Baka Sakali 3

Story Written: 2015
*ON GOING*
This is the Book 3 of Baka Sakali Trilogy

Ang pag-ibig ay parang nagsusugal. Pag sigurado kang mahal mo ang tao, ibibigay mo ang lahat. Ang problema dito ay di mo alam kung may maibabalik paba sayo o wala. Maswerte ang nakakakuha ng higit pa sa inaasahan, pero luhaan ang mga sumugal at natalo. Pero ganun paman, tulad ng sugal, kahit walang kasiguraduhan, marami paring umiibig, marami paring sumusugal. Dahil… Baka Sakali… Baka Sakali… Kaya mo bang sumuko sa pagba baka sakali?

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.

WARNING: This story may not be suitable for younger readers. It may contain explicit, violent or provocate content. Read at your own risk.

READ ON WATTPAD

  • PrologueOpen or Close

    Prologue

    “Yes, Rosie… Bubuntisin na kita. At sa akin ka na habang buhay.” Sabi niya sa akin.

    Pareho kaming halos tumalon sa gulat nang may padabog na kumatok sa pintuan. Tinulak ko si Jacob sa kaba at natataranta kong inayos ang sarili ko. Halos di siya makagalaw nang bumagsak ang kanyang katawan sa kama.

    “Tangina, sino ‘yan?” Sigaw niyang umalingawngaw sa kwarto.
    “Jacob? Nasa loob ka ng kwarto ni Rosie?” Tanong ng daddy niya.

    Kinapa ko kaagad ang aking likod para maayos ang bra ko at tumayo ako agad para ayusin na rin ang shorts ko. Topless na siya at nakahiga parin, tinitingnan ako habang natataranta.

    “Oo naman. Bakit? Hindi pwede?” Sarkastikong sinabi niya sa kanyang ama, hindi parin pinagbubuksan ang pinto.

    Sinipa ko ang kama at sinenyasang tumayo na siya. Kailangan niyang harapin ang daddy niya at tumigil na sa kakahiga diyan! Nakakahiya naman kung makita o maabutan niya kaming ganito.

    “May pag uusapan tayong dalawa.” Mariing sinabi ng kanyang daddy. Mukhang importante ang gusto ni Don Juan, a.
    “Jacob, tayu na!” Sabi ko.

    Unti unti naman siyang bumangon at umupo sa kama ko. Nililingon ko ang mga nagkalat kong gamit. Hindi ko pa ito naililigpit at tingin ko ay hindi yata ako matatapos pag nandito siya sa loob.

    Dahan dahan niyang kinuha ang kanyang t shirt. Hindi niya ako tinantanan sa kanyang titig habang sinusuot niya iyon. Uminit ang pisngi ko. Why is he always like this?

    Tumayo siya pagkasuot niya ng t shirt at nilapitan niya ako. Hinalikan niya ang noo ko bago siya nag tanong, “Ano?” Sigaw niya sa pintuan.

    Panimula

    Nagdidilim ang paningin ko habang tinitingnan ng mabuti ang champagne sa aking baso. Kumikinang ang kulay gintong likido doon. Katulad ng pagsusumigaw ng iba’t ibang neon lights sa bar kung nasaan ako. Nilagok ko iyon ng isang bagsakan at nilagay muli sa lamesa.

    “Another one, madame?” tanong nang dumaang waiter sa akin.
    “Yes, please?” sabi ko at pinasadahan ng mga daliri ang aking buhok.

    Kanina pa kami dito sa loob ng bar. Kanina pa rin ako binubugahan ng usok galing sa sigarilyo ni Karl.

    “Hay nako. This was supposed to be your homecoming party at bakit ang mga kaibigan lang natin ang nagpaparty, ha? tanong niya.

    Sinulyapan ko siya ngunit naagaw din agad ng waiter ang atensyon ko. Nagsalin siya sa aking wineglass ng Champagne.

    “And who taught you to drink this way? Ito na ba ang natutunan mo sa Dubai?”

    Inirapan ko ang kaibigan ko. Please, ni hindi ako nagtagal sa Dubai.

    “Did you set me up this time?” angil ko kay Karl.

    Gustong gusto ko na siyang bugahan ng sama ng loob. I’ve been trying to avoid this encounter simula noong bumalik ako galing ibang bansa, bakit ngayon pang naisipan naming magparty sa labas para sa pagbabalik ko.

    Nagulat si Karl sa paratang ko sa kanya. Hindi ko alam kung may mga tamang ebidensya at spekulasyon ba ako o talagang napaparanoid lang ako. Pakiramdam ko, kahit sino ay may sala rito.

    “Of course not, Rosie. Alam mo namang maaasahan mo ako pagdating sa ganito, ha? And by the way, paano mo nga pala nalaman?” nanliit ang mga mata niya.

    Nilagok kong muli ang laman ng aking wineglass. I saw a post. Nandito siya sa mismong bar na ito.

    “Come on! Would you rather let him see that you’re a wreck?”

    Nanlaki ang mga mata ko. Tumuwid kaagad ako sa aking pagkakaupo. Hell no!

    “Atta girl! See? Enjoy your night. This is yours. It’s been, what? Two? Three years? My God, Rosie!”

    Nagtiim bagang ako. Gusto ko siyang sumbatan. But there’s no point in blaming. Hindi si Karl ang nagdesisyon kundi ako.

    Humigop muli siya sa kanyang sigarilyo. Nagkatinginan kaming dalawa. Umaalon na ang aking paningin.

    “Preno sa pag inom. Para hindi ka magmukhang wreck!” Iiling iling pa siya.

    Inayos ko ang buhok ko. I want to go to the bathroom but I don’t want to be alone. Nadadala na ako sa papunta punta ng CR. Ayaw kong may makasalubong.

    “Let’s call this a night…” sabi ko sabay hagilap sa aking purse.
    “Oh my God, Roseanne Aranjuez! Ano ka ba! It’s still 11:30PM! This is your night, your party, tapos mauuna ka? Kahit na pinagbigyan ka na nina Callix na dito ka muna sa lamesa habang sila ay sumasayaw, di ka parin kuntento. Gusto mo nang umuwi!”

    Tumayo na ako. Hindi ako mapipigilan ng mga salita ni Karl. I’ve had enough drinks for tonight. Umaalon na ang paningin ko at mas lalo lang iyong nadepina nang tumayo ako.

    “Jesus, Rosie! Alam mo bang may hinandang sorpresa sayo ang mga kaibigan natin?” Tumayo din siya at pinigilan ako sa amba kong pag alis.

    Natigilan ako. Naiisip ko ang effort ng mga kaibigan ko. I just can’t leave them because of my childish and selfish feelings!

    “Fine! Kailan ba ‘yan? Kanina pa tayo dito…” I didn’t mean to nag.

    Agad akong nahiya sa mga sinabi ko. Tunay ngang nalalasing na ako. Wala nang filter ang aking bibig. Umupo ako at kinalma ang sarili.

    “Chill! And besides, you’re right. Kanina pa tayo dito at may nakita ka ba? Wala ‘di ba? Kaya huwag ka nang mangarap-“
    “Hindi ako nangangarap! I am avoiding it at all cost, Karl, kung hindi mo nakikita!” halos pasigaw kong sinabi.
    “Yes, I’m sorry. Wrong choice of words. Tipsy lang… Calm down…”

    Umirap ako at nagtawag ulit ng waiter para masalinan pa ng champagne ang aking wine glass.

    Inayos ko ang aking damit. I’m wearing a black body hugging dress and black pumps. Kanina pa ako tinutukso ni Karl kung saan daw ang lamay. Kung hindi ko lang siya sininghalan ay hindi pa siya tumigil hanggang ngayon.

    “Rosie!” Kahit sa ingay ng bar ay dinig na dinig ko ang sigaw ni Brandon.

    Umikot siya dahil U shape ang sofa’ng inuupuan namin ni Karl. Marami kami at isa siya sa mga imbitado, kasama ang iilang kaibigan ko sa pagmomodelo.

    “Brandon! Ang akala ko di ka darating!” ngumisi ako at tumayo para salubungin siya.

    Kasama niya si Avon, iyong girlfriend o asawa niya na yata. Hindi ko alam dahil matagal na rin kaming hindi nagkikita. Ngumiti si Avon sa akin. Nag beso ako sa kanya.

    “Natagalan ako. I’m with my cousins. Nasa kabilang table sila,” ani Brandon sabay turo sa lamesang nasa likod.
    “Oh, I’m sorry! May lakad ka pala?” pasigaw kong sinabi para marinig niya akong mabuti.
    “Hindi. We were just bar hopping too and I know may ganito kaya dinala ko na rin sila dito!” Tumawa si Brandon.

    Ang mahaba niyang buhok ay naka manbun. His arms snaked behind Avon’s waist. Tumikhim ako. I remembered something but I interrupted my thoughts.

    “Nasaan na ang mga kasama ninyo? Bakit kayo lang ni Karl dito?” tanong ni Avon. Ngumisi siya at tumingin kay Brandon.

    She’s wearing a black suit. Sa ilalim nito ay kulay gray na spaghetti strap at itim ring shorts. Nakataas ang kanyang kilay. Pakiramdam ko tuloy masyado akong mahina kumpara sa kanya. O talagang nanghihina lang ako ngayon.

    “Nasa dancefloor sila. May isa kasi ditong nag sa-signs of ageing na.” Tumawa si Karl.

    Sinipat ko kaagad ang bading. Bumaling ulit ako kay Avon at nginitian siya.

    “I got tired of partying. I’ve been partying for days simula noong bumalik ako. Kaya ngayon, inom inom na lang muna…” Ngiti ko.

    Nagngitian kami nang biglang may sumabog na Champagne sa likod ko. Tumawa si Brandon at Avon pagkatapos ay pumalakpak.

    Nagulat ako nang nagpunta lahat ng mga kaibigan ko sa aming lamesa, pumapalakpak. May dalang kulay gold na balloons si Ava at niyakap niya ako.

    “Welcome home, Rosie!”

    Niyugyog niya ako. Tumawa ako at luminga linga. Hindi ko alam kung saan ko ididirekta ang paningin ko. Kay Belle na may dalang cake at may maraming kandila, kay Josh at Callix na nagpasabog ng champagne, sa mga kaibigan kong models na panay ang hila sa akin para makapag picture? I smiled in all their pictures. Ininom ko rin lahat ng binigay na champagne sa akin.

    Karl’s right! I should enjoy this night. This is my night. These are my friends. This is my time. Walang pag aari si Jacob sa mundong ito kundi ang kanyang mga lupain. Hindi niya pag aari ang mindset ko.

    “Welcome home, Rosie!” ani Belle sabay selfie kasama sina Ava, Callix, at Josh.

    Hinipan ko ang kandilang dala nila. Parang birthday lang! Tumawa ako at uminom uli ng inabot na champagne. Binuhat pa ako ni Karl at nilagay sa kanyang balikat. Dala dala ko ang mga balloons. Hindi ko alam kung sino ang mas lasing sa aming dalawa, ako o siya.

    Naghahari na ang alcohol sa aking sistema. Pagkababa ni Karl sa akin, muntik na kaming natalisod. Nagtawanan na lang kami. Naglahad ng kamay si Callix sa akin habang pinagtulungan naman ng mga babae si Karl.

    “Are you okay? O masyadong naparami ang inom mo?”

    Hindi ako hinintay ni Callix na makasagot. Nilingon niya na ang mga kasama namin. Tumayo ako ng maayos.

    “Minimize the booze!” sabay tawa niya.
    Tumawa rin ako ngunit kinuha ang wineglass para maubos ang iniinom.
    “Pupunta ba si Duke?” tanong ni Brandon dahilan kung bakit halos maibuga ko ang champagne.

    Napaubo ako. Nakakasamid naman talaga. Matalim kong tiningnan si Brandon pero tinaas niya lang ang kanyang kamay.

    “I mean, who would drive you home?” Natatawa niyang sinabi.
    “I will drive her home…” ani Callix.

    Hinawakan ko ang braso ni Callix para sabihing huwag na. Hindi ko masabi dahil nauubo parin ko sa nangyari.

    “Pupunta si Duke, Callix. Hayaan mo na lang…” ani Karl.
    “Did you invite him, Karl?” gulat kong tanong.
    “I didn’t. Bigla na lang siyang nag text kung saang bar daw tayo. Sinabi ko, kaya pupunta ‘yon dito.”
    Nasapo ko ang aking noo. “Goodness.”
    “Why? Wala ka naman sa trabaho, ah? He won’t get mad at you for drinking or partying!” ani Ava.

    Huminga ako ng malalim at inubos ang champagne sa aking wineglass. Pupunta ang boss ko dito sa bar. Great! At the end of the day, si Karl parin talaga ang lalaglag sa akin.

    Hinayaan ko ang sarili ko sa gabing iyon. They’re right, this is my night. I should stop thinking about my boss or someone else. Dapat ang isipin ko ay ang sarili ko lamang!

    Sumabay ang indayog ng aking katawan sa dagungdong ng musika sa buong bar. Everyone’s dancing. Ni hindi ko na alam kung sinong nasa likod, at mga gilid ko. Si Karl ang nasa harap ko. Halos sapakin ko siya dahil kung makasayaw siya ay lalaking lalaki. The girls drool over him. Lalo na iyong mga mas bata. Iyong mga hindi alam ang totoo.

    Pagkatapos kong tumawa at nang naramdaman ko na ang pagod at pagkakahilo, napalinga linga ulit ako sa dancefloor. Mga mukha ng mga taong nakapikit at nakikipagkasundo sa musika ang naroon. Kumalabog ang aking puso. I feel like something’s wrong. I need to go back to our seats and sit down. Pakiramdam ko ay sa dancefloor na ito ko makikita siya na may kasama o kasayawng iba. Images of what happened years ago filled my mind. Iyong sumasayaw sa kanya ang si Belle. Nahagip ko ang aking kaibigan at nakita kong may kasayawan naman itong iba.

    “What’s wrong?” tanong ni Karl nang napansin ang reaksyon ko.
    “Nothing. I’m tipsy. Balik muna ako sa sofa…” sabi ko.
    “Mamaya na uy…” sabay hawak niya sa aking braso at marahas kong hinawi ang kanyang kamay.
    “I need to sit down…” pagalit kong sinabi at umalis na doon.

    Walang hiya. What the hell is happening to me? Pinasadahan ko ang aking buhok ng daliri. Palapit na ako sa sofa nang namataan ko ang ikinakatakot ko.

    Nabunggo si Karl sa akin dahil sa biglaan kong pagtigil sa paglalakad. I want to go back to the dancefloor!

    “Oh, bakit?” tanong ni Karl.

    Nanlaki ang mga mata ko.

    Kitang kita ko ang pag inom ni Jacob ng champagne sa isang wineglass. Basa pa ang mapupula niyang labi nang ilapat niya iyon sa labi ng babaeng kulay pula ang body hugging dress.

    Parang unti unting nalulukot ang puso ko. Sumikip ang dibdib ko. Alam ko na na may ganito pero hindi ko inakalang ganito ka sakit ang mararamdaman ko.

    Nagtawanan silang dalawa. Nakatingin lamang siya sa mga mata ng babae. Kinurot ng babae ang kanyang ilong. Hinalikan naman siya ni Jacob sa pisngi at bumaba ang halik niya sa leeg. Gusto kong pumikit pero ayaw sumunod ng aking mga mata.

    “Oh!” ani Karl.

    Kinagat ng babae ang kanyang labi. Tumigil si Jacob sa ginagawa niya kaya hinampas siya ng babae sa braso. Tumayo si Jacob at hinila niya ang babae.

    His wearing a white longsleeve button down shirt. Tinupi iyon hanggang braso. Tulad ng dati, medyo magulo parin ang buhok niya. That’s how he wears it alright! Kuminang ang earring sa kanyang tainga at inayos niya ang kanyang relo. Hindi ko alam kung mas tumangkad ba siya o talagang ang tagal na naming hindi nagkikita.

    Hinila niya ang babae patungong dancefloor. Muntik nang natalisod ang babae dahilan kung bakit niyakap niya ito ng mahigpit at pinaulanan ng halik sa noo.

    Pumikit ako ng mariin at nag init ang gilid ng mga mata ko. Nagsimula ulit ako sa dati. Matagal ko nang tinapos ang pag iisip nito. Matagal ko nang pinatawad ang sarili ko. Matagal ko nang tinanggap ang lahat pero bakit ngayon, hanggang ngayon, sobrang sakit parin?

    Nanginginig ang kamay ko nang kinuha ang aking purse. Kumuha rin ako ng isang wineglass na may lamang champagne at nilagok ko iyon. Hindi man lang ako nangiwi nang naramdaman kong inatake nito ang aking lalamunan.

    “Rosie, wait! Oh my God!” sigaw ni Karl.

    Mabilis akong naglakad. Kahit sa dami ng tao ay nakagawa ako ng paraang makaalis doon. Naririnig ko parin ang sigaw ni Karl sa likod ko. Kaya kong mag isa…

    “Rosie!”

    Nang nakalabas ako sa loob ng bar ay bumuhos ang mga luha kong matagal ko nang kinikimkim. Nilingon ko ang bukana ng bar at si Karl ang nakita ko. Tumigil siya sa paglalakad nang nakaharap na ako sa kanya. He looked stunned.

    “Tangina Karl sabi naman, e! Ayaw ko! Ayaw ko parin! Ayaw ko siyang makita!” sigaw ko.

    Kitang kita ko ang pagpapanic ni Karl sa harap ko. Hindi niya alam kung alin ang uunahin niya, ang mga luha ko o ang aking kamay na nanginginig.

    Hindi niya kasalanan ito. Pero sa sobrang lasing ko, kailangan ko ng mapagbubuntungan.

    “I’m sorry… Hindi ko-“
    “I know… i’m sorry, it’s not your fault.” Kinalma ko ang sarili ko ngunit patuloy ang luha ko.

    Mahapdi na ang mga mata ko. Hindi na ako makatingin sa kanya. Nanatili ang mga mata ko sa sahig.

    “Akala ko ba time heals all wounds…” suminghap ako.
    “Hindi pa siguro sapat ang oras na iyon, Rosie…”
    “It’s been almost three years! Hindi pa ba sapat iyon! Ano ang sapat? Ten?” hindi ko alam kung siya ba o ako ang sinisigawan ko.

    Kumalabog ang pintuan ng isang kotse. Nalingunan ko iyon at halos mapailing ako nang nakita ko kung sinong naroon. In his white tux, Duke came to us.

    Sinapo ko ang aking noo at naramdaman ko ang pag ikot ng aking sikmura. Not now, please! Pero hindi ko na napigilan ang sarili ko.

    Dumiretso ako sa gutter at naghanap ng madamong parte para maisuka ang kung anong bumabagabag sa aking tiyan.

    “Rosie!” may awtoridad sa tawag ni Duke, kahit ang sikmura ko ay dapat sumunod pero hindi ngayon. I am too drunk to even recognize his authority.

    Pinunasan ko ang aking bibig pagkatapos kong maisuka ang natitirang pagkain sa aking tiyan. Kinagat ko ang labi ko. I am truly going to regret this tomorrow.

    Madilim ang mga mata ni Duke nang hinarap ko siya. Nag iwas agad ako ng tingin.

    “Ihahatid na kita sa inyo…”
    “No… I’m fine. Pwede akong mag taxi,” maagap kong sinabi.
    “No, Rosie. You are drunk…”

    Nag angat ako ng tingin sa kanya. His intense eyes pierced through me. Naka coat and tie parin siya, paniguradong galing pa sa trabaho. His lashes were his only soft feature. Wala nang iba. His perfect jaw, thick eyebrows, broad shoulders were all hard and strained. Tinitingnan niya ako na para bang binabasa ang iniisip.

    “May party ako sa loob, hindi ko pwedeng iwan ang-“
    “Tapos na ang party, you’ve had enough drinks. I’m sure your friends would agree…” sabi ni Duke.
    “Yes, Rosie. Sige na. I’m sorry Mr. Valenzuela, napasobra ang inom niya.”

    Umigting ang panga ni Duke at tumango kay Karl. Hinawakan niya ang kamay ko at umikot ang aking mundo. Hinila ko ito, naiiyak.

    “Leave me! Wala kayong responsibilidad sa akin! Kaya ko ang sarili ko! I can do it. I can go home now! I don’t need anyone’s help!” sigaw ko.

    Nanlaki ang mga mata ni Duke. Pakiramdam ko ay tumigil ang mundo ko. He clenched his jaw. That was the last image I saw before everything went black.

  • Kabanata 1Open or Close

    Kabanata 1
    Move On

    Pumipintig sa sakit ang ulo ko pagkagising ko kinabukasan. I don’t know if it’s because of the champagne o talagang may sakit ako.

    Marahan kong kinuha ang kumot na nakapalupot sa akin at dumilat para tingnan iyong mabuti. Kulay dark blue iyon taliwas sa kumot ko sa aking kwarto.

    Kahit masakit ang aking ulo ay bumangon agad ako. Nasaan ba ako? Pinasadahan ko ng tingin ang pamilyar na relo at natatanging painting sa harap. Huminga ako ng malalim at pilit na inalala ang nangyari kagabi.

    I passed out…

    Bumaba ako sa kama at napansin ang malaking v neck t shirt na nakasuot sa akin. Pumikit ako ng mariin at mabilis na nagtungo sa pintuan ng kwarto.

    I need to talk to Duke. Dinala niya na naman ako sa kanyang condo unit. Hindi ba sumama pauwi si Karl kahapon?

    Hindi alam ni Duke kung saan ang bahay namin. Hindi ko pa siya nadadala doon at wala akong plano kaya tuwing nakakatulog ako ay dito niya ako dinadala sa kanyang condo.

    Binuksan ko ang pintuan ng kwarto niya. He didn’t even try to put me in one of his guest rooms at doon pa talaga sa kwarto niya.

    Pagkalabas ko pa lang ay narinig ko na ang ingay ng mga naroon. He’s not alone. Naririnig ko ang boses ni Karl at Ava sa kusina.

    Nakapaa lamang ako nang dumiretso ako doon. Ni hindi ko alam kung ano ang itsura ko. Sabay na napatingin si Ava at Karl sa akin nang lumitaw ako sa kitchen. Sinapo ko ang noo ko para ibsan ang sakit na nararamdaman galing doon.

    “Good morning, Rosie!” bati ni Karl.
    “Hindi ka pala sumama kagabi? Sana hinatid ninyo ako sa bahay. Baka nag-alala na si Maggie…” nagpapanic kong sinabi.
    “Tinext ko si Maggie kagabi ‘tsaka hindi naman kasi pwedeng iwan ko sina Callix at Josh doon nang walang sinasabi. They would be shocked na ang rason kung bakit tayo nandoon ay wala na. Without explanation!” ani Karl.

    Nagkatinginan kami ni Duke. Nagluluto siya ng isang nakakatakam na breakfast. Kumalam ang sikmura ko dahil sa bango nito. I appreciate everything but I don’t need it.

    “I need to go home,” iyon lamang ang nasabi ko.
    “Kaya kami nandito ni Karl, Rosie, ay para sunduin ka at makauwi na tayo,” ani Ava.

    Pagod akong umupo sa high chair. Sumulyap muli si Duke sa akin. Parang tinitimbang niya ang pang umagang mood ko.

    Isang linggo na mula nang makabalik kami dito galing Dubai. Wala parin ako sa katinuan hanggang ngayon. Noong nasa Dubai ako, gustong gusto ko nang umuwi pero ngayong nasa Pinas na ay gusto kong umalis.

    “I’m done cooking. Let’s all go to my dining room…” baritono ang boses ni Duke nang sabihin niya iyon.

    Tumango si Karl at tumayo. Nanatili akong tulala at sumuko din nang tumayo na si Ava. Sumunod ako sa kanila patungo sa engrande niyang dining room.

    “Where’s my phone?” tanong ko kay Duke nang naalala.
    “Nasa kwarto, nagchacharge. You were dead bat last night…” aniya.

    Tumango ako at nilagpasan siya para sa cellphone ko. Tahimik sila nang umalis ako. Kinuha ko ang phone sa loob ng kwarto niya. Naroon nga ito sa tabi ng phone niyang naka charge din. Tinanggal ko iyon sa charger at agad kong tinipa ang pangalan ni Maggie.

    “Rosie…” napapaos niyang salubong.

    Tiningala ko ang orasan at nakita kong alas otso pasado pa lang.

    “Mag, nandito ako kina Duke-“
    “I know. Nasabi ni Karl sa akin kagab…”
    “Sinabi mo ba kay mama at papa?” kabado kong tanong.
    “Hindi ‘tsaka hindi naman sila tumawag, e,” ani Maggie. “Uuwi ka ba ngayon?”
    “Oo, sorry Mag. Wala kang pasok?” tanong ko.
    “Mamaya pa ng mga ala una ang pasok ko ngayon.”

    Huling taon niya na ito sa college. Hindi siya agad nag-aral tulad ko at putol putol pa ang pag-aaral niya dahil sa matinding pangangailangan ng pera.

    Dalawang taon sina mama at papa sa New Zealand nang biglaang nagkasakit si mama. Ayaw siyang iuwi ni papa sa Pilipinas dahil gusto niyang siya mismo ang mag alaga rito. Ang resulta ay wala kaming pambayad sa renta sa apartment at iba pang bayarin sa bahay. Mas inuna ni papa ang tuition fee ko kaya marami akong sinalihang contest para lang makalibre sa pag-aaral.

    Tumigil si Maggie sa pag aaral at nagtrabaho para sa bahay. Para na rin hindi na kailangan pang magpadala ni papa ng pera sa amin. Ang pera niya ay dapat nakalaan kay mama. Nang maayos na si mama ay hindi na siya makahanap ng trabaho. May trabahong nag-aantay bilang caregiver pero malayo iyon sa kung saan sila nakatira ni papa ngayon. Hindi rin pwedeng lumipat si papa sa dairy farm na pinagtatrabahuan niya dahil magandang magpasahod ang kanyang boss kaya ang resulta’y siya na lang itong nagtatrabaho. It didn’t bother us. Basta ba ay maayos na si mama, okay na kami. Pero sa renta, tubig, at kuryente pa lang halos magkulang na ang pinapadala ni papa. Wala kaming pang matrikula kaya pinili ni Maggie na magtrabaho ulit.

    Now it’s her turn to study. Ako naman ang nagbibigay para sa kanyang pag-aaral. James was willing to give her money for school pero ayaw ni Maggie noon. Ayaw ko rin. Kaya ko naman at kapatid ko si Maggie, ako dapat ang gumagawa noon.

    “O sige…”
    “Kayo na ba ni Duke?” tanong ni Maggie, pang ilang beses na simula nang nag Dubai ako.
    “Hindi.”
    “Okay… Hmm… Anong oras ang uwi mo kasi sabi ni Auntie Precy pupunta siya dito sa bahay. Alas onse ako susunduin ni James at kapag di ka pa nakauwi sa bahay, ibibigay ko na lang iyong susi sa kapitbahay para hindi naman mag antay si Auntie sa labas,” ani Maggie.
    “Uuwi ako pagkatapos kong kumain dito,” maagap kong sinabi.

    Simula nang naghiwalay kami ni Jacob, hindi na ako ulit bumisita ng Alegria. Kahit gaano pa ka kailangan ay hinding hindi na ako umapak pang muli doon. Kaya si Auntie Precy ang bumibisita ngayon.

    “Sige… Kung di ka pa nakakauwi pagkaalis ko, kunin mo ‘yong susi ko ha?”

    Pagkababa ko sa aking cellphone ay pumasok si Duke sa kanyang kwarto. Umamba agad akong aalis na doon.

    “May problema ba?” tanong niya.
    Umiling ako. “Wala. Tinawagan ko lang si Maggie…”
    “Okay… Kain na tayo…” aniya.

    Tumango ako at lumabas. Sumunod naman siya sa akin. Dumiretso ako sa kanyang dining room at tahimik na nag uusap si Karl at Ava doon. Pagdating namin ay tumahimik ang dalawa.

    “Kailangan ko nang umuwi kaagad dahil bibisita si Auntie Precy samin,” sabi ko sa dalawa.
    “Ihahatid ka na namin, Rosie. I’m sure abala pa si Duke sa trabaho.”

    ‘Tsaka ko lang napagtanto kung gaano ko inabala si Duke. Napakasama ko talaga para hindi na maisip pa ang ginawa kong gulo sa mga taong nasa paligid ko.

    “Duke, I’m sorry. And thank you sa lahat ng ito. Sorry kagabi…” sabi ko.
    Umangat ang gilid ng kanyang labi. He flashed his sexy smile. “It’s nothing. Kumain ka na…”
    Tumikhim si Karl at tiningnan ang mga pagkain.
    “Kumain na tayo,” anyaya ni Duke sa kanila.

    Wala ni isang binanggit ang nangyari kagabi. Alam kong nag iingat si Karl at ayaw naman ni Duke na maalala ko iyon. Pero talagang ngayon ko lang napagtantong iniwan ko ang mga kaibigan ko doon.

    “Sina Brandon kagabi, hindi ba naghanap?” tanong ko bigla habang kumakain kami.
    “Hinanap ka ni Brandon kina Kai, kaya sinabi kong umalis ka na. Nakita rin ni Callix ang pag alis mo e.” Nag iwas ng tingin si Karl sa akin.
    “Kailangan ko pang mag sorry sa kanila. Nakakahiya naman…”

    Ngayon pa lang ako tinablan ng hiya. I must be very drunk last night.

    “May sorpresa pa naman sila sa akin. Nakakahiya talaga!” sabi ko.
    “They’d understand, Rosie. But yes, siguro nga kailangan mong mag sorry…” ani Ava.
    “You know, Rosie, if you want to take a break I give you a week to unwind. Para naman hindi ka mahirapan sa pag aadjust sa trabaho sa Dubai at dito…” singit ni Duke.
    Umiling kaagad ako.

    Hindi ibig sabihin na dahil magkaibigan kami ng may ari ng Chain of Malls kung saan ako nagtatrabaho ay lalaki na ang ulo ko. I am not going to enjoy the leave he’s talking about. I need to work. Besides, kailangan ko ng pera para kay Maggie.

    “Hindi na. I’m fine… Hindi rin naman hiring sa company kaya hindi pa masyadong marami ang trabaho ko…” sabi ko.
    “You sure? I can book you a plane ticket to Palawan if you want…” ani Duke.

    Nagkatitigan kaming dalawa. It is truly tempting. Gusto ko ngang mag relax pero ilang relax na rin ang nagawa ko para makalimutan ang tanging bagay na nakakapagpatibag sa sistema ko, wala rin namang nangyari. Maybe it’s time to really face it now.

    “Hindi na. Hindi ko rin naman kabisado ang Palawan, baka mawala lang ako doon,” tumawa ako at uminom ng tubig.
    “Well, if you want I can join you para hindi ka matakot…” Humalakhak si Duke at nagtaas ng kilay.
    Umiling ako. “No, thanks. I really need to work-“
    Humagalpak na siya ngayon. “I know you’d say that, though…”
    Napangiti ako at nanliit ang mga mata ko sa kanya.
    Tumikhim si Karl kaya pareho kaming bumaling sa aking kaibigan. “By the way, Kira called. Alam niyang nasa Manila ka na. May coming events siya, pwede ka daw bang sumali?”

    Ilang sandali akong natahimik. Ang huling sali ko ng event ay iyong pageant sa Tagaytay Highlands kung saan ko naipanalo ang scholarship ko. Si Brandon ang isa sa naging judge ko doon.

    I am always hesitant to join these kind of gigs. Lalo na noon. Noon na nandyan pa si Jacob. Ngayong wala na siya, wala nang aalma. I am very free. Free to do anything. Without someone bothering me or getting mad at me.

    “Huy, nag iisip ka pa?” ani Karl.
    Tumikhim ako. “Naisip ko lang na sana hindi conflict sa trabaho ko.”
    Tumango si Karl. “Sige, sasabihin ko sa kanya.”

    Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na rin ako kay Duke. Hinayaan niya akong suotin na lang muna iyong shorts at t shirt niya para makauwi. Tutal ay sasakay naman ako sa sasakyan ni Karl.

    “Thank you so much, Duke.”
    “Next time, you have to lead me to your home para hindi ka na makatulog pa dito…”
    Ngumiti ako. “Yes…”

    Tahimik kaming pumasok sa sasakyan ni Karl. Ako ang nasa likod samantalang si Ava ang nasa front seat. Si Duke ay nanatiling nakatayo malapit sa elevator at hinihintay na tuluyan kaming makaalis sa basement parking.

    “Kailan mo ba sasagutin ang lalaking iyan?” Humalakhak si Karl.

    Umiling ako at hindi nagsalita. Nilingon ako ni Ava, nagkatinginan kaming dalawa.

    “Kayo na ba?” tanong niya.
    “Hindi…” sabi ko.

    Sumulyap si Karl sa akin sa side mirror. Pinaandar niya ang sasakyan. Kumaway ako kay Duke nang paalis na kami. ‘Tsaka ako bumaling ulit kay Ava nang nasa kalsada na.

    “You look so comfortable with each other…” ani Ava.
    “That doesn’t mean we’re together. Boss ko siya at magkaibigan lang kami.”
    “How old is he?” tanong ni Ava sa seryosong tono.
    “I don’t know? Twenty-seven? Twenty-eight? I am not sure…”
    “He’s mature and single. Mabait din. Mukhang gusto ka niya, judging doon sa pagyayaya niyang pumunta kayo ng Palawan-“
    “Tss… That’s just nothing…” Nag iwas ako ng tingin.
    “Rosie-“
    “Hindi naman ako naghahanap ng lovelife. I’m fine single. I’m fine alone. Ipinanganak akong mag isa, kaya ko ng mag isa. It’s been almost three years na single ako at maayos naman ako kaya hindi ko kailangang magka boyfriend…”
    Umirap si Ava. “Gusto ko lang namang makita kang maging masaya ulit.”
    “Masaya ako. I don’t need to smile a lot to prove that. Masaya ako,” I convinced her.
    Nagkibit siya ng balikat. “Oo. Siguro. Pero sa sobrang kalasingan mo kagabi, nagawa mo pang magwala at umiyak? Masaya ka ba talaga?”

    Kabwisit din itong si Karl. Bakit niya pa kailangang sabihin iyon kay Ava? Sana lang ay hindi niya sinabi kina Callix.

    Hinampas ko ang upuan ni Karl. Tumawa lamang siya.

    “Rosie, nang nakita nila si Jacob, kahit hindi ko na sabihin, alam na agad nila,” paliwanag niya.
    “Kung ganoon, paano niya nalamang umiyak ako?” Pasigaw kong sinabi.
    “Rosie, let’s get to the main point. It’s been three years. Naka move on na iyong tao. Ikaw na lang ang hindi. Kailangan mo nang mag move on. Hindi pwedeng ganito, alam mo ‘yan!” ani Ava.

    Hindi ko alam kung bakit uminit ang pisngi ko. Pati pa yata ang ulo ko. Unti unting sumibol ang galit at pagkamuhi sa akin at hindi ko alam para kanino. Siguro ay para sa sarili ko. Siguro rin ay para kay Jacob. Siguro ay para sa langit. Siguro ay para sa tadhana. Siguro para sa lahat ng bagay.

    “Nakapag move on na ako. Minsan lang talaga, it gets to me… Hindi na iyon mauulit,” sabi ko.

    She’s right. Naka move on na si Jacob. Hindi tulad noon na kumuha lamang siya ng panakip butas para sa akin. Hindi tulad noon na napagkamalan ko lang na may gusto siya sa ibang babae. This time, he really did move on! Damn it!

    At ang masaklap pa ay nanatili ako kung nasaan ako noon. Nanatili ako dito! Tatlong taon na at andito parin ako!

    Para saan pa ito? Kung hindi naman pala magiging kami sa huli, bakit kailangan ko pang maramdaman ito? I’ve learned all my lessons the hard way! Tapos na at hindi ko na kailangan ang nararamdamang ito pero bakit hindi matanggal tanggal?

    “What if magkaharap kayo? What if kasama niya iyong girlfriend niya? It will get to you na naman?” ani Ava sa nag aalalang tono.
    “Hindi. Hindi naman ako ganoon, alam mo ‘ya-yan…”

    Nanginig ang boses ko kaya tumigil ako sa pagsasalita. Pumikit ako ng mariin at inisip lahat kagabi. I probably need to feel the pain. Kasi sa loob ng tatlong taon, wala akong ginawa kundi takasan iyon lahat. Pinaniwala ko ang sarili ko na ayos lang. Na ayos lang lahat. Na kailangan naming dalawa ito.

    Pinaniwala ko ang sarili ko na hinding hindi ako matatanggal sa sistema niya. Na mahal na mahal ako ni Jacob. Na hinding hindi siya makakalimot. Na lahat ng pangako niya ay hinding hindi niya kayang kalimutan. Pinaniwala ko ang sarili ko noon.

    But this time, everything’s messed up. Now I know that everything is possible. Posibleng makalimutan niya ako. Posibleng magmahal siya ng iba. Posible ang lahat. Kaya paniguradong ang makalimut sa kanya ay posible rin para sa akin. Natagalan nga lang dahil ngayon ako ang naiwan dito.

    Pinalis ko ang luha sa aking mga mata. Sumama ito pagdilat ko. Nanginig ang labi ko.

    “Karl, may tissue ka?” tanong ni Ava natataranta.
    “I just really can’t believe it! Until now, I can’t believe it! Hindi ko alam kung nagsisisi ba ako o nanghihinayang lang talaga. I want to be happy for him! Kasi ‘di ba? Sabi pag mahal mo ang tao, magiging masaya ka kung saan siya masaya pero bakit ganito? I so… so want to punch him! Gustong gusto ko ring sabunutan ang babae! Gustong gusto kong mabuwag silang dalawa! Gustong gusto kong bumalik siya sa akin kahit alam kong hindi na siya magiging masaya!”

    Tinakpan ko ng aking palad ang aking mukha at humagulhol ako ng husto. Inabot ni Ava sa akin ang tissue. Tahimik na silang dalawa.

    “Mahal na mahal niya ako! Hinding hindi niya magagawa sa akin ito! Ikakamatay ni Jacob ‘to! Babalik siya sa akin! Ako lang ang mahal niya! Ako lang! Ako ang papakasalan niya! Ako!” sigaw ko, mas lalong humagulhol.

    This time, I will mourn properly. Iyon siguro ang kulang sa akin. Tinakbuhan ko ang lahat ng sakit at pinaniwala ko ang sarili ko na hindi ganito. Hindi ko alam kung paano talaga makalimot pero siguro ganito ang kulang na paraan sa akin. I will mourn properly for the lost love. I will share everything. Para maiwan ko na ang lahat ng ito at hindi na ako ulit lilingon sa kahapon.

  • Kabanata 2Open or Close

    Kabanata 2
    End of it All

    Pagkarating namin sa apartment ay naroon na si Auntie Precy. Inanyayahan ko si Karl at Ava na pumasok muna sa bahay bilang pasasalamat na lang sa kanilang pagsama sa akin ngayon. And besides, I’d probably lose my mind kung wala akong kaibigang magiging karamay.

    Nagmano ako kay Auntie. Mukhang kararating niya lang din dahil sa damit niyang maong at blouse na kulay puti. Hinagilap niya ang aking mga matang ayaw kong ipakita sa kanya.

    “Anong nangyari sayo?” tanong niya. “Umiyak ka ba?”

    Naupo na sina Karl at Ava sa aming mga sofa. Nilingon sila ni Auntie ngunit walang sinabi ang mga kaibigan ko. Sa wakas ay nagawa kong mag angat ng tingin kay Auntie.

    “Magbibihis lang ako…” sabi ko at umambang didiretso na sa kwarto.

    Hinayaan ako ni Auntie Precy. Kumuha lang ako ng tuwalya at dumiretso sa banyo para makaligo. Nasa kusina si Auntie at pinagmamasdan ang ekspresyon ko. Hindi ko alam kung ikikwento ko ba sa kanya o hindi. But then I guess I should stop keeping it to myself.

    Tiningnan ko ng mabuti ang aking mukha sa salamin. Namumugto ang aking mga mata. Kahit hindi nagtagal ng isang oras ang iyak ko ay kitang kita parin ang intensidad ng ginawa ko. Namumula ito at kitang kita ang eyebags.

    Pinatuyo ko ang buhok ko gamit ang tuwalya pagkalabas. Nasa lamesa na sina Ava at Karl, kausap si Auntie tungkol sa kung ano. Natahimik sila nang nakita ako.

    Nagluto si Auntie ng pananghalian. Ni hindi ko iyon naisip. Hindi ko naisip na may bisita nga pala ako at mag aalas dose na. Mabuti na lang at nandito si Auntie.

    “Kain na tayo, Rosie,” ani Auntie.
    Tumango ako at tahimik na umupo upuang tapat kay Karl.

    Nakatitig si Karl sa akin. Para bang tinitimbang ang aking ekspresyon. Nag angat ako ng tingin sa kanya.

    “Ayos ka na?” tanong niya.

    Paano ba magiging maayos? Hindi ko alam. Tumango na lang ako.

    “Hindi ka pala umuwi kagabi?” tanong ni Auntie.
    “Nagkatuwaan kami ng mga kaibigan ko,” sabi ko.

    Kilala na ni Auntie sina Karl at Ava. Maging ang ilan pang kaibigan ko. Kaya paniguradong nakapagtanong na siya sa mga ito kung bakit ngayon lang kami dumating.

    “Nagpaalam ka ba sa mama mo?” tanong ni Auntie sabay abot sa kanin sa akin.
    “Alam na ni mama ‘yon. Pero di ko nasabi sa kanya na ‘di ako nakauwi. Ayaw kong mag alala siya…” sabi ko.
    “Saan ka naman natulog?” tanong ni Auntie.

    Noong kami pa ni Jacob, kung matagal akong makauwi, hindi na ipagtataka ni mama at papa. Kung saan ako uuwi, hindi na nila rin iyon ipagtataka. At maging nang lumipat ako sa kanila, buong puso nila akong pinaubaya kay Jacob. Nasasaktan ako ngayon kasi parang wala na ulit. Parang wala na silang pinagkakatiwalaan para sa akin. Hindi ko alam kung sakit ba iyon sa pagkakawala niya o sakit dahil nawala na ang nakasanayan ko. Maybe that’s it. This pain isn’t about losing him anymore? Maybe it’s about losing the traditions, the familiarity.

    “Sa kaibigan, Auntie. Kumusta ang byahe?” tanong ko para walain ang usapan pero kita ko sa kanya na hindi siya kumbinsido.
    “Maayos naman. Ayos ka lang ba talaga, Rosie?”

    Ngayon ay matapang ko na siyang tiningnan. Sumubo ako sa luto niyang beef steak at ngumiti.

    “Ayos lang, Auntie. Bakit?”

    Nagkatinginan si Karl at Ava. Pumikit ako nang napagtanto kung ano. They’ve done it. Pero ito na nga siguro ang tamang panahon para pag usapan pa ito.

    “Nagkita daw kayo ni Jacob kagabi? Saan?” tanong niya.
    Tumikhim ako at nilunok ang pagkain bago nagsalita. “Nakita ko siya. Hindi kami nagkita. Magkaiba iyon.”
    “O sige, nakita mo siya. Saan?” tanong ni Auntie.
    “Sa kung saan kami nagpaparty. Hindi pa ba nasasabi ni Karl at Ava?” sabay tingin ko sa mga kaibigan ko.
    “Rosie, we’re just concerned too,” ani Ava.
    “Fine!” sabay tingin ko kay Auntie. “Nagpaparty kami sa homecoming ko. Kasama ko naman sina Callix.”
    “Sinabi ni Callix kay Jacob kung nasaan ka?” tanong ni Auntie.
    “Hindi. Walang alam si Jacob at ‘tsaka hindi narin naman siguro sila masyadong nag uusap ni Callix. May sariling ginagawa si Callix at may sariling gawain din si Jacob. It’s not like they live in the same house…” sabi ko. “At anong pakealam ni Jacob…”

    Halos magkalasuglasug ang beef steak na inaatake ko bawat pagsasalita. Natahimik silang lahat. Maging si Auntie na maraming tanong. Isang buntong hininga ang pinakawalan niya.

    “Iyon ba ang dahilan kung bakit wala ka sa mood pag uwi mo?” tanong ni Auntie.

    Hindi ako nagsalita. Hindi ko masagot. Dahil oo, iyon nga.

    “Rosie, I know how you’re feeling…” ani Auntie kung saan ako umalma.
    “Hindi. Basta…” Gusto kong idugtong na huwag na lang naming pag usapan pero hindi ko ginawa. This is it. I am going to face it. After all those years, ngayon pa lang ako mag dedesisyon para sa aking sarili.

    Nangilid kaagad ang luha sa aking mga mata. Noong naghiwalay kami ni Jacob, halos wala akong niluha. Nagpatuloy lamang ako sa aking buhay na parang walang nangyari. Iyong mga tradisyon namin inisip ko pansamantalang suspended lang kasi marami akong gagawin pero ngayon heto na!

    “May ibang girlfriend na si Jacob,” ani Auntie na parang hindi ko alam.
    “Nasa Dubai ako, alam ko na. ‘Tsaka kahit dito sa Pinas, alam ko na…” sabi ko.

    Noong nag Dubai ako, pilit kong binura sa isip ko lahat. Hindi naman din ako nagtagal doon. mahigit anim na buwan lang ang inilagi namin ni Duke doon para sa isang proyekto niya. Nanunoot ang sakit sa akin tuwing gabi at tuwing mag isa ako kaya lagi kong pinapagod ang sarili ko.

    “At alam mong hindi siya basta basta nagkakaroon ng girlfriend. Hindi mapaglaro si Jacob sa mga babae.”

    Ramdam ko ang pait sa sinabi ni Auntie. Gusto kong sumigaw at patigilin siya sa pagsasalita. Hanggang ngayon ayaw kong marinig ang katotohanan. Gusto ko paring paniwalain ang sarili ko na hindi iyon maaari!

    “Alam ko, ‘te.”

    Unti unting gumapang ang luha ko sa aking pisngi. Nanaman. Pagkatapos ng pagpapanggap kong ayos ang lahat, ngayon ko lang talaga naramdaman ang sakit. Marami akong gustong sabihin pero hindi ko na kaya dahil nanginginig ang labi ko. Hindi ko na matapos ang pagkain.

    Tumayo si Ava at tumabi sa akin. Tinapik niya ang aking likod samantalang si Auntie ay uminom ng tubig. Kitang kita ko ang pamumula ng kanyang mga mata.

    “Alam ko kung gaano ka nasasaktan ngayon, Rosie…” ani Auntie na para bang mawawala ang sakit pag nalaman kong alam niya.
    “Hindi! Hindi Auntie… Hindi mo alam…” sabi ko.

    Kitang kita ko ang pagluha ni Auntie. Ayaw kong paiyakin na naman si Auntie pero anong magagawa ko kung mismong ang sarili ko, hindi ko matahan.

    “Rosie, kumain na tayo…” ani Karl, nalilito at hindi alam kung paano kami patatahanin.
    “Ganyan din ang naramdaman ko noong narealize ko na wala na talaga si Juan Antonio sa buhay ko. Noong nakita ko na siyang may kasamang iba, Rosie…”

    Umiling ako. Hindi parin ako naniniwala. Hindi ako kumbinsido at kailanman hindi ko tatanggapin na pareho kami ng naramdaman ni Auntie sa mga oras na iyon.

    “Rosie, noong umalis ako para sa sarili ko, alam kong sinasaktan ko si Juan Antonio. Pero naniniwala akong kaya niyang maghintay. Alam kong ganyan din ang iniisip mo.”
    Umiling ako at mas lalo akong umiyak.
    “Pagkabalik ko, siya namang pag alis niya. Ni hindi kami nagkausap ng maayos. Ni hindi ko alam kung may binalikan pa ba ako pero…” Humikbi si Auntie. ” Sabi ko sa sarili ko, maghihintay ako kasi pinaghintay ko rin siya ‘di ba? Ako naman ngayon ang maghihintay. Tapos sa kalagitnaan ng paghihintay ko nakahanap siya ng iba.”
    “Hindi!” sigaw ko. “Hindi! Hindi tayo pareho Auntie… Sa’yo, may pagkakataon ka. Pwede mong kausapin si Tito! Pwede mo siyang sundan! Pwede mo siyang iyakan! Pwede! Ang problema niyo lang ay kumunikasyon! Ako, hindi! Hindi! I have no choice! Walang binigay ang tadhana sa akin! Walang binigay ang Panginoon sa akin na ibang paraan para lagpasan ang lahat ng iyon! Wala! Kaya pinili ko iyon!”

    Hindi ko na nakilala ang sarili kong boses. Nanginginig ang bawat sigaw ko at mas lalo lamang humapdi ang mga mata ko.

    “It’s a choice between being broken or to break someone else! And I choose the first one! I choose to be broken! And yes, paninindigan ko ito ngayon! Paninindigan ko ang pagkawasak ko ngayon.”
    “It’s okay, Rosie…” Tumango si Auntie. “You did the right thing. Kailangan mo nang patawarin ang sarili mo. Kailangan mo nang patawarin si Jacob. Kailangan mo nang patawarin ang sitwasyon. Kailangan mo nang tanggapin ito.”

    Umiling ako.

    “Nagpaka mature ka sa desisyon mong iyon. That was the best decision you did, Rosie. And you know that. You can’t cry for that…” ani Auntie.
    “That was the best and the most destructive decision, Auntie. Kaya please, hayaan ninyo akong umiyak at masaktan. Hayaan ninyo akong mamuhi hanggang sa maubos ang lahat ng galit ko. Malay ko, ‘di ba? Pag sobra sobra na ang galit ko, magiging maayos na ako!”

    Pinalis ko ang mga luha sa aking pisngi.

    “Rosie, mas mabuting iwasan mo na lang muna si Jacob, ‘di ba? Masasaktan ka lang ulit ng ganito…”
    “She’s done with that, Ava…” ani Karl. “Isa pa, kailangan niya nang harapin ang katotohanan. She’s the only one affected now. Si Jacob, hindi na. Kaya kung nasa sitwasyon na, mas mabuting matuto si Rosie na harapin na lang. Hindi tulad noong tumatakbo siya.”

    I really don’t know what to do next. I just want to let out all my feelings and frustration.

    Nilingon ko si Auntie habang nagpupunas siya ng luha. Marami akong tanong sa kanya. Siguro ay masasagot nito lahat. Siguro ay pansamantalang maiibsan nito ang sakit.

    “Paano ninyo nakalimutan si Juan Antonio, Auntie?”

    I can’t believe she stayed even after she learned about Cielo Buenaventura. Kung ako ang nasa kalagayan ni Auntie, tinakbuhan ko na iyon. Ilang taon pa bago ako makakabalik ng Alegria tulad sa nangyari ngayon.

    Umiling siya. “Hindi ko siya nakalimutan. I just simply accepted what happened.”
    Umiling din ako. Hindi ako santo. Hindi ko kaya iyon. Talagang hindi kami pareho ni Auntie. At hindi ko alam saan ako pupulutin ngayon.
    “You have to, Rosie. Para maka move on ka na. Isa pa… ayaw kong magaya ka sa akin. Pag naka move on ka na, kaya mo nang magmahal ng iba.”
    “Ang ibig mong sabihin wala ka talagang ibang minahal kundi siya, buong buhay mo?” tanong ko.
    Tumango si Auntie.

    That’s stupid! That’s just plain stupid! Ang maisip na ganyan ang mangyayari sa akin ay hindi ko matanggap. Maybe this is a step to that. Because I can’t accept it, makakamove on ako, hindi tulad kay Auntie Precy.

    “Hindi ko yata kaya ‘yan! Someday, I’ll find someone to love. I will. Hindi iyong pinipilit. Hindi iyong minamahal ko lang dahil wala akong choice. Iyong tulad noong nangyari sa amin ni Jacob noon. Iyong…” hindi ko matapos tapos dahil naaalala ko naman lahat ng masayang kahapon.

    Pumikit ako ng mariin. Hindi ko na lang talaga tinapos.

    “Kahit para sa sarili mo lang. Kahit para mapatawad mo na lang ang sarili mo. Kahit iyon na lang talaga, Rosie. Huwag ka na munang mag iisip ng mamahalin mo sa tamang panahon, ang isipin mo ngayon ay kung paano mo papatawarin ang buong sitwasyon. Kung paano mo matatanggap si Jacob ngayon.”

    Tumango ako. Madaling sabihin pero mahirap gawin. Madaling sabihing magpatawad pero mahirap tuluyang isagawa.

    “I just really don’t know how to face this all,” mahinahon kong sinabi.
    “You don’t have to think about facing it all, Rosie. Kasi hindi mo naman kailangang harapin si Jacob kung hindi kailangan. Siguro ngayon, nahihirapan ka pa. Pero maaaring bukas, magiging maayos ka na. Eventually…” ani Ava.

    Pinasadahan ko ng daliri ang aking buhok. Alam ko iyon. Eventually. Like what I said years ago… Eventually, I’ll forget him. But did I believe it? Naniniwala ba akong makakalimutan ko talaga siya? Hindi. Iyon ang kulang sa akin. Hindi ako naniniwala. Kaya ngayon, panahon na para maniwala. His love didn’t stop. His love wasn’t suspended. His love was lost… gone… and will never come back… will never resume. Kailangan kong maniwala.

    “Ang sabi nila, ang mga relasyon daw na nagsisimula sa highschool, hindi nagtatagal. Malabong magkatotoo pagkatapos ng ilang taon,” ani Auntie. “Kaya siguro…” Tumango siya. “Isa kami sa nagpatunay ng sinabing iyon.”

    Suminghot ako at pilit na kinalma ang sarili. Kitang kita ko ang luha sa gilid ng mga mata ni Auntie Precy.

    “Kahit na gaano pa ninyo ka mahal ang isa’t-isa, darating ang puntong kailangan mong magdesisyon para sa sarili at hindi para sa inyo. After all, kahit anong sabihin ninyong kaya ninyong dalawa ito, admit it… mag isa ka lang talaga sa mundong ito. You have to decide for yourself. And not for the both of you… Those situations help you grow, Rosie. You’ve grown and I am proud of you…” tumango si Auntie sa akin.

    Kinagat ko ang labi ko. Sana ay hindi na lang ako nagmature kung ganoon. Umiling agad ako. There’s no point in that now. I need to really look forward.

    “You two have grown… And sadly, you’ve grown apart too. But it’s okay. Ayos lang, Rosie. Ayos lang iyan. Nadapa ka lang. Nadapa lang kayong dalawa.”
    Tumango ako. “Oo. At nauna lang siyang umahon. Kasi noong nadapa ako, gumapang lang ako para magpatuloy sa buhay. Kaya mas dumami ang sugat ko. Hindi tulad niyang tumigil ang mundo. Kaya ngayon, ngayong nakabangon na siya. Isa lang ang sugat niya. At mabilis itong naghilom, ganoon ba?”

    Humugot ako ng malalim na hininga.

    “Oo. Naiintindihan ko ngayon. Pero hindi ako Santa kaya hindi ko makakayang pasanin lahat ng ito. I would burst from time to time. i would even curse him to death if I get hurt… and I will… But I need all of it. I need the pain. Kailangan ko ng sampal para masaktan ako at tuluyan na talagang magising. I can’t be like this forever.”

    Tumayo si Auntie at niyakap ako ng mahigpit. Mas lalo lang bumuhos ang luha ko dahil sa pagtatahan niya. I feel like it’s really happening now. This is really the end of it all.

  • Kabanata 3Open or Close

    Kabanata 3
    Takot

    Mabuti na lang at nagpasya sina Ava at Karl na manatili muna sa bahay. Pakiramdam ko kapag kami lang ni Auntie dito wala akong gagawin kundi ang umiyak.

    “Malay mo, makakahanap ka ng iba, ‘di ba? ‘Tsaka ano ba naman ‘yan, masyadong late reaction…” ani Ava sabay ngisi.

    Alam kong pinapagaan lang nila ang aking pakiramdam. Ngumiti rin ako pabalik.

    Tiningnan ko si Auntie Precy habang nagliligpit ng mga pinggang tapos na naming hugasan kanina. Nasa sala na kami nina Karl at Ava at nanonood ng TV. Hindi naman mapirmi ang mga mata ni Karl doon dahil sa mga photo album na kinuha niya galing sa aming cabinet.

    “Hindi ko lang talaga nabigyan ang sarili ko ng pagkakataong tanggapin ang lahat. Kailangan ko ng sampal,” sabi ko sabay yakap sa throw pillow.

    Napatingin ako kay Ava na nakatingin rin kay Auntie Precy.

    “Ilang taon na ang Auntie mo? Hindi na ba talaga siya mag-aasawa? I mean, sayang at ang ganda niya…”

    Bumaling ulit ako kay Auntie. Lahi nina papa ay may mapuputi at makikinis na balat. Ang mga labi ni Auntie ay pulang pula kahit na walang lipstick, tama ang hubog ng kanyang kilay, ang tangos ng ilong ay kasing hugis sa akin, at hindi man lang tumaba o ano.

    “Hindi ko alam.”

    Umiling ako.

    “Magkamukha talaga kayo ni Auntie Precy, ‘no, Rosie? ‘Yong kaibahan ninyo lang ay ‘yong buhok. Kulot ang dulo ng sa’yo samantalang straight naman hanggang dulo ang kanya,” singit ni Karl habang tinitingnan ang mga larawan sa isang photo album na hindi ko pa nakikita.

    Kumunot ang noo ko. Marami kaming photo album dito at sa Alegria pero ang hawak hawak ni Karl ay ngayon ko pa lang nakita. Kulay puti at medyo inaalikabok ito. It’s like a wedding photo album.

    “Patingin?” sabi ko sabay abot nito.
    “Saglit lang. Kakasimula ko pa lang…” sabi niya.

    Nagsiksikan kami sa aming sofa. Nakita ko ang mga lumang picture. May ilan sa kanilang black and white pa.

    “Saan mo ‘to nakuha?” tanong ko.
    “Diyan sa kabinet ninyo. Bakit?” ani Karl.
    “I’ve never seen this before…”
    “Si Don Juan Antonio ba ito?” sabay turo ni Karl sa lalaking katabi ni Auntie Precy.

    Nanlaki ang mga mata ko. I’ve seen Don Juan Antonio’s pics noong kabataan niya pero hindi ganito ka bata sa picture na ito. They’re like 15 or 16 years old.

    “Oo!”
    “Kamukhang kamukha niya si Jacob!”

    Tumindig ang balahibo ko. They were so alike. Ang hugis ng mukha, ilong, labi, tikas, lahat ay parehong pareho.

    Nilingon ko si Auntie. Hindi pwedeng si Maggie ang kumuha nito sa Alegria.

    “Auntie, ikaw ba ang nagdala nitong photo album?” tanong ko.

    Kitang kita ko ang gulat sa kanyang mga mata nang makita ko iyon. Lumapit siya sa amin. Akala ko ay magagalit siya pero pumungay ang kanyang mga mata.

    “Kamukhang kamukha ninyo po pala talaga si Rosie…” ani Ava kay Auntie.
    “Uh-huh. Mas maputi nga lang yata siya ng kaonti sa akin.”

    Ngumuso ako at bumaling ulit sa mga pictures. Sa sunod na mga pahina ay nakita ko na ang mga pictures ni Auntie noong nag aral siya sa Maynila.

    “Wala ka po bang naging suitor kahit noong nag aral ka sa Maynila, Auntie?” tanong ni Ava.
    “Mayroon naman pero…” nagkibit siya ng balikat.

    Kinagat ko na ang labi ko. Hindi ko maipagkaila ang pagkakaparehas namin ni Auntie.

    “Si Rosie din. Noong nag hiwalay sila ni Jacob, maraming nanligaw agad. Iyong iba kasama pa niya sa pagmomodel, mga gwapo pero walang-“
    “I needed to concentrate on my studies. At isa pa, hindi ko hiniwalayan si Jacob dahil hindi ko na siya mahal.”

    Tumikhim si Karl at umiling na lang.

    “So si Don Juan Antonio lang talaga?” tanong ni Ava. “Wala bang kahit muntikan na? Kahit isa lang? Kahit noong nag asawa na si Don Juan, wala bang nagtangka sa Alegria?” Halos dinig ko na ang pag aalala ni Ava sa kanyang boses.

    Huminga ng malalim si Auntie. Kitang kita ko ang luha sa gilid ng kanyang mga mata. I get it. Three years and it’s still fresh. Mas okay na iyong ganito. Mas okay na na may iba na lang si Jacob. Mas okay na may mahalin siyang iba.

    Tumayo ako at dumalo kay Auntie. Niyakap ko siya at nginitian.

    “Mayroon namang mga manliligaw din sa Alegria, pero iba talaga, e.” Nanginig ang kanyang boses.

    Natahimik si Ava. Pumikit ako ng mariin at hinagod ang likod ni Auntie.

    I can feel her pain. Ngunit alam kong dulo lang ito ng tunay na intensidad ng sakit na nararamdaman niya ngayon. And I have no right to claim that I know what she’s feeling because I don’t. Eto ngang nadulas lang si Jacob sa aking mga kamay, halos mawasak na ako. Paano na lang kung iyong nawala na talaga siya mismo. I can’t do that.

    Or maybe because it’s still fresh for me too.

    Pinunasan ni Auntie ang kanyang luha. Bumaling siya sa akin.

    “Hindi ko talaga nasabi sa kanya ang tunay kong nararamdaman, Rosie…” aniya.

    Parang pinipiga ang puso ko. Hindi ako nakapagtanong kung ano talaga ang tunay na estado sa kanila ni Don Juan Antonio. I admit it, siguro ay talagang preoccupied ako sa sarili kong buhay, sa sarili kong sakit… kaya halos wala akong pakealam sa ibang taong nakapaligid sa akin. I don’t care about their pain. I only care about mine… and Jacob’s…

    “Kahit noong nakabalik na siya galing Maynila. Kasi… may Cielo na, hindi ba. I was happy for him. I’m happy when Jacob was born. Ibinaon ko lahat lahat ng sakit sa ilalim ng puso ko dahil ayaw ko nang bulabugin pa ang nakaraan,” aniya.

    Niyakap ko uli siya. I don’t have to look at her eyes to see her feelings. Mga salita niya pa lang, alam ko nang masakit.

    “Kahit noong namatay si Cielo, hindi ko parin nasabi sa kanya na naghintay ako. Even years after Cielo died, I never once told him that I am still… here…”

    Nanginig na ang balikat ko. I know where this is going and I have to really face it.

    “At ayaw kong magaya ka sa akin. There’s no chance now. Kaya ikaw, kahit hindi ngayon… Kahit antayin mo na kaya mo nang harapin siya at tunay kang masaya para sa kanya. You have to tell him what you really feel about him. Huwag mo nang isipin kung sino ang may kasalanan, you ended it for the greater good, Rosie.”

    Tumango ako at bumuhos ang mga alala sa lahat ng nangyari mahigit tatlong taon na ang lumipas.

    Pumikit ako ng mariin at niyakap pa lalo si Auntie Precy.

    Natigil ang halik ni Jacob sa akin nang may kumalabog sa pintuan. Galit na galit ako para sa kasambahay o kung sino mang kumakatok ng hindi iniisip kung nakakaistorbo ba.

    Nagpatuloy si Jacob sa paghalik sa akin at ganoon rin ang katok. Bahagya ko siyang tinulak. I’m not like him. Hindi ko kayang may kumakatok habang nag hahalikan kami sa kwartong nilaan niya para sa akin.

    Suminghap siya at ginulo ang buhok.

    “Sino ‘yan?” sigaw niya.
    “Sir! Si Joy po ito! May tawag kay Nic…” Hinampas ulit ng kasambahay ang pintuan.

    Inayos ko na ang damit ko. Mukhang seryoso ito pero bumalik lang si Jacob sa kama at walang pakealam. Tumayo ako kahit na hinila niya ako pabalik. I need to at least know what it is all about.

    “Rosie!” tawag ni Jacob.

    Binuksan ko ang pintuan. Maliit na bukas lang at nakita ko ang nagpapanic na mukha ng kanilang kasambahay. Sa kanyang kamay ay kanyang cellphone.

    “Oh, bakit?” tanong ko.
    “Kasi po ma’am, tumawag si Nic, kailangan kausapin si Jacob… Nabangga po kasi ang Ranger nila pabalik na dito…”

    Unti unting kumalabog ang puso ko. May hangganan talaga ang kasiyahan. Mukha pang hindi iyon narinig ni Jacob kaya nang nilingon ko siya ay nakatingin lamang siya sa akin na parang wala.

    “Anong sabi?” tanong niya.

    Napalunok ako sabay tingin ulit sa kasambahay.

    “Sinong sakay ng Ranger at… saan naman nabunggo?”

    Tumayo na si Jacob at binuksan ng malaki ang pintuan ng kwarto ko. Nakatingin na siya kay Joy at naghihintay ng sagot.

    “Anong sinabi mo?” tanong ni Jacob.
    “Nabangga daw po ‘yong Ranger, teka lang…” nilagay ng babae ang cellphone sa tainga pero naglahad ng kamay si Jacob.

    Binigay ng kasambahay ang cellphone at si Jacob na mismo ang kumausap sa kabilang linya. Hindi ko alam anong gagawin ko. Ang gusto ko lang malaman ay kung sino ang sakay at kung gaano kalala.

    Hindi ko alam pero kalmado ang mukha ni Jacob habang nakikinig sa cellphone. Gusto ko siyang yugyugin dahil sa pag aalala ko.

    “Saang ospital?” tanong niya.

    Halos nalulunod na ako sa kaba ngunit kalmado parin siya. Umigting ang panga niya at napatingin siya sa akin.

    “Sige. Pupunta ako diyan.”

    Binaba niya kaagad ang cellphone. Lumabas siya sa kwarto ko at dumiretso sa kanya. Sinundan ko siya at tinawag. Kalmado parin siya pero pirmi ang kanyang kilos.

    “Jacob anong sinabi?” tanong ko nang pumasok siya sa kanyang kwarto.
    “Nadisgrasya si daddy. Kritikal… Nasa ospital ng San Gabriel…”

    Nalaglag ang panga ko. Hindi pa ako nakagalaw. Hinayaan ko siyang magbihis. Nang nahimasmasan ay mabilis akong tumawag sa kay Maggie para ibalita at para magpaalam na sasabihin ko iyon kay Auntie Precy.

    Sumama ako kay Jacob sa San Gabriel. Tahimik ang buong byahe namin at hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Ako mismo ay kabado at hindi mapakali.

    “Jacob.”

    I can’t tell him how scared I am because I know he’s scared too. I know deep inside he’s so scared! At hindi ko alam kung paano gayong kaming dalawa ang takot.

    “Magiging maayos si Tito. Tinawagan ko si Auntie at pupunta rin siya mamaya. Sinong nagmamaneho?” tanong ko.
    “‘Yong isang driver namin…” aniya sabay tingin sa akin. “Sa front seat daw si daddy, e.”
    “Anong nakasagasa? At paano nangyari?” Halos manginig ang boses ko.
    “Isang truck ng mga nag la-logging. Mabilis daw ang patakbo ng truck at mabilis din ang Ranger…”

    Pumikit ako ng mariin. I can’t imagine it. I don’t want to.

    Sa ospital ay nauna na si Auntie Precy. Papa Maynila ang byahe ng Ranger nina Jacob nang na aksidente ito. Ligtas ngunit kritikal ang driver nina Jacob ngunit pagdating namin ni Jacob sa ospital, patay na si Don Juan Antonio…

  • Kabanata 4Open or Close

    Kabanata 4
    Anong Nangyari

    Pagkatapos ng ilang araw, hindi parin ako makapaniwala. Namumugto ang mga mata ko habang tinitingnan ang pagbaba ng kabaong ni Don Juan Antonio sa sementeryo. Panay ang iyak ko ngunit mas grabe ang hagulhol ni Auntie Precy.

    Kahit noong sa ospital pa lang ay halos magunaw na ang mundo namin. Jacob cried in the hospital. Niyakap ko siya ng sobrang higpit. Nanginginig ang kanyang balikat at sobrang wasak ng puso ko. Iba ang pakiramdam na nakikitang ang minamahal mo ay wasak na wasak at wala kang magawa.

    But here now… ni isang luha ay walang pumatak sa kanyang mga mata. He held my hand. He hugged me tight.

    Nagtapon siya ng puting rosas sa kabaong ni Don Juan Antonio. Ganoon din ako, si Auntie Precy at iba pang relatives ni Jacob. Callix was there too. My friends were there. Si mama at papa ay parehong nasa ibang bansa at hindi basta bastang makauwi kaya wala sila.

    Sa harap ko ay si Maggie na naiiyak na rin. I really can’t believe it. Hindi ko pa tuluyang matanggap na sa isang aksidente, sa isang iglap lang, nawala si Don Juan Antonio.

    Kinalma ko ang sarili ko. Maybe he did not cry because he saw me weak. At ayaw ko ng ganoon. I should be there for him. I should be strong for him at times like these.

    “Jacob…” tawag ko.

    Nilingon niya ako at hinigit pa palapit sa kanyang dibdib. Hindi siya ng dapat nag cocomfort sa akin. It should be the other way around.

    Pinalupot ko ang aking braso sa kanyang leeg. I know he’s feeling sad right now. Niyakap niya ako pabalik at ibinaon niya ang kanyang mukha sa aking balikat. Hindi siya nagsalita. Hindi ko rin alam kung umiiyak ba siya. Basta alam ko, sobrang higpit ng yakap niya sa akin.

    It lasted that way for a while. Hanggang sa tuluyan nang nailibing ang kanyang daddy.

    Dahil sa libing, nakilala ko halos lahat ng pamilya ni Jacob. Nakilala ko na ang pamilya ni Callix noon pero mas nakausap ko sila ng maayos ngayon. Nakilala ko rin ang mga pinsan ni Don Juan Antonio. Pare-pareho ang tikas ng mga Buenaventura.

    “Jacob, can we talk?” tanong ng Tito niya sabay tingin sa akin.

    Kausap namin si Auntie Precy. Umalis na ang ibang tao at tanging direct family na lang ang natitira doon.

    Niyakap ko si Auntie habang tinitingnan si Jacob na kinakausap ng kanyang tito. Sinalubong siya ng nag aalalang tita. Hinagod ang likod ni Jacob at niyakap.

    Wala nang natira sa kanyang mga magulang. And he’s the only son. Ngayong nakikita kong may ibang pamilya siyang nandyan para sa kanya, hindi ko maiwasang mapaluha. I want to thank them for being there.

    “Anong sinabi ng tito mo?” tanong ko nang nasa sasakyan na kami.

    Pansamantalang tumigil ang buhay para sa aming dalawa dahil sa nangyari pero hindi tumitigil ang mundo. We need to go to school. Marami na kaming absent.

    “Just about the business…” sabi niya nang hindi tumitingin sa akin.
    “Kailan ang balik nila sa America?” tanong ko.
    “Hindi ko alam.” Bumaling siya sa akin. Parang marami pa siyang iniisip pero hindi niya sinasabi.

    Hinawakan ko ang kamay niya. Huminga siya ng malalim at tiningnan ang magkahawak naming kamay. Pinaglaruan niya ang aking mga daliri.

    “Walang mag aasikaso sa negosyo ni daddy…” aniya.

    Hindi ako nagsalita. Hinintay ko ang kanyang sasabihin. Alam kong marami pa ito.

    “Tumigil kaya ako sa pag-aaral?”

    Nalaglag ang panga ko sa gusto niyang mangyari. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Hindi ko alam kung paano nga naman ihandle ang kanyang sitwasyon. Siya ang natatanging tagapagmana ng lupain ng kanyang pamilya, ng kanyang ama… paano na ito ngayon gayong wala na ang tagapangalaga?

    “Ano sa tingin mo, Rosie?”

    Hindi ako makapagsalita. Maybe education isn’t important to him… dahil na rin sa sitwasyon. Para sa akin, wala kaming pera at pag aaari, edukasyon lamang ang tanging pwede kong maging pag-aari balang araw.

    “Sayang ang nasimulan mo na…” iyon lamang ang tanging nasabi ko.
    “Hindi ko pa gamay ang negosyo. Kahit na tumutulong ako kay daddy, may mga transaksyong hindi ko pa alam. Hindi ko pwedeng pagsabayin ang pag aaral ko at pagnenegosyo.”
    Nagtiim bagang ako. “Pano kung mag enrol ka sa kolehiyo sa Alegria?”
    “Siguro kapag nakuha ko na kung paano gawin ang negosyo…” aniya. “Lumipat ka sa Alegria Community College…”

    Hinigpitan ko ang hawak ko sa kanyang kamay. I can… I may… I’m not sure. I need to stay by his side.

    “Tatapusin ko muna ang semester na ito. Hindi mo ba ito tatapusin, Jacob?”

    Ngumuso siya at natulala. Pakiramdam ko ay maging siya, hindi alam kung ano ba talaga. I can sense that he wants to finish his studies but he has so many responsibilities.

    Binigyan namin ang aming mga sarili ng ilang araw para makapag isip. Bumalik kaming dalawa sa pag aaral. Tutal ay kaonting buwan na lang matatapos na namin ang semester na iyon.

    Tumunog ang cellphone ni Jacob habang kumakain kami. Tumingin siya sa akin.

    “Sasagutin ko lang ‘to,” aniya sabay tayo.

    Tumango ako at pinagmasdan siya. His massive shoulders were in my view now. Ilang araw na siyang abala sa negosyo at pag aaral. Pakiramdam ko ay wala na siyang magawang mabuti. It should be either the business or his studies. I really don’t know what to say to him. Gusto kong piliin niya ang pag aaral pero kailangan niyang piliin ang negosyo. Kung hindi niya pagtutuonan iyon ng pansin, masasayang ang gawa ng kanyang ama.

    “Sige… sige…” aniya.

    Binaba niya ang kanyang cellphone at bumalik ulit sa hapag. Tiningnan ko siya at pinagtaasan ng kilay.

    “Tumawag si Lito. Pinaayos ko kasi iyong mga truck…”
    Huminga ako ng malalim. “Jacob, hindi kaya mas mabuting huwag mo na lang munang unahin iyong trucking? Kasi baka mahirapan ka. Paano iyong farm ninyo? Wala na ang daddy mo para gawin iyon.”
    “May deal si daddy sa lahat ng harvest namin sa buwang ito. Naghihintay ako kung ano ‘yon. Ang sabi ni Lito, bagong kompanya daw iyon. Nag risk daw si daddy kaya hindi ko muna gagalawin ang farm…”
    “Kung…” Alam kong sayang pero nakita ko rin ang kanyang mga grades. Hindi maganda ang grades niya sa midterms siguro ay dahil kasagsagan ng pagkamatay ng daddy niya iyon. “I-drop mo na lang kaya ‘yong subjects mo para mapag tuonan mo ng pansin ang-“
    “Idrop mo rin ang sayo at lumipat ka ng Alegria…” hamon niya.
    Umiling ako… “Jacob… Susunod ako pagkatapos ng semester na ito.”
    Umiling din siya. “Hihintayin kita.”

    Tumigil ako sa pangungumbinsi. I know with his tone, he won’t change his mind.

    Hinayaan ko siyang mag-aral at mag negosyo. Minsan ay nami-miss niya ang ilang subjects kapag kinailangan niyang umalis at pumuntang Alegria.

    “Leo, si Jacob?” tanong ko isang araw nang nakita kong hindi nila kasama si Jacob.

    Nagkatinginan sila ng kanyang mga kasama.

    “Nagmamadali iyong umalis, Rosie. Uuwi daw muna siya ng Alegria. Pumunta sa classroom mo para magpaalam.”

    Diretso kong kinuha ang cellphone ko.

    “Ganoon ba? Wala kasi kaming pasok sa period na ‘to kasi may sakit ang prof. Tawagan ko na lang…”

    Tinalikuran ko sila at niyakap ang mga libro ko. Sa pangatlong ring ay sinagot niya ang tawag.

    “Hello, Jacob…”
    “Rosie, nasan ka? Walang tao sa classroom ninyo.”
    “Nandito ako sa inyo. Sina Leo lang ang naabutan ko. Ba’t ka uuwi ng Alegria?”

    And he’ll probably miss his subjects today and tomorrow too. Hindi ko na binanggit. Alam kong ganito rin naman ang mangyayari.

    “Babalik ako diyan… Diyan ka lang…” aniya at binaba ang cellphone.
    “Anong sabi, Rosie?” tanong ni Leo.

    Humilig ako sa dingding ng kanilang classroom.

    “Babalik daw siya dito. Dito na lang ako maghihintay.” Ngumisi ako kay Leo. “Salamat.”
    Hindi siya ngumisi pabalik. Seryoso ang kanyang mga mata at parang may gusto pang sabihin. Nang sa wakas ay nakapag desisyon. “Rosie, mukhang may problema sa nakaraang deal ni Don Juan Antonio, e. Kaya namomroblema si Jacob sa farm nila…”
    Nagtiim bagang ako. Matagal ko nang nararamdaman iyon ngunit naniniwala akong magiging maayos parin. “Maaayos siguro ‘yan ni Jacob…”
    Tumango si Leo. “Sana nga. Bumili pala ng lupa si Don Juan sa likod ng Trucking ninyo. Twenty Hectares lahat ng binili niya…”

    Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko alam iyon. Ekta ektarya na ang pag aari ni Jacob at para saan pa ang bente ektaryang binili ni Don Juan bago siya pumanaw?

    “Rosie…” tawag ni Jacob dahilan kung bakit natigil ang pagkamangha ko.

    Tumuwid ako sa pagkakatayo. Mabilis siyang tumabi sa akin at inangat niya ang aking baba para makuha ang buong atensyon ko. My heart skipped a beat. Talaga naman…

    “Tapos ka na ba sa klase mo? Uuwi muna ako ng Alegria, may kailangan akong asikasuhin…”
    Umiling ako. Ang tanong ay tapos na ba siya? May pasok pa siya, ah. Pero hindi ko na sinabi dahil alam ko kung ano ang priority. “Jacob, ikaw na lang. May pasok pa ako ‘tsaka wala akong maitutulong sa’yo. Alam mo namang wala akong alam sa negosyo…”
    “Bukas pa ako uuwi ng mga hapon. Paano ka?”

    Kung anu ano na ang nangyayari, ganito parin siya. Napangiti ako.

    “Tatawag ako pagka uwi ko. Ayos lang ako. Babalik ka naman bukas…”
    “Okay… Ihahatid na kita sa sunod mong classroom bago ako umalis…” sabay hawak niya sa librong dala ko.

    Hinayaan ko siya sa gusto niyang mangyari. Gusto ko rin sanang isingit ang gig offer ni Kira sa akin para sa susunod na linggo pero tingin ko ay hindi ito ang tamang oras para doon.

    “Okay lang ba ang farm?” tanong ko habang hinahawakan niya ang kamay ko.
    Ilang sandali pa bago siya nagsalita. “May utang si daddy na ilang milyon dahil may binili siyang lupa malapit sa trucking…”
    “Hindi ba ay inyo iyong likod? Anyway… huwag mo na lang kasi munang asikasuhin ang trucking. Ang importante, maayos mo iyong farm…” sabi ko.
    Tumango siya. “Ang budget para sa trucking ipang aayos ko sa utang pero kulang parin iyon.”
    “O, anong problema? Bakit ka uuwi?” tanong ko ng nakataas ang kilay.
    “Pansamantala kong ipapasarado ang Kampo Juan dahil kulang sa tao. Napeste ang mais. Hindi ko alam na hindi naghanda si daddy ng pangontra bago siya naaksidente. Hindi kami makakaabot sa…”

    Natigil na ako sa paglalakad dahil sa pakikinig sa kay Jacob. Mukhang maraming problema. Hinila niya ako para makapaglakad ulit.

    “… sa deadline na gusto ng bagong ka deal ni daddy.”
    “Paano ‘yon?” tanong ko.
    Umigting ang panga ni Jacob. “Magbabawas muna ako ng tao para hindi lumaki ang utang.”

    Napalunok ako. I really think he should concentrate on his business. Ginapangan ako ng kaba ngunit binalewala ko iyon. Kaya ‘to.

    Tumingkayad ako para mahalikan siya sa pisngi. Natigil siya sa mga iniisip niya at ngumiti sa akin. Damn that smile. I smiled back at him. Hinapit niya ang aking baywang at hinalikan niya ako sa noo.

    “Uuwi din ako bukas, okay. Tawag ka kaagad pagkauwi. Huwag kang magpapamiss masyado…”
    Humalakhak ako. “Oo na! Sige na… Papasok na ako,” sabay turo sa loob ng classroom.

    Kumaway ako sa kanya. Kumaway rin siya sa akin. Hinintay kong makaalis siya ngunit sinenyasan niya akong kailangan ko ng pumasok. Mukhang di siya aalis hangga’t hindi ako nakakapasok.

    Pagkapasok ko ay umupo kaagad ako sa arm chair. Nasa kay Jacob pa ang isipan ko nang tumunog ang cellphone ko. Nakita kong tumatawag si Maggie.

    Umirap ako at tamad na sinagot ang tawag.

    “Yes?” sabi ko habang nag aayos ng gamit.
    “Rosie, t-tumawag si papa…” ani Maggie.
    “Tapos?” wala sa sarili kong tanong.
    “Na ospital daw si mama.”

    Natigil ako. Hindi ma proseso sa utak ko iyon.

    “Anong nangyari kay mama?” Tumaas ang tono ng boses ko.

    Napatingin ang ilang kaklase ko sa akin. Pumikit ako ng mariin at nilagay ang kamay sa aking noo.

    “Ilang buwan nang tinago ni papa sa atin na madalas magkasakit si mama. Kanina daw, nanigas daw si mama h-habang natutulog. Kaya isinugod na sa ospital…” nanginginig ang boses ni Maggie.
    “O tapos? A-Ano daw? Anong nangyari?” Halos bumukas na ang dibdib ko sa kaba.
    “Nag complicate daw ang hypertension niya. Mild stroke-“
    “Hypertension? Bakit hindi ko alam ‘yan?” Gusto kong sumbatan si Maggie kahit alam kong wala rin siyang alam.
    “Hindi ko rin alam! Hindi sinabi ni papa!”

    What the hell?

    “Tapos? Kamusta na?” Nangilid ang luha ko ngunit nanatiling matapang ang boses ko.
    “Hindi ko pa alam. Iyon pa lang sinabi ni papa.”
    “Mag, tawagan mo naman o!”

    Dumating ang propesor namin. Hindi ko na alam kung lalabas ba ako at uuwi. Ano naman ang maitutulong noon?

    “Sige na… Mag usap tayo pag uwi ko…”

    Binaba ko ang cellphone kahit marami pa akong tanong. Nagtipa kaagad ako ng message para kay Jacob. Bahagya pa akong nag dalawang isip. Marami siyang problema tapos sasabihin ko pa ang problema ko?

    Ako:
    Jacob, naospital daw si mama sa Gore. :( Saan ka na? Ingat ka pauwi ha? Sa likod ka umupo.

    Nanghihina ako. Pero kaya ‘to, alam ko.

  • Kabanata 5Open or Close

    Kabanata 5
    Liability

    Umuwi muna ako sa amin para makausap si Maggie. Gusto ko ring makausap si papa sa Skype at magtanong kung kumusta na sila doon.

    Pareho kaming depressed ni Maggie sa nangyayari pero ayaw namin iyong ipakita. Lalo na kay Papa. Kailangan naming maging matatag.

    “Pa, kumusta?” tanong ko at tumabi kay Maggie para makita ng mabuti ang screen ng laptop.
    “Nasa ospital pa ang mama ninyo.” Iyon lamang ang sinabi niya.
    “Kumusta na siya? ‘Tsaka, uuwi ba kayo? K-Kamusta na siya?” frustrated na sinabi ni Maggie.

    Hinawakan ko ang braso ng aking kapatid. We need to calm down. Lalong lalo na sa mga sitwasyong ganito.

    “Maayos na siya ngayon. Salamat sa Diyos at mild lang-“
    “Ano ba kasing nangyari?” ani Maggie.
    “Noong isang araw kasi, nag birthday iyong Pinoy kong natrabaho. Naimbitahan kami sa kanila at may lechon. Miss na miss na ng mama ninyo ang lechon kaya naparami…” ngumiti si papa.
    Hindi ko parin makuha ang humor doon. I know he’s just smiling para gumaan ang loob namin.
    “Hindi ko naman inakala na ganoon ang mangyayari. Nagising na lang ako ng mga madaling araw, tapos nakita ko siya… sinugod ko siya sa ospital. Mabuti at naagapan. Maayos na siya ngayon pero pansamantalang mananatili dito sa ospital. Hindi pa niya masyadong maigalaw ang kanang kamay.”

    Dumapo ang kamay ko sa aking bibig. I can’t believe that my mother is in this state. Masiyahin at masigla si mommy. Ang marinig na ganito siya ngayon ay nakakapanlumo.

    “Hindi malala kaya huwag kayong mag alala. Nag panic lang ako. Maayos ang lagay ng inyong ina. Natutulog siya ngayon pero pagkagising niya, tatawag ulit ako sa inyo.”
    “Hindi ba kayo uuwi?” tanong ni Maggie ulit.
    “Maggie, alam mo namang wala pa kaming ipon para gawin ‘yan…”
    “Hindi na po ako mag aaral muna. Magtatrabaho na lang po muna ako. Kahit si Rosie na lang muna ang pag aralin, umuwi lang kayo…”
    Huminga ng malalim si papa. “Gaya ng sabi ko, napag usapan na namin ng mama ninyo kanina ito. Ayaw niyang umuwi. Gusto niyang magtrabaho dito. Magpapahinga lang daw muna siya. Gusto niyang tapusin ang lahat ng ito. Iyong pag aaral ninyo at pangarap din niyang magkaroon tayo ng sariling bahay.”
    “Pero pa…” apila ni Maggie.

    Napapikit ako. Hindi ko alam kung paano ito. Alam kong hindi magpapaiwan si papa sa New Zealand. Parati silang magkasama ni mama. Alam ko rin na ayaw ni mama na umuwi ng di kasama si papa. At ayaw rin ni mama na umuwi dahil maghihirap kami. Ano ngayon kung maghirap? Ang importante ay maayos kami.

    “Maggie, ayaw ko nang guluhin pa ang isip ng mama ninyo. Mamaya mas lalo lang siyang magkasakit pag pinagpilitan ko. ‘Tsaka sabi ng doctor, she’s okay now. Huwag lang kumain ng grabe. At magiging normal din siya in time kapag nakapag pahinga ng maayos.”

    But mild stroke isn’t a joke.

    “Titigil po muna ako. Mag tatrabaho na lang muna ako-“
    Pinutol ako ni Maggie. “Ako ang magtatrabaho. Tutal ay naka ilang tigil na rin ako, Rosie. Sayang naman ‘yan kung di mo itutuloy.”
    “Pero Maggie, maghihirap lang tayo. Pwede naman tayong magtrabahong dalawa para maka uwi si mama at papa dito…”
    “Oo nga, pa…” sabay tingin ni Maggie sa laptop.
    Umiling si papa. “Aantayin ko na lang kung kailan makukumbinsi ang mama ninyo. Sa ngayon buo parin ang loob niyang manatili kami dito. Hindi na muna siya makakapagtrabaho…”

    Nakakapanlumo ang lahat. Hindi ko alam kung paano mapipilit si papa at mama na umuwi. Alam kong susunod si papa sa kung anong gusto ni mama at kung gusto ni mama’ng manatili, wala na kaming magagawa.

    Tulala kaming pareho ni Maggie sa sala pagkatapos ng tawag. Naiisip ko ang mga pwede kong pasukang trabaho. Naisip ko rin ang pag aaral na iiwan ko. Naisip ko rin si mama at papa. Naisip ko kung anong mangyayari sa lahat.

    “Rosie…” ani Maggie kaya nawasak ang katahimikan. “Ganito, mag tatrabaho ako para sa gastusin sa bahay. Huwag na muna tayong manghingi kay papa ng pera. Kailangan niya iyon para sa gamot ni mama.”
    “Mag tatrabaho na rin ako-“
    “Hindi!” iritado niyang sinabi. “Tutal ay may trabaho ka naman, hindi ba? Kahit na nag aaral ka, nag momodeling ka. Gamitin mo ang pera mo sa pagmomodel sa pang matrikula mo. Allowance. Huwag mo nang isipin ang bahay…”

    Alam kong mahirap ito kay Maggie. Pangalawang tigil niya na ito kung sakali. Kaya ko namang magsakripisyo. Manghihinayang ako. Pareho naman kaming nanghihinayang. Pero alam ko ang mga priorities.

    “Maggie, kaya ko ring magsakripisyo-“
    “Ako ang Ate mo kaya hayaan mo ako. Ako ang masusunod pag wala si mama at papa at sinasabi ko sayo ngayon na ako ang bubuhay sa’yo, pansamantala. Ako muna ang magbabayad sa gastos, Rosie. Kumpara sa ating dalawa, ikaw ang mas angat sa pag aaral dahil ilang beses akong tumigil kaya mauuna ka.”
    “Hindi naman yata tama ‘yan. Palagi na lang bang ikaw ang magsasakripisyo?” galit kong sinabi.
    “Oh please! I know you also want to finish your studies fast. I know you can do it, Rosie. Kaya huwag ka nang mag reklamo at sumunod ka na lang. Don’t worry, I’ll let you pay for this in time. Kapag tapos ka na at ako naman ang mangailangan, alam kong hindi mo ako tatalikuran kaya sige na.”

    Gulong-gulo ang isip ko. Ganunpaman ay nagpatuloy ako sa pag-aaral. Mas lalo kong pinagbuti.

    Iba talaga kapag nag aaral ka ng may purpose kumpara sa wala. Mas inspirado ka.

    Hinalikan ako ni Jacob sa labi nang pabagsak siyang humiga sa aking kama. Nilingon ko siya. Nakapikit na siya sa aking tabi.

    Dinampian ko ng halik ang kanyang labi. Mas lalo lamang niya akong nilapit sa kanyang dibdib at ilang sandali ay naging pirmi na ang kanyang paghinga.

    He’s asleep.

    Siguro ay pagod sa pabyahe byahe. Mabuti na lang at tapos na ang semester na ito. Madugong semester at marami kaming pinag daanan pero kaya parin kahit paano.

    “Jacob, may gig nga pala ako mamaya…” sabi ko pero alam kong tulog na siya.

    Nasabi ko na sa kanya ito. Hindi naman niya ako pinagbawalan at nasanay na siya. Only that he wants to be with me always. Pero paano ito ngayong gayong tulog siya at mukhang pagod?

    Nakatutok ako sa cellphone ko, nag aantay kay Jacob. Kumpleto na ang make up at damit ko. Kakagising niya lang kanina at papunta na raw siya dito.

    “Brandon!” sigaw ng mga kaibigan kong model.

    Napatingin kaagad iyong iba sa akin. Nagkatinginan kami ni Brandon. He’s his usual self. Nakatali ang buhok niya ngayon at ang kulay silver na tuxedo ay magandang tingnan sa kanya.

    Ilang gig na rin na nagkikita kami at saludo ako sa kanya. Walang awkwardness sa aming dalawa. Maybe because of his happy go lucky attitude, huh?

    Isa kami sa mga finale. Nasa isang room lang kami at naghihintay na magsimula at magkaroon ng signal para sa amin. Jasmine isn’t around. I heard, she pulled out on this agency.

    “You look tensed…” ani Brandon.
    Nag-angat ako ng tingin sa kanya. “Wala pa si Jacob…”

    Nang nakatanggap ako ng text ay tumuwid ako sa pagkakaupo. Lumapit si Brandon sa akin at dinungaw lamang ako.

    “Brandon, so you really did sign up for that international stint?” biglaang pambungad ni Kira sa hamba ng pintuan.

    Lumapit siya sa amin ngunit hindi ko mapirmi ang atensyon ko sa kanila.

    “Yup… Kaya wala ako sa susunod ninyong gigs… By the way, invite your models this coming May. May offer si Mr. Valenzuela sa akin. Kinagat ko na para naman hindi boring pagbalik ko sa Tagaytay!” Tumawa siya.

    Jacob:
    Papunta na ako. I’m sorry, pagod na pagod ako.

    Ako:
    Okay lang… Sana hindi ka na lang nag abala. Mas okay sa akin na makapagpahinga ka.

    “Para saan?” tanong ni Kira.

    Nag angat ako ng tingin kay Brandon. Nagkibit siya ng balikat kay Kira at sumimsim sa canned energy drink.

    “I’m not quiet sure if it’s a pageant or just a contest. Basta, alam ko he’s inviting amateur models to join. It’s for V Malls catalogue. Malaki ang premyo at sa Tagaytay gaganapin. I’m just there to host the venue of the event… I’ll send you the details soon.”

    Bumaling si Brandon sa akin.

    Kumunot ang noo ko. “Aalis ka sa agency?” tanong ko.
    “Hindi naman aalis pero may stint ako sa ibang bansa so… I’ll be there for siguro a month…” Nag ngising aso siya. “Why? Are you going to miss me?”
    Umirap ako at tumawa. “Seriously, Brandon. International?”
    “Hay! Nagulat ka pa e alam mo namang international model iyan. Hindi ko alam bakit rumarampa pa ‘yan dito sa Pinas!” Tawa ni Kira.
    “Babalik naman ako, Kira. Tulad ng dati…”
    “That’s a good offer…” Hindi ko maiwasang mainggit. Kapag may international offer, ibig bang sabihin malaking pera ang makukuha? Malamang. Malamang mas malaki sa nakukuha dito.
    “Yup…” Tumango si Brandon sa akin.
    “Uy, teka! Sige na mag retouch na muna dahil nagsisimula na ang una…” ani Kira sabay palakpak.

    Naging abala ulit kami sa backstage. Habang minimake upan ako ay panay ang tingin ko sa cellphone ko para sa text ni Jacob.

    Jacob:
    Traffic. Makakaabot pa ba ako?

    Ako:
    Huwag kang mag madali. Ayos lang… Please…:)

    Ilang sandali ang nakalipas ay tinawag na kami. Wala pang text galingkay Jacob. Siguro ay nasa byahe parin siya.

    “Ano ba, Rosie? Isasama mo ba ‘yang phone mo sa ramp?” sigaw ni Kira.

    Ngumiwi ako at nilagay iyon sa drawer ng tukador. Lumabas na ako ng backstage para maghanda. Hindi ko alam kung makakaabot pa ba si Jacob pero ayaw ko siyang ipressure.

    Nang nagsimula nang mag dim ang lights at mag slow ang music, alam ko nang kami na. Ang suot ko ay isang puting flowing gown. Long sleeve ito at conservative ang harap. Ang deep V back nito ang highlight dahil naroon ang mga intricate designs na gawa ng designer namin ngayon.

    “Go Go! Brandon!” sigaw ni Kira at nauna na doon si Brandon sa mga lalaki.

    Sumilip ako sa labas. Maraming tao at pormal lahat. Hindi ko mahanap si Jacob.

    Nang tinawag na ni Kira ang mga babae ay inalis ko na sa isipan ko ang lahat. I’m doing this to earn so I should concentrate.

    Nang ako na ang naglakad, gustuhin ko mang luminga linga para kay Jacob, hindi ko ginawa. I need to be serious on this. Kung gusto kong magka offer ako ng tulad kay Brandon, kailangan kong seryosohin ang lahat ng ito.

    Dahan dahan ang paglalakad ko. Sinasalubong ko ang matitingkad na kulay sa madilim na paligid. I abandoned all my thoughts. Ang tanging nasa sistema ko na lang ay ang pagrampa at pag project sa mga camera.

    Nang bumalik ako sa backstage ay ‘tsaka pa lang ako nakahinga ng malalim. Hindi pa nga ako nakalma ay pinalabas ulit kami para sa pagpapakilala sa designer. Sumunod ako, mas relax na ngayon.

    Pinasadahan ko ng tingin ang crowd pero wala akong nakitang Jacob. I’d like to think that he’s just somewhere I couldn’t see.

    Ilang sandaling nagsalita ang designer habang naroon kami sa stage. Bumalik na lang kami ay hindi ko parin nakita si Jacob. Nang nakarating sa backstage ay tumakbo agad ako sa aking cellphone.

    Jacob:
    Kararating ko lang.

    Jacob:
    Tapos na?

    Marahan akong pumikit. Ngayon lang iyong mensahe niya. Nahuli na siya.

    “You need to be really good in this industry…” pagalit na singhal ni Kira para sa isang modelo.

    Napalingon ako at nakita kong iyong bagong recruit na 16 years old ang pinapagalitan niya.

    “Kailangan mong mag seryoso! At bakit ka linga ng linga doon sa gitna? Nagmukha kang tanga! Finale pa naman sana!” sigaw niya.
    “Kira! Calm down…” ani Brandon.

    Hindi ko alam kung anong nangyayari pero hindi na ito bago sa akin.

    “Kung may pangarap ka palang mag international, dapat mas magaling ka pa diyan. Consider this as your experience! And you should learn from it. Marami ka pang kakaining bigas kaya wag kang mag mayabang…”
    “Kira…” pigil ulit ni Brandon.

    Nagkatinginan kami ni Brandon. Mabuti na lang at hindi talaga ako luminga linga kanina. Malaking event ito kaya sobrang pressured ang mga organizers at ang buong agency.

    Magsasalita na sana ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Mabilis kong sinagot ito sa pag aakalang si Jacob ngunit nang nabasa kong si Auntie Precy iyon ay natigilan ako saglit. Umalis ako doon para sagutin iyon.

    “Hello, Auntie…” sabi ko.

    Hindi ako magtatagal sa tawag dahil kailangan ko pang tawagan si Jacob.

    “Rosie… kumusta?” tanong ni Auntie.

    It’s weird that she’s calling just to ask this. Alam kong hindi weird mangumusta pero hindi lang ako sanay. Minsan ay tumatawag siya pag may ibabalita o kung pinapapunta niya kami ng Alegria.

    “Okay lang. Nasa gitna ako ng trabaho, Auntie…”
    “Magkasama ba kayo ni Jacob?” tanong niya sa nag aalalang boses.
    “Hmmm. Nasa labas po siya, bakit?”

    Kumalabog ang puso ko. Hindi ko alam kung anong mayroon.

    “Hindi ba kayo pupunta ng Alegria ngayon?”

    Litong lito na ako. Ngayong summer, hindi pa ako nakakapag desisyon kung kukuha ba ako ng subjects (para mas mabilis gumraduate) o tumigil at mag antay ng June (para iwas gastusin) kaya hindi pa ako makapag desisyon.

    “Bakit? Kakarating lang ni Jacob dito, e. Baka sa makalawa na at sasama ako.”
    “Kasi tumawag ang kasambahay nila. Pinuntahan daw ng bangko iyong mansyon nina Jacob, Rosie!”
    Hindi ako nakapagsalita. “Para saan?”
    “Dahil doon sa deal ni Juan Antonio sa isang bagong corpo. Iyong tinanim niya sa 20 hectares na lupa ay napeste gaya ng maisan nila kaya mas lumaki ang utang. Ang sabi ni Manang, inuna daw ni Jacob iyong trucking mo kaya iyong perang sana pwedeng ipambayad sa pananim ay naubos sa trucking.”

    Nasapo ko ang aking noo. Hindi ko alam kung saan tungo ito.

    “Pumunta iyong bango at pinagpipilian kung alin ‘yong kukunin pansamantala habang di pa nakakabayad si Jacob sa utang ni Juan Antonio…”
    Kinagat ko ang labi ko. “Anong kukunin?”
    “Alin man sa pag aari nila. Sana ay ibigay niya muna ang trucking since liability ito sa ngayon.”

  • Kabanata 6Open or Close

    Kabanata 6
    Please, Rosie
    Hindi ko pa nabubura ang make up ko nang hinarap ko si Jacob. Pinalupot niya kaagad ang kanyang kamay sa aking baywang at sininghot ang aking leeg.

    “I’m sorry…” bulong niya.
    “It’s okay…”

    Naka puting v neck t shirt na ako ngayon at jeans. Uuwi na sana ako kanina pa dahil tapos na ang ramp pero nanatili ako nang sabihin ni Kira na may mga gig pa siyang pwedeng i offer sa akin.

    “Uuwi na tayo ng Alegria, hindi ba? Nakapag desisyon ka na ba kung mag su-summer ka o hindi?”

    Ngumuso ako. Gustuhin ko mang umuwi ng Alegria at doon magbakasyon, mahihirapan ako. I have lots of work to do at gusto ko iyon para makatulong sa pamilya.

    “Jacob, baka hindi ako makapag bakasyon. Siguro mga limang araw lang muna tapos balik ulit ako dito…”
    “Ha?” bahagya siyang natigilan sa sinabi ko.

    Nasa corridors parin kami ng building kung saan ginanap ang ramp. Nagyaya siyang kumain sa labas pero niyaya ko naman siyang sa bahay na lang nila para makatipid.

    “Oo. I need to work. Pagsasamantalahan ko ang summer na ito para makaipon pang tuition ko next sem. Hindi na rin kasi ako makakapagtrabaho madalas next sem kasi baka maging busy ako sa mga subjects…” paliwanag ko.
    “Hindi mo na kailangang mag trabaho, Rosie. Ilang beses ko iyang sasabihin sa iyo? At isa pa, alam mong ayaw ko sa modeling na ito…”
    Ngumiwi ako. “Kailangan kong magtrabaho, Jacob… May sakit si mama, alam mo ‘yan. ‘Tsaka, napag usapan na natin itong tungkol sa modeling. Alin ba ang mas gusto mo, ito o regular work? Iyong tipong hindi ko hawak ang pang araw araw kong sched?”
    Suminghap siya. “Ako na ang magbabayad sa tuition mo next year, okay?”

    Nanlaki ang mga mata ko. Ilang beses niya nang tinangkang gawin iyan noon. Ngayon pakiramdam ko ay dapat hindi niya na inaalok iyon. I know the real standing of their company and it’s bad. Pati ba naman ako ay magiging pabigat? At isa pa, kahit na maganda ang takbo ng negosyo nila, hindi ako papayag na siya ang gumastos para sa akin. I can still work. I can do things for myself kaya bakit ko iaasa sa iba ang bagay na kaya ko naman?

    “Jacob!” saway ko. “Kaya kong bayaran ang sariling tuition ko, I just need to work.”
    “Kaya kong bayaran iyan kaya hindi mo na kailangang magtrabaho-“
    Pinutol ko siya, hindi ko na napigilan. “Jacob, hindi pwede iyon. Isa pa…” Lumunok ako. “Your businesses are failing.”

    Nagdilim ang mga mata niya. Pakiramdam ko ang bagay na ito ay tinatago niya sa akin. Hindi ko gusto iyon. Kaming dalawa ang magkasama kaya dapat lahat ng problema ay sinasabi niya sa akin.

    “Tinawagan ako ni Auntie Precy kanina. Pinuntahan daw ng bangko ang mansion ninyo sa Alegria. May babawiin sa ari-arian ninyo para makabayad ng utang.”

    Nag iwas siya ng tingin saglit. Nang nakamata na siya sa akin ay nakataas na ang kanyang kilay.

    “Kaya kong bawiin ‘yan lahat. Bigyan lang ako ng panahon…” aniya.

    Nagpatuloy siya sa paglalakad palabas ng building. Sumunod ako sa kanya.

    “Jacob, I think kailangan mo munang isuko ang Trucking…” panimula ko sa gusto kong mangyari.
    Tumigil siya sa paglalakad at nilingon niya ako. “Maganda at malaki ang kikitain ko sa Trucking.”
    “Kabibili mo pa lang niyan at alam kong malaki ang ginastos mo. Sa lupa pa lang, malaki na. Sa mga truck? Ilan ang truck? At ilang milyon kada isa? Ang laki ng gastos mo sa lahat ng iyan, bukod pa sa mga tauhan, Jacob.”

    Hindi siya umimik. Hindi na rin siya makatingin sa akin ngayon.

    “Alam kong mahal mo ang trucking kasi regalo mo iyan sa akin. Pinangalan mo nga sa akin, hindi ba? But this time, it’s a liability to you. Anong idedeliver mo kung napeste ang mga pananim? If you give it up now, you can save the businesses your father built.”
    “Kaya ko ang lahat ng ito, Rosie,” giit niya. “Kahit na mag iwan pa ang ama ko ng ilang bilyong utang, kakayanin ko lahat ng ito kaya hayaan mo na ako.”

    Hindi na ako nakapagsalita. Tiningnan ko lamang siya. Tunay na wala akong alam sa negosyo pero hindi mahirap ianalyze ang nangyayari.

    Nagpatuloy kami sa paglalakad nang nakalabas na kami. Dumiretso kami sa kanyang Hummer.

    “Sa labas na tayo kumain. Gusto kong makipag date sa’yo…” aniya.

    Hindi parin siya makatingin sa akin. Ngumiti ako ngunit hindi ko maalis ang takot at pangamba. Is everything really okay?

    “O sige…” sabi ko, pinagbigyan siya.

    Sa isang filipino restaurant kami kumain. Gusto niya rin di umanong manood ng sine. Gusto ko rin ng time sa kanya kaya pinagbigyan ko na.

    “Jacob, nanonood ka pa ba?” tanong ko nang naramdamang kanina pa siya sa leeg ko nakahilig.
    “Hmm?” he kissed my neck.

    Huminga ako ng malalim at pilit na bumaling sa kanya. Sobrang lapit ng mga ilong naming dalawa. Nagkatinginan kami. Hinaplos niya ang singsing na binigay niya sa akin noon.

    “Sa susunod na taon na ba tayo magpapakasal?” tanong niya sa malambing na boses.

    Nagkasundo kami na iantala ang kasal dahil sa pagkamatay ng kanyang papa. Hindi pa namin napagkakasunduan kung kailan ulit dahil sa trahedya at ngayon binuksan niya ulit ang topic.

    “Titingnan natin, Jacob,” sabi ko at nag iwas ng tingin.

    Pakiramdam ko ay may problema at ako lamang ang nakakakita. Hindi kaya tinatago niya sa akin? O baka he really is taking all of these lightly.

    “Bakit? Nagdududa ka na ba na ako ang papakasalan mo?” pabulong ngunit may diin nang sinabi niya ito.
    “Hindi ako nagdududa.” Hinuli ko ang daliri niyang nakahawak sa aking singsing. “Pakiramdam ko, maraming mga bagay ang kailangan nating unahin. ‘Yong mama ko, ‘yong pag aaral, ‘yong negosyo ninyo…”
    “Tss… Kung magpakasal tayo, uuwi ang mga magulang mo. Hindi ko na sila palalabasin ng bansa para magtrabaho. Hindi mo na rin kailangang magtrabaho…”

    Pumikit ako ng mariin. Sana ganoon ka simple iyon. Kaya ba iyon? Kaya pa ba iyon sa negosyo nina Jacob ngayon?

    Pagkadilat ko ay nakatingin parin siya sa akin. Tila ba inaabangan niya ang pag oo ko.

    “Jacob, ‘tsaka na pag naayos ang negosyo ninyo, okay? Marami pa tayong mga problema.”

    Nagkatinginan kaming dalawa.

    “Maaayos din ‘yan, Rosie…” aniya.

    So there really is a problem. Nilagay niya ulit ang kanyang mukha sa aking leeg. Tiningnan ko na lang ang screen at pilit na pinanood ang movie.

    Pagkatapos noon ay wala na akong naintindihan sa buong movie. Mabuti pa siya at nakakatawa pa tuwing may kakatawanan.

    Patapos na ang movie nang hindi ko na napigilan ang sarili ko.

    “Jacob, alin ang pinakuha mo muna sa bangko?”
    “Hmmm? ‘Yong Kampo Juan.”

    Ang pinaghirapan ng kanyang ama!

    “Hindi pa iyon tapos kaya magiging abala-“
    “Kumpara sa Trucking, mas hindi tapos ang trucking, Jacob.”

    Nanlaki ang mga mata ko nang may napagtanto. Hindi niya maibibigay ang trucking dahil nakapangalan iyon sa akin! Akin ang lupa at lahat ng naroon kaya hindi niya iyon maaaring ibigay sa bangko!

    “Jacob…” Bahagya ko siyang hinarap kaya tumuwid siya sa pagkakaupo. “Ilipat natin sa pangalan mo ‘yong Trucking!”
    “Binigay ko iyon sa’yo, Rosie kaya sa’yo ‘yon!”

    Mas lalong lumala ang sitwasyon. Matigas ang ulo ni Jacob tungkol sa Trucking kaya pinagpatuloy niya iyon. Ang resulta, kalahati ng farm nila ay pinambayad sa natitirang utang.

    “Sasama ka mamaya sa party?” tanong ni Kira sa akin pagkatapos ng isang gig.
    Umiling ako habang nagliligpit ng gamit. “Hindi, e. Aalis ako. Uuwi ako ng Alegria.”

    Ang buhay ko ay pabyahe byahe naman. Sa Maynila at Alegria. Hindi na rin kasi umaalis si Jacob sa Alegria para tutukan ang negosyo. Hindi ko naman maiwan ang Maynila dahil sa trabaho.

    Alas nuwebe ng gabi nang nakarating na ako sa Bahay ni Lola. Ang usapan namin ni Jacob ay magkita doon ngunit simula nang nag alas sais kaninang gabi ay hindi na siya nakapag reply. Ang huling sinabi niya ay dumating ang kanyang Tito at Tita, magkita na lang kami sa kay Auntie Precy.

    “Rosie!” salubong ni Auntie sa akin sa pintuan.

    Bumagsak kaagad ako sa sofa. Siguro ay abala si Jacob sa pag eentertain sa kanyang mga kamag-anak.

    “Kumain ka na ba?” tanong ni Auntie at tumabi sa akin.
    “Hindi pa po…” sagot ko sabay pikit sa mga mata.
    “Naku! Ganoon ba? Sige, mabuti na lang at marami ang niluto ko.”
    “Auntie, hindi ba napadaan si Jacob?” tanong ko at sinundan ng tingin si Auntie sa kusina.
    “Hindi, Rosie. Abala ‘yon sa kanyang kamag-anak. Nagpunta daw kasi iyong Tito at Tita niya. Iyong galing ibang bansa.”
    Tumuwid ako sa pagkakaupo. “‘Yon bang umuwi para sa burol ni Don Juan Antonio, Auntie?”
    “Oo…” ani Auntie.

    Tumayo ako at sumunod sa kanya sa kusina. Nilapag niya sa lamesa ang kanin at adobong manok. Umupo kaagad ako at naglagay ng kanin sa pinggan. Simula nang umalis ako sa Maynila, hindi pa ako nakakakain.

    “Bakit? Anong nangyari?” tanong ko.
    Nagkibit ng balikat si Auntie. “Ewan ko. Siguro concerned kay Jacob dahil sa nangyayari sa J.A ngayon. Iyon na lang ‘tsaka ang Trucking ang mayroon siya. ‘Tsaka kanina, nagbawas ng tao sa pabrika.” Hindi makatingin si Auntie sa akin.

    Kahit na gutom ako ay hindi ko halos masubo ang pagkain. Hindi ako nakekealam sa negosyo. Wala rin naman kasi akong alam tungkol doon. Hindi ko alam kung paano ba talaga nagpapatakbo ng J.A. foods. Ni hindi ko alam kung alam ba ni Jacob kung paano. Maaaring alam niya pero siguro dahil sa utang na iniwan ni Don Juan, nahihirapan siya.

    Siguro namili si Don Juan ng mga ari-arian para na rin kay Jacob. At kampante siyang mababawi niya ang lahat ng nawala sa negosyo. Pero ngayong wala na siya, hindi na nabantayan ng maayos. Isa pa, bago nawala si Don Juan, ang Trucking ang inaasikaso ni Jacob kaya hindi niya alam ang pasikot sikot ng J.A.

    “Kug ibenta niya kaya ‘yong Trucking, Auntie, mababawi kaya niya iyon? Kung ibalik niya iyon kina Jasmine?” napainom ako ng tubig.
    “Hindi ko alam. Hindi na rin naman siguro tatanggapin ng pamilya nina Jasmine, ‘yan Rosie. Kapag naibenta ang Trucking, siguro masasalba niya ang Kampo Juan at kapag naayos ni Jacob ang pagpapatakbo ng J.A, magiging maayos ang lahat.”

    Napatalon ako nang may biglang kumatok sa pintuan namin. Umaliwalas ang mukha ko. Kahit sa mga binungad ni Auntie Precy na problema sa akin, masaya at excited parin akong makita si Jacob.

    “Ako na…” ani Auntie at mabilis na pinagbuksan ang kumakatok.

    Kahit nasa kusina ako ay naririnig ko ang maligayang batian ni Auntie Precy at Jacob.

    “Magandang gabi, Auntie Precy. Nandito na si Rosie? Kanya po ba ang mga gamit na ‘yan?” tanong ni Jacob.

    Napangiti ako. Halos mabali na ang leeg ko kakatingin sa bukana at kakahintay na maaninag ko siya. At nang nakita ko na nga siya ay lumapad ang aking ngiti.

    Kitang kita ko ang pagkagat niya sa kanyang labi. Pinaulanan niya ng halik ang aking pisngi.

    “Jacob, kumakain ako!” sabay tili ko.
    “Jacob…” saway ni Auntie.

    Ngumisi siya at umupo sa tabi ko. Tumingin siya sa aking pagkain bago nagsalita.

    “Ngayon ka pa lang mag di-dinner?”
    Tumango ako. “Pagod ako sa byahe, e. Natulog lang ako habang nasa bus…”
    “Bakit ba kasi hindi ka pumapayag na ipadala ko sa’yo ang Hummer pag umuuwi kang Maynila?”
    “Jacob, paano kapag aalis ka sa inyo? Anong sasakyan mo?” tanong ko.
    “Marami kaming mga truck, Rosie… O sige, ganito na lang. Bibili ako ng kotse para dito sa Alegria. Ang Hummer, pwede mong dalhin sa Maynila kasama ang dalawang drivers ko.”‘

    Habang nagsasalita si Jacob ay nagkatinginan kami ni Auntie. He’s spending money like it’s not going to run out. Hindi ko alam kung alam pa ba ni Jacob ang ginagawa niya.

    “Jacob, hindi na kailangan iyon. Gagastos ka na naman…” sambit ko.
    “Jacob, ‘yong Tito at Tita mo nasa bahay ninyo pa?” singit ni Auntie Precy.
    “Ah, oo Auntie,” sagot niya.
    “Bakit daw sila nandito? Ang akala ko, nakabalik na ng America sina Samuel at Lydia?”
    “Sinamantala na lang din nila ito para makapagbakasyon. Napabisita lang sina Tito Samuel at Tita Lydia dahil sa negosyo…” ani Jacob.

    Mariin ko siyang pinagmamasdan. Tinitimbang ko kung ano na talaga ang estado ng lahat ng ito. Hindi siya makatingin sa akin ngunit wala ni isang bakas ng pangamba sa kanyang mukha.

    “Bakit? Ano na ba ang nangyayari sa negosyo n’yo?” singit ko, pinagmamasdan parin siyang mabuti.
    “Nagbawas kami kanina ng mga tao sa J.A. Mahirap kasi lalo na’t iyong ekta ektaryang na peste, hindi pa matataniman dahil hindi pa fertile ang lupa.”
    “Kung taniman mo kaya ng ibang pananim?” tanong ni Auntie.
    Tumango ako bilang pagsang ayon.
    “Pwede naman sigurong huwag munang mais ang itanim mo, hindi ba?” dugtong nito.
    “Iyong mga kailangan kasi ng kliyente ay mais. Doon kasi talaga nag sesentro ang J.A.”

    Napatingin na si Jacob sa akin. Ngumiti siya na parang wala lang ang lahat ng ito sa kanya.

    Pero ako, pakiramdam ko medyo mabigat na talagang problema ito. Pakiramdam ko ilang kalabit na lang babagsak na talaga lahat ng pinaghirapan ni Don Juan Antonio at ni Jacob.

    “Kamusta ang poultry at babuyan? Balita ko’y nagbawas din kayo ng mga tao doon?” tanong ni Auntie.

    Nagkatinginan ulit kaming dalawa.

    “Oo. Kailangan na pero ibabalik ko rin naman sila kapag nakabawi na ang J.A.”

    Binagsak ko ang mga mata ko sa aking pagkain. I tried to act calm but my thoughts are tangled.

    Kung bibitawan niya ang trucking, maaaring mababawi niya ang J.A. Pero kapag hindi, baka ito na talaga ang pagkakabagsak ng J.A. Foods.

    “Kumain ka pa, Rosie… Namamayat ka na…” saway niya kaya naibalik ko sa kanya ang aking mga mata.

    Should I ask Jasmine to take it? Kung ako kaya ang magbibenta nito tutal ay sa akin naman nakapangalan? Kung tatanungin ko si Jacob at magsusuggest ako, paniguradong hindi siya papayag. Pero ito na lang ang sulusyon para matapos ang kanyang problema. May iba pa ba? Bakit nandoon ang Tita at Tito niya sa kanila? Ano kaya ang mga naiisip nila? Makakatulong kaya sila?

    Binalik ko ang buong atensyon ko kay Jacob. Bumaba ang tingin niya sa aking labi. Nakaawang na kasi ito dahil sa dami ng iniisip ko. Tinikom ko iyon dahilan kung bakit bumalik ang mga mata niya sa aking mga mata.

    Pumungay ang mga mata niya. He really is damn good looking. Galing sa kanyang medyo magulong buhok, matangos na ilong, malakas na panga, at nakakapang akit na labi. I hate to think that he’s hiding something from me. Naiinis ako na alam kong may problema siyang tinatago sa akin. Naiinis ako na hindi niya kayang ipakita sa akin na nahihirapan na siya. Gustong gusto kong pasanin ang problema niya para ako na lang ang mahirapan pero ayaw niyang ipakita man lang sa akin ito.

    Isang hilaw na ngiti ang pinakawalan ko bilang ganti sa kanya. “Pagkatapos kong kumain, punta tayo sa inyo?”

    Napawi ang ngiti niya. Humugot siya ng malalim na hininga. Nilagay niya ang takas na buhok ko sa likod ng aking tainga.

    “Dito ako matutulog ngayong gabi. Kung papayag si Auntie?” ngumiti siya kay Auntie Precy.
    “Gusto kong kausapin ang Tito Samuel mo…” sabi ko.

    Tinitigan ako ni Jacob, pagkatapos ay umiling siya.

    “Puro negosyo lang ang bukambibig noon. Dito na tayo, Rosie. Ito na nga lang ang pagkakataon kong makawala sa pag iisip tungkol sa aming negosyo, ipagkakait mo pa. Please, Rosie…” malambing niyang sinabi.

  • Kabanata 7Open or Close

    Kabanata 7
    Childish

    “This is not about that, Jacob!”

    Kinaumagahan ay sumama ako kay Jacob sa kanilang bahay. Ayaw niya ngunit nagpumilit ako kaya wala siyang nagawa. Kumain ako ng almusal kasama ang kanyang tito at tita nang biglang may tumawag sa kanya. Hindi ko alam kung sino pero alam kong tungkol sa negosyo ang pinag uusapan.

    Umalis si Jacob sa hapag para sagutin ang tawag ngunit medyo matagal iyon kaya sumunod ang Tito Samuel niya.

    Si Samuel Buenaventura ay pinsan ni Don Juan Antonio. Napag alaman ko kagabi ang pinagmulan ng negosyo nina Jacob. His great great grand father bought pieces of land for farming. May anak itong dalawa. Ang panganay ang pinagbigyan ng lupain at ang isa naman ay pinag aral sa Maynila. Ang panganay ang lolo ni Jacob. Ang lolo ni Jacob ang nagsimula sa J.A. Foods. Maliit na farm lang ito noon pero dahil kay Don Juan Antonio (Kung saan tunay pinangalan ang J.A.) lumago ang negosyo. Ang Tito Samuel niya ay nakatira na sa ibang bansa bilang isang surgeon sa isang malaking ospital.

    Ang nagdadala talaga ng negosyo ay si Don Juan Antonio. At expected na si Jacob ang magmamana dahil siya ang natatanging anak ng Don.

    “It’s a shame that Juan Antonio died the way Cielo died years ago…” umiling si Tita Lydia sa akin.
    Tumango ako at pinagmasdan si Jacob at Tito Samuel.

    Nasa cellphone parin si Jacob. Pagkababa niya ay umalis siya doon. Sumunod si Tito Samuel sa kanya dahilan kung bakit umalis din si Tita Lydia sa hapag.

    I can’t stay there alone and feeling helpless. Umakyat ako at pumunta sa study ng yumaong Don Juan Antonio.

    Hindi tuluyang sarado ang pintuan. Siguro ay nakaligtaan na ni Tita Lydia.

    “This is not about that. I am not going to take your business away from you. God!” sigaw ni Tito.
    “Kaya kong hawakan ang negosyo. Kailangan ko lang ng panahon.”
    “I will give you time. And hopefully, hindi maubos lahat ng pinaghirapan ng iyong ama sa mga oras na ibibigay ko sa’yo…” ani Tito Samuel.
    “Jacob, you’re still young and I bet you don’t know much about the business. Your father was wrong when he didn’t teach you anything about it.”
    “Tinuruan niya ako kung paano patakbuhin ito-“
    “Unfortunately, hindi ka niya tinuruan kung paano patakbuhin ito kahit lumpo na…” ani tito Samuel.
    “Samuel, let him handle the business…” ani Tita Lydia.
    “All I am asking from you is to let me handle it. Hindi ko babaguhin ang kahit ano, isasalba ko lang.”
    “Kaya kong isalba ito ng mag-isa!” ani Jacob.
    “Kaya mo ito kung sana ay inuna mo iyong negosyo ng ama mo! Inuuna mo pa iyang Trucking. What goods are you going to deliver when you don’t have enough plants? Hindi ba dapat iyon ang pagtuonan ng pansin? Tutal ay kung makakabawi ka naman, pwede mo namang bilhin ang Trucking ulit. If you really are confident na mapapaahon mo sa pagkakalubog ang negosyo ninyo, e di ibenta mo ang Trucking pansamantala!”

    Humilig ako sa dingding. Ang trucking talaga ang pangunahing problema nila.

    “Hindi mo maibenta ang Trucking kasi hindi nakapangalan sa’yo, Jacob?” tanong ni Tita Lydia.
    “Hindi ko ibebenta ang Trucking,” mariing sagot ni Jacob.
    “You can ask Rosie! Maiintindihan niya iyon. Pag binenta mo ang Trucking hindi ibig sabihin noon na hindi mo na siya mahal! I bet she’ll understand. You’re girlfriend seems a good girl, Jacob.”
    “Hindi ‘yan ang dahilan ko! Basta! Hindi ko ibebenta ang Trucking! Kaya kong palaguin ang negosyo ng mag isa nang hindi binibenta-“
    “Sige nga!” Tumawa na ang Tito niya ngunit walang humor. “I just do hope na hindi mo mauubos lahat ng ari arian ni Juan Antonio!

    Tumuwid ako sa pagkakatayo para umalis na sana. Isang hakbang pa lang ay narinig ko ang sinabi ni Jacob.

    “Kahit maubos pa, hindi ako sasama sa inyo sa ibang bansa…”

    Natigil ako sa paghakbang. Nanlaki ang mga mata ko.

    “Hindi mabuting iwan mo ang pag-aaral, Jacob. Lalo na ngayong hindi mo alam kung paano patakbuhin ang negosyo n’yo. Tapusin mo muna ang pag-aaral mo. And while doing that, I am going to train you-“
    “Paano n’yo ako ma ti-train kung malayo ako sa negosyo? Hindi ba ay nararapat na dito lang ako para matuto ako?”
    “Paano ka matututo kung walang magtuturo?”

    Kahit gulat na gulat ako ay nagawa ko paring umalis doon. Nanginginig ang tuhod ko pagkababa ko ng hagdanan. Dumiretso ako sa lamesa at napainom ako doon ng tubig.

    May planong ganoon?

    Bumaba si Jacob ilang sandali ang lumipas. Pumungay ang mga mata niya nang nakita niya ako at umupo siya sa tabi ko.

    “Sorry doon. Busy kasi tumawag ‘yong kakontrata ni daddy para doon sa mga napesteng maisan…”

    Hindi ako nakapagsalita. Nanatili ang utak ko doon sa offer ng kanyang Tito na umalis at mangibang bansa. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Hindi ko alam kung aaminin ko ba na narinig ko iyon o hayaan na muna ang lahat na mangyari.

    Unti unting pinipiga ang puso ko habang tinitingnan siyang naglalagay pa ng isa pang bacon sa aking pinggan.

    “Ang ayaw ko talaga ay pag naaapektuhan ang pagkain mo dahil sa modeling na iyan. Kumain ka ng maayos, Rosie,” aniya.
    Tumango ako at hindi na nakapagsalita.

    Kinalimutan ko pansamantala ang nalaman ko. Kahit kay Auntie Precy o kay Maggie ay hindi ko binanggit. Bumalik ako ng Maynila para gawin ang iilang gigs.

    “Rosie!” patiling sigaw ni Kira.

    Halos mapatalon ako sa harap ng salamin. Tinatanggal ko na ang headress ko dahil patapos na ang pangalawang gig sa araw na ito. May isa pa bukas at sa makalawa, makakauwi na ulit ako ng Alegria.

    “O, bakit?” tanong ko.

    Sobrang lapad ng ngiti niya at may dala-dala siyang papel.

    “I have been invited to send a girl sa pageant sa Tagaytay… Ikaw ang gusto ko!”

    Tagaytay? Ito ba iyong binanggit ni Brandon sa akin a month ago? Umiling kaagad ako, nag usap kami ni Jacob tungkol dito at mariin niyang sinabi na hindi ako pwedeng sumali.

    “Ayaw ko, Kira. Kumuha ka ng iba…” sabi ko.
    “Ano? Bakit? My God! Ikaw ang pinaka bet kong model sa agency kaya ikaw ang kukunin ko! Sige na, please…”

    Tiningnan ko siya sa salamin. Nasa likod ko siya at mukhang hinding hindi susuko sa offer niya.

    “Ang premyo ay scholarship, Rosie. Sa kahit anong unibersidad at kahit anong kurso! May Trip to Macau pa at one hundred thousand pesos!”

    Hindi ako nakapagsalita sa sinabi ni Kira. Hindi ang luho ang iniisip ko kundi ang scholarship. Nagkatitigan kaming dalawa sa salamin. Nanliit ang mga mata niya. Alam niyang gipit ako.

    “Magpapaalam muna ako kay Jacob-“
    “Sus naku! Tapos pag di siya pumayag, aayaw ka? Ganoon? E, kailangan mo ng pera pang matrikula, a?”
    “Ano ba ang kapalit nito, ha? This can’t be just scholarship, right? Paniguradong may kapalit ito…” sabi ko.
    “Kapalit nito ang contract under V Malls. You will be one of their models, sa aparell nila. Simple! Model ka naman at gawain mo iyon.”

    Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Kira. Gusto ko na agad sumali para sa scholarship pero nagdadalawang isip ako dahil ayaw ni Jacob doon.

    “Pag isipan mo ‘yang mabuti. Maiintindihan naman ‘yan ng boyfriend mo, Rosie. Alam niyang may financial problem ka. Hindi ka naman mangangaliwa, ah? Marangal na trabaho at nakakabuti pa sa iyo. Masyado naman yatang childish ‘yang boyfriend mo kung aayaw pa siya gayong para sa ikabubuti mo naman ito…”

    Kinagat ko ang labi ko. Paniguradong aayaw si Jacob nito. Lalo na pag nalaman niyang isa si Brandon sa nag suggest nito.

    Pagkatapos ng mga trabaho, umuwi ako ng Alegria. Like the usual, kina Auntie Precy ako nauna para makausap sana siya tungkol sa offer pero siya pala itong may kailangang sabihin sa akin.

    “Rosie,” ani Auntie Precy habang kumakain ako.

    Kakatext ko lang kay Jacob na nasa Bahay ni Lola ako at doon na nag dinner. Ang sabi niya ay pupunta na siya dito ngayon.

    “Nag bawas na naman ng mga tao sa J.A.,” ani Auntie sabay buntong hininga.

    Hindi ko na dinidibdib ang mga sinasabi ni Auntie. Parang pinapalabas ko na lang ito sa kabilang tainga.

    “Anong sinabi ni Jacob sa’yo?”
    “Wala siyang sinasabi…” sabi ko.
    “Ang trucking kasi wala na talagang activity. Sa dami ng truck ay dalawa na lang ‘yong nag dedeliver ng mga goods galing sa pabrika. Hindi na kumikita ang trucking…”

    Binitiwan ko ang mga kubyertos at uminom ako ng tubig.

    “I’m sorry. Tingin ko lang talaga ay kailangan mong malaman ang lahat ng ito… Tantya ko’y ilang buwan na lang mas lalong mababaon ng utang ang J.A. Hindi ko maisip kung anong isusuko ni Jacob sa huli, ang Trucking, ang J.A., o ang bahay nila…”

    Pumikit ako ng mariin. Hinilot ko ang aking sentido. Binitiwan ko ang pag iisip nito noon pero ngayon ay unti unting bumabalik sa akin ang lahat.

    “Auntie, kung ipagbili ko kaya ang Trucking. Tutal akin naman ‘yon…”
    Nanlaki ang mga mata ni Auntie. “Alam mong magagalit si Jacob…”
    “Hindi kaya ayaw niya lang na maramdaman kong sinuko niya ako? I feel like the Trucking symbolizes his love for me. Kaya ayaw niya itong bitiwan. Pero ako, handa ako. Kapag binitiwan ni Jacob ang trucking, hindi naman noon ibig sabihin na hindi niya na ako mahal. I’m not naive to think na batayan iyan sa pagmamahal niya sa akin.”
    “There must be other reasons why he doesn’t want to give the Trucking up…” ani Auntie kahit na alam kong hindi na siya naniniwala sa sarili niyang mga salita.
    “What reason? Kasi tingin ko ito talaga ang magpapabagsak sa lahat, Auntie…”

    May narinig kaming tricycle. Magsasalita pa sana si Auntie nang may biglang kumatok sa pintuan. Nagkatinginan kaming dalawa.

    “Auntie Precy?” ani Jacob galing sa labas.

    Nanatiling nakatitig si Auntie sa akin. May naiisip ako at tingin ko ay pareho kaming dalawa.

    “Nagtrycicle siya?” tanong ni Auntie.

    Hindi ako sumagot. Tumayo ako at dumiretso sa pintuan para pag buksan si Jacob. Sumunod si Auntie sa akin. Pinihit ko ang door handle at isang malaking bouquet ng bulaklak ang bumungad sa akin.

    “Happy monthsary!” bati niya sabay yakap ng mahigpit sa akin.

    Napangiti ako. Nakalimutan ko na monthsary namin ngayon, pero siya hindi. Bumitiw siya sa akin at nilahad ang kulay pula na mga rosas.

    “Para sa’yo…” aniya sabay ngiti.
    Ngumiti rin ako at tinanggap iyon. “Thank you. Happy monthsary…”

    Mabilis niya akong hinalikan sa labi.

    “Kasing pula ng labi mo ang mga rosas na ‘yan…” halakhak niya.

    Naisip ko tuloy kung saan niya ito kinuha. Ang plantation nila ng mga bulaklak ay nasa Kampo Juan. Hindi na nila pag aari iyon. Hindi na lang ako nag isip.

    “Jacob…” hinawi ni Auntie Precy ang kurtina para tingnan ang labas. “Hindi mo dala ang Hummer?”

    Doon ko idinirekta ang seryosong tingin ko kay Jacob. Bumaling siya kay Auntie.

    “Hindi na. Dito ulit ako matutulog. Auntie, bukas pwede bang doon matulog si Rosie sa amin?” ngumisi siya.

    Pilit na ngumiti si Auntie. Kahit alam kong maging siya ay namomroblema sa problemang kinaligtaan ni Jacob.

    “Sige… Sige… siya…” ani Auntie.
    “Salamat po!” maligaya niyang sinabi.

    Kaya habang nasa bahay kami at maganda ang mood niya, pilit kong binuksan ang mga topic na iniiwasan niya. Nakapalupot kami sa kumot habang nasa kawayang silya. Magkasalikop ang mga daliri naming dalawa. Si Auntie ay tulog na sa kanyang kwarto.

    “Jacob…” sabi ko, nakatingin sa TV.
    “Hmmm…”
    “‘Yong trucking, ibenta natin…” sabi ko.
    “Hay… Hindi na. Kaya kong patakbuhin ‘yan, Rosie…” seryoso ang boses niya.
    “Pero… sabi… dalawang Truck na lang daw ang bumabyahe…”
    “Para sa goods. Ipapa rentahan ko na lang ang iba,” aniya.

    Ngumiwi ako. Paano ko ba talaga siya makukumbinsi?

    “Paano kung ibenta ko ‘yon, sakin naman nakapangalan?” sabi ko.
    Tumawa lamang siya at mas lalong binaon ang kanyang mukha sa aking leeg. “I missed you…”

    Shit.

    “I missed you too. Sa inyo tayo bukas? Hindi na ba ulit bumisita ang Tita at Tito mo? Bumalik na ba sila ng ibang bansa?”
    “Hindi na sila bumisita. Ewan. Nasa Maynila pa yata…” ani Jacob.
    Tumango ako at nanatili ang mga mata sa palabas na pinapanood. “Nga pala… sasali ako sa isang modeling contest sa Tagaytay…”
    “Ano na naman ba ‘yan, Rosie? Para saan?” hinarap niya ako.

    Nagkatinginan kaming dalawa. Kinagat ko ang labi ko. Kira’s right.

    “Maganda kasi ‘yong premyo, alam mo ‘yon? Scholarship tapos one hundred thousand pesos! May Trip to Macau pa! Isasama kita, kung sakali…”
    “Asus! ‘Yon lang? Edi kumuha ka ng passport at ibobook kaagad kita ng papunta doon, kasama ako.”

    Really? Sinusubukan talaga ako ng lahat ng ito.

    Humalukipkip ako. “Hindi ‘yong Macau ang habol ko kundi iyong scholarship, Jacob…”
    “Ako nga ang mag babayad ng tuition mo next year, hindi ba? Hindi ba nasabi ko na sa’yo ‘to?”
    “Jacob, hindi ganoon kadali!” iritado kong sinabi.

    Nag iwas siya ng tingin sa akin at ramdam ko kaagad ang pagtatampo niya. Pumikit ako ng mariin sa frustration. Ayaw kong mag away kami. Ngayon pa talaga sa kasagsagan ng lahat ng ito?

    “Ayaw kong sumasali ka sa mga contest! Kaya kong buhayin ka! Pag aralin! Bakit pa kailangan ng ganyan, Rosie? Alam mo namang ayaw kong sumasali ka…”
    “Bakit ba kasi ayaw mo, ha? Pinagdadamot mo ako? Nagseselos ka pag may nakakakita sa akin sa stage, Jacob? Pero alam mo namang ikaw lang ang mahal ko. Kahit na sino pang makakita sa akin-“
    “Mahal kita at akin ka lang. Kaya kong bayaran ang lahat lahat para sa’yo, okay? Bukas agad, ihuhulog ko ang pera pang matrikula mo next sem sa account mo.”
    “Don’t. Do. That!” banta ko sabay layo sa kanya. “Binabalaan kita, Jacob!”
    “O! Para matapos na ‘yang problema mo at hindi mo na kailangan pang sumali sa mga pacontest na ‘yan!” aniya sabay taas ng kamay.
    “Jacob…” umiling ako. “Please don’t be childish. I’m not going to join in that contest para may makakita sa akin na ibang lalaki! Sasali ako para sa amin ni Maggie. Sasali ako para sa pag aaral ko at ayaw kong abalahin pa kita dahil alam kong may problema ka rin-“
    “Kaya ko ang problema ko, Rosie. Kaya kitang buhayin kaya hindi mo na dapat pinoproblema ang lahat ng ito.”

    Uminit ang pisngi ko sa iritasyon at frustration.

    “Hindi mo ako pwedeng buhayin kasi hindi mo naman responsibilidad iyon! Isa pa, hindi ako lumpo para magpabuhay sa ibang tao! Kaya kong magtrabaho kaya magtatrabaho ako-“
    “Hindi responsibilidad!? I love you kaya ko ginagawa ang lahat ng ito para sa’yo. Para sa’yo, Rosie kaya hindi mo na kailangang mag isip pa-“
    “Hindi ako helpless, Jacob. Kaya kong magtrabaho kaya bakit hindi mo ako hayaan?” tumaas na ang tono ng boses ko. “Pride lang ‘yan! Ayaw mong masapawan ka ng iba! Ayaw mong may nakakakita ng sa’yo pero hindi maiiwasan ‘yan! And besides, sa’yo na nga ako ‘di ba? Bakit ka pa mangangamba, ha?”
    “Ayaw ko, Rosie! Ayaw kong sumasali ka sa mga ganyan, okay?” giit niya.
    “Stop being so childish! Truth is, you really can’t put me in a jar and hide me from the world, Jacob. Sa’yo ako body, mind, and soul but I need to do things on my own! For my family! For myself!”
    Nalaglag ang panga niya. Magsasalita pa sana siya pero bumaba si Auntie galing sa taas.

    “Ano ‘yan? Naririnig ko kayong nagtatalo kahit sa taas ah? Tama na ‘yan, Jacob, Rosie…”

    Hinawakan ni Jacob ang aking kamay. Hinila niya ako palapit sa kanya. Nanigas ako. Ayaw kong magpahila. Ayaw kong lumapit sa kanya. I stand by my decision.

    “Rosie…” tawag niya sabay hila ulit.

    Nang napagtantong hindi niya ako mahihila ay siya mismo ang lumapit upang yakapin ako. Nag init ang gilid ng mga mata ko. Hindi ko na alam kung ano pang pwedeng gawin.

  • Kabanata 8Open or Close

    Kabanata 8
    Umuwi na Tayo

    “Are you sure about this?”

    Hindi ko inakala na dadating sa puntong ganito.

    Nasa harap ko si Jasmine at Eunice ngayon. Sinamahan ako ni Eunice sa kabilang bayan kung nasaan ang bahay nina Jasmine.

    At first, I never thought it’s possible for me to approach them. Silang dalawa ang lubusang tumututol sa amin ni Jacob. They’ve been a bitch to me and I to them.

    Kinain ko ang pride ko. Kinalimutan ko lahat. At ang posibilidad na maaaring gamitin nila ito para makaganti.

    “Tinanong mo ba si Jacob?” tanong ni Jasmine nang hindi ako sumagot.

    Hindi ko na natanong si Jacob. Alam ko rin naman kasing hindi siya papayag. Isa pa, nasubukan ko nang iopen sa kanya ang posibilidad pero sarado ang kanyang utak.

    “This is mine, anyway…” nag iwas ako ng tingin.
    “You did not tell him?” kumunot ang noo ni Jasmine.

    Nagkatinginan ang dalawa.

    Nasa loob kami ng isang opisina sa bahay mismo nina Jasmine. Ang kanyang ama ang talagang namamahala sa negosyo nila. I would talk to his dad if I could but for now, siya pa lang ang makakausap ko dahil nasa Maynila di umano ang kanyang ama.

    Susubukan kong ibenta ang Trucking. At kapag tinanggihan ko, isasangla ko ito. At least I would still get money. At ibibigay ko iyon kay Jacob.

    “Malalaman din niya iyon… Look, are you interested? ‘Yong daddy mo lang ang naisip ko dahil business n’yo ‘to noon. Hindi pa gamay ni Jacob ang larangang ito kaya hindi nakakabawi. Habang hindi pa niya gamay, gusto kong bitiwan niya muna-“
    “Are you sure na gusto mong bitiwan niya ito pansamantala o may paggagamitan ka sa pera?” singit ni Eunice sabay halukipkip.

    If this was a normal day, I would slap her hard. Ano ba ang tingin niya sa akin? Gahaman sa pera?

    “Si Jacob ang may pag gagamitan sa pera. Alam kong alam mo, Eunice, na nahihirapan siya ngayon sa negosyo nila. Sa pagkamatay ni Don Juan Antonio, maraming naiwang utang. He can’t handle the business very well yet.”

    I controlled my feelings. May kailangan ako kaya dapat hindi ako magpapadalos dalos.

    “This is your way of helping him out?” tanong ni Jasmine.

    Umiling si Eunice. Hindi ko na alam kung tama ba na sa kanila ako lumapit.

    Tumayo ako.

    “If you can’t help us, then at least send me to someone who will…”

    Napalunok si Jasmine at naupo sa isang swivel chair. Nanatili akong nakatayo. Buo ang desisyon kong lumapit na lang sa iba. Maraming hacienda sa Alegria, pwede akong lumapit sa iba pang mga pamilya. Ayaw ko nga lang noong una dahil alam kong mas mabuting kina Jasmine kami lumapit. Tutal ay kanila naman talaga iyon bago binili ni Jacob at pinangalan sa akin.

    “I don’t get why Jacob named the Trucking after you.”
    “If you can’t help me, Jasmine-“
    “I am not going to help you. Si Jacob, ang tutulungan ko, Rosie. Don’t get me wrong…”

    Nag tiim bagang ako. Gustong gusto ko nang mag walk out pero kinain ko pati ang natitira kong pride. Eto na ‘yon. Eto na ‘yong maaaring makakabuti kay Jacob.

    “I am not sure if my dad will allow me to buy the Trucking again. Kaya nga namin iyon pinagbili dahil ayaw niya nang mag handle sa Alegria dahil wala kaming lupa doon. I can find you buyers but if you can’t wait for that, papayag akong isasangla siya pero dapat hindi na abutin ng isang taon ang pagtutubos.”

    Natahimik ako. Sa sitwasyon ni Jacob ngayon, hindi ko alam kung ilang buwan o di kaya’y taon ang aabutin para lang maging stable ulit ang negosyo ng kanyang ama.

    “Sinangla mo ang Trucking?” tanong ni Maggie.

    Pagkatapos ko sa kina Jasmine ay umuwi na ako ng Maynila. I need to prepare for the upcoming contest.

    Inenrol ako ni Kira sa isang magandang gym. He wants me fit for the pageant. At ako, gagawin ko lahat para lang manalo.

    “Pumirma lang ako ng kasulatan, Mag. Pag hindi nakahanap si Jasmine ng bibili ng Trucking, papayag siyang isangla ko ito sa malaking halaga naman.”
    “Pati ang mga Truck? Nagtanong ka ba kay Jacob?”

    Tinitigan ko lamang ang kapatid ko. Unti unting tumalim ang kanyang mga mata nang napagtantong hindi ko siya sinasagot dahil hindi niya magugustuhan ang sagot ko.

    “Kahit sa’yo ‘yon, kanyang pera ‘yon, Rosie!” ani Maggie.
    “Wala na siyang pera sa ngayon. Ni hindi ko na nakita ang Hummer niya bago ako umuwi. At isa pa, ayaw kong maghintay na bawian pa sila ng ari arian bago ko ito gawin.”
    “You really think this is the solution?”
    “No… I just think this will lessen the burden.”

    Umiling si Maggie. Umiling rin ako. I am so confused but there’s light in my decision. At kahit gaano kaliit pa ng liwanag na ‘yan, papatulan ko, para kay Jacob.

    Naging abala ako sa contest. Isang bagay na itinago ko rin kay Jacob dahil ayaw niya.

    “Bumili ka ng MAC, Rosie. Your lips are plump and perfect, dapat ay alagaan mo…”

    Dahil sa trabaho ko, kailangan ko ring mamuhunan ng para sa katawan. Anyway kapag nanalo ako, mababawi ko rin ang lahat ng gastos. Simula gym, make up, at treatment sa buhok ay pinagkagastusan ko. Mabuti na lang at marami rami akong gigs nitong summer kaya hindi na ako nahirapan.

    “Oh my God!” nanlaki ang mga mata ko nang nakita ko ang laman ng aking acoount.

    Five hundred twenty-five thousand pesos. What the hell? Saan nanggaling ang Five hundred thousand?

    Nanginginig ang kamay ko nang binawi ang card sa ATM. Wala akong ibang maisip kundi si Jacob.

    Mabilis kong pinindot ang kanyang numero. Nagpupuyos ako sa galit. Habang nag ri-ring ay inaayos ko ang mga sasabihin ko sa aking utak.

    “Rosie!” maligayang bati ni Jacob. “Ano, uuwi ka na ba?”

    Nag tiim bagang ako. Kahit na ganoon ang pambungad niya, hindi ko basta bastang makakalimutan iyong ginawa niya.

    “Hindi ba nag usap na tayo? Ayaw ko ng pera! Bakit may pera sa account ko?”
    “Hindi ba kailangan mo? Ayan! Pwede ka nang umuwi dito at bumalik na lang pag enrolment na-“
    “Jacob, please!” frustrated kong sinabi. “I can make my own money. Hindi ko kailangan ng pera mo! Ibabalik ko ‘yan sa account mo-“
    “Hindi ka mapigil pigil sa mga gig mo diyan. Ilang araw ka nang di napapadpad dito. Sinabi din sa akin ni Eunice ang kasunduan niyo ni Jasmine, Rosie… Alam kong kailangan mo ng pera. Para sa mama mo o sa inyo ni Maggie, isipin mo na lang na tulong ko ‘yan bilang boyfriend mo.”

    Nalaglag ang panga ko. Eunice? She told Jacob? What the heck!

    “E-Eunice?” tanong ko.
    “Oo. Tumawag siya noong isang araw at sabi niya, bakit ka raw nangangailangan ng pera. Lumapit ka raw sa kanya. Rosie, ako, ba’t di mo ako lapitan?”

    Hindi niya alam ang ginawa kong kasunduan kay Jasmine. At least Eunice didn’t tell him. But after a few more days, malalaman niya rin. Kinakabahan na ako.

    “Jacob, I have money. I just need to make more. I can don it. I don’t need your help. Ibabalik ko sa’yo ang pera mo…”
    “Rosie-“

    Pinutol ko ang tawag. Ayaw kong makipagtalo dahil alam kong hinding hindi siya magpapatalo.

    Ipinagpatuloy ko ang pagtatrabaho. Tawagan lang muna kami ni Jacob. Mahirap pero kailangan kong kayanin.

    Lalo na ngayong hectic ang schedule. Tuwing naiisip kong siyam na oras ang byahe, hindi ko na mapagkasya ang schedule ko kaya pahirapang umuwi.

    “Uuwi ka pagkatapos ng shoot na ito?” tanong ni Kira, nakatingin sa repleksyon ko.
    Tumango ako.
    “Paano ‘yan, kailangan ka sa makalawa? May ramp tayo tapos magfafinalize para sa Tagaytay-“
    “Babalik din ako agad.”

    Nag ngising aso siya. I wish I can ride with his joke.

    “Can’t get enough of your boyfriend, huh?”

    “Kira!” bigla siyang tinawag ng payat na organizer.

    Pareho kaming napatingin sa organizer.

    “May bisita si Rosie Aranjuez!”

    Nanlaki ang mga mata ko. Nagkatinginan kami ni Kira. Sino naman ‘yon? Nasagot kaagad nang bumungad si Jacob sa pintuan ng backstage.

    “Jacob!”

    Kumalabog ang puso ko. Tumayo ako, kahit nahihirapan dahil sa gown na suot. Mabilis ang lakad niya patungo sa akin.

    “Jacob! Hi!” Nilagpasan niya si Kira at dumiretso siya sa akin.

    Kitang kita ko sa mga mata niya ang galit. Ngayon ba ‘yon? Oh shit!

    Hinaklit niya ang palapulsuhan ko. Hinila ko pabalik sa akin.

    “Mag usap tayo!” galit niyang sinabi.
    “Oh!” ani Kira sabay tingin sa akin. “Rosie, five minutes. Don’t ruin your make up,” paalala niya.

    Hinila ko si Jacob patungo sa balkonahe ng studio. Nasa 10th floor kami ng isang tower. Abala ang mga tao sa pag piprepare sa mga models at shoot. Ito ay kalendaryong ipapamigay ng V Malls sa susunod na taon.

    Sinarado ko ang pintuan para magkausap kami ng maayos. Umihip ang hangin at tanaw naming dalawa ang kabuuan ng Taguig.

    “Jacob…” malambing kong sinabi.
    “Sinangla mo ang Trucking?” pagalit niyang tanong.

    Malayo siya sa akin at seryoso ang mga mata. He’s wearing a grey v neck t shirt. Isang dogtag ang nakasabit sa kanyang leeg. He’s like a model pulled out straight from a boyish magazine.

    “Iyon lang ang naisip kong paraan para-“
    “Para saan? Rosie, naman! Hindi mo sinabi sa akin? Nalaman ko na lang noong may mga tauhan nang kumuha?”
    “Hindi ko sinabi sa’yo kasi alam kong hindi ka papayag!”
    “Alam mo pala, bakit mo sinangla?”
    “Ihuhulog ko sa account mo ang perang nakuha ko doon. Para makatulong sa J.A. foods, Jacob. Iyon ang mas importante-“
    “Importante ang Trucking sa akin! Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo ‘yan? Hindi mo ba pinapahalagahan ang mga bagay na importante sa akin, ha, Rosie?”

    Parang pinipiga ang puso ko. Nag init ang gilid ng aking mga mata ngunit pinigilan ko ang sarili ko.

    “Syempre, pinapahalagahan! Alam kong importante pero kung importante lang pala dahil sa akin, o dahil may sentimental value sa akin, isasantabi ko muna ‘yon para lang-“
    “Hindi lang ‘yon sentimental value! Kumikita naman ‘yon ah!”
    “Yes! But not enough to pay for your debts. You know that! Jacob! Naman! Isipin mo muna sa ngayon kung paano aayusin ang problema! For once-“
    “Iniisip ko naman ah! At parte ang Trucking sa plano ko! Tingin mo ba hindi ako nag iisip sa mga nangyayari sa negosyo? Iniisip ko, Rosie! Kaya nga hindi ko gustong ibenta ang trucking pero ano ‘tong ginawa mo!?”

    Hindi ako nakapagsalita. I don’t know anything. I don’t know if he found a solution to all these. Or he’s still just experimenting. All I want is a sure win. All I want is to make sure that he’s going to be okay in the end, kaya ko iyon nagawa.

    Sinuntok niya ang railings at tinalikuran ako. Tanaw niya ang kabuuan ng syudad at habang tinitingnan ko ang likod niya, sobra sobra akong nasasaktan.

    Nagkamali nga ba ako? But… all I can see is the way he’s failing? And I don’t want that. I don’t want him to fail. I would blame myself in the end. Dahil alam ko, hindi ako bulag, bumabagsak siya dahil sa akin. Sa pag iisip sa akin.

    Nilingon niya ako. Malamig parin ang kanyang mga mata. Kahit hindi niya isigaw sa akin kung gaano ko siya nasaktan sa ginawa ko, alam kong sobra sobra syang nasasaktan.

    “Bumalik na tayong Alegria…” aniya.
    Umiling ako. “I have a stint.”
    “Binalik ko sa’yo ang pera na binigay ko noong nakaraan. ‘Wag ka nang mamroblema…”

    Pumatak na ang luha ko habang umiiling. Kahit anong gawin niya, hindi ko gagalawin ang pera niya. Kaya ko pang mabuhay. Hindi ako lumpo para hindi magtrabaho.

    “Hindi mo ako responsibilidad. Kaya kong mabuhay, Jacob, ng ako ang magtatrabaho.”

    Mas lumamig ang tingin niya sa akin. Para akong nilalason ng titig niya. Para akong tinututukan ng baril.

    “Kailangan kita sa Alegria,” aniya.
    “Pupunta ako doon pagkatapos nito. Please, pagkatapos nito…”

    Bumaling siya sa loob ng studio. Pagkatapos ng ilang saglit ay nilingon niya ako.

    “Ito ba ‘yong pinagpaalam mo sa akin na contest?”

    Shit! Tumango na lang ako.

    Hindi siya nagsalita ng ilang sandali. Napatingin ako sa kanya. Nakatingin siya sa mga matatayog na buildings sa labas. Ang hangin ay hinihipan ang buhok niya. Umiigting din ang kanyang panga.

    Suminghap siya pagkatapos ng ilang sandali at nilingon niya ako.

    “Wala ka ba talagang tiwala sa akin?”
    Parang punyal na tumusok sa aking puso ang kanyang tanong.
    “Jacob, nagtitiwala ako sa’yo…”
    Umiling siya. “Kung ganoon, bakit mo pa ito pinagpatuloy? Bakit mo sinangla ang Trucking? Bakit hindi mo ako hinahayaan?”

    Pumikit ako ng marahan. Gusto ko siyang yakapin. I trust him. I believe him. But it’s just so hard to see him taking all the hardships by himself.

    “Jacob, ako ang nandito at nakatingin sa lahat ng nangyayari… Jacob…” bumuhos ang luha ko. “Nakikita ko na isa isang nawawala sa’yo ang mga dapat sa’yo… At nakikita ko rin na pinapangalagaan mo ‘yong para sa akin, and in exchange, you forget yourself! Ayaw ko ng ganoon!” Humikbi ako.
    Umiling siya. “Kahit kailan ba, Rosie, nagreklamo ako sa lahat ng nawala sa akin?”

    Hindi ako nakasagot. Pinalis ko ang luhang lumandas sa aking mga mata.

    Naglahad siya ng kamay sa akin. Kitang kita ko ang pagod sa kanyang mga mata.

    “Umuwi na tayo. Sumama ka sa akin… Magiging maayos ang lahat,” aniya na mas lalong nagpaiyak sa akin.

    Kinagat ko ang labi ko. Kitang kita ko rin ang pagpipigil niya sa kanyang luha. Para akong natunaw sa kinatatayuan ko. Nanlabo ang paningin ko dahil sa mga luhang nagbabadyang bumuhos. Nilagay ko ang kamay ko sa ibabaw ng kamay niya at pagkatapos ay tumango.

    “Magpapaalam lang ako kay Kira…”

    Lumabas kami doon. Sabog na siguro ang make up ko dahil noong lumabas ako’y nanlaki ang mga mata ni Kira.

    “Ano? Eh ngayon kayo imemeet ng CEO ng V Malls! Aatras ka?” pasigaw niyang sinabi.

    Shit! I just really need a break. Ilang araw na rin akong hindi nakauwi ng Alegria kaya nagkakaganito.

    “Hindi ako aatras. Kailangan ko lang talagang mag break muna. Di muna ako sisipot ngayon. I’m sorry. I’m really sorry, Kira…”

    Napatingin si Kira sa malayong likod ko. Kahit di ko lingunin, alam kong si Jacob ang tinitingnan niya.

    “Naku, ha! Ikaw ang manok ko dito, Rosie tapos ganito ka!? Naku, naku!”
    “Hindi lang naman ako ang wala di ba?”
    “Pero maganda na itong opportunity to raise your popularity sa mga pahina ng catalogue! Mas lalaki ang tsansa mong manalo! Baka pa may ma meet kang judges, Rosie! Sayang! Hay naku!”
    Hindi na ako nagsalita. My decision is final.
    “Pagkabalik ko, aasikasuhin na natin ‘yong sa Tagaytay.”
    “Naku! Sigurado ka ba diyan? Baka mamaya mapurnada! Naku!”
    “Oo. Sigurado, Kira. Pangako.”

  • Kabanata 9Open or Close

    Kabanata 9
    Tandaan Mo Yan

    Namutla ako habang nakikita ko sa harap ko ang surpresa ni Jacob. Pinauwi niya ako sa Alegria para dito. I did not see this coming.

    Sa likod ng kulay pulang Subaru Impreza ay ang Tito Samuel at Tita Lydia niya. Nakangiti si Tita Lydia samantalang nanonood lamang ang kanyang Tito Samuel.

    “Automatic ‘yan. Tuturuan kita kung paano…”

    Nanlamig ang aking tiyan. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay Jacob. Tuwang tuwa siya sa regalo niyang sasakyan sa akin. Like he promised.

    “Pag mahabang drive, dalhin mo na ang driver pa Manila. Syempre, di ako papayag na ikaw ang mag dadrive…”

    Hindi parin ako makapagsalita. I am so stunned by what he’s brought me. Nagkakagulo gulo na at ito parin ang inaalala niya? I can’t believe him!

    “Jacob, hindi ko matatanggap ito…” pabulong kong sinabi, nahihiya sa kanyang tita at tito.
    “Huh? Bakit?” May bahid na pang aasar sa kanyang boses pero hindi ako makangiti.
    “Hindi ko kailangan niyan. Kaya kong mag bus-“
    “Kailangan mo ito, Rosie-“
    “Jacob, hindi. Hindi ko kailangan ng kahit ano…” seryoso kong sinabi.
    “Jacob, I told you she won’t like it…” ani Tito Samuel.

    Uminit ang pisngi ko. Hindi ko intensyon na marinig nila ang opinyon ko tungkol dito. Ikinahihiya ko ito. Magandang bagay na may binibigay na sasakyan si Jacob sa akin. I should be thankful but I can’t. Lalo na’t alam ko na may mga problema kaming dalawa.

    “This is not a good time to give extravagant gifts-“
    “I can buy it. Hindi pa ako naghihirap para sabihin mo iyan, Tito-“
    “Hindi pa…” anang kanyang tito.

    Kitang kita ko ang pagguhit ng galit sa mukha ni Jacob. Hinaplos ko ang kanyang braso para makalma siya. Nilingon niya ako.

    “Para sa’yo ‘to, Rosie. Kahit na anong sabihin mo, ibibigay ko ito sa’yo…”

    Hindi na ako nagsalita. Ayaw kong dagdagan pa ang sinabi ng Tito niya. But my decision stays the same, I am not going to accept this.

    Umiling ang kanyang Tito Samuel at bumalik na sa loob ng bahay nila. Sumunod ang kanyang Tita Lydia, kaya naiwan kaming dalawa sa harap ng bagong sasakyan.

    Hindi na ako makatingin kay Jacob. Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko.

    “Rosie, anong problema?”
    Bumaling ako sa kanya. “Hindi ko talaga matatanggap ito, Jacob. Marami pang pwedeng pag gamitan ang pera mo pero ginamit mo para bumili ng sasakyan?”
    “Rosie, may nakalaang pera para sa negosyo, meron ding para sa kahit ano-“
    “Kahit na! You shouldn’t waste your money just because you can! Hindi maganda ang standing ng negosyo ninyo, you have to realize it!”
    “Alam ko, Rosie… Pero hindi ba pwedeng sa gitna ng hirap, maipakita ko parin sa’yo na-“
    “Na ano? Mahal mo ako? Through gifts? Jacob! Alam kong mahal mo ako at hindi ko kailangan ng mga luho para lang mapatunayan mo ‘yan!”
    “Hindi ito basta basta luho! Magagamit mo ito! Importante ito! Gusto kong mapadali iyong byahe mo. Ayaw kong mahirapan ka!”
    “Kahit na! This is not the time to do this! Kung maka luwang na tayong dalawa, pwede pa! Pero ngayon? Hindi!”
    “Kaya ko pa kaya nga ako bumili! Rosie, hindi naman ako bibili kung nakikita kong hindi ko kaya, ah?” pagalit niyang sinabi.

    Our fights went on and on. Hinatid ako sa bahay nang hindi pa kami nagkakaayos. Ayaw ko na rin muna siyang kausapin dahil paikot ikot lang ang mga arguments namin. He wouldn’t listen and it frustrates me.

    Kahit si Auntie Precy ay naniniwalang hindi na maganda ang ginagawa ni Jacob. I just don’t know what to do with him.

    Paalis na ako ng Alegria nang bumisita ang kanyang Tito Samuel at Tita Lydia sa bahay. Hindi ko alam kung anong pinunta nila dito pero hinarap ko parin sila.

    “Rosie…”

    Parang sasabog ang puso ko sa kaba nang sinimulan ng Tito Samuel niya ang pakay nila dito.

    “Sa dalawang buwan ko dito, may napagtanto ako tungkol sa pamangkin ko…”
    Tumango ako.
    “You know… we can help him. Kahit na hindi ako tulad ni Juan Antonio na maalam pagdating sa farming, may alam ako sa negosyo. And clearly, you can see that Jacob’s not yet good with it. Ang tanging alam niya ay labor work, and that’s all…”

    Hindi ako makaimik. Takot ako na tama siya. Takot ako na ako mismo, ganoon ang tingin.

    Lumaki si Jacob na sanay sa gawain sa farm ngunit hindi siya sanay na ihandle ito. Nagkaroon siya ng pagkakataong mamalakad ng negosyo at Trucking pa iyon. Wala siyang alam sa kabuuan ng negosyo nila.

    “Ang pagtigil sa pag aaral ay napakalaking pagkakamali…”

    Tumango si Auntie Precy sa aking gilid. Nakatingin siya sa akin. Para bang maging siya, ibinibigay sa akin ang desisyon ng kung ano.

    “Kahit ang ama niya nga pinag aralan ang pag nenegosyo, siya pa kaya na wala pa masyadong alam dito? I think he must continue his studies. And I also think that he should let me handle their businesses for the mean time.”

    Hindi ko alam kung anong masasabi ko doon. Kung ayaw man ipahawak ni Jacob ang negosyo nila, naiintindihan ko. Sa daddy niya iyon.

    “He thinks that I’ll take it away from him… but no… I respect Juan Antonio so much. I am Jacob’s godfather too… Wala kaming anak ng Tita Lydia mo at para saan pa ang sobra sobrang pera, hindi ba? I just want to make sure that Jacob’s on the right track and we can’t do that here,” aniya.
    “Ano po ang ibig niyong sabihin?” tanong ko.

    Nagkatinginan ang mag asawa. Tila ba panimula lamang iyon sa planong naiisip nila.

    “Maliit na lamang ang negosyo nila kaya hindi na mahirap pangalagaan kahit na nasa ibang bansa kami. I want to take Jacob with us… I want him to study farming in the US. For about… a year or so… Habang ginagawa niya iyan, ako muna ang mamamahala ng business nila. That would be easy through the internet, as long as maalam ka. I’d hire a brilliant manager to manage it here in Alegria, Rosie. Iyon sana ang plano namin ni Lydia…”

    Naninikip ang lalamunan ko. Alam ko ring iyon nga ang makakabuti. Kung hahayaan nila si Jacob na manatili dito at mamahala sa business nila, babagsak lamang ito.

    “Bakit hindi na lang kayo manatili dito at tulungan ang pamangkin ninyo? Maraming… maraming mga unibersidad dito sa Pilipinas! Pwede namn siyang mag enrol sa first sem ulit para-“
    “Rosie, I’m a surgeon. I have patients to attend to. My work needs me. Aalis na kami by June at balak ko sanang dalhin si Jacob.”

    Nagtiim bagang ako. Alam ko kung saan patungo ito but I want an alternative somehow. Hindi ko kakayanin ito.

    “Nandito kami ng Tita Lydia mo para sabihin sa’yong ikaw lang ang makakakumbinsi sa pamangkin namin. He bows to you like you are his whole world, Rosie. Nakikita namin iyon. The way he treats you… the way he worships you. So if you can convince him to be with us. It’s just a year, I’m sure that won’t be too long for you two…”
    Napalunok ako. “Mahihirapan po ako. Matigas po ang ulo niya. Hindi ko po alam kung paano siya kukumbinsihin talaga…”
    Tumango si Tito Samuel at inayos ang salamin niya. “We understand. We just want you to know about our plan. Aalis na kami sa susunod na buwan kaya sana matulungan mo kami…”

    Hindi ko alam kung paano ko sila tutulungan. Alam ko kasing mag aaway lang kami ni Jacob pag pipilitin ko siya. Mahihirapan kaming dalawa. Isa pa, I don’t have that great drive to convince him. Ako mismo, ayaw kong umalis siya.

    “But I think that’s the right thing to do now, Rosie…” ani Karl.

    Nasa tabi ko siya habang inaayos ako para ulit sa isang shoot. Ilang araw na ako dito sa Maynila para sa mga iba ibang stint at pati narin doon sa sasalihan ko sa Tagaytay.

    “Jacob’s obsessed with you. He literally can’t live without you at hindi ‘yan healthy. Hindi ‘yan maganda. He has to grow. He can’t keep on refusing it and making his love for you an excuse…”

    Ayaw ko talagang pag usapan ang mga problema ko tuwing may shoot. Masisira lang ang make up ko.

    “Alam ko, Karl…” nanginig ang boses ko. “Hindi ko lang din talaga alam kung paano ako pag wala siya…”
    Umiling siya. “Kaya mo ‘yan, alam ko. Ang problema dito ay kung paano mo talaga siya makukumbinsi? Makukumbinsi mo kaya? Parang hindi, e. Jacob is not a slave to you, he’s a slave to his love for you, Rosie. Kaya kapag dehado ang pagmamahalan ninyo, hindi niya iyon magagawa kaya mahihirapan ka.”

    Napalunok ako. Should I tell him to go with his relatives?

    Pagkatapos ng shoot ay kumuha ako ng pera sa isang ATM. When I saw the remaining balance of my account, mas lalo lang akong nakumbinsing kailangan niya nga talaga iyon. Binalik niya na naman sa akin ang pera. This time, I am not going to give it back. ‘Tsaka na kapag nakumbinsi ko na siyang umalis.

    “Jacob…” nakahiga ako at nasa tainga ang cellphone.

    Hindi naging maganda ang pag alis ko sa Alegria but somehow we managed to talk after that fight.

    “Hmm?”
    “Pumunta nga pala ang Tito at Tita mo sa bahay bago ako umalis diyan at may sinabi sila sa akin.”
    Hindi siya nagsalita. Pakiramdam ko ay alam niya na pero pinagpatuloy ko parin.
    “Nabanggit nila iyong plano nilang pagdala sa’yo sa America para makapag aral doon-“
    “Mahihirapan ako. Hahawakan ko ang negosyo…”
    “Hindi… iyong tito mo raw ang hahawak ng negosyo pansamantala habang nag aaral ka. At pagkabalik mo, ‘tsaka mo sasaluhin…”
    “Tss. Kaya ko ito, Rosie…”
    “Jacob, alam ko. Pero alam mo naman ako. Alam mong importante sa akin ang pag aaral. Isa pa, kailangan mong pag aralan ang negosyo ninyo for long term purposes. Hindi ba gusto mong magkapamilya tayong dalawa? O paano natin papag aralin ang mga anak natin kapag hirap ka sa negosyo? Mag tatrabaho ako pero hindi magiging sapat ‘yon-“
    “Hay naku! Kahit hindi ka na magtrabaho, sapat na ‘yon. Kailan ka nga pala uuwi? Ano na naman ba ang ginagawa mo? Nag momodeling ka parin?”
    Umirap ako. “Jacob, please take me seriously. Gusto kong pag isipan mo iyong offer ng Tito mo.”
    “Kung mawawalay ako sa’yo, huwag na lang. Maganda nga at makakatulong sa atin pero mahihirapan tayo… Nadala na ako noong nag FS. Ayaw ko na.”
    “Iba ‘to ngayon, Jacob. Selos selos iyon dahil syempre wala naman tayong ibang problema. Ngayon, hindi na. May seryosong pakay ka. Magiging abala din ako sa trabaho kaya habang ganito, pwede kang mag aral muna. May Skype naman. Hindi na mahirap mawalay ngayon.”
    “Rosie, ayaw ko. Kaya kong ayusin ang negosyo kahit na ganito… At isa pa, ang importante naman talaga dito ay magkasama tayo…”
    “Jacob!” iritado kong sinabi. “Kahit na nasa ibang bansa ka, magkasama parin tayo! Tayo paring dalawa! Ang gusto ko lang naman ay pangalagaan mo iyang business ng ama mo!”
    “Inaalagaan ko naman ah? Kaya ko nga ito! Mag aaral ako, sige, mag eenrol ako next sem.”
    “Pero nagbawas daw kayo ng tauhan, hindi ba? Jacob… Jacob, nahihirapan ang business ninyo at natatakot akong tuluyan itong bumagsak pag magmamatigas ka pa! Kailangan nating isalba ang negosyo ninyo at kung puro puso ang pinaiiral natin ngayon, wala tayong mararating! Kailangan nating gamitin ang utak! Pero hindi ko naman sinasabing bibitiwan mo ang puso mo habang ginagamit mo ang utak ‘di ba?”
    “Rosie, ginagamit ko ang utak ko dito! Kaya ko ito, sinasabi ko sa’yo!”
    “For once, Jacob! Makinig ka naman! Nag ooffer ang tito mong tulungan ka! Hindi ba mas sigurado iyon? Hindi ba mas mainam iyon? Konting sakripisyo lang naman, Jacob! Iyon lang ang kailangan!”
    “Kung ikaw ang isasakripisyo, huwag na lang! Hindi bale na kung malumpo ang buong negosyo at mabawi kahit ang mansyon, huwag ka lang masakripisyo, Rosie!”\

    Napabangon ako sa sinabi niya. I am not fuming mad!

    “Hindi na tayo magkasundo, Jacob! Ako? Naghihirap ako dito! Ginagawa ko ang lahat para masalba ang pamilya ko kahit mahirap! We have no big opportunities like you! Walang kukuha sa akin para ipag aral sa ibang bansa! Walang pansamantalang pwedeng mag fund sa amin habang nag aaral ako, unlike you! You have all the resources but you’re not using your head! Kailangan mo ito! Kailangan mong magsakripisyo! Hindi naman ako mawawala ah?”
    “Bakit ba big deal ang lahat ng ito sa’yo? Ayos lang ako, Rosie! ‘Tsaka hindi ba sinabi ko sa’yo na huwag ka nang magtrabaho? Heto ako dito, nagsisikap na maayos ang negosyo para sa ating dalawa pero ikaw diyan nagtatrabaho ng sayo! Nag iisip ako ng kinabukasan na sa ating dalawa pero ikaw… hindi mo yata naiisip iyon! Nakakaligtaan mo na!”
    “Para sa pamilya ko ito! Ilang beses kong sasabihin sa’yo ‘yan? Wala naman akong ginagawang masama dito!”
    “Wala pa sa ngayon pero tulad noon, makaka attract ka ng ibang modelo diyan! Iyan ang ayaw ko! Kaya sana bumalik na na dito!”
    “May gagawin pa ako sa Tagaytay, Jacob. Hindi pa ako makakabalik. Ang mabuti pa, habang wala ako ay pag isipan mo iyang offer ng Tito-“
    “Hindi ba sinabi ko sa’yo na huwag mong kunin iyang contest sa Tagaytay!? Rosie!? Hundred thousand at scholarship? Kaya ko ‘yang ibigay sa’yo! Hindi mo na kailangang magpakahirap diyan!” tumaas ang boses niya.
    “Hindi ko kailangan ng tulong mo! Kaya ko nga itong gawin, Jacob! Iyang pera mo, gamitin mo iyan sa negosyo ninyo! Hindi lang sa akin umiikot ang mundo mo! You have to see it! At hindi lang sa’yo umiikot ang mundo ko!”

    Hindi na siya nagsalita. Kinagat ko ang labi ko at napapikit ako ng mariin.

    May kumatok sa pintuan ko. Bumukas ito at bumungad si Maggie sa akin. Mukhang kanina pa mataas ang boses ko. Humalukipkip ang kapatid ko at humilig sa hamba ng pintuan. Nagkatinginan kaming dalawa.

    “Okay, Rosie. Matutulog na ako.”

    Hindi ako nagsalita. Nangilid ang luha ko.

    “Mahal na mahal kita, tandaan mo ‘yan.”

    Naputol ang linya. Kasabay noon ang paghagulhol ko.

  • Kabanata 10Open or Close

    Kabanata 10
    Break

    Palakpakan ang natamo ko habang nilalagyan ng sash, binibigyan ng flowers, at munting korona. Hindi ko alam kung natutuwa ba talaga ako na ako ang nanalo sa paligsahan. Jacob warned me not to do this, I did it anyway.

    “Congratulations!” bati ni Brandon sabay ngiti sa akin.

    Nasa gilid ko siya ngayon habang panay ang click ng maraming camera para sa picture namin at ng ibang contestants.

    I’m not even sure if I really did win this contest or Brandon manipulated the scores. Isa kasi siya sa mga judge. Bago itong competition, nagkausap kami sa agency at nasabi ko sa kanya ang problema ko.

    “Thanks, Brandon…” sabi ko habang nag popose kami sa harap ng maraming tao.
    “Walang anuman. You deserve it…”

    I actually thought I won’t win. Nagtrain ako ngunit hindi sapat iyon dahil sa dami ng problema. Hindi rin buo ang aking puso at isip na sumali dahil sa lumalala naming away ni Jacob.

    “Mabuti naman at pinayagan ka na ni Jacob…” ani Brandon habang nasa harap parin kami.

    Hindi na ako nakapagsalita. Masyado akong naging preoccupied sa media coverage at sa pagsagot sa iilang interviews tungkol sa pagkapanalo.

    Pagkatapos ng lahat lahat ay pumasok na ako sa kwartong nakalaan para sa akin. I’m with Kira and Karl. Kasama rin ang isang babaeng make up artist. Abala sila sa pag uusap tungkol sa buong nangyari habang ako’y nagtatanggal ng make up sa harap ng salamin.

    Pang ilang tawag na ni Jacob sa nakasilent kong cellphone. By now, he probably knew I joined the event. Pumikit ako nang dinampot ko ang aking cellphone upang marinig siya.

    “Rosie!”
    “Jacob, I’m sorry hindi ko-“
    “Nasaan ka? Nasa Tagaytay?” tanong niya.
    Bumuga ako ng hininga. Inunahan niya pa ako.
    “At sino ang kasama mo diyan? Si Brandon? Nakita ko ang iilang pictures n’yo, Rosie-“
    “Jacob, nanalo ako. Nanalo ako ng first price at ako ‘yong tatanggap ng pera at iba pang mga premyo…”
    “Hindi ba nasabi ko na sa’yo? Kaya ko nga iyang ibigay sa’yo, bakit mo pa kailangang sumali diyan?” pabagsak niyang binanggit ang mga salita.
    “Dahil ayaw kong umasa sa’yo. Kung kaya kong gawin ito, gagawin ko!”
    “Umuwi ka ngayon din! Dito!”

    Natigilan ako sa sigaw ni Jacob. He sounded so frustrated. Naramdaman ko rin ang pagtahimik ng mga kasama ko sa room. Nangilid ang luha ko at tumayo para makapunta sa balkonahe.

    Binuksan ko ang pintuan at lumabas ako bago ako nagsalitang muli.

    “Gabi na. Wala akong sasakyan-“
    “Ano? Hindi mo dinala diyan? Ang driver?” mas lalong iritado ang kanyang boses.
    “Nasa bahay n’yo. Hindi na kailangan. May sasakyan naman si Kira. Iyon na lang ang ginamit ko-“
    “Kasama mo si Kira? Sino pa?”
    “Si Karl, Jacob. Ayos lang kami. Mga bading naman sila… Please…”
    “Rosie… please, umuwi ka dito at mag usap tayo ng maayos! Dalawang linggo ka nang hindi umuuwi at ganito pa ang nangyayari!”
    “Jacob, hindi naman tayo mag aaway kung hahayaan mo ako! Tapos na ang contest! Nanalo na nga ako, ‘di ba? Hindi ka ba masaya?”
    “At anong mangyayari sa’yo pagkatapos ng contest na ‘yan? Isuko mo ang titulo’ng iyan at ibigay mo sa iba. Kung mag momodel ka ng exklusibo para diyan, huwag na lang… Masama ang pakiramdam ko diyan.”
    “Maganda ang offer ng VMalls, Jacob. Ano ba ang gusto mo? Mag model ako ng bikini? Hindi ba ayaw mo ‘yon? Isa pa, nakausap ko ang CEO nilang si Mr. Valenzuela kanina, he’s excited to work with me…”
    “Tangina, Rosie, iyan ang ayaw ko e-“
    “What? Pati ngayon sa mga oras na ito, possessive ka parin? Ilugar mo nga iyan, Jacob! Walang mayroon dito kundi ang matatamo ko dahil sa pagkapanalo-“
    “Isuko mo ‘yan, Rosie…” giit niya.
    “Bigyan mo ako ng rason para isuko ko ito! Iyong magandang rason, Jacob!”
    “Kaya kong ibigay sa’yo ang lahat ng makukuha mo diyan-“
    “Hindi sapat ‘yan! Dahil hindi ko matatanggap iyan! Kailangan mo ‘yan, at may sariling pangangailangan ako-“
    “Rosie…” humugot siya ng malalim na hininga. “Tama na, please… Umuwi ka na lang dito.”

    Pumikit ako ng mariin. Ngayon, hindi ko na maaaring mapaunlakan ang hinihingi niya. Bukod sa palapit na ang enrolment, magiging abala din ako sa mga gawain para sa nasungkit kong premyo.

    “Hindi pwede, Jacob. Marami pa akong gagawin.”
    “Mas importante pa ba ‘yan sa pagkikita nating dalawa? Hindi na tayo nagkakasundo kasi hindi na tayo nagkikita…”
    “Kahit na magkita tayo, hindi parin tayo magkasundo dahil hindi mo ako iniintindi! Hindi ako makakauwi diyan, Jacob. Alam mo ‘yan!”
    “Kung hindi ka uuwi dito, ako ang pupunta diyan!”

    Binabaan niya ako ng tawag. Ilang sandali akong natulala bago binaba ang cellphone.

    “Rosie?” sumungaw si Karl sa sliding door.

    Hindi ko ata maayos na naisarado iyon at siguro’y narinig nila ang mga nasabi ko. Binuksan ni Karl ng malaki ang sliding door. Humilig ako sa railings ng veranda.

    “Ayos ka lang?” tanong niya.
    Tumango ako.
    “Uuwi ka ng Alegria?”
    Umiling ako. Buo ang aking desisyon.
    “Pero pinapauwi ka ni Jacob?”

    Nagkatinginan kaming dalawa ni Karl. Humilig na rin siya sa railings sa tabi ko. Nilagay niya ang isang sigarilyo sa kanyang bibig at sinindihan.

    “Oo. Pinapauwi ako. Pero alam mong di ko magagawa ‘yan dahil maraming proyekto.”
    Bumaling siya sa gilid at bumuga ng usok galing sa sigarilyo. “Paano ‘yan?”
    “Hindi ko alam. Ang sabi niya siya ang pupunta sa Maynila.”
    “Sweet…” ani Karl.
    “Tss… Para siyang bata. Pwede namang ipagpaliban muna ang lahat.”
    “Wala kang magagawa. Mahal ka niya. Sa iyo umiikot ang mundo niya…” Nagkibit siya ng balikat. “Ikaw ang sentro ng lahat ng bagay para sa kanya kaya ganyan siya.”
    “I think it’s not healthy… It’s sweet but… not healthy…”
    “Too much sweetness is not healthy. Tama. Magkaka diabetes ka. O baka may diabetes ka na?” Tumawa siya.
    Napangisi rin ako at napailing. “Hindi naman. Naisip ko lang kung bakit hindi niya kayang magsakripisyo pansamantala para sa lahat ng nangyayari. Ito na ang realidad ng buhay. Siya, naghihirap. Ako, may problema sa pamilya. Marami kaming problema na dalawa kaya sana magkaintindihan kami pero hindi niya ako maintindihan.”
    “He does not probably consider his problems a problem. Ikaw lang ang pwedeng maging problema niya.”
    Ngumiwi ako. “Is it really possible? To have someone love you so much na ganyan na lang talaga? Too much?”
    “It probably is, Rosie. Kasi iyan na nga, ‘di ba? Inihahain na sa’yo? But… I guess…” natigilan si Karl. “That kind of love is fast pouring. Malakas. Pabagsak. Buo. At… mabilis maubos.”

    Napalunok ako sa mga sinasabi ni Karl. Hindi ako naniniwala. Hindi ko maisip na pwedeng ganoon.

    “Nakakatakot ‘di ba? But I’m not accusing Jacob to be like that… Iyon lang talaga ang madalas kong nakikita sa ibang mga tao. It’s scary… To lose that kind of love. Kasi ibig sabihin, pag naibuhos na, wala na talagang natitira.”

    Kaya pagkauwi ko sa Maynila, naroon na si Jacob sa bahay. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi. Ni hindi ako makangiti sa kanya. Pakiramdam ko ay may hiningi akong pabor pero hindi niya naibigay.

    “Rosie…”

    Nasapo ko ang noo ko nang tumawag ang kanyang Tito Samuel sa sumunod na araw. Tahimik lang si Jacob simula nang dumating siya. Siguro ay naisip niyang may kasalanan siya kaya dapat siyang mag ingat.

    “Opo…” sagot ko.
    “Hindi pa ba uuwi si Jacob dito sa Alegria? Nagrereklamo na ang mga empleyado niya. Hindi na kasi maayos ang pasahod at hindi pa siya nakatutok.”

    Nilingon ko ang kama kung saan siya nakahiga at natutulog. Pumungay ang mga mata ko at bigla akong nanghina.

    Am I really his destruction? Am I really his poison?

    “Ang ikinakatakot ko lang ay baka tuluyan nang magsara. Baka mag strike sila para magising si Jacob. Pero paano iyon kung nasa Maynila siya? Wala ba siyang planong umuwi dito?”
    “Wala po siyang nasasabi sa akin…”
    “Rosie, nakikiusap ako sa’yo. Tulungan mo naman siya…”

    Nanghihina akong napaupo sa kama.

    “Opo… Sige po…”

    Binaba ko ang cellphone ko at nilingon muli si Jacob. Nakita kong gumalaw siya ng bahagya. Napangiti ako ngunit may luhang nangingilid sa aking mga mata.

    Wala na ba talagang ibang paraan? Ito na lang ba talaga?

    “Rosie?” nagising siyang bigla.

    Suminghot ako at inayos ang sarili. Bumangon siya. His hair is slightly messy. His abs flexed because of the sudden move.

    “Ang aga mong nagising ah?” Pinasadahan niya ng tingin ang aking damit.

    Yes, Jacob. I’m going out again today.

    “Saan ka pupunta?”
    “May shoot ako…”
    “Shoot? Tss…” He’s starting this again.
    “Yes…” Tumango tango ako. “Kasi kailangan kong mag sikap para magkapera.”
    “Sabi ko naman sa’yo-“
    “Jacob, please, sawa na ako diyan. Hindi ko matatanggap ang pera mo. Umuwi ka na ng Alegria…”
    “Sasama ka ba? ‘Tsaka lang ako uuwi pag kasama ka!”

    Oh my God! Bumuhos ang luha ko. Nanlaki ang mga mata niya nang nakita ang tuloy tuloy kong pagluha. Tumayo agad ako nang sinubukan niyang hagilapin ang aking kamay. Hindi niya ako madadaan sa ganyan.

    “Umuwi ka na!” sigaw ko.
    “Bakit? Ano bang nangyayari sa’yo?”
    “Asikasuhin mo ang negosyo niyo dahil ako, aasikasuhin ko ang buhay ko dito!”
    “Rosie, pwede namang ipagpaliban muna. Miss na miss na kita…”
    “Umuwi ka na, Jacob!” banta ko.
    “Bakit ba? Dito muna ako! Sasama ako sa shoot mo!”

    Shit!

    “Jacob, pwede ba? Pagod na pagod na ako sa’yo! Pagod na pagod na ako sa lahat ng nangyayaring ito! Pagod na pagod na ako sa desisyon mo! Pagod na ako sa hindi mo pakikinig sa akin!”

    Nanlaki ang mga mata niya at tumayo na siya. Umatras ako. Ayaw kong nakakalapit siya.

    “Bakit mo ako pinapauwi? May problema ba diyan sa gagawin mo? Lagi akong nagtatrabaho, Rosie. Wala ka kaya heto at pinupunan ko lang ang mga oras na hindi tayo-“
    “Hindi ka ba marunong mag sakripisyo?”
    “Ano sa tingin mo ang ginawa ko habang wala ka, ha? Hindi ba nagsakripisyo ako?”
    “Kulang pa ‘yan, Jacob! Kulang na kulang! Dahil kung tunay kang nag sakripisyo, sana ay maayos ang negosyo ninyo!”
    “Ano ang ibig mong sabihin?”
    “Kung tunay nga na nagsasakripisyo ka para sa lahat ng problema mo, dapat ay pumayag ka nang sumama sa Tito mo! Iyon! Iyon ang tunay na sakripisyo! Hindi ‘yang pagpapatakbo mo sa negosyo n’yo half heartedly! You’re just making that an excuse to stay here and be with me! Wake up! The world does not revolve around the two of us! Marami kang mga tauhan! Marami kang pinapakain! Marami kang responsibilidad! For once, sana iyon naman ang isipin mo! Hindi tayo! Hindi ako!”

    Hiningal ako ng mabuti sa lahat ng sinabi ko. He stood there stunned of everything. Yes, Jacob… I am asking you to sacrifice this one.

    “Alam mong hindi ko kayang magkalayo tayo, Rosie… Pero hinihingi mo ito? Ayos lang sa’yo? Ha? Ganoon kadali sa’yo?”
    “Oo! Ayos lang sa akin na magkalayo tayo! Iyon ang tinatawag na sakripisyo!”
    “Hindi iyon pwede sa akin! Ayaw ko na! Ayaw ko na ng long distance! Mahihirapan tayo! Mahihirapan ka!”
    “O edi para hindi na tayo mahirapan, mag break na lang tayo!” sigaw ko.

    Nalaglag ang panga niya. Pakiramdam ko, kahit hindi ko pa ginagawa sobra sobra na siyang nasasakyan. Kitang kita ko ang pamumuo ng luha sa kanyang mga mata. Pumula ang kanyang ilong at isang buga ng hininga niya ay nagpatindig sa balahibo ko.

    “Hindi mo ‘yan sinasadya. Natatakot ka lang…”
    Umiling ako. “Hindi! Totoo ‘yan! Kaya kong isakripsyo tayo para sa lahat ng ito! Kaya kong makipaghiwalay sa’yo para dito!”
    “Bakit ganoon kadali sa’yo? Hindi pwede ‘yan, alam mo ‘yan! Hindi ka pwedeng mag desisyon dahil tayong dalawa ang nasa relasyon na ito, Rosie! Tayong dalawa! Kaya tayong dalawa ang magdedesisyon kung tatapusin natin to o hindi at ako? Hindi ko kaya kaya hinding hindi iyan option!” sigaw niya.
    “Pumili ka! Sasama ka sa Tito mo o hihiwalayan kita!” sigaw ko.
    “Hindi… Ang sabi ko, hindi ka pwedeng magdesisyon-“
    “Jacob, kung ayaw ko na sa relasyon na ito, pipilitin mo ba ako? Ha? Kung isinusuka ko na ito, pipilitin mo ako dahil lang ayaw mong maghiwalay tayo, ganoon ba? Ha?” Halos mapaos ako sa sigaw ko. “Para lang diyan sa prinsipyo mong tayo ang magdedesisyon, ipipilit mo sa akin ang sarili mo? Ipipilit mo lahat lahat sa akin?”

    Bumuhos ang luha niya. Sobrang sakit na ng puso ko. Pakiramdam ko ay ikamamatay ko ang lahat ng ito. Hindi ko na ito kayang ulitin pa kaya ibibigay ko lahat ng pwede kong ibigay ngayon.

    Simula nang dumating ako ng Maynila galing Tagaytay, may naisip na ako. Ayaw kong gawin. Hindi ko makakaya. Pero pagkatapos ng tawag galing sa Tito Samuel ni Jacob sa araw na ito, mas naging malinaw sa akin lahat.

    “Rosie… N-Napipilitan ka ba? Rosie…”

    Lumapit siya sa akin. Para akong sinasaksak nang narinig ko ang panginginig ng kanyang boses.

    “Oo! Kaya pumili ka na! Hiwalayan kita o sumama ka sa kay Tito Samuel mo!”
    “Alam mo namang…” tumigil siya.
    “Pabalik balik, Jacob! Hindi mo ba naiisip? Hindi ka nag go-grow! Hindi ka nagmamature kung ako lang lagi ang laman ng isipan mo! Hindi ka umuusad dahil ako lang ang iniisip mo! Isipin mo rin naman ang ibang tao! Ang mga masasaktan mo! Ang negosyo niyo na iniwan ng ama mo! Isipin mo rin iyon!”

    Nakaawang ang kanyang bibig habang tahimik na tumutulo ang kanyang luha. Ubos na yata ang luha ko dahil natuyo na ang aking pisngi. Wala nang luhang lumalabas sa akin.

    “Isipin mo rin, please! Isipin mo! Grow up! Stop thinking about me! Stop thinking about us! Bata pa tayo, Jacob! Marami pang pwedeng mangyari kaya bakit ka nag iinvest ng lakas at oras mo sa akin? Nakakaligtaan mo na ang para sa sarili mo! Nakakaligtaan mo na iyong importante sa buhay natin! Iyong bumubuhay sa’yo! Iyong iniwan ng ama mo!”

    Hindi na siya nagsalita. Hindi na rin siya makatingin sa akin. Hindi ko alam kung tama ba ito. I want to take back all the things I said but I know it’s for the best.

    “Please, grow up! Please, Jacob! Please, grow up! Not for me! But for yourself! Grow up and decide! Stop thinking about me! Stop thinking about us! We can end anytime.” Huminahon na ako ngunit hindi na siya nagsalita.

    Hindi ko kayang makita siyang tahimik. Hindi ko kayang makita siyang tahimik na umiiyak kaya dinampot ko ang aking bag at mabilis na magmartsa palabas ng pintuan.

    Naabutan ko si Maggie at James na parehong nakaupo sa sofa at may inaabangang lumabas sa kwarto ko. I know. The walls are thin and our voices were loud. They heard everything.

    “Maggie, hindi ako uuwi dito mamaya. Kina Karl ako matutulog o kahit saan. Huwag mong sabihin kay Jacob. Sabihin mo huwag niya na akong hanapin.”
    “Rosie naman…”
    “Break na kami. Break na kami.” Inulit ulit ko. Hindi ko alam para saan. “Pauwiin mo na siya sa Alegria.”

    Iyon ang huling sinabi ko bago ako umalis ng bahay.

    Kaya nang dumating ako para sa shoot, halos tulala ako. I couldn’t function well. Badtrip si Kira sa akin. Hindi rin satisfied halos lahat ng photographers. Humingi na lang ako ng paumanhin.

    “She’s the winner of the contest, Kira?” matigas na ingles na tanong ni Mr. Valenzuela sa kay Kira nang naabutan kaming pumapalpak. Ako. Ako ang pumapalpak.
    “Yes, Duke. I’m sorry, she’s not in the mood today. You met her already in Tagaytay, remember?”

    Nilipat ni Mr. Valenzuela ang mga mata niya sa akin. He’s young to be a CEO. Pero ang alam ko, tinitrain palang siyang maging CEO dahil siya ang panganay na anak ng may ari ng VMalls.

    “Ang mga modelo, kahit gaano kasama ang araw kayang ngumiti sa camera…”

    Tinapon ni Mr. Valenzuela ang records ko. Napalunok ako. Natapon ang lahat ng aking records sa sahig.

    Yumuko ako para kunin ang mga iyon. Hinagilap ko ang aking portfolio at kung anu-ano.

    “Are you a model, Ms. Aranjuez?”

    Tumayo akong muli. Nilapag ko ang aking portfolio sa isang lamesa. Napalunok ako at napatingin sa malalalim na mga mata ni Mr. Valenzuela.

    “Yes…”
    “Then why can’t you function the way you should?” nagtaas siya ng isang kilay.
    “I’m sorry, Mr. Valenzuela.” Bumagsak ang mga mata ko.
    “Come back tomorrow. Wrap this up, Kira… And you, Miss Aranjuez. Bukas, wala akong pakealam kung anong nararamdaman mo. I need you to work. We’re spending so much for this project, you can’t take this lightly…” mahinahon ngunit may diin niyang sinabi.

    Pagkatapos ng sinabi niya ay tinalikuran niya kaagad ako.

    And everything just went black after that… My decision was rushed pero pinanindigan ko ang lahat lahat.

    Kina Karl ako natulog sa araw na iyon. I turned my phone off. Changed numbers. Nang pumunta si Jacob sa bahay nina Karl, sinabi niyang hindi niya alam kung nasaan ako. And I knew he would go to my workplace anytime soon so I warned everyone not to let him in.

    Honestly, hindi ko na talaga alam kung ano ang nangyari dahil hindi ko na siya nakita pagkatapos noon. Yes, it ended that way. It ended so simple. It ended just like that.

    After a few shoots, I went out of the country with Karl. Alam kong hindi iyon praktikal na desisyon ngunit kinailangan ko iyon. Ginamit namin iyong Trip to Macau na tickets. Ang ginamit kong pera para sa pocket money ko ay galing sa modeling. Hindi gaanong malaki kaya malaking pasasalamat ko kay Karl na gumastos ng grabe.

    I did not cry. Not even when I was in Macau. Wala. Pakiramdam ko ay namamanhid na ako sa lahat ng ito. Pakiramdam ko, wala lang. Pakiramdam ko joke lang. Pakiramdam ko, hindi seryoso. Pakiramdam ko, kahit gusto ko, kahit na ginawa ko, kahit na ganoon, hindi magkakatotoo.

    “Rosie… ako na ang magbabayad sa hotel mo ngayon. May sobrang pera pa ako,” ani Karl nang nasa taxi kami patungong hotel.

    Nahihiya na akong makitulog kina Karl. Kina Ava sana ngunit napag alaman kong nasa Cavite pa siya kaya hindi ko na pinilit.

    “Huwag na… may pera pa naman ako, e,” ngumiti ako.
    “Ireserve mo na lang ‘yang pera mo para sa gastusin mo sa bahay niyo. Anyway… baka bukas pwede ka nang umuwi sa inyo…” aniya.
    “Hindi pwede… Mamaya nandoon parin si Jacob.”

    Dalawang linggo na akong hindi umuuwi sa takot kong nandoon si Jacob. Limang araw kami sa Macau at heto ako’t takot parin hanggang ngayon. Dahil pakiramdam ko, pag nagkausap ulit kami, wala na akong maramdamang kahit anong drive para itulak siya palayo. Baka yakapin ko na lang siya at bawiin lahat ng mga sinabi ko.

    Malungkot na bumaling si Karl sa akin. Ngumiti siya pero kitang kita ko parin ang lungkot. “Wala na yata, e. Di na ‘yon mag aantay sa bahay niyo…”
    “Tss… Kilala ko siya. Paniguradong nasa kwarto ko iyon natutulog.”

    Natahimik si Karl. Tumigil ang taxi sa harap ng hotel na papasukan ko. Binuksan ko na ang pintuan para makalabas na ako ngunit pinigilan ako ni Karl.

    “Rosie, umalis na siya… Nangibang bansa na…”

    Natigilan ako. Doon ko pa lang naramdaman ang lahat.

    “Huwag mo nga akong biruin…”

    Pero sa ngiti niyang malungkot, alam ko hindi siya nagbibiro.

  • Kabanata 11Open or Close

    Kabanata 11
    Let Go

    Nakatulala ako habang nakaupo sa aking swivel chair. Tinitingnan ko ang kulay pink na envelope sa aking lamesa. Hindi ko alam kung bakit nadala ko ito. Siguro’y nilagay ko iyon sa aking bag sa pagmamadali ko kanina.

    May kumatok sa aking opisina. Tumuwid ako sa pagkakaupo.

    “Miss Aranjuez, nandito na po ang mga pinadalang papeles ni Mr. Valenzuela…”
    “Sige, pasok ka…” sabi ko sa intercom.

    Ang sekretarya ni Duke ang may dala ng mga papel.

    “Ilagay mo lang dito sa lamesa,” sabi ko.

    Nilapag niya ang halos isang rim na rereviewhin ko. Magre reallign kami ng ilang nasa position kaya irereview ko ang mga credentials ng mga Manager at iba pang tauhan ng kanyang mga mall.

    “Salamat…” sabi ko.
    “You’re welcome, Miss Aranjuez…” bahagyang yumuko ang mas batang sekretarya at lumabas na sa aking opisina.

    I’m still not used to this office, though. Marami talaga akong naiisip na hindi maganda. Imbes na maging productive ay nawawalan ako ng lakas para magtrabaho. Lumilipad ang utak ko sa kulay pink na envelope. I should… not… right?

    Umiling ako at tiningnan na ang mga papel. It’s not till two or a month, anyway. Pag iisipan ko pa.

    Kinuha ko ang mga papel at nagsimula nang mag encode sa computer.

    Simula nang bumalik kami ni Duke galing Dubai, binigyan niya na ako ng malaking opisina. Noon kasing hindi pa kami umaalis ay kasama ko pa ang lahat ng empleyado ng kanyang kompanya. Ngayong may office na ako, the employees are all intimidated. Wala namang pinagbago, I’m still an HR.

    Yes. After the campaign ads and the modelings for catalogues, nag apply ako bilang HR ng kompanya nila. Natanggap ako. Syempre, sinunggaban ko na iyon dahil kinailangan ko ng stable job kahit paano.

    Pagkatapos ng pageant sa Tagaytay, iyong mga campaigns na lang kasi ng VMalls ang proyekto ko. That was what the contest was all about, anyway. Kami noong partner kong lalaki ay endorser ng VMalls simula noon. Hindi na rin ako pinayagan sa agency dahil sa kontrata under VMalls.

    Nilingon ko ulit ang pink na envelope. Halos napatalon naman ako nang tumunog ang cellphone ko dahil sa tawag ni Maggie. Muntik na akong mapamura. I hate this silence, really. Napaparanoid ako.

    “Hello…” sagot ko.
    “Hello, Rosie… May invitation ka ba?” tanong niya.

    Humilig ako sa aking swivel chair. Hinilot ko ang aking sentido at nilingon ang salamin. I am seriously stressed. Wala namang masyadong trabaho pero pakiramdam ko pasan ko ang lahat lahat.

    Mas hectic pa nga ang schedule namin ni Duke noong nasa Dubai kami kaya hindi ko maintindihan kung bakit sobrang pagod ang nararamdaman ko ngayon.

    “Oo. Ito pala ang pinunta ni Auntie kahapon.”
    Tumawa si Maggie. “Oo nga, e. Well, at least si April naalala ka parin kahit paano. Ilang taon ka na ring di bumisita sa Alegria, e.”
    “Oo nga, e. At least, naalala…”
    Tumikhim si Maggie. I can sense her next question. Pwede ko siyang sabayan kung gusto niya. “Pupunta ka ba?”
    “Hindi ko pa alam, Mag…”
    “Pupunta ako kung pupunta ka kaya pumunta ka na. ‘Tsaka ‘yong pamangkin mo sa kanya…” Tumawa si Maggie. “Ayos lang sana kung siya lang e sila pa ni Ron ang ikakasal. Malapit ka sa dalawa, Rosie…”
    “Oo nga, e. Titingnan ko. Maghahanap muna ako ng maisusuot. Anyway, malayo pa naman…”
    “Okay… Hanapan mo rin ako, ha?”
    “Okay…”
    “Okay, bye… Papasok na ako…” ani Maggie.

    Binaba ko ang aking cellphone at pinulot ang invitation ng kasal ni April at Ron. Oo, ikakasal si April sa kabanda ni Jacob noong high school pa sila. I’m glad. Nabigyan ulit si April ng pangalawang pagkakataon sa pag ibig. I am happy for her. Ang bilin nga ni Auntie ay daluhan ko na ang kasal dahil nag eexpect daw talaga si April sa pagdating ko.

    The heck. Sana ganoon kadali iyon, no? Alegria… After how many years, isang kasal ang magpapabalik sa akin?

    Lumabas ako ng opisina. Hindi pa ako nagkakalahati sa trabaho ko. Hindi rin naman nagmamadali si Duke kaya mag bibreak muna ako kesa marami akong mali. Humalukipkip ako at tiningnan ang malaking flat screen sa tanggapan ng floor namin. Paulit ulit na pinapasalida ang aking mukha kasama ang iilang model. Iba-ibang bagay ang iniindorse. Be it bags, shoes, shirts, dresses, accessories… many more!

    “Rosie…” baritonong tinig ni Duke ang narinig ko.

    Kaya pala biglang napaupo ang mga empleyado at nakapag concentrate sa kanilang mga cubicle ay dahil nandito ang boss. Duke’s not terror. He just looks intimidating…

    “Yes?” napatanong ako. “Kailan mo nga pala kailangan ang summary noong pinadala mo?” inunahan ko na siya.
    “Within this week. Alam mo namang pumayag ang niligawan natin sa Dubai…”

    Ngumiti ako. Pumunta kami ng Dubai para pakisamahan ang magiging kasosyo niya sa bagong proyekto. Gagawa siya ng isang malaking mall na inspired sa chain of malls ng isang royal family sa Dubai.

    “Mag rereallign ka at tatanggalin mo ang mga empleyado mo sa VMalls para ilagay sa bagong mall?” napangiwi ako. I think that’s a bad idea.
    “They deserve it. That mall will pay higher salary…”
    “Hindi ba magiging tagilin naman ang VMalls mo kung gagawin mo iyon? Batikan ang mga manager mo…” I stopped. “Wala akong alam sa negosyo… Kaya… bahala ka na nga…”
    Ngumisi siya at tumitig sa akin. “Wala ka ba talagang alam sa negosyo?”
    Ngumisi rin ako. “Wala… I’m just an ordinary employee…”

    Niyaya niya akong magkape sa kanyang opisina para pag usapan ang opinyon ko. Sumama ako sa kanya. Nagdesisyon akong umalis sa opisina ko kaya heto at binigyan na ako ng libangan bukod sa paninitig sa kisame.

    “I want to hear the side of an ordinary employee slash model…” aniya habang nagsasalin ng kape.

    Iginala ko ang mga mata ko sa buong opisina niya. Malaki ito. Tatlong beses ang laki sa aking opisina. Malaki rin ang kanyang lamesa at swivel chair na nasa gitna. May mga sofa din para sa mga mag memeeting in case.

    “I think kailangan mo lang i raise ang salary ng managers mo para matulad sa magiging manager ng bagong mall. Humanap ka ng mga bagong ihahire para doon sa bagong mall.”

    Binigay niya sa akin ang kape. Tinanggap ko ito at unti unting sumimsim doon. Ganoon din ang ginawa niya habang nakatingin sa akin. Tumatakbo naman ang isipan ko sa maaaring gawin niya sa kanyang kompanya.

    “Hindi ba ay next year pa matatapos ang VMall Asia? You have time to look for the managers.”
    “It will be a bigger mall so it deserves managers who are well trained and experienced. I can’t hire noobs, Rosie…” aniya.
    Alam niya pala, nanghihingi pa ng opinyon. “Oh edi train new managers. Though I am not sure if you’re ready for that. Mahal ‘yan…” sabi ko.
    “Hmmm. Titingnan ko ang budget ko. May punto ka. But I think you’re playing safe. Sa negosyo, kailangan mag risk. Kung kailangan kong ibigay ang managers na magagaling at matitirhan ako ng mga baguhan, then… be it…”
    Nagkibit ako ng balikat. “Yeah… I’m not really a risk taker.”

    Hindi ko na namalayan ang oras dahil sa pagtatalo namin tungkol doon. Kung hindi lang kumatok si Joanne, ang kanyang secretary, ay hindi ko pa nalamang mag aalas kuatro na pala ng hapon. Damn it! Hindi ko man lang nadagdagan ang trabaho ko.

    “I’ll have a meeting after this. Uuwi ka na?” tanong ni Duke nang panay na ang pindot ko sa cellphone ko.
    Umiling ako. “May appointment ako kina Karl, e.”
    “Oh? For the shoot?”
    Tumango ako at hinawakan na ang door handle ng kanyang pintuan. Kinawayan ko siya at iniwan na sa kanyang opisina.

    Tumunog na ang cellphone ko. Siguro naiinip na si Karl sa kakaantay sa akin kaya tumawag na.

    “Oo na… saglit lang. Magliligpit lang ako,” sabi ko.
    “Sige. Bilisan mo at ‘yong paborito mo baka mag off na…”
    “Oo na… Andyan na…”

    Hinagilap ko ang aking mga gamit sa aking opisina. Nagmamadali na akong umalis nang naabutan kong nag aantay si Duke sa elevator. Kasama niya si Joanne at isang bodyguard.

    Noong una, akala ko nag aantay sila sa elevator. Pero nang bumaling si Duke sa akin at sumabay sa pagpasok sa elevator ay nalaman kong hindi.

    “Sumabay ka na sa akin. Ihahatid kita sa Spa…”
    “Huwag na.”
    “Come on, Rosie…”

    Ayaw kong makipag kulitan kay Duke. Hindi siya titigil hanggang hindi ako mapa oo kaya sumama na ako sa kanya.

    “Ihahatid ka ni Karl pag uwi?” tanong niya nang nasa loob na kami ng sasakyan.
    “Yup.”
    “Magdidinner muna kayo?”
    “Siguro.”
    “Pagnatapos ako sa meeting ng mas maaga, baka puntahan ko kayo…”
    Humalakhak ako. “Huwag na…”

    Nagtalo ulit kami sa pagpunta niya kahit wala namang kasiguraduhan. Ang alam ko, pag ganito ang meeting niya, aabutin siya ng siyam siyam. Paniguradong hindi rin siya makakapunta sa Spa.

    Nang gumraduate si Karl, spa at gym ang naisipan niyang gawing negosyo. What can we expect? Hindi pa niya nasasabi sa kanyang mga magulang kung ano talaga siya pero tingin ko’y may ideya na ang mga ito. But they have hope… because of me… Tingin nila’y may kung ano sa amin ni Karl. I am their hope. But their son is obviously hopeless.

    “Kanina pa ako nag aantay!” iritadong sinabi ni Karl sa akin sabay tingin sa sasakyang palayo. “Hinatid ka?”
    Umirap ako. “Don’t get excited. May meeting ‘yon. Drop lang…”

    Pumasok ako sa loob ng Spa niya. Dahil may koneksyon siya sa mga agency at iilang mga publicist, dito nagpupunta ang iilang modelo, artista, at mayayaman. May shoot ako under VMalls next week. Ito iyong iniiwasan ko noon pero tinanggap ko rin ngayon. Iniiwasan ko dahil may nirerespeto parin akong point of view… Point of view niya. Ayaw niya ‘yong mga shoot na masyadong revealing.

    But now… let’s say this is a step. First step of moving on. To really move on whole heartedly. Let go of everything that’s keeping you from hoping… I guess that’s it.

    “Full body scrub and massage tapos hair treatment, ha?” sabay ngisi ko kay Karl.
    “Dios ko naman! Kailan ka matatapos? Buti sana kung umaga ka, no?” ani Karl.

    Tumawa lamang ako at dumiretso sa kung saan ako magpapa body scrub. Sana pala talaga sinabi ko na lang kay Duke na aabsent muna ako para makapag relax.

    Nakatulog ako sa halos isang oras na scrub and massage. Lumipat ako sa salon para sa hair treatment. Tinext ko kaagad si Karl para naman may libangan ako.

    “Saan si Karl?” tanong ko sa stylist na ngayon ay binoblow dry na ang buhok ko.
    “Nasa gym. Ipapatawag ko ba?” tanong niya.
    “Ah! Tinext ko na… Okay na…”

    Nilipat ko ang tingin ko sa salamin. Nanlaki ang mga mata ko nang nakitang tinulak ng isang pamilyar na babae ang pintuan. Sinalubong siya ng isang stylist, siguro para tanungin kung anong gusto niya.

    “Shit!” bulong kong may diin.

    Shit, really!

    Ang kanyang itim na stilletos at ankle high dress ay sumasayaw sa bawat hakbang niya. Pinasadahan niya ng kamay ang kanyang buhok at nginitian ang stylist. Hindi ko alam kung anong sinasabi niya dahil medyo malayo sila sa akin.

    Hinawakan ng stylist ang buhok ng girlfriend ni Jacob. Nagngitian silang dalawa. And just when I was beginning to relax… dahil akala ko’y mag isa lang siya… ay nakita ko ang matangkad na si Jacob sa labas ng salaming dingding ng salon.

    Hinawakan niya ang door handle at umambang bubuksan. His eyes were unreadable because he’s wearing an aviator. What the hell! Halos nanliit ako sa kinauupuan ko.

    Pinindot ko ang cellphone ko at agad na dinial ni Karl. Naabutan ko pa siyang may katawanan.

    “Where the hell are you?” mariin kong tanong.
    “Ha? Oh? Bakit? Just enjoy and relax… Rosie… tapos ka na ba sa scrub? Hindi pwede ang cellphone diyan.”

    Tangina. Let me curse just for today!

  • Kabanata 12Open or Close

    Kabanata 12
    Opening Up

    Hindi na ako tumingin muli sa dalawa. Wala akong kawala dahil nagsisimula na ang stylist sa buhok ko.

    Kumuha na lang ako ng isang magazine at pinilit ang sariling malibang sa mga pahina doon. Damn it! Asan na ba iyong beking iyon at bakit hindi pa nakakabalik? Is he hunting for a man somewhere in his gym?

    Nakataas ang kilay ko. Parang galit na galit habang binabasa ang isang artikulo tungkol sa isang modelong sobrang taba noon na payat na ngayon. Buti pa siya, may pagbabago after three years daw. Ako? Ano? Heto at nagkukunwari.

    Sa likod pumwesto si Jacob. May mga sofa doon at nasa line of vision ko siya pag diretso ang tingin ko sa salamin.

    “Hindi ka ba magpapagupit?” tanong ni stylist.
    “Hindi na…” I said without looking at him.
    “Color?”
    “Treatment only…” may iritasyon na sa tono ko.

    Stop asking me questions. Pinipigilan ko ang sarili kong mapatingin sa salamin. Kahit siguro kalbuhin ako, hinding hindi ako titingin. Mamaya makita ko ang mukha nI Jacob.

    “I’d like some keratin treatment… and footspa, too…” matigas at malinis pakinggan ang ingles ng girlfriend ni Jacob.

    Oo, naririnig ko ang mga sinasabi niya kahit na apat na upuan ang pagitan namin. Kahit na may relaxing music sa loob ng salon, naririnig ko ng klaro ang malambing niyang boses. Tangina.

    Tinaas ko ang magazine para tuluyang matabunan ang mukha ko.

    I peeked through the end of the magazine pages. Diretso sa line of vision ko si Jacob na naka upo ng maayos at nakatingin sa kanyang cellphone.

    Napalunok ako. Even the way he sits is different. His aura is so different.

    Umangat ang mukha niya kaya agad kong binalik ang mga mata ko sa article. Tinaas ko rin ang magazine para matabunan ang mukha ko. My goodness.

    “You okay?” tanong ng stylist.
    “Hindi pa ba babalik si Karl?” tanong ko binalewala ang sinabi niya.
    “Ay baka pabalik pa ‘yon. Bakit?” usisa ng stylist.
    “Wala…” sabi ko.

    Unti unti kong binaba ang magazine. Kalahati pa lang ng mata ko ngunit nakita ko na ang pagtulak ni Jacob sa transparent door. Umalis siya. Lumabas.

    Nilingon ko ang kanyang girlfriend na nasa linya ko lang. Nakatitig siya sa salamin at parang wala lang sa kanya. Siguro ay nagpaalam naman. Wait, why is this a big deal to me?

    Dalawang taghirap na oras ang lumipas ay natapos din ang treatment ko. Binoblow dry na ang aking buhok at dinadalaw na ako ng gutom. Wala parin si Karl at gusto ko na siyang murahin sa cellphone. Sobra bang slow motion ang paglalakad niya?

    Napatalon ako nang may biglang pumasok. For the two hours, wala akong ginawa kundi ang paulit ulit na ganoong reaksyon tuwing may pumapasok. Sa kabutihang palad, hindi na bumalik si Jacob doon. Pero lagi ko iyong inaanticipate!

    “Rosie…” sabay ngisi ni Karl, siya iyong pumasok.

    Gusto ko siyang paulanan ng mura. Ayaw ko lang talagang makuha ang atensyon ng kahit sino. Lalo na’t nandoon parin ang girlfriend ni Jacob!

    “Saan ka galing?” mahina ngunit may diin sa aking tanong.
    “Sa gym! Nag gym ako tapos I met a couple of friends. Why? Are you hungry?”

    Nanatili ang tingin ko sa kanya. Sa matalim kong tingin ay tumahimik siya at nagkunot ang noo. Nilagay niya ang kanyang kamay sa kanyang bulsa.

    Nang sa wakas ay nakakuha ng koneksyon sa akin, pinasadahan niya ng tingin ang buong salon.

    “You’re done, girl…” sabay panghuling haplos ng stylist sa akin.
    “Salamat.”

    Tumayo agad ako at kinuha ang bag. I can’t stay here for long. Hindi ko na rin aantayin si Duke kahit na iyon ang bilin niya. I’m gonna drag Karl’s ass out of here if I have too.

    “Kumain na tayo sa labas. Iyong malayo dito,” sabi ko.

    Kitang kita ko ang pagtigil ng kanyang paningin sa dulong upuan. Napatango si Karl at pumunta kaagad sa counter.

    “Ohh. Okay…” aniya.

    Nauna na akong lumabas. Hindi ko na ulit tiningnan ang loob. I don’t want to have an eye contract with that girl. I am not even sure if she knows me. I’m not even sure if she even cares. Kung sobra sobra ang seguridad na binigay ni Jacob sa kanya, hangin na lang siguro ang pakiramdam niya sa akin.

    Humalukipkip ako habang nag aantay kay Karl sa labasan ng building. Hindi nagtagal ay dumating siya. Sabay kaming naglakad patungo sa kanyang sasakyan. Pinatunog niya ito kaya binuksan ko ang front seat.

    “Itext mo si Duke kung saan tayo mag didinner…” sabi niya.
    Tumango ako at pumasok sa loob ng sasakyan niya.

    Pagkaandar noong sasakyan niya ay ‘tsaka siya nagsalita.

    “I don’t see his Hummer. Is she alone?” tanong ni Karl. Kahit walang pangalan ay kuha ko agad.
    “Is he still driving a Hummer? And no… she’s not alone. Kasama niya si Jacob.”
    “Nagkita kayo?” Sumulyap si Karl sa akin.
    “Nakita ko siya.”
    Tumawa siya. “Do you think nakita ka niya? Pumasok siya sa loob ng salon ko? That girl isn’t a regular… or I don’t know. Magtatanong ako kay Martha kug regular ba siya doon.”
    “I don’t care…” Humalukipkip ako.

    May pinindot si Karl sa kanyang cellphone. Umirap ako. Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya pinipigilan.

    “Martha…” matigas na ang boses ni Karl.
    “Po, sir?”

    Naka loudspeaker ang kanyang phone. Nakapangalumbaba na lang ako. Tinukod ko ang aking siko sa kanyang bintana.

    “Nandyan pa ba iyong nagpa Keratin sa huling upuan?”
    “Alin po dito, sir?” tanong ni Martha.
    “Naka dress. Maputi, mahaba ang buhok, makinis, hindi katangkaran,” ani Karl.
    “Itong maganda, sir?”

    Gusto kong sipain ang dashboard ni Karl. I’m trying so hard to be okay pero ito ang nagiging resulta. Maybe it’s my nature to really hate something when I don’t like it. Pero bakit noong si Callix at Belle, hindi naman ako badtrip?

    “Nandito pa po…” ani Martha.
    “Is she a regular? May record ba diyan?” tanong ni Karl.
    “Ba’t mo pa tinatanong? I mean, para saan?”
    “It’s time to finally name you-know-who, Rosie.”
    “Hindi ko naman tinatanong, ah? I don’t care…” giit ko.
    “Then just for me. Because I want to know.”
    “Nahanap ko ang record. First time niya sa salon, sir. Nagpa brazilian wax siya noon sa spa.”

    Gustong humagalpak ni Karl. Umamba akong papatayin ang cellphone niya kaya nilayo niya iyon sa akin. Fuck!

    I really think these are all my karma for the curses I uttered for the past years.

    “What’s her name?”
    “Martha, you have a protocol of confidentiality, hindi ba?” singit ko.
    “Felicity Llanes, sir.”

    Right. He’s the owner so what protocol am I talking about?

    “Salamat.”

    Binaba ni Karl ang cellphone at tumingin siya sa akin. Hindi na ako kumibo. Nanatili ang mga mata ko sa labas.

    “Felicity Llanes. Tunog mayaman na mabait na simple, a?”
    “Yeah at anong sinasabi mo? So opposite, ganoon? Let’s just get to some food chain or something, please…”

    Halos napatalon ako nang tumunog ang aking cellphone. Tiningnan ko iyon at nakita kong si Duke ang tumatawag. Sinagot ko kaagad. Nakalimutan kong itext siya.

    “Hi! I’m done with my meeting.” He sighed, tunog pagod. “Asan kayo? Tapos ka na sa salon?”
    “Yeah. Kakain kami ni Karl.”
    “Saan?” tanong niya.
    “Saan?” tanong ko kay Karl.
    “I don’t know. Ask him, if you want…”

    Kinagat ko ang labi ko. Kapag si Duke ang magsusuggest, this would mean he’s paying for everything.

    “You have not decided yet? Spiral. Paki sabi kay Karl.”
    “Duke…”
    “Please, Rosie. Sabihin mo na sa kanya. Anyway, I’ll ask a favor from you.”
    “Favor? Ano ‘yon?”
    “Doon na natin pag usapan. Kaya doon na tayo magkita. No buts…”

    Bago pa ako makaapila ay binaba niya na ang tawag. Alam niyang aapila ako. I’m not even sure where that restaurant is.

    “Spiral daw…” sabi ko kay Karl.
    “Oh?” Tumango si Karl at niliko ang kanyang sasakyan. “It’s an honour to be a thirdwheel.”
    “This is nothing, Karl. May favor daw siyang hihingin…” sabi ko para matigil ang kanyang pag iisip.
    “Right! Anong pabor naman kaya?”

    Nagkibit ako ng balikat.

    “Hindi mo ba talaga naiisip o nakokonsider man lang si Duke bilang, you know, boyfriend?”
    “He’s just a friend. Ayaw kong pagsamantalahan ang kabaitan niya.”
    “Oo nga. He’s a friend at mabait siya. Hindi ba doon naman talaga nagsisimula ang lahat? Sa pagiging magkaibigan? At ang pagiging mabait ng isang tao ay isang katangian na dapat una mong tinitingnan when considering a partner?”

    Hindi ako nakapagsalita. May punto siya. I don’t know why I’m just so hard on myself.

    “He’s not the hopeless romantic type. That’s what you need, you know. Someone low key. Someone who doesn’t need too much attention. At mabait pa, dagdag points. You’re not high maintenance. Dapat sa’yo ‘yong hindi clingy… alam mo na… siguro naman nakita mo kung anong mangyayari kapag napares ka sa clingy…”
    Kinagat ko ang labi ko. “You think Jacob’s still clingy, though?”
    “What the hell, Rosie? Bakit iyan ang tinatanong mo?!” halos pasigaw na tanong ni Karl.
    “Nevermind! It’s just a passing thought!”
    “If he’s not, then you like him?”
    Umiling kaagad ako.

    Ni hindi ko alam kung alin ang gusto ko… kung iyong pagiging clingy ba niya tulad noong dati o ‘yong pagmamature niya. Kahit alin. Basta siya. And I hate myself for that. I hate myself so much. Ako rin ang nagdadala ng sakit sa aking sarili, e. Ako rin talaga. Kaya there’s no one to blame but me.

    “We’re here… And Duke’s here too…” sabay turo ni Karl sa sasakyan ni Duke.

    Nilingon ako ni Karl habang pareho kaming nagtatanggal ng seatbelts.

    “Siya ipahatid mo sa apartment ninyo, ah? It’s time you show him your house. Unless you want to sleep on his bed again.”
    “Shut up, Karl!”

    Tumawa lamang si Karl at lumabas na ng sasakyan. Lumabas na rin ako.

    Pagkapasok namin, nakita ko kaagad na engrandeng buffet restaurant itong napasukan namin. Manghang mangha ako sa looban.

    “This way, sir.”

    May sumalubong kay Karl na waitress at tinuro sa amin ang lamesa kung nasaan si Duke. Umupo ako sa kanyang harap at si Karl ay umupo sa aking tabi.

    “Your hair looks great!” sabay ngiti ni Duke.
    “Thanks…” hinaplos ko ang buhok ko.

    Ni hindi ko na namalayan ang pagbabago sa aking buhok o ang pagkakarelax ko dahil sobrang stress ang dala sa akin ng pangyayari sa salon.

    “Let’s eat?” ani Duke.

    Kumain kami. Nag kwentuhan si Duke at Karl tungkol sa stock market. I don’t have anything to share since I don’t have a business or I don’t belong to the corporate world. Ang tanging alam ko lang sa negosyo ay iyong sa bukirin, iyong paghawak ng lupain, at kung anu-ano pa. This goes to show how different my upbringing is compared to them. Hindi ako lumaki ng Alegria pero pakiramdam ko may malaking parte ang probinsyang iyon sa akin.

    “By the way, Duke, anong favor ang tinutukoy mo nga pala?” natanong ko nang humupa ang kwentuhan nila.
    “Ah! You said it. Two days from now may party with the suppliers of VMalls and all the other chain of malls here in Manila. It’s a big party.”
    “Oh? It’s that time of the year?” ani Karl.
    “Yup… I want you to join me in that party…”
    Agad akong umiling. That’s too flashy! Naaalala ko noong mga nakaraang taon na isang family friend ang dinadala niya. Ngayon, bakit ako?
    “Oh come on!” ani Duke. “Ako na ang bahala sa damit mo at artist mo. It’s only right to bring you. You’re the face of VMalls.”
    “What happened to Sol or Jane? Noong nakaraang taon, hindi ba?”
    Tumawa si Duke. “I’m asking you now. Hindi sila ang tinatanong ko.”
    “Sus, Rosie. Sumama ka na nga! It’s only right that he brings you. Like he said, you’re the face of VMalls. Nobody would question your presence. Sa laki ba naman ng Billboard mo sa EDSA, paniguradong maiintindihan nila.”

    Tumawa lang ako. Hindi ko alam. Sige na nga… payag na ako.

    “By the way, another billboard is coming next week.”
    “Oh? iyong ishoshoot ba ni Rosie? Billboard ‘yon? Akala ko catalogue lang,” tanong ni Karl.
    “Billboard ulit. It’s the last set for summer… so…” ani Duke.
    “O sige na nga. Hindi ko alam kung anong susuotin diyan. Sinu sino ba ang dadalo? Your co Mall-CEOs? Who?” sabi ko.
    “Some contributors, suppliers, and yes… some CEOs.”

    Tumikhim si Karl at natahimik. Nanatili ang kanyang mga mata sa baso ng tubig.

    Suppliers.

    Unti unting bumangong muli ang J.A. Foods noong nangibang bansa si Jacob. Truly, his Tito Samuel did a great job. Pero ang alam ko, mas lumaki ito pagkabalik ni Jacob. It doubled in size and in numbers in a span of six months simula ng pagbabalik niya dito.

    Hindi ko alam kung paano niya ginawa iyon pero ganoon ang nangyari. Their farm is the major suppliers of corn related processed foods, rice, poultry, cattle, and so much more. Hindi ako makapaniwala na sa sobrang pag expand ng J.A. ay nasali sa scope nito ang animal farm.

    “Suppliers, huh?” sabi ko.

    Kitang kita ko angpagkakabigo sa mga mata ni Duke. Humugot ako ng malalim na hininga.

    “Well, okay. Sige. Sasama ako. Sagot mo ang damit. Ayaw kong ma stress sa kung anong susuotin ko…” sabi ko kay Duke.
    “Perfect!” he said.

    Ilang sandali pang kwentuhan ang ginawa namin. Kung wala lang akong pasok bukas ay papayag na akong lumabas muna kami kaya lang ay mukhang pagod si Duke at kailangan ko na ring umuwi.

    “Bye! Take care of her, Duke!” panunuya ni Karl nang pumasok na siya sa kanyang sasakyan.

    “Ito talagang si Karl, palabiro…” sabi ko at pumasok na sa sasakyan ni Duke.
    “He’s so supportive of us.” Tumawa siya.

    Hindi ako nagsalita. Pinaandar niya ang kanyang sasakyan at tinanong niya na ako tungkol sa daanan patungo sa aming bahay.

    “I really can’t believe that you’re finally leading the way to your house now…” tumawa siya.
    “Syempre, for the past years… how can I lead you the way when I’m so drunk to even open my eyes…”
    “Sa bagay, Rosie…”

    Natuwa ako sa pagtuturo sa kanya ng daanan patungo sa apartment. I even fiddled with his phone sa isang Waze App para maipakita ang mas magandang daanan, iyong walang traffic.

    “I’ll remember this,” sabay tawa niya.

    Nang sa wakas ay nakarating na kami sa apartment. Tiningnan ko iyon galing sa salamin ng kanyang sasakyan. Uminit ang pisngi ko nang pinuna niya ang aming apartment.

    “So which one is your unit?” tanong niya.
    “Iyong una, Duke.”

    May ilaw doon. Hudyat na naroon na si Maggie.

    Unti unti kong kinalas ang aking seatbelts. Nahihirapan pa ako kung paano ‘to ngayon. Should I invite him inside? Or thank you na lang?

    Nakakahiya na ang ganda ganda ng kanyang condo at malalaki pa ang kanyang bahay at heto ako’t nakatira lang sa isang mumurahig apartment. I can clearly see the difference of our social status. Naangat lang ako dahil sa mga kaibigan ko at dahil na rin siguro sa nature ng trabaho.

    Hindi tulad noon, hindi na kami gaanong naghihirap ni Maggie. Papa can actually pay for some of our bills kahit na tumatanggi na ako dahil kaya ko naman. I want them back here but they insist. Ang gusto nila’y patapusin na muna si Maggie. Tutal ay last year niya na ‘to. Sa Marso, gagraduate na siya. By then, my mama and papa will be back home.

    “Duke, maraming salamat sa paghatid sa akin. I really appreciate it…” napapaos ang boses ko. “Gusto mong pumasok muna? Nandyan sa loob si Maggie.”

    He’s met my sister before. Hindi nga lang dito sa bahay.

    “No… Maybe next time. I can see that you already want to rest. You’ll get tired entertaining me, Rosie…”
    Tumango ako. “Next time, then…”

    Binuksan ko ang pintuan. Nagulat ako nang hinawakan niya ang braso ko at napigilan ako sa paglabas.

    “I’m happy, Rosie…”
    “For what? Kasi pumayag ako sa pabor?”
    “That… and… you’re finally opening up for me…” He smiled.

    I smiled back at him. Tumango ako at walang sinabi. Binitiwan niya ako kaya nakalabas na ako at sinarado ko na ang pinto.

  • Kabanata 13Open or Close

    Kabanata 13
    Ang Sakit

    Pakiramdam ko ay lalagnatin ako sa sobrang kaba ko. Kakatapos lang ng make up artist sa aking mukha. Kina Karl ako nagpa appointment para sa hair and make up ko. Ni hindi sapat ang maganda at designer gown para mag divert ng atensyon ko sa ibang bagay.

    “Halatang kabado ka, ah?” ani Karl habang pinapanood akong inaayusan ng buhok.

    I’ll wear my curls loosely. Ganoon naman ang paborito kong ayos ng buhok ko.

    “Why don’t you wear your hair up?” tanong ni Karl.
    Umiling ako at inayos ulit ang buhok ko.

    For today, I want to be simple. Alam kong mas mabuti ngang up-do para mas pormal pero mas pinili ko parin ang simple look.

    “Andito na si Duke…” ani Karl, nakatingin ngayon sa labas ng kanyang salon.

    Tumayo na ako. Hindi na mapakali sa mangyayari.

    Rosie, chill. Hindi ako sasama kay Duke para makasalubong ang kahit na sino. The event is big and bumping on to him is a miracle. Chill!

    “Good evening!” bati ni Duke nang umapak sa loob ng salon.
    “I’m done,” sabi ko, nahihiya dahil baka mahuli pa kami sa event.

    Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. He looked so thrilled with what I’m wearing. Simpleng kulay dark blue na tube top long gown lang naman ito na may magarbong bead work.

    “You’re beautiful!”

    Uminit ang pisngi ko sa sinabi ni Duke. For a man like him to give me praises, it’s such an honour.

    “Maraming salamat,” hindi ako makatingin sa kanya pagkasabi ko nito. “Shall we go?”
    “Yes…” wika ni Duke.

    Tahimik ako sa buong byahe. Duke explained to me that the party was going to be quick. Hindi kami magtatagal dahil may pasok pa ako bukas. Bukod pa doon ay babyahe siya patungong Batangas para sa isang conference. Kakain lang daw kami, makikipag usap sa ilang investors, at aalis din agad. We won’t stay for the dance and all. I’m fine with that! Very happy, even. Dahil hindi ko ata kayang magtagal doon.

    “Are you nervous?”
    Umiling kaagad ako kay Duke. “Nope.”

    Lumabas na kami ng sasakyan. Binigay niya sa valet ang susi. Hinawakan niya ang aking baywang. Napatingin tuloy ako sa kamay niya pero nang nagsimula siya sa paglalakad ay ganoon na lang din ang ginawa ko.

    The entrance was busy. Maraming showbiz personality na isa ring supplier o di kaya’y investor kaya isang batalyong paparazzi ang naroon. Natigil din si Duke nang may isang nag interview sa kanya.

    “Being one of the most eligible bachelors in the Philippines, will you share with us your type of woman?” tanong ng bading na may malaking itim na glasses.

    Tahimik akong nasa gilid ni Duke. Sinusulyapan ng journalist ng isang magazine na nag iinterview sa kanya.

    “I want someone who’s understanding, low-key, malambing, and… someone who knows what she wants…”
    “Looks like you want a twenty-first century woman, ah? Hmmm. I’m gonna share it to my readers…” Napatingin ulit sa akin ang reporter.
    “Rosie Aranjuez?” tanong niya.
    Ngumiti ako.
    “Can you tell me what kind of gown are you wearing? You’re standing beside the CEO of one of the biggest mall chains here in the Philippines, how do you feel?”

    Nilagay niya sa aking harap ang kanyang cellphone. He’s recording.

    “This is…” napatingin ako kay Duke. “A Valentino gown-“
    “Oh? Nagpadesign?”
    “Nope…” umiling ako. “Binili lang ito ni Duke, madalian.”
    “Oh! Duke Valenzuela paid for your gown-“
    “I asked her two days before. Naturally, wala pa siyang nahahanap na gown so bumili na ako bago ko pa siya tinanong,” sagot ni Duke.
    “Oh! So how does it feel, Rosie? To be standing beside an eligible bachelor? You’re living a dreamy life, girl!”
    “I’m standing beside my boss, iyon ang nasa isip ko.” Tumawa ako.
    “I’m your friend, too. Not just boss…” giit ni Duke.

    Umiling ako at umirap. I really hate it when he stress that. Nang nilubayan kaming dalawa ng journalist ay biniro ko na siya.

    “Hahanapan kita ng ideal woman mo, Duke,” tawa ko.
    “Ideal woman?”
    “Someone understanding, low-key, malambing…” ngisi ko.

    Papasok na kami sa malaking venue. Masyadong maraming tao at hindi makapag settle down ang lahat. Good. Mas maraming tao, mas imposibleng makita si Jacob. Sa dagat ng mga taong ito, aba’t pinaglalaruan na ako ng tadhana kung makita ko pa siya. Besides, ibang mesa ang para sa mga CEO, iba rin ang para sa mga suppliers.

    “Malambing na lang ang kulang sa’yo…”
    Napatingin ako kay Duke. He smiled. Umiling ako at napangiti na rin.

    Sinalubong siya ng ilang kilalang mga tao. He chatted with them a bit. He introduced me to every one of them. Ni hindi na ako lumingon kung saan saan. Tanging sa mga pinapakilala lamang ako nakatingin para wala na akong makitang hindi ko magugustuhan.

    Umupo na kami sa designated seats nang nagsimula na ang event. Ilang speakers ang nagsalita. Nakinig lamang ako. May mga presentations din. Pagkatapos ng mahigit na isang oras na ganoon ay niserve na ang pagkain. Four courses ang meal at inenjoy ko na lang iyon, kasabay ng pag eenjoy ko sa pakikipag usap sa mga naroon.

    Wives of popular businessmen were there. Ang iba ay mga ka edad o ilang taon lang ang tanda sa akin, ang iba naman ay mas matanda pa sa mga magulang ko.

    Tatlong oras sa party ay napagod na ako. We did not move much. Ni hindi nga kami masyadong naglibot ni Duke dahil nasa mesa rin naman namin ang mga kailangan niyang kausapin.

    “Are you tired?” tanong ni Duke pagkatapos kong uminom ng pangatlong baso ko ng wine.
    “Kind of…”
    “Pu pwede na tayong umalis. I’m tired too…” ani Duke.

    Natahimik ang kaluluwa ko sa sinabi ni Duke.

    “Tapos ka na ba sa mga kakausapin mo?” tanong ko.
    Tumango siya. His eyes were dark and his whole attention was on me. Ang isang kamay niya’y nakahawak sa upuan ko.
    “Hmm. Mag C-CR muna ako, pagkabalik ko, alis na tayo.”
    “Okay…” tango niya.
    Tumango rin ako at tumayo. Tinanggal niya ang kamay sa likod ng upuan para makawala ako.

    Dala-dala ang purse ay dumiretso na ako sa CR. Lumabas ako ng hall para makapunta sa CR.

    Pagkapasok ko sa isang bathroom ay dumiretso na ako sa cubicle. I peed first. When I’m done, lumabas na ako para makapag ayos.

    Naghugas ako ng kamay noong una. May isang babae sa tabi ko na nag lalagay ng lipstick. She’s in her mid 30s. Ngumiti siya sa akin, sinuklian ko rin ang ngiti niya.

    May lumabas sa katabing cubicle ko kanina. Napawi agad ang ngiting ibinigay ko para sa babaeng katabi. Felicity Llanes went out of the cubicle.

    Panay ang pagdarasal ko na sana lumabas na agad siya pero hindi, e. Tulad ko, naghugas din siya ng kamay. Nasa gitna namin iyong mid-30s na babae.

    Kinalma ko ang sarili ko. From the looks of it, she doesn’t know me. We’ve been this close two times, already. Una, doon sa salon. Ito ang pangalawa pero ni isang beses ay hindi siya sumulyap man lang sa akin.

    Siguro hindi niya ako kilala. Siguro hindi sinabi ni Jacob sa kanya iyong tungkol sa nakaraan. Siguro dahil hindi ito importante. Siguro dahil nakalimutan niya na iyon. Siguro ayaw niyang masaktan ang bago niyang mahal.

    Unti unti kong naramdaman ang hampas sa aking puso.

    She opened her purse. Kumuha siya ng pressed powder o foundation. Ganoon din ang ginawa ko. Mukhang hindi niya talaga ako kilala.

    Her hair’s up. She’s wearing a spaghetti strap dark violet long gown. Mas matangkad ako sa kanya. Maputi rin siya at mahaba ang kanyang buhok. Her lips were thin and her eyes were big and expressive. Her brows were perfect. Her facial contour is perfect. Mukha siyang anak mayaman. I think, talagang anak mayaman siya.

    Natigil ako sa pag iisip nang umalis ang babaeng nakagitna sa amin kanina. Naiwan kaming dalawa doon.

    Nilipat ko ang mga mata ko sa salaming harap sa akin. Inayos ko ang aking mukha. Inayos ko rin ang aking eye lashes. I retouched my lipstick. Kumuha rin ako ng pabango at sumulyap ulit sa kanya bago ako naglagay sa kamay. Laking gulat ko nang nakitang nakatingin na siya sa akin.

    “Rosie Aranjuez, right?” tanong niya sa matigas na ingles.

    Tumango ako. Hindi makapagsalita ng maayos. Pinagpatuloy ko ang paglalagay ng perfume sa aking wrist.

    Nagtaas siya ng kilay at ngumiti sa akin. Sa salamin lamang kami nakatingin. Sa kanya, ang repleksyon ko. Sakin, ang repleksyon niya.

    “You’re Jacob’s ex,” deklara niya.
    Tumikhim ako. Walang masabi. Hindi ko makumpira at mukhang hindi niya naman kailangan ng kumpirmasyon.

    Alam niya ang tungkol sa akin. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot. At least my predictions were wrong. Pero dahil nalaman kong kilala niya naman pala ako, mas lumala lang ang mga naiisip ko.

    Mahal na mahal ni Jacob ang babaeng ito dahil siya ang nagpaahon sa kanyang pagkabagsak. Sinabi lahat ni Jacob ang tungkol sa kanyang buhay. Simula sa pagkamatay ng kanyang ina noong bata pa lang siya, pagkamatay ng kanyang ama, at ang pag iwan ko sa kanya. He bared his soul to this woman. He’s made her his sun. He depended on her now. Not on me… Because I want him to be independent. At ngayon, naghahanap na naman ako ng ganoong klaseng affection sa kanya. How ironic!

    “You are?” tanong ko kahit kilala ko na siya.
    “Oh! How rude of me… Ako nga pala si Felicity Llanes. I’m his girlfriend…” She smiled at me genuinely.
    I smiled back. But damn it, my heart’s hurting so bad!
    “I heard so many things about you. Hindi ko alam na nakauwi ka na pala galing ibang bansa?”

    Paano niya nalaman? Sinabi rin ni Jacob sa kanya? He’s updated!? Hindi naman sa umaasa pa ako pero hindi lang ako makapaniwala.

    “Yup. Ilang linggo na rin simula nang bumalik ako.” Ngumiti ako.
    “Well then, hindi pa ba kayo nagkakausap ni Jacob? Pagkabalik niya ay siyang pag alis mo, ‘di ba?”

    Wrong. Ilang buwan pa bago ako umalis noon. He did not reach out to me. I did not even dare. Siguro dahil natatakot na rin ako. Siguro ay dahil alam kong hindi na talaga maibabalik dahil nasaktan ko siya.

    “Medyo,” hilaw na ang ngiti ko ngayon.
    Tumango siya at ngumiti.

    Hindi niya na ulit ako kinausap. Nagsuklay siya ng kanyang buhok. Magsusuklay na rin sana ako pero pinigilan ko ang sarili ko.

    “Mauuna na ako…” sabi ko at kinuha ang aking purse para makaalis na siya.

    Dire diretso ang martsa ko palabas ng bathroom. Tatlong hakbang palabas pa lang ay naestatwa na ako.

    Jacob was heading to the bathroom too. Sa harap ko ay nakatayo siya. Natigil ang paglalakad dahil sa pagharang ko.

    Ang mabilis na pintig ng puso ko kanina ay tumigil na sa ngayon. Diretso ang tingin niya sa akin. Iyong tipong palagay ang loob, malamig, at hindi natitinag. While I’m an emotional mess in front of him, he’s just there watching me panic!

    “Jacob! Hindi ka nag antay sa lamesa?” boses ni Felicity ang lumabas sa likod ko.

    Kitang kita ko ang paglipat ng tingin niya galing sa akin patungo sa kanyang bagong girlfriend. Pakiramdam ko ay napupunit ang aking puso sa sobrang sakit. Pilit akong ngumingiti pero nanginginig ang labi ko.

    “Mag C-CR din sana ako…” sagot ni Jacob sabay palupot ng kamay sa baywang ni Felicity.

    Nanatili ang mga mata ko sa kanyang kamay. Unti unti nang humihina ang aking paghinga. Nagbabara na rin ang aking lalamunan at alam kong masamang pangitain na iyon.

    “Nagkasabay kami ni Rosie sa CR kanina. Nagkita na pala kayo…” ani Felicity sabay ngiti sa akin.
    Tumango lamang si Jacob at lumipat ulit ang tingin sa akin. I smiled once again.
    “You have a great girlfriend, Jacob.” Pagbitiw ko ng mga salitang iyon ay gusto ko na agad makain ng lupa.

    Just fuck it, Rosie! What did you just say? Talagang ganoon ang entrada ng pananalita? Gustong gusto mong itago ang sakit pero hindi kaya ng bibig mo?

    “I-I hope you two enjoy the night! Maganda ang party…” Napatingin ako sa venue. “Mukhang may sayawan pa mamaya. Too bad, aalis na ako.”
    “Oh! Bakit?” tanong ni Felicity sa isang concerned na tono.

    Tahimik si Jacob na nakaharap sa akin. Hindi ko siya matingnan. Nasisilaw ako. Luluha ang mga mata ko pag pilit ko siyang titingnan. And I can’t believe he can just watch me like that. Ni hindi yata siya kumukurap habang tinitingnan ako. It was so intimidating. Black coat and tie, broad shoulders, clean cut hair, and cold expression… he was so damn intimidating!

    “May trabaho pa kasi bukas… Kailangan pang maaga,” ngumiti ako at kinagat ang aking labi. I need to find an excuse to stop this. “Kaya… kailagan ko nang umalis. Babalik na ako sa loob.”

    Sumulyap ako kay Jacob. Nanatiling ganoon ang ekspresyon niya habang dumudungaw sa akin. Nangilid ang luha sa aking mga mata. Binalik ko ang tingin ko kay Felicity na nakangiti lang sa akin ngayon.

    “Sige! Enjoy the night too. Antayin ko lang ang isang ito na matapos sa bathroom.”

    Tipid na ngumiti si Felicity. Tumango ako at walang pag aalinlangang umalis na sa harap ng dalawa.

    I rushed to Duke. Pilit kong kinalma ang sarili ko. Naabutan ko siyang nakikipagtawanan sa ilang investors. Nang nakita ang pagbabalik ko ay tumayo na kaagad siya.

    How many times do I have to say thank you to him? Thank you dahil hindi niya na papatagalin pa ito!

    “Alis na kami. Maaga pa bukas, e,” ani Duke.

    I said my goodbyes to his friends. Pagkatapos ay tensed na naglakad palabas ng venue. Sa tabi ko ay si Duke na panay ang pag papaalam sa bawat nakakasalubong.

    Nang nasa bukana na kami ng venue ay mas lalo lang akong kinabahan. Nanatili ang mga mata ko sa kay Duke at sa mga kausap niya. Masyado akong takot na makita ulit si Jacob o si Felicity.

    “Uwi ba talaga ‘yan o?” Nagngising aso ang isa pang kaibigan ni Duke.
    Sumabay ako sa tawanan nila.
    “Uuwi na talaga!” tawa ni Duke.
    “O sige, ingat kayo! Ang aga ninyo namang umuwi,” anang kaibigan niya.
    “Rosie, let’s go…” sabay hawak sa aking baywang at giya sa akin palabas ng venue.

    Pagkalabas namin ay ‘tsaka ko pa lang narinig ang sobra sobrang lakas ng pag pintig ng puso ko. Nanlamig ang aking kamay at parang lumulutang ako. Ang sakit. Ang sakit sakit. Pero imbes na umiyak ay natulala na lang ako. Ganoon ka sakit.

    “Are you okay?” tanong ni Duke nang pumasok na kaming dalawa sa kanyang sasakyan.
    Napalunok ako at tumango. “Nagkasalubong at nag usap kami ng ex ko.”

    Natahimik si Duke. Kinagat ko ang labi ko. Tulala parin sa dashboard at hindi ko masabi ang buong nararamdaman ko dahil buhol buhol na ang sistema ko.

    “I’m sorry…” ani Duke.
    Naputol ang pag iisip ko dahil sa sinabi niya. Nilingon ko siya at nakita ko ang pamumungay ng kanyang mga mata.
    “Dapat ay di na kita dinala dito. Kasalanan ko…” aniya.
    “Hindi. Eventually, I will have to face him. Sinanay mo ako dahil sa pagkakataong ito. I should… thank you for that.” Nanginginig ang boses ko pero patuloy ako sa pagsasalita. “Eventually, I will be so used to seeing him that it won’t matter to me. Kaya… salamat dito, Duke.”

  • Kabanata 14Open or Close

    Kabanata 14
    He Changed

    Gulat parin ako sa pagkikita namin ni Jacob. Sa sobrang gulat ay wala akong napagsabihan, kahit si Maggie o si Karl.

    Natutulala na lang ako madalas, replaying all that happened in my head. Hanggang sa nakalimutan ko na kung paano talaga iyon. Nadadagdagan at nababawasan ang mga sinabi niya. Mas lalo akong nasasaktan at namamanhid.

    “Dito, Rosie!” sigaw ng photographer habang winawagayway ang kanyang kamay sa malayong kanan. “Tingin dito,” utos niya.

    Ginawa ko lahat ng inutos sa akin. This is for the summer collection of the VMall Department Store. We should be preparing for the rainy days dahil tapos na ang summer pero dahil nahuli ako sa shoot, ngayon lang ito gagawin.

    “Magaling!” anang photographer sa akin.

    Nilapitan ako ng make up artist para sa retouch.

    Parang kani kanina lang ay medyo hindi pa ako kumportable sa suot ko. Lalo na dahil balot ang lahat ng tao sa set at mag isa lang akong naka two piece. Pero kalaunan sa pag shoshoot ay parang nasanay na rin ako.

    “Jacket, Ghela, at iyong payong!” anang photographer sa assistant.

    Medyo binasa at sinuklay ang buhok ko. Ito na siguro iyong para sa wet season. This will make it to EDSA, hindi tulad ng shoot ko kaninang sa catalogue, calendar lang patungo.

    Sa malayong pintuan ay nakita ko ang pagdating ni Duke. Nakapamulsa siya at namataan niya kaagad ang pagtingin ko sa banda niya. He smiled.

    Uminit ang pisngi ko. I’m still wearing the green two piece. Naka tatlong palit na ako ng two piece at ito ang panghuli.

    Humilig siya sa hamba ng pintuan at humalukipkip. Buti naman. Kakabahan ako ng husto pag lumapit pa siya.

    “Rosie, pasuot nito…” sabi ng assistant.
    “Salamat,” ngiti ko at sinuot ang jacket na isa sa props ng susunod na batch.

    Pinapikit ako ng artist para ma ayos ang eye shadow. Ramdam ko ang lamig sa aking buhok habang binabasa ito. May fake rain na bubuhos maya maya para sa shoot. Hindi ako masyadong mababasa pero ngayon pa lang nanlalamig na ako.

    The shoot then began. Hindi parin lumalapit si Duke. Nakatingin lamang siya sa malayo, with his smirk on.

    Ngumuso ako at nagtaas ng kilay sa kanya. Tumango lamang siya na parang sinasabing gawin ko na ang shoot.

    Nang nagsimula na ulit ang photographer ay nagseryoso na rin ako.

    “Fierce, Rosie!” aniya.

    I did every pose they wanted. Tulad kanina na halos mag stretching ako sa mga gusto nila.

    Noong pinagdala ako ng payong at umulan na ay mas naging loose ang mga shots. Hindi na kailangan ang fierce look at puro tawa na lang ang ginawa ko. Ginawan din ng video shoot iyon tulad ng sa summer collection.

    Tumagal ata ng mahigit apat na oras ang buong shoot. Pagod na pagod ako pagkatapos.

    Nakita kong dumiretso si Duke sa mga photographers, siguro’y tiningnan ang resulta ng ginawa namin. Imbes na pumunta ako sa kanila ay dumiretso na lang ako sa dressing room para makapag bihis muna ng maayos.

    Pagkatapos kong mag bihis ng maayos na damit ay lumabas na ako doon. My hair’s now dry dahil binlow dry ng assistant pero naroon parin ang make up galing sa shoot.

    Naabutan ko si Duke na nakatingin parin sa screen ng computer kasama ang photographer. They’re checking on the raw files of my shoot. Sumulyap siya nang nakalapit ako at tumuwid sa pagkakatayo.

    Naglahad siya ng kamay sa akin. He’s always formal. Lalo na pag nakikita ng katrabaho. Tinanggap ko ang kamay niya.

    “Congratulations! You did well!”
    Tumawa ako. “Kabado nga ako. First time ko itong mag shoot ng two piece.”
    “Bakit ka kakabahan? Dapat matagal mo na itong ginagawa!” tawa ng photographer.
    Ngumiti ako. “I’m sure, masusundan pa ‘yan if ever. I just need a more toned body,” sabi ko.
    “You have a toned body,” ani Duke.

    Napatingin ang photographer sa aming dalawa. Nahiya ako lalo na nang nag ngising aso ito. Parang may naiisip ito tungkol sa amin ni Duke.

    Mabuti na lang at hindi naman kami nagtagal doon. Niyaya ako ni Duke na mag dinner sa isang restaurant. Bago ang shoot ay nagyaya siyang susunduin niya ako. Tutal ay pupunta naman siya para ma check ang completion ng catalogue nila for the wet season kaya pumayag na ako. Besides, ano namang masama doon, hindi ba?

    Sa isang chinese restaurant kami nag punta sa BGC para kumain. Kaming dalawa lang kaya nagising na naman ang pagiging uncomfortable ko.

    Matagal na kaming magkasama. Kahit sa Dubai, matagal na kami doon pero kadalasan may iba pang tao. Hindi iyong kami lang dalawa.

    “By the way, alam mo bang nagpa exams na kami sa mga ititrain na managers?” tanong niya. “Iyong mga HR na ang binigyan ko ng trabaho dahil alam kong busy ka this week because of the shoot.”
    Tumango ako. “Alam ko, syempre. Kailan ba iyong panel interview at sino ang makakasama ko? I’m surprised you did not give me a memo yet…”
    “I know you’re busy. You sure you want to handle this? Hindi ba ay nag file ka ng ilang araw na leave next month? Malapit na iyon, ah? At para saan?”

    Halos masamid ako sa napuna ni Duke. Napainom ako ng tubig. Yes, I filed a leave. Five days leave, to be exact. Matagal din iyon ha? Syempre, para makasama ako sa kasal ni April. Napagtanto ko rin kasing ngayon lang ulit ako babalik ng Alegria, lulubus lubusin ko na.

    “Uuwi ako ng Alegria,” sabi ko.
    “Alegria? Probinsya n’yo?”
    Tumango ako. “Probinsya ng papa ko. Ilang taon na rin kasi akong hindi nakakabisita.”
    “Oh! Little vacation. Limang araw ka doon?” tanong niya.
    “Most probably six or seven days? Uuwi agad ako ng Sabado. May kasal akong sasalihan that week.”
    “Oh! That’s good. And besides, it’s about time you go and visit there, right?”
    “Yup…” Nginitian ko siya.
    “Kung ganoon, should I lift the work-“
    “No, Duke!”

    Minsan ayaw ko talagang binibigyan niya ako ng special treatment sa trabaho. Trabaho ng ilang HR ang pag coconduct ng exam at mag panel sa interview na pangungunahan ko dapat. Sa akin niya dapat ibigay ang trabahong iyon. At least. Hindi pwedeng hanggang records lang ako.

    “O sige. Then that’s next week. Irereview mo pa lahat ng files na nakalap ng mga HR. Bibigyan kita ng memo sa Monday at naroon ang lista ng panel na kasama mo. I’ll send you the files of the applicants tonight.”
    Tumango ako. Kahit ano pa ‘yan, tatanggapin ko ‘yan dahil trabaho ko ‘yan.

    Sa kalagitnaan ng pag uusap namin tungkol sa trabaho ay may pumasok na mga lalaki sa restaurant. Napalingon ako dahil nahagip ng mga mata ko ang pamilyar na mga mukha.

    Nanlaki ang mga mata ko. It’s been a long time!

    “Rosie!”

    Lumapit si Leo at Louie sa akin. May mga kasama silang ilan pang lalaki na hindi ko na kilala. Kumalabog ang puso ko at tiningnan muli ang mga kasama nila. Jacob was not there. Umupo ang mga ito sa lamesang malapit sa amin ni Duke. Si Leo at Louie ay lumapit sa akin.

    Tumayo ako para bumati pero agad na nilahad si Duke.

    “This is Duke, by the way. Duke, mga kaibigan ko… Si Leo at Louie.”
    Tumango si Leo kay Duke. Tumayo naman si Duke para kamayan ang dalawa. “Nice to meet you…”
    Tumango lamang ang dalawa sa sinabi ni Duke at bumaling ulit sa akin.
    “Sasama ka sa kasal ni Ron?” tanong ni Louie.
    “Oo! I already filed a leave. Kayo?”
    “Syempre…” ani Leo sabay tingin ng seryoso kay Duke. “Sige, Rosie… Mauna na kami sa lamesa namin. Mag didinner pa. You out to party?”
    Umiling ako. “Nope. Dinner lang. Uuwi din kami agad.”
    Tumango si Leo at tinapik ang balikat ko. “Sige. Ingat!”

    Nang naupo ulit kami ni Duke ay tinanong niya naman ako sa mga nakasalamuha. Kinwento ko sa kanya na mga kaibigan ko iyon sa Alegria. But of course, I probably did not have to tell him about their relationship with Jacob. Tingin ko’y kapag sinabi kong Alegria, alam niya ng konektado ito kay Jacob.

    Hinatid ako ni Duke sa aming bahay. Maaga pa kaya may ilaw pa sa sala. Gusto ko sana siyang anyayahang pumasok pero nahihiya ako at baka nagkalat si Maggie at James sa sala.

    ‘Tsaka ko na siya iimbitahan sa loob kapag sure na akong malinis ang bahay. Maghahanda rin ako ng pagkain para sa kanya. Kahit paano naman ay natuto din akong magluto. Lalo na doon sa Dubai, kailangan talagang maging independent doon. Hindi naman pwedeng laging kumain sa labas.

    Pagkapasok ko sa bahay ay naabutan ko si Maggie na nakaupo sa sala at nagbabasa ng libro. Nakamute ang TV at mag isa siya.

    Humugot ako ng malalim na hininga. Sana talaga pinapasok ko na lang si Duke! Wala naman palang kalat!

    “Asan si James?” tanong ko.
    “Nasa kanila. Dito siya matutulog, ah? Babalik iyon dito ng mga alas diyes.”
    “Okay…”

    Sayang talaga. Hinubad ko ang stilletos ko at tumungtong na sa sofa. Sumiksik ako kay Maggie at niyakap ko siya, nanggugulo sa pag aaral niya.

    “Hmmm! Hinatid ka ni Duke?” tanong niya. “Hindi mo pinapasok.”
    “Akala ko kasi nagkalat ka…”
    “Asus! Edi linisin natin ang kalat kapag meron.”

    Pumikit ako at humilig sa kanyang balikat. Mas lalo kong hinigpitan ang yakap sa kanya.

    “Tumawag si mama kanina, kinakamusta ka. Tawagan mo mamaya, ha?”
    “Oo…” sabi ko.
    “Nakapag desisyon ka na ba sa kasal ni April? Damit mo? Bigyan mo rin ako, ha? ‘Tsaka di ako magtatagal dahil alam mo na, school…”
    “Pupunta ako,” sabi ko. “Pa sukat na tayo next week. Sasamahan tayo ni Karl.”
    “Naku, Rosie! Baka mahal ‘yan ha? Alam ko pa namang magagaling na designer iyang kilala n’yo!”
    Umirap ako. “Hindi no! ‘Tsaka hindi naman tayo dedesign-an. Manghihiram lang tayo kaya libre lang! ‘Yan nga ang advantage ‘di ba? Nakakahiram ako sa mga sikat na designers kasi modelo nila ako. Isasama pa kita!”
    “Ikaw na lang kumuha sa damit ko. Kahit ano na. Di naman ako namimili. Basta same color sa motiff. O di kaya sukatan mo ako!”
    “Tangi! Hindi ako marunong kaya kailangan mong sumama!” sabi ko.
    Tumawa siya. “Katamad naman!”

    Ilang sandali pa akong nanatiling nakayakap sa kanya. Nagpatuloy siya sa pagbabasa pero maya’t maya ang tanong.

    “Galing kang shoot?” she asked.
    “Yup…”
    “Kaya pala ang kapal pa ng eye make up mo…” sabi ko.
    “Pangit bang tingnan? Nakasalubong ko pa naman sina Leo at Louie kanina.”
    “Hindi naman. Oh, tapos?”
    Humugot ulit ako ng hininga. “Okay lang. Pinakilala ko kay Duke. Nakasalubong ko rin si Jacob noong isang araw…”
    “Ha? Saan?”

    Ramdam ko ang bahagyang pagsasarado niya ng kanyang libro.

    “Sa party. Event ni Duke?”
    “Ang tagal na noon ha! Ba’t ngayon mo lang sinabi? Oh? Tapos?”
    “Nag kausap kami…”
    “Oh? Tapos!”

    Nagkibit ako ng balikat.

    “Ano ba ‘yan, Rosie! Binibiro mo naman yata ako!” sabay tampal niya sa aking tuhod.
    “Totoo!” sabi ko. “Wala lang sa kanya. Kaswal lang. Iyon naman din dapat. Hindi ko naisip na kailangan kong ikwento kahit kanino dahil normal lang naman. Nothing significant. That’s the way it should be.”

    Tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon at tumuwid sa pagkakaupo. Tiningnan ko ang isang email galing kay Duke.

    Nakatingin parin si Maggie sa akin na para bang sobrang kagulat gulat ang nasabi ko. To me, yes, it was a really shocking moment. Pero kalaunan, habang paulit ulit kong nirereplay sa utak ko ang nangyari ay nawalan na iyon ng halaga.

    Duke Valenzuela of V Malls Holdings, Inc.
    I’m home and as promised. I’m sending you the needed files of the applicants. I might forget this coming Monday. May meeting kasi ako at alam mo namang nandito ang investors. Review it on Monday and coordinate with the other HRs. Thanks for tonight! I enjoyed the dinner with you. Tuesday?

    Napangiti ako at nakita ko ang attached files sa email. Nag reply agad ako.

    Me:
    Okay. Can I bring Karl? Baka kasi may gagawin ako with him, e.

    Habang nag aantay ng reply ay ni scan ko ang mga files na nisend. It’s in alphabetical order. Kaonti lang naman ang applicants. I counted them and… bago ako natapos ay natigil at nawala ako sa pagbibilang.

    “Sinong katext mo? Si Duke?” bahagyang tinulak ni Maggie ang aking balikat.
    “Felicity Torres Llanes?!”
    “Ha?” tanong ni Maggie sabay dungaw rin sa aking cellphone.

    I clicked her files and saw her picture from her resume. This is Jacob’s girlfriend! Nag aapply siya sa V Malls bilang manager!

    Dahil hindi ako makapaniwala, I scanned through her resume and saw it on her previous work.

    Manager siya ng J.A. Foods! Manager siya doon noon!

    “This can’t be?”

    Naalala ko si Jacob. Naalala ko kung gaano kaayaw nitong nag tatrabaho ako. Ngayon ay pinapayagan niya ng magtrabaho ang kanyang girlfriend. Ngayon, mas maluwang na siya. And he even let her hunt for other jobs other than his own company! Paano nangyari iyon?

    Nanghina ang mga kamay ko.

    “Sino ‘yang Felicity- Oh! J.A. Foods!?”

    He changed. Napangiti ako. And it’s all for the better. I am happy for him. I am happy for them.

    “Sino ‘yan, Rosie?” tanong ni Maggie sa akin.
    “Girlfriend ni Jacob…” mahinahon kong sinabi.
    “Huh? Ano ‘yan? Teka nga?”

    Kinuha ni Maggie ang cellphone ko at tiningnan ang email ni Duke. Binasa niya kung saan tungkol ang lahat ng iyon kaya inexplain ko sa kanya.

    “Hiring kami ng Manager dahil sa bagong mall. Nag apply ang girlfriend ni Jacob…”
    “Huh? Bakit? Umalis siya sa J.A? Manager pala siya sa J.A.? Felicity?” tanong ni Maggie na parang di pa naaabsorb ang lahat.
    “Three months na siyang wala sa J.A… sabi ko nang nabasa ko ang history of work and experience. Maybe she wants a new environment…”
    “Pumayag si Jacob don? Hindi ba ay selfish ‘yon! Hindi ba di siya pumapayag na magtrabaho? At lalo na ngayon na malaki na ang kompanya nila! I heard from Auntie Precy, kung noon kay Don Juan Antonio ay isang room lang ang office nila, ngayon isang palapag na sa isang building sa Makati ang opisina ng buong J.A. Foods, Rosie! Ang dami na nilang empleyado!”
    “He changed. Siguro nakita niyang dapat binibigyan niya ng kalayaan ang girlfriend niya. He probably wants his woman to be independent… And that’s what he’s doing right now…” Tumango ako.
    Ngumiwi si Maggie. “Hindi ka ba nasasaktan sa mga sinasabi mo?”

    Nagkatinginan kaming dalawa. Nagsasalita ako ng mga papuri para sa pagbabago kay Jacob ng walang halong sakit.

    Nagkibit ako ng balikat. “Lucky girl…”

  • Kabanata 15Open or Close

    Kabanata 15
    An Asset

    “I checked the files, Karl, siya talaga iyon…” sabi ko habang sinusukatan ako.

    Inangat ko ang aking mga braso para sa bust. Si Maggie ay nagbabasa lang ng magazine sa sofa.

    “Hindi ba ayaw nga ni Jacob ng nagtatrabaho ang girlfriend? Paano pa ‘yong ganyan? Sa kanyang kompanya dapat pero nagtrabaho sa iba. Talagang nagbago na siya, kung ganoon…” ani Karl.
    Tumango ako. “Yup…”

    Natigil lang kami sa pag uusap ni Karl nang dumating ang designer na paghihiraman ko ng gown. Nag beso kaming dalawa at nilingon ko si Maggie para ipakilala.

    “Rosie! I’m so happy! May photographer ka bang kasama? Will you please take a picture of you wearing the gown sa event?”
    “Oo naman, Mike!” sabi ko sa bading na designer.

    Syempre, kahit nahihiya ako’y kailangan ko paring pagbigyan. Nanghihiram na nga lang ako, aayaw pa ako sa simpleng request!

    “Upload it on your social media accounts.” Nanliit ang mga mata niya. “Dalawa ang hihiramin mo, ‘di ba? Sinong susuot ng isa?”
    “Ah! Mike…” Binalingan ko si Maggie.

    Sinenyasan ko siyang tumayo. Tumayo naman ang kapatid ko at lumapit sa amin.

    “This is my sister, Margaret Aranjuez. Siya ang susuot ng isa pang gown.”

    Natulala saglit si Mikael Pereira, ang sikat na designer ng mga gown na hihiramin ko, sa kay Maggie. Tumawa lamang ako. Lalo na nang nilapitan niya ang aking kapatid at hinawakan ang buhok.

    “My, Rosie! You did not tell me you have a sister!” aniya natatawa.
    “Hindi ko ba nasabi?” Humalukipkip ako.
    “Rea! Sukatan mo nga itong si Margaret!”

    Tawang tawa ako sa nakakunot noong reaksyon ni Maggie.

    “You can call me Maggie,” anang kapatid ko.

    Naglahad ng kamay si Mike sa kanya at sinabi nito kung gaano siya kaganda!

    “I can imagine you wearing my gowns! Pwede kitang kunin bilang modelo! Like your sister!”
    “Ay, hindi po ako marunong mag modelo…” ani Maggie.
    “Matututunan din ‘yan!” ani Mike.
    “Naku, Mike! Next year na! Malapit na ‘yang matapos sa pag-aaral-“
    “O edi side line, Rosie! May pang allowance ka na!” tawa ni Mike kay Maggie.
    Umiling ako. “Pagkagraduate na lang. Last year na niya, e.”
    Ngumiwi si Maggie. I know this is making her uncomfortable. Unlike me, hindi siya sanay sa ganito.

    Tinutukan ni Mike ng camera si Maggie. Nahihiyang nag pose ang kapatid ko sa bawat click ng designer.

    “So, anong plano mo?” tanong ni Karl.
    “Plano saan?” Nakatingin parin ako kay Maggie na awkward ang bawat ngiti sa camera.
    “Sa kay Felicity Llanes? I’ll get more information. Baka kilala nina Ava at Belle ‘yan.”
    “Huwag na. Plano? Edi iinterviewhin siya…” Bumaling ako kay Karl.
    “Itutuloy mo? Hindi ba awkward?”
    “Wala na akong magagawa. I’ll take the responsibility. Lalo na’t sinabi ko na kay Duke na ako na ang bahala-“
    “Alam ba ni Duke na isa iyong girlfriend ni Jacob sa applicants?”
    “Hindi,” sagot ko.
    “Kung ganoon, sabihin mo para mabawi mo pa!”
    “Hindi na…” Suminghap ako. “Alam kong ieencourage ni Duke ang pagiging propesyunal ko. So he’d want me to go for it-“
    “Nah! I know he’s on your side on this one. Isa pa, kahit anong sabihin mong propesyunal ka, e, talagang labas ito sa trabaho lalo na’t girlfriend ‘yan ng ex mo.”
    “Being professional means you can’t take personal matters in the field, Karl…”
    “O siya! Panindigan mo ‘yan! I’m sure you’ll quit the second job interview when the time comes. O baka naman ibagsak mo talaga siya sa paunang interview!”

    Umiling ako at tiningnang muli si Maggie. Tuwang tuwa si Mike sa kanya kaya kinailangan ko pa itong kumbinsihin na kung may balak siyang kunin si Maggie, ‘tsaka na pag tapos na ito sa kanyang pag aaral.

    “I trust you on this, Rosie…” ani Duke sabay ayos sa kanyang coat and tie.

    Isang linggo ko ring pinag isipan ang mangyayaring ito at ilang beses kong naisipang umatras pero sa huli ay hindi ko kaya. I need to face this odd situation. Kaya ko naman siguro ito. Besides, that girl isn’t toxic. Magaan ang loob ko sa kanya kumpara sa mga naging babae ni Jacob. Well, I know I’m his first love. Pero naiisip ko parin si April at Jasmine na kahit paano’y na ugnay sa pangalan niya.

    “Ako na ang bahala! Good luck with your deal! I know they will invest!”

    I winked at him. Isang malaking international clothing line ang kameeting niya ngayon. Parang kahapon lang ay na close niya iyong deal sa isang magarbong store ng designer bags. I know this is going to be easy for him now.

    “Thank you! Kahit paano nawala ang kaba ko.”
    Tumawa ako. “Kinakabahan ba ang isang Duke Valenzuela?”

    Ngumuso siya at umiling. Parang may gustong sabihin pero hindi tinuloy. Siguro talagang hindi naman siya kinakabahan.

    Nang umalis siya ay tinalikuran ko na ang elevator. Ngayon, ako naman ang abot abot ang kaba pabalik sa office.

    Kukunin ko ang soft copy ng files na nisend ni Duke at mamaya’y didiretso na ako sa office kung saan ako mag iinterview ng mga applikante.

    Kaonti lang sila. Fifteen applicants lamang pero dahil by batch ay hindi pa ito ang huli. Felicity Llanes was one of the first batch.

    Hindi naman ako ang talagang mag dedesisyon sa pagkakapasok niya sa VMalls dahil may ilang panel naman. Ako lang iyong magiging taga tanong, pero I can say no if I really don’t want to. But of course they’d question it if she’s doing well in the interview. Bakit ko ba iniisip na hindi ko tatanggapin iyon? Titingnan pa natin sa interview, hindi ba?

    Pinag aralan kong mabuti ang mga papel ng applikante. One of them had a very good credential. Pakiramdam ko tuloy ay masyado pa akong kulang para mag desisyon dito dahil sa iinterviewhin kong mga propesyunal sa trabahong ito.

    Pumasok na ako sa loob ng office. Open iyon, kita ang mga empleyado sa labas. Doon madalas ang mga maliliit na presentation ng empleyado.

    “Ready na?” tanong ko sa kay Rey na isa sa mag eencode ng minutes ng interview.
    “Kulang na lang si Mrs. Mercado, Miss Rosie…” sagot niya.

    Tumango ako at inayos ang aking damit. I checked on my make up while waiting for the other HR. SIla iyong mas may kapangyarihan silang tumanggap ng empleyado.

    Nang nakumpleto na ang tatlong kasama ko, at si Rey na mag eencode ay nagsimula na kaming tumanggap ng applicants.

    Pinaakyat na sa floor namin ang mga applikanteng naghihintay sa lobby ng building. I can’t help but think about Jacob’s girl waiting on our lobby. Well, if it’s for his girl’s professional growth.

    Napapikit ako ng mariin. Hinilot ko ang sentido ko at may kung ano akong naramdaman sa aking puso. Tumigil ka, Rosie. Hindi ito ang tamang panahon para mag isip ng ganyan.

    Nang nakatapos kami ng limang applikante ay nag short break muna kami.

    “Magaling iyong naunang aplikante. What do you think, Rosie?” tanong ni Mrs. Mercado sa akin.
    Tumango ako. “Opo. He’s worked abroad and that’s a big thing. Ibig sabihin, kaya niyang mag handle ng international clients.”

    Nang natapos ang break ay para na akong naiihi sa kaba. Humilig ako sa swivel chair at nang namataan ko si Felicity sa labas ay tumuwid na ako sa pagkakaupo.

    She’s alone. Of course! Bakit naman sasama si Jacob sa kanya?

    Pumasok siya sa pintuan at bumati sa mga naroon. Kitang kita ko ang paglaki ng kanyang mga mata nang nakita ako sa panel. I forced a little smile then look at her papers.

    “Good morning!” bati niya.

    She’s wearing a white hop and a black pencil cut skirt. Kita ang hita sa kanyang skirt at ang sexy niyang heels ay nagpatangkad sa kanya.

    “Good morning, Miss Llanes…” bati ko.

    Tumikhim siya at umupo sa harap ko. If she’s going to tell everyone that we knoe each other, it’s going to be a better day.

    “Good morning, Rosie! I didn’t know you work here. Ang akala ko ay modelo ka ng V Mall. Di ko inakalang isa ka sa HR…”

    Napatingin ako sa mga beteranong HR. Pinagsalikop ni Mrs. Mercado ang kanyang mga daliri. Alam ko kaagad niya siya ang magtatanong rito.

    “You know Miss Aranjuez personally?” tanong ni Mrs. Mercado.
    “Yes,” nakangiting sagot ni Felicity.
    “She’s the girlfriend of… an old friend, Mrs. Mercado,” sabi ko.

    Tumango din si Felicity at matamis na ngumiti. Tiningnan ni Mrs. Mercado ang files ng aplikante. Hudyat iyon na pwede na akong magsimula.

    “So… Felicity, can you tell us about yourself?” sabi ko, nakatingin sa kanyang mga mata.

    Her eyes were very honest. Iyong tipong lahat ng gusto mong malaman sa nararamdaman niya ay nakalahad sa’yo sa kanyang mga mata. Her thick curly lashes made it more expressive. I can’t help but stare.

    “I’m a graduate of Bachelor of Science in Business Administration Major in Management in the University of Asia and the Pacific. After graduation, an international bank hired me as their Credit Analyst. After a year, I got promoted as a senior credit analyst. After another year, I got hired as the manager of J.A. Foods.”
    Tumikhim ako. “May I ask… why did you leave an international bank for the J.A. Foods?”

    Considering it was probably failing by that time? Err…

    “My father ran for public office on a province near Alegria so my family decided to move in near the J.A.’s farm land.” Ngumiti siya.

    So? Wala ka bang sariling desisyon? If your father ran for the public office, can’t you stay in Manila and work where you want to work?

    Tumikhim muli ako. “So… you now want this position in V Malls. Why did you leave the J.A. Foods?”
    “My boyfriend is the owner of the J.A. Foods. I think the company will be a better one if he’s going to manage other people. Kapag ako kasi ang manager, hindi siya masyadong mahigpit.”

    Halos mabilaukan ako doon. Tinitigan ko ang kanyang papel at unti unti kong naramdaman ang kagustuhan kong punitin ito. I hate how this is making me feel. I’m trying so hard to be okay. I’m trying to accept it all but maybe this one is just really too much.

    “Miss Llanes, what do you know about the V Malls Holdings, then?” tanong ni Mrs. Mercado.
    “V Malls Holdings is the company of one of the biggest chain of malls here in the Philippines. It also has malls all over Asia. It is owned by Marietto Valenzuela, Sr.”
    “Why should we hire you?” I can’t help but interrup.

    Iba na ang tono ko at hindi na ako makatingin ng diretso kay Felicity. Hindi ko napansin kung gaano ka totoo ito noon. Ngayong nakausap ko na siya ng harap harapan at seryoso ay ‘tsaka ko pa lang napagtanto na nakawala nga’ng talaga si Jacob sa akin. He slipped. He drifted. He was holding on to me so tight but he slipped.

    “I think I would be a great asset to the company. I am passionate. I love business, marketing and finance. I learn fast and I am very resilient. I can also easily adjust to all types of clients, workmates, and team.”
    “Can you assure the company that you won’t just resign whenever your father runs for the public office in a province again? Or maybe your boyfriend moves out of Manila.” Malamig at matigas ang boses ko.

    Napatingin si Mrs. Mercado, Mr. Veloso, at Rey sa akin. Nanatili ang mga mata ko sa papel ni Felicity.

    “I won’t. I am now based here in Manila. We are both based in Manila.” nahimigan ko ang pag alinlangan sa boses ni Felicity.
    “Thank you, Miss Llanes! We’ll call you for the next interview…”

    Tumayo si Mrs. Mercado at naglahad ng kamay kay Felicity. Tumayo rin ako at huling naglahad ng kamay sa kanya. Tipid akong ngumiti. Tinapik niya ang aking balikat.

    “Thank you, Rosie…”

    Tumango ako. Tinalikuran niya ako at nang nakalapit siya sa pintuan ay isang beses pang kumaway at ngumiti.

    Bumagsak agad ako sa aking swivel chair. Hinilot ko ang aking sentido. Ang hirap nito.

    “It would be an asset if the company hires an idealist…” ani Mr. Veloso sa aking gilid.
    “She’s young and she’s also a Magna Cum Laude! Not bad!” ani Mrs. Mercado. “But my vote goes to the first man we interviewed. What do you think, Rosie?”

    Tangina.

    “We’ll see on the next interview, Mrs. Mercado.”
    “So she passed the first interview, huh?” ani Mr. Veloso.

    Tumanggap pa kami ng mga susunod na aplikante pero halos hindi ko na masundan ang mga sagot. Ang nasa loob ng utak ko ay iyong mga sagot ni Felicity at kung paano niya ako tingnan.

    Her eyes were very honest. You can see her soul through it. Pakiramdam ko ay hindi siya marunong mag sinungaling.

    Jacob… finally landed on a good girl. Jacob have someone he deserves. I can’t decide who’s the lucky one now.

    Masikip ang dibdib ko pero hindi na ako makaiyak. Pakiramdam ko ay pagod na pagod na ako sa paulit ulit na pag iyak at pagtatanong sa Panginoon.

    Inulit ulit ko ulit lahat ng nangyari simula noong una hanggang sa nang umalis si Jacob. I did something wrong somewhere, I’m sure. I just don’t know what. I just can’t put my finger on it.

    “Hindi na ako sasama,” sabi ko.
    “Sinasabi ko na nga ba, e!” ani Karl.

    Nagkatinginan sila ni Ava. Sa loob ng isang bar ay magkasama kaming tatlo. Wala na ako sa sarili buong araw dahil sa interview. Naikwento ko kay Karl at sinabi ko rin sa kanyang uuwi na ako pero iniisip niyang iinom ako ng muriatic pagka uwi ko kaya di siya pumayag na dumiretso ako sa bahay.

    Self harm is not my talent. Siguro’y kaya kong magtiis sa sakit pero wala akong pagsinta sa sakit.

    “I can only take a little pain. I can’t take too much.”
    “Edi mag dry run tayo!” nanliit ang mga mata ni Karl.

    Napatingin ako sa kanya. What does he mean? Ngumisi siya at tumindig ang balahibo ko. Whatever it is… I don’t like it.

  • Kabanata 16Open or Close

    Kabanata 16
    Swerte

    Hinigit ako ni Karl sa katabing bar ng pinuntahan namin. Gusto ko siyang murahin dahil ilang beses akong kamuntik nang madapa.

    “Be gentle naman!” sigaw ko sabay bawi sa aking kamay. “Bakit ba tayo nandito?”

    Lumagpas na kami sa entrance ng bar. Napatingin ako sa paligid at may ilang kilala ako sa field ng modeling. Nginitian ko muna sila bago bumaling kay Karl at Ava. Si Karl ay nagmamasid habang si Ava ay sumasayaw na ng bahagya sa electronic music na tugtog.

    “We’ll practice your reactions. Hindi naman kasi pwedeng lagi ka na lang ganito, Rosie.”
    “Karl, hindi naman ‘yan pinipilit, e. Magiging okay din ako eventually. Just not right now!”
    “You can be okay right now. Just try!” Pinasadahan niya ulit ng tingin ang crowd.

    I don’t know why we have to come here. Mas peaceful pa iyong bar na pinuntahan namin kanina. Dito ay masyadong wild ang mga tao.

    “So… bakit ba talaga tayo nandito?” tanong ko.

    Bago pa ako sinagot ni Karl ay hinila niya na ulit ako.

    “There’s a table…” aniya.

    Luminga linga ako sa mga taong nakakasalubong. Sumunod si Ava sa likod ko hanggang sa makarating kami sa isang maliit na round table na may mga high chair.

    Umupo kami doon at agad na nagtawag si Ava ng waiter. Bumaling ako kay Karl para masagot niya na ang tanong ko.

    “Three shots, whiskey…” ani Ava sa waiter.

    Agad na nilagay ng waiter ang mga shot sa aming lamesa. Umorder din ng beer si Karl.

    “What is this all about?” tanong ko ulit.
    “I’ve seen it on a friend’s Facebook. Kasama nila si Jacob at Felicity sa bar na ito ngayon…” Luminga linga siya.

    Umusbong ang kaba sa puso ko. Agad akong tumayo para umatras. Hindi ko kakayanin ito!

    “See? See your reaction!? Paano iyan maitatama kung hindi mo sasanayin ang sarili mo, Rosie?”
    Umirap ako. “Masasanay din ako. Hindi ngayon.”
    “Kung hindi ngayon, kailan? ‘Di ba? And you two can’t avoid each other! I mean… Hindi pala… You can’t avoid him! Pareho kayo ng mundong ginagalawan. Alegria. Plus Felicity tried Duke’s company.”
    “We can always choose not to hire her-“
    “You’ve lost your mind! Be fair to her! I know she stands a chance in that company, Rosie.”
    “Rosie, tama nga naman si Karl. Just chill. Hindi pa naman tayo sigurado kung makikita natin dito si Jacob. Hindi ba lalabas naman talaga tayo tonight? Edi eto, lumabas tayo!”

    Pagod akong ngumiti pero hindi ko parin maiwasan ang pag irap.

    “Come on, Rosie! Just have fun. ‘Wag mo masyadong seryosohin!”

    Kinuha ni Karl ang kanyang cellphone. Mukhang may tumatawag. Bumalik ako sa high chair at agad na ininom ang isang shot ng whiskey. Ngumiwi ako nang naramdaman ko iyon sa aking lalamunan.

    “I can’t drink too much. Mamaya tumaba ako, hindi kakasya ang gown ni Mike.”
    “So… sasama ka na? You changed your mind?” tanong ni Ava sabay laro sa kanyang whiskey.
    “Well…” nagkibit ako ng balikat. “If everything turns out fine.”
    “Nandito yata si Belle at Callix! Sumama yata si Callix kina Jacob.”

    What? Tangina.

    “O! Wala pa, ha! Chill, Rosie! Come on!” ani Karl.

    Tiningnan ko ang crowd. Ilang saglit ang lumipas ay kinuha ko na ang cellphone ko para malibang. Wala akong planong sumayaw. I’m fine here.

    “Karl!” Tumili si Belle kung saan.

    Napaangat ako ng tingin. Ngumiti siya at sumayaw ang kanyang buhok nang nilingon niya kami nina Ava.

    “Nandoon kami sa may sofa. Kayong tatlo lang? Ang boring n’yo naman!” ani Belle.
    “Kasama mo sina Callix?” tanong ni Karl.

    Nakakapit na si Belle sa braso ni Karl. Kitang kita ko ang bahagyang pag iwas ni Karl. I think she’s slightly tipsy.

    “Oo! Puntahan n’yo kami! Nandoon kami!” ulit niya sabay turo sa malayong parte ng bar kung saan may naka hilerang sofa.

    Binalingan ako ni Karl bago niya sinagot si Belle.

    “Mamaya na…” wika ni Karl.
    “At Rosie… Nandoon si Jacob kasama iyong mga kaibigan nila!” humagikhik siya.

    Wow ha? Salamat sa impormasyon.

    “Sige na, Belle! Sumayaw ka na doon! Ayon si Callix, oh! Nakita namin! Hinahanap ka yata!” ani Karl sabay turo sa dancefloor kahit wala naman.
    “Okay! Bye! Punta kayo ha!”

    Kumawala siya kay Karl at dumiretso sa dancefloor. Nagsalin ako ng beer sa isang baso at pinangalahatian iyon.

    “Magtataka lamang ang mga iyon kung bakit tayo pumunta,” sabi ko.
    “Edi para magsaya. Sila lang ba ang may karapatang mag bar? Besides, it’s not like we’re doing this everyday, Rosie. Ngayon lang naman!”

    Tiningnan ko ang cellphone ko na may mensahe galing kay Duke.

    Duke:
    Just done with work. Where are you?

    Kung sana ay nasa Manila siya, kanina ko pa siya inimbita. I would rather just chill than put up with Karl’s ideas.

    Ako:
    I’m with Karl and Ava. Matutulog ka na?

    He’s in Lagunafor the international clothing line deal.

    “Puntahan natin saglit. Tingnan ko lang kung nandoon ba si Josh!” anyaya ni Ava.
    Tumango si Karl ‘tsaka bumaling sa akin. “This is the dry run I’m talking about.”
    “Bakit pa-“
    “Fifteen minutes, Rosie. Alam ni Callix na nandito tayo kaya iisipin lang ng mga noon na bitter ka parin kapag ‘di tayo nagpakita.”
    “‘Di tayo nagpapakita dahil busy tayo sa pagpapakasaya! Isn’t that enough reason?”
    “Hey, Rosie!” anang isang modelo na na meet ko sa isang ad para sa V Malls noon.

    Sumayaw sayaw siya sa likod ko. Sa tangkad niya’y kahit nakaupo ako sa highchair ay lebel parin ang mga mata namin.

    “Hello!” ngumiti ako at pinandilatan si Karl.
    “Tara Karl!”

    Iniwan namin ang lamesa. Kung hindi nanggulo iyong modelo ay magpapaiwan na talaga ako. Gusto kong magmura habang nagmamartsa kami patungo sa sofa kung nasaan sina Jacob.

    Papunta doon ay nagkabuhol buhol ang utak ko. Should I just stay stiff and all? Sinubukan kong sumayaw sa salin ng tugtog para mag loosen up at para ma relax. Sana pala nilaklak ko na lang iyong whiskey para hindi ako ganito ka paranoid ngayon.

    Nahagip ng paningin ko ang sofa kung nasaan sila. Nakita ko si Leo, si Josh, si Louie, at iilang babaeng hindi ko kilala.

    “Karl, pare!” ani Louie sabay tayo at lahad sa kanyang kamay.
    “Pare!” ani Karl sabay high five. “Kumusta?”

    Sa sofa na kaharap ko ay naroon si Jacob at Felicity. Jacob’s wearing a black long sleeve shirt and khaki pants. Felicity’s wearing an all black dress. Ang braso ni Jacob ay nakahilig sa likod ng sofa’ng inuupuan ni Felicity. Ang kamay ni Felicity ay humahaplos sa hita ni Jacob.

    Tangina.

    “Rosie!” sigaw ni Josh sabay tayo at yakap sa akin. “Nandito ka! Huling kita natin iyong homecoming mo!”

    Napalingon si Leo at Louie sa akin dahil sa lakas ng sigaw ni Josh.

    “Asan si Edward?” tanong ko para maibsan ang kaba.
    “Wala, e. Nasa Batangas pa. Next week pa uwi noon!”
    Tumango ako sabay kaway kay Leo at Louie.

    Tumayo silang dalawa at naglahad ng espasyo para sa amin. Umupo si Ava sa tabi ng mga babaeng di ko kilala.

    “Rosie!” ani Leo sabay yakap sa akin. May tinuro siyang isang lalaki sa tabi niya. “Si Harvey nga pala…”
    “Hi!” naglahad ako ng kamay.

    Tinapik ni Louie ang tabi niya para doon ako maupo. Si Karl ay abala na sa pag oorder ng kung anong para sa amin.

    “Kanina pa kayo dito?” tanong ni Leo.
    “M-Medyo… Nandoon ang table namin,” sabay turo sa likod.
    “Rosie, anong sa’yo? Whiskey?” tanong ni Karl.
    “I told you hindi ako masyadong iinom. Huwag ka nang umorder!”
    “You’re drinks on me, Rosie…” ani Leo sabay ngiti.
    “See? Sige na. Isang shot lang naman…” Makahulugang ngumiti si Karl sa akin.

    Nahagip ng painingin ko sin Jacob at Felicity na mahinahong nag uusap. Felicity’s hand is still resting on Jacob’s thighs.

    Tumikhim si Leo at sabay kaming naupo.

    “Ang bilis ng panahon, ‘no? Ikakasal na si Ron. Kailan ang uwi mo ng Alegria?” tanong ni Louie.
    “Next week. Wala ba siya dito?” tanong ko.

    Naramdaman kong nag vibrate ang phone ko. Siguro’y nagreply na si Duke. Si Ava ay abala sa pakikipag usap kay Harvey at si Karl naman ay kinausap ng mga babaeng kasama nila.

    “Wala. Nasa Alegria. Doon na nga kami mag ba-bachelor’s party. Ayaw niyang pumunta dito.”

    Napatingin ulit ako sa banda nina Jacob at Felicity. Mahirap mag iwas dahil nasa harap lamang sila. Hindi naman pwedeng kay Leo at Louie lang ang mga mata ko.

    Ngumiti si Felicity sa akin.

    “These are my friends, by the way. This is Monique and Alexis…”

    Nagngitian ang mga kaibigan niya sa akin. Ngumiti rin ako sa kanila.

    “She’s the HR of V Malls. Isa siya sa nag interview sa akin, kanina…”

    Nanatili ang ngiti ko pero natatangahan na ako sa sarili ko. Lumipat ang tingin ko kay Jacob na wala paring reaksyon.

    “Nice meeting you!” anang isa. Hindi ko kuha kung iyon ba si Monique o Alexis. “I’m part of the second batch na iinterviewhin.”
    “Oh! Talaga?” sabi ko, tunay na nagulat.
    “Sabay kaming nag apply ni Feli. V Malls, e. That’s a big opportunity! International! ‘Tsaka family friend namin ang mga Valenzuela!”
    “Yes, malaki nga ang V Malls. Lalo na iyong bagong mall nila na gagawin.”
    “Ang swerte nga ni Rosie at nakapasok siya bilang HR,” singit ng bading na si Karl.

    Sana tumahimik na lang siya. Hindi napawi ang ngiti ko.

    “Nagkataon lang talaga na hiring sila noong kinailangan ko ang posisyon. I’m still a junior, though. Walang wala ako sa mga senior.”

    Nilapag ng waiter sa harap ko iyong order. Kinuha ni Karl iyong sa kanya. Ganoon din si Ava at nagpatuloy sa pakikipag usap kay Harvey.

    “Swerte!”
    “Rosie!” tinig ni Callix ang narinig ko.

    Kagagaling niya sa dancefloor at lumapit kaagad siya sa akin.

    “Nandito pala kayo! Sinong kasama mo?”
    Tinuro ko si Karl at Ava. “Sa kabilang table kami. Bumisita lang.”

    Napaawang ang bibig ko habang tinitingala siya.

    “Sayaw tayo!” anyaya niya.

    Si Belle ay nasa kanyang likod, bahagyang umiindayog sa musika.

    Tipid akong ngumiti. “Kayo na lang muna.”
    “Tara na, Callix!” ani Belle sabay hila kay Callix kahit na may sasabihin pa sana ito.

    Nag vibrate muli ang cellphone ko. Nag uusap si Leo at Louie tungkol sa kasal ni Ron. Si Felicity naman at mga kaibigan niya tungkol sa trabaho kaya sinamantala ko ang pagkakataong iyon para icheck ang cellphone ko.

    “Ikaw, Jacob? Kailan uwi mo ng Alegria?” tanong ni Louie.

    Nakikinig ako pero ang mga mata ko ay nasa cellphone.

    Duke:
    Saan kayo?

    Duke:
    You in a bar? Hindi pa ako matutulog.

    Nireplyan ko ang mga mensahe niya.

    Ako:
    Yup. I forgot the name but it’s in BGC. Si Karl nagdala sa amin ni Ava dito. Our other friends are here.

    Nag angat ako ng tingin sa dancefloor at bahagyang ninamnam ang music. Ayaw kong makisali sa usapan nila.

    “Next week. Kung wala pang second interview si Felicity,” ani Jacob.
    “Hmm?” ani Felicity. “Second interview?”

    Tingin ko ay nasa akin lahat ng mga mata kaya bumaling ako sa kanila.

    “Ah! May second batch pa. Probably the second interview will be on the last week.”
    “Oh! Edi pwede pa. ‘Tsaka di pa naman sigurado kung makukuha ako para sa second interview. Pero sana talaga…”
    “Kaya mo ‘yan, ‘no! Ako itong malabo kasi ang pangit ng credentials ko,” anang kaibigan ni Felicity.

    Bumaling ulit siya sa kanyang kaibigan. Saglit kaming nagkatinginan ni Jacob. Agad kong iniwas ang mga mata ko sa kanya. Kinuha ko ang whiskey at ininom. My phone vibrated again.

    “Edi kasama ka sa bachelor’s party ni Ron, ha!” ani Louie.
    “Oo naman! Nasabi nga ni Ron sa akin,” ani Jacob.
    “Baka magalit?” tanong ni Leo.
    “Hindi naman selosa…” mahinahong boses ni Jacob.

    Nagtawanan sila.

    “Mabuti naman!” ani Louie.

    Wow ha!

    Duke:
    Umiinom ka? How’s work, by the way?

    Ako:
    Yup. Kaonti lang. Work? Natapos namin first batch. Did you close the deal? Kailan uwi mo?

    He replied immediately.

    “Ang girlfriend kasi ni Louie, pinagbabawalan siya,” tawa ni Leo.
    “Hindi ka sasama, Louie?” tanong ni Jacob.
    “Sasama! Di ko lang sasabihin.”

    Nagtawanan ulit sila.

    Duke:
    I think so. Bukas, pipirma ako ng contract. Bukas din ang uwi ko. Let’s see each other. Please.

    Ngumuso ako at nagtipa agad ng reply.

    Ako:
    Sure. :) Iyong leave ko ha!

    Duke:
    Yes. Kaya nga. :)

    Hindi ko na siya nireplyan. Inangat ko ang tingin ko at nagkatinginan kami ni Jacob. Bumaba ang tingin niya sa aking cellphone. Tinago ko ito sa loob ng purse ko. Pagkatapos ay nag angat ulit siya ng tingin sa akin. Umiwas siya at bumaling kay Leo.

    “May bridal shower din yata si April,” ani Jacob kay Leo.
    “Oh? Kailan?” tanong ni Leo.
    “Pagkatapos yata o sabay kay Ron? Hinanda ng mga kaibigan niya sa J.A.”
    “Rosie, sasama ka?” tanong ni Leo.
    Umiling kaagad ako. “Wala naman ako masyadong kilala doon, e. Si April lang yata kilala ko.”
    “May iba doong classmate natin sa high school,” ani Louie.
    “Eh… ilang buwan lang kaya ako sa Alegria National High School.” Doon ko napagtantong mali ako ng sagot. “Alam n’yo namang…”

    Tangina.

    “Ah! Oo nga pala. Wala ka naman masyadong kaibigan doon na babae…” Tumango si Leo.

    Oo dahil… si Jacob lang. Nahirapan akong lumunok.

    “Hindi ba uuwi ang ate Maggie mo?” tanong ni Louie.
    “Uuwi din pero sa mismong kasal pa siguro dahil nag aaral pa.”
    “Hindi pa pala tapos si Maggie?”
    Umiling ako. “Pinauna niya akong makatapos e. Kaya siya naman ngayon.”
    “So ikaw na ang gumagastos sa kanya? Kailan uwi ng mommy at daddy mo?”
    “Oo. Ako ang gumagastos kay Maggie ngayon. Siguro mga next year ang uwi ni mama at papa. Bibili kasi kami ng bahay sa quezon city, e. Iyon ang pinag iipunan namin ngayon.”
    “Wow! Laki na yata ng kita mo sa modeling. Ikaw na ang nag fu-fund kay Maggie, nag iipon ka pa para sa bahay?”
    Tumawa ako. “Konti lang naman. Pag naka kontrata. Sa V Malls lang naman talaga iyong malaki ‘tsaka binubuhos ko sa tuition ni Maggie sa isang semester para hindi na mamroblema.”
    “Galing! You’re so responsible!” ani Leo.
    Tumawa ako. “Hindi naman kasi ako gaya mo na laking mayaman? Nasaan nga pala si Teddy?”
    “Ewan ko. Nasaan siya, Jacob?” tanong ni Leo sa kay Jacob.
    “Nasa kabilang bar. Pupunta daw iyon dito mamaya,” ani Jacob.
    “Sino?” tanong ni Felicity.
    “Si Teddy…” sagot ni Jacob.
    “Oh! Edi kumpleto kayong magkakaibigan?” tanong ni Felicity.
    “Hindi pa. Wala si Ron,” sagot ko.
    Tumango si Felicity sabay tingin kay Jacob.
    “Kulang si Ron…” ani Jacob.

    Nagkatinginan kaming dalawa.

    “Barkada n’yo pala si Ron?” tanong ni Felicity. “Akala ko classmate?”
    “Classmate at barkada. Hindi mo laging nakikita kasi nasa Alegria lang lagi.”
    Napatingin si Felicity sa akin. Ngumiti siya at tinuro ang purse ko.

    “The table’s vibrating. It might be your cellphone, Rosie.”
    “Ah! Teka…” sabay kuha ko sa purse ko na nag vavibrate nga.

    Tiningnan ko ang dalawang sunod sunod na mensahe ni Duke.

    Duke:
    You still in the bar?

    Duke:
    Anong oras ang uwi n’yo?

    Magtitipa na sana ako ng reply kaya lang ay biglang tumawag si Duke. Alam kong hindi ko iyon pwedeng sagutin dito dahil maingay kaya tumayo ako.

    “Excuse me…” sabi ko sabay pakita kay Leo sa phone ko.

    Tumango si Leo. Aalis na sana ako nang bigla akong hinarangan ng modelong kaibigan. Sumasayaw sayaw ulit siya sa akin.

    “Later, George,” sabi ko sabay tulak bahagya sa kanyang dibdib.

    Nagpatuloy ako sa paglalakad pero dahil sa dami ng tao ay hirap akong dumiretso. Nanatili siyang nagsasayaw sa aking gilid. Natigilan ako nang bigla siyang hinila ni Leo at Louie.

    “Sandali lang, pare!” ani Louie sa isang galit na tono.

    Nag angat agad ng dalawang kamay si George.

    “Sinasayawan ko lang! Chill!” aniya sa dalawa.
    “Leave her alone!” ani Leo.

    I cancelled Duke’s call. Hinila ko ang braso ng dalawa at hinarap si George.

    “George, you’re drunk.”
    Umiling si George. “See you in the field…” tinalikuran niya kami.
    “Sino ‘yon?” tanong ni Leo. “Kaibigan mo?”
    Tumango ako. “Co-model… Sorry ha?” nahihiya kong sinabi.

    Napatingin ako sa sofa. Nakatayo si Jacob habang tinitingnan kami. His jaw was tightly clenched.

    “Sino bang tumatawag? Mamaya mo na nga lang ‘yan sagutin. Ang hirap kasing naiiwan kang mag isa. You’re a head turner, I’m sure you’re aware of that…” ani Leo.
    Tumawa ako at umirap. “Naku! Tumigil nga kayo. Sige na! Itetext ko na lang!” sabi ko sabay balik sa sofa.

    Pagkabalik ko ay umupo ulit si Jacob. Bahagyang nagtanong si Felicity sa kanya kung anong nangyari. Inilingan niya lang ito.

    Tumango si Karl sa akin at tumayo. Si Ava ay ganoon din, sabay lapag ng kanyang shot glass.

    “Huh?” tanong ko.
    “Balik na tayo sa mesa? Sina Mikael nasa kabilang club. Puntahan natin. May sasabihin daw sa’yo…”
    “About?” Sa gowns? “Okay…”
    “Oh? Saan kayo?” tanong ni Leo pagkatapos maupo ulit.
    “Aalis na kami. Kabilang bar lang kami…” ani Karl.
    “Talaga? Ang bilis naman. Karl, si Rosie, ha?”
    Inakbayan ako ni Karl. “Kaya ko naman ‘to lagi. Sanay na akong mapaaway.”

    Ngumiti lang ako at kinawayan silang lahat bago umalis.

  • Kabanata 17Open or Close

    Kabanata 17
    Kalawang

    “You cooked all of these?” tanong ni Duke.

    Sa wakas ay naimbitahan ko na siya sa bahay. Nahihiya kasi ako sa kanya. Tuwing lumalabas kami ay libre niya. Madalas pang kasama si Karl kaya mas lalo akong nahiya.

    “Nagpatulong ako kay Maggie sa adobo…” sabay ngiti ko.

    Buong bahay ang nilisan ko para sa pagdating ni Duke. At least ngayon, sagot ko naman ang pagkain niya. Hindi ko na kailangang makipagtalo sa kanya na ako ang magbabayad kasi nandito siya sa bahay namin.

    “By the way…” sabay pakita niya sa isang paperbag.
    “Ano ‘yan?”
    “Pasalubong ko sa’yo.”

    Dinungaw ko at nakitang may buko pie at kesong puti sa loob noon.

    “Wow, thank you! Nag abala ka pa!” sabi ko.

    Umupo ako sa harap niya. Sina Maggie at James ay nasa kwarto kaya kaming dalawa lang ngayon dito sa lamesa.

    “Of course!”
    “Congratulations nga pala sa sa pagkakaclose mo ng deal.”
    “Yeah. Thank you. Akala ko talaga mapupunta sa kabilang chain. Mabuti na lang.”
    “I heard iyong nasa kabilang chain ay iyon namang kompetensya ng kinuha mo. I don’t know if it’s true.”
    “I think so. Kukunin talaga ng kabila ang isa pang line dahil nakuha ko na ang first choice nila.”

    The first half of our conversation was about work. Tinanong niya rin sa akin kung kamusta ang first batch ng mga ininterview, maayos naman iyon.

    “By the way, may ipapadagdag ako na files. I need a portfolio from them. Lalo na doon sa mga nakuha sa second interview. I need to really check on their abilities lalo na’t diretsong manager ang magiging posisyon.”
    Tumango ako. “Buti pa nga. Nakulangan kasi ako sa requirements, e.”

    Kahit na naglinis na ako ng bahay, nahihiya parin ako kay Duke. Pakiramdam ko parin ay madumi ang bahay namin. Syempre, I can only imagine their mansions. I’ve been to his condo unit and it’s always clean.

    “Do you have new flicks or anything?” tanong niya.

    Nanlaki ang mga mata ko. Ngayong nasabi niya iyon, hindi ko nga pala napagplanuhan ang gagawin namin pagkatapos kumain. I just thought that after dinner, that’s it. Hindi ko inakalang mags-stay pa pala siya.

    “Hmm. Meron yata kay Maggie. Mahilig iyong mga iyon manood ng movies e. Gusto mong manood?”
    “Yes. We can drink wine while watching.”

    Tumango ako. Nag dala din kasi siya ng wine.

    Nahihiya pa akong magtanong kung masarap ba ang luto ko. Nalibang na rin kasi kami sa pag uusap tungkol sa trabaho kaya ‘di ko na siya ginambala pa sa pagkain.

    Pagkatapos kumain ay nagligpit ako ng mga pinggan. Tumulong siya kahit na sinasaway ko na.

    “Doon ka na sa sala mag antay.” Tumawa ako. “Ang mabuti pa, ihanda mo na lang iyong wine.”
    “Hindi na. Maghuhugas ka ng mga pinggan ‘di ba? Tutulungan na kita.”
    “Duke…”
    Ngumisi siya. “Come on, Rosie.”
    “Bisita kita. Sige na…”
    “Kahit na. Please?” panunuyo niya.
    Umirap ako. “Sige na nga!”

    Pinatulong ko siya sa paghuhugas ng plato. Naabutan pa kami ni Maggie sa ginagawa.

    “Oh! Rosie, pinaghuhugas mo ng plato si Duke?”
    “It’s okay. Ako naman ang may gusto nito, e.”
    Umiling si Maggie at tumawa. “Naku, Duke! Huwag mong ispoil ‘yan? Nagsisikap ‘yan para maging kapaki pakinabang naman sa kusina.”
    “Tumigil ka nga, Mag!”

    Tumawa lang ang kapatid ko at kumuha ng chips sa ref para sa kanila ni James.

    “May ulam diyan. Kumain na kayo ni James. Tapos na kami…” sabi ko.

    Pagkatapos naming maghugas ng plato ay doon naman kami sa sala para makapanood ng TV. Lumabas sina Maggie at James para makakain na rin sa kusina.

    Nanood naman kami ni Duke ng action movie. Iyong iniinvade ng mga terorista ang White House. Sa sobrang pagkakalibang ko ay nanatili ang mga mata ko sa TV habang umiinom ng wine.

    Nakapatong sa aking hita ang throw pillow. I only got distracted when I felt his arms on the back of my seat. Ang mga mata ko ay nasa TV pero ang atensyon ko ay hindi maalis doon. This is normal, right? But…

    Ilang sandali ang lumipas, binalewala ko iyon. Normal lang naman siguro iyon.

    “So… anong oras ka aalis bukas?” tanong ni Duke.
    “Hmmm. Mga alas diez ng gabi,” sabi ko.
    “Anong oras ang dating mo niyan sa Alegria?” tanong niya.
    “Alas sais o alas siete ng umaga. Bakit?”

    Nilingon ko siya. Nakatingin na rin siya sa akin. His eyes dropped on my lips then on my eyes again.

    “Kailan ang uwi mo?”
    “Saturday or Sunday. Sa Saturday next week pa talaga ang kasal. Magbabakasyon lang ako. Medyo matagal na rin kasi mula noong huli kong punta doon.”
    Tumango siya. “That’s good. But then… six? Seven days? That’s… long…”
    “Yup. My long vacation. Finally pagkatapos kong magtrabaho ng straight for a year.”
    “I am gonna miss you, though…” marahan ngunit may diin sa boses niya.

    Hindi ako nakapagsalita. Bumaling ulit ako sa TV. Hindi ako makatingin sa kanya habang sinusuklian ang sinabi.

    “I am gonna miss you too.”

    Marahan niyang hinarap ang mukha ko sa kanya. Napilitan akong mapatingin.

    “Really?”
    Tumango ako. Bahagyang nanikip ang dibdib ko. Hindi ko alam kung para saan.

    Suminghap si Duke at ngumiti.

    “Well then… maghihintay ako sa’yo. I’ll wait till you come back.”
    Tumango ako at binaba ang tingin sa throw pillow.

    My heart is hurting for something. I can’t put a finger on it.

    Pagkatapos naming manood ay nagpaalam na si Duke. Lumalalim na rin kasi ang gabi.

    Hinatid ko siya sa may gate. Hinintay kong umalis ang sasakyan niya bago ako tumalikod para pumasok sa loob ng apartment namin. Si Maggie ay nasa hamba ng pintuan at nakahalukipkip.

    “Oh? Kayo na?” tanong niya.
    Umiling ako.
    “You two look good together. Nagtatanong na si mama kung may pinalit ka na ba raw kay Jacob. Ayaw mong banggitin si Duke kaya wala akong sinasagot.”
    “Sinabi ko naman sa kanya na wala pa nga sa utak ko ang lovelife.”
    “Pano ‘yan? Nasa utak ka naman ng lovelife kaya di ka malubayan.”

    Nilagpasan ko siya. Sinundan niya ako ng tingin ng papasok sa loob. Si James ay umiinom sa wine na dala ni Duke. Ngumisi siya nang nakitang umupo ako sa sofa.

    “Wala lang ‘yon. Magkaibigan lang kami…” sabi ko.
    “You look so close, ha? Since sinabi mo na rin naman na medyo okay ka na kahapon noong nakaharap mo si Felicity at Jacob, edi okay ka na nga.”
    “Kinakausap ka ba ni Jacob, Rosie?” tanong ni James.
    Tumango ako at umirap.
    “He’s cool. I think you are too. Move on na?” Ngumisi si Maggie.
    “Maybe…”

    Natahimik silang dalawa.

    “Maybe you’re right. Nagsisimula na nga akong mag move on. Siguro… ayos na. Siguro talagang magiging maayos na ang lahat. Siguro nga unti unti ko nang matatanggap na talagang ganito na ngayon.”
    “Maswerte ka nga at hindi ka naman iniwang mag isa. You have people around you. You have a close friend. You have Duke. Plus, hindi pa kayo gaanong magkagalit ni Jacob. Since casual naman kayo, mukhang ‘di naman toxic ang pinanggalingang relationship.”
    “Oo nga…”

    Hindi ko na sasabihin na kagabi nang nakita kong tumayo si Jacob, bahagya akong umasa. Hindi ko na binanggit kay Maggie na hirap na hirap na ako. Ayaw kong iparamdam kahit kanino kung gaano kabigat ang talagang nararamdaman ko. Mauumay lamang sila. Ako nga’y nauumay na rin. Pero anong magagawa ko kung ito talaga?

    Hirap na hirap ako sa pag iimpake. Lalo na dahil dress akong dala. Dadalhin ko rin kasi iyong kay Maggie para huwag na siyang ma hassle sa pagmamadali niya galing school.

    “Pahatid ka kay Duke sa Alegria,” biro ni Maggie.
    Pinandilatan ko lang siya. Kaya ko namang mag commute.

    Pinili kong gabi bumyahe para pwede na akong matulog sa bus. Besides, hindi tulad noon, may bus na galing Maynila na diretsong Alegria ang byahe. Hindi ko na kailangng bumaba ng ilang terminal para lang makarating doon.

    Inisip ko pagkadating ko ng Alegria, bibisitahin ko ang mga lugar na madalas kong pinupuntahan noon.

    Nag iimpake pa lang ay kinakabahan na ako. Hindi ko alam kung para saan. Siguro dahil alam kong pag nakita ko ang mga lugar na iyon, mahahawakan ng mga ito ang kailaliman ng puso kong matagal ng walang nakakahawak.

    Hinatid ako ni Maggie at James sa terminal ng bus. Tinext ko na rin si Auntie Precy na siguro’y mga alas sais ang dating ko sa Alegria.

    Pumwesto ako malapit sa bintana at nilagay ang mga bag sa taas. Kinawayan ko si Maggie at James na nasa labas at pinapanood ang pag alis ko. Sinenyas ni Maggie ang kanyang cellphone para sabihing mag text ako sa kanya.

    Tumango ako at kumaway ulit dahil gumagalaw na ang bus.

    Naalala ko tuloy noong nalaman namin ni Maggie na uuwi kami ng Alegria dahil wala ng trabaho sina mama at papa. Naaalala ko iyong mga reaksyon naming dalawa. Naalala ko kung gano ko kinamuhian ang mga probinsya, lalo na ang Alegria. Hindi ko alam na doon ko din pala mararanasan ang halos maiyak sa sobrang saya. It holds a special place in my heart. Kaya noong naghiwalay kami ni Jacob, hindi ko na kayang bumalik pa doon. Dahil ang saya saya ko sa Alegria, matatabunan lamang pala ang lahat ng iyon ng panghihinayang.

    Pinalis ko ang luhang tumulo sa aking pisngi.

    Hindi ko talaga alam kung ano ang problema ko at bakit hanggang ngayon, kahit na maayos na sana ang lahat, nakukulangan parin ako.

    There’s something missing and I don’t know what.

    Si Jacob? Hindi. Hindi siya ang kulang sa buhay ko. Definitely not him. Dahil kung siya, matagal na akong lumuhod bumalik lamang siya ulit sa akin.

    Pagbalik ko kaya ng Alegria, malalaman ko kung ano talaga ang nawala sa buhay ko? Bakit hindi ako makagalaw ng kahit isang pulgada man lang?

    Nakatulog ako habang umiiyak. Nagising lamang ako nang mga alas tres na ng umaga. Nasa byahe parin ang bus. Hinilig ko ang ulo ko sa bintanang salamin at tiningnan ang bawat nadadaanan namin.

    Nahihilo ako sa byahe kaya napapikit at nakatulog ulit ako. Sunod na gising ko ay medyo malapit ng mag umaga. Hindi na ulit ako nakatulog. Pinagmasdan ko ang bulubundukin ng Alegria. Hindi pa kami nakakapasok sa mismong lalawigan pero kitang kita dito ang nagtatayugang bundok. Sa likod ng Tereles Peak ay ang paparating na araw.

    Napangiti ako. It’s been a while.

    Saktong alas sais ang dating namin sa terminal ng Alegria. Una kong tinext si Maggie pagkatapos ay si Auntie Precy.

    Mag tatricycle ako patungo sa bahay. Hindi naman ito kalayuan sa terminal dahil sentro lang naman ang bahay ni Auntie Precy.

    Sumakay ako ng tricycle at saktong namukhaan ako ng driver.

    “Rosie? O! Ang tagal kitang di nakita!”

    Hindi ko kilala pero namumukhaan ko. Madalas kong sakyan ang tricycle niya tuwing galing sa simbahan patungo sa Bahay ni Lola o di kaya’y galing school noon. I remembered one time sumakay kaming dalawa ni Jacob sa tricycle niya. Iyon ‘yong sinusuyo niya pa ako. Noong highschool pa lang kami.

    “Walang susundo sa’yo?” tanong niya.
    “Wala po,” inosente kong sagot.
    “Saan ka? Sa mga Buenaventura o sa inyo?”

    Wow. Really?

    “Sa kina Auntie Precy po…”
    “O sige…” aniya na parang wala lang.

    Binalewala ko iyon. They’re not the nosy people na kailangang updated kung may hiwalayang ganap. Binusog ko ang mga mata ko sa mga tanawing matagal ko nang di nakikita.

    Alegria changed a lot. Ang dating puro damuhan ay nakikitaan ko na ng mga tindahan ngayon. Ang dating tahimik ay unti unti ng dumadami ang tao.

    “Ang tagal kitang di na nakita ah? Simula yata nang namatay si Don Juan Antonio o ano?”
    “Oo. Nag aral po kasi ako at nangibang bansa din kaya nawalan ako ng oras para bumisita,” sagot ko.
    “Si Jacob, madalas naman…”

    Please don’t go there. Please don’t go to that topic. Mabuti at mukhang hindi niya naman ako tatanungin. Tahimik na siya buong byahe hanggang sa nakarating na ako sa street namin ni Auntie.

    Tinulungan ako ni Manong sa pagkuha ng mga bag ko. Hinatid niya ang mga bag sa mismong pintuan ng bahay kaya dinagdagan ko ang binigay kong pamasahe.

    “Huwag na!”
    “Hindi na po! Sige na po! Pasasalamat ko na ‘yan!” sabi ko.
    “Salamat, kung ganoon!”

    Bumalik siya sa tricycle at pinaandar niya na ito ng may ngiti. Pinagbuksan ako ni Auntie Precy at kitang kita ko ang tuwa sa kanyang mukha. After how many years, finally, I’m here again.

    May kaonting pagbabago sa Bahay ni Lola. Ang dating halos wala masyadong muwebles ay nadagdagan kahit paano.

    “Mag almusal ka muna! Naku ang saya ko at sa wakas naka bisita ka ulit!”
    “Anong ulam, Auntie? ginutom ako sa byahe. Pagkatapos kong mag almusal ay magpapahinga lang ako saglit sa kwarto tapos maliligo. Gusto kong mamasyal.”
    “Tamang tama! Mamamalengke ako ngayon. Gusto mong sumama?”
    Umiling ako. “Huwag na po, Auntie. May titingnan lang ako…”
    “Saan, kung ganoon?”
    Nag iwas ako ng tingin. “Iyong mga dating pasyalan. Ang tagal ko pong di nagawi dito. Hindi ko na alam anong itsura ng… mga lugar dito.”
    “O siya… Siguro naman ay alam mo kung paano pumunta doon? Naku! Sanay ka pa namang may sasakyan pag namamasyal dito. E… mag tatricycle ka, kung ganoon?” concerned na tanong ni Auntie.
    “Oo naman!”

    Sabay kaming nag almusal ni Auntie. Pinag usapan lamang namin ang lagay ni mama. Ang sabi kasi niya ay maayos na daw siya gaya ng dati. Nag therapy din kasi siya para sa kanyang kamay. But then I can’t help but worry. Mild stroke is still stroke. Tumawag pa kami kay mama para ipakitang nasa Alegria na ako. Kinaway kaway niya ang kanyang kamay para ipakita sa aming ayos lang siya.

    Tumawa lamang ako. Pagkatapos ko doon ay umakyat ako. Tumulong si Auntie sa pag akyat sa mga gamit ko at sa mga susuotin namin ni Maggie. Pagkatapos ay naligo ako at nagpahinga ng kaonti.

    “Rosie, anong oras ka aalis para sabay na lang tayo? Bibigyan din kita ng susi sa bahay para pag nauna kang makauwi, makakapasok ka,” ani Auntie.

    Pasado alas nuebe kaming umalis ni Auntie Precy. Siya ay patungo sa palengke samantalang pumunta naman ako ng Alps.

    Hinawakan ko ang sementong railings sa isang maliit na foobridge. This is where we first saw each other.

    Maraming naliligo doon. May mga pamilya. May mga bata, mga highschool. Pinagmamasdan ko silang nagtutuksuhan. Ganoon kami dati.

    “Cottage, ma’am?” tanong ng isang trabahante doon.
    Umiling ako. “Hindi na…”

    Ang pinakamainit na lagoon ay ganoon parin. Kita ko parin ang kaonting usok dahil sa init nito. Halos matatanda lang ang naroon, iyong gusto mag relax at magpawala ng stress.

    Kalahating oras ang tinagal ko doon. Bigla akong nanghinayang kung bakit hindi ako nagdala ng damit. Sana pala ay naligo na lang ako. ‘Di bale na kung mag isa man. Maybe tomorrow, huh?

    “Saan ka, Miss?” tanong ng driver sa akin nang lumabas na ako sa Alps.

    Hirap na hirap akong sabihin iyon. Actually, hindi dapat ako doon sunod na pumunta. I still want to visit the school, or the church, or Don Juan’s grave…

    “Sa… trucking?” tanong ko, nagdadalawang isip.
    “Saang trucking?”
    “Sa Buenaventura…”

    Kumunot ang noo ng driver. Parang hirap siyang alalahanin kung saan iyon. I quickly changed my mind. Ngunit bago ko mabawi ay nagsalita siya.

    “Ah! Iyong trucking? Rosie Buenaventura?” tanong niya.

    Kumalabog ang puso ko. There, Rosie!

    “Opo!” maligaya kong sinabi.
    “Tara!” aniya.

    Sumakay agad ako sa tricycle. Papalapit kami ay mas lalo lang dumagungdong ang puso ko. Pinagmasdan ko ang mga tanim na naroon. Ang dating mga punong maliliit noon ay matatayog na ngayon. Flowers also filled the pathways near the road. Namukadkad ang kulay pink na bulaklak ng Adelfa sa gilid patungo sa trucking. At sa kabila naman ay ang malawak na palayan.

    “Dito ka?” tanong ng driver at biglang bumagal ang takbo ng tricycle.

    Tiningala ko ang malaking gate ng trucking nina Jacob. Ang matatayog na dingding nito ay nababalot na ng baging. Wala naman ito noon.

    Pinipiga ang puso ko habang lumalabas sa tricycle. Nakatingala parin ako sa matayog na gate. Tulad noon, kulay green parin ito. Naroon parin ang naka bold na letters ng pangalan ko. “Rosie Buenaventura”

    Umalis ang tricycle at naiwan akong mag isa doon.

    Napapalibutan ang gate ng baging. Parang hindi na nabubuksan uli. At ang kulay gold na letters ay kinakalawang na. Ang kulay green na gate ay luma na at unti unti na ring kinakalawang.

    Hindi ko mahabol ang hininga ko.

    Sinangla ko ito noon. Hanggang ngayon ay mukhang naka sangla parin o baka naipagbili na sa iba.

    Hindi matanggal ang mga mata ko sa gate. Unti unti kong nararamdaman ang pabagsak na sakit sa aking puso.

    It’s okay! It’s okay! I did it for him anyway! I did it for him to be okay! I did it for him!

    Napaluha ako nang naalala ang lahat lahat. Simula noong niligawan niya ako hanggang sa binili niya ito para sa akin. Everything felt like surreal. Parang di naman talaga nangyari. Na niloloko ko lang ang sarili ko! Na nag iilusyon lang ako!

    Siguro ito ang nawala sa akin. Nawalan ng hustisya ang ginawa ko. Justice for what I did. Justice for my sacrifices. I lost it all para maging maayos ang lahat. Naging maayos nga pero walang may nakaalala sa sakripisyong nagawa ko! It was me! Ako iyong sobra sobrang nasaktan para sa sariling desisyon ko! Ako iyong bumitiw kahit na mahal na mahal ko pa siya! Ako iyong tumalikod kahit na hindi ko kaya! I did it all for him! For him to be okay! For his people to be okay! And yet now… wala ni kahit isang nakakita noon. Kahit siya. Ako lang! Ako lang! Ako parin ang nakakakita kahit ngayon.

    Napaluhod ako sa harap ng gate ng trucking. How I suddenly wish to turn back the time. Iyong mga oras kung saan ang tanging inaalala ko ay ang pag aaral ko sa Alegria at si Jacob na kinukulit ako. Sana iyon na lang ulit ang gawin ko. I would give anything just to feel it again. I would trade my life for another chance at that simple life.

    Sana bumalik sa dati. Iyong simple lang ang makapagpapasaya. Iyong maliit at kaonti lang ang mga problema. Back when the trees and flowers in Alegria were young. Back when it’s still pure and innocent. Noong mga panahong hindi pa kami namumulat sa realidad ng buhay. I wish I could turn back time… pero alam nating lahat na hindi na maibabalik pa. Change is constant. And no matter how hard we try to be constant, we really can’t. We are both bound to change. And sometimes… changing means falling apart.

  • Kabanata 18Open or Close

    Kabanata 18
    Hindi Na Talaga

    Pagkatapos sa trucking ay umuwi na ako. Nawalan na ako ng lakas para pumunta pa kahit saan. Ipagpapaliban ko na lang muna pansamantala. Ilang araw pa rin naman ako dito.

    Umuwi ako sa Bahay ni Lola at nagkulong sa kwarto. Mahapdi ang mga mata ko sa kakaiyak at paniguradong magtatanong si Auntie Precy kung ano ang iniyakan ko kaya pinili kong matulog na lang.

    Hindi ako ginising ni Auntie. Hapon na nang nagising ako. Siguro ay hinayaan niya na lang din akong makabawi sa pagod sa byahe.

    Bumaba lang ako nang ginutom ako. Mahapdi pa ang mga mata ko sa sobra sobrang pag iyak.

    “Saan ka galing?” tanong ni Auntie habang kumakain ako sa kusina.
    “Ah… Sa Alps po…” sabi ko.
    “Doon lang?” tanong ni Auntie.

    Paniguradong pansin niya na ang pamumugto ng mga mata ko. There’s no point in hiding it now. It’s crystal clear.

    “Sa trucking din…” sabi ko.
    “Trucking… Nina Jacob? Iyong sa’yo?”

    Tumango ako nang di siya tinitingnan. Suminghap siya at umupo sa tabi ko.

    “Anong nakita mo?” tanong niya.
    “Huwag n’yo na po akong tanungin…” sabi ko ng medyo iritado.
    “Hay… Rosie… Kung talagang bumabagabag ito sa’yo, bakit hindi mo sabihin kay Jacob? Sabihin mo. Walang mawawala sa’yo dahil tunay naman talagang iyan ang nararamdaman mo.”
    “It’s not that simple Auntie…” Bumaling ako sa kanya. “Paano? Hi Jacob! Nasasaktan parin ako hanggang ngayon. Mahal parin kita. Ang sakit. May iba ka na. Masaya ka na. Ako heto… hindi parin… Tss…” natawa ako sa sarili ko.

    Kung sana nandito sina mama at papa. May masasabi kaya silang maganda? Kung sana buhay pa si Don Juan Antonio para at least maliwanagan ako. Siguro ay may masasabi siya tungkol sa amin pero wala silang lahat dito.

    Noong naglunes ay nag simba lang ako. Pagkatapos ay ginugol ko na ang buong oras ko sa pag S-Skype kay mama at papa, kay Maggie, at nag titext na rin kay Duke at Karl.

    “Oh? Pumunta ka ba kay April?” tanong ni mama.
    Umiling ako. “Dating bahay po kasi ang alam ko. Ang sabi ni Auntie, kina Ron na raw siya nakatira. E… di ko alam saan ang kina Ron. ‘Tsaka nahihiya din akong pumunta doon.”
    “Ang swerte din naman talaga ng batang ‘yan, ‘no? Kahit na hindi masyadong mabait e nakasungkit pa? Ikaw? Ano na? Ginagawa mo na atang idolo iyang si Priscilla?”
    Tumawa ako. “Ma naman… Bata pa naman ako ah?”
    “Asus! Noong ka edad mo ako, buntis na ako kay Maggie!”
    Tumawa ulit ako. “So ano? Ibig mong sabihin gusto mong buntis na rin ako ngayon? Si Maggie nga ang pagsabihan mo! Ni boyfriend nga, walang akin! Tapos gusto n’yo pang buntis ako!?”
    “Adele, ano ba iyang tinuturo mo kay Rosie…” narinig kong saway ni papa.
    “Oo na, Fred. Biro lang ‘yon!”

    Kahit paano’y nalibang naman ako doon. Nang dumating ang hapon ay diniligan ko ang mga halaman ni Auntie Precy. I suddenly remembered Jacob. Tumulong siya sa pagtanim ng mga ito noon.

    I smiled bitterly. Heto na naman tayo. Wala na ba itong katapusan? One day, it will come. Iyong tipong kahit may maaalala ako ay hindi na ako masasaktan. I won’t get tired of waiting for that one day. It will come to me because I deserve it. I deserve it for everything I did. Well, nakakalungkot isiping ako pa mismo ang magsasabing deserve ko ang maka move on.

    Tinapos ko ang gabi sa pagtitext kina Karl at Duke. Tumawag pa si Duke kaya kinwento ko sa kanya kung gaano ka boring ang araw ko.

    “Nag simba tapos namili saglit sa bayan, tapos nagdilig ng halaman… Iyon lang…”
    “That’s good!”
    “Good? That was boring, Duke.”
    “Nakakapag relax ka so that’s good.”

    Napangiti ako. At least someone wants me to relax in this stressful situation.

    “Ano naman ang gagawin mo bukas?” tanong niya.
    “Bukas? Hmmm. Sa umaga, siguro mag lilinis. Since, I’m that bored here. Lalo na at wala si Auntie dahil may pasok iyon.”
    “Oh? So mag isa ka lang ulit? Wala bang ibang tao? Hindi ka ba natatakot?”
    “Wala, e. ‘Tsaka hindi naman masyadong uso dito iyong mga krimen.”
    “Just to make sure, Rosie.”
    Tumawa ako. “I’ll lock the doors. Then after that, siguro mga hapon, pupunta ako sa Alegria National High School, tapos ay sa sementeryo.”
    “Anong gagawin mo sa sementeryo?” tanong niya.
    “Bibisitahin ko ang puntod ng daddy ni Jacob.”
    “Well, it’s been a while. Tapos? Saan ka naman pagkatapos?”
    “Siguro ay kina April na.”

    Natapos ang gabi ko sa tawag na iyon. Nakatulog din naman agad ako. Sobrang payapa na kasi at ako na lang yata ang nagsasalita kaya mabilis akong dinalaw ng antok.

    Kinabukasan ay maaga akong nagising. Maaga rin kasi si Auntie na umalis. Kaya noong umalis siya, inubos ko ang oras ko sa paglilinis ng bahay.

    Pagkatapos kong maglinis ay naligo na ako. Pagkatapos namang maligo ay magluluto ng lunch. I just suddenly felt at peace. At least nakapag relax talaga ako. Hindi iyong puro trabaho at stress lang ang ramdam ko.

    Alas tres ng hapon nang nag desisyon akong pumunta sa Alegria National High School. Pumasok ako doon at nakita ang iilang mga high schoolers suot ang kanilang uniporme. It reminds me of myself… I was so lost here. Wala akong kaibigan. I only have April. And of course, Jacob. But in the end, April betrayed me. Nga naman… kung mahal mo ang tao, gagawin mo ang lahat. Mahal niya si Jacob noon, e. She was desperate.

    Then Jacob pushed me away dahil sa malaking akala. And that was a big thing way back. Who made it first to me was a big thing to him. Well, hindi ko alam iyon dahil hindi naman ako lalaki. Siguro nga at some point, masasaktan ang ego niya pag naisip niyang niloko ko siya. Na sinabi kong siya ang una pero hindi pala. Lalo na’t pinsan niya pa talaga ang inakala niyang karibal niya.

    But then I forgave him because I love him too much. And he loved me. He loved me too much. He can’t let go of me even just for a while. Yes, I admit it. I like him like that. I want him to make me his sun. The one he can’t live without. He’ll die without me. Ganoon ako ka possessive sa kanya. Ganoon din siya ka possessive sa akin. It wasn’t healthy alright, but that’s the truth of my feelings.

    Ngunit nang nangyari ang buhay sa aming dalawa, hindi pala namin kaya na ganoon lagi. I’ve grown. And now he’s grown too.

    Nakatayo na ako ngayon sa puntod ni Don Juan Antonio. Katabi ay ang puntod naman si Cielo Buenaventura, ang mommy ni Jacob.

    Nilapag ko ang mga bulaklak na dala ko para sa kanilang dalawa. Fresh white roses and scented candles ang dala ko.

    “How I wish you were still here, Tito… You should’ve seen how your son broke my heart…” napangiti ako. “Pero kung nandito ka, siguro di naman kami magkakaganito ni Jacob. Siguro ngayon, kami pa.”

    Mabigat ang pakiramdam ko pero ayaw ko nang umiyak. Naubos yata lahat kahapon ang luha ko na ngayon ay wala na.

    “And you know? May bagong girlfriend na siya. She’s pretty. But of course mas maganda ako!” Tumawa ako ng bahagya. “Nadala niya na ba iyon dito sa puntod mo? Naku baka hindi pa ha?”

    Nagmumukha na akong tanga pero nalilibang ako sa pakikipag usap sa puntod.

    “Pero sorry din, Tito. Ilang taon akong di nakapunta. Alam n’yo naman… masakit pa. Ngayon nga, tiniis ko na lang.”

    Magsasalita pa sana ako pero may narinig akong mga yapak sa likod. Nilingon ko at tiningnan kung sino at muntik na akong lubayan ng kaluluwa ko nang nakitang may tao. Akala ko multo, by the way. And my soul truly left me when I saw who it was.

    “J-Jacob?”

    Calling his name stuttering made me remember the past again. Lahat na lang ba talaga, Roseanne?

    Tiningnan ni Jacob ang puntod ng kanyang ama. He probably checked out the flowers. Lumipad ang tingin ko sa kanyang sasakyan, tinitingnan kung mag isa ba siya pero kumalabog ang pintuan ng front seat at lumabas si Felicity.

    Oh! He’s with Felicity.

    Wow, Tito ha! Nananadya ka ba? Silang dalawa tapos ako? Kaming tatlo? Hindi mo man lang ako binigyan ng partner para double date na lang? Tss.

    May dalang isang basket ng bulaklak si Felicity. Lumuhod si Jacob sa puntod ng kanyang ama at sinindihan ang dalang mga puting kandila galing sa scented candle ko.

    “Hi Rosie!” ani Felicity at nilapag sa lapida ni Don Juan ang dalang mga bulaklak.

    Nag dala din sila ng para sa mommy ni Jacob.

    Hindi ako prepared sa ganito. Ni hindi ko naisip na magkakaroon ng ganito. Na kaming tatlo. I don’t have any excuse. Wala rin akong kakampi. Nobody will back me up when I mess up! Shit!

    “Hi! Uh… Kailan lang kayo dumating?” tanong ko.
    “Kaninang lunch. Ikaw?” tanong ni Felicity.
    “Uh. Noong Linggo ng umaga lang,” sagot ko.

    Tumayo si Jacob ng nasindihan niya na ang mga kandila. Tahimik siya. Siguro ay nagdadasal. Huminga ako ng malalim. This is awkward.

    Lumuhod din si Felicity at nagsindi rin ng sariling kandila. I want to interrupt and tell him I should go but they were both too silent.

    “Nakapunta ka na kina April?” tanong ni Jacob bigla sa akin.

    Halos mapatalon ako doon. Umiling ako at napangiti. What?

    “Ang sabi kasi ni Auntie, di na raw doon tumitira si April at ‘yong anak niya. Kina Ron na raw, e. Di ko alam kung saan kina Ron.”

    Ang dami ko yatang sinabi. Pakiramdam ko ay nagsusumbong ako. The heck!

    “Pupunta ba si April mamaya?” tanong ni Felicity sabay tayo.
    Tumango si Jacob. “Oo.”
    “Nga pala, Rosie. May kaonting salu salo kina Jacob ngayong gabi. Nandoon sina Leo, Ron, Louie, Teddy. Baka rin andon si April. Gusto mong sumama?”

    Nagkatinginan si Jacob at Felicity. It was so awkward I can almost hear the crickets.

    “Hindi na. Mahihirapan ako. Pag gabi, wala masyadong tricycle na bumabyahe papunta doon kasi malayo-“
    “Sabay na tayo ngayon. Pauwi na rin naman kami ni Jacob,” ani Felicity. “Nandoon na nga si Teddy.”

    Nanatili ang mga mata ni Jacob kay Felicity. I felt like he didn’t want me there. Na napipilitan lang siya dhail niyaya ako ni Felicity. Felicity’s just too nice to forget about me.

    “Hindi na talaga…” Umiling ako. “Mahihirapan din ako pag uwi…” sabi ko.
    “Ihahatid kita…” Bumaling si Jacob sa akin.

    Liar. Pinapanindigan mo lang dahil gusto ng girlfriend mo.

    Napalunok ako. “Hindi na talaga. Uuwi na ako.”
    “Hahanapin ka rin ni April kaya mas mabuting sumama ka na lang…” ani Jacob.

    Ngayon, si Felicity naman ang nakatingin kay Jacob. Now, I’m torn.

    “Hindi ka naman magtatagal doon sa amin,” ani Jacob.

    It’s been a while. Hindi na ako ulit nakabisita kina Jacob simula nang naghiwalay kami. I cut all the cords the moment we broke up. Maybe it’s time to finally reconnect.

    “Hmmm. Sige. Magpapaalam muna ako kay Auntie dahil baka mag alala iyon.”
    “Good!” ani Felicity.
    “Excuse me…” sabi ko.

    Mabilis akong lumayo sa kanila. Pumwesto ako doon sa likod ng Hummer habang dinadial ang number ni Karl. Auntie ba kamo?

    “Karl! Pupunta kami kina Jacob ngayon! Kasama ko silang dalawa ni Felicity ngayon! Anong gagawin ko? My God!”
    “Huh? Edi sumama ka! Duh! Para saan pa ang dry run natin pag di mo gagamitin, ‘di ba?”

    Nilingon ako ni Jacob. Nagkatinginan kaming dalawa kaya tumalikod agad ako. Bumilis ang pintig ng puso ko at halos hikain na ako dito.

    “Tangina, Karl… Shit!”
    “Ano? Ano bang nangyayari?” tanong niya.
    “Wala sige na! Bahala na nga ito!”

    Tinapos ko ang tawag at nanatili doon. Kinalma ko ang sarili ko. Sinikop ko ang buhok ko at humarap sa Hummer para makita sa salamin ang aking mukha. I tied my hair to a pony tail.

    “Tara na?” ani Felicity.
    “Ah! Yes!” sabi ko sabay tango.

    Binuksan ko ang pintuan sa likod. Dito ako nararapat. Halos matawa ako sa mga reaksyon ko kahit na nasasaktan. Pumasok ako sa loob at agad kong naramdaman ang lamig. The scent of his Hummer sent shivers down my spine. So many memories here…

    Nilingon ako ni Felicity.

    “Sayang at di dala ni April ang anak niya mamaya. Mukhang inuubo at sipon daw, e.”
    “Ganoon ba? Kawawa naman pala.”

    Bibisitahin ko sila pag nakausap ko na si April.

    Biglang may tumunog na cellphone. Nilingon ni Felicity si Jacob. Parang by instinct ay sinabi lang ni Jacob kung ano.

    “Nasa dashboard.”
    “Okay…”

    Nanikip kaagad ang dibdib ko. Pakiramdam ko ay may secret code silang dalawa na hindi ko alam. Ang laki laki ng pinagbago. Pakiramdam ko ang lahat ng tungkol sa akin ay isang malaking joke.

    Binigay ni Felicity ang cellphone ni Jacob sa kanya. Nag drive si Jacob habang may katawagan.

    “Iconnect ko na lang…” ani Felicity.
    “Okay…”

    Pinagkatiwala ni Jacob ang cellphone niya kay Felicity.

    “Nasa bahay n’yo na kami? Saan ka na?” tinig ni Leo ang narinig ko.
    “Papunta na diyan. May pagkain diyan sa dining. Hindi ka ba sinalubong ni Manang?” ani Jacob.
    “Ay… eto na. Andito na pala ‘tong si Teddy e!”
    “Oo! Sige na, sige na. Ibababa ko na.”

    Pinutol ni Jacob ang tawag kaya binalot ulit kami ng katahimikan. Humalukipkip ako at tiningnan ang rearview mirror na nagpapakita ng repleksyon ng mga mata ni Jacob. Nanatili iyon sa kalsada. He looked so mysterious and unpredictable. Umiling ako at bumaling na lang sa labas. Tama kaya itong ginagawa ko? Sumama pa talaga ako sa kanila?

    Nang dumating kami kina Jacob, ako lang yata itong slow motion kung makagalaw. Dire diretso si Felicity sa bahay nila na parang sanay na sanay siya sa mansyon. Ako, parang ninanamnam ko pa ang lahat. Pagkatapos ng ilang taon, anndito ulit ako.

    Huli akong pumasok. Bumagal ang lakad ni Jacob nang namataan niyang sobrang bagal kong maglakad.

    Tiningala ko ang mga pictures sa buong bahay. Ang mga bagong muwebles, ang mga bago at mamahaling sofa, ang carpet at ang grand piano.

    “Ilalagay ko lang ang bag ko sa kwarto, Jacob…” ani Felicity. “Diretso ka na sa dining, Rosie…” ngiti niya sa akin.

    That stabbed my heart. They’re in the same room? Putangina! Agad nangilid ang luha ko. Hindi man lang ako nilingon ni Jacob. Dumiretso siya sa dining area ng bahay nila.

    Ilang sandali pa ako nakagalaw. Hindi ako pwedeng bumigay ngayon dito.

    Yes, Rosie. They probably did it? You don’t have to re create the whole scene in your mind. Hindi na dapat ako nagugulat. Jacob’s a friggin horndog.

    Halos matawa ako. Pagkatapos kong masaktan ay nag sasour graping na naman ako?

    “Rosie!”

    Si April pa ang sumalubong sa akin kaya ako nakagalaw. Napansin ko ang medyo pagtaba niya. Hindi mataba, ngunit bahagyang pagkakaroon ng kaonting kurba sa katawan.

    “April!” sabay ngiti ko.
    “Ang tagal na nating di nagkita!” aniya sabay yakap sa akin.

    Niyakap ko rin siya pabalik. Ng mahigpit. Siguro nga ay talagang nangulila ako. O di kaya’y kinailangan ko ng yakap sa mga sandaling iyon. Either way, her hug comforted me. Her hug was my refuge. And that was enough for now.

    “Oo! Ang tagal nating di nagkita!” nanginig ang boses ko.

    Hinawakan niya ang magkabilang braso ko at hinarap ako.

    “Buti at pumunta ka!? Sinong kasama mo? Si Jacob at Felicity?” tanong ni April.
    Tumango ako at kinalma ang sarili.
    “Oh… April… Andito ka na pala!” ani Felicity na ngayon ay pababa sa grand staircase.

    Nagkatinginan kami ni April. Nagkibit na lang ako ng balikat.

  • Kabanata 19Open or Close

    Kabanata 19
    Salamat

    Sabay sabay kaming nagtungo sa dining area. Sa long table nina Jacob ay naroon ang mga kabanda niya noon. Si Leo, Ron, Louie, at Teddy. Si Jacob ay nasa tabi ni Teddy at isang upuan naman ang nasa kanyang kaliwa.

    “Kumain na tayo?” ani Jacob sabay tayo.

    Nang narinig ng kasambahay ang sinabi ni Jacob, isa sa kanila ay nagsalin ng tubig at juice sa baso ng lahat ng naroon.

    “Rosie!” ani Teddy. “Nandito ka pala!”

    Kitang kita ko ang paglinga niya sa mga kasamahan. It was like normal for Leo and Louie. Tanging si Teddy lang ang nagulat. Si Ron ay nakatingin sa akin ngunit tahimik lamang.

    “Dito ka, Rosie…” ani April sabay tapik sa tabing upuan niya.

    Tumango ako at dumiretso doon. I left Felicity beside Jacob. Ang kaharap ko ngayon ay si Leo. Ang katabi naman ni Leo ay si Jacob. Sa tabi ni Jacob ay si Felicity.

    “Na… abutan nila ako sa puntod ni Don Juan… So…” nagkibit ako ng balikat.

    Well, this is awkward!

    “Anong oras kayong umuwi ni Karl noong isang gabi?” tanong ni Teddy sa akin.

    Yes, we saw each other in a bar. Noong pinuntahan namin si Mikael ay naroon siya kasama ang kanyang mga pinsan.

    “Ah!” Damn it! “Hatinggabi or so…”
    Ngumiti siya.
    “It’s been a while, Rosie. Akala ko excuse mo na naman ang pagiging busy sa hindi mo pag uwi sa Alegria…” wika naman ngayon ni Ron.
    Bahagya akong tumawa. “Hindi naman. Ngayon lang din talaga ako nagkaroon ng oras. Busy sa trabaho.”

    I’m concerned. Nag sisimula nang kumain ngunit natuon sa akin ang buong atensyon.

    “Rosie, oh…” ani April sabay lagay ng pagkain.

    Hindi ako makapag concentrate sa pagkain dahil sa mga tanong nila.

    “Hindi ba nangibang bansa ka? Saan ‘yon?” tanong ni Teddy. “Kumusta si Tita Adele?”
    Tumikhim ako. “Dubai… Uh, maayos naman si mama. Nag the therapy siya.”

    Hinawakan ko ang mga kubyertos at sumubo ng bahagya. Batid ko ang maraming kasambahay nina Jacob. Noong iniwan ko itong bahay na ito, halos dalawa na lang. Ngayon, ang dami na nila.

    “Anong trabaho mo sa Dubai?” tanong ulit ni Teddy.

    Nagkatinginan kami ni Leo na tahimik ngunit kitang kita ang kuryosidad sa mga mata.

    “Ah… ‘Di naman ako nag trabaho doon. I mean, hindi OFW. Hired ako bilang HR at endorser ng V Malls. Team kaming pumunta doon para maka close ng deal sa isang malaking investors.”
    “Oh! So… sa V Malls ka under noong nagpunta ka doon?”
    “Yup.”

    I hope this ends it.

    “Hindi ba ay nag apply ka sa V Malls, Felicity?” tanong ni April.
    “Ah! Oo. Si Rosie nga ang nag interview sa akin, e.” Ngumisi si Felicity sa akin.

    Napatingin si April sa akin. Laman ang kuryosidad sa mga mata. Ngumiti ako.

    “Yup… She’s done well. The senior HR will inform her kung kailan ang second interview.”
    “Wow! Congrats, Felicity!” ani April.

    Namatay ang usapan nang nagtanong si Leo tungkol sa mga guests sa kasal nina Ron at April. Lahat kami ay nakatoon na sa kanila.

    “Hindi naman masyadong maraming guests. May mga kaibigan din tayo sa Manila na pupunta dito…” ani Ron.

    Hindi kami mga magkaklase sa Manila kaya malamang hindi ko gaanong kilala ang tinutukoy nila. Tahimik lang ako habang kumakain. Sumulyap ako kay Jacob na napatingin rin sa akin habang umiinom ng tubig. Bumagal at naging tipid tuloy ang nguya ko. Seriously?

    Siniko ako ni April kaya napatingin ako sa kanya.

    “Dalaw ka bukas sa sa trabaho? Ano?”
    “Hindi ka pa nakaleave? Sa Sabado na ang kasal mo, ah?”
    Umiling siya. “Hindi pa. Last day ko pa bukas. Wednesday pa naman bukas, e. Ano? Sige na! May makikita kang ilang kaklase natin. Hindi ko nga lang alam kung naaalala mo pa.”
    “Pwede. Wala naman akong gagawin. Saang station ka ba bukas?”
    “Sa corn milling ako this month. Ano?”
    Tumango ako. Wala na man rin akong gagawin bukas kaya pupunta ako.
    “Bukas ha!” patawang sinabi ni Leo kay Ron.

    Umakbay si Ron kay April. Ngumiti ako at bahagyang nanibago. Ngumisi si April at umiling. Pakiramdam ko high school ulit ako sa kakangiti para sa kanila. I’m truly happy for them.

    “Bukas ba iyon?” ani Ron.
    “Oo no!”
    “Kawawa naman kami ni April!” ani Felicity at umiling kay Jacob.

    Napawi bahagya ang ngiti ko. Tumingin ako kay April. Parang natauhan siya sa sinabi.

    “O! Bukas ng gabi nga pala, ha? Sasama ka! Bridal shower ko! May hinanda ‘yong mga kasama ko, e. Alam mo na. Simple lang naman…” ani April.
    Umiling ako. “Hindi na. Sa mga kaibigan mo ‘yan. ‘Tsaka baka maging busy ako sa gabi.”
    “Huh? Anong busy? Ano namang gagawin mo?”
    Nagkibit ako ng balikat. Bumaling si April kay Felicity.
    “Ikaw din, ha?”
    “Oo! Magbi-bake ako ng cake para sa’yo!” ani Felicity.

    Hindi ko na gaanong nasundan ang mga sinasabi dahil nahagip ng paningin ko ang ilang kasambahay nina Jacob na kilala ko. Kitang kita kong parang binudburan ng asin iyong isa nang makita ako kaya nagtago siya sa kusina para mapagtakpan ang nararamdaman.

    “Basta, Rosie! Basta, ha!” ani April sa akin.
    “Anong dadalhin ko, kung ganoon?” tanong ko dahil hindi naman ako makakapagbake ng cake.
    “Anong dadalhin? Wala kang dadalhin. May pagkain doon. Ha? Sa Kampo Juan tayo…”

    Oh! Kampo Juan? Alam kong nabawi ito ni Jacob pero…

    “Sina Ron kasi sa bayan sila. Siguro sa grill nina Teddy…”
    “Hmm. Subukan kong magdala na lang din ng pagkain. Siguro… adobo.” I can still remember what Maggie taught me.
    “Hindi na nga kailangan! Sus! Eto talaga…”

    Ngumiti ako at natahimik na lang. She was so excited. I can feel it. Sinabi niya lahat ng detalye sa kasal niya at kung gaano siya nahirapan. Sinabi niya rin na nahirapan sila ni Ron na ipaliwanag sa anak niya iyong mangyayari. She’s probably three or four now. It’s been a while.

    “May regalo nga pala ako sa anak mo. Hindi ko nadala. Hindi ko naman kasi inasahang magkikita tayo.”
    “Wow! Talaga! Sige, matutuwa iyon.” Nalungkot naman siya agad. “Hindi ako magtatagal ngayon. May sakit ‘yon, e.”
    “Talaga?” Patapos na kaming kumain at inayos ko na ang pinggan ko. Sasabay na ako sa kanya pagkauwi niya. “Sasabay na ako pagkauwi mo.”
    “Ha? Ano ka ba? Huwag na! Dito ka na muna…”
    “Oo nga, Rosie,” ani Leo.
    “Ipapakuha lang naman ako ni Ron sa driver e. Dito pa si Ron para makapag bonding naman kayo.”

    Now that’s the worst thing. I can’t be alone with them! Kahit pa sabihing kaibigan ko rin naman sina Leo. This is like Meteor Garden with their new San Chai!

    “Hindi na! Hindi na!” Uminom ako ng tubig.
    “Rosie, ako na ang maghahatid sa’yo pauwi. Promise hindi tayo magtatagal dito,” ani Leo.
    “Oo nga, Rosie. Huwag ka na munang umalis,” ani April.
    “Ako na ang maghahatid sa kanya…” ani Jacob na bahagyang nagpatahimik sa kanila.
    “At pwede ring ako…” sabi ni Leo pagkatapos ng ilang saglit.
    “Pwede ring sa akin ka sumabay. Your house is just a few blocks away from ours, Rosie…” ani Teddy.
    Tumango ako. I give up. If this is going to cause a scene or something then whatever.
    “Doon nga pala tayo sa labas pagkatapos nito. I prepared some marshmallows and beers. May bonfire na doon!”

    Interesadong interesado ang lahat. Tumayo kaagad si Teddy at Leo para pumunta na sa labas. Sumunod si Jacob sa kanila, to lead the way. Nanatili si Ron doon. Sumabay lamang sa pagtayo ni April. Sumunod na rin si Louie kina Jacob kaya kaming apat ang natira sa dining area.

    Nagsimula na akong magligpit ng mga pinggang pinagkainan. Inayos din ni Felicity ang mga tira tirang pagkain. Lumapit ang mga kasambahay, tinabihan pa ako noong isang nakakakilala sa akin.

    “Ako na po, Miss Rosie…” aniya sa akin.
    Ngumiti ako. “Tulungan na kita…”
    Ngumiti siya at hinayaan ako. Sumama ako sa kanila sa kusina. Ilan sa mga nakaunipormeng kasambahay ay pamilyar sa akin pero hindi na ako nakipag usap. I know this is all just going to be about the past.

    “Tara na sa labas, Rosie?” salubong ni Felicity sa akin.
    Tumango ako at bumaling kay April. Kitang kita ko ang pagkabigo ni April nang tumingin sa akin. “Aalis na ako.”
    “Oh! Okay… Ihatid na kita sa labas.”
    “April, tatawagin ko lang si Jacob para makapag paalam ka…” ani Felicity.

    Tumango si April at nag antay kaming saglit kay Jacob. Nang naroon na’y nagpaalam na kaagad si April.

    “Thank you, Jacob. Dito muna si Ron, ha?” ani April.
    Humalakhak si Jacob. “Akong bahala…”

    Iniwan namin si Jacob at Felicity doon para ihatid si April. Si Ron lamang ang kasama ko at naisip kong siguro’y nasa likod na ang dalawa kasama sina Leo.

    “Bye, April!”
    “Bukas ha! Sa pabrika! Alas otso impunto! Bisita ka naman! Pinaghirapan mo ‘yon!” aniya sabay ngiti nasa loob na ng sasakyan.

    Bahagyang kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Ngumiti ulit siya.

    “Successful na ngayon, e.”

    Parang may humawak sa puso ko. Tipid akong ngumiti para kay April. Kumaway ako sa kanya hanggang sa umalis na ang sasakyan.

    “Tara, Rosie!” ani Ron.

    Sabay kaming naglakad ni Ron pabalik sa loob. Lumabas kami sa malaking sliding door nila, patungo sa garden kung saan sila nag iinuman.

    Now that’s it… Bahagyang nalaglag ang panga ko nang nakita ang pool sa gilid. Batid kong may pool sila noon dito pero hindi ganito ka laki at hindi ganito ka bongga. The pathways were made of hardwood. The lights below it were dimmed. Ang nagkalat na mapuputing bato sa paligid at ang nagmistulang zen garden ay bagong bago sa paningin ko. This changed! It did!

    Pinasadahan ko ng tingin ang buong landscape. It was a mini Kampo Juan. The light lanterns on the mahogany trees, the flowers and the smooth grass!

    “Dito ka, Rosie…” ani Felicity sabay pakita sa akin ang isang upuan sa tabi ni Leo.

    May guitar na kay Teddy. He strummed it lightly. I’m suddenly uncomfortable.

    Uminom si Jacob sa mamahaling inumin na hinanda. Everything here shouted abundance. Kumuha ako ng marshmallow at bahagyang sinunog sa maliit na bonfire.

    “Anong kakantahin?” tanong ni Teddy.
    “Asus! Nagdala pa talaga ng gitara!” ani Ron.
    Tumawa si Teddy. “I miss it, you know…”
    “Tss… Hindi ka ba laging gumagamit niyan?” ani Jacob.
    Umiling si Teddy. “Kayo lang naman ang kasama ko tuwing tumutugtog.”
    “Kahit mag isa, Teddy?” Napuno siya ng kantsaw kina Leo at Ron.
    “As if I have the time to strum?” tawa rin ni Teddy. “Oh! Ikaw Jacob! Ikaw naman ang magaling kumanta…”

    Pinasa ni Teddy ang gitara kay Jacob. Tiningnan lamang ni Jacob ang gitara. Ang isang kamay ay nakahawak sa baso ng alak. Kumalabog ang puso ko.

    “Nah! Ikaw na lang! Ikaw naman itong namimiss ‘yan!”
    “You know how to play the guitar, Jacob?” natatawang tanong ni Felicity.

    What? Hindi niya alam? I can’t say that aloud. Hindi ako nagpapalapad ng papel dito.

    “Magaling pa ngang kumanta ‘yan, e. Vocalist namin ‘yan!” ani Ron.
    “Vocalist? Seriously?” natatawang tanong ni Felicity.
    “Hindi na ako kumakanta. Noon lang iyon…” ani Jacob kay Felicity.
    “Let me hear it! Let me hear it!” ani Felicity sabay tanggap sa gitara galing kay Ron.

    Kamuntik niya pa itong na hulog sa may bonfire. Mabuti na lang at nasalo iyon ni Jacob. Binitiwan ni Jacob ang kanyang baso para tuluyang mahawakan ang gitara.

    “Let me hear it!” Natatawang sinabi ni Felicity. “I know you have a good voice, I heard it. But I’ve never seen you with a guitar!”
    Umiling si Jacob. “Hindi na, Fel…”
    “Please! Please, Jacob!” lambing niya rito.

    Nag iwas ako ng tingin. Her hands were on top of his. Napatingin si Leo sa akin kaya tinuro ko ang inumin.

    “Want this?” pabulong niyang tanong.
    Tumango ako.

    “Sige! Sandali lang,” ani Jacob sabay simula ng isang tugtog.

    Para akong kinilabutan habang ni-sstrum niya ang intro.

    “This time, This place. Misused, Mistakes. Too long, Too late Who was I to make you wait…”

    Tumili tili si Felicity. Tumawa sina Ron at Louie sa kanyang reaksyon.

    “Just one chance. Just one breath. Just in case there’s just one left. ‘Cause you know, you know, you know…”

    Hanggang doon lang siya pero parang pinipiga ang puso ko sa bandang huli. Hindi niya tinuloy sa chorus pero halos mawasak na ako. Tangina!

    Kalmante akong uminom sa sinalin ni Leo at tumikhim. I need to calm down. I can’t walk out now.

    “Ang galing! You never told me…” ani Felicity.

    Pinasa ni Jacob ang gitara kay Leo.

    “Hindi naman ako magaling mag gitara. Si Leo…” ani Jacob.
    “Pero marunong ka!” ani Felicity.

    Ilang sandali pa silang nag usap tungkol sa pagbabanda nila noon. Felicity was just so amazed about it. Tatlong marshmallow na ang nainit at nakain ko habang nag uusap sila. I knew this was a good idea. I thought April is my saviour. Ngayon, siya pa pala itong nagkanulo sa akin.

    “Mag CCR lang ako, ha?” sabi ko nang natapos ko ang isang shot.
    “Pasama ka?” tanong ni Leo.
    “Are you kidding me, Leo? Hindi na…” natatawa kong sinabi.

    Nginitian ko si Felicity at naglakad na palayo. If only it’s not embarrassing to just run till I get home, noon ko pa ginawa.

    Nag CR ako sa kusina at nang lumabas ay inuhaw naman. May isang pamilyar na kasambahay ang naroon. Ngumiti siya sa akin. Mukhang may gustong sabihin pero hindi natuloy dahil sa tanong ko.

    “Manghihingi ako ng tubig, ha?”
    “Opo! Nasa ref!” aniya sabay kuha ng baso.
    Kinuha ko sa kanya ang baso. “Ako na.”

    Tumango siya at hinayaan ako. Nagsalin ako ng malamig na tubig at lilingunin ko na sana siya mara makausap ulit pero nakita kong umalis siya doon at pinalitan siya ni Jacob. Sabay pa noon ang pag inom ko, muntik na akong masamid! Mabuti na lang at bahagya akong nag iwas ng tingin.

    “Ayos ka lang?” tanong ni Jacob at nasa likod ko na agad.

    Binuksan niya ang ref. Umiwas ako para makuha niya ang dapat kunin doon pero kumuha siya ng isang pitsel ng tubig at nagsalin na rin sa sariling baso.

    “Uh… Yup… Nauhaw lang…” sabi ko ng di siya tinitingnan.

    Unti unti kong naramdaman ang pamamanhid ng aking binti. Tangina, Rosie, get your shit together! We can’t mess up here or right now!

    “Lasing?” tanong ni Jacob sa kaswal na tono.

    Nag angat ako ng tingin sa kanya at umiling. Lasing?

    “Isang shot lang naman…” sabi ko at sabay kaming napatingin sa pumasok na isa pang kasambahay.

    Nag tiim-bagang ako at tinuro ang labasan ng kusina.

    “Mauuna na ako…” sabi ko at hindi na hinintay ang sasabihin niya para makaalis.

    Pagkaalis sa kusina ay ‘tsaka lang ako nakaramdam ng matinding ginhawa. What the hell was that? Natutuliro na ako, pabalik sa garden. Lumingon agad si Felicity, siguro ay inakala niyang si Jacob ang paparating pero bigo dahil ako.

    Tumunog ang cellphone ko at nakitang may tawag si Auntie Precy. Hindi ko nga pala nasabi sa kanya na gagabihin ako!

    “Hello?” sabi ko.
    “Oh. Rosie… Kinabahan ako doon! Asan ka? Gabi na ah? Nagtatanong si Maggie. Di ka raw nag rereply sa texts…”

    Nilayo ko ang cellphone ko at nakita kong may tatlong texts si Maggie doon. Mayroon din galing kay Duke! Hindi ko namalayan iyon? Seriously?

    “Auntie Precy, nandito po ako kina Jacob…”

    Napatingin si Leo sa akin. Umupo ulit ako doon sa aking silya.

    “Ha? Anong ginagawa mo diyan? P-Paanong? Sinong kasama mo?”
    “Sina Leo po. Nandito si April kanina. Uuwi na rin ako ngayon.”
    “Ha? Sinong maghahatid sa’yo? Ano? Pasundo ka sa tricycle?” tanong ni Auntie.
    “Hindi na. Uh… Ako na ang bahala. Uuwi na rin ako ngayon, Auntie…”
    “Naku, Rosie ha! Baka ano ‘yan ha! Ano?” Hindi ko alam kung natutuliro na rin ba si Auntie o ano.

    Namataan ko ang pag upo ni Jacob sa kanyang silya.

    “Sige na, ‘te. Uuwi na ako. Sige na. Ibababa ko na ‘to…” sabi ko.
    “O siya… Sige mag aantay ako! Sige na…” ani Auntie.

    Binaba ko kaagad ang tawag. Nilingon ko si Leo. Ayaw kong maistorbo sila pero kailangan ko nang umalis.

    “Pinapauwi ka na ni Auntie Precy?” tanong ni Jacob.
    Tumango ako. Tumayo si Leo at sumimsim saglit sa inumin. “Hatid kita?”
    “Kami na ni Jacob, Leo. Ihahatid namin siya. Kami na ang bahala. Bond with them…” ani Felicity.
    “No… It’s okay… You’re both the hosts of this house. Mas mabuting hindi na kayo umalis, ‘di ba?”
    “Ilang taon ka na dito, Leo, nahihiya ka pa sa bahay namin? Ako na…” ani Jacob sabay tayo.

    What the hell? Tumagilid ang ulo ni Leo. Ngumisi naman si Jacob at bumaling sa akin. Tumango siya bilang hudyat na aalis na kami.

    “Okay lang, Leo. Kami na…” ani Felicity sabay tayo at tingin sa akin.
    Tumango ako at sumama na lang sa kanila.

    Gusto ko sanang si Leo ang maghatid sa akin pero ayaw ko ng gulo. Sinabi na rin ni Felicity na sila na kaya pumayag na lang ako..

    Nauna na ako sa paglabas sa kanilang bahay. The Hummer in front of me. Hinintay kong mapunta sila doon pero hindi pa sila lumalabas. Nagulat na lang ako ng isang kulay grey na Hummer galing sa garahe ang lumabas.

    Ilang beses ko pang hinigit ang kaluluwa ko mabalik lang sa aking katawan ulit. May bago siyang Hummer? The hell! Another Hummer, seriously?

    Lumabas si Felicity sa front seat at siya mismo ang nagbukas sa pintuan sa backseat. Halos mabulunan ako doon.

    Tahimik akong pumasok at naramdaman ko kaagad ang panibagong lamig at pakiramdam sa loob ng bagong Hummer.

    “Pinapacheck pa kasi ‘yang isa…” paliwanag ni Felicity na ang tinutukoy ay ang naunang Hummer.
    “Ahh…” sabi ko at kinuha na ang cellphone ko.

    This is going to be awkward so I’m going to divert my attention.

    “Malamig ba diyan, Rosie?” tanong ni Felicity. Kinapa niya ang aircon na nakatapat sa akin. Lumabas na ang sasakyan ni Jacob sa kanila.

    “Ah! Ayos lang naman…” sabi ko sabay ngiti.
    “Hinaan ko. Masyadong malamig…” ani Felicity.

    Tahimik para sa akin ang buong byahe. May pinag usapan sila pero hindi na ako nakinig. Damn it will only hurt me more.

    Binasa ko na lang ang mensahe ni Duke.

    Duke:
    I’m done with work. What are you doing?

    Ako:
    Pauwi pa lang. Sorry sa late reply. May pinuntahan lang.

    Tumigil ang sasakyan sa mismong tapat ng Bahay ni Lola. Kita kong bahagyang nahawi ang kurtina sa bintana. Siguro ay talagang nag abang si Auntie Precy. Uminit ang pisngi ko. Baka anong sabihin ni Jacob.

    Napatingin ako sa cellphone ko dahil sa reply ni Duke.

    Duke:
    How was your day?

    Nagtipa muna ako bago habang hinahawakan ang doorhandle.

    Ako:
    Fine. Yours?

    “Ginabi ka. Baka magalit ang Auntie mo…” ani Jacob.
    “Huh?” ani Felicity sabay lingon sa Bahay ni Lola.
    “Hindi… Hmm. Nakapag paalam naman ako,” sabi ko sabay tulak sa pintuan. “Salamat sa pag imbita at paghatid!”

    Nagkatinginan kami ni Jacob. I smiled at him. I know I’m not a good actress. My smile probably looked like I was constipated.

    Bago ko pa masarado ang pintuan ay lumabas na siya doon. Sinundan ko siya ng tingin at sa labas lang ng gate namin niya kinausap si Auntie.

    “Auntie… ginabi si Rosie… Galing sa amin. Pasensya na po!” ani Jacob.

    Parang pinipiga ang puso ko. Nakapamulsa si Jacob. Nakatupi hanggang siko ang kulay grey niyang long sleeve polo shirt. He’s so formal now, unlike before. Pero ang aura niya nang nagpaalam kay Auntie ay nagpapaalala sa akin sa nakaraan.

    “Oh? Sige, Jacob. Salamat sa paghatid sa pamangkin ko! Nag alala ako doon.”

    Shit! And I told him nag paalam ako!

    Bumaling si Jacob sa akin. There was no humor on his face. Nakaigting rin ang kanyang panga. Lumipat ang tingin ko sa gate at dumiretso na doon para makapasok.

    “Salamat ulit…”

  • Kabanata 20Open or Close

    Kabanata 20
    Patapos Na

    Gabi-gabi, pakiramdam ko mas matagal akong nakakatulog. I replay moments in my head. At sa bawat replay nito, tinitesting ko ang iba’t ibang pwedeng reaksyon.

    Paano kung hindi ako nagmadaling umalis noong napag isa kami sa kusina? Paano kung nanatili ako? But then what if he thinks it’s weird.

    Inaantok pa ako kinaumagahan pagkagising ko. Kahit na maaga akong nagpaalam kay Duke kagabi na matutulog na ako pero hindi ko naman nasunod.

    Naligo ako at nagbihis na. Wala na ulit si Auntie Precy dahil nagpunta na sa school. Mag isa na naman ako sa bahay pero naghahanda na akong umalis.

    Noon, hindi naman talaga kami pumupunta ni Jacob sa pabrika. Syempre dahil gagawin na iyon ni Don Juan Antonio. Although, madalas si Jacob sa kanilang farm para tumulong. Kaya nga ang sinabi ng Tito Samuel niya ay exposed lamang ito sa labor work.

    Hindi ako nagagawi doon dahil hindi naman kinailangan. ‘Tsaka lang noong nag handle na talaga si Jacob dahil sa pagkawala ni Don Juan. Nagtrabaho din si Maggie doon ng ilang buwan habang nasa Alegria kami noong high school. Hindi nga lang ako nakakapasyal kaya hindi ko kabisado kung nasaan iyong para sa corn milling, sa food processing, at iba pa.

    “Manong, sa J.A. Foods po…” sabi ko sa tricycle na hindi na nagtanong ng karagdagang impormasyon.

    Naka faded jeans, sneakers, at white deep v neck t shirt lang ako. Hindi ako magtatagal. Isa pa, kailangan kong mamili sa bayan ng mga rekados para sa adobong gagawin ko mamaya. Napag utusan din ako ni Auntie Precy na mamili para sa bahay kaya iyon ang gagawin ko.

    “Salamat po!” sabi ko nang binaba na ako sa bukana ng pabrika ng J.A. foods.

    Pinasadahan ko ng tingin ang tatlong malalaking gym doon. Ang alam ko, si Maggie ay sa food processing at iyon iyong sa dulo.

    Nalingunan ko ang isang bagong building na hindi ko pa nakikita noon. Ano kaya iyon? Surely it’s not the corn milling, though.

    “Ano pong sa atin, ma’am?” tanong ng isang security guard.
    “Ah! Uh, hinahanap ko po kasi si April Valdez. Kaibigan niya po ako, sir. Sa corn milling po siya nag tatrabaho.”
    “I.D. lang po, ma’am. ‘Tsaka pa log in dito…”

    Nagbigay siya ng kulay blue na log book sa akin. Kinuha ko ang ballpen at nagsulat na doon. Mabuti na lang at dala ko ang I.D. ko sa wallet. Hindi pa naman ako nagdala ng bag.

    Pumirma ako pagkatapos ay kinuha na ang I.D. sa aking wallet. Hindi pa ako kinausap ng guard dahil may kausap siya sa intercom.

    “April Valdez, may bisitang… uh… Rose… An?” habang tinitingnan ang log book.
    “Rosie na lang po!” maagap kong sinabi.

    Ang isang security guard ay may pinapapasok na sasakyan sa pabrika. Hindi ko ito nalingunan dahil abala ako sa pag aantay sa sagot ng sekyu.

    “Rosie daw. Aranjuez,” anang guard.
    “Papasukin n’yo…” isang malalim at pamilyar na boses ang narinig ko.

    Napalingon ako sa pumasok na Hummer. Kakasarado lang ng salamin pero si Jacob iyon. Nanuyo ang lalamunan ko.

    “Pasok ka na daw, Miss…” anang security guard.

    Wala ako sa sarili habang sinusundan ang Hummer. Ang alikabok galing sa gulong nito ay kumalat sa ere. Halos mapaubo ako doon. Tangina.

    Uminit ang pisngi ko. For some reason, naiinis ako. Naiinis ako. Sa sobrang inis ko ay hindi ko na ulit tiningnan ang Hummer. Dumiretso na ako sa loob ng tingin ko’y corn milling.

    Mabuti na lang at tama ang akala ko. Ang amoy ng mais at ang tinig ng mga makinang gumagawa ay naririnig ko sa labasan pa lang. Ang daan daang sako ay nasa gilid lamang. Abala ang lahat sa mano manong quality check. Siguro ay tapos na itong ma proseso.

    “Rosie!” salubong ni April.

    Hindi pa ako makangiti ng maayos. I just can’t get over what happened. Wala namang masama doon pero napapamura ako tuwing nag rereplay.

    “April!”

    Pinasadahan ko ng tingin ang buong corn milling. Naka uniporme si April ng polo shirt na may J.A. Foods sa gilid.

    “Lika! Ipasyal kita…” aniya.
    Tumango ako at sumunod.

    Medyo nahihiya ako habang naglalakad kami. Dapat ay simpleng simple ang sinuot ko. Lahat kasi napapatingin sa akin habang naglalakad kami. Kahit iyong may ginagawa ay napapalingon.

    “Rosie!” tawag ng isang kaklase namin noon. Ni hindi ko na maalala ang pangalan niya pero kinawayan ko.
    “Dito ang bagsak ng mga kaklase natin noon na hindi nakapagcollege. Tulad ko!” Tumawa si April.
    “Ikaw naman… Hindi ba nag college ka?” tanong ko nang ‘di siya tinitingnan.
    “Alam mo namang natigil ako dahil nabuntis. Anyway, ang laki na ng parika. Napasyal ka na ba dito?”
    “Hindi sa corn milling. Sa food processing lang, e.”
    Tumango siya. “Sa bagay, noong kayo pa ni Jacob ay nandyan pa naman si Don Juan. Siya pa ang tumitingin dito. Abala si Jacob sa’yo noon, e.”

    Hindi ako nakapagsalita. Wala akong maidugtong. Nilingon ako ni April.

    “Dito ang quality control. May mga sako diyang didiretso sa food processing para gawing kahit ano doon. Iyong iba, dinideliver na…”

    Abala ang lahat ng naroon. Naisip ko tuloy kung mapapagalitan ba si April kung makitang naglalakad lakad at namamasyal lang kasama ko. Siguro ay hindi? Bukod sa magkaibigan sila ni Jacob, nalalapit na ang kasal niya. Everyone must be treating her special.

    “Ang laki na nito. Alam mo noong nag apply ako, kay Sir Samuel Buenaventura pa iyon. Hindi ba siya iyong pinsan ni Don Juan? Ang hirap kaya. Umaabot naman kami sa quota pero dahil sa mga utang, gipit parin siya. Tapos naka ilang palit kami ng managers kasi mahirap. Nasa ibang bansa si Sir Samuel tapos kami lang dito.”
    Tumango ako. Natigil kami sa paglalakad sa gitna ng pagawaan. “Masaya ako na nakabangon na talaga ito ngayon…” sabi ko.
    “Oo. Noong bumalik si Jacob, grabe, nag concentrate siya dito. Hindi ako makapaniwala. Hindi ka niya sinundan sa Maynila. Kahit na may HQ din kami doon. Maliit pa lang ‘yon, ha? Tapos in a span of 6 months, biglang nag boom ang lahat. Ewan ko anong inaral no’n sa America.” Nagkibit ng balikat si April. “And when I thought he’d come back to you, nagulat ako kasi sila na pala ng manager. Sa food processing iyong si Felicity, e.”

    I don’t want to hear this. Para akong nahihilo habang sinasabi iyon ni April.

    “Okay…” ngumiti ako pero halos magpalpitate na ang labi ko sa pagpipilit.
    “But anyway, let’s not talk about that… Pagkatapos noon, dinagdagan ni Jacob ng isang building. Para iyon sa mga bagong ipaprocess. May taniman kasi siya ng Palkata doon sa nabili niyang lupain…”

    Nalingunan ko kung sinong sumasalubong sa amin. I saw Jacob in his long sleeve polo shirt. Nakatupi ito hanggang siko at ang kanyang dark blue jeans ay nagpahaba pa lalo sa kanyang legs. He looked fresh. Parang bagong ligo. Siguro kagagaling lang sa kanilang bahay.

    The hell!

    “April, may canteen dito ‘di ba? Meryenda tayo?” anyaya ko kahit hindi pa naman ako ginugutom.
    “Ah! Hindi ka ba nag almusal? Pero sige, sagot pa kita!” ani April.
    “Ha? Huwag na!” Nakikipagtalo pa ako pero mas lalo ng napalapit si Jacob.

    Sa likod niya ay isang lalaking di kalayuan ang edad sa amin. Nag uusap sila pero napapadpad paminsan minsan ang paningin sa banda namin. Where’s Felicity?

    “Oh, Jacob!” ani April.

    Natigil sa pag uusap si Jacob at iyong lalaki. May nirecord ang lalaki sa kanyang dalang papel at nilingon ang mga trabahanteng pansamantalang natigil sa pagtatrabaho.

    “April, hindi ba sabi ko sa’yo na mag off ka na ngayon?” tanong ni Jacob.
    “Hindi na, Jacob. May tatapusin din kasi talaga ako kaya ako pumasok. Sige half day na lang since aalagaan ko pa ang anak ko.”
    “Kumusta na? Ayos na ba siya?”

    Napalunok ako sabay tingin ulit sa mga tauhang nagtatrabaho. May iilang napapagalitan na nga ng manager ay natitigil parin.

    “Maayos na kagabi kaya lang chinicheck ko pa baka bumalik ang lagnat, e. Nga pala… pinapunta ko si Rosie dito ha?”
    Napatingin ako kay Jacob. Pilit akong ngumiti. “Hindi naman ako magtatagal dito, April. Aalis din ako…”

    Kitang kita ko ang pagtingin ni Jacob sa akin mula ulo hanggang paa.

    “Saan ka ba kasi pagkatapos dito, Rosie? Sabay na lang tayo. Kukunin ako ni Ron mamaya…”
    “Hindi na. Hindi na. Mamamalengke lang ako. Napag utusan ni Auntie…” sabay ngiti ko.
    “Ay oo nga pala. May pasok si Auntie Precy ngayon, ‘di ba? Ibig sabihin mag isa ka sa bahay?”
    “Oo kaya nga namamasyal ako. Ayaw kong mag isa doon…”
    “Hmm. Oo nga naman. Kailan pa ang uwi ni Maggie?”
    “Sa Sabado pa siya mismo, e.”
    “Ganoon ba? Jacob, sa canteen na lang muna kami para hindi na maistorbo ang mga trabahante, ha? Babalik din ako. Tatapusin ko pa iyon, e.”
    “O sige, April. Mag bibreakfast kayo? Samahan ko na kayo para malaman nilang sakin ipangalan ang oorderin.”

    Nakagat ko na lang ang pang ibabang labi ko sa kakangiti. Talaga lang? Ganito?

    “Okay… Sige ba! O, Rosie! Libre tayo ni Jacob.”

    Hindi na ako umimik. Sumama ako sa kanilang dalawa sa canteen. Nauna si Jacob sa paglalakad. Kung maka maniobra siya sa lahat tulad ng pagpapacheck sa ilang sakong idedeliver, pag uutos na icheck ang mga manok, at kung anu-ano pa ay parang sanay na sanay na siya sa gawain.

    “Kakain sila. Sagot na sa akin ang lahat ng pipiliin,” ani Jacob sa cashier ng Canteen.

    “O… Anong sa’yo, Rosie?” tanong ni April sabay pasada ng tingin sa mga pagkain.

    May mga ulam at kanin doon pero hindi naman ako gutom. I’m fine with some crackers and juice.

    “‘Yan lang, seryoso?”
    “O… akala ko mag aagahan?” tanong ni Jacob.
    Umiling ako. “Tapos na akong nag breakfast.”

    Umigting ang panga niya at nilingon ang cashier. Binigay sa akin ang gusto ko at pumwesto na kami sa isang lamesa.

    “Maiwan ko na kayo. Babalik lang ako sa milling…” ani Jacob at isang sulyap lamang sa akin bago siya umalis.

    Nag usap kami saglit ni April at pagkatapos ay nagpaalam na rin ako. Ayaw kong manatili doon. Pinagbigyan ko lang si April sa request niya.

    Namalengke ako kahit na hirap na hirap ako sa pamimili. Hindi ko alam kung anong kaibahan ng sariwa sa hindi.

    Kinuha ko ang manok na may markang J.A. Foods para sa adobo. Umirap ako at binayaran na ang lahat.

    Pagkauwi ko ng bahay ay nagsiesta na lang muna ako. Medyo napagod ako doon, a? Pagkagising ay tumawag na kay Maggie para magtanong ulit sa pagluluto ng adobo.

    Ginawa ko ang adobo. Dumating si Auntie Precy ng mga alas singko at pinatikim ko sa kanya ang niluto ko.

    “Aba! Improving! Noon, disaster pa sa kusina! Ngayon…”
    Tumawa ako. “Auntie, huwag kang ganyan! Iyan nga lang ang alam ko, e!”
    “Pwede ka ng mag asawa. Ayos na ‘to…”
    “Bigyan n’yo muna ako ng mapapangasawa…” Tumawa ulit ako.
    “Aba! Iba ka na ngayon, ha? Noon ayaw mong mag asawa. Ngayon…” Umiling siya.
    Ngumuso ako. “Mabili lang nina mama at papa ang bahay, makagraduate lang si Maggie, maka uwi sina mama at papa dito, free na ako.”
    “Malapit na ‘yan… ‘Tsaka ka pa lang magbo-boyfriend, ganoon? Iyong manliligaw mo?”

    Tumayo ako at hinagilap ang mga plato. Kakatapos lang naming tikman ang luto ko.

    “Ewan ko ‘te… Bahala na. Kung ibibigay sa akin, edi ibibigay.”
    “Hindi mo na susubukan, kung ganoon?”

    Nakatalikod ako kay Auntie. Naghuhugas na ako ng plato ngayon. Who am I kidding? But… I know this is a start.

    “Susubukan ang ano?”
    “Na magbakasakali…”
    “Baka sakaling may iba para sa akin. Iyon ang susubukan ko…” sabi ko.

    That was the end of it. It’s both painful and freeing. To finally realize that it’s really not for me. Na kahit gaano ko pa ka mahal at ka gusto si Jacob, may mga bagay talagang hindi ibibigay sa’yo ng Panginoon.

    Kantahan ang ginawa namin sa Kampo Juan. May ilan akong namumukhaan sa mga kaibigan ni April. Iyong mga taga ibang section noon na tahimik rin ay naging matatalik niyang kaibigan.

    Nagtatawanan na kami. Lalo na’t nakainom na rin ng konti.

    “Ang swerte ni Ron, ha! Wala ngang stripper dito, e! Rosie! Sana nag hire ka! Ikaw pa naman ang inaasahan namin!” anang kaklase namin ni April noon.
    “Huh?” Humagalpak ako. “Ba’t ako? Mukha ba akong bugaw?”
    “Hindi! E, ikaw itong modelo! Paniguradong marami kang kilala diyan na gwapo! Kahit bayaran namin! Sus!”

    Ngumisi ako at bumaling kay Felicity na tipid lamang ang ngiti. Hindi siya makasabay. We’re all from Alegria. We all knoe each other since high school. Hindi rin naman kami close ng mga ito pero kahit paano’y nakakasabay ako pero si Felicity ay mukhang hirap. Rich kid… oh well.

    “Meron! Hindi ko naman kasi alam na gusto n’yo! Tsaka baka magalit si Ron sa akin, ha? Iisipin noon na bad influence ako sa love niya!” tukso ko kay April.
    “Sus! Okay lang ‘yan! Sabihin natin para satin naman ‘yon! Tayong mga single!”

    Nakipagtawanan ako. Masyado kong pinakawalan ang sarili ko doon. Kahit pagkanta ng Single Ladies ay pinanindigan ko na.

    Nagagawi ang tingin ko kay Felicity na simpleng tango lang para sa mga kanta ang nagagawa. Hindi ko na kinausap dahil hindi ko naman din alam ang sasabihin sa kanya.

    Kampo Juan changed. Sa interior pa lang noong mukhang barn house noon, ibang iba na. I mean, naroon parin ang woody ambience nito pero mas marami ng muwebles ngayon. Mukhang magaling ang nag design.

    Hindi ko pa nakita ang kabuuan dahil gabi na ako nang dumating dito sa barn house. Ang sabi ni April ay marami na dawng bulaklak, may zipline, at kung anu-ano pang adventure activities. May lagoon din daw doon sa likod na kasing laki ng mga lagoons sa Alps. Tulad daw iyon sa design ng garden nina Jacob sa mansyon.

    I suddenly craved for the view. I want to see it. The pine trees, the flowers, the green grass, the pathways, everything. How much of it changed? Too much? Just enough? Kahit alin, basta nagbago.

    Napawi ang ngiti ko nang may naalala ko. Napasyalan ko na yata ang lahat, maliban na lang dito sa Kampo Juan. Sa sapang tinahak namin ni Jacob noon na kung saan sa dulo ay may isang kubo. Is it still there? I want to visit…

    Nang patapos na kami ay naabutan ko si April na katawagan si Ron.

    “Patapos na rin kami, e. Okay…”

    Binaba niya ang cellphone. Tumayo na kaagad ako. Ayaw kong mag antay dito hanggang sa makarating sina Ron. It’s 12 midnight but I can sure handle myself. Nakakauwi pa nga ako sa Maynila ng alas kuatro ng umaga at lasing, dito pa kaya?

    “April, mauna na ako…” sabi ko.
    “Ha? Ihahatid ka na namin, uy!” ani April.
    “Hindi na… Magtatricycle ako.”
    “Rosie! Hindi pwede! Ako nag invite sa’yo dito… ihahatid ka!”

    Nagtiim bagang ako. Kita ko sa mukha ni April ang pagkakabasa sa aking ekspresyon. Tumango siya at hinawakan ang kamay ko. Biglang sumikip ang dibdib ko.

    “Kami ni Ron ang maghahatid. Promise. Promise, Rosie…”

    Kinagat ko ang labi ko. Besides, hindi na kailangang umalis ni Jacob. Katabi lang naman nito ang kanilang mansyon e. It would be weird if he volunteers. Assuming ka, Rosie.

    “Kung kayo ni Ron ang maghahatid, sige…” sabi ko.

  • Kabanata 21Open or Close

    Kabanata 21
    Poison To Me

    Hinatid ako nina Ron at April sa Bahay ni Lola. Laking gulat ko ng gising pa si Auntie Precy. Hindi raw siya makatulog dahil wala pa ako.

    “Asus, si Auntie! Sorry po! Sige na, matulog ka na. Nakakauwi naman talaga ako dito sa Bahay, a? Kahit noon,” sabay ngiti ko.
    “Ayos lang noon, Rosie. Nandyan si Jacob. Ngayon…” Pagod niyang sinabi sabay pikit ng mga mata sa kawayang upuan.

    Napawi ang ngiti ko at bahagya akong natulala. Yeah, right.

    “Auntie, mauna na ako sa taas. Matutulog na ako…”

    Kung hindi lang ako uminom ay siguro dilat ako buong gabi. Mabuti na lang talaga at natamaan ako. Hindi kaya ng pagod talunin ang lahat ng iniisip ko.

    Kinabukasan ay naglinis ulit ako sa bahay. Hiyang hiya ako kay Auntie dahil na late tuloy siya sa pagpasok dahil sa pagpupuyat kagabi.

    Pagkatapos kong maglinis ay naligo at nagbihis na ako.

    Aalis ako ngayon. Naisip ko kasing maaaring bukas dito na lang muna ako sa bahay. Araw araw kasi akong lumalabas para mamasyal. Iisipin ko na ring pahinga na iyong bukas para sa Sabado ay hindi ako masyadong strained.

    Isang itim na bohemian cropped top at faded high waist shorts ang suot ko. Isang maliit na bag para sa cellphone at kung ano pang kailanganin at naka tsinelas lang ako. One thing I remembered about their plantation: maputik. I don’t want to risk my shoes.

    Pwedeng dumaan sa Kampo Juan patungo sa plantation. Gusto ko rin sanang maaninag ang ganda ng Kampo Juan ngayong may araw pa pero mahihirapan lang ako doon. Maaari kasing makasalubong ko pa doon si Jacob pag doon ako dumaan kaya minabuti kong dumiretso sa short cut.

    “Sa farm po ng mga Buenaventura…” sabi ko sa driver ng tricycle.

    Tinanong pa ako kung aling entrance at sinabi ko iyong tanging entrance na alam ko. Doon ako nag antay kay Jacob noon para makagawa kami ng thesis. I can’t help but reminisce.

    Nang binaba ako ng driver sa tamang lugar ay parang gusto ko nang mag back out. Ang damo ay mahahaba na at ang mga punong kahoy ay mas malalaki. It’s amazing how everything in this place matured.

    Hawak hawak ko ang sling ng bag ko papasok sa matalahib na entrance. Naninikip ang dibdib ko. I remember it so clearly. I waited here for Jacob. Nang dumating siya, may dala siyang itim na kabayo at sinakay niya ako doon.

    Sabi niya, malayo daw iyong pupuntahan namin. Doon pa kasi iyon sa kung saan mas malalim ang ilog.

    Sa malawak na bahagi ng lupain ay tanaw ko ang taniman ng mga mais. Kitang kita sa mga tanim na malapit na ang harvest. Tumingala ako sa langit dahil pansin ko ang dilim. Alas tres pa lang ng hapon pero medyo makulimlim na. I should go back but… I feel like if I did, it means I’m not ready to face this yet.

    Ang pagpunta ko sa kubo ay ang simbolo ng pagpapalaya ko kay Jacob. Kahit na masakit. Kahit na naiinis at nagagalit ako. I will never deny my anger. At hindi ko rin alam para kanino talaga iyon. Is it for Jacob? For not choosing me? For allowing us to stay like this? For Felicity? Because she’s the new love of Jacob? For myself? For holding on so tight when I shouldn’t?

    Tingin ko, kailangan kong maramdaman ang lahat para matauhan ako. Kailangan ko ang lahat ng ito.

    Mahabang lakad ang nangyari. Sa gilid ng sapa lang ako naglakad. Habang tumatagal ay palapad ito ng palapad.

    Fifteen minutes of walking brought me to their pineapple plantation. Lahat ng tanaw ko ay puro mga matutulis na korona ng pinya. Sa malayo ay ang makulimlim na kalangitan sa Tereles Peak.

    Sumasakit na ang mga paa ko. Hindi naman ganoon ka layo iyong kubo kumpara sa pinuntahan namin ni Jacob noon pero malayo parin ito kung lalakarin.

    Wala ni isang tao akong nakita. Ang tanging naririnig ko lang ay huni ng mga ibon, kaluskos ng mga insekto, at ang pag agos ng ilog.

    Ang tubig sa ilog ay malinaw, gaya ng dati. Some things never change, huh? Like the pristine waters of this river.

    Habang tumatagal ay lalong lumalalim ang ilog. The rapids were lesser. Ang mga malalaking bato ay hindi na masyadong kita.

    Kumalabog na ang puso ko. Lalo na nang nakita ko ang nipa na bubong ng bahay kubo.

    I was sure it’s the same kubo before. Sariwa sa aking alaala ang itsura nito sa labas o sa loob man.

    It’s the same old brown nipa house. Parang kinukurot ang puso ko habang lumapit ako dito.

    Nakapunta na kaya si Felicity dito? There’s just no point in asking that.

    Tumigil ako ilang metro lamang ang layo sa kubo. Masaya ako. Masaya parin ako. Masaya ako na nandito ito at nakatayo parin. Hindi tulad ng ibang alaala namin ni Jacob na kinalawang at wasak na.

    Sa bagay… bakit ito mawawal ‘di ba? He probably can’t remember anything. Dito nagpapahinga ang mga trabahante nila sa pineapple farm.

    Habang pinagmamasdan ko ang kubo, naaalala ko ang ayos nito noong nandito kami. Diyan sa kahoy na iyon tinali ni Jacob ang malaking itim na kabayo habang sumisilong kami.

    Kaya ko bang pumasok? Kaya ko ba?

    Umihip ang hangin. Natabunan ng ilang tikwas ng aking buhok ang aking mukha. Suminghap ako at marahang pumikit.

    Nagsisi ba ako na nakilala ko siya? Hindi. Nagsisi ba ako na minahal ko siya? Hindi. Nagsisi ba ako na binigay ko sa kanya ang lahat sa akin? Hindi.

    Ang sabi kasi, hindi pa pwedeng magmahal ang teenager. Mapusok kasi. Madaling makuha sa matukso sa mga bagay na ‘di dapat at labag sa batas ng Diyos. Tama. I lack judgement and wisdom… that time, yes.

    But did I regret what happened? No. I gave my all to the person I truly love. I gave everything that I had just to make him feel that I do love him. Sa hindi magandang paraan, oo. Dahil tama, mapusok ang pagmamahal na iyon dahil bata pa kami. Kaya heto ako ngayon ay umiiyak para sa pag ibig na inakala kong para talaga sa akin pero hindi.

    Tumulo ang mga luha ko ng walang pigil. Hindi na ako makahinga dahil sa pagpipigil ko sa paghikbi. Pakiramdam ko namatayan ako. Siguro… in a way, namatayan nga ako.

    Dumilat ako. Malabo ang paningin ko dahil sa mga luhang nagbabadya. Nilingon ko ang ilog. Kailangan ko nang bumalik pero hindi ko pa kaya. I need to pour out my feelings. Para wala na akong babalikan pa dito.

    Dalawang hakbang palapit sa kubo ang ginawa ko.

    Alam n’yo kung ano ang masakit? Iyong hindi ko alam kung anong ipagdarasal… kung ang mabalik ba si Jacob sa akin o ang tulungan akong makalimot. Right now, all I want is some peace of mind but how can I find it if it means Jacob? And I know I can’t have him anymore so I’m left with no choice but to forget him!

    Nagsisi ba ako na iniwan ko siya? Na tinulak ko siya palayo? Hindi. Hindi dahil masaya ako sa kanyang buhay ngayon. Sumisigaw ng tagumpay ang bawat sulok ng kanyang buhay…

    Pero tangina naman bakit ganito ang nangyari? Bakit ang sakit?

    Ang sabi nila, masakit ang pag ibig. Ngayon, napagtanto kong hindi pala iyon. Hindi masakit ang pag-ibig. Hindi masakit ang magmahal. Masakit ang pag-iisa. Masakit ang maiwan. Masakit ang mang iwan. Masakit ang mapalitan. Ang pagmamahal ang tanging makakapawi sa lahat ng sakit. Iyon ‘yon.

    Kinagat ko ang labi ko.

    I miss him! I miss him so much! I miss everything! I miss the way we were! I miss his eyes. I miss his nose. I miss his lips. I miss his voice. I miss his hair. I miss his scent. I miss his touch. I miss everything about him.

    At ang hirap kasi nandyan siya pero miss ko parin siya. Nandiyan siya pero kinukulang ako. Ang hirap hirap! Gusto kong umalis at makalimutan na lang bigla ang lahat ng mga alaala para maging maayos naman ako kahit paano!

    “Rosie?”

    Nalaglag ang panga ko. Sa sobrang gulat ay hindi ako agad nakabawi. Marahan kong pinunasan ang aking mga luha.

    Sa likod nanggaling ang boses ni Jacob. Hindi ako lumingon. Ang leeg ko’y basa pa sa luhang iniyak ko. Hinaplos ko iyon para mawala ang luha. How can I fucking hide this?

    Huminga ako ng malalim bago siya hinarap. Agad ko siyang sinalubong ng ngiti at kunot ng noo.

    “O, Jacob? Mag isa ka?”

    Shit!

    Hindi siya nagsalita. Nanatili ang mga mata niya sa akin. It’s intimidating! Sakay siya sa isang kulay brown na kabayo. Umiindayog ang buntot nito lalo na noong bumaba si Jacob.

    Hinila niya ang kabayo sa isang puno at tinali niya ito doon.

    “Bakit ka nandito?” tanong niya, binalewala ang tanong ko.

    Shit. Bakit ngayon pa?

    Tumikhim ako at sinikap na ayusin ang paghinga kahit na abot abot na ang kaba.

    “Namamasyal lang ako. Tapos ko na kasing napuntahan ang halos lahat. Galing akong… Kampo Juan. Ang ganda na doon. I wandered around so I got here…” paliwanag ko.

    Nakatalikod pa siya, inaayos ang kabayo. Napalunok ako. That was a brilliant reason, Rosie!

    “Ikaw? Ba’t ka narito? At bakit ka mag isa? Asan si Felicity?” tanong ko para hindi niya na ulit ako matanong.

    Bumaling siya sa akin. He’s wearing a black v neck t shirt and a dark blue jeans. There is no trace of humor or anything in his expression. Seryoso siya at iyon lang talaga iyon.

    “Inaasahan mo ba ang pagdating ko kasama si Felicity? Nasa mansyon siya. Bakit?”

    He answered my questions with more frigging questions.

    “Ah! Hindi… It’s just weird that you’re alone…” Madalas mo siyang kasama. Hindi ko na dinugtungan.

    Hawak hawak ko parin ang sling ng aking bag. Hold on to your dear life, Rosie.

    Napalunok ako nang humakbang siya palapit sa akin. Tumindig ang balahibo ko lalo na’t nakatingin lamang siya sa akin. This is just so awkward.

    “Namasyal ka at napadpad ka dito? Ganito ka layo?” tanong niya sa malamig na tono.

    Huminga ako ng malalim at hindi sumagot. Fine. Tinalikuran niya ako. Ngayon ay nakapamaywang siya at nakaharap sa ilog.

    “Ja-” Aalis na sana ako pero nilingon niya ako kaya tumigil ako sa pagsasalita.

    Nagkatinginan kaming dalawa. Nakapamaywang siya habang tinitingnan ako. Hindi ko kaya. Nag iiwas ako ng tingin.

    “Naalala mo…” panimula niya.

    Dinig at ramdam ko ang pakulog na tambol ng aking puso.

    “Dito… noon. Ang daming nagbago.”

    Hindi ako makapagsalita. Pakiramdam ko ay pag nagsalita ako, manginginig lamang ang boses ko. Ang tapang niya para banggitin lahat ng ito.

    Binalot kami ng matinding katahimikan.

    I guess this is it.

    Iniisip ko pa lang iyong nangyari kay Auntie Precy, nangingilabot na ako. Pakiramdam ko mangyayari din sa akin iyon. Dahil pakiramdam ko pipiliin at pipiliin kong mahalin si Jcob kahit hindi na siya para sa akin.

    At siguro, ang dahilan na rin kung bakit talagang hindi kayang bitiwan iyon ni Auntie ay dahil hindi niya tuluyang nasabi kay Don Juan Antonio ang nararamdaman niya. I refuse to be like her. I refuse to stay stuck like this. I want to move. I want to try.

    I want to break my heart for the right reasons. I want to get hurt because I should be. Ayaw kong maging okay nang di sinusubukan ang kahit ano. I want to break my heart because it can never be. I want to cry because it is the end. Hindi iyong masaya ako pero hindi ko sinubukan. Masaya ako pero hindi ko alam kung pwede pa ba o hindi na! I would get hurt trying. I will bleed trying. I will push it all until it’s the dead end. Until it hurts so much because it doesn’t really fit.

    “Dito tayo nagsimula. Hindi.” Umiling siya. “Sa Alegria tayo nagsimula.”

    Nagtiim bagang ako.

    “Namumula ang mga mata mo. Umiyak ka ba?” tanong niya.

    Nag angat ako ng tingin sa kanya. Nangingilid muli ang mga luha sa aking mga mata. How can he talk like this? like it’s nothing.

    “Para saan ang luha mo?” He licked his lips. “Para sa masasayang alaala? O para sa mga nawala sa atin?”
    “I’m happy for you.” Nanginig ang boses ko pero wala na akong pakealam.

    I will bleed trying, alright. I will give everything para sa huli, wala akong pagsisisihan!

    “Really, I’m happy for you.” Hindi na kapani paniwala dahil tumakas na ang luha sa aking mata.
    “Thank you.” Tumango siya.
    “So… Yeah… I’m sorry na rin talaga.”
    “I’m sorry, too…” malamig niyang sinabi.

    Ang sakit. Ang sakit na humihingi siya ng tawad sa akin.

    “Para saan?” nanginig ang boses ko. “Ang alam ko… ako lang naman ang may atraso…”

    I’m sorry for loving Felicity? What? Damn it!

    “Sorry dahil hindi ko kaya ang gusto mo noon…” aniya.

    Hindi ko maintindihan iyon. Nanatili ang atensyon ko sa kanya habang umiiling. It’s confusing me.

    “Gusto mo ng ganito, ‘di ba? The successful Jacob Buenaventura?” aniya.
    “Of course, I want you like this. It’s for you…” giit ko.
    “Kaya ba iniwan mo ako noon? Dahil hindi ko kaya ang ganito?”

    Nalaglag ang panga ko sabay maagap na umiling.

    “Hindi! Hindi ganoon, Jacob. I pushed you away because I’m a poison to you.”

    Umiiling na siya pero nagpatuloy ako sa pagpapaliwanag.

    “I pushed you because I can see that you are failing because of me?”
    “Paano naging ikaw ang dahilan kung ikaw lang naman ang kinakapitan ko noon?” Sigaw niya sa akin.

    Napapikit ako.

    “Paano naging ikaw ang dahilan para mabigo ako kung ikaw lang ang tanging kayamanan ko! Pag kasama kita, hinding hindi ako mabibigo!”
    Humikbi na ako. Kahit anong pigil, hindi ko kaya. “Jacob, you can be great. With yourself. You can be so great like this… If you just stop thinking about me.”
    “Tama ka. Kaya nga nandito ako ngayon, ‘di ba? Kasi wala na tayo. Pero, Rosie… Hindi mo ba naisip? Na kaya ko rin ang ganito kung magkasama tayo noon?”
    Umiling ako. I stand by my decisions. “Jacob, there were things only I can see… that time. I need to secure my family. I want you to be great pero hindi mo nagagawa dahil masyado kang nakatingin sa akin. You don’t think about yourself! You think about me.”
    “I think about you because I love you!”
    “That was too much!” sigaw ko. “You also have to think about yourself. Your business. Don Juan’s legacy! You have to think about your future. Na secured ka kahit wala ako. Na kaya mong tumayo sa sarili mong mga paa.”

    Tumango siya pero mas lalo lang akong nanlamig.

    “Iyon ang desisyon mo. Na iwan ako. Kaya mo ‘yon? Kaya mong iwan ako para lang don?”
    “Para lang don? Lang? Jacob, that’s everything for you! That’s for you! I did not even think of myself-“
    “Ni minsan ba inisip mo kung anong mararamdaman ko? Nawala ko si papa! Nahihirapan ako sa Alegria. Ikaw lang! Ikaw lang! Ikaw lang, Rosie! Ikaw lang ang makakapitan ko! Ikaw lang ang pamilya ko! Ikaw lang ang tanging nagpapalakas sa akin pero pinili mo iyon? Hindi mo ba naisip na imbes na mabuo mo ako ay winasak mo ako ng husto sa ginawa mo?”

    Humagulhol na ako.

    “Ikaw lang ang tanging inaasahan ko noon.” Marahan niyang sinabi. “Hindi mo naisip iyon? Pinagpalit mo talaga ang lahat para dito? Kayang kaya mo ‘yon?”

    Umiling ako. Hindi na ako makapagsalita. Kitang kita ko ang pamumula ng mga mata at ilong ni Jacob.

    “Bakit? Dahil hindi mo kayang makitang naghihirap ako? Hindi ka naniniwala sa akin? Hindi mo kayang naghihirap tayo? Hindi ako ang Jacob na mahal mo kung mahirap ako? Ganoon ba?”
    “I never said that!” sigaw ko.
    “Kulang si Jacob pag ganoon? Kasi ako… Rosie… ako… kahit pa mahirap ako. Kahit simpleng buhay lang basta nandyan ka sa tabi ko, kaya ko na. Kahit na ano pa ‘yan, magsisikap ako para sa ating dalawa. Mag sisikap ako para sa’yo…”

    Nanghina ako. Masyado nang mahapdi ang mga mata ko. Napapikit ako nang narinig ko ang kulog sa langit.

    “Hindi mo kaya ‘yon? Mamuhay ng simple basta nandito ako? Hindi mo kaya ‘yon? Kaya ko ‘yon… Pero hindi mo ako binigyan ng pagkakataon. Kaya ko ‘yon, Rosie.” Umiling siya. “Tingin mo hindi ako magsisikap? Tingin mo nasanay akong mabuhay na marangya?”
    “Jacob, hindi ganoon ‘yon. If I can push you to your limits, then I will. For you.”
    “At para diyan, tinulak mo ako palayo. Ni hindi mo inisip ang mararamdaman ko. Na wasak na nga ako, dinikdik mo pa ng husto.”
    “Hindi ganoon ‘yon, Jacob.”
    Suminghap siya. “Iniwan mo ako sa panahong ikaw lang ang kinapitan ko. Kahit na sabihin mong para sa akin iyon, bakit? Alam mo ba? Kaya ko parin ang lahat ng ito, lalo na kung kasama kita. Hindi ko kailangan ng pagsasakripisyo mo! Hindi ko kailangan ng sakit!”

    Kinagat ko ang labi ko.

    Kumulog at nagsimula ang malalaking patak ng ulan. Hindi na siya ulit nagsalita. Hindi rin ako gumalaw. Hindi ko alam kung tatakbo ba ako pabalik o sisilong na lang. Gusto kong sumilong muna pero ayaw kong mapag isa kaming dalawa.

    “Pero tama ka… You’re a poison to me,” aniya sa malamig na tono. “Sumilong muna tayo…”

    Naglakad siya palapit sa akin. Nanatili sa lupa ang aking mga mata. Nilagpasan niya lamang ako. Nanatili akong nakatayo doon. I really can’t decide yet if I should stay or not.

    Narinig ko ang pag bukas ng pintuan sa kubo. Mas lalong lumakas ang ulan, dagdagan pa ng kulog. Basa na ang aking buhok.

    “Ano ba, Rosie!?” sigaw ni Jacob.

    Sa gulat ko ay napatalon ako at napalingon sa kanya. Pabalik siya sa akin, may halong iritasyon sa mukha.

    Nagkatinginan kaming dalawa. Bumaba ang tingin niya sa aking kamay na mahigpit na nakakapit sa sling ng aking bag.

    “Sumilong muna tayo…” aniya sa mas mahinahon na boses at hinawakan ang palapulsuhan ko.

    Hinila niya ako patungo sa kubo.

  • Kabanata 22Open or Close

    Kabanata 22
    Refuse

    “Sumilong muna tayo…”

    Naglakad siya palapit sa akin. Nanatili sa lupa ang aking mga mata. Nilagpasan niya lamang ako. Nanatili akong nakatayo doon. I really can’t decide yet if I should stay or not.

    Narinig ko ang pag bukas ng pintuan sa kubo. Mas lalong lumakas ang ulan, dagdagan pa ng kulog. Basa na ang aking buhok.

    “Ano ba, Rosie!?” sigaw ni Jacob.

    Sa gulat ko ay napatalon ako at napalingon sa kanya. Pabalik siya sa akin, may halong iritasyon sa mukha.

    Nagkatinginan kaming dalawa. Bumaba ang tingin niya sa aking kamay na mahigpit na nakakapit sa sling ng aking bag.

    “Sumilong muna tayo…” aniya sa mas mahinahon na boses at hinawakan ang palapulsuhan ko.

    Hinila niya ako patungo sa kubo.

    Nagpatianod na ako. Bahagya ko pang ikinahiya ang pagpapahila ko pa sa kanya.

    Pagkapasok namin sa loob ay binitiwan niya ang palapulsuhan ko. I shivered. It’s so cold. Nilingon ko ang labas na sobrang lakas ang ulan. Kumukulog pa!

    Dumiretso si Jacob sa loob. Nilingon ko ang kawayang bench na naroon parin. Bumaling ako kay Jacob na sinisindihan ang kahoy sa may lutuan. Siguro ay para makalikha ng apoy at may init naman kahit paano.

    Kumuha siya ng isang kaldero sa may abuhan. Tiningnan ko ang sarili ko. I’m a mess. I’m wet and broken.

    Huminga ako ng malalim at umupo sa kawayang bench. Tumunog ito kaya napalingon si Jacob sa akin.

    “Magpapakulo ako ng tubig…” aniya.

    Tumango lamang ako. Hindi na makapagsalita. May nilingon siya sa isang kwarto at agad siyang nawala. Tanging ang kaldero sa taas ng apoy lang ang nasa tingin ko. Bahagya akong nanginginig sa lamig.

    Nang lumabas siya sa kwarto ay may puting tela siyang dala. Lumapit siya sa akin at nilahad niya ang tela sa akin.

    “Magkakasipon ka…” aniya.
    Tumango ako. “Salamat…” paos ang boses ko.

    Nagpunas ako gamit ang puting telang iyon. Pagkatapos ay pinalupot ko siya sa aking katawan para kahit paano’y maibsan ang lamig.

    Humilig si Jacob sa dingding habang nag aantay na kumulo ang tubig. May mga mug na sa gilid na hinanda niya yata para lagyan ng mainit na tubig. Humalukipkip siya at pumikit. Natulala na lang ako.

    Ilang sandali ang lumipas ay gumalaw ulit si Jacob para ilagay sa mga mug ang tubig sa loob ng kaldero. Sinalin niya sa isang mug at hinatid niya iyon sa akin.

    “Malinis ‘yan. May dispenser ang mga trabahante dito… Inumin mo para di ka manlamig…” aniya.

    Tumango lamang ako at tinanggap ang mug. Hindi ako uminom. Natulala lamang ako habang dinaramdam ang init ng mug.

    Umupo siya sa kawayang silya sa malayong gilid. Sumulyap siya sa akin kaya nag iwas ako ng tingin.

    “I’m sorry…” aniya.

    Ilang sandali ang katahimikan. Nanatili akong tulala sa mainit na tubig. Nilalamig ako pero namamanhid na rin.

    Hindi na ulit siya nagsalita. Mas lalong lumakas ang ulan. Matatagalan pa yata kami dito. Nilingon ko ulit siya at nakita kong nakapikit na siya. Tulog ba siya o ano?

    Tinapik ko ang mug at huminga ako ng malalim. Now that he’s done with his side, I think it’s my time to pour out my side. Kung natutulog siya ay bahala na. Ang importante ay nasabi ko.

    “I left you because I’m a poison to you. You loved me too much…” mahinahon kong sinabi. “Mahal na mahal din kita pero marami akong inaalala bukod sayo. I have my family. My mother’s sick. My father’s working abroad. Nag aaral ako para makakuha ng magandang trabaho at makatulong sa pamilya. At ang boyfriend ko, may naluluging kompanya dahil imbes na iyon ang pagtuonan ng pansin ay ako lang ang inaalala.”

    Nag tiim bagang ako. I found it too hard to stop talking. I want to pour it all too. Like what he did.

    “I love you for who you are. Not for your money. You know that. Not for anything with you. Just you. Pero hindi ko talaga kaya na makita ang pinaghirapan ng daddy mo na nagkaganoon. And I know you can fix it but you chose to give your attention to me. I feel like you love me too much to give your attention to anything…”

    Hirap akong lumunok. Barado ang lalamunan ko sa isang nagmistulang bato na emosyon. But unlike what happened earlier, mas mahinahon na ako ngayon.

    “I was hoping you’d understand that. Tinulak kita palayo para maisip iyon. Tinulak kita palayo para matauhan ka, Jacob. At ang sakit sa part ko kasi mahal na mahal kita pero wala akong choice. I don’t want to see you fail just because of me. And you don’t tell me what’s wrong with J.A. You keep it to yourself.”

    Natahimik ako. I ended it there. Pero biglang bumilis ang pintig ng puso ko. Lalo na nang nakita kong bahagya siyang dumilat at pumungay ang mga mata niya.

    Kinagat niya ang kanyang labi at tinitigan ako.

    Huminga ako ng malalim at binaling ang atensyon sa mug.

    “Dahil nakikita mong pabagsak ang J.A., hindi ibig sabihin na talagang babagsak ito, Rosie. Tingin mo hindi ko pinapahalagahan ang pinaghirapan ni papa? At oo, itinago ko iyon dahil alam kong may problema ka rin sa pamilya mo. Kaya kong ayusin ang J.A., nandyan ka lang sa tabi ko.” Mas mahinahon niyang sinabi. “But then, I guess you’re right. Kung nanatili ako, hindi ganito ka laki ang J.A. ngayon. Hindi siya babagsak, oo, pero hindi ganito ka laki.”

    Natahimik ako. Tahimik din siya. For a long time, nobody spoke. It’s just my breathing, my heartbeats, and the sound of the rain. Dumidilim na. Tumayo si Jacob at nagpunta siya sa abuhan. Nagsindi siya ng isang lampara at dinala niya doon sa amin.

    “May cellphone ka? Hindi ko dala iyong akin…” ani Jacob.

    Binitiwan ko ang mug. Nilapag ko iyon sa tabi ko at agad na kinuha ang aking cellphone sa maliit na bag. Luckily, it still has battery.

    “May itetext ka?” tanong ko kahit na naisip kong itext si Auntie Precy.

    Wala akong numero ni April. Kailangan ko ng numero niya kaya kailangan kong itext si Auntie para makahingi kami ng tulong or something.

    “Sino ang pwedeng ma text mo?” tanong ni Jacob.
    “Si Auntie Precy lang. Wala akong number ni April, e. O di kaya kay Leo… Wala…”

    Nilahad ko ang cellphone ko para sa kanya. Baka may pwede siyang itext.

    “Wala akong saulong number. Itext mo na lang si Auntie Precy. Sabihin mo na ikontact ang farm at magpadala ng sasakyan patungo dito…” ani Jacob.
    Tumango ako at agad na nagtipa ng message. Pero una sa lahat, paano ko ipapaliwanag kay Auntie na magkasama kami ni Jacob? Whatever! Just text her, Rosie.

    Ako:
    Auntie, pwede ka po bang tumawag sa J.A.? Pakisabi po na padala ng sasakyan dito sa pineapple plantation?

    Nasend ko ang message. Nag angat ako ng tingin kay Jacob.

    “O di kaya’y itext mo si Felicity…” sabi ko.
    Umiling siya. “Di ko saulo ang number.”

    Tumikhim ako at binaba ang cellphone ko. Nagkatinginan ulit kaming dalawa. Hindi na ako bumitiw ngayon. Siya rin ay ganoon. It was so awkward but I just couldn’t look away.

    ‘Tsaka lang nawala ang atensyon ko sa kanya nang nag vibrate ang cellphone ko. Nanginig ako sa lamig habang binubuksan ang mensahe ni Auntie Precy.

    Auntie Precy:
    Saang pineapple plantation? Sa J.A.? Tumawag na ako. Anong ginagawa mo diyan?

    “Nagreply na si Auntie Precy?” tanong ni Jacob.
    “Oo. Tumawag na raw siya.”

    Ilang sandali ang lumipas ay tumunog ang cellphone ko. Hindi pa ako nakakapagtipa ng reply kay Auntie Precy ay tumawag na siya.

    “Rosie?”
    “Hello, Auntie?” napapaos ang boses ko.

    Tumayo si Jacob at lumapit sa akin. Sumulyap ako sa kanya ng isang beses habang kausap si Auntie.

    “Anong ginagawa mo diyan? Umuulan, a? Tumawag na ako at may papunta na ang Hummer diyan. Anong nangyari? Ikaw lang?”
    “Hindi po, Auntie. Kasama ko si Jacob.”
    “Ha? Anong kasama mo si Jacob? Bakit kayo nandyan? Kayong dalawa lang? Susmaryusep! Anong nangyayari?”
    “Nag… kita lang po kami malapit sa plantation, Auntie. Mamaya na po ako mag eexplain. Baka kasi ma lowbat ako. Ibababa ko na po ito…”
    “O sige, sige…”

    Binaba ko na ang cellphone at chineck ang battery. Kaya pa naman. I just did not want to explain in front of Jacob.

    “Anong sabi ni Auntie?”

    Umupo si Jacob sa tabi ko. Binaba ko ang cellphone ko sa gitna naming dalawa. Kinuha niya ang tasa at umambang ibibigay sa akin pero binawi niya.

    “Papunta na raw dito ang Hummer n’yo…”

    Tumango si Jacob at tumayo. Dumiretso siya sa abuhan. Tinapon niya ang tubig sa loob ng aking mug.

    “Malamig na…” paliwanag niya at nagsalin ulit ng panibago.

    Bumalik siya sa akin at binigay niya ang mainit na mug. Tinanggap ko ito. It gave me comfort. The heat from the hot water made me a little warm.

    “Salamat…”

    Nasa tabi ko parin siya. Humalukipkip siya habang nakatingin sa akin. Nanatili ang mga mata ko sa mug.

    “Namumutla ka…” aniya.

    Napatingin ako sa kanya. He’s looking at my lips. Tinikom ko ang bibig ko kaya nag angat siya ng tingin sa aking mga mata.

    Tumayo agad siya at dumiretso sa bintana. He closed the window.

    “Kakatok naman siguro sila kapag nandyan na.”

    Mas lalong dumilim dahil sa ginawa niya. Tanging ang lampara lang ang umiilaw sa bahay. Tumingin ako doon at kinalma ang sarili. My heart just won’t stop beating like mad.

    Nanatili siyang nakatayo sa may pintuan. Natulala na lang ako sa lampara hanggang sa may narinig kaming bosina sa labas. Bahagyang binuksan ni Jacob ang bintana. Pagkatapos ay binuksan niya na ang pintuan at lumabas.

    Tumayo ako, nakatingin na sa labas. Ang dating Hummer iyon. Nakabukas ang back seat at may kinukuha doon si Jacob. Narinig ko rin ang pag uusap nila ng driver.

    Binalikan ako ni Jacob. Ngayon, may dala na siyang jacket at payong. Pinatay niya ang lampara pagkatapos ay bumalik sa pintuan, kung saan binuksan niya ang payong. Naglahad siya ng kamay sa akin.

    “Dahan dahan lang…” aniya.

    Tumango ako at lumapit sa kanya. Nakapalupot parin sa akin ang puting tela na binigay niya kanina. Laking gulat ko nang hinawi niya iyon pagkalapit ko sa kanya.

    “May jacket ako. Iwan mo na ‘yan diyan,” aniya.

    Tumango ako at sinunod ang sinabi niya. Mahigpit ang diin ng kanyang kamay sa aking balikat habang sumisilong kami sa payong. Dahan dahan ang paghakbang namin hanggang sa nakapasok ako. Sinarado niya ang pintuan at pumasok siya sa front seat. I’m kind of surprised that it’s just the driver. Nakita ko pa ang pagsulyap ng driver sa akin gamit ang rearview mirror! It’s their old driver! Damn it!

    “Tuwalya…” ani Jacob sabay bigay sa akin ng tuwalya. “Suotin mo ‘yang jacket ko…”

    Tumango tango ako at nagpunas muna bago nagsuot ng jacket. Umandar na ang sasakyan para makabalik na kami sa mansyon.

    Hinawakan ni Jacob ang aircon sa taas na nakatapat sa akin at pinatay niya iyon. Nilingon niya ako habang nagsusuot na ng jacket. I zipped it properly.

    “Ayos ka lang?”
    Tumango ako at napalunok.
    “Ihahatid ka na namin diretso sa bahay n’yo…”
    “O-Okay…”

    Lumiko ang Hummer sa dinaanan kong short cut kanina. Tahimik ang buong byahe. Hindi nagsasalita si Jacob at ayaw ko ring magsalita.

    Tumunog ang cellphone ng driver. Siya lamang ang naririnig namin nang sinagot niya ang kanyang cellphone.

    “Nakuha ko na… Magtatanong muna ako.”
    “Uuwi daw ba pagkatapos, Jacob?”
    “Oo,” sagot ni Jacob.
    “Marvin, uuwi din kami. Okay… Sige…”

    Niliko ng driver sa street namin. Para akong nalulungkot. Hindi ko alam kung bakit. I suddenly wished that we had more time. I wish for more. Sana nanatili na lang muna kami doon. Iyong kami lang muna dalawa. Iyong hindi ko muna naiisip ang realidad na ganito… na hindi kami, na may Felicity, at na kailangan ko nang mag move on. I told him everything I want to say. At least that’s what I think. Dahil alam ko, pagkatapos nito, mas marami ulit akong gustong sabihin sa kanya. Like… I still love him. I want him back but I know it can never be…

    Bumaba agad si Jacob na may payong. Binuksan niya ang pintuan ng back seat at naglahad ulit siya ng kamay sa akin. Tumango ulit ako at bumaba na. Sabay kaming naglakad patungo sa gate. Siya mismo ang nagbukas ng gate papasok sa aming bakuran.

    Binuksan ni Auntie ang pintuan para salubungin ako.

    “Jusko! Anong nangyari?” tanong ni Auntie.
    “Naabutan po kami ng ulan sa plantation. Kabayo lang ang dala ko kaya hindi kami nakauwi…” ani Jacob.
    “Ganoon ba? Basang basa kayong dalawa, a?”
    “Nakasilong po kami sa isang kubo…” ani Jacob.

    Umupo ako sa sofa at sinuklay ang buhok gamit ang daliri. Nakatayo parin si Jacob sa pintuan.

    “Naku! Buti na lang may kubo! Upo ka, Jacob. May kape ako dito. Mag dinner muna kayo! Grabe ang pag aalala ko!”
    “Hindi na, Auntie. Kailangan ko nang umuwi…” ani Jacob.

    Napatingin si Auntie sa akin. A part of me fell when he said it. Umuwi kay Felicity. That’s where he should be.

    “Ganoon ba? Uhm… O sige…”

    Tumango si Jacob sabay tingin sa akin.

    “Magpatuyo ka na, Rosie. Uuwi na ako.”
    Tumango ako at ngumiti. “Sige, uh, salamat.” Nangilid ang luha ko. “Ingat ka.”
    “Auntie, alis na po ako…”
    “O sige…” tunog bigo pa si Auntie Precy.

    Hinatid ni Auntie si Jacob palabas. Nanatili ako sa loob, natutulala. At nang umalis ang Hummer ay nasapo ko na lang ang aking mukha. Ayaw kong magpatuyo. Wala akong lakas na gumalaw doon.

    “Anong nangyari?” tanong ni Auntie.
    “Nagkausap kami, ‘te…” sabi ko.

    Suminghot ako. It’s never been this real…

    “At anong nangyari? Anong sinabi mo? Anong sinabi niya?”
    “Sinumbat niya sa akin ang desisyon ko. Pero… nagkaintindihan naman kami sa huli…”
    “Tapos?” tanong ni Auntie sa isang kuryosong tinig.
    “Wala na… Iyon lang…”

    Tumabi si Auntie sa akin at hinaplos niya ang aking likod. Humagulhol ako sa sakit. I am so tired of crying but I just can’t stop. Kung may paraan lang para makalimutan ang lahat ng ito…

    “Gusto pa sana kaming dalawa. Gusto ko pa siya. Auntie ang hirap! Kailangan na talaga siyang iwasan! Kailangan ko nang makalimutan! Masyado nang masakit ito!”

    Tahimik lamang si Auntie sa aking gilid.

    “I refuse to be like you and Don Juan. I want to move on. And these are my steps. I told him about my decision.”
    “Sinabi mong mahal mo pa siya?” tanong ni Auntie.
    Umiling ako. “Hindi! I don’t want to be unfair to him. May iba na siya ngayon. Sobra sobra ang hinanakit niya nang tinulak ko siya palayo tapos pagbalik niya, sasabihin ko lang na mahal ko parin siya? And besides, he’ll reject me for sure! May iba na siyang mahal, Auntie…”
    “Come here, Rosie…” ani Auntie sabay higit sa akin at yakap ng mahigpit.

    I spent the whole night mourning. Alam kong kaonti na lang ay matatapos na ang lahat ng ito. Ang pag uusap namin ni Jacob ang naging hudyat ng katapusan.

    Buhol buhol ang utak ko sa gabing iyon. Wala akong nireplyan kahit sino. Even Duke who constantly texted me that night. Wala akong lakas. Wala akong gana.

    Hindi ako nakatulog. Alas singko na ng umaga at ang sakit na ng ulo ko ay dilat parin ako. Alas sais ng umaga na ako nakatulog kaya inubos ko ang buong Biyernes sa pagtulog.

    Nagising ako ng mga alas singko na rin sa hapon dahil sa gutom. Kumain ako pero tulala parin. Ang akala ko magiging maayos ako pagkatapos naming mag usap, bakit parang lumala pa yata ako?

    Nanatili ako sa bahay buong Biyernes. Wala na rin akong ganang gumala. I feel so drained.

    Nagluto ako ng dinner. Iyon na lang ang naging libangan ko. Hindi na rin ako tinanong ni Auntie tungkol kahapon. Ayaw ko na ring pag usapan.

    Kinaumagahan ng Sabado ay dumating si Maggie. Gusto kong ikwento sa kapatid ko ang lahat pero alam kong masisira lang ang araw ko kung sakali.

    “Ang ganda talaga nitong dress na pinahiram, ‘no?” ani Maggie sabay sayaw kasama ang damit.
    “Mabuti pa maghanda na tayo ngayon. Baka ma late pa tayo,” sabi ko.

    Kanya kanya ang make up namin ni Maggie. Tinulungan ko na lang siya ng konti. Marunong naman siya pero mas marami akong karanasan kasama ang mga professional artist.

    “Kailan ang uwi mo?” tanong niya sa akin habang inaayos ko ang kilay niya.
    “Mamayang hapon…” sagot ko.
    “Oh? Ba’t di na lang sa Sunday?” tanong ni Maggie.
    “Gusto kong makapag pahinga pa sa bahay ng isang araw bago magtrabaho sa Lunes.”
    “Edi sasabay ka sa akin? Hindi ba may party pa sa reception. Ano ‘di ka na sasama?” tanong ni Maggie.
    “Sasama tayo. Kakain lang saglit tapos uwi na para maka sakay pa ng bus.”
    “Seryoso ka, Rosie?”
    “Oo!”

    Sinundan niya ako ng tingin. Nanliit ang mga mata niya.

    “May nangyari ba?”
    “Wala! Iyon ang gusto ko, e.”

    Patuloy niya akong kinulit. Kahit noong papunta na kami nina Auntie Precy at Maggie sa simbahan. I can’t take my eyes off Auntie Precy. She looked really good with make up on. Pinagtulungan namin siya ni Maggie kanina at sobrang ganda niya. She’s wearing a white dress. Para siyang ikakasal din.

    Kasama namin ang isang co-teacher niya na paboritong guro ni April kaya naimbitahan. Mabuti na lang at may pick up sila kaya may nasakyan kami patungo sa simbahan.

    Umupo kami sa likod. Malayo sa mga sponsors at mga bride’s maid.

    Marami na ang tao. Naroon na rin ang tatay at nanay ni April. Pati ang side ni Ron na puro matatangkad.

    Nakita ko sina Leo, Louie, at Teddy. Panay pa ang picture naming lima kasama si Maggie habang di pa nagsisimula. Pati si Auntie Precy ay pinagdiskitahan nilang makapag selfie. Panay ang tawa ko sa ginawa nila.

    Ilang sandali ang nakalipas ay dumating na si Jacob kasama si Felicity. Jacob’s wearing a tux tulad ng suot ng mga boys. Si Felicity ay naka puting dress.

    Nag iwas agad ako ng tingin. Si Maggie ay halos mabali ang leeg sa kakasunod ng tingin sa dalawa.

    “That’s his girlfriend, sis? Mas maganda ka pa riyan…” ani Maggie.
    “Shut up, Mag.”
    “She’s short… and petite… but pretty… but of course, you’re prettier…”
    “Tumigil ka nga…” patay mali kong sinabi.

    Sinalubong nina Louie, Teddy, at Leo si Jacob. Nagtawanan sila at nag picture ulit. Felicity held the camera for them. Ang saya saya nila.

    “Parang dati lang, ikaw ‘yong-“
    “Tumigil ka na, Maggie, ha!”
    Tumawa si Maggie. “Fine! Fine!”

    Hindi na ako sumulyap ulit sa mga tao. My eyes was directed only to the cross above the altar. Dito gagawa ng pangako ang dalawang taong nagmamahalan. If you truly love someone… unconditionally… fiercely… that you’re willing to compromise and bend just so you two won’t break, this is where you go. To make a promise and bond with each other. To forever be faithful and loyal.

    Will I feel that way for someone?

    Siguro ngayon, wala pa akong makitang pwede bukod sa kanya but eventually, I will be watching that cross again and tell Him that I found someone. Ipapangako ko sa Kanya na mamahalin ko ng husto ang lalaking kasama ko. Na gagawin ko ang lahat, huwag lang kaming maghiwalay. Na mag cocompromise ako, mag aadjust, huwag lang mabasag. Iingatan ko ang puso ng mahal ko. Iingatan ko ang pag ibig naming dalawa.

    It’s so sweet to witness two people tie the knot. Nakakainit sa puso. I am so happy for April. She finally found Ron.

    Sumama kami sa bahay bakuran nina Ron kung saan ginanap ang reception pero pagkatapos kumain ay nag paalam din ako kay April.

    “O? Saan ba ang table n’yo at bakit kanina ko pa kayo hindi mahanap?” tanong ni April nang nilapitan ko na siya.
    “Nasa dulo. Kasama kasi namin si Auntie at may mga co teachers siya kaya doon na kami.”
    “Kaya pala wala kayo sa lamesa nina Jacob!”
    Ngumisi si Maggie. “Awkward naman kasi ‘pag nandoon kami.”
    Tumawa si April. “Oo nga naman. By the way, salamat sa pag punta dito. Ang anak ko nasa taas na. Nakatulog sa pagod. Talaga bang wala na kayo mamaya sa games? May programme pa!”
    “Sayang nga e pero kailangan na naming umalis,” sabi ko. Hindi alam kung anong irarason.

    Niyakap ako ni April.

    “Thank you… Thank you for being here. Hindi ko talaga inasahan pero masaya ako na nandito ka…”
    Tumango ako at ngumiti. “You’re always welcome.”
    “Kailangan ang balik mo dito sa Alegria?”
    “Baka weeks from now, babalik ako. Magbabakasyon ulit,” sabi ko.
    “Talaga?”
    “Oo. Magagalit na si Auntie sa kanya pag di siya babalik. Ilang taon din ‘yang di nakakaapak dito, e.”
    “Sige! Text me kapag nandito ka, ha? Ipapasyal kita!”

    Nagbigayan pa kami ng numero bago kami tuluyang umalis. Pinasadahan ko ng tingin ang lamesa nina Leo. Hinila ako ni Maggie kaya hindi na ako nagtagal.

  • Kabanata 23Open or Close

    Kabanata 23
    Three Years

    Buong araw ng Linggo ay nasa bahay lang ako. Wala akong ganang umalis. At tuwing iniisip kong papasok na ako ng trabaho bukas, parang gusto ko na lang ulit mag file ng leave. Pakiramdam ko nawalan ako ng gana. At ang tanging paraan para makapasok ako bukas ay ang isiping gagraduate na si Maggie next year.

    “Magmumukmok ka lang ba diyan buong araw?” Tanong ni Maggie nang pumasok sa kwarto ko.
    “Nag iipon ako ng lakas dahil papasok na ako bukas.”

    Niyakap ko ang unan. Kahit itong kwarto ko, naaalala ko si Jacob. Maybe I should change it? Ano? Bumili na ako ng bagong unan, comforter, bedsheet, kurtina, at kung anu ano pa noon. Mahal naman kung papa renovate kaya wala akong choice kundi mag tiis.

    “Nag usap kayo ‘no? Ni Jacob?” tanong ni Maggie.

    I told her everything. Magaan sa pakiramdam ang may makwentuhan ng nangyari. Kahit na wala siyang masabi. Hindi niya masabi kung ano pang kulang.

    “May hinanakit talaga siya sa’yo…”
    Tumango ako.

    Nakahiga lang ako. Siya naman ay nakaupo sa aking tabi.

    “Hindi ko siya masisisi. You pushed him away. That was his lowest time. Nasaktan siya. Hindi rin kita masisisi dahil kinailangan mong gawin iyon. You just have to really move on, right now. I think…
    “I think so too.”
    “You need to consider someone else. That way, mahahati ang attention mo. Ma da-divert. Instead of mourning for Jacob, you’ll start a new relationship. I’m sure you really can’t forget Jacob, Rosie.”
    “What do you mean?”
    “Gaya ng nangyari kay Auntie. Ang problema kay Auntie, wala siyang ibang kinasama kaya lahat ng pagmamahal niya napunta lang talaga kay Don Juan. In your case, if you’ll be with someone else-“
    “Ayaw ko ng may panakip butas, Mag…”
    “No… Hindi panakip butas. This is a scaffolding for you to be able to finally love again after what happened. If you like someone… even just a bit… bigyan mo ng pagkakataon. Hindi ka makakamove on kung hindi ka gagalaw. And yes, you will still love Jacob because he’s your great love. Kaya don’t worry kung hindi mo pa siya makalimutan. That’s normal.”

    Kinagabihan ay nakatanggap ako ng mensahe ni Duke. I texted him yesterday na pauwi na ako. Simula noong nangyari iyong sa kubo, hindi na ulit ako nakakapagtext masyado sa kanya.

    Duke:
    Are you home? I hope you’re fine.

    I feel rude this past few days. Hindi ko siya narereplyan.

    Ako:
    I’m fine. Thanks. Ikaw? Yes, I’m home. Sorry, I’ve been very busy.

    Nagreply siya kaagad.

    Duke:
    Papasok ka bukas? I’m fine too. How’s the province?

    Ako:
    Fine din. Yup. Papasok ako bukas.

    Duke:
    I thought you’re gonna extend your leave. Thank God.

    Ako:
    Hindi no. I can’t. ‘Tsaka, sapat na ang isang linggo.

    Inubos ko ang oras ko sa pagtitext sa kanya. I can’t help but smile everytime he replies. Ang bilis niyang mag reply. He’s probably just in his condo.

    Kinabukasan ay maaga akong nagising para makapasok. Nakakapanibago na pagkagising ko nasa kwarto ko ulit ako. Parang bigla akong nasanay na sa Alegria ako at walang ginagawa.

    Pagkatapos kong maligo, kumain, at magbihis ay dumiretso na ako sa trabaho. Kinontact ako ni Karl kahapon na ngayon daw ilalagay ang billboard kaya tinawagan ko siya habang nasa taxi ako.

    “Nakabalik ka na?” tanong niya.
    “Oo naman! Patungo na ako sa trabaho. Kumusta? Anong oras daw ilalagay? Kinakabahan ako!”
    “Kita mo naman ‘yong final edits ‘di ba? Ang ganda kaya!”
    “First time ko ‘to, e. Alam mo na… ‘Tsaka di ko nakita ang final edits. Hindi ko nabuksan ang email ad ko kahapon. Ngayon pa, pagdating ko sa trabaho.”
    “Okay. Tingnan mo para ‘di ka na kabahan. Later?” tanong niya.
    Tumawa ako. “Sige… pupunta ako sa spa n’yo. Doon na tayo magkita.”
    “Okay…”

    Pagkabukas ng elevator patungo sa opisina ay tulala pa ako. Pero nakuha ni Duke ang atensyon ko. Nakatayo siya sa isang cubicle na tapat ng pintuan. He’s wearing a black coat and tie at may malaking palumpong ng mga pulang rosas siyang dala.

    Nalaglag ang panga ko. What’s this for?

    Unti unting umangat ang labi ko. Tinulak ko ang transparent door. Tumuwid siya sa pagkakatayo. Kitang kita ko ang pag tingin ng ibang empleyado.

    “Welcome back!” ani Duke.
    Mas lalo akong nangiti. Tinanggap ko ang mga rosas. “Salamat! Nag abala ka pa.”
    “Of course…” Ginala niya ang kanyang paningin mula ulo hanggang paa. “I’m glad nothing changed…”
    “Isang linggo lang naman, Duke!” tumawa ako.
    “Kahit na. Some things change real fast…”

    Tiningnan kong mabuti ang suot niya. Mukhang may meeting siya ngayon, a?

    “May meeting ka?” tanong ko.
    “Yup. Babalik ako before lunch. Let’s eat together?”
    “Uh… Okay!”

    Sinamahan niya ako patungo sa aking opisina. Walang mga papel sa aking lamesa. Ibig sabihin, habang wala ako ay talagang walang binigay na trabaho. Nilingon ko siya.

    “Wala bang paper works? What about the second interview?” tanong ko.
    “Huwag mo na munang isipin iyon…”

    Nilapag ko ang mga rosas sa aking lamesa. Hindi pwedeng ganoon. Ayaw kong may favoritism sa work. Ano na lang ang sasabihin ng HR Manager?

    “Duke, hindi pwedeng ganoon. Iyong nirereview kong mga tao, asan na?”
    “The second interview will be this coming Friday.”

    Second interview? Kung nasaan si Felicity? Oh my God!

    “Uh, pwede rin namang sa review na lang ako since nainterview ko na itong mga applicants.”
    “Hmmm. Okay. If that’s what you want then I won’t put you in the panel.”

    Huminga ako ng malalim. Ayaw ko mang gumagamit siya ng kanyang awtoridad para mas mapadali ang trabaho ko, gusto ko naman ang desisyon niyang ito. I want to detach.

    “May kilala kasi ako sa mga applicants kaya mas mabuting huwag ako ang mag interview.”
    “Oh? Sige… sige…”

    Umupo ako sa aking swivel chair. Nakatayo si Duke sa aking harapan. His tux is quiet intimidating. His dark eyes sent shivers down my spine. Ang paninitig niya sa akin ay may ibang pinapahiwatig.

    “Ngayon ang labas ng billboard mo. Kasalukuyang inaayos sa EDSA.”
    “Oo nga. Nasabi ni Karl.”
    “Do you have time this evening? The advertising team will celebrate for the successful shoot,” aniya.
    “Ha? Talaga? Saan? Pupunta ako kina Karl mamaya.”
    “Just in a club. Susunduin kita sa spa nina Karl. Ayos lang? Isama mo na rin si Karl.”
    “O sige…”

    May biglang kumatok kaya natigil kami sa pag uusap. It was Joanne, his assistant.

    “Sir, it’s time. Kailangan na po nating umalis para sa meeting.”
    “Okay… Susunod ako.”

    Sinarado ni Joanne ang pintuan. Bumaling si Duke sa akin.

    “So, I’ll go now. Before lunch… then later?”
    Tumango ako at nagpaalam na rin sa kanya.

    Nag review ako ng profiles ng mga empleyado. Nasabi ko na rin sa Manager na hindi ako hahandle ng second interview dahil may kilala ako. Nasabi na rin yata ni Duke iyon kaya hindi na ako nahirapan.

    Nang nag lunch ay hindi nakarating si Duke dahil natagalan sa meeting pero nagpadala siya ng pagkain sa akin. He’s just so sweet.

    “Hmmm. ‘Yon lang? I was expecting more from him!” ani Karl, tinutukoy si Jacob.
    “What kind of more are you talking about?” tanong ko.

    Kinwento ko sa kanya ang nangyari sa Alegria. Of course, I skipped the details. Lalo na iyong hindi ko pa kayang balikan.

    “I was expecting he’ll come back to you noong nasa kubo kayo.”
    “Well, I didn’t expect anything. May girlfriend siya. At isa pa, masyado ko siyang nasaktan.”
    “So… anong status n’yo ngayon? Friends? Strangers?”
    “Wala. Hindi naman kami nag usap ng ganyan. We just talked. Casual. I guess it’s safe to say that we’re still friends after all…”

    Naisip ko iyong pag aalaga niya sa akin habang nasa kubo kami. He took care of me. Kahit na nasaktan ko siya at kahit na mahirap intindihan, he still cares for me.

    “And you’re okay with that?” tanong ni Karl.
    “Do I have a choice? Matagal na kaming break, Karl. Noong nagkaroon siya ng girlfriend, doon pa lang dapat nag move on na ako.”
    “That was… seven or eight months ago, right? And moving on is a process. Hindi ‘yan instant kaya tama lang ‘yan. I can feel that you’re better now. At mas lalo na ngayong nakapag usap na kayo.”
    Tumango ako. “I guess you’re right.” Lito pero magaan na ang pakiramdam ko ngayon.
    “And then…” tumingin si Karl sa labas ng salon nila. “Here’s why you should feel really better.”

    Napalingon din ako sa labas at nakita ko si Duke. Naka puting long sleeves na siya ngayon. Nakatupi ito hanggang siko at papasok na siya sa buong commercial building. Nang nakita niya kami ni Karl ay kumaway siya.

    “He gave me flowers kanina. Sent me my lunch too.”
    “It seems like a normal thing to him. Hindi ba talagang binibigyan ka niya ng bulaklak niyan? That’s not the first time. He’s courting you…”
    Tumawa lamang ako. Tumigil na kami sa pag uusap dahil dumating na si Duke.

    “Ready?” aniya sa aming dalawa ni Karl. Tumayo ako at tumingin kay Karl.

    “Kanina pa. Excited na nga si Karl, e.”
    “That’s good!” ani Duke at iginiya na kami patungo sa kanyang sasakyan para makaalis na doon.

    Dinaanan namin nina Duke at Karl ang billboard sa EDSA. Nakita ko na ito kanina sa edits na sinend sa akin sa email ng photographer. Pero iba pa rin pag nakikita siya sa billboard.

    “You look so hot, Rosie!” ani Duke.
    Uminit ang pisngi ko. “First time ko ‘yan. Nahihiya pa ako.”
    “Masasanay ka rin, eventually…” ani Karl. “Ang ganda kaya…”

    Ang lapad ng ngiti ko lalo na nang nakarating kami sa club. Sa isang exclusive room sila nagpaparty. Pagkapasok namin ay pumutok ang party poppers. Sa flatscreen sa harap ay naka slide show ang mga resulta ng shoot at ang mga BTS. Hindi lang pala sa campaign ko ang celebration na ito, nandito rin kasi ang mga modelo nila.

    Kumain muna kami habang ang mga photographer at ibang models ay nagsasaya na. Naroon din ang ilang managers ni Duke na panay ang biro sa kanya. It’s nice to see that the CEO is this approachable.

    “What?” tanong ni Duke nang nangingiti ako sa kanya.

    Kanina ko pa siya pinagmamasdan na nakikipag batian sa mga managers niya. Hindi naman siya ganito noon. He used to be intimidating and serious.

    “Wala lang. I’m happy that your relationship with your employees is improving.”
    Nagtaas siya ng kilay. “Kasi may isang empleyado ako noong sa sobrang pamimressure ko, napaiyak.”
    Nagtaas din ako ng kilay. Ako ang tinutukoy niya. Nangyari ito noon sa akin. He’s just so scary that time and I’m an emotional mess (because of Jacob and my family).
    “I hate to see your beautiful face crying just because of me. Or because of anything…”

    Nakisali na si Karl sa party. Pinakilala siya ng mga kaibigan niyang photographers sa ilang bagong saltang modelo na naimbitahan dito.

    Bumaba ang tingin ko sa juice sa harap ko. I mixed it properly with the straw. Pero imbes na hayaan ako ay tinaas ni Duke ang aking baba para magkatinginan ulit kami.

    “Roseanne Aranjuez, what I’d give to have you as my girl…”

    Nanigas ako sa kinauupuan ko. Matapang niya akong tinitigan. I thought he’s going to be intimidated by my shocked expression pero hindi siya bumitiw sa kanyang titig sa akin.

    Tumikhim ako. “Duke…”
    Ngumiti siya kahit na hindi ako makangiti. “It’s been three years since I met you, Rosie. Siguro naman ay kilala mo na ako.”
    Ngumiti din ako.
    “Will you be my girlfriend?” Pabulong niyang sinabi sa akin.

    Hindi ako nakasagot. I stared at my juice. I stirred it properly. I don’t know what to say to him.

    “I… I still need to think about it…” Shit. I really don’t know.
    “Well, yeah. I’m in no hurry anyway. I just want you to know that I want you as my girl…” bulong niya.

    Kinagat ko ang labi ko. Hindi ako makatingin sa kanya habang siya’y diretso ang tingin sa akin.

    “Hey! Mr. Valenzuela! I’d like you to meet a friend. This is Marcus…”
    “Duke Valenzuela…” ani Duke sabay lahad ng kamay.

    Bumuga ako ng hininga. That was so close!

    “Siya ‘yong photographer ng isang magazine. I’m recommending him sa brochure ng wet collection for this year! He has awesome portfolios…”
    “Rosie!” tawag ni Karl sabay pakita sa akin ng wineglass.

    Nilapag niya ang isang wineglass sa aking lamesa. Tinanggap ko ito.

    “Lika! Sayaw tayo!” aniya at hinila ako.

    Bago pa ako nagpatianod ay nilagok ko ang champagne. Nawala kami sa gitna ng mga modelo at staff.

    Lumapit ako kay Karl para makabulong. Hindi pa niya nakuha ang gusto kong mangyari noong una kaya umilag siya. Ang bading talagang eto!

    “Duke asked me to be his girlfriend!” sabi ko.
    “Sinagot mo ba?” bulong niya pabalik.
    Umiling ako.
    Tumawa siya. “Walang chance?”

    Sa tanong niyang iyon doon ko napagtanto ang lahat. Chance. Kanino ba iyan ibibigay? Kung tutuusin, walang lalaking mas malapit sa akin for the past years. Si Duke lamang ang ganito ka lapit sa akin. I have male friends. I’ve been courted by an officemate, a co-model, a friend from Dubai, and whatever pero walang kasing lapit ni Duke sa kanila. Si Duke lang. Kaya kung may lalaking mang pwede kong bigyan ng chance, si Duke iyon.

    “Meron.”

    Tumango si Karl at nagbigay ulit sa akin ng champagne. Minutes later, Duke joined me in the dancefloor. Nawala si Karl, siguro ay nagpunta sa mga kaibigan niya. Si Duke na ngayon ang kasayaw ko.

    Nagtatawanan kaming dalawa habang nagsasayawan. I downed three champagnes and I’m kind of tipsy.

    Habang tumatagal ay mas lalong naging intimate ang sayaw naming dalawa. Tinaas niya ang dalawang kamay ko at hinaplos niya pababa ang braso ko. Tumindig ang balahibo ko. Our nose touched. Pumikit ako sa sobrang hilo sa lights at sa maingay na music.

    Then I felt his lips brush against mine. Dumilat ako sa gulat. Nakita kong nakapikit na siya habang hinahalikan ako ng marahan. Binaba ko ang kamay ko ay pinikit ko ang mga mata ko. I kissed him back. It was all gentle and sweet.

    Natigil kaming dalawa sa pagsasayaw. At nang dumilat muli ako, nakita kong nakatingin na siya sa akin. Tumigil kami sa paghahalikan. Naninikip ang dibdib ko. He smiled. I forced a smile.

    “I think you’re drunk. Shall I send you home?”
    “I’m not drunk, Duke. Alam mong ano ako kung lasing…” Nag iwas ako ng tingin.
    “Then you kissed me for real?”

    Nagpakawala ako ng hinga. I guess it’s okay. Pilit kong pinigilan ang pag iisip sa isang tao. Nag angat ako ng tingin kay Duke.

    Ngumiti si Duke sa akin at hinawakan niya ang kamay ko.

    “Sabihin mo lang sa akin kapag pagod ka na. Iuuwi na kita sa inyo.”
    Tumango ako. “Okay… Sasabihin ko.”

  • Kabanata 24Open or Close

    Kabanata 24
    Bouquet

    Hatinggabi ako inuwi ni Duke. I’m just tipsy, not drunk. Dumiretso na ako sa kwarto dahil tulog na rin naman yata si Maggie. Mabilis din akong nakatulog pagkatapos.

    Hindi ko maintindihan kung mabilis ba o mabagal ang mga araw. Madalas, nagugulat na lang ako at aalis na pala ako sa trabaho. Minsan naman natutulala ako ng ilang minuto at napapansin ko na sobrang bagal ng panahon.

    Nang nag Biyernes, second interview na iyon ng mga aplikante. Minu minuto nag pi-play sa aking utak ang scene na dadating si Felicity kasama si Jacob. Maaaring sinamahan na siya ni Jacob, this time dahil crucial na ang interview na ito. Tapos magkakasalubong kami ni Jacob sa lobby. Halos ikamatay ko ang bilis ng tibok ng puso ko.

    “Hello? What?” ani Karl nang tinawagan ko siya.

    Gusto ko sanang magkape pero ayaw kong lumabas sa opisina ko. ‘Tsaka na siguro ako lalabas mamayang alas kuatro ng hapon. Umaga pa lang ngayon at simula noong nanligaw si Duke ay nagpapadala siya ng lunch sa akin kaya ayos lang kung magmukmok ako.

    “Mamayang gabi, ha?” sabi ko.

    Mag di-dinner out kami mamayang gabi kasama sina Callix, Belle, Ava, at Edward. Alam naman ni Karl pero sinabi niyang nagdadalawang isip siya dahil may gagawin kaya sinigurado ko na.

    “Oo na! By the way, wala palang number si Leo sa’yo? O kahit si Teddy? Nagpunta sila dito kanina sa gym. Sabi punta ka daw sa birthday ni Leo…”
    “Ha? Saan ganap?” tanong ko.
    “Sa isangt maliit na bar lang.”
    “Bar as in club?” tanong ko kahit na hindi importante. Kailangan ko lang humaba ang pag uusap para hindi ma tempt na lumabas ng opisina.
    “Hindi ata club. Pagkain lang daw, booze, and music. They asked me to invite you.”
    “Pag iisipan ko…”

    Most likely, Felicity and Jacob will be there. I don’t want another encounter. I don’t want to see them holding hands, whispering to each others ears. Tama na… Ayaw ko na muna.

    “Pag iisipan? Ito naman! Birthday lang naman. Makikikain lang tayo.”
    “O basta basta!” I don’t want to elaborate this part. “Anyway, mamaya sa dinner ha?”
    “Okay. Tuloy ba bukas?”
    “Oo…” sabi ko.
    “O sige na, sige na. Magtatrabaho pa ako…” ani Karl.

    Umirap pa ako. Mabuti nga siya at pagala gala lang siya sa buong building para icheck ang mga business niya.

    Binaba ko ang tawag at nagpatuloy na sa pagtatrabaho. May naghatid na ng pagkain kaya hindi ko na kailangang lumabas.

    Sa huli, nakaya ko namang manatili sa loob ng aking opisina. Pero nang nag alas dos ay hindi ko na kinaya. I needed to pee so I went out of my office. Nag iingat akong di ako lumingon sa lobby. May tatlong applicants doon at wala namang lumapit sa akin. Dumiretso ako sa CR. Nang natapos ay dumaan ulit ako sa lobby. This time, pinasadahan ko na ng tingin at nakahinga nang maluwang nang nakitang wala doon si Felicity. Baka umaga ang schedule niya kaya nakaalis na.

    Nagpatuloy ako sa pag aayos ng paper works. Alas kuatro nang may kumatok sa aking pintuan.

    “Pasok!” sigaw ko kaya agad naman itong bumukas.

    Ang unang nakita ko ay mga pulang bulaklak. Tumawa na ako doon pa lang. Araw-araw akong nakakatanggap ng bulaklak galing kay Duke.

    “Surprise!” ani Duke sabay pasok.

    Tumayo ako at tumawa. Binigay niya sa akin ang napakalaking bouquet. Hindi pa nga nalalagas ang mga ibinigay niya noong nakaraan ay may bago na ulit.

    “Di ka na sana nag abala. I’m so spoiled.”
    Tumawa siya. “I want you spoiled. Anyway, are you done with work?”
    Tumango ako.
    “I have something for you…” aniya.
    “Ano ‘yan? Hmmm…”

    Umupo ako sa aking swivel chair. Karga karga ko parin ang bulaklak. Tumayo si Duke sa harap ng aking lamesa at winagayway niya ang isang envelope.

    “What’s that?”
    “It’s a booking for two in a hotel. Meron nito sa Palawan, Batangas, Tagaytay, and abroad…” He smiled.
    “And?”
    “Let’s go on a vacation!”
    “What? Kaka leave ko lang…” Kumalabog ang puso ko.
    “Who approves your leave? It’s okay. Isang araw ka lang mag li-leave. The dates are within a long weekend.”
    “Hmm. Kung hindi gaanong busy… then… why not?”

    Nag usap kami ni Duke tungkol sa dates. He convinced me to the trip. Nakakatempt naman talaga kasi ang iisipin ko lang ay kung saan namin gustong magbakasyon. It’s from Brandon’s chain of hotels daw.

    Pagkatapos naming mag usap doon ay bumaba na kami sa building. Pupunta kami kina Karl ngayon para sunduin si Karl sa building niya.

    “Sus! Manlilibre lang iyon si Josh dahil big time na!” ani Karl tinutukoy ang kaibigan naming nag set ng dinner na ito.
    “Edi maganda!” Tumawa ako.

    Duke parked the car. Lumabas na ako. Iniwan ko na lang muna ang bouquet sa loob ng sasakyan at sabay na kaming tatlong pumasok.

    Maingay ang grupo noong malayo pa lang kami. Ngunit nang nakitang kasama ko si Duke ay natahimik sila at naging tipid ang mga kilos.

    “Nakauwi ka pala sa Alegria noong nakaraan, Rosie? Kumusta?” Sumulyap si Ava kay Duke.

    I know what she meant by that. I just didn’t want to talk about it in front of Duke so I told them a little about April’s wedding. Syempre, iyong ibang detalye na tungkol kay Jacob ay pinag paliban ko.

    Habang kumakain kami ay panay ang kwentuhan. Bidang bida si Josh na nakuha ng isang magandang kompanya at ngayon, big time na.

    Duke saw some friends kaya nagpaalam muna siya saglit sa aming lamesa para puntahan iyon. Sinundan namin siya ng tingin habang umaalis at nang tuluyan nang nawala ay dumagsa na ang mga tanong.

    “Kayo na?” malamig na tanong ni Callix.
    Umiling ako. “Hindi.”
    “Hindi o hindi pa?” tanong ni Edward.
    “Hindi pa…” sagot ni Karl.
    Ngumiwi ako sa kanya.
    “You know what, Rosie. Not bad! He seems like a great guy. Intimidating but great!” ani Belle.

    Umiwas na ako doon. Tinanong ko si Josh tungkol sa trabaho niya para mawala ang usapan. Unti unti na rin kaming nag loosen up dahil doon.

    Nang bumalik si Duke ay natahimik ulit sila. I know they’re just really intimidated. Mas matanda sa aming lahat si Duke at mas mature kumilos.

    Pagkatapos ng pag uusap namin tungkol sa paglabas bukas ay nagpaalam na kami. It’s just eight PM in the evening. Hindi kami lalabas ngayon dahil bukas pa ang usapan namin.

    Kinarga ko ang mga bulaklak ni Duke nang pumasok ako. Sumabay si Karl kina Josh at Edward kaya naiwan kaming dalawa.

    “Let’s go home?” sabi ko.
    “Yeah!”

    Inayos ko ang seatbelts ko at pinaandar na ni Duke ang sasakyan. Nilingon ko siya. Sumulyap siya sa akin, siguro’y nagulat sa paninitig ko.

    “What?” he asked.
    “Nothing. Natutuwa lang ako sa’yo…”
    “I take that as a compliment. Natutuwa ka sa akin. I hope it’s not because I look like a clown!”
    Humagalpak ako sa tawa. “Clown? Are you kidding me? Ang gwapo mo kaya!”

    Kinagat niya ang labi niya. Ngumuso ako at bumaling sa kalsada. Damn it! Now it’s awkward!

    “Pag isipan mo, ha? Iyong vacation na sinasabi ko sa’yo…”
    “Alright! Pag iisipan ko. But where are we going?”
    “Batangas? Do you want? O may nasa ibang bansa silang hotel. Do you want to go? But we’ll have to extend your leave if that’s the case.”
    “Aling bansa?” tanong ko.
    “Bangkok, Thailand. What do you think?”
    “Nah! I’m just curious kung saan. Batangas na lang… kung sakali.”
    “Bakit ayaw mo sa ibang bansa? Money? Sagot ko na ang plane tickets mo…”
    “What? No way, Duke! Batangas na lang. That way, we won’t have to spend too much.”
    Tumango siya. “Well, if that’s what you want. But if you want Thailand… we can, you know. Just tell me.”
    “I’m fine with Batangas. Isa pa, ayaw kong mag leave na naman ng mahaba…”

    Palapit na kami sa bahay. Nanatili ang tingin ko kay Duke habang karga karga ang bouquet of roses. Nang tuluyan nang nagpark sa labas ng apartment ay nilingon niya na ako.

    “Thanks for today, Duke…” sabi ko.
    “No problem… You’re always welcome. You know that…” He smiled.

    Kinalas ko ang seatbelts. Tumulong siya nang natagalan ako. He’s so close to me I can smell his manly scent. Nilingon niya ako at naabutang bahagyang inaamoy siya. He smiled and looked at my lips.

    Nanatili ang tingin ko sa kanyang mga mata. Kumalabog ang puso ko sa kaba. Nang nilapitan niya ako at pumikit ako. His lips brushed mine again. I kissed him back too. But unlike his kiss last time, his kisses right now were slower and more intimate.

    Hinawakan ko ang kanyang dibdib pero nawalan ako ng lakas. Nagpatianod ako sa ritmo ng kanyang halik. It’s foreign. It’s like being lost in a place I don’t understand. It gave me a different kind of thrill. Bahagya ko siyang tinulak. Kabadong kabado na ako dahil habang tumatagal ay lumalalim ang aming mga halik.

    Tumigil siya at huminga ng malalim. His breath smells like mint and his own manly scent.

    “I’m sorry. Was I too fast?”
    Umiling ako at bahagyang ngumiti.
    “I like kissing you so much… I’m getting addicted…”
    Tumawa ako. “I-I… I don’t know what to say…” Umiling iling ako. “Sige na! Uuwi na ako!” Biro ko.
    Tumawa rin siya. “Sige… Mabuti pa nga…”

    He opened the door for me. Lumabas ako at sinarado na ang pintuan. Bumukas ang salamin kaya kinawayan ko siya.

    “Bye! Thank you ulit!” Ipinakita ko ang bouquet ng flowers.

    Kumaway siya at nagdrive na palayo. Nakangiti pa ako nang tinalikuran ko ang kalsada para sa aming gate. Uminit ang pisngi ko at umiling na lang ako. Is this right? At least my attention’s busy with someone else.

    Pagkabukas ko sa pintuan ng bahay namin ay nagulat ako nang tatlong tao ang nasa sofa namin. Si Jacob ay nakaupo sa harap ng pintuan. Nang nakita niya ako ay agad siyang tumayo.

    Nalaglag ang panga ko sa gulat. Napatingin ako kay Maggie at James na parehong bumaling din sa akin. Bumaling ulit ako kay Jacob at napatingin siya sa mga rosas na dala ko. Nilagay niya sa kanyang bulsa ang kanyang mga kamay.

    “Jacob?” sabi ko.

    Tumayo si Maggie at sinalubong ako. “Sis, kanina pa siya dito. Hinihintay ka. Gusto mo ako nang bahala sa mga rosas na ‘yan?”

    Wala na akong nagawa. Binigay ko kay Maggie ang mga bulaklak. Dumiretso siya sa kusina at sumama si James sa kanya. Naiwan kami ni Jacob sa sala.

    “Uh, uuwi na sana ako buti dumating ka…” aniya.
    Tumikhim ako. Pakiramdam ko nagkabuhol buhol ang buong sistema ko.

    Nilagay ko ang bag ko sa coffee table at umupo sa sofa. Bakit siya nandito? Someone tell me why the heck is he here?

    He’s wearing a black button down sleeveless. Nakalukot ito hanggang siko. Nang umupo ako sa sofa ay naupo rin siya.

    “Pumunta ako dito para… personal na humingi ng tawad sa lahat ng nangyari.”
    Tumango ako.
    “Ayaw kong magkagalit tayong dalawa.”
    Tumango ulit ako at hindi nakapagsalita. He looked confused.
    “Kahit pagkakaibigan na lang… tulad ng dati…”

    Naestatwa ako sa kinauupuan ko. Hindi niya na dinagdagan. Nag aantay siya ng isasagot ko sa kanya pero wala akong masabi. Walang gustong lumabas sa bibig ko.

    Pagkakaibigan. Jacob is asking me for friendship. Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako. And yes, friendship, I can give him that. Kahit na gaano ka sakit, ibibigay ko iyan sa kanya! Kahit na anong hihingin niya, ibibigay ko. He means so much to me. I know he shouldn’t but he means so much.

    “Pagkakaibigan. Oo. Sure!” Tumango ako.
    “Thank you…” aniya.

    Lumabas si Maggie sa kusina. Kasama si James. Pareho kaming napatingin sa kanilang dalawa. Nilapag ni Maggie ang vase na may mga bulaklak sa tabi ng TV at walang eye contact na dumiretso na sa kanyang kwarto. Sumunod din si James sa kanya.

    “Kumain ka na?” tanong ko.
    “Oo. Bago ako pumunta dito, kumain na ako…”
    “Anong oras ka bang dumating dito?” tanong ko sabay tingin sa aking relo.
    “Mga five thirty…”

    Halos tatlong oras siya dito sa bahay.

    “Ibig sabihin nag dinner ka ng mga five or mas maaga? Hindi ka ba pinaghapunan ni Maggie?”
    “Ayos lang… busog pa naman ako.”

    Tumayo ako at nagtungo sa kusina. Nang nakapasok na doon ay pinaypayan ko ang sarili ko gamit ang aking kamay. Inisa isa ko ang mga kaldero at ang rice cooker para tingnan kung may pagkain. Nakita kong nag take out lang ang dalawa ng lechon manok at may tirang kanin pa.

    Inayos ko ang lamesa para mapakain si Jacob. Nakakahiya naman talaga ‘tong si Maggie. Bumukas ang pintuan sa kwarto niya at pumasok siya sa kusina.

    “Hindi mo pinakain?” pabulong kong tanong.
    “Inanyayahan ko, ha! Ayaw kumain. Aantayin ka raw… Saan ka ba kasi galing? Tagal mo tonight, huh?”
    Nagtiim bagang ako. Sumungaw ako sa sala at nakita kong nakatayo na si Jacob.

    “Jacob… kumain ka na muna! Lika!” sabi ko.
    Umiling siya at ngumiti. “Hindi na. Aalis na rin naman ako ‘tsaka busog pa ako.”

    Nilingon ko ang hinanda kong kubyertos. My dalawang pinggan doon. Sino pang kakain bukod sa kanya? Edi ako! Tangina kahit tapos na akong kumain!

    “Ah? Ganoon ba? Uh… Okay…” Tumango ako at dumiretso sa kanya.

    Lumapit na siya sa pintuan at umamba nang aalis.

    “Maggie, salamat sa pagpapapasok. Si James?”
    “Nasa kwarto, Jacob…”
    “Paki sabi aalis na ako… Rosie…”

    Lumapit ako sa kanya para ihatid siya sa gate. Sabay kaming naglakad palabas. Ako ang nagbukas ng gate at luminga linga ako. Laking gulat ko nang nasa unahan lang pala ang Hummer niya.

    Bumaling siya sa akin. Bahagya akong napaatras sa gulat ng pagkakalapit niya. Umatras siya ng bahagya nang napansin ang ginawa ko.

    “Thank you… Sana maging magkaibigan ulit tayo. Ayaw kong may sama ng loob na mamagitan sa ating dalawa.”
    Tumango ako. “Ako rin, Jacob…” Nag iwas ako ng tingin.
    “Aalis na ako…” aniya.
    “Sige… ingat ka…”

    Tinalikuran niya ako. Pinatunog niya ang Hummer. Para akong hindi makahinga habang tinitingnan siyang palayo.

    Nilingon niya ulit ako nang binuksan niya ang pintuan ng sasakyan. Ngumiti siya sa akin. Sinuklian ko rin iyon ng ngiti at kaway. He waved his hand too. Mabilis siyang pumasok sa sasakyan.

    The headlights lit. Nanatili akong nakatayo. A familiar feeling rose within me. Kumaway ulit ako nang umandar ang sasakyan. Bumusina siya ng isang beses bago tuluyang umalis sa street.

    “Ano kaya ‘yon?” si Maggie sa aking likod.

    Sinarado ko ang gate at pinikit ko ang mga mata ko.

    “Nagulat ako nang pagbukas ni James sa gate si Jacob ang pumasok. We were both shocked. Akala ko kung ano na pero nang sinabi niyang may sasabihin siya sa’yo ay syempre pinapasok ko. Anyway, Jacob’s like family to me. Ilang taon din kayo. Naiintindihan mo naman siguro iyon, Rosie…”
    “I’m not blaming you or anything for letting him in, Mag.”
    “O? Edi anong pinag aano mo diyan at bakit para kang problematic?”

    Umiling ako at pumasok na ulit sa bahay. Sumunod si Maggie. Dumiretso ako sa kusina para iligpit ang pagkain na hinanda para sa aming dalawa ni Jacob.

    “Wala!” iritadong sinabi ko.

  • Kabanata 25Open or Close

    Kabanata 25
    Ngiti

    Nakahilig ang ulo ko sa isang malaking sofa. Ako lang yata itong nagpaparty na mukhang puyat.

    “Rosie, phone mo. Lumilindol sa buong lamesa. Kanina pa ‘yan nag vavibrate!” sigaw ni Belle sa gitna ng malakas na house music.

    Dumilat ako at kinuha ang aking purse, kung nasaan ang cellphone ko.Sumasayaw na si Callix, Ava, at Karl sa dancefloor. Tanging si Belle, Edward at Josh na lang ang natitira sa aming lamesa.

    Tiningnan ko ang cellphone ko.

    Simula kagabi, parang nawala ulit ako sa tinatahak kong landas. Pakiramdam ko unti unti ulit akong lumiliko. Pakiramdam ko niloloko ko lang ang sarili ko. Paulit ulit kong sinabi sa sarili ko na ayos lang iyon. Paano ba mag move on? Hindi ba ganoon naman talaga? Sa una, mag aalinlangan ka pa at magmumukha kang napipilitan. Eventually, new feelings will grow within you. This is what I’m doing. There’s not need to get confused.

    Duke:
    How’s the party?

    Binalik ko sa purse ang cellphone ko. Hinilot ko ang aking sentido at hinilig ulit ang ulo sa sofa.

    “May sakit ka ba, Rosie?” tanong ni Belle.
    “Huh? Wala…” sabi ko nang ‘di dumidilat.
    “Kanina ka pa walang gana ah?”
    “Medyo masakit lang ang ulo ko…” sa kakapuyat kagabi.

    Masasaktan ko si Duke. Kailan ko siya sasagutin? Saan patungo ang ginagawa naming ito? Buhol buhol ang mga tanong sa aking utak. Tama ba ito? I know that Maggie’s right… Maybe… Maybe I’ll live with it. Eventually, matatanggap ko na kahit mahal ko pa si Jacob, maaappreciate ko ang presensya ni Duke.

    Ngayon… naiintindihan ko na si Auntie Precy. I know what she’s gone through. I know why she only loved Don Juan Antonio. Dahil syempre, kung pipilitin niyang magmahal ng iba, masasaktan lang sila dahil ang totoo kay Don Juan parin siya. But do I repeat what she did? No… I refuse to do that. That’s really hard. This one in front of me is easy.

    “Hello?” narinig ko si Karl sa kanyang cellphone.

    Imbes na ihilig lang ang ulo doon sa sofa ay umayos na ako sa pagkakaupo. Dalawang shot ng vodka ang dire diretso kong nilagok. Baka sakaling maging maayos ako pag uminom.

    “O? Talaga!? Sa mga sofa!” ani Karl sabay pasada ng tingin.

    Nagkatinginan kaming dalawa.

    “Sino ‘yan?” tanong ni Callix.
    “Ah! Sina Leo at Teddy. Nandito sila sa parehong bar.”

    What the heck? Really? And Jacob with Felicity too, that’s for sure!

    “Tapos? Pinapunta mo dito?” tanong ko.
    “Eh nagtanong kung nasaan tayo…” Nagkibit ng balikat si Karl.
    “Paano nila nalaman na nandito tayo?” tanong ko.
    “Nag upload ako ng picture kanina…” sagot ni Callix.

    Damn it!

    “Bakit? May problema ka ba sa kanila, Rosie?” tanong ni Callix.

    Bago pa ako makasagot ay dumating na si Louie at Teddy. Kaliwa’t kanang high five ang binigay nila sa kay Karl, Callix, Edward, at Josh.

    Nilingon ko ang likod nila at wala naman si Jacob doon. Silang dalawa lang. Naupo sila sa sofa namin at nag kwentuhan tungkol sa kung anu-ano.

    “Rosie!” ani Teddy sa akin.

    Ngumiti ako. Sinuklian niya rin iyon ng ngiti.

    “Tara Belle! Sayaw tayo!” ani Ava.

    Tumayo silang dalawa ni Ava. Sumunod si Louie sa kanila. Nagsalin ulit ako ng unumin sa aking baso. Wala si Jacob. Calm down, Rosie…

    “Kailan pa kayo nakabalik dito?” tanong ko.
    “Noong isang araw pa ako. Sumama ako kay Ron at April. May honeymoon daw ang dalawa.”
    “Oh? Saan sila nag honeymoon?” tanong ko.
    “Sa Batangas daw…”

    Then I remember Duke’s offer. Bumagsak ang tingin ko sa inumin ko at nilagok ko ito. Sasama pa ba ako doon? I feel like I’m being unfair to Duke. Ito rin ba ang naramdaman ni Auntie noon tuwing may ineentertain siyang iba? Na si Don Juan parin talaga?

    “Oh? Kailan ang uwi nila?” tanong ko.
    “Siguro nakauwi na ang mga iyon sa birthday ni Leo. Nga pala… pumunta ka ha?” ani Teddy.
    “Asan nga pala si Leo?” tanong ni Karl.
    “Andoon pa sa labas. Kasama si Jacob.”

    Halos mailuwa ko ang iniinom ko. So much for concluding na wala siya! The hell?

    “Don’t worry, Rosie… Mag isa si Jacob.”
    “Ha? What do you mean?” Patay malisya kong sinabi.
    Umiling si Teddy at nginitian ako.
    “Bakit nga pala kayo nandito?” winala ko ang usapan.
    “Nagkayayaan lang. Minsan lang kami sabay sabay na nandito. Si Louie baka mamalagi na sa Alegria, e.”
    “Oh? Sa negosyo ‘no?”
    “Si Jacob rin, baka mamalagi sa Alegria.”

    Nag iwas ako ng tingin. Kitang kita ko ang kuryosidad sa mga mata ni Teddy nang sinabi iyon sa akin.

    Bakit mamamalagi si Jacob sa Alegria? Akala ko ba Manila based siya?

    “Ganoon ba?” sabi ko sabay tingin sa tumayong si Josh at Edward.

    Umiling ako. Nakita kong may gusto silang lapitan na mga babae para pormahan. Biniro ko pa sila na isama nila si Karl. Talagang sumama ang mokong sa pamomorma.

    “Hello, dude! Asan na ba kayo?” ani Teddy. “Ang tagal n’yo namang pumasok! Ano nakahanap ka ng chic diyan?”

    Tumikhim ako at uminom ng tubig. Inayos ko ang damit ko. I’m wearing a black tube top dress.

    “O sige… Lina kayo…” ani Teddy at binaba na ang cellphone. “Si Leo…” paliwanag niya sa akin.

    Ilang sandali ang nakalipas ay naaninag ko na si Leo. Tumuwid ako sa pagkakaupo ko. Nasulyapan ko pa si Jacob sa likod niya. Mag isa nga siya. Tunay na wala si Felicity.

    “Oh? Nandito ka pa?” Humagalpak si Leo sabay highfive kay Teddy.
    “Ang tagal n’yo e!” ani Teddy.

    Bumaling ako kina Karl. I don’t want to be awkward. Kaya laking pasasalamat ko nang bumalik si Karl at si Josh sa mesa. Si Edward ay nakasayaw na ang babaeng pinormahan sa dancefloor.

    “Dude!”

    Bumalik din si Callix at kaliwa’t kanan ang high five. Tahimik lang ako habang nag uusap usap sila. Umupo si Jacob sa tabi ni Teddy. Nakita kong nag tawag kaagad siya ng waiter at umorder na. Nag iwas ako ng tingin.

    “Nasa kabilang lamesa ang mga pinsan ko. Pupuntahan ko lang…” ani Teddy at tumayo na.
    “Sama ako…” ani Leo pero bago siya umalis ay nagbilin ng order sa waiter.

    Ang natitira sa lamesa ay ako, si Callix, Karl, Josh, at Jacob na lang. Nang tumayo si Josh at Karl para pumuntang dancefloor ay nanlamig na ako. Tangina, bakit naiiwan kami?

    “Uh, susundan ko lang si Belle. Medyo lasing pa naman iyon.”

    What the heck? Why are we alone here?

    Umiling ako at bahagyang natawa dahil naiwan kami. Seryoso ang ekspresyon ni Jacob nang tumingin siya sa akin. Bumaling siya sa lumapit na waiter at nakita kong tubig ang inorder niya at isang shot ng whiskey.

    “Hindi ka sasayaw?” tanong ni Jacob sa akin.

    Nanatili ang mga mata ko sa baso. Umiling ako bilang sagot.

    “Ikaw? Ayos lang ako dito.” Tumawa ako. “You can dance. You don’t have to worry about me here…”
    “Hindi na,” ani Jacob.

    Oh… right! May girlfriend siya. Bakit pa siya sasayaw, ‘di ba?

    “Sorry nga pala kahapon, ha? Pakiramdam ko nagutom ka kaka antay…” sabi ko.
    “Hindi naman… Kumain naman ako bago pumunta doon. ‘Tsaka niyaya naman ako ni Maggie at James, tinanggihan ko dahil busog pa ako. Anong oras pala ang out mo sa trabaho?”

    Hindi ko alam kung bakit naninikip ang dibdib ko. Para itong pinipiga. I tried to act calm but I just couldn’t.

    “I-Uhm… Alas kuatro y media ang out ko. Natagalan lang ako kasi nag dinner kami nina Karl kahapon. Kakabalik lang kasi ni Josh, e. Nanlibre…”
    Tumango siya.
    “Next time na pumunta ka sa bahay, magsabi ka sa akin para hindi naman ganoon.”
    He smiled. Parang kinukurot ang puso ko. Damn that smile. I remember that so well. “Next time…”

    May next time pa ba, ha, Rosie? Tangina.

    Natigil kami sa pag uusap nang bumalik si Leo. Natatawa pa ito pagkabalik. Parang nag asaran yata sila sa mesa nina Teddy.

    “Ano?” tanong ni Jacob.
    “Itong si Teddy, ililibre niya daw ako pag nilapitan ko ‘yong expat…”
    “Tapos? Lalapitan mo?” tanong ni Jacob sabay tawa.
    “Asan diyan, Leo?” tanong ko sabay hagilap sa buong bar.

    Sa counter, may nakita akong mag isang koreana o chinese.

    “Mamaya may boyfriend ‘yan…” Kinuha ni Leo ang whiskey at pinangalahati. “Pero… sige. Ililibre kahit na anong order daw. Oorder talaga ako ng mamahaling wine para sa ating lahat!”
    “Maganda…” sabi ko sabay tingin kay Leo.
    “Mas maganda ka pa…” ani Jacob.

    What? Nanatili ang tingin ko kay Leo. Ngumisi si Leo sa akin.

    “Humanda talaga si Teddy…”

    Dumiretso na si Leo doon sa counter. Sinundan ko siya ng tingin. Ganoon din yata ang ginawa ni Jacob.

    “Hmmm…”

    Napalingon ako kay Jacob.

    “Bakit?”
    Nanatili ang tingin ni Jacob sa babae.
    “‘Yan yata ‘yong transgender na pinormahan ni Teddy kasi akala niya babae!”
    “What?” napalingon ako kay Leo na ngayon ay kakausapin na ang babae. “There’s nothing wrong with being a transgender…”
    “Wala nga. Pero kung straight ka, hindi pwede ‘yan…”

    Nakita naming umiling si Leo at natigilan. Humagalpak si Jacob. Umiling lamang ako ngunit di ko mapigilan ang mapangiti. Ang mga trip talaga ng mga unggoy na ito.

    Bumalik si Teddy sa aming lamesa sabay high five kay Jacob.

    “Baliw ka talaga, Teddy!” ani Jacob.
    “Hoy!” sigaw ni Leo, pabalik na sa amin.

    Kitang kita ko ang pamumula ng kanyang pisngi. Nagtawanan kaming lahat.

    “Nilapitan ko! Nilapitan ko! Libre mo ako!” ani Leo.
    Umirap si Teddy. “Whatever.”

    Umorder si Teddy ng isang mamahaling wine. Sabay silang dalawang dumiretso sa dancefloor leaving me alone with Jacob once again.

    “Mga baliw talaga ang mga ‘yan.”
    “Oo nga… walang pinagbago…” sabi ko.

    Inubos ko ang kalahating tubig sa aking baso. Siguro sakto na iyong nainom kong alak ngayon.

    “Water?” tanong ni Jacob nang nakitang ubos na ang tubig ko.
    “Yes, please…” sabi ko.

    I can’t explain how awkward this is!

    Naramdaman ko ang paglindol sa lamesa habang nilalapag ni Jacob ang tubig malapit sa akin. Kinuha ko kaagad ang purse ko. I don’t want to draw too much attention so I need to see the message right away.

    Duke:
    Hey… I’m worried.

    Shit…

    Ako:
    I’m sorry. I’m preoccupied with the party.

    Duke:
    Did you dance? Sinong maghahatid sa’yo pag uwi mo? Do you want me to pick you up?

    Napatingin ako sa dancefloor. Tahimik lamang si Jacob, parang hinihintay akong magsalita pagkatapos ng panandaliang katahimikan.

    Ako:
    Si Karl…

    Which is true. I won’t let Jacob drive me home kahit na ipagkanulo pa kami ng mga kaibigan ko. O kahit na sabihing friendly gesture iyon.

    “Hi! I can see that you want to dance judging by the way you look at the dancefloor… Here… take my hand…” anang isang lalaki sabay lahad ng kamay sa akin.

    Napatingin ako kay Jacob. Kitang kita ko ang pag igting ng panga ni Jacob habang nakatingin sa lalaki.

    “Nag uusap kami. She can’t dance…” malamig ngunit mahinahon niyang sabi sa lalaki.
    “Oh! I’m sorry. I didn’t mean to interrupt. I just thought she wants to dance…”

    Umalis ang lalaki. Sinundan iyon ng tingin ni Jacob. Huminga ako ng malalim.

    “Hayaan mo na. Ganyan talaga pag nasa bar. Gagawin ng iba ang lahat makasayaw lang…”
    Bumaling si Jacob sa akin. “Noon ba… Paano ka nakakawala pag may ganyan?”
    “Minsan sinasabi ko na… may boyfriend na ako.” Really, Rosie? “O minsan… boyfriend si Karl.”
    “Buti di ka kinukulit masyado?”
    “Kapag nandyan si Karl, hindi ako kinukulit. Kapag mag isa ako, ‘yan… may mangungulit,” sagot ko.
    “Tapos? Anong sinasabi mo?” He looks so attentive.
    Nagkibit ako ng balikat. “May boyfriend. Paulit ulit lang hanggang sa mag sawa…”
    “Tss… Lalo na ngayon na may billboard kang bago, ‘di ba?”
    Tumikhim ako. “Uh… Yup… But… the people in clubs don’t usually remember me as the billboard model so… it doesn’t matter. May iba… pero madalas, hindi nila maaalala.”

    Nag vibrate ulit ang cellphone ko. Tumuwid sa pagkakaupo si Jacob. Binasa ko ang mensahe ni Duke.

    Duke:
    Text me pag pauwi ka na…

    Sumulyap ako kay Jacob. Naabutan kong nakatingin siya aking cellphone. Nagkatinginan kaming dalawa.

    “Uh… kailan uwi mo sa Alegria?” tanong ko.
    “Hindi pa ako sigurado. Siguro sa makalawa…” ani Jacob. “Ikaw? Kailan ang balik mo doon?”
    “Hindi pa ako sigurado.”
    “Babalik ka pa ba doon?”
    “Uh, nangako ako kay Auntie Precy na babalik ako…”
    “May plano ka sanang hindi na bumalik?”

    Shit!

    “Uh… hindi naman.”

    Tumango si Jacob. Natahimik ulit kaming dalawa. Nakakabingi at nakakapanindig balahibo ang katahimikan na namagitan sa amin. Kung hindi lang bumalik sina Karl, Ava, at Belle ay makakarinig na talaga ako ng crickets…

    “Magsaya naman kayo! Ano? Sayaw, Rosie!” ani Karl.

    Umiling ako. Uminom lang noong wine na binili ni Teddy ang tatlo at bumalik na ulit sa dancefloor. Naiwan ulit kami ni Jacob doon.

    Napatingin ako kay Jacob na ngayon ay tulala sa kanyang baso. Sinamantala ko ang pagkakataong iyon para titigan ang kanyang mukha. He’s really so handsome. Like a manly model straight from a men’s magazine.

    “Kumusta ang negosyo?” tanong ko.
    Napatingin siya sa akin. “Maayos naman.”
    “Balita ko… dalawang palapag daw ang sakop ng Headquarters ng J.A. dito sa Maynila, a? ‘Tsaka napansin ko noong pumunta ako sa pabrika, may bagong building…”
    Tumango siya. “Oo. Gusto mong pumasyal sa HQ dito sa Maynila?”

    Napawi ang ngiti ko. Tumikhim si Jacob. He probably understood why I couldn’t accept that.

    “Maganda na…” simpleng nasabi niya.
    Tumango ako at bumaling sa baso ko.
    “Ikaw? Kumusta ang trabaho?” Hindi siya makatingin sa akin.
    “Maayos naman…”
    “Mabuti… May plano ka bang mangibang bansa ulit?”
    “Kung may chance o opportunity, ayos din. Pero kuntento ako ngayon sa trabaho ko sa VMalls.”
    “Lumipat sa ibang trabaho? O… magpapromote? Mayroon.”
    “Promote, sure! Lipat? Saan naman? I can’t think of any company. Besides, I owe VMalls almost everything. Hindi ko mapapag aral si Maggie kung wala ang V Malls.”

    Natahimik si Jacob. Nanatili siyang nakatingin sa kanyang baso.

    Bumalik ang mga kaibigan namin. Napagod yata sila sa kakasayaw kaya nanatili na sila sa lamesa. Tahimik na ako. Ganoon din si Jacob. Ala una nang nagdesisyon kaming mga girls na umuwi. Gusto ko na ring umuwi.

    “Uwi na tayo, Karl…” bulong ko kay Karl.
    Umiling siya. “Mamaya na…”
    “Gusto mo nang umuwi, Rosie?” tanong ni Jacob.

    Napatingin si Leo sa akin. Tumikhim ako at bahagyang kinurot ang braso ni Karl. Napatingin si Jacob sa kamay ko at napaawang ang bibig niya. Mabilis kong inalis ang kamay ko sa braso ni Karl.

    “Hindi na… Ihahatid naman ako ni Karl…”
    “Oo! Oo, ihahatid ko siya!” ani Karl.

    Tinikom ni Jacob ang bibig niya at tumango siya ng isang beses. Shit! Nakita niya iyong pagkurot ko sa braso ni Karl.

    Tumayo ako. Ganoon din si Ava na sasabay na rin sa amin. Nag beso ako kay Belle dahil maiiwan siya sa pag aantay niya kay Callix.

    “Alis na ako! Bye guys…” sabay kaway ko sa mga boys.

    Kumaway si Leo, Louie, at Josh sa akin. Tumango lamang ang iba. Nanatili ang tingin ni Jacob sa kanyang inumin.

    “Jacob… mauna na ako.”

    Nag angat siya ng tingin sa akin at tumango ulit ng marahan. Ngumiti pa ako para mangiti rin siya. I’m sorry for doing that. Pakiramdam ko, naramdaman niyang ayaw kong siya ang mag hatid sa akin.

    Tumango siyang muli. “Ingat kayo…”
    “See you… uh… Jacob…”
    “See you.”
    “Wait, Rosie. Hingi ako ng number mo para ma contact na kita,” ani Leo sabay tayo at kuha ng cellphone.

    Sumulyap ako kay Jacob at nakita kong ininom niya ng diretso ang wine. Hindi ko na mapigilan ang pag singit.

    “Jacob, dahan dahan lang. Mag dadrive ka pa…” sabi ko.
    Nag angat siya ng tingin sa akin. “Huli na ‘yon…”
    Tumango ako at bumaling kay Leo. Naabutan kong nakatingin si Leo sa akin. His smirk showed. “Sige na… Number mo na…”

    Binigay ko sa kanya ang number ko. Pagkatapos ay nagpaalam ulit ako. Nang palayo kami ay nilingon ko ulit ang lamesa. Nakita kong nakatingin si Jacob sa akin. Kumaway ulit ako sa kanya at malapad na ngumiti. Tipid din niyang tinugunan ang ngiti ko.

    Kinagat ko ang labi ko at lumabas na ng bar. Tahimik ako habang naglalakad patungo sa sasakyan ni Karl.

    “Anong problema mo, Roseanne?”
    Napawi ang ngiti ko sa tanong ni Karl. “Kanina ka pa pangiti ngiti!”
    Tumawa si Ava. “Hmmm…”
    “Ha? Wala!” Kumunot ang noo ko at binuksan na ang pintuan ng sasakyan ni Karl.

    Nang naupo ako doon ay pumikit ako ng marahan. Lord, please help me.

  • Kabanata 26Open or Close

    Kabanata 26
    Done

    Nahihiya ako kay Duke. Noong Linggo ay madalang ang text ko sa kanya. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na hindi pa talaga ako handa. Na pinipilit kong maging maayos at ayaw kong sa bandang huli ay masaktan ko siya. But I also don’t want to tell him that through the phone. Gusto ko ng harap harapan para mas maayos ang usapan.

    Maaga ako sa trabaho nang nag Lunes. I’m hoping to see Duke before he goes out for a meeting. Nag titimpla ako ng kape at luminga linga sa buong opisina para mahanap siya.

    “Nandyan naba si Mr. Valenzuela?” tanong ko sa isang empleyado.
    “Wala pa yata, Miss, e…” sagot niya.

    Nasa labas rin ako uminom ng kape para mag antay sa kanya. Nang may nakita na akong mga pulang rosas ay tumuwid na ako sa pagkakatayo. I think it’s him!

    Pupunta na sana siya sa opisina ko ngunit nang nakita niyang nasa dispenser ako ay lumapit siya sa akin. Napatingin ako sa mga empleyadong nakatingin sa amin. Uminit ang pisngi ko.

    “Good morning, beautiful!” aniya sabay bigay ng bulaklak sa akin.

    Tinanggap ko iyon. Sa kabilang kamay ko ay ang kape.

    “Thank you, Duke. Naku! Nag abala ka ulit…”

    Iginiya ko siya patungo sa aking opisina. Kabado na ako pagkapasok pa lang. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan pero kailangan ko talagang sabihin kaya wala akong magagawa. Nilapag ko ang mga rosas sa aking lamesa at umupo sa swivel chair. Si Duke ay nasa harap ko ulit, like the usual.

    “Duke…” sabi ko sabay pangalumbaba sa aking lamesa.

    I just want this as smooth as possible. Ayaw ko ng tensyon.

    “Maybe we should slow down…” panimula ko.
    Tahimik lamang siya. Parang hinihintay akong dagdagan ang sasabihin.
    “I mean… sa lahat ng ito… Slow down. I don’t want to just suddenly decide…”
    “I’ve been slowing down for years… But… yes, Rosie. I told you I can wait…”
    “I don’t want you to wait…” Shit!

    Hindi nakapagsalita si Duke. Hindi ko alam kung paano sasabihin ang parteng iyon. Ayaw kong ipressure ang sarili kong mag move on dahil lang may nag aantay. I want to go through this journey alone. Iyong hindi ako natatakot na matagalan kasi ako lang din naman ang involve. Pag may pinag antay ako, mapepressure lang ako.

    “I mean… I don’t want you to be involved. I want to be okay alone first.”
    “Okay…” Tumango siya.
    Tumango rin ako.
    “It’s been three years since you and your ex broke up. I hope you’ll be okay. That’s a long time…”
    “It’s not about that… Ayaw ko lang mag padalos dalos, Duke.”
    “Okay… I support you on that. Hindi tayo magpapadalos dalos…” Ngumiti siya.
    “Thank you…” sabi ko.

    May kumatok sa aking pintuan. Bumukas ito at nagpakita si Joanne.

    “Aalis na tayo, sir,” aniya kay Duke.
    “Okay… Susunod na ako…” Bumaling si Duke sa akin. “So… I’ll just text you then?”
    Tumango ako at tipid na ngumiti.

    Pagkaalis niya ay ‘tsaka ako nakahinga ng malalim. I didn’t mean to hurt or disappoint him, though. Gusto kong mag text sa kanya at mag sorry pero hindi ko ginawa. I will remain firm with my decision.

    Inubos ko ang ilang oras sa loob ng opisina para sa mga paper works. May upcoming job interviews sa mga applicant ng mga malls nila kaya hinahanda ko rin ang mga files.

    Naisip kong hindi ako papadalhan ni Duke ng pagkain kaya alas onse pa lang ay lumabas na ako para makabili ng pagkain. Gusto ko kasing tuloy tuloy na ang trabaho para mamayang hapon.

    Nang naaninag sa lobby ang isang pamilyar na babae ay natigilan ako. Felicity is wearing a white off shoulder dress. Nang nakita niya ako ay tumayo siya.

    Tiningnan ko ang bulletin board. I’m pretty sure the second interview’s done.

    “Hi Rosie!” ani Felicity sabay ngiti.
    “Hello!” Hindi ko alam kung paano pa ngingiti sa kanya. “Second job interview?” tanong ko.
    Umiling siya. “Nagpunta ako dito para makausap ka.”

    Hindi ako nakagalaw sa sinabi niya. What’s this for? Luminga linga ako para matingnan kung may ibang tao ba.

    “Can we talk in private?”

    Hindi ko alam kung sa opisina ko ba siya dadalhin o sa labas. But I figured it’s more private in my office so…

    “Sa opisina tayo…” malamig ang tono ko at tinalikuran ko na siya para maka diretso sa opisina.

    Sumunod naman siya. Pinagbuksan ko siya ng pintuan. Pumasok siya. She gracefully sat down the chair in front of my table.

    Umupo naman ako sa swivel chair. Now this is so awkward!

    “Is there something wrong with the result of the interview?” panimula ko.
    “Hindi iyan ang pinunta ko dito…” Bigo siyang ngumiti.

    Now, my heart’s on my throat. Ano ang pinunta niya dito kung ganoon?

    “I broke up with Jacob…” aniya.

    Umalingawngaw iyon sa buong opisina ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko pagkatapos noon. Nanatili ang tingin ko sa kanya. Kitang kita ko ang bigo at pagod sa kanyang mga mata.

    “I can’t handle him…” wika ni Felicity.

    Nanginig na ang kanyang boses. Tears stream down her eyes. Hindi ako makahinga. Naestatwa ako sa kinauupuan ko.

    Umiling siya at humikbi. Nangilid din ang luha sa aking mga mata. Here is a girl who loves Jacob dearly. She is weeping for it.

    “Anong nangyari? Bakit?” tanong ko.
    “From the very beginning, I know that he’s still not over you. From the very start of our relationship, I know what I’m risking. Na sugal itong lahat pero kaya kong sumugal dahil si Jacob, e.”
    “Huh?”

    Kumalabog ang puso ko. Hindi na ako makahanap ng mga tamang salita. Hindi ko alam kung paano siya aaluin.

    “I tried my best. He tried his. But he failed miserably!”
    “That’s impossible! You two looked so in love with each other!” sabi ko.
    “I’m in love. He’s just being a gentleman!”

    Hindi ako nakapagsalita. Pinalis ni Felicity ang kanyang mga luha.

    “Nagpunta ako dito para sabihin sa’yo ‘to. Because I know… I know deep within him, he wants you back. He’s just so scared…”

    Hindi ako makapaniwala na naririnig ko ito ngayon. If I were her, I’d go. Hinding hindi ko sasabihin sa taong mahal ng mahal ko ang mga ito.

    “Alam mo, Rosie? Galit na galit ako sa’yo! Galit na galit ako kasi bakit ikaw pa ang nauna! It could’ve been me! If only mas maaga niya akong nakilala! Galit na galit ako sa’yo sa lahat ng ginawa mo sa kanya! Wala siyang kasalanan! Minahal ka lang niya-“
    Umiling ako. “You don’t understand. You don’t know that. Hindi ikaw ang nasa-“
    “Kahit ano pa! I would never leave Jacob for anything. I’ll hold his hand and guide him through his problems! Lalo na dahil inaasahan niya iyon. But you didn’t! I’d like to think that these are just hang ups! Pero tuwing tinatanong ko siya tungkol sa’yo, alam kong hindi!”

    Anong sasabihin ko? Galit ako kay Jacob ngayon. Is this why he’s been acting strange lately? Kasi wala na sila? E tangina niya pala! Asshole!

    “Kailan kayo nag break?” tanong ko.
    “The same night you two got stranded! I broke up with him…”
    “If you love him, bakit mo siya nakayang iwan? Hindi ba kakasabi mo lang na hinding hindi mo siya iiwan? That you’ll just hold his hand and guide him?”

    Sumuko ang mga luha ko.

    “You know he’s a gentleman. He won’t fail you! Hindi ka niya iiwan! Alam mo ‘yon? Kasi responsibildad niya ang puso mo! Alam ko ‘yon dahil kilala ko siya! Alam kong papanindigan niya ang mga desisyon niya! You should’ve stayed with him! E gaga ka pala! Iniwan mo! Kahit mahal mo?”

    Hindi ko alam kung sinong sinasabihan ko noon. Siya ba o ang sarili ko!

    Bahagya siyang huminahon. Pulang pula ang kanyang ilong. Tumuwid siya sa pagkakaupo at inayos niya ang sarili niya.

    “Because it would only hurt him. Kapag nanatili ako sa kanya, masasaktan lang siya. At mas lalo lang akong masasaktan.”

    Natahimik ako. Hindi ko alam kung bakit niya ito sinasabi sa akin.

    Kumuha siya ng tissue at pinunasan niya ang kanyang mga luha. Natulala ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

    “Alam mo ba noong una kaming nagkakilala? He’s cold and ruthless… I melted his facade. He loosen up… And at the same time, he got through me too.”

    Ayaw kong marinig ito. Hindi ako tulad niyang martyr. Matalim ko siyang tinitigan pero hindi niya nabasa ang ibig kong sabihin.

    “Months passed, doon ko pa lang naramdaman kung anong kulang. He’s so kind… gentle… and caring… you won’t realize it when you’re not in love with him. And then I heard about you…”
    “Bakit mo ‘to sinasabi sa akin?” Nag iwas ako ng tingin.
    “Dahil masasayang ang pag iwan ko sa kanya kung hindi mo ‘to malalaman. You left him, you pick him up now. Don’t wait for him to make the first move because he’s so damn scared you’ll break his heart again!”
    “I broke his heart for the right reasons! And you think hindi ko rin nasaktan ang sarili ko? I was hurt too! Ako! Ako ‘yong nag sakripisyo! Nabigo rin ako! Why can’t you frigging see that? Kung ikaw ba ang nasa kinatatayuan ko, hindi mo ‘yon gagawin? And how sure are you na hindi mo ‘yon gagawin, ha? You don’t know anything! That was my only choice!”
    “Kung ako ang nasa posisyon mo noon, I would do anything just to support him! That’s what he needed that time! The support from you but you did not give him anything! Sakit lang ang binigay mo sa kanya!”
    “Fine! You’re the better decision maker! Pero nasasabi mo lang ‘yan kasi hindi mo naramdaman ang lahat ng naramdaman ko noon! My mother’s sick! Walang pera sa bahay! Nag aaral ako! And my boyfriend’s self destructing because his attention’s all on me! Hindi siya makalingon sa business na iniwan ng kanyang ama! You think it’s that easy to just support and guide him?”

    Pumikit si Felicity. Hindi siya nakapagsalita. Nanginginig ako sa pinaghalong galit at inis.

    “Sana, Rosie… sa pagkakataong ito, huwag mo na siyang saktan. I don’t know what kind of boyfriend he is to you but to me, he’s supportive, gentle, kind, sweet, and caring. He just can’t be faithful to me. Dahil alam ko kung sino talaga ang tinitibok ng puso niya.”

    Hindi ako nakapagsalita. If I were her, I wouldn’t let Jacob go. Mahal na mahal ko ‘yon at di ko hahayaang sa iba siya mapunta. It would break my heart.

    “I love him so I set him free. I freed him dahil totoong mukha siyang nakakulong sa akin. He’s trying his best to be fine but I know deep inside him he’s not. Nandito ako ngayon sa harap mo para sabihin sa’yong huwag mo siyang sasaktan pa… Ang hirap magmahal ng taong hindi ka minamahal, Rosie. Ang hirap magbakasakali na mabaling ang atensyon niya sa akin. Huwag mong sayangin ang pagpapakawala ko sa kanya…”

    Tumayo si Felicity at dumiretso sa pintuan. Padabog niyang sinarado ang pintuan. Pumikit ako ng mariin. What is this mess we made?

    Paulit ulit kong binalikan ang mga sinumbat ni Felicity sa akin. Hindi parin ako makapaniwalang wala na sila. Wala namang sinabi si Jacob sa akin. Hindi naman niya sinabing break na sila ni Felicity. Hindi kaya gusto pa ni Jacob na magkabalikan silang dalawa?

    Buong araw na akong wala sa sarili sa aking opisina. Hindi na nga ako nakapagtanghalian dahil sa sobrang preoccupied sa nangyari. Jacob is such an ass! At hindi niya ba hinabol si Felicity? He did not ask her back? What if he’s asking her back now?

    Pinindot ko ang numero ni Leo sa aking phonebook. Nag ring ito at agad na sinagot.

    “Yes, Rosie…” his tone is playful.
    “Leo, can you answer a question?”
    “Ano ‘yon?” pumormal ang boses niya.
    “Break na ba si Felicity at Jacob?”
    Hindi siya agad nakasagot. “B-Bakit?”
    “Nagtatanong ako. Huwag mo akong sagutin ng tanong…”
    “Rosie, how did you know?”
    Pumikit ako ng mariin. “Can I have Jacob’s number?”
    “O-Okay… I’ll send it to you…”

    Namuti na lang ang mata ko at walang dumating na numero ni Jacob. Gusto kong magsisigaw ng mura. Hindi ako mapakali buong araw sa opisina. Naiflood ko na rin kay Leo ang pag hingi ko ng numero kay Jacob pero walang dumating.

    “Are you done?” tanong ni Duke.

    Hindi ko nga namalayang alas singko na. Kung hindi pa niya ako kinatok at pinasok sa opisina ay mag oovertime ako ng walang ginagawa.

    “Yes… I’m… done…” sabi ko sabay hagilap sa aking bag.
    “I’ll drive you home.”
    “Huwag na, Duke…” sabi ko.
    “I know what you’re doing. You want me to back off a bit but this is just a friendly gesture. It’s just a drive to your home. Ni hindi nga kita niyayayang mag dinner, e.”

    He smiled. I couldn’t. Tumango lamang ako.

    “Okay then…”

    My mind’s spinning. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong unahin. Hindi ko alam kung anong mangyayari pagkatapos nito.

  • Kabanata 27Open or Close

    Kabanata 27
    Refuse

    Tahimik ako sa loob ng sasakyan ni Duke. I don’t want him to be bothered though. Alam kong ramdam niya ang katahimikan ko kaya niya pinatugtog ang stereo. Madalas hindi niya ginagawa iyon.

    “Are you okay?” binasag niya ang katahimikan.

    Duke is a friend. I suddenly want to share some things to him but I know it will probably hurt him so I didn’t. Si Maggie na lang ang kakausapin ko. O di kaya ay si Karl!

    “Okay lang ako…”
    “You’re spacing out.”
    Tumango ako. “May iniisip lang.”
    “May problema? Pamilya?” tanong niya.
    Ngumiti ako. “Wala…”

    Hindi na ulit kami nag usap. Ikinahiya ko iyon. I have to remind myself that next time, I shouldn’t let him drive me home.

    Kinalas niya ang aking seatbelts. Nagulat ako sa ginawa niyang iyon. Napagtanto ko kaagad na nasa tapat na pala ako ng bahay.

    “I-I’m sorry…” natatawa kong sinabi.
    “It’s okay…” aniya.

    Binuksan ko ang pintuan. Karga karga ko ang bouquet na binigay niya sa akin kanina. Nginitian ko siya. Tipid rin siyang ngumiti sa akin.

    Sinarado ko ang pinto. Pagkatapos ay umalis na siya. Nanatili ako ng ilang sandali sa labas bago tinalikuran iyon para makapasok sa aming gate.

    Hindi ko pa nabubuksan ang gate namin ay nakita ko na ang anino ng isang matangkad na lalaki sa pintuan. It was Jacob. Nagtiim bagang ako. He’s here again! Mabuti naman at hindi ko na kakailanganin ang tulong ni Leo para lang makipag kita kay Jacob.

    Pumasok ako sa gate namin. Kitang kita ko ang paglunok ni Jacob at pagbukas niya sa pintuan ng bahay para makapasok ako.

    Dire diretso ang pasok ko. Si Maggie at James ay nasa kusina at mukhang abala sa paghahanda ng pagkain.

    Nilapag ko ang mga rosas sa lamesa at hinarap si Jacob.

    “Hiwalay na kayo ni Felicity?” malamig na tanong ko kay Jacob.

    Hindi siya nakapagsalita. Parang nagulat sa tanong ko.

    “Why did you court her in the first place, anyway?”

    Matalim ko siyang tinitigan. Sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong nakatingin si Maggie sa aming dalawa. Wala akong pakealam kung marinig ng kapatid ko at ni James ang mga bagay na ito.

    “What? To show me that you’re with someone new?” tanong ko. “Pumunta siya sa opisina kanina! She went there! She cried! She told me she left you because she thinks you don’t love her! Tell me! Do you love her?” sigaw ko sa kay Jacob na ngayon ay nakatayo lang sa harapan ko.

    Pakiramdam ko mababaliw na ako sa kakatanong sa kanya dito ngunit mananatiling ganyan ang reaksyon niya.

    “Tingin ko ay tama ang lahat ng sinabi mo noon sa akin…” mas malamig niyang tono.
    “Na ano?” inip kong tanong.
    “Na… nakakasama ka sa akin. Gusto kitang balikan… pero natatakot akong pag nakita mong masyado ulit kitang mahal, iiwan mo ulit ako. So I chose her. She’s a better choice.”
    “Yes…” Tumango ako. “She’s a better choice.”

    Tangina!

    “Hindi niya ako bibiguin. Mahal niya ako. Wala akong takot kapag siya ang para sa akin. Kapag ikaw, lagi akong takot. Ayaw ko nang maulit pa iyon…”

    Tangina ang sakit!

    “O! Edi bakit mo hinayaang makawala ‘yon! Edi sana ‘di ba? Nagmakaawa ka! Kasi ‘yon dapat ‘yong sa’yo! She’s a better choice!”

    Pagod niya akong tiningnan. Hindi siya nagsalita. Pumungay ang mga mata niya at ngayon ay pulang pula ang kanyang ilong.

    “Kaya ka ba nandito kasi wala na siya? Wala na ‘yong better choice mo kaya ako ulit?”

    I did not want to sound so bitter and hurt but I did. Nawalan na talaga ako ng filter ng tuluyan.

    “Hindi ba ikaw na rin ang nagsabi? Nakakasama ka sa akin. I believed in you. Masyado akong in love sa’yo kaya totoong nakakasama na iyon. She’s a better choice because I don’t love her the way I loved you.”

    Hindi ako nakapagsalita.

    “Hindi ko siya hinabol dahil alam kong sa huli, hindi parin talaga pwede! Sinong niloloko ko? ‘Di ba?”
    “Fuck! And you shut up! I’m trying my best to move on! I hated you so much for finding someone! For not listening to me when I needed you to hear my heart! Ang tanging nakikita mo lang noon ay ang sarili mong puso! That you’ll get hurt if I let you go!”
    “I hated you too, Rosie! Tinulak mo ako palayo! Sobra sobra ang sakit na binigay mo sa akin! At alam kong nasaktan ka rin sa ginawa mo noon! Hinawakan mong mag isa ang relasyon nating dalawa! Nating dalawa! Sating dalawa ang relasyong iyon! Dapat tayong dalawa ang nag dedesisyon!”
    “Hindi mo kayang mag desisyon sa mga panahong iyon. You’re broken that time!” sigaw ko.
    “Mas lalo ka dapat nag ingat sa desisyon mo! Dahil wasak ako noon! You did not believe in me. Hindi ka naniniwalang kaya ko. Ang taong sandalan ko, hindi naniniwala sa akin. How can I believe in myself, then?”

    Natahimik ako.

    “Nawalan ako ng tiwala sa sarili ko noon! Dahil sa nangyari! Ayaw ko nang balikan pero nasaan ako ngayon? Ha?” sigaw niya.
    “Then should I thank Felicity for breaking up with you? Kaya nandito ka ulit sa akin?” Nanliit ang mga mata ko.

    Huminga si Jacob ng malalim. Pulang pula ang kanyang mga mata. Maging ang kanyang ilong ay pulang pula na rin.

    “Dito rin naman ‘to patungo. Alam ko ‘yon, noon pa… She just spared me the break up lines…” Nag angat siya ng tingin sa akin. “Bakit? Masaya ka ba na nandito ulit ako? Hindi ba ay may iba ka na rin?”

    Napatingin siya sa mga bulaklak sa lamesa.

    Suminghap siya ng matagal at nakita ko ang sa gilid ng mga mata niya ang mga luha. Parang kinukurot ang puso ko. Nawalan ako ng lakas para sigawan siya o magsalita man lang.

    “Kaya nga pagkakakaibigan na lang ‘di ba? Kahit anong kaya mong ibigay, ‘yon na lang… Ayokong magaya kay daddy. I refuse to marry for convenience. Kahit na sabihing minahal niya si mommy, alam kong ganito ang naramdaman niya para kay Auntie Precy. I refuse to be like him. I want… you… Pero kung hindi pwede, edi di bale na.”

    Hindi ako nakapagsalita. Ang sikip ng dibdib ko at pakiramdam ko ‘di ko pa kayang magsalita.

    Tumikhim si Maggie. Walang nagsalita sa aming dalawa ni Jacob. Na estatwa ako sa kinatatayuan ko. Ganoon din siya.

    “Dinner?” ani Maggie.

    Hindi ako nagsalita. Umiling naman si Jacob.

    “Salamat, Mag… Mauuna na ako… Uuwi na muna ako…” ani Jacob.

    Sumulyap siya sa akin. Hindi ko siya pinigilan. Masyadong masikip itong bahay para sa aming dalawa.

    “Oh? Kumain ka muna bago umuwi…”
    “Hindi na…” ani Jacob sabay labas sa aming pintuan.

    Sumunod si Maggie sa kanya para siguro ihatid sa labas. Nanghina ang tuhod ko. Hindi ko kinaya kaya naupo na ako sa sofa. Niyakap ko ang mga tuhod ko at ginulo ko ang buhok ko.

    Nang narinig ko ang pag alis ng Hummer. Bumalik si Maggie sa loob. Umuga ang sofa. Kahit hindi ko nakikita ay alam kong nasa tabi ko si Maggie.

    Hindi ko alam kung bakit bigla akong naiyak dahil sa ginawa niya. Pakiramdam ko ang mga luhang ito ay masyado kong inalagaan sa loob ng aking mga mata.

    “Tangina, Mag… Ano na ngayon? Hindi ko na alam!” sabi ko.
    “Ganoon ba kayo lagi kung mag usap? Nag sisigawan? Mag usap naman kayo ng mahinahon o…” ani Maggie.
    “I’m trying to move on! Nakapag simula na ako. Tapos ganito? Ano? Balik sa dati? Nawala lahat ng pinaghirapan ko?”
    “Bakit? Rosie, ano ba ang gusto mo?” tanong ni Maggie.

    Maging ako ay wala nang sagot sa tanong na iyan. Ang hirap. Sobrang hirap.

    “It’s not that easy! It’s not that easy to come back to him, you know! Paano? Hindi ko alam! I can’t even imagine it!”
    “Dahil nagbago na siya?” tanong ni Maggie.

    Hindi ko alam kung bakit nahihirapan ako. Hindi ako makapaniwala na may posibilidad na magkabalikan kami. And if it’s a wise choice! What’s a wise choice in this situation? Hindi ko alam. Natatakot na akong mag desisyon at magkamali! Natatakot na ako!

    Paano kung nagkabalikan kaming dalawa tapos mapagtanto niyang sana si Felicity na lang pala talaga? Paano kung dahil sa pagbabago niya, hindi na ako magkasya sa mundo niya? Paano ako? Ako na hanggang ngayon mahal na mahal parin siya tulad ng dati?

    “Natatakot ako!” sabi ko, nanginginig ang aking boses.

    Noon, matindi ang pananalig ko kay Jacob. Ngayon, pakiramdam ko ibang tao siya. Pakiramdam ko hindi na siya iyong dati. Pero mahal ko parin siya kaya natatakot ako.

    “You’ll figure it out. Mag usap ulit kayo. Sabihin mo ‘yan sa kanya… You two matured. I’m sure you’ll find a way…”
    “Do you think we need space?” tanong ko.

    Pakiramdam ko mababaliw na ako sa kakaisip ng mga susunod na mangyayari. Ito ang nagagawa ng pagmamahal ko kay Jacob. Kung tutuusin, pareho lang naman yata kaming dalawa noon.

    “You’ll figure it out…”

    Habang kumakain kaming tatlo sa kusina ay tulala ako. Hindi na ako nahiya kay James na panay ang tingin sa akin. Pakiramdam ko sobrang pagod ako sa nangyayari.

    “Mag absent ka muna bukas…” ani Maggie.
    “Hindi pwede… may interview ako…” maagap kong sagot.
    “I think you need to rest, sis. i’m sure may mag ki-carry out sa task mo if wala ka bukas…”
    “Ayoko…”

    Pakiramdam ko kapag aabsent ako, itutuloy tuloy ko na. Mag li-leave ulit ako ng mahabang panahon. Parang ayaw kong pumasok.

    “Mabait naman si Duke. Maiintindihan ka noon.”

    Naisip ko si Duke. I remember everything about him. Lahat ng namagitan sa aming dalawa. It’s breaking my heart.

    Pumikit ako ng marahan.

    “Hindi ka pa sumusubo ng kahit isa. Magkakasakit ka niyan…”

    Hindi nagkamali si Maggie. Nilagnat at sinipon nga ako sa kakaiyak sa gabing iyon. Sumabay pa talaga ang sakit sa mga nangyayari. Kaya kinaumagahan ay wala akong choice kundi ang umabsent.

    “Duke, I’m sorry I can’t go to work. Nilalagnat ako,” sabi ko nang tinawagan ko siya kinaumagahan.
    “Oh? What happened? I’ll drop by your house to give you medicines…” ani Duke.
    “Huwag na! Trangkaso lang ‘to. Tsaka nakainom na rin ako ng gamot. Pahinga na lang ‘to.”

    I know he would insist but I promised myself to be firm.

    “Rosie, gamot lang naman. Sige na. Tsaka pagkain na rin…”
    “No, Duke. Baka wala ring tao dito mamaya kasi mag papacheck up ako kung lumala ‘to.”
    “Edi samahan kita sa doctor?”
    Suminghap ako. “Duke, I’m really okay. I just need my rest. Please, don’t bother…”

    Natahimik si Duke. Pakiramdam ko may ginagawa akong mali pero hindi ko parin binawi.

    “Okay… Get well then…”
    “Thank you, Duke.”
    “Ako na ang bahalang tumawag sa Manager. You’ll be fine.”
    “Hindi na. Tinawagan ko na si Ma’am. Okay na daw.”
    “Ganoon ba? O sige… Mabuti naman.”

    Binaba ko ang cellphone ko. Nanatili akong nakahiga sa kama buong araw. Walang laman ang utak ko kundi ang lahat ng nangyayari.

    He refused to be like his father. I refuse to be like Auntie Precy. Ayaw niyang maging katulad siya ni Don Juan kaya hinayaan niyang umalis si Felicity. Ayaw kong matulad kay Auntie Precy kaya di ako mag aantay sa kanya at sinubukan kong mag move on. It’s so funny that we did the same thing only in a different light. Magkasalungkat kaming dalawa, kahit saan tingnan.

    Pero kung ginawa noon ni Don Juan ang ginawa ni Jacob ngayon, ano ang gagawin ni Auntie Precy?

    She would probably reject him and tell him to go back with Cielo. Or… she would grab that opportunity to be with Don Juan? Hindi ko alam kung alin.

    And I refuse to be like her.

    I dialed her number. Bago ko pa tuluyang ma dial ang number niya ay may tawag galing kay Leo.

    “Hello?” sagot ko kaagad.
    “Mamaya ha?”

    Bahagya akong nag hang. I don’t remember any hang out session today.

    “Mamaya?”
    “Tsss. Rosie, it’s my birthday!”
    “Oh! Shoot! Happy birthday, Leo! Mamaya?”
    “Oo! Iyong sinabi ni Karl sa’yo… Okay? I’m expecting you to be there, Rosie…”
    “O-Okay…” sabi ko.
    “Okay… Bye. Tatawagan ko pa ang iba…”
    “Bye. Happy birthday ulit.”
    “Thank you…”

    Binaba niya ang cellphone. Ilang sandali akong natulala bago tuluyang dinial ang numero ni Auntie Precy.

    Pagkasagot niya sa tawag ko ay rinig na rinig ko pa ang mga boses ng estudyanteng nag gu-Good morning sa kanya.

    “Rosie, napatawag ka?”
    “Auntie… I have a question…”
    “Ano? May klase ako. Bilisan mo…” aniya.
    “Kung… iniwan ni Don Juan Antonio si Cielo noon, tapos bumalik siya sa’yo… anong gagawin mo?”

    Ilang sandali siyang hindi nagsalita. Napatingin pa ako sa cellphone ko para icheck kung naroon pa ba siya.

    “Well… Itutulak ko siya palayo. Ipapabalik ko siya kay Cielo. Bakit mo naitanong?”
    Nabigo ako sa sagot ni Auntie. “Bakit po?”
    “Minahal ko si Juan Antonio dahil sa paninindigan niya. Kung iniwan niya si Cielo, ibig sabihin hindi niya ito pinanindigan.”
    “But you have your chance! You can’t blow it away!”
    “Bakit ka nagtatanong? Rosie, hindi ko na maibabalik ang dati. Ang importante ngayon, pinanganak si Jacob. Iyon ang isipin mo. Sige na… Ibababa ko na ‘to.”
    “Te!” sigaw ko pero binabaan niya na ako.

    Padabog kong binaba ang cellphone ko sa aking kama.

  • Kabanata 28Open or Close

    Kabanata 28
    Pangako

    Buong araw akong natulog at nagpahinga. Mabuti na lang at nang nag hapon ay medyo bumuti buti ang pakiramdam ko. Naisip ko pa namang kahit na may sakit ako ay pupunta ako.

    “Hello, Rosie…” si Karl iyon.

    Ni loud speaker ko ang cellphone ko. Alas singko y media na at nag aayos na ako.

    “Yes…”
    “Papunta na ako diyan? O? Ayos ka na ba?”
    “Yeah… I’m feeling better.”
    “Whoa! Kapag talaga ano, e, no… Better agad?”
    Umirap ako. “Seriously, Karl. I’m feeling really better. Medyo masakit pa ang ulo ko pero maayos na ako.”

    Ang alam ko, ang unang inimbitahan ni Leo sa kanyang birthday ay kaming dalawa lang ni Karl. Pero dahil nagkasabayan kami nina Callix noong Sabado ay naimbitahan niya na rin ang mga kaibigan ko. Unlike what we did last Saturday, hindi ito clubbing ngayon. It’s just chill, food, music, and booze. Isang bagay na hindi ko masyadong nagagawa pag lumalabas ako. Pero dahil ngayon, kasama ko ang kabanda ni Jacob, syempre iyon ang gusto nilang gawin.

    “Oh? Saan ka?” tanong ni Maggie.

    She broke in to my room. Naglalagay ako ng eye shadow. Siya naman ay panay hawak sa leeg at noo ko.

    “May lagnat ka pa ah?”
    “Wala na ‘yan…” sabi ko.

    Matalim akong tinitigan ni Maggie. Nagpatuloy ako sa paglalagay ng eyeshadow. Hindi pwedeng ngayon niya ako pagbawalan.

    “Papunta na si Karl dito. Aalis ako…” sabi ko para hindi niya na ako pigilan.
    “May lagnat ka pa. Ilang paracetamol ang na inom mo? ‘Tsaka napapaos ang boses mo. Sinisipon ka?” tanong niya.
    Umiling ako sabay tingin sa kanya.
    “Ubo? Rosie… anong sasabihin ko kay Mommy? Kakasabi ko lang na hindi ka pumasok dahil nagkasakit ka tapos pagtawag niya mamaya sasabihin ko naman na umalis ka? Night out? Ano ‘yon?”
    “I’ll call her after. Papasok ako bukas…”
    “Paano kung may sakit ka pa? Papasok ka parin?”
    “Oo…” sabi ko.

    Umiling si Maggie at lumabas ng kwarto ko. Panay ang salita niya habang nasa labas. Pinapagalitan ako dahil hindi daw ako marunong mag alaga sa aking sarili. At marami pang ibang bagay na pinalabas ko na lang sa kabilang tainga ko.

    “Maggie, what’s wrong?” boses ni Karl ang narinig ko.

    Pinapasok niya pala ang kaibigan ko.

    “Si Rosie, may sakit… lalabas pa…”
    “Oh? Akala ko ayos na siya…”

    Lumabas ako ng kwarto. Napatingin silang dalawa sa akin.

    “Ayos na ako, Maggie. Seriously…”
    Nag ngising aso si Karl. “Magiging maayos din ‘yan…”
    “Saan ba kasi kayo pupunta?”
    “Sa birthday ni Leo…” ani Karl.

    Hindi na nagsalita si Maggie. Nagpatuloy siya sa pag aarrange ng mga libro niya sa lamesa. Tahimik siya bago nag angat ng tingin sa akin.

    “Mag ingat kayo, kung ganoon.”

    Nakawala kami sa kanya. I can’t believe how she quickly changed her mind. Noong nalaman niyang birthday ni Leo, paniguradong dahil iniisip niyang naroon si Jacob.

    “Ayos na ayos, a?” puna ni Karl habang inaayos ko ang seatbelts.
    “Hindi ako nag ayos… I just don’t want to look sick…”
    “Alright… sabi mo e!”

    Hinaplos niya bigla ang dibdib ko. Tinampal ko ang kamay niya at natawa na lang. Damn if he isn’t gay, I would’ve slapped him hard.

    “Sweetheart neckline…” humalakhak siya.
    “I wore this last month. Kung nag ayos ako, dapat nag shopping muna ako bago lumabas!” giit ko.
    “Yeah, yeah!”

    Nagtalo kaming dalawa dahil sa panunukso nila.

    Kinontact din namin sina Belle, Ava, Callix, Josh, at Edward. Syempre, hindi ma contact sina Callix at Belle. Pero paniguradong pupunta iyon. Si Ava naman ay susunduin ni Josh, kasama si Edward. Naroon na daw sila at hinihintay kami.

    Unti unti na akong ginapangan ng kaba. Hindi ako mapakali at hindi na ako makatawa sa mga biro ni Karl.

    “Huwag mong kalimutan, Rosie… May girlfriend si Jacob…”

    Kahapon ko lang nalaman na wala na si Jacob at Felicity. I know the break up is still fresh too, kahit na sabihing ilang araw na iyon. Hindi pa alam ni Karl ang tungkol doon.

    “They broke up…”

    Halos tumilapon ako sa tindi ng break ni Karl. Matalim ko siyang tinitigan.

    “Are you kidding me?”
    Umiling ako. “Drive properly…”

    Kinwento ko sa kanya ang pagpunta ni Felicity sa opisina ko. Kinwento ko rin ang pagpunta ni Jacob sa amin kagabi.

    “Kaya ba nagkasakit ka? Syempre… Kung ako rin naman nasa pwesto mo, magkakasakit din ako ng todo!”

    Natahimik ako. Umiiling iling siya habang pinapark ang sasakyan. Nanlalamig na ako nang nakita ko ang pupuntahan naming bar.

    “I can’t believe it. After all your tears… this?”

    Kinalas ko ang seatbelts ko. Hindi na ako nakapagsalita o nakadagdag man lang sa kanya. I’m just so preoccupied with tonight.

    Dumiretso kami ni Karl papasok sa bar. Dim ang lights ng bar at maingay pa sa mga old songs. Hindi iyon live, siguro dahil alas sais pa naman ng gabi.

    Malawak ang lugar. Itim ang dingding at pinaghalong kulay pula at puti ang mga ilaw. Parang tulad rin ng mga club na napuntahan namin, only there’s less people and better music.

    Naagaw ang pansin ko ng rounded bar nito. The place looks cool. Ang mga kulay pulang silya sa pangmaramihang mga lamesa ang nagpatingkad sa buong bar.

    “Sila ba ‘yon?” tanong ni Karl sa akin.

    Inayos ko ang buhok ko. Nasa gitna silang lahat. Napansin ko na kakarating lang din nina Belle at Callix. Kakaupo lang nila sa mga upuan.

    Pinasadahan ko ng tingin ang buong imbitado. Ang tanging naroon ay sina Jacob, Leo, Louie, Teddy, Callix, Edward, Josh, Belle, at Ava.

    Dalawang upuan na lang ang natitira. Ukupado ang upuan sa tabi ni Jacob. Naroon si Leo at sa kabila naman ay si Teddy. The only unoccupied seats were the ones in front of him.

    Nagtawag sila ng waiter. Napatingin si Leo sa amin at may sinabi siya sa buong table kaya napatingin din si Jacob sa amin ni Karl.

    Nag iwas ako ng tingin. Pakiramdam ko ay nakalutang ako habang naglalakad.

    Tumayo si Edward at inayos niya ang upuan ko. Ngumiti ako sa kanya at umupo na.

    “Salamat…”
    He smiled back and went back to his seat. Napatingin ako kay Leo…
    “Happy birthday, bro!” ani Karl sabay high five kay Leo.

    Tinanggap iyon ni Leo. Sinipat ko na lang si Karl at naabutan ko siyang nakangising aso.

    “Happy birthday, Leo…” I said.

    Tumayo ako at nag beso sa kanya. Uminit ang pisngi ko at nilingon agad si Jacob na ngayon ay nakataas ang kilay habang tinitingnan ang menu.

    “Thanks! Akala ko di kayo dadating, e.”

    Pinasadahan ko ng tingin ang buong lamesa. Naglalagay na ng pagkain ang mga waiter habang nag uusap usap kami.

    “You seriously want your birthday to be celebrated here? And all your night outs in a club with some of your friends?”
    Tumawa siya. “Pag kaarawan ko talaga, gusto ko ganito lang. I invited you last year… Don’t you remember?”
    Umiling ako. I don’t remember.
    “Siguro nag change ka na ng number that time. Sa Friday, club kami. Isasama ko na ang ibang kaibigan ko. You’re invited, by the way.”
    “I’m sure I’m invited too…” ani Karl.
    “Invited kayong lahat!”

    Nagtawanan sila. Tipid lamang akong ngumiti at napatingin kay Jacob. Ang buong atensyon niya ay nasa menu parin na parang may hinahanap.

    May sinabi siya kay Leo at tumango lamang si Leo sa kanya.

    Pagkatapos ng walang tigil na kwentuhan ay kumain na kami. I find it cool that somehow, kahit hindi naman talaga nila masyadong kilala ang isa’t-isa, nagkakasundo ang lahat. Kung iisipin ko, sina Leo, Louie, at Teddy ay kaibigan ni Jacob. Sina Karl, Belle, Callix, Edward, Josh, at Ava naman ay kaibigan ko. Nagkakasundo si Louie at Edward dahil sa trabaho. Si Ava naman ay aliw kay Teddy. At syempre, hindi na mahirap kay Belle at Callix na pakisamahan ang barkada dahil may koneksyon naman sila.

    Hindi ako masyadong nabusog dahil halos hindi ako kumain. I don’t want to feel bloated and ruin the night. Naaaliw na si Leo at Karl sa pag uusap tungkol sa negosyo. Nakikinig lamang ako.

    Nilapag ng waiter ang mga inumin sa aming lamesa. Kitang kita ko ang pagkuha agad ni Jacob sa isang baso. Nilagok niya iyon na parang uhaw na uhaw siya.

    Tumikhim ako. Napatingin siya sa akin. Tinulak niya ang basong walang laman sa mesa.

    Nagtiim bagang ako. It’s just a shot, Rosie. Hindi naman siguro siya malalasing kapag may isang shot.

    “Rosie…” ani Karl sabay bigay sa akin ng vodka.
    “I think I had too much last Saturday.”
    “Ah… The figure…” ani Karl kahit na ang iniisip ko ay ang sakit ko. Mamaya lumala pa itong sakit ko.

    Mahigit na isang oras na pananahimik ang ginawa ko. Ganoon din si Jacob. Nagsasalita lamang kung tinatanong. Medyo okay na rin ako dahil hindi na siya uminom pang muli.

    Unti unting dumami ang mga tao. Napapalingon ako sa mga grupong naroon.

    “Ano? Game!” ani Leo sabay tayo.

    Pulang pula na ang kanyang pisngi. Umiiling si Jacob sa kanya. Para bang may ayaw siyang gawin pero pinipilit siya ng birthday boy.

    Leo’s wearing a faded blue button down shirt. Si Jacob naman ay naka itim na v neck t shirt. Tinapik ni Leo ang balikat ni Jacob at pinilit ulit siyang tumayo pero ayaw tumayo ng nasa harap ko.

    “What is it?” tanong ko.
    “Kanina ko pa ‘to kinukumbinsi na tutugtog kami dito. Kahit isa o dalawa lang. I miss playing, you know…”
    “You’re always playing with your guitar, Leo. Ah! Huwag mo na kaming idamay. Nakakahiya…” ani Teddy sabay tingin sa kabilang table na kung saan ay puro mga babae.

    Napatingin akong muli kay Jacob nang biglaan siyang tumayo. Mas matangkad siya ng kaonti kay Leo. Tumingala ako. He looked so manly. Inayos niya ang itim niyang relo.

    “Isang kanta lang…” ani Jacob.
    “Ha?” gulat na sinabi ni Teddy pero walang nagawa kundi tumayo.

    Pumalakpak si Belle at Ava. Sa sobrang excitement pa ni Belle ay ni set niya na ang phone niya ng video para ma videohan ang lahat.

    Kumalabog ang puso ko. Ilang taon na rin ang lumipas simula nang narinig ko silang tumugtog ulit. This is new… I wonder what changed!

    Pumalakpak ako. Nakaakyat na si Jacob sa stage at nang nilingon niya kami ay tumigil ako sa ginawa.

    Kinagat ko ang labi ko at pumormal. Siniko ako ni Karl.

    Nagsimula si Leo sa pag sstrum. Tumigil siya nang may sinabi si Teddy. Nag usap pa sila ng ilang sandali.

    Pumalakpak ulit si Ava at Belle. Naki sali na rin si Josh, Edward, at Karl. Kulang sila ng isa. Wala si Ron. Kaya siguro medyo natagalan sila. ‘Tsaka matagal na rin silang hindi nakakatugtog.

    Ibang kanta na ngayon ang tinugtog ni Leo. Sa gilid ng aking mga mata ay mas dumami ang panibagong dating na mga tao. Pero nanatili ang mga mata ko sa harap.

    Hinawakan ni Jacob ang microphone. Dinala ako ng aking mga alaala sa Alegria. Bumubuhos ang nalalagas na dahon ng mahogany. Tumatakbo ako papunta sa covered court kung saan sila tumutugtog. My black shoes, my white socks, my complete uniform, my long hair… and the Jacob’s on stage.

    Bumilis ang hininga ko. Lalo na nang nagsimula siya.

    “If I give up on you I give up on me
    If we fight what’s true, will we ever be
    Even God himself and the faith I knew
    Shouldn’t hold me back, shouldn’t keep me from you…”

    Kumalabog ang puso ko. Pakiramdam ko, unti unti akong nahuhulog. Natatakot ako pero wala akong nagawa. It’s an inevitable fall.

    Pumikit si Jacob. Nangilid ang luha ko.

    “Tease me, by holding out your hand
    Then leave me, or take me as i am…”

    Does it really matter? Na nasaktan niya ako? Na ang dami daming nangyari sa gitna naming dalawa?

    Marami kaming nasaktan. And I don’t know how to deal with all of that. Duke… Felicity… And even before all of these, we’ve been hurting other people. Para kaming bagyo pag nagkakalayo. Laging may nasasaktan at nawawasak.

    Biglang tinugtog ni Leo ang isang pamilyar na kanta. Nanlaki ang mga mata ko. Kitang kita ko ang pag lingon ni Jacob sa kanya. Nakangiti ang tatlo. Si Jacob lang ang gulat sa tinugtog ni Leo.

    Hindi na kanta ni Jacob sa unang intro ang lyrics kaya inulit pa nila para bigyan siya ng isa pang pagkakataon.

    Kahit hindi pa natatapos ang naunang kanta ay inintro na nina Leo, Teddy, at Louie.

    Bumaling si Jacob sa akin. Kinagat niya ang kanyang labi at nagsimula.

    “We’ll do it all. Everything. On our own. We don’t need anything Or anyone…”

    Tumindig ang balahibo ko. Pabulong akong napamura. Pumikit si Jacob at nag loosen up sa kanta. Kanina ay parang na eestatwa pa siya.

    “If I lay here. If I just lay here. Would you lie with me and just forget the world?”

    Gusto kong humagulhol. Gusto ko nang bumalik sa kanya. Alam kong magulo. Alam kong maraming pagkakamali. Pero kung hindi talaga ito iyong tama, bakit ito ang gustong gusto ko? Bakit pakiramdam ko ito ang tama?

    If this isn’t the right thing, then what is the right thing? Will it feel better than this? Because I think this is the best love I can give… and receive… At kapag hindi ako susugal ngayon, habang buhay ko itong pagsisisihan.

    Anyway, what is this world all about? I guess it’s all about risks. Everything’s vague… Hindi mo talaga malalaman kung alin ang tama o mali. Mararamdaman mo pero hindi mo iyon makukumpirma kung hindi mo susubukan.

    Huminga ako ng malalim nang natapos sila sa pagkanta. Tumayo ako para pumalakpak. I tried my best not to cry. I don’t want to ruin my make up. Pinunasan ko ang luha sa gilid ng aking mga mata.

    “Rosie?”

    HIndi pa nakakababa sina Jacob ay narinig ko na ang boses ni Duke. Napatingin ako sa kakarating lang na mga lalaking kasing edad niya. There were six men with him.

    Naupo na ang kanyang mga kasama at napatingin sa akin. Nanatili si Duke malapit sa lamesa namin. He’s wearing his white button down shirt. Nakatupi ito hanggang siko. Mukhang galing trabaho.

    “Duke!”

    Then I remembered! Nag absent ako dahil may sakit ako at makikita ako ng mismong boss ko sa lugar na ito? What the hell?

    “Are you okay?” tanong ni Duke sabay pasada ng tingin sa aming lamesa.

    Napalunok ako. He looked disappointed. I know he needs my explanation. Kasalanan ko ito!

    Lumapit ako sa kanya. Umigting ang panga niya at bahagyang naglakad palayo. Sumunod ako sa kanya. Nilingon niya ako.

    “I thought you were asleep…” aniya.
    “I was sick. Naging okay na ako noong hapon tapos nag aya ang isang kaibigan ko kasi birthday niya…”

    Nilingon ulit ni Duke ang lamesa. Tumango siya sa akin at bahagyang natigilan.

    “But you’re okay now?” tanong ni Duke.
    “Yes. I am…”
    “Magtatrabaho ka na bukas?”
    “Yes…”
    “Sure?” he smiled.

    I can’t help but feel so damn guilty. Alam kong totoong may sakit ako pero hindi ko parin maiwasan.

    “Good.”

    Pinadausdos niya ang kanyang kamay sa aking baywang at nilingon ang mga kasama. Napatingin ako sa kamay niya pero bago pa ako makapagsalita ay iginiya niya na ako sa kanilang lamesa.

    “I’ll introduce you to my high school friends…”

    Lumapit kami sa mesa. Tinanggal ni Duke ang kanyang kamay sa aking baywang para ipakilala ang mga kaibigan.

    “Everyone, this is Rosie…”
    “Rosie, the model?” tanong ng isa.
    “Yes…” Tumawa si Duke.

    Ngumiti rin ako sa kanila. Binanggit ni Duke ang mga pangalan nila paisa isa. Gusto ko mang makinig, walang pumapasok sa utak ko. Tumakas lang ang tingin ko pabalik sa mesa kung saan ang lahat. Kitang kita ko ang pagtapik ni Jacob sa balikat ni Leo. Nang napansin kong lilingon siya sa banda rito ay binalik ko ang tingin sa mga kaibigan ni Duke.

    Ilang sandali ang nakalipas ay nilingon ko ulit ang lamesa namin. Sina Leo at Teddy ay nakatingin kay Jacob. Si Karl, Ava, at Belle ay nakatingin sa amin. Sabay sabay pa nilang tinuro ang labasan.

    Tumingin ako sa pintuan ng bar at nakita kong kakaliko lang ni Jacob doon palabas. Shit! Binalik ko ang tingin ko kay Karl. Hindi ko siya marinig pero his lips says “umalis!”

    “Duke… Please, excuse me…” sabi ko. “I’m really sorry. I have to go…”

    Hindi ko na hinintay na sumang ayon si Duke sa pag alis ko. Dumiretso na ako palabas ng bar ng walang pag aalinlangan.

    Hindi ko alam saan naka park ang Hummer ni Jacob. Hahanapin ko pa sa buong parking space sa labas. So much for these high heels!

    Nang nakalabas ako ay luminga linga ako. Una kong tinungo ang parking lot sa kaliwa. Pinasadahan ko iyon ng tingin. Hindi ko alam kung aling Hummer naman ang dala niya.

    Naglakad ako patungo sa kanan at nakita kong may ilang mga sasakyang nakalabas na. What if Jacob went home?

    Tumayo ako sa gitna ng parking lot. Luminga linga ako. Unti unting nawawalan ng pag asa.

    Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Karl. I need Jacob’s number! Damn it! Bakit walang nagbibigay sa akin?

    Habang nagri-ring ay luminga linga ako.

    “Rosie?” boses ni Jacob ang narinig ko kaya agad kong pinatay ang aking cellphone.

    Sa likod ko nanggaling ang boses. Inayos ko muna ang aking buhok at kinalma muna ang sarili bago ko siya hinarap.

    Naroon ang kanyang Hummer sa likod ko. Nakahilig siya sa pintuan doon at tumuwid sa pagkakatayo nang hinarap ko.

    “U… Uuwi ka na?” tanong ko.
    Umiling siya at bahagyang lumapit. “Nagpapalamig lang…”
    “Bakit? Hindi ba malamig sa loob?” Shit!

    Tumikhim ako at nanatili ang tingin sa kanya. Seryoso ang kanyang mga mata. Halos mawala ako sa lalim ng mga ito.

    “Ba’t ka andito?” tanong niya.

    Damn that question! Nag iwas ako ng tingin.

    “Sinundan kita…” simple kong sinabi.

    Hindi siya agad nakapagsalita. Ilang sandali pa ang pinalipas naming tahimik. Nang may biglang umilaw sa kanan ko ay lumapit na ako sa kanyang parking space. May dadaan kasing sasakyan.

    “Bakit mo ako sinundan?” Mas klaro ang boses niya ngayon.

    Napatingin ako sa kanya. His deep set eyes melted whatevers left with my walls. Ang isang kamay niya ay naka sabit sa kanyang bulsa. It made his biceps look bigger.

    Kinain ng isang hakbang ang kalahati ng distansya naming dalawa. Napalunok ako.

    “Nag aalala ako… Akala ko umuwi ka na…” sagot ko.

    Halong sakit at saya sa puso ko. Pakiramdam ko, sasabog na ito ngayon dito. Pakiramdam ko, magkaka heart attack ako sa harap ni Jacob.

    “Hindi ako uuwi. Hindi pa naman tapos ang birthday ni Leo…”

    Kinagat ko ang labi ko. Tangina. Bakit ganito? Hindi ako makatingin sa kanya. Alam kong nakatitig siya sa akin.

    “‘Tsaka hihintayin pa kita. Ihahatid kita sa inyo…”

    Nag angat ako ng tingin sa kanya. His eyes looked serious and in pain. Pakiramdam ko kapag tinitingnan ko siya, nakikita rin niya lahat ng sakit na nararamdaman ko.

    “Hindi ka naman siguro sasabay… sa…” Hindi niya pinagpatuloy.
    Umiling na kaagad ako. I know what he meant. If he means Karl… or Duke… kahit kanino, hindi ako sasabay.
    “Good…” aniya.
    Tumango ako, nangingilid na ang luha. He smiled weakly. Mas lalo lang akong naiyak.

    Bakit nagkakasakitan ang taong nagmamahalan? Kung mahal pala namin ang isa’t-isa, bakit ang sakit sakit?

    Kinagat ko ang labi ko…

    Then I realized… it’s because we don’t really love. We don’t act the word. We only feel it. Love should be shown. Love should be shown at all times. Through kindness, patience, and forgiveness.

    I forgive him. I forgive him for everything. I forgive the past. I forgive myself. I forgive my decisions.

    Bumuhos ang luha ko sa kanyang harap. Sa hiya ko ay tinakpan ko ang aking mukha. Nanatili akong nakatayo sa kanyang harap. Naramdaman ko ang pag lapit niya sa akin.

    “Jacob, I’m sorry… I’m sorry for my reckless decisions. I failed to love you when you weren’t loveable. I’m sorry for not considering your feelings. Sorry… Sorry kasi nasaktan kita ng sobra sobra kahit na alam kong ako lang ang kinakapitan mo. I only want what’s best for you. Gulo rin ako noon!”
    “Shhh… Sorry rin sa lahat. Sorry dahil hindi ko nakita kung gaano ka nahirapan. Tama ka. Sariling sakit ko lang ang naisip ko. Hindi ko naisip ‘yong iyo.”
    Umiling ako. “No… You thought it’s easy for me to let go of you. And I don’t blame you for feeling that way. We both love differently. Kaya patawarin mo ako, Jacob. Nasaktan kita…” Nabasag ang boses ko.

    Isang mainit na yakap ang bumalot sa akin. Pumikit ako ng mariin. His arms feel like my home. Para akong nawala ng ilang taon at ngayon ay nakauwi na sa wakas. Para akong nagpaanod sa gitna ng dagat at ngayon ay nakaapak na sa lupa.

    “Pangako… gagawin ko ang lahat para intindihin ka, simula ngayon. Pangako, makikinig ako sa’yo…” pabulong niyang sinabi. “Rosie, bumalik ka na sakin…”

    Kinagat ko ang labi ko at humagulhol na lang sa kanyang dibdib.

  • Kabanata 29Open or Close

    Kabanata 29
    I am So Sorry

    Hindi ko alam kung ano ang gusto kong gawin. Ayaw kong bumalik sa loob pero alam kong kailangan dahil naroon ang mga kaibigan namin. I’m pretty sure Jacob did not plan for this, too. Alam kong gusto niya ring bumalik sa loob.

    Tahimik kami sa loob ng sasakyan. Kinakalma ko pa ang sarili ko. Siya naman ay nakatingin sa akin habang nakahawak sa manibela.

    Iginala ko ang tingin ko sa loob ng sasakyan. This is the new Hummer. Kulay itim ang dating Hummer ni Jacob, ito naman ngayon ay kulay grey.

    “You like Hummers, huh…” kalmante kong sinabi.

    Ayaw ko munang pag usapan ang mabibigat na bagay kaya iyon ang sinabi ko. Masakit ang ulo ko at hindi tumitigil ang pag singhot ko. Pakiramdam ko ay lalagnatin ako.

    “Mas mabuti kasi para sa Alegria…” sabi ni Jacob, nakatingin parin sa akin.

    Parang kailan lang sa likod pa ako nito sumasakay. Ngayon ay nasa front seat na.

    I wonder what happened to Felicity. She broke up with Jacob. I know she’s hurt. But then… ayos lang ba talaga kay Jacob iyon?

    Napatingin ako kay Jacob. Nanatiling seryoso ang mga mata niya.

    “Gusto mo bang bumalik o umuwi na tayo?” tanong niya sa isang banayad na boses.
    “Gusto kong bumalik. Baka mag tampo si Leo. Pero… pagod na ako. Gusto ko na ring umuwi…”

    Hindi ako makapag desisyon. What about Karl? What about our friends? We’ll leave them just like that?

    Tumango siya at kinuha ang kanyang cellphone. Sumulyap ako doon at nakita kong default wallpaper lang ang naroon. Pinindot niya kaagad ang numero ni Leo.

    Kinabit niya ang kanyang cellphone sa loud speaker at narinig ko ang pag ri-ring nito sa buong sasakyan.

    “Hello,” boses iyon ni Leo.
    “Ihahatid ko na si Rosie pauwi. Pagod na siya…”
    “Oh!” Tumawa si Leo. “Sige. Sasabihin ko sa mga kaibigan niya…”
    “Sige. Salamat…” ani Jacob.

    Naputol agad ang linya. Nagkatinginan kaming dalawa ni Jacob. Hindi na ako umangal dahil talagang hindi na maganda ang pakiramdam ko.

    Pinaandar niya kaagad ang sasakyan. Huminga ako ng malalim.

    Naisip ko si Duke. Iniwan ko siya doon. Ano ang iisipin niya?

    Pumikit ako ng mariin. What about Felicity too?

    “Jacob…” nilingon ko si Jacob.

    Tumigil ang Hummer dahil sa traffic sa EDSA. Daan patungo sa aming apartment ang tinatahak ng Hummer.

    “Nag usap na ba kayo ni Felicity?” tanong ko nang di siya tinitingnan.

    Sa gilid ng aking mga mata ay nakikita ko ang pagsulyap niya sa akin.

    “Huling pag uusap namin ay noong umalis siya ng Alegria. Sinabi niya sa akin na gusto niyang maging magkaibigan parin kami.”

    Konting kirot ang naramdaman ko sa aking puso.

    “Anong sinabi mo?”

    Pumikit ako. Sumasakit lalo ang ulo.

    “We’ll be friends…”

    Tumango ako. Sana ganyan din ang mangyari sa amin ni Duke.

    Tahimik kami sa byahe. Lalo na noong nasa harap na namin ang billboard ko. Uminit ang pisngi ko habang tinitingnan ang sariling naka two piece. My mouth’s half open. Naka luhod ako at hinihipan ng hangin ang aking buhok.

    Kitang kita ko ang paninitig ni Jacob doon habang tumitigil ang sasakyan dahil sa traffic.

    Humilig siya sa manibela at pinaglaruan ang kanyang labi gamit ang likod ng kanyang index finger. Damn! Alam kong gwapo siya noon pa man pero kailan pa siya naging ganito ka gwapo?

    Nang nalagpasan na namin ang billboard ay ‘tsaka pa lang ako nakahinga ng maayos. Dire diretso na ang drive niya patungo sa amin. Nanatili akong tahimik sa buong byahe. Probably because of my headache.

    Nang nasa labas na kami ng apartment ay kinalas ko na ang seatbelts ko. Sabay kaming lumabas sa sasakyan. Hinintay ko siyang makaikot bago dumiretso sa gate.

    Hindi ko alam kung tama bang papasukin ko siya. Nakita ko ang anino ni Maggie sa bintana.

    “Pasok ka…” napapaos kong sinabi sabay tulak sa gate.

    Sumunod siya sa akin. Si Maggie ay nasa pintuan na at nag aabang sa akin. Nakahalukipkip siya at nang nakalapit na ako ng tuluyan ay hinawakan niya ang noo ko.

    Umilag ako ng bahagya pero marahas niyang hinigit ang braso ko.

    “Rosie! Nilalagnat ka! Malayo pa lang, kita ko na!” sabi niya.
    Umirap ako. “Ayos lang ako.”

    Bumaling siya kay Jacob. She looked so disappointed. Hindi ko nilingon si Jacob. Pumasok na agad ako sa bahay at naabutan ko si James sa sofa na may kasamang maraming libro at laptop.

    “Did you drink your meds? Rosie? What?” iritadong tanong ni Maggie.
    “Uminom ako ng Paracetamol. Iinom pa ulit ako. Magiging maayos din ako…” sabi ko.

    Nilingon ko si Maggie pero natabunan ang paningin ko ng katawan ni Jacob. Hinagilap niya ang noo ko kaya umilag ulit ako.

    Umigting ang panga niya.

    “I’m fine…” sabi ko.

    Dumiretso na si Maggie sa kusina. Bumalik siya agad na may dalang isang basong tubig at gamot. Nilahad niya sa akin.

    “‘tong si Maggie. Para naman akong bata niyan!”

    Tatanggapin ko na sana pero binaling niya ang mga ito kay Jacob.

    “Gamutin mo ‘yan. Sa kakaiyak ‘yan, e,”

    Tinanggap agad ni Jacob ang binigay ng kapatid ko. Kinuha ko ang gamot sa kamay ni Jacob. Sinipat ko si Maggie na ngayon ay tumabi na kay James.

    Kinuha ko rin ang tubig kay Jacob para makainom na ako. Binalik ko sa kanya ang baso at tinuro ko ang loob ng aking kwarto. Sobrang sakit ng ulo ko at alam kong kailangan kong magpahinga para bukas.

    “Matutulog na ako…”

    Tumango si Jacob. Bumaling siya sa kusina, siguro ay para ilapag doon ang baso.

    Pumasok na ako sa kwarto at pagkahiga ay nakatulog agad.

    Kinabukasan ay nagising ako sa alarm. Dumilat ako at naaninag ko ang sinag ng araw sa labas. May humaplos sa aking binti. Noong una, akala ko’y guni guni lang iyon pero nang tiningnan ko iyon ay nakita ko si Jacob na nakaupo sa aking paanan.

    Pumikit ako ng mariin. Kamusta ang mukha ko ngayon? Pakiramdam ko sabog na sabog pa ako. Kakagaling ko lang sa lagnat tapos hindi pa ako nakapagbihis sa pagod ko kagabi.

    Hindi nakapag bihis? Gumalaw ako ng bahagya at napatingin ako sa aking mga damit. Damn! I’m wearing a t shirt and pajamas!

    Napabangon agad ako. Kinusot ko ang mga mata ko para kung may muta man doon ay matanggal na. Jacob’s sitting in front of me. Sa gilid niya ay may isang tray ng pagkain.

    Sinong nagpalit ng damit ko? Siya? Si Maggie?

    “Kumain ka na…”

    Hinawakan niya ang noo ko. Kung pwede lang pumikit habang dinadamdam ang haplos niya ay ginawa ko na.

    “Anong oras na?” tanong ko.
    “Alas sais y media…” aniya.
    Tumango ako at kinuha ang pagkain.

    Scrambled egg at hotdog ang naroon. Hindi ganito magluto si Maggie. Hindi rin ganito kay James. Kung nasa kanilang dalawa ay walang hiwa ang hotdog. Wala rin masyadong spices ang scrambled eggs.

    Pumasok si Maggie sa aking kwarto. Nag angat ako ng tingin sa kanya. A smile is plastered on her face.

    “Kumain ka na, senyorita. Luto ‘yan ni Jacob. Ang saya! Dito siya nagpalipas ng gabi. ‘Tsaka…” nginuso niya ako. “May katulong ako sa paghuhubad sa’yo… Ayaw na ni James tumulong dahil nasukahan mo siya ‘di ba? Three years ago?”

    Uminit ang pisngi ko. Tangina ‘tong si Maggie. Pwede namang tumahimik na sana!

    “Papasok ka ba?” tanong niya.
    Tumango ako.
    “Ihahatid kita sa opisina mo. ‘Tsaka ako babalik ng bahay. Ayos na ba ang pakiramdam mo?” tanong ni Jacob.

    Tumikhim ako at bahagyang pumormal.

    “Ayos na…”
    “Sussss!” Umirap si Maggie at lumabas na sa kwarto.

    Ramdam ko talaga ang pag iinit ng pisngi ko. Pakiramdam ko, pulang pula na ito.

    “Kumain ka na?” tanong ko.
    “Kumain ako habang nagluluto kanina…”

    Sumubo ako. Pati itong pag kain sa harap niya ay nakakaconscious. Tipid ang bawat subo ko at hindi ko kayang kumain ng marami.

    Naligo at nagbihis ako. Pagkatapos ay tinupad niya nga ang gusto niya.

    Naka kulay dark violet t shirt na siya nang lumabas ako. Siguro’y may mga damit siya sa loob ng Hummer.

    Hinatid niya ako sa trabaho ng wala masyadong sinabi. Ang tanging sinabi niya ay na susunduin niya ako mamayang alas kuatro y media. Impunto!

    Sa elevator pa lang ay kabado na ako. Hindi ko alam kung papaano ko sisimulan kay Duke ang lahat ng ito.

    Kagabi, bago ako natulog ay may gusto akong mangyari. Akala ko dahil lang iyon sa lagnat ko pero nagulat ako nang nadala ko ito hanggang ngayon.

    “Joanne, paki inform ako please kung dumating na si Mr. Valenzuela…” bilin ko sa sekretarya ni Duke.

    Pumasok na ako sa aking opisina. Tiningnan ko ang kalendaryo. Ito na lang iyong tanging magsasabi sa akin noon pero nang nakita kong tama lang ang panahon ngayon ay bahagya akong nabigo.

    “Final screening…” sabi ko nang nakita ang schedule today.

    Hindi ko na nakita ang mga files sa managerial positions ng bagong mall simula noong sinabi kong may kilala ako. Ang pina handle sa akin ay iyong mga lower positions kaya hindi ko alam kung kinuha nga ba ni Felicity ang posisyong iyon. Did she push through it?

    I opened my computer. Hinanap ko doon ang kompanya ni Jacob.

    Kumpara sa kumpanya ni Duke, mas maliit ang kay Jacob. Duke’s company is a giant company. Malaking korporasyon ito at maraming investors. We’re talking about thriollions here. We’re talking about international stock market and all that. Jacob’s company seemed small compare to the V Holdings. Kahit malaki na rin talaga ang kompanya ni Jacob, hindi parin maipagkakaila ang diperensya ng dalawa.

    I clicked the Jobs part. Kahit ang site ng kompanya niya ay hindi pa ganoon ka established kumpara. Although, naroon nga ang halos lahat na popular na produkto nila. The meats, the corn made products, rice, fruits, and many more…

    Hindi na naman siguro kailangang i explain kung bakit ko ito gagawin ‘di ba? Bakit hindi?

    “Meron!” sabi ko habang tinitingnan ang qualifications ng Human Resource staff na kailangan nila.

    I knew it. They’re making new products! This should be here!

    Nag apply ako digitally. I sent my application letter, resume, transcript, and all the needed documents. Naisip ko pang pumunta mismo sa opisina nila para mag apply pero di ko iyon sasabihin sa kanya.

    May biglang kumatok at pumasok sa aking pintuan. Agad kong ni minimize ang browser. Nakahinga ako ng malalim nang nakita ko si Joanne.

    “Miss… nasa opisina niya na po si Mr. Valenzuela…”
    “Okay! Salamat!”

    Sinarado ng sekretarya ang aking pintuan. Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko. But my thoughts flew to Duke. Parang kailanlang ay lagi siyang dumidiretso sa opisina ko. He must’ve felt it!

    Sa huli, pinrint ko ang isang sulat para kay Duke. Nang natapos ako ay huminga ako ng malalim at pinaalalahanan ang sarili.

    I won the contest. I can’t quit the modeling stint for V Malls. I’m also under my agency so I’ll have some offers. Siguro naman kaya ko pang tustusan ang matrikula ni Maggie. My last gig was big. ‘Tsaka bayad na ako sa first sem ni Maggie. Next sem, may budget na rin ako. I have savings for the house, kasama doon ang kina mama at papa. I should be okay…

    Lumabas ako ng aking opisina. Kumalabog na ang puso ko. At mas lalo lamang kumabog ang puso ko nang nakita ko si Felicity sa lobby. She’s wearing a corporate attire. Her hair’s up at may dala siyang clear book.

    Tipid siyang ngumiti sa akin. Kinalma ko ang sarili ko at dumiretso sa kanya.

    “Final screening, right?” tanong ko.
    Tumango siya at bahagyang ngumiti. “Yup…”

    Hindi makatakas sa akin ang panlalamig niya sa akin. Kumpara sa dati niyang ipinapakitang maligayang disposition. I shouldn’t be surprised! I’m lucky she can smile at me! Even if it’s forced!

    “Kayo na ulit ni Jacob?” tanong niya.
    Umiling ako. Napawi ang kaonting ngiti na nasa kanyang labi.
    “There’s no need to make it fast, Felicity…”

    Nagkatinginan kaming dalawa. How we’re so opposite, ngayon ko lang nakita. She’s shorter than me. Her lips were thin. She looks approachable and always happy. Parang magaan siyang kasama.

    Siya ang nag pahinga kay Jacob ng maluwang noong sobrang sikip ng lahat. Siya ang naging sandalan ni Jacob noong gumuguho ang lahat. At maaaring siya rin ang bumuo kay Jacob noong nawasak ko ito.

    “Good. I’m happy. I know he’s happy…” aniya.

    Hindi ko alam kung bakit sumagi sa isip ko ang pag hingi ng tawad in behalf of Jacob. I just feel like her sacrifices should be well appreciated. Alam ko kung ano ang pakiramdam ng nagsakripisyong hindi nakita. Pakiramdam mo, namatay ka para lang sa wala.

    “I’m sorry. Jacob’s sorry for hurting you, Felicity.”
    Tumango siya. Sa gilid ng kanyang mga mata ay luha. “Please, Rosie… I have an interview coming…” Tumawa siya.

    Pumikit ako at umiling. Oo nga pala…

    “I wish you good luck, Felicity. I know you got this…”

    I smiled at her. Alam kong makukuha niya ang posisyon na ito. They’ll need four managers at isa siya sa top three ko noon. I was only blinded by pain.

    Iniwan ko si Felicity doon para pumasok sa opisina ni Duke. Doon ang huling interview ng mga aplikante. Nang tinanong ko si Joanne kung may iniinterview daw ba ay sinabi nitong kakaalis lang daw kaya dumiretso na ako.

    Marahan kong sinarado ang pintuan. Alam kong nakatingin na si Duke sa akin, papasok pa lang ako.

    Nasa kanyang swivel chair siya. Pinaglalaruan niya ang kanyang ballpen. There were no traces of humor on his face as he looked at me.

    Lumapit ako sa kanyang malaking lamesa. Nilapag ko sa kanyang harap ang pinrint kong sulat kanina sa opisina.

    “Ano ‘yan?” tanong niya sa isang malamig na tono.
    “It’s a resignation letter.”
    “You’re resigning?” tanong niya.
    Tumango ako. “It’s for the better…”

    Pagkasabi ko noon ay sobra sobra akong nasaktan. I remember the kindness he showed me while I was here. I remember how he respected me so much. I remember our friendship. Alam kong may pagkakamali ako at ngayon gusto kog ituwid lahat.

    “For the better?” tumaas ang kilay niya.

    Bumagsak ang mga mata ko sa aking mga sulat.

    “I will train employees without pay. The effective date of my resignation is today. Duke… I owe this company everything I have now. I owe you so many things. You gave me so many opportunities. I thank you for that. I thank the company…”
    “Kung ganoon, anong pagkukulang at bakit ka aalis?”
    “I want to take up new challenges. I want to test my capabilities-“
    “Saan ka mag aapply, kung ganoon? Is the company not challenging you anymore, Rosie?”
    “This experience is enriching. I learned so many things, Duke. It’s challenging, of course. But I feel like I’m getting too comfortable. I want something else.”

    I want to start. I want to see my own legacy. Applying in a new company will give me that challenge. Iyong makikita ko ang progress ng paghihirapan ko.

    “Is this about us?”

    Hindi ako nakasagot agad. Hinilot ni Duke ang kanyang sentido.

    “I want us to remain friends, Duke. Please…” nanghina ako.

    Tumango siya pero kitang kita ko ang pagpipigil niya. Nangilid ang luha ko. Pakiramdam ko ay nasasaktan ako dahil nasasaktan siya. Ayaw kong gawin ito pero alam kong ito ang dapat.

    “Of course, Rosie…” his voice was cold. “Are you done?”
    Tumango ako. “Thank you…”

    Tinalikuran ko siya. Dire diretso ang paglabas ko ng kanyang opisina. Naninikip ang dibdib ko at nagbabadya ang luha kong tumulo.

    “Miss, you’re next…” tawag ni Joanne kay Felicity.

    Pero hindi pa ako nakakalayo ay narinig ko ang kulog ng pagkabasag ng isang salamin sa opisina ni Duke. Pumikit ako ng mariin. I am so sorry. I am so sorry for everything.

    You really can’t get out of life without hurting someone. You can’t get out of it without getting hurt. You just have to figure out which pains are worth it.

    Kaya dapat hindi mag depende ang kasiyahan mo sa iba. We all have to be self sufficient. We have to be independent. We have to be whole alone. And when we love someone, we love them because we’re whole… and we need them to share our wholeness.

    Hindi ko pa masasabing ganoon na kami ka perpektong dalawa ni Jacob ngayon. I know I’m not that kind of girl yet but I’m willing to be. And being willing is already a big thing. I think trying to finally understand what love is is already a big thing. I think my willingness to try is already a big thing. And I know Jacob feels the same.

  • Kabanata 30Open or Close
Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

109

190 Responses to Baka Sakali 3

  1. Hi Queen Jonaxx, pwede akin na si Jacob? Huhu, kainluv talaga siya. Btw, bet ko tlga lahat ng stories mo pero eto pinakabet ko. Hihi, Continue writing, Godbless xoxo.

    Reply
  2. I liked reading your stories and the most stories i read “BAKA SAKALI” Angkinin ko nalang si Jacob hahaha!! Char. I want more bitin na bitin ako sa kuwento mo ‘jonaxx’. Takecare!

    Reply

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

one × 3 =

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <s> <strike> <strong>