dahil sa ginawa niya. Halos masabunutan ko siya sa mini heart attack ko. Pinikit niya ang isang mata niya at tumawa sakin.

    “Ayan, gusto ko ng maingay ka.” Kumindat siya.

    Hinampas ko ulit ang braso niya.

    “Ang green mo talagang bumanat!” Sabi ko habang pulang-pula na ang pisngi ko.

    Tumaas ang kilay niya at nagsimulang maglakad.

    “Anong green sa ‘gusto ko ng maingay ka’?” Humagalpak siya sa tawa.

    Kumunot naman ang noo ko at pinulupot ang braso ko sa leeg niya. Feel na feel ko talaga ang kakisigan at kagwapuhan niya. Natahimik siya at napatingin sakin.

    “Kaya ko namang maglakad.” Untag ko.
    “Maputik dito. Alam kong mamahalin ang sapatos mo, baka masira yan.”
    Tinignan kong mabuti ang sapatos ko, “Hindi ko naman alam yun. Pwede naman akong magpaa.” Ngumisi ako.
    Umiling siya at sumimangot, “Ang paa mo ay para sa paglalakad lang ng red carpet papuntang altar, hindi sa putik, hindi papuntang bahay namin, kundi papunta sakin.”

    Nag iwas siya ng tingin. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako makapaniwalang seryoso siya nang sinabi niya iyon. Buong akala ko ay matatawa siya sa dulo o di kaya ay idedeklara niyang joke lang yun.

    “A-Altar, Wade?” Napalunok ako.

    Kinagat niya ang labi niya at binaba ako sa kalesa. Hindi siya nagsalita hanggang sa tinapik niya yung kalabaw.

    “B-Bakit, Reina? Saan ba sa tingin mo patungo ang relasyon nating ito?”

    Sa mukha niyang hindi makatingin sakin at may pulang-pulang pisngi, marami akong napagtanto. Sa sobrang dami, hindi ko na halos maintindihan.

    Playboy siya sa Alegria at hindi pa siya kailanman na iinlove. Nagpapadala lang siya sa agos ng buhay dito sa probinsya nila. At nabigyan siya ng pagkakataong pumuntang Maynila dahil sa college scholarship na iyon. Ngayon, na expose siya sa mundo at ako ang napili niyang mahalin. Si Zoey ay naging kaibigan niya at tumulong sa kanya sa iba’t-ibang paraan. May namagitan sa kanila pero puro pisikal lang. Pagkakaibigan lang ang turing niya kay Zoey. At ngayong kami na, pakiramdam niya ako na talaga sa huli. Yung tipong hindi na kami mawawalay pa sa isa’t-isa.

    Kinurot ang puso ko. Gusto ko siya, totoo. Mahal ko siya, totoo. Pero sa totoo lang din, hindi ko pa naisip ang future naming dalawa. At ngayong binanggit niya ito, tsaka ko pa lng naisip. Hindi ako makapaniwalang nandoon na siya.

    “W-We’re not on the same page, yet.” Sabay gulo niya sa buhok niya at hila sa kalabaw.

    Nalaglag ang panga ko at na-guilty agad. Tinanggal niya ang t-shirt niya at sumakay sa kalesa habang buhat-buhat na kami ng kalabaw.

    Napalunok ako nang hindi siya tumabi sakin. Nasa harap ko siya at nakapangalumbaba. Nakasimangot siya at nakatulala sa mga maberdeng bukid ng Alegria.

    Anong gagawin ko? Patay! Galit yata siya dahil nabigla ako sa sambit niya! Patay!

    “Wade, h-hindi naman sa ganun. Gusto ko rin, Wade. P-Pero hindi ba masyadong maaga? Hindi ka kaya makakakita pa ng iba. I-I mean, you’re a rock star, for heaven’s sake, I’m just me… At gwapo ka, sa sobrang gwapo mo, h-hindi ako naniniwalang-“
    “Ngayon, maniwala ka kasi ako na mismong nagsasabi sayo, Reina. Isang araw, nakaugat ka na lang bigla dito.” Sabay turo niya sa puso niya, “Kaya gagawin ko ang lahat para lang mabigyan ka ng maayos na buhay pag naging tayo na.”

    Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya.

    “Pero kung hindi mo ako gusto-“
    “Gusto ko, Wade! Mahal kita!”

    Nalaglag ang panga niya at nakita kong pumula ulit ang pisngi niya. Tumayo ako. Gusto kong tumabi sa kanya at i-assure siya na gusto ko rin siya. Na nasa parehong pahina kami. Na mahal ko talaga siya.

    Pero dahil hindi talaga ako magaling magbalanse lalo na dito sa isang kalesang kalabaw ang humihila, imbis na umupo ako sa tabi niya ay natumba ako! Nilahad niya ang magkabilang braso niya para saluhin ako. Pero dahil hindi ko na kontrolado ang sariling bigat ko, yung mukha ko ay dumiretso sa mukha niya at ang dibdib ko ay nakadiin sa dibdib niya. Naramdaman ko ang pag flex ng mga muscles niya sa dibdib.

    Isang pulgada na lang ang layo ng mukha namin. Halos magkadikit na ang ilong namin. Itinulak ko siya dahil hiyang-hiya ako sa dibdib kong nakadikit sa kanya.

    Napapikit siya na para bang hirap na hirap na siya.

    At dahil mukhang may pinagdadaanan yung kalabaw, mas lalo ko pang naidiin ang sarili ko sa kanya. Mas lalong uminit ang pisngi ko. Pumungay ang mga mata niya. Para bang unti-unti siyang nalalasing. Unti-unti siyang bumibigay. Pumikit siya at hinila pa ako lalo.

    Naramdaman ko na lang ang mga halik niya sa labi ko.

    “W-Wade…” Sabi ko.
    “Shit!” Mura niya habang naghahalikan kami.

    Pagkatapos ng mura niya ay naramdaman kong dahan-dahan niyang tinaas ang isang tuhod ko. Lasing na lasing ako sa halik niya kaya’t hindi ko na namalayan na maging ang isang tuhod ko ay tininaas niya na rin sa kabilang hita niya.

    “Wade, nakakalasing halik mo-” I said in between his deep kisses.

    Maiinit at masarap talaga siyang humalik. Hindi ko alam kasi wala pa akong ibang nahahalikan pero binabase ko ang halik niya sa pagkakawala ko sa ulirat. Pag hinahalikan niya ako, pakiramdam ko, naglalakbay ako kung saan. Nawawala ako. Nakakalimutan ko na nasa open space kami. Na papunta pa lang kami sa bahay nila. Na pwedeng may makakita samin ditong naghahalikan.

    “SHITTTTTTTTTT!” Mas malutong niyang mura sabay hila niya pa lalo sa katawan ko.

    Idiniin niya ang mga palad niya sa likod ko kaya mas lalo pa akong napahilig sa kanya. Bigla siyang gumalaw ng may rhythm. Hinaplos ko ang dibdib niya, pababa ng abs niya. Ang yummy kahit may t-shirt pa, ah!

    Mas lalo akong nalasing sa halik niya nang naramdaman ko ang isang kamay niyang nasa leeg ko at mas lalong lumalakas ang rhythm ng paggalaw niya. Shiz! Hindi ko alam kung mapipigilan ko pa ba ang sarili ko.

  • Kabanata 34Open or Close

    Kabanata 34

    May Naghahanap

    Ipinakilala din ni Wade sakin ang super gwapo niyang papa. Tahimik ang pamilya niya. Lalo na ang kanyang papa. At mukha namang seryoso at strikta ang mama niya.

    “Saan ba kayo nagkakilala ni Wade?” Tanong ng mama niya sakin.

    Makinis ang mama ni Wade. Matuwid at makintab din ang kanyang buhok. At may aura talaga ng pagiging teacher sa kanya. Ang papa naman niya ay tahimik at mukhang serious type.

    “Sa school po.” Sagot ni Wade.

    Tumango ang mama ni Wade sa akin. Ngumiti na lang ako kahit na umaapaw na ang kaba ko.

    Syempre, ito ang unang pagkakataong maipapakilala ako sa parents ng isang lalaki.

    “Schoolmate niyo rin si Zoey, diba?”

    Tumango ako at sinulyapan si Wade.

    Pero kumuyom ang panga ni Wade sa sinabi ng mama niya. Na curious tuloy ako kung bakit.

    “Hindi ba siya nagalit, Wade?”

    Dahan-dahan kong nginuya ang pagkain ko. Ang mama naman ni Wade ay nakatingin sa pagkain na parang wala lang kahit nakakaintriga na ang tanong niya.

    “Hindi naman.” Simpleng sagot ni Wade.

    “Scholar ka din ba doon, hija?”

    Para akong nakalunok ng sandamakmak na bato sa tanong ng mama ni Wade.

    “H-Hindi po.”

    Pinagtuonan pa ako lalo ng pansin ng mama ni Wade.

    “Ibig sabihin nagbabayad ka ng tuition?”

    “O-Opo.”

    Marahan siyang tumango, “Anong trabaho ng nanay at tatay mo?”

    “May negosyo po sila.” Agad na sagot ni Wade.

    Tinignan niya ako at nagkibit balikat siya. Para ulit akong nakalunok ng mga hollowblock. Shiz naman!

    “Halika, Reina. Hayaan mo muna si Wade sa labas.” Sabi ng mama ni Wade habang nagliligpit ng gamit.

    Si Son at ang kanyang papa ay nanonood ng TV habang si Wade naman ay abala sa pagpapakain sa mga manok sa labas. Nakita ko pang nag topless siya. Nakita siguro ng mama niyang tinignan ko siya kaya agad niyang kinuha ang atensyon ko.

    “Opo.”

    Kahit na marami kaming katulong sa bahay, may alam parin ako sa pagliligpit ng mesa. Ang mama ni Wade ang naghugas ng plato, kaya ang ginawa ko ay pinunasan ang mesa. Pinanood niya ako at nakita kong tumaas ang kilay niya. Sobrang kaba ko na na kahit sanay naman ako ay nahuhulog ko yung mga tira-tira sa sahig. Putspa! Tama na, puso! Masyado ka ng tensed!

    “Hindi ka sanay sa gawaing bahay?” Aniya.

    “Uh… Nagluluto po ako. Pero hindi gaanong naglilinis.”

    Tumango siya at tinignan ang platong sinasabunan.

    Ako yata ang sunod na sasabunan dito.

    “Naipakilala mo na ba si Wade sa mga magulang mo?”

    “Uh… H-Hindi pa po.” Shiz! Pati kaluluwa ko lumipad na sa kaba. Nauutal na ako.

    “I see. Hmmm. Hindi ko alam kung gaano mo na kakilala ang anak ko… pero sasabihin ko na sayo, maraming na li-link sa kanyang babae dito.”

    “Alam ko po iyon.” Simple kong sagot.

    Nagsasabon parin siya ng mga plato.

    “Alam mo na, may hitsura, matalino, musikero tsaka magaling mag football, maraming nahumaling sa kanya. Itong anak ko, mapusok kaya pinapatulan.” Sumulyap siya sakin.

    Para bang naghahanap siya ng butas sa akin.

    “Kahit naman sa Manila, ganun din siya kung maka apekto sa mga babae.”

    Tumango ulit ang mama niya, “Okay lang ba sayo yung mga nakaraan niya?”

    “Oo naman p-po.”

    Binaba niya ang basong sinasabunan niya at hinarap ako.

    “Sa totoo lang, hija, hindi ko inakala na mabilis siyang makakahanap ng babaeng tulad mo. Matayog ang mga pangarap niya. Matalino siya kaya kaya niyang mangarap ng malalaki. At wala sa utak niya ang pag ibig. Puro lang siya… alam mo na.” Nagkibit-balikat siya. “Kapusukan.” Tumango siya dahil sa nagtatakang reaksyon ko, “At open kami sa mga bagay na ito. Tapos, ngayong nalaman kong mayaman ka… hindi kaya mahuhusgahan siya sa pamilya niyo? I mean, hindi naman sa sinasabi kong nanghuhusga kayo.”

    Umiling ako, “Hindi naman po.”

    I feel so guilty.

    “Mabuti sana kung ganun. Alam mo na, probinsyano.” Tumawa ang mama ni Wade.

    Hilaw din akong ngumisi.

    “Close parin ba sila ni Zoey?” Tanong ng mama niya at nagpatuloy sa paghuhugas ng mga pinggan.

    “H-Hindi na yata masyado.”

    “Ganun ba?”

    “O-Opo. Yun ang pansin ko.”

    “Ewan ko kung alam mo o dapat ako ang magsabi sayo nito. Wag mo na lang sigurong banggitin kay Wade pero… si Zoey ay may gusto kay Wade.”

    “Alam ko po yun.”

    “Pero walang gusto si Wade sa kanya. Talagang mapusok lang ang anak ko. Tsaka… si Zoey kasi ang nakasama niya sa Manila, kaya mas lalong naging close sila.”

    Tumango ako.

    “Mahirap mahalin si Wade… Kasi maraming babae ang kakabit sa pangalan niya. Lalong lalo na sa isang tulad mong mayaman.”

    Natahimik ako sa sinabi ng mama niya. Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang iparating sakin.

    “Baka mahusgahan siya ng pamilya mo.”

    “Hindi naman po kailangan ng approval ng pamilya ko para mahalin ko siya.” Simple kong sinabi.

    Ngumisi at tumango ang mama ni Wade sakin.

    “Reina!” Dinig ko ang pagtawag ni Wade sa pangalan ko.

    “Sige, puntahan mo.” Sabi ng mama ni Wade.

    Nabunutan ako ng tinik nang lumabas na ako ng bahay nila. Napabuntong-hininga ako. Kahit hindi naman ako pinagalitan o tinarayan ng mama ni Wade, nakakadrain parin ang mga sinabi at tanong niya.

    “Tignan mo!” Sabay turo ni Wade sa malawak na palayan sa kabilang banda ng bahay nila.

    Nakita ko ang mga manok sa gilid niya. Pakalat-kalat sila at malayang nakakalakad-lakad kahit saan.

    “Sarap ng hangin dito.” Sabi ko at nag iwas ng tingin sa katawan niyang nakabalandra.

    Halos bumaba na rin ang pants niya, Kitang kita ko na ang boxers niya dito. UGH! Why, Wade?

    Tumayo ako sa baybay ng ricefield. Lumapit siya sakin. Kahit isang metro pa ang layo niya ay ramdam ko na agad ang init ng katawan niya. God! Why is he so sexy and hot?

    “Oo nga. Ang sarap.” Naramdaman ko ang mainit na hininga niya sa tainga ko.

    Naalala ko agad yung nangyari sa kalesa. Yung maiinit na halik niya. Yung muntikan niya ng pagtatanggal ng damit ko!

    Naramdaman kong pumulupot ang maiinit niyang braso sa balikat ko. Niyayakap niya na naman ako galing sa likuran.

    “Reina, dito ka na lang tumira.” Aniya.

    “HUH?” Uminit ang pisngi ko at agad kinaboy ang puso ko. “Paano ang Manila? Ang pag aaral mo? Ang pangarap mo? Ang banda?”

    “Hmmm. Ewan ko?” Humalakhak siya.

    Sumulyap ako sa mukha niyang ngayon ay nakasandal sa balikat ko. Nakita kong nakapikit siya.

    “Parang nakalimutan ko na ang lahat…” Aniya. “Tuwing dadating akong Manila galing Alegria at nakikita ko ang matatayog na building at city lights, ikaw ang naaalala ko.”

    Mas lalong humigpit ang yakap ni Wade sakin. Lalo ko tuloy naramdaman ang abs niya. Nanigas na naman ako sa kinakatayuan ko.

    Humalakhak siya at bumulong sa tainga ko, “Baguhan.”

    Hinampas ko ng marahan ang braso niya.

    “Anong baguhan?” Tanong ko.

    “Naakit talaga ako tuwing nakikita kang nag bu-blush o di kaya ay naninigas sa kaba. Naakit talaga ako sayo, kahit anong gawin mo.”

    UGH! WADE!

    Humalakhak ulit siya, “Paano kaya ito? Ayokong may mangyari pero langya sobrang naaakit ako.”

    Nanginginig ang mga labi ko sa pinagsasabi niya.

    “Wade…” Marahan kong sinabi.

    “Hmmm? Kahit paraan ng pagtawag mo sa pangalan ko naakit ako. Ano na ba itong nangyayari sakin?”

    Jusko po! Anong pwede kong gawin para di siya maakit sakin?

    “Ang green mo talaga! Hindi kaya puro ka manyakan lang yang nararamdaman mo para sakin?”

    “Kung kamanyakan lang ito. Sana dito lang.” Diniin niya ang sarili niya sakin. “Pero bakit pati dito.” Kinuha niya ang kamay ko at nilagay sa dibdib niya.

    Naramdaman ko agad ang kumakabog na puso niya. Marahan nung una pero unti-unting bumilis at lumakas.

    Ngumisi siya at hinalikan ang leeg ko. Naramdaman ko agad yung kuryenteng bumalot sa katawan ko. Ladies and gentlemen, this is Wade sexy Rivas. Para akong nililiparan ng kaluluwa sa tuwing dadapo ang balat niya sa balat ko.

    “I love you, Reina Carmela Elizalde. Kahit ayaw kong magmahal, minahal parin kita.”

    Napapikit ako sa pahid ng kanyang mga labi. Damn, it feels so good!

    “Kuya, may naghahanap sayo.” Untag ni Iverson.

    Napatalon ako sa bigla. Nilingon din siya ni Wade at padabog na tinanong.

    “Sino? Ang wrong timing mo talagang bata ka!”

    “Si Ate Zoey.”

    Nagkatinginan kami ni Wade. Nakita ko ang pamumutla niya.

  • Kabanata 35Open or Close

    Kabanata 35
    Alin Ang Totoo

    Nagmadali kaming pumasok ni Wade pabalik ng bahay nila para tignan ang sinasabi ni Iverson.

    “Son, nasan sina mama at papa?” Tanong ni Wade sa kapatid niya.
    “Umalis pagkatapos kumain, kuya. May pinuntahan sa plaza.”

    Tumango si Wade at sumulyap sakin bago namin tahakin ang daanan papuntang sala.

    “Nga pala, Kuya.” Bumaling si Iverson sakin. “May kasamang dalawang lalaki si Ate Zoey.”

    Ngayon, panigurado, ako naman ang namumutla. Hindi ko alam kung bakit agad akong kinabahan sa dalawang lalaking kasama ni Zoey.

    Nalaman ko naman agad kung bakit nang nadatnan namin si Kuya Dashiel na nakaupo sa sofa nina Wade at si Rozen na nakasandal sa pintuan.

    “Why are you here?” Mabilis ang pintig ng puso ko.

    Ni hindi ko na namalayan ang presensya ni Zoey sa gilid ni Rozen. Nakita kong lumipad ang tingin ni Kuya Dashiel sa kamay ni Wade na humawak sakin.

    “Why are YOU here, Reina?” Tumayo si Kuya Dashiel.

    Napalunok ako sa pabalik na tanong niya.

    “Kuya, binibisita ko lang si Wade.” Paliwanag ko.
    “Let’s go, Reina.” Humakbang si Rozen papunta sakin.

    Umatras ako sabay hawak din sa kamay ni Wade. Mas lalo niyang hinigpitan ang hawak sa kamay ko.

    “Magtatanan ba kayo?” Kuya Dash’s question was cold and firm.
    “What? H-Hindi!”
    “Then, Reina, kung hindi kayo mag tatanan, sumama ka samin.” Nag lahad ng kamay si Rozen sa harapan ko.

    “Anong problema niyo saming dalawa ni Reina?” Galit na tanong ni Wade sa kanila.

    Nakita kong tinignan niya si Zoey. Mapupungay ang mga mata ni Zoey. Mangiyak-ngiyak siyang lumapit kay Wade.

    “I-I’m sorry, Wade.” Nabasag ang boses ni Zoey.

    Pagkabanggit ni Zoey nun ay automatikong kumalas ang kamay ni Wade sa kamay ko. Napatingin ako sa kamay niyang wala ng lakas ngayon, tapos sa mukha niyang nakakapanlambot.

    “Wade?”

    Pero bago ko pa siya natanong kung bakit niya kinalas ang kamay niya sa kamay ko ay humagulhol na sa iyak si Zoey at pinaulanan niya na si Wade ng, “I’m so so sorry, Wade. I’m sorry. Mahal na mahal kita… P-Pero…”

    Hinila ako ni Kuya Rozen. Nanlaban ako. Pero nanlambot ako nang tinignan kong hindi man lang makatingin si Wade sakin. Bumaling siya kay Zoey at nakita ko ang galit sa mukha niya. Hahawakan na sana ni Zoey ang braso ni Wade pero umatras si Wade na para bang nandidiri kay Zoey.

    “What is wrong, Kuya?” Sigaw ko kay Kuya Dashiel na ngayon ay siyang humihila sakin.

    Pinagbuksan ako ni Rozen ng pintuan. Pinasok ako ni Kuya Dashiel sa loob. Tatakas sana ako pero nasa magkabilang gilid ko silang dalawa.

    “Kuya!” Nabasag ang boses ko sa kaba at anticipation.

    WHAT THE HELL IS HAPPENING?

    Mabilis at matulin ang drive ng driver papuntang Camino Real. Hindi ko na maalala kung paano bumalik kina Wade. Hindi ko na nakita kung paano kami nakarating ng Camino Real. Hindi ko na napansin ang renovated rest house namin. Kinaladkad na lang ako ni Rozen papuntang sala ng mansyon. Pinaupo niya ako sa sofa. Namuo ang luha sa mga mata ko. Sobrang sakit na ng lalamunan ko.

    Tinapon ni Rozen sa harapan ko ang isang malaking envelope na may gold pattern sa gilid.

    “Ano yan?” Basag na basag ang boses ko.

    Hindi ko na rin mapigilan ang mga luha ko sa pagtulo. This better be good, Rozen!

    “Pumasa ka sa French School of Design, Reina. Sa condo natin sa Paris, yan ang natagpuan namin. Bumalik kami ng Pinas para ibalita sayo ito personally at nalaman naming pumunta ka ng Camino Real. Pumunta kami ng Camino Real, at nalaman naming wala ka dito. Zoey told us you’re with Wade Rivas! Sa Alegria.”
    “You’re not even answering your phone, Reina.” Dagdag ni Kuya Dashiel.

    Nanginig ang kamay ko habang tinitignan ang letter na may naka lagay na crest ng School of Design na pinasukan ko sa Paris.

    “Kuya, totoo ba ito?” Tumulo ang luha ko nang hinawakan ko na ang letter at binuksan.

    Tumango si Kuya Dashiel.

    “And you’re dating the wrong guy, Reina.” Aniya.

    Hindi ko pa nababasa ang letter ay binaba ko na agad pabalik sa mesa.

    “I’m not, Kuya. Wade is a good man-“
    “Good man?” Tumawa si Kuya Dashiel. “He dated you for fame, Reina.”
    “No!” Bumaling ako kay Rozen. “Kanino mo yan narinig? Kay Rozen?” Sabay turo ko kay Rozen.
    Humagikhik si Rozen at umiling sakin, “Hindi ka parin ba naniniwala? Why don’t you ask him straight, Reina. Ask him.”

    Tumayo ako at sinugod si Rozen sa kinatatayuan niya. Umatras siya at tinaas ang dalawang kamay.

    “Easy, Reina.” Nakangisi parin ang hinayupak kong kapatid. “Kung hindi ka naniniwala, ask him. Ask him, then. You’re just blinded by your freaking attraction.” Nanliit ang mga mata niya. “Magaling ba siyang magdala ng babae? Of course, coz he’s a playboy. Magaling ba siyang mambola? Of course, yan naman talaga ang gawain niya. Naloko ka, Reina. He tried to get to you to get to the band-“
    “Hindi niya ako kailangan para pumasok sa banda! May talent siya! May boses siya at may charisma!”
    “ENOUGH, REINA!” Napatalon ako sa pabiglang sigaw ni Kuya Dashiel.
    “He’s a playboy, Reina. Ano na? May nangyari na ba sa inyo? At paano kung mabuntis ka? May maibibigay ba siya sa iyo? Wala! Gusto niya lang sumakay sa barko mo-“

    Sinampal ko na si Rozen. Hindi ko alam kung kaya ko pa bang patawarin siya sa mga sinabi niya. Naramdaman kong nagpalpitate ako sa sobrang inis. Humikbi ako at napaupo sa sahig sa kakaiyak.

    “Ano bang problema niyo? Bakit kayo nang huhusga kuya? Hindi niyo ba pwedeng tanggapin na lang na kami? Wala naman kaming ginagawang masama… Wala siyang ginagawang masama-“
    “Wala? Ha-ha! Why don’t you ask him?”

    Wala na akong maibigay na reaction kay Rozen kundi ang pagkamuhi at galit ko sa kanya. Umiling siya ng nakangiti.

    “Don’t look at me like that, Reina. I care for you. I’m your brother.”

    Kinagat ko ang labi ko sa inis. Halos dumugo na ito sa kagat ko.

    Naglahad ng kamay si Kuya Dashiel sakin.

    “Reina, sinabi ni Zoey ang lahat ng tungkol sa plano nila.” Sabi ni Kuya Dash.
    “Anong plano?” Hindi nauubos ang luha ko sa pag iyak.
    “Na papaibigin ka ni Wade para sumikat siya-“
    “Sa araw na nag audition siya sa Zeus, Reina, nandoon si Zoey sa likod mo, hindi ba? Yun ay para makilala ni Wade kung sino si Reina Elizalde dahil ikaw ang bibiktimahin niya. Now, don’t ask me how I knew this… pero kaya ko siya agad pinigilan sa plano niya ay dahil alam ko ito. Nagalit siya, syempre dahil nabuking siya. And I told you about this before. You didn’t listen. Talaga bang masarap ang bawal-“

    Tumayo ako para sugurin ulit si Rozen pero umatras siya at tinaas ang kamay niya.

    “Come on, Reina. Wag kang mag bulagbulagan diyan. I know you’re really attracted to that asshole, but please, let your brain rule this time.”

    Hinawakan ni Kuya Dashiel ang braso ko.

    “Even so, Reina. Kung malaman mong totoo ang mga sinasabi ni Rozen, anong gagawin mo? At… ano ang desisyon mo para dito?” Ipinakita ni Kuya Dashiel sakin ang envelope. “You will be trained by the finest designers of France, Reina. Maybe even the world. This is what you wanted, right? Kaya mo pang humanap ng ibang lalaki, but this opportunity? No. What are you going to do now?”

    Daan-daang mga bagay ang pumasok sa utak ko. Maraming tanong. Walang ni isnag sagot.

    “This is your constant, Reina. Ito ang buhay mo. Are you willing to give this up just to be with that uncertain man?-“
    “You know I won’t let you.” Singit ni Rozen.

    Napatingin si Kuya Dashiel kay Rozen. Nakita kong sinimangutan ni Kuya si Rozen dahil sa sinabi niyang iyon.

    “I’ll give you a choice, Reina.” Bawi ni Kuya Dash.
    Umiling si Rozen, “I won’t give you a choice.”

    Tatanggapin ko ba ang pag aaral sa ibang bansa? Totoo ba yung sinabi ni Rozen? Ginagamit lang ba talaga ako ni Wade? Bakit nag sorry si Zoey kay Wade? Sorry dahil sinabi niya kay Rozen ang lahat? At bakit guilty si Wade at nagawa niyang bitiwan ang kamay ko? Bakit hindi niya ako hinabol? Bakit hinayaan niya lang ako sa mga kuya ko? Bakit nawalan agad siya ng pag asa? Dahil ba simula’t sapul wala naman talaga siyang nararamdaman sakin?

    “Puntahan natin si Wade.” Ito lang ang tanging naibulalas ko sa gitna ng pagiging tulala.
    “What for-“
    “ROZEN!” Sigaw ni Kuya Dashiel sa kapatid kong asshole. “Okay, baby.”

    Hindi ko mabuksan-buksan ang letter. Hindi ko alam kung anong pipiliin ko. Kung tatanggi ba si Wade, tatalikuran ko ang mga pangarap ko? At kung aamin ba siya… kung sasabihin niya sakin pinaikot niya ako… makakaya ko ba?

    Pinunasan ko ang luha ko habang natutulala sa labas ng sasakyan. Kasabay ng pagtulo ng luha ko ay ang pag ambon sa labas.

    “Hindi ka ba kakain?” Tanong ni Rozen sakin na siyang katabi ko ngayong nasa gilid na ako ng sasakyan namin.

    Nakita kong sumulyap si Kuya Dashiel sa salamin. Nasa front seat kasi siya.

    “Stop it, Rozen. You’re pestering her.”
    “I’m not. I’m trying to make her feel better.”

    Sumulyap ako kay Rozen at inirapan siya. Hindi ko kailangan ng pangungulit niya ngayon. Kung pwede lang bigwasan ko siya, ginawa ko na.

    “What if umamin siya, Reina?” Tanong niya.

    Hindi tumitigil ang mga luha ko sa pagtulo ko. Yun din ang tanong ko. Paano kung totoo? Paano kung ito talaga ang katotohanan? Na lahat ng matatamis na salita niya ay hindi galing sa puso? Na puro iyon bola? Na sanay siyang mambola dahil sa pagiging playboy niya? Na hindi siya nagbago?

    “Ewan…ko.” Gasgas na ang boses ko.

    Humikbi ulit ako kaya tinakpan ko ang bibig ko.

    “Sa oras na umamin siya, Reina. Iwan mo na siya.”
    Bumaling ako kay Rozen, “Anong akala mo sakin, tanga? Ano pang gagawin ko kung umamin siya, edi syempre iwan siya? Hindi ko naman ipagpipilitan ang sarili ko. At mas lalong hindi ako magpapagamit-“
    “Wag mong ipakita sa kanya na nasasaktan ka. Do not cry. Stoneheart, Reina. Stoneheart.”

    Maingay na bumuntong hininga si Kuya Dashiel sa front seat. Hindi na masyadong mabilis ang patakbo ng driver namin. Siguro ay para bigyan pa ako ng konting oras.

    “A-Ano?”

    Pinunasan ko ulit ang luha ko. Naiisip ko palang na totoo yung mga pinagsasabi ni Rozen nasasaktan na ako.

    “Tell him you didn’t love him anyway… Na hindi ka nasaktan kasi hindi mo naman siya minahal. Na pareho kayong naglalaro sa isa’t-isa-“
    “WHY WOULD I DO THAT, ROZEN?”
    “Dahil kahit na nasaktan ka, hindi mo naman kailangang ipakita. Nakalugmok ka na nga sa lupa dahil sa nangyari, sa oras na ipakita mo iyon, mas lalo ka pang binabaon. Kaya Reina, don’t ever tell him you love him… That you were hurt coz he lied to you…”

    Umiling ako. Hindi na ako makapagsalita sa pag iyak ko.

    “He didn’t lie… No, he didn’t.”
    “Ha-Ha!” Umiling si Rozen at tumingin sa labas.

    Tumigil ang sasakyan namin. Gumagabi na at umaambon parin kaya hindi ko masyadong makita ang lugar. Pinunasan ko ang salamin gamit ang kamay ko at nakita kong may silhouette ng isang lalaki sa bakuran ng isang pamilyar na bahay.

    “Wade…”

  • Kabanata 36Open or Close

    Kabanata 36
    Parang Awa

    “Sige, sagutin mo nga ako, pinapalambot mo ba ang puso ko para lang mapalapit sa banda?”
    “SINASABI MO BANG GINAGAMIT KITA?”

    Sariwa pa sa utak ko ang sagutan namin ni Wade sa CR. We’ve been through this, I can’t ask him again. Nakita kong gumalaw si Wade sa kinatatayuan niya. Bahagya siyang lumapit sa kalsada para tignan ang sasakyan namin.

    “I-I can’t do this, Rozen.” Sabi ko.
    “Just ask him, Reina.”
    “Alam ko na ang sagot. Hindi niya yun magagawa sakin. Natanong ko na siya noon.”
    “Ask him again, then.” Nakangisi niyang sinabi sakin.

    So… cruel.

    Umiling ako at tinitigan siyang mabuti.

    “Hindi niya yun magagawa-“
    “Prove it to me… ask him.”
    “Rozen!” Saway ni Kuya Dashiel sa kapatid kong stoneheart.
    “Yeah, yeah.”
    “Reina, do you need time? Pwede naman nating ipagpabukas.”

    Napalunok ako sa alok ni Kuya Dashiel. Gusto kong magtanong kay Wade pero ayokong marinig niya ang tanong ko. Gaya ng dati, nagalit siya nang tinanong ko iyon. At pag itatanong ko na naman ngayon, magagalit na naman siya, panigurado. I believe in him. But I don’t think it’s enough to believe.

    Hinawakan ko ang pintuan at sinubukang buksan. Pumikit na lang ako. Brace yourself, Reina. Sana mahanap ko ang mga tamang salita.

    Hinawakan ni Rozen ang balikat ko. Inabot niya sakin ang payong… at…

    “Remember, Reina, pag umamin siya, wag mong kawawain ang sarili mo. Stone heart. Tama na yung napaikot ka. Hindi mo na kailangang ipakita ang pagkatalo mo. Pride na lang ang natitira, Reina. Don’t beg. Never beg. Never chase. Elizalde ka. Hindi natin gawain yan.”

    Tinanggal ko ang kamay niya sa balikat ko.

    “I know what to do, Rozen.”
    Narinig ko ang ngisi niya, “Good.”

    Tumapak ako sa kalsada sa tapat ng bakuran nina Wade. Nakita kong umaliwalas ang mukha niya sa paglabas ko sa sasakyan.

    Hindi naman umaliwalas ang sakin, kung ano man, siguro ay naging mas nininerbyos ito. Dinig na dinig ko ang puso kong mabilis at malakas ang pag pintig.

    Naisip ko yung unang pagkikita namin ni Wade. Agad akong naattract sa kanya noon. Kahit sino naman siguro. He’s drop dead gourgeous even with clothes on. Pero sinungitan niya ako sa unang pagtatagpo namin, kaya na turn off ako sa kanya. Gusto kong patunayan sa sarili ko na hindi lang siya puro kagwapuhan. Na kahit masungit siya sakin, may tinatago siyang kabaitan. Because I saw how he treated others… At nang nalaman kong may ‘relasyon’ sila ni Zoey, agad kong napagtanto na may unrequited love siya para dito. Sa huli, nalaman kong kabaliktaran pala, si Zoey ang may gusto sa kanya. He’s a playboy… na nagpapadala lang sa agos ng buhay at sa agos ng kanyang mga pangarap. He’s intelligent and talented. Hindi niya ako kailangan para sumikat. Sino man ang nagsabi sa kanyang hindi niya kayang tumayo mag isa, nagkakamali siya. I know one day, he’ll be big!

    Tumayo ako sa harapan niya.

    Nung una, hindi ako makapaniwalang napansin ako ng lalaking hinahangaan ko. Ang gwapo, matalino, at talented na si Wade Rivas… napansin ako. Si Reina Elizalde na wala naman talagang ginawa kundi ang ipinanganak na mayaman at magkaroon ng apelyidong tanyag. There’s really nothing about me. I’m not special. Hindi ako matalino o maganda. I’m just average and typical. Ang tanging kina kaangat ko lang ay ang apelyidong hindi naman ako ang naghirap.

    Mejo lumalakas na ang pag ambon. May bagyo kaya? Ganunpaman, tinignan ko lang siya sa harap ko. Hindi ko siya nilapitan. Hindi ko siya pinayungan. Hinayaan ko siyang mabasa sa papalakas na pag ambon.

    “Wade…” Hindi ko sinasadya ang panlalamig ng boses ko.

    I want to hear it, Wade. You are too mysterious. Ilang beses ko na ba ito nasabi sa sarili ko? Na mahirap kang espellingin! Hindi ko maintindihan ang pagkatao mo. Normal kasi hindi tayo sabay lumaki, hindi ka pamilyar sakin dahil taga Alegria ka at taga Manila ako. So I needed to hear it straight. Yung walang pa liguy-ligoy. Yung walang bahid ng pagka misteryoso.

    “R-Reina.” Nabasag ang boses niya.

    Naalala ko yung pagbitiw niya sa kamay ko nang nag sorry na si Zoey sa kanya. It broke my heart. Kung hindi totoo ang mga sinasabi ni Rozen, bakit ganun na lang ang ginawa ni Wade?

    “Pwedeng magtanong?”

    Pinilit ko ang sarili kong magsalita ng kalmado. Dahil hindi ko na talaga mapigilan ang pagsakit ng puso ko.

    Nakita kong lumunok siya. Humakbang siya papunta sakin pero mabilis akong umatras. I want pure conversation. I can’t melt just because he touched me. I want to hear it, straight. I want to prove my judgemental brothers wrong.

    Ngayon ko malalaman kung napansin niya ba talaga ako o nagkunwari lang siyang mahal niya ako. Hindi ko pa nga naitatanong ay barado na ang lalamunan ko dahil sa mga luhang gustong lumabas.

    Mas lalo pang lumakas ang ulan. Basa na siya at bakat na ang katawan niya sa damit na sinusoot.

    “Alam kong naitanong ko na sa iyo ito… pero…”

    Pumikit ako. Here’s another realization: Naitanong ko na sa kanya ito pero tinanggi niya. Kung totoo man ang sinasabi ni Rozen, ibig sabihin nag sinungaling si Wade sakin. Na hanggang ngayon, mula simula hanggang ngayon, nagsinungaling lang siya.

    “Ginamit mo lang ba ako?” Mas malamig ko pang naibulalas ito.

    Naramdaman ko ang panginginig ng labi ko pagkatapos kong itanong iyon. Tahimik siya at seryoso ang mukha niya.

    Galit ba siya? Galit dahil tinanong ko ulit siya nito kahit nasagot niya na?

    “Hindi.” Simple niyang sinabi.

    Bahagya kong binuksan ang mga labi ko para pakawalan ang hinagpis. Damn! I’m right! Rozen’s wrong! Thank God!

    Gusto kong ngumiti at magsisigaw sa saya. Pero may isa pa akong tanong.

    “Pinagplanuhan niyo ba ni Zoey ang paikutin ako?”

    Hindi gaya ng naunang tanong, hindi siya agad nakapagsalita. Lumakas ang ulan at sigurado akong hindi ko maririnig ang ‘Hindi’ niya ngayong malayo ako sa kanya. Nilapitan ko siya para payungan at para na rin marinig ng diretso ang pagtanggi niya.

    Pahakbang na ako nang sinagot niya ako nang…

    “Oo.”

    Natigilan ako. Sandali lang… Guni-guni ko ba iyon? Nakita kong lumipad ang paningin niya sa mga mata ko.

    “Oo.” Inulit niya nang walang pag aalinlangan.

    Tinakpan ko ng palad ang bibig kong nakaawang na ngayon. I can’t believe it. Kusang tumulo ang mga luha kong kanina pa nagbabadya.

    “Really?” Nabasag ang boses ko.

    Nakita kong nanginig ang mga kamay niya nang unti-unti itong tinaas para abutin ako. Humakbang siya palapit sakin pero umatras ako.

    “Reina, ganun yung simula. Hindi ko kaya ang Manila. Pero gusto kong pumasok sa Zeus. Kaya nagpatulong ako kay Zoey. Sinabi niya saking mag pa impress ako sayo kaya ginawa ko-“
    “Pinaikot mo ako?” Nanliit ang mga mata ko at damang dama ko ang init na nanggagaling sa puso ko dahil sa sobrang galit.
    “No, Reina. Hindi ko magagawa iyon-“
    “You lied to me! TINANONG KITA NOON KUNG GINAMIT MO AKO PERO TUMANGGI KA!”
    “K-Kasi hindi kita ginamit-“

    Bago niya pa natapos ang pagsasalita niya ay mabilis akong lumapit sa kanya para sampalin siya. Ito ang unang pagkakataong may nasampal akong tao. Nagdulot ako ng sakit sa kanya pero nasaktan din ako. Matagl siyang humarap sakin. Hindi niya agad nabawi ang pisngi niyang ngayon ay nakaharap na sa kabila dahil sa sampal ko.

    “Manggagamit! Kayong dalawa ni Zoey, manggagamit! Sige, since umamin ka rin naman. Nung unang pagkanta mo sa stage, hindi ba tinitigan mo ako? Nandun si Zoey sa likod ko, diba? Kaya ba siya nandun dahil-“
    “Oo,” Bumaling siya sakin. “Nandoon siya para ipakilala sakin si Reina Carmela Elizalde-“
    “Ang babaeng papaikutin mo!” Dagdag ko. “Isa pa… umatras ka kasi nalaman ni Rozen ang plano mo, hindi ba?”

    Hindi siya sumagot. Nag iwas na lang siya ng tingin. Dahil sa ginawa niya, mas lalo akong nagalit. Hinampas ko ang dibdib niyang hindi natinag. Tinulak ko siya pero hinawakan niya ang magkabilang braso ko. Halos mabitiwan ko na ang payong na hinahawakan ko.

    “Reina! Hindi mo ba nakita!? Iniwasan kita kasi nalaman niya ang plano ko pero bumalik parin ako sayo-“
    “HINDI KA BUMALIK SAKIN! KUMAGAT KA KASI BUONG AKALA MO MAY GUSTO RIN AKO SAYO! KASI INAMIN KO SAYO NA MAY GUSTO AKO SAYO!”

    Kumunot ang noo niya sa sinabi ko.

    “What do you mean?” Narinig ko ang galit sa boses niya.

    Mas lalong lumakas ang ulan. Dahil bahagya akong nabasa, wala akong pakealam kung umiyak man ako ng sobra-sobra ngayon. I don’t freaking care! Alam kong magagalit si Rozen sa panlalambot ko, pero maiintindihan niya rin ang pag iyak ko sa oras na magmahal na siya.

    “I didn’t love you, Wade Rivas.” Umiling ako at pinilit na ngumisi.

    Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. Humakbang siya papalapit sakin. Patuloy akong umatras at umiling. Pinigilan ko ang sarili ko sa paghikbi.

    “No, Reina, you love me.” Nakita ko ang paghihirap sa mga mata niya.

    Patuloy akong umiling.

    “Mahal kita, Reina-“
    “Lies!” Ngumisi ako. “It’s okay, Wade. I didn’t love you anyway. Pareho tayong nag lokohan. It’s okay.”

    Natigilan siya.

    “I’m not dumb. Oo, naiinis ako kasi pinaikot mo ako pero hindi ako manghihinayang sating dalawa kasi simula pa lang, wala na. Walang laman. Walang laman ang salita mo, wala ring laman ang mga salita ko. Kwits lang tayo. Kaya wag ka nang umarte diyan.”
    “Reina, parang awa mo na, makinig ka. I love you… Oo, maaaring nagsimula ako sa mali pero ngayon totoo na ito at gusto kong itama lahat ng pagkakamali ko.”
    “You dated me for fame!”
    “No, Reina.”
    “Asshole! Wag ka ng mag explain kasi hindi ko na naman kailangan. Dahil hindi naman kita mahal-“
    “Reina, dinahan dahan ko naman. Nagpigil ako sayo. Ipinakilala kita sa mga magulang ko-“
    “Parte yan ng plano mo. At tapos na ang plano ko kaya tapos na ang lokohan. Game over, Wade Rivas. Nasayo na ang fame na hinahanap mo. Magpakasasa ka. At ikaw? Ginawa lang kitang experience. Milestone. Praktis ka lang sa halik. Akala ko naloko na kita. Pero pareho tayong naglokohan.”

    Nakita kong humikbi siya. Unti-unti siyang lumapit sakin.

    “Reina, don’t leave me hanging. Pinaibig mo ako. You made me fall hard and fast. Wag mo namang bawiin ang lahat-“
    “Hindi ko binabawi kasi simula pa lang wala akong binigay.” Matapang kong sinabi iyon sa harap niya kahit na kitang kita ko na ang pamumula ng mga mata niya.

    Tinakpan niya ng mga palad niya ang kanyang kaliwang pisngi at mata. Pumikit siya at nakita ko ang marahan na paghikbi.

    “Please, Reina…” Dumilat siya para harapin ako. “Manliligaw ulit ako sayo dahil mali ang naging simula ko. Gagawin ko ang lahat wag ka lang mawala. Please, alam kong… alam kong hindi mo pa ako mapapatawad agad-agad. I’ll give you time. I’ll wait.” Hinawakan niya ang kamay ko.

    Hinawi ko ang kamay niya at umatras sa kanya.

    “You got your fame. Ngayon ako naman, Wade. Let’s end this stupid game. I’m done with you. Minahal kita… kunware. Tulad ng pagkukunware mo sakin. We’re done.”

    Tinalikuran ko siya pero mabilis at malakas niyang hinatak ang braso ko.

    “Please, Reina!”

    Mabilis at sabik niyang binalot ang labi ko ng maiinit na halik. Ramdam ko ang buong kaluluwa niya sa halik na iyon. Niyapos niya ang pisngi ko ng kanyang mga palad. Malamig ang kamay niya pero mainit ang pisngi niya.

    Hinawakan niya ang baywang ko. Dilat ako pero nakapikit siya. Nanlaki ang mga mata ko nang nakita kong kahit basa na ang pisngi niya ay may luha paring lumabas sa mga mata niya.

    “Reina, will I get you to stay if I kiss you like this?” Nabasag ang boses niya at hinarap niya ako.

    Mapupungay ang mga mata niya pagkatapos ng halik. Nalasing ako sa halik niya. Tulad ng dati. Walang ka kupas kupas. Mahal na mahal ko talaga siya. Pero walang hiya, pinaikot niya ako. Tama si Rozen, I’m an Elizalde. Maraming magkakainteres sakin dahil sa yaman na dala ng pamilya ko.

    Ayokong manghusga. Lalong lalo na kay Wade. Hindi ako nanghusga. Siya mismo ang nagsabi sakin. Umamin siya sa kasalanang ginawa niya. At hindi ko iyon nagustuhan. I wanna hurt him so bad. Cuz I feel like I’m going to bleed to death because of the pain he gave me.

    “Reina, wag mo akong iwan. Gagawin ko ang lahat. Nagmamakaawa ako sayo.”

    Hinaplos niya ang pisngi ko at naramdaman ko ang pag amba niya ulit ng isang halik pero bago niya iyon nagawa ay sinampal ko na ulit siya.

    Mas malakas ang sampal ko ngayon dahil malapit kaming dalawa. Naramdaman ko ang kirot sa kamay ko na unti-unting lumaganap sa buong palad.

    “Nagmamakaawa rin ako sayo. Pakawalan mo na ako.”

    I’ve never seen him so devastated. Kinagat ko ang labi ko. Gusto kong lumuhod sa harapan niya at bawiin ang huling sinabi ko pero hindi ko kinaya ang naging reasksyon niya. Natulala siya at nanigas sa kinatatayuan niya.

    Hindi ko na napigilan ang pag hikbi ko. Tinalikuran ko siya at tumakbo pabalik sa sasakyan namin. This is what’s constant, my life without him.

  • Kabanata 37Open or Close

    Kabanata 37

    Dimple

    “Tama lang yung ginawa mo.” Sabi ni Rozen.

    Sumulyap ako sa kanya. Hindi ko na makitang mabuti ang ekspresyong binibigay niya dahil bumabaha na ang luha ko sa gilid ng mga mata. Hindi siya tumitingin sakin. Diretso lang ang titig niya sa kalsada habang umiiyak ako dito ng sobra-sobra.

    “Reina, hindi rin naman kayo bagay. Magkaiba ang mundo niyo. That’s a fact.” Dagdag niya.

    Umiyak na yata ako mula Alegria hanggang Manila. Kahit na nakatulog ako sa kalagitnaan ng byahe, pagkagising ko, basa parin ng luha ang mga pisngi ko.

    Kinusot ko ang mata ko. Halos makalimutan ko kung anong nangyari pagkagising ko. Bakit masakit ang puso ko? Bakit masakut at namamaga ang mga mata ko? At bakit ako nandito?

    “Rozen, inamin ba sayo ni Zoey ang lahat ng ito?” Tanong na bumabagabag sakin pag alis namin ng Alegria.

    “Oo. Pero nalaman ko muna iyon bago niya inamin. Alam ko na nung una, confirmation na lang sa kanya ang hinihintay ko.”

    Sumakit ulit ang dibdib ko. Damn, Wade! You failed me. Pero nasasaktan parin ako sa nagawa ko sa kanya. Tuwing naaalala ko ang mga mata niyang nagmamakaawa. Parang ang sarap magpaloko. Parang ang sarap hayaan na lang siya sa mga gusto niyang gawin.

    “Reina, you can’t just leave.” Sabay pukpok ni Coreen sa cellphone kong matagal nang naka off at lowbat.

    Simula nung dumating ako sa Alegria hanggang ngayon, hindi ko parin na cha-charge iyon. Para saan pa? Natatakot akong mag makaawa si Wade sakin at malusaw yung inaalagaan kong inis at pagkamuhi.

    “Coreen.” Ngumisi ako. “I’m leaving for my dream. I’m gonna miss you so damn much!” Sabay yakap ko sa kanya.

    Narinig kong suminghap si Rozen sa likuran ko. Kanina pa kasi siya nakahalukipkip at pinanonood ang pagpukpok ni Coreen sa cellphone ko.

    Tinulak ako ni Coreen.

    “No… You’re not leaving for your DREAM, Reina! Gusto mong tumakas kay Wade!” Sumulyap siya kay Rozen at inirapan niya ito.

    “Hindi ako tumatakas. Tapos na ang paghaharap namin. Tapos na ang laro kaya aalis na ako sa stage.” Nagpatuloy ako sa pagliligpit ng mga damit.

    “Ang hindi ko ma gets ay kung bakit mo sinabi sa kanyang nag kunwari ka lang! Warak na yung puso niya dahil sa nangyari-“

    “Mas wasak ang puso ko dahil niloko niya ako-“

    “Pero akala niya na loko siya, iiwan mo siya, at nagsisisi siya, hindi ba mas wasak yun?”

    “Kasalanan niya. In the first place, dapat di niya ginamit si Reina!” Galit na singit ni Rozen.

    Bumaling si Coreen kay Rozen…

    “HINDI NIYA GINAMIT SI REINA, ROZEN.”

    Natigil ako sa pag iimpake ko at napatingin sa kanila.

    “Kung hindi niya ginamit, bakit sila na ngayon?”

    “Wala na kami, Rozen.” Sambit ko.

    “Kung ginamit niya si Reina, dapat nung una pa lang nagpaimpress na siya. Pero simula pa lang, sinungitan niya na si Reina.”

    “That’s because he chickened out!”

    “No. That’s because he knew it was wrong to use her!”

    “Kahit na… naging close sila, nagtagumpay parin siya!”

    Mainit na nagkatitigan ang dalawa.

    Nanliit ang mga mata ni Coreen. May narealize naman ako sa sinabi ni Rozen.

    It was me all along. Ako yung may kasalanan ng lahat. He tried to get rid of me. Pero imbes na lumayo ako, nag confess ako sa kanyang may gusto ako. Paulit-ulit kong sinabi sa kanya na gusto ko siya. Na siya lang. Ngunit sa huli, ako rin ang bumawi.

    “Pero ngayon, ikaw naman ang nagtagumpay.” Panghuling sinabi ni Coreen bago pumihit at umalis si Rozen sa harap namin.

    Umirap si Coreen at bumaling sakin.

    “You are going to regret this, Reina.” Nakakatakot niyang untag.

    “I won’t. Gagawin ko ang lahat para mag excel ako sa Paris, Coreen. I’ll chase my dream, not my love.”

    “Ang problema sayo ay tinanggi mo ng nararamdaman mo sa kanya.”

    “Rozen’s right, pride is the only thing that’s left of me.”

    “You think may natitira pa kay Wade ngayon? Wala nang pride, wala ka na… tingin mo ba nasa kanya parin ang puso niya? Kasi tingin ko nasayo na. At aalis ka pa? Paano niya mababawi yan?”

    Umiling ako at nagsimulang mag impake ng mga sapatos, “It’s not tangible, Coreen. Pwede niyang bawiin anytime, yun ay kung nasa akin nga yun.”

    “At kung nasayo nga? At huli na nung nalaman mo… anong gagawin mo? Regret? Useless.”

    Umiling siya at pinanood na lang ako sa pag iimpake ko.

    “You better not regret this, Reina.”

    Nangatog ang tuhod ko at narinig ko ang malakas na pintig ng puso ko. Nasa airport na kami. Umalis na ako agad para hindi na magbago ang isip ko. Isa pa, nagsimula na ang pasukan sa kanila. Late na nga akong pumasok pero nagawan ng paraan ni daddy.

    Hinagkan ako ni Coreen. Halos mahulog yung soot kong aviators sa higpit ng yakap niya.

    “Uuwi ka ba pag pasko?” Tanong niya.

    “Not sure, Coreen.”

    Nakita kong namuo ang mga luha sa mata niya. Agad niyang pinunasan ang mga ito.

    “Ang OA mo naman! Si Wade lang naman tinatakbuhan mo, bakit pati ako naiiwan?”

    Tumawa ako at niyakap siya, “Uuwi naman si Noah next week.”

    Napangiti ko siya sa impormasyong ito.

    “Nga lang, si Rozen titigil sa pag aaral ng isang semester para magliwaliw sa Paris kasama ko. Uuwi din siya next year. Pero ako, siguro saka na pag may napatunayan na ako sa passion kong ito.” Ngumiti ako pero hindi ko maiwasang damhin ang kirot sa puso ko.

    Yes, this is my passion. Siguro maganda na rin yung nangyari samin ni Wade. Milestone lang siya na nalagpasan ko. Yung tipong pagkatapos ng unos, babalik akong mas malakas na tao.

    Nagkibit-balikat si Coreen at ngumisi parin kahit may luha sa mga mata niya.

    “Ma’am, tawag na po kayo ng kapatid mo. Kanina pa siya on board.”

    Hindi na kasi sumama si Dashiel pabalik ng Paris dahil may emergency sa isang barko namin.

    “Okay.” Sabay tango ko sa body guard ni Rozen.

    Niyakap ko ulit si Coreen at nung kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kanya, doon ko naramdaman kung ano ang iiwan ko dito. Kung sana noon ko pa lang iniwan ang Manila, okay pa sana. Si Coreen lang ang ma mi-miss ko, yung pamilya ko (na paniguradong bibisita sakin sa Paris ng madalas), yun lang. Ngayon, may iba na akong ma mi-miss.

    Wala akong karapatang mangulila sa kanya. I left him. But it’s better to leave than to be left.

    Tumabi ako sa naka headphones at naka aviators din na kapatid ko. Bahagyang pumipilig ang ulo niya sa beat ng music.

    “Ready?” Ngumisi siya.

    Hindi ko mawari kung dilat ba siya o nakapikit.

    “Whatever.” Humilig ako sa upuan at sinubukang maging okay kahit na ang tanging laman ng utak ko ay siya.

    Yung iiwan ko dito.

    “You know what…” Sa wakas ay nagsalita si Rozen nang nag ti-take off na ang eroplano.

    Napahawak ako sa upuan ko.

    “What?” Sigaw ko sa kalagitnaan ng take off.

    “Natatakot ka bang tama si Coreen?” Tanong niya nang nasa himpapawid na ang eroplano.

    Napatingin ako kay Rozen.

    “Na… mahal ka nga ni Wade. Na hindi ka niya pinaglalaruan.”

    Nanlaki ang mga mata ko. May iniisip pala siyang ganito? I mean… buong akala kong buong buo ang loob niya sa pag aakusa kay Wade na manggagamit. Buong akala ko walang bahid na pagdududa. Like it was a matter of life and death…

    Sa sobrang daming salita ang gusto kong sabihin ky Rozen, hindi ko na alam kung alin ang uunahin ko. Kaya ang tanging nagawa ko na lang ay tumunganga sa kanya.

    Ngumisi siya at hinawakan ang labi niya.

    “Why, Reina? Kung totoo yung nararamdaman ni Wade sayo, alin ang pipiliin mo? Yung offer ng pangarap mo o yung pag ibig niyang nakakulong sa bukid ng Alegria?”

    Nag flashflood ng mga alaala at kung anu-ano pang mga scenes sa utak ko. Oo nga, Reina. Alin ang pipiliin mo? Alin ang mas matimbang?

    “Si Wade.”

    Sumimangot si Rozen.

    “Kaya mas bagay na umalis ka kesa pumirmi ka doon. That love’s dangerous. Tsk Tsk Tsk.”

    What’s wrong with loving Wade? Bumunot ako ng malalim na hininga. Anyway, huli na naman ang lahat. Nasaktan ko na siya. At hindi ko alam kung kaya ko pa ba siyang paniwalaan. It’s all over… we’re done.

    Sumandal ako sa upuan ko at napahawak sa puso. Damn, Wade! Gulong-gulo na talaga ako. Sising sisi. But it’s too late!

    “This is your constant, Reina. Constant kang magiging Elizalde. Hindi ka bagay sa bukid… Hindi ka bagay lokohin. Nakatatak yan sa dugo natin.” Sabi ni Rozen pagkalapag ng eroplano sa Paris.

    Ang sakit ng katawan ko sa at pagod ako sa byahe. Kaya wala akong ginawa kundi mag stretch. Agad kaming sinalubong ni Noah at ang kanyang kaibigang si Liam.

    “Reina Elizalde!” Sabay spread niya sa mga braso niya.

    Sinalubong niya ako ng ngiting nagpapaalala sakin sa taong dahilan kung bakit ako lumayo. Pumirmi ang titig ko sa pisngi niya.

    Hinawakan niya ang pisngi niyang may dimple. He smirked.

    “The dimple?”

    Narinig kong suminghap si Rozen sa likuran ko.

    “Hindi ka ba yayakap sakin?” Naghihintay si Liam sa yakap ko.

    Niyakap ko siya pero saglit lang.

    “I missed you!” Tumawa siya. “Don’t you miss me?”

    “Of course, I missed you Liam Madrigal.” Sagot kong marahan sa kanya.

    Kumindat siya kay Noah.

    “Mas sweet pa ako sa cold mong Kuya.” Tumawa siya at nakita kong lumitaw ang ngisi ni Noah.

    “Reina, pupunta sina mommy at daddy dito next week to check on you two…”

    Tumango ako at bumaling sa dimple ni Liam.

  • Kabanata 38Open or Close

    Kabanata 38
    Bibigay Ka Rin Pala

    Dahil wala naman akong kakilala dito sa Paris bukod sa ilang hindi ko ka close na relatives tsaka ang dalawa kong kapatid, si Liam ang laging kasama ko.

    Nandito siya para mag aral din sa Paris, yun nga lang sa isang music school. Dalawang taon siya dito, ako naman, siguro mahigit apat na taon pa ako dito. Yun ay kung makakaya ko.

    Milya-milya na ang layo ko. Halos light years na nga, pero bakit walang pumapasok sa utak ko kundi yung lahat ng nangyari? Mali ba yung desisyon ko? Iniwan ko ba talaga si Wade na warak warak ang puso? Ano? Kasi sa ngayon, yun lang ang laging laman ng utak ko.

    “It’s been two weeks, Reina. Wala ka paring ma isketch?” Umupo si Liam sa damong inuupuan ko rin.

    Kaharap ko yung mga batang naglalaro at mga patong tumutuka ng bread crumbs.

    That duck… tumutuka-tuka siya at kumikislot. Naaalala ko tuloy yung native chicken na dala ni Wade sa gym noon. Buhay pa kaya iyon? Nakalimutan kong itanong sa kanya kung anong ginawa niya sa kawawang manok. Wala naman siyang manok sa loob ng apartment niya. Naisip ko din ang kabuuan ng apartment niya. It was so bare… Walang arte. Simpleng simple. Nilagyan ko nga ng bulaklak isang araw habang nag rereview kami para sa finals…

    “Hey! Reina!” Kumaway si Liam sa harap ng mga mata ko.

    Nabunutan ako ng tinik at bumaling sa kanya.

    “W-What?”
    “Ang sarbi ko, araw-araw tayong nandito, pero wala ka paring nai-isketch. Hindi ka ba mahuhuli sa klase niyan?”

    Napalunok ako. Shiz! Naapektuhan pa yata ang passion ko sa mga iniisip ko. Sinubukan kong mag sketch ng isang tao.

    “Better.” Ngumisi si Liam nang nakita ang pag sisimula ko.

    Ilang sandali pa ang nakalipas, nilagyan ko ng buhok yung outline ng lalaking nida-drawing ko.

    “Hmmm.”

    Nanginig ang kamay ko nang narealize ko kung kaninong buhok ang nilalagay ko. It was his dark messy hair… His perfectly shaped and angled jaw…

    Huminga ako ng malalim at tumigil sa pag s-sketch.

    “Clothes for men?” Tumawa si Liam. “Type mo rin yun? Pwede ka bang stylist ko?”

    Ngumisi ako pero naasiwa ako sa ginawang sketch. Sa oras na malagyan ko ito ng kahit mata man lang, alam ko na agad na mamumukhaan ito ni Rozen.

    Pero bago ko ito iwan, nilagyan ko muna ng isang permanenteng bagay na nakakapagpaalala sa kanya hanggang dito.

    “Dimple?” Tanong ni Liam nang naka ngisi. “Hey, is that me?”

    Inayos niya ang buhok niya.

    “My hair’s not that messy, Reina.” Humalakhak siya.

    Ngumisi ako. Mas mabuti na rin sigurong isipin niyang siya ito kesa naman manghula pa siya at aabot pa sa mga kapatid ko ang kabaliwang ito.

    Nagsimula ulit akong magdrawing at ngayon, mas naging malinaw sakin ang lahat. Damn! Yun pala. Isang sulyap ko lang pala sa alaala o mukha niya, saka pa ako maiinsipire.

    “Reina,” Tawag ni mommy nang bumisita sila sa condo.
    “Po?”
    “Kumusta ka dito?” Tanong niya at umupo sa kama ko.
    “Okay lang po.” Nagpatuloy ako sa pag lalaro ng Candy Crush.
    “Are you happy?”

    Natigil ako sa paglalaro at napatingin sa mga mata niya.

    “Happy, mommy. Of course… This is my dream.”
    Ngumiti siya, “Nagkakasundo ba kayo ni LIam?” Nag iba ang tono ng boses niya sa tanong na ito.

    Umayos ako sa pag upo. Mula nung high school, palagi na kaming pinag bo-bonding ni Liam ng mga magulang namin. Nung nag college ako, hindi ko na siya masyadong nakita. Narinig ko na lang noong sem break, bago ako pumunta dito, na nag aaral pala siya ng music dito.

    “Oo naman, mommy. Bakit?”

    Tinapik niya ang ulo ko.

    “That’s good! He’s good for you.” Ngumisi siya at kumindat.

    Lagi niyang sinasabi yan. Hindi naman sa pinagkakasundo kami ng mga magulang namin. Hindi naman magka sosyo ang mga magulang namin sa negosyo o ano pa man diyan pero dati na silang magkakilala.

    “He’s a good boy. Alam mo naman yun, diba? Highschool pa kayo magkakilala pero hindi ko talaga maintindihan kung bakit hindi parin kayo close kahit na mabuti naman siya.”

    Napatunganga ako sa mga mata ni Mommy.

    “Anyway, sige, bahala kayong mga bata. I’ll just check on your daddy and your brother. ‘Kay?” Tumayo siya at marahang binuksan ang pinto na para bang may natutulog kaya kailangang mag ingat at bawal mag ingay.

    He’s a good boy. Yes, Liam is. Pero bakit mas madali akong napalapit kay Wade Rivas kahit masyado siyang masungit sakin nung una?

    Yun ang naging trigger ng mga alaala kong bumabaha na naman sa ngayon. Palaging ganito. Kahit malayo ako, may mga bagay na nakakapagpaalala sakin sa kanya. Kahit ano… Mga bibe, dimple, musika, si Liam…

    *KRIIIING*

    Nagkibit balikat ako nang nakitang galing Pilipinas ang tawag at si Coreen iyon. Anong problema ng lukaret na ito at bakit seryosong napatawag? I mean, hindi ba siya makapaghintay sa Viber?

    “Hello?”

    Nagising ang diwa ko nang narinig siyang humagulhol.

    “What happened?” Napatayo ako sa kinauupuan kong kama.

    Napangisi ako at pinaglaruan ang buhok ko. She’s right there… NAsa kabilang linya siya at pareho sila ng lupang tinatapakan ni Wade… Damn! What’s wrong with me?

    “Ano? Isang linggo pa lang si Noah riyan, may pa iyak-iyak ka na-“
    “Laslas! Like what the freaking shiz, Reina!?”

    Inilayo ko ang cellphone ko sa sigaw niya. Halos madurog ang eardrums ko.

    “What is your problem? Pwedeng pakihinaan ang boses-“
    “Nilalakasan ko para marinig mo ako, ang layo mo kasi!” Umiiyak parin siya.

    Yung tipong akala ko nagbibiro siya pero natural yung iyak niya. Walang halong pilit. Yung nararamdaman kong pinipigilan niya pero kusa siyang napapahikbi.

    “You know what, Reina? Promise, pag umuwi ka dito at hindi pa natatapos ang isyung ito, sasabunutan talaga kita!” Galit ang tono ng boses niya.
    “Co-Coreen? Anong problema?”

    Dinalaw ako ng kaba at napaupo ulit sa kama.

    “Noah’s band is disbanding! Leche! Wade Rivas left the band!”

    Natigilan ako at pinroseso ang sinabi ni Coreen.

    “What? Why-“
    “Don’t ask me why! Edi bakit pa? Dahil sayo! He’s trying to prove you and your brothers wrong! N-Noah is d-devastated!”

    Hindi ako humihinga habang dinidinig ang tuliro at nauutal niyang boses.

    “Ngayon pang malapit na yung offer nila!? Nawala na naman yung offer kasi wala silang vocalist! I’m afraid they will never find someone as good as him, Reina.”

    I want to say, ‘No! Kaya pa nilang maghanap ng iba. Hindi pwedeng mawalan ng pag asa si Noah.’ But I’m also afraid that I can never find someone to replace him… in here…

    Sumakit ang dibidb ko. Naiiyak ako pero ayaw tumulo ng luha ko. I think this is the worst feeling I’ve ever felt. Yung nasa kalagitnaan ka lang ng pag iyak at hindi pag iyak. Na sana umiyak ka na lang para mailabas mo yung kirot sa puso, pero hindi siya lumalabas, parang tinotortureniya lang ako. Para bang sinisisi ako ng mga luha ko sa ginawa ko sa amin ni Wade.

    “N-Noah can sing, Coreen. Pwede siyang bokalista-“
    “You know him, hindi siya mahilig makipagkaibigan sa mga fans. Hindi tulad ni Wade na nginingitian lahat. At alam nating lahat na complete package si Wade, gwapo, talented, and charismatic. You can’t deny that!” Humikbi pa siya lalo. “Yun ang nagpapalago ng fans nila, Reina. Hindi mo ba napansin? Nung si Stan pa ang vocalist, binigyan sila ng 2 years bago magka album under that label, pero nung naging si Wade na, ngayong taon agad! But… what now, Reina?”

    Kumunot ang noo ko. Umiling ako kahit hindi naman ako nakikita ni Coreen.

    “No… I’m not the reason for all this… Imposible. He can’t be inlove with me that much… He can’t just give up his dream just because-” Tinakpan ko ang bibig ko dahil sa wakas ay lumalabas na yung bukol sa lalamunan kong kanina pa bumabagabag sakin.

    Mabilis at malakas ang pagtulo ng luha ko. Kinagat ko na lang ang nakakuyom kong kamay para mapigilan ang malakas na paghikbi.

    Gusto kong umuwi. At harapin siya ulit. At pakinggan ang mga sasabihin niya… At maniwala sa kanya… At yakapin siya… Halikan siya… Ikulong siya sa yakap ko… This is a big joke!

    “He already did, Reina. Ngayon, na prove niya na ba sa iyo?”
    “Coreen…” Humikbi ako. “Coreen, tapos anong mangyayari sa kanya? Uuwi na ba siya ng Alegria? A-Ano? Mag aaral parin ba? Pwedeng paki research naman-“
    “Para saan pa, Reina? Diba sinabi mo namang kunwari lang ang lahat. You didn’t love him anyway… Diba? God! Reina! Kung bibigay ka rin naman pala, make sure hindi pa huli ang lahat kasi ngayon, I think it’s all too late…”

    Sumakit ulit ang dibdib ko. Shiz! Nagkamali talaga ako! Sobrang pagkakamali! Sobra-sobra! Hindi ko kayang balikan lahat ng sinabi ko sa araw na iyon. Gusto kong pagsasampalin ang sarili ko.

    “Ngayon, panindigan mo yang desisyon mo, Reina.”

  • Kabanata 39Open or Close

    Kabanata 39
    Take Over

    Naging mahirap saking mag concentrate sa pag-aaral. Ilang beses akong nasabihang walang talento dahil masyadong dull at mediocre ang designs na nagagawa ko. Naiinggit ako sa dating mga sketch ko kasi magaganda at creative. Maging ang style ko ay naapektuhan. Yung pagpapares-pares ng mga pieces. Yung mga sapatos, yung aesthetic sense ko parang nagbabago ng paunti-unti.

    Pero dahil gusto ko ang ginagawa ko, nacha-challenge ako at nagsisikap. Tuwing gabi, hindi ko maiwasang mapatunganga. Maybe it’s time for me to make a new Facebook account?

    Nangangati ang mga kamay ko habang tinitignan ang homepage ng Facebook. Nung umalis ako ng Manila 6 months ago, deactivated agad ang Facebook ko. Kaya ngayon mas lalo akong naging walang clue kung anong nangyayari kay Wade. Not that he opens his Facebook to update his status everyday. Halos kalawangin yung Facebook niya dahil di niya binibisita noon. Kaya wala rin akong interes sa Facebook.

    Pero ngayong malayo kami at ilang buwan na ang nakalipas, gustong-gusto kong balikan lahat. Kahit na walang laman yung Facebook niya, gusto kong makita. Anything about him. Please!

    “Reina!?” Kinalabit ako ni Liam.

    Sinarado ko agad yung Facebook sa laptop ko.

    “Nakakabigla ka naman.” Sabay hawak ko sa puso ko.

    Nagkasundo kaming magmeet ngayon dito sa isang coffee shop. Napahawak ako sa malaking sumbrero ko dahil lumakas ang ihip ng hangin. Umupo siya sa tabi ko at dumungaw sa laptop.

    “You want to sign up?” Tumaas ang kilay niya.
    Umiling ako, “Nope. Napadpad lang.”
    “Bakit ba kasi ayaw mo? I mean, may pinagtataguan ka ba? Iniiwasan?”
    “W-Wala. Ayaw ko lang ng mga… uhm… temptations.” Kinagat ko ang labi ko.

    Temptations. Pag nakita kong wasak na wasak parin si Wade hanggang ngayon, baka mag alsabalutan ako. Hanggang ngayon, hindi parin ako makarecover sa lahat ng nangyari.

    At sa totoo lang, nang nag dalawang taon na ako dito sa Paris, hindi ko parin malubayan ang pag iisip sa nangyari noon. Lalo na dahil mag isa na lang ako sa condo. Umuwi na si Rozen at iniwan ako ditong mag isa. Thank God for Liam. Hindi naman sa wala akong naging kaibigan sa school, kaso masyado akong nag no-nosebleed sa French. May alam na akong konti pero hindi ako marunong umintindi sa mga sinasabi nila. Hindi ko alam ang grammar. Konting salita lang talaga ang alam ko. May mga marunong din namang mag english, sila yung nakakaclose ko. Lima lang din kami at mayayaman pa yung dalawa. Anak yata ng hari yung isa at hindi man lang siya tumitingin sa mga mata namin kaya di ako sigurado kung tama bang makihalubilo sa kanila.

    “Reina, I missed you so much… Hindi ka parin ba babalik? Dinig ko you’re doing well. Tapos natapos mo na daw yung isang course. Ano na?” Tanong ni Coreen.
    “I missed you, too, Coreen.” Suminghap ako. “Pero hindi pa pwede. Kailangan ko pa ng specialty. I mean, hindi na naman talaga kailangan pero tingin ko mas mabuting itake ito.”

    Nakakabinging katahimikan ang bumalot saming dalawa. Sa cellphone niya ako tumawag kasi nakahiga pa ako sa kama. Umagang-umaga pa dito pero mukhang tanghali na yata sa Pilipinas.

    Hindi parin nakakabalik sa pagbabanda sina Noah. Dahil masyadong matayog ang na set ni Wade na standard, hindi na sila makahanap ng kapalit.

    “Ano na ang nangyayari diyan?”

    This past few months kasi hindi na ako masyadong nakakatawag sa kay Coreen. Masyado siyang naging busy. Masyado rin akong abala sa mga proyekto at iba-ibang offers.

    “Hmmm?” I can almost hear her sarcasm. “Ako ba ang tinatanong mo o may iba pa?”
    “W-Wala. I mean… sino pa ba?” Napaupo ako sa kama at humalukipkip.
    “2 years ago, pinangako ko sa sarili kong hindi na kita iuupdate sa nangyayari sa lalaking iyon, Reina. You know… he was a wreck when you left. At hanggang dun na lang ang sasabihin ko, wala na akong idadagdag.”
    “B-Bakit? Naging okay na ba siya?”
    “What?”
    “You said he was a wreck when I left, it’s been two years, naging okay na ba siya?”

    Natahimik siya.

    “Coreen.”
    “What do you think, Reina? Ikaw? Naging okay ka na ba?”

    I sighed.

    “H-Hindi.”
    “Sino ba sa tingin mo ang mas nagmahal? Siya, hindi ba?”

    My jaw dropped. Gusto kong sumingit pero diretso ang pagsasalita ni Coreen.

    “Tingin mo okay na siya?”

    Hanggang ngayon nararamdaman ko parin yung kirot sa puso ko. Hanggang ngayon, hindi ko parin alam kung talaga bang matatanggap ko ang mangyayari pag balik ko ng Pilipinas. Paano kung hindi ko na siya makita? Nasa Alegria na lang siya? Nagsasaka sa ricefield? Baka maaga siyang mag asawa! Hindi naman ako ilang buwan lang dito sa Paris, dalawang taon na ako ngayon! Kaya malamang marami nang nangyari! Pero base sa sinabi ni Coreen, mukha namang pumapasok pa si Wade sa school.

    Nagbago lang ang linya ni Coreen nang nagtatlong taon na ako dito.

    “Coreen! I missed you!” Sabi ko habang nag s-skype kaming dalawa.

    Mas tumaas ang buhok niya at nagkaroon ng konting highlights. Kulot parin ang dulo, as usual. Hindi tulad ng buhok kong masyadong straight at walang kabuhay-buhay. Bukod sa buhok niya, halos wala nang nagbago, except sa pagkakaroon niya ng aura ng isang ‘mature’ na babae. Naka puting spagetti strap lang siya at may konting lipstick sa labi niya. Hindi naman ako naninibago kasi maagang nag ayos itong si Coreen.

    “My goodness, Reina! Talaga palang nakakaganda ang tubig sa abroad! Look at you!”

    Nanliit ang mga mata ko sa inasta niya. She looks so damn sexy but… still the same.

    “Dalhan mo ako ng isang timba ng tubig pagkarating mo dito.” Tumawa siya. “Naiisip ko tuloy baka ma hold ka sa embassy dahil nagdadala ka ng timba ng tubig. Wait a minute… pwede ba yun? Pwede bang magdala ng tubig?”
    “What a question? Ilang buwan tayong hindi nakakapagskype, yan na ang pambungad mo sakin?”
    Humagalpak siya sa tawa.
    “Anyway, kumusta?”
    “Eto, ganun parin. Noah’s girl!” Pumikit siya at nilagay ang dalawang palad sa bibig habang parang kinukuryenteng nanginig.
    “Oh my God!” Umirap ako.

    That’s like…. Napabilang ako sa mga daliri ko.

    “20 freaking years of love! My God! Move on din pag may time!” Sabi ko.
    “I’m not like you, Reina.” Umirap siya at nanisay ulit sa kilig. “Anyway, 10 years pa lang no! Highschool pa lang akong nagsimulang magkagusto sa kanya. Or grade 5? I forgot! Basta, siya yung first and only love ko!”
    “Ano? Umuusad na ba?”
    She pouted, “Ganun parin. Deadma.”
    “What the? Really?”

    Bulag na talaga yata ang kapatid ko.

    “Anyway, sabi niya sakin may boyfriend ka daw diyan… Si Liam?” Tumawa na naman siya.
    “Sabi mo deadma! Bakit kayo nag usap?”

    Nanisay ulit siya sa kilig. Okay. Darn it. I think wala akong mapapala sa pag uusap naming ito.

    “Okay, Liam’s not my boyfriend. Palagi lang kaming magkasama.”
    “Ay hindi, boyfriend mo siya. Lalaking kaibigan. Ikaw naman masyadong assuming.” Humagalpak ulit siya sa tawa.

    Ang bangag naman ng babaeng ito. Nanliit ulit ang mga mata ko at sinubukang suklayin ang buhok ko gamit ang kamay ko.

    “OMG! Sobrang ganda mo!”

    Nakita kong lumapit talaga siya sa screen para tignan akong mabuti.

    “As in! Alam mo yung sobrang ganda mo talaga? Kamukha mo na si Rozen… Soft version. Oh my Gosh! I think girl crush na kita!”

    Umusok ang pisngi ko.

    “Umuwi ka na dito! Gusto na kitang makita sa personal!”
    “I don’t know, Coreen. Siguro isang taon pa.”
    Ngumisi siya, “Kahit na sabihin ko sayong…” Mas lalong lumaki ang ngisi niya.
    “ANO?”
    “Chaka lang! Sige na! Bye na pls! Catch up with you later-“
    “Huy! Ang iksi naman ng-“

    Pinutol na niya. That shizzy girl! Nangati tuloy ang kamay kong makapag Facebook at i-check si Wade. Ano ba ito! Tatlong taon na napaparanoid parin ako kay Wade.

    Pumikit ako at niclick yung sign up sa Facebook. Mabilis kong tinapos ang mga forms at sa wakas ay nagkaroon na ako ng account.

    Search… here we go… Wade Riv-

    “REINA!”

    Padabog kong naisarado ang laptop ko. Anakngputspa! Si Liam lang pala ang nanggugulat!

    Niyakap niya ako galing sa likuran.

    “Ano? Mag hahang-out ka na naman kasama ang laptop mo. Diba sabi ko sayo gusto ko sa ngayon ako lang muna?”

    Ngumuso siya at sinulyapan ang laptop ko. Niligpit ko agad ito.

    “Sorry, kasi talagang nag skype kami ni Coreen ngayon. Hindi ko naiwasan. Ang hirap niya kasing hagilapin kaya pinagbigyan ko na.”

    At kung alam ko lang na ganun lang kaiksi yung skype namin sana hinayaan ko na lang siyang kalawangin sa Pilipinas.

    Hinawakan ni Liam ang kamay ko at tinayo ako sa upuan ko. Ngumisi siya at dumapo ulit ang paningin ko sa dimple niya.

    “I know that’s your favorite part of me.” Sabay lagay niya sa kamay ko sa dimple niya.

    Napangiti ako. He’s always this sweet.

    “But you really need to get away from that laptop, ayokong nagdedesign ka sa araw natin. Ayoko ring may kasama kang iPad sa araw na ito…”
    Tumatango na ako, nasa gitna pa lang siya ng sinasabi niya. “I know…”
    “Despedida!” Tumawa siya. “Ugh! I’m gonna miss you, baby.”

    Hinalikan niya ang noo ko.

    Nung una niyang ginawa sakin ito, nabigla ako at naweirduhan dahil wala lang iyon sa kanya. Kalaunan, napagtanto kong sweet lang talaga siya at maaring nadala siya sa mga kaugalian ng mga pranses. I won’t blame him. Ilang beses na rin akong nahalikan ng mga kakilala kong French. Kahit na mismo yung bisexual kong mentor ay nahalikan na ako sa pisngi at labi. Nothing’s wrong with that here…

    Humalakhak siya, “You still have that look in your face.”
    “What?”

    Hinawakan ko ang pisngi ko.

    “Yung pagkakatulala mo pag hinahalikan kita.”
    “Hindi ah!”
    Nagpatuloy na lang siya sa paghalakhak at di na nakipagtalo sakin. Inakbayan niya ako habang naglalakad kami.

    “I’m really going to miss you. Make sure isang taon na lang ang itatagal niyan, ah? Sapat na naman siguro yung experience mo sa kamay ng Valentino, tsaka nag design ka na rin ng royal gown. You almost don’t need the degree. Pustahan tayo, pag uwi mo ng Pilipinas, dadagsa yung mga artistang magpapadesign ng gowns or suits sayo.”

    Napangiti ako.

    “Hindi naman.”
    “You should stay here. Mukhang mas malaki ang offer kung nandito ka, eh.”

    Napawi ang ngiti ko at natigil ako sa paglalakad.

    “Babalik ako.”
    Ngumisi siya at tumaas ang kilay, “Dahil ba babalik din ako?”
    Ngumiti ako, “Syempre, papanoorin kita. Take over Zeus, Liam.”

    It’s easy to fall in love with Liam but it’s so darn hard to forget Wade!

    Tumindig ang balahibo ko sa sinabi ko kay Liam.

    At oo, bumabangon ang banda nina Noah. Liam is taking over. Madali para sa kanya dahil walang standards na magpi-pressure sa kanya, kasi hindi niya nakita ang Zeus noong si Wade pa ang bokalista. I’ve seen their videos. Yes, he’s great. Almost as great as Wade. Yung tipong tinititigan ni Wade lahat ng audience at pinapatay niya sa ngiti. At pag pumikit na siya, napapapikit ka rin. Pag dinadama niya ang kanta, nadadama mo rin. It was darn easy for him to take over Zeus.

    Ngayong alaala na lang ang lahat nang iyon para sakin, bakit ganito parin ang tibok ng puso? Umaasa parin akong mapansin ako ng taong tinakwil ko noon pa? Ako yung nangarap pero sa huli ako rin yung sumuka. It’s all my fault.

    At nang lumapag ang eroplano sa Pilipinas, mas maaga ng isang linggo sa inasahan ng pamilya ko, ganun din ang naging linya ko sa puso ko.

    “I wish it was that easy to take over my heart, too.”

  • Kabanata 40Open or Close

    Kabanata 40
    Reunion!

    Ang laki naman ng luggage ko. Buti na lang isa lang yung dala ko. Iniwan ko yung ibang damit ko sa Paris. Sinigurado ko yung mga pangtrabaho kong kits. Gusto ko ngang dalhin yung electronic sewing machine ko pero nagpasya akong magpapabili na lang dito. Tsaka madalas hindi na ako yung tumatahi. Yung sa mga bigatin lang ako naka hands on.

    Hinahatak ko yung luggage ko at hinahawi ang magulong buhok. Palabas na ako ng NAIA at dahil matalino akong bata, naisipan kong isurprise ang mga kapatid ko, ni hindi ko alam yung numero ng kahit isa sa driver namin sa bahay kaya eto at maghihirap akong pumila para sa taxi.

    Ang init talaga dito sa Pilipinas. Pinaypayan ko ang sarili ko habang nakaabang ng taxi.

    Huminga ako ng malalim.

    “We are definitely breathing the same air right now…”

    Tumaas ng parang sa giraffe ang leeg ko sa kakatingin kung malapit na ba ako sa linya. Tinitignan ko rin yung mga nakapilang taxi at nakapilag pasahero. Nang sa wakas ay nakapasok na ako sa isang taxi, agad kong sinabi ang address ng bahay.

    I don’t freaking care if you want 1000 bucks para madala mo ako sa bahay, just step on the gas!

    Umirap ako at tumingin sa labas. Darn, I miss Manila. Lalong lalo na sa gabi. Yung mga nakikita mong liwanag sa bawat building. Ganun din naman sa Paris pero iba talaga ang amoy ng Manila. Anong amoy yun? Ewan ko. Haha!

    Habang napapangisi ako sa iniisip ko ay napalingon-lingon ako sa isang napakalaking billboard ng isang lalaking madramang nakataas ang dalawang kamay, topless, kita yung kili-kili. May tatto sa lower scapula niya, hindi ko maintindihan kung ano ang ibig sabihin non. Basta’y naglakbay yung paningin ko sa magandang hubog ng katawan niya.

    That… muscles. Nakababa yung jeans niya at kita ang underwear niyang ‘Calvin Klein’.

    Papalayo na kami sa billboard nang naisipan kong tignan ang mukha niya. Seryoso ito nakatitig sa bawat taong titingin din sa kanya. This is just about the biggest billboard I’ve ever seen right now-

    Napaupo ako ng maayos sa taxi at napahilig sa salamin. Nakatalikod na sakin ang billboard na iyon.

    “M-Manong, sino po yung nasa billboard?” Nanginig ang labi ko sa sariling tanong.

    Napalunok ako nang tatlong beses at hinintay ang isasagot ng driver. Napahawak ako sa dibdib na parang magkakaheart attack na.

    “Alin, miss?” Lumingon-lingon si manong sa ibang mga billboard.

    Tinigil niya ang taxi dahil sa traffic.

    Napaturo ako sa billboard na ngayon ay malayu-layo na samin.

    Ngumisi siya at umiling, “Ilang taon ka ba sa abroad? Pang apat na pasahero na kitang nagtanong kung sino iyon.”
    “H-Ho?”
    “Si Wade Rivas.”

    Putsapang walang hiyang Coreen! Hindi ko alam na nag momodelo na pala si Wade!

    “Modelo siya?” Tanong ko.

    Tumatalon talon na ang walang hiya kong puso.

    Umiling ang driver. “Oo. Hindi mo ba sila napanood? Nag world tour ata yung mga kabanda niya.”
    “HUH?”
    “Oo. Yung Going South?” Kumunot ang noo niya. “Hindi ba sila napunta sa Paris?”

    GOING SOUTH!? Yun yung bandang nag world tour na noon, diba?

    “I’m sure nagkakamali ka manong, hindi naman siya yung bokalista ng Going South!”
    Kumunot ulit ang noo niya, “Siya yun. Nag world tour sila bago lang. Kinukuha siyang endorser, dami kasi niyang fans.”

    Tuliro na ako at pinagpapawisan na ako ng malamig.

    “Manong, pake park ho sa isang ano kahit convenient store, bibili lang ako ng sim.”

    Hinayupak na surprise ito, ako pa yata ang nasorpresa!

    Mabilis ang takbo ko sa isnag convenient store at halos ipagtulakan ko ang mga taong nasa linya para lang mabili yung sim.

    “Kahit ano na basta yung may load.”

    Putek! Mabilis kong pinasok sa cellphone ko yung sim at natatarantang ni-dial ang numero ni Coreen.

    Mag aalas singko na at Sabado ngayon, hindi ako sigurado kung nasaan ang babaitang iyon. Nagtatrabaho ba yun ngayon? Ewan ko! Bahala na!

    “Hello?” Natatawa pa siya nang sinagot niya ang cellphone.
    “Coreen, si Reina ito.”
    “Ay, Reina!”

    Masyadong maingay sa background niya. At mukhang preoccupied din siya sa. Nararamdaman ko pa yung patalon-talon niya at humihiyaw pa siya kasama ang ibang babaeng baliw ding tulad niya. Mukhang hindi pa nga niya namamalayang hindi foreign ang number na ginamit ko.

    “Mamaya na tayong mag Skype, busy ako, bye-“
    “Anong busy? Asan ka?”
    “Nasa Studio. Pinapanood ko sina Noah at Liam, tumutugtog. Alam mo na, first time nila dito.”
    “Moon Records?”
    “Oo.”

    Naging mas lalong maingay at narinig kong umalingawngaw ang gitara ni Noah sa background. Sumigaw sigaw si Coreen kaya inilayo ko yung cellphone ko sa tainga.

    Pinatay ko na lang kasi mukhang wala siyang balak na patayin ito at gusto niya na lang marinig ko ang undying love niya para kay Noah sa pamamagitan ng pagsigaw!

    “Manong, Moon Records studio na lang po.”
    “Ha? Malayo pa yun dito, dagdag ka ng-“
    “Sige na po, oo, pakibilisan.”

    Shut up! Take my money!

    Nangatog ang binti ko nang naapakan ko ang naka tiles na hagdanan papasok sa Moon Records. Maraming tao at may naabutan pa akong mga fans na may dalang tarpaulin sa labas. Dumiretso ako sa guard, hinihila ko parin yung luggage ko.

    Linsyak na pusa! Bakit dala ko pa ito? Tinaas ko ang malaking aviators at malamig na tinanong ang guard…

    “Nasan sina Noah Elizalde?” Tanong ko.
    “Sinong Noah Elizalde?” Tanong niya pabalik sakin.

    Ni head to foot niya ako.

    “Anak ka ba ni Madame Alejandra?”

    Who the hell is Madame Alejandra?

    “Hindi. Si Noah Elizalde… Yung sa Zeus?” Atat kong tanong.
    “Sorry miss, hindi ko talaga kilala.”
    “Talaga? Wala bang Zeus dito?”

    Nagkamali ba si Coreen?

    “Ay maraming banda sa loob pero mga hindi kilala, pwedeng isa yung Zeus doon. Teka, tignan ko lang.” Sabay tingin niya sa log book.

    Pakibilisan manong!

    “Wala ka bang I.D.?” Tanong niya pagkatapos dumungaw sa log book.
    “Meron, ito.” Sabay lapag ng ID.

    Naiinip na talaga ako. Halos titigan ko na ang guard at nag imagine na bilisan niya ang pag poproseso ng mga documento.

    “Paki soot ito, miss tsaka iwan mo na lang yung bagahe mo sa may counter. May Noah Elizalde nga sa isang banda.” Nanliit ang mga mata niya. “Bawal magpapasok ng iba dito pero mukha ka namang disente at taga France ka pala?” Sabay tingin niya sa I.D. ko.

    Pucha! What’s taking this guard so long?

    Tumakbo ako papasok ng Moon Records. Ang dami kong nakasalubong. Isa doon si Hugo na nakipagbeso pa sakin kahit bakas na sa mukha ko ang pagmamadali at pagkakairita.

    “Reina Elizalde! What brings you here?”
    “Hugo, I have no time, I need to find Noah.” Sabi ko.
    “Noah?” Kumunot ang noo niya.

    Ang baklang ito ay kaklase ni Kuya Dashiel noong highschool kaya kilala ko. Ni head to foot niya ako at binigyan ng malaking ngiti.

    “Bakit naman mapapadpad si Noah dito? Kumusta ka na?”

    OH MY GOD! Can anyone just please get out of the way and just help me find Noah! Kung nasan si Noah, nandoon si Coreen. At gusto kong malaman kung ano yung mga nilihim ni Coreen sakin tungkol kay Wade dahil sigurado akong marami.

    And I darn get it, Noah’s band isn’t that popular yet.

    “I’m good.” Ngumisi ako at naging tuliro ulit.
    “Nagmamadali ka talaga, ah. Sige try mo dun sa pintong iyon. Maraming banda doon. Baka nandon si Noah. Ngayon ko lang nalaman. Sinusubukan ba nilang mag audition sa Moon? Hindi na kasi sila naghahanap ng ibang band pero binigyan ng pagkakataon ang ibang bands na mag auditon. Alam mo na, Going South craze. The Wade Sexy Rivas Craze. Sige, try mo dun. Teka lang… May aasikasuhin ako. Hanapin mo lang ako ah.” Mabilis siyang umalis at may inasikaso ng bigating artista.

    WADE SEXY RIVAS CRAZE?

    Tinignan ko ang pintuan at di na nagdalawang isip na sumugod doon at buong lakas na binuksan iyon. Tinanggal ako ang aviators ko dahil madilim sa loob. Konti lang ang ilaw at maraming tao.

    Huling parte ng instrumental sa isang kanta ni Liam ang naabutan ko.

    “Thank you!” Ani Liam sabay yuko sa audience.

    Nakita kong may pitong babaeng sigaw ng sigaw sa harapan. I’m sure, Coreen’s there. Pinasadahan ko ng tingin ang mga tao sa loob. May iba’t ibang banda nga ang nag a-audition dito. At sa harap, sa presidential table na nakaharap sa nag peperform sa stage ay limang lalaki at isang matandang babae.

    “I like it.” Sabi ng matandang babae.

    Naglakad ako papasok at papunta sa gitna. Nakaupo lang sa kani-kanilang upuan ang ibang banda. Parang Britain’s Got Talent ang nangyayari dito.

    “Thank you! Thank you!” Sabi ni Liam nang nakangiti.

    Tumango ang babae at unti-unti nang umalis sina Noah. Pero bago nakaalis si Liam ay nakita niya ako kaya napangisi siya ng malaki.

    “REINA!” Sa sobrang saya niya ay naisigaw niya ang pangalan ko.

    Ngumisi din ako sabay kaway sa kanya.

    Lumingon ang lahat sakin. Uminit ang pisngi ko dahil pati ang ibang banda ay napatingin sakin.

    “OMG! REINA!” Mas malakas na sigaw ni Coreen sabay talon-talon sa kinatatayuan niya. Ngumisi ako at kinawayan na rin siya. Pinasadahan ko ng tingin lahat ng banda doon, pitong banda yata ang bilang ko at puro sila nakatingin sakin. Maging ang nasa table harap sa stage ay napatingin sakin. Isang lalaki lang ang hindi tumitingin.

    Pinilig ng lalaki ang ulo niya. Para bang sinusubukan kung lalagutok ba yung leeg niya. Napahawak siya sa leeg niya at hinimas ito. From that black jacket, broad shoulders, that familiar hair, I knew who it is.

    At isa siya sa nag ju-judge kung papasa ba sina Noah. The tables were really turned, huh?

    Unti-unti siyang tumayo. Nakita ko sa gilid ng mga mata kong papunta na sina Coreen at Liam sakin pero ang buong atensyon ko ay nandoon parin sa pagtayo niya.

    Nung una, akala ko mag wo-walk out siya dahil galit parin siya sakin. Pero laking gulat ko nang pumihit siya at hinarap ako nang nakangiti.

    Tumindig ang balahibo ko. It was that usual smile… that leering smile… that evil smile… Yung ngiting pinapakita niya sakin noong binubully niya pa ako sa school.

    Napalunok ako. Naka move on na siya! Kasi kung ako ang nasa mga paa niya, hmag wo-walk out na ako.

    “Reina!” Sabay yakap at halik ng marami ni Liam sakin sa noo.

    Napatingin agad ako sa kanya at nakita kong humalukipkip siya at ngumiti lang habang pinapanood kami.

    “Reunion!?” Yun ang unang binanggit niyang salita. Humalakhak siya at tinapik ang likod ni Liam.
    “Reina, bakit ka andito? Diba sa susunod na linggo ka pa babalik?”

    Napatingin ako kay Noah na seryoso na ang mukha ngayon.

    “N-Napaaga.”
    “Wade, classmate kayo noon ni Reina diba? So magkakilala na kayo?”
    Tumango si Wade at tinitigan ako.

    Tumindig ang balahibo ko sa titig niya.

    “Kilalang kilala.” Ngumisi siya sakin.

    Shiz! Nakalimutan ko na yata kung paano ngumiti.

  • Kabanata 41Open or Close

    Kabanata 41

    No One

    I’ve heard their songs. Iba iyon sa mga kinakanta ni Wade noon. Ibang genre ang mga kanta ng Zeus sa Going South. Hindi ako makapaniwalang kaya niyang kantahin ang mga iyon kahit iba sa genre ng mga ginagawa niya.

    Nakangisi si Wade habang tinitignan ang isang lalaking kasama. Mukhang kasama niya yata sa Going South.

    “Uy, Reina! Kamusta?” Bati nina Warren sakin.

    “O-Okay lang.” Napatingin ako kay Noah na ngayon ay nakasimangot.

    “Reina, kakarating mo lang ba?” Tanong ni Noah sakin.

    “O-Oo.”

    “Bakit ka dumiretso dito?”

    Napalunok ako sabay tingin kay Coreen. Palihim siyang tumatango sabay turo sa sarili niya.

    “Hinanap ko kasi si Coreen. N-Nalaman kong nandito siya kaya…”

    Sumulyap si Noah kay Coreen bago bumaling ulit sakin.

    “Settle down muna kayo, I’ll just review the scores. Tsaka… Yung Zeus, pwedeng umupo na lang muna kayo kasi nasa gitna kayo, eh.” Masungit na sinabi nung matandang babae.

    Nakita kong bahagyang tumawa si Wade at tinalikuran kami.

    “Lika na, Reina!” Sabay hila ni Coreen sa braso ko.

    Imbes na isama niya ako kina Noah ay hinila niya ako patungong harap, kung saan nandoon ang mga babaeng baliw na hiyaw nang hiyaw kanina.

    “B-Bakit di mo sinabi sakin itong tungkol kay Wade?” Tanong ko kay Coreen habang nagsisigaw ang mga babaeng kasama namin.

    “diba break pa? Tugtog naman kayo, Going South kahit isang kanta lang! PLEASE!” Sigaw nila. “Sample! Sample! Sample!”

    Nadidistract ako sa hiyaw ng mga kasama namin pero nakatoon ang atensyon ko sa isasagot ni Coreen.

    “Kung hindi ka lang masyadong primitive, sana nalaman mo na nung papasikat pa lang sila. Visit din ng youtube pag may time at gumawa rin ng Facebook pag may time? Measuring tape lang yata ang laging kaharap mo sa France!” Umirap siya.

    “K-Kailan lang sila sumikat?”

    “Obviously, matagal ng sikat ang Going South kaso nag retire ang vocalist dahil inatupag yung pamilya niya 3 years ago at nabigla na lang akong bokalista na nila si Wade. Mas lalo silang sumikat. You know? I’ve been to their concert? Mga dalawang ulit siguro. Laging hysterical ang mga fans! May nahihimatay. At siguro tignan mo rin yung internet, baka makita mo kung gaano ka sikat yung apat na yan at lalo na si Wade.”

    “Nasalubong ko ang billboard niya papunta dito. It’s obvious na sikat siya.”

    Hindi na nakikinig si Coreen dahil kasama na siyang humiyaw nang nakitang umakyat sa stage ang tatlo sa mga kabanda ni Wade.

    Tumatawa sila habang pinagmamasdan kami dito.

    “Swerte natin! My gosh! Swerte natin!” Sabay palabas ng mga camera nila.

    Ako lang yata ang hindi gumagalaw dito. Nakanga-nga lang ako habang pinagmamasdang nag aayos ang mga kabanda ni Wade.

    “Iyan si Zac, yung may hawak ng gitara, tapos yung isang inaayos ang gitara ay si Austin, Tapos yung drummer nila, bago rin yan, si Adam, tapos siyempre yung vocalist si Wade.”

    Narealize ko nga kung paano sila makakapag cause ng hysteria sa mga babae. Lahat sila gwapo. Si Zac na mukhang half-foreigner, si Austin na chinito at mukhang suplado, Adam na mukhang anak naman ni Adonis, at si Wade na mala-diyos ang kagwapuhan. Gusto ko na lang matawa. He’s changed a lot. Sa aura at sa mukha. Kung noon ay magulo ang buhok niya, effortlessly, ngayon mukhang sinadya ng mejo magulo dahil alam ng kung sinong stylist niya na sobrang gwapo niya pag ganun. Para siyang laging bagong gising. At tuwing ngumingiti siya at bumabalandra yung dimple niya naririnig ko ang pagbubuntong hininga ng mga babae sa paligid ko. Maging ako napapabuntong hininga.

    Wala ng kahit anong mensahe si Wade nang kinuha niya ang microphone kay Zac. Nagtatawanan sila na para bang matagal ng magkakilala. Sa bagay, apat na taon din akong nawala at tatlong taon na siya sa banda.

    Nagsimula ang kanta sa pagsasabay ng dalawang guitar at ng drum… Ibang iba talaga ang genre.

    Napalingon ako sa likod at nakita kong naka video din ang iba.

    “Bagong kanta ‘to.” Ani Coreen sabay kuha na rin sa cellphone niya.

    Bumaling ako kay Wade na ngayon ay nakangisi sa mga babaeng kasama kong tumatalon at naghahyperventilate na. Hindi na maganda ang kuha ng mga camera nila dahil sa sobrang pagtatalon.

    Naitutulak ako ni Coreen at ng isang babae sa gilid ko dahil sa pagtatalon. Nakapirmi lang ako habang laglag ang panga at nakatingala sa kanya sa stage.

    “Since the moment I spotted you

    Like walking ’round with little wings on my shoes

    My stomach’s filled with the butterflies

    And it’s alright

    Bouncing round from cloud to cloud

    I got the feelin’ like I’m never gonna come down

    If I said I didn’t like it then you know I’d lied.”

    He can pull it off! Kahit na ibang genre sa kinakanta niya dati, kayang kaya niya. Sa bawat bigkas niya ng salita, mas lalong nagpapakita ang dimple niya. God! I miss that dimple so much! At ang boses niyang nakakakilabot. Para bang galing sa langit. Malamig at nakakapawi ng pangamba.

    “Every time I try to talk to you

    I get tongue-tied

    Turns out, everything I say to you

    Comes out wrong and never comes out right”

    Tumindig ang balahibo ko nang unti-unti siyang ngumisi sa gitna ng pagkanta. Mas lalong naging hysterical ang mga kasama ko. Maging si Coreen ay panay na ang talon sa ginawa ni Wade.

    Gusto ko na lang pag untugin ang ulo ko at ang mga pader dito. Kahit sa sahig gusto kong iuntog ang ulo ko. Nagsisisi ako. Nanghihinayang. Alam ko noon pa na hindi niya kailangan ang tulong ko para sumikat pero nung nalaman kong ginagamit niya ako, sinaktan ko siya. Masyado akong nagpadala sa emosyon ko. Masyado akong naloko sa takot ko. Masyado akong mahina.

    Naiiyak ako sa sobrang panghihinayang. For sure, hindi na ako mapapansin nito. Sa ginawa ko ba naman sa kanya? Hindi ko rin alam kung alin ang mas mabuti, yung tratuhin niya akong cold o yung ngitian niya lang ako na parang walang nangyari noon.

    Ako lang ba ang di nakamove on?

    Lumandas ang luha ko at agad ko naman itong pinunasan. Dahil basa ang mata ko, naging blurry ang paningin ko. Feeling ko, nasulyapan ako ni Wade. Kinusot ko yung mata ko sa kalagitnaan ng paghihiyaw ng mga babaeng kalinya ko.

    Nakita kong napawi ang ngiti ni Wade at pumikit na lang siya habang tinatapos ang kanta. May part doon na puro gitara muna, tumalikod si Wade at uminom ng tubig.

    “Every time I try to talk to you

    I get tongue-tied

    Turns out, everything I say to you

    Comes out wrong and never comes out right”

    Hindi na ulit siya ngumisi hanggang sa natapos ang kanta.

    “Wade Sexy Rivas! Face the camera please!”

    Pero tumalikod na siya at nilapag ang microphone.

    May sinabi siya kay Zac at tinapik niya ang likod nito. Tumango si Zac at biglang umalis si Wade. Sa backstage siya dumaan.

    “Ayyy! Bakit umalis? Errr! Si Adammm! AHHH! ADAM!” Sigaw ng mga babae sa tumatayong drummer.

    “Coreen, alis muna ako. Yung bagahe ko nasa labas, dadalhin ko lang sa bahay-“

    “Huh? Ba’t di ka na lang sumama-“

    Hindi ko na siya pinatapos. Tumakbo na ako palabas doon kahit tinatawag na ako ni Liam.

    Hindi na ako nagdalawang isip pang hanapin si Wade sa buong building. Dahil sikat siya, siguradong may sasakyan na siya. Pero uuwi na ba siya? O may lakad ba siya? Lalabas na ba siya ng buliding? Hindi ko alam basta dumiretso ako sa entrance para sabihin sa guard na kukunin ko na yung bagahe ko.

    Lintek! Dala-dala ko ito habang sinusuyod ang parking lot ng Moon Records.

    Walang tao. Kung walang security guard ng parking lot siguro magtatatakbo na ako sa kaba. Puro sasakyan lang kasi yung nandoon. Pero napatalon ako nang narinig kong tumunog ang isa sa sasakyan. Hinanap ko iyon.

    “Bullshit!” Malutong na pagmumura ni Wade sabay sipa sa gulong ng sasakyan niya.

    “Wade…” Nabasag ang boses ko.

    Nabigla siya at bumaling agad sakin.

    “Reina!” Ngumisi siya at kinagat ang labi. “Nandito ba sa parking lot na ito ang sasakyan mo?”

    Napatingin ako sa sasakyan niyang Benz. Putspa! Alam kong may sasakyan siya pero nakakapanibago.

    “W-Wala.”

    Ang mas nakakapagtaka ay ang trato niya sakin. Kumunot ang noo niya…

    “Anong hinahanap mo? Sasakyan ni Noah? Sasakyan ni Liam?” Tanong niya.

    Paano niya nagagawang normal ang lahat gayung manghang-mangha parin ako sa kanya. Hindi pa maproseso ng sistema ko ang pagmaterialize niya sa harapan ko.

    “Reina?” Mas lalong nagkasalubong ang kilay niya.

    Masyado ata akong tumitig.

    “I-Ikaw ang hinahanap ko.” Sabi ko.

    Bumuka yung bibig niya na para bang may sasabihin pero tinikom niya ito agad at nakita ko na naman ang dimple niya. Suminghap siya at tinignan ako ng diretso…

    “Bakit?”

    Matindi at nakakabinging katahimikan ang bumalot saming dalawa. Nanghihina na ako. Nabitiwan ko na ang bagahe ko sa sobrang panghihina. Dinig na dinig ko ang tunog ng puso kong ilang taon ko nang di narinig. I can’t find the right words…

    “S-Sa nangyari noon. I’m sorry. Yung pagtataboy ko-“

    “Ah! Yun lang ba? It’s okay, Reina. Wala na yun sakin. It’s been years…”

    Kumirot ang puso ko.

    “S-Sorry kasi sinaktan kita-“

    “It’s okay, Reina. Hindi mo na kailangang mag apologize, matagal na iyon at nakalimutan ko na.”

    Natigilan ako. Hindi ko alam kung bakit masyadong kumirot ang puso ko sa sinabi niya. Unti-unting nag bara ang lalamunan ko. Kahit sino naman siguro gugustuhing makalimot sa mga sinabi ko sa kanya noon. Hindi ko mapigilan ang paglandas ulit ng luha ko. Nalaglag ang panga niya nang nakita niya ito. Nanigas siya sa kinatatayuan niya. Pinunasan ko agad iyon. Gusto kong mag sorry ulit pero hindi ako makapagsalita nang di humihikbi. Pinaypayan ko na lang ang sarili ko at naghintay na humupa yung sakit na nararamdaman ko.

    Humakbang siya palapit sakin. Intense ang bawat hakbang niya. Gusto kong umatras pero hindi ko ginawa.

    Inilapit niya ang mukha niya sakin. Doon ko nakita diretso ang mga mata niyang nag aalab. Hindi ko alam kung bakit masyadong intense at mabigat ang pagtitig niya sakin.

    “Don’t cry as if you haven’t moved on, Reina.” Bulong niya.

    Imbes na sabihin ko sa kanyang hindi pa ako nakakamove on, mas lalo akong binalot ng sakit at kirot. Mas lalong dumami ang luha ko. Kaya naman umiling na lang ako. Umatras siya sakin.

    Ginulo niya ang buhok niya at narinig ko ang pabulong na pagmumura niya.

    “Wade?” May biglang tumawag sa kanya galing sa likuran.

    Narinig ko ulit ang isa pang mura bago siya pumihit at tumalikod sakin.

    “Johnny!” Tumawa siya dito.

    “Sino yang kasama mo?” Sabay silip nung Johnny na tinawag niya sakin.

    “Wala.”

    “Uy! Scoop ba ito!?”

    Agad kong pinunasan ang luha ko. Nakita ko ang t-shirt ni Johnny at mukhang isa siyang reporter o writer ng isang magazine! May “Yes!” kasi doon.

    “Hindi, Johnny.”

    “Kung ganun, ba’t mo tinatago?”

    Hindi ko pa nga tuluyang napunasan ang luha ko ay umalis na si Wade sa kinatatayuan niya at ipinakita ako kay Johnny.

    “Reina Elizalde, yung designer na anak ng mga Elizalde. You know her?”

    “Ah!” Ni head to foot ako ni Johnny.

    I’m sure pula pa ang ilong ko kahit napunasan ko na ang luiha ko.

    “Magpapagawa ako ng suit, para sa Awards. She’s just my designer.” Nagkibit balikat si Wade.

    Alam kong ginawa niya lang iyong excuse para wala siyang maging issue. Syempre, ma he-heartbroken ang fans niya pag nalamang may girlfriend siya. Wait? So ibig sabihin wala siyang girlfriend?

    “Uy! Yung isa sa mga anak ng Elizalde? Wow! Akala ko susunod na linggo ka pa babalik?”

    Umiling ako, “Napaaga eh.” Sabi ko sabay sulyap kay Wade na agad nag iwas ng tingin sakin.

    “See, Johnny? Just no one…”

    Yeah. Just no one…

  • Kabanata 42Open or Close

    Kabanata 42
    Hindi Kaya

    “Okay, Wade. Whatever. Itext mo ako pag nagkagirlfriend ka na ah nang magkascoop naman ako sayo.”
    Tumawa si Wade at umiling habang papaalis si Johnny.

    Nakatayo parin ako sa harapan niya at nakatunganga sa malaking pagbabago niya sa pisikal at pag uugali. Bumaling siya sakin at napawi ang ngisi niya.

    Ngayon lang ako na conscious sa itsura ko ng ganito. Hindi ko na alam kung ano pa ang sasabihin ko. Tapos na akong mag sorry. Sinabi niya na rin saking wala na sa kanya iyon at nakalimutan niya na. Mabuti. Mabuti dahil nalimot niya na ang ginawa ko pero ang tanong ko ay may feelings pa ba siya sakin? Malamang wala na! Kahit na gusto kong magtanong, hindi ko magawa.

    “Ano pa ang gusto mong sabihin sakin, Reina?”

    Walang katapusan ang naramdaman kong kirot. Hindi ko alam kung talagang harsh ba yung mga sinasabi niya o dahil lang ito sa pagiging guilty ko.

    “Wala na tayong magagawa sa nangyari noon, Reina. Mag move on na lang tayo. Sorry din kung pinagplanuhan kong gamitin ka. Tapos na iyon. We we’re teenagers. Kung nag kunware ka noon, well then, that’s too bad.” Nagkibit-balikat siya.

    Aalma na sana ako sa sinabi niyang pagkukunwari ko. Na mali yung mga sinabi ko noon. Pero bago ko pa maibuka ang bibig ko para magsalita.

    “Oh, Andito na yung french mong boyfriend.” Tumingin siya sa likod ko.

    Napatalon ako at napatingin na rin sa likod ko. Nakita kong half-running si Liam papunta samin.

    “Reina!?” Tawag niya kahit malayo pa siya.

    “He’s not my boyfriend, Wade.” Sabi ko.
    “Oh! Isa ba yan sa pagbabago mo? Akala ko ba sa mundo mo, hindi naghahalikan ang magkakaibigan, bakit ngayon naghahalikan na? Yan ba ang natutunan mo sa apat na taon sa ibang bansa?”

    Magsasalita na sana ako at sasagutin siya pero…

    “Liam!” Tawag niya sabay highfive kay Liam na nasa likod ko na.

    Nilunok ko na lang ang mga salitang sasabihin ko sana.

    “Bakit ka nandito, Reina?” Tanong niya sabay pamaywang saming dalawa ni Wade.
    “Ah! Kinausap ko siya para sa pagdedesign sana ng suit ko-“
    “WHOA!” Malaki ang ngisi ni Liam sakin.

    Umamba siyang yayakapin ako.

    “Your first job over in the Philippines, Reina! Amazing! Big time agad!”
    Narinig ko ang pagtawa ni Wade kaya napatingin ako sa kanya.

    Nakatitig siya sakin gamit ang sarcastic niyang mga mata at ngiti. Magaspang ang ugali nitong si Wade pag naiinis siya kaya malamang ay inis na inis parin siya sakin dahil sa nangyari noon. Pero pag nasa harap kami ng ibang tao ay iba yung ipinapakita niya. Nakikipagplastikan siya.

    Napawi ang ngiti niya nang mahigpit akong niyakap ni Liam. Nag iwas siya ng tingin kaya napatingin ako kay Liam.

    “Congratulations, Reina! Magpapaparty tayo mamaya sa inyo? I’m sure your mom and dad will be happy about this! Biruin mo, unang tapak mo pa lang sa Pilipinas-“
    “Hey, can I go now? Sige ah? See you around, Liam.”

    Pagkalingon ko kay Wade ay sumakay na siya sa sasakyan niya at maingay na pinaharurot ito palabas ng parking lot.

    Natahimik kaming dalawa ni Liam habang tinitignan ang paglabas ng Mercedes Benz niyang two-seater.

    “Nagmamadali si Wade, baka may lakad, pero basta, Reina ah, mamaya, party!”
    “H-Huh? I-I’m not even sure kung totoo yung sinabi ni Wade.”
    “Bakit naman hindi? Sinabi niya diba? Edi totoo!”

    Natigilan ako sa sinabi ni Liam. For some reason, may naaalala akong mga sinabi ni Wade na hindi ko pinaniwalaan noon. At panama masyado yung sinabi ni Liam.

    Tulala ako sa sasakyan ni Noah. Papunta na kami ng bahay. Maraming nangyari kanina kaya hindi ko maproseso ang lahat. Maraming sinabi si Coreen saking hindi pa pumapasok sa utak ko at marami akong nalaman tungkol kay Wade na nagpabagabag sakin.

    Tamad na nag da-drive si Noah pabalik ng bahay. Hindi siya nag sasalita, as usual kaya ako na mismo ang nag tanong sa kanya.

    “You okay?” Tanong ko.
    “Dapat ako yung nagtatanong sayo niyan. Are you okay?” Sumulyap siya nang nakangiti pero malungkot ang ngiti niya.
    Umiling ako at nakita ang sarili kong repleksyon sa mukha niya, we are alike in so many ways, “Okay lang naman.”
    “Alam kong di mo alam yung mga pagbabago kay Wade. And I know your history with him… Nag away din kami noon dahil sa pag alis niya pero we’re cool now. Are you cool with him?”

    Ewan ko! Pag may tao, maganda naman siyang makitungo sakin pero pag kaming dalawa para niya akong pinapatay sa sindak!

    “I… I think so… Uh, niyaya niya akong mag design ng suit niya.”

    Natahimik si Noah at tumingin na lang sa kalsada. Ilang sandali pa bago siya nagsalita ulit.

    “Tinanggap mo ba?”
    “Uh, hindi niya naman ako tinanong talaga. Bigla niya lang sinabi.”
    “You should be cool with him, Reina. Kasi kung hindi, ibig sabihin di ka pa nakakamove on. I heard sinupalpal mo pa siya noon ng masasakit na salita.”
    “Noah, I’m cool with him, alright!?”
    Ngumisi siya, “Buti. Kasi maging si Rozen ay kaibigan na niya. He’s moved on… You should, too.”

    Ito na talaga ang pinaka matinding rebelasyong natamo ko ngayon. Hindi ko na natikom ang nakaawang kong bibig hanggang sa nakauwi na kami ng bahay. Milya-milya na ang layo ng panga ko dahil sa pagkakalaglag nito.

    “OKAY NA SI WADE AT ROZEN?” Tanong ko kay Noah nang papasok na kami sa bahay.
    “Yes, Reina.” Nagkibit balikat siya.
    “B-Bakit? P-Paano?”
    “I don’t know… Bigla na lang silang naging okay. Naka move on na si Rozen, at ganun rin si Wade. Magbibihis lang ako, I’m exhausted.”

    Pinagmasdan ko na lang siyang dumiretso sa taas at sa kwarto niya. THAT’S BULLSHIT! THAT ASSHOLE! WHERE THE FREAKING HELL IS ROZEN?

    “Reina…” Tumatawang demonyo si Rozen nang dumating sa bahay pagkatapos ng dalawang oras kong paghihintay.

    Nabati na ako nina mommy at daddy at naghahanda na ng pagkain para sa welcome celebration ko.

    Gusto kong magmura at pagsasampalin siya dahil ngayon ako pa ang nagmukhang kalaban… ako lang mag isa… kasi si Rozen dapat yung evil dito dahil siya ang nagtulak sakin sa sitwasyon noon pero bakit ngayon iniwan niya akong mag isa sa desisyon.

    “Oh ano?” Lumayo siya nang nakangisi nang sinugod ko siya.

    Nakita ko sa likod niya ang kararating kong bestfriend.

    Pinagsasapak ko si Rozen. Tumatawa lang siya na parang baliw. Ako naman dito, inis na inis!

    “Leche ka! Leche! Leche!”
    “Seriously, what is your problem! Pagkabalik mo dito, iyan agad ang isasalubong mo sakin?”
    “Leche!” Hiningal ako sa pagsasapak sa kanya.
    “Welcome home!” Tumawa ulit siya. “Nabalitaan ko rin na may offer ka agad sa pag dedesign! What an amazing come back, Reina!”

    OH MY GOD! SOBRANG GUSTO KONG TUMAWA AT UMIYAK! GUSTO KONG MAGLUPASAY SA IYAK DITO SAMING SAHIG. Gusto kong guluhin ang buhok ko, sabunutan ang sarili at magmukhang si Sisa.

    “Invite your friends, Reina. Sa pool tayo mamaya kakain, diba?”

    Naka facepalm na lang ako at umupo sa sofa. I need to calm my self.

    “Reina?” Tawag ni Coreen. “You okay?”

    Hindi ako makapagsalita dahil baka mamura ko lang si Rozen sa galit.

    “By the way…” Sabay hawak ni Rozen sa magkabilang balikat ko. “Inimbitahan ko nga pala ang unang kliyente mo, of course, your first offer wouldn’t be possible without him…”

    Nag e-echo gamit ang demonyong boses sa utak ko ang sinabi ni Rozen…

    “of course… of course… of course… your first offer wouldn’t be possible without him… your first offer wouldn’t be possible without him…”

    “PUTA SINONG INIMBITAHAN MO, ROZEN?”

    Halos makalmot ko na siya sa inis pero nakangisi siyang umatras at nailagan niya ang mga kuko ko.

    “Sino pa bang kliyente mo? Edi si Wade Rivas.”

    OH MY GOD! I THINK I’M GONNA BE A CRIMINAL!

    Naligo ako at nagbihis. Nanginig ang paa ko habang pinapanood ang sarili kong buhok na bino-blow dry ni Coreen.

    Isa pa ang isang ito, walang sinabi sakin kaya windang ako pagbalik ko dito! BUSHET! BUSHET NA BUHAY!

    “Ano ba, Reina! What’s with your face! Stop being so grumpy. Ano bang nagawa ng mga tao at bakit mukha kang bwiset sa lahat?”

    ANO? HINDI KO ALAM! HINDING HINDI KO ALAM KUNG ANONG GINAWA NIYO AT BAKIT BWISIT NA BWISIT AKO!

    Pero nang papatuyo na ang buhok ko, unti-unti kong narealize kung ilang taon na ang nagdaan. Maaring sa loob ng apat na taon na iyon, maraming nangyari sa buhay nila na hindi ko alam. Naka move on na sila. Totally. Ako lang ang hindi. Ako lang ang panay ang panghihinayang. Kahit nasa malayo ako, ako pa ang hindi naka move on. At silang mga narito, sila pa yung agad nakalimot.

    Ako lang naman pala… Ako lang mag isa. Tinulak ako ni Rozen na ayawan si Wade noon pero ako parin ang nag desisyon sa huli. Kahit naramdaman ko at alam kong mahal ako ni Wade noon, mas inuna ko ang pride ko. Kaya ngayon, ako lang ang mag isang tumatamasa sa mga kahibangang ito.

    “Reina, come here!” Sabay kaway kaway ni Liam sa niset up na mga table malapit sa pool namin.

    God, I can feel the butterflies in my stomach. Kasi hindi naman gaanong maraming tao pero may isang tao akong nakikita sa gilid ng mga mata ko. Nakaupo lang siya doon at nakatingin sakin. Hindi ko siya magawang sulyapan kasi baka mas lalong mangatog ang mga binti ko.

    Sinuyod ko ang tatlong table (skipping Wade). Nandoon sina Warren, Joey, Rozen, Coreen, Noah, Liam, at may apat na babaeng hindi ko kilala. I guess they’re Rozen’s friends. Dalawa sa babaeng iyon ay nasa table ni Wade. Yung other two naman ay nasa table ni Warren at Joey.

    “Whoa! Reina! You look so good!” Tumayo si Warren at niyakap ako. “Kanina ko pa gustong sabihin sayo ito. Ang ganda mo na talaga. Ang laki ng pinagbago mo!” Tumawa siya.
    “Oo nga, Reina! Baka sakaling pwede kang maging stylist ko?” Biro ni Joey.

    Ngumisi na lang ako sa mga biro nila.

    “Mahal si Reina, guys.” Tumawa si Liam. “Mahal yan kasi experienced. Kaya naman saka na pag bigtime na tayo tulad ni Wade.”

    Napatingin ako kay Wade na nakangisi at nakikinig sa mga kwento ng dalawang babae. Kumunot ang noo ko. Pinalaki ko na lang ang tainga ko para pakinggan ang kwentuhan nila.

    “Ano bang type mong babae at bakit wala ka pang girlfriend?”

    Naka tube top tsaka mini skirt lang yung babaeng nagsasalita. Yung isa naman ay naka pants pero may cleavage namang ipinapakita.

    “Reina…” Nag snap si Coreen sa harap ko.
    “A-Ano?”
    “Kumain ka na. Eto oh, kumuha na ako ng pagkain. Party mo pa naman ito.” Sabay pakita sa pinggan niyang puno ng pagkain.
    “Ah! Ako na ang kumuha sa pagkain niya. Here, Reina.” Sabi ni Liam ng nakangiti.
    “Thanks, Liam!” Ngumisi ako at tinignan ang pinggan na puno ng tamang pagkain.
    “Ikaw talaga! Presence of mind naman diyan. Mukhang kanina ka pa tuliro? Jetlag?” Tumawa siya.
    “Uh, mejo. I’m still exhausted.”
    “Ganun din ako noon. Tsaka iba kasi talaga ang klima dito. Sarap tuloy bumalik ng France. Hindi mo ba na mi-miss yung pa coffee shop coffee shop natin at ang magagandang tanawin. Puro kasi pulosyon dito, alam mo na.”
    “Of course, na mi-miss din.”
    “Na alala mo ba yung tumatambay tayo lagi sa tapat ng lake? Tapos ginuguhit mo ako?” Tumawa siya.
    “Uy! Magaling gumuhit ng portrait si Reina.” Singit ni Warren.
    “Alam ko, dude. Marami siyang ginuhit na mukha ko eh. Obsessed yata ito sakin.”

    Namutla ako sa pinagsasabi ni Liam. Nararamdaman at nakikita ko ang pagtitig ni Wade sa gilid ng mga mata ko pero di ko na lang siya nilingon. Marahan ko na lang na kinain yung pagkain ko at pinakinggan si Liam.

    “Syempre, kaming dalawa lang lagi magkasama doon.”
    “Talaga? Saan kayo tumatambay pag weekends?”
    “Minsan, sa condo niya o sa condo ko. Madalas sa labas, sa coffee shops, sa tapat ng lake. Ganun.”
    “Talaga, Reina?” Nabigla ako sa tanong ni Wade.

    Halos mailuwa ko yung kinakain ko. Napainom ako ng tubig. Nanahimik sina Warren at Joey. Alam kong kahit di nila sinasabi ay alam nila kung anong nangyari noon.

    “Oo, Wade. Nanonood kami ng movies sa condo. Tsaka pinagluluto niya rin ako. Minsan, natutulog kasi boring. Para nga kaming mag asawa nito!” Ngumisi si Liam at inakbayan ako.

    Nakita kong pumula ang pisngi ni Wade pero nakangiti siya. I can really feel something about his smile. It isn’t genuine, I’m sure. Pero ayokong umasang naiinis o nagseselos siya.

    “Mahilig talaga si Reinang tumambay sa bahay ano? Kasi noon, tumatambay din siya sa apartment ko kaya lang… hindi namin kayang matulog.”

    Napaawang ang bibig ni Liam sabay tingin sakin.

    SHIT! Nag iwas ako ng tingin at nagdasal na sana matapos na lang ito.

  • Kabanata 43Open or Close

    Kabanata 43
    Bagay Sa Buhay Mo

    “Uh! Shot?” Sabay wagayway ni Warren sa isang bote ng beer.

    Binigyan niya sina Wade at Joey. Thank you so much, Warren! Nabaling sa ibang subject ang atensyon nila.

    Unti-unti akong bumalik sa pagkain ko. Pero habang sinusubo ko yung pagkain ay sumulyap ako kay Wade. Nakita kong palihim din siyang tumitingin sakin kaya agad akong nag iwas ng tingin.

    “Hindi ko alam na madalas ka pala kina Wade, Reina.” Pabulong na sinabi ni Liam sakin.

    Namutla ako.

    Narinig ko rin ang, “Tsss!” Ni Wade kaya napatingin ako sa kanya at naabutan kong umiinom siya ng beer at tumatawa sa sinasabi ng dalawang babae sa tabi niya. Bumaling ulit ako kay Liam.

    “Nagre-review kami noon para sa subject namin. Weak talaga kasi ako pagdating sa acads.”
    Tumango siya pero nakita ko parin ang pagtataka sa mukha niya. “Close pala kayo? Di ko alam yun. Mukhang di mo naman siya nabanggit, ah? Akala ko ako lang yung lalaking close mo.”
    Umiling ako, “H-Hindi. Uhm, hindi naman talaga close.” Napatingin ako kay Wade at nakita kong tulala siyang nakatitig sa beer niya kahit nagsasalita ng nakakatuwa yung isang babae.
    “So? Ako lang yung close mong lalaki?” Ngumisi si Liam at inakbayan ulit ako.
    Lumayo ako ng konti at nginitian siya, “Syempre, ano ka ba!” Tumawa ako sa reaksyon niyang pag pu-puppy eyes sakin.

    “Huy, Liam. Ano na yan? Pinopormahan mo na ba si Reina?” Saway ni Rozen sa paakbay-akbay ni Liam sakin.
    “Haha! Dude, matagal na! Hindi mo ba alam?” Tumawa si Liam.
    Uminit ang pisngi ko, “Ikaw talaga! Bolero!”
    “Totoo ba yan, Reina?” Tumaas ang kilay ni Rozen sakin.
    Mas lalong uminit ang pisngi ko gayung nakabaling na silang lahat sakin, “Heh! Ewan ko sayo!” Sabay sapak ko kay Liam.
    “Uy! Noon ko pa kaya sinabi sayong manliligaw ako! Ayaw mo lang maniwala! Ito talaga! Sa sobrang close namin, di na siya naniniwala sakin. Akala niya nagbibiro ako!”

    Humagalpak sa tawa sina Warren at Joey. At oo, 2 years ago, sinabi ni Liam sakin na gusto niya raw ako. Nagpaalam siyang manliligaw sakin pero hindi ako naniniwala. Masyadong imposible. Alam kong nadala lang siya sa mga magulang namin. Kung iniendorse ng mga magulang ko si Liam sakin, mas lalo naman akong iniendorse ng mga magulang niya sa kanya. Siguro ay nadala lang siya doon. Wala din siyang gaanong close sa Paris, ako lang ang laging nakakasama niya.

    “Nakoo… Ganyan talaga si Reina, hindi yan madaling nag titiwala.” Singit ni Wade sabay inom ng beer.
    “Alam ko yun, Wade.” Sabi ni Liam. “Kaya nga naghihintay parin ako ngayon hanggang sa maniwala siya.”

    Napalunok ako. Is this serious? My Gosh!

    “Ang swerte naman ni Reina kay Liam!” Sabi ng isang babae sa table nina Warren.
    “UYYYY!” Pagbibiro ng mga babae sabay tawa.
    “Kayo talaga, wag nga kayong ganyan.”
    “Oo nga naman, diba, Liam? Since halos ipagkasundo na kayo ng mga magulang niyo, hindi mo na kailangang mag madali.” Singit ni Coreen nang naka evil smile.

    Lumaki ang mata ko at nag eye to eye contact kaming dalawa. Hindi yata nakarating sa kanya ang gusto kong ipaabot na mensahe kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita.

    “Kasi may negosyo sina Liam, negosyo niyo mga Elizalde. Pag nagkataon, pwedeng mag merge, diba?”
    “Oo nga!” Sinegundahan pa talaga ni Rozen! “All the best for the only girl of our family.” Kinindatan niya ako.

    Nakipag highfive pa si Liam kay Rozen at kay Coreen.

    “Tsk! Salamat talaga! Ang babait niyo talaga. Nilalakad niyo ako.” Sinapak ko ang braso ni Liam nang bumalik siya sa tabi ko.
    “Ikaw talaga, palabiro!”
    Ngumisi lang siya at tinitigan ako.

    Tumingin ako sa kutsara ng pinggan ko at dahan-dahan kong nilingon si Wade. Nakita kong kumukuyom yung panga niya habang tinitignan ang beer sa harapan. Badtrip ba siya? Parang kinikiliti ang tiyan ko sa iniisip kong pagkakabadtrip niya. Badtrip ba siya dahil sa mga sinasabi ni Liam? May feelings pa ba siya sakin? Pero sinabi niyang nakamove on na siya, hindi ba?

    “Reina, you’re not a teenager anymore. Pwede ka ng mag boyfriend. Mas maganda naman sigurong sa kilalang lalaki ka mapunta. Itong si Liam, matino naman at kilala na namin kaya…” Nagkibit-balikat siya. “Pwede.” Tumango pa si Rozen.
    “Isa ka pa, Rozen.” Nanliit ang mga mata ko.

    Nagtawanan sila pero nangibabaw ang tanong ng babae sa table ni Wade.

    “Ikaw, Wade? Daming nalilink sayo, ah? Yung model, si Sarah, yung vocalist, at si Shan. Sino ba talaga? Tsaka wala ka pang naging girlfriend sa tatlong taon mo sa industriya. Yung hula sa mga tabloid may non showbiz girlfriend ka daw at pangalan niya yung tattoo mo.”
    Humalakhak si Wade at umiling sa babae.

    I WANT TO KNOW!

    “Alam mo yung bagong kanta ng anong banda ba yun, Warren?” Tanong ni Rozen.

    LECHE! NANANADYA PA TALAGA ITONG SI ROZEN! Nakikinig ako dito sa usapan pero sumisingit siya para maiwala yung kwento. Humilig ako palapit sa table nang mas marinig ko. Sana tumahimik minsan si Rozen lalo na pag wrong timing.

    “Wala naman, ah.” Sabi ni Wade.
    “Weh! Showbiz ka masyadong sumagot! Grabe! Eh kasi nakita daw yung model na pumasok sa condo mo. May picture na kumalat sa internet. Swerte naman! Tapos nagkataon pa na nung na picturan, diba, sa araw na iyon, umiyak si Shan. Kaya pinaulanan ng hate at mga bash yung model.”
    “Uy! Kawawa si Zoey sa mga iyon, ah!” Singit ni Joey. “Nabasa ko yung bash sa Youtube. Kahit wala naman talagang inaamin si Shan na may namamagitan sa inyo, nag assume na agad ang fans na meron at si Zoey yung dahilan ng break up.”

    ZOEY! She’s freaking alive!

    “Z-ZOEY?”

    Wade clenched his jaw again. Napatingin ako sa tatlong walang kwentang tao sa buhay ko, namely: Rozen, Noah, and Coreen. Yumuko silang tatlo na para bang walang narinig galing sakin. Kaya imbes na sila ang pagdiskitahan ko ay bumaling ako sa babaeng kumakausap kay Wade.

    “Sinong Zoey? Zoey Santiago?” Tanong ko.
    “Oo. Yung model na si Zoey. May picture kasi na pumunta si Zoey sa condo ni Wade kaya ayun… Daming hate na natanggap. Ano ba kasing meron sa inyo ni Zoey?”
    “Wala talaga. Sa picture na iyon, hindi lang naman si Zoey, diba? Kasama niya noon ang manager ng Going South tsaka si Adam. Inedit lang yun at ginawang siya lang mag isa. Tsss. Media.”

    ZOEY IS A FREAKING MODEL! Sa bagay! Inaamin kong maganda naman talaga siya at matangkad kaya bagay sa kanya iyon. Pero hindi ako makapaniwalang hindi ko yun alam.

    “Pero ang tanong ay bakit umiyak si Shan?”
    Uminom si Wade ng beer at nagkibit-balikat, “No comment.” Untag niya.

    Parang kinurot ang puso ko sa sinabi niya. Napalunok-lunok ako at napayuko. Gusto ko pang magtanong pero natatakot akong baka pumiyok ang boses ko sa konting sakit na naramdaman ko sa dibdib ko. He’s keeping secrets… Hindi naman sa alam ko ang lahat ng sekreto niya noon, kasi noon pa man, misteryoso na talaga siya. Pero ngayon… alam mo yung feeling na gusto mong malaman kung ano pa ba ang sekreto niya pero wala kang karapatang mag tanong?

    I should google this one. Kung kaya niyang itanggi na hindi si Zoey, bakit hindi niya kayang klaruhin ang namamagitan sa kanila ni Shan?

    Isa pa… Wade is a playboy. Hindi ako naniniwalang nakaya niyang mabuhay sa loob ng apat na taon na walang… walang na ikama. I’m sure meron. Kahit isa. Pero imposibleng isa lang.

    “Reina, want some?” Sabay abot ni Liam sakin ng isnag beer.

    Umiling ako at tumayo.

    “Oh, saan ka?” Hinawakan niya ang kamay ko.
    “Ah… May kukunin lang ako sa kwarto.” Pagsisinungaling ko.

    Kahit sa totoo lang, mag go-google ako. Hindi na kasi talaga ako makatiis. Nagmadali akong pumunta sa kwarto at kinuha ang iPad.

    Napunta ako sa iba’t-ibang sites at hindi ako makapaniwalang sobrang naging trending pala ito. Bakit kasi hindi ko naisipang i google ang Wade Rivas? Nakita ko rin doon ang isang clip sa the buzz na umiiyak si Shan Melendez, isang sikat na TV host at artista na nalilink kay Wade Rivas. Nagkakilala diumano si Shan Melendez at Wade Rivas sa isang exclusive interview niya sa Going South.

    “No comment…” Sabay hagulhol.

    Maganda si Shan. Maputi at perpekto ang features ng mukha niya. Natural na mapupungay ang mga mata niya at kulay brown ang buhok, mukhang may dugong foreign. Matagal na siyang sikat pero ngayon lang ako nagkaroon ng curiousity sa profile niya. Kasing edad kami at naka ilang pose na siya sa FHM. Maraming nagpapantasya sa kanyang lalaki at patay na patay maging ang mga babae sa kanya.

    “A-Ayoko lang mag bigay ng kumento muna. Let’s just wait. It’s still a shock to me. Akala ko kasi wala na…” Sabay hagulhol.

    Putek! Pwedeng sabihin niyo na lang ang totoo bakit paliguy-ligoy ang mga natatanggap ko sa mga video na ito? Ano bang meron sa inyo ni Wade? Hindi naman pwedeng tanungin ko siya ng diretso, diba?

    “Wade… kayo ba nitong Shan?”

    OH MY GOD! Kinagat ko ang labi ko sabay hanap ulit ng video. Nakita kong nakapagmodel pala si Zoey sa Fashion Week na siyang magiging first event ko. Binigyan na kasi ako ng puwang para makapag design doon gamit ang mga koneksyon ng pamilya ko. Ibig sabihin, may chance na magkita kami doon.

    Nakita ko rin doon ang iba pang artistang nalink kay Wade. May isang teen idol pang may teleserye ang nag hayag na ultimate crush niya si Wade Rivas ng Going South dahil gwapo, mabait at misteryoso daw. Pinaulanan naman ng bash ng mga fans sa comment boxes.

    “Back off, Julia! Laslas ka na! Sana mamatay ka! Wag mong sirain ang Relasyon ng WadeSha!”
    “Burn in Hell B1tch!”

    Ang harsh ng mga kabataan ngayon. Kawawang Julia.

    May nakita pa akong video clips na scenes ni Shan sa isang movie niya at pinag tagpi-tagpi ito sa mga scenes ng interview at concert ni Wade. Ang ganda ng pagkakaedit. Yung title ay, “The Rock God and I.”

    ANONG KAHIBANGAN ITO? Hindi ko namalayang kanina pa pala kumikirot yung puso ko sa kakapanood nitong mga video na mukha silang magkasama. Paano pa kaya pag nakita ko na? Dahil pareho silang ayaw mag kumento, mas nagiging palaisipan sa madla yung tungkol sa kanila. Mas lalong naging mysterious. Mas lalong naging masakit para sakin. Parang hindi ako makapaniwalang pupula ang pisngi ni Wade para sa ibang babae. May sasabihan siyang, ‘baguhan’. May dinala siya sa Alegria na ibang babae at ipinakilala sa pamilya niya. I can’t… I can’t breathe.

    Sumakit ang likod ko sa kakapanood at kaka search ng tungkol sa kanila. At unti-unti ko na lang narealize na tatlong oras ko na pala silang naiwan doon. Nagmadali akong bumalik sa pool side. Napansin kong nandoon pa sila except kay Rozen at Coreen. Mejo may tama na si Warren kasi tawa siya nang tawa habang nag gigitara si Liam. Si Noah naman ay nakapikit na at nakasandal sa upuan. Mukhang tulog na yata. Yung mga babae naman ay tumitili na at pinapanood sina Liam at Warren na tumutugtog. Si Wade ay nakahawak lang sa labi niya at tinititigan ang pagbabalik ko. Lumakas agad yung tibok ng puso ko. Sa mga titig niya kasi, pakiramdam ko, alam niya kung anong ginawa ko kanina. Alam niyang nag research ako tungkol sa kanya. Tagos sa kaluluwa ko ang titig niya. Para bang binabasa niya ang utak ko na parang libro.

    Ayan tuloy, mejo naapektuhan ang paglalakad ko. Magaan at nangangatog ang binti ko sa paglalakad.

    “Nasan si Coreen?” Tanong ko kay Liam.
    “Ah! Nakabalik ka na pala! Saan ka galing?” Binigay ni Liam ang gitara kay Joey at naglahad siya ng kamay sakin.

    Napalunok ako. Noon, sa Paris, tuwing ganito si Liam, hinahayaan ko lang naman, pero ngayong nandito na ako at nasa harapan kami ni Wade, parang hindi ko kaya.

    HIndi ko inabot ang kamay ko kaya siya na mismo ang humablot dito.

    “Sa kwarto.” Pasimple kong sinabi at pinaupo niya ako sa upuan.

    Mapupungay na ang mga mata niya. Mukhang inaantok at may tama na rin. Itinuro niya sakin ang dalawang bote ng Bacardi.

    “Naalala mo yan?” Humalakhak siya.
    “N-Naubos niyo yan?”

    Kaya naman pala mukhang lasing na lasing na sila.

    “Oo. Naalala mo noong sa Paris?”

    Napatingin ako kay Wade na ngayon ay iniinom ang isang shot nito.

    “Yung natumba tayong dalawa pagkatapos nating inumin ang isang bote niyan… tapos…” Tumawa si Liam habang pinaglalaruan ang buhok ko. “Tapos…” Hindi niya matapos tapos ang kwento niya dahil sa pagtawa niya.

    Umiling ako at natawa na rin.

    Yun yung pagkakatanggap ko ng offer sa royal gown na gagawin. Nag celebrate kaming dalawa at natumba kami sa labas ng isang bar at pinagalitan kami ng Police.

    “Uy! Censored ba yan? Mukhang may nag aalab ng scene pagkatapos niyong matumba, ah?” Tumawa ang isang babae.

    Nanlaki ang mga mata ko at agad itong dumapo kay Wade na ngayon ay tulala na.

    “Liam, hindi ka pa ba aalis?” Mariing tanong ni Wade.
    “H-Huh?” Natatawa parin si Liam nang bumaling siya kay Wade.
    “Gabi na tsaka mejo lasing ka na, baka kailangan mo ng umuwi, Warren?” Bumaling si Wade kay Warren.
    “Si Wade naman, masyadong KJ.” Sabi ng isa pang lasing na babae na ngayon ay nakakapit sa braso ni Wade at naglalambing.

    Tumayo si Wade at Warren.

    “Oo nga, ‘tol. Ihatid na natin itong si Liam baka pagalitan pa tayo ng mga magulang nito.”
    Tumawa si Liam nang wala sa sarili, “Pwede namang dito ako matulog, eh.”

    He’s really really drunk. Naka pikit na ang mga mata niya at pumipiyok na ang boses niya.

    Umiling si Wade at sinubukang patayuin si LIam.

    “Diba, Reina? I can sleep in your room-“
    “Shut up. Asa!” Galit na sambit ni Wade nang inalalayan si Liam pag tayo.
    “Huh?” Sabi ni Liam nang wala sa sarili.

    Humalakhak si Warren at tumingin sakin. Pareho nilang inalalayan si Liam sa pagtayo. Alam mo yung feeling na ayaw ko na lang gumalaw dito sa kinauupuan ko? Na parang gusto ko na lang dumikit dito sa sobrang saya. Nanghihina yung buong katawan ko at di maalis ang titig ko sa mukha ni Wade na seryosong-seryoso.

    “Joey, kayo na lang maghatid kay Liam. Isama mo na rin itong mga babae ni Rozen.” Utos ni Wade kina Warren at Joey.

    Kinusot ni Noah ang mga mata niya at tumingin siya sa tabi niya.

    “Nasan si Coreen?” Yun ang unang tanong niya.

    Pero hindi na siya nag hintay ng sagot. Kinusot niya na lang ulit ang mga mata niya at bumaling kina Warren at Joey na inalalayan si Liam.

    “Uwi na kayo?” Tumayo siya at sinundan sina Warren at Joey.

    “Wade, tayo na!” Sigaw nung babae.
    “Susunod ako!” Sigaw ni Wade.

    Nakatayo siya sa likod ko. Gusto kong tumayo para tignan kung maayos bang nakasakay sa sasakyan si Liam pero nanginginig ang mga binti ko at di ako makagalaw.

    “Bye, Reina!!!” Sigaw nung dalawang babae at kumaway pa.
    “Bye!” Ngumiti ako at kumaway na rin.

    “Tapos, Reina, anong nangyari?” Malamig niyang sinabi nang tuluyan nang nawala sina Warren sa paningin ko.
    “Huh, anong sinasabi mo Wade?”

    Nanginginig na naman ang labi ko. Hindi dahil maginaw na…

    Tumayo ako at hinarap siya nang nakakunot ang noo.

    “Pagkatapos niyong matumba ni Liam, anong nangyari sa inyo?”
    Nanliit ang mga mata ko sa tanong niya, “B-Bakit pa yun importante sayo?”

    Tumaas ang kilay niya at nakita kong unti-unting pumula ang pisngi niya. at hindi iyon dahil sa alak…

    “Nahuli kami n-ng police… pinagalitan kami… Wait a minute, bakit kailangan mo ng explanation?”

    Mas lalong naningkit ang mga mata ko.

    “You’re still in love with me, Wade.”

    Napaatras siya sa sinabi ko.

    “Ako parin ang laman ng puso mo. Hanggang ngayon.” Sabi ko sabay turo sa dibdib niya. “Diba, Wade?”

    Hindi siya nagsalita. Hinawakan niya lang ang labi ko. It sent shivers down my spine. Dahil sa panginginig at kiliting naramdaman ko sa kamay niya, napapikit ako. Dahan-dahan niyang pinaglakbay ang kamay niya galing sa labi ko papuntang ilong…

    Humakbang ako papalapit sa kanya. I can feel him. His heat. I can almost hear his heart. Bahagya siyang tumigil dahil sa paglapit ko pero pinagpatuloy niya ang paghaplos sa mukha ko. Hinaplos niya ang bridge ng ilong ko, ang mga mata ko, ang tainga ko… Naramdaman ko ang pagtindig ng balahibo ko sa mga haplos niya.

    I know… I know… ito yung pakiramdam ng hinahaplos niya ako. At siya lang ang makakagawa nito sa sistema ko. Siya lang. Wala ng iba. Yung tiping haplos niya pa lang, nanghihina na ako. Mabuti na lang at naka pikit ako kaya di niya makikita ang namumuong luha ko. God knows how much I miss you. Pero nasaktan kita. Alam kong mahirap magtiwala ulit sakin ngayong pinaniwala kitang nagkunwari lang ako na mahal kita noon. Iniwan kita na wasak at walang mapuntahan.

    Hinaplos niya ang leeg ko, dahan dahan. Wala akong pakealam kung makita niya at maramdaman niya ang paninindig ng balahibo ko.

    Hindi pa ako nakakamove-on, Wade. Ikaw parin.

    Dalawang kamay na ang pinagsabay niya sa paghahaplos ng balikat ko, braso, kamay, tumigil siya sa paghaplos sa baywang ko. Para bang ninanamnam niya yung pag materialize ko sa harapan niya.

    Binaba niya sa baywang ko ang magkabilang kamay niya.

    Narinig ko ang mabilis na paghinga niya.

    “It’s still you, to me, Wade.” Pumiyok ang boses ko.

    Hindi ko na maiwasan ang pag hikbi ko. Binawi niya ang kamay niya kaya unti-unti akong dumilat. Nakita kong pula ang mga mata niya at pinasadahan niya ng mga palad ang kanyang buhok. He licked his lips. Huminga siya ng malalim bago bumaling sakin.

    “Iniwan mo ako noon at pinaniwalang kunwari lang ang lahat. Hindi ako naniwala… alam mo yun? Hindi… Hindi… Mahal ako ni Reina. Sinabi mo sakin, eh. Hindi pwedeng kunwari lang yun. Pero iniwan mo ako, puta, iniwan mo ako sa ere at ngayon magbabalik kang may kasamang iba. Naghahalikan kayo sa harapan ko. Nagagawa mo na yun ngayon? Samantalang noon? Nakaw na sandali lang ang para satin kasi ayaw ng pamilya mo sakin?” Tumataas ang tono ng boses niya.
    Umiling ako at hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya kaya pabalik-balik ko siyang pinaulanan nang, “Sorry… Wade… I’m sorry…”
    “PUTANG SORRY NA YAN, REINA! ANG HINA HINA MO TALAGA! NAIINIS AKO SAYO! ANG HINA MO! KAYA AYAN, PAG HINAHALIKAN KA, OKAY LANG!? WALA KA BANG BOSES DIYAN PARA TUMANGGI KUNG AYAW MO?”
    “Wade, Sorry.” Sabi ko. “Bata pa ako noon. Hindi ko pa alam-“
    “Bata ka pa noon? BAKIT NGAYON NAGPAPAHALIK KA PARIN KAY LIAM? KAYO NA BA? MAY NANGYARI NA BA? NAKUHA NIYA NA BA YUNG ININGATAN KONG VIRGINITY MO NOON? DAMN! KUNG ALAM KO LANG NA IIWAN MO RIN AKO, SANA TINULOY KO NA LANG YUNG NANGYARI SA WAIG PARA MAHIYA KA NAMANG IBIGAY YAN SA IBA!”

    Tinulak ko siya. Nanghihina ako sa sinabi niya. Humikbi na lang ako. Nakita kong sarcastic siyang ngumisi. He is really scaring the sh1t out of me… para bang sobra sobra ang galit niya sakin.

    “What? I’m a jerk kasi plano kong lokohin ka noon? Come on, Reina. Sampalin mo ako!” Paghahamon niya. Nakalahad pa ang braso niya na para bang naghihintay ng sampal sakin. “Sinong naloko ngayon? Ha? Diba ako? Sa huli? Ako yung naiwan!” Lumapit siya sakin kaya tinulak ko.
    “Tumigil ka na, Wade! Nagsisisi na ako! Nasaktan din ako sa nangyari!”
    “Leaving is better than being left, Reina. Ngayon, hindi pwedeng pupulutin mo na lang akong bigla dahil bagay na ako sa buhay mo! Hindi pwede!” Tinalikuran niya ako at nakita kong pinasusuntok niya ang pader namin.

    Tinakpan ko na lang ang bibig ko sa hagulhol. I know… It’s my fault. Ako yung nang iwan. At galit na galit siya.

  • Kabanata 44Open or Close

    Kabanata 44
    Sukatan

    Nakatingala ako sa ilaw sa kwarto ko pagkagising ko sa sumunod na araw. Namumugto ang mga mata ko sa pag iyak kagabi. Puyat ako kasi hindi ako agad nakatulog sa kakaisip sa mga sinabi ni Wade sakin. He’s so hurt. Nasaktan din naman ako pero mas nasaktan ko siya dahil sa mga sinabi ko sa kanya at sa pag iwan ko sa kanya.

    Mapapatawad niya pa kaya ako? Sa mga sinabi niya sakin kagabi, mukhang hindi eh. Para siyang sumabog na bulkan sa galit niyang ipinakita kagabi. Maibabalik pa ba namin yung dati? At kung hindi man, sana mapatawad niya na lang ako.

    May lumandas na luha na naman sa mata ko. Ang hapdi-hapdi na nito sa kakaiyak ko kagabi.

    “Ma’am.” Sigaw ni manang at kumatok sa kwarto ko.

    Madali kong pinunasan ang luha ko at inayos ang sarili.

    “Po?”

    Binuksan ko ang pintuan para salubungin si Manang. Nakita kong may bitbit siyang telepono.

    “Tumawag yung manager ni Mr. Rivas. Ang sabi puntahan mo raw si Wade sa kanyang condo para masukatan ng suit niya.”

    Nalaglag ang panga ko at kinuha agad ang telepono sa kamay niya.

    “Hello?”

    Pero walang sumagot.

    “Wala na po… Kanina pa siya tumawag. Binaba niya na. Ngayon lang kasi kita nagising.”

    Lumingon-lingon ako sa pag-aakalang nasa Paris pa ako at condo ko pa ito. Walang wall clock sa tapat ko, Oo nga pala, nasa bahay na ako!

    “Anong oras ako pupunta at anong oras na?”
    “Ang sabi eh mamaya pang alas tres. Alas dose pa lang ngayon.”
    “Okay po, salamat. May address ba ng condo ni Wade, manang.”

    Inabot ni manang ang address ng condo ni Wade. Nanlaki ang mga mata ko nang nakitang sa last floor ito ng isang sikat na pangmayamang condo. Dinaig pa si kuya Dashiel!

    “Sige po, thank you!”

    Nagmadali akong maligo at magbihis. Kaya’t eto, 1:30PM pa lang ay ready na ako. Naaasiwa naman ako sa damit ko ngayon. Mejo nakalimutan kong nasa Manila na nga pala ako. Pero sige na nga, pagbigyan, since sa fashion industry naman ako papasok, mas mabuti kung mejo nasa trend yung soot ko.

    Nagdala ako ng mga designs, portfolio, measuring tape at kung anu-ano pa. Siguro, pagkatapos kung pumunta sa condo ni Wade, ibibigay ko itong portfolio kay Hugo para masali ako sa Fashion Week.

    Nilagay ko ang mga iyon sa front seat ng BMW ko. Yes, after four years, buhay pa itong sasakyan ko. Inalagaang mabuti ni Noah kahit hindi niya naman ito ginagamit ay parating chinicheck at minimaintain ang makina.

    Sana wag masiraan. Oh, well. Pinaandar ko iyon at mukha namang ayos ang tunog ng makina.

    Traffic naman kaya siguro pagdating ko doon, alas tres na. Ilang sandali ang nakalipas ay nabigla ako dahil nasa tapat na ako ng Towers na tinitirhan ni Wade.

    “Big time, Rivas.” Bulong ko sa sarili ko.

    Papasok na ako sa underground parking nang biglang tumunog ang cellphone ko.

    “Hello?”
    “Reina!” Pambungad ni Liam.
    “Yes?”
    “Ugh! Kakagising ko lang. Ang sakit ng ulo ko. Ikaw? Kanina ka pa gising? May hang over yata ako.”
    Humalakhak ako, “Oo. Lasing na lasing ka kagabi.”
    “Wala nga akong maalala eh. Ewan ko.” Tumawa siya.
    “Naku! Uminom ka na lang ng mainit na sabaw para bumuti pakiramdam mo…”
    “Puntahan mo naman ako dito sa bahay. Ipagluto mo ako, pretty please?” Malambing niyang sinabi.
    “Ha? Eh… Papunta ako dito kina Wade.”
    “Ha? Bakit?”
    “Diba, gagawan ko siya ng suit.”
    “Matatagalan ka ba diyan?”
    “Hindi naman. Siguro mga 30 minutes. Tapos pupunta pa ako sa opisina nina Hugo sa Makati para ibigay sa kanya itong portfolio.”
    “Talaga? Ginamit mo yung sasakyan mo?”
    “Oo.”
    “Bakit di mo sinabi!? Sana ako yung nag drive. O etong sasakyan ko ang gamitin natin. Matagal na yang di nagagamit ang sayo, baka masiraan yan.”
    “Hindi. Okay lang naman siya.”

    Nag break ako kasi nakahanap na ng parking space.

    “Talaga? Itext mo ako pagkatapos diyan ah?”
    “Okay… Pahinga ka na lang muna. May hang over ka pa eh.” Tumawa ako.
    “Okay, I love you, baby.”

    Natigilan ako sa sinabi niya. I know he’s affectionate. Ito ang unang pagkakataong sinabi niya ito sakin. Siguro ay narinig niya so Noah, Rozen o di kaya ay si Coreen na nagsasabi sakin nito.

    “I love you, din.” Sagot ko sabay putol ng linya.

    Huminga ako ng malalim bago pinulot ang mga gamit ko sa tabing upuan. I’m sure he wasn’t serious about that.

    Pinilig ko ang ulo ko. I’m sure wala lang yun, diba? Okay. Lumabas ako ng sasakyan ko at nagmadali ng pumunta sa elevator.

    Pinindot ko ang pinakahuling floor bago yung helipad sa taas ng building. Nang nakarating na ako sa floor na yun, nanginginig na naman ang buong sistema ko. Nararamdaman ko na ang presensya ni Wade kahit konting lakad pa bago makarating sa unit niya.

    Tumigil ako sa tapat ng pintuan niya. Pareho kong kinatok at pinindot yung bell sa pintuan niya.

    Mejo matagal yung pagsagot. Ano kaya ang meron? Kaya hayaan, muntik na akong atakehin sa sobrang tagal ng pagbukas.

    Malakas akong kumatok at pinindot-pindot ang bell.

    “Yesss?” Sabay bukas ng isang lalaking kulay green ang mga mata.

    Nakangisi siya at topless. May cross na necklace siya at naglahad siya ng kamay sakin.

    “Zac.”
    Napalunok ako, ngayon ko lang naalala. Ito ay isa sa mga kabanda ni Wade sa Going South. “Uhmmm. Reina.”

    Nagkibit balikat siya.

    “I know you! You’re the girl from Moon Records! Yung biglang pumasok?”

    Nilakihan niya pa ang bukas ng pintuan kaya mas lalo kong nakita ang katawan niya. I don’t want to look.

    “Who’s there, Zac?” Dinig ko yung tawag ni Wade galing sa loob.
    “Uh, oo. Ako yun. Uhm, nandito ba si Wade?”
    “Ahh! Puro naman kayo Wade mga babae. Pwedeng ako muna?” Humalakhak si Zac sabay halukipkip sa harap ko.

    Mas lalong na define ang muscles niya sa braso. Kinagat ko ang labi ko sabay tingin sa mga dala ko.

    “Ako kasi yung mag de-design sa suit niya-“
    “WHAT? Pwedeng ako rin, pa design?”
    “ZAC! SINONG NANDYAN?” Sigaw ni Wade galing sa loob.

    May nakita akong lalaking lumabas galing yata sa room kung nasaan si Wade, nakita kong may soot siyang damit at napanganga siya nang nakita ako.

    “Zac, papasukin mo.” Sabi nun.
    “Wag kang makealam dito, Adam. See? She’s drooling over me.” Sabi ko.
    “I’m n-not.” Nag iwas ako ng tingin sa katawan niya.
    “Sinong nandyan?” Naaninaw ko ang topless na katawan ni Wade.

    MY GOD! Pinagpawisan ako ng maiinit. Kanina pa nakabalandra ang katawan nitong si Zac pero sa katawan ako ni Wade pinagpawisan ng ganito! Napanganga din siya nang nakita ako.

    “It’s not yet three, Reina!” Galit niyang sinabi sakin.

    Napatingin ako sa relo ko. 2:15. Di ba pwedeng maaga? My gosh! Nagkamali pa yata ako.

    “Come one, Wade. Don’t be rude to this pretty lady. Ano naman ngayon kung maaga siya, diba? We can chitchat first hanggang mag alas tres.” Sabi ni Zac.
    “Dude, Shut up.” Humakbang si Wade papalapit sakin at hinagis niya kay Zac ang isang damit.
    “What the fvck?” Sigaw ni Zac.
    “Wear that and go home.”
    “Pero di pa tayo tapos sa practice, Wade ah?” Sabi ng isa pang lalaki.
    “N-Nag papractice pala kayo? A-A-Aalis na lang ako. B-Babalik na lang ako mamaya.”

    Tumalikod ako sa kahihiyan pero nagawa niyang hilain ang kamay ko. Napatingin ako sa kamay niyang nasa kamay ko at agad niya naman itong binitawan. Nilagay niya ito sa likod niya at nakita kong kinuyom niya ang kamay na ito.

    “U-Umupo ka muna.” Sabay turo sa isang sofa.

    Bumaling siya sa mga kabanda niya.

    “Umuwi na nga kayo.” Aniya.
    “You suck, Wade! Sige na, Adam. Tutal may asawa ka na naman, ikaw na ang magligpit doon kasi busy pa ako dito sa pakikipag usap sa kay Miss Ganda.” Umupo si Zac sa tabi ko.

    Nanigas ako na parang timang sa sofa. Nakakuyom ang dalawang kamay kong nakapatong sa lap. I’ve been living with three freaking boys for more than 2 decades pero ngayon lang ako naaasiwa ng ganito.

    Isa-isa ko silang tinignan. Nakahalukipkip ang isang chinito doon sa pintuan ng mukhang music room kung saan sila nag papractice. Yung isa naman ay nagliligpit ng gamit. Si Wade ay nasa harapan ko at nakatitig sa lalaking nasa tabi kong si Zac.

    “So, saan ka ba nag aral ng design?” Tanong niya sakin.

    Mas lalo siyang lumapit sakin. Buti na lang at nakadamit na siya ngayon.

    “Zac!” Untag ni Wade.

    Dinig na dinig ko ang pabalik-balik na buntong hininga ni Wade.

    “S-Sa France.”
    “Whoa! I’m half German. Pinoy ang nanay ko at dito na sa Manila ako lumaki. Alam mo yun? Magkakasundo pala tayo nito since you have some foreign background.”

    Uminit ang pisngi ko. Kasabay nito ang pananapak ni Wade kay Zac.

    “Dude, umalis ka na. Wag kang magkalat dito.”

    Nanliit ang mga mata ni Zac kay Wade.

    “Anong problema mo? Dati naman pinapaubaya mo ang mga babae samin, ah? Kahit nga si Shan, diba?”
    “DUDE, WILL YOU JUST SHUT UP!” Galit na sigaw ni Wade.

    Napatayo agad si Zac sa pagkabigla sa sigaw ni Wade.

    “Okay… Okay… Easy… Makaalis na nga. Ang high blood mo, ah. Tsss.”

    Ngumisi si Zac sakin sabay kaway-kaway at pa cute.

    “Bye, Miss Ganda! Alis na kami. Padesign din sana ako ng suit… May calling card ka ba?” Tanong niya.

    Nataranta ako sa pag hahanap ng calling card sa loob ng bag ko.

    “W-Wala… Hindi ko yata nadala… Uhm… Ilalagay ko na lang sa isang p-papel.” Naghanap ako ng papel.
    “Wag na, Reina, ako na ang magbibigay ng numero mo.” Sabi ni Wade.
    “H-Huh? Okay.” Sabi ko at tumigil sa pagkakataranta.

    “Teka lang, ah, Wade? Pwedeng ako rin, pa design.” Singit nung Adam habang binibigay ang ibang gamit sa chinitong nakatayo lang at nakangiti.

    Wade clenched his jaw.

    “Okay.” Simpleng sagot niya kay Adam.
    “Okay. Miss, pwedeng sukat lang muna ngayon. Wala pa rin kasi akong napipiling designer. Sukatan mo lang ako, tsaka na ako pipili ng design?”
    “O-Okay.” Tumayo agad ako at kinuha yung tape measure sa mga gamit ko.

    “Ako rin?” Sabi ni Zac.
    “Not you, Zac.”
    “What? W-What?”

    Hindi ko na alam kung anong bulungan ang nangyari sa kanila ni Wade kasi tinalikuran ko na sila para sukatan si Adam.

    Una kong sinukat ang balikat ni Adam. Kinuha ko lahat ng stat niya sa upper extremities. Nahirapan nga ako kasi hindi ko alam kung anong design kaya hindi rin ako sigurado kung tama ba yung mga kinukuha kong sukat.

    Sinukat ko yung lower extremities niya…

    “Reina, kailangan ba t-talaga ng ganyan?” Sabi ni Wade nang nilagay ko na ang kamay ko sa lower belly button ni Adam para sukatan ang slacks.
    “WHOA! Swerteng unggoy!” Sigaw ni Zac. “Tayo na nga, Austin! Favoritism itong si Wade.”

    Unti-unti kong sinoot yung tape measure sa gitna ng hita niya.

    “Ako na nga, Reina!” Sigaw ni Wade at hinablot sa kamay ko yung tape measure.
    “H-Huh? S-Sorry.” Tinignan ko siya, hindi siya makatingin sakin. “Pwede namang ako lang. Sanay naman ako.”

    Masama ang tingin ni Wade sakin habang sinusoot niya kay Adam yung tape measure. Kaya imbis na magsalita ako ay kinuha ko na lang ang nakuhang sukat ni Wade.

    Pagkatapos nun, siya na mismo ang nagsukat kay Adam sa slacks.

    Bumuntong-hininga siya nang umalis na sila at panay ang correction ko sa mga isinulat ko sa notebook. Sana kasi ako yung sumukat para mas sigurado. Bakit pa kasi kinuha ni Wade ang tape measure, ayan tuloy. Baka magkamali pa ako nito! Oh my gosh! Mawawala na yung pangarap ko sa Fashion Week.

    Nakatingin parin ako sa notebook ko at nakatayo sa harap ng isang table nang naramdaman ko ang paghakbang ni Wade sa likod ko.

    That familiar heat… Ngayon ko lang naalala na nakatopless pala siya. Nanigas ako at unti-unting natigilan sa ginagawa kong pag co-correction ng mga sukat.

    Mas lalo pa siyang lumapit. Ramdam ko na ang hininga niya sa ulo ko. Mainit na ang likod ko at halos maligo na ako sa pawis kahit aircon. Nanghina ang mga binti ko. Yung tipong bibigay na ito, anytime.

    “Ako naman ang sukatan mo, Reina.” Malamig niyang sinabi sakin.

    Napapikit ako at naalala ko yung mga panahong niyayakap niya ako sa likuran. Yung pag upo ko sa gitna ng hita niya. Yung pakiramdam ko tuwing malapit kaming dalawa… it was this feeling. I missed it so much…

    “Gusto ko ng tamang sukat. Yung fit. Yung malapit sa katawan ko…”

    Hindi ko alam kung makakaya ko ba ito. Bibigay na yata ako.

  • Kabanata 45Open or Close

    Kabanata 45
    Napunit

    Unti-unti akong lumingon sa kanya. Kahit naka heels ako, hanggang leeg niya lang ang eye level ko. Syempre, hindi naman ako matangkad tulad ni Coreen.

    Pumihit ako para harapin siya. Napapikit ako sa sobrang bangong naamoy ko galing sa katawan niya. Pinilig ko ang ulo ko para matauhan ako at nagsimulang hanapin ang dulo ng tape measure.

    “Tatayo lang ba ako dito?” Sabay lahad niya sa dalawang braso niya.

    Hindi, Wade, pwede ring habang sinusukatan kita hahalikan mo yung leeg ko. SHIZ! At dahil sa mahalay kong pag iisip, pumula yung pisngi ko. Nakita kong tinikom niya ang bibig niya kahit na mukhang may sasabihin pa dapat siya.

    Nataranta ako sa paglalagay ng thumb ko sa dulo ng balikat niya. Nanginginig kasi ako tuwing nakikitang nasa harap ko yung heat-inducing abs niya. Pag tinititigan mo, hindi mo ma mamalayang nakaawang na pala ang bibig mo at tumutulo na yung laway mo.

    Akala ko makakatakas na ako sa mainit niyang katawan gayung nasa likod niya na ako, but damn I was so wrong. Kahit yung muscles niya sa likod, nakkaapang init. Yung tipong likod pa lang, puputok na yung mga garter ng underwear mo. My gulay!

    Pagewang-gewang ang sulat kamay ko sa notebook. Yung batok naman ngayon hanggang lower back.

    Nakita kong nilagutok niya na naman ang leeg niya. Tumingala siya at naghintay sa susunod kong gagawin.

    “Humarap ka, Wade.” Sabi ko.

    Dahan-dahan siyang humarap nang naka bahagi ang dalawang binti niya. Ngumuso ako at pinunasan ang pawis sa noo. Kaya ko ito!

    Tinapos ko yung mga kukunin sa upper extremities, like yung sa may kili-kili, sa wrist, sa braso, sa leeg hanggang lower abdominal muscles.

    That abs! Shiz! Hindi ako pwedeng mapanganga na lang bigla dito kasi pinapanood niya ako sa ginagawa ko kaya iniwasan ko ang pag titig doon. Napansin ko yung tattoo niya sa lower clavicle.

    Kung siguro v-neck yung soot niyang t-shirt, makikita ang dulo ng tattoong ito. Curly lines lang naman. Tatlong weird curly lines na hindi ko alam kung ano.

    “Nice tats.” Sabi ko at lumuhod sa harap niya para sukatan naman ang pants niya.

    Una kong kinuha yung sa hips, tapos sa gilid, tapos sa tuhod, tapos yung malapit sa paa, at nang nakarating na ako doon sa ibaba ng belly button niya, nanginig pa lalo ang kamay ko.

    Inalog ko ang kamay ko para mapigilan sa panginginig. Marahan kong ibinaon yung thumb ko sa, uh, gitna ng V-line niya. Bumibilis na ang pintig ng puso ko at paghinga ko. Gusto kong tumingala para tignan kung anong reaksyon niya pero baka mahimatay ako. Dahan-dahan kong ipinasok sa gitna ng mga hita niya yung tapemeasure.

    Napalunok ako at bigla niyang tinulak yung nakabaon kong thumb pababa. Napatayo ako nang nanlalaki ang mga mata. I FREAKING FELT HIS THING!

    “Wade! B-Bakit mo ginawa yun?”

    Normal lang ang mukha niya at mukha pa itong nag iisip. Bumaling siya sakin ng seryoso ang mukha.

    “Ngayon, narealize ko na siguro magpa-pants na lang ako. Hindi ko naman talaga kailangang maging pormal sa event na yun. Kaya yung suit lang sa taas, okay, Reina?”

    Kung makautos ‘to parang bumili lang ng siomai.

    “O-Okay…” Napatingin ako sa gitna ng mga hita niya at napalunok.

    Naglakad siya papuntang bar ng kanyang condo at kumuha ng ballpen. Sumandal siya doon at sinulyapan ako.

    “Magkano?” Pinisil-pisil niya anglabi niya.

    Walang hiya. Ako lang ba yung naapektuhan dito? Nakakahiya tuloy.

    “K-Kahit ano… I mean… Kahit magkano…”

    Kumunot ang noo niya at binitiwan ang ballpen.

    “Ganyan ka ba sa mga kliyente mo?”
    “Ano?”
    “Sinasabi mong, ‘Kahit ano’? Paano kung sabihin ko sayong gusto kitang dalhin sa kwarto, at ipambayad ko na lang ang sarili ko sayo?”
    “HUH? Diba ikaw yung makakabenefit kung ikama mo ako? Kaya malulugi ako.”

    KInagat ko agad ang labi ko nang narealize kung ano yung sinabi ko. Ngumisi siyang may dalang pagtataas ng isang kilay. My goodness. That. Hot. Smile. Mas lalo niyang pinisil-pisil ang lower lip niya.

    Yumuko ako sa kahihiyan.

    “Hindi ka malulugi, kasi ikaw naman ang dadalhin ko sa langit.” Humalakhak siya.

    Mas lalo akong yumuko.

    “Ugh! Tsss!”

    Nag iwas siya ng tingin nang bumaling ako sa kanya. Mukhang masakit yung ulo niya kasi pinipisil-pisil niya ito.

    Napatalon ako nang may naramdaman akong malambot sa paa ko. Tumindig ang balahibo ko and I’m sure isa iyon sa monster na napanood ko sa isang sikat na horror movie. Sa isang iglap, nawala si Wade sa mundo ko dahil sa nangyari.

    “ARGGHHH! ARGHHHHHHHHHHHHHHHHHH!” Sigaw ko at agad kong tinungtong ang paa ko sa sofa.

    Damn! Wagas na hangover ito sa isang horror movie!

    Tumakbo si Wade malapit sakin at seryosong tinawag ang isang bloodhound sa paanan ko. Nakatayo na ako ngayon sa sofa sa sobrang takot at bigla.

    “Carmela! Sit!”

    Shiz! Napaupo ako sa sofa sa taranta at sa utos ni Wade. BUmaling ako kay Wade nang di parin kumakalma.

    “A-Akala ko kung ano na… Shit! Pwede palang mag dala ng aso dito?”
    “Celebrity privilige, Reina.”
    Tumango ako.

    Ang angas nito. Pero hindi parin ako makarecover sa asong ngayon ay nakaupo na sa paanan ng sofa. Kulu-kulubot yung mukha niya at malaki siya. Mukha naman siyang maamo, sana di lang siya nag grand entrance.

    “Carmela, go to your room.”

    WHAT?

    Ngumuso si Wade nang nakita ang ekspresyon ko. Pero bago ko pa siya natanong tungkol sa sinabi niya ay nakita kong naglalakad na yung aso papunta sa isang kwarto.

    “YOU NAMED THAT DOG CARMELA?” Sabay turo ko sa MAGANDANG aso!

    Humalakhak siya.

    Stupid. Evil. Asshole!

    “Ganda niya no? Ni… Carmela…” He chuckled again.

    Binaba ko ang paa ko at inayos ang sarili ko. Nabadtrip ako doon, ah! Akalain niyo!? Well, hindi naman sa nag aassume ako na pinangalan niya yun dahil galit siya sakin pero shiz nag aassume na talaga ako!

    “Kaya lang… hindi ko siya pinapabreed, naiinis ako tuwing ganun.” Sabi niya samantalang umiinom ng isang liquor sa kinuhang baso niya.

    Mas lalo akong nainis sa sinabi niya. PUTANGENES! Anong ibig niyang sabihin dun? Parang nakakapagngitngit yung ihambing ka sa aso ah!? Parang nakakababa!

    “You son of a bitch!” Inis kong sigaw. “Alam kong bitter ka pero wag mo nga akong bastusin ng ganito!”

    PAKYU WADE! PAKYU!

    Kinapa ko yung mga gamit ko at iniisa-isa sa pagliligpit. Wala akong pakealam kung basta-basta ko na lang nilagay yung mga gamit ko sa bag ko.

    Humakbang siya papunta sakin. Seryoso na ngayon ang ekspresyon niya. I know what he’s thinking… he wants revenge… His revenge! Alam kong nasaktan ko siya pero hindi sulosyon ang pananakit din sakin ngayon.

    HInawakan niya ang bag ko. Gusto ko siyang hambalusin ng bag ko pero hindi ko nagawa. Nanghihina ako tuwing nararamdaman ko ang init ng katawan niya. He’s right, I’m weak… especially when I’m around him.

    “Ano ngayon kung bitter ako sayo? Ano ngayon kung hanggang ngayon galit ako? Ano ngayon, Reina!?”

    Binawi ko ang bag ko. Sa bawat salita niya, nakikita ko yung dimple.

    “See? You’re still in love with me. You care too much about me! Na halos mamatay ka na dahil hindi ka makapaniwalang nasaktan kita!”
    “YES, I’M STILL FUCKING LOST IN LOVE WITH YOU!”

    Hinila niya ako sa sa katawan niya. Nagpumiglas ako kaya nabitiwan ko ang bag ko at natapon ang mga nasa loob. Sinubukan kong magpulot ng ilang mga gamit pero hinila niya ako para harapin siya.

    Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pagsampal ng malakas sa kanya. Napa upo siya sa sofa dahil sa ginawa ko. Masakit iyon, alam ko, kasi maging ang palad ko ay uminit at nanduro.

    “I-I’m sorry, Wade.” Pumiyok yung boses ko.

    Kanina ko pa pala pinipigilan ang sarili kong umiyak.

    “I’m sorry isn’t enough, Reina.” Hinila niya ako kaya nahulog ako sa kanyang katawan. “You know that. You feel that.”

    Tumindig ang balahibo ko sa binulong niya sa tainga ko.

    Siniil niya ang labi ko sa halik. Itinulak ko siya pero unti-unting nanghina ang mga kamay ko. Nanginig na parang binuhusan ng buhangin ang daliri ko.

    HInahalikan niya ako, malalalim at masasarap. Hindi ko nagawang hindi siya halikan. Tinungtong ko yung tuhod ko sa sofa. Pareho itong nasa gitna ng magkabilang binti niya.

    Naramdaman ko ang isang palad niyang dinidiin ang legs ko sa gitna ng hita niya. Para bang tinutulungan niya akong makaakyat sa sofa na ganun ang itsura.

    Hinahabol ko na ang hininga ko nang naramdaman ang kamay niyang unti-unting hinuhubad ang damit ko. Napahawak ako sa dibdib niyang may tattoo.

    “Wade… this is wrong.”
    “We always were.” Malamig niyang sinabi sa labi ko sa gitna ng paghahalikan namin.

    Napapikit na lang ako at napatingala nang hinalikan niya ang panga ko, unti-unti siyang bumaba at hinalikan niya ang leeg ko. The swift soft kisses that I missed.

    “Wade~” Kinagat ko ang labi ko nang narinig kong pumiyok ang boses ko dahil sa nararamdamang init galing sa kanya.
    “Ugh! Reina! Simple things na ginagawa ko. Naakit na ako. What am I gonna do with you.”

    Nabigla ako nang pagkatapos niya iyon sabihin ay topless na ako. Bra na lang ang natitira sakin. Napapikit siya at hinaplos ang katawan ko.

    Nakaluhod parin ako sa sofa at nakadunga sa kanya. Is this really happening? Kani-kanina lang galit ako sa kanya… at siya rin, sakin, pero ngayon? Anong nangyayari?

    Pumikit siya at nilagay niya ang dalawang kamay sa magkabilang baywang ko.

    “Ikaw lang talaga ang makakapagpabaliw sakin ng ganito.” Bulong niya sa tiyan ko.

    Unti-unti niyang binuksan ang zipper ng shorts ko. Madali niya itong hinubad at nagsimula siya sa paghalik sakin malapit sa doon.

    Hinila niya ako kaya napasandal ako sa katawan niyang mainit. Yung isang kamay niya at hinahaplos na ang baywang ko at ang isa naman ay nasa chin ko at naging guide patungo sa labi niya.

    Nanlaki ang mga mata ko nang naramdaman ko ang kamay niya sa gitna ng mga hita ko. My goodness! Nandoon na sa spot! I can’t believe it!

    Tumigil siya sa paghalik at ngumisi. Uminit ang pisngi ko. Bakit? My gosh!

    “Baguhan. Ito ang unang pagkakataon na nagustuhan ko ang pagiging baguhan mo.”

    KUmunot ang noo ko pero bago pa ako makapagsalita ay siniil niya na ako ng halik. Gusto ko siyang panoorin pero nakakalasing ang ginagawa niya sakin. Nakakalasing yung halik niya, nakakalasing ang rhythm ng katawan at ng daliri niya doon.

    “Wade! this isn’t ri-ahh!” SHIT!

    Tumigil na siya sa paghalik sakin at hinahalikan niya na ngayon ang left boobs ko habang nandoon parin ang kamay niya.

    My goodness gracious! I don’t want to hear myself kaya kinagat ko na lang ang labi ko.

    “Wa-de.”
    “Yes, Reina. Sakin ka lang. Hanggang ngayon, akin ka parin. Pinaghirapan kita kaya sisiguraduhin kong sakin ang bagsak mo.” Aniya at binaba ang panty ko hanggang tuhod. Nalaglag na yung shorts ko sa sahig pero may sapatos parin ako.

    Hinaga niya ako sa tabi niya at bumangon siya. Agad niyang binuksan yung kanyang pants, boxers at inilabas doon ang kanya.

    MY GOSH! Gagawin ba talaga namin ito? Am I going to give my virginity to him? Bakit? Sino pa ba? Wala naman akong ibang minahal, siya lang, tanging siya lang. At hindi ko alam kung kaya ko ba talaga siyang kalimutan gayung apat na taon akong nawala at wala paring nangyari.

    Dahan-dahan niya akong hinalikan. Naka sandal sa sofa ang isang kamay niya at ang isang kamay niya ay nasa gitna ng mga hita ko.

    “Sakin ang bagsak mo. Sakin parin, Reina. Yan ang itatak mo sa utak mo.”

    Halos mapasigaw ako kahit dahan-dahan niyang ipinasok yung kanya. Kinagat ko yung kamay ko at napapikit ng mariin.

    “Wade, parang may napunit. Shit!” Sabi ko. Pumiyok na naman sa dulo ang boses ko.

    Hinalikan niya ang noo ko.

    “Wag kang mag alala, saka na ang hard, Reina. Ahh! Shit!” Napamura siya sa unang paglabas-pasok niya.

    SHIT! Napapikit ako! SON OF A BITCH KA TALAGA, WADE! Hindi ako makapagsalita sa hapdi.

    “Now, let’s hope that you are fertile.” Sabay dahan-dahan niyang pag labas-pasok, at pagtulak sa katawan ko.

    WHAAAT?

  • Kabanata 47Open or Close

    Kabanata 47

    Mapansin Kaya

    “Paano ba yan, choosy si Wade Rivas. Ikaw daw dapat.”

    Umiling ako.

    Palibot-libot si Hugo sa paglalakad sa sofa na inuupuan ko.

    “Ba’t ayaw mo? Hindi ba break mo na iyan. I’m sure gusto rin ito ni Dashiel para sayo.”

    “A-Ayoko, Hugo. Pwedeng ibang artista or something?”

    “My God! Anong ibang artista? Going South is practically the most amazing band right now and Wade Rivas is the hottest male artist of all time. Bakit mo aayawan at ipagpapalit sa iba.”

    Kung pwede ko lang ihayag sayo kung bakit ayaw ko, matagal ko ng sinabi.

    “Think about it, Reina. Signing a contract from his manager can take you real far sa fashion industry. It’s the biggest break. Even bigger than a chance to show off for the Fashion Week.”

    Yumuko ako at tinitigan ang mga kuko ko.

    “Bakit, Reina?” Tumigil siya sa likuran ko. “May something ba kayo ni Wade Rivas?”

    Napaupo ako ng maayos sa tanong niya.

    “A-Anong something? W-Wala ah!”

    “Bakit nauutal ka?”

    Umiling ako, “Hindi! Wala!”

    Nagngising-aso siya sakin, “There’s something. Tell me about it, Reina. Sakaling meron, hati tayo sa kikitain mo pag naibenta ko sa Yes! o sa Buzz! Ano?” Humalakhak siya.

    “Hugo! Walang something samin! He’s a… a family friend. Vocalist siya dati nina Noah.”

    Tumango siya pero di parin natatanggal ang ngising-aso niya.

    “Kung ganun, bakit ganyan ka makareact? Kung family friend naman pala… edi okay. Tsaka narinig mo ba yung sinabi ni Wade?” Tumaas ang kilay niya at mas lumaki ang pagngingiting-aso niya, “I want her mine.”

    Napalunok ako, “Whatever, Hugo. He-He’s just… a-ah ano kasi kaibigan ko siya…”

    Naks! Tumindig ang balahibo ko pagkakasabi ko noon.

    “Tapos-“

    Narealize kong ngising-aso lang talaga ang maibibigay na reaksyon ng juding na ito. Mukhang hindi yata maniniwala sa lahat ng sasabihin ko unless kung sabihin kong may relasyon kami ni Wade.

    “Tapos… ayun, gusto nga niya ako. Kaso ayoko naman kasi baka sabihin niyang ano… ginagamit ko lang siya.”

    “Ahh… Really?” Tinaas-taas niya ang isang kilay.

    I sighed. I give up.

    “Here!” Sabay bigay ko sa portfolio. “Ikaw ang scout. Ikaw mag hanap. End of story. Kung saan mo ako ilalagay. Doon ako. Para di ka na magduda.”

    Humalukipkip ako sa hamon ko kay Hugo.

    “Hmmm?” Tinanggap niya iyon. “I’ll call you when I have the contract, Reina. For the mean time, kailangan ko munang makiusyuso kung kailan maimo-move yung concert ng Going South. Lahat kasi kami pupunta. Mahal ang ticket kaya di pwedeng hindi. Alam mo na. Ta-ta!” Kumaway siya dala-dala ang portfolio ko at pumasok sa opisina.

    Darn it! Nagmura na lang ako pagbaba ko sa elevator. Sigurado na ang bagsak ko… ending? Kay Wade Rivas parin!

    Nanginig na naman ang kalamnan ko nang maalala ko yung nangyari sa sofa. Hindi ko makalimutan kasi ramdam ko parin down there. Shucks!

    Natigilan ako nang nakita ko ang isang poster. Silang apat ng kabanda nila. Si Wade ay naka topless sa picture. Siya lang yung nakatopless. Siya yung pinaka harap. Sa likod niya ay si Adam na nakahalukipkip. Sa kabila naman ay si Zac na nag bubuhat ng electric guitar. Sa likod ni Adam ay si Austin na seryoso ang mukha.

    May humagulhol bigla sa likod ko. Nilingon ko at nakita kong naghagulhulan yung tatlong babae. Bumaling ulit ako sa poster at nakita yung tag line.

    “Going Crazy over Going South”

    I smirked. Napawi yung ngisi ko nang narinig ulit yung humagulhol.

    “Shet! Excited na excited na tayo tapos ma momove pala? Shet!”

    “Ansabe eh hindi raw maganda ang pakiramdam ni Wade.”

    WADE? May nagsabi bang Wade? Nilingon ko ulit sila.

    “Bakit kaya? May sakit? HUHU! Sana magamot siya! My gosh! May lagnat siya? Bigyan natin ng gamot at pagkain.”

    Naknangputspa! Anong akala niyo sa Wade na iyon walang pera? My gosh… at tsaka… anong may lagnat? Alive na alive yun kanina nang pumunta ako sa bahay nila, paano yun magkakasakit?

    Napalunok ako. Ayokong mag isip at mag assume ng kahit ano. Kaya imbes na pumirmi ako doon ay lumabas na ako sa building at bumalik ng Manila.

    Pagkauwi ko sa bahay, naabutan ko si Liam sa sofang naglalaro sa aking iPad.

    “Hey!” Aniya. “I missed you.”

    “Liam! Kakakita nga lang natin kagabi. Nukaba.” Tumawa ako.

    Damn right! Hinaplos ko yung sofa namin. Iba naman ito sa sofa ni Wade pero kinikilabutan parin ako. I lost my V in a sofa. Damn that asshole!

    “Here.” Sabay bigay niya ng bouquet of flowers niya sakin.

    Hinalikan niya rin ako sa cheeks. Napatalon ako kahit madalas niya naman itong ginagawa.

    “Anong meron?” Nahihiya kong tanong.

    “Wala. Hindi ba pwedeng magbigay ako ng flowers sayo? Masaya ako ngayon, eh.”

    “Haha! Naapektuhan ka ata ng hang over mo, Liam.”

    “Oo. Hang over na hindi parin humuhupa hanggang ngayon. Mula pa ito sa Paris eh.” Tumango siya sakin at mas lalong ngumisi.

    Hinampas ko ang braso niya, “Kaw talaga! Pero thanks, ah! Ganda ng mga bulaklak. Ipapalagay ko lang kay manang sa kwarto.” Sabay lakad ko papuntang kitchen.

    “Wait, kumusta yung kay Wade?”

    “H-Ha? Okay lang naman.” Nag iwas ako ng tingin. Guilty ako sa mga ginawa namin ni Wade sa kanila. At mas lalo akong naguilty tuwing naiisip kong ginusto ko yun.

    Kahit na hindi naman talaga natapos at nabitin ko si Wade, nagawa niya parin. Naiinis ako sa kanya at natatakot akong gamitin niya ako pero hindi ko parin matanggal ang feelings ko sa kanya. The look on his face when he cried. Konti lang yung luha niya pero nakakayanig para sakin. Bumuhos sakin ang guilt. I’ll be forever guilty about him. Lagi niya akong nasasaktan at lagi ko rin siyang nasasaktan.

    “You okay? may nangyari ba?”

    Mas lalo akong napatalon sa tanong niya.

    “W-Walang nangyari no!” Uminit ang pisngi ko.

    “Ha? Hindi ka natanggap?”

    “Ha? Ah? Oo! Hindi ako natanggap sa Fashion Week.” Leche, ano ba itong mga iniisip ko. “Pero may offer ako as stylist ni Wade.”

    “Whoa! See? kaya mo pala! That’s amazing! Designer pa, stylist pa.”

    I’m not even sure if I can do it.

    Hindi ko alam kung paano ko ginawang lumipas ang isang linggo nang walang ginagawa. Sketch lang ako nang sketch at nanood ng practice nina Noah sa Music Room. This used to be Wade’s practice, pero ngayon kay Liam na.

    Tutok ako sa dimple ni Liam tuwing kumakanta siya. Napapangiti ako tuwing nakikita ko ito. Kaya naman ang resulta ay napapangiti ko rin siya. Umiiling na lang ako at bumalik sa pag s-sketch.

    Pero sa kalagitnaan ng pag s-sketch ko, naaalala ko yung ginawa namin ni Wade sa sofa kaya napapachange position ako sa sofa na kinauupuan ko o di kaya tumatayo na lang at natutulala ng wala sa sarili ko.

    Shiz! His freaking effect on me.

    Nakita ko rin ang pagwawala ng fans niya sa social networking sites.

    “It’s okay, baby, we’re here for you, whatever that is.”

    “We Love you Wade Sexy Rivas!”

    May mga interview narin siya sa TV. Sinabi niyang may lagnat daw siya. Ngumingiti ngiti pa ang demonyito kaya napapatili ang audience at malamang pati ang mga nanonood sa bahay. Mukha mo! Lagnat? Really?

    “He’s probably just too hot, Reina, don’t you think?” Tanong ni Coreen sabay kain ng popcorn.

    Nag s-sleepover siya samin ngayon kasi day off niya raw bukas.

    “Whatever.” Pinatay ko ang TV.

    “Ano kayang nangyari sa kanya? May ideya ka ba? Since stylist ka na naman niya ngayon?”

    “Wala akong pinirmahang kontrata at hindi pa ako nagsisimula.”

    “Bukas na yung concert, ah? Baka naman ipatawag ka bukas? Manonood pa naman ako.”

    YES, this darn girl is Going Crazy over Going South tomorrow!

    Umirap ako, “Ewan ko.” Sabay delete ko sa text ng manager ni Wade.

    Ni-text niya ako kanina na maaga daw dapat ako bukas sa Araneta. Kinakabahan ako. Leche! Anong gagawin ko doon? Ewan ko! Leche! Patay na!

    “Nak ng tipaklong naman, Reina. Didiretsuhin na kita… alam kong ikaw yung dahilan ng pag popostpone ng concert na iyon. Kaya sabihin mo, bakit?”

    Dalawang beses akong napalingon kay Coreen dahil sa tanong niya.

    “Wh-What?”

    “Asus! Wag ka ng mag maang-maangan.” Sabay papak niya sa popcorn. “Sinabi sakin ni Rozen na sabi ni Wade galit ka raw sa kanya. Hindi ba siya yung galit sayo? Kasi nga iniwan mo siya? Paano nangyaring galit ka naman ngayon sa kanya?”

    WHAT THE? Anong mga balita itong nasasagap ni Coreen kay Rozen?

    “P-Paano nalaman ni Rozen?”

    “Hello? May bibig si Wade, may tainga si Rozen, syempre malalaman niya yun.”

    WHAT THE HELL? Ganun ba talaga yun? Umirap si Coreen na para bang ang tanga ko talaga kasi hindi ko ma gets.

    “Galit ako kasi maghihiganti siya sakin. Alam ko yun at inamin niya rin. Kaya pinapahirapan niya ako. Kaya ayaw kong lumapit sa kanya kasi may masama siyang balak sakin.” Sabay lunok ko.

    Don’t tell me maging yung nangyari sa sofa ay alam nitong gagang ito. Baka paulanan ko na talaga ng bala si Wade.

    “Teka… Ano pang sinabi sayo ng lintek na Rozen na yun?”

    “Yun lang naman.” Sabay tingin niya sakin sa gilid ng mga mata niya. “He paid… for like… two bouncers doon sa isang bar sa may Tribe Lounge.”

    “Bakit?”

    “Kasi naman, nandoon si Wade, umiinom kasama yung mga bandmates niya sa VIP room. Tapos pinapatigil na siya sa pag inom ni Zac, sobrang lasing na kasi, pero ayaw tumigil.”

    “Ha? Naglasing siya?”

    Naalala ko tuloy na hindi naman talaga siya palainom. Madali siyang natatamaan. Well, that was then… Ewan ko kung ganun parin ngayon.

    “Oo. Wala siyang sinasabi tungkol sa kung anong problema niya. Yung sabi kasi ni Zac, yung last daw na nangyari ay ang pagsusukat mo ng damit sa condo niya.” Nag kibit balikat si Coreen.

    “So?”

    “So Rozen asked Wade… Is this about my sister? Tapos yung sagot niya, ‘May iba pa bang pwedeng dahilan’.”

    Nag iwas ako ng tingin kay Coreen.

    “So… I won’t ask you what happened kasi ayaw ko rin naman na inuusisa ako pero… My gosh! Reina! Hindi ko inakalang ganito ang mangyayari! I was positive na ikaw ang magkakandarapa sa paghahabol sa kanya. Pero ngayon, narealize kong siya parin pala yung maghahabol. Pagkatapos mo siyang saktan ng ilang beses, siya parin yung gagapang at willing na magpasakit para lang sayo. What’s the matter with you?”

    Tinulak niya ang braso ko.

    “Whatever, Coreen. Galit ako sa kanya.”

    “Sinabi mo ba sa kanyang gusto mo parin siya hanggang ngayon?”

    Napahiga ako sa kama sabay tingin kay Coreen. Tumango ako at suminghap siya.

    “You biatch! Why? Ang galing mo talagang mambitin, eh, no? Yun yung forte mo eh. Mula pa noon. Sasabihin mo gusto mo siya, mahal mo pa siya, pero sa huli, iiwan mo at inunudnod mo sa putikan.”

    Namutla ako sa sinabi ni Coreen.

    “Gosh! Whatever, Reina. Hindi naman sa kinakampihan ko si Wade pero kung ayaw mo sa kanya, sabihin mo at kung gusto mo edi ipakita mo. Anyway, ubos na yung popcorn. Baba lang ako, ah?” Ngumisi siya at umalis ng kwarto.

    Hindi ko alam kung matagal bang bumalik si Coreen sa kwarto o talagang inaantok lang ako sa kakaisip sa mga sinabi niya.

    Kinaumagahan, tulog pa si Coreen nang umalis ako ng bahay. I should wear something decent. Hindi yung bawat galaw ko ay pinapaalala ko kay Wade ang nangyari noon.

    Kinatok ko yung backstage. Ganito kaaga kahit mamayang gabi pa naman ang concert. Nakita ko yung stage, puno na ng palamuti at nag si-set up na ang mga DJ. Busy na rin ang labas ng backstage. Pinagbuksan ako ng pintuan ng isang nakaputing uniporme na babae.

    “Hello!” Sabay kaway sakin ng babae.

    “Reina Elizalde.” Pumiyok ang boses ko. “Nandito ba si Mr. Manzano?”

    “Ah! Ikaw yung hinihintay. Oo. Pasok ka.”

    Pumasok ako at nakita ang magara at malawak na backstage para sa Going South.

    Nanginig ang buong sistema ko nang narinig ko ang malulutong na tawanan ng mga kabanda ni Wade. Hindi ko pa siya naririnig at may mga dividers pa sa gitna kaya di ko sila makita.

    “Ms. Elizalde.” Pambungad ng isang naka suit at naka eyeglass na matandang lalaki sakin.

    “Mr. Manzano. Good morning!” Sabay ngiti ko.

    “Upo ka.”

    Umupo ako sa bangkong nasa harapan ko.

    Nilapag niya ang ballpen sa harap ko bago nilagay ang isang folder.

    “Nandyan yung kontrata.” Buntong-hininga niya. “Pasensya na may konting erasure. Babaguhin ko pa sana pero kasi atat na si… Wade. Kaya pakipirmahan mo na lang sa ibaba kung sakaling gusto mo.”

    Binasa ko iyon. Hindi ko pa nababasa ang paunang pangungusap ay napansin ko na ang erasure sa first page. Imbes na 5 years ang contract ay ginawang 10 years.

    “10 years? Ang haba naman? Makakapag design at style ba ako ng iba dito? Parang masasakal naman yata ang career ko.”

    Suminghap ulit siya, “Ginawan ko ng final clause na pwede mong putulin kung kailan mo gusto. Wag mo lang sabihin kay Wade na may ginawa akong ganyan. Tsaka… pwede kang mag style ng iba kung walang dapat i-style kay Wade. Hindi ka naman limitado sa kanya.”

    Tumango ako.

    Limitado sa kanya? Dapat lang! May ibang tao pa… hindi lang siya yung pwedeng istyle at bigyan ng design kaya wag siyang maramot.

    “Mamaya ko na lang ito pipirmahan. Ang dami kasing pages, baka di ko mabasa lahat.”

    “Oh! sure, sure!” Naglahad siya ng kamay.

    Tinanggap ko ito at nakipagshake hands.

    “Puntahan mo na lang siya sa loob.” Sabay ngisi niya sakin.

    TAKTE! Nangangatog na ang buong katawan ko sa kaba. Dapat hindi ako yung may reaksyong ganito kasi galit ako sa kanya. I should act cold! Ang sama kaya nung ginawa niya sakin! Hanggang ngayon, di ko parin makalimutan!

    Natahimik sila nang nakitang papasok ako doon. Sumipol si Zac at bumalik sa inuupuan niya.

    Tumingin silang lahat sakin except kay Wade na nakatingin ngayon sa salamin at hinahawakan yung labi niya.

    “Andito na pala yung bagong stylist mo, Wade.” Untag ni Adam sabay halakhak.

    Unti-unti niya akong tinignan. Bakas sa mukha niya yung kaba at pagiging balisa sa pagdating ko.

    “Good morning!” Sabay ngiti ko sa mga kabanda ni Wade.

    Ngumiti din ako sa mga stylist ng kabanda niya. Nakita kong nilagutok ni Wade ang mga leeg niya nang nilagay ko ang gamit ko sa harap niya.

    “Anong gagawin ko sayo, Wade?” Malamig kong tanong.

    “K-Kahit anong gusto mo.” Agad na sagot niya.

    “Wooo…” Marahang humalakhak si Austin at Adam sa malayo.

    Nilingon sila ni Wade at nakita ko ang marahas na titig niya sa dalawa.

    “Peace…” Sabay halakhak parin ng dalawa.

    “Magsimula muna tayo sa damit? Ganyan ba yung susuotin mo?”

    Sabay tingin ko sa studded black jacket niya na may inner vneck white t-shirt kung saan kita nga yung kalahati ng tatto niya.

    “Ito kasi yung napagkasund-“

    “Oo o hindi lang yung sagot. Since may damit ka na naman. Sa mukha na tayo.”

    Tinaas ko yung kilay ko at kinuha yung wax na pampakalbo. De… joke lang. Hindi naman ako ganun ka sadista.

    “Anong gusto mong mangyari sa buhok mo?”

    Bakas sa mukha niya ang kaba sa tanong ko, “G-Guluhin mo lang. Kahit ano.. K-Kahit anong gusto mo.”

    Mas lalong tumawa ang mga kabanda ni Wade. Ngayon, nakisali na si Adam at bumanat pa, “Tiklop si master!”

    Nilingon ulit ni Wade silang tatlo at pinagbabato ng matutulis na titig.

    “Wade, humarap ka sa salamin nang magulo ko ng maayos ang buhok mo.”

    Agad siyang tumingin sa salamin pagkakasabi ko noon, “O-Okay.”

    Nilagay ko yung konting wax sa kamay ko at nispread ko sa dalawang palad. Hinaplos ko ng paunti-unti ang buhok niya. Napalunok ako sa ginagawa ko sa kanya. Why is this so familiar to me?

    Hindi ako makatingin ng diretso sa salamin kasi nakatitig siya sakin. And his eyes were intense… his serious expression is breaking through the barriers of my heart again…

    “Reina…” Pabulong niyang sinabi nang nagkaroon ng ibang pinagkakaabalahan ang kanyang mga kabanda. “Reina…”

    Tumaas ang kilay ko at nagpatuloy sa pag s-style ng buhok niya. Nakita kong napalunok siya sa pag babalewala ko sa kanya.

    “Reina, please, pansinin mo naman ako.”

    Hindi ako umimik. Malapit na akong matapos, maya-maya, yung ibang damit niya ang pagkakaabalhan ko. Hindi naman ako make up artist at hindi naman niya kailangan ng make up kaya hindi na ako mag eeffort. Sa damit na lang since iyon naman talaga ang linya ko.

    “Sorry kung galit ako sa’yo at gusto kitang parusahan sa pamamagitan nun.” Kinagat niya ang labi niya.

    Narinig ko ang mabilis na pagpintig ng puso ko pero pinagpatuloy ko ang ginagawa ko.

    “H-Hindi ko na ulit yun gagawin k-kung ayaw mo… Pero… shit.” Nilagay niya ang palad niya sa isang mata niya.

    Natigilan ako sa pag aayos ng buhok niya. Kitang kita ko ang pagbalandra ng kanyang dimple sa pagkagat niya ng kanyang labi.

    “Totoong mahal kita, Reina. Hanggang ngayon, ikaw parin. Sinubukan kong magmatigas pero natunaw parin ako. Kahinaan parin kita kahit apat na taon na ang lumipas. Sorry kasi kahinaan talaga kita. Kahit na galit ako sa iyo, hanggang doon na lang yun kasi langya pag ikaw naman yung magalit pakiramdam ko katapusan na ng mundo ko. Nanghihina ako, pagdating sayo. I’m so… so… sorry.”

    Padabog kong nilagay pabalik ang wax sa harap niya.

    “Alright, Wade.” Malamig kong sinabi at tinalikuran ko siya.

    Nakita kong mas lalo siyang namutla sa malamig kong trato sa kanya.

  • Kabanata 48Open or Close

    Kabanata 48
    Take Everything Slow

    “Wade, come on. Practice saglit. Baka mamaya mabawasan ang stage presence mo.” Sabi ni Zac kay Wade.

    Panay ay tingin ko sa mga damit niya, iniiba-iba ko yung pares habang siya naman ay naglalaro ng paikot-ikot sa upuan niya.

    “Mauna na kayo. Kaya ko na mamaya.” Magarbong sinabi niya.
    “Asus! Whatever, Rivas.” Umirap si Zac at umalis na.

    Ang tanging kasama namin ni Wade ay isang P.A., yung manager nilang si Mr. Manzano na may kausap sa cellphone at isang stylist ni Zac yata.

    Sa bawat limang minuto ay naririnig ko ang buntong-hininga ni Wade. Pinagmamasdan niya ako pero hindi ko man lang siya sinulyapan. Wala akong balak.

    May biglang kumatok sa room, binuksan noong P.A. At ilang sandali ay bumalik siya sa harapan kong may dalang bouquet of roses.

    “Para kanino yan?” Tanong ni Wade kahit halata namang para sakin kasi binibigay niya sakin, eh.

    Uminit ang pisngi nung P.A. Mas matanda siya ng ilang taon samin ni Wade pero mukhang naapektuhan parin siya sa kakisigan nitong si Wade.

    “P-Para kay Ms. Elizalde. Reina Carmela Elizalde.”
    Nanlaki ang mga mata ko, “Talaga?”

    Tatanggapin ko na sana pero tumayo si Wade at hinablot ang bulaklak sa kamay ng P.A. I seriously need to check the ladies here. Kasi kahit mukhang na harass yung P.A sa pagkakahablot ni Wade ay nakita ko parin ang pagkislap ng mga mata niya at pagkamangha niya sa ginawa ng lalaki sa harapan.

    “To: Reina Carmela Elizalde. I love you, baby. I always will. Good luck to your first job here in the Philippines! You can do it. Know that I love you so much and I want you-“

    Gumapang sakin ang hiya kaya hinablot ko iyon sa kamay ni Wade.

    “This is mine, Wade. My property. My privacy.” Untag ko.

    Mahigpit ang pagkatikom ng labi niya dahil sa sinabi ko.

    Binasa ko ulit yung note na nakalagay.

    ‘I love you so much and I want you to always love me. Forever, Reina. Love, Liam Madrigal’

    Sumulyap ako sa mukha ni Wade at nakita kong namutla siya.

    “K-Kayo na ba?” Tanong niya.
    Tumaas ang kilay ko at di ko na siya sinagot.

    Nagpatuloy ako sa ginagawa ko sa mga damit niya.

    “Reina, sagutin mo ako, kayo na ba?”

    Bumaling ako sa kanya at inirapan ko na lang siya. Nakakainis! Nakakairita siya! Hanggang ngayon, hindi ko parin makalimutan yung nangyari. Pero ang mas nakakainis ay sa kabila ng galit ko sa kanya, nagagawa paring maghuramentado ng puso ko sa titig niya.

    Is this all just because he’s god damn good looking? Smoking hot? Infiitely sexy? Tumambad sa mukha ko yung dimple niya dahil sa pagkakagat niya ng labi. Nakita kong pumula ang mga mata niya at sa wakas ay nag iwas siya ng tingin sakin at pinagdiskitahan ang panggugulo sa buhok niya.

    “You ruined your hair, Wade.” Sabi ko.

    Bumaling ulit siya sakin at pahingal na nag iwas ulit ng tingin.

    “Wade, umayos ka.” Biglang sabi ni Mr. Manzano.

    “Some reporters are here. At papasok din si Shan ngayon para batiin ka.”
    “For what?”
    “Kakasabi ko lang… Para batiin ka sa sold out tickets ng concert na ito. Come on, be patient with her. Kalahati ng fans mo ay fans din ni Shan. You two should work together for your career. Besides, ito rin ang unang concert mong nandyan siya. Mainit ito sa masa.”
    “Bakit naman kailangan pag bigyan ito ng malisya gayung wala naman?”

    What happened to ‘no comment’? Or did he purposely left me hanging that time, para lang inisin ako?

    “Okay na itong mga damit ni Wade.” Singit ko. “Excuse me, but can I take my lunch muna?” Sabi ko at dinampot yung bulaklak na binigay ni Liam sakin.
    “Huh? Why? Pwede ka namang dito mag lunch. Anong gusto mo?” Tanong ni Wade sakin.

    Napatingin ako sa seryosong mukha ni Mr. Manzano, sa nakangangang P.A at sa nanonood na stylist, pabalik sa seryoso at nakakunot-noong mukha ni Wade.

    “Wala. Sa labas na lang. Alam kong busy kayo dito-“
    “Hindi kami busy dito, Reina. Ikaw nga lang yung inaatupag ko, see?”

    Nanliit ang mga mata ni Mr. Manzano sa akin.

    OH MY GOSH! It’s only a matter of time… malalaman na ng buong madla na may something kami ni Wade (kahit wala naman talaga).

    “Uh, thanks, Wade.” Ngumiti ako kay Wade ng plastik para hindi masyadong mahalata ang tensyon saming dalawa. “Pero kasi ano… kailangan kong lumabas muna. Is it okay, Mr. Manzano?”
    “Of course, Reina.” Sabi ni Mr. Manzano.
    “Oh! Kung ganun, ako rin.” Humalakhak si Wade at kinuha yung wallet at mga susi niya.
    “You are staying, Wade. Anong ibig mong sabihin na aalis ka rin? Pwede kang lumabas pero saglit lang at dahil lang mag re-rehearse kayo. Hindi ka pwedeng lumabas ng matagal kasi pupunta si Shan dit-“
    “Excuse me. Bye.” Sabi ko at binuksan na nang nagmamadali ang pintuan habang pinapagalitan pa si Wade ng kanyang manager.

    Humugot ako ng malalim na hininga at nagsimulang magmartsa sa gitna ng maraming busy na mga tao.

    Busy sa set up ng stage, sa lights, sa plano para sa buong venue, sa pagkain, sa lahat… Everyone’s so busy. Bitbit ko parin yung roses habang nilalakad ang papuntang parking lot.

    Saan ako pupunta para mag lunch? Siguro sa isang malapit na restaurant na lang? Okay. Hindi ako makakauwi kasi tutulong pa ako mamaya sa panonood sa make up artist at tutulungan ko ring mamili si Adam, since siya lang yata yung walang stylist sa kanila.

    “Haah!” Sabay buga ni Wade sa gilid ko.

    Half running siya nang naabutan ako.

    “Nakatakas ako.” Pangisi-ngisi pa siya sa tabi ko nang dinaluhan ako sa paglalakad.
    “What are you doing here?” Tanong ko.
    “Ano pa? Edi nakikisabay sa lunch mo.”

    Natigilan ako.

    “Hindi ba hindi ka pinayagan?”
    Nagkibit-balikat siya. “Lahat gagawin ko… basta ikaw ang kapalit.”

    Nagpatuloy ulit ako sa paglalakad. Kahit na sa bawat hakbang ko ay natutunaw ang galit sa puso ko. Ang korni mo, Rivas! Nakakainis ka!

    Nakita kong marami talagang napapalingon sa kanya. Kahit na yung mga organizer mismo ay mga fanatic parin. Wagas kung maka take ng paparazzi pictures ni Wade. Kaya mabilis ang lakad ko. Ayokong maging katulad ni Zoey na pinaulanan sa internet ng bash dahil sa isang picture lang.

    Pinindot ko ang alarm ng sasakyan ko. Pero bago pa ako nakapasok sa driver’s seat ay pumasok na siya sa front seat na walang pag aalinlangan.

    “Saan tayo kakain?” Tanong niya nang nakangiti.
    “Labas.” Sabay turo ko sa labas ng sasakyan ko.

    Napalunok siya nang nakita ang seryoso kong mukha.

    “G-Ginugutom lang naman ako. Kaya ako sasama.”

    Tumaas ang kilay ko.

    “Ginugutom ka lang naman pala… bakit di ka umorder na lang doon since marami naman kayong pagkain, huh?”

    Hindi parin siya umaalis sa kinauupuan niya. Napasulyap ako sa ibang mga taong may dala-dalang camera at sinundan si Wade.

    “Freaking shiz!” Sabay pasok ko sa sasakyan ko.

    Buti na lang tinted ‘to. Pag di ako umalis dito ngayon at marealize nilang ako yung kasama ni Wade kanina, agad kaming headlines sa news bukas kaya mas mabuting umalis na lang kasama ang demonyitong ito.

    “Bakit, may iba ka bang kasama dapat ngayon? Kaya ba hindi ako pwede? Kahit makikikain lang ako di pwede?” Aniya.

    His tone is out of control.

    “God! Anong kasamang iba? Sino? Wala. Mukha bang meron eh ako lang naman ang mag isa dito.”

    Pinaandar ko ang sasakyan at pinaharurot palayo doon.

    Nakita kong napalunok siya at natahimik sa tabi ko.

    “M-May ka meet ka ba sa kakainan mo?”

    Buti na lang may McDonalds palang malapit dito. Doon ko na lang napagpasyahang mag lunch since ayokong lumayo dahil nandito si Mr. Rockstar, kasama ko.

    “Anong ka meet? Kailangan ba talaga ng ganun kahit kakain lang. Kita mo? McDo nga lang yan!” Sabay ayos ko sa pagpapark.
    “Eh ano ito?” Aniya sabay kuha sa mga bulaklak na binigay ni Liam sakin.
    “Wala.”
    “Anong wala? Bulaklak ang mga ito, Reina.”
    “Oo… Alam ko. Tapos?”
    “Galing kay Liam.” Dagdag niya.
    Tumango ako, “Then?”

    Umiling ako at umambang bubuksan na ang pintuan ng sasakyan ko pero mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko.

    “What, Wade? Dito ka lang! Wag kang sasama. Maraming makakakita sayo. Kilala ka. Bibili lang ako ng pagkain ko.” Sabay tingin ko sa packed na fastfood.

    Ang daming tao. Siguro, iba sa kanila ay sinadya talaga dito para malapit sa concert ni Wade. Yung iba mukhang pupunta sa concert mamaya at dito na talaga nag lunch para hindi na mahirapan sa pagpila.

    Hindi siya umimik. Kaya naman ay ibinaling ko ang atensyon ko sa kanya at nakita ko ang mabibigat niyang mga mata.

    “Reina, kailangan nating mag usap ng maayos.”

    Binawi ko ang kamay ko sa kanya.

    “Para ano pa, Wade? Ilang beses na tayong nag usap.” Humalukipkip ako.
    “Hindi pwedeng ganito tayo.”
    “Ikaw naman yung nauna, diba? Galit ka naman sakin, diba? Kaya nga nagawa mo iyon sakin?” Hindi ko maitago ang tabang sa pagkakasabi ko noon.
    “Oo. Galit ako sayo, hindi ko maiwasan iyon Reina. Matagal kong kinimkim iyon. At nang dumating ka, pursigido akong maghiganti dahil sa sobrang galit na dinanas ko.”

    Hindi ko kayang tumingin sa kanya. Kahit na panay ang titig niya sakin sa panahong ito ay diretso lang ang tingin ko.

    “Pero yung pakiramdam ko nang nakita kita, for the first time after 4 years, nalusaw lahat lahat nang bigla. At hindi ko matanggap iyon dahil ilang taon ko yung inalagaan para sa paghihiganti ko sayo.” Natigilan siya.

    Hindi ako nagsalita. May bumabara sa lalamunan ko. I need to breathe in and breathe out properly.

    “Galit ako.”

    Nalaglag ang panga ko nang narinig kong pumiyok ang boses niya. Mas lalong kinurot ang puso ko.

    “Galit ako, shit, galit na galit ako sayo, sa sarili ko, sa lahat. Kasi hindi ko sustenahin ang galit pagkamuhi ko sa ginawa mo. Lagi kong naaalala na may kasalanan ako. At tama lang kung palitan mo ako kasi wala akong kwenta at wala akong maipagmamalaki sayo.”

    LUSAW NA LUSAW ANG PUSO KO NANG NARINIG KONG HUMIKBI SIYA. Napatingin ako sa gilid. Shiiiit na malutong!

    “You came here with him. He kissed you, Reina. And you know how much I hate it… Alam mong noon pa, ayaw ko ng may kahati ako sayo. Ayaw ko ng may ka i-love-you han kang iba kahit sino pa yan. Alam mo iyon pero wala kang pakealam kasi wala ka ng feelings sakin. Ganun yung naramdaman ko. Kahit na pinagplanuhan ko ang paghihiganti sayo, ako parin yung natamaan. Hindi pa nga nagsisimula, natapos na agad.”

    Binuksan ko ang bibig ko para marahang ibuga ang naipong hangin sa lalamunan ko. Patuloy kong ginagawa iyon samantalang nakikita ko siya sa gilid ng mga mata kong pinapanood ako.

    “Yes, I deserve it. You moved on. Ako lang yung nagkimkim ng galit. But thanks to you, ganito na ako ngayon. Pinaghirapan ko makamit ito para sa pagbabalik mo pero useless kasi sa huli, ako yung nasaktan. Pero kinagabihan, sinabi mo saking mahal mo parin ako.”

    Kinagat ko ang labi ko nang naalala ko iyon. Gosh! Dalawang linggo pa lang ang nakakalipas ganito na ang nangyayari samin ni Wade!

    “Yes, nagustuhan ko yung sinabi mo. Pero nagising yung galit ko. If you still love me, Reina, bakit may humahalik sayong iba? Bakit may Liam? At alam mo yung feeling na pinagdidiinan sa harapan mo na kayo ang bagay kasi pareho kayong may negosyo… like you have to enter some stupid fixed marraige?”

    Nakita ko sa gilid ng mga mata niya ang pagpupunas niya ng kanyang luha. Hindi ko na nakayanan. Lumandas din ang luha sa mga mata ko. Pinunasan ko agad iyon.

    “Wala parin, Reina. Diba? It’s different. Kahit na may narating ako, iba parin pag talagang ipinanganak ng tulad mo. Sa bagay, kung mahal mo parin talaga ako, dapat walang Liam na nakaaligid sayo. Kaya dumating ka sa condo ko, galit na galit ako sayo. I don’t want you to stir up my mind… to confuse me again… coz you always do. You say you love me, then leave me. You say you still love me, but you’re with someone else.”

    I’m not with him! Ayaw lumabas ng boses ko. Masyadong masakit yung lalamunan ko.

    “Lagi iyong sinasabi ni Rozen sakin, na ikaw at si Liam ang mag mamana ng isa sa negosyo ng pamilya niyo. At pag nagkatuluyan kayo, mag eexpand ang negosyo nina Liam.”

    FVCK IT! THAT ASSHOLE AGAIN?

    Halos dumugo na yung labi ko sa kakakagat nito. I’m going to freaking kill him!!! THAT ROZEN!

    “Nagkakaigihan na kayo. Na sa condo mo kayo natutulog. I don’t like it, Reina. Nababaliw na ako sa nangyayari satin. Gusto mo ako pero hindi ko makita dahil sa mga pagkakataon. Mahal kita pero nababaliw na ako sa pag iisip tungkol sating dalawa. Baliw na baliw na ako. Hindi ko na alam kung saan ako magsisimula. Hindi ko na alam kung maayos pa ito.”

    Pumiyok ang boses niya sa dulo.

    Sumulyap ako sa kanya at nakita ko ang basa at mapupungay niyang mga mata.

    “Wade, maybe…” Nanginig ang boses ko pagkasabi ko nun.

    DAMN! I LOVE HIM SO MUCH! STILL! Hanggang ngayon, walang pagbabago, kung meron man, siguro mas lalong tumatag at lumakas ito.

    “Maybe we should take everything slow. M-Maybe we should stop worrying about anything. Siguro dapat nating mag simula ulit. Clean slate. Hindi n-naman kasi pwedeng agad tayong mag reconcile. I have doubts about you… And I’m sure you have for me-“
    “Putang doubts, Reina, kahit ano pang plano mo, kahit talo, susugal ako.”

    Umiling ako…

    “No, Wade. You’re being too impulsive.”

    Natahimik siya.

    “We’ll take this slow. Kita mo, sa pagmamadali mo, mas lalo lang tayong nagkalayo. If you want us, then we need to take everything slow.”
    Umiling siya at kinagat ang labi, “God damn it, mas lalo kitang minamahal ngayon!”

    Kinagat ko rin ang labi ko. He looked so weak. Mukha siyang nanghihina. Nakakapanghina kasi pinapanood ko siyang ganito ngayon. Gusto ko siyang halikan. Gusto ko siyang bigyan ng lakas kasi sa mukha niya ngayon, hindi ko alam kung kaya niya pa bang ipagpatuloy yung concert na yun. Maybe, that was the reason why he postponed it a week ago.

    Hinawakan niya ang kamay ko. Marahan at naramdaman ko ang panginginig ng kamay niya. Pero dahan dahan kong inilayo ang kamay ko. Nanlaki ang mga mata niya at kasabay nito ang pamumutla niya.

    “Let’s take everything slow, Wade. Everything.”

    I think this is the only way. Mahirap. Mahirap na mahirap para sakin, para sa kanya, pero para ito saming dalawa.

  • Kabanata 49Open or Close

    Kabanata 49
    Dahan-Dahanin

    Unti-unti siyang tumango. Tahimik kaming dalawa sa loob ng sasakyan ko. Nawala sa isang iglap ang gutom na inaalala ko kani-kanina.

    Natatakot akong sulyapan siya ulit. Nagutay-gutay na yata ang puso ko kanina nang narinig ko ang boses niyang nababasag sa bawat salita.

    Kailangan naming magdahan-dahan. Dahil masyado akong naging padalos-dalos noon. Agad ko siyang nagustuhan at agad ko ring inamin sa kanya ang nararamdaman ko. Masyado akong nagpadala sa emosyon ko. At sa huli, pinaandar ko naman yung utak ko at isinalba ang tanging natitira sakin – ang pride ko. Sa mga ginawa kong iyon, naging magulo kaming dalawa.

    Madali akong napaniwala ni Rozen sa mga panggagatong niya sa akin. Marupok pa ang pag iisip ko. At inaamin kong masyado kong binuhos ang emosyon ko sa aming dalawa ni Wade noon, na sa huli ay binawi ko agad sa takot na pinaglalaruan niya lang ako.

    Pagkabalik ko naman, mahal ko parin siya. Padalos-dalos parin lahat ng ginawa ko. Nahihirapan siya sa mga desisyon kong puro padalos-dalos at makasarili. Ngayon, gusto kong itama ang lahat. We should take it slow. Kung kami, magiging kami sa huli. Kung mahal niya ako, walang makakahadlang sa aming dalawa. Kung matatag ang pagmamahal ko sa kanya, magagawa ko ito.

    “Wade, w-we need more trust.” Nanginig ang boses ko nang sa wakas ay nagkaroon ako ng lakas ng loob para magsalita. “We need to rebuild our relationship. Padalos-dalos ako, padalos-dalos ka rin. Mahal kita at-“
    “Mahal na mahal din kita.” Nanginginig din niyang singit.
    Napalunok ako, “Oo. Kaya wala tayong dapat ipangamba. Kung mahal natin ang isa’t-isa, pareho tayong loyal, hindi ba? I’ve never had any romantic relationship ever since, Wade. Ikaw lang.”

    Napatingin ako sa kanya. Nakaawang ang kanyang bibig at titig na titig sakin. Pula ang kanyang ilong, patunay na kakagaling niya lang sa pag iyak kanina.

    “Kung ganun, anong klaseng relasyon meron kayo ni Liam?” Matabang niyang tanong.
    “Wade, we’re just friends.”
    “K-Kung mag kaibigan kayo, noon sabi mo sakin hindi pwedeng maghalikan yung magkaibigan, bakit kayo naghahalikan?” Seryoso niyang tanong.

    Gusto ko siyang sungitan, but I restrained myself.

    “Hindi kami naghahalikan. Hinahalikan niya lang ako sa noo o sa pisngi-“
    “What difference does it make?”
    Napasinghap ako, “Wade, it’s a foreign practice. Ganun yung mga french. Na acquire niya iyon sa tagal niyang nasa France.”
    “Matagal ka rin naman sa France, ah? Bakit di mo magawang halikan ako in front of people?”

    Nag iwas siya ng tingin. Napapikit ako at napanguso sa pagpipigil ng ngiti. I don’t know… We should take it slow pero mukha siyang walang planong bagalan ang tungkol saming dalawa.

    Nag isip ako ng pwedeng maging rason.

    “K-Kasi, you’re not French.”

    Napatingin siya sakin gamit ang nagtatampong mga mata. Nagkibit-balikat na lang ako.

    “French… Tsss…”

    Naku! Baka next time, ang pagiging French naman ang paghirapan nito para lang may mangyari saming dalawa.

    “W-Wade,” Untag ko nang naramdaman ulit ang tensyon sa pagtititigan naming dalawa, “Bibili na muna ako ng pagkain. Dito ka lang. Para makabalik na tayo.”

    Umamba akong bubuksan ang pintuan ng sasakyan ko pero nabigla ako na ganun din ang ginawa niya.

    “Sasama ako.” Aniya.

    Sinarado ko ulit ang pintuan at hinila siya pabalik sa loob. Kinabahan ako at napalingon-lingon sa parking lot.

    “Hindi pwede… My goodness! Artista ka! Dudumugin ka sa labas. At mejo pula yung mga mata m-mo… Baka anong sabihin nila.”

    Kinuha niya ang aviators ko na nasa harapan niya.

    “Edi sootin ko ito.” Sabay bukas sa pintuan.
    “Wade! Wait!”

    Pero langya, andun na siya sa harapan ng sasakyan ko at naghihintay ng paglabas ko. Ang kulit… ang tigas talaga ng ulo nito. He’s always been stubborn. Ipipilit niya ang mga gusto niya. Hindi ko alam pero pareho ko yung gusto at ayaw na ugali niya.

    Mahina siyang naglakad kasama ko nang lumabas na ako sa sasakyan. Mukha siyang nawawalan parin ng lakas dahil sa nangyari samin sa loob. Kahit ang laki na ng aviators ko, marami paring nakakapansin sa kanya. Naasiwa nga ako kasi pagkatapos siyang tignan ay dadapo ang titig sakin.

    Pumasok kami sa McDonalds, agad akong ginapang ng kaba ko nang tatlong table ng mga babae ang napalingon samin. Unti-unti kong sinilip ang mukha ni Wade at nakita kong nagkukunwari siyang may tinitignan sa sapatos para maka yuko siya at matigil yung pagtitig nila.

    Kaya lang, marami paring di nag paawat.

    “Sabi naman sayo, doon ka lang sa sasakyan.” Bulong ko.

    Kinakagat ko na ang labi ko sa kaba. Hindi na ako mapakali. Patuloy na ang pagiging tuliro ko sa paligid.

    “Wala namang nakakahalata.” Aniya.

    Napalingon ang isang babaeng nauna samin sa pila. I swear, namutla ako nang tinitigan niya si Wade at unti-unting nanlaki ang mga mata niya.

    “What’s your order ma’am?” Sabi nung nasa counter kaya nabaling yung atensyon niya doon.

    “God! Wade! Just go back to the damn car.” Pabulong kong sinabi pero may tatlong nakarinig yata at mas lalong inexamin ang lalaking nakatayo sa tabi ko.

    “May concert si Wade Sexy Rivas ngayon, hindi pwedeng siya yan.” Dinig ko sa isang table ng mga batang babae na panay ang tingin kay Wade.

    Umalis na yung babae sa unahan ko pero malagkit ang titig niya kay Wade.

    “Miss, cheeseburger dalawa, large fries and drink.” Sabi ko.
    “Tubig na lang yung isa.” Sabi ni Wade at kinuha agad yung isang libong piso sa wallet niya.

    Napanganga ang babae sa counter nang narealize kung sino itong lalaki sa harapan niya. Ngumiti si Wade. Mukha yatang dahil sa dimple niya ay mas lalong nakumpirma para sa babaeng iyon ang katauhan niya.

    “WA-“
    “Shhh!” Nilagay ni Wade ang daliri niya sa bibig ng babae.

    Nanliit ang mga mata ko sa ginawa niya.

    “Keep the change, wag mo lang sabihin kahit kanino kung sino ako. At… pakidalian kasi gutom na…” Sabay turo niya sa dibdib niya.

    Gutom nga pala siya, kaya nga sumama siya sakin ngayon. Syempre, gusto niya rin sigurong mapag isa kami nang masabi niya yung nararamdaman niya sakin.

    “O-Okay.”

    Parang the Flash yung babae sa pag hahanda ng mga inorder namin ni Wade. Pero habang naghahanda siya ay hindi niya mapigilan ang paglalaway sa kanya. Pumupungay ang mga mata ng babae at malaki ang ngiti. Kaya naman, kahit wala siyang sinasabi ay nagtataka na ang mga kasama niya sa kanyang asta.

    “Thank you.” Sabay pasada ni Wade sa kanyang matamis na ngiti.
    “Lika na!” Sabi ko habang tinitignan ang mga nakatitig parin sa kanya.

    Kahit naman kasi hindi siya makilala ng mga taong ito, gwapo parin siya kaya malamang tinititigan at tinutuluan talaga siya ng laway.

    “WADE RIVAAAAAAAS! AHHHH!” Sigaw ng isang babaeng makahalata na yata nang palabas na kami sa pintuan.

    “AHHH!”

    Nagkandarapa ang mga tao. NAg unahan sa pagkuha ng kani-kanilang cellphone at camera. Kaming dalawa naman ni Wade ay tumakbo pabalik ng sasakyan. Kakapasok niya lang noon nang nakita kong nagsilabasan sila at tumatakbo na papunta samin.

    “Sh1t!” Pinaharurot ko ang sasakyan pabalik sa Araneta.

    Hiningal pa ako pagka park ko sa parking lot. Nandoon na ang iilang mga police at nakita kong may tinatawagan si Mr. Manzano at isa pang mukhang importanteng tao doon.

    “Eto yung sayo.” Sabi ko sabay bigay ko sa kanya ng pagkain. “Lika na!”

    Lalabas na sana ako pero pinigilan niya ako.

    “Mamaya na…” Sabay tingin niya sa mga tao sa labas. Tinted itong salamin ko kaya hindi nila kami makita.

    May itinuro si Mr. Manzano sa mga police. Pumunta agad ang mga police doon.

    “Ano kayang nangyari? May problema ba?” Napalingon ako kay Wade na dahan-dahang kinakain yung french fries.
    “Ewan ko.” Nagkibit-balikat siya at tinignan ako.

    Patuloy akong nanood sa mga ginagawa nila doon habang kumakain ako. Naubos ko na yung pagkain pero ganun parin ang ginagawa ni Wade – kumakain lang dahan-dahan ng french fries habang tinitigan ako.

    Naiilang ako sa mabigat at mariing titig niya. Parang laging pwedeng marami ang mangyari tuwing tinititigan niya ako ng ganito. His intense gaze were always my drugs. Nahihilo at naha-high ako sa kanya tuwing nawawala ako sa kanyang mga mata.

    “A-Akala ko ba ginugutom ka?” Tanong ko para maistorbo yung masyadong mariing pagtitig niya.
    “Huh? Ikaw yung gutom.”
    “Anong ako? Tsaka… Bakit di ka pa kumakain? Kainin mo na yang cheeseburger mo.”
    “Mamaya na, pag gutom na ako.”
    Kumunot ang noo ko, “Hindi ka ba gutom? Hindi ba sinabi mo sa babae dun sa McDo na gutom ka na?” Tanong ko.
    Umiling siya, “Hindi ako yung gutom. Ikaw.”
    “Huh?”

    But I’m so sure na yung sinabi niya sa babae doon ay gutom siya. Bakit pinipilit niya ngayong ako ang gutom?

    Nagkibit-balikat siya at nag iwas ng tingin sakin. Baka nagkamali siya o nagkamali ako? Idunno, why…

    “Reina…” Mahina niyang sinabi.
    “Hmmm?” Sabay kain ko sa isang french fries.
    “Sabihin mo nga sakin, nung nasa France ka ba, ako parin yung sayo o tsaka lang bumalik yung lahat ng naramdaman mo nang nakita mo na ulit ako?”

    Natahimik ako sa tanong niya. It’s always been you, Wade. Lahat ng sketches ko… lahat ng laman ng isipan ko… ng puso ko, ikaw.

    “Nasa F-France pa lang ako, ikaw lang talaga.”

    Nakita kong yumuko siya. Parang nag isip siya ng malalim bago ako tinanong ulit.

    “Kung ganun, bakit hindi mo ako agad binalikan dito?” Matabang na tanong niya.
    “K-Kasi… Wade…”

    Bakit? Kasi kinain ako ng pride ko… Kasi natakot ako… Kasi gusto mas kong ipursue ang pangarap ko kesa sumugal sa bagay na nagawang wasakin ang puso ko noon.

    “Kasi… Kasi… natakot akong-“
    “I want answers from your heart, Reina. Ayoko ng sugarcoated answers. Ang sabi mo gusto mong dahan-dahanin ito. Ayaw ko pero pagbibigyan kita. Ngayon, ako naman ang pagbigyan mo, I want honesty. In every question, in every action.”
    “Totoo ito, Wade. I’m honest. Ikaw parin sa France, at pagbalik ko, ikaw lang talaga. Hindi kita binalikan kasi natakot akong sumugal sa isang bagay na walang kasiguraduhan. Nangibabaw ang obsession ko sa safe… sa buhay na walang masakit… Nangibabaw ang mga pangarap ko.”
    Napalunok siya at napailing, “Alright. Thank you for being honest.”
    “B-Bakit?”

    Kinurot ang puso ko tuwing binabalikan ang sinabi ko. It’s so clear… mas pinili ko ang pangarap ko kesa sa pag ibig. At that time, it was the right thing to do. Or at least, I thought so.

    Nakita ko yung confusion sa mga mata niya. Guilty ako. Guiltyng-guilty.

    Hinawakan niya ang labi niya at diretso ang tingin niya sa mga sasakyang nakahilera sa harapan namin.

    “Pumasok ako ng Going South at nag ipon para puntahan kita ng France. Nakapunta ako at nakita kitang masaya doon.”

    Nanlaki ang mga mata ko. Napatunganga ako sa kanya. Hindi ko mapigilan ang pagbara sa lalamunan ko. This beautiful boy is really in love with me… simula pa noon. Hindi ko na kayang snaban yung sinasampal niyang pagmamahal sakin.

    Unti-unting namuo ang luha sa mga mata ko.

    “Iyon yung naging pinaka malaking desisyon ko sa buhay ko, Reina. Ang hayaan kang maging masaya sa France at nakakamit ang pangarap mo. I’m selfish and jealous of your dreams…” Natigilan siya. “I want to be the only dream you have. Pero hindi ka bagay na pwede kong ikulong sa mga palad ko. Nadagdagan pa nang nakita kong kasama mo si Liam doon. I hated that you were so happy while I’m so broken here…”
    “Nahirapan din ako, Wade. Kaya ayaw kong bumalik ng Pilipinas kasi natatakot akong di ko kayanin ang mga nangyayari dito… sayo… Kinain ako ng takot ko.”

    Napatingin siya sakin at nakita niya ang mga luha ko. Humihikbi na ako sa pag iyak. Ngumisi siya. That evil sexy smile. Pinunasan niya ang luhang lumandas sa pisngi ko.

    “Wag kang umiyak, Reina. Ireserba mo ang luha mo pag nagtagumpay na ako sa pagkulong ko sayo sa mga palad ko. Kasi hanggang ngayon, ikaw parin talaga at ikaw lang… Nature ko na ang pagkahumaling sa pagiging sakim sayo. Hindi parin nagbabago. Positibo parin akong sakin ang bagsak mo. Kahit na anong daan pa yan, short cut man o dahan-dahan, iisa lang ang patutunguhan.”

    Mas lalo siyang ngumisi.

    “I’ll court you, Reina. And that’s not a question. Gaya ng gusto mo, dadahan-dahanin natin ito.”
    “W-What?”

    Parang may kung anong init ang naramdaman kong bumalot sa puso ko. Binuksan niya ang pintuan ng sasakyan.

    Bumaling ang lahat ng police at pati na rin yung ibang taong nakaabang doon sa parking lot.

    “MY GOODNESS WADE RIVAS! WHERE HAVE YOU BEEN? Hinahanap ka na ng press! Hinahanap ka na ni Shan! Hinahanap ka ng fans mo! Ang daming umaasa sayo pero napaka iresponsable mo talaga!” Sigaw ni Mr. Manzano sa kanyang alaga.

    Napalunok ako habang tinitignan si Wade na sumasama sa kanila pabalik sa loob. Nilingon niya ako pero sa dami ng escourt niya, natabunan din yung paningin niya.

  • Kabanata 50Open or Close

    Kabanata 50
    Sagutin Mo Lang Ako

    Pumasok na rin ako doon. Kahit may dalawang oras pa bago magsimula yung concert ay mahaba na ang pila sa labas. Marami ng tao at busyng busy na ang mga staff.

    Nakita kong nakabukas ang pintuan ng room nina Wade. Umaapaw sa tao at may nakikita akong mga camera. Okay, saan ako pupulutin nito? Malamang panay na ang picture nila doon sa loob.

    Biglang pumalakpak ang mga tao sa loob at naghiyawan. Ano naman kayang meron? Papasok ba ako? Papasok na sana ako nang may biglang kumalabit sakin.

    Pumihit ako para tignan kung sino iyon. Nagulantang ako nang naaninaw ko ang mama at papa ni Wade kasama si Iverson na kapatid niya.

    Ngumiti ang mama ni Wade sa akin at niyakap ako. Tumango naman ang papa ni Wade sakin habang yakap-yakap ako ng mama niya.

    “Ang ganda mo na, hija.” Bati ng mama ni Wade.
    “P-Po?”

    Hindi ko alam kung anong unang sasabihin ko sa kanya gayung huli kaming nagkita ay nung nagpunta ako sa Alegria. Agad kaming nagkahiwalay ni Wade noon. Hindi ko alam kung alam ba ng parents niya ang nangyari saming dalawa. At kung alam nila yung nangyari, nagalit ba sila sakin o ano?

    “Nung nalaman ko kay Wade na bumalik ka na galing France, agad kong sinabi sa kanya na pabalikin ka sa Alegria. Hindi ko nga alam kung bakit natatagalan kayo sa pagbalik.” Binigyan ako ng matamis na ngiti ng kanyang mama.

    Maganda parin ang mama ni Wade at matipuno parin ang kanyang papa. Si Iverson naman ay lalong tumatangkad at umuusbong na rin lalo yung features ni Wade sa mukha niya. It’s been four years, after all. Twenty-two years old na ako ngayon. Malapit na akong mag twenty-three kaya siguro ay nasa eighteen na itong si Son. Napatunganga ako sa ngiti ng mama ni Wade.

    “Kelan kayo babalik?”

    Namumutla na talaga ako dito sa kinatatayuan ko.

    “Hindi ko po a-alam.”
    Kumunot ang noo niya, “Bakit naman? Naku! Ang sabi ni Wade pagkabalik mo, papakasalan ka na raw niya.”

    Muntik na akong nasamid sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi ng kanyang mama.

    “Oo. Kelan?”

    Hindi pa nga iyon nag po-propose! Nanliligaw pa lang! Kinagat ko ang labi ko. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya yung mga iniisip ko o manahimik na lang.

    “H-Hindi ko pa po alam…”

    Napasulyap ako kay Iverson na nakatunganga sakin.

    “Naku! Ang hina talaga ng isang iyon.” Ngumisi siya at sinulyapan ang pintuan. “Pasok tayo sa loob?” Sabi ng mama ni Wade.
    “A-Ah? Kayo na lang po muna. Kakagaling ko lang kasi diyan.” Pagsisinungaling ko.
    “Sige na… Sumama ka na samin.” Sabay hila niya sa kamay ko. “Lika na, pa! Papicture tayo kay Wade!” Sabi ng mama niya.

    Nangatog yung mga paa ko sa paghila ng mama niya sakin.

    “Pero alam ko namang dapat discreet lang relasyon niyong dalawa. Alam mo na, para walang reporters at fans na makealam.” Humalakhak siya sakin.

    Napalunok ako. Tuliro na ako at hindi ko na alam kung alin ang una kong aatupagin. Ang pagsabi sa kanyang hiwalay na kami ni Wade noon o ang pagpipigil sa pagpasok ko sa loob.

    Pero bago ko pa mapagtanto kung ano ang susunod na action ko ay nasa loob na kami ng room. Binitiwan ako ng mama ni Wade para tumakbo sa gwapo niyang anak na panay ang ngiti sa camera kasama ang members ng Going South.

    “Ma!” Bati ni Wade.

    Niyakap siya ng kanyang mama. Nakita ko ring nag high five si Iverson at si Adam.

    Yung daddy naman ni Wade ay tahimik na nakatayo sa likod ng mama ni Wade. Maraming nagclick na mga camera dahil sa pagtatagpo ng buong pamilya ni Wade.

    Pero kahit ganun ang eksena, yung mga mata ni Wade ay lumipad sa kinatatayuan ko. Seryoso ang kanyang mukha. Napaatras ako sa kinatatayuan ko. Dumami rin kasi ang mga tao.

    “Hello po, kayo po pala yung mga magulang ni Wade, ako po si Shan.” Sabi ng isang babaeng nakaponytail at nakadress. Litaw na litaw yung dimples niya sa pagbati niya sa mama ni Wade.

    Kinurot ang puso ko sa nakikita ko.

    “Hello, hija! Oo. Kilala kita.” Nanggigil na niyakap ng mama ni Wade si Shan. “Fan mo nga ako eh! Ang ganda ganda mo pala sa personal!”

    Umatras pa ako lalo. Wala pa namang nangyayari pero bakit pakiramdam ko taob ako sa kahit anong anggulo. Panay ang picture ng mga camera sa kanila.

    “Ito nga pala si Son, kapatid ni Wade.” Sabay pakita sa bunsong kapatid ni Wade. “Ito naman ang kanyang papa.”
    “Hello po.” Maypa yuko-yuko at nagmano pa si Shan sa papa ni Wade. “Matagal ko na po kayong gustong makilala.”
    “Uyyy! Family picture!” Sigaw ni Zac sa kanila.

    Tumawa ang mga kabanda ni Wade, maging ang mga staff at photographers ay humiyaw sa panunuyang tinanggap nila galing kay Zac. Umatras pa lalo ako at lumapit na sa pintuan. Umamba si Wade na pupuntahan ako pero umiling ako. Kumunot ang noo niya at nakita ko ang galit sa mga mata niya. Nilagay ko ang index finger ko sa labi ko, “Shhh, Wade.” Tumalikod ako at umalis.

    “O sige, sige, picture tayo.” Sabi ng mama ni Wade.

    Hindi ko kayang makita silang masaya. Yung buong pamilya ni Wade kasama ang Shan na iyon. Kailangan namin ng trust ni Wade, alam ko, and I trust him. Pero may mga bagay talagang hindi mo parin kayang tignan kahit na alam mong wala lang.

    “Reina?” Nabigla ako nang nakita ko si Zoey sa harapan ko.

    Ang taas ng heels niya at bihis na bihis siya. Pulang-pula din ang kanyang labi at may dala siyang flowers.

    Ngumisi siya sakin.

    “Zoey? B-Bakit ka andito?” Tanong ko.
    “Eto, babatiin ko lang sana si Wade.”
    Tumango ako at lalagpasan na sana siya.
    “Reina, it’s been four years simula nung nagkita tayo, tapos yun lang ang itatanong mo sakin?” Tumaas ang kilay ni Zoey.

    Hindi ko alam. Nanghihina pa kasi ako sa mga nangyayari. Nanghihina pa ako sa nakita kong welcome si Shan sa kanyang pamilya. At mukha ngang gusto siya ng pamilya ni Wade. Kung alam man ng mama ni Wade ang tungkol sa nangyari, tungkol sa pagtakwil ko kay Wade noon, malamang galit yung mama niya sakin. Pero hindi, eh. Mukhang wala siyang alam. Ni hindi niya alam na nagkahiwalay kami ni Wade.

    Napatingin ako kay Zoey. Mas lalo talaga siyang gumanda.

    “Nandoon ba siya?” Tanong niya.
    Nabigla ako sa tanong niya.
    “Si Shan?”
    “Ha?”
    “Si Shan… Yung sikat na artista at TV host na nalilink kay Wade, nandoon ba?”
    Tumango ako at mas lalong tinuonan siya ng pansin.
    “Kaya ba Biyernesanto iyang mukha mo?” Ngumisi siya.

    Kumunot ang noo ko. Hindi ko alam kung tama ba itong nakikinig o nakikipag usap ako dito kay Zoey o mas mabuting umalis na lang ako doon.

    “Come on, Reina, Come on… Wag mong sabihing pinanghihinaan ka na naman ng loob kay Wade.”
    “Huh? B-Bakit naman ako panghihinaan?”
    Umirap siya, “Sige, isang beses ko lang itong sasabihin kaya makinig kang mabuti. I’m sorry. Kasi isa ako sa naging dahilan ng paghihiwalay niyo ni Wade noon. I liked him… In ways that should be considered illegal. Pero hindi niya kailanman ako tinignan gamit ang puso niya. Puro siya katawan. And I know you know that… Mabait siya at magkaibigan kami mula pa pagkabata. He’s my first love, but I’m not his.”

    Napayuko ako at napatingin sa paligid. Busy ang mga tao at wala gaanong pumapansin saming dalawa. Nakita ko yung emosyon sa kanyang mga mata.

    “Gusto kong mag assume na may gusto siya sakin. Na kaming dalawa yung bagay. Marami siyang pangarap. Pangarap niyang magbanda kaya sinabi ko sa kanya, pag nakapasok siya sa Zeus, sisikat siya. Ang tanging daan para makapasok siya ay pag napaibig ka niya.”

    Humalukipkip si Zoey at tinitigan ako. Alam ko na ang istoryang ito pero kinukurot parin ang puso ko tuwing naaalala.

    “Pero hindi niya naisagawa yung plano kasi hinarangan siya ng kuya mo. You get my point? May plano, pero hindi nangyari. Kung ano man ang namagitan sa inyo noon, totoo yun. Hindi dahil sa plano.”
    “Bakit mo sinasabi sakin lahat ng ito?” Tanong ko sa kanya.
    “Kilala mo ba ako, Reina?”

    Nabigla ako sa tanong niya. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ako tinanong ng ganoon.

    “Kung kilala mo ako, dapat alam mo ang sagot diyan.” Ngumisi siya. “Nung wala ka… hindi ko alam kung paano ko pupulutin pabalik si Wade. I loved him but he’s just too broken for you. Galit siya sa mundo at wasak ang buong pagkatao niya.”
    “Kung mahal mo siya, bakit mo sinasabi sakin ang lahat ng ito.”
    “Humupa yung pagmamahal ko sa kanya, Reina. Mula nung narealize kong hindi na siya masasalba sa pagkakalunod sayo. He’s crazy. Pumunta siya ng Paris para sayo. Lahat para kay Reina. Lahat para sayo. Halos sambahin ka niya kahit wala ka dito. You think my love will live?”

    Ipinakita niya ang mga daliri niya sakin.

    “I’m engaged, Reina.”

    WHAT? Nabigla ako sa sinabi ni Zoey.

    “Hindi siya si Wade pero mahal niya ako. Hindi siya katulad ni Wade kung magmahal pero ayos lang, ang importante, mahal niya ako.” Aniya.

    Nakita ko yung panghihinayang sa mukha niya.

    “Now… kung ano man yung namamagitan sa inyong dalawa ngayon, ang masasabi ko lang ay sana magkaayos na kayo. He’s going to self destruct, Reina, kung wala ka sa tabi niya.”

    Hindi ako makapagsalita sa sobrang bigla ko.

    “Now, alam mo naman ako, hindi ako nagsasalita o gumagawa ng kabutihan ng walang kapalit. I want you to hire me as your model, Reina. Pag natanggap ka sa Fashion Week o mag launch ka ng clothing line mo, kunin mo ako as image model.” Ngumisi siya.

    At talagang ang kapal din ng mukha nitong si Zoey. Tinignan niya akong mabuti. Ilang sandali ay nakita kong lumagpas yung titig niya sa likuran ko. Ngumisi siya sakin.

    “You’ll thank me for this, Reina. Pumunta ka na lang muna ng CR.” Aniya sabay turo sa daan papuntang CR.

    Narealize kong maraming tao ang nakapaligid samin. Nakatingin sila sa likuran ko. Bakit naman kaya sila nakatingin.

    “Coz he’s a celebrity now. He can’t just go out with anyone else unless gusto mong sumikat sa pamamagitan ng pag ba-bash sa internet.” Kumindat si Zoey sakin at hinila ako.

    Napalingon ako sa likod ko at nakita kong dinudumog si Wade ng mga tao. Hinihingal siya at nginingitian ang bawat isa. Pero nang nakita niyang nakatingin ako sa kanya ay umamba siyang maglakad papunta samin ni Zoey.

    “GO, REINA!” Sigaw ni Zoey sakin.

    Napapikit at napatalon ako sa bigla.

    “GO!” Sigaw niya sabay turo sa CR.

    Hindi ko maintindihan kung anong plano niya pero sinunod ko ito.

    Tumakbo ako papasok ng CR at nilingon si Zoey na hinihila si Wade palayo sa mga nakapasok na fans. Maraming police at staff na pumigil sa pagwawala nila. Nagpahila si Wade kay Zoey at nakita kong papunta din sila dito sa CR.

    “Shiz!” Sabay pasok ko sa CR.

    Sobrang kinabahan ako doon. Mabuti na lang at walang tao.

    Nakita ko yung mga cubicle. Nasa CR pala ako ng mga lalaki. Naalala ko tuloy yung unang away namin ni Wade. Yung nasa CR kami… CR ng mga lalaki. Mabuti na lang walang tao ngayon.

    “There!”

    Tinapon ni Zoey si Wade sa loob ng CR.

    “Utang mo ‘to sakin, Reina. Yung deal natin, ah?”
    “HUH?”

    Pero di niya na ako narinig. Hindi ko alam kung umalis ba si Zoey o binantayan niya kami sa labas. My gosh! Pero infairness, nakakaantig yung ginawa niya para samin ni Wade.

    Pinauna niya ako dito sa CR para siya yung makita ng fans at paparazzi na kasama ni Wade. Hindi naman siguro siya nasasaktan sa mga bash sa kanya. Noon pa man, mahilig na talaga siya sa fame. Kahit paano pa yan, basta sumikat lang siya. At hanggang ngayon, ganun parin ang trip niya.

    Naiilang akong tignan si Wade sa mga mata. Nakatayo lang siya doon at pinapanood akong tumitingala at nagkukunwaring chinicheck ang ‘features’ ng CR.

    “Bakit di ka lumapit sakin, kanina?” Tanong niya.
    Napatingin ako sa seryosong mukha niya, “Wade, may press. Anong gusto mo? Magalit yung fans mo sakin?”

    Namutla siya sa sinabi ko.

    “Hindi naman sila magagalit kung sabihin kong mahal kita.”
    Natawa ako sa sinabi niya, “Really?”

    I doubt it. Hysterical ang mga fans ng The Beatles noong kasagsagan nila. Twing may mga taong nalilink ay halos mag laslas yung mga fans at paulanan ng bash ang mga nalilink sa kanila. Malamang ganoon din ang mangyayari samin ni Wade kung ipapakilala niya ako sa sambayanan. They are all obsessed with WadeSha. Besides, hindi pa naman kami ni Wade.

    “Okay lang, Wade, hindi pa naman tayo. At mas gusto ko rin ng may privacy ako. Gusto ko sekreto. Gusto ko yung walang nakakaalam.”
    “Paano kung sabihin ko sa kanila mamaya? Paano kung yun ang gusto kong mangyari?”

    Umiling ako.

    “Dahan-dahan, hindi ba, Wade? Kung sasabihin mo agad gayung di pa tayo, nagmamadali ka na.”

    Suminghap siya at tumango ng dahan-dahan.

    “Okay, Reina. Dahan-dahan.”
    Kumunot ang noo ko nang lumapit siya sakin, “B-Bakit nga pala yung buong akala ng mama mo ay hindi tayo nagkahiwalay?”
    Natigilan siya.

    Ilang sandali pa siya bago nagsalita.

    “A-Ang alam niya lang ay nagalit ka sakin. N-Nagalit ka kasi ang akala mo ay pinaglaruan kita. Pero hindi niya alam na iniwan mo ako. Sinabi kong umalis ka lang para mag aral at hanggang ngayon, tayo parin. Dahil hindi ko kayang aminin ang katotohanang iyon sa sarili ko. Lalo na sa pamilya ko.”
    Napayuko ako, “Pagnalaman ng mama mo na iniwan kita, malamang aayawan niya ako, hindi ba? Hindi na iyon magiging boto sakin. At baka si Shan na ang gusto niya para sayo.” Napalunok ako.

    Actually, mukhang gusto talaga ng mama ni Wade si Shan. Damn!

    Umiling si Wade at mas lalong lumapit sakin. Kumunot ang noo ko sa paglapit niya.

    “Hindi naman ganyan ang pamilya ko.” Sabi niya. “At hindi ko naman sila hahayaang pangunahan ako.”

    Nagulat ako sa sinabi niya. Para akong natamaan ng bulalakaw. Ako iyong napapangunahan ng pamilya!

    Napatalon ako nang naramdaman yung haplos ni Wade sa magkabilang braso ko.

    “Sige, Reina, gusto mong sekreto tayo, sekreto tayo. Gusto mong dahan-dahan, sige dahan-dahan tayo. Kahit anong gusto mo, sagutin mo lang ako sa huli. Walang problema… Sa ngayon, payakap lang. Kahit walang halik. Yakap lang.”

    Unti-unti akong tumango. Binalot kami ng katahimikan. Unti-unti kong naramdaman ang mga bisig niyang pumulupot sakin.

    Mainit parin ang katawan niya. Mainit kaya natutunaw niya ang lamig na nararamdaman sa puso ko. Nakakalimutan ko yung mga dahilan kung bakit ko hiningi sa kanya ang pagdadahan-dahan namin.

    No, Reina. You need to stick to your words. Kung hindi, baka masira lang ulit yan. Nakailang beses ka na sa pagpapadalos-dalos mo, kailangan mo naman ng ibang approach ngayon.

    “I’ll get you to stay, this time. Hindi ka na ulit makakawala sakin. I’ll find ways to keep you… I just damn want your honesty. Ayokong bigla ka na lang nagtatampo. Ayokong nakikita kang biglang umaalis nang di ko nalalaman. Showbiz will really hurt you, Reina. I need to give this all up to be with you.”

    Nagbara ang lalamunan ko sa sinabi niya. Tumindig ang balahibo ko at hindi ko mapigilan ang pagkalat ng kirot sa puso ko.

    “Wade, don’t do this. Okay lang naman sakin.”
    “I want you to be honest, Reina.”
    “Okay lang. Kaya ko.”

    Hinarap niya ako gamit ang nasasaktan niyang mga mata.

    “Alam kong may mga doubts ka dahil nagpaapekto ako noon sa ibang tao, pero ngayon, I promise you, hindi na ulit. Hindi na. Kaya ko ito. Ipagpatuloy mo ito. Don’t self destruct just because of me.”

    It’s not worth it. Ang dami kong ginawang masama sayo. Hindi ko kayang pati ito ay ipagdadamot ko sayo.

    “Alright, if that’s what you want.” Aniya. “Then I’ll do it. Sagutin mo lang ako.”

    Ewan ko, Wade. Nanliligaw ka pa ba? Parang bumibigay na yata ako kahit na nanliligaw ka pa lang eh. Paano pa kaya pag tayo na, naku!

  • Kabanata 51Open or Close

    Kabanata 51
    I Love You, Carmela

    Ilang sandali lang ay hinanap na si Wade at inilayo na siya sakin. Well, siguro naman ay okay na desisyon ang ginawa ko. Hindi pa ako readyng i-bash ng mga fans nila ni Shan at sigurado akong liliit yung fans niya pag nalamang may nililigawan siyang iba. At eto pa, hindi pa naman kami kaya mas mabuti na rin sigurong sekreto lang ito.

    Inilatag ko yung mga susuotin ni Wade doon sa backstage. Hindi dapat ako umalis ng backstage, kaya lang may 30 minutes akong walang ginagawa. Siguro mas mabuti kung panoorin ko siya ngaypng tumutugtog. May oras pa naman akong bumalik bago siya mag change ng damit.

    Pinayagan naman ako ni Mr. Manzano na manood muna. Tumayo ako malapit sa mga VIP. Nandoon ang iilang artista. Nandoon din yung magagandang models. May T-shirt pa silang may nakalagay na ‘Rivas’ sa likuran.

    Maraming poster tsaka tarpaulin na naglalakihan. May mga makukulay pa silang glow in the dark sticks and ballers. May nag effort pang magdala ng balloons. Ang ingay ng mga fans. Napatingin ako sa stage at nakita ko yung dim lights. May limang minuto pa bago mag simula yung concert pero hyper na ang mga tao.

    “WADE RIVAAAAAAAAAAAAAAS!”

    Napahawak ako sa sarili kong lalamunan. Ang sakit nun sa lalamunan, ah? Grabe naman sila kung makapag cheer. Malamang naghihintay na lang din yung Going South sa oras. Siguro nandyan na sila sa gilid.

    “ARGHHHHHH! GOING SOUTH! GOING SOUTH! GOING SOUTH!” Napangiti ako sa sa ingay nila.

    Sabay-sabay pa talaga sila nung nag cheer!

    “OMY GOSSSSSSH! WADE-SHA! WADE-SHA! WADE-SHA!”

    Nakita ko sa may harapan ang pagdating ni Shan. Nakabalandra ang dimple niya sabay ngisi sa buong sambayanan. Kumaway siya sa mga fans at binigyan sila ng flying kiss. Kumirot ang puso ko nang nakita ko kung sino yung mga kasama niya.

    Tumabi sa kanya ang mama ni Wade. Buong pamilya ni Wade ay kalinya niya sa mga upuan sa VIP section. Katabi niya naman yata ang isang bigating tao. Bumulong siya rito at nagtawanan sila.

    “This is a big scoop! Shan with Wade’s parents! Malapit na ang kasal!” Bigla akong tinulak nang di sinasadya ng isang taga media.

    Panay ang picture niya sa kay Shan na nakikipag usap naman ngayon sa mama ni Wade.

    Gumapang sa sistema ko ang inis at pagka irita sa sitwasyon. Ang tanging inisip ko na lang ay kailangan kong magpakatatag. Magpapakatatag ako para kay Wade, para saming dalawa. Matagal siyang nag sakripisyo para sakin, kaya ako naman dapat ngayon. Kaya niyang isuko itong tinatamasa niyang pangarap para lang sakin. Alam naman nating hindi na iyon kailangan. Mas gusto ko yung kinakamit niya yung mga pangarap niya. Para kasing simula nung nakilala niya ako, nawalan na siyang interes mangarap para sa sarili niya. Zoey’s right, he will self destruct. Kaya dapat kong intindihin ang lahat ng mga ito. Parte ito ng fame. Ganyan talaga pag nasa showbiz. Hindi mo maiiwasang malink kahit kanino.

    “10… 9… 8… 7…”

    Nagka-count down na para sa paglabas nina Wade!

    “Miss, ikaw ba si Miss Elizalde?” May nagtanong na isang staff sakin. May lapel siya at mukhang nababanas pa sa akin.
    “Po? Opo.” Sabi ko.
    “Oh heto.” Sabay bigay niya sa isang malaking bouquet of roses.
    “Kanino po ito galing?” Tanong ko.
    “Ewan ko. Bigla na lang may nagpadala. Sige.” Umalis na siya at pumunta sa harapan.

    Napatitig ako sa mga bulaklak sa harapan ko. Hinanap ko yung nakatagong card. Sa wakas ay nakita ko rin itong kulay pulang card.

    Tinignan ko ito at nakita kong sulat kamay ni Wade iyon.

    “I love you, Reina. Sana sagutin mo na ako.”

    Napangiti ako. Ang kulit talaga ng isang ito. Kakadeal nga lang namin na dahan-dahanin ang lahat ng ito, agad ng nagrerequest na sagutin ko siya.

    Napailing ako at napatingala dahil biglang sumulpot sina Wade, Zac, Austin at Adam sa stage. Maporma silang apat at ibang-iba ang aura kumpara sa Zeus noon. Hindi ko mawari kung anong kaibahan nila pero ang masasabi ko lang ay malakas at maimpluwensya silang apat.

    “Somewhere there’s speaking
    It’s already coming in
    Oh and it’s rising at the back of your mind
    You never could get it
    Unless you were fed it
    Now you’re here and you don’t know why…”

    Ngumiti si Wade habang tinuturo ang mga fans. Naghihimutok at humihiyaw na ang mga fans niya sa sobrang kilig. May nakita pa akong mukhang tunay na nahimatay sa pag tatalon. Nakita kong pinaypayan siya ng mga kasama niya at pinuntahan din ng staff na medic.

    Tsk. Ganun ba talaga? Kakasimula pa lang nito, ah?

    “He’s everything you want
    He’s everything you need
    He’s everything inside of you
    That you wish you could be
    He says all the right things
    At exactly the right time
    But he means nothing to you
    And you don’t know why “

    “Grabe, pati yung mga dating kanta ng Going South, kering keri niya. Ibang klase. Talented talaga itong si Rivas.” Sabi ng isang staff na nakalapel din sa isa pang staff.

    Rumampa si Wade sa stage. Lumapit siya sa audience, dahilan kung bakit mas dumami pa ang naghahyperventilate. Ngumisi siya at umiling nang nakita ang epekto niya sa mga tao dito. Hindi naman puro babae yung nandito, may mga lalaki ring humahanga sa music nila. Pero mas madalas talaga ang babae.

    “WADESHA-WADESHA-WADESHA!” Mukhang naapakan ata ang ego ng mga WadeSha kasi nilagpasan lang ang upuan nila ah.

    Tinaas niya ang dalawang kamay niya at hiningal pagkatapos ng isang kanta. Ngumisi siya at nilagay ulit yung microphone sa bibig niya.

    “Wazzup Araneta?”

    Napapikit siya sa ingay na ibinigay ng mga tao. Ako nga ay parang nabingi sa sigaw nila. Pinindot ko yung dalawang tainga ko kasi mukhang hindi ko na marinig ang sarili ko.

    “Hello.” Sabi ko sabay pindot sa tainga ko.

    Tumawa si Wade sa microphone.

    “WE LOVE THE SOUND OF YOUR SEXY LAUGH WADE!” Sabay-sabay na sigaw ng isang Going South official fans club.

    Umiling pa lalo si Wade at mas lalong bumalandra yung dimple niya.

    Nandoon siya sa crowd. At may mga taong nag co-controll sa fans para di siya dumigin. Galing doon ay sinuyod niya yung mga nasa harapan.

    Hindi ko alam pero tumigil yung mga mata niya nang nakita ako sa gilid malapit sa may entrance pabalik sa backstage.

    Ngumisi siya at napapikit.

    “Damn, I love this girl so much.”

    Pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad kong narinig ang pagsisimula ng gitara ni Zac.

    “WADE-SHA, WADE-SHA, WADE-SHA!” Sigaw ng mga fans na nag aassume na si Shan yung tinutukoy ni Wade.

    GRRR…

    “I know what you’re doing
    I see it all too clear
    I only taste the saline
    When I kiss away your tears.”

    Mahina ang kantang ito kumpara sa unang kinanta niya. Naglakad siya ng marahan pabalik sa stage.

    “‘Cause I am barely breathing
    And I can’t find the air
    Don’t know who I’m kidding
    Imagining you care…”

    Napapikit ako sa boses niyang parang hinihele kaming lahat. Ewan ko, Wade Rivas. Ewan ko saan nanggaling ang pagmamahal mo sakin. Napangiti ako sa sarili ko. Kahit walang nakakaalam na ako yung mahal niya, okay lang sakin, mas maganda nga iyon. May hindi alam ang ibang tao, kahit na public na ang buhay niya.

    Lahat ng ginagawa niya ay palaging may nakatutok na media at mga tao. Gusto ko yung simpleng buhay lang tulad noon. Yung kami lang dalawa, sa apartment, sa Alegria, walang nang iintriga, kung meron man ay walang kayang sabihing masama. Wala silang nasasabing masama noon dahil kilala nila ako at galing ako sa pamilya ng mga Elizalde.

    Pero ngayong mas malawak na ang mundong ginagalawan ni Wade, wala na masyadong nakakakilala sakin. Paniguradong walang awa nila akong pagsasalitaan ng masama.

    Pagkatapos ng pangalawang kanta niya ay punong puno na siya ng pawis. Hinubad niya ang jacket niya.

    “Whoa! Ang inet!” Sabi niya at ngumisi.

    Napahiyaw na naman ng pagkalakas lakas ng mga fans.

    “Alright, Araneta?” Tinutok niya ang microphone sa mga tao.
    “STRIP! RIVAAAAAAAS! STRIP! STRIP! STRIP!” Sigaw ng mga tao.

    Humalakhak siya sa microphone.

    “Ayan na naman kayo. Nandito pamilya ko. Nakakahiya naman.” Mas lalo siyang tumawa.

    Tumayo ang mama niyang natatawa rin.

    May sinasabi siya kay Wade. Hindi iyon marinig ni Wade galing sa stage kaya nilapitan niya ang upuan ng mama niya sa harap.

    “WADE-SHA! WADE-SHA!” Nabuhay na naman ang hiyawan tungkol sa love team nila dahil sa paglapit ni Wade doon.

    Umupo ang mama niya. May sinasabi pa siya sa tabi niyang si Shan. Tapos may biglang nagbigay ng microphone kay Shan.

    “Your mom says it’s okay if you strip.” Sabi ni Shan gamit ang malambing na boses.

    Tumawa rin siya at tumawa ang mga tao. Natawa din si Wade pero hinanap niya ako.

    Ngumisi ako sa kanya. Tumaas ang kilay niya ng saglit at umakyat ulit sa stage. Pagkaakyat niya ay tinitigan niya na naman ako. Binigyan ko siya ng thumbs up.

    “Alright, I’ll strip if you strip, too.” Humalakhak si Wade at kinindatan ako.

    Uminit ang pisngi ko. Kahit na lumabas na yung audience yung hinahamon niya ay naramdaman kong para sakin yung sinabi niya. Manyak mo, Wade! Sabi na nga ba! Bastedin kita riyan, sabing dahan-dahan lalo na sa mga intimate actions mo.

    Nanginig yung binti ko sa halakhak niyang nakakakiliti sa tainga.

    “Kidding, alright?” Tumawa siya nang may nag strip na lalaki sa audience.

    What the ef? Ganun ba talaga iyon?

    “I’ll strip if they strip, too.” Sabay turo niya sa mga bandmates niya.

    Umiling si Adam habang malaki ang ngisi ng parehong si Austin at Zac.

    Unang naghubad si Zac. Bumalandra agad sakin yung abs niyang pawis na pawis. Si Adam ang sumunod na naghubad. Nakita kong may tattoong dragon sa dibdib niya. Si Austin ang sumunod. Maputi si Austin at mejo may kalakihan din ang katawan kaya napa irit ang mga tao nang si Wade na lang ang ang hindi pa naghuhubad.

    “Kahit na umo-o siya alam kong patay parin ako sa kanya. Ayaw niyang naghuhubad ako, eh.” Humalakhak ulit siya at nilapag yung microphone sa sahig.

    Mabilis niyang hinubad ang t-shirt niya at ibinalandra ang heat-inducing abs niya. Walang katapusang irit ang ibinigay ng audience sa paghuhubad niya. Kitang kita ang v-line niya at ang abs niyang pawis na pawis.

    Napapindot ako sa kabilang tainga ko dahil sa ingay. Hindi ko magamit ang isang kamay ko kasi nakahawak iyon ng bouquet galing kay Wade.

    “Patay ako sa designer ko.” Humalakhak ulit siya at ginulo ang buhok.

    Kinagat ko ang labi ko sa sinabi ni Wade. Talagang patay ako.

    Unti-unting tumugtog yung mga instruments ng kabanda ni Wade. Naaninaw ko na naman yung mga tattoo niyang kulot na mga linya. Ano kaya talaga ang mga iyon?

    “Never made it as a wise man
    I couldn’t cut it as a poor man stealing
    Tired of living like a blind man
    I’m sick of sight without a sense of feeling…”

    Maingay ang kantang ito. Kaya napapatalon at napapahiyaw pa lalo ang mga audience. Pabalik-balik si Wade sa paglalakad sa stage. Tinitignan niya ang mga tao gamit ang mga mata niyang mapupungay. Para niyang hinuhubaran ang bawat isa gamit ang mga mata niya.

    Flirt.

    At dahil doon ay mas lalong umingay at nanisay ang mga tao.

    “And this is how you remind me
    This is how you remind me
    Of what I really am
    This is how you remind me
    Of what I really am…”

    Pumunta siya sa audience at may kinuha siyang babae doon. Pulang-pula ang babae at halos mag hyperventilate na siya sa kilig sa ginawa ni Wade.

    “It’s not like you didn’t know that
    I said I love you and I swear I still do
    And it must have been so bad
    Cause living with me must have damn near killed you..” Hinahawakan niya ang kamay ng babae habang kinakanta ang mga linyang ito.

    Ngumisi si Wade at binitiwan ang kamay ng babae. Bumalik sa stage at patuloy na kinanta ang kantang iyon.

    “Thank you, fans!” Kumindat siya sa mga fans at biglang nag dim ang lights sa stage pagkatapos niyang yumuko para mag bow. “I love you, Carmela.” Hindi na nakita kung si Wade yung huling nagsalita pero halata sa boses at halakhak niya.

    Kinagat ko ang labi ko. Shit! Wade! Pahabol pa talaga! Si Carmela na aso iyon, ah, fans?

  • Kabanata 52Open or Close

    Kabanata 52
    Walang Tanong

    Maganda ang concert ng Going South, kahit na alam ng management na si Wade ang humahakot ng fanbase, pinagbigyan parin ang bawat miyembro. May isang kanta doong si Austin ang kumanta, malamig ang boses niya at maganda ang tonada. Meron ding isa doong nagpasikat ng piece si Zac ng ala-Santanang pag e-electric guitar, meron din kay Adam sa drums.

    Pagkatapos ata ng performance ng tatlo ay nagbago ang paningin ng mga tao sa kanila.

    “Sayang, gusto ko panoorin yung performance nila.” Sabi ko sabay tingin kay Wade sa salamin.

    Inaayos ko na naman ang buhok niya. Sumimangot siya bigla.

    “B-Bakit?”

    Napatingin ako ng diretso sa kanyang repleksyon sa salamin.

    “Syempre, curious din naman ako sa mga talento nila.”

    Sabay hilig ko sa gilid. Naririnig ko yung kanta ni Austin dito sa room. Ang lamig talaga ng boses niya.

    Natahimik siya kaya bumaling ulit ako sa kanya. Nakita kong pula ang kanyang mukha hanggang tainga.

    “Why are you blushing?” Tanong ko.
    “I’m not!” Sigaw niyang galit.
    “Oh, b-ba’t galit ka riyan?”
    “Hindi rin ako galit!” Mas galit niyang sinabi.

    Tumayo siyang bigla at uminom ng tubig. Napatingin tuloy ako sa mga P.A at mga stylist doon na nagkibit balikat na lang sa pagsusungit ni Wade.

    “Nagseselos ka ba?” Tanong ko sa kanya nang nilapitan ko.
    “Hindi. B-Bakit ako magseselos?” Sumimangot pa siya lalo at nag iwas ng tingin.

    Napangisi ako.

    “Wade, performance mo na ang susunod.” Sabi ng manager.
    “Okay!” Galit niyang untag.

    Nilagpasan niya ako at pumunta siya malapit sa pintuan ng backstage.

    Badtrip si Wade. Patay! Anong mangyayari sa performance niya? Tsk!

    “Wade,” Sinundan ko siya. “Goodluck.”
    “Thanks.” Malamig niyang sinabi sakin.

    Kinagat ko ang labi ko.

    “Galingan mo, ah?” Bumaling siya sakin.
    “Lagi naman akong magaling, ah?” Nag iwas ulit siya ng tingin.
    “Eh, galit ka ngayon. Baka maapektuhan ang performance mo.” Sabi ko.

    “Kasalanan mo yun.” Bulong niya sa kawalan.

    Narinig ko ito ng konti pero di ako makapaniwalang sinabi niya iyon.

    “Ansabe mo?”
    “Wala!”
    “Kasalanan ko?”
    “Ah! Hindi.” Masungit niyang sinabi.

    Napatingin ako sa busyng staff. Mejo malayo na kami sa kanila kaya okay lang siguro.

    “Anong gagawin ko para maging okay ulit pakiramdam mo?”

    Nanlaki ang mga mata niya at para siyang batang di makapaniwala sa tanong ko. Naka grey v-neck t-shirt niya ngayon at sumisilip parin ang tattoo niya.

    “Wag na… baka mabasted lang ako.” Aniya.
    “Huh? Bakit naman? Ano bang gusto mo?”
    “Wala, Reina. Sige na, bumalik ka na doon.”

    Bushet! Pakipot pa ang isang ‘to! Gusto mo lang naman yatang mahalikan at natatakot kang mabasted ko kasi sabi kong dahan-dahan. Kaya ba talaga ng dahan-dahan itong si Rivas?

    “Gusto mo ng halik?” Straightforward kong tanong.

    Uminit ang pisngi ko sa sarili kong tanong. Napaawang ang bibig niya pagkarinig niya sa tanong ko.

    “Don’t tempt me, Reina. Dahan-dahan diba? Mababasted ba ako pag kumagat sa mga sinasabi mo? Is this a test?” Tuliro siya sa pagpapaulan sakin ng tanong.

    Pero bago pa siya nakapagsalita muli ay hinalikan ko siya. Isang mabilis na halik lang. Hindi naman kasi pwedeng patagalin, baka makita kami ng mga staff. Humalakhak ako nang nakita ko ang pagkakagulat sa mukha niya. Tumakbo na lang ako palayo at kinawayan siya.

    “Good luck, Wade!”

    Shet! Ako yung humalik pero ako rin yata yung nagkaroon ng butterflies sa stomach. Damn, Wade Rivas! Nagpapakipot pa. Alam ko namang kagagawan ko ang lahat nang ito sa kanya pero may mga panahon talagang pwedeng ipagpaliban muna yun. Argh! Ako lang naman yata ang sumisira doon eh. Hindi pa nga nag iisang araw, nasira ko na yung pagda-dahan-dahan.

    Tumayo ulit ako doon sa kinatatayuan ko kanina. Nandoon na si Wade sa stage. Marahang humiyaw ang mga tao dahil masyadong solemn ang stage ngayon.

    “Ang kantang ito ay para sa tanging babaeng minahal, mahal, at mamahalin ko. Tuwing umuulan noon, siya lang ang naaalala ko. Hindi ko alam. Mukhang buong buhay ko, siya lang ang naaalala ko.”

    Nalaglag ang panga ko sa kanyang sinabi.

    Nakaupo lang siya sa isang upuan at nasa bisig niya ang gitara. Marahan niyang inistrum ang gitara. Umalingaw-ngaw ang pag irit ng madla sa ginawa ni Wade.

    “Hiwaga ng panahon,
    Akbay ng ambon
    Sa piyesta ng dahon,
    Ako’y sumilong…”

    Tumindig ang mga balahibo ko sa boses niya. Napahawak ako sa magkabilang braso niya. Hindi lang talaga charisma yung panghakot niya sa fanbase, talagang may talento siya.

    “Daan-daang larawan ang nagdaraan
    Sa aking paningin
    Daan-daang nakaraan ibinabalik
    Ng simoy ng hangin
    Tatawa na lamang, at ba’t hihikbi
    Ang aking damdamin, pniaglalruan ng baliw at ng ulan.”

    Habang kinakanta niya iyon ay naaalala ko yung nasa Alegria kami. Umuulan noon at nagmakaawa siya saking wag ko siyang iwan. Ang tanging nasabi ko sa kanya ay nagkunware lang akong mahal ko siya. Na hindi ko naman talaga siya mahal. Na pinaglaruan ko lang siya. Na kwits kaming dalawa.

    Pinagmasdan ko siyang mabuti. Buong kanta ay nakapikit lang siya. Para bang may inaalala din siya sa kantang ito.

    “Hinulog ng langit,
    Na siyang nag-ampon
    Libu-libong ala-alang,
    Dala ng ambon…”

    Ang laking pagkakamali talaga noon. Hindi ko kayang balikan ang bawat ala-ala. Hindi ko kayang isipin ang mga pinagdaanan ni Wade habang wala ako. Twing umuulan. O twing umuulan nga lang ba? Mahal ko siya noon, lagi siyang nasa isip ko, pero hindi kasing tindi ng pagmamahal niya sakin.

    “Heeeey!” Sabay akbay ng isang lalaki sakin.

    Nagulat ako kung sino yung umakbay sakin. Napatingala ako at nakita ko ang nakangising si Liam.

    “Uy! Liam!? Bakit ka andito?” Tanong ko.
    “Wala, eh. Umalis si Coreen kanina bago magsimula, kaya imbes na masayang yung ticket ay kinuha ko na lang.”

    ANO? OO NGA PALA. Ang lukaret na iyon ay manonood dapat ng concert pero ibinigay niya kay Liam ang ticket?

    “Saan siya nagpunta?”
    Nagkibit-balikat si Liam at tinitigan ang mga mata ko.

    “Umiiyak ka ba?” Tanong niya gamit ang concern na mga mata.

    Hinaplos ko ang mga mata ko.

    “Di ah!” Pagsisinungaling ko.
    “Umiiyak ka eh.” Nilapit niya ang mga mata niya sa mga mata ko.
    “Hindi.” Tinulak ko siya ng pabiro.

    Mas lalo siyang lumapit sakin at hinalikan ang mga mata ko.

    “Drama mo kasi…” Aniya.

    Tinulak ko siya. Ngayon, hindi na pabiro. Buong pwersa na. Pero tumawa si Liam sa pag-aakalang pabiro iyon.

    “Liam-“

    “ARGHHHHH!” Ito na yata ang pinakanakakabinging sigaw ng mga tao sa buong concert nina Wade ngayong gabi.

    Imbes na pagalitan ko si Liam sa ginawa niya ay napatingin ako sa stage. Kumakanta parin doon si Wade. Nakatingin siya sakin at nakasimangot.

    OH MY GOSH! He saw what happened?

    Pero hindi lang iyon, sumisigaw at humihiyaw ang mga tao dahil nandoon sa likod niya si Shan. Wala siyang kaalam-alam na umakyat na pala ng stage ang magandang babaeng ito. May dala pa siyang flowers na mukhang ibibigay niya kay Wade.

    Mas lalong sumigaw ang mga tao. Malamig at galit naman ang ekspresyong ipinakita ni Wade.

    “WOOOOOH!” Sigaw din ni Liam sa kanila. “Ayos ‘tong si Wade, ah? Ganda nitong si Shan!” Aniya.

    Namuo ang luha ko nang nakita kong halos manisay sa kilig ang mga tao. Masayang-masaya sila lalo na nang nilagay ni Shan ang mga palad niya sa mga mata ni Wade. Natigil si Wade sa pagkanta at nilingon si Shan. Seryoso ang mukha ni Wade pero halos masira na yung mga barricade dahil sa mga naghuhuramentadong fans. Hindi na maitsura ang buong Araneta sa sobrang kilig.

    “Congratulations, Wade.” Malambing na sinabi ni Shan kay Wade sabay abot sa bulaklak na dala-dala.

    Hindi humupa ang nakakabinging sigawan ng mga fans. Kasabay pa ng sigawan nila ang pag cha-chant ng:

    “WADE-SHA, WADE-SHA, WADE-SHA!”

    Nanginig ang buong sistema ko. Ganito pala yung nararamdaman ng isang babaeng wala sa picture. Para sa lahat, si Shan ay para kay Wade at si Wade ay para kay Shan. Walang Reina sa picture. Wala ako. HIndi ako kilala.

    “Thank you.” Sabi ni Wade kay Shan at ngumiti nang saglit.

    Bumaling siya sa mga naghuhuramentadong fans at kumaway.

    “Thank you, Araneta!” Sigaw niya.

    Pero habang sumisigaw siya ay nagnakaw ng halik si Shan sa pisngi niya. Napaawang ang bibig ni Wade at pinagmasdan niya ng mabuti si Shan. Bumaling si Wade sakin, alam ko, kahit na puno na ang gilid ng mga mata ko ng luha, nakita ko parin ang diretsong tingin niya sakin.

    “WHOA! Kinikilig si WADE!” Sigaw ng mga fans.

    Tumulo ang luha ko at binigyan siya ng thumbs up. It’s okay, Wade. Kung ganyan ang showbiz, kung diyan mo mapapaligaya ang fans mo, okay lang. Damn! Okay lang!

    “Reina? Ba’t ka umiiyak?” Nag aalalang tanong ni Liam nang napansin ang paghikbi ko.
    “Napuwing ako ng malaking alikabok.” Sabi ko sabay punas sa mga mata ko.

    Naglakad ako palayo doon at sumunod si Liam.

    “Reina…”

    Kinabahan ako sa tono ng boses ni Liam.

    “Naantig ka ba sa ginawa ni Shan para kay Wade?”

    Sarap mag mura sa tanong niya pero tumango na lang ako.

    “Sabi na, eh. Isa ka ring Wade-Sha!” Humalakhak siya at inakbayan ulit ako.

    Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Hindi ko na talaga alam. Tumunganga na lang ako doon kasama si Liam na panay ang pag papaulan sakin ng mga tanong.

    “Saan ka nag lunch kanina?”
    “Sa McDo.”
    “Hay! Sana sinabi mo saking hindi ka kumain sa studio nila, sana dinalhan kita ng pagkain.” Aniya.
    “Okay lang, Liam.”
    “Tapos na ang concert, diba? Yung mga gamit mo, di mo ba kukunin?” Tanong niya.

    Nabunutan ako ng tinik sa sinabi ni Liam. Ngayon ko lang naaalala na kailangan ko nga palang bumalik sa dressing room para kunin ang gamit. Paniguradong nandoon na naman si Wade at si Shan. At hindi ko alam kung anong ekspresyon ang dapat kong ipakita pag magkasama silang dalawa. Plastikan? Malamang!

    Nanginig ang kamay ko pagkahawak ko ng doorknob sa dressing room. Unti-unti ko iyong binuksan. Nandoon nga ang mga paparazzi, si Wade, Shan, ang buong banda, at ang mga managers.

    Pinapaulanan sila ng click ng camera. Yumuko ako para hindi makunan. Sumulyap ako kay Wade na ngayon ay nasakin na ang atensyon.

    “Wade, tingin naman sa camera diyan.”

    Nag iwas ako ng tingin kay Wade at seryosong dinampot ang bag at iilang gamit ko.

    “Teka lang, Reina, may after party pa.”
    “Oo nga naman, Reina.” Untag ni Zac. “Sumama ka.” Ngumisi si Zac.
    “Ohh? Reina Elizalde?” Nabigla ako sa sinabi ni Shan.

    Napatingin ako sa kanya. Ang ganda ng kilay niya. Ang ganda ng kutis at ng buhok. Nakakapanlambot. Nakakainsecure. Nakakapanliit.

    “Oo.”
    “Ito ba yung sinasabi ni Mr. Manzano na designer mo, Wade?” Tanong niya kay Wade.
    “Oo. Bakit?” Sumimangot si Wade kay Shan.
    “Naku! Pwedeng padesign? Padesign ako ng gown para sa awards? Okay lang?” Tanong niya.

    Napalunok ako.

    “Sure. Just contact me.” Sabay bigay ko ng calling card.
    “Wow! Sige! Sige! Gusto mo rin dawng pumasok sa Fashion Week? Gusto mo tulungan kitang makapasok doon?”
    “Kaya ni Reina yon, Shan. Di na kailangan.” Singit ni Wade.
    “Oo nga, pero thanks.” Ngumisi ako.
    “Hindi, hindi, talagang tutulungan kita.”

    Magkakautang ng loob pa ata ako sa Shan na ito.

    “Sasama ka ba sa after party niyo? Kasali ka na rin sa staff? Bakit parang uuwi ka na?” Napalingon-lingon si Shan kay Wade at Zac.
    “Kasi… uhm… Marami pa akong gagaw-“
    “Hindi, actually, sabay kami. Ako na magdadala ng gamit mo, Reina. Sa sasakyan kita sasama.”

    “Uy! Galing pare!” Sigaw ni Liam nang nakapasok din sa dressing room.

    Nakipag high five siya kina Zac, Austin, at Adam.

    “Grabe! Ang galing niyo.” Sabay kuha niya sa bag ko.

    Wade clenched his jaw. Kinuha niya rin ang bag ko. Kumunot ang noo ni Liam nang nakita ang mga kamay ni Wade sa bag ko.

    “Uuwi ka na, diba, Reina?”
    “May after party pa kami, Liam.” Galit na tono ni Wade.

    Napaubo ng bahagya si Adam at tinanong si Zac kung nasaan yung mga gamit niya.

    “Sasama ka, Reina?”

    Napatingin ako sa nakakunot na noo ni Liam at sa galit na mukha ni Wade.

    “Uhm…”

    Pero bago pa ako makapili ay hinablot na ni Wade ang bag ko.

    “Walang tanong. Talagang sasama siya.”

  • Kabanata 53Open or Close

    Kabanata 53
    Kakapa

    “Saan ba yung after party?” Tanong ni Liam kay Wade.

    Bumaling si Wade sa kanya gamit ang galit na mukha.

    “Sa Tribe Lounge. Staff lang ang pwedeng pumunta.” Kumuyom ang panga ni Wade.

    Tumango si Liam at tumingin sakin.

    “Kung ganun, kunin kita? Anong oras kayong matatapos?” Tanong ni Liam sakin.

    Nagkibit-balikat ako.

    “Buti pa, iuwi mo na lang yung sasakyan niya sa bahay nila, Liam. Ako na ang maghahatid sa kanya.”

    Kumunot ang noo ni Liam sa plano ni Wade. Kinakalabit na si Wade ni Austin para makapag picture ulit sila. Kanina pa kasi nag hihintay yung media. Walang kaalam-alam yung mga tao ditong may pinag uusapan kami dito.

    “Wade.” Tawag ni Austin kay Wade.
    “Saglit lang.” Naiiritang sagot ni Wade.
    “Uhm… Sige na, Wade. Ako na ang bahala dito.” Sabi ko sabay baling kay Liam.

    Sinundan kami ng tingin ni Wade. Naiilang ako sa mga titig niyang galit habang hinihila ko si Liam palabas ng dressing room.

    “Pwede ka namang di sumali, diba, Reina?” Sabi ni Liam.
    “Pero kasi sayang. First time kong maka bonding yung staff nila as, uh, Wade’s designer. Kaya mas ayos sana kung-“
    “You don’t need to go there. Gagabihin ka. Magagalit ang parents mo sayo.”
    “I’m not a child anymore, Liam. Kaya ko ang sarili ko.”

    For the first time, mejo nabagabag ako sa pagiging worried ni Liam sakin.

    “Yes, of course, Reina. Pero anong gagawin mo dun? Iinom? And what do you think about Zac? He looks like he fvcks everything that moves. You think okay lang pag nalasing kang kasama siya?”
    “Liam, n-nandoon naman si Wade.” Nag alinlangan pa ako sa sinabi ko.
    Umiling siya at huminga ng malalim, “Alright. Just text me, okay? Sabihin mo sakin anong ginagawa mo. At siguraduhin lang ni Wade na iuuwi ka niya sa inyo.” Humalukipkip siya.
    “Oo na.” Sabi ko at umirap sa kanya.

    Daig pa nito ang mga kuya ko kung makabakod, eh.

    “Okay, give me your keys. Kay Dashiel ko ihahatid yung sasakyan mo para malapit lang dito. Babalikan ko pa yung akin, eh.”
    Tumango ako at niyakap si Liam.

    Ang bait talaga ng isang ito. Minsan nakakabanas lang sa concern. Pero over all, alam ko namang mahal niya talaga ako kaya concerned siya sakin.

    Inabot ko sa kanya ang mga susi ko.

    “Thanks, Liam.” Binigyan ko siya ng matamis na ngiti.

    Nasa labas na kami ng corridor ngayon at nakita kong lumalabas na rin yung ibang media galing sa dressing room nina Wade.

    “You’re welcome. Kung di lang kita mahal, naku!” Sabay akbay niya sakin.

    Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Natuyo ang lalamunan ko. Nung una niya itong sinabi, wala lang sakin, pero habang tumatagal ay nabibigyan ko ito ng meaning.

    Bahagya ko siyang tinulak sa pagkakaakbay niya. Nagtaka siya pero di kalaunan ay bumalik sa dati ang ekspresyon niya.

    “S-Sige na, Liam. Ihahatid mo pa sasakyan ko, diba? Baka gabihin ka lalo. Sorry sa abala.”

    Ngumiti siya.

    “No problem.” Yumuko siya at agad hinanap ng labi niya ang labi ko.

    Isang mabilis na halik ang ibinigay niya sakin. Hindi ko nagawang manlaban dahil sa sobrang bilis nito.

    “I love you, Reina.” Humalakhak siya at tumakbo.

    Napahawak ako sa labi ko nang pinagmasdan siyang kumakaway paalis sakin. Nakangisi parin siya sa ekspresyong binigay ko.

    “Fvck it, Reina!” Sigaw ni Wade.

    Napatalon ako sa bigla nang nakita kong nasa likod siya.

    Pagkatingin ko sa kanya ay saka naman lumabas sina Zac, Austin, at Adam. Sumunod na rin ang ibang staff at maging si Shan.

    “Uy, Sorry, di ako makakapunta ngayon kasi may taping ako. Sayang talaga.” Sabi ni Shan kay Wade.

    Hindi nag react si Wade. Binigyan niya lang ako ng mainit at galit na tingin.

    “Wade?” Sabi ni Shan at ngumiti siya sakin.

    Mukha atang napaghalataan niyang galit si Wade sakin.

    Ngumisi ako para makuha ang atensyon ni Shan, “Naku, sayang naman di ka makakasali.”
    “Okay lang, uh, basta ah, Reina. Yung sinabi ko sayo. Once na idesign mo ako ng gown, sisikat agad ang pangalan mo. Mamaya makakapasok ka pa sa Fashion Week.”

    Habang nagsasalita si Shan ay dumiretso na si Wade sa paglalakad.

    “T-Talaga?” Sabi ko kay Shan. “I-I mean… naku! Nakakahiya naman!”
    “Ano ka ba! Sige na, ah? I-design mo ako ng gown para sa awards. May isang buwan pa iyon kaya mas mabuti kung maaga yung pag de-design mo.”
    Tumango ako.
    “Shan, let’s go.” Sabi ng manager ni Shan.
    “Okay po…” Ngumisi si Shan sakin at kumaway. “Bye-bye, Reina! Ayyy! Di tuloy ako nakapagpaalam kay Wade.” Nakasimangot siyang umalis.

    Kinawayan ko na rin siya. Mabait naman pala si Shan. Maganda na, mabait pa. No wonder kaya siya sikat at maraming umiidolo sa kanya dahil sa magandang ugali niya.

    “Dude, what the fvck?” Sabi ni Zac nang tinulak siya ni Wade malapit sa sasakyan nito.
    “Sabing dun ka na sumabay kay Adam!” Galit na sambit ni Wade sa kanyang kabanda.
    “Uy! Easy!” Sigaw ni Austin na agad pumagitna sa dalawa.
    “Kanina ka pa, ah? Daig mo pa ang mga babae kung mag tantrums!”

    Tinulak ulit ni Wade si Zac dahil sa sinabi niya. Halos mapahilata si Zac sa parking lot.

    “Zac! Wade! Tama na nga yan!” Sigaw ni Adam na nandoon sa isang sasakyan. “Makita kayo ni Mr. Manzano, baka pag umpugin kayo! Lubayan mo na yan, Zac! Isasama niya si Reina.”

    Napatingin si Zac sakin. Pumungay ang mga mata niya at nilapitan ako.

    “ZAC!” Sigaw ni Wade.

    Sinundan niya si Zac papunta sakin.

    “Okay, kung para naman sa magandang babaeng ito.” Ngumisi siya at hinaplos ang pisngi ko.

    Biglang sinuntok ni Wade si Zac sa mukha.

    “AWW!” Napapalatak si Zac at napahawak sa kanyang pisngi.

    Hinawakan ko ang braso ni Wade na nanginginig sa galit.

    “Ano bang problema mo, ha, Wade?” Sigaw ni Zac.

    Pumagitna na si Austin. Dinig na dinig ko naman ang paghinga ng malalim ni Adam.

    “Puta, Zac, bulag ka ba? Sa sobrang manhid mo di mo alam?” Sigaw ni Adam sabay baba sa kanyang sasakyan.

    Buti na lang talaga enclosed ang parking lot na ito.

    “Wade, tama na.” Awat ko sa nanginginig niyang braso.
    “Shut up, Reina.” Galit niyang sinabi sakin.

    “ANO?” Sigaw ni Zac.

    Napailing si Austin at Adam.

    “Anong ibig sabihin ng tattoo ni Wade?”
    “What? Ano? Reina… Bakit? Anong konek?” Nagkibit-balikat si Zac.

    Napaface-palm naman si Austin at Adam. Nalaglag ang panga ko sa nalaman ko. Yung ibig sabihin ng tattoo ni Wade na puro kulot na linya ay REINA?

    “Anong konek?” Inulit pa ni Zac.
    “Magkano IQ mo? Piso?”

    Unti-unting umaliwalas ang mukha ni Adam. Hinilamos niya ang kanyang kamay sabay turo sakin.

    “You’re the REINA?”

    Habang nakangiti siyang tinuturo-turo ako ay hinihila na siya nina Austin papasok sa sasakyan ni Adam.

    Sinundan ko ng tingin sina Adam papasok sa sasakyan nila. Si Wade naman ay iniwan ako doong pinapanood sila papaalis.

    “Wade!” Sigaw ko kay Wade na pumapasok na sa kanyang Benz.

    Pumasok na rin ako at tinitigan ang galit niyang mukha. Alam ko naman kung bakit galit siya sakin. Syempre, nakita niyang hinahalikan ako ni Liam kanina. Nakita ko rin naman siyang hinalikan ni Shan kanina, ah.

    “W-Wade? Galit ka ba?” Tanong ko sabay hawak sa braso niyang nakahawak naman sa manibela.

    Hindi siya umimik. Seryoso lang niyang pinaharurot palabas doon ang sasakyan niya.

    “C-Can we talk? We should talk.” Nanginginig kong sinabi.

    Hindi parin siya umimik.

    “Hindi ba dadahan-dahanin natin ito? Tapos may ganito agad. Please, let’s talk somewhere. Yung tayong dalawa lang?”

    Sinuyod ko ang mga buiding sa labas. Hindi kami pwedeng pumunta sa isang restaurant dahil maraming makakakilala sa kanya. Saan ko siya pwedeng madala para makapag usap kami?

    Wala sa sariling tinuro ko ang isang hotel.

    “There! We should go there!”

    Napasulyap siya sakin. Nabigla ako nang agad niyang tinigil ang sasakyan niya.

    “You want me to take it slow… Edi wag mo akong dalhin sa mga lugar na makakapang akit saking angkinin ka ulit, Reina!”

    Napakamot ako sa ulo ko. SHIIIIZ! Dumb move, Reina!

    “I-I just want to talk.”
    “Hayop! Akala mo kaya kong mag pigil pag nandyan tayo? You know me, Reina. Mga bata pa lang tayo, sobra sobra na ang pagpipigil na ginawa ko sayo. Ngayon, gusto mo ng dahan-dahan! Torture pero lahat para sayo.” Umiling siya at tumingin sa labas.

    Hinawakan ko ulit ang braso niya. Nabigla ako nang may naramdaman akong pag gaspang ng kutis niya. Inilapit ko ang mga mata ko doon sa braso niya at nakita kong tumitindig ang balahibo niya sa haplos ko.

    “Tss!” Inilayo niya ang braso niya sa kamay ko.

    “S-Sorry.” Uminit ang pisngi ko.

    Ganyan siya ka apektado sakin?

    “O sige, eto na tayo, anong gusto mong pag usapan?” Tanong niya.
    “Uhmmm. Ano. Kasi kanina. Yung si Liam.”
    “Ah! Oo, nakadalawa siya sayo diba? Dalawa? Tatlo?” Sarcastic niyang sinabi.
    “Wade… Hindi ko naman alam. Bigla lang talaga siyang nanghahalik.”
    “Kung ikaw bigla kitang halikan, ayaw mo? Dahan-dahan dapat? Slow motion? Ganun?”

    Ginulo niya ang buhok niya.

    “Hinalikan ka rin naman ni Shan, ah?” Panlaban ko.
    “She’s a performer. Kaya niyang umarte sa harap ng mga tao na in love na in love siya sa buong ako kahit hindi naman talaga.”

    Napalunok ako sa sinabi niya.

    “And it’s not like I wanted her to kiss me, Reina. Kung alam mo lang.” Ginulo niya pa lalo ang buhok niya at napabuntong hininga, “Hayyy! Buhay!”
    “Paano n-naman kung gusto ka niya in real life… I mean… Paano kung di siya umaarte? Edi gusto niya ang whole package mo?”
    “Edi maganda.” Tumawa siya.

    Kumirot ang puso ko. Napayuko ako. Napatingin naman siya sakin.

    “Maganda. Dapat gusto niya rin pati yung pagmamahal ko sayo. Tanggap niya rin dapat yun.”

    Kinagat ko ang labi ko habang nakayuko. Langya ka, Rivas! Langya kang lalaki ka talaga!

    “Ano? Meron pa ba? Sabi mo diba, let’s be honest this time… Let’s be open… Dahan-dahan. Eto na, Reina. Dahan-dahan.” Aniya. “Mali yung ginawa mong paghalik sakin kanina. Nang aakit ka na naman kahit ayaw mong naaakit ako. Pero buti na lang yun. 3-1 lang yung score eh. Talo parin ako.” Matabang niyang sinabi.

    Napatingin ako sa naka pout niyang labi. Diretso ang mga titig niya sa daanan. God! Is it wrong if I say I want to kiss him right now?

    Napaawang ang bibig ko habang naiisip yung buong concert niya. He’s so hot! Talagang bagay siya sa stage! Ganda pa ng boses at ang ganda rin ng katawan. Alam mo yun, kung noong bata pa kami ay maganda na iyong katawan niya, mas lalo ngayon. Hinog na hinog. Yung tipong hinubog na talaga sa perpeksyon.

    “UGH! Don’t look at me like that, Reina.” Sabi niya nang nakitang nakatitig na ako sa mga labi niya.
    Uminit ang pisngi ko, “Totoo bang Reina ang ibig sabihin ng tats mo, Wade?” Tanong ko.

    Hindi parin nawawala ang titig ko sa mga labi niya.

    “Tsss.” Nag iwas siya ng tingin.
    “Patingin? Anong klaseng lengwahe yan? Patingin?”

    Halos namutla siya nang bumaling sakin. Napalunok siya ng ilang beses bago nagkasalubong ang kanyang mga kilay.

    “What do you want, Reina?” Nanliit ang mga mata niya. “Gusto mo ba talagang tanggalin itong damit ko? Baka pagsisihan mo lang.”

    Nahihilo at nalalasing na ako sa mga titig niya. Sa tensyong bumalot samin. Sa init na naramdaman ko sa sarili ko. Nanginig ang mga binti ko.

    Dahan-dahan kong hinawakan ang kanyang dibdib. Nag half-open ang kanyang bibig sa ginawa ko. Matigas ang dibdib niya. Yung tipong hindi agad matitinag pag may sumuntok. Hindi ko kayang isipin kung anong work out ang mga ginagawa niya para laging ganito. In born na yata siya. God like since forever.

    Napatingala siya at napapikit habang hinahaplos ko yung tattoo sa dibdib niya. Nabigla ako nang tinanggal niya ang kamay ko.

    “No, Reina… Sagutin mo muna ako. No temptations.”

    Pinaandar niya agad ang sasakyan niya kahit kitang kita ko na ang pamumungay ng kanyang mga mata at pag awang ng kanyang bibig. Napangisi ako. I really have that effect on him. Mas lalo akong nabibihag dahil diyan. Mas lalo akong naiinlove twing nag pipigil siya sakin. At sigurado akong mas mababaliw ako kung hindi na siya magpipigil.

    GOSH! Humahalay na yata ang pag iisip ko. Kainis naman kasi itong si Wade! Kainis talaga!

    Nang nakarating kami sa Tribe Lounge, nagsimula na ang program. Umupo ako sa may staff, habang si Wade ay nandoon sa presidential table sa harap.

    Hindi ko siya pwedeng lapitan kasi, obviously, staff lang ako. Maraming nag aabot sa kanya ng inumin. Bar kasi itong Tribe Lounge, pero nasa VIP section kami. Kasali dito yung ibang mga manager, yung mga staffs at maging ang taga Moon Records. Nakita ko nga si Hugo na panay ang picture kay Zac.

    Umiling na lang ako at ininom ang isang tequila shot sa harapan ko.

    “And now! Calling all the single ladies! Single, ah kasi mahalay itong next game natin!” Tumawa ang emcee.

    “Uy, Reina, punta ka dun.” Tumawa ang isang staff na kilala ko.

    Umiling ako at namutla. Ayoko talaga sa mga game-game na yan! Ayoko talaga! Nakakahiya! Matatalo lang ako!

    Nakita kong umalis silang apat sa table nila at mukhang may isinoot silang something sa katawan nila. Yung mga lalaking staff ang nagsoot nito. Sinubukan kong sumilip pero hindi ko nagawa.

    “HEPPP! Walang silipan!” Sigaw nang emcee nang nakitang sumilip din yung iba.

    “UY! SI REINA ELIZALDE, SINGLE!” Sigaw ni Hugo nang nakita ako.

    Oh noes!

    “B-Bakit?” Sabay turo ko sa sarili ko.

    “Sali tayo!” Sabi ng katabi ko. “Pwedeng newly wed?” Tumawa siya.
    “HINDI! DAPAT SINGLE!” Malinaw na sinabi ng emcee.
    “Okay!” Umirap ang katabi ko.

    Halos mag unahan ang mga babaeng single sa staff. Tumitili pa ang mga ito.

    “Isa-isa lang mga hija.” Sabi ni Hugo. “Uy! Reina! Bilis na!” Tawag niya sakin.

    Napakamot ako sa ulo at napilitang tumayo. Sa dami naman, apat lang ang single, kasali ako. Halos manisay sa kilig yung dalawa, at yung isa naman ay badtrip kasi lesbiana siya. Ako rin, bad trip kasi ayaw ko talaga ng mga laru-laro.

    Mas lalo akong umayaw nang nilagyan na kami ng piring sa mata.

    SHIZ! I hate this game na! Bakit may piring sa mata! Tumawa ang buong staff. Yung tipong ito na yata ang pinakanakakatawang laro ever! Nag umpisa ang mala kabayo kong kaba. Ano ito? Hahabulin namin sina Wade? At ipapakasal kung sino yung nahabol mo? My gosh! Parang ayaw ko kay Zac!

    Inayos ko yung piring sa mata ko. Madilim. Madilim nga kung wala ito, paano pa kaya kung meron nito.

    “Okay! Hahanapin niyo sa mga lalaking ito yung isang pirasong pin sa buong katawan nila! Nandoon nakalagay, ah!?”

    Napa O ang bibig ko at agad ko iyong tinakpan gamit ang palad ko. Mas lalo akong kinabahan sa rules ng laro.

    “Kapain niyo, girls!” Sigaw ni Hugo sa audience!

    Mas lalong nagtawanan ang audience. Hindi ko na marinig ng mabuti ang emcee dahil sabay-sabay na ang tawanan nang lahat. Pero narinig ko si Wade na nagsalita sa background.

    “Ako ang mamimili ng kakapa sakin.” Humalakhak siya.

    DAMN!

  • Kabanata 54Open or Close

    Kabanata 54

    Not Yet

    Shucks! Hindi ako sigurado kung si Wade ba ang kakapain ko pero sa tono ng boses niya ay nararamdaman kong siya. Tsaka, sa ugali niya, mukhang hindi yata yun papayag na iba ang kakapain ko.

    “Okay, Ready? Position!” Sigaw ng Emcee.

    Humalakhak si Wade.

    “Position.” Inulit niya iyon gamit ang malambing na boses.

    Naramdaman ko ang unti-unting pag init ng pisngi ko. Rivas, you forever perv! Bakit lahat ng mga linya niya ay may green meaning? Ako ba ang problema dito o sadyang mahalay lang talaga itong si Wade?

    “Ang pinaka unang makahanap ng pin ang siyang mananalo! Syempre, may price bawat isa. Champion. First Runner Up. Second and Third!” Sigaw ng emcee.

    Panay ang hiyawan at sigawan ng mga audience.

    “Ang swerteeee! Shit!” Panghihinayang ng iba.

    Hindi ko na nga alam kung anong gusto ko. Kung ako ba yung kakapa o iba na lang? Ayoko namang may ibang kakapa sa kanya pero parang ayaw ko ring nandito ako sa sitwasyong ito.

    BAKA ANONG MAKAPA KO!

    “Ewan ko. Para sakin yung huling makakuha ng pin siyang talo.” Humalakhak ulit si Wade.

    Ngayon, kumpirmado ko nang siya nga yung kapartner ko. Ramdam ko na naman ang mainit niyang katawang pahapyaw na umaaligid sakin.

    “Nang-aakit ka na naman, Reina.” Pabulong niyang sinabi.

    Now, I’m really worried. May nakakarinig ba sa mga pinagsasabi niya?

    “Pag namumula ka talaga, naakit ako.”

    “K-Kung ayaw mo akong mamula, then stop making me blush!” Untag ko.

    “But I want to make you blush.” Bulong niya.

    DAMN!

    “Okay? Ready! Go!” Sigaw ng emcee.

    Nakakabinging sigawan ang sinalubong sakin ng mga staff. Paniguradong kinakapa na ng mga kasama ko ang kanyang partner. Ako naman ay tumunganga lang.

    “COME ON, REINA!” Sigaw ng ibang staff.

    May tumulak pa sakin dahilan kung bakit napahilig ang buong dibdib ko sa katawan ni Wade.

    “Shiz!” Sigaw ko sabay layo sa kanya.

    Narinig kong bumuntong hininga si Wade. Ngumisi ako at sinimulan ang pagkapa sa ulo.

    “Ang sabi mo, torture sayo pag natetempt kita, diba?” Sabi ko.

    Naramdaman kong tumingala siya sa ginawa kong pagkapa sa leeg niya.

    Hindi ko na rin alam kung alin ang mas delikadong Wade, yung maingay at nagbibiro o yung tahimik na. My goodness!

    Hinaplos ko ng marahan ang dibdib niya. Reina, you’re not going for a touching spree here, may hinahanap kang pin. I have to remind myself!

    Kinapa ko yung braso niyang matigas at malaki. Napakagat labi ako. Hindi parin siya nagsasalita. Sigaw nang sigaw ang mga audience. Hindi na ako sigurado sa mga sinisigaw nila kasi nag kanda-halo-halo na ang mga salita.

    Natatakot talaga ako sa facial expression na binibigay ni Wade. Goodness! Knowing him, hindi iyon mag aatubiling magpakitang nasasarapan siya or what.

    I need to find that pin, real soon.

    Hinawakan ko yung dibdib niya, dahan dahan pababa sa kanyang matigas ding abs. Nanigas pa ito lalo nang naramdaman ang paghaplos ng kamay ko.

    “Where is it, Wade?” Tanong ko nang narealize na it’s a dead end!

    “Lower, Reina.”

    SHIIIIZ! Do I need to kneel for this?

    “Nasa likod!” Sabi ko nang narealize na hindi ko pa nakakapa ang likod niya. Iikot sana ako nang hinila niya na lang ang kamay ko.

    “Don’t cheat. Just hug me, kung gusto mong kumapa sa likod.”

    “WE HAVE A CHAMPION! AUSTIN AND MEG!” Sigaw ng emcee.

    “Awww, good for you, Austin.” Panunuyang sigaw ni Zac. “I’m going for the 3rd prize.”

    “Eydee, nasa hita ni Zac yung pin.” Sabi ni Wade. “We’re winning the third prize, Zac.”

    “WHAT THE FVCK, MAN?” Galit na sinabi ni Zac.

    “1st Runner up! Eydee and Zac!” Sigaw ng emcee.

    “Ang daya ni Wade!” Paratang ni Zac na mukhang di naman pinansin ng emcee.

    Ako naman ay kinakapa na ang lower back niya. Malapit na ako sa pwet. Oh come on! Where is it!? Don’t tell me nasa hita?

    “W-Wade? Nasa hita?” Tanong ko.

    “Try it, Reina.” Sagot niya.

    PAKSHET KA TALAGA RIVAS! Okay! Ganito ang gusto mong laro? Then let me tease you till you give up.

    Inilayo ko yung dibdib ko sa dibdib niya at lumuhod na lang sa harapan.

    Napahiyaw pa lalo ang mga audience.

    “Epic! Paano si Shan?” May tumawang staff.

    I don’t care about Shan, right now. Kailangan ko nang mahanap yung pin.

    Sa kasamaang palad, kinailangan ko talagang kapain yung hita niya. Inner thighs to be exact.

    “Dito ba, Wade?” Tanong ko.

    Hindi na naman siya sumasagot. Nakikita ko siya sa utak kong tumitingala, napaawang ang bibig at napapikit habang kinakapa ko ang maselang parteng ito.

    “Wade!” Sigaw ko.

    Hindi parin siya umimik. Pumalakpak na sa tuwa ang mga audience.

    I give up with his inner thighs! Kinapa ko na yung isang binti niya pababa. Maging ang sapatos ay kinapa ko na rin. Wala doon.

    “Is this a joke?”

    Kinapa ko naman yung kabilang binti hanggang sapatos, wala rin doon!

    Tumayo ako para suyurin ulit ang dibdib niya. Mabilis kong pinasadahan ng mga palad ang dibdib, v-line at lower abdomen niya.

    DON’T TELL ME NASA CENTER YUNG PIN! OH MY GOODNESS!

    “Sino kaya ang 3rd runner up!” Sabi ng emcee.

    Walang kwentang laro ito! Asan ba yung pin?

    At dahil masyado nang maingay at masyado na nila akong pinapangunahan, wala na akong nagawa kundi humugot na lang ng lakas kung saan at kapain ang center.

    Nakapa ko yung buckle ng belt niya. Ilang sentimetro na lang ay makakapa ko na…

    Kinagat ko ang labi ko at binaba ang mga daliri. Dahan-dahan, Reina.

    LANGYANG DAHAN-DAHAN NA YAN!

    At doon, nakapa ko yung bukol sa kanyang pants.

    “BAKA NASA ZIPPER!” Malinaw na sigaw ni Hugo.

    PINAGLALARUAN NIYO NAMAN YATA AKO, EH! Ganun pa man, sinunod ko yung sinabi ni Hugo at kinapa yung zipper. Nang wala doon ay kinapa ko pababa, ang kabuuan.

    Pansin kong sa pagkapa ko ay unti-unti itong tumitigas. Agad kong binawi ang kamay ko nang narealize kung bakit ganun.

    Bago pa may makapansin ay hinila niya na ang kamay ko at nilagay sa palad ko ang pin.

    “Damn it! Reina. Alright, you still win.” Bulong niya sakin.

    Agad kong tinanggal ang piring sa mga mata ko. Naaninaw ko agad ang mukha niyang nakapikit habang nakangiti.

    Kinakantsawan siya ng audience.

    “The 3rd runner up goes to Adam and Kitty!” Si Kitty nga pala yung lesbiana.

    Napalunok ako sabay tingin sa bukol na nakapa ko kanina. Napansin ni Wade ang pagtingin ko doon.

    Umiling siya at bumuga ng hininga. Pumutok ang mga party poopers at biglang lumakas ang music.

    “EVERYBODY! LET’S PARTY!”

    Nagsipuntahan ang mga staff doon sa harap sabay sayaw sa music.

    Nakatayo lang ako doon at nakatunganga. Ganun din ang ginawa ni Wade. Nakatingin lang siya sakin at nakatayo lang.

    Nag init ang buong sistema ko. Naalala ko ang buong nangyari sa sofa doon sa condo niya. Unti-unti kong nakalimutan kung bakit hindi ko iyon itinuloy. Unti-unti kong napagtanto na nagustuhan ko iyon. Kahit galit siya sakin noon, kahit na nanggigil siya sakin dahil sa naramdamng pagkamuhi, he was desperate for me. I was desperate for his love.

    Nakita kong tinanggap niyang sunod-sunod yung tatlong shots na inabot sa kanya.

    Nawala siya sa paningin ko nang pumagitna ang mga staff na nag sasayawan.

    Uminom ako ng isang shot at napaubo ako sa tapang nito.

    “Let’s dance, Reina! It’s your lucky night!” Sigaw ni Hugo sabay hawak sa kamay ko at talon-talon.

    Ngumisi ako at sumayaw na rin. Awkward. I’m not really fond of dancing. Pero dahil kailangan sa ngayon, at ayaw kong maging KJ, sumayaw ako. Pumapalakpak na lang ako at tumatawa.

    Panay ang sayaw nila sabay taas sa kanikanilang shots at inom.

    “Asan shot ni Reina? Bigyan!” Sigaw ni Hugo sa mga waiter na nagbibigay ng mga shot.

    “Labas tayo sa VIP Room! Mas maraming party animal doon!” Sabi ni Hugo.

    Nakalimang shot na ako nang nakapikit na habang sumasayaw. No, I’m not yet drunk, I’m just tipsy.

    Umiling ako nang binigyan ako ng isa pang shot ng kasama ko, “No, thanks!” Sabi ko.

    Tumigil ako sa pagsasayaw. I need to find Wade. I want him to take me home… o kahit… kahit saan. Inaantok na kasi talaga ako.

    Nagmartsa ako sa gitna ng mga taong sumasayaw kahit umaalon na ang sahig sa paningin ko.

    Nakita ko siyang nasa mesa, kasama si Adam, umiinom silang dalawa at mukhang kailanman ay hindi sumayaw.

    Nabigla ako nang nakatitig na agad siya sa mga mata ko, kakahanap ko lang sa kanya, pero siya, mukhang kanina pa ako pinagmamasdan.

    “Let’s get out of here, W-Wade.” Nauutal kong sinabi.

    Napapapikit-pikit na ako dahil antok na talaga ako. Tumayo siya at inalalayan ako.

    “Tama ka. Iuuwi na kita.” Aniya.

    May sinenyas siya kay Adam. Hindi ko alam kung ano iyon. Sinubukan kong tumayo ng maayos at maglakad ng maayos. So far, kaya ko pa naman. Kahit alam kong halatang effort ang paglalakad ng matuwid dahil umaalon na ang sahig sa paningin ko.

    Nakumpirma kong lasing na ako nang sa isang iglap ay nasa sasakyan na kami ni Wade. Hindi ko na maalala kung paano ako nakapaglakad papunta dito ng di namamalayan. Nilingon ko si Wade at nakita ko ang mga mata niyang parang lawin na pinagmamasdan yung prey niya.

    “Ano ba yung pinainom sayo ni Hugo? Tequila?” Tanong niya.

    “Vodka, yata.” Sabi ko sabay hawak sa ulo ko.

    Hindi ko na mahawakan ng mabuti ang pintuan ng sasakyan niya.

    Huminga siya nang malalim at binuksan iyon para sakin.

    Pero imbis na pumasok ako ay pinulupot ko yung braso ko sa leeg niya. Nakita kong kumunot ang noo niya.

    “Reina, pasok na sa loob.” Aniya.

    “Nagpiipigil ka na naman.” Ngumisi ako at kinagat agad ang labi dahil masyado na akong reckless magsalita.

    Hinawakan niya ang braso ko at tinanggal iyon sa leeg niya.

    “Iuuwi na kita.”

    Dahan-dahan niya akong pinaupo sa sasakyan niya. Humilig ako sa upuan at naghintay sa pag ikot niya.

    Pumasok siya at sinarado ang pintuan. Pinasok niya ang susi para i-start ang sasakyan. Tinignan niya akong nakatingin sa kanya.

    “I-Isoot mo yung seatbelt mo.” Aniya habang sinusoot yung kanya.

    “I’m tipsy, Wade, ba’t di ikaw magsoot?” Sabi ko.

    Ilang sandali pa siyang natulala bago iyon hinila para isoot sa baywang ko. Naamoy ko ang pabango niyang nakakapanindig balahibo.

    “Ang bango mo.” Sabi ko sabay singhot sa leeg niya.

    “Reina!” Galit niyang sinabi.

    Tumawa ako, “Ayan ka na naman. Kunwari ayaw, pero ang totoo gusto. Minsan gusto mo, lalo na pag ayaw ko. Pag gusto ko naman, ayaw mo.”

    “Reina…” Saway niya sabay tingin sa kalsada.

    Aandar na sana yung sasakyan niya kung hindi ko hinila yung braso niya palayo sa susi.

    “Kiss me, Wade. Kiss me like you’ve never kissed me before. Gusto kong tapusin ang nasimulan natin.” Nag init ang buong katawan ko.

    Hindi ko alam kung bakit ang init ng katawan ko. Dahil ba ito sa alak?

    Humilig ako sa kanya at tinignan ang labi niya.

    “Please…”

    Pumikit siya at dahan-dahan akong tinulak. Napasandal ako sa upuan ko at napapikit. I just wanna sleep.

    “Not yet, Reina.”

  • Kabanata 55Open or Close

    Kabanata 55

    Sore

    Tanghali na nang nagising ako sa sarili kong kama. Kinapa ko ang mga damit kong in place naman. Walang nawala. Buo parin naman ako.

    Ang tanging naalala ko lang kasi ay nasa bar ako at umiinom. Agad akong bumangon para tignan kung anong oras na pero nahilo ako. Napahawak ako sa ulo ko at naramdaman kong bumabaliktad ang sikmura ko.

    OH NO! I’m gonna vomit?

    Tumakbo agad ako sa CR at naghintay kung kelan ko feel magbalabas ng lahat. Mabuti na lang at mejo nawala at humupa ang pagbaliktad ng sikmura ko.

    Humarap ako sa salamin at inayos ang buhok ko.

    “Nasusuka ako?” Napahawak ako sa tiyan ko.

    Inalala ko lahat yung nangyari kagabi. Unti-unting nanlaki ang mga mata ko nang naalala ko yung mga nakakahiyang sinabi ko kay Wade. Napapikit ako at napapukpok sa ulo!

    “OH MY GOD! OH MY GOD! OH MY GOD!”

    Napatalon-talon ako. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin ngayon. My goodness! Ang kapal ng mukha ko! Teka? May nangyari ba samin? Kinapa ko ulit ang tiyan ko. Nasusuka ako kanina.

    “AM I PREGNANT?”

    Tumakbo ako papasok ulit sa kwarto ko para hanapin ang cellphone.

    Maraming messages doon.

    “Liam, Liam, Coreen, Rozen, Liam, Kuya Dash, Mommy, Mommy, Dad-“

    Wala akong numero ni Wade! Pero may nakita ako doong unknown number na nagtext! Nanginig ang kamay ko nang pinindot ko para tignan kung sino at anong sinabi.

    Hindi niya sinabi kung sino, pero alam ko na agad.

    Text:

    Inom ka ng malamig na tubig pag gising mo at kumain ka ng maayos.

    Agad ko iyong ni-dial yung number na iyon. Bumungad sakin ang isang malamig at pamilyar na boses.

    “Reina,” Untag ni Wade.

    Napapikit ako at naramdaman ko ang irregular na pag pintig ng puso ko. “Wade… Uhmmm.”

    “Kakagising mo pa lang ba?” Tanong niya.

    May narinig akong ingay sa background niya.

    “Wade, hindi mo ba sasagutin ang tanong ko?” Si Zac iyon, tono pa lang ng pananalita at accent ay alam kong siya na agad.

    “Zac, ang clingy mo talaga! Kitang may kausap ang tao.” Sabi ni Adam.

    And I’m sure tahimik si Austin na ngumingisi sa kanila. Sa iksi ng panahon ay nakilala ko na ang mga kabanda ni Wade.

    “N-Naistorbo ba kita?”

    “Hindi… Sila yung istorbo.”

    Nakakabinging katahimikan ang bumalot saming dalawa. Kung hindi ko lang sana narinig si Zac na tumawa ay may maririnig na akong crickets sa background.

    “U-Uhmmm… Tumawag ako para magtanong.” Sabi ko sa wakas nang nakarecover na ako sa sinabi niya.

    “Okay, nakuha ko itong number mo kay Rozen kagabi.” Aniya.

    Umiling ako kahit hindi niya naman ako nakikita, “Hindi… Hindi yan ang tanong ko.”

    “Ah! Kung ganun, ano?”

    Uminit ang pisngi ko. Pinaypayan ko ang sarili ko dahil pinagpapawisan na ako kahit naka full yung aircon.

    “N-Nabuntis mo ba ako?” Tanong ko at pinikit ng mariin ang mga mata.

    Hindi siya agad nagsalita kaya agad akong kinabahan. Niyaya ko siya kagabi, yun lang ang naalala ko.

    “Wait, what, Reina?”

    Napaupo ako sa kama at napatadyak.

    “Ang tanong ko eh nabuntis mo ba ako?”

    Narinig ko ang paghugot niya ng hininga at pagbugo niya nito.

    “Anong klaseng tanong yan?”

    EDI SYEMPRE, OO! Napatadyak-tadyak ako.

    “Bakit? Are you sore? Naramdaman mo bang may nangyari satin kagabi?”

    “WHAT?”

    “Sagutin mo ako! ARE YOU SORE!?” Galit niyang tanong.

    Narinig kong humupa ang tawanan ng mga kabanda niya.

    “Uy, Wade, ano yan-” Marahang tanong ng kalmadong si Adam.

    “Shhh!” Putol ni Wade kay Adam. “REINA!”

    Napatalon ako sa kama sa sigaw niya.

    “May nagpunta ba diyan kagabi? Sino? May pinapasok ba si Rozen sa kwarto mo?”

    “HUH?”

    “REINA! Sagutin mo ako!” Sigaw niya.

    “W-Wala…” Napatingin ako sa kwarto ko at napahawak sa ulo.

    “Reina! Stop the car po, may pupuntahan ako.” Sabi ni Wade sa background.

    “W-Wade?”

    Ginulo ko ang buhok ko.

    “H-Hindi ba tayo nagpunta sa c-condo mo? K-Kasi diba? Uh… Hindi ba?”

    Napasinghap si Wade. Ilang sandali pa siya bago nagsalita.

    “Wade? Anong nangyayari? May problema ba kayo ni Reina?” Tanong ni Adam sa background.

    “HAHA! She’s pregnant, Rivas? WHOA! Malaking pasabog yan! Maliban sa sumabog sa loob.”

    “FVCK YOU, ZAC!”

    May narinig akong sigawan at sapakan sa background.

    “Reina, walang nangyari satin.” Sabi ni Wade nang humupa na ang sapakan sa background. “Ngayon, sabihin mo sakin… are you sore?” Humina ang boses niya.

    “S-Sore?” Umiling ako kahit alam kong di niya ako nakikita. “Nope?”

    “Reina!”

    Sore down there?

    “Hindi! Hindi, Wade. I’m just asking… K-Kasi nasusuka ako kanina. W-Wala bang nangyari?”

    Nanaginip lang ba ako o assuming lang talaga ako?

    “Sus! Babae ka!” Narinig ko ang frustration sa boses niya. “Ewan ko sayo. Siguraduhin mong walang gumapang na iba diyan sa kama mo. Ugh!”

    Napatingin ako sa kama ko. Wala naman. Nakakahiya! Akala ko may nangyari, iyon pala wala!

    “Nasusuka ka kasi marami kang nainom kagabi! Mabuti pa, uminom ka ng tubig, at matulog ulit hanggang sa mahimasmasan ka.”

    “Wade, okay na ba? Malilate na tayo sa studio.” Sabi ni Adam.

    “Okay na, salamat.” Aniya.

    “Reina, shit,” Narinig ko ulit ang pagbuntong-hininga niya, “Kung may nangyari man satin kagabi, hindi ganun kadali kang masusuka. Ilang weeks pa bago mag kakaroon ng sintomas ng pagkakabuntis mo.”

    “So… walang nangyari satin kagabi?” Tinakpan ko ang bibig ko.

    Why did I sound so frustrated and disappointed?

    Hindi siya agad nagsalita. Mukhang dinama niya yung tanong ko.

    “I-I mean… wala, diba?”

    “Wala!” Aniya.

    “Okay.” Disappointed na naman yung naging tono ko.

    “Reina, ilang beses ko bang kailangang sabihin sayo? Ikaw ang virgin sating dalawa kaya ikaw ang magpigil diyan. Wag mo akong asahan dahil talagang masusuka ka after 2 weeks kung lagi mo akong inaakit ng ganito.” Pabulong niya itong sinabi.

    Narinig ko ang satsatan at tawanan nina Adam at Zac sa background.

    Mas lalong uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Naaalala ko nga nung sinabi niya iyon.

    “I’m not virgin anymore.” I corrected him. “Diba?”

    Natahimik ulit siya.

    “Ugh! Reina? Oh? Bakit? akala ko ba mag da-dahan-dahan tayo dito? Bakit parang nagmamadali ka naman yata. Gusto mo yatang araw-araw-“

    “Pinaalala ko lang sayo! Hello! Kasi di mo naaalala!”

    “Alam ko. Pero I still think you’re a virgin, Reina. So stop acting like you’re not, baguhan.”

    Natahimik ako at napakagat sa labi. Narinig ko agad ang mabilis at malakas na pintig ng puso ko. Parang ilang libong kabayo ang tumatakbo sa taas ng bubong ang naririnig ko.

    “Okay, Reina, may irerecord kaming kanta ngayon. Papunta na kami sa Moon Records, uminom ka na ng tubig at magpahinga.”

    “Okay, Wade. Uhm… Gagawin ko rin yung suit mo tsaka yung kay Adam… And also yung gown ni Shan.”

    “You’re telling me you’ll be very busy, huh?” Aniya.

    “Mejo, Wade. Mahirap kaya ito. Ako yung gagawa. Hindi ko muna iaasa sa iba since wala pa naman akong big break. So ako muna talaga sa ngayon…”

    “Alright. Alam mo naman sigurong isisingit ko kahit papano ang panliligaw ko, diba?”

    Napangiti ako, “Busy ka rin naman, eh, rock star.”

    “I’m your rockstar. Kaya bago sila, ikaw muna. Di bale ng pumalpak sa rehearsal, basta tagumpay sayo.”

    HINDI KA PA BA NAGTATAGUMPAY DIYAN? Parang naaakit niya na yata ako ng husto, eh! Kelangan niya pa bang manligaw?

    “Alright, Wade.” Tumawa ako.

    “May pinadala akong mga bulaklak sa inyo. At marami pa… Icheck mo na lang, okay?” Malambing niyang sinabi.

    Agad akong tumakbo palabas ng kwarto at dumungaw sa sala namin. May nakita akong mga apat na bouquet of roses at apat na gift.

    “Alin dito yung sayo?” Tanong ko at narealize kong mejo offending yung tanong na iyon kaya binawi ko.

    Ang dami kong manliligaw ngayon, ah? In fairness!

    “May apat na bouquet at apat ding gift.” Dahan-dahan akong bumaba sa hagdanan.

    Narinig kong tumawa siya, “Lahat ng yan ay akin.”

    “Sobra naman yata, yan, Wade. Yung alam ko pag nanliligaw, isa-isa lang araw-araw. Bakit apat yung sayo?”

    “Apat na taon akong wala sa buhay mo, eh.” Tumawa siya. “At syempre, marami talaga dapat para saan pa ang perang pinaghirapan ko kung hindi ko gagastusin sa babaeng dahilan kung bakit nasa tuktok ako ngayon.”

    Kinagat ko ang labi ko at tinignan ang bawat roses na nandoon. I don’t know if that’s good or bad. Nasa tuktok si Wade ngayon dahil sakin… Dahil gusto niyang patunayan na mali ang panghuhusga ko sa kanya. Parang ang pangit pakinggan. Pero sinasabi niya iyon na parang inspirasyon niya ako… na parang di niya mararating ito kung wala ang supporta ko, gayung ang totoo, itinulak ko siya sa putik, kaya siya determinadong bumangon.

    Hay, Wade, I love you…

    “I love you, Reina.” Malamig niyang sinabi.

    “I love you more, Wade.” Nanginig ang boses ko.

  • Kabanata 56Open or Close

    Kabanata 56

    Tanggap na!

    Naging busy ako sa pag gawa ng mga designs. Sineryoso ko yung suit ni Wade. Kagit jacket lang naman talaga yung gusto niya, mas matagal ko iyong ginawa kesa dun kay Adam. Sinumulan ko na rin yung kay Shan.

    Design pa lang ang gagawin ko kasi di ko pa siya nakukunan ng sukat.

    “Eto ba yung kay Wade?” Tanong ni Liam habang pinapanood akong ginagawan ng design yung kay Shan.

    “Uhm, oo.”

    Pinagmasdan ko siya. Hinawakan niya iyon. Naaasiwa ako habang hinahawakan niya yun, para bang hindi ako kumportable.

    Sinoot niya yun at nabigla ako nang kasya pala iyon sa kanya.

    “Pareho pala kami ng sukat ni Wade.” Ngumisi siya at pinagmasdan ang sarili niya sa salamin.

    Tama si Liam, halos magkapareha lang sila ng frame sa katawan ni Wade. Magkasingtangkad lang din sila. Halos magkapareha talaga ang dalawa.

    “So? Anong oras tayong pupunta kay Shan?” Tanong ni Liam sakin at hinuhubad yung suit ni Wade.

    Tinulungan ko siya sa paghubad para maayos ko at maligay sa tamang lalagyan.

    “Bait talaga ng Reina ko.” Sabay kurot niya sa pisngi ko.

    Ngumisi ako, “Tumigil ka nga, Liam.”

    Kinurot niya naman ang ilong ko, “At dahil diyan, ihahatid kita doon sa office ng manager ni Shan. Saang building nga iyon?”

    “Naku! Wag na!” Sabi ko. “Kaya ko namang mag drive.”

    “Live up to your name, Reina. You’re a REYNA, dapat kang tinatratong ganun. So let me drive, alright?”

    Nagpuppy eyes si Liam sakin. Umiling ako at ngumisi. Ang kulit talaga ng isang ito.

    “O sige.”

    Hindi kami laging nagkikita ni Wade dahil busy siya sa recording para sa lalabas na album. Ang alam ko, sa awards pa ang susunod naming pagtatrabaho. O di kaya sa photoshoot ng album cover nila. Busy siya, at okay lang din sakin kasi busy din ako. Minsan, hindi ako mapakali at iniisip ko kung anong ginagawa niya pero hindi niya ako binibigo. Palagi siyang may text sakin, madalas din siyang tumawag. Bumibisita din siya sa labas ng bahay. Oo, hindi ko siya pinapapasok dahil ayokong may kabalbalang gawin si Rozen saming dalawa. Pwera na lang kung hinahalungkat ni Rozen yung CCTV namin sa may gate, baka alam niya ng may katagpuan ako sa labas ng bahay namin gabi-gabi.

    “Wala ka na bang naiwan?” Tanong ni Liam sakin nang pumasok ako sa sasakyan niya.

    “Wala na.”

    Tambak na sa kwarto ko yung mga bulaklak at gifts na binibigay ni Wade. Hindi na nga ako nagpapapasok dahil ayaw kong may gumulo sa mga ito.

    Binansagan na nga ni Coreen yung kwarto ko as Bodega ni Rivas. Ewan ko ba sa lukaret na iyon. Dalawang linggo ng di nagpaparamdam. Puro instagram ang inaatupag. Naka deactivate pa yung Facebook.

    Inspeaking of Facebook, walang ganun si Wade. Kung meron man, puro fan page at posers iyon. Mga ilusyunadang nagpapalitan ng matatamis na salita si Wade at Shan kaya hindi na rin ako naging interesado sa Facebook.

    Tulad ni Coreen, mas gusto ni Wade yung instagram. Iyo nga lang, hindi niya kinukunan yung sarili niya. Mas madalas yung mga lugar at mga bagay o pagkain ang pinopost niya.

    Tinignan ko sa iPad ko yung mga updates niya doon, isang linggo ang nakakaraan.

    “Reina?” Untag ni Liam sa kalagitnaan ng pag di-drive niya.

    Sumulyap siya sakin gamit ang kumikislap na mga mata.

    “Hmmm?”

    Sinarado ko yung iPad.

    “Ang ganda mo…” Binigyan niya ako ng matamis na ngiti.

    Uminit ang pisngi ko sa biglaan niyang sinabi, “Weh? Di naman!” Nag iwas ako ng tingin.

    “Totoo. Noon pa, maganda ka naman talaga. Pero mas lalo kang gumanda ngayon.”

    Napalunok ako at sinubukang tignan ang nakangising si Liam, “Liam! Bolero ka talaga!”

    Tumawa siya.

    Hinampas ko ang braso niyang nakahawak sa manibela. Hindi na siya nagsalita. Tawa lang siya nang tawa. Ilang sandali, nang humupa na yung tawa niya…

    “Seriously, you really are beautiful, Reina.”

    Tumindig ang balahibo ko sa sinabi niya. Hindi ko maalala kung may taong nakapagsabi ba saking ganun. Si Rozen, malamang. Si Coreen, Oo. Si Hugo din. Yung mga kapamilya ko. Pero hindi ko kailanman iyon natanggap ng ganito ka seryoso ang tono.

    “Thanks…”

    Tumigil ang sasakyan dahil sa bumabarang traffic. Sinamantala ni Liam ang pagkakataong iyon para harapin ako at haplusin ang mukha ko.

    Natigilan ako sa ginawa niya. Hinintay ko ang pagsasalita niya pero tahimik niya lang na hinaplos ang mukha ko. Unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sakin.

    Lumakas ang pintig ng puso ko sa kaba… Masyado ng malapit ang mukha niya. Nanlaki ang mga mata ko. Ayaw kong isipin pero hindi ko maiwasan. HAHALIKAN NIYA BA AKO?

    Kinagat niya ang labi niya. Napatingin ako sa harapan at nakitang tumakbo na ang nasa unahang mga sasakyan at jeep.

    Pinaandar niya din agad ang sasakyan niya nang walang imik. Dumating kami sa building ng walang imikan. Kaba lang ang tanging naramdaman ko sa buong byahe namin papunta doon.

    “Sa reception area ako maghihintay.” Unang salita niya nang tumunog ang elevator at nakarating kami sa 3rd floor ng building kung saan nandito yung opisina ng manager ni Shan.

    “O-Okay.” Hindi ko siya matignan ng matagal.

    Dumiretso na ako sa opisina. Bumungad sakin ang mukhang nagmemeeting kilalang producer, manager ni Shan at si Shan mismo.

    Lumaki ang ngisi ni Shan nang nakita akong pumasok.

    “Uh, sorry, nakaistorbo ba ako?” Kabado kong tanong.

    “Hindi no! Come here, Reina.” Sabay tapik ni Shan sa sofa na tabi niya.

    Tumango ako at lumapit. Hinawi niya ang kanyang buhok at tumingin sakin.

    “May design ka na ba?” Tanong niya.

    “Oo. Uh, may tatlo. Pumili ka na lang. Ano ba yung gusto mo?”

    Kinuha ko ang mga sketch ko para patignan sa kanya.

    “Patingin.”

    Malamig ang kamay niya nang nahaplos niya ang kamay kong nakahawak sa sketch pad. Ngumisi siya nang naramdaman din iyon.

    “Hmmm…” Pabalik-balik niyang tinignan ang tatlo.

    Seryosong nag uusap ang producer at ang manager ni Shan. Siya naman, panay ang pili sa mga gawa ko.

    “Uhm, eto.” Sabay turo niya sa isang dress na may deep v neck.

    Tumango ako.

    “Gusto ko minimal lang yung design. Mas mabuti kung plain at konti lang ang sequins.” Ngumisi siya at namangha ako sa kanyang mukha.

    Ang ganda niya talaga. Kaya nga artista diba? Bawat pagsasalita niya pa ay lumilitaw ang dimple niya. Naaalala ko tuloy si Wade. Simpleng galaw lang ng pisngi, lumilitaw agad yung dimple. Kung magkakaanak itong dalawang ito, baka may dimple din anak nila.

    OMG! Bakit ko iyon naiisip? No. Way. Hindi ko maimagine na may ibang kinahuhumalingan si Wade.

    “Ah! Lika!” Hinawakan niya ang kamay ko at tumayo siya.

    Napatayo din ako sa biglaang pagtayo niya.

    “Madame, may punta lang muna ako sa office ng Fashion Week.”

    Tumango ang manager niya kaya’t agad niya akong hinigit palabas ng opisina.

    “Alam mo, Reina. Mas gusto ko talaga yung mga batang designer kesa dun sa mga matatanda na. Mas open minded kasi yung designs at fresh. Madalas kasi, pag batikan at matanda na yung designer, mahal tsaka bparang inulit lang yung design.”

    “T-Talaga?”

    “Yes, well, opinion ko lang naman iyon.”

    Nadatnan naming si Liam na nakaupo sa reception hall.

    Tumayo si Liam nang nakita kaming dalawa.

    “Tapos na ba?” Sabay tingin ni Liam kay Shan.

    “Hindi pa…” Humalakhak si Shan. “Ngayon ko lang itatanong, magkakilala pala kayo ni Reina, Liam?”

    Mag kakilala si Shan at Liam?

    “Oo,” Napakamot sa ulo si Liam. “Family friend.” Dagdag niya.

    “Ganun?” Tumawa siya.

    Pumula ang pisngi ni Liam.

    “Family friend nga lang ba? Baka mamaya sa isang buwan ikakasal na kayo.”

    Umiling ako at tumawa si Liam.

    “H-Hindi ah? Magkaibigan lang kami.” Sabi ko agad.

    “Oh!” Nagpabalik-balik ang tingin ni Shan saming dalawa ni Liam. “Bakit pula kayo pareho?”

    Umiling siya at hinigit ako ulit. Iniwan naming si Liam doon na nakatingin at nakaawang ang bibig saming dalawa.

    “Uyyy! Guiltyng Liam.” Tumawa ulit siya. “Mahilig ka pala sa mga vocalist, Reina?”

    “Uhm?”

    Napaisip ako sa sinabi niya. Napatingin ako sa kanya. Bago ako makapagreact ay binubuksan niya na ang pintuan ng isang opisina.

    “TADAAA!” Sigaw niya.

    Bumungad sakin ang mga designs, models, designers at kung anu-ano pa ng isa sa pinaka prestihiyosong event sa bawat season ditto sa Pinas, ang Fashion Week.

    “Hi!”

    “SHAAAN! Darling!” Sabay halik sa kanya ng isang bading.

    “Kira!” Nagbeso siya sa bading na iyon. “Hi!”

    “Super ganda mo talaga! Blooming na blooming! Paano ba kasi, nasasatisfy ka ni… ehem.”

    Napalunok ako dahil alam ko kung sino yung tinutukoy niya.

    “Uy, wa’g kang maingay.” Tumawa si Shan sabay sulyap sakin.

    “Hay naku! Dapat proud ka-“

    Tinakpan ni Shan ang bibig noong bading.

    “Kira!” Nakangiting saway niya.

    Tumawa si Kira sa reaksyon ni Shan.

    “Oh! Napadalaw ka dito? Gusto mong mag model?” Anyaya ng bading sa kanya.

    Napatingin iyong bading sakin.

    “Tapos na yung Last season ng Fashion Week, diba? Pwedeng pasingit ng kaibigan kong designer?”

    Humalukipkip si Kira, “Sure! Basta ikaw! Basta ba kaibigan mo!” Kumindat si Kira sa kanya.

    “Kaibigan din siya ni Wade, eh. Actually, bagong stylist niya. Kaya sana kung pwede-“

    “WHAT? OF COURSE, PWEDENG PWEDE!” Pumalakpak si Kira sabay lahad ng kamay sakin. “I’m Kira, and you are?”

    “Uhm, Reina E-Elizalde.” Nauutal kong pagpapakilala.

    “Pasalamat ka’t kaibigan mo si Shan at Wade! Tanggap ka na! Sa susunod na season, ah?” Kumindat siya sakin.

    Hindi ko alam kung mangingiti ba ako o malulungkot. For some reason, para akong nanggamit ng tao. Pero hindi ko naman iyon sinasadya. Gusto kong pumasok ng Fashion Week, pangarap koi to, pero bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon?

  • Kabanata 57Open or Close

    Kabanata 57
    Insecurities

    Lumabas kami sa opisinang iyon na masayang masaya si Shan.

    “I’m so proud of you. Naku! Sisikat ka! Lalo na pag labas namin ni Wade sa Awards.” Aniya.

    Lumilitaw ang kanyang dimple bawat pagsasalita niya.

    “Uhm? Magkasama kayo ni Wade sa Awards?” Napalunok ako sa sariling tanong.
    “Oo. Of course, no!” Ngumisi siya sakin.

    Ipinakita niyang para akong baliw kasi tinanong ko pa iyon sa kanya.

    “Ah! Of course.” Ngumisi ako sa kanya.
    “Oh! Hayan na boyfriend mo.” Sabay turo niya kay Liam na tumatayo naman ngayon.
    “Ah? Di ko yan boyfriend.”
    “Wehh? Showbiz ka ring sumagot kahit halata naman.” Tumawa siya at nilagpasan ako.

    “Yung sukat ko nga pala, kunin mo na lang sa reception, please, pinadala ko na sa P.A.”
    Tumango ako at sinalubong ang nakatayong si Liam.
    Kumaway si Shan sakin, “Thank you!”
    “Thank you din!” Matabang kong untag.

    Kumaway ako ng marahan sa kanya. She’s kind. Really kind and pretty. Walang kapintasan. Hindi ko alam kung sino saming dalawa ang maswerte… siya na alam o akala ng lahat na mahal ni Wade o ako na tunay na mahal ni Wade. Syempre, ako kasi ako yung tunay. I should think positive. Bawal ang mainggit sa kanya. Wala naman akong dapat kainggitan.

    “Reina?” Tumaas ang kilay ni Liam nang nakita ang pagkakatulala ko. “You okay?”
    “H-Huh?” Napatingin ako sa kanya. “Oo naman.”
    “Ba’t ka natutulala diyan?” Tumawa siya.

    Habang umiiling ako para sagutin ang sinabi ni Liam, napansin ko ang maingay na pag aassemble ng mga photographers at ilang taga media na may dalang mic at mga recorder/cellphone sa tapat ng elevator.

    “Tabi! Paano sila makakadaan kung haharang-harang kayo diyan!”

    Nanatili kaming nakatayo ni Liam habang pinagmamasdan ang nakaabang na mga reporters.

    “Sino kayang dadating?” Tanong ni Liam sa kawalan.

    Nakita kong papalapit na ang pagbukas ng elevator. Ilang sandali ay naghiyawan ang reporters nang tumatak na ang pulang light sa numero ng floor na ito.

    *Ting*

    Bumakas ang elevator at una kong nakita si Wade. Sa likod niya ay ang kanyang bandmates. Nasa tabi niya si Mr. Manzano at sa kabila naman ay isang nakaunipormeng bouncer.

    “Si Wade!” Sabi ko.

    Nanlaki ang mga mata ko nang nakita ko siyang mabilis na naglalakad sa gitna ng maraming camera at reporters.

    “Totoo bang date mo si Shan sa awards?”
    “Balitang may mga flowers kang pinapadala, para kay Shan Melendez ba iyon?”
    “Gaano ka totoo yung bagong project mo with Shan-“

    Sa mabilis na paglalakad ni Wade at sa dami ng reporters na nakapalibot, hindi na ako umasang makikita niya pa ako.

    Mabilis din silang pumasok sa loob ng opisinang pinasukan ko kanina.

    May meeting siguro sila sa manager ni Shan. May konting bukol na bumara sa lalamunan ko.

    “Let’s go, Liam.” Sabi ko.
    “Sayang no, hindi natin mabati si Wade. Ang dami kasing nakapaligid.” Sabi ni Liam sabay akbay sakin. “Tama ka, lika na. Iba talaga pag artista na.”
    “Uhm… Oo nga.” Sabi ko sabay yuko.

    Naglakad kami papunta ni Liam sa elevator. Nilingon ko ang opisinang pinasukan ni Wade. Ang tanging nakita ko na lang ay yung mga reporters na nag aabang sa kanya. Panigurado, mamaya, pag magkasama sila ni Shan na lalabas ay magiging issue na naman iyon. Na talagang may umaatikabong relasyon silang dalawa.

    Ayokong sumbatan si Wade. Pangarap niya ito at tinatamasa niya na. Kahit hindi naman talaga totoo yung laman ng balita, ganun talaga pag showbiz. Pero dahil dito, parang nanliliit ako. Nanliliit ako sa sarili ko. The tables have turned, really. Si Wade na ngayon ang malaking tao. Sakin lahat ng insecurities napupunta. Kung noon, wala akong maramdamang insecurities maliban sa pagiging pangit ko, ngayon lahat na ang nararamdaman ko. His fame, his beautiful face, his exceptional talent, his charisma… lahat ng iyon, nararamdaman ko ang layo ng agwat naming dalawa.

    “Hey, kanina ka pa, ah? You okay, Reina?” Untag ni Liam nang pabalik na kami ng bahay.

    Itinigil niya ang sasakyan sa isang ice cream shop.

    “Uhmmm… Okay lang.” Sabay tingin ko sa labas.
    “Lika, kain nga muna tayo ng ice cream!” Lumabas siya ng sasakyan at umikot para pagbuksan ako.

    Parang kinukurot ang puso ko habang pinagmamasdan siyang naglalahad ng kamay sakin. Kahit wala naman siyang alam sa totoong nangyayari sa sistema ko, pakiramdam ko naawa siya sa akin. Kahit na hindi niya alam kung anong nangyayari, nakikita niyang nasasaktan ako.

    “Lika na, Reina.”

    Nilagay ko ang kamay ko sa kamay niya. Agad niyang hinila iyon kaya napilitan akong tumayo at lumabas sa sasakyan niya.

    “Look, Reina, I don’t know what happened pero ayaw kong malungkot ka.” He lifted my chin.

    Ngumisi ako.

    “Hindi naman ako malungkot.” I lied.
    “I know you too well, Reina.” Hinigit ako ni Liam papasok ng Ice Castle.

    “Anong nangyari sa loob ng office? Bakit malungkot ka?” Napatalon ako sa biglaang tanong ni Liam nang nasa loob na kami ng Ice Castle.

    Kokonti lang ang tao. Pero pakiramdam ko, lahat ng tao ngayon dito ay kilala si Wade. At ang gusto nila para kay Wade ay si Shan. At kung sinong babae man ang biglang susulpot para angkinin si Wade ay abomination, masama, sulutera…

    Napalunok ako.

    “I-I got in… sa Fashion Week?”

    Napaawang ang bibig ni Liam.

    “Really? Then what’s with that face?”

    Dumating ang niorder niyang oreo overload para saming dalawa.

    Umiling ako, “Nothing.”

    Tinitigan niya ako at nanliit ang mga mata niya.

    “You sure it’s nothing, Reina?”

    Bumara na naman yung bukol sa lalamunan ko. Nahihirapan akong huminga ng maayos o tignan man lang ang mga mata ni Liam. Yung ayaw ko sa lahat ay yung tinatanong ako tungkol sa problema ko. Mas lalo lang akong naiiyak, lalo na pag totoo.

    “Yes, it’s really nothing… Liam.” Pumiyok ang boses ko sa dulo kaya tinakpan ko ang bibig ko.
    Mas lalong nanliit ang mga mata niya nang marinig ang boses ko.

    Tahimik siya buong panahon na kumain kami doon. Ang tanging rason ko kung bakit hindi ko masabi-sabi kay Liam ang tunay na kwento simula pa lang ay ang katotohanang natatakot ako na sa oras na malaman ng publiko ang relasyon namin ni Wade, masisira ulit kami. Ayokong may manghimasok. Ayokong manghimasok ulit ang pamilya ko… si Rozen, si Kuya Dashiel, o kahit sino. Ayoko.

    “Reina, I want you to open up to me… Pero sige, kung ayaw mo pang magkwento sakin, I’ll respect that. Just know that I’ll always be here…”

    Napatingin ako sa kumikislap niyang mga mata. He smiled. Nakita ko yung dimple niyang nakakapagpaalala talaga sakin sa kay Wade. Mas lalo lang akong nasaktan. Ang layo talaga ni Wade sakin. Kung noon, malayo siya at pinapangarap ko lang, ngayon ganun parin. Walang pinagbago.

    “Thanks for today, Liam. Naappreciate ko yung concern mo.” Sabi ko nang nasa tapat na kami ng bahay.

    Ginabi na pala kami ni Liam. Napatunganga ako habang nakikita ko yung gate naming bumubukas.

    “Hindi na ako papasok, Reina. May dinner pa kasi kami ng family.” Napakamot siya sa ulo sabay tingin sa cellphone. “Ang kulit ni mommy, kanina pa ako tinitext.”
    “Ah? Talaga! Naku! Sorry, na late ka pa.”

    Nagmamadali akong buksan yung pintuan para sana lumabas pero nagulat naman ako nang hinila niya ang kamay ko.

    Nanlaki ang mga mata ko nang nakita kong nakapikit siya nang inilapit ang kanyang mukha sakin. Umatras ako ng konti pero dahil masyado na akong huli, nahalikan niya ang labi ko.

    “I love you, Reina.” Aniya at dinilat ang mga mata.

    Napahawak ako sa labi ko.

    “It’s true, I really love you. Kaya… be comfortable with me.”
    “Li-Liam…”
    Ngumisi siya gamit ang mga malulungkot na mata, “Sige na, I gotta go… Itext kita mamaya. Cheer up!”

    Tumango ako.

    “Sige na, aabangan kitang maglalakad papasok sa bahay niyo.”
    “H-Huh? O sige…”

    Marami akong gustong sabihin sa kanya. Gusto kong magtanong kung anong klaseng pagmamahal ang nararamdaman niya sakin pero dahil nagmamadali siya at nahihiya na ako dahil ako yung dahilan kung bakit mali-late siya sa dinner ng kanyang pamilya, dumiretso na ako sa loob ng gate.

    Papasok na ako nang nilingon ko ulit siya. Hindi tinted yung sasakyan niya kaya kitang kita ko ang nakangisi niyang mukha sa ilalim ng lights. Kumaway siya. Napalunok ako at kumaway na rin.

    Pinagmasdan ko ang sasakyan niyang umaalis na. Tumigil iyon ng konti dahil may hump pero dumiretso din. Dahil nakatingin ako sa daang iyon, nahagip ng mga mata ko ang isang estrangherong sasakyan. Isa iyong pick up na kulay silver. Pero ang nakaagaw talaga ng pansin ko ay ang lalaking naka sandal doon malapit sa front seat at nakatingin sakin.

    Umihip ang malakas na hangin kaya napilitan ako hawakan ang buhok ko para makita ng maayos ang lalaking iyon.

    Lumakas ang pintig ng puso ko nang narealize kung sino ang nakatayo doon. Of course, I should have known. It was Wade’s second car. Yung dinadala niya para hindi siya marecognize ng media.

    “W-Wade…” Nanliit ang boses ko nang nakita ko ang galit at lungkot na naghalo sa mukha niya.

    Unti-unti ko siyang nilapitan. Nanginginig yung paa ko. Gaya ng sabi ko kanina, hindi tinted ang sasakyan ni Liam, kaya malamang nakita niya yung paghalik ni Liam sakin!

    Tumigil ako sa paglalakad. Naalala ko yung insecurities ko sa nangyayari saming dalawa. Nakakapanliit. Pero hindi ko naman siya masisisi. Hindi ko siya kayang ipatigil sa lahat ng kanyang mga ginagawa. Kailangan kong tanggapin na kaakibat ng pag sho-showbiz niya ang lahat ng iyon.

    “Nanliligaw din ba siya sayo?” Malamig niyang tanong sakin.

    Natatabunan yung mga mata niya ng dilim kaya hindi ko mapagtanto ang tunay niyang ekspresyon.

    “Hindi…” Sabi ko.
    “Kung ganun, kayo na?”

    Napatingin ako sa kanya. Nagpatuloy ako sa paglalakad.

    “Binibigyan ka rin niya ng flowers noon, diba? Alin mas maganda, sakin o yung kanya? Mas pumapayag kang halikan ka niya kesa sakin, ibig sabihin, kanya diba?”
    “WADE ARE YOU FREAKING STUPID?” Hindi ko na mapigilang ibulalas ang nararamdaman ko.

    Nanlaki ang mga mata niya nang nakitang walang effort na tumulo ang mga luha ko sa mga mata. Hindi ko namalayang kanina ko pa pala ito pinipigilan.

    “Anong siya? Eh ikaw naman yung mahal ko! Noon pa! Ikaw lang talaga! Kaya wag mo kong sabihan na baka siya!”

    Nilapitan ko siya at tinulak ko yung dibdib niya.

    Ikaw nga diyan! Di mo ba alam kung gaano ako nasasaktan? Ayokong magpakaselfish at kailangan kong tanggapin na hindi lang ako ang nagmamay-ari sayo dito.

    May manager, fans, media at iba pang nakaabang sayo. Hindi kita pwedeng diktahan na sana ako na lang parati nakatoon ang pansin mo. Hindi kita pwedeng sabihan na sana ako na lang palagi kasi may iba ka ring responsibilidad. Naiinis ako sa sarili ko at naiinis ako sa sitwasyon.

    “MAHAL DIN KITA! EDI TAYO NA, DIBA? Then? Bakit ka hinahalikan ang lalaking iyon, Reina! You don’t just kiss MY girl!” Sabay turo niya sa daanan kung saan nawala si Liam.
    “H-Hindi ko naman alam- Hindi ko nakita na-“

    Ginulo niya ang buhok niya. At halatang kinakalma ang sarili…

    “Ugh! Reina naman!” Sigaw niya sakin.

    “Uy! Si Wade Rivas ba yan?” May narinig akong sumisigaw sa katulong ng tapat naming bahay.

    “Shit!” Malutong kong mura at agad akong tumago.
    “Anong problema mo?” Tinaas ni Wade ang braso niya at hinanap yung nagsasalitang katulong.

    “Wade, open your damn door.” Sabi ko sabay hampas sa pintuan ng front seat niya.

    “Bakit? Para ano? Kung pagtsismisan tayo, let them!” Aniya. “Ano naman? Pinag tsi-tsismisan nga yung hindi totoo, yung totoo pa kaya?”
    “Are you stupid? Ayokong pagtsismisan ako. Ayokong may makaalam ng tungkol sakin. Just… Just open your damn door!”

    “Hala si Wade nga! AHHHH.” May narinig akong tumatakbo sa kung saan.

    “WADE FREAKING RIVAS! OPEN You’re damn door o basted ka sakin!”

    Nalaglag ang panga niya sa sinabi ko.

    “Diba tayo na?” Tumaas ang kilay niya.
    “Edi break na tayo kung di mo ito bubuksan!”
    “Wha- Shit!” Malutog niya ring mura at pinindot yung car alarm niya.

    Binuksan ko agad yung pintuan at pumasok sa loob.

    “Ano pang hinihintay mo? Drive na! Just! Let’s go!!!” Sigaw ko nang nakita ang tatlong naka unipormeng katulong ng mga Jimenez na kapitbahay namin.

    “Oh Lord!” Sabi ko habang malamyang pumasok si Wade.

    Para siyang inaantok o kakagising lang na ini-start ang sasakyan at pinatakbo.

    “You really know how to push my buttons, Reina.” Mahina niyang sinabi nang palabas na kami sa subdivision.

    Nilingon ko yung mga katulong na hinahabol yung sasakyan niya.

    “Let’s go somewhere… Kumain muna tayo. Gusto kong mag usap tayo dahil ayaw ko talagang hinahalikan ka ng kahit sino. Lalo na ng Liam na iyon.” Seryoso niyang sinabi sabay park sa isang mataong restaurant.
    “Wade, are you serious? May nakakalimutan ka yata?” Sabi ko.
    “Ano?” Sabay patay sa makina.
    “You’re Wade Rivas! Hello? You can’t just eat here and be with me…”

    Kinuha niya ang wayfarers at sinoot.

    “Eto? Okay na? Ayaw mo lang pagusapan iyon, eh.”
    “No, it’s not okay, Wade. Hindi na gagana yan lalo na dahil gabi ngayon. Let’s just go somewhere private.”

    Ngumuso siya at tinanggal ang wayfarers.

    “Edi sa condo ko…”

    Napalunok ako sa sinabi niya.

    “You have media everywhere, Wade. Maraming nakaabang sayo…”
    “Then, where, Reina?” Tanong niya sakin nang nakakunot ang noo.
    “Sa condo mo… but we seriously need Zoey.” Sabi ko.

  • Kabanata 58Open or Close

    Kabanata 58
    Pangalan ko

    “Alright.” Binigay niya sakin ang cellphone niya.
    “B-Bakit?”

    Pinaandar niya ang sasakyan.

    “You text her.”

    Hindi ako makapaniwalang hindi siya natatakot na makita ko ang laman ng cellphone niya. May iilang message doon si Shan, pero nakita kong wala siyang reply. Saka lang siya nagrereply tuwing importante o tungkol sa trabaho yung mga tanong. Napatingin ako sa kanya. Seryoso siyang nakatingin sa kalsada habang nag di-drive.

    Nitext ko si Zoey:
    Papunta kami sa inyo. Please help us. Pupunta ako ng condo ni Wade kaso may media. -Reina.

    Nabigla ako nang agad siyang nagreply.

    Zoey:
    Ok. Got it.

    “Umo-o si Zoey.” Untag ko sa seryosong nag di-drive na si Wade.
    “Okay, malapit na tayo sa kanila.”

    Nakaabang na sa labas ng apartment si Zoey. Agad siyang pumasok sa loob ng sasakyan.

    “Sabi na nga ba, you’ll need my help.” Kumindat siya sakin.

    Hindi ako makapaniwala na ngayon ay tumutulong na siya samin ni Wade. Noon, tumutulong siya pero para iyon masira kaming dalawa.

    “So may plan na ako para diyan.” Aniya.
    “Uhm…” Sumulyap ako kay Wade na seryoso paring nag da-drive, ngayon papunta na sa condo niya.
    “Una kang papasok sa condo niya, Reina. Hindi muna kami dadating. Then… pagkapasok mo, saka kami gagawa ng grand entrance. Kaming dalawa ni Wade ang papasok. Hanggang elevator lang ang media, kaya pwedeng sa hanggang 2nd floor lang ako. Tapos si Wade na ang magpapatuloy hanggang condo niya. Sa fire exit ako bababa.” Kumindat siya nang nakangisi.

    Napatingin ulit ako kay Wade. Nakasimangot siya at parang ayaw niya sa ideya ni Zoey.

    “O-Okay, mukhang maganda nga iyan.” Sabi ko.
    “Basta, Reina, yung sabi ko sayo, ah? Yung pagsali ko sa Fashion Week.”
    Bumuntong-hininga ako, “Oo na. Isasali kita.”
    Bumaling si Wade sakin, “Kasali ka na sa Fashion Week?”
    “Oo. Tinulungan ako ni Shan.”
    Napangiwi siya sa sinabi ko pero hindi na lang nagsalita. Para bang pareho kami nang nararamdaman noong sinabi ni Shan na tutulungan niya akong makapasok sa Fashion Week.

    Nang nakalapit na kami sa condo ni Wade, tama nga ang hinala ko, dinumog ng media ang labas nun. Sinasaway naman sila ng mga gwardya, kaya lang dahil sa dami nila, hindi yata iyon makakaya.

    “Keys, Wade.” Sabay lahad ko ng kamay. “Ako ang mauuna.”
    “They’re not there for me, Reina. May mga kapitbahay akong artista din-“
    “Pero kahit na. Pag makita ka nila, kahit na hindi naman ikaw yung sadya nila, ikaw parin yung magiging laman ng balita.”
    Bumuntong hininga siya at binigay sakin ang susi.

    Mabilis akong lumabas sa sasakyan niya at pumasok sa condo. Dahil hindi naman ako sikat at kilala, walang pakealam ang media sakin. Agad kong pinindot ang elevator at pumasok. Pagkapasok ko, napansin ko ang pagtakbo ng media. Malamang, nakita nila ang kadadating lang na sasakyan ni Wade. Dudumugin sila. Bukas… silang dalawa ang laman ng bali-balita. Madaling gumawa ng balita. Kasi naniniwala ang mga tao kahit walang ebidensya. Konting picture lang, may istorya agad.

    Pumasok ako sa condo ni Wade. Binuksan ko ang mga ilaw. Ngayon ko lang naappreciate ang design ng condo niya. May mga nakaframe na abstract painting sa dingding. Napaupo ako sa sofa habang tinitignan isa-isa ang mga painting. Narealize ko kung saan ako nakaupo. Eto yung sofa kung saan… Uminit agad ang pisngi ko at tumayo.

    Pinagmasdan kong mabuti ang sofa at bumuhos ang alaala sakin. Galit siya nun. Galit na galit. At ako naman, in love na in love sa kanya. Hanggang ngayon naman, eh.

    Napatalon ako nang biglang bumukas ang pintuan. Napahawak ako sa dibdib dahil sa sobrang kaba.

    “Akala ko kung sino.” Sabi ko.

    Hinagis niya ang isa pang susi ng condo sa mesa at dumiretso siya sa sofa. Nakatayo lang ako dun at tumunganga sa kanya. Tinitigan niya ako habang hinahawakan yung labi niya. Uminit ang pisngi ko sa titig niya.

    Tinapik niya ang tabi ng sofa. Mas lalong uminit ang pisngi ko.

    “Kahit na pulang-pula ang pisngi mo, wala akong gagawin sayong ayaw mo, kaya wag kang matakot, come here, Reina. I know what you’re thinking.” Aniya.

    Napalunok ako sa malamig niyang boses. Dahan-dahan akong umupo kung saan niya tinapik yung sofa.

    Hinawakan niya yung labi ko at dahan-dahang hinaplos. Para bang may binubura siya doon.

    “You don’t just kiss my girl…”

    Hindi ako nagsalita. Ang tanging narinig ko lang ay ang malakas at mabilis na pintig ng puso ko.

    “Are you my girl, Reina?”

    Pumikit ako sa lamig ng boses at sa tanong niya.

    “Are you my girl?”
    “Yes.” Dumilat ako at tinignan siya.

    Napaawang ang kanyang labi. I honestly want to kiss him right now. At alam kong ganun din siya, sa pagkakaawang ng labi niya at pagtitig sakin, naramdaman ko yung init na naramdaman niya sakin.

    Pero pinipigilan niya ang kanyang sarili. Natatakot siyang magkamali ulit. Natatakot siyang mangyari ulit iyon samin. Kaya ako yung lumapit sa kanya. Malayo ang mukha niya sakin kaya nahirapan ako sa paghilig sa katawan niya. Kinailangan ko pang i-stretch ang katawan ko para maabot ang labi niya. Nakita ko ang unti-unting paglaki ng mata niya.

    Mainit ang kanyang labi ng hinalikan ko iyon. Yung dibdib ko ay nasa dibdib niya na rin. Mainit talaga ang katawan ni Wade. Noon pa man, iyon na talaga ang napuna ko. He’s body is like a walking heater. Mainit. Uminit din ang katawan ko dahil sa kanya.

    Mariin ko siyang hinalikan. It was really familiar, yet new. Naaalala ko lahat ng halikan namin noon, sa Alegria, sa apartment nila, lahat. Ang pag ibig na ito ay matagal na. Pero hanggang ngayon, parang bago parin para sakin.

    Unti-unti siyang pumikit at gumanti sa mga halik ko. Mas mainit ang mga halik niya. Yung tipong nakakalimutan mo kung nasaan ka at kung bakit ka naroon. Yung mga halik niya yung tipong nang aangkin. Na sa kanya lang ang oras na ito. Na siya lang dapat ang isipin mo. Hindi mo mamamalayang nalalasing ka na pala ng halik niya. Hindi mo na maidilat ang mga mata mo dahil sa kalasingan.

    Tumigil siya ng konti para bumulong sa tainga ko.

    “I’m so in love with you, Reina. So In love.” Hinalikan niya ang tainga ko hanggang baba nito.

    Napatingala ako sa ginawa niya. Nakakakiliti ang mararahan niyang halik. Naramdaman ko yung kamay niyang nakasuporta sakin. Para bang ayaw niyang humiga ako doon. Dahil sa oras na humiga ako sa sofang iyon, hindi niya na mapipigilan ang sarili niya.

    “Reina…” Untag niya.
    “Hmmm~” Oh my shiz! Bakit halos pumiyok ang boses ko?

    Napakagat ako ng labi dahil sa narinig ko sa sarili ko.

    Natigilan siya sa paghalik sakin.

    “Reina, manlaban ka naman kung ayaw mo.” Bulong niya sa akin.

    Hinuli niya ang mga mata ko pero huli na ang lahat… lasing na lasing na ako sa ginagawa niya sakin. Pinulupot ko ang braso ko sa leeg niya at idiniin ang sarili ko.

    “I’m so in love with you, Wade. I’m so in love with you, too.”

    Napapikit siya at agad akong binuhat. Yung dalawang braso niya ay mahigpit na nakayakap sa baywang ko.

    “Kumapit ka.” Aniya. “Ipulupot mo yung binti mo sa katawan ko, Reina.” Bulong niya.

    Ginawa ko iyon. Nang nakita niyang nagawa ko ay nagpatuloy siya sa paghalik sakin. Dahan-dahang bumaba yung kamay niyang nasa baywang ko. Hindi ko alam kung saan kami patungo ngayon. Basta ang alam ko mainit ang mga halik niya.

    Nabigla ako nang may door knob siyang binuksan. Patuloy kami sa gantihan ng halik. Dinilat ko ng kaunti ang mga mata ko at nakita kong nasa kwarto niya kami. May malaking glass doon na nakadungaw sa buong syudad.

    Para bang nakikita din kami sa loob.

    “W-Wade… may makakakita satin.” Pumiyok ulit ang boses ko.
    “One-way mirror lang yan. At gaya ng sabi ko sayo noon, hindi ko hahayaang may makakita sayong ganito. Ako lang. Dapat.”

    Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Nilapag niya ako sa kama. Ang lambot ng kama niya. Pumatong siya agad sakin para ipagpatuloy ang halikan naming dalawa.

    Mas lalong nag init yung mga halik niya. Mas lumalim at mas uminit. Binahagi niya ang dalawa kong binti.

    “Wade~” Hindi ko na makilala ang sariling boses ko.

    Wala parin siyang tinatanggal na damit. Wala rin siyang tinatanggal sakin. Hindi ko maintindihan kung bakit ganun. Kaya naman ako na mismo yung humawak sa abs niya. Kinapa ko ang dulo ng t-shirt niya at sinubukang itaas.

    “Wade, please.” Sabi ko nang hindi siya tumitigil sa paghalik sakin kahit na sinusubukan kong tanggalin ang damit niya.

    Tumigil siya nang narinig ang pakiusap ko at hinayaan akong tanggalin iyon. Sa bawat paghinga niya, nakikita ko ang defined muscles ng kanyang dibdib. Ganito na iyon noon pa, pero mas naging klaro na ang bawat muscles. Hinawakan ko ang dibdib niyang matigas at mainit. Ngumisi siya at humilig ulit sakin para mahalikan ako.

    “You need to tell Liam, that we’re on as soon as possible, Reina.” Sabi niya in between kisses.
    “O-Oo.” Nauutal na ako sa nanunuya niyang mga halik.
    “Promise me…”

    Kinapa ko yung pants niya. Nakapa ko yung sinturon. Dahan-dahan ko iyong kinalag, kaya lang nawawalan na ako ng lakas dahil sa mga halik niya sa leeg ko.

    “Promise me, Reina.”

    “Wade~” I’m so damn frustrated…
    “Promise.” Pag uulit niya.
    “I promise.”

    Hinalikan niya ulit ako sa labi habang itinataas ang damit ko.

    “Good girl.” Mabilis niyang natanggal ang top ko nang hindi ko namamalayan.

    Maging ang soot kong pants ay mabilis niya ring nahubad sakin. Uminit ang pisngi ko nang nakita kong halos nahubaran niya na ako pero siya, may pants parin hanggang ngayon. Hinawakan ko ang dibdib niya. Daig niya pa ang isang diyos dahil sa katawan niya. He’s perfect! Yung mukha niya, yung katawan niya, lahat… perpekto.

    Hinawakan niya ang dibdib ko at kinalas ang bra.

    Napapikit ako at napakagat ng labi.

    “Do you love me, Reina?”
    “Yes~” Ungol na iyong lumabas sa bibig ko kaya mas lalo kong kinagat ang labi ko.

    Hinalikan niya ang kaliwang dibdib ko. Napadilat ako sa ginawa niya. Tumingala siya sakin ng nakangiti.

    “Good, coz I’m so in love with you, Reina Elizalde. One day, pangalan ko na ang dadalhin mo.”

    Hinalikan niya pa lalo ang dibdib ko. Napahawak ako sa buhok niya. Ginulo ko ito ng wala sa sarili. Narinig ko ang konting paghalakhak niya.

    “Wade!” Sigaw ko dahil nahihiya ako sa reaksyon ko sa ginagawa niya.

    Hinaplos niya ang baywang ko habang hinahalikan ako pababa. Tumigil siya sa ilalim ng belly button ko.

    “Wade~” Hiyang-hiya na ako sa tono ng boses ko.
    “Yes, Reina…”

    Hinaplos niya ang gitna ng hita ko. Halos mapatili ako sa ginawa niya. Mabilis lang yung ginawa niya kaya parang nabitin ako.

    “Come on, Wade~!” Patay ako bukas pag ipapaalala ito ni Wade sakin.

    OMG!

    Hinaplos niya ulit pero mabilis lang. UGH! WADEEEE! Tinignan ko siya at nakita kong kinalas niya na ang sinturon niya at nakabukas na ang zipper ng pantalon niya.

    Mapupungay ang mga mata niya at nakaawang ang bibig niya habang dahan-dahang hinaplos ng matagal ang gitna ng hita ko. Napapikit ako. Nalalasing ako. Parang ayaw kong matapos ang lahat ng ito. Gusto ko na lang dito tumira kina Wade. Gusto kong ganito kami palagi. Gusto kong ako lang yung para sa kanya… Gusto kong magpakasal na sa kanya.

    “Iiwan mo pa ba ako ulit, Reina?” Tanong niya habang ginagawa iyon sakin.

    SHIZ! How can I even answer you without moaning your name, Rivas?

    “Hindi… Wade~”

    Ugh! This is just so embarassing!

    “Good. I’ll do everything just to get you addicted with me so you’ll never leave again.”

    Binaba niya ang panty ko at hinaplos iyon ng marahan. Linapit niya ang mukha niya sakin at hinalikan ako.

    Dahan-dahan kong naramdaman sa baba ang pag angkin niya sakin. Napahawak ako sa balikat niya. Pakiramdam ko magkakasugat na siya dahil nalilibing na iyong mga kuko ko sa balikat niya.

    “Ahhh, Reina.”

    Gumalaw siya ng marahan, may rhythm. Masakit iyon. Pero hindi ko mapigilan ang pagbilis ng tibok ng puso ko lalo na pag boses niya naman ang pumipiyok bawat galaw niya sa loob ko.

  • Kabanata 59Open or Close

    Kabanata 59
    All For Love

    Hindi ko nabilang kung nakailang ulit kami ni Wade. Basta ang alam ko, I’m sore.

    Hinahaplos niya ang buhok habang sinusubukan kong matulog. Seriously, can I sleep when he’s topless near me? Mabuti na lang at pagod na pagod ako kaya hindi ko magawang abutin man lang yung dibdib niya.

    “Reina…” Bulong niya sakin.

    May init akong naramdaman sa leeg ko na tumakbo hanggang dibdib ko.

    “Hmmm?” Hinaplos ko ang gwapo niyang mukha.

    Hindi ko masisisi ang mga tao. Masyado talagang nakakahumaling ang mukha ni Wade. Lalo na ang katawan niya. Hindi ko masisisi kung gusto siya ni Shan. Hindi ko masisisi kung maraming nababaliw sa kanya.

    Hinaplos ko ang tattoo sa dibdib niya.

    “Paano ito naging Reina?” Kumunot ang noo ko habang tini-trace yung tattoo.
    “Alibata. Re-i-na.” Sabay turo niya sa tatlong kulot na linya. “Mahirap kasi hanapin ang kumpletong alibata, kaya yan ginamit ko.”
    Tumango ako. “Bakit mo naisipang itattoo yung pangalan ko? I thought you were trying to forget me while I’m away?”
    Ngumisi siya, “Yun nga, diba? I’m trying to forget you… but I couldn’t, Reina. Kaya nandyan ka.”

    Umiling ako sa sinabi niya at hinaplos ulit ang perpektong mukha niya.

    “Anyway, mamayang umaga…” Sabay tingin naming dalawa sa wallclock sa harap namin.

    Alas tres na pala ng madaling araw. Hindi na ako nakauwi. Ayokong umuwi. Bukas na ako magpapaliwanag sa mga kapatid ko. Ni hindi na nga ako nag abalang tignan pa ang cellphone ko. Hindi naman siguro nila ako papagalitan, malaki na naman ako.

    “Pupunta kami ng Cebu, may mall tour kami. Bukas sa Davao naman kami.” Aniya. “Kasama si Shan.”

    Natigilan ako sa sinabi niya.

    “R-Really? Yun ba yung dahilan kung bakit nasa building kayo ng manager ni Shan kahapon?” Tanong ko.

    Natigilan siya at napatingin ng diretso sakin.

    “You were there? Nasa building ka kahapon?”
    Tumango ako, “Galing ako kay Shan kahapon para kunin yung stats niya. Tsaka kahapon din ako natanggap sa Fashion Week dahil sa tulong niya. Nakita kitang pumasok sa office ng manager niya.”
    “I-I didn’t see you.” Hinalikan niya ang noo ko.
    “Marami kasing media. It’s okay, naiintindihan ko naman.”

    Ngumuso siya at pinagmasdan akong mabuti. Para bang naghahanap siya ng butas sa mga sinasabi ko.

    “Reina, I want you to be honest with me…” Aniya.
    Tumango ako at pinaglalaruan ang daliri ko.
    “Alam kong mahirap talaga sa showbiz. Pagkabalik ko dito, maghahayag ako ng official statement na may girlfriend na ako. At ipapakilala kita.”
    Napatingin ako sa kanya, “Don’t, Wade!” Kinabahan ako sa sinabi niya.
    Kumunot ang noo niya. “Bakit?”
    “A-Ayoko munang malaman ng lahat. Let’s wait for the right time.” Nanuyo ang lalamunan ko.
    “Anong right time? This is the right time. Sinagot mo na ako.” Aniya.
    “Pero kasi… kasagsagan pa ng Wade-Sha! I mean… hindi ba pwedeng pahupain muna iyon. Lalo na ngayong may mall tour kang kasama niya? Ano pa yung project mong kasama siya?”
    “We have this… we have this magazine shoot after the awards, Reina.”
    “At kayo pa ang magkasama sa awards, hindi ba? So let’s just wait, Wade. Ayokong putulin ang excitement ng fans mo sa inyo para lang sa sarili ko.”

    Tinitigan niya ako na para bang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

    “Can you really do this, Reina?”
    Tumango ako at tinago ang bibig at ilong sa kumot.
    “Coz I can’t do this.”
    “Wade!!!” Umirap ako. “Please naman, para sa fans mo.”
    “Masisira tayo nito. You know media. Kahit walang nangyayari, gagawan nila ng storya. You know fame, Reina.”
    Nanliit ang mga mata ko, “Bakit? Totoo ba talagang walang nangyayari?”
    Ginulo niya ang buhok niya, “See?”
    Tumawa ako, “Oo na! Sinubukan ko lang naman. I trust you, Wade.”
    Tinitigan niya ako. “You have to be honest with me…”
    “I’m honest. I trust you. You waited for four long years for me. At pangalan ko ang nakaukit sa dibdib mo… siguro naman hindi mo ako niloloko sa lagay na yan. I’ve grown, too, Wade. Hindi lang ikaw ang nagmature dito.”
    “Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinasabi mong pagmamature mo o malulungkot.”
    “Why?” Tumaas ang kilay ko.
    “I want you to be obsessed with me, Reina. Like I am with you… Kung nagmature ka, ibig sabihin mas pipiliin mong pakawalan ako? No. I want you to wrap me up. I want you to chain me just to be with you.”
    Ngumisi ako sa sinabi niya. Lumalapit kasi ang mukha niya sa mukha ko.
    “Mangako ka sakin na kahit anong marinig mo tungkol samin ni Shan, hindi ka maniniwala, alright?”
    “Okay… Pero dapat ka ring magpaliwanag twing may lalabas na issue.”
    “Of course, Reina. Basta sa oras na makita kong masisira na talaga ang relasyon natin, hindi ako magdadalawang isip na iwan ang showbiz para sayo.”
    “You have a contract, Wade. You can’t just breach it.”
    Nagkibit-balikat siya, “Basta yan ang tandaan mo. You are my first priority… ikaw yung laman ng buhay ko. Everything else is just details.”

    Hinalikan niya ang lips ko. Mariin at matagal. Halos bumaon ako sa unan dahil sa halik niya. Naglakbay ulit yung kamay niya sa dibdib ko. Napapikit ako sa nakakalasing niyang halik.

    “Wade…”

    Tumigil siya sa paghalik para ngumisi.

    “Yes, Reina.”

    HUmalakhak siya at hinalikan ulit ang labi ko.

    “Are you addicted now?” Bulong niya sa tainga ko.

    It sent shivers down my spine. Hinila niya ako at pumatong siya sakin.

    My gosh, Rivas! Madaling araw na, hindi pa tayo nakakatulog! Binahagi niya ulit ang binti ko.

    “Panghuli na ito, hanggang sa bumalik ako.”

    Kinaumagahan, nagising ako sa haplos ni Wade sa buhok ko. Kinusot ko ang mata ko at tinitigan siyang nakabihis na. May tumutunog na cellphone sa tabi niya.

    “Anong oras ang flight mo?” Tanong ko.
    “9:30.” Aniya.
    “Alas nuwebe na, oh!” Napaupo ako at narealize na nakahubad pa pala ako.

    Uminit ang pisngi ko at tinakpa ang buong katawan ko. Humalakhak siya at tinitigan ako na para bang hinuhubaran ulit.

    “WADE!” Hinampas ko ang braso niya. “Kunin mo ang mga damit ko… Bilis! Malilate ka na. Answer your-your phone, too.”

    Hinagis niya sakin ang phone niya. Nakita kong si Mr. Manzano yung tumatawag.

    “Ikaw na lang ang sumagot. Sabihin mo na lang kaya na may ginagawa pa tayo dito sa kama. Susunod na lang ako sa Cebu?”
    Hinampas ko ulit ang braso niya, “Are you crazy?”
    Ngumisi lang siya sakin, “Tinatamad akong umalis lalo na pag nakikita kitang nakahubad sa kama ko. Parang nanghihina ang binti ko.”
    “Wade!” Uminit ang pisngi ko. “Si-Sige na… Umalis ka na! Please.” Tinulak ko siya palayo sa kama habang hinahawakan ko ang kumot na nakapulupot sa katawan ko.
    “I want to stay, Reina.” Nag puppy eyes pa ang mokong.
    Hindi ko mapigilan ang ngiti ko.

    Kahit na hindi ko naman talaga gusto ang ideya na kasama niya si Shan sa Cebu at sa kung saan pang mall tour nila, pero naniniwala naman ako sa kanya. Somehow, nawala na yung doubt ko. Hindi si Shan yung kalaban ko dito, ang tanging kinakatakutan ko ay yung fans nila ni Wade. Natatakot ako sa kanila. Yung mga elementong dala ng fame na tinatamasa niya, iyon ang tunay na kalaban dito. Coz I know, Wade’s faithful with me.

    “Sige na…”
    “Okay, pero sa isang kondisyon…” Ngumisi siya.
    “What?” Tinitigan ko siya.
    “Isang gabi akong mawawala diba, pagbalik ko, gusto ko dito ka ulit sa condo ko matulog.”
    Napalunok ako sa evil smile niya.
    “Kung ayaw mo… hindi kita pipilitin. That means, di rin ako sasama at dito lang ako kasama mo.”
    “Oo na!” Tumawa ako. “Ang kulit mo. Oo, promise.” Sabi ko.
    “Good.”

    Lumapit siya sakin at hinalikan ako sa labi.

    “I’ll be back, Reina.” Tumindig ang balahibo ko sa malamig niyang boses. “Kaya siguraduhin mong pagbalik ko, nandito ka.” Hinaplos niya ang pisngi ko.
    “Oo, I promise.” Ngumisi ako at humalukipkip siya.

    Tumunog ulit ang cellphone niya. Suminghap siya at dinampot ito.

    “Alis na ako, Reina. Alagaan mo bahay natin, ah?” Humalakhak siya. “Siguraduhin mong nakahain ka pagdating ko.”
    “What?” Nakalayo na siya kaya hindi ko mahampas.

    Hinagis ko na lang yung unan sa kanya. Tumatawa siya habang pumipihit para buksan ang pintuan.

    Umiling ako nang narinig na nakalabas na siya. I need my clothes… I need to go home… My family is probably freaking out. Nagpasearch and rescue kaya ang mga iyon?

    Nagtaxi ako pauwi. Mabuti na lang mukhang wala namang mga police sa labas ng bahay para maireport ang MISSING person. Naglowbat din ang cellphone ko kaya hindi ko alam kung anong mga reaksyon nila.

    Bubuksan ko na sana yung pintuan nang binuksan ito ni Liam galing sa loob.

    “REINA! Where have you been?” Sigaw ni Dashiel galing sa sala.
    “I told you, Dash, she’s with Coreen.” Untag ni Rozen.

    Kinindatan niya ako. Nahuli siya ni Noah na kinikindatan ako pero tahimik lang siyang nakamasid sakin.

    “Hinatid kita dito kagabi. Imposibleng may lakad din kayo ni Coreen! You were like… like devastated last night!” Sabi ni Liam.
    “Tama si Rozen, I’m with Coreen.” Sabi ko.

    Napalunok ako sa pagsisinungaling ko.

    “Tsss.” Narinig ko ang marahang angal ni Noah sa sinabi ko.
    “Ba’t di ka tumawag? Bakit di mo sinasagot yung tawag namin?” Tanong ni Kuya Dash.
    “Kasi… kuya… busy kami ni Coreen sa pag… uhmm…”
    “Movie marathon.” Sabi ni Rozen.
    “Kung sila ang magkasama ni Coreen kagabi, Rozen, edi sino yung kasama mo kagabi?” Matabang at biglaang tanong ni Noah kay Rozen.
    Kumunot ang noo ni Rozen, “Friends, Noah.” Inirapan niya si Noah.
    “Uhm. Kami ang magkasama ni Coreen kagabi. Hindi ko namalayan ang cellphone ko. I’m sorry, kuya Dash. Sorry, Noah, Liam…” Sabi ko sabay pisil sa mga daliri.
    “See? I told you…” Nagkibit-balikat si Rozen at tumayo. “You’re just too over protective. She’s twenty-two. Hindi na siya teenager.”

    Nagwalk out si Rozen na para bang hindi siya over protective noon.

    “Tumawag karin minsan, Reina. Nang di namin maisipang nakidnap ka o nagtanan.” Matabang na sinabi ni Noah.
    “Yes, po… I’m sorry.”

    Tumakbo ako paakyat sa taas para habulin si Rozen. Hindi ko na nilingon si Liam, Noah at Kuya Dash sa baba.

    Nagkunware akong sa kwarto ako pupunta, kahit na ang totoo ay umikot ako para makapunta sa kwarto ni Rozen.

    Kumatok ako.

    “What is it, Noah?! Stupid!” Sigaw niya.

    Napatalon ako sa sigaw niyang galit na galit.

    “Rozen, this is me, Reina.”

    Pinagbuksan niya ako ng pintuan.

    “Yes, baby?” Malambing niyang sinabi pagkabukas niya.
    “B-B-Bakit mo ako pinagtatakpan?”

    Yumuko siya at binuksan ang pintuan. Matagal na akong hindi nakakadayo sa kwarto ni Rozen. Kulay mint green ang walls nito. Noon, may mga poster ng sikat na soccer players dito, pero ngayon, plain na lang ito, isang frame na lang ng nakatalikod na babae ang nasa dingding ang meron.

    “I know you’re with him, Reina. Nagbabayad lang ako ng utang kong apat na taon sa inyo.”
    “HUH?”
    Humiga siya sa kanyang kama at tumingala sakin. “I’ve seen him, Reina. Nakita ko kung paano siya nung wala ka. It wasn’t for the money… It wasn’t for the fame… It was for something else.”

    Humalukipkip ako at ngumisi.

    “Something else, Rozen? Something else na pamilyar sayo?”
    Ngumisi siya, “It was all for love.”

  • Kabanata 60Open or Close

    Kabanata 60
    Congratulations

    Panay na lang ang pagiging busy ko sa paggawa ng gown ni Shan. Mabuti na lang at konting tahi na lang ay matatapos na ito. Buong araw ko iyong ginawa dahil alam ko namang wala si Wade. Simple lang din yung design kaya simpleng gawin. Yung mga cloth nga lang ay mejo mamahalin.

    Naiirita din ako kina Liam dahil panay ang pagbabantay nila sakin. Kaya hindi na lang ako lumabas sa working room. Doon ko na lang ibinuhos yung buong araw ko.

    “Ma’am, yung flowers po, kakarating lang.” Sabi ng katulong namin.

    Napatalon ako nang nakita ang mga flowers na galing kay Wade. Napalunok ako at halos matuyuan ng lalamunan dahil sa sinabi ng katulong.

    “Manang…” Kinuha ko ang magagandang flowers at nilapag sa mesa sa tabi ko.
    “Po?”
    “Nasa baba pa ba sina Liam? O si Kuya Dash?”
    Umiling siya, “Nagtatrabaho ang kuya Dash mo. Kaninang umaga pa umalis. Si Sir Noah at Sir Liam naman, umalis papunta daw ng Moon Records.”

    Bumuntong hininga ako. Thank God! Walang nakakita na may ibinigay si Wade na bulaklak sakin. Well, since hindi na counted si Rozen as epal saming dalawa.

    Iniisip ko kung anong ginagawa ni Wade ngayon sa Cebu. Kumanta siya sa mall? At ano naman kayang talent ang ipapakita ni Shan? Ang alam ko, hosting at pag arte lang alam niya.

    Binuksan ko ang TV. Hindi ako gaanong nanonood ng TV pero dahil masyado akong curious sa mga bali-balita lalo na yung sa showbiz, kinailangan kong manood.

    Ilang sandali pa bago ako nakakita ng local showbiz news…

    “Nakita, diumano, ang modelong si Zoey Santiago kagabi, papasok sa condo ni Wade Rivas.”

    Nilapit ko ang mukha ko sa TV. Ito yung nangyari kagabi! Nagkaroon pa ng clip doon na naka aviators si Shan habang iniilingan ang media.

    “No comment, no comment…” Aniya sa mga pilit na nag iinterview sa kanya.
    “Naiinis po kami sa Zoey na iyon. Alam niya namang may relasyon na yung tao, nanlalandi parin siya. Kawawa po si Shan.” Sabi ng isang high school na babae nang ininterview sa TV.
    “Hindi naapektuhan sa mga tsismis at panunuya si Zoey Santiago.” Sabi ng reporter at ni-flash ang isang clip na nagpaparty si Zoey at nakangisi habang winawagayway yung engagement ring niya. “Ayaw ring magbigay ng komento ni Wade Rivas.”

    Nag flash sa screen ang mukha ni Wade na nakawayfarers papasok sa eroplano. Nakunan siguro ito kanina.

    “Nag wawala na ang Wade-Sha sa internet.”

    Nagflash din sa screen yung mga murang natanggap ng fanpage ni Zoey na pinamagatang – ZOEY SANTIAGO SULUTERANG ASWANG. Now, I’m not sure if that’s a fan page! Hate page siguro?

    Nakakatakot talaga yung mga nangyayari sa mga nakekealam sa relasyon lalo na pag showbiz. I mean, hindi naman nakekealam si Zoey pero yun ang lumabas sa tingin ng mga tao kaya ayan tuloy. Tsk. It’s damn shizzy scary.

    *Kriiiiiing*

    Mabilis ang pagpintig ng puso ko nang nakita ko kung sino yung tumatawag. Pinatay ko agad yung TV para masagot ang tawag ni Wade.

    “Ehe-Ehem…” Umubo ako para magising ang nanunuyong lalamunan ko.

    Alas otso na pala, hindi ko namalayan. Kaya pala kumakalam ang sikmura ko. Ginugutom na yata.

    “Hello?” Malambing ko yung sinagot.

    Humalakhak si Wade nang narinig ang boses ko. Uminit tuloy ang pisngi ko.

    “Hi, Reina.”

    Tumindig ang balahibo ko sa malamig niyang boses. Kinagat ko na lang ang labi ko. Miss ko na agad siya.

    “Tapos na ba ang mall show?” Tanong ko para mapagtakpan ang kaba.
    “Oo. Kanina pa. Marami nga lang nagpa autograph. I’m exhausted.” Bumuntong hininga siya.
    “K-Kumain ka na ba?” Tanong ko.

    Hindi siya agad sumagot. May narinig pa akong kung ano sa background bago siya nagsalita ulit.

    “Sorry, hinila ko lang yung kumot.” Aniya.
    Kumunot ang noo ko, “Nasa hotel ka na?”
    “Hmmm. Oo. Umalis kasi sina Zac at Austin para mag bar. Si Adam nasa kabilang kwarto.”
    Hindi ko maiwasang hindi magtanong, “Si Shan?”
    “Nasa kwarto din niya… Hmmm… Bakit?” Humalakhak siya.
    “Just asking… Uh…” Gusto kong mag change topic kaya inulit ko yung tanong ko kanina, “Kumain ka na ba?”
    “Hindi eh balak kong ikaw ang kainin ko.”

    Lintek! Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Napapaypay ako sa sarili ko nang wala sa oras.

    “Wade!”
    Tumawa siya, “Ang tanong ay kung papayag kabang kainin ko?”
    “WADE!” Napapikit na ako sa hiya sa mga sinasabi niya. “Wade naman!”
    Humagalpak siya sa tawa. “Naiisip ko yung mukha mo twing sinasabi ko ‘to? Priceless. Inaakit mo na naman ako, Reina.”
    “Wade naman! I’m serious, kumain ka na?”
    He chuckled again, “Of course, kumain. Pero hindi yun ang gusto kong kainin…” His voice was husky this time.

    And landi talaga ng lalaking ito. Perv Rivas!

    “Ikaw? Kumain ka na?” Humalakhak ulit siya.

    Kulay green talaga yata yung nananalaytay na dugo sa mga ugat nitong si Rivas.

    “Hindi pa…” Tumayo ako para sana tumawag ng katulong at magpahatid na lang ng pagkain dito.
    “Pwedeng ako naman kainin mo.” Humagalpak ulit siya sa tawa.
    “Ikaw talaga! Humanda ka pag balik mo dito. Kukutusan talaga kita!”
    “Parang mas lalo tuloy akong naeexcite bumalik. Anong oras kaya ang last flight dito sa Cebu?”
    Umirap ako, “Ewan ko sayo.”

    Gusto niya pa talagang kutusan ko siya ah? You like it hard, Wade? Halos masamid ako sa paglalakad ko nang naalala ko yung hard. Shiz!

    Binuksan ko ang pintuan at sinenyasan ang katulong namin na magpapadala ako ng pagkain. Tumango siya at bumalik ako sa kinauupuan ko.

    “Wade, sira na si Zoey sa internet. Ang daming bash dahil kagabi.” Sabi ko.
    “Hayaan mo. Hindi naman yun natitinag. At kung nagdurusa man siya, dapat niyang pagdusahan iyon. ISa siya sa dahilan kung bakit naghiwalay tayo noon.”
    Napalunok ako, “Si Rozen din… Parang nag iba na ang pananaw niya sayo… Sating dalawa…”
    “Nakausap ko siya. He apoligized for what happened.”
    “Ha? Kailan?”
    “3 years ago? Yung pagbalik niya galing France. Kinausap niya agad ako. But it was too late, damn too late.”
    Napalunok ako.
    “Sino yan?” Sigaw ni Wade.
    “May tao?” Tanong ko.

    Hindi niya ako sinagot. Narinig kong binuksan niya ang pintuan.

    “Wade!” Narinig ko ang boses ni Shan.
    “Hey, bakit?” Pambungad ni Wade.
    “I-I just want to visit.”

    Narinig ko ang pagsarado ng pintuan. Ibig sabihin, nakapasok si Shan sa kwarto ni Wade.

    “You’ll attract reporters, Shan. Magkakaroon ulit tayo ng issue.”
    “Who cares about the issues?” Maligayang tanong ni Shan. “Besides, ito naman talaga ang gusto ng fans. Yung issue na pumasok ako sa kwarto mo, diba? So let’s just go with the flow…”

    Natahimik si Wade.

    “Wade?” Untag ko kahit alam kong baka malayo na ako sa tainga niya.

    “Si Zoey ba yan?” Tanong ni Shan.

    Ako ba yung tinutukoy niya? Kinagat ko ang labi ko para hindi niya na ako marinig. Hindi sumagot si Wade. Malamang naguguluhan yun ngayon kung sasabihin niya bang ako gayung ayaw ko o magsisinungaling siyang si Zoey ang kausap niya.

    “Wade!? What’s up with you and Zoey? Bakit palagi kayong nahuhuling magkasama? Alam kong ilang beses ko na itong naitanong sayo, diba? Pero ngayon kailangan kong itanong ulit.”
    “You’re not my girlfriend, Shan. Don’t act like you are.” Galit na sagot ni Wade.

    “Wade! Dahan-dahan naman!” Sabi ko kahit di naman talaga ako naririnig.

    “Ang sakit mo talagang magsalita.” Narinig kong basag ang boses ni Shan.

    Narinig kong padabog na binuksan at sinarado ang pintuan ni Wade. Bumuntong-hininga siya bago nagsalita ulit sakin.

    “Kainis.” Aniya.
    “Wade! You’re being too harsh on her. Babae siya. At-At mukhang may gusto siya sayo-“
    “Oh come on? Anong gusto mo, Reina? Paghahalikan ko siya kasi gusto niya ako?”
    Natahimik ako sa sinabi niya.
    “She deserves it… Ilang beses ko ng sinabi sa kanya na ideny niya ako in public, pero hindi niya ginagawa. Hindi naman ako laging naiinterview at lalong ayaw ni Mr. Manzano na magkaroon ako ng mga interviews tungkol sa lovelife at sa Wade-Sha dahil baka masira ko ang buong banda. It’s all up to her. Pero aning ginagawa niya? Nilalagyan niya lang ng fertilizer yung utak ng mga taong baliw saming dalawa. I want you to come out, Reina.”
    “What? Wade… No… Siguro kalaunan. Pero not now… My gosh!”

    Hindi ko kayang tignan yung mga bash ni Zoey sa internet. At ayaw ko ring maungkat ang private life ko. Baka mamaya pati yung mga nangyari noon ay maungkat. Alam mo naman yung media, kahit ano nauungkat talaga.

    Pinilit ako ni Wade buong gabi na lumabas na as girlfriend niya pero hindi niya talaga ako nakumbinsi. Nakatulog na lang ang boyfriend ko, hindi niya parin ako nakukumbinsi sa sinasabi niya.

    “Goodnight, Wade.” Sabi ko habang naririnig ang mabibigat niyang paghinga.

    Pagod na pagod siguro kaya nakatulog na. Bigla ko tuloy siyang na miss lalo.

    Kinaumagahan, nilagyan ko ng kaonting sequins yung gown ni Shan at natapos ko na rin. Lumabas ako ng Working Room para hampasin ni Rozen ng dyaryo.

    “What’s this?” Tanong ko.
    “What do you think?” Tanong niya habang ipinapakita sakin ang isang article na may picture na pumasok si Shan sa kwarto ni Wade.
    “That’s just nothing.” Sabi ko sabay kibit-balikat.
    Tumango siya, “Alam ko. I just want to check if you’re being stubborn again.”

    WHAT? Pumihit siya at tinalikuran ako. Siya nga yung pumilit sakin noon sa pagiging STONEHEART, pero ngayon parang nasakin lahat ng kasalanan 4 years ago, ah?

    “Reina!” Sigaw ni Liam nang nakita akong pababa sa hagdanan.

    The whole Zeus is here… Kumpleto at nakangisi.

    “Oh, ang sasaya niyo yata?”

    Kumunot ang noo ko nang niyakap ako ni Liam at hinalikan sa noo. Bahagya ko siyang tinulak. Imbes na pagsabihan ko ay sinalubong niya ako ng balita.

    “Tanggap kami para sa recording!” Aniya.

    Humiyaw sina Warren at Joey sa sinabi ni Liam.

    “Finally!”

    Tumawa si Noah at umupo sa sofa.

    “Congrats! Uy congrats sa inyo!” Sabi ko.
    “Party mamayang gabi?” Tumaas ang kilay ni Warren sakin.

    Mamayang gabi babalik si Wade, ah.

    “I’ll try-“
    “What try, Reina? Ano ka ba? Hindi ka ba happy na natanggap kami?” Nagtampo agad si Liam sa sagot ko.
    “Of course, I’m happy. Pero may lakad kasi ako mamaya. Kami ni Coreen.”
    “Then, I’ll invite Coreen.” Sabi ni Noah.

    PATAY!

  • Kabanata 61Open or Close

    Kabanata 61
    Rooftop

    Nilagay ko sa box yung gown ni Shan at nilagay ang address ng office ng manager niya. Ipapadala ko na lang ito sa driver namin. May text sakin si Wade kanina…

    Wade:
    Boarding to Davao. I miss you, Reina. Do you still love me when I’m gone?

    Tumawa ako sa text niya. Nireplyan ko kaagad.

    Ako:
    Stop the drama, Wade. Bilisan mo na lang para magkita na tayo. I love you.

    Nakangiti ako buong hapon habang iniisip at naeexcite sa pagbabalik niya galing tour. Pero napapawi ang ngiti ko tuwing naaalala yung party na sinasabi ni Liam at Noah.

    “Ready?” Untag ni Warren sakin nang nag alas sais na.
    “M-Masyado naman yatang maaga yung partyng sinasabi niyo.”
    “Because we’re hosting that party, Reina.” Sabi ni Liam. “Magbihis ka na. Kinukuha na ni Noah si Coreen. Sa Tribe Lounge na lang daw tayo magkita.”

    My goodness! Pinagpapawisan na ako ng malamig habang nagbibihis. Alas nuwebe mag ta-touch down ang eroplano ni Wade galing Davao. Kaya ko kayang pumunta sa condo niya bago ang oras na iyon?

    “What’s wrong with you, Reina?” Tanong ni Liam habang nagtatawanan sina Warren at Joey sa likod ng sasakyan niya.
    “N-Nothing…” Sabi ko at tumunganga sa kawalan.

    Do I need to tell Wade?

    Itetext ko na sana si Wade nang narealize kong may tao dapat akong nilapitan kanina pa…

    Si Rozen!

    Ako:
    Rozen, can you please kidnap Coreen or something. I need to escape. Mamayang 8:30.

    Nagreply siya ng nakakapagtaka at nakakainis na text.

    Rozen:
    Can’t Reina. That’s her choice.

    Oh my gosh! Nawawalan na ako ng pag asa nang nakarating kami sa parking lot ng Tribe Lounge. Naaninaw ko si Coreen na bihis na bihis.

    “Reina! I missed you.” Sabay yakap niya sakin.

    Nasa tabi niya ang kapatid kong nakahalukipkip.

    “Let’s go inside?” Sabi ni Noah.

    Nanliit ang mga mata ko nang nakita kong hinawakan ni Noah ang baywang ni Coreen.

    “Tara! Reina…” Sabi ni Coreen sakin.

    Nagtatawanan naman sina Liam papasok sa loob ng Tribe Lounge, ako naman hindi mapakali. Tuliro ako at panay ang tingin ko sa langit. Baka sakaling may eroplanong sumulpot at nandoon si Wade. What will I do?

    Bumungad sakin ang iba’t-ibang kulay ng neon lights. Wala pang gaanong tao pero may sumalubong agad kay Noah. Kausap ni Noah ngayon ang manager at ang DJ ng Tribe Lounge!

    Pareho kaming umupo ni Coreen sa sofa. Tumabi si Liam sakin at agad tumawag ng waiter.

    “This is going to be a good night.” Nakangisi siya nang sinabi niya sakin.

    Napatingin ako kay Coreen na parang wala lang at nag he-headbang pa sa trance music na naririnig ko.

    “You’re my soulmate, my summer and my fate…” Kanta niya sabay tingin sa mga inuming nilapag ng waiter.

    Kumuha si Warren at umupo sa tabi ni Coreen.

    “Reina, don’t drink too much, alright.” Sabi ni Liam.

    Talagang di ako iinom ng marami. Kukutusan ako ni Wade pag ganun. Baka ma hard ako non! Patay talaga ako!

    Ilang sandali ang nakalipas, dumami ang mga tao. Maraming dumalong kakilala ko noong college. Maraming bumati sakin. Kahit paano, nakakainom ako ng tequila. Napatingin na ako sa dancefloor na puno ng mga kakilala kong nagsasayawan. Nandoon na rin si Coreen na isinasayaw si Noah.

    “CR lang ako…” Sabi ko kay Liam habang tinitignan ang relo ko.

    Alas otso na. My goodness! Nagmadali ako papunta sa CR at nagkunwaring iihi sa cubicle. Ang totoo, kailangan kong itext si Wade na kunin niya na lang ako dito kasi di ako makatakas.

    Pero bago ko pa matext si Wade, napansin ko ang limang missed calls ni Rozen sakin at iilang text. Babasahin ko na sana yung isa pero tumawag ulit siya.

    “Hello? Rozen?”
    “Is she having fun there, Reina?”

    Nalito ako sa tanong niya.

    “Wha- You mean Coreen?”

    Hindi siya sumagot. Bumuntong-hininga ako at napatalon nang may biglang kumatok sa cubicle ko.

    “REINA!”

    Binaba ko yung cellphone ko nang di pinapatay ang tawag ni Rozen.

    “Leche, Coreen! You’re scaring the shiz out of me! Ano? May ibang cubicle naman diyan.” Sabi ko.
    “I’m just checking if you’re there, Reina…” Humalakhak siya. “Anyway, bakit wala yung isang kapatid mo sa party ng kapatid niya?”
    “What? You mean, Rozen?”

    Napatingin ako sa cellphone ko. Hindi siya sumagot.

    “Actually,” Lumabas ako ng cubicle at hinarap ang nakahalukipkip at nakataas ang kilay na si Coreen, “Hinahanap ka niya. Sabi niya, meet daw kayo sa labas. Sasama na ako.”
    “WHAT?”
    “Coreen, I need to go to Wade’s condo. Kababalik niya galing mall tour tonight. Nangako ako sa kanyang magkikita kami. Pero ngayong we’re both trapped here, I need your help… At si Rozen ang makakatulong sakin. Kayong dalawa.”

    Napatunganga siya. Para bang may malalim siyang iniisip.

    “Naalala ko yung sinabi mo sakin pagkarating ko galing France, Coreen. Anong nangyari dun?” Tumaas ang kilay ko.

    Napaawang ang bibig niya at nagkibit-balikat.

    “Noah’s my friend, Reina. And you’re my bestfriend kaya ikaw ang mas tutulungan ko. Besides, hindi niya naman talaga ako kailangan dito. It’s not a matter of life and death. So let’s go…” Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako palabas ng CR.

    “Hey, uh, Noah. Pwedeng ano, uwi na kami ni Reina. Mejo masakit kasi tiyan ko eh. Nasira yata sa kinain ko kanina.”
    Kumunot ang noo ni Noah at pinagmasdang mabuti si Coreen.
    “Isasama ko na si Reina. May plano kasi kaming sleep over tonight. Foot spa… Alam mo na. Tapos hindi namin tinuloy kasi may party. Pero ngayong sumasakit na ang tiyan ko.”

    Lumapit si Liam para makinig din sa sinasabi ni Coreen kay Noah.

    “Okay, sige, ihahatid ko na kayo-” Sabi ni Noah.
    “N-No, no, no thank you. Pero tumawag na kasi ako kay Dad.”

    SINONG DAD YAN?

    “Siya na susundo samin ni Reina.” Dagdag ni Coreen.
    “You sure?”
    Tumango si Coreen.
    “Wait, Reina, sasama ka?” Tanong ni Liam sakin.
    Tumango ako.
    “Sorry Liam… But girlfriends over boys.” Kumindat si Coreen at hinila ako palabas sabay acting ng pamimilipit sa tiyan.

    Halos matawa ako sa fake at makatotohanan niyang acting. Marami pang nakatingin sa kanya dahil sa sobrang ganda niya, hindi nila maiwasang magtaka kung bakit namimilipit at mukha siyang natatae.

    Narealize kong hindi ko nga pala nasabihan si Rozen tungkol sa plano kong ito. Napatingin ako sa cellphone ko pero putol na ang linya. Mukhang pinutol ni Rozen.

    “Magtataxi na lang tayo.” Sabi ko kay Coreen. “Sorry talaga, Coreen. Sorry…”
    “Hindi na tayo magtataxi. You’re brother’s coming in 5… 4… 3…”

    Nawindang ako nang biglang nagpark yung sasakyan ni Rozen sa harap naming dalawa. Kumindat si Coreen at binuksan ni Rozen ang salamin. Nakita kong nakasimangot ang kuya ko habang tinitignang mabuti si Coreen.

    “Let’s go to Wade’s condo!!! Yiheee!” Aniya sabay hila sa front seat.

    Okay, dapat sa back seat ako!

    “You’re not going anywhere, Coreen. Si Reina ang kay Wade.”

    Natahimik ang dakila kong bestfriend sa sinabi ni Rozen.

    “Make it fast, Rozen.” Bahala kayo kung saan kayo pupunta basta ang importante ay maabutan ko si Wade.

    At dahil ang saya saya ng buhay, natraffic pa kami sa kahabaan ng kalsadang ito.

    5 minutes to nine na nang gumalaw at umusad yung traffic.

    Tahimik ang dalawa. Ako lang yata yung panay ang buntong-hininga dito.

    “Come on!” Sabi ko sa traffic light.

    9:15 nang sa wakas ay nagpark si Rozen sa tapat ng condo ni Wade.

    “Thanks, Kuya.” Sabi ko. “Bye, thanks Coreen…”
    “Sure, baby, I love you…” Kinawayan niya ako.

    Wala na akong time para kumaway. Dumiretso na ako papasok sa condo at sa elevator. Naghalo-halo ang kabang nararamdaman ko. Yung kaba na baka nandoon na siya at yung kaba dulot ng excitement.

    Nang tumunog na ang elevator, hudyat na nasa tamang floor na ako, patakbo akong lumabas. Nanginginig yung kamay ko sa pagbubukas ng pintuan niya. Naka off pa yung lights. Napabuntong hininga ako. Mabuti na lang at mukhang hindi pa siya nakarating.

    Masaya na sana ako nang bigla kong nakita yung bag na dala niya nang umalis siya. Nandoon iyon sa mesa at may papel na nakapatong.

    He’s here! Maaga siyang nakauwi!?

    Nanginig yung kamay ko habang binabasa yung note niya.

    “Rooftop.”

    Anong ibig sabihin nito? Nasa huling palapag na ako ng building ni Wade. Ibig sabihin, ang kasunod na floor nito ay ang rooftop, hindi ba?

    Napatingin ako sa cellphone kong walang ni isang text galing sa kanya.

    Ganun pa man, naisipan kong puntahan ang rooftop dito. Yun na lang ang last resort ko. Dahan-dahan kong tinahak ang marupok na stairs papuntang rooftop.

    Sinalubong ako ng malakas na hangin pagkatungtong ko doon. Hinawi ko ang buhok ko at nalaglag ang panga nang nakita ko kung ano yung nakapalibot sa buong rooftop.

    Amoy na amoy ko ang mga scented candles na nagsilbing liwanag sa madilim na rooftop. Nilagay ito sa loob ng basong patiwarik kaya hindi ito namamatay sa ihip ng hangin.

    May narinig akong marahang nags-strum ng guitar sa gitna ng rooftop.

    Napatingin ang topless na si Wade sakin habang kinakalabit niya ang gitara. Malungkot ang kanyang mga mata kahit nakangiti siya sakin.

    Dahan-dahan akong lumapit sa kanya.

    “Wade…”
    “Kala ko manlalamig ako buong gabi.” Humalakhak siya pero alam kong half meant ang joke na iyon.
    “Sorry…” Iyon lang ang tanging naibulalas ko.
    “Don’t care if you take u turns, Reina. Ang importante sakin ka uuwi.” Ngumisi siya.
    “Hindi ako makatakas kanina…”
    “Shhhh…” Tinapik niya ang kama sa tabi niya.

    Kinalabit niya ang gitara at seryosong tumugtog.

    “One mile to every inch of
    Your skin like porcelain
    One pair of candy lips and
    Your bubblegum tongue…”

    Malamig ang boses niya. Ang galing niya talaga. Lalo na pag acoustic at live. Ibang klase. Napapapikit ako bawat tama niya sa mga nota.

    “Cause if you want love
    We’ll make it
    Swim in a deep sea
    Of blankets
    Take all your big plans
    And break ’em
    This is bound to be awhile…”

    Kinagat ko ang labi ko.

    “Your body is a wonderland
    Your body is a wonder (I’ll use my hands)
    Your body is a wonderland…”

    Tumigil siya sa pag strum at naramdaman ko yung labi niyang lumalapat sa labi ko.

    Dahan-dahan niyang nilapag ang ang gitara sa sahig. Inabot niya ang dalawang paa ko at tinungtong sa malambot na kamang hinanda niya.

    “Pinaghandaan mo itong lahat?” Tanong ko sa gitna ng halik niya.
    “Oo. Kasi ayaw mong maghanda.” Humalakhak siya kaya hinampas ko ang matiga niyang braso.

    Hinila niya ako palapit sa kanya.

    “Magpakasal na tayo, Reina. Kahit lihim lang kung ayaw mong maisapubliko. Gusto ko na talagang ibahay ka…”

    Natuyo ang lalamunan ko sa sinabi niya. Hindi ako makapagsalita. Ngumisi siya sa ekspresyon ko.

    “Wade,” Hindi na ako tuluyang nakapagsalita kasi inatake niya na ang mga labi ko.

    Inilapit niya ang mainit na katawan niya sakin at ginapos niya ako sa makisig niyang braso.

    Para akong bata na kumakain lang ng icecream sa paghalik sa kanya. Nalalasing ako. Nawawala ako sa ulirat ko.

    Gumapang ang kamay niya sa ilalim ng dress ko.

    “Nice dress.” Humalakhak siya. “Papasalamatan ko na ba yung mga nag dala sayo sa bar para sa soot mo?”
    “Alam mong nasa bar ako?” Natanong ko siya habang halos nasira yung bra ko sa ginawa niya.
    “Uhuhmmm.” Ito lang ang narinig ko habang nilalaro niya ang dibdib ko.

    Hindi na ako nakapagsalita. Pumikit na lang ako at hinanahp ang labi niya.

    “We’re not taking your clothes off, Reina. Malamig, baka magkasakit ka.” Humalakhak siya.
    “M-Mainit ka naman, t-tsaka, pagpapawisan naman ako d-diba?”

    Nalaglag ang panga niya sa sinabi ko at umiling siya. Nakita kong pumula ang pisngi niya sa sinabi ko.

    Habang tinitignan kong nagbabago ang ekspresyon niya ay naramdaman ko yung kamay niya sa gitna ng hita ko.

    “No, we’re still not taking your clothes off.”

    Napatingala ako sa langit na madilim at punong puno ng stars. Ito na yata ang pinakamatayog na building dito kaya walang makakakita saming dalawa.

    “Wade~” Tumindig ang balahibo ko nang narinig ang sarili kong boses.

    I’m doomed… Just too addicted to this man.

    Halos masira yung panty ko nang binaba niya ito.

    “You’re tempting me too much, Reina.”

    Ipinasok niya yung kanya sa akin. Napakagat ako sa labi ko habang ginagawa niya iyon. Kahit na ganun, gumapang parin ang kamay niya sa baba at patuloy ang kanyang paghaplos.

    “I love you, Reina… I love you too much to get angry… to get mad… pero nagseselos parin talaga ako.”

  • Kabanata 62Open or Close

    Kabanata 62
    Awards

    Kinaumagahan, naging madali saking magpalusot dahil salung-salo ako ni Coreen kagabi. Tulog na tulog din si Noah kaya naman walang nag interrogate sakin.

    Nagpatuloy si Wade sa pagrerecord ng iilan pang kanta. Isa lang yung nagagawa nila sa halos limang araw. Matagal kasi ang rehearsal at may revisions pang ginagawa. Bawal naman siyang sagarin kasi baka mapaos.

    Hiningal ako sa kakatakbo papunta ng office ni Mr. Manzano. Nandoon kasi ang buong banda ni Wade at pinatawag niya daw ako diumano para mag style sa kanya. Hindi ko alam, ah? Ano pa bang kailangan kong i-style sa kanya eh ako naman yung gumawa ng suit niya at mukhang alam niya naman kung paano dalhin ang sarili niya. I doubt if he really needs me right now or he’s just playing around.

    “Andito na si Reina!” Sabi ni Adam nang pinagbuksan ako ng pinto.
    “Thanks!” Pinaypayan ko ang sarili ko at pinunasan ang pawis.

    Ngumisi si Zac at bigla akong niyakap. Nabigla ako sa ginawa niya.

    “ZAC!” Sigaw ni Wade.

    Tumatawa na si Zac at kinalas ang pagkakayakap sakin. Ang gwapo-gwapo nI Wade na nakasimangot kay Zac. Handa na siyang suntukin si Zac nang nilapitan siya ni Adam.

    “Dude, stop it! Dalawang oras na lang awards na. Hindi pwedeng magkapasa ang isa sa inyo.” Awat ni Adam kay Wade.
    “Asus! Ito talaga si Wade. Hindi ba pwedeng friendly hug? Tsss…” Tumawa si Adam at umupo si Wade sa inuupuan niya kanina nang dumating ako.

    Napakamot ako sa ulo.

    “S-Sorry, I’m late. Hindi kasi ako nag expect na magkakaroon ako ng duty ngayon.” Sabi ko.

    Unti-unti akong lumapit sa nakasimangot na si Wade. Ngumingiwi siya at kahit ganun ay sumasalida parin ang kanyang dimple. Hindi ko matanggal ang titig ko sa kanya. Ang gwapo niya talaga. Lalo na ngayong soot niya ang suit na ginawa ko.

    “Reina, thanks sa suit!” Sabi ni Adam sabay tapik sa balikat ko.
    “Walang anuman.” Sagot ko at ngumiti sa kanya.

    Kahit malawak ang opisina ni Mr. Manzano (hindi ko alam kung opisina kasi mukha ng bahay), napunan parin ito ng buong banda. Hindi lang naman pala sila yung minamanage ni Mr. Manzano, nakita ko rin ang isang teen idol na magaling ding kumanta sa isang table na umuupo at nakikinig sa kanyang iPod. Marami din akong nakitang pamilyar na mga mukha (pasensya na, hindi uso ang TV sa bahay).

    “Reina, can you fix my hair please.” Sabi ni Wade sabay turo sa magulo niyang buhok.

    “O-Okay…”

    Kinuha ko yung hair product na paborito niya at nilagay sa kamay ko bago hinaplos sa buhok niya.

    “Hindi mo naman kailangan ng ganito, eh. Kahit na anong gawin sa buhok mo ang gwapo mo parin…” Ngumisi ako sa kanyang repleksyon sa salamin.

    Habang hinahaplos ko ang buhok niya at nagtatawanan tungkol sa isang article sa magazine ang kanyang mga kabanda ay mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko.

    Tinaas ko ang kilay ko.

    “Bakit?”

    Ngumisi siya at hinila ako sa harapan niya. Hindi ko mapagtanto kung ano ang gusto niyang mangyari. Napatingin ulit ako sa salamin para tignan ang repleksyon ng mga kabanda niyang nandoon parin at nakatitig sa magazine sabay hagalpak sa tawa.

    “Ano Wade?” Tanong ko.

    Umiinit na ang pisngi ko. Patay! Baka mahalata kami!

    Hinila niya ako pababa. Para bang sinusubukan niyang paupuin ako sa gitna ng hita niya. Bumuhos ang daan-daang alaala sa utak ko. Naalala ko yung pagkakataong nahihiya siyang magconfess sa akin tungkol sa nararamdaman niya.

    Naalala ko ang lahat. Naalala ko na hindi nga pala siya sanay umamin at pag usapan yung nararamdaman niya noon. Palagi siyang namumula kaya pinili niyang nakatalikod ako sa kanya habang sinasabi niya ang lahat ng iyon.

    Wala akong nagawa kundi umupo sa gitna ng hita niya.

    “Wade, mahahalata tayo nito.” Sabi ko sabay sulyap ulit sa mga kabanda niya.

    Nakita kong tumititig na si Adam habang ang dalawa (si Zac at Austin) ay nandoon parin sa magazine ang buong pansin.

    “Wade, si Adam oh.” Bulong ko.

    Pero imbes na itulak niya ako palayo para walang makahalata samin ay niyakap niya ako galing sa likuran.

    “Naaalala mo ba ito, Reina?”

    Tumindig ang balahibo ko sa leeg sa bulong niya.

    “O-Oo naman.”

    Narinig ko ang pagngisi niya sa tainga ko. Napatingin ulit ako sa mga kabanda niyang nag ku-kwentuhan na ngayon na parang walang nangyayari sa gilid nila.

    “Hayaan mo sila. Alam nila yung tungkol satin.” Ani Wade.
    “A-Ano? W-What if it’s going to leak, Wade? Bakit mo sinabi-“
    “Nasa France ka pa lang, alam na nila. Nothing’s new, Reina.”

    Sumulyap ako sa mga kabanda niyang hanggang ngayon ay wlaang pakealam. Ngayon, napagtanto kong hindi naman pala lahat ng tao sa mundo ang may pakealam kung sino ang love nino. I’m grateful for that. Buong buhay ko pakiramdam ko kailangan ng approval para mahalin ang mahal mo.

    “Ate Maria…”

    Napatalon ako sa tinawag na pangalan ni Wade.

    “Po?”

    May biglang lumapit saming matanda na may bitbit na kape. Umiinom siya habang nakikinig sa sinasabi ni Wade.

    “Nasan yung binili ko nung isang araw?” Tanong ni Wade kay Ate Maria.
    “Nasa drawer.” Sabay kuha niya sa drawer malapit sa inuupuan namin ni Wade.

    May isang malaking box siyang nilapag sa harap namin ni Wade.

    Nihead-to-foot ako ni Ate Maria.

    “Kasya yan, Wade.” Aniya at pumihit siya para bumalik sa pwesto.
    “Ano yan?” Tanong ko kay Wade sabay bukas doon sa box.

    Naaninaw ko ang isang baby pink na dress. Simple ito at maganda. Conservative, see through yung nasa upper chest. Puno pa ito ng maliliit na crystals. Sa ilalim nito ay isang silver na sandals.

    “Ano ‘to?”

    Hinalikan niya ang buhok ko.

    “Sasama ka sa awards as Austin’s date. Hindi pwedeng si Adam kasi kasama iyong asawa niya. Mas lalong hindi pwedeng si Zac.” Kumunot ang noo niya. “Nakakontrata ang pag sama ni Shan sakin tonight. At alam mong ayaw ko ng ganun. So I’m still bringing you as my date in disguise as Austin’s.” Ngumisi siya.
    “AHA!” Napatalon ako sa biglaang pagsigaw ni Zac. “Sinabi mo na ba? Date ko siya diba?”
    “Asa! Zac! Sige na, Reina, magbihis ka na.” Sabi ni Wade.
    “W-Wade? Are you sure about this? Hindi ba ako mapaghahalataan?” Tanong ko.
    “Hindi. Kung hindi ka tsatsansingan ni Zac, hindi talaga mapaghahalataan. Kung tsatsansingan ka niya baka maibulgar kong bigla kaya lumayo ka sa kanya.”

    Napakamot ako sa ulo sa sinabi niya. Is this really true?

    Napatingin ako kay Austin. Hindi kami close nito at mejo tahimik siya kaya hindi ako sigurado kung okay lang.

    “Okay lang.” Ngumisi siya sakin at nagpakita ng approve-sign.

    Ginantihan ko rin siya ng ngiti at kinuha ang damit na binigay ni Wade sakin.

    Ako na mismo ang nag ayos sa sarili ko. Ayokong mag hire pa si Wade ng make up artist para lang ayusan ako gayung kaya ko naman. Nahihiya nga ako kasi nag abala pa siya sa damit na ito. Napangiti ako habang tinitignan ang mukha sa salamin. It looks really good on me.

    “Reina?” Dinig ko ang boses ni Wade sa labas.

    Nasa loob kasi ako ng CR sa office ni Mr. Manzano.

    “Kasya ba?” Tanong niya ng humahalakhak.
    “What’s so funny?”

    Napatingin tuloy ulit ako sa damit ko.

    “Hindi ko kasi tinanong yung sukat mo. Dumiretso lang ako sa isang boutique para bilhin yan. Sinukat ko yung bandang boobs…”

    Napatingin ako sa boobs ko.

    “At inisip kong ganun yun ka laki… Tapos yung baywang mo, ganito ka nipis… Tapos yung likod-“
    “WADE!”

    Pinagbuskan ko siya at naabutan ko siyang nakangisi at inaakting yung paghahawak niya sa boobs ko.

    Hinampas ko ang braso niya.

    “Tumigil ka nga! You’re just really perv, Rivas!”

    Humalakhak siya at nihead to foot ako.

    “Sabi kasi nila, pag memorize mo yung katawan ng babaeng mahal mo, hindi mo na kailangan ng sukat nila para malaman kung kasya ang damit.” Kumindat siya at hinawakan ang baywang ko. “You look really beautiful, Reina.” Dagdag niya.

    Uminit ang pisngi ko at naalala ko na sinabi rin ito ni Liam sakin.

    “T-Thanks!”
    “Bakit kaya antagal matapos ng Awards?” Tanong niya sakin.
    “Hindi pa nga nagsisimula, matatapos na agad?”
    “Ewan ko. Gusto ko na lang matapos siya agad.” Tumawa siya.
    “Don’t you care about the result? Pwede kang manalo…”
    Nagkibit-balikat siya at hinila ako, “Let’s go…”

    Ayaw ko talaga sa showbiz. Iyon ang napatunayan ko sa sarili ko nang nakarating na kami sa venue gamit ang isang limousine. Hindi ako hiyang sa mga taong plastikang nagbabatian. Hindi ko naman sinasabing lahat, pero madalas ay ganun ang nakikita ko. May red carpet na nakalatag papasok doon at maraming reporters at media ang nakaabang.

    Una, syempre, si Wade at si Shan. Naiinis nga ako kasi pumipihit siya para tignan ako. I don’t wanna attract much attention. Si Adam at ang kanyang magandang misis ang sumunod. Nang si Zac naman ang lumabas ay panay ang pose niya sa camera na para bang siya ang hari. Pagkalabas naman namin ni Austin, dire-diretso lang yung lakad namin.

    Buong akala ko ay payapa kaming makakapasok sa loob, pero nagkamali ako…

    “Austin, who’s your date?” Tanong ng isang reporter.
    “Uhh… This is Reina, Wade’s…” Napakamot siya sa ulo. “Designer.”
    “May namamagitan ba sa inyong dalawa?”

    Pakiramdam ko naubos yung dugo ko sa tanong niya.

    “Wala. She’s just a friend.”
    Ngumisi ako sa reporter at tumango.
    “Friendzoned?” Tumaas ang kilay ng reporter sabay sulat sa isang notebook.

    WHAT?

    “Smile!!!”

    Napilitan akong mag smile kahit sa awkward at nakakainis na sitwasyon na iyon. God! I hate showbiz!

    “Sorry… Not really fond of facing people.” Sabi ni Austin sabay nahihiyang ngiti sakin.
    “It’s okay. Pareho pala tayo. Hindi rin ako marunong makihalubilo masyado.”
    He grinned, “Nakakahiya, eh.”

    True. Kung hindi lang dahil sa apelyido ko, hindi talaga ako makikilala noon.

    Nang nakapasok na kami sa loob, umupo ako sa gitna ni Wade at Austin. Magkatabi si Wade at Shan pero sakin si Wade humihilig.

    Humihilig naman ako kay Austin kasi ayaw kong bigyan ng kahulugan ang closeness naming dalawa.

    Maraming kilala si Shan kaya sosyalan dito, sosyalan doon, batian dito, batian doon. Si Wade naman, panay ngisi at kaway-kaway lang sa mga kilala niya.

    Hindi maiiwasang mapapatayo siya para magkaroon ng picture sa ibang artista. Lalo na yung mga nalilink sa kanya noon.

    “Ah! Why did you ever leave…” Sabi niya nang umupo ulit siya galing sa mahabang pictorial session. “Ayan tuloy nag showbiz ako.”
    Napatingin ako sa kanya. Ngumisi lang siya at tinaas ang kilay.

    Nagsimula na ang buong awards. Balak ko talagang makinig at manood kasi ito ang unang pagkakataong makakapunta ako dito, live. But I think this is going to be my last, too. Like I said, I hate showbiz!

    Kasabay ng pagsisimula ng awards ay ang paggapang ng malilikot na kamay ni Wade sa hita ko.

    Ginalaw-galaw ko ang hita ko para mabulabog yung kamay niyang nakapirmi lang naman doon.

    “Wade, the camera!” Galit at pabulong kong sinabi.

    Bahagya niyang itinago yung kamay niya nang tumutok samin ang camera. Pero nang bumaling ito sa iba ay ibinalik niya doon.

    Ugh! How can I concentrate?

    IIlang mga kanta, artists, movies, mtvs at kung anu-ano pa ang na bigyan ng award pero wala parin ako sa ulirat ko.

    Gumuguhit siya ng circles sa hita ko. Hindi ako sigurado kung anong ginuguhit niya pero maraming circles at madalas din ang triangle.

    “Wade, what are you doing…” Halos mapatili na yung bulong ko dahil nakakakiliti na yung ginagawa niya.

    Ipinatong ko na lang yung legs ko sa kabila para maipit yung kamay niya. Baka kasi hindi ko mapigilan yung pagtili kung di ko yun gagawin.

    “Stop it.”
    “Oh no… You’re blushing.” Bulong niya.

    OH MY GOD! Kinagat ko na lang ang labi ko at diretsong tumingin sa patapos ng performance.

    Ginalaw-galaw niya ang dalira niyang nakaipit sa legs ko. Napatingin na ako kay Austin na pumapalakpak na sa ending ng performance.

    SHIZ RIVAS!

    Pumalakpak na rin ako at nagkunwaring nanood talaga ako.

    “Hindi ka ba papalakpak, Wade?” Tanong ko para sana mabawi niya yung kamay niyang nasa gitna ng mga legs ko.
    “Hindi… Bo-ring.” humalakhak siya.

    “Uy, Ang ganda kaya!” Sabay siko ni Shan sa kanya.

    Natitigang na ako dito at napaparanoid baka may makahalata at may makakita sa kamay niya.

    Binalik ko sa dati yung position ng mga legs ko kaya na expose ulit yung kamay ni Wade.

    “Wade, camera ulit!” Sabi ko para maitago niya naman yung kamay niya.

    “And now… the Artist of the Year Award goes too…”

    Nag drum rolls.

    Imbes na itago niya ang kamay niya ay hinipo niya ang legs ko pataas sa hita ko. Mapapamura na talaga ako ng malakas kung hindi siya titigil.

    “GOING SOUTH!”

    Sumabog yung confetti! Swear sasabog na rin ata ang utak ko dahil sa kawalang hiyaang ginagawa niya.

    Tumayo si Zac, Austin, at Adam. Siya, hindi.

    “Badtrip.” Aniya. “I was getting there…” Humalakhak siya at tinignan ako.

    Bumuhos ang palakpakan at hiyawan para sa kanila.

    Rivas! It’s your time to shine pero parang wala lang sayo ang lahat ng ito. What are you?

    Pumalakpak din ako. Kahit na hindi pa ako nakakaget over sa ginagawa niya, mabilis paring nag register sa utak ko na isa silang big hit dito sa Pilipinas! They’re on top. He’s on top… Syempre, talented talaga siya. Hindi natin iyon maitatanggi.

    Ngumisi siya at nakipag high five sa tatlo niyang kabanda. Umakyat silang apat sa stage, si Wade ang nauuna.

    I’m so proud of him. Pumalakpak ako hanggang sa sumakit yung palad ko. I’m just so proud of him.

    “Thank you so much for all your support. Sa lahat ng taong nasa likod, Mr. Manzano, Mr. Reyes, Madame Ching, Moon Records… Salamat. Fans, para sa inyo ‘to. At syempre higit sa lahat, sa Panginoon, dahil kung hindi niya kami binigyan ng inspirasyon, hindi namin ‘to makukuha. Thank you. Kung hindi namin napagdaanan ang lahat ng sakit na dinaanan namin noon, wala kami dito. Thank you.”

    May nagbara sa lalamunan ko. Hindi ako makahinga ng malalim.

    Binigyan sila ng masigabong palakpakan ng audience. Nag standing ovation pa si Shan at ilang mga nasa unahan namin. Napatingin ako sa mga tao sa likod, maging sila ay nagstanding ovation.

    Tumayo rin ako para pumalakpak para sa kay Wade. Nahagip ko yung titig niya. Nakahawak siya ng trophy at ipinakita niya iyon sakin.

    Hindi ko maiwasan ang pamumuo ng luha ko. You made it, Wade! At naniniwala akong kahit wala ako dito, kaya mo yan. You have the talent… you have the charisma… You are an artist.

    I love you, Wade. I truly do…

  • Kabanata 63Open or Close

    Kabanata 63
    Who’s Your Boyfriend?

    “Reina, nitong mga nakaraang araw, hindi ka na umuuwi masyado sa bahay niyo, ah, tuwing gabi.” Palihim na sinabi ni Liam sakin habang pinapanood akong nagmamadaling inilalagay lahat ng bagong gawa ko sa portfolio.
    “Huh? Bakit mo naman nasabi iyon?” Sabi ko ng wala sa sarili.

    Hindi siya sumagot.

    Dinampot ko lahat ng gamit ko at kinuha na rin yung bag ko.

    “Liam, pupunta lang ako sa office ng Fashion Week, ngayon ko kasi titignan yung mga designs ko. Gawa na kasi.” Sabi ko.
    Tumango siya, “Ipagda-drive na kita.”
    “Wag na, no. Kaya ko naman. Tsaka, wala ba kayong recording or something?”

    Naglalakad na ako ngayon papuntang sasakyan.

    “Reina…” Malambing niyang hinila ang bag ko. “Come on… Pagbigyan mo naman ako. I’ve been really busy at ito lang ang paraan ko para punuan yung mga panahong hindi tayo nagkakasama dahil sa pagiging busy ko.”

    Natigilan ako sa harap ng sasakyan ko.

    “Liam…” Bumuntong-hininga ako. “You don’t need to do this. Naiintindihan ko naman iyon. Hindi naman talaga kailangang nandyan ka parati. Look at me and Coreen, ewan ko na naman kung ano ng nangyayari, pero we’re still friends.”

    Nag iba ang ekspresyon niya. Napayuko siya at napalunok. Agad naman akong naguilty sa sinabi ko. Ginulo niya ang buhok niya at bumaling ulit sakin.

    Bumunot ulit ako ng malalim na hininga, “Alright, Liam.”

    Dahan-dahan siyang ngumiti at dumiretso sa sasakyan niya. Sa kahabaan ng drive, wala akong inisip kundi yung pagrereview ng designs. Tinatawagan ko ni Kira para tanungin kung malapit na ba ako kasi mag rerehearse na ang models. Jusko! Bakit ba kasi ako tinanghali sa pag gising.

    “Malapit na…” Sagot ko kay Kira.
    “Okay… Bilis na!”

    Nang nag park na si Liam ay hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa, dumiretso na ako sa labas.

    “Liam, pasensya ka na, alam kong gusto mong bumawi today. Pero kasi busy ako.”
    Tumango siya at kita sa mukha niya ang disappointment.
    “Sorry talaga. Babawi ako next time, okay? Nagmamadali talaga ako. Debut ko to sa Fashion Week.”
    “It’s okay, Reina.”
    “Baka gabihin pa ako dito kaya mauna ka na lang.” Sabi ko at agad ng umalis.

    Half-running na ako papuntang office. Hindi ko na namamalayan kung sino ang nakakasalubong ko.

    Masyado lang talagang hectic ang sched ko this week. Lalo na bukas. Bukas yung Fashion Show. Mabuti na lang at gabi pa yung Fashion Show… Kasi sa umaga, may photoshoot si Wade para sa isang teens magazine. Kakailanganin niya raw yung stylist at designer niya. Tumanggi ako kasi kasama niya sa shoot na iyon si Shan pero mapilit siya.

    “We need the time, Reina. Mawawala ako ng ilang linggo para sa world tour, kaya kung pwede araw-arawin natin…”

    Well, hindi nga lang ako sigurado kung anong ibig sabihin niya sa araw-arawin namin. But I’d like to think na gusto niyang araw-araw akong makita o makapiling. Mamimiss ko siya sa world tour, sobra! Pero hindi naman aabot ng isang buwan ang pagkakawala niya at hindi niya naman kasama si Shan doon kaya panatag ang kalooban ko. Iyon nga lang, dahil mejo araw-araw na kami ngayon, baka mangulila ako unang araw pa lang niya sa ibang bansa. Sana pwedeng sumama pero dahil sa Fashion Week na ito ay nagbabago ang sched ko. At ano naman ang ipapaliwanag ko sa pamilya ko sa pagsama ko kay Wade? Na designer at stylist niya ako?

    “Reina!” Bati ni Zoey sakin habang isinusoot ang final gown.

    Okay, talagang nasa kanya yung finale. May apat na finale gowns ako. Sa kanya yung pula. Yun kasi ang gusto niya.

    “Ang tagal mo naman!” Aniya sabay pakita sakin sa gown. “Ayos ba?”
    Tumango ako, “Maganda.”

    Maganda talaga si Zoey. Syempre, pag dumaan kay Rozen, alam mong maganda talaga. Walang mintis. Matayog ang standards lalo na sa mukha. Pero may pattern: maputi, matangkad, mahaba ang buhok, mejo curvy pero payat, mga ganun.

    “Pwedeng gawing soft yung make up ni Zoey. Parang di ata bagay na masyadong colorful…” Sabi ko sa make up artist.

    Nicheck ko lahat ng gawa ko. Pati yung gagawing backdrop na may nakalagay na korona sa taas ng pangalan kong REINA. Maliit naman ang font ng apelyido ko sa baba, Elizalde.

    Lalabas ako sa huli, pagkatapos ng finale gowns. At pagkatapos sabihin yung description ko. Nadawit pa sa description ang pangalan ni Shan, Wade, at Adam dahil sa mga damit nilang nidesign ko.

    Nagsimula yung nakakaantok na rehearsal. Magaling rumampa si Zoey. Iyon siguro ay dahil uhaw siya sa atensyon. Halos paulanan nga siya ng panlalait galing ng mga co-models niya. Pero parang iyon yata ang nagbibigay ng lakas sa kanya para mas lalong pagbutihin yung ginagawa niya. Bilib din talaga ako sa kanya.

    “Ms. Reina…” Untag sakin ng isang staff sa Fashion Week.
    “Po?” Tanong ko.

    Nilalaro niya ang kanyang I.D. Para bang nahihiya siyang magtanong sakin.

    “Close ba kayo ni Zoey?”
    “Uhmm. Okay lang, bakit?” Tanong ko.
    “Ano… Nakita ko kasi yung singsing niya sa kamay. Bigay daw iyon ng boyfriend niya. Tingin mo si Wade Rivas yung bf niya?”

    Natigilan ako at nag isip. Anong sasabihin ko? Na may ibang boyfriend si Zoey? Manahimik na lang kaya ako?

    “Hindi ko alam, eh.”
    “Pero nagpupunta ba siya sa condo ni Wade? Hindi ba designer ka ni Wade? Naabutan mo ba siya doon? Marami kasing pictures na kumakalat.”

    Kasalanan ko ito. Kung bakit ba kasi ginagamit namin si Zoey.

    “Ewan ko. Hindi naman kasi ako namamalagi sa condo ni Wade.”

    JUSKO! Halos matamaan ako ng kidlat sa sinabi ko. Friends na nga kami ng bloodhound niyang si Carmela dahil palagi akong nandoon.

    “Ganun? Hmmm. Sige, sorry sa abala.” Ngumisi siya at umalis.

    Darn, yung mga tao talaga masyadong tsismosa. Ganun talaga siguro pag idol mo ang isang tao.

    Ilang beses pa naming inulit-ulit yung rehearsal. May loko pa sa suits ko, gusto niya lang talaga yatang ibalandra ang katawan niya kaya imbis na magsoot ng inner, tanging suit ko na lang ang isinoot niya.

    “Brandon! Wag ka ngang pasaway!” Sigaw ni Kira.
    “It’s okay, Kira. Bagay naman. Okay lang.” Ngumisi ako.

    Malaki yung katawan niya kaya hindi masagwa tignan na half topless siya sa suit ko.

    “See? See? Bagay daw!” Tinuro ako ni Brandon at may tinignan siyang isang model.
    “Pasikat.” Sabi ng katabing model.

    Naubos ang oras ko sa pabalik-balik na rehearsal. Pagkatapos noon ay pagod na pagod na ako. Nagligpit na lang ako ng gamit at agad umalis sa building… sana makahanap agad ako ng taxi para makapunta na kay Wade.

    May isang text si Wade. Ngayon ko lang nabasa sa sobrang busy.

    Wade:
    Pareho tayong nagrerehearsal ngayon. See you sa condo. I love you, Reina.

    Napangiti ako. Nagtype agad ako ng reply.

    Ako:
    I’ll be there, Wade. I love you, too.

    “Tapos na?”

    Napatalon ako nang may pumaradang sasakyan sa harap ko. Humikab si Liam sa loob nito at binuksan ang pintuan.

    “Liam? Naghintay ka?” Tanong ko.
    “Oo.” Humikab ulit siya. “Buti nagising ako just in time.”

    Humalakhak siya. Masaya akong nagawa niyang maghintay pero may kung anu sa damdamin ko ang nagsasabi saking mali… iba… hindi dapat…

    “You don’t have to-“
    “I want to, Reina.” Pinutol niya ako bago pa ako nakapagsalita. “Now, get in so I can bring you home.”
    “Liam…”
    “Reina… Babawi ka diba? Just at least let me do this.” Aniya gamit ang nababanas na mukha.

    Tumunganga lang ako sa labas. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kung sasama ako sa kanya at hayaan ko siyang iuwi niya ako sa bahay, aalis parin ako at pupunta kay Wade. Kung hindi naman ako sasama, baka magtampo siya.

    “Reina?” Hinuli niya ang tingin ko.

    Kanina pa pala ako nakatulala.

    “Kasi, Liam, may pupuntahan pa ako.” Sabi ko.
    “Huh? San? Ihahatid na kita.” Kumunot ang noo niya.

    Napalunok ako. Habang iniisip ko kung anong isasagot ko sa kanya ay tumunog ang cellphone ko.

    Nagmadali akong tinignan ito at nakitang si Wade ang tumatawag. Tumalikod ako kay Liam at lumayo.

    “Sagutin ko lang ito.” Sabi ko at naglakad palayo.

    “Hello…” Sabi ko.
    “Exhausted?” Pambungad niyang tanong.
    “Hmmm… Not really?” Ngumisi ako.

    Kahit na nasa panget na sitwasyon ako kasama si Liam, hindi ko parin maiwasang matuwa kay Wade.

    “I know what you’re thinking…” Humalakhak siya. “Gusto mo na naman yata…”
    “Uy, ano ka! Ikaw kaya diyan! Adik!”
    “O sige, pwede namang hindi, eh. Ano… Mag cu-cuddle lang muna tayo for this night.” He chuckled again.
    “Why??”

    Kinagat ko ang labi ko nang narinig ang tono ng boses ko. WHY DO I SOUND SO DISAPPOINTED?

    Humagalpak siya sa tawa, “Bad, Reina. Sige na… Nasan ka? I’ll fetch you.”
    “Uhm, Wag na… P-papunta na ako. Magkita na lang tayo dun.”
    “Really? O sige… I love you, Carmela.”
    “Sino? Yung bloodhound mo?”
    “Hmmm. Yung kausap ko.”
    “I love you, too.”

    Pinatay ko agad ang tawag ni Wade dahil naramdaman kong may tao sa likod ko. Pumihit ako para tignan ang galit na galit na mukha ni Liam.

    “REINA?” Tumaas ang boses niya.

    Bumilis ang paghinga niya at nakita kong namuo agad ang luha niya sa mga mata. Pakiramdam ko hinigop yung dugo ko sa mukha. Namumutla na ako sa reaksyon niya.

    “You love who, Reina?” Tanong niya.

    Itinago ko ang cellphone ko sa bag ko.

    “MAY BOYFRIEND KA NA BA?” Sigaw niya sakin.

    Napapikit ako sa sigaw niya.

    “L-Liam…”

    Pinasadahan niya ng palad ang kanyang buhok at nakita kong tumulo ang luha sa mga mata niya. Suminghap siya at nakapamaywang habang tinitignan ako. Pulang-pula ang kanyang ilom at sa bawat salita niya ay ganun parin siya, nakikita parin ang malalim na dimple na parehong pareho kay Wade.

    “Sabi mo sakin mahal mo ko, tapos ngayon, isang araw malalaman kong meron kang boyfriend, ha, Reina?”

    Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya.

    “Sorry…” Iyon lang ang tangi kong nasabi.

    Hinilamos niya ang kanyang palad.

    “God, Reina!” Sigaw niya. “Sa France pa lang… France pa lang, tayong dalawa na, diba? Lagi tayong magkasama. I was your only friend! Tayong dalawa lang! Bumalik ka lang ng Pilipinas, ni hindi ka pa nga nag si-six months dito nagkaboyfriend ka na agad?”

    Tumawa siya na parang nagbibiro ako sa sinasabi ko.

    “Who are you kidding? Wala kang boyfriend! You just wanna make me feel you have one.”
    Umiling ako, “No, Liam, why would I do that?”
    “Because you want to make me jealous? You want to hurt me? Or you don’t really like me at all kaya gusto mong paniwalain akong meron kang iba.”
    Umiiling na ako habang nagsasalita siya.
    “YOU TOLD ME YOU LOVE ME, REINA!”

    Nalaglag ang panga ko sa sumbat niya.

    “YOU FREAKING TOLD ME YOU LOVE ME! NAGPAPAHALIK KA SAKIN! YOU ARE INTIMATE WITH ME! KAYA HINDI AKO NANINIWALANG MAY BOYFRIEND KA!” Sigaw niya.

    Napatingin ang mga taong dumadaan samin dahil sa sigaw niya.

    Liam has been a good friend, ayaw ko siyang saktan. Pero panahon na rin siguro para itama ko ang mga pagkakamali ko. Napapikit ako.

    “L-Liam… Totoo.” Marahan kong sinabi.

    Nakita ko ang galit sa mga mata niya. Nilapitan ko siya kahit na alam kong mas lalo lang siyang magagalit sakin. Nilapitan ko siya kahit nasasaktan ako para saming dalawa.

    “PAASA KA! Masyado kang paasa, Reina!”

    Nilapitan ko siya kahit na umaatras na siya sakin.

    “Liam, I’m sorry. I’m sorry. Hindi ko naman alam na iba yung ibig sabihin mo dun. Akala ko magkaibigan lang tayo-“
    “Magkaibigan? Magkaibigan, really, Reina? Kanino mo natutunan yang naghahalikang magkaibigan?”

    WHAT?

    “You kissed me, Liam!” Pinaalala ko sa kanya.
    “Pero hindi ka pumalag!” Sagot niya.
    “M-Magkaibigan tayo. I-I don’t wanna break your heart.”
    “Sino ang boyfriend mo, Reina?” Seryosong tanong niya kahit na mabilis na mabilis parin ang paghinga niya.

    Tinikom ko ang bibig ko. Kahit na itorture pa ako dito, hinding hindi ako aamin.

    “Liam, just, I’m sor-” Hinawakan ko ang braso niya pero tinanggal niya ang kamay ko.
    “WHO’S YOUR BOYFRIEND, REINA?” Mariin niyang tanong.

  • Kabanata 64Open or Close

    Kabanata 64
    Just An Act

    “Dapat kasi sinabi mo na lang agad sa kanya…” Sabi ni Wade sakin habang niyayakap ako galing sa likuran.

    Hinahaplos ko sa tabi ng ang bloodhound niyang si Carmela.

    “Alam ko. Masyado lang akong naging busy at hindi ko alam kung paano ko sisimulan yun. Natatakot akong masaktan siya.” Sabi ko.
    Suminghap si Wade sa tainga ko, “Now don’t tell me ipagpapatuloy mo lang yan dahil sa takot mong masaktan siya?”
    Umiling agad ako at lumingon kay Wade.

    Muntikan ng magtama ang mga labi naming dalawa. Natulala ako sa kanyang mga labi. Napatingin din siya sa labi ko pero lumingon siya sa gilid para maiwasan ang ito.

    “Wade, I’m sorry.” Sabi ko. “Sasabihin ko sa kanya.”

    Natuyo ang lalamunan ko. Iniisip ko pa lang kung paano ko sisimulang sabihin kay Liam ang tungkol samin ni Wade.

    “I hope so, Reina. Lalo na’t papalapit na ang world tour ko. I won’t be here to check on you anymore.”

    Bumaling ulit siya at tinitigan ako. Palingon-lingon ako nang tumingin siya sakin. Para kasing hindi ko kaya ang intensity ng titig niya. Para bang may mga expectations siyang tinatanim sakin.

    “Reina, speak your mind. Hindi mo pwedeng pagtakpan ang katotohanan para lang hindi masaktan ang ibang tao o para protektahan ang sarili mo. It’s okay to speak your mind. Kasi kahit anong mangyari, nandito naman ako, hindi kita pababayaan.”

    Tumango ako at lumunok. Hinaplos niya ng dahan-dahan ang buhok ko at hinalikan ang pisngi ko.

    “Naaalala mo kung paano kita napansin?” Ngumisi siya.
    My cheeks burned, “Hmmm? H-Hindi, syempre… Hindi ko nga alam na may ganun.” Humalakhak ako.
    “Because you told me you liked me, Reina. Lagi kang straightforward noon. Yung napansin ko, straightforward ka pag alam mong wala kang masasaktan, pag tingin mo okay lang. Pero tuwing may masasagasaan ka na, tumitiklop ka. It’s not always rainbows and butterflies, Reina. At some point, may masasaktan ka talaga.”
    Tumango ako at tinignan ang mga daliri ko.

    Tama si Wade. I’ve always been straightforward to him. Alam ko kasing hindi ko siya maabot. Pangarap na hindi ko maabot noon. Kaya kampante akong sabihin sa kanya yung mga nararamdaman ko kasi alam kong ayos na ako maiparating ko lang sa kanya yung nararamdaman ko. Pero ngayong alam kong masasaktan ko si Liam kung sasabihin ko ang totoo, umuurong yung sikmura ko. Naduduwag ako. Kasi alam kong masasaktan ko siya.

    Ilang beses kong inisip kung paano ko sisimulan yung pagsasabi ng totoo kay Liam. Hindi ko iyon naisasagawa kasi hindi na siya nagpapakita sakin.

    Tinitext ko siya…

    Ako:
    Liam, let’s talk.

    Hindi siya nag rereply. Nanghingi na rin ako ng suggestion kay Coreen, pareho sila ng suggestion ni Wade, na diretsuhin na lang.

    Nangangatog ang mga binti nang nakita ko si Noah kasama si Warren, madalas sila sa bahay pero ngayon ay wala si Liam.

    “Noah, nasan si Liam?” Tanong ko pagkauwi ko sa gabi.
    Nagkibit balikat na lang siya at bumaling ulit sa kausap na si Warren.

    I treasure Liam. Sa lahat ng mga ginawa niya para sakin. Sa pag pupuno niya sa buhay ko bilang kaibigan nang nasa France ako.

    Tulala ako nang nagtatrabaho ako para sa magazine shoot ni Wade. Mamaya na yung magazine shoot ni Wade. At bukas agad yung flight niya sa ibang bansa. Sa Korea muna sila bago sa New York. Connecting flights, alam niyo na. At oo, nabigla din ako nang nalaman kong sa New York talaga yung unang venue. Nirequest talaga kasi ng mga pinoy doon sina Wade. Yung napuntahan lang nila nung Unang World Tour nila ay Las Vegas, Miami, Japan, tsaka Hong Kong.

    Buong akala ko ay nagpunta sila ng France kaya niya ako nakita doon, pero nagkamali ako. Talagang sinadya niya lang pumunta ng France para hanapin ako, hindi dahil may tour sila doon.

    “Reina…” Palakas na tawag ni Wade sa pangalan ko.
    “Hmmm?” Napalingon ako sa kanya.

    Napansin kong nilingon na kami ng mga tao. Imbis na dumiretso ako sa kanya ay dinaanan ko muna yung mga damit niya bago nagmartsa palapit sa kanya.

    Tinuro niya ang buhok niya.

    “Paayos ng buhok.” Ngumisi siya. “Gusto ko yung in character ka… Yung parawng tuwing hinahalikan mo ako at nasasarapan ka na-“

    Hinampas ko ang balikat niya at hindi ko maiwasang di tumingin sa mga taong busy sa paligid.

    “Wade!” Pabulong kong saway sa kanya.
    He chuckled.

    Tinignan niya lang ako sa repleksyon sa salaming nasa harap namin. Kinagat niya ang labi niya at tinuro ulit ang buhok.

    “Come on, Reina.”

    Halos kumuyom ang kamay ko nang inilapit ko iyon sa buhok niya. Nanggigigil ako pero pinipigilan ko ang sarili ko. Baka mapaghalataan kami dito.

    Inayos ko ang buhok niya at nakita ko ang nakapikit niyang mga mata sa salamin.

    “Wade…” Bulong ko nang nakitang nakatitig na yung make-up artist ni Shan samin.

    Mabuti na lang at nakapikit si Shan dahil inaayos yung eyeshadow niya kaya’t hindi kami nakikita.

    “Yesss, Reina…” Malambing ang ungol niya nang sinabi niya iyon.

    Nakita ko talaga yung pagdilat ng mga mata ni Shan para lang tignan kung anong nangyayari kay Wade.

    Patago kong kinurot ang likod niya.

    “OWWW!” Palatak ni Wade.
    “Uy, okay ka lang, Wade?” Tanong ni Shan nang narinig iyon galing kay Wade.

    Nakangisi si Wade habang iniinda yung sakit ng kurot ko sa likod niya.

    “Ayos lang naman.” Tumawa siya.
    Nagkasalubong ang kilay ni Shan sa reaksyon ni Wade.

    Umiling ako at lumayo sa kanya. Dinalaw agad ako ng kaba nang naramdaman ko ang titig ng make up artist ni Shan at maging ang isang P.A na nandoon.

    “Okay, sige na, ready na, Wade and Shan!” Sigaw ng isangmaliit na babaeng mukhang istrikta at staff ng magazine.

    Pumwesto na ang mga photographers. Natapos na pala sila sa pagsi-set up. Ni-reretouch naman ang concealer sa magandang mukha ni Shan. Grabe, nakita ko na siya ng walang make up at ang masasabi ko lang ay halos walang ipinagbago. Natural talaga ang ganda ni Shan Melendez. Siguro naman hindi ka makakapasok sa Showbiz kung hindi, diba?

    “Paano po? tatayo lang kami?” Tanong ni Shan habang nakatayo na sa gitna ng mga lights at sa harap ng white backdrop.

    “Oo. Tayo muna, mamaya lalagyan namin ng sofa dyan.” Sabi nung babae.

    Nakaupo parin si Wade sa kinauupuan niya nang sinulyapan ko siya. Nakahawak siya sa kanyang labi at nakatitig sakin.

    Oh that look!

    “Wade!” KInawayan ko siya at itinuro si Shan na nandoon na sa gitna.
    Tinaas niya ang kanyang kilay.
    Sinimangutan ko siya. Tsaka lang siya tumayo nang binigyan ko na siya ng masamang titig.

    Mas lalo lang akong kinabahan ng nagmartsa siya ng diretso papunta sakin. Baka mamaya halikan ako nito at mahalata kami!

    Pero imbes na ganun ang ginawa niya at tinapik niya ang balakang ko at humalakhak bago ako nilagpasan.

    Nanlaki ang mga mata ng make up artist ni Shan.

    “Ito talagang si W-Wade, palabiro.” Parinig ko.

    SHET! Hindi niya ako tinantanan ng titig kaya tinoon ko na lang ang pansin ko sa kay Wade at Shan na ngayon ay pinagdidikit na nung babae.

    “Dikit pa, Wade! Ano ba naman yan! Pa tweetums naman kayong dalawa parang hindi mag on sa likod ng camera!” Seryoso niya iyong sinabi.
    “Hindi naman talaga.” Seryosong sagot ni Wade.

    Umiling lang ang babae sabay tulak kay Shan palapit kay Wade.

    “Ayyy, sorry, Wade.” Sabi ni Shan.

    Itinulak pa siya lalo nung babae at nakita kong tumama yung dibdib ni Shan sa nakadepensang kamay ni Wade.

    “AYYYYY!” Sigaw sabay tawa ng mga staff at photographers.

    Natulala ako sa nangyari. Dumiretso ang titig ng namumutlang si Wade sakin.

    “SORRY!” Sigaw ni Shan kay Wade.

    Kitang kita ko ang pamumula ni Shan. Inayos niya ang kanyang spagetti strap na damit at maging ang bra niya sa loob.

    Halos mapamura ako sa inis dahil sa nangyari. Pero imbis na magpakita ako ng ganoong ekspresyon kay Wade ay pinigilan ko na lang ang sarili ko. Dahil alam kong pag nakita niya iyon sakin, baka umatras lang siya dito ngayon.

    Nakita ko ang pag iiba ng ekspresyon ni Wade simula noon. Ngising-ngisi si Shan at patweetums na lumalapit kay Wade, pero blangko lang ang ipinapakita ni Wade at hindi niya na ring nagagawang magbiro.

    “Lagyan ng sofa!” Sigaw nung babae at pumalakpak pa.

    Agad nilagyan ng sofa sa likod nina Wade.

    Sofa. May naaalala tuloy ako. Tumalikod ako at pumikit. I trust Wade, pero syempre hindi naman talaga maiiwasang hindi mainggit.

    Umupo si Wade at Shan sa sofa.

    “Bakit may sofa pa? Ilang shots na ba ang nagawa namin?” Masungit na tanong ni Wade.
    “Marami na, pero kulang pa kasi parang walang emosyon.” Sagot nung isang photographer.
    “Tsaka kailangan din ito para sa article mismo.” Dagdag nung babae. “Ngayon, gusto ko ipulupot mo yung kamay mo sa katawan ni Shan. Yung tulad ng ginagawa ng mga lovers.”

    Nalaglag ang panga ko sa hinihingi ng babae. Inaksyon niya pa ito para mas lalong maintindihan ni Wade.

    Wala akong ibang maisip kundi yung moves ni Wade sakin. Ganun siya kung maglambing sakin. Yung ginagawa niya simula pa lang noon. Yung pagyayakap niya sakin galing sa likuran habang nakaupo kaming dalawa. Yan yung paborito ko sa lahat ng ginagawa niya.

    “This is ridiculous.” Nakita kong namutla ulit siya at halos mag retaliate na sa mga staff.
    “It’s just an act, Wade.” Sabi ng babae. “At ano naman sayo iyon? You’re with Shan!”
    “AHHH! Ilang beses ko bang sasabihin, I’m not with her and I won’t be.”

    Ginulo niya ang buhok niya.

    Dumapo yung titig niya sakin bago kinusot at pinisil ang mga mata niya. Napalunok ako. Tingin ko ay may naaalala din siya tuwing ginagawa niya iyon.

    “Wade, come on, work lang naman ito.” Sabi ni Shan.

    Hindi sumagot si Wade.

    “It’s not like it’s new to you…” Napalingon si Shan sa mga naghihintay na photographers.
    Umambang magsasalita ng masama si Wade nang dinilat niya ang mga mata niya at hinarap ni Shan.

    “WADE!” Napasigaw ako.

    Alam kong mura agad ang lalabas sa mga bibig niya. Namutla pa siya lalo at nilingon ako.

    “Do it.”

    Tumunganga siya sa mukha ko. Maging ang ibang tao ay napatingin narin sakin.

    “Just do it.”

    Alam kong masasaktan ako dito. Hindi ko naman pala kayang may iba siyang kaganyan kahit na alam kong peke, kahit na acting lang at hindi totoo. Tao rin ko at babae na sensitive. But I need to be stronger than this. Hindi pwedeng dahil lang may masasaktan o dahil masasaktan ako ay hindi na pwedeng gawin.

    Dahan-dahang nilagay ni Wade ang kamay niya sa harapan ni Shan. Humilig palapit si Shan sa kanya. Hinawakan ni Shan ang kamay niya at pinulupot niya ang mga daliri niya sa daliri ni Wade. Kumunot ang noo ni Wade sa ginawa ni Shan.

    “Noon, pag shoot naming dalawa, magkatabi lang naman, ah? Bakit ngayon may ganito?” Tanong ni Wade sa kalagitnaan ng pag ki-click ng camera.
    “Kasi po…” Pabirong sambit nung babae. “Talk of the town ang relasyon niyong dalawa. Syempre ganun talaga-“

    Kinalas ni Wade ang mga kamay niya kay Shan. Nakita ko ang galit na ekspresyon ni Shan.

    “Wade, wag ka ngang OA!” Sambit ni Shan.
    “Sabi ko, wala kaming relasyon!” Sabi nI Wade.
    “Yeah, we get it Wade… You just want to keep this a secret.” Pabulong na sinabi nung babae.

    Hindi iyon narinig ni Wade kasi ang buong pansin niya ay nandoon kay Shan.

    “Oo na! Sinabi mo na, Wade! Stop it, okay?” Sigaw ni Shan.
    “I’ll stop it if you stop telling them we have this imaginary relationshit-“
    Nakita kong namula ang mga pisngi ni Shan.

    WADE RIVAS! YOU REALLY ARE AN ASSHOLE!

    “I’m not telling them, Wade, it’s your fans!” Nabasag ang boses ni Shan.
    “Ano ito, lovers quarrel?” Sabi ng photographer na hanggang ngayon ay hindi parin tumitigil sa pagpipicture.

    I get it, now… Showbiz, eh? Kahit na anong gawin mong paliwanag, ang papaniwalaan lang nila ay kung ano yung gusto nila. Hindi nila kayang paniwalaan ang katotohanan. Kung anong maganda sa pandinig, yun yunglalabas sa balita. Pinagtatakpan ang mga pangit. Hindi ipinapalabas yung mga hindi gusto at hindi bebenta sa mga tao. Lalo na pag dalawang matuong na pangalan at iisang love team ang pinaglalaban. The mass will still win.

    “I hate showbiz.” Sabi ni Wade sakin habang nagliligpit ako ng gamit. “Reina?”

    Hindi ako umimik. Tanging naiisip ko lang ay yung sinabi niya, I hate showbiz, too. Pero anong magagawa ko, eto na siya at pangarap niyang sumikat noon. This is his dream and I’m not that immature to take this away from him.

    “Reina!” Sigaw niya at narinig ko ang pagkabasag ng boses niya sa huling pantig ng pangalan ko.

    Bago ko pa siya nalingon ay hinila niya na yung baywang ko palapit sa kanya.

    Nakaupo siya kaya napaupo ako sa mga hita niya.

    “Reina…” Untag niya ulit.
    “Hmm?” Nilingon ko siya.
    “Galit ka ba?” Tanong niya.

    Wala ng tao dito. Nauna na yung staff nina Shan para sa isnag hosting gig. Yung mga staff naman ng magazine ay lumabas muna. Kaming dalawa lang ang nasa studio. Ang inaasahan lang naming pumasok ay si Mr. Manzano, para ipahayag yung kontrata sa article.

    “Nope…”
    “Nakita kita habang nag sho-shoot kami. Hindi ko nagustuhan ang ekspresyon mo. Do you hate me now, Reina?” Unti-unting humigpit ang yakap niya sakin.
    “No, Wade.” Suminghap ako. “Of course, kahit sino naman siguro hindi iyon magugustuhan. But I understand. This is just work.” Sabi ko.
    “Alam kong hindi mo talaga iyon magugustuhan. Kasi kung ako yung nasa position mo, baka di ko rin kayanin pag may pumulupot na braso sa baywang mong hindi ako.” Nabasag ang boses niya.

    Kinurot ang puso ko sa narinig ko galing sa kanya. Hindi ako sigurado kung sino saming dalawa ang mas nasasaktan sa nangyari kanina. Kahit nagtatampo ako, agad itong napawi dahil sa ipinakita niyang pagsisisi. Hindi naman niya kailangang magsisi, kasi alam ko namang hindi niya talaga iyon sinasadya.

    KInalas ko yung kamay niyang nakapulupot sa baywang ko at nilingon siya.

    Napaawang ang bibig niya at nanlaki ang mga mata niya. Mas lalo siyang namutla. Para bang nangyayari na iyong bagay na ayaw niyang mangyari…

    “REINA?” Tawag niya.

    Marahan akong ngumisi at yumuko para abutin ang labi niya. Nilapat ko ng marahan ang labi ko sa labi niya.

    “It’s okay, Wade… It’s really okay…” Sabi ko habang hinahalikan siya.

    “WHAT THE?” Mas una kong narinig ang sigaw kesa sa pagbubukas ng pintuan.

    Napalundag ang puso ko nang nakita kong hinihingal na nakatayo si Liam sa pintuan.

  • Kabanata 65Open or Close

    Kabanata 65
    Reina and Fame

    Nilingon din ni Wade si Liam. Agad nagmartsa si Liam palapit sakin at hinila ang braso ko palayo kay Wade.

    “What are you doing, Reina?” Natataranta niyang tanong sakin.

    Malakas ang tigidig ng puso ko habang tinitignan siyang naghahabol ng hininga.

    “Liam, bitiwan mo si Reina.” Tumayo si Wade at nilagay ang kanyang kamay sa mga bulsa.
    “Sino ka para utusan ako, Wade?” Matabang na baling ni Liam kay Wade.

    Pumiglas ako sa pagkakahawak ni Liam sa braso ko. Binitiwan niya rin ito pero bakas sa mukha niya ang disappointment.

    “Si Wade ang boyfriend ko…” Pag amin ko sa kanya.

    Unti-unting napaawang ang bibig niya. Pabalik-balik ang tingin niya kay Wade at sakin. Para bang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Parang imposible.

    “No… That’s not true.” Umiling si Liam.

    Nakita kong namuo ang mga luha sa mga mata niya. Unti-unti kong nakita ang frustration sa kanyang mukha. Lumiwanag din ito at mukhang marami siyang napagtanto sa sinabi ko.

    “No… No…” Aniya sa kanyang sarili.

    Dahan-dahan akong naglakad palapit sa seryoso ding nakamasid na si Wade.

    “NO, REINA!” Pabiglang sigaw ni Liam nang umamba akong hahakbang na.

    Hinila niya ulit ang braso ko. Malakas. Sa sobrang lakas nito ay hindi ko na napigilan ang pagbalik kay Liam. Inilapit niya ang mukha niya sakin at hinalikan niya agad ako.

    Nanlaki ang mga mata ko nang nakitang nakapikit siya at hinahalikan na ako. Itinulak ko siya pero hindi iyon ang dahilan kung bakit napaatras siya.

    “Your kiss won’t make her stay, Liam.”

    Sinuntok ulit ni Wade ang pulang pisngi ni Liam. Nakahawak si Liam sa isang mea kaya hindi siya tuluyang natumba. Nakita ko ang panlilisik ng kanyang mga mata habang tinitignan si Wade na umaamba ng isa pang suntok.

    “WADE! TAMA NA!” Sabay hawak ko sa braso ni Wade.

    Huminahon ang nakakuyom na kamao ni Wade. Hinawakan ko ito at pinulupot ko ang mga daliri ko sa kanyang mga daliri.

    Napansin ko rin ang mabilis niyang hininga. Hinubad niya ang unang dalawang butones sa kanyang damit bago nagpahila sakin palayo kay Liam.

    “And you don’t kiss my girl.” Aniya.
    “Wade… She’s not your girl!” Galit na sinabi ni Liam habang inaayos ang sarili at iniinda ang pasa sa mukha.

    Naramdaman ko ang pagkuyom ulit ng kamao ni Wade kahit nakapulupot iyon sa kamay ko.

    “Kami ang magkasama sa France… Kami lang. Ako yung iginuguhit niya. Ako yung sinasabihan niya ng I love you… At nagpapahalik siya sakin. Now, tell me, Wade, is she really your girl?” Ipinilig ni Liam ang ulo niya.

    Ramdam na ramdam ko ang pagkamuhi niya kaya nagagawa niya inisin si Wade para makaganti.

    “Ano, Liam? Yan ba ang gusto mo? Magyayabangan tayo kung anong mga nagawa niyong dalawa?” He clenched his jaw. “Gusto mo ba talagang marinig kung anong mga nagawa naming dalawa?”

    Kinagat ko ang labi ko at hinila si Wade na unti-unti ng humahakbang kay Liam. Nakita kong mas lalo lang nagalit si Liam sa sinabi ni Wade.

    “REINA, HINDI KAYO BAGAY!” Sigaw ni Liam at pinasadahan niya ng palad ang buhok niya, tanda na umaapaw na siya sa frustration. “He’s just… He’s just a rockstar. You’re an Elizalde, for God’s sake!”

    Namutla ako sa sinabi ni Liam. Iyan mismo ang rason kung bakit nagkasira-sira kami ni Wade noon. Masyado kong itinoon ang pansin ko sa estado ng aming buhay. Inisip kong tama si Rozen, maaring gingamit lang ako ni Wade. Tanga ako noon, oo, pero hindi ko kayang magpakatanga ng dalawang beses sa paulit-ulit na pagkakamali.

    “Hindi yan ang sukatan, Liam. Walang sukatan sa pag ibig. Kung mahal mo, mahal mo, wala ng tanong tanong-” Humakbang si Wade papunta kay Liam.

    Hinila ko ulit siya.

    “Liam, stop it.” Putol ko kay Wade. “Walang magdidikta sakin kung sino ang mamahalin ko. Hindi ikaw… Hindi ang pamilya ko… Hindi ang pagkatao ko… Ako ang magdedesisyon. Yung puso ko ang masusunod.” Nanginig ang boses ko.

    Umiling si Liam, “This is wrong, Reina. So wrong…” Naglahad siya ng kamay sa akin. “I’ll give you a chance, Reina. Pumili ka na ngayon bago pa mahuli ang lahat.”
    Napailing na rin ako sa alok niya.
    “Reina, pumili ka…” Humakbang si Liam palapit samin ni Wade.

    Hinila ko si Wade sa tagiliran ko. Nakita kong kumukuyom niya ang panga niya sa galit. Para siyang naghihintay na lang na kalagan ko ang kamay niya para malapa niya na si Liam sa sobrang galit niya.

    “Pili, Reina.” Balik ni Liam.
    “Walang tanong, Liam. It will always be Wade.” Malamig kong sinabi.

    Nakita kong namuo ang mga luha sa mga mata niya. Humakbang pa siya palapit sakin.

    “Reina, let’s go…” Inilapit niya ang nakalahad niyang kamay sakin.

    Nag iwas ako ng tingin. Hindi na napigilan ni Wade ang panggigigil, dumapo na ang kaliwang kamao niya sa labi ni Liam.

    “Pili ka, Liam, distansya o ambulansya…” Sigaw ni Wade sa napaatras na si Liam.

    Napamura si Liam sa suntok ni Wade.

    “You’ll pay for this, Wade!” Sigaw ni Liam bago lumabas sa dressing room.

    Buong araw akong tulala sa nangyari. Pabalikbalik kong inisip at nireview ang mga nangyari. Masyado kaming naging harsh ni Wade kay Liam. Kaibigan ko si Liam kaya nasasaktan din ako para sa kanya. Sinisisi ko ang sarili ko kasi hinayaan kong maging malapit kaming dalawa.

    “Tama ka, Wade, masyado akong naging mahina…” Nasabi ko rin sa kanya ang iniisip ko. “Dapat noon ko pa sinabi sa kanya. Hindi ko naman kasi alam na mangyayari ito.”

    Narinig ko sa kabilang linya ang mabigat na buntong-hininga ni Wade.

    “It’s okay, Reina. I can move the tour. I don’t want to leave you here with these prob-“
    “WADE!” Pagpuputol ko sa kanya.

    Napaupo ako sa kama ko.

    “You can’t move the tour. Please, ipagpatuloy mo na yan. It’s just Liam, we’re friends. Pagbalik mo dito, magiging maayos din kami.”

    Natahimik siya.

    “It’s okay, Wade.”
    “Ewan ko, Reina-“
    “Wade, gaya ng sabi ko, magpapakatatag ako. Hindi na ako mamamanipula ng pamilya ko. Okay na si Rozen at kaya ko ng magsalita para sa sarili ko. This is my battle. Ako yung dahilan kung bakit nagkaproblema tayo ng ganito kaya bigyan mo ako ng pagkakataong patunayan sayo na kaya kong lagpasan ito.”

    Mabigat ulit na buntong-hininga ang isinalubong niya sakin.

    “Alright, Reina. But I want you to call me all the time…”

    Napangiti ako sa sinabi niya. Mamimiss ko siya ng sobra kaya palagi talaga akong tatawag. Hindi ko naman kayang tumawag sa kanya ng ‘all the time’ kasi alam kong busy siya. Dalawa at kalahating linggo lang naman siyang mawawala, kaya ko naman siguro iyon.

    Hindi ko siya inihatid sa airport. Aniya’y pag makita niya raw ako doon, baka umatras siya. Hindi niya raw magagawang humakbang papasok sa eroplano pag nakikita akong nasa lupa pa lang at tinitingala siya. Mabuti. Kasi kahit nasa bahay lang ako ay sumisikip na ang dibdib ko. OA nga, pero talagang ganoon ang nararamdaman ko.

    Sinanay niya kasi ako masyadong parati siyang nariyan.

    “Reina, nafeature yung gawa mo sa Fashion TV. At may kilalang designer ang pumuri sayo.” Natatarantang sabi ni Kira sakin habang ipinapakita yung video sa cellphone niya.

    Panandaliang napawi ang lungkot ko sa pagkawala ni Wade dahil sa sinabi ni Kira.

    “Ms. Elizalde, gustong ifeature ng isang magazine yung designs mo.” Sabi ng isang secretary sa Fashion Week.
    “Talaga? O sige, a-ano,” Nataranta na rin ako habang hinahalungkat ko ang bag ko. “Pakibigay na lang yung calling card ko para diretso na.”
    “Wala ka bang secretary, Reina?” Tanong ni Kira.
    Umiling ako.
    “You should get one! Nag bo-boom na ang career mo, hindi pwedeng wala kang secretary.”

    Nawindang ako sa unang tatlong araw na nawala si Wade. Tuwing tumatawag siya, marami akong kinikwento at ginagawa.

    “Ahh… Mabuti ka pa, nakikita mo ang sarili mo. Ako, hindi kita nakikita.” Humalakhak siya.
    “WADE? Ano?” Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
    “Hmmmm…” He chuckled again.

    Napapaos ang boses niya, bunga siguro ng rehearsal at antok.

    “Sayang wala ako diyan para icelebrate yung mga tagumpay mo. Di bale, pagbalik ko.”
    “What celebrate?” Nanliit ang mga mata ko.

    Alam ko kung anong ibig niyang sabihin kahit hindi niya iyon tinutukoy.

    “Celebrate… yung ginagawa natin tuwing masaya tayo… at minsan tuwing nag aaway…” Lumambing ang boses niya nang sinabi iyon.

    Uminit ang pisngi ko. Darn shiz!

    “I miss you, Wade.”
    “Ahh! I miss you, too, Reina.” Narinig ko ang paghila niya sa kanyang kumot. “Too much. Baka mapanaginipan kita nito.”
    Tumawa ako, “Okay lang naman, pero pwedeng hindi masyadong mahalay na panaginip.”
    “Bakit naman hindi?” Angal niya.
    “Syempre, bad kaya yun.” Sabi ko.
    “Willing akong maging bad, Reina. Basta para sayo…”

    Napangisi ako. Bolero talaga itong si Wade. Sarap kurutin ang singit. Haaay! Nakakamiss!

    Halos dalawang linggo na tawagan lang ang ginagawa naming dalawa. Tatlong beses lang kaming nagkita gamit ang isang App sa cellphone. Masyado kasing busy. Iba pa yung oras nila doon dito sa Pinas. Tapos na yung concert nila sa New York, ang alam ko nasa LA naman sila ngayon. Siya pa yung gumigising sa kalagitnaan ng tulog para lang tumawag sa freetime ko.

    Masyado akong naging busy sa mga magazine na nag fi-feature sakin. At mamayang hapon, ififeature ako sa isang talk show. Nawindang ako nang nalaman kong may offer na ganito para sakin, sa sobrang saya ko halos ipauwi ko na si Wade dito para makapagcelebrate kami. Ang mokong ay willing ding umuwi. Pero syempre, di ako pumayag. Baka magbayad lang siya ng mahal sa manager niya pag di niya sinipot yung concert.

    “Sinasabi ni Shan Melendez na remarkable daw yung mga gown mo. Your designs are unique and contemporary…” Tumangu-tango ang isang sikat na local host.

    Nag guest kasi ako sa isang magazine TV na may sikat na host. Naaasiwa tuloy akong sagutin ang mga tanong niya dahil masyado siyang feeling close sakin. Syempre, ganun talaga siguro pag showbiz.

    “Uhm, thank you po kay Ms Shan Melendez. Siguro yung tinutukoy niya ay yung mga designs na ipinakita ko sa kanya. Contemporary akong magdesign pero syempre nilalagyan ko ng classic touch, since iyon ang natutunan ko sa Fashion Design school. The design will last if it’s simple, elegant and classic.”

    Tuliro ako sa shooting. Ang daming cuts at hindi ako marunong humarap sa camera ng diretso. Tuwing nagsasalita ako, nakapirmi ang tingin ko sa host na patango-tango lang.

    “Sino ang inspiration mo sa designs na ginagawa mo?” Tanong ng host.
    “Marami. Madalas naiimpluwensyahan talaga ako sa mga mentors ko noon sa France. At pati na rin sa mga idol ko, Balenciaga, McQueen at iba pa.” Ngumiti ako sa camera.
    “Maswerte ka at nagustuhan ng mga artista ang mga gawa mo. Gusto ko rin tuloy magpadesign! Aha-ha-ha!” Weird na tumawa ang host.

    Nagngising-aso na lang ako. Awkward.

    “Kilala ang mga magulang mo as bigating mga businessman, tingin mo ba naimpluwensyahan nila ang pag sikat mo?” Tumaas ang kilay ng host.
    Natigilan ako sa tanong niya. Bakit wala ito sa nireview kong mga tanong kanina? “Uhmmm… Hindi naman. Hindi naman nakikialam yung mga magulang ko sa career ko. They’re busy with our business.”
    Tumango siya, “Well, siguro ay nakatulong din talaga ang pagpapadesign ni Ms. Shan Melendez sayo tsaka ng boyfriend niyang vocalist ng Going South na si Wade Rivas, right?”

    WHUT? Ngumisi na lang ako. Ayokong magbigay ng masamang impresyon sa kanila. Ayoko sanang magsalita pero tumaas ang kilay niya at nakikita ko na ang pagkakainis ng staff sa likod ng camera.

    “Sagot?” May narinig akong sumigaw sa mga staff.
    “Uhmm… Pwede rin.” Madali kong sagot.
    Tumango ang host, “Lastly…” Dumungaw siya sa kanyang iPad. “Nakapanayam ko si Wade Rivas-” Natigil siya sa pagsasakita kasi nalunod ang boses niya sa ingay at hiyaw ng mga audience.

    Tumawa ang host at umiling.

    “He described your design as…” Pinindot niya ang kanyang iPad at nakita kong nanlalaki ang mga mata niya habang binabasa ito sa nakakagulat na tono, “nakakaobsess. Ang galing galing niyang gumawa ng designs. Unique tsaka simple. Kung pwede ko lang pakasalan yung designs niya, pinakasalan ko na.” Tumawa ang host. “Nakakaloka naman itong message ni Wade Rivas.”

    Uminit ang pisngi ko sa sinabi ng host. WADE FREAKING RIVAS! WHY THE HELL WOULD YOU SAY THAT?

  • Kabanata 66Open or Close

    Kabanata 66
    Ang Sapatos

    “Congrats, Reina!” Nabigla ako pagkarating ko sa bahay namin.

    Kumpleto ang pamilya ko. Nagpasabog ng confetti ang dalawa naming katulong pagkapasok ko. Bihis na bihis ang mga magulang ko.

    Nandoon din ang mga pinsan ko, mga tito at tita, at maging ang pamilya ni Liam ay nandoon na.

    “Thank you!” Maligaya kong niyakap ang mga magulang ko.
    “Congrats, hija! Alam aming may talent ka talaga noon pa, buti na lang at pinayagan ka ni Francis na mag aral sa ibang bansa.” Sabi ng tita ko.

    Ngumiti si daddy kay tita.

    “Sabi sayo, eh. Diyan siya e-excel!” Dagdag ng isa ko pang tita.

    Tinignan ko ang mga kapamilya kong nakangiti sakin habang may hawak na mga glass at umiinom ng wine.

    “Congrats, Reina!” Sigaw ng isang pinsan ko sabay yakap sakin. “Sikat ka na!”
    “Uy, di ah!” Sabi ko.

    Ngumisi pa siya lalo at may tinignan sa likod ko. Bumaling ako sa tinitignan niya sa likod ko at agad kong naaninag ang mga bulaklak na dala dala ni Liam.

    Halata sa mukha ni Liam ang pangamba at pagiging uneasy sa pagbigay sakin nito.

    “Congratulations, Reina.” Umamba siyang hahalikan ako sa pisngi ngunit nag iwas ako at nagkunwaring hindi nahalata na ganun ang gusto niya.

    Bumaling agad ako sa pinsan kong nakangisi at naghihintay ng halikan saming dalawa.

    “Thank you, mom, nasurpresa ako!” Untag ko sa mommy ko nang nakitang lumalapit samin.
    “You’re welcome, baby. Oh, dinner muna tayo. Diretso na sa garden!” Aniya saming lahat.

    Puno ng kwentuhan at kamustahan galing sa mga tito at tita ko papuntang garden. Ni hindi ko pa nabibitiwan ang dala kong bag at flowers na galing kay Liam.

    “Ako na magdadala ng bag mo, Reina.” Aniya nang napansin ang paghihirap ko.

    Napatingin ako sa kanya. Tumango siya at naglahad ng kamay. Hindi ko alam kung nagpapakatotoo ba siya o may kung anong susunod na mangyari. Basta ang alam ko, ngayon pa lang ay kinakabahan na ako.

    “No, thanks, Liam. Manang!” Tawag ko sa katulong.

    Agad kong inabot ang bag ko sa unang lumapit doon.

    “Pakilagay po itong bag ko sa kwarto.”

    Inabot din niya ito agad. Dahil tumigil ako sa paglalakad, nahuli ako sa garden. At dahil sumusunod lang si Liam sakin, sabay kaming dumating sa garden na hawak-hawak ko yung flowers niya.

    “UYYYYY!” Tili ng mga pinsan kong babae.

    Umiling ako sa kanila at pinagmasdan ang reaksyon ng mommy ni Liam na nasa tabi ng mommy ko.

    There’s something about tonight.

    Nang nakalapit na ako sa long table, binuhat ni Liam ang upuan ko at hinintay ang pag upo ko.

    “Ang gentleman talaga ni Liam.” Sabi ng isa kong tita. “Bagay na bagay kayo hija.” Dagdag niya.

    Ngumiti lang ako. Tumabi si Liam sakin. Pinagitnaan ako ni Noah at ni Liam.

    “Rozen, where’s Kuya Dash?” Tanong ko sa kapatid kong panay ang text habang ngumingisi sa harap ko.
    “Out somewhere with his wife.” Simple niyang sagot.
    “Oh!” Tumango ako.
    “Don’t worry, Reina, susunod yun.” Sabi ni Noah sakin.
    Tumango ako at pinagmasdan ang mga relative kong masayang nagkakamustahan.

    Noon, tuwing pasko o birthdays lang nagtitipon-tipon ang mga ito. Sa susunod na buwan pa ang birthday ko kaya nakakawindang ang pagtitipong bigla nila ngayon.

    “Ilang taon ka na nga pala, Reina?” Tanong ng tito ko.
    “I’m turning 23 next month, tito.”
    Tumango siya at tumingala, “Naku! Young, successful, ano pa bang hihilingin mo Francis?” Tanong niya kay Dad.
    Tumawa na lang si Daddy at tumingin sakin sa likod ng kanyang eyeglasses.
    “Rozen and Noah? Wala kang dapat ipag alala kasi mga lalaki ito. Itong si Reina, babae, dapat ito yung isettle mong mabuti.” Tinuro-turo pa ako ng tito ko.

    Napalunok ako at napainom ng tubig. Nahuli kong nakatingin si Rozen sakin, seryoso ang kanyang mga mata, pero agad din siyang bumaling sa cellphone niya.

    Dahil iba yung pakiramdam ko, mas lalo akong nakinig sa mga usap-usapan ng relatives ko. Lalo na yung mga usap-usapan nila tungkol sakin. Habang kumakain kami, panay din ang interview sakin ng ibang pinsan ko.

    “Grabe, ate Reina, idol ko si Shan at Wade, hindi ako makapaniwalang nakakatrabaho mo sila.” Bumungisngis ang pinsan ko.
    “Oo nga, ate, I’ve seen Wade in person noon. Grabe, ang lakas ng dating niya! Plus his tattoos!? Alam mo ba kung anong ibig sabihin ng tattoo niya? Hindi ako makahanap ng article tungkol doon. Nag google na rin ako about his tattoo, pero walang lumalabas.”
    “I bet it’s Shan’s name in latin or some old english text.” Kumindat ang isa ko pang pinsan.

    Tinignan nila ako na para bang nasa akin ang kasagutan para sa mga katanungan nila.

    “I-I don’t know…” Nagkibit balikat ako.

    Napansin ko ulit yung mga seryosong titig ni Rozen na agad ding bumaling sa kanyang cellphone.

    Nagpatuloy ako sa pakikinig sa mga pinag uusapan, lalo na syempre sa mga magulang ko at mga magulang ni Liam.

    Hindi nga ako makagalaw ng malaya dito kasi naiilang parin ako kay Liam. Ultimo pag inom ng tubig ay nahihirapan ako kasi pansin kong pinapanood niya ako.

    *TING-TING-TING*

    Pinatunog ni mommy iyong wine glass sa tabi niya. Parang yung tinatawag ang atensyon ng mga tao tuwing kasal.

    Bumaling ang lahat sa kanya.

    She cleared her throat before speaking…

    “Good evening relatives and friends…” Sabi niya nang nakatingin sakin. “We are all here to celebrate my youngest daughter’s achievement. Proud na proud kami ni Francis sa mga narating ng mga anak namin. Dashiel’s doing good with our business. At ayun nga, naghihintay na lang kami ng apo galing sa kanya. Rozen’s handling the rubber plantation. Malapit na rin yang maging separate sa kay Dash. Itong si Noah naman ay nag iinvest sa mga bar at restaurants, and he’s also recording now under Moon Records with Liam Madrigal. Of course, we all know him. And now, Reina’s shining sa fashion industry. As a mother, wala na talaga akong maihihiling pa.”

    Namuo ang luha sa mga mata ni mommy. Yumuko si Dad at para bang may malalim siyang iniisip.

    “Meron…” Tumawa siya. “Siguro grand child!”

    Humagalpak sa tawa ang mga bisita. Napangiti din ako. Nahh! Si Kuya Dashiel muna. Syempre, hindi pa kami kasal ni Wade. Kahit na loko iyon at simula pa lang ay balak niya na yatang anakan ako, pinipigilan ko parin naman at sinasaway kong gumamit kami ng… alam mo na… proteksyon. Pero minsan, makulit talaga, ayaw, pero madalas, masyado akong nalalasing sa paglalambing niya kaya’t hindi ko na iyon namamalayan.

    I miss Wade… Ugh!

    Lumamig ang ihip ng hangin. Ako lang yata yung nakapansin noon kasi panay parin ang pakikinig nila kay mommy.

    “Ngayon, ang mga Madrigal, as we all know, ay matalik na nating kaibigan simula pa noon.”

    Sinulyapan ni mommy sina tita at tito sa tabi nila.

    “They are really close to our hearts. Itinuturing ko na rin silang pamilya. Liam, their son, was with my Reina nung nag aaral pa si Reina sa France. They’ve been really good friends… and?” Tumaas ang kilay ni mommy.

    Pinagtitinginan ako ng aking mga relatives. Umiling ako, pahiwatig na hanggang doon na lang iyon. Mas lalo akong kinabahan sa patutunguhan ng usapan.

    She cleared her throat again, “Ngayon, Liam wants to say something for Reina.”

    Alam ko na… Alam na alam ko na ang mangyayari. At hindi ko alam kung tatakbo ba ako o haharapin ko ito kahit na pamilya ko ang makakalaban ko.

    “Reina…” Ngumisi si Liam sakin, pero hindi ko na magawnag ngumiti.

    Ngumingisi din ang mga relatives namin habang pinapakinggan at pinapanood si Liam.

    “Marami na tayong napagdaanan. We started out as friends… Syempre, doon naman talaga nagsisimula ang lahat.” Napawi ang ngiti ni Liam.

    Nanuyo ang lalamunan ko. Alam na alam ko na talaga ang mga susunod. Naghihintay na lang ako ng tyempo para sabihin ang mga nasa utak ko.

    “Nung nasa Paris pa lang tayo, madalas ito yung laman ng sketchpad mo.” Humalakhak siya at namigayy ng limang papel galing sa sketchpad ko.

    Iyon ang mga sketch ko noon kay Wade. Dimple lang ang detalye sa mukha. Hindi ko na nilagyan ng mata, ilong at bibig. Namutla ako nang nakitang pinag pipiyestahan iyon ng mga relatives ko.

    Tumatango sila sakin at ngumingisi.

    “YIIIIIIII!” Sigaw ng mga babae.

    Hindi ko na talaga magawang ngumisi.

    “And we’ve been through many things. Nag away na tayo, nagkabati, naging sandalan ang isa’t-isa. I’ve known you too well sa loob ng ilang taon nating pagkakakilala. Now…”

    Nasa gilid ko siya at kahit hindi ko siya diretsong tinitignan ay nakita kong lumuhod siya.

    Nakakabinging tilian at sigawan ang natanggap namin galing sa mga relatives ko.

    “I’m asking for your hand, Reina. I know it’s too fast. Pero mahigit sampung taon na tayong magkakakilala. At sa tatlong taon natin sa France, narealize ko kung gaano kita kamahal. i love you, Reina Carmela Elizalde… There’s no other perfect man for you but me… Tanggap kita, kilala kita, at sabay tayong lumaki. Please, marry me.”

    Mas lalo silang nagtilian. Sa gitna ng tilian nila ay napatayo ako. Nangatog ang tuhod ko nang hinarap ko ang tumitingalang pamilya ko. Hinihintay nila ang sagot ko kaya imbes na tumili sila ay nanahimik sila.

    Nakaluhod parin si Liam sa gilid ko kaya’t hinila ko ang kamay niya ng buong lakas at pinatayo siya.

    “Liam, stand up, please…” Buo ang boses ko pero naghuhuramentado na ang sistema ko.

    Mas lalo lang akong kinabahan dahil sa ipinakitang pananahimik ng pamilya ko.

    “Alam mo kung anong sagot ko para dito, Liam.”

    Tinitigan ako ni Liam. Hindi siya makapaniwalang kaya kong sabihin iyon sa harap ng pamilya namin.

    “And it’s a no…”
    “REINA! GODNESS!” Sigaw ni mommy at agad akong tinabihan. “Liam is a good, good boy! He’s good for you!”

    Nilapitan si Liam ng mommy niya at tinapik ang likod nito.

    “Pinlano na natin ito, noon pa, Francis, ther’s no turning back.” Sabi ng mommy ni Liam sa daddy ko.
    “I know…”

    Bumaling si daddy sakin. Namuo ang luha ko nang nakita kong hindi malambing ang ekspresyon ni dad.

    “Reina, you’ve been with Liam for a long time. Wala kang ibang kaibigang lalaki bukod sa kanya. Do you have someone else?” Tanong ni dad.
    “Dad, kung may mahal man ako o wala, wala kayong karapatan na iengage ako sa isang tao dahil lang pinagkasundo niyo kami. I have my own choice.”
    “Pero Reina, kailan? You’re almost 23. You don’t have a lot of friends-” Sabi ni mommy na pinutol ko naman agad.
    “I’m just 23. I marry when I want and who I want-“
    “You don’t just marry anyone, Reina.” Umiling si mommy.

    Iniisa-isa ko yung mga mukha ng relatives ko. Kitang kita ko ang disappointment sa mga mukha nila sakin. Kitang kita ko ang pananahimik at pagpapakumbaba ni Liam sa harapan nila… Kitang kita ko ang pag iiling ni mommy at daddy.

    Noon pa man, alam ko na talagang may plano silng ganito para saming dalawa ni Liam. High school pa lang ako, nakita ko na itong paparating. Pero hindi ako makapaniwalang nangyayari ito ngayon.

    I know and I get it. Mayaman kami. Mayaman ako. We need our wealth just around the family bloodline. Kung hindi man ay dapat mayaman din ang mapapangasawa ko. Not just mayaman, dapat talagang dugong mayaman. wo. I can’t just marry a roalan ang mga magulang ko. I can’t just marry a rockstar – iyon siguro ang sasabihin nila kung nalaman nilang si Wade Rivas ang gusto ko.

    They will judge him… again.

    “He’s good for you, Reina… He’s the right man for you…” Sabi ni mommy out of frustration.

    “Ma, it’s either I marry him and I’ll be forever miserable or I’ll marry who I want so I’ll be happy. Iyon lang po.” Tinignan ko isa-isa ang mga tita at tito kong mukhang disappointed. “Liam’s a good man. He’s a good good person. And I apologize kung ganito ang magiging decision ko. Kasi hindi naman ito yung decision na alin yung mas magandang sapatos. Na pwedeng yung gusto niyo ang masusunod kasi masisira din naman ito sa huli at makakabili pa ako ng bago. This is a life changing decision… and I choose to marry the man I want to marry. I’m not going to marry just because you want me to marry him. Ako yung magdedesisyon kasi ako yung makakasama nung tao habang buhay.”

    Natahimik silang lahat. Si Rozen lang yata yung natutuwa sa mga sinasabi ko.

    “I-I’m not going to be manipulated…” Again. “I’ll run my own life. Kung anong desisyon ko, deal with it. If you don’t deal with it, then that’s your problem. The question isn’t which shoe looks better on me. Ang tanong dito ay kung kasya ba iyon. So, sorry mom, dad, tito, tita, Liam, but the shoe doesn’t fit…”

    Iyon na siguro ang pinakamahaba at pinaka dirediretso kong sinabi sa harap ng pamilya ko.

    Tinalikuran ko sila at iniwang nakalutang lang ang mga salita ko sa ere. Hindi ako magpapakasal kung hindi rin lang si Wade.

  • Kabanata 67Open or Close

    Kabanata 67
    Mahal Ko Rin Siya

    Umiiyak ako sa kwarto ng tumawag si Wade sakin. Matagal kong sinagot yung tawag. Inayos ko pa kasi ang boses ko. Wala akong balak na maglihim sa kanya, ang ikinakatakot ko lang ngayon ay ang pag aalala niya. Nakaya ko namang mag isa, kaya’t hindi niya na kailangang mag alala. Baka umuwi lang iyon dito kahit di pa natatapos ang concert niya sa L.A.

    “Hello?” Mahina ang boses ko.

    Hindi siya agad sumagot. Para bang inisip niya munang mabuti kung may problema ba ako dahil sa boses ko.

    “Wade?” Tawag ko, ngayon gamit na ang mas maaliwalas na boses.
    “Ayos ka lang ba, Reina? May problema ka ba?”

    Hindi ako makapaniwalang sa tono lang ng boses niya ibinase na may problema ako.

    “Wala, Wade.” Bumungisngis ako ng bahagya. “Nandito yung family ko para magcelebrate dun sa tagumpay ko sa Fashion Week. Alam mo na, maraming nakapansin sa gawa ko.”
    “I know… Congratulations, Reina. I’m so proud of you…” He sighed.
    “Thank you…” Nabasag ang boses ko sa huling salitang binanggit.

    Halos pukpukin ko na ang ulo ko sa inis sa sarili. Tumigil ka nga, Reina!

    “Reina, uuwi ako pagkatapos ng L.A concert. You have to tell me what’s your problem…” Aniya.
    Umiling ako kahit alam kong di niya iyon nakikita, “Wala, Wade. Tapusin mo muna yung concert mo. Can’t wait to see you… Miss na miss lang kita.”

    Hindi siya naniniwalang wala akong dinaramdam. Ayaw ko munang sabihin sa kanya ang nangyari. Knowing Wade, baka dumiretso lang iyon dito nang di tinatapos ang concert para lang ipagtanggol ako.

    “You don’t have to worry, Wade, I’m doing fine.” Sabi ko sa kanya sa huli. “And Wade…” Sabi ko.
    “Reina?”
    “Makikipagkita siguro ako kay Shan this Friday.” Sabi ko.
    “Bakit? May appointment kayo?”
    “Nope… I’ll tell her about us.”

    Hindi ko alam kung padalos-dalos ba yung desisyon ko o yun talaga ang matagal ko ng pinag iisipan. SIya. Siya yung gusto kong makausap. Dahil karamihan sa fans ni Wade ay fans din niya, kaya nga may WadeSha dahil iyon ang gusto nila para sa kanilang dalawang iniidolo. Ramdam ko sa mga sagot ni Wade ang pag aalala at pagtitiwala. Para bang pinipilit niya ang sarili niyang hayaan ako sa desisyon ko, pero hindi niya parin magawang ipaubaya sakin ang lahat.

    Mas pinili kong sa high end na restaurant kaming magkita. At least, publiko pero wala masyadong madla na mag aabang sa kanya. Sa restaurant ng Le Marcelle kami nagkita. Naka itim na dress siya, naka ponytail ang buhok at may malaking sun glasses.

    Hindi niya alam ang pag uusapan namin. Mabuti nga at pumayag siya kahit busy siya. Aniya’y wala dawng problema basta kaibigan niya. Masaya ako’t tinuturing niya akong kaibigan. Pero pagkatapos nito, hindi ko alam kung kaya niya pa ako tawaging ganun.

    Tumayo siya nang dumating ako. Grey ang kulay ng dress ko at nakalugay lang ang buhok, tulad ng lagi kong ayos.

    “Nabigla talaga ako at nakipagkita ka sakin, Reina! Hindi ko alam kung nananaginip ba ako o ano…” Tumawa siya at nagbeso sakin.

    Nabigla ako sa pagiging affectionate niya masyado sakin.

    Sabay kaming umupo. Umorder ako ng maiinom. Ganun rin ang inorder niya.

    “Hectic talaga ang schedule ko ngayon. Buti na lang at nung nag set ka ng date ay wala pa akong appointment.” Tumawa siya.
    Ngumiti din ako, “Thank you sa pakikipagkita sakin.”
    “Uy, masyado kang formal! Ganyan ba talaga pag anak mayaman?” Tumawa ulit siya.

    Hindi naman sa ganun pero talagang di ko magawang bumungisngis kasabay niya gayung may maselan akong sasabihin.

    Marami kaming pinag usapan, tungkol sa showbiz, mostly. Kasi iyon naman yung lagi niyang binabanggit, ‘sumisikat’ na raw ako at kailangan ko ng background sa showbiz.

    “Nagsimula ako sa child star, diba? Kaya hindi ko na masyado maalala kung paano ako nag aadjust sa mga situation. Bigla na lang akong namulat na alam ko na kung paano. Ikaw? Alam kong pinanganak ka ring sikat, pero hindi tulad sa aking sa showbiz.”
    “Hindi naman talaga ako sanay na sanay sa pagiging sikat. Ang alam ko lang, hindi na ako nabibigla kung may nakakakilala sakin.”
    Ngumisi siya, “Aww, nakakainggit.” Aniya.

    Paikot-ikot ang topic namin hanggang sa napadpad kami kay Wade.

    “Si Wade kasi nagmula sa hirap. Alam mo yun? Hinahangaan ko talaga yung mga taong ganun. Down to earth ang pamilya niya. Down to earth din siya. Matalino. Alam mo bang gumraduate siyang Magna Cum Laude- Ay oo nga pala, diba schoolmates kayo?” Tanong niya.
    Tumango ako, “First year college nang nag classmate kaming dalawa sa Philosophy. Nakilala ko siya dahil sumali siya sa Zeus, yung banda nina Liam ngayon.”
    “Oo nga… Alam ko yun eh. Tapos bigla siyang kinuha sa Going South. Si Adam kasi kilala niya na noon pa. Pareho yata silang taga Alegria.”

    Alegria. Naalala ko lahat ng nangyari sa probinsyang iyon. Yung pananakit ko kay Wade, yung pagtatakwil ko sa sarili kong nararamdaman para sa kanya…

    “Bakit nga ba talaga siya umalis sa Zeus. Ang alam ko, may offer na rin sila sa Moon Records noon…” Humilig si Shan sa mesa para makinig sa sasabihin ko.
    “Nung umalis siya, nawala yung offer kasi hindi sila makahanap ng pamalit kay Wade. Nadisband ang Zeus.” Dagdag ko.
    “Ang mean talaga ni Wade…” Suminghap siya. “Sayang yung Zeus noon eh.”
    “Umalis siya dahil galit siya sakin.”

    Kinalas ni Shan ang pagkakapangalumbaba niya at uminom ng tubig.

    “Galit siya sayo? Bakit?” Tanong niya pagkatapos niyang uminom.

    Hindi ako makapaniwalang normal ko itong sasabihin sa kanya. Hindi ko makita ang mga mata niya dahil naka sun glasses siya pero hindi ko iyon ipapahubad sa kanya. Alam kong kailangan niya yun, kahit na hindi siya dinudumog dito, nasa public place parin kami.

    “Naging boyfriend ko siya noon.”

    Hindi na sumagot si Shan. Natigilan na lang siya. Para bang dapat may kasunod pa yung sinasabi ko kaya pinagpatuloy ko iyon.

    “Hinusgahan ko siya. Buong akala ko, totoong ginamit niya lang ako para makapasok sa banda. Iyon ang plano nila ni Zoey. Pero hindi niya iyon tinuloy dahil minahal niya na ako.”

    Tumindig ang balahibo ko sa sinabi ko. Nakita kong napalunok si Shan at tumango.

    “Really?” Halos matawa siya sa sinabi ko pero bakas sa boses niya ang panginginig.

    Hindi ako nagsalita. Hinintay ko munang maproseso niya iyong impormasyon.

    “Pero bakit? I mean…” Tumawa siya ng bahagya. “Saan… Saang bansa ka nga galing, Reina? Saan ka nag aral.”
    “France.” Sagot ko.
    Patuloy siyang umiiling habang umiinom ng tubig, “A-Are you… resigning? What are your plans? Bakit mo s-sinasabi sakin ‘to? Hindi na ba kayo nagkakasundo ni-ni Wade?”

    Ramdam ko ang pagkakataranta niya sa mga tanong niya.

    “God!” Hinawakan niya ang kanyang noo.
    “Hindi, Shan, nagpaplano akong lumabas. Wade’s been vocal about your fake relationship. Lagi niyang nidedeny ang relasyon niyo sa publiko.”

    Well, except nung kakarating ko lang. May pa ‘no comment’ pa siyang nalalaman. Pinagseselos yata ako noon.

    “N-Nagkabalikan kayo?”

    Nakita ko ang isang luhang tumakas sa ilalim ng sunglass niya. Nanginginig ang nakaawang niyang labi habang hinihintay ang sagot ko.

    Dahan-dahan akong tumango. Bumuhos yung luha niya. Panay ang punas niya gamit ang mga tissue sa harapan namin.

    “I-I’m sorry, Reina… It’s just…”

    Nataranta ako. Kinuha ko yung mga tissue at ibinigay sa kanya. Tinanggap niya rin naman ang mga ito.

    “It’s just… I love Wade.” Pabulong niyang sinabi. “I’m in love with him.”

    Nanlaki ang mga mata ko. I saw this coming, pero nakakabigla parin.

    “He’s harsh… He’s eccentric… pero I adore his talents and charisma so much!” Mas lalo siyang humagulhol.

    Iyong tipong hindi ko na maagapan ang pagtulo ng luha niya. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari ay sana sa condo niya na lang kami nagkita.

    Tumango na lang ako.

    “I know… Mahal ko rin siya kaya naiintindihan kita.” Kinurot ang puso ko sa sinabi ko.

    Ang weird… Ang weird pag may kilala kang mahal din ang taong mahal mo.

    “Alam mo yung tumitindig… yung balahibo ko tuwing lumalapit siya? A-Alam mo yung u-umaasa ako na isang araw, kahit na harsh siya, pag m-magustuhan niya ako, worth it. Kasi alam mo yun, may hinihintay siyang bumalik n-na taga ibang bansa. Ibig sabihin, k-kaya niyang maghintay… P-Puro yung nararamdaman niyang pagmamahal.”
    “May hinihintay siyang taga ibang bansa?”
    “Oo. Sinabi niya iyon noon, sa isang interview tungkol sa tattoo niya.”

    Kinagat ko ang labi ko.

    “It was you, right? Ikaw yung hinihintay niya.”

    Hindi ako nagsalita. Hindi ko alam kung may iba pa ba…

    “And-And his tattoo… Hindi niya sinasabi kung anong ibig sabihin ng tattoo niya…” Aniya.
    “It’s Reina, Shan. Alibata yung ginamit niya para buuin ang pangalan ko.”

    Mas lalo siyang humagulhol.

    “Reina… Carmela… his dog. Sinasabi niyang mahal na mahal niya si Carmela…”
    Napangiwi ako nang naalala ko yung aso ni Wade. Believe me, sweet pakinggan pero damn Rivas!

    Namuo din ang luha ko dahil sa realization ko. Noon pa man, kahit wala pa ako dito, nagpaparinig na siya sakin.

    “I love him, Reina. Kaya kong maghintay kasi alam kong worth it na kung umibig siya. I-I’ve heard he’s a playboy, noon. Pero tahimik lang siya sa parteng yan… Para bang ikinakahiya niyang napagdaanan niya iyon. Pero kita naman siguro sa karisma niya, alam niya kung paano magdala ng mga tao, simple lang sakanya ang makihalubilo. And the stage is natural for him, hindi siya kinakabahan tuwing nag peperform.. at nakakaya niyang paibigin ka sa i-isang kanta lang.”

    Nakikita ko ang sarili ko sa mga sinasabi niya. Ganung-ganun din ang nararamdaman ko. Tumango na lang ako at napapikit. Nag concentrate ako sa paghinga ng tama para hindi ako tuluyang humagulhol.

    “A-At sana… sana di ka na lang bumalik.” Tumigil siya at humikbi.

    Doon lang din tumulo ang luha ko. I know what she lost… Kung hindi ako bumalik, malaki ang pag asa nila ni Wade. Baka nga mapaibig niya si Wade. She’s not that bad. She speaks her mind. Noon pa man, nakita ko na ang pagiging totoo niya kay Wade. At iyon ang naging dahilan kung bakit ako napansin ni Wade noon. Kaya hindi ako magtataka kung isang araw ay mahulog ng tuluyan si Wade sa kanya, lalo na kung di ako bumalik.

    Tumango ako.

    “Reina, can you leave me, please. Don’t worry, hindi ako magsasalita sa media. Hihintayin ko yung pag amin niyo ni Wade. H-Hindi ko nga lang maipapangako na sa inyo yung fans. I can’t control them… I-I will try to…” Humikbi siya.

    Tumayo ako at inayos ang sarili ko.

    “I’m sorry, Shan. I’m sorry…” Sabi ko.

    Nag alinlangan pa akong umalis pero hindi niya na ako pinansin. Humikbi na lang siya at inaayos ang sarili.

  • Kabanata 68Open or Close

    Kabanata 68
    Mana Sayo, Baguhan

    Naging mabilis ang panahon. So far, tahimik naman si Shan. Wala pang mga issue tungkol sa kaniya o sa kay Wade.

    “Reina, I’m home…” Pambungad niya sakin pagkagising ko isang araw.

    Napaupo ako sa kama ko. Hindi ko pa nga natatanggal ang muta sa mata ko ay nakarating na siya?

    “A-Akala ko ba sa isang araw ka pa-“
    “Nauna na ako. I just really want to check on you. And I miss you so much!” Malambing niyang sinabi.
    “I miss you, too. Pero hindi naman kailangang dumiretso ka na dito. I’m okay-“
    “No. Gusto kong nandito ako. At wala ka ng magagawa kasi bumababa na ako ng eroplano. I”m with Mr. Manzano’s guards. Hindi alam ng media na nandito na ako kaya walang mag aabang sa condo.”

    Halos mapatalon ako sa saya. I can’t believe it! Talagang nakauwi na si Wade! Pareho na kami ng lupang tinatapakan. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko. Gusto ko ng maligo agad at magbihis. Sana naghintay ako sa condo nila.

    “Okay. Pupunta ako.” Sabi ko.

    Nagmadali akong maligo, kumain at magbihis. Nanginginig yung kamay ko sa pagmamadali.

    “Where are you going, Reina?” Tanong ni Noah.

    Napatingin ako sa opisina nina mommy at daddy. Naging malamig ang turing nila sakin mula nung natapos ang party. Maging ang mga relatives ko, ganun din ang pakiramdam sa akin. Hindi na rin gaanong nagpupunta si Liam dito. Tinitext ko siya, gusto kong mapanatili yung pagkakaibigan namin pero hindi niya ako sinasagot.

    “Work.” Simpleng sagot ko kay Noah.

    Nanliit ang mga mata niya.

    “Oh! Come on, Noah? Hindi ako grounded… I’m old enough for that! Late na ako kaya wag mo na akong intrigahin.” Sabay lagay ko ng earrings sa magkabilang tainga ko.

    Nilubayan niya rin naman ako pero nakasalubong ko naman si Daddy.

    “Reina… saan ka pupunta?”

    Napalunok ako at nag iwas ng tingin.

    “Trabaho po.” Sagot ko.

    Hindi na sila gaanong umaalis ng bahay simula nung party. Para bang gusto nilang mapalapit sakin nang malaman nila kung ano ang mga gusto ko at bakit ayaw ko kay Liam. Masaya ako kasi nandyan sila, kaya lang, unti-unti ring napalitan ang saya ko ng pagkainis. Bakit ngayon pa? Hindi rin maiaalis sa kanila ang tampo. Nagtatampo parin sila dahil hindi ko sila pinagbigyan sa hiling nilang pakasalan ko si Liam.

    Madali kong pinaandar ang sasakyan ko at pinaharurot papunta sa condo ni Wade. Kalahating oras ang naging byahe dahil masyado ng traffic. Iyon na yata ang pinakamahabang kalahating oras para sakin.

    Maraming tao sa condo kaya kahit na kampante akong walang media, nag ingat parin ako. Pinindot ko ang floor ng condo ni Wade at halos tumakbo na ako papunta sa pintuan niya nang tumunog ang elevator para palabasin ako.

    Hindi na ako kumatok, ginamit ko na lang ang susi ko. Mabilis kong binuksan at sinarado ang pintuan ko.

    Nabigla ako nang bumungad sakin ang topless kong boyfriend. Inabangan niya talaga ang pagdating ko. Napatalon ako sa tuwa. Kinukurot ang puso ko sa tuwa kaya tumalon ako at niyakap ang leeg niya.

    Sinalo niya ako at pinulupot niya ang buong katawan ko sa makisig niyang mga bisig.

    “I missed you so much, Wade.” Pumiyok ang boses ko.

    Hindi na siya nagsalita, nang nagtama ang mga labi namin, agad kong naintindihan kung gaano niya ako ka-miss. Sabik na sabik siya. Ganun din ang naramdaman ko sa sarili ko.

    Kumahol pa si Carmela.

    Hindi namin pinansin. Patuloy kami sa paghahalikan. Nahulog yung handbag ko at naramdaman kong naglalakad na siya patungo sa kwarto.

    Baka madapa kami dahil masyado na kaming nahuhumaling sa halikan naming dalawa.

    Unti-unti niya akong binaba nang nahirapan na akong yumuko para abutin yung labi niya. Hinawakan niya yung baywang ko, nag ti-tiptoe naman ako ngayon para lang maabot yung labi niya.

    “I miss you so much, Reina.” Huminga siya at pumikit habang isinasandal ang noo niya sa noo ko.

    Pumikit din ako at inilapat ko ang labi ko sa labi niya. Mariin at mainit.

    “Ugh! Reina~” Tumindig ang balahibo ko sa ungol niya.

    “Ipinaglaban kita sa pamilya ko.” Sabi ko sa gitna ng halikan namin.

    Natigilan siya.

    “Gusto nilang magpakasal ako kay Liam. Hindi ako pumayag, Wade. Kung ikakasal man ako, sayo yun, hindi sa ibang tao. Ikaw lang ang minahal ko kaya ikaw ang papakasalan ko.”

    Uminit ang pisngi ko sa sinabi ko. Tumigil ako sa pag abot ng labi niya. Nahiya ako. Pakiramdam ko ako yung nag aalok ng kasal sa kanya. Gusto ko lang namang malaman niya na siya talaga ang pipiliin ko. Hindi na ako mag kukunwareng okay lang na sundin ko ang pamilya ko. This is my choice.

    Ikinulong niya ang pisngi ko sa mga palad niya.

    “N-Nagawa mo yun…”

    Nagtama ang mga mata naming dalawa. Hindi na ako makapagsalita. Nanuyo ang lalamunan ko sa bigat ng tingin niya. Tumango na lang ako. Pumikit siya at kumunot ang noo niya bago ako hinalikan.

    “Mas lalo akong nalulunod sayo, Reina…”

    Tumindig ulit ang balahibo ko. Lalo nang nang ang tanging narinig ko na lang ay ang mga labi naming marahan at sabik na naghahalikan. Sa sobrang lakas at sabik niya, napaatras ako at napasandal sa dining table.

    “Ahh… shit!” Mura niya pagkatapos niya akong tignan. “Pulang pula ang pisngi mo at pumipikit ka pa…” Kinagat niya ang labi niya at gumapang yung kamay niya sa ilalim ng floral top ko.

    Madali niyang tinanggal ang butones ng floral top ko at nagsimula siya sa paghalik sa leeg ko. Napapatingala ako sa kiliti ng halik niya. Nangangatog na ang binti ko. Hindi ko alam kung kaya ko pa bang tumayo gayung sinisimulan niya na ang mga halik na yan sakin. Hinuli niya ang dibdib ko ng labi niya.

    Ugh! Hindi ko alam. Bibigay na talaga ang binti ko. Sumandal pa ako sa dining table. Gusto ko na lang pumatong at umupo doon. Ginulo ko ang buhok niya habang patuloy niyang hinahalikan ang dibdib ko. Ang isang kamay niya ay dumapo na sa shorts ko.

    Hindi ko napigilang ibahiga ang magkabila kong binti. Darn! Uminit ang pisngi ko.

    “Reina” Malambing niyang untag habang umuupo na sa harapan ko at hinahalikan ang puson ko.

    OMG! Binuksan niya ang buttones ng shorts ko at nagpatuloy sa paghahalik pababa. Halos pumilipit na ako sa naramdaman kong pagkakayanig ng sistema ko.

    “Wa-” Hindi ko na tinapos ang pangalan niya, kinagat ko na lang ang labi ko kasi alam kong mahihiya na naman ako sa oras na marinig ko ang sarili kong sinasabi iyon.

    “Ugh!” Binaba niya ang shorts ko at madali niya ring binaba yung kanya. Kinapa ko yung shorts ko at may nakapa ako doong condom. Ngumisi ako at binigay agad sa kanya kahit na alam kong tatanggihan niya iyon.

    Umiling siya at hinagis sa dining table ang condom. Ayaw niya talagang gumamit. Magaling din ang isang ito, ah! Syempre, madalas niyang ginagawa noon. Kaya lang natatakot talaga ako dun sa banta niyang bubuntisin niya ako.

    “Hindi na tayo nakaabot ng kwarto.” Bulong niya sa tainga ko.

    Tama siya. Hindi na nga kami nakaabot ng kwarto. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na hindi namin sa kwarto iyon ginawa. Pero damn, it feels so good.

    Pagkatapos noon ay binuhat niya ako. Alam niya yatang nangatog na yung binti ko sa ginawa namin. Hinalikan niya ng isang beses ang leeg ko bago nilapag sa sofa. Umupo siya doon at hinaplos ang buhok ko.

    “Hindi mo sinabi saking may nangyari pang ganun. Alam ko na noon pa, na may plano ang mga magulang mong ipagkasundo ka sa kay Liam. Para yan sa pamilya mo.”
    Tumango ako, “Kanino mo nalaman?”
    “Kay Rozen? Lagi siyang nagpaparinig sakin. Syempre, sinasabi ko sa sarili ko na nasayo ang desisyon. Nasayo naman talaga. Labas ako diyan. Pero sa totoo lang, gusto kong ako yung piliin mo. Na kahit ikaw yung magdedecide, gusto kong kumbinsihin ka na ako.”
    “Ikaw naman talaga ang pinili ko.”
    Pumikit siya at hinalikan ang ilong ko. “Yes, Reina. And I’m so happy…”
    Ngumisi ako at niyakap siya.

    Matagal kaming nagyakapan sa sofa. Ang init talaga ng katawan niya. Hindi ko maiwasang mag isip ng green tuwing nararamdaman ko ang init ng katawan niya.

    Umiling ako at hinanap yung condom na hinagis niya kanina.

    “Hindi ka ba talaga gumagamit?” Tanong ko.
    “Alam ko namang magulo pa tayong dalawa kaya hindi ko hahayaang mabuo yung junior ko habang ganito. Di bale, pag nakasal na tayo, aanakan kita ng marami.” Humagalpak siya ng tawa.
    Hinampas ko ang braso niya.
    “Dapat isisilang siyang tanggap ng pamilya mo. Lumaki akong masaya sa simple kong pamilya. Dapat ganun rin siyang lumaki.”

    Napaisip tuloy ako. Ano kaya ang itsura ng magiging anak namin? Lalaki kaya o babae? Ewan ko, basta ang alam ko, maganda o gwapo ang bata. Ang gwapo-gwapo kaya ni Wade.

    I promise to raise our child really well. Hinding hindi ko ipaparamdam sa kanya na kunware lang ang pagmamahal ko.

    “Sana wag siyang maging playboy…” Nabigla ako sa sinabi ni Wade.

    Iniisip niya rin pala ang magiging anak namin.

    “Ba’t ayaw mo?” Tumawa ako. “Ayaw mong magmana siya sayo?”
    “Ayokong balang araw…” Tumingin siya sakin. “Pag nakilala niya na yung babaeng mamahalin niya, magsisisi siya kung bakit nag bulakbol pa siya, magsisisi siya sa mga kasalanan niya at iisipin niyang di siya karapatdapat para sa babaeng iyon.”

    Kinurot ang puso ko.

    “Mag aalinlangan siya at hahaba pa ang kwento kaya umabot pa sa puntong iiwan siya ng mahal niya.” Tumatawa na siya sa kalagitnaan.
    “That’s your story, not our child’s!” Hinampas ko ulit yung abs niyang nag flex.
    “Sana maganda ang katawan niya.” Sabi ko. “Kung lalaki.”
    “Kung babae, hindi pwedeng lumabas kasama ang ibang lalaki. Kasi paniguradong mana sayo yun, baguhan.” Tumawa ulit siya.

    Darn cute, Rivas!

  • Kabanata 69Open or Close

    Kabanata 69
    Buking

    “Kumain muna tayo sa labas.” Alok ni Wade.

    Umiling ako.

    “They’ll see us, Wade.”

    Sinoot niya ang aviators na nasa table.

    “They won’t.” Aniya. “Tsaka, no problem with that, Reina. Aamin din ako pagkabalik ng manager ko dito.”
    “Pero habang hindi pa alam ng publiko, mas mabuti sigurong manahimik muna.”

    Tinanggal niya ang aviators at umupo ulit sa sofa.

    “Okay, then, mag go-grocery na lang tayo. Walang laman yung ref ko.”
    Tumango ako, “Puntahan natin si Zoey.”

    Iyon lang ang tanging naisip ko. Siguro hindi naman mamasamain ng mga taong nakakakita kung dalawa kaming kasama ni Wade.

    “Alright…” Hinalikan ni Wade ang noo ko.

    Sabay kaming umalis sa condo niya. Lumalayo ako dahil gusto niyang dumidikit siya sakin. Gusto niyang nakaakbay siya o di kaya ay nakahawak siya sa baywang ko.

    Siniko ko siya nang may pumasok sa elevator. Nag uusap yung dalawang propesyunal na babae, pero nanahimik sila nang nang nakita si Wade.

    Bahagya akong lumayo kay Wade kaya nagawa nilang pumagitna saming dalawa. Napakamot si Wade sa batok niya habang sinisimangutan ako.

    Nilagay ko ang index finger ko sa labi ko.

    “Shhhh…”

    Napalingon ang mga babae sakin. Diretso lang ang tingin ko na para bang seryosong tumitingin sa kawalan at naghihintay na bumukas lang ulit ang elevator.

    Saka lang ako nakahinga ng maluwang nang nakarating na ako sa sasakyan ni Wade. Bumuga ako ng malalim na hininga habang tumatayo doon.

    Hindi pa nga ako nakakahinga ng maayos ay ikinulong na ako ni Wade sa kanyang dalawang braso. Napasandal ako sa kotse niya. Yung dalawang kamay niya ay nasa gilid ng dalawang braso ko.

    “Reina, aamin din ako. Bakit hindi parin pwedeng makipagharutan in public?” Humalakhak siya.

    Hindi na ako nakapagsalita dahil umamba na siyang hahalikan ako. Hinampas ko ang dibdib niya. Hindi siya natinag. Shiz those heat inducing abs.

    “WADE!”
    “Shhh! Walang tao dito sa parking lot… Walang makakakita…” Nakangisi siya nang palapit at palapit na ang kanyang mga labi.

    Mabilis ko na lang siyang hinalikan.

    “Oh, hayan, tapos na! Tayo na!” Sabi ko sabay tulak sa kanya.

    Umiling siya nang nakangiti. Ang gwapo niya talaga. Kahit na pinipindot niya lang naman yung alarm ng sasakyan niya ay gwapong-gwapo na siya.

    Pumasok na ako sa loob. Pumasok din siya at pinaandar agad ang sasakyan.

    “Punta muna tayo kay Zoey.” Sabi ko at kinuha yung cellphone para itext si Zoey na kailangan namin siya.
    “Yes, ma’am.” Aniya at dumapo yung kamay niya sa hita ko.

    Ginalaw-galaw ko ang hita ko para matanggal yung kamay niya doon.

    “Ugh! Wade!”
    “Reina, wala namang nakatingin.” Tumawa siya.
    “Kahit na…”

    Hindi ko na maayos yung pagtitext ko dahil sa kamay niyang nasa hita ko. Umaalis lang ito tuwing kailangan niyang mag change gear. Panay naman ang tanggal ko sa kamay niyang bumabalik agad doon.

    “WADE! You perv!” Saway ko.
    “Alam mo naman pala…” Tumawa ulit siya.

    Hay naku! Ang hilig ng isang ito. Hindi na ako masosorpresa kung isang araw ay may mangyari samin dito sa loob ng sasakyan niya. Shiz! I can’t imagine! Hindi pwede! Kilala siya at baka ma issuehan pa kami ng scandal or something.

    “Mag preno ka naman.” Saway ko ulit kasi lumalapit na masyado yung palad niya.

    Umiling na lang ako nang nakita kong nakatingin lang siya sa kalsada at nakabalandra ang kanyang dimple.

    Mabuti at agad pumayag si Zoey. Syempre, marami pa akong idedesign na sosootin niya. It’s a give and take relationship para saming dalawa.

    “Grocery? Magmumukhang ikaw yung third wheel, Reina kahit na ang totoo ay ako.” Untag ni Zoey habang nagpapark si Wade sa isang supermarket.

    Tinanggal ko ang seatbelt ko at lumabas na sasasakyan ni Wade.

    “Oo, dapat ganun ang mangyari.”

    Lumabas din si Zoey.

    “Reina, just let her act normal. Malapit na rin naman akong umamin. Hindi na namin kailangang mag PDA para lang ipangalandakan na may relasyon kami. Naglalakad lang tayong tatlo, agad na may issue na saming dalawa, kaya wag ka ng mag alala.” Sabi ni Wade sabay lahad ng kamay sakin.

    Tumaas ang kilay ko nang tinignan ko ang kamay niya.

    “You think kayo ang bibigyan ng issue pag nakita nilang magkahawak-kamay tayong nag go-grocery.”

    Umirap si Wade at nilagay na lang sa bulsa ang kamay niya.

    “Fine! Babae ka! Kundi lang kita mahal!” Nauna siyang maglakad.
    “Sungit!” Sabi ko at sumunod sa kanya.
    “Reina, pwedeng yung mejo may pagka gold naman next gown na susootin ko?”

    Naligo ako ng tanong tungkol sa mga gowns na kanyang susootin. Masyado ring vain itong si Zoey. Iyon lang talaga yata ang laman ng utak. Maging ang balak kong clothing line ay halos iblackmail niya pa ako para lang gawin ko siyang image model.

    Tumangu-tango lang ako habang nilalagay ang mga bilihin sa cart na tinutulak ni Wade. Naka aviators parin siya at tuwing may tumititig sa kanya ay agad siyang nag iiwas ng tingin.

    Syempre, hindi talaga maiiwasang may maririnig ka…

    “Hindi ba si Wade yan?” Tanong ng isang babae sa kasama niya.
    “Mukhang oo, kasama niya na naman yung model.” Si Zoey iyong tinutukoy nila.

    Hindi iyon narinig ni Zoey dahil panay ang talak niya tungkol sa next gig niya. Famewhore talaga ang isang ‘to.

    “Let’s make this fast.” Sabi ko nang narealize na may kumukuha na ng picture.

    Kahit na hindi pa naman nila confirmed na si Wade nga itong humahakbang sa tabi ko, marami ng nakakuha ng picture. Malamang kumalat na rin na nasa Manila na ang iniidolo nila.

    Tumakbo kami palabas ng supermarket kasi talagang dumami na ang mga taong nag pipicture sa kanya.

    “Ang saya talaga pag artista!” Napatili si Zoey.
    “Ikaw lang ang masaya, Zoey.” Sagot ni Wade habang isinusoot yung seatbelt niya.
    Bumungisngis si Zoey, “Hindi naman kasi kayo masaya kasi di niyo sinasabi sa publiko. May lihim pa kayo. Pag nalaman nila yan, at malaya na kayong nakakagalaw, then you’ll get used to it.”

    Natahimik ako. Hindi ko alam kung publiko lang ba yung kalaban namin o pati yung pamilya ko.

    Nagkatinginan kami ni Wade. Nakita kong dumapo ang titig niya sa may dibdib ko. Uminit ang pisngi ko. Akala ko pa naman naiisip niya yung mga sinasabi ni Zoey, pero yun naman pala, kamanyakan na naman ang inaatupag niya!

    Sinimangutan ko siya, sumimangot din siya at umiling.

    Nanigas ako nang lumapit siya sakin.

    “Seatbelt mo. Ugh! Reina Rivas.” Inabot niya yung seatbelt at sinoot sakin.

    Tumindig ang balahibo ko sa narinig ko sa kanya at sa ginawa niya! Pero mukha lang namang normal iyon para sa kanya, nagawa niya pang lumingon kay Zoey nang nagtanong si Zoey ng ganito…

    “REINA RIVAS? OMY! DON’T TELL ME NAGPAKASAL NA KAYO? Secretly married ang peg? Ganun yung mga artista madalas, eh! Talaga?” Rumaragasa yung mga sumunod na tanong niya, “Kailan? Saan? Paano? Sinong kasali? Ba’t di ako kasali? Sus! Talagang sisikat pa lalo ako pag isisiwalat ko ‘to sa media pero pasalamat kayong dalawa at mejo malaki-laki yung atraso ko sa inyo noon.”
    “We’re not yet married, Zoey.” Sabi ni Wade.
    “Weh? Liars!”
    Wag kang mag alala, pag magpapakasal kaming dalawa, invited kayong lahat.” Napatingin si Wade sakin.

    Para bang gusto niyang makita ang reaksyon ko. Suminghap ako at tinitigan siya pabalik.

    “Gusto ko ng simpleng wedding. Yung sekreto. I hate showbiz, Wade.” Sabi ko.
    Ngumuso si Wade at di na nagsalita.
    “Asus! Reina! Ang saya kaya ng bonggang wedding! Yung tipong laman kayo ng magazine. Nafeature kayo ni Korina at buong hapon nadelay ang mga shows para lang sa wedding of the year special?”

    Hindi ko alam kung bakit ito yung pinag uusapan namin ngayon. Ni hindi ko pa nga alam kung matatanggap kami ng mga magulang ko. Sa bagay, matanggap o hindi, magpapakasal ako sa kanya.

    “Thanks, Zoey.” Sabi ko nang pababa na si Zoey.

    Nasa harap na kami ng apartment niya ngayon.

    “Walang anuman, basta, Reina ah, yung gown?” Aniya.
    Tumango na lang ako at ngumisi.

    Kumaway siya nang paalis na kami ni Wade. Buti na lang talaga nandyan si Zoey. Mabilis kaming nakarating sa condo ni Wade. Syempre, ninja moves ulit. Ako yung unang pumasok bago siya. Siya yung may dala ng mga pinamili namin.

    Pagkarating niya sa condo ay nilapag niya agad ang mga iyon sa table.

    “Cook for me, just like the old times?” Niyakap niya ako galing sa likuran habang inaayos ko yung mga pinamili.
    “Sure, anong gusto mo? Marami na akong alam ngayon. You know, independent ako sa France.” Ngumisi ako.

    Hinalikan niya ang tainga ko. Napapapikit ako sa kiliting naramdaman.

    “Pwedeng French Kiss?” Humalakhak siya sa tainga ko.

    Nangatog na naman yung tuhod ko. Nakakapanghina talaga ang kalandian ng isang ito. Hinigpitan niya pa lalo ang yakap niya sakin habang inilalapit ang labi niya sa labi ko.

    Binigyan niya ako ng mainit at malalim na french kiss. Dahil sa sobrang nakakalasing ang mga halik niya, halos mabitiwan ko iyong mga de latang sauce na hawak-hawak ko.

    “Ooopppss…” Aniya pero nagpatuloy siya sa pagsisiil sakin ng maainit na halik.

    Nakasandal na ako sa buong katawan niya.

    Mas lalo niyang idiniin ang halik. Hindi ko mapigilan ang init sa katawan ko.

    “Ugh! Reina…” Bulong niya.

    Sa kalagitnaan ng halikan namin ay tumunog ang cellphone ko.

    Kinapa ko iyon sa bulsa ko pero hinawakan niya ang kamay kong kumakapa sa cellphone. Inilayo niya iyon sa bulsa ko.

    “Wadeee…” Angal ko.

    Hinablot niya ang cellphone ko at tinignan kung sino ang istorbong tumatawag. Dumapo ang kanyang kamay sa noo at ipinakita sakin ang cellphone ko.

    Istorbong Zoey! Anong nakalimutan nito?

    “Hello, Zoey?”

    Tinalikuran ko si Wade.

    “Reina! May picture sa internet na kumakalat… pareho kayong nakatagilid ni Wade sa parking lot ng condo niya. Unang picture ay nakasandal ka lang sa sasakyan niya. Pangalawa ay yung hahalikan ka na niya.”

    Nanlaki ang mga mata ko.

    “Posted 30 minutes ago, 1000 likes and 5000 comments na!” Aniya. “It’s too viral right now… Isang refresh ko lang, hundred agad yung dadagdag.”

    Napatingin ako kay Wade na ngayon ay nakapamulsa lang at hinihintay na matapos ako sa kausap ko.

    “Wade, buking na tayo.” Sabi ko sa kanya.

  • Kabanata 70Open or Close

    Kabanata 70
    I Promise

    Madali kong ni check ang Facebook account ko sa sobrang kaba ko. For the first time in history, nawindang ako sa mga notifications.

    Una kong napansin ang 225 na friend requests…

    “Deactivate your account, Reina.” Sabi ni Wade sakin.

    Siya na mismo ang kumuha ng mga pinamili namin. Mukhang balak niya rin yatang magluto kasi naging busy na ako sa pag fi-Facebook.

    Umupo lang ako sa sofa at panay ang scroll ko sa wall ko.

    Coreen Samantha Aquino: Uh-oh!

    Maging sa comment ni Coreen ay maraming nag cocomment:
    Coreen! Si Reina yun?
    Hindi ba sila naman talaga mula pa noong college?
    Wait, Reina’s back in the Phil?

    Napalunok ako nang binasa ko lahat ng nasa wall ko.

    Reina, ikaw yung nasa viral pic?
    Rein, ikaw yun?
    Wade and Reina?

    Huli na ang lahat, isa na rin sa nag wall sakin ang mga pinsan ko.

    Insan, dahil ba sa kanya?
    Dami mo ng bashers. Tsk. Don’t worry, we’re here.

    Nicheck ko rin ang inbox ko na tadtad na ng mga message.

    WadeShanatics: I hate you. Mamatay ka na. Malandi. Kitang may gf yung tao.
    WadeShaNation: Nakasulat na yung pangalan mo sa deathnote. Hope you rot in hell!
    WadeShaForever: Manggagamit. We know your story. Ginamit mo si Shan para sumikat ka. Now you’re using Wade!? HAHA Desperate much, girl?

    OH MY GOD! Hindi ko na kayang basahin lahat ng mga mensahe nila. Naiiyak na ako kahit tatlo pa lang yung nababasa ko.

    Hinaplot ni Wade ang cellphone ko.

    “I said deactivate your account.”

    Nanginginig pa yung mga kamay ko at natutulala ako habang tinitignan siyang nakakunot ang noo at pinipindot ang cellphone ko.

    Pagkatapos ng ilang sandali ay nilapag niya ito sa mesa at niyakap ako galing sa likuran. Sa init ng yakap niya, hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Humagulhol na ako sa iyak. Alam ko. Nakita kong paparating ito. Hinahanda ko na ang sarili ko. At sinabi kong papanindigan ko na ito at sasabihin ko sa publiko… Sasabihin namin ni Wade, ganun pa man, tao rin ako, babae, nasasaktan din.

    Hindi ako sanay na may mga galit saking di ko kilala. Ni hindi ko nga natantanan si Wade noon nang nakita kong galit siya. Ngayon pa kayang marami na ang galit sakin?

    “Shhh… I’m sorry…” Bulong ni Wade sakin at tinapik ang balikat ko.
    “Okay lang. Kaya ko ‘to.” Sabi ko.
    “I’ll be here. Shhh…” Bulong niya at tinatahan ako.

    Tumayo ako kahit nanginginig pa ang binti ko. Pinagmasdan ako ni Wade habang sinusubukang lumapit sa mga pinamili namin.

    “A-Anong gusto mong lutuin k-ko?” Pinunasan ko ang mga luha ko at kinuha yung sauce.

    Balak kong gumawa ng sweet and sour chicken.

    “Reina…” Buntong hininga ni Wade.

    Kinuha ko yung mga pinamili at nilagay sa ref. Yung mga spices lang tsaka yung manok ang niready ko.

    “Reina, ako na diyan. Marunong na akong magluto. Please rest.” Aniya.

    Hindi ko siya pinakinggan.

    “Wade, I saw this coming. Ready na ako para dito. Kaya kayang kaya lang.” Sabi ko.

    Naramdaman ko ang kamay niya sa siko ko. Hinaplos niya ito.

    “I want you to rest, Reina.” Hinila niya ng marahan ang dalawang siko ko.
    “It’s okay, Wade.” Sabi ko.
    “Rest or papagurin pa kita.”

    Bumaling ako sa kanya at nakita kong nakangisi siya.

    “Wag kang mag paapekto sa mga sinasabi ng tao. Naalala mo nung nagpaapekto ka? Anong nangyari sating dalawa?” Aniya.

    Ikinulong niya ang pisngi ko sa mga palad niya.

    “I love you, Reina, so much, and it’s all that matters. Yun lang. Wala silang pakealam. Maya-maya, may tatawag na sakin para makapag issue ako ng statement about the viral picture. I will protect you, I promise. Pero hinding hindi kita idedeny. I want you to be strong for me. Okay?”

    Tumango ako at tinitigan ang mukha ng tanging lalaking minahal ko.

    “I will, Wade. Promise.”

    Hinalikan niya ang noo ko.

    “Now, you rest. I’ll do this.”

    Tama si Wade. Dapat pala akong magpahinga. Pagkahiga ko, tulog agad ako. Pagod pala ako, hindi ko namamalayan. Dagdagan pa ng stress na natanggap ko galing sa bashers. Iilan pa nga pang iyong nabasa ko, na stress na ako ng ganito, paano pa kaya kung nabasa ko yun lahat?

    Hindi ko na alam kung ilang oras akong natulog. Nagising na lang ako na dinidilaan na ni Carmela ang kamay ko. Hindi ako agad bumangon. Hinaplos ko muna ang ulo ng bloodhound.

    Siya siguro ang palaging kasama ni Wade dito sa condo niya mula pa noon.

    “Bakit, ma?” Narinig ko ang mahinang boses ni Wade sa labas ng kwarto.

    Unti-unti akong bumangon para tignan kung sinong kausap niya. Naglakad ako, barefoot, palabas ng kwarto niya at nakita ko siyang nasa bar ng kanyang kusina, nakatalikod at may kausap sa cellphone.

    Naririnig ko rin ang cellphone kong tumutunog kung saan. Binalewala ko iyon at nag concentrate sa sinasabi ni Wade.

    “Sabi ko naman wag kang magsalita sa media, diba?”

    Sino kaya ang kausap niya.

    “Sana hinintay mo ang statement ko.”

    Dahan-dahan akong lumapit sa kanya.

    “Yes, that was true.” Yumuko si Wade. “I didn’t lie to you, ma.” Narinig ko ang frustration sa boses ni Wade.

    Pumihit siya at nakita akong nakikinig sa kanya.

    “Okay, ma. Ah! Wait… Hindi ako makakauwi sa Alegria. Kayo na lang ang pumunta dito- Yes- Oo- Kailangan- Please, thanks ma…”

    Binaba niya iyon at hinarap ako. Tumunog ulit ang cellphone niya. Hindi niya na iyon tinignan, diretso niyang nicancel yung tawag.

    “Ginugutom ka na?” Tanong niya sabay turo sa mesang may luto niya.

    Naglakad ako papunta sa kanya. I want to hug him. Feel him.

    Niyakap ko ang mainit niyang katawan. This is my Wade. He loves me so much. Wala na akong mahihiling pa. Wala akong pakealam kung may umaway sakin, mambash, manira, ang importante matatag kami.

    Hinaplos niya ang likod ko at suminghap.

    “Tinawagan si mama ng media. Simple niyang sinabi na oo, ikaw ang girlfriend ko.”

    Napatingin ako sa kanya.

    “Tapos?”
    “That was all.” Umiling siya. “Sinabi ko na rin sa kanya na nagkahiwalay tayo nung nasa France ka… at na sana hayaan niya akong magpaliwanag sa publiko.”

    Hinampas ko dibdib niya.

    “Bakit ba kasi di mo sinabi sa kanya yung totoo noon pa lang?”

    Hinila niya ako papunta sa mesa para makakain na kaming dalawa.

    “Bakit ko sasabihin gayung maging ako di naniniwala na nagkukunwari ka lang satin noon? Hindi ko sasabihin ang mga hindi ko pinaniniwalaan, Reina.”

    Pinaupo niya ako. Tumabi siya sakin. Sabay kaming kumaing dalawa. Ang sarap ng luto niya! Noong iniwan ko siya, di pa ito marunong magluto ah? Ngayon pang masterchef na. Busog na busog ako sa niluto niyang sweet and sour chicken. Alam niya yatang yun ang balak kong lutuin kaya iyon ang niluto niya.

    “Saan mo gustong tumira? Sa condo o bahay talaga?” Tanong niya.
    “Uhmm. Kahit saan. Pero since may condo ka, pwedeng dito na lang.” Ngumisi ako.

    Kinagat niya ang labi niya kaya mas lalong sumalida ang dimple.

    “Bumili ako ng bahay.” Aniya.
    Natigilan ako sa sinabi niya, “T-Talaga?”
    Tumango siya, “Oo. Ikaw ang mamimili kung saan tayo.”

    Noon pa man, si Wade na talaga ang mahilig mag isip tungkol sa future. Noong bata pa lang kami, hindi ko pa naiisip ang mga kasal-kasal, pero siya yung nag uudyok sakin para maisip ko yun.

    “I love you, Wade.” Sabi ko at nilapit ang labi ko sa kanya.

    Hinilig ko ang katawan ko sa kanya at hinila ang leeg niya para makalapit sakin.

    “Kahit itanan mo na lang ako.” Sabi ko sa gitna ng maiinit naming halik.
    Nakita ko ang pagngisi niya habang hinahalikan ko siya.

    Binuhat niya ang katawan ko at pinaupo ako sa hita niya.

    *KRIIIIING-KRINGGGG*

    Linsyak! Cellphone ko yun ah! At kanina pa yun nag ri-ring!

    “Reina, sagutin mo muna yun.” Aniya sabay tulak sakin.

    Ayoko. Gusto ko maghalikan na lang kami.

    Kaso, ilang saglit ang nakalipas ay ang cellphone niya naman ngayon ang nag ri-ring. Panibagong ring din ang narinig ko sa cellphone ko.

    Ngumisi siya at tinuro ang cellphone ko.

    “Wag kang mag alala, after this, we’ll do it hard, okay?” Kumindat siya.

    Uminit ang pisngi ko at napatalon palayo sa kanya.

    Humagalpak siya sa tawa habang nanlalaki ang mga mata ko sa sinabi niya. RIVAS! SHIZ!

    “Hello?” Sagot niya sa cellphone niya.

    Lumapit na rin ako sa cellphone ko at sinagot ito.

    “Hello?” Tinignan ko si Wade na ngayon ay seryoso ng nakikipag usap sa tumatawag sa kanya.
    “Reina, where are you?”

    SI DADDY!

    “D-D-Dad?” Nauutal pa ako! Shiz!
    “Do I need to trace your GPS?” Malumanay pero nakakatakot niyang sinabi. “Umuwi ka na!”
    “Y-Yes, dad.” Sabi ko.

    Binaba iyon ni daddy. Nanginig ang kamay ko. For sure, I’m a dead meat! Papagalitan ako at pipilitin akong iharap si Wade sa kanila.

    Pero di ako matatakot… Kasi alam ko, pigilan man nila ako, hindi sila magtatagumpay. I’ll be with Wade, whatever it takes.

    Binaba din ni Wade ang cellphone niya.

    “Naghihintay si Rozen sa 17th floor. Sabay kayong bababa, may dala siyang body guards…” Sabi ni Wade.
    Napalunok ako at tumango na lang.
    Natulala si Wade. Ilang sandali pa bago siya nagsalita, “Makikipag usap ako sa kay Mr. Manzano at through skype at sa isa ko pang manager, Reina. Promise me, ipaglalaban mo ako this time.”
    Tumango ako.
    “Promise me, Reina. You’ll stay.”
    “I Promise, Wade.”

    Alam ko sa sarili ko na isa ito sa mga pangakong hindi mapapako. Ano man ang ipapagawa sakin ng mga magulang ko, yung sarili kong desisyon ang masusunod. I will choose Wade this time… I’ll stay, this time.

  • Kabanata 71Open or Close

    Kabanata 71
    Ice Cream

    Nanunuyo ang lalamunan ko pagkapasok ko sa bahay. Tahimik at mukhang napagalitan lahat ng katulong dahil nakayuko silang sumalubong sakin.

    “Sinong nandito, manang?” Tanong ko.

    Dumiretso si Rozen sa dining room, nilagpasan niya ako.

    “Daddy at mommy niyo po.” Sabi ni manang.
    “Sino pa?”
    “Kuya Dashiel at Kuya Noah niyo.”

    Tumango ako. Kumpleto kami. Bihira lang itong nangyayari. Sigurado akong seryoso ito at alam ko na rin kung tungkol saan. Humugot ako ng malalim na hininga bago nagmartsa papuntang dining room.

    Naaninag ko yung seryosong mukha ni Dad na tinatapik sa balikat ni mommy. Si Noah naman ay nakanguso at hinihintay akong umupo sa tabi niya. Si Rozen ay nakahalukipkip at nakatitig rin sakin. Si Kuya Dash naman ay nakatayo sa tabi ni Rozen.

    Napalunok ako at umupo. Yung upuan lang ang bumasag sa katahimikan.

    “Dad…” Sabi ko pagkaupo ko.
    “What is this scandal, Reina?” Nanggagalaiti niyang sinabi.

    Madalang magalit si daddy. Kaya nang narinig ko ang tono ng boses niya ay bumilis ang pintig ng puso ko sa kaba. He’s really angry. Binigyan ako ng worried look ni mommy.

    “Dad, si Wade po yung-“
    “WHAT ARE YOU TWO DOING? NAGHAHALIKAN SA PARKING LOT?” Tumaas ang tono ng boses ni daddy.
    “Dad, it’s not like she’s a little girl. She’s turning 23, for god’s sake.” Sabi ni Rozen.
    “But she’s a girl, Rozen!” Sabi ni mommy. “You don’t understand.”
    “I understand, mom. Kung mahal ko, hahalikan ko kung saan ko gusto-“
    “Rozen!” Saway ko.

    Gusto kong magpaliwanag ng maayos. Hindi yung ginagawa naming topic ang paghahalikan namin ni Wade sa parking lot.

    “Have you seen the photos, Reina? You’ve been bashed!” Sabi ni daddy.
    Tumango ako, “Alam ko po. And I’m ready to face it.”
    “Ito ba ang dahilan kung bakit hindi ka magpapakasal kay Liam?” Tanong ni mommy with that concerned look.
    “Yes, ma… I-I’m in love with Wade.”

    Narinig kong suminghap si Dad at si Kuya Dash.

    “Baby, he’s a rockstar.” Sabi ni Kuya Dash na para bang yan lang ay dapat matinag na ako.

    Para bang iyun ang pinaka unang dahilan kung bakit dapat kong iwan si Wade.

    “At hindi ba ginamit ka lang niya noon?” Dagdag ni Kuya Dash.

    Namutla ako at tinignan ang hysterical na reaction ni daddy at mommy.

    “What do you mean, Dash?” Tanong ni mommy.

    Yumuko ako at pumikit. Hindi ko na alam kung paano malulusutan ‘to. Wala na akong magagawa kundi sabihin sa kanila ang totoo.

    “Bago umalis si Reina papuntang France, niliko siya ni Wade. Ginamit siya para makapasok sa banda ni Noah. She’s madly in love with him kaya hindi niya iyon nakita agad.” Aniya.

    Tumingin si mommy kay Noah.

    “Is that true, Noah?”
    “Yes, ma.” Nakita ko ang lungkot ni Noah sa pag amin niya.
    “Pagkakamali iyon.” Naiiyak na ako. “Malaking pagkakamali. Totoong… Totoong may plano yung kaibigan ni Wade, pero hindi niya itinuloy yun. Iniwasan niya ako para hindi siya mahusgahan. Pero pinilit ko siyang-“
    “Kung hindi niya itinuloy, ba’t naging kayo, diba?” Sabi ni Kuya Dash.

    Tinignan ko siya. Halos magmakaawa na ako sa mga titig ko. Panay ang tulo ng mga luha ko. Iiyak ako, pero hindi ako magpapatinag. Hindi naman porket umiiyak ay mahina na agad…

    “Because our feelings… were true…” Humikbi ako.

    “Sus maryosep.” Bulong ni mommy habang umiiling.
    “At… kung hindi yun totoo, bakit naging kami parin hanggang ngayon diba? Sikat na siya! Hindi niya na ako kailangan! Money, fame, andyan na lahat, bakit ako parin, diba?” Halos sinigaw ko ito sa kanila.

    Humikbi ako. Hindi ko na mapigilan ang paghagulhol. Nilapitan ako ni Kuya Dash ay hinaplos ang likod ko.

    “Bakit niyo ba ako pinapangunahan? Bakit gusto niyong si Liam yung mapapangasawa ko? To preserve the bloodline? The money? The fame? Kayo naman pala ang manloloko! Hindi si Wade!”

    Nakita kong napaawang ang bibig ni daddy sa sinabi ko. Nagalit siya. Galit na galit. Brace yourself, Reina.

    Nabigla ako nang sa patuloy kong pag hikbi ay walang nagsalita.

    “Who is this Wade Rivas, anyway?” Tanong ni mommy sabay tingin sa mga kapatid ko.

    Bawat segundo na ang paghikbi ko kaya naman hindi na ako makapagsalita ng maayos.

    “Wade Rivas…” Sabi ni Rozen. “A poor guy from Alegria.”
    “Alegria? Yung probinsya lapit sa Camino Real?”
    Tumango si Rozen, “Classmate ni Reina noon at vocalist nina Noah noon. Iniwan siya ni Reina dahil sa pag aakalang niloko siya nito. After four years, mom, then boom!” Ngumisi si Rozen. “Nagkabalikan. No communication. No promises.”

    Nilingon ako ni mommy.

    “Anong trabaho ng daddy niya?” Tumaas ang kilay ni mommy.

    Hindi ako nakapagsalita. Sa totoo lang, kailangan pa ba yun? God!

    “Retired…” Humikbi ako. “Army.”
    Tumango si mommy at tumaas ulit yung kilay, “How bout his mom, Reina?”
    “Teacher.”
    “How many siblings?”

    Napatingin ako sa seryosong mukha ni mommy. SERYOSO? Tinatanong ito?

    “One. Boy.” Sagot ko.

    Pinunasan ko ang mga luha sa mata ko.

    “May piercing ba siya? Sa ears? Anywhere?”
    Umiling ako.
    “How about…” Nanliit ang mga mata ni mommy, “Tattoos?”
    Napalunok ako at tumango.
    “A Delinquent?”
    Umirap ako, “No.”
    “Bakit di mo pa siya dinadala dito?” Diretsahang tanong niya.
    “Because you’ll judge him like how my brothers judged him!” Diretso ko ring sagot.

    Huminga ng malalim si mommy at tinignan ang daddy kong tulala.

    “How about Liam?” Tanong ni mommy.
    “We’re friends, mom. Just friends…” Sagot ko.
    “Buong akala namin may namumuo na. You were too close…” Sabi ko.
    “Close? Kung nakita niyo silang dalawa ni Wade, then you’ll know the meaning of close.” Matabang na sinabi ni Rozen.

    Napatingin si mommy sa kanya.

    “I’m not against Liam or pro-Wade. Just saying, mom.” Aniya.
    Bumaling ulit si mommy sakin at tumango. “Bring him here, Reina.”
    “Not now…” Sabi ni daddy.

    Tumango ako.

    “Thanks!” Tumayo agad ako at tumakbo papuntang kwarto.

    Hindi ko alam kung dapat ko ba iyong ikatuwa o ikasaya yung nangyari. Hindi ko alam. Kinakabahan parin ako ngayon. Yung alam ko lang ay binigyan ako ng pagkakataon ng pamilya ko. Yun lang.

    Nitext ko si Wade:
    Pinapapunta ka dito. We’ll just set the date, Wade. I’m sorry.

    Agad-agad ay nag reply siya:
    I will. Thank you.

    Busy yata siya. Inaasikaso niya pa yung issue. Ano na kayang nangyayari? Ano na kayang meron?

    Ilang sandali ay may natanggap akong text galing kay Coreen.

    Coreen:
    Lecheng Shan! May paiyak-iyak pang nalalaman! Broken hearted daw!? Leche sha!

    Nireplyan ko agad siya:
    Where are you?

    Coreen:
    Kumakain sa mall. I’ve seen the video.

    Tumayo ako at inayos ang sarili. I wnat to get out of here. Lalo na ngayong mukhang wlaang plano ang mga magulang kong umalis at magtrabaho. Agad akong lumabas para makapag drive na papunta kay Coreen. Nitext ko ulit siya at nagtanong kung saang mall. Nireplyan niya naman ako.

    Coreen:
    Wait. Don’t go out, Reina.

    Pero huli na ang lahat, nasa traffic na ako at malapit na ako sa mall. Narealize kong baka nga bad idea itong ginagawa kong paglabas ng bahay ngayong kasagsagan ng issue. Ano naman ngayon? Anong gagawin nila sakin? Papatayin nila ako? Hindi. Hanggang salita lang sila. Hindi nila magagawa sakin yun!

    Pagkapasok ko pa lang ng mall, nakita ko na ang mga nanunusok na titig ng mga tao.

    “Reina Elizalde… Siya yung manggagamit?”

    Manggagamit? Diretso lang ang lakad ko. Nidial ko ang numero ni Coreen.

    “Hello?” Nag aalalang sagot niya.
    “Nasa mall na ako. Nasan ka?”
    “Eto… Nasa gitna.” Aniya. “Bakit ka pumunta dito?” Pasigaw niyang sinabi. “Nag i-air pa lang ng statement ni Shan! Nandito sa malaking TV sa gitna ng mall, Reina! You should have stayed home!”

    Tumingala ako nang narealize na nasa gitna rin pala ako.

    Nakita ko sa malaking TV ang umiiyak na si Shan!

    Lumingon-lingon ako para hanapin si Coreen. Nanlaki yung mga mata niya nang nakita ako. Pinatay niya agad ang cellphone at tumakbo papunta sakin.

    “You stubborn girl!” Aniya sabay hila sakin.

    “Siya yung Reina diba?” Sabi ng isang babae.
    “Oo. Yung manggagamit.”

    “Hindi siya manggagamit!” Sigaw ni Coreen.

    Pinaringgan niya lahat ng nakatingin samin.

    “Syempre, nasaktan.” Narinig kong sinabi iyon ni Shan.

    Tumigil ako sa paglalakad at nilingon ang malaking TV. Patuloy akong hinila ni Coreen.

    “Anong masasabi mo sa mga sinasabi ng netizens na ginamit ka lang daw ni Reina Elizalde para sumikat siya? Ginamit niya rin di umano si Wade Rivas para lang magkaroon ng pangalan?”
    “Oh my God! Hindi niya na kailangang manggamit! Kaya niyang bilhin pati yang istasyon niyo!” Sabay turo ni Coreen sa malaking TV.
    “I don’t know… Hindi ko naman alam ang side niya.” Sagot ni Shan.

    True. Hindi niya alam kung ginagamit ko si Wade o hindi, pero for heaven’s sake, kailangan bang mag no comment? Pwede namang sabihing hindi ako ganung tao!

    “Mahal mo pa ba si Wade?” Tanong ng host, diretsahan.
    “Oo.” Madrama niyang sagot sabay tango.
    “Nagbreak ba kayo dahil sa third party?”
    Hindi siya sumagot. Suminghap lang siya at tumulo ang luha niya. Ngumisi siya pero napangiwi parin sa huli.

    SHIZ! ARTISTA! Wala pa naman siyang sinasabing mga kasinungalingan pero nababali yung katotohanan sa simpleng pag arte niya.

    “Kasalukuyan nating hinihingi ang side ni Wade, pero hanggang ngayon ay hindi parin siya nagsasalita.” Sabi ng host. “What can you say about your fans, Ms. Shan?”
    “Of course, nagpapasalamat ako kasi nandyan sila hanggang ngayon. Sana wag nilang awayin si Reina… She’s a girl, too. Mahirap ma bash.” Humikbi siya. “Syempre, gusto ko ring protektahan siya dahil hindi ko naman alam yung side niya… pero alam kong malulungkot siya pag nalaman yung mga hinaing ng fans.”

    Ilang sandali pa ay may niflash sa screen na mga comment ng fans habang binabasa ito ng host.

    “Bakit sa kasagsagan pa ng kasikatan nilang dalawa, diba? Kung hindi siya manggagamit, bakit siya nag design ng gowns nila? Pinapasok siya ni Shan sa Fashion Week. Tapos ngayon si Wade naman puntirya niya. I doubt her sincerity.”

    May nagbara sa lalamunan ko. Hindi ko yata kayang marinig ang mga sinasabi ng fans.

    “She’s just using Wade for fame.”
    “She’s a famewhore.”
    “Super! Mayaman lang naman siya. Walang talent.”

    Dumapo ang kamay ko sa bibig kong nalaglag. Below the belt! What do you know about talents?

    “Let’s go, Reina.” Hinila ako ni Coreen.

    Nanghihina na ang tuhod ko kaya madali niya akong nahila. Nagpahila na lang ako. Tulala ako buong panahong hinihila niya ako palabas ng mall. May mga naririnig ako sa paligid, pero binalewala ko iyon.

    “Yung plastik!”
    “Manggagamit!”
    “Famewhore! Sana mamatay na siya! Nakakasira ng relasyon!”
    “Kabit!”
    “Third party! Cheap! Yuck!”
    “Cheap tulad ng gawa niya. Walang talent kaya ayan kumapit sa patalim.”
    “WadeSha parin ako. Forever. Rot in hell Reina.”

    Nabalikan lang ako ng ulirat ko nang may nagtapon sakin ng ice cream.

    “WHAT THE?” Napasigaw si Coreen dahil maging siya ay natapunan din.

    Nakita kong nahulog ang cone galing sa damit ko papuntang sahig. Naiwan ang chocolate ice cream na nagkalat sa damit ko. Meron ding chocolate ice cream na ambon si Coreen. Umamba siyang susugurin yung grupo ng highschool girls na nagtapon nun.

    “MGA BRUHA! KAYO MAMATAY!” Sigaw niya habang sinusugod sila.

    Hinila ko agad yung braso niya kahit naiiyak na ako. Alam mo yung feeling na nagmamahal ka lang naman pero hinuhusgahan ka na ng lahat. You are the witch of this fairytale, the antagonist of this lovestory… ang sakit. Kasi samin dapat ito ni Wade, pero yung tingin ng lahat ako yung salot. Mamatay na ako? Anong mararamdaman nila pag sila yung sinabihan ng ganun? Anong mararamdaman nila pag hinahahadlangan sila? Well, I guess I shouldn’t blame them… They are fed by sugarcoated words. Wala silang alam. Pinagtatakpan lang lagi ang katotohanan. Yung katotohanan, madalas hindi pinapangalandakan.

    “Coreen, let’s go! Let’s just go!”

  • Kabanata 72Open or Close

    Kabanata 72
    Quit

    Mabilis kong pinaandar ang sasakyan. Mabilis din ang hininga ni Coreen at napaparanoid na at baka habulin kami ng mga fans at pagbabatuhin.

    “Mga walang hiya!” Aniya habang tumitingin sa likuran.

    Diretso ang paandar ko. Mabilis din ang tibok ng puso ko. Ngayong nasabuyan ako ng icecream, pakiramdam ko kaya nilang gumawa pa ng mas malala pa doon.

    Panay ang liko ka para ilagan ang mga sasakyan nang nag ring ang cellphone ko. Mabilis iyon na kinuha ni Coreen.

    Sinulyapan ko siya pero hindi ko maiwan ang kalsada.

    “Sino yan, Coreen?” Natataranta kong tanong.
    “Hello, Wade?” Bungad niya.

    Napasulyap ulit ako.

    “Si Coreen ‘to. We just got harassed by your fans.”

    Muntik ko nang maibangga yung sasakyan. Wala akong planong sabihin yun kay Wade dahil alam kong magwawala iyon!

    “COREEN!” Sigaw ko pero wala akong nagagawa.

    Inilayo niya ang sarili niya sakin para maipagpatuloy ang pakikipag usap kay Wade.

    “Tinapunan si Reina ng icecream- Yes, umalis siya ng bahay-“

    Kinagat ko na lang ang labi ko. Isa rin yan sa dahilan kung bakit ayaw kong sabihin ‘to kay Wade. Damn! Kinuha din ni Coreen ang cellphone niya.

    “It’s all over the internet? Kakaalis nga lang namin ng mall- Okay, here she is-” Inilahad niya sa akin ang cellphone ko habang ang isang kamay niya naman ay malikot na tinitignan ang Facebook niya.

    Marahan kong kinuha ang cellphone. Nanunuyo ang lalamunan ko. Patay ako kay Wade!

    “Gosh! Yung picture nating tinatapunan ng icecream, nagtrend agad. Tsk! The power of fame nga naman.”

    “Hello?” Nilagay ko ang cellphone ko sa tainga.

    Papaliko na kami papunta sa village namin. Napabuntong-hininga ako. Natakasan ko ang fans niya!

    “Ba’t ka umalis ng bahay, Reina?” Mariin at seryoso ang tono ng boses niya.
    “K-Kasi… pinagalitan ako. I want to take a break-“
    “Listen… Gusto kong sa bahay ka lang. Wag kang lalabas hanggat di ko sinasabi… hanggat hindi kita pinupuntahan.”
    “O-Okay…”

    Natahimik siya ng ilang sandali. Narinig kong suminghap siya.

    “Damn stupid fans!” Dinig ko ang frustration sa boses niya.
    “Hindi naman nila kasalanan. Wala silang alam, Wade.” Nanginig ang boses ko.

    Hindi ako makapaniwalang pinagtanggol ko ang fans niya!

    “Shan, and the fans, huh? Wag kang lumabas ulit ng bahay niyo. Nasan ka na?” Tanong niya.
    “Papasok ng village. Malapit na sa bahay.” Sagot ko.
    “You stay there. Hindi ko na hihintayin si Mr. Manzano at ang buong bandang makabalik bukas. I’ll call you later, Reina. Promise me hindi ka lalabas.”
    “Promise… Pero, Wade, hindi ba dapat antayin mo sina Zac? Sina Mr. Manzano?”
    “I called them, Reina. Alam na nila ang tungkol sa prescon. Bukas pa yung usapan, but what’s the point, I need it now…”
    “O-Okay.”

    Nipark ko agad ang sasakyan namin. Tinignan ko si Coreen na panay ang titig sa mga pictures namin sa internet. Nang ibinaba ko na ang cellphone ko ay agad kong kinalas ang seatbelt at lumabas ng sasakyan.

    “Coreen, come on! Labas na! Punta tayo sa kwarto!” Sigaw ko sa nakatunganga paring si Coreen.
    “Look, Reina! May mga kakampi ka!”

    Lumabas siya at ipinakita sakin ang cellphone niya.

    Sa tabi ng mga pagmumura at mga pambabash ng fans, may ibang nag cocomment ng matino.

    “Hindi ba noon pa man, kinaklaro na ni Wade na wala silang relasyon noon pa? Hindi kaya totoo yun? And this is his true girl? Finally nakabalik na galing ibang bansa?”
    “Hindi naman si Reina yung naglalandi sa picture ah? Si Wade naman! He initiated so why are we attacking her?”
    “Wade cheated? Hindi ba noon pa man sinabi niya ng wala silang relasyon ni Shan?”

    Bahagyang gumaan ang pakiramdam ko nang nakitang may mga tao din palang ganito. Yung hindi pinapangunahan ng galit nila.

    Mabilis kong hinila si Coreen papuntang sala. Ganun parin ang bahay, mukhang nandoon parin ang buong pamilya ko sa dining room.

    “Reina…” Narinig ko ang isang pamilyar na boses galing sa likuran.

    Bumaling ako sa nagsalita at nabigla nang nakitang nakapamulsa si Liam at nakatayo sa likod ng sofang inuupuan ni Coreen.

    “I’m sorry about what happened.” Nakita ko ang guilt at lungkot sa kanyang mukha.
    “It’s not your fault. Ako dapat ang mag sorry. You’re right, pinaasa kita unconsciously… I’m sorry…” Nilapitan ko siya habang pinapanood kami ni Coreen.

    Hinaplos ko ang braso niya. Tinignan ni Liam ang kamay kong nakahaplos sa kanyang braso at nakita ko pa lalo ang lungkot sa mga mata niya. Yes, it’s all my fault. Pero gaya ng sabi ni Wade, may masasaktan sa mga desisyon namin. Marami. Mga fans, mga taong malapit samin, mga nagmamahal samin, maging ang pamilya ko.

    Yumuko na lang ako at tinalikuran si Liam.

    But nothing will change my mind. I won’t make that same mistake again. I won’t leave him again…

    Binuksan ni Coreen ang TV at agad bumungad samin ang special news tungkol sa eskandalong kinasasangkutan ng pinakasikat na artist for the past 3 years.

    “Bukas pa makakauwi ang tatlo sa bandang Going South kasama ang manager nilang si Mr. Manzano…” Ulat ng reporter.

    Ang ipinapakita naman sa TV ay ang mga flash ng camera at isang pintuang dinudumog ng media.

    “Paparating na si Wade Rivas para sa prescon na dapat ay bukas pa.”

    Itinuro ni Coreen ang pintuan.

    Nanliit ang mga mata ko at nakitang paparating na si Wade. Papasok na siya sa silid na iyon. Maingay at halos nagkakagulo sa pag uunahan ng mga photographers nang nagpakita na si Wade.

    Diretso ang lakad niya sa isang presidential table. Pinapalubutan siya ng mabibigat na tao.

    Kinuha agad ni Wade yung microphone, kahit wala pa namang nagsasalita o nagtatanong na reporter.

    May ibinulong sa kanya ang isang babaeng propesyunal at mukhang isa niya pang manager bago siya hinayaang magsalita. Tumango si Wade at tumingin sa mga reporter na nag aabang.

    “Hindi na po ako magpapaliguy-ligoy. Hindi ko na rin hihintayin na magtanong kayo. I know what you want. You want the truth, then I’ll give you the truth.”

    Bahagyang nagkagulo ang mga reporters. Kahit sa background ng camera man ng estasyong ito ay may naririnig akong bulung-bulungan. Gusto nilang makalapit pa kay Wade para maging mas klaro yung sasabihin niya.

    “Four years ago, I met this girl. Reina Carmela Elizalde, mayaman. We all know that. May ari yung pamilya niya ng isang napakalaking kompanyang nag aangkat ng barku-barkong hardware and construction materials. And I’m just a simple boy from the province.”

    Panay ang click ng mga camera. Sanay na sanay na siguro si Wade sa mga flash, hindi siya natitinag sa bawat flash ng camera, eh. Tinitigan niya ang audience na ngayon ay sobrang tahimik na.

    “Matayog ang pangarap ko. Gusto kong gumraduate sa magandang paaralan, maka achieve ng laude, at pumasok sa isang sikat na banda. Kaya nang nakapasok ako sa pinapasukan niyang university, sinabihan ako ng kaibigan ko, makipaglapit ako sa kanya, makipag kaibigan, para makapasok naman ako sa banda ng kuya niya.”

    Tumunganga ako sa TV. Naaalala ko simula nung umpisa. Naaalala ko lahat, nung una naming pagkakakilala.

    “Syempre, hindi ko naman siya kilala, gusto kong subukan para lang makapasok sa banda. I was so desperate. Pero hinarangan ako ng kuya niya. I got so mad. Hindi ko pa nga nasisimulan, may humaharang na sakin.” Suminghap siya. “I tried to avoid her. But I just couldn’t resist her innocent charms.”

    Dito pa lang, nahihirapan na akong huminga. Pinaawang ko ang bibig ko para naman mas makahinga pa ako. Titig na titig ako sa TV, ganun rin naman si Coreen sa kabilang sofa. Unti-unti akong umupo sa sofa.

    “Yes, naging magkaibigan kami. I was hard on her. I even bullied her. Kasi ayaw ko sa kanya. Kasi masyadong mayabang. Yes, true, may masamang balak ako, pero hindi ko naman ginawa. Napasok ako sa banda ng kuya niya. I enjoyed it. And she was there… she was always there watching me. I hated it… And I loved it. Magulo ako kasi magulo din ang utak ko. Hindi ko alam na unti-unti na pala akong nahuhumaling sa kanya. Buong akala ko ako yung may plano, ako yung may bitag para sa kanya, but no, it was her trap.”

    Nanginig ang labi kong nakaawang. Nararamdaman ko na ang panunuyo ng lalamunan ko.

    “Isang araw, umamin siya saking gusto niya ako. Hindi naman sa nagmamayabang ako, but it wasn’t the first time na may umamin sakin. I’ve been with girls, and I’ve heard them say the same thing. Ngunit siya yung umamin na nanginig din ako. I couldn’t believe it! Hindi niya ba nakikita? Mayaman siya, I’m just nothing. Mahuhusgahan ako sa oras na magiging kami. Her brothers will be furious, I’m sure. Pero kahit kailan, di niya pinaramdam sakin yun. Para bang walang barriers, walang mayaman, walang mahirap.”

    Tumigil si Wade. Doon ko na realize na hindi lang yung lalamunan ko ang barado. He was trying so hard to breathe normally too!

    Namuo ang mga luha ko sa gilid ng mga mata. Blurry na ang TV para sakin pero patuloy akong nanood at nakinig.

    “Dinala ko siya sa province namin, sa Alegria. She was really simple. Hindi siya nagreklamo nang pinasakay ko siya sa kalabaw namin.” Humalakhak siya. “Hindi siya nagreklamo sa putik. Hindi siya nagreklamo sa maliit naming bahay. Walang reklamo sa tricycle, walang reklamo sa lahat! And like I said, mayaman siya, hindi siya sanay sa mga ganun. That’s why she’s really weird for me…”

    Tumulo na ang luha ko pero hindi ako humikbi. Nanikip na lang ang dibdib ko, para bang na stuck ang lahat ng ihihikbi ko sa lalamunan ko.

    “Na iinlove na pala ako sa kanya. I can imagine a future with her kahit mahirap pa noon. Wala pa akong ibubuga. Wala pa akong sariling pera… Wala pa akong maipagmamayabang. Paano ko siya bubuhayin? Hindi naman ako mayaman? Hindi rin ako papayag na mag aabang na lang ako sa mga magulang niya para saming dalawa. YES, po, iyon agad yung inisip ko. Though, I know, deep inside here, she’s just a little girl. Hindi niya yun iniisip. Hindi siya ganun ka lalim mag isip tungkol samin. Kaya naman nang nalaman niya yung tungkol sa plano kong gamitin siya para lang makapasok sa banda ng kuya niya, she left me…” Natigilan siya. “She left me for her dreams. Ang sakit. I thought it was my trap, but it was hers… Alam mo yung feeling na siya yung unang umamin pero ikaw yung naiwan? Siya yung may mababang pride na agad umamin, pero ikaw na matayog ang pride, ikaw rin yung hindi maka move on?”

    Hindi ko alam na makakaliha pala ako ng ganito. Tuloy-tuloy na parang gripo ang luha kong tumulo sa mga mata.

    “Ikaw yung dapat nang iwan kasi siya naman yung nag alok ng puso niya. Ikaw yung may karapatang umayaw o umo-o, pero langyang buhay, ikaw pa yung nagmamakaawa. No, it wasn’t her fault. It was my fault. Ako yung may masamang plano nung una. But I was too bitter. Gusto kong isiping kasalanan niya. Pero kalaunan, natalo ako ng puso ko. Napasok ako sa Going South. Nag ipon para sundan siya sa France at nakitang may iba siyang kasama. Bumalik yung pagkamuhi ko. Damn her! Ang sabi niya sakin ako mahal niya pero ang bilis naman yata? 17 months pa lang ang nakakalipas ah? Mabilis ba yun o talagang mabagal lang ang pag mo-move on ko?”

    Nakita ko sa gilid ng mga mata ko si Rozen at Kuya Dashiel na nakatayo at nanonood na rin ng prescon.

    “Nagbalik siya. Magulo na naman ang utak ko. I was torn between revenge and making her fall so hard for me so she’ll never leave again.”

    Dumapo ang palad ko sa bibig kong nakaawang. Hindi ko na kayang pigilan ang bawat paghabol ko ng hininga.

    “Gusto kong maghiganti, pero isang sabi niya lang sakin na mahal niya parin ako, lusaw na agad ang loob ko. Nakalimutan ko yung paghihirap ko sa loob ng apat na taon. Wade, its another trap. You know her… Siya yung mababa ang pride sa una pero sa huli siya yung mang iiwan. Ang lakas ng loob talaga ng babaeng ‘to! Kaya pang ulitin yung ginawa niya noon! Got so mad at her… pero nung nasaktan ko na siya, halos magkabaliw-baliw na ako para lang mapatawad niya. No… Hindi ako kailanman nakawala sa bitag niya. Simula nung nalunod ako, hindi na ako nakaahon ulit. Pride ko na lang ang nagbibigay ng lakas sakin. Kaya imbes na magpakalunod akong mag isa, narealize kong hindi na bagay ang revenge, lunod na ako, dapat malunod din siya. So I made her fall so hard for me that she’ll never leave.”

    Tumahimik siya.

    Maingay naman akong humagulhol. Naramdaman ko ang kamay ni Coreen sa likod ko. Pinagmasdan ko siya at nakita kong umiiyak na rin siya at natatawa. Umiling ako at mas lalo pang umiyak.

    “Kung itinatanong niyo kung may relasyon ba kaming dalawa ni Shan, sabihin niyo sakin kung may panahon pa ba akong makipagrelasyon sa iba? Reina didn’t give my heart a chance to love again or to love another…” Umiling si Wade. “Kung iniisip niyo kung bakit kayo naniwalang may relasyon kami ni Shan, then I don’t know. I’ve been denying it ever since. Though I wanted Reina to get jealous noon, I made her believe that it was true. Pero sa fans, I denied it noon pa man. Sana ganun din ang gawin ni Shan kasi alam niya ang totoo. And to all who are asking about my tats, Reina po ang ibig sabihin nito. Hindi ko ito sinasagot sa press noon dahil ayaw kong malaman ni Reina na patay na patay parin ako sa kanya pagkatapos ng apat na taon.”

    Humugot siya ng malalim na hininga.

    “Now, this life won’t make her leave me again… Patapos na po ang kontrata ko sa Moon Records next month. Ang kontrata ko naman sa managers ko ay patapos na rin. Yung huling album na nairecord ko, that will probably be my last. I will quit show business.”

    Maingay ang media sa background. Nagkagulo. Tumango lang ang dalawang katabi ni Wade.

    Nalaglagan na ako ng panga.

    “What? He’ll quit?” Narinig ko si Noah sa likod ni Coreen.

    “Pumasok ako sa Going South dahil passion at pangarap kong kumanta… pumasok din ako para magkapera ako at maabot ko siya. Kaya kong magpatuloy para sa passion at pangarap ko dahil nandito na siya. Pero hindi ko po nagustuhan ang reaksyon ng fans. I Didn’t like the way you treated her. I’m sorry, Reina. Sorry din po sa pamilya niya. Mr. and Mrs. Elizalde. Sa tatlo niyang kapatid, kay Coreen, sa managers ko, sa manager ng Going South, kay Zac, Austin, at Adam, sa pamilya ko lahat ng mga nasaktan at masasaktan sa desisyon ko… Sorry… At sa fans, salamat sa suportang ibinigay niyo sakin for the past years. Sana suportahan niyo rin ako ngayon. Coz if I were to choose if I’d stay with Reina or be your Wade Rivas, I’ll choose to stay with her, coz I’m not Wade Rivas without her. Thank you.”

    Pumihit si Wade at diretsong umalis sa silid. Sumunod din ang dalawang importanteng tao sa kanya. Natulala na lang ako habang narinig kong nag sisinghapan sa likuran ko ang buong pamilya kong nanunood din pala.

  • Kabanata 73Open or Close

    Kabanata 73
    Pre Nuptial

    Buong araw, iyon lang ang laman ng news. Ipinakita sa TV ang umiiyak at nag wewelgang mga fans sa labas ng istasyon at Moon Records.

    “Hindi naman kami lahat yung nambully kay Reina! Bakit nasali kami?” Sabi nung isang umiiyak at may dalang tarpaulin ni Wade.

    Ibalik si Wade! – Yun ang laman ng mga tarp at karatulang dala-dala nila.

    Gigil na gigil na akong puntahan si Wade pero dahil nangako ako sa kanyang hindi ako lalabas ng bahay.

    Sa sobrang paranoid ko, napatalon na ako nang narinig kong tumunog ang cellphone ko. Napatingin ako sa buong pamilya ko, kasama si Liam at Coreen na pare-parehong nakatitig sakin. Para bang gusto rin nilang sagutin yung cellphone ko.

    Tumayo ako at umalis para pumuntang kwarto.

    Nang nakalapit na ako sa hagdanan ay halos masamid na ako sa pagtakbi papuntang kwarto…

    “Hello, Wade?” Sabi ko nang nakarating na sa pintuan ng kwarto ko.
    “You okay?”

    Halos maiyak ako sa tanong niya. Pagkatapos ng ginawa niya, tingin niya matitinag pa ako? Hindi na! Hinding hindi! Kahit ano pa yang ibato sakin, okay na okay ako. Simula palang, siya naman talaga ang nagbibigay ng lakas sakin. Lagi niyang pinaparamdam sakin na ako yung bumubuo sa pagkatao niya. Pero ang totoo nito ay siya itong bumubuo sa pagkatao ko. Hindi ako magkakaroon ng lakas ng loob kung wala siya… Hindi mangyayari ang lahat ng ito kung wala siya.

    “B-Bakit mo ako tinatanong?” Nabasag ang boses ko.

    Hindi ko na mapigilan ang pag iyak ko.

    “Are YOU okay? Ikaw itong umalis ng showbiz. It’s your dream, Wade. Why leave your dream just for me?”

    Naisip ko yung pagiging walang kwenta ko noon. Iniwan ko siya. Hindi sapat na dahilan yung excuse ko noon sa pag iwan ko sa kanya… hindi sapat yun para saktan ko siya.

    “Of course, I’m okay kung okay ka… Kaya are you okay, Reina?”

    Humikbi pa ako lalo. I can’t take this. He’s just too darn good for me…

    “Yes, I’m okay pag nandyan ka.” Pumikit ako.
    “Bakit ka umiiyak?”
    Natawa ako sa tanong niya, “Ikaw ba marinig yung speech mo sa TV, hindi ka ba maiiyak?”
    Humalakhak din siya.
    “Is this okay, Wade? Yung pag talikod mo? How bout the band? Madidisband? You’re the vocalist, for God’s sake? What about Zac? Austin? and Adam? Mr. Manzano?”
    “Nasabi ko na sa kanila, Reina. Besides, wala naman silang magagawa. Mag eexpire na ako next month. Wala na silang hold sakin.”
    “Wade, this isn’t a joke. It’s your career.”
    “May naipon ako, Reina. My family bought this farm sa Alegria. At marami na rin akong-“
    “That’s not what I mean, Wade. It’s your passion we are talking about… Yung music. You are really talented… You belong there. Sayo ang stage, Wade.”
    Suminghap siya, “No, Reina. I’ll protect you. Ikaw ang priority ko. Kaya hindi na magbabago ang isip ko.”

    Napalunok ako.

    “Are you really sure about this?” Tanong ko.
    “Yes. Really sure, Reina.”

    Pumikit na lang ako. Hindi ako makapaniwala. Tulad ng mga fans niya, nanghihinayang din ako sa pag alis niya sa showbiz! Phenomenal ang pag sikat nila. Siya yung lead, siya yung center of attention, siya yung aalis. Sayang! At lahat ng iyan gagawin niya para sakin.

    “Magpahinga ka muna ngayong araw, okay? Hindi kita papupuntahin dito o pupuntahan diyan.” He chuckled.

    Nanghina ako. I really really want to be with him. Kaso… pakiramdam ko sa oras na magkita kami hindi na ulit ako hihiwalay sa kanya. Gugustuhin ko na lang na nasa tabi niya parati.

    “Papunta na ang parents ko galing Alegria. Pupunta kami diyan, bukas, mamamanhikan. I’ll marry you, kahit na ayaw ng pamilya mo, I’ll marry you, Reina.”

    Hindi matanggal sa utak ko ang mga banta ni Wade. Maging sa panaginip ko ay dumalaw ito sakin. Matamis na banta… I love you so much, Wade.

    Nagising na lang ako sa panibagong araw. Tinanghali pala ako ng gising. Ang sarap pala ng tulog ko.

    Biglang may kumatok sa pintuan ko.

    “Sino yan?” Sigaw ko kahit napapaos pa ang boses ko.
    “Ma’am Reina, salamat naman, gising ka na po ba?”

    Mahina ang boses ng katulong namin. Halos hindi ko marinig dahil sarado naman kasi yung pintuan ng kwarto ko.

    Inaantok pa akong bumangon. Nakapikit pa ako habang naglalakad. Binuksan ko yung pinto at naaninag ang natatarantang mukha ng katulong.

    “Naku ho!” Sigaw niya sa mukha ko. “Hindi ka pa po pala naliligo! Hindi ba sinabi sayo ni Wade…” Iba yung tono ng Wade niya.

    Nagising ako dun sa tono. Para kasing isa siya sa mga nag nanasa.

    “… ni Wade na pupunta siya dito kasama yung pamilya niya?”

    Nanlaki ang mga mata ko nang narealize na oo nga pala, sinabi nga pala iyon ni Wade sakin.

    “P-Po? nandyan na ba sila?”
    Tumango si manang, “Oo! Kanina pa. Nasa baba. Kausap yung mommy at daddy mo. Kanina pa nila ako inuutusang gisingin ka kaya lang tulog na tulog ka.”

    JUSKO! Buti hindi si Wade ang pumunta dito at gumising sakin!

    Agad kong nicheck ang muta at laway ko. Meron ba? Makaligo na nga muna! Nagmadali akong pumunta sa banyo at naligo. Pakiramdam ko wisik-wisik lang yung ginawa ko sa sobrang bilis.

    Nakatuwalya pa ako nang lumabas para magbihis pero langya, bumungad sakin ang magulo kong kwarto! Nagkalat ang mga photo album at kung anu-anu pang abubut ko noon. Mukhang may nag halungkat ng baul ko!

    Nakita kong nakasimangot na tinitignan ni Wade ang isang spring notebook na malaki.

    “WADE?” Sabi ko.

    Tumingala siya at pinasadahan ng tingin ang buong katawan ko. Uminit ang pisngi ko. Buong akala ko ay aasarin niya na naman ako ng mga bastos na hirit niya pero nakasimangot lang siya habang iniisa-isa ang parte ng katawan ko.

    “Anyare? Kumusta yung pag uusap ni mommy at daddy sa mga magulang mo? Sorry, wala pa ako. Tinanghali ako.” Sabi ko sabay kuha ng damit sa closet.

    Sinusubukan kong umilag sa titig niyang hindi matanggal-tanggal sakin. Pero nakasimagot parin naman siya.

    “Hinihintay ka namin.” Masungit niyang sagot.

    Kumunot ang noo ko at sinarado ang closet room para makapagbihis na ako. Narinig ko ang pagtayo niya at paglapit sakin.

    “Mag bibihis muna ako.” Sabi ko sabay kuha sa tuwalya para makapag panty na at bra habang nasa labas pa siya.

    Bigla niyang binuksan yung pintuan. Naka sarado iyon pero nabuksan niya. Ewan ko kung paano niya ginawa.

    “AHH!” Halos mapatili ako.

    Seryoso parin ang mukha niya. Nagmadali akong kunin ulit ang tuwalya. Panty pa lang naisusuot ko. Mas lalo akong naasiwa nang nakatitig siya ng nakasimangot sa dibdib ko.

    “Manyak ka!” Sigaw ko.

    Pero mukhang hindi niya ata yun narinig.

    “Sino ‘to?” Iyon ang tanong niya sakin habang ipinapakita ang lumang barbie autograph ko.
    “Huh?”

    Inayos ko yung tuwalya at tinignan iyung tinuturo niya.

    “Ynigo Sanchez?” Sabi ko habang binabasa ko ang sulat kamay ko. “Classmate ko yan noong highschool.”
    “Nasan na siya ngayon?”

    Uminit ang pisngi ko nang narealize kung bakit siya nakasimangot at bakit siya nagtatanong.

    “Huh? Ewan ko? Nag aaral din sa kabilang Univ-“
    “Sino ‘to?” Tinuro niya ang isa pang mas lumang autograph.
    “Benjamin Jimenez?” Playing dumb now… Kinagat ko ang labi ko, “Kapitbahay namin.”

    Nanliit ang mga mata niya.

    “Alin yung bahay nila dito?” Tanong niya.
    “Wade! Anu bah! Matagal na kaya yan?”
    “Ang dami mo palang naging crush? Asan yung iba mo pang ganito? Para yatang taon-taon kang nagpapalit ng crush?”

    Mas lalong uminit ang pisngi ko. Eh… Kasalanan ko bang hopeless romantic ako noon!?

    “Kaya ba madali mo rin akong naging crush noon? Baka sa susunod na taon, iba naman yung gusto mo, ah?” Masungit niyang sinabi.
    “Huh? Hindi no! Apat na taon, Wade. Sasayangin ko ba yun.”

    Naningkit pa lalo ang mga mata niya at nakita kong dahan-dahan niyang sinarado ang pintuan ng closet room ko.

    Napalunok ako at napaatras.

    Hinawakan niya ang kamay kong nakahawak sa tuwalya ko. Nanghina agad yung tuhod ko. Alam kong nasa bahay kami, nandito mga magulang namin, at alam nilang nasa loob kaming dalawa ng kwarto ko… pero damn, kung gusto ni Wade na angkinin ako ngayon din, alam ko sa sarili kong bibigay ako, wala akong pake kung mahuli kami at paghiwalayin dahil sa kahalayang nagawa. Paghiwalayin your faces! Hindi ako natatakot.

    Tinanggal ni Wade ang tuwalya ko.

    “Wade~”

    Shit! Hindi niya pa nga ako nahahawakan, napapaungol na ako.

    “Magbihis ka na…” Malamig niyang bulong sakin. “Mejo galit ako…”

    SHIIIIIIIIIIIZ! Umalis siya at iniwan akong nakatunganga doon sa closet room na hubo’t hubad. Sa sobrang panginginig ng tuhod ko ay napaluhod ako sa sahig.

    MY GOSH! Pwedeng lumuhod at magmakaawa sa kanya? My gosh!

    “Make it fast, Reina!” Sigaw niya sa labas.

    Malulutong na mura na lang ang tanging naisip ko habang nagbibihis ako. Damn you, Rivas! Walking heater! With you damn freaking heat inducing abs! Wag mo akong bitinin! Pakshet!

    Pagkalabas ko ay nasa pintuan na siya at inaabangan ako.

    “Let’s go…” Umirap siya.
    “Seriously, ang bata ko pa nun. Ni hindi ko na nga maalala si Ynigo… Crush nun si Coreen. Hindi ako?”

    Nilingon niya ako.

    “Kung ikaw yung crush niya, bibigay ka ba?”
    “Uhmm! Hindi no! Panget kaya nun!”
    “Paasa! Ikaw talaga ang galing mong magkunwareng baguhan!”

    Hinawakn ko ang braso niya.

    “Hindi naman.” Sabi ko sabay haplos.

    Nakita kong nakakuyom ang kamay niya habang hinahaplos ko yung braso niya. Nakita ko ring pumula ang pisngi niya at nag iwas ng tingin. Bumaba na kami sa hagdanan at naaninag ko ang naghihintay naming mga magulang.

    Naka upo ang mama at papa ni Wade sa kabilang sofa, ang mga magulang ko naman ay nasa kabila. Kapansin pansin ang pagiging simple ng mama at papa ni Wade kumpara sa naka coat na daddy ko at naka dress na mommy ko.

    “Reina, bakit ngayon ka lang nagising? Say sorry to your visitors.” Sabi ni mommy.
    Yumuko ako sa mama at papa ni Wade na parehong nakangiti sakin, “Sorry po.”
    “So as I was saying… pwede nating gawan sila ng pre nuptial agreement.” Sabi ng mama ni Wade.

    PRE NUPTIAL? BAKIT PA YUN KAILANGAN? ATSAKA? TALAGANG MAGPAPAKASAL?

    “Sang ayon ako diyan.” Dagdag ni mommy.

    Humalukipkip si Wade habang nakikinig sa mga magulang namin.

    “Mom, wag na po…” Nakakahiya.
    “Kung anong ari-arian mo, Reina, mula pagkabata hanggang ikinasal ka ay sayo lang, hindi conjugal property.” Sabi ng mama ni Wade sakin.
    Nakakaguilty at nakakahiya naman sina mommy at daddy, tumatango pa naman si mommy sa sinasabi ng mama ni Wade.
    “Pero yung akin, wag na. Kung ano yung akin simula nung pagsikat ko hanggang ngayon ay gagawin kong conjugal property. Yung dalawang bahay, yung condo, mga sasakyan, at ang pera sa bangko, conjugal.” Sabi ni Wade.

    Napatingin si daddy kay Wade. Hinawakan ko ang braso niya. That’s my Wade Rivas.

    Napatingin si Daddy sakin. Seryoso ang mukha niya. Hindi ko mapigilang ngumiti sa kanya. Yes, dad, he’s that kind of man. Kaya nga papakasalan ko, diba?

    “Wag ng mag prenup, just plan the damn wedding.”

    Nabigla ako sa mura ni Daddy. Halos mapatalon din ako nang narealize kung ano yung sinabi niya! WE ARE GETTING MARRIED!

  • Kabanata 74Open or Close

    Kabanata 74
    Pink Balloons

    Hindi naman talaga sinabi ng maayos ni mommy at daddy na papayag na sila samin ni Wade. Hindi nila nilinaw sakin. Ang alam ko lang ay gusto ng planuhin ni daddy yung wedding.

    Nakaraan ang ilang araw, nagbalik din sa dati ang buhay pamilya ko. Trabaho silang lahat, ako naman mejo nag lie low muna sa Fashion Week. May nag offer ulit na magazine sakin na ifeature yung works ko. Though I doubt it kung dahil ba iyon nagustuhan nila o dahil mainit akong topic ngayon.

    Hindi ako hinahayaan ni Wade na lumabas sa bahay. Siya na mismo nag pupunta sa bahay araw-araw para bisitahin ako. Ayaw niyang may mangyaring tulad nung sa mall.

    Nanonood ako ng TV habang hinihintay ang pag dating niya. Isang linggo na ang nakakalipas pero hindi parin naiaalis sa mga balita ang tungkol kay Wade at Shan. Unti-unti na ring pumapasok sa kokote ng media ang kasinungalingang bumabalot sa ‘relasyon’ nilang dalawa.

    May isang special report pa na nag hahayag ng mga clues tungkol sa katotohanan. Ipinakita yung mga clips ng pag deny ni Wade noong kasagsagan pa lang ng pagsikat niya at ni Shan.

    May eksena doong may pinag uusapan si Zac at si Wade, sabay silang tumawa, kaya nang lumapit ang reporter kay Wade at nag tanong tungkol sa relasyon ni Wade at Shan.

    “Wala… Wala…” Umiiling si Wade at umiilag sa camera pero tumatawa parin.

    May kumento din doon ang reporter na ganyan talaga sa showbiz, madalas yung mga totoong relasyon ay tinatago.

    Doon nagsimula ang lahat. Tuwing iniinterview si Shan, hindi naman siya nagsisinungaling, pero panigurado namang blooming at palaging nakangiti at nakabalandra ang dimple niya pag kaharap ang camera.

    “May relasyon ba kayo ng vocalist ng Going South na si Wade Rivas?”

    Hindi siya agad sumagot. Nakangisi lang siya at nagningning ang mga mata niya. Taas baba ang microphone niya na para bang nag aalinlangang sumagot.

    “No comment…” Tumawa siya.

    Sa tagal niyang sumagot, yun lang din pala yung mapapala ng mga tao.

    Hindi siya nagsinungaling pero di niya naman sinabi ang totoo.

    Nung unang nakita si Zoey na papasok sa condo ni Wade kasama ang isang matangkad na lalaki, si Mr. Manzano at ang isang P.A, pinakitang si Zoey lang naman talaga ang nasa picture. Pagkatapos noon ay nagpakita si Shan sa publiko na may malaking black aviators. Hindi siya ngumingiti at palaging mukhang pula ang ilong niya.

    Nang inintriga at tinanong kung anong nangyari…

    “We’re okay… we’re okay…” Pero naiiyak siyang sumasagot.

    Aburido si Wade kasi hindi siya mahilig magpainterview. Nang na interview siya sa The Buzz ng isang beses at tinanong kung anong meron sa kanila ni Shan ay diretsahan ang sagot niya.

    “Hindi kami. Magkaibigan kami pero hindi kami.” Yun ang sagot niya.

    Pero makikita sa host ang pag aalinlangan at pagkukunwaring naniniwala sa sagot niya.

    Nabuhay ang topic na ito dahil kahapon nag painterview si Shan.

    “Ano ba talaga ang totoo?” Tanong ng host.

    May itim na background sina Shan. Itim din ang soot niya, maging ang host ay nakaitim, parang namatayan lang.

    Hindi nagsalita si Shan.

    “May relasyon ba kayo ni Wade Rivas?”
    Ilang sandali pa bago siya sumagot, “Ang alam ko lang tito Boy, mahal ko siya.” Natigil pa siya para umiyak.

    Napangiwi ako.

    “Sino si Reina Carmela Elizalde?” Tanong sa kanya.
    “Siya po yung ipinakilalang kaibigan ni Wade. Hindi ko naman alam na may nakaraan po sila. I was blind all along, tito Boy. Hindi ko po ineexpect.”
    “Ginamit ka ba ni Reina Elizalde?”
    Pumikit si Shan at nakita ko ang pag tulo ng luha niya, “Hindi naman po. May talent siya. Tinulungan ko lang siyang makapasok. Yung talent niya ang nagdala sa kanya sa estadong yan.”
    “Anong masasabi mo sa pag quit ni Wade sa Going South?”
    “Sayang po. Isa po siya sa pinaka magaling na artist na nakilala ko. Yung buong Going South po. Tingin ko, malaking kawalan siya. Hindi na mabubuo ulit yung Going South kung wala siya.”

    Napalunok ako. She’s right!

    “Anong masasabi mo sa WadeSha?”
    Umiyak siya. Humagulhol bago nagsalita, “Maraming salamat sa suporta ninyo samin ni Wade. I really appreciate it. Kahit na wala ng WadeSha ngayon, sana patuloy niyo kaming suportahan sa kanya kanya naming career.”
    “Lastly, Shan… Ano ang iyong mensahe kay Wade… at kay Reina…”

    Humagulhol ulit si Shan. Ipinakita sa buong interview ang pagbibigay pa ng tubig ng staff bago siya nakapagsalita ulit.

    “Stay strong sa inyong dalawa. Pasensya na kayo kung naging hadlang ako. Hindi ko naman alam yun. I love Wade, so ipinapakita ko sa kanya iyon. Hindi ko naman alam na may naapakan pala akong tao all this time.” Pumikit siya.

    Natapos ang interview nang umiiyak si Shan at hindi na ulit nadugtungan ang sinabi niya.

    Nakatunganga lang ako sa TV. Ang sumunod naman na clip ay ang mga nagwe-welgang fans ni Wade. Nagkaroon pa sila ng conference. Yung mga myembro sa iba’t-ibang fan-org. Yung mga WadeShanatics, WadeShaNation, WadeShaForever, GoingSouthNation, GoingSouthers… at kung anu-ano pang nakakadugo ng ilong na mga ganyan ay nagkaroon ng prescon. Bumuo sila ng panibagong organization. Isa sa pinakamalaking fanbase so far dito sa Pilipinas. Yung GSShippers na nalalayon sa pagiging matatag ng bandang Going South kasama si Wade. Nagkaroon din ito ng sister group na ang pangalan ay Wadesters.

    “Hindi ako nagsasarado ng pinto para kay Wade Rivas. Of course, it’s always open for him. Pero kilala ko siya, this is his passion, pero alam ko ring mauuna sa listahan niya ang pagsecure sa relasyon nila ni Reina. Gaya ng sinabi niya sa statement niya, matagal niya na itong hinintay, nobody can ruin it for him. All we need to do is just support him. Kilalanin sana ng mga fans si Reina.” Sabi sa ambush interview ni Mr. Manzano. “I’ve met her. Lagi kaming magkasama sa backstage. Mahinhin po iyon. Hindi gaanong nagsasalita kung hindi tinatanong. Mabait na bata, matulungin at hindi mo makikita sa aura niya na sobrang yaman nila. So I understand kung bakit baliw na baliw si Wade sa kanya. Madalang ang babaeng ganyan lalo na’t mulat siya sa karangyaan.”

    Nakapikit ako at halos takpan na ang tainga dahil sa hiyang nadarama sa pinagsasabi ni Mr. Manzano.

    Napatalon ako nang may pumulupot sa leeg ko. Marahan niyang pinahingalay ang braso niya sa balikat ko.

    “What are you watching?” Malambing na tanong ni Wade.
    “TV.”
    Kumunot ang noo niya, “Hindi ka naman gaanong nanonood ng TV, ah?”

    Pinatay ko ang TV at hinarap siya.

    “Halos lahat kasi ng topic tungkol satin.”
    Suminghap siya, “Wag mo ng panoorin. Mamaya basahin na naman diyan yung litanya at kumento ng mga mapanghusgang fans tungkol sayo. I don’t want you hurt, Reina.”

    “Hindi naman.”

    Hindi ako masasaktan pa. Pakiramdam ko pinoprotektahan ako ng pagmamahal niya sa sakit na maaring madama ko dahil lang sa mga sinasabi ng fans. Ganun ka tindi ang pagmamahal ni Wade. Tagos hanggang kaluluwa ko. Magagawa akong protektahan laban sa sakit.

    “Hey…” Untag niya.
    Tinaas ko ang kilay ko.
    “Labas tayo ngayon.”

    Unti-unti akong ngumisi. SA WAKAS! MAKAKALABAS NA AKO SA BAHAY!

    “San tayo?” Nakangisi kong tanong.
    “Hmmm. Kunin ko lang yung isang gitara ko sa Moon Records, tapos may kukunin din ako kay Hugo.”
    “O sige ba!”

    Kahit saan pa yan… basta ang gusto ko lang ay lumabas at masinagan ng araw. LOL. Nasisinagan naman ako ng araw tuwing naglalakad ako sa garden at sa pool side ng bahay namin, kaya lang iba parin pag nasa labas ka na ng mga matataas na dingding ng bahay namin.

    “Pagkatapos ay punta tayo sa condo ko. May sakit si Carmela…” He pouted.

    Ngumuso ako sa pout niya.

    Nilagay niya yung noo niya sa balikat ko. Tumindig ang balahibo ko.

    “Bakit? A-Anong nangyari?” Nauutak kong tanong.

    Nakakakiliti naman kasi kahit yung buhok niyang dumadapo lang sa balat ng leeg ko.

    “Ayaw niyang kumain. Bumili na nga ako ng treats, baka sakaling kumain.” Aniya.
    “Baka naman in heat?” Sabi ko nang nakataas ang kilay.

    Inangat niya ang ulo niya at kinunot ang noo.

    “Sabi naman sayo ayaw ko siyang ipabreed diba?”

    Hinampas ko ang balikat niya. Andito na naman tayo sa usaping ito. Inirapan ko siya. Kainis ‘to Tumawa siya sa reaksyon ko at niyakap ako.

    “Nasanay na akong pinagbabawalan siya kaya sa ngayon, hindi talaga pwede…”

    Asus! Bumabawi sa yakap ang isang ito. Umirap ako at tumayo.

    “Tayo na! Hindi na ako makapaghintay makalabas dito…” Hinila ko siya at nakita kong kinuha niya ang cellphone niya.
    “Text ko muna si daddy.” Ngumisi siya sakin.

    Yes… Textmates sila ni daddy. Palagi pa siyang nagrereklamo kasi ang sagot lang daw ni daddy sa kanya ay isang malamig na, “K.”

    Umirap ako at patuloy parin siyang hinila palabas ng bahay namin. Mabilis kaming nakarating sa Moon Records. Hindi ako makapaniwalang may iilan paring mga fanatic ang nag we-welga sa labas.

    “Shit!” Napamura si Wade nang may tumuro sa sasakyan niya.
    “Hala! Patay! Benz nga pala gamit mo!”

    Kilala kasi ang sasakyan na ito bilang sasakyan niya kaya kahit tinted, makikilala parin siya ng fans.

    Kahit bawal magpaharurot ng sasakyan papasok sa parking lot, sinenyasan siya ng security guard na bilisan ang pagpapatakbo nang di maabutan ng fans. Iyon nga ang ginawa niya. Nakapasok kami sa parking lot bago nagkaroon ng barricade doon para hindi sila makapasok.

    Suminghap si Wade at umiling. Pinagmasdan ko naman siya at hinanap ang traces na nagsisisi siya sa desisyon niya. Sinimangutan niya lang ako nang naabutang nakatitig ako.

    “What?” Tanong niya pagkapasok namin sa Moon Records.
    “Kawawa ang fans mo-“
    “Kawawa ang fans o kawawa ka? Walang tanong, Reina. Ikaw lang yung sagot kaya wag mo na akong iconvince…” Malamig niyang sinabi sakin.

    Kaya lang, hindi talaga maalis sakin ang mga fans na nagbibilad sa araw para lang maibalik si Wade sa Going South. Dumungaw ako sa bintana at nakita ko yung mga kulay pink na balloon sa labas. Ano yan? Pinanood kong mabuti ang mga fans na may hawak na pink balloons. Si Wade ay nasa loob pa ng studio para kunin yung guitar niya.

    “Inabangan talaga nila si Wade para diyan.”

    Napatingin ako sa nagsasalita. Si Adam! Nandito pala ang mga miyembro ng Going South?! Nakita ko rin si Austin sa likod niya. Nakahalukipkip lang siya at pinanood ako.

    “Adam… A-Austin…” Naramdaman kong gumapang ang guilt sa kalooblooban ko.

    It was all my fault.

    “I’m sorry…”
    Umiling si Adam, “No, Reina. Kung ako nasa katayuan ni Wade… ibabash ang asawa ko at aawayin ng fans, I would probably quit. So I understand. It’s the right thing to do.”

    Pareho silang nakatingin ngayon sa mga fans. Napatingin na rin ako sa baba, kung saan nandoon ang mga fans na may dalang pink balloons.

    Binuksan ni Adam ang bintana. May isang fan na nakakita at tumili habang itinuturo kaming tatlo doon.

    Tumakbo sila para tumapat at bahagyang lumapit sa bintana. Kahit na nasa ika tatlong palapag kami, malinaw kong narinig ang sinasabi nila.

    “REINA! Please, tulungan mo kaming ibalik si Wade. Hindi naman lahat ng fans ang naging masama sayo… Kami… we love you… Mahal namin ang mahal ni Wade…”

    May nakita akong humagulhol na isa. Nalaglag ang panga ko nang humagulhol ang halos lahat ng fans.

    “Reina, please… please…”

    Hindi ako makapaniwala. Hinding hindi pumapasok sa utak ko. Ganito ka passionate ang fans ni Wade sa kanya. Iniiyakan siya. Minamahal siya kahit may iba siyang mahal. It was too surreal, impossible, unrealistic, perfect…

    May isang nakawalang balloon na agad namang inabot ni Adam at binasa ang nakasulat.

    “We love Wade and Reina. Please come back.” Iyon ang nakasulat sa balloon.

    Dumungaw ako sa mga humahagulhol at may nakita akong fans na umiiyak at nginingitian ako.

    “Ang ganda mo pala, Ms. Reina…”

    Parang kinurot ang puso ko nang nakita kong bata pa ang nagsabi noon. Mukhang nasa elementarya pa yata.

    “Kahit di na lang po siya bumalik, makausap lang namin kayo ng maayos at makapag apologize, ayos na samin…” Nabasag ang boses nung mas matanda bago humagulhol.

    Wala akong nagawa doon kundi ang lumunok at panoorin silang marubdob na pinapahayag ang mga daing nila.

    “Hindi na magbabago ang isip ni Wade. Nothing will change his mind…” Sabi ni Adam nang nakangiti. “Pakitaan man siya ng milyun-milyong fans na humahagulhol, hindi magbabago ang isip niya.”

    Umiling ako at tinitigan siya. Nabigla siya sa pag iling ko kaya hindi niya pinagpatuloy ang pagsasalita.

    “Ako… Mababago ko ang isip niya.”

  • Kabanata 75Open or Close

    Kabanata 75
    Sobra Sobra

    Lumabas si Wade sa studion habang nasa likod niya na ang gitara. My rockstar in character.. Nakakatuwa siyang tignan. Kaya lang sumimangot siya nang nakita ang balloon sa kamay ni ko.

    Kinuha ko kasi iyon kay Adam para tignan. Nag high five sila ni Adam at Austin.

    “Ayos, bro?” Tanong ni Adam.

    Tumango si Wade at bumaling sakin. Winagayway ko yung balloon. Sa totoo lang, alam kong ako yung makakapagpabago ng pag iisip niya, pero hindi ko alam kung paano. Pakiramdam ko, ako yung superhero na may power pero hindi alam kung paano gamitin ang power na iyon.

    “Ano yan?” Sabay turo sa balloon na hawak-hawak ko.

    Lumapit ako kay Wade. Nilahad niya ang bisig niya, para bang naghihingtay siyang yumakap ako sa kanya. Kaya sinandal ko ang buong katawan ko sa kanya nang ipinakita ko iyon.

    Pinulupot niya ang kanyang braso sa baywang ko.

    “Galing sa fans mo sa labas.” Sabi ko at tinuro ang nakalagay sa balloons.

    Hinalikan niya ang pisngi ko at binasa ang nakasulat doon. Ngumuso siya.

    “They love you because they love me…” Aniya.
    “Ayaw mo nun? Ready silang tanggapin yung desisyon mo para lang bumalik ka?”
    Umiling si Wade at hinila ako, “Tara na… Uwi na tayo…” Ngumisi siya sakin.

    Sumimangot naman ako ngayon. Ayaw niya talagang paawat sa desisyon niya, ah?

    Nagpadala ako sa hila niya papunta sa elevator.

    “See you around, man!” Tinapik niya sa balikat si Austin at Adam.

    Kakalabas naman si Zac sa studio, naabutan niya kaming paalis na. Napatingin si Zac sakin at ngumisi kay Wade.

    “Basta sama ako sa kasal, ah…” Aniya.
    “Whatever, Zac.” Pumihit si Wade para talikuran sila.

    Ramdam ko, kita ko sa mukha niya ang panghihinayang. Magkaibigan silang apat. Mejo matagal-tagal narin silang magkasama para buuin ang Going South. Nakakalungkot isiping dumating lang ako ay gumuho agad yung pundasyong inilaan nila para sa bandang ito.

    Nakakalungkot.

    Alam kong kahit firm ang desisyon ni Wade tungkol dito ay hindi niya parin kayang takasan ang lungkot. Maaring hindi siya nagsisisi, hindi siya nanghinayang, pero alam kong malungkot siya.

    “Wade…” Hinila ko siya pagkalabas namin sa elevator.
    “Bakit?”
    “Pwedeng kahit saglit lang, doon muna tayo?” Sabay turo ko sa front door ng Moon Records.
    “Anong gagawin natin diyan?” Tanong niya with a confused look.
    “Panonoorin ko lang ang fans mo, kakausapin.” Sabi ko.

    Nakita kong kumuyom ang panga niya sa suhestyon ko. Ayaw niya.

    “Please?” Hinaplos ko ang likod ng leeg niya.

    Pumikit siya at humugot ng malalim na hininga.

    “Alright…” Aniya at nagpahila din sakin.

    Pinapanood kami ng mga nagtatrabaho sa Moon Records. Nakita ko yung mga ulo nilang sabay na gumalaw sa paglalakad naming dalawa. May ibang bumati kay Wade at kinumbinsi siyang bumalik, ngumiti lang siya at tinignan ako. Hinayaan niya akong hilain siya papunta sa front door.

    Pinagbuksan kami ng security guard. Kahit na salamin naman yung pintuan at kanina ko pa nakikita yung mga fans na nakaupo sa labas, iba parin talaga yung feeling na walang barrier sa gitna ninyo.

    Agad may lumapit na security guards saming dalawa ni Wade. Para bang naghahanda silang protektahan kaming dalawa.

    Nagmartsa ang mga fans palapit samin. Alam ko kung gaano sila nahirapan sa pagpipigil sa pagtakbo para dumugin si Wade. Nasa tapat kami ngayon ng building. Hindi kami bumababa sa hagdanan ng Moon Records dahil may nakahilerang mga security guards sa unang baitan ng hagdanan. Kaya ang mga fans ay nanatiling sa baba. Ganun pa man, kitang-kita ko yung mga mukha nila. Iniisa-isa ko silang tinignan. Malulungkot at kakagaling lang sa iyak yung iba. Yung iba naman ay hindi maalis ang pagkamangha kay Wade.

    Nasa likod ko lang si Wade, walang imik at malamig ang tingin sa mga umiidolo sa kanya.

    Humakbang ako palapit sa kanila ngunit agad namang hinila ni Wade ang braso ko. Hinayaan ko siyang hawakan ang braso ko at agad na lang akong nagsalita.

    “Hello po! Ako nga po pala si Reina Carmela Elizalde.” Sabi ko.

    Tumango ang mga fans ngunit tahimik parin.

    “Ako po yung girlfriend ni Wade…” Dagdag ko.
    “Fiancee.” Pagtatama ni Wade.

    Hindi ko siya pinansin. Nakatoon lang ang buong atensyon ko sa kanyang mga fans.

    “Thank you po sa effort na yan…” Sabay turo ko sa pink balloons. “Na aappreciate ko po yung pagmamahal niyo kay Wade… Naappreciate ko po yung paghanga niyo sa kanya…”

    Bahagyang nagbulung-bulungan ang mga fans.

    “Mahal ka din po namin. Susuportahan namin si Wade…” Sabi nung mejo matanda ng fan.

    Naging dahilan ito ng mas lalong umingay na bulung-bulungan. Napawi din ang bulung-bulungan nang nagsalita ulit ako.

    “Pareho po tayo ng gusto… Kahit na nasaktan ako sa mga nangyari, sa mga bashers, sa mga nanira, sa lahat ng nangyari, gusto ko parin siyang bumalik sa showbiz.”

    Mas lalong humigpit ang hawak ni Wade sa braso ko.

    “Kung ako ang masusunod, pababalikin ko siya. Dahil una ko po siyang nakilala, at napansin, noong nasa stage siya at kinakanta ang isang napakagandang kanta. Pakiramdam ko, hindi kumpleto ang buong pagkatao niya kung wala siya sa stage…” Pumiyok ang boses ko.

    Naasiwa ako sa katahimikang bumalot sa buong lugar. Ihip lang ng hangin ang narinig ko at panghihina lang ng kamay ni Wade ang naramdaman ko.

    “Mahal ko po siya ng buong buo. Susuportahan ko siya kahit ano man ang gusto niya. Pero ayaw ko siyang malungkot, coz I know this is his passion. Hindi bale na yung sakit… di bale na yung lahat ng naranasan ko… ang importante sakin makita siyang masaya…”

    Naramdman kong linapit niya ang bibig niya sa tainga ko.

    “But I’m happy with you, Reina.”

    Ngumisi ako at bumaling sa kanya.

    “You will be happier with me… and with your passion, Wade.”

    Napalunok siya sa sinabi ko. Damn, I love this man so much. Hindi ko alam kung paano ko nakakayang pasanin yung pagmamahal ko sa kanya dito lang sa puso ko, eh ang liit liit ng puso.

    “I’ll try my very best, po, na pabalikin siya sa stage. Para kumanta… Para hangaan niyo… I love Wade completely, with or without his fame. Pero pakiramdam ko po, magiging buo yung pagkatao niya pag bumalik siya sa pagkanta…” Nilingon ko si Wade na ngayon ay nakita kong pula na ang ilong at naiiyak ng nakasimangot sakin.

    Ngumisi ako at napatingin sa fans niyang ngayon ay humahagulhol na rin.

    “Baguhan ka talaga, Reina… Kaya mahal na mahal kta, eh…” Bulong niya sakin.

    Suminghap siya at kinusot ang mga mata.

    “Mamaya pa dapat ‘to, pero sige…” Aniya at sinuyod ang mga fans niyang nag aabang ng sasabihin niya.

    Biglang lumuhod si Wade sa harap ko. Halos magtatalon ako nang nakita ko pa lang siyang papaluhod. Dahil alam ko… alam ko na kung anong gagawin niya… Kahit na hindi ko iyon inaasahan, nalaman ko rin dahil sa pagluhod niya.

    Nakangisi siya nang nilahad yung pulang box.

    Tumili na ako ng bongga. Hindi na ako makapagpigil. Tinalikuran ko na siya at sinabunutan na yung isang guard doon.

    OH MY GOODNESS! I’m hyperventilating in front of these people!

    May iilan na akong nakitang kumukuha ng video…

    “Marry me, Reina… Kung hindi, hindi ako babalik sa Going South.” Banta niya.

    “OH MY GOOOOD! AHHHH!”
    “AHHH MARRY WADE, REINA!”
    “SHEMSSS! SHEMS! MARRY NA!”
    “KASAL NA PLEASE!” Sigaw nang sigaw ang mga fans niya sakin.
    “WE LOVE YOU REINA!” Sabay sabay silang sumigaw nito.

    Hindi ko na marinig ng maayos ang lahat kasi iba-iba na yung sigaw nila. Bumabaling na rin yung mga nakaharang na guards samin at nakangising pinapanood kami.

    “Of course, I’ll marry you, Wade Rivas! WHO WOULDN’T?”

    Nilagay niya dahan-dahan ang singsing sa kamay ko. Naramdaman ko ang panginginig ng kamay niya habang nilalagay ito sakin. Nang tuluyan niya na itong nailagay ay tumayo na siya. Agad ko siyang niyakap.

    At dahil mahigpit ang pagkakayakap ko sa kanya, hindi ko na namalayang yumuyuko na pala siya para abutin yung binti ko. Binuhat niya ako sa bisig niya at agad bumalik papasok sa Moon Records.

    “WE LOVE YOU REINA! CONGRATULATIONS, WADE!” Iyon ang huli kong narinig sa mga fans niya.

    Tumitili ding sumalubong ang buong staff ng Moon Records. May mga bumabati at naninisay sa kilig. Kaya lang, suplado itong si Wade at diretso lang na naglakad papuntang parking lot.

    “You made me do it, Reina.” Buntong hininga ni Wade nang inilapag niya ako sa front seat ng kotse niya.

    Pagkalapag niya ay inatake niya na agad ako ng halik. Malalalim at sabik na mga halik. Halos lumubog ako sa kinauupuan ko.

    “Oh? May gustong mag picture nito? Sige, picturan nila!” Aniya sabay halik sakin sa leeg.

    Damn! Maging ako ay sabik na sabik narin sa kanya. Mejo matagal-tagal na rin kasi yung huli naming halikan. Alam niyo na, palagi akong nasa bahay.

    Padabog niyang sinarado ang pintuan at tumakbo na agad siya papunta sa driver’s seat.

    “Damn, don’t tell me di na naman tayo aabot!” Aniya sabay paharurot sa sasakyan niya.

    Maging ako ay gusto naring makaabot sa condo niya. Hindi ko na mapigilan ang paghaplos sa mukha niya. Sobrang gwapo niya. Yung matangos na ilong, expressive na mga mata, mapupulang labi at malalim na dimple… He’s just too hot.

    Hinila niya ako palabas ng sasakyan pagkarating namin sa parking lot. Nang nakita naming kaming dalawa lang sa elevator ay agad niya na akong inatake sa loob.

    Nagpapalitan kami ng halik nang gumapang yung kamay niya sa ilalim ng damit ko. He unclasped my bra easily. Hindi pa naman natatanggal yung top ko pero damang dama ko na ang init sa katawan ko at maging sa katawan niya.

    Gumapang yung kamay ko sa maiinit niyang abs. Napangiti ako nang naramdaman itong nag flex.

    Idiniin niya ang sarili niya sakin. Napasandal ako sa gilid ng elevator. Inangat niya ako at mas lalong hinalikan.

    Mariin ng humahaplos sa gitna ng hita ko ang kanya. Hindi ko mapigilan yung pag init pa lalo ng katawan ko ngayong ramdam kong sabik na sabik niya talaga siya.

    *TING!*

    Bumukas ang elevator. Pareho kaming tumakbo ng nakahawak kamay papuntang condo niya.

    “Aabot tayo, Wade!” Sabi ko.
    Tumawa siya at nanginginig ang kamay niyang binuksan ang pintuan ng condo.

    Pagkasarado agad ng pintuan ay balik kami sa halikan. Nilagay ko ang kamay ko sa leeg niya ang isang kamay naman ay naglalakbay sa heat inducing abs niya. Yung isang kamay niya naman ay minamasahe ang dibdib ko, yung isa ay gumagapang na sa ilalim ng shorts ko.

    “Shit, di ako aabot, Reina.” Aniya sabay tulak sakin sa sofa.

    Mabilis ang hininga niya habang pinapanood akong nakahiga sa sofa. Mabilis niyang tinanggal ang tshirt niya bago hinalikan ulit ako.

    “Wade….”

    Naaninag ko ang mga simbolo sa alibata na ang ibig sabihin ay Reina sa dibdib niya. Napalunok ako nang yumukyok siya at nag flex ulit yung abs at vline niya.

    Nialagay ko ang kamay ko sa baywang niya, habang yung mga kamay niya naman ay busy sa pagtatanggal ng damit ko.

    Hinalikan niya ang dibdib ko, dahan dahan at nakakakiliti. Yung isang kamay niya naman ay nilalaro ang nipple ko.

    Hindi ko na mapigilan, napadaing na ako sa pangalan niya, “Wade!!!”

    SHIZ!

    “Tangna-” Mura niya at madaling tinatanggal ang belt niya.

    Tinulungan ko siya sa pagbaba ng kanyang pants. Napapikit ako nang nakitang readyng ready na yung kanya.

    Dahan-dahan niyang tinanggal ang shorts ko habang hinahalikan yung tiyan ko pababa.

    “I love you so much, Reina Rivas…” Aniya at dahandahan niyang ipinasok sakin yung kanya.

    KInagat ko ang labi ko.

    “Kahit anong gusto mo, gagawin ko. Susundin ko. Damn, mahal na mahal kita. Sobra sobra…” Aniya.

    Sinabayan ko siya sa pag galaw. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hinawakan ko ang braso niya.

    “Mahal din…” Hindi ko matapos tapos ang sinasabi ko.

    Pumilipit na lang ako sa naramdaman ko sa kalooblooban ko.

    “Oh my gosh…” Sabi ko at natigilan… “Mahal na mahal din… ki… ta… Wade~” Hindi ko na kayang marinig ang sarili ko.
    “Ugh, Reina!” Naramdaman kong tumigil at nanginig siya kasabay ng naramdaman ko.

  • Open or Close

    Epilogue

    “Bilis na, Manong!” Sigaw ni Coreen sa driver namin.

    Natataranta na ang driver sa pagdi-drive dahil masyadong atat si Coreen makarating sa Araneta.

    “Ano ba, Coreen? Anong problema mo?” Sabi ko habang ineenjoy ang byahe.
    “Kasi naman po, ang daming tao kaya doon! Naka attire pa naman tayo ng ganito tapos mahuhuli tayo at makikipag pilahan kasama yung fans?”
    Umirap ako, “Hello? Nakalimutan mo na ba? Fiancee ko yung mag co-concert! Tingin mo hahayaan niya tayong pumila doon.”

    Humalukipkip siya at umirap narin.

    “Ay oo nga pala… Si Wade nga pala yun… Pag nalaman niyang paparating na ang mahal na Reina ay kung maari ipapagiba niya yung isang pader ng Araneta para lang makapasok ka ng matiwasay…” Umirap siya. “Promise, Reina, mauunahan tayo sa harap kasi ang bagal mo. Alam mo namang wala tayong ticket.”
    “May reserved seats tayo doon, Coreen.” Sabi ko.
    “Eh sabi naman sayo diba, maraming tao ngayon. Come back concert niya kaya ito.” Sumbat ni Coreen sakin.

    Hindi ko talaga maintindihan. Bakit ba natataranta ang isang ito? Hindi naman ako hahayaan ni Wade na walang upuan sa concert niya. Praning na talaga itong si Coreen.

    Naningkit ang mga mata ko sa kanya. Nag aayos na siya ng buhok ngayon habang bumubulung-bulong ng mga reklamo tungkol sa pagiging relax ko dito.

    “Bakit mo naisipang puno na yung VIP?” Tanong ko.

    Ngumuso siya at sinulyapan ako. Unti-unti siyang ngumisi at nag peace sign!

    “Inimbitahan ko kasi si Liam tsaka Shan…” Tinakpan niya ang bibig niya.

    Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Masyado ng maraming nandoon. Pinaclose na nga ang VIP dahil nakalaan lang yun sa mga kakilala at espesyal kay Wade. Maingat kong binilang ang mga sasali. Tama lang talaga yung upuan doon sa VIP para sa mga sasali. Ayaw sumama ni Liam, ang sabi naman ni Shan ay may taping siya kaya hindi ko na inasahan ang pagdating niya.

    “P-Paano mo sila napapayag?” Tanong ko.
    Nagkibit-balikat si Coreen, “Kumpara sayo, mas malakas ang charm ko kaya…” Ngumisi siya.

    Suminghap ako at tinanaw ang mahabang pila sa labas. Kailangang nasa harap ako dahil iyon ang usapan namin ng fans club ni Wade.

    Ito ang unang concert nila pagkatapos nung bumalik siya. Eksakto pang sa birthday ko iyon idinaos. Ang galing, ano? Parang si Wade lang yung birthday gift ko! Nag greet na siya kaninang umaga, kaya nga malaki na ang ngiti ko ngayon. Binigyan niya ako ng mga flowers, chocolates, at mukha rin yatang pinakyaw niya ang mga cake ng iba’t-ibang tindahan.

    Hindi na muna ako magpaparty sa ngayon. Concert kasi ni Wade ngayong gabi at napilit ko sina mommy at daddy na manood. Maging ang mga relatives ko ay nilibre ni Wade kaya mas lalo silang ginanahang manood ng concert. Kaya ngayon, patay kaming dalawa ni Coreen.

    “Palabasin na lang natin si Noah at… Rozen…” Nanliit ang mga mata ko sa pag iling niya.
    “Wag na! Ako na ang bahala. Mag papahanap na lang ako sa staff ng upuan.”
    “O sige, kahit saan basta may upuan. Kahit sa huling mga upuan pa yan…”

    Nilubayan ko na siya dahil panay na ang text niya. Kanina pa tumigil sa pagtitext si Wade, siguro ay naging busy na sa paghahanda.

    “Ayan tuloy, buti pa nag shorts or pants na lang tayo. May pa uniform-uniform ka pang nalalaman diyan.” Sabi ko sa kanya.
    Tinignan niya ako ng saglit, pero wala yata siya sa katinuan dahil sa katext niya.

    Huminto ang sasakyan sa parking lot. Dito kami sa backstage papasok.

    “Tara, Coreen!” Sabi ko sabay tulak sa pintuan.

    Lumabas din naman si Coreen, pero nakatingin parin siya sa cellphone niya. Sabay kaming naglakad papasok sa loob.

    “Bakit pa kasi nakadress pa tayo.” Sabi ko.

    Nakakabanas lang. Ayaw ko talaga ng mukha akong center of attention pero dahil sa description ni Coreen na mag kakapareho naman kami ng damit na white dress, pumayag akong isuot ito. Naka puti rin naman siya, pero simple lang, simple din naman itong akin, kaso may swarovski diamonds na sequins. Kung yung damit niya ay may simpleng spagetti strap, yung akin naman sariling design ko ng lace illusion neckline kaya di hamak na mas kapansin pansin ako.

    “Wag ka ng magreklamo! Ang ganda mo naman, ah? Pag nakita ka ni Wade baka hindi na matapos ang concert. Tatawagin ka na lang nun at magkikita kayo sa backstage para doon…”
    Uminit ang pisngi ko.

    Ngumisi si Coreen.

    “Kita mo na? O diba, masaya yun? Kaya tumigil ka na sa kaka satsat diyan at hayaan mo na yang damit mo.”

    Bumuntong-hininga ako at pumasok na sa loob.

    Busy ang staff. Ito na yata ang pinaka malaking concert nina Wade. Unang araw pa lang ng paglabas ng ticket, sold out agad. Maraming umiyak kasi hindi nakabili ng ticket. Syempre, I assured them na magkakaroon pa ulit ng ganito. Kaso, yung iba, parang nawawalan na talaga ng pag asa. Nanghihinayang talaga sila ng bongga. Hindi pa naman mamamaalam si Wade sa showbiz, bakit ganyan sila makareact? Siguro ay dahil natakot na silang ulitin iyon ni Wade.

    Naisipan kong pumasok sa backstage para mag ‘good luck’ kay Wade, kaso may biglang lumapit saking tatlong babae.

    “Ms. Reina!” Sigaw nung dalawa.

    Nagmamadali sila papunta sakin. Sumandal si Coreen sa pader habang pinapanood akong kinakausap sila.

    “Uy! Hello!” Ngumisi ako.

    Kilala ko sila. Sila yung mga president ng tatlong WadeSha fans club noon. Ngayon ay may iisa na silang grupo na ginawa na nakatoon sa pag suporta sa kahit anong desisyon ni Wade.

    “Kumusta ang plano?” Tanong ko.

    Nakangisi sila sakin at mukhang excited na excited na.

    “Okay po… Alam niya po ba yung tungkol sa plano namin?” Tanong nila.
    Umiling ako, “Hindi. Hindi ko sinabi.”
    “Naku! Salamat talaga at secret lang natin ito.” Sabi nung isa.

    Ngumisi ako.

    “No problem.”

    Kasi naman, gusto nilang mag apologize kay Wade. Gusto nilang ag sorry sa panghuhusga nila sakin. Nag sorry na sila sakin, agad ko silang pinatawad, kaso, si Wade mejo hindi parin okay sa kanila.

    “Sorry talaga, Ms. Reina.” Pagbabalik nila.
    “Okay na talaga ako. Alam ko namang wala kayong alam noon.”

    Nagpasya silang isurprise si Wade ngayong concert niya. Hindi ko nga alam kung paano pero rinig ko ay involve daw lahat ng mga humusga sakin, meaning, halos lahat ng fans nina Wade at Shan.

    “Nag apologize na rin po ba si Ms. Shan Melendez?” Tanong nila.
    Tumango ako, “Oo. It’s okay, mahal niya si Wade, natural tendency ng tao ang ganun.”

    Nagkatinginan silang tatlo.

    “Naku! Ang bait niyo po talaga! Si Shan naman po kasi, hindi kinaklaro! Alam niya namang pag gusto naming mga fans, kahit walang sapat na ebidensya, agad naming pinapaniwalaan.”
    “Oo nga! Si Ms. Shan naman talaga ang puno’t dulo dito.” Anila.
    “Naku! Wag natin siyang sisihin. Umasa din kasi siya na may patutunguhan sila ni Wade…”
    “Naku, Ms. Reina, sobrang bait niyo talaga. Sorry po talaga sa ginawa namin noon.”

    Mahabang pagsosorry pa yung sinabi nila kaya naman mejo natagalan pa kami sa pag uusap. Nakita ko ng nagtataray si Coreen habang tinititigan ako.

    “Uy, sige na, maghahanap pa kasi kami ng upuan.” Sabi ko.
    “Ah! Sige po… Uhm… Pwedeng picture po?”

    Dahil mababait naman sila at wala naman sigurong masama kung mag papapicture ako kasama sila, ginawa ko na. Kitang kita ko na ang pagkakairita ni Coreen nang siya pa yung naatasang mag picture saming apat.

    “Thanks, Ms Reina!” Tumitiling sinabi ng isa.

    Kinawayan ko sila at sumama na agad sa atat na si Coreen.

    “Bilisan mo na, Reina! Maghahanap pa tayo ng upuan.” Aniya.

    Nauuna siyang maglakad. Mabilis at natataranta siya kung makapaglakad. Panay pa ang lingon-lingon niya sa paligid.

    “Coreen, sandali!” Sigaw ko.

    Ang bilis kasing maglakad ng isang ito. Nag di-dim na ang lights, hudyat na malapit ng magsimula.

    Shiz! Natagalan tuloy kami! Wala pa kaming upuan. Nasa taas na kami ngayon, ang bilis kasing umakyat ni Coreen para maghanap ng upuan. Kaya dumungaw ako sa VIP seats, nakita ko doong puno nga! Mukhang walang ni isang nag absent sa lahat ng invited, ah?

    Bumaling ako sa natigilang si Coreen at tinignan kung sinong kaharap niya. Sa gitna ng makukulay na lights, na tanging naging ilaw namin ngayon palapit na ang pagsisimula ng concert ay naaninag ko ang kapatid ko. Nakalagay ang kanyang daliri sa ulo habang nakasandal ang siko niya sa arm ng upuan. Yung paa niya naman ay nakapatong sa kanyang tuhod na para bang may hinihintay.

    “Thanks…” Sabi ni Coreen.

    Tumayo siya at bumuntong hininga.

    “You are always welcome…” Malamig na sagot nito.

    Naglahad siya ng kamay aat ipinakita sakin ang katabing upuan nung inuupuan niya kanina.

    “Dito ka, Reina.” Ani Coreen sakin.

    Ngumisi ako sa kanya. Sa wakas… bumuntong hininga ako at pinagmasdan ang kapatid kong bumababa na ngayon para umupo sa VIP seat na para sa kanya.

    “Sana kayo na lang dito. Doon na lang ako sa VIP seat.” Ngumisi ako kay Coreen.
    “Weh? Ano ka? Bestfriends tayo, kaya dahil napahamak ako sa pag iimbita kina Shan at Liam, dadamayan mo ako sa kamalasan ko.”
    Mas lalo akong ngumisi, “Dadamayan ka rin nun.”

    Ngumuso siya at inirapan na lang ako. Sarap asarin nito! Kaya ayun, wala akong ginawa kundi asarin siya hanggang sa nagsimula yung count down.

    “10… 9… 8…” Sumigaw din ako kahit na naasiwa ako sa mga fans na kanina pa picture ng picture sakin.

    Hindi naman sa nagrereklamo ako sa upuan naming napapalibutan ng fans (well, except sa harap naming hagdanan lang naman), pero nakakahiya lang na lahat ng ekspresyon mo ay nahahagip ng camera nila.

    “7… 6… 5… 4… 3…”

    Bumilis ang pintig ng puso ko. Pakiramdam ko aalis na ang puso ko sa sobrang excitement! WADE ON STAGE AGAIN! YESSS!

    Dim yung lights nang bumukas yung curtains. Pero kitang kita ko ang apat na lights sa baba na nakatoon sa bawat isang miyembro ng Going South.

    Si Zac, si Adam, si Austin…

    Sabay ko silang narinig sa intro.

    Ngunit halos hindi ko rin marinig kalaunan dahil sa ingay ng tili galing sa fans. Kaya ang ginawa ko ay nag ingay na rin.

    “WOOOOOOH! WADE SEXY RIVAS! I LOVE YOU!!!” Sigaw ko.

    Humagalpak sa tawa si Coreen at maging yung mga nasa tabi naming mga babae. May isa pa nga doong kanina pa nag vivideo sakin. Mukha yatang mas balak niya akong videohan kesa sa manood kay Wade.

    “WADE SEXY RIVAS! WADE! SEXY! RIVAS!” Iyon ang bumalot sa buong Araneta kahit na nagsimula na sa pagkanta si Wade.

    “She’s got a pretty smile
    It covers up the poison that she hides
    She walks around in circles in my head
    Waiting for a chance to break me
    A chance to take me down
    Now I see the burden you gave me
    Is too much to carry too much to bury inside…”

    Kailangan ko pang lakihan ang mga mata ko para makita ng maayos si Wade. Ang layo ko kasi, eh, pero di bale, kahit malayo, naaaninag ko parin ang walang kupas na kagwapuhan niya.

    “GWAPO MO WADE!” Sigaw ng isang humahagulhol doon sa baba.

    Ganun ka gwapo! Yung mapapahagulhol ka talaga!

    “I guess you’re the only one, that nobody changes
    I guess you’re the only one left standing
    When everything else goes down
    You’re still the only one…”

    Kahit na malayo ako, laking gulat ko nang itinuro niya ako, diretso, yung tipong siguradong sigurado ako na ako yung tinuturo niya.

    “Yeah, you’re still the only one…”

    Tumindig ang balahibo ko at natahimik. Hindi ako nakatili dahil nagbara yung lalamunan ko. Sina Coreen lang at yung mga fans ang tumili para sakin. Nalibong na lang ako sa upuan ko at nagpipigil ng ngiti.

    Ngumisi si Wade sa reaction ng madla at tumalikod siya para ipagpatuloy ang kanta…

    “It’s all shallow and all so appealing
    I’m up to my ankles and I’m drowning
    Anyway in a sea of sarcastic faces familiar places
    Everything looks quite the same here
    It’s all confusingly amusing bitter and tainted
    The picture you painted to me…
    I guess you’re the only one…”

    Kinagat ko na lang ang labi ko. Nag dim ulit yung lights. Niyugyog ni Coreen ang balikat ko.

    “OH MY GOD! SHET! REINA!” Aniya.

    Magulong-magulo na siya. Maging ang mga fans ay hysterical na. Hindi ko na maintindihan… may umiiyak, may naninisay sa kilig, may nagwawala, may panay ang tili na halos mapaos na… halu-halo. That’s the Wade Rivas effect!

    Nang unti-unti ulit na bumukas yung dalawang ilaw sa center stage. Naaninag ko ang magulong buhok ni Wade. Nakapikit siya at nakaupo sa isang itim na stool. Nasa harap niya yung microphone at may hawak siyang acoustic guitar.

    Kinalabit niya ng marahan yung guitar at nakita kong ngumisi siya kahit nakapikit.

    “See the pyramids along the Nile
    Watch the sunrise from a tropic isle
    Just remember darling all the while
    You belong to me…

    Tumindig ang balahibo ko sa boses na pinarinig niya saming lahat. Malamig, tagos sa puso… yung tipong mamumuo ang luha sa mga mata mo. Kinagat ko na lang ang kamay ko dahil kung hindi ay baka mapahikbi na ako.

    “See the market place in old Algiers
    Send me photographs and souvenirs
    Just remember when a dream appears
    You belong to me…”

    Unti-unting naagaw ang atensyon ko sa mga nakaputing fans ni Wade na ngayon ay may dala-dalang mga puting kandila na may butterfly sa hawakan.

    “Ito na yung surprise ng fans ni Wade sa kanya.” Sabi nI Coreen.

    Tumango ako at pinanood silang sinisindihan isa-isa yung mga kandila nila.

    “And Ill be so alone without you
    Maybe youll be lonesome too…”

    Mas lalong lumamig ang boses ni Wade. Nakapikit parin siya hanggang ngayon. Mukhang damang-dama niya talaga ang kinakanta niya. Kaya naman damang dama ko rin ito at hindi ko na mapigilan ang pagtulo ng luha ko.

    Bumaling ulit ako sa mga fans niyang unti-unting pumwesto sa bawat baitan ng hagdanan sa tapat ko. Pumwesto sila sa magkabilang gilid. Naaalala ko sa kanila yung mga sundalo ni Prince Charles tuwing darating yung royal family… Yun nga lang, imbes na katana o rifle yung dala nila ay kandila naman.

    “Fly the ocean in a silver plane
    See the jungle when it’s wet with rain
    Just remember till you’re home again
    You belong to me…”

    Papalapit na sila nang palapit samin ni Coreen. Ayos! Not bad! Hindi naman pala nangungulelat ang pwesto namin ni Coreen ngayon kasi dito yung surprise ng mga fans niya.

    “I’ll be so alone without you
    Maybe youll be lonesome too…”

    Unti-unting humupa yung pag strum ni Wade ng guitar. Dinilat niya ang mga mata niya at nakita kong suminghap siya at umiling.

    Ngumisi din siya at pumasok sa stage sina Zac, Adam at Austin. Tinapik nila yung likod ni Wade at nakipag high five sa kanya. Nagtawanan pa ang apat hanggang sa bumaling si Wade sakin ng nakangiti at tumayo na rin.

    Kinuha yung stool sa likod ni Wade at ngayon ay tumutugtog na silang apat. Wala narin yung gitara ni Wade. Nandyan na rin kasi si Zac at Austin para i back up yung gitara niya.

    Una kong narinig ang gitara ni Austin… bago pumasok si Zac at Adam…

    “I came to tell you… how it all began…”

    Bumaba si Wade sa stage at tumayo sa dulo ng mga hagdanan. Ngayon, magkatapat na kaming dalawa. Pero unti-unti kong narerealize na hindi siya aakyat sa hagdanan. Nandoon lang siya, kumakanta, nakatayo at nakatitig sakin.

    “Nothing seems to work out right
    I’m broken down again
    So hold me now
    Say it’s not forever…”

    Unti-unti kong naramdaman ang pagtatapik ni daddy sa balikat ko. Si mommy naman ay inaalalayan ako patayo. Nanlaki ang mga mata ko sa bigla.

    “‘Cause maybe someday
    In time
    Well things will go my way, ohh
    Things will go my way…”

    Kasabay ng pag ingay ng kanta ay ang pagkakagulat ko sa buong pangyayari.

    Nilingon ko ang nakatayo at nakangising si Coreen. Nag peace sign ang lukaret at winagayway niya ang bouquet na hawak hawak niya.

    “A-Anong?”

    Bago pa ako makapagsalita ay ibinigay niya na ang isa pang bouquet sakin. WHAT?

    “Let’s go, Reina.” Nanginginig na sinabi ni Daddy sakin.

    Naunang mag lakad si Coreen. Siya lang yung naglalakad sa gitna ng mga fans na may dalang kandila.

    Nang lumiko na si Coreen ay nagsimula din kaming maglakad nina daddy at mommy.

    Napalingon-lingon ako sa mga fans na ngayon ay sobrang tahimik at panay ang picture sa mga nangyayari.

    “I’ve pushed to get through
    The crowds of twisted souls
    Just to find I’m right back here
    Doing what I’m told…”

    At sa wakas ay tumingin ako sa lalaking nasa harapan ko. Nakangisi siyang pinapanood akong gulat na gulat sa nangyayari. Nang nakita ko na siyang pinapalibutan ng mga kapatid ko, ng mga tao, ng isang may dalang malaki at makapal na libro… Doon ko na realize na totoo ito. This isn’t a concert! THIS IS A FREAKING WEDDING! OUR WEDDING!

    Basang basa na ang pisngi ko sa mga luha nang nakarating na ako sa huling baitan.

    “So take my hand
    Don’t let me surrender…”

    Naglahad siya ng kamay. Nilagay ko agad ang nanginginig kong kamay sa ibabaw ng kamay niya. Tinapik siya ni Daddy at niyakap ni mommy.

    “’Cause maybe someday
    Ya, in time
    Things will go my way…”

    Humagulhol ako sa iyak nang nakita kong nakangiti siya at nakabalandra ang dimple niya pero naiiyak narin.

    Hindi niya na pinagpatuloy ang kanta kahit na nagpatuloy parin sa pagtugtog ang mga miyembro ng Going South.

    “Happy birthday, Reina… my wife…” Bulong niya sakin.

    Pumagitna agad yung pormal na lalaking may hawak ng makapal at malaking libro na mukhang biblia. Mabilis lang yung nangyari, binasa iya lang ang Corinthians 13.

    “Reina Carmela Elizalde, do you take me as your lawfully wedded husband, kasi ako, noon ko pa ‘to pinangarap. Ikaw lang yung pangarap kong hindi nagbago. At patuloy akong mangangarap sayo… dahil hanggang ngayon, pakiramdam ko ang hirap mo paring abutin… hanggang ngayon, ikaw parin yung pinaghihirapan ko para lang mapansin ako… dahil hanggang ngayon, ikaw lang talaga ang laman ng puso ko. So this time…” Nanginig ang boses niya.

    SHIZ! WALA AKONG INIHANDANG SASABIHIN! Wala akong ginawa kundi umiyak!

    “So this time… you’re not leaving me anymore… you shouldn’t… kasi noon pa man, sayo lang umiikot ang mundo ko. My whole heart and soul is chained on you… Kaya ngayon, gusto kong makasiguro, na ikaw rin ay akin, na tayong dalawa ay para lang sa isa’t-isa. Coz Reina, I love you with all my heart and soul… baliw na lang ang magdududa sa pag ibig ko sayo.”

    Tumigil siya at suminghap. Tumango ako at hinayaang tumulo ang luha ko.

    “Will you take me as your husband, Reina?”
    Tumango ako at nagbara ang lalamunan ko, “O-Of course!”

    Agad niyang pinadulas ang singsing sa kamay ko. Kinuha ko yung isang singsing.

    Tumili ang mga fans habang isinusoot ko iyon sa kanya.

    “Will you take me as your lawfully-”
    “Wala ng tanong, Reina… It will always be a yes…”

    Nanginginig ang kamay ko nang isinoot ko yung singsing sa kanya. Pumalakpak ang lahat. Agad niya akong hinila at hinalikan. Binalot niya ang labi ko sa maiinit at sabik na halik. Nakakalasing. Nakakalimutan kong nasa harap kami ng maraming tao. Nangatog ang binti ko sa halik niya. Pakiramdam ko nakakalimutan din niyang maraming tao dito.

    Darn, Wade Rivas!

    “Reina Carmela Rivas.” Bulong niya sa tainga ko, “Ready for honey moon?”

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

231

17 Responses to Mapapansin Kaya?

  1. Hi! I’m one of your avid reader. I was just fascinated by your works. I am also a teacher but I took BSED. Just keep up the good work girl I know na you have future in this kind of field. You are an inspiration especially sa mga teens. Di ko nga akalain na sobra akong maiinlove sa mga characters mo haha. especially for Troy. Thank you very much queen. God bless to your endeavor.

    Reply
  2. this story is so touchy and nakakainlove si wade dito at sobrang sweet nila ni reina .. im biggestfan of you ms @jonaxx ^_^
    your story is so cute and so enjoy to read ,, 😀 godbless sa mga work mo .

    Reply
  3. Grabe ka na po tlga Queen J…ang gaganda ng mga stories mo po..!!…WADE ! SEXY RIVAS!…wooohooooo..

    Reply
  4. grabe po,parang gusto ko pa ng book2,nakakainlove si wade,hehe ang ganda tignan kung lahat ng pict. nya sa kwarto ilagay..
    ang ganda po talaga wala akong masabi,sana rivas din yung mapangasawa ko pagdating ng panahon,angsweet!!kakilig..sobra,napagalitan panga ako ng parents ko kasi ang ingay ko talaga,well keep up poh,dyan talaga kayo may talent,maswerte ka

    Reply
  5. Ilang beses ko na bang hiniling na sana may totoong wade rivas ang pangalan maging personality at talents ang dumating sa buhay ko ? favorite story ko to sa lahat ng jonaxx stories and among wattpad stories na nabasa ko. This story will always be my favorite one❤

    Reply
  6. First wattpad story that I’ve read. I know hindi ako nagkamali. Hoping one day makakilala din ako ng katulad ni Wade.

    Thanks Queen J for the story.

    I love you WADE <3 <3

    Reply

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

6 + 17 =

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <s> <strike> <strong>