Heartless

Story Description

 

Elevators. Airplanes. Palaman ng Sandwich. Yung feeling na papunta ka pa lang at excited ka pa lang sa pupuntahan mo. Yung feeling na palapit pa lang yung birthday mo. Yung feeling na palapit pa ang isa pang espesyal na araw. Yung feeling na ilang oras na lang ay pasko na. Yung feeling na tatlong araw na lang simula na ulit ng pasukan. Yung feeling na nasa gitna ka pa lang at di ka pa nakakarating. Yung feeling na malapit na pero hindi pa. Yun ang laging gusto ko. Yung nasa gitna pa lang. Yung nasa gitna ka ng dalawang bagay. Gitna ng isang building. Gitna ng langit at lupa. Gitna ng dalawang matatabang tinapay. Gitna ng byahe papuntang disneyland. Mas gusto ko yung feeling tuwing nagbabyahe kesa doon sa nakarating ka na. Mas gusto ko yung feeling na may inaantay ka kesa doon sa nandyan na.

I always like the things in between.

“You only like things in between, Coreen. You only like the chase… You only want me chasing after you. You don’t want to decide… Pero pakiusap naman, magdesisyon ka na, kasi tao rin naman ako, nasasaktan. And you? I don’t think nararamdaman mo yung sakit na nararamdaman ko… You are just too heartless.”

 

This story is published under Summit Media/Sizzle Books. Available on National Bookstores and Summit Media Bookstands nationwide! Grab a copy now!

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.

WARNING: This story may not be suitable for younger readers. It may contain explicit, violent or provocate content. Read at your own risk.

READ ON WATTPAD

  • SimulaOpen or Close

    Simula

    Grade 5 ako noon nang nagsimula akong humanga kay Noah Elizalde. Kapatid siya ng kaklase kong si Reina Elizalde. Nagpasalamat talaga ako sa lahat ng santo at pinagtagpo kami ni Reina. Paano ba naman kasi, malaya akong nakakapaglaro sa bahay nila tuwing weekends at maaninag ko na naman ang kagwapuhan at kamisteryosohan ni Noah.

    “Coreen, sayo tong barbie na ‘to. Tapos akin ‘to. Kunware Wendy ang pangalan ko…” Patuloy na nag iilusyon si Reina na kaming dalawa ay mga barbie at nagluluto sa loob ng malaking dollhouse niya.

    Ako naman, nganga na lang habang pinapanood si Noah sa sala nilang tumutugtog ng gitara. Tumitingin siya sa kawalan habang nakaawang ang bibig niya, para bang pinapakinggan niya ang sariling pagtugtog.

    “Coreen!” Sigaw ni Reina nang narealize na hindi na ako nakikinig.

    Si Noah Elizalde ay mas matanda ng isang taon saming dalawa ni Reina. Grade 5 kami nung Grade 6 siya. Sikat siya sa school. Hindi lang dahil gwapo siya at mayaman, kundi dahil na rin sa galing niyang mag gitara. Palagi kong dinidaydream noon na hinaharana niya ako sa bahay namin. Lagi akong natutuwa tuwing naiisip ko siyang nakangiti at tinitingala ako sa bintana.

    “Dude, uwi muna ako ng bahay.” Untag ni Bench na kapitbahay nina Reina.

    Natigil ang lukaret sa paglalaro nang narinig na nagpaalam ang crush niya.

    “Huh? O sige.” Sagot ni Noah.
    Napakamot sa ulo si Bench.
    “Oh? Ba’t ka uuwi?” Tanong ni Ynigo.
    “Oo nga… Laru muna tayo.” Sabi ni Stan.
    “Kakarating lang ng pinsan ko.”
    “Sinong pinsan?” Natigilan si Warren.
    “Si Eliana.” Ngumingising sinabi ni Bench.

    Nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata ni Noah sa sinabi ni Bench.

    “Galing probinsya?” Kumislap ang mga mata ni Noah. “Sinong kasama?”
    “Yung katulong namin, si tito, tsaka si Muse.”

    Tanga ako minsan pero hindi ako tanga palagi. Mulat na mulat ako sa mga bagay na ganito dahil kay Noah. Alam na alam ko kung ano ang reaksyon ng mga taong may gusto sa isa.

    No… Noah wasn’t interested with Eliana Jimenez – Bench’s cousin. He was interested with someone else…

    Nagdidilig si Muse ng halaman sa labas ng bahay ng mga Jimenez. Tapat lang ng bahay nina Reina ang bahay ng mga Jimenez kaya’t madali lang kung gusto mong puntahan.

    Si Muse ay katulong sa bukid nina Bench. Madalas siyang nagpupunta dito tuwing bumibisita si Eliana. Kaedad ko yata itong si Muse kaya’t madaling pakisamahan.

    “Hi!” Ngumisi ako at nilapitan pa lalo siya.
    “Hello…” Ngumisi si Muse.

    Maganda talaga siya. Alam niyo yung di na kailangan ng lipstick para pumula yung labi niya? Hindi na kailangang kulutin ang buhok sa tips para lang magkaroon ng katawan yung buhok niya? Hindi na kailangang kuskusin ng loofah yung balat niya para lang kuminis? Bagay na bagay ang pangalan niya sa kanya… Muse… And Noah’s really intereseted with her.

    “Ako nga pala si Coreen…” Pagpapakilala ko.
    Tumango si Muse at naglahad ng kamay.

    Ay? Ganun pala yun? Pag nagpapakilala kailangan makipagkamayan? Pormal din ang babaeng ito ah? Nakuha niya kaya si Noah sa kamayan? Kinamayan ko siya at naramdaman ko ang lambot ng kanyang palad.

    “Ako nga pala si Muse.” Ngumisi siya.

    Hindi ko naman siya pwedeng tanungin agad kung anong hilig niyang lalaki nang malaman kung may pag asa ba si Noah sa kanya… Pero sinong binibilog ko? Ang sarili ko? Tanga na lang ang babaeng hindi magkakagusto kay Noah!

    “Ah! Kaibigan ako ni Reina Elizalde at Noah Elizalde…” Sabay turo ko sa bahay nina Reina sa tapat.
    “Ahh! Si Noah…” Bumungisngis siya na para bang may alam siyang di ko nalalaman.

    Nagkasalubong ang kilay ko.

    “Bakit? Anong meron kay Noah?”
    “Ah! Wala.” Nakita kong pumula ang pisngi niya.

    Na ha-high blood na ako walang hiya! Sarap supalpalin ng masetera ang mukha! Nakakainis! Pigilan niyo ako!

    Just in time, may humawak sa braso ko. Nilingon ko ang mapangahas na humawak sa braso ko. It was Reina’s brother, Rozen Elizalde.

    Seryoso ang kanyang mukha habang tinitignan si Muse na nakatingin saming dalawa.

    “What are you doing Coreen?” Tanong niya.
    “What?” Galit kong sumbat.
    “Bakit mo kinakaibigan ang isang ‘to?” Sabay tingin niya kay Muse.
    “What?”

    Actually, Rozen, hindi ko siya kinakaibigan. Nag reresearch ako for my own good.

    “Hindi ka dapat nakikipag kaibigan sa tulad niya.” Aniya.
    “Why, because she’s just a maid?” Tanong ng isang pamilyar na boses sa likod ko.

    Kumirot ang puso ko at unti-unti akong lumingon sa nagsalita. Nakita ko ang galit sa mga mata ng lalaking noon pa man ay mahal na mahal ko na…

    “Will you stop being too judgemental, Kuya?” Sabi ni Noah.

    Oh! Damn!

    Now, he’s angry. Pumagitna si Noah saming dalawa ni Muse. Napaatras si Muse sa ginawa ni Noah.

    “I’m not being judgemental, Noah. Coreen should stay home and play with Reina. Hindi yung nandito siya at nakikipagkaibigan sa tulad niya.” Sigaw pabalik ni Rozen kay Noah na ngayon ay galit na galit na.
    “What’s wrong with Muse, she’s a good girl!”

    Oh! Damn… again… He’s defending her. Of course! Pumiglas ako sa pagkakahawak ni Rozen sakin.

    “Oo nga!”

    Balik loob naman ang peg para hindi masira kay Noah. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Rozen.

    “M-Muse is a good girl. Anong problema kung kaibiganin ko siya, Rozen? Friendly akong tao kaya wa’g mo akong pangunahan kung sino ang gusto kong kaibiganin o hindi.”
    Nanliit ang mga mata ni Rozen habang tinitignan akong nag iiwas ng tingin sa kanya, “You liar.” He accused me.

    “N-No, I’m not lying!” Sigaw ko kahit na kinakabahan niya.

    Bumuntong hininga siya at naglahad ng kamay.

    “Let’s go, Coreen Samantha…” Alok niya.
    Umiling ako, “NO!” Sigaw ko. “I’m staying with Noah!”

    Pumihit ako para harapin si Noah na ngayon ay nakatalikod na sakin at nakikipag usap na kay Muse.

    “Ayos ka lang ba?”

    Umiiyak si Muse kaya tinatahan siya ni Noah. Wait a minute, ba’t siya umiiyak? Hindi ko naman siya inaway, ah? At hindi naman ganun kasama ang ginawa ni Rozen!? Napa-O ang bibig ko at binigyan ang sarili ng oras para buminga ng maluwang kasi naninikip na ang dibdib ko.

    Pinunasan ni Noah ang luha ni Muse. Hinawakan naman ni Muse ang kamay ni Noah.

    “You’re too mean, Coreen.” Nakatalikod si Noah sakin at iyon ang sinabi niya.

    Parang may bumagsak sa puso ko. Ang sakit. Kaya imbes na patuloy ko silang pagmasdan na nag momoment doon, ibinalik ko ang tingin ko kay Rozen na ngayon ay nakatayo parin doon. Gamit ang kanyang mapupungay na mga mata, matama niya akong pinagmasdan bago inilahad ulit ang kamay niya.

    “Come with me…”

    I would rather be in between than be with the one I don’t love. Kaya imbes na pumili ako, tumakbo ako papasok sa loob ng bahay nila at niyakap na lang si Reina.

  • Kabanata 1Open or Close

    Kabanata 1
    Ang Sakit ng Sugat Ko

    “Coreen, ang ganda talaga ng buhok mo.” Sabi ni Reina sabay haplos sa buhok ko.

    Biniyayaan ako ng langit nitong buhok na kulot sa tips. Konting alaga lang ay magiging shiny, madulas at maganda ito.

    “Thanks! Maganda din naman ang straight mong buhok.” Sabi ko sabay hawi sa bangs niya.

    Kumpara sa mga kuya niya, si Reina ay may mga tigyawat. Hindi ko nga lang alam kung bakit. Yung mga kuya niya naman wala… Kung may pimple man si Noah, isa-isa lang kung sumulpot. Itong si Reina, pinapakyaw.

    Nasa Grade 7 na kami ngayon habang ang mahal kong si Noah naman ay Grade 8 at sikat na sikat na dahil sa banda nila.

    Panay ang hila ko sa naninigas na si Reina. Hindi maangat-angat ang mga paa niya para maglakad papunta sa Auditorium.

    “Reina, come on!” Sigaw ko.

    Umiiling siya at napapangiwi sakin.

    “Ano? Mahuhuli na tayo sa asawa ko!” Sabi ko.

    Nilingon ko ang tinititigan niya at nakita ko kung ano ang dahilan ng pagkakaugat niya sa corridor namin. Iyon naman pala, tinatahak ni Ynigo Sanchez ang corridor. Tumatawa siya at nakikipag high five sa ibang kaklase ni Noah. Si Ynigo Sanchez ay isa sa mga naging crush nitong si Reina. Marami siyang naging crush, taliwas sakin na hanggang ngayon ay si Noah parin.

    Nagkatagpo ang mga mata namin ni Ynigo. Kumindat siya sakin kaya agad akong nag iwas ng tingin.

    Kumapit si Reina ng mahigpit sa braso ko.

    “My gosh! Kumindat si Ynigo sakin!” Aniya.

    Napayuko ako at unti-unti kong tinignan ang mukha niyang halos manisay sa kilig.

    “Lika na nga! Alis na tayo!” Sigaw ko sabay hila sa nag ha-hyperventilate na bestfriend ko.

    “My gosh! My gosh! Yung crush ko! Di bale nang di ako pinapansin ni Bench basta kinindatan ako ni Ynigo!” Panay ang alburoto niya tungkol dito.

    Ako naman, busy sa paghila sa kanya at pagtulak sa mga tao.

    “Excuse me! Excuse me!” Sigaw ko.

    Hindi ako makakapayag na nasa bleachers lang ako at nanonood. Dapat front seat, close up, at live!

    Tumindig agad ang balahibo ko nang narinig kong kinakalabit na ni Noah ang gitara niya. Nakakahakot ng fans ang banda nina Noah dahil syempre, gwapo at magagaling sila.

    “Hoy, Coreen! Angas mo ah! Ba’t ka nanunulak?” Sigaw nung isang kaklase ni Noah. “Akala mo pag dyan ka sa harap mapapansin ka ni Noah? Asa!”
    “Pasalamat ka nga riyan at nag e-excuse me pa ako!” Inirapan ko na at pinagpatuloy ang ginagawang panunulak ng tao sabay excuse me.

    Nang sa wakas ay nasa harap na kami ni Reina, nalaglag na lang ang panga ko sa kagwapuhang taglay ni Noah.

    Nakangisi ako habang pinapanood siyang nag gigitara. Hindi ko pinapansin ang vocalist kahit na…

    “Hi Coreen!” Yung sinasabi niya tuwing may pagkakataon.

    Tumatawa na lang ang audience. Napatingin ako kay Stan, ngumisi siya, mukhang tuwang tuwa siya sa kanyang ginagawa ah.

    “Uy, Coreen! Si Stan talagang pursigido sayo!” Sambit ni Reina.
    “Bakla yan.” Sabi ko at bumaling ulit kay Noah na walang pake at seryosong nag gigitara lang.

    Gustong-gusto ko na talaga siya noon pa man. Yung tipong siya lang talaga yung gusto mo. You don’t want to like another. Masyado kang dedicated sa kanya. Hindi ko alam pero sabi nila, magsasawa din tayo sa mga taong mahal natin, lalo na pag unrequited ito. Pero para sakin, mukhang hindi ako magsasawa.

    I’ve always like the things in between. At dahil hindi niya ako masyadong pinapansin, nasa kalagitnaan pa lang kaming dalawa ng lovestory namin, kaya masaya parin ako. Masaya ako sa byahe… masaya ako tuwing may hinihintay pa lang… yung hindi pa dumadating pero alam mong dadating talaga. Dahil sisiguraduhin kong dadating talaga ang panahong iyon, na ako naman ang magustuhan ni Noah.

    “NOAH!!!” Sigaw ko sabay kaway.

    Naagaw ko ang pansin niya pero saglit lang dahil pumikit na siya at dinama ang pag tugtog. Passion niya talaga ang music. Ganun talaga siya. Kaya gustong-gusto ko siya. Pag may gusto siya, iyon lang talaga. Kung baga, mahal ang ‘I love you’ niya. Hindi tulad ng Kuya Dashiel niyang playboy… at si Rozen naman ay puro porma at kabulastugan lang ang nalalaman. Sa Elizalde Brothers, siya ang pinaka seryoso.

    “Hoy, Coreen..” Hinila ako ng mga babae papunta sa CR.

    Pumiglas ako pero huli na ang lahat, nasa CR na kami. Apat sila, ako lang mag isa. Thank God hindi ko sinama si Reina sa pag C-CR ko. Iiyak lang yun pag may mang-away samin.

    “Ano ba?” Sigaw ko.
    “Ikaw? Tigil-tigilan mo yang paglalandi kay Ynigo, ah?”

    Ni head-to-foot ko itong payatot na babaeng kumaladkad sakin. Nakahalukipkip ang tatlong minion niya sa likuran.

    “Anong landi? Si Ynigo? Bakit ko naman yun lalandiin?”
    “Abah! Akala mo ba hindi namin alam na kinakausap mo siya? Hoy! Grade 7 ka pa lang ang landi mo na!”
    Umirap ako, “Ano naman yun sa inyo?”

    Ang totoo, kinausap ko nga si Ynigo noong isang araw para pansinin si Reina nang sa ganun ay hindi na siya manigas tuwing nakikita ito. Kaso… ganito ang nangyari:

    “Ynigo, pwedeng ba kitang ipakilala kay Reina Elizalde? Pansin ko kasi bagay kayong dalawa.”

    Habang nagsasalita ako ay humahakbang na siya sakin. Hinaplos niya ang buhok ko kaya agad kong hinawi ang kamay niya.

    “Bakit siya? Hindi ba pwedeng ikaw yung bagay sakin?” Ngumisi siya sakin ng malagkit kaya pumihit na ako at tumakbo.

    DARN IT! I knew it! Noon pa man, malagkit na siyang makatingin sakin. Alam mo yun? Yuck! Ayaw ko talaga sa mga ganyang lalaki.

    Bumuntong hininga ako at bumaling sa babaeng nasa harapan ko.

    “Anong ano naman iyon sa inyo? Hoy! Boyfriend ko siya!” Aniya sabay tulak sakin.
    Tumawa ako, “Akala ko ba si Rozen Elizalde yung gusto niyong maging boyfriend? Ano yan, alternative?”
    “Sumusobra ka na!”

    Hinila niya ang buhok ko at pinagtulungan pa siya ng mga kasama niyang minion. Hindi ko na alam kung sinong humihila basta pinagtutulakan ko lahat ng mahagip ng kamay ko.

    “Stop this!” Sigaw ng isang pamilyar na boses.

    Nanginig ang mga babae at agad umatras hanggang sa sumandal na sila sa mga cubicle ng CR.

    “Shit!” Sigaw ko nang may nakitang kalmot sa braso ko.

    Tinitigan ko sila isa-isa. Nanginginig ang mga labi nila habang tinitignan ang lalaking nasa likod ko.

    “Mga duwag! Apat kayo, ako lang mag isa, anong akala niyo sakin superhero? Kung gusto niyong patulan ako! Isa-isa lang! Mga duwag!” Galit kong sinabi.

    Susugurin ko na sana sila pero pinulupot nung lalaki ang braso niya sa baywang ko.

    “Bitiwan mo ako, Rozen!” Sigaw ko.

    Kahit hindi ko siya nililingon, alam na alam kong siya iyon. Simula sa boses, sa bango, at sa aura… kabisadong kabisado ko na siya.

    Maraming natatakot sa kanya dahil kilala siyang badboy at kung anu-ano pang kabulastugan ng isang walang magawa at walang kwentang high school student.

    “Wa’g ka ng mag aksaya ng lakas.” Simple niyang sinabi.

    Nagpumiglas parin ako pero nakita kong nanigas ang muscles ng braso niya para pigilan na talaga ako sa pag galaw.

    “Ano ba! Wa’g mo akong pigilan!”

    Hinawakan niya ang braso ko at tinignan ang nakalmot ng isa sa mga babaeng iyon. Lumipat ang atensyon niya sa mga babae.

    “Sorry, Rozen.” Sambit nila isa-isa.
    “You’ll pay for this.” Simpleng sinabi niya at tinuro ang pintuan.

    Nagmamadaling umalis ang mga babae. Ako naman, umaambang susundan sila.

    “Stop it, Coreen!” Sabay hila sakin.
    “UGH! Peste ka! Makakabawi na sana ako kung di mo lang ako pinipigilan!” Sigaw ko sa mukha niya.
    Kumunot ang noo niya, “Gamutin natin ang sugat mo.” Aniya at bumaling sa sugat ko.

    Binawi ko ang kamay ko. Buti mukhang nanghina ang mga kamay niya at nabawi ko ito.

    Pumihit ako para talikuran siya pero agad kong naramdaman ang mga hakbang niya palapit sakin.

    “Tuwing niluluwangan ko yung pagkakahawak sayo, agad kang nakakawala.” Sinasabi niya ito habang hinahawakan ulit ng mas mahigpit ang braso ko.
    “Bitiwan mo ako, Rozen!” Sigaw ko.

    Pero wala na… hindi na ako nakawala. Kinaladkad niya na ako patungo sa infirmary. Kahit panay ang piglas ko at pananakit sa kanya para lang makawala ako, hindi siya natitinag. Para siyang pader na kahit anong bugbog mo, imbes na siya yung masaktan, ikaw yung nasasaktan.

    Kinuha niya sa nurse yung bulak at Betadine.

    “Maliit na sugat lang yan, Mr. Elizalde.” Utas ng nurse habang pinagmamasdan siyang maingat na ginagamot ang kalmot ng babaitang iyon.

    Hindi siya umimik. Panay lang ang gamot niya sa sugat ko.

    “Aray naman!” Sabi ko nang saglit na humapdi.

    Tumigil siya at tinignan ako bago pinagpatuloy.

    “Why are you always doing this, Rozen?” Seryosong tanong ko nang umalis ang nurse.

    Nilapag niya ang bulak tsaka linagyan ng bandage yung sugat ko.

    “Why do you think?” Pabalik niyang tanong.
    “Gusto mo lang magpaimpress sakin.” Ang kapal ko talaga.

    Pero syempre, joke lang yun, tinitignan ko lang ang reaksyon niya. Ngumisi ako nang seryoso siyang tumingin sakin.

    “Yes, because I’m in love with you.”

    Unti-unting napawi ang ngisi ko. Hanggang sa napangiwi na lang ako at tinitigan siya pabalik.

    “It’s either you’re joking or that’s the truth, right? No in betweens.” Tumayo ako at binawi ang braso ko sa kanya. “Mas mabuti sana kung joke.” Kasi alam mo naman kung sino ang gusto ko… at hindi ikaw iyon. “Kung totoo man yan… Boom! Wala ka palang challenge! Walang chase… Walang nasa gitna. Hindi pinaghihirapan… Hindi worth it.”

    Tinalikuran ko siya. Napansin kong nang humakbang ako ay hindi niya na ako pinigilan… Kaya nagpatuloy ako sa pag lalakad hanggang sa makalabas na ng infirmary. Ang sakit… ng sugat ko.

  • Kabanata 2Open or Close

    Kabanata 2
    Ang Prom

    Konti lang ang encouragement na pinapadama ni Noah sakin. Pero worth it! Isang sulyap niya lang, maninisay na ako sa kilig.

    “Coreen…” Napatalon ako nang isang araw ay may kumalabit at tumawag sakin.

    Nilingon ko si Noah. Pinasadahan niya ng kamay ang buhok niya kaya gumulo ito at naamoy ko agad ang bangong nanggagaling doon.

    Nilipad ng hangin ang puso kong kumakalabog pagkakita ko sa kanya. Act normal, Coreen. Chill! Hingang malalim! Kaya naman hindi ko talaga masisisi si Reina kung manigas siya pag nandyan si Ynigo, eh, syempre crush niya yun. Ang nakakatuwa lang sa kanya, ay ang dami niyang crush. Benjamin, Ynigo, Nash, etc. The list goes on and on… Eh ako? Nag iisa at wala ng iba.

    Napalunok ako ng ilang beses saka tinanong siya…

    “Bakit?”

    How I wish na dadating ang panahon kung saan hindi ko na kailangang magtanong sa kanya kung bakit niya ako hinahanap.

    “Pakibigay tong excuse letter ni Reina sa teacher niyo. Absent siya, may sakit.” Aniya.

    Napatayo ako sa kinauupuan ko.

    “Anong sakit ni Reina?” Tanong ko kahit na halos masuka na ako ng silver dust sa kilig.
    “Flu. Don’t worry about her, she’ll be alright.” Ngumisi siya sakin atsaka tinapik ang balikat ko.

    Nalusaw agad ang puso ko sa ginawa niya. Konting mga gestures lang yan pero hulog na hulog na agad ako sa kanya.

    Palagi kong iniisp yung mga mangyayari tuwing magkakasama kami. Dinidaydream ko palagi na magkaibigan kami ni Noah. Kaso, ang hirap niyang abutin sa totoong buhay. Masyado siyang engrossed sa music. Iyon lang palagi ang inaatupag niya. Wala siyang pinapansing ibang babae. Hindi rin naman nagbunga yung kina Muse. Crush niya lang yata yun. Pero ganun paman, malaking bagay na iyon sakin. May crush siya!

    Bukod kay Muse, wala na akong alam kung sino pa ang kinahuhumalingan niya.

    “GO NOAH!” Sigaw ko nang nag perform ulit siya sa festival ng school.

    Dahil sa sigaw kong makabasag lalamunan, napansin niya ako. Ngumiti siya. Syempre, nanisay na naman agad ako. Ganun palagi ang eksena. Alam mo yun? Konting encouragement, hulog na hulog ka na agad.

    “Coreen, thanks nga pala sa support.”

    Lumundag ang puso ko sa sinabi ni Noah sakin pagkatapos ng gig nila.

    “Walang problema. Basta ikaw…” Ngumisi ako.

    Napakamot siya sa ulo at napayuko. Sinundan ko ng tingin ang mga mata niya pero nakita kong pumula ag pisngi niya.

    “Uh, sige…” Aniya at tinalikuran ako. “Bye.”

    Sus! Kung makatalon ako wagas! Nakita ko! Nakita ko! Nakita kong namula siya sa harapan ko! Nahihiya siya! I have an effect on him! OH MY LORD!

    Kaya naman, mas lalo akong nagsikap. Updated ako sa fashion world. Updated ako sa kung saan pwedeng magpaayos ng buhok na worth it… Kahit na hindi naman ako tinutubuan ng tigyawat ay nagsisikap parin akong mag paderma para lang mapanatili ang balat kong ganito.

    Nang nag Grade 10 kami, naloka na ako. Isang araw nang kalat na kalat ang nalalapit na prom night ng mga Grade 11 at 12…

    “Hayyy! Dream ko talagang imbitahan ako ni Miguel.” Nakapangalumbabang sinabi ni Reina sakin sa classroom.

    Lahat ng tao ay nasa labas at nagkakagulo na. Ako naman ay nandito at tumutunganga.

    “Coreen…” Tawag ng isang kaklase sakin.
    “Hmmm?” Tamad ko siyang nilingon.
    “Lika daw muna.”
    Nagkasalubong ang kilay ko, “Baket?”
    “Basta! Dali na!” Tatlo silang atat na palabasin ako sa classroom.
    “Teka lang, Reina ah.” Sambit ko at iniwan siya doon sa classroom.

    Nang lumabas ako, napansin kong may dinudungaw silang lahat sa baba ng stairs.

    “Bakit?” Tanong ko ulit.

    Pero ayun at panay na ang pagtutulakan nila sakin pababa.

    “Huy! Leche anong meron?” Sigaw ko sa mga nagtutulakan at nagtatawanan sakin.

    Naaninaw ko si Noah na nakasandal sa pader doon sa baba. Kausap niya sina Warren, Stan, at Joey. Habang nag uusap sila ay sumusulyap ng diretso si Noah sakin na para bang ako yung pinag uusapan nila.

    “Go Stefan!”

    Ay leche, ito pala yun? Nalaglag ang panga ko nang nakita kong may mga red balloons, flowers tsaka naka tarp na ganito ang nakalagay:

    “Please be my date, Coreen Samantha R. Aquino.”

    Dumapo ang kamay ko sa bibig ko nang nagsigawan na ang mga babae doon.

    “Ang swerte mo naman!” Sigawan nila.

    Habang tinitignan kong mabuti si Stefan na may hawak ng bouquet at nahihiyang sumusulyap sakin ay may papel na nahulog galing sa taas. Tumingala ako at nakita ang maiingay na girls na naghihintay sa isasagot ko kay Stefan.

    Yumuko ako at pinulot iyong papel.

    “Say no, Coreen. And be with me. – Elizalde.”

    Sumulyap ako kay Noah na umiiling sakin bago ako tinalikuran. Walang pagdadalawang isip akong umiling kay Stefan. Gumuho ang mundo ng mga tao pero nabuo naman ang mundo ko.

    “FINALLY! ISASAMA AKO NI NOAH SA PROM!” Sabay yugyog ko kay Reina.
    “Aray ko po! Really?”
    Kung makapagsalita ang isang ito parang nag bibiro pa ako.

    Ipinakita ko sa kanya ang sulat na iyon. Bumusangot siya at…

    “Sulat kamay ‘to ni Rozen, ah?”

    Binawi ko iyon sa mga kamay ni Reina. Nagkibit-balikat siya sakin.

    “Kay Noah ‘to! Nakita ko siyang umiiling habang niyaya ako ni Stefan.”

    Nagtalo kami ni Reina pero in the end… yung pinaniniwalaan ko ang masusunod. Nahihiya naman akong iconfirm iyon kay Noah tuwing nandyan siya kaya palihim na lang akong ngumingiti.

    Nag ready ako ng gown… lahat… Kahit next year pa ang prom namin, hindi ko inaasahang magkakaroon ako ng pagkakataong pumunta this year at kasama pa ang ultimate love of my life ko.

    “Hey…” Tumindig ang balahibo nang binisita niya ako sa classroom namin.

    Mas lalong nainggit ang mga inggitera kong kaklase. Nangatog ang paa ko nang hinarap ko si Noah.

    “Uhmm…”
    “Bukas na yung prom. Baka daw susunduin ka na lang ng driver namin.” Aniya.
    Tumango ako at ngumisi. “Walang problema.”
    “Sige…” Tinalikuran niya ulit ako.

    Halos mahimatay na ako sa excitement! Hindi na ako makapag antay!

    Kaya naman, kinaumagahan, maaga akong nagising para maghanda na sa prom nina Noah. Ready na yung camera, gown, sandals, make up artist.

    “Coreen, paki bigay mo na lang ito kay Noah.” Sabi ni mama sakin sabay lapag sa isang gift.
    “Opo.” Sabi ko.
    “Naku! Ang bait talaga nung batang iyon, ano? Sa kanilang magkakapatid, siya lang yata ang seryoso sa pag aaral.” Aniya.

    Nakakaproud talaga si Noah. Kahit ang mga magulang ko ay pinupuri siya.

    “I mean… syempre nag sisikap naman si Reina, hindi ba?”
    “Opo. Tinutulungan ko nga.” Sabi ko.

    Impressed si mama at papa kay Noah. Kasi kahit involved siya sa banda, matataas parin ang grades niya. Top siya sa Grade 11.

    Nang natapos na akong i-make up at nakapagbihis na ako, timing na dumating din ang sasakyan ng mga Elizalde. Buong akala ko, andun si Noah. Pero nagkamali ako… yung driver lang ang sumundo sakin.

    “Manong, nasan po si Noah?” Tanong ko nang pumasok sa loob.
    “Ay, nandun na po.” Aniya.
    Tumango ako at kinawayan na sina mama at papa.

    ANG SAYA KO! Daig pa nito ang kasal ko. Naghihintay si Noah sakin sa harap ng altar, ako naman, hinihintay na mapunta sa kanya. Ang saya ko! Sobra!

    Pero nang nakarating na ako, narealize kong late na pala ako. Langya. Halos lahat yata ng mga students ay nakapasok na. Nagmadali agad ako papasok sa loob. Sayang naman ang make up at damit ko kung malilate na pala ako.

    Doon, nakita ko si Noah na naka coat and tie na kulay itim. Kinawayan ko siya. Tumango naman siya. Naghihintay na lang kaming tawagin isa-isa para pumasok na at dumaan sa red carpet. 100kmph ang pintig ng puso ko.

    “Stefan Andrei Cruz and Careen Fuentes.” Sabi nung emcee.

    Tinahak ni Stefan at nung date niya ang red carpet. Bongga talaga kung makapag prom ang school namin.

    “Noah Reigan Elizalde and…” Agad na akong pumwesto sa hagdanan para tumapat kay Noah. Ayaw kong magpahuli, syempre…

    Kaya lang, nabigla si Noah sa ginawa ko. May kumalabit na babae sa gilid ko. Halos magka banggaan na ang mga gown naming dalawa.

    “and… Trisha Roncesvalles.”

    Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Pinagpawisan ako ng malamig habang pinagmamasdan silang tinatahak ang red carpet. HINDI AKO ANG DATE NI NOAH?

    Nakatunganga lang ako doon at pinanood silang sabay na umupo. May naramdaman akong tumayo sa gilid ko at kinuha ang kamay ko. Kasabay ng pagkuha niya ay ang pagkawasak ng puso ko. Hindi siya… Hindi si Noah ang date ko.

    “Rozen Gaiser Elizalde and Coreen Samantha Aquino.”

    Ngumisi ang lintek na Rozen sa akin. Kitang kita ko ang makinang niyang diamond earring sa tainga niya.

    “You… You fooled me!” Sigaw ko.

    Alam kong demonyo siya pero hindi ko inakalang aabot sa ganito ang pagkademonyo niyo!

    “I didn’t.” Ngumisi pa siya lalo.

    Yung tipong ngisi na nakakapanindig balahibo.

    BInawi ko ang kamay ko sa kanya at iniwan siya doon mag isa. Dinampot ko ang magkabilang saya ng gown ko para mas makatakbo ako ng matulin. Hindi ako pwedeng umuwi kasi ayaw kong masira si Noah sa parents ko. I need to be somewhere else… hindi dito. Masyadong nakakahiya! Buong akala ko si Noah yung makakasama ko! Pero mali ako! It was Rozen all along!

    “Coreen! Pwede mo namang sabihin sakin kung ayaw mong pumunta ng prom, edi hindi tayo pupunta!” Nakasunod pala ang halimaw na ito sakin.
    “I HATE YOU SO MUCH!” Sigaw ko sabay punas sa luha kong kanina pa pala tumutulo.

    Tumigil ako sa pagtakbo kaya naman naabutan ako ni Rozen. Hinila niya ang braso ko at pinaharap niya ako sa kanya.

    “I damn hate you so much!” Sabay hampas ko sa dibdib niya. “You fooled me! Pinaniwala mo akong si Noah ang makakasama ko! Iyon pala? Ikaw lang pala!?”
    “Oh! Bakit?” Tumawa siya. “Hindi parin ba ako challenging?”
    “You’re a playboy for pete’s sake! Tigilan mo ako Rozen!” Sigaw ko sa kanya.
    “Hindi ka ba nachachallenge sa pagiging playboy ko? You can try to make me fall for you, Coreen?”
    “WHAT? AT BAKIT KO NAMAN IYON GAGAWIN? ANONG MAPAPALA KO? Shit!” Mura ko sa sarili ko habang pinupunasan ang pisngi ko.

    Winagayway niya sa harapan ang panyo niya. Hindi ko iyon tinanggap, nanatili ako sa pag iyak dito sa garden ng Plaza Maria Clara.

    Nasa tapat na kami ng fountain at malapit na akong makalabas dito. I want to go home. Kaya lang gusto ko ring iiyak lahat ng nararamdaman kong galit at pagkainis ngayon.

    “I hate you so much, Rozen Elizalde.” Sabi ko.

    Yumuko siya para abutin ang mukha ko. Umupo na kasi ako sa gilid ng fountain. Pinunasan niya gamit ang kanyang panyo ang luha ko.

    “Kung ganun? Ano ba talagang pwede kong gawin mahulog ka lang sakin?”

    I glared at him. He can’t be serious, right? Hindi siya tumitingin ng diretso sa mga mata ko. Panay ang punas niya sa pisngi.

    “Damn… Ang ganda mo talaga.” Buntong hininga niya at binaba yung panyo.

  • Kabanata 3Open or Close

    Kabanata 3
    Why So Heartless

    “Anong nangyari doon sa date niyo ni Noah, Coreen?” Tanong ni Reina habang pinapanood si Miguel na humahakbang sa corridor.

    “Wala.” Sabi ko at tinitigan siya.

    Ang lagkit talagang makatitig nito sa mga crush niya. Bukas, iba na naman yung crush niya panigurado.

    “Balita ko si Rozen daw yung naging date mo?” Tanong niya.

    Nagpatuloy ako sa pagsusulat sa autograph niya.

    “Hindi. Umuwi ako.” Sabi ko.
    “Oo. Pero dahil yun may ka date na pala si Noah diba? Kaya ka sinalo ni Kuya Rozen?” Ani Reina.

    Talagang ganoon yung dahilan? Sinalo ako ni Rozen kasi may date na pala si Noah?

    Napatingin ako sa kabilang corridor. Malayo pa lang ay nakita ko na agad si Noah. Pinapalibutan na naman siya nina Stan, Warren at Joey. May nakasabit na gitara sa likod niya at nagtatawanan silang apat. Nakita ko ang mga babaeng mainit ang tingin sa kanila.

    Mahigpit kong tinikom ang bibig ko para pigilan ang sarili ko.

    Simula noong prom ay naisipan ko ng magconfess kay Noah. Ayoko ng magpaliguy-ligoy pa. Buong akala ko ay siya yung nagyaya sakin, kaya noong nalaman kong hindi, naisipan kong tama na itong pagpapantasya ko sa kanya sa malayo. Kailangan ko na siyang lapitan. Kailangan ko ng ipaalam sa kanya na mahal ko siya.

    Padarag kong sinarado ang autograph ni Reina at agad akong tumayo sa kinauupuan ko.

    “Coreen?” Pabiglang sabi ni Reina.
    “Sandali lang, Reina.” Sabi ko sabay lakad papunta sa banda ni Noah.

    Nag second look pa siya sakin nang nakitang paparating ako. Nakita kong unti-unting napawi ang ngisi niya nang mas lalo akong lumapit sa kanya.

    Natigilan sila nang humarang ako sa dinadaanan nila. Hinugot ko ang buong lakas ko sa puso ko. Ang tagal ko ng hinintay ito kaya gagawin ko na ngayon.

    “Noah, pwede ba kitang makausap.”

    Kumunot ang noo niya at napatingin sa mga kabanda.

    “Sige, ano yun?” Tanong niya.

    Napatingin ako kina Warren na nag eexpect na may sasabihin ako sa harapan nila.

    “Pwede bang tayong dalawa lang?” Tanong ko.

    Nagkibit balikat si Noah at tinignan sina Warren. Pumihit ako at dumiretso sa locker room. Walang tao doon, kaya doon ko napiling dalhin si Noah para makapag usap kami.

    Kumalabog ng malakas at mabilis ang puso ko. Hindi ko na maayos ang paglalakad ko sa sobrang kaba. Naramdaman ko siya sa likod kong nakasunod.

    “Importante ba yan, Coreen?” Mejo masungit niyang tanong.

    Mas lalo tuloy akong kinabahan.

    “A-Ano, mejo.” Ayun, nautal na ako.

    Only Noah can make me feel too much.

    Sinabit ko sa tenga ang nakawalang buhok saka ko siya tinignan ng diretso. He’s a meter away from me. Napaawang ang bibig niya habang pinagmamasdan ako sa harapan niya.

    Tinignan kong mabuti ang buong mukha niya. Ang kanyang malalim na mga mata, ang matangos na ilong, ang nipis at kulay pink na labi, siya lang talaga yata ang magiging laman ng puso ko sa buong buhay ko.

    “Noah, kasi, noong prom, akala ko ikaw yung nagyaya sakin.” Panimula ko.
    Umiling siya, “Si Trisha yung sinama ko. Paano namang magiging ikaw?”

    Nanuyo ang lalamunan ko sa linya niya. Pero ganunpaman, pinilit ko paring magsalita.

    “Kasi may naghulog ng letter… Tapos nakatingin ka sakin. May nakalagay na Elizalde doon kaya akala ko agad, ikaw.”
    “Hindi ako ganyan magyaya, Coreen. Tsss.” Masungit niyang sagot.
    “I-I know… Pero kasi… u-umasa ako.” Yumuko ako.

    Binalot kami ng matinding katahimikan. Iyong narinig ko na lang ay ang pag lipat niya sa gitara niya sa kaliwang balikat.

    “Noah, I like you…” Agad akong napalunok pagkasabi ko nito.

    Hindi ko siya natignan. Hindi ko kaya. Halos mahimatay na ako dito sa harap niya, kung titignan ko pa siya baka matuluyan na ako.

    “No, Coreen. You don’t like me.” Aniya.

    Saka ko inangat ang mukha ko para tignan siya ng mabuti. Hindi ako iyaking tao, pero naramdaman ko talaga ang pagkurot sa puso ko, dahilan kung bakit namumuo ng konti ang luha ko.

    “I like you, Noah. Noon pa man.” Sabi ko.

    I struggled for more words. Gusto kong idescribe ang pagmamahal ko sa kanya gamit ang pagsasalita. Gusto kong malaman niya sakin kung paano ko siya minahal noon pa man.

    “Mahal kita.” Pero ito lang ang lumabas sa bibig ko.
    “We’re still kids, Coreen. High school ka pa lang. High school lang din ako. Hindi pwedeng mahal mo na ako.”

    I know where this is going… pero hindi ako nagpatinag. Pinagpatuloy ko iyon.

    “Walang pinipili ang pagmamahal, Noah. Kung mararamdaman mo iyon ng ganito kaaga-“
    “Paano mo nalamang mahal mo ako? May nagsabi ba sayong ‘pag-ibig’ yung nararamdaman mo? Wala, diba?”

    Nag iwas ng tingin si Noah sakin. Hindi ko kaya yung mga sinasabi niya. Kinuyom ko na lang ang kamay ko.

    “Malalaman mo yun kung nararamdaman mo.”
    “You like Rozen.” Utas niya.

    Nalaglag ang panga ko.

    “I-I don’t!” Sabi ko agad.
    “You like him. Lagi siyang nagmamalaki kung gaano ka ka patay na patay sa kanya. Alam ko iyon. Magkapatid kami.”

    THAT. PRICK!?

    “Hindi totoo yan! Kung ano mang kinain ni Rozen at sinasabi niya yan sayo, labas na ako dun. Alam mo namang may topak yang kapatid mo, diba? Rozen will always be Rozen.-“
    “Yes, and I hate Rozen’s girls. Isa ka sa kanila. Kaya I’m sorry, Coreen. You are not my type.” Umiling siya na parang sobrang disappointed niya sa akin.

    Tinalikuran niya ako at umambang aalis na pero hinawakan ko ang braso niya.

    “OH MY GOD, NOAH! Hindi siya ang gusto ko, ikaw!” Sabi ko.
    Umiling siya sakin, “I already said no, Coreen. Sorry.”

    At tuluyan na siyang umalis. Habang tinitignan ko siyang paalis doon ay agad bumuhos ang luha ko. Malakas at hindi nauubos ang pagbuhos nito. Agad ko na lang pinunasan.

    Galit na galit ako ngayon. Hindi kay Noah. Hindi dahil ayaw niya sakin. Kundi dahil sa lalaking iyon! Rozen Gaiser Elizalde!

    Mabilis kong tinahak ang bawat corridor at floors ng paaralan namin. Grade 12 na si Rozen kaya nasa huling palapag na sila.

    Naabutan kong magulo ang buong corridors ng huling palapag. Nakita ko ring parang haring sinasamba si Rozen. Tulala siya at pinapalibutan ng mga babaeng uhaw sa atensyon niya. Nang nakita niyang palapit ako at napatalon siya at ngumisi. Naglahad agad siya ng kanyang braso na para bang umaambang yayakapin ako.

    Tumayo siya para salubungin ako pero nang nagkatagpo na kami ay agad lumipad ang kamao ko sa pisngi niya.

    “WHAT THE FVCK?” Sigaw niya.

    Agad akong hinawakan sa braso ng mga nandoon. Mapalalaki man o babae ay kampi sa kanya.

    “Rozen, sige na, bumawi ka!” Sabi nung isa.

    Pumiglas ako sa pagkakahawak nila pero masyado silang marami at malalakas.

    Napahawak siya sa dumudugo niyang labi. Yung pula niyang labi ay mas lalong pumula ngayon. Pinunasan niya ng kanyang hinlalaki ang dugo sa gilid ng labi niya at tinitigan ang nasa gilid ko.

    “Don’t touch her.” Aniya saka matalim na tinitigan ang lahat ng nasa gilid ko.
    “Pero Rozen, she attacked you!” Sabi ng babaeng nanlalandi sa kanya kanina.
    Umiling siya at nakita kong mas nagdilim ang mukha niya, “I SAID DON’T TOUCH HER!”

    Nabigla silang lahat sa sigaw niya kaya binitawan nila ako. Nang sa wakas ay nakawala ako ay sinugod ko ulit siya at ngayon ay sinampal. Agad namang may humawak sa kamay ko pagkatapos ng sampal na iyon.

    “WALANG HIYA KA! I HATE YOU! FVCK YOU!” Sigaw ko. “HOPE YOU ROT IN HELL!”
    “Anong problema mo?” Nakatitig niyang tanong sabay tingin ulit sa mga nakahawak ng braso ko.

    Agad nila akong binitiwan. Isang tingin lang niya ay napapasunod niya na agad ang mga alipores niya.

    “Sinong nagsabing ikaw ang gusto ko, ha?” Tumawa ako sa kapraningan. “Alam na alam mo naman kung gaano ako naiinis sayo tapos pinagkakalat mong gusto kita?”
    “Hoy, miss, mag ingat ka sa pananalita mo. Kala mo kung sino ka para magustuhan ni Rozen-“
    “SINABI KO BANG NAGUSTUHAN NIYA AKO? ANG SABI KO AY PINAGKAKALAT NIYANG MAY GUSTO AKO SA KANYA!” Sigaw ko sa babaeng sumabat.

    Narinig kong humalakhak si Rozen. Baliw! Matalim akong bumaling sa kanya at nakita kong humahalakhak parin siya at umiiling sakin.

    “Damn…” Aniya.
    “WHY ARE YOU LAUGHING!?” Inis kong tanong sa kanya.

    Umiling pa siya lalo.

    “Baliw ka talaga! Ewan ko kung anong pumapasok diyan sa kokote mo! Sana maagnas ka na lang bigla para wala ka na! You’re so evil! Isinama mo pa ako sa mga cheap mong babae? JUSKO NAMAN! Magugustuhan ko na lang ang pinaka pangit na lalaki pero hindi ikaw!” Sigaw ko.
    “Sakit mo namang manuntok.” Aniya sabay halakhak ulit.

    I really think he’s crazy. Tama nga yatang sa isang dosenang itlog ng pugo, may isang bugok. Sa bawat niyog na aanihin, may isang walang laman. Sa bawat Elizalde sa mundo, may isang walang hiya.

    Tumaas ang altapresyon ko sa mga pakulo niya. Kaya imbes na manatili doon ay nagpasya akong iwan siya. Tutal ay pumutok na naman ang labi niya, okay na ako. Pero hindi parin nito napapalitan yung sakit na nararamdaman ko.

    “Naloko na talaga ito, Coreen. Kahit galit ka basta may maramdaman ka lang para sakin, ang saya ko na.”

    Tumindig ang balahibo ko sa sinabi niya. Nilingon ko siya at tinuro-turo.

    “Tutal Grade 12 ka na naman! Sana wa’g ka ng magpakita sakin! Sinusumpa kita, Rozen! Masahol pa sa tae ng aso ang ugali mo!”

    Pumungay ang mga mata niya at hinawakan ang kamay kong nakaturo.

    “Why so heartless, Coreen?”

    Hinila niya ang buong katawan ko palapit sa kanya. Agad kong narealize kung gaano karaming tao ang nakatingin saming dalawa. May narinig pa akong mga sumisinghap at nag sasalita ng masama sakin pero hindi ko sila kayang pansinin. Kung gusto ni Rozen ng atensyon mo, nakukuha niya ito ng buo. Ganyan talaga siya, noon pa man.

    Nilapit niya ang bibig niya sa tainga ko. Nagtindigan ang balahibo ko sa batok.

    “Narinig mo ba yung sinabi ko kanina? Kahit ano… Kahit galit mo na lang, tatanggapin ko. I’m in love with you, Coreen. You’re name is embedded in my soul. Ang laking problema, hindi ba? Kaya sana mabaliw ka na lang rin sakin para wala na tayong problema. So, I’m sorry, hindi kita iiwasan. Hindi kita lalayuan. I will forever be the pest in your life until you decide to love me back.”

  • Kabanata 4Open or Close

    Kabanata 4
    A bit of Guilt

    Pagkatapos ng nangyaring iyon sa amin ni Rozen ay hindi ko na hinayaan ang sarili kong mapalapit pa sa kanya. Kahit literal na mapalapit.

    “Coreen, may praktis sina Noah sa bahay. Gusto mong bumisita?” Tanong ni Reina sakin.

    Ngumisi ako nang narinig ang pangalan ni Noah pero unti-unti ring napawi ang ngiting iyon. Coz I know, the evil Elizalde is there.

    “Ah, hindi ako pwede. May lakad kami ng family ko.” Sabi ko.

    Sayang ang pagkakataon na yun ah? Pero hindi ko kayang makita ulit ang hayop na Rozen na yun! Maha-highblood lang ako at baka magdilim ang paningin ko, masuntok ko ulit ang pumutok na labi nun.

    In speaking of family, totoo namang may lakad kami ng family ko. Close kasi kami ng pamilya ko. Iyon nga lang, ako yung pinaka bata. Si Kuya Luke at Ate Julie ay parehong may pamilya na. Maaga kasing nag asawa ang mga magulang ko kaya ayun at ang babata pa nila ay matanda na ang panganay na si Kuya Luke at sinundan namain ni Ate Julie. Ako yung bunso.

    Mahilig sa bonding ang pamilya namin kaya ngayon ay nandito kami sa isang garden restaurant. Country Side. May butterfly garden sa labas at may mga stone path. Mahilig mag experiment sina daddy at mommy. Mahilig din silang bumisita sa ibang bansa, tumikim ng iba’t-ibang pagkain at iba pa.

    Kakaupo ko pa lang sa wooden chair ng Country Side nang nahagip ng paningin ko ang isang pamilyar na lalaki.

    “SHIT!”
    “Watch your mouth, Coreen!” Untag ni Kuya Luke sakin.

    Inirapan ko siya at nilingon ulit ang lalaki. ROZEN GAISER ELIZALDE IN THIS PLACE? WHY IN THE EFFING WORLD?

    Nilingon ko ulit ang hayop na si Rozen. After 2 years ay nagkalapit ulit kami ng at least 5 meters!

    Inosente siyang tumitingala sa mga intricate design ng ceiling ng restaurant. Umiling ako at umiirap sa hangin.

    “Anong problema mo, hija at nagtataray ka na naman?” Tanong ni Ate Julie habang pinapakain ang anak niya.
    “Nothing, ate… Just…”

    Hindi ko na nagalaw ang pagkain ko. Padarag kong binitiwan ang mga kubyertos ko tsaka tumayo.

    “CR lang po ako.” Sabi ko sa kanila.

    Tumango si mommy kaya dumiretso na ako sa kay Rozen. Napatalon pa siya noong nakita ako, lalo na yata noong kinwelyuhan ko na siya.

    “Hayop ka, anong ginagawa mo dito?” Pabulong kong sinabi.
    “Easy, Coreen… Easy…” Tumawa siya. “You scared the shit out of me.” Sumulyap siya sa table namin. “Nandito ka pala?”

    Binitiwan ko ang t-shirt niya. Baka kasi unang maagnas ang kamay ko. Pakiramdam ko germs ang hinahawakan ko.

    “Anong nandito ako? Agad mong tinignan ang table namin like you knew I was there…” Utas ko.
    “Galing ka doon kaya alam kong doon ka galing.” Kumunot ang noo niya at humalakhak.

    WHAT AN EXCUSE? WALA NA BANG MAS MATINO DIYAN?

    “You idiot! Don’t show me your face again! I hate you!” Sabi ko nang pabulong ulit.
    “Bakit? I didn’t cheat on you, Coreen! MAHAL KITA!” Sabay sulyap niya sa mga babaeng naiintriga saming dalawa.

    Normally, wala namang tao dito sa Country Side. Kung meron man, pili lang kaya may privacy. Pero ngayon, mukhag dumami. Lumingon-lingon ako at nakitang halos silang lahat ay mga babaeng kaedad ko.

    “What? Stop annoying me Elizalde!” Nilapit ko ang mukha ko sa kanya.

    Nakakahiya! Baka akala pa nila ay nag aaway kaming mag nobyo. Yuck! Mag irog! Yuck!

    Pinagsalikop niya ang mga daliri niya at humilig din palapit sa mukha ko.

    “Sige, pigilan mo pa ako, mas lalo akong ginaganahan tuwing pinipigilan mo ako.” Nakangisi niyang sinabi.

    Tumindig ang balahibo ko sa ngisi niya. This is dangerous. So. Dangerous.

    “Talaga? Pagkatapos ng dalawang taon iyan ang ibubungad mo sakin? Kung talagang ginaganahan ka pag pinipigilan kita, bakit ngayon ka lang ulit lumapit sakin-” Natigilan ako nang narealize ko ang tono ko at ang mga salitang ginamit ko.

    Umaliwalas ang mukha niya at mas lalong ngumisi.

    “What was that, Coreen? Anong sabi mo?” Umiiling siya habang malaki ang ngisi.

    Napaatras ako pero agad niyang hinawakan ang nakakuyom kong kamay.

    “Pardon, Coreen?” Nakangisi niyang tanong.
    “P-Para kang babae! Grabe ka kung maglagay ng meaning-“
    “COREEN? Nandito pala si Rozen pero di mo sinasabi samin?”

    Agad akong napalingon kay Ate Julie na nagsasalita sa likod ko. Nang nakita ko siya ay naabutan kong nakaawang ang bibig niya at diretso ang mga mata sa kamay namin ni Rozen. Agad kong hinawi ang kamay niya at tinago ang kamay ko sa likod ko.

    “Ate, he’s meeting someone else here-“

    Nakangisi at nakataas na ang kilay ni Ate Julie sakin. DARN! Baka isipin ni Ate na may something kami ni Rozen!

    “Is he really? O baka naman nagseselos ka lang?” Sa tono ni Ate ay agad ko ng napagtanto kung ano ang nasa utak niya.
    “No!” Agad kong sinabi.

    Tumayo si Rozen kaya pareho kaming napatingin sa kanya.

    “Aalis na lang ako. Sorry, naistorbo ko yata yung lakad niyo-“
    “May hinihintay ka ba, Rozen?” Tanong ni Ate.

    Napatingin si Rozen sakin sabay pa-cute kay Ate.

    “Wala po, eh. Mag tatanghalian lang sana ako.” Aniya.

    Ang sosyal ng Elizalde, magtatanghalian sa isang elite na restaurant pa. Samantalang kami, special family day lang kung makapunta sa mga ganito. Kung magtatanghalian lang din naman ako ng mag isa, sa Jollibee na lang ang punta ko!

    “Ganun? O sige, sumabay ka na lang samin! Kakasimula lang din namin.”

    Umirap ako at naunang bumalik sa table namin. Padabog akong umupo, dahilan kung bakit nagtaka si mommy at daddy kung anong meron. Pero bago pa nila ako natanong ay nakarating na si Rozen sa table namin.

    “Mom, nandito pala si Rozen.” Untag ni Ate.

    Magkakilala ang pamilya ko at ang mga Elizalde. Syempre, sa tagal naming magkaklase ni Reina ay naipakilala ko na rin siya sa mga magulang ko, maging ang mga kapatid niya.

    “Oh, Rozen, upo ka dito.” Sabi ni mommy sabay turo sa upuang bakante sa tabi ko.

    Umaacting pang nahihiya kuno si Rozen sa mommy ko.

    “Asus! Wa’g ka ng mahiya. Alam mo naman, tuwing nasa bahay niyo si Coreen, inaalagaan niyo ‘to at hindi ito nahihiya.” Tumawa si mommy.

    Leche! May ganoong linya pa talaga si mommy?

    “Walang ano man po. Masaya po ako tuwing pumupunta si Coreen sa bahay. Nakakatuwa po kasi siya.” Ani Rozen.

    Napapikit ako. Halos maramdaman kong nanginig ang buong sistema ko sa sinabi niya.

    “Naku! Mabuti naman at hindi pala ito sakit ng ulo sa bahay ninyo.” Sabi ni daddy.
    “Naku! Talagang hindi, baka madiscourage sa kanya yung crush niyang si Noah!” Sabi ni Kuya Luke sabay tawa.
    “KUYA!” Sigaw ko at napasulyap kay Rozen.

    Nakita kong tinitigan niya ang pagkain niya. Para bang ayaw niyang dumugtong sa sinabi ni Kuya… Sumulyap siya sakin at ngumisi ulit.

    Hindi sumagot si Rozen. Kinabahan agad ako. Hindi ko naman alam kung bakit.

    Umiling na lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Kumain na rin si Rozen kasama namin. Sumusulyap-sulyap pa siya sakin habang nag uusap sila ni daddy.

    “Dad, papahangin lang ako sa labas.” Sabi ko kay Daddy.

    Nanunuyo na kasi ang laway ko kasi di ako makasabat sa pinag uusapan nilang business na itatayo ni Kuya.

    “Oh, Coreen, isama mo na si Rozen-” Sabi ni Ate.

    Nang babadtrip yata. Nilingon ko at naabutan kong nakangisi siya.

    “Wa’g na. Maiintindihan niya ang mga pinag uusapan nina Kuya at Dad kasi business.” Sabi ko.

    Tumayo si Rozen at tumingin sakin.

    “Magpapahangin din ako. May mas gusto rin akong intindihin maliban sa business, eh.” Humalakhak siya sabay tingin kay Daddy. “Excuse us, po.”

    Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya at pinagmasdan ang nakakunot na noo ni daddy. Hindi ko alam kung may napagtanto ba siya sa sinabi ni Rozen o wala siyang naintindihan, para sakin nakalahad na ang lahat ng balak niya sa sinabi niya and I hate it.

    “Sure, sure… May butterfly garden diyan sa labas.” Tumango si daddy kay Rozen.
    “Thank you po.” Tapat niyang sinabi at bumaling sakin. “Let’s go?”

    Wala akong nagawa kundi isama siya sa labas. Pagkalabas namin, hinayaan ko siyang mag liwaliw. As much as possible, dapat hindi kami magkausap dahil baka agad ko na langs iyang mabigwasan.

    “Ang ganda no…” Halos magka mini heart attack ako nang bigla siyang sumulpot sa gilid ko.

    Nakatingin ako sa isang kulay orange na butterfly sa isang bulaklak.

    “Don’t talk to me, Rozen. We’re not friends.” Sabi ko.
    Humalakhak siya, “Then what are we?”

    Lumingon ako sa kanya. Nabigla yata ang butterfly kaya lumipad.

    “Nothing. You’re a stranger to me…”
    Mas lalong lumaki ang ngisi niya. “Buti di enemies?” Tumaas ang kilay niya.
    “God, I hate your guts!” Tumikhim ako.
    “I love your guts.” Aniya.

    Nagpipigil na akong kwelyuhan ulit siya. Pinagdikit ko ng mariin ang labi ko.

    “College ka na, si Noah parin ba? Two years, Coreen, wala ka parin bang panghihinayang na naramdaman? I gave you two long years.” Aniya.

    Gusto ko na lang tumawa ng malakas. Nababaliw na yata ako sa pinagsasabi niya.

    “Si Noah lang at si Noah parin. Walang magbabago kahit bukas o sa makalawa, next year or next decade. Walang iba. At lalong wala ka.” Sabi ko.

    Nakita kong mejo lumambot ang titig niya sakin.

    “Don’t look at me like that. That’s what you get!” Nag iwas ako ng tingin.
    “This is what I get for loving you too much?” Tanong niya.

    Gusto ko ulit humagalpak sa tawa.

    “Loving me too much in spite of your whores?”

    Nagdilim ang titig niya sakin.

    “You wanted the challenge, you said I was boring, anong gusto mo mag suplado gaya ni Noah? Gumaya kay Noah?”
    Umiling ako, “You don’t need to do that.” Nalungkot ako sa narinig ko sa kanya. “Rozen, si Noah ang gusto ko. Kahit magpa plastic surgery ka pa at mag mukhang si Noah, hinding hindi kita magugustuhan. This is going to be… Noah… all the way.”

    Narinig ko ang mabibigat niyang pag hinga. Hindi na siya nagsalita pa ulit. And me… I felt… yes… guilty… a bit.

  • Kabanata 5Open or Close

    Kabanata 5
    Mas Importante Sakin

    Ngayong college na kami, iba na naman ang kinakaobsess-an ni Reina. Umalis si Stan – yung vocalist nina Noah, pumunta na ng US. Kaya noong nakaraan ay nagkaroon ng audition sa gym para sa papalit. Sayang nga, eh. Nag offer na ang Moon Records sa banda nila, kaya lang, ngayon pa talaga umalis si Stan.

    “Huy.” Sabay tulak ko kay Reina.

    Tulala siya sa isang tabi. Si Wade na naman ang iniisip nito. Yung bago niya na namang crush! Siya yung vocalist na sobrang gwapo ng Zeus ngayon.

    Bumuntong-hininga siya at tumingin sakin. Kahapon niya lang nakita si Wade at parang ang laki na ng problema niya.

    “Reina, magpaganda ka kaya. It’s time for you to change yourself.”
    “Hindi naman ako gaya mo na maganda talaga.” Aniya.
    “Ayan ka na naman. Napakababa talaga ng self-esteem mo. Dapat sayo matayog yung self esteem kasi ganun ang mga kapatid mo. Ewan ko kung anong bitamina ang kinain ng mommy mo nung pinagbubuntis ka at ganyan ka katamlay, ano?”

    Sumimangot siya sakin. Ngumisi ako. She’s simple minded. Kahit sobrang yaman ng mga Elizalde, ito lang yata ang nakita kong hindi nagwawaldas ng pera.

    “Uy, mauna na ako ah? Bukas, tignan natin kung anong magagawa natin para makapag make over ka na.”
    Tumango na lang si Reina at hinawi ang bangs niya.
    “Bye, Reina, I love you.” Hinalikan ko ang pisngi niya at inayos ang shoulder bag ko.
    “Bye-bye.” Aniya at kumaway na sakin.

    Nagmadali akong umalis. Kahit mamaya pa naman ang pasok ko. Balak ko na naman kasing dumaan sa classroom nina Noah. Palagi ko itong ginagawa. At hindi ko maintindihan kung bakit deadma’ng deadma talaga siya sakin kahit sobrang lapit niya na sakin tuwing nagkakasalubong kami.

    Bago ako nakarating doon sa building nila ay nakita ko si Rozen sa malayo na may kaakbay na isang babae. Kumunot ang noo ko at nag iwas na lang ng tingin.

    “He’s at it again.”

    Dumiretso na lang ako sa loob ng building at inakyat ang hagdanan. Mag fo-footbridge na ako papuntang building namin. Gusto ko lang talaga dumaan dito para makita si Noah.

    Nang sa wakas ay nasa tamang floor na ako, agad ko siyang naaninaw sa malayo. Anong gagawin ko ngayon para mapansin niya? Nasa likod niya ang gitara at siya lang mag isa. Madalang siyang mag isa kaya pagkakataon ko na itong magpapansin sa kanya.

    Alam ko na! Nag karoon ako ng light bulb moment!

    May hinanap ako sa bag ko habang papalapit na kami sa isa’t-isa. Kumunot ang noo ko sa paghahanap ng maigi sa isang bagay na hindi ko talaga mahanap sa loob nito.

    Nang nakarating na ako sa part na may nabiyak na tiles ay nagkunwari akong nasamid. At dahil sa pagkukunwari ko ay natuluyan ako sa pagkakasamid ko.

    “SHIT!”

    Lumagapak ang sahig dahil sa mga tuhod kong napaluhod sa sahig. Napapikit ako sa sobrang sakit. Pakiramdam ko magkaka-cancer yata ako nito sa buto. Halos mangiyak-ngiyak akong dumilat.

    Niluhod ni Noah ang isang tuhod at naglahad ng kamay sakin.

    “Ayos ka lang ba, Coreen?”

    Ito ata ang kauna-unahang pagkakataon na napansin at nakausap niya ulit ako pagkatapos noong nangyari sa highschool!

    Tumango ako at nilagay ang kamay ko sa taas ng kamay niya. Hinila niya ako. Nahiya pa nga ako kasi nawalan ako ng lakas para tumayo kaya buong weight ko ay nasa kanya.

    Nakita kong walang sugat ang tuhod ko pero pulang-pula ang mga ito. Ang isa naman ay unti-unti ng nagiging kulay violet.

    Napaawang ang bibig ko habang tinitignan iyon. Napatingin ako kay Noah na nakatingin ring mabuti sa mga tuhod ko.

    Lagi akong nag sho-shorts kaya matitigil na itong pagsho-shorts ko dahil sa nangyari sa tuhod ko.

    Napatingin si Noah sakin, pero agad din siyang nag iwas ng tingin…

    “K-Kaya mo bang maglakad?” Tanong niya.

    Nauutal siya?

    “Oo.” Sabi ko at sinubukan agad.

    Kaya lang, nang sinubukan ko ay kumirot ang kalooblooban ng joint kaya muntin na akong bumagsak ulit.

    Napangisi ako sabay kamot sa ulo sa nangyari.

    “Ipagpapahinga ko muna. Mejo kumukirot.” Napatingin ako sa classroom nilang puno na ng estudyante.
    “Noah!” Tawag ni Warren sa kanya. “Lika na!”

    Sinenyasan ni Noah si Warren na mauna na siya. Sumulyap si Warren sakin. Sumandal ako sa dingding para sa suporta pero agad niyang hinawakan ang baywang ko.

    “Mag ingat ka.” Aniya.

    Uminit ang pisngi ko. Nahihiya na ako sa kanya. Sinamahan niya pa talaga ako dito.

    “Ah… Siguro okay na ito.” Sabi ko nang mejo napawi ang kirot.

    Sinubukan kong maglakad ulit pero ayun at umamba na naman akong madadapa.

    Suminghap si Noah at nabigla na lang ako nang binuhat niya ako. Napanganga ako sa ginawa niya.

    “Noah?” Sabi ko.

    Nasa mga bisig niya na ako. Yumuko siya habang buhat-buhat niya ako saka pinulot ang bag ko. Naghuhuramentado na ang puso ko sa nangyayari. Natutuyuan na rin ako ng lalamunan.

    “Noah… Anong ginagawa mo?” Tanong ko.
    “Syempre, ihahatid ka sa infirmary, Coreen. Hindi kita pwedeng iwan dito na ganito.”
    “Pero… yung klase mo?” Tanong ko.

    Nilingon ko ang classroom nila. Nakita kong pumasok na ang professor nila. Nag kibit-balikat na lang siya at…

    “May mga bagay na mas importante pa dyan.”

    Ang bilis ng pintig ng puso ko sa sinabi niya. May nakita pa akong mga babaeng sumisilip saming dalawa.

    “Hala! Mika! May binubuhat si Noah! Babae!” Narinig ko iyon sa isang kaklase nila.

    Syempre, sa gwapo at sobrang mysterious ni Noah, mabilis siyang magugustuhan ng mga babae. Tahimik pa at mejo suplado kaya mas lalong attractive.

    “Noah… Yung mga tao.” Sabi ko.
    “Bakit? Anong mga tao?” Tanong niya.

    Kinagat ko na lang ang labi ko. Nagpatuloy siya sa pagbubuhat sakin. Kanina, noong nadapa ako ng totohanan, nagsisi ako sa plano ko. Pero ngayon, wala ng bahid ng guilt at pagsisisi. Everything is perfect!

    Ang bango-bango ni Noah. Napapapikit ako tuwing umiihip ang hangin at naamoy ko ang pabango niya. I want to live here. HAHA!

    “Coreen.”
    “Hmmmm?”
    “COREEN!”
    Napatalon ako nang sinigaw niya ang pangalan ko. Napatingin ako sa kanya.

    Nakatingin siya sa malayo at ngumunguso.

    “Nandito na tayo sa infirmary. Baba ka na.” Aniya at dahan-dahang binitiwan ang mga binti ko.
    “Ahh.. Sorry.” Bumungisngis ako pero napangiwi nang naramdaman ko ulit ang kirot.

    Umiling siya at hinawakan ang baywang ko.

    “Mag ingat ka, Coreen.” Malamig niyang sinabi at binuksan na ang pintuan papasok sa infirmary.

    Pumasok ako doon at inexamin ng isang nurse ang tuhod ko.

    “Pasa lang ito. Cold compress lang muna ito. Bago hot compress.” Sabi nung nurse. “Kukuha lang ako ng ice.” Aniya.

    Tumango si Noah.

    Nakatayo siya at nakahalukipkip sa harap ko. Ako naman ay nakaupo sa clinic bed.

    “Thanks.” Sabi ko sa nurse.

    Bumaling ako kay Noah.

    “Noah, uhm, thank you… Late ka na… Uhm… Hindi ka pa ba aalis-“
    “Kung umalis ako, dapat kanina pa kita iniwan.” Malamig niyang sagot. “Pero hindi diba? Nandito parin ako, kaya hindi ako aalis.”
    “Panu ang klase mo?”

    Mabilis na pumintig ang puso ko.

    “Gaya ng sabi ko, Coreen, may mga bagay na mas importante pa dyan.”

    Anong bagay iyon? Isa ba ako sa bagay na iyon? Mas importante ba ako? Tumikhim siya at nilapitan ako.

    Hinaplos niya ang tuhod ko saka bumaling sakin.

    “Eto na po… ang cold compress.” Sabay bigay ng nurse sakin.

    Pero hinablot iyon ni Noah at nilagay sa tuhod ko.

    “Mas importante sakin na maayos ka.”

  • Kabanata 6Open or Close

    Kabanata 6
    Still No

    “Mas importante sakin na maayos ka.”

    Umalingawngaw ito sa bawat sulak ng utak ko. Wala akong maisip kundi ito. Sinapa ng kabayo ang puso ko. Grabe… Kumalabog talaga iyon. Hindi ko na alam kung ngingiti ba ako o maiiyak sa sinabi niya.

    Panay ang lagay niya ng cold compress sa tuhod ko.

    “Hindi ka na pwedeng mag shorts.” Ngumisi siya at tinignan ako.

    Kumunot ang noo ko sa pagngisi niya.

    “Teka, natutuwa ka ba na nadapa ako?”
    Umiling siya at hindi parin natanggal ang kanyang ngisi.
    “Ayaw mo bang nag sho-shorts ako?” Tanong ko nang unti-unti kong napagtanto ito.

    “Hot compress na ba pagkatapos?” Binalewala niya ang tanong ko at bumaling sa nurse.
    “Yes, Mr. Elizalde.”

    Napatingin ako sa nurse. Kilala talaga ang mga Elizalde kaya hindi na ako magtataka kung paano nalaman noong nurse ang apelyido ni Noah. Isa pa, sikat din ang banda ni Noah dito.

    Kinuha niya ang hot compress. Pinunasan niya muna ang tuhod ko bago iyon nilagay.

    “Hindi ibig sabihin na pag may magandang legs ka ay kailangan mo na iyong ipakita sa lahat, Coreen. Sometimes, it’s better if you hide it.”
    Tumango ako at mas lalong lumaki ang ngisi.

    Hayaan mo, Noah. Bukas agad magpapants na ako! Kung gusto mo balutin ko rin yung buong katawan ko para wala ng makakita. At narinig niyo iyon? Sabi niya maganda ang legs ko! Nag huhuramentado na ako dito. Ngising-aso habang pinapanood siyang seryosong naglalagay ng hot compress.

    Sa kalagitnaan ng paglalagay niya ng hot compress ay nag ring ang cellphone niya. Sumulyap siya sakin at kinuha ang cellphone niya sa bulsa.

    Hinawakan ko ang hotcompress nang sa ganun ay masagot niya ng maayos ang cellphone niya. Kaya naman ay nahawakan ko rin ang kamay niya. Nagkatinginan kaming dalawa saglit bago niya ito binitiwan at pumihit para sagutin ang cellphone niya.

    “Hello, Warren?” Dinig ko saka lumayo na siya sakin.

    Gusto kong malaman kung anong pinag uusapan nila pero masyadong mahina ang boses niya. Nang malapit na siyang matapos ay saka ko narinig ang mga bilin niya kay Warren.

    “Hindi na. Paki sabi na lang sa kanila na may inaasikaso pa akong importante. Mauna na kayo sa bahay. Thanks.”

    Binaba niya ang cellphone niya at bumaling sakin. Uminit ang pisngi ko. Masyado talagang mabigat ang intensity ng titig niya. Minsan, hindi ko kayang titigan siya habang matama rin akon tinititigan pabalik.

    “Ihahatid na kita sa inyo.” Aniya.
    “H-Huh?” Napalunok ako.

    Minsan lang dumalaw ang grasya sa buhay ko pero sobra-sobra naman. Nag iwas siya ng tingin. Para bang ikanakahiya niya ang pagyayayaya niya sakin. No, Noah. Wa’g mong ikahiya.

    “Sige… Aayusin ko lang mga gamit ko.” Sabi ko.
    “Wala ka na bang klase?”

    Natigilan ako sa tanong niya. May dalawa pa akong klase. Pero kaya ko iyong isakripisyo para sa once in a lifetime opportunity na ito.

    “Wala na…” I lied.

    Tumango siya at tinignan ang tuhod ko.

    “Well, kung ganun, iuuwi na kita sa inyo. Iyon ay kung ayaw mong buhatin kita galing sa isang klase mo papunta sa isa.” Humalakhak siya at tinalikuran ako para magtawag ng nurse.

    Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. P-P-Parang mas gusto ko atang pumasok na lang sa klase ko at buhatin niya ako ah? OH MY GULAY!

    “Okay na ba siya?” Tanong ni Noah sa lalaking nurse.
    “Okay na. Yung hot compress lang, ulit-ulitin kahit sa bahay para mas madali siyang mawala.”

    Tumango si Noah sa nurse at bumaling sakin.

    “Kaya mo na bang maglakad?”

    Kaya na. Pero dahil gusto kong alalayan niya ako… syempre… Napangiwi ako at…

    “Hindi pa yata.”
    Tumango siya at naglahad ng kamay.

    Pinunasan ko pa talaga ang kamay ko sa damit ko bago nilagay iyon sa kamay niya.

    “Let’s go, Coreen.” Hinila niya ako saka hinawakan sa baywang.

    Kakaibang electricity agad ang naramdaman ko sa hawak niya sakin. Iyong tipong hindi ko pa nararanasan kahit kanino. Lumingon siya sakin.

    “Kaya?” Tanong niya.
    “Mejo.” Kinagat ko ang labi ko dahil hindi ko mapigilang ngumiti.

    Kaya hayun at inalalayan niya ako papunta sa sasakyan niya. Ang swerte-swerte ko naman talaga. Binuhat niya na ako kanina, ngayon inalalayan, tapos ihahatid pa sa bahay.

    “Uy, Noah!” Sabi nung kakilala niyang nakasalubong namin.

    Nag iwas si Noah ng tingin sakin at ngumisi na lang doon sa kakilala niyang lalaki.

    “Chancing ka, pre!” Aniya.
    Humalakhak si Noah at umiling sa kakilala niya.

    Uminit ang pisngi ko. Ngayong may nakapansin saming dalawa ay halos lahat na ang napalingon.

    “Anong nangyari sayo, Coreen?” Tanong ng isang kakilala ko.
    “Ah… Nadulas lang… Este nasamid pala.”
    “Ganun? Saan banda?” Tinitigan nung kilala ko ang mga tuhod ko.
    “Sa…”

    Nabigla ako kasi ngayon, mabilis na ang lakad ni Noah.

    “Sa may Loyola Hall-” Hindi na ata ako narinig noong kilala ko dahil masyado na kaming napalayo.

    Sumulyap ako kay Noah na ngayon ay mukhang nababanas na. Binitiwan niya ang baywang ko at pinindot ang alarm ng sasakyan niya.

    “B-Bakit?” Nabigla naman ako sa biglaan niyang pagkakabadtrip.
    “He’s looking at your legs, Coreen. Not your… knees!”

    Imbes na madurog ang puso ko dahil nakita ko ang galit sa mga mata niya ay nagbunyi pa ito. Lahat ata ng santo ay natawag at napasalamatan ko dahil sa asta niya. He’s over protective!

    “Huh? Eh nakatingin naman siya sa tuhod ko.”
    “No… He’s looking at your legs.” Bumuntong hininga siya at binuksan ang pintuan ng sasakyan niya.

    BMW X5, Color White. Bagay na bagay sa kanya ang sasakyan niya. Simple. Misteryoso.

    “Get in.” Iminuwestra niya ang loob ng sasakyan.

    Pumasok ako sa loob. First time ko ata itong makapasok sa loob ng sasakyan niya. Tuwang tuwa ako lalo na nang nakita ko siyang umikot para sumakay din. Hindi ako makapaniwala. May time talagang inilaan ang Panginoon sa lahat. Noon ko pa ito inaabangan pero ngayon lang dumating. Okay lang kahit naghintay at nasaktan ako noon, basta ngayon ay may ganitong moment.

    Tahimik siyang nag drive. Ako naman, panay ang isip ko sa pwedeng gawing i-topic namin. Pero sa kalagitnaan ng pag iisip ko, siya ang nagsalita.

    “Coreen…”

    Napatalon ako sa bigla at napabaling sa kanya.

    “Hmmm?”
    “Tungkol nga pala… sa nangyari noong highschool pa tayo.”
    “B-Bakit?” Ngayon ay kumalabog na ang puso ko.

    Hindi niya pala iyon nakalimutan.

    “Sorry sa mga sinabi ko noon.” Aniya.

    Nag so-sorry siya? Ibig sabihin pinagsisisihan niya iyon? Nag bago na ba ang isip niya sakin?

    “Okay lang. Naiintindihan ko naman.” Sabi ko.

    Natahimik siya. Hindi narin ako dumugtong.

    “Saan ba ang inyo?” Tanong niya nang papasok na kami sa subdivision namin.

    Alam niya pala kung saan ako nakatira. Pero hindi niya alam kung aling bahay sa village na ito. Itinuro ko sa kanya ang daan pero ang tanging nasa utak ko ay ang pinag usapan namin kanina. Nagsisisi ba siya?

    “Dito lang.” Sabi ko at agad mariing tinikom ang bibig.

    Is this an opportunity? Paano kung pagkatapos nito ay hindi niya na ulit ako pansinin? Ano? Malakas ang pintig ng puso ko habang nag dedesisyon sa susunod kong galaw.

    Lumingon siya sakin nang nagkasalubong ang kilay.

    “Noah…” Nilunok ko ang kaba ko.

    Isinantabi ko ang pride ko at ang mga pagdududa ko. I just don’t want to waste this opportunity. This moment. Kung sana hindi na lang natapos ang pagdadrive niya. Sana buong araw na lang siyang nagdrive at hindi pa kami dumating sa bahay. Sana mas naenjoy ko pa ito… At sana hindi pa ako umabot sa ganitong desisyon.

    “Nagbago na ba ang isip mo tungkol sakin?”

    Napaawang ang bibig niya.

    “I still like you, you know, walang nagbago.” Nanliit ang boses ko habang sinasabi ko ito.

    Binuksan niya ang bibig niya para magsalita pero hindi niya itinuloy.

    “Hanggang ngayon… Ilang taon na rin ang nakalipas diba? Hindi na tayo mga bata.”

    Halos mabingi na ako sa lakas ng pintig ng puso ko. Linapit niya ang sarili niya sa akin. Nanlaki ang mga mata ko. Hahalikan niya na ba ako? Halos magkaheart attack na ako sa ginawa niya. Umaamba na ako sa pagpikit.

    Kaya lang, kinalabit niya ang hawakan ng pintuan at binuksan iyon para makababa na ako.

    “The answer is still no, Coreen. Still no…”

  • Kabanata 7Open or Close

    Kabanata 7
    Date Me Secretly

    Paalis pa lang ang sasakyan ni Noah ay bumuhos na ang lintek kong mga luha. Ilang beses niya ba ako kayang saktan? At hanggang kailan ako mapupuno? Kasi sa ngayon, talagang hindi ko nakikita ang bunganga ng madilim na tunnel na ito. Hindi ako makakaahon pa. Mahal na mahal ko siya. Unconditionally. Na kahit ilang beses niya akong tanggihan ay patuloy akong maghihintay.

    Pumasok ako sa bahay naming luhaan. Ngayon ko lang napagtanto na ganoon talaga kung mag mahal. Hindi iyan isang switch na pwedeng kalabitin mo na lang para ma-off at para di ka na masaktan. Wala kang choice, talagang masasaktan ka pag nagmahal ka. Sa oras na mahal mo parin siya, palaging naka on yan. Hindi mo yan mapapangunahan.

    Iyon din ang sinabi ko kay Reina nang naguluhan na siya kay Wade.

    “It’s not some switch, Reina, na pwede mong i-off kung ayaw mo sa mga nangyayari.”
    Tinignan niya ako habang sinusuklay ko ang buhok niya.

    Gusto kong magkwento ng nangyari samin ni Noah noong isang linggo. Kaya lang, alam kong hindi na siya mabibigla. Alam niyang ayaw na talaga ni Noah sakin noon pa. Hindi ako pinapansin noon. Ako lang naman ang umaasa. Walang bago sa paningin niya pag ikwento ko pa sa kanya. Siguro, saka na ako mag kukwento pag may bago na.

    “Mainlove man ako sa kanya, alam ko namang hindi magiging kami.”
    “Bakit?” Nakakunot ang noo ko.

    Anong kadramahan naman itong dinadrama niya sakin tungkol sa crush niyang si Wade Rivas?

    “Dahil may gusto siya sa iba. I don’t think I can steal his heart, Coreen. Kaya niyang maglihim para kay Zoey. Diyan pa lang, alam kong mahirap ng talunin at i-divert ang pagmamahal niya.”

    Ewan ko ba kung alin ang mas mahirap, yung may ibang mahal ang mahal mo o yung wala pero talagang ayaw niya lang sayo?

    Sa araw na iyon ay napagdesisyunan namin ni Reina na pumunta sa mall para mamili. Iyon talaga ang noon ko pa pinapayo sa kanya: ang pagbabago ng image. Syempre, napaka wallflower niya. Hindi pa malakas ang personality niya, dagdagan pa ng pagiging mahiyain, talagang hindi siya mapapansin noong Wade na iyon. Kung ako nga ay nag eeffort na at hindi parin napapansin ni Noah, lalo na talaga itong si Reina.

    Pagkatapos naming magpaderma at mamili ng damit ay napadpad kami sa paborito kong pamilihan ng mga make up.

    “Kailangan ba talaga ang mga ito, Coreen?” Tanong niya nang pinilian ko siya ng lipstick.

    Baguhan talaga ang isang ito. Ayaw niyang mag lipstick kasi magmumukha dawng nag durugo ang labi niya. Eh may pink at peach colors naman diyan kung ayaw niya ng pula. Ang laki-laki talaga ng bangag ng ulo nitong si Reina.

    “Nung na inlove ako kay Noah, natuto akong gumamit niyan.” Pangungumbinsi ko. “Don’t worry, tutulungan kita.” Lumingon ako sa likod.
    “P-Pero-“

    Una kong nakita ang kumikinang niyang earring. Mejo magulo ang buhok niya at tamad niyang sinasamahan si Zoey Santiago. Namimili din ata sila ng make up sa paborito kong make up store. Mejo kumulo ang dugo ko habang pinagmamasdan si Zoey na nakahawak sa braso ni Rozen at tinuturo yung mamahaling lipstick.

    Ngumuso ako para mapatingin si Reina sa likod namin. Lumingon siya sa nginunguso ko at nakita ko ang unti-unti niyang pag iiba ng ekspresyon.

    “Hi, Rozen, Zoey!” Halos mag isang gumalaw ang kilay ko sa sobrang inis ko.

    Yan ang hirap kay Rozen, eh. Ang dami niyang babae (kahit na iilan pa lang ang nakita ko, at itong isang ‘to lang ang nakaharap-harapan ko) at wala siyang pakealam kung magwawaldas lang siya ng pera para sa kanila. Ang importante sa kanya ay nadadala niya ito sa kama.

    Ngumisi ako para hindi halata ang galit na gumagapang sa sistema ko.

    “Coreen!” Napatalon si Rozen nang nakita ako. “Sinong kasama mo?”

    Agad niyang tinignan kung sino ang nasa likod ko. Pagkatapos niyang nakitang si Reina ay bumuntong hininga siya.

    “Si Reina…” Sabi ko.
    “Hey, hi!” Bati ni Reina.

    Kahit naiinis ay kaya niya paring maging mabait. Habang ako, struggle na sa pag ngiti at baka hinambalos ko na ang ganid na babaeng nasa harapan ko. Nakakapit parin kay Rozen kahit na inilalayo na ni Rozen ang braso niya dito.

    “P-Paanong? Reina? Ginamit mo yung kotse?” Nauutal na tanong ni Rozen kay Reina.

    Hindi kasi basta-bastang nakakaalis si Reina sa bahay nila. Pero kanina ay pinayagan na siya ng mommy at daddy niyang gamitin yung kotse niya.

    Ako naman ay panay ang titig ko sa braso ni Rozen na inaangkin ni Zoey. Ang social climber na diumano’y love interest ni Wade Rivas (na crush naman ni Reina). Two timer! Siguro ay ayaw niya kay Wade dahil mahirap ito. Kay Rozen siya kumakapit dahil sikat at mayaman! Naiinis ako. Ito naman kasing si Rozen, basta-basta na lang kung magka girlfriend.

    Inilayo ni Rozen ang braso niya kay Zoey. Kulang na lang ay hawiin nito ang kamay niya pero hindi parin tinatanggal ni Zoey ang pagkakahawak niya kay Rozen. Napatingin ako kay Rozen. Sumulyap siya sakin habang nag uusap sila ni Reina.

    “Yes, Rozen. Pinayagan na ako nina mommy at daddy.” Ani Reina kay Rozen saka bumaling kay Zoey na ngayon ay tinitignan ang ibang lipstick. “Ayaw mo ba nun?” Tanong ni Reina saka tinuro iyong mamahaling lipstick na napili ni Zoey kanina.
    “Ah? Hindi… Uhm… May iba na akong gusto.” Sabi ni Zoey.

    Ngayon ay hindi na nag iwas ng titig si Rozen sakin. Ginantihan niya ako ng titig. Itinaas niya pa ang isang kilay niya sakin. Para bang nagtataka kung bakit matindi ang titig ko sa braso niyang hinahawakan ni Zoey.

    “Ang bilis palang magbago ng isip mo. Sige, alis na kami ni Coreen.” Ani Reina.

    Hinigit niya ako dahil hindi ko na matantanan ang titig ni Rozen sakin.

    “That b1tch!!!” Utas ko.

    Halos umusok ang ilong ko. Ginagawa niyang ATM si Rozen. Nagpapabili ng mga nonsense na bagay!

    Sa sobrang panggigigil ko ay nabitiwan ko ang mga pinamili namin.

    “Tama ka nga, Reina! Masyadong nakakainis! Ngayon, confirmed ko na… Gusto niya si Rozen dahil mayaman kayo! Ayaw niya kay Wade kasi hindi maibibigay ni Wade ang mga gusto niya! WHAT THE FVCK!” Ginulo ko ang buhok ko saka tinitigan ang mga pinamili naming nahulog ko.

    Mukhang pati na rin si Reina ay nahighblood sa Zoey na iyon. Gusto niyang i-save si Wade. Masyado atang mahal ni Wade si Zoey kaya hinahayaan niya lang ito sa mga kapritso nito. Hinahayaan niya lang ito kay Rozen dahil doon si Zoey masaya, sa mga materyal na bagay na kayang bilhin ng isang Elizalde at hindi ng isang Rivas.

    Sana lang magtagumpay si Reina sa pangungumbinsi kay Wade na lumayo na lang kay Zoey nang sa ganun ay hindi na ito mahirapan pa. Kawawa din naman kasi siya.

    “Dito lang ako, Reina.” Sabi ko sabay turo ko sa isang coffee shop.
    “Huh? Ihahatid na kita sa bahay niyo. Sayang naman kung di ko gagamitin ang sasakyan ko.” Aniya.
    “Hindi na. Malapit lang din dito ang opisina ni daddy. Dito na lang ako mag hihintay.”
    Tumango siya at ipinakita ang mga binili namin. “O sige. Ikaw ang bahala. Mag text ka sakin pag di ka nakuha, ah?”
    Tumawa ako, “Of course makakauwi rin naman akong mag isa.”
    Ngumisi si Reina at umalis na rin.

    Umupo na ako sa paborito kong coffee shop. Umorder ako ng isang frappe tsaka tumingin sa labas. Kitang kita ko ang bawat sasakyang dumadaan dito. Pinili ko kasing sa labas tumambay kesa sa loob. Mas madali kong makikita ang sasakyan namin pag dito ako sa labas uupo kumpara sa loob.

    Ititext ko na sana si daddy nang may biglang umupo sa harapan ko. Kumunot agad ang noo ko nang nakita kung sino iyon.

    “Anong ginagawa mo dito?” Tumaas agad ng ilang volume ang boses ko.

    Tinitignan ko pa lang siya ay kumukulo na ang dugo ko. I don’t know why…

    “Easy, Coreen.” Humalakhak siya.

    Hinawakan niya ang kamay kong nasa mesa. Agad kong tinanggal ang kamay niya.

    “ANO BAH!?”

    Tumawa lang siya.

    “I just want to apologize.” Aniya.
    “Apologize for what, Rozen?”

    Sa pagtatalo namin ay natakot ang waiter na ilagay ang inorder kong frappe sa harap ko. Madilim kong tinitigan ang waiter at sinenyasang ilagay na lang kahit na galit ako sa kasama ko.

    “Nagseselos ka diba?” Malakas ang pagkakatanong niya dito.

    Dahilan kung bakit naagaw niya ang pansin ng mga taong nakapaligid sakin. Sumulyap din ang waiter bago siya tuluyang umalis. Uminit ang pisngi ko.

    “Anong nagseselos?” Pabulong kong sinabi.

    Nagngingitngit na ako sa galit. Napakaassuming naman talaga ng hayop na ito.

    “Kay Zoey…” Confident niyang sinabi iyon.
    Halos matawa ako.

    Kaya imbes na agad akong sumabog sa mukha niya ay uminom ako sa cold frappe na inorder ko. Pinagmasdan niya ang pag inom ko. Nang mejo naging okay na ang pakiramdam ko ay bumaling ako sa kanya.

    “I’m not jealous, Rozen. Ayaw ko lang nang winawaldas mo ang pera mo para sa babaeng wlaang kwenta!”

    Tumindig ang balahibo ko sa sinabi ko.

    “Kung ganun, kanino ko iwawaldas ang pera ko?” Tumaas ang kilay niya. “Kasi hindi ko alam, Coreen. Hindi ko na alam.”
    “First of all, bakit mo naman wawaldasin iyang pera mo? Maraming taong naghihirap ngayon! Bakit hindi mo na lang idonate sa kanila. Bakit kailangan mo pang ibigay yang pera mo sa mga babaeng… two timer.” Matabang kong sinabi.
    “Two timer?” Tanong niya.
    “Oo!” Sabi ko. “May relasyon si Wade at Zoey. Mahal ni Wade si Zoey, Rozen. Kaya lang mahirap si Wade at hindi niya maibibigay ang mga bagay na kailangan ni Zoey. Kaya pumapayag siyang maging kayo para maibigay mo ang kapritso niya.”

    Humagalpak sa tawa si Rozen. Mas lalo lang akong nainis sa tawa niya. What the hell?

    Hinablot niya ang frappe ko at uminom dito. Nalaglag ang panga ko sa ginawa niya.

    “That’s my frappe, Rozen!”
    “That’s mine, too. Binayaran ko na yan.” Aniya.
    The nerve of this guy.

    Napapikit ako sa inis.

    “Bakit mo binayaran?” Sigaw ko.

    Samantalang cool lang ang ekspresyon niya nang tinitignan akong nanggagalaiti sa kanya.

    “At for God’s sake, uminom na ako dyan!” I spat.

    Ugh! Nakakafrustrate! Ayoko na lang magsalita. Humalukipkip ako at tumingin sa labas. Siya naman ay nakatitig sakin nang nakangisi. Natutuwa pa yata na sinira niya ang araw ko.

    “Walang gusto si Wade Rivas kay Zoey. Si Zoey ang may gusto sa kanya.” Aniya.

    Napatingin ako sa kanya.

    “I’m just here to use Zoey… and she’s also using me…” Nag kibit balikat siya.

    Napangiwi ako sa sinabi niya. Hindi ko maintindihan kung anong sinasabi niya. Matagal itong nag sink sa utak ko. They are just using each other?

    “Nakakasuka ka talaga.” Sabi ko ng seryoso sa kanya.
    Ngumuso siya at humilig sa akin. “Kailan mo ba kasi ako itatali sayo nang sa ganun ay matigil na yang pagkakabadtrip mo tuwing nakikita akong may ibang babae?”

    Tinulak ko siya.

    “Damn, I hate you so much! Dyan ka na nga!” Sigaw ko sabay kuha sa mga pinamili ko.

    Imbes na mag walk out ako palabas ng Coffee Bean ay napigilan niya ako. Hinawakan niya ang braso ko at hinila ako papunta sa kanya.

    “Date me secretly, Coreen.”
    “WHAT? Bakit ko naman iyon gagawin eh hindi kita gusto! Nasusuka ako sa pag uugali mo, Elizalde!”
    “Date me secretly… tutulungan kita kay Noah. I promise.” Matabang niyang sinabi.

    Natigilan ako.

    “Don’t you… ever use… Noah’s name on me.”
    His jaw clenched, “This is your last chance. Pangako ko yan sayo. Tutulungan kita sa kanya. Just date me… secretly.”

    I don’t understand. Paano niya ako tutulungan kay Noah habang idi-date ko siya ng palihim? At maniniwala ba ako sa hayop na ito kung puro kabulastugan lang ang alam niya?

  • Kabanata 8Open or Close

    Kabanata 8
    Boyfriend-Girlfriend

    Tinanggal ko ang braso ko sa kamay niya. Mariing naka tikom ang bibig ko habang nagtititigan kami. Hindi siya natinag sa matatalim kong titig.

    “Bakit ko naman gagawin iyon, Rozen? Alam mong di ko yan papatulan dahil kilala kita, marumi kang mag laro. You don’t play fair!”
    “Binibigyan kita ng chance, Coreen. At alam mong ako lang ang makakapag offer sayo nito.”

    Nanliit ang mga mata ko. Hindi parin siya nagpatinag. Tinitigan niya lang ako pabalik.

    “Kaya ni Reina’ng tumulong sakin.”
    Tumawa siyang bigla, “Oh please, Coreen. Ilang taon na kayong mag kaibigan. Sabihin mo sakin, may naidulot ba iyon sa relasyon niyo ni Noah? Wala!”
    “Hindi ako magpapaloko sayo, Rozen.”

    Si Rozen Elizalde itong pinag-uusapan natin dito. Wala pa akong naririnig na mabait siya. Playboy siya at kahit ano pa man ang dahilan niya, hinding hindi ako maniniwala sa kanya.

    “Come on, Coreen. Hindi ko namang hininging mahalin mo ako, diba? I just want you to date me secretly.” Ngumisi siya.

    Tumindig ang balahibo ko sa ngisi niya. Pakiramdam ko may hidden agenda siya sa offer niyang ito. Hindi ko iyon nagustuhan pero hindi ko rin maiwasang magtanong…

    “Kung totoo yang sinasabi mo, paano mo ako tutulungan kay Noah?” Seryoso kong tanong.

    Humakbang siya palapit pa sakin. Iyong tipong mapapaatras na ako dahil nasa personal space ko na siya pero agad niyang pinigilan ang amba kong pag atras.

    “Kailan mo gustong i-schedule ang date niyo, Coreen? Sabihin mo lang.” Malamig niyang sinabi.
    “Kung ganun, bukas.” Hamon ko sa kanya.
    Ngumuso siya at maigi akong tinignan sa mga mata.

    Matapang ko rin siyang tinitigan. Siya pa ang nag iwas ng tingin saka ako sinagot.

    “Not until you date me, Coreen.”

    Umatras na ako.

    “Madaya ka…” Sabi ko sa tonong nag aakusa sa kanya. “Lagi naman eh. Ewan ko ba’t kinakausap kita.”
    “All you have to do is be there, Coreen. Hindi mo na kailangang gumalaw. I just want you to be simply there… At ilalakad na kita kay Noah. Pangako.” Seryoso niyang sinabi.

    May kung ano sa huling salitang sinabi niya na nag aakit sakin. Pakiramdam ko ay tutuparin niya ito. Kahit alam ko kung gaano siya ka hayop ay pakiramdam ko hindi niya naman ako bibiguin dahil sa binitawan niyang salita.

    “Paano?” Tanong ko.

    Akala ko ngingisi siya sa tanong kong naghahayag ng pagiging interesado sa alok niya pero tumayo lang siya doon at nilagay ang isang kamay sa bulsa. Ang isa naman ay lumipad sa ere sa tabi ng kamay ko. Inilahad niya ito sakin.

    Kumunot ang noo ko.

    “Ano?” Tanong ko kahit alam ko ang ibig niyang sabihin.

    Paano, Coreen? Ganito. Hahawakan mo ang kamay niya. Napatingin ako sa paligid. Wala kaming kakilala pero maraming tao. Nasa labas kaya kami ng coffeeshop sa isang mall.

    “Akala ko ba walang effort? Bakit kailangan ko pang iangat ang kamay ko?”
    Napaawang ang bibig niya sa tanong ko.

    Yes, Rozen. Literal.

    Napalunok siya saka tinignan ang kamay naming magkalapit saka niya iyon hinawakan ng mahigpit.

    Kumunot ang noo ko at hinawi ang kamay niya.

    “This is a ridiculous plan, Rozen.” Sabi ko.

    Hinawakan niya ulit ang kamay ko.

    “But this ridiculous plan will give you your chance, Coreen.”

    Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Noah. Kung sana ay si Noah ang dadatnan ng paningin ko tuwing tinatalunton ang braso ni Rozen ay siguro sobrang saya ko na. Buong puso kong hahawakan ang kamay niya at magiging mahirap saking bitiwan ito. Kung sana ay tuwing tumitingala ako para tignan ang mukha ng taong nasa harap ko ay mukha ni Noah ang maabutan ko, baka sumabog na ako at naghuramentado na sa kaligayahan. Dahil hindi siya si Noah, wala akong magawa kundi umiling.

    “Bakit mo ito ginagawa, Rozen?” Tanong ko.
    “Tutulungan kita.” Aniya.
    “No.” Ngumisi ako ng pahapyaw. “Kung gusto mong tulungan ako, tutulungan mo ako ng walang kondisyon. Now, tell me, Rozen, bakit may kondisyon? Bakit kailangan nating lihim na mag date?”

    Nakita kong kumuyom ang panga niya saka yumuko muna bago ibinalik ulit ang tingin sakin.

    “Baka pag naramdaman kita…”

    Ilang sandali pa bago niya nadugtungan iyon. Hindi ako nagsalita. Hinintay ko ang karugtong at tinignan siyang mabuti. Bumuntong hininga siya bago niya nadagdagan.

    “Mapapawi na iyong nararamdaman ko sayo.”

    Humugot ako ng malalim na hininga. I’m in between, alright? Palaisipan talaga sa akin si Rozen. Noon ko pa siya kilala at hindi ko siya pinapansin pero palagi niya akong pinapahalagahan. Naging playboy siya, aniya’y para iyon sakin dahil gusto ko ng challenge. Tss. Hindi ako naniniwala. Kung playboy ka, hindi iyon dahil sa isang babae, talagang malandi ka lang. Kahit anong nagsusoot ng saya ay papatulan mo. Kung nagsusoot lang siguro ng saya ang mga poste ay siguro maging iyon ay papatulan mo rin.

    Ngumisi ako. Mas lalong kumunot ang noo ni Rozen.

    Nasa gitna parin ako. Gitna ng paniniwala sa kanyang may nararamdaman siya sakin at sa paniniwalang wala. Kalahati sakin ang hindi naniniwala sa kanya dahil playboy siya. Kalahati naman sakin ang kumbinsido dahil ang tagal na nito. Years, Coreen.

    “Pagkatapos ng lahat ng ito, titigilan mo na ako?” Tanong ko.
    Napaawang ulit ang bibig niya.

    Nakita ko ang pag angat ng dibdib niya dahil sa mahaba at malalim na buntong hininga.

    “Oo, Coreen. Syempre, dahil pagkatapos nito, kayo na ni Noah.”

    Natauhan ako sa sinabi niya. Sa di malamang kadahilanan ay nakumbinsi niya ako.

    Humigpit ang hawak ko sa kamay niya. Napatingin siya roon.

    “Game, Rozen.” Sabi ko nang nakangiti.

    Lumunok siya bago ngumisi sakin.

    Walang kaso iyon sakin. Sa tinagaltagal ng panahon, alam kong diretso ang tingin ko kay Noah. Wala akong ibang maisip kundi si Noah. Wala akong ibang gustong pakealaman kundi si Noah.

    At ginagawa ko rin ito para sa kanya.

    “Hindi tayo pwedeng makita ng mga kakilala nating magkasama, Rozen. Hindi pwedeng malaman ng mga kakilala natin na may ugnayan tayong dalawa. A deal is a deal.” Utas ko habang pinagmamasdan ang looban ng sasakyan niya.

    BMW halos lahat ng sasakyan ng mga Elizalde. Kay Noah ang X5, kay Reina ang Coupe, kay Kuya Dashiel ang Hybrid at kay Rozen ang M6 convertible. Pero ngayon hindi ito open dahil mainit. At wag na wag siyang magkakamaling i-open ito lalo na pag sakay ako.

    “Yes, po. Pasalamat ka…” Aniya.

    Nanibago ako sa linya niya kaya napatingin ako. Sumulyap siya sakin habang tamad na nagdrive at nakita kong napangisi siya. Umiling na lang ako at umirap sa kawalan.

    “Kailangan mong masanay, Coreen. Simula ngayon, dinidate na kita.” Aniya.
    Napalingon ulit ako sa kanya, “Paano si Zoey?” Mali kong tanong.

    Agad kong kinagat ang labi ko. Tatlong beses niya akong sinulyapan nang pabalik-balil. Kinabahan tuloy ako at baka mabangga kami.

    “What?” Natutuwa niyang tanong.
    “Ah! Nakalimutan ko. Secretly nga pala. You can date her too.” Matabang kong sinabi.
    “Pwede ko naman siyang dispatsyahin kung ayaw mo.” Mas lalong natutuwa ang tono niya ngayon.

    KUNG ALAM MONG AYAW KO AY BAKIT HINDI MO NA LANG DISPATSYAHIN AGAD? Umirap na lang ako habang tinitignan ang mga nakakasabay naming sasakyan sa labas. Kahit ang mga tao sa dyip ay napapatingin sa amin. Napaparanoid tuloy ako. No, Coreen. Hindi ka nila nakikita. Talagang flashy itong sasakyan nang Elizaldeng ito.

    “Hindi pa pwede, damn.” Bigla niyang sinabi saka hinampas ang manibela.

    Napatingin ako sa kanya.

    “At bakit hindi?” Tanong ko.
    Ngumuso siya at tinignan ako nang itinigil ang sasakyan dahil sa traffic, “Sa kanya ko nakukuha ang impormasyon tungkol sa crush ni Reina.”
    “S-Si Wade? Bakit anong impormasyon ang meron kay Wade?” Tanong ko.

    Hindi siya umimik. Wala ata siyang balak na sabihin iyon sakin.

    “Rozen…” Nagbabanta kong tinawag ang pangalan niya.
    “Coreen, may mga bagay na hindi ko pwedeng sabihin sayo.”
    “GANUN?” Masungit kong sinabi. “May mga bagay na hindi mo pwedeng sabihin sakin? Akala ko ba nag di-date tayo? Ibig sabihin feeling mo girlfriend mo ako. May mga bagay na hindi mo pwedeng sabihin sa girlfriend mo?”
    Umiling siya, “Coreen-“
    “No, Rozen, you… tell me.”
    Umiling siya, “Coreen-“
    “You tell me, Rozen or I’ll break up with you.”

    Nakita kong namutla siya sa sinabi ko. O, gusto mo ng girlfriend? Yan ang bagay sayo.

    Umiling siya at bumaling sakin nang nakahawak sa manibela.

    “He’s just using her.”

    Hindi ako makapaniwala sa lahat ng impormasyong nakalap ko galing kay Rozen. Hindi ko alam kung dapat ko ba itong paniwalaan gayung wala siyang ebidensya. Hindi ko rin kayang sabihin kay Reina dahil paniguradong magtatanong iyon kung kanino ko nalaman ang impormasyon kaya nanahimik na lang ako. Hinayaan ko si Reina na dumiskubre sa katotohanan. Tutal ay mukhang nagkakaigihan na rin naman sila.

    Napatalon ako nang biglang nag vibrate ang cellphone ko sa gitna ng klase kay Mr. Dimaano.

    Nakita kong si Rozen ang galing ang message.

    Rozen:
    I love you.

    Nagkasalubong ang kilay ko at tumindig ang balahibo ko. Bakit kailangan niya pa itong itext sakin?

    Me:
    Pakilagay ang numero ko sa cellphone ni Noah.

    Ilang sandali bago siya nakapagreply.

    Rozen:
    Alright then.

    No chance for you, Rozen. You want me as your girl? Then deal with my shit. Ito lang ang kaya kong ibigay sayo.

  • Kabanata 9Open or Close

    Kabanata 9
    Sexy Beast

    Nanlaki ang mga mata ko sa sumunod na text ni Rozen. Gamit niya ang numero ni Noah! Halos mapasigaw ako sa harap ni Mr. Dimaano habang pinapagalitan niya ang kawawang si Reina.

    Noah’s Number:
    Magkasama kami ngayon. Is this enough for you? R.E.

    Hindi niya na kailangang magpakilala gamit ang initials niya dahil alam kong siya talaga iyon. Syempre, hindi naman si Noah ang tipo na mag ti-text sa akin bigla. Matagal na akong may number sa kanya pero hindi ko siya kayang itext. Pakiramdam ko kasi sukdulan na ang gagawin ko sa oras na una ko siyang itext. It’s like a matter of life and death.

    Nireplyan ko siya sa kanyang numero.

    Ako:
    Stop texting me through his number, Rozen!

    Kinagat ko ang labi ko at tinignan ang nakatalikod na si Mr Dimaano. May quiz na pala kami. Ilang sandali ay nagreply na si Rozen.

    Rozen:
    We’ll date this Friday. Hindi pwedeng hindi.

    Tumikhim ako. Ito ang ayaw kong mangyari dito. Ang magkaroon siya ng mga ganitong desisyon dahil sa mga ginagawa niya para sa akin.

    Dahil malakas naman ang tiwala kong kayang kaya kong pataubin si Rozen ay pumayag ako sa simpleng hiling niya. Sigurado akong hindi ako ma-iinlove sa kanya dahil nakatoon na ang buong atensyon ko kay Noah. Wala ng makakapagpabago sa isip ko. Ang tagal ko na siyang mahal, at ngayong ilang dangkal na lang ay maabot ko na siya saka pa ako susuko? No.

    Kaya naman nang nag Biyernes ay tumupad ako sa usapan namin ni Rozen.

    Sisiguraduhin ko na pagkatapos ang date naming ito ay magkakaroon ulit kami ng development ni Noah.

    Nakahalukipkip ako habang nakasabit sa braso ko ang bag ko. Tinitignan ko ang flats kong kumikinang sa papalubog na araw. Nasa gazebo ako ng school. Kaonting tao lang ang tumatambay doon kaya doon ko napiling mag hintay. Ngayon ay isang tulog na lalaki lang ang nandito.

    Biglang tumunog ang cellphone ko at nakita kong si Reina ang tumatawag. Nagkibit-balikat ako at sinagot ang tawag na iyon.

    “Hello, Coreen? Uuwi na ako. Nandun si Noah sa bahay, practice nila ngayon.” Pambungad niya.

    Darn! Sayang!

    “OO NGA PALA! OMG! HUHUHU.” Umasal akong nakalimutan iyon.

    Sorry, Reina. Naguilty agad ako sa pagpapanggap ko sa kanya. Alam kong may practice si Noah ngayon at sana ay nandoon ako sa bahay nila. Kaya lang, may usapan kami ni Rozen ngayon.

    “O bakit?”
    “Hindi ako pwede ngayon. May meeting pa kami ng group ko tsaka susunduin ako ni daddy dahil may dinner kami kasama ang kasosyo nila. Sheeet!” Napapikit ako sa pagsisinungaling ko.

    Isang araw, aamin din ako sa pagsisinungaling ko.

    “Talaga? Naku! Sayang naman!” Disappointed niyang sinabi.
    “Wait… ibig sabihin nandoon din si Wade?” Tanong ko.
    “Oo.” Sagot niya.

    Napatingin ako sa nakakasinag na something galing sa gilid ko. Naaninag ko ang mukha ni Rozen. Ang nakakasilaw sa kanya ay ang kanyang earring. Sumandal siya sa gilid ko saka humalukipkip. Tumindig ang balahibo ko sa titig niya.

    “O… Sige na… Naku! Goodluck! Nandito na kasi yung mga ka-group ko. Next time na lang. Magkwento ka mamaya, ah?” Nagmamadali kong sinabi kay Reina.
    “Oo. Sige. Bye.”

    Pinutol ko agad ang linya. Baka mamaya magsalita si Rozen at marinig pa ni Reina ang boses ng kapatid niya sa background. Agad kong kinunot ang noo ko bago bumaling sa kanya.

    “Kailan pa ako naging ka group?” Tanong niya.
    “Bakit? Anong sasabihin ko kay Reina? Na ka date kita, Rozen?”
    “You can always say you are dating someone.” Ngumisi siya.
    “No. Anong iisipin niya na hindi na ako loyal kay Noah? And besides, gusto mo ng sekretong relationship.”

    Mas lalo siyang ngumisi kaya mas lalo din akong nainis.

    “Let’s go.” Aniya saka kinuha ang kamay ko.

    Noong una ay pumiglas pa ako pero tinaas niya ang kilay niya sakin. Umirap na lang ako at hinayaan siyang hawakan ang kamay ko.

    Walang buhay kong pinahawakan ang kamay ko sa kanya habang naglalakad kami papunta sa sasakyan niyang nakapark lang ilang metro malapit samin.

    Ilang sandali ay pinagsalikop niya ang mga daliri namin kaya mas mahirap ng tanggalin ang kamay ko. May kung ano sa sistema kong nagwawala. Hindi nga lang ako sigurado kung bakit.

    Sumulyap siya sakin ng nakangisi. Wala talaga akong gustong gawin tuwing nakikita ko siyang ngumingisi kundi ang pagsalubungin ang kilay ko.

    “Ganda mo talaga.” Umiling siya saka pinagbuksan ako ng pintuan.

    Natigilan ako sa sinabi niya. Pero agad kong kinalabit ang sarili kong utak para matauhan ako.

    “Nagpaganda ka ata lalo dahil sa date natin, ah? Natatamaan ka na ba Coreen?”
    Napatingin ako sa dress kong sinoot ngayong araw, “Wa’g kang feeling, Rozen. Lagi naman akong dress to kill kaya wa’g mong bigyan ng malisya.”
    Humalakhak siya, “Kaya nga lalo kitang nagugustuhan, Coreen. Gusto ko ang mga babaeng maalaga sa katawan.”

    Halos hampasin ko ang bubong ng sasakyan niya dahil uminit ang pisngi ko.

    “Yung mga girlfriend mo, Rozen, maalaga sila sa katawan. Wa’g mo akong bolahin ng ganito kasi hindi mo ako madadala. Akala mo siguro mahuhulog ako sa mga salita mong halatang patibong? Hindi.” Humalukipkip ako saka dumiretsong pumasok sa loob.

    Sinarado niya ang pintuan saka ngumingising umiiling na dumaan sa harapan ko para pumasok sa driver’s seat. Umirap ako sa kawalan at hinintay siyang pumasok sa loob.

    “Ano bang meron sa mga ‘girlfriend’ ko at bakit parang may atraso sila sayo?”
    “WALA!” Tumingin ako sa labas.
    “Makes me want to have more girlfriends. Gusto kong nagseselos ka.” Bulong niya sa sarili niya.
    “Nung sabi mo?” Tanong ko.
    “Wala.”

    Pinaandar niya agad ang sasakyan ng nakangisi. Mabilis siyang magpaandar. Well, hindi ko naman maimagine na marahan magpaandar itong si Rozen dahil parang palaging nasa bingit ng kamatayan ako tuwing kasama ko siya.

    “We’ll do typical things today, Coreen. Kumain, manood ng sine.” Aniya nang itinigil ang sasakyan sa carpark ng isang mall malayo sa school.

    Halos isang oras din ang byahe namin. Sinadya niya yata para walang makakita sa aming dalawa. Mabuti na lang.

    Naglahad ulit siya ng kamay sa akin. Napalunok ako habang tinitignan ang seryoso niyang mukha. Pinasadahan niya ng palad ang kanyang buhok at ngumisi ng nakakatindig balahibo.

    “First date, Coreen.” Utas niya.

    “Pagkatapos nito, gusto ko ng schedule sa date namin ni Noah. I don’t care how you do it.” Sabi ko.
    “Sure.” Matama niyang sinabi.

    Nilagay ko ang kamay ko sa ibabaw ng kamay niya. Pinagsalikop niya ulit ang mga kamay namin.

    Tinahak namin ang mall nang magkahawak kamay.

    “I don’t want you to think about Noah, Coreen. Gusto ko pag tayo ang magkasama, ako lang ang isipin mo.”
    Aangal na sana ako pero hindi niya ako binigyan ng pagkakataon.
    “In a month, Coreen. You’ll date Noah. I assure you. At habang hindi pa dumadating ang panahong iyon, kailangan mong ibuhos ang oras mo sakin.”

    What did this asshole just say?

    “Rozen, in a month?” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

    Ang bilis!

    “Yes. So… sa ngayon, I want you to pretend you love me… Just a month, Coreen. Can you do that?” Tanong niya.

    Natulala ako sa alok niya. Hinigit niya ako papasok sa isang mamahaling restaurant at pinaupo sa upuan ng table para sa aming dalawa.

    “Alright. I will.” Sabi ko.

    Matama ko siyang tinignan sa mga mata. Nakita kong kumislap ang mga mata niya. Tumagilid ang mukha niya sa pag iiwas ng tingin at nakita kong kumuyom ang perpekto niyang panga. Pumayag ako pero mukha siyang naiinis.

    Hinawakan ko ang kamay niyang nasa table. Halos mapatalon siya sa ginawa ko at napatingin agad sa akin.

    “Order na tayo, Rozen.” Sabay kuha ng menu sa waiter na nag aabang.

    Natulala siya habang ako naman ay mabilis na ni-scan ang mga pagkain doon.

    “Ano pong sa inyo, ma’am? How about you, Sir?” Tanong ng waiter.
    “Yung akin ay sweet and sour chicken.” Sabi ko.
    “How about you, Sir? May specialty po kami ditong Basil Shrimp. Baka gusto niyong subukan.”
    Agad na akong nagsalita para kay Rozen, “Hindi siya pwede niyan, eh. Allergic siya sa Shrimp. Chateaubriand na lang po. Since it’s his favorite.”
    Tumango ang waiter saka ngumisi sa akin. “Okay po. In fifteen minutes.”

    Umalis agad siya at bumaling ako sa nakangangang si Rozen.

    “May alam kang mga detalye sa akin?”
    Nag iwas ako ng tingin, “Of course. Ilang taon na tayong magkakilala.” Ngumisi ako.

    I need to act. I needed this. Ito na talaga ang oportunidad na matagal ko ng hinihingi sa Panginoon. Kailangan ko ang tulong ni Rozen. At kung ano man ang dahilan niya’t gusto niyang ganito ang sitwasyon naming dalawa ay wala na akong pakealam.

    Ngumisi siya saka humilig sa mesa. Table for two lang iyon kaya’t hindi ganoon ka laki. Konting hilig niya lang ay magkakalapit na ang mukha namin. Napaatras ako ng bahagya dahil nakahilig rin ako sa mesa. Pero bago ako tuluyang nakaatras ay nilagay niya na ang daliri niya sa baba ko saka binatak ito patungo sa kanya.

    Naramdaman ko ang mainit niyang labi sa labi ko. Nakapikit siya habang nanlalaki ang mga mata ko.

    “ROZEN!” Napasigaw ako at tinulak ko siya.

    Mabilis ang paghinga ko. Smack lang iyon pero halos madismantle ang buong katawan ko sa ginawa niya.

    “First kiss ko yun!” Agad kong hinawakan ang labi ko.
    “Yes, I know.” Ngumisi ang hayop.

    Sa unang pagkakataon, mas lalo kong naappreciate ang kagwapuhan niya. He was damn hot. Kaya hindi ko masisisi ang mga babaeng nagpapauto sa kanya. But he’s a beast…

    Sexy beast.

    Hindi ko iyon nagustuhan. Hindi ko nagustuhan ang pagnanakaw niya ng halik sakin. At hindi ko nagustuhan kung bakit walang lumalabas sa bibig ko at ang tanging nakaya kong gawin ay titigan siya ng matatalim.

    “Kung mapupunta ka rin naman kay Noah, I will claim what should be mine, Coreen.”

  • Kabanata 10Open or Close

    Kabanata 10

    Eskandalo

    Nawalan akong ganang kumain dahil sa ginawa ni Rozen. Pinagmasdan ko siyang ganadong kumakain at ngumingisi pa sakin. Ako naman ay sinusubukang kainin ang nasa plato kong hindi ko pa nagagalaw.

    “Ganun ba ka nakakadiri ang halik ko, Coreen?” Nakangisi niyang tanong.

    Sinimangutan ko siya.

    “That’s a normal thing sa mag boyfriend at girlfriend. You don’t need to get mad for that. Ganoon talaga, diba? Naghahalikan.”

    Mariin kong tinikom ang bibig ko. Nakakainis talaga ang lalaking ito. I know… Hindi iyon ang plano niya. ‘Baka pag naramdaman kita mapapawi na iyong nararamdaman ko sayo.’ YOUR ASS! Ang tuso talaga ng halimaw na ito. That’s not his plan, you know. Ang plano niya rito ay ang mainlove ako sa kanya sa loob ng isang buwan.

    Nanliit ang mga mata ko. Gusto mo ng tuso, Rozen? Mas tuso ako.

    “I know. But that’s just too mild, Rozen. Pang ‘friends’ lang yung halik mo. You know, pag boyfriend at girlfriend dapat mas wild pa doon.”

    “What do you mean?” Napatunganga siya sa sinabi ko.

    “Torrid, French. Yan dapat yung mga ginagawa natin since mag boyfriend at girlfriend naman tayo.”

    Napaawang ang bibig niya.

    Hindi siya agad nakapagsalita. Tinitigan niya ang mga mata ko. Para bang naghahanap siya ng butas sa mga sinasabi ko sa kanya. Para bang naghihintay siya na bawiin ko iyon dahil iyon naman lagi kong ginagawa. Not anymore. Gusto mong mag kunwari tayo? Pwes, magkukunwari ako hanggang sa pakiramdam mo totoo na ako.

    “We can even make love, Coreen.” Humalakhak siya.

    The nerve of this guy!?

    Umiling ako, “Not yet… Not now…”

    Nalaglag ang panga niya. Nagpatuloy ako sa pagkain. Pero siya ay nakatunganga na lang sa harap ko at napainom ng tubig.

    NOT EVER! Na lintikan na! Alam kong halimaw siya sa totoong buhay at sigurado rin akong mas halimaw siya sa kama. Iniisip ko pa lang na sa kanya ko maisusuko ang Bataan ay nakakalaslas na. Nag struggle ako para lang hindi magpalpitate ang noo ko sa inis. Kaya itinaas ko ang isang kilay ko.

    “I will wait.” Matama niyang sinabi.

    Hinayaan ko na lang siya sa kanyang nararamdaman. Akala mo siguro, Rozen? Hindi ako maiinlove sayo dahil may iba na akong mahal. Kung maiinlove naman ako sayo, dapat noon pa diba? Pero hindi, eh. Kahit hindi ako pinapansin ni Noah, siya parin ang laman ng isip ko.

    Pagkatapos niyang magbayad sa mga kinain namin ay tumayo na ako. Aniya’y manonood daw kami ng sine. Inayos ko ang bag ko.

    Bigla niyang kinuha iyon sa braso ko.

    “Let me.” Aniya.

    Noong una ay nagaalangan pa ako.

    “I’m your boyfriend, Coreen. Now, let me.” Utas niya ulit.

    Kinagat ko na lang ang labi ko at hinayaan siyang kunin ito. Pinagmasdan ko siya nang nilagay niya iyon sa balikat niya. Hindi ko mapigilan ang pag ngiti. Paano ba naman kasi, ang tangkad niya at makisig pa pero may dalang pambabaeng bag.

    Ngumisi siya sakin at kumindat. Napawi ang ngiti ko.

    “Bagay ba akong boyfriend mo?”

    “Hmmm… Hindi. Kasi playboy ka. Ang bagay sakin mga loyal.” Inirapan ko siya.

    “Oh? Anong nangyari? Akala ko ba payag ka sa pretend-relationship natin?”

    Kinuha ko na lang ang kamay niya saka pinagsalikop iyon. Hinila ko siya palabas ng restaurant.

    “Oo. Payag nga. Masama bang umangal, minsan? Masyado kang naki-carried away.” Umirap ako.
    “Masama ba?”

    Napatingin ako sa nakangisi niyang mukha.

    Kung totoong mahal niya ako, masama iyon. Masasaktan siya dahil sa huli, si Noah ang pipiliin ko. Nakakaguilty.

    “Yung gusto kong panoorin ay…” Magdedemand na sana ako.

    Gusto ko sanang panoorin ang isang animated film kaso ngumisi siya at ipinakita sa akin ang popcorn, inumin naming dalawa, saka yung dalawang ticket ng isang film na puro gyera.

    Kumunot ang noo ko.

    “Dapat ako yung magde-decide! Ako yung girlfriend mo!” Sabi ko.
    Ngumuso siya, “Pero mahal mo ako. You let me decide sometimes.”

    Napawi ang pangungunot ng noo ko. Mapapalitan ata iyon ng pag ngisi. ‘Sometimes’. Hinablot ko na lang ang ticket saka nag iwas ng tingin.

    “Lika na nga!”

    Sumunod siya sakin ng parang aso. Nakita ko talaga ang mga mata ng mga babaeng nag lilinya papasok sa mga cinema. Lahat nasa likod ko. May ibang nalalaglag ang panga. Hindi ko alam kung anong salida ang ipinapakita niya sa kanila. Kinikindatan niya ba o nginingitian at bakit ganyan sila kung makatingin.

    Nilingon ko siya at nakita kong ngumunguso siya at diretso ang tingin sakin. Tumaas ang isang kilay niya.

    “What?” Nagtataka niyang tanong.

    Wala naman pala siyang ginagawa. Sumusunod lang talaga siya sakin pero bakit mukhang naghuhubad siya sa paniningin ng mga babaeng ito?

    Sumulyap ulit ako sa mga babaeng titig na titig sa kanya. Ganun? Wala siyang ginagawa pero parang hinaharras na sila nito? Ganun ang epekto ni Rozen?

    “Lika na nga.” Sabi ko sabay higit sa braso niya.

    Hindi ko mahawakan ang kamay niya dahil dala niya ang mga pagkain namin.

    Tumagilid ang ulo niya at inilahad sakin ang drinks namin.

    “Chill.” Ngumisi siya. “Dalhin mo muna to, please?”

    “Bakit? You’re the boyfriend.” Bulong ko. “You should bring the things.”

    Nakatingin na halos lahat ng taong naghihintay para papasukin kami sa loob ng sinehan.

    Inilapit niya ang bibig niya sa tainga ko.

    “Please, Coreen.”

    Bumuntong hininga ako saka kinuha ang pinapadala niya saking drinks.

    Pagkakuha ko ng mga iyon ay pinadausdos niya ang kamay niya sa baywang ko at hinila ako palapit sa kanya.

    Uminit ang pisngi ko. Diretso ang tingin ko sa mga babaeng bumubuntong-hininga sa paligid. Kitang kita ko ang pagkabigo sa mga reaksyon nila.

    “Kung mas marami lang ang kamay ko, hindi lang baywang mo ang hahawakan ko.” Aniya.

    Halos mabitiwan ko ang mga dala kong drinks dahil sa sinabi niya. Oh, boy!

    Humalakhak siya sa tainga ko dahilan kung bakit napapilipit ako. Nakaka kiliti.

    Marahan ko siyang siniko.

    “Stop that, Rozen. We’re not close in real life.”

    “But we’re real close now, Coreen. And we’ll be really close soon. Baka nga dumikit ka na sakin. Baka nga maging isa tayong dalawa sa sobrang close natin. You should get used to it.”

    Siniko ko siya ng malakas kaya tumawa siya saka lumayo sakin.

    “Ow!”

    Don’t freaking use your charms on me, Rozen. Don’t even try.

    “Dyan ka na nga!” Umirap ako at nag walk out na sa kanya.

    Stupid asshole! Naiinis ako sa di malamang kadahilanan.

    “Babe!” Sigaw niyang nakakaagaw pansin. “Sorry na! Wa’g ka ng mag selos. Alam mo namang ikaw lang talaga, diba?”

    I SWEAR! Ramdam na ramdam kong ang unti unting pag puno ng dugo sa mukha ko nang nilingon ko siya. Natahimik ang kanina lang ay mejo maingay na mga tao sa paligid dahil sa sigaw niya sakin. SAAN GALING YUNG ‘BABE’?

    “I’m sorry, okay?” Ngumiti siya nang nasa harap ko na siya.

    Ang dami kong gustong sabihin pero hindi ko nagawang magsalita.

    He lifted my chin. Namamangha talaga ako sa talento niyang mag panggap. Ganito rin siguro ang ginagawa niya sa ibang babae niya para lang ma in love sila!

    “Alam mo namang ikaw lang ang mahal ko, kaya wa’g ka ng magduda.”

    SHIT!

    “Pwedeng pasingit? Inip na kasi itong babe ko, eh.” Tanong niya nang nakangiti sa babaeng nasa unahan ng linya papasok sa sinehan.

    Natulala pa ang babae pero tumango din sa kanya.

    “Thanks!” Kinindatan niya iyon saka hinigit ulit ako papasok.

    Bumaling siya sakin nang pumasok na kami sa loob.

    “Don’t walk away from me like that, Coreen.” Aniya.

    “Gagawin ko ang gusto kong gawin, Rozen. At ikaw naman, wa’g ka ngang mag eskandalo sa harap ng mga tao May pa-babe-babe ka pang nalalaman!!”

    Madilim na sa loob pero kitang kita ko parin ang ngisi niya at mga kislap ng kanyang naglalarong mga mata.

    “Mag eeskandalo lang ako pag nakawala ka sakin. Kaya kung ayaw mong mag eskandalo ako, habang hindi pa kita pinakakawalan, hindi ka aalis sa tabi ko.”

  • Kabanata 11Open or Close

    Kabanata 11
    Unang Tawag

    Tahimik ako sa loob ng sinehan. Itong si Rozen naman ay talak nang talak. Wala pa masyadong tao dahil hindi pa nagsisimula.

    “Bakit ka ba nag titext diyan, eh date natin.” Pansin niya nang tinignan ko ang cellphone ko.
    “Tsss. Rozen, will you stop talking? Nagtext sakin yung president ng Student Council ng SBM. Tsss…”

    Binasa kong mabuti ang nakalagay.

    President:
    Coreen, hindi ako makakasama sa Student Congress dahil may dengue ako. Pwede bang ikaw na lang muna. Since wala din ang Vice President, nasa Palawan. Ikaw lang talaga ang pwede sa student council. Please, thank you so much. May budget na. No need to worry sa gastos mo doon. Two days lang sa Saturday at Sunday. Overnight. Ikaw lang mag isa. Tatlong oras lang ang byahe. Thanks!

    Oh noes. Ayaw ko talaga ng mga ganito. Saan ako kakain doon? May budget? Hindi ko kabisado ang lugar na pupuntahan! Tapos paano kung magkasakit ako? Paano kung mawala ako dahil hindi ko alam ang mga direksyon.

    “Anong sabi?” Tanong ni Rozen habang pinapapak ang pop corn.

    Humalukipkip ako. Ngayong mejo nahimasmasan na ako pagkatapos sinabi ng president na pupunta ako.

    “Pupunta ako ng student congress.” Sabi ko.

    Mukha siguro akong nasunugan kasi tumunganga si Rozen sakin nang nakaawang ang bibig na puno ng pop corn.

    “Shet, ayaw ko. May requirements akong gagawin. Malapit na ang midterms. Tapos hindi ako marunong magluto. Kakain ako sa labas? Tapos hindi ko alam kung saan banda pwedeng kumain sa syudad na iyon.”
    “You’re just too comfortable in your comfort zone.” Seryoso niyang sinabi sakin.
    Natigilan ako, “Eh syempre kaya nga comfortzone kasi comfortable ako.”
    “Kaya ka pumipirmi sa mga lugar na pakiramdam mo ay dyan ka dapat dahil hindi mo kayang mag explore. Sasamahan kita.” Aniya.
    “Ha?” Napangiwi ako. “Wa’g na!”

    Nanliit agad ang mata ko sa kanya.

    “I know what you’re planning.” Sabi ko.
    Napangiwi din siya sakin, “What?”
    “Gusto mong sa iisang kwarto lang tayo para mangyari na iyong make love sa sinasabi mo, ano?” I accused him.
    “Ha? Anong akala mo sakin, cheap? Iyon lang habol ko sayo!? Tsss…” Ngumisi siya. “Ipagluluto kita. Gagawin ko ang requirements mo habang nasa Congress ka. Susunduin kita sa venue at iuuwi sa hotel mo. Magdadala ako ng sasakyan. Tapos!”

    Nag isip pa ako. Hmmm. Sa bagay. Pwede. Para naman hindi mangatog ang mga paa ko pagkarating ko doon dahil hindi ko alam saan pupunta ay dadalhin ko si Rozen.

    “W-Wala ka bang requirements na gagawin? 3rd year ka na, ah?” Tanong ko.
    “Wala naman.” Aniya saka pinapak ulit ang popcorn.

    Mukha namang wala siyang masamang balak. At isa pa, ano man ang balak niyang gawin namin sa hotel ay hindi mangyayari iyon dahil kaya ko naman siyang pigilan.

    “Kukuha ka ba ng ibang room sa hotel?” Inosente kong tanong sa kumakaing si Rozen.
    “If that’s what you want.” Aniya saka inilahad sakin ang ibang popcorn.

    Tinignan kong mabuti ang mga popcorn sa kamay niya. Kumuha ako ng isa at kinain iyon.

    “Then, game!”

    Problem solved. Buti na lang nandito si Rozen. Nagsimula na ang palabas. At syempre, ano pang maaasahan natin sa mga gyera? Na-bore ako. Wala akong makita kundi puro mga bala at mga baril. Si Rozen naman ay titig na titig sa screen.

    “Rozen…” Sambit ko.

    Hindi niya na nagagalaw ang pop corn na ngayon ay ako na ang may hawak.

    “Hmmm?”
    “Rozen!” Sigaw ko.
    “Shhh, Coreen. Maiistorbo mo ang ibang tao. I’m watching the film. You try to watch it, too.”

    Hay naku! Mga lalaki talaga. Kumain na lang ako ng popcorn at uminom noong softdrinks. Tuliro ako habang siya ay seryosong nanonood. Minsan tinitignan ko ang mga tao sa unahan namin o di kaya itong mga katabi ko.

    Napangiwi sakin ang katabi kong seryoso ding nanonood. Naistorbo ko siguro siya dahil sa pagtitig ko sa kanya. Napangiwi din ako sa kanya. Ngiwi-ngiwi ka dyan! Kaya ilang sandali ay yung katabi naman ni Rozen ang tinignan ko.

    Nakahilig ang mahaderang babae sa kay Rozen. Nakangisi siya at pareho rin saking tuliro. Tinitigan ko siyang mabuti. Sinigurado kong nakikita niya akong tinititigan ko siya.

    Napatalon siya sa titig ko at napatingin agad sa screen. Nakakabanas lang. Hinigit ko palapit si Rozen sakin para makalayo sa babaeng nasa tabi niya.

    “What is it, Coreen?” Tanong niya nang naistorbo ko ang panonood niya.
    “Wala.” Sabi ko sabay tingin ulit sa babaeng ngayon ay nagkukunwaring nanonood sa movie.

    Kainis lang. Napalingon din si Rozen sa tabi niya.

    “What are you doing?” Nakangisi niyang tanong.
    “Nothing!” Galit kong sinabi saka sinulyapan ulit ang babae sa tabi niya.

    Humilig si Rozen sakin. Napatingin ang babae sa ginawa ni Rozen. Ano ka ngayon, hija? Kainis! Inirapan ko na agad.

    “Naiinis ka ba pag may nagpapapansin sakin?” Tanong niya.

    Tumingin ulit ako sa screen. Ang lapit na ng mukha niy sakin. I don’t mind. Mabuti na iyon kesa doon siya sa mahaderang babaeng nasa tabi niya. Balak pa ata siyang tsansingan kung may pagkakataon.

    “Hindi.” Umirap ako sa kawalan. “Naiinis lang ako pag may naglalandi sa harapan ko.”
    “Whatever you say.” Bulong niya sa tainga ko.

    Tumindig ang balahibo ko. Ilang sandali ay nahuli ulit ng movie ang atensyon ni Rozen. Kaya naman ay nakaupo na siya ng maayos at titig na titig ulit sa screen. Ang linsyak na babaeng nasa tabi niya ay nakahilig ulit sa kanya.

    Ang kapal din naman ng peslak ng babaeng ito.

    “Rozen!” Utas ko.
    “Hmmm?” Paungol niyang sinasabi sa gitna ng bakbakan sa screen.
    “Rozen!” Padabog ko ng tinawag ang pangalan niya.
    “Hmmm?” Sinulyapan niya lang ako pero nakapirmi parin ang mga mata sa screen.
    “Rozen, naiihi ako.” Sabi ko.
    “Huh?” Napatingin siya sakin. “Labas muna ako. Mag C-CR lang ako.” Sabi ko.
    “O… sige, samahan na kita.” Nauna pa siyang tumayo.

    Napa salida ko agad ang victory smile ko sa babaeng nasa tabi niya.

    “Ano ka ngayon?” Bulong ko sa sarili ko at tumayo na.
    “Sure ka ba? Pwede namang ako na lang at dito ka na lang. Nanonood ka pa naman ng movie.” Sabi ko.
    “Are you crazy, Coreen? Halika na!” Aniya saka hinigit ako palabas ng sinehan.

    Halos bumehlat na ako sa babaeng bigong-bigo nang lumabas na kami ni Rozen.

    “Hah! Akala niya.” Bulong ko sa sarili ko.
    Kumunot ang kanyang noo at pinagmasdan akong mabuti, “Anong sinasabi mo?” Tanong niya.
    “Wala.” Sabi ko.
    “Kanina ka pa ah? Parang may kaaway ka? Yung babae bang katabi ko?” Tanong niya.
    Uminit ang pisngi ko, “Hindi!”
    “Yun ata, eh!” Ngumisi siya. “Tsss.. Coreen, don’t worry about the other girls. They will like me, hindi natin yan maiiwasan pero alam mo namang ikaw ang laman ng puso ko.”
    “Tseh! Tumigil ka nga, Rozen! I’m not worried! Ayaw ko lang talaga sa mga malalandi. Lalo na pag sa harap ko na naglalandi. Kaya nga ayaw ko sayo kasi malandi ka!”
    “Oh, ba’t napunta sakin ang usapan?” Natatawa siyang tinanong ito sakin.

    Naiinis ako dito pero siya ay parang tuwang tuwa pa sa nangyayari. Umirap na lang ako at tumahimik.

    “Akin na nga yang bag ko.” Sabi ko saka hinablot ang bag ko. “Mag C-CR lang ako.”

    Natatawa siya habang nagmartsa ako papasok sa CR. Kabanas. Bakit ba badtrip na badtrip ako kanina? Duh! Ang landi naman kasi ng babaeng iyon. Kulang na lang ay gumapang ang kamay niya sa pantalon ni Rozen kung makahilig. Kainis.

    Nag retouch ako at inayos ang sarili ko. Alas nuwebe na pala. Anong gagawin na ang gagawin namin ni Rozen? Teka. Ba’t ko ba iniisip iyon? Edi syempre, uuwi na ako!

    Lumabas ako ng CR at nakita ko agad na nakapamulsa si Rozen at pinipilig ang ulo sa pagtitig sakin. Ngumuso siya nang inirapan ko siya. Para bang nag pipigil siya ng ngiti.

    “Uwi na tayo.” Yaya ko sa kanya.
    Pinadausdos niya ang kamay niya sa baywang ko.

    Gustong gusto niya talaga ang move na yan.

    “Hindi na natin tatapusin ang movie.”
    “Bakit? Gusto mo pang tapusin?” Naha-highblood ko agad na tanong.
    “Oh!” Tumawa siya. “Chill! Hindi ako nagtatanong! Sinabi ko iyon. Hindi na natin tatapusin ang movie. Walang patanong sa pangungusap ko.”
    Hinampas ko ang dibdib niya.
    “Didn’t know you were territorial, Coreen.” Humalakhak ulit siya.

    Kakaratehin ko na talaga ang halimaw na ito.

    “Tumigil ka, Rozen, babatukan na talaga kita. Pasalamat ka’t hinahayaan kong pumirmi yang kamay mo sa baywang ko.”
    “Salamat.” Tumawa ulit siya.
    “Bwesit ka talaga!” Binatukan ko na kaya lumayo siya sakin ng tumatawa.

    ARGH! Kakairita!

    “Is this how you treat your girlfriend?” Naiinis kong sinabi sa kanya.

    Nasa gitna kami ng mall pero pinagtatawanan ako ng hayop.

    “Akala ko ba mahal mo ako?”

    Ngayon, sa sobrang inis ko, medyo namemersonal na talaga ako. Nakakabanas talaga!

    “Oo. Bakit? Mahal kita. Anong problema mo dun?” Sinasabi niya ito sa gitna ng pagtawa niya.
    “I don’t believe you! Kainis ka! You’re annoying!” Humalukipkip ako.
    “You always say that, Coreen.” Lumapit siya sakin nang napapawi na ang tawa niya.
    “Subukan mong lumapit sakin masusupalpal talaga kita.”
    Tumawa ulit siya. “BWESIT KA!” Nilapitan ko siya at pinagsasapak ng bag ko.

    Nakakahiya dahil pinagtitinginan na kami ng ibang tao. Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagsapuk sa kanya. Ang sarap niyang bigwasan lalo na pag ganito siya.

    Matalim ko siyang tinititigan. Napawi ang tawa niya at unti-unti siyang lumapit ulit sakin.

    “Don’t hurt me, babe…” Aniya.
    “Tseh! Babe mong mukha mo!” Masungit kong sinabi at pinadausdos niya ulit ang kamay niya sa baywang ko.

    Inilapit niya ang katawan ko sa kanya. Naglakad ako at sinabayan niya ako. Alam kong pinagtitinginan kami at mukha kaming tunay na nag aaway na couple. Wala na akong pakealam anong isipin ng ibang tao. Basta… Naiinis lang talaga ako kay Rozen.

    “It’s okay to be territorial, babe. Ganun din naman ako.” Aniya. “When it comes to you…” Hinaplos niya ang baywang ko pataas.

    Natigilan ako sa paglalakad dahil sobra sobra ang pagtindig ng balahibo ko at paghuhuramentado ng sistema ko.

    “bawat sulok… Dapat ay akin.”

    Gaya ng lagi kong ginagawa sa kanya, tinabunan ko ang paghuhuramentado ko ng pananapak.

    “Tumigil ka na ah! Let’s go home!” Sabi ko.

    Tumawa siya pero biglang nagseryoso.

    “Alright, babe. We’ll go home if you want to.”

    Kaya ayun at dumiretso na kami sa carpark. Tahimik ako at siya naman ang talak ng talak. Wa’g lang siyang magkakamali imention ulit yung ‘territorial’ thingy, bibigwasan ko ulit siya.

    “Kaya ko ng dalawang oras lang papunta dun. Anong oras ba magsisimula ang congress niyo?”
    “Dalawang oras, Rozen!? My god! Ayoko pang mamatay dahil sa katangahan sa pagmamaneho. Tatlong oras dapat yung byahe. 7:30 kaya dapat mga 3:00AM ay papunta na tayo.” Sabi ko.
    “Alright, babe. Pasalamat ka mahal kita.” Ngumisi siya.

    Nagsisimula na naman ata siyang mang inis kaya tumahimik na ako. Umupo na siya sa driver’s seat at pinaandar ang sasakyan.

    “Anong oras ba ang curfew mo?” Tanong niya.
    “Alas dose.”
    Kumunot ang noo niya, “Dapat sayo alas syete.”
    “Anong sabi mo?” Nang iinis na naman ang hayop.
    “Dapat alas syete yung curfew mo. Ayaw ko nag gagala ka ng hating gabi!”
    “Hindi naman po kasi ako gumagala ng hatinggabi!”
    “Siguro dapat mag suggest ako sa daddy mong gawing alas syete-”
    “Bwiset!” Binatukan ko ulit.

    Tumatawa na ang lintek. Kailan niya pa naging hobby ang inisin ako ng ganito? Buti walang kutsilyo dito sa tabi at baka nagkasala na ako. Murder! GRRR…

    “Ikaw talaga-” Natigilan ako dahil narinig ko ang kanta sa cellphone kong kahit kailan hindi ko pa naririnig na tumunog.
    “Ano?” Tanong ni Rozen.

    Nasa kalagitnaan na kami ng kalsada. Sumulyap siya sakin habang ako naman ay tumunganga sa cellphone kong kumakanta. Itinaas ko ito sa sobrang pagkamangha.

    “What’s with the old gay song?” Tanong niya.

    You need to give it up had about enough. It’s not hard to see the boy is mine. The Boy Is Mine.

    Napalunok ako.

    “Noah’s calling.”

    Napatingin ako kay Rozen na biglang nag iba ang ekspresyon ng mukha. Kung kanina ay half-smiling siya, ngayon ay seryoso niya. Agad kong tinaas ang daliri ko.

    “You, shut up, alright!?”

    Sinagot ko agad ito pagkatapos kong bantaan siya.

    “Hello?” Padabog kong sinabi kay Noah.
    “H-Hello?”

    Halos sumabog ang puso ko nang narinig ang boses niya.

    “Sino ‘to?” Nagkunwari akong wala akong number niya.
    “Si Noah ‘to. Magkasama ba kayo ni Reina?”
    “Noah Elizalde?” Kinagat ko ang labi ko. “Hindi eh. Bakit? Di pa ba siya nakakauwi?”
    “Hindi pa. O sige, thanks. Sorry sa istorbo.”

    Binaba niya agad ang tawag. Nanlaki ang mga mata ko sa nangyari. Nilingon ko ang seryosong si Rozen. Traffic kaya tumigil ang sasakyan. Hinahawakan niya ang kabi niya habang tumitingin sa mga naunang sasakyan.

    “ROZEEEN! THANK YOUUUU!” Niyakap ko siya sa sobrang saya!

    My first call from Noah!

  • Kabanata 12Open or Close

    Kabanata 12
    Saved

    Sa sumunod na mga araw, medyo naging busy nga ako sa mga requirements para sa midterms. Mabuti na lang at medyo naging busy na rin si Reina. Hula ko dahil kay Wade dahil kanina lang ay nakita ko silang magkasama.

    Sana lang ay hindi niya pabayaan ang pag aaral niya. Nangungulelat pa naman iyon sa klase.

    “Oh my gosh!” Sigaw ko nang may napagtanto ako.

    Dumapo ang palad ko sa noo ko. Oo nga pala, may group meeting nga pala kami ngayon! Patay! Mamaya na yung reporting!

    Nahihirapan talaga akong mag manage ng time. Kailangan ko ng organizer or mag paalarm sa mga gagawin ko. Madali kong niligpit ang mga gamit ko. Doon daw kami pupunta sa library! Tinignan ko ang relo ko at nakitang isang oras na akong late para sa meeting na iyon.

    At isang oras na lang ay klase na namin sa major na iyon! Kung minamalas ka nga naman! Nakakarma na ata ako sa mga kabobohang ginagawa ko.

    Hinihingal ako nang nakarating na sa library. Agad kong kinuha ang cellphone ko at nidial ang numero ng ilang groupmates ko.

    “Hello, Shine… Nandito na ako sa library.” Sabi ko.
    “Ewan ko sayo, Coreen! Kanina pa kami diyan! Nainis yung leader sayo! Hindi ka na namin isasali!”
    “Ha? Kasi naman may ginawa pa ako kasama yung mga kagroup ko rin sa Philo. Alam mo naman mahirap yung subject ni Mr. Dimaano.”

    Napaupo ako sa isang upuan doon sa library.

    “Ah eh basta! Kausapin mo na lang si Kristen! Inalis ka na niya sa grupo kasi wala ka dawng natulong.”
    “Ano? May isang oras pa naman bago mag reporting ah?”
    “Kahapon 7:30 dapat yung meeting natin sa powerpoint, hindi ka dumating. Tapos ngayon, finalize na ang lahat, hindi ka parin nakarating.”

    Kinagat ko ang labi ko. Hindi kasi ako nagising kahapon kaya eto at nagkandaletse-letse ang buhay ko.

    “O, sige na. Naghahanda na kami. Kausapin mo na lang si Kristen kung gusto mong sumali.”

    Binabaan ba naman ako ng bruhildang iyon pagkatapos niya akong sermonan. Ni dial ko ang numero ng leader naming si Kristen pero hindi niya iyon sinasagot. Darn! Anong gagawin ko ngayon? Hahanapin sila sa buong campus? Hahalughugin ko kung saan sila nagtatago?

    Dapat kasi hindi na lang ako sumali sa student council. Isa pa, mas gusto ko yung ako lang mag isa sa isang group, mas effective akong mag isa, pero sa activity na ito kailangan ng groupings eh.

    Halos sabunutan ko ang sarili ko sa inis. Leche! Pinagkakaisahan ata ako!

    “O, wa’g namang ganyan, Coreen. Iniingatan kita tapos kinakalbo mo ang sarili mo.” May narinig akong pamilyar na humahalakhak sa tabi ko.
    “Wa’g ka ngang mag simula dyan, Rozen.”

    Naghanap ulit ako ng matatawagang classmate. Kahit iyong hindi ko na lang kagrupo.

    “Hello, Trina? Nakita mo ba sina Kristen?”
    “Coreen, hindi eh. Bakit?”
    “Eh kasi… hindi nila ako isasali sa report.” Sabi ko sabay kagat labi.

    Napatingin ako kay Rozen na nakatitig lang sakin. Buti pa ang isang ito, walang problema!

    “Naku! Hindi ko sila nakita. Coreen, nagri-ready din kami eh. Ibababa ko na ah?”
    “Okay, thanks. Sorry sa istorbo.”

    Binaba ko na agad ang tawag at tumayo ulit.

    “O? What’s the problem, babe? Baka makatulong ako.”
    “Don’t even start, Rozen.”

    Naglalakad na ako pababa ng library. Sinundan niya ako. Wala na akong pakealam. Nag concentrate na lang ako sa pag iisip kung saan ko mahahanap sina Kristen. Uunahin ko kaya sa cafeteria? Sa Gazebo? Sa building namin? Saan?

    “Hey, babe, what’s up!?” Singit ni Rozen sakin.

    Hindi ko siya pinansin. Mabilis ang lakad ko papunta sa Gazebo. Walang tao doon.

    “Shit!” Napamura na ako dahil iniisip ko pa lang na pupunta ako ng cafeteria ay naiiyak na ako.

    Malayo iyon pero malaki ang tsansang nandoon sila.

    “Rozen,” Hinarap ko na ang kanina pang sumusunod na si Rozen. “Paano na ito? Wala akong grade sa reporting mamaya kung hindi ko mahahanap sina Kristen. Yung mga kagrupo ko.” Nanginig ang boses ko.

    Damn it! Tinignan niya akong mabuti.

    “Lika, hanapin natin sa cafeteria.”
    Tumango ako.

    Medyo bumuti ang pakiramdam ko sa simple niyang sinabi. Naramdaman kong hindi ako nag iisa dito.

    Mabilis kaming nakarating sa cafeteria. Sobrang daming tao. Napatingin ako kay Rozen na tumitingin sa mga tao at napapakamot sa ulo. Tumingin siya sakin at tumaas ang kilay niya.

    “Anong mukha ng hinahanap mong Kristen?”
    Bumuntong hininga ako, “Mukhang wala dito.”

    Pinanghinaan na ako ng loob dahil fifteen minutes na lang ay klase na namin!

    “Baka nasa building niyo? O nasa soccerfield?”
    Umiling na ako at napaupo sa isang malapit na upuan.
    “Bakit ba hindi ka nila pinapasali sa grupo? May atraso ka ba? Gusto mo kausapin ko?”
    I glared at him, “Wa’g na!”
    “Pumunta na lang tayo sa classroom niyo. Baka nandoon na sila.” Aniya.
    Pang ilang buntong-hininga ko na yata ito, “Ba’t ba kasi makakalimutin ako. Lecheng buhay! Ang malas!” Sabi ko sa sarili ko at tumayo ulit.
    “O, saan ka na naman?” Tanong ni Rozen.
    “Pupunta na ako sa classroom.” Sabi ko sabay hakbang palayo doon.

    Sumunod ulit siya. Hindi ko alam bakit hanggang ngayon ay nakasunod parin siya sakin. Hindi ko na pinapansin ang ibang tao na nakatingin saming dalawa. Hindi naman kami magkatabing naglalakad, palagi naman siyang nakabuntot kaya hindi siguro kami ma i-issue dito.

    Nang sa wakas ay nasa corridors na kami ng building namin at wala na gaanong tao ay nilingon ko na siya.

    “Wala ka bang pasok?”
    Nagkibit balikat siya at ngumisi.
    “Hindi ka ba pumasok?!” Napataas ang tono ng boses ko.
    “Coreen, pag may problema ang girlfriend, dapat nandyan ang boyfriend. Kaya eto ako.” Aniya.

    Dapat ngayon ay bibigwasan ko na siya. Pero nagpapasalamat ako at nandito siya dahil baka nabaliw na ako kung wala siya.

    “Ha? Rozen, dapat kang pumasok.” Sabi ko nang wala sa sarili.

    Tinitigan niya lang ako nang parang walang narinig. Umiling na lang ako sa kanya. Baliw na talaga ata ang isang ito. Naku! Tinignan ko ang relo ko at nakitang ilang minuto na lang talaga ay klase na namin.

    “Eh paano na ito?” Frustrated kong tanong kahit alam kong wala siyang maisasagot. “Kung bakit ba kasi hindi ako nagising kahapon at nakalimutan kong may meeting kanina!”

    Kinuha niyang bigla ang cellphone ko sa kamay ko.

    “Rozen!” Sigaw ko sa kanya.
    “Ipapaalarm ko dito lahat ng dapat mong gagawin every week para wala kang makalimutan. Akin na ang schedule mo.” Matama at firm niyang sinabi.
    “Ha?”

    Naglahad siya ng kamay.

    “Akin na ang schedule mo.” Ulit niya sabay kunot noo.

    Kaya naman wala akong nagawa kundi isuko ang schedule ko. Maging ang schedule ng meetings ko at kahit ang mga gagawin kong assignment.

    Tinignan kong mabuti ang ginagawa niya sa cellphone ko. Nandoon lahat, tinatype niya lahat ng gagawin ko sa loob ng isang buwan. Maging ang gagawin ko sa susunod na buwan at pati na rin ang Student Congress.

    “Coreen!” Tawag ni Kristen sakin.

    Napatalon ako. Napatingin siya sa lalaking nasa gilid ko. Kumunot agad ang noo niya.

    “Saan ka ba galing?” Galit niyang sinabi. “Kanina pa kami naghahanap sayo! Nakakabanas ka na ah! Kahapon ka pa!” Sigaw niya.
    “Eh sorry, nakalimutan ko. Ang dami ko kasing iniisip.”
    “Ang dami mo naman kasing inaatupag!” Sabay tingin kay Rozen.

    Napatingin ako kay Rozen na ngayon ay inaayos parin ang schedule ko.

    “I-Isinama ko lang siya sa paghahanap sa inyo-”
    “Ay ewan ko sayo! Lagot ka mamaya! Sasabihin ko kay Prof na hindi ka tumulong!” Umirap siya at nilagpasan ako.
    “Sorry, Coreen.” Nag peace sign si Shine at inirapan pa ako ng ibang kagrupo ko.
    “Kristen!” Sigaw ko.

    Kinukurot na ang puso ko. Mukha atang mapapahiya ako mamaya sa reporting ah? Lintek!

    “Kristen!” Sigaw ko.

    Bumuntong hininga ulit ako at tumingin kay Rozen na ngayon ay tapos na at inaabangan na lang ang paglingon ko sa kanya. Tinaas niya ang kilay niya samantalang binigyan ko naman siya ng bigong mukha.

    “Help me, please.” Sabi ko sabay lapit sa kanya.
    “Of course, babe, I will.”

    For the first time, nagustuhan ko talaga ang pagiging boyfriend ni Rozen sa akin. Dinala ko siya sa classroom namin. Hindi pa kami pumapasok. Pinaghintay ko na lang siya sa gilid habang nilalapitan ko for the last time ang groupmates ko para kumbinsihin sila.

    Nagbulung-bulungan sila. Pero nang nakalapit na ako ay humupa ito.

    “Kristen naman, please?” Sabi ko.
    Nilingon niya ako, “Coreen, hindi pwede.” Bulong niya saka tinignan ang nakatayong si Rozen sa malayo. “Tsaka… kayo ba ni Rozen?” Usyuso nila.

    Mga tsismosa! Hindi ako pinapasali sa grupo pero wagas kung makapagtanong.

    “Ewan ko sa inyo!” Inirapan ko sila sa inis ko at tinalikuran.

    Hinila niya ang braso ko at hinarap ako sa kanya.

    “Sagutin mo ako o hindi kita isasali sa grupo.”
    Na highblood agad ako sa banta niya.

    Sino ka para bantaan ako ng ganyan? Tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko at binigyan siya ng matalim na tingin.

    “Ano naman ngayon kung oo?”
    “What? Siya na ngayon? yung playboy!? O anyare sa Noah Fever mo!? Bakit si Rozen na ngayon? Ibang klase ka rin.”

    Hindi naman kasi lihim ang pagtingin ko kay Noah. Halos alam ito ng lahat ng mga kaklase ko mula pa noong highschool. Kaya syempre, laking pagtataka nila ngayong si Rozen na ang kasama ko.

    “Anong pakealam mo kung siya yung kasama ko? Do you like him?”
    Napaawang ang bibig niya.

    Para siyang na offend sa tanong ko.

    “Oh you like him! Kaya ganyan ka mag react!”
    “Ano?” Galit niyang binulong sakin.

    Nakita kong pumula ng parang kamatis ang mga pisngi niya. Nanliit ang mga mata ko.

    “Isasama mo ako sa group, Kristen o sasabihin ko kay Rozen na gusto mo siya.”
    “P-Pakealam ko kung sabihin mo? Edi maganda! Maaagaw ko ang atensyon niya!” Inirapan niya ako.
    Umiling agad ako, “Sasabihin ko sa kanya pero sasabihin ko ring dapat sayo ay walang pag asa. Kasi… wala kang kwenta.”
    “WHAT COREEN?” Galit niyang sigaw.
    “O,” Tinaas ko ang kilay ko. “Pili na.” At nag evil smile.

    Nakita ko ang panic sa mga mata niya hanggang sa tumango na lang siya. Mas lalo akong napangisi. Nilingon ko ang inosenteng si Rozen na ngayon ay tiningnan narin ako. Nginitian ko siya. Tumaas ang kilay niya. Wala siyang kaalam-alam. But thanks to him, I’m saved!

  • Kabanata 13Open or Close

    Kabanata 13
    Darn Perfect

    Nawindang ako sa reporting. Noong pina-report na kami, nagkaroon din ako ng pagkakataong magsalita sa harapan at sumagot sa mga tanong ng mga kaklase ko. Hindi naman naging halata na wala ako lagi sa mga brainstorming o sa paghahanda sa reporting.

    Mabuti na lang talaga at naligtas ako doon.

    Sa sumunod na mga araw, mas dumami ang mga ginagawa ko. Kinailangan kong gumawa ng research paper, mag handa sa panibagong reporting sa isang major subject, umattend ng meeting para sa up coming school festival at iba pa. I swear, hindi ako makaka survive kung walang nag aalarm sakin. Araw-araw din akong tinatawagan ni Rozen at ginigising.

    *I never knew
    I never knew that everything was falling through
    That everyone I knew was waiting on a queue
    To turn and run when all I needed was the truth*

    Nagiging theme song ko na ang ring tone na naka assign kay Rozen. Siya mismo ang naglagay niyan sa cellphone ko kasi pag yung ringtone ko daw kay Noah, hindi ako magigising dahil masyadong malumanay. Itong Over My Head naman ng The Fray ay maingay kaya lagi akong naaalimpungatan.

    *Let’s rearrange
    I wish you were a stranger I could disengage*

    “Hello…” Kinusot ko ang mata ko.
    “Good morning, babe. Gising na. May meeting ka ngayon, diba?”
    “Hmmm… Oo.”

    Tuwing gumigising ako ng maaga, lagi akong naiiyak. Gusto ko pa kasing matulog.

    “Coreen Samantha.” Aniya nang natahimik na ako kasi umidlip ulit.
    “Oo!” Galit kong utas.
    Tumawa siya, “Gising na po, sungit! Umaga na!”
    “Oo, eto na…” Tumayo ako ng dahan-dahan. “Maliligo na muna ako.” Sabi ko.
    “Okay… Kumain ka rin, ah? Susunduin kita.”
    “HA?” Dumilat ng pagkalaki-laki ang mga mata ko.
    “Ganyan talaga pag boyfriend mo ako, Coreen. Papunta na ako kaya maghanda ka na.”

    Binabaan ako ng tawag ni Rozen kaya wala akong nagawa kundi maghanda sa pagdating niya. Pagkatapos kong mag handa ay bumaba na agad ako. Mabilis akong bumaba sa stairs. Paglingon ko naman sa sala ay nakita kong nandoon na siya, nakasalikop ang mga daliri habang tinitignan akong pababa sa hagdanan. Kaharap niya si daddy na nagbabasa ng dyaryo.

    “Oh, heto na pala si Coreen.” Nakangiting sinabi ni dad.
    “Dad. Good morning!” Sabi ko sabay halik sa pisngi niya.
    “Oh. Hindi na pala kita ida-drop sa school mo kasi dinaanan ka na ni Rozen dito.”
    “Ah… Yes, po.” Sinulyapan ko si Rozen na hanggang ngayon ay pinagmamasdan parin akong mabuti.

    Inirapan ko siya at nakita ko ang kaonting ngisi sa labi.

    “Alis na po kami.” Sabi ko sabay pasada ng daliri sa mga buhok ko.
    “Hindi ka pa kumakain, ah? Kumain ka muna.” Ani Rozen.
    “Oo nga!” Nilingon ako ni daddy at binaba ang dyaryo. “Kumain ka muna, Coreen. Buti pa itong si Rozen ay naaalala ang mga dapat mong gawin tsaka concern pa sayo. Ikaw sa sarili mo parang walang pakealam. Oh, Rozen, samahan mo na rin yang si Coreen. Ang aga niyo ata ngayon.” Tumayo si dad at tinawag pa kami ni Rozen.
    “Lika na, Coreen.” Ngumisi si Rozen sakin.

    Kasabay ng pagngisi niya ay ang pag kinang ng earring niya. Sinimangutan ko na agad.

    “Coreen, sige na. Dito na kayo sa mesa. Mag hahanda lang ako. Mamaya pa ako papasok sa opisina.” Sigaw ni papa nang papunta na sa kwarto nila.
    “Opo.” Sabi ko at dumiretso na sa dining room.

    Sumunod naman ang halimaw sa akin. Nakakairita ang ngisi niya habang sumusunod sakin. Ako naman, pinilit na ipabusangot ang mukha para lang ipakita sa kanya ang pagkakabadtrip ko.

    Tumabi siya sakin sa mesa.

    “Ba’t ka pa kasi pumunta dito?” Tanong ko.
    “Kasi alam kong di karin talaga magigising kung di ako magpakita. Kaya heto… I can do this everyday, you know.” Aniya.

    Kumuha ako ng bacon sa mesa. Kumuha rin siya ng kanya. Agad na akong kumain at hinayaan siyang kumain na rin sa tabi ko.

    “Oh, Rozen, nandito ka pala.” Nakangising sambit ni mommy nang napadpad sa hapag.
    “Opo, tita.” Tumayo si Rozen at hinalikan si mommy sa pisngi.

    Umirap na lang ako sa kawalan. At home na at home lang ang feeling ng isang ito.

    “Sinusundo ko si Coreen para sabay na kami sa school.” Ngumisi siya.
    “Ganun ba?” Tinignan ako ni mommy.
    Kinunot ko ang noo ko.
    “Oh? Ba’t ganyan mukha mo? Pasalamat ka kay Rozen at nandito siya. Hindi yang ganyan, Coreen.” Umiling si mommy.
    “Thanks.” Sabi ko ng wala sa sarili.
    Mas lalong umiling si mommy, “Sya, sige kumain muna kayo at maliligo muna ako. Mag ingat kayo ah? Rozen…” Tinapik ni mommy ang balikat ni Rozen. “Salamat.”
    “Walang anuman, tita.” Aniya.

    Tumango si mommy at umalis na.

    “Ano ba talagang plano mo?” Utas ko nang nawala na si mommy at kaming dalawa na lang ang nasa mesa.
    “Bakit?” Nangingiti niyang tanong.
    “Anong gusto mong mangyari? Alam ng pamilya ko na gusto ko si Noah. At ngayong nagpapakita kang bigla dito sa bahay baka anong isipin nila!” Sabi ko.
    Nagkibit-balikat sila, “Anong inaalala mo? Na baka iniisip nilang may gusto ako sayo, ganun, Coreen?” Nakangisi niyang sinabi.
    “Oo!” Uminit ang pisngi ko. Hindi ko alam kung bakit.
    “So what? That’s the truth, anyway.” Malakas niyang utas.

    Humugot ako ng malalim na hininga para sana banatan siya pero imbis na mabanatan siya ay naubo pa ako. May ilang kanin atang pumasok sa lungs ko kaya heto at panay ang ubo ko.

    Nanlaki ang mga mata niya. Tumayo siya agad at kumuha ng tubig.

    Hindi matigil-tigil ang pag ubo ko. Inabot niya sakin ang tubig kaya agad ko rin itong tinanggap at uminom. Hinaplos niya ang likod ko habang iniinom ko.

    “Lintek ka talaga! Walang hiya ka!” Inatake ko siya gamit ang tinidor ko.

    Umilag siya at tumawa.

    “Sabi na eh. Ayan, nakakarma ka. Wa’g ka kasing umangal.”

    Kaya ayun, halos mapatay ko na talaga siya sa sobrang inis. Panay ang takbo niya habang hinahabol ko siya ng tinidor.

    “Ano bang ikinagagalit mo doon?” Tanong niya nang nakangisi at nakapamaywang sa likod ng sofa.

    Nasa harapan ako ng sofa at halos yumuko na sa paghingal dahil sa kakahabol sa kanya. Siya naman ay no sweat sa paghahabulang ginawa namin. Darn. Ilang rounds kaya ng jogging ang nagagawa niya. Medyo matagal ata kaming naghabulan dito ah?

    Hindi ko na kayang habulin siya kaya tumungtong na ako sa sofa at inabot na siya gamit ang mga kamay ko.

    Nakita kong naglaro ulit ang ngiti sa labi niya. Nanunuya pa siyang inilapit ang katawan niya pero umiilag din tuwing tinututukan ko na ng tinidor.

    Kinagat niya ang labi niya at mas lalong lumaki ang ngisi. Itinaas ko ang tinidor para saksakin siya pero hinawakan niya ang pulso kong nakataas.

    “ARGGHH!” Sigaw ko at tinangkang pumiglas sa pagkakahawak niya pero hindi ko nagawa.

    Sobrang lakas niya. Hindi man lang natinag ang kamay niyang nasa pulso ko.

    “Tama na, Coreen. Game over.”

    Inilapit niya ang mukha niya sakin at hinipan ang buhok kong magulo. Napapikit ako sa pag hihip niya. Hindi ko kayang hindi pansinin ang bango ng hininga niya.

    “Lika na… Papasok pa tayo. May meeting ka pa.” Aniya saka binaba ang kamay kong ngayon ay kalmado na.

    Nalusaw ang inis ko. Ni hindi ko na maalala kung bakit ko siya hinahabol ng tinidor. Have I gone mad? Nahirapan akong i-recall ang mga nangyari at bakit kami humantong sa ganoong sitwasyon.

    Pagkatapos kong mag toothbrush ay umalis na kami. Panay na naman ang talak niya habang ako ay inaalala parin kung bakit ko siya hinahabol ng tinidor.

    “Pag dating mo ng school, diretso ka sa library. Ako naman, may pasok kaya text na lang muna tayo. Okay?”

    Hinarap niya ako pero nakatunganga parin ako sa kawalan.

    “Coreen!?”

    Napatalon ako nang sinakmal niya ako. Naaninag ko agad ang ngisi niya. Ang perpekto niyang mukha. Tumindig ang balahibo ko at hinayaan kong ang sarili kong pagmasdan siyang mabuti.

    Ang mga mata niyang pure evil lang ang nakikita kong expresyon. Ang buhok na mukhang effortless na nakatayo at magulo pero may arte, ang panga na madalas kumuyom at nagbibigay sakin ng ideya kung anong nararamdaman niya, ang ilong na matangos at ang labing pula… he is darn perfect. Kahit ang mga kilay niya’y madalas naka kunot o di kaya’y nakataas… now I understand why Kristen and all the other girls fell for him. Hindi lang siya puro mukha, may humor at may substance pa.

    Kinagat niya ang labi niya at tinaas ang kilay.

    Kumurap-kurap ako. I know that expression.

    Tinulak ko agad siya.

    “Let’s go!” Nag iwas ako ng tingin sakay binuksan ang pintuan ng flashy niyang sasakyan.
    HUmalakhak siya, “Yeah, alright, babe.”

    Hinaplos niya ang pisngi ko. Agad kong binigwasan ang kamay niya at matalim siyang tinignan pagkatapos.

    Tumawa lang siya sa ginawa ko.

    “Damn!” At umiling bago umikot at pumasok.

    Maingay parin siya habang nag da-drive. Ako naman, palaging tulala sa labas.

    “Mamaya, itext mo ako. Marunong ka bang mag text nang di nalalaman ng professor? Ah! Wa’g mo na lang akong itext mamaya kunin pa yung cellphone mo at mapagalitan ka pa.” Aniya.

    Umirap na lang ako. Crazy boy!

    “Of course, alam ko kung paano!” Sabi ko.

    Nang nakarating kami sa school ay dumiretso na ako sa library. Mabuti naman at ngayon ay nakatulong na ako sa pag bi-brainstorming.

    “So… May kanya kanya na tayong i-re-research para sa reporting. Kanya kanya na lang din siguro tayo ng powerpoint.” Sabi ng isang member.
    “Oo. Mas gusto ko kanya-kanya.” Singit ko.
    Tumango sila. “Tutal medyo separate naman yung topics.”
    Tumango rin ako. “O sige na, may pasok pa ako.”

    Sabay-sabay kaming nagtayuan. Niligpit ko na ang mga gamit ko. Ganun din sila.

    “Sige, mauna na ako. Baka malate.” Sabi ko at nag paalam na sa kanila.

    Pagkalabas ko ng library ay agad akong may hinanap. Lumingon-lingon ako na para bang may hinihintay… sino?

    “Nasan si Rozen?” Tanong ko sa sarili ko.

    Pinilig ko ang ulo ko nang narealize na… Oo nga pala… may pasok siya.

  • Kabanata 14Open or Close

    Kabanata 14
    Isa Lang, Miss

    Madaling araw ng Sabado kami umalis ni Rozen sa labas ng subdivision. Nagpaalam ako kina mommy at daddy na may susundo sakin papuntang venue ng conference. Ang hindi nila alam ay si Rozen iyon.

    Binuksan niya ang pintuan at agad naman akong pumasok. Nanginig ako sa ginaw. Madilim pa sa labas at tahimik kasi madaling araw pa lang.

    “What the heck, Coreen?” Napatalon ako sa sigaw ni Rozen sakin sa gitna ng katahimikan.
    “Ano?” Galit ko siyang nilingon.
    Galit niya rin akong tinignan.

    May kinuha siya sa likod at nilagay sa harap ko.

    “Sootin mo yan.” Aniya sa jacket na nakalatag sa harap ko.

    Isang itim na jacket na may maliit na tsek sa gilid.

    “Malamig at ganyan ang soot mo? Tsss.” Masungit niyang sinabi saka ginulo ang buhok.
    “Ang sungit nito! Okay, fine. Yung sayo?” Sabi ko habang nililingon ang likod naming puno ng iba’t-ibang bagay.

    May mga pagkain, tubig, softdrinks, juice, damit, first aid kit at kung anu-ano pa. Tumaas ang kilay ko, pinaghandaan ah?

    “May isa pa akong jacket.” Aniya saka pinaandar ang sasakyan.
    “Hindi mo ba susootin?” Tanong ko habang sinusoot iyong binigay niya sakin.
    “Hindi naman ako giniginaw.”
    Umirap ako, “Yeah, right!”

    Hindi giniginaw, huh? Bakit, mainit ka? Nang tuluyan ko nang naisoot ang jacket niya ay naamoy ko agad ang pamilyar niyang bango. Anong klaseng perfume o body wash kaya ang ginagamit niya?

    Napapikit ako habang inaamoy iyon. Pero narinig ko ang halakhak niya kaya dumilat agad ako at nilingon siya.

    “Inaantok ako.” Palusot ko sa pagpikit ko kanina.
    “Uh-huh…” Nakangisi niyang utas.

    Tumingin ako sa labas. Mabilis ang patakbo niya. Walang traffic. Nakikita ko ang mabibilis na pagkawala ng buildings na dinadaanan namin. Maging ang mga posteng maiilaw ay mabilis naming nilalagpasan.

    “Anong perfume mo?” Tanong ko nang di ko na talaga mapigilan ang sarili ko.

    Talagang amoy na amoy ko parin iyon ngayon. Hindi ako naaalibadbaran sa bango. Hindi tulad ng ibang masakit sa ilong. Tama lang at ang sarap amoyin ng isang ito. Tuwing naamoy ko pa, lagi kong naiisipang makisig ang lalaking gumagamit nito.

    “Bakit? Gusto mo manghingi?” Humalakhak siya.

    Mababangga kami nito pag bibiruin o iinisin niya na naman ako! Agad ko siyang nilingon.

    “Hindi. Nagtatanong lang ako kasi ang baho!” Sabi ko.
    “Really, Coreen?” Malamig ang boses niyang sinabi ito habang nakangisi.

    Hindi ako umimik. Baka mamaya magtalo na naman kami. At hindi ko rin naman gusto ang tono ng boses niya. Mukhang may masamang binabalak.

    “It’s Rozen’s kiss.” Tumawa siya.
    “Oh shut up, Rozen. Baliw!” Sabi ko at umiling sa kawalan.

    Adik talaga itong kasama ko.

    “Gusto mo manghingi?” Aniya.
    “Ayoko nga.. Sabi ko mabaho. Ayoko.” Ulit ko.
    “Talaga? Try mo nga ngayon, kung mabaho ba.”

    Halos maghuramentado na ang puso ko nang bigla niyang itinigil ang pag da-drive niya at humilig malapit sakin.

    “AHHHH!” Napasigaw na ako sabay tulak sa kanya. Hindi ko na maitsura ang sarili ko dahil panay na ang ilag ko sa kanya. “You crazy boy!” Sigaw ko.
    Nanunuya siyang tumatawa habang pumipikit kasi panay ang sapak ko sa mukha niya.
    “Bwisit! Manyak ka! Nakakainis! TSEEEEEEH!”

    Hindi ko na maalala kung bakit ako pumayag sa ideyang sasamahan niya ako. Galit na galit akong tinitignan siya habang halos mahimatay na siya sa kakatawa.

    “Epic!” Aniya.

    Hinampas ko ang braso niya. Ilang sandali pa bago humupa ang tawa niya.

    “One day, you’ll beg for my kiss.” Aniya sabay paandar ulit sa sasakyan.
    Nanlaki ang mga mata ko at tinignan siyang mabuti.

    Diretso ang tingin niya sa kalsada. Hindi ko alam kung bakit biglang kumalabog ang puso ko. Iyong tono ng pagkakasabi niya sa mga salitang iyon ay parang hindi normal… parang sigurado siya dito.

    Pinilig ko ang ulo ko. Bakit naman ako kakabahan ng ganito? Ilang taon ko ng mahal si Noah, imposibleng ngayon pa ako tatalikod at malilito ngayong papalapit na siya sakin.

    Nakatulog ako sa buong byahe. Paano ba naman kasi, ang aga kong nagising. Nang dumilat ako ay maliwanag na. Akala ko tuloy nasa langit na ako. Baka nabangga na kami ni Rozen.

    “Good morning!” Aniya saka nagpark sa tapat ng drive-thru ng isang fastfood.
    “Good morning…” Kinusot ko ang mga mata ko.

    Thank God, buhay pa pala ako!

    “Anong gusto mong kainin sa fast food na ito?” Tanong niya.
    Kumunot ang noo ko at naaninaw ang babaeng naghihintay ng order namin.

    Nagpapacute ito. Nakita kong nilagay niya ang ilang strand ng buhok niya sa kanyang tainga saka tumingin kay Rozen.

    “Akala ko ba ipagluluto mo ako, babe?” Matama kong pinaringgan ang babae.

    Nakita kong nalaglag ang panga ni Rozen. PInasadahan niya pa ng kanyang mga palad ang kanyang buhok.

    “Pardon, babe?” Tumikhim siya.
    “Sabi ko, kala ko ipagluluto mo ako, babe… Diba iyon sabi mo sakin? Bakit fastfood?” Tanong ko.

    Humalakhak si Rozen saka kinagat ang labi. Tinignan niya ang babaeng naghihintay na ngayon ay mukha ng sinakluban ng langit at lupa. Pakiramdam ko, bago ako nagising ay nagkaroon pa sila ng konting chitchat. Gago talaga ang hayop na ito. Ubod ng manyak. Ang bilis mang chics! Mukha pa namang ka edad namin ang babaeng ito at makinis pa.

    “Mamaya na.” Ani Rozen. “It’s 7:00AM, babe. Malilate ka na. Mag chi-check in pa tayo sa hotel.”

    Umayos ako sa pagkakaupo saka tinignan ang relo ko. Tama si Rozen! Wala ng oras!

    Hindi na ako nakipagbangayan at umorder na agad ng pwedeng makain. Inirapan ko na lang ang babaeng kumuha ng order bago kami umalis doon.

    “Why are you always jealous, Coreen?” Tanong ni Rozen habang nilalantakan ko ang fries.
    “I’m not.” Sabi ko.
    “Anong tawag mo sa pag aalburuto mo tuwing may ibang babaeng naka aligid sakin?” Aniya.
    “Sinabi ko na naman sayo, Rozen. Wala akong pakealam sa mga babae mo. Ayaw ko lang ng may naglalandi sa harapan ko.”
    “So? Pwede akong maglandi pag wala ka?”

    Natahimik ako. Uminom ako ng coke float at hindi muna nag salita ng ilang saglit. Bakit nga ba? Pwede naman siyang mag flirt. Cool naman ako sa relasyon nila ngayon ni Zoey, kung meron man. Pero ano itong nararamdaman ko sa sikmura ko? Hindi ko ma explain. May nagbabara at parang gusto ko iyong isuka. Hindi naman literal pero iyon talaga ang pakiramdam ko.

    “Pwede.” Nagkibit-balikat ako.

    It’s just so wrong to stop him from flirting with other girls. Hindi naman siya akin pero bakit ayaw ko nga sa pakiramdam na may iba siya, kahit na hindi ko nakikita?

    “You’re my girlfriend, Coreen. You can-“
    “This is just a game, right, Rozen? Kaya walang problema. I’m cool with that.” Tumango ako saka tinanggal ang seat belt.

    Nakarating na kami sa carpark ng hotel. Hindi na ulit siya nagtanong ng tungkol doon. Mabuti kasi parang hindi ko rin ata kayang dugtungan iyong sinabi ko kanina. Hindi ko masikmura iyon. At hindi ko talaga mapagtanto kung anong problema ko.

    “Coreen Samantha Aquino.” Aniya sabay bigay ng I.D ko sa babaeng nasa reception.

    Kumislap ang mata ng babae at titig na titig kay Rozen.

    “Coreen po ang pangalan niyo, sir?”
    “Ay boba ka teh, ako yung Coreen.” Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

    Humalukipkip ako habang nasa braso kong nakasabit ang bag at jacket ni Rozen.

    Sumimangot sakin ang receptionist bago tumalikod at umalis. Tinaas ko ang kilay ko. Naramdaman kong dumantay ang kamay ni Rozen sa balikat ko at naririnig ko ang unti-unting paghalakhak niya.

    “Oh, babe, high blood ka masyado. Umagang umaga.” Sinapak ko ang kamay niya.

    I hate it! WHAT THE HECK IS WRONG WITH ME? Hate na hate ko itong nangyayari. May kung ano sa sistema kong hindi ko ma explain. Na fu-frustrate ako. Sobra. Kaya heto at pinagbubuntungan ko si Rozen.

    “Sorry, po.” Sabi ng receptionist nang nakarating na siya at inilahad na ang isang susi sa akin. “Room 401, po.”

    Kinuha ni Rozen ang resibo saka kumunot ang noo niya. Ako naman ay nakataas-kilay na dinampot ang susi.

    “Tayo na nga…”
    “Wait, miss…” Malamig na sabi nI Rozen sabay dungaw ulit sa resibo.

    Kainis! Anong problema? Mag lalandi na naman ba siya?

    “Yes, sir?” Kapansinpansin ang pagbabago ng tono noong babae. Galing sa galit, ngayon ay malambing na.

    “Ipapa upgrade ko lang itong room ni Coreen Aquino. Gawing presidential suite. Tapos dalawa.” Ngumisi si Rozen.
    “D-Dalawa po? Hindi kayo iisa ng room?” Nakangising tanong ng babae.

    Naramdaman kong tumaas ang dugo ko sa ngiti ng babae. Nanunuya niya pa akong pinagtaasan ng kilay kaya agad ko ng hinampas ang mesa ng reception hall.

    “Hindi. Isa lang miss. Bakit dalawa eh for two naman ang presidential suite.” Utas ko.
    “What, Coreen?” Natatawang sabi ni Rozen.
    “Sabi ko… Iisa tayo, babe. Pakibilisan, miss.” Nilakihan ko ang mata ko bago inirapan ang babaeng ngayon ay inis na inis na sakin.

    Inis ka sakin? Inis din ako sayo! The feeling is mutual!

    Kaya naman ay ang lakas at hindi matapos tapos ang tawa ni Rozen nang papunta kami sa room namin. Ang init naman ng pisngi ko at mukha atang hindi na matatanggal ang simangot sa mukha ko buong araw.

    “Bilis na! Ma li-late na ako!” Sabi ko sabay hila sa kanya.
    “Oo na, babe.” Sinarado niya ang pinto ng suite namin saka sumunod na sakin pababa ng hotel.

    Mabilis ang lakad ko kaya panay ang sunod niya sakin nang pababa kami.

    “Anong oras kitang susunduin?” Tanong niya.
    “Mga 4:30 kailangan nandoon ka na. 5:00PM daw matatapos. Tapos… dalhan mo rin ako ng pagkain pag lunch. May libreng pagkain naman pero baka di ko magustuhan. Juice din.” Sabi ko.
    Tumango siya, “For you, babe.”
    “Ikaw anong gagawin mo habang wala ako?” Tanong kong bigla sa kanya.
    Ngumisi siya, “Text you, of course.”

    Nag iwas ako ng tingin at ngumisi. What the hell is wrong with me?

  • Kabanata 15Open or Close

    Kabanata 15
    I’m In Love

    Inaantok ako sa student congress. Ang aga ko kasing nagising kanina para mag handa. Gusto ko namang makinig kaso nahuhulog talaga ang mga mata ko.

    “Miss, taga president ka rin ba ng School of Business Management ng school ninyo?” Tanong ng babaeng katabi ko.

    Napatalon ako. Masyado ata akong guilty sa pagiging antok kaya heto at halos mahulog ang mga gamit ko sa pagkakataranta ko.

    “Ah.. Oo- I mean, hindi. Nautusan lang ako ng president.”
    Tumango siya, “Ako nga pala si Lacey.” Naglahad siya ng kamay at ngumiti.
    Nginitian ko rin siya. “Coreen Aquino.” Sagot ko.

    Round table itong inuupuan namin kaya magkalapit lang kami. Lima kami sa round table namin. Tantya ko, may labing limang round table sa venue na ito. Lahat ay inuupuan ng iba’t-ibang studyante sa iba’t-ibang university na mayroong business courses sa iba’t-ibang lugar.

    “Ang daming gwapo, ano?” Sabay turo niya sa isang tsinitong kanina pa laging may tanong sa speaker. “Ayun pa.” Itinuro niya rin ang isa pang gwapo sa gilid namin.

    Tumunog bigla ang cellphone ko. Napatingin ako doon.

    “May boyfriend ka na?” Tanong ni Lacey nang nakitang binasa ko ang message ni Rozen sa cellphone ko.
    “Wala.”

    Bumaling ako sa cellphone ko at binasa ang message ni Rozen.

    Rozen:
    Nakikinig ka ba?

    Napalingon-lingon ako sa buong venue. Pakiramdam ko tuloy ay nandito siya. Parang alam niyang nakikisabay lang ako kay Lacey sa paghahanap ng gwapo.

    Ako:
    Oo naman. Pero inaantok ako.

    Mabilis siyang nagreply.

    Rozen:
    Anong gagawin ko para mawala ang antok mo?

    Ako:
    Wala. Kanina ko pa sinasampal ang sarili ko dito para magising pero wala paring nangyayari. What are you doing?

    Rozen:
    Nasa hotel. What do you want for lunch?

    Ako:
    Pwedeng sandwich na lang. Tsaka juice. Anong oras mo ihahatid?

    Medyo matagal siyang nag reply. Ilang beses ko pang pabalik balik na sinulyapan ang phone ko kung may nag reply na ba pero wala. Hindi naman siya natagalan sa pagrereply kanina, ah.

    Ako:
    Rozen?

    Ilang sandali pa bago siya nakareply. Nilibang ko na lang ang sarili ko sa dumating na snacks at sa mga talakan ni Lacey at ng isa pang kasama namin.

    “Ang dami-daming gwapo!” Nagkasundo sila ng dalawa pang babae sa table namin.

    Mukha atang naiirita ang isang lalaking katable namin sa kanila. Umiling na lang ako. Naaalala ko ang bestfriend kong si Reina sa kanila. Mga gwapo ang kahinaan ng isang iyon.

    Dumungaw ulit ako sa cellphone ko at napangiti nang nagreply na si Rozen.

    Rozen:
    Tapos na ang sandwich mo, babe. Anong oras ko ito ihahatid?

    Kaya naman pala hindi siya nakareply ay dahil gumagawa siya ng sandwich ko. Napangiti ako habang nag ta-type ng reply.

    Ako:
    Mamaya na pag malapit na ang lunch.

    May pagkain naman sa lunch pero gusto ko ng sandwich. Makakatulong din iyon mamaya pag magsimula na ulit ang isa pang speaker at dadalawin na naman ako ng antok. Mabuti na iyong may baon para iyon ang pagkaabalahan ko.

    Dinadalaw na naman ako ng antok nang bigla akong mabingi sa sigaw ng mga babae sa table ko. Sumipol, humiyaw at pumalakpak sila.

    Kinusot ko ang mga mata ko at lumingon-lingon. Ano na?

    Pumalakpak ang speaker at tumango-tango. May nagsasalita sa harapan. Iyon ang chini-cheer ng halos lahat ng mga tao sa buong student congress. Mukha atang may itinanong na maganda at mahirap ang lalaking iyon.

    Nahirapan pa ako sa pagtingin kung sino iyong nagtatanong kasi nakatayo ang iba para kuhanan ng picture ang lalaki.

    Pumihit ang nakaitim na lalaki at naglakad pabalik. Saka ko napagtanto kung sino iyon. SI ROZEN!

    Diretso ang tingin niya sakin saka kumindat.

    Sumagot ang speaker. Mukha atang may itinanong si Rozen na may kinalaman sa business ng pamilya niya. Nakakarelate nga pala siya dito kasi may business sila at business ad student din siya. Pero hindi ako makapaniwalang ganun ka grabe ang reaksyon ng mga tao.

    Niyugyog pa ako ni Lacey at nakipag high five pa siya sa mga babae.

    “OMG! Sobrang gwapo! Artista ba yun?” Sabi ng isa.
    “Elizalde iyon.” Sabi naman nung isa. “Kilala ko yun.”

    “What school are you from, Mr. Elizalde?” Tanong ng speaker.

    Nilingon ni Rozen ang speaker nang nakangiti bago umiling.

    “Hindi po ako kasali dito, yung girlfriend ko lang.” Sagot niya.

    Tumawa ang mga tao. Pumalakpak naman ang iba.

    “Shit! May girlfriend!?” Sabi ng isang babae.

    Napaupo naman si Lacey sa sobrang pagkabigo. Mariin kong pinikit ang mga mata ko. Darn!

    Halos mahimatay na ang isa sa kakahiyaw dahil kay Rozen. Nang dinilat ko ang mga mata ko ay nakita ko siyang nakangiti sa gilid ko.

    Nilagay niya sa harap ko ang isang sandwich na naka balot sa isang tissue at ang juice na nasa loob ng isang lalagyan.

    “Ngayon, hindi ka na aantukin.” Humalakhak siya at hinalikan akong bigla sa pisngi.

    Aangal na sana ako pero pumihit na siya at tinalikuran kaming lahat.

    “SHIT? Kayo?” Malutong na sigaw ng mga babaeng nasa table ko.

    Umiling ako sa kahihiyan. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanilang lahat. Tuwing dinideny ko ay hindi sila naniniwala.

    “Sabi niya girlfriend niya ang kasali dito! Eh sino pa bang iba? Ikaw nilapitan!”

    Yung ibang mga babae ay nakiusyuso sa akin. Yung iba naman ay nagtaray. Natatawag na rin ako tuwing may tanong ang speaker. Kaya ang resulta ay hindi na ulit ako inantok.

    Ako naman, kating-kati ng itext si Rozen. Nagti-text ako sa kalagitnaan ng pag sasalita ng speaker, pagdedebate, at pagbabatuhan ng mga tanong.

    Ako:
    Anong ginagawa mo?

    Rozen:
    Curious ka na, huh? Nasa hotel.

    Ako:
    I’m bored, Rozen. Tsaka ang daming nagtatanong sayo dito ng tungkol satin.

    Rozen:
    Bored, huh? At ano namang sinasagot mo sa mga tanong nila?

    Ako:
    Of course, dinedeny ko. Are you crazy?

    Rozen:
    That hurt. You don’t really care about my feelings, huh? Wala naman si Noah dito, why hide?

    Ako:
    Ewan ko sa’yo, Elizalde.

    Hindi na siya nagreply. Naiirita na ako sa sarili ko dahil sa loob ng isang oras ay panay na ang titig ko sa screen ng cellphone ko para maghintay ng reply niya.

    “Uy, Coreen. Kanina ka pa, ah? Buti na lang malapit na tayong matapos. San ba kayo tumutuloy ng boyfriend mo?” Tanong ni Lacey.
    “He’s not my boyfriend. At… uhm… tumutuloy kami sa Crown.” Sabi ko.
    “Whoa! Ang mahal dun ah? Ang laki naman ng binigay na budget ng school mo. Tsaka… anong di mo boyfriend? Kaw talaga.” Marahan niyang hinampas ang balikat ko.
    “Kung ako sayo, proud akong aamin sa buong mundo na boyfriend ko siya!” Sabay tili ng isang kasama ni Lacey.
    “Ako rin!” Sabi nung isa.

    Naglalakad na kami palabas ng venue. Panay ang usapan nila tungkol sa mga gwapo doon sa student congress. Ako naman, panay ang titig ko sa cellphone ko.

    Ako:
    ROZEN! We’re done! Asan ka na? Anong oras na? I said, 4:30!

    Walang reply ang halimaw. Umiling-iling ako.

    “No… No… No… Don’t tell me may lakad siya… Ano? Naglibang habang wala ako.” Sabi ko sa sarili ko.

    Hindi narinig ng mga kasama ko dahil sa lakas ng mga boses nila.

    “Ang gwapo, gwapo, shet talaga!” Sigaw nung isa.

    Nagtype ulit ako nang nasa pintuan na talaga kami ng venue.

    Ako:
    Magtataxi na lang ako pauwi! Darn you!

    Kahit na hindi naman kalayuan ang hotel na tinutuluyan namin, ayaw ko paring mag commute na mag isa lalo na’t hindi ko kabisado ang mga lugar sa syudad na ito.

    Tinitigan ko ang screen ng cellphone ko. Mag reply ka na. Mag reply ka na. Mag reply ka na. Please don’t let me down…

    “COREEN, OH MY GOD! OH MY GOD!”
    “OH MY GOD! ANG GWAPO! SHIT! SHIT!”
    “OH MY SHIT!”

    Nabigla ako nang pinalibutan nila ako at niyugyog pa ng iba ang braso ko dahil sa panggigigil.

    “Aray!” Pumiglas ako sa pagkakahawak ng iba sa balikat ko. “Ano ba?” Galit kong utas sa kanila.
    “Yung boyfriend mo! SHIT!”

    Si Rozen? Asan?

    “Ayun oh! Jusko! Mahihimatay na ako! Shit!”
    “Oh shit!”

    Hindi ko alam kung ilang mura pa ang narinig ko galing sa kanila. Ang alam ko na lang ay nalaglag na ang panga ko at nabingi na ako sa lahat ng kantsyaw at pagkabigo nila. Si Rozen, nakapark sa tapat ng venue, nakasandal sa kanyang sasakyang naka open-air mode. Pinasadahan niya ng kanyang palad ang kanyang buhok at diretso ang tingin sakin. Ang isang kamay niya ay may hawak ng bouquet.

    Umihip ang malakas na hangin. Tumayo si Rozen ng maayos at umambang lalapit sakin. Nabingi na talaga ako sa sobrang ingay ng mga kasama ko. May tumutulak pa sakin. Para akong nawawala sa sarili ko habang tinititigan siyang nakatitig din sakin.

    Nang tuluyan na siyang nakalapit sakin ay nilahad niya ang bulaklak sa harap ko at inilapit ang mukha sa tainga ko.

    “KYAAA! JUSKO! OH MY GOD!”
    “MAHIHIMATAY NA AKO!”

    This is really too flashy! Darn Elizalde!

    “Oh… Tumitibok na ba para sakin?” Bulong niya saka pinitik ng marahan ang dibdib ko.

    Humalakhak siya bago dinugtungan iyon.

    “I’m in love with you Coreen. Was. Still am. And will be.”

  • Kabanata 16Open or Close

    Kabanata 16
    Passion

    Nagmadali ako sa pagpasok sa kanyang sasakyan. Dala-dala ko ang bouquet na bigay niya. Nakita kong marahan siyang naglakad pabalik sa akin. Tumatawa-tawa pa dahil panay ang sigaw ng mga kasama ko. May isa pa sa kanilang halos mangisay sa kilig. Umiling ako. Syempre, aaminin ko, gwapong gwapo ang Elizalde na ito. Ikaw ba naman ang pakitaan niya ng ganoong eksena, hindi ka ba mahihimatay sa kilig?

    Tumatawa siya nang pumasok sa sasakyan.

    “Ano na naman itong pakulo mo, Rozen?” Tanong ko sa kanya sabay pakita sa bouquet.
    “Ano pa? Edi sinusundo kita!” Tumawa siya.
    “Anong klaseng sundo iyon? That was too flashy!” Sabi ko sabay lingon sa mga kasama kong nakatingin parin samin at mukhang hanggang ngayon ay hindi pa nakakaahon kanina.

    “COREEEN!” Sigaw nung isang babae.

    Nagthumbs up pa siya sakin.

    “Let’s go!” Umiling ako habang tinitignan ang babae.

    Nakakabuang ba talaga ang isang Elizalde? Kahit hindi nila sinasabi saking nasasayangan sila kay Rozen ay nakikita ko iyon. Nakikita ko ang panghihinayang sa mga mata nila dahil may girlfriend na ito.

    Naku! Kung alam niyo lang. Papatulan kayo nito pag wala ako. Traydor ang isang ito. Laging hinahayag yung damdamin niya para sakin pero pag wala ako, ang daming babae!

    Nang umandar na ang sasakyan niya ay naramdaman ko agad ang malakas na ihip ng hangin. Napahawak ako sa buhok ko. Ang isang kamay ko naman ay nakahawak sa bouquet niya. Sinulyapan niya ako.

    “Like it?”
    Ngumuso ako at tinignan ang mukhang mamahaling bouquet.

    Well, hindi lang siguro mukhang mamahalin. Elizalde itong kausap ko. Siguradong mamahalin. Baka nga may gold sa mga dahon ng mga roses na ito.

    “They’re okay.” Tumango ako at sinulyapan siya.

    Nakangisi parin siya habang nakatingin sa kalsada.

    “The look on your face while I gave you the flowers? Priceless!” Tumawa siya.
    Hinampas ko siya, “Nananadya ka ba talaga? Tsss.” Umirap ako. “Alam mo namang baliw ang mga kasama ko sa student congress. Kanina, nung bigla kang pumasok, halos mamatay sila sa kilig!”
    “Eh ikaw, kelan ka mahihimatay sa kilig sakin, Coreen?” Kinagat niya ang labi niya.

    Ngumuso ulit ako. Ayokong patulan ang pambobola niya o kung ano mang tawag sa ginagawa niya sakin ngayon.

    Sumisipol pa siya nang papasok kami sa hotel. Sa kabilang kamay niya ay hinahagis-hagis niya ang susi ng kanyang kotse. Nang kinuha namin ang card ng presidential suite na kinuha niya sa front desk ay doon ko napagtanto na oo nga pala, magkasama kami sa iisang kwarto. Iisang kama! OH NOES!

    “Rozen?” Nanliit ang mga mata ko habang tinitignan siyang masayang-masaya na binubuksan ang presidential suite.
    “What?”
    “Sa couch ka na matulog.” Sabi ko.
    Napaawang ang bibig niya na para bang may sinabi ako nakakatawa, “I won’t rape you, Coreen.”
    Mas lalong nanliit ang mga mata ko, “I don’t trust you…”
    “Tsss… Hindi porke’t mahal kita, ganun na ako ka desperadong makuha ka. I have my ways, babe. No need to worry bout force love making session kasi balang araw bibigay ka rin nang di pinipilit.”

    Hinampas ko na siya gamit ang bouquet.

    “Ikaw talaga! Kaya ayaw ko sayo dahil manyak, playboy, bolero, mayabang at… gwapo!”

    Kinagat ko ang labi ko sa huling sinabi ko. SHIT! Anong sabi ko? Tumunganga siya sa harapan ko gamit ang kanyang natutuwang ekspresyon.

    “Dyan ka na nga!” Uminit ang pisngi ko saka nilagpasan siya doon.
    “What did you just say, babe? Gwapo?”
    “TSEH!” Nilapag ko ang bag ko sa tabi ng isa pang bag ko.

    Sinundan niya ako habang nililigpit ko ang ibang gamit.

    “I heard you, Coreen. Hindi naman sa unang beses ko itong narinig sa isang babae pero unang beses ko ata itong narinig sayo…”

    HInawakan niya ang braso ko. He’s really into this, huh? Hinawi ko ang nakahawak niyang kamay.

    “Ikaw, tumigil ka. Mamaya makakita ako ng tinidor dito, lagot ka sakin!”
    Humalakhak siya.

    GRRR! Mas lalo lang ata akong naiinis dahil pinagkakatuwaan niya pa ata ang pagkakabanas ko sa kanya.

    “Maliligo ako! And you?-“
    “Magluluto.” Kumindat siya. “Yes, babe, for you.”
    Umirap ako at umiling saka pumasok sa bathroom.

    Napabuntong-hininga ako sa loob. Malaki ito. May isang bath tub at pang presidential suite nga ang mga shampoo at body wash!

    Pinaandar ko ang tubig sa bathtub at tinignang mabuti ang mga shampoo at body wash na nakahilera doon. Tinignan ko rin ang sarili ko sa salamin. Sinuklay ko ang buhok kong mahaba at kulot sa baba. Kinagat ko ang labi ko saka kinurot ang ilong ko. Damn, Rozen! Naaalala ko iyong eskandalong ginawa niya kanina sa pagsundo sa akin. Yung pag ihip ng hangin habang nakatitig siya sakin. Parang may kung ano sa tiyan ko tuwing binabalikan ko iyon.

    Tumunog ang cellphone kong dala ko pala dito. Nakita kong tumatawag si mommy sakin. Agad ko itong sinagot.

    “Mom?”
    “Coreen. Kamusta diyan? May kakainin ka na ba? Sa labas ka na lang kumain. Hindi ka pa naman marunong magluto. Tsaka… maayos ba ang hotel? May problema ba? Gusto mo papuntahin ko si Kuya Luke mo diyan para may mag asikaso?”

    Napapikit ako sa bilis ng pagsasalita ni mommy.

    “Mom… Mom… Calm down.” Bulalas ko. “I’m okay. Uhm… Sa labas na lang siguro ako kakain o oorder sa hotel. I’m okay, mom.”
    “Talaga? Wa’g kang lalabas diyan tuwing gabi. Hindi mo kabisado ang lugar. Kakauwi ko lang galing opisina.”
    “Okay po, mom. Hindi ako lalabas. Actually may presentation ako bukas kaya iyon yung pagkakaabalahan ko tonight. Gagawa po ako ng powerpoint para dun. Tsaka, I’m exhausted.”
    “Okay, then, magpahinga ka. Okay? I love you, anak. Sige na. Paparating na din ang daddy at kuya Luke mo dito. Ingat ka diyan.”
    “Opo. I love you, too.”

    Binaba ko ang cellphone at tinignan ang punong bathtub. Nilagyan ko ito ng kung anu-anong bubble body wash o shower gel. Pinabula ko ito saka lumusob doon sa tub.

    Ah, Relaxing! Kaya lang hindi ko alam kung anong kalokohan itong pumapasok sa kokote ko at ang puro naiisip ko ay si Rozen na nakasandal sa sasakyan niya. Damn his convertible car. Damn his earring. Damn his evil smile. Damn his flowers.

    UGH! Nanggigil akong lumubog sa bath tub. I hate it. At mayroon akong nararamdaman sa tiyan kong hindi maganda. And it was not because of the sandwich or the juice or the lunch I ate.

    Nang natapos ako sa bathtub, narealize kong wala pala akong dalang damit. Damn! Mag lalakad ba ako ng nakatuwalya sa suite namin ni Rozen? Mabuti na lang at mukhang nagluluto siya nang lumabas ako.

    Tumakbo ako sa kwarto at agad nang nagbihis. Nagshorts lang ako at spagetti strap na damit. Damn! Bakit ito ang dala ko? Dapat t-shirt atsaka pajama. Wrong move! Hindi ko pa pwedeng sooting ang ibang damit na dala ko kasi puro dress. Mahilig kasi ako sa dress o di kaya’y shorts. Hindi naman pwedeng nakadress ako habang natutulog. Kainis!

    Lumabas agad ako ng kwarto para tignan ang ginagawa ni Rozen.

    Naaninaw ko agad ang malapad at makisig niyang likod. Nakaharap siya sa sink at tinitignang mabuti ang niluluto niya. Napaawang ang bibig ko habang tinitignan siyang hinihinaan ang init ng stove. Kitang kita ang mga biyak ng muscles niya sa likod.

    Hindi ako sigurado kung kailan ko unang nakita si Rozen na nagtopless pero walangya, pakiramdam ko ito ang unang pagkakataon. Pinasadahan niya ang kanyang buhok ng kanyang palad atsaka humalukipkip.

    Sasandal na sana ako sa upuan ng dining table nang bigla akong natalisod.

    Napalingon agad si Rozen sakin.

    “O-Ooppps.” Sabi ko sabay iwas ng tingin sa kanya.

    Tumaas ang kilay niya saka ngumisi. Hinarap niya ako at kinuha ang isang mansanas sa dining table.

    Napatingin talaga ako sa biyak ng kanyang mga muscles sa dibdib. Ang laki ng biceps at triceps niya. Bawat paghinga niya ay parang mas lalong naliliwanagan ang bawat detalye ng muscles niya. Complete with his 8-pack abs. Yes. Binilang ko iyon. Dahilan kung bakit natagalan ako sa pagtitig doon.

    Lumapit siya sakin. Napatalon ako sa ginawa niya. Ilang beses akong napalunok.

    “No. No. No. Rozen. Wa’g kang lumapit sakin.” Tinaas ko ang kamay ko para pigilan siya.
    He chuckled, “Bakit naman?”

    Napalunok ako. Kahit iyong pagsasalita niya, bawat galawa niya, mas lalong na de-define ang muscles. Hindi ko alam na hindi lang pala siya puro mukha. He was damn attractive and sexy at the same time. Kaya lang, may kung ano sa ngiti niyang nagsasabi saking it’s dangerouse. He’s dangerous. Like I said, he’s a beast. A sexy one. Beasts can’t have their own princess. They are destined to be alone. Masyadong maiilap at masyadong masasama. They get what they deserve.

    “Sa mga tingin mo, pakiramdam ko inaakit mo na ako. Bakit ayaw mo akong lumalapit?”
    Kumunot ang noo ko, “Ang yabang mo talaga! Feeling mo talaga kaya mong kunin lahat ano? Well, you know me Rozen. My heart is for Noah, right? We are just pretending here. Yes, we are just pretending. Yes, pretending.” Paulit ulit ko iyong sinabi habang kinakalma ang sarili.
    “Yes. Then why sound like you’re just convincing your self, babe?”
    “I’m not convincing myself. Alam kong ganun…” Tumaas ang boses ko.

    Wait a minute? Tinitigan niya lang ako with an amused grin. Bakit galit ako? Hindi ko alam.

    Umupo ako sa silya sa dining table. Humilig siya sa dining table at kinagat ang mansanas habang tinititigan ako. Sinubukan kong sulyapan siya pero kinilabutan ako sa titig niya kaya hindi ko nagawang titigan siya pabalik.

    Tumayo siya ng maayos saka tinalikuran ako. Doon ko lang siya nagawang titigan ng matagal. Bakit hindi ko siya kayang titigan tuwing nakatitig din siya sakin?

    Tapos na siyang magluto. Nilapag niya ang may kagat na mansanas sa isang pinggan sa kitchen. Kumuha siya ng isa pang pinggan at nilagay niya doon ang menudo na niluto niya. Ang bango! Damnit! Bakit kailangang magaling din siya sa kusina? Hindi ko pa natitikman pero base sa ginawa niyang sandwich kanina, masarap talaga siyang magluto. At ang mga spices at kung anu-ano pang dala niya, parang pang professional.

    Nilapag niya iyon sa harapan ko nang nakatitig sakin. Tiningnan ko na lang ang nakakatakam na ulam dahil ayaw kong siya ang tinititigan ko.

    “Labas tayo mamaya? Let’s stroll around this city, Coreen.” Aniya.
    “Huh? I’m busy, Rozen. May gagawin pa akong powerpoint. Mahirap iyon.” Sabay turo ko sa bag ko. “Maraming hand outs. Presentation ko bukas.”
    “Come on, saglit lang naman.” Ngumisi siya.
    “At saan naman tayo pupunta? Tsaka… baka maubusan tayo ng oras. I’ll do the powerpoint, Rozen.” Sabi ko ulit.
    “I’ll do it for you. Just be with me tonight.” Lumapit siya sakin.

    Tumindig ang balahibo ko at umupo ako ng maayos.

    “I-I am with you tonight.” Utas ko.

    Iyon naman ang totoo. Literal.

    Umiling siya…

    “Not here, Coreen. Ayokong tinititigan kang seryoso ang mukhang gumagawa ng powerpoint sa gilid ng kama. That will be torture for me.” Humalakhak siya.
    Naningkit ang mga mata ko, “At bakit?”
    Kinagat niya ang labi niya, “I don’t know… Mas lalo akong naakit sayo tuwing nagseseryoso ka sa isang bagay. Your passion is my drug, Coreen. Kaya pag nandito tayong dalawa, baka ma adik pa lalo ako sayo at baka makalimutan kong nagpapanggap lang tayo.”

    Napatingin ako sa braso kong nagtindigan lahat ng balahibo. Napahawak din ako sa tiyan kong may lumilipad-lipad. What the darn shit is happening with my system?

    Hinampas ko ang mesa. Hindi dahil naiinis ako o galit ako. Para iyon ma istorbo ang naghuhuramentado kong sarili.

    “ALRIGHT! We’ll party! Just… give me a minute. Maghahanap lang ako ng damit.” Tumayo ako at tinalikuran siya.

    Damn the sexy beast.

  • Kabanata 17Open or Close

    Kabanata 17
    Bubbles

    Nagpasya kaming magbihis muna bago kumain. Gusto niya rin kasing maligo muna at ako naman ay abala sa pag aayos. Wala naman akong choice sa sosootin ko kasi hindi ko naman dala ang buong closet ko, pinili ko na lang ang isang itim na bouncy dress.

    Naglalagay ako ng lipstick nang bigla siyang pumasok ng nakatuwalya lang. Naka evil smirk na siya pagkapasok niya pa lang. Ang isang kamay niya ay nakahawak sa batok. Ang isa naman ay nakahawak sa tuwalya.

    GOD DAMN IT! This is ridiculous! Medyo nag-smudge tuloy ang lipstick ko. Agad ko itong pinunasan ng tissue. Hindi ko na ulit siya tinignan dahil nakahalukipkip siya sa gilid ko ngayon.

    “Sandali lang.” Utas ko.

    Nanginginig ang kamay kong nilalagay ulit ang lipstick ko.

    “Yeah, sure.” Malamig niyang sabi.

    Tumayo ako ng maayos pagkatapos kong mag lipstick. Napalunok ako at tinignan siya. Damn. Yung pagkakahalukipkip niya, mas lalong na de-define ang muscles.

    Lalagpasan ko na sana siya pero mas lalo siyang ngumisi at hinawakan niya pa ang braso ko.

    “W-What?” Nauutal kong sinabi.
    Tumaas ang kanyang kilay, “I can almost see you drool, babe.” Tumawa siya.
    “Bakit? Mukha na ba akong aso at naglalaway na ako? Tss. I don’t… drool over… normal things.” Sabay sulyap ko sa katawan niya.
    “Normal, huh?” Humakbang siya palapit sakin.

    Naramdaman ko ang basa niyang katawan. Ang kabuuan masidhi at makisig niyang aura. Lalo na tuwing pinapasadahan niya ng kanyang palad ang kanyang buhok. Tumitindig ang balahibo ko kaya agad na akong umtras.

    “Ugh! Ang manyak mo talaga. Stop it, o baka hindi na tinidor yung isasaksak ko sayo.”
    Tumawa siya, “Damn girl. Sarap mo talagang inisin.”
    Kinalabit niya ang pisngi ko, hinawi ko agad ang kamay niya at sinapak-sapak.

    Dumampi ang kamay ko sa dibdib niyang basa pa sa shower. Hinawakan niya agad ito ng mahigpit at hindi na ulit pinagalaw. Pumiglas ako pero dahil malakas siya ay hindi na talaga nakagalaw ang kamay ko.

    Pilit niya itong tinaas papunta sa mukha niya. Nalaglag ang panga ko. Nakangisi siya at matindi ang titig sa akin. Nangatog ang binti ko at lumakas ang pintig ng puso ko.

    “Shit! Rozen!” Sigaw ko sabay piglas.

    Pero hindi niya ako binigyan ng pagkakataong makawala. Inilapit niya ang kamay ko sa labi niya saka hinalikan ito ng paraan.

    Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Naramdaman ko ang paghinga niya sa pulso ko. Ang maiinit ng buga sa hininga niya. Parang gusto ng bumigay ng sistema ko. Bumibilis na rin ang paghinga ko.

    Napapikit ako ng marahan nan inulit-ulit niya ito. Ilang beses. Nanunuyang mga halik sa kamay ko.

    “One day…” Aniya.

    Dahan dahan niyang binaba ang kamay ko. Dumilat ako at agad nag alab ang pisngi ko. Damn! Was I too reckless? Bakit ko siya hinayaang gawin sakin iyon? At bakit para akong nabuang, nabaliw, nalasing sa ginawa niya.

    “It will be your lips, I’ll kiss… And I you won’t push me away… instead, you’ll pull me tighter.”

    Binawi ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya.

    Kinunot ko ang pisngi ko.

    “Asa ka!” Umirap ako at tinalikuran siya.

    Wait. Wait. Wait a minute. I need to figure this out. I really effing need to figure this out! Bakit ganoon na lang ang naramdaman ko sa mga halik niya. No. He’s just tempting me. But why will I be tempted if I don’t like him in the first place! No! Hindi ko talaga siya gusto.

    Nilista ko sa utak ko ang mga rason kung bakit hindi ko siya gusto:
    Matapobre, presko, mayabang, playboy, hindi loyal, hindi faithful, may tendency na kumabit, maghahanap siya ng iba once na makuha niya ako, Noah’s better. Noah’s the love of my life. I’ve been his fan, his admirer noon pa lang. Yun na yun.

    Napatalon ako nang lumabas si Rozen sa kwarto. Ngayon ay nakabihis na. Hindi pa nagsusuklay pero he’s so damn drop dead handsome already!

    “Kumain na tayo.” Aniya na parang walang nangyari sa loob kanina.

    Nagkibit-balikat ako at tinignan ang mga pagkain sa mesa. Para siyang halimaw kung kumain. Marami at sunud-sunod. Ako naman ay nawawalan ng gana. Masarap ang luto niya. Yes, I have to admit it. May talento talaga siya sa pagluluto. At alam kong hindi lang hanggang pagluluto ang kaya niya. Marami pang iba.

    “Oh? Bakit di mo yan ginagalaw?” Tanong niya at nag mukhang na-offend ko dahil sa ginagawang paglalaro sa pagkaing niluto niya para sakin.
    Sumubo ako ng isa at tinignan siya, “There you go.” Masungit kong sinabi.
    Sumimangot siya, “Ano? Nag da-diet ka ba?”
    “Tss.” Umiling ako at sumubo ulit.
    “Alam mo, Coreen. You don’t have to diet. Kaya kong hubugin ang katawan mo.”
    Nagsisimula na ang palpitations ko sa kilay dahil sa sinabi niya.

    Matalim ko siyang tinitigan pero hindi siya natinag. Nagpatuloy lang siya.

    “Can make your boobs bigger. Not that it’s not big, huh?” Tumingin pa siya sa dibdib ko.

    THE NERVE OF THIS PERV!

    “And I can probably make your butt bigger, too-” Hindi niya na nadugtungan dahil umamba na akong sasaksakin siya ng tinidor.

    “YOU PERVERT! BAKIT PA KITA DINALA DITO!? LECHE KA! BWESIT!” Sigaw ako ng sigaw hanggang sa natapos na kaming kumain.

    Nagawa niya pang magtoothbrush na hinahabol ko ng tinidor. Damn this beast! Never mind the sexy part. Naiinis lang ako lalo dahil sa puring iyan.

    Hindi parin humuhupa ang inis ko nang nasa sasakyan na kami.

    “Buti na lang at lumabas tayo dahil hindi ko maatim na ikaw lang nakikita ko sa iisang suite. Bwiset ka! Oh how I want to go home and see… other people.”
    Tinawanan niya lang ako, “One day, I’ll all you will ever need.”

    Hinawakan ko agad ang braso ko dahil bigla na namang tumindig ang balahibo ko sa bulalas niyang iyon. May kung ano talaga sa sinasabi niya sakin kaya hindi natatahimik ang kaluluwa ko.

    Nang nakarating na kami sa isang mukhang engrandeng bar dito, medyo puno na ito. Nauna ako, sumunod lang siya. Hinarangan agad ako ng bouncer. Ni head to foot niya ako saka hinawakan sa braso.

    “I’m eighteen.” Pananggalang ko sa mga titig niyang masama sakin.

    Baka isipin nitong hindi pa ako pwedeng pumasok. Biglang natanggal ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. Napalingon ako sa gilid ko at nakita kong nakataas ang kilay ni Rozen na para bang naiirita siya at nakangisi din at the same time.

    “Rozen Elizalde.” Aniya sabay pakita sa isang card.

    Pinulupot niya ang kanyang braso sa baywang ko.

    “And I own this girl. Ngayon, pwede bang pumasok nang hindi siya hinahawakan?” Mariin ang bawat bitiw niya sa buong pangungusap.

    Tinitigan ko na lang siya. Weird. Nakangisi siya pero halatang galit. Siya lang ata ang may talent na ganito. Galit na nakangising ekspresyon.

    “A-Ah… Opo. Sige. Pasok kayo.” Tumabi ang bouncer at pinapasok kami.

    Just like that? The password is just: ROZEN ELIZALDE? Alam ko namang makapangyarihan talaga ang pamilya nila pero hindi ko alam na pwedeng gawing excuse ang pangalang ROZEN ELIZALDE para lang makapasok sa bar na ito? Sumalubong agad sakin ang neon lights, trance music at punong bar.

    “Kainis. Dare touch my girl. Pinaghihirapan ko tapos pasimpleng hinahawakan lang ng-“
    “Huy?” Kumunot ang noo ko sa mga pinagsasabi niya.

    May sinipa pa siyang stool. Napatingin tuloy ang mga tao sa kanya.

    “What the heck is your problem?” Tanong ko.
    His jaw clenched, “Nothing, babe.”

    Ngumisi lang siya sakin at hinila agad ako papunta sa dancefloor kung saan nagsasayaw na ang mga tao. May nakikita pa akong mga babaeng nagsasayaw na pero naiispatan parin ang kakisigan ni Rozen. Tinitignan nila ito na para bang isang transferee sa eskwelahan nila. Someone new. Someone really handsome and really new.

    “Hindi ako sasayaw kung hindi ako nakainom.” Sabi ko.

    Naaasiwa kasi akong sumayaw nang di umiinom. Parang awkward iyon para sakin.

    “No, you won’t drink.” Umiling siya at nag pout sakin. “We’ll just dance, babe.” Aniya.

    Tinaas ko ang kilay ko.

    “Ako ang magdedesisyon sa sarili ko. I’m a big girl, Rozen.” Sabi ko.
    “You’re just eighteen.” Pangatwiran niya.
    “I’m already eighteen. At bakit pa tayo lumabas at pumuntang bar? Para mag mukmok?”

    Kumuha agad ako ng dalawang shots galing sa dumaang waiter.

    “ROZEN ELIZALDE!” Sabi ko sa waiter.

    Mukhang nakuha niya at tumango na lang siya sakin. WHOA! It’s really some sort of password!

    “Galing!” Sabi ko sabay lagok sa vodka.

    YUCK! I don’t like vodka! Nilabas ko ang dila ko pagkatapos kong uminom nun.

    “Coreen!” Saway niya at tinitigan ako.
    Tumawa na lang ako. “Oh, ano? You’re free for tonight. If you want to flirt with other girls. Edi sige! Tatanggalan kita ng kadena!” Sigaw ko sa kanya sa gitna ng maingay na trance music.

    Nilalapit niya na sakin ang tainga niya. Umiling siya at sumimangot sa sinabi ko.

    “Oh come on, Rozen! You act like my dad! You’re just twenty. Tsaka… playboy ka naman. Ba’t di ka na lang mag enjoy.”

    Nakahalukipkip kasi siya at nakatitig lang sa akin. Ako naman, sumasabay na sa beat ng music. Sumisigaw-sigaw na ang mga tao dahil nasa peak na ang party. Gusto ko rin sanang sumayaw dahil mukhang masaya, kaso hindi pa ako ganun ka ready. Kulang pa ang isang shot ng vodka.

    Hindi niya ininom ang kanya kaya hinablot ko ito sa kamay niya at ininom agad bago niya mabawi ang shot glass.

    “Damn it, Coreen.” Utas niya.

    May nakita akong nagbebenta ng laruang bubbles sa loob ng bar. Tinuro ko agad iyon kay Rozen. Ang ganda tignan ng mga bubbles na lumilipadlipad sa taas ng bar.

    “What now?” Tanong niya.
    “Bili!” Sabi ko.
    Tumawa siya at umiling. Sinunod niya ang hiling ko. Bumili siya noon at binigay sa akin.

    Tumatawa ako at hinipan ang butas ng maliit na laruan. Ang daming bubbles na lumabas! Nagtawanan kaming dalawa. Tinaas niya ang kamay niya at agad siyang nilapitan ng waiter. Iyon pala, nagpahanap siya ng upuan. Sumalampak agad ako sa upuan nang nakahanap ang waiter. May nakalatag ng beer doon. Iyon ata yung free pag uupo ka sa bawat table.

    “Hinay-hinay.” Matipid niyang sinabi nang nilagok ko ang isang beer.
    “I’m a big girl. Come on, Rozen. Si Reina ang kapatid mo. Hindi ako.”

    Panay ang hihip ko sa bubbles. Mas lalong dumami. Ang ibang nasa dancefloor ay pinuputok pa ito. Tumatawa na lang ako. Tumayo ako at nihipan ulit ang butas para lumabas ang marami pang bubbles.

    Ilang sandali ang nakalipas ay hindi ko na maalala ang nangyayari. Basta, natauhan na lang ako na nasa dancefloor na kami ni Rozen. Tumatawa ako sa tuwa habang nagsasayaw kaming dalawa.

    May naramdaman akong sumasayaw din sa likod ko. Nilingon ko ang lalaking feel na feel ang pagsasayaw sa likod ko. Umiling na lang ako at tumawa. Pero nang bumaling ako kay Rozen ay nakita ko ang pagtatalim ng mga tingin niya.

    “What?” Tanong ko.

    Hinila niya ako bigla paalis ng dancefloor.

    “Your drunk, Coreen, let’s go home.” Aniya.
    “Eh ikaw nagyaya, tapos ngayon ikaw ‘tong gustong umuwi na. What kind?” Tumatawa pa ako at nagpatianod na lang sa paghila niya sakin.

    Wala na ata ako sa sarili ko nang pumasok ako sa sasakyan niya. Nakapikit na ako at maligayang-maligaya sa nangyayari.

    Naghuramentado ako nang naalala ko ang bubbles na laruan ko.

    “Asan na yung bubbles?”
    “Naiwan sa loob.”
    “HA?” Ginulo ko ang buhok ko. “Rozen! Hindi pwede!”
    Pinaandar niya na ang sasakyan niya.
    “NOOO! NOOO! PLEASE! NOOOO!” Sigaw ko sabay hambalos sa kanya. “Yung laruan!” Frustrated kong sigaw sa kanya.

    Tinigil niyang bigla ang sasakyan niya.

    “Well buy tons, Coreen!” Aniya.
    “NO! I WANT THAT! ROZEN! BINILI MO IYON PARA SAKIN!” Sabi ko.
    “You’re drunk-“
    “I want that, Rozen! Please…” Malambing kong sinabi sabay haplos sa braso niya.
    Bumuntong hininga siya at tiningnan ang kamay kong humahaplos sa braso niya.
    “Gusto ko yun, Rozen. Yun ang gusto ko.”
    “Alright. I’ll get it.” Aniya saka bumaba sa sasakyan.
    “THANK YOU!” Sigaw ko at bumaba rin.
    “HEP! You… stay there.” Banta niya.
    Ngumisi ako at sumandal sa sasakyan niya.

    Ni head to foot niya ako saka nilapitan.

    “Oo na. Dito lang ako. Maghihintay.” Tumatawa kong sinabi.
    Kumunot ang noo niya at inayos ang strap ng dress ko. “Damn it your bra’s showing. At pulang pula na ang paa mo.”
    “Ohh! Masakit na nga eh. Heels kasi. Nasobraan ata sa pagsasayaw.” Sabi ko sabay inda sa sakit.
    “Okay. You stay here. Behave. Sa oras na makita kong gumalaw ka dito, I swear I’ll…” Kinagat niya ang labi niya.
    Naghintay ako sa kadugtong pero wala siyang dinugtong. Tumalikod na lang siya at dumiretso sa bar.

  • Kabanata 18Open or Close

    Kabanata 18
    Damn His Tongue

    What’s taking him so long?

    Nakahalukipkip ako dito sa labas ng convertible car niya. Nilalamig na ako kaya niyakap ko ang sarili ko. Medyo nilalamok na rin ang mga binti ko. Hindi ako gumagalaw pagkat umaalon na ang paningin ko sa concrete na sahig. Mukha atang naparami ang inom ko. Sumasakit din ang paa ko dahil sa heels.

    Kaya imbes na tumunganga doon at maghintay sa kanya, yumuko ako para hubarin ang heels ko.

    Dahil hilong-hilo na ako at na hirapan ako sa paghuhubad ng sandals ko ay muntik ko ng maingudngod ang mukha ko sa sahig. Mabuti na lang at may humawak sa balikat ko. Tinulungan niya akong makatayo ulit. Ngumisi agad ako at nag peace sign nang naaninaw ko ang isang lalaki. Matanghad, naka polo shirt at nakangisi rin pabalik sakin.

    “Ingat.” Aniya.

    Nakahawak parin siya sa balikat ko. Hinawakan ko rin ang braso niya para sa support hanggang sa natanggal ko na ang heels ko. Naka paa na lang ako ngayon.

    “Naaalala mo ba ako?” Ngumisi siya.
    “Uh?” Nanliit ang mga mata ko.

    I’m sure hindi ko siya kilala.

    “Ako yung sumasayaw sa likod mo doon sa bar-“

    May biglang humila sa braso ko. Sa sobrang bilis ay nabigla talaga ako. Natauhan ang katawang lupa ko. Nilingon ko kung sino… ah! Syempre! Nakataas ang kilay ni Rozen, nakangisi pero bakas sa mukha niya ang inis. Hindi ko talaga alam kung paano niya napaghahalo ang mga emosyong iyon sa iisang mukha.

    “Ako naman yung sinasayaw niya habang sinasayawan mo siya.” Pinulupot niya ang braso niya sa baywang ko at hinila niya ako palapit sa katawan niya.
    “Oh!” Tinaas ng lalaki ang mga kamay niya. “I’m sorry. Siya lang kasi mag isa dito.”

    Nakatingin ang lalaki sa likod ko kung nasaan si Rozen. Hindi ko naman makita ang ekspresyong binibigay ni Rozen dahil nakatalikod ako sa kanya. Pero nakita kong kumunot ang noo ng lalaki at umatras-atras pa.

    “What are you waiting for? She’s not available. And she will never be.” Tumaas ang boses ni Rozen.
    “So-sorry.” Tapos mabilis na tumakbo ang lalaki palayo.

    Nang nakalayo na ito ay agad ng lumuwang ang pagkakapulupot ng braso niya sa baywang ko. Humugot din siya ng malalim na hininga kaya bumaling ako sa kanya at ngumisi.

    “‘She’s not available and she will never be.'” Ginaya ko ang linya niya at kinurot ang ilong niya. “You are so adorable.” Tumawa ako.
    Mas lalo lang siyang sumimangot sa akin.
    “I told you, Coreen-” He started.
    “Oh! Hindi naman ako umalis dito ah? Nandito lang naman ako. Ikaw kasi ang tagal mong bumalik. Ano bang kinatagal mo. 20 minutes ka atang nawala.” Humalukipkip ako at nahuhulog na ang mga mata ko lalo na nang inirapan ko siya.
    “Eh kasi po ang tagal mahanap ng bubbles mo. Nailigpit na doon. Hinanap ko pa!” Galit niyang sinabi.
    “Weh? O baka naman nanatili ka doon dahil sa mga babae mong magaganda at lumandi ka na doon ano?” Tinaas ko ang kilay ko.

    I swear, hindi ko na alam kung tama ba ang pagkatagpi tagpi ng mga salita dahil masyado ng umaalon ang paningin ko at nahuhulog na rin ang mga mata ko.

    Yung kunot ng noo niya ay unti-unting umaliwalas at nawala sa pagngiti niya. Tumindig ang balahibo ko sa ngiti niyang iyon.

    “You jealous?” Tanong niya.
    Iniwasan ko ang tanong niya, “Oh edi nakita mo ba yung bubbles ko?”
    Mas lalo siyang ngumisi, “Yes. But… I told you, Coreen, you… stay…” Tinulak niya ako kaya napaatras ako.

    Nakapaa lang ako kaya mabilis niya akong naisandal sa pintuan ng convertible car niya.

    “right… here…” Aniya at kinulong niya ako sa magkabilang braso niyang parehong nakahawak sa pintuan ng convertible, ako nasa gitna.

    “Where’s the bubbles, Rozen?” Mariin kong tanong nang nakatingin ng diretso sa mga mata niyang marubdob ding nakatuon sa akin.

    Pinilig niya ang ulo niya saka kinuha ang bubbles sa bulsa. Ipinakita niya ito sa akin nang di bumibitiw sa pagtitig.

    Hindi ko mapigilan ang pagngiti ko. Sobrang saya ko. Nababaliw na ata ako. Hindi ko alam kung bakit. At may naramdaman akong nagdiriwang din sa tiyan ko, hindi ko nga lang alam kung ano ang mga iyon at bakit nakakakiliti.

    “THANK YOU, BABE!” Sigaw ko saka pinulupot ang braso ko sa leeg niya.

    Napatalon siya sa ginawa ko pero wala akong pakealam. Hindi ko maintindihan kung bakit ang saya ko sa simpleng bagay na ito.

    Naramdaman ko ang bilis ng paghinga niya. Humalakhak ako at kumalas. Pero bago pa ako kumalas ng tuluyan ay pinaglapat niya na ang labi naming dalawa! Hinalikan niya ako, malalim, mainit at masarap na halik. Napapikit ako at nawala sa sarili. Sinubukan ko siyang itulak pero hinawakan niya ang kamay kong nasa dibdib niya na at unti-unti din itong nanghina.

    Tumigil siya sa paghalik at agad pumihit, umikot at pumasok sa sasakyan. Ako naman ay nakatunganga doon at nalaglag ang panga sa nangyari. Hindi ko alam kung anong ire-react ko.

    “Let’s go.” Kumuyom ang panga niya.

    GANUN LANg? Let’s go? Pagkatapos ng halik na iyon? Damn it! Siya ang first smack ko pero siya rin pala ang first steamy hot kiss? Napatingin ako sa paligid, wala na masyadong tao, madaling araw na ata.

    “Alright.” Sabi ko saka pinulot ang mga sandals kong nasa sahig.

    Tahimik kami buong byahe papuntang hotel. Kaya nilakasan ko na lang ang music niya.

    “If I fall for you, I’ll never recover! If I fall for you, I’ll never be the same!” Kinanta ko ang kantang tumutugtog sa sasakyan niya habang tinataas ang kamay ko.

    Ang sarap ng hangin! Nilingon ko siya at nakita kong isang kamay lang ang nakahawak sa manibela at ang isa naman ay nakahawak sa labi niya. Nakasandal ang siko niya sa pintuan at seryosong hinahaplos ang labi niya. Ngumisi ako at naghuramentado na naman ang kung anong mga kulisap ang nagdiriwang sa tiyan ko.

    Hanggang sa nag park kami sa parking space ng hotel at pinatay niya na ang music sa sasakyan niya ay nasa utak ko parin ang kanta.

    Winawagayway ko pa ang kamay ko at nakapikit ang mata ko habang naglalakad palayo sa sasakyan niya.

    “If I fall for you, I’ll never recover! If I fall for you, I’ll never be the same! I really wanna love somebody… I know we’re only half way there but… AHHHHH!” Hindi ko natapos ang kanta dahil napasigaw na ako.

    Binuhat ako ni Rozen gaya ng pagbuhat ni Noah sa akin noong nadapa ako.

    “Ano bah!” Sigaw ko sabay hampas sa dibdib niya.
    “Wala kang sapatos. Mamaya ma sugatan pa yang mga paa mo.” Aniya ng halos pabulong.
    “Ahhh!” Sigaw ko.

    Nababaliw na talaga ata ako. Panay ang liyad liyad ko habang nasa kandungan ni Rozen. Siya naman ay mukhang napeperwisyo. Natatawa ako sa mukha niya. Frustrated at the same time naiirita.

    “Coreen, shut up or I’ll seal your mouth with a duct tape!” Aniya nang nasa loob na kami ng elevator.

    May mga sakay pa ito, hindi kami mag-isa at panay parin ang protesta ko sa ginagawa niya.

    “Ibaba mo na ako! Malinis na ang sahig dito!” Sabay hampas ko sa dibdib niya.
    “Uh. No.” Simple niyang sinabi.

    Tumunog ang elevator at lumabas na agad siya. Pumiglas ulit ako.

    “We’re almost there! Ibaba mo na ako!” I demanded.
    “No, Coreen. I said, no.”

    Pinadulas niya lang ang card sa suite namin saka binuksan ang pintuan.

    “Now put me down!” Sigaw ko nang nakapasok na kami. “And give me my bubbles!”
    “You really are drunk.” Aniya.
    “I’m not!” Ngumuso ako at tinignan siya ng matalim.
    “You are. Kasi kung hindi, kanina pa ako namatay sa saksak mo. Hindi lang hampas ang aabutin ko sayo.” Tumawa siya at nilapag ako sa kama.

    Hindi ako bumitiw sa pagkakapulupot ng kamay ko sa leeg niya kaya bumagsak ang katawan niya sakin.

    “Let go, Coreen.” Seryoso niyang sinabi.
    “Uh. No.” Ginaya ko siya at mas lalong hinigpitan ang pagkakapulupot ng braso ko sa leeg niya.

    Bumilis ang paghinga niya. Napangiti ako. I like my effect on him. Noon ko pa iyon napapansin pero ngayon ko lang talaga ito na appreciate.

    “Let go or I’ll seal your lips with a kiss!” Banta niya.
    “Then seal it.” Hamon ko nang nakangisi.
    “You really are drunk.” Buntong hininga niya bago inilapit pa lalo ang mukha niya sakin.

    Nasa leeg ko na ang necklace niya sa sobrang lapit niya sakin. Ramdam ko na rin ang hininga niya. Nagkasalubong na ang mga ilong naming dalawa. Tumigil na ako sa paghinga at hindi na ako makangisi ng maayos. Tinitigan ko na lang ang labi niya. Ganun din ang ginawa niya sa akin.

    DAMN IT! I CAN LITERALLY HEAR MY HEART! Parang gusto niyang kumawala sa puso ko. Umatras siya ng bahagya na para bang hindi niya kayang ituloy. Pumulupot ang tiyan ko sa ginawa niya. Galit ata ang mga kulisap.

    “Damn it! I can’t resist you!” Mura niya sabay halik sa akin.

    YES!

    WHAT?

    SHIT!

    Matagal, maiinit, nakakalula, nakakalasing, nakakaadik ang mga halik niya. Nakalimutan ko kung nasan ako, nakalimutan ko kung sino ako.

    Gumapang ang dalawang kamay niya sa likod ko. Yung isa ay pinaglaruan ang buhok ko. Ako naman ay nag concentrate sa paghalik sa kanya. Damn his lips. Damn his tongue. Damn his breath. Damn his touch!

    Pinagbahagi niya ang dalawang binti ko at idiniin ang sarili niya sa hita ko. Napatalon ako. SHIT! DARN IT! May kung anong init na gumapang sa katawan ko. Yung alak ba? Or something else!?

    Nanghina ang mga kamay ko. Nahulog na lang ito sa kama at hinayaan siyang halikan ako ng malalalim at nakakaakit na mga halik.

    “Rozen…” Sabi ko nang tumigil kami saglit para huminga.

    Hindi niya na ako binigyan ng pagkakataong magsalita pa ulit. Hinalikan niya na naman ako, ngayon, hindi ko na talaga alam. Hindi ko na kayang mag isip. Nag blanko na ang utak ko. Ang tanging natira ay isang tanong na hindi ko maitanong ng mabuti dahil sa halik niyang nagbabara sa labi ko.

    “Paano si…” It was more like a moan.

    Hindi ko masabi ng maayos dahil hinahalikan niya ako. Kaya nang tumigil siya sa paghalik sa akin para huminga ay sinamantala ko ang pagkakataong iyon para dugtungan ang tanong ko.

    “Noah.” Pinikit ko ang mga mata ko at naghintay sa labi niya.

    Ilang sandali pa bago ko naramdaman siyang gumalaw. Gumalaw siya. Pero hindi para halikan ako. Gumalaw siya para kumalas sa akin. Gumalaw siya para umatras.

    “Matulog ka na, Coreen.”

    Dumilat ako at nakita kong nakatalikod siya saka mabilis ang taas-baba ng kanyang likod, para bang mabigat ang paghinga niya.

    “Huh?” Kinagat ko ang labi ko.

    Dapat hindi kami naghahalikan, eh! We’re just friends! Nag kukunwari lang kaming lovers dahil iyon ang gusto niya! Pero damn it? What happened? Blame it on the alcohol? O yung mga kulisap na mabibigo kung hindi niya itinuloy? Dahil sa ngayon, mukhang may lamay sa tiyan ko.

    “You sleep.” Aniya sabay tanggap sa sapatos niya.
    “I-Ikaw?” Nauutal kong tanong.
    “I’ll make your powerpoint for tomorrow. Matulog ka na. You need the energy.”

  • Kabanata 19Open or Close

    Kabanata 19
    Isang Halik

    Kinaumagahan, nagising na lang ako dahil sa alarm ng cellphone ko. Hindi ko naman iyon ni-set pero mukha atang si Rozen ang gumawa nun. Kinapa ko agad ang tabi ng kama ko para tignan kung nandoon ba siya. Nang wala akong nakapa kundi ang bedsheets ay nilingon ko na agad. Asan siya?

    Nakita kong nakabukas ang sliding door patungong terrace ng suite. Bumangon agad ako at sinubukang maglakad.

    “Ouch!” Bulong ko sa sarili ko nang sabay kong naramdaman ang sakit ng ulo ko at sakit ng paa ko.

    Hinawakan ko ang ulo ko at sinubukang imasahe ito. Pero ilang sandali ay binalewala ko ito at agad ng tumayo.

    Damn vodka.

    Tinignan ko ang paa ko. Pulang pula parin ito dulot ng sandals na suot ko kagabi. At mukha atang may kung ano sa muscles ko doon dahil sobrang sakit niya. Nasobrahan yata ako sa pagsasayaw kagabi.

    Pa ika-ika akong naglakad papuntang terrace. Nang nakahawak na ako sa sliding door ay agad kong naaninag ang napatalong si Rozen. Nabigla ko ata. Naabutan ko siyang topless, nakatingin sa malayo at naninigarilyo.

    Agad niyang tinapon ang sigarilyo niya nang nakitang nandoon ako. Nanliit ang mga mata ko sa nakita ko.

    “Good morning.” Hilaw niyang bati.
    Napangiwi ako, hindi porket nakabalandra ang abs niyang nakakapang carried away ay magbubulag bulagan na ako. “You smoke?”
    “Uh… Not always.” Nilapitan niya ako. “Kumain na tayo. Nag order ako ng breakfast sa room service kanina.”

    Mas lalong nanliit ang mga mata ko. Sinubukan kong lumapit sa kanya kaya nakalimutan kong masakit pala ang paa ko.

    Inalalayan niya agad ako ngunit hinawi ko ang kamay niya. Amoy sigarilyo siya. Nakita kong namutla siya.

    “What?”
    “Ayoko sa mga lalaking naninigarilyo.” Sabi ko.
    “Tsss.” At inalalayan ulit ako.
    Kaya hinawi ko ulit ang kamay niya.
    Natigilan siya at tinignan akong mabuti sa mga mata, “Ayaw mo naman sa akin, manigarilyo man ako o hindi. Tsss.” At hinawakan niya ang braso ko saka kinaladkad.

    Amoy sigarilyo siya. Noong una ay nagpatianod ako sa kaladkad niya, pero kalaunan ay naramdaman ko na naman ang sakit ng paa ko.

    “ARAY!” Sigaw ko.
    “W-What?” Tanong niya saka tumigil.

    Napaupo ako sa sahig.

    “Wait lang.” Sabi ko sabay taas ng kamay ko at inda sa sakit.
    “Masakit ang paa mo? Ba’t di mo sinabi?” Galit niya akong tinanong saka walang pasubaling binuhat ako.

    Magpupumiglas sana ako pero nakita ko ang nag aalab na galit sa mga mata niya nang tinitigan akong nakasimangot.

    Nilapag niya ako sa upuan ng dining table. Napansin kong nandoon na ang mga pagkaing ni-order niya habang natutulog ako. Ibig sabihin kanina niya pa ito ni-order? Natulog kaya siya? Alas sais pa lang ah!

    “N-Natapos mo ba yung power point?” Nahihiya kong tanong.

    Bigla siyang umupo sa sahig sa gilid ko saka ginalaw ang upuan ko at hinarap sa kanya.

    “Wh-What? Rozen?” Napaatras ako ng bahagya pero mabilis niyang binatak ang paa ng upuan ko para bumalik ako sa dating posisyon.
    “Will you please stay there, Coreen. Don’t move!” Galit niyang utas.

    Ang sungit ng isang ito! Kainis!

    “Okay! Okay!” Sabi ko dahil mukhang naha-highblood na siya sakin.

    Hinayaan ko siyang hawakan ang paa ko.

    “Anong gagawin mo?” Tanong ko.
    “Shhh!” Galit niyang sabi.

    Ang highblood ni lolo! Anong problema nito?

    Nung una ay pinaikot-ikot niya ang paa ko. Ang sarap sa pakiramdam! Halos tumunog ang mga buto ko sa sarap. Sunod ay pinisil pisil niya na ito. Mas lalong sumarap! Darn it!

    “Dapat sayo di nagsusoot ng high heels.” Aniya.
    “K-Kailangan.” Nauutal ako sa sarap ng pagmamasahe niya.
    “Dapat sayo di nag sasayaw.”
    “Eh dinala mo ako sa bar, anong gusto mo magmukmok?” Pilosopo kong sinabi.

    Tumingala siya sakin gamit ang galit niyang mga mata. Hindi siya nagsalita. Mukha atang nakita niya ang point ko.

    “Your powerpoint’s done. 29 slides.” Aniya.
    “T-Talaga.” Nabigla ako sa sinabi niya.

    Hindi ko inaasahang gagawin niya iyon.

    “At nasa notes mo na rin lahat ng linya mo at posibleng itatanong nila at mga isasagot mo.”
    “HA?”

    Tumigil ang buong mundo ko sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwalang ganun ka grabe ang effort na ginawa niya. Ni hindi ko inakalang gagawin niya ang powerpoint ko. Akala ko malelechon na ako ngayon sa harapan ng iba’t-ibang estudyante.

    “K-Kaya ko namang gawin iyon. Pero thanks.” Sabi ko.

    Tumigil siya sa pagpisil sa kabilang paa ko at tumayo. I still want his touch! Gusto ko sana siyang pigilan sa pagtayo para gawin niya ulit iyon sa mga paa ko pero hinayaan ko na lang siya dahil kailangan ko ng kumain, magbihis at mag ready sa student congress.

    Tahimik siya nang kumain kami. Mukha paring galit. Ah! Totoong galit siya. Dahil kung hindi siya galit ay kanina pa ako kinulit nito.

    “Ilang taon ka ng naninigarilyo?” Tanong ko.
    Bumaling siya sakin at uminom ng tubig, “Ano iyon sayo?”

    GALIT TALAGA! GALIT NA GALIT!

    “Syempre, curious!” Sabi ko.
    “Since highschool.”
    Kumunot ang noo ko at kumulo ang dugo ko, “Bakit ka naninigarilyo?”
    “Kumakalma ako pag naninigarilyo. Will you stop asking me, Coreen? Hindi naman ako araw-araw naninigarilyo.”
    “You will die, Rozen. Lung cancer.” Sabi ko.
    “And you’ll probably be happier that way.”
    “Alam mo, ikaw, ang nega mo.” Utas ko. “Grabe ka!”
    “Why? Are you happy that I’m alive?”
    “SYEMPRE!” Agad kong sinabi.

    Tumaas ang kilay niya.

    “Sino bang baliw na magdadasal na mamatay ang isang tao? Wala naman diba? Unless may malaking atraso. At malaking kasalanan iyon. Mapupunta ka sa impyerno.”
    “I’m probably going to hell, then.” Tumayo siya at seryoso parin ang mukha.

    Nag iwas siya ng tingin sakin.

    “Magliligpit lang ako ng gamit. I’ll meet you sa venue around 11:30?”
    “O-Okay.”

    Hindi ko alam ba’t niya nasabing mapupunta na siya sa impyerno? Siguro may tao siyang kinaiinisan na gusto niyang mamatay ang taong iyon? Sino naman kaya iyon? Ako? OMG! Baka galit na galit siya sakin dahil kagabi?

    Bumuhos sakin lahat ng alaala kagabi. Naghalikan kaming dalawa! NAGHALIKAN! FRENCH KISS, THIS TIME! I can still remember the feel of his tongue inside my mouth! MY GOODNESS! Uminit ang pisngi ko.

    Paano ko ito sasabihin kay Reina? At anong iisipin ni Noah? Sinampal ko ang sarili ko. Bakit mag iisip si Noah eh wala naman siyang pakealam sakin? Ang gaga ko talaga.

    Pagkatapos kong maligo at magbihis ay natapos din siya. Alas syete na noon at kailangan ko ng pumunta sa venue para hindi ma late.

    Bad mood siya buong byahe. Ngayong tahimik siya, ako naman ang talak nang talak.

    “I miss Manila.” Sabi ko. “Hay! Tapos bukas agad class na naman.”

    Wala siyang imik. Nakatingin siya sa kalsada pero parang hindi. Parang may malalim siyang iniisip. At nakatunganga lang siya sa kalsada.

    “Huy, Rozen! Look at me!” Sabi ko nang nag park na siya sa harap ng venue.
    Bumaling siya sakin, “You okay?”
    Ngumisi siya, “Yeah.”
    “Hindi ako naniniwala.”

    Hindi niya dinugtungan. I know him too well. At alam kong galit siya o may problema siya.

    “Thanks nga pala sa pagsama sakin dito, sa pagtulong sakin, sa pag hilot sa paa ko kanina, sa lahat…”

    Ngayong nililista ko na sa utak ko ang mga ginawa o ginagawa niya para sakin, narealize kong hindi ako mabubuhay kung wala siya. Hindi ko magagawa lahat ng ito kung wala siya. Baka saan ako pulutin kung wala siya. It was all about him. Nandyan lahat ng opportunities, possibilities, pero siya ang tumutulak sakin para mangyari lahat.

    “Thank you.”

    Mabilis kong dinampi ang labi ko sa pisngi niya. It’s just a thank you kiss. Utang ko sa kanya lahat ng ito kaya siguro naman ay walang masama kung halikan ko siya. Friendly kiss this time.

    Napaawang ang bibig niya at nanlaki ang mga mata niya sa ginawa ko. Tumawa ako at nag peace sign.

    “He-he-he.” Uminit ang pisngi ko.

    Mas lalong uminit iyon nang hinawakan niya ang labi niya. Bumuntong hininga siya at hinampas ang manibela. Tumingin siya sa labas.

    “DAMN IT! Just. One. Kiss. And. Everythings. Alright. Fvck!” Bulong niya sa sarili niya.
    “HUH?” Tumawa ako.

    Parang may piyesta sa isang santo ng mga kulisap sa tiyan ko. Sa sobrang pagdiriwang nila ay hindi ko na maideny ang existence nila at napahawak na ako sa tiyan kong nag huhuramentado.

    “I’ll go now. See you later, babe.” Sabi ko at umalis na sa sasakyan niya.

  • Kabanata 20Open or Close

    Kabanata 20
    3rd Law

    Sa totoo lang, ito na ata ang pinakamagandang performance ko sa isang presentation. Tumama lahat ng mga isinulat ni Rozen para sa presentation. Maayos ang naging takbo ng pagsagot ko sa iilang questions ng mga tao. Maging ang mga businessman na guest speakers ay na impress ko. Masayang-masaya ako nang natapos na ito.

    The best presentation. Plus, I’m going home! Panay ang congratulate nila sa akin nang natapos na ang buong congress.

    “Thanks! Sana next year kayo parin ang representative!” Sabi ni Lacey na hindi makapaniwalang isang araw lang naman talaga kaming nagkasama.
    Ngumisi na lang ako, “Malabo. Panigurado, merong iba next year.”

    Nakipag picture-picture ako sa mga speakers, sa ibang participants at sa mga organizers. Tumanggap din ako ng certificate na anila’y makakatulong pag maghahanap na ng trabaho pagka graduate.

    Nang humakbang na ako sa labas ay nakita kong nandoon na naman si Rozen, nakasandal sa sasakyan niya. Ngayon ay may isang malaking rose na inaamoy.

    “WAAAAAAAAAAAAH! OMG!!!” Ayan na naman at nagsigawan ang mga babaeng nasa likod ko.

    Niyugyog ako ng grupo nina Lacey. Umiling na lang ako at hindi ko maiwasang mapangisi. Grabe talaga kung magpakulo itong si Rozen.

    “Sige na, uuwi na ako.” Sabi ko.
    “WAAAH! ARGHHH! ANG GWAPO! SHET!” Panay ang mura nila habang tinitignan si Rozen na umayos sa pagtayo dahil nakita ako.

    Syempre, sino bang di makakakita sakin kung may maiingay na inggrata dito sa likod ko?

    “OMG! Coreen, anong pangalan mo sa Facebook? Pa add. Ipakilala mo ako sa mga gwapong kilala mo doon sa inyo.” Sabay kuha ni Lacey sa cellphone niya.

    Ganun din ang ginawa ng iba. Tumawa na lang ako.

    “Coreen Samantha Aquino. Search niyo lang.” Sabi ko at umalis na.

    Sinalubong ako ni Rozen ng nakangisi at kumikinang ang kanyang earing.

    “Flashy!” Sabi ko.

    Ngumisi lang siya at ibinigay sakin ang malaking rose. Tinanggap ko ito.

    “Lunch muna tayo bago bumyahe.” Aniya.
    Tumango ako at naglakad papuntang sasakyan niya.

    Nang pinadausdos niya ang kanyang kamay sa baywang ko. Napalunok ako sa ginawa niya. Mas lalo kong naramdaman ang bawat pintig ng puso ko dahil panay ang tili ng mga babaeng kasama ko sa congress.

    “Mga baliw.” Sabi ko at pumasok na sa sasakyan niya.

    Umikot siya at pumasok na rin doon.

    “See? Kahit sila, kinikilig satin. Ikaw na lang ata ang hindi.” He chuckled.
    Tinaas ko ang kilay ko, “Oh, bakit, ikaw, kinikilig ka ba satin?”

    Pinaandar niya ang sasakyan niya. Ilang sandali pa bago niya ako sinagot.

    “Don’t ask me gay questions, please.”
    Tumawa ako, “What’s wrong with that question? Nagtatanong lang naman ako. Kung aamin ka, hindi naman ibig sabihin nun na bading ka na.”

    Hindi parin siya sumagot kaya kinulit ko siya.

    “Kinikilig na yan.” Sabi ko sabay tusok sa gilid niya.
    “Stop it, Coreen.” Tawa niya. “Mababangga tayo.”
    “Kinikilig ka na kasi!” Sabi ko.

    Niliko niya ang sasakyan sa isang kilalang restaurant.

    “Whoa! Whoa! Dun na lang!” Sabay turo ko sa isang fast food chain.
    “Huh? Bakit?”
    “Oh you stop burning your cash, Elizalde. Parang kakain lang naman tayo, hindi date.”

    Pero wala akong nagawa. Mabilis niyang ni-park doon ang sasakyan niya at pinagbuksan pa ako ng pintuan. Bumuntong-hininga ako.

    “One day, pag magiging Elizalde na ako. Lahat ng perang papasok sa pamilya, iko-control ko. Hindi ko hahayaang magwaldas ang mga anak ko.” Bulong ko sa sarili ko nang papasok na kami sa restaurant.
    “Sinong ama ng mga anak mo?” Tanong niya.

    Napaisip ako. TEKA LANG. Bakit ako napapaisip? Kailangan pa bang i-memorize yan? Umamba na akong magsasalita pero nilagay niya agad ang index finger niya sa bibig ko.

    “Shhh! Don’t answer the question. Let’s not ruin the moment.” Aniya at kinuha ang kamay ko.

    Ang isang kamay niya ay nasa bulsa niya at mabilis niya akong kinaladkad patungo sa loob ng restaurant.

    Habang humahakbang siya papasok, bumuhos sakin lahat ng mga tanong… mga alaala… mga pagtataka…

    Mahal niya ba talaga ako? Gusto niya ba talaga ako? Ilang taon niya na ring sinasabi saking gusto niya ako, ah? Hindi ko alam kung dapat ba akong maniwala. At kung gusto niya nga ako, bakit? Paano siya na inlove sakin? Hindi ko na alam kung ano ang earliest memory ko kay Rozen. Basta ang alam ko ay nagclass mate kami ni Reina noong grade 3 pa kami. Hindi ko alam kung kailan ko nakilala si Rozen. Ang alam ko lang ay noong grade 3 ako, nakilala ko si Noah.

    Kinuha niya ang menu na binigay ng waitress. Nakangisi ang waitress habang hinihintay na magsalita si Rozen. Nilagay pa nito ang kanyang buhok sa tainga habang lantarang tumutunganga sa kanya.

    Madali talaga siyang makaattract ng mga babae. Sa mukha niya pa lang, lusaw na ang puso mo. Kung gumalaw siya, malakas na agad ang dating. Kung magsalita siya, mas lalong malakas. What more kung mag flirt pa siya, diba?

    Kaya hindi ko rin masisisi kung bakit ang daming nagkakandarapa sa kanya.

    “Anong sayo, babe?” Tanong niya pagkatapos niyang sabihin iyong order niya sa waitress.

    Bumaling ang waitress sakin saka sumimangot.

    “Itong Garden Salad na lang siguro, babe.”
    Napangiwi si Rozen at tinignan sa sariling menu niya ang inorder ko. “Ano yan? Damo?”

    Hindi ko napigilan ang sarili ko sa paghampas sa kanya ng menu. Nakakatawa kasi ang mukha niya, masyadong seryoso habang tinitignan ang order ko.

    “Hindi! Vegetables! Masyado mo na akong pinapataba! Kahapon pa tayo meat nang meat. Ayoko na! Tataba na ako!” Sabi ko.
    “Pareho din iyan. Mga damo! Coreen, wa’g mo namang tipirin ang sarili mo. Ako naman ang magbabayad. Bakit damo ang inorder mo? Pangkabayo naman yan-“
    Hinampas ko ulit ng menu.

    Natatawa talaga ako sa lintik na reaksyon niya.

    “Duh! I’m a girl, Rozen. Importante sakin na sexy ako kaya tumigil ka na dyan. Iyon na, miss.” Sabay baling ko sa waitress na mukha atang na offend ko.

    Anong problema ng isang ito?

    “Okay po, ma’am. Wa’g niyo lang sanang hampasin si Sir. Hmp!” Tsaka inirapan niya ako bago umalis.

    Tumunganga ako sa waitress. I can’t believe it! Ganun? GANUN? Galit siya? Napainom ako ng tubig, si Rozen naman ay halos mahimatay sa tawa.

    “Wa’g kang hampasin? Tapos tatarayan ako!” Sabi ko.
    Tumatawa parin siya. “Oh… See? Ang daming galit sayo kasi ayaw mo sakin.”
    Ngumisi ako. Hindi ko mapigilan.

    Bumagabag ulit sakin ang mga katanungan. Pero bago ko pa iyon maitanong ay may waiter ng pumunta para ilagay ang drinks na inorder namin.

    Mabilis ang service. Lalo na sa pagkaing inorder kong ayun kay Rozen ay mga damo. Lecheng halimaw! Puro kasi karne ang order niya. Sexy Beast. Bagay nga ang beast sa kanya.

    Pinagmasdan ko siyang mabuti dahil sarap na sarap siya sa pagkain niya. Ako naman ay dahan-dahang kumain. Ayon kasi sa Syensya, madali ka dawng mabusog pag mabagal ang pag kain mo.

    “Coreen, what the heck is wrong with you?” Aniya nang natapos niya ng kainin ang kanya at ako ay patapos na rin. “Iyan lang ba talaga ang kakainin mo?”
    Kinuyom ko ang kamao ko at ipinakita sa kanya, “Oo, subukan mong makealam at bubugbugin kita.”
    Umiling siya, “Kung nasa puder na kita, hindi pwedeng damo yung kainin mo-“
    “Hindi ito damo. At healthy ito kaya pwede ba. At anong nasa puder mo? TSEH!”
    Umiling na lang siya at pinagmasdan akong dahan-dahan siyang iniirapan.

    Nang natapos na kami ay pumikit na lang ako nang nag bill. Paniguradong mahal ang nabayaran niya. Lalo na sa juice na inorder ko. Pampaburn daw kasi iyon ng calories.

    “Keep the change.”

    Nagawa niya pang sabihin iyon sa waiter. Well, waiter na. Hindi na bumalik ang waitress. Buti na lang. Subukan niyang magpakita sakin at pangangaralan ko rin siya kung bakit basta basta ko na lang hinahampas si Rozen.

    Ilang taon na kaming magkakilala at wala akong maalala kundi ang mga kabulastugang ginagawa niya sa akin noon.

    Nang bumyahe na kami ay naisipan kong batuhin siya ng mga tanong.

    “Rozen…”
    “Hmmm? Matulog ka muna. Mahaba pa ang byahe.” Aniya.

    Naka close na naman kasi ang sasakyan para sa byahe.

    “Hindi naman ako inaantok eh. Kumusta na kayo ng girlfriend mo?” Tanong ko.
    “Girlfriend?” Napalingon siya sakin.
    “Oo. Si Zoey?”
    Tumikhim siya, “She’s not my girl, Coreen.”
    “Weh? Eh usap-usapan sa school na kayong dalwa-“
    “Tsss! For pete’s sake, hanggang ngayon ba hindi mo parin ako kilala?”
    “Yeah, yeah! I get it! Pinaglalaruan mo lang ang mga babae mo. Kasi noong opening ng school, nakita pa kitang may kasamang iba, tapos sa sumunod na araw, si Zoey na ang kasama mo. Tsaka mejo matagal na rin kayo, huh?”
    “It’s because I need her.”
    Parang kinurot ang puso ko.

    Imbes na magsalita ako ay kinagat ko na lang ang labi ko. Nilingon niya ako at mukhang nakita niya ang reaksyon ko kaya agad niyang dinugtungan.

    “Sabi ko na sayo noon, may mga impormasyon akong nakukuha sa kanya tungkol kay Wade Rivas. Reina is really fond of him-“
    “Hayaan mo na lang si Reina. Let her fall.” Sabi ko.
    “How can I let her fall kung ganoong klaseng lalaki ang magpapaibig sa kanya?”
    Kumunot ang noo ko, “Wade’s okay.”
    “No. He’s not. Ginagamit niya si Reina. Gusto niyang sumikat at alam niyang magkapatid si Noah at si Reina kaya pinagdidiskitahan niya si Reina.”
    “That’s not true. Hindi magagawa ni Wade iyon.”
    Humugot siya ng malalim na hininga, “That’s true, Coreen.”
    “Hindi!” Pagpipilit ko. “Binibilog ka lang ni Zoey!”
    “Hindi, Coreen. I know… I know what’s true and what’s not. I’ve been in this game for years. Alam ko kung kailan nagsisinungaling ang tao at kailan hindi-“
    “She’s just using you… Your money. Your fame.”
    “Magpapagamit ako kung para naman sa kapatid ko.” Malamig niyang sinabi sakin.

    Parang may isang parte sa pusong gumuho sa akin. Bakit? Ayoko ng ginagamit siya. Pero bakit okay lang sa kanya iyon? AYOKO. AYOKO. Makakapatay ako ng tao.

    “I confronted Wade, Coreen. Pagkatapos ng audition. Habang nag aaudition, nakita kong tinitigan niya ang kapatid ko-“
    “He’s looking at Zoey, Wade.”
    “Kay Reina siya nakatingin.” Maigting niyang iginiit. “I know-“
    “You know too much!” Tumaas ang tono ng boses ko. “Mula pa noong bata pa tayo, ganyan ka na.”
    Umawang ang bibig niya. Para bang ang dami niyang gustong sabihin pero di niya masabi.

    Ilang sandali pa bago siya huminga ng malalim at nagsalita.

    “I told him to back off. Nag iisang babaeng Elizalde. Pinakaiingatan namin si Reina dahil siya lang ang babae samin. At alam ni Kuya kung ano ang feeling na binibilog, ginagamit, ayaw namin ng ganun sa kanya. Ayaw naming siya ang sumalo sa karma naming magkakapatid. Ang lalapit sa kanya ay dadaan sa akin. Walang deserving sa kanya kung hindi ko sinasabi. Walang gagamit sa kapatid ko. You know, Reina, Coreen. She’s innocent, simple-minded, madaling mabilog, madaling mahulog. Noon pa man, I’ve been watching her. Ayaw kong mapunta siya sa mga manggagamit.”
    “Mga manggagamit at mga pobre.” Pagtatama ko.
    Napaawang ulit ang bibig niya pero wala siyang nasabi.
    “Ayan ka na naman. Umaandar na naman ang paggiging mata pobre mo. I know you too damn well, Rozen Elizalde. Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa mong pagsasabotahe sa mga kaibigan ko.”

    Yes. May ginawa si Rozen noong bata pa kami. Naglalaro kami ng tatlong kaibigan ko sa bahay namin. Ang tatlong kaibigan kong iyon ay anak ng katulong namin. Ilang ulit na rin siyang bumibisita sa bahay at si Reina nang bigla niyang sinabing magnanakaw ang mga kaibigan kong iyon.

    Pinagbintangan niya sila. Nagalit sila sa akin.

    “Si Reina lang ang gawin mong kaibigan, Coreen.”

    Umiiyak ako noon. Si Reina naman ay namumuhi din sa kanyang kapatid.

    Pagkatapos ng insidenteng iyon ay umalis ang katulong namin kasama ang kanyang mga anak. Walang imik si mommy at daddy sa akin. Pakiramdam ko, hindi nila sinabi na dahil iyon kay Rozen dahil naaawa sila kay Rozen kung mapunta ang lahat ng kasalanan sa kanya.

    “Ang mayaman ay dapat sa mayaman. Hah!” Pangungutya ko. “Matapobre!”

    Kumuyom ang panga niya.

    “I want to protect you, Coreen. Even if it means I’ll sink.”

    Natahimik ako sa sinabi niya. Masyadong malamig ang boses niya at ayaw kong pagtaasan siya ng boses dahil lang sa alaalang ito.

    “Bakit, Rozen? Anong meron ako at bakit gustong gusto mo ako? What? Am I your biggest trophy? To prove that you are the biggest playboy in town? To prove that you are the most handsome creature in the world? Coz you know I hate you so much… at pag pinatulan kita, game over?” Sabi ko sa tonong hindi ko mapagtanto kung bitter ba o naghahamon.
    “Hindi ko kailangan ng tropy para mapatunayan ang kahit ano, Coreen.” Mas malamig niyang untag.
    “Kung ganun, ano? Anong meron ako at bakit lubos ang pagkahumaling mo sakin?”

    Natahimik siya.

    “Tsss.” Tumingin ako sa labas.

    Which part, Rozen? Beauty? The challenge? The what?

    “I like and hate you for the same reason, Coreen. Ayaw ko sayo dahil madali kang nagtitiwala at sagad kang magmahal. Sagad kang mag mahal, don’t need to expound that part… At gusto kita dahil mabilis kang nagtitiwala. Halos pareho kayo ng kapatid ko, ang kaibahan niyo lang ay dalawa… May paninindigan ka-“
    “What? Are you saying na walang paninindigan si Reina? Coz I’m gonna kill you for my bestfriend.” Mabilis kong sinabi sa mataas na tono.”
    “I’m saying na madali siyang mabilog. Kung anong sasabihin mo sa kanya, madali siyang mapasang ayon. Ikaw, kinikilatis mo pa. Nagtataray ka pa.” Nagawa niya pang tumawa.

    Natahimik ako.

    “Ang pangalawang kaibahan niyo ni Reina ay mahal kita, in a freakingly romantic way.” Napapikit siya.

    Halos di ako makahinga sa sinabi niya. Pinagmasdan kong mabuti ang mga sasakyang nadadaanan namin sa sobrang bilis niyang magpatakbo. Naririnig ko ang naghuhuramentado kong puso. Kung kumalabog ay parang hinahabol ng isang pulutong na kabayo. Is this right? Is this okay?

    “Sasabihin ko ang lahat ng ito kay Reina.”

    Tumikhim siya.

    “Tell her, then.” Hamon niya.
    “I will.” Panunya ko sabay tingin sa kanya.
    “Ano? Gusto mo parin ba ng date niyo ni Noah o hindi na?”

    I clenched my jaw… Alam niya talaga kung paano ako hahawakan sa leeg. Hindi ako sumagot. Ngumisi siya. Alam niyang iyon parin ang habol ko.

    May kung anong pumilipit sa tiyan ko. Ano kaya ang ginagawa ng mga kulisap doon at bakit ganito ang nararamdaman ko? Sarap uminom ng Baygon para tumigil na sila. Kasi napagtanto kong sa lagay na ito, ako ang nanggagamit sa kanya. I should stop this… I know I should. Di bale na lang na hindi ko makuha si Noah, wa’g ko lang gamitin si Rozen. Hindi bale na. Hindi bale na ang lahat… Wa’g lang si Rozen.

    Tumunog ang cellphone ko. Hindi nagsalita si Rozen. Nagpatuloy siya sa pag dadrive. Kinuha ko ang cellphone ko. Kaya lang hindi ko na naabutan ang tawag. Naging missed call na.

    Noah Elizalde My Love.

    SHIT!?

    Napatingin ako kay Rozen bago ako nag reply.

    Ako:
    Yes? Noah.

    Agad nagreply si Noah. Isang reply na nagkumbinsi saking nabuhay ang pinaglalamayan ng mga kulisap kagabi.

    Noah:
    Are you still using this number? Ni-check ko lang.

    Ako:
    Yep. :)

    May kinuha si Rozen sa likod. Isang box.

    “Ano ‘to?” Tanong ko.
    “T-shirt.”
    “HUH?” Binuksan ko ang box at nakita ang isang t-shirt.
    “Sabi ng third law of motion ni Newton, for every action, there iss an equal and opposite reaction. You tell Reina about it, you wear that. You follow everything, you will have your chance. One month with me, Coreen. That’s all I’m asking from you.”

    Tinignan kong mabuti ang T-shirt. Nanlaki ang mata ko nang nakita kong may nakalagay doon, “Owned by an Elizalde.”

  • Kabanata 21Open or Close

    Kabanata 21
    Can We Date

    Syempre, siniwalat ko lahat ng nalaman kong galing kay Rozen nang bumalik na ako sa Manila. Nawindang si Reina pero mukha namang hindi natinag. Hindi ko alam kung may pinagbago ba sa tingin niya kay Wade.

    Ayaw ko munang makita si Rozen. Mukha namang napansin niya ang pag iwas ko sa kanya at hinayaan niya ako. Tuwing naabutan ko siya sa cafeteria na dumadating kasama ang isang batalyong babae ay lagi akong nagmamadali paalis. Kahit ilang subo pa lang ng pagkain ko, iniiwan ko agad ito para umalis.

    Isang araw ay nag text siya sakin.

    Rozen:
    Kumain ka na ba?

    Ito iyong araw na iniwan ko ang pagkain ko doon sa loob ng cafeteria. Nireplyan ko ng pagsisinungaling.

    Ako:
    Oo.

    Ang totoo niyan, galit ako sa pambablackmail niya. Galit ako sa kanya at galit din ako sa sarili ko. Ayaw kong ganito. Ayaw ko ng nakakasama ko siya dahil nilulunod ako ng guilt ko. Dahil alam ko sa sarili kong mali itong ginagawa ko sa kanya. Hindi ko alam kung paano ko tatanggihan ang once in a lifetime opportunity na makasama si Noah sa isang date. Na mabigyan ako ng chance. Pero ayaw ko rin namang pagsamantalahan ang offer na iyon ni Rozen. Lalo na tuwing naaalala ko kung paano kumislap ang mga mata niya tuwing magkasama kami.

    Kung sana ay pwede ko lang lokohin ang sarili ko na hindi niya ako mahal… na pinaglalaruan niya ako… pero di, eh. Dama ko iyon. Hindi ako tanga.

    Rozen:
    Liar.

    Hindi na ako nagreply at nagpatuloy sa pag papak nitong maning binili ko kanina doon sa maliit na stool sa first floor nitong building namin. Ayaw ko ng gutom akong pumapasok sa klase. May tatlumpong minuto pa naman bago magsimula pero nasa classroom na ako sa takot na makasalubong ko ulit si Rozen kahit saan sa campus.

    Ilang sandali ang nakalipas, habang nilamon ko ang huling mani ay may biglang kumatok na delivery boy sa pintuan ng classroom.

    “Hello po, ma’am, nandito po ba si Coreen Samantha Aquino?” Sabay tingin niya sa buong classroom.
    “B-Bakit? Ako yun?” Clueless kong tanong.

    Nalaglag ang panga ko nang bigla niya ng ni-arrange lahat ng pagkain sa harapan ko. Hindi nagkasya sa armchair ko lahat ng pinamili kaya gumamit pa ng tatlo.

    “WHAT’S THIS?”
    “Galing po kay Mr. Elizalde.”

    Well, hindi naman ako baliw para umasang si Noah ang magpapadala sakin nito! It’s ROZEN ELIZALDE!

    “Hindi ko ‘to matatanggap.” Sabi ko pero nag walk out na si kuya delivery boy.

    Napamura ako habang pinagmamasdan ang mga pagkain. Seriously, paano ko ito uubusin lahat? Inorder niya yata lahat ng meal sa isang fast food chain sa labas ng school. Magpapasalamat ba ako at hindi fine dining na delivery ang dumating o magmumura kasi inubos niya talaga yung lahat ng meal sa Mcdo?

    Nilagay ko lahat ng ito sa bag. Kinain iyong iba. Hindi na ako magpapakaplastic, totoong ginugutom ako.

    Dalawa na ang bag ko ngayong nasa isang bag ang lahat ng pagkaing binigay ni Rozen. Pagkatapos ng klase ay nakatanggap ako ng message ni Reina. Aniya’y magkita daw kami sa cafeteria. Ayaw ko sana dahil baka makita niya itong mga dala ko kaya lang curious ako sa mukha niya. Yes. Simula kasi noong dumating ako ng Manila ay kay laki ng pinagbago niya.

    Sa wakas ay nadiskubre niya na ang salitang ‘derma’. Marunong na rin siyang magbihis nang di nahihiya. For God’s sake, Reina is older than me pero mas nauna pa talaga akong mahinog sa kanya. She’s already 19. Ako, sa October pa mag na-nineteen. Hindi ko siya masisisi, ikaw ba naman palibutan ng tatlong makikisig na kuya. Talagang maantala ang pamumukadkad mo. At ako naman, hindi rin masisisi kasi sa murang edad, natamaan na ni kupido ang puso ko.

    “Hey!” Sabi ko sabay lapag sa mga bag ko sa table ni Reina.

    Hinihipan niya ang mataas niyang bangs at pinapanood itong bumababa.

    “Palapit na talaga ang festival, Coreen.” Napangiwi siya. “Wala akong gagawin. Huhu. Buti ka pa, involved sa student council.”
    “Palit kaya tayo? Buti ka pa nga at wala kang ginagawa. Eh ako? Lahat ng booths, iche-check ko ang liquidation.”
    “Naku! Ayaw ko niyan. Dudugo ang ilong ko.” Nag pout siya.

    Ang cute niya talaga. Ang tanging problema niya sa katawan ay ang self confidence niyang hilaw. Lagi niyang minamaliit ang sarili niya. Laging pakiramdam niya ay di niya kaya, na pangit siya, na… the list goes on. Lahat ng ka tangahan, nasa kanya niya. Pero mahal ko ito…

    “Eh ba’t ba kasi di ka sumali doon sa pagdedesign sa fashion show. Play on your forte, Reina. Hindi naman sa sinasabi kong forte ko ang negosyo-“
    “Oo. Forte mo ang negosyo kasi tuso ka.”
    Tumawa ako. Umirap siya. “Wala naman akong planong mag negosyo, Reina. Nasa bank sina mommy at daddy kaya gusto kong sa bank din ako mag work. Iyon nga lang, ayaw ko ng nasa bank ako kung saan RD si daddy. Gagawa ako ng sarili kong pangalan. Kaya ikaw rin sana…” Ngumisi ako.

    Kaya lang, ang babaeng ito ay hindi na ata nakikinig. Humahabang parang giraffe ang kanyang leeg sa kakatingin sa leeg ko. Nagkasalubong ang kilay ko. Sino kaya ang tinitignan niya?

    Tumindig na lang bigla ang balahibo ko nang may narinig ako sa babaeng nasa gilid na tumili.

    “ELIZALDEEE!”

    Agad kong dinampot ang dalawa kong bag. Hindi na ako lumingon kahit saan. Diretso ang tingin ko kay Reina at sa pintuang nasa unahan.

    “Reina, naiihi ako. Alis muna ako.”
    “Huh, P-Pero-“

    Hindi ko na siya pinatapos, halos tumakbo na ako palabas ng cafeteria sa kaba. Mabilis ang pintig ng puso ko. Parang hinahabol ng mga kabayo. Parang tunog ng malakas na ulan. Ang sakit. Gusto atang lumabas. Hiningal ako nang nakarating sa soccerfield.

    Hinawakan ko ang dibdib ko saka pinunasan ang pawis ko.

    “Muntik na ako dun.” Sabi ko.

    Tinignan ko ring mabuti ang isang bag kong puno ng pagkain. Fries, maraming maraming burger, pies, chicken meal at kung anu-ano pa.

    “Muntik… na…” Sabi ko ulit.

    “Muntik ng ano?”

    Natigil ako sa paghinga. Nanlaki ang mga mata ko. May nagsalita sa likod ko. At kilala ko kung sino iyon. Boses pa lang, malamig at mahinahon… kilalang kilala ko na.

    “Muntik ng maabutan ko? Bakit? Iniiwasan mo ba ako?”

    Napalunok ako saka hinarap ang pinakagwapong nilalang sa buong mundo. Medyo magulo ang buhok niya, pero perpekto parin ang pagkagulo nito. Matangos ang ilong, kasing tangos sa mga ilong ng kapatid niya. Labing manipis at kulay pink at mga matang malalim, tanda na malalim siyang tao.

    Humalikipkip siya at tinitigan akong mabuti. Nalusaw ang tuhod ko. Nawalan ako ng lakas para tumayo. Pakiramdam ko, isang galaw lang ay babagsak ako.

    “N-Noah…”
    Umiling siya, “Iniiwasan mo ako?” Tanong niya ulit.

    Umiling din ako. Halos sumakit ang ulo ko sa kakailing.

    “H-Hindi.”
    “Kung ganun, bakit ka umalis doon?” Tanong niya.

    Umihip ang malakas na hangin. Dahilan kung bakit natabunan ng buhok ang mukha ko. Inayos ko ang buhok ko para matignan siyang mabuti pero dahil sa dami ng dala ko ay hindi ko nagawa.

    Humakbang siya palapit sakin. Bumilis at lumakas ang pintig ng puso ko. Ganyan. Ganyan ang pinaparamdam niya sakin. Lagi.

    Hinawi niya ang buhok na nakatabon sa mukha ko.

    “Tell me, Coreen. Ba’t ka umalis doon?”

    Nag iwas ako ng tingin at napalunok. It’s his gaze… Magaling akong magsinungaling, pero tuwing tinititigan niya ako ng ganito, hindi ko kaya… Inipit kong mabuti ang labi ko nang sa ganun ay hindi ko masabi ang totoo.

    Ayaw niya sa mga babae ni Rozen. Sa oras na sabihin ko sa kanyang si Rozen ang iniiwasan ko, magdududa agad siya. Alam kong nagdududa na siya noon pa man na babae ako ni Rozen, pero ayaw kong patunayan ang pagdududa niyang iyon.

    Hinanap niya ang tingin ko. Nang nahanap niya ay pinikit kong mabuti ang mata ko at nag iwas ulit ng tingin.

    “Hindi naman ako umiiwas sayo. Kailangan ko lang umalis. Kasi…”

    Kinagat ko ang labi ko at pinaglaruan ang pangalawang bag na dala ko. Nandoon sa loob ang mga pagkain. DARN!

    “K-Kasi…”
    “Kasi?” Hinuli niya ulit ang tingin ko.

    Uminit ang pisngi ko sa ginawa niya.

    “Kasi… ano mamimigay ako ng pagkain sa street children.” Sabi ko.

    Napaawang ang bibig niya. Unti-unti kong inangat ang paningin ko sa kanya at nakita ko siyang ngumisi. Ngisi niya pa lang, nalulusaw na ang puso ko.

    “Asan ang pagkain mo?” Tanong niya.
    “Eto oh.” Sabay pakita ko sa bag na may pagkain sa loob.
    Tumango siya at tumawa, “Really? Why?”
    “K-Kasi…” Napakamot ako sa ulo. “Advance birthday celebration?”
    “Huh? Sa October pa ang birthday mo, ah?”

    Natigilan ako sa sinabi niya. ALAM NIYA KUNG KAILAN ANG BIRTHDAY KO? Nang narealize niyang natigilan ako ay nag iwas agad siya ng tingin.

    Napangisi ako. Gusto kong umiyak. Simpleng bagay lang iyon pero hindi ako makapaniwala. Nakita kong pumula ang pisngi niya at hinablot ang bag na dala ko.

    “Tulungan na kita. Saan banda?” At naglakad siya, nilagpasan ako.

    Ako ay tumunganga at parang baliw na ngumisi. This is it! Is this it? Puputulin ko na ang koneksyon namin ni Rozen… dahil pakiramdam ko, ito na ang hinihingi kong chance! Hindi ko na kailangang maguilty…

    Parang kinurot ang puso ko. Hindi ko kaya… Si Rozen. Hindi ko kaya… Mula nung bumalik kami galing student congress ay nabubuhay na ako araw-araw dahil sa kanya. Sa alarm na ni set niyang pang araw-araw. Sa good for two months na reminders, sa mga pagkain, sa mga paalala niya sa bawat text, sa lahat… Hindi ko na alam.

    Naistorbo ang pag iisip ko nang kumunot ang noo ni Noah.

    “Coreen, I said, let’s go… I’ll help you.”
    Tumango agad ako at walang pag aalinlangang sumama sa kanya.

    Nakasunod ako sa kanya. Likod niya lang ang pinagmamasdan ko. Maraming bumabati sa kanya. Maraming nakikipag highfive. Ngumingisi lang siya sa kanila at tumatawa.

    “Oh, Noah, saan ka papunta dude?” Tanong ng isang lalaki habang tinitignan ang bag niyang dala.

    Sinenyasan niya lang ang lalaking iyon na tignan ang likod niya (kung nasan ako). Unti-unti akong nilingon noong lalaki. Nagkibit-balikat ang lalaki at tinapik ang braso niya.

    “Good luck, dude!”

    Nagtawanan silang dalawa. Uminit ang pisngi ko. Ano kaya ang ibig sabihin non?

    Nang nakalabas na kami sa school ay itinuro ko sa kanya ang park na malapit doon kung saan maraming street kid na namamalimos.

    Tumango siya at hinintay akong maglakad sa tabi niya. Uminit ulit ang pisngi ko. Nang naglakad na kaming dalawa, pakiramdam ko para akong lumulutang sa ere.

    Tahimik lang kami, pero sapat na sakin iyon para kiligin ako ng todo todo. Nang nakarating na kami sa park, may nakita na kaming tatlong batang musmos. Namamalimos sila sa bawat dumadaan doon.

    Tumayo lang si Noah doon at tinignan ang mga bata. Nilapitan ko ang mga bata. Nang nakalapit na ako sa kanila ay tinawag ko sila.

    “Pssst… Mga bata.” Sabi ko. “Gusto niyo ng pagkain?”

    Lumapit sila sakin.

    “Opo! OPO!” Sabay sabay silang nagsalita.

    Tumawa ako at nag squat para mas makita ko ang mukha nila. Nilingon ko si Noah at nakita ko siyang lumapit samin.

    “Ako nga pala si Ate Coreen.” Ngumisi ako. “Eto si Kuya Noah. Ikaw?”
    “Ako po si Monmon. Eto si Totoy. At eto naman po si Kiko.” Sabi noong mukhang nakakatanda.
    Tumango ako, “May dala kaming pagkain sa inyo. Hindi ko na kayo bibigyan ng pera, ah? Pagkain na lang. Okay ba yun?”
    “Sige po! Sige po!” Sabay-sabay ulit sila.

    Tumawa ako at naglahad ng kamay kay Noah. Ibinigay niya sakin ang bag na may lamang mga pagkain. Dinumog ako nilang tatlo.

    “Sandali lang.” Sabi ko nang masyado na silang malapit. “Baka matumba ako. Dapat fair. Sige. Mag line kayo.” Utos ko sa kanila.

    Sinunod nila ako. Binigyan ko sila isa-isa ng iba’t ibang meal. Isa-isa din sila sa burger. Isa-isa din sila sa drinks at sa pies. Naubos ang mga pagkain sa loob ng bag. Napakinabangan ko rin, phew!

    “O? Anong sasabihin niyo kay Ate Coreen at Kuya Noah?” Sabi ko nang abala na silang kumakain.
    “Salamat poooo…”

    Ang pinakamaliit ay niyakap pa ako sa binti. Tumawa na lang ako.

    “Oh, sige na. Aalis na kami ni Kuya.” Sumulyap ako sa nakangiting si Noah.

    Kanina pa siya walang imik pero natutuwa naman pala siya.

    “Sige po. Salamat ulit.” Sabi ni Monmon.

    Tatalikuran na sana namin sila kaso…

    “Ay ate… Uh…” Nagkatinginan silang dalawa ni Totoy.

    Nag sikuhan pa ang dalawa.

    “Hmmm?”
    “Mag asawa po ba kayo ni Kuya Noah!?” Ngumisi pa sila.

    Nalaglag ang panga ko. Nilakihan ko ang mata ko habang tinitignan ang bata. Patay! Baka anong sabihin ni Noah!

    Unti-unti akong umiling. Tinignang mabuti ni Monmon ang ekspresyon ko sa mukha kaso… May naramdaman na akong kamay na dumausdos sa baywang ko.

    “Oo. Mag asawa kami.” Tumawa si Noah.

    Lumakas ang pintig ng puso ko. Nanigas ako sa kinatatayuan ko habang dinarama ang kamay ni Noah sa baywang ko.

    “Uyyy!” Tumawa ang mga bata.
    “O-O… S-Sige… Alis na kami.” Nauutal kong pagpapaalam.
    “Babay pooo! Sana magkaanak kayo ng marami!” Nanunuyang sinabi ni Monmon.

    Mas lalong uminit ang pisngi ko. Tumawa na lang si Noah. Hindi ko siya kayang tignan sa sobrang kahihiyan. Ang tanging iniisip ko na lang ngayon ay ang kamay niyang nasa baywang ko.

    Kinalas niya ito nang nakaalis na kami sa park pero hindi parin natigil ang tawa niya.

    “Wa’g ka nga, Noah. Nakakahiya.” Sabi ko nang di makatingin sa kanya.
    “Ang inosente ng mga bata.” Tumawa ulit siya.

    Pumikit ako ng mariin. Gusto kong kumbinsihin ang sarili ko na wala siyang nararamdaman para sakin. Na kahit kailan ay mananatili akong nasa sidelines lang at humahanga sa kanya… pero bakit ngayon iba ang nararamdaman ko? Assuming ba ako o talagang may pinaghuhugutan ang pag asa ko sa kanya?

    Nang humupa ang tawa niya ay tumigil ako sa paglalakad. Natigilan din siya at lumingon sakin.

    “Bakit, Coreen?” Mapupungay ang mga mata niya nang tinignan ako.
    Kinagat ko ang labi ko, “Noah… Can we date?”

    Napawi ang kaonting bakas ng ngiti sa labi niya. Alam ko na agad ang sagot. And it’s still “No.”

  • Kabanata 22Open or Close

    Kabanata 22
    Wear It

    Hindi ako huminga. Yumuko lang ako at naramdaman ko agad ang mga bumubuong luha sa mata ko. Pinipiga ang puso ko at mas lalo lang akong nahirapang huminga ng maayos.

    “Okay.” Ngumisi ako.

    Pero sa gitna ng ngisi ko ay bumuhos ang luha. Nakita ko ang pamumutla ni Noah. Umiling ako sa kanya.

    No… I didn’t want him to date me because of pity.

    “Co-Coreen, I…”
    Umiling ako kaya natigilan siya sa pagsasalita, “Alam ko na naman ang sagot mo. Sinubukan ko lang ulit.”

    Napahikbi ako. Lumapit siya sakin. Umatras ako. May malaking guwang sa puso ko. I didn’t know if that’s a good thing or a bad thing. Ang alam ko lang ay hindi ko na ito maramdaman dahil sa guwang na iyon. Umiiyak lang ako sa wala. Maybe I’m already numb because of the pain… or maybe I saw this coming.

    Nilagpasan ko na lang siya. At simula noon ay hindi na ulit kami masyadong nagpapansinan. Well, what’s new? Ganoon naman kami dati pa lang, lalo na ngayong may nangyari ulit na rejection.

    Sa araw ding iyon, hindi na ulit nag text si Rozen sakin. Hindi ko alam kung bakit hinahanap siya ng sistema ko. I want to feel him. I want to see him. I want him to assure me. This is bad. So bad. So sick.

    Galit na galit na ako sa sarili ko. Hindi ko na alam kung anong iniiyakan ko… Hindi ko na mapagtanto. Gulong gulo na ang pag iisip ko.

    Ayaw kong gamitin si Rozen. Kaya imbes na itext ko siya ay pinagpaliban ko na lang. Kung ayaw niyang magparamdam, edi mabuti, para di ko na siya masaktan. Pero ako ang nasasaktan eh. I don’t know why.

    Dumating ang school festival. Naging busy ako sa mga events. Hindi parin nagpaparamdam si Rozen. Habang inaayos ko ang mga decoration sa mga stage, booth at kabuuan ng school ay nakasalubong ko si Rozen kasama ang dalawang babaeng inaakbayan niya.

    Uminit ang ulo ko. Tumaas ang altapresyon ko. Pero alam kong wala ako sa lugar kaya tatahimik ako. Tatahimik ako. Tatahimik ako.

    Uulitin ko.

    Tatahimik ako.

    Nang bigla nilang na tapakan ang iilang decorations sa show off ng mga banda (kung saan kasali ang Zeus – banda ni Noah). Kinagat ko ang labi ko.

    Pinigilan ko ang sarili kong magsalita.

    “Hoy! Miss! Yung decoration! Ingat naman kayo sa paglalakad! Kay laki nitong field, dito pa kayo maglalakad!” Sigaw nung kasama kong officer.

    Sige lang! Sigawan niyo ang mga iyan.

    “Sorry, ah?” Tumaas ang kilay ni Rozen at ngumisi.

    As usual, iyon ang mukha niyang nakangisi pero halatang nayayamot sa pagsaway ng officer.

    “Ano babayaran ko ba?” Tanong niya.

    I swear, parang puputok ang mga ugat ko sa noo sa sobrang inis na naramdaman. Pinigilan ko ang sarili ko. Chill, Coreen. 8, 7, 6, 5, 4… Hindi ako lumingon. Pinagpatuloy ko na lang ang pag check ng sound system gamit ang laptop at microphone.

    Nagtawanan ang dalawang matatangkad, makikinis, at magagandang babae – Rozen’s usual type.

    “Rozen kasi…” Sabi noong lalaking officer na sumaway sa kanila. Mejo humina ang boses niya, halatang takot. “Pinaghirapan namin ito.”
    “Mukha namang hindi. Ikaw lang naman ang nagrereklamo.” Paghahamon niyang sinabi.
    “Pinaghirapan namin ‘to sa student council.” Sabay turo ng officer sa iba pang student council na nasa backstage at may inaasikaso din. Tinuro niya rin ako.
    “Talaga?” Nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang paglingon niya sakin.

    Anong problema nitong isang ito? Nilingon ko siya at naaninag ko na naman ang paghawak niya sa baywang ng dalawang babae. Nakataas parin ang kilay niya at nakangisi. His usual sexy beast expression.

    “Oo. Bakit? Pinaghirapan namin yan at walang perang makakabayad diyan.”

    Nakita ko ang mga daliri niyang gumalaw sa baywang ng tumitili at nanggigigil na mga babae. Kumunot ang noo ko. May kung ano sa intestines kong namimilipit. Parang galit ang mga kulisap at binaluktot nila ang tiyan ko.

    Tumaas ang kilay ko at tinitigan siyang mabuti.

    “Talaga? Oh… As an apology. Tutulong ako.”

    Tinanggal niya ang kamay niya sa dalawang babaeng disappointed. Umirap ako sa ere.

    “Oh shut up. You don’t need to.” Pagtataray ko at pumihit para umalis.

    Balak kong bumalik na lang muna ng office at iwasan si Rozen pero sinundan yata ako.

    “Ano? Rozen? Tutulong ka? Bakit?”
    “Paano kami? Yung date?”

    Panay ang alburoto ng mga babae habang papaalis ako. Mabilis ang lakad ko dahil alam kong nasa likod na siya. Umakyat agad ako sa building. At dahil busy ang buong school sa paghahanda sa festival, walang tao sa building, lahat ng involved na estudyante ay nasa school grounds. Nang dumating kami sa corridor ay marahas niyang hinila ang braso ko. Dahilan kung bakit napaatras ako at natigil sa paglalakad.

    “WHAT THE FVCK IS WRONG WITH YOU? AKO DAPAT ANG GALIT DITO AT BAKIT IKAW PA ANG NAGTATARAY!?” Sigaw niya sa mukha ko.
    “Bitiwan mo nga ako!” Sinalya ko ang kamay niya at binawi ko ang braso ko.

    Tinuro ko siya.

    “Busy ako! Kaya wa’g na wa’g mo akong istorbohin! Pagkatapos ng ilang araw mong pananahimik, bubungad sakin ang eksenang iyon? Ano? Nagsawa ka na?”

    Darn! I should filter my words!

    Tumawa siya at umaliwalas ang kanyang mukha sa sinabi ko.

    “You jealous?” Tumaas ang kilay niya.

    Napapikit ako sa inis. Sa dami ng sinabi ko, iyon lang ang ibabalik niya sakin? Hinampas ko ang dibdib niya.

    “Are you crazy-“
    Hinawakan niya ang magkabilang braso ko, “If you are jealous, then I’m crazy, Coreen.”

    Kumalabog ang puso ko. What the hell is happening? Ilang beses ko na ba itong naitanong sa sarili ko?

    “I SAW YOU WITH NOAH, Coreen.” Malamig niyang sinabi habang nanghihina ang kamay niyang nakahawak sa magkabilang braso ko.

    Nanghina din ang braso ko pero pumirmi ito sa kanyang dibdib.

    “I have nothing against the food being fed by a bunch of street children pero nainsulto ako. Ginawa mong dahilan ang pagkain para makasama si Noah-“
    Pinutol ko siya para magsalita, “Hindi ko naman-“
    Pinutol niya rin ako at tumaas ang tono ng boses niya, “AT HINAWAKAN NIYA ANG BAYWANG MO! In my face! Hinawakan niya!”

    Nabigla ako sa galit na ipinakita niya. Tumindig ang balahibo ko. Wala akong ginawa kundi ang tumunganga sa kanya at pagmasdang mabuti ang nahihirapan niyang ekspresyon.

    “Shit!” SBulong niya saka pumikit.

    Hinila niya ako palapit sa kanya. Dahil wala na akong lakas para pumiglas, nagpatianod ako sa hila niya. Nakahilig na ang buong katawan ko sa kanya. Nilagay niya ang noo niya sa noo ko.

    “That was my favorite move… That was my move, Coreen. Ako lang ang hahawak sa baywang mo. Kahit sa parteng iyan lang. That was my move. At tuwing nakikita kong hinahawakan ng ibang tao ang baywang mo, hinahawakan ng, damn, kapatid ko… Gumuguho ang mundo ko. It was like my world, being held by someone else.”

    Huminga siya ng malalim. Damang dama ko iyon ngayong nakadikit ang noo naming dalawa. Nakapikit siya, ako naman ay naduduling na sa kakatingin at kakatunganga sa kanya.

    Unti-unti niyang pinaglapat ang labi namin. Saglit lang. Napapikit ako nang naramdaman ko ang malamig niyang labi sa labi ko. Agad siyang lumayo pagkatapos at ngumisi.

    “Hindi mo sinoot ang damit. Ayaw mo na ba kay Noah? Did you finally realize that it was me?” Tanong ko.

    Napaatras ako. Tumindig ang balahibo ko sa ngisi niya.

    “Hindi n-no!” Sabi ko.
    “Kung ganun, wear it!”
    “I will! You don’t need to blackmail me, Rozen!”

    Ngumiti siya pero kitang kita ko ang lungkot sa kanyang mukha. Damn it! Ano ang pinaglalaban ko dito? Ang alam ko, nagsimula ako kay Noah pero hindi ko alam kung matatapos ko ba itong si Noah parin.

    “Good. Wear it on Thursday. At magkita tayo. You have a week left.” Malamig niyang sinabi saka nilagpasan ako.

    Kinurot ang puso ko nang tinignan siyang nakapamulsa at umaalis sa harapan ko. It was unusual.

    Tumigil siya sa paglalakad at nilingon ako.

    “Tutulong ako doon sa stage. And I’ll text you later, babe.”

  • Kabanata 23Open or Close

    Kabanata 23
    Shallow Kisses

    Para akong zombie na naglalakad sa buong campus habang busy sa paghahanda sa festival. Uuwi pa ako mamaya. Sa bahay na ako mag lu-lunch dahil susunduin daw ako ni Reina. Magbibihis din ako ng dress. Panay kasi ang pants ko dahil kailangang umakyat akyat para mag design ng booths. Ayaw ko namang mabosohan.

    Nang dumating na kami ni Reina ay pansin na pansin ko ang pagiging matamlay niya. Maporma na siya at improving na ang makinis niyang kutis ngayon, pero dahil sa mga nalaman niya tungkol kay Wade at dagdagan pa ng mga naabutan niyang scenes sa Comfort Room, ay mukhang stress si ate.

    “It’s not his fault, Reina. Ikaw itong humusga sa pagkatao niya. Hindi niya naman sinabi sayo’ng mabait siya, diba? Naging harsh pa nga siya sayo. Ikaw itong nagpumilit na mabait siya. You created your own idea of him.”

    Tama. You are responsible of your own thoughts, actions, and words. Kahit na sinabi ko sa kanya ang iilan sa mga nalaman ko galing kay Rozen ay umasa parin siyang hindi ganoon si Wade. Kaya ayan, nang napatunayan niya ito ay hindi niya natanggap.

    “Alam ko naman yun, Coreen. Talagang hindi ko lang alam kung paano mag react sa sitwasyon na iyon. Tsaka… isa pang ikinagagalit ko ay alam ni Wade na iniisip kong may gusto siya kay Zoey, bakit hindi niya ako diniretso na wala? Na puro ganun lang ang ginagawa niya?”

    Tumango ako. Tama rin si Reina. Anong problema ni Wade at bakit hindi niya na lang diniretso si Reina? Ang buong akala kasi namin ay mahal ni Wade si Zoey… si Zoey naman ay nakikipaglandian kay Rozen. Kaya akala namin, magkagalit si Rozen at Wade dahil kay Zoey, iyon naman pala, dahil iyon sa pag kokomprontang ginawa ni Rozen. Nakakalito. Halos dumugo ang ilong ko sa kakaisip.

    Nakatingin lang kaming dalawa ni Reina sa nag fa-fashion show na models.

    “You think pag sinabi niya sayo, di ka lalayo?” Napagtanto ko iyon sa gitna ng panonood.

    Pareho din siguro ang mangyayari. Lalayu at lalayo parin si Reina pag nalaman niyang sex lang naman ang namamagitan kay Wade at kay Zoey. Naiinis iyon sa mga playboy. Ako rin naman. Nakakadiri. Kaya naman ayaw niya kay Rozen. At ganun din ako… ayaw ko kay Rozen.

    Napalunok ako. May problema ang mga kulisap sa huling inisip ko, ah?

    Isinantabi ko ang nararamdaman ko at naalala ang show ni Noah. Mini Concert.

    “Reina! Let’s go! Tapos na ang show!” Hinila ko si Reina.

    Mabilis siyang nagpatianod sa akin. Syempre, siguro ay curious din siya. Nagpupumiglas pero wala ring nagawa sa paglalambing ko.

    Nang nakarating kami sa field, marami ng tao. Sobrang dami. Pakiramdam ko, lahat ng estudyante ay narito. Maingay at may mga banners at karatula pang dala ang iba. Parang rally lang, eh.

    Napangiwi ako at hinila pa ang mahinang si Reina.

    “Tabi nga!” Sigaw ko sa mga naninikong fans nina Noah.

    Masama ang tingin nila sakin. Inirapan ko na lang sila. Useless ang ‘excuse me’ sa mga taong desperado.

    Mas lalo kong naaninag si Noah sa stage. Seryoso siyang nag gigitara. Wala siyang ibang tinitignan kundi ang gitara niya, o di kaya ay ang kawalan. Para bang binubuhos niya sa pag gigitara ang puso niya.

    “Bushet na Wade.” Sabi ko nang nagsimulang maglakad lakad si Wade para ientertain ang mga tao.

    Nang nakarating na kami sa may barricade ay tumigil na ako sa paglalakad.

    “WOOOOH!” Malakas akong pumalakpak.

    Ang sakit nga ng palad ko. Ang ingay ng mga tao kaya kahit anong tambling ko dito, hindi ko maaagaw ang atensyon ni Noah.

    Tumalon talon ako sabay sigaw, kahit useless, “NOAHHHH! GWAPO MO! SHET!”

    Tumigil ako nang masyado ng naging maingay ang audience dahil sa isang chant. O sige, pag piyestahan niyo si Wade! Para akin lang si Noah! Tumawa ako.

    Unti-unting napawi ang tawa ko nang naalala ko ang pag tanggi ni Noah sakin. He’s too heartless. Bakit madalas pinapahiwatig niya saking may gusto siya, that he cares for me, pero tuwing sinasabi ko na ang feelings ko para sa kanya, lagi akong bumabagsak, laging sawi.

    Napatingin ako kay Reina. Buti pa ang isang ito. Walang imik sa feelings niya. Masyadong inosente na hindi alam ang sariling nararamdaman kaya hindi rin masabi-sabi sa lalaki. Innocence is truly a bliss.

    “That doesn’t mean he’s bad, Reina.” Sabi ko nang nakita ang panghihinayang sa kanyang mukha.

    Iniisip kong baka iwasan niya na si Wade ngayon dahil ayaw niya ng mga playboy, sinungaling, at mapaglaro. Hindi naman siya pinaglaruan, at kung may hindi man sinabi si Wade, dahil na rin iyon siguro sa takot na mahusgahan siya ni Reina.

    Mas lalong umingay ang buong stage. Nakita ko si Noah na nakatingin na ngayon sa akin. Napaawang ang bibig niya ng ilang sandali bago binawi ang titig. Umiling ako.

    Wala akong ibang naririnig kundi ang nakakabinging sigawan ng mga babae sa likod. Kumunot ang noo ni Noah. Mukha siyang nagalit nang nakita ako. Napalunok ako at pinagmasdang mabuti ang kilos niya.

    “NOAH! GWAPO MO KAHIT MASUNGIT KA!” Sigaw ng mga babae sa likod ko.

    Napatingin ako sa kanila. Wala silang pakealam kahit tinitigan ko sila ng matatalim. Well, yes, bakit? Sino ba ako? Hindi naman ako ang girlfriend… Hmmm. Napatingin ulit ako kay Noah.

    “You know what, Reina? Someday, they’re gonna be big. And I don’t like it.” Matabang kong sinabi.

    I will support Noah, no matter what. Pero ayaw kong makita siyang may ibang babae. Matagal na akong umaaligid sa kanya at kung mahal niya ako, bakit hindi niya ako minahal noon pa… ang ibig sabihin lang nito ay hindi niya talaga kayang magmahal ng tulad ni Coreen Samantha… There must be someone else… May ibang babaeng darating na mamahalin niya. Not me.

    Nabigla ako nang may biglang humigit sa akin. Buong akala ko ay ito na iyong mga babaeng inirapan at tinulak ko kanina. Kakapit sana ako kay Reina pero huli na ang lahat.

    Nilingon ko kung sinong humigit at kumakaldkad sakin. Pero bago ko siya na aninag ay agad kong nalaman kong sino.

    Sa malalagkit at kagat-labing tingin ng mga babae dito sa kanya, wala ng duda kung sino.

    “ROZEN!” Sigaw ko.

    Hindi siya tumigil. Kinaladkad niya lang talaga ako hanggang sa umabot kami sa sasakyan niya.

    “Ano ba? You can just tell me kung saan tayo magkikita. Hindi mo na kailangang manghila!” Sabay irap ko.

    Ngumisi lang siya at pinagbuksan ako ng pinto.

    “I want to claim you mine for today. Even just for today.” Aniya.
    Uminit ang pisngi ko at tinuro ko siya.

    ANG KAPAL NG MUKHA! Ang manyak!

    “Anong claim claim ka dyan? Ano ka siniswerte?”
    Nalaglag ang panga niya.
    “Hindi a-ako tulad ng mga babae mong easy, ano! Ano? Saan mo ako dadalhin sa isang motel? STUPID! Tseh!!! Manyak ka talaga! Sabi na nga ba hindi mo ako mahal, eh, katawan ko lang ang gusto mo-“
    “What?” Tumawa siya. “Coreen, I want to claim you… as my girl… today. Anong pinagsasabi mong manyak, motel? Ano?”
    “WHAT?”

    Pinilit kong huminahon. Nilagay ko na lang ang palad ko sa noo ko. Darn it! Masyado ba akong na carried away?

    “Tsaka… Anong motel? Seriously? Kung idedevirginize kita, hindi sa motel, sa isang magarbong resort o sa enggrandeng hotel o sa ibang bansa o sa bahay natin-“
    “WHAAAAAAAT?” Mas lalong uminit ang pisngi ko kaya sinugod ko na siya at pinagsasapak.

    Ginawa niyang shield ang kanyang mga braso. Nagrereklamo siya pero tumatawa parin.

    “Iyon ang totoo, Coreen. Mahal kita at sa oras na mahalin mo ako, doon din naman hahantong iyon. Chill-“

    Patuloy ako sa pagsapak sa kanya.

    “A-Ow!” Aniya nang kinurot ko na ang gilid niya.

    Pinikit niya ang isang mata niya at hinawakan ang kamao ko.

    “Ang saket.” Panunuya niya.
    “Manyak ka talaga… Manyak ka! Manyak! Kaya ayaw ko sayo.” Sabi ko.

    Umiling na lang siya at ngumisi saka ako pinapasok sa sasakyan niya. Panay ang alburoto ko pero unconsiously kong nila-lock ang seatbelt ko.

    Grabe. Kahit na naiinis na naman ako sa kanya, parang alam na ng sistema kong sasama at sasama parin ako sa kanya.

    “Saan tayo?” Tanong ko nang nakaupo na siya sa driver’s seat.
    “2nd date.” Aniya.
    “Saan nga?”
    “Wait and see.” Kumindat pa siya saka pinaandar ang sasakyan.

    Parang kanina lang magkagalit kaming dalawa ah? Parang noong isang araw lang ay hindi siya nagpaparamdam. Ngayon, back to normal kaming dalawa. Ganito na ba ang normal ngayon? Ang kasama siya?

    Pinagmasdan ko siyang mabuti, nakita kong hindi naman siya naka pormal. Denim pants, blue t-shirt at ang gwapong mukha lang naman ang soot niya. Nagkibit-balikat ako.

    “Baka gusto mong motel?” Tumawa siya.
    Sinapak ko agad, “Tumahimik ka nga? Pwede bang i-zip mo minsan yang bunganga mo. Maganda na sana, eh.”
    Patuloy siya sa pagtawa kaya umiling na lang ako at tinignan ang mga sasakyan sa labas.
    “Seriously, bakit mo naisip na sa motel? Coreen Samantha, do you fantasize about me?” Panunuya niya.
    Napapikit ako at uminit ulit ang pisngi ko.

    Sarap niya talagang bigwasan. Kinurot niya pa ang pisngi ko.

    “Shit ka! Tumigil ka na!” Sabi ko at mas lalong tumingin sa labas.

    Ayaw kong ipakita sa kanya na nakangisi rin ako. Na natatawa ako. Na natutuwa ako sa panunuya niya sakin. Darn, Rozen Elizalde.

    Hindi ako nainip sa byahe. Panay ang sagutan naming dalawa.

    “Eh kasalanan mo yun! Buti nga sayo! Bakit ka pa kasi nagdala ng babae ayan tuloy nagkasala sila, ikaw ang nagbayad.”

    Nag rereklamo kasi siya na masakit daw ang katawan niya. Paano ba naman kasi, pinagbuhat ko siya kanina ng mga box ng stereo. Iyon ang pamalit niya sa mga naapakang decorations.

    “anong koneksyon sa mga babae at sa sakit ng katawan ko?”
    Napatingin ako sa kanya ng matatalim, “Ang hina mo po sa logic! Grabe ka!”
    “Nagseselos ka lang.”
    “Anong koneksyon ng nagseselos at logic? Asa ka pa, Rozen! Asa ka pa!”
    “Matutuwa talaga ako pag totoong nagseselos ka, Coreen. Sa sobrang tuwa ko, aanakan kita.”

    SHIT! Hindi ko na kaya! Sinapak ko na! Panay ang hagalpak niya sa tawa. Sinaktan kong mabuti ang braso niya. Nanggigil ako, eh. Pumula ito.

    “Oh. Tama na! Nagkakasakitan na tayo ng totohanan.”
    “BWISIT KA! Ba’t ako sumasama sayo? Hindi ko na alam. Nakalimutan ko na ang rason-”
    “Maybe you’re inlove!”
    “Tsss.” Nag iwas ako ng tingin.

    Nipark niya sa labas ng isang nature park ang kanyang sasakyan. Date. Sa Nature Park. Anong meron dito? Mga punong kahoy, zoo, at overlooking na tanawin sa buong syudad. Not bad. Creative, Rozen.

    “Are you finally in love, Coreen? In love with me?” Marahan niyang utas.

    Kumalabog ang puso ko sa tanong niya. Imbes na seryosohin ko iyon ay tinanggal ko ang seat belt ko para lumabas. Kaya lang, tumunog agad ang locks ng pintuan. Ibig sabihin, sarado ang mga pinto sa buong sasakyan. Hindi niya ako palalabasin kung di ko sasagutin.

    “Y-You know my answer, Rozen.” Nag iwas ako ng tingin.

    God! I can’t believe I’m stuttering!

    “Do I, Coreen?” Humilig siya sakin.

    Titig na titig siya sa mga mata ko. Iyong tipong titig niya na tumatagos sa kaluluwa. Basang-basa niya ang buong pagkatao ko. Ang mga mahaderang kulisap ay nag papaputok na sa tiyan ko. Darn it! Stop it, you! Iinuman ko talaga ito ng Baygon!

    “Alam mong magaling akong magsinungaling, diba?” Aniya.
    Nagkibit-balikat ako.

    Naramdaman ko na ang hininga niya sa pisngi ko. Ang isang kamay niya ay nasa harap ko, nakahawak sa may aircon. Ang isa naman ay nasa likod ng upuan ko.

    “Kaya alam na alam ko kung paano ihambing ang nagsisinungaling at ang nagsasabi ng totoo. Nasa mga mata yan, Coreen. If you really don’t love me, why can’t you look at me and say it?”
    Matama ko siyang tinignan.

    DARN IT! Hindi ko magawang titigan siya ng matagal. Pakiramdam ko puputok ang mga kulisap sa tiyan ko kung gagawin ko iyon.

    “Say it, Coreen. Say it…” Hinilig niya ang noo niya sa gilid ng noo ko.

    Napalunok ako. Hindi na ako makagalaw. Nalulusaw ang buong katawan ko, ang puso ko, ang buong pagkatao ko.

    “Don’t worry. Let’s pretend that you’re lying. Let’s pretend that we’re on just for this day… Let’s just pretend, Coreen.”
    “N-Na ano? Na mahal kita? Let’s pretend na mahal k-kita?” Tanong ko.
    “Oo. Let’s pretend. Let me hear it. Please, let me hear it, Coreen.”

    Napalunok ako. Gusto ko siyang tignan sa mga mata niya pero hindi ko magawa. Nakadikit kasi ang noo niya sa noo ko.

    “I l-love you, Rozen.”

    Huminga siya ng malalim. Yumuko ako. Naramdaman ko ang ilong niya sa pisngi ko. Damn! Kumalabog ulit ang puso ko. Take away my darn heart, Lord, please!

    “Say it again… I want the memory… I want your voice…”
    “I love you, Rozen.” Mas klaro kong sinabi.

    Huminga ulit siya ng malalim.

    “I’m madly smitten, too.” Hinalikan niya ng marahan ang pisngi ko.

    Hinayaan ko siya. Hanggang sa nilagay niya ang index finger niya sa baba ko at ginabayan ito para mapaglapat ang labi namin.

    His kisses were slow, shallow, no tongue, all lips. Bumilis ang paghinga ko. Hindi ko kayang nakapirmi lang habang dinadama ang halik niya. I tried to kiss him too. Just the lips. Smooth, slow, shallow kisses.

    Nakita kong ngumisi siya.

    “Pretend parin ba ang part na ito?” Sabi niya in between kisses. “Kasi pakiramdam ko, totoo na.”

  • Kabanata 24Open or Close

    Kabanata 24
    Lies

    Magkaholding hands kami habang namamasyal sa nature park. Tama ang hinala ko, puno nga ito ng punongkahoy, mga damo, mga bulaklak, at iilang mga hayop.

    Tahimik lang ako. Tahimik din siya. Ang tanging maingay lang ay ang patuloy na naghuhuramentado kong puso.

    “Bakit dito mo naisipang pumunta?” Tanong ko.
    Nilingon niya ako.

    Mabibigat at malalalim parin ang titig niya.

    “Peaceful. Walang istorbo.” Aniya.

    Napatingin ako sa buong syudad, over looking iyon doon. At ang nasa paligid ang puro mga halaman at punong kahoy.

    Nilingon ko din si Rozen. Nakatingin din siya sa sa tanawin. Hinayaan ko siyang hawakan ang kamay ko, hinayaan ko siyang halikan ako, hinayaan ko siyang ipadama sakin ang nararamdaman niya. Hahayaan ko siya.

    Pinadausdos niya ang kamay niya sa baywang ko at hinila niya ang buong katawan ko kaya napahilid ako sa kanya.

    “I wish you’re really mine.” Bulong niya sa tainga ko.

    Hindi na ako umangal o nagsalita. Hahayaan ko siya. Napapikit na lang ako nang naramdaman ko ang labi niya sa ulo ko. Hinahalikan niya ito.

    “Bakit ba mahal na mahal mo si Noah?” Tanong niyang bigla.

    Napapikit ako. Hindi ako agad sumagot. Hindi ako makasagot. Nahirapan akong mag isip sa sagot. Hindi ko alam.

    Kasi gwapo, misteryoso, passionate at kung anu-ano pa. Maraming rason.

    “Kailangan ko bang sagutin iyan?”

    Ayaw kong sagutin dahil alam kong masasaktan ko na naman siya.

    “Kaya nga nagtatanong ako diba, para masagot mo?” Nagawa niya pang mamilosopo.

    Humalakhak siya ng marahan sa tainga ko kaya kinurot ko ang braso niyang nakapulupot sa baywang ko.

    “Kainis ka talaga.” Marahan kong sinabi pabalik sa kanya.

    Para kaming naglalandiang magkasintahan. Tumindig ang balahibo ko. Nagpabalik-balik sakin ang tono ng marahan kong pagsaway sa kanya, ‘Nakakainis ka talaga.’ Shet!

    “O edi, sige.” Nilakasan ko ang boses ko at humugot ng lakas dito, “Kasi, uhm, gwapo siya… misteryoso… tsaka, passionate. May talent.” Dagdag ko.
    “Bakit di kasali ang masungit?” Humalakhak na naman siya.
    Kinurot ko na naman ang braso niya.
    “OW!” Humigpit pa lalo ang pagkakapulupot niya sa akin.

    Uminit ang pisngi ko.

    “Okay, okay… O sige, bakit ayaw mo sakin?”

    Napatingin ako sa kanya. Masyadong malapit ang mukha naming dalawa. Isang pulgada na lang ang layo ng ilong niya sakin. Damang dama ko na ang kanyang hininga. Ang bango! Napatingin ako sa labi niya. Nakita kong umangat ito para ngumisi.

    “K-Kasi…” Nag iwas agad ako ng tingin.

    Humugot ulit ako ng lakas sa sarili ko para maging buo ang boses ko.

    “Kasi mayabang ka, manipulative, mata-pobre, minsan masungit, nakakairita, makulit, nakakainis, bastos, manyak, istorbo, babaero, nakikipag ano sa kahit sino-“
    “Oy! Namemersonal ka na.” Tumawa siya.
    “Eh totoo naman.” Umirap ako.
    “Hindi naman ako basta-bastang-“
    “KAHIT NA!-“
    “Huh? Eh diba sabi mo-“
    “SHHHHH! I don’t wanna hear anything! Ayaw ko ng playboy! Ayaw ko sayo. That’s it! Period.”

    Mas lalo niya akong diniin sa kanyang sarili. Darn! Naramdaman ko na rin ang ilong niya sa tainga ko.

    “You can always turn off the switch you put on me, Coreen. Kung ayaw mo, edi hindi ko gagawin. I thought you’ll be impressed… and be mad.” Humalakhak siya sa tainga ko.
    “Be mad? You want me mad at you, Rozen?” Nilingon ko siya.

    His evil eyes were blazing. Kinilabutan ako.

    “Yeah, minsan. Lalo na pag naiinis ka sakin. At lalo na tuwing nilalambing kita pagkatapos mong magalit.”

    Nangatog ang binti ko. Pinagpapawisan na ako ng marami dahil sa mga naririnig ko sa kanya. Nagpunta ata ang mga kulisap sa tuhod ko at tinanggalan na ng tornilyo ang tuhod ko para bumigay na at madapa na ako dito.

    “Y-You’re crazy. Iyon nga ang ayaw ko… yung kinukulit mo ako. Kaya nga ako naiinis, diba?” Umirap ako para itago ang pagkalusaw ng buong sistema ko.
    “Eh pano yan, dyan ako nabubuhay. Paano ko titigilan?” Humalakhak siya.
    Sinapak ko na ulit ang braso.
    “Oww!”
    Umirap ako at tumawa na rin.
    “Darn it, Rozen!” Napatingin ako sa kanya.
    Nakangisi din siyang napatingin sakin.

    Ang lakas-lakas ng pintig ng puso ko. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas nito para pumintig gayong lusaw na ang buong katawan ko.

    Nagkatitigan kami hanggang sa unti-unting niyang nilapit ang labi niya sakin. Pumikit siya ng sobrang higpit, napangisi ako.

    “Please, another kiss, wa’g mo muna akong sapakin.” Tumawa siya saka pinaglapat ang labi namin.

    The same addicting shallow kisses. Wala akong pakealam kung may taong nakatingin o nasa open space kami ng buong nature park.

    Nasa mga halik niya ako nakatoon. Ang mararahan at nakakatunaw na halik niya.

    “Gusto ko ako lang ang halikan mo… But I think that would be too much to ask.”

    Walang laman ang utak ko kundi iyon. Iyon lang. Ang buong nangyari doon sa nature park. Hindi ko na matandaan ang mga hayop, ang mga scientific name ng mga bulaklak na nakapaskil sa lupa. Ang tangi kong naaalala ay ang titig ni Rozen at ang kanyang mga halik.

    Kailan pa ba na invade ni Rozen ang sistema ko? Hindi ko alam.

    “Coreen!!!” Sigaw ni Reina sakin ang bumungad sa Thursday.

    Yes. Thursday. Ito ang araw kung saan magsosoot dapat ako ng ‘Owned by an Elizalde’ T-shirt pero di ko sinunod si Rozen. Hindi ko alam kung bakit.

    Yung usapan namin ay magsosoot ako nun, huling favor niya sakin bago mangyayari ang date namin ni Noah. Kaya lang, hindi ko sinoot. Malamang, magagalit iyon. Eh… Kasi… Ayaw kong sootin. Hindi naman sa ayaw kong mag date kami ni Noah. Pero… Ewan ko.

    “MAGKAKA ALBUM NA ANG ZEUS THIS YEAR!” Tumalon talon siya sa tuwa.

    Nag proseso pa iyon sa utak ko bago ko siya sinabayan sa pag talon.

    “OH EM GEE!” Sigaw ko.

    Nagtatalon kaming dalawa.

    “Iyon pala ang dahilan kung bakit usap-usapan sa school na may victory party pa mamaya? WAAAH”

    Panay ang tilian naming dalawa dito sa school grounds. Noong una ay nag alinlangan pang sumama si Reina sa victory party. Pero dahil nagpacute si Wade sa kanya ay madali din itong nakumbinsi.

    Napapalakpak ako. Gusto ko ring sumama at makita ang nagdiriwang na Zeus. Lumaki akong nanonood at humahanga sa kanila, natural sobrang saya ko para sa kanila at para kay Noah dahil dito.

    Syempre, pinaghandaan ko ang soot ko para sa bar. Tight dress tsaka black killer heels. Hinayaan ko ang buhok kong nakalugay at medyo inakma ang make up ko sa soot. Si Reina naman, sa wakas, ay natauhan na at na i apply na sa sarili ang mga disenyong ginagawa. Magaling na siyang mag accessorize ngayon. Iba talaga ang nagagawa ng pag ibig. Improving!

    Napangiti ako habang tinitignan ang buong bar na puno ng schoolmates namin. SCHOOLMATES NAMIN? Hindi kaya nandito din ang isa pang Elizalde? Yung halimaw na kilala ko?

    “Asan na kaya si… Noah?” Kinagat ko agad ang labi ko.

    Wala ako sa sarili kasi panay ang lingon-lingon ko sa buong bar.

    “Ewan ko.” Sagot ding wala sa sarili ni Reina.

    Umupo kami sa table. Tumatango-tango lang ako sa mga kakilala ko. Nakita namin si Joey at Wade na may kasamang ibang babae sa kabilang table. Umiling ako. Reina won’t like this.

    Nasa dancefloor parin ang titig ko. Halos humabang parang giraffe na ang leeg ko sa kakatingin.

    “Hahanapin ko lang. Dito ka muna.” Sabay tayo ko.

    Hindi ko na hinintay na sumagot si Reina. Dumiretso na ang lakad ko sa dancefloor. Nakita ko sa may bar si Noah, nakahilig at nakatalikod sa bartender, nakaharap sa buong dancefloor. May kasama siyang isang lalaki at dalawang babae. Nakangisi siya at mukhang may pinag uusapan sila. Pupuntahan ko na sana siya pero may biglang humigit sakin sa dancefloor.

    “Sht!” Napasigaw ako.

    Muntik na kasi akong madapa sa heels ko. Inalalayan din naman ako ng humila. Tumingala ako gamit ang matatalim kong titig.

    “ROZEN!” Sigaw ko kahit halos di na marinig sa ingay.

    Nakakunot ang kanyang noo. Walang bahid na ngiti sa mukha. Ramdam na ramdam ko ang kanyang galit. Inilapit niya ang kanyang labi sa tainga ko.

    “Thursday at ang huling hiling ko sayo, di mo ginawa?”

    Hindi ako makapagsalita.

    Umiling siya at nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata sa gitna ng dilim at malilikot na neon lights sa buong bar. Bumitiw siya sa pagkakahawak sakin at tinalikuran ako.

    Galit ang mga kulisap. Parang may naghihingalo sa kanila. Nakita ko siyang nilalagpasan ang bawat babaeng nagtatangkang isayaw siya.

    “ROZEN!” Sigaw ko.

    Napatingin ako kay Noah. Nakangisi parin siya habang kausap ang mga tao.

    Nilingon ko ulit ang wala ng si Rozen saka tumakbo patungo sa kanya.

    “ROZEN!” Sigaw ko nang nakalabas na ako.

    Kakarating niya lang sa sasakyan niya. Alam kong naririnig niya ako pero di niya ako pinapansin.

    “ROZEN!” Sigaw ko ulit. “Teka lang!”

    Pumihit siya at nilingon ako.

    “Ano?” Galit siya.
    “Sorry na. Eh kasi naman… masyadong feeling yung t-shirt. Alam kong walang nakalagay na pangalan at pwedeng Noah iyon. Pero nakakahiya kasi… Nakakahiya kay Noah, kay Reina, sayo.” Sabi ko sabay pisil sa kamay.

    Uminit ang pisngi ko. Hindi ko alam kung bakit.

    “You’re not true to your word, Coreen. But I am… I’ll text you kung kelan ang date niyo ni Noah.”
    Nalaglag ang panga ko.

    Pumasok siya sa loob ng sasakyan niya. Pinigilan ko ang pagsara ng kanyang pinto.

    “H-Ha?” Loading… Buffering…
    “Yes.”
    “S-Saan ka pupunta?” Tanong ko.
    “Idunno. Uuwi.” Nagtangka ulit siyang isarado ang pinto.
    Pinigilan ko siya, “U-Uwi na rin ako.” Sabi ko.
    Mas lalong nagkasalubong ang kilay niya at tinitigan ako, “Noah’s there… Bakit di ka manatili doon? It’s your time.”

    Napayuko ako.

    “He’s busy… and…”

    TING!

    Humawak agad ako sa tiyan ko.

    “Masakit ang tiyan ko. Huhu.”
    Napangiwi siya, “You liar.”
    “Hindi no! Totoo!” Sabay inda ko sa kunwareng masakit kong tiyan.

    Pinilipit ko ang mukha ko para mas makatotohanan.

    “Shit!” Sabay hampas niya ng manibela.

    Ngumisi siya at lumabas ng sasakyan. Hinawakan niya ang braso ko at inalalayan papasok sa sasakyan niya.

    NAKA BENTA AKO!?

    “I know you’re lying, Coreen. But damn you’re adorable!” Umi-iling iling parin siya nang pumasok siya sa sasakyan at ngumingisi.

  • Kabanata 25Open or Close

    Kabanata 25
    Paasa

    Lumipas ang isang linggo at habang tumatagal ay nawawalan ako ng ganang gawin ang mga duties ko sa council at maging ang mga group works ko.

    Napatalon ako galing sa pagkakatulog nang biglang nag alarm ang cellphone ko. Kinusot ko ang mata ko at inabot ito para tignan kung anong meron. Lagi kasing ganito. Tuwing nahahawakan ito ni Rozen, lagi siyang may dinadagdag.

    “Group meeting. Library. Kumain muna bago umalis.” Napangiti ako sa nakalagay.

    Bumangod agad ako, naligo, kumain, nagbihis, nag ayos. Tama. May group meeting nga kami ngayon. Ang hirap kasi midterms na. Ang bilis talaga ng panahon.

    Naging busy ako. Halos pasan ko lahat ng books ko tuwing pumupuntang school. Nakakawala nga ng poise kahit na todo dress parin ang soot ko.

    “Coreen, paano yung term paper sa history?” Tanong noong isang kagroup ko sa history nang nagkasalubong kami.
    “Tapos ko na yun. Ngayon ko isa-submit.”
    Tumango siya at ngumisi.

    Natapos ko halos lahat ng requirements dahil sa mga alarm ni Rozen. Natapos niya kaya yung kanya? Sa mga araw na hindi kami nagkikita, gumagawa din ba siya ng kanyang requirements?

    Nag ti-text naman siya sakin, as usual. Gaya ng dati niyang tinitext: Kumain ka na ba? May kukuha ba sayo pag uwi? Lahat ng concerned questions ay natanong niya na. Minsan di ko na siya nasasagot dahil masyado na akong busy sa council.

    Papunta na ako sa Audio Visual Room, kung saan kami magkaklase sa isang major subject. Mag rereport ang ilang groups ngayon. Magaan ang loob ko kasi tapos ko na ang report na iyon at wala na akong problema. Hinihigop ko itong coffee crumble na shake sa isang kamay habang naglalakad palapit sa corridor papunta AVR nang bigla kong naaninaw si Noah at ang kanyang buong banda sa dadaanan ko.

    “Oh… darn.” Sabi ko sa sarili ko.

    Simula kasi noong binigay namin ang pagkain sa mga pulubi ay hindi na ulit kami nagkita ng ganito. Totoong nakita ko siya sa bar, pero hindi ko naman siya nilapitan at hindi niya rin naman ako nakita. Ngayon, alam na alam ko na ako iyong tinitignan siya. Sa gitna nI Wade at ni Warren na mukhang naglolokohan ay ang nakahalukipkip at seryosong ekspresyon ni Noah na nakatingin sakin.

    Hindi ko alam kung anong ginagawa nila sa tabi ng AVR at bakit sila nandoon. May pasok ba sila doon kanina?

    Papalapit na ako nang papalapit nang nakita kong mas lalong lumalalim ang titig niya sakin. Tumigil ako sa pag higop ng shake. Napayuko ako at napapikit sa desisyon kong lumiko at bumalik na lang mamaya pag wala na sila.

    Humakbang na ako palayo. Ilang hakbang pa lang ay may humila na agad ng braso ko. Masyadong malakas ang pagkakahila kaya na tapon ang dala kong shake sa damit ko. Kumunot ang noo ko. Kung sino man itong humila sakin ay ililibing ko itong buhay.

    Unti-unti akong tumingala para bugahan ng apoy ang tao.

    “ANO BA NAMAN…” Humupa ang sigaw ko nang nakita ko ang nabiglang ekspresyon ni Noah.

    Nakita kong natigilan ang mga tao sa nangyari sakin. Kahit na nakatingala ako kay Noah kanina, nagawa ko paring dumungaw sa damit kong punong-puno nung shake. Simula dibdib hanggang palda ng dress ko ay basang basa. Pumatak sa sapatos ko ang shake. Hindi ako nakagalaw.

    Gusto kong magmura pero hindi ko magawang magalit.

    “Hala! Kawawa naman si Coreen.” Narinig kong bulong ng isang kaklase ko.

    Napatingin ulit ako sa mukhang medyo galit si Noah. Ba’t galit siya? Hindi ko alam. Basta ang alam ko, malagkit na ang feeling ko ngayon dahil sa shake na natapon. Pumihit ako para umalis na sa kahihiyang natamo nang bigla niyang hinubad sa harapan ko ang soot niyang jacket. Naka t-shirt na lang siya ngayon. Agad niyang sinoot sa akin ang jacket niya. Yumakap siya sakin para maisoot ko ito.

    Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Natigilan ata ang lahat, maging sina Warren ay natigil sa pag lolokohan.

    “I’m sorry.” Malamig na sinabi ni Noah.

    Parang may kinurot sa puso ko nang sinabi niya iyon. Para bang hindi itong nagawa niya ang pinag sosorry niya kundi ang isa pang bagay… Pinilig ko ang ulo ko para alisin ang mga iniisip kong iyon.

    “O-Okay lang.” Sabi ko kahit medyo hindi okay iyong nangyari.

    Anong gagawin ko ngayon? Papasok ba ako? Kailangan, eh! Malapit na ang midterms at pag nakamiss ako ng isang session, baka bumagsak ako. Pero wala na akong time mag palit ng damit. Wala akong locker. Wala akong extra t-shirt or whatever. Ano? Papasok akong AVR kahit na tumutulo pa ang shake sa dress ko?

    Hindi ako makagalaw. Pagkatapos nilagay ni Noah ang jacket niya sakin ay hinawakan niya ang kamay ko at hinigit ako palayo doon.

    “N-Noah, may pasok ako sa AVR.”
    “Alam ko. Saglit lang ito.” Malamig niyang utas.

    Pinagmasdan ko siyang mabuti habang naunang humahakbang sakin. Nagmamadali siya.Halos patakbo na ang lakad ko dahil sa paghigit niya sakin. Panay ang tinginan ng mga tao samin.

    “Uy, kayo na? Sa wakas?” Tanong noong isang lalaking classmate ko since gradeschool.

    Hindi naman kasi lihim ang pagkagusto ko kay Noah simula pa noon kaya hindi ko kaya alam kong iyon agad ang iisipin ng mga tao lalo na ngayong magkahawak-kamay kami.

    Bumaba kami ng building. Papunta ata kaming Men’s Lounge or something.

    “N-Noah?” Sabi ko nang nag aalinlangan.

    Hindi kasi siya nagsasalita at mukha pang galit. Tumigil kami sa tapat ng locker room. Hinila niya ako papasok sa loob. Parang naistorbo ang mga babaeng humahagikhik sa tawa at tumitili dahil habang dinudumog ang isang locker. Papunta kami sa kanila. Napatalon sila sabay-sabay nang nakita kung sino ang paparating.

    “Excuse me.” Sabi ni Noah sa kanila.

    Nanginginig ang mga binti nilang umalis doon sa dinumog nilang locker. Tumitili at nauutal pang binati si Noah.

    “N-Noah, an-di-dito ka pala. So-Sorry. AHHH!”

    Hysterical ang tatlong babaeng halos madapa sa pag tutulakan para lang makaalabas sa pintuan.

    Umiling si Noah at may kinuha sa bunganga ng locker niya. May isang envelope doon na may design na hearts at flowers. Umiling ulit siya at nilukot ito bago itinapon sa basurahan.

    “Love letter?” Untag ko habang dinudungaw ang letter na nakalukot.

    Hindi sumagot si Noah. May kinuha siyang susi sa bulsa at binuksan na agad ang kanyang locker. Nandoon sa loob ng kanyang locker ang dalawang sapatos (na mukhang ginagamit para sa basketball), mga damit, libro at iba pang gamit para sa school. Hindi ko rin pinalagpas ang lima pang love letters na nakaratay sa ibabaw ng kanyang t-shirt. Hinawi niya ito kaya nahulog.

    Pinulot ko ang mga iyon at isa-isang binasa ang nasa labas.

    “I love you, Noah, so much. Iniidolo kita. Sana balang araw mahalin mo rin ako. Kasi totoong ikaw lang ang minahal ko ng ganito.” Sabi ko nang binasa ang loveletter.
    “HA?” Nabigla ako sa intensityng hatid ng boses ni Noah nang lumingon siya sakin na may hawak na kulay puting damit.

    Napatingin ako sa kanya ng nagtataka sa reaksyon niya.

    “A-Anong sabi mo, Coreen?” Humakbang siya palapit sakin at napalunok.
    “What?” Kumunot ang noo ko.
    “Anong sinabi mo?” Habang tinatanong niya iyon ay napatingin siya sa kamay kong may hawak na love letter.

    Uminit ang pisngi ko. Akala niya sinabi ko iyon sa kanya? Ngayon niya lang namalayang binasa ko lang iyon dito?

    “AY SHIT!” Tumalikod siya at hinampas ang pintuan ng locker.

    “Binasa ko lang itong love letter.” Niyakap ko ang jacket na nakapulupot sakin saka humakbang palapit sa kanya.

    Pinilit kong tignan ang mukha niya pero nag iwas siya ng tingin. Ilang sandali pa bago siya huminga ng malalim saka humarap sakin nang di parin tumitingin.

    “Sootin mo ito.” Malamig niya na namang sinabi habang binibigay ang t-shirt.

    Kinuha ko iyon sa kamay niya.

    “Pero naka dress ako. Wala akong palda o shorts o kung ano pa diyan. Hindi parin ata pwede.”
    “Wala din akong shorts o pants dito. Iyan na lang muna.” Binigay niya rin ang isang tuwalya sakin.
    “Naku! Okay na naman siguro itong jacket.” Sabi ko. “Wa’g ka ng mag abala.”
    Kumunot ang noo niya nang bumaling na sa wakas sakin, “No, Coreen. You wear my shirt. Babalikan kita mamaya. Aalis ako para bumili ng damit mo.”
    “HA? Naku! Wa’g na!” Natatawa kong sinabi. “Wa’g ka ng mag abala. Nakakahiya naman. Okay na ito. Pagkatapos ng class ko, baka pwedeng umuwi na muna ako-”

    I lied. May limang class akong susunod. Pag umuwi ako baka maka absent ako ng isa.

    “No. Saglit lang ako. Wala naman akong class. Kaya bibilhan na muna kita ng damit. Kasalanan ko yan, kaya responsibilidad ko. Wa’g ka ng mahiya.” Aniya.

    Tumango na lang ako dahil masyadong commanding ang boses niya.

    “Now, let’s go to the bathroom. You wear that, and I’ll take you to your class. Pagkatapos ng klase mo, susunduin kita with the clothes.”

    WHOA! Sa totoo lang, hindi ko maintindihan ang sarili ko. Halos mag alburoto sa saya ang puso ko dahil sa nangyari kahit na badtrip. Ganun na ba ako ka baliw kay Noah? I don’t know.

    Nag bihis ako sa CR. Walang pinagbago. Malamig parin at medyo sticky ang feeling ko dahil sa soot kong dress. Kawawa naman itong puting t-shirt ni Noah, baka mamantsahan lang ng shake. Nakahalukipkip siyang pinanood akong lumabas ng CR. Uminit ang pisngi ko dahil masyado siyang nakatitig sakin.

    “Medyo okay na ito. Hindi mo na kailangang bumili pa ng-”
    “NO. Bibili ako. You will wait for me.” Ayan na naman ang commanding voice ni Noah.
    “P-Pero-”
    “Don’t be stubborn, Coreen. Just let me, okay?” Galit niyang sinabi.
    “Pero mag aabala ka pa-” Pinilit kong isingit.
    “Mag aabala ako para sayo.”

    Natahimik ako. Naglakad siya. Hindi niya ako hinigit o tinawag man lang. Alam niya. Alam na alam niyang susundan ko siya sa paglalakad niya. At iyon nga ang ginawa ko. Sumunod ako. Syempre, dahil ang tinatahak niya ay daan pabalik sa AVR.

    Hindi ko alam kung dapat ba akong mainis o kiligin sa kanya. Siguro ito ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay sagad parin ang tama ko sa kanya. Dahil lagi siyang mukhang galit pero lagi rin namang sweet at concerned.

    “Noah.” Tawag ko sa kanya.
    “Ano?!” Iritang tanong niya.

    Sanay na ako. Sanay na akong medyo suplado si Noah. Sanay na sanay na pakiramdam ko okay lang. Na ganito talaga siya.

    “Yung love letters kanina, ba’t di mo inientertain?” Tanong ko.
    “Bakit ko ieentertain eh hindi ko naman sila gusto?” Pabalik niyang tanong sakin.
    “Kung ako ba gagawa ng loveletter para sayo, hindi mo rin ieentertain?”

    Ilang sandali pa bago siya sumagot.

    “Hindi ka gagawa ng love letter para sakin ngayon.”
    “Huh?” Nabigla ako sa sinabi niya. “Bakit mo nasabi?”
    “Gumawa ka na noon, diba? At matagal ka ng tumigil.”

    Parang may kung ano sa tiyan ko. Hindi ko na maintindihan. I feel constipated. Ano? Patay na ba ang mga kulisap at gusto na nilang lumabas? Hindi ba pwedeng sa loob na lang sila maagnas?

    “Oo. Noong gradeschool lang iyon.”
    “Ba’t mo tinigilan? Na inlove ka na ba sa iba?”

    DARN!? What’s that question again?

    “K-Kasi di mo naman ako pinapansin.” Sagot ko.
    “Paano kung pansinin kita, gagawa ka ba ulit?”

    Napayuko ako. Kinukurot ang puso ko. Hindi ko alam kung bakit. I just want this to be over. Tama na siguro iyong pagmamahal ko sa kanyang kasing luma na ng panahon. Parang namulat na lang ako sa buhayng ibabaw na mahal ko na siya. Wala na akong maalalang ibang hinangaan simula pa noon kundi siya.

    Kinagat ko ang labi ko. Naramdaman niya ang pagtigil ko kaya tumigil din siya at bumaling sakin.

    “Wa’g ka ngang paasa, Noah.” Naiiyak ako pero nagawa kong sabihin iyon sa kanya ng diretso at walang pagkakautal.

    Nalaglag ang panga niya sa linya ko.

    “Tama na, please. Wa’g mo na akong paasahin. Kung ayaw mo sakin, wa’g mong hinihigit-higit ang braso kong bigla, wa’g mo akong kausapin, wa’g mo akong bigyan ng dahilan para umasa ni sa katiting mong atensyon. Kung wala ka rin namang maibibigay, wa’g ka ng magparamdam, magsalita o magpahiwatig!” Dirediretso ko iyong sinabi.

    Bakas sa mukha niya ang pagkabigla sa reklamo ko. Nabigla din ako sa sarili ko. Nanghina ang tuhod ko pagkatapos kong ilabas ang mga sinabi ko.

    Parang lalabas na ata ang luha ko sa mga mata ko kaya pinigilan ko iyon.

    “Sorry…” Mahina kong sinabi at tinalikuran siya.

    Aabsent na lang ako. Tatakbo na sana ako pero…

    “Coreen!” Sigaw niya at pinigilan ako sa pag alis.

    Nilingon ko siya. Namuo na sa gilid ng mga mata ko ang mga luha. Nagbabadya na itong lumandas…

    “Mag date tayo.” Aniya na lumusaw sa puso ko.

  • Kabanata 26Open or Close

    Kabanata 26
    Games

    Hindi parin nag sink in sa utak ko ang sinabi ni Noah.

    “Mag date tayo.”

    Nasa loob ako ng AVR habang wala sa sariling pinapanood ang reporting ng mga kaklase ko.

    Wait a minute… Bakit niya ako niyaya? Ang kilala kong Noah ay cold at laging tumatanggi sakin. Bakit ngayon ay kaya niya na akong yayain?

    Napangiwi ako ng naisip ang isang taong manipulative. Hindi kaya… Hindi kaya si Rozen ang may pakana?

    Napatingin ako sa cellphone ko at nakita kong may message galing sa halimaw na iniisip ko kanina.

    Rozen:
    So… pinili mong sootin ang jacket niya. Ni t-shirt na binigay ko hindi mo maisoot.

    Napapikit ako. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang impormasyong ito. May mga alipores ba siyang nakaaligid? Mga alagad ng dilim? Bakit niya nalalaman halos lahat ng mga ginagawa ko.

    Nag type ako agad ng irereply.

    Ako:
    What do you want me to do? Rot with the shake on my dress? BTW, paano mo nalaman?

    Nagreply siya agad. I can imagine him hiding his phone under his desk at nagtatype ng message para sakin.

    Rozen:
    Have my ways, Coreen.

    Ngumuso ako at inirapan ang screen ng cellphone ko. Ilang sandali lang ay natapos na ang reporting. Nagmadali ako sa paglabas. Buong akala ko ay naroon na si Noah, pero nagkamali ako.

    Hindi si Noah ang nadatnan kong nakahalukipkip at titig na titig sa jacket at tshirt na soot ko. Kinagat niya ang kanyang labi at pinasadahan ng palad ang buhok.

    “WHY. ARE. YOU. HERE?” Hinila ko si Rozen palayo sa pintuan ng AVR.

    Tinago ko siya sa malapit na corridor habang sinusuyod ng tingin ang buong lugar at kumpirmahing wala si Noah doon.

    “Checking on you. Nabasa ka diba?” Matabang niyang sinabi saka pinakita ang isang bag na mukhang may lamang damit.
    “Pupunta si Noah dito at dadalhan ako ng damit. Pag nakita ka niyang aaligid-aligid dito, anong sasabihin niya?” Nilingon ko ulit ang corridor.

    Buti wala paring Noah na nandoon. Pero panay naman ang pagngiwi ng mga kaklase ko nang nakita nilang si Rozen ang kausap ko.

    “Sasabihin niyang, ‘hey, kuya! Ikaw pala yan! Napasoot mo na ng damit si Coreen? Good. Ayoko ng mag effort. Kakapagod-‘”

    Sinapak ko si Rozen. Humalakhak siya pero bakas ang lamig sa boses niya.

    “Did you…” Nanliit ang mga mata niya. “Did you tell him about our deal, Rozen?”
    Tumaas ang kanyang kilay.

    Humakbang ako palapit sa kanya nang sa ganun ay marinig niya ang pag bulong ko.

    “Niyaya niya akong mag date kami. Sinabi mo ba sa kanyang yayain ako?”

    Hindi siya agad nagsalita. Tinitigan niya lang ako. Nagsasayaw ang mga mata niya. Pabalik-balik na tinignan ang dalawa kong mga mata. Para bang binabasa ang nasa utak ko. Naningkit lalo ang mga mata ko.

    “Yeah.” Simple niyang buntong-hininga.

    Napaatras ako at napakagat sa labi. So it wasn’t his will, huh? Pinilit siya ni Rozen.

    Parang may konting parte sa puso ko ang gumuho at malaking parte nito ang nabuo. Hindi ko alam kung paano iyon nagagawa ng mga kulisap sa puso ko.

    “Noah?” Narinig kong sambit ng isang babae sa kabilang corridor.

    Napatingin ako doon at nakita kong si Noah ay pawis na pawis, hinihingal at may dalang kulay itim na paperbag.

    “Darn it!” Sabi ko ng wala sa sarili.

    Napatingin ako sa umiirap na si Rozen.

    “Whatever!” Aniya saka iniwan sa harapan ko ang paperbag at tinalikuran ako.

    Pinulot ko agad iyon at kinuha ang nasa loob para maitago iyon sa bag ko saka binalibag ang paperbag.

    “Sorry natagalan.” Hinihingal na sinabi ni Noah.

    Ngumisi ako kahit na namumutla dahil sa mabilisang paglagay ng damit sa bag ko. Natatakot akong makita niyang magkasama kami ni Rozen.

    Inabot niya sakin ang paperbag. Napalunok ako.

    “Naku, nag abala ka pa.” Matabang kong sinabi.

    Medyo naaapektuhan parin ako sa sinabi ng Sexy Beast na iyon. Na niyaya lang ako ni Noah dahil utos niya ito.

    Kinuha ko ang paperbag.

    “Sige, Coreen. Papasok muna ako. Magbihis ka para maayos na.”
    “O-O sige.” Sabi ko.

    Tinalikuran niya ako. Pero narealize kong hindi ko pwedeng palampasin ang pagkakataong ito.

    “NOAH!” Sabi ko bago pa siya makahakbang.
    “Hmmm?” Hinarap niya ako.
    “Wa’g mo na akong i-date.”

    Kumunot ang kanyang noo at hinarap ako.

    “Bakit?”
    “Kung n-napipilitan ka lang din naman… Wa’g mo na akong i-date.”
    “Ba’t naman ako mapipilitan?” Mukha na siyang naiirita ngayon.
    “K-Kasi… hindi ba? Diba napipilitan ka? Hindi ka ba…” Ugh! Hindi ko masabi ang pangalan ni Rozen. Parang ayoko siyang banggitin. “napipilitan?”
    Umiling siya, “Ba’t ako mapipilitan? What, Coreen? Now that I finally asked you out, susuko ka? You only like the chase, ganun ba?” May halong galit na sa boses niya.
    Umiling agad ako, “N-No, Noah! I-I just thought…”
    “Then you thought wrong. I’ll text you after midterms. Okay?”
    “Uh-huh.” Nanginig ang labi ko sa kaba at galit.

    Yes. Galit. ROZEN. THE BEAST! NEVER MIND THE SEXY! NAKAKAINIS!

    “Good.”

    Pagkatapos kong magbihis ay agad kong nidial si Rozen kahit nasa loob pa ako ng cubicle.

    “Yes, hello? Need anything? Hungry? O nagsawa kay Noah?” He chuckled.
    “YOU SON OF A BITCH! SINUNGALING KA! ANG SABI MO SAKIN INUTUSAN MO SI NOAH? HINDI NAMAN PALA! PINAGLALARUAN MO BA AKO ROZEN?”
    “Oh? Ba’t galit ka? Hindi ba dapat happy ka kasi nalaman mong niyaya ka niyang mag isa? Hindi mo na ako kailangan para mapalapit sa kanya? You should be damn happy, Coreen.”

    Napa facepalm ako.

    “Ewan ko sayong hayop ka! Ano pa bang kasinungalingan ang sinabi mo sakin at ng malaman ko? You manipulative, playful beast! Stop playing games, Rozen! It’s not funny!”
    “I’d play any game to win you, Coreen. Always. Remember. That.”

    At pinatay niya ang linya. Natulala ako sa sinabi niya. Hindi ako huminga. Tumitig lang ako sa screen ng cellphone ko. At mabilis na mabilis ang pintig ng puso ko.

    Ilang sandali ang nakalipas ay lumabas ako sa cubicle. Isang babaeng kasing tangkad ko ang nandoon at nagpa-powder ng mukha. Kilala ko ito. Schoolmate namin sa highschool. Kabatch ito ni Noah. Uminit ang pisngi ko. Narinig niya kaya na kausap ko si Rozen sa cellphone? Nagkibit balikat na lang ako at naghugas ng kamay.

    Malakas niyang sinarado ang lalagyan ng pressed powder niya. Sa sobrang lakas, feeling ko nasira ito.

    “Some girls are obsessed with the chase.” Bigla niyang sinabi sakin at ngumisi. “Pumili ng mabuti kung alin sa mga Elizalde. And don’t worry, hindi ko ‘to malalaman ng kahit sino.” Kumindat siya at umalis.

    Weird, weird girl.

  • Kabanata 27Open or Close

    Kabanata 27
    Nahuhulog

    Mabilis ang panahon dahil busy ako sa midterms. Panay ang study ko habang si Reina, ang bestfriend ko ay tumutunganga sa isang tabi. Nag s-study naman siya pero sadya lang talaga siyang madaling madistract.

    Hinihipan niya ang buhok niya ngayon habang ako naman ay panay ang tingin sa libro ko.

    “Adik.” Utas ko.

    Ilang sandali ang nakalipas, narealize ko kung bakit kami bestfriend ng isang ito. Adik din ako. Nasa tabi namin ang soccerfield habang hinihipan ko na ngayon ang bubbles na bigay ni Rozen.

    “Nakabalik na ata si Ate Megan.” Aniya ng wala sa sarili.
    “Sinong Megan?” Tanong ko.
    “Yung… yung classmate ni Noah.”

    Napaisip ako. Megan. Classmate ni Noah? Iyon ba iyong babaeng nakita ko sa CR?

    Hindi ko alam. Hindi naman iyon tumagal sa utak ko. Ang tangi kong iniisip ay ang imahe ni Rozen na palaboy-laboy sa buong school na may nakaaligid na babae.

    “Disturbing.” Umiling ako nang nakita siyang halos mapunit ang mukha sa kakangisi. “Tsss.”

    Nang last day na ng midterms, Biyernes, ay nakatanggap ako ng text galing kay Noah.

    Noah:
    Bukas. Sa school. 9:00AM. May iiwan ako dun. Dun na lang tayo magkita.

    Tumango ako sa sarili ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Parang… hollow. Parang walang laman.

    Is it true, then? I only like the chase?

    Umiling ako. That’s not true. That’s not true. Hindi pwedeng ganoon. Ang tagal kong hinintay na magkaroon ako ng chance kay Noah, hindi pwedeng wala akong gana ngayon.

    Kinaumagahan, nagising ako ng ngiting ngiti. Syempre, dahil alam kong ngayon mangyayari ang matagal ko ng inaasam na date namin ni Noah.

    Nagpahatid ako sa driver namin papuntang school. Ang alam ko, nasa auditorium sina Noah. Hindi ko nga lang alam kung sino ang kasama niya doon. Kaya doon agad ako pumunta. Nag effort talaga ako sa soot ko ngayon. Mas nag accessorize ako at nagsoot pa ng heels para mas tumangkad at mas bumagay sa matangkad na si Noah.

    Hindi pa ako nakakapasok ay dinig na dinig ko na ang mahihinang boses ni Noah at Warren na nag uusap.

    “May nakakita kay Megan. Nasa Pinas na daw.”
    “Tsss. Pakealam ko dun.”

    Pumasok ako sa pinto at uminit ang pisngi ko nang nakita ang nalalaglag na panga ni Noah.

    “C-Coreen?” Utas niya.
    “He-hello!” Ngiti ko.

    Lumapit siya sakin at nilingon si Warren. Ngumisi si Warren sakin.

    “Alis na kayo?” Tanong niya.
    “Oo.” Sagot ni Noah.
    “O sige. Ingat, bro.” Sabay tapik ni Warren sa balikat ni Noah.

    Pinadausdos ni Noah ang kanyang kamay sa baywang ko. Isang galaw na nagpapaalala sakin sa isang taong kinaiinisan ko.

    Tahimik si Noah habang papalabas kami ng auditorium.

    “Saan tayo pupunta?” Tanong ko para mabasag ang katahimikan.
    “Kakain tayo sa labas, saka manonood ng sine. Ikaw? Anong gusto mong gawin?”
    “Hmmm. Ganun din.” Ngumiti ako.

    Pinatunog niya ang kanyang sasakyan. Binuksan ko ang pinto at pumasok na agad dito. Pinaandar niya ang sasakyan. Naninibago ako. Parang… parang… hindi ito ang nakasanayan kong sasakyan.

    Pinilig ko ulit ang ulo ko at sinubukang tignan ang playlist ni Noah.

    “Anong mga kanta ba ang gusto mo?” Tanong ko habang nagdadrive siya.

    Kinuha ko iyong nakalagay na itouch sa gilid pero agad niyang hinablot ito sa kamay ko. Namutla ako. Nakita kong medyo iritado siya.

    “S-Sorry.” Sabi ko.

    Ayaw niyang pinapakealaman ang gamit niya. Hindi ako sanay. Kung si Rozen ang kasama ko, kahit baliktarin ko ang sasakyan niya, okay lang.

    GOD.

    I miss him.

    Shit!

    “M-May password kasi.” Aniya saka may pinindot doon bago binigay ulit sakin.

    Ngumiti ako pero hindi ko alam kung bakit kinukurot ang puso ko.

    “Hindi… Ikaw na pumili.” Nilagay ko pabalik sa gilid ang itouch.

    Nilingon niya ako kahit nasa gitna kami ng daanan.

    “Coreen, you want to know the songs I like? Go ahead.”

    Tumango ako at kinuha ulit ang itouch at pinindot na lang ang pinaka unang kanta sa listahan. Kahit ano na. Ayaw kong makita niyang pinipindot ko ito palagi kasi baka anong isipin niya.

    Tahimik kami buong byahe.

    “Bakit ang tahimik mo?” Tanong niya pagkapark namin.
    “Huh? Wala lang.” Ngumisi ulit ako.

    Biglang tumunog ang cellphone ko. Napatingin si Noah sakin. Pinatay ko agad ito nang di tinitignan kung sino ang tumatawag.

    “Akala ko pag ka date kita, medyo maingay.” Tumawa siya.

    Ang pagkislap ng kanyang mata habang ngumingisi siya? Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit gustong gusto ko si Noah. Siguro sa tagal ng panahon na gusto ko siya ay minahal ko na siya.

    Tumunog ulit ang cellphone ko. Ngayon, iritado kong dinungaw ito at nakita ko kung sinong halimaw ang tumatawag. Bumilis ang pintig ng puso ko.

    “Ano yan, frequent caller?” Tumawa ulit siya.
    “W-Wala.” Lumamig ang mukha ko. “Tayo na?”
    Tumango siya at lumabas na.

    Una kaming pumunta sa isang engrandeng restaurant. Panay ang tunog ng cellphone ko dahil sa tawag ni Rozen. Hindi ko alam kung bakit kahit naiinis ako ay hindi ko parin ito pinapatay.

    “Sino bang tumatawag sayo?” Tanong niya nang nakakunot ang noo.
    “Wala. Kaibigan.”
    “Wala namang ganyan ka persistent na kaibigan. Unless emergency?”

    Tumunog ulit ito. Napatingin si Noah sa kamay kong nakahawak ng cellphone.

    Tinago ko agad ito…

    “Excuse lang ah? Ititext ko lang.” Sabi ko.
    Tumango siya at tinawag ang waiter para umorder.

    Ako:
    I’m busy, Rozen. Magpakabusy ka rin.

    Rozen:
    Can’t do anything. Can’t even fucking move coz I know you’re with my brother.

    SHIT! Halos sipain ko ang mesa sa mensahe niya.

    Ako:
    Wa’g mo kong lokohin. I know you’re with your girls.

    Rozen:
    I’m not. Wa’g na wa’g mong papatayin ang cellphone mo kung ayaw mong pumunta ako sa mga babae ko.

    Ako:
    Ha! Binablackmail mo ba ako? Edi pumunta ka! Desisyon mo yan. Malaki ka na.

    “Hey! Coreen!” Napatingin ako kay Noah.
    Nakakunot ang noo niya, “Huh?”
    “Mag order ka na.”

    Tumango ako at nag order na.

    “Sorry.” Sabi ko.
    “Okay lang. Mukhang importante nga ang pinag uusapan niyo nitong kaibigan mo, ah?”
    Tumango ako, “medyo.” Saka napainom ng tubig.

    GODNESS! Kung alam niyo lang kung gaano ako ka desperadang umuwi at humiga sa kama at mag text kay Rozen ngayon.

    WHAT THE HELL IS WRONG WITH ME? There is something wrong with my system. May mga namisplace atang turnilyo. Kagagawan ng mga nababagot na kulisap sa tiyan ko. All because of that damn beast…

    “Tahimik mo talaga. I’m not used to it.” Ani Noah habang kumakain kami.

    Sumasakit ang tiyan ko. Ang alam ko hindi iyon dahil natatae ako. Dahil na talaga iyon sa mga kulisap na hindi ko na maintindihan.

    “Noah… Pwedeng magtanong?”
    “Hmmm. That would be better.”
    Napalunok ako saka dinungaw ang pagkain ko, “Bakit ba tinatanggihan mo ako noon? Bakit ayaw na ayaw mo sakin?”

    Marahan niyang binitiwan ang mga kubyertos at pinunasan ng table cloth ang bibig niya. Mabigat na titig ang natamo ko sa kanyang mga mata.

    “Isn’t it obvious to you, Coreen?”

    May kung anong kurot ang naramdaman ko sa puso ko. Hindi ko alam kung bakit.

    “It’s because of my brother.”
    “Si-Sino?” Napakurap-kurap ako.
    Bumuntong hininga si Noah, “Rozen, of course.”

    Mas lalo akong kinabahan at mas lalong lumalim ang sakit sa puso ko. So. It was really him.

    “Why? What about him?”
    “He likes you… Hindi mo ba alam?”

    Alam ko. Hindi ko alam. Alam ko. Ewan. Tinitigan ko lang siya. Umiling siya at uminom ng tubig.

    “Binlackmail ka ba niya?” Nalula ako sa sarili kong tanong.

    Hindi siya agad sumagot.

    “Bata pa lang tayo, hilig ka na niya. At alam niyang… alam niya na ako ang gusto mo.”

    Kinurot ko ang sarili ko. Hindi ito panaginip. Nagsasalita si Noah tungkol sa lahat ng ito!

    “Syempre, hindi naman ako tulad niyang love life ang inaatupag noong bata pa. Wala akong pakealam. Kahit na galit siya sakin dahil sayo. Pero hinayaan ko siya.”

    Ngumuso siya.

    “Nang nag highschool tayo… na curious ako sayo. Bakit… Bakit sa lahat ng babae ni Rozen ay ikaw?-“
    “Hindi ako babae ni Rozen.”
    Ngumisi siya, “Sa lahat ng babae… Bakit ikaw? Nagresearch ako tungkol sayo. I stalked you.”

    “WHAT?” Nalaglag ang panga ko.
    “Yes. I stalked you. At nalaman kong hindi lang siya ang nahuhumaling sayo. Kalahati ng populasyon sa mga lalaking freshmen na batch niyo ni Reina ay nahuhumaling sayo. Rozen’s just one of the many, huh?”

    Uminit ang pisngi ko.

    “At nalaman ni Rozen na na curious ako sayo. Nalaman niya na may… gusto ako sayo… Na ako rin… Nahuhulog.”

    Unti-unti kong narealize ang sinabi ni Noah. Nagkatitigan lang kaming dalawa. I was so shocked na nakalumutan ko ng huminga.

    Hindi ako makapaniwala.

    Kabanata 28
    Mahal Ko Na

    Hindi magsink in sa utak ko yung sinabi ni Noah sakin. Dumating yung order kaya nabasag ang titigan naming dalawa.

    “Let’s eat.” Aniya.
    Tumango ako kahit alam kung hindi ako makakakain ng maayos.

    Halos hindi ko malunok ang bawat pagkaing nginunguya ko. Ang tanging nararamdaman ko ngayon ay iyong puwang sa puso ko at ang tanging iniisip ko ay ang pagkakahulog ni Noah sakin.

    Hindi ko siya matanong ulit tungkol dun. Hindi ko alam kung bakit. Parang ayokong malaman ang mga kasunod. Ayokong marinig kung ano pang pwede niyang sabihin. Tama na dito. Dito na lang ako. Sa gitna ng katotohanan at ng akala ko ay totoo.

    Dahil alam ko… kahit na wala pa siyang sinasabi… alam kong malaki ang kinalaman ni Rozen dito. At ayaw kong malaman kung ano pang mga ginawa niya para lang pumagitna samin ni Noah. Ayoko.

    Kahit na alam kong malalaman ko rin iyon ngayong magkasama kami ni Noah. Papunta kami ng sinehan nang nagsalita siya ulit.

    “He liked you first, Coreen.”

    Pinagdikit kong mabuti ang mga labi ko nang sa ganun ay hindi na ako magtanong. Pero hindi ko napigilan ang sarili ko.

    “He told me to back off.”
    “Bakit ngayon lang? Bakit ngayong college na tayo?”

    Napatingin siya samin. Nasa tapat na kami ng sinehan. Hindi pa namin napag uusapan ang panonoorin naming movie. Pero kahit saan, wala akong pakealam.

    Bumili siya ng ticket. Pinili niya iyong movie’ng ang bida ay superhero.

    “Dalawa po.” Aniya.

    Pinagtitinginan siya ng mga babae sa likod niya. Halatang medyo na di-disturb sa kanyang kagwapuhan.

    “Thank you.” Ni hindi niya tinignan ang babaeng nagbigay ng ticket sa kanya na malaki ang ngisi.
    “Hello…” Nahihiyang sambit ng medyo matangkad, chinita at maingay na babae sa likod.

    Kanina pa nila pinagmamasdang mabuti si Noah. Napangisi ako. Ganyang ganyan din ang reaksyon ng mga babae kay Rozen. Mga Elizalde talaga. Kaya lang… kung si Rozen ay mas lalong ngumingisi, si Noah naman ay mas lalong sumisimangot.

    Bumaling siya sakin at ipinakita ang dalawang ticket.

    “Okay ba ito sayo?” Tanong niya.
    Tumango ako.

    Nilingon ko ang natahimik na mga babae na ngayon ay nagbubulong-bulungan na sabay tingin sakin.

    “Let’s go, Coreen.” Aniya saka pinadausdos ang kamay niya sa palad ko.

    Napatalon ako sa ginawa niya. Nilingon ko siya at nakita kong nakakunot ang kanyang noo at namumula ang pisngi.

    “H-Hinahawakan mo ang kamay ko.” Sabi ko.

    Hindi ko maiwasang punahin iyon. Kaya naman ay nag iwas siya ng tingin.

    “Bakit? Ayaw mo!?” Galit niyang utas.

    Naramdaman kong humigpit ang kamay niyang nakahawak sa palad ko. Parang may kung ano sa puso kong kinukurot. Hindi ko na maintindihan ang mga kulisap. Para silang nag ra-rally. Dahil hindi na nila gusto ang nakaupong presidente. Gusto na nilang ma impeach ito. At wala ng kakampi ang presidente… Maiimpeach na siya anytime.

    “H-Hindi naman sa-“
    “Ayaw mo, Coreen?” Lumamig ang boses niya.

    Napapikit ako at matamang hinawakan ang kamay niya.

    “G-Gusto…” Kinagat ko agad ang labi ko.

    Alam kong hindi… alam kong may parte sa puso kong naiinis sa sarili ko dahil sa kasinungalingang iyon. Gusto ko si Noah, oo, noon pa. Pero ngayon, hindi ko na alam. Hindi ko alam. May gumugulo sa utak ko at ayaw kong aminin iyon sa sarili ko. Ayaw ko kasi alam kong may malaking kasalanan siya.

    “Noah.” Utas ko nang nakapasok na kami sa sinehan at nag sisimula na ang movie.

    Nakahawak siya ng pop corn at nasa gilid namin ang mga drinks.

    “Hmmm?” Hindi siya lumilingon.

    Panay ang titig niya sa screen habang ako naman ay nakatingin sa perpekto niyang features. Galing sa malalalim na mga mata, sa matangos na ilong, sa labing maganda ang kurba, sa adam’s apple na kitang-kita ang silhouette kahit madilim.

    Tinitigan ko lang siya. Napalunok ako. Naramdaman niya ang titig ko kaya nilingon niya rin ako. Nagkatitigan kaming dalawa.

    Bumuntong hininga siya at dinilaan ang labi niya bago nagsalita.

    “Ngayon ko lang ito sinabi kasi pinigilan niya ako.”

    Tumunganga lang ako. Hinintay ko ang karugtong.

    “High school noong nalaman niyang nagustuhan kita. Panu niya nalaman? You know him… marami siyang galamay. At alam na alam niya kung nag sisinungaling ang tao o hindi. Sinuntok niya ako.”
    Nanlaki ang mga mata ko.

    Nakita kong ngumisi si Noah sa reaksyon ko.

    “Nakakatawa kasi ni hindi man lang kita kaibigan. Ni hindi man lang kita nakakausap. Pero nagalit parin siya noong nalaman niya iyon. Ayaw niyang nag uusap tayong dalawa. Ayaw niyang magkalapit tayo. Ayaw na ayaw niya. But you know… I respected him. Siya ang nauna. Siya ang dahilan kung bakit gusto kitang makilala. It’s the bro code.”
    “A-Ayaw ni Rozen na magkalapit tayo? Is that why you were always cold to me?”

    Sumikip ang dibdib ko sa sarili kong tanong.

    Pumikit siya bago binuga ang salita, “Yes.”
    “P-Pero bakit? Bakit ka nagpadala kay Rozen?” Napalunok ako.
    “Because Rozen told me you like him, too-“
    “No… No… Alam mo noon pa na ikaw ang gusto ko.” Humina ang boses ko.

    Natahimik siya at yumuko. Humugot siya ng malalim na hininga.

    “Rozen told me you like him… Kaya nabigla ako nang sinabi mo noong highschool na ako ang gusto mo. Yung alam ko ay siya ang mahal mo. Tuwing naririnig ko ang pangalan mo at naiuugnay sa isang Elizalde, alam ko na agad na hindi ako. It was him. It was always him. The way he makes other girls drool… even you.”
    “I don’t… drool over him.” Napangiwi ako.

    At least hindi noong high school. Dahil bumalandra sa utak ko ngayon ang nakatopless at naninigarilyong si Rozen.

    Umubo ako para maistorbo ang nasa utak ko.

    “Well, that’s what I thought.”

    Ilang sandali kami natahimik. Nakatitig siya sa screen at pinapanood ang movie pero ako nakatitig din pero naglalakbay ang utak ko. Si Rozen… ang pagiging manipulative niya. Hindi lang pala kay Reina at kay Wade, maging sakin.

    Biruin niyo? High school pa lang may hidden agenda na siya. He poisoned Noah’s brain.

    “So… Noah, why not? Bakit ngayon lang?” Tanong ko sa kalagitnaan ng movie.

    Hindi talaga matanggal sa utak ko ang tanong na ito.

    “Because I know your deal, Coreen. Ang sabi niya, titigilan ka na niya pagkatapos ng isang buwan. Pumayag ako. Pinagbigyan ko. Pero magdadalawang buwan na hindi niya parin inaamin sakin na wala siyang nagawa. He’s tricking us again, Coreen. Manipulating us again. I won’t let that happen anymore.”

    Nanginig ang labi ko. Ang sama sama ni Rozen. ANG SAMA SAMA. Hindi ko na kayang iexplain ang nararamdaman kong pagkamuhi sa kanya. Nanghihina ang puso ko sa umaapaw na galit at… panghihinayang.

    Panay ang titig ko sa screen. Darn it! Rozen Gaiser Elizalde… Iyon ba lahat ng ginawa mo? Nanghina ang buong katawan ko. Mabuti na lang madilim. Mabuti na lang at nakatingin din si Noah sa screen. Mabuti na lang at kaya kong pigilan ang paghikbi ko. Hindi bale na kung malagutan ako ng hininga dito sa kaka pigil sa paghinga ko. Hindi bale na.

    It hurts too damn much! Buong akala ko siya itong nagpapakamartyr. This was all his plan. We’re in the middle of his game. Shit walangya! Sorry pero hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko.

    All this time, lahat ng sakit na natamo ko galing kay Noah… hindi ko pala dapat iyon nararanasan. Nag gi-give way lang apla siya sa kapatid niya. And Rozen’s just using Noah’s kindness! Dahil kaya ni Noah mag give way ay pagsasamantalahan niya ito… Gagamitin niya. Wala siyang pakealam. Walang pakealam kung kaninong feelings ang maapakan niya. Kaninong puso ang mawasak niya. Kahit puso ng kapatid niya, kahit puso ko… Basta ma ligtas lang ang puso niya.

    Pinagsalikop ni Noah ang kamay naming dalawa.

    “Hey, Coreen.”

    Nakita ko ang titig niya sa gilid ng aking mga mata. Bumuhos pa lalo ang luha ko. Ngayon ay hindi ko na napigilan ang paghikbi.

    “M-May alikabok lang… napuwing.” I lied.

    Shit! Mahal ko na si Rozen. Pero hindi ko matanggap ang lahat ng ginawa niya.

  • Kabanata 29Open or Close

    Kabanata 29
    Come Back

    “Coreen, sorry ah? Ewan ko anyare sa kapatid kong iyon pero pinapasabi niya sakin na sabihin ko raw sayo…” Nakatingala pa si Reina habang iniisip ang lahat ng dapat sabihin sakin. “Na magkasama daw sila ni Zoey kahapon?”

    Kumunot ang kanyang noo.

    Umirap ako sa kawalan. Buti hindi niya iyon naabutan.

    “Bakit? Ano naman kung magkasama sila?”
    “Oo nga! Ano naman kung magkasama sila!” Padabog kong utas.
    “Bakit? Magkagrupo ba kayo ni Zoey or something?” Tumaas ang kilay ni Reina.
    “Hindi.” Plastik ang ngisi ko nang sinabi ko iyon sa kanya

    Nagkibit-balikat na lang siya at di na nakiusisa.

    Wala akong pakealam kung sinong babae ang isama niya o ikama niya o whatever! I HATE HIM TO BITS! Yet… darn it!

    Nag alarm yung cellphone ko. Halos ibalibag ko nang nakita ang mensahe ng alarm.

    “Eat your lunch.”

    Mahigpit kong hinawakan ang cellphone ko tsaka tinapon sa bag.

    “Reina, alis na muna ako.” Sabi ko sabay hagilap sa gamit ko at kuha sa bag ko.
    “Huh? O sige.”

    Hindi ko kayang makita ang mga alarms niya araw-araw. Lagi akong nababadtrip. Palagi din siyang nag ti-text. Madalas kasabay pa sila ni Noah.

    Rozen:
    Hey, haven’t seen you at school. Iniiwasan mo ba ako?

    Noah:
    Lunch?

    Si Noah ang nireplyan ko. Naiinis ako kay Rozen. Gusto kong bumawi sa mga panahong ipinagkait niya samin ni Noah. Kaya lang… tuwing magkasama kami ni Noah, wala akong maisip kundi siya.

    “Anong gusto mo?” Tanong niya.

    Nasa isang fast food kami para mag lunch.

    “Kahit ano.” Sabi ko.

    Tumayo siya para umorder. Malayo kami sa school kaya walang schoolmates na naka aligid. Hindi rin kami masyadong pinagtitinginan dahil nasa isang business park kami at matatanda ang mga kumakain dito.

    Nang dumating ang order at hinawakan ko ang tinidor, bumuhos ang alaala ko kay Rozen.

    “Coreen?” Kumunot ang noo ni Noah.
    Suminghap ako at bumaling sa kanya, “Yep. Kain na tayo.”

    Tumunog ang cellphone ko at nakita ang isa pang mensahe ni Rozen.

    Halos mabitiwan ko ang mga kubyertos.

    “Coreen, okay ka lang ba?” Tanong ni Noah.
    “Uh… O-Oo. Medyo nanghihina lang. Mukhang-mukhang magkakasakit ata ako.” Sabay hawak ko sa ulo ko.

    Hinawakan niya rin ang noo ko para tignan kung may lagnat ba ako.

    “Wala naman, ah? Pero… sige, bibili tayo ng gamot mamaya. Baka lagnatin ka. Kumain ka ng marami.” Aniya.
    Tumango ako at pinindot ang cellphone sa ilalim ng mesa.

    Rozen:
    You’re with him

    Napalunok ako at napainom ng softdrinks.

    Pagkatapos ng araw na iyon ay wala na ako masyadong narinig galing kay Rozen. Isang buwan na ang nakalipas at ang tanging nagpaparamdamn sakin ay ang kanyang mga nakalagay na reminders lang at alarms. Walang text. Walang tawag.

    Lagi ko siyang naaabutan sa school na may kasamang babae. Kung hindi si Zoey ay mga babaeng matatangkad, makikinis at model type – yung mga tipo niya.

    Naiinis ako sa sarili ko. Kasi kahit anong gawin kong kumbinsi na dapat ay di ako maaapektuhan ay naaapektuhan ako. Ni hindi niya ako tinitignan. Yes, galit ako sa kanya, pero hindi ko magawang magalit lang… nagseselos ako. Nagseselos ako tuwing nakikita siyang pinapadausdos ang kanyang kamay sa mga baywang ng mga babaeng ito.

    Isang araw ay niyaya ako ni Reina para sa gig nina Noah. Niyaya ako ni Noah, at umo-o ako. Kaya naman ay nasiyahan ako nang niyaya din ako ni Reina, may kasama na ako.

    Alam kong dadating siya sa gig na iyon. Alam kong pupunta siya. So I’ll take this chance. Isinoot ko ang t-shirt na gusto niya. Owned by an Elizalde. Yes. Owned… Owned by one of them… I’m pretty sure it’s not Noah anymore.

    “Saan galing yang t-shirt mo?” Tanong ni Reina nang nasa sasakyan niya kami.
    “Ha? Wala. Uhm. Pinagawa ko.” napalunok ako.
    “What? Ibang klase talaga ang pagiging desperado mo para kay Noah!” Tumawa siya.

    Ngumisi ako ng hilaw. Hindi ko alam kung kanino ako desperado.

    “Of course! Push ko na ‘to!” I lied.

    Buti na lang at baguhan itong si Reina. Masyadong pure. Masyadong malinis. Walang iniisip na masama sa kahit anong bagay na pinaggagagawa ng mga tao sa kanya. Alam kong dapat sabihin ko sa kanya lahat ng tinatago ko kasi kaibigan ko siya, pero ayokong dumagdag sa problema niya kay Wade. Kaya ko ang problema ko. Kaya ko itong mag isa.

    Napalunok ako nang nakitang nakapark ang BMW convertible car sa unahan. Yes. He’s here. Of course, sa isang bar itong gig nina Noah. Mahilig iyon sa mga grill at bar.

    Inayos ko ang maiksing shorts ko pagkalabas sa sasakyan ni Reina at sumabay sa kanya papasok.

    Maingay sa loob. Nasa harap na sina Noah at ang buong banda. As usual, nakikita ko na naman ang pag kislap ng mata ni Noah habang pinapatunog at nitotono ang gitara niya. He’s really passionate.

    “Reina! Ano ka ba naman! Alas sais pala yung gig nila! Late tayo ng 30 minutes.” Sabi ko nang napansin ang ingay sa loob.

    Nagsimula na kasi.

    “Ha? Yung sabi ni Kuya 6:30.”
    “Ugh!” Sabi ko nang nakitang pumikit na si Noah at tinutugtog na ang isa sa mga kanta nila.

    Hinila ko si Reina. Kumakanta na si Wade kaya hindi pwedeng nasa likod lang kami at tumunganga lang siya dito. Minsan, may mga taong nag re-rely sa tadhana. Sa tadhanang pwedeng di mangyari. You make your own destiny. Kung gusto mong mangyari, gawin mo.

    Napadpad kami sa harap.

    Tumili ako. Sana tumili din si Reina nang sa ganun ay maramdaman ni Wade na gusto niya ang kanta nito. Pero ang bobita ay nakatunganga lang. Tsk.

    Lumingon-lingon ako. Hinanap ko si Rozen sa dagat ng mga tao. Wala siya dito.

    Nang natapos ang gig nila ay napadpad na ako doon sa mga fan girls nina Noah. May magaganda at matatangkad, pero wala parin si Rozen doon.

    Naglakbay ako sa buong grill. Hinanap ko siya. Pero wala akong nakita. Lumalalim na ang gabi at nakita kong tumakas na si Wade at Reina. Si Warren, Noah at Joey naman ay umupo sa isang table at nag inuman. Habang pinagmamasdan ko silang nag iinuman ay nakita ko sa labas si Rozen, may isinasakayng dalawang babae sa kotse niya.

    Halos pinagtulakan ko lahat ng babaeng nakasalubong ko para lang makalabas sa grill. Nagkamali ako. Hindi siya sa grill nagpunta kundi sa katabi nitong Club! Medyo lasing siya. Kitang kita iyon sa mga mata niya, mapupungay. Nagtatawanan sila ng mga babae niya. Binuksan niya ang pinto nang nagpakita ako sa harapan. He stiffened when he saw me wearing the shirt.

    Napawi ang kanyang ngiti. Nakita kong nagdilim ang titig niya. Pinasadahan niya ng kanyang mga palad ang kanyang buhok saka humalukipkip.

    “Let’s go, Rozen-” Sabi nung isang babae.
    “Why are you wearing that?” Tanong niya.
    Ngumisi ako.

    Kung marunong kang maglaro, marunong din ako.

    “Gig ni Noah, eh. To show support.”

    Nakita kong kinagat niya ang labi niya.

    “Good. Then show him your support. Go to bed with him, Coreen. Gusto mo bigyan ko kayo ng isang room sa hotel na pupuntahan namin? I can help you with the reservation-“

    SHIT!

    Agad kong sinampal ang mukha ng halimaw na tumatawa sa harapan ko. Tumatawa siya na parang galit at naiirita.

    “I’m not like you!” Sabi ko.
    “Huh? you’re not like me? Oh come on! Noon pa man, halos itapon mo na ang sarili mo kay Noah mapansin ka lang niya. Anong kaibahan mo sa kalandian ko?”

    Pagkatapos ng linya niyang iyon ay hinalikan niya ang babae sa harapan ko. Halik na may kasamang dila. Kitang kita ko ang dila nilang nag eespadahan sa harap ko. Naiiyak ako. Naiiyak ako para sa mga namatay na kulisap sa loob ng tiyan ko.

    Bumaba ang halik niya sa leeg ng babae bago siya bumaling sakin ng nakangisi. Napawi ang ngisi niya nang nakita ang mukha kong naiiyak.

    WALANGYA KA ROZEN! NAPAKAWALANGYA MO! NAPAKA SALBAHE! NAPAKA MANGGAGAMIT! SO HEARTLESS! BULLSHIT!

    “Wh-Why are you crying?”

    Humikbi ako. Namutla siya.

    Nilunok ko ang nagbabara sa lalamunan ko.

    “Dunno, you idiot. Sige, pakasaya kayo.”

    Pumihit ako kahit nanghihina na. Naglakad ako kahit nanginginig ang tuhod ko.

    Kahit ipikit ko ang mga mata ko hindi maalis sa utak ko ang paghahalikan nila ng babaeng iyon. The way his lips moved. The way his tongue licked hers. The way he kissed her neck. Anong klaseng pagmamahal ang meron siya sakin? I wanna hurt him so bad. I want him to hurt so bad… Yung tipong di niya makakalimutan. Because damnit I don’t know if I can even forget that scene.

    “Coreen!” Nanginginig ang boses niyang tinawag ako.

    Naglalakad ako patungo sa kawalan habang sinusundan ako ng sasakyan niya. Walang babae sa loob. Ewan ko. Iniwan niya o baka nasa bulsa niya or something.

    Binilisan ko ang lakad ko kahit alam kong wala akong magagawa kasi may sasakyan siya.

    Humarurot ang sasakyan niya saka nipark sa harap ko. Natigil ako sa paglalakad para lumiko. Pero bago pa ako lumiko ay hinigit niya na ako papasok sa sasakyan niya.

    Pumiglas ako. Hinampas ko siya pero di siya natinag. Hinampas ko ang pintuan niyang tumunog hudyat na nakalock ito. Pumasok siya sa loob at hinampas ko ulit siya.

    I wnat him to hurt so bad! I WANT HIM TO GET HURT!

    “Walangya ka Rozen! Ang sama sama mo!” Sigaw kong halos mapaos na.
    “Kahit kailan di ko sinabing mabait ako.”
    “ARGHHHH!” Sigaw ko nang bumuhos ng walang tigil ang luha ko.

    Hindi matanggal sa utak ko ang labing naglalapat sa harapan ko. Labi ni Rozen. Paano kung wala ako dun? Nag hotel sila noong dalawang babae? At goodness anong gagawin ng dalawang babae? Hindi pwedeng isa dapat dalawa talaga? ANO?

    Nababaliw na ata ako.

    “Uuwi na ako!” Sigaw ko.

    Pero di siya nakinig. Pinagpatuloy niya ang kanyang pagdadrive. Itinigil niya ito sa may boardwalk. Maraming tao doon pero pag lumapit ka sa dagat ay madilim at wala na gaanong tao. Hindi niya nipark ng maayos ang sasakyan niya at agad na lang akong hinigit palabas. Hinigit niya ako hanggang makarating kami sa sea shore. Sobrang lamig at ang tanging naririnig ko lang ay ang hampas ng alon sa buhangin.

    Nanginig ako. Hindi dahil sa lamig kundi dahil sa sitwasyon. Nakatayo siya sa harapan ko. Tanging ilaw namin ay ang full moon sa ibabaw. Kitang kita ko ang repleksyon ng full moon sa mga mata niya.

    Tumigil ako sa paghikbi at umambang mag wo-walk out.

    “Bakit ka umiiyak?” Matamang tanong niya nang hinawakan ang braso ko para di ako makaalis.
    “Bitiwan mo ako!” Sigaw ko sabay hawi sa kamay niya.

    Oo, mahal ko na siya. Pero hindi ko iyon aaminin sa kanya. Hinding hindi.

    “Walangya ka!” Sabay sabunot ko sa kanya.

    Hindi siya gumalaw. Hinayaan niya ako.

    “Alam ko na ang lahat! Na ikaw ang dahilan kung bakit di ako pinapansin ni Noah noong highschool! You manipulative beast!”

    Nag iwas siya ng tingin. Nakita ko ang galit sa mukha niya.

    “Ano? Magsalita ka! Totoo ba? Ikaw ba? Ikaw ang dahilan?”
    “Tss…”
    “Tss? Wa’g mo akong ma-tss tss dyan! Shit! Napakawalangya mo, Rozen! Pakealamero ka! Kung sana wala ka eh sana hindi na naglihim si Noah!”
    “Nag lihim siya kasi duwag siya!” Sigaw niya pabalik sakin.

    Humakbang siya palapit. Hindi ako umatras o gumalaw man lang. Hinintay ko siyang makalapit sakin. Gusto kong ipakita sa kanyang hindi ako natitinag kahit sa bawat paglapit niya ay sinasabayan ng kumakabog kong puso.

    Affirmative, Coreen. The whole system is really in love with him.

    “WA’G NA WA’G MONG MATAWAG SI NOAH’NG DUWAG.” Pagbabanta ko.
    Tumawa siya at tumikhim, “Anong itatawag ko sa kanya? Santo? Martyr? Ha! Ano? Nainlove ka na naman sa kanya kasi martyr siya? Nagpapaka santo? Nag give way sa kapatid niya kasi alam niyang mahal kita? Walangya rin Coreen pero kung siya kayang mag give way, ako hindi!”

    Kumalabog pa lalo ang puso ko. Nanghina ang tuhod ko.

    “AH? Mahal mo ako? Ganun? Eh anong tawag mo sa mga babaeng kasama mo? Ano mo sila? Ang lakas ng loob mong makipaghalikan sa harap ko at sabihin saking mahal mo ako!” I spat.
    Nanlaki ang mata niya. “Ano nagseselos ka na? Ano? Mahal mo na ako?”

    Humakbang siya palapit. Ngayon lang ako nakaramdam ng takot at panginginig. He was so desperate for an answer. Napa atras ako.

    “That’s impossible, right?” Tumawa ulit siya at ginulo ang kanyang buhok. “Imposible. You two are dating now. Finally! His turn! Finally! Kaya yang damit mong ako ang nagpagawa… na dapat ay para sakin… ay inalay mo sa kanya! Why don’t you just give up your damn virginity, too? Pakasal na kayo!”

    PAK! Hindi ko na naiwasang sampalin siya. Kahit kailan ang bunganga nito talaga! Walang lumalabas na magandang salita.

    Nakangisi siya kahit na bakas na bakas sa mukha niya ang palad ko. Nakangisi siya habang nakatingin sa gilid. Ni hindi siya nag abalang harapin ulit ako pagkatapos ng sampal kong iyon.

    Kumuyom ang panga niyang nakanganga at nakangisi. Para bang dinamdam niyang mabuti ang sampal ko.

    “I hate you so much!” Sabi ko.

    Walang bakas na panginginig ang boses ko kahit nangangatog na ang binti ko.

    “You are so evil. Hindi ko kayang lunukin ang pag uugali mo. Pagkatapos mong paikutin kami ni Noah ay hindi ka pa nakuntento. Bakit mo sinabi sa kanyang may gusto ako sayo? Bakit mo ako siniraan? Bakit mo siya binlackmail? Bakit mo pinagsamantalahan ang kabaitan niya sayo? Bakit mo hinayaang masaktan ako ng paulit-ulit dahil lang ayaw ni Noah’ng saktan ka? Bakit mo ako sinasaktan? Bakit mo ako pinaglalaruan?” Bawat tanong ay unti-unting nanghihina ang boses ko.

    Bumuhos ang luha ko sa huling tanong ko. Hindi ko na kinaya. Umiyak na ako. Iyak na parang wala ng hangganan. Hindi ko na alam kung titigil pa ito.

    “Simple, Coreen. Kasi mahal kita.”
    “THAT’S THE MOST DUMB ANSWER I’VE EVER HEARD, ROZEN! That’s bullshit! What kind of love is that? Selfish? Ganun ba? Okay lang masaktan kami basta masaya ka-“
    “Bullshit! Kelan mo naisip na naging masaya ako, ha, Coreen?” Ginulo niya ang buhok niya at humakbang ulit palapit sakin. “Tingin mo naging masaya akong makita kang kasama ako pero siya ang iniisip? tingin mo nasiyahan akong kahit tinatanggihan mo siya, hindi ka parin tumitigil? Shit Coreen! Gusto kong patas tayo dito. Kung hindi ako masaya, you won’t be happy, too. I want you to be happy with me! Not with anyone else!”
    “YOU SELFISH BEAST!” Sigaw ko.

    Paos na paos na ako. Hinampas ko siya.

    “Ang sama sama mo. Anong klaseng pagmamahal yan!”
    “Don’t dare judge the way I love you, Coreen.”
    “Ang selfish mo! Ang selfish mo sa puntong kaya mo akong saktan! Hindi mo man lang nagawang magparaya-“
    “HA-HA!” Ngumisi siya. “Magparaya? What? I’m not Noah! Hindi ako martyr, hindi ako santo, hindi ako si Noah. Wa’g mo kong itulad sa kapatid ko. If your damn in love with him now… if your lost in love with him now because of his martyrdom, ba’t mo ako hinanap sa parking lot? Ba’t ka umiiyak ngayon?”

    Pinunasan ko ang luha ko. Nakita kong pumungay ang mga mata niya.

    “You love me, Coreen.” Aniya.

    Tumindig ang balahibo ko. Umiling agad ako. I can’t accept it. Hindi ko kayang tanggapin. Maaring tanggap ko na ito sa sarili ko pero hindi ko kayang tanggapin iyon sa harapan niya.

    “You love me, I know it. You fell. I know it.” Aniya sa matalim na accent.

    Napalunok ako. Mas lalong kumislap ang mga mata niya. Mas lalo din akong umiling.

    “Nang nalaman mong mahal ka ni Noah, nalaman mo ring mahal mo ako. Kasi hindi mo naramdaman sa kanya ang naramdaman mo sakin, diba? You love me.”

    Umiling parin ako.

    Hinawakan niya ang magkabilang braso ko. Wala akong ginawa kundi umiling.

    “You can’t do that to me, too. Na pag nalaman mong mahal na mahal kita ay aayawan mo rin ako. I’m different. You know that.” Marahan niyang hinawakan ang dibdib ko.

    Humikbi ako.

    “I know you. You only like things in between, Coreen. You only like the chase… You only want me chasing after you. You don’t want to decide… Pero pakiusap naman, magdesisyon ka na, kasi tao rin naman ako, nasasaktan. And you? I don’t think nararamdaman mo yung sakit na nararamdaman ko… You are just too heartless.”
    “Ako pa yung heartless dito? Really?” Hinawi ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.

    Nakita kong nalaglag ang panga niya.

    “Ikaw itong heartless. Ikaw ang nag paikot samin ni Noah!”
    “BAKIT BA GALIT NA GALIT KA SA GINAWA KO SA INYO NI NOAH!?” Sigaw niya.
    “Bakit di ako magagalit?” Tanong ko pabalik.
    “Okay, fine!” Umirap siya. “Kung talagang si Noah ang gusto mo, then choose him! Bakit kailangan mo pang ipamukha sakin lahat ng mga kabulastugang ginawa ko sa inyo? Ayaw mo ba sa nangyayari sayo ngayon? You finally found out that he loves you, too. The right place and the right time. Bakit mo pa ako sinisisi? Pareho lang naman yun. Ang importante ay nalaman mo-“
    “You’re not even sorry?” Nanliit ang namumugto kong mga mata.
    “No…” Umiling siya. “Hell I’m not.”

    Tumango ako. Ang sama niya talaga. Ang sama sama. Hindi ko kaya. Pumihit ako para talikuran siya.

    You need to learn, Rozen. Mahal kita pero hindi ko matanggap na ganun ang ginawa niya. At hindi ko matanggap na kaya niyang maglaro… kaya niya ring mambabae sa harapan ko. Kaya niya lahat…

    “Coreen. Come back.”

    Tumindig ang balahibo ko nang narinig ko ang nanginginig niyang boses. Lumalayo na ako sa kanya.

    “Coreen, come back please…”

    Naramdaman kong sinundan niya ako. SHIT! Parang pinipiga at tinatadtad ang puso ko. SHIT!

    “Coreen, I’ll be good, please, just, come back.”

    Bumuhos pa lalo ang luha ko. My god. Rozen. Pinagpatuloy ko ang paglalakad ko hanggang sa maabutan niya ako.

    “Coreen, please, don’t leave. I’ll be good. Di ako mambababae. Di ko na kayo guguluhin ni Noah. Hahayaan kita.” Aniya saka niyakap ako.

    Dinig na dinig ko ang kalabog sa dibdib niya. Damang dama ko iyon sa dibdib mo. Humigpit pa lalo ang yakap niya.

    “No. Learn, Elizalde.” Sabi ko.
    Umiling siya at hinarap ako.

    Kitang kita ko ang luha na lumandas sa mga mata niya. Nag iwas ako ng tingin.

    “Anong learn? Na magparaya?” Umiling siya.

    Humugot siya ng malalim na hininga.

    “Coreen, I’m not Noah. I’m not good at hiding my feelings. I’m not good at letting you go. I’m not good at forgetting you or ignoring you or seeing you walk away. Coreen, please.”
    Umiling ako, “Yeah, you’re right. You’re not Noah.”

    Nalaglag ang panga niya. Kinagat ko agad ang labi ko. Alam ko. That was a blow to him. I want him to realize that what he did was really wrong. Hindi iyong nag so-sorry lang siya para hindi ako mawala. Gusto kong makita niya na kung gusto niyang maghalin ko siya, hahayaan niya ako, hindi mamanipulahin.

    Ilang taon akong naniwala na ayaw ni Noah sakin. Ilang taon akong nasaktan. Iyon pala pinaglalaruan kami ni Rozen. Noah’s just kind enough to give way for his brother. At ano itong ginagawa ni Rozen? Pinagsamantalahan niya lang.

    Ngumisi ako pero nanghihina na ang mata ko.

    “You’re not Noah, Rozen.” Sabi ko at hinawi ang kamay niyang nanghihina narin.

    Humakbang ako palayo. This time, he didn’t chase after me.

    “Are you choosing him, Coreen?”

    Tanong niyang sinagot ko pero di niya narinig.

    “No. I’m choosing you. I’m in love with you but you need to learn, Rozen. Hindi ganito. Hindi yung nangmamanipula ka ng tao. Ang dami mong pagkakamali. Mahal kita pero hindi ko alam kung kaya kitang patawarin ngayon.”

  • Kabanata 30Open or Close

    Kabanata 30
    I’m In Love With Your Brother

    Hindi ko na kailangang iwasan si Rozen. Siya na mismo ang umiiwas sakin. Ni hindi niya ako magawang tignan. Nasasaktan ako pero wala akong magagawa. Hindi ko talaga nagustuhan ang prinsipyo niya. Hindi rin naman ako mabuting tao, pero hindi ko iyon kayang gawin sa kanya. Kung mahal ko siya at may mahal siyang iba, hahayaan ko siya.

    Noah:
    Hey, may practice kami ngayon, gusto mong sumama?

    Napabuntong-hininga ako at nagtype ng irereply.

    Ako:
    Noah, I’m sorry, may group activity ako ngayon. Maybe next time.

    Ganito palagi ang reply ko sa kanya. Totoong may group activity ako. Pero madalas, ginagawa ko lang itong excuse. Hindi naman sa iniiwasan ko siya. Ayaw ko lang na bigyan siya ng rason para umasa sakin gayong alam kong wala na akong magagawa. Hindi na maagaw ang puso ko. Nasa ibang tao na.

    Dalawang buwan ang nakalipas simula noon. Minsan nagkikita kami ni Noah, pero hindi na ulit nasundan ang date. Lagi kong ginagawang busy ang sarili ko nang sa ganun ay hindi na ako makapag isip pa. Hindi na rin ako ginulo ni Rozen pero nandyan parin ang mga alarm niya, buhay na buhay parin sa cellphone ko.

    Iyon lang ang tangi kong pinanghahawakan. Iyon lang ang lagi kong tinitignan.

    “Lapit na pala ng birthday mo, Coreen.” Sabi ni Reina habang abala sa paglilista sa kanyang dadalhin sa Camino Real.

    Asus! Camino Real daw pero alam kong hindi siya makakarating dun! Kina Wade siya dederetso.

    Ngumisi ako. Buti pa ang isang ito, maliwanag ang love life.

    Habang nag uusap kami at naghahanda ako para sa finals ay nakita ko sa malayo si Noah, nakatitig saming dalawa ni Reina. Umayos ako sa pag upo at napalunok.

    Tinanggihan ko kasi ang alok niyang lunch kanina dahil sinabi kong tapos na akong kumain kanina. Napatingin ako sa table naming may pagkaing di pa nagagalaw.

    “Patay.” Sabi ko sabay tingin ulit kay Noah na ngayon ay galit na.

    Umirap siya saka nag walk out na nakapamulsa.

    “Ansabe mo, Coreen?” Tanong ni Reina.
    “Teka lang, Reina.” Sabi ko. “A-Alis muna ako.”

    Tumayo agad ako at naglakad na sa kung saan umalis si Noah.

    “Coreen, kakain pa tayo ah?”

    Kinawayan ko na lang si Reina. Halos tumakbo na ako para lang maabutan si Noah. Nakita ko siyang mabilis ang lakad sa corridor. Halata sa bigat ng paa niya ang inis.

    “Noah.” Nanghihina kong tawag sa kanya. “I’m sorry.”
    “Yeah.” Di niya ako nilingon.

    Panay ang sunod ko sa kanya.

    “Noah!” Sigaw ko. “Sandali lang.”

    Agad siyang tumigil sa paglalakad at hinarap ako.

    Nagpapasalamat ako at ang dating masikip na corridor ay walang tao sa ngayon. Dahilan na rin siguro ng nalalapit na finals, mas tinatambayan ng mga estudyante ang library.

    “Sorry.” Sabi ko nang bumungad sakin ang galit niyang mga mata.
    “Kung ayaw mong sumama, edi sana sinabi mo na lang!”

    Napapikit ako.

    “H-Hindi naman sa ayaw kong sumama… Pero kasi… it’s complicated, Noah.”
    “Anong kumplikado dito, Coreen?”

    Napayuko ako. Hindi ko alam kung san ako magsisimula.

    “Napansin ko na ang pag iwas mo sakin. Ano, Coreen? Pagkatapos ng walang pakundangan mong pag co-confess sakin ay bibitinin mo lang ako ngayon sa ere? Kung ayaw mo na sakin, sabihin mo!”

    Napatalon ako sa sigaw niya. Parang kinukurot ang puso ko. Sobrang sakit. Hindi ko na alam kung saan ko nahuhugot ang lakas para tumayo dito sa harapan niya.

    Mahal ko si Noah noon. Kaya nga panay na lang ang pagpipilit ko sa kanyang mapansin din ako. Pero sa loob ng higit na dalawang buwan naming pagsasama at paglolokohan ni Rozen, nakuha niya agad ang puso ko. Ni hindi ko namalayang nakuha niya na ito. Kaya ngayong nalaman kong nasakin ang puso ni Noah, hindi ko na matanggap na wala akong pagmamahal na maipupuno dito. Wala akong sapat na lakas para buuin ito dahil wala sakin ang puso ko. Buong akala ko, masisiyahan ako pag minahal ako ni Noah, pero malaking pagkakamali iyon. Hindi dahil nasa gitna lang ang gusto ko, hindi dahil ang paghahabol lang ang kinahuhumalingan ko, kundi dahil wala akong maibigay, wala akong maibuhos, nakay Rozen ang buong puso ko.

    “Ano? Coreen, sagutin mo ako! Nagsakripisyo ako ng ilang taon. At ngayong nandito na, bakit parang wala? Damn it! Am I too late?” Pumiyok ang boses niya na mas lalong kumurot sa puso ko.

    Hindi ko na napigilan ang luha ko. Bumuhos na ito ng walang tigil. Panay ang punas ko. Pakiramdam ko, pag walang luha, hindi ako masasaktan. Pag pinunasan ko ito, mawawala ang sakit. Pero nagkakamali ako. Bawat punas ko, mas lalong sumasakit.

    “Coreen, nang nagkaroon ako ng pagkakataon, agad ko namang sinabi sayo, ah? Agad ko namang inamin! Hindi ba gusto mo parin ako? Sagutin mo ako, Coreen! Mahal mo pa ako, diba?”

    Napapikit ako. Humakbang siya palapit sakin. Hindi ako sumagot. Wala akong maisagot.

    “SHIT!” Sinuntok niya ang pader sa gilid niya.

    Napatalon ako sa lakas ng suntok niya.

    “Hindi na.” Sagot niya sa sarili niyang tanong.
    “Sorry.” Pagkumpirma ko.

    Tinakpan ko ng palad ang mukha ko.

    “Shit! Paasa ka rin!” Sigaw niya.

    Sinuntok niya ulit yung pader. Tumikhim siya.

    “Bakit? Bakit biglang nawala? Ilang taon din yun, ah? Do you only like the chase, Coreen? The things in between? Pag nakarating ka na, ayaw mo na? Ganung klaseng babae ka ba?”

    Umiyak ako pero nagawa ko pang umiling.

    “No, Noah. I’m not that kind of girl.” Matama kong sinabi saka tinignan ang mapupungay niyang mga mata.

    Hindi siya umiiyak pero ramdam na ramdam ko ang sakit na nadarama niya. Bakas sa kislap ng kanyang mata ang panghihinayang na parehong nararamdaman naming dalawa.

    “I’m in love with someone else. I’m in love with your brother. I’m in love with Rozen! Oh my God!”

    Nakita kong nanlaki ang mga mata niya. Umiyak na lang ako. Hindi ko alam na kaya ko palang sabihin iyon sa kanya. Siguro dahil iyon ang katotohanan. Siguro dahil hindi ko kayang magsinungaling kay Noah. Siguro dahil ilang buwan ko na rin itong itinago sa sarili ko at akala kong kaya kong mag isa pero hindi pala.

    Lumipad ang palad ko saking pisngi. Tinakpan ko ang mga mata ko para umiyak.

    “Yes, I know, It’s crazy. Iwan mo na ako.”
    “S-Sinabi mo ba sa kanya?” Tanong ni Noah.
    Umiling ako at humikbi. “Wala akong plano. Sa lahat ng kagaguhang ginawa niya sating dalawa, hindi ko alam kung kaya ko iyong sabihin sa kanya. Galit na galit ako sa kanya. At hindi ko alam kung kailan ito huhupa.”

    Sinuntok ulit ni Noah ang pader bago ako hinagkan.

    “Shit! Shit! Shit!” Sigaw niya habang mahigpit akong niyayakap.
    “I’m sorry.” Pumiyok ang boses ko. “Hindi ko sinasadya.”

    Ramdam na ramdam ko ang sobrang higpit ng yakap niya sakin. Kinalas niya ito saka hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Tinanggal niya ang palad kong nasa pisngi at tinitigan ako sa mga mata.

    “It’s okay, Coreen.” Umiling siya. “Shit! Damn!” Mabigat niyang sinabi saka pumikit.

    Ilang sandali pa bago niya dinilat ang kanyang mga mata. Pinunasan niya ang luha ko tsaka pinatayo.

    “I-I’ll go to France. Susunod si Rozen doon-“
    “Please don’t tell him.”
    Tumango siya at kumuyom ang kanyang mga panga, “Hindi ako baliw para sabihin sa kanya iyan, Coreen. Shit!” Napapikit siya sa mura niya.

    Para bang hindi niya talaga matanggap ang nangyari saming dalawa.

    “It’s time for my revenge. Magdusa siya. Hinding hindi ako aamin sa kanya na ikaw ang gusto niya. Hinding hindi ko sasabihin iyon.”
    Tumango ako.

    Wala rin naman akong planong sabihin iyon kay Rozen. Alam kong puso ko ang masasaktan dito, pero bahala na. Paninindigan ko ito.

    Tumango si Noah saka dahan-dahang kinalas ang kamay niya sa pisngi ko.

    “Kaya pala. Shit!” Mura niya ulit saka ako tinignan. “Sorry.”

    Bumuntong hininga siya.

    “Take lang ako ng exam. Bumalik ka na dun kay Reina at kumain.”
    Tumango ako.

    Tinitigan niya ako bago niya hinaplos ang pisngi ko. Hinaplos niya ito na para bang minimemorize niya lahat ng linya sa pisngi ko, lahat ng kurba sa mga features ko. Hinila niya ang baba ko saka hinalikan ang labi ko. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya.

    “Noah.” Sabi ko.
    “I know…” Aniya saka tinalikuran ako. “Sana ako parin. Sana hindi naging huli ang lahat. See you when I come back, Coreen.”

    Tumunganga ako doon habang pinagmamasdan siyang paalis… unti-unting nawawala sa paningin ko.

  • Kabanata 31Open or Close

    Kabanata 31
    Wala Akong Kasalanan

    Ilang araw ang nakalipas na hindi ako makapag concentrate sa pag aaral. Imbes na finals ay walang pumapasok sa kokote ko. Mabuti na lang at may mga naaalala pa ako sa lessons namin. Iyon ang naging puhunan ko sa pagsagot ng mga tanong sa bawat exam.

    Nang natapos ang finals at nag bakasyon na, buong akala ko makakapagpahinga ako sa emotional stress na natamo ko sa Sem na ito, pero nagkakamali ako.

    Umalis si Noah patungong France at nalaman kong ngayon, nasa Alegria si Reina at iniiwan si Wade.

    “Hello?” Sa wakas at sinagot ni Rozen ang tawag ko.

    Ilang ulit ko na siyang tinawagan para dito pero hindi niya sinasagot.

    “What?” Tamad niyang sagot.
    “Kumusta na?”

    Nanginig ang kalamnan ko nang narinig ko ang boses niya. Kahit isang salita lang at malamig pa ang pagkakasabi nun ay nag aalburuto na agad ako.

    “I-I’m not… okay. Obviously.”

    DARN IT! Napangiti ako at naramdaman ko na namang pinipiga ang puso ko.

    “Hindi ikaw. Si Reina ang tinatanong ko.” Sabi ko.

    Hindi siya agad sumagot. Pero nang sumagot na siya ay naging mas malamig ang boses niya.

    “Ba’t di siya ang tawagan mo?”
    “Out of reach yung cellphone niya. Lowbat ata!”
    “Whatever, Coreen. Magkasama kami ngayon. Pauwi na kaming Maynila. Sasama siya sa France.”
    “WHAT? Bakit? Ni-brainwash mo ba siya? Minanipula mo na naman sila ni Wade?”

    Tumaas na naman ang dugo ko sa narinig ko kay Rozen.

    “Hindi ko na kailangang manipulahin dahil iyon talaga ang totoo at nag desisyon na ang kapatid ko.”
    “LET ME TALK TO HER!” Sigaw ko.
    “She’s asleep. Pwedeng wa’g mo kong sigawan!?”
    “K. Fine!” At agad kong pinutol ang linya.

    Ang lakad ng kalabog ng puso ko.

    “ARGHHH! ROZEN!”

    Parang pinipiga at nag aalburuto ito. Galit at nanghihinayang.

    “Reina, you can’t just leave.” Utas ko kay Reina nang sa wakas ay nakausap ko siya pagkarating niya ng Manila galing Alegria.

    Nakahalukipkip si Rozen at nakasandal sa may pader habang si Reina ay abala sa pag iimpake.

    “Coreen. I’m leaving for my dream. I’m gonna miss you so damn much!” Ngumisi siya at niyakap ako.

    Ni hindi ko magawang iangat ang labi ko para ngumisi pabalik. This is just so wrong. Siguro ay ni-brainwash ito ni Rozen kaya ngayon ay iniwan si Wade para sa Paris.

    Tinulak ko si Reina at hinarap. Narinig ko ang pagsinghap ni Rozen sa likod. Inirapan ko siya at humarap ako kay Reina.

    “No… You’re not leaving for your DREAM, Reina! Gusto mong tumakas kay Wade!”
    “Hindi ako tumatakas. Tapos na ang paghaharap namin. Tapos na ang laro kaya aalis na ako sa stage.” Nagpatuloy siya sa pagliligpit ng gamit.
    “Ang hindi ko ma gets ay kung bakit mo sinabi sa kanyang nag kunwari ka lang! Warak na yung puso niya dahil sa nangyari-“
    “Mas wasak ang puso ko dahil niloko niya ako-“
    “Pero akala niya na loko siya, iiwan mo siya, at nagsisisi siya, hindi ba mas wasak yun?” Medyo tumaas ang tono ng boses ko.
    Nakita kong gumalaw si Rozen sa kinatatayuan niya at nagsalita, “Kasalanan niya. In the first place, dapat di niya ginamit si Reina!”

    Bumaling ako sa kanya. Ngayon, parehong nag aalab ang mga mata naming dalawa. Ni brainwash ng demonyong ito si Reina! Namanipula na naman ang mga tao!

    “HINDI NIYA GINAMIT SI REINA, ROZEN.”
    “Kung hindi niya ginamit, bakit sila na ngayon?”
    “Wala na kami, Rozen.” Singit ni Reina.
    “Kung ginamit niya si Reina, dapat nung una pa lang nagpaimpress na siya. Pero simula pa lang, sinungitan niya na si Reina.”
    “That’s because he chickened out!” Pangangatwiran ni Rozen.
    “No. That’s because he knew it was wrong to use her!” Sigaw ko pabalik.
    “Kahit na… naging close sila, nagtagumpay parin siya!”

    Nag alab pa lalo ang galit ko. Nagkatitigan kaming dalawa. Nanliit ang mga mata ko. Hindi ko kaya ang bigat, ang intensity ng titig niya. Para bang siguradong-sigurado siya sa kanyang desisyon. Ibang klase talaga ang mga prinsipyo ng lalaking ito. Kahit mali, pinapanindigan niya.

    “Pero ngayon, ikaw naman ang nagtagumpay.” Sambit ko bago bumaling kay Reina. “You are going to regret this, Reina.”
    “I won’t. Gagawin ko ang lahat para mag excel ako sa Paris, Coreen. I’ll chase my dream, not my love.”
    “Ang problema sayo ay tinanggi mo ng nararamdaman mo sa kanya.”
    “Rozen’s right, pride is the only thing that’s left of me.”Sabi ni Reina.

    Umamba si Rozen na magsasalita na pero hindi ko siya pinagbigyan.

    “You think may natitira pa kay Wade ngayon? Wala nang pride, wala ka na… tingin mo ba nasa kanya parin ang puso niya? Kasi tingin ko nasayo na. At aalis ka pa? Paano niya mababawi yan?”
    “It’s not tangible, Coreen. Pwede niyang bawiin anytime, yun ay kung nasa akin nga yun.”
    “At kung nasayo nga? At huli na nung nalaman mo… anong gagawin mo? Regret? Useless.”

    Hindi siya umimik. Nagpatuloy lang siya sa pag iimpake. Pare-pareho kayong mga Elizalde. Medyo naiirita ako sa padalos-dalos na desisyon ni Reina at sa presence ni Rozen.

    “You better not regret this, Reina.” Sabi ko saka umalis sa kwarto niya.

    Makapagmuni-muni na nga lang muna sa kitchen nila. Baka sakaling pag nakainom ako ng tubig ay mahimasmasan ako at humupa ang nag aalab na galit sa puso ko.

    Nasa bibig ko na ang bunganga ng baso at hihigupin na sana ang tubig nang biglang nagsalita si Rozen.

    “Miss mo na ang halik ni Noah?”

    Muntik ko ng maibuga ang tubig sa mesa. Bumaling ako sa kanya at umirap.

    “Don’t talk to me.” Sabi ko.

    Sumandal ako sa high table kitchen nila. Humilig naman siya doon.

    “Masarap ba yung halik niya? Sinong mas masarap, ako o siya?”
    “Shit!” Sigaw ko at sinabuyan na siya ng tubig.

    Nakita ko ang matatalim niyang titig habang natitigilan dahil sa tubig na nasa kanyang mukha.

    “Napakawalang hiya mo talaga, Rozen. Kung aalis ako, ang lakas ng loob mong magmakaawa pero pag nasa harap mo ako nakakaasar ka! Bakit? Ha!? Nung gabing iyon, nakipag halikan ka din naman sa babaeng iyon ah?”

    Oo. Hindi ko na kailangang itanong. Sigurado akong nakita niya kami ni Noah nung hinalikan niya ako sa corridor.

    Hindi siya sumagot. Tinitigan niya lang ako.

    “Ano? Di ka makasagot? Wala kang maisagot!?”
    “I kissed that girl out of nothing! Hindi ko siya mahal! Ikaw!? Hinalikan mo si Noah dahil mahal mo siya! Malaki ang pagkakaiba nyan!” Sigaw niya sakin.

    Umiling ako. Kalagitnaan pa lang ng pagsasalita niya ay umiiling na ako.

    “That’s one hell of a wrong principle there, Rozen! Paghinahalikan, siguradong mahal na yan. Kiss from the heart. Not from your stupid reproductive organ!” Sigaw ko.

    Aalis na sana ako pero mahigpit niyang hinawakan ang braso ko.

    “You kissed me… Galing ba yun sa puso? Do you love me Coreen? Dalawa ba kami ni Noah na mahal mo?”

    Pumungay ang kanyang mata. Isang ekspresyon na hindi ko kayang tignan ng matagal. Nakakasilaw, nakamamatay. Ang sakit.

    “No.” Pinilig ko ang braso ko nang sa ganun ay maalis ang kamay niyang nakahawak rito.
    “You kissed me! You kissed me back, Coreen. Mahal mo ba ako?” Tanong niya ulit.
    “Tingin mo kung mahal kita hahayaan kitang umalis?”

    Hindi ko alam kung ilang piraso na ang puso ko ngayon. Wala ng mas maidudurog pa ito. Pinagsisihan ko agad iyon pero hindi ko parin siya magawang tanggapin. Nababastos parin ako sa ginawa niya samin ni Noah at sa lahat ng prinsipyo niyang baluktot.

    “Pero hinalikan mo ako!” Aniya. “Pinaasa mo ako!”

    Nakita kong pula ang kanyang mga mata. Yumuko ako para mag iwas ng tingin.

    “Wala akong kasalanan, ikaw ang umasa” Saka iniwan siya doon.

  • Kabanata 32Open or Close

    Kabanata 32
    Wala Siya

    Nagising ako hatinggabi nang biglang nag alarm ang cellphone ko.

    “Happy Birthday Coreen Samantha Aquino Elizalde. I love you.”

    Napaupo ako sa kama ko. Ito ang huling alarm na ni-set ni Rozen sa cellphone ko. Oct. 28 at iyan ang caption. Tinakpan ko ng palad ang bibig ko para hindi tumakas ang sigaw ng panghihinayang.

    Humiga ako at pinikit ang mga mata.

    Inisip ko lahat ng kanyang ginawa. Ang mga maling desisyon niya noon para sa amin ni Noah.

    Ilang taon kong minahal si Noah. At alam ni Rozen kung gaano ko ka mahal si Noah pero ni minsan ay hindi niya nasabi saking napapansin din ako ng kapatid niya. Imbes na tulungan niya ako kay Noah ay sinabotahe niya pa ang lahat. Alam ko. Oo. Mahal niya ako kaya niya iyon nagawa. But that was too selfish of him. Kung ako ang nasa kalagayan niya, magbibigay daan ako para sa lalaking mahal ko. Kung mag mamahal siya ng iba, hindi ko ipagkakait sa kanya ang atensyon ng babaeng iyon.

    Sasaya ako kung masaya siya.

    Hindi ako nagsisisi na hindi naging kami ni Noah. Dahil sa ngayon, parang isang punong balde na biglaang nilimas.

    Maaring hindi ko magawang manghinayang samin ni Noah sa ngayon, pero hindi ko rin kayang isipin na nagawa iyon ni Rozen sakin.

    Alas sais na nang dinilat ko ulit ang aking mga mata.

    “Darn! Di ako nakatulog.”

    Bumangon ako para tignan ang mukha kong may malalaking eyebags na nakapaligid.

    Tinignan ko ang cellphone ko. May iilang mensahe dito.

    Reina: (Sa Kakaotalk)
    Happy Birthday Coreen. I love you so much! Enjoy ka ah? May party?

    Nireplyan ko agad:
    Iimbitahan ko yung kagroupmates ko mamaya. Thank you Reina. I love you, too. I miss you. First birthday na wala ka?

    May iilan pang nag text sakin.

    Trina:
    Happy Birthday Coreen!

    Kristen:
    Happy Birthday girl! We love you!

    Hindi ko binasa ang lahat. Para bang nag mamadali akong iscroll lahat ng nagtext nang sa ganun ay makita ko kung nag text ba ang taong inaasahan ko. Pero wala.

    Sa sobrang pagtitig ko sa screen ng cellphone ko ay napatalon ako nang may kumatok sa pintuan ko.

    “Coreen?” Narinig ko ang boses ni Ate Julie sa labas.
    “Ate.” Sabi ko sabay tayo para buksan ang pintuan.

    Unti-unti kong binuksan ang pintuan at bumungad sakin si Ate Julie na may nakalagay na party hat sa kanyang ulo. May dala pa siyang cake at nakasinding kandila.

    Tumawa ako at umiling lalo na noong nakita ko si Kuya Luke na may dalang balloons.

    “HAPPY BIRTHDAY!”

    Pumutok ang mga confetti na dala ng asawa ni Kuya at nagtawanan sila.

    “Thank you!” Sabi ko sabay yakap ko sa mga kapatid ko.

    “Happy birthday, Coreen!” Nakabihis na si mommy at daddy nang pinasok ako sa kwarto at pinaulanan ng halik.
    “Salamat po!”

    Hindi mawala ang ngiti ko. Nawala lang ito nang sinabi ito ni Kuya Luke…

    “Coreen, lagot ka! Naka pajama ka pa!” Humalakhak siya.
    Tumaas ang kilay ko.
    “Ano naman ngayon?”
    “Hayaan mo na, Kuya! Sige na, Coreen. Blow the candles!”

    Sinoot muna ni Kuya Luke sakin ang isang party hat bago ako pumikit. Nag wish ako ng masayang birthday bago dumilat para hipan ang kandila.

    Nang namatay ang kandila ay naaninaw ko sa aking pintuan si Noah na may dalang gift tsaka roses.

    “OH MY GOD!” Sabi ko sabay tingin kay Kuya Luke.

    Nagtawanan sila. Kinurot ni Kuya Luke ang pisngi ko.

    “Crush mo oh. Naka pajama ka pa. At di pa naliligo.”

    Sinapak ko siya. Tumawa si Noah at binigay ang flowers sakin.

    “OMG!” Sabi ko at nilapag ang mga bulaklak sa kama ko.

    Ang bilis at ang lakas ng pintig ng puso ko. Nag abang ako sa pintuan. Ilang segundo ko iyong tinitigan bago nagsalita si Noah.

    “Happy birthday, Coreen.” Sabay ngisi niya.

    Nahulog ang panga ko nang narealize na siya lang. Wala si Rozen. Wala siya.

    Pumikit ako at pinilit na ngumisi.

    “Salamat!”

    Pagkatapos ng surpresa nila ay lumabas na sila sa kwarto at hinayaan akong mag ayos para sa kaarawan ko. Nasa loob ako ng bathroom habang pinupukpok ng shower ang sarili kong ulo.

    “Ikaw ang nagtaboy sa kanya kaya magdusa ka. Dapat siya yung nagdurusa, eh. Bakit ako itong nagsisisi ngayon? Tsss.”

    Pinagpatuloy ko ang pagligo kahit na para akong baliw at umaaliw-iw sa sarili ko.

    “Coreen naman kasi. Rozen naman kasi…” Umiling ako. “Posible kayang ma-fall out si Rozen sakin? Eh ilang taon niya na akong mahal, ah?”

    Nanlaki ang mata ko.

    “OH MY GOD! Posible! Tulad ng pagkakafall out ko kay Noah!”

    I swear mababaliw na ako sa kakaisip.

    Nang natapos na ako ay bumababa na ako. Naabutan ko si Noah, Ate Julie, Kuya Luke, at asawa ni Kuya Luke sa dining room.

    “Umalis na si mommy at daddy?” Tanong ko.
    “Oo.” Anila.
    “Anong gagawin mo ngayon, Coreen? Mag di-date?” Ngumisi si Ate Julie at napatingin kay Noah.

    Umiling ako.

    “Hindi noh. Magpapaenrol ako. Noah!” Bumaling ako kay Noah. “Nabigla ako. Di ka man lang nagsabing nakabalik ka na.”
    Ngumisi siya, “Kahapon pa ako nakabalik. Sinorpresa lang kita.”
    Nag evil smile si Ate Julie. “Uyyy!” Aniya.
    Inirapan ko na lang si Ate.

    Syempre, di ko masisisi si Kuya at Ate kung bakit hanggang ngayon ay si Noah ang kinakantyaw nila sakin. Hindi naman kasi nila alam na si Rozen na ang gusto ko.

    “Kahapon?” Umupo ako at sumali sa kainan nila.
    “Oo.” Nagkatitigan kami ni Noah.

    Hindi ako makapagtanong. Pero parang may kung ano sa titig ko na nalaman agad ni Noah ang gusto kong itanong.

    “Hindi siya sumama. Ang alam ko anim na buwan pa bago siya bumalik.” Aniya.
    “Sino? Si Reina?” Usisa ng kapatid ko.
    “Si Rozen.” Sagot ni Noah.

    Napatingin si Ate Julie sakin. Nag iwas agad ako ng tingin. Hindi na ako masyadong naging mausisa kay Noah tungkol kay Rozen. Tama na siguro iyong kasama ko siya dito. Hindi naman siguro masama kung magkaibigan kaming dalawa.

    “Your family… hindi nila alam na gusto mo si Rozen?” Biglaang tanong niya nang nasa linya kami sa finance.
    Umiling ako at hindi siya tinignan.

    Ayaw kong isipin niyang interesado ako sa usapang ito. Pero hindi siya bumitiw sa topic…

    “Ang alam nila ay ako ang gusto mo?” Tanong niya.
    Tinignan ko si Noah, “Oo. Mula kasi gradeschool, alam na nilang ikaw ang crush ko. Pero may something sa mga kapatid ko na pag nandyan si Rozen ay pinagkakanulo din ako.”
    “Kaya pala.” Tumango si Noah. “Kaya pala nang binanggit ko ang pangalan ni Rozen ay iba ang tingin ng ate mo.”
    “Ewan ko ba sa kanya.”

    Nang natapos kaming mag-enrol ni Noah ay nakipagkita na ako sa iilang kaibigan ko. Ni-text ko kasi sila na i-titreat ko sila ng dinner at night out. Napagkasunduan nilang mag vi-videoke kami sa LED. Syempre, pumayag ako. Hindi naman masyadong estrikto sina mommy at daddy sakin ngayon dahil birthday ko at medyo malaki na ako. I’m nineteen, baby!

    “Noah! Sama ka!” Anyaya ko sa kanya.

    Walo kaming pupunta. Si Trina, Ivy, Kristen, Paolo, Chris, at Andre. Sana sumama si Noah. Nakadungaw siya sa cellphone niya. Papunta na kaming parking lot para sumakay sa sasakyan ng mga lalaki.

    “Coreen,” Bumaling si Noah sakin nang may malungkot na ekspresyon.
    “Bakit?”
    “Ihahatid na lang kita sa restaurant na sinasabi mo. Hindi ako makakasama kasi… ano.. Si Wade.”
    “Ha? Ano si Wade?” Natigilan ako.
    “Anong nangyari kay Wade?” Usisa ni Ivy.

    Kanina pa sila nawiwindang na kasama ko si Noah. Ngayon lang ata may naglakas loob na sumingit sa usapan namin ni Noah. Nakita ko ang matalim na tingin ni Noah kay Ivy. Ayaw niya talagang may nang uusisa. Ngumisi ako.

    “Let’s just go.” Sabi ni Noah saka pinatunog ang car lock.

    Tumango ako. Sumimangot si Ivy saka ngumuso kay Noah.

    “Suplado.”

    Sinabi niya pa. Natawa na lang ako sa nangyari. Pero hindi parin matanggal sa isipan ko ang sinabi ni Noah. Kaya naman nang nakapasok na ako sa sasakyan niya at pinaandar niya na ito ay natanong ko ulit siya.

    “Naglalasing siya.” Aniya. “Pinipigilan nina Warren ngayon.”
    “Talaga? Bakit?” Lumipad ang palad ko sa noo ko. “Dahil kay Reina!” Ako ang sumagot sa sarili kong tanong.
    “Ano? Puntahan natin…” Sabi ko.
    “No. Ako na ang bahala. You enjoy your day…”

    Nakipagtalo ako sa kanya. Kaibigan ko rin si Wade kahit paano at nakita ko kung gaano niya kamahal si Reina. Dahil sa isang salita lang ni Rozen, nagkahiwalay ang dalawa. I can’t believe it!

    “I’ll text you, alright.” Aniya saka nilapitan si Paolo nang nasa parking space na kami ng restaurant.

    “Anong nangyari kay Wade?” Tanong ni Ivy sakin.
    Nagkibit-balikat na lang ako.

    Ayaw kong sabihin kahit kanino.

    Bumaling ako kay Noah at nakita ko siyang tinapik ang balikat ni Paolo. Lumapit ulit siya sakin.

    “Pag wala ako mamaya, ihahatid ka ni Paolo at Trina.” Aniya.
    Tumango ako. “No problem. Pwede naman akong mag taxi.”
    “Ihahatid ka na namin, Coreen.” Ani Paolo.
    “Magpahatid ka na.” Pilit ni Noah.

    Hindi na ako nakipagtalo. Pumayag na lang ako. Syempre, ayaw kong maantala pa ang pag alis ni Noah dahil lang sa mga kaechusan ko.

    Kahit na anong gawin kong pag eenjoy sa pagkain sa restaurant ay wala akong maisip kundi si Wade na naglalasing. Tsk. Ano? Sasabihin ko ba kay Reina? Hindi. Chill, Coreen. Wa’g na nating gambalain pa si Reina. Desisyon niya yan at tutulungan ko siyang panindigan ito.

    “Coreen, kita mo yung brit?” Umaagik-ik na tinuro ni Trina ang isang foreigner na kaedad namin.

    Nakatingin siya samin at nitaas ang kanyang shotglass nang napatingin ako sa kanya.

    “Kanina pa siya nakatingin sayo. UYYYY!” Tumawa sila.
    “Adik kayo!” Sabi ko at nakita kong ngi-ngisi-ngisi iyong expat.
    “Ang ganda mo talaga! Kahit si Noah ay nadale mo!” Sabi ni Ivy.
    “Akala ko ba si Rozen? Diba si Rozen lagi sumusundo sayo sa school, tumutulong sayo sa reports, naghahatid ng pagkain sayo? Anong nangyari sa inyong dalawa?”
    Napalunok ako sa sinabi ni Kristen.

    Syempre, avid fan siya ni Rozen at natural na maging mausisa siya tungkol dito.

    “Magkaibigan kami ni Noah, magkaibigan lang din kami ni Rozen.” Pagtatama ko.
    “WEEEH?” Nagtawanan sila.
    “Kayo talaga. Wa’g niyo nga akong awayin! Birthday ko kaya!” Pinagsasapak ko na.

    Lalo na ang mga lalaking puro kantyaw lang ang nalalaman.

    Kinalimutan ko na lang muna ang mga issue tungkol kay Wade. Hinayaan ko itong mapunta sa likod ng pag iisip ko habang nag vi-videoke kami.

    Umorder din ako ng beer dahil iyon ang request ng mga lalaki. Uminom din ang mga babae pero mas gusto nilang kumanta.

    Nang medyo natatamaan na ay nagsi kantahan na rin ang mga lalaki. At mas lalong umingay ang babae. Tumawa na lang ako. Tatlong bote pa lang ang naiinom ko. Sila ang dami na. Hinayaan ko na lang dahil sembreak naman at birthday ko.

    Tumunog ang cellphone ko at nakita ang text ni Noah.

    Noah:
    Nasa Club 777 kami. Andito si Wade, ayaw umalis. Kanina pa kami dito. Umiinom siya ng walang tigil.

    Ako:
    Wa’g niyong iwan. Wala pa naman yang sasakyan tsaka baka di na yan makauwi pag sobrang lasing na.

    Sa sobrang gwapo ni Wade, baka pag may makakita sa kanyang patay na patay sa lasing ay pagsamantalahan na lang ito. Tsk. Nakakatakot naman.

    Nagtawanan kami, nag inuman, nag tuksuhan, nagkantahan, nagsayawan. Masaya ako. Masayang masaya.

    Alas dose nang nagpasya kaming umalis dahil umiiyak na si Ivy. Masyado na atang lasing kaya na aalala niya na ang mga nangyari sa kanila ng ex niya.

    Tumatawa lang si Trina at Kristen habang tinatanong-tanong si Ivy para daw mailabas niya ang kanyang mga hinanakit. Si Ivy naman ay halos mamugto na ang mga mata sa kakaiyak.

    “Tama na nga.” Sabi ni Chris.

    Nagtawanan ulit sila.

    “Umuwi na tayo.”

    Doon ko lang sa parking lot na realize kung anong nawala ko. Umihip ang malakas na hangin. Dala ko ang bag ko saka pinapanood ang mga kaibigan kong pinagtutulungan si Ivy na isakay kay Chris nang di sumusuka.

    Pinasadahan ko ng tingin ang paligid. Sa gitna ng dagat ng sasakyang ito, may isang sasakyan akong hinanap. Ang sasakyang parating nagsusundo sakin tuwing kailangan ko. Hinanap ko siya at sa isang saglit ay nakita ko na may nakasandal sa isang BMW convertible car. Nakasandal siya doon at nakapamulsa. Pinasadahan niya ng kanyang palad ang kanyang buhok at tinitigan ako gamit ang mabibigat niyang tingin. Isang tinging tatagos sa buto ko. Nakakalusaw ng puso, nakakapamanhid ng paa at nakakahimatay sa kaba…

    “Coreen.”

    Napatalon ako sa tawag ni Trina sakin. Nasa loob na siya ng sasakyan ni Paolo.

    “Tayo na! Hatid ka na namin!” Aniya.

    Tumango ako at pinasadahan pa ulit ng tingin ang mga sasakyang nakapark at mga taong nasa paligid.

    Wala siya.

  • Kabanata 33Open or Close

    Kabanata 33
    Insecurities

    Unang araw ng second sem, late ako.

    Walang tumunog na alarm para iremind sakin kung anong oras dapat akong nagigising. Walang nag oorganize ng schedule ko. Mali-mali ang mga klaseng napasukan ko. Ni hindi ako nakapaglunch kasi walang nagparemind sakin.

    “Anong kahibangan ‘to, Coreen?” Sabi ko sa sarili ko.

    Hindi ko matanggap na alas dos na at saka pa ako mag lu-lunch. Ni hindi ko alam kung kailan dapat tumigil sa kakatalak sa mga kaklase para lang kumain.

    Lagi kong nichi-check ang cellphone ko para lang tignan kung may alarm ba kahit alam kong wala.

    Ilang linggo na ang nakalipas at ganoon parin ang gawain ko. Mabuti sana kung araw-araw akong niyaya ni Noah mag lunch kaya lang, once a week niya lang ginagawa iyon. Masyado siyang busy. Syempre, second year na siya at mukhang may Field Study na sila. Busy din siya sa pagbabanda.

    Isang araw ay pumasok ako sa isang major subject.

    Tumunganga lang ako habang hinihintay ang professor namin nang may biglang kumalabit sakin.

    “Coreen.” Aniya.

    Nilingon ko ang isang pamilyar na boses at nakita kong si Wade iyon.

    “Ano?” Tanong ko.
    Lumingon-lingon siya saka ako kinausap. “Kamusta na si Reina? H-Hindi pa ba siya babalik?”

    Napaupo ako ng maayos sa tanong niya. Napaawang ang bibig ko. Marami akong gustong sabihin pero walang lumabas na sagot.

    “A-Ano? Coreen, babalik ba siya? Kelan? Mag iisang buwan na, ah?”

    Napalunok ako.

    “Sorry, Wade… Hindi eh. Nag aaral siya sa-“
    “Wala na siyang facebook account. Anong na ang nangyari sa kanya?”
    “N-Nag aaral siya sa ibang bansa. Baka matagal pa ang balik niya-“
    “Hindi ba siya uuwi ng pasko?”
    “Baka sa France na magpasko ang pamilya niya.” Napangiwi ako sa sagot ko.

    Hinampas niya ang upuan niya. Pinagtinginan kami ng mga kaklase namin. Umiling siya at biglaang nag walk out.

    Sa taranta ko ay agad kong nitext si Noah.

    Ako:
    Noah, tinanong ako ni Wade tungkol kay Reina. Bigla siyang nagwalk out nung sinabi kong matagal pa ang uwi ni Reina.

    Agad naman nagreply si Noah.

    Noah:
    Okay. Salamat. Baka maglasing na naman iyon.

    True enough, pagkatapos ng klase ay sumama ako kina Noah sa isang malapit na bar. Umiinom na naman siya ng walang tigil. Umupo si Warren sa harapan niya. Nang nakita niya si Warren ay tumawa ito.

    “Hayaan niyo na lang muna ako, please.” Linya ni Wade.
    “Pare, si Reina ang umalis. Hindi pwedeng ikaw ang nawalan.” Ani Warren.
    “AKO ANG NAWALAN! OKAY?” Biglaang sigaw ni Wade.

    Sigaw na nakapagpaalala sakin kay Rozen. Kinurot agad ang puso ko.

    “Wade, tama na-“
    “Hayaan niyo ako! Ayoko na!” Sigaw niya.
    “Wade!” Buo ang boses ni Noah nang tinawag niya si Wade.

    Napatingin si Wade kay Noah.

    “Hayaan mo na ang kapatid ko. Nag aaral siya para sa kanyang sarili. Don’t be selfish! Kung iniwan mo ang Alegria para mag aral, siya din, iniwan niya-“
    “AKO? GANUN BA?”
    “Iniwan niya tayo!” Pagtatama ni Noah. “Sometimes you have to sacrifice for the people you love, Wade. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay ipagpipilitan mo ang pagmamahal mo sa kanya. Maghintay ka.”
    “Kelan pa? Bukas? Sa susunod na taon? Paano kung makahanap siya ng iba?”

    Natahimik si Noah sa sinabi ni Wade.

    “Noah! Alam kong mahirap ako at mayaman kayo kaya ayaw na ayaw niyo sakin. Pero mahal na mahal ko si Reina! At hindi ko alam kung paano magsisimula ngayong wala siya.”
    “Oh come on, Wade!” Sabi ni Warren.
    “Wade, babalik din si Reina.” I assured him.
    “Babalik siya, oo. Pero paano kung bumalik na may kasama? Anong laban ko?”

    Natahimik kaming lahat.

    “You’re crazy, man.” Sabi ni Noah.
    “I am crazy for your sister.”
    “Ma fo-fall out ka rin.” Sabi ko.

    Napatingin si Wade sakin. Tumawa siya. At nang nakita ko ang pula niyang mga mata, tumindig ang balahibo ko. Wala akong ibang maisip kundi ang mga mata ni Rozen.

    “SANA NGA, COREEN! Damn! I wish!” Pinaglaruan niya ang bote bago tumikhim at lumingon samin. “You know what, I quit.”

    Walang nagsalita.

    “I quit everything! I quit the band. I quit Reina. I quit this love. I quit!”
    “Wade, wa’g kang ganyan.” Sabi ni Joey.
    “Di, totoo. Ayoko na.”
    “Paano yung upcoming album natin?” Tumaas ang tono ng boses ni Warren.

    Nakita kong kumuyom ang panga ni Noah at nanigas ang kanyang braso.

    “Sorry, pero ayoko na.” Aniya.
    “I thought this is your passion?” Mas tumaas ang boses ni Noah.
    “Oo. Pero ayoko na-“

    Biglang sinuntok ni Noah si Wade. Humandusay si Wade sa sahig kasama ang mga bote ng beer.

    Sa sobrang gulat ko, wala akong nagawa kundi ngumanga at panoorin si Warren at Joey na umaawat kay Noah.

    “Gago ka! Then, you are not passionate enough! Umalis ka! You don’t deserve Reina!” Nag walk out si Noah kaya sinundan ko siya.

    Malulutong na mura ang inabot ng kanyang sasakyan. Panay ang sipa niya sa gulong ng kanyang kotse.

    “Gagong Wade!” Aniya. “Kung gusto niyang magpakamatay, wa’g niya kaming idamay!”
    “Noah…” Pinipiga ang puso ko.

    Hindi ko alam kung anong pwedeng sabihin ko para lang medyo gumaan ang pakiramdam niya. Unti-unti kong napagtanto na mukhang wala akong maaring sabihin para lang lumubag ang loob niya. This is his passion. Buong buhay niya, ito ang inatupag niya. At ang malaman na hindi na matutuloy ang vocalist nila, nawasak ang kanyang mga pangarap.

    “I’m sorry.” Sabi ko.
    Nilingon niya ako.

    Punong-puno ng panghihinayang ang kanyang titig.

    “Ipangako mo sakin, Coreen. Wa’g na wa’g mong babanggitin kay Reina ang lahat ng mangyayari kay Wade simula ngayon.”

    Tinitigan ko lang siya.

    “Ayokong umuwi siya dito para lang kay Wade. Gusto ko magtagumpay siya doon. Kailangan magbunga ang sakripisyo nilang dalawa.”

    Tumango ako.

    “Pwede ko bang sabihin na nadisband ang banda niyo? Na kumalas si Wade?”
    Umiling siya.
    “Noah… Ang alam ni Reina ay magre-release kayo ng album this December. Malalaman niya rin iyon kay Liam na hindi kayo natuloy.” Sabi ko.
    Suminghap siya saka tumango, “Okay. Pero convince her to stay there, Coreen. Wa’g na wa’g mong hahayaang magdesisyon siya na bumalik dito.”

    Nasaksihan ko kung paano nag move on si Wade. Sana ay kaya ko rin iyon. Halos perfect lahat ng exams niya, tahimik na siya at hindi na nakikipag usap sa ibang babae.

    Ako na. Ako na ang matanglawin na umaaligid sa kanya para lang makiusyuso kung may iba siyang kinahuhumalingan. Marami din akong nakitang mga magaganda (mas maganda pa kay Reina, yes) na nagpapatulong di umano sa kanya sa mga assignments o nagiging grupo niya, pero ni isa sa kanila, wala siyang nitratong espesyal.

    At para kay Noah naman, nagsisimula siya ng panibagong banda. Ilang ulit siyang nagpa audition at walang ni isang pumasa. Syempre, ikaw ba naman ang papalit kay Wade Rivas, tignan natin kung kaya mong pantayan iyon.

    “Noah, tama na muna to para ngayon. Pagod na kayo.” Deklara ko sa kanila.

    Hinawakan niya ang kanyang ulo saka tinitigan ako.

    “Thanks, Coreen.” Aniya saka tumayo.
    Ngumisi ako.
    “Tama ka. Ihatid na kita sa inyo.”
    Uminit ang pisngi ko, “Naku! Wa’g na. Susunduin naman ako.”
    “No. Hayaan mo akong ihatid ka.” Aniya.

    Hindi na ako nakipagtalo. Nagpahatid na ako kay Noah. Sa sasakyan niya ay wala akong inatupag kundi ang tignan ang hand outs ko para sa nalalapit na midterms.

    “Alam kong kung nandito si Rozen, araw-araw, walang mintis ka niyang ihahatid. Ida-drop niya ang subjects niyang conflict sayo para lang magkatime siya.”

    Tumunganga ako sa handouts ko. Hindi ko magawang tignan si Noah. Nanghina ako nang narinig ulit ang pangalan ni Rozen galing sa kanya.

    “I know, Coreen. I know my brother.”

    Parang labadang pinipiga ang bawat piraso ng puso ko. Ang sakit sakit. Ang marinig iyon sa taong malapit sa kanya? Sobrang nakakasakit!

    “Sorry. Di ko lang maiwasan.” Sumulyap siya sakin.

    Niligpit ko ang hand outs kong kanina ko pa ina arrange.

    “Buti di mo ako sinagot. Di ako deserving sayo. Ang dami kong iniisip sa banda at sa school. Minsan nga lang kita nahahatid.” Tumawa siya.
    Ngumisi ako, “Hindi mo naman ako niligawan ah?”
    Nanlaki ang mga mata niya at nilingon ulit ako.

    Mabuti na lang at traffic kaya okay lang ang pasulyap-sulyap niya sakin.

    “I told you I love you, Coreen. Hindi pa ba sapat na pahiwatig iyon?” Ngumisi siya.
    Tumawa ako at di nagsalita.
    “Flirt!” Aniya.

    Kinurot ko ang braso niya.

    “Heh! Totoo naman ah!” Sabi ko.
    “Bakit? kung niligawan ba kita, sasagutin mo ba ako?”
    “Hindi! Kasi suplado ka!” Biro ko.
    “Hindi kasi iyong kapatid ko ang mahal mo!” Umiling siya.

    Napawi ang ngisi ko.

    “Ayan! Napatigil kita sa pag lalandi mo.” Tumawa siya at kinurot ang pisngi ko.
    “Tumigil ka nga, Noah!” Saway ko.

    Natahimik kaming dalawa hanggang sa umandar ulit ang sasakyan niya.

    “Anong gagawin mo pag nakabalik na si Rozen?”

    Honestly, na o-awkward na ang topic namin ni Noah. Ayokong sagutin.

    “Coreen!” Aniya.
    “Noah, bukod sakin, wala ka na bang ibang minahal?” Tanong ko.

    Ilang sandali pa bago siya nagsalita.

    “Winawala mo ang usapan. Ang tanong ko, Coreen, ay kung bumalik si Rozen, anong gagawin mo?”

    Ngumuso ako. Alam kong di niya sasagutin ang tanong ko.

    “Hindi ko alam.” Sagot ko.
    “Hindi mo alam? Sabihin mo na sa kanya ang nararamdaman mo.”
    Nilingon ko siya pero di ako nagsalita.
    “Kasi kung di mo sasabihin, liligawan talaga kita kahit alam kong basted ako. At di kita titigilan.” Tumawa siya.

    Ngumisi din ako pero parang hinahampas ng dos por dos ang puso ko. I’m sorry, Noah.

    “P-Paano kung siya ang na fall out? Paano kung may iba na siyang mahal? Ayaw niya na sakin?” Finally, nasabi ko na ang insecurities kong sobrang hawig kay Wade.
    “Try Rozen Elizalde, Coreen.”

    Tumikhim ako.

    “Kung ayaw niya, edi ako ang sasalo sayo.” Lumingon siya at kumindat.

    Hindi ko alam kung nagpapatawa ba siya o namemersonal.

  • Kabanata 34Open or Close

    Kabanata 34
    Leonore Batungbakal

    Buong akala ko ay babalik si Rozen after 6 months. Kaya naman ay nang natapos ang semester at nagsummer na, araw-araw na akong nag aabang sa paligid ko sa biglaan niyang pagpapakita. Araw-araw din akong nabigo.

    Nang nag June na ulit, simula ng 2nd year ko sa college, hindi ko na naiwasan ang pagtatanong kay Noah.

    “Noah, s-si Rozen ba hindi uuwi?”
    Ngumuso si Noah sa tanong ko tsaka umiling.
    “P-Paano na yan? Hindi ba, 3rd year na siya.” Sabi ko. “Hindi niya ba tatapusin ang pag aaral niya?”

    Nauungusan na siya ni Noah ngayon. 3rd year na si Noah, at pag nagkataon ay mauunahan ni Noah si Rozen sa pag graduate.

    “Kumuha siya ng short course sa ibang bansa.” Simpleng sinabi ni Noah na nagpabigo sa puso ko.
    “P-Pero iba parin yung degree dito sa Pilipinas, diba?”
    “Oo. Siguro naman pag bumalik na siya dito, tatapusin niya rin ito.”
    “S-So Ibig sabihin matagal pa ang balik niya?” Tanong ko.
    “Give or take 2 years.” Aniya.

    Napalunok ako. Ang tagal. I miss him so much. Di bale ng pestehin niya ako araw-araw, okay lang.

    “Miss him?” Tanong ni Noah nang nakita ang malungkot kong mukha.

    Nagkibit balikat na lang ako.

    “Pag nalaman niyang miss mo na siya, mamaya agad, uuwi yun.” Tumawa si Noah.
    “Wa’g mo nga akong bolahin ng ganyan, Noah.” Kinunot ko ang noo ko.

    Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at niyakap nang tumatawa.

    “O sige, joke na nga lang.”

    Kinukurot ang puso ko.

    “Wa’g mong sabihin sa kanya, ah?” Sabi ko. “Galit yun sakin. Tsaka ako ang nagtaboy sa kanya.”
    “Okay.”

    Tama si Noah. Umabot ng isang taon ay wala paring Rozen Elizalde na nagpapakita.

    “Si Wade ay natanggap sa Going South!”
    “Going South? Yung sikat na banda?”

    Napalingon ako sa mga freshmen na nag uusap. Totoo ba iyon? Napatingin ako sa cellphone ko at nakita kong may text si Noah sakin.

    Noah:
    Nasan ka? Nandito kami sa gym. Kinukuha na ni Wade ang mga gamit niya.

    Nireplyan ko agad:
    Bakit?

    Hindi pa siya nakakareply ay tumakbo na ako papuntang gym. Doon ko nasaksihan ang nakatungangang mga kabandmates ni Noah. Nakatunganga sila habang pinapanood si Wade na nagliligpit ng gitara at ng mga gamit niya.

    “Wade, congrats.” Sabi ni Warren.
    “Sorry.” Sagot ni Wade saka bumaling sa medyo galit na si Noah.

    Nakita kong kumuyom ang panga ni Noah kaya nilapitan ko at hinaplos ko ang braso niya.

    Napatingin si Noah sakin at bumuntong hininga.

    “I know you’re doing this for your pride, Wade.” Bumaling siya kay Wade.
    Umiling si Wade.
    “Alam kong talagang umalis ka at nag audition sa iba dahil alam mong pag nagpatuloy ka samin ay laging tatatak sa isip mo na ginamit mo si Reina.”
    Napatingin si Wade kay Noah.
    “Alam kong hindi mo siya ginamit. Ako ang nagdesisyon dito. Ni hindi ko alam na magkaibigan kayo ni Reina nung una.”
    Tumango si Wade at dinampot ang mga gamit niya, “I’ve decided, Noah. I’m sorry.”
    Tumango din si Noah, “Well, then, good luck.”

    Nakita ko ang lubos na panghihinayang at pagkabigo ni Noah. Kumislap ang kanyang mga mata. I know his heart is breaking for his passion. Alam kong alam niyang mahirap pantayan si Wade kaya hanggang ngayon ay wala silang vocalist na mahanap.

    “Hindi ko kayang manatili dito. Dahil sa bawat sulok akong tumingin, siya ang naaalala ko.” Tinignan ako ni Wade.

    Kinagat ko ang labi ko saka yumuko.

    “I want to move on, Noah. This is the first step.” Aniya.
    “Good luck, Wade!” Tinapik ni Noah ang balikat ni Wade saka tinalikuran siya.

    Sumunod ako nang umalis si Noah. Sa oras na iyon, doon ko napagtanto na kahit anong mangyari, tutulungan ko si Noah. Hindi ko siya pababayaan. Alam kong ang pinakamamahal niya ay ang passion niya, ito ang bumubuhay sa kaluluwa niya. Kaya ako, bilang kaibigan, susuportahan ko siya.

    Simula noon, hindi ko na namalayan ang panahon. Nagkaroon sila ng iba’t-ibang vocalist. Nagkakagig sila pero laging nagkakaproblema.

    Minsan, masyadong masama ang vocalist kaya tinatanggal nila. Meron ding nagpapasikat lang pero ni hindi makanta ng maayos ang bawat kanta. Walang pumantay kay Wade at mas lalong walang humigit.

    Habang nakikita ko ang pagkakabigo ni Noah, napanood ko rin ang pag angat ni Wade. Sa loob ng ilang buwan ay nagkaroon sila ng dalawang bagong album na consistent na nasa top 1 sa lahat.

    Sikat na ang Going South, noon. Pero umalis ang vocalist dahil inatupag ang pamilya sa ibang bansa. Kaya naman ay naghanap sila ng bagong lead. Si Wade na sobrang galing at sobra ang karisma ay nakuha as vocalist. Hindi na ako magtataka.

    Bukod sa pagbabanda niya ay naging mas magaling din siya sa pag aaral. Sobrang galing niyang mag ayos ng oras para hindi magka conflict sa oras ng pag babanda at pag aaral.

    “Go!!! NOAH!” Sigaw ko habang pinapanood sila sa isang gig.

    Bago na naman ang vocalist. Kaya consistent akong si Noah ang sinusuportahan.

    “Hindi ba sila tumatanggap ng babaeng vocalist?”

    Napalingon ako sa babaeng may bangs at naka eyeglasses. Maputi siya, pink ang kanyang labi, matangos ang kanyang ilong at medyo chinita. Mas matangkad ako sa kanya ng konti.

    Humalukipkip siya saka ngumisi sakin.

    “Hindi ba close ka kay Noah Elizalde? Noon ko pa kasi napapansing papalit-palit yung vocalist nila. Eh, ako kasi may banda rin noon. Kaya lang pinili kong mag solo. Ngayon, namimiss ko yung banda at gusto ko sanang mag audition.”
    Umiling ako, “Lalaki kasi yung nakasanayan nila noon. Si Stan ang pinaka unang vocalist nila, bago si Wade. Pati ang mga dating kanta, ang weird naman kung may babaeng bigla na lang kakanta sa mga kantang iyon.”

    Tumango siya at binaba ang kamay niyang nakahalukipkip.

    “Ganun? Sayang, no?”

    Ni head to foot ko siya at nakita kong may soot siyang uniform na tulad ng mga waiter at waitress sa bar na ito. May naka print pang Club Tilt sa kanyang poloshirt.

    “May order ka ba?” Tanong niya.

    Nanliit ang mga mata ko.

    “Pamilyar ka sakin.” Sabi ko.
    Tumawa siya at naglahad ng kamay, “Leonore Batungbakal. Iba talaga pag sikat, ano? Hindi mo maalala ang mga classmate mo.”
    Napakurap-kurap ako.

    Hindi ko maintindihan ang sinabi niya pero tinanggap ko ang kamay niya.

    “Elle for short.” Aniya.
    “Anong sikat?” Tanong ko.
    Ngumisi siya, “Ikaw, sikat. Coreen Samantha Aquino. Maganda. Classmates tayo sa FS.”

    Nagkatitigan kami.

    “Libre kita ng juice.” Aniya. “Sige. Wait lang.” At umalis para kumuha ng juice.

    Nang bumalik siya ay may dala na siyang juice.

    “Naku, salamat.”

    Nahiya ako kaya kumuha agad ako ng pera para sa bill. Kahit wala naman talagang bill doon.

    “Wa’g na. Libre nga.”
    “Pero baka maubus yung sweldo mo.” Inosente kong sinabi.
    Umiling siya, “Hindi naman ako araw-araw nanlilibre.” Tumawa siya.
    Tumango ako, “Salamat.”
    “Walang anuman!” Aniya.

    “Elle!” Napatingin kaming dalawa sa tumatawag.
    “Opo… Andito na…” Sigaw ni Elle at kinindatan ako bago siya umalis.

    Bumaba na sina Noah sa stage pero ang titig ko ay nakay Elle parin.

    “Ang pangit talaga.” Dinig kong bulong ni Joey kay Noah.
    “Gutom na gutom na ako.” Sabi nung bago nilang vocalist.

    Mukha atang magkakaproblema na naman sila sa bagong ito. Hindi ko masyadong napansin ang tensyon sa kanila dahil pinanood ko si Elle na umakyat sa stage dala ang gitara.

    Hinubad niya ata ang kanyang t-shirt, dahil ngayon, naka ruffled pink blouse na siya.

    “Mic test.” Aniya sa mic.

    Nagpalakpakan ang mga tao. Ngumisi siya.

    “Maganda ba ako?” Tanong niya sa lahat.

    Napangisi ako.

    “SYEMPREEE!” Sigaw ng mga tao.

    Naghiyawan sila. Tumawa rin si Elle.

    “Naku! Love na love niyo talaga ako, ano?”

    Mukhang gabi-gabi niya itong ginagawa. Pumikit siya at nag strum sa kanyang gitara. Ang lamig ng tono. Tumindig ang balahibo ko nang kumanta siya. Ang lamig ng boses niya.

    “Galing!” Sabi ni Noah.

    Napalingon ako kay Noah na nakangisi sakin.

    “Magaling siya.” Aniya. “Pero medyo makapal ang mukha.” Tumawa siya.

  • Kabanata 35Open or Close

    Kabanata 35
    Welcome Back

    Syempre, simula noon ay nakilala ko na si Elle. Kenkoy pala siya. Paborito siya nina Kristen.

    “Hindi mo kilala si Elle?” Tanong ni Kristen sakin.

    Nagkibit balikat ako. Hindi naman kasi ako masyadong friendly maliban na lang sa mga kagrupo ko.

    Napag alaman ko na scholar siya. Mahirap lang kasi sila at siya lang ang nagtatrabaho para magkaroon siya ng baon sa school at iba pang gastusin. Hindi ako makapaniwala, medyo maganda kasi at kutis mayaman.

    “Ang alam ko, half-japanese siya. Iniwan yung daddy niya nung hapon niyang mommy at kalaunan ay namatay.”

    Napangiwi ako sa medyo harsh na pagkakakwento ni Ivy sakin.

    “Talaga?” Sabi ko nang di naniniwala.
    “Oo.”
    Tumango ako dahil kinumpirma naman ito nina Paolo at Andre.

    Dahil palaging may gig sina Noah doon, medyo naging pampalipas oras ko na rin ang pakikipag kwentuhan sa kanya.

    “Ibang vocalist na naman?” Tanong niya sakin.
    Tumango ako habang pinagmamasdan sina Noah.
    “Nakapang lima na silang vocalist, ah?”
    “Oo. Eh kasi walang pumapantay kay Wade.” Sabi ko.
    “Ba’t ba kasi umalis si Wade sa kanila? Pero sa bagay, kung di umalis si Wade eh di siya sisikat ngayon. Dinig ko bumili daw iyon ng sasakyan.”
    “Oo. Pati ata condo.” Dugtong ko.
    “Anong nangyari at ba’t siya umalis? Nagkaproblema ba?”

    Medyo usisera din itong si Elle. Nagkibit-balikat ako. Ayaw ko talagang mag share sa kahit kanino ang tungkol sa mga nangyayari sa buhay namin. Hindi naman sa anti social ako o ano… pero kahit sina Kristen ay hindi ko nasasabihan ng tungkol sa nangyari kay Reina at Wade. Ang alam lang nila ay nag karoon ng relasyon ang dalawa. Isang impormasyong hindi nila ma-confirm sakin, dahil tikom ang bibig ko tungkol diyan.

    “Hindi ko rin alam.” Sabi ko nang di tumitingin sa kanya.
    “Wala ka palang alam?” Tumawa siya.
    Napalingon ako sa kanya.
    “Kasabay ata ng pag alis ni Wade ay ang biglaang pagkawala ng crush ko.” Nalulungkot niyang sinabi.
    “Bakit? Anong nangyari?” Tanong ko sa kanya.
    “Wala rin akong alam.” Tumawa ulit siya.
    Ngumisi ako kahit medyo hindi nakakatawa.
    “Basta bigla na lang nawala. Ikaw? Hindi ba close kayo ni Noah? O baka BF mo na siya?”
    “Huh? Di ah!”
    “Eh Elizalde yun, baka alam mo kung anong nangyari?” Tanong niya.

    Parang tumigil sa pagpintig ang puso ko. Elizalde yung crush niya.

    Pagkatapos ng pagtigil ng puso ko ay bumalik ito sa pag pintig na may baong mas malakas at mas mabilis na ritmo.

    “Si Dashiel?”
    Kumunot ang kanyang noo, “Sino yun?”
    “Dashiel Elizalde?” Pagtatama ko.
    Umiling siya, “May kuya pa pala sila.”

    Kung hindi si Kuya Dash… hindi rin si Noah… edi ibig sabihin ay si…

    “Rozen.” Aniya nang nakangisi.
    Napalunok ako.

    He won’t like this girl. Mata pobre iyon. Masama iyon.

    “G-Ganun?”
    “Oo. Sana bago siya umalis nasabi ko sa kanya ang nararamdaman ko, ano? Sayang. Mag da-dalawang taon ko na siyang di nakikita, eh. Ni wala na rin siyang Facebook. Hindi ko alam kung nasan siya. Sa oras na bumalik siya at makita ko siya, pangako, mag co-confess na ako sa kanya.” Tumayo siya saka ngumisi.
    “Talaga…” Sabi ko.
    Tumango siya, “Mag lilinis muna ako.” Aniya at umalis.

    Hindi parin maalis sa puso ko ang kaba. Hindi ko alam kung bakit. I felt so threteaned.

    “Wala akong pakealam!” Sigaw ni Noah isang araw, nasa music room ako ng bahay nila.

    Nag pa-practice sila ngayon dahil may bago ulit silang vocalist. Nag aasaran itong si Warren at Noah kanina kaya lang mukhang nagalit si Noah ngayon. Tumatawa lang si Warren. Sinundan ko ng tingin si Noah at nakita kong di siya mapakali.

    “Dude, I’m just saying.” Tumawa ulit si Warren. “Eh yun ang pinapasabi niya. Babalik lang daw siya after 2 years. Sumunod lang ako-“
    “Wala akong pakealam kung kelan siya bumalik, Warren. Ni hindi naman kami nagkita nung nandito siya. At wala akong pakealam sa kanya.”

    Napatayo ako dahil lubos ang pagkairita ni Noah pero si Warren ay tawa parin nang tawa.

    “Sinong pinag uusapan niyo?”
    Humugot ng malalim na hininga si Noah saka bumaling sakin, “Wala, Coreen. Don’t mind it. It’s not important.”

    Nag walk out siya bigla sa music room ng kanilang bahay. Nakatunganga akong nakatitig kay Warren.

    “Oh no, Coreen, don’t ask me.” Umalis siya.
    “Warren!” Pangungulit ko sa kanya, “Anong pinag usapan niyo?”
    “Wa’g mo kong tanungin baka sibakin ako dito sa Zeus kung sabihin ko sayo.” Halos tumakbo na si Warren dahil panay ang sunod ko sa kanya.

    Nagtatago na siya sa likod ng drum set at sa kung anu-ano pang pwedeng pagtaguan.

    “Sabihin mo na, please! Please! Di ko naman sasabihin sa kanya na sinabi mo.”
    “Ayoko.” Aniya.
    “Sige na please, Warren! Concerned ako.”
    “Nakikitsismis ka lang, eh.”
    “Hindi no! Concerned talaga ako! Sige na!”
    “Eh alam mo na…” Aniya saka bumuntong hininga. “Yung tungkol kay Megan.”

    Megan? Megan na naman!?

    “Ano? Sino ba kasi si Megan?”
    “Yung babaeng patay na patay sa kanya.”
    Tumango ako.

    Patay na patay sa kanya?

    “Hindi mo kilala yun. Classmate namin yun noong highschool. Patay na patay sa kanya yun. Transferee student.” Aniya.
    “Tapos, ano?”
    “Basta! Yun na yun!”
    “Megan? Yan ba yung maganda, mahaba ang buhok-“
    “Maiksi na yung buhok niya ngayon.”
    “Talaga?” Napaisip ako. “Kasingtangkad ko ba?”

    Tinitigan ako ni Warren at tumango.

    “Oo, kasing tangkad mo.”

    I’m sure it’s that girl… yung nasa CR na biglang kumausap sakin. Siya yun, sigurado ako. Two years ago.

    “Anong problema niya kay Megan?”
    “Ha? Wa’g mo akong tanungin ha, mapapatay ako ni Noah.” Aniya.

    Kaya imbes na pilitin si Warren ay nagmartsa ako palabas ng music room. Hinalughog ko ang buong mansyon nila. Hiningal nga ako sa paghahanap. Wala si Noah sa kitchen, sa sala, at sa kung saan-saan pa. Isang lugar na lang ang di ko pa napupuntahan, ang kanyang kwarto.

    Sa tagal naming medyo close ni Noah ay hindi pa ako nakakapunta sa kanyang kwarto. Ngayon ko lang ata mai-invade ito.

    Kumatok ako.

    “Noah?”
    “Oo.” Sigaw niya galing sa loob. “Lalabas din ako.”
    “Si Coreen ‘to.” Sabi ko.

    Ilang sandali ang nakalipas ay binuksan niya ang pinto. Uminit ang pisngi ko. It’s kinda weird.

    “Pasok ka.” Wholesome niyang sinabi.

    Naka topless siya at nakita ko ang nakalatag niyang mga damit sa kama. Uminit ang pisngi ko dahil nakita ko ang muscles niya. Damn it! Punyaterang mga Elizalde. Macho na, gwapo pa!Inayos niya ang mga ito ang mga damit niya.

    Tumayo lang ako doon at pinanood siya sa pag kuha ng isang damit.

    “Ayoko ng mag practice. Naiirita ako sa bagong vocalist. Hindi parin siya pwede. Kailangan ng bago.” Aniya.
    Hindi ako umimik.
    “Lumabas na lang tayo.” Aniya.
    “Saan naman tayo?” Tanong ko.
    “Kumain, manood ng sine, I don’t know.” Nagkibit balikat siya saka tumayo.

    Dinampot niya lang iyong darkblue na t-shirt pero naka topless parin siya. Nag iwas ako ng tingin. Ang laki talaga ng katawan niya. Yung abs na yan, yung biceps at triceps na yan, jusko… nabibilaukan ako.

    “Magbihis ka nga!” Sabi ko.
    “Oo. Saglit nga lang. Naiinitan ako.”

    Mas lalong uminit ang pisngi ko. Kaya imbis na tumunganga doon ay binuksan ko ang pintuan ng kwarto niya.

    Tumigil sa pag pintig ang puso ko nang nabuksan ko na ito ng tuluyan. Nasa gilid ko na si Noah at pareho kaming papalabas nang bigla kong nakita si Rozen.

    Nagtama ang aming mga tingin. Hindi ko magawang itikom ang bibig ko, patuloy itong nakanganga habang pinagmamasdan siyang nag kakatotoo sa harapan ko. Nakapamulsa siya at naka itim na jacket at pants. May nakasabit pang ear phones sa kanyang tainga. Mas tumangkad siya, mas pumula ang kanyang labi at, shit, mas gumwapo ang sexy beast.

    Napuna ko agad ang pag awang ng bibig at pag kunot ng kanyang noo. Nag iwas siya ng tingin, pero nang bumaling siya ulit samin ay napalitan ito ng ngisi.

    “Kuya, di mo man lang sinabi na babalik ka.” Naglahad ng high five si Noah kay Rozen.

    Tinignan ito ni Rozen ng ilang sandali bago tinapik.

    “Ayoko ng mag abala. Tsaka, marami akong gagawin.” Aniya saka nilagpasan kaming dalawa.

    Ni hindi siya lumingon ulit. Lumagpas lang siya at pumasok sa kwarto niya. Ni hindi niya ako binati. Nangatog ang tuhod ko.

    “Patay.” Nakabihis na si Noah nang bumaling ako sa kanya. “Baka akala niya may nangyari satin kasi galing ka dito.”

    Nanghina ang tuhod ko. Gusto kong mag sisigaw at mag makaawa kay Rozen. Kaya lang sa sobrang sakit na nararamdaman ko ay wala akong magawa. Ni hindi ako makapagsalita.

    Nilunok ko ang bumabara saking lalamunan at hindi ko alam kung saan galing ang lakas ko para banggitin ito.

    “Mukhang wala naman siyang pakealam.” Sabi ko.
    Napangiwi si Noah, “Tapos hahayaan mo lang?”
    Umiling ako, “Sasabihin ko sa kanya.”
    “Dapat lang. Pero sa ngayon, obserbahan muna natin siya. Tignan natin kung anong nagbago bago mo sabihin sa kanya iyon.”
    Tumango ako at pareho kaming napatingin sa kwarto ni Rozen.

  • Kabanata 36Open or Close

    Kabanata 36
    Fall-out

    Hindi na ulit lumabas si Rozen sa kanyang kwarto. Buong araw kaming namasyal ni Noah sa mall. Kung anu-ano ang nisa-suggest ko para lang makalimutan ko ang pagbabalik ni Rozen pero wala akong maisip kundi siya.

    “Nag enjoy ka ba?” Tanong ni Noah sakin nang nasa sasakyan niya na ako.

    Ni hindi ako nakikinig. Tulala akong nila-lock ang seatbelt.

    “Coreen!” Tawag niya.

    Napatalon ako at nilingon siya. Nakita ko ang malungkot niyang mukha.

    “Sorry.” Sabi ko.
    “You can’t get him off your mind, huh?”

    Lumunok na lang ako at hindi na nagsalita. Kahit siguro anong gawin kong pag dedeny ay hindi iyon paniniwalaan ni Noah.

    Bumuntong hininga siya at pinaandar ang sasakyan.

    “What are you gonna do now, Coreen?” Tanong niya. “Paniguradong sa pasukan, papasok iyan.”
    “Gaya ng sabi mo, maghahanap ako ng magandang tyempo. I can’t just go up to him and tell him I love him, Noah. Kakarating niya lang. Anong iisipin niya.”
    “At naabutan niya pa tayong magkasama sa loob ng kwarto ko. I guess you’re right. Pahupain mo muna ang selos nun.” Tumawa siya.

    Bumilis ang pintig ng puso ko. Naririnig ko pa lang na nagseselos si Rozen ay para na akong mababaliw.

    “Weh! Wa’g mo nga akong bolahin.” Tumingin ako sa mga sasakyang nasa labas.
    Tumawa na lang siya.

    At least sa mga pahirit-hirit ni Noah, medyo nagkakapag asa ako na ako parin.

    Nanginginig ang paa ko pagkapasok ko ng school sa unang araw ng eskwela. 2nd sem na. Eksaktong dalawang taon sa pag alis ni Rozen. Kaya ibig sabihin, si Noah ay nasa 2nd sem ng kanyang pag fo-fourth year. Samantalang ako naman ay nasa 2nd sem ng pag thi-third year tulad ni Rozen. Yes. Naungusan na siya ni Noah.

    At ibig sabihin din nito ay malaking posibilidad na magiging magkaklase kaming dalawa. Napalunok ako nang papasok ako sa unang klase.

    Hindi ko na kinailangan ang alarm dahil halos di ako makatulog kagabi. Umupo ako sa ikatlong row. Pwede namang umupo kahit saan kaya okay lang kung dito. Dumating sina Kristen, Ivy at Trina. Umupo sila sa tabi ko.

    Halos dumating na ang lahat ng kaklase ko.

    “Baka walang prof ngayon kasi unang araw.” Sabi ni Trina.

    Hindi ako makasali sa usapan kasi inaabangan ko talaga ang pag dating ni Rozen. Nakatoon ang buong atensyon ko sa pintuan.

    Unti-unting nalaglag ang panga ko nang nakita kong lumiko siya sa pintuan at pumasok. Halos mabali ang leeg ng mga kaklase namin sa kakatingin sa kanya. Ni hindi na ako makagalaw sa kina uupuan ko. Ang bilis at ang lakas ng pintig ng nag huhuramentado kong puso.

    “Rozen Elizalde…” Ani Trina.
    “KYAAA!” Nakakabinging tili ni Kristen.

    Crush na crush nito si Rozen. Kahit pala ata boyfriend niya na si Chris ay nandyan parin sa kanya ang pagiging hopelessly devoted kay Rozen.

    Lumingon-lingon si Rozen. Wala ng ibang bakanteng upuan kundi ang mga upuan sa likod ko. Bumuntong hininga siya saka umupo doon. Kinagat ko ang labi ko. Ibang klase, ramdam na ramdam ko ang aura niya kahit nasa likod ko siya.

    “Rozen! Saan ka galing?” Usisa ni Kristen.
    “France lang.” Cocky, Rozen.

    France LANG.

    “Huh? Sumama ka pala kay Reina!?” Sabi ni Trina.
    “Uh-huh.” Simpleng sagot niya.
    “Uy, Coreen, hindi ba close kayo?”

    Shit na Ivy! Nakekealam pa!

    “Huh? Ah! Eh-“

    Biglaang pumasok ang aming istriktang professor. Agad kaming nag siupuan ng maayos at tumahimik. Kahit na ganun ay hindi parin ako mapakali sa kay Rozen na nasa likod ko.

    Ilang sandali ang nakalipas, nagsimula na ang klase. Kinuha ko na ang notebook ko para mag take down ng notes dahil sa totoo lang, walang pumapasok sa utak ko ngayon kundi siya.

    Hinihingal na nagpakita si Elle sa pintuan. Nagbulung-bulungan agad ang mga kaklase namin. Halatang takot sa mangyayari sa kanya kasi tinititigan na siya ng matatalim ng aming professor.

    “Anong pangalan mo?”
    “Sorry, ma’am, I’m late. Eh ginabi ako kagabi sa pagtatrabaho-“
    “I’m not asking for an explanation, miss. Ang pangalan mo ang gusto kong malaman.”
    “Leonore Batungbakal, po. Pero ambantot nun kaya Elle na lang for short-“
    “Umupo ka dun sa likod. Hindi ko tinatanong ang opinion mo!” Sigaw ng nakataas ang kilay na professor namin.
    “Sorry po…” Madrama niyang sinabi saka tinalikuran ang professor para umupo sa likuran ko.

    Ngumisi siya samin at nag peace sign hanggang sa napawi ang kanyang ngisi. Halos mabali ko ang ballpen ko sa nakitang pagkislap ng kanyang mga mata.

    “Ro-Rozen!”
    “Hmm?” Dinig ko ang pagtataka sa boses ni Rozen.
    “Oh jusko! Rozen Elizalde!”
    “Shhh!” Saway ng mga kaklase ko sa ingay ni Elle.
    “Nagbalik ka!” Bigla siyang tumalon.

    Napatingin talaga ako sa likod ko at nakita kong halos sakalin niya si Rozen sa yakap niya. Nakita ko ang pagkakairita ni Rozen sa kanya.

    He won’t like her, I know. He won’t, right? Matapobre yan. Hindi. Hindi talaga. Promise, hindi.

    “Ano ba, miss.” Masungit na utas ni Rozen.

    Umubo ang professor namin. Tumaas ang kanyang kilay at pinagmasdan ang dalawa.

    “Kung gusto ninyong maglampungan, the door is open Mr. Elizalde and Ms. Batungbakal! Umalis kayo dito sa klase ko!”

    Kinagat ko ang labi ko. Hindi ko kayang manahimik.

    “Ma’am, si Elle lang naman yung gustong makipaglampungan.” Bulong kong masyadong malakas para di nila marinig lahat.
    “Ang sakit mo namang magsalita, Coreen!” Tumatawang sinabi ni Elle.

    Medyo napikon ako.

    “Sorry ma’am.” Aniya. “Medyo overwhelmed lang po kasi ngayon ko lang nakita ulit yung love of my life ko.” Pag dedeklara niya.

    Bumuntong hininga ako at ilang sandali ay bumalik sa dati ang eksena sa classroom. Nag assess si prof sa amin, quiz agad sa first day. Pero aniya’y hindi naman ire-record. Titignan niya lang kung anong na re-recall namin last semester.

    “Rozen.” Dinig kong bulong ni Elle sa likod ko. “Saan ka ba galing?”
    “Why are you nosy?” Sagot ni Rozen.

    Napangiti ako. Para na akong baliw dito.

    “Eh gusto kong malaman.”
    “None of your business.”

    Mas lalong lumaki ang ngisi ko.

    “Pass your papers.” Sabi ni prof.

    Agad kong ni pass iyong akin. Binigay ni Rozen yung kanya sakin at nahaplos ko ng konti ang kamay niya. Uminit ang pisngi ko.

    “Ang tagal kaya kitang hinintay. Dalawang taon din yun.”

    Natahimik si Rozen.

    “Mahal kita, Rozen.” Mas marahang sinabi ni Elle sa kanya.

    Nanlaki ang mga mata ko at tumunganga.

    “Okay, class dismiss.” Nag walk out agad ang professor.

    Tumayo ang mga kaklase ko. Ako lang ata ang walang ganang umalis. Gusto kong marinig ang sasabihin ni Rozen.

    “Huh? I don’t even know you.” Sagot niya.
    “Then get to know me, Rozen. I’m Leonore Batungbakal. Elle for short.”
    “I don’t have time for love, Leonore.”

    Parang kinukurot ang puso ko sa sinabi ni Rozen. Tinawag niya si Elle sa kanyang tunay na pangalan.

    Umalis si Rozen. Kaya lang hindi nagpaawat si Elle. Sinundan niya ito.

    “Teka lang.” Sabi ko sabay sunod sa kanila.

    Nagtaka agad sina Kristen, Ivy at Trina sa ginawa kong biglaang pag alis nang di sila sinasama.

    Grabeng habulan iyon, maging ako ay napagod at hiningal. Naabutan ko sila sa loob ng locker room. Walang tao. Silang dalawa lang. Ako? Nakatago sa may pintuan.

    “Give me a chance, Rozen.” Ani Elle.
    “Hindi ako nagbalik dito para makipag relasyon, miss, kaya kung pwede sana ay tigilan mo na ako.”
    “Give me a chance, then.”
    “Sorry, find another man.”
    “Bakit ko gagawin iyon? Ikaw yung gusto ko. Noon pa. Wala lang akong guts, Rozen. You have a bunch of girls back then.”

    Seryoso ba talaga si Elle dito?

    “Sa loob ng dalawang taon na nawala ka, natuto akong magkaroon ng guts. Pinangako ko sa sarili ko na sa oras na bumalik ka, sa oras na makita ulit kita, hindi ko na palalampasin ang pagkakataon.”

    Ilang sandali pa bago nakapagsalita si Rozen.

    “Sorry. Pero seryoso, bumalik ako dito para matapos at ihandle personally ang negosyo namin. Wala akong panahon sayo. O sa kahit kanino.”
    “Ba’t noon kaya mong maglaro sa iba? Ba’t ngayon kahit chance ko hindi mo maibigay?” Desperadang tanong ni Elle.
    Rozen sighed, “Miss, dalawang taon na ang lumipas. Tingin mo ba walang nagbago sakin? Tss.”

    Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa kanila. Narinig ko ang footsteps ni Rozen na papalapit kaya unti-unti akong naglakad palayo sa locker room.

    Tumigil ako nang narinig ang banta ni Elle.

    “Humanda ka, Rozen Elizalde. I’ll make you fall for me really hard you’ll never recover.”

    Halos matadtad ko na ang labi ko sa pag kagat. Naiinis ako. Naiirita ako. Kahit na alam kong wala akong karapatang mairita. It’s her feelings… Wala akong kinalaman diyan, walang kasalanan si Rozen… walang kasalanan si Elle. Talagang iyan ang nararamdaman niya!

    “Let’s see, then.”

    Napatalon ako nang narinig ko ang boses ni Rozen na sobrang lapit na sakin.

    Nilingon ko siya at nakita kong nakatingin na siya ng diretso sakin. Nakakunot ang kanyang noo at walang ekspresyon sa mukha.

    “R-Rozen.” Bulong ko.

    Nagsimula siyang humakbang para lagpasan ako.

    “Rozen…” Tawag ko ulit.
    “What? Coreen? Ano? Gusto mo rin ng chance?”

    Natigilan ako sa sinabi niya.

    “Tss. Gaya ng sabi ko, wala na akong panahon. Tao rin ako, I fall out of love, Coreen.” At nilagpasan ako ng tuluyan.

  • Kabanata 37Open or Close

    Kabanata 37
    Ang Sakit

    Patago akong umiyak dahil sa sinabi ni Rozen sakin. Wala akong karapatan, I know. Wala akong karapatang masaktan dahil simula’t sapul, ako ang nagtaboy sa kanya. Ako ang dahilan kung bakit nawala ang pagmamahal niya sakin. Wala akong maisumbat. Wala akong maidahilan.

    Ni hindi ko masabi kay Noah. Alam kong mali itong kinikimkim ko ang sakit. Gusto ko ng kausap. Gusto kong kausapin si Rozen. Kaya lang hindi niya ako binibigyan ng pagkakataon.

    Tuwing nasa klase kami at tinitignan ko siyang nakikisalamuha sa ibang kaklase ko, kahit kailan hindi ko siya nakitang tumingin sakin.

    “Hay, ang gwapo talaga ni Rozen.” Utas ni Elle.

    Isang subject lang kami magkaklase ni Rozen. Sa di malamang kadahilanan, mukha atang itong subject lang na ito ang behind niya.

    Madalas kaming kagrupo ni Elle at ni Kristen. Si Rozen naman ay nasa kabilang grupo kung saan walang tigil ang tulo ng laway ng mga babaeng ka grupo niya.

    Nakapangalumbaba ako habang seryosong pinag iisipan itong baby proposal namin sa subject na ito. Kagabi ko pa ito pinag iisipan. Mabuti na iyong naghahanda. At magandang desisyon ang paghahanda ko kasi walang ginawa itong mga kagrupo ko kundi ang mag retouch ng lipstick, at syempre, si Elle na panay ang laway kay Rozen.

    “Neng, kumuha ka nga ng timba, baka bumaha ng laway dito.” Sabi ng kaibigan ni Elle.

    Pumula na parang kamatis ang pisngi ni Elle. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi niya tsaka tumili.

    “Wa’g nga kayong ganyan!”

    Nag eeskandalo na siya sa sobrang kilig. Sumulyap ako kay Rozen at nakita kong naagaw ni Elle ang atensyon nito. Nakatingin si Rozen sa kanya pero medyo naiirita ang mukha. Kinagat ko ang labi ko tsaka pinagmasdan ang nangingisay na si Elle.

    “Oh my! Oh my! Nakatingin siya! AHHH!”
    “SHHHH!” Nakisabay ako sa ibang kaklase kong naiirita sa pagsigaw sigaw ni Elle.

    “Time’s up!” Sigaw ng kararating lang na prof. “Team leaders, bunot ng number para malaman natin kung sino ang unang mag re-report. At pumili na rin kayo sa magrereport para sa grupo.”

    Tumango ako at nilapag ang mga hand outs na ginawa ko.

    “Ako na.” Sabi ko. “Sa reporting.”
    Umiling agad si Elle.
    “Wa’g mo namang akuin ang lahat. Kahapon ka pa babad sa mga ito. Hayaan mo na lang na si Elle ang mag report.”
    “Oo nga, Coreen. Kaya ko ‘to.” Concern na sinabi ni Elle.
    “Tsaka… plus points yun sa grade ni Elle, diba? Scholar pa naman yan.” Sabi ng isa pang kagrupo namin.
    “Eh baka hindi ma explain ng maay-“
    Hinawakan ni Elle ang kamay ko, “Ako na, Coreen. Kaya ko na yan.”

    Padarag kong binitawan ang hand outs. Ngumisi ako bago umalis para hindi nila mapansin ang pagkairita ko.

    Am I being a bitch here? I don’t know. Okay, fine! Edi siya na.

    Masuwerte ako sa numero kaya nang bumunot ako ng number para malaman kung pang ilan kami, syempre nakakuha ako ng number 1. Una.

    “Una.” Ngumisi ako. “Ano? kaya ba?”

    Hindi yan kaya. Kakabahan yan.

    Kumindat si Elle, “Yakang-yaka.” at agad tumayo.

    Buong reporting niya, walang ginawa ang professor namin kundi ang ngumanga at tumango sa pinagsasabi ni Elle. Nagawan niya ng paraan ang mga butas. Nagawan niya ng sagot ang mga tanong ng kaklase ko nang di man lang tumitingin sakin.

    “Magaling ka pala, Ms. Batungbakal.” Sabi ng professor.
    “Thank you, po…” Sabi ni Elle at ngumisi.

    Nakita kong pumula ang pisngi niya nang tumingin siya sa may banda ni Rozen. Kitang kita ko kasi na nakatingin si Rozen sa kanya ngayon. Umupo kasi kami base sa mga kagrupo namin kaya wala siya sa likuran ko ngayon. Naka-bilog ang formatin namin ng buong grupo at ganun din ang iba.

    Tinitigan ko ng maayos ang mukha ni Rozen na ngayon ay nakahawak na sa kanyang labi habang seryosong tinitigan ang mas tumitiling si Elle.

    The rise of the dead… ang mga patay na kulisap ay nagbalik. Back with a vengeance. Tinutusok tusok nila ngayon ang buong sistema ko. Chill, insects.

    Nagbara agad ang lalamunan ko. Masyadong wild ang imagination ko habang tinitignan ang pagkislap ng mata ni Rozen at ang paghawak niya sa kanyang labi. Ganun yung ginagawa niya pagkatapos akong halikan noon. That move was for me.

    “AHHH! SHIT! SORRY PO!” Sabi ni Elle habang patadyak tadyak na sa harapan.

    Pulang pula na ang kanyang pisngi. Halos pumutok na ang kanyang ulo sa sobrang pula nito.

    “Is there a problem, Ms. Batungbakal? Ganyan ka na ba talaga? Masyadong hyper? Napansin ko lang, you are so talkative, akala ko walang laman ang ulo mo. I’m sorry. No offense.”

    Nagtawanan ang mga kaklase ko sa sinabi ng professor namin. Umangat ang labi ni Rozen. Parang pinipigilan niya ang pag ngiti.

    Pinipisil ni Elle ang kanyang mga daliri.

    “E, kasi, ma’am, yung crush ko! AYYYY!” Ayan at nag ha-hyperventilate na siya.

    Tumunganga ako. Hindi ko kayang tignan si Elle o si Rozen man lang sa panahong ito.

    “Oh my God! Don’t tell me isisiwalat niya sa mga tao dito kung sino ang crush niya? Kapal talaga ni Elle!” Tumatawang sinabi ni Kristen.
    “Ano? Nandito sa room yung crush mo kaya ba para kang nilalanggam diyan?” Tumatawang tanong ng natutuwa kong professor.
    “Opo, e.” Tumadyak tadyak na si Elle.
    “AYEEEE!” Sigaw ng mga kaklase ko.

    Nagtilian na. Kinailangan pang sawayin ng professor ang mga kaklase ko para lang tumahimik sila. May nanunuya na rin kay Rozen. Mukhang alam ng iba kung sino ang kinahuhumalingan ni Elle, a?

    “Sino ba ang crush mo, Ms Batungbakal?”

    Nagsi tilian ulit ang mga kaklase ko. Punong puno ang classroom ng hiyawan at sigawan.

    “Ayoko po. Nahihiya ako!” Aniya saka tinalikuran kaming lahat.
    “It’s your chance, Ms. Batungbakal. Malay mo magustuhan ka rin niya.”
    “May hiya ka pa pala, Leonore? Hindi ba wala! Tinangay na ng aso!” Sigaw nung isa niyang kaibigan.
    “Tse! Ayoko na po!” Tinakpan niya ang kanyang mukha. “Wa’g na po, please, nagmamakaawa ako.”

    Nilapitan niya ang mga kaibigan niyang ngayon ay pinagkakatuwaan na siya.

    “Si Rozen Elizalde po!” May biglang sumigaw galing sa likuran.

    Nanlaki ang mga mata ko. Tinakpan ko na lang ang tainga ko sa sobrang tinis at lakas ng hiyawan. Hindi humupa hanggang sa narinig ko ang bell.

    “Okay, yung ibang reporters, bukas na lang.” Tumatawang sinabi ng professor samantalang halos matunaw si Elle sa gilid. “Dismiss.”

    Agad ko ng sinalampak ang lahat ng gamit ko sa bag, dinampot ito at umalis nang di tumitingin kahit kanino.

    Bumuhos ang mga luha ko. Ayaw ko sanang ikwento ang nangyari kay Noah pero hindi ko na naiwasan. Lalo na nang tinanong niya na ako.

    “Ba’t nakabusangot ka? Ba’t ang tahimik mo?”

    Inipit ko ang labi ko nang sa ganun ay maiwasan ko ang pagsasalita. Umiling ako at inayos ang seat belt ko. Ito ang isa sa mga araw na ihahatid niya ako sa bahay.

    Ilang sandali ay bumuhos na ang luha ko. Hindi ko pala kaya na ako lang. Hindi ko pala kaya na nasakin lang lahat ng problema at kinikimkim ko na lang. Problema, talaga, Coreen?

    Pinunasan ko ang luha ko.

    Come on, insects! Wa’g kayong magwala diyan na parang walang bukas! Wa’g kayong mamroblema! Marami pang taong may mas malaking problema diyan! May mga taong walang makain, may mga namatayan, hindi pwedeng sa simpleng ganito lang ay napapaiyak na ako. Ang babaw kong tao!

    “I’m sorry kasi di ko mapigilan.” Humikbi ako habang walang tigil na pinupunasan ang luha ko.

    Nakahawak si Noah sa manibela at tinitignan ako. Hindi pa kami umaalis sa parking lot ng school. Dininig niya muna ang mga sinasabi ko.

    “Wanna have coffee or something first?”
    Umiling ako. “Diba may practice kayo?” Tanong ko.
    “Nah! It’s just useless. And you need me, so, uunahin ko ba yun?” Ngumiti siya.

    Mas lalong piniga ang puso ko.

    “Hindi nga, Noah, uuwi na lang ako. Ayokong makaabala.”
    “No, Coreen. I’ll go with you.” Humilig siya sakin.

    Hinuli niya ang titig ko. Nag iwas ako ng tingin pero hinawakan niya ang baba ko.

    “Look at me, Coreen.”

    Kahit na basang basa pa ang mata ko ay tinignan ko si Noah.

    “I don’t wanna see you hurting.” Aniya. “Pati ako nasasaktan.”

    Napalunok ako sa intensity ng titig niya. Nag iwas agad ako ng tingin.

    “Noah…”

    Pero hinila niya ng marahan ang baba ko nang sa ganun ay maharap ko ulit siya. Sa ngayon, hindi lang para titigan kundi para na rin halikan ako.

    Nanlaki ang mata ko at pinagmasdan ko si Noah na nakapikit.

    “I wish I can take away all the pain, Coreen.” Malamig niyang sinabi pagkatapos ng mabilis niyang halik.

    Kinagat ko ang labi ko.

    “I’m sorry.”
    “Alam ko. Kasi siya lang ang makakapawi niyan.”
    Umiling ako, “Actually, Noah, hindi ko na talaga alam. Ako yung nagtaboy sa kanya, pero mukhang nag back fire ata ang plano ko kaya heto ako at walang pwedeng gawin kundi ang panindigan ang desisyon ko.”
    “Why don’t you tell him, then? That you love him?”
    “I will. Pero sa ngayon, nag iipon pa ako ng lakas. Hindi ko kaya. Ni hindi niya ako tinitignan. It was like it’s a sin for him to even look at me! Galit ba siya? Bakit siya cold? Mahal niya pa ba ako? And I don’t even have the right to ask him that! God!”

    Pinaandar ni Noah ang sasakyan at umalis kami ng school.

    “Hindi kita iuuwi sa inyo ng umiiyak.” Aniya.

    Hindi ko rin kayang makita si Noah na pinagbubuntungan ko ng sama ng loob. Siya lang ang napagsasabihan ko. Walang iba. Naiinis ako coz I sound so desperate. Lalo na tuwing kinikwento ko sa kanya ang insecurities ko kay Elle.

    “You’re just insecure because she can freely tell him about her feelings.”
    Hindi ako sumang ayon sa sinabi ni Noah, “Maari. Pero tingin ko insecure ako kasi kahit kailan, di niya nasaktan si Rozen. Maaring ma in love si Rozen sa kanya.”
    “Tingin mo ba wala pang nag confess kay Rozen na ibang babae, Coreen? Tingin mo una si Elle? Hindi siya ang una, at maaring hindi siya ang huli.” Ani Noah. “Pero sa totoo lang, ikaw lang talaga ang nakita kong hinahabol habol niya. Kahit na magkadapa-dapa na siya sa kakahabol sayo, tumatayo parin siya para habulin ka ulit.”

    Bumuhos ang luha ko. Kahit na masarap pakinggan ang sinabi ni Noah, para parin akong baliw sa pag iinda ng sakit galing sa aking puso.

    “Shit! Noah! Wa’g mo nga akong paasahin kay Rozen.” Tumawa ako kahit na umiiyak. “Akala ko ba mahal mo ako?”

    Ngumisi siya. Isang malungkot pero sincere na ngisi.

    “Siya ang mahal mo, e. Pipilitin ko pa ba?” Tumawa siya.

    Hindi ko talaga alam kung nagbibiro ang isang ito o totohanan na.

    “I’m no Rozen, Coreen. Namimilit iyon.”
    “Hindi na ngayon. Hindi na siya mamimilit kasi hindi niya na yata ako mahal.”

    True enough, ilang buwan ang lumipas at wala talaga akong hints na naramdaman sa kanya. Wala ni katiting. Sa loob ng isang buwan, isang beses niya lang akong natignan. Samantalang ako, pabalik balik sa pag titig sa kanya.

    Nang nag March na, hindi ko na nakaya. Anim na buwan na siyang nakabalik at wala akong nagagawa dito.

    “Rozen.” Sabi ko pagkatapos naming mag exam.

    March na, last week, birthday ni Noah. At bukas ay kay Rozen naman.

    “Rozen, magpapaparty ka ba sa birthday mo bukas?”

    Hindi ko inakalang kaya kong magsalita sa kanya nang di nauutal. Tinitigan niya ako. Ito na yata ang pinaka mahabang titig niya sakin simula noong bumalik siya.

    “Maybe, just some friends.” Aniya. “Bakit?”

    Lumakas ang pintig ng puso ko. Ngayon, wala pala akong maisasagot sa tanong niya.

    “Wanna come?” Dagdag niya.
    Napalunok ako at humalakhak ng plastik, “Nagtatanong lang since… ano…”
    “Since nagpaparty si Noah sa kanyang birthday?”
    “Ah-”
    “Well, yes, sa Club Tilt.” Aniya at ngumisi. “Alam mo naman siguro ang club na iyon, diba?”
    “Ah! Oo. Dun tumutugtog sina Noah.”
    Kumunot ang kanyang noo at tumango. “Okay. See you, then.”

    Ni hindi ko naman sinabing pupunta ako. Gusto ko sanang sabihin na hindi ako pupunta kasi nahihiya ako. Kaya lang, nakaalis na siya.

    Tumakbo ako para hanapin siya at… guess what! Naabutan kong naghihintay sa kanya sa hagdanan si Elle. Nakita kong pumula ang pisngi ni Elle saka sinalubong nang nakangiti si Rozen.

    “Tayo na!?”
    “Let’s go!” Utas ni Rozen saka pinadausdos ang kanyang kamay sa baywang ni Elle.

    “Coreen, okay ka lang ba?” Siko sakin ng kararating lang na si Ivy.

    Tumunganga ako sa hagdanan kung saan nawala si Rozen at Elle.

    “Yeah!” Sabi ko kahit nanginginig ang kamay kong ni-dial si Noah.

    Nag ring ang phone pero nang naaalala kong may finals din nga pala siya ngayon ay tinigil ko ang pagtawag. Tumakbo ako palabas ng school. Hindi mahirap makita ang sasakyan ni Rozen dahil pamilyar ito sakin at masyado itong flashy.

    Pumara agad ako ng taxi.

    “Manong, paki sundan yung BMW.” Sabi ko.
    “Bakit ho, ma’am?”

    Napangiwi ako sa usisa ni Manong driver.

    “Eh, ano! Boyfriend ko ho yun at mukhang may i-ibang kasama.”
    “Ay oo, talaga, miss, kitang kita, oh! May ibang babae.”

    Bukod sa nabubwisit ako sa nangyayari kay Rozen at Elle, ay nabubwisit din ako sa driver.

    “Paki bilisan na lang ho!” Utas ko sa kanya.

    Ginawa niya naman kahit traffic. Kaya lang, mabilis magpatakbo si Rozen kaya halos di namin naabutan. Nakita ko na lang ang sasakyan niyang naka park sa isang fast food chain.

    “No, Rozen! Diba sa restaurant dapat kumain? Diba? Diba? Bakit dyan kayo.” Sabi ko nang wala sa sarili.

    Lalabas na sana ako para hanapin sila sa loob nang biglaan akong kinalabit ng driver.

    “Naku, ma’am, mukha atang may iba na talaga yung boyfriend mo.”
    “Ho?”

    Halos lumabas ang puso ko sa sobrang kaba.

    “Eh ayun po, oh?” Sabay turo ni manong sa kay Elle.

    Sa kay Elle na nakahilig sa pintuan ng fastfood chain. Sa kay Rozen na kinukulong si Elle sa kanyang dalawang brasong nakasandal naman sa pintuan. Nagkagutay-gutay ang puso ko. Hindi ako makahinga sa nakikita ko. Unti-unting namuo ang luha sa mga mata ko. Mga luhang hindi ko inakalang ganun na lang kung tumulo, parang gripong sira.

    Nanginginig ang boses ko, “Manong, anong gagawin ko po?”

    Shit! I can’t believe this! I can’t believe it! Na ako ngayon, nandito at nahuhuli silang dalawa sa isang moment nila. Ngumisi si Rozen habang kinakausap si Elle. Kinukurot ni Elle ang kanyang dibdib na para bang nag iinisan silang dalawa pero naging sobrang sweet na.

    “Eh, ano p-po, ma’a,m?” Napatalon ang driver nang nakitang mabilis ang tulo ng luha ko.

    Agad niyang kinuha ang isang tissue at binigyan ako.

    I felt so dumb! Ang bobo ko! Ang gaga at ang tanga ko at the same time! Andito ako, mag isa, ang kausap ko ay ang driver lang na ito. Wala akong masasandalan. Wala akong maiyakan kundi ang sarili ko. Wala akong karamay kundi ang driver na ito. Nobody’s on my side. I’m alone. I’m the third wheel in Rozen and Elle’s love story.

    “Wa’g niyo na lang sugurin, ma’am. Sayang ho ang ganda niyo. Makakakita pa kayo ng mas gwapong lalaki diyan. Makakalimutan niyo rin yan. Makipagbreak ka na lang.”

    Mas lalong kinurot ang puso ko sa sinabi ni manong. Humagulhol ako at humikbi. Hinabol ko ang hininga ko para lang masabi sa kanya ang gusto kong gawin.

    “Manong, uuwi na lang po ako… A-Alis na po tayo dito.”

    Saka humagulhol ulit sa iyak. This is bullshit! And it’s all my fault! Hindi ko siya masisi. Pero kasi… ang sakit na. Tama na, please, tama na.

  • Kabanata 38Open or Close

    Kabanata 38
    You Don’t Own Me

    Buong gabi akong umiyak. Buong gabi. Hindi ako natulog. Nang nag alas dose ay panay ang tunganga ko sa cellphone ko. Ni hindi ko alam kung anong number niya o ganun parin ba ang numero niya. Kahit kailan hindi ko pa siya na titext, eh.

    Bakit ko hinayaang lumipas ang anim na buwan nang walang ginagawa?

    Tuwing nag bi-bell ay palagi siyang nagmamadaling umalis. Hindi ko alam kung saan papunta. Madalas ay may kausap sa cellphone. Pakiramdam ko para iyon sa kanilang negosyo. At mas lalong naging hectic ang schedule ko dahil isang taon na lang ay gagraduate na kami, pero ngayon, sana pala ibinagsak ko na lang lahat para lang mapagtuunan siya ng pansin!

    Shit!

    Mas lalong tumulo ang luha ko. Hindi ako makapaniwala sa iniisip ko. Kaya ko bang gawin iyon para sa kanya?

    Naalala ko na naman ang scene na iyon. Silang dalawa ni Elle, sa pintuan ng fast food. Ang pag kurot ni Elle sa kanyang dibdib at ang titig ni Rozen sa mga mata ni Elle. This is torture. Kaya lang hindi ko mabitiwan ang pag iisip nito. Para bang ito ang bumubuhay sa akin.

    Sinubukan kong mag online sa Skype o kahit sa Facebook. Baka sakaling may makausap ako. Offline si Reina. Mukhang busy sa kanyang pag aaral. May mga nag cha-chat sakin sa Facebook. Akala ko gusto ko ng kausap, pero hindi ko magawang mag reply.

    Ni search ko si Rozen sa Facebook. Hindi kasi kami friends at wala akong lakas na loob na i-add siya noon. Napalunok ako at napapikit nang ni click ko ang “Add Friend”. I have to change things if I want them to change. Kailangan kong kumilos. Pero paano? Umuurong ang sikmura ko.

    Kung noon ay kayang-kaya ko ang pakapalan ng mukha para mag confess kay Noah, ngayon, halos mahimatay ako naiisip ko pa lang na sasabihin ko kay Rozen ang nararamdaman ko.

    Hindi naka private ang kanyang mga posts kaya kitang kita ko ang ni-post niya kaninang hapon, “Damn happy.”

    Syempre maraming nag like. Isa sa mga kaibigan niya ang nag comment ng, “Totohanan na ba yan?”

    Hindi ko na binasa ang lahat ng comments. Gusto ko na lang basagin ang iPad ko. Imbes na hawakan ito ay nilapag ko na lang sa side table at sinubukan kong pumikit hanggang sa nag umaga na. Oo, literal akong hindi nakatulog.

    “No, Coreen, you can’t look stressed on his birthday!” Iyon ang pinabalik-balik ko sa utak ko nang sa ganun ay makatulog ako.

    Nakatulog ako ng dalawang oras. Anong diperensyang magagawa nun? Wala.

    “Coreen…”
    “Po?” Sigaw ko kay manang nang kinatok niya ako pagkatapos kong maligo.

    Naghahanap na ako ng maisusoot ngayon kahit mamaya pa naman yung party sa Club Tilt.

    “Nandito si Noah.”
    “Opo. Teka lang.” Sigaw ko at iniwan ang mga damit kong nakalatag sa kama.

    Bumaba ako at nakita ko si Noah na nakaupo sa sala at nanonood ng TV.

    “Oh, Noah? Ang aga mo ata?” Sabi ko.

    Nanliit ang mga mata niya at tinitigan ako.

    “May dumi ba ako sa mukha?” Tanong ko.
    “You look sick… or stressed?” Tumaas ang kanyang kilay.

    Tumakbo ako sa harapan ng malaking salamin sa sala para tignan ang sarili ko. Oh, it was my eyebags, for sure!

    Napakamot ako sa ulo at bumalik sa kanya. Nakatitig parin siya sakin.

    “Eh, di a-ako nakatulog.” Sabi ko.
    “Huh? Bakit naman?” Tanong niya.
    “Nag aral ako.” Sabi ko ng wala sa sarili.
    Tumaas pa lalo ang kanyang kilay, “Tapos na ang exams, ah?”

    Hindi ako nakapagsalita nang sinabi niya iyon. Sumimangot siya at humalukipkip.

    “What is it, Coreen? Don’t lie to me.” Aniya.

    Sa tanong niyang iyon pa lang, nanginig na ang puso ko. Hindi na ako makahinga ng maayos. Bigla akong humagulhol. I feel so pathetic. Shit!

    “Noah… Wala.” Sabi ko kahit umiiyak na.

    Nalaglag ang kanyang panga habang pinagmamasdan akong umiiyak at tumatawa.

    “Anong wala!?” Bigla niya akong sinigawan.

    Hindi ako makapagsalita. Niyakap niya na lang ako kahit hindi niya alam kung anong nangyayari. Matagal yung yakap niya. Hindi siya kumalas hanggang di ko siya tinulak palayo.

    “This is bullshit, Noah!” Marahan kong sinabi kahit malutong ang mura ko. “Wala akong karapatan, damn it! Wala talaga akong karapatan kasi kasalanan ko lahat! Karma! Shit naman!” Huminahon ako pero panay parin ang pagmumura ko.
    “Ano bang nangyari sayo?”

    Syempre, kinwento ko sa kanya ang nangyari. Nakakainis nga kasi tumunganga lang siya. Hindi niya ako pinutol sa pagsasalita, sinisi o tinahan. Tumunganga lang siya doon at nakinig.

    “Anong gagawin ko?”

    Hindi parin siya nagsalita.

    “My God, Noah! Say something, please!?” Utas ko.
    “You have to tell her, Coreen.” Aniya.
    Napalunok ako. Pag siya talaga ang nagsasalita, pakiramdam ko may marka ito ng pagtatapos.
    “Honestly, kilala ko ang kapatid ko at alam kong mahal na mahal ka nun. Ngayong nakabalik na siya, hindi ko na siya gaanong nakakasalamuha. Pero base sa sinasabi mo…” Umiling siya.
    Isang iling na mas lalong nagpasikip sa dibdib ko.
    “Just… tell him.”
    Tumango ako at nag desisyon. Yes, I will tell him. Tanggapin niya man ako o hindi, at least nasabi ko sa kanya.

    Pero alam mo yun? Yung feeling na may mamamatay na importanteng tao sa buhay mo? Yung feeling na hindi ka makapaniwala na mawawala na siya. At nandyan siya, hinahawakan mo ang kamay niya, hindi ka makapaniwalang ilang sandali na lang ay mawawala na ito, na hindi mo na ito mahahawakan. Na ito na ang huli at wala ng susunod pa… It was the worst feeling of in between… In between life and death, in between staying and drifting away, in between not knowing and the truth. Nakakasuka. Hindi ko kaya.

    Pinalagpas ko lahat at pinaniwala ko si Noah na okay na ako, na nakapag desisyon na ako at sasabihin ko iyon kay Rozen mamaya. Yes, sasabihin ko. And No, hindi ko iniisip ang mga magiging linya ko. Hahayaan ko ang damdamin kong magsalita.

    “Uuwi si Liam.” Ani Noah nang nakangiti.

    The way his eyes crinkled when he smiled, napapangisi din ako kahit masakit ang dibdib ko.

    “Next week. Siya ang gagawing vocalist namin. Finally.”

    Pumalakpak ako. I’m happy for him. After Wade, may papalit na sa wakas na bigatin at makakapantay. Ngumisi siya habang pinapanood akong pumapalakpak at natutuwa. Pero iba yung ngisi niya, alam ko sa kaloob looban niya, naaawa siya sakin. Alam kong nababasa niya na pinipilit ko lang na maging masaya sa kanya, dahil sa sobrang wasak ko ngayon, hindi na ako makaramdam ng kahit anong feeling kundi yung sakit.

    Pula ang napili kong damit na isoot. Nang nakarating kami sa Club Tilt ay doon ko lang narealize lahat-lahat.

    Una: Mukha akong kontrabida. Pangalawa: Dito tumutugtog sina Noah at si Elle!

    Kinagat ko agad ang labi ko nang nakita ko ang mga kakilala namin na papasok.

    “Let’s go?” Sabi ni Noah sabay lagay sa gitara niya sa kanyang likod.
    Tumango ako.

    Tutugtog kasi sila. Iyon daw ang gusto ni Rozen. Sana lang sina Noah lang ang tutugtog. Sana hindi kasali si Elle.

    Pero damn it! Nang nakaapak na ako sa pintuan ng Tilt ay doon ko narealize ang isa pang bagay, wala silang vocalist… WALA SILANG VOCALIST! Kung ganun, sino ang kakanta?

    “Wade?” Sabi ko nang nakita ang si Wade na nakashades sa loob ng madilim na bar.

    Tumango siya.

    “Coreen, punta lang kami dun.” Sabi ni Noah nang sinundo siya nina Warren.
    “Okay.” Bumaling ako kay Wade na ngayon ay pinagkakaabalahan na ang kanyang beer. “Wade? Hindi ka ba pupunta kina Noah? Kakanta ka ba? Ba’t ka nandito? Hindi ba nag away kayo ni Rozen? And what’s with the shades?”
    “Oh! Easy, Coreen. Ang dami mo atang tanong.” Humalakhak siya at nilagok ang beer na iniinom. “Well, inimbitahan niya ako kaya nandito ako. Tsaka, kanina pa ako nakakasalubong ng ilang mga nakakakilala sakin-“
    “You mean fans?” Ngumisi ako.
    Nagkibit-balikat siya, “Kaya eto at nag shades. Sorry, ah? Pangit ba tignan?”
    Umiling ako at ngumisi.

    Nagkaayos na ba si Rozen at si Wade? Iyon ang hindi ko alam. Pero nang may tinignan si Wade sa likuran ko ay bigla na lang akong nanigas. Yung pabango niya pa lang ay alam na alam ko na. Kahit sa malayo ay amoy na amoy ko na talaga siya.

    “Happy birthday, Rozen.” Matabang na sinabi ni Wade kahit na naglahad siya ng kamay.

    Tinanggap ito ni Rozen. Bumalandra sa harap ko ang kanyang pormadong braso. Nakita ko talaga ang mga ugat na para bang wala siyang ginawa sa loob ng dalawang taon kundi ang mag work out.

    Damn, 6 months pero ngayon ko pa lang ata siya nakita ng ganito ka lapit.

    “Salamat sa pag punta. Akala ko di ka pwede.” Humalakhak si Rozen.

    Pinilig ko ang ulo ko dahil medyo tumindig ang balahibo ko sa halakhak niya.

    “Aalis din ako mamaya kasi may flight pa ako palabas ng bansa bukas. Di pa ako nakakapag impake.”
    Tumawa si Rozen, “O sige!”

    Unti-unti kong tinignan si Rozen sa gilid ng aking mga mata. Hindi niya talaga ako magawang tignan kaya imbes na manahimik ay hinarap ko siya.

    “Happy birthday, Rozen.” Sabi ko sabay beso.

    Hinawakan ko ang kanyang braso habang nag beso ako sa magkabilang pisngi niya.

    “Oh, ba’t di mo na lang gawin sa labi?” Biro ni Wade.

    Uminit ang pisngi ko at napatingin ako kay Rozen na ngayon ay nakabusangot ang mukha.

    “Joke?” Awkward na sinabi ni Wade.
    “Thanks, Coreen.” Malamig namang sagot ni Rozen sakin.

    Nangatog agad ang binti ko. This is it! This is the right time. Dapat ma-solo ko siya saglit.

    “Uh, Rozen-“
    “EHE-EHEM!” Nabulabog ang mga kaibigan naming kumakain at nag iinuman sa loob ng bar nang biglang nag salita ang isang babae sa stage.

    Nandoon na sina Noah. Katatapos lang atang mag set up. Nakita kong nakahalukipkip si Noah at nakasimangot na tinitignan si Elle na nasa harap ng microphone. Nagtatalo si Noah at Warren. Hindi ko alam kung bakit.

    “This song is for Rozen Gaiser Elizalde.” Sabi ni Elle.

    Tinikom ko ang nakaawang kong bibig. Namuo na naman ang nagbabara sa lalamunan ko.

    “Rozen.” Tawag ko.

    Baka sakaling lingunin niya ako pero wala… hindi… nakatoon ang kanyang pansin sa stage. Naghiyawan ang mga tao.

    “Happy birthday, Rozen. Alam kong… ano… ehhh… nahihiya ako.” Tumadyak tadyak si Elle sa harapan.

    Kinagat ko ang labi ko. Halos matadtad ko na talaga ito. Naiiyak ako. Naiiyak ako sa inis, sa sakit, at sa pagsisisi. I shouldn’t regret anything from now on. Hindi pwedeng iyon lang ang lagi kong ginagawa, ang maiyak sa pagsisisi. Yes, let’s face it! Nagkamali ako. Kailangan ko pa bang ma-stuck doon? Kailangan ko pa bang pagsisihan iyon hanggang sa mawalan na ako ng respeto sa sarili ko? No! Tama na! I need to move! Itatama ko ang mga pagkakamali ko. No regrets, this time.

    “Rozen.” Tawag ko.

    Bahagya siyang napalingon.

    “Sandali lang.” Aniya.

    “Alam kong alam mong mahal kita. Mahal na mahal. I love you so much. At salamat sa pagpapahalaga sa akin kahit na ganito lang ako.”
    Umiling si Rozen at tumawa sa sinabi ni Elle.

    Look, Coreen, you can just leave them here, walk out and forget everything, diba?

    Nagsimulang tumugtog si Warren. Parang kulang, ah? Nakita kong sisimulan pa lang ni Noah ang pagtugtog. Nakapusangot ang kanyang mukha. Kaya pala parang kulang iyong tono ay dahil sinimulan na ni Warren kahit si Noah dapat ang una sa intro.

    “Two ‘o clock and I wish that I was sleeping. You’re in my head like a song on the radio. All I know is that I got to get next to you. Yeah I got to get next to you Sitting here turning minutes into hours To find the nerve just to call you on the telephone You don’t know that I got to get next to you…”

    Ngumisi si Elle kasabay ng pagngisi ni Rozen.

    “Maybe were friends Maybe were more Maybe it’s just my imagination But I see you stare just a little too long And it makes me start to wonder So baby call me crazy But I think you feel it too Maybe I, Maybe I Just got to get next to you…”

    Bumuhos ang luha ko sa napaka gandang kinanta ni Elle. Halos magtindigan lahat ng balahibo ko sa kanyang boses at hindi ko maiwasang aminin sa sarili ko na ang galing niya.

    Nanginginig ang kamay ko nang hinawakan ko ang braso ni Rozen.

    “Rozen, pwedeng saglit lang…” Sabi ko.

    Hinawi niya ang kamay ko.

    “Teka lang, Coreen. Importante ba yan?” Ni hindi niya ako tiningnan.

    Nakatunganga lang siya sa stage.

    “Coreen?” Tanong ni Wade nang nakitang bumuhos ang luha ko.

    Pinunasan ko ito habang di pa nakatingin si Rozen. Sinenyasan ko ang bartender at tinuro ko ang Black Label, tatlong shots na sunod-sunod kong nilagok.

    “You okay?” Tanong ni Wade.
    Ngumisi ako at nag concentrate sa pag hinga ng maayos.

    No regrets.

    “WOOOOOH!” Humiyaw si Rozen at pumalakpak sa kanta ni Elle.

    Kinalabit ko siya at sinubukan kong huminga ulit ng malalim upang makontrol ko ang feelings ko.

    “Rozen.” Sabi ko.
    “Ano?” Bumaling siya sakin na may bakas pa ng ngiti sa mukha.
    “Pwede ba tayong mag usap?” Tanong ko ng dahan-dahan para hindi manginig ang boses ko.
    Nagkibit-balikat siya, “Nag uusap na naman tayo, ah?”
    “Hindi. I mean…” Napatingin ako kay Wade na nakataas ang kilay. “Yung tayong dalawa lang.”
    Napatingin si Rozen kay Wade at tumango. “Alright.” Aniya at sinulyapan muna si Elle na kumakanta na naman ng panibagong kanta ngayon. “Okay.”

    Umalis siya doon at sumunod ako. Pinili niya doon sa malapit sa pintuan. Maraming tao at bumabati sa kanya.

    “Uhm…”

    Nakangisi pa siya dahil sa mga bumati sa kanya.

    “Pwedeng sa labas? Kahit sa parking lot lang or something?” Utas ko.
    Kumunot ang kanyang noo at huminga ng malalim. “Okay.” Tamad niyang sinabi.

    Napakagat ako sa labi ko at sinundan na lamang siya. Alam ko. Mukhang naiirita siya sa ginagawa ko. Nilalayo ko siya sa kanyang party. Sorry, Rozen, ah? Gusto ko lang naman na mapag isa tayo, eh? Hindi na ba yun pwede? Mahirap na ba iyon para sayo? Diba noon kahit ano, pwede basta ako? Anong nangyari sayo? Anong nangyari satin? Kasalanan ko, diba? Shit! Kasalanan ko! Walangya, kasalanan ko! Kasalanan ko ang lahat! Eh, ang sakit! Ang sakit-sakit! Yung nanghihinayang ka at wala kang masisi kundi ang sarili mo? Anong gagawin mo? Papatayin na lang ang sarili mo para mailabas ang frustrations mo? Ano? Kasi hindi ko na alam!

    Pumihit siya at hinarap ako nang nasa bakanteng parking lot na kami. Napatalon ako sa biglaan niyang pag harap.

    Bumuntong hininga siya, “Anong pag uusapan natin?”
    Napalunok ako.

    No regrets. I promise.

    “I’m sorry.” Simula ko.
    Tumunganga siya at hindi nagbigay ng ekspresyon.
    “I’m sorry sa lahat. Sa noon. Sa pagtaboy ko sayo.” Bumilis ang kalabog ng puso ko.

    Ang mga kulisap ay parang nanonood ng laban ni Pacquiao, nakatunganga at naghihintay sa mauunang ma Knock Out.

    “Sa lahat ng kasalanang nagawa ko. Sa paninisi sa’yo. I’m sorry.”
    Tumango siya at kumuyom ang kanyang panga.

    Ni hindi niya ako matignan ng diretso.

    “Sorry kasi hindi ko maintindihan kung paano mo ako minahal noon. Kung bakit ganun ang mga ginawa mo. G-gusto ko lang malaman mo na nanghihinayang ako sating dalawa.”

    Parang hinihiwa-hiwa ang puso ko habang sinasabi ko ito.

    “Na… pinakawalan kita noon kahit mahal kita. Hindi naging sapat ang pagmamahal ko para patawarin ka. Hindi naging sapat ang pagmamahal mo para makita yung mga ginawa mo. Gusto ko lang sanang sabihin na…” Nabasag na ang boses ko.

    Hindi ko na kayang magmatigas. Hindi ko na kayang magtapang tapangan. Bawat salita, nanginig ang boses ko.

    “Mahal na mahal parin kita hanggang ngayon. Hindi kita makalimutan. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.”
    Nanlaki ang mga mata niya sinabi ko.

    Bumuntong-hininga siya at nakita kong pumula ang mga mata niya at mas lalong kumuyom ang panga habang tinitignan ako.

    “Babe, mahal na mahal kita. At sorry kung pinakawalan kita.”
    “Sorry din, Coreen.” Iyon lang ang sinabi niya saka tinalikuran ako.

    Agad kong hinila ang braso niya.

    “Rozen? Anong sorry?!” Tumaas ang boses ko.

    Hindi ko matanggap ang alam kong mangyayari saming dalawa.

    “H-Hindi mo na ba ako mahal? May mahal ka na bang iba?”
    Nakita kong mas lalong pumula ang kanyang mga mata, “Bumalik ako dito nang kayo ni Noah, at ngayong nakikita mong may iba na ako saka ka pa lang kikilos?”

    Hindi na ako huminga. Hinarap niya ako. Lumapit siya sakin. For a moment, natuwa ako. Sobrang tuwa ko dahil kitang kita ko sa mga mata niya si Rozen noon. Si Rozen na akin.

    “Hindi kami ni Noah-“
    “You shut up, Coreen! Just shut up! Paasa ka! Ilang beses tayong naghalikan noon at-“
    “Hindi kami-“
    “Oo! Oo! Sinabi ko sayong magpanggap ka! Sinabi ko sayo! But I can tell kung kelan ka nagpapanggap at kelan hindi-“
    “Hindi ako nagpapanggap noon, okay? Totoo yun!” Sigaw ko dahil tumaas na ang tono ng kanyang boses.
    “Tapos? Ano? Ngayong kayo na ni Noah ang naghahalikan, anong sasabihin mo sakin? nagpapanggap ka?”

    Bumuhos ang luha ko. Gusto kong pigilan ang galit na nag alab sa kanyang mga mata.

    “Bullshit, Coreen! Mahal mo si Noah noon pa man, at alam kong hanggang ngayon, kaya wa’g kang-“
    “Sabi mo alam mo kung kelan ako nagsisinungaling at kelan hindi? Bakit ngayon hindi mo na masabi? Bakit ngayon hindi mo na alam kung anong tunay na nararamdaman ko?”
    “Ewan ko! Ewan ko! Bakit? Paano ko malalaman? Ako ba yung hinahalikan mo nun? Si Noah, diba? Hindi ko alam kung totoo ba yung nararamdaman mo sa kanya o hindi!”
    “Ngayon? Hindi mo ba makita na totoo ‘tong sinasabi ko?” Sabi ko sabay tingin ng diretso sa kanyang mga mata.

    Kitang kita ko na hindi mapakali ang mga mata niya. Para bang natataranta siya sa mga sinasabi ko.

    “Damn it, Coreen! Alam mo kung anong nakikita ko sayo ngayon?” Matalim niyang linya pagkatapos ng pagtitig niya sakin.

    Umiling ako. Panay ang punas ko sa luha kong patuloy na lumalandas sa pisngi ko.

    “Nakikita kong naaapakan ang ego mo. Nakikita kong nakikipag compete ka kay Elle!”
    “Hindi yan totoo!” Sigaw ko.
    “No, you want the chase, Coreen. Gusto mong maghabol. Kaya ngayong naaapakan ang ego mo, mas lalo kang ginaganahan-“
    “FUCK! Tingin mo ginaganahan ako sa nangyayari sakin?” Halos bumigay ang boses ko sa sigaw kong iyon.
    “Oo! Tingin ko masyado ka lang naiinsulto kasi sa wakas, may iba akong nakikitang babae, bukod sayo!”

    WHAT? Bibigay na talaga ang tuhod ko. Sana mahimatay na lang ako. At sana gumising na lang ako nang di ko naaalala ang lahat. Just take away this pain, please. Anyone.

    “Hindi yan totoo!” Sigaw ko.
    “Bakit ngayon lang? Bakit hindi noong una tayong nagkita? Kasi you were so into Noah, that time! Nakailang beses kayo ni Noah? Ha?” Humakbang siya palapit sakin.

    Tinakpan ko ang nakaawang kong bibig. Hindi ako makapaniwala sa tanong niya! Tumindig ang balahibo ko!

    “Anong sabi mo? Ha? Bwisit! Ganyan ba ka baba ang tingin mo sakin?” Humakbang din ako palapit sa kanya.

    Sobrang lapit na namin sa isa’t-isa, feeling ko susuntukin ko na siya. Isang nakakaasar at nakakasakit na lang na linya.

    Nanliit ang mga mata ko habang nagtititigan kami, “You like Elle, right?”
    “Yes! So what?” Diretso ang sagot niya.
    Mas lalong nanliit ang mga mata ko, “Kung ganun bakit ka nagaabala pa sa mga mangyayari samin ni Noah? So what if I gave in to him? So what! Ha?”
    “Buti na lang talaga hindi mo ako sinagot.” Matalim niyang sinabi.

    Pula ang kanyang mga mata at nakakuyom ang bibig niya, feeling ko napudpod na ang ngipin niya.

    Pumihit siya at tinalikuran ako kaya hinila ko na naman ang braso niya. Matigas at hindi na siya nagpapahila kaya dalawang kamay na ang ginamit ko.

    “Ano ba! Coreen!” Sigaw niya.

    Humagulhol ako. I sweat, I’m going to kill myself.

    “Hindi ba ayaw mo sa mga mahihirap? Hindi ba ayaw mo? Hindi ba?” Tanong ko sa bawat pag hikbi ko. “Hindi ba ako lang naman yung gusto mo? Noon pa? Hindi ba babalik ka sakin? Sorry, Rozen.”

    I’m sorry na. Wala na akong lakas. This is the last. And after this… kahit anong mangyari, hindi na ulit ako makekealam. Lulunukin ko na ang lahat ng pwedeng malunok. Wala na akong ititira. Pagbabayaran ko dapat ang kasalanan ko, diba? Sosobrahan ko na.

    “People change, Coreen. Nagbago na din ako.”
    “Gusto mo lang siya dahil…” Humikbi ako.

    HIndi na ako makahinga. Literal na hindi na ako makahinga.

    “Dahil mahal na mahal ka niya… Dahil nakikita mo ang sarili mo sa kanya… Gagawin niya ang lahat para sayo. Ako rin naman, kaya kong gawin iyon. Please, Rozen, come back to me. Come back to my life. You are mine to begin with.”
    Umiling siya, “No, Coreen. You don’t own me.” Mabilis siyang pumihit para talikuran ako.

    Ngayon, wala na akong naging lakas para higitin pa siya.

  • Kabanata 39Open or Close

    Kabanata 39
    You Don’t Tell Me

    She deserves him. The way he deserved her. Let’s face it. Hindi ako magiging bias dahil lang naiinsecure ako kay Elle. Mahal na mahal niya si Rozen, sa puntong kaya niyang ipangalandakan iyon sa buong mundo. Ako, wala akong ginawa kundi itago ang nararamdaman ko sa takot na balewalain niya. Kahit noong una ay binalewala si Elle, hindi natinag ang nararamdaman niya. Habang ako? Pinamukha lang sakin ni Rozen na na-fall out na siya ay pinang hinaan agad ng loob.

    Tumakbo si Noah para yakapin ako. Tulala ako doon sa parking lot at walang ginawa kundi ang hintayin matapos ang pag luha.

    “Anong nangyari?” Galit na sigaw ni Noah.

    Naramdaman kong nanginig ang kanyang braso habang yakap yakap ako. Hindi ko na kayang magsalita. Kaya imbes na paulanan niya ako ng tanong ay hinila niya ako papasok sa sasakyan niya.

    “Anong ginawa niya sayo?” Saka niya pa lang ako matamang tinanong nang nag park na siya sa tapat ng bahay namin.

    Humupa na ang luha ko pero hindi ko parin maiwasang matulala.

    “Coreen.” Kinalabit ako ni Noah.

    Napatalon ako at tinignan ko siya. Namumuo na naman ang luha ko kaya suminghap ako at pinigilan ito.

    “W-Wala. Kasalanan ko.” Sabi ko tsaka umambang aalis na sa sasakyan niya.
    “Coreen, tell me!” Hinigit niya ang kamay ko.

    Tumulo ang namuo kong luha. Hindi ko kayang balikan ang buong pangyayari kaya simple kong sinabi sa kanya…

    “He rejected me, Noah. Si Elle na ang gusto niya.”
    Nanlaki ang mga mata niya.

    Ilang sandali pa siya bago nagsalita, dahilan kung bakit mas lalo akong naiyak. Kilala ni Noah ang kuya niya at siya ang nagpapalakas sa loob ko noong nasa France si Rozen… at ngayong nakikita ko siyang devastated sa nangyari ay parang mas lalo akong nayayanig.

    Everything felt like a sure bet. Yun bang hindi ko na pwedeng tawagin iyong sugal kasi pakiramdam ko akin na talaga yun. Yung walang duda, sakin ang bagsak. Ganun din siguro ang nararamdaman ni Noah. At ngayong pareho naming napatunayan na hindi na… na wala na… na sa isang iglap ay natalo ang sugal naming dalawa ay pareho kaming nawalan ng pag asa.

    Tumikhim siya at hinilamos ang kanyang palad. Tinitigan niya ako gamit ang nakakunot niyang noo. Medyo humuhupa na ang luha ko, pero iyon ay dahil pinipilit kong maging okay. Think of happy thoughts, Coreen! Think! Happy kaya ang isiping mukhang may kumalat na epidemya sa tiyan ko at namatay lahat ng kulisap? Will that make me happy?

    “Are you really sure?” Aniya.
    “Tinanong ko siya, at iyon ang naging sagot niya. Noah, I don’t know what to do? Will I chase him?”
    “Tigilan mo na ‘to.”

    Mas lalo akong nabigo. Alam kong ganun ang sasabihin niya. Alam ko, sigurado ako. Alam niyang sinabi ko kay Rozen ang nararamdaman ko at ngayong may iba na siyang gusto, kailangan ko ng sumuko.

    “Talaga bang inamin mo sa kanya na mahal mo siya?”
    “Inamin ko sa kanya na mahal ko na siya noon pa man, nung bago siya umalis.”
    Napalunok si Noah at nag iwas ng tingin.
    “Just stop it.” Aniya. “Stop it, Coreen. Sorry.”

    Humikbi ako sa mga salita niyang may baong kawakasan. This is the end? Iyon lang ba ang gagawin ko para kay Rozen? Eh ang liit na bagay lang nun.

    “I don’t wanna give up.” Sabi ko.
    “Then, what will you do now? Makipag kumpitensya kay Elle? Ano? Maghahabol ka rin, Coreen?”

    Hindi ako nakapagsalita. He’s mad. Ayaw niyang ipagpatuloy ko ang nasimulan ko na. Napanghinaan na rin ako ng loob. Pero gusto ko pang lumaban. Gusto ko pang umasa. Hindi ko mabitiwan si Rozen.

    “I still want to fight.”
    “Learn when to fight and when to give up, Coreen.” Matabang niyang sinabi sakin bago ako umalis.

    Buong gabi na naman akong puyat sa kakaisip. Buong gabi akong dilat at umiiyak. Nababaliw na talaga yata ako.

    Nang nag alas tres ng madaling araw, sinubukan kong pumikit dahil masyado ng mahapdi ang mga mata ko. Ilang sandali ang nakalipas ay may tunog akong narinig. Isang kantang hindi ko na maalala kung kelan ko huling narinig.

    *I never knew
    I never knew that everything was falling through
    That everyone I knew was waiting on a queue
    To turn and run when all I needed was the truth*

    Umingay nang nagsimula ang sumunod na stanza ng kanta. Ito lang naman ang kantang naka assign sa pangalan ni Rozen sa cellphone ko. Yes, hindi ako kailanman nag bago ng phone at niretrieve din kaya niya ang numero niya noon?

    Nanginig ang kamay ko habang dinadampot ang cellphone ko. Am I dreaming? Nakaidlip ba ako?

    Tinitigan ko ito. At ang talagang nakalagay ay, “Rozen.”

    “Hello.” Tinakpan ko agad ang bibig ko nang sa ganun ay hindi tumakas ang nanginginig kong boses.

    Walang sumagot. Ang tanging narinig ko lang ay yung ingay sa loob ng bar at yung trance music.

    “Hello? Rozen?” Nanginig ang boses ko lalo na nang binanggit ko ang kanyang pangalan.

    Wala paring sumagot.

    “Hello?” Sabi ko ulit.

    Ibababa ko na sana nang bigla siyang nagsalita.

    “Uh, sorry, napindot ko lang.” At agad niyang pinutol ang linya.

    WHAT THE FUCK? Napatunganga ako sa cellphone ko… buong gabi… buong araw. Seriously?

    Wala na naman akong ginawa kundi ang umiyak. Nanghihina na ako sa pinaggagagawa ko. Nanghihina ako tuwing naiisip kong magkasama sila ni Elle. Bawat araw na hindi ko siya nakikita ay magkasama silang dalawa. Bawat araw na wala akong ginagawa dito sa bahay ay sila ang masaya at magkapiling.

    “Saan mo gustong magbakasyon?” Eksaktong tanong ni Ate Julie sa akin sa sumunod na linggo.
    “Teka… Tinatanong mo ako!? Libre ba yan?” Halos magtatalon ako.

    Ito ata ang unang ngiti ko sa buong linggo. Lalo na’t busy si Noah dahil papadating na daw si Liam, hindi na kami masyadong nagkakasama. Isa pa, mas pinili kong manatili dito sa bahay kesa sa pumunta sa kanila at makasalamuha si Rozen. Lalo na nang isang araw ay tumawag si Noah sa akin at narinig kong kumakanta si Elle sa background. Nag ingat si Noah na hindi ko marinig iyong boses ni Elle pero dinig na dinig ko parin.

    “Syempre!” Aniya.
    “Heh! Tinatanong mo pa ako kahit alam ko kung saan mo ako ipagbabakasyon!” Umirap ako sa ate ko.
    Tumawa na lang siya.

    May ari ng isang villa sa Palawan ang kanyang napangasawa. Kaya alam kong sa Palawan kami pupunta. Gusto rin ata nitong magbakasyon doon pero walang maisama kaya pinagdiskitahan ako.

    “Saan mo ba kasi gusto?” Tanong niya.
    “Wala. Sige, sa Palawan na!” Sabi ko.

    Gusto ko sanang sa France dahil nandoon si Reina. Pero baka maiyak at mabulgar ko lang sa kanya lahat ng nangyayari dito sa Pilipinas pag nagkita kami kaya naman ay susundin ko na lang si Ate.

    Pumunta kami ng Palawan. Ito ang first time kong pumunta. Di gaya sa Boracay, medyo peaceful dito. Minsan lang ang turista lalo na dito sa villa nila. Mayroon pa silang private pool, gym at kung anu-ano pa. Tahimik at relaxing dito.

    “Ilang araw mo gusto dito?” Tanong ni Ate Julie.
    “Kahit dalawang buwan.” Tumawa ako sa biro ko.

    Alam kong hindi niya iyon papatulan kaya nabigla ako nang tumango siya at nagkibit balikat. Really? I can stay here for two months? Ni hindi ko na warningan si Noah na dalawang buwan ako dito.

    “Coreen Aquino! Asan ka ba? Wa’g mong sabihing nagpapakalayu-layo ka na?” Sinigawan niya ako sa cellphone.

    Tumawa ako sa kaartehan niya.

    “Nasa Palawan lang. Dito sa Villa ng asawa ni Ate.” Sabi ko.
    “Ba’t di mo ako sinama?” He chuckled.
    “Eh di ko naman alam na matagal akong mawawala. Tsaka kailangan kang nandyan para sa practice niyo with Liam.”
    “Humanda ka pagbalik mo dito.” Pagbabanta niya.
    Ngumisi na lang ako.
    “Look, Coreen. Kahit na ano pa ang excuse mo, alam ko kung bakit ka nandyan at iyon ay para talikuran ang kapatid ko.”
    “Di ah?”
    “Sana lang ay yung kapatid ko lang ang talikuran mo, wa’g ako.”

    Kinurot ang dibdib ko sa sinabi ni Noah. Para bang pinagsisihan ko ang lahat… lahat lahat. Sana si Noah na lang ulit. Sana si Noah na lang talaga iyon. Yung isang buwan na binigay ko ni Rozen noon, iyon lang pala ang naging susi sa pagkuha niya sa puso ko. Kung sana hindi ko siya pinagbigyan nun ay sana hindi ako na fall out kay Noah. Sana ay kay Noah parin ang puso ko. Paano ko ba iyon maibabalik? Hindi ko alam. I wish I can turn back time.

    Kaya sa buong linggo kong pagbababad sa Palawan, narealize kong paano kung si Noah na lang ang tanging isipin ko? Paano ko maibabalik iyong pagkagusto ko sa kanya? Paano ko ba siya nagustuhan in the first place?

    His passion, iyong pagseseryoso niya sa isang bagay at iyong pagsusuplado niya. Kailangan ko ring pilitin ang sarili kong isipin siya. Kaya naman nang nag Skype kaming ni Reina…

    “Anyway, kumusta?” Nakatitig ako sa bestfriend kong nakalugay ang napakahaba at napakastraight na buhok.
    “Eto, ganun parin. Noah’s girl!” Tumawa ako ng may eksaherasyon para mapaniwala ang sarili ko.
    “Oh my God! 20 freaking years of love! My God! Move on din pag may time!” Tumawa si Reina.

    Ni divert ko agad ang atensyon sa lovelife niya. Parang mabubuking ata ako kung patuloy ko itong gagawin. Malaking kasalanan ito sa bestfriend ko. Nagsisinungaling ako sa kanya. Mabuti na lang at baguhan ang isang ito at hindi niya iyon namamalayan.

    “I’m sorry, Reina.” Sabi ko at napapikit nang nag offline na ako sa Skype. “Pagkadating mo agad ng Pilipinas, sasabihin ko ang lahat sayo.”

    Sa loob ng dalawang buwan, wala akong ginawa kundi ang mag explore sa mga corals, sa underground river at sa iba’t ibang isla dito. Tuwang tuwa ako na hindi ko namamalayan ang oras – tuwing umaga. Dahil tuwing gabi, tuwing malamig ang simoy ng hangin at ang tanging naririnig ko lang ay ang alon ng dagat at ang pagkasunog ng mga kahot sa bonfire ay wala akong naiisip kundi si Rozen.

    Nakahalik ako sa tuhod ko at pinagmamasdan ang paa kong naglalaro sa buhangin.

    “Uwi na tayo bukas. Sabi ni mommy ma li-late ka na raw sa enrolment. Pasukan niyo na sa Lunes at hanggang ngayon di ka pa naeenrol.” Sabi ni ate.
    “Okay lang.” Simple kong sinabi.

    Hinampas ako ng pabiro ni Ate Julie.

    “Wa’g ka ngang magdrama diyan, porke’t graduate na si Noah ay mag bi-bitter bitteran ka? Last year mo na kaya ito.”

    Napatingin ako kay Ate na ngayon ay nakangisi sa akin. Umiling na lang ako at kinagat ang labi.

    “Ate, hindi si Noah yung mahal ko.” Nag iwas ako ng tingin kay Ate.
    “Hmmm. Si Rozen ba?” Napalingon agad ako sa kanya. Nasa labi niya parin ang ngiting kanina ko pa naaninaw.
    “Paano mo nalaman?”
    Nagkibit balikat siya. Hindi niya ma explain kung paano pero sa di malamang dahilan ay alam niya… nakita niya raw sa aming dalawa. Bakit hindi ko iyon nakita noon? Yung mga oras na hindi pa huli ang lahat?

    Nang nakabalik na ako ay sinalubong agad ako ni Noah. Niyakap niya ako ng sobrang higpit bago ni drive papuntang school.

    Tumunganga ako sa mga sasakyan sa kalsada habang siya ay panay ang sulyap sulyap sakin.

    “Coreen, ang ganda mo.” Bigla niyang sinabi.
    “Anong maganda?” Napatingin ako sa sarili ko.
    “Mas lalo ka palang gumaganda pag tanned ang skin color mo.”
    Napatingin ako sa braso kong medyo makulti dahil sa pagbababad sa araw.
    “Wow, thanks! Hindi ko alam yun!” Biro ko.
    Kumunot ang kanyang noo, “At anong nangyari sa buhok mo?” Tanong niya habang hinahaplos ang piling buhok na may highlights. “Seriously, ano bang ginawa mo buong summer?”
    Humalakhak na lang ako.

    Sa sobrang bored ko ay marami akong ginawang kabalbalan. Pasalamat nga si Noah at hindi ako nagpakalbo.

    Umiiling siya habang nipapark sa loob ng school ang sasakyan.

    “Oh? Akala ko ba may practice kayo ni Liam ngayon? Ihahatid mo lang ako sa school, diba? Ba’t nagpapark ka?”
    Kumunot ang kanyang noo, pinatay ang kanyang sasakyan saka tinitigan ako, “You can’t walk here like nobody owns you, Coreen. Hindi ako makakapayag. Kung pwede lang na ako ang mag eenrol sayo para lang walang makakita sa Coreen na nakikita ko ngayon, I’ll do that.”
    Ngumuso ako, “Noah, you don’t have to do this.”
    “You don’t tell me what I shouldn’t do, Coreen.” Ngumisi siya at lumabas sa kanyang sasakyan para pagbuksan ako ng pinto.

    Nagtawanan na lang kaming dalawa. Minsan talaga, hindi ko na alam kung seseryosohin ko ba ang sinasabi ni Noah o pampalubag lang ng loob ang lahat ng iyon.

    Ginawa namin agad ang proseso ng pag eenrol. Panay ang fill up ko ng forms at siya naman ay panay ang sunod niya sakin.

    “COREEN?!” Nakakabinging bati ng mga kaibigan ko nang napunta na kami sa parte kung saan irerelease ang mga schedule.
    “Hi!” Kumaway ako sa kanila.

    Dinumog nila ako. Hindi ko alam kung anong meron. Panay ang haplos nila sa balikat ko.

    “Uy! Nahaharrass ako, ah?” Tumawa ako.

    Pinalibutan kasi nila ako. Si Noah naman ay nandoon at kausap ang isang kaibigan niyang ka-batch ko.

    “Grabe! Ang ganda mo? Anong ginawa mo? Mukhang mas sumexy ka ah?! Anong ginawa mo buong summer at bakit di ka nagpakita?” Usisa ni Ivy sa akin.

    Nnag nilingon ko siya para sagutin ay nakita kong nakaawang ang bibig ni Rozen at titig na titig sa akin habang nasa gilid niya si Elle na may nifi-fill up na form.

    Napalunok ako pero di ko tinanggal ang ngisi kong para sa mga kaibigan ko. Ito ang unang pagkakataon na nakita ko siyang tumitingin sakin nang di ko pinipilit.

    “Sa Palawan lang.” Tumawa ako habang inisa isa ang mga kaibigan ko.

    Narinig ko agad ang malakas na hampas ng puso ko sa dibdib ko. Shit! Ano? Buhay ka na naman? Sana namatay ka na lang!

    “My God! Makapunta nga ng Palawan! Bakit parang mas sumexy ka ng sobra at bagay na bagay pa sayo yung pagiging morena.” Hinigit ni Trina ang braso ko at kinumpara ito sa kanya.

    Kung dati ay mas maputi ako sa kanya, ngayon ay naungusan niya na ako.

    “Heh! Babalik din yan sa dati.” Sabi ko.
    Pabiro akong sinampal ni Kristen, “Pero yan, di na babalik. Permanente na yang mukha mong maganda! Seriousy, I wanna go to Palawan!” Humalakhak siya.

    Unti-unti kong nilingon ulit si Rozen. Baka naman guni-guni ko lang iyon kanina? Nanigas ako nang pagtingin ko pabalik sa kanya ay nakatitig parin siya sa akin. Kumunot ang kanyang noo at nag iwas siya ng tingin.

  • Kabanata 40Open or Close

    Kabanata 40
    Someday

    Hindi ko mabitiwan sa utak ko ang titig ni Rozen. Yung titig niyang iyon na pamilyar na pamilyar sakin. Hindi mapawi sa mukha ko ang ngiti. Buong linggo ko itong baon.

    Dahil fourth year na ako, naging masyado ng busy.

    “Bakit ka pa kasi naging late enrolee? Naman! Huling taon na dapat natin at hindi pa kita classmate? Sino na ang group leader namin?” Nanghihinayang na utas ni Ivy sa akin.
    Tumawa ako, “Si Kristen! Siya naman ang leader lagi noong first year tayo.”

    Looking back, ang harsh pa ni Kristen sa akin noon. Ang dami talagang nangyayari sa loob ng tatlong taon. Syempre, sa sobrang dami hindi ko na masundan. Ang tanging naging laman ng tatlong taong iyon ay ang pagmamahal ko kay Rozen kahit na dalawang taon siyang nawala.

    “Ayoko na!” Sumimangot si Kristen. “Ang liliit na kaya ng grades ko.”
    “Ako na lang!” Biglang sumingit ang blooming na si Elle.

    Sumulyap siya sakin. Napatingin naman si Kristen sa akin at kay Elle. Tumaas ang kanyang kilay.

    “Oo. Magaling naman si Elle.” Sabi ko.
    “Whoa! Thanks, ah!” Humalakhak si Elle at lumingon-lingon. “Teka lang. May usapan kami ni Rozen. Baboosh!” At bigla namang umalis.

    Nagpatuloy ako sa paglalakad. Mag iisang buwan na kaming may pasok at isang buwan na ring nagrereklamo itong sina Kristen sa pagiging iba ng block ko.

    Siniko ako ni Kristen.

    “Huy, okay lang ba sayo si Elle?” Tanong niya.
    “Ba’t mo natanong?”
    “Eh… Si Rozen, diba? Akala ko talaga patay na patay yun sayo-“
    “SHHH! Wa’g ka ngang maingay.” Uminit ang pisngi ko sabay tingin sa iba naming kasama. “Noon yun. Ngayon, di na.”
    “Oh? Talaga? Bakit? Kasi nandyan na si Elle?”

    Iyon ang pabalik balik na tinatanong sa akin ni Kristen. Kahit na hindi ko naman talaga nasasaksihan kung anong meron si Elle at Rozen, pero base sa mga sinasabi ni Kristen ay mukhang madalas yalaga silang magkasama.

    Araw-araw ko parin namang nakikita sina Kristen kahit busy. Ang problema ko lang talaga ay medyo out of place ako sa block ko ngayon. May grupo akong isang buong barkada. Ako lang yung nakikisawsaw sa kanila. Nakakahiya. Minsan nga feeling ko pinag uusapan nila ako tuwing wala ako at magkasama pa sila.

    Binubuo sila ng tatlong babae at tatlong lalaki. Medyo masama ang tingin ng dalawang babae sa akin. Kaya madalas ay mag isa akong nagbabasa at nangangapa na lang sa sarili ko tuwing may papalapit na defense.

    Nasa soccerfield ako at nagbabasa nang may narinig akong boses ng mga lalaki sa gilid ko.

    Habang binabaliktad ko ang pahinang binabasa ko ay napasulyap ako sa mga lalaki.

    “Ikaw na.” Pulang pula ang lalaking tinuro nung una.

    Nakatingin silang tatlo sa akin at nagtutulakan. Yung isa ay muntikan ng tumakas at sobrang pula na nang kanyang pisngi. Tinaas ko ang kilay ko at mas lalo silang pinasadahan ng tingin.

    “Shit! Ayoko na, Stefan!” Sigaw ng isang hindi ko kilala.
    Namukhaan ko naman si Stefan na schoolmate ko noong high school. Ngumuso ako at tinitigan si Stefan. Napakamot siya sa ulo.
    “Coreen, hi!” Nahihiya siyang ngumisi.

    Nagtulakan na naman sila.

    “Anong drama niyo?” Biglang pumagitna si Rozen sa kanilang tatlo at sa akin.

    Humalukipkip siya at ni head to foot silang tatlo.

    “Pare, tayo na!” Sabi nung isang tinutulak kanina ni Stefan.

    Nakita kong nagkatitigan ng matatalim si Stefan at Rozen bago niya hinigit ang mga kasama niya.

    “Tayo na nga! Ge Elizalde.” Tsaka tumalikod sila.

    Sumulyap si Rozen sa akin. Nakakunot ang noo ko pero nagpipigil na ako ng ngiti. I swear, nagwawala ang mga kulisap. Tinutusoktusok nila ang tiyan ko na para bang gusto nilang kumawala.

    “Tsss.” Inirapan niya ako at umalis din.

    Parang pinipiga at kumakabog ang puso ko at the same time. Nanginig ang mga kamay ko sa pagliligpit ng gamit para lang maabutan siya.

    I knew it! Naramdaman ko na nung una na may feelings pa siya sakin. Nagsusungit lang siya. Pero ngayon, pakiramdam ko isang kalabit na lang talaga! Kaya hindi ko palalagpasin ang pagkakataong ito!

    “Rozen!” Tinawag ko siya sa kahabaan ng pathway sa gilid ng soccerfield.

    May iilang taong naglalakad pero hindi gaanong marami kaya walang problema kung magpapansin ako sa kanya dito. Hindi niya ako nilingon kaya naisipan kong hampasin siya ng bag ko.

    “What the fuck, Coreen?” Sinigawan niya ako.

    Tumigil siya sa paglalakad at nakita ko ang naiirita niyang mukha. Kuminang ang earring niya. Pinasadahan ko ng tingin ang mukha niyang nasisinagan ng araw. Lumakas ang pintig ng puso ko. Ito iyong mukha ng taong pinakamamahal ko… Ito yung mga mata niya, ilong niyang matangos, labi niyang pula, at panga niyang perpekto.

    “Tinatawag kita, kaya lumingon ka.” Nakangisi kong sinabi.
    Mas lalo siyang nagalit, “Hindi sa lahat ng pagkakataon ay naririnig ko ang tawag mo.”
    “Nagbibingibingihan ka lang. Hindi ako tanga para isiping hindi mo ako narinig!” Inirapan ko siya.
    “Anong kailangan mo?”

    Humakbang ako palapit sa kanya. Diretso siyang umatras at mas lalong nagkasalubong ang kanyang kilay. Kung nakamamatay lang ang titig ay kanina pa ako humandusay at namatay dito. Masyadong matalim ang naiirita niyang titig. Hindi ako nagpatinag.

    “Selos ka?” Sabi ko.

    Patuloy siya sa pag atras.

    “Hindi.” Diretso at walang ka halu-halong pagdadalawang isip niyang sinabi.
    Nanliit ang mga mata ko, “Nagseselos ka, eh.”
    “HIndi sabi. Wa’g kang feeling, Coreen. Tsss.”
    “Eh ba’t ka nakikisawsaw. More importantly, ba’t ka nandito? Anong ginagawa mo dito sa tapat ng soccerfield at bakit ka napadpad dito? Saan na ba yung GF mong si Elle?”
    “Ah!” Humakbang din siya palapit sakin. “Salamat sa pagpapaalala, ah? Dumaan nga pala ako dito dahil papunta ako sa kanya.”

    Napangiwi ako. Ngumisi naman siya.

    “Ba’t ka nakikisawsaw? Sana hinayaan mo na lang akong pormahan nung mga lalaking yun!” Medyo galit kong utas.
    “Kapatid ko si Noah. At ayaw kong nakikita ang babaeng mahal ng kapatid kong nilalandi ng iba. Tsss.” Pumihit siya at umalis.
    “Rozen, sandali!” Sigaw ko at sinundan siya.

    Mabilis ang kanyang lakad kaya halos tumakbo ako para maabutan siya.

    “Sandali lang!” Sigaw ko.

    Diretso ang lakad niya papuntang cafeteria. Doon, nakita ko ang buong groupmates ko noon. Kumakain sila sa cafeteria. Katable nila si Elle. Masaya siyang kumakain kasama ang ibang mga kaklase namin. May kanin pa nga sa pisngi niya sa sobrang daldal niya sa pagkain.

    Iyong matulin kong paglalakad kanina ay biglang humina. At si Rozen naman ay umupo sa tabi ni Elle.

    Napalunok ako sa pagmamasid sa kanilang dalawa.

    “Coreen!” Tawag ng ilang kaklase ko.

    Hindi ko nagawang lumingon. Diretso ang titig ko sa dalawang iyon. Hinawi ni Rozen ang mga hibla ng buhok na nakatakas sa tainga ni Elle tsaka pinunasan niya ang kanin sa pisngi nito.

    Nakita kong pumula ang pisngi ni Elle sa ginawa ni Rozen. May sinabi siya tsaka ngumisi ng sobrang laki.

    Tumunganga na ako. Nangatog ang mga paa ko. Ang daya nito. Sumikip ang dibdib ko. Sobrang daya niya…

    Inilapit ni Elle ang kanyang mukha kay Rozen at bigla niyang hinalikan sa labi si Rozen na para bang madalas nila itong ginagawa.

    “EHHH! PDA! UYYY!” Nagtilian ang mga kaibigan ni Elle.

    Pagkurap ko ay may luha ng agad lumandas sa pisngi ko. Hindi ko na talaga alam. Sana pwedeng kunin na lang ang lahat ng nararamdaman ko. Di bale nang maging mediocre ang lahat. Di bale na ang nakakabagot na buhay kesa sa buhay na lagi kang nasasaktan.

    Ayoko na. I hope Rozen will just stop this. Kung ano man ang pakulo niya at pinapaasa niya pa ako, sana tigilan niya na ito. Tinalikuran ko sila sa gitna ng mga tawag ng kaklase ko sakin. I can live alone. I can make it alone… Hindi ko kailangan ng tulong ng iba. Hindi ko kailangan ang tulong niya para maging kumpleto ako… para maging masaya ako.

    Someday, I’ll get over him the way I got over Noah… the way he got over me.

  • Kabanata 41Open or Close

    Kabanata 41
    Not His Girlfriend

    Sinakripisyo ko ang pakikipagkita ko sa mga kaibigan kong sina Kristen, Ivy at Trina. Alam ko, that’s too selfish. Pero iyon lang ang naging tanging paraan ko para maiwasan si Elle at si Rozen. Kung ano man ang ginagawa nila, hindi ko na alam.

    Iniwasan ko rin si Noah. Hindi mahirap iyon kasi busy siya at busy din ako. Alam kong selfish na naman ang desisyong ito, pero kasi hindi ko kayang nakikita si Noah na sinasalo ako tuwing nasasktan ako. Gusto ko mag isa lang ako dito. Ayokong mandamay ng ibang tao.

    “Si Rozen ba yan?” Tanong ng isang kagrupo ko.

    Isang dinig ko lang sa pangalan niya ay agad na akong nag wo-walk out. Ayaw ko na talaga. Gusto ko na lang mamuhay ng matiwasay at hindi na sumawsaw sa magkapatid na Elizalde. Ni ayaw ko ng makipag usap muna sa busy na si Reina dahil natatakot akong umiyak ulit.

    Pagkatapos ng finals ay may tatlong linggong sembreak. Magmumukmok na lang ako sa bahay buong tatlong linggo. Wala naman akong gagawin. Mag pi-prepare na lang ako sa huling semester. At para sa birthday ko? Hindi ko alam kung anong gagawin. Mag ti-twenty two na ako. Hindi na naman siguro uso yung party? Ewan ko. Gusto ko sanang imbitahin sina Kristen pero natatakot akong isama nila si Elle. I know, I’m being a bitch again. Walang kasalanan si Elle, mahal niya lang talaga si Rozen. Ako ang may mali dito, kasi naiirita ako sa kanya dahil dun.

    “Coreen!” Napatalon ako sa sigaw na narinig ko pagkalabas ng school.

    Lumingon-lingon ako para tignan kung sino yung tumatawag.

    Nagulantang ako nang naaninaw ko ang nakakunot-noo na si Noah sa loob ng sasakyan niya. Nipark niya iyon sa gilid ko.

    “Hi, Noah!” Hilaw kong bati.
    “Saan ka pupunta?” Tumaas ang kilay niya.
    “Uuwi?” Patanong kong sagot.
    “Hindi ba tapos na ang exams mo? Ngayon, pwede na ba tayong lumabas?” Tanong niya.
    “Uhm… Eh kasi-“
    “Coreen! Iniiwasan mo ba talaga ako?”
    “Hindi ah!” Hindi ako makatingin sa kanya.
    “Hindi ko na mabilang kung pang ilang beses ko na itong tinanong sayo at pang ilang beses mo na yang sinagot pero hindi parin ako matahimik. Coz I know, you really are avoiding me!”

    Binuksan niya ang pinto. Agad naman akong umatras at napalunok. Marami akong naging excuse kay Noah noong may pasok pa. Pero ngayong kakatapos lang ng sem ay wala na akong magawang excuse.

    Ting! May nag light bulb sa isipan ko.

    “Noah, kasi maghahanda pa ako para sa next sem-“
    “Tatlong subjects na lang yan.” Aniya.
    “P-Pero kasi baka kailanganin kong mag training sa opisina ni mommy-“
    “Bakit pa eh lagi ka namang tanggap dun?” Tinaas niya ang kanyang kilay at humalukipkip. “Now, I really have this feeling na iniiwasan mo ako. Why, Coreen?” Matama niyang sinabi.

    Ngumuso ako.

    “I’m sorry, Noah. I’m just really busy.”

    Bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

    “Kung hindi mo ako iniiwasan, then prove it to me, Coreen. Come with me.” Mariin niyang sinabi.

    Wala akong nagawa. Hinigit niya ako papasok sa sasakyan niya at dinala niya ako sa kanilang bahay. Aniya’y may practice daw sila ngayon at pagkatapos ay ililibre niya ako.

    “Damn, I miss you.” Aniya nang nagkaroon ng traffic at tinitigan niya ako.

    Uminit ang pisngi ko tsaka hinampas ko ang braso niya.

    “Wa’g mo nga akong biruin.”
    “Bakit? Di mo ba ako namimiss?” Seryoso ang kanyang mukha.
    “Syempre, miss din.”

    Ilang sandali ay nagtawanan kaming dalawa. Pakiramdam ko wala talaga akong ibang maramdaman sa kanya kundi ang friendship. Iyon na lang. Siguro ay naubos na ni Rozen ang pagmamahal ko.

    “Sorry.” Binasag ko ang katahimikan namin nang papalapit na kami sa bahay nila.
    “Bakit?”
    “Iniwasan kita.” Pag amin ko.
    “Alam ko. Bakit?”
    Ngumisi ako sa sagot niya.
    “Kasi natatakot kang mag selos si Rozen?”
    “Hindi no.” Sumulyap ako sa kanya. “Ayaw ko lang na mas lalo tayong magkabuhol. I love Rozen. At ayokong pag masyado na tayong close ay masaktan pa kita.”
    Suminghap siya, “Madali naman akong kausap, Coreen. Years ago, nang sinabi mo saking na fall out ka na sakin at si Rozen na ang mahal mo, agad kong tinanggap iyon kahit masakit. Alam kong kasalanan ko kasi hinayaan ko kayong dalawa. Napatawad ko na ang sarili ko. Ngayong nakikita kong wala siyang pakealam sayo, hindi ko kayang hayaan kang ganyan.”
    “Noah, hindi ko rin kayang nandyan ka tuwing umiiyak ako at sumasaya lang ako pagkasama ko siya. Hindi ko kaya yun, Noah. I’m not like Rozen. Hindi ko kayang manggamit ng tao gaya ng ginawa niya noon satin.”
    “Hindi mo naman ako ginagamit, Coreen. I’m being a friend here.” Ngumiti siya pero may lungkot akong nakikita sa kanyang mga mata.

    Pinipiga na naman ang puso ko. Ilang beses ko na kayang pinagdasal na sana si Noah na lang ulit?

    Nang pinasok niya na ang sasakyan niya sa kanilang bahay at nipark niya doon…

    “Nga pala. This coming weekend, ikakasal ang kapatid ni Liam.” Medyo kumunot ang noo ni Noah sa sinabi niyang iyon.
    “Talaga? Whoa!”
    “Kakanta kami sa kasal. Beach wedding. Tsaka sinabi ko sa kanyang sasama ka.” Ngumisi siya.
    “What?” Hinampas ko ang braso niya.
    “Oo. At ni book niya na tayo sa hotel. Isang room lang tayong dalawa-“
    Mas lalo kong hinampas ang braso niya.

    Tumawa na lang si Noah.

    “Ikaw talaga! Panu kung di ako payagan? Panu kung di ako sasama? At bakit isang room lang tayo?”
    Mas lalo siyang humagalpak sa tawa, “Nahihiya naman akong mag demand kay Liam. Sasama din sina Warren. Two beds naman yung ni book niya para satin. Ang akala kasi niya ay girlfriend kita, kaya ayun.”
    “This weekend? My God! Seryoso ba ito?” Tanong kong di makapaniwala.
    “Oo. So you have no choice but to be with me.”

    Lumabas siya ng sasakyan at pinagbuksan niya ako. So gentleman. Napangisi ako sa ginawa niya. Pumungay ang aking mga mata habang tinitignan siyang abot tenga ang ngiti.

    “Sige na nga!” Umirap ako.
    “Yes!” OA pa siyang sumigaw.

    Nagtatawanan kaming dalawa papasok sa bahay nila. Binati kami ng mga katulong. Namiss ko itong bahay nila. Ilang buwan na rin akong di nakakapasok. Simula noong nagbalik si Rozen ay hindi na ako nangahas na pumasok. Ngayon lang…

    Nang binuksan ni Noah ang music room ay bumungad sakin ang nakapikit na kumakantang si Elle.

    “Shit.” Bulong ko.

    Dumiretso naman si Noah kay Warren na nakikipagtawanan kay Joey.

    “Ba’t siya nandito?” Narinig ko ang bulong niya.

    Lumingon ako sa sofa na pupuntahan ko sana para maupo pero nakita ko ang nagbabasa ng magazine na si Rozen. Shit!

    Pumihit ako para umalis. Talagang nawawala ako sa sarili tuwing nakikita siya pero narinig ko ang tawag ni Noah.

    “Coreen!” Nilingon ko si Noah. “Stay.”
    Umiling ako at nakita kong tumayo si Rozen, nakakuyom ang kanyang panga at nagkatitigan kaming dalawa. “Mag practice kayo, okay lang naman na wala ako.” Aniya.
    “Huh? Rozen? Saan ka pupunta?” Nanghihinayang na utas ni Elle.
    “Aalis lang.” Malamig niyang sagot kay Elle at nilagpasan ako.

    Sinubukan ni Elle na sundan si Rozen pero pinigilan siya ni Liam para makapagpractice sila. Umupo ako sa sofa na inuupuan ni Rozen kanina para makinig sa practice. Nilapitan ako ni Noah.

    “I’m sorry. Inimbitahan siya ni Liam. Hindi ko alam.” Aniya.
    “Okay lang.” Ngumiti ako.
    “Sa kasal din kasi, sasama siya.”

    Hindi ako nagsalita. Parang gusto kong umurong sa alok ni Noah na sumama sa kasal ng kapatid ni Liam.

    “O-Okay lang.” Sabi ko kahit hindi pa ako sigurado.

    Nang nag break at napaupo si Elle sa sofa na inuupuan ko ay narinig ko ang malakas niyang buntong hininga. Nag kunwari akong nagbabasa ng magazine dahil sa totoo lang hindi ko kayang kausapin siya kahit na wala naman siyang ginagawang masama sa akin.

    “Hi, Coreen, I miss you!” Bigla niya akong niyakap kaya nadistract ako.
    “Hello.” Ngumisi ako.
    Napangiwi siya, “Ang cold mo naman! Hmp!”
    Napakamot ako sa ulo, “Sorry.”

    Damn it! I kinda feel like I’m a witch!

    “Nasan kaya si Rozen.” Humalukipkip siya at tumingin sa paligid. “Gusto ko siyang hanapin kaya lang first time ko dito at baka mawala ako.”
    “First time mo dito?” Tanong ko.

    That was unexpected. Ilang buwan na silang magkasama o mag on, bakit first time niya dito? Nagkibit balikat ako para sa sarili kong mga katanungan.

    “Oo.” She sighed. “Asan ba ang kwarto niya?”

    Kumunot ang noo ko. I won’t freaking tell. Kahit na itorture niya pa ako.

    “Hindi ko alam.” I lied.
    “Imposible. Hindi ba bestfriends kayo ni Reina? Matagal ka ng pumupunta dito. Dapat alam mo.”
    Medyo nabanas ako sa sinabi at pagpupumilit niya, “Hindi ko kasi alam. Ikaw dapat nakakaalam nun kasi girlfriend ka niya.”

    Natigilan siya. Tinitigan ko at unti-unti kong nakita ang ngiti niya at malungkot niyang mga mata. Para bang nahihirapan siya.

    “I’m not his girlfriend.” Simple niyang sinabi.

    Halos ibalibag ko ang magazine na hawak ko.

    “Then, ano kayo? Kung hindi kayo? Ano kayong dalawa? Friends with benefits? Ano?”
    “ELLE!” Napatalon kaming dalawa sa biglaang pagsigaw ni Rozen sa likod niya.

    Nilingon ko si Rozen at nakita kong mabilis ang paghinga niya.

    “Rozen.” Utas ni Elle.
    “Let’s go!” At hinigit niya si Elle palayo sa akin.

    Honestly, I don’t really care. Wala na akong pakealam kung anong ginagawa nila. Alam ko, nasasaktan parin ako pero tanggap ko ng wala na akong magagawa. Wala akong maramdaman kundi ang pagkainis kay Rozen. Damn him! Anong gusto niya? Tapos na akong magmakaawa! Nilunok ko na ang pride ko. Ayoko ng mag aksaya ng feelings para sa tulad niya.

    Kaya naman ay matapang akong sumama kina Noah sa kasal ng ate ni Liam. Mamayang sunset iyon gaganapin kaya maaga kaming bumyahe. Bukas ang uwi namin.

    “Are you really sure you’re okay with this, Coreen?” Tanong niya.
    “Yup, Noah. Okay lang talaga.” Sabi ko nang bumaba na sa sasakyan niya at nakita ko ang naka aviators na si Rozen na bumababa sa sasakyan niyang kasama si Elle.
    “O sige, edi tara na!” Aniya at kinuha ang bag ko.
    “Okay.” At sumunod na ako sa kanya.

  • Kabanata 42Open or Close

    Kabanata 42
    Labing Pito

    Nag check in kami ni Noah. Sina Warren at iba pang bandmates niya ay nasa tabing room lang din. Umupo ako sa isang kama habang tinitignan si Noah na nag aayos ng gamit.

    “Sorry talaga.” Aniya.
    “It’s okay.” Sabi ko.

    Bigla siyang naghubad ng t-shirt.

    “Err.” Pag tutol ko.
    Tumawa lang siya at ginalaw ang aircon na hindi pa naka full. “Ano? Violent reactions?”
    “Wala.” Tumalikod ako para mag ayos din sana ng gamit.
    “Alam mo, Coreen. Kung in love ka pa sakin ngayon, siguradong may mangyayari satin.”

    Nag tindigan ang balahibo ko sa sinabi ni Noah.

    “NOAH! Loko ka talaga!” Hinagis ko ang isang unan sa kanya.
    “Pillow fight?” Tumawa siya at hinagisan din ako ng isang unan.

    Na bull’s eye niya ako. Sa mukha ko pa talaga nahagis iyong unan kaya kumuha pa ako ng isang unan para ihagis sa kanya. Kaya lang ay nakita ko siyang nakatayo na sa harapan ko with his sculpted abs. Damn Elizalde!

    Tinulak ko siya pero sobrang lakas niya.

    “Pillow fight nga, diba?” Sabi ko.
    “Naubusan na ako ng unan, eh.”

    Tinukod niya ang isang tuhod sa kama ko. Uminit ang pisngi ko sa ginawa niya.

    “Noah!” Sigaw ko.
    “WHAT THE FUCK, NOAH!?” Sigaw ng isa pang tao sa room namin.

    Pareho kaming napatalon ni Noah sa gulat. Sinugod kami ni Rozen. Nalaglag ang panga ko nang tinulak niya si Noah kaya napaupo ang kapatid niya sa kabilang kama. Hinigit niya ako at nilagay niya sa likod niya.

    Ramdam na ramdam ko ang higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko at ang panginginig nito. Binawi ko agad ang kamay ko sa pagkakahawak niya.

    “Ano ba? Rozen!” Sigaw ko.
    “What is it, kuya?” Malamig na tanong ni Noah sa kapatid niya.
    “Anong plano mo, HA, NOAH!?” I swear, pakiramdam ko pumutok ang ugat niya sa lalamunan sa sobrang lakas ng pagsigaw niya.
    “Anong pakealam mo?” Mahinahong tanong ni Noah sa kapatid niya.
    “Anong sabi mo?” Sinugod ni Rozen si Noah at umambang susuntukin ito kaya pumagitna ako sa dalawa.
    “Ano ba, Rozen!” Sigaw ko. “Ano ba ang problema mo?”
    “Tama na nga yan, Kuya. Hindi ba inayawan mo na si Coreen? Bakit kung maka pambakod ka, parang sayo parin siya? Hindi na naman diba? May iba ka na-“
    “Shut up, Noah!” Sigaw ni Rozen.
    “You shut up!” Sigaw ko naman kay Rozen.

    Kumalabog ng husto ang dibdib ko. Ang sarap pakawalan ng puso ko. Kaya lang mukhang kagagawan ng mga kulisap. Parang ginagawa nilang tambol ang puso ko.

    “Ba’t ka nandito? Bumalik ka nga kay Leonore Batungbakal!”
    “Ikaw? Ba’t ka nandito? Hindi ba ako ang mahal mo?” Galit niyang sinabi.

    ABA! Ang kapal din ng mukha nitong lalaking ito! Grabe! Ang kapal ng libag!

    “Wala ka ng pakealam dun!” Sigaw ko at tinulak siya. “Umalis ka nga! Istorbo ka!”

    Hinigit niya ang kamay kong tumutulak sa kanya. Bakit kaya nagwawala ang buong sistema ko sa ginagawa niya? Dapat galit ako ngayon, eh.

    “Ni book kita ng isang room. Doon ka na matulog.” Aniya.
    “Ayoko nga! Are you mad?”

    Kinuha niya ulit ang kamay ko.

    “So what if I’m mad, huh?” Inilapit niya ang mukha niya sakin.

    Shit! Nalusaw agad ang inaalagaan kong galit. Hindi ko alam papaano nangyari yun. Come on, Coreen! Ilang buwan ka niyang binaliw at sinaktan. Hindi niya pwedeng gawin yan sayo.

    “So what din kung iisa kami ng room ni Noah! Hindi naman ito first time na magkasama kami!” Sigaw kong panunuya sa kanya.
    “Kuya, hayaan mo nga kami!”
    “Shut up, Noah!”
    “What happened to the code, kuya? Hindi ba nagkasundo na tayo noon? Pinagbigyan kita at ngayon ako ang pagbigyan mo.” Sabay higit ni Noah sa kamay ko.

    Nakita kong nag alam ang titig ni Rozen. Para bang nilagyan namin ng gas ang kanina pang nasusunog na sistema.

    “Anong nangyari sa Bros before hoes?”

    Tumindig ang balahibo ko nang nakita kong umangat ang labi ni Rozen.

    “Hoes, Noah. Hindi naman sinabing bros before Coreen, diba? Coz it will always be Coreen before anything else.”

    Marahas niya akong hinigit palayo kay Noah. At malakas ko ring binawi ang kamay ko.

    “BALIW KA BA?” Sigaw ko sa kanya. “HIndi! Baliw ka nga!”

    Pinipiga ang puso ko at the same time naghuhuramentado ito.

    “Hindi ka nagbago! Kahit kailan di ka nagbago! Anong gusto mo? Dalawa kami ni Elle? HELL NO! Bumalik ka na sa kanya! We don’t need you here!”

    Napaawang ang bibig niya sa sinabi ko.

    “ARGGHHH!” Sigaw niya saka sinuntok ang dingding bago umalis at padabog na sinarado ang pintuan.

    Napaupo ako sa upuan at napabuntong hininga. Ang bilis ng pintig ng puso ko. Hindi ako makapaniwala na iyo.

    Agad akong dinaluhan ni Noah. Hinaplos niya ang likod ko.

    “Sorry, Noah.” Nabasag ang boses ko.
    “Sorry din. Bullshit na Rozen.” Aniya. “Madaya talagang mag laro.”
    Kumunot ang noo ko, “Naiinis ako sa kanya, pero shit, mahal na mahal ko talaga siya.”
    “I know.” Buntong hininga ni Noah. “At hanggang ngayon, wala parin siyang natutunan. Marumi parin siyang maglaro.”

    Ilang sandali ang nakalipas ay nag alas kuwatro na. Nag soot na ako ng dress para sa kasal ng kapatid ni Liam.

    “Let’s go?” Ani Noah. “Okay ka lang ba kahit na tutugtog kami at nasa crowd ka lang muna?” Tanong niya.
    Tumango ako. “Okay lang.”

    Sabay-sabay kami ng mga kabanda ni Noah na pumunta doon. Si Rozen at si Elle naman ay sumunod na lang. Naka ponytail ang buhok ni Elle at nagsoot siya ng puting flowing dress. Puti rin ang soot ko, maiksi at tube top. Nanaig ang pagiging masayahin niya. Nahahawa si Liam. Nagtawanan si Liam at si Elle pero nakita kong medyo naasiwa si Rozen.

    Nagkatitigan kami kaya nag iwas agad ako ng tingin.

    Nagsimula yung kasal. Sa reception pa tutugtog si Noah kaya magkatabi kami ngayon. Ang ganda ng gown na soot ng kapatid ni Liam. At sobrang ganda ng venue ng wedding.

    Puti ang buhangin ng beach na ito pero mas puting buhangin ang ginawang aisle pamalit sa red carpet. Ang gaganda din ng mga soot ng mga tao, pastel ang colors na ginamit kaya bagay na bagay sa wedding.

    Pumalakpak kami nang nag kiss ang bride at groom. Ngumisi ako sa sobrang saya. Ang saya palang makakita ng dalawang taong nagmamahalan at ikinakasal. Napatingin ako kay Rozen na nakatingin ng seryoso sakin at naka pout. Diretso kong binawi ang titig ko.

    Pagkatapos ng kasal ay kainan na. Kinailangan na ring tumugtog nina Noah. Duet si Liam at Elle sa stage. Ako lang mag isa sa table ng buong banda. Si Rozen naman ay may iilang babae ng naka aligid. Nilingon ko si Elle na ngayon ay umiiling habang tinitignan si Rozen. Yes, he’s a playboy, Elle. Sa sobrang playboy niya, gusto niya pa ata tayong pagsabayin.

    “Each time the wind blows
    I hear your voice so
    I call your name…
    Whispers at morning
    Our love is dawning
    Heaven’s glad you came…” Sinimulan ito ni Liam.

    Tumindig ang balahibo ko sa boses niya. Magaling talaga siya. Iba ang quality ng boses nila ni Wade pero di ko maipagkakaila na mapapantayan niya talaga si Wade.

    “You know how I feel, this thing can’t go wrong I’m so proud to say I Love You
    Your love’s got me high I long to get by this time is forever love is the answer…”

    Tumindig na ang balahibo ko. Natigilan ako nang nakita ko sa gilid ng aking mga mata na nakatitig si Rozen sa akin.

    Si Elle naman ang sunod na kumanta. Pumikit siya bago nagsimula.

    “I hear your voice now, you are my choice now
    The love you bring, heaven’s in my heart at your call I hear harps,
    And angels sing. You know how I feel this thing can’t go wrong. I can’t live my life without you…”

    Binalikan ko ng tingin si Rozen sa pag aakalang naagaw na ni Elle ang atensyon nito pero nawindang ako nang nakita kong nakatitig parin siya sakin sa likod ng pinagsalikop niyang mga daliri.

    Uminom ako ng tubig at nagpasyang lumabas muna dito sa hotel. Tapos na rin naman akong kumain kaya magpapahangin na lang muna ako sa labas.

    Tumayo ako at umalis na. Pagkalabas ko sa hotel ay narinig ko agad ang alon ng dagat. Niyakap ko ang sarili ko nang naramdaman ang lamig na bumalot sa akin.

    “Umaambon.” Sabi ko nang nakitang may nag pi-picnic na tumitingala at tumatayo para umalis.

    Mas lalo akong lumapit sa seashore para tignan kung umaambon nga. Napatango ako nang naramdaman ang konting ulan sa kamay ko. Konti pa lang naman. Gusto ko muna dito. Nami-miss ko tuloy ang Palawan.

    Naglakad ako palayo ng hotel. Maganda kasi dito dahil may mga puno ng niyog na parang sinadyang itanim ng nakahilera para mas lalong gumanda ang resort. Habang lumalayo ako ay binilang ko ang bawat nadadaanan kong niyog.

    “Labing lima.” Sabi ko.

    Masyado na akong lumalayo sa hotel pero okay lang dahil parte parin naman ito ng resort. Napatingin ako sa paligid. Umaalis ang mga tao sa seashore dahil umaambon at malakas na ang hangin. Nasa cottage na lang sila at nagkakatuwaan.

    “Labing anim.” Sabi ko. “Labing pito.”

    Grabe. Ang dami talagang niyog. Papalayo na ako nang narealize na medyo lumalakas na ang ulan. Shit. Kailangan ko ng bumalik.

    Pumihit ako para bumalik sa pinanggalingan ko nang nakita ko si Rozen sa likod kong nakapamulsa.

    “Anong ginagawa mo dito?” Napaatras ako.
    Pero humakbang siya palapit sakin. Hindi siya tumigil hanggang sa isang dangkal na lang ang lapit namin. “Nandito ako para kunin ka.”

    Agad nag huramentado ang puso ko. Letse! Wa’g kang traydor! Mga kulisap na balimbing!

    “Ba’t mo ako kukunin? Hindi naman ako sayo!” Sigaw ko habang umaatras.

    Bawat paghakbang niya palapit sakin ay nakakapanindig balahibo.

    “Wa’g kang selfish! Kayo ni Elle. Bakit mo pa ako kailangan? Wa’g kang paasa.”

    Pinadausdos niya ang kanyang braso sa aking baywang. Just like the old times. Pinigilan niya ang pag atras ko.

    “I know you’re not stupid, Coreen. By now, napagtanto mo ng hindi kami.” Malamig niyang sinabi.

    Hindi ako nagsalita. Tinitigan ko lang siya. Hindi ko talaga mabitiwan, sa gitna ng galit ko sa kanya, ang katotohanang sobrang gwapo niya. Iyong earring niyang kumikinang dahil sa ilaw na nagmumula sa ilalim ng puno ng niyog. Ang mga mata niyang may repleksyon ko, ang mga labi niyang pula at nakaawang, lahat… Nakakapanghina.

    “Eh ano kayo?” Nabasag ang boses ko.

    Nakita kong nalungkot ang ekspresyon niya.

    “Ano? Ginagamit mo na naman ba siya? Nanggagamit ka na naman ng tao? Rozen! Bullshit! Sobrang nasaktan ako!” Sigaw ko sabay turo sa may bandang hotel.

    Hinila niya ang baywang ko palapit sa kanya. Nakadiin na ako ngayon sa kanya kaya natahimik ako ng wala sa oras.

  • Kabanata 43Open or Close

    Kabanata 43
    I’m Sorry

    Lumalakas na yung kaninang ambon lang. Pero hindi ako nagpatinag, pareho naming tinitigan ang isa’t-isa. Walang sumusuko. Walang nagpapatalo.

    “Ano kayo ni Noah?” Tanong niya pabalik sakin.

    Hinampas ko ang matigas niyang dibdib. Hindi siya natinag. Nagdiin ang mga labi niya sa irita sa ginawa ko.

    “Bakit ko yan sasagutin? Ano ba kayo ni Elle? Nung una kitang tinanong diba sabi mo gusto mo siya? Nagsisinungaling ka ba para lang saktan ako at makaganti ka?”
    “Yes, I did like her, Coreen.”

    May parteng gumuho sa puso ko dahil sa sinabi niya.

    “Bitiwan mo ako!” Sabay kurot ko sa braso niyang malakas.

    Like mo pala siya, ba’t nandito ka ngayon sa harapan ko? Nakakabaliw naman ito. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Parehong naghuhuramentado ang sistema ko at naiirita. Hindi ko na rin maintindihan ang mga kulisap. At mas lalong di ko na maintindihan kung anong pag aalburuto nitong puso ko.

    “Madaling magkagusto sa iba. She treated me the way I want you to treat me. Gusto kong maghabol ka sakin. Gusto ko yung patay na patay ka. Gusto ko yung nagkakandarapa ka sakin. Gusto ko yung malalim ang pinanggagalingan ng pagmamahal mo. Gusto ko yung hindi ka titingin sa iba. Yung ako lang mag isa. Gusto ko yun.”

    Hindi ako kumibo sa sinabi niya. Tanging ginawa ko lang ay ang ipagtulakan siya dahil masyado niya na akong dinidiin sa sarili niya. Bagay na hindi ko naman magawa dahil masyado siyang malakas.

    Mas lalong lumakas ang ulan. Nababasa na kaming dalawa pero mukha atang wala siyang planong kumalas dito.

    “Edi gusto mo pala. Dun ka sa kanya. Wa’g kang susunod sunod sakin na parang aso. Nakaya mo naman ng isang taon na wala ako sa tabi mo-“
    “Nakaya? Nakaya mo! Pero ako hindi! Dahil bawat hakbang mo, pinagmasdan ko nang di mo nalalaman kaya wa’g mo kong masumbat sumbatan diyan kasi wala kang alam.”

    Nalaglag ang panga ko.

    “Don’t you dare lie to me, Rozen. Sinundan kita noon.”

    Nanginig ang boses ko. Iniisip ko pa lang lahat ng nasaksihan ko ay bumabalik sakin ang mga mapait na alaala. Iyong unang pagkakataon ko siyang nakita na kasama si Elle. Ang sweet nila nun sa isang fast food. Kinurot pa ni Elle ang kanyang dibdib. Sobrang lapit nila sa isa’t-isa. Pinapasakay pa niya si Elle sa sasakyan niya. Kahit iyong paborito niyang move na pagdausdos sa mga kamay sa baywang ay nagawa niya na rin kasama si Elle. Naghalikan pa sila sa cafeteria. Sa mga oras na wala ako, hindi ako baliw para magbulagbulagan, alam kong may ginagawa silang hindi ko alam.

    “Nakita kitang nakikipaglampungan kay Elle!”

    Kumuyom ang kanyang panga at ngumisi.

    “I know.”

    Tumindig ang balahibo ko.

    “Anong sinabi mo?” Naiinis kong utas.
    Nag seryoso ang kanyang mukha, “I tried, alright. I tried to love her the way I loved you. Dapat ganitong babae ang minamahal ko, eh. Yung siguradong sakin ang punta. Yung walang ibang mahal. Yung malinis ang puso dahil ako at ako lang talaga. Hindi yung tulad mong may unang minahal. Malay ko. Fuck it! Malay ko kung anong ginawa niyo ni Noah sa loob ng dalawang taong nawala ako, diba-“
    “Fuck you!” Hinampas ko ulit ang dibdib niya.

    Ngayon, basangbasa na kami sa ulan. Dumidikit na ang buhok ko sa pisngi at nakikita kong lumandas ang mga patak sa kanyang mukha.

    “Eh kasalanan mo di mo agad ako binalikan.”

    Nakita ko ang ngisi sa mukha niya. Isang ngising nagpapawala sa ulirat ko. Yung ngising totohanan. Walang bahid na kahilawan.

    “Oo. Kasi tinaboy mo ako. Paano kita babalikan? Paano kita babalikan gayung buong akala ko si Noah ang mahal mo. You can now finally have your happily ever after! Nung dumating ako at nahuli kayong dalawa? Nakakaputangina, Coreen! Alam mo bang wala akong ginawa sa France kundi ang mag aral para sa negosyo namin at ang magpaganda pa lalo ng katawan para manghina ka sakin. Pero nung nakita kitang kasama siya, pinangako ko sa sarili kong maghahanap na ako ng iba. Na hindi na ulit ako titingin sayo.”

    Nanghina ang tuhod ko. Mukhang naramdaman ito ni Rozen. Hinaplos ng kanyang dalawang kamay ang magkabilang baywang ko.

    “Ayoko na, Coreen. Tama na ang paliwanag.”

    Lumandas ang luha sa mga pisngi ko. Hindi niya iyon makita kasi basang basa na ako sa ulan pero ramdam na ramdam ko ang init nito sa mukha ko.

    Nakita kong napaawang ang kanyang bibig at tinitigan ang aking labi. Sinubukan kong ilapit ang mukha ko sa kanya. Kinagat niya ang labi niya at bahagyang umatras, para bang nag pipigil. Kaya umatras din ako para magpigil. Pero nang paatras na ako ay bigla niya akong inangat. Diniin niya ang katawan ko sa baywang niya. Napakapit ako sa leeg niya dahil ang parehong binti ko ay nakasabit na sa baywang niya.

    “Mahal na mahal kita. Kahit anong laro, papanalunin ko para sayo.” Bulong niya saka hinalikan ako ng maririin at malalalim na halik.

    Sabik na sabik ang mga labi niya. Ramdam na ramdam ko iyon sa bawat atake niya sa labi ko. Wala akong nagawa kundi ang pumikit at damhin ang nakakalasing niyang mga halik. Mas lalo kong hinigpitan ang kapit sa leeg niya. Ayokong tumigil sa paghalik. Pwede bang kaming dalawa na lang at maghalikan na lang kami buong mag damag?

    Napawi lahat ng sakit na naramdaman ko.

    Nilapit ko ang sarili ko sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang katawan sa gitna ng malakas na ulan.

    Tinulak ko siya bahagya para huminga. Pareho kaming huminga ng malalim at yumukong nakaawang parin ang bibig. Nakatingin ako sa labi niya, ganun din siya sakin.

    “Wala kang ginawang tama, kahit kailan.” Bulong ko.

    Inatake niya ulit ang labi ko. Pwede bang wa’g na talagang tumigil? Ayoko na talagang tumigil! Di bale ng magkasakit kami dito sa ulan basta ang importante ay naghahalikan kaming dalawa.

    Humina ng kaonti ang ulan kaya dinig na dinig ko ang sigaw ng isang babae.

    “OH MY GOD?”

    Natigil kami ni Rozen at napalingon kami pareho sa likod niya. Naaninaw namin si Elle, basang basa din sa ulan, nakatakip ang mga palad sa bibig habang pinagmamasdan kaming dalawang naghahalikan.

    “COREEN?” Umiling siya sa akin.

    Ang malakas na ulan kanina ay naging ambon na lang ngayon. Papawala na ata ang ulan kaya mas lalo naming nakita ang mukha niyang umiiyak. Humihikbi siya at nanginginig. Hindi nga lang ako sigurado kung dahil ba iyon sa ulan o dahil sa galit.

    “Rozen?” Mas lalong pumiyok ang boses niya nang binanggit niya ang pangalan ni Rozen.

    Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Rozen nang lumingon siya sakin. Hinawakan ko ang braso niya at umiling ako.

    Yes, I’m selfish. Yes, I’m bad. Yes, I’m the witch her. Pero kakabawi ko lang sa kanya, ayokong umalis siya agad sa tabi ko.

    Yumuko siya kasabay ng pag alis ni Elle.

    “I’m sorry.”

    Nalaglag ang panga ko sa pag takbo niya papunta kay Elle.

    “ROZEN!” Tawag ko ng buong puso at kaluluwa.

    Pero hindi niya narinig dahil umalis na silang dalawa ng tuluyan. Hinabol niya si Elle. I guess his feelings weren’t fake.

    Humagulhol ako sa iyak. Bakit ganito? Bakit parang dinudurog ang puso ko kahit sinabi niya na sakin kung gaano niya ako kamahal? Bakit nasasaktan ako kahit na alam kong hindi niya mahal si Elle?

    Bakit?

    Dahil noon, ako lang talaga. Ako lang ang meron siya. Ako lang ang tangi niyang iniingatan. Pero ngayon, dalawa na kami. At hindi ko matanggap iyon. Like what I said, this is my sure bet. Sumugal ako kasi alam kong mananalo ako. Pero ang matalo sa gitna ng paniniwala ko, ang sakit! Sana ay sumugal na lang ako nang di alam yung resulta! Sana ay hindi ako nag expect!

    “Coreen!” Narinig ko ang sigaw ni Noah.

    Yumakap sakin ang kanyang jacket. Nanginginig ang labi ko habang umiiyak. Niyakap ko agad si Noah dahil sa ngayon, wasak na wasak ako.

    Alam kong mali ang sumandal sa kanya dahil mas lalo ko siyang masasaktan. Pero kung hindi ako sumandal sa kanya ngayon, baka hindi na ako makatayo ulit.

    “Coreen, what happened? Ba’t ka nag pa basa sa ulan? At bakit ka umiiyak?”

    Umiling ako at humikbi.

    “Coreen, sabihin mo anong nangyari?” Sigaw niya sa akin.
    “Wala. N-Nasasaktan lang ako.” Binitiwan ko si Noah at nagsimulang maglakad pabalik ng hotel.
    “Si Rozen na naman ba?” Hinigit niya ako at hinarap.
    “Bullshit! Iwan mo na nga yun! Wa’g mong hayaan ang sarili mo magkaganito.”

    Eh mahal ko. At sinabi niya ring mahal niya ako. Syempre, karaniwang umasa. Pero ang sakit palang kahit ganun ay makita mo siyang maghabol sa iba. Ang sakit. Sobrang sakit. Baliw na talaga yata ako.

    Niyakap ako ni Noah. Sobrang tagal na hindi ko na maalala kung ilang minuto o oras na ang lumipas. Nang humupa ang luha ko ay saka lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na itulak siya palayo.

    Bumalik kami sa hotel ni Noah. Pagkatapos kong magpatuyo ay nakatulog na agad ako. Masyado akong napagod ngayong araw. Gusto pa naman sana ni Noah na mag kwento ako pero wala akong nasabi dahil tulog na ako.

    Kinaumagahan, tinanghali ako ng gising. Nauna pa si Noah sa pag gising sa akin. Nalaman ko rin na wala na si Rozen at Elle. May kirot akong naramdaman sa puso ko. Hindi ko na talaga alam. Humahantong na ako sa pagdududa sa mga sinasabi sakin ni Rozen.

    Gusto ko bumalik iyong dating siya. Yung hindi ako matiis. Yung laging ako ang pinipili. Noong una ay akala kong nakabalik na siya, pero ngayong iniwan niya ako ng ganito, hindi ko na alam.

    Siguro nga ay nagbago na siya. At nagsisisi ako dahil binigyan ko pa siya ng pagkakataong kumawala.

    Kaya hinayaan ko siya. Kung kami, kami talaga. Nasabi niyang mahal niya ako at nalinaw ko sa kanyang mahal ko rin siya. At sana ay maayos niya na ang gulong pinasukan niya kay Elle. Sa ngayon, kahit mahirap, maghihintay na lang muna ako hanggang maayos ang lahat.

    Dumating ang second sem at ito na ata ang pinaka busy na semester ko. Preparation para sa graduation at tatlong pinakamabibigat na subjects na hahatol sa akin. Meron pang inaalok na advance work ang parents ko saking tinanggap ko naman.

    Nag ti-text sakin si Rozen. Noong birthday ko, nagpadala siya ng sangkaterbang gift pero hindi siya nagpakita.

    Rozen:
    Kumain ka na.

    Ayan na naman ang mga text niyang miss na miss ko na. Bakit? Bakit hanggang text na lang ngayon? Bakit?

    “Shit!” Malutong na mura ni Noah isang araw nang pinuntahan niya si Wade sa school at binisita na rin ako.
    “Oh, bakit?” Bago pa niya ako nasagot ay may biglaang humalik sa kanya sa labi.
    “What the-” Siniil noong babaeng pamilyar sakin ng halik si Noah.

    Gulat na gulat si Noah habang hinihigit ako para pumagitna sa kanya at sa babae.

    “Stop following me, Megan!”
    “Oh? Bakit? Anong problema sa pagsusunod ko, Noah?” Tumaas ang kilay ng babae.

    Megan. Ito yung nakita ko noon pa. Ang weird na babae!

  • Kabanata 44Open or Close

    Kabanata 44
    Pakiusap

    “Oh? Bakit? Anong problema sa pagsusunod ko, Noah?” Nakataas ang kilay ni Megan sa kay Noah.
    “You’re a stalker. Desperate girl.” Walang pusong utas ni Noah.
    “So what if I am?” Nilingon ako ng babae.

    Agad akong hinila ni Noah palayo sa babae.

    “Mahal mo ako, eh. Alam ko yun.” Confident na sigaw nung babae kay Noah.

    Umiling si Noah at nagpatuloy sa paghila sa akin.

    “Noah.” Tawag ko nang narealize na limang minuto na lang ay may pasok na ako.
    “Hmm?” Medyo naiirita pa siya dahil kay Megan.
    “May pasok na ako.” Sabi ko.
    Tumango siya at kinalas ang kamay na nakahawak sakin, “I’m sorry.”
    Ngumisi ako at umiling. “Mukha ngang patay na patay yung Megan sayo, ah?”
    “Ayoko sa kanya. I hate her, Coreen.”
    “Huh? Bakit?”
    “I just… hate her. Masyadong nakakawala ng respeto ang paghahabol niya sakin. I want her gone.” Sumulyap siya sakin.

    Nanliit ang mga mata ko sa titig niya.

    “Ano?” Nagtataka kong tanong.
    “I wonder if you can help me.” Nilagay niya ang kamay niya sa kanyang baba.
    “How?”

    Syempre, kahit ano, papayag ako para kay Noah. Unlike Rozen, hindi ako tinalikuran ni Noah. Sumakit na naman ang dibdib ko habang naiisip si Rozen. Naiisip ko na naman iyong pag alis niya. Ang pag pili niya kay Elle.

    Kung mahal niya ako ba’t niya ako iniwan doon?

    “Wala na naman si Rozen, hindi ba?”

    Hindi ako kumibo. Hinintay kong matapos siya sa kanyang ideya. Ngumisi si Noah. Isang ngising kailanman ay hindi ko pa naaninaw na ginamit niya.

    “He’s probably dead in her arms.” Matabang kong sinabi.
    “Okay, then how about you pretend to be my girl, Coreen?”
    “Ha? NO!”

    Diretso ang sagot ko dahil masyado akong maraming rason.

    Una, ganito ang nangyari samin ni Rozen at natatakot akong may mahulog saming dalawa. Alam kong hindi ako yun dahil wala akong lakas na mainlove ngayon bukod sa punyaterang Elizaldeng iyon (na hindi ko tatanggapin once mag makaawa siya sa akin in person). Pangalawa, ayokong manloko ng tao. Pangatlo, ayokong… shit! Kasali ba talaga ito sa rason?

    “Pero kasi, Noah…”
    “Ayaw mong magselos si Rozen at isipin niyang tayo na naman?” Inunahan niya ako sa gumugulo sa isipan ko.

    Pinisil ko ang kamay ko bago siya tuluyang tinitigan.

    “Eh kasi…”
    “Oh come on, Coreen! Ilang beses ka niyang sinaktan? Gusto mo ako ang mag bilang? It’s time you make him jealous!”
    “Pero kasi-“
    “Anong kasi? Look.” Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko.

    Napatingin ako sa kamay na nakahawak doon.

    “I know you know how much I love you.” Seryoso niyang sinabi.

    Napalunok ako doon. Hindi ko alam kung anong idudugtong ko.

    “Pero gaya ng sabi ko, hindi kami pareho ni Rozen na pinagpipilitan-“
    “Hindi na nga ganyan si Rozen! Hinahayaan niya na ako ngayon, hindi ba?” Medyo iritado kong pangatwiran.
    “Okay, fine, Coreen. Hahayaan kita kay Rozen kasi alam kong kahit anong baliktad ko sayo ay wala ka ng maibibigay sakin. And you know what? Kung iniingatan mo si Rozen, ako hindi. Kasi naiirita ako sa kanya. Naiinis ako kasi pinapabayaan ka niya.”

    Napayuko ako sa sinabi ni Noah. Medyo nasampal ako doon sa linya niyang iyon, ah?

    “But here’s my point. Twing tatakbo ba pabalik si Rozen ay agad mo siyang tatanggapin? Pagkatapos ng ilang taon niyang pagkawala, agad mo na lang siyang tatanggapin?”
    “I’m not in the place to play hard to get, Noah. I pushed him away-“
    “THAT WAS A LONG TIME AGO, Coreen! Nag makaawa ka sa kanya last March. Ilang beses ka niyang sinaktan. At sa huli niyong pag uusap? Iniwan ka pa niya!” Nakita ko ang galit sa mukha niya.
    “Listen, Noah-“
    “No, you listen to me, Coreen o walang mangyayari sa inyo ng kapatid ko.”

    Hindi ako kumibo at hinintay ko ulit ang sasabihin niya.

    “I need this. I need you to pretend as my girl. And you’ll need this to threaten Rozen. At ayaw ko ng tuwing na ti-threaten siya ay agad kang bibigay. Pahirapan mo. At sa oras na pakiramdam mo’y okay na, you can tell him about the truth.”

    Hindi parin ako umimik.

    “I don’t know, Noah.”

    Napatalon ako nang narinig ko ang bell. Shit! Late na ako.

    “Talk to you later, soon, pag isipan mong mabuti.”
    Bumuntong hininga ako at tumango bago umalis.

    Kaya buong paglalakad ko papuntang classroom, iyon lang ang naging laman ng isip ko. Noah’s pretend girlfriend? Years ago, I would trade my life for this. Pero ngayon, nag aalinlangan pa ako para lang sa nararamdaman ni Rozen.

    Hey, wait a minute. Bakit ko ba iniisip ang nararamdaman niya eh hindi nga niya ako iniisip? Iniwan niya ako sa ere! Iniwan niya ako doon at pinili niya ang lintek na Elle na yun.

    Napatalon ako nang nakita ko si Elle sa labas ng classroom ko pagkatapos ng klaseng iyon. Doom’s day na ba at bakit ang daming sumusulpot ngayong araw na ito? Umilag ako sa tinatayuan niya pero sinundan niya ako.

    “Coreen, pwede ba tayong mag usap?” Marahan niyang tanong.

    Kumunot ang noo ko at humalukipkip. Ni hindi ko na nakakausap sina Kristen, Ivy, at Trina para lang maiwasan si Elle at Rozen.

    “Anong pag uusapan natin?” Tanong ko.
    Pumungay ang mga mata niya.

    Ngayon ko lang napansin. Medyp naging stressed out ang kanyang mukha. Hindi tulad noon na laging jolly at everyday happy. Ngayon ay parang namatayan siya. Hindi naman ito ang unang pagkakataong nagkasalubong kami sa loob ng dalawang buwan pero ngayon ko lang siya nakaharap ng ganito.

    “I want us to talk about Rozen.” Aniya.

    Tumaas ang blood pressure ko sa sinabi niya. Kahit na nakakaawa na ang mukha niya ay medyo nabanas ako kaya hindi ko na napigilan ang masasamang salita ko.

    “Bakit pa natin siya pag uusapan? Na sayo na, hindi ba? Edi sayo na.” Matabang kong sinabi.

    Lalagpasan ko na sana siya pero pinigilan niya ako.

    “Please, Coreen. Let’s talk.”

    Bumuntong hininga ako sa pakiusap niya. Hindi ko alam kung papayag ba ako o hahayaan na lang silang dalawa.

    “Ikaw ang pinili ni Rozen. Hindi mo ba nakita? He told me he’s sorry!” For Pete’s freaking sake!

    Napalunok siya sa medyo mariin kong mga utas.

    “May itatanong lang naman ako.” Aniya.
    “Okay then. Fire the question.” Sabi ko at tinaas ang kilay.

    Alam kong mali na tarayan siya pero hindi ko maiwasan. Masyado akong bitter sa nangyari.

    “Nag co-communicate pa ba kayo?”
    “Hindi.”
    “I mean, n-nag titext ba siya sayo?” Tanong niya.

    Hindi ako nakasagot agad. Oo, nag ti-text siya. Pero isa itong nakapagtatakang tanong.

    “Bakit? Anong meron kung mag text siya?” Tanong ko pabalik.

    Yumuko siya at umiling. Hindi siya kumibo.

    “Coreen, alam kong matagal na kayong magkakilala ni Rozen.”

    Tinitigan ko lang siya habang nagsasalita. Nakita kong namuo ang mga luha sa gilid ng kanyang mga mata.

    “Alam kong matagal ka na niyang gusto. Sinabi niya sakin sa gabing iyon.”

    Mariin kong kinagat ang labi ko. Saan patungo itong mga sinasabi niya?

    “Pero… may Noah ka naman hindi ba? Hindi ba si Noah ang gusto mo?”

    Nalaglag ang panga ko sa pagkabasag ng kanyang boses.

    “Isa-isa lang, Coreen. Pwede bang iba na lang, wa’g lang si Rozen.”

    Nilipad na talaga ng hangin ang panga ko. Hindi ko na matikom ang bibig ko sa sobrang pagkabigla.

    “M-Marami akong kilala, y-yung medyo hawig niya… M-Marami akong kilala. May pinsan akong kasing tangkad niya…” Tumulo ang kanyang luha.

    Ganun parin ang reaksyon ko.

    “Please, Coreen, sa akin na lang si Rozen. Mahal na mahal ko siya. Hindi ko kayang maagaw siya sakin.”

    Unti-unti siyang lumuhod sa harapan ko habang umiiyak. Pinagtitinginan na kami ng mga estudyanteng dumadaan.

    “Oh shit! Stand up, Elle!” Sigaw ko.
    Umiling siya, “Hindi ako tatayo hanggang di mo pinapaubaya si Rozen sakin. Please!”

    Tinulungan ko siya sa pagtayo. Hinila ko siya.

    “Uy, ano yan? Inaway ni Coreen? Hala! Anong nangyari?”
    “Ang sama ni Coreen. Ba’t nakaluhod si Leonore?”
    “Hala. Kawawa naman si Leonore. Pinagkaisahan ba siya ni Coreen?”

    Marahas ko na siyang hinila pero umiiling at umiiyak siyang nagmamatigas at ayaw paring umahon.

    “SHIT! Tumayo ka!” Sigaw ko.

    Bahala ka dyan! Umamba akong umalis pero hinila niya ang paa ko.

    “Ano ba, Elle!? Nababaliw ka na ba!? Wa’g mo nga akong pahiyain ng ganito!” Sigaw ko.
    “Please, Coreen.” Humagulhol siya sa harapan ko.

    Mariin kong kinagat ang labi ko. Narinig ko na naman ang bulung-bulungan ng mga tao.

    “Grabe! Kawawa naman si Elle. Anong ginagawa ni Coreen?”
    “Binubully ata.”

    Tumingin ako sa paligid para hanapin ang source ng nakakairitang nag uusap. Kaya lang tikom ang bibig ng mga tao. Lumuhod ako at hinarap ang humagulhol na si Elle.

    “Bakit ka makikiusap sa akin, ha? Eh nasa sayo na siya, diba? Ikaw ang pinili niya! Nakita mo ba kung paano niya ako iniwan?”

    Wala siyang imik. Umiyak lang siya nang umiyak kaya wala akong nagawa kundi…

    “Fine! Whatever! He’s all yours Elle! Just stand the fuck up.”

    Binitiwan niya ang binti ko kaya nakawala ako. Hindi ko na siya hinintay na tumayo. Agad na akong umalis.

    May pakpak ang balita, agad itong lumipad sa lahat ng sulok ng paaralan.

    “Si Coreen pinaluhod si Elle kanina. Kawawa naman si Elle.”

    Napangiwi ako sa iba’t-ibang bersyon nito.

    “Coreen!” Medyo naiilang akong tinawag ni Kristen nang nagkasalubong kami.
    “Hi!” Bati ko kahit alam kong narinig na nila ang balita.
    “Anong nangyari? Inaway mo daw si Elle. At dahil yun kay Rozen?”

    Natigilan ako. Ito lang ata ang muntik ng tumama sa lahat ng mga tsismis.

    “Hindi ko siya inaway.” Nagpatuloy ako sa paglalakad.

    Sinundan nila ako.

    “Kung ganun, bakit siya nakaluhod at umiiyak sayo?”
    “Coreen!” Tawag ni Trina. “Iniiwasan mo ba kami? Ano bang nangyayari?”

    God, I miss Reina! Ilang buwan na lang uuwi na iyon pero parang mas lalong tumatagal ang panahon. I miss our friendship.

    “Hindi ko siya inaway.” Simple kong sinabi sa kanila.
    “They said you were desperate. Na gusto mo si Rozen kaya inaway mo si Elle.” Nagkatinginan silang tatlo.

    Hindi ko na alam kung ilang beses tumaas ang altapresyon ko sa araw na ito.

    “Talaga? Sinong nagsabi?”
    “Y-Yung mga taong nakakita?” Sabi ni Kristen.
    “You should ask Elle. Nagdiriwang na iyon ngayon. Pinaubaya ko na si Rozen sa kanya. What’s wrong with you people. Mukha ba akong ganun ka desperada?”

    Ilang beses akong sinaktan ni Rozen. Ilang beses akong naghirap. Tama si Noah. Sa oras na aamba ng pagbalik si Rozen sa akin, papahirapan ko siya ng todo.

    Kinuha ko ang cellphone ko at nitext si Noah.

    Ako:
    Alright. Pero saka lang pag nandyan si Megan. Deal.

  • Kabanata 45Open or Close

    Kabanata 45
    Endless Chase

    Nagmamadali akong lumabas sa school sa araw na iyon dahil masyadong umalingawngaw ang balitang inaway ko si Elle. Naiirita ako at pag naririnig ko ang tsismis ay gusto ko na lang kalbuhin yung mga nagsasalita.

    Hindi ako nagpasundo dahil masyado na akong nagmamadali. Napagdesisyunan kong pumara nang taxi malayu-layo sa school nang sa ganun ay wala na akong marinig na tsismis.

    Sumakit yung paa ko sa kakalakad nang nakarating na ako sa lugar kung saan ko naisipang pumara ng taxi. May nakita akong isa. Papara na sana ako nang biglang sumulpot sa harapan ko ang sasakyan ni Rozen.

    True. Parang nalusaw ang nararamdaman ko. Ang saya ko. Kaya nga bwisit na bwisit ako dahil sa lahat ng pinaggagawa niya, nababaliw parin ako pag nagpapakita siya sakin.

    “Anong ginagawa mo dito?” Galit ko siyang tinuro nang bigla siyang lumabas.

    Hindi siya umimik. Hinigit niya ang braso ko at binuksan ang pintuan ng sasakyan niya.

    “Bit…” Halos bigwasan ko siya sa ginawa niya. “tiwan mo nga ako!”
    “Let’s go!” Aniya saka tinulak ako papasok sa sasakyan niya.

    Hindi naka open-mode ang BMW niya ngayon kaya nang ni lock niya ang buong sasakyan, wala akong nagawa kundi ang hampasin ang pintuan.

    “BWISIT!” Sigaw ako ng sigaw habang pinagmamasdan siyang umikot para pumasok sa driver’s seat.

    Tumigil ako sa paghampas ng pintuan dahil alam kong useless naman iyon. Pinanood ko siyang umupo at sinarado ang pintuan ng sasakyan. Agad naman niyang pinaharurot ito.

    “Ano ba?” Sinigawan ko siya.
    “Ba’t ka nandito? Hindi ba dapat si Elle ang kasama mo?” Hinampas hampas ko ang braso niya sa sobrang inis.

    Kahit na iritadong iritado ako, nandyan parin ang saya na nararamdaman ko. Ang saya ko dahil magkasama ulit kami. This is not good. I need to take Noah’s advice. Hindi pwedeng bibitiwan niya ako at pupulutin kung kailan niya gusto.

    Sinabi niyang mahal niya ako pero hindi niya iyon mapanindigan. Kailangan kong makita iyon, maramdaman. Prove it to me, Rozen.

    “Ba’t siya ang kasama ko?” Tanong niya habang nakatoon parin ang atensyon sa kalsada.

    Hinampas ko ulit ang braso niya. Gusto ko siyang saktan, physically, emotionally, whatever basta masaktan ko lang siya. Gusto kong ibuhos lahat ng hinanakit ko sa kanya.

    “Pinili mo siya, diba? Iniwan mo ako sa gabing iyon tapos di ka na nagparamdam?”
    “Anong hindi? Ilang beses ako sa isang araw nag ti-text sayo?”

    Kinurot ko ang gilid niya at hinampas ko ulit siya.

    “Aray!” Kumunot ang kanyang noo at umangat ang kanyang labi. “Ang sakit!” Hinaplos niya ang gilid niya.

    Isang kamay na lang ang nakahawak sa manibela habang iniinda niya ang sakit.

    Ngumuso ako dahil narealize kong masyadong malakas ang pagkakakurot ko. Gusto kong ngumisi pero pinigilan ko dahil dapat galit ako sa kanya ngayon.

    “I freaking hate you! Ba’t ka pa nagpakita? Sana dun ka na lang kay Elle!” Untag ko.
    “Ano? Akala ko ba mahal mo ako.”

    Nanliit ang mga mata ko sa sinabi niya.

    “AKALA KO RIN MAHAL MO AKO!” Inirapan ko siya.
    “Mahal naman kita? Pinagdududahan mo parin yun hanggang ngayon?”
    “Shit! Kung mahal mo ako ba’t mo ako iniwan nung gabing iyon, ha?”

    Parang kinukurot ang puso ko sa tanong kong iyon. Sana mabasa ko ang utak niya. Sana alam ko lahat ng rason kung bakit ganun ang ginawa niya.

    “I chased her because I want to her to let me go, Coreen.” Seryoso niyang sinabi.

    Pero… iniwan mo parin ako. Humalukipkip ako at tumingin sa labas. The reason is not enough. Kasi noon, ako lang talaga. Magiging harsh siya sa lahat ng tao sa paligid para sakin. Hindi niya na kailangan ng permiso ng ibang tao para piliin ako.

    “Wala siyang ginawa kundi ang mahalin ako. Pinaasa ko siya.”
    “Ang dami mo ng pinaasa, ngayon ka pa ba ma gi-guilty?” Tanong ko kahit ang mga sasakyan sa labas ang tinitignan ko.

    Ilang sandali pa bago siya nagsalita. Nipark niya sa harapan ng isang fountain ng 5-star hotel ang kanyang sasakyan. Anong gagawin namin dito? I don’t know. Bahala siya sa buhay niya.

    “Nakikita ko ang sarili ko sa kanya.”

    Natulala ako sa sinabi niya.

    “The way she loves me? Ganun ako. Yung mga kaya niyang gawin, ganun ako. Yung kaibahan lang namin ay madaya akong maglaro. It makes me wonder, kung hindi ako nandaya sa inyo noon ni Noah, mamahalin mo kaya ako?” Nabasag ang boses niya.
    Napalingon ako sa kanya.

    Hindi ko alam ang sagot. Maging ako, walang maisagot. Nag iwas ako ng tingin.

    “Ba’t tayo nandito?” Tanong ko.
    Napabuntong hininga siya, “I wanna date you.”

    Halos matawa ako sa rason niya. Sapilitan niya akong pinapunta dito. Kahit kailan talaga, madaya siya.

    “Let’s go.” Lumabas agad siya sa sasakyan at pinagbuksan ako.

    Umihip ang malakas na hangin habang tinititigan niya ako at naghihintay sakin ang nakalahad niyang kamay. Nakakalasing ang titig niya. Iyong tipong ako lang talaga ang kaya niyang titigan ng ganito. Pero tuwing iniisip ko si Elle, bumabaliktad ang sikmura ko.

    Naaalala ko iyong nakita ko sila sa fastfood. The way he looked at her? Parehas ba iyon sa titig niya sa akin ngayon? Kahit siguro anong sabihin niya saking hindi niya mahal si Elle, o ako ang mahal niya, parang hindi maalis sa sistema ko ang pagdududa. That it wasn’t just me… dalawa kaming minahal niya. At naiirita ako dahil ang selfish ko. Dalawa din silang minahal ko. Siya at ang kapatid niya.

    Hindi ko tinanggap ang nakalahad niyang kamay. Humalukipkip ako at tumayong mag isa.

    Sabay kaming naglakad sa restaurant. I should remember Noah’s advice, na pahirapan ang isang ito. Gaya ng sabi ko, hindi pwedeng pulutin niya lang ako kung kelan niya gusto at bitiwan tuwing kaya niya.

    Umupo ako agad sa isang table at tinignan iyong menu.

    “Garden Salad tsaka pineapple juice.” Diretso kong sinabi sa waiter.
    “Okay po.” Aniya.

    Nakita kong sumimangot si Rozen sa order ko. Tinaas ko na lang ang kilay ko at uminom ng tubig. Pagkatapos niyang mag order ay agad ko siyang binanatan.

    “Bakit ka naman nakikipagkita sa akin? Ba’t di si Elle?”
    Tumikhim siya, “Ba’t si Elle?”
    “Ba’t ngayon ka lang nagkakaganito? Ba’t noon pinapabayaan mo lang ako?”
    “Anong pinapabayaan? Nititext kita. At alam ko kung anong mga ginagawa mo.”
    “WHAT?” Nanliit ang mga mata ko.

    Alam niya kung anong ginagawa ko?

    “As long as hindi ka naman nag eentertain ng lalaki, hindi na muna kita guguluhin. Nakiusap si Elle sakin na layuan ka muna hanggang sa magkausap kayong dalawa. Pero kita mo? Hindi ko kaya! Text ako nang text sayo! I told my self na dapat seryosohin ko yung pakiusap ni Elle kasi nasaktan ko siya. Napaglaruan ko siya. Naawa ako sa kanya kaya napaasa ko siya. Pero hindi ko magawa iyon. Hindi ko kayang tigilan ka simula nung gabing iyon.”

    Umirap ako.

    “Iyon ang sinabi ni Elle?”
    “Oo. Hindi ba nag usap na kayo kanina?”

    Hindi ko alam kung paano niya iyon nalaman. Kung dahil ba sa mga tsismis o may galamay siyang nag report sa kanya na nagkausap kami ni Elle.

    “Oo. Nag makaawa siya sakin na i give up kita sa kanya. Syempre, pinagbigyan ko na. Anong halaga ng taong, in the first place ay hindi ako pinili, diba?”

    Nakita kong kumuyom ang panga niya. Nagkatitigan kami. Nakakunot ang kanyang noo habang nakataas naman ang isang kilay ko.

    Dumating ang order. Binalewala ko ang galit na nakita ko sa mukha niya at nagsimulang kumain.

    “Nakiusap siya sayo?” Nagtanong siya habang sinusubo ko ang pagkain. “Yun ang pinag usapan niyo?”
    “Of course! Why? Anong iniisip mo? Na inaway ko siya kasi lumuhod siya sa harap ko?” Umirap ulit ako.

    Umiling siya at tumikhim.

    “And why did you give me up?”

    Padarag kong binitiwan ang mga kubyertos bago ko siya sinagot ng mariin.

    “Because you gave up on me. Iniwan mo ako ng gabing iyon.”
    “Oh stop being bitter about it, Coreen! I told you, sinundan ko siya dahil naawa ako sa kanya.”
    “At hindi ka naawa sakin?” Matabang kong utas.
    “I told you I love! Na ikaw lang noon, hanggang ngayon. Ikaw lang mag isa! Hindi ko inakalang makikita niya tayong dalawa na ganun. Ilang buwan ko siyang pinaasa, I felt guilty about it kaya kinailangan kong sundan siya para humingi ng tawad.”

    Tumayo ako para mag walk out. I don’t know why but I’m really, really pissed. Hindi ko mahanap sa mga rason ko kung bakit hindi iyon enough na rason.

    Siguro ay dahil na rin sa masyadong naantala ang lahat ng ito. Naantala lahat dahil dumating si Elle at hindi ko iyon matanggap. Hindi ko matanggap na may isang pagkakataon na hindi niya ako pinili. That was it.

    Tumayo din siya at pinigilan niya ako sa pag alis.

    “Nung bumalik ako, I saw you and Noah hugging.”

    Napalunok ako sa sinabi niya.

    “Sabihin mo, Coreen… tingin mo ikaw lang ang nakakaramdam ng selos. Bullshit! Sobrang selos din ang naramdaman ko nun. Na pagkatapos nating maghalikan ay kayakap mo siya-“
    “Wa’g mong ibaling sakin ang kasalanan! Kung hindi mo ako iniwan nun edi sana tayo ang magkayakap!” Sigaw ko.

    Nakita kong nanlaki ang mga mata niya.

    “Bakit ka may second option? Bakit ka may fall-back? Na pag wala ako, may nakareserba kang isa? Bakit? Ako! Kahit kailan wala-“
    “Anong wala? May Elle ka! Hindi ako bulag!”
    “Bullshit! Kung may iba akong mahal, wala ako dito para magpakabaliw ulit sayo! Come on, Coreen. Let’s end the chase. Stop being heartless.”

    Binawi ko ang braso ko at tinaas ang kilay.

    Ilang buwan na rin ang nasayang ni Rozen. Nagmakaawa na ako sa kanya, sinaktan niya lang ako. Noah’s right. I shouldn’t just spread my arms tuwing tatakbo siya pabalik sakin. Hindi pwedeng pupulutin niya lang ako kung kelan niya gusto.

    “No, Rozen. I still think may iba ka ng mahal. Kasi ang Rozen na kilala ko, ako lang talaga, ako ang pinipili. Sa lahat ng pagkakataon. Yes, we will end the chase. So stop chasing me and go back to Elle.”

    Yung pagiging bitter ko ata ang nagsasalita. But never mind, if he really is still my Rozen, he will not give up. This is my last chance. I want my Rozen back. I will have him if he really wants me.

    “Fine!” Sigaw niyang bigla.

    Napatingin ako sa mga tao sa paligid na nakatingin narin pabalik sa amin. Anong fine? Fine? Babalik na siya kay Elle. Napalunok ako.

    “Fine, Coreen.” Humakbang siya palapit sa akin.

    Umangat ang labi niya at tumindig ang balahibo ko sa ngisi niyang iyon.

    “Hindi ko alam kung bakit tinaboy mo ako noon para magbago ako gayung iyon parin pala ang gusto mo. You want my chase? I will chase you endlessly until you give in.”

    Parang yelong natunaw ang binti ko. Kinailangan ko pang kurutin ang sarili ko para lang mapanatili ang sinusumpa ko noong papahirapan ko siya.

  • Kabanata 46Open or Close

    Kabanata 46
    Mahal Ko Rin

    Mabilis na nagdaan ang mga araw. Hindi kami masyadong nagkikita ni Rozen sa school. Alam ko namang busy siya at busy rin ako kaya hinayaan ko iyon. Naging busy din ako sa paminsan minsan na pagtatrabaho ako sa banko na pinapasukan ni mommy.

    “Hey…”

    Napatingala ako sa kinauupuan ko sa banko. Naaninag ko ang nakangising mukha ni Noah habang nakasandal siya sa table.

    “Uy!” Utas ko sabay hawi sa buhok ko.

    Tumawa siya.

    “I need you tonight.” Biglaang nag seryoso ang mukha ni Noah.
    “Hmm? Bakit?”
    “Remember the deal? Tutugtog kami ngayon sa Tilt. Eh nandun si Megan.”
    “Noah, kailangan ba talaga ‘to? I mean…”

    Bumabaliktad ang sikmura ko tuwing iniisip ko iyong deal namin, eh.

    “You’ve seen how that girl does it. Hinalikan niya ako in broad daylight, Coreen. Noong highschool pa tayo, alam mo kung anong ginawa niya?”

    Tumaas ang kilay ko. Ito ang unang pagkakataong nakita ko si Noah na hysterical.

    “Ano?” Tanong ko.
    “Naghubad siya sa harap ng mga tao. Underwear niya lang ang natira at ang nakalagay sa underwear niya?”
    “Anong nakalagay?” Tanong ko habang niaarrange ang tinrabaho ko kanina.

    Malapit na ang out ko kaya hindi na masyadong busy.

    “Eat me, Noah, please.”
    “WHAT?”

    Nagulantang ako sa sinabi ni Noah. Tumango siya. Ang dami kong gustong sabihin pero wala akong nagawa kundi tumawa.

    “Yes, Coreen. Now. Please lang, kung ayaw mong mapahiya ako o ano, please…”

    Napakamot ako sa ulo. Nagkatitigan kami. Binigyan niya pa ako ng nagmamakaawang ekspresyon. Ako naman, wala akong ipinakita kundi ang pag tutol.

    “Coreen, minsan lang ako humingi sayo ng pabor sayo. Please. If you’re worried about Rozen, you can tell him, then. I’m sure he’ll understand. Nakita niya yung babaeng yan in her prime years…”

    Ngumuso ako. Gusto kong tumawa. Magkaiba talaga ang magkapatid na Elizalde. Noah thinks Rozen will understand this. I don’t think so… Hindi niya maiintindihan kung bakit ko ito ginagawa kahit pa sabihin kong tinutulungan ko lang si Noah.

    “Sigurado ka bang hindi siya lalapit sayo pag nandyan ako?” Tanong ko.
    “I don’t know. Pero kung magpapanggap ka, she’ll probably back off. Please, Coreen.”

    Nagkatinginan ulit kami. Humugot ako ng malalim na hininga bago tumango kay Noah.

    “Alright.”
    “Yes! Thanks, Coreen! You’re the best!” Tapos niyakap niya ako.

    Hinatid ako ni Noah sa bahay para makapagbihis. Pinili ko ang puting dress para ngayon. Uupo lang naman siguro ako doon at manonood kina Noah. At pag nandyan si Megan, magpapaka sweet ako sa kanya.

    “I will introduce you to her. Tamang tama ka kasi palaban ka. She’ll back off kung ganyan.” Ani Noah habang nagdadrive kami patungong Tilt.
    “Kung marami na siyang kabulastugang ginawa noon para sayo, I don’t think she’ll give up now.”
    “Nagbabago din ang mga tao, Coreen. Maaring nagawa niya ang sobra sobrang kabulastugan noon dahil hindi pa siya mature. Ngayong nag mature na siya, hindi na naman siguro niya gagawin yun.”

    Maganda si Megan. Maputi, makinis, medyo umiksi ang buhok na may bangs at chinita. Para siyang yung napapanood sa TV na mga koreana sa mga koreanovela. Medyo payat din siya at soft ang bawat features. Hindi ko inakalang nakaya niyang mag strip at ang soot lang ay mga underwear na may nakalagay na ‘Eat me, Noah, please’. My God!

    It’s nice to know na hindi pala talaga ako yung ultimate fan ni Noah noon. Kung ako ay medyo bulgar sumuporta, may isa pa palang mas bulgar at mas desperada.

    Pumasok kami sa Tilt. Hindi pumalya si Noah. Agad kong naaninag si Megan sa mga babaeng nasa harapan. Pareho kaming naka heels pero mas matangkad parin ako sa kanya. Nakangisi na siyang nakatingin kay Noah kaya agad akong inakbayan ni Noah.

    “She’s coming.” Bulong ni Noah sa akin.

    Dumiretso nga si Megan sa amin.

    “Hi Noah!” Bati niya na para bang hindi ako nakikita.
    “Hello.” Paglalaro ko.

    Bumaling siya sakin tsaka ni head to foot ako.

    “Coreen Aquino!”

    Nabigla ako nang binanggit niya ang pangalan ko. Sabagay, naalala ko iyong nasa CR kaming dalawa at may cryptic message siyang sinabi sa akin. Naglahad siya ng kamay.

    “I’m Megan.”
    “Hi Megan. Kilala mo na pala ako. Ibig sabihin alam mo rin na girlfriend ako ni Noah?” Tinaas ko ang kilay ko sa kanya.
    “Oh!” Lumipad ang kamay niyang nakalahad sa kanyang bibig.
    “Yes, Meg. Matagal na kami.” Ani Noah.
    “Really? May naka tiis sa pagiging suplado mo bukod sakin?” Humagalpak sa tawa si Megan na para bang hindi natitinag.
    “Actually, iyon nga ang nagustuhan ko sa kanya. Yung pagiging suplado niya.”

    Nagkatinginan kami ni Noah. Nakita kong ngumiti siya.

    “Pareho pala tayo!” Confident na sinabi ni Megan. “So, ano, tutugtog na ba kayo, Noah?” Sabay kapit ni Megan sa braso ni Noah.

    Ganun? Nawindang ako dahil hindi niya man lang nirespeto ako as girlfriend kuno ni Noah.

    “Teka nga, Meg. Hindi ka pwedeng humawak sakin. Stop it.” Supladong hinawi ni Noah ang kamay ni Megan.
    “Ay.” Sumimangot si Megan.
    “Back off. Can’t you see? I already have a girl.” Sabi ni Noah.
    “Hindi ba si Coreen yung mahal na mahal ng kapatid mo? Dapat sila ni Rozen, eh. Hindi kayo.”

    Siniko ako ni Noah. Para bang kailangan kong magsalita tungkol doon kaya tinulungan ko na.

    “Well, si Noah ang gusto ko, e.” Ngumisi ako at hinila si Noah palayo sa kanya.

    Nagpatianod naman si Noah sa akin. Hinayaan niya si Noah na mapunta sakin.

    “Dapat sinabi mong wa’g na siyang manggulo satin.” Aniya.
    “Sige, next time. Hindi ko naman alam na ganun ka kapal ang mukha ng babaeng iyon.” Sabi ko.

    Tumawa kaming dalawa. Hinatid niya ako sa isang table.

    “Dito ka lang, kakanta na si Liam mamaya. Mag si-set up lang kami.” Aniya.
    Tumango ako at naghintay doon.

    Ilang sandali ang nakalipas, pinanood ko na si Megan na nandoon sa harap, kasama ang mga fan girls ni Noah. Mukha pa atang nag pagawa siya ng tarpaulin na puro mukha lang ni Noah. Umiling ako at hindi ko mapigilang ngumiti. Nakita kong badtrip na badtrip si Noah sa nangyayari.

    “A-Anong order mo?”

    Napatingin ako sa babaeng biglaang nagsalita. Nakita ko si Elle. Ang dating masiyahing si Elle ngayon ay medyo seryoso at malungkot na.

    “Uhm, pineapple juice.” Sabi ko.
    “Okay.” Tsaka tinalikuran ako.

    Sinundan ko siya ng tingin. Nang nakalapit na siya sa bar ay nakita kong lumagok siya ng tatlong shots ng hindi ko alam kung anong inumin iyon bago niya kinuha ang order ko tsaka hinatid sa table.

    “Elle.” Tawag ko nang paalis na sana siya.
    “Ano?” Medyo iritado niyang tanong.
    “Sorry.” Sabi ko.
    “Para san?”
    “Para sa ginawa ni Rozen sayo.” Sabi ko. “He’s always been like that.”

    Hindi ko na dinugtungan dahil umawang na ang kanyang bibig na para bang may sasabihin. Pero imbis na sabihin niya iyon sa akin ay umalis na lang agad siya.

    Hindi na naalis ang tingin ko kay Elle. Nakita kong nakaupo na siya ngayon sa high chair ng bar habang kinakausap ang lalaking bar tender. Sumusulyap sulyap pa ang bartender sa akin na para bang ako ang pinag uusapan nila. Lagok nang lagok si Elle ng inumin.

    Hindi ko na nasundan ang mga tinugtog nina Noah. Hindi ko talaga maiwasang pagmasdan si Elle na naka pangalumbaba na ngayon at marami ng nainom. Nakita kong nanginig ang balikat niya. Tinahan siya ng bartender at sumulyap ulit ang bartender sa akin.

    Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Tumayo na ako at dumiretso sa kinauupuan ni Elle.

    “Oo. Ang tanga tanga ko! Pinagpilitan ko ang sarili ko sa kanya! Pero andun na, eh! Ngumingiti na siya tuwing magkasama kaming dalawa! Kahit na alam kong may kulang, sumugal ako.” Umiiyak niyang kwento sa bartender.
    “Shhh… Elle. Tama na.”
    “Alam mo yun. Hindi pa siya regular na nagpaparamdam! Madalas isang beses sa isang buwan lang nag titext. Kaya pinilit ko ang sarili ko sa kanya. Damn it! Nandun na talaga.”
    “Elle.” Hindi ko alam kung bakit ako nandito.

    Pero nagi-guilty talaga ako sa ginawa ni Rozen. Kahit na wala naman dapat akong ika guilty dahil si Rozen naman talaga yung puno’t dulo ng lahat.

    Napatalon si Elle nang narinig akong magsalita.

    “ANO?” Iritadong tanong niya. “Nandito ka ba para pagtawanan ako sa ginawa kong pagmamakaawa sayo?”
    “Hindi, Elle. Talagang nag so-sorry ako. Ganun talaga si Rozen. Wala yung pakealam kung sino ang sinasaktan niya. Kahit ako sinasaktan nun eh.”

    Humagulhol si Elle. Tinitigan niya ako gamit ang mga mata niyang punong puno ng luha. Shit! In love na in love talaga siya kay Rozen. Ang lalaking iyon talaga!

    “Alam mo, Coreen? Wala akong pakealam kung saktan niya ako paulit-ulit basta ako lang yung piliin niya. At ikaw?” Tinuro niya ako.

    Natigilan na yung ibang waitress at waiter para tignan kaming dalawa. Habang ang mga nasa loob naman ng bar ay maingay sa hiyawan dahil sa banda nina Noah.

    “Ikaw? Pinaubaya mo na siya sakin, diba? Tapos ngayon? Bakit di siya nagpaparamdam? Ang daya mo, may Noah ka na, may Rozen ka pa! Bwisit!”

    Pakiramdam ko lumamig ang mukha ko sa sinabi ni Elle. Hinigop ng utak ko ang mga dugo sa mukha ko.

    “Alam mo, Elle? Useless din kasi ang pag papaubaya ko sa kanya sayo, eh. Hindi naman ibig sabihin nun na hindi na siya lalapit sa akin! Kung gusto mong mamalimos ng pag ibig, kay Rozen ka dumiretso. Wa’g mo akong asahan dahil hindi ko mababago ang desisyon niya.” Mariin kong sinabi.

    Kailangan niyang mamulat dito. Masyado na siyang nabulag sa pag ibig niya kay Rozen. Masyado siyang desperada.

    “Tingin mo hindi ko pa nagawa yun? Coreen, lumuhod na ako sa harapan niya! Wala siyang nagawa kundi tignan lang ako at sabihin saking ikaw lang talaga. Kaya sayo ako nagmamakaawa! Dahil alam kong si Noah ang mahal mo… Dahil alam kong iniichipwera mo lang si Rozen.”

    Napahawak ako sa noo ko. Tumayo si Elle. Inalalayan pa siya ng mga kasamahan niya dahil medyo hindi na maganda ang balanse niya. Lasing na ito. Lasing na lasing. Kaya pala nagawang sabihin lahat ng iyon dahil lasing na ito.

    “Mahal ko rin si Rozen, Elle.” Sabi ko.

    Nakita kong nanlaki ang mga mata niya. Tumigil siya sa paghikbi. Lumingon lingon siya at biglaan niyang kinuha ang isang baso ng tubig at mabilisang tinira sa akin. Napapikit ako habang umuubo. Saktong pag buhos niya ay nalanghap ko ang tubig.

    “Namamangka ka sa dalawang ilog? You’re so selfish, Coreen!” Sigaw ni Elle.
    “Tama na, Leonore.” Tawag ng kasamahan ni Elle sa kanya.

    Haharapin ko na sana siya para labanan at pagsabihan nang may biglang humigit sakin. Buong akala ko si Noah iyon. Pero hindi, eh. Naririnig ko pang kumakanta si Liam at masyadong busy pa ang mga tao sa kanila kaya hindi kami napapansin dito sa gilid.

    “Elle!” Umalingawngaw ang boses ni Rozen.

    Nasa likod niya na agad ako.

    “R-Rozen.” Gulat na utas ni Elle.

  • Kabanata 47Open or Close

    Kabanata 47
    My Chance

    “R-Rozen.”
    “Anong ginagawa mo kay Coreen?” Sigaw ni Rozen.

    Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Nakita ko sa mukha niya ang galit na hindi ko pa kailanman nakikita.

    “Rozen, m-may relasyon sila ni Noah. N-Namamangka siya sa dalawang ilog. M-Masama siya-“
    “Ano ngayon?”

    Napahawak ako sa kamay ni Rozen na nakahawak din sa akin. Alam kong medyo natinag siya sa sinabi ni Elle.

    “R-Rozen, you don’t deserve her.” Simpleng sinabi ng umiiyak na si Elle.
    “Hindi ikaw ang magsasabi kung sino ang deserving para sakin o hindi, Elle. I told you to stop this. I’m sorry. Oo, may kasalanan ako sayo. Malaki. But let it go… Nakapag desisyon na ako.”

    Napalunok ako. Napatingin si Elle sa akin. Awang awa na ako sa namumugtong mga mata niya. Tinatahan siya ng mga kasamahan niyang walang magawa kundi hayaan si Rozen na magsalita sa harap nila.

    “It’s always been her, Elle. At alam mo yun. Nung una pa lang sinabi ko na sayong may iba akong mahal. Yes, I want to get over her. Pero wala eh. If only I could, I would. Pero wala akong magagawa kung siya talaga. So don’t ever dare hurt her… kung ayaw mong ikaw ang saktan ko.”

    Tumalikod si Rozen. Hinayaan ko siya. Tumunganga lang ako sa humagulhol na si Elle. Pero narealize kong magkahawak kamay nga pala kami. Wala akong nagawa kundi ang magpatianod sa hila niya.

    “Rozen…” Tawag ko nang nakalabas na kami.

    Patay! Si Noah nasa loob pa at nandoon ang adik na si Megan! Kailangan ko siyang itext or something? Kailangan ko siyang balikan! Baka ma-rape yun ni Megan!

    “ANO?” Galit pa rin siya nang hinarap niya ako sa parking lot.
    “Si Noah kasi nasa loob pa?”
    “Anong pakealam ko kay Noah!?” Sigaw niya.
    “Eh nasa loob pa siya. Kailangan kong puntahan.”

    Hinampas niya ang pintuan ng sasakyan niya kaya napasandal ako dito. Kinulong niya ako sa gitna ng kanyang mga braso. Yumuko siya para titigan ang mga mata ko ng malapitan.

    “You are mine tonight, Coreen.”

    Tumindig ang balahibo ko.

    “P-Pero si Noah?”

    Hindi niya ako tinigilan. Patuloy siya sa pag titig. Napatingin siya sa labi ko. Kumalabog agad ng mabilis ang puso ko. Sa sobrang bilis nito, hindi ko na alam kung paano ko aayusin ang sarili ko.

    “Ano yun, Coreen?” Pabulong niyang tanong.

    Damang dama ko na ang hininga niya sa labi ko. Titig na titig parin siya sa labi ko.

    “Si N-Noah…” Marahan kong sinabi at napatingin na rin sa labi niyang bahagyang naka pout.

    Damn I wanna kiss him.

    “Ano yun?” Mas marahan niyang sinabi.

    Hindi ko na kinaya. Pumikit na lang ako at hinayaan siyang halikan ako. Ito ang halik na miss na miss ko na. Ito yung halik na mabababaw at mararahan. Hinayaan ko siyang halikan ang labi ko. Sa bawat halik niya ay naghihintay ako sa mga susunod.

    “Ano yun?” Tanong niya ulit sa gitna ng halik niya.

    Diba sabi ko magpapakipot ako? Ugh! Hindi ko na alam! Bakit nga ba ako magpapakipot? Ano nga palang problema ko at bakit hindi ko pa siya kailangang tanggapin? Ano nga yung mga nagawa niya sakin? Ilang taon nga siyang nawala? HINDI KO NA ALAM. Ang tanging alam ko ngayon ay hinahalikan niya ako at nanunuya siya. Alam niyang nababaliw na ako sa kanya kaya malaya siyang nakakagawa ng ganito.

    “Wala.” Sagot ko sa kanina niya pang tanong.
    “Good.” Aniya saka hinila ako para buksan ang pintuan ng sasakyan niya.

    Diretso ang pasok ko doon. Umikot siya at pumasok na rin.

    Damn I miss this. Miss na miss ko na ang feeling na nasa loob ng kanyang sasakyan. Miss na miss ko na siya. Ngayon lang tumama sa akin kung gaano ako kasabik sa kanya.

    “Paano si Elle?” Tanong ko sa kanya.
    “Ewan ko.” Diretso niyang sagot.

    Tinitigan ko siya ng mabuti. Walang bahid ng pag aalala sa mukha niya. Nakaangat lang ang kanyang labi tsaka diretso ang tingin sa daanan.

    “Ang sama mo talaga. Don’t you even care about her?”
    “Of course I care, Coreen.”
    “Then?”
    “Anong gusto mo? Paasahin ko na naman siya? Tama na. I have you. That’s enough for me. Everyone else is just collateral damage.”
    Hinampas ko ang braso niya. Humalakhak siya.
    “Ang sama mo talaga. Wala talagang nagbago sayo. Umiiyak yung tao. Mahal na mahal ka niya.”

    Napawi ang ngisi niya at sinulyapan niya ako.

    “I know. And I’m already sorry, Coreen. Ang tanging magagawa ko ngayon ay ang lumayo sa kanya. Kung ico-comfort ko siya, mas lalo lang siyang aasa. I’m doing her a favor.”

    Umiling na lang ako tsaka tumingin sa mga sasakyang dumadaan. I can’t believe this guy. Ganun? Ang simple lang sa kanyang sabihin! Sa bagay, noon pa man, ganyan na talaga siya.

    “Naawa ako sa kanya. And I blame myself for it. Dapat hindi ko siya pinaasa. Dapat hindi ko siya binigyan ng chance. I was just too amazed. Pareho kaming naghabol sa mga taong mahal namin. It’s not hard to like her, Coreen.”

    Napalunok ako. Ngayong seryoso ang tono ng boses niya, medyo nag sink in sakin lahat ng sinasabi niya.

    “But it’s hard to get over you.”

    Unti-unting umangat ang labi ko. Hindi ko na maintindihan ang movements ng mga kulisap sa tiyan ko. Ang gulo-gulo na nila.

    “Talaga lang, huh? Nung six months na hindi mo ako pinapansin, akala ko talaga wala na. Hindi ka ganyan noon. Hindi mo ako kayang tiisin.”

    Hindi ko maiwasang maisip ang mga panahong iyon. Dahil sa mga panahong iyon ako lubos na nahirapan. Mas malamig pa siya sa yelo. Ni hindi niya ako matignan.

    “I wanted to quit you, to get over you, to forget you. You always make me feel unwanted. At hindi kita napaibig sakin. I hated it. I hated you, Coreen. So much.”

    Hininto niya ang sasakyan sa loob ng parking lot ng isang napakalaking mall. Alas syete na ng gabi at ang dami-daming tao sa mall. Hindi ko alam kung anong gagawin namin dito.

    Ni-unlock niya ang kanyang seatbelt at tinignan akong mabuti.

    “You hated me pala. Bakit mo pa ako binalikan? Ba’t di na lang si Elle? Ba’t di na lang-“
    “Ba’t hindi ikaw? I damn love you, Coreen. Hindi ko kaya. How many times do I have to tell you that? Namulat na lang ako na mahal kita at hindi iyon tulad sa pag ibig mo kay Noah na biglaan na lang naglalaho.”

    Ngumuso ako. What if biglaang maglaho ang pag ibig ni Rozen sa oras na bumigay ako sa kanya? What if siya pala ang may gusto ng chase lang? Yung hanggang dun lang? Yung feeling na nasa gitna lang?

    “Come on, Coreen. I wanna date you.”

    Hinila ako ni Rozen palabas ng sasakyan niya.

    “Huh? Anong gagawin natin sa mall?”

    Napalingon siya sa akin.

    “Saan mo gustong mag date? Sarado na ang Nature Park, ayoko namang sa bar, o sa restaurant. Don’t tell me you want that 5 star Hotel again? Pero hindi para kumain?” Ngumisi siya.

    Binawi ko agad ang kamay ko at uminit ang pisngi ko.

    “Ano ka!? Nababaliw ka na t-talaga!”
    Mas lalo siyang ngumisi at pinadausdos niya ang kamay niya sa baywang ko.

    Tumindig ang balahibo ko sa ginawa niya.

    “Oh? Why are you stuttering, Coreen? Kinakabahan ka ba?” Sinubukan pa niyang hawakan ang dibdib ko.

    Hinawi ko agad ang kamay niya.

    “You evil… beast!” Sigaw ko sabay layo sa kanya.

    Kahit kailan talaga ang manyak manyak niya.

    “O bakit?”

    Humakbang siya palapit sa akin.

    “You love me, Coreen. Dun naman talaga hahantong ‘tong relasyon natin?”

    Hindi ko na talaga kinaya ang sinasabi niya. Tinuro ko na siya at nag alburoto na ako.

    “Anong relasyon? Ni hindi ka pa nga nanliligaw? At hindi pa kita sinasagot!”

    Humagalpak siya sa tawa at kinuha ulit ang kamay ko. Nagpatianod ako sa kanya. Sa sobrang daming tao sa mall, hindi ko na alam kung anong meron at bakit dito kami nagpunta.

    “I want a normal date with you. Ang tagal na nating hindi ito nagagawa. Yung maglalakad sa mall, magka hawak kamay, nag P-PDA, at namimili ng kahit anong gusto mo. I want you in my normal days, Coreen. I want you everyday.”
    “Ewan ko sayo, Elizalde. Ang dami mong pakulo! Date date ka pang nalalaman!” Sabi ko.

    Nakaipit yung kamay ko sa braso niya kaya wala akong kawala kahit ang daming tao.

    “Ni hindi mo pa ako nililigawan.” Mahina ko iyong sinabi saka napatingin ako sa mga tao sa paligid.

    Kinuha niya ang kamay ko at pinagsalikop niya ang mga daliri naming dalawa para wala akong kawala. Uminit ang pisngi ko. Hindi ko na nagawang mapatingin sa kanya.

    “Ilang taon na akong nanliligaw sayo! Hanggang ngayon hindi mo parin alam?” Utas niya sakin.
    “Anong ilang taon? Hindi ko alam, ah? Ni hindi mo sinabi saking nanliligaw ka? Gusto mo ata diretsong tayo? Diba sabi mo noon kailangan kong mag pretend na girlfriend mo? Yun ang gusto mo, diba? Hindi ka nanligaw!”

    Nakamot siya sa ulo at mas lalo pa akong hinila.

    “Saan ba tayo papunta, Rozen?” Tanong ko. “Wala na namang stores dito. Puro na fastfood tsaka ang daming tao.” Reklamo ko.

    Papunta na ata kami sa gitna ng mall. Ano kayang pakulo ng isang ito dito? Binitiwan niya ang kamay ko sa gitna ng mall.

    Hindi ako tanga. Alam kong may inihanda siya kaya diretso ng kumalabog ang puso ko.

    “Rozen? Ano ‘to?” Tanong ko.

    Naaninag ko siyang nakangisi sa akin sabay hawak sa labi niya.

    “Sabi na. Hindi talaga ako makakatakas sa mga gusto mo. Hindi ka papayag na agad agad akong maging boyfriend diba?”

    Napatingin ako sa mga taong nasa paligid. Busy sila at mukha namang normal lang na araw.

    “So?” Tumaas ang kilay ko sabay tingin kay Rozen.

    Biglang tumunog ang speaker ng buong mall.

    “Calling the attention of the costumer named Coreen Samantha A. Elizalde.”

    Natawa ako sa tawag ng babaeng speaker sa akin. Anong Elizalde? Natatawa na rin si Rozen. Pumikit siya at napahawak sa kanyang leeg.

    “This is so corny!” Aniya sabay hagalpak ulit sa tawa.

    “Pwede ba dawng manligaw si Rozen Gaiser Elizalde, sayo?”

    Nakita kong natigilan ang mga tao sa paligid.

    “Oh my God? May nanliligaw dito sa mall ngayon?” Dinig kong tili ng isang teenager.
    “Sinong Coreen? Sinong Rozen?” Sabi naman nung isa.
    “Kilala ko si Rozen Elizalde, ah? Nanliligaw siya kay Coreen?”

    Napapikit ako. Nakakabaliw. Hindi ko maigalaw ang katawan ko sa sobrang kahihiyan at sa sobrang kaba.

    “Never mind.” Sabi ni Rozen. “I’d tell you a million of awkward and corny words just to have you, Coreen.”

    “Raise your hand if its a yes, po, Ms. Coreen.” Dagdag ng babaeng speaker.

    “HUH?” Diretsong lumipad ang kamay ko sa aking bibig. Really? May ganito?

    “Uy! Uy! Malalaman na natin kung sino?” Sabi nung iba.
    “Baka nasa second floor?” Tanong nung isa.

    Ang dami nilang speculations.

    “What if it’s a ‘no’, Rozen? You didn’t give me a damn choice?”

    Ngumisi ulit si Rozen.

    “Come on, I’m waiting. Raise your hand now. Kung di ka magpapataas ng kamay, iuuwi kita sa 5 star hotel na yun.”

    I swear, uminit ng sobrang sobra ang pisngi ko pakiramdam ko lalagnatin na ako.

    “Come on, Coreen, I’m waiting!” Sabi niya.

    Maraming biglang nagpataas ng kamay sa mga costumer na umaaligid sa amin. Hindi nila alam na andito ako at nanonood sa mga panunuya nila sa speaker.

    “I can see Ms. Coreen Elizalde from here, and she’s still not raising her hand.”
    “Shit!” Malutong kong mura.

    “Ayun si Coreen!” May biglaang nag turo sa akin dahilan kung bakit natigilan ulit ang mga tao at nilingon kaming dalawa ni Rozen sa kinatatayuan namin.

    Ang hayop ay nakatayo lang doon at pinapanood ako. Hinahawakan niya ang kanyang labi at nakataas ang isa niyang kilay.

    Kaya wala akong naging choice kundi ang dahan dahang itaas ang kamay ko. Para akong nag surrender ng buong pagkatao ko kay Rozen. Tumawa siya at hinawakan niya ang nakataas kong kamay at binaba ito.

    “Finally, my chance.”

  • Kabanata 48Open or Close

    Kabanata 48
    Noah

    Hindi ako makatulog sa gabing iyon. Hindi rin ako makatulog kahit na text kami nang text ni Rozen ng walang katuturang mga bagay.

    Rozen:
    Na miss mo ba ang text ko?

    “Of course, gago!”

    Ako:
    Hindi.

    Rozen:
    Yung tawag ko?

    Sobrang kabog ng dibdib ko. Iniisip ko pa lang na tatawag siya ay gumugulong na ako sa kama. Yung boses niya pa lang mawiwindang na ako, eh. Tapos iniisip ko pang nasa kama din siya nun at nakahiga.

    Ako:
    Hindi.

    Rozen:
    Does that mean ayaw mong tatawag ako sayo ngayon?

    Napaupo na ako sa kama sa sobrang ligalig na nararamdaman ko. Kinailangan ko pang paypayan ang sarili ko para lang kumalma.

    Pero hindi pa nga ako nakakapagreply ay tumunog na ang cellphone ko sa isang pamilyar na kanta.

    *I never knew
    I never knew that everything was falling through*

    Diretso kong sinagot iyon. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.

    “Hello. Hindi mo na talaga kailangan ng permiso, ano? Tatawag ka sakin kung kelan mo gusto?”
    “Of course, Coreen. I own you now.”

    Tumindig ang balahibo ko.

    “Hoy! Hindi pa kita sinasagot! Papahirapan pa kita kaya wa’g kang feeling.”
    He chuckled, “Kahit ano pa yan, wala akong pakealam.”

    Hindi ako nagsalita. Narinig ko kasing huminga siya ng malalim at nag change position sa kama niya. Kinagat ko ang labi ko.

    “What do you want me to do, huh?”
    “Hmmm. Mag iisip pa ako.” Sabi ko.
    Tumikhim siya. “Come again?”
    “Ha?” Kumunot ang noo ko.
    “Can you say it again?”
    “Ano? Yung ‘Mag iisip pa ako?'”
    “Hindi yung bago yun.”
    “Huh? Ano?”
    “Yung ‘Hmmm’.” Sinabi niya iyon na para bang may ibang tunog.

    Tumindig ang balahibo ko at pakiramdam ko nangisay na ang mga kulisap sa tiyan ko.

    “Bakit?” Dudugo na talaga ang labi ko sa kakakagat.
    “I just wanna hear it.”

    Napapikit ako.

    “Bakit nga?”
    “Come on, I just wanna hear it.”
    “Hmmm?”
    “Damn. Pakiulit?”
    “Hmmm? Ano ba yan, Rozen, para na akong baliw.” Pinigilan ko ang pagtawa.

    Narinig ko na naman ang pag pilipit niya sa kama na para bang nag change position siya.

    “Damn, I love your voice, Coreen. I lobe your everything.”

    Gumulong-gulong na ako sa kama.

    “Ewan ko sayo. Kung love mo talaga ako, bakit mo pinatagal ‘to?”
    Humalakhak siya, “I wanna be chased by you. Tsaka nasabi ko na lahat sayo, diba? Oh, ikaw? Kung mahal mo talaga ako, bakit pinapatagal mo pa ‘to? Say Yes, Coreen.”
    “Ayoko nga! Hmmm…”
    Humalakhak ulit siya, “Okay lang… Pwedeng pakiulit?”

    Binaon ko na ng unan ang mukha ko sa sobrang kilig. Hindi ko na talaga kaya. Mukha atang pabor talaga ang mga kulisap na ito kay Rozen ah? Rozen’s army.

    “Ayoko nga! Para akong baliw.”
    “Andami mong ayaw.” Aniya.
    “Eh kasi para naman talagang baliw! Hmmm…” Pag uulit ko. “Kita mo na?”
    Humalakhak ulit siya. “Sige pa.” His voice was husky.
    “Ayoko na!”
    “Pati yung mga reklamo mo, gustong gusto ko eh. I missed you so much.”

    Binaon ko pa lalo ang unan sa mukha ko.

    “Talaga?” Hindi ko na matanggal ang ngiti ko.

    Ayoko na talaga! Mababaliw na ako!

    “Oo. Sobra. Kaya nga kita sinusundan noon, diba?”
    “Tseh! Stalker.”
    “Pasalamat ka nga di kita ni kidnap.” Tumawa siya.
    “Baliw!”
    “Baliw mo.”

    Hay! Wala na akong ginawa kundi ang gumulong sa kama. Ang sarap talagang kausap ni Rozen. I missed him so much too. Kaya nang nagpaalam na kami sa isa’t-isa para matulog ay tuluyan na akong nabaliw.

    Dilat na dilat ako at nakaplaster sa mukha ko ang ngisi. Hindi ako makatulog. Siguro ay tulog na si Rozen ngayon.

    Biglang tumunog sa normal na ring tone ang cellphone ko. Napatingin ako at nakita kong tumatawag si Warren sa akin.

    “Hello?” Bumangon ako.
    “Coreen. Nasa labas ako ng bahay niyo.”
    “HUH? What? Bakit?”

    Napa-scramble ako sa sobrang taranta.

    “Anong nangyari?”

    Dumungaw agad ako sa bintana ko. Nakita ko sa labas ng gate namin si Warren na nakatawag sa cellphone.

    “Si Noah.”
    “Ha? Anong nangyari kay Noah?” Sigaw ko.

    Nagmadali na agad ako sa pagbibihis. Galing sa maiksing shorts na pantulog ay naging skater skirt ang soot ko.

    “Iniwan ko pa siya kasama si Joey doon sa bar.” Sabi ni Warren sa akin nang nakalabas na ako sa kwarto nina mommy at daddy.

    Nag paalam ako na pupuntahan lang saglit si Noah kasi mukhang may problema. Uuwi din ako. Pinayagan naman ako basta wa’g lang daw lalagpas ng alas dose.

    “Bakit? Anong nangyari sa kanya?” Tanong ko.
    “Eh, napaaway. Tapos… lasing.”

    Pinutol ko na agad ang linya at binuksan na ang gate namin. Pareho kaming nagmadaling pumasok sa sasakyan ni Warren.

    Nagi-guilty ako! Iniwan ko si Noah doon! Ano kayang nangyari sa kanya? Dapat nagpaalam ako, eh! Nawala sa utak ko dahil kay Rozen!

    “Bakit siya napaaway?” Tanong ko.
    “Si Megan kasi.”
    “Anong ginawa ni Megan?”
    “Biglaang nagpakita ng bra.”
    “HA?”

    Seriously? Anong kagagahan na naman ang ginawa ng babaeng iyon?\

    “Bakit?”
    “Eh pinakita niya yung tattoo sa dibdib niya.”
    “Anong tattoo yun?”
    “Noah Elizalde yung nakalagay. Kaya nabastos ng ibang lalaki sa bar. Eh ayun, napaaway si Noah. Pikon din yun eh.”
    “HA?”

    Hindi ko alam kung matatawa ba ako o mabubwisit. Ano ba talagang meron? Anong pinaglalaban ng Megan na yun?

    “Medyo lasing na din kasi si Noah. Tapos ang dami-daming sinasabi ni Megan. Sabi niya bakit mo raw iniwan si Noah. Kung mahal mo dapat di mo siya iniiwan.”

    Napapikit ako. Seriously? Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

    “Sorry ah? Hindi ko kasi alam kung saan yung condo ni Dashiel. Tapos nag pass out na si Noah sa sobrang kalasingan kaya kinailangan ko ang tulong mo.”
    “Okay lang. No problem. Bakit kay Kuya Dashiel siya uuwi?”
    “Sabi niya dun na lang daw kasi nasa bahay daw ang mommy at daddy niya. Nahihiyang umuwi ng lasing.”
    “O sige, sige!”

    Kaya nang dumating na kami sa Tilt at nakita kong nakaidlip na si Noah sa table kasama si Joey, napalingon lingon ako sa paligid.

    “Asan si Megan?” Tanong ko.
    “Pinaalis ko. Pinabili ko ng Gatorade sa labas. Sabi ko kakailanganin ni Noah para wa’g na siyang manggulo. Kaya ayun. Ano. Bilisan na natin para di niya na tayo maabutan.” Sabi ni Joey.

    Agad inalalayan ni Joey at Warren si Noah sa paglalakad.

    “Noah?” Sabi ko nang nakasakay na kami sa sasakyan ni Warren.
    “Coreen.” Utas niya nang wala sa sarili.
    “Noah… Gising ka ba?” Bulong ko.

    Pinilig niya ang ulo niya pero nakapikit parin siya.

    “I love you.” Marahan niyang sinabi.

    Napaatras ako sa sinabi niya. What? Lumingon si Joey sakin.

    “Patay.”

    Ngumuso ako kay Joey.

    “Dito ba?” Awkward na tanong ni Warren sa akin nang nasa tapat na kami ng condo ni Kuya Dash.
    “Oo.”
    “Dito ang condo ni Wade, diba? Hindi ata pwedeng pumasok pag walang kasamang taga rito? Medyo high end, eh.” Utas ni Warren.
    “No problem, I’ll call Wade.” Sabi ko sabay dial sa numero ni Wade.

    Habang tinatawagan ko si Wade ay biglaang hinawakan ni Noah ang kamay ko.

    “Hello?” Medyo paos ang boses ni Wade nang tinawagan ko siya.

    Siguro ay tulog na ito.

    “Wade, si Coreen ‘to-“
    “Yes, Coreen.” Aniya.
    “Pwede bang pasundo? Nasa tapat kami ng condo mo at kailangan naming ihatid si Noah sa unit ni Kuya Dash.”
    “Ha? Uh. Okay.”
    “Sorry sa istorbo. Lasing kasi siya.” Sabi ko.
    “Alright, Coreen. No problem.”

    Napabuntong hininga ako at binaba agad ang cellphone. Hinawakan ko ang mukha ni Noah at nakita kong may pasa siya sa labi. Nilingon ko naman si Warren at Joey.

    “Sana hinayaan niyo si Megan.” Utas ko.
    Nagkibit balikat silang dalawa, “She’ll rape him.”
    “Hindi naman siguro.” Sabi ko.
    “We don’t know, Coreen. She’s desperate. At… ayaw ni Noah sa kanya. We all know that.”

    Hindi ko na alam kung pang ilang beses kong buntong hininga ito. Bumaling ako kay Noah at napailing na lang ako. Naaninag ko agad si Wade na naka jacket palabas ng building. Lumabas na kami ni Warren at Joey. Inilabas din nila si Noah.

    “Sorry, Wade.” Pambungad ko. “Wala kasi akong new number ni Kuya Dash. Kaya ayan.”
    “Musta, bro!” Nag batian pa ang dating magkabanda.
    “Sikat! Big time!”
    Tumawa na lang si Wade saka bumaling sakin.
    “No problem, Coreen.”

    Pinagtulungan nila si Noah papasok sa condo. Pinasakay namin siya ng elevator. Wala parin siya sa ulirat. Grabe! Ganyan pala malasing si Noah, natutulog?

    “Pwede namang pumasok dito, Coreen. As long as mairecord yung pag pasok tsaka may pass.”
    “Ah? Talaga. Sorry.”
    “Okay lang. Para na rin matulungan ko kayo.”

    Tumunog ang elevator at nasa floor na kami ng unit ni Kuya Dash. Humugot ako ng malalim na hininga bago ako nag bell sa condo ni Kuya. Ilang beses ko pang inulit bago niya ito binuksan. Naka puting sleeveless shirt at shorts lang si Kuya Dash nang sinalubong niya kami sa labas.

    “Si Noah, po, Kuya.” Napakamot ako sa ulo.

    Diretso ang tingin ni Kuya kay Noah.

    “Naglasing.” Dagdag ni Warren.
    Tumango si Kuya at nakita ko ang asawa niyang dumalo agad kay Noah. “Dash, we need hot water and ice. May pasa si Noah.”

    Pumasok kami at nilapag si Noah sa sofa.

    “Napa away, kuya.” Paliwanag ni Joey.
    “Sinong kaaway? Si Rozen na naman?” Sumulyap si Kuya Dash sakin.

    Uminit ang pisngi ko.

    “Hindi po.” Sagot ko. “Ibang tao.”
    “Oh!? Unusual. Hindi naman yan basagulero.”

  • Kabanata 49Open or Close

    Kabanata 49
    Rozen Elizalde

    Hinatid ako ni Warren at Joey sa bahay. Nag aalala parin ako kay Noah. Hindi maalis sa isip ko yung nangyari sa kanya. Nakipag away pa siya at nalasing. Pagkatapos ay biglaan niyang sinabi sa akin na mahal niya ako.

    Kinaumagahan, naghanda na agad ako para sa school. Malapit na ang finals kaya kinailangan ko ng mag handa sa mga requirements. Maaga ang finals namin dahil gagraduate na.

    “Coreen, ipagpatuloy mo parin yung pagtatrabaho sa bank pagkagraduate, ah?” Sabi ni mommy.

    Tumango na lang ako at hinalikan siya sa pisngi. Pupunta na kasi ako sa school para tapusin ang mga requirements. Kinakabahan din ako, gusto kong makita si Noah at icheck kung okay lang ba siya. Kaya lang magiging busy ako ngayon sa school.

    Kaya nang nasa school na ako at inaasikaso ang requirements ko, laking gulat ko na lang nang nag materialize si Noah sa gilid ko.

    “OH MY GOD! NOAH!” Sigaw ko sabay hawak sa pisngi niyang may band aid ngayon.

    Tumikhim siya at tinitigan ako habang nag aalala sa kanyang pasa.

    “A-Are you okay? Hang over? Masakit ba?” Tanong ko.
    “I’m okay.” Marahan niyang sinabi. “Sorry nga pala. Inabala ka pa nila.”
    “That’s okay, Noah. Syempre, hindi kita pwedeng pabayaan.”

    Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Oo nga pala. Ako yung nang iwan sa kanya doon kaya kasalanan ko. Ako yung nagpabaya sa kanya.

    “Tsaka… sorry kagabi. Umalis ako. Si Rozen kasi…”
    “Okay lang.” Tumango siya.

    Nagkatinginan kaming dalawa. Ako ang unang nag iwas ng tingin dahil masyadong nakaka awkward, lalo na tuwing naaalala ko na may sinabi siya sa akin habang tulog siya.

    “Si Megan kaya, okay lang?” Tanong ko.
    “I don’t care about her.” Diretsong sinabi ni Noah. “That’s what she get, Coreen.”
    Napalunok ako.
    “H-Hindi ka naman niya tinigilan kahit alam niyang may girlfriend ka ah?” Sabi ko.
    “That’s because you weren’t there.”

    Halos mabilaukan ako sa sarili kong laway dahil sa utas niya.

    “Sorry.” Sabi ko. “N-Next time di na kita iiwan. Lalo na pag nandyan si Megan.”
    “Okay, thank you, Coreen. That’s all I ask.”

    Nilagay niya ang takas na hibla ng buhok ko sa tainga ko. Tumindig ang balahibo ko, hindi dahil sa ginawa niya kundi dahil sa naaninag ko si Rozen sa likod ng kapatid niya.

    “Noah…”

    Agad kinwelyuhan ni Rozen ang walang ka malay-malay na si Noah.

    “Shit!” Sabay tulak ko kay Rozen.

    Kitang kita sa kanyang mga mata na high blood siya dahil nakita niya na naman ang kapatid niyang kasama ko. Well, yes, naiintindihan ko siya. Kaya lang, hindi ito ang tamang panahon para mag away silang dalawa. Nakakaawa si Noah.

    Tumawa si Noah sa ginawang pagkwelyo ng kapatid niya.

    “What, Rozen?” Humalakhak ulit siya.
    “Ba’t ka nandito?” Malamig na tanong ni Rozen.

    Hinawakan ko ang kamay ni Rozen at hinawi ko ang kamay niyang naka kwelyo kay Noah.

    “Kinakamusta ko lang si Coreen. Oh, ba’t ka galit?”

    Marahas na binitiwan ni Rozen ang kwelyo ni Noah. Inayos naman ni Noah ang damit niya. Nagkatitigan silang dalawa. Yung tipong isang kalabit na lang ay magsusuntukan na.

    “Ano ba kayo!? Tama na nga! Rozen! Tama na!” Sigaw ko.

    Napatingin si Rozen sakin. Mabilis ang kanyang pag hinga at may bahid pang pagkainsulto ang kanyang ekspresyon.

    “Kuya, noon nga sagad kang maka istorbo sa aming dalawa. Tapos ngayon, hinihiram ko lang sandali, magwawala ka na-“

    Kinwelyuhan ulit ni Rozen ang kapatid niya. Ngayon, mas mariin na ang kanyang pagkakahawak na medyo nairita si Noah.

    “ROZEN! TAMA NA NGA! NOAH!” Sigaw ko sabay tulak palayo sa kanilang dalawa. “Ano ba kayo? Nasa school tayo!”

    Buti na lang at nasa school grounds kami. Yung mga nakakakita ay yung mga walang pasok lang at palaboy-laboy dito. Ganunpaman, nakakahiya parin dahil pinagtitinginan na kaming tatlo.

    “Ano, Coreen? Noah parin ba?” Nakita ko ang nag aalab na tingin ni Rozen sakin.

    Agad akong umiling. Hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya. Narinig ko namang tumawa si Noah.

    “Ano, Rozen? Bwisit ka rin, ano? Nang iinsulto ka ba? Sayo nga sumama kahapon diba?” Sumugod si Noah kay Rozen at umambang susuntukin ang kapatid niya.

    Wala akong ginawa kundi ang patuloy na pumagitna sa dalawa.

    “Ano ba kayo?” Sigaw ko.

    Pinipiga na ang puso ko. Parang hindi ko kayang nakikita silang dalawa na ganito. Totoo, hindi ko pa sila nakikitang sobrang magkasundo. Ever. Pero ayaw ko silang makitang ganito ka tensyonado sa isa’t-isa.

    “Tama na, Rozen.” Sabay lingon ko kay Rozen. “Noah, please.”
    “Tsss.” Umiling si Rozen pero hindi naalis ang pagkamuhi niya.
    “Tinulungan kita kahit wala ka dito dahil alam kong mahal ka niya! Kaya wa’g mo akong papakitaan ng ganyan!” Sigaw ni Noah.
    “Noah!” Madilim kong utas.

    Hindi ko na kayang marinig ang pagbabangayan ng dalawa.

    “Pwede ba!? Tama na nga yan!”
    “Ewan ko sayo, Coreen.” Malamig na sinabi ni Rozen tsaka tinalikuran kaming dalawa ni Noah.

    Nalaglag ang panga ko nang nakita siyang humakbang palayo. Hindi ko na napigilan ang sarili ko, agad kong hinablot ang braso niya para hindi siya makaalis ng tuluyan.

    Lumiwanag ang kanyang mukha tsaka nilingon ako.

    “Paalisin mo yang Noah’ng yan! Mag kita tayo sa sasakyan ko in 5 minutes. I want you there with me!” Utos niya.

    Pinakawalan ko siya at hinayaang umalis. Lumabas siya ng school kaya malamang ay nasa labas niya ni park ang sasakyan niya. Napalunok ako tsaka bumaling kay Noah. Nakita ko ang mapupungay na mata ni Noah.

    “Please, Coreen. Alam kong kayo na.”
    “Hindi pa kami.” Pagtatama ko.
    “You will be together soon enough. Please, just pretend to be my girlfriend pag nandyan si Megan.”
    “Noah…” Bumuntong hininga ako.
    “That’s the only way I can get rid of her, Coreen.”
    “I don’t know.” Ginulo ko ang buhok ko.

    Hindi ko kayang iwan si Noah, pero hindi ko rin kayang iwan ako ni Rozen. What will I do? Siguro dapat ko nang sabihin kay Rozen na kailangan ako ni Noah. Siguro naman ay maiintindihan niya yun. Kapatid niya si Noah at kilala ni Rozen si Megan. He will understand, surely! Who am I kidding? Hindi maiintindihan ng Rozen na iyon kung bakit kailangan kong gawin ito for Noah’s sake… because Noah needs me.

    “Okay, Noah, Sasabihin ko kay Rozen.” Desisyon ko. “But I’ll have to leave you now.”
    Tumango siya at niyakap ako, “Thank you, Coreen.”

    Hinaplos ko ang likod niya nang magkayakap kami bago ko siya tinalikuran. Diretso ang lakad ko palabas ng school, papunta kay Rozen. I have this strange feeling… No, Coreen, hindi ka pwedeng umalis ng school at sumama na lang sa kapritso ni Rozen. Ang dami mong kailangang tapusin sa school. You should prioritize your studies.

    Kinagat ko ang labi ko. Lalo na nang nakita ko si Rozen na nakasandal sa sasakyan niya at mabilis na naninigarilyo at nakatingin sa kawalan.

    Unti-unti akong nagdahan-dahan sa paglalakad. Pinagmasdan ko siyang mabuti habang bumubuga ng usok sa sigarilyo. Smoker. Nakita ko rin ang isang palumpon ng bulaklak sa taas ng sasakyan niya.

    Tumigil ako sa paglalakad. Naagaw ko agad ang atensyon niya. Lumingon siya at kumuyom ang kanyang panga bago inupos ang sigarilyo. Humalukipkip siya at hinintay na makalapit ako sa kanya. Humakbang ako ng paunti-unti.

    Nagkatitigan lang kami. Suminghap siya nang narealize na masyado akong mabagal maglakad. Inabot niya ang kamay ko tsaka hinila palapit sa kanya.

    “Sorry.” Nag iwas ako ng tingin.
    “Alam ko kung anong ginawa mo kagabi.” Matabang niyang sinabi.
    Kinagat ko ang labi ko, “Sorry.”
    “Ano? Talo na naman ba ako ni Noah?” Medyo desperado ang boses niya nang tinanong ako nun kaya tumingala ako.
    “Hindi! Ano? Bakit ako nandito kung si Noah pala?”
    “Bakit di mo sinabi sakin kagabi na umalis ka para puntahan si Noah? Ha? May dapat ba akong malaman?”

    Kahit na seryoso kaming dalawa ay parang natatawa ako sa sinabi niya. Kung makapagsalita parang kami na. Parang nangangaliwa lang ako sa aming relasyon, ah?

    Hindi ko mapigilan ang pag angat ng labi ko. Nanliit ang mata niya at tinignan ang labi kong nakangisi. Ngumuso ako para hindi niya iyon mahalata.

    “You’re so heartless.” Aniya. “Tuwing nasasaktan ako parang ang saya mo!”
    “Ha? Di ah! Eh kasi… ikaw! Anong dapat mong malaman? Mag kaibigan lang kami ni Noah! Bakit naman kita iistorbohin kagabi? Diba nag good night ka na? Tulog ka na nun!” Sabi ko.
    “Anong tulog!? Hindi ako nakatulog sa kakaisip sayo! Tapos madaling araw makakatanggap ako ng text na bumalik ka sa bar at dinadaluhan si Noah?”

    Napaatras ako. Sinu-sino kaya ang mga galamay ng mokong na ito at bakit laging updated sa mga nangyayari sa akin? Ni hindi ko siya natext kagabi dahil alam kong mag aalburoto siya ngayon!

    “Eh anong gusto mo? Pabayaan ko yung kapatid mo dun na lasing at nakipag away?”
    “Yan ang bagay sa kanya.” Nakangisi niyang sinabi.
    Sinapak ko siya, “Ano ba, Rozen! Wala kang awa! Kapatid mo yun!”
    “He’s just a collateral damage.” Sabay dausdos ng kanyang kamay sa baywang ko.
    “Anong collateral damage! Hindi ito gyera! At ayokong may mga mawasak para lang magkatotoo tayong dalawa!” Sabi ko.
    Napangiwi siya, “Mawawasak lang sila kung hahadlangan nila ako. Get out of the way or I’ll crush them, Coreen. Dapat alam nila yan kung ayaw nilang masaktan.”
    “Ikaw talaga!” Sabay sapak ko ulit sa kanya.
    Napapikit siya sa pag inda sa ginawa ko, “Ow!”
    “Buti nga sayo!” Sabi ko. “Noah is my friend and for God’s sake he’s your brother! Kailangan niya ako.”

    Hindi na siya nakinig. Agad niya lang kinuha yung mga bulaklak sa ibabaw ng kanyang sasakyan at inilahad sa akin.

    “Oh! Kahit alam kong may ginawa ka na namang kabulastugan kagabi, ayan parin, meron ka parin niyan. Mahal kita, e.”

    Ngumuso pa ako lalo. Haaay! Rozen! Ewan ko na sayo. Pwedeng magpakasal na lang tayo? Lintek. Nababaliw na ako. Okay, Coreen! Umayos ka! Ni hindi mo pa yan nasasagot!

    Kinuha ko yung mga bulaklak at ni check isa-isa. Mga puting lily ito. Maganda ang pagkakagawa at mabango pa, huh? Humalukipkip siya at tinitigan lang ako nang bumaling ulit ako sa kanya.

    “Thanks.” Uminit ang pisngi ko.
    “Tara. Date muna tayo?” Sabay bukas sa pintuan ng sasakyan niya.
    “Ha? Anong date?” Sabi ko sabay hila sa kamay kong di niya binibitawan.
    “Wala tayong pasok, Coreen. Malapit na tayong gumraduate.” Ngumisi siya. “At pabayaan mo na si Noah.”
    “Kahit na wala tayong pasok, ang dami kong requirements na gagawin!” Sabi ko.
    “Edi ako na ang gagawa!”
    Sinapak ko na, “Anong ikaw?!”

    Ayan na naman si Rozen Elizalde. Magiging dependent na naman ako sa kanya.

    “Hindi pwede! Dapat ako!”
    “Edi dun tayo sa bahay gagawa. Tara na, Coreen.” Ngumisi siya.

  • Kabanata 50Open or Close

    Kabanata 50
    Babalik Na Si Reina

    Alam nating lahat na pag siya na ang magyayaya, wala ng makakapigil. Kaya heto at papasok kami sa bahay nila. Abot tainga ang ngiti niya. Hinila niya ako paakyat ng hagdanan nila.

    “Rozen, gagawa tayo ng requirements ko.” Mariin kong sinabi.
    “Kaya nga, diba?” Ngumisi siya.
    “Ikaw? Tapos ka na ba sayo?” Tanong ko.
    “Syempre. Ipapakopya pa kita.”

    Mabuti sana kung pwedeng ganun. Kaya lang hindi. Iba-iba dapat yung case study at mga report. Limang case study ang gagawin. May isa pa akong kulang. Ito dapat ang inaatupag ko ngayon. Well, okay na rin naman siguro kasi may sources na ako at kailangan na lang pagtagpi-tagpiin ang mga nakalap kong impormasyon.

    Nabunutan na lang ako nang tinik nang nasa tapat na kami ng kwarto ni Rozen. Pagkabukas niya dun ay sobrang lamig agad na aircon ang bumungad sakin. Tumindig ang balahibo ko.

    “Ang lamig naman!” Sabi ko.

    Nilingon niya ako at ngumisi siya.

    “Ooopppz, Sorry.” Tsaka nilapitan ang aircon para hinaan. “Ang payat mo kasi, bilis mong nilalamig. Yan napapala mo sa kakakain ng damo.” Humalakhak siya.
    Inirapan ko na at pumasok ako sa loob.

    Hindi matanggal ang tingin ko sa isang frame sa taas ng kama niya. Isang babaeng nakatalikod. Kulot ang buhok nito. Nanliit ang mga mata ko. Hindi ko makita ang soot na damit nung babae kaya hindi ako sigurado kung sino.

    “Wait a minute. That’s me!” Sabay turo ko sa frame.

    Mabilis ang pintig ng puso ko. Tinignan ko si Rozen sa kinatatayuan ko kanina pero wala na siya dun. Bigla na lang akong napatalon dahil naramdaman kong niyakap niya ako galing sa likuran.

    “Ano ba, Rozen!” Sabi ko sabay layo ng konti.

    Hinila niya ako.

    “Come on, I won’t rape you.” Humalakhak siya.
    “Ako yan, ah!?” Sabay tingin ko sa frame. “You’re obsessed with me!?” Napangiwi ako kay Rozen.
    “So what if I am?” Tumawa siya.
    “Ikaw talaga!” Sinapak ko siya.

    Lumayo siya ng konte tsaka hinila ang bag kong may laman ng mga requirements.

    “Teka, Rozen!” Kukunin ko sana pero nilapag niya na sa table ang mga requirements ko.

    Wala na akong nagawa. Inisa-isa niya ang mga papel na nakalap ko. Kumunot ang kanyang noo habang binabasa ang mga natapos ko na. Ako naman, abala sa pagtingin-tingin sa buong kwarto niya.

    Mint green ang kulay ng walls nito. Malaki ang kwarto niya, may sariling banyo at halos may sariling living room. Mahahaba ang mga kurtina, hanggang sahig. May halaman pang nakatayo malapit sa balcony. May ashtray sa side table. May refrigerator na nakatayo sa kabilang wall. Binuksan ko ito at tinignan kung anong meron. Nakahanap ako doon ng isang bote ng Black Label, ilang lata ng Heineken, at isang box ng chocolates na may nakalagay pang, “For Coreen.”

    Napatingin ako kay Rozen na hanggang ngayon ay busy sa paghahanap ng maaring magawa sa requirements ko.

    “Adik.” Napangiti ako.

    May naka stock pala akong chocolates dito sa ref niya, huh?

    “Rozen.” Sabi ko.
    “Hmmm?” Nagpatuloy parin siya sa pag kukumpara sa mga ginawa kong report.
    “Grabe ka talaga! Ano ‘tong mga hard liquor sa ref mo?”
    “Hmm… Kung gusto mo palitan mo yan lahat ng mga pagkain mong gusto.” Wala sa sarili niyang sinabi.

    Uminit ang pisngi ko at natahimik. Napansin iyon ni Rozen kaya tumingala siya at hinanap niya ang tingin ko.

    “O baka gusto mong bumili ako ng condo?” Tumaas ang kilay niya. “Para sating dalawa.”
    “Heh! Ano ka? Adik! Hindi naman tayo magpapakasal or something.”
    “Doon din naman tayo pupunta. Tss.” Napatingin ulit siya sa mga papel ko.

    HIndi na ako nakipagtalo. Hinayaan ko na lang siya dahil mukhang seryoso siya sa kanyang ginagawa sa mga papel ko. Nagawa niya pang buksan yung computer nila. Samantalang ako ay nakatitig lang doon sa frame.

    “Kelan ito?” Tanong ko.

    Tumayo si Rozen para lumipat sa mesa ng computer nila. Panay parin ang panliliit ng mata ko habang pinagmamasdan ang frame.

    “High school?” Tanong ko.
    “Uh-huh.”
    “Talaga? Kaya pala medyo maiksi pa ang buhok ko at kulot. Ngayon, maliit na lang ang waves sa likod. I should probably cut my hair para ganyan ulit kaganda.”
    “Lagi namang maganda.” Aniya.

    Nilingon ko siya at nakita kong naka topless na siya. Tumunganga ako habang pinapasadahan ng tingin ang buong katawan niya. Malaki na ang katawan ni Rozen noon. Ngayon, mukhang mas lalong nag firm at defined ang muscles niya. Nakakalaway ng sobra-sobra ang abs niya. Hindi ko matanggal ang titig ko sa kanya.

    Oh my God!

    Ngumisi siya. Nag iwas agad ako ng tingin at pumikit. Damn it, Rozen Elizalde!

    “Ang inet. Ayaw mo kasi ng malamig. Hindi pa naman ako sanay.” Humalakhak siya.
    “Heh! Whatever, Rozen.”

    Mas lalo akong pumikit nang narinig kong humakbang siya palapit sa akin. Tumawa siya sa reaksyon ko. Brace yourself, Coreen! Feeling ko hahaplusin niya na ang baywang ko. Nangangatog na ang tuhod ko ngayon pa lang. Pero ilang sandali ang nakalipas, narealize ko na walang haplos na dumating.

    “Hey, babe, itatype ko na, ah?” Humagalpak siya sa tawa nang nilingon ko siya at nandoon na siya sa tapat ng computer.

    HMP! Kainis! Kabanas! Ay ewan ko! Pakiramdam ko ay nanunuya siya sakin. Alam niya. Alam niyang gusto ko siya kaya ayan at nagpapa hard to get!

    “Okay.” Sabi ko.

    Umupo ako sa kama niya at pinagmasdan siyang seryosong nag tatype ng aking mga reports.

    “Okay lang ba yan?” Tanong ko.
    “Uh-huh.” Nakita kong hinawakan niya ang labi niya habang tinitignang mabuti ang mga papel.

    Hindi ko na maintindihan ang mga kulisap sa tiyan ko. Grabe na sila kung mag wala. Pakiramdam ko konting move lang ni Rozen ay agad silang nagwawala. Ganito ba talaga? Pati ang pagpasada niya ng palad sa buhok at ang pag masahe niya sa batok niya ay naninindig ang balahibo ko.

    He’s just so damn sexy. Lalo na pag topless. Kahit nakatalikod siya ay kitang kita ko kung paano mag flex ang muscles niya sa likod.

    Hindi ko na namalayan na sa sobrang kahalayan ng pag iisip ko ay nakatulog na ako sa kama niya. Nagising na lang ako na sobrang lamig na at may kumot nang nakabalot sakin.

    “Oh my!” Tikhim ko sabay hawak sa dress kong soot ko parin naman sa awa ng Diyos.

    “What?” He chuckled.

    Nasa harap parin siya ng kanyang computer.

    “Akala mo nirape na kita?” Tanong niya nang nakatalikod parin.
    Kinusot ko ang mga mata ko, “Ilang oras akong natulog?”
    “Isang oras lang.”
    Nanlaki ang mga mata ko, “Talaga?”

    Nilingon ako ni Rozen. Hanggang ngayon ay topless parin siya. Tumayo siya at lumapit sa akin. Agad kong sinilip yung monitor ng computer at nakita kong Facebook ko yung nandoon.

    “Yes, tapos na yung requirements mo. Isubmit mo na lang bukas tapos sabay na tayong mag take ng final exams.” Sabay upo niya sa kama.
    “Are you stalking me again?” Tanong ko.
    “So what if I am? Nirereport ko yung mga nag wa-wallpost sayo. Lalo na kung lalaki.”
    Sinapak ko agad, “Ano ba? Pakealamero ‘to! Bakit naman? Hindi naman ako binastos ng mga yun, ah?”
    “Eh na ooffend ako? Kaya nirereport ko.” Tumawa siya.
    Kinurot ko yung abs niya. Matigas, huh! “Ow!” Kumindat siya.
    Ngumuso ako.
    “Wa’g diyan, masakit.” Humalakhak siya at hinawakan ang kamay kong nakakurot sa kanya.

    Babawiin ko na sana pero pinagsalikop niya ang mga daliri namin.

    “What else do you want to do, Coreen?” Biglaan niyang marahang tanong sa akin.
    Uminit ang pisngi ko, “I know what you’re thinking Rozen! Tumigil ka ah!”

    Hinila niya ako gamit ang pinagsalikop niyang mga kamay namin.

    “Ano? I just want to make out! Is it wrong?” Nilapit niya ang mukha niya sakin.
    “Ugh! Tumigil ka!” Tinulak ko siya pero mas lalo siyang lumapit.

    Ngayon, ramdam ko na ang bigat ng titig niya sakin. Nakaangat ang kanyang labi at matama niyang tinititigan ang buong kaluluwa ko gamit ang kanyang mga mata. Bumilis ang paghinga niya nang dahan-dahan niyang binaba ang paningin niya sa labi ko.

    “Coreen, you can explore my body if you want to.”

    Ang dami kong gustong sabihin pero walang lumabas ni kahit isang salita sa bibig ko. Nilagay niya ang kamay ko sa balikat niya. Nanginig ito lalo na nang naramdaman ko ang pagtindig ng balahibo niya dahil sa haplos ko. Siya mismo ang nagbaba ng palad ko pababa sa abs niya.

    “Don’t tell me wala parin akong epekto sayo hanggang ngayon?” Ngumisi siya.

    Binuka ko ang bibig ko para magsalita pero wala talagang lumabas ni taghoy.

    “I told myself, pagbalik ko, maglalaway si Coreen sakin. Hindi niya na ako matatanggihan. Don’t tell me wala parin… Don’t tell me, Coreen.” Bulong niya.

    Sobrang lapit na ng mga labi namin. Bahagya niyang tinagilid ang kanyang ulo para hindi magbanggaan ang mga ilong namin. Ramdam na ramdam ko na ang hininga niya sa labi ko. Nakaawang na pareho ang labi namin. Pareho na rin kaming nakatingin sa labi ng isa’t-isa.

    “I love you, Coreen.” Aniya bago pinaglapat ang mga labi naming dalawa.

    Napapikit ako sa halik niya. Nanunuya ito at nakakabitin. Parang kulang. Kahit anong ulit niya sa paghalik sakin ay hindi napapawi ang kasabikan ko sa kanya.

    “Rozen…” Napadaing ako.

    Mas lalo niyang nilapit ang sarili niya sakin. Nakita ko ang ngisi niya dahil sa pagtawag ko sa pangalan niya. Hinila niya ang buong katawan ko palapit sa kanya. Nilagay ko na ang magkabilang braso ko sa leeg niya.

    “Hindi pa tayo nito, ah? Paano na pag tayo na?” Humalakhak siya.

    Nababaliw na talaga ata ako. Parang naiirita ako kasi nagagawa niya pang humalakhak at magsalita gayung ako, sobrang sabik na sa mga halik niya. Come on, Rozen! I want to kiss you some more!

    Pinaglapat niya ulit ang mga labi naming dalawa. Ngayon, ibang halik naman ang ipinamalas niya sakin. Malalalim at mas nakakalasing. Ito yung tipong halik niyang nakakawala sa ulirat. Kusa ng gumagalaw ang kamay ko para haplusin ang buhok niya.

    “God, Coreen! You are making me excited.” Bulong niya sabay haplos sa dibdib ko.

    Nagsitindigan ang balahibo ko sa bawat haplos niya. Sarap na sarap na ako sa halik niya na pakiramdam ko ayaw ko nang tumigil nang biglang may kumatok sa kwarto niya.

    Agad ko siyang tinulak sa kaba. Kaya lang ay hinila niya ako at nagpatuloy siya sa paghalik.

    “Rozen!” Sabay tulak ko ulit sa kanya.

    Suminghap siya at umirap.

    “Sino yan?” Mariin niyang tanong.

    Tumayo siya at ginulo ang buhok. Mabilis kong inayos ang comforter niyang magulong-magulo na at ang dress kong medyo nagusot. Binuksan ni Rozen ang kanyang pintuan.

    “Ikaw na naman?” Galit na utas ni Rozen.

    Napatayo agad ako. I knew it was Noah. Nanlaki ang mata ni Noah nang nakita ako sa loob.

    “Bakit? Istorbo!” Sabi ni Rozen.
    Nakita kong kumunot ang noo ni Noah bago nagsalita ng diretso kay Rozen. “Tumawag si mommy. Dalawang linggo na lang babalik na si Reina. May mga bilin siya.”
    “Ano?”
    “Nasa office yung linya. Kausapin mo na lang siya dun.” Malamig na sinabi ni Noah.
    “Okay.” Sabi ni Rozen.

    Sumulyap si Noah sakin bago pumihit para umalis.

  • Kabanata 51Open or Close

    Kabanata 51
    Wade and Reina

    Panay ang study ko para sa finals. Graduating, e. Sabayan pa ng pag tatrabaho ko sa bank. Nakakastress. Buti na lang at nandyan palagi si Rozen. Lagi niya akong sinusundo at lagi siyang may surpresa. Ice cream, bulaklak, chocolate, etc.

    Hindi ko pa nababanggit kay Mommy o kay Daddy ang tungkol kay Rozen. Hindi rin naman ako nangangamba dahil kilala na nila si Rozen noon pa. Ang problema ko lang ay kung paano ko kukumbinsihin si mommy na si Rozen at hindi si Noah ang Elizalde’ng gusto ko. Lumaki kasi ako na si Noah ang iniisip niyang crush ko.

    “Done?” Tanong ni Rozen sa akin pagkatapos ng final exams namin.
    Tumango ako at ngumiti.

    Sure bet ang exam na iyon. Sigurado akong papasa kaya walang problema kung gagraduate ba ako o hindi. Ngayon, ang iniisip ko na lang ay ang nalalapit na kaarawan ni Noah at Rozen, at syempre ang pagbabalik ni Reina.

    Syempre, dumalo ako sa birthday ni Noah. Sa bahay lang nila ginanap. Aniya’y ayaw niyang sa labas at baka magpakita daw ulit si Megan. Hindi naman siya masyadong nagrereact sa aming dalawa ni Rozen. Sinasaway ko rin kasi ang isang iyon pag nasosobrahan na sa PDA.

    “Coreen, anong gift mo para sakin?” Tanong ni Rozen nang dumating na ang birthday niya.
    “Wala!” Pagbibiro ko kahit na bibigyan ko siya ng cake.
    “Ano?” Niyakap niya ako galing sa likuran. “Anong wala. Dapat meron.” Aniya.
    “Wala!” Sabi ko ulit.
    “Kahit Oo mo na lang.” Tumawa siya.
    “Ayoko nga!”
    “O baka naman, ‘Oohh at Ahh’ mo na lang?” Humagalpak siya sa tawa kaya hinambalos ko na ang lintek ng bag ko.

    Madalas kong makasalubong si Elle. Hindi gaya ng dati na pinapalibutan siya nina Kristen, madalas na siyang mag isa ngayon. Pilit kong pinansin siya nang sa ganun ay maramdaman niyang wala akong hinanakit sa kanya o ano man. Pero napagtanto ko, nang di niya ako pinansin, na kahit wala akong hinanakit sa kanya, maaring siya ang may hinanakit sa akin.

    “Rozen, nag uusap pa ba kayo ni Elle?” Tanong ko.
    Kumunot ang kanyang noo bago ako tinignan, “Hindi. Bakit?”
    “Wala lang.” Nagkibit balikat ako.

    Ang awkward siguro ng sitwasyon nila. Magkaklase at nagkikita araw-araw pero hindi na nag uusap tulad ng dati. Napabuntong hininga ako at napatingin sa nag dadrive na si Rozen. Mukhang walang pake ang isang ito.

    Ang saya-saya ko nang gumraduate na ako. Sa wakas! Ngayon, mapag tutoonan ko na ng pansin ang pagtatrabaho.

    “Congratulations, Coreen.” Sabay halik ni mommy at daddy sa akin.

    Ang saya-saya ko nun. Naaninag ko agad si Noah na nakapamulsa at kasama si Ate Julie at Kuya Luke. Noong una, akala ko nandito siya para icongratulate ang kanyang kapatid, pero napagtanto ko na nandito siya para sa akin.

    Binigay niya sa akin ang mga roses na dala-dala.

    “Uyyy.” Tumawa si mommy.
    “Mom! Nakakahiya ka.” Tumawa ako.

    Kinakantsawan niya kami ni Noah. Si Ate Julie naman ay panaya ng kindat sakin. Kanina pa umalis si Rozen at ang kanyang mommy at daddy. Ayaw nung dinudumog. Pagkatapos kasi agad ng graduation ay ang dami agad nag papapicture sa kanya para souvenir daw. Kaya hayun at nabadtrip, umalis.

    In speaking of dinudumog, may isa pang dinudumog dito. Gumraduate ng Magna Cum Laude ang pinaka aabangang artist ngayon sa Pilipinas! Walang iba kundi si Wade Rivas! Kaya hayun at panay ang picture sa kanya. Yung ibang gumraduate ay sinama pa ang isang barangay ng pamilya para lang maaninag ang graduation ni Wade.

    Napakamot si Noah sa ulo nang nilapitan ako at nakatutok ako kay Wade.

    “Coreen.” Tumawa siya.
    “Oh?” Bumaling ako sa kanya.
    “Can I ask you another favor?” Tanong niya.
    “Sure, Noah. Ano yun?”
    “Bukas kasi magpe-perform kami sa Moon Records.”

    Natigilan ako sa sinabi niya. Niluwangan ko ang itim na kapa para magsink in sakin lahat ng sinabi niya. Mag peperform sila sa Moon Records! Iyon lang naman ang record label na pinasukan ng Going South (ang banda ni Wade)! Sumikat sila dahil magaling talaga magpasikat ang Moon Records! Kaya nawindang ako nang sinabi iyon ni Noah.

    “Kukunin na ba nila kayo?” Tanong ko.
    “Hindi pa. May mag ju-judge pa samin. Actually, sina Wade.” Aniya.
    “Talaga? Bukas? OMG! Dapat nandun ako? Wait! Pwede bang sumama.”
    “Oo. Actually…” Ngumisi siya. “Kaya nga ako hihingi ng pabor. Si Megan kasi pupunta dun.”
    “WHAT?”
    “Oo. Dapat hindi pwedeng manood. Kaso… may kilala kasi si Megan na taga Moon Records.”
    “Talaga? Kaya siya makakapasok?”
    “Oo. Magdadala pa nga ata ng mga kaibigan niya kaya ayun, kakailanganin kita.” Nagseryoso ang kanyang mukha ngayon.
    “O-O sige.” Medyo nagdadalawang isip kong sagot.
    “Nabanggit mo na ba ito kay Rozen?” Tanong niya.
    “H-Hindi pa, e.”
    “Naku! Kung maari, sabihin mo na kay Kuya. Alam mo naman yun. Sorry talaga, Coreen.” Agad niyang sinabi.
    “Oo. Sasabihin ko rin. Teka nga… grabe yang Megan na yan, ha? Masyadong persistent. Sinong kilala niya sa Moon?” Tanong ko.
    “Actually, si Madame Alejandra. Yung mommy niya, president sa Moon.”

    Napangiwi ako sa sinabi ni Noah. Hindi ako makapaniwala. Kaya naman pala malaya siyang makakapasok ay anak pala siya ng presidente.

    “Are you sure na okay lang kung pumunta ako?”
    “Oo, Coreen. And I will appreciate your help.” Untag niya.

    Pinag isipan ko itong mabuti. Hindi ko kayang biguin si Noah. Minsan lang naman siya humihingi ng pabor. Kaya lang, si Rozen… Okay, pagkatapos nito, sasabihin ko din agad kay Rozen nang di na iyon mag alburoto. Napaparanoid tuloy ako dahil sa mga galamay niyang maaring nakaaligid sa akin palagi.

    Hindi naman kasi siya palaging free. May ginagawa din siya para sa negosyo nila. Balita ko ay gumawa talaga siya ng sariling branch nila. At tulad ng negosyo ng mommy at daddy nila, barko barko din kung maka pag angkat iyon. Kaya madalas siyang busy dahil doon.

    Halos isang oras akong tumunganga sa cellphone ko. Inisip ko kung itetext ko ba ang isang iyon na lalabas ako ng saglit o hindi.

    Ako:
    Rozen, ngayon ang uwi ni Reina, diba? I’ll see her.

    Nagreply siya ng isang cryptic message.

    Rozen:
    Mag ingat ka dyan sa ‘I’ll see her’ mo, ah.

    Natawa naman ako. I promise, sasabihin ko din agad sa kanya ang nangyayari samin ni Noah bago pa yun pumutok sa inis. Baka mag away silang dalawa. Kaya mamaya, pag nagkita na kami, sasabihin ko sa kanya.

    Nandoon na si Noah sa Moon. I’m sure nininerbyus na iyon. Alam kong kahit cool lang siya at puro kasupladuhan lang ang alam ay kinakabahan parin iyon. Ito yung pangarap niya kaya syempre conscious siya sa bawat gagawin niya.

    Pumasok ako sa Moon. Pahirapan ang pagpasok. Buti na lang at binasbasan ako ni Noah. Buong akala ko banned ako dito dahil iyon ang iuutos ni Megan pero nagkamali ako.

    Nag si-set up sina Noah sa stage nang dumating ako. Wala pa sina Wade pero kumpleto na sina Megan at ang mga kaibigan niyang gaya niya ay kikay na kikay. Not that I’m not kikay, too. Kaya pag sumama ako sa kanila, hindi ako mapagkakamalang outsider.

    “Coreen!” Sigaw ni Noah sabay takbo papunta sakin.

    Napatalon ako sa ginawa niya. Binuhat niya ako at inikot pa.

    “I missed you!” Aniya sabay halik sa pisngi ko.

    Uminit ang pisngi ko at napatingin ako sa mga babaeng nakatingin din sa amin. Nakita kong napangiwi ang iilan sa kanila. Nakita ko namang inosenteng nakangisi si Megan.

    “I missed you, too.” Sabi ko sabay yakap sa kanya.
    “Goodluck kiss naman diyan!” Panirang sigaw ni Warren habang inaayos ang drums.
    “Heh!” Sigaw ko.
    “Ayeeee!” Sigaw nila.

    Nakikiuso din ang mga ito. Alam naman nilang hindi ito totoo pero sumasabay sa panahon. Pasakay lang.

    “Sige na, please?” Nag puppy eyes si Noah.
    “Noah.” Bulong ko sabay iling ng bahagya.
    “Coreen, they are watching us. Kiss lang naman sa cheeks.” Sabi niya.

    Humugot ako ng malalim na hininga. I’m sure Rozen won’t approve. Promise, mag eexplain ako sa kanya mamaya. Patay! Iniisip ko pa lang ang reaksyon niya parang ikinamamatay ko na.

    Inilapit ko ang lips ko sa pisngi niya at hinalikan siya ng mabilis.

    “Thanks!” Kumindat si Noah at bumalik na sa stage.

    Tumawa ako at pinagmasdan silang nag aayos ng gamit.

    “Coreen!” Tawag bigla ni Megan sa akin.
    “Huh?” Tinaas ko ang kilay ko.
    Nakita kong ngumunguso siya sa tabi niya. Kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong pumunta sa kanya at tumabi.

    Malaki ang room na iyon. Parang pang sine. Maraming upuan. Pero kapansin-pansin ang mga upuang nasa harapan. Doon siguro uupo sina Wade. Marami ding lights sa likuran na hindi ginagamit.

    “Nakakainggit talaga. Sana palit na lang tayo ng kapalaran.” Bulgar na sinabi ni Megan sa akin.
    “Huh? Bakit?”

    Bigla niyang itinaas ang t shirt na soot. Halos mapasigaw ako. Ako pa ata ang na ooffend sa ginawa niyang pagpapakita ng tiyan. May nakita akong ‘Noah Elizalde’ na naka tattoo sa ilalim ng left boob niya.

    “My God!” Napasinghap ako.
    “Hehe. Sorry, ah? Crush na crush ko talaga siya, e. Noon, sayang talaga, nung na in love siya sakin, umalis ako kaya ayun at…” Nagkibit balikat siya, “Binasted ko.”

    Tumalon talon siya na parang walang sinabing ganun nang nakita niya sina Wade.

    “Wade Rivasss! WOHOOO! GWAPO MO PO! AKIN KA NA LANG!” Pumalakpak siya at tumili pa lalo.

    What? Na inlove si Noah kay Megan noon? Hindi ko alam kung totoo ba iyon o pinapalabas niya lang iyon para matinag ako. Syempre, as girlfriend kuno ni Noah, dapat ngayon ay nagseselos na ako o nag aalburuto na, pero dahil hindi naman iyon totoo… imbes na magselos ako ay nagulantang ako sa sinabi niya.

    Nakatunganga parin ako kahit maingay na ang mga kasama ni Megan dahil sa pag dating ni Wade at ang iba pang miyembro ng Going South.

    “Hello, Zeus!” Tumawa si Wade at dumiretso sa stage.

    Naglahad siya ng kamay sa kanilang lahat, maging kay Liam.

    “Miss na miss ko na kayo mga bro.” Nagtawanan pa sila at nag biruan. “Sige, pakitaan niyo daw si Zac, Adam at Austin. Maghuhugas kamay ako dito dahil kung ako sa inyo, pasok na kayo lahat.” Tumawa ulit si Wade.
    “Wa’g kang bias, Wade! Kailangan din namin ng constructive criticism.” Biro ni Warren.

    Nag tawanan pa sila at nag kwentuhan bago sinimulan nung Zac ang pag papaliwanag kung paano mangyayari itong audition. Kasama din nila ang isang staff ng Moon Records na gumagabay sa bawat proseso na ginagawa nila. Kami naman ay walang ginawa kundi tumili.

    Kaya nang nagsimula nang kumanta si Liam ng isang kantang kay Wade originally, bumuhos sa akin ang mga alaala ko noong hindi pa umalis si Reina at Rozen papuntang France. Lahat ng mga desperada kong moves para lang makuha ang atensyon ni Noah noon.

    “Thank you!” Ani Liam sabay yuko sa audience nang natapos na ang kanta.
    “I like it.” Sabi ng matandang babae na staff ata ng Moon Records.
    “Thank you! Thank you!” Sabi ni Liam nang nakangiti.

    Pumalakpak kami. Unti unti kong nasaksihan ang pagbabago ng ekspresyon ni Liam. Kung noong una ay nakangisi lang siya, ngayon ay halos mapatalon siya sa saya nang katingin sa likod. Binaybay ko ang titig niya at doon ko nakita kung sino ang nagbalik. It was Reina!

    And oh my God! Wade is freaking here!

    “REINA!” Sigaw ni Liam.

    Kumaway si Reina. Ang laki ng pinagbago niya! Mas makinis ang kutis niya ngayon. Walang traces ng mga tigyawat niya noon. Pumuti siya at mas lalong naging resemblance niya ang soft features ni Noah, pero ang mga mata niya ay sinisigaw ang kay Rozen. She really is a true Elizalde. Very, very stunning.

    “OMG! REINA!” Napahiyaw ako at tumalon.

    Diretso ang titig ko kay Wade Rivas na ngayon ay hindi parin lumilingon kahit na isinisigaw ko na ang pangalan ng pinakamamahal niya.

  • Kabanata 52Open or Close

    Kabanata 52

    Napanood ko ang paghalik ni Liam kay Reina sa noo. I heard they’re an item. O baka naman pinapaniwala lang ako ni Rozen nun? Nakita ko kasi ang nagulat na reaksyon ni Reina sa ginawa ni Liam.

    “Reina, bakit ka andito? Diba sa susunod na linggo ka pa babalik?” Tanong ni Liam.

    Hindi niya alam? Sabagay, ang sabi ni Tita, ayaw daw ni Reina na malaman ng lahat na babalik na siya nang sa ganun ay hindi siya paghandaan ng party. Well, hindi parin maiiwasan iyon. Malalaman at malalaman parin iyan ng buong pamilya niya.

    Kung ganun… kung may something si Reina at Liam, bakit di alam ni Liam na babalik si Reina ngayon?

    “Wade, classmate kayo noon ni Reina diba? So magkakilala na kayo?” Tanong ni Liam.

    Pinalibutan na kasi agad naming lahat si Reina. Well, except for Wade. Nandoon lang siya sa likod namin. Madilim ang titig ni Wade. Para bang nababalot siya ng pagkamuhi. Tumindig ang balahibo ko. Nakita ko sa ekspresyon ni Reina ang pagkakaasiwa dahil sa matinding titig ni Wade.

    “Kilalang kilala.” Ngumisi si Wade.

    Kinagat ko ang labi ko. Kilalang kilala nga. Kumunot ang noo ni Liam at pinagmasdang mabuti si Reina. Nagkatinginan naman kami ni Noah at nagtanguan na lang.

    Marami pa silang pinag usapan. Ang hindi ko lang matanggal sa utak ko ay ang pagiging tuliro ni Reina at ang weird na paninitig ni Wade sa kanya. Sexual harrassment na ata ang ginagawa ni Wade, tumitindig na ang balahibo ko sa kakatitig niya kay Reina kaya nang nagkataon ako ay hinila ko na siya papunta doon kina Megan.

    “Kung hindi ka lang masyadong primitive, sana nalaman mo na nung papasikat pa lang sila. Visit din ng youtube pag may time at gumawa rin ng Facebook pag may time? Measuring tape lang yata ang laging kaharap mo sa France!” Umirap ako.

    Nag rereklamo kasi siya kung bakit hindi ko sinabing sikat si Wade. Kasalanan ko ba iyon? Siya itong nag refuse na malaman ang totoo. Totoong pinagkait ko sa kanyang ang katotohanan, pero kung gusto niya talagang malaman kung ano na ang nangyayari, gagawa siya ng paraan, hindi yung aasa lang siya sa akin.

    “K-Kailan lang sila sumikat?”
    “Obviously, matagal ng sikat ang Going South kaso nag retire ang vocalist dahil inatupag yung pamilya niya 3 years ago at nabigla na lang akong bokalista na nila si Wade. Mas lalo silang sumikat. You know? I’ve been to their concert? Mga dalawang ulit siguro. Laging hysterical ang mga fans! May nahihimatay. At siguro tignan mo rin yung internet, baka makita mo kung gaano ka sikat yung apat na yan at lalo na si Wade.”
    “Nasalubong ko ang billboard niya papunta dito. It’s obvious na sikat siya.”

    Wala akong ginawa kundi ang tumili na lang kasama sina Megan.

    “Iyan si Zac, yung may hawak ng gitara, tapos yung isang inaayos ang gitara ay si Austin, Tapos yung drummer nila, bago rin yan, si Adam, tapos siyempre yung vocalist si Wade.” Sabi ko nang nakitang nakatunganga si Reina, halatang out of place sa mga kaganapan.

    Syempre, windang na windang siya nang nakita niyang sikat na pala ang lalaking iniwan niya apat na taon na ang nakalipas. Nakakalungkot mang isipin na hindi sila nagkatuluyan. Wait, it’s too early to say that. I’m sure, may plano iyang si Wade.

    Naagaw na ng Going South ang buong atensyon ko. Promise, pagka may concert sila sasama na talaga ako. Sobrang galing nila lalo na nang kinanta ni Wade ang isang bagong single nila. Napapa head bang ako at nanonoot sa bawat pores ko ang mga lyrics.

    “Coreen, alis muna ako. Yung bagahe ko nasa labas, dadalhin ko lang sa bahay-” Biglaang sinabi ni Reina pagkatapos ng performance ng Going South.
    “Huh? Ba’t di ka na lang sumama-” Hindi pa ako natatapos ay nakaalis na siya.

    Nagmamadali siya kaya wala akong magawa.

    Biglang nahagip ng paningin ko si Noah at Megan na nag uusap. Nakita kong hinahawakan ni Megan ang braso ni Noah kahit na panay ang hawi nito sa kamay niya. Nilapitan ko agad.

    “Ano ba, Megan!” Sigaw ni Noah.
    “Noah, can we talk, please.” Utas ni Megan sabay hawak ulit sa braso ni Noah.
    “Ano bang pag uusapan natin? Wala akong gustong sabihin sayo!” Sambit ni Noah.
    “Noah…” Utas niya hanggang sa nairita si Noah at tumayo sa gilid ko.
    “Ano ba?” Sigaw niya.

    Nasa likod ko na siya ngayon.

    “May gagawin kami ni Coreen. Will you please stop stalking me! Naiinis ako sayo!” Mariing sinabi ni Noah.
    Nakita kong unti-unting pumungay ang mga mata ni Megan.

    Noong una ay nakaawang pa ang bibig nito, ilang sandali ang nakalipas ay tinikom niya na ito bago yumuko at umalis.

    Napabuntong-hininga ako, “Okay lang ba yun?” Bulong ko.
    “I don’t care about her.” Nag iwas ng tingin si Noah sa akin.

    Hindi ko siya tinantanan ng titig. Nanliit ang mga mata ko. Hindi ko kayang hindi magduda. Sa sinabi ni Megan kanina, parang alam kong may kung ano talagang namamagitan sa dalawa.

    “Nabasted ka ba niya?” Tanong ko.
    “Huh? No!” Hindi parin makatingin si Noah.
    “Talag-“
    “Coreen, mamaya may party sa bahay. Pumunta ka ah?” Biglaan niyang anyaya sa akin.
    “Ha? Bakit?”
    “Yung ‘surprise’ party ni Reina na gustong mangyari nina mommy at daddy. Remember?” Aniya.
    Tumango ako. “Sumabay ka na saming dalawa.”
    “Sa inyo ni Reina?”
    “Oo.” Ngumisi siya.

    Hindi ko siya sinagot. Kinuha ko ang cellphone sa bag ko at nakita ko na may labing apat na missed calls si Rozen Elizalde. Pinaulanan niya na rin ako ng death threats. Isang mensahe pa lang, alam na alam ko na kung ano ang pinaghuhugutan niya.

    Rozen:
    Bakit ka nagpapahalik sa iba?

    Hindi ko na binasa ang iba lalo na nang nabasa ko ang isa pang message.

    Rozen:
    I’m outside Moon Records. Smoking to death. I want you here. Now.

    Napalunok ako. Nagkatinginan kami ni Noah. Itinaas niya ang kanyang kilay saka tinignan na rin ang cellphone na hawak ko. Binaba ko ito ng paunti-unti bago ngumisi.

    “It’s Rozen?” Tanong niya.
    “Uh-huh.” Sabi ko. “And… uhm… kakausapin ko lang muna si Reina.” Sabay turo ko sa pintuan.
    “Alright.” Tumango si Noah kaya dumiretso na ako sa pinto.

    Ilang beses pa akong nagpabalik-balik sa second floor bago ko siya natagpuan sa pintuan ng Moon Records. She looks stressed. Para bang sinakluban siya ng langit at lupa. Kakarating niya nga lang dito sa Pilipinas ay stressed na siya.

    Nang naaninag niya ako ay agad niya akong niyakap.

    “I missed you, Coreen. Surprise!” Sabi niya.
    Tumawa ako, “Crazy girl, it’s not a surprise! Alam naming lahat na dadating ka. Wala lang may guts na sunduin ka sa airport lalo na pag magtatanong ka na kung anong ginagawa ni Wade sa billboard na iyon.”
    Umiling siya, “Nakakainis kayo! Ba’t di niyo sinabi sakin?”

    Hinarap ko siya.

    “Will that change a thing, huh, Reina? Pag sinabi ko ba sayong sikat siya ay may mangyayari din sayo?”
    “Kahit na, Coreen! You’re my bestfriend!” Ramdam ko ang pait sa kanyang mga salita.
    “I’m sorry.” Kinagat ko ang labi ko.

    Alam ko… Alam kong marami akong nilihim sa kanya. I don’t deserve to be called her bestfriend. Pinisil ko ang balikat niya. Bahagya kong nakuha ang atensyon niya sa ginawa ko.

    “Reina, may sasabihin ako.”
    Nagkasalubong ang kilay ng best friend ko, “What? Another surprise!? Imbes ikaw ang masurpresa ay ako ang nasusurpresa niyo?”
    Humugot ako ng malalim na hininga, “I’m in love with your brother.”

    Hindi ko nakita sa mukha niya ang gulat. Hinanap ko iyon pero wala siyang ginawa kundi ang tumunganga sa akin. Parang kinurot ang dibdib ko. Iyon lang naman ang sinabi ko, at kay Reina lang naman, pero naapektuhan ako. Para bang nang inamin ko ito sa kanya ay ipinagsigawan ko iyon sa mundo. And I’m happy. I feel free.

    “Yeah. I know. Diba? Hello? Hindi naman siguro ako nagka amnesia?”

    Tumawa ako. Lintek! Oo nga pala! Kaya pala wala siyang reaksyon dahil ang alam niya ay mahal ko ang isa pang kapatid niya. Tumawa ako at sinabayan ko ito ng iling.

    “No, No… The other brother, Reina.” Sabi ko.
    “Wha- Who- Dashiel?”
    “No!” Natatawa kong sinabi.
    “Wha- ROZEN!?” Ayun at napatalon siya.

    Perfect O ang kanyang bibig habang hinihintay ang pagtango ko.

    “OH MY GOD!” Sigaw niya. “But Noah’s in love with you!”

    Nasurpresa din ako sa sinabi niya. Paano niya iyon nalaman? Hindi ko alam. At kung kelan niya iyon nalaman? Hindi ko rin alam. Pero tantya ko ay nasa France na siya nang nalaman niya ito. I know Reina, hindi siya magaling magtago ng sekreto.

    “Oh my God!” Paulit-ulit niya itong sinabi hanggang sa narinig ko si Noah sa likod.
    “Reina… Let’s go home.” Malamig na utas ni Noah sa kapatid niya.

    Hindi parin naalis ang titig ni Reina sa akin.

    “Coreen, sumama ka.” Sabi ko.
    Umiling ako, “I can’t. Rozen is waiting for me.”

    Nilagpasan ko silang dalawa. Lumabas ako ng Moon Records. Iniwan ko ang magkapatid doon para puntahan ang kapatid nilang naninigarilyo na naman ngayon sa labas ng sasakyan niya. Hinagis niya ang sigarilyo nang nakitang papalapit ako. Umubo pa ako para lang ipakita sa kanya na ayaw kong naninigarilyo siya. Ngumuso siya sa akin at pinilit niyang ikunot ang kanyang noo.

    “So… tell me, why are you kissing someone else?” Humalukipkip siya.
    “Rozen, sorry, kasi-“
    “Kasi ano? Kasi para sa akin, walang tamang rason para magpahalik ka sa iba.” Umirap siya.
    “Anong tawag mo sa paghalik ni Elle sayo?”
    “That was different, Coreen! Hindi ako ang nag initiate nun, I know you’re not dumb so don’t act like you are! At isa pa, wala pa tayo nun kaya wala kang pakealam kung anong gawin nino sakin.”
    “Hoy, excuse me, wala parin tayo hanggang ngayon.” Nakapamaywang akong nagtataray sa kanya.
    “Oh? Really? So that’s what you want? To be in between again? In between being in a relationship with me and being single, huh?”
    “Hindi naman sa ganun…” Sabi ko.
    “Then ano?” Suminghap siya.

    Nagkatinginan kami.

    “Si Noah kasi ano… may pabor sa akin.”
    Tumango siya pero nanatili ang sarcasm sa kanyang mukha.
    “Tapos sabi niya, kailangan ko raw maging pretend-girlfriend niya…”
    Napangiwi si Rozen at umambang puputulin ako sa pagsasalita kaya tinaas ko ang boses ko.
    “Kaya ayun. Hindi ko matanggihan. Kasi obsessed si Megan sa kanya at para mapaalis si Megan, kailangan akong umarte as-“
    “Bullshit! Pati pag halik, kailangan? Ha? Coreen!” Nakita kong nanggalaiti siya sa inis. “Fuck! Ni hindi ako pumapayag na maging pretend-girlfriend ka niya!? What more yung hahalikan ka niya!? Hahawakan ka niya?!”
    Napapikit ako sa pagsigaw ni Rozen, “But Noah’s my friend and he needs me.”
    “Tapos paano ako? You’re not even my girlfriend yet!” Pumiyok ang boses niya.

    Parang pinipiga at kinukurot ang puso ko sa sinabi niya. Naamin din niya sa wakas na hindi ko pa siya sinasagot. Dyan siya na iinsecure kay Noah. Dahil hindi ko pa siya sinasagot!

    “I am.” Sabi ko.

    Natahimik siya. Parang kanina lang ay halos lamunin niya ako sa galit niya. Pero dalawang salita ko lang ngayon ay natahimik na siya. Nakita kong napaawang ang bibig niya. Ngumisi ako.

    “You… are?” Tanong niya.

    Tumawa ako at tumango na lang.

    “Really?”

    Kaya sobrang saya niya buong byahe papunta sa bahay nila. Wala siyang ginawa kundi ang ngumisi nang ngumisi. Kahit na dinagdagan ko ito ng…

    “But you can’t tell anyone yet, alright? May usapan pa kami ni Noah.”

    Parang hindi niya ako naririnig sa sobrang saya niya. Nang dumating kami sa bahay nila at nagkita silang dalawa ni Reina, kahit na halos hambalusin na siya ni Reina ay tatawa tawa lang siya. Pabalik balik pa siyang tumitingin sa akin. Parang baliw!

    “Sasamahan ko lang si Reina sa kwarto niya.” Sabi ko nang nag walk out si Reina papuntang kwarto niya.

    Hinila niya ako at tinapat niya ang bibig niya sa tainga ko. Tumindig agad ang mga balahibo ko sa galaw niya.

    “Samahan mo rin ako sa kwarto ko mamaya?” Humalakhak siya.
    “Tseh!” Inirapan ko na.

    Nakakatuwa siyang tignan lalo na pag good mood. Lahat ang nginingitian niya. Pagkatapos magbihis ni Reina, lumabas na kami at nakita ko pa si Rozen na nakikipag usap kay Noah na nakangiti. Kumukuha silang dalawa ng pagkain. Nawi-weirduhan si Noah dahil sa ginagawang pakikihalubilo ng kuya niya, si Rozen naman ay mukhang sanay sa pakikipag pansinan kay Noah.

    “Damn! It’s such a happy day, isn’t it?” Aniya sa akin.

    Umiling ako. I don’t know, Rozen. Minsan talaga tuwang tuwa itong isang ito pag nagkanda leche-leche na ang buhay ng mga tao sa paligid niya. Biruin niyo, inimbitahan niya si Wade sa private party ni Reina? Sa bagay, may inimbita din naman sina Warren at Joey na mga babae kaya hindi na ito ganun ka private. Napansin ko rin ang ka sweetang ipinamamalas ni Liam kay Reina. I don’t know if it was because they were both from a foreign country kaya medyo naninibago ako sa galaw ng dalawa o talagang may something na.

    Sinulyapan ko si Wade na walang ginawa kundi ang tumitig sa kanilang dalawa. Damn! Kung ako si Reina, kanina pa ako nalusaw!

    Kamuntikan pang nagkabangayan nang nagsimula ng mag inuman. Si Liam at si Wade ay nagpapasikatan tungkol sa mga nalalaman kay Reina.

    “Reina, you’re not a teenager anymore. Pwede ka ng mag boyfriend. Mas maganda naman sigurong sa kilalang lalaki ka mapunta. Itong si Liam, matino naman at kilala na namin kaya…” Nagkibit-balikat si Rozen. “Pwede.”

    Masama ang tingin ko sa kanya. Kasi naman, alam kong pinariringgan niya ang kawawang si Wade. Nakita kong napangiwi si Wade sa sinabi ni Rozen. Kumindat naman si Rozen sa akin.

    “Adik.” Bulong ko. “Stop teasing Wade, please.”

    Pumungay ang kanyang mga mata at kinagat niya ang kanyang labi. Tinaas ko naman ang isang kilay ko.

    “Shall I tease you, then?” Nakakapanindig balahibo ang ngisi niya.

  • Kabanata 53Open or Close

    Kabanata 53
    I Love You

    “Reina, want some?” Inabot ni Liam ang shot kay Reina. “Oh, saan ka?”

    Tumayo kasi si Reina at umambang aalis. Ngumisi ako. I know… Napuno na siya sa mga pang iintriga dito kay Wade. Malamang ay magpapalamig siya or something.

    “Ah… May kukunin lang ako sa kwarto.” She lied.

    Ilang sandali lang ang nakalipas nung umalis si Reina ay mas bumilis ang tagay nina Warren. Mabilis ding uminom si Liam at si Wade. Napatingin ako kay Rozen na chill lang uminom at hindi parin natatanggal ang ngisi sa labi. Si Noah naman ay tulala sa bote ng beer niya. Ang lalim ng iniisip.

    “Hey…” Inilapit ni Rozen ang ulo ko sa labi niya.

    Nagtindigan agad ang balahibo ko. Nakita kong lumingon si Wade sa amin at ngumisi.

    “Ano?” Bulong ko.
    “Labas muna tayo, may ipapakita ako sayo.”
    “Ha? Saan? Tsaka gabi na masyado. Nag paalam ako kina mommy at daddy na mag s-sleep over ako dito sa inyo.”
    “Kaya nga, sumama ka muna.” Hinila niya ang kamay ko.

    Nilingon ko si Warren, Joey at Liam na nagtatawanan na ngayon kasama ang mga babae. Si Wade naman ay walang ginawa kundi ang pagmasdan kaming lahat. Si Noah naman ay sumandal na sa mesa. Inaantok na yata kaya ayun at bumigay na.

    “Saan kasi?” Tanong ko.

    Hindi niya na ako sinagot. Hinigit niya na lang ako palabas ng bahay namin.

    “Rozen, medyo may tama ka na.” Sabi ko.
    “Wala! What do you think of me, malambot? Hindi ako tulad ni Noah na mabilis matamaan.” Ngumisi siya at pumasok sa sasakyan.
    “Saan ba kasi tayo pupunta?” Tanong ko nang pumasok ako sa sasakyan niya.

    Pero wala siyang imik hanggang sa nakarating kami sa isang simbahan. Tumindig ang balahibo ko, ngayon lang ako nakapunta sa isang simbahan ng ganito na ka lalim ang gabi. Alas dose na kaya. Anong ginagawa namin dito?

    “Rozen! Ano ba?” Bulong ko.

    May iilang matatandang nag darasal. Binilang ko, siguro nasa mga apat na matatandang babae. Yun lang. Dim ang lights ng altar. Ni walang ilaw sa may pintuan. Kinaladkad niya ako papuntang altar.

    “Rozen!” Mas lalo kong hininaan ang boses ko. “Anong ginagawa natin dito? Kung gusto mong mag simba, mukhang walang misa ngayon.” Lumingon lingon ako.
    “No, we’re not here for the mass.”

    Binitiwan niya ang kamay ko nang nasa harap na kami ng altar. May dumaan pang sakristan sa harap na nag mo-mop.

    “Anong ginagawa natin dito?” Tanong ko.

    Walang pasubali niyang kinuha ang kamay ko at nilagay niya agad yun doon. Nakita ko ang isang simpleng eternity ring. Nalaglag ang panga ko.

    “Ano ‘to?” Tanong ko.
    “Will you marry me?” Nagtanong pa siya.

    Pabalik balik kong tinignan ang nakangisi niyang mukha at ang singsing na nakalagay na ngayon sa daliri ko.

    “Kung oo, ilagay mo rin ito sa kamay ko.” Ipinakita niya sa akin ang isa pang eternity ring.

    Parang kinukurot ang dibdib ko. Biglaan. Hindi ko man lang ito nakita. Kanina ko pa siya sinagot pero may inihanda na agad siyang ganito. Kinukurot ang dibdib ko dahil sa tuwa pero hindi ko parin maiwasang magtanong.

    “Rozen, are you sure about this?” Nabasag ang boses ko. “I mean, ilang ulit kitang sinaktan. Ilang ulit kitang tinaboy. Grabe na yung dinulot ko sayo pero hanggang ngayon kaya mo parin akong mahalin ng ganito?”

    Bumuhos ang luha ko sa kalagitnaan ng pagtatanong ko.

    Yes. I can’t believe it. Halos hindi ko na siya deserve dahil sa daming sakit na naidulot ko sa kanya. Hindi ko nakita yung pagmamahal niya noon. Preoccupied ako sa pagmamahal ko kay Noah at hindi ko makitang nasasaktan ko na pala siya. Ngayong mahal ko na siya, hindi ko mapigilan ang kwestyunin ang pagiging karapat dapat ko sa kanya. Parang hindi…

    Si Elle na walang ginawa kundi ang mahalin siya, iyon ang nararapat sa kanya, e. But I can’t just give him up for her coz I’m so in love with him right now… I won’t give him up ever.

    “Ano ba yang puso mo? Gawa ba yan sa bakal at bakit hindi natitinag?” Hinampas ko ang dibdib niya.

    Ngumisi pa siya lalo.

    “Ilagay mo na, please.” Sabay wagayway niya sa singsing.
    “Pero hindi ako deserving sayo. Ang dami kong nagawang mali sayo. Sigurado ka ba talaga dito?”
    “Hindi kita dadalhin dito kung hindi. At kung ayaw ko sayo, Coreen, dapat noon pa tinigilan na kita.” Pumungay ang kanyang mga mata.

    Pinunasan ko ang bawat luha na dumantay sa pisngi ko. Hinawakan niya ang pisngi ko gamit ang isa niyang kamay at tumulong din siya sa pagpunas.

    “Please, Coreen. Kahit hindi ito totoong kasal, this means so much to me.” Aniya.
    “Anong kasal?” Medyo galit kong utas.
    Humalakhak siya, “Sa kasal baka ako pa yung mapahagulhol. Kaya wa’g mo ng patagalin.”
    Hinampas ko ang dibdib niya.
    “Coreen, kahit anong wasak mo sa puso ko… lahat ng mga pirasa nito, nagmamahal parin sayo. So stop questioning and return my love.”

    Nilagay niya sa kamay ko ang singsing at inilahad niya ang kamay niya sa akin.

    “I love you, Rozen.” Sabi ko ng klaro bago pinadausdos ang singsing sa daliri niya.

    Nalaglag ang panga niya sa sinabi ko.

    “Heh! Hindi yun ang first time na sinabi ko yun sayo.”
    “Can you say it again, please?” Pumikit siya.
    “I love you, Rozen.” Sabi ko.
    “I’m gonna marry you one of these days.” Bigla niyang sinabi at hinila niya ako para yakapin.
    “No way! Ang bata ko pa.” Tumawa ako.
    “You’re almost twenty three. Right age na iyon.”
    “Kahit na, no.”

    Natuyo na ang pisngi ko nang hinigit niya ulit ako palabas ng simbahan.

    “Umuwi na tayo baka saan pa kita iliko.” Humagalpak siya sa tawa.
    “Ha?” Napalunok ako.
    “Wala.” Umirap siya at pinagbuksan ako ng pintuan sa sasakyan.

    Umupo din naman ako at hinintay ko siyang pumasok. Hindi parin matanggal ang ngiti niya sa labi maging noong pinaandar niya na ang sasakyan. Pinagmasdan ko ang eternity ring sa daliri ko. Sobrang ganda. I’m sure mahal ito. Syempre, bili ba naman ng isang Elizalde.

    “Rozen, pwede parin ba akong maging pretend-girlfriend ni Noah?”
    Napawi ang ngiti niya.
    Kinagat ko ang labi ko, “Eh kapatid mo yun at medyo may obsession yung Megan sa kanya. Creepy. Kaya siguro ayaw niya sa babaeng iyon.”

    Hindi umimik si Rozen kaya dinagdagan ko pa.

    “I promised. Tsaka…” Winagayway ko ang daliri ko. “Kasal na naman tayo. Hindi na ako maagaw ng iba. Ikaw naman ang mahal ko.”
    Sumulyap siya sa akin at ngumuso.

    Hindi ko kayang palagpasin ang bakas ng pag ngisi sa kanyang mukha. Madali lang talagang makumbinsi si Rozen lalo na pag pinapaaalala ko sa kanya na mahal ko siya.

    Itinigil niya ang sasakyan. Humalukipkip siya at matama niya akong tinignan.

    “Hindi ko alam kung bakit mo tinutulungan si Noah, Coreen. Hayaan mo silang dalawa.”
    “Pero humingi siya ng pabor.” Sabi ko.
    Pumikit siya at hinila niya ako palapit sa kanya.

    “No…” Umiling siya at tinagilid niya ang ulo niya para hindi magkabangga ang mga ilong namin.

    Ayan na naman. Ramdam ko na naman ang hininga niya sa labi ko.

    “No…” Pag uulit niya. “No, I don’t want to share you. Ang tagal kitang… ang tagal kitang hinintay na mahulog sakin, tapos magkakaroon pa ng ganito?”
    “You won’t share me, R-Rozen.” Nauutal na ako.

    Unti unti na kasing kumakalabog ang puso ko dahil sa lapit niya. Hindi ko na kayang magsalita. Gusto ko na lang siyang halikan buong magdamag.

    “No… It’s a no. Not my brother. Not anyone else.” Pabulong niyang sinabi.

    Nagtindigan ang mga balahibo ko sa batok. Naramdaman ko agad ang haplos niya sa batok ko. Tinulak niya ang ulo ko palapit sa kanya at mariin niya akong siniil ng halik.

    Parang jelly bumibigay ang katawan ko sa bawat pag lapat ng halik niya sa labi ko.

    Nakalimutan ko ang pinag usapan namin dahil sa halikang iyon. Lalo na nang marahan niya ng binaba ang halik niya sa likod ng tainga ko, sa leeg ko.

    “Rozen…” Nakakahiya na ang pagtawag ko sa kanya.

    Gusto kong takpan ang bibig ko o di kaya ay ang tainga ko dahil sa nakakahiya kong pagdaing.

    “God!” Bulong niya saka binalik ang labi niya sa labi ko. “Pwede bang hindi kita iuwi ngayon?”
    “Huh? Bakit?” Wala sa sarili kong tanong.
    “Anong nangyayari pagkatapos magpakasal?” Tanong niya habang pinapaulanan ng mainit na halik ang leeg ko.

    Nakakakiliti pero ayokong tumigil siya. Wala akong ginawa kundi ang dumaing sa ginagawa niya.

    “Ro… zen. Shit!” Kinagat ko ang labi ko.
    “Anong ginagawa, Coreen?”
    “Ano?” Wala na talaga ako sa ulirat ko nang tinanong niya ako nito.

    Sa ibabaw ng dress ko, hinaplos niya ang dibdib ko habang nagpapaulan parin ng halik sa leeg ko. Nakakaiyak sa kasiyahan! Ano ba itong ginagawa ni Rozen sa akin? Oh my gosh!

    “Ewan k-ko.” Sagot ko.
    “You don’t know?” Tumigil siya at hinarap ako.

    Diretso ang tingin niya sa mga mata ko. Ako naman, hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Basta ang alam ko ay naiinis ako kung bakit niya iyon tinigilan.

    “I don’t know.” Just kiss me, okay?
    “Then, I’ll show you.” Malademonyo ang ngisi ng sexy beast nang pinaandar niya ang kanyang sasakyan.

    Ang bilis niyang magpatakbo. Para kaming hinahabol ng pulis dahil sa ginawa niya. Ni park niya sa parking lot ng isang 5 star Hotel ang kanyang sasakyan.

    “Anong ginagawa natin dito? Kakain?” Tumawa ako pero lumabas na siya ng sasakyan. “Pwede bang maghalikan na lang tayo?” Bulong ko sa sarili ko.

    Hindi niya iyon narinig dahil kakabukas niya lang sa pinto ko noon.

    “Let’s go.” Ngumisi ulit siya.
    Nagkibit balikat ako at sumama sa kanya.

    Doon ko lang napagtanto sa front desk ng hotel kung anong ginagawa namin dito.

    “Isang presidential suite.” Aniya sa babae.
    Ngumiti ang babae at nag beautiful eyes pa kay Rozen. Hindi iyon pinansin ni Rozen dahil may katawag na siya sa cellphone ngayon.

    “Hello, Rick?” Aniya sabay tingin sa kawalan.
    “Sinong Rick?” Tanong ko.

    Sumulyap siya sakin at ngumisi.

    “Paki bilhan ako ng isang set ng damit. Tsaka… Isang set naman ng pambabae. Zero to One ang size. Small or medium.” Aniya.
    “HUH?” Tinaas ko ang kilay ko.
    “Okay, Rick. Ipadala mo na lang dito.”

    Sinabi niya ang address ng hotel bago binaba at kinuha ang card na kanina pa binigay ng babae.

    “Thanks.” Ngumisi si Rozen sa babae at agad akong hinila.

    Ni hindi niya binigyan ng pagkakataon ang babaeng magpacute.

    “Alam mo na ba ang sagot?” Tanong niya nang pumasok kami sa elevator.
    Kumunot ang noo ko, “Ano?”

    Pinadausdos niya ang kamay niya sa baywang ko at inilapit ang buong katawan ko sa kanya. Hinalikan niya ako. Yung halik na mabababaw at puro labi lang ang pinagtatama.

    “Honeymoon.”
    “Oh my-” Hindi niya na ako pinatapos.

    Mariin niyang siniil ang labi ko ng halik. Nawawala na naman ako sa sarili ko. Kaya nang tumunog ang elevator, hudyat na nasa tamang floor na kami, wala akong inisip kundi ang suite na pupuntahan namin.

    I just wanna go there and do this with him. Iyon lang ang tanging nasa isip ko. Mabilis kaming nakapasok sa suite. Hindi ko na pinansin kung gaano ka engrande ang suite na napili niya o kung para saan iyong pinapadala niyang damit doon sa lalaking nagngangalang Rick. Basta ang alam ko ay sa ngayon, naghahalikan kaming dalawa.

    Hinubad niya ang t-shirt niya nang nilapag niya na ako sa kama.

    “Can’t believe I’m finally doing this with the love of my life, Coreen.”

    Kinagat ko ang labi ko nang bumalandra sa akin ang malaki niyang katawan. Tinalunton ko ang ugat sa braso niya hanggang sa pulso. Hindi ko rin pinalampas ang abs niyang ngayon ay mabilis na nayayanig dahil sa mabilis niyang paghinga.

    “I love you, Coreen. I love you so damn much.” Aniya bago ako hinalikan.
    “Rozen, I… love…” Hindi ko iyon matapos dahil masyado na akong nawiwili sa mga halik niya.

    Ni hindi ko namalayan na sinoot niya na ang kamay niya sa ilalim ng dress ko.

    “Oh shit!” Napasigaw ako nang hinawi niya ang strap ng bra ko.

    Hindi ko na alam kung saan ko mag pupokus. Kung sa halik niya ba sa leeg ko o sa kamay niyang pinaglalaruan ang boobs ko.

    May narinig akong napunit sa likod ko habang ginagawa namin yun.

    “Oopps, sorry.” Aniya at tumawa.
    “Napunit ang dress ko?” Tumawa rin ako.

    He unclasped my bra. Inayos niya rin ang paghubad sa damit ko.

    “Buti na lang nagpabili talaga ako ng damit mo. Alam kong mapupunit ko talaga yang manipis mong dress.” Tumawa siya at nagsimula ulit sa paghalik sa akin.

    Wala na akong dress ngayon at isang strap na lang ng bra ang naka sabit sa balikat ko. Bumaba ang halik niya papunta sa dibdib ko.

    “Rozen!” Napasigaw ako.

    Ito ang unang pagkakataong may hahalik sa akin diyan. Hindi ko ma explain ang nararamdaman ko. Nawawala ako sa katinuan ko. Pinag laruan ng isang kamay niya ang isang boob ko, ang isa naman ay bumaba sa gitna ng hita ko.

    “Are we really doing this- oh my gosh-“
    “Coreen, talaga. Stop that. You are turning me on!” Utas niya.
    “Huh? Ahh Shit!” Naramdaman ko ang kamay niyang pinasok niya sa ilalim ng panty ko.

    Bumaba ang halik niya. Naramdaman kong wala na akong panty. Hindi ko na maalala kung kailan niya iyon binaba o saan niya iyon nilagay. Basta ang alam ko ay wala na iyon sa katawan ko.

    “I-Is it wrong t-to turn you on?” Tanong ko.

    Hindi ko na maayos ang mga salitang iniisip ko dahil nalalasing na ako sa ginagawa niya sa gitna ng hita ko. It’s making me drunk. Hindi ko na alam kung totoo ba itong nangyayari.

    “Yes, it’s wrong. Gusto kong magdahan-dahan kasi ako yung una mo. You shouldn’t tease me.”
    “SHIT!” Napamura ako nang naramdaman ko ang labi niya sa gitna ng hita ko.

    Halos mapapadyak ako dahil dun. Mas lalo niyang pinagbahagi ang hita ko at mahigpit niya itong hinawakan para hindi ako makapiglas.

    “Rozeeeeeen!” Sigaw ko.

    Gusto ko siyang pigilan. Hindi lang ang pisngi ko ang umiinit ngayon kundi ang buong katawan na dahil sa ginagawa niya. Paikot ikot kong naramdaman ang dila niya doon. Hindi ko na maorganisa ang mga opinion ko sa utak.

    “ROZEN! Stop~!” Hindi na naging firm ang boses ko. Naging ungol na lang ito.
    “I wish you learn, Coreen. That you are only… mine.”

    Tinigil niya iyon. Hindi ko alam kung nagustuhan ko ba ang pagtigil niya o hindi.

    Dinungaw ko siya at nakita kong hinubad niya ang kanyang pants. Naka boxers na lang siya ngayon at nakita ko kung gaano siya ka turn on.

    “OH MY GOODNESS! DON’T TELL ME YOU ARE GOING TO PUT THAT INSIDE ME!” Sigaw ko nang nakita ko na ang kabuuan.
    “I’ll be gentle.” Ngumisi siya. at hinalikan ang dibdib ko.

    Napapapikit ako sa halik niya.

    “Rozen, I love… you.” Sabi ko nang nasa leeg ko na siya.
    “I love you so much, too.” Aniya at dahan dahang ipinasok iyon sa akin.
    “AHHH! SHIT!” Mariin akong napapikit.
    “I love you, Coreen. I love you so much. Papakasalan kita ng totoo kung papayagan mo ako. I love you, noon pa.” Bulong niya at idiniin pa lalo ang kanya.

    Masakit iyon. Pero nababawasan ang sakit sa bawat pag papaalala niya sa akin kung gaano niya ako kamahal.

    SHIT! ANG SAKIT!

    “I love you, Coreen. Mahalin mo lang ako, ibibigay ko ang lahat sayo.” Bulong niya bago siya gumalaw.

  • Kabanata 54Open or Close

    Kabanata 54
    Kumatok

    Gumising ako sa sumunod na araw na may nakahanda ng mga damit. Nasa balcony si Rozen at nagkakape nang bumangon ako. Nakabalot ang katawan ko sa bathrobe. Napansin ko talaga ang masakit kong ‘down there’. Ngumisi siya nang nakita ako.

    “Good morning, babe.”

    Nanliit ang mga mata ko nang tinitigan siya. Kabado ako, oo. Hindi ko iyon maitanggi. That was our first night together. Kabado ako dahil baka hindi niya ako nagustuhan. Pinagmasdan kong mabuti ang mukha niyang nakangisi sa akin ngayon.

    “What?” Tanong niya at hinigit ako para yakapin.
    “Wala.” Matabang kong sinabi.
    “I’m not smoking.” Nagkibit balikat siya at tinuro ang kape.
    “Yeah.” Sabi ko.

    Hinalikan niya ang ulo ko. Tiningala ko siya.

    “Does it hurt?” Tanong niya.
    Unti-unti akong tumango.
    “Hmmm… So wala muna for this morning.” Hinalikan niya ang pisngi ko at humalakhak.
    Hinampas ko ang dibdib niya, “Adik!”

    Pinakawalan niya rin ako para makaligo na. Hindi maalis sa isip ko iyong nangyari kagabi. Kung paano niya ginawa iyon, at paano namin nagawa iyon. Damn it! Yung pakiramdam na nasa loob ko siya, hanggang ngayon nararamdaman ko parin.

    “Mom, mamaya kina Reina parin ako matutulog.” Sabi ko kay mommy pagkauwi ko.
    “Oh, bakit?” Tanong ni mommy nang narealize na palagi na lang akong natutulog kina Reina.

    Last week, iyon ang sinabi ko. Ngayon, ito parin ang excuse ko. Pero this time, totohanan na ito.

    “Hindi po kasi kami nakapag usap ng maayos last time. She’s exhausted sa byahe. Ngayon lang po kami talaga magbobonding. Sige na po… Please?” Ngumisi ako at nagpacute kay mommy. “Tsaka… promise, babalik na ako sa trabaho next week.”
    “O sige… Magdala ka ng damit mo. Wa’g kang umasa sa mga damit ni Reina.” Aniya.
    “Opo.”

    Nagtatalon ako sa kwarto at agad nag impake para kina Reina. Nagkasundo kasi kaming mag movie marathon ngayon. Miss niya daw akong kasama.

    Busy din si Rozen ngayon. Inasikaso niya ang business. Gusto ko ngang tignan kung paano niya yun ginagawa. Ang alam ko, nasa building lang din ng business ng mommy at daddy niya yung negosyo pinapahandle sa kanya. Hinayaan ko na lang. Napag alaman ko ring si Rick ay ang assistant slash body guard niya. Siya pa ang pumili ng mga damit ko noong nag honeymoon kami. Honeymoon. Hihi

    Lumingon lingon ako sa bahay nina Reina nang dumating ako. Peaceful kaya siguradong wala pa ang halimaw dito. Si Noah naman ay mukhang busy sa pagbabanda. Kamusta na kaya iyon? Ginugulo parin kaya siya ni Megan? Naalala ko tuloy yung mukha ni Megan sa last time namin siyang nakita.

    Asus! Wa’g ka ng mag maang-maangan.” Sabay papak ko sa popcorn. “Sinabi sakin ni Rozen na sabi ni Wade galit ka raw sa kanya. Hindi ba siya yung galit sayo? Kasi nga iniwan mo siya? Paano nangyaring galit ka naman ngayon sa kanya?”

    Inintriga ko si Reina nang nanood kami ng TV. Pinanood namin yung interview kung saan sinabi ni Wade Rivas na postponed ang concert dahil may sakit siya. Bumili pa naman ako ng ticket nun dahil gusto kong manood. Papanoorin ko si Zac, Austin at Adam. Hindi na si Wade kasi may Reina na iyon. Hihi. At magaling naman talaga ang buong banda. Kahanga hanga.

    “P-Paano nalaman ni Rozen?”
    “Hello? May bibig si Wade, may tainga si Rozen, syempre malalaman niya yun.” Nagkibit balikat ako.

    Humikab ako. Inaantok na kasi ako. Kagabi, ang tagal naming natulog ni Rozen kaya puyat na puyat ako ngayon.

    Kinwento ko lahat ng sinabi ni Rozen sa akin tungkol kay Wade. Last week kasi may nangyari sa isang bar. Nag s-struggle kasi ang isang iyon na mapag ayos ang dalawang ito. Sa bagay, kasalanan din niya iyon noon. Kaya naman, todo na lang ang suporta niya kay Wade at Reina ngayon.

    “Whatever, Coreen. Galit ako sa kanya.” Umirap si Reina.
    “Sinabi mo ba sa kanyang gusto mo parin siya hanggang ngayon?”
    Unti-unti siyang tumango sa akin.

    Kita mo ‘tong babaeng ito. Parang ako lang din? Hindi niya pinapansin si Wade, iniiwasan niya si Wade kahit na umamin siyang mahal niya ito. Well at least noon, iniwasan ko si Rozen dahil kay Elle. Eh, sa kanya? Wala! Alam nating lahat na mahal parin siya ni Wade. Well, alam ko. Ewan ko dito sa lukaret na ito.

    “Gosh! Whatever, Reina. Hindi naman sa kinakampihan ko si Wade pero kung ayaw mo sa kanya, sabihin mo at kung gusto mo edi ipakita mo. Anyway, ubos na yung popcorn. Baba lang ako, ah?” Ngumisi na lang ako at tumayo para kumuha ng popcorn sa baba.

    Iniisip ko parin ang mga ginawa ni Reina kay Wade. Hindi ko alam kung makatwiran ba iyon o hindi. Well, Wade’s indifferent pero alam ko na mahal niya parin si Reina. Umiiling ako habang nakapaang naglalakad pabalik sa kwarto nina Reina dala-dala ang isang bowl ng pop corn.

    “Hmmm… Hmm…” Nag hu-hum pa ako sa tono ng isang marahang kanta nang may bigla na lang humablot sa braso ko, dahilan kung bakit natapon ang kalahating bowl ng pop corn.

    “Shit!” Sigaw ko sabay lingon kay Rozen na ngayon ay naka dark blue na sleeveless shirt.

    SHIT ANG GWAPO! SHIT TALAGA!

    Kuminang ang diamond earing sa kanyang tainga at agad akong kinaladkad papasok sa kwarto niya.

    “Ano ba!?” Galit kong utas. “Yung mga pop corn, oh?”

    Hinila niya palapit sa buong katawan niya ang baywang ko.

    “Miss na kita.” Aniya.
    Uminit ang pisngi ko, “Nagkita naman tayo kahapon!”
    “Eh gusto ko, palagi. Ganun dapat ang mag asawa diba?”
    Inirapan ko na lang dahil masyado nang nanunuya ang pagngisi niya ngayon.

    Inilapag niya ang bowl ng popcorn ko sa isang mesa at sinimulan niya agad ang paghalik sa akin.

    “Rozen! Naghihintay si Reina sakin!” Saway ko habang hinahalikan niya ako sa leeg.
    “Hayaan mo na yun. Makakatulog din yun.” Aniya.

    Hindi ko na napigilan ang pagsukli ng mga halik sa kanya. Nagpalitan kami ng malalalim at maiinit na halik hanggang sa naramdaman ko na naman ang init sa buong katawan.

    “Gagawin ulit natin yun?” Tanong ko habang sinasandal niya na ako sa pader malapit sa bathroom niya.
    “Bakit? Ayaw mo?” Tumaas ang kilay niya.
    Humalakhak ako.

    Ewan ko ba. Natatakot ako kasi masakit pero may something talaga dun kaya gusto ko. Gusto kong ipadama sa kanya ang pagmamahal ko… when words isn’t enough, ito lang ang naiisip kong solusyon.

    “Gusto.” Sabi ko.

    Lumaki ang ngisi niya. Naramdaman kong naglakbay ang kamay niya sa buong dibdib ko. Naka puting button down shirt ako ngayon kaya kinalas niya ang butones ko. Halos hindi niya pa nga makalas ng maayos dahil nakita kong nanginginig ang kamay niya.

    Habang ginagawa niya iyon ay hinalikan ko siya ng mararahan.

    “Shit!” Pabulong niyang sinabi. “Stop initiating the kiss.”

    Hinawakan niya ang batok niya. Napagtanto kong tumindig siguro ang balahibo niya kaya niya iyon ginawa.

    Tumigil siya sa pagkakalas ng butones sa damit ko para mahalikan niya ako nang biglaang bumukas ang pintuan.

    “FUCK!” Sigaw niya sabay tago sa akin.

    Habang nasa likod niya ako ay mabilis kong ibinalik ang mga butones. Oh my gosh! Sino yun? My gosh!? Si Reina? Sino?

    “Kuya…” Narinig ko ang boses ni Noah.

    Napalunok agad ako.

    “Tumawag si Kuya Dash. Nasa office.” Ani Noah gamit ang malamig na boses.
    “WHAT? OH! EDI PUPUNTA NA AKO! Pwede ba, Noah? Knock first!” Galit na utas ni Rozen.
    “Kumatok ako. Walang sumagot!” Galit dung untag ni Noah.
    “Then walk away! Kung walang sumagot, ibig sabihin may ginagawa yung tao!”
    “Next time kasi i-lock niyo yung pintuan! It’s not like I wanted to see that!” Narinig kong padabog na sinarado ni Noah ang pintuan.
    “Bullshit! Sana makulong ka ni Megan!” Sigaw ni Rozen kahit wala na si Noah.

    Parang may kung ano sa tiyan kong bumabaliktan. Parang… naaawa ako kay Noah. Hindi ko kinaya ang boses niyang pasigaw pero matabang. Parang hindi lang si Rozen ang sinabihan niya nun, maging ako ay natamaan.

    “Sorry.” Sabi ni Rozen at hinarap ako.
    “O-Okay lang.” Sabi ko.
    “Sasagutin ko muna ang tawag ni Kuya. Siguro tungkol sa negosyo. Bakit ba kasi sa office siya tumatawag, may cellphone naman.”
    “O, sige… And… uhm, pupuntahan ko na lang din muna si Reina. Baka hinahanap ako.”

    Sinuntok ni Rozen ang pader at nagmura ng malutong.

    “Istorbo talaga ang Noah’ng yun.” Ginulo niya ang buhok niya. “Alright, babe. We’ll text instead?” Ngumisi siya.
    “Okay.” Tumango ako.

    Sabay kaming umalis ng kwarto niya. Siya, papunta sa office. Ako naman, imbes na kay Reina ako pupunta ay nakita ko si Noah na tulala habang dinudungaw ang malaking chandelier ng kanilang sala.

    “Noah…” Lumapit ako.
    Tumikhim siya at tumayo ng maayos.

    Umamba pa siyang aalis at iwan ako doon pero napigilan ko iyon.

    “Teka lang, Noah…”

    Hinarap niya ako. Nakita ko ang kumikislap na mga mata niya. Parang namamatay ang puso ko sa mga matang ipinapakita niya sa akin ngayon. Kinuha na ni Rozen ang buong batalyon ng kulisap, nabili niya na ang mga boto nito kaya hindi na sila makapagreact kahit kanino. Ang puso ko na lang ang nasasaktan ngayon. Syempre, dahil magkaibigan kami ni Noah at alam ko kung bakit nagkakaganito siya.

    “I-I’m sorry.” Sabi ko.
    Pumikit siya. “Don’t say that!”
    Bumuntong-hininga ako, “Hindi ko alam na-“
    “Kayo na?” Tanong niya.
    “Oo.”
    Tumango siya at nakita ko ang pamumuo ng luha sa kanyang mga mata.
    “N-Noah.”

    Maging ako ay nahahabag sa ipinapakita niya sa akin ngayon.

    “Good for you.” Ngumisi siya pero hindi nawala ang luha sa gilid ng kanyang mga mata. “I’m happy for you.”

    Hindi ako kumibo. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin para mapawi ang sakit na nararamdaman niya.

    “You know what… I prepared for this. Pinakawalan kita. Pero damn, kahit tanggap ko, masakit parin pala.” Pumiyok ang boses niya.

    Hindi ko alam kung pano nangyari pero bumuo na rin ang luha ko sa mga mata ko. Damang dama ko ang sakit niya pero wala akong magawa dahil si Rozen ang mahal ko. Ilang sandali pa bago ako nakapagsalita. Ang gago ko lang kung tutunganga lang ako dito ng walang sinasabi.

    “S-Shall I…” Pumikit ako. “Avoid you?”
    “NO!” Agad niyang sinabi. “No! Coreen, please, be my friend. Iyon lang ang hinihingi ko.”

    Lumandas ang luha sa pisngi ko. Hindi ko kayang nakikita ang taong minamahal ko noon na nagkakaganito sa harap ko ngayon.

    “Okay… Sure, Noah. Sure.”
    “Promise me… You’ll stay. You’ll be my friend. Kahit na kayo ni Rozen. Pag gusto ko ng time mo, ibibigay mo iyon sa akin.” Nanginginig ang boses niya.
    “Pero… Noah.”
    “Please, Coreen. I won’t ask for too much. Konting oras lang.”

    Unti-unti akong tumango at pinunasan ko ang luha ko. Hindi naman ata makatuturan kung pagkakaitan ko siya ng konting oras.

    “Alright.”

  • Kabanata 55Open or Close

    Kabanata 55
    For Real

    Ilang araw ang nakalipas nang nagkatotoo na ang concert nina Wade. Papasok na sana ako sa loob nang biglang nag materialize si Rozen sa gilid ko.

    Napalingon halos lahat ng babaeng nakapila doon. Kahit na VIP ang ticket ko, mahaba parin ang pila. Ngumuso ako at nag iwas ng tingin sa kanya. Paano ba kasi, naka suit ang mokong, nakakasilaw ang kinang ng kanyang earring at nakakagulantang ang malaking palumpong ng rosas na dala niya.

    “OH GOSH! DIYOS BA YAN?” May narinig akong sumigaw sa unahan.

    Umubo si Rozen para maagaw ang atensyon ko. Nilingon ko naman siya agad at nakita ko ang nakakapanindig balahibong ngisi niya.

    “Let’s date.” Aniya.
    Kumunot ang noo ko, “Manonood ako ng concert nina Wade. Isn’t it obvious?” Tinaas ko ang kilay ko.
    “Bakit ka manonood? Anong meron? Lagi mo namang nakikita si Wade, a?”

    Nagkibit balikat ako.

    “Ang galing kasi nila.”

    Nakita kong nag pout siya. Umangat ang labi ko sa kacute-an niya. At tuwing tinitignan ko ang labi niya, wala akong naisip kundi yung ginawa naming dalawa nung honeymoon. Uminit ang pisngi ko.

    Galing sa pagkaka-pout ng kanyang labi ay ngumisi siya. Mas lalo na lang uminit ang pisngi ko dahil alam kong alam niya kung ano ang iniisip ko.

    “Wanna do that later after our date?”

    Hinampas ko siya sa kahihiyan.

    “Tseh! Wa’g ka nga!” Nag iwas ako ng tingin.

    “Kaibigan sila ni Wade?” May narinig naman akong parang bubuyog na nagbubulungbulungan sa mga nakapila.

    Nilingon ko ang nagbubulung bulungan. Pero bago ko pa mahanap kung sino iyong nagsalita ay may lumapit na sa akin.

    “Hello, excuse me. Narinig namin na friends kayo ni Wade, pwedeng magtanong?”

    Hindi pa nga ako umo-o ay binaha na ako ng tanong.

    “Anong paborito niyang kulay? Sino pa ang mga close niya in real life? Kailan ang monthsary nila ni Shan?”

    Hinigit agad ako ni Rozen palayo doon sa pila. Pinasok niya ako sa sasakyan.

    “Rozen!” Sigaw ko sabay sapak sa kanya.
    “Gusto mo bang dumugin ka doon?” Nilapag niya ang mga bulaklak sa hita ko.
    “Eh gusto kong manood.”
    “Bakit ba?”

    Walang pasubaling pinaharurot niya ang kanyang sasakyan patungo sa daang di ko alam kung papunta saan.

    “Wala lang! Ang galing kaya nila! Ang ganda ng mga kanta nila!” Seryoso kong sinabi.
    “Sure? O baka may nahiligan ka sa kagrupo ni Wade?” Tinaas niya ang kanyang kilay.
    “Huh? Ano ka? Sino naman ang mahihiligan ko doon.” Nag iwas ako ng tingin.
    “Malay ko sayo. You obviously always fall for the playboy types.”
    “HUH?” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
    Tumawa lang siya.
    “Playboy types? Really!? Naiinlove ako sa mga serious type. Hindi sa mga playboy.”
    “May serious type din sa kanila, a? That means yung seryosong band member nila ang gusto mo?”
    “Ewan ko sayo, Rozen! Kakaloka ka! Kung anu-anong pinagsasabi mo.” Umirap ako.
    “Edi sino kasi yung gusto mo?” Marahan niyang sinabi.

    Hindi ako umimik. Ilang sandali pa bago siya nagsalita ulit. Narealize ko din kung saan kami papunta. Nasa labas kami ng Nature Park na iyon. Ito yung nature park na pinuntahan namin noong college pa lang kami habang nag pe-pretend girlfriend ako para sa kanya.

    “Anong ginagawa natin dito?” Tanong ko.
    “Sino ang gusto mo?” Mas seryoso niyang tanong.

    Nagtama ang mga titig namin. Hindi ko talaga kayang titigan ang mga mata niya tuwing nagseseryoso. Pakiramdam ko, nawawala ang kaluluwa ko, naliligaw sa loob ng kanyang mga mata.

    “Bakit?”
    “Why can’t you answer me in a snap?”
    “That’s because you intimidate me!” Nag iwas ulit ako ng tingin.

    Hinarap niya ang pisngi ko. Mas malapit na siya sa akin ngayon.

    “You’re making me jealous, Coreen. Pakiramdam ko may iba kang gusto.”

    Nainis ako sa sinabi niya kaya agad ko siyang tinitigan gamit ang matatalim kong tingin.

    “Ano ba, Rozen? You think I’ll give my big V kung hindi ikaw ang mahal ko? Twenty-two years ko yung inalagaan. Tingin mo sayo yun kung may iba akong mahal?”

    Hindi ko namalayang sa gitna ng panggagalaiti ko ay nakangisi na siya. Para bang sinadya niya iyong itanong para magalit ako at masabi ito sa kanya.

    “Alam mo, ang saya ko talaga pagnaririnig ko ang lahat ng yan galing sayo, Coreen.”

    Inilapit niya ang baba ko sa mukha niya at hinalikan niya ako. Bumibugay agad ang sistema ko. Sa mga halik niya pa lang, nakakalimutan ko na kung nasan kami. Hindi ko na alam kung bakit nandito kami. Bigla siyang tumigil at mas lalong ngumisi.

    “Let’s go…” Saka diretso ang baba sa sasakyan.

    Bwiset! Nakakabitin naman iyon. Sumunod din ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit tatawa-tawa siya sa akin.

    “May dumi ba ako sa mukha?”
    Umiling siya at tumawa.
    “What’s so amusing?”

    Inakbayan niya ako. Sa sobrang ngiti niya ay panay na lang ang pag bubuntong hininga niya.

    “Ano ba, Rozen!?” Sigaw ko.
    “Wala nga!”
    “Meron eh! Sige, di ako sasama sayo pag di mo sinabi kung ano!?”

    Wala parin siyang imik kahit nasa loob kami. Panay ang tingin namin sa iba’t-ibang hayop doon. Papalubog na ang araw kaya hindi namin napasyalan ang buong Nature Park. Dumidilim na at hindi na pwedeng pumunta doon sa mas malayong parte. Buong pamamasyal namin ay nakaplaster sa mukha niya ang ngisi kaya hindi talaga matanggal sa isip ko kung anong iniisip niya.

    Singhap naman ako nang singhap pagkat habang hawak niya ang kamay ko, hinahaplos ng isang daliri niya ang palad ko. Nakikiliti ako. Hindi ko alam kung bakit. Nakakaasiwa. Nagiging restless ako.

    “Saan na tayo pagkatapos?” Tanong ko nang dumilim na.
    “Ikaw? Saan mo gusto?”

    Hindi ko talaga alam kung saan niya hinuhugot ang ngisi niya. Parang mapupunit na ang labi niya sa kakangisi, e.

    “Hindi ko alam.” Nagkibit balikat ako.
    “Dinner?” Tanong niya at mas lalong ngumisi.

    Kiniliti niya na naman ang palad ko.

    “Saan?”

    Napatingin ako sa kamay naming magkahawak.

    “Syempre, hanap ulit tayo ng magandang hotel para makapagdinner.” Hinigit niya ako palabas ng Nature Park.

    Hinampas ko na siya kaya natawa siya.

    “What’s wrong with you Rozen Gaiser at bakit kanina ka pa tumatawa?”
    “Wala lang. Gusto ko talaga yung nag iinarte ka.” Tumawa pa siya lalo.
    “HUH?”

    Hindi ko talaga mabasa ang utak niya. Hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa at bakit nakakairita siya ay gustong gusto ko parin siya. Nang nakarating na kami sa isang hotel, buong akala ko ay papasok kami sa restaurant pero nagkamali ako. Pumasok kami sa front desk.

    “Isang presidential suite nga.” Nilingon ako ni Rozen.

    Uminit ang pisngi ko.

    “But I don’t have… clothes for tomorrow!” Bulong ko.

    Alam ko na kung anong gagawin namin dito. Lintek talaga hindi ako makatanggi.

    “At hindi pa ako nakakapagpaalam.” Dagdag ko.
    “Gusto mo ako ang magpaalam para sayo?”
    Inirapan ko siya, “Tseh! No way! I’d rather call my parents.”
    “Well, it’s okay with me, Coreen.” Ngumisi siya at inabot ang cold cash sa babaeng nanghihingi nito.
    “But… I have work tomorrow.”
    “Hindi naman kita masyadong papagurin.”
    Sinapak ko ulit at napatingin ako sa mga babaeng nasa front desk.
    “Bwisit! You shut your mouth, Elizalde.” Bulong ko.
    “What’s wrong? We’re married! That’s what couples do!”

    Umiling na lang ako at lumayo sa kanya para tawagan sina mommy at daddy. I can’t believe this! I’m falling for his trap again. At sino ba naman kasing nagsabi na sumama ka, Coreen? Pwede ka namang tumanggi!

    Sinabi ko kay mommy na kina Reina ako matutulog at nag promise akong di mag aabsent bukassa bank. Buti na lang talaga at mataas ang posisyon ni mommy doon kaya hindi masyadong big deal kung anong kabulastugan ang ginagawa ko. I really want to take this job seriously. Pero si Rozen kasi…

    Pinaglalaruan niya ang card nang nilingon ko siya pagbaba ko ng cellphone.

    “We’ll probably fetch Reina later.” Aniya.
    “Huh?” Nabigla ako sa sinabi niya.
    “Don’t worry. Mamayang madaling araw pa iyon.”
    “Bakit mo nasabi?”
    “I just know. Ang sabi ni Wade baka daw matagalan sila sa pag uwi. I told him I’ll fetch her or magkita kami sa bahay para mapagtakpan ko siya kay mommy.”
    “Anong mapagtakpan?”
    Nagkibit balikat siya, “You know… Parang hindi tama na si Wade ang maghahatid kay Reina sa bahay. Well, that’s for my mom and dad.”
    Tumango ako at syempre pumayag.

    Nang nakarating na kami sa suite. Ibang hotel ito doon sa una naming pinuntahan. Nakanganga akong pinagmamasdan ang mga muwebles sa bawat sulok. Hindi ko kasi namalayan yung mga muwebles ng unang hotel dahil diretso ang halikan namin ni Rozen ngayon.

    “Hello…” Napatingin akong may katawag si Rozen sa telephone ng hotel. “Oorder ako. American Pork Ribs, fries, chateaubriand and…” Napalingon siya sakin. “may Salad ba kayo dito? Yung mga damo yung laman?”

    Napakunot ang noo ko.

    “Oo, kahit ano basta yung puro veggies. Thanks.” Binaba niya agad.

    Bago pa ako makapagreact ay may tinawagan naman siya sa cellphone.

    “Rick, pakibili ulit ng damit. Para kay Coren at para sakin. Pwedeng medyo pambatang panty naman? Parang hindi ko nagustuhan yung lacey na panty last time… oo.”

    Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Naghintay ako nang binaba niya ang cellphone bago ko siya pinagalitan.

    “Ano ba? Anong lacey panty?” Uminit ang pisngi ko.

    Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Hindi ko alam kung bakit naghuhuramentado ang buong sistema ko ngayon. Yung kulisap ko nag iinuman siguro kaya lasing na lasing ang pakiramdam ng tiyan ko.

    Humakbang siya palapit sa akin. Naamoy ko agad ang bango ng kanyang katawan. Shit! Umatras ako.

    “Ikaw talaga! Ang bulgar mo! Nakakainis ka! Kanina ka pa sa front desk ah!”
    Humalakhak siya, “Because I don’t want you to be late tomorrow, Coreen! At ayaw ko ring binibilhan ka ng lalaking iyon ng ganung klaseng gamit. Sana pala ako na lang ang bumibili ng panty mo para ako ang mamili.”
    “HUUUUH?”

    Nangatog na ang binti ko.

    “Baka namamanyakan na iyon sayo kaya medyo malanding panty ang pinipili. Mag change kaya ako ng secretary? Yung babae naman?”
    Nanliit ang mga mata ko, “Oo. Para pag wala kang ginagawa pwede kayong pumunta dito!”
    “Ano ka ba? Ikaw ang dirty minded mo!”
    “Eh totoo naman. You’re a playboy, I won’t expect you to be loyal with me.” Tumawa ako.
    Nagseryoso siya.

    Kinagat ko agad ang labi ko nang nakita kong tinalikuran niya ako.

    “Errmmm.” Tumingala na lang ako dahil sa sobrang awkward.

    Umupo siya sa sofa at tinanggal niya ang sapatos niya. Pinasadahan ko na lang ng tingin ang flatscreen na TV at ang malawak na balcony.

    “Kung ganun bakit mo pa ako pinakasalan?” Malamig niyang tanong.
    Nilingon ko siya.

    Seryosong seryoso ang kanyang mukha. At alam kong may bahid na galit na ang pagkakatanong niya sa akin nun. Para bang naapakan ko ang ego niya.

    “Mahal kita.”
    “Kung mahal mo ako bakit hindi ka naniniwala sa akin?”

    Ngumuso ako.

    “That’s not what I-“
    “Tsss…” Tumayo siya at hinubad ang t-shirt na soot niya.

    Naglakad siya papunta sa bathroom at padabog niyang sinarado ang pintuan.

    “Patay! Ginalit ko ata.”

    Kinalas ko ang strap ng sandals ko at dumiretso sa bathroom na pinasukan niya. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan. Yes, open siya.

    Malawak ang bathroom. Pwede itong isang kwarto din, a. Pwedeng mag split sa loob nang di mo natatamaan ang inidoro o ang bath tub.

    Nakapamaywang si Rozen habang nilalagyan ng bubbles ang bath tub.

    “I’m sorry, Rozen.” Sabi ko sabay yakap sa baywang niya galing sa likuran.

    Hmmm! Ang bango niya, huh! At ang tigas ng likod niya. Nakakahalay naman ito ng pag iisip. Napawi lang yung mahalay kong pag iisip nang kinalas niya ang kamay ko.

    “Yeah, it’s okay. That’s what I get for being a playboy.” Aniya.
    Napaatras ako.
    “Sorry.” Sabi ko ulit.
    Suminghap siya, “Okay lang, Coreen. I’ll just take a bath. Wait for me outside, okay?” Aniya at tinuro ang pintuan.

    Tinignan ko ang pintuan. Umamba akong aalis na pero nang tignan ko ulit ang medyo malungkot niyang mukha, narealize kong hindi ko siya kayang iwan dito.

    Walang pasubaling hinubad ko ang dress ko sa harap niya. Nakita ko ang unti-unting paglaglag ng kanyang panga dahil sa ginawa ko. Pinasadahan niya ng palad ang kanyang buhok… tuliro siya sa ginawa ko.

    “What are you doing, Coreen?”
    “I’m sorry.” Sinabi ko ulit at hinalikan siya.

    Ngumisi ako nang nakitang nanlaki ang mga mata niya sa ginawa ko. Nanigas din ang buong katawan niya. Dahan dahan kong hinubad ang kanyang pants. Kalaunan ay lumalim ang halik niya sa akin.

    “Damn, girl!” Aniya at binuhat ako bigla.
    “ROZEN!” Napatili ako sa ginawa niya.

    Paano ba naman kasi, hinawakan niya ang hita ko habang nakapulupot ito sa buong baywang niya. Tutok na tutok pa sakin yung kanya, ramdam na ramdam ko iyon.

    “SHIT!” Sigaw niya ay mas lalo akong hinalikan.

    Sinandal niya ako sa pader ng bathroom habang hinahalikan sa leeg. Nakapulupot parin ang mga binti ko sa kanyang baywang. Yung isang kamay niya ay nakabuhat sa akin at ang isa naman ay kinakalas ang bra ko.

    “Sorry din. Baka bukas pag gising hindi ko mapigilan ang sarili ko sayo, kahit na pambatang panty ang sootin mo.”

    Tumindig ang balahibo ko sa sinabi niya.

    “It’s okay…” Paungol kong sinabi.
    “SHIT!” Malulutong na mura ang inabot ko at mukhang sabik na sabik na siya sakin.

    Hinawakan niya ang gitna ng hita ko.

    “SHIT!” Mura ulit. “Can we get married for real, please?”

    Hindi na ako makapagsalita. Let’s just say, ungol na lang ang nasabi ko.

    “I bought a house, Coreen. For us. Para sa pamilyang bubuuin natin. All we have to do is tell our parents and get freaking married.”
    “I can’t… yet.” Diretso kong sinabi kahit na nababaliw na ako sa kanya.

    Hindi ko na agad maalala yung sagot ko nang napunit ang panty ko dahil pilit niya itong binaba kahit nahihirapan kaming dalawa.

    “ROZEN!” Napadaing ako sa pangalan niya.

    Tinaas niya pa lalo ako at hinalikan niya ng nakakakiliting halik ang leeg ko. Yung isang kamay niya naman ay naglalaro sa gitna ng hita ko. Hindi ko na alam kung saan ako magpopokus sa pakikiramdam.

    “I love you, Coreen.” Bulong niya sa akin.
    “I love you, shit, even, shit, more!” Naparami ang mura ko nang naramdaman kong dahan-dahan niyang pinasok yung kanya.

  • Kabanata 56Open or Close

    Kabanata 56
    Why Not?

    Ilang linggo na ang nakalipas nang nangyari iyon. Masaya ako. Hindi ko nga maaalala kung kelan ako naging ganito ka saya. Ang gaan ng pakiramdam ko. Parang walang problema lalo na pagnakikita ko ang ngisi ni Rozen na nakaabang sakin pagkatapos ng trabaho.

    Well, oo, tinatarayan ko siya tuwing nasasaksihan ko ang nakakapanindig balahibong ngisi niya.

    “Anong gagawin natin ngayon?” Lagi niya iyong tanong na parang may ibang meaning.

    Pero hindi naman talaga kami puro na lang paghohotel ang inaatupag. Syempre, nag di-date din kami. Ipinakita niya pa nga sa akin ang blue print ng bahay niyang binili, di umano. Kaya lang, tuwing niyayaya niya na akong pumunta roon, hindi na ako pumapayag. It’s too early to plan our future. Oo at nasa tamang edad na siya, He’s 25 after all. Pero ako, kakagraduate ko pa lang at wala pa akong napapatunayan sa sarili ko.

    Busy din si Rozen sa negosyo. Lumalago kasi ito at halos mag branch out na sa kompanya ng mommy at daddy niya. 25 and filthy rich ang mokong. Maari nating sabihin na dahil iyon sa impluwensya ng kanyang mga magulang, pero he worked hard for it. Nagsimula ito dahil sa mga magulang niya pero lumago ito dahil sa kanya.

    *KRIIIING-KRIIIIING*

    Napatalon ako sabay tingin sa cellphone ko. Unfortunately, may ginagawang pag di-diskarga si Rozen sa barko barkong mga produkto para sa kompanya ng kangyang mommy at daddy na hawak ni Dashiel. Umalis ang kapatid niya kasama yung wife nito papuntang Maldives kaya siya ang naatasang humawak nito.

    Kumunot ang noo ko nang nakitang si Noah ang tumatawag.

    “Hello?”
    “Coreen.” Mukhang masaya ang tono ng boses niya ngayon.
    “Hi, Noah!” Bati ko.
    “You free today?” Tanong niya.
    “Uh, yeah.” Bumangon ako.
    “Can I fetch you?”

    Hindi ako sumagot agad pero dinagdagan niya iyon.

    “Right now.” Humalakhak siya. “Nasa labas ako ng bahay niyo.”

    Diretso ang takbo ko sa bintana. Naaninag ko siyang nakapark sa labas.

    “A-Alright!” Sabay baba ko sa cellphone.

    Tinawag ko agad ang katulong namin para papasukin si Noah. Ako naman ay abala sa pagbibihis. Damn it! Anong sasabihin ko kay Rozen? At bakit nandito si Noah? Nagmadali ako sa pagbibihis dahil masyado akong nabigla sa ginawa niya.

    Pababa ako ng hagdan nang nitext ko si Rozen.

    Me:
    I’m going out today with Noah. Mukhang may importanteng bagay siyang sasabihin. Idunno.

    Mas mabuting maging honest at baka mag alburuto na naman ang isang iyon. Lumiwanag naman ang mukha ni Noah nang nakita niya akong bumababa na papunta sa kanya.

    “Hey! What’s up?” Tanong ko.
    Ngumisi siya, “Isasama kita sa Moon.”
    “Uhmmm, bakit? Anong meron?”

    Kumunot ang noo niya. Maybe that question was a bit harsh.

    “Natanggap kayo?” Pasigaw kong sinabi para makabawi sa medyo harsh kong tanong.
    Ngumuso siya, “Hindi pa… Pero gusto talaga kitang isama doon. We’re recording today!” Aniya sabay yakap sa akin.

    Nanlaki ang mga mata ko.
    “You are what? Recording? That means tanggap na kayo?”
    “Hindi pa… Pero this is a step. Parang test drive pa lang ito.” Aniya.

    Kaya hindi na ako nagdalawang isip pa na sumama sa kanya. Nakangisi siya buong byahe. It reminds me of his brother noong sinagot ko siya. Laking ngisi at walang ginawa kundi ang ikatuwa ang lahat ng bagay. Noah is really passionate about this.

    Pumasok kami ng Moon Records. Naaninaw ko agad ang mga kabanda niyang hinihintay siya.

    “Pwede mo kaming tignan habang nag rerecord kami ng isang kanta. Though may salamin sa pagitan natin.” Itinuro ni Noah ang isang room kung saan may mga pamilyar na babae sa loob.

    Napawi ang ngisi niya.

    “Sorry, dude. Nandyan na naman ang batalyon ni Megan.” Ani Warren sabay tapik sa balikat ni Noah.

    Nakita kong mariing nagdikit ang labi ni Noah. Hudyat na medyo nairita agad siya. Hindi ko pa nga nakikita ang imahe ni Megan ay ganito na siya kung makareact.

    “Pwede bang pumasok si Coreen sa recording room?” Tanong ni Noah kay Liam.
    “Wa’g na, Noah. I’m okay there. Okay lang.” Sabi ko.

    Umamba agad akong papasok doon. Syempre, alam kong hindi. Kung si Megan nga ay anak ng may ari ng moon records ay nag titiyaga sa loob ng room na iyan, ako pa kaya na acting girlfriend lang ni Noah?

    “You sure?”

    Nakita kong umalis na sina Liam. Pumunta na sila sa kabilang room kung saan sila mag rerecord.
    “Yup! I’m okay.” Binigyan ko siya ng matamis na ngiti at kinawayan bago pumasok doon.

    Umalingawngaw agad ang ingay ng mga babae sa loob ng room na iyon. Nangingibabaw ang tili ni Megan sa kanilang lahat lalo na noong pumasok na si Noah sa kabilang room. May papel pa siyang nilagyan ng “I love you, Noah!”. Umiling na lang ako.

    “GO NOAH! GO NOAH!” Sigaw niya.

    Nandoon lang ako sa gilid at pinagmamasdan ang medyo naiiritang mukha ni Noah. Napatawa ako sa kanyang ekspresyon. Ang sungit talaga! Ilang sandali ang nakalipas ay nai set up na nila ang mga instruments. May DJ ding sumisenyas sa kanila dito sa aming room. May mga equipment siya para mas mapaganda ang pagkakarecord ng kanta nila.

    “Girls, please stay quiet.” Nahihiya niyang sinabi kay Megan.
    “WOOOOOH!” Mapanuyang tili ni Megan.

    Tumawa na lang ang ibang babae.

    “Masisira ang recording nila pag medyo maingay kayo.”
    “Ay, sorry po.” Sabi ni Megan at pinagdikit niya pa ang palad niya sabay yuko. “Sorry.”

    Adik din ang babaeng ito, ah? Ilang sandali ay narinig ko na ang gitara ni Noah. Nakita kong pinigilan ni Megan ang kanyang sarili para tumili. Umupo na lang siyang nakasquat sa sahig at tinakpan ang kanyang pulang pulang mukha.

    Nagsimula na sa pagkanta si Liam. Tumindig ang balahibo ko sa boses niya. Mas naging malamig ito at mas naging klaro. Bawat bigkas niya ng salita ay nakakakilabot. Bawat dampi naman ng daliri ni Noah sa gitara ay dinig na dinig naming lahat. Nakakapangilabot. They deserve this.

    “Coreen, nandito ka pala.” Napatayo si Megan nang narealize na nandoon ako.
    “Oo.” Pabulong kong sinabi.
    “Ang galing nila ano?”

    Nilingon niya sina Noah. Nakita ko naman sa mga mata niya ang buong paghanga niya sa kanila.

    “I really think Noah should do the vocals, though.”

    Nagulat ako sa sinabi niya.

    “Narinig mo na ba siyang kumanta?” Tanong niya.
    “Oo.” Sabi ko.
    “Wow!” Nakita kong biglaang naging malungkot ang kanyang mga mata.

    This is really, really weird. Naka-bun ang kanyang buhok at kitang kita ko ang batok niya dito, in short hindi siya nakaharap sa akin. Pero ganunpaman, naramdaman ko ang lungkot niya nang sinabi ko iyon.

    “Pero hindi siya kumakanta masyado. Nahihiya yan.” Sabi ko.
    “Oo.” Lumingon siya sa akin. “In fact akala ko nga ako lang ang nakarinig sa kanyang kumanta.”
    “Hmm. Kelan mo ba siya narinig?”
    Malaking ngisi ang ipinakita niya sa akin.

    Buong akala ko ay sasagutin niya ang tanong ko, kaya lang ay pinagkibit balikat niya lang iyon. Iniwan niya rin ako doon para mas lalong lumapit sa salamin. Titig na titig siya kay Noah habang ini-strum ni Noah ang gitara niya buong kanta.

    Tinignan ko ang cellphone ko at nakita kong wala paring reply si Rozen. He’s probably really busy. Kaya ayun ako at inenjoy na lang ang panonood kay Noah at sa buong banda hanggang sa matapos.

    “Noah…” Utas ko nang maingay silang sumasakay sa kani kanilang mga sasakyan.
    “Hmmm?” Di mapawi ang ngisi ni Noah sa kanyang mukha.
    “C-Can I go home?” Tanong ko sa kanya.
    “Huh? Bakit? Agad-agad? Pupunta pa sana tayo sa bahay.” Aniya.
    “May importante lang akong gagawin.” I lied.
    “Ano? Rozen?”
    Napalunok ako, “N-Nope. Uhmmm, sa bahay. May pinapagawa si mommy.” I looked away. Syempre, natatakot akong mabasa niya sa mukha ko ang pagsisinungaling ko.
    “Well, alright. Are you free later?” Tanong niya.
    “I’ll see.”

    Tingin ko naman ay pupuntahan na ako ni Rozen mamayang gabi lalo na at nagtext ako sa kanya na magkasama kami ni Noah.

    “Hmmm… Hindi ka na ba mayayang lumabas ngayong may boyfriend ka na?” Ngumisi siya.
    “Ano ka ba… Okay lang ako. I’m free naman later. As of now. Kung matapos ko yung ginagawa ko.” I lied again.

    Pakiramdam ko ay tatamaan na ako ng kidlat dahil sa mga pinagsasabi ko. Hindi ko kasi siya kayang tanggihan ng diretso. At hindi ko rin siya kayang pagbigyan ng ganun ka dali dahil alam kong kahit konting time lang ay mag aalburoto ang pinakamamahal kong hanggang ngayon ay hindi pa nagpaparamdam.

    “Okay then, ihahatid na kita.” Aniya.
    “I’m sorry.” Sabi ko.
    “It’s okay. May importante ka namang gagawin.”

    Kinagat ko na lang ang labi ko. We all know it’s a lie, though. Kaya naman nang nakarating na ako sa bahay, mabilis na akong nagbihis para itext ulit si Rozen.

    Ako:
    I’m home.

    Rozen:
    Oh yeah?

    Nabigla ako sa mabilis niyang reply.

    Ako:
    Anong ginagawa mo buong umaga at bakit hindi ka makapag text kanina?

    Rozen:
    Why will I text you? It’s his turn, right?

    Umiling ako. I knew it. Pero paano ko tatanggihan si Noah nang hindi siya nasasaktan?

    “Noah, I’m sorry pero kasi nagseselos si Rozen sayo. Hindi pwede ako pwedeng sumama.”

    Ako:
    Rozen, come on. Binigay ko na lahat sayo. Hanggang ngayon may insecurities ka parin?

    Rozen:
    You loved him for years. Ako? Ilang buwan pa lang.

    Ako:
    Excuse me, years na rin kitang mahal. College pa lang ako. Wala ka lang nun.

    Rozen:
    Kahit na. You loved him for like a decade.

    Ako:
    Please puntahan mo ako sa bahay. I miss you.

    Ngumisi ako dahil medyo natagalan siya sa pagrereply. Panigurado lumambot na naman ang puso nun. Hihi. Pero totoo naman iyong sinabi ko. Miss na miss ko na siya. Parang hindi ako mapakali kasi hindi ko siya nakikita. Ano ba ito?

    Nakatulog na lang ako ay hindi parin siya nag reply. Medyo iritado na ako dahil gumagabi na at wala paring Rozen Elizalde sa pintuan ko. BAKIT? EWAN KO BASTA WALA SIYA AT NAIINIS AKO!

    Pinag tatapon ko yung mga unan ko kung saan saan sa kwarto sa sobrang inis ko. Bwisit na Rozen! Ewan ko basta bwisit na bwisit ako.

    Ako:
    Kung ayaw mong pumunta edi sabihin mo na lang ng diretso! Wa’g mong patagalin! Bye!

    Mabilis ko iyong na type. Nagulat naman ako dahil mabilis din siyang nagtype.

    Rozen:
    That’s what you get! I said I don’t wanna share you! No me for you today.

    Mas lalo akong nairita. Halos mapunit ko sa inis ang aking kumot. Bwusit na bwusit ako. Naiiyak ako dahil sa sobrang bwisit.

    *KRIIIIING-KRIIIING!*

    Nanginginig ang kamay kong sinagot ang cellphone. Si Reina ang tumawag.

    “Hello, Coreen?” Narinig ko ang malalim niyang hininga.
    “Reina.” Medyo nanginginig sa inis ang boses ko.
    “You okay?” Bungad niya.

    Umubo ako para maayos ang boses na maipadinig sa kanya.

    “Yup, why?”
    “K-Kasi… si Noah.” Napakamot siya sa ulo. “I think he’ll invite you sa party. Uhm… Sasama ka ba?” Narinig ko ang pagdadalawang isip sa kanyang boses.
    “Why not?” Sabi ko.

    Ilang sandali pa siya bago umimik ulit.

    “Okay. Sige, Noah will probably call right now. Bye, thanks!” Mabilis niya itong binaba.

    True enough, Noah called. Nagyaya siya sa sinasabing party ni Reina. At syempre, pumayag ako. WHY NOT!?

  • Kabanata 57Open or Close

    Kabanata 57
    Bahala si Rozen

    Sa sobrang inis ko, umo-o ako sa anyaya ni Noah. Ni hindi ko na nitext si Rozen dahil wala akong pakealam kung anong isipin niya. Tuwing naiisip ko na kaya niya akong bitinin ng ganito, mas lalo lang akong nagagalit.

    Ngiting ngiti ako nang pumasok sa sasakyan ni Noah. Ni head to foot niya ako at nakita kong kumunot ang kanyang noo sa soot ko.

    “Mababastos ka nyan. Tsss.” Aniya.
    “It’s okay. Mag babar naman tayo.” Pinagkibit balikat ko ang pag angal niya.

    Naka dress ako, as usual. Iyon nga lang ay kumakapit ito sa buong katawan ko. Hindi tulad ng dress na madalas kong sinusoot.

    Nakanot ang noo ni Noah habang nag di-drive siya.

    “Asan ba si Rozen?” Tanong niya.
    “Ewan ko.” Agad kong sagot.
    Nilingon niya ako, “Nag away kayo?”
    “Di naman.”
    “Panu kung makita ka niyang ganyan ang soot mo? Kung ako ang boyfriend mo, hindi kita palalabasin ng bahay ng ganyan.”
    Nilingon ko siya, “Eh, wala naman si Rozen, Noah.”
    “Still.”

    Natahimik kaming dalawa. Hindi ko alam pero kahit ganun ang sinabi niya ay masaya parin ang disposition ko. Siguro ay masaya ako sa part na aalis ako dahil naiinis ako kay Rozen. Sasama ako kay Noah dahil naiinis ako kay Rozen. Naiinis ako kasi hindi siya magpapakita sa akin kahit sabik na ako sa kanya.

    “We’re here!” Suminghap si Noah.

    Nakita kong nasa labas kami ng Tribe Lounge ngayon. Agad akong lumabas sa sasakyan niya. Nakita ko rin sina Liam kasama si Reina na mukhang tuliro sa isang tabi.

    “Reina! I missed you.” Nilapitan ko ang bestfriend ko.

    Naging busy siya sa kanyang pag dedesign. Naging busy din siya sa pagtatrabaho kay Wade. Halos wala na akong update sa kanya dahil naging busy na rin ako sa trabaho. Niyakap ko siya. Hindi maalis sa utak ko ang pagiging tuliro niya. What is her problem? Okay na naman sila ni Wade noong sinundo namin sila ni Rozen, a?

    Ako dapat ang matuliro dito.

    Sinuyod ko ang buong bar. Pakiramdam ko nandito si Rozen, pero wala naman akong nakitang ni anino niya.

    Sumakit ang mata ko sa neon lights ng Tribe Lounge. Nahihilo na ako sa lights kaya naisipan kong umupo sa isang sofa. Sumunod din naman si Reina at Liam.

    “This is going to be a good night.” Sabay ngisi ni Liam kay Reina.

    Yeah, right! Since nandito na rin naman ako, siguro ay mas mabuting mag enjoy na lang. Pumikit ako at dinama ang music ng buong bar.

    Panay ang lingon-lingon ni Reina sa buong bar nang dumilat ako. Para bang naghahanap siya ng butas para makawala doon. Weird.

    “Coreen, sayaw tayo.”

    Hindi pa ako nakakapayag o nakakatanggi ay hinigit na ako ni Noah papunta sa dancefloor. Paboritong kanta ko ang tumutugtog, iyon nga lang ay mas minadali ng DJ ang tempo kaya naging mas maganda ito sa pandinig. HIndi ko na rin napigilan ang sarili ko sa pagsasayaw.

    Dumami ang tao. Ang dami pang humihigit kay Noah para bumati pero kahit paano ay bumabalik parin siya sa akin para isayaw ako. Tumingala ako at tinitigan ang iba’t-ibang nag sasayaw na neon lights sa taas at sa bawat gilid ng dancefloor. Nakakahilo talaga.

    “Noah, upo lang ako. Medyo nahihilo lang.”

    Nakita ko ang pag aalala sa kanyang mukha pero tumango din ito. Ngumisi ako at nag peace sign sa kanya. Pagkabalik ko naman sa sofa ay nakita kong wala na roon si Reina. Asan naman kaya iyong bestfriend ko? Nakahanap kaya ng butas?

    Naisipan kong pumunta ng CR. Habang papalapit na ako ay nakita ko ang 117 missed calls galing kay Rozen. ONE HUNDRED SEVENTEEN? REALLY?

    Ni text ko agad siya:
    What? I thought no YOU for today, huh?

    Ngumisi ako at binuksan ang pintuan sa CR. Tahimik doon at walang tao except sa isang cubicle. Oo, sinilip ko ang paa nung nasa cubicle at alam kong si Reina iyon.

    “Wha- You mean Coreen?” Pabulong niya itong sinabi.

    Mukha atang may kausap sa cellphone kaya naisipan kong mambulabog. Ako pa ata ang pinag uusapan!

    “REINA!” Sigaw ko sabay kalabog sa pintuan ng CR niya.

    Napangisi ako sa ginawa ko.

    “Leche, Coreen! You’re scaring the shiz out of me! Ano? May ibang cubicle naman diyan.” Sigaw niya.
    Tumawa ako. “I’m just checking if you’re there, Reina… Anyway, bakit wala yung isang kapatid mo sa party ng kapatid niya?”
    “What? You mean, Rozen?”

    Pagkabanggit ni Reina ng pangalan ni Rozen ay tumaas agad ang Blood pressure ko. Humalukipkip ako at tinaas ko ang isang kilay ko. Gusto ko agad magtaray nang narinig ko ang pangalan niya. One hundred seventeen missed calls, huh?

    “Actually,” Lumabas si Reina sa cubicle, “Hinahanap ka niya. Sabi niya, meet daw kayo sa labas. Sasama na ako.”
    “WHAT?” Medyo nalusaw ang inis ko.

    Tinignan ko agad ang cellphone kong may isang maiksing text niya.

    Rozen:
    Nasa labas ako ng Tribe Lounge. I’m fetching you.

    “Coreen, I need to go to Wade’s condo. Kababalik niya galing mall tour tonight. Nangako ako sa kanyang magkikita kami. Pero ngayong we’re both trapped here, I need your help… At si Rozen ang makakatulong sakin. Kayong dalawa.”

    Nag isip akong mabuti. Now, I get why she’s acting strange. Mukhang napasubo siya sa party na ito. Wait a minute… anong gagawin niya sa condo ni Wade? Napangisi ako sa utak ko. Alam na. HEP! Una sa lahat, tutulungan ko ang bestfriend ko. Wala akong pakealam kay Rozen!

    “Naalala ko yung sinabi mo sakin pagkarating ko galing France, Coreen. Anong nangyari dun?” Aniya.

    WHAT? WHAT ABOUT THAT? Na inlove ako kay Rozen? Iyon!? Syempre naaalala ko iyon at hanggang ngayon in love parin ako sa kanya. It’s just that your brother is giving me a hard time.

    Nagkibit balikat na lang ako, “Noah’s my friend, Reina. And you’re my bestfriend kaya ikaw ang mas tutulungan ko. Besides, hindi niya naman talaga ako kailangan dito. It’s not a matter of life and death. So let’s go…” Hinawakan ko ang kamay niya at sinamahan sa pag papaalam kay Noah.

    Hinarap namin si Noah. Nasa sofa na siya ngayon at pinapalibutan na ng iilang mga kaibigan namin. I just hope Megan’s not around tonight.

    “Hey, uh, Noah. Pwedeng ano, uwi na kami ni Reina. Mejo masakit kasi tiyan ko eh. Nasira yata sa kinain ko kanina.” Utas ko sabay hawak sa tiyan.
    Ni head to foot ako ni Noah,
    “Isasama ko na si Reina. May plano kasi kaming sleep over tonight. Foot spa… Alam mo na. Tapos hindi namin tinuloy kasi may party. Pero ngayong sumasakit na ang tiyan ko.”
    “Okay, sige, ihahatid ko na kayo-” Ani Noah.
    “N-No, no, no thank you. Pero tumawag na kasi ako kay Dad.” Sabi ko.

    Dad. I mean Rozen.

    “Siya na susundo samin ni Reina.” Sabi ko.
    “You sure?”
    Tumango na lang ako.

    Kahit na halos pigilan ni Liam si Reina ay nagawan ko parin siya ng excuse. Palabas na kami ng tuliro ulit si Reina. Ako naman ay dirediretso lang ang lakad papunta sa highway.

    “Magtataxi na lang tayo. Sorry talaga, Coreen. Sorry…” Aniya.
    “Hindi na tayo magtataxi. You’re brother’s coming in 5… 4… 3…”

    Nag high beam agad ang sasakyan ni Rozen sa labas. Napangisi ako. Hindi mo ako matiis, ano? Binuksan niya ang salamin at agad kong naaninag ang galit niyang ekspresyon.

    “Let’s go to Wade’s condo!!! Yiheee!” Sabay tawa ko.
    Ni head to foot niya muna ako bago siya nagsalita, “You’re not going anywhere, Coreen. Si Reina ang kay Wade.”

    Ngumuso ako at tumahimik na lang. Dinig na dinig sa boses niya ang galit sa akin. Pumasok agad ako sa front seat. Si Reina ay nasa likuran. Hindi naman siya nag tanong ng tungkol sa amin ni Rozen. Siguro ay may napagtanto siya samin ngayon kaya lang ay mas natutuliro siya sa kanilang dalawa ni Wade.

    “Make it fast, Rozen.” Ito ang litanya niya kahit halos masuka na ako sa bilis ng patakbo ni Rozen.

    Nagkaroon ng traffic kaya mas lalong bumagal ang usad namin. Pero nang nakarating na kami ay mabilis din siyang umalis. Ni hindi ko alam kung narinig niya ang paalam ko.

    “Now, why are you wearing that?” Galit niyang tanong sa akin sabay kalabit sa damit ko. “At bakit ka nagsasayaw kay Noah? Unang una sa lahat bakit ka sumama sa kanya?”
    “Unang una sa lahat, bakit mo ako pinaparusahan ng ganun? Wala namang nangyari, a? Tsaka friends lang naman kami ni Noah.” Umirap ako.
    “It’s because I don’t like it! Coreen, minahal mo si Noah noon..”
    “Minahal ko siya noon, Rozen. Noon yun. Past tense. Kung gusto ko siya ngayon, bakit hindi ko siya pinatulan? Bakit ikaw parin?”

    Natahimik siya. Hinayaan ko siyang manahimik. Hindi na ako nag abalang magsalita pa. Nabasag lang ang katahimikan namin nang hinampas niya ang kanyang manibela.

    “Shit! Hindi ko talaga kayang magtiwala kay Noah!”
    “Kapatid mo siya! And for your information, nag gigive way siya sa ating dalawa. Actually, noon pa! Diba? Alam mo yun!”

    Tinitigan ako ni Rozen. Panay naman ang irap ko. Nakakahilo itong pag irap ko, a? Nang bumaling ulit ako sa kanya ay nabigla na lang ako ng hinalikan niya ako ng malalim at maiinit na halik.

    “Ayoko talaga. Ayoko.” Bulong niya habang inaatake ang labi ko.

    Napapikit ako. Agad agad ay nag init ang katawan ko. Hindi ko na maintindihan, a? Kanina pa ako nababaliw sa sarili kong mood.

    PInadausdos niya ang kamay niya sa baywang ko. Agad akong napaliyad sa sensasyong idinulot nito.

    “Shit!” Mura niya nang naramdaman ang dibdib ko salungat sa dibdib niya.
    “Which five star hotel, Rozen?” Tanong ko.
    “SHIT! Hindi kita maparusahan ng maayos!” Mura niya at pinaandar ulit ang sasakyan.

    Tumatawa ako sa galit niyang ekspresyon. Dapat alam mong hindi mo ako kayang parusahan dahil hindi mo ako matitiis, Rozen Gaiser. Nangatog na yung tuhod ko, iniisip ko pa lang na magkakasama ulit kami ni Rozen ngayon ay nababaliw na ako.

    Tumigil ang sasakyan niya dahil sa traffic. Tumingin ako sa labas. Nakita kong nasa party district kami. Nandito yung iba’t-ibang magagandang clubs. At nasa tapat mismo kami ng Club Tilt. Pinasadahan ko ng tingin ang buong kalsada ng party district at nabigla ako nang nakita kong umiiyak, medyo tulog, at pinapalibutan si Leonore Batungbakal ng tatlong kaduda dudang mga lalaki.

    “Si Elle ba yan?” Tanong ko sabay turo.
    “You’re imagining things.” Aniya.

    Ilang sandali ang nakalipas ay niliko ni Rozen ang sasakyan.

    “O, anong nangyari?” Tanong ko.

    Hindi niya pa ako sinasagot ay agad na siyang lumabas at dumiretso sa kay Elle na nakahandusay lang sa gutter ng party district. Mukhang lasing at mukhang di niya kilala ang mga lalaking nakaaligid sa kanya.

    “ROZEN!” Sigaw ko. “Tawag na lang tayo ng guard!”

    Mamaya ma saksak pa siya o mabugbog ng tatlong lalaking iyan. Kahit na malaki ang katawan niya, balewala parin pag may dalang kutsilyo na yung isa.

    Hinaplos ng isang lalaki ang hita ni Elle. Gumalaw si Elle pero hindi iyon naging sapat para ibalik siya sa kanyang ulirat. Lumabas na ako at nakita kong nakikipag usap si Rozen sa mga lalaki.

    “Rozen-“

    Nakita kong nagmadaling umalis ang mga lalaking iyon. Mabuti na lang at hindi pumatol. Lumuhod si Rozen para daluhan si Elle na ganun parin ang posisyon.

    “Manong!” Tumawag ako ng guard.

    Agad naman itong rumesponde.

    “Paki asikaso po. Mukhang may mga kaibigan siya sa loob ng club. Baka may makatulong.” Sabi ko sa guard.
    Tumango naman siya at tinulungan niya si Rozen sa pagpapatayo kay Elle na hanggang ngayon ay wala paring malay.
    “Rozen, hayaan mo na si manong. May mga kakilala naman si Elle sa loob.” Sabi ko.
    “Teka lang, Coreen. Lasing siya. We need water.” Aniya.
    “Uhm… May tubig naman siguro sa loob?” Sabi ko.

    Sinundan ko silang dalawa papasok sa loob.

    “At may sugat siya sa tuhod.” Dagdag ni Rozen.

    Medyo tumaas na naman ang blood pressure ko sa sinabi ni Rozen.

    “Yung bartender ng bar na yan, friend niya. Eh hayaan mo na lang. Mamaya aasa yan kasi ikaw ang nag asikaso.”
    “Coreen, wala siyang malay. Hindi niya yun malalaman.”

    Natigil ako sa paglalakad.

    “Rozen, I want to go…”

    Nilingon niya ako. Napalunok naman ako. Medyo nahihilo na ako. Hindi ko maintindihan.

    “Okay. We will. Please wait.” Aniya.
    “I want to go now!” Pasigaw kong sinabi dahil tinalikuran niya ako para ipasok sa loob ng club si Elle.
    “Sege po, sir. Uwi na lang kayo. Ako na bahala dito.”
    “Hindi, manong.” Medyo galit na utas ni Rozen. “Tulungan ko na po kayo. Maghihintay siya dito!”
    “Rozeeen!” Galit kong utas.
    “YOU WAIT, COREEN!”

    Nanlaki ang mga mata ko. Nababanas ako at pinaghihintay niya ako dito. Bakit siya galit sa akin? Gusto ko lang namang umalis!!!

    Napalunok ako at nakita ko silang pumasok sa loob ng Club Tilt. Namuo ang luha sa gilid ng aking mga mata. Pakiramdam ko pinipili ni Rozen si Elle. Pakiramdam ko may feelings talaga siya kay Elle. Pakiramdam ko pinagpalit niya ako. Pakiramdam ko silang dalawa sa huli.

    Pumihit ako para umalis. Kasabay ng pagtulo ng luha ko ay ang pag baliktad ng sikmura ko. Napayuko ako. Naduduwal ako. SHIT!

    Tumakbo ako papuntang highway at pumara ng taxi. Naduduwal parin ako kaya medyo natagalan ako sa pagpasok. Nang medyo bumuti-buti na ang pakiramdam ko ay bumuhos ang luha ko. Nanginginig ang boses ko noong sinabi ko sa driver ang address namin. Uuwi ako. Bahala si Rozen. Galit na galit ako sa kanya ngayon. Sobrang galit!

  • Kabanata 58Open or Close

    Kabanata 58
    Rozen’s Child

    Wala akong ginawa kundi umiyak pagkarating ko sa bahay. Ang lecheng Rozen na yun!? Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko nang narinig kong kumakatok ang aming katulong.

    “Po?” Sigaw ko sabay tayo bigla.
    “Nandito po si Rozen.” Aniya.
    “HUH?”

    Nagsuklay ako agad. Kakarating at kakabihis ko lang, a? Ibig sabihin ay hindi na siya nagtagal? Mabilis akong bumaba. Buti at tulog na ang mga tao. Maging ang aming katulong ay humihikab na.

    “WHY ARE YOU HERE?” Pambungad ko.

    Nakita ko ang madilim niyang ekspresyon. Para bang may iniisip siyang malalim habang tinitignan ako. Kung ano man iyon, wala akong pakealam.

    “Tinulungan ko lang yung guard, Coreen.” Paliwanag niya.

    Hindi ko matanggap iyon. Agad ng bumuhos ang luha ko.

    “NO! YOU LOVE HER!” Sigaw ko.
    Nanlaki ang mga mata niya.

    Tumayo siya at umambang aawatin ako sa pagtuturo sa kanya pero hindi ako nagpaawat.

    “YOU STILL LOVE HER! O BAKA NAMAN- BAKA NAMAN NAREALIZE MO NA SIYA ANG MAHAL MO NGAYONG TAYO NA?” Humagulhol ako.
    Umiling siya at nakita kong bumilis ang paghinga niya, “Wait! What are you talking about, Coreen! Syempre tinulungan ko lang yung tao! Naging mag kaibigan din kami. And you were just jealous…” Aniya.
    “JUST JEALOUS? HUH? Eh ako nga pag nagseselos ka kay Noah hindi naman kita sinisigawan, a?”
    “I just want to help! Can’t you see that? Hindi kaya ng payat na guard na yun na buhatin si Elle! Kung sana ay naghintay ka, saglit lang naman iyon! Pagkalabas ko nakita ko agad na pumara ka ng taxi-“
    “I DON’T CARE! I WANT YOU MINE! AKO LANG DAPAT YUNG NAKIKITA MO!” Sabi ko.

    Nababaliw na talaga yata ako. Nakita kong umangat ang labi niya. I hated it. Why is he happy? Hindi ko alam. Mukha atang nasisiyahan pa siya sa nangyayari sa aming dalawa. Siguro ay ito ang gusto niyang mangyari… Siguro ay gusto niyang magkasiraan kaming dalawa.

    “Why are you happy?” Tanong ko.
    Umiling siya at bumalik sa pagkakakunot ang kanyang noo.
    “Do you want this to happen to us?” Sabi ko.
    “Shhh… Coreen, stop it. Let’s stop this. You’re just blinded by your jealousy.”
    “I’m not blind!” Sigaw ko sabay atras.

    Nakita kong namutla siya.

    “AYOKO NA! KUNG IKAW NAGSESELOS OKAY LANG NA PARUSAHAN MO AKO. AT PAG AKO NAGSESELOS, NAGAGALIT KA, SINISIGAWAN MO AKO! Break na tayo!”

    Nalaglag ang kanyang panga. Diretso siyang pumunta sa akin.

    “Coreen, hindi. Hindi pwede. I’m sorry. I’m sorry. I just wanna help her. Guilty ako. Pero wala akong magawa kasi mahal kita. She’ll get over me. I just wanna help her. She needed the help.”
    “No… You love her.” Pinag diinan ko.
    “NO! FOR GOD’S SAKE, NO! Ikaw lang!”

    Pumungay ang kanyang mga mata. Hinawakan niya ang magkabilang siko ko. Hinampas ko naman ang kanyang dibdib.

    “Break na tayo.” Inulit ko.
    “No.” Umiling siya.
    “Ayoko na. Nakakafrustrate ka.”
    “No… Tayo parin. Kahit na na fufrustate din ako sayo. Tayo parin.”

    Parang kinurot ang puso ko sa sinabi niya. Lalo na noong sinandal niya na ang noo niya sa noo ko. Napapikit na lang ako. Bumuhos ang luha ko.

    Yes… I hated him. Naiirita ako tuwing naiisip ko iyong ginawa niya. Pero walangya, ano ba itong nararamdaman ko at bakit baliw na baliw ako sa kanya?

    “I love you.” Bulong niya. “So much, Coreen. Sobra sobra na wala akong pakealam kung sino ang masagasaan ko para sating dalawa.”
    Humagulhol ako. “No, I want a break for us. Break na tayo.”

    Hindi ko alam kung paano ko siya natalikuran sa gabing iyon. Siguro ay napangunahan lang ako ng sobra sobrang pagseselos kaya ko iyon nasabi.

    “COREEN!” Sigaw niya.

    Pinipiga ang puso ko nang narealize na basag ang kanyang boses habang tinatawag ako. Hindi ako lumingon. Sometimes, you need to be heartless.

    Natulog na lang ako. Hindi ko alam kung paano ako nakatulog ng walang istorbo sa loob ng 12 hours kahit ganun ang nangyari sa amin ni Rozen. Kung hindi ako kinatok ni mommy kinaumagahan ay siguro hindi ako nagising. Buti na lang at Linggo.

    “Coreen, may problema ba?” Bumungad sa akin ang concerned na mukha ni mommy.
    “Wala naman po.” Sabay kusot ko sa medyo mahapding mata.
    “Nandito si Rozen kanina. Jusko nakatulog siya sa sofa. Kaya lang pinauwi ko na. Ayaw nga nung umuwi. Nag away daw kayo. Kayo na ba?”

    Kumunot ang noo ko.

    “Hindi po.”
    Kumunot din ang noo ni mommy. “Bakit ganun siya? Teka… hindi ba si Noah ang crush mo? Si Rozen… yung boyfriend? Please enlighten me, Coreen.” Humalukipkip si mommy.

    Ginulo ko ang buhok ko at humiga ulit.

    “Wala po akong boyfriend. Inaantok po ako.” Sabay lagay ng unan sa ulo ko.
    “Coreen, you need to tell me.”

    Pinikit ko na lang ang mga mata ko hanggang sa narinig kong umalis si mommy. Bumangon ako para maligo na sana ngunit wala akong nagawa kundi ang sumuka pagdating sa inidoro.

    “Kahapon pa ‘to, ah?”

    Bigla akong naiyak. Nakakainis! Ang sama-sama ng pakiramdam ko tapos naiirita pa ako kay Rozen! At ngayon wala siya dito mas lalo lang akong naiirita! Anong nangyayari sa akin? I DON’T FREAKING KNOW!

    Sumuka ulit ako. Bakit ako naduduwal? Siguro dahil nahihilo ako. Hindi naman ako uminom kagabi? Siguro magkakasakit ako.

    Sa araw na iyon, ni off ko ang cellphone ko para makapagpahinga. Mabuti at naisip din ni mommy na hindi maganda ang pakiramdam ko kaya hindi niya na ako kinulit. Hindi ako umalis ng kwarto. Nagpahatid lang ako ng mga pagkain sa katulong.

    Ganun ang naging eksena sa bawat weekend na nagdaan. At sa tuwing weekdays naman ay nagtatrabaho ako. Naging smooth naman ang flow. Araw-araw na nagpapadala si Rozen ng roses at kung anu-ano pa. Lagi pa niya akong sinusundo sa trabaho kahit na araw-araw ko rin siyang tinatanggihan at sinusungitan.

    “Break na tayo, ah. Why are you here?” Ito parati ang pambungad ko sa kanya.
    “Coreen, just get in.” Aniya sabay nguso sa sasakyan niya.
    “Ayoko!” Lagi akong tumatanggi at palagi din niya akong hinihigit papasok doon.

    Pinapaandar niya agad. He’s acting like it’s all okay. Kaya minsan nakakalimutan ko rin na mag kaaway kami at sumasama ako sa kanya.

    “Seriously, you should stop thinking that we’re off. It’s useless, Coreen.” Ngumisi siya. “And… don’t you miss me?”
    Inirapan ko na lang siya.

    Ang totoo, miss na miss ko na rin siya. Pero hindi ko mapag tanto kung bakit sobra-sobra na lang ang inis ko. Hindi ko siya pinagbibigyan kahit na madalas niya parin akong hinahalikan at madalas din akong nadadala sa mga halik niya. Tinutulak ko na lang siya.

    “Coreen! Ano ba? You’re acting really strange! Wala na si Elle! Let’s leave her alone! Tinulungan ko lang siya-“
    Pinutol ko ang pinagsasabi niya at padabog na sinarado ang kanyang pintuan. Bahala ka diyan, Rozen Elizalde!

    Nagmadali akong pumasok sa bahay at nagkulong sa kwarto. Naiinis ako sa sarili ko dahil miss na miss ko na siya at naiirita agad ako tuwing naririnig ko ang pangalan ni Elle. Ewan ko. Hindi ko ma explain basta naiirita ako.

    Nang nag weekend ulit, nakita kong na bash si Reina sa buong internet. May kumalat na picture ni Reina at Wade na naghahalikan sa parking lot. Napangiti ako. Alam kong masamang ma bash, kaya lang, masaya ako at malalaman na ng lahat kung sino ang totoong mahal ni Wade. I’m happy for them. Humikab ako, kakagising ko lang kasi. Pagkatapos kong humikab ay napahawak agad ako sa bibig ko kasi naduduwal na naman ako.

    “Seriously, what the shit is happening?” Nanlaki na lang ang mga mata ko nang naisuka ko na lahat ng kinain ko sa inidoro. “OH MY GOD?”

    Mabilis akong naghilamos. Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. AM I PREGNANT? SHIT? AM I? I need to check. Pregnancy test? Wala akong ganun! Bibili ako? Saan? Sa mall? Ngayon na? Anong gagawin ko? Kinagat ko ang labi ko. Lintek na Rozen. May bago bang Elizalde? SHIT! Ni hindi ko pa naamin kina mommy at daddy na kami na ni Rozen. Tapos ngayon, may LQ pa kaming hindi ko tinatapos.

    “Coreen?”

    Halos atakihin ako sa puso nang bumungad si Rozen sa akin sa labas ng bathroom.

    “WHAT ARE YOU DOING HERE?” Sigaw ko sabay turo sa kanya.

    Nakataas ang kamay niya sa akin at humahalakhak na.

    “I’m just checking on you. Wala yung mommy at daddy mo. Asan sila?”
    “I DON’T KNOW! UMALIS KA NGA DITO SA KWARTO KO!” Sigaw ko.
    Kumunot ang kanyang noo pero di parin matanggal ang ngisi niya.
    Hinampas ko ang dibdib niya at tinulak palabas ng kwarto ko. Hindi naman siya nagmatigas. Tumatawa lang siya habang lumalabas.

    Sinarado ko ang pintuan at ni-lock. Binuksan ko naman agad ito nang narealize na may sasabihin ako sa kanya. Naabutan ko siyang nakangisi sa labas ng pintuan ko.

    “Kailangan kong pumunta sa mall! At gusto ko hindi ka kasama!”
    Mas lumaki ang ngisi niya, “Okay fine. Ihahatid kita pero di ako sasama.”
    Umirap ako at pinagsarhan ulit siya.

    Mabilis ang paghinga ko habang tinitignan ang My Calendar Application sa iPad ko. Limang linggo mula nung huli kong period. SHIT! Is this normal? Oh my great God! It’s still freaking normal, ano! Ibig sabihin one of these days magkakaperiod na ako.

    Kinalma ko ang sarili ko para makaligo at magbihis.

    “Hindi ka ba kakain?” Tanong ni Rozen nang nakitang dumiretso ako palabas ng bahay namin. Siya naman ay nakadekwatrong nakaupo sa sofa namin.
    “Sa mall na ako kakain!” Iritado kong sambit.
    “Alright.” Cool niyang sinabi saka tumayo para sundan ako.

    Wala akong imik buong byahe namin. Hindi matanggal sa isipan ko ang posibilidad na buntis ako. At ayaw ko ring banggitin ito kay Rozen dahil natatakot ako.

    “Saan ka kakain?” Tanong niya.
    “Don’t ask.”
    “Bakit?” Sabay tigil ng sasakyan niya sa harap ng malaking mall.
    “Just don’t.” Inirapan ko siya.
    “Okay.” Tumawa siya.

    Umalis agad ako nang hindi nagpapaalam sa kanya. Masyado akong preoccupied sa aking mga iniisip. Gusto kong mag shopping ng maraming maraming damit, pero gutom na gutom ako kaya dumiretso ako sa isang restaurant na hindi ko pa nakakainan noon.

    “Ano pong order niyo, miss?” Tanong sa akin ng waiter.

    Dumungaw ako sa menu at may nakita akong mga salad doon.

    “Hmmmm…” Ngumuso ako at tinitigan ang picture ng salad. “Ano ba ‘to…”

    Tumatabang bigla ang panlasa ko. Parang nasusuka ako or something.

    “Uhm may american spare ribs ba kayo?”
    “Opo.”
    “Yun na lang, tsaka juice. Thanks.” Sabi ko sabay bigay sa menu.

    Pumangalumbaba ako. Nakapagtataka, bakit ayaw ko sa salad? Errr… Hindi ko na lang inisip iyon. Kumain na lang ako nang dumating ang pagkaing inorder.

    Habang kumakain ako, narinig ko ang usapan ng mga tao sa kabilang table tungkol kay Wade at sa bago niyang girlfriend. Kaya agad kong kinuha ang cellphone ko at nag search ng latest updates sa Google. Nakita ko doon na nag issue ng statement si Shan, umiiyak siya ta parang pinapalabas niya na kabit si Reina. Agad akong nairita. Seriously, bakit ang bilis kong mairita?

    Ako:
    Lecheng Shan! May paiyak-iyak pang nalalaman! Broken hearted daw!? Leche sha!

    Nitext ko agad si Reina. Nag reply din naman siya.

    Reina:
    Where are you?

    Ako:
    Kumakain sa mall. I’ve seen the video.

    Reina:
    Aling mall?

    Sinabi ko sa kanya kung saang mall ako.

    Kalahati lang nung ribs ang nakain ko. Iniwan ko na lang ang pagkain at pagkatapos ay inisa-isa ang mga boutique. Habang tumitingin ako sa mga damit ay napagtanto ko yung huling ni text ko kay Reina. Sinabi ko sa kanya kung saang mall ako! Hindi kaya pupunta siya dito? Kaya nitext ko ulit siya.

    Ako:
    Wait. Don’t go out, Reina.

    Bawat tao sa mall na nadadaanan ko, puro si Wade at Reina ang pinag uusapan.

    “Yung kabit niyang si Reina ang kapal ng mukha.” Sabi nung isang babae.

    Nairita agad ako. Sinundan ko ng tingin iyong babae habang bumibili ako ng pregnancy test sa Watsons. Nakita niya ang masamang titig ko sa kanya. Buti na lang at umalis din siya agad kaya hindi ko siya nabigwasan. Nakakabanas lang. Kung makapagsalita ang fans na ito, kahit walang alam ay parang ang dami lang alam.

    Sinusuportahan nila si Shan kaya kahit anong gawin ni Shan, pakiramdam nila iyon ang tama. Ganun ba talaga pag iniidolo mo ang isang tao? Ganun ba talaga pag minamahal mo ang isang tao? Well, maybe. Dahil kahit anong gawin ni Rozen, kahit na nakakairita siya, mahal ko siya kaya lagi ko iyong pinagbibigyan. Except now, of course. Medyo naiirita parin ako sa kanya. Iyon nga lang ay hindi ko alam kung bakit. And it’s probably the same for Rozen… kahit gaano ako ka irrational mag isip nitong mga nakaraang araw, wala parin siyang ibang magawa kundi ang mahalin ako pabalik.

    Pahirapan ang ginawa kong pagsubok ng PT sa CR ng mall. Binasa ko pa ang instructions na nakapaloob doon. Leche, pwedeng magpa ospital na lang? Hindi pwede, magdududa si Rozen, magdududa si mommy at daddy.

    Naghintay ako ng ilang minuto. Wala akong ginawa kundi ang tumayo at tumingala sa loob ng inidoro.

    “OH SHIIIIT!” Nakita kong may dalawang linya sa PT.

    Nicheck kong mabuti yung instructions: Two Lines = Congratulations! You are pregnant!

    Dalawang ulit ko itong inulit para makasigurado. Nawindang ako nang dalawang ulit rin akong binati ng PT!

    “SHIIIT!”

    Lutang na lutang ako palabas ng CR. Tulala akong naglalakad sa gitna ng mall. Natigilan na lang ako nang nakitang nag iissue na naman ng statement si Shan sa isang malaking TV station. Naka air ito ngayon sa TVng nasa harap ko. Natigilan ang mga tao sa kakatingala doon sa TV.

    “Hello?” Agad kong sinagot ang tawag ni Reina.
    “Nasa mall na ako. Nasan ka?” Aniya.
    “Eto… Nasa gitna. Bakit ka pumunta dito?” Naiirita ako sa katangahan niya. “Nag i-air pa lang ng statement ni Shan! Nandito sa malaking TV sa gitna ng mall, Reina! You should have stayed home!”

    Lumingon lingon ako para hanapin siya. At nakita ko nga ang bestfriend kong tulala sa gitna ng mall.

    “You stubborn girl!” Sabi ko sabay higit sa kanya.
    “Siya yung Reina diba?” Sabi ng isang babae sa gilid namin. Itinuro niya si Reina.
    “Oo. Yung manggagamit.” Dagdag nung isa.

    “Hindi siya manggagamit!” Sigaw ko.

    Tumataas na ang altapresyon ko sa mga taong lubos kung makapanghusga! Pinanood namin ang walang basehang mga sagot ni Shan sa interview niyong malaking TV station. Puro kasinungalingan ang sinabi niya doon. Nakakairita. Nakakainis. Naiiyak ako sa sobrang inis. Si Reina ay tulala lang at dinirinig ang mga sinasabi ng tao sa paligid.

    “Yung plastik!”
    “Manggagamit!”
    “Famewhore! Sana mamatay na siya! Nakakasira ng relasyon!”
    “Kabit!”
    “Third party! Cheap! Yuck!”
    “Cheap tulad ng gawa niya. Walang talent kaya ayan kumapit sa patalim.”
    “WadeSha parin ako. Forever. Rot in hell Reina.”

    Biglang may natapong ice cream sa soot ni Reina. Nakita kong namuo ang luha sa mga mata niya. Ako naman ay tumunganga habang unti-unting nalalaglag ang panga. THIS IS ENOUGH. I’m going to kill all of them!

    “WHAT THE?” Sigaw ko sabay hanap sa gumawa noon. “MGA BRUHA! KAYO MAMATAY!”

    Readyng ready na akong mangsabunot sa kahit sinong babaeng nakatingin sa aming dalawa nang hinila ako ni Reina paalis dun. Wala akong ginawa kundi ang mag mura at umiyak.

    “Coreen, let’s go! Let’s just go!”
    “Bwisit! Nakakainis! Bwisit sila! Ang dami niyong alam, ha? Bwisit! Mamatay kayo!” Hinihila parin ako ni Reina.
    “Coreen, stop it. Okay lang. Naiintindihan ko-“
    “Anong naiintindihan? Tanga ka ba? Hindi pwedeng ganun ganun na lang, Reina!”
    “Coreen, anong gusto mong mangyari? Sasabunutan mo isa-isa ang mga babaeng yon doon? Tapos ikaw, anong mangyayari sayo? Papatayin ako ni Rozen!”

    Nagpatianod ako sa kanya hanggang sa nakarating ako sa sasakyan niya. Napansin ko na may nititext siya bago niya iyon pinaandar. Napalunok ako. Ngayon lang nag sink in sa akin lahat.

    I’m not alone. I’m not. Hindi ako pwedeng magpadalos dalos. Because a child is inside me… It’s Rozen’s child. OH MY GOD!

    Bigla akong naduwal. Yes. Naduwal na naman ako at ngayon sa presensya ni Reina. Agad kong binuksan ang pintuan ng sasakyan niya at tumakbo sa likuran.

    “Coreen!” Sigaw niya sabay dalo sa akin.
    “Bumalik ka nga sa loob! May makakakita sayo-” Nasuka ulit ako.

    Hinaplos niya ang likod ko.

    “OH MY GOD?” OA na sigaw ni Reina. “B-Ba’t ka nasusuka?”

    Tinatanong niya kahit alam kong may naiisip na siya kung bakit ako nagkakaganito. Shit!

  • Kabanata 59Open or Close

    Kabanata 59
    Exactly

    Mas lalo kong iniwasan si Rozen. Hindi ako nagpapakita sa kanya. Mabilis akong umaalis sa trabaho para lang hindi niya ako maabutan at sa tuwing pumupunta siya sa bahay ay lagi akong nagkukulong sa kwarto. Mahal na mahal ko siya, sabik na sabik ako sa kanya, kaya lang natatakot ako dahil buntis ako. Natatakot ako sa mangyayari sa amin. At naiirita ako nang di ko alam kung bakit.

    “Coreen, you are acting really strange. Ano bang nangyayari sayo?” Narinig kong sinabi ni Rozen sa likod ng pintuan ko.
    “Just… go home, Rozen.” Sabi ko.

    Alam kong nagkakagulo na ang buong pamilya ng mga Elizalde dahil sa nalalapit na kasal ni Reina. At first, inayawan ng kanyang parents si Wade dahil pobre ito. Pero ngayon ay natanggap na nila. Of course, sinong magulang ba ang aayaw kay Wade? Sobrang mahal niya kaya si Reina. Hindi ko alam kung tumutulong ba ito si Rozen sa kanila dahil napansin kong halos gabi-gabi siya dito sa amin at nagdadala pa ng kung anu-anong pagkain.

    Biglang lumubog ang paanang parte ng kama ko. Tumindig ang balahibo ko. Akala ko may halimaw ng umupo doon, pero oo, totoo palang may halimaw talaga. It was him, the sexy beast with his sexy smile and his sexy lips.

    OH I MISS HIM SO MUCH! Pero naiirita ako… Shit! Di ko alam!

    “Ano ba?” Nilagyan ko ng kumot ang mukha ko.

    Hinawakan niya ang binti ko. Hinaplos niya ito pababa.

    “WHY ARE YOU HERE?” Galit kong utas sabay upo para maiwasan ang panghahaplos niya.

    Hinawakan niya ang kanyang labi saka tinitigan akong mabuti gamit ang naglalaro niyang mga mata.

    “Why are you so moody?” Tanong niyang nakapagpakabog sa puso ko.

    Naghuhuramentado na naman ako, pati ang mga kulisap ay nagliwaliw na sa loob ng tiyan ko.

    “I’m not. I just…”
    “Come on, Coreen. Apat na linggo na yung issue. Is there something wrong?” Tanong niya.
    “Nothing!” Sabi ko sabay iwas ng tingin.
    “Are you pregnant?” Diretso niyang tanong.

    Nagulantang ako pero hindi ako nagpahalata sa kanya.

    “What? Bakit naman ako mabubuntis?” Umiling ako.
    “Really?” Ngumisi siya.

    SINADYA NIYA BA ITO? Bakit may feeling akong sinadya niya ito? Kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan siyang ngumingisi sa harapan ko.

    “I’m not pregnant!” I lied.
    “Ows?” Hinagis niya sa kumot ko ang tatlong Pregnancy Test. “Then try that.”
    “I said, I’m not! Nagkaperiod pa ako last week! Don’t be crazy!” Umirap ako.
    Napanguso siya, “Kung ganun bakit ganito ka?”

    Lumapit siya sa akin.

    “Nasaan si mommy at daddy at bakit ka nila pinapasok?” Tanong ko.
    “I told them na tayo na. At nag away tayo, Coreen. I need to say sorry.”
    “YOU MANIPULATIVE FREAK!” Sabay turo ko sa kanya.
    Humalakhak na lang siya sa sapak ko sa kanya. “Alam mo kung anong sinabi nila sa akin?”
    Tinaas ko ang kilay ko.
    “‘Si Noah yung gusto niya, ah. Di ako makapaniwala na ikaw.’ Iyan ang sabi ng mommy mo.”

    Nag iwas ulit ako ng tingin. Bumuntong hininga si Rozen at inangat ang mukha ko para magkasalubong ang tingin namin.

    “Do you still love me?” Medyo nanginig ang boses niya sa tanong na iyon.
    Nairita ako, “Bakit mo ako tinatanong? Kailangan pa bang magtanong ng ganyan.”
    “Answer, Coreen. Coz this past few days, pakiramdam ko inaayawan mo na ako.”
    “Of course I love you!” Sabi ko.
    “Then are you pregnant?”

    Napalunok ako at nag iwas ulit ng tingin.

    “I said, I’m not.”
    Kumunot ang kanyang noo, “Nakita kitang kumain sa mall ng spare ribs. Imbes na yung paborito mong mga damo ang kakainin mo, bakit iyon ang kinain mo?”
    Magsasalita na sana ako pero hindi niya ako pinagbigyan.
    “And you’re really getting moody. Sigurado ka bang last week nagka period ka?”
    “OF COURSE!”
    “Bakit ka magkakaperiod last week, dapat nung first week pa ang period mo, diba?”

    SHIT!? Pati ito?

    “What? Of course iba-iba yung schedule!” Sabi ko.
    “Ako nag aayos ng schedule mo noong college, Coreen. And I still remember everything about you. Nakatatak na iyon sa akin. Kasama na iyon sa buong pagkatao ko, you can’t fool me.”
    “Hormonal imbalance. Hindi ba pwedeng ganun? Don’t worry, bibili ako ng pills para hindi na ako magkaganito.” Umirap ako.

    Tumayo siya at humalukipkip.

    “Don’t you dare do that when I know you are pregnant!” Medyo iritado niyang sinabi.
    “I said I’m not pregnant!” Iginiit ko.

    Mas lalo lang siyang naging iritado sa sinabi ko.

    “Anyway, ichicheck ko pa ngayong araw yung pinagawa kong gown for Reina and me. Pakiharid ako sa bahay niyo, please?” Ngumisi ako at tinulak siya palabas ng kwarto ko.

    Nakasimangot lang siya at nagpatianod sa ginawa ko.

    “Maliligo lang ako tsaka magbibihis.”

    Sinarado ko ang pintuan at bumuntong hininga. That was close!

    Ganun ang palaging eksena. Hanggang sa umabot ako sa point na gusto ko ng sabihin sa kanya. Palagi na kasi siyang nakasimangot. Nakakakilabot pa kasi pinagmamasdan niya akong mabuti. Parang isang lawin na nag aantay ng makakain niya. Ni hindi na rin siya naapektuhan tuwing lumalapit ako kay Noah. Nakatitig lang talaga siya at naghihintay na may mangyari sa katawan ko.

    “Bakit mo naisipang puno na yung VIP?” Tanong ni Reina nang papunta na kami sa Araneta para sa comeback concert ni Wade.

    Ang hindi niya alam ay wedding day niya rin ito. Pinlano ito ni Wade at tutulong ang fans sa gagawing surpresa niya.

    “Inimbitahan ko kasi si Liam tsaka Shan…” Nag peace sign ako.
    “P-Paano mo sila napapayag?” Laglag panga niyang tanong.

    Paanong hindi ko sila mapapapayag kung sabihin kong kasal ‘to ni Wade at Reina?

    “Kumpara sayo, mas malakas ang charm ko kaya…” Kumindat ako sa kanya.

    Biglang tumunog ang cellphone ko at nakita kong si Rozen ang nag text.

    Rozen:
    Nasa harapang upuan na ako. Where are you? Wa’g kang dumaan sa maraming tao.

    Ngumuso ako at nireplyan siya.

    Ako:
    Almost there.

    Rozen:
    Wa’g kang dumaan sa maraming tao. Wade’s fans are going really crazy. Baka madaganan ka lang. Pwede bang sunduin na lang kita?

    Ako:
    Stay there. Importante ang upuang yan.

    Rozen:
    We can always tell the fans na hindi pwedeng upuan dito? Or I can ask Rick to stay here for you. I’m really freaking worried Coreen.

    Ako:
    Ba’t ka worried? I’m not some fragile girl na mababasag pag nadaganan nino.

    Hindi siya nagreply. Siguro ay nairita na naman iyon. Gusto niya talaga kasing igiit na buntis ako habang lagi ko naman itong itinatanggi.

    “Bilisan mo na, Reina! Maghahanap pa tayo ng upuan.” Sabay kaway ko kay Reina nang busy siya sa pag ientertain ng fans ni Wade.

    Nasa Araneta na kami at nakikita ko na ang upuan naming dalawa. Nakadekwatro si Rozen habang diretso ang tingin sa aming dalawa.

    Papalapit na kami ng papalapit. Mas lalo lang nangatog ang binti ko dahil titig na titig ang Rozen Elizaldeng naka dekwatro at nakahawak sa ulo ang kanyang kamay. Nakataas ang isang kilay niya at pinagmamasdan ang bawat galaw ko.

    Nag iwas lang ako ng tingin.

    “Thanks…” Nahagip ko ang tingin niya.

    Nagulat ako nang tumayo siya at tinignang mabuti ang tiyan ko. Kinagat ko ang labi ko. Lumapit siya sa akin. Sa sobrang lapit ay hindi na makikita ang mabilis niyang pag haplos sa tiyan ko. Nagtindigan ang balahibo ko.

    “You are always welcome…” Malamig na sagot nito.

    SHIT! Talagang sigurado siya sa pakiramdam niya. Inilahad ko ang upuan kay Reina at pinagmasdang mabuti ang kapatid niyang bumababa at pumupunta sa VIP section.

    “Sana kayo na lang dito. Doon na lang ako sa VIP seat.” Ngumisi si Reina sa akin.
    “Weh? Ano ka? Bestfriends tayo, kaya dahil napahamak ako sa pag iimbita kina Shan at Liam, dadamayan mo ako sa kamalasan ko.”
    “Dadamayan ka rin nun.” Mas lalo siyang ngumisi.

    Yeah, right! Lalo na pag malaman nung may laman ang tiyan kong anak niya.

    Nagsimula ang nakakapanindig balahibong concert-wedding. Epic yung naging reaksyon ni Reina sa ginawa ng fans at sa kanyang nakakabiglang wedding. Ako naman ay umiiyak habang pinagmamasdan siyang ikinakasal. Masaya naman ang pangyayaring ito pero umiiyak ako ng sobra sobra.

    Nakita kong tumaas ang kilay ni Rozen habang pinagmamasdan akong umiiyak. Kumikinang ang earring niya dahil sa neon lights ng nasa concert. Hinaplos ni Noah ang likod ko. Nilingon ko siya at tumango siya sa akin.

    “I’m happy for Reina.” Aniya.
    Tumango ako. Hindi ako makasagot dahil sobra sobra ang pag iyak ko.

    Niyakap ako ni Noah. Niyakap ko rin siya dahil kinailangan ko ng masasandalan sa sobra sobrang ka emohang nararamdaman ko ngayon. May biglang umubo sa tabi ko. Alam ko agad kung sino. Kumalas kami ni Noah sa pagkakayakap sa isa’t-isa.

    “Pwede bang bawiin ang asawa ko?” Malamig na sambit ni Rozen sa kapatid niya.

    Umatras si Noah at ngumisi.

    “Sure, bro.” Aniya. “Hindi mo naman kailangang bawiin dahil simula palang sayo na siya.”

    Napatingin ako sa reaksyon ni Rozen. Ngumisi siya sa kapatid niya. Tumindig ang balahibo ko. Hindi ko alam kung masamang ngisi o mabuting ngisi ba iyong ipinakita niya.

    “Buti alam mo.”

    Shit talaga ang isang ito! Baka mag away pa ito dito, ah?

    “Alam ko. Syempre, noon paman, minarkahan mo na siyang sayo, diba?”

    Pinadausdos ni Rozen ang kanyang kamay sa baywang ko at inilapit niya ako sa kanya.

    “Of course. It’s Coreen over everything, Noah.”

    Nag high five silang dalawa. Pagkatapos ay marahan niyang hinigit ako palayo sa buong lipumpon ng mga tao sa kasal ni Reina.

    “Where are we going?” Utas ko habang pinapahiran ang luha sa mga mata ko.
    “Date.” Aniya.
    “Date? May reception pa ang kasal nina Wade at Reina!”

    Nakalabas na kami ng Araneta bago niya ako sinagot.

    “I know. Pero di pa matatapos ang concert niya. I want to be with you.” Ngumisi siya.
    “Okay.”

    Napapaluha parin ako habang nasa loob na kaming dalawa ng sasakyan. Pinaandar niya lang muna ang aircon saka bumaling sa akin.

    “What do you think about their wedding?”
    “Maganda, unique.” Sabi ko.
    “Anong wedding ang gusto mo para satin?” Tanong niya.
    Napanguso ako, “Ewan ko… Traditional?” Nanginig ang boses ko sa sinabi ko.

    Maging iyon ay hindi ko pa napag iisipan. Ayokong pakasalan niya lang ako kasi nabuntis niya ako. Namuo ulit ang luha ko.

    “Pakasal na tayo next week?” Diretso niya lang sinabi.
    “Ha? Bakit?” agad kong tanong.
    “Because I want you pregnant, Coreen.”

    SHIIIIIT! Iba’t-ibang mura ang sumagi sa isip ko. Pakiramdam ko matatamaan na ako ng kidlat sa sobrang pagmumura ko. Mas lalo akong umiyak. Tinulungan niya ako sa pag punas.

    “W-Why do you want that, Rozen?” Tanong ko habang inilalapit niya ang sarili niya sa akin.

    He lifted my chin. Naaninag ko na naman ang nakakasilaw niyang evil smile.

    “That’s my way to end the chase, Coreen. We’ll end it there. I’m your dead end. It’s the end. We’ll start a new life with our family.”
    Napalunok ako sa sinabi niya, “Why do you hate the chase so much?”
    “Hindi ko naman iyon hate. Gusto ko. Kahit anong paghahabol, hahabulin kita. Pero gusto kong makasiguro na akin ka lang. Na mahihirapan kang ayawan ako. Dahil palaging madali sayo ang iwan ako.”

    SHIT! SHIT! SHIT! Hinaplos ko ang mukha ni Rozen habang namumuo na naman ang luha ko. Hinawakan niya ang kamay na nakahaplos doon at hinalikan ito.

    “Hindi naman madali sa akin. Mahirap, a? Mahal na mahal kaya kita.”
    “Puro salita. Kung mahal mo ako, you’ll marry me, then?”

    Hindi niya na ako pinasagot. Hinalikan niya lang ako. Yung mababaw at nakakakiliting halik. Naglakbay ang kamay niya sa likod ko. Pabalik balik niya iyong pinaglakbay sa likod ng leeg ko pababa. Habang ang isa naman ay naka hawak sa dibdib ko.

    “I want you pregnant.” Bulong niya.

    Napaliyad ako sa bawat paghawak niyang ginagawa sa akin. Shit talaga! Ang bilis mag init ng katawan ko.

    “I am.” Mabilis kong sinabi.

    Tumigil siya sa paghalik at nakita kong nanlaki ang mga mata niya. Napaawang ang bibig niya hanggang sa unti-unti itong ngumisi.

    “You are?” Tanong niya.

    Namuo ang luha ko habang tumatango sa kanya.

    “Really?” Sabay hawak niya sa tiyan ko.

    Nakangisi siya. Kinagat niya ang kanyang labi nang tumango ulit ako. Kumislap ang kanyang mata at suminghap siya.

    “Is this for real, Coreen?”
    “Hindi ba lagi mong ginigiit na buntis ako? O eto na, inaamin ko na!”
    “Oh my shit!” Tumawa siya at nakita kong kumislap lalo ang mata niya sa luha.

    Inatake niya ang labi ko. Ngayon mas mariin ang bawat pag siil niya ng halik dito. Unti-unti itong naging sabik at maiinit na halik. Kinilabutan ako. Mabilis ding gumalaw ang kanyang kamay.

    “Rozen, b-baka di ako pwedeng mag… alam mo na.”
    “I asked the ob. Pwede.”

    Nanlaki ang mga mata ko. Bumaba ang halik niya sa leeg ko.

    “Kelan mo tinanong?” Napapikit ako sa bawat halik niyang bumababa sa dibdib ko.
    “Nung nagduda ako na buntis ka. Weeks ago.” Bumalik ang halik niya sa labi ko.

    Nang naramdaman kong hinaplos niya na ang gitna ng hita ko ay napaungol ako.

    “B-But I’m pregnant, Rozen.”
    “Exactly why I’m so turned on right now.”

    SHIT!

  • Kabanata 60Open or Close

    Kabanata 60
    Only Me

    Bongga ang naging after party ng kasal ni Reina. Hindi pa nakakarecover ang mommy at daddy ni Rozen sa kasiyahan dahil sa party. Syempre, inimbita din ang buong pamilya ko. Pinagpapawisan ako ng marami dahil sa mapagmasid na ekspresyon ni Rozen. Feeling ko kung magkakatyempo siya ngayon ay sasabihin niya agad sa pamilya.

    Kaya lang, inaantok na ako. Alas onse na rin kasi. Pero noon, kahit na umabot akong dilat hanggang alas singko ng umaga, hindi naman ako nahuhulugan ng mata.

    “Rozen…” Sabay haplos ko sa braso niya.
    “Hmmm?” Tumingin siya sakin galing sa pagkakatitig niya sa mga magulang ko.
    “I’m really sleepy.”

    Nakuha ko ang buong atensyon niya. Tiningnan niya lang ako. Magsasalita na sana siya pero dinagdagan ko iyon.

    “And hungry.” Ngumisi ako.
    “A-Anong gusto mong kainin?” Tanong niya.
    “Hindi ko alam basta gutom ako at inaantok?”

    Humikab pa ako. Nakita kong nakatingin si mommy sa amin kaya umayos ako sa pag upo. Pumungay ang kanyang mga mata at tinignan kami pabalik balik ni Rozen.

    “Bukas ko na lang sasabihin. Let’s go home.” Ani Rozen sabay tayo.
    “Oh, saan na kayo, Rozen?” Tanong ng daddy ni Rozen na ngayon ay nakatitig sa amin at nakapangalumbaba sa table.

    Nasa isang round table kasi kami kasama ang mga oldies. Pwede naman kaming sumama kina Noah doon sa kabilang table, kaso, pinili ni Rozen na sumama dito sa mga matatanda. Nandito sa table namin sina mommy at daddy, tito at tita (mom aat dad ni Rozen), iyong mama at papa ni Wade at ilan pang mga Elizalde. Nag iinuman sina tito at nag chichikahan naman sina tita.

    “Ihahatid ko lang si Coreen sa bahay nila.” Aniya sabay sulyap kay mommy at daddy.
    “Oh, bakit anak?” Sabi ni mommy sa akin. “Gusto mo ng umuwi? Uuwi din tayo after 12. Nakakahiya naman kay Rozen, ihahatid ka pa niya.”
    “Not a problem, tita. Para makapag enjoy pa kayo dito at makapagpahinga na si Coreen.”

    Nanliit ang mata ni mommy sa kakatitig sa akin. Ang daddy naman ni Rozen ay humalakhak habang pinagmamasdan kaming dalawa.

    “Hindi ko talaga inakala na aabot ang oras na magseseryoso itong si Rozen.” Aniya.

    Uminit ang pisngi ko. Nakatingin silang lahat sa amin.

    “Dad, wa’g mo nga akong ipahiya.” Humalakhak si Rozen.
    Tumawa rin ang kanyang daddy.

    Naglahad ng kamay si Rozen sa akin. Mas lalo lang kaming tinitigan nilang lahat.

    “Sigurado ba kayong aalis na kayo?” Tanong ng mommy niyang ngiting-ngiti sa akin.

    Patay! Biglaang bumaliktad ang sikmura ko nang nakita ko sa may malayo yung caviar na kinakain ng isang guest. Lahat ng laway ko ay naipon sa bibig ko. Naduduwal na naman ako! Seriously? Kahit gabi?

    “Opo.” Sabay hawak ni Rozen sa kamay ko.

    Nag iwas ako ng tingin para pigilan ang pagsusuka ko. Buti at medyo bumuti buti ang pakiramdam ko nung nag isip ako ng happy thoughts. Anak naman, mana ka ba sa daddy mo? Sobrang arte mo, ah?

    “You okay? Let’s go. You look constipated.” Sabay ngisi ni Rozen sa akin.
    Hinampas ko ang braso niya. Naramdaman ko ang kamay niya sa baywang ko. Tumindig ang balahibo ko. Gusto ko pang maglambing sa kanya pero talagang inaantok na ako.
    “Sigurado ka bang di ka sasabay sa amin, Coreen?” Tanong ni mommy ulit.
    “Hindi na po.” Umiling ako. “Medyo hindi maganda ang pakiramdam ko.”
    “May sakit ka?” Tanong ng mommy ni Rozen na ngayon ay concerned na ang ekspresyon.
    “Pwede pong doon muna ako matulog sa inyo? Kahit sa couch lang po.” Sabay ngiti ni Rozen. “Aalagaan ko lang po siya.”

    Napalunok ako. Natahimik silang lahat. Maging si daddy ay tinitigan ang dad ni Rozen na nagkikibit balikat sa kanya. Tumayo si mommy at agad pumunta sakin para daluhan ako. Hinawakan niya ang noo ko at pinakiramdaman.

    “Wala ka namang lagnat.”

    Napatingin ako kay Rozen. Nakita kong kinagat niya ang labi niya habang tinitignan si mommy.

    “Buntis po siya.” Aniya sabay pisil sa hinahawakang kamay ko.

    Naglaglagan ang mga panga sa buong table. Sa sobrang tahimik nila ay halos marinig ko na ang mga kuliglig sa tainga ko. Nang nakabalik sila sa kanilang huwisyo ay nagsitayuan sila at pinalibutan kami. Hinawakan ni mommy ang tiyan ko. Ang mommy naman ni Rozen agad dumami ang tanong.

    “Kelan lang? Ilang buwan na?”

    Si daddy naman at si tito ay pinalibutan at pinaulanan ng tanong si Rozen. At ako? Ako ay naduduwal na naman. Lintek talaga. Ano ba naman ito?

    “Ewan ko po. siguro mag dadalawang buwan.” Sabi ko.
    “HINDI PA KAYO NAGPATINGIN SA OB?” Sinigawan ako ni mommy.

    Halos lahat ng bisita sa kasal ni Reina ay nakatingin na sa amin. Si Wade at Reina na nasa harapan ay parehong nakangisi sa amin. Siguro ay napagtanto nila na sa gulo ng tao dito, siguradong nasiwalat na ang lihim ko.

    “Rozeeen?” Sigaw ni mommy sa kanya. “Hindi pa kayo nag patingin sa OB?”
    Lumingon si Rozen kay mommy, “You can’t blame me, tita. Kanina ko lang din nalaman. Ako nagpatingin na sa OB. Bukas, papatingnan ko siya.”

    Natawa si mommy pero bakas sa kanyang mga mata ang luha. At ako? Ako ay talagang nasusuka at nahihilo na.

    “Kaya ba kayo magpapakasal kasi buntis siya?” Dinig ko ang matigas na tono ng boses ni daddy habang tinanong si Rozen non.

    Pakiramdam ko ay nagsitakbuhan ang kulisap sa tanong na iyon. Nakakatakot. Maging ako ay nanginginig dahil sa tono ng boses ni dad. Kasi kung palabiro si Mr Elizalde, si Mr Aquino ay medyo seryoso. Kahit na tanggap niya si Rozen, protective parin siya sa akin.

    “Hindi ko po alam na buntis siya nang hiningi ko sayo ang kamay niya.” Mariing sinabi ni Rozen. “Kahit wala yung bata, papakasalan ko parin si Coreen. At gusto ko sa lalong madaling panahon.”

    Matibay din ang mukha ni Rozen, a? Nagawa niya pang bumaling sa akin at naglahad ulit ng kamay.

    “Ihahatid ko na po siya. Masama ang pakiramdam niya, kanina pa.” Aniya.

    Nilagay ko ang kamay ko sa kamay niya.

    “Dalawa na ang apo ko!” Tumawa ang daddy ni Rozen sabay tapik sa balikat ng daddy ko.
    Umiling si daddy at tiningnan akong mabuti, “Sorry, dad.” Guilty kong sinabi.
    “Don’t be. I’m happy.” Niyakap niya ako.

    Pagkayakap niya ay saka naman ako tuluyang naduwal.

    “Pasensya na po. We need to hurry.” Sabay marahang bawi ni Rozen sa akin.

    Nagkagulo sila pero hindi ko na kaya pang lumingon dahil naduduwal na naman ako. Nagtawanan sina mommy at tita. Seryoso namang nag uusap si tito at si daddy.

    Ni hindi na kami nakapagpaalam kina Reina dahil ang sama sama ng pakiramdam ko. Tulog ako buong byahe pauwi. Nagising lang ako nang naamoy ko ang mabangong si Rozen na marahan akong binubuhat papuntang kwarto ko.

    “Hmmm… Rozen…” Hinawakan ko ang dibdib niya.

    Naramdaman kong nanigas ang katawan niya sa ginawa ko. Ang huli kong natandaan ay ang paghalik niya sa noo ko.

    “I love you so much.” Bulong niyang hindi ko nasagot.

    Kinaumagahan, nagkagulo na naman sa bahay. Hindi ko alam kung kelan dumating ang mommy at daddy niya pero feeling ko dito natulog ang mga iyon. Ang gulo-gulo! May mga wedding planners silang inimbita. Ni hindi na ako nakapag hands on sa gown ko. Bahala na lang sila. Anila’y design ni Reina ang gagamitin. Kaso ang inggrata ay umalis para sa honeymoon nila ni Wade. Uuwi daw din para sa kasal ko.

    “Anong magandang kulay ng mga bulaklak?” Tanong ni mommy sa akin pagkatapos kong mag bihis.

    Nagpa schedule si Rozen sa OB ngayon. Hindi pa yata malalaman kung ano ang gender ng bata. General check up lang daw para sa vitamins, gatas at kung anu ano pang ipapainom o ipapakain sa akin.

    “Ewan ko? Blue? Black. Whatever.” Nagkibit balikat ako.

    Nagkatitigan kami ni Rozen. Mas hands on siya sa akin. Nakikisali siya sa pamimili ng mga detalye sa kasal habang ako ay walang pakealam basta ay maikasal lang kami.

    “What?” Tanong ko nang malagkit na ang titig niya sakin.
    Ngumuso siya, “Kulay ng bulaklak, Coreen.”
    Hinawakan ko ang ulo ko, “Edi pula.”

    Tumango siya at tumayo. Nagpaalam siya kina mommy at daddy.

    “Ingat kayong dalawa.” Iyon ang bilin nila.

    At syempre, dahil seryoso si Rozen, literal niya akong iningatan. Feeling ko pakiramdam niya pinggan ako na pwedeng mabasag anytime. Kahit pag pasok ko sa sasakyan niya ay sinigurado niya pang maayos ang tinapakan ko.

    “Ano ba? I’m not fragile. Wala naman akong weird na nararamdaman sa katawan ko. Kaya ko pang mag jumping rope ng one thousand times.” Umirap ako.
    “Sungit!” Panunuya niya.
    “Masungit na naman talaga ako noon pa, ah?” Umirap ulit ako. “Tsaka… kung ayaw mo sakin kasi ganito ako. Hindi mo naman ako kailangang pakasalan. Baka pinapakasalan mo lang ako dahil sa buntis ako ng anak mo. Pwede naman akong single mom. Kaya ko namang buhayin si baby ng ako lang.” Dirediretso ang talak ko habang siya ay ginagaya ang mga galaw ng bibig ko.

    Kibot lang siya nang kibot kaya hinampas ko ang braso niya.

    “Nakakainis ka!” Sabay simangot ko.
    “Kamukha ko yan, sigurado.” Sabay tawa niya.
    “Ughhhhh!” Halos sabunutan ko ang sarili ko.

    Para bang wala siyang pakealam sa emotional outburst ko! Nakakafrustrate! Baka naman napipilitan lang siya na pakasalan ako kasi buntis ako?

    Nang bumalik ang ulirat ko ay nakita kong isang pulgada na lang ang lapit ng kanyang nakangising labi sa akin.

    “Baby, ang sungit ng mommy mo. Sana masayahin ka tulad ko. Wa’g kang magsungit, ah?” Hinawakan niya ang tiyan ko.

    Imbes na si baby ang makarinig ay ako pa ang kinilabutan sa ginawa niyang paghawak.

    “Don’t worry, we’ll do something about her attitude.” Hinalikan niya ng paunti-unti at nakakabiting halik ang labi ko.

    Ako na mismo ang humalik ng malalim dahil hindi ako kuntento sa ginawa niya. Ramdam na ramdam ko ang ngisi niya habang hinahalikan ko siya ng ganun.

    “Binuntis kita para pakasalan mo ako, okay? Yun ang isipin mo.”

    Tinulak ko siya. Nanlaki ang mga mata mo.

    “What? Hindi mo pa ba iyon narealize?” Tumawa siya.

    Umiling ako. Beast talaga ang isang ito.

    “Have it your way, then, Rozen Elizalde. Ganyan ka naman maglaro, madaya.”
    “Yes, I’ll have you in any way I want.” Kumindat siya at pinaandar ang sasakyan.

    Hindi matanggal ang ngisi ko sa loob ng sasakyan niya. Nababaliw na talaga yata ako. Maging nang kausap namin ang OB ay walang katapusang ngisi ang ginawa ko. Ang saya-saya ko bigla. Lalo na nang sinabi na ng OB na okay daw ako. Binigyan niya lang kami ng listahan ng mga bibilhin para sa akin at ang listahan ng pagkaing hindi ko pwedeng kainin.

    Nang lumabas kami ay hindi ko mapigilang yumakap kay Rozen habang naglalakad.

    “Saan na tayo?” Tanong ko.

    Inakbayan niya ako. Nag evil smile siya bago sinagot ang tanong ko.

    “Puntahan natin ang bahay na binili ko.”
    “WHAAAT? Meron na talaga?”
    Tumango siya, “Oo. Sabi sayo, diba? Pero hindi pa nakukumpleto ang furniture. Hindi pa nga iyon na aarrange ng maayos. Ipapatapos ko yun within this week para pagkatapos ng honeymoon, may uuwian pa tayo.”
    “Ha? May honeymoon pa?” Tanong ko.
    “Of course.” Aniya.

    Kaya naman ay pumunta kami sa isang bago at malawak na village. Kokonti pa lang ang nakatira sa estates na ito. Puro malalaking bahay ang nakikita ko pagkatapos ng mahabang talahiban.

    “We’re here!” Aniya sabay park sa sasakyan sa labas ng isang napakalaking bahay.

    Lumabas ako nang nakanganga habang tinitignan kung paano na design iyon. Kulay puti at dark red ang kombinasyon. Mas malaki pa ito sa bahay namin.

    “Sayo talaga ‘to?” Tanong ko nang hinila niya ako papasok sa gate.
    “Satin.” Aniya. “May swimming pool dito.”

    Pumasok kami sa loob. Double doors ang pintuan. Nawindang ako nang nakita ang ibang furniture na hindi pa naayos. Glass ang walls sa likod at kitang kita ko dito ang swimming pool na wala pang tubig. Umupo si Rozen sa isang bed na nasa sala.

    “Hindi pa naakyat ‘to.” Aniya.

    Ako naman ay ineeksamin ang buong bahay. Hindi pa pumapasok sa isipan ko na amin ang bahay na ito. Lahat ng ito, magiging amin. Akin. Lahat. Pati itong kurtina, itong sofa na hindi pa natatanggalan ng cellophane, itong flatscreen na mukhang di pa kailanman nabubuksan… lahat ng ito, amin!

    “Bibili pa ako ng crib. Kaya lang hindi pa natin alam kung babae ba o lalaki. Saka na siguro pag nalaman na.”

    Inikot ko ang buong sala. Sinilip ko rin ang kitchen na kumpleto. Kahit iyong mga machine na hindi ako marunong gumamit ay nandito. Nakita ko ang hagdanan papunta sa taas. Nakita ko kung paano pinaglaro ang mga kulay ng walls at wallpaper. Nakita ko kung anong klaseng chandelier meron sa taas. Nakita ko ang mga painting na nakahilig pa sa pader at hindi pa nalalagay sa walls.

    “Sigurado ka ba talaga dito?” Tanong ko sabay tingin sa naka topless na si Rozen.

    Nasa sala parin siya at nakaupo sa kama na nandoon parin.

    Tumaas ang kilay niya, “Syempre! Mukha ba akong bumili ng bahay para magbiro?” Tumawa siya.

    Kinagat ko ang labi ko at nilapitan siya. Nakita kong nag alab ang titig niya nang lumapit ako. Hinawakan niya agad ang baywang ko.

    “I love you, Mrs. Elizalde.” Aniya.
    “I love you too.” Yumuko ako para halikan siya.

    Ayan na naman ang mga nakakabitin niyang mga halik. Hindi ko kaya iyon. Masyadong nanunuya at nagpapabitin sa akin. Tinulak ko siya kaya napahiga siya sa kama. Nakita kong ngumisi siya sa ginawa ko. Ako naman ay patuloy siyang hinahalikan ng maririin at malalalim na halik. Hindi parin iyon sapat sa akin. Pakiramdam ko walang sapat para lang maiparamdam ko sa kanya kung gaano ako kasaya at kung gaano ko siya kamahal.

    “Baby, gusto ata ni mommy ng isa pa.” Bulong niya sa akin.

    I don’t care kung ilang beses akong mabuntis ni Rozen. Ang importante ay kasama ko siya sa lahat ng gagawin ko.

    “I love you, Rozen Elizalde.” Sabi ko.
    “I love you so much more.”

    Marahan niya akong hinila at pinahiga sa kama. Pinalitan niya ako sa taas. Rozen’s on top right now.

    Ngumisi ako at pinanood ko siyang dahan dahang inaalis ang dress ko.

    “Dahan-dahan. Wala akong ibang damit.” Humalakhak ako.

    Ngumisi siya at hinalikan ulit ang labi ko nang inaalis ang dress ko. Nasa ibaba na iyon nang naglakbay na ang kanyang kamay kung saan saan sa buong katawan ko. Hinaplos niya ng marahan ang likod ko. Hindi ko nakaya ang bawat sensasyong nakapaloob sa bawat lapat ng kanayng daliri sa balat ko kaya napapaliyad ako.

    “Baby, daddy is really, really turned on because of mommy. Baka maging kambal pa kayo nito.” Humalakhak siya.

    Hindi na ako makapagsalita. Dumadaing lang ako at sinasabunutan ko na lang ang ulo niya lalo na noong pinaulanan niya na ng halik ang leeg ko.

    Napahawak ako sa kumot nang naramdaman ko ang isang daliri niyang pinaglalaruan ang gitna ng hita ko. Kahit na sa ibabaw pa lang iyon ng panty ay halos mabaliw na ako sa sensasyong nararamdaman. Pumilipit ang dalawang binti ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Gusto ko iyong ginagawa niya pero parang nakakatakot kung ipagpatuloy niya pa. Tama pa ba ito?

    “Rozen!” Kinagat ko ang labi ko.

    Ungol na lang ang lumabas sa bibig ko kahit buong pangalan niya ang sabihin ko.

    “Yes, Coreen. We’ll do this every night if you want.” Aniya.
    “Pano s-si… baby” Shucks! Masyadong nakakahiya ang bawat salitang sinabi ko.

    Lagi itong kumukurba sa pag kakasabi ko.

    “Papatulugin natin si baby bago mag ganito.” Humalakhak siya at pinaglaruan niya ang dibdib ko.

    Feeling ko mapupunit ko na yung kumot dahil sa pagkakahawak ko lalo na nang naramdaman ko na ang bibig niya sa dibdib ko.

    “Shit!” Sigaw ko sabay liyad.
    “Baby, nasasarapan si mommy, oh? I think di na siya masungit ngayon.”

    Gusto kong umapila sa sinabi ni Rozen pero wala akong magawa kundi ang mahimatay sa bawat sensasyong nararamdaman ko. Tumawa si Rozen at binaba ang halik niya sa tiyan ko.

    Hinawi niya ang gitna ng panty ko at narinig ko ang malakas na pagkakapunit nito.

    “Oooppps!” Tumawa siya.
    Sinapak ko na, “Ano? Uuwi ako ng walang panty?!” Paungol kong tanong.
    “Punta muna tayo ng mall para bumili.”
    “Pupunta tayo ng mall na wala akong panty?”
    “Ako lang naman ang nakakaalam.”
    “P-Pero-” Aapila na sana ako kaya lang ay naramdaman ko ang labi niya sa ibaba.

    Malulutong na mura lang ang naisigaw ko nang inikot ikot niya sa loob ko ang dila niya.

    “Rozeeen!” Daing ko.

    Pinaghiwalay niya pa lalo ang namimilipit kong binti. Gusto kong isarado ang binti ko nang maitigil niya na ang ginagawa niya. Sa sobrang sarap, feeling ko illegal na ito.

    “Don’t move, Coreen.” Mariin niyang sinabi saka pinaghiwalay pa lalo ang binti ko.

    Hinawakan niya ang magkabilang paa ko nang sa ganun ay hindi ko iyon maigalaw. Napaliyad na lang ako nang naramdaman kong may malapit ng mangyari.

    “ROZEN!” Sigaw ko.
    “Almost there?” Tumawa siya at pinapatuloy ang nanunuyang mga halik sa gitna ng gita ko.

    Habang tumatagal ay mas lalo itong lumalalim. Habang tumatagal ay mas lalo akong nababaliw at nalalasing sa ginagawa niya. Hanggang sa naramdaman ko iyon. Tumigil siya sa ginagawa niya. Mariin akong pumikit nang naramdaman ko ang pagyanig ng buong katawan ko.

    “I love you, Coreen. So much. Hindi ako magsasawang ipaalala sayo yan.” Aniya at ipinasok yung kanya sa akin.
    “OH SHIT!” Sigaw niya nang hindi niya napasok ng buo.

    Kinagat ko ang labi ko.

    “Nag away lang tayo ang sikip na ulit.” Tumawa siya at inabot ang pisngi ko para halikan.

    Tumindig ang balahibo ko sa sinabi niya at uminit din ang pisngi. Naughty Rozen is really naughty! Nagkatinginan kaming dalawa hanggang sa ipinasok niya iyon ng tuluyan. Halos dumugo ang labi ko sa kakakagat.

    “I love you so much, Rozen Elizalde.” Bulong ko.
    “Mahal na mahal din kita. Finally, Coreen. No things in between for you. Only me, in between your thighs.” Ngumisi siya at gumalaw.

  • WakasOpen or Close

    Wakas

    “Rozen, kinakabahan ako, b-baka maduwal ako habang naglalakad papunta sayo?” Nagpapanic ang kanyang boses sa cellphone.

    “I don’t care.” Sagot ko at napangisi.

    “Ang pangit pangit ko ngayon. Kainis! Feeling ko ako ang pinakapangit dito. Kainis!”

    “You’re the most beautiful to me.”

    Natahimik siya. Narinig ko ang kanyang buntong hininga. Everything about her fuels me. Pati ang paghinga niya ay nakakapagpalakas ng loob ko.

    Inayos ko ang collar ng puting suit ko. Inayos ko rin ang buhok ko. Sinimangutan ako ni Reina.

    “Rozen, stop doing that. You look tensed.” Humalakhak siya.

    Ngumisi na lang ako at pinilig ang ulo. Bumaling ako kay Noah sa gilid ko.

    “Finally got the girl, Kuya.” Ngumisi siya.

    Ngumisi din ako, “She’s mine to begin with.”

    “Right!” Tinapik niya ang likod ko at napatingin siya sa pintuan ng simbahan. “She’s here.”

    Naaalala ko pa noong bata pa kami. I don’t care about anything else. Hindi ako yung tipong may pakealam sa mga bagay bagay sa paligid. Maging sa feelings ng ibang tao wala akong pakealam.

    “Rozen.” Sabay bigay ng isang babae ng love letter.

    It was ridiculous. Yumuko siya at nanginginig ang kamay niya sa pagbibigay sa akin ng loveletter na napuno ng heart stickers.

    “Whoa! Thanks for this!”

    Pumula ang pisngi ng babaeng nagbigay at nginitian ko. Tumakbo agad siya sa mga kaibigan niya para ikwento kung paano ko siya nginitian at kung paano ko tinanggap ang loveletter niya. Hindi lang ikaw ang may loveletter na tinanggap ko. Marami kayo. Don’t think you’re special. Umiling na lang ako at tinapon yung love letter sa basurahan. I don’t freaking care.

    Valentines day, Grade 5 pa lang ako. Nakita ko ang engrandeng heart shaped chocolate na ibinigay ng isang maputi, makinis, medyo kulot na babaeng grade 3 pa lang. Bestfriend siya ni Reina. Pulang pula ang kanyang pisngi habang binibigay iyon kay Noah na walang ginawa kundi mang isnab ng mga tao. Nevertheless, she gave it to him. Kahit na alam kong hindi iyon tatanggapin ni Noah.

    “Wow! Paano mo yun ginawa, Coreen?” Tanong ng kapatid ko sa kanyang bestfriend.

    “Tinunaw ko lang yung Hersheys at ginawang heart shaped.” Napakamot siya sa ulo. “Hindi kasi ako marunong magluto. Naka limang beses pa ako nun.” Tumawa siya.

    Napatingin ako sa sariling mga chocolates na natanggap. Marami iyon at puro commercial. Wala ni isang nakaisip na tunawin ang Toblerone na ito para gawing heartshape sa akin. Kaya naman nang uwian na, hinintay ko si Coreen. Dala-dala ko ang mga chocolates na nareceive ko noong Valentines day. Hinarangan ko siya sa kanyang dinadaanan. Nagkasalubong ang kanyang kilay nang nakita akong humaharang sa kanya.

    “Gawan mo rin ako ng heart shaped na chocolate.” Sabay lahad ko sa lahat ng chocolates na ibinigay sa akin.

    “Huh? Ba’t ko gagawin iyon?” Inirapan niya ako.

    “Because I want to.” Simple kong rason.

    “But I don’t want to.” Nagtaray siya at pinitik niya ang kanyang buhok sa akin bago umalis.

    Nalaglag ang panga ko. Sobrang taray nung babaeng iyon, ah? Humanda siya! Sa oras na aapak ulit siya sa bahay namin para makipaglaro kay Reina, hindi ko na siya palalampasin.

    “Noah, nasan yung heartshape na chocolate?”

    “Ewan, kuya. Pakitingnan na lang sa ref.” Aniya habang abala siya sa pagkakalabit ng gitara.

    “Okay.” Kinuha ko iyong chocolate na kinaiinggitan ko at ginawang akin. Wala namang espesyal doon sa chocolate na iyon pero nagustuhan ko yun at hindi ko alam bakit.

    Biglang umingay sa labas, naririnig ko ang mga yapak ni Reina at Coreen. Bumubungisngis ang dalawa. Siguro ay nakita na naman nila si Benjamin sa labas ng bahay.

    “Hoy, tumahimik kayo.” Saway ko.

    Nakita kong nanginig si Reina sa saway ko. Humalukipkip naman ang bestfriend niyang si Coreen at, biruin niyo, inirapan na naman ako!

    “You don’t own the world, Rozen. Kung gusto mo ng tahimik, bumili ka ng mundo mo. Tara Reina!”

    Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Ganun? Umiling ako at tumawa! Pasalamat ka gusto ko yung chocolate mo. Siguro ay doon ako nagsimulang mahumaling sa kanya. Hindi ko na siya matanggal sa sistema ko. Sa araw-araw na pumapasok ako sa paaralan ay tuwing nakikita ko siya, nagiging matiwasay ang pakiramdam ko, tiyak ang kasiyahan ko. I don’t know why but she’s giving me that satisfaction. Kahit iniirapan niya lang ako at nahihimatay siya tuwing dumadaan si Noah, nakukumpleto niya parin ang araw ko.

    “Noah, gusto mo ba si Coreen?” Tanong ko sa kapatid ko.

    “Coreen? Aquino?”

    “Coreen Samantha Aquino.” Pagtatama ko.

    “Pareho lang iyon. Hindi, bakit?”

    “Good. Then magkakasundo tayo. Gusto ko siya.”

    Umismid si Noah, “Really?”

    Bumaling ako sa kanya, nagkatitigan kaming dalawa, “Sobra.”

    Wala namang pakealam si Noah sa kanya kaya habang ganun ang kapatid ko ay wala silang pag asa. Naging busy ako sa barkada. Dumami ang umaligid ba babae sa akin.

    “Rozen, ‘tol, humihirit na naman yung crush mo kay Noah. Nakita ko kanina, tumitili habang tumutugtog sila.” Humalakhak si Dustin.

    “Tsaka alam mo bang pinopormahan yata yun ni Ynigo yun.” Dagdag ni Francis.

    Kinuyom ko ang panga ko. Okay lang. Si Noah ang gusto nun, kahit sino pang pumorma sa kanya, hindi yun mapapansin.

    “Kuya…” Wika ni Noah isang araw.

    “Hmmm?” Tiningnan ko siya.

    “Ganda pala talaga ni Coreen, ano?” Aniya.

    Sa linyang iyon pa lang ay nakwelyuhan ko na siya. Nakita kong nabigla siya sa ginawa ko.

    “Anong ibig mong sabihin?” Nanggagalaiti kong sinabi.

    “Sabi ko lang maganda siya, anong problema mo?” Tumaas ang tono ng boses niya kaya hindi ko na napigilan ang suntok ko.

    “Shit! Sabi ko sayo gusto ko siya! Layuan mo siya!”

    Ininda ni Noah ang suntok kong tumama sa gilid ng bibig niya.

    “I like her, too!”

    “Ako ang nauna!” Sigaw ko.

    Nanginginig ang buong katawan ko. It’s the end for me! It’s the end! Gustong gusto ni Coreen si Noah at sa oras na malaman niyang may gusto si Noah sa kanya ay magiging sila na. She’s just 3rd year highschool right now and I won’t allow that! Kahit na sabihin nating maari pa silang mag hiwalay ni Noah kalaunan, sa college, pero hindi ko iyon matatanggap. I want to be the first… first everything and the last of course!

    “Ano ngayon kung ikaw ang nauna?” Utas niya kaya nasuntok ko ulit.

    It’s really the end.

    “Walangya ka! Kapatid kita pero inaahas mo ako! Ganid!” Itatawag ko sa kanya lahat ng gusto dahil nag uumapaw ang galit ko. “It’s bros over hoes!”

    Natahimik siya. Dumugo ang kanyang labi.

    “Ako ang naunang nagsabi na gusto ko siya kaya habang gusto ko pa siya hindi mo siya pwedeng ligawan!”

    “Damn you, Kuya! Sinabi ko lang naman na gusto ko siya! Hindi ko sinabing liligawan ko siya!”

    Kinwelyuhan ko ulit siya.

    “Hey!” Narinig ko ang sigaw ni Kuya Dashiel at inawat kaming dalawa. “Ano ba yan?”

    “Wala!” Inayos ni Noah ang kanyang t-shirt at nagkatitigan kaming dalawa.

    “Rozen! Ano ba!? Anong pinag aawayan ninyo?”

    Walang umimik sa aming dalawa hanggang sa bumaling si Kuya Dash sa akin.

    “Rozen, ikaw ang kuya kaya ikaw ang magbigay.”

    Nag alab agad ang nagngingitngit na galit sa puso ko. “Ayoko! Ako ang una. I marked her first kaya tumabi ka, Noah!” Tinuro ko si Noah.

    “Okay fine, then! Fine!” Padabog na sinabi ni Noah.

    “Sinong babae ang pinag aawayan niyo?” Tanong ni Kuya.

    Umirap ako at tinalikuran silang dalawa.

    My Coreen, of course.

    Simula nun, ginawa ko na ang lahat para sa kanya. Kung pwede lang ay akuin ko siya ng diretso ay ginaw ako na. Kaya lang ayaw niya sakin. Nagpupumiglas siya. Si Noah ang gusto niya. Ang kapatid ko ang mahal niya. Hindi ako. Hindi ako.

    Gusto niya ng may challenge, pwes bibigyan ko siya ng challenge. Pinagsamantalahan ko ang mga pang aakit na ginawa ng ibang babae sa akin. At lagi kong sinisigurado na sa bawat pakikipaglampungan ko sa kanila ay batid na batid ito ni Coreen. Naiinis ako tuwing nakikita kong wala lang iyon sa kanya.

    One day, I’ll find a way to your heart, Coreen. Kaya noong nag college kami ay wala akong ginawa kundi ang iparamdam sa kanya na hindi niya kayang mabuhay na wala ako. I want her to depend on me. Iyong tipong ako lang talaga ang pagkukunan niya ng lakas sa bawat araw na magdadaanan. And I think I did it right!

    I know she loves me. I can feel it.

    “Bakit ka umiiyak?” Tanong ko nang nasa seashore kaming dalawa.

    Umiiyak ka dahil mahal mo ako. Umiiyak ka dahil ako na ang tinitibok ng puso mo.

    “Bitiwan mo ako!” Utas niya sabay hawi sa kamay kong nakahawak sa braso niya. “Walangya ka!” Hinampas hampas niya ako. “Alam ko na ang lahat! Na ikaw ang dahilan kung bakit di ako pinapansin ni Noah noong highschool! You manipulative beast!”

    Paano niya iyon nalaman? May nagsabi sa kanya? Sino? Noah? Noah.

    “Ano? Magsalita ka! Totoo ba? Ikaw ba? Ikaw ang dahilan?” Sigaw niya.

    Bakit pa iyon importante? Ang importante sa ngayon ay mahal kita at mahal mo ako. Iyon dapat. Kung ano man iyong nagawa ko noon, nakatulong din iyon para sa ating dalawa ngayon.

    “Tss…”

    “Tss? Wa’g mo akong ma-tss tss dyan! Shit! Napakawalangya mo, Rozen! Pakealamero ka! Kung sana wala ka eh sana hindi na naglihim si Noah!”

    “Nag lihim siya kasi duwag siya!” Sigaw ko kay Coreen.

    Bumaling ako sa kanya. Kitang kita ko ang luhang lumalandas sa mga mata niya. Nanghina agad ako. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang lumuluha siya sa harapan ko. Iningatan ko siya’t lahat lahat. Alam kong masama iyong pinigilan ko si Noah noon, pero kung tunay na mahal niya si Coreen, kaya niyang kalabanin ako. Kasi ako, kayang kaya kong pataubin kahit sino makuha ko lang ang pinakamamahal ko.

    Nilapitan ko siya. Nakita ko ang mabilis na paghinga niya. Come on, Coreen, you’re already in love with me. Umamin ka na. Napapalibutan ka na.

    “WA’G NA WA’G MONG MATAWAG SI NOAH’NG DUWAG.” Banta niya.

    Tumawa ako. Hindi ako makapaniwalang iyon pa ang magiging linya niya ngayon. “Anong itatawag ko sa kanya? Santo? Martyr? Ha! Ano? Nainlove ka na naman sa kanya kasi martyr siya? Nagpapaka santo? Nag give way sa kapatid niya kasi alam niyang mahal kita? Walangya rin Coreen pero kung siya kayang mag give way, ako hindi!”

    Ano? Nahulog na naman siya kay Noah? Kasi sa mundong ito laging nananalo ang mga martyr? At ako na pinaghihirapan ka ay laging talunan at uuwing luhaan? JUST. NO. WAY!

    “AH? Mahal mo ako? Ganun? Eh anong tawag mo sa mga babaeng kasama mo? Ano mo sila? Ang lakas ng loob mong makipaghalikan sa harap ko at sabihin saking mahal mo ako!” Galit niyang sambit.

    Kumalabog ang puso ko. Ito ang sign na kanina ko pa hinihintay. Kung ayaw niya sa akin ay hindi niya na ito papansinin. Hindi niya na papakealaman ang mga babae ko. Gusto kong magsaya. For sure, she’s already in love with me. Don’t worry, Coreen, lunod din ako sayo, sabay tayong magpakalunod sa isa’t-isa.

    “Ano nagseselos ka na? Ano? Mahal mo na ako?” Humakbang ako habang tinititigang mabuti ang mga mata niya.

    Gusto kong makita ang buong kaluluwa niya. Gusto kong malaman ang katotohanan at hindi ang mga sugar coated words na ibinabato niya sa akin ngayon. Pero hindi niya iyon ipinakita sa akin. Ang tanging ipinakita niya ay ang galit na bumalot sa mga mata niya.

    “That’s impossible, right” Tumawa ako. I don’t care if I sound so frustrated about us. “Imposible. You two are dating now. Finally! His turn! Finally! Kaya yang damit mong ako ang nagpagawa… na dapat ay para sakin… ay inalay mo sa kanya! Why don’t you just give up your damn virginity, too? Pakasal na kayo!” Napaos ang boses ko.

    Nanlaki ang mata ko nang naramdaman ko ang latay ng sampal niya. Damn! It hurts like hell! Sa mukha ko masakit, pati ang puso ko sobrang sakit! Ngumisi ako, hindi dahil masaya ako kundi dahil nababaliw na yata talaga ako. Sinampal, sinaktan, winarak na nga ako, pucha pabalik balik parin ang pagmamahal ko sa kanya.

    Kumuyom ang panga ko lalo na nang narinig ko ang untag niya, “I hate you so much!”

    “You are so evil. Hindi ko kayang lunukin ang pag uugali mo. Pagkatapos mong paikutin kami ni Noah ay hindi ka pa nakuntento. Bakit mo sinabi sa kanyang may gusto ako sayo? Bakit mo ako siniraan? Bakit mo siya binlackmail? Bakit mo pinagsamantalahan ang kabaitan niya sayo? Bakit mo hinayaang masaktan ako ng paulit-ulit dahil lang ayaw ni Noah’ng saktan ka? Bakit mo ako sinasaktan? Bakit mo ako pinaglalaruan?”

    Yes, noong nag college at napapayag ko si Coreen sa arrangement naming dalawa ay sinabi ko kay Noah na wala na siyang pag asa, kasi ako na ang mahal ni Coreen. That’s true, right? I know she loves me. Nasasaktan lang siya. Nasaktan ko lang siya kaya hindi niya matanggap. But I’m pretty sure, in the end, ako yung pipiliin niya. Fuck! Sobra sobra yung sakit na dinanas at pagsasakripisyo ko, hindi pwedeng mauuwi lang sa wala. Hindi ako makakapayag. This is my sure bet.

    “Simple, Coreen. Kasi mahal kita.” Utas ko.

    “THAT’S THE MOST DUMB ANSWER I’VE EVER HEARD, ROZEN! That’s bullshit! What kind of love is that? Selfish? Ganun ba? Okay lang masaktan kami basta masaya ka-“

    “Bullshit! Kelan mo naisip na naging masaya ako, ha, Coreen?” Ginulo ko ang buhok ko at lumapit pa lalo sa nanginginig na si Coreen. “Tingin mo naging masaya akong makita kang kasama ako pero siya ang iniisip? tingin mo nasiyahan akong kahit tinatanggihan mo siya, hindi ka parin tumitigil? Shit Coreen! Gusto kong patas tayo dito. Kung hindi ako masaya, you won’t be happy, too. I want you to be happy with me! Not with anyone else!”

    “YOU SELFISH BEAST!”

    “Ang sama sama mo. Anong klaseng pagmamahal yan!” Sigaw niya sa akin.

    “Don’t dare judge the way I love you, Coreen.” Sigaw ko rin sa kanya.

    This is so sick. Mahal ko lang naman siya, bakit kailangan pa humantong sa ganito?

    “Ang selfish mo! Ang selfish mo sa puntong kaya mo akong saktan! Hindi mo man lang nagawang magparaya-“

    “Magparaya? What? I’m not Noah! Hindi ako martyr, hindi ako santo, hindi ako si Noah. Wa’g mo kong itulad sa kapatid ko. If your damn in love with him now… if your lost in love with him now because of his martyrdom, ba’t mo ako hinanap sa parking lot? Ba’t ka umiiyak ngayon?”

    Nanghina ako nang nakita kong pinunasan niya ang kanyang luha. Gusto ko ako yung magpunas ng luha niya. Gusto ko ako yung lahat niya. Ako lang.

    “You love me, Coreen.” Marahan kong sinabi.

    Umiling siya.

    “You love me, I know it. You fell. I know it.” Matalim kong sinabi. “Nang nalaman mong mahal ka ni Noah, nalaman mo ring mahal mo ako. Kasi hindi mo naramdaman sa kanya ang naramdaman mo sakin, diba? You love me.”

    I’m sure about this. I know. I just know. Please, Coreen, love me back. This is my sure bet. Please love me back. Please!

    “You can’t do that to me, too. Na pag nalaman mong mahal na mahal kita ay aayawan mo rin ako. I’m different. You know that.” Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ang dibdib niyang malakas ang tibok ng puso.

    Mahal niya ako. I’m sure of it! Mahal niya ako!

    “I know you. You only like things in between, Coreen. You only like the chase… You only want me chasing after you. You don’t want to decide… Pero pakiusap naman, magdesisyon ka na, kasi tao rin naman ako, nasasaktan. And you? I don’t think nararamdaman mo yung sakit na nararamdaman ko… You are just too heartless.”

    “Ako pa yung heartless dito? Really?” Hinawi niya ang kamay ko. “Ikaw itong heartless. Ikaw ang nag paikot samin ni Noah!”

    “BAKIT BA GALIT NA GALIT KA SA GINAWA KO SA INYO NI NOAH!?” Sigaw ko.

    I hate it! Bakit lagi kong naririnig ang pangalan ng kapatid ko? Pwede bang mawala na lang siya? Pwede bang walang Noah para si Rozen lang ang tanging iisipin ni Coreen?

    Nang nakita kong pumihit siya para umalis pagkatapos ng umaatikabong pagtatalo namin ay narealize kong natatalo ako sa sure bet ko. That was my sure bet, my last resort, I can’t just lose it! Coreen is the love of my life. Siya lang ang tanging nakapagpatibok sa puso ko ng ganito. Kung hahayaan niya ako, mamahalin ko siya ng buong buo. Siya lang mag isa. Siya lang ang gagawin kong mundo ko, kung sana ay hayaan niya ako.

    “Coreen. Come back.” Tawag ko.

    Lumiliit na siya sa paningin ko dahil lumalayo na siya. May sakit na tumutusok sa dibdib ko. Namuo ang lintek na luha sa mga mata ko. Fuck! This is my chance! Last chance! Hindi pwedeng bitiwan ito! Hindi pwedeng bitiwan si Coreen. Mahal na mahal ko siya. Siya ang buhay ko.

    FUUUUUCK!

    “Coreen, come back please…” Nag mamakaawa kong utas.

    Ginulo ko ang buhok ko. Hinilamos ko ang palad ko at tinignan siyang umaalis. In 5… 4… 3… 2… 1… Lilingon yan at tatakbo pabalik sa akin.

    Hindi niya ginawa! SHIT!

    FUCK! Imbis na siya yung magmakaawa sa akin dahil dependent na siya sakin, bakit ako ngayon dito ang halos lumuhod bumalik lang siya?

    “Coreen, I’ll be good, please, just, come back.” Napapaos na ang boses ko dahil sa nagbabara sa lalamunan ko.

    Tumulo na ang luha ko. Mabilis at sobrang dami. FUCK THIS! FUCK EVERYTHING! Kung mawawala lang din siya sakin, lulubus lubusin ko na! Nag half run ako para maabutan ko siya. Agad ko siyang niyakap. Di ka makakatakas sa akin. Mahigpit ang yakap ko kahit na nanghihina na ako.

    “Coreen, please, don’t leave. I’ll be good. Di ako mambababae. Di ko na kayo guguluhin ni Noah. Hahayaan kita.”

    “No. Learn, Elizalde.” Malamig niyang sinabi sa akin.

    Huminga ako ng malalim at tiningnan siya sa mga mata. Okay, I will learn, just… just stay with me.

    “Coreen, I’m not Noah. I’m not good at hiding my feelings. I’m not good at letting you go. I’m not good at forgetting you or ignoring you or seeing you walk away. Coreen, please.” Utas ko.

    Last chance, please. I will learn. Just stay with me.

    Umiling siya, “Yeah, you’re right. You’re not Noah.”

    Nalaglag ang panga ko. So… it’s still damn fucking Noah in the end.

    “Are you choosing him, Coreen?” Sigaw ko nang nakalayo na siya.

    Nawalan na ako ng lakas na habulin pa siya. Because it will always be Noah, huh?

    “Yes, you’re choosing Noah over me.”

    Napaupo ako sa buhangin. Wala akong ginawa kundi, fuck, ang umiyak doon. Fuck. Mahal na mahal ko si Coreen pero, fuck, iniwan niya akong mag isa dito. Sigurado na ako, e. Sigurado na akong ako ang mahal niya pero ano itong ginawa niya sa akin? Pinili niya si Noah? Masyado ba akong naging assuming? Nabulag ba ako sa pagmamahal ko sa kanya? O magaling lang talaga siyang manloko? FUCK.

    Inumaga ako sa seashore kaya ang resulta ay nagkasakit ako.

    OO. FUCK. Nagkasakit ako ng ilang araw pero hindi iyon alam ni Coreen. Hindi niya ako inalagaan. Wala siyang pakealam. Wala lang. Patuloy siya sa buhay niyang wala ako habang ako ay nagkakasakit sa kakaisip sa pag iwan niya sa akin. At wala siya sa tabi ko! Wala siya dito para daluhan ako.

    Hinaplos ko ang bedside at inimagine na nakaupo si Coreen doon para alagaan ako. Gamit ang kanyang mapupungay at magagandang mga mata, tinitingnan niya ako na para bang hindi niya kayang magkasakit ako. Hinahaplos niya ang noo ko at hinahalikan niya ako. FUUUUUUUUUUUUUUCK! Nahihibang na talaga yata ako! Ang totoo wala siyang pakealam sa akin. Mamatay man ako dito ngayon ay wala siyang pakealam. Wala siyang pakealam. Si Noah ang mahal niya.

    Umalis ako kasama ni Reina para makalimot.

    “Kuya, hindi ka ba sasabay pabalik?” Tanong ni Noah sa akin nang babalik na siya sa Pilipinas galing France.

    “Wala akong babalikan doon.” Malamig kong sinabi.

    “How bout, Coreen?”

    Pagkarinig ko sa pangalan niya na nanggagaling sa labi ni Noah ay nag alab agad ang akala kong patay ng baga sa damdamin ko. Kinwelyuhan ko agad siya.

    “Don’t you dare insult me!” Sigaw ko.

    Hindi siya nagpatinag sa akin.

    “She chose you!” Sigaw ko.

    Nagkibit balikat si Noah, “I don’t know about that.”

    Binitiwan ko siya at iniwan. Wa’g kang mag maang maangan, Noah. Wa’g mo akong paasahin. Pero nang umalis si Noah, akalain mo, umasa ako. Lintek na puso! Umasa akong ako yung mahal ni Coreen at naging masyado lang siyang ma pride para umamin.

    Nilibang ko ang sarili ko sa pag aaral kung paano ang marketing at finance ng mga maliliit at malalaking kompanya. Inaral ko rin kung paano mag farm ng mga rubber na world class ang kalidad. Lahat ng tungkol sa negosyo ay hindi ko pinalampas. Ang tanging nag bibigay lakas sa akin ay ang pag asang pagbalik ko ay mabibilhan ko na ng bahay si Coreen.

    FUUUUCK? Malay ko kung pagbalik ko ay mahal nga ako nun? Nahihibang na yata ako! Paano kung pagbalik ko ay may asawa na iyon? O baka may anak na?

    Mababaliw na talaga yata ako. Ano kayang gagawin ko kung ganun? Ano kayang itsura ng mapapangasawa niya? Iniisip ko iyon pero ang tanging naiisip ko ay ang sarili ko… ako… ang asawa niya. At kaming dalawa ang magkakaanak!

    Tuwing nag g-gym ako, nag jo-jogging sa syudad ng Paris, siya lang ang laman ng isip ko. Posible palang mag mahal ng ganito ka tagal? Nakakabadtrip! Madalas pakiramdam ko naghihintay siya sa pag uwi ko sa Pilipinas, pero mas madalas kong narerealize na hindi ako ang pinili niya kundi si Noah.

    Bumalik ako para surpresahin silang lahat pero ako ang nasurpresa! Walang saplot na bumungad sa akin si Noah palabas ng kwarto niya at si Coreen naman ang nasa likod niya. Nag iwas agad ako ng tingin. Fuck. It’s the end. Tapos na!

    Sila na ba? Hindi ko alam! Balang araw makakaganti din ako. Balang araw magkakaroon din ako ng ibang babaeng pagseselosan niya ng todo.

    “Uy, pare, kakarating mo pa lang, inom agad? Ganito eksena noong umalis ka papuntang France ah?” Sabi ni Dustin.

    Ngayon ay nagtatrabaho na siya sa kanilang negosyo.

    Umiling ako, “Wala akong magawa.” Sabi ko.

    Nagsidatingan ang mga kaibigan kong halos lahat ay successful na sa ngayon.

    “Ano, Rozen? Pa invest naman sa kompanya mo, oh. Balita ko maganda daw yun. Kumikita talaga. Syempre, Elizalde.” Untag ni Francis.

    “Mag hahands on ka na ba sa kompanya?”

    “Di… mag aaral ako.” Tumingin ako sa kanila.

    Kumunot ang kanilang mga noo, “Bakit?” Tumawa si Dustin. “Hindi mo na kailangan yan. Ang lago na ng negosyo niyo. Marami ka naring nakuha sa Europa, diba?”

    Umiling ako, “Gusto kong mag aral.”

    At lintek makita si Coreen araw-araw sa school. Miss na miss ko na siya. Yung labi niyang malambot. Yung kutis niyang makinis at malambot… lahat. Fuck pati yung sampal niya miss na miss ko na.

    Nanliit ang mga mata nila habang tinitignan akong mabilis na nilalagok ang mga inumin.

    “Coreen na naman ba ito?”

    Ngumisi na lang ako.

    And then Leonore Batungbakal arrived. She’s perfect. Baliw na baliw siya sa akin. Ang dami niyang kabulastugan at natatawa na lang ako sa kanya.

    Ang dami niyang love letter na nilalagay sa locker ko. Nung isang araw ay kinantahan niya pa ako. Baliw ata ang babaeng ito. Natutuwa ako sa kanya. It’s a diversion from Coreen. If only I can fall in love with her.

    Pinapanood ko siyang pulang-pula ang pisngi habang nag rereport sa harapan. Imbes na siya ang isipin ko ay si Coreen ang nakikita ko sa gilid ng aking mga mata na nakakunot ang noo at naka pout ang cute na lips.

    Umiling ako at ngumisi. Lintek na labi yan. Ugh! This is making me crazy. Tiningnan ko siya nang di ginagalaw ang ulo ko. Nakita kong matatalim ang titig niya kay Leonore habang nag rereport.

    “Jealous, Coreen? Finally, may nagmamahal sa akin ng ganyan. The way I want you to love me.”

    Bumaling siya sa akin kaya humalukipkip ako at nagkunwaring seryosong tinitingnan si Leonore. From then on, balik na naman ako sa dating gawi. Sisiguraduhin kong batid ni Coreen ang lahat ng pinagdadaanan namin ni Elle.

    “Rozen, date tayo.” Anyaya ni Elle.

    “Huh? Ikaw man libre. Ikaw nag yaya!” Biro ko.

    “Oh bah!”

    Nalaglag ang panga ko. She’s that desperate? Paano na lang kung sa mahal ko gustong kumain?

    “Pero pwedeng sa Mcdo lang?” Tanong niya.

    Ngumuso ako.

    Cute siya. Sayang pero si Coreen ang mahal ko. Sumama ako kay Elle. Sinakay ko siya sa sasakyan ko. Palabas kami ng school nang nahagip ng tingin ko si Coreen na sumasakay ng taxi.

    Talak nang talak si Elle habang tinitingnan ko sa side mirror na sinusundan kami ng taxing sinakyan ni Coreen. You’re are freaking jealous! Ha-ha!

    Kaya naman nang dumating kami doon ay biniro ko pa lalo si Elle. Masarap siyang biruin dahil hindi siya pikon tulad ng iba diyan…

    “Ayaw ko dito. Gusto ko dun sa restaurant!” Pag iinarte ko.

    “Ha? Wala akong pera, Rozen. Ito lang kaya ko!” Sabay tawa niya.

    “Wala ka palang karapatang i date ako?”

    Kung si Coreen ang sinabihan ko nito, paniguradong puputok ang butchi nun.

    “Anong wala! Lahat may karapatan! Basta ba pagbibigyan!” Kumindat siya at kiniliti ako. “Uyyy kinikilig siya!”

    Tumawa ako. Baliw ang isang ito.

    “Wa’g mo nga akong kilitiin!” Utas ko pero nagpatuloy parin siya kaya naman ay hinabol ko hanggang sa maikulong ko siya sa pintuan.

    Nahagip sa gilid ng mga mata ko ang taxi na inarkila ni Coreen. Siguradong kitang kita niya ito kaya lumapit pa lalo ako kay Elle. Ngumisi at pumula ang pisngi ni Elle sabay hawak sa dibdib ko.

    Diretso ang tingin ko sa mga mata niya… At doon ko napagtanto, it will forever be Coreen. That’s for sure. Umatras ako para tingnan ang taxing ngayon ay umaalis na. Napawi ang ngisi ko.

    It will always be you. Only you. Kahit anong sakit. Ikaw lang. Mahal na mahal parin kita. Hope you’ll realize this.

    Nang dumating ang birthday ko at kinantahan ako ni Elle, nagkita kami ni Coreen at doon na siya gumalaw. Really? After six months ngayon pa lang siya gagalaw?

    “Rozen.” Tawag niya.

    “Ano?”

    “Pwede ba tayong mag usap?”

    Nagkibit-balikat ako, “Nag uusap na naman tayo, ah?”

    “Hindi. I mean… Yung tayong dalawa lang.”

    Tumango ako. “Alright. Okay.”

    Sumunod ako sa kanya. Sa parking lot kami nag usap. Nakita ko ang arte sa mukha niya habang nag so-sorry siya sa harapan ko.

    “I’m sorry sa lahat. Sa noon. Sa pagtaboy ko sayo.” Aniya. “Sa lahat ng kasalanang nagawa ko. Sa paninisi sa’yo. I’m sorry.”

    Tumango ako at kumuyom ang aking panga nang aalala ang lahat ng iyon.

    “Sorry kasi hindi ko maintindihan kung paano mo ako minahal noon. Kung bakit ganun ang mga ginawa mo. G-gusto ko lang malaman mo na nanghihinayang ako sating dalawa. Na… pinakawalan kita noon kahit mahal kita. Hindi naging sapat ang pagmamahal ko para patawarin ka. Hindi naging sapat ang pagmamahal mo para makita yung mga ginawa mo. Gusto ko lang sanang sabihin na…”

    Kumuyom pa lalo ang panga ko. Naalala ko kung paano ako nabaliw sa kanya noon. Naaalala ko kung paano ako naging warak nang iniwan niya ako. Literal na akong nabaliw noong inumaga ako sa beach nang iniwan niya ako. Nag hahallucinate pa ako noong nagkasakit ako na nandyan siya.

    “Babe, mahal na mahal kita. At sorry kung pinakawalan kita.”

    Tinawag niya ako sa endearment ko sa kanya. Nalusaw ang galit ko. Lusaw na lusaw ito. Pero pakiramdam ko hindi ito tama. I’ve seen the way she looked at Elle. Is this just competition to you, Coreen? Labanan ng ego? Dahil may ibang nakapansin sa akin, saka ka naman kikilos? Sa loob ng anim na buwan, wala kang kahati diba? Oo, hanggang ngayon wala kang kahati… Pero feeling mo meron kaya ngayon mo napiling kumilos? Bakit noong dumating ako, hindi ka agad nagtapat sa akin? Bakit ngayon lang? Bakit? Is it because of your ego? Ego tripping lang?

    “You shut up, Coreen! Just shut up! Paasa ka! Ilang beses tayong naghalikan noon at… Oo! Oo! Sinabi ko sayong magpanggap ka! Sinabi ko sayo! But I can tell kung kelan ka nagpapanggap at kelan hindi… Tapos? Ano? Ngayong kayo na ni Noah ang naghahalikan, anong sasabihin mo sakin? nagpapanggap ka?” Mabilis ang kalabog ng puso ko.

    HIndi ko tinanggap ang bawat pagputol niya sa akin. Oo, dahil sa loob ng anim na buwan ay ilang beses ko silang nakita ni Noah na magkasama. Fuck! Ilang beses ko silang nakitang naghalikan! Kaya hindi ko nagawang magtapat sa kanya dahil dun! At ngayong nakita niyang meron akong Elle, saka pa lang siya magmamakaawa ng ganito?

    Yes, I love you sooo much. So damn freaking much! But I won’t allow you to break my heart again! Hindi na pwede iyon! Pag bumigay ako sayo, sa oras na mag makaawa ulit ako sayo, ako naman ang sasaktan mo.

    Kaya lang… nang tinalikuran ko siya, nawasak lang lalo ang puso ko.

    “Dahil mahal na mahal ka niya… Dahil nakikita mo ang sarili mo sa kanya… Gagawin niya ang lahat para sayo. Ako rin naman, kaya kong gawin iyon. Please, Rozen, come back to me. Come back to my life. You are mine to begin with.”

    Fuck! She’s so cocky. Gusto ko na agad bumalil. Gusto ko agad siyang yakapin. Alam na alam niyang sa kanya parin ako ng buong buo. Alam niya. Ang daya niya! Shit!

    Umiling ako, “No, Coreen. You don’t own me.”

    Unti-unti kong naaninag ang maliwanag na ilaw galing salabas. Puting puti ang kanyang soot at natatabunan ang magandang mukha niya sa belo. I love you so much, beautiful.

    Nagsimulang kumanta si Wade sa kantang pinili ko para sa pag lalakad niya patungo sa akin.

    “I miss the sound of your voice

    And I miss the rush of your skin…”

    Napapikit ako. Finally, I got the girl. Finally, I got you Coreen Samantha Aquino.

    Ngumisi ako nang nakitang ngumiti din siya. Nakahawak siya sa braso ng kanyang daddy at nasa gilid niyang kumakaway ang kanyang mommy.

    Niliko ko ang sasakyan nang nakita kong nakahandusay si Elle sa tabi ng daan. She’s a wreck. Is it because of us?

    “Rozen, hayaan mo na si manong. May mga kakilala naman si Elle sa loob.” Utas ni Coreen habang pinapanood akong itinatayo si Elle kasama ang guard.

    “Teka lang, Coreen. Lasing siya. We need water.” Utas ko.

    “Uhm… May tubig naman siguro sa loob?”

    “At may sugat siya sa tuhod.” Nakita ko ang dumudugo niyang tuhod.

    “Yung bartender ng bar na yan, friend niya. Eh hayaan mo na lang. Mamaya aasa yan kasi ikaw ang nag asikaso.”

    “Coreen, wala siyang malay. Hindi niya yun malalaman.”

    Inakay namin ng guard si Elle papasok ng Club Tilt.

    “Rozen, I want to go…” Mariing utas ni Coreen.

    Kumunot ang noo ko. We will go, Coreen. Ipapasok ko lang siya sa loob.

    “Okay. We will. Please wait.” Sabi ko.

    “I want to go now!” Frustrated niyang sigaw sa akin. “Rozeeen!”

    Bumuntong hininga ako. Anong problema ng isang ito at bakit bigla na lang siyang naiirita at nag yayayang umalis? Ilang segundo ko lang namang binuhat si Elle ah?

    “YOU WAIT, COREEN!” Sabi ko at pumasok sa loob.

    Nang naipasok ko na ay binilin ko na sa guard ang pag aalaga kay Elle. Nagmadali akong umalis para tignan si Coreen. Nakita kong nakahawak siya sa kanyang bibig at parang naduduwal habang pumapara ng taxi.

    “Coreen!” Sigaw ko pero nakapasok na siya sa loob.

    Nanliit ang mga mata ko at sinundan ang taxi. Naduduwal siya? Pero gabi… So ibig sabihin nakainom yun? Paano kung nabuntis yun? Hindi yun pwedeng uminom, a? Lintek na Noah! Isinama pa talaga ang asawa ko sa kahibangan niya! Ayan tuloy. It’s either buntis siya, may sakit, o nakainom. Pero nung hinalikan ko siya ay wala naman akong naramdamang alak.

    Doon ako nagsimulang magduda. At sa mga mood swing niyang hindi ko ma unawaan. Hindi ako nagpapatinag. Especially now that I think she’s really pregnant.

    Ni wala siyang ganang makipag five star hotel sa akin. May pagbabago talaga sa mood niya. It’s been four weeks now since our first. Duda ko doon, e. Hindi ko tinanggal. Hihi. Alam kong peak niya iyon. Syempre, may kopya ako ng My Calendar App niya noong college pa lang kami. Hindi iyon natanggal sa cellphone ko. At ang alam ko ay regular ang menstruation niya.

    “Coreen?”

    Narinig ko ang pagduduwal niya sa loob ng bathroom. Napangisi ako. It’s morning sickness, baby. Affrimative!

    “WHAT ARE YOU DOING HERE?” Sigaw niya sabay turo sa akin.

    “I’m just checking on you. Wala yung mommy at daddy mo. Asan sila?” Inosente kong utas.

    “I DON’T KNOW! UMALIS KA NGA DITO SA KWARTO KO!”

    Tinulak niya ako palabas. Nakita ko ang panic sa mga mata niya. Napangisi ako. No, babe, don’t panic. Pananagutan kita. At ipapangalandakan ko pa ang pagbubuntis mo.

    “Kailangan kong pumunta sa mall! At gusto ko hindi ka kasama!”

    Mas lalo akong ngumisi sa pang huling sinabi niya. There’s something really weird going on with her.

    “Hello, Kuya Dash.” Tumawag ako kay Kuya habang pinagmamasdang umorder si Coreen ng spare ribs sa isang american restaurant.

    “Rozen, napatawag ka?”

    “Nung nag bubuntis si Ate, anong mga sintomas?”

    “Bakit mo naitanong?”

    “I just want to know…” Nagkibit balikat ako.

    “Ilang weeks ba? Depende kasi yan sa weeks at sa tao din?”

    “Hmmm. Say… 5 weeks?” Sabi ko.

    “Sino ba ang nabuntis mo?”

    Tumawa ako, “Hindi pa ako sigurado. Pakiramdam ko, oo, pero gusto kong makumpirma.”

    “Edi ipregnancy test o ipacheck sa OB! Use your common sense.”

    “Ah! Si Coreen, kuya. Hindi ko kayang dalhin sa OB baka patayin ako.”

    “WHAT? SI COREEN! SHIT!? Rozen! You got her?”

    Tumawa ako.

    Ibang klase ang kasiyahang naramdaman ko nang narinig iyon kay Kuya Dashiel.

    “Yes, I got her, kuya.”

    “Really… T-teka… nasabi mo na ba ito-“

    I rolled my eyes, “I want to know the symptoms! Wa’g mo akong tanungin ng marami.”

    “You idiot! Walangya! O sige, I’ll refer you to our OB!”

    Ngumisi ako lalo na nang nalaman kong tumutugma ang mga ipinapakita ni Coreen na sintomas. At lalo na siyempre nang hinagisan ko siya ng pregnancy test at todo na lang ang deny niya. She’s darn scared. And it’s part of her mood swings. Kailangan ko ata siyang mas lalong bantayan.

    “I want you pregnant.” Bulong ko sa kanya nang natapos ang kasal ni Reina sa loob ng sasakyan.

    Nidedeny niya. Natatakot akong baka nagkamali ako sa mga haka ko. Kaya inatake ko pa lalo ang labi niya. Kung hindi nga kita nabuntis, then I’ll make sure you’ll be pregnant right now.

    “I am.” Utas niya sa akin.

    Nanlaki ang mga mata ko at tumigil sa paghalik. Nalaglag ang panga ko at diretsong tinitigan ang kumikislap niyang mga mata.

    “You are? Really?” Hinawakan ko ang tiyan niya at dinama ko ang baby sa loob.

    I knew it! I KNEW IT! Buong akala ko wala ng sasaya pa sa marinig sa kanyang mahal niya rin ako… buong akala ko wala nang mas sasaya pa sa maangkin siya gabi-gabi sa kama, sa kahit saan… meron pa pala. And it’s hearing that we have a new Elizalde coming… and from the love of my life.

    Hinalikan ko pa lalo siya. Tumindig ang bawat balahibo sa balat ko. Ibang klaseng sensasyon at pag iinit ang naramdaman ko sa katawan ko. Ito. Siya lang ang kayang gumawa sakin nito. Siya lang. Only Coreen Samantha A. Elizalde can do this to me. Hinawakan ko ang gitna ng hita niya. Huminga ako nang malalim lalo na nang binahagi niya agad ang binti niya. Instinct, Coreen. Ngumisi ako habang pinapaulanan siya ng halik sa leeg.

    “B-But I’m pregnant, Rozen.”

    Kinagat ko ang leeg niya ng marahan sa sobrang gigil ko.

    “Exactly why I’m so turned on right now.”

    Ngumisi ako nang nakitang papalapit na siya sa akin. Ang daming tao pero siya lang ang nakikita ko. Nakaputi ang lahat pero siya lang ang nakikita ko. The love of my life is finally going to be mine. The chase is finally over. This is her dead end. Ang altar. Ako.

    “And I miss the still of your silence

    As you breathe out and I breathe in…”

    Hinalikan siya ng kanyang umiiyak na mga magulang. Pero diretso ang titig niya sa akin. Diretso din ang titig niya sa akin kahit panay ang bulong ni Noah, daddy, mommy at Reina sa akin.

    “Finally, Rozen.” Utas ni Reina. “Your dreams are coming true.”

    Kinagat ko ang labi ko.

    “If I could walk on water

    If I could tell you what’s next

    I’d make you believe

    I’d make you forget…”

    Inilahad niya ang kamay niya sa harap ko. Tinanggap ko at buong pusong hinalikan. Narinig ko ang marahang tili ng mga relatives naming nanonood.

    “I can do more corny things just for you.” Kumindat ako.

    Pumula ang kanyang pisngi.

    “So come on, get higher, loosen my lips

    Faith and desire and the swing of your hips

    Just pull me down hard

    And drown me in love…”

    Sabay kaming tumungtong sa altar.

    “I miss the sound of your voice

    The loudest thing in my head

    And I ache to remember

    All the violent, sweet, perfect words that you said

    If I could walk on water

    If I could tell you what’s next

    I’d make you believe

    I’d make you forget…”

    “I love you so much, Rozen. Hindi ko alam kung paano ko idedescribe ang nararamdaman ko sayo. I love you just isn’t enough.”

    Ngumisi siya, “Paano ako? Kung hindi iyon enough sayo, mas lalo na sakin. I did everything just to make you mine.”

    Ngumisi siya, “I know.”

    Umiling ako at ngumisi din, “You heartless love of my life.”

    “I’m heartless because my heart isn’t with me. It’s with you, Rozen.” Ngumisi siya.

    Finally, I got her.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

4

46 Responses to Heartless

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

seventeen + 17 =

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <s> <strike> <strong>