Baka Sakali 2

Story Written: 2013

Ang pag-ibig ay parang nagsusugal. Pag sigurado kang mahal mo ang tao, ibibigay mo ang lahat. Ang problema dito ay di mo alam kung may maibabalik paba sayo o wala. Maswerte ang nakakakuha ng higit pa sa inaasahan, pero luhaan ang mga sumugal at natalo. Pero ganun paman, tulad ng sugal, kahit walang kasiguraduhan, marami paring umiibig, marami paring sumusugal. Dahil…
Baka Sakali…
Baka Sakali…

Pero hanggang saan ang pagbabaka sakali mo?

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.

WARNING: This story may not be suitable for younger readers. It may contain explicit, violent or provocate content. Read at your own risk.

  • PanimulaOpen or Close

    Panimula

    Isang taon na ang nakalipas simula ng na-engage kami ni Jacob. Hindi ako pumayag na magpakasal na agad kami. Syempre, mauuna ang pag-aaral. Mabuti na lang at pinayuhan din kami ng daddy niya at ni Auntie Precy na wa’g muna… unahin muna ang pag-aaral.

    “Rosie… Tatanggapin mo ba yung alok ni Karl?” Tanong ni Maggie bago ako umalis ng bahay papuntang school.
    Natigilan ako sa tanong niya, “Gusto ko sana, kaso, mahirap, tsaka, nahihiya ako.” Nagkibit balikat ako.

    Tumango naman siya.

    Lumingon ako sa sasakyang nakapark sa labas. Nakasandal si Jacob doon habang inaaway ang isang pusang gala. Umiling na lang ako at nagsimulang mag lakad patungo sa kanya.

    Nagkabati din ang magpinsang si Jacob at Callix. Syempre, naging okay na rin kami ni Callix. At dahil naging okay na kami ni Callix, sport na naman si Belle sakin. Magkaibigan na ulit kami nina Ava at Belle. Syempre, kahit na nasaktan ako sa nangyari, naintindihan ko din naman ang sides nila. Hindi nila alam na may relasyon na kami ni Jacob noon. May kasalanan din ako kasi inilihim ko yun sa kanila.

    Well, wala naman talagang perpektong tao. Kaya pinatawad ko sila. Ika nga ni Jacob, kung ang Diyos nga ay nagpapatawad, ang mga tao pa kaya.

    Binuksan niya ang pintuan para sakin at hinalikan ako. Tinulak ko siya at tumingin sa paligid. Sobrang PDA talaga nito, inirapan ko na.

    Sinimangutan niya ako.

    “Rosie naman. Parang isang halik lang.”

    Tumakbo siya papuntang driver’s seat at agad nag seatbelt. Walang ka kupas-kupas yung kagwapuhan niya. Hindi na ako magtataka kung may magyaya sa kanyang mag artista. Mas lalo siyang tumangkad sa konting panahon. Kumikinang ang balat niya. Hindi ko alam kung paano niya yun nagagawa basta sparkling ito… Nakakainggit dahil masyadong pale ang balat ko. Slightly messy hair, perfect nose and eyes, tapos ultra kissable lips. Parang nakakaakit siya palagi. Lalo na pag nakita mo na kung anong meron sa ilalim ng T-shirt niya. Uh-Oh!

    “Tulala ka naman sakin. Ano? Tigil muna tayo?” Humalakhak siya at sumulyap sakin.

    Sinapak ko na… Mahalay talaga ang pag iisip nitong si Jacob. Minsan nagsisisi ako kung bakit ako bumigay sa kanya noon. Sana hindi ko na lang siya tinuruang humalik… Sana pinatagal ko muna…

    Sa sobrang frustrated niya saming dalawa, nakipagsanib puwersya siya kay mama sa pag kumbinsi sakin na magpakasal na kami. Kahapon, tinawagan niya si mama para sabihing magpakasal na talaga dapat kami nang magkaapo at magkaroon na ng bagong tagapagmana ang mga lupain nila.

    “Wa’g mo nang ulitin yun, ah!?” Sabi ko sa kanya.
    “Ang alin?” Tanong niya.
    “Yung pagtawag mo kay mama!”

    Umiling siya at ginulo ang buhok. Parang bata.

    “Jacob, kailangan mong maintindihan. Mahirap lang kami. Kailangan kong matapos ang pag aaral ko bago ako mag settle down.”
    “Rosie, antagal pa ng tatlong taon. Mayaman ka rin naman ah? Kasi tayong dalawa na. Ano pang pinoproblema mo? Tsss.”
    “Hindi mo talaga maintindihan no? Palibhasa pinanganak kang mayaman. Ayokong husgahan na naman ako ng mga tao. Saka… pangarap ko rin na makatapos-“
    “Pwede ka namang makatapos pag kasal na tayo, diba?”
    “Ang sabihin mo, natatakot ka lang na may makakahadlang ulit satin.”
    Napabuntong-hininga siya.
    “Alam mo, Jacob. Kung mahal mo ako, hindi mo naman kailangang matakot kasi mahal din naman kita. Nagmamahalan tayong dalawa kaya walang makakahadlang satin, kahit sino o kahit ano… Kung tayo talaga, tayo naman talaga-“
    “Tsss! Ayoko talaga sa kasabihang yan! If we’re meant to be, we will be? Kung tayo, tayo na ngayon! Simula na dapat ngayon! Hindi yang pinapaubaya natin sa tadhana ang lahat.”
    Tumawa na lang ako, “Eto na naman tayo. Basta, Jacob… Maiintindihan mo rin yan.”

    Humilig ako sa kanya. Inabot ko yung pisngi niya at hinalikan ko na. Ang cute-cute niya talaga pag nakikipagtalo. Gusto niya lang pikutin ako eh.

    Nakita kong pumula ang pisngi niya. Natawa na lang ako at napailing. Sarap talagang tignan na sobra-sobra parin ang reaksyon niya sa kahit anong gawin ko. Talagang makikita mo iyon sa mukha at reaksyon niya.

    “Sa bahay ka na tumira-“
    “Jacob, hindi nga pwede…” Sabi ko.
    “Kainis naman! Lahat di pwede! Gusto kong nakabantay ako sayo palagi, Rosie… Kainis ka!”
    “Maghintay na lang tayo kung kailan pwede na.” Sabi ko.

    Badtrip siyang pumasok sa unang araw ng school. Natatawa naman ako nang pumasok ako.

    As usual, wala na naman ako masyadong nakakasalamuha sa mga kaklase ko dito. May mga ngi-ngiti-ngiting mga lalaki pa. Ilan sa kanila alam na si Jacob ang boyfriend ko kaya hanggang ngiti na lang ang nagagawa nila. Alam nilang basagulero yun at isip bata kung nagagalit.

    Mas mabuti na rin yang walang nanggugulo. Nandito naman ako sa school para makapag-aral.

    “Rosie!!!” Sigaw ni Karl pagkatapos ng klase ko.
    “Karl…”
    “Ano? I-me-meet natin yung tinutukoy kong floor manager ng BSM collections…”
    “Hindi ako sigurado, Karl, eh!” Sabi ko.

    Pero sa kalooblooban ko, gusto ko na talaga. Gusto ko ang ideya na ito dahil mas madali ang pera. Kailangan ko din kasi ng pera para di palaging si Jacob yung gumagastos para saming dalawa. Siya palagi ang may gift. Gusto ko rin siyang bigyan minsan pero mamahalin ang mga gusto kong ibigay. Hindi naman siya nanghihingi pero gusto ko lang talaga siyang bigyan.

    Isa pa, through this, hindi ko na kailangang humingi kina mama at papa ng allowance. Mabuti pa si Maggie, nagawa niyang mag trabaho noon para sa allowance niya. Ngayon, ito naman ang naiisip kong sagot sa mga problema ko.

    “Kumusta, Karl?” Tumaas ang kilay ng nakameet naming floor manager ng BSM collections.

    Sa isang coffee shop kami nag meet. Sa labas ng school.

    “Okay lang! Eto nga pala si Rosie Aranjuez. Rosie, eto si Kira.”

    Naglahad ng kamay itong si Kira. Si Kira ay isang lalaking may blonde na buhok. Ngayong naglahad na siya ng kamay, nagdalawang isip ako kung lalaki ba siya o hindi. Mukhang, tulad ni Karl, binabae din.

    Nagkamayan kami at nagsiupuan na para pag usapan ang offer nila.

    “Tama ka, Karl. Bagay nga siya kahit sa ramp.” Nihead-to-foot ako ni Kira.
    “Sabi sayo eh. Hindi lang mukha. Pati katawan.” Kumindat si Karl sakin.

    Ang bading na ito talaga!

    “Oh sige, eto na… Kailangan ni Ms Bubbles Manuel ng mga modelo para sa launching ng bagong collections niya.”
    Bago siya nakapagpatuloy ay pinutol ko na siya, “Ano bang susuotin diyan? Hindi ba yan bra at panty lang?” Tanong ko.
    “Hindi. Ano ka ba! Kaloka! Gowns at mga damit ang linya niya. Syempre. May agency naman na contact yung BSM, kaso gusto ni Ms Bubbles ng bagong mukha. Hmmm. Mga panglima ka siguro sa kanila. To wear the finale gowns. Marami kasi yung pang finale niya.”

    Napalunok ako.

    “Magkano yung T.F sis?” Tanong ni Karl.
    “Nako! Walang problema sa talent fee. 10 thousand kada show… Pag kasali ka naman sa brochure niya, baka maging 25 thousand pa yan. Pag finale, 15k. Ano? Payag na!?” Nakangisi siya. Halos mabilang ko na ang mga ngipin niya sa laki ng ngisi.
    “Strikto yung boyfriend ko, eh. Ayaw niya ng ganito.” Sabi ko.
    “Naku!!! Yung boyfriend mo ba ang may hawak ng buhay mo? Hindi naman diba? Tsaka? Anong klaseng boyfriend yan? Hindi ba lahat ng lalaki nangangarap ng modelong girlfriend? Girl! Kung mapapasali ka sa kahit isang show lang ni BSM, talagang magsisilapitan ang designers sayo… Lalo na kasi sa finale kita isasali. Makinis ka saka mestiza. Bagay na bagay ka sa mundong ito. You’re gonna be big!”

    Napainom ako sa inorder na coffee.

    “Tama din siya, Rosie. Kausapin mo na lang si Jacob tungkol dito. I’m sure maiintindihan niya ‘to. Tsaka anong magagawa nun? Sunudsunuran yun sayo! Don’t tell me, iiwan ka niya pag maging modelo ka na? Imposible…”

    Tingin ko dapat kausapin ko muna si Jacob.

    “Sagutin mo na ako, girl!” Tumawa si Kira. “Para ma finalize na yung kasali sa ramp. Baka mapili ka pa sa brochure!” Aniya.

    Nilatag niya ang shots kong kinuha ni Karl anim na buwan na ang nakalipas.

    “Pag nakita ito ni BSM, baka isali ka niya talaga. Walang binatbat ang mga modelo sa agency dito sa shots mo eh.”
    Uminit ang pisngi ko sa puri niya. Hindi ko alam kung totoo yun o talagang kinukumbinsi niya lang akong sumali.
    “O sige… Sali na ako.” Suminghap ako.

    Napapalakpak si Karl. Tumili din si Kira. Ngumiti na lang ako sa kanilang dalawa. Sa wakas! Trabaho!

  • Kabanata 1Open or Close

    Kabanata 1
    Magpanggap Muna

    “Hindi yan pwede sakin, Rosie!” Sabi ni Jacob sakin pagkatapos kong sinabi ang tungkol sa trabahong papasukan ko.

    Sinasabi ko na nga ba, hinding hindi siya papayag. Pumirma na ako sa kontrata kaya wala na akong magagawa sa ngayon. Hindi ko nga lang muna sasabihin kay Jacob. Nagwawala na nga siya ngayon, baka mas lalo lang itong magwawala pag nalaman niya.

    “Jacob…” Sinundan ko siya.

    Pauwi na kami. Padabog siyang nagmamartsa papuntang sasakyan niya. Kanina pa kami pinagtitinginan ng mga tao. Nagsisi tuloy ako. Bakit ko pa kasi sinabi ang tungkol sa modeling dito sa school. Hindi pa naman ito makapagtimpi. Pag galit, galit talaga.

    Padabog siyang pumasok sa sasakyan niya. Binuksan ko na lang ang pintuan ng front seat. Inirapan niya ako pagkapasok ko.

    “Jacob… I need it.” Sabi ko sabay hawak sa kamay niya.

    Napalunok siya habang tinitignan ang mga kamay namin.

    “Please… Sasama ka naman tuwing may event. Kahit sa rehearsal.” Ngumiti ako sabay haplos sa kamay niya.

    Napalunok ulit siya. Nag half-open ang bibig niya at tinignan ako.

    “Please?” Malambing kong sinabi.

    Binawi niya agad ang kamay niya.

    “Ayoko.” Masungit niyang sinabi.
    “Bakit?” Kumunot ang noo ko.
    Napabuntong-hininga siya, “Rosie, pwede namang di ka na magtrabaho. Tsaka anong klaseng trabaho ba yan? Maraming titingin sayo. Tapos maraming makakahawak sa balat mo… trabaho pa ba yan? Kung gusto mong magtrabaho, magtrabaho ka sakin!”

    Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya.

    “H-Huh?” Umiling ako. “Jacob, anong klaseng trabaho yang sinasabi mo? Panandalian lang naman ito. Hindi naman ito full time. Lagi parin tayong magkasama-“
    “Hindi yan ang point ko! Ang point ko dito ay ayokong nagtatrabaho ka ng ganyan. Modeling? Tsss! Puro balat lang naman ang pinapakita diyan. Anong susootin mo? Bra at panty? Hindi pwede… Kung anong meron ka, akin lang yun. Bawal na ang iba-“
    “Jacob, hindi naman bra at panty! Gowns nga eh. Gowns! Magagandang gowns! Ayaw mo ba akong makitang mag soot ng gowns?”
    “Gusto pero sa kasal natin. Hindi sa model-model na yan. Tsss! Basta, Rosie, ayoko! Anong klaseng gown, yung may matindi pang cleavage? Tss!”
    “Jacob…” Hinaplos ko ang leeg niya.

    Natigilan agad siya sa ginawa ko.

    “Please, Jacob. Hindi naman ako papayag kung sobrang sexy ang ipapasoot sa akin. Of course, alam kong hindi ka papayag dun. Importante sakin yung opinion mo kasi syempre, sayo naman ako.” Hinalikan ko ang pisngi niya.

    Nakita ko ang pagsinghap niya habang hinahalikan ko ang pisngi niya.

    “Promise, Jacob.” Sabi ko. “Isasama talaga kita tuwing may event. Gusto ko lang kumita ng kahit konti. Hmmmp… Pwede naman siguro yun, diba?”
    Hindi parin niya ako tinitignan. “P-Paano kung makahanap ka ng iba?”
    Tumawa ako sa sinabi niya, “Hindi naman ako nagtrabaho doon para makahanap ng iba.” Nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya.

    Nakita kong bumilis agad ang paghinga niya habang tinitignan ang mga labi ko. I like my effect on him.

    Dahan-dahan kong hinalikan ang labi niya.

    “Please, Jacob…” Sabi ko in between kisses.
    “Hmm…”

    Dinilat ko ang mga mata ko at nakita kong nakapikit na siya at biglang lumalim ang mga halik niya sakin.

    Hindi niya parin kinukumpirma ang pagpayag niya sa pag momodel ko. Ayaw niyang kumpirmahin. Hanggang sa nung may gig na sila sa isang bar.

    “GO JACOOOB!” Sigaw ng mga tao habang hinihintay silang lumabas sa stage.

    Kasama ko si Ava, Belle at Callix na todo ang lampungan sa kabilang table.

    Malaki ang ngisi ni Jacob nang nasa stage na sila. Halatang marami-rami na siyang nainom. Kanina pa kasi kami dito at nag ce-celebrate kami. Well, hindi naman talaga celebration na masaya. In fact, despidida na nga nila eh. Mabubuwag na yata ang bandang Jacob dahil sa pag-aaral. Hindi naman talaga sila seryoso sa pagbabanda. Past time lang nila ito. Ngayong second year na kami, mas nagseryoso at tumutok na sila sa pag aaral kaya nag desisyon silang itigil muna ang mga gigs.

    “This time, This place
    Misused, Mistakes
    Too long, Too late
    Who was I to make you wait…” Nagsimula nang kumanta si Jacob.

    Seryoso ang mukha niya at nakatingin na naman sakin. Ngumiti lang ako sa kanya.

    Nakita ko rin ang ngiti niya nang kinakanta na ang chorus. Pumikit pa siya at parang dinamdam talaga ang kanta. Nagka goosebumps tuloy ako sa lamig at ganda ng boses ko. Napapikit din ako kahit na halos di ko na naman marinig sa daming tumitili at namimicture sa kanila.

    Dumoble ang dami ng tao ngayon dahil alam nilang last na ito ng banda nina Jacob.

    “Coz you know, you know, you know… That I love you. I have loved you all along. And I miss you. Been far away for far too long. I keep dreaming you’ll be with me and you’ll never go”

    Habang dinidinig ko ang kanta, hindi ko alam kung bakit kinurot yung puso ko. Bumilis at lumakas din ang pintig nito. Dumilat ako para tignan si Jacob. Nakapikit parin siya habang kinakanta ito.

    Napahawak ako sa puso ko. Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako.

    Hinawakan niya ang baywang ko at hinalikan agad ako sa pisngi pagkatapos nilang tumugtog.

    “Uwi na tayo.” Yaya niya sakin.

    “One more song! One more song!” Sigaw ng mga tao sa buong bar.

    Ngumisi si Jacob sa kanila at umiling.

    “Di pwede, gusto ko na talagang umuwi kasama ang asawa ko. Next time na lang.” Tumawa siya.

    Naamoy ko na talaga ang alak huh? May amats na talaga ang isang ‘to.

    Kakaupo pa nga lang nina Leo, Ron, Teddy at Louie sa table ay nagyayaya na agad ‘tong si Jacob umuwi.

    “Tayo na, Rosie.” Hinila niya ang kamay ko nang tumatawa.
    “You’re drunk, Jacob.” Umiling ako at ngumisi.
    “Hindi naman.” Tumawa ulit siya.
    “Hindi ka na makakapagdrive nito.”
    Ngumisi siya at hinila ulit ako.
    “Uh… Uwi na kami ah?” Sinulyapan ko sina Callix, Belle at Ava.
    Tumango silang tatlo.

    Kumaway na lang ako kina Leo. Itong si Jacob kasi walang planong mamaalam sa kanila. Ngumingisi namang kumaway pabalik si Leo sakin. Uminit tuloy ang pisngi ko sa mga reaksyon nila sa pag alis namin.

    “Jacob, lasing ka. Di kaya mabangga tayo nito?” Tanong ko nang pumasok ako sa front seat.
    “Kaya nga sa bahay na lang tayo matutulog kasi malayo pa yung sa inyo.” Kumindat siya.
    “WHAT?”
    “Asus, Rosie. Hindi naman ito ang first time.” Ngumisi siya.
    “A-A-Alam ko… Pero, Jacob… Bukas yung ano…” Sabi ko.
    Sumimangot siya at pinaandar ang sasakyan.

    Napangiti ako. Kahit pala lasing siya ay naaalala niya parin yung mangyayari bukas. Ganun parin ang desisyon niya. Consistent talaga ang kurimaw na ito.

    Tumigil ang sasakyan sa red light.

    “O sige, sa inyo ako matutulog.”
    Sumulyap siya sakin.
    “Sa inyo ako matutulog tapos sumama ka sakin bukas ng umaga para sa rehearsal, okay?” Sabi ko.
    Hindi parin siya umimik. Nilapit ko ang mukha ko sa kanya pero pumirmi lang siya at di nagpatinag.
    “Jacob, sige na naman… Hindi naman araw-araw na trabaho ito. Please naman.”

    Napatingin siya sakin. Sinimangutan ko na.

    “O sige, pupunta tayo bukas pero hindi ko pa aprobado ang lahat. Titignan ko pa kung healthy ba yung environment doon. At pag ayaw ko, hindi ka sasali.”
    “Talaga?” Hindi ko mapigilang di ngumiti.

    Alam kong hindi parin sigurado yung sinabi niya pero alam ko ring madadaan ko siya sa lambing!

    “Oo.” Umiling siya.
    “YEEEY!” Niyakap ko siya.

    Tinulak niya ako palayo. Lumayo ako ng bahagya. Akala ko ayaw niyang yumayakap ako sa kanya, yun naman pala, tinulak niya ako ng konti para mahalikan ako.

    “Hmmm. Jacob…” Sabi ko.

    Lumalalim na naman ang mga halik niya.

    “B-Baka, green light na.” Sabi ko.
    “Hmm?” Mas lalo niya akong hinila para halikan.
    “Baka ‘go’ n-“
    “Magpanggap na lang muna tayong nasiraan.”

    Tinulak ko na. Grabe naman itong isang ito. Kaya talagang mag panggap na ganun? Natawa ako sa sinabi niya.

    “B-Bakit?” Tanong niya habang tinitignan akong halos maiyak sa kakatawa.
    “Umalis na tayo! Green na oh!” Sabay turo ko sa traffic light.

    Langya talaga! Haaay! Ewan ko talaga sayo, Jacob Buenaventura. Naloloka ako. Isip bata siya at medyo green minsan pero nakakataba talaga ng puso ang pagmamahal niya.

  • Kabanata 2Open or Close

    Kabanata 2
    Nanisay Sa Kilig

    Late kaming nagising ni Jacob at na traffic pa kaming dalawa papuntang rehearsal.

    “Saan ba kayo galing, Rosie?” Salubong ni Karl sakin.

    Tamad na sumusunod si Jacob sakin. Nagpapanic na nga ako at binibilisan ko na ang paglalakad pero lagi ko siyang hinihintay. Ang mahal naman ng bawat hakbang niya.

    “Jacob, bilisan mo!”
    Suminghap siya, “Kailangan ba talaga nating pumunta dito?”

    Hindi ko na siya sinagot sa bilis ng lakad ko papasok ng venue. Marami akong nakasalubong na mukhang importanteng tao. Marami din akong mga damit na nakita. Halatang busy ang lahat sa rehearsal at sa mga damit.

    “Ni hindi ka pa nga nakakapag-fit sa susootin mo.” Ani Karl. “KIRA!” Sigaw niya nang biglang dumaan si Kira sa tapat namin.
    Lumingon si Kira samin. Nag second-look pa talaga siya. “Uyy!” Tinignan niya ako.
    “Rosieee!” Nagbeso siya sakin.

    Naramdaman ko agad yung paghila ni Jacob sa kamay ko.

    “He’s gay.” Bulong ko sa kanya.
    “Pakealam ko.” Hindi siya bumulong kaya kumunot ang noo ni Kira.

    Ngumisi na lang ako at umiling.

    “Kira, ito nga pala si Jacob, boyfriend ko.” Pinakilala ko na lang si Jacob.
    Tumango si Kira at ngumiti, “Manonood ng rehearsal? Pwede na dun sa front seats.” Sabay turo ni Kira sa mga upuan malapit sa stage.
    “Oo nga, Jacob. Doon ka na lang maghintay. Baka all girls kami sa back stage.”
    Bumuntong-hininga si Jacob at hinalikan ako sa pisngi, “Okay… Uupo lang ako dun.”

    Tinalikuran niya agad kami. Naglakad siya habang nasa bulsa ang dalawang kamay.

    “OH MY GOD!” Nabigla ako sa salubong na tili at sigaw ni Kira sakin.

    Para siyang naninisay kilig at ngiti habang tumatalon pa. Nag face-palm naman si Karl habang tinitignan si Kira.

    “Sabi na eh.” Sabi ni Karl.
    “What the? Yun boyfriend mo hija? Jusko day! Pinagpawisan ako ng maiinit sa kanya ha? Sheet! Kaloka!” Sinundan niya ng titig si Jacob.

    Natawa na lang ako at napailing sa reaksyon niya.

    “Ba’t di mo sinabing God-like pala yung boyfriend mo? Sana sinali ko siya dito!”
    “Huh? May mga lalaking models?” Tumaas ang kilay ko.
    “Oo naman! May barong at suits na designs si Ms. Bubbles no! Gosh! Hindi ako makaget over sa boyfriend mo.” Pinaypayan niya ang sarili niya. “Gusto ko talaga yung mga ganung lalaki. Yung mga tipong mukhang nanununtok?” Tumawa siya.
    “Hindi mukhang nanununtok, sis! Talagang nanununtok yun! Muntik nang pumutok yung mukha ko nung nagselos siya samin ni Rosie eh.” Sabi ni Karl. “Kaya kung ako sayo, iwasan mo itong babaeng ito. Kita mo kanina? Nagbeso ka sa kanya pero hinila niya agad tong si Rosie? Seloso yun! Kahit siguro itong si Rosie yung mag initiate ng pagbebeso sayo, ikaw parin yung masusuntok. Eh patay na patay yun dito.”
    Sinapak ko ang braso ni Karl. Tumawa lang siya.
    Nanlaki ang mata ni Kira, “TALAGA? Oh my God! I think mas lalo ko siyang naging tipo!!!” Nagtatalon na siya ngayon.

    Whaaaat? Natawa na lang ako sa sinabi ni Kira.

    “Ikaw talaga.” Umirap ako kay Karl nang na busy na si Kira.
    “Binabalaan ko lang naman yung loka-lokang iyon.” Tumawa siya.

    Ipinakilala ako kay Ms. Bubbles S. Manuel. Ipinakita din sakin yung gown na sosootin ko. Isa siya sa mga finale gowns. Itim ang kulay, tsaka may sequence na diamonds sa turtle neck. Nung una, hindi ko siya gaanong nagustuhan pero okay na rin yun para wala ako masyadong maipakitang balat (at hindi magalit si Jacob). Pero nang sinoot ko na, narealize kong backless pala ito. At least, diba, kesa sa may cleavage.

    “Ito yung mga kasama mo.” Sabay turo niya sa mga sinusukatang mga models. “Isang agency sila kaya magkakaibigan yung mga yan. Lima lang kayong hinde kasali sa agency. Sana wa’g kang ma OP.”

    Tumango ako. Hindi naman ako nandito para makipag kaibigan. Nandito ako para kumita kaya walang problema kung hindi ko sila kilala.

    “Hello! Guysss!” Pumalakpak si Kira para makuha ang pansin ng mga models. “This is Rosie. Siya yung pang limansa finale.”
    “Hi Rosiee!” Matapang na bumati yung grupo ng magkakaibigan na modelo.

    Nginitian ko na lang sila. I’m not really good with introductions. Wala akong masabi.

    “Teka, girl, 5’7 ka diba? Anong height ng bf mo? 6 footer ba yun?” Tanong niya.
    Nagkibit balikat ako, “Idunno. I think, 5’11?” Sagot ko.
    “Bagay talaga siya dito.” Nag isip si Kira.
    “Hindi yun mahilig sa ganito.” Umiling ako.
    “Weeeh? Baka naman ayaw mo lang ma expose siya sa mga naggagandahang ito.” Itinuro niya ang mga magagandang modelo.
    Kumunot ang noo ko, “Hindi… Kung gusto mo, subukan mong tanungin yun.” Tumawa ako.

    Iniwan niya ako para i-direct ang mga naunang lumabas na model. Tig li-lima kaming lalabas . Tatlong babae at dalawang lalaki ang sabay na lalabas pero isa-isang rarampa. Kinabahan tuloy ako kasi first time ko ito.

    “Hi, Rosie!” Naaninaw ko ang isang model na abot tenga ang ngiti.

    Kulay brown at straight ang buhok niya. May kamukha siya, hindi nga lang ako sigurado kung sino.

    “Hi!” Sabi ko.
    “I’m Jasmine…” Naglahad siya ng kamay. “Ikaw yung panlima satin diba?”
    Kinamayan ko siya, “Oo.”
    “Nakuuu! Buti na lang may kasama ako dito. Kanina pa kasi ako na a-out of place sa mga ito eh.” Kinulot niya ang buhok niya gamit ang daliri. Mannerism niya yata.
    “Finale ka rin pala?” Tanong ko.

    Epic fail yung tanong ko. Of course, ibang-iba yung beauty niya sa mga modelo ng agency. Parang espesyal talaga.

    “Oo. Akala ko nga ako yung panlima eh. Yun pala, ikaw.” Ngumiti siya. “Kulay gold yung gown ko. Sayo?”
    “Uhm… Black-“
    “OH MY GOOOD!” Sigaw ng mga babaeng kakabalik lang galing sa stage.
    “Bakit?” Tanong nung papalabas na modelo.
    “May gwapooong nanonood!”
    “Ohh? Bakit kayo nagtitilian diyan eh hindi pa ba kayo sanay samin?” Sumulyap yung nagsalitang half-naked na lalaki sakin.

    Binalewala ko lang.

    “Brandon, di porke’t finale ka, nagmamayabang ka na!” Umirap yung isang modelo.
    “Kita mo na, ma a-out of place tayo dito.” Bulong ni Jasmine sakin.
    Sumipol si Brandon at, “Di ah! Sinasabi ko lang naman in behalf saming mga models dito.” inayos niya ang buhok niyang hanggang leeg at sumulyap ulit sakin.

    Ngayon nakita ko na agad ang hubog ng katawan niya. Kung titignan siyang maigi, mukha siyang half-foreigner. Halos blonde yung buhok niya at puti ang balat niya kahit binuhusan yata ng oil.

    “Sayang ka, Brandon, ang gwapo mo pero pasikat ka masyado.” Tumawa yung isang modelo. “Mag t-shirt ka nga!”

    Sumulyap ulit si Brandon sakin.

    “Kasalanan ko ba kung may type ako dito ngayon?” Ngumisi siya sakin.

    Napakurap-kurap ako. Nag iwas na lang ako ng tingin sa kanya at binaling ang atensyon sa cellphone ko.

    “Oh my Goddd! Ang gwapo niya talaga!!!” Sigaw ng mga modelong nanonood sa stage galing sa backstage.
    “Sino ba yan?” Tanong nung isa.

    Nagbulungan silang dalawa.

    “Yung vocalisssssssssst?”

    Napapikit ako sa tinig ng tili ng mga modelo. God, they’re talking about Jacob! Ganun ka grabe yung epekto niya? Napabuntong-hininga ako. Nang dumilat ako, naaninaw ko agad ang titig ni Brandon sakin.

    What the F? Talaga bang wala siyang patawad kung makatingin? Hindi siya nahihiya kahit na lagi ko siyang nahuhuling tinitignan ako.

    “I think I’mmmmm in love!!!” Bulgar niyang sinigaw habang tinitignan ako.

    Nag iwas na lang ulit ako ng tingin.

    “Ha? Kanino?”
    “Sakin ba?” Tanong nung isang model.

    “Haaay! Ewan ko! Na love at first sight yata ako.” Aniya at madramang nag walk out sa kanila.

  • Kabanata 3Open or Close

    Kabanata 3
    Walang Makakapagpabago

    Kabado ako habang naglalakad sa stage. Ako yung huling rarampa. Ako din yung nasa gitna naming lima. Halos di ako makalunok sa sobrang kaba ko.

    “First time?” Tumaas ang kilay ni Brandon habang nililingon ako.

    Siya kasi ang huli sa mga lalaki. Ibig sabihin, magkasunod kami sa linya. Una siyang lalabas, tapos ako.

    “Yep.” Hindi ko siya tinignan.

    Pinanood ko si Jasmine na nakanganga ang ngiti habang naglalakad. Para bang over confident kung makapaglakad sa ramp.

    “Kaya pala pang finale yun.” Narinig kong sinabi ng isang model.

    Mas lalo akong dinaluhan ng kaba. Wala akong experience sa mga ganito kaya kabadong-kabado ako ngayon.

    “Ikaw si Rosie, diba?” Tanong niya.

    Kabanas! Ayokong makipag-usap sa ngayon. Ayoko ring makipag-usap bukas o kahit kailan man. Tumango ako. Ayoko namang maligo sa tsismis na lumalaki ang ulo kaya nagsusuplada.

    “I’m Brandon.” Naglahad siya ng kamay.

    Nagdalawang isip pa ako kung tatanggapin ko ba yung kamay niya. Pero tinanggap ko rin nang may kasamang buntong hininga.

    Mabilis lang yung kamayan namin pero nang bawiin ko na ang kamay ko, hindi siya pumayag. Nagkatinginan kaming dalawa. Nakasimangot ako habang nakangiti siya.

    “Ang bilis mo namang makipag shake hands.” Aniya at ngumisi.
    “Shake hands lang naman. Hindi holding hands.” Tuluyan ko nang nabawi ang kamay ko.

    Inirapan ko siya pero natawa na lang siya.

    “Sungit…” Tumawa ulit siya.

    “BRANDOOON!” Narinig kong sigaw ni Kira galing sa stage. “It’s your turn! Hindi ka ba nakikinig?”
    “Oh! Sorry!” Mabilis siyang tumakbo palabas ng back stage.

    Pinasadahan niya ng daliri ang mahabang buho niya habang confident na rumarampa sa harapan. May mga tinuro pa siyang mga babae. Nag flying kiss din siya sa mga ito.

    “THAT’S NOT HOW YOU DO IT, BRANDON! Hindi ito rampa ng mga naka hubo’t-hubad! Seryosong rampa ito. Suite yung susootin mo!” He rolled his eyes.
    “Sorry, Kir…” Tumawa ulit si Brandon.
    “Nagpapasikat lang yan!” Sigaw ng mga babae sa backstage.

    Tinignan nila ako. Nag iwas ulit ako ng tingin. Ang weird naman… Kinakabahan tuloy ako lalo.

    “Rosie, ikaw na ang susunod.”

    Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang sinabi ni Kira. Hindi na ako makapag isip ng mabuti sa sobrang kaba.

    “Rosie…” Bulong ni Karl sakin.
    “Saan ka ba galing?”
    “Doon lang kay Ms. Bubbles. Gulong-gulo yung mga models habang naglalaway sa lintik mong boyfriend. Dapat sumali na lang siya dito eh.” Aniya. “Alam kong di yun papayag.”
    Nagkibit-balikat ako habang tinitignan ang pagrampa pabalik ni Brandon. Nakatingin na naman siya sakin.

    “Rosie, dear, lika na!” Sigaw ni Kira.

    Lumunok ako at nagsimulang maglakad papuntang stage. Hindi ako makangisi sa sobrang kaba. Naaninaw ko ang walang buhay na mukha ni Jacob… nang nakita niya ako, umayos siya sa pag upo at nabuhayan ang ekspresyon niya.

    “Kembot ng konti!” Sigaw ni Brandon.

    Umirap ako habang naglalakad pero sinunod ko rin ang payo niya.

    “Very good, Rosie!” Sabi ni Kira habang nag hihintay sa gitna ng ramp.

    Tumigil ako sa harapan niya.

    “Itong mukha mo, pang finale talaga. Pati katawan mo. Now pose, 1… 2… 3… tapos talikod.”

    Sinunod ko ang mga sinabi ni Kira.

    “Very goood!!!” Sabi ni Kira.

    May pumalakpak pa sa audience. Nilingon ko si Jacob na nakastanding ovation habang nginingitian ako. Uminit tuloy ang pisngi ko sa ginawa niya. Nakita ko talaga ang sabay-sabay na paglaglag ng mga panga ng mga babaeng nandoon at naglalaway sa kanya.

    “Opppsss! Hija, bawal lumingon sa audience kung may pumapalakpak. Patuloy lang sa paglakad hanggang sa makaabot sa position. Okay?”
    “Sorry, Kir.” Sabi ko at naglakad ng patuloy.
    “WOOOO!” Pumalakpak din si Brandon nang papalapit na ako sa tabi niya.

    Ngayon, silang dalawa na ni Jacob ang pumapalakpak. Napapikit na lang ako habang tumatayo sa posisyong tinuro ni Kira.

    “Galing mo, Rosie!” Bulong ni Brandon sakin.

    Tinignan ko na lang ang nakahalukipkip na si Jacob sa audience. Diretso ang tingin niya kay Brandon. Para bang naghihintay na makipagbakbakan sa titigan. Umiling na lang ako.

    Isang beses pa naming inulit ang lahat. Nag tiis talaga ako.

    “Yung mga ibang malayu-layo pa, pwedeng sa audience muna kayo para makita niyong mabuti kung anong gagawin ng mga nauna.”

    Tumayo ako at agad nagmartsa sa audience. Kating-kati na akong kausapin at makasama si Jacob. Nakaupo siyang mag isa doon sa audience habang pinagmamasdan akong papalapit sa kanya.

    “Doon tayo!!!” Tili ng ibang modelo sabay turo sa unahan o likuran ni Jacob. Kahit saan basta malapit kay Jacob! Heh! Minsan nakakainis yung kagwapuhan niya. Lahat nahuhumaling. Buti na lang di niya pinapansin yung iba.

    “Rosie, pupunta ka diyan? Icheck natin gowns natin?” Anyaya ni Jasmine sakin.
    Umiling ako, “Ikaw na lang. May pupuntahan lang ako.” Sabi ko.
    Tumango siya at umalis na para tignan ang gowns namin.

    Ang akala koy diretso na akong makakapagmartsa papunta kay Jacob, yun pala, nandito si Brandon at nakaharang sa daanan ko.

    “Hi!” Bati niya.
    “Hello!” Patuloy akong naglakad.
    “Bilis yata ng lakad mo. Relax!” Humalakhak siya.

    Nilagpasan ko na. Kainis! Wa’g siyang magkakamaling mag flirt sakin sa harapan ni Jacob. Baka masupalpal siya ng di oras.

    Nakatitig siya sakin at seryoso ang mukha niya. Uupo na sana ako sa tabi niya pero tinapik niya ang hita niya.

    Napaawang ang bibig ko habang nagkakatitigan kami. Alam ko ang ibig niyang sabihin pero ayokong maniwalang gagawin namin ‘to sa harap ng nakatitig na mga babae at lalaking models.

    “Ha?” Marahan kong tinanong.
    Tinapik niya ulit ang hita niya.

    Uminit ang pisngi ko. Pakiramdam ko, kulay kamatis na ang mukha ko sa ginagawa niya. Nang nakalapit na ako sa kanya, dahan-dahan sana akong uupo sa lap niya pero bigla niya akong yinakap galing sa likuran.

    “Ahyyy!” Bumilis ang pintig ng puso ko.

    Narinig ko agad ang pagbubuntong-hininga ng mga tao sa likuran at mga taong nakatingin samin.

    “Mag boyfriend sila!” Pabulong ito pero dinig na dinig ko.

    Mahigpit ang yakap ni Jacob sakin. Sinandal niya ang mukha niya sa leeg ko. Parang inaamoy at hinahalikan niya ang leeg ko kaya nakikiliti ako.

    “Good job!” Sabi niya at ngumisi.

    Kinabahan ako. Akala ko ayaw aayaw na siya dahil kay Brandon, pero hindi pala.

    “Gusto mo na ba dito?” Tanong ko.
    Hinigpitan niya lalo ang pagkakayakap sakin.
    “Hindi parin. Ayoko. Tsaka… May mga lalaki pala dito?”
    “Uhmm.. Oo. Kanina ko lang nalaman.” Napalunok ako.

    Nagkatinginan kaming dalawa. Hinalikan niya ako bigla sa pisngi. Maraming beses at sunod-sunod.

    “Jacob…” Saway ko.
    “Hmm?” Patuloy siya sa paghalik.
    “Maraming tao…” Sabi ko.
    Tumigil siya at ngumisi. “Mamarkahan kita sa harapan nila para di na sila magtangkang kunin ka sakin.”
    Binatukan ko, “Hindi naman talaga ako magpapaagaw! Crazy!”

    Napabuntong-hininga ako. Mabuti na lang at naging open minded na rin siya dito.

    Hinalikan niya ang buhok ko habang nakaupo parin ako sa hita niya.

    “Jacobbb!” Sinapak ko ang braso niya.

    Habang ginagawa niya yun, nakita ko si Brandon sa harapan namin. He’s stunned. Halos laglag ang panga niyang tinititigan kaming dalawa. Well, yes, I’m taken.

    “I love you, Rosie…” Bulong ni Jacob sa tainga ko.
    “I love you, too.” Sagot ko.
    “I love you, more…” Sagot niya. “Walang makakaagaw sa iyo.”

    Ngumiti ako. Nahagip na naman ng paningin ko si Brandon na ganun parin ang reaction.

    “Anong problema ng adik na yan?” Sabay nguso ni JAcob kay Brandon.
    “Hindi ko alam. Hayaan mo na.” Sabi ko.

    “Finaleee group! Lina kayo!” Sigaw ni Kira.

    Tumayo ako pero hinila ako pabalik ni Jacob.

    “Uwi na tayo?” Yaya niya.
    “Isang oras pa nga tayo dito.” Tumawa ako.
    “Ginugutom na ako eh.” Sabay hawak niya sa tiyan niya.
    Tumaas ang kilay ko, “Gutom?”
    Ngumisi siya, “Oo. Gutom na gutom… Tsaka… uhaw din ah?” Humalakhak siya.
    Uminit na naman ang pisngi ko.

    Naglakad ako nang di natatanggal ang ngiti sa mukha ko. Shet na Jacob! Alam na alam ko kung anong klaseng gutom at uhaw ang sinasabi niya.

    “Habang nandito pa ako, wa’g niyo isiping the best na ang syota niyo!” Pangaral ni Brandon kina Jasmine sa backstage.

    Nakita niya ako. Para bang sinasadya niyang paringgan ako kasi inulit niya ulit yun.

    “Again, sabi ko, habang nandito pa ako, wa’g niyong isiping the best na ang syota niyo!”

    Nag iwas ako ng tingin sa kanila. Jacob is the best for me. No other man is perfect for me. Walang makakapagpabago ng isip ko nito.

  • Kabanata 4Open or Close

    Kabanata 4
    Ang Kailangan

    “Pag naging successful ito, itetreat ko kayong lahat sa Imperial Bay!” Panghuling sinabi ni Ms. Bubbles pagkatapos ng rehearsal.
    Pumalakpak ang mga models.

    “Kaya gusto ko talaga sumali sa BSM ramp dahil dito.”
    “Bait talaga ni Ms. Bubbles!” Dinig ko ang mga comments ng mga models sa likuran ko.
    “Thank you, Miss Bubbles!”

    “Okay. See you sa sukatan! Be there, ayt? Ayoko ng last minute nang nagsusukat. I’ll call this a day.” Tumango siya at ngumiti samin.

    Maiksi ang buhok ni Ms. Bubbles at palangiti siya. Designer kaya fashionista. Akala ko intimidating siya nung una, pero mali ako.

    “Hi!” Untag ni Brandon sakin habang tumatayo ako at aalis na sana.

    Nasa labas si Jacob, naghihintay sakin. Binalewala ko si Brandon pero pinilit niya ako. Sinundan niya ako sa paglalakad.

    “Saan bahay niyo? Para mahatid kita! May sasakyan ako.”

    I glared at him. Nakita ko ang nakangisi niyang mukha.

    “No, thanks. Ihahatid ako ng boyfriend ko.”
    “Boyfriend mo pa pala talaga siya. Alam mo kung gusto mo ako, aasawahin kita agad. Wala ng boyfriend-boyfriend.”

    Tumindig ang balahibo ko sa sinabi niya. Nagpatuloy ako sa paglalakad habang sinasabayan niya ako.

    “Rosie!” Naaninaw ko si Jacob na seryosong nakahalukipkip sa labas ng office ni Ms. Bubbles.
    “Jacob…” Halos tumakbo ako papunta sa kanya.

    Nababanas ako sa kakasunod ni Brandon sakin.

    “Sige, Rosie! Ingat ka! Alis na ako.” Sigaw ni Brandon.

    Napapikit tuloy ako sa inis at sa kaba. Natigilan si Jacob at tinignan si Brandon. Hindi na lumingon ulit si Brandon. Patuloy na lang siya sa paglalakad pagkatapos niyang sabihin iyon at lagpasan kami.

    “Nag uusap kayo nun?” Tanong niya sakin ng nakasimangot.
    “Hindi. Feeling yung mokong na yun. Naiinis nga ako.”
    “Edi iwasan mo?”
    “Iniiwasan ko naman eh. Nakakainis! Hindi ako tinatantanan.”

    Nilingon ulit ni Jacob si Brandon.

    “Lika na.” Sabay kuha niya sa kamay ko.

    Hinila niya ako palabas ng building.

    “Kanina ko pa siya napapansin. Inggitero. Kung naiinggit siya dahil akin ka, humanap siya ng magiging kanya. Hindi yung pinapangarap ka rin niya.”
    “Wa’g kang mag alala, hindi niya naman ako maaagaw.” Sabi ko.
    “Wala akong tiwala sa kanya.”

    Mabilis kaming napadpad sa parking lot. Nandoon ang ibang models. As usual, nakanganga na naman sila habang pinagmamasdan kami ni Jacob. Pinagbuksan pa ako ni Jacob ng pintuan kaya nagsinghapan ang mga tao sa kakatingin samin. Pasalamat kayo, tinted itong sasakyan niya, hindi kayo masasaktan pag nasa loob na kami.

    Umiling na lang ako habang tinitignan si Jacob na humahakbang papasok ng driver’s seat.

    Hinila niya agad ang kamay ko at hinalikan ako sa labi.

    “Gutom parin ako…” Sabi niya pagkatapos ng halik.

    Tumawa ako.

    “Jacob, tama na nga… Masyado ka talagang green. Kumain na muna tayo. Pagkain, ah?”
    Tumawa rin siya.

    Hindi talaga ako magsasawa sa kanya. At alam ko ding di siya magsasawa sakin. Kahit sino pa yan, walang makakapigil saming dalawa. Hindi kami kayang hadlangan ng kahit nino. Masyado na kaming maraming pinagdaanan at hindi na kami basta-bastang matitinag. Pero feeling ko masusuntok si Brandon, any time soon, kung di siya titigil sa kaka flirt sakin.

    “Rosie, bukas yung sukatan ah? Don’t forget!” Sabi ni Karl sakin.
    Tumango ako.

    Buti sinabi niya. Sa sobrang busy ko sa school, nakakalimutan ko na yung modeling.

    “Hi Karl!” Sabay kaway nung freshman kay Karl.
    “Hi?” Kumaway din si Karl.

    Tumili yung babae at parang inaatake ng epilepsy sa kilig.

    “Yuck!” Bulong ni Karl sakin.
    Tumawa ako.

    Hindi niya parin kasi sinasabi sa madla na binabae siya. Nag dadasal na lang siya na isang araw ay marealize yun ng mga tao. True, marami nang nakakapansin sa kanya. Sina Edward, Josh, Callix at Leo ay nakakapansin na. Itong si Jacob naman, in denial parin. Hindi ko nga lang mapagtanto kung in denial ba talaga siya o talagang kahit mga bading ay pinagseselosan niya.

    “Kakasuka talaga yung dalawang yan.” Sabay nguso niya kay Callix at Belle na naglalampungan. “Madedetention na naman sila dahil sa sobrang PDA! Pwede bang maghalikan dito sa school? HINDI! Obvious bah! Kaya nga kayo na detention last sem! Rosie, pagsabihan mo naman yang kaibigan mo! Jusko po!”
    Tumawa ako, “Lagi ko namang pinagsasabihan eh. Spur of the moment siguro talaga pag magkasama sila. Nakakalimutan nila na nasa public place sila.”
    “Anyway, alis na ako. Ayan na ang halimaw mong boyfriend. Ayokong masira mukha ko dahil magkasama na naman tayo.”
    “Nuka ba, tanggap niya na no.” Sabi ko habang tinitignan si Jacob kasama ang kabanda niya na papunta sakin.
    “Eh ayoko rin. Lagi masama tingin ni Leo sakin. May galit ba siya sa mga bakla? Kainis ah? Sige na, bye!” Bebeso sana siya sa pisngi ko pero pinigilan niya ang sarili niya.

    “Oh, saan papunta si Karl?” Tanong ni Jacob.
    “Wala, may gagawin.” Sabi ko.
    Tumango si Jacob.
    “Pare, siguro sa negosyo na talaga ako ni daddy mag fi-field study.” Sabi ni Leo bigla kay Jacob. “Buti talaga na disband tayo ngayon. Mabigat pala tong field study.”
    Nagkibit-balikat si Jacob at tinignan ako.
    “Field Study? Ikaw, Jacob, saan ka?” Tanong ko.
    “Ewan ko. next month pa naman yun. Hahanap na lang ako ng kompanya dito.”

    Naisip kong pwede naman sa negosyo nila siya mag fi-field study. Tulad ng gagawin ni Leo.

    “Sa negosyo niyo na lang kaya?” Sabi ko.
    Napaawang ang bibig niya, “Sa Alegria?”
    “Oo.” Sabi ko. “Tutal may negosyo kayo at ikaw ang tagapagmana nun, ba’t di na lang dun.”
    “Yoko…” Simpleng sinabi niya.

    Tinignan ko si Leo na nakikipag usap na kina Ron, Louie at Teddy.

    “Ba’t naman?”
    “Rosie, 9 hours ang byahe sa Alegria. Paano ako pupunta dun araw-araw at uuwi sayo gabi-gabi?”

    Kumirot ang puso ko sa sinabi niya. Talagang ako parin ang iniisip niya kahit tungkol na sa pag aaral niya ang pinag uusapan.

    “So gusto mo sa ibang kompanya na lang? Tulad ng Jimenez Lines? Brewery? Nestle? Ganyan ba?”
    Tumango siya.
    “Sayang naman, Jacob. Sayang yung kompanya niyo kung di ka doon mag fi-field study.” Natulala ako.
    “Wa’g muna nating isipin yan, next month pa naman.” Aniya sabay akbay sakin.

    Pero hindi ko maiwasang di mag isip. Paano ba naman kasi, ako yung nakakaapekto sa desisyon niya. I know for sure, gusto niya doon sa kompanya nila, pero dahil malalayo siya sakin, aayaw siya.

    “Paano kung uuwi ka ng Alegria sa Monday tapos babalik ka ng Manila sa Friday? Pwede naman siguro yun.” Sabi ko.
    Kinurot niya ang pisngi ko, “Mas nag iisip ka pa niyang sakin eh.”
    “O pwede namang, ako yung pupunta ng Alegria.” Sabi ko.
    “Hmmmm?”
    “Hmmm?”

    Nagkatinginan kaming dalawa.

    “Limang araw tayong di magkikita. Di ko yata kaya yan, Rosie. Magpapaalipin na lang ako sa ibang kompanya.” Tumawa siya.
    Kinurot ko ang abs niya.

    Kinagat ko ang labi ko nang naramdaman ko ang matigas niyang abs. Natigil din siya sa pagtawa at tinitigan ako.

    “O, wa’g mo akong tignan ng ganyan. Baka mahubaran kita dito ng wala sa oras. Sige ka!” Tumawa ulit si Jacob.
    Uminit ang pisngi ko kaya sinapak ko na.
    “Totoo! Kaya umalis na tayo. Sleep over ako sa inyo ngayon, pwede?”

    Ngumuso ako. Pinipigilan ko ang pag ngisi ko. Kabanas talaga itong si Jacob. Nasasaktan tuloy ako tuwing naiisip kong limang araw kaming magkakahiwalay kung sa Alegria nga siya mag fi-field study.

    “Heh! Ikaw talaga! Tumigil ka nga.”
    Patuloy siya sa pagtawa.
    “Bumisita din tayo ng Alegria.” Sabi ko.
    “Huh? Bakit?” Tanong niya.

    Noon, ayaw ko talaga sa mga bukid ng Alegria. Over all, ayoko sa mga bukid. Yun ang larawan ng kahirapan para sakin. Pero ngayon, napamahal na ako sa Alegria. Lahat ng probinsya, mahal ko na. Lagi ko kasing naaalala ang lahat ng nangyari samin ni Jacob. Yung first meeting namin. Yung pagbubuhat niya noon ng kahoy, yung pagiging judgemental ko sa mga taga bukid, yung pangangarap ko ng mayaman na boyfriend, yung panlalait ko sa kanya, at yung pag ibig niya syempre sakin. Tumatak lahat sakin. Kung gusto niyang markahan ako ng mabuti, nagtagumpay siya. Dahil kahit saan ako lilingon, siya lang ang naaalala ko. Kaya natatakot akong may mangyaring masama o magkahiwalay kaming dalawa.

    Pero sa lagay ni Jacob ngayon, malabong malabo yun. Hulog na hulog siya sakin. Hindi na siya masasagip pa. Patay na patay siya sakin, naagnas na nga sa sobrang patay. Kaya mahal na mahal ko.

    “Miss ko lang dun. Yung tayong dalawa lang.” Sabi ko. “Tsaka, bilhan din natin ng damit tsaka gatas yung anak ni April. Kawawa naman.”
    “Hmmm… O sige, ikaw bahala. Sa kubo ulit?” Nag evil smile siya.
    “Ay nako! Tumigil ka na ah! Grabe ka talaga!”

    Tumawa siya. Napailing na lang ako.

    “Sige na!”
    “Anong kubo?” Biglang tanong ni Leo.

    Nanlaki ang mga mata ko.

    “Yung kubo sa farm namin-” Tinakpan ko ang bunganga ni Jacob.
    “Huh? Tapos?” Tumaas ang kilay ni Leo.

    Kinurot ko ulit ang dibdib ni Jacob.

    “Araaaaaay!” Napasigaw siya.
    “Tumigil ka na ah!” Sabi ko.
    “Anong meron sa kubo ng farm niyo?”
    “Wala nga, Leo! Tsismoso ka masyado! Alis na tayo, Jacob!” Sabi ko.

    Tumawa lang si Jacob at sinunod ang sinabi ko.

    “Kainis ka!”
    “Bakit? Anong problema sa kubo! Wala naman akong planong sabihin kung anong nangyari dun! Ano sila, bale? Sinabi ko lang kung saang kubo. Baka pagpantasyahan ka pa nila pagsinabi ko lahat.”
    Umirap ako.

    Inakbayan niya ako. Nilapit niya ang mukha ko sa mukha niya.

    “Bawal ka na. Bawal na bawal. Dahil akin ka.” Bulong niya.

    Tumindig ang balahibo ko sa sinabi niya.

    “Ubos na condom, Rosie. Paano ba yan? Mabubuntis ka na talaga yata. Kaya magpapakasal na tayo.” Aniya.
    “Tseh! Tumigil ka ah! Di mo ako mapipikot! Konting tiis na nga lang. 2 years na lang makakagraduate na ako.”
    “Ang tagal-tagal talaga eh. Di ko na kaya.”
    Suminghap ako.

    Para kasing nadadala niya na talaga ako. Parang gusto ko na ring magpakasal sa kanya. Parang gusto ko na lang mag settle down at mamuhay ng masaya kasama siya. Pero alam ko ang tuwid na daan. Nagpadala na ako sa mga gusto ko noon, ngayon, ang kailangan ko na naman ang aatupagin ko.

  • Kabanata 5Open or Close

    Kabanata 5
    Mga Panira

    “Tamang tama lang kay Rosie yung gown.” Sabi ni Kira.

    Sinusukat ko yung gown na susootin ko sa finale. Nasa harapan ko si Jacob. Pinasadahan niya ako ng tingin. Mula ulo hanggang paa talaga niya ako tinignan.

    “Okay ba?” Umikot ako at naghintay sa reaksyon ni Jacob.
    “Wow! Mukha kaming ikakasal!” Nawindang ako sa biglang narinig ko.

    Nandito pala si Brandon! Pinili ko pa namang gabi na pumunta para mahuli ako at di ko na siya makita pa.

    “Bagay?” Tumaas ang kilay niya habang tinitignan si Kira.
    “Ewan ko sayo, Brandon. Ayusin mo yang tikas mo at baka matanggal kita dito.”
    “Ito naman. Di mabiro.” Tumawa siya.
    “Pasalamat ka gwapo ka!” Ani Kira.

    Sumulyap ako kay Jacob at napalunok na lang ako nang nakita ko siyang tinitignan si Brandon.

    “Hindi naman bagay eh. Sakit nga sa mata.”

    Natigilan kaming lahat sa biglang pagsasalita ni Jacob. Tingin ko ay nagalit talaga siya sa sinabi ni Brandon. Bakit niya pa kasi binabanggit na mukha kaming ikakasal? Alam naman nating lahat na frustrated si Jacob na pakasalan ako. Siguro ay pag naiisip niyang magpapakasal ako sa iba, magwawala ito. Wrong move, Brandon! Leche!

    Nilapitan ko agad si Jacob.

    “‘Mukha’ lang naman pare. Easy…” Tinaas ni Brandon ang kamay niya.
    “Tsaka itim yung soot ni Rosie. Hindi kasal, burol siguro.”

    Hinaplos ko si Jacob para kumalma. Kitang-kita ko na ang galit sa mga mata niya habang tinitignan si Jacob. Umubo pa si Kira dahil sa naramdamang tensyon.

    “Jacob…” Bulong ko.
    “Baka burol niya.” Bulong niya sakin at hinalikan ako. “Sakin ka, Rosie. Sakin.”

    Of course… Kabanas na talaga yang Brandon na yan, ah? Kainis na!

    “Okay, anyway, okay na yan, Rosie. Okay na yung stilletos?”
    “Yep.” Sagot ko kay Kira.
    “Okay… Mag ready na sa Sabado. Okay na yan. Magbihis ka na.”
    “Ako din ba, Kir?” Tanong ni Brandon.
    “Wa’g muna! Oh, heto na pala sila.” Umalis si Kira para salubungin ang grupo ng mga babaeng models na kakarating lag din.

    “OH MY GOD! He’s here!” Halos manisay na naman sa kilig ang babaeng kakapasok lang.

    Muntik na nga siyang lumabas ulit dahil sa pagpapanic niya. Umiling na lang ako at pumasok sa fitting room para magbihis.

    Ngumisi ako nang nakita ko kung anong t-shirt ang susootin ko ngayon. Binigay ito ni Jacob sa akin kahapon. Plain white t-shirt na may print. Simple lang pero kitang-kita ang print.

    “Gusto ko rin ng ganyang t-shirt.” Sabi ni Kira pagkalabas ko ng fitting room. “Property of Jacob Buenaventura” Binasa niya ang nakaprint.
    Ngumisi ako at naglakad patungo kay Jacob.

    “Sino si Jacob Buenaventura?” Ayan na naman ang singit ni Brandon.
    “Ako, may problema ka?” Sabi ni Jacob.

    Hinihila ko na siya sa takot kong magkagulo.

    “Easy, pare…” Sabay surrender ng kamay ni Brandon. “Nagtatanong lang ako. Di ko alam eh.”
    “Kung ganun, para malaman mo, asawa ko na ‘tong si Rosie… Baka kasi di mo rin alam.”

    Natahimik si Brandon. Hinila ako ni Jacob palabas.

    “Gusto ko rin ng ganyang shirt.” Parinig nung isang modelo.

    Hindi iyon napansin ni Jacob pero tinignan ko talag isa-isa ang mga nandoon. Hindi ko alam kung sino yung nagsabi dahil pare-pareho silang patay na patay din kay Jacob.

    Hindi naman kyo pag aari ni Jacob, ako lang. Kaya wa’g kayong epal! Kainis! Malaman ko lang kung sino yun… Well, napalunok ako sa naiisip ko. Paano kung may mag offer talaga sa kanya? Paano kung may magpapaangkin sa kanya, tatanggapin niya kaya? Hindi. Alam ko. Pero hindi ko maiwasang di mag isip ng ganito. Nakakaiyak. Nakakatakot.

    “Okay ka lang ba?” Tanong niya sakin habang pinapaandar ang sasakyan.
    “O-Okay lang.”

    Pinatay niya ang makina at tinignan ulit ako.

    “Hindi ka okay.” Aniya.
    “Wa-Wala… I’m just thinking.”
    “Ano?”

    Nagkatitigan kami. Puno ng pag aalala ang mga mata niya.

    “P-Paano kung may makita kang magandang babae somewhere…”
    “Ikaw?”
    Napangiti ako sa sinabi niya, “Hindi. Ibang babae.”
    “Ikaw lang naman ang maganda para sakin.”
    “Jacob, let’s face it… Marami pang magandang babae diyan. Mas sexy at mas mabait sakin. Paano kung isang araw may maganda, sexy at mabait na magmamahal sayo… Paano kung-“

    Hindi pa nga ako natatapos sa pagsasalita ko ay naramdaman ko na agad ang paglapat ng labi niya sakin. Maiinit at malalalim na agad ang halik niya. Sarap niya na talagang humalik. Habang tumatagal lalong sumasarap.

    “Hindi lang pala ako yung nakakaramdam niyan, Rosie. Ikaw din pala… Ano pa bang hinihintay mo? Mag pakasal na tayo! Takot ka rin naman pala tulad ko…”

    Nagpatuloy siya sa pag halik. Gumapang ang kamay niya sa ilalim ng t-shirt ko.

    Pinigilan ko ang kamay niya.

    “Jacob, nasa parking lot tayo.” Bulong ko bago niya inatake ulit ang labi ko.
    “Hindi naman ito first time…” Aniya.

    Nagpatuloy kami sa halikan hanggang sa sumakit ang mata ko sa sinag ng high beam ng sasakyan sa harapan namin.

    Dumilat ako at tinignan kung sinong naroon. Naaninaw ko agad ang mukha ni Brandon sa loob. Nandoon din ang ibang models sa loob. Laglag ang panga nila habang tinitignan ang sasakyan ni Jacob.

    Tinulak ko si Jacob.

    “Bakit?” Tanong niya.
    Uminit ang pisngi ko at inayos ang sarili, “Nakatingin sila.”

    Sabay turo ko sa harapan. Naka high beam parin ang sasakyan ni Brandon.

    “Tss! Tinted ‘to.” Aniya.
    “Kung mag ha highbeam ng ganito ka lapit, tingin mo wala parin silang makikita?”
    “Tsss. Ano naman ngayon?” Umamba ulit siyang hahalik sakin pero tinulak ko sa sobrang hiya.

    “HAAAAY KAINIS!” Sigaw niya sabay hampas sa manibela.

    Bumusina siya ng pagkalakas-lakas. Sabay-sabay pa talaga silang pumikit at nagtakip ng tainga.

    Padabog niyang pinaandar ang sasakyan niya at umamba pang bubungguin ang sasakyan ni Brandon.

    “Langya! Kapal ng mukha! Kainis! Mga panira.” Aniya.

    Hinaplos ko ang braso niya. Kumalma din siyang nung nakalabas na kami. Umiling na lang ako at natawa sa pagiging badtrip niya. Dapat magtiwala ako kay Jacob. Hindi siya magkakagusto sa iba. Hindi siya magsasawa sakin!

  • Kabanata 6Open or Close

    Kabanata 6
    Simpleng Sinabi

    Maaga akong nagising nang nag Sabado. Kakagising ko pa lang, binati na agad ako ng kaba. Iniisip ko palang ang venue na mukhang mauupuan ng halos isang libong tao, nanginginig na ako. Hindi ito unang beses na humarap ako sa mga tao. Noong highschool ako sa Alegria, sumali na ako ng Miss Intrams.

    “Jacob…” Sabi ko.

    Nag pu-push up siya sa balcony ng bahay nila. Maaga siyang gumising para mag jogging. Naabutan ko na lang siyang nag pu-push up na ngayon. Hindi ito ang unang pagkakataong nakita ko siyang half naked na nagpupush up pero na didistract parin ako.

    Ang akala ko noon ay nahubog ang katawan niya sa Alegria dahil sa pagbubuhat ng kahoy at iba pang gawaing bukid, pero sinabi niya rin saking nag eexercise na rin siya noon pa. At mas dumoble pa yata ngayon dahil wala na kami sa Alegria.

    Kinagat ko na lang ang labi ko habang tinitignang nag fi-flex ang muscles niya sa kakapush-up. Tumutulo na rin ang pawis niya. Ewan ko ba kung bakit noon ko pa talaga kinakahumalingan yang pawis niyang katawan.

    “Baka ma-late ako.” Sabay tingin sa relo ko.
    “Last…” Aniya habang nag pu-push up parin.

    Nagpasya akong picturan siya sa cellphone ko. Ang gwapo talaga ng kurimaw na ito. Sheeeet. Hindi na ako magpapakitang pinagnanasaan ko siya ngayon at baka ma-late na talaga ako.

    Nakita ko ang cellphone niya sa tabi ko kaya tinignan ko ito. Patuloy siya sa pag pu-push up. Nakita ko na maliban sakin ay katext niya rin kanina si Leo.

    Leo: Maymake up class tayo. Napaaga yung FS kasi mag aabroad yung prof for 2 months.
    Jacob: Di ako pwede. May ramp si Rosie.
    Leo: Ha? Paano yan?
    Jacob: Absent.
    Leo: Ikaw bahala.

    “Jacobbb?” Tumaas ang boses ko.

    Parang kumirot ang puso ko sa nabasa ko. Napalingon siya at natigilan sa ginamit kong tono.

    “B-Bakit?” Hiningal siya at napaupo sa pinupush-upan niya.

    Hindi ko mapigilang tignan ang buong-buo niyang sparkling abs. Hinihingal parin siya habang tinitignan ako.

    “Jacob, a-ano ‘to?” Tinignan ko na lang ang cellphone niya para ma distract ako.
    “A-Ano?” Lumapit siya sakin.

    Puno ng pawis ang katawan niya. Yung parang nilagyan ng oil sa sobrang kintab. Tumutulo pa ang pawis sa ulo niya at bahagyang basa ang buhok niya. Sheeet! Napanga-nga talaga ako sa kakisigan niya. Hindi niya naman namamalayan yun dahil tinignan niya rin ang cellphone niya.

    “Wala ‘to.” Aniya.
    “Anong wala ‘to? May pasok ka pala today! Sa FS niyo pa! Sige na! Pumasok ka na!” Sabi ko.
    “No, Rosie. Sasama ako sa’yo.” Simpleng sabi niya.
    “No, Jacob, papasok ka.” Sabi ko.
    Napaawang ang bibig niya, “P-Papasok san?”

    Nalaglag ang panga ko sa cofusion pero agad din namang napawi. Napangisi na lang ako at napailing dahil seryoso ang mukha niya.

    “PAPASOK SA SCHOOL!” Sabi ko.
    “Ha? Hindi! Ayoko!” Tinalikuran niya ako. “Maliligo lang ako.”
    “Jacob! May pasok ka nga sabi! Okay lang ako sa modeling. Pagkatapos nito, baka pupunta kami saglit ng Imperial Bay, doon mo na lang ako i-meet tapos sabay tayong uuwi. Hindi ako mag o-overnight.”
    “Hindi ako papasok.” Ulit niya.
    “Jacoooob! Make up class niyo! Siguro dahil walang pasok sa Monday kaya nagkaroon ng ganito. Sige na!” Sabi ko.
    Umiling siya.
    “Tigas ng ulo.” Umirap ako. “Kaya nga di tayo nagpapakasal para maatupag natin ng mabuti yung pag-aaral natin. Inuuna mo pa ako.”
    “Kung ikaw tingin mo di tayo kasal, ako tingin ko noon pa tayo kasal kaya talagang uunahin kita.” Seryoso niyang sinabi.

    Napa face-palm na lang ako sa sinabi niya. Padabog niyang kinuha ang tuwalya at makisig na humakbang papuntang banyo.

    Habang nasa banyo siya, tinext ko si Leo…

    Ako: Importante ba yung class niyo?

    Buti nag reply agad si Leo. Siguro may katext ‘to kaya nakaabang sa cellphone niya.

    Leo: Oo. Dito malalaman kung saang kompanya ang aapplyan namin for FS.

    Umiling ako. Mukhang mapipilitan akong papuntahin nga si Jacob sa klase niya. Hinintay kong matapos siyang maligo. Lumabas naman siya nang naka tuwalya lang. Diretso na naman ang titig ko sa sparkling abs niya. Kung kanina ay binabalot yun ng sparkling sweat, ngayon naman sparkling water na.

    Napalunok ako at tinignan ang mukha niyang nakangisi na sa ngayon.

    “Nang-aakit ka yata eh.” Ngumisi pa siya lalo.
    Suminghap ako at umiling, “Jacob, ihatid mo na lang ako sa venue. Tapos pumasok sa sa klase mo.”

    Napawi ang ngisi niya kaya nilapitan ko na lang. Tinalikuran niya ako para pumili ng damit na sosootin.

    Yinakap ko siya galing sa likuran. Naramdaman ko ang bahagyang pagtalon sa ginawa ko.

    “A-Anong ginagawa mo, Rosie?”
    “Shhh… Jacob, please naman.” Hinalikan ko ang tainga niya. “Please, sundin mo naman yung gusto ko.”
    “A-Anong?” Bumuntong-hininga siya. “Gusto mo akong pumasok?” Tinignan niya ako. “Ayaw mo akong kasama sa fashion show?”
    “Hindi, Jacob. Gusto kong pumasok ka sa school pero di ibig sabihin nun na ayaw kong makasama ka. Syempre, gusto kong kasama ka, palagi… pero ayaw kong kinakaligtaan mo ang pag aaral mo para dito. Pwede mo naman akong ihatid ngayon tapos magkikita na lang tayo mamaya.”
    “Ayo-“

    Hinuli ko ang labi niya at hinalikan siya agad bago pa madugtungan ang sinabi niya.

    “Please?” Nakaawang pa ang labi niya.
    Sumimangot siya pagkatapos ng halik. “O… sige…” Mahina niyang sinabi.

    YES! Hay! Salamat! Buti madali lang siyang bumigay. Yung susunod na kumbinsi ko naman sa kanya ay ang pag e-FS sa negosyo nila. Saka ko na iisipin yun.

    Badtrip siyang nag drive papunta sa venue ng fashion show.

    “Hindi ba talaga pwede?” Tanong niya nung pinark ang sasakyan.
    “Jacob, importante yun. Yun ang unahin mo.”
    Tumango siya at hinalikan ako.

    “I love you, Rosie.” Aniya pagkatapos.
    “I love you, too.”
    “I love you, more.”
    Napangiti ako.
    Suminghap siya, “Goodluck sa modeling. Haaaay… Bakit pa kasi…” Umiling siya at suminghap ulit.

    Bakas na bakas sa mukha niya ang pag aalinlangan at pagsisisi.

    “Sige na, Jacob. Kita na lang tayo sa Imperial.” Hinalikan ko siya sa pisngi at agad binuksan ang pintuan.

    Baka kasi magbago pa ang isip niya.

    Kinawayan ko siya saka ako pumasok sa building. Binisita ulit ako ng kaba dahil sa mangyayari.

    “ROSIE!!” Malaki ang ngiti ni Kira nang nakita ako.

    Nandoon na halos lahat ng models. Nang sinigaw ni Kira ang pangalan ko, sabay-sabay silang lumingon sakin. Nag abang din sila sa kasama ko… SORRY KAYO, wala siya ngayon. Okay din palang wala siya eh para di na siya pagpyestahan ng mga lukaret na ito.

    Sabay-sabay silang umiling at nadisappoint nang makita akong di kasama si Jacob.

    “Ikaw lang?” Lumingob-lingon si Kira sa paligid para hanapin din si Jacob. Nang narealize niyang wala, “Anyway, sige na, umupo ka na dun kay Kelly, yung make up artist mo.”

    Nakita kong ngumisi ang isang maganda at matangkad na babae. Umupo na ako agad sa nakalaang upuan para sakin. Nagsimula siya agad sa pagmi-make up. Halos buong oras akong nakapikit dahil sa mga nilalagay niya sa mga mata ko.

    Narinig kong may sumipol. Aura niya palang, kilala ko na.

    “Mag isa ka daw. Nasan si boyfie?” Tumawa siya.

    Dumilat ako. Natapos din naman si Kelly sa mga mata ko kaya ngayon ay sa buhok na siya nag mi-make up. Nakita kong nakahalukipkip si Brandon habang tinitignan ang repleksyon ko sa salamin.

    “Busy.” Sabi ko.
    “Busy? Sa big day mo, busy siya?”
    Umirap ako. Wa’g kang magmarunong dahil wala kang alam!
    “Ibang klaseng boyfriend din yan, ah?”

    Hindi ako nagsalita. Kahit marami akong gustong sabihin sa kanya, nilunok ko na lang lahat para di na magkagulo.

    Ineksamin niyang mabuti ang mukha ko.

    “Ang ganda mo talaga.” Umiling siya.

    Napatunganga ako sa mukha niya, UNBELIEVABLE!

    Narinig kong humalakhak si Kelly.

    “Brandon, may boyfriend na siya.” Sabi ni Kelly.
    “Like I care?” Tumaas ang kilay ni Brandon.

    Napalunok ako at napailing.

    “Tsaka… Di pa naman sila kasal. At kung kasal man sila, di naman ibig sabihing di na siya maiinlove sa iba… sakin.”

    UGH! Goodness!

    “Committed ako. Hindi ako basta-bastang naiinlove at marami na kaming napagdaanan ni Jacob.”
    “Pansin ko nga. Kaya ba sobrang nakakasakal na siya kung magmahal sayo? Parang gusto ka niyang angkinin na parang bagay ah? ‘Property of Jacob Buenaventura’? Ano ka? Bagay na pag aari niya?” Umirap siya.

    Nalaglag ang panga ko. Hindi ako makapaniwalang iniisip niya pati iyon. Hindi ako makapaniwalang nakapag jump into conclusions siya gamit iyon. Wala naman sakin kung angkinin ako ni Jacob na pag aari niya. Okay lang sakin dahil yun ang totoo. Puso at kaluluwa ko ang hawak niya kaya wala akong pakealam. Voluntary ang pag suko ko sa puso at kaluluwa ko sa kanya, hindi niya ako pinilit. Pinapalabas ni Brandon na mali ang ginagawa ko.

    “That’s how I like it. Mind your own business.” Simpleng sinabi ko.

    Nakita kong ngumisi siya.

    “My kind of girl.” Sagot niya sakin.

  • Kabanata 7Open or Close

    Kabanata 7
    Nagpatalo Sa Ideya

    Pagkatapos akong make-upan, nagbihis na ako ng gown. Nakasabay ko pa doon si Jasmine. Sobrang ganda nung gown niya. Bumagay ang gold na kulay ng gown sa kutis at make up niya.

    “Okay ba?” Ngumiti siya at umikot nang walang kahirap-hirap.

    Hindi ko kayang umikot sa stilletos na gamit ko. Sanay na sanay nga itong si Jasmine sa ramp. Maganda at confident pa kaya bagay sa kanya ang finale. Napalunok tuloy ako sabay tingin sa sarili kong gown.

    “Gah! You’re too beautiful.” May nagsalita sa likuran.

    Napalingon ako kay Brandon na diretsong nakatingin sakin. Tinignan ko ulit si Jasmine na panay parin ang tingin sa salamin.

    “Not her… You!” Itinuro niya pa ako.

    Nakasoot siya ngayon ng suite na kulay gold na may kakaibang design. Humalukipkip ulit siya.

    “Excuse me…” Sabi ko kay Jasmine na hindi naman ako pinansin dahil abala siya sa pag-aayos.

    Tinalikuran ko silang dalawa. Lalagpasan ko na sana si Brandon pero hinawakan niya ang braso ko.

    “Nawawalan ka ba ng confidence kung wala siya?”
    Kumunot ang noo ko at binawi ang braso ko.
    Ngumisi siya.
    “Hindi…” Umirap ako at lalagpasan na talaga sana siya ngunit…
    “Nawawalan ka. You can earn your confidence, Rosie. Hindi lang siya ang paghugutan mo ng tiwala sa sarili. Pwedeng ako.”

    Napalingon ako sa kanya. Nag init ang pisngi ko pero gusto ko siyang prankahin para matigil na itong kagaguhan niya.

    “Pwede ba? You don’t even know me! Tigilan mo ako. Tigilan mo kami ng boyfriend ko! Mag kagusto ka na nga lang sa iba! May mahal na ako at di na kami maghihiwalay kaya wa’g ka ng mangarap.” Dire-diretso kong sinabi yun.

    Humagalpak siya sa tawa pagkatapos kong sinabi yun. Bakit siya natatawa?

    Hinawakan niya ang tiyan niya sa kakatawa. Uminit pa lalo ang pisngi ko. Aalis na sana ako sa harapan niya pero bigla siyang nag seryoso at hinawakan ulit ang braso ko.

    “Wala naman akong sinasabing gusto kita, ah?”

    WALA BAH? SHEEEEEEEEEET! Kinagat ko ang labi ko sa kahihiyan.

    “Uyyy!” Bigalng sumulpot si Jasmine.

    Napatingin agad siya sa kamay ni Brandon na nakahawak sa braso ko. Ako mismo ang tumanggal sa kamay ni Brandon para matanggal na ang tingin ni Jasmine doon.

    “U-Uhhh… Uhm… Nagsisimula na!” Pasigaw niyang sinabi ang huling pangungusap.
    “WHAT?” Nanlaki ang mga mata ko at dinalaw agad ng mala-kabayong pagkabog ng puso.

    Sinuklay ni Brandon ang buhok niya gamit ang mga daliri at tumingin sa backstage.

    “Let’s go!”

    Tumango si Jasmine at nagsimulang maglakad papuntang backstage.

    “Ladies, first.” Naglahad siya ng kamay para paunahin ako sa paglalakad.

    Umiling ako. Gusto kong makipagtalo sa kanya pero ayokong mag aksaya pa ng lakas. Una akong naglakad, sumunod siya.

    Sumipol siya sa likuran ko.

    “Wa’g mong kalimutang kumembot mamaya.” Tumawa siya.

    Gusto kong lumingon sa sobrang inis pero hindi ko ginawa. Ayokong naiinis ako kahit kanino. Ayokong mag aksaya ng panahon sa mga taong tulad niya.

    Tinignan namin ang mga modelong rumampa sa harap ng halos isang libong audience. Ang nasa harap ng ramp ay mga bigating tao. May mga artista, singer, director at iba pang sa TV lang nakikitang mga tao. May mukhang sikat na mga businessman pang dumalo. Pinagpawisan tuloy ako kahit sobrang lamig dito. Pinaypayan ko ang sarili ko habang umuupo sa isang upuan.

    Hindi ko na nga lang titignan yung stage para di na ako kabahan. Kahit di ko tinitignan, nakikita ko rin naman ang mga modelong kinakabahang lumabas sa stage. Nakikita ko rin ang mga kakatapos lang rumampa. Busy ang backstage.

    Bigla akong may naramdamang nagpunas sa noo ko.

    Napalingon ako sa banda niya at umilag agad nang nakita kong si Brandon iyon.

    “You’re sweating.”
    I swear to God, gusto kong magmura ngayon.

    Napatayo ako agad at napaatras palayo sa kanya.

    Ngumisi siya.

    “Nag-aalala lang naman ako. Sayang yung make up mo… Hmmm. Pero sa bagay, di naman kailangan ng make up. Perpekto ka naman, with or without it.”

    Umiling ako at tinalikuran ulit siya.

    “‘Tol! Tama na nga yan!” Sabay tawa nung isa pang model na kasama namin sa finale.

    Mag isa akong nanood sa stage dahil ayoko ng istorbo sa nakakatense na moment na ito. Narealize kong mabuti pa tignan ko na lang ang cellphone ko at baka nagtext si Jacob.

    Nang nakita ko na ang cellphone ko, tama ang hinala ko. 15 ang message niya doon. Ang dami pang missed calls.

    Ilang sandali lang ay tumawag siya…

    “Hello?”
    “Jacob!” Sabi ko.
    Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya, “Tapos na ba kayo?”
    “Di pa eh. Nagsisimula pa lang. Uhm… mga 10 minutes, lalabas na ako sa stage. Ikaw?”
    “Andito, nakikinig sa professor ko.”

    Narinig ko sa background niya ang pagsasalita ng professor nila.

    “Bawal gumamit ng cellphone pag may klase, Jacob!”
    “Sino nagsabi?”
    “Haaay nako naman!” Napangiti ako.
    “Kinakabahan ka ba?” Tanong niya.
    “Uhm… Mejo.”
    “Gusto mo bang halikan kita para di ka na kabahan?”

    Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya.

    “Jacob!”
    “Hmmm. Rosie… Hmmm. Sarap mong humalik… Sarap kagatin ng labi mo… Sarap lahat… Hmmmm. Sarap…” Paungol niyang pagsasabi.
    “SSSSHHHHHHHHHHET!” Tinakpan ko ang mukha ko habang ngumingiti. “Tumigil ka nga!” Pabulong kong sinabi.
    “Huhubaran na kita. Panira tong gown mo… Hmm… Bango mo… Bango ng leeg mo, Rosie… Hmmm.”
    “JACOB!” Napasigaw ako sa kahihiyan.

    Hindi ko alam kung bakit nahihiya ako gayung kaming dalawa lang naman ang nakakarinig.

    “Pababa na ang halik ko… hmm.. Hm… Bango mo… sheet… Bango mo… Nakakaadik ka…”

    “ROSIE!” Dinig ko ang sigaw ni Kira sa malayo.

    Nakangiti parin ako habang tinitignan si Kira.

    “KAYO NA!”

    “OMG! Jacob… Later na… Bye.”
    Narinig ko ang tawa niya bago pinutol ang linya.

    Agad akong lumapit sa kay Kira na pinapahilera na ang finale.

    “Bakit ang pula ng pisngi mo? Bakit nakangisi ka dun kanina? Katawag mo boyfriend mo?” Tanong niya.

    Lumingon si Brandon sakin. Iniwasan ko ang titig niya at ibinaling na lang kay Kira ang tingin.

    “Oo eh.” Sabay kagat ko sa labi ko.
    “Hmmm? Okay!” Tumawa si Kira. “Wala ba siya ngayon dito?”
    “Wala eh. May pasok.”
    “Kung ako boyfriend mo, di ako papasok, makita lang kita ngayon.” Singit ni Brandon.

    Nagkatinginan kami ni Brandon.

    “But well, you’re not her boyfriend kaya ayusin mo na lang paglabas mo ng stage mamaya.” Tumawa si Kira at nataranta na kasi magsisimula na ang finale.

    Nag bago ang mood ng instrumental music. Mas naging slow ito at naging dramatic din ang lights ng stage. Hindi ko pa rin maalis ang boses ni Jacob sa sistema ko. Dagdagan pa ng mga alaala kong nag pu-push up siya kanina. Langya talaga ang lalaking iyon. Natawa na lang ako at umiling sa kawalan.

    Napansin kong nakatitig parin si Brandon sakin kaya napatingin din ako sa kanya. Siya naman ang nag iwas ng tingin ngayon. Hindi ko alam kung bakit.

    Lumabas na ang mga finale gowns. Kaming tatlo na lang ni Jasmine at Brandon ang natitira dito.

    Humingang malalim si Jasmine saka dahan-dahang lumabas. Ayan na naman ang mala tsunami walk niya habang nakanga-nga ang ngiti sa audience.

    “Ang ganda niya talaga.” Manghang mangha ako sa confidence at kagandahan niya.

    Napapalakpak ang audience sa kanya.

    “Mas maganda ka.” Bulong ni Brandon habang nakatingin sakin.

    Napatingin ako sa kanya pero kumunot ang noo ko.

    Ngumisi siya, “It’s my turn now… Goodluck Roseanne L. Aranjuez.”

    WHAT? Alam niya ang buong pangalan ko? Nag research? Tapos itatanggi niya pang may gusto siya sakin.

    Naglakad siya sa ramp at nabigla ako sa reaksyon ng audience. Nagtilian ang mga babae at halos nag standing ovation ang mga artista.

    “That’s Brandon Rockwell for you… Kaya pang finale.” Sabi ni Kira nang nakatingin sa stage.

    Wiling-wili ang mga tao sa kanya. Mukha siyang nang-aakit sa stage. Inaakit niya lahat ng tao doon. May nakita pa akong tumatalon-talon dahil nag flying kiss si Brandon sa kanya.

    “Now, Rosie, your turn.” Tinulak ako ni Kira.

    Inisip ko na lang na kung kaya ni Jasmine, kaya ni Brandon, kaya ko rin. Gwapo at confident si Jacob. Kaya niyang kumanta sa harap ng maraming tao. Hindi niya ako naging girlfriend para lang sa wala. Minahal niya ako dahil halos perpekto ang tingin niya sakin kaya kailangan kong maging confident.

    Naglakad ako sabay tingin sa mga tao. Nakalimutan ko na ang panginginig ng mga paa ko kanina. Mabilis ang flash ng mga camera. Hindi ko mabilang kung ilang beses akong kinunan ng picture.

    Nag pose ako ng tatlong beses sa harapan. May narinig pa akong sumipol sa audience. Nakita ko ring nag standing ovation ang iilan sa mga artista at business man. Tinignan ko sila isa-isa. Hindi ko sinunod ang sinabi ni Kira na dapat di magtagal sa harapan. Ako ang panghuli kaya okay lang sigurong magtagal ako ng saglit.

    Pagkatapos ko silang ngitian lahat ay tumalikod na ako. Nakita kong laglag ang panga ni Brandon habang naghihintay sakin. Silang apat ang naghihintay sakin para sabay-sabay kaming rumampa bago lalabas si Ms. Bubbles.

    “You are so freaking hot…” Sabi ni Brandon habang naglalakad kami at lumalabas si Ms. Bubbles.

    Pumalakpak kami at naghintay matapos ang speech niya. Nang natapos na, akala ko agad akong makakaalis ng stage, nagkakamali ako. Marami pang nag papicture. Nagkaroon pa ng konting photoshoot. Mayroong ako lang mag isa, meron ding kami sa finale group…

    Dalawang oras pa bago ako tuluyang nakapagbihis. Sa dressing room, may iilang bulaklak na para sakin. May gifts din doon.

    “The perks of being a model.” Ngumisi si Jasmine at tinuro ang mga bulaklak at gifts na kanya.
    Ang pinaka malaking bulaklak ay galing kay Jacob. Napangiti ako nang naalala ko ulit ang ginawa niya kanina.

    Loko talaga yun!

    Tinext ko:
    Thanks for the flowers. Tapos na… Ikaw?

    Jacob:
    mamaya pa yata kami 4pm matatapos eh. Ni walang lunch break. Bili na lang daw kami ng pagkain tapos dito kainin sa AVR.

    Ako:
    Hmmmp. Okay. Bumili ka na. Mag lulunch siguro kami sa Imperial. Kita na lang tayo doon?

    Jacob:
    Mag bi-bikini ka ba?

    Napangisi ako sa tanong niya.

    Ako:
    Oo pero sa ilalim lag ng shorts at t-shirt ko.

    Jacob:
    Salamat.

    Natawa ako sa reply niya. Hay nako! Siguro saka ko na huhubarin pag nandyan na siya para makita ko ang inis niyang mukha. Umiling ako habang nagliligpit ng gamit.

    “Rosie, tara na!” Sabi ni Kira.

    Wala pa naman si Karl ngayon dahil tulad ni Jacob, may make up class din siya. Kaya si Kira lang o di kaya si Jasmine ang kilala ko dito.

    “May dalawang van si Miss Bubbles, kaya lang occupied na ang lahat. May sasakyan ako pero occupied na rin. Sobrang dami niyo kasi. Kay Brandon ka na lang…” Aniya.
    “WHAT?”

    Napalunok ako.

    “Let’s go, Rosie! Kay Brandon din naman ako sasabay.” Sabi ni Jasmine. “Actually, tayong apat kay Brandon.” Sabay turo niya sa tatlo pang kasama namin sa finale.

    Tumango ako at nagpatalo na lang sa ideyang iyon. Pero nang nakalabas na kami sa building, napasubo ako.

    “Diyan ka na lang sa front seat, nasa backseat na kaming lahat eh.” Sabay ngisi ni Jasmine na nakaupo na sa backseat.

    “Ha? Uh… Exchange na lang tayo?” Sabi ko sa lalaking finale model (hindi ko kilala).
    “Ikaw na lang diyan, Rosie. Tinatamad na akong lumabas dito. Sige na para makaalis na tayo. Huli na tayo eh.” Sagot niya sakin.

    “Rosie, you scared?” Ngumisi si Brandon sakin sabay tapik sa front seat.

    Kumunot ang noo ko.

    “Scared that I might steal your heart?”
    Umirap ako at umupo sa front seat niya.

    Try Jacob, Brandon. Hinding hindi mo maagaw ang puso ko sa kanya. Tinali na ako ni Jacob, at nakakapit na din ako sa kanya. Hinding hindi ako maagaw kahit nino.

  • Kabanata 8Open or Close

    Kabanata 8
    Surpresa

    Mabagal mag maneho si Brandon.

    “Bagal naman.” Parinig nung lalaking model.
    Tumawa si Brandon, “Kasalanan ko ba kung natutuwa akong bagalan ‘to?”

    Umiling ako. Wrong! Hindi siya mabagal mag maneho. Talagang sinasadya niyang bagalan ito.

    Sumusulyap-sulyap pa siya sakin tuwing nag-oovertake siya. Nagpapasikat. Tumingin na lang ako sa labas para di ko na mapansin ang pagsulyap niya.

    “Matagal na ba kayo ng boyfriend mo?” Binasag niya ang katahimikan.

    Umubo yung lalaki sa likuran at humalakhak.

    Hindi ko siya sinagot.

    “Hmmm. Hindi naman siguro yun importante. Yung mga mag-asawa nga naghihiwalay din.”

    Pinaglaruan ko yung singsing na binigay ni Jacob sakin noon. Napuna niya agad kaya yun naman ang pinagdiskitahan niya.

    “Engage na kayo?” Tanong niya.

    Liningon ko siya at sinimangutan.

    “I’m just asking. What’s wrong with that?” Tumawa siya nang nakita ang pagsimangot ko.
    “Mag drive ka na lang.” Sabi nung isang babae na tumatawa na rin.

    Nang nakarating na kami sa Imperial Bay, nabigla ako dahil kakapark niya pa lang ay lumabas na siya agad sa sasakyan niya at umikot.

    Akala ko nagmadali siyang pumasok sa loob ng resort, yun pala, pinagbuksan ako ng pinto. Napaawang ang bibig ko habang naglahad siya ng kamay at nakangisi.

    Kumunot ang noo ko at umiling.

    “No, Thanks. Kaya ko mag isa.” Sabi ko at bumaba ng mag isa.

    Ngumuso siya habang tinitignan akong naglakad palayo sa sasakyan niya. Humalukipkip ako at inayos ang buhok kong mejo may bakas pa ng hairspray sa modeling. Gusto ko tuloy maligo.

    “Hi! Ba’t ang tagal niyo?” Bati ni Kira samin.

    Kasama niya si Ms. Bubbles at ilang models.

    “Nandoon na sila sa loob. Nagkaroon ng maliit na program. Bilisan niyo na! I also have rooms for you. Ibigay niyo na lang sa sa reception yung bags na dala niyo.” Sabi ni Ms. Bubbles.
    “Oh, Rosie? Yan lang dala mo? Di ka ba mag s-stay?” Tanong ni Kira.
    Umiling ako, “Di eh.”
    “Bakit?”
    “Hindi yata papayagan ng boyfriend. Tsss. Walang tiwala? Possessive?” Singit ni Brandon.

    Napapikit ako sa inis. Gusto ko na naman siyang pektusan.

    “Uhmm. Basta… Kailangan kong umuwi.” Sabi ko at naglakad palayo para maiwasan na si Brandon.
    “Halina kayo!” Sabi ni Kira sa kanila.

    Nakarating na kami sa function room. Glamorosa. Naka beach attire ang mga tao. Yung tipong pinapaalala sakin na models ang kasama ko. After party. Yung iba naka maxi dress, yung iba naka bikini. Ako naka shorts at cropped shirt lang. Hindi ko alam kung bagay ba ako dito. May red carpet pa.

    Biglang may humila saking di ko kilala.

    “Rosie! Picture tayo!” Anila.

    Wala akong nagawa kasi agad nila akong pinalibutan. Ngumisi na lang ako sa maraming camera. Patay! Magmumukha akong out of place dahil sa soot kong ito.

    “Rosie, tayo naman!” Sigaw nung kabling grupo.

    Halu-halo na ang pictures. May puro babae, may babae at lalaki, may puro lalaki… Hindi ko alam kung bakit sila nagpapapicture sakin. Ilang sandali ang nakalipas ay pumasok sina Jasmine, Brandon at yung dalawa pang models sa finale.

    “BRANDOOON!” Sigaw ng mga babae at hinila siya para makapagpapicture.

    Hinila din si Jasmine ng mga lalaki para makapagpapicture. Puro picture ang ginawa ng mga tao. Aalis na sana ako para humanap ng mauupuan pero may humila sa braso ko.

    “Yung dalawang finale naman!” Sigaw ng mga babae.

    Hindi na ako nakapiglas sa sobrang daming humila sakin. Halos madapa nga ako. Nabadtrip ako pero di ko magawang mag eskandalo! Nabunggo pa ako sa dibdib ni Brandon dahil sa lakas ng pagkakahila.

    “Sh1t! Aray!” Sabi ko.

    Napatingala ako sa kanya. Nakangisi siya habang tinitignan ako.

    “Okay! Smileee!” Sigaw nung photographer.

    Ngumisi na rin ako pero lumayo ako ng konti sa kanya. Hindi nadala ang mga kasama kong models, tinulak nila ako palapit sa kanya. Kumunot na ang noo ko at nag init na ang pisngi ko sa sobrang inis. Si Brandon naman, mukhang idinidiin pa lalo ang sarili niya sakin kaya wala akong nagagawa.

    “Teka nga!” Sigaw ko at inayos ang sarili.
    “Huh? Bakit?” Sabi nung katabi kong kanina pa ako tinutulak palapit kay Brandon.
    “Pwede bang maayos na picture naman? Yung maayos ako.” Sabi ko at tumayo ng mabuti.
    “Ahh. Okay!” Umayos din sila pero ganun parin, tinutulak parin ako palapit kay Brandon.

    Kahit di pa naman talaga natatapos yung picture taking ay nagwalk-out na ako. Mga bwisit. Sabing ayoko eh. Mga plastik. Mukhang close sa pictures pero ang totoo, hindi sa totoong buhay. Umiling ako habang iniisip na ma uupload yun sa Facebook.

    Tinext ko si Jacob:
    Kainis mga tao dito. Puro picture inaatupag. Nagwalk out tuloy ako sa sobrang inis.

    Nagreply siya agad:
    Inaantok ako. Nang nakita kong may text ka nagising ang kaluluwa ko. Ilang oras na lang, Rosie… Makakalimutan mo rin yang inis mo.

    Napangiti akos a reply niya.

    Tinignan ko ang venue. Maganda dito. Akala ko enclosed space yung venue, yun pala, dagat na ang gilid. Open space pala. Ang ganda dito, sobra! Nakapunta na ako dito noon kasama sina Callix, Jacob at buong barkada pero ngayon ko lang napansing may venue na ganito pala dito.

    Kalagitnaan na pala ng program ng dumating kami. May awards din palang nangyari.

    “Finally! Yung pinakahihintay na awards! Best male and female model of the season! Kanina pa dapat ito binigay na award kaya lang di pa sila nakarating!”

    Hindi pa sinasabi ni Kira yung nanalo, kinabahan na ako ng bongga! May feeling na kasi ako. Napayuko ako habang tinitignan ang sariling kamay.

    “OMG!” Sigaw ni Jasmine sa malayo.

    Nasa table ako kasama ni Kira. Iniwasan ko talaga yung table nina Brandon, eh. Nagkataon pang kasama sila ni Jasmine kaya eto ako at mag isa dahil si Kira ang nag host ng party.

    “BEST MALE MODEL OF THE SEASON AWARD GOES TO: Brandon Rockwell!” Pasigaw na sinabi ni Kira.

    Tumayo si Brandon at nakipaghighfive sa dinaanang mga models. Tumili ang mga kaibigan niyang models. May iilan pang sumulyap sakin habang tinatanggap ni Brandon yung award. May isang maliit na trophy at kailangan ding mag speech pag natanggap mo na yun.

    “Siguro nanalo ako ngayon dahil inspired ako. That’s all. Thank you.” Kumindat siya sakin.

    Umiling ako at tumingin sa malayo.

    “Inspired? wooo! That’s new!” Sabi ni Kira habang kinakausap yung ibang models.

    Pagkatapos ng chikahan nila ay naganap na ang kinakatakutan ko.

    “THE BEST FEMALE MODEL OF THE SEASON AWARD GOES TO: Rosie Aranjuez!”

    Ha-Ha-Ha! Ang saya ko naman! Tumili ang lahat pero nangibabaw ang nakakabinging sipol ni Brandon.

    “That’s my girl!” Pahayag niya sa lahat.
    “UYYYYYYYYYYYY!” Panunuya ng lahat habang umaakyat ako sa stage.

    Ngumisi ako ng isang plastik na ngiti nang tinanggap ko ang trophy at humarap sa kanila.

    “Salamat nito. Hindi ko ineexpect na mananalo ako kahit first time ko pa.” Sabi ko. “Yun lang.” Ngumisi ako at bababa na sana pero…
    “BAKA NAMAN INSPIRED KA RIN?” Panira nung isang model na hindi ko kilala.

    Hindi ako nagpatinag sa mga comments nila.

    “ROSIE-BRANDON-ROSIE-BRANDON!” Nag-chant ang lahat nang naglakad ako pabalik ng table.

    Mga walang hiya! Sabing ayoko, eh! Bwiset! Ayoko ring mag mura pero nababanas na talaga ako. Hindi ako makangiti ng kahit plastik na ngiti. Sumimangot pa lalo ako at umupo ng diretso sa upuan ko.

    “ANG KJ naman ni ROSIE! Katuwaan lang naman!” Sabi nung isa.
    “Oo nga, Rosie! WOOOOH!” Sigaw ni Jasmine.
    “Ooyy! Wa’g kayong ganyan. Hayaan na natin siya. Ano ba kayo. Mahiya nga kayo.” Tumawa si Brandon sa kanila.
    “WEEEH?”
    “Oo. Hayaan niyo na siya?”
    “Kayo na ba?” Sigaw nung isang model na di ko makita ang mukha.

    Napatayo talaga ako para tignan kung sino yung nagtanong. HELLO, Bulag ka ba ineng? May boyfriend akong tao at si Jacob Buenaventura yun. Gusto mo ipabasa pa kita sa life story namin baka pagsisihan mong nagtanong ka pa?

    Hindi ko mahanap yung sumigaw.

    “No comment.” Ngumisi si Brandon.
    “HINDI KAMI! Pwede ba!?” Umirap ako.
    “WHOAAAA! Denial?!”

    Nagtawanan ang lahat. BUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUULLLSHIIIT!

    Buong araw yata akong badtrip. Nakalimutan ko pati yung gutom ko sa sobrang inis ko sa nangyari. Hindi na ako nakaadlib pa dahil masyado silang maraming hinaing. Kung sisigaw ako para sabihin yung gusto kong sabihin, hindi nila ako maririnig dahil sobrang ingay nila.

    “Rosie! Swimming tayo!” Anyaya ni Jasmine ilang oras ang nakalipas.

    Nasa table pa rin kasi ako. Umalis na si Kira para magcheck in sa suite na inilaan ni Ms. Bubbles para sa kanya. Ako lang ang natira dito sa venue. Kaharap naman ang dagat kaya magandang tambayan na rin.

    “Hindi na.”
    Pinasadahan niya ako ng tingin.
    “Huh? Eh, naka two piece ka na? Ba’t ayaw mong mag swimming! Tara na! Kasama naman natin sina Brandon kaya kung di ka marunong lumangoy-“
    Nainis naman ako sa sinabi niya kaya pinutol ko agad, “Di na. Kayo na lang. Salamat.” At nagkunwari akong may katext.

    Di bale na nga lang kung tingin nila ay maarte ar suplada ako. Nagkibit-balikat si Jasmine at naglakad na lang palayo papuntang dagat.

    Ang sexy niya talaga. Ang ganda ng katawan. Ganun din kaya ang katawan ko pag tinitignan ng ibang tao? Nakakainsecure naman.

    “Rosie, swimming na tayo!” Marami pang nagyaya sakin pero umiling na lang ako.

    Mga waiter na lang ang kasama ko dito. Nagliligpit sila ng mga tira-tirang pagkain.

    Kitang-kita ko ang mga models na panay na naman ang picture taking sa sea shore. Wala akong pakealam. Ang alam ko na lang ngayon ay panatag ang loob ko dahil papunta na daw si Jacob dito. Ilang minuto na lang ay makakarating na siguro siya.

    Hindi ako nagkamali. Napangiti ako nang nakita ko siyang umakyat sa stage. May microphone kasi doon. Napatayo-upo ako sa nakita ko. Hindi ko inakalang agad siyang pupunta sa stage nang di dumadaan sakin. Hindi ko mapigilan ang ngiti at excitement ko.

    “Surprise!” Malambing niyang sinabi sa microphone.

    Nag init agad ang puso ko. Ito ang pambawi niya sakin. Dahil hindi siya nakapunta sa fashion show, babawi siya sa ganitong paraan?

    May sinabi siya sa sa mga bandang dala niya. Mukhang banda yun dito sa Imperial Bay. Uminit ang pisngi ko at narealize kung anong gagawin niya. Mahilig talaga siya sa musika kaya alam kong miss na miss niya nang kumanta. Pero kumirot ang puso ko nang nagsimula na siya sa pagkanta… lalong lalo na nung narinig ko ang lyrics niya. Diretso ang tingin niya sakin habang kinakanta ang bawat salita.

    “I was young but I wasn’t naive. I watched helpless as you turned around to leave. And still I have the pain I have to carry. A past so deep that even you could not bury if you tried…”

    Ngumisi siya. Tumindig ang balahibo ko. Wala akong nagawa kundi magtakip ng bibig at magpigil ng luha.

    “After all this time, I never thought we’d be here, Never thought we’d be here. When my love for you is blind but I couldn’t make you see it, Couldn’t make you see it… That I loved you more than you’ll ever know… When part of me died when I let you go…”

    Hindi ko na napigilan ang pagdanak ng luha ko. Naalala ko lahat ng pinagdaanan namin noon. Lahat ng nangyari, lahat ng sakitan namin, lahat lahat naalala ko. Lumakas at bumilis ang pintig ng puso ko nang kinakanta niya yun.

    Hindi ko na siya makita ng maayos dahil sa mga luha ko. Panay na lang ang punas at hikbi ko.

    “Ba’t ka umiiyak? Masaya naman ang kantang ‘to? At mahal na mahal naman kita!” Ngumisi siya at iniwan ang stage para daluhan ako.

    “Oh MY GOOOOOD! ANG GANDA NG BOSES NIYAAAAA! Ang gwapo pa!” Nagsitilian ang mga modelong nasa likuran at nanonood pala.

  • Kabanata 9Open or Close

    Kabanata 9
    Sigaw

    Mahigpit niya akong niyakap habang humahalakhak. Tinakpan ko na lang ang mukha ko kahit nakasandal na ako sa dibdib niya. Pag naaalala ko talaga ang mga pinagdaanan namin, naiiyak na lang ako.

    “Uyyy! Jacob! Nandito ka pala!” Tinapik ni Kira ang balikat ni Jacob.

    Kinalas niya ang pagkakayakap sakin. Pinunasan ko ang sarili kong luha at natawa na lang sa sarili ko.

    “Kilala ba kita?” Pambungad na tanong ng supladong si Jacob.

    Nalaglag ang panga ni Kira pero ngumiti din.

    “Ano ka ba! Ang sama mo ah? Turned on tuloy ako!” Humalakhak siya at kinindatan ako.

    Umiling ako sa reaksyon ni Jacob. Seryoso at mukhang galit ang mukha niya.

    “Kaw naman, di ka mabiro.” HInaplos saglit ni Kira ang biceps ni Jacob.

    Kumunot ang noo ni Jacob nang tinignan ang kamay ni Kira na nakahawak sa braso niya.

    “Well, anyway, swimming, anyone?” Change topic ni Kira.
    “Jacob, swimming?” Tanong ko.

    Narealize kong unti-unti na pala kaming pinapaligiran ng mga models.

    “Oh my gosh! Siya ba yung kumanta? Ang ganda ng boses ah?” Sabi nung isa sa pinakamatangkad na model. “Rosie? Di mo sinabing magaling pala kumanta yung boyfriend mo.”
    Ngumisi lang ako.
    “Siya yung vocalist ng bandang Jacob, diba?” Tanong nung isang model.

    Narealize kong naka two piece silang lahat. Ako at si Jacob lang yata ang balot na balot dito. Pati mga male models ay nakikiusyuso na rin.

    Hinawakan ni Jacob ang kamay ko at umambang hihilain ako palayo.

    “Uhm, oo.” Sagot ko sa huling tanong. “Uhmmm. Sige, excuse me…” Sinabi ko sa mga nakiusyuso bago kami umalis ni Jacob.

    Nagpahila na ako kay Jacob para malayo na kami sa mga usisero. Sinundan nila kami ng tingin kahit umupo kami sa pinakamalayong table.

    “Rosie, uwi tayo ng Alegria mamaya.” Aniya.
    “WHAT? HA? Bakit?” Nabigla ako sa desisyon niya.

    Hindi kaya napagdesisyunan niya nang doon siya mag f-field study sa Alegria?

    “Basta!” Ngumisi siya.
    “Huh?”

    Mas lalo tuloy akong napaisip sa dahilan niya. Bakit kaya kami uuwi ng Alegria. Urgent ba talaga kasi ngayon na agad?

    “Pero bago ang lahat…” Tinignan niya ang dagat. “Swimming muna tayo ng saglit?”

    Bumaling siya sakin at ngumisi.

    “Sigurado ka?” Tanong ko. “Mag two-two piece ako?”

    Ngumuso siya at pinasadahan ako ng tingin.

    “Okay lang, basta nakapulupot ako sayo, okay lang…”

    Uminit ang pisngi ko. Hindi naman yata tama yung nakapulupot siya sakin the whole time. Pero bakit gusto ko yung ideya niya? Gusto kong nakapulupot siya sakin… SHEEET!

    Tumango ako. Nabigla din ako kasi may dala pala siyang driver. Siguro ay para sa mahabang byahe papuntang Alegria.

    Naka t-shirt at board shorts pa lang siya nung hinubad ko ang t-shirt ko. Ngumuso siya habang nakatingin sa dibdib ko. Tumindig tuloy ang balahibo ko. Hindi ko kasi alam kung ano ang iniisip niya.

    “B-Bakit ganun yung kinanta mo?” Tanong ko at nag iwas ng tingin.

    Imbes na tignan siya ng diretso sa mga mata ay tumingin na lang ako sa mga modelong papunta na sa dagat (yung iba nag pi-picture-picture na naman).

    “Hmmm… Wala lang, bakit?”

    Nakita ko sa gilid ng mga mata kong hinubad niya na ang t-shirt niya. Uhm… Pwede kayang umalis na lang kami para wala nang makasaksi sa nakabalandra niyang sparkling abs? Nag iwas parin ako ng titig kahit na naaakit na akong tignan ang katawan niya.

    “Gusto ko…” Hinila niya ang braso ko kaya napalapit ako sa kanya.

    Lilingunin ko na sana siya pero di ko na nagawa kasi niyakap niya na ako galing sa likuran. Ngayon, hindi ko na alam kung alin ang mas nakakakaba… yung makita ang sparkling abs niya o yung nararamdaman sa likuran ko.

    “Gusto kong ipaalala sayo lahat ng pinagdaanan natin. Gusto kong…” Nilagay niya ang mukha niya sa leeg ko.

    Hindi ko alam kung nararamdaman niya ba yung pagtindig ng balahibo ko. Uminit ang pisngi ko. Hanggang ngayon hindi niya parin siguro alam ang epekto niya sakin.

    “Gusto kong malaman mo na kahit nasaktan, nagkamali, at nabaliw ako noon dahil sa mga nangyayari satin, kaya ko paring ulitin lahat ng yun, ng ilang beses, mapasakin ka lang ulit.”

    Hinalikan niya ang leeg ko.

    “J-Jacob, maraming nakatingin.”

    May narinig akong tumili sa malayo. Pakapalan ng mukha na talaga ang pagtitig nila samin. Kahit na alam nilang nakikita ko ang pagtitig nila, tumititig parin sila. Hindi man lang nag iiwas ng tingin.

    “Kung gusto nilang tignan tayo, edi hayaan mo sila. Mainggit na ang mainggit, Rosie, pero aangkinin kita kahit sa harapan ng maraming tao.”

    Hinalikan niya ang pisngi ko at hinila palayo sa kinatatayuan namin…

    “Maligo na tayo, Rosie!”

    Uminit lalo ang pisngi ko sa anyaya niya. Bakit parang ang green nung naiisip ko? Hay nako! Pero itong si Jacob mukhang wala namang napapansing green doon?

    “Wait… Yung shorts ko…” Hinubad ko malapit sa seashore ang shorts ko at iniwan din doon ang slippers.

    Hindi ko na masisisi ang naglalaway sa katawan ni Jacob. Gaya ng sinabi ko kanina, hindi sila natitinag. Walang nakakapigil sa pagtitig nila… Kahit tinititigan at iniirapan ko na, hindi parin ako pinapansin. Laglag ang panga nila habang nakatitig sa sparkling abs ni Jacob.

    Yung iba kahit likod niya pinag diskitahan.

    “Ganda ng likod, harap, mukha, at… ilalim! KYYAAAA!”

    Napalingon talaga ako sa naninisay na mga modelo at napailing na lang ako. Yung iba naman walang pakealam, pero siyempre kitang kita ko parin ang pasulyap-sulyap na mga mata nila tuwing di ako nakatingin.

    “Rosieee! Picture ko kayo!” Sigaw nung isang model.

    Ilang pictures ang kinuha samin. Hindi ako sigurado kung dapat ba kasali ako o si Jacob lang yung gusto nila. Hindi nila pwedeng ma picturan si Jacob ng mag isa dahil para siyang linta na dikit ng dikit sakin.

    Panay ang dikit ng dibdib at sparkling abs niya sa likuran ko o di kaya sa braso ko. Halos parati pang nakapulupot ang braso niya sakin.

    “Lika na… Gusto kong mapag-isa tayong dalawa.” Bulong niya sa tainga ko.

    Tumango ako at nagpadala sa mga hila niya.

    Nakita kong nag banana-boating sina Jasmine, Brandon at ilan pang mga models. Binalewala ko na lang sila kahit maingay dahil masyadong distracting si Jacob. Lalo na pg pinupulupot niya ang braso niya sa baywang ko.

    “Rosie, subukan nating mag kiss underwater?”
    “Jacob, pati ba naman yan?”
    “KIss lang naman, eh. Saka na mag level up pag nakapagkiss na tayo-“
    “HA? Anong level up? Level up ka diyan!” Binatukan ko na.
    “Aray naman… Bakit? Diyan naman talaga nagsisimula ang lahat diba.”
    “Huy! Baliw ka talaga.” Lumayo ako sa kanya.

    Ang walag hiyang ito. Minsan sa sobrang ka inosentehan niya, hindi niya na napapansing green masyado ang pinagsasabi niya.

    “Sige na!”

    Lumangoy siya palapit sakin.

    “AHHHHHH!” Paranoid talaga ako pag may lumalangoy palapit sakin.

    Pakiramdam ko hihilain nila ako pababa at malulunod ako.

    Unti-unti kong naramdaman yung kamay niya sa baywang ko.

    Natigil ako sa pagsigaw sa gulat. Hinalikan niya ang tiyan ko pataas hanggang dibdib bago umahon.

    “Come’on, Rosie. Underwater kiss tayo!”

    Aba’t parang naghahamon lang ng isang laro ah?

    “Uyy? Okay lang ba kayo?” Biglang sumulpot out of nowhere si Brandon.

    Sabay kaming napalingon ni Jacob.

    “Wala!” Galit kong sinabi.

    Kumunot ang noo niya nang bumaling sakin.

    “Galit ka? I’m just concerned. Sumigaw ka kasi akala ko kung ano na… Akala ko nalunod or something…”
    “Hindi naman siya malulunod kasi marunong naman akong lumangoy.” Sabi ng naiiritang si Jacob.
    “Sorry, man! Distress sign talaga kasi yung sigaw… Kaya napunta ako dito.” Sabi ni Brandon.

    Hinarap siya ni Jacob. Ramdam ko na naman ang high blood niya kaya hinawakan ko na agad ang braso niya para pigilan kung ano man ang binabalak…

    “Distress sign kung sumigaw siya ng tulong… Pwede namang sumisigaw siya dahil sa sarap, diba?” Ngumisi si Jacob at tinaas ang isang kilay.

    Napakagat ako ng labi sa sinabi ni Jacob. SHET! Kumunot lalo ang noo ni Brandon at yumuko.

    “Sorry. Concerned lang talaga ako.”
    “Ngayon alam mo ng walang nanghihingi ng tulong dito, makakaalis ka na.”

    Nalaglag ang panga ni Brandon at lumangoy na lang palayo.

  • Kabanata 10Open or Close

    Kabanata 10
    Gagawin at Susundin

    Paalis kami ni Jacob nang nakita kong si Brandon paakyat sa stage. Naka titig pa sakin. Alam ko kahit malayo akong nakatingin sa kanya, sigurado akong ako ang tinititigan niya.

    “Tayo na, Rosie.” Hinila ako ni Jacob palabas doon.

    Tinalikuran ko na lang sila. Nakapag paalam na akong di ako pwedeng magtagal kasi uuwi kami sa probinsya. Gulantang si Ms. Bubbles nang nalamang taga probinsya ng Alegria si Jacob. Siguro hindi kapani-paniwala ang mukha niyang taga probinsya… Mukha kasi siyang lumaki sa syudad. Yung tipong mulat sa karangyaan. Well, totoo, mulat sa karangyaan si Jacob. Siya ang patunay na hindi lahat ng nasa probinsya ay dapat mong minamaliit.

    Gabi na nang umalis kami sa Imperial Bay. Kumain muna kami at bumili ng baong pagkain bago bumyahe. Sinundo din namin yung isang driver nila para may kapalit yung unang driver pag aantukin.

    “Inaantok na ako, Jacob.” Sabay hikab ko.

    Napagod ako sa pags-swimming ah?

    Kinuha niya ang unan sa tabi niya at nilagay sa lap niya.

    “Dito ka na matulog.” Ngumisi siya.
    “Ha? Pano ka? Hindi ka makakatulog ng maayos.”
    “Makakatulog ako ng maayos pag nararamdaman kita.”

    Napatingin tuloy ako sa dalawang driver. Hinila niya ako at hinalikan bigla sa labi.

    Tinulak ko siya at tumingin ulit sa mga driver. Uminit ang pisngi ko kahit hindi naman sila nakatingin samin ni Jacob. Pakiramdam ko kasi hindi sila lumilingon samin alam nila ang ginagawa namin dito sa likuran.

    “Matulog ka na dito. O baka gusto mo patulugin kita sa pagod?” Ngumisi siya.
    “Jacooob!?” Lumingon agad ako sa mga driver.

    Umamba siyang aalisin ang t-shirt ko habang tumatawa. Pinigilan ko ang kamay niya at…

    “Eto na nga!” Sabi ko at humiga na sa lap niya.

    Habang nakahiga ako sa lap niya at tinitingala siya, hinaplos niya ang mga labi ko.

    “I love you, Roseanne Buenaventura.”
    Ngumisi ako, “I love you, too, Jacob Buenaventura.”
    “I love you more.” Ngumisi siya.

    Pumikit ako nang nakangiti. Hindi ko na alam kung ilang oras akong natulog. Nagising na lang ako ng madaling araw. Tulog pa si Jacob pagkagising ko. Nakita kong tulog na rin ang isang driver. Nasa Alegria na kami pero may 15 minutes pa siguro bago kami makarating sa bahay nina Jacob.

    Gusto ko tuloy bumisita kina Auntie Precy. Pero sa ngayon, kina Jacob muna kami didiretso.

    Kinusot ni Jacob ang mga mata niya. Napansin niya siguro ang pag bangon ko kaya nagising din siya.

    “Nasa Alegria na pala tayo?”
    Tumango ako at bigla niya akong hinalikan.
    “JACOB!” Umiling ako. “Hindi pa ako nakakapagtoothbrush!” Tinulak ko siya palayo.
    “Ako rin naman, ah?”
    “Basta! Bad breath pa ako. Hmmp!” Inirapan ko siya.
    “Gusto ko nga yung hinahalikan ka tuwing umaga. Ibig sabihin nun magdamag tayong magkasama kaya may morning kisses!”
    Inirapan ko ulit siya, “Hay! Ewan ko sayo! Adik ka talaga.”
    Tumawa na lang siya.

    Tulog pa yung daddy ni Jacob nang nakarating kami sa bahay nila. Akala ko hihintayin naming magising siya bago kami umalis ulit pero nagkamali ako… Hinila agad ako ni Jacob palabas ng bahay nila at papasok sa Hummer.

    “May ipapakita ako sayo.” Aniya.

    Kakabihis at ayos lang namin. 5:30AM pa lang. Ano kaya yung ipapakita niya saking di na makapaghintay?

    “Ano?”
    “Basta!” Ngumisi siya at pinaandar ang sasakyan.

    Akala ko sa Kampo Juan kami pupunta, o sa farm nila, pero nagkakamali ako.

    Napansin ko na lang yung isang loteng sobrang lawak at nilagyan ng matatayog na dingding.

    “Ano ‘to? Bago ‘to ah?”

    Ngumisi pa siya lalo. Tumigil kami sa isang kulay green na gate. May malalaking bold letters ang naka carve sa gate na iyon:

    ROSIE BUENAVENTURA
    Property of Jacob Antonio S. Buenaventura

    “WHAT?” Nalaglag ang panga ko habang papabukas ang malaking gate na iyon.

    “Jacob, ano ‘to?” Niyugyog ko siya.

    Hindi siya sumagot. Ngumisi lang siya at patuloy sa pag drive papunta sa loob ng gate.

    Kitang-kita ko agad ang malawak na lupain. Mag su-sunrise na pala. Ang ganda ng tanawin.

    Napalunok ako sa sobrang lawak nito. Sa kabilang side, may mukhang isang malaking warehouse at sa loob nito ay mga naglalakihang truck.

    “Ano ‘to?” Tanong ko ulit habang tinitignan yung warehouse. “Sa inyo ba ito?” Tanong ko.
    “Satin.” Sagot niya.

    Itinigil niya ang sasakyan at lumabas para pagbuksan ako ng pintuan.

    Dahan-dahan akong lumabas. Niyakap niya agad ako at nilahad niya ang kamay niya sa buong lupain.

    “Bumili ako ng sarili kong lupa para sa future natin at pinangalan ko yun sayo.”
    “WHAAAAT?”

    Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Masaya ako at the same time natatakot. Masaya ako dahil nakakatouch yung ginawa niya pero natatakot akong baka dapat sa kanya lang muna ito. Dapat siya muna.

    “Sariling pera ko ‘to.” Tumawa siya. “Syempre may tulong din si Papa. Katabi lang nito yung farm namin kaya binili ko na lang.”
    “Pero Jacob,” Suminghap ako, “Di mo naman kailangang ipangalan yun sakin. Pwede namang sayo muna ‘to…”
    “Gusto ko, Rosie… Hindi ko naman kailangan ng marami pang lupa. Ako ang magmamana ng lahat ng lupain ni Papa. Gusto ko meron ding sayo.”
    “P-Pero wala akong alam sa ganito. Tsaka… tsaka di ako ready… Tsaka… Jacob, sobra sobra ito-”

    Nilagay niya ang index finger niya sa labi ko.

    “Sobra-sobra tulad ng pagmamahal ko sayo. Rosie, wala ka ng magagawa kaya tanggapin mo na lang.” Tumawa siya.

    Umiling ako.

    “Pero, Jacob!”

    Hinalikan niya na naman ako bago ko pa madugtungan. Iba yung halik niya ngayon… Agad nag-aalab. Matamis at malalalim. Yung hindi mo maiiwasang di malasing. Sinubukan kong iwasan ang pagiging lasing sa halik niya para makumbinsi siyang ilipat sa kanya ang lupang ito pero di ko nagawa. Nakakapanghina ang mga halik niya.

    “Jacob…” Mahina na rin ang daing ko.
    “Kagabi pa kita gustong halikan ng ganito ka lalim, Rosie.”

    SHEEEEET!

    “Jacobbb…” Tinulak ko siya ng bahagya.

    Tumigil siya. Pareho kaming naka half-open ang bibig at hinahabol ang hininga.

    “Ako naman mamamahala sa ngayon. Wa’g ka ng mag-alala.” Aniya.
    “Kung ganun dito ka mag fie-field study?” Tanong ko.
    Umiling siya, “Hindi. Nagsubmit na ako ng papers sa tatlong malalaking kompanya-”
    “JACOB! Dito ka na lang! May bago ka palang negosyo-”
    “Rosie, hindi pwede! Hindi ko kayang malayo sayo-”
    “Pero Jacob, hindi ka naman malalayo sakin-”
    “Bakit ba gustong gusto mo yung wala ako sa tabi mo?” Tumaas ang boses niya.

    Kinabahan tuloy ako. Hindi naman sa ayaw kong makasama siya o gusto kong malayo siya sakin. I just want him to pursue his own dreams… I want us to grow together even if we’re apart. Hindi naman ganun ka layo. Tsaka may konting wifi naman dito sa Alegria. Pwede naman kaming mag videocall or something, diba?

    “Jacob, mas mabuti kung dito…”
    “Ayoko, Rosie! Wala kang magagawa para ilayo mo ako sayo!” Tinalikuran niya ako.

    “Jacooob…” Naiiyak ako. Hindi ko alam kung bakit.

    Siguro nasasayangan lang talaga ako sa pagkakataong mamamahala na sana siya dito sa farm nila.

    Hinila ko ang braso niya. Nakatalikod parin siya.

    Bigla niya akong hinarap. Kitang kita ko na ang namumuong luha niya.

    “Gusto kong ikaw mamahala dito… Sabi mo naman para sa future natin, diba? Hinding hindi ko gugustuhing malayo ka sakin. Pero kasi… this is your destiny… this is our destiny. Pero hanggang nag-aaral pa ako, hindi pa kita masasabayan dito. Ngayong pwede namang ikaw muna, edi grab that opportunity. I trust you… Kahit malayo tayo, alam kong di ka magbabago. Trust me, too…”
    “Rosie, may tiwala ako sayo pero wala akong tiwala sa mga taong nakapaligid sayo! Paano si Callix-”
    “Callix is with Belle, Jacob!”
    “P-Paano si Karl?”
    “My goodness, he’s gay! Kailan ba yan mag si-sink in sayo?”
    “R-Rosie, paano yung unggoy na yun?”
    Kumunot ang noo ko, “Sinong unggoy?” Tanong ko.
    “Yung may mahabang buhok!”

    Naghang ako. Ilang sandali pa bago ko narealize kung sino ang tinutukoy niya…

    “Si Brandon? My God, Jacob, he’s nothing compared to you! Hindi ako magmamahal ng iba… ikaw lang! Kahit pagiging kaibigan, ipagkakait ko sa lalaking iyon!”
    “Rosie, di ko kaya… Manghihina ako kung di kita kasama.” Yumuko siya at suminghap.

    Hinang-hina na ang mga mata niya.

    Kinurot ang puso ko habang tinitignan siyang nahihirapan. Tama na… Ayoko na… Sige… Kung saan siya sasaya doon na lang… Basta wa’g lang magkaganito.

    Unti-unti niya akong tinignan. Hinaplos ko na lang ang pisngi niya.

    “Ayoko ring magkalayo tayo. HIndi ko rin kaya. Manghihina din ako tulad ng panghihina mo. We need to grow up together… Kahit magkalayo tayo, magkasama parin naman tayo…”

    Siniil niya ako ng maiinit na halik. Naramdaman ko ang luha sa mga mata niya habang ginagawa niya yun. Hinalikan ko din siya ng mas mainit. Gusto kong bumawi. Pinaiyak ko siya ngayon, gusto kong bumawi.

    “I’m sorry, Jacob.” Sabi ko in between kisses.

    Hinila niya ako palayo sa kinatatayuan namin. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Lumapit kami sa mga bagong truck. Malinis pa… Naisip ko tuloy kung magkano ito. Ngayon pa lang kasi ako nakakita ng brand new na truck, e. Mas malaki pa ito sa ten wheelers tapos brand new, paniguradong mahal ito.

    Nadistract ako nang tinulak niya ako at pinaupo sa likuran ng truck.

    Aangal sana ako pero hinalikan niya na ako ng mga nakakalasing na halik. Binigyan ko rin siya ng mas mainit na mga halik.

    Unti-unti ng gumapang ang kamay niya sa ilalim ng t-shirt ko para i-unclasp ang bra ko.

    “Jacobbb~” Kinagat ko na lang ang labi ko.

    Dapat sana angal yun pero ba’t ungol yung pagkakasabi ko?

    Hinalikan niya ang leeg ko. Napapadaing ako ng wala sa oras. Kinabahan tuloy ako. Kumpara sa kubo, mas nakakatakot ito kasi may open space.

    Nakaupo lang ako sa likuran ng truck, siya naman nakatayo habang hinahalikan ako. Kahit na malawak na lupain lang naman ang kaharap namin, nakakatakot parin.

    “Baka may maka k-kita, J-Jacob.” Kinagat ko ulit ang labi ko.

    Na uutal na ako sa sarap ng mga halik niya sa dibdib ko.

    “Hahayaan ko bang may makakita pag gagawin natin ‘to, huh Rosie? Kaya kong may makakitang magkahalikan tayo, pero… eto?” Lumamig ang boses niya habang kinakalas ang butones ng shorts ko.

    Tumindig ang balahibo ko.

    “Shoot to kill, Rosie, shoot to kill pag may makakita nito. Kaya bumigay ka na…”

    Napapikit ako habang tinatanggal niya ang shorts ko.

    “Jacob, hindi ka ‘ready’!?” Tanong ko.

    ‘Ready’! Asan yung condoms? Wala yatang dala si Jacob.

    “Tsss… Para saan pa. Ginagawa ko nga ito para magkaanak tayo, bakit kailangan pa nun-”
    Tinulak ko siya, “Jacob, hindi pa ako readyng magkaanak.”
    Ginulo niya ang buhok niya at hinaplos ng bigla ang panty ko.

    “JACOB!” Sigaw ko kasi nagpatuloy siya sa paghalik sa leeg ko.

    “Oo na, aalisin ko nga pag nandyan na… One last, Rosie…” Bulong niya sakin.
    “A-A-Anong… One… Last…” Hindi na ako makapag isip ng mabuti dahil sa ginagawa niya.

    Napahawak na lang ako sa magkabilang braso niya habang patuloy siya sa paghaplos.

    “Pag dito ako mag fi-field study, sa bahay ka na uuwi. Sa bahay namin sa Maynila.”
    “B-Bakit?” Kinagat ko ang labi ko.

    Nakakahiya na ang boses ko. MY GOODNESS!

    “Kasi yun ang gusto ko. Gusto ko pag umuwi ako pagkatapos ng field study dito, ikaw ang dadatnan kong nakahiga sa kama ko. Gusto ko nandun ka palagi. Gusto kong maramdaman na naghihintay ka sakin sa bahay natin…”
    “Ohhh-Oo.” Kinagat ko ulit ang labi ko.

    Hinalikan niya ulit ako ng maiinit at nag-aalab na mga halik. Pinaglayo niya pa lalo ang mga legs ko. Binuksan niya na lang agad ang pants niyang soot. Hindi niya na hinubad. Hindi niya rin hinubad ang panty ko…

    Mabuti na lang kasi ayokong masyadong exposed ako lalo na dito sa open space.

    “I love you, Rosie… Kahit anong gusto mo gagawin ko… Susundin ko… Kahit ano.”

  • Kabanata 11Open or Close

    Kabanata 11
    Putikan

    Pulang-pula ang pisngi at labi ko nang pabalik na kami sa bahay nila.

    “Mabibigla ang papa mo sa pagdating natin.” Sabi ko kay Jacob habang nakatingin parin sa salamin.
    “Hindi siguro… Alam niyang uuwi tayo ngayon.”

    Tumango ako.

    Gising na ang mga katulong nina Jacob. Pero unang bumungad samin si manang na nakasimangot.

    “Kanina pa kayo nakarating dito, diba? Saan kayo galing?” Mataray na tanong ni Manang.

    Dinalaw ako ng kaba. Bakit ba kasi tuwing may milagro kaming ginagawa ni Jacob, parang may nakakaalam. O baka talagang guilty lang ako kaya napaparanoid ako ng ganito?

    “Kaka almusal-este-uhm… mag-aalmusal na kami. Galing kami sa trucking, manang.”

    Mas lalo akong kinabahan sa sinabi ni Jacob. Kitang-kita ko ang pag pula ng pisngi niya. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila na lang palayo kay manang.

    “Sige po…” Paalam ni Jacob.
    “Sige… Nandyan ang papa mo sa dining room. Mag almusal na kayo.”

    Nilingon ko si manang. Tumaas ang kilay niya habang tinitignan ako. Mas lalo tuloy akong kinabahan.

    “Uy, Jacob! Rosieee!”

    Tumayo ang daddy ni Jacob para yakapin siya. Nagpayakap si Jacob pero nang umambang yayakapin na ako ng daddy niya ay umalma siya.

    “Pa!”
    “Bakit?” Tumawa ang daddy niya.
    “Alam mo namang off-limits itong si Rosie, wa’g mo ng subukan!”
    “Pati ba naman ako, Jacob?”

    Hinintay niya ang reaksyon ni Jacob. Nag iwas lang si Jacob ng tingin at umupo sa hapag kainan. Umiling ang daddy niya at umupo na rin. Umupo din ako sa tabi ni Jacob.

    “Dito ka na mag fi-field study?” Halos mapunit ang mukha ng daddy ni Jacob sa kakangisi.

    Umirap si Jacob at uminom ng tubig. Ako yung nagsabi na dito siya mag fi-field study. Pumayag na siya kanina pero alam kong labag parin ito sa kalooban niya.

    Bumaling ang daddy niya sakin.

    “Ikaw ba, Rosie? Ikaw ba ang nagpapayag sa kanya?”
    Napalunok ako, “O-Oo. Pumayag na siya. Sayang din naman po kasi kung di siya dito mag fi-field study. Sayang yung mga negosyo niyo…”
    “Yan din ang sinabi ko sa kanya. Pero ayaw makinig. Akala ko nga talagang wala ng pag-asa. Ngayon ikaw lang pala ang makakapagpapayag sa kanya? Thank you, Rosie!”
    Umirap ulit si Jacob at padabog na nilapag ang baso ng tubig, “Uuwi ako sa Maynila, tuwing Sabado. Pumayag lang ako kasi ito ang gusto ni Rosie. Sa oras na kakailanganin niya na ako doon, sa oras na mamimiss niya ako ng sobra-sobra at di na siya makakapayag na maghiwalay kami, hindi ako magdadalawang isip na iwan ang Alegria.”

    Pumikit ako sa sinabi niya.

    Ilang ulit nagpasalamat ang daddy niya sakin. Nang dumating ang tanghali, nagpasya kaming mamasyal kina April. Dinalhan namin siya ng pagkain at gatas para sa baby (hindi kasi kami nakabili ng damit para sa baby niya).

    “Oh, J-J-Jacob? Rosie?” Nanlaki ang mga mata niya.

    Mejo tumaba na siya ng konti habang nasa kandungan niya ang baby niya.

    “Hi!” Ngumisi ako.
    “Hello!” Nakita kong pumula ang pisngi niya.
    “Ilang taon na ang baby mo?” Tanong ko.

    Nakatitig siya kay Jacob nang tinanong ko siya. Kahit nung sinagot niya ako ay kay Jacob parin ang atensyon niya.

    “Uhm… Kaka one year old niya lang.” Aniya.
    “Hello, April Jake!” Sabay alog ko sa kamay ng baby niya.

    Okay… Alam ko… At naka get over na ako sa pangalan ng baby. Hindi pinanagutan si April ng papa nung baby niya. Mejo may pagka bangag din naman kasi yun. Lasenggero pa kaya mas mabuti na rin sigurong hindi niya na pinilit. Kitang-kita mo sa mukha ng baby niya ang carbon copyng mukha ng ama niya. Nung una, naweirduhan ako nang nalaman kong April ‘Jake’ yung pangalan.

    Pinag awayan pa namin iyon ni Jacob. Inaway ko siya dahil pakiramdam ko anak niya talaga ang batang ito. Umiyak siya sagalit. Inaway niya si April. Agad akong naguilty dahil wala namang kasalanan ang bata sa nangyari. Buti nagpaliwanag si April. Kalaunan ay nakita ko rin namang kamukha niya yung ama niya kaya paniguradong di kay Jacob.

    “Kailan ka ba talaga maniniwalang wala akong ibang naka-ganun kundi ikaw? Jusko, naman, Rosie! Anong akala mo sakin, si Callix?”

    Yun ang laging linya niya sakin pag pinagdududahan ko siya.

    “Salamat sa pagkain at sa gatas.” Sabay kaway ni April nung paalis na kami sa kanila.

    Kumaway rin ako at ngumiti. May mga taong nagbago na pero nandiyan parin ang pagbabakasakaling umikot at bumaliktad ang tadhana. Alam kong hanggang ngayon ay umaasa parin siya kay Jacob. Kitang kita sa kislap ng mga mata niya habang tinitignan si Jacob.

    “Rosie, gusto ko rin ng baby.” Aniya.
    “Haaay! Magkakababy din tayo ng marami pag settled na ang lahat.” Sabi ko.
    “Kung magkakababy din naman tayo sa future, bakit di na lang ngayon na agad? Parehong usapan lang naman yun, diba?”

    Grabe ang logic ng kurimaw na ito. Bilib talaga ako. Tumawa na lang ako at umiling. Pinark niya ang sasakyan niya sa tapat ng Bahay ni Lola.

    Nasa labas na si Auntie Precy, nag ga-gardening sa bakuran niya. Natigil siya nang napansin ang sasakyan nina Jacob.

    Puno pa ng putik ang kamay niya dahil sa pag-gagardening.

    “ROSIE? JACOOOOB!?” Tumakbo siya papunta samin.

    “Auntie Precyyyy!” Sigaw ko sabay yakap sa kanya.
    “Uy! Wa’g mo akong yakapin, puno ako ng putik.” Tumawa siya.
    “Miss na miss na po kita.” Sabi ko.
    “Miss ko rin kayong dalawa. Whoa! Jacob, grabe, tumangkad ka yata tsaka lalong gumwapo.”
    “OA ka naman, Auntie… E, kakauwi lang namin ng Alegria nung summer break.”
    Tumawa si Jacob, “Hayaan mo na. Gwapo daw ako eh.”
    “Kailan ba naging hindi?” Umirap ako.

    Nakangiti siyang bumaling sakin.

    Nag iba pa yung tono ng boses niya nang sinabing, “Talaga?”

    Napatingin tuloy ako sa kanya. Sa sobrang gwapo niya, hindi kapanipaniwalang kagwapuhan, ay hindi ko na siya gaano napupuri. Para saan pa ang mga puri ko? Constant variable na ang kagwapuhan niya. Hindi ko na kailangang ulit-ulitin pa.

    Naramdaman kong pumulupot ang braso niya sa baywang ko.

    “Sabihin mo nga ulit, Rosie?” Bulong niya sa tainga ko.

    Bumilis ang pintig ng puso ko. My goodness, ito na naman siya! Nakakakiliti na nga ang pagbulong niya sa tainga ko, mas kinikiliti niya pa ako sa boses at sinabi niya.

    “Ehemmmm!” Umubo-ubo si Auntie Precy.

    Kinalas ko ang kamay ni Jacob sa sobrang hiya.

    “Hmmm? Pasok nga muna tayo.” Sabi ni Auntie.

    Pumasok kami sa Bahay ni Lola. Liningon pa ni Jacob ang bakuran bago siya nagsalita kay Auntie Precy.

    “Auntie, anong ginagawa niyo sa bakuran?” Tanong niya.
    Inalis ni Auntie ang gloves niyang puno ng putik. “May mga bagong bulaklak kasi ako. Nitransfer ko galing sa pots papuntang lupa kaya ito.” Lumingon si Auntie Precy sa bakuran. “Ilang taon na rin akong di gumagawa nito kaya nahihirapan ako.”
    “Gusto mo ako na lang tumapos dun?” Nakangiting sinabi ni Jacob.
    Nanlaki ang mata ni Auntie, “Nako, Jacob! Wa’g na nakakahiya sayo.”
    “Sige na po, marunong po ako niyan. Para di na kayo mahirapan.”

    Sumulyap si Auntie Precy sakin. Siguro para humingi ng tulong sa pagdedesisyon. Nagkibit-balikat na lang ako. Tumango naman si Jacob sa pagkibit-balikat ko at agad nang hinubad ang t-shirt niya. Nakabalandra na naman ang nakakatulo-laway niyang sparkling abs.

    Paniguradong mababalot na naman ito mamaya ng sparkling sweat.

    “Sige, salamat!” Sabay abot ni Auntie Precy ng gloves.

    Agad lumabas si Jacob at nagbungkal ng lupa. Tumawa na lang ako at umiling.

    Noon kasi, pag naiisip ko yung ginagawa niya dito sa bukid, parang bumababa ang tingin ko, pero ngayon, mukha akong dito ipinanganak. Binago niya talaga ang pananaw ko.

    “Magkakalayo kayo?” Tanong ni Auntie Precy habang naghahanda ng merienda para samin ni Jacob.

    Binanggit ko sa kanya ang desisyon namin ni Jacob.

    “Oo. Yun kasi ang nakakabuti sa ngayon.”
    Natigilan siya, “P-Paano kung?”
    “Auntie… ako naman yung nasa Maynila. Sigurado naman akong di ako makakakita ng iba doon. Nandito siya sa Alegria. Nandito ka, nandito ang daddy niya, siguro naman kung may nakikita kayong lagi niyang kasama, sasabihin niyo sakin diba?”
    “Pano ka?”
    “Uuwi din naman siya sakin tuwing Sabado. Ilang buwan lang naman ito. Mga dalawa o tatlo, basta mapasa niya lang ang subject na ito. Tapos makapag intern siya sa negosyo nila, okay na.”
    “Binili niya ang mga truck ng trucking lines nina Eunice diba?”

    Natigilan ako. Oo nga pala… ngayon ko lang naisip na trucking lines nga pala yung negosyo nina Eunice!

    “Actually, binili niya ang buong trucking lines. Pati yung lupa. Kalahati ng lupa na pinangalan niya sayo ay sa pamilya nina Eunice.”
    “Hindi na ba nagnenegosyo ang pamilya nina Eunice?” Tanong ko.
    “Nag t-trucking parin, pero nasa kabilang bayan na yung trucking lines nila. Tsaka yung isang negosyo na lang ng pamilya nila ang nandito sa Alegria. Kailangan kasi ng trucking lines para sa farm nina Jacob… Para maangkat yung mga products nila papuntang Maynila. Mautak din yang si Jacob, ah? Talagang binili niya yun para di na sila mamroblema sa trucking lines.”

    Tumango ako.

    “Natatakot ako para sa inyo.” Aniya.
    “Auntie… Marami na kaming pinagdaanan. Tingin niyo masisira pa yun?”
    Nagkibit-balikat siya, “Oo nga naman. Pero… pag namimiss mo ang isang tao, dalawa lang pwedeng mangyari, ang ma miss mo sila lalo o ang makalimutan ang pakiramdam na nandyan sila.”
    Suminghap ako at napaisip sa sinabi niya, “Auntie… Hindi naman siguro. Hindi naman kami masyadong malayo. Sabado, uuwi siya sakin kaya okay lang. Kaya nga ng iba na dagat ang pagitan niila, ito pa kaya, diba?”
    Tumango si Auntie Precy at, “Wa’g lang kayong magkasawaan at mawalan ng pag asa sa isa’t-isa…” Malungkot ang mga mata niya nang sinabi niya ito.

    May feeling akong ganito talaga yung nangyari sa kanila ni Don Juan.

    “Tawagin mo na si Jacob para makapag merienda na kayo.”
    Tumango ako at pumunta agad kay Jacob.

    “Jacob…” Ayan! Likod niya pa lang may sparkling sweat na…

    Napalunok ako habang tinitignan siyang inaayos yung halaman. Umaambon na. Mukhang uulan pa yata ngayon dahil sa lakas ng ihip ng hangin.

    “Merienda daw muna tsaka umaambon na..”
    “Saglit na lang ito.” Aniya.

    Hindi ko siya nilapitan kasi baka maputikan ako. Pero dahil sobrang tagal na, sinubukan kong lumapit pa lalo. Lumalakas na rin kasi ang ulan kaya dapat na kaming pumasok.

    “Jacobb…”
    “Hmmm?” Nag-aayos parin siya ng halaman.
    “Tsss! Tama na muna yan!” Nilapitan ko siya at kinalabit na.

    May putik na sa tsinelas ko. Yung iba nasa paa ko na talaga.

    “Jacobbb!?”

    Bigla siyang tumayo. Kitang kita ko ang abs niyang may putik na rin.

    Nakangisi siya at tinatakot niya ako sa putik.

    “Tumigil ka! Malilintikan ka sakin!” Tumawa ako at tatakbo na sana palayo pero niyakap niya ako galing likuran.

    Napatili ako sa sobrang gigil sa putik na nararamdaman ko na ngayon sa braso ko.

    “JACCOOOOB!” Sigaw ko sabay tawa.
    Tumawa rin siya, “Huli ka!”

    Kiniliti niya ako. Lumakas yung ulan kaya napapikit ako habang tumatawa sa kiliti niya. Pumiglas ako nang binuhat niya ako galing sa likuran. Dahil madulas ang putik, samahan pa ng ulan, pareho kaming natumba sa putikan. Siya yung napuruhan kasi nasa likuran ko siya. Natumba ako sa dibdib niya. Pareho na kaming puno ng putik.

    “Lintik ka talaga, Jacob! Shit!” Sigaw ko.
    Tumatawa lang siya.

    Gumulong ako palayo sa kanya pero hinawakan niya ang braso ko kaya napahiga ako sa putik.

    “YUUUUCKS!” Sigaw ko.

    Tumatawa siya nang pumatong siya sakin. May putik sa mukha niya habang tinititigan ako. Lumalakas na ang ulan pero malinaw ang paningin ko sa mukha niya.

    Dahan-dahang napawi ang ngiti niya nang narealize kung gaano kalapit ang mukha naming dalawa. Napaawang ang bibig niya at tinignan ang mga labi ko.

    Nakita ko ring napalunok siya nang tinititigan ang labi ko…

    “Rosie, Sarap mong halikan ngayon… Pero marami sigurong makakakita.” Pumikit siya… “Bahala na…”

    Hinalikan niya ako. Wala akong lakas para pumiglas sa kanya kasi bung katawan niya ang nakapatong sakin.

    Mabilis nag init ang mga halik niya. Kahit na nilalamig kami sa ulan dito, hindi ko naramdaman nang siniil niya ako ng maiinit na halik.

    Naramdaman kong hinahaplos niya na ang leeg ko pababa ng dibdib.

    “Jacob… N-Nasa bakuran t-tayo.”
    “Rosie… Alam ko.” Sabi niya in between kisses.

    Tinulak niya ang lupa at agad umupo sa bakuran.

    “Langya! Mamatay na yata ako sa bitin!” Umiling siya at naglahad ng kamay sakin.

  • Kabanata 12Open or Close

    Kabanata 12
    Paano Kung

    Sa gabing iyon, hindi kami pinayagang matulog na magkasama o iisa lang ang kwarto. Sinugod ni Auntie Precy ang bahay nina Jacob nang nag alas nuwebe na at di parin ako umuuwi sa Bahay ni Lola.

    “HOOOY! Ilabas niyo si Rosieee!” Panay ang sigaw niya sa labas ng gate nina Jacob.

    Kahit nanonood kami ng TV sa sala nina Jacob, dinig na dinig ko parin ang pag-aalburuto niya.

    Nagkagulo ang buong bahay ni Jacob. Lumabas kami ni Jacob para tignan si Auntie Precy. Lumabas din ang ibang mga katulong at guards nina Jacob para tignan kung sino yung mukhang baliw na pasigaw-sigaw sa gate.

    “Precy, pwede mo namang pindutin ang door bell. Hindi mo naman kailangang sumigaw.” Nabigla ako nang pati pala si Don Juan ay lumabas.

    Nakita ko ang pagpula ng pisngi ni Auntie Precy. Umiling si Don Juan at tinignan kaming dalawa ni Jacib.

    “I-Iuuwi ko si Rosie! Hindi siya pwedeng matulog dito! Dalaga pa siya kaya bawal!”
    “Nako! Di na uso yan ngayon-“
    Pinutol niya si Don Juan, “Hindi uso sayo, pero sakin, uso! Kanya-kanyang trip lang yan!” Sinugod ako ni Auntie Precy at hinila palayo kay Jacob. “Sorry, Jacob. Alam ko namang mabait kang bata… kaya okay lang naman siguro sayong sa amin matutulog si Rosie, diba?”
    “Para namang ito ang first time na magkatabi kaming matulog. Eh naka ilang beses na kami.”

    Nalaglag ang panga ng lahat, except kay Don Juan.

    “A-Anong sabi mo?”

    Nakita kong pumula ang pisngi ni Jacob. Naasiwa siya sa pakikiusyuso ni Auntie Precy.

    “Ibig kong sabihin… Ilang beses nang natulog si-si Rosie dito sa bahay namin-“
    “Oo! Dahil sa mga beses na iyon, hindi niyo pinaalam sakin ang pagdating niyo. Pero ngayong alam kong nandito siya, sakin siya matutulog. Susmaryosep.”
    “Auntie…” Napabuntong-hininga ako.
    “Sige na, Rosie. Umuwi ka na lang sa inyo at baka mabaliw pa yang Auntie mo.” Sabi ni Don Juan.

    Biglang sinapak ni Auntie Precy ang braso ni Don Juan.

    “Tseh! Ayoko lang…” Nakita kong mas lalong pumula ang pisngi ni Auntie.

    Hindi ko alam kung ano dapat ang karugtong kasi hindi niya na dinugtungan pa… Tinalikuran niya na lang sila para umalis na.

    “Jacob,” Tumindig ang balahibo ko sa boses na ginamit ni Don Juan. Malamig at puno ng command. “Ihatid mo sila.”
    “Di! Wa’g na, may naghihintay na tricycle!” Sabi ni Auntie nang di nililingon.
    “Ihahatid kayo, Precy.”
    “Wa’g na! Ayos lang ako! Kaya ko namang mag isa…” Napalingon ako kay Auntie Precy.

    Hindi ko naman mawari kung anong ekspresyon ang ipinapakita niya dahil madilim na sa nilalakaran namin.

    “Hindi naman ‘to para sayo, para ito kina Rosie at Jacob.” Mas malamig na sinabi ni Don Juan.

    SHET! Kahit hindi naman para sakin yun, bakit nasasaktan ako? Napalingon ako kay Don Juan, ayun at nakatalikod na siya. Si Auntie Precy naman ay natigilan.

    Naramdaman ko ang panginginig ng kamay niya. Tumindig ang balahibo ko. Hindi ko alam kung dahil ba yun sa malamig na simoy ng hangin o dahil sa pangyayari.

    “Rosie…” Tumigil ang Hummer sa tapat ng tinatayuan namin ni Auntie Precy. “Ihatid ko na kayo.”

    Tumango ako at bumaling kay Auntie.

    “Auntie, tayo na.”

    Hindi siya gumalaw. Binuksan ko ang pintuan sa backseat ng Hummer at inalalayan si Auntie doon. Buti at hindi na siya nagmatigas. Hindi ko nga alam kung bumigay ba talaga siya o dahil nawalan siya ng lakas.

    Tahimik kami ni Jacob sa byahe pauwi sa Bahay ni Lola. Tanging eye-to-eye contact at pagkikibit-balikat lang ang nagawa namin.

    “Andito na tayo, Auntie.” Sabi ko at unang lumabas para pagbuksan ulit siya ng pintuan.
    “Ah!” Tumawa siya ng plastik na tawa. “Salamat sa paghatid, Jacob.”

    Tumango si Jacob at hinawakan ang kamay ko.

    “Walang anuman po yun. Pasensya ka na kay papa-“
    “Okay lang!” Aniya. “Sanay na ako.” Mas mahinang sinabi niya.

    Nagkatinginan kami ni Jacob.

    “Sige na, Jacob. Lumalalim na ang gabi. Maaga pa byahe natin bukas.”
    Tumango siya at hinalikan ang noo ko, “Sayang, di tayo tabi.” Bulong niya sakin.

    Napangiti ako pero saglit lang ito dahil inaalala ko parin si Auntie Precy.

    Kinawayan ko si Jacob nang umalis na siya. Nagmukmok agad si Auntie sa kwarto. Inisip ko tuloy ang nangyayari. Yun din ang laman ng pag-uusap namin ni Jacob sa sumunod na araw…

    “Mag-ingat kayo sa biyahe! Kailan ba magsisimula ang field study niyo, Jacob?” Tanong ng daddy niya.

    Suminghap si Jacob at nilingon ang daddy niya.

    “Next week.” Saka pumasok sa sasakyan.

    Next week na pala ang field study nila. Akala ko talaga mejo matatagalan pa, eh. Dapat hindi ako magpahalatang mejo disappointed ako sa lapit ng schedule nila. Pag nalaman nitong disappointed ko nagsisisi ako sa pinagagawa ko sa kanya, malamang aatras ito.

    Sa kalagitnaan ng byahe, hindi ko mapigilang di ibalik ang nangyari kahapon.

    “Jacob, paano kung umibig ka ng iba?” Tanong ko.
    “Hmm? Bakit ako iibig ng iba?”
    “Kasi… umibig ka. Hindi mo naman mapipigilan yan, diba?”

    Natahimik siya. Tinitigan niya lang ako ng mga isang minuto.

    “Dahil ba ito sa nalalapit na long distance relationship natin, Rosie? Kaya napaparanoid ka na? Sabi sayo hindi maganda ang dulot-“
    “Hindi, Jacob! Ano ka ba! Of course not! Inisip ko lang yung daddy mo at si Auntie. First love nila ang isa’t-isa, diba? Tsaka mejo gusto ako ng daddy mo noon dahil may hawig kami ni Auntie… So ibig sabihin, nahuhumaling parin siya kahit paano kay Auntie? Pero yung nangyari kagabi? Masakit yun, ah?”
    “Ewan ko. Wa’g na lang natin silang pakealaman. Basta ang alam ko, pinili ni papa si mama dahil mahal niya si mama.”
    Tumango ako.

    Napalunok ako at nagreflect. Paano kung nainlove si Jacob sa iba? Ibang klase itong ma inlove. Yung tipong di na lilingon sa iba… wala nang nakikita kundi ikaw… Ganun din siguro si Don Juan? Kaya kahit wala na ang mommy ni Jacob, pinili niyang wa’g ng humanap ng iba. Paano kung ganun ang mangyari sakin? Pagsisisihan ko ang naging desisyon ko habang buhay tulad ng pagsisisi ni Auntie Precy sa desisyon niya. Kaya hanggang ngayon hindi parin siya nakakamove-on. Umaasa parin siya. OH MY GODNESS!

    Kinagat ko ang labi ko nang naisip ko ang mga posibleng mangyayari.

    “Hindi yun mangyayari satin, Rosie. Alam ko ang iniisip mo. Kaya tigilan mo na yan. Mauubos lang ang oras mo sa kakaisip ng walang katuturan. Buti pa ubusin natin ang oras natin sa halikan.” Ngumisi siya.

    Hindi ko na rin napigilang di ngumisi. Binatukan ko na lang siya. Ang landi talaga nito.

    Biglang tumunog ang cellphone ko.

    “Hello, Karl?”

    Nagkatinginan kami ni Jacob. Kumunot ang noo niya nang narinig na si Karl. Kumunot din ang noo ko sa reaksyon niya. Unti-unting siyang nag relax kaya hinila ko ang ulo niya sa dibdib kong may unan para makatulog siya habang kausap ko si Karl.

    Sinandal niya ang ulo niya doon at pinikit ang mga mata.

    “Hullo, girl! May gig ka this coming Sunday. Friday or Saturday ang rehearsal. Natanggap mo na ba sa ATM yung sweldo last time?”

    Nalaglag ang panga ko. Nakalimutan ko yun, ah?

    “Hindi pa. M-Meron na?”
    “Oo! Tumataginting na 10 thousand pesos! Saang lupalop ka ba at bakit di mo alam?”
    “Umuwi kami ng Alegria ni Jacob.” Sabi ko.
    “Ahh! Kaya pala. Teka. Loud speaker ba ito?”
    “Hindi.” Umirap ako.
    “Hayyy salamat naman. Baka masakal ako nun. Anyway, yun nga… Kaso di ka finale sa ngayon. Give chance to others daw. 10 thousand pesos ulit ito! O diba, sa loob lang ng isa o dalawang linggo, 20 thousand ka agad? Ang saya no?” Tumawa siya.
    “O-Oo!”

    Shet! Masaya nga… Bibili ako ng regalo para kay Jacob para maalala niya ako sa Alegria. Siguro relo para lagi niyang maisusoot. Awkward kung bibigyan ko siya ng singsing, eh. Kinikilig ako, iniisip ko pa lang. Saka ko na lang siya bibigyan pag tapos na ako mag aral. Para ibig sabihin nun, ready na akong magpakasal.

    “Ano? Go ka? Este… Wala ka ng magagawa dahil nasa kontratang pinirmahan mo iyon. Tsaka… nagkulang din ng models.”
    “Ha? Bakit?”
    “May ibang nag abroad, alam mo na, pasukan na kaya yung mga estudyante baboosh. Yung mga magagaling at full time models ang makakasama mo dito kaya malaking break ito. Hindi nga ako sigurado kung talagang 10kyaw lang ito, eh.”
    “O-O sige! Game!”
    “Ano daw?” Singit ni Jacob.
    “OMG! Ayan na ba siya? Sige, bye na!”
    “Byyee!” Tumawa ako at bumaling sa nakadilat nang si Jacob.

    “Jacob, may modeling ako ngayong Sunday…”
    “ANO?” Natigilan siya. “Sa Sunday ako uuwi ng Alegria para pagka Lunes, magsisimula agad. Wala na naman ako? Rosie, ipagpapaLunes ko na lang ang pag uwi.”
    Umiling ako, “Pagmomodel ko over studies mo? No, Jacob. Tumuloy ka na. Okay?” Hinalikan ko ang pisngi niya.

    Kabanata 12

    Paano Kung

    Sa gabing iyon, hindi kami pinayagang matulog na magkasama o iisa lang ang kwarto. Sinugod ni Auntie Precy ang bahay nina Jacob nang nag alas nuwebe na at di parin ako umuuwi sa Bahay ni Lola.

    “HOOOY! Ilabas niyo si Rosieee!” Panay ang sigaw niya sa labas ng gate nina Jacob.

    Kahit nanonood kami ng TV sa sala nina Jacob, dinig na dinig ko parin ang pag-aalburuto niya.

    Nagkagulo ang buong bahay ni Jacob. Lumabas kami ni Jacob para tignan si Auntie Precy. Lumabas din ang ibang mga katulong at guards nina Jacob para tignan kung sino yung mukhang baliw na pasigaw-sigaw sa gate.

    “Precy, pwede mo namang pindutin ang door bell. Hindi mo naman kailangang sumigaw.” Nabigla ako nang pati pala si Don Juan ay lumabas.

    Nakita ko ang pagpula ng pisngi ni Auntie Precy. Umiling si Don Juan at tinignan kaming dalawa ni Jacib.

    “I-Iuuwi ko si Rosie! Hindi siya pwedeng matulog dito! Dalaga pa siya kaya bawal!”

    “Nako! Di na uso yan ngayon-“

    Pinutol niya si Don Juan, “Hindi uso sayo, pero sakin, uso! Kanya-kanyang trip lang yan!” Sinugod ako ni Auntie Precy at hinila palayo kay Jacob. “Sorry, Jacob. Alam ko namang mabait kang bata… kaya okay lang naman siguro sayong sa amin matutulog si Rosie, diba?”

    “Para namang ito ang first time na magkatabi kaming matulog. Eh naka ilang beses na kami.”

    Nalaglag ang panga ng lahat, except kay Don Juan.

    “A-Anong sabi mo?”

    Nakita kong pumula ang pisngi ni Jacob. Naasiwa siya sa pakikiusyuso ni Auntie Precy.

    “Ibig kong sabihin… Ilang beses nang natulog si-si Rosie dito sa bahay namin-“

    “Oo! Dahil sa mga beses na iyon, hindi niyo pinaalam sakin ang pagdating niyo. Pero ngayong alam kong nandito siya, sakin siya matutulog. Susmaryosep.”

    “Auntie…” Napabuntong-hininga ako.

    “Sige na, Rosie. Umuwi ka na lang sa inyo at baka mabaliw pa yang Auntie mo.” Sabi ni Don Juan.

    Biglang sinapak ni Auntie Precy ang braso ni Don Juan.

    “Tseh! Ayoko lang…” Nakita kong mas lalong pumula ang pisngi ni Auntie.

    Hindi ko alam kung ano dapat ang karugtong kasi hindi niya na dinugtungan pa… Tinalikuran niya na lang sila para umalis na.

    “Jacob,” Tumindig ang balahibo ko sa boses na ginamit ni Don Juan. Malamig at puno ng command. “Ihatid mo sila.”

    “Di! Wa’g na, may naghihintay na tricycle!” Sabi ni Auntie nang di nililingon.

    “Ihahatid kayo, Precy.”

    “Wa’g na! Ayos lang ako! Kaya ko namang mag isa…” Napalingon ako kay Auntie Precy.

    Hindi ko naman mawari kung anong ekspresyon ang ipinapakita niya dahil madilim na sa nilalakaran namin.

    “Hindi naman ‘to para sayo, para ito kina Rosie at Jacob.” Mas malamig na sinabi ni Don Juan.

    SHET! Kahit hindi naman para sakin yun, bakit nasasaktan ako? Napalingon ako kay Don Juan, ayun at nakatalikod na siya. Si Auntie Precy naman ay natigilan.

    Naramdaman ko ang panginginig ng kamay niya. Tumindig ang balahibo ko. Hindi ko alam kung dahil ba yun sa malamig na simoy ng hangin o dahil sa pangyayari.

    “Rosie…” Tumigil ang Hummer sa tapat ng tinatayuan namin ni Auntie Precy. “Ihatid ko na kayo.”

    Tumango ako at bumaling kay Auntie.

    “Auntie, tayo na.”

    Hindi siya gumalaw. Binuksan ko ang pintuan sa backseat ng Hummer at inalalayan si Auntie doon. Buti at hindi na siya nagmatigas. Hindi ko nga alam kung bumigay ba talaga siya o dahil nawalan siya ng lakas.

    Tahimik kami ni Jacob sa byahe pauwi sa Bahay ni Lola. Tanging eye-to-eye contact at pagkikibit-balikat lang ang nagawa namin.

    “Andito na tayo, Auntie.” Sabi ko at unang lumabas para pagbuksan ulit siya ng pintuan.

    “Ah!” Tumawa siya ng plastik na tawa. “Salamat sa paghatid, Jacob.”

    Tumango si Jacob at hinawakan ang kamay ko.

    “Walang anuman po yun. Pasensya ka na kay papa-“

    “Okay lang!” Aniya. “Sanay na ako.” Mas mahinang sinabi niya.

    Nagkatinginan kami ni Jacob.

    “Sige na, Jacob. Lumalalim na ang gabi. Maaga pa byahe natin bukas.”

    Tumango siya at hinalikan ang noo ko, “Sayang, di tayo tabi.” Bulong niya sakin.

    Napangiti ako pero saglit lang ito dahil inaalala ko parin si Auntie Precy.

    Kinawayan ko si Jacob nang umalis na siya. Nagmukmok agad si Auntie sa kwarto. Inisip ko tuloy ang nangyayari. Yun din ang laman ng pag-uusap namin ni Jacob sa sumunod na araw…

    “Mag-ingat kayo sa biyahe! Kailan ba magsisimula ang field study niyo, Jacob?” Tanong ng daddy niya.

    Suminghap si Jacob at nilingon ang daddy niya.

    “Next week.” Saka pumasok sa sasakyan.

    Next week na pala ang field study nila. Akala ko talaga mejo matatagalan pa, eh. Dapat hindi ako magpahalatang mejo disappointed ako sa lapit ng schedule nila. Pag nalaman nitong disappointed ko nagsisisi ako sa pinagagawa ko sa kanya, malamang aatras ito.

    Sa kalagitnaan ng byahe, hindi ko mapigilang di ibalik ang nangyari kahapon.

    “Jacob, paano kung umibig ka ng iba?” Tanong ko.

    “Hmm? Bakit ako iibig ng iba?”

    “Kasi… umibig ka. Hindi mo naman mapipigilan yan, diba?”

    Natahimik siya. Tinitigan niya lang ako ng mga isang minuto.

    “Dahil ba ito sa nalalapit na long distance relationship natin, Rosie? Kaya napaparanoid ka na? Sabi sayo hindi maganda ang dulot-“

    “Hindi, Jacob! Ano ka ba! Of course not! Inisip ko lang yung daddy mo at si Auntie. First love nila ang isa’t-isa, diba? Tsaka mejo gusto ako ng daddy mo noon dahil may hawig kami ni Auntie… So ibig sabihin, nahuhumaling parin siya kahit paano kay Auntie? Pero yung nangyari kagabi? Masakit yun, ah?”

    “Ewan ko. Wa’g na lang natin silang pakealaman. Basta ang alam ko, pinili ni papa si mama dahil mahal niya si mama.”

    Tumango ako.

    Napalunok ako at nagreflect. Paano kung nainlove si Jacob sa iba? Ibang klase itong ma inlove. Yung tipong di na lilingon sa iba… wala nang nakikita kundi ikaw… Ganun din siguro si Don Juan? Kaya kahit wala na ang mommy ni Jacob, pinili niyang wa’g ng humanap ng iba. Paano kung ganun ang mangyari sakin? Pagsisisihan ko ang naging desisyon ko habang buhay tulad ng pagsisisi ni Auntie Precy sa desisyon niya. Kaya hanggang ngayon hindi parin siya nakakamove-on. Umaasa parin siya. OH MY GODNESS!

    Kinagat ko ang labi ko nang naisip ko ang mga posibleng mangyayari.

    “Hindi yun mangyayari satin, Rosie. Alam ko ang iniisip mo. Kaya tigilan mo na yan. Mauubos lang ang oras mo sa kakaisip ng walang katuturan. Buti pa ubusin natin ang oras natin sa halikan.” Ngumisi siya.

    Hindi ko na rin napigilang di ngumisi. Binatukan ko na lang siya. Ang landi talaga nito.

    Biglang tumunog ang cellphone ko.

    “Hello, Karl?”

    Nagkatinginan kami ni Jacob. Kumunot ang noo niya nang narinig na si Karl. Kumunot din ang noo ko sa reaksyon niya. Unti-unting siyang nag relax kaya hinila ko ang ulo niya sa dibdib kong may unan para makatulog siya habang kausap ko si Karl.

    Sinandal niya ang ulo niya doon at pinikit ang mga mata.

    “Hullo, girl! May gig ka this coming Sunday. Friday or Saturday ang rehearsal. Natanggap mo na ba sa ATM yung sweldo last time?”

    Nalaglag ang panga ko. Nakalimutan ko yun, ah?

    “Hindi pa. M-Meron na?”

    “Oo! Tumataginting na 10 thousand pesos! Saang lupalop ka ba at bakit di mo alam?”

    “Umuwi kami ng Alegria ni Jacob.” Sabi ko.

    “Ahh! Kaya pala. Teka. Loud speaker ba ito?”

    “Hindi.” Umirap ako.

    “Hayyy salamat naman. Baka masakal ako nun. Anyway, yun nga… Kaso di ka finale sa ngayon. Give chance to others daw. 10 thousand pesos ulit ito! O diba, sa loob lang ng isa o dalawang linggo, 20 thousand ka agad? Ang saya no?” Tumawa siya.

    “O-Oo!”

    Shet! Masaya nga… Bibili ako ng regalo para kay Jacob para maalala niya ako sa Alegria. Siguro relo para lagi niyang maisusoot. Awkward kung bibigyan ko siya ng singsing, eh. Kinikilig ako, iniisip ko pa lang. Saka ko na lang siya bibigyan pag tapos na ako mag aral. Para ibig sabihin nun, ready na akong magpakasal.

    “Ano? Go ka? Este… Wala ka ng magagawa dahil nasa kontratang pinirmahan mo iyon. Tsaka… nagkulang din ng models.”

    “Ha? Bakit?”

    “May ibang nag abroad, alam mo na, pasukan na kaya yung mga estudyante baboosh. Yung mga magagaling at full time models ang makakasama mo dito kaya malaking break ito. Hindi nga ako sigurado kung talagang 10kyaw lang ito, eh.”

    “O-O sige! Game!”

    “Ano daw?” Singit ni Jacob.

    “OMG! Ayan na ba siya? Sige, bye na!”

    “Byyee!” Tumawa ako at bumaling sa nakadilat nang si Jacob.

    “Jacob, may modeling ako ngayong Sunday…”

    “ANO?” Natigilan siya. “Sa Sunday ako uuwi ng Alegria para pagka Lunes, magsisimula agad. Wala na naman ako? Rosie, ipagpapaLunes ko na lang ang pag uwi.”

    Umiling ako, “Pagmomodel ko over studies mo? No, Jacob. Tumuloy ka na. Okay?” Hinalikan ko ang pisngi niya.

  • Kabanata 13Open or Close

    Kabanata 13
    Bye, Jacob

    Mabilis natapos ang linggong iyon. Ganyan talaga ang buhay. Pag ayaw mong matapos ang mga araw, biglang bibilis ang oras. Pag gusto mo namang matapos na, babagal naman. Ngayong ayoko munang umalis si Jacob, biglang bumilis ang takbo ng panahon. Next week, araw-araw akong magwi-wish na sana ay bumilis ang panahon, pero alam kong mas lalo lang babagal iyon.

    Patuloy sa pagsinghap si Jacob habang nagmamaneho patungong venue ng catwalk bukas. May rehearsal kami ngayon.

    “Jacob, di bale… baka next time makakapanood ka na talaga.”
    Umiling siya, “Kung sana di ako uuwi ng Alegria, makakapanood sana ako. Patingin ng dress mo.” Aniya.
    Tumango ako at kinabahan.

    Ang alam ko kasi, bag and shoe collection ang imomodel ko. Ibig sabihin, hindi long gowns. Malamang mga sexyng damit ang ipasosoot samin.

    “ROSIE!!!” Binati ako ni Kira at Karl nang nakarating kami sa venue.

    As usual, indifferent parin si Jacob sa kanilang dalawa. Busy na ang mga models sa likuran. Yung iba, sinusukatan na at ipinapakita na sakanila ang mga bags at shoes na imomodel.

    “Three rotations yung gagawin niyo. Ibig sabihin, tatlong beses kang mabilis na magpapalit ng damit. Two rotations lang dapat ito, kaso lang, nagkulang sa models eh.”

    Tumango ako.

    “Karl, pwede patingin sa damit na sosootin niya?” Biglang sabi ni Jacob kay Karl.

    Nalaglag ang panga ni Karl kasabay ng pag-hang niya.

    “A-A-Ahhh. Okay. Wait lang.” Tinalikuran kami ni Karl.

    Malagkit namang tinitigan ni Kira si Jacob.

    “Maiiksi ba?”
    Bumaling si Kira sakin, “May short-shorts doon tsaka… high wasted shorts, yung top ay cropped corset.”
    “Ano yun?” Tanong ni Jacob.

    Bago pa nasagot ni Kira si Jacob ay dumating na si Karl dala-dala ang mga sosootin ko.

    Kumunot ang noo ni Jacob nang nakita ang mga maiiksing damit na ito.

    “Rosie…”
    “Jacob, rarampa lang naman ako gamit yan. HIndi naman ako magtatagal sa pagsosoot niyan.”
    “Alam ko namang nagsosoot ka na talaga ng mga sexyng damit bago pa lang tayo nagkakilala pero sumusobra naman yata itong makikita yung pusod at pwet mo.”
    Uminit ang pisngi ko.

    Bahagyang tumawa si Kira.

    “Bakit? Nag two-piece naman siya sa Imperial ah?”
    Bumaling si Jacob sa kanya, “Iba yun. Nandun ako para angkinin siya. Ngayon, wala ako. Ibang usapan ‘to.”
    “Tsk… Jacob, hindi ko nga kasi ako magtatagal sa pagsusoot niyan. Magbibihis ako agad ng-“

    “Insecure ka ba, ‘tol?”

    Napalingon kaming lahat sa lalaking nagsalita. Umiinom siya ng juice habang sumasandal sa isang mesa. Seryoso ang mukha niya. Unti-unti siyang ngumiti nang nakitang nakuha niya ang atensyon namin.

    “Insecure ka dahil feeling mo maagaw si Rosie sayo pag magsosoot siya ng mga maiiksi nang wala ka?” Tumaas ang kilay ni Brandon.
    “Ako ba ang kinakausap mo?” Tumawa si Jacob.

    Pero alam ko kung ano ang laman ng tawang yun. Galit. Irita. Inis. Hinawakan ko agad ang braso niya.

    “Sorry, ah? Hindi kasi tayo mag ‘tol. Akala ko iba ang kausap mo.”
    Kumunot ang noo ni Brandon sa sinabi ni Jacob, “Insecure ka lang.” Inulit niya.
    “Ansabe mo? Bakit ako maiinsecure? At kanino?”

    Kumuyom na ang mga kamay ni Jacob. Nanginginig na ang braso niya sa gigil.

    “Well, let’s see?? Sa mga tao sa paligid? Pakiramdam mo, maagaw siya pag wala ka. Wala kang tiwala sa kanya. Kung mahal ka niya, hinding hindi siya magpapaagaw. Mahal ka ba talaga siya?”

    Ngayon, ako naman ang nagngingitngit sa galit.

    “BRANDON!” Sigaw ni Kira at dinaluhan si Brandon para pigilan ang paninira niya sa isipan ni Jacob.

    “HOW DARE YOU, Brandon!” Sigaw ko.

    Naramdaman ko ang galit ni Jacob sa braso niya. Hinila ko agad ang kamay niya. Hinila ko siya sa likuran ko.

    “Alam mo? Mas lalong bumaba ang tingin ko sayo. Kung pinagdududahan mo ang love sa isa’t-isa. Keep it to yourself. Wa’g mong iparinig yun samin kasi wala kang alam.” Umirap ako.

    “Wait? What? I’m just sayong that he should stop being too insecure or too manipulative. This is a favor for you, Rosie.”
    “No, thanks, Brandon. Masaya na ako sa kung anong meron kami ngayon. Salamat sa favor pero mind your own business.”

    Napalunok siya. Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya bago ko siya tinalikuran at hinila si Jacob.

    “Ang tanginang yun, punyeta, sarap sapakin!” Ginulo niya ang buhok niya habang pinapaupo ko siya sa tapat ng stage.
    “Jacob, hayaan mo na yun.” Sabi ko.
    “Hindi, eh. Sumusobra na siya. Masusuntok ko talaga yun balang araw.”
    “Jacob…” Umiling ako.

    Na distract ako sa sasabihin ko kasi may napansin na naman akong grupo ng mga babaeng nagbubulung-bulungan at nagtitilian habang tinitignan si Jacob na galit at iritadong nakatingin sa stage.

    Hay nako, ibang klase talaga kung humatak ng fans ang kurimaw na ito. Ginulo niya ang buhok niya sa frustration.

    “Sige na, magrerehearse na kami.”

    Yumuko ako para halikan siya. Dapat one swift kiss lang yun pero nang naglapat na ang labi namin, hinawakan niya agad ang leeg ko para di agad ako makaalis. Hinihila niya pa ako para umupo sa lap niya habang naghahalikan kami.

    “Jacob! Nasa public place tayo.” Tinulak ko siya.
    “Alam ko.” Ngumisi siya.

    Hay ang isang ito talaga. Narinig kong nagsinghapan yung models sa nakitang pang parental guidance na scene. Iniwan ko siya doon nang nakangisi.

    Pagkarating ko sa backstage, sinalubong agad ako ni Karl.

    “Hay! Yung Brandong yun, sayang ang hot pa naman pero patay na patay pa yata sayo. Pagtinatanong naming gusto ka ba niya, lagi niyang dinideny kahit halatang-halata na. Bukambibig ka niya, eh.”
    “Ewan ko. I hate him. Muntik nang maging kriminal si Jacob kanina.”
    Tumawa si Karl, “Muntik nang maging kriminal ULIT. You know, noon pa talaga yun mahilig makipagbasag-ulo. Ikaw lang nakakapagpakalma dun.”
    Tumango ako, “Uhm… Akala ko ba wala ang ibang models? Bakit nandito si Brandon?” Tanong ko.
    “Regular model si Brandon, Rosie. Hindi mo ba siya kilala? Brandon Rockwell? Model kaya yan ng Hanes sa ibang bansa. Tsaka ito na talaga ang trabaho niya. Pero maraming wala dito… si Jasmine, si Mikaela, si Madelle at marami pang iba.

    Si Jasmine lang yata ang kilala ko sa mga nabanggit niya.

    “Bakit daw wala si Jasmine?” Tanong ko. “Nag-aaral ba siya sa ibang bansa?”
    “Hindi, eh. Mukhang may gagawin para sa negosyo nila.
    “Ahhh.”
    “Hey!” Nairita agad akong lumingon sa nagsalita.
    “Wa’g mo akong malapit-lapitan dito.” Sabi ko kay Brandon.

    Kung makaasta ito parang walang nangyaring bangayan kanina.

    Tumawa siya sa reaksyon ko.

    “Now…now… you’re improving, Rosie.”
    Kumunot ang noo ko at tinignang mabuti ang nakakairitang mukha niya.

    Pinasadahan niya nang mga daliri ang buhok niya at dinilaan ang lower lip niya bago nagsalita ulit sakin.

    “Di bale nang galit ka sakin, ang importante may nararamdaman ka.”

    Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.

    Hindi ba ako pwedeng magalit sa kanya? Dapat pala indifferent ako! Naalala ko tuloy yung sinabi ni Maggie sakin noon, ‘There’s a very thin line between love and hate’.

    “Let’s go, Rosie.” Dinig kong sinabi ni Kira. “Rampa mo na.”

    Tumango ako at tinalikuran ang nakangiting si Brandon.

    Mabilis natapos ang araw na iyon. Mabilis ang panahon. Hindi ko namalayang oras na para magpaalam si Jacob sakin.

    Sa bahay kami natulog. Hindi naman siya mag-aabroad para ganito ka OA ang reaksyon ko. Kaya lang, talagang hindi na ako sanay na hindi kami nagkikita ng higit sa isang araw. Alam kong ganun din ang pakiramdam niya. Tahimik siya parati. Parang galit at naiirita pa lagi.

    “Jacobbb…”
    Suminghap siya at hinarap ako.

    Papapasok na kasi siya sa sasakyan nila at wala parin siyang imik.

    “Rosie, hindi ko na kaya ito.” Kumunot ang noo niya.

    Ginulo niya ang buhok niya sa panggigigil.

    “Limag araw, Jacob. Mag vi-video call naman tayo araw-araw, eh.” Hinaplos ko ang buhok niya.

    Hinalikan niya ako habang ginagawa ko yun. Sabik ang mga halik niya. Yung tipong alam mo kung saan hahantong ang lahat pag nagpatuloy ito.

    “Hmmm?” Dinig ko ang boses ni Maggie sa likuran. “Sige. Pasok na lang ulit kami ni James. Sabihin niyo lang pagtapos na yan. SPG, eh. Bata pa kami.” Tumawa siya.

    Tinigil ko ang paghalik kay Jacob, half-open parin ang bibig niya habang tinitignan ang mga labi ko. Nakahawak pala siya sa magkabilang-balikat ko.

    “Rosie, pwede bang sumama ka na lang? Tumigil ka muna ng isang sem. Di baleng magtitiis akong maghintay ng isa pang sem para magpakasal tayong dalawa wa’g lang tayong malayo-”
    “Jacoooob… Sige na. Saglit lang ito. Wa’g mo na lang indahin. Mahirap din naman ito sakin, pero para sating dalawa, okay?”

    Nanghina siya kaya binitiwan niya ang braso ko. Unti-unti siyang tumango. Unti-unti niya ring hinalikan ang noo ko.

    “I love you so much, Rosie. Mamatay-matay ako pag di kita nakikita. Alam mo yan. Alam mo kung anong nangyari nung iniwan mo ako noon.”
    “Iba yun, Jacob. Nagkahiwalay tayo noon at galit ako sayo nun. Ngayon, mahal din kita kaya walang problema.”

    Tumango siya at tinalikuran ako. Pumasok siya sa loob ng sasakyan. Binuksan niya ang salamin. Seryoso ang mukha niya. Naiiyak ako pero ayokong ipakita sa kanya.

    “Bye, Jacob… See you next Friday?” Sabi ni Maggie.

    Tumango si Jacob kay Maggie at bumaling ulit sakin.

    “Uuwi din ako sayo, Rosie. Siguraduhin mong naghihintay ka sakin palagi.”
    Tumango ako. “Syempre.”

  • Kabanata 14Open or Close

    Kabanata 14

    Unti-Untiin

    Mahirap gumising pag alam mong wala si Jacob sa tabi mo habang amoy na amoy mo siya sa paligid. Gaya ng pinangako ko sa kanya, sa bahay niya na ako pansamantalang titira.

    “Ma, oo, dito na po muna ako.” Sabay kusot ko sa mata ko.

    Kakagising ko lang sa kama ni Jacob. Wala siya, syempre, nasa Alegria. Kailangan ko ng bumangon para maghanda. Kahit mamayang hapon pa yung ramp modeling, kailangan ko ng i-kondisyon ang sarili ko ngayon pa lang. Alam ko kasing ma-iistress ako. Tatlong beses akong magpapalit ng damit sa backstage. Wala pa si Jacob na inspiration ko.

    “Hay, Roseanne! Bakit ba kasi ayaw mong sumama na lang kay Jacob sa Alegria-“

    “Ma! Napag-usapan na po natin ‘to. Wa’g na nating pagtalunan pa.”

    “Hay! Ewan ko talaga sayo! Pag nakahanap yun ng iba, lagot ka sakin.”

    Umirap ako sa inis. Ilang taon na ang nakalipas, ganun parin ang pananaw ni Mama. Wa’g ko raw pakawalan si Jacob dahil ‘big catch’ siya. Oo, big catch si Jacob kasi loyal at mapagmahal siya. Pero alam nating lahat kung ano ang ibig sabihin ni mama sa big catch niya: dahil mayaman siya. Yun lang.

    “Ma, sige na po. May tumatawag na. Si Jacob na ito. Bye.”

    Hindi ko na siya hinintay pang sumagot. Agad ko ng pinutol ang linya. Hindi pa tumatawag si Jacob, malamang tulog pa yun o pagod sa byahe kaya ni-text ko na lang.

    Ako: Good morning Jacob. Call me pag nasa Alegria ka na or gising ka na. Mag aayos lang ako for later. I love you.

    Bumangon ako at nagpunta sa kitchen. May tatlong katulong sina Jacob sa bahay na ito, dalawang security guard at isang driver. Hindi ako sanay mamuhay nang may katulong pero di rin naman ako sanay na mamuhay na ako yung nagluluto. Sadyang di lang talaga ako talented sa kusina. Si Maggie ang talented sa kusina kaya siya yung nagluluto saming dalawa. Ako yung naghuhugas ng pinggan. Kaya hindi narin bago sakin na handa na agad ang almusal pagka gising ko.

    “Salamat po.” Hindi nga lang ako sanay na pinagsisilbihan.

    Inubos ko ang oras ko sa banyo. Naligo, toothbrush, hair dry, lagay ng lotion at kung anu-ano pa hanggang sa tumawag si Jacob.

    “Rosie…” Malambing na boses ang sumalubong sakin.

    Napangiti ako at tinigil ang pag aayos na ginawa ko, “Nasa Alegria ka na?” Sabay tingin ko sa relo.

    “Oo. Kanina pa. Kaya lang napagod ako sa byahe. Tulog agad ako sa kama pag karating. Nasan ka na?”

    “Nasa kwarto mo.” Ngumiti ako.

    Hindi siya sumagot. Ilang sandali pa bago ko siya narinig na huminga nang malalim…

    “Akala ko nasa kwarto kita dito. Baliw na yata ako.” Suminghap siya.

    Tumawa ako.

    “Soot-soot ko nga pala ang binigay mong relo.”

    Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Nahiya kasi akong ibigay sa kanya ng harapan ang regalo ko. Nilagay ko na lang sa sasakyan at nilagyan ng note ang ibabaw. Maraming relo si Jacob at puro mamahalin kaya hindi ko alam kung nagustuhan niya ba ang binigay ko.

    “Maganda ba?” Tanong ko nang nakangiti.

    “Oo, Rosie.” Suminghap ulit siya. “Binili mo ba ang sweldo mo ng relo para sakin?” Seryoso ang tono ng boses niya.

    “Uhm… Oo.” Kinagat ko ang labi ko.

    “Rosie… Kung nag modeling ka para lang mabigyan ako ng ganito, sana tinigil mo na lang. Hindi naman kailangan eh. Ikaw lang naman ang gusto ko. Ikaw na buong-buo. Hindi kailangan ng kung anong materyal. Ayokong nahihirapan ka para lang sa ganito.”

    Napawi ang ngiti ko, “Kasi gusto ko lang talagang bigyan ka ng ganyan lalo na ngayong magkakalayo na tayo. At least man lang may alaala ka sakin.”

    “Alam mo kung ano ang tanging gusto ko?”

    “A-Ano?”

    “Ikaw. Dito. Sa harap ko. Araw-araw. Yun lang masaya na ako.”

    “Ibibigay ko rin yan sayo, Jacob. Sa right time. Pagkasal na tayo. Pagtapos na tayo sa pag-aaral.” Pumikit ako.

    “Haaay.” Natahimik siya. “Ang bagal naman ng panahon. Sana yung relong mas mabilis tumakbo ang binigay mo sakin.” Humalakhak siya.

    Nawala ang bigat sa puso ko nang narinig ang paghalakhak niya.

    “Kung merong ganun, kahit magkano pa yun, ibibigay ko sayo.”

    “Hay, Rosie… Hindi na ako makapaghintay. Gusto ko tuloy halikan ka ngayon.”

    Tumawa ako, “Miss na miss na din kita, Jacob. Sige na, kumain ka na. Mag aayos muna ako para mamaya. Maghalikan na lang tayo sa panaginip.”

    “Hmp! Ito na nga ba ang ayaw ko. Magkalayo na nga tayo, tinutukso mo pa ako ng ganito. Balikan kita dyan eh, tsaka ikakama… tignan natin.”

    Uminit ang pisngi ko, “Tumigil ka nga diyan! Kakagising mo nga lang. Sige na… mag almusal ka na!”

    “Pwedeng ikaw na lang gawin kong almusal? Sarap mo kasi!”

    SHEEEEEEEEET! Pwedeng mag absent muna sa modeling at buong araw na lang akong makikipag usap kay Jacob?

    Yun ang gusto kong mangyari pero hindi iyon ang kailangang mangyari… Nagbihis ako para sa first attire. Kinakabahan agad ako nang nakitang puno na ulit yung audience. Hindi naman ito kasing bongga nung kay Ms. Bubbles pero mas marami yatang tao ngayon. Full pa ang aircon, maiksi pa ang damit ko kaya giniginaw ako. Kiniskis ko ang mga kamay ko para mabawasan ang ginaw habang tinitignan ang dumaraming audience nang may biglang kumiskis din sa kamay ko.

    Liningon ko ang mapangahas na humahawak sa mga kamay ko at agad lumayo nang nakitang si Brandon iyon. Naka cowboy attire siya. Mukha siyang galing sa isang billboard shoot at napadaan lang dito.

    “W-Wa’g mo nga akong binibigla!” Sigaw ko.

    Ngumisi siya at sinubukan ulit hawakan ang kamay ko, “Kung ganun, dadahandahanin ko ba dapat para di ka mabigla?”

    “Ha? Tumigil ka nga, Brandon.”

    Tumawa siya, “Nilalamig ang kamay mo. Mas mainit kung hahawakan ko.”

    Umalis ako sa harapan niya pero sinundan niya ako habang sumisipol.

    “Nice legs…” Comment niya.

    Nilingon ko siya at sinimangutan, “Tigilan mo ang pag sunod sakin… Kundi…” Hindi ko tinuloy. Tinalikuran ko na lang.

    “Kundi, ano? Patay ako sa boyfriend mong wala dito?” Aniya.

    Paano niya nalamang wala si Jacob?

    Hindi ko na lang siya tinanong. Hinayaan ko siya sa pagsunod sakin. Napatili talaga ako nang narinig na nag ri-ring ang cellphone ko. Tumatawag si Jacob!

    “Hello?!” Mejo malakas ang pagkakabati ko.

    “Oh? Excited ka yata?” Tumawa siya.

    “Hinihintay ko talaga ang tawag mo. Ilang minuto na lang magsisimula na yung show eh.”

    Tumawa siya, “Ipicture mo nga ang sarili mo. Tapos isend mo sakin. Gusto kong makita ka, Rosie…”

    “Oo na… Mamaya.” Ngumisi ako. “anong ginagawa mo?”

    “May hinihintay ako. Yung pinsan kasi ni Eunice ang nagpapatakbo sa trucking na ito noon. Nasa contract kasi yung uunti-untiin daw yung paglilipat ng management para di manibago yung mga empleyado. Okay na rin sakin kasi wala din naman akong alam sa trucking… yung spare parts ng trucks, pagpapatakbo sa negosyo, pag-aayos, marami pa kaya okay na rin kung itrain niya ako.”

    Napalunok ako, “Ahh… So nasa trucking ka ngayon?”

    “Oo. Nasa loob ako ni Rosie Buenaventura ngayon.”

    Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Bakit green ako? Bakit bastos ang naiisip ko sa sinabi niya? UGH! Jacob talaga!

    Humalakhak siya, “Oh, ba’t natigilan ka diyan? Ayaw mo bang nasa loob mo ako, huh?”

    SHEEEEET! Langya talaga ang isang ito, “Jacob! Nakakahiya ka.”

    “Oh bakit? Wala namang tao ngayon dito. Nakaupo pa ako sa likod ng truck na pinangyarihan ng milagro natin. Haaay, sana nandito ka. Hahalikan talaga kita hanggang sa lumambing ng husto ang boses mo at kumuyom na ang kamay mo sa sarap.”

    Tumingin ako sa paligid sa sobrang hiya.

    Nakita kong nakatingin si Brandon kaya tinalikuran ko at hininaan ang boses.

    “Jacob! Tumigil ka-“

    “Tumigil? Eh nasasarapan ka naman yata eh? Ba’t ako titigil. Rosie, kung gusto mo, wa’g kang mahiyang humingi sakin kasi pagbibigyan kita parati. Kung gusto mo mamayang gabi dahil sobrang miss na miss mo na ako, talagang lilipad ako diyan para lang ma satisfy ka kaya wa’g ka ng mahiya okay?”

    “Sheet! Jacob! Tumigil ka na ah?”

    “Bakit ka napapamura? Nag iinit ka yata eh. Ano? Game na? mamayang gabi?”

    “WHAAAT?” Tinakpan ko ang bibig ko. “Magseryoso ka nga diyan! Tumigil ka ah! Unahin mo nga yan. Saka na… Sa Sabado na!” Uminit ang pisngi ko sa sinabi ko.

    “Talaga? ayaw mong mamayang gabi? Lagi kitang tutuksuhin baka sakaling magbago ang isip mo at pauwiin mo ako diyan para gabi-gabi na tayong mag-“

    “Hello, are you Jacob Buenaventura?” Narinig ko ang malambing na boses na ito sa background ni Jacob.

    “Ako. Bakit? Sino ka?” Pinutol niya ang pagsasalita sakin para sagutin ang babae.

    “Ako yung pinsan ni Eunice… I’m-“

    “Ah! Okay. Saglit lang.” Bumaling siya sakin at… “Rosie… Tawagan na lang kita mamaya. Dumating na yung pinsan ni Eunice. Good luck sa modeling. I love you. Wa’g mong kalimutan yung pictures. Pakabait ka diyan pag mag loko ka diyan, uuwi ako tapos bubuntisin kita.”

    Kinagat ko ang labi ko at iniisip na sinabi niya iyon sa harap ng pinsan ni Eunice! UGH! Jacob! Napa face-palm ako.

    “I love you, too. Ikaw din, pakabait ka!” Tumawa ako. “Mabait naman ako kaya di mo na kailangang problemahin.”

    “I love you, more… Mali pala… Pakabait ka sakin. Mag taray ka sa iba para wala ng magkagusto sayo. Okay? Haha! Sige… Bye… Ibaba mo na.”

    Tumawa ako at pinutol ang linya.

    Baliw talaga si Jacob. Miss na miss ko na tuloy ng sobra.

  • Kabanata 15Open or Close

    Kabanata 15
    Small World

    Natapos ang show at agad akong umalis para hindi na ulit ako guluhin ni Brandon. Bitbit ko yung mga damit at narealize na wala palang Jacob na kukuha sakin at maghahatid sa kung saan ako pupunta. I miss him.

    Umiling ako sa kawalan at inayos ang mga dala ko. Nag-offer yung driver nina Jacob na kunin ako dito pag tapos na ang show, kaya lang, hindi ako sanay na pinagsisilbihan nila ako kaya sinabi kong ako na lang mismo ang uuwi. Pero sa ngayon, maaga pa naman kaya siguro bibisita na lang muna ako sa bahay namin. Nakakabore din naman kasi ang bahay nina Jacob, ang laki pero walang tao. Wala siya.

    Hindi parin siya nagti-text. Siguro busy sa pinsan ni Eunice. Napalunok ako sa iniisip ko. Kailangan kong maging matatag para sa amin.

    “Hi!” Biglang may nagpark sa tapat ko.

    Nakabukas ang salamin niya at malaki ang ngisi nang nakita akong nakatayo at naghihintay ng taxi o jeep. Kahit ano, makauwi lang ako.

    Inirapan ko si Brandon at umalis doon. Sinundan niya ako.

    “Tumigil ka nga! What do you want?” Irita kong sinabi.
    “Walang maghahatid sayo, diba? Let me?”
    “No. Sorry. Kaya kong umuwi mag isa.” Sabi ko.
    “Okay, then…”

    Sinarado niya ang salamin ng sasakyan niya. Ang akala ko ay iiwan niya na ako pero nagkakamali ako. Ni-lock niya iyon pagkatapos lumabas at daluhan ako sa pag-aantay.

    Sa sobrang inis ko, hindi ko na siya pinansin.

    “Taxi ba ang hinihintay mo?” Tanong niya.

    Hindi ko sinagot. Pumara agad ako ng jeep. Baka kung taxi ang sasakyan ko ay sumama pa siya sakin kaya pinili kong jeepney ang sakyan.

    “WHAT? Sa sexy at ganda mong yan mag ji-jeep ka lang? Ba’t kasi ayaw mong sumama sakin?”

    Hindi ko siya sinagot. Agad na lang akong sumakay sa jeep.

    “Tsss…” Dinig na dinig ko ang pagsinghap niya nang pasakay ako sa jeep.

    Pinagtitinginan na kami ng mga tao sa loob ng jeep. Lalo na’t hindi pa natatanggal ang make-up ko. Kaagaw-agaw pansin pa itong si Brandon kaya mas lalo kaming pinagtitinginan.

    “Miss, yung boyfriend mo, di ba sasakay?” Sabi ng mamang driver.
    “HINDI KO PO SIYA BOYFRIEND!” Umirap ako sa mga nakatingin at bumaling kay Brandon na pasakay na ngayon sa jeep.

    “What are you doing here?” Tanong ko sa kanya nang umupo na siya sa harapan ko.

    Masikip na ang jeepney kaya nahirapan siya sa pag insert sa sarili niya dun sa mga pasahero.

    “Excuse me…” At ngumiti siya sa mga pasaherong nape-perwesyo niya.

    Ngumiti ang ibang pasahero. Lalong-lalo na ang mga babae.

    Ngumiti si Brandon sakin nang nakita akong nakatingin sa kanya.

    “Alam mo bang first time kong sumakay sa jeep?”

    As if I care! Bakit ba siya sumakay? May sasakyan naman siya? Wa’g mong sabihing gusto niya akong makasama? Don’t tell me pupunta din siya sa bahay? Iniwan niya ang sasakyan niya doon para sumakay sa jeepneyng sinasakyan ko? Nahihibang na ba siya? Ewan ko sa kanya! Hindi ko siya pinansin. Tumingin lang ako sa labas, buong byahe.

    “Sakay pa… May isa pa dito… Umupo lang ng maayos para makasakay si nanay.” Sabi ng driver nang pumick-up ulit ng isang matandang may dalang bayong.

    Saan ilalagay yan eh nahihirapan na kami dito.

    “Dito na lang po kayo, nay.” Lumabas si Brandon at pinaupo sa inuupuan niya ang kakapasok lang na matanda.
    “Salamat, hijo. Ang bait mo naman. Ang gwapo pa!”

    Nagtawanan ang mga pasahero. Umirap na lang ako at tumingin ulit sa labas.

    “Yung maswerteng girlfriend niya nasa harap mo, nay.” Sabi nung isang lalaki malapit sa driver.

    Nalaglag ang panga ko at tinitignan ang mga pasahero. Narinig ko rin ang tawa ni Brandon habang nakatayo at kumakapit lang sa labasan ng jeepney.

    “Hindi po ako yung girlfriend niya.” Sabi ko.
    “Nililigawan pa lang!” Dagdag ni Brandon.

    Sinimangutan ko siya. Sarap niyang sampalin! Balang araw, masasampal ko rin ang isang ito.

    “Dito lang po ako. Para!” Sabi ko at nagbayad na ng para sa sarili ko.
    “Ako na ang magbabayad saming dalawa.” Sabay abot ni Brandon ng isang daan.

    BAHALA KA RIYAN! Umalis na agad ako at halos tumakbo na nang nakaabot sa kanto ng apartment na tinutuluyan namin ni Maggie. Tanginang, Brandon!

    “Uy! Teka! Rosie! Wait for me!” Sabi niya.

    Naabutan niya ako kaya hinarap ko siya.

    “Ano ba talagang kailangan mo sakin? Ano ba talaga itong ginagawa mo, ha?” Tanong ko. “Inis na inis na ako sayo!”
    “I just want to be your friend, Rosie. Ano bang problema mo sa ginagawa ko?” Tanong niya.

    Nasa tapat na pala kami ng apartment namin. Lumabas si Maggie nang nakita akong may kaalitan sa labas.

    “Ang problema dito ay ayokong makipagkaibigan sayo!”
    “Bakit? Anong nagawa ko?”
    “Kasi ayoko lang!”
    “Kasi natatakot kang mahulog sakin!” Singit niya.

    Natigilan si Maggie at nalaglag ang panga sa narinig. Sumulyap ako sa kanya at umiling.

    “Mag, this isn’t what you’re thinking… but… Back off, Brandon!” Bumaling ako kay Brandon. “Hindi ako natatakot na mahulog sayo kasi walang pag asang mahulog ako kahit kanino! In love ako kay Jacob at yun lang yun. Happy ako saming dalawa kaya wa’g ka ng magfe-feeling diyan!”
    “Tsss! Kahit sino pwedeng mainlove sa iba, Rosie! Pero kung sinasabi mong di ka natatakot, prove to me na hindi ka natatakot! Let’s be friends, then!” Aniya.
    “Oh my God!” Nag face-palm ako at bumaling ulit kay Brandon. “Kung ayaw ko, ayaw ko… Kaya tumigil ka na lang.”

    Tinalikuran ko siya pero hinawakan niya ang braso ko para pigilan ako.

    “Stop it, Brandon!” Sigaw ko.
    “I just want to be your friend, Rosie.” Aniya.

    Tinalikuran ko ulit siya. Hinila niya ulit ang braso ko.

    “Hindi ako aalis dito hanggang di mo ako gawing kaibigan!”
    “THEN OKAY, FINE! Kaibigan! Good bye, Brandon!” Sabi ko nang di nag-iisip.

    I just want to get rid of him. I hate him!

    “Thank you, Rosie.” Malamig na sinabi niya.

    Hindi ko na siya nilingon. Diretso ang pasok ko sa apartment. Sumunod na rin si Maggie.

    “Ano yun, Rosie?” Paunang tanong ni Maggie sakin. “Umalis lang si Jacob, may ganun agad?”
    Umirap ako sa kawalan.

    Nakita kong nanonood ng TV si James. Pinatay niya agad yung TV nang nakita ang mga reaksyon namin ni Maggie.

    “What’s wrong, Mag?” Tanong ni James sa kapatid ko.
    Ngumuso si Maggie sakin.
    “Mag, kilala yun ni Jacob. Alam ni Jacob na ganun yun… Nakakabanas ang lalaking iyon.”
    “Hindi mo ba sasabihin sa kanya ang ginawa nung lalaking yun today? Don’t tell me alam din ni Jacob na sinundan ka niya ngayon hanggang dito sa bahay?” Nakapamaywang si Maggie at naghintay sa isasagot ko.
    “I’ll tell him. Pero wa’g muna sa ngayon. Ayokong mapilitan siyang umuwi dito para lang bantayan ako. There is nothing to worry. Kahit sandamakmak pang Brad Pitt ang magdala ng flowers dito sakin hinding-hindi ko sila papansinin.”
    Tumango si Maggie, “Okay. Ayusin mo lang talaga yan, ah? Nagfi-field study si Jacob doon para sa kinabukasan niyo.”
    “Mag, I’m not that type of girl.”

    Oo. Alam ko ang ibig sabihin ni Maggie. Si Jacob, walang ginagawang masama doon sa Alegria. Panay trabaho lang ang ginagawa niya don para sa future namin. Ganun din naman ako dito, ah? Hindi naman ako nangaliwa o nag entertain ng kahit sino. Iniiwasan ko nga si Brandon.

    Dalawang oras akong tumambay sa bahay. Nagtext si Jacob bago ako umalis at umuwi sa bahay nila.

    Jacob:
    Kapagod mamahala ng negosyo lalo na pag alam mong wala ka pag uwi.

    Nireplyan ko:
    Kapagod mabuhay sa Maynila lalo na pag alam mong wala ka sa bahay niyo.

    Nisend ko rin yung pictures kanina sa modeling. Hindi talaga siya sang-ayon sa soot ko pero wala na siyang nagawa kasi tapos na akong rumampa.

    Ako:
    I’m home.

    Humiga ako sa kama niya at naghintay ng reply niya. Maggagabi na nang nagreply siya.

    Jacob:
    Kumusta ang araw mo? Videocall? Tapos ka ng mag dinner?

    Ako:
    Hindi pa. Magdi-dinner pa lang. Ok. Videocall.

    Inayos ko ang sarili ko. Nakaupo na ako sa kama niya nang tinawagan niya ako. Miss na miss ko na talaga siya lalo na nang naaninaw ko na ang mukha niya sa cellphone ko. Nakangiti siya at background ang kwarto niya. Puting sleeveless lang ang soot niya at niyayakap niya ang isang unan.

    Napayakap tuloy ako sa unan niya. Miss na miss ko na rin siya ng sobra.

    “I miss you…” Malambing niyang sinabi sakin.
    “I miss you, too.” Ngumiti ako.

    “JACOBBBB?” May narinig akong munting boses galing somewhere sa background niya.

    Tumingin siya sa harap.

    “Sino yan?” Tanong ko.

    Hindi siya sumagot. Nakatingin lang siya sa harapan.

    Mas lalong lumakas ang boses ng tumatawag sa kanya, “Jacoooob? Jacooob?” Narinig ko rin ang malakas na pag katok.

    “BAKIT?” Sigaw ni Jacob.

    “Sino yan, Jacob?” Tanong ko at kinagat ang labi.

    Bumaling siya sakin at tumayo. Buti dinala niya rin ang cellphone niya kaya makikita ko ang mga gagawin niya.

    “Teka lang, Rosie.”

    Lumapit siya sa pintuan niya at mukhang binuksan niya ito. Wala namang nangyari sa naging reaksyon niya nang buksan niya ang kanyang pintuan. Seryoso at nagtataka parin naman ang ekspresyon niya.

    “Bakit?” Tanong niya.
    Pero di siya pinansin ng kausap niya, “Ang ganda ng kwarto mo… Wow!”

    Napaatras si Jacob. Mukhang pumasok ang intruder.

    “Bakit? Anong kailangan mo, Jasmine?” Tanong ni Jacob.

    JASMINE?

    “Wala. Magpapaalam lang sana kami ni Daddy. Tapos na yung usapan nila ng daddy mo. Hinanap kita para magpaalam kami kaya eto at napadpad ako dito sa kwarto mo.” Sabi nung babae.

    “Ah… Okay. SIge… Ingat kayo pauwi.” Sabi ni Jacob.
    “Gusto ka raw makausap saglit ni daddy. Kaya lumabas ka muna dito sa kwarto mo at kausapin siya.”
    Tumango si Jacob at bumaling sakin, “Rosie… Tatawagan na lang kita ulit.”
    Tumango ako at lumunok.
    “Rosie? Sinong Rosie?” Nilayo ni Jacob ang cellphone niya pero nagawa paring tignan ni Jasmine ang screen.

    Nakita kong saglit na nalaglag ang panga niya nang nakita ako sa screen. Pati ako, nalaglag din ang panga. Bakit nandiyan si Jasmine?

    “Ikaw yung boyfriend ni Rosie?” Narinig kong sinabi ni Jasmine sa background.
    “O-Oo. Bakit? Bakit mo siya kilala?” Tanong ni Jacob.

    Pero bago ko pa narinig ang sumunod na sagot ay naputol na ang videocall. Natulala ako sa kawalan. Ilang sandali pa bago ako nakahinga ng malalim.

  • Kabanata 16Open or Close

    Kabanata 16
    Malabong Mangyari

    Mahaba at mabagal ang panahon. Bawat minuto ay ramdam na ramdam ko. Lagi akong nakaabang sa cellphone ko o sa relo ko. Lagi kong tinitignan kung may text ba si Jacob o malapit na bang matapos ang araw para makapagvideo-call na kami.

    May mga araw na pagod si Jacob pero nagsisikap parin siyang pasayahin ako. May mga araw namang ramdam na ramdam ko ang pangungulila nila.

    “Kanina ko pa hinihintay na sagutin mo texts ko.” Lagi niyang sinasabi. “Miss na miss na kita, Rosie… Sana nandyan ako. O sana nandito ka…”

    Kinukurot ang puso ko tuwing naririnig ko siyang nagrereklamo. Sinasabi ko rin sa kanyang na mi-miss ko na siya pero ayokong iparamdam sa kanya na sobra-sobra ang pangungulila ko sa kanya dahil baka magbago na naman ang isip niya at bumalik pa dito.

    “Hello, Rosie?” Nabigla ako sa tawag ni Kira.

    Biyernes nang gabi at nandito ako kina Jacob. Sa wakas! Makakauwi na rin siya pagkatapos ng isang linggo sa Alegria. Dami kong gustong itanong sa kanya. Nag uusap naman kami gabi-gabi pero iba pa rin yung sa personal.

    Naka alarm na ang orasan ko ng 6AM. Yun kasi ang expected time of arrival nila. Alas nuebe silang bumyahe kaya mukhang darating sila sa oras na yun. Kailangang gising ako para agad kong maaninaw ang mukha niya.

    “Yes? Good evening, Kira! Napatawag ka?” Tanong ko.
    “May bagong collection si Ms. Bubbles. Sa Sunday night ang ramp. No rehearsal kasi sa Sortee natin gagawin.”
    “Ha? Sortee? Yung isla? Bakit?”
    “Yun kasi yung theme, ‘Summer Night'”

    Paano naging Summer ngayon eh July na?

    “Sunday night?” Nag isip ako.

    Wala na si Jacob sa oras na yan. Uuwi siguro siya Sunday morning para nasa Alegria na siya sa gabi.

    “Summer night? Tapos anong sosootin? Kailan ang alis?”
    “Gowns din, ano ka ba! Uhm… 6PM yung ramp. By 9PM siguro nakaalis na tayong Sortee. 3PM naman tayo aalis ng Maynila. Wa’g kang mag-alala, kalahating oras lang ang byahe, may private plane na gagamitin para sa inyong mga models.”
    Kinagat ko ang labi ko.

    Ayokong sumama. Alam kong mas maganda ito kasi gowns na naman. Hindi aangal si Jacob. Pero gustong-gusto ko nang iwasan si Brandon as much as possible.

    Mukhang alam yata ni Kira ang iniisip ko kaya agad siyang sumingit.

    “Hindi pwedeng hindi, Rosie. You are still under the contract!”
    Napasinghap ako, “O-Oo. I know.”
    “Ano ba talagang ayaw mo? Alam mo bang finale ka na naman kasi ang ganda ng feedbacks sayo? Bakit wala kang kaamor-amor sa ginagawa mo?”
    “Hindi naman sa ganun-“
    “Ah basta! Be there, okay? Sige na… Tatawagan ko pa ang iba. Bye-bye!”
    “Yep. Bye!”

    Binaba ko na. Nakatulog na lang ako sa pag-iisip sa ramp modeling na iyon. Siguro ganun na rin ang gagawin ko, ang iwasan si Brandon. Ganun naman palagi. Pero minsan napaka annoying niya na hindi ko kayang di siya pansinin at pahiyain.

    *TINGTINGTINGTINGTING!*

    Nagulat ako sa tunog ng alarm. Tumayo agad ako sa kama at inayos ang white spagetti strap at white shorts na soot ko. Sinuklay ko ang magulong buhok ko para maging presentable sa pagdating ni Jacob. Nag toothbrush rin ako dahil lagi niya akong binabantaang hahalikan niya agad ako pag nagkita ulit kami. Umiinom ako ng tubig sa banyo niya at lalabas na sana ng kwarto nang narinig kong bumukas ang pintuan.

    Napatakbo agad ako palabas ng banyo. Nakita ko si Jacob na nakangisi at naghihintay ng yakap.

    Napatili ako at napatalon sa braso niya. Tumawa siya at hinalikan agad ako ng maiinit na halik. Gosh! Buti na lang talaga nag toothbrush muna ako.

    Dahan-dahan niyang sinarado ang pintuan habang hinahalikan ako. Yung isang kamay niya nakahawak sa legs ko. Yun lang talaga ang naka support para mabuhat niya ako. Yung isang kamay niya kasi nakahawak na sa strap ng spagetti top ko.

    “Sana di ka na nag-abalang magsoot ng damit, Rosie.” Bulong niya sa tainga ko bago sabik na hinubad ang soot ko.

    Nilapag niya agad ako sa kama. Tumindig ang balahibo ko nang nakita kong mabilis niyang tinanggal ang t-shirt niya. Nag enjoy pa ako habang tinitingala ang sparkling abs niyang nag fi-flex sa paghubad niya ng t-shirt. Ang swerte ko talaga!

    Wala akong ibang naisip kundi sana laging ganito tuwing umuuwi siya dito. Di bale nang tulog siya pagkatapos ng nangyari… Gusto kong lagi siyang sabik sakin.

    HInalikan ko ang noo niya at nilagyan ng kumot. Pagod ito sa byahe. Alam ko na! Ipagluto ko kaya ito ng almusal? May cook din sila dito pero mas maganda sana kung ako yung magluto ng almusal. Alam kong disaster akong magluto kaya magpapatulong na lang ako sa cook. Siguro okay na yung bacon. Alam kong madali lang yung lutuin, di kailangan ng effort, pero for starters yun muna.

    “Okay na yan, Rosie.” Sabi ng cook nila sakin habang nilalagay ko sa plato yung nalutong bacon at hotdog.
    “Hindi ba ito sunog or something?” Tumaas ang kilay ko.
    “Hindi. Tama lang yan. Pero itong isang ito, sunog.” Sabay turo niya sa isang hotdog.

    Tumango ako at inalis yung hotdog na yun.

    “ROSIEEE?” Sigaw ni Jacob galing sa kwarto namin.
    “Jacooob?” Sigaw ko naman dito sa kitchen.

    Gising na pala siya.

    “Nasan ka? Ba’t iniwan mo ako?” Kumunot ang noo niya nang nakita ako sa dining table na nilalapag ang almusal namin.

    Niyakap niya ako galing sa likuran.

    “Hindi mo ako pwedeng iwan nang di ko sinasabi.” Bulong niya sa tainga ko.
    “Jacob, nagluto lang naman ako ng almusal natin. Gutom ka na ba? Lika! Kumain na tayo!”
    “Talaga? Nagluto ka!?” Tinignan niyang mabuti ang niluto ko.

    Nanliit pa ang mga mata niya sa pagtitig. Sinapak ko na.

    “Kainis ka! Minamaliit mo ba ako?” Tumawa ako.
    “Hindi noh! Ngayon ko lang narinig na nagluto ka eh!” Tumawa din siya.
    “Syempre! Para sayo!!! Miss na miss na kita! First time yan ah?”

    Hinalikan niya ang pisngi ko.

    “Bait talaga ng asawa ko! Kahit mas madalas masungit at maarte, mahal ko parin!”

    Sinapak ko ulit.

    “Kainis ka!” Umirap ako.
    Tumawa siya at umupo na. “Ayan, kakain na ako ah! Ginutom mo ako tsaka pinagod kaya nakatulog ulit ako.”

    Uminit ang pisngi ko at napatingin sa paalis nang cook nila.

    “Jacob!” Umiling ako.

    Kumakain na kasi ang kumag.

    “Masarap ba?” Tanong ko.

    First time ko namang kabahan kung masarap ba ang niluluto ko. Syempre kasi first time ko ring magluto para sa kanya.

    “Mas masarap ka.” Ngumisi siya.

    Ayan na naman ang mga titig niya. Yung tipong alam mo kung saan patungo. Hay naku, my Jacob!

    “Kumain ka na nga lang!”
    Humalakhak siya at nagpatuloy sa pagkain.
    “Gutom na gutom ka? Hindi ka ba kumain buong byahe?” Tanong ko.
    “Hmmm. Kumain. May dala akong pagkain. Yung pinadala ni Jasmine.”

    Nalaglag ang panga ko. Hindi niya naman iyon napansin kasi panay ang kain niya ng almusal.

    “Uhmm… Pinagluto ka niya?” Napalunok ako.
    Uminom siya ng tubig bago ako sinagot, “Di ko alam. Binigay niya lang eh. Di ko tinanong kung sinong nagluto. Hindi rin naman yata niya nabanggit.”
    Tumango ako, “Hindi ba siya uuwi ng Manila?”
    “Di eh. Model din pala siya. Akala ko sa school kayo nagkakilala.”
    “Oo. Uhm… Hindi kita naipakilala sa kanya noon. Isa siya sa finale nung first gig. Hindi mo ba siya napansin sa rehearsal?” Tumaas ang kilay ko.
    “Hindi, eh. Alam mo namang ikaw lang ang inaabangan ko.”

    Pag ngayon kaya may modeling kami at kasali si Jasmine, aabangan niya rin kaya si Jasmine? Tumatabang na ang pag-iisip ko pero I need to keep this to myself. Pag nalaman niyang ganito ako makapag isip ngayon, baka mas lalo siyang magbantang umuwi na dito sa Manila.

    “Kumusta kayo dun?”

    Sumubo ako ng kanin para magmukhang kaswal na mga tanong ang itatanong ko sa kanya…

    “Hindi ba kayo nag aaway or something sa negosyo?” Sinulyapan ko siya.

    Nakatingin lang siya sa kinakain niya habang sinasagot ako.

    “Hindi naman. Magkasundo nga kami eh.” Tinignan niya ako. “Maganda yung ideas niya. Halos magkapareho kami ng ideas. Tsaka… dami kong natututunan sa kanya.”

    Ok. Baka naman guni-guni ko lang ang nararamdaman ko? Baka naman OA lang ito kaya di ko na lang papansinin. Negosyo ang inaatupag nila kaya hahayaan ko na lang.

    “Araw-araw ba kayong nagkikita?”
    Tinignan niya akong mabuti, “Oo. Kailangan eh. Trabaho.” Nanliit ang mga mata niya. “Nagseselos ka ba sa kanya?”
    “Hindi ah! Tinatanong ko lang naman kasi syempre gusto kong malaman ang ginagawa mo doon.”
    Tumango siya pero may bahid na pagdududa parin sa mga mata niya, “Alam mo, Rosie… Useless ang pagseseslos mo. Kahit masaya akong nagseselos ka rin pala… ayoko namang patagalin yan at baka iwan mo ako dahil lang sa selos na yan kaya tigilan mo-“
    “Hindi ako nagseselos, Jacob. I just want to know… Ano ka ba!”

    Napabuntong-hininga ako.

    “Okay! Basta ah? Ayaw ko nang isang araw makikipagbreak ka na lang sakin dahil sa selos-“
    “Hindi nga mangyayari yun. Uhmm. Tapos, ano pang ginagawa mo sa Alegria bukod sa pagtatrabaho?” Changing topic.
    “Hmmm. Iniisip ka, syempre… Tsaka kahapon nga pala pumunta kami ng Alp para makapag outing naman yung mga empleyado… Yun din yung welcome party nila sakin.”
    Tumango ako.

    Kasama niya rin si Jasmine doon. Hmmm. Hindi ko na lang muna iisipin. Malabong mangyari ang mga pangamba ko.

  • Kabanata 17Open or Close

    Kabanata 17
    Pero di ko kaya…

    Buong araw kaming namasyal ni Jacob sa buong syudad. Umaga nang nagpunta kami ng mall para manood ng sine. Kumain din kami sa labas. Tumikim kami ng bagong cuisine. Sinubukan namin ang sushi. Nag enjoy kami sa pagkain pero hindi ko masyadong type. Ayaw din ni Jacob pero tuwang-tuwa kami sa ginawa namin.

    “Next time, sa ibang restaurant naman?” Tumatawa si Jacob nang paalis na kami sa japanese restaurant.
    “O sige, hmmm, chinese restaurant naman.”
    Tumango siya at inakbayan ako.

    Papasok na kami sa sasakyan. Malaki ang ngisi niya nang pinagbuksan niya ako at umikot para umupo sa driver’s seat.

    “Saan tayo ngayon?” Tanong ko.
    “Mag hotel?”
    “HA?” Uminit ang pisngi ko.

    Ngumisi siya.

    “Jacob!”
    “Hmmm! O sige, umuwi na lang tayo. Next time na tayong mag hotel.” Tumawa siya.

    Umiling ako. Ibang klase din ang appetite nitong boyfriend ko ah. Sa bagay, ilang araw din naman kaming di nagkita.

    “Okay…”
    “Miss na miss na kitang nakakasama sa kama.”
    “Hmmmp! Ayan ka na naman?” Umirap ako.
    Tumawa siya, “Hindi yung may ginagawa… yung niyayakap lang siyempre. Yung niyayakap lang habang nakahiga at nagkukwentuhan.”
    “Hmmm. Magandang ideya yan.” Ngumiti ako.

    Maging ako mismo ay nami-miss na ang pakiramdam na iyan. Lalo na ngayong nagsimula nang umambon. Parang gusto ko na lang ding tignan ang bintana ni Jacob na basa sa tubig-ulan habang nag yayakapan kami sa kama.

    I like that.

    Busy siya sa pagdi-drive habang lumalakas ang ulan.

    Nakita kong umilaw ang cellphone niya. Kinuha ko ito. As usual, hindi naman siya pumalag. In-unlock ko ang screen at binasa ang message na galing kay Jasmine.

    Jasmine:
    Super thank you, Jake.

    Napalunok ako. Ilang sandali pa bago ako nakapag isip ulit ng diretso.

    Jake ang tawag niya kay Jacob. At walang conversations sa cellphone ni Jacob. It’s either ni-delete iyon ni Jacob lahat o ito talaga ang unang text ni Jasmine.

    Bakit siya nag thi-thank you kay Jacob? Hindi ba dapat si Jacob ang mag thank you kay Jasmine dahil sa pinadalang pagkain ni Jasmine?

    “Uhmmm, Jacob.”
    “Hmmm?” Sumulyap si Jacob sakin.

    Siya ang tipong suplado lalo na pag di ka niya kilala. But he can be very caring… Naalala ko noon kung paano niya pinagtatanggol si April. Naalala ko rin kung paano siya naglihim sakin na pinatuloy niya si April sa bahay nila dahil naawa siya dito.

    “Nag text si Jasmine.” Sabi ko.
    “Talaga?” Nanlaki ang mga mata niya. “Anong sabi?”

    Nasa kalsada parin ang tingin niya.

    “Super thank you, Jake.” Inulit ko ang nakalagay sa text.

    Hindi siya umimik. Patuloy siyang nagdrive hanggang sa narealize kong gusto ko nang mag follow-up question.

    “Bakit siya nag thi-thank you?”
    “Hmm. Hindi ako sigurado. Siguro dahil dun sa Alp. Alam mo na, yung welcome party ko. Sinagot ko yung inuman ng mga empleyado nila.”
    “Ahh…”

    Hindi na ulit ako nagtanong kahit marami naman akong gustong itanong. Bakit Jake yung tawagan nila? Lagi ba silang angti-text?

    Pero mukha namang wala lang kay Jacob yung nangyari kaya binalewala ko na lang.

    “Sayang di nag college iyang si Jasmine. Kung sana sa school siya nag aral tapos business management din, baka magaling siya.” Sabi ni Jacob habang nagpapark kami sa bahay nila.
    Tumango ako, “Bakit mo nasabi?”
    “Alam niya yung ilang subjects ko eh. lalo na sa reports.”
    “Ah? May reports pala kayong gagawin?”
    “Oo. Syempre… Kaya ayun, tinutulungan niya akong gumawa.”

    Natigilan ako. Hindi ko na alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Ayokong magpakaplastik at ipakita sa kanyang supportado ko siya pero ayoko rin namang maging selfish. Tama na ang pagiging makasarili ko noon. Kailangan kong magtiwala sa kanya.

    Paano ko kaya malalaman kung nagchi-cheat na ang boyfriend ko? Hindi ko alam. Hindi ko masagot. Kinakabahan ako sa magiging sagot nito.

    Nagbihis na ako at humiga sa kama habang mag sho-shower si Jacob.

    “Rosie, sabay na tayo?” Ngumisi siya.

    Pero wala ako sa mood. Maraming tumatakbo sa isip ko. Ngumiti na lang ako at umiling.

    “Huh? Bakit?”

    Nakatuwalya lang siya nang nilapitan ako. Kahit ganito ang pakiramdam ko, nadadala parin ako ng sparkling abs niya. Lalo na pag nararamdaman ko ang mainit niyang katawan malapit sakin.

    Kiniliti niya pa ako habang kinukumbinsing sabay na kaming maligo.

    “Jacooob!”

    Trip ko talaga sanang magtampo pero sobrang kiliti na ang naramdaman ko. Hawak niya ang dalawang wrist ko sa iisang kamay lang habang nangingiliti ang isang kamay sakin.

    “Lika na, Rosie! Paliliguan kita ng halik at pawis sa loob ng banyo!”
    “Jacob! Tama na!”

    Sinipa-sipa ko na dahil nagwawala na ako sa sobrang kiliting nararamdaman.

    “Tama na, Rosie? Ba’t ka natatawa kung ayaw mo na?”

    Binuhat niya ako at pinasok sa banyo.

    Tumatawa at sumisigaw na ako nang nakapasok na kami sa loob.

    “Shhh! Rosie, maririnig tayo ng mga katulong. Sige ka… malalaman nila kung gaano ka nasasarapan pag nandito ako!” Tumawa siya.

    Nagpumiglas parin ako. Sinarado niya na ang pintuan at hinubad ang tuwalya. OH MY GOD! Alam mo yun? Kahit nakikita ko naman yan halos araw-araw noon ay di parin ako sanay? Ako lang yata ang may damit dito! Hubo’t-hubad na siya eh.

    Ngumisi siya nang nakita ang pula kong pisngi.

    “Jacob, palabasin mo ako dito!” Sigaw ko nang natatawa at nag iiwas tingin.
    Umiling siya, “Papagurin muna kita bago ka lalabas dito, Rosie.”

    Uminit ang pisngi ko. Ayan na naman ang pagiging green ko.

    Pinaandar niya ang shower kaya wala na akong nagawa. Basa na yung spagetti strap kong kulay gray. Basa na rin ang buhok ko. Basa na ang buong katawan ko. Unti-unting lumapit si Jacob sakin.

    Naramdaman ko agad yung mainit niyang katawan.

    Hindi na ako nagpumiglas pa. Narealize kong magandang pagkakataon na rin siguro itong sabihin sa kanya na may gig ako bukas.

    Inayos ko ang buhok ko at tiningala siya. Basang-basa na rin siya sa shower.

    “Ayan na naman… Bakat na bakat na naman ang katawan mo dahil sa tubig, Rosie.”

    Sinapak ko ang matigas niyang dibdib. Natawa na lang ako sa kaadikan niya.

    Pinulupot ko ang braso ko sa leeg niya. Tinignan niya ang braso ko. Nabigla siya dahil bumigay na ako sa gusto niyang mangyari. Nilagay niya ang magkabilang kamay niya sa baywang ko. Pareho na kaming nasa ilalim ng shower.

    “Jacob, pupunta ako bukas sa Sortee.”
    “Sortee?” Tumaas ang kilay niya.
    “Oo. May launching na naman si Ms Bubbles Manuel. Alam mo namang nakapirma ako ng kontrata.”

    Kumunot ang noo niya.

    “Anong oras?” Tanong niya.
    “Alas tres.”
    “Maaga akong aalis bukas, Rosie.”
    “Alam ko… I’m sorry kung wala ka na naman. Wrong timing lang talaga. Di bale… Uhm… Di bale pag tapos ka na sa Alegria, sigurado akong makakasama ka rin.”

    Tinitigan niya akong mabuti.

    “Hindi ba isla ang Sortee? Ibig sabihin? Ibig sabihin beach attire yung collection na yan? Two piece? Bikini ba, Rosie?” Tumaas ang tono ng boses niya.
    “Hindi, Jacob. Gowns parin. Ganun parin kaya wa’g kang mag-alala.”
    “Pero magdadala ka ba ng bikini?” Napalunok siya sa sariling tanong niya.
    “Siguro.”

    Binitiwan niya ang magkabilang baywang ko. Parang may nahulog sa puso ko dahil sa ginawa niya. Huminga siya nang malalim at pumikit habang tumitingala sa shower.

    “Ok. Kung yan ang gusto mo.” Malamig niyang sinabi.

    Hindi ko alam kung gusto ko ba talagang payagan niya ako o gusto kong higpitan niya pa lalo ang mga rules niya sakin. Parang gusto ko ulit marinig sa kanya na ayaw niya akong nakikita ng iba… ayaw niya akong magbikini pag di siya kasama… Bakit? Bakit ganito?

    Tumalon ang puso ko nang naramdaman ko ang pagyakap niya sakin. Gusto kong umiyak. Hindi ko alam kung bakit…

    “Pero di ko kaya…” Bulong niya sakin.

    Hinalikan niya ako. Sabik na mga halik ang natanggap ng mga labi ko. Yung tipong sinasamba niya ang buong pagkatao ko.

    “Sagad sa butong di ko kaya ‘to, Rosie… Sorry.” Aniya at hinalikan ako sa leeg pababa.

    Bumigay na ako. Naiiyak ako kanina pero ngayon parang unti-unting nabalik sakin ang kasiyahan. I want my Jacob. This is my Jacob. The selfish, possessive, territorial Jacob… I don’t want him to change…

  • Kabanata 18Open or Close

    Kabanata 18
    Kissmarks

    Mabilis ang panahon pag ayaw mong matapos. Hindi ko namalayang bumalik na lang agad si Jacob sa Alegria. Napabunton-hininga ako habang tinitignang nawawala na ang sasakyan nila sa kanto.

    Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Kailangan ko pang maghanda para sa pag alis ko mamaya pero hindi matanggal sa isipan ko ang pangamba. Mas nangangamba na ako ngayon kumpara sa unang pag alis ni Jacob.

    Alam mo yung feeling na pinagsisisihan mo yung isang desisyon mong di mo na pwedeng bawiin? Alam ko kung ano ang nakakabuti kay Jacob at eto yun. Ayaw kong maging selfish… Ayokong dahil sa pagseselos at mga pangamba ko ay ipagkakait ko na sa kanya ang pagkakataong ito.

    Jasmine…

    May gusto ka ba kay Jacob?

    Kaya mo bang rumespeto sa relasyon naming dalawa?

    “Rosie?” Kinalabit ako nang tumabing model sakin.
    “H-Ha?” Tumaas ang kilay ko sa kanya.
    “Okay ka lang?” Tanong niya. “Kanina ka pa tulala.”
    Ngumisi ako at bumuntong-hininga. “Marami lang akong iniisip.”

    Nasa loob kami ng airplane papuntang Sortee. Maingay ang mga kasama ko. Pinili ko talaga ang pinakahuling upuan para walang makaistorbo sakin. Hindi naman sa anti-social ako pero talagang wala ako sa mood makipag usap kahit kanino ngayon.

    Natulala ulit ako. Pero ilang sandali ay nakuha ni Brandon ang atensyon ko. Nakatitig siya sakin… Nanliliit ang mga mata niya. Nasa unahan siya at maraming kaibigang kasama. Nagtatawanan silang lahat pero nakatoon ang buong atensyon niya sakin.

    Suminghap ako at nag-iwas ng tingin. Tinignan ko na lang ang mga clouds sa labas.

    Buong byahe niya akong tinitigan kaya buong byahe din akong nakatingin sa labas.

    “You okay?” Tanong niya nang nakalabas na kami sa airplane.

    Mainit at maganda agad ang bumungad na tanawin dito sa Sortee. Damang-dama mo ang summer kahit July na. Inisip ko tuloy na magbakasyon dito kasama si Jacob.

    “Is this about your boyfriend?” Tumaas ang kilay ni Brandon habang tinitignan ako.

    Umiling na lang ako at inirapan siya.

    “Hey! Sinabi mo saking magkaibigan na tayo! Pag magkaibigan tayo, you should at least tell me your problems-“
    “Wala akong problema kaya wala akong masasabi sayo.” Sabi ko.

    Sinusundan ko na sina Kira kasama ang iba pang models papasok sa Sortee Beach Club.

    Sunod naman ng sunod si Brandon sakin.

    “Okay, that’s good. Sana nga lang wala talaga. Kita kasi sa mukha mong may problema ka.”
    Napatingin ako sa kanya.
    Ngumisi siya, “See? Kahit na hindi mo naman talaga ako nakakasama, kilala na kita agad. Pag araw-araw siguro tayong magkasama, mas lalo kitang maiintindihan.” Kinindatan niya ako.
    “Wala akong problema. You’re just weird.” Sabi ko.
    Tumawa siya, “Bakit naman? Dahil ba nandito parin ako kahit na pinagtabuyan mo na ako?”
    Ngumuso ako at nagkibit-balikat.

    Dahil determinado siyang makuha ang atensyon ko.

    “9PM tayo aalis, guys! 6PM ang ramp kaya around 7PM, dinner tayo saka night swimming. Okay?” Sigaw ni Kira samin. “Diretso na sa backstage. Naghihintay na ang make up artists tsaka yung mga gowns.”

    Napansin kong maraming bigating mga tao ang nakaaligid dito sa Sortee. Siguro dahil sa launching ni Ms. Bubbles. Ibang klase talaga ang hatak niya sa mga mayayaman. Siyempre, international designer kaya hindi na nakakapagtataka.

    “Uy, Rosie, magsu-swimming ka?” Tanong ng isang model sakin. “Sumama ka nga samin. Masyado kang tahimik, eh. Ako nga pala si Jamie.”
    Ngumiti ako, “Uhmmm… Sure… Hindi nga lang siguro ako mag su-swimming. Wala ako sa mood mag swimming.”

    Siguro dapat akong makihalubilo nang di ko gaanong maisip si Jacob.

    “O sige, mamaya ah?” Ngumisi siya at naglakad papuntang backstage.

    Sumunod din naman ako. Habang naglalakad kami papuntang backstage nakita kong nilapitan ni Brandon ang mga kasama ni Jamie.

    Nag-usap sila. Sumulyap yung ibang kasama ni Jamie sakin at bahagya silang tumango sa isa’t-isa. Si Brandon naman ang sumulyap sakin ngayon at ngumiti.

    “Ano na naman ba?” Bulong ko sa sarili ko.

    Nilapitan ako ni Brandon nang nakangisi parin.

    “Ayan, makipagkaibigan ka. Mas lalo kang malulungkot kung mag isa ka lang.” Ngumisi siya. “Tsaka papangit ka pa… kahit lagi ka namang maganda.”
    Sinimangutan ko ulit siya.
    Mas lalong lumaki ang ngisi niya, “Kahit nakasimangot, ganda parin.”

    Ngumuso ako para pigilan ang pagngiti ko. Umiling din ako para maiwasan ang pagngiti ko sa kanya.

    “Let it go, Rosie… Aminin mo… Natutuwa ka sakin.” Tumawa siya.

    Mas lalo na lang akong umiling. Ibang klase din talaga itong si Brandon. Masyadong determinadong makipagkaibigan. Well, kung makikipagkaibigan lang naman siya, wala naman sigurong kaso sakin iyon.

    “Make-up na girls!” Sigaw ni Kira sabay palakpak. “Yung gowns!”

    Skin tone ang gown ko. Long sleeve din ito at puno ng sequins. Tinali lang ang buhok ko at mejo dark ang make up, pulang pula ang lipstick. Pambawi di umano sa skin-tone kong gown.

    “Tapos na ang finale?”

    Dalawang oras ang paghahanda. Dumami na rin ang mga tao sa venue. Dinadalaw na naman ako ng kaba kaya tinignan ko ang cellphone ko.

    Inisip kong hindi pa nakakarating ng Alegria si Jacob kaya malamang tulog pa iyon sa byahe. Tinago ko na lang ulit ang cellphone ko at naghanap na lang ng makakausap.

    “Juskooo! Ang daming tao.” Pinaypayan ni Jamie ang sarili niya.

    Naka kulay skin-tone na gown din siya. May deep v-neck ito at hindi longsleeve tulad ng akin. Kausap niya ang mga kaibigan niya.

    “Rosie, handa ka na ba?” Tanong ng isang kaibigan niya.
    “Hindi pa pero bahala na.” Napalunok ako.
    “Kami rin! Oh my Gosh!” Kami yung unang lalabas eh. Mas kabado talaga pag walang rehearsal ano?”

    Tumango ako.

    “Buti pa itong si Brandon.” Sabay turo ni Jamie kay Brandon na nakuha pang makipag biruan kasama ang ibang male models.

    Naka skin-tone longsleeve siya at ilang butones lang ang nakasarado. Kitang kita ang maputi at firm niyang abs.

    Naaalala ko tuloy si Jacob. Na mi-miss ko na ang sparkling abs niya. Kahit hindi pa kami nag iisang araw na magkahiwalay, namimiss ko na siya agad.

    “Stop staring, Rosie.” Nakangising saway ni Brandon sakin.

    Uminit ang pisngi ko. Kanina pa pala ako natutulala sa abs niya. Siyet!

    “Oh, gusto mo pa yata?” Tumawa siya at umambang buksan ang natitirang butones sa soot niya.

    Umiling ako at nag-iwas ng tingin.

    “Natulala lang ako. Hindi ko naman yan tinititigan.” Sabi ko.
    “Defensive!”
    Suminghap ako at tinalikuran siya.

    Pero bago ako nakaalis ay hinila niya ang braso ko. Hinarap ko siya para sana bigwasan pero nakita kong seryoso ang mukha niya at diretso ang tingin niya sakin.

    “You’re too beautiful to let go, Rosie.”

    Napalunok ako sa sinabi niya. Nagkatinginan kami bago sumigaw si Kira…

    “Ready naaa! Magsisimula na!”

    Dinig na dinig ko na yung background music na gagamitin para sa ramp ngayon. Lumabas na sina Jamie kaya hinila ko ang braso ko kay Brandon.

    “Sana akin ka.” Aniya bago niya ako pinakawalan.

    No. Way. I belong to Jacob Buenaventura. And he belongs to me…

    Nang natapos ang ramp, para din akong nabunutan ng tinik. Ngayon, kaya ko nang rumampa ng walang rehearsal. Nabawasan na rin ang kaba ko. As usual, marami din ang natanggap kong flowers. Yun nga lang, walang galing kay Jacob.

    “Bihis na kayo… Bikini ah? Lubus-lubusin na natin kasi uuwi na tayo mamaya!” Sabay tawa ni Kira.
    “Of course naman!” Sigaw ng ilang models.

    Nagdala ako ng bikini pero wala akong planong maligo at magbikini lang. Susootin ko ito pero syempre, mag sho-shorts at racerback akong lalabas dito sa dressing room. Hinubad ko ang gown at sinoot ang bikini.

    Habang tinitignan ko ang sariling repleksyon ko sa salamin, narealize kong may kung ano sa dibdib ko. Marami… Mapupula at maliliit na pantal ang tumambad sakin. Nanlaki ang mga mata ko. Napatingin ako sa paligid. Mabuti na lang at nasa loob ako ng cubicle. Masyado akong preoccupied kanina nang nagbihis ako kaya di ko namalayan. Mabuti na lang at di sexy yung gown ko kaya hindi ito nakita! My God!

    Hinawakan ko isa-isa ang mga pantal. Siyam ang nabilang ko. Nakapaligid sa dibdib ko. Kiss marks! Damn, Jacob!

    Naalala ko yung mga maiinit at matatagal na halik niya nung nasa shower kami. Nagmadali ako sa pagbibihis. Ni hindi ko naisoot yung racerback na dala ko dahil may isang magpapakita. T-shirt ang sinoot ko para walang kissmarks na makikita.

    Agad kong hinanap ang cellphone ko. Nakita kong may missed calls galing sa kanya. May text din siya.

    Jacob:
    Nasa Alegria na ako. I miss you. Sorry sa ginawa ko. :(

    Ni-dial ko agad ang numero niya nang walang pag-aalinlangan.

    Tumatawa siya nang sinagot ko.

    “Jacob!” Sigaw ko.
    “R-Rosie?” Naramdaman ko agad ang tensyon sa boses niya.
    “Bakit mo ginawa ito sakin?” Sigaw ko.

    Napapikit ako sa gigil.

    “S-Sorry.” Napabuntong-hininga siya.
    “Alam mo namang may ramp ako ngayon! Buti hindi revealing yung soot kundi maliligo ako ng make up sa kakatago sa kissmarks mo!”
    “I’m sorry… Hindi ko lang talaga kaya.”
    Suminghap ako at napaface-palm, “Alam ko. Hindi ko naman gagawin kung ayaw mo. Hindi mo naman to kailangang gawin.”
    “Sorry, talaga. Galit ka ba?”
    “Hindi. Naiinis ako sayo. Paano kung hindi ganoon yung gown ko?”
    “Edi umuwi ka na lang tsaka… wa’g ng mag model.”

    WHAAAT? Easy for you to say that!!! Pwede ring sabihin kong ikaw din sana umuwi na dito? Pero hindi, eh. Ako yung nag encourage sa kanyang mag field-study diyan kaya dapat suportado ko siya all the way.

    “Rosieee… Sorry na… Rosiee.”
    “Oo na… Haaay! Lagot ka talaga sakin pag nagkita tayo ulit!”
    “Sorry na… Ahhh… Sorry na… Alam mo namang ayokong may nakakakita sa katawan mo, eh. Naiinis ako. Sorry, para akong bata… Hindi ko na uulitin. Promise, next time, pagmagkakissmarks ka, aksidente na lang yun. Hindi na sinasadya… Kaya sorry na.”
    Napangisi ako sa sinabi niya, “Ewan ko sayo! Sige na nga! Uhmm… Tawag ka na lang mamaya. Around 10? Nandito pa kami sa Sortee. 9PM pa ang uwi namin.”
    “O sige. I miss you.”
    “I miss you din.”
    “I love you.”
    “I love you, too.”
    “I love you, more. Sige, ah? Bye na. Pakabait ka diyan.”
    Napangiti ako sa sinabi niya.

    Pagkatapos naming mag usap, inayos ko ang gamit ko saka lumabas sa cubicle.

    Nawindang ako nang nakita kong tulala si Brandon habang naka upo sa waiting area ng dressing room.

    Nahuli ako sa pagbibihis kaya wala nang tao dito. Hindi ko alam na nandito pala siya. Ni hindi ko namalayang may pumasok. WHAT THE? Narinig niya ang usapan namin ni Jacob tungkol sa kiss marks?

  • Kabanata 19Open or Close

    Kabanata 19
    Tumatawa

    “B-Bakit ka nandito?” Pambungad kong tanong kahit kitang-kita ko ang pagiging badtrip niya ngayon.
    “Hinihintay kita.” Aniya. “Tagal mong magbihis, eh.”
    “B-Bakit?”

    Inayos ko ang sarili ko. Tinignan niya ako, head-to-foot. Pero nagtagal ang tingin niya sa dibdib ko. Inayos ko pa lalo ang sarili ko.

    Tumaas ang kilay niya at nag-iwas ng tingin. Pareho kaming bumuntong-hininga kaya nagkatinginan din ulit kami.

    “Tapos ka na ba?” Tanong niya.
    Kumunot ang noo ko, “Hindi mo naman ako kailangang hintayin. You can go without me. We’re not-“
    “Not lovers, yes! Pero ang boyfriend mo lang ba ang may karapatang maghintay sa’yo, Rosie?”
    Umiling ako. “Hindi mo naman kailangang gawin ‘to-“
    “Kung kinakabahan ka dahil tingin mo narinig ko ang usapan niyo, oo, inaamin ko, narinig ko ang lahat. Pero wala akong sasabihin.”

    Uminit ang pisngi ko. Tumayo siya at suminghap.

    “Hindi ko na alam kung anong gagawin ko… Pero wala akong karapatang masaktan. Lika na.”

    Naglahad siya ng kamay. Nanlaki ang mga mata ko sa paglalahad niya ng kamay. Seriously? Iniisip niya bang tatanggapin ko yan?

    “OOOPPS!” Sabi ng biglang pumasok na model. “Sorry… Uhm, nakaistorbo pala ako dito.” Humalakhak siya.
    “Hi-Hindi… Pa-a-“

    Bago ko pa nadugtungan ang sasabihin ko ay nakaalis na ang humahalakhak at may masamang tingin na model.

    “Naku naman!”

    Tinalikuran ko si Brandon para lumabas na at matigil na itong kahibangan dito. Lumabas din siya. May ibang model na nagbubulung-bulungan tapos tumitingin saming dalawa. Hindi ko na lang sila masyadong inisip.

    Pumunta na ako sa grupo nina Jamie na ngayon ay nakaupo sa buhangin malapit sa isang malaking bonfire.

    “Rosie!!!” Sigaw nila.

    Naglahad sila ng space para sakin.

    “Dito ka…” Sabi nung isang model.
    “Thank you.” Ngumisi ako at umupo na rin kasama nila.

    Nakita ko naman si Brandon na sumama sa pag iinuman ng male models sa kabilang side namin. Sumulyap din siya sakin. Nanlaki ang mga mata at napaawang ang bibig niya nang nakitang nakatingin din ako sa kanya. Nag-iwas na lang ako ng tingin.

    “Be sport, ah?” Tumaas ang kilay ni Jamie sakin.
    “Ha?”
    “Sali ka, eh! Truth or dare ang laro namin!” Tumawa siya.
    Nagtawanan din ang mga kasama namin.
    Tumawa na lang ako at tumango.

    Wala naman sigurong masama kung sumali ako. Hindi ako nagsisi. Nakakaenjoy ang laro nila. Nakakatawa ang mga dare. Hindi nga lang ako nakakarelate sa mga truth questions.

    “Mag ‘Hi!’ sa expat na nakita natin kanina!” Sabi ng isang model para sa dare nang natutukan ng bote.

    Ginawa din naman nila. Habang lumalalim ang gabi at binigyan kami ng shots ay mas naging malalim din ang mga dare.

    “Halikan ang pisngi ni Tommy! Go!”

    Matapang na sumunod ang lahat ng natutukan ng bote. Alam kong wala din akong kawala dito pag ako ang tutukan ng bote. Hindi naman siguro nila ako ipagagawa ng hindi ko kaya, diba?

    “SI ROSIEEE!” Sigaw ni Jamie nang tumutok ang bote sakin. “Truth or dare?”
    “Truth!” Tumawa ako.
    “Sinong magtatanong?”
    “Ako!” Nagpataas ng kamay ang isang model. “Who’s your celebrity crush? Tapos sino naman ang hate mo?”
    “Johnny Depp ang crush ko. Tapos, yung hate ko naman… uhmmm, Chris Brown?”
    Tumango sila.
    “I like his voice pero masama yung ginawa niya kay Rihanna noon.” Dagdag nung isang model.

    “Okay, next!”

    Pinaikot ulit ang bote. Pagkatapos ng dalawang ikot, tumapat ulit sakin.

    “Dare na, Rosie! Ubos na ang truth!” Tumawa si Jamie at kumindat sakin.

    Inabot pa ang isang shot sakin. Ininom ko agad bago ko dininig ang dare.

    “Okay, go!”
    “Run your fingers through Brandon’s hair.”
    “AHHH!” Nagsitilian sila.

    Nakangiti pa ako nung una pero nang narealize ko kung ano ang dare, napalunok ako.

    “Ayoko.” Simpleng sagot ko.
    “Naku! Ang KJ nito! Just simply run your hands through his hair. Wala namang masama. Mas nakakatakot pa nga yung kay Katrina kanina, eh, pinahalik sa leeg. Sige na.”
    “Kahit sino, wa’g lang siya.” Sabi ko at kinagat ko ang labi ko.
    “Bakit? May tensyon ba satin? Bakit ayaw mo?”

    Napalingon ako sa nagsalita. As usual, si Brandon na naman na sumisingit sa usapan. Nagtilian ang mga kasama ko. Pinagtulakan pa nila ako kaya wala akong nagawa kundi tumayo at lumapit kay Brandon.

    Umirap ako nang tinitignan ko ang mukha niyang malaki ang ngisi.

    “Uyyyy!” Kantiyaw ng mga models.

    Sumali na rin ang mga male models sa kantiyawan at hiyawan. Nakakahiya naman ‘to. Gagawin ko na nga lang. Ayoko nang patagalin kasi naiirita ako sa mga hiyaw nila.

    Lumapit ako kay Brandon at agad hinaplos ang buhok niya. Ang lintek na Brandon ay pumikit pa sa habang ginagawa ko yun. Hinawakan niya ang kamay ko. Binabawi ko pero pinigilan niya ang kamay ko. Inamoy niya muna ito bago binitiwan.

    Mas lalong lumakas ang hiyawan ng mga tao. Halos mabingi na ako sa kakasigaw nila.

    “Tama na guys, may boyfriend yung tao.” Nakangising sambit ni Brandon.

    Umirap ako at umupo ulit sa buhangin. Pinagtulakan pa ako nina Jamie sa sobrang kilig at gigil sa ginawa namin ni Brandon.

    “Anong feeling, Rosie? Ayieee! OMG!” Sigaw nila.
    “Wala.” Simpleng sagot ko.
    “Anong wala! Sheeet! Halos manisay kami sa kilig sa ginawa ni Brandon sayo! My gulay!”
    “Wala talaga.” Umiling ako.
    “Weeeh?”
    “Wala naman talaga. Kinikilig kayo kasi gusto niyo siya. Ako, hindi kasi hindi ko naman siya gusto.”
    “Rosie, aminin mo na. Kahit na godlike ang kagwapuhan ng boyfriend mo, hindi ka naman bato para hindi makaramdam ng kilig para kay Brandon, diba?” Tumaas ang kilay ni Jamie.
    Umiling ako at ngumisi na lang.

    Anong gusto nilang marinig? Na halos manisay na ako sa kilig dito dahil kay Brandon? No. Way.

    “FMK, tayo!?” Dinig kong sambit ng ibang models sa likuran ko.

    Hindi ako makapag-isip ng mabuti dahil sa ginawa ko kanina. Paano kung may pictures? Paano kung makita iyon ni Jacob? Siguro ay dapat tawagan ko siya at balitaan sa nagawa ko para pag nakita niya yung picture, hindi agad siya mag co-conclude.

    Tumayo ako at kinuha ang cellphone ko sa bulsa ko.

    “Saan ka pupunta, Rosie?” Tanong nina Jamie.
    “Uhm… Saglit lang ‘to.” Sabi ko at umalis na.

    Pumwesto ako malayu-layo sa kanila. Mabuti naman at mukhang preoccupied si Brandon sa bagong laro na ginagawa nila kaya hindi niya na ako maiistorbo.

    Dalawang beses ko pang tinawagan si Jacob bago niya ako sinagot.

    At tulad kanina, parang galing siya sa tawanan nang sinagot niya ang tawag ko.

    “Hello, Rosie?”
    “Uhmm… Jacob? Anong ginagawa mo?” Tanong ko.

    May narinig akong tumatawa sa background… isang babae.

    Nalaglag ang panga ko. Kanina, nang tumawag ako sa kanya, tumatawa na siya, hanggang ngayon ganun parin ba ang ginagawa niya? Pero bakit di niya sinabi sakin? At sino ang katawanan niya.

    “Ah! Pinuntahan kasi ako nina Jasmine dito sa bahay. Kasama namin yung mga kapatid niya.”

    May narinig akong kumakantang babae sa background.

    “This song is for Jacob Buenaventura!” Humalakhak pa siya at narinig ko rin ang pagtawa ng mga kasama nila.
    “Sino yun?” Tanong ko kay Jacob.
    Tumawa siya bago niya ako sinagot, “Si Jasmine. Nagkatuwaan lang kami. Boring kasi talaga dito sa Alegria. Pati sila nabobore kaya nang nalaman nilang nakauwi na ako, pumunta agad sila dito.”
    Pinilit kong tumawa para hindi niya maramdaman ang irita ko sa sinabi niya, “Ganun ba? Tumawag lang ako para sabihing pauwi na kami. I’ll call back… pag nakauwi na ako, okay?”
    “O-Okay!”
    “Okay, bye…”

    Pintulo ko na agad ang linya at kinagat ang labi. Hindi ko maiwasang di matulala sa nalaman ko. I know… I’m just being paranoid… pero… SHET!

    “ROSIE!!” Dinig ko ang sigaw nina Jamie.

    Liningon ko sila. Gusto kong magmukmok. Linapitan ko sila para magpaalam sana para mag impake pero…

    “FMK tayo! Go, Brandon!”
    Tumatawa si Brandon.

    Hindi ako makatawa man lang dahil sa nangyari kanina.

    Nakangisi si Brandon nang sinabing, “FMK, Chris Brown, Jacob, Ako.”
    “Huh?” Tumaas ang kilay ko.

    Gusto ko sana siyang i-ignore, kaso nasali si Jacob sa usapan.

    Nagkasalubong ang kilay ko, “Ano?”
    “Who would you Fvck, Marry and Kill? Chris Brown, Jacob, Ako.”

    Nagtilian ulit ang mga co-models ko. Umiling ako at tamad na sinagot.

    “Hindi ko masasagot yan, Sorry.” Sabi ko.
    “Ang KJ talaga! Rosie naman! Laro lang naman! Walang personalan, dito.”
    “Fvck Chris Brown, Marry Jacob and Kill you!” Tinaas ko ang isang kilay ko at diretsong tinignan si Brandon.
    Tumawa sila. Tumawa din si Brandon habang hina-high-five ang iilang male models. “See? Kaya nga gustong-gusto ko siya eh. Ang sungit!”

    Tinalikuran ko sila at inirapan ang kawalan. Damn! Jacob! Ako parin ba ang papakasalan mo o nagiging OA lang ako?

  • Kabanata 20Open or Close

    Kabanata 20
    Kahit Hindi Darating

    Hindi ako mapakali sa mga sumunod na araw. Hindi ko kayang mag isip ng bukod sa nangyayari ngayon kay Jacob. Nakakabuti nga ang paglayo niya sakin pero nakakasama din naman pala sakin.

    Tulala ako tuwing may klase.

    “Rosie!” Sabay snap ni Callix sakin isang araw nang nasa canteen kami. “Okay ka lang ba?”

    Napatingin ako sa kanilang dalawa ni Belle. Dapat kasi nag react na ako sa kalandian nila kanina. Dahil di ako nakapagreact, nagtaka tuloy ang dalawang ito.

    “A-Ano?”
    “Ang sabi ko, Okay ka lang ba? Kanina ka pa tulala!”

    Tinignan ko si Belle at Ava na kanina pa nakatingin sakin gamit ang nag-aalalang ekspresyon.

    “Okay lang ako…” Ngumisi ako.

    Binalewala ako ni Belle pero diretso parin ang titig ni Ava sakin.

    “Are you sure? May problema ba kayo ni Jacob?”
    “W-wala!” Nanginig ang boses ko sa sagot ko.
    Kumunot ang noo niya, “Tinawagan mo na ba siya?”

    Napalunok ako sa tanong niya.

    Kahapon, tinawagan ko siya…

    “Hello, Jacob?”
    “Rosieee!” Excited ang boses niya nang tumawag ako.

    Tumaba ang puso ko nang narinig ang boses niyang sabik. Napawi lahat ng pagdududa ko.

    “Anong ginagawa mo?” Tanong ko.
    “Eto, kumakain? Ikaw? Wala ka bang pasok?” Tanong niya.
    “Uhmmm. Papunta ako sa next class ko ngayon. Hehe. Anong kinakain mo?”
    “Itong niluto ni Jasmine. Taste test daw. Unang beses niya pa daw tong niluto kaya ako muna ipapatikim niya.”

    Napalunok ako.

    “Hindi naman ako naniniwalang unang beses eh ang sarap agad. Galing niyang magluto, ah! Grabe!”
    “Wow! Talaga? Ano bang niluto niya?” I need to make this conversation as normal as possible!
    “Brownies. Hindi kasi siya mahilig mag bake pero ngayon sinusubukan na niya.”

    AH. OK. Yun ang napala ko sa pagtawag ko sa kanya.

    Nang tinawagan niya naman ako kaninang umaga…

    “Anong gagawin mo ngayong araw, Rosie?”
    “Uhm.. Pasok sa school. Yun lang. Ikaw?”
    “Pasok sa trabaho. Miss na miss na kita.”
    Napangiti ako, “Miss na miss na rin kita.”
    “Poooo?” Sigaw ni Jacob.

    Mukhang may kausap siya sa kanila.

    “Sandali lang. Mag uusap muna kami ni Rosie.” Aniya.

    Siguro yung katulong nila.

    “Mamaya na. Hayaan niyo na lang- Saglit lang- Okay okay! Hindi ko na nga paghihintayin- teka… Uhm, Rosie… tawagan na lang kita mamaya, naghihintay na kasi si Jasmine.”
    “Okay, bye…”
    “Wait! I love you!” Sabi ni Jacob.
    “Sorry nagmamadali ako, I love you, too.” Saka binaba ko na agad.

    LECHE! Pinipigilan ko na ang mga luha ko nangpapasok akong classroom.

    Kabanas. Yung wala talagang pumasok sa utak mo sa loob ng dalawang oras sa klase. Tanging naramdaman mo lang ay yung kirot sa puso mo. Naiiyak ka pa kaya imbes tumingin sa nagsasalita ay napapayuko o di kaya’y napapatingin ako sa labas.

    NAIINIS NA AKO KAY JACOB! Pero hindi ko siya masumbatan dahil ako ang may pakana sa lahat ng ito! Ako ang nag encourage sa kanyang doon na mag field study! Gusto kong magreklamo pero natatakot akong iwan niya ang Alegria para sa reklamo kong sana’y wala ngang katuturan.

    “Rosie, wa’g ka na masyadong OA. Mahal ka nun.” Mas matatag pa ang faith ni Karl sakin.

    Natutuwa naman ako tuwing naririnig ko ang mga sinasabi niya.

    “My God! Nakasaksi ako sa lahat ng pinagdaanan niyo. Hindi na yun magbabago. Wala ng makakapantay pa dun. Maaring may susubok pero walang magtatagumpay.”

    Nakakalubag-loob ang mga sinabi ni Karl. Siguro oobserbahan ko muna ang lahat. Baka pag komprontahin ko agad si Jacob, umalis yun agad kahit talagang wala namang nangyayari. Magiging kasalanan ko pa ang lahat. Lalabas pa akong selfish sa relasyon namin.

    “Alam mo kasi, Rosie… Nasa isip mo lang yan lahat. Malay mo iniisip din ni Jacob na may iba ka dito, diba?”

    Oo. Inisip at natakot siya noon na magkaroon ako ng iba. Pinagdudahan niya ng husto si Brandon. Pero hindi naman kami araw-araw na magkasama ni Brandon. Maaring hindi niya ako nilulubayan pag magkasama kami pero tinatarayan ko naman. Itong si Jacob, nagpapakabait kay Jasmine. Lagi pa silang magkasama. Marami pa kaming pagkakaiba ni Jasmine.

    Maganda si Jasmine at mabait. Confident siya at gaya ng sinabi ni Jacob, magaling siyang magluto. Hindi ko na alam kung hanggang saan ang pagtitimpi ko sa kanila.

    Hindi ko alam kung makakaya ko pa bang marinig ang mga topic na si Jasmine. Tuwing tumatawag siya o tumatawag ako, palaging nababanggit si Jasmine. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko? Magrereklamo ba ako o hahayaan na lang at magtiwala?

    “Di bale, magkikita naman kayo bukas diba? Pag usapan niyo na lang yan.”

    Tumango ako. Tama si Karl, pag usapan na lang namin ito ni Jacob.

    “By the way, iti-treat daw kayo ni Ms Bubbles ng pagkain tsaka nood ng sine this Saturday. Isama mo na lang si Jacob. Muntik ko nang makalimutang sabihin sayo.” Pinukpok ni Karl ang ulo niya, “Sa isang mall.”
    Umiling na ako, “Ayoko munang sumama. Paki sabi na lang kay Ms. Bubbles. O itext ko na lang siguro si Kira.”
    Tumango siya, “Bakit?” Nanliit ang mga mata niya. “Ah! Gusto niyong mapag isa ni Jacob. I mean… ‘mapag-isa’.” Tumawa siya.
    Uminit ang pisngi ko, “Hindi ganun! Gusto ko lang siyang kausapin.”
    Tumawa parin si Karl, “Oo.. Saan? Sa kama?”
    Sinapak ko ang braso niya. “Sige, tawa ka pa! Mahahalata nang bading ka?”

    Hinawi ni Karl ang invisible niyang bangs.

    “I don’t care.”

    Ngumisi kaming dalawa. Napatingin ako sa mga tao sa paligid ng coffee shop na tinatambayan namin hanggang sa may tumawag sakin.

    “Jacob!” Nagkatinginan kami ni Karl.
    “Aha! Free time mo ngayon, diba?”

    Napangisi ako. Nag thumbs up si Karl. Mukhang inisip niyang magandang senyales yung pagngisi ko kaya nag thumbs up din ako at nag concentrate sa tawag ni Jacob.

    “Naalala mo pala.” Sabi ko.
    “Of course! Memorize ko ang schedule ng asawa ko!” Tumawa siya.
    Napangiti ako at napakagat sa labi, “I miss you so much.”
    Suminghap siya, “Haaay! I miss you din!”

    Biglang naging matamlay ang boses niya.

    “Di bale, magkikita naman tayo bukas diba?” Sabi ko nang nakangiti.
    “Rosie… kasi… uhm… bukas…”

    Napawi ang ngiti ko.

    “Birthday ng daddy ni Jasmine. Uuwi sana ako pero sabi ni papa wa’g muna for this week kasi magkakaroon ng konting salu-salo sa kanila. Alam mo na… kailangan pumunta para magpakita ng respeto.”

    Hindi ako umimik. Naiiyak na naman ako. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Karl.

    “Uhm…” Kinagat ko ang labi ko para maiwasan ang pagkabasag ng boses ko. “Saan?”
    “Sa kabilang probinsya. Yung ancestral house nila Eunice. Dun ice-celebrate. Uhmmm… Mga 15 minutes ang byahe galing dito sa bahay.”
    “Ah… So hindi ka muna makakauwi?”
    “Oo. Sorry. Babawi ako next week? Miss na miss na kita… Sobra.”
    “Miss na miss na rin kita.”

    Napapikit ako sa hapdi ng naramdaman ko sa puso ko. Hindi ko alam… nung una akala ko tapos na ang pagbabakasakali ko saming dalawa. I thought out future has been decided… Ngayon, nagbabakasakali na naman ako. Baka sakaling kami parin sa halip ng sitwasyon na ito. Baka sakaling ako parin ang pillin niya pagkatapos niyang makilala ng husto si Jasmine. Baka sakaling kami parin pagkatapos ng lahat ng ito.

    “Uhm… Sige, Jacob… Mag aaral ako sa next class.. Ingat ka diyan.”

    Ayoko nang patagalin ang pag uusap namin baka kung ano pa kasi ang masabi ko.

    “Ah? Okay. Sige… Goodluck! I love you so much, Rosie.”
    “I love you, too.”

    Pinutol ko agad ang linya bago pa tumulo ng husto ang luha ko. Napalingon-lingon si Karl. Nagpanic siya at kumuha agad ng tissue para ibigay sakin.

    “Bakit? Akala ko okay?” Tanong niya.

    Pinikit ko ng mabuti ang mga mata ko habang pinupunasan ang luha ko gamit ang tissue na binigay ni Karl.

    “Akala ko rin.” Napahikbi ako.
    “Hindi siya makakauwi?” Tanong ni Karl.
    “Hindi! Kasi birthday ng daddy ni JASMINE!” Padabog kong sinabi ang pangalan ni Jasmine. “JASMINE na naman!”

    Umiling si Karl.

    “Tsk… Tapos anong gagawin mo bukas? Iiyak at magmumukmok sa kwarto niya? Maghihintay ka dun kahit di siya darating?”

    Uminit ang ulo ko sa sinabi ni Karl.

    “Hindi! Leche! Uuwi ako sa bahay namin! At bukas, sasama ako sa models! Tangina!”

  • Kabanata 21Open or Close

    Kabanata 21
    Ilang Beses

    “Rosie, intindihin mo na lang si Jacob.” Sabi ni Maggie.

    Tinitignan niya akong mabuti habang tinatali ang buhok sa harap ng salamin.

    “Kailangan niyang mamulitika sa daddy ni Jasmine. Importante yun sa negosyo.”

    Padabog kong nilapag ang suklay at inayos naman ngayon ang mukha ko.

    “Rosie!” Untag ni Maggie.
    Suminghap ako at hinarap siya, “Alam ko. Kaya nga imbes na kaladkarin ko siya papunta dito, naghahanap na lang ako ng ibang mapaglilibangan, diba?”
    Umiling siya, “Okay. Pero alam kong galit ka, buti pa sabihin mo kay Jacob-“
    “Maggie, kung sasabihin ko kay Jacob, uuwi yun dito. Wala pa namang nangyayaring masama kaya hahayaan ko na lang siya. Ang importante ay wala akong ginagawang masama dito.” Nagkibit-balikat ako.

    Kinuha ko ang bag ko at umalis na lang. Walang Jacob na maghahatid sakin sa kung saan ako pupunta kaya nag commute ako. Bawat segundong nakasakay ako sa jeep, si Jacob ang iniisip ko. Ano kaya ang ginagawa niya ngayon? Nagiging paranoid lang ba ako dahil sa insecurities ko kay Jasmine? Tanungin ko kaya si Jasmine? Komprontahin ko kaya si Jasmine? Tanungin ko kaya si Jacob?

    AHHHHHHHHHH!

    Wala ako sa sariling dumating sa mall.

    “ROSIE!” Sigaw ni Jamie at iba pang mga models.
    “Akala ko di ka pupunta?” Tanong ng isa.
    Pinilit kong ngumisi, “Ah. Bored kasi ako kaya eto, sumama.”
    Tumango sila.

    Tinignan ko ang bawat isa sa kanila. Ganito pala sila manamit pag walang ramp. Magaganda pumili ng damit ang mga models. Si Jasmine kaya, ganito rin? AHHH!

    Nadistract ang pag iisip ko nang nasulyapan ko ang mukha ni Brandon. Nakanga-nga siyang tinitignan ako head-to-foot.

    “Bakit?” Sinimangutan ko siya.
    “Su-Sumama ka?”
    “Bakit? Ayaw mo? Alis na ako?”
    “Hindi! Of course, gusto ko!” Umiling siya at ngumisi habang tinitignang mabuti ang mukha ko.

    Nakita ko rin si Kira.

    “Rosie! Akala ko talaga di ka sasama. Anyway, wala si Ms. Bubbles. Tsaka Sampu lang yata kayong sumama. Busy yung iba, eh. Alam mo na… Pag hindi ramp, hindi sumasama kasi wala namang pera sa lakad na ito. Libre lang.” Tumawa si Kira at inayos ang buhok niya. “Kumain muna tayo!”

    Sumunod ako sa kanila. Pumasok sila sa Italianni’s.

    “Hinay-hinay sa kain, ah? May ramp ulit this Saturday. Sa mall na ito.”
    Nanlaki ang mga mata ko, “Talaga?”
    “Oo. Pero yung damit niyo lang sa Sortee ang susootin niyo. Ganun pa rin ang eksena.”
    “Pero-“
    “HEP!” Pinutol ako ni Kira. “Don’t tell me di ka sasama kasi uuwi yung boyfriend mo tuwing Sabado? Sumama ka nga ngayon, next Saturday pa! May bayad yan tsaka naka kontrata ka kaya sasama ka.”
    Bumuntong-hininga ako, “I know…”

    Uuwi naman kaya si Jacob next Saturday? Paano kung hindi? Pag umuwi siya, ibig sabihin mababawasan ang time namin sa isa’t-isa dahil may ramp ako. May pakealam pa ba siya kung mabawasan ang oras namin para sa isa’t-isa? Gayung hindi nga siya umuwi ngayon para maka aattend sa isang birthday party? Baka naman hinihingi niya na ang kamay ni Jasmine doon sa Alegria?

    OMG! Paano kung nabuntis niya si Jasmine?

    Nabitiwan ko ang tinidor ko.

    “Bakit, Rosie?” Tumaas ang kilay ni Jamie nang nakita ang nangyari.
    “Ah… W-Wala.” Umiling ako at dinampot ulit ang tinidor.

    This is stupid. Seriously, I don’t know what to do. Gusto kong magpakamature sa relasyon naming dalawa. Gusto ko siyang pakawalan para maging successful siya in the future. Gusto kong sabay kaming matuto ng mga bagay. Ngayon, bakit ganito na? Bakit ang sakit na? Bakit hindi ko kaya?

    Tama ba ang magduda ako?

    O dapat magtiwala na lang ako sa kanya?

    Ang alam ko, mas mature yung magtiwala at intindihin siya.

    “You okay?” Tanong ni Brandon sakin.

    Hindi ko namalayang magkatabi pala kami ni Brandon. Tinanguan ko na lang siya.

    “Parang hindi naman yata.” Ngumuso siya.
    Tinignan kong mabuti ang mukha niya, “No. I’m okay.”
    “May problema ba kayo ng boyfriend mo?”
    “Wala.” Simple kong sinabi.
    “Kung ganun ba’t ka andito? Sigurado akong hinding-hindi ka sasama ngayon pero nagbaka-sakali akong mapapadpad ka dito. And guess what, worth it ang pagbabakasakali ko kasi dumating ka.”

    Napalunok ako sa sinabi niya. Napatingin ako sa mga kasama naming busy sa tawanan. Mabuti na lang at binubulong ito ni Brandon sakin, hindi nila naririnig.

    “At alam mo ba kung bakit nagawa kong magbakasakali ng ganito? Kasi alam ko, na sa oras na sumama ka… ibig sabihin, mas pinili mo ito kesa sa boyfriend mo. Pinili mo kami. Pinili mo ako.”

    Kumunot ang noo ko at uminom ng soft drinks.

    “Not all the time, Brandon. Minsan… Hindi dahil pinili kong pumunta dito, kundi dahil wala akong mapagpipilian. Wala akong choice.”

    Napasinghap siya at napayuko.

    Nabunutan agad ako ng tinik sa sinabi ko. Ang sama palang pakinggan ng sinabi ko lalo na sa part niya. Gusto ko sanang bawiin yun kaso ayokong umasa siyang magkakaroon kami ng kahit konting pagtitinginan. Dahil alam ko kung kanino lang ako magmamahal pero sa ngayon, hindi ako sigurado kung ganun din ba ang nararamdaman ni Jacob.

    Tahimik si Brandon hanggang sa natapos kaming kumain.

    “Oh my God!” Sigaw ng isang model.

    Niyugyog niya ang braso ni Jamie at tinuro ang isang lalaking may kasamang babae. Sweet silang dalawa at parehong nakashades habang dumadaan sa Italianni’s.

    “Oh my God, Angela!”

    Naglaglagan ang mga panga nila. Kumunot ang noo ko sa mga reaksyon nila. Tinignan ko si Brandon. Nakita kong natigilan siya habang tinitignan yung lalaki at babaeng dumadaan sa labas.

    “Break na ba kayo, Gel?” Tanong ni Brandon kay Angela.
    Umiling si Angela at agad kong nakita ang pagbuhos ng luha niya.

    Dinaluhan agad siya nina Jamie at iba pang co-models namin.

    “Oh my Gosh!”

    Tensyonado ang table namin sa Italianni’s. May umiiyak at walang umiimik.

    “Sugurin mo!” Sabi ni Jamie.
    Umiling si Angela habang pinupunasan ng tissue ang mukha niya, “Hindi ako ganung klaseng babae.”
    “Shet! Huling-huli siya sa aktong nakikipaglampungan sa ibang babae. My God!”
    “A-Alam ko na eh. May feeling na ako.” Humikbi si Angela.

    Tinahan siya ng mga kasama namin.

    “P-Pero hindi ako makapaniwala. Mahal na mahal niya ako…” Pumiyok ang boses niya. “Pero ngayon, eto.”
    “Ilang taon na kayong mag on?” Tanong ko.

    Napatingin silang lahat sakin at silang lahat din ang sabay na sumagot.

    “4 years.”

    Napalunok ako. Kalahati pa lang kami ni Jacob sa relasyon nina Angela. Mas matatag ang relasyon nila. Pero nagawa pa rin iyon ng lalaki. Paano kung isang araw makita ko si Jacob na may kasamang iba? OH MY GOD!

    Naiiyak na rin ako habang tinitignan ang paghikbi ni Angela. Nag iwas ako ng tingin sa kanila. Uminom ako ng tubig at tumingin sa labas.

    “Iyan kasi kayong mga lalaki, hindi nakokontento sa isa! Jusmiyo!” Sabi ni Kira. “Tahan na, Angela! Supalpalin mo nga yung mukha ni Isaac! Pagkatapos party tayo ngayong Sabado nang makalimutan siya? Okay!”
    “Game!” Sigaw ni Jamie. “Sama tayong lahat ah? Pagkatapos ng ramp! Rosie?” Tumaas ang kilay ni Jamie sakin.
    “Ha?”

    Nilunok ko ang nagbabadyang mga luha para harapin si Jamie.

    “Sama ka, ah? Ngayong Sabado?”
    “Okay…”
    “Good! Kumprontahin mo, Angela! Pagkatapos kalimutan mo.”
    “That’s not easy, Jamie.” Sabi ni Brandon. “Matagal na sila.”
    “Pero hindi imposible.” Sabi ni Jamie.
    “Oo. Pero magpapakatanga pa siya ng let say, 8 years bago yun makalimutan. Doble pa sa relasyon nila.”
    Sinapak si Brandon ng isa pang model, “Kaya nga hahanap siya ng iba! Kaya nga mag paparty tayo next Saturday!”
    “Well, kung makakahanap siya ng iba, madali.” Sumulyap si Brandon sakin saka uminom ng tubig.
    “Kayong mga lalaki talaga-“
    “Oppps! Wa’g kaming igeneralize!” Sabi ng katabi ni Brandon.
    “Oo nga. Not all. Tulad ko. I’m loyal as long as my girlfriend’s loyal.” Kinindatan ako ni Brandon.
    “Paano ba kasi malalamang nagsisimula nang mangaliwa ang lalaki?” Tanong nung isang model na hinahaplos ang likod ni Angela.
    “Hmmm. Pag bukambibig niya na syempre yung babae.” Sabi ni Brandon.

    Napasinghap ako. Jacob… bukambibig mo si Jasmine. Tama kaya itong sinasabi ni Brandon?

    “Ha? Paano kung kaibigan lang pala niya yun? Tapos lagi lang nakakasama? Syempre magiging bukambibig niya yun, diba?” Tumaas ang kilay ni Jamie.
    “Well, yeah. Pero eto… Pag ilang linggo niyang bukambibig tapos isang araw… boom! hindi niya na binabanggit.”
    “Ha? Paano nangyaring nangangaliwa siya kung ganun? Diba dapat maging masaya ka kasi di niya na binabanggit ang epal?”
    “Nope!” Umiling si Brandon, “Hindi niya na binabanggit kasi may nangyayari na… Kasi nagui-guilty na siya tuwing maiisip niya ang ginagawa nila. Kaya titigilan niya ang pagbanggit sa babae. Iiwasan niya ang mga tanong mo tungkol sa kanya.”
    Tumango si Angela at mas lalong umiyak.

    So… Ganun… May point si Brandon. Sa ngayon, wala pa binabanggit pa lang naman ni Jacob si Jasmine kaya dapat hindi muna ako mapapraning? O baka naman step closer na talaga ito sa pagchi-cheat ni Jacob?

    OH MY GOD!

    Wala ako sa sarili hanggang sa nakarating kami sa loob ng sine. Nakakatawa ang pinanood namin. Sequel ito ng isang animated film. Nagpasya silang ito ang panoorin kumpara dun sa gyerang may gwapong bida para matawa si Angela.

    I’m not sure if it’s effective. Kasi ako… kahit wala pa namang ginagawa si Jacob, hindi na ako natutuwa sa jokes dito. Sobrang paranoid ko lang ba o talagang dapat lang akong magkaganito?

    “You even watching the movie?” Tanong ni Brandon sakin.

    Magkatabi na naman pala kami. Hindi ko na talaga namamalayan ang nangyayari.

    “Yep.” Sabi ko.
    “Bakit naiiyak ka eh sobrang nakakatawa?”

    Napatingin ako sa kanya. Kanina pa ba niya ako pinagmamasdan? Seryoso ang mukha niya habang tinititigan ako. Kitang-kita ang repleksyon ng movie sa mga mata niya.

    *KRRRIIIIING-KRIIIIINGGG*

    Napatalon ako at agad kinuha ang cellphone ko sa bag ko.

    “Wa’g mong sagutin-“
    “Excuse me…” Tumayo ako at umalis sa sinehan para sagutin ang tawag ni Jacob.

    Nagpunta ako sa CR saka sinagot ang pangatlong tawa ni Jacob.

    “Hello.”
    “Rosie? Bakit natagalan ka sa pag sagot ng tawag ko?” Tanong niya.
    “May ginagawa kasi ako.” Simple kong sinabi.
    “Anong ginagawa mo?”

    WHAT THE FUDGE! Hindi ko ito naisip ah? Paano kung magtanong siya ng ganito? Ano ang sasagutin ko? Mag sinungaling o yung katotohanan ang isisiwalat ko?

    “Uhm, nanonood ako ng sine kasama yung mga models.”
    “Ah. Uhmmm. Ba’t di mo sinabi saking may lakad ka pala ngayon?”
    “Uhm… Kasi busy ka. Ayokong makaistorbo. Alam mo na-“
    “Kahit kailan, di ka magiging istorbo sakin, Rosie! Ikaw ang first priority ko.”

    Kung ganun, Jacob, bakit nandyan ka at nandito ako? Bakit di ka umuwi sakin? Bakit yan ang inuna mo?

    “Kumusta yung birthday ng daddy ni Jasmine?” Iniba ko ang usapan.
    “Mamaya pa yun. Namamasyal pa kami dito sa Kampo Juan.”

    Napalunok ako.

    “Wow! Talaga? Pano sa farm niyo? Namasyal na ba kayo don?” Tanong ko.

    Sarcasm na ito pero alam kong di niya yun mararamdaman.

    “Oo. Nung isang araw. Napadaan nga kami sa kubo.” Humalakhak siya.

    Napalunok ako. Kung noon ay nakakatuwa pang marinig ang kubo, ngayon, parang nandidiri na ako. Paano ba kasi, iniisip kong silang dalawa na yung gumagawa ng milagro doon.

    Napapikit ako sa sobrang sakit ng mga iniisip ko.

    “Uhmm, Jacob… Sige na… Nasa gitna kasi kami ng panonood eh. Ingat ka diyan. Ibababa ko na.”
    “Ha? Ah. Okay. Sige… Ingat ka rin. I love you…”
    “I love you, too.”

    Pinutol ko at pinikit ang mga mata. Hindi niya pa naman iniiwasan ang topic na Jasmine pero kinukurot na ng sobra ang puso ko.

    Hindi ko mapigilan ang luha ko… Parang waterfalls na tumutulo ng kusa.

    He’s drifting away. Ilang beses ko bang mararamdaman ito sa buong buhay ko? Ilang beses ba akong magbabakasakali para saming dalawa?

  • Kabanata 22Open or Close

    Kabanata 22
    Magsama Silang Dalawa

    Lumipas ang isa pang linggo ng wala si Jacob. Tumatawag parin siya araw-araw pero hindi na tulad nung unang linggong nagkahiwalay kami, hindi na siya nag titext oras-oras. Tawag na lang ang inaasahan ko sa kanya. Dalawang tawag sa isang araw.

    Thursday nang napansin kong iniiwasan niyang banggitin si Jasmine.

    “Hello, Rosie?”
    “Jacob… Kumusta na?” Tanong ko.
    “O-Okay lang. Ikaw? I miss you so much. Sana pwedeng umuwi ngayon. Isang buwan na lang matatapos ko na ang Field Study na ito.” Aniya.
    “Miss na din kita. Okay lang yan. Malapit na rin naman. Uuwi ka naman ngayong Sabado diba?”
    “Uhm… Syempre! Hindi ka parin ba natutulog sa bahay?”
    Napalunok ako sa sinabi niya, “Oo. Sorry. Nabobore kasi ako doon. Dito kasi sa bahay, madaldal si Maggie kaya ayun.”
    Napabuntong-hininga siya, “Sorry, Rosie… Alam ko dapat umuwi ako last Saturday. Haay.”
    “Bakit nagsisisi ka? Hindi ba maganda naman yung birthday ng daddy ni Jasmine?” Natigilan ako.
    “Oo n-naman. Kumusta ang studies mo? Malapit naba ang midterms?” Tanong niya.
    “Okay lang naman. Ikaw? Kumusta negosyo niyo ni Jasmine?”
    “Okay lang din. Hmmm… Kailan ba ang next ramp mo?”

    Bakit parang iniiba niya ang usapan? OMG! Ito na ba yung sinasabi ni Brandon?

    “Jacob… Binibigyan ka pa ba ng pagkain ni Jasmine?”
    “H-Huh?” Natahimik siya ng ilang segundo, “Ba’t mo naitanong?”
    “Diba araw-araw ka niyang binibigyan ng pagkain? Taste test?” Sabi ko.
    “Oo. Noon. Pero ngayon, di na… Teka… Ba’t siya pinag uusapan natin?”

    BAKIT HINDI!? BAKIT NGAYON MO PA NAPAPANSIN NA TUMATAWAG KA NAMAN MINSAN SAKIN PARA PAG-USAPAN NATIN SIYA?

    “Wala naman. Natanong ko lang.”
    “Rosie…” Suminghap siya. “I miss you…”
    “Bakit di ka na niya binibigyan ng pagkain ngayon? May nangyari ba?” Tanong ko.
    “ROSIE! Ano ba yang iniisip mo!?”

    Narinig ko ang pagtalon niya.

    “Bakit? Nagtatanong lang naman ako!”
    “Bakit parang iba ang tono mo? Wala naman akong ginagawang masama dito.”
    “Ba’t ka defensive?” Huminahon ako.
    “Kasi kung anu-ano na ang iniisip mo.”

    Natahimik ako.

    “Rosie, kung ayaw mo na ako dito… Uuwi ako diyan. Sabihin mo lang.”

    Umiling ako at pumikit. I knew it… Doubts… Hindi applicable sa lahat ang sinabi ni Brandon. Maaring may point siya pero hindi ito applicable para samin ni Jacob. I’m sure of that!

    “Sorry, Jacob.” Sabi ko.

    Napabuntong-hininga siya.

    “Tumigil ka na…” Aniya.
    Kinagat ko ang labi ko.
    “Tigilan mo na ang pag-iisip mo ng mga ganyan, Rosie.”

    Napawi lahat ng pangamba ko sa nakalipas na tatlong linggo. Pangamba at pagdududa lang ang mga iyon. Wala ng iba pa… Hindi na ako mag aaksaya ng panahon para isipin pa ang mga iyon.

    “I’m sorry.”

    Pinunasan ko ang luhang dumaan sa pisngi ko. Kinagat ko ang labi ko at iniwasang magsalita pa para di niya marinig ang pag-iyak ko.

    Ilang minuto pa ang nakalipas, walang nagsasalita saming dalawa. Hindi siya nagsalita. Hindi rin ako nagsalita.

    “Jacob, sige na matulog na tayo.” Mabilis kong sinabi ‘to para di niya marinig ang paghikbi ko.
    “Okay. Matulog na tayo. Wa’g mong ibaba. Hayaan mo lang.” Aniya.

    Parang kinurot ang dibdib ko sa sinabi niya.

    “Gusto kong marinig ang paghinga mo. Kahit di kita nakikita. Kahit paghinga mo lang, Rosie. Gusto kong marinig. Dahil miss na miss na kita at di ko kayang ganito.”

    Hindi ako nakapagsalita sa pagpipigil ko ng luha.

    “Rosie?”

    Humikbi ako. Shet!

    “Umiiyak ka?”
    “Hindi.” Nanginig ang boses ko.
    “Umiiyak ka! Rosie! Tama na!”
    “Matulog na tayo.”
    “Rosie, I love you.” Aniya. I can almost hear his desperation.
    “I love you, too.”
    “Bakit ang lamig mo sakin? Bakit pinuputol mo agad ang linya bago ko pa masabing, ‘I love you, more’. Alam mong may dugtong pa ito diba? Bakit di mo na dinidinig yun? Hindi na ba yun importante? Wala ka na bang pakealam?”
    “Importante… I’m sorry… I’m so sorry…”

    I’m sorry for doubting you, Jacob. I don’t deserve you. Akala ko siya yung magkakaproblema sa pagkakalayo namin pero eto ako at ako pala yung magkakaproblema.

    Umiyak ako hanggang sa nakatulog ako. Hindi ko alam kung anong oras nakatulog si Jacob pero nagising akong lowbat ang cellphone ko.

    Friday na at bukas magkikita na kami ni Jacob! Namumugto ang mga mata ko kaya ayokong pumasok sa school. Ayokong makita nina Ava, Callix at Belle ang mga mata ko ngayon. Paniguradong interview na naman ang aabutin ko sa kanila.

    “Ba’t ka nag iimpake, Rosie?” Tanong ni Maggie nang napadaan siya sa kwarto ko.
    “Pupuntahan ko si Jacob sa Alegria.” Sabi ko nang wala sa sarili.
    “HA? Bakit? May nangyari ba?”
    “Wala! Miss na miss ko na siya.” Sabi ko habang nililigpit ang isang pares ng damit.

    May mga damit naman ako kina Auntie Precy kaya okay na ito.

    “Mag aabsent ka?” Nanliit ang mga mata niya at tinitigan akong mabuti, “Umiyak ka ba kagabi?”
    “Hindi.” Nag iwas ako ng tingin.
    “Nag-away ba kayo? Nag talo ba kayo? Bakit anong nangyari?” Tanong ni Maggie.

    Nandoon na rin si James sa likuran niya at nakikinig sa usapan.

    “Hindi nga. Nagkabati na nga kami kaya pupunta ako dun.”
    “Mag isa ka lang? Sinabi mo ba sa kanya?” Tanong ni Maggie.
    “Hindi. Kasi… lowbat ako. Isusurprise ko na lang siya.”
    Tumango siya, “O sige. Mag ingat ka. Umuwi ka agad. Diba may ramp ka bukas? Paano kung di mo abutan?”
    “Actually, wala na talaga akong pakealam kung anong mangyari basta sa ngayon gusto kong pumunta ng Alegria para makita siya.”
    “Okay. Sige, mag ingat ka. Tsaka… iinform mo si Karl pag di ka makakasama bukas, ah? Unprofessional pag di mo sinabi.”
    “Oo.”

    Umalis na agad ako. Hindi na ako makapaghintay na mapadpad sa Alegria. Alam kong nakakaumay na naman ang matagal na byahe. Lalong lalo na ngayong mag bu-bus ako, mag isa, at sabik kay Jacob.

    Hindi ako natulog sa 9 hours straight na byahe. Maraming gumulo sa isipan mo at kay Jacob umiikot lahat ng gumugulo.

    Nang sa wakas ay nakatapak na ako sa lupa ng Alegria, lumakas at bumilis ulit ang pintig ng puso ko. Falling in love again, huh? The place and the person… Napangisi ako habang pumapara ng tricycle.

    “Manong, kina Auntie Precy Aranjuez.” Sabi ko.

    Tumango si mamang driver. Kilala kasi si Auntie dito sa Alegria kaya hindi ko na kailangang sabihin ang buong address.

    Ngiting-ngiti ako nang nakita ko ang bakuran ng Bahay ni Lola. Wala si Auntie kasi may klase ngayon at baka nasa Mababang Paaralan ng Alegria pa siya para magturo. Ang bobo ko talaga! Sa sobrang excitement ko, nakakalimutan ko na ang mga maliliit na bagay.

    Pumara ulit ako ng tricycle. Hindi ko alam kung saan ako pupunta… Sa bahay nina Jacob? Nandoon kaya siya? Sa Kampo Juan? O baka naman sa trucking?

    “ROSIE?”

    Nabigla ako sa nakita kong kumakaway sakin.

    “April!” Kinawayan ko rin siya.
    “Nandito ka? Alam ba ni Jacob na nandito ka?” Tanong niya.

    Mag isa lang siya at mukhang may pinamili.

    “Hindi eh. Pupuntahan ko sana. Alam mo ba kung nasan siya ngayon?” Tanong ko.
    “Uhmmm. Malamang nasa trucking.” Yumuko siya para tignan ang pinamili niya, “Malapit lang ang bahay namin dun. Gusto mo sabay na tayo? Padrop ka na lang sa trucking kay manong?”
    Tmango ako at ngumisi. “O sige!”
    “Manong, sa trucking ng mga Buenaventura. Tapos sa amin.” Sabi ni April.
    “Sa Rosie Buenaventura?” Ngumisi ang driver sakin.

    Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Oo nga pala… Syempre, sikat na iyon dito. May malaking ROSIE BUENAVENTURA kayang nakalagay sa malaking gate.

    “Pinamili ko yung baby ko ng gatas tsaka pagkain. Hehe.” Sabi ni April.
    Tumango ako, “Sorry wala akong dala. Di bale, sa susunod-“
    “Naku! Wa’g ka ng mag-abala. Lagi naman akong binibigyan ni Jacob tsaka Jasmine. Binibisita nila ako sa bahay.”

    WHAAAT? Okay. Parang mejo natinag yung magandang vibes ko sa sinabi ni April. Natahimik ako.

    “Uhmm. Rosie, okay lang ba talaga sayong mag kasama si Jasmine at Jacob?” Tanong niya.
    “Huh? B-Bakit?”
    “Uhmm… Wala lang naman. Uhmm. Kasi kung ako nasa lagay mo, hindi ko siguro makakaya.” Ngumiti siya. “Ang taas ng tingin ko sayo dahil diyan.”
    Ngumiti din ako, “Syempre, di maiiwasan yung mga selos, diba? Pero iba si Jacob… Nagagawa niyang pawiin ang selos ko. Tsaka hindi naman siya mag chi-cheat. Kilala ko siya. Mahal na mahal niya ako.”
    Napalunok si April, “Alam ko.”

    Nagkatinginan kami.

    “O, andito na pala tayo.” Sabay turo niya sa malaking gate na may Rosie Buenaventura.
    “Wow! O sige… Salamat, April! Manong, salamat! Eto po bayad ko tsaka ni April. Keep the change.” Sabi ko sabay labas ng tricycle.
    “Naku! Salamat, Rosie!” Sabi ni April.
    “Salamat din! Ingat ka!”
    “Ikaw din! Good luck!” Kumaway siya at umalis na ang tricycle.

    Hinarap ko ang malaking gate at huminga ng malalim.

    Kinawayan ko ang nagbabantay na security guards pero nakasimangot sila sakin.

    “Sino ka? I.D?”

    SHET!

    “Rosie Aranjuez.” Sabi ko sabay abot ng I.D. ko.

    Tinitigang mabuti ng guard ang mukha ko sa I.D at mukha ko sa harap niya.

    “Okay, pasok.” Aniya.
    “Uhmm.. Salamat.” Kinuha ko ang I.D. “Nasan po si Jacob?” Tanong ko.
    “Nandoon sa office.” Sabay turo niya sa office.

    Agad akong pumunta sa sinabi ni manong guard. Busy ang buong trucking. Maraming trucks. Hinanap ko pa talaga yung truck na pinagdausan nung milagro namin ni Jacob noon. Uminit ang pisngi ko nang nakita ko yun. Ang weird sa pakiramdam.

    Dumiretso na lang ako sa office.

    Kakatok sana ako pero hindi sarado ang pintuan. Bahagyang nakabukas ang pintuan kaya sumilip ako.

    Nanlaki ang mga mata ko nang nakita si Jacob at Jasmine na nagyayakapan. Naramdaman kong unti-unting gumuho ang mundo ko. Gumuho ang puso ko. Sumakit, kumirot at nahulog ang puso ko sa nakita ko.

    No. This is impossible.

    “Jacob…” Hinarap ni Jasmine si Jacob.

    Nakangiti pero umiiyak si Jasmine na katingin kay Jacob. Napaawang ang bibig ni Jacob at diretso ang tingin niya sa mga mata ni Jasmine. He looked so stunned. WHAT THE FVCK IS HAPPENING?

    “Salamat talaga… Salamat. Maraming salamat.”

    Napatalon ako nang nilagay ni Jasmine ang kamay niya sa leeg ni Jacob at walang pasubaling hinalikan ang labi ni Jacob. Malagkit at mejo matagal. Hindi naman french kiss pero nandiri ako sa sobrang tagal.

    “Thank you, Jacob. I love you…”

    Nakita ko ang windang na ekspresyon ng mukha ni Jacob.

    “Pero-“
    “Shhh!” Pinutol siya ni Jasmine.

    Nanginig ang paa ko. Gusto ko silang sugurin pero nanghina ako. Gusto kog awayin si Jasmine at sumabatan si Jacob pero nanghina ang mga paa ko. Hinintay ko na magalit si Jacob dahil sa sinabi ni Jasmine pero hindi niya ginawa. Tumunganga lang siya dun. Tumunganga silang dalawa. Pareho silang nag isip sa susunod na gagawin nila.

    Pero bakit, Jacob? BAKIT? ‘Pero may girlfriend na ako?’ Ibig sabihin pag wala kang girlfriend, okay lang? KAYO NA?

    BAKIT TUMUNGANGA LANG SIYA? KUNG HINDI NIYA GUSTO SI JASMINE, SABIHIN NIYA NG HARAP-HARAPAN!

    “I love you, Jacob.” Inulit ni Jasmine.

    Napapikit ako. Bakit wala kang masabi, Jacob? Bakit hindi ka nagagalit? Bakit wala kang maireact?

    Tumakbo na lang ako. Ayoko na. Kung ako ang mahal ni Jacob, babalik siya sakin. Pero kung mahal niya talaga ako, dapat nung sinabi pa lang ni Jasmine na mahal niya si Jacob, agad niya na akong binanggit. Hindi eh. HINDI! Nag isip pa siya ng mabuti! Ni hindi niya ako binanggit kay Jasmine!

    “Miss… Nasa loob ba yung girlfriend ni Sir Jacob?” Tanong ng isang driver sakin.
    “OO! Nasa loob!” Sigaw ko at inirapan silang lahat sa gitna ng pag iyak ko.

    TANGINA! Bakit walang nakapagsabi sakin na girlfriend niya na pala si Jasmine? Dapat di yan ROSIE BUENAVENTURA! DAPAT JASMINE BUENAVENTURA! Patakbuhin niyong dalawa yang trucking niyo! Mga lintek! Mga walang hiya! Aalis na ako dito. Aalis na ako kay Jacob! Iiwan ko na siya! Umasa akong wala talaga pero imposibleng wala gayung naghalikan sila at nagkaaminan pa. Alam kong di umamin si Jacob pero silence means yes, bullsh1t! MAGSAMA SILANG DALAWA!

  • Kabanata 23Open or Close

    Kabanata 23
    Ang Sakit

    Nakatulog ako sa bus dahil sa kakaiyak. Nanatiling naka-off ang cellphone ko hanggang sa nakarating na ako sa Manila. Wala akong planong tignan kung nagtext o tumawag ba si Jacob. Hindi rin ako sigurado kung may magbabanggit ba sa kanyang nanggaling ako doon. Tanging mga empleyado at si April lang ang nakakaalam na nanggaling ako doon.

    Ginabi ako sa bus at madaling araw akong nakabalik ng Maynila. Sabado na at may ramp na ako mamayang 3PM pero kailangan nasa backstage na ako by 12. Uuwi muna ako para maligo at magpaliot ng damit. Buong byahe, wala akong kinain. Isang araw yata akong walang kinakain. Hindi naman ako ginugutom sa nangyari.

    Namumugto din ang mga mata ko. Ayokong magtagal sa bahay at baka dalawin lang ako ng hinagpis doon. At pag nagdesisyon si Jacob na umuwi sa weekend na ito, baka magpunta siya sa bahay dahil wala ako sa kanila. Ayoko muna siyang makita. Gusto kong magpalamig. Kasi pag magkita kami agad, baka kung ano pang masasakit na salita ang masabi ko sa kanya. Alam kong kailangan naming mag usap pero wa’g ngayong naiisip ko pa yung halikan nila ni Jasmine.

    “Rosie?” Kinatok ako ni Maggie sa banyo.

    Madaling araw akong dumating kaya hindi niya namalayan. Ngayon lang siya nagising na nasa banyo na ako.

    “Kasama mo ba si Jacob?” Dinig ko ang ngisi niya sa tanong niya.
    “HINDI!” Sigaw ko.
    “A-Ah? Nasan siya?”
    “Nasa Alegria!” Sabi ko at nilakasan ang shower.

    Hindi na ulit nagtanong pa si Maggie. Nang natapos akong maligo, nagbihis na agad ako at nag impake na naman ng damit para mamayang gabi. Sasama din ako sa party nila mamayang gabi.

    “Rosie,” Sambit ni Maggie habang inaayos ko yung bag at sinusuklay ang buhok.

    Magpagupit kaya ako? Madaling-araw parin ngayon at pag aalis ako dito ng ganitong oras, wala akong mapupuntahan.

    “Saan ka pupunta? Okay ka lang ba? Anong nangyari sa pagpunta mo ng Alegria?”
    Umirap ako, “Obviously ang nangyari ay bumalik agad ako dito.”
    “Bakit nga? Nag-away ba kayo?”

    Hindi ako nagsalita.

    “Mag, magpapaspa lang ako para sa ramp mamaya. Saan ba maganda? Massage, spa, salon at kung ano pa… Saan maganda?”
    Napakunot ang noo ni Maggie sa tanong ko, “Sa ganitong oras magpapa spa ka?”
    “Oo. Saan?”
    “Try mo na lang sa Vanity Works. May problema ba?”
    “Salamat.”

    Binalewala ko ang tanong ni Maggie. Atat na akong umalis dito. Baka mamayang 6AM ay dumating na si Jacob sa bahay nila. Pag nakita niyang wala ako doon, susugod yun dito. YUN AY KUNG MAHAL NIYA PA AKO! Kung hindi, baka hindi na yun mag aabalang hanapin pa ako. O baka nga hindi na yun mag-aabalang umuwi pa dito.

    Hindi ko sinunod ang payo ni Maggie na sa Vanity Works magpa-spa. Kung sakaling umuwi nga si Jacob dito, magtatanong yun kay Maggie kung nasan ako at alam niyo naman yung kapatid kong iyon, paniguradong sasabihin niya kay Jacob ang buong detalye.

    Pumasok ako sa mas mahal na spa. Doon ako nagpalipas ng oras. Nagpa-massage, nagpatreatment, nagpatrim ng buhok, at kung anu-ano pa. Naiisip ko parin yung nangyari sa Alegria. Iniisip ko parin si Jacob. Umaasa parin akong may explanation siya pero hindi ko alam kung paano niya ieexplain sakin.

    “Rosie, hindi agad ako nakagalaw kasi kaibigan ko siya, ayaw ko siyang saktan.”

    That’s just bullsh1t! Kung kaibigan ko ang hahalik sakin, okay lang ba? Pero naisip ko ring nahalikan na ako ni Callix sa harap ni Jacob noon. Nasaktan siya pero tinanggap niya parin ako. Nahalikan na rin si Jacob ng ibang babae noon, hindi ko nga lang nakita pero nasaktan parin ako. Tinanggap ko parin kasi mahal ko siya. Ngayon, tatanggapin ko na naman ba? Hindi. May kaibahan sa sitwasyon noon at ngayon. Dahil ngayon, kami na, ngayon, alam na ng lahat na kaming dalawa lang dapat ang para sa isa’t-isa.

    Naiinis ako kay Jasmine. Alam niyang kami na ni Jacob. Kung mahal niya nga si Jacob at may respeto siya samin, dapat hindi niya na lang sinabi at ginawa iyon. Alam kong aabot talaga sa point na gusto mong malaman ng taong mahal mo ang nararamdaman mo para sa kanila pero dapat siyang lumugar.

    At itong si Jacob naman… ewan ko. Ano kayang pumasok sa kokote niya? Naiinlove na ba siya kay Jasmine kaya di siya nakapagreact. Alam kong mabait siya pag naging close niya na ang babae pero dapat simula pa lang sinabi niya na agad yung nararamdaman niya. Yakap pa lang ni Jasmine, iniwasan niya na. Pero hindi… humantong pa sila sa halikan at aminan.

    Tangina!

    “Rosie?”

    Napatalon ako habang nagbabayad sa cashier. Mag aalas-onse na nang natapos lahat ng ginawa ko sa spa. Kailangan ko na lang kumain saka ako aalis papuntang mall para makapagmake-up para sa ramp.

    Naaninaw ko ang nakangising mukha ni Brandon. Naka itim siyang shorts at itim na t-shirt.

    “Malayo ka pa lang nagustuhan na agad kita. Kaya ito at nagpapaka stalker ako. Sabi ko sa sarili ko, ‘finally, may ibang babaeng nakaagaw ng atensyon ko bukod kay Rosie.’ Tapos ngayon, eto? Ikaw parin pala!? You’re just too pretty.” Nihead-to-foot ako ni Brandon.

    Napangisi ang cashier at yung ibang nagbabayad sa sinabi ni Brandon.

    “Tumigil ka nga. Wa’g kang mag eskandalo dito.” Sabi ko sabay kuha ng sukli ko.

    Linagpasan ko siya para makalabas na ng spa pero hayun at sinundan parin ako nang nakangiti. Masyado talagang eskandaloso itong si Brandon.

    “Balik ka ulit Mr. Rockwell.” Sabi ng mga taga spa sa kanya.
    “Sure thing.” Kumindat siya sa kanila at bumaling ulit sakin.
    “Ba’t ka andito?” Tanong ko.
    “Nasa taas ako. Nag ji-gym. Ikaw?” Tumawa siya.
    “Nagpapaspa.”
    “Whoa! Kaya pala blooming na blooming ka. Nagpaayos ka rin ba ng buhok mo?”

    Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya.

    Ok. Nangungulila ako kay Jacob at ayaw kong may maging panakip-butas. Pero hindi ko maideny na nakakapagpalubag ng loob si Brandon. Pinupuri niya ako sa mga panahong pakiramdam ko ako ang pinakapangit na babae sa mundo. Kung talagang pinagpalit nga ako ni Jacob, ibig sabihin, mas nagustuhan niya si Jasmine sakin. She’s better, prettier, more interesting at kung anu-ano pa.

    Nginitian ko si Brandon. Nanlaki ang mga mata niya sa ngiti ko.

    “Finally, you responded!” Ramdam ko ang kasiyahan niya sa ngiti ko.
    “Brandon, sige na, maiwan na kita. Kakain lang ako. Kita na lang tayo sa backstage mamaya.”
    “NO! Kakain tayo ng sabay. Ililibre kita.”
    “Brandon-“
    “Please, Rosie… Ngayon lang naman ‘to. Pero kung gusto mong ulitin, I won’t mind. Pagbigyan mo lang ako ngayon.”
    “Brandon…” Umiling ako.

    Hindi tama ito. Baka anong sabihin ni Jacob.

    Teka… Bakit ko ba yun iniisip? Ni minsan ba tinanong ni Jacob sa sarili niya kung anong iisipin ko sa kanila ni Jasmine. Alam ko na kahit sasama ako ngayon kay Brandon, si Jacob parin ang mahal ko. That’s not cheating. Yung cheating ay yung pagmamahal mo ng iba. Magkasama man kami ni Jacob, pero kung ang iisipin niya ay si Jasmine sa buong pagsasama namin, nag chi-cheat parin siya.

    Hindi naman palaging nakikita yung pag chi-cheat. Minsan, sumasama ka sa iba pero hindi ka nag chi-cheat kasi alam mo kung sino ang tunay na mahal mo. Sana nga lang ganun ang ginagawa ni Jacob sakin. Sana nga kahit na magkasama sila ni Jasmine, ako yung iniisip niya.

    BULLSH1T! Sinong binibiro mo, Rosie? Nahuli mo na ngang naghahalikan, nagkukunwari ka pa diyan.

    Nagbara ang lalamunan ko. Nilunok ko na lang ang nagbabantang luha at sinagot si Brandon.

    “Sige, libre mo ah.” Sabi ko.

    Nalaglag ang mga panga niya sa sinabi ko. Tumalon pa talaga siya sa sobrang saya.

    “Saan tayo?” Tanong niya nang nakangisi.
    “Dito na lang sa malapit. Ginugutom na talaga kasi ako.”

    Tumango siya at nagsimula na kaming maglakad papunta sa isang restaurant malapit dito sa spa.

    Tahimik ako pero mejo maingay at madaldal siya.

    “Akala ko talaga hindi ka sasama. Grabe! Sobrang saya ko! Hindi b-ba magagalit yung boyfriend mo s apagsama mo sakin? Tsaka… sasama ka ba mamaya?”

    Tinignan ko ang mga pagkaing nilalapag ng waiter. Light lang yung inorder ko kahit na hindi ako kumain kahapon. Wala parin kasi talaga akong gana pero hindi na ako bata para hayaan ang sarili kong magutom. Kailangan kong kumain lalo na’t may ramp akong gagawin.

    “Sasama ako mamaya.” Simple kong sinabi.

    Natahimik siya. Kumakain na kami pero nakatitig parin siya sakin.

    “May problema ba kayo ng boyfriend mo?”
    Umiling ako nang di siya tinitignan.
    “Is he cheating on you?”

    Padabog kong binitiwan ang kutsara at uminom ng tubig.

    “Hindi, Brandon. Let’s just eat.” Sabi ko.

    Humalukipkip siya at bumuntong-hininga.

    “Hindi ko maintindihan kung bakit binalewala lang ng iba ang pinapangarap ko.” Umiling siya. “Kung sana ako yung boyfriend mo, pipikutin kita agad at ipapangako ko sayong magiging loyal ako. Hinding hindi ako titingin sa iba. Wala ka dapat ipangamba.”
    “Brandon, wa’g na nating pag usapan ‘to.”
    Tumango siya at ngumuso, “Okay. I respect your privacy pero wa’g mong isiping wala akong pakealam sa problema mo. Concerned ako kaya di ko maiiwasang di magtanong.”

    Hindi na ulit ako nakipagtalo hanggang sa natapos na kaming kumain.

    “Sabay na tayo sa backstage.” Aniya habang naglalakad kami papunta sa sasakyan namin.

    Gusto ko sanang tumanggi at magcommute na lang papuntang mall kasi malapit lang naman iyon dito. Kaya lang pakiramdam ko useless na. Wala na akong lakas para tumanggi at makipagtalo pa sa kanya.

    Binuksan niya ang pintuan at pumasok ako sa loob ng walang pag-aalinlangan.

    “Pwede bang mahingi ang number mo?” Tanong niya habang nagdi-drive.

    Sinulyapan ko siya at inisip na nakapatay ang cellphone ko. Sa ngayon, kung may feelings parin si Jacob sakin, nag-aalala na yun. Isang araw na kaming di nakakapag-usap.

    “Uhmm.. Lowbat ako. Tsaka… Baka magchange number ako.” Napalunok ako sa sinabi ko.
    “Lowbat ka? Hindi ka ba marunong mag charge? O may iniiwasan kang tao?” Nanliit ang mga mata niya.

    Hindi ako umimik. Nakatingin lang ako sa kalsada. Nagpapark na siya sa carpark ng mall. Bumuntong-hininga ako nang tumigil sa pag andar ang sasakyan niya.

    Hindi narin siya umimik pero nakamasid parin ang mga mata niya sa bawat kilos ko. I admire him for respecting my privacy. Hindi niya pinipilit kung ayaw ko. Tahimik kaming dumating sa backstage. Narealize ng lahat ang pangyayari – na magkasama kaming dumating. Inintriga agad kami at binato ng maraming tanong.

    “Wala… Nagkita lang kami sa gym kaya nagkasabay kami dito.” Sagot niya sa lahat ng nagtatanong.
    “WEEEH? Nagkita? Sa dami ng gym dito, magkikita pa talaga kayo?”
    Tumawa siya sa mga banat nila, “Kasalanan ko bang we’re meant to be?”
    Nagtawanan sila.

    Binalewala ko na lang. Pati yung mga nagtatanong sakin. Sinasagot ko lang sila ng sagot ni Brandon. As usual, hindi sila naniniwala. Gusto nilang mag isip na may mas malalim na dahilan pa. Na nag co-communicate kaming dalawa at nagkakadevelopan na. Mga ilusyunada. Wala ako sa mood para makipagtalo sa kanila. Wala akong iniisip kundi si Jacob. Minake-upan na ako ng make-up artist at pinuri na ako ng iba sa pagiging blooming ko.

    Inaayos ko ang damit ko at naghintay ng go signal ni Kira nang biglang dumating si Brandon soot-soot ang damit niyang half-open ang mga butones.

    “You’re such a big loss… Kung iwan mo ang boyfriend mo, kawalan ka para sa kanya…”
    Napalunok ako, “Kawalan siya para sakin.”
    Kumunot ang noo niya, “Hindi… Siya ang mawawalan, Rosie. Don’t you get it? Minsanan lang ang babaeng loyal ngayon. Yung all in one package: maganda, loyal, loving, maalaga sa katawan at mataray.” Tumawa siya.
    Tumaas ang isang kilay ko habang tinitignan siya.
    “Sorry, yun kasi yung ideal girl ko. At minsan lang ang tulad mo kaya hindi ko maiwasang manghinayang. Well, it’s an advantage for me kung iwan mo siya.” Ngumisi siya.
    “Hindi ako ang mang-iiwan dito. Wala sakin ang desisyon, Brandon. Nasa kanya.” Nabasag ang boses ko sa huling sinabi ko.

    “Oh, sh1t! Yung make up!” Sabi ko sabay paypay sa sarili ko.

    Ayokong hawakan ang mga mata ko. Baka masira ko ang make up ko.

    Lumapit si Brandon sakin para punasan ang luha ko.

    “Ako na…” Aniya at marahang pinunasan ang mga luha ko.

    Mas lalo lang nanikip ang dibdib ko sa ginawa niya.

    “Don’t comfort me… Mas lalo akong naiiyak.” Sabi ko sabay atras.

    Napalunok siya at tinignan ako na parang kahit anong oras ay pwedeng mabasag. Ilang sandali ang nakalipas, nang napakalma ko na ang sarili ko, biglang sumulpot si Karl sa backstage.

    Busy ang lahat sa pag mi-make up. Mabilis kasi akong natapos kaya nandito lang ako at nakatayo malapit sa pintuan kasama si Brandon. Tulala ako, samantalang nakatitig siya sakin.

    “Okay!!! Sige na, ready! In 5… 4… 3… 2… 1… PASOK!” Sigaw ni Kira.

    Nagsimula na ang ramp. Sinilip ko ang stage at nakitang maraming tao. Hindi ko alam kung bakit sinuyod ko ang stage para tignan kung nandoon ba si Jacob. Nabigo ako nang nakitang wala siya. Inisa-isa ko ang bawat ulong nakatitig sa stage, talagang wala siya.

    DAMN! Bakit ba ako umaasa? Nahahabag na naman ako habang iniisip kong umaasa ako sa wala.

    Pumasok na sina Jamie at sina Angela.

    Tatlong minuto na lang at kami na ang papasok. Tinignan ko ulit ang madla, sinuyod ulit at nagbakasakaling nakarating na siya… WALA PARIN.

    Hindi ko naman alam kung masisiyahan ba ako kung nanonood siya. Sa galit ko sa kanya, pakiramdam ko ipagtatabuyan ko parin siya pag nandito siya. Lalo na pag makikita ko ang labi niyang hinalikan ni Jasmine. Ang pagtunganga niya sa harapan ng umaasang si Jasmine. Tangina!

    “Brandon!”

    Napatalon ako sa sigaw ni Kira.

    “Y-Yepp! here I come!” Sabi ni Brandon at lumabas na sa stage.

    Ako na ang susunod kay Brandon. Nag exercise ako sa pagngiti dahil masyadong stressed ang mukha ko sa kakasimangot. Inayos ko ang buhok ko at inisip na kung makita ko si Jacob paglabas ko ngayon, hindi ko siya kakausapin. Tangina siya! In love na in love ako sa kanya pero ganun ganun lang ang gagawin niya. I’ll be the best girl he’ll never have. You’ll regret this, Jacob.

    “Rosie!”
    “Yes, Kira!”

    Mabilis akong pumasok. Sa kauna-unahang pagkakataon, hindi ako kinabahan sa stage. Nakangisi ako at nakataas ang isang kilay habang naglalakad sa stage. Narinig kong sumipol ang ibang nanonood. Nginitian ko ang bawat sumigaw at sumipol sa paglabas ko. Pabalik na si Brandon nang nakarating ako sa harapan. Kinindatan niya ako at kinindatan ko rin siya.

    Nag pose ako… 1… 2… Then…

    May biglang tumalon galing sa audience papuntang stage. Mas matangkad siya sakin. Sa sobrang bigla ko, halos mahulog ako sa stage pero hinawakan niya ang braso ko. Tumingala ako para makita si Jacob na seryoso ang mukha.

    “Kailangan nating mag-usap.” Aniya.

    Nabunutan ako ng tinik pero malakas ang pintig ng puso ko sa sobrang kaba sa nangyari.

    “Not now, Jacob!”

    Narinig kong may humiyaw sa mga audience. NAG EESKANDALO NA NAMAN SIYA SA HARAP NG MADLA!

    Kailangan naming mag-usap? Pinroseso ng utak ko ang pambungad na sinabi niya. Mag uusap kami? Ito na ba yung pag uusapan namin yung feelings niya para kay Jasmine? Kung talagang ako yung pipiliin niya, susugurin niya ako dito pero hindi niya ipagpipilitan ang pag uusap naming dalawa kasi kailangan niya lang namang ireassure ako!

    Dumapo ang kaliwang kamay ko sa pisngi niya. Sa sobrang lakas ng pagkakasampal ko sa kanya, napaatras siya sa ginawa ko.

    “ROSIE!” Sigaw niya.

    Pero bago niya pa ako masumbatan ay tinulak na siya ni Brandon.

    “Nag eeskandalo ka na, ‘tol. Back off.”

    Nakita kong kumuyom ang panga ni Jacob sa inis. Bakit… Bakit sa bumibigay ako sa ekspresyon niya ngayon? Bakit lumakas at bumilis ang pintig ng puso ko ngayong nakikita ko siyang galit at nahihirapan habang tinitignan si Brandon.

    “Let’s go, Rosie!” Sigaw ni Brandon at hinila ako.

    Tinignan ko si Jacob. Tumingin din siya sakin.

    “Rosie!” Sigaw nina Jamie at nina Kira sa loob ng stage.

    Napatingin ako sa labi niyang hinalikan ni Jasmine. Naisip ko lahat ng pagtitimpi ko noong nakaraang linggo. Naisip ko yung sagot niya kay Jasmine. Naisip ko yung magtahimik at pagtunganga niya pagkatapos ng halikan nila ni Jasmine. Naisip ko ang pagyayakapan nila. Naisip ko ang linya niyang gusto niya akong makausap. At para saan? Malamang para sa nalalapit naming break up.

    “Goodbye, Jacob.” Sabi ko at tinalikuran siya.

    Tumakbo ako papuntang backstage habang umiiyak. ANG SAKIT. Gusto ko na lang kalimutan ang lahat pero alam kong hindi ganun ka dali. At tingin ko, hindi ko talaga magagawang kalimutan pa. I love Jacob so much.

  • Kabanata 24Open or Close

    Kabanata 24
    Handa akong magparaya

    Naiiyak ako buong oras na kasama ko sina Jamie. Tahimik sila at hindi nila ako masyadong binabagabag. Tapos na akong nag apologize kay Ms. Bubbles. Tinanggap niya pero pinagsabihan akong dapat kinausap ko si Jacob. Baka sakali dawng di niya yun ginawa kung nagkausap lang kami ng maayos.

    Sa ngayon, nag-aalab pa ang galit ko. Ayaw ko muna siyang makausap. Baka mamura ko lang siya sa inis ko. Alam ko, nagpaalam na ako sa kanya. At sana… sana lumayo muna siya… Dahil sa ngayon, para akong bomba na sasabog na lang kahit anong minuto.

    “Rosie, sama ka?” Tanong ni Angela nang nakangiti saakin.

    Siya lang yata ang nagkalakas loob na tanungin ako. Nakikita ko si Brandon, nakaupo lang siya sa isang gilid at wala ring pinapansin. Pareho kaming dalawa. Hindi ko nga lang alam bakit ganyan ang reaksyon niya.

    “Oo naman.” Pinilit kong ngumiti pero awkward na ngiti lang ang nagawa ko.
    “O, guys, game daw siya!” Nakangiting tawag ni Angela sa kanila.

    Nginitian ko sila isa-isa pero di rin nagtagal ay napalitan parin ang ngiti ko ng simangot. Damn!

    May dalawang oras pa bago kami pupunta sa bar. Saka na daw kami pumunta pag nasa gitna na ng party kasi mas masaya. Tapos na rin kaming naghapunan dito. Kanina pa kami nakaupo dito sa Candy’s at nagpapatay ng oras.

    “Shots na lang muna tayo habang naghihintay?” Sabi ni Dennis, yung isang model sa finale (kanina ko pa nalaman kung ano ang pangalan niya).

    Sumang-ayon naman silang lahat at umorder ng mga beer at hard drinks.

    Hindi naman talaga ako heavy-drinker kasi hindi ako nasasarapan sa lasa ng liquor. Kaya lang, dahil sa pait at hapdi ng naranasan ko this past few days ay parang naging tubig lang ang lasa ng lahat.

    “Hinay-hinay lang, Rosie.” Sabi ni Brandon habang iniinom yung beer niya.

    Hindi siya nakisali sa inuman ng hard drinks. Pero pinagmamasdan niya akong mabuti habang umiinom ako ng bawat shot.

    Napapikit ako sa sobrang tapang ng iniinom ko. Patay, dapat hinay-hinay lang ang pag-inom. Hindi pa naman ako sanay baka malasing ako ng wala sa oras… wala pa naman si Jac-. UGH! Ayan na naman. Eto na naman ako. Hindi ko na naman kayang isipin man lang ang pangalan niya.

    Nilagok ko ang isa pang shot. Hindi ko na alam kung pang-ilan na ‘to. Naiisip ko parin kasi yung pagyayakapan ni Jac- at Jasmine. Yung niyayakap siya ni Jasmine at unti-unting pag tapik niya sa balikat niya. Yung paghaharap nila nang umiiyak si Jasmine. Hindi ko mawari kung ano ang nararamdaman at iniisip ni Jac- sa mga puntong iyon. Ang alam ko lang, si Jasmine ang tanging nasa loob ng utak niya nun at posibleng maging pati sa puso. Tapos yung nakakapanlumong halik naman ang nakikita habang nakapikit ako ngayon.

    Nanlaki ang mata ni Jacob habang hinahalikan siya ni Jasmine. Nakatunganga lang siya. Hindi niya itinulak o pinagalitan man lang sa paghalik. Tumunganga lang siya dun at nabigla habang ginagawa iyon ni Jasmine.

    Bakit? Kasi maganda si Jasmine, mas magaling sakin sa halos lahat ng bagay kaya pagbibigyan niya. DAMN! DAMN! Tangina! I knoooow… Hindi mabuti itong mga iniisip ko. Pero hindi ko alam kung matatanggap ko ba ang kahit anong dahilan ni Jac- sa nangyari. Nagtimpi ako. Pinilit ko ang sarili kong wa’g mag isip ng masama kahit na punong-puno na ako ng pagdududa at bigla ko na lag silang nakitang ganun ang ginagawa. Mabuti na lang at di ako nagpakita, baka hindi ko masaksihan ang kataksilang ginawa ni Jac- kung agad akong nagpakita. Baka hindi ko naabutan yung halik!

    Nilagok ko ulit ang isang baso.

    “TARA NA GUYS!”

    What? It’s been two hours? Talaga? Hindi ko namalayan ang panahon ah?

    “Okay ba tong soot ko?” Tanong ni Jamie habang inaayos ang puting dress niya.
    “Oo naman, magkakulay pa tayo.” Sabi ko habang iniinda ang sakit ng ulo ko.

    Umiikot na yung mundo ko pero patuloy ako sa paglalakad.

    Tumawa si Jamie, “Oo nga! Tignan mo si Angela, nakawhite din!” Tumawa ulit siya.
    “Oo, pero itong si Riza at Kian kung makapaglampungan alam na alam ng red eh.” Hindi ko masyadong na gets yung sinabi ng kaibigan ni Jamie.

    Ah, siguro dahil sa alak ito. Binalewala ko na lang ang lahat at inayos ang pagalalakad ko.

    Sumakay kami sa sasakyan ni Brandon. As usual, ako na naman ang pinag front seat nila. Wala rin naman akong pakealam kasi hindi naman ako masyadong kinakausap ni Brandon. Mukha pa nga siyang galit. Padabog pa siya kung makapagmaneho at tuwing tinitignan ko siya ay naiirita lang siya.

    “Anong problema mo?” Tanong ko.
    “Wala.” Aniya pero diretso ang tingin niya sa kalsada.

    Nagtatawanan naman sina Jamie sa likuran habang pinag-uusapan yung mga naka-red sa kabilang sasakyan. Nandun sina Kian at Riza na wagas daw kung makapaglampungan.

    “We’re heeeere!” Sigaw ni Angela nang nakarating na kami.

    Ngayon ko lang narealize na nakaputi pala kaming lahat dito sa sasakyan ni Brandon. Nakaputi din si Brandon. Hindi ko inaasahang ganito ang magiging soot namin. Usually kasi pag night out, black yung mabenta. Kaya nagputi ako sa ngayon dahil nababanas ako sa kakablack tuwing night out.

    Bumaba kami sa sasakyan ni Brandon. Nagtatawanan parin sina Angela at Jamie. Natapilok pa ako sa isang gutter.

    “ROSIE! Mag ingat ka naman!” Sigaw ni Brandon.

    Binigyan ko siya ng masamang tingin. Umiling siya nang nakita ang titig ko. Umirap ako at ngumisi ulit kina Angela at Jamie. Parehong may amats na ang dalawang ito.

    “Let’s go guys!” Sigaw ni Angela.

    Sumunod ako. Sumunod din si Brandon sakin at ang iba pa naming mga kasama.

    Tinatakan kami ng bouncer ng isang tatak na may nakalagay ‘Status Party’. Pumasok kami sa loob. Tama sila, masaya ngang dumating pagkalagitnaan na ng party. Maingay na at marami nang nagsasayawan.

    Bumuntong-hininga ako. Gusto ko ng personal space. Pagkapasok namin ay agad nang nawala sina Jamie at Angela sa sayawan. Ako naman ay patuloy na tinatahak ang masikip at mataong daanan. Gusto kong humanap ng gilid na pwedeng pagtambayan ng di iniistorbo.

    Nawindang ako nang may nakita akong isang malaking tarp na may nakalagay na “STATUS PARTY 3″

    STATUS PART 3
    WEAR YOUR STATUS:
    WHITE means you’re single
    RED means you’re in a relationship
    BLACK means it’s complicated
    BLUE means you’re married
    Pink means you’re in an open relationship.

    Nalaglag ang panga ko at tinignan ulit ang soot kong puting dress. SHET! Lumingon ako sa likuran at nakita kong nakasimangot na sumusunod si Brandon sakin, pareho kaming puti ang soot.

    YOU GOT THE WRONG IDEA! Of course, winindang ko si Jac- sa ‘Goodbye’ ko pero damn, hindi pa ako single!

    Gusto kong iexcuse ang sarili ko pero alam kong di ako maririnig ni Brandon unless bulungin ko sa kanya dahil masyadong maingay kaya lumiko na lang ako at umalis.

    PERO LINSYAK NA BUHAY! Nakita kong natigilan si JACOB BUENAVENTURA at nakahalf-open ang bibig niya habang pabalik-balik ang tingin niya kay Brandon at sakin. Nakita kong naka kulay blue siyang t-shirt. ALAM NIYA ANG IBIG SABIHIN NG MGA KULAY NG DAMIT NAMIN KAYA NAPATINGIN NA RIN SIYA SA DAMIT NA SINUSOOT KO.

    Kinagat ko ang labi ko at lumiko ulit. Imbes na lumiko ako ay nabangga ako sa isang waiter. Mabuti na lang at sinalo ako ni Brandon kung hindi ay humandusay na ako sa sahig. Umiikot na nga ang mundo ko, mababangga pa ako. Sh1t!

    “Ayos ka lang ba, Rosie?” Bulong ni Brandon habang tinatayo ako.
    Tumango ako at pinagsamantalahan ang pagkakataong sabihin sa kanya ito, “Excuse me.”
    Tumango siya at binitiwan ako.

    Umalis ako at pumunta sa gitna ng dancefloor.

    May humila sa kamay ko. Akala ko si Brandon yun pero nang hinarap ko na ay nakita ko ang nakakuyom na panga ni Jacob. I know this expression, galit na galit siya.

    “ANO BA!?” Sigaw ko para marinig niya.

    Biglang nag-iba ang tunog ng trance music sa buong bar. Parang nagsisimula ng bagong kanta. Halo ng kantang Titanium at isa pang magandang beat. Mas lalo ring bumilis ang takbo at sayaw ng lights sa buong bar at napasigaw ang mga sumasayaw sa sobrang excitement. Parang nasa peak na ng party.

    Nawala ako sa titig ni Jacob. Kitang-kita ko ang buong mukha niya sa gitna ng mabilis at pa-iba-ibang kulay ng lights sa dancefloor.

    Inilapit niya ang bibig niya sa tainga ko at binulong, “Single ka na?”

    Napalunok ako. Tumindig ang balahibo ko nang narinig ko ang boses niya.

    “Married ka? Kanino?” Bulong ko sa tainga niya.
    “Kanino sa tingin mo?” Bulong niya pabalik.

    Naramdaman ko ang kamay niyang gumapang sa likuran ko hanggang sa likuran ng leeg ko.

    “Ewan ko, basta ang alam ko, hindi sakin.” Umiling ako at naramdaman kong nag alab ang galit na nararamdaman ko.

    Hinawi ko ang kamay niya. Nakita kong nalaglag ang panga niya sa ginawa ko.

    Nakita kong kumuyom ulit ang panga niya sa sinabi ko.

    “Bakit, Rosie? Are you in love with someone else?”

    Sinapak ko siya at tinulak palayo sakin.

    Gusto kong sumigaw. Gusto ko siyang sigawan pero ayaw kong mag eskandalo sa harap ng mga tao.

    AKO PA NGAYON ANG INLOVE SA IBA!? TANGINA IKAW ITONG NAKIPAGHALIKAN SA IBA!

    “Jacob, layuan mo na si Rosie!” Sigaw ni Brandon.

    Walang pasubaling sinuntok ni Jacob nang dalawang beses si Brandon. Sumigaw ang mga tao. Kitang-kita ko ang galit sa mukha ni Jacob. Napahawak si Brandon sa labi niya habang humandusay siya sa sahig ng nakatingala kay Jacob.

    Dinaluhan ko agad si Brandon.

    “Tangina! Tagal ko ng gustong gawin sayo yan! Subukan mong sumawsaw ulit samin, hindi lang iyan ang aabutin mo-“
    “TUMIGIL KA NGA, JACOB!” Sigaw ko.

    Bumaling si Jacob sakin. Mabilis ang paghinga niya habang galit akong tinignan.

    Nanliit ang mga mata niya at naglahad ng kamay sakin.

    “Rosie, umuwi na tayo.”

    Nanginig ang buong sistema ko. Bumalik sa dati ang reaksyon ng mga tao. Para bang walang suntukang nangyari… Patuloy silang sumasayaw. Unti-unting tumayo si Brandon.

    “Kung gusto niyang sumama sayo, kanina pa dapat siya sumama-“

    Umambang susuntukin ulit siya ni Jacob pero pinigilan ko.

    “Jacob! Tama na sabi!” Sigaw ko.
    Tumigil siya sa kalagitnaan ng suntok niya.
    “Lika na, Rosie.” Marahang sinabi ni Jacob habang hinihintay akong magsalita.
    “Rosie, wa’g ka ng magpaloko sa kanya. Tama na yung isang beses-“
    Pumikit si Jacob at kumuyom ulit ang panga niya.

    Ginulo niya ang buhok niya. Pagdilat ng mga mata niya ay diretso ang titig niya sakin.

    “Tara na, Rosie. Umuwi na tayo. Alam mong di ako aalis dito kung hindi kita kasama… Kaya… umuwi na tayo.”

    Naglahad siya ng kamay. Kinurot ang puso ko. Para bang nawala ang lahat ng galit ko habang tinitignan ang mga mata niya. Nahihirapan siya. Siguro… Siguro… Hindi ko alam kung bakit siya nahihirapan. Maaring nahihirapan siya dahil mahal niya ako at nagseselos siya ngayon kay Brandon, pero maari ding nahihirapan siya dahil may mahal na siyang iba… At sa oras na yun, narealize ko na kahit ano… kahit anong dahilan pa ng paghihirap niya, tatanggapin ko ng buong-buo.

    Mahal na mahal ko siya na kahit hilingin niya sakin ngayong pakawalan ko siya ay papayag ako. Kahit na pagsisihan niya pang nainlove siya sa iba at magsosorry siya sakin, patatawarin ko siya agad at pakakawalan para maging masaya lang ulit siya. Handa akong magparaya. Hindi ako magtatanim ng galit. Pero hindi ko maipapangakong hindi ako masasaktan. Hindi ko maipapangakong magiging masaya ako. Hindi ko maipapangakong mananatili akong kaibigan niya. Wala na akong maipapangako sa kanya.

    Dahan-dahan kong inabot ang kamay niya pero hindi na niya hinintay na mailagay ko ang palad ko. Agad niya na itong kinuha at hinila na ako palabas ng bar.

  • Kabanata 25Open or Close

    Kabanata 25
    Cool off

    Hinila niya ako papuntang parking lot. Kinuha niya sa bulsa ang susi at pinatunog ang sasakyan. Nilapit niya ako sa pintuan ng front seat para sana ipasok pero kinuha ko pabalik ang kamay niya. Naramdaman ko agad ang ang pagkahilo ko sa alak

    “Ano ba, Rosie?!” Sigaw ni Jacob nang hinarap ako. “Ano bang problema mo?”

    “Anong problema ko, Jacob? IKAW!” Sigaw ko. “Ba’t ka nandito? Anong ginagawa mo dito?”

    Handa akong magparaya. Handa ko siyang i-give up. Handa ko siyang pakawalan, pero hindi ko kayang makipagplastikan sa kanya at ngumiti na lang sa desisyon niya.

    “Bakit, ikaw? Anong ginagawa mo dito? Bakit mo ako iniiwasan? Anong problema mo? Mahal mo pa ba ako?” Nabasag ang boses niya sa huling tanong niya.

    Nanghihina ako kaya hindi ko alam kung saang lakas ko hinugot ang sampal na ginawa ko sa kanya.

    Nalaglag ang panga niya sa sampal ko. Nang bumaling ulit siya sakin, nakita kong namuo na ang luha sa mga mata niya.

    “TANGINA, ROSIE! DIRETSUHIN MO NGA AKO, AKO PA BA YUNG MAHAL MO O MAY IBANG LAMAN NA YANG PUSO MO?” Sigaw niya sakin.
    “Tangina ka rin, Jacob! Bakit ako ang tinatanong mo niyan?”

    Lumapit siya sakin, umatras naman ako. Tinulak ko siya para matigil ang paglapit niya sakin.

    “Ako ang dapat magtanong sayo niyan! Diba? Ako dapat!?”

    Ang sakit-sakit na ng dibdib ko. Ang lakas at ang bilis ng pintig ng puso ko. Nanginginig na rin ako sa galit pero hindi ko alam kung bakit hindi ko mailabas ang luha ko. Pero mabuti na rin ang ganun. Dahil ayokong nakikita niya akong umiiyak dito.

    “Bakit mo ako iniiwasan? Bakit nakapatay ang cellphone mo? Bakit wala ka sa bahay pag uwi ko? Bakit ka pumunta sa bar na ito? At bakit mo pinapangalandakan sa mundo na single ka? AT BAKIT MO KASAMA ANG BRANDON NA YUN?” Mabilis at klaro ang pagkakatanong niya sakin nito.

    Kinagat ko ang labi ko at sinimangutan si Jacob. Ngayon lang yata ako nagngitngit sa galit simula nung nag-away kami noon.

    “Kung makapagtanong ka parang wala ka ring ibang kasama sa Alegria, ah? Kung makapagtanong ka parang ang linis-linis mo!? Well, at least kasama ko lang si Brandon! Hindi kami nagyakapan! Hindi kami naghalikan! Tulad ng ginagawa niyo ni Jasmine sa Alegria! Sa likod ko! Habang wala ako! Habang nasa malayo ka! Habang magkasama kayong dalawa…”

    Kitang kita ko ang unti-unting paglaki ng kanyang mga mata.

    “Oh, ano ka ngayon? Hindi mo inasahang nakita ko ang pangyayaring yun! Yes, Jacob. Napadpad ako ng Alegria sa araw na yun at yun agad ang tumambad sa mga mata ko… Sa opisina… naghahalikan. Isang hapon… Na wala ako. Paano na lang kaya sa mga umagang wala ako? Anong ginagawa niyo? MAS MALALA PA SIGURO NIYAN, Diba? Paano sa gabi?”

    Napalunok ako.

    “Paano kayo sa gabi, Jacob? Sige… Sabihin mo.”

    Hinawakan niya ang magkabilang braso ko at niyugyog ako habang nagsasalita…

    “Paano kayo sa gabi? Diba pumupunta siya sa bahay niyo? Sa kwarto mo rin ba? Tapos ano? Nagkadevelopan na kayo?-“
    “Rosie, makinig ka!” Niyugyog niya ang braso ko.
    “Dinala mo rin ba siya sa kubo? May pinag usapan-“
    “PUTANGINA! ROSIE, MAKINIG KA! Magkaibigan lang kaming dalawa!”
    “WOW!” Nanginig ang boses ko habang sarcastic na ngumingisi sa kanya. “Magkaibigan din naman kami ni Brandon ah? Pero di naman kami nagyayakapan at naghahalikan!? Siguro i-try na rin kaya namin yun? Tutal magkaibigan naman kam-“
    “Hindi mo ba nakita yung nangyari?” Nanginig ang boses niya habang pinuputol ako.

    Tinulak niya ako kaya napasandal ako sa pintuan ng sasakyan niya.

    “Tinulak ko siya! Sinabi ko sa kanyang walang pwedeng mamagitan samin! Hindi ko siya mahal at ikaw lang ang mahal ko.”

    Umiiling na ako kalagitnaan pa lang ng pagsasalita niya.

    “Bakit ka tumunganga!? Matagal kang tumunganga! Nagustuhan mo yata ang halik niya, diba? At napaisip ka mun-“
    “ROSIE, PWEDE BANG TUMAHIMIK KA!? MAKINIG KA NA LANG MUNA!”
    “Hindi ako tatahimik, Jacob dahil gusto kong malaman lahat ng nararamdaman mo. Nang walang halong pagsisinungaling… walang halong panghihinayang sa relasyon natin…”
    “Ganun ba talaga ka baba ang tingin mo sa pagmamahal ko sa’yo, ha, Rosie?

    Natahimik ako sa tanong niya.

    “Na kaya lang kitang palitan ng kung sinu-sino? Na pwedeng may alternative sayo? Ganun ba yung tingin mo sa pagmamahal ko?” Diretso ang tingin niya sa mga mata ko.

    Huminahon siya nang nakita ang pag-iwas ko ng tingin.

    No. No… No. Hindi ko alam kung bakit naging blanko ang utak ko pagkatapos niyang itanong yun sakin.

    Suminghap siya at tinalikuran ako. Ginulo niya ang buhok ko at sumigaw.

    Napatingin ang mga tao sa kanya. Yung ibang dumadaan at pumupunta sa sasakyan nila ay natitigilan para tignan siya.

    “AHHHHH! SHIT! TANGINA.” Hinarap niya ako.

    Basang-basa na ang pisngi niya sa luha. Kumukuyom na rin ang panga niya sa galit.

    “Ngayon, ako naman ang magtatanong!”

    Tinignan ko siyang mabuti.

    “Bakit mo kasama si Brandon? Bakit single ang status mo?” Sabay hila sa damit ko.

    Lumapit pa siya. Tinulak ko siya palayo pero pinilit niya paring lumapit.

    “Bakit lagi mo akong iniiwasan sa cellphone? Bakit mukha kang laging naghahanap ng away tuwing tumatawag ako? Bakit lagi mo akong pinuputol tuwing nag uusap tayo?”
    “KASI LAGI MONG BINABANGGIT SI JASMINE! Puro ka Jasmine! Si Jasmine ang bukambibig mo! Si Jasmine ang laging kasama mo! Si Jasmine na magaling mag luto at inaalagaan ka sa Alegria!”
    “Kasi tinatanong mo ako tungkol sa kanya! Rosie!!! Kinakausap kita! Gusto kong malaman kung anu-ano ang pinagkakaabalahan mo pero lagi mong binababa tuwing nagtatanong na ako! HINDI MO ALAM NA HALOS MABALIW NA AKO SA KAKAHULA KUNG ANO ANG INIISIP MO! Lagi kong sinasabi sayong miss na miss na kita! Hinihintay kong sabihin mong umuwi na ako pero hindi mo sinasabi! Ayaw kong i let down ka! Ito ang gusto mong mangyari… Ito ang gustong mong field study ko, kaya kailangang kong makisama sa mga taong ayaw ko… kailangan kong seryosohin kasi para satin ‘to! Kasi ito ang gusto mo! Kasi ito ang tingin mong makakabuti para satin pero bakit tingin ko ito pa ang nakakapagpasama sating dalawa?”

    Napalunok ako at nag-iwas ng tingin. Wala akong ibang masabi. Gusto kong i-insist… i-insist na may naramdaman ako sa kanilang dalawa sa araw na iyon.

    “Tignan mo ako.” Hinuli niya ang tingin ko pero nag-iwas ako ng tingin. “Rosie, pakiusap, tignan mo ako!”

    Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang paglandas ng mga luha sa mata niya.

    “Rosie, wa’g mo akong pahirapan ng ganito.”

    Kinagat ko ang labi ko.

    “Rosie…” Napaos na siya. “Rosie, maayos pa natin ‘to. Hindi ko kaya ng ganito. Ang tagal kong naghintay na makasama ka ulit. Rosie…”

    Tulala ako habang pinupunasan niya ang mga luha sa mga mata niya.

    “Anong kailangan kong gawin? Rosie, tinulak ko siya. Hindi mo ba nakita? Rosie…”

    Hindi ako umimik.

    “Rosie, umalis na ako sa Alegria. Nagpatransfer na ako sa ibang kompanya nung lunes pa lang. Kasi hindi ko na kaya… Kasi kung kaya mong malayo ako sayo… kung kaya mong magtiis… pwes ako, hindi… Hindi ako kasinglakas mo. Hindi ako kasing tibay mo pagdating sa’yo…”

    Naramdaman ko nang nag-blur ang mga mata ko sa luhang umaambang tutulo. Lumunok ako kahit ang sakit sakit na ng lalamunan ko.

    “Sorry kung hindi ko magagawa ang two months na Field Study ng wala ka-“
    “I don’t think so.. Jacob.” Ngayon ko lang siya tinignan ulit. “Tingin ko naman nag eenjoy ka dun. Tingin ko nag eenjoy ka dun kasama siya-“
    “Saan ba pu-pwesto ang ‘tingin ko’ sa relasyon natin, Rosie? Hindi ba pwedeng ‘tingin KO’ naman? Hindi ba pwedeng ako naman? Hindi ba pwedeng ako naman yung pakinggan mo? Hindi lang naman ikaw yung nahihirapan dito, ah? Ako rin naman… Hirap na hirap na… Pwede bang mag preno ka muna sa away natin kasi ang sakit-sakit na.”

    Tumulo na ang luha ko nang nakitang bumuhos pa ang luha niya. Agad kong pinunasan ang luha ko.

    “Kung kami ni Brandon ang maghahalikan, tingin mo makakapagpreno ka?”
    “Hindi! Pero gagapang parin ako pabalik sayo… Kahit ano pa yan… Kasi… puta… mahal na mahal kita… Sabihin mo lang sakin na mahal mo rin ako, tangina, ako pa ang magmamakaawa sayong magka ayos tayo!”

    Yumuko siya at suminghap ng isang beses.

    Umiling ako at umalis sa kinatatayuan ko.

    “Patunayan mo ang pagmamahal mo. Patunayan mo ulit… Earn my trust again… Coz I don’t know if I can trust you, yet.”

    Nakahalf-open ang bibig niya habang tinititigan ko.

    “Let’s cool off.”

    Kumunot ang noo niya. Naglakad siya papunta sakin.

    “No… Wa’g ganito, Rosie…”

    Tinalikuran ko siya at naglakad akong palayo.

    “ROSIE! Wa’g ganito!” Sigaw niya.

    Tumigil siya sa paglalakad. Nang naramdaman kong hindi niya na ako sinusundan, saka pa lang ako humagulhol sa iyak.

    SHIIIIT! Ang sakit sakit! Ang dali talagang magpatawad pagdating sa kanya pero sheeet di ko siya matanggap dahil ang sakit-sakit pa!

    “Rosie…”

    Napatalon ako nang nakita kong pumark ang sasakyan niya sa gilid ko. Pinunasan ko agad ang luha ko at inayos ang mukha ko.

    “Rosie, sumakay ka na. Umuwi na tayo.” Tawag ni Jacob.

    Pumara ako ng taxi at agad sumakay.

    “ROSIE! ROSIE!”

    Hindi niya ba alam kung ano ang kahulugan ng cool-off? Bakit niya ako niyayayang umuwi sa kanila!?

    Sinundan niya ang taxi papuntang bahay. Umiling ako habang lumalabas sa taxi. Mabilis akong naglakad papuntang apartment. Dinig ko rin ang padabog na pagsarado ng pintuan ng sasakyan ni Jacob, sinusundan niya parin ako.

    Hinarap ko siya…

    “PWEDE BA!? BIGYAN MO AKO NG SPACE! HUMINGI AKO NG COOL OFF KASI DI KO MAATIM NA TUWING NAKIKITA KO ANG PAGMUMUKHA MO, MUKHA NIYO NI JASMINE NA NAGHAHALIKAN ANG NA-AALALA KO!”

    Natigilan siya sa sinabi ko.

    “Rosie…” Napalunok siya. “Please… Pumunta tayo ng Alegria… Please-“

    Padabog ko siyang pinagsarhan ng pinto.

  • Kabanata 26Open or Close

    Kabanata 26

    Baka Sakaling

    Sa sobrang tindi ng emosyon ko, napanaginipan ko ang lahat ng mga nangyari. Pero may ibang scenes na hindi makatotohanan.

    Nagising akong umiiyak nang madaling araw dahil napanaginipan kong iniwan ako ni Jacob nung sinampal ko siya…

    “Tama na, Rosie! Mabuti na lang hindi pa kita pinakasalan, dahil di ko kayang makasama ang isang tulad mo habang buhay.” Tinalikuran niya ako.

    Ramdam na ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko at nagising akong humihikbi. Nakakatrauma. Hindi na nga ako masyado nakatulog, pag nakatulog naman ganito ang inaabutan ko sa panaginip ko.

    Madaling araw akong nagising pero alas nuwebe na akong lumabas ng kwarto. Akala ko huhupa ang pamumugto ng mga mata ko pero walang nangyari. Eto pa rin at mukhang lumalala. I want a shower.

    Pagkalabas ko ng kwarto, tumambad agad si Jacob sa sala. Bigla siyang tumayo nang nakita akong lumabas ng kwarto.

    Umiling ako at sinisi na lang si Maggie sa isipan. Pinapasok niya kahit alam niyang may alitan kami ni Jacob.

    Nakaawang lang ang bibig ni Jacob habang hinihintay akong magsalita pero nilagpasan ko siya.

    “Rosie, kumain ka na.” Nakangising sinabi ni Maggie sakin.

    Kumakain silang dalawa ni James sa hapagkainan. Pareho ko silang inirapan.

    “Bakit mo siya pinapasok?” Tanong ko.

    Nagkibit-balikat siya, “Bakit hindi?”

    “Tsss…”

    Nilagpasan ko rin sila at dumiretso na sa banyo. Pero bago ko pa na buksan ang shower ay may sinasabi na si Maggie sa labas.

    “Rosie, kausapin mo siya ulit-“

    Umiling ako, “Tapos na. I need space kaya pwede bang tulungan mo naman ako.” Umirap ako sa kawalan.

    I can’t believe this.

    “Sumama ka sa kanya sa Alegria.” Diretsong demand ni Maggie.

    “Ha? Para saan? Baka mapatay ko lang yung kabit niya pag nagkataon.”

    “Hindi niya yun kabit, Rosie…” Sabi ni Maggie.

    Binuksan ko ang shower. Tumigil din naman si Maggie sa kakasalita nang narinig niyang bumuhos na ang shower. Narealize niya sigurong useless akong kausap ngayon. Sana marealize din yun ni Jacob.

    Pagkatapos kong maligo, nandoon parin siya sa sala. Nanonood siya ng TV pero nang nakita akong humahakbang papuntang kwarto ay bumaling agad sakin.

    Ayaw ko siyang kausapin. Hindi rin naman niya ako kinakausap kaya okay na rin siguro ang ganito.

    Hindi iyon ang tanging araw na nagpunta siya sa bahay. Araw-araw siya sa bahay. Walang imik.

    Talaga bang iniwan niya na ang Alegria? At mukha pang wala siyang ibang kompanyang inaapplyan kasi buong araw siya sa bahay. Kahit wala ako, kahit nasa school ako, nasa bahay parin siya.

    Sabi ni Maggie, buong araw lang siyang nakatunganga doon. Minsan, pumupunta siya sa kwarto ko at naglilinis.

    Uminit ang pisngi ko nang nalaman yun kay Maggie alas-onse ng gabi, isang araw. Nakatulog na si Jacob sa sofa. Sinisilip ko siya minsan pero hindi ko tinatagalan ang pagtitig ko sa kanya. Para bang inaalagaan ko ang pagkamunhi ko imbes na patawarin siya. Ayaw kong mawala na lang bigla ang atraso niya sakin dahil sa pagmamakaawa niya. Alam ko, nagiging hard na ako sa kanya pero hindi ko siya kayang basta-basta mapatawad pagkatapos ng nangyari.

    “Naglinis na naman siya kanina sa kwarto mo. Yung pinagpilian mo kasing mga damit nakakalat sa kama mo kaya ayun. Tignan mo, walang alikabok. Biruin mo, marunong pala sa gawaing bahay yang senyoritong yan.” Tumawa si Maggie.

    Kumunot ang noo ko.

    Damn! Uminit ang pisngi ko. Ililigpit ko ng maayos ang mga damit ko, lalo na yung mga underwear! KABANAS! Bakit naiisip ko ito?

    Kinaumagahan, nagising na naman akong nanonood siya ng TV sa sala. Nakangisi siya habang pinapanood yung palabas pero bumaling agad siya sakin gamit ang seryosong mukha nang nakita akong palabas ng kwarto.

    Humikab ako at tinali ang buhok ko. Maaga pala akong nagising. For some reason… mas maaga akong nagigising nitong mga nakaraang araw. Palagi din akong nagmamadaling umuwi. Alam ko… Hindi ako manhid at di ako denial… sasabihin at aaminin ko sa sarili ko na dahil nandito si Jacob sa bahay ay nagmamadali akong umuwi. Kaya lang, pag uwi ko, nilalagpasan ko lang siya. Wala din naman siyang imik.

    Ngayon ang pang anim na araw na nandito siya. May mga damit siya sa kwarto ko. Siguro ay kinukuha niya yun habang nasa school ako.

    Umupo ako sa sofa, isang metro ang layo sa kanya at kinuha ang remote control para ibahin ang palabas.

    Napalunok siya at nanigas sa kinauupuan niya.

    “Ba’t nandito ka parin?” Tanong ko.

    Ito ang kauna-unahang pagkakataong kinausap ko siya.

    Napalingon siya sakin pero tamad kong nililipat ang channel habang hinihintay ang sagot niya. Hindi siya umimik kaya dinagdagan ko.

    “Sabi ko, cool-off. Hindi mo ba yun maintindihan?” Tanong ko.

    Bumaling ako sa kanya.

    “W-Wala naman akong ginagawa. P-Pwede mo naman akong balewalain. H-Hindi naman kita pinipilit na p-pansinin ako.” Mabilis ang paghinga niya.

    Ramdam na ramdam ko ang kaba niya.

    Umiling ako at bumaling ulit sa TV.

    “A-Alam ko namang ayaw mo ako dito pero kasi hindi ko kaya yung hinihingi mo… Hindi ko kaya ng cool-off. Matagal akong naghintay para magkita ulit tayo at hindi ako papayag na ito ang mapapala ko.”

    Napalunok ako sa sinabi niya. Kahit na humingi ako ng cool-off, hindi ko maintindihan kung bakit gusto ko itong ginagawa niya. Dahil sa ginawa niya, hindi na ako umiiyak gabi-gabi. Hindi ko na masyadong naiisip ang mga away namin. Dahil araw-araw siyang nandito, nakakalimutan ko na ang sama ng loob ko.

    “P-Pero… kung t-talagang ayaw mong nandito ako.” Napalunok siya. “Kung talagang di mo ako maatim dito, aalis ako. Sabihin mo lang, susundin ko.”

    Pumikit ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Dinig na dinig ko ang malakas na kabog ng puso ko.

    “Sabihin mo lang na ayaw mo ako dito sa bahay niyo, pwede naman ako sa labas. At kung ayaw mo parin akong nakikita dito, pwede namang tuwing wala ka na lang…”

    SHT! Langya talaga ang lalaking ito! Hindi ko mawari kung sobrang inosente niya ba o talagang sobra ang pagmamahal niya sakin.

    “Jacob… dalhin mo ako sa Alegria.” Sinabi ko ng di nag-iisip.

    Dahil hindi ko na kailangang mag-isip. Kung ano ang nasa puso ko, ito ang sasabihin ko, ito ang gagawin ko.

    Masakit mang isipin, kahit na ganun ang nangyari, kahit hindi pa niya lubusang nakuha ang trust ko, handa akong magpatawad. Handa akong magpatawad. Unti-unti ko na nga siyang napapatawad. Yun nga lang, kailangan kong maliwanagan. I want the truth. Gusto kong marinig ang lahat ng sides sa storya. Kay Jasmine, kay Jacob, sa daddy ni Jacob, kay April, sa lahat ng tao sa paligid… Gusto kong malaman.

    I want a relationship with no bullsh1ts… Just plain truth.

    Gusto ko ng walang tinatago. Kung mahal niya ako, maririnig at mararamdaman ko. Kung ayaw niya na, maririnig at mararamdaman ko rin. Walang paliguy-ligoy. Walang tinatago. At ito ang unang step para makuha ko yun.

    Umaliwalas ang mukha niya at ngumisi.

    “TALAGA?”

    “Hindi para makasama ka… Para malaman ang buong katotohanan.”

    “Oo. Sige! Uhmmm…” Tumayo siya at inayos ang sarili.

    Kinagat niya ang labi niya kaya nag-iwas ako ng tingin.

    “Uhmmm. Dito na ako magbibihis. Tapos, ano, yung driver… ako na lang…” Ngumisi siya.

    Sinimangutan ko na lang. Tumayo ako at humikab. Bahala siya… Cool-off parin kami, baka akala niya nabalik na ang status namin.

    “Tsaka… R-Rosie, n-nakita ko yung… engagement ring sa ilalim ng kama mo kahapon. Uhmm… P-pwede bang…” Nag iwas siya ng tingin.

    Nakita kong pumula ang pisngi niya.

    “Sootin mo ulit yun?” Hindi parin siya makatingin.

    “Titignan ko…” Malamig kong sinabi at umalis na para mag toothbrush sa banyo.

    Nakalimutan kong magdala ng tuwalya. Mabuti na lang din kasi panay ang ngisi ni Maggie at James sa table habang nagkakape.

    “Kumain muna kayo ah?” Panunuya ni Maggie sakin.

    “Shut up, sis.” Nilagpasan ko sila at bumalik na sa kwarto.

    Pagkabukas ko ng pinto… Huli sa aktong naghuhubad ng t-shirt si Jacob. Bumalandra ang sparkling abs niya kaya napa…

    “Oh! Sh1t naman!” Sigaw ko sabay labas ulit ng kwarto.

    “R-Rosie? Sorry…” Sabi niya pero sinarado ko na ang pinto.

    Agad siyang lumabas nang hindi pa naaayos ang damit. May dala din siyang tuwalya. Nag iwas ako ng tingin. Iniwasan ko ring makipag usap sa kanya kahit kinakausap niya ako.

    “Sorry… Hindi ko ni-lock kasi hindi naman talaga tayo nag lo-lock ng pinto diba? Sorry-“

    Pinagsarhan ko ulit siya ng pinto. Kinuha ko yung tuwalya ko at nagmadali na papunta sa banyo. Pero naabutan kong nag uusap si Maggie, James at Jacob sa kusina. Hindi ko na lang sila tinignan kasi mukhang ako yung pinag-uusapan nila. Natahimik kasi sila nang lumapit ako.

    “Ligo muna ako.” Sabi ni Jacob at nauna siyang humawak ng doorknob.

    Umaamba na rin ako sa paghawak ng doorknob. Napatingin siya sakin. Uminit ang pisngi ko at nag-iwas ako ng tingin. Napakamot siya sa ulo at napaatras sa pintuan.

    Narinig ko ang fake na ubo ni Maggie sa background at ang paghalakhak ni James.

    “M-Mauna ka na, Rosie.” Sabi ni Jacob sakin.

    Hindi ako umimik.

    “Tayo na, Margaret.” Malambing na sinabi ni James kay Maggie.

    Humalakhak si Maggie, “Bakit kasi di na lang kayo magsabay, baka sakaling di niyo na kailangang pumunta ng Alegria para maayos yan. NAKU!”

    Bumaling ako kay Maggie para sana simangutan siya pero nagmadali na silang umalis ni James sa bahay.

    “Jogging lang saglit.” Sigaw niya nang nasa pintuan na palabas. “Matagal pala… Uhmmm mga 12 hours ang jogging namin kaya no worries. Bye!”

    Nanliit ang mga mata ko sa sinabi ni Maggie. Bumaling ako kay Jacob na ngayon ay naka half-open na ang bibig habang tinitignan ang labi ko.

  • Kabanata 27Open or Close

    Kabanata 27

    Walang Pangamba

    Nag-iwas ako ng tingin. Naramdaman ko na kasi ang pag-iinit niya sa mga tingin niya pa lang. Hindi ko kayang tignan ang mga labi niya. Kahit paano, naaalala ko parin yung halikan niya. Yung pagkabiglang ipinakita niya.

    “Ako na mauna.” Sabi ko.

    Tumango siya at napalunok sa sinabi ko.

    Umatras siya para bigyan ako ng daan. Agad akong pumasok sa loob. Nakatitig siya sakin habang sinasarado ko ang pinto. Napapikit ako nang sinarado ko iyon. Hindi ko alam kung bakit pinagpawisan ako sa titigan naming dalawa. Binuksan ko na lang ang shower at naligo. Sana pwedeng pawiin ng tubig na ‘to ang lahat ng pagdududa ko kay Jacob. Sana kaya nitong i-cleanse ang utak ko sa lahat ng bumabagabag sakin. Sana kaya nitong alisin sa utak ko yung halikan nila.

    Pagkatapos kong maligo, nasa labas na naghihintay si Jacob. NAKNANGPUTSPA! Hindi ako makatingin sa kanya. Nakalimutan kong magdala ng damit kaya eto at nakatuwalya lang ako. Ito pa naman ang tuwalya kong maiksi. Yung tipong yuyuko ka lang, makikita na ang lahat. Basang-basa pa ang buhok ko kaya tuloy-tuloy ang tulo nito sa katawan ko.

    Nagkasalubong ang tingin namin ni Jacob. Diretso ang tingin niya sa mga mata ko. Nakahalf-open na naman ang bibig niya. Ngumuso ako at nagpatuloy sa paglalakad.

    “Ikaw na…” Malamig kong sinabi.

    Tumango siya at tinignan ang banyo. Nagmadali ako sa paglalakad para makapagbihis na. Ayaw ko nang naabutan niya akong halos walang saplot. Alam kong hindi ito ang unang pagkakataon pero ewan ko kung bakit mas lalo akong na-co-conscious ngayon.

    Nagbihis ako ng long denim pants at itim na spagetti strap. Sinusuklay ko ang buhok ko nang biglang pumasok si Jacob nang nakatuwalya lang rin. Bumalandra na naman ang sparkling abs niyang walang kupas. Ibinaling ko agad ang tingin ko sa ibang bagay. Nagkunwari akong may kinukuha sa drawer ko. Nang narinig kong unti-unti niyang sinarado ang pintuan ng kwarto, nabunutan ako ng tinik.

    “Sa labas na ako magsusuklay. Magbihis ka na lang muna dito. Sa labas na rin ako maghihintay.”

    “O-Okay… Uhm… Sige.”

    Nilagpasan ko siya nang di tinitignan. Bakit kahit wala pa naman kaming ginagawa ay pinapangunahan na ako ng paninindig ng balahibo?

    Mabilis siyang nagbihis. Hindi ko pa nga naayos ng mabuti ang buhok ko ay tapos na siya. Nakatingin lang ako sa salamin habang siya naman ay nakatingin sakin.

    Hindi na talaga siya nahiya sa pagtitig sakin kahit kitang-kita ang repleksyon niya sa salamin. Binalewala ko siya at nagpatuloy sa pag-aayos ng buhok. Ilang sandali pa ang nakalipas bago ko siya kinausap.

    “Jacob, ihanda mo na ang sasakyan. Alis na tayo. Ayokong ginagabi sa kalsada.” Sabi ko.

    Tumango siya at nagmadaling lumabas.

    Nang ready na ang lahat, bumyahe na kami. Bumili kami ng pagkain bago sumabak sa 9 hours na byahe…

    “Sorry ah? Drive thru lang kasi di ako marunong magluto.” Sabi ko nang naalala yung pagluluto ni Jasmine.

    Hindi ko alam kung bakit sinabi ko yun. Basta ang alam ko, gusto kong ipaalala sa kanya ang mga flaws ko. Baka kasi masyado na siyang nasanay kay Jasmine.

    Sumulyap siya sakin. His jaw clenched. Nakita ko agad ang galit sa mga mata niya.

    “Hindi naman kasi cook ang kailangan ko, kundi ikaw.”

    Ngumuso ako at napatingin sa labas. Galit ang tono ng boses niya. Alam kong naramdaman niya ang gusto kong iparating. Kaya ang nangyari, halos buong byahe ay wala kaming imikan.

    “Rosie, pwede bang pahinga muna tayo. Nangangawit na kasi ako.” Aniya half-way papuntang Alegria.

    Tumango ako.

    “Kainin na lang muna natin yung ano… mo… uhm…” Umiling siya at nakita kong pumula ang pisngi niya, “yung binili mo.”

    Nagkasalubong ang kilay ko. Hindi ko alam kung dirty-minded ba ako o talagang may something doon sa sinabi niya.

    Tumango na lang ako para hindi na maging mas lalong awkward dahil sa sinabi niya…

    Kinuha ko ang biniling mga pagkain. Binigyan ko siya. Nakapark kami sa isang bayan apat na oras bago mag Alegria. Mararaming lumang bahay dito. Yung tipong sa mga horror movies mo lang nakikita. Minsan iniisip ko may mga cannibal na sa lugar na ito. Buti na lang at nakalock ang pintuan ng sasakyan. Maliwanag naman ang lugar pero madalang ang mga tao.

    “Tapos ka na?” Tanong ni Jacob nang binaba ko na ang pagkain ko.

    “Oo.” Sabi ko at tumingin sa labas.

    “Nag da-diet ka ba dahil sa modeling mo?”

    “Hindi naman.” Napalingon ako sa kanya.

    Hindi ko maintindihan kung bakit ang pula-pula ng pisngi niya at mukha siyang may tinatago… para bang mabibilaukan siya kung di niya sasabihin sakin.

    “Bakit?” Kumunot ang noo ko.

    “W-Wala…” Nagpatuloy siya sa pagkain.

    Uminom ako ng tubig at kinain yung mentos na binili ko rin kanina. Natapos din siyang kumain pero hindi niya agad pinaandar ang sasakyan. Sinandal niya ang likod niya sa upuan.

    “Pwede naman tayong magpahinga ng 30 minutes. Tulog ka muna. Gigisingin lang kita pag nag 30 minutes na.” Sabi ko.

    Umiling siya, “Hindi ako matutulog. Gusto ko lang magpahinga muna. Sa Alegria na ako matutulog.” Aniya.

    Nagkatinginan kami. Hindi ko talaga alam kung saan nanggagaling yung paninindig ng balahibo ko tuwing nagkakatinginan kami. Slow-motion pa siyang napalunok habang tinitignan ako.

    “Uhmmm… Rosie, yung, cleavage mo, nakikita. Pwedeng pakiayos.” Nakita kong pumula ulit ang pisngi niya at nag iwas ng tingin.

    “Ah? Sorry.” Inayos ko ang damit ko at tumingin na lang ako sa labas.

    “Ah… Tsaka…”

    Kinagat niya ang labi niya.

    “Ano?” Tanong ko.

    “May… ano… ketchup sa pisngi mo.”

    “Ha?” Pinunasan ko ang pisngi ko.

    Bumaling siya sakin at napalunok ulit siya.

    “Nandito.” Unti-unti niyang nilapit ang kamay niya sa pisngi ko.

    Pinunasan niya ang ketchup pero hindi niya agad tinanggal ang kamay niya. Nakita ko na lang na bumilis ang paghinga niya at inilapit niya na ang mukha niya sa mukha ko. Tinulak ko siya…

    “Jacob, hindi pwede-” Sabi ko.

    Natigilan siya sa ginawa niya.

    “Ayokong hinahalikan mo ako. Naaalala ko ang halikan niyong dalawa. Sorry pero hindi ko kaya…” Bumuntong-hininga ako.

    Kumuyom ang panga niya sa sinabi ko.

    Pero hindi siya lumayo. Hindi ko na rin siya tinulak dahil kahit na alam kong sabik na sabik na siya sakin, marunong parin siyang magpahalaga sa damdamin ko. Pumikit siya at nilapit ang pisngi niya sakin…

    “Hindi kita hahalikan, wa’g kang mag-alala. Pero please… gusto ko lang makalapit ng kahit konti.”

    Dinig na dinig ko ang pagbilis ng hininga niya habang inilalapit ang sarili niya sakin. Kumabog agad ang dibdib ko. Dilat ang mga mata ko at nakikita ko ang reaksyon niya. Tumindig lalo ang balahibo ko nang dinilat niya rin ang mga mata niya. Isang dangkal na lang ang layo ng mukha namin sa isa’t-isa.

    Dahan-dahan niyang hinaplos ang pisngi ko… Isang kamay niya ay nakalagay sa gitna ng upuan namin. Pababa ang paghaplos niya. Dumaan ang kamay niya sa leeg ko, sa braso, sa kamay, sa baywang, sa hita, pabalik sa baywang, leeg, tainga, mukha, labi…

    “Miss na miss na kita… Yung lambing mo… halik mo… yung pagtawag mo sa pangalan ko… yung tamis ng labi mo… yung pakiramdam pag inaangkin kita… yung pakiramdam na ang swerte ko dahil akin ka… yung pakiramdam na kumpleto ako kasi nandyan ka… yung amoy ng buhok mo…” Inamoy niya ang buhok ko.

    Natigilan ako sa ginawa niya.

    Habang inaamoy niya ang buhok ko, hinahaplos niya rin ang braso ko. Hindi ko na namalayang hinahalikan niya na rin ang leeg ko…

    “Jacob…” Marahan ko siyang itinulak.

    Natigil siya ng sandali pero pinagpatuloy din niya ang paghalik sa leeg ko.

    “Leeg lang naman… hindi pa naman labi. Hindi naman kita hahalikan sa labi kung ayaw mo… alam kong naaalala mo pa yun pero sana pagbigyan mo ako nito para makalimutan mo na yun.”

    “Jacobbb~” Hindi ko alam kung saan nanggaling yung pagkabasag ng boses ko habang hinahalikan niya ng marahan ang leeg ko.

    Natigilan siya at nanlaki ang mga mata niya. Uminit ang pisngi ko pero pinilit kong kinunot ang noo ko.

    “Ayoko.” Sabi ko kahit taliwas naman talaga iyon sa nararamdaman ko.

    Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa relasyon naming tinanggihan ko siya nito.

    “Ayoko…” Tumingin ako sa labas at pumikit.

    Suminghap siya at umupo ng maayos. Hinampas niya ang manibela at sumandal doon.

    “Sorry.” Sabi ko.

    “Okay lang. Alam ko naman. Hindi naman kita pipilitin… T-Talagang sobrang na miss na kita. Hindi ko na kaya. Ilang linggo din yun at alam mo namang hindi ako sanay na ano… Ugh! Rosie! Alis na tayo!” Hindi ko alam kung bakit pinaandar niya agad ang sasakyan niya.

    Mabilis pa ang patakbo niya. Baka tatlong oras lang ang byahe dahil sa 100kmph, ah.

    “Jacob! Dahan-dahan naman!”

    Tinignan ko siya pero seryoso ang tingin niya sa daan. Matulin ang patakbo niya pero no-sweat ang mukha niya. Wala siyang ekspresyon na ipinapakita bukod sa seryosong tingin niya sa kalsada.

    Tama ang hinala ko, nakaya niyang bumyahe ng tatlong oras lang papuntang Alegria. Alas sais kaming nakarating sa Alegria.

    “Andito na tayo…” Seryoso niyang sinabi.

    “Sa bahay ako nina Auntie Precy matutulog.”

    Natigilan siya. Ilang sandali siyang tahimik. Sumulyap siya sakin bago ako sinagot…

    “Okay.”

    Pero hindi niya ako hinatid sa Bahay ni Lola. Diretso ang patakbo niya papuntang bahay nila.

    “Jacob… sa Bahay ni Lola-“

    “Ka matutulog. Hindi ka pa naman matutulog kaya sa bahay ka muna.”

    DAMN THIS GUY! Gumagawa talaga ng paraan ah? Pero bago pa kami dumating sa bahay nina Jacob, namataan ko na agad si Jasmine sa isang tindahan sa isang kanto. Kasama niya yata ang kapatid niya. Hindi iyon namalayan ni Jacob.

    “Jacob, bababa ako dito.”

    Napasulyap siya sakin.

    “Rosie, ihahatid naman kita mamaya… P-Pero kung ayaw mo na talaga akong makasama… sige, ihahatid na kita.”

    Bago niya pa mabago ang direksyon ng sasakyan ay pinigilan ko na siya.

    “HINDI. Dito lang ako. Nandyan si Jasmine sa kanto. Kakausapin ko lang. Mauna ka na sa bahay niyo.”

    Nalaglag ang panga niya sa sinabi ko.

    “Itigil mo, Jacob.” Sabi ko dahil patuloy parin siya sa pagpapaandar.

    Itinigil niya naman. Bumaling ulit siya sakin.

    “Hihintayin k-kita.” Untag niya.

    “Wa’g na. Mahaba-habang usapan ‘to kaya magpahinga ka na lang muna.”

    Ilang sandali siyang natulala.

    “Bakit? Natatakot ka? Baka may tinatago kayong ayaw mong malaman ko-“

    “WALA, ROSIE! Natatakot ako, oo, pero hindi dahil may tinatago ako sayo. Natatakot ako kasi baka kung anu-ano na naman ang isipin mo… ayoko na ng misunderstanding. Ayoko na ng nagbabakasakali. Gusto ko ng siguradong tayong dalawa. Ayaw kong araw-araw akong nangangamba sa pag-alis mo. Gusto ko yung wala ng pangamba, Rosie.”

    “Ako din, Jacob. Kaya hayaan mo ako.” Binuksan ko ang pintuan.

    Now, the truth.

  • Kabanata 28Open or Close

    Kabanata 28
    Masama at Maarte

    Malakas ang kabog ng puso ko nang humakbang na ako papunta kina Jasmine. Nakita kong may nakaabang na sasakyan sa kanila sa kanto. Aalis na yata sila kaya binilisan ko ang paglalakad.

    Sumulyap siya sakin ng nakangiti dahil siguro sa sinabi ng kasama niya. Pero nang nagfocus na siya sa mukha ko, nawala ang ngiting ipinakita niya.

    “Jasmine.” Untag ko.

    Papalapit na ako sa kanya.

    Seryoso siyang tumingin sa loob ng sasakyan habang hinahawakan ang pinto.

    “Wait lang. Susunod din ako.” Aniya at sinarado ang pintuan para harapin ako.

    Hindi ko alam kung bakit nakasimangot lang ako palagi. Hindi ko kayang magmukhang ‘okay’ sa harap niya. Kahit wala pa naman talaga siyang alam sa sadya ko, hindi ko kayang makipagplastikan sa kanya.

    “Rosie! Gabi na ah?” Tumingin siya sa likod ko. “Galing ka pang Maynila?” Tanong niya.
    Tumango ako pero tikom na tikom ang bibig ko para wala akong masabing masama sa kanya.
    “Sinong kasama mo?” Tanong niya.

    Hindi ko iyon nasagot agad. Ilang beses ko pang ni-rephrase ang mga sagot na iniisip ko.

    ‘Si Jacob.’
    ‘Bakit nangangarap kang magkita ulit kayo ni Jacob?’
    ‘Inaasahan mo sigurong nandito si Jacob kasama ko?’

    “Pwede ba kitang makausap?” Tinikom ko ulit ang bibig ko pagkatapos kong sabihin yun.
    “Uhm…” Tumingin siya sa sasakyan nila at umatras ng bahagya. “Sure.”

    Naglakad siya palayo sa sasakyan nila. Lumapit siya sa isang sari-sari store. Mabuti rin kasi mas malinaw ko siyang makikita dahil sa ilaw ng poste.

    “B-Bakit, Rosie?” Narinig ko agad ang panginginig ng boses niya.

    Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa malamig na simoy ng hangin o dahil kabado siya sa mga itatanong ko.

    “May gusto ka ba kay Jacob?”

    Her jaw dropped. Alam kong nakakalaglag-panga ang tanong ko pero by now, dapat nag expect na siya na tatanungin ko siya ng diretso.

    Nakakabaliw na katahimikan ang dumapo saming dalawa. Alam ko na ang sagot pero gusto kong marinig ng diretso sa kanya. Gusto kong malaman niya na alam ko… Gusto kong malaman niya na hindi ako bulag sa mga pinaggagagawa niya.

    Nakita kong dumaloy ang luha sa mga mata niya.

    “I’m sorry, Rosie.” Tinakpan ng palad niya ang bibig niya.

    Umiiling siya at lumalapit sakin.

    Hindi ako nakaramdam ng awa o kung ano man sa pag iyak niya. Napaatras na lang ako nang umamba siyang hahawakan ang kamay ko.

    Mas lalong kumunot ang noo ko habang pinapanood siyang humihikbi sa harapan ko. Huminga ako ng malalim para makapagsalita ulit nang di siya sinasampal…

    “Inakit mo ba siya?”

    Mas lalo siyang umiyak sa tanong ko.

    “Alam kong kayo, Rosie. Alam ko namang mahal ka niya. Natural tendency sa mga tao na pag gusto mo, hindi mo talaga maiiwasang-“

    PAK!

    Nanginig ang kamay ko sa pagsampal ko sa mukha niya. Napahawak siya sa pisngi niya at mas lalong dumaloy ang luha sa mga mata niya. Napalabas din yung mga kapatid niya sa sasakyan.

    “Anong nangyayari dito, Jasmine?” Tanong ng papalapit na kapaid niya samin.
    “Bryan! Dun lang kayo ni Enzo sa sasakyan.” Sabi ni Jasmine.

    Hindi ako lumingon sa mga kapatid niya. Ni hindi ako natatakot na sugurin ng dalawang kapatid niyang lalaki.

    “Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng delikadeza, Jasmine? Kung alam mong may iba yung tao, hindi ka na mangangarap pa… Lalo na’t magkakilala tayo! ITINURING KITANG KAIBIGAN! At ano ‘tong ginawa mo?”
    “Pero alam mo naman, diba, Rosie? Na wala talaga akong pag-asa sa kanya!? Hindi mo naman ako kailangang saktan ng ganito para sa bagay na alam mong walang pag-asa!”
    “KAHIT NA! Hindi porke’t siguradong walang pag-asa ay hindi ka na makokonsensiya sa ginagawa mo!”
    Kumunot ang noo niya…

    Pinunasan niya ang luha niya at binigyan ako ng masamang tingin.

    “Napaka selfish mo! Alam mo yun? Alam ko ang buong istorya niyo ni Jacob!”

    Nag-alab ang galit ko sa sinabi niya. Amputa! Ano ngayon? At wala siyang pakealam kung ano yung mga ginawa namin ni Jacob noon!

    “Alam kong inakit mo siya dahil lang mayaman siya! Hindi ka bagay sa kanya! DAMN! Ang tanga ni Jacob para mahulog sayo-“

    PAK!

    Ngayon, 180 degrees na nanggaling ang sampal ko. Naramdaman ko agad ang kamay ng isang binatilyo sa braso ko.

    “Miss, tama na… Wa’g mong gawin yan sa kapatid ko.”

    Binawi ko ang braso ko sa kanya at tinignan ulit si Jasmine.

    “WALA KANG ALAM! Kaya wa’g na wa’g mo yang ipanlaban sakin!!! Kung ganun talaga ang tingin mo sakin, pwes, di kita masisisi na nilalandi mo si Jacob! Hala! Sige! Landiin mo siya. Tignan natin kung may mapapala ka! Nakita ko ang halikan niyong dalawa sa opisina. Ikaw ang nag initiate. Ang kapal din ng mukha mo, wala kang delikadeza!”

    Hinawakan ulit ako ng kapatid ni Jasmine.

    Bumaling ako sa kanya at sinigawan siya, “Ano ba?! Wa’g kang makealam dito!”

    Bumaling ulit ako sa umiiyak na naman na si Jasmine.

    “Kita mo na, ang sama-sama mo. Ang taray mo… Ang arte mo kaya di ko maintindihan kung bakit in love siya sa’yo.” Umiling siya.
    “Wala kang pakealam kung in love si Jacob sakin. Wa’g mo nang alamin kung bakit! Wala kang puwang sa relasyon namin kaya buti pa wa’g ka ng lumapit sa kanya!”

    Napaiyak siya ng sobra. Nilagay niya ang kamay niya sa pisngi niya. Gusto kong magtanong kung may gusto ba si Jacob sa kanya… pero ayokong bigyan siya ng ideya kung paano kami masisira ni Jacob. Gusto kong ipakita sa kanya na confident ako na sakin lang in love si Jacob. Umamin din naman siya na inlove si Jacob sakin pero talagang di matanggal sa isipan ko ang halikan nilang dalawa.

    “Ang bait-bait ni Jacob. Pero ang sama-sama mo, Rosie.” Aniya.

    Humakbang ako palapit sa kanya pero napigilan ako ng kamay na kanina pa nakahawak sa braso ko.

    “Masama ako kasi malandi ka! Kung sana hindi mo nilandi ang boyfriend ko, hindi mo sana natanggap ‘to. Jasmine, akala ko mabait ka. Alam mo? Nung una, tiningala kita kasi mabait ka… Pero hindi naman pala. Ang landi mo pala.”
    “Tama pala yung sinabi ni Eunice satin noon.” Tumawa ang nakahawak ng braso ko. “May pagka b1tch pala talaga ‘tong girlfriend ni Jacob. Naku, miss, hindi kayo bagay ni Jacob. Ang bait nun. Buti pa magpakabait ka rin.” Tumango pa ang kapatid ni Jasmine sakin habang tinitignan ko siya. “Wala namang ginagawang masama yung kapatid ko kay Jacob. Gusto niya lang naman. Hindi naman porke’t may girlfriend yung tao, wala ng pwedeng magkagusto sa kany-“

    PAK!

    Ayan! Naka-testing din siya ng 180 degrees na sampal ko. Inilaan ko lang ito kay Jasmine. Bonus itong kapatid niya.

    “Wala akong pakealam kung maraming magkandarapa kay Jacob. Yung ayaw ko ay yung hinahalikan ng mga malalandi ang akin.” Sigaw ko sa napaatras ng kapatid ni Jasmine.

    Bumaling ulit ako kay Jasmine habang umiiling sa disappointment.

    “Hindi ako naniniwalang mahal mo si Jacob. Sabi ni Eunice sakin, may videong kumalat noon na sinasabi mong gusto mo ng mayayaman. VIDEO YUN! Hindi tsismis! Candid! Kaya kahit anong sabihin ni Eunice sakin, hanggang ngayon, hindi ako naniniwalang pinaglalaban mo si Jacob dahil mahal mo siya…”

    Napakagat ako sa labi ko sa sobrang inis sa pinagsasabi ni Jasmine. Hindi ko matanggap. Hindi matanggap ng buong sistema ko na yun ang naging batayan niya. Hindi niya alam ang buong istorya… wala siyang alam tungkol samin.

    Lumapit ulit ako kay Jasmine pero hinawakan ulit ng kapatid niya ang braso ko.

    “Bryan, ayaw kong hinahawakan si Rosie kahit nino. Pakitanggal ng kamay mo.” Seryosong sinabi ng isang pamilyar na boses.

    Imbes na sugurin at sampalin ko ulit si Jasmine ay napasulyap ako kay Jacob sa likuran. Nakatitig siya kay Bryan. Hindi tinanggal ni Bryan ang kamay niya sa braso ko kaya ako ang pilit na nagtanggal nito.

    “Sinasampal niya ang kapatid ko, Jacob. What do you expect? Ano ang gagawin ko? Edi pigilan siya! Dude, hindi pa ba sapat na sinaktan mo ang damdamin niya? Dinala mo pa talaga ang girlfriend mo dito para saktan siya physically?”

    Narinig ko ang paghagulhol ni Jasmine sa harap ko. Nagpabalik-balik ang tingin ko kay Jacob, Jasmine at Bryan.

    Unti-unting naging klaro sakin ang lahat ng nangyari. Lahat ng nakita ko sa opisina ay unti-unting nawawalan ng saysay para sakin ngayon.

    “Sorry, pero kahit ano, para kay Rosie.”

    Tumindig ang balahibo ko sa sinabi ni Jacob kay Bryan.

    “Jacob, ni katiting, wala ka ba talagang pakealam sakin? O-Okay lang sayo na saktan ako ni R-Rosie? A-Akala ko kaibigan kita?!” Nabasag ang boses ni Jasmine.

    Huminga ako ng malalim at naghintay sa sagot ni Jacob. Hindi ko na kailangang itanong kahit kanino kasi si Jasmine na rin pala ang magtatanong sa kanya ng harap-harapan.

    “Akala ko rin kaibigan kita. Kaibigan ko lahat ng rerespeto sa pagmamahal ko sa kanya. At kung di niyo matanggap yun, hindi ko rin kayo matatanggap.”

    Napalunok ako at tinalikuran na si Jasmine. Akala ko magbubuhol-buhol pa ang buhok ko bago ko siya matantanan sa gabing ito. Akala ko makakapatay ako ng tao… Pero hindi na pala kailangan. For some reason, lahat ng sinabi ni Jacob, tumalab sakin, tumatak sakin.

    “Let’s go, Jacob.” Sabay lakad ko pabalik sa sasakyan niyang nakapark na pala ngayon sa malayu-layong lugar.

    Nilagpasan ko ang isa pang kapatid ni Jasmine na nakaawang ang bibig habang tinitignan ako.

    “Jacob, gaya ng sabi ko, breach of contract.” Sabi ni Bryan.
    “Saang korte at magkano? Babayaran ko kahit magkano. Lumayo lang kayo.”

    WHAT? Ano yun? Breach of Contract!? Sa kontrata ba ng trucking? At magbabayad siya dahil gusto niyang lumayo na sina Jasmine sa amin?

    Napalunok ako habang binubuksan ang front seat ng sasakyan ni Jacob. Hindi pa naging klaro sa akin ang lahat ng nangyari sa kay Jacob at Jasmine pero hindi ko na kailangang alamin. Ramdam na ramdam ko lahat ng sinabi ni Jacob. Ganunpaman, hindi ko parin kayang ngumiti sa kanya.

    Sumusulyap siya sakin every 10 seconds. Para bang hinitintay niyang mag milagro at maging sweet ako sa kanya. Kaya lang, hindi ko magawa. Kailangan ko ulit ng time. Fresh parin ang lahat. Gusto kong iproseso ang lahat. Gusto kong pag-isipan kung ano talaga ang ugat ng lahat ng ito. Napatawad ko na siya pero tingin ko kailangan ko pang mag isip kung anong approach ang gagawin naming dalawa pagkatapos ng malaking away na ito… kung paano namin pangangalagaan ang relasyon namin. Yung tipong kahit ilang babae ang maglandi sa kanya, hindi basta-basta mawasak ang trust ko at hindi rin siya basta-bastang maglilihim sakin.

    “Uhm… Sa Bahay parin ba ni Lola?” Lakas loob niya akong tinanong.
    “Oo.” Malamig kong sinabi.
    “Ah…” Tumango siya.

    Alam kong disappointed siya sa desisyon ko. Para sa kanya, ang ibig sabihin nito ay hindi ko parin siya napapatawad, pero ang totoo, gusto ko lang mapag-isa ng kahit isang gabi. Break para saming dalawa pagkatapos ng matinding pag-aaway namin.

    Gusto niya palagi akong nasa tabi niya. Gusto niya ng di ako nawawala. Gusto niyang literal kaming palaging magkasama. At hindi ko siya susumbatan dahil yun ang gusto kong Jacob. Yun ang Jacob ko. Part na iyon sa mga nagustuhan ko sa kanya. At alam kong ang pagiging malamig at maarte ko ay part din ng nagustuhan niya sakin. Tanggap namin ang isa’t-isa. Lahat ng flaws namin ay hindi nagiging hadlang para mahalin namin ang isa’t-isa, instead, sila ang naging pundasyon sa pagmamahalan namin.

    “Good night.” Sabi ko sa kanya at binuksan ang pintuan.

    Aalis na sana ako nang narealize kong gusto kong humalik sa kanya… kahit sa pisngi man lang. Binalikan ko siya agad at hinalikan sa pisngi. Umalis din ako agad para isarado ang pintuan. Kahit madilim, ilaw lang sa loob ng sasakyan niya ang nagdadala ng liwanag, kitang-kita ko parin ang pamumula niya.

    Sa sobrang pula ng pisngi niya, pakiramdam ko sasabog na siya.

    Ngumuso ako kahit gusto kong ngumiti.

    “Si-Sigurado ka bang dito ka matutulog?” Tanong niya.
    Tumango ako.
    “K-Kung ganun, tatawagan kita pagkarating ko sa bahay. W-Wa’g kang matutulog agad, ah? Tatawagan pa kita.” Lumunok siya.
    Tumango ako at sinarado ang pinto.

    Tinalikuran ko siya. Ang bilis ng tibok ng puso ko habang naglalakad ako papasok ng Bahay ni Lola. Damn! Naiinlove na naman ako sa kanya. Ilang beses ba akong maiinlove sa iisang lalaki? Ilang beses na rin kaya siyang na inlove sakin?

    “ROSIE!?!” Nakangiting sigaw ni April sakin nang nakapasok na ako sa Bahay ni Lola.

  • Kabanata 29Open or Close

    Kabanata 29
    Naniniwala naman ako

    “Anong ginagawa mo dito?” Tanong ko kay April.

    Alam kong mejo mean ang pagkakatanong ko pero hindi ko talaga inaasahang mapapadpad siya dito sa bahay namin.

    “Jusmiyo ka, Rosie! San ka galing? Asan si Jacob? Nag-away ba kayo?” Salubong ni Auntie Precy sakin.

    Umiling ako. Papasok ako ng bahay at di parin matanggal sa sistema ko ang tanong kung bakit nandito si April. Ano ang pinag uusapan nila ni Auntie Precy?

    “Hindi… I mean… oo. Pero okay na kami.”

    Nagkatinginan sina Auntie Precy at April. Pareho silang bumuntong-hininga at napaupo sa sofa. Para bang nawalan sila ng lakas pareho.

    “Bakit?” Tanong ko.
    Tumingala si April sakin.

    Umupo narin ako sa sofa para marinig ang sasabihin nila.

    “Kasi naman… nalaman ko na nagalit si Jacob kay Jasmine. Tapos nakita ko yung sasakyan niya kanina, dumaan, naisip ko, nandito siya sa Alegria pagkatapos ng isang linggong pagkawala dahil sa away nila ni Jasmine pati sa mga kapatid niya.”
    “Oo. Nag-away sila. Nag-away din kami ni Jacob. Naabutan ko silang naghahalikan sa opisina ng trucking.”

    Parehong nanlaki ang mga mata ni Auntie Precy at April.

    Umiiling na si April bago ko pa nadugtungan ang sasabihin ko.

    “Inaway ko si Jacob pero sinabi niya saking di niya magagawa yun. Na si Jasmine yung nag initiate.”
    “Rosie, maniwala ka sa kanya.” Napalunok si April.

    Nabigla ako sa opinyon ni April.

    “Alam ko. Nandito ako the whole time na wala ka. Alam ko ang mga ginagawa ni Jacob, bukambibig ka niya.”

    Natahimik ako.

    Huminga si April ng malalim bago nagsalita muli.

    “Rosie… Kilala ko si Jacob. Simula bata pa kami, alam na alam ko na ang pag uugali niya.”
    Tumango ako kay April.
    “Kukuha lang ako ng pagkain, ah. Di pa yata nakakapaghapunan itong si Rosie… Saglit lang.” Sabi ni Auntie at nagmadaling pumunta sa kusina.

    Nakinig ako sa sinasabi ni April. Hindi ko alam kung totoo ba yung mga makukuha ko sa sinasabi niya o kasinungalingan na naman. It’s just so hard to trust her again. Siya ang puno’t dulo ng video na iyon noon.

    “Alam kong marami akong nagawang masama sa inyong dalawa. Dahil desperate akong makuha ang atensyon ni Jacob… dahil nakabaling na ang buong atensyon niya pagtungtong mo pa lang dito sa Alegria.”
    Tumango ulit ako.
    “Pero tanggap kong ikaw ang mahal niya at mahal mo rin siya.” Napatingin si April sa mga kamay niya. “At nakikita mo naman sigurong walang pag-asa diba?” Ngumisi siya sakin pero ramdam ko ang kalungkutan niya.

    Binalot kami ng matinding katahimikan. Hindi ko alam kung ano ang pwede kong sabihin sa kanyang pampalubag-loob. Wala. Wala akong maisip. Wala akong masabi.

    “Okay, ito ang punto ko… Kilala ko si Jacob. Mabait siya. Mabait na mabait. At siya yung mahilig maging hero ng lahat. Tuwing inaaway ako noon, lagi niya akong pinagtatanggol. May ibang inaaway din bukod sakin, pinagtatanggol din niya. Pero ako yung paborito niya dahil ako yung madalas na inaaway noon. Pero nung dumating ka, hindi ko maintindihan, hindi ka naman kinawawa, pero nasayo ang atensyon niya.”

    Natahimik ulit siya. Para bang iniisip niyang mabuti kung ano ang sasabihin niya.

    “Ngayon, isang araw, narinig kong nag uusap si Jacob at Jasmine.”

    Kinabog agad ang dibdib ko sa sinabi ni April. BAKIT? ANO ANG PINAG USAPAN NILA?

    “Nabanggit ni Jasmine kay Jacob na iniwan siya ng ex niya at pinagpalit siya sa iba. Umiyak si Jasmine noon.”

    Hinintay kong may sasabihin pa si April na ikakasakit ng damdamin ko.

    “Syempre, gaya ng sinabi ko, mahilig si Jacob sa pagiging hero. Yung tipong icocomfort ka pag may problema ka. Yun ang kahinaan niya. Hindi niya kayang makita ang ibang tao na nahihirapan. Kung may magagawa siya, gagawin niya. Pero ito ang first time kong makita siyang dumidistansya sa mga may problema. Hindi niya kayang magpaka hero sa lahat dahil gusto niya, sayo lang siya magiging hero… Parang ganun.”

    Kinilabutan ako sa sinabi ni April.

    “Bakit? Ano bang nangyari?”

    Dumating si Auntie Precy dala ang mga pagkain. Nakatoon parin ang pansin ko kay April.

    “Nung time na umiyak si Jasmine, sumandal siya kay Jacob. Hindi siya pinigilan ni Jacob pero hindi niya rin naman siya niyakap o ano.”

    Tumango ulit ako at naghintay pa ng karagdagang impormasyon.

    “Pero isang araw, tinanong ko siya kung anong meron at bakit imbes na kayo ang laging magkasama ay si Jasmine ang kasama niya. Sinagot niya ako na para lang ito sa trabaho. Syempre, ayaw kong may kasama siyang iba bukod sayo kaya tinutulak ko si Jasmine palayo sa kanya tuwing may pagkakataon ako. Pero pinagsabihan ako ni Jacob na wa’g akong maging harsh sa kanya kasi may pinagdadaanan siya.”

    So… he cared after all. Hindi ko masisisi si Jacob kasi mabait talaga siya.

    “Kung ano man yung ipinakita ni Jacob na kabaitan kay Jasmine, dahil lang yun sa pagiging maawain niya.”

    Napalunok ako. Bumalik ulit sakin lahat ng alaala nung magkalayo kami ni Jacob.

    Tumatango si Auntie Precy sa sinabi ni April, “Mabait kasi si Jacob. Yun ang punto. Sigurado akong nagkakaclose lang sila ni Jasmine kasi hinahayaan niya na lang. Kakagaling lang sa break up ni Jasmine-“
    “Pero nag confess siya kay Jacob… Sinabi niyang mahal niya si Jacob at hinalikan sa labi.”
    “Yun ang point ko, Rosie.” Singit ni April. “Kakagaling lang ni Jasmine sa break up, kaya nabigla si Jacob nang sinabi ni Jasmine yung feelings niya para kay Jacob. Nagdalawang isip pa siya kung harsh niya bang tatanggihan si Jasmine o dahan-dahan niyang tatanggihan ito. Basta ang alam ko, sa aarw na nagkita tayo dito sa Alegria, agad umalis si Jacob pabalik ng Manila. Ni hindi ko pa siya nakakausap tungkol sa pagdalaw mo. Saka ko narinig na nag away si Jasmine at Jacob.”
    “Bakit?” Tanong ko kahit obvious na.
    “Ang sabi ng mga nagtatrabaho sa trucking, narinig daw nilang sinigawan ni Jacob si Jasmine na ‘SORRY PERO SI ROSIE LANG ANG PWEDENG HUMALIK SAKIN'” Humagalpak sa tawa si Auntie Precy.
    Napangisi din si April.

    Ngumuso ako at tinignan ulit silang dalawa. Mangiyak-ngiyak na si Auntie sa kakatawa.

    “Lokong Jacob! Ewan ko ba! Talagang baliw siya sayo, Rosie.” Sabi ni Auntie.
    “Di ko naabutan yung pagsigaw niya. Umalis na ako. Nadisappoint ako sa pagtagal nung halik.”
    “Yun din ang iniisip kong iniisip mo kaya ako nandito para ipaliwanag sayo ito.” Sabi ni April ng nakangiti.

    Hindi ko na naman siguro kailangan ng paliwanag. Bago pa ako nakarating dito at narinig yung paliwanag nila… napatawad ko na si Jacob. Salamat na rin at narinig ko ang side ni April, nawala na ng tuluyan ang bigat ng nararamdaman ko para samin ni Jacob.

    “Uhm… Thanks, April.” Huminga ako ng malalim.
    “Okay lang. Pambawi sa lahat ng nagawa ko. Kung hindi rin naman sakin si Jacob, dapat sayo lang siya.” Ngumisi siya.
    Ngumisi din ako.

    Weird. I know that was weird pero bakit nakangisi din ako?

    “Ehem! Uy, girls! Kumain na nga kayo…”
    Tumawa si April at kumuha na ng plato para makakain.

    Sa sobrang saya ko sa sinabi ni April, baka gawin kong scholar yung anak niya in the future!

    “So, okay na kayo ni Jacob, Rosie?” Tanong ni Auntie Precy.
    “Oo naman.” Sabi ko.
    “Weh? Hindi ako naniniwala! Kung totoong okay kayo, ba’t andito ka?” Tumaas ang kilay niya.
    “Akala ko ba ayaw mo nang nasa bahay nila ako?” Tumaas din ang kilay ko.
    “Hindi… Kasi inisip ko… na kung magkaayos kayo, sa bahay ka nila uuwi. Pero dito ka umuwi kaya inisip kong baka tuluyan na kayong nag… alam mo na…”
    Umiling ako at tinignan ang cellphone kong may limang missed calls galing kay Jacob, “I don’t think that’ll happen.” Ngumisi ako at umalis na muna para sagutin ang tawag niya.

    Tumunog ang cellphone ko nang nasa kwarto na ako.

    “Hello?” Maarte kong sinagot.
    “R-Rosie… Ba’t ngayon ka lang sumagot?”

    Kinurot ang puso ko sa boses niya. Damn! Mahal na mahal ko talaga siya. Kahit simple lang yung tanong niya para na akong magha-hyperventilate sa sobrang saya.

    “Kumakain pa kasi ako.” Sabi ko.
    “S-Sorry. Naistorbo ba kita sa pagkain mo? Ibababa ko na?” Tanong niya.
    “Tapos na rin naman akong kumain kaya okay na.” Sabi ko.
    “Ganun ba? Uhm… Ako di pa ako kumakain.” Parinig niya sakin.
    “Oh, ibababa ko muna para makakain ka, ah?”
    “HA? Wa’g WA’G!” Aniya.
    Nakangisi na ako pero tiniyak kong hindi niya iyon mahahalata, “Oh? Bakit? Para makakain ka na.”
    “Kakainin na ako, basta wa’g mo lang ibaba. Uh… na mi-miss ko na talaga kasi yung boses mo…”

    Natahimik ako sa sinabi niya. KInagat ko na lang ang labi ko para maiwasan ang pagngisi masyado. Humiga ako sa kama habang niyayakap ang unan. Wala akong naririnig kundi ang paghinga niya.

    “Kailan ang balik natin sa Maynila?” Tanong ko.
    “Kung kailan mo gusto.” Aniya.
    “Bukas na agad. Marami pa akong kailangang tapusin sa Maynila. Tapos, ikaw, dito ka na lang mag field study ulit.” Sabi ko.
    “HA? Bakit?” Dismayadong tanong niya.
    “Wala ka namang ginagawa dun sa Manila. Wala na rin naman si Jasmine kaya okay na ako.” Sabi ko.
    “Pero wala ka…”

    Tumindig ang balahibo sa leeg ko. Simple lang naman yung sinabi niya pero ibang klase ang epekto sa akin.

    “Isang buwan lang naman yun.” Sabi ko.

    Gusto ko siyang makasama araw-araw… Pagkatapos ng lahat ng nangyari, I’ve learned my lesson. Pero since nasimulan niya na ito, gusto ko rin sanang tapusin niya na lang ito.

    “Ihahatid kita sa Manila bukas.” Aniya. “At pag iisipan nating mabuti lahat ng desisyon natin.”

    Napangiti ako sa sinabi niya.

    “Oo. Dapat siguro wala ng mga lihim. Dapat kung ano ang ginawa mo sa araw na iyon, sasabihin mo lahat. Pati yung mga tingin mo ay di importante. At lalo na pag may ibang taong involve para maiwasan na yung pagdududa.”
    “Oo. Tulad ng bakit kaya puti ang sinoot mo sa Status Party na iyon? Hindi man lang it’s complicated? Talagang single agad? Rosie, wa’g namang agad nag co-conclude. Wa’g naman sana akong iwan agad nang di pa ako nakakapagpaliwanag.”

    Ewan ko kung bakit natatawa ako nang naisip ko yung Status Party.

    “Hindi ko naman alam na may rule pala sa party na iyon. Nagkataon lang na puti yung soot ko.” Sabi ko.
    “Ganun ba?” May halong sarcasm akong narinig sa boses niya.
    “Oo. No secrets, right. Nagsasabi lang naman ako ng totoo. BAKIT? TINGIN MO NAGSISINUNGALING AKO?” Tinarayan ko na.
    “H-Hindi no! Sabi ko nga eh! N-Naniniwala naman ako, ah?”

    Hay Jacob! Ang cute mo talaga. Sarap mong yakapin magdamag. SHEEEEEEEEEET! Miss na miss ko na tuloy siyang mayakap mag damag.

    Humigpit lalo ang yakap ko sa unan ko.

    “Maaga tayo bukas, ah? Gusto ko ng bumalik ng Manila.” Sabi ko.

    At makasama ka… I love you, Jacob. And I miss you so much.

  • Kabanata 30Open or Close

    Kabanata 30

    Dalhin Mo Na Lahat

    “Uhm… May driver akong dala. Okay lang ba sayo kung tabi tayo sa l-likuran.” Tanong ni Jacob palabas ng Bahay ni Lola.

    “Okay lang naman.” Sabi ko at dumiretso na sa sasakyan nila.

    Hindi ako nakatulog kagabi sa kakaisip sa lahat ng nangyari. Napatawad ko na si Jacob pero nakaka-awkward pag agad akong magiging sweet sa kanya pagkatapos nang nag aalab naming away.

    Nahuhulog agad ang mga mata ko palabas pa lang kami ng Alegria. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Napuyat talaga kasi ako kagabi sa kakaisip.

    “Rosie?”

    Napatalon ako sa pagtawag ni Jacob.

    “E-Etong unan oh.” Sabay abot sakin ng malaking unan.

    “Thanks.” Kinuha ko ito at nilagay na agad ang ulo ko.

    “Hindi ka ba natulog kagabi? Bakit inaantok ka?”

    Nakapikit na ako nang narinig ko ang tanong niya, “Hmm. Mejo.”

    “P-Pwede namang sakin ka sumandal.”

    Dinilat ko ang mga mata ko para sulyapan siya.

    Nag-iwas siya ng tingin.

    “Di na… Baka mabigatan ka sakin. Okay na ito…”

    “Mabigatan? Ngayon pa ba ako mabibigatan? Ilang beses na kitang binuhat.”

    Binigyan ko siya ng masamang tingin kaya nag-iwas na lang ulit siya ng tingin.

    Alam kong miss na miss mo na ang lambingan natin. Miss na miss ko na rin yun pero dahan-dahan lang. Unti-untiin natin hanggang sa makapag-usap na tayo ng maayos.

    Hindi ko na alam kung ilang oras akong natulog, nang dumilat ako, nasa lap na ako ni Jacob nakahiga. Naaninag ko agad ang mga mata niyang nanlalaki pagkakita niyang gising na ako.

    “R-Rosie, b-bigla ka na lang sumandal sakin. Hindi naman kita pinilit na dito matulog. Sumandal ka kaya ganito nangyari. Ayaw ko namang nahihirapan ka habang natutulog. Sorry kung naabutan mong ganito-“

    “Okay lang.” Sabi ko sabay ayos ng pag-upo.

    Nagpapanic parin siya nang tumingin na ako sa labas. Mabilis ang patakbo ng driver nila pero hula ko malayu-layo pa kami sa Maynila.

    “Ilang oras akong natulog?” Tanong ko.

    “Uh… Lima. Bumili nga kami ng pagkain. Eto, oh!” Sabay pakita niya sa pagkain. “Nagpahinga kasi sila ng 30 minutes habang natutulog ka. Kumain din sila. Ayaw naman kitang gisingin kasi mahimbing yung tulog mo. Kumain ka na.”

    “Ikaw? Kumain ka na ba?”

    Napatalon siya sa tanong ko, “Hindi pa rin.”

    “Bakit?” Tanong ko.

    “H-Hindi kasi ako makagalaw nung natutulog ka kaya hinintay ko na lang na magising ka.”

    Tumango ako at kinuha yung pagkain na binila niya. “Kumain na tayo.”

    “O-O sige.”

    Kumain kaming dalawa sa likod ng sasakyan. Tahimik siya habang kumakain kami. Dahil tuyo yung lalamunan ko, isang subo ko pa lang sa ulam, nabilaukan agad ako…

    “Rosie, okay ka lang? Eto tubig!” Nagpanic ulit siya nang binigyan ako ng tubig.

    Ininom ko naman agad. Pagkatapos kong uminom galing sa 1 liter na mineral water ay napahinga ako ng malalim.

    “Okay ka na?” Tanong niya.

    Tinignan niya ang mineral water at lumagok na rin dun. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Bumalik yung mga alaala ko noon. Yung pagiging obsessed niya sa indirect kiss naming dalawa.

    “Akin yan, ah? Ako yung unang uminom. Bakit ka uminom dun?” Tanong ko.

    “Ha? Bakit? Anong big deal sa pag inom ko dito?” Nabigla siya sa sinabi ko.

    Umiling ako at di na lang nakipagtalo.

    “A-Akin ka naman, ah? Pati labi mo akin kaya okay lang naman sigurong halikan ko kung ano yung akin.”

    Pumikit ako at nagpigil ng ngisi. Shit kang Jacob ka! Bakit napapangisi mo ako sa simpleng mga sinasabi mo?

    Uminit ang pisngi ko nang narealize na nakikinig pala siguro ang dalawang driver na dala niya. Pareho naman silang dalawang walang imik kaya tumahimik na lang ako. Ugh! Jacob! Pagkatapos naming kumain ay sinubukan ko ulit matulog. Ngayon, sa balikat niya na ako sumandal para matulog.

    “Pwede namang dito, Rosie.” Sabay tapik niya sa hita niya. “Magkaka stiff-neck ka niyan.”

    “Gusto ko dito.” Sabi ko.

    “Ha? Ah… Eh… O sige.”

    Nilagay ko ang kamay ko sa sparkling abs niya. Damn! Miss na miss ko na ang pakiramdam ng katawan niya. Isang linggo ko rin itong nakikitang palakad-lakad sa bahay namin nang di ko ginagalaw kaya ayan tulog, nanginginig ako habang nakapatong ang kamay ko sa abs niya.

    Naramdaman kong natigilan siya sa ginawa ko. Nanigas yung katawan niya.

    “Matutulog na ako, Jacob.” Bulong ko sa tainga niya.

    Hanggang saan kaya ang isang ito? Hanggang saan yung pagti-tiis niya sa mga panunuya ko? Natatawa ako kaya pinikit ko na lang ang mga mata ko. Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng buong katawan niya habang nakasandal ako doon. Sabik na sabik na siya pero pinipigilan niya.

    Kahit na naaliw ako sa mga iniisip ko, sa sobrang puyat ko kagabi, nakatulog parin ako.

    Nagising lang ulit ako nang gumalaw si Jacob. Hindi ko alam kung bakit naging biglaan yung pag galaw niya.

    Hapon na nang dinilat ko ang mga mata ko. Tumigil na sa pag andar ang sasakyan. Orange na ang kulay ng langit, sigurop ay papalubog na ang araw. Sinuyod ng mga mata ko ang paligid at nakita kong nasa tapat na kami ng apartment namin.

    Padabog na binuksan ni Jacob ang pintuan ng sasakyan niya.

    “Jacob?” Tawag ko.

    Sinundan ko siya nang tingin. Mabilis siyang naglakad. Nahagip agad ng mga mata ko kung saan siya patungo. Nakita ko si Brandon, nakasandal sa sasakyan niya habang nakaabang sa apartment namin.

    “Oh my God!” Binuksan ko ang pintuan at tumakbo na para pigilan silang dalawa.

    “ANONG GINAGAWA MO DITO!?” Sigaw ni Jacob kay Brandon.

    Napatalon sa bigla si Brandon sa pagsugod ni Jacob.

    “Dude, easy. Binibisita ko lang si Rosie.” Sabi ni Brandon.

    “Brandon…” Pumagitna agad ako sa kanilang dalawa.

    Mabilis na ang paghinga ni Jacob at nakakuyom na ang mga kamay. Oo nga pala… Naexplain niyang mabuti ang side niya pero hindi ko pa naeexplain ng mabuti yung sakin.

    “Sorry, umalis ka na, please.” Sabi ko kay Brandon.

    Naghalf-open ang bibig niya nang tinignan niya ako, “I thought you’re single.”

    Kitangt-kita sa mga mata at tono ng boses niya ang disappointment.

    “Binalikan mo talaga?” Tanong niya na parang nakakatawa ang pagbabalikan naming dalawa.

    “Walang hiya ka! Anong pakealam mo kung balikan niya ako?” Sumugod si Jacob pero hinawakan ko ang dibdib niya para pigilan.

    “Jacob, kumalma ka. Hayaan mo siya. It’s a waste of time. Ako na ang bahala dito.” Bumaling ako kay Brandon.

    “Rosie… nakita mo siyang may kahalikang iba diba? Sinabi sakin ni Jasmine ang nangyari sa inyo kagabi. Naisip kong di mo na siya babalikan kahit anong explanation pa ang matanggap mo kasi alam kong matalino ka.”

    Umiling ako.

    Naramdaman ko na naman ang paninigas ng muscles ni Jacob. His jaw clenched. “Tangina mo, wa’g kang makealam dito! Wala kang alam! Mundo namin ‘to kaya wa’g kang sumawsaw!” Sigaw niya.

    “JACOB!” Sinimangutan ko siya.

    Bahagya siyang kumalma nang narinig ang pagsigaw ko. Tinignan niya ako sa mga mata bago ako bumaling kay Brandon.

    “Bobo na kung bobo pero babalikan ko siya kasi mahal ko siya. Napatawad ko na siya. It’s not like he fell in love with someone else. Nilandi lang siya ng iba pero hindi naman siya nagpalandi. Misunderstanding lang ang lahat, Brandon. Kung tingin mo ay ganun ako ka taray para di siya patawarin ulit, nagkakamali ka sa akala mo sakin. I can forgive him cuz I love him.” Huminga ako ng malalim.

    Yumuko si Brandon pagkatapos kong magsalita, “Okay, then.”

    Hindi niya ako tinignan.

    For the first time, aaminin ko sa sarili ko… gwapo si Brandon, at nararamdaman kong wagas siya kung magmahal, sana magmahal siya ng babaeng karapat-dapat para sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang trip niya sakin pero kahit di niya inaamin, nararamdaman kong espesyal ako sa kanya.

    Bumaling siya kay Jacob, “Tinamaan ako sa girlfriend mo kaya alagaan mo siya kung ayaw mong agawin ko siya sayo.” Tumalikod siya.

    Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Brandon. Hindi siya umamin sakin! Kay Jacob siya umamin! Hindi niya man lang ako tinignan. Hindi niya man lang ako sinulyapan.

    Narinig ko ang sarcastic na pagtawa ni Jacob, “Hinding hindi kita pagbibigyan, tandaan mo yan.”

    Sumulyap si Brandon kay Jacob. Nakangiti siya pero kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata niya. Hinila ako ni Jacob at nilagay sa likuran niya.

    “Umalis ka na.” Sabi ni Jacob.

    Umiling si Brandon, “FMK, Jacob. Fvck, Marry, Kill… Rosie, April, Jasmine.”

    “Fuck and Marry Rosie, Kill you.” Tumalikod si Jacob kay Brandon at hinila ako papasok sa apartment namin.

    Tumitindig pa ang balahibo ko sa huling sinabi niya kay Brandon. Nandoon sina Maggie sa sala, nanonood na naman ng movie. Ngumisi lang silang dalawa at bumaling ulit sa TV. Para bang wala silang pakealam kung anong nangyari.

    “Maggie, bati na kami.” Sabi ng inosenteng boses ni Jacob.

    Kumaway lang si Maggie na nakatingin parin sa TV.

    “Expected, Jacob. Yung tanong ay hindi kung magkakabati pa ba kayo… yung tamang tanong ay kung kelan. Hmmp. Don’t disturb. Maganda ang movie na ‘to. Shhh. Alis.” Sabi ni Maggie at humilig ulit kay James.

    Hay nako! Sinasabi ko na nga ba yun ang iniisip ni Maggie simula pa lang. Dumiretso ako sa kwarto at tinignan ang mga damit kong nagkalat. Nilagay ko halos lahat ng damit ko sa luggage. Naabutan ako ni Jacob na nag iimpake.

    “Rosie? S-Saan ka pupunta? Bakit ka nag iimpake?”

    Ngumisi ako pero di ko siya sinagot.

    “Pakiabot yung isang lotion. Pati rin yung isang damit diyan tsaka yung pants.” Tinuro ko yung mga sinabi ko.

    Hindi siya gumalaw.

    “Aalis ka?” Lumunok siya.

    “Oo.”

    “HUH? S-Saan? Bakit? Diba nagkabati na tayo-“

    “Sa bahay niyo. Dun na ako titira. Unless kung ayaw mo?” Tumaas ang kilay ko.

    Nalaglag ang panga niya sa sinabi ko at nagsimulang kumuha ng mga damit.

    “Wa’g ka ng magtira ng damit dito, ah?” Aniya. “Dalhin mo na lahat ng gamit mo.”

  • PangwakasOpen or Close

    Pangwakas

    “Jacob, mamaya punta na lang tayo agad sa bahay nila para makuha at mabasa mo yung kontrata.” Sabi ni papa.

    Kakarating ko lang galing Maynila. Alam kong dapat buong byahe akong natulog para di ako puyat pagkarating dito, kaya lang hindi ko kayang matulog. Masyadong magulo ang isipan ko. Ayaw ko ng malayo kay Rosie pero ito ang gusto niya. Tama siya, kailangan kong mag-aral sa negosyong ito. Gusto ko itong pasukan at magandang training ground ito para sakin pero pag naiisip kong kapalit ng pag-aaral ko nito ay ang pagkakalayo namin, hindi ko kinakaya. Maaring kulang pa ako sa maturity. Kumpara saming dalawa, ako itong mas mabilis manlambot tuwing nagkakalayo kami. Nami-miss kaya ako nun? Hindi na lang ako mag iisip ng masama para hindi na siya magalit.

    Nakatulog na ako nang di namamalayan. Nang nagising ako, siya agad ang nasa isip ko. Pag masyado na kayong malapit, parang lagi mong ineexpect na pagkagising mo, siya ang bubungad sayo. Pero sa ngayon, unan at cellphone ko ang bumungad sakin.

    Dinampot ko agad ang cellphone ko at tinawagan siya…

    “Akala ko nasa kwarto kita dito. Baliw na yata ako.” Sabi ko.

    Tumawa si Rosie sa reaksyon ko.

    “Soot-soot ko nga pala ang binigay mong relo.” Dagdag ko.

    “Maganda ba?”

    “Oo, Rosie. Binili mo ba ang sweldo mo ng relo para sakin?”

    Sana tigilan niya na ang pagmomodel, nakakainsulto naman. Kaya ko naman siyang buhayin, ba’t kailangan niya pang magpakahirap para makabili ng mga bagay. Hindi naman ito kailangan. Tsaka… isa pa yang mga male models diyan sa Agencyng napasukan niya. Kung makatingin parang nanghuhubad ng mga babae, lalo na kay Rosie.

    “Uhm… Oo.” Malambing niyang sinagot ang tanong ko.

    “Rosie… Kung nag modeling ka para lang mabigyan ako ng ganito, sana tinigil mo na lang. Hindi naman kailangan eh. Ikaw lang naman ang gusto ko. Ikaw na buong-buo. Hindi kailangan ng kung anong materyal. Ayokong nahihirapan ka para lang sa ganito.”

    “Kasi gusto ko lang talagang bigyan ka ng ganyan lalo na ngayong magkakalayo na tayo. At least man lang may alaala ka sakin.”

    “Alam mo kung ano ang tanging gusto ko?”

    “A-Ano?”

    “Ikaw. Dito. Sa harap ko. Araw-araw. Yun lang masaya na ako.”

    “Ibibigay ko rin yan sayo, Jacob. Sa right time. Pagkasal na tayo. Pagtapos na tayo sa pag-aaral.”

    Ito ang isa sa mga gusto at ayaw ko kay Rosie. Gusto ko na inuuna niya ang pag-aaral namin. Ibig sabihin, iniisip at pinagpaplanuhan niya ang future naming dalawa. Maganda na sana pero nahihirapan ako. Kaya sa huli, ayaw ko parin. Mas gusto ko paring magpakasal na lang kami at gawin niya ang gusto niya. Iniisip ko nga kung paano ko siya mapipikot nang di niya namamalayan. Ang hirap lang ay natatakot akong iwan niya ako pag pinilit ko yung mga gusto ko.

    “Miss na miss na din kita, Jacob. Sige na, kumain ka na. Mag aayos muna ako para mamaya. Maghalikan na lang tayo sa panaginip.” Aniya.

    Ano ba yan! Daya nitong si Rosie! Alam nitong patay na patay ako sa kanya, binibigyan niya pa ako ng mga ideya ngayong malayo kami sa isa’t-isa.

    “Hmp! Ito na nga ba ang ayaw ko. Magkalayo na nga tayo, tinutukso mo pa ako ng ganito. Balikan kita dyan eh, tsaka ikakama… tignan natin.”

    “Tumigil ka nga diyan! Kakagising mo nga lang. Sige na… mag almusal ka na!”

    Inaakit ako tapos ipapatigil pag naramdamang naakit na ako. Kainis!

    “Pwedeng ikaw na lang gawin kong almusal? Sarap mo kasi!” Ngumisi ako

    Pumunta na ako sa trucking kasama si Papa. Marami siyang kinausap. Kinausap niya yung may-ari nito noon. Aniya’y yung namamahala daw nito ay yung mga anak niya. Yun naman pala, siguro madali lang itong palakarin kasi mga kasing edad ko lang yung namamahala. Mga pinsan lang pala ni Eunice.

    “Ipicture mo nga ang sarili mo. Tapos isend mo sakin. Gusto kong makita ka, Rosie…” Sabi ko nang tinawagan ko siya. Malapit na yung ramp nila.

    “Oo na… Mamaya. anong ginagawa mo?”

    “May hinihintay ako. Yung pinsan kasi ni Eunice ang nagpapatakbo sa trucking na ito noon. Nasa contract kasi yung uunti-untiin daw yung paglilipat ng management para di manibago yung mga empleyado. Okay na rin sakin kasi wala din naman akong alam sa trucking… yung spare parts ng trucks, pagpapatakbo sa negosyo, pag-aayos, marami pa kaya okay na rin kung itrain niya ako.”

    “Ahh… So nasa trucking ka ngayon?”

    “Oo. Nasa loob ako ni Rosie Buenaventura ngayon.” Ngumisi ako.

    Alam kong alam niya kung ano yung ibig kong sabihin.

    Tumawa ako nang di siya nagsalita, “Oh, ba’t natigilan ka diyan? Ayaw mo bang nasa loob mo ako, huh?”

    “Jacob! Nakakahiya ka.”

    “Oh bakit? Wala namang tao ngayon dito. Nakaupo pa ako sa likod ng truck na pinangyarihan ng milagro natin. Haaay, sana nandito ka. Hahalikan talaga kita hanggang sa lumambing ng husto ang boses mo at kumuyom na ang kamay mo sa sarap.”

    Naaalala ko pa yung ginawa namin dito. Naiisip ko pa lang yung pagkalmot niya sa braso ko nag iinit na ako. Lecheng buhay ito. Tinutukso ko nga siya pero nag ba-backfire naman sakin. Ako pa yung nag iinit, lintek!

    “Jacob! Tumigil ka-“

    “Tumigil? Eh nasasarapan ka naman yata eh? Ba’t ako titigil. Rosie, kung gusto mo, wa’g kang mahiyang humingi sakin kasi pagbibigyan kita parati. Kung gusto mo mamayang gabi dahil sobrang miss na miss mo na ako, talagang lilipad ako diyan para lang ma satisfy ka kaya wa’g ka ng mahiya okay?”

    “Sheet! Jacob! Tumigil ka na ah?”

    Ayan na, nag iinit na yan! Minsan iniisip ko pag inaayawan niya ako, dun siya natutukso. Lalo na pag napapamura siya.

    “Bakit ka napapamura? Nag iinit ka yata eh. Ano? Game na? mamayang gabi?”

    “WHAAAT? Magseryoso ka nga diyan! Tumigil ka ah! Unahin mo nga yan. Saka na… Sa Sabado na!”

    “Talaga? ayaw mong mamayang gabi? Lagi kitang tutuksuhin baka sakaling magbago ang isip mo at pauwiin mo ako diyan para gabi-gabi na tayong mag-“

    Natigilan ako nang may naaninaw akong lumalapit sakin. “Hello, are you Jacob Buenaventura?”

    “Ako. Bakit? Sino ka?” Tanong ko sa babae.

    “Ako yung pinsan ni Eunice… I’m-“

    “Ah! Okay. Saglit lang. Rosie… Tawagan na lang kita mamaya. Dumating na yung pinsan ni Eunice. Good luck sa modeling. I love you. Wa’g mong kalimutan yung pictures. Pakabait ka diyan pag mag loko ka diyan, uuwi ako tapos bubuntisin kita.”

    Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Rosie ay bumaling na ako sa babae.

    “Ano yung pangalan mo, miss?” Tanong ko.

    Ngumiti siya, “Ako si Jasmine. Yung pinsan ni Eunice.”

    Tumango ako.

    “Ako yung madalas mamahala dito. Pati rin itong mga kapatid ko. Ito si Bryan, ang kuya ko. Eto naman si Enzo yung bunso namin.”

    Tumango ako at naglahad ng kamay sa kanila. Tinanggap nila ang kamay ko.

    “Sa inyo yung Kampo Juan, diba? Pati rin yung farm ng Kampo Juan? Kailangan niyo nga talaga ng trucking para sa pag-aangkat niyo.” Sabi ni Bryan.

    “Oo. Kaya nga interesado talaga ako dito.”

    Ngumisi si Jasmine, “Naku! Ako yung madalas na mamahala dito. Sakin ka lang magtanong pag may problema.”

    “Kuya, tinatawag ka ni daddy.” Sabi ng bunso nilang si Enzo nang kinalabit si Bryan.

    “Okay… Iwan ko muna kayo dito. Punta lang ako sa opisina.”

    Tumango ako.

    Naiwan kaming dalawa ni Jasmine dito. Nakangisi siya habang nakatingin sa buong lupain sa harap namin.

    “Ang ganda dito sa Alegria. Sayang at kailangan naming ibenta ang trucking namin sa inyo. Ayoko pa namang umalis dito.” Aniya.

    “May dalawang buwan pa naman kayong mamamahala dito, kaya may dalawang buwan ka pang babalik sa Alegria.” Sabi ko.

    Sumulyap siya sakin, “Mommy mo ba si Rosie Buenaventura?” Tumaas ang kilay niya.

    Umiling agad ako, “Hindi, asawa ko yan.”

    “HUH? May asawa ka na?” Dumungaw siya sa kamay ko.

    Itinago ko agad ang kamay kong wala namang singsing.

    “WALA NAMAN!” Humagalpak siya sa tawa.

    Nag-iwas ako ng tingin, “Engaged na kami kaya malapit na rin naman.”

    “Naku! Ang swerte naman niyan. Inaangkin mo na kahit wala di pa nga kayo umaabot ng simbahan.” Napawi ang ngisi niya. “Kainggit. Yung past relationship ko kasi, ako yung ganyan. Masyado akong naging clingy kaya ayun. Iniwan niya ako.”

    Napatingin ako sa kanya. Yung mga masyadong clingy? Tulad ko? Clingy ba ako? Hindi naman ah? Kung clingy ako, dapat di ako pumayag na magpunta dito. Dapat pinilit ko si Rosie na tanggapin niyang doon lang ako mag i-FS! Pero hindi, eh, nandito ako! Kaya hindi ako clingy!

    “Okay ka lang ba?” Hinuli niya ang titig ko.

    Natulala pala ako sa sinabi niya. Tinignan ko ulit siya.

    “Naku! Wa’g mo kong tignan ng ganyan. Naaawa ka sakin? Wa’g mo akong kaawaan. Maswerte pa nga ako kasi iniwan niya ako. Kung di niya ako iniwan, malamang hanggang ngayon, nahihirapan parin ako. Ayoko pa naman ng patuloy akong nasasaktan.” Ngumisi siya pero may luha sa gilid ng mga mata niya.

    “Kung mahal mo ang isang tao, kahit ano pa siya, matatanggap mo. Hindi ka niya mahal kasi hindi ka niya natanggap. Pwede niyo namang pag-usapan ng mabuti kung ano ang ayaw at gusto niyo sa relasyon niyo, hindi yung, agad nag bi-break… Tss…”

    Tumingin ako sa malawak na lupain at bulubundukin sa harapan ko. Kaya namin ni Rosie ‘to. Nasa inyong dalawa lang yan ng partner mo. Kung mahal niyo ang isa’t-isa, walang dahilan ang pwedeng tumibag dito.

    Ginulo ko ang buhok ko nang umihip ang malakas na hangin. Humagulhol sa iyak si Jasmine sa tabi ko. Nanlaki ang mga mata ko at tinignan ulit siya.

    “J-Jasmine? Okay ka lang ba? May nasabi ba akong mali?”

    Nabigla ako sa paghagulhol niya. Tangina, hindi pa naman ako magaling tumahan ng umiiyak unless si Rosie yan. Pati buhay ko ibubuwis ko na wa’g lang tumulo ang luha nun. HAY ROSIE! Bakit ikaw laman ng utak ko palagi?

    “Uhm… Sorry..” Pinunasan niya ang mga luha niya. “Natamaan lang talaga ako sa sinabi mo. Si-Siguro di niya lang talaga ako mahal.” Nabasag yung boses niya sa huling sinabi.

    PATAY! Ako pa yung dahilan bakit siya umiiyak.

    “Uhm.. Hindi naman siguro applicable yun sa lahat. Pero yun kasi ang tingin ko-“

    “Hindi! Tama ka.” Umiyak ulit siya. “Alam ko namang maaring di niya nga ako mahal. Kasi pagkatapos ng isang linggo, pinagpalit niya na agad ako. Siguro dahil pangit ako, o di kaya di ako marunong humawak ng relationships, o baka naman ayaw niya sa ugali ko.”

    Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. PINAGPALIT? Tangina pag ako pinagpalit ni Rosie, hindi ko alam kung anong magagawa ko sa mga tao at maging sa sarili ko.

    Umiling ako… Hindi ganun ang relasyon namin ni Rosie. Matibay na kami kasi marami na kaming nadaanang pagsubok. Siguro naman pag may ibang taong gumulo sa isipan niya, hindi niya agad-agad ako ipagpapalit. Pag iisipan niya muna yun. Titignan niya pa kung worth it ba na ipagpalit ako. Iisipin niya pa kung sino talaga ang mahal niya.

    Napahawak ako sa dibdib ko. Sumasakit ito ng pa onti-onti nang inisip kong ipagpapalit niya ako. Anong ginawa ko para iwan niya ako? Sinunod ko naman lahat, ah! Lahat ng gusto niya? Sh1t! Tangina! Tama na nga pag iisip nito. Hindi niya naman ako iniwan, iniisip ko pa lang, apektado na ako.

    “Mabait ka naman tsaka maganda ka… Walang problema sayo. Siya yung may problema dito. Wala kang ginawang masama. Wala kang pagkukulang. Siya yung hindi interesadong paganahin ulit ang relasyon niyo. Kaya wa’g mong sisihin ang sarili mo.”

    Tinitigan niya akong mabuti gamit ang maluha-luha niyang mga mata. Ngumiti ako. Hindi ko alam kung ano pang kaya kong gawin para patigilin na siya sa pag iyak.

    “T-Talaga?”

    Tumango ako.

    Kawawa naman pala itong si Jasmine. Kung ako ang nasa posisyon niya, hindi ko makakayanan. Hanga ako sa kanya. Pero hindi mangyayari samin ni Rosie yun. Hindi basta-basta ganun. Hindi magagawa ni Rosie sakin yun.

    Nalaman kong magkakilala pala itong si Rosie at Jasmine sa araw na iyon. Mabagal ang panahon dito sa Alegria. Wala akong ibang ginagawa kundi ang pag approve sa mga budget na kailangan para sa parts ng mga truck.

    “Dito ka bumili ng parts kasi mura lang tsaka matitibay.” Sabay turo ni Jasmine sa papel na pinirmahan ko kanina. “Tapos, tipirin mo yung kita, malaki yung kita mo, yun nga lang, kailangan mo silang igastos para sa maintainance ng mga truck. Pero pag nabalanse mo na ang lahat, mababawi mo rin lahat ng yan.”

    Okay, tama siya. Malaki ang kita pero nauubos din dahil sa mga parts at maintainance ng truck. Di tulad ng sa farming na yung kita mo, kita mo na talaga. Dito sa trucking, may liabilities pa yung kita mo. Tsk. Mahirap pero kaya ito.

    “Jacob, uhmmm…” Pula ang pisngi ni Jasmine nang pinuntahan niya ako sa bahay isang araw.

    “O, napadaan ka?” Tanong ko.

    Kakatapos ko lang mag jogging at basketball sa court namin. Pawis na pawis ako at hinihingal pa. Nilapitan ko siya pero umatras siya.

    “Ano yang dala mo?”

    Ibinaba niya ang dalang lalagyan ng pagkain at mas lalong pumula ang pisngi niya.

    “K-Kasi… pinagluto kita.” Aniya.

    Nanlaki ang mga mata ko, “Talaga? Tamang-tama, gutom ako!” Tumawa ako.

    “O-Oo! O sige! Heto!” Ibinigay niya sakin.

    Tinanggap ko agad, “Wow! Amoy palang masarap na.” Sabi ko.

    Magaling pala siyang magluto. Hobby niya raw ito. Habang kumakain ako ng luto niya, tumambay siya sa kusina namin.

    “Si Rosie, mahilig ba magluto?”

    Tumawa ako, “Naku, hindi!” Naisip ko tuloy yung mukha ng magandang si Rosie ko pag nagluluto. Ang cute-cute. Hindi marunong eh. Pero naknangputspa, tumitindig ang balahibo ko pag naiisip kong pinagluluto niya ako. Naghirap pa talaga siya para sakin. Napangisi tuloy ako.

    “Naku! Dapat matuto siyang magluto. Para naman makakain ka ng luto niya. Masaya yung ganun eh.”

    Tumawa ulit ako, “Ewan ko ba. Mas okay sakin yung di siya marunong. Gusto kong nakikita siyang nahihirapan para pakainin ako. HAHA! Na cu-cutan ako. Lalo na pag naiinis na siya. Pikon pa naman yun pag may di nagagawa.”

    Langya! Nami-miss ko na tuloy siya ng sobra. Kaya naman nang umuwi ako sa Maynila, nanginig yung katawan ko pagkapasok ng sasakyan sa gate.

    ROSIEEEEEEE! Ni hindi ko na mahawakan ng maayos ang doorknob sa sobrang kasabikan ko sa kanya.

    “Sana hindi ka na nag-abalang magsoot ng damit, Rosie.”

    Agad kong hinubad yung soot niyang damit. Ang bango niya kahit sa umaga. Pinaghandaan yata ang pagdating ko. Nag effort pa talaga siya. Eh hindi naman kailangan. Pwede namang di na siya nagsoot ng damit para wala ng hubaran.

    Nilapag ko agad siya sa kama. Ilang beses din akong tinukso nito ngayong linggo, ngayon, mabubuhos ko na sa kanya lahat ng mga iniisip kong ginagawa namin tuwing gabi. Hinawakan ko ang baywang niya, nakakapang init yung hubog ng katawan niya talaga… Kahiya naman, agad pa yata akong malalabasan nito.

    Nabigla ako nang nagising ako at nagluto siya. Ayaw kong iniiwan niya ako sa kama pag natutulog ako pero okay din sigurong iwan niya ako para ipagluto. Natutuwa talaga ako. Siguro next time, papanoorin ko siyang magluto.

    “Gutom na gutom ka? Hindi ka ba kumain buong byahe?” Tanong niya

    “Hmmm. Kumain. May dala akong pagkain. Yung pinadala ni Jasmine.”

    “Uhmm… Pinagluto ka niya?”

    Napansin ko ang pagiging matanong ni Rosie tungkol kay Jasmine. Anong problema ng isang ito? Nagseselos yata. Sana pauwiin niya na lang ako dahil sa selos na yan, hindi yung magkikimkim siya at magkukunwaring hindi pero unti-unti siyang nawawalan ng gana sa relasyon namin.

    “Nag text si Jasmine.” Sabi ni Rosie nang tiningnan niya ang cellphone ko.

    “Talaga?” Magseselos na naman ito! “Anong sabi?”

    “Super thank you, Jake. Bakit siya nag thi-thank you?”

    “Hmm. Hindi ako sigurado. Siguro dahil dun sa Alp. Alam mo na, yung welcome party ko. Sinagot ko yung inuman ng mga empleyado nila.”

    “Ahh…”

    Hindi na siya nagsalita ulit. Siguro tingin niya may ginawa ako para kay Jasmine. Ibabalik ko na nga lang sa trabaho yung usapan.

    “Sayang di nag college iyang si Jasmine. Kung sana sa school siya nag aral tapos business management din, baka magaling siya.”

    Tumango si Rosie, “Bakit mo nasabi?”

    “Alam niya yung ilang subjects ko eh. lalo na sa reports.”

    “Ah? May reports pala kayong gagawin?”

    “Oo. Syempre… Kaya ayun, tinutulungan niya akong gumawa.”

    Sana maging ayos ang paningin niya kay Jasmine. Mabuti nga yung tinutulungan ako ni Jasmine sa reports para din naman ‘to sa future namin ni Rosie. Aalis pa naman ako bukas.

    “Jacob, pupunta ako bukas sa Sortee.” Sabi ni Rosie

    “Sortee?” Yung isla?

    “Oo. May launching na naman si Ms Bubbles Manuel. Alam mo namang nakapirma ako ng kontrata.”

    Bayaran na lang natin ang kontratang iyan at umalis ka na sa pagmomodelo. Tss!\

    “Anong oras?” Tanong ko.

    “Alas tres.”

    “Maaga akong aalis bukas, Rosie.”

    “Alam ko… I’m sorry kung wala ka na naman. Wrong timing lang talaga. Di bale… Uhm… Di bale pag tapos ka na sa Alegria, sigurado akong makakasama ka rin.”

    “Hindi ba isla ang Sortee? Ibig sabihin? Ibig sabihin beach attire yung collection na yan? Two piece? Bikini ba, Rosie?” Nanlaki ang mga mata ko.

    “Hindi, Jacob. Gowns parin. Ganun parin kaya wa’g kang mag-alala.”

    “Pero magdadala ka ba ng bikini?” Napalunok ako.

    “Siguro.”

    Sh1t! At wala ako? Tangina! Naiisip ko na yung paglalaway ni Brandon! No… way! Hindi pwede ‘to. Sorry, Rosie pero mamarkahan kita. Sige! Sootin mo yang bikini mo pero dapat sinisigaw ng balat mo ang mga ginawa ko sayo. Dapat alam ng lahat na may umaangkin sayo gabi-gabi. Ako yun. Ako lang. Akin ka lang.

    Dahan-dahan ko siyang hinalikan sa leeg, sa dibdib. I love you so much, Rosie. Sana kahit di mo maintindihan yung kabaliwan ko sayo ay tatanggapin mo parin ako ng buong-buo. Pasensya na kasi selfish ako. Pasensya na sa pagiging paranoid ko… Sana wa’g mo kong iwan dahil dito.

    Nagalit siya sa kissmarks na ginawa ko. Nag apologize ako syempre pero hindi ako nagsosorry sa sarili ko. Dapat lang na ganun ang gawin ko. Lintek, hindi ako hibang at bulag para ibalandra ang girlfriend ko sa buong mundo. Batid ko ang kagandahan at kasexyhan nun, at kahit hindi ko ipinapakita, alam kong naakit niya halos lahat ng mga lalaki.”

    “Rosie… kasi… uhm… bukas…” Sabi ko nang pumipikit.

    Magtatampo ito. Sh1t!

    “Birthday ng daddy ni Jasmine. Uuwi sana ako pero sabi ni papa wa’g muna for this week kasi magkakaroon ng konting salu-salo sa kanila. Alam mo na… kailangan pumunta para magpakita ng respeto.”

    Bakit pa kasi kailangang pumunta? Tsaka may parte pa talaga ako sa birthday, ah? Kaya mahirap tanggihan. Pinapakanta pa ako dun! Lecheng buhay! Kahit sinabi kong kailangan ko yung bandmates ko para dito, nagpresenta pa talaga si Bryan at Enzo na mag guitar para sakin.

    “Uhm…Saan?” Dinig ko ang disappointment sa boses niya.

    Parang kinurot ang dibdib ko. Nitong mga nakaraang araw, may napapansin ako sa tono niya. Palagi siyang walang gana. Lagi niya akong binababaan. Minsan kakatawag ko lang binababa niya na agad.

    “Sa kabilang probinsya. Yung ancestral house nila Eunice. Dun ice-celebrate. Uhmmm… Mga 15 minutes ang byahe galing dito sa bahay.”

    “Ah… So hindi ka muna makakauwi?”

    “Oo. Sorry. Babawi ako next week? Miss na miss na kita… Sobra.” Sabi ko.

    ARGHHHH! Ayoko na! Ayoko na! Sige! Magtitiis ako sa linggong ito. Pero next week mag apply na ako for transfer sa Manila. Hindi ko na kayang naririnig ko sa boses niya ang pagdududa. Ayaw kong banggitin sa kanya iyon kasi alam kong nagpipigil siya. Matured na si Rosie kaya kailangan ko ring magpakamature. Pero kung malakas siya, kaya niyang malayo kami sa isa’t-isa, ako naman, marami pang kakaining bigas, hindi ko pa kaya. Kaya ngayong Lunes, kakausapin ko ang daddy ni Jasmine. Ayoko na.

    “Miss na miss na rin kita.” Aniya. “Uhm… Sige, Jacob… Mag aaral ako sa next class.. Ingat ka diyan.”

    Pinutol niya ang linya. Nalaglag ang panga ko. ANO YUN? Bakit agad niyang pinutol? May iba na ba siya? Baka ayaw niya na sakin?

    TANGINA! SHT! TAMA NA YANG MASAMANG INIISIP MO, JACOB! Nagpapakamature nga siya dito, dapat magpakamature ka rin. Wa’g kang mag isip ng masama. Wala siyang iba. Ako lang ang kanya. Wala, diba?

    Habang kumakanta ako para sa birthday ng daddy ni Jasmine, wala akong ginawa kundi pumikit at isiping nasa harapan ko si Rosie.

    “A hundred days have made me older

    Since the last time that I saw your pretty face

    A thousand lies have made me colder

    And I don’t think I can look at this the same

    But all the miles that separate

    Disappear now when I’m dreaming of your face…”

    Sinaway na ako ni Leo dahil dito. Aniya, hindi daw ito akma sa okasyon. Dapat daw mas masaya yung kantahin ko pero pakealam ba nila at ganito yung nararamdaman ko dito?

    “Jacob, okay ka lang ba? Napaka nega naman ng kinanta mo.” Sabay tawa ni Jasmine sa table namin.

    Suminghap ako, “Nami-miss ko na si Rosie eh.”

    “OA nito! Isang linggo pa lang naman.”

    Seryoso akong napatingin sa kanya.

    Hindi na lang ako nagsalita. Ayaw kong maging masungit sa kanya, kawawa naman. Kung anong mga iniisip ko, akin na lang yun. Wala silang alam kung gaano ako kabaliw kay Rosie at hindi ko na kailangang ipangalandakan yun sa kanila. Wala naman akong mapapala kung sakali.

    Nanood siya ng sine kanina kasama yung models. Sumasakit ang dibdib ko tuwing naiisip kong kasama niya yung Brandon na iyon. Nagmadali pa naman siyang ibaba yung tawag ko. Ano ba talaga, Rosie? Ano ba talagang nangyayari? Ayokong magduda. Gusto kong magpakamature para sating dalawa pero alam mo namang hindi ko kayang ganito.

    Napainom ako ng marami sa gabing iyon. Pero umuwi rin naman ako nang narealize na wala akong mapapala sa kakainom. Matutulog na lang siguro ako sa bahay.

    “Jacob, uuwi ka na? Hindi pa nga uuwi yung daddy mo eh uuwi ka na agad?” Sabi ni Jasmine.

    “Oo eh, tatawagan ko pa si Rosie.” Sabi ko.

    Sumimangot si Jasmine, “Rosie ka nang Rosie, bakit mahaba ba yung tawagan niyo? Di naman diba? Mabilis lang? Tawagan mo lang saglit tapos wa’g ka munang umuwi. Marami pa tayong pag-uusapan. Lalo na next week, may idedeliver pa Maynila-“

    “Next week na lang natin pag usapan.” Sabi ko at tumayo na.

    “Matatambakan yan ng trabaho. Sige ka, baka mas lalong maging busy ka next week, di mo na siya matatawagan o matitext.”

    Napalingon ako kay Jasmine, “Okay lang. Magiging busy naman talaga ako next week kasi pinagpaplanuhan kong bumalik ng Maynila.” Matabang kong sinabi.

    May tinanong pa si Jasmine pero di na ako nakinig. Tinalikuran ko na siya at dumiretso sa daddy niya. Nagpaalam ako ng maayos at sinabi kong inaantok na ako. Ang totoo, gagawa ako ng requirements at tatawagan ko si Leo kung may pwede ba akong applyan sa Manila. O baka si Ron, tatawagan ko na rin.

    Hindi ko na muna sasabihin kay Rosie ang lahat, baka magalit lang yun. Ayaw pa naman nun na sa Manila ako mag Field Study.

    Nangyari na ang kinakatakutan ko. Inaway ako ni Rosie sa cellphone dahil kay Jasmine. Paanong di ko mababanggit si Jasmine gayung lahat ng tanong niya ay may kaugnayan kay Jasmine. Ito na nga ba ang ayaw ko. Kaya kahit magalit siya sakin, uuwi ako ng Manila.

    Nang nag Biyernes na, ang saya ko na! Uuwi na ako maya-maya kay Rosie at sasabihin ko na sa kanyang di na ako mag i-FS dito.

    Pinipirmahan ko na lahat ng papers nang pumasok si Jasmine sa office.

    “Jacob, talaga bang tuloy ka na?” Ilang araw niya na ako tinatanong nito pero ngayon lang naging madrama ang boses niya.

    “Oo. Hindi ko kaya eh.” Dumudungaw parin ako sa mga papel.

    “Hindi ba kita mapipigilan?” Nabasag ang boses niya.

    Napatingin ako sa kanya. Nakita kong mangiyak-ngiyak na siyang nakatayo sa harapan ko.

    Tumayo agad ako para tahanin siya.

    “Sorry, h-hindi.” Mas lalong lumala ang pag iyak niya.

    Hindi ko naman alam kung anong masasabi ko sa kanya para patigilin siya sa pag-iyak. Nakatingin lang ako sa kanya habang pinupunasan ang luha niya. Bigla niya akong niyakap. Humagulhol siya sa iyak.

    “Ma mi-miss kita! Talaga bang walang makakapigil sayo? B-Bakit ba kasi kailangan mo pang umalis?” Tanong niya sa gitna ng paghikbi.

    Hinaplos ko ang likod niya. Wala akong alam kung paano ko siya patatahanin gayung si Rosie ang desisyon ko. Mas uunahin ko si Rosie imbes na ang trabaho o pag-aaral o kahit sino. Si Rosie ang desisyon ko. Alam kong baliw na yata ako pero ganun yung nararamdaman ko. Hanggang sa nararamdaman ko pa ito, yun at yun talaga ang susundin ko.

    “Jacob…”

    Hinarap ako ni Jasmine. Punong-puno ng luha ang pisngi niya. Bakit ganito siya makapagreact? Iyakin ba siya o talagang nalulungkot siya sa pag-alis ko? Kawawa naman.

    “Salamat talaga… Salamat. Maraming salamat.” Pumikit siya at hinila ang leeg ko.

    Inilapit niya ang labi niya at hinalikan ako. SH1T! Tanggap ko namang umiyak siya sa harapan ko kasi nalulungkot siya pero kasali pa ba ang halik na ito? Nanlaki ang mga mata ko habang tinitignan ang basa niyang pisngi at nakapikit niyang mga mata.

    Naramdaman niya siguro ang pag atras ko kaya itinigil niya at dinilat ang mga mata.

    “Thank you, Jacob. I love you…”

    WHAT? LOVE NIYA AKO? Kakabreak niya pa lang sa boyfriend niya, ah? AT ALAM NIYANG MAY GIRLFRIEND AKO! MAGKAIBIGAN PA SILA!

    “Pero-“

    “Shhh!”

    Pinunasan niya ang luha niya.

    “I love you, Jacob.” Umamba siyang hahalikan ulit ako pero itinulak ko siya.

    “Jasmine…” Umiling ako. “SI ROSIE LANG ANG PWEDENG HUMALIK SAKIN! Alam mong may girlfriend na ako pero bakit mo ‘to ginagawa?” Hindi ko na napigilan ang pagkainis ko.

    Sinuntok ko ang pintuan sa gilid. Napaatras si Jasmine. Ginulo ko ang buhok ko. Ang bilis ng paghinga ko sa sobrang inis ko.

    “Jasmine…” Umiling ako. “Magkaibigan kayo ni Rosie at siya ang mahal ko-“

    “Hindi ba ako pwedeng magkagusto sayo?” Tanong niya.

    Umiling ako, “Hindi ako sang ayon sa ginawa mo, Jasmine. Kasi kung si Rosie ang mahahalikan ng iba, paniguradong magwawala ako.” Padabog kong binuksan ang pintuan.

    Naabutan ko ang mga tsismosong empleyado. Kanina pa ba sila nandito sa labas? Nagsialisan agad sila nang nakitang galit na galit akong lumabas. Kaya pala kanina pa ako nakakaramdam na may nakikinig samin.

    Lumuwas ako ng Maynila para makitang wala si Rosie sa kama ko. Asan ka na, Rosie? Patay rin ang cellphone niya. Ano kayang ginagawa niya?

    “Hello, Karl?”

    “J-Jacob! Unexpected call!” Nanginig pa yung pagtawa ni Karl.

    “Asan si Rosie?” Diretso kong tanong.

    Sinimangutan ako nina Leo. Imbes na si Rosie ang mahanap ko, sila yung sumalubong sakin. Lumuwas din pala siya ng Manila. Nagkaroon kami ng munting reunion.

    “Kakapunta ko lang sa bahay nila. Walang tao. Wala dun si Maggie at James. Asan si Rosie? Bakit walang tao sa bahay nila? UMALIS BA SILA? INIWAN NIYA BA AKO?” Nabasag ang boses ko.

    “H-Hindi, ah! Easy ka lang… Uhm…”

    “Ano ba? Sasabihin mo ba o hindi?”

    “AH! Oo! Sasabihin… syempre… pero kasi baka magalit siya-“

    “TANGINA KA NAMAN! KAHIT KAILAN PANIRA KA! AKO YUNG BOYFRIEND NIYA AT MASISIYAHAN SIYA KUNG MAKITA NIYA AKO NGAYON! Bakit siya magagalit? May tinatago ba siya? May iba na ba siya? Yung Brandon?”

    “H-Hindi! Wala! Nasa Aura siya ngayon. May ramp.”

    Mabilis akong pumunta sa Ayala. Umakyat ako ng stage nang nakita ko siyang rumarampa. Maikli ang buhok niya at mas lalong pumayat. Hindi ko alam kung dahil ba sa soot niya yung kapayatan niya o ano. Pero kahit pumayat siya, kitang-kita mo yung confidence at pagiging blooming ng mukha niya. Mukha siyang inspired. Parang may masayang nangyayari sa buhay niya. Napawi lahat ng iyon nang nakita niya akong umakyat sa stage.

    “Let’s go, Rosie.” Sabi ni Brandon sa kanya.

    ANO?

    “Good bye, Jacob.” At tinalikuran niya ako.

    Napatingin ako sa mga taong nakatingin din sakin. LANGYA! Iniwan ako ni Rosie sa harap ntg maraming tao.

    “ARGHHHH! May iba na ba siya?” Tanong ko kina Leo.

    Nandoon parin sila sa bar, nag-iinuman.

    “Ewan ko, ‘tol. Di naman kami laging nagkikita.” Sabi ni Ron.

    Lagok ako nang lagok ng beer.

    “Oh, heto.” Sabay pakita sakin ni Leo ng isang message.

    Karl:

    Status Party. Nandun si Rosie mamaya. I swear.

    Tumawa sila sa ipinakita ni Leo. Nag high five pa sila dahil sa text na iyon.

    “No sweat kong nakuha ang impormasyon na yan kay-“

    Iniwan ko na sila at nag bihis sa bahay ng kulay blue. Ngayon, malalaman ko kung ano talaga ang tingin ni Rosie sa relasyon namin. Kasi ako… ganun parin… Kasal parin kami. Kahit na nagkakalayo na kami, ganun parin ang nararamdaman ko sa kanya, sana siya rin.

    Nakita ko agad siyang papasok sa bar. TANGINA! Nakawhite at kasama pa ang nakawhite ding si Brandon.

    Natigilan ako. Parang kinukurot ang dibdib ko. Anong ibig sabihin nito, Rosie? ANO? Bakit ka single? At bakit mo siya kasama? TANGINA! Nag-alab ang galit sa sistema ko. Pwede namang umalis ako at tapusin na lang ng walang pasubali ang relasyon namin. Kasi kitang-kita na ng dalawang mata ko ang ginagawa niya, oh. KITANG KITA KO NA! HULING HULI NA SIYA!

    POTANGINA! SORRY PERO SHIT DI KO KAYA!

    Hinila ko ang braso niya sa sobrang galit ko. Kumuyom na ang panga at kamay ko sa galit ko sa kanya at sa kasama niyang si Brandon.

    “ANO BA?” Galit din siya.

    Bakit ka galit? Anong ginawa ko? O baka naman nag gagalit-galitan ka lang para magkaroon ng dahilan ang pagbibreak naming dalawa? SH1T, Rosie! Wa’g mong gawin sakin ‘to!

    Tinignan kong mabuti ang mukha niya. Gusto kong imemorize ang bawat detalye. Baka nakahanap na siya ng iba… Baka iwan niya na talaga ako… Baka dahil sa paglayo ko, nawalan na siya ng gana sa relasyon namin. Pero magbabakasakali akong hindi. Baka sakaling ako parin. Baka sakaling kaya ko pa siyang saluhin sa pagkakahulog niya sa iba. Baka sakaling maaagapan pa…

    “Single ka na?” Bulong ko sa tainga niya.

    Hindi ko maiwasan ang pagiging malupit sa kanya.

    “Married ka? Kanino?”

    Pero mas malupit parin siya. Kumuyom lalo ang panga ko sa sinabi niya.

    “Kanino sa tingin mo?” Bulong ko pabalik.

    “Ewan ko, basta ang alam ko, hindi sakin.”

    Parang tinusok at binagsakan ng ilang libong bato at kutsilyo ang puso ko sa sinabi niya. Nanginig ang bibig ko.

    “Bakit, Rosie? Are you in love with someone else?”

    Hindi. Hindi siya maiinlove habang nandito ako sa mundo. Hindi ko hahayaan. Alam kong hindi ko mapipigilan ang damdamin niya pero habang nandito ako, akin siya, lahat gagawin ko, balikan niya lang ulit ako. Dahil siya ang desisyon ko.

    Ang desisyon ko ay ang mundong kaming dalawa lang ang gumagalaw. Yung walang pakealam sa ibang tao. Ang importante ay kaming dalawa lang. Kaya ko nang mabuhay kahit kaming dalawa lang.

    “Rosie, talaga bang di ka sa kwarto ko? Tinawagan ko naman yung mama mo tsaka yung papa ko, okay naman sila.”

    Umiling siya habang nag aarrange ng gamit sa kabilang kwarto. Okay na rin basta ang importante nasa isang bubong kami pero sa totoo lang, anong pinagkaiba nito sa kwarto ko? Bahay ko ito at papasok ako dito sa kwarto niya kung kailan ko gusto. Kung ayaw niyang mag ano muna, pwede niya namang sabihin sakin. Di ko naman siya pipilitin.

    “Ayos na ako dito.” Aniya.

    Umupo ako sa kama niya. Busy siya sa paglalagay mga damit sa loob ng cabinet.

    “Masikip dito kumpara sa kwarto ko.” Sabi ko.

    “Okay lang.” Sabi niya nang di tumitingin sakin.

    Nakita kong may pawis sa noo niya kahit may aircon naman. Siguro ay napagod siya sa pag aarrange. Ayaw niya kasing ako yung nag aarrange, ayaw niya ring mga katulong.

    Nilakasan ko ang aircon.

    “Jacob, wa’g masyadong malakas, nilalamig na nga ako.”

    Natigilan ako sa sinabi niya. Nagkatinginan kaming dalawa. Nanginig ang buong katawan ko.

    “P-Pwede naman kitang painitin.”

    Kumunot ang noo niya.

    Lumapit ako sa kanya. Hindi siya gumalaw.

    “Jacob, mamaya na nga… May ginagawa pa ako dito.”

    MAMAYA? IBIG SABIHIN GO SIGNAL NA? ILANG ARAW NA RIN SIYANG HINDI NAG GO-GO DAHIL SA ALITAN NAMIN!

    Shit! Tumindig ang balahibo ko. Hindi ko na kayang maghintay.

    Nagligpit ulit siya ng mga damit. Nakaupo siya sa sahig. Nilapitan ko pa siya. Umupo ako sa likuran niya. Niyakap ko ang dibdib niya.

    “Jacobbb…”

    Pumikit ako at inamoy ang buhok niya. Ang bango niya talaga… Tangina. Ugh! Miss na miss ko na siya.

    “Rosie, sagad sa buto na ang pananabik ko sayo.” Inamoy ko ulit siya.

    Natigil siya sa ginagawa niya.

    Ginapang ng kamay ko ang labi niya.

    “Pwede na bang halikan ito? Kasi gutom na gutom na ang labi ko sa halik mo.”

    “Ugh! Jacob!”

    Hinarap ko ang mukha niya sakin at inabot ang labi niya. Napasandal siya sakin. Naghalikan kaming dalawa nang nakatalikod siya sakin.

    Pinasadahan ko ng haplos ang dibdib niya. Ang isang kamay ko, gumapang na sa gitna ng hita niya. Langya! Mababaliw na yata ako!

    Mabilis siyang humarap sakin. Pinulupot niya ang braso niya sa leeg ko. Ganyan, Rosie. Sabik ako kaya malamang sabik ka rin.

    Binuhat ko siya papuntang kama. Nilapag ko siya at hinalikan agad. Wala na akong time para maghubad, talagang di ko na kayang palampasin yung pagkakataon.

    “Jacob~~”

    AH! Music to my ears! Shiiiit! Kung hindi naman ako maghuhubad walang mangyayari kaya hinubad ko ang t-shirt ko at hinalikan ulit siya. Nakakakiliti ang kamay niyang hinahaplos ang abs ko.

    “Rosie, ” Hinawakan ko ang kamay niya at binaba.

    Nakita kong nanlaki ang mga mata niya. Ngumisi ako.

    “Nagpi-pills ka ba?” Tanong ko at hinalikan ulit siya sa leeg.

    Ngayon, ang isang kamay ko pinasok ko na sa shorts niya.

    “H-Hindi.” Aniya.

    Magaling.

    “Jacob!” Kinalabit niya ako.

    Hindi ko siya pinansin. Shit! Ano? Mamaya na tayo mag usap, busy pa ako sayo.

    Kinalabit niya ulit ako.

    “Bakit?” Sinulyapan ko siya.

    Ipinakita niya sakin ang isang condom.

    “Kulang yan.” Hinalikan ko ang dibdib niya.

    “JACOB~!”

    “Hmmm?”

    Kinalabit niya ulit ako at ipinakita ang condom.

    Kinuha ko ang condom at hinagis sa basurahan. Nanlaki ang mga mata niya sa ginawa ko. Binalewala ko ang reaksyon niya, nagpatuloy ako sa paghalik sa dibdib niya, pababa. Ngayon, sinoot ko na ang kamay ko sa ilalim ng panty niya.

    “Sht! Jacob!!!” Sigaw niya at kinalabit ulit ako.

    “Hmm?”

    Sumulyap ako sa kanya. Ipinakita niya sakin ang isang roll in tissue. Umiling ako at kinuha yun.

    “Rosie, dalawang taon kitang sinunod. At muntik na tayong nagkahiwalay… Ngayon, subukan mong sundin ako.” Hinagis ko ang tissue sa basurahan at hinalikan siya sa tainga habang ang isang kamay ko ay hinahaplos na ang gitna ng hita niya.

    Ngumisi ako nang nakita siyang walang magawa.

    “Walang tissue, walang condom, walang pills. Next month ang kasal, sa ngayon, bubuntisin kita.”

    Sinapak niya ako pero hinalikan din.

    “Jacob~”

    Nakakapanindig balahibo talaga ang pagtawag niya sakin.

    “Yes, Rosie… Bubuntisin na kita. At sakin ka na habang buhay.”

    Hinubad ko ang shorts niya at hinalikan siya para di na makaangal. Malalim at nakakapang-init yung mga halik niya.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

1

22 Responses to Baka Sakali 2

  1. I am curious to find out what blog platform you happen to be utilizing? I’m experiencing some minor security problems with my latest website and I would like to find something more safe. Do you have any suggestions?

    Reply

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

17 − 16 =

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <s> <strike> <strong>