Island of Fire – Kabanata 8

April 5, 2017 By In Island of Fire Comments Off on Island of Fire – Kabanata 8

Kabanata 8
Lightning

Nang nakababa ako sa yate ay lumakad si Radleigh palapit sa boardwalk. Hindi ako natinag. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa nasa harap niya na ako.

“You’re here,” I said coldly.

Hindi ko mapigilan ang pait sa aking boses. I’m not sure what is it for, though.

“You went fishing?” he asked and then glanced at the guards behind me.
“I told you I’m bored.”

Hinagod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Nagkatinginan kaming dalawa.

“I brought the things you want,” aniya.
“Everything?” Kumunot ang noo ko.

Medyo imposible iyon. Masyadong marami at detalyado ang nilista ko. Ni hindi nga ako sigurado kung natapos na si Belinda sa pagti-tipa noon sa cellphone niya, e. Sa dami ba naman noon.

“Some will be shipped here tomorrow. I only brought the important ones.”

Nagsimula na siyang maglakad pabalik ng mansyon. Sumunod ako sa kanya at habang nagsasalita siya’y naiisip ko kung babalik ba siya ng Maynila ngayong gabi.

“Just the clothes and the food. My secretaries are still finding your other whims.”

That’s fast, huh? Humalukipkip ako at pinagmasdan siyang naglalakad.

“And then you’ll go back to Manila for work again?” wala sa sarili kong tanong.

Not that I want him here. I’m just curious. Nagtaas siya ng kilay. His evil smile directed at me and all I could do throw him dagger looks. Uminit ang pisngi ko nang napagtanto kung ano ang mali sa huling tanong ko.

“I’ll think about it,” he looked away.

Pinandilatan ko na lamang siya.

Nang nakarating na kami sa mansyon, nakita kong bukas ang pintuan ng aking kwarto. I figured some bodyguards brought some paper bags inside my room. Umakyat agad ako para tingnan kung anu-ano ang mga nasa loob.

Iilang paperbag ang naroon. With a good brand, I opened them and saw some clothes. Isang puting tela ang una kong nakita. Inangat ko iyon at tiningnan. The size is too big and it’s just a plain tshirt.

What the hell?

I searched for another. Most of them look the same. Ibang kulay nga lang pero parehong malaki at hindi size ko.

“Like it?”

Nasa hamba na ng pintuan si Radleigh. Nakahilig at nakangisi na tila ba alam niyang magiging ganito ang reaksyon ko.

“What are these?” tanong ko sabay pakita sa kanya ng mga damit na pinamili niya.
“Your clothes,” he said smiling.
“They look damn yours!” iritado kong sagot.
He chuckled.
“Sinabi mo sa aking ituring ko itong bakasyon? Do you honestly think that I wear these during vacations?” halos maghisterya na ako.

Masaya na sana dahil may mga bagong damit ako pero kung puro naman pala ganito, ano pang silbi nito?

Tinikom niya ang bibig niya. The familiar hawk like eyes made me shut up for a while. Iminuwestra niya ang kama ko.

“The last bag contains clothes chosen by my secretary. There’s your vacation clothes.”

Nilipat ko ang tingin ko sa isa pang bag at binuksan iyon. I sighed when I saw normal cropped sleeveless tops and shorts. Ang huling bag ay binuksan ko at nakitang mga underwear ang loob. I wonder if his secretary chose this, too.

Sumulyap ako sa kanya. Nakahalukipkip siya at medyo seryoso na ngayon. I looked away. There’s really something in his eyes. They were brooding and intimidating. Like they make me remember all the wrong things I did my entire life. At hindi ko gusto iyon.

“I do hope you wear the shirts I gave you, instead. I will be housing a few more men.”

My eyes immediately darted at him.

“Few more men! Why?”

Ngayon, nasa kanya na ang buong atensyon ko. Ganoon ba ka laki ang tsansang makatakas ako at magdadagdag pa siya ng mga tao?

Bago pa niya ako masagot ay isang kalabog ang narinig namin sa baba. Iyak ni Belinda at ang pagkakagulo ng bahagya ng mga tauhan doon.

Nagmamadaling bumaba ang guards. Ganoon din kami ni Radleigh. We all went to the kitchen where the sound came from.

Nahulog si Belinda sa stool. Bukas ang cabinet sa itaas at mukhang may kinukuha siya roon nang bigla siyang nahulog. Sa gitnang counter ay nakita ko ang iilang stock ng pagkain na siguro’y kasama sa pinamili ni Radleigh.

“Bumagsak ako. Kukuha sana ako ng malaking lalagyanan,” sabay turo niya sa itaas na cabinet. “Aray!”

Mabilis akong lumapit sa kanya. Radleigh helf her wrist.

“Asan ang masakit sa’yo, Belinda?” tanong ko dahil ang kaliwang kamay niya’y nakahawak sa kanyang balakang.
“Masakit ang balakang ko. Naituko ko ang kamay ko at masakit siyang igalaw.”
“Fernan, kumuha ka ng cold compress,” utos ni Radleigh sa isang bodyguard.

Muli kong pinasadahan ang mga hindi pa nagagawang pagkain. Belinda looked troubled. Pikit ang mga mata at lukot ang mukha dahil sa sakit. I know she’s sometimes a pain in the ass because of her talent in pissing me off because of her questions but I do care for her too.

“Belinda, h’wag ka na lang munang magluto ngayon. Ako na,” sabi ko.
Sumulyap siya sa akin. “Huh? Ma’am, e, hindi ka marunong. ‘Yong spanish chicken lang yata ang alam mo.”
Nagtiim bagang ako. Now, I’ve changed my mind.
Tumikhim si Radleigh at naabutan ko siyang nagkaroon ng multo ng ngiti sa labi.
“May recipe book ka naman siguro d’yan, hindi ba? Ano bang niluluto mo? Kahit paano’y hindi naman ako walang silbi sa kusina,” sabi ko.
She nodded. “Nandyan sa drawer ang recipe. Menudo ang niluluto ko, Ma’am Zari.”
“Okay.”

Nilingon ko ang drawer at binalik ulit ang mga mata kay Belinda. Ginalaw ni Edgar ang kamay ni Belinda at agad nagmura si Belinda dahil sa ginawa ng guard.

Umiling ako at binalingan si Radleigh. Nakatingin siya sa akin. Tumuwid siya sa pagkakatayo.

“Edgar, alalayan mo si Belinda pabalik sa quarters n’yo. Belinda, magpahinga ka muna ng ilang araw.”
“Pero Ser? Paano ang pagkain mo? Ni Ma’am?” nag-aalalang tanong ni Belinda.

Ang niluluto ni Belinda rito sa bahay ay ang pagkain namin. Ang mga guards ay may sariling kusina sa quarters at doon na rin kumakain. Kung may tira mang pagkain sa mansyon ay si Belinda na siguro ang nagbibigay sa guards. Kaya hindi problema sa mga bodyguards ang pagkain dahil halos marunong naman silang lahat magluto. Every night, I even see them near the shore grilling some fish.

“Kaya na ng Ma’am mo ang magluto. She learns fast and she seems determined so don’t worry about it.”

Matalim kong tinitingan si Radleigh habang tinatanguan niya si Belinda. I am not sure if he’s being sarcastic or what but hearing praises from him just did not sound right!

“Fernan!” tawag ni Radleigh.
“Sir!”
“Tulungan mo si Edgar. Ihatid n’yo si Belinda sa kwarto niya.”

Inalalayan ni Edgar si Belinda palabas. Sumama ako hanggang sa pintuan at doon di’y pinagmasdan ko ang paika-ikang lakad ni Belinda patungo sa quarters.

I suddenly regret my heroic act. I’m pretty sure I’m no helpless in the kitchen. Marunong akong magprito at marunong din ako ng ilang Spanish dishes. Etong mga pagkaing Pilipino lang naman ako hirap na sa hindi ko malamang dahilan ay ‘yon lagi ang pinapaluto ni Radleigh sa kasambahay.

Napasubo’y bumalik muna ako sa kwarto. The sea breeze made me feel sticky so I had to take a bath. Sinuot ko iyong damit na gusto ni Radleigh. I paired it with short board shorts and I went out to cook in the kitchen.

Pagkababa ng hagdanan ay may isang guard. Hindi ko kilala. Siguro’y isa sa mga bagong hire ni Radleigh. I have yet to ask why he’s doing this but I doubt he’ll tell me.

Pumasok ako sa kusina at nagsimulang halukayin ang drawer para sa recipe. Nahanap ko ang recipe ng pork menudo at agad kong pinag-aralan.

Bakit kaya kapag recipe ay tila kay hirap e decipher?

Una, nilatag ko muna ang mga rekados na kailangan ayon sa nakalagy. Dahil mukhang nasimulan na iyon ni Belinda, handa na ang karne at mukhang na marinate na! See! I know marinate, you know.

Sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong pumasok si Radleigh sa kusina. Wearing a white v neck shirt and a black shorts, he started pouring a newly opened wine on his wine glass.

Tumikhim ako at muling binasa ang sunod na step. Ayaw yata pumasok sa utak ko.

When he started walking towards me, mas lalo nang ‘di pumasok sa utak ko ang binabasa! Damn it!

“Crushed,” I muttered the first word of the direction.

Ang init ng kanyang katawan ay naramdaman ko sa aking likod. He’s looking at the recipe I’m reading. Agaran ay kumawala ako at nagsimulang halughugin ang ilalim na cabinet.

“What are you looking for?” he asked.

I’m a bit bothered with his tone. I don’t know why. Damn it! There’s just lots of things I hate about him.

“The Stainless Steel Garlic Squeeze? Paano ‘to lulutuin kung wala iyon?”
“A what?” he said in a ridiculous tone.

Tumayo ako at hinarap siya. I made a face.

“The Stainless Steel Garlic Squeeze, I said!”

Unti-unti siyang pumikit at hinilot ng bahagya ang sentido.

“It’s for crushing garlic! And it says here I have to crush the tomato, as well. Kung meron ako noong Stainless Steel Garlic Squeeze, ayos na! Pwede ko ‘yong gawing alternative pang crush ng tomatoes!” sabi ko.
“Jesus…” he muttered something I didn’t hear.

Dumilat siya at mas nakita ko ang pagod sa kanyang mga mata. But then it quickly changed into amusement.

“Sit on that chair!” sabay muwestra niya sa high chair sa may marmol na counter.
“Why? I’m cooking!” determinado kong sinabi.
“I will cook, Zari,” mariin niyang wika.
“I know how to cook…”

He ignored me and went to the ingredients instead. Sumunod ako sa kanya at tiningnan kung paano niya dinikdik ang garlic gamit ang kutsilyo. He glanced at me with pure cockiness. Ngumiwi ako at tiningnan muli ang ginagawa niya.

“For sure that won’t taste as good as the one used with The Stainless-”
“This will taste the same,” sabi niya at nagtagal ang tingin sa akin.

Patuloy kong tinitingnan ang ginawa niya nang bigla siyang umungol at mukhang mas naging problemado. Umismid ako sa kanya.

He turned to me. Nakapamaywang siya ngayon at tinagilid ang ulo na tila ba hindi alam kung ano ang gagawin sa akin. His bloodshot eyes told me how tired he is today and how frustrating everything is.

“What?”

Pumasa era ang kamay ko. Iniisip ko kung may ginawa ba akong masama. Sa pagkakaalam ko’y wala naman. Nanuod lang naman ako sa ginagawa niya.

“Are you wearing a bra?”

Napatingin ako sa damit kong halos kasing laki ng suot niya. Kung hindi lang ito pambabae ay baka pwede na talaga ‘to sa kanya.

“Do I need it. With a shirt this big?”

Huminga siya ng malalim. Mariing pumikit at umambang tatalikuran ako.

“Fine! You’re so demanding! I’m just inside this mansion! Babalik na ako sa kwarto-”

Hindi pa ako nakakatalikod ay humarap ulit siya at hinila ang braso ko. Iminwestra niya ang high chair.

“Stay there!” utos niya.
“Nagrereklamo ka tapos ngayon-”

He glared at me with intimidating eyes. The one I hate the most. Like it’s in between sarcasm and evil. Tumikhim ako at naupo na lamang sa high chair.

Pinagmasdan ko siyang nagluluto na tila galit sa lahat ng rekados. The whole time, his brows are furrowed. His lips protruded. Nakapangalumbaba ako habang tinitingnan siyang ginawa iyon.

“Maglalatag lang ako ng pinggan at mga kubyertos sa-”

Hindi na ako pinatapos. Nilapag niya ang dalawang pinggan sa counter.

“Dito tayo kakain?” I asked.
“Yes. We won’t need the big dining area to eat this dinner.”

Inayos ko na lang ang dalawang nakapatong na pinggan. Nilagay ko ang sa kanya sa harap. Kumuha rin ako ng isang pitsel ng juice sa ref at sa gilid ng mga mata ko’y nakikita kong nakatingin siya.

Immediately, I looked at him and he looked away. Umirap ako. Umalon sa isip ko ang iba’t-ibang ideya na paniguradong naisip ko na noong nakaraan. But now it feels different. Hindi ko alam kung ano ang nagbago.

Nilapag niya ang mabangong menudo sa aming harap. Naupo agad siya sa high chair sa tapat ko at nagsalin na ng juice sa kanyang baso. Hinila niya iyong akin at nagsalin na rin doon.

Marahan akong kumuha ng ilang piraso ng menudo. Siya naman ay sa kanin agad kumuha. We were both silent until he glanced at my plate.

“I’m on diet,” inunahan ko na siya.

Hindi na siya nagsalita dahil sa pagpigil ko. Nagkatinginan kaming dalawa. Bumagsak ang mga mata ko sa menudo at tinikman iyon. Umaliwalas ang mukha ko nang medyo napagtantong kapuri puri naman ang luto niya. Not that I didn’t know that he’s really used to everything like this.

Noon pa man, sanay na talaga siya sa lahat ng gawain. I couldn’t understand how a family so rich could let their child endure the hardships of life just because of his principles.

Marangya ang buhay na kinagisnan ko dahil mayaman si Mommy at Daddy. They provided me with everything their money can offer because they can hardly give me their time. Pero hindi ako kailanman nagreklamo roon dahil gusto ko rin naman ang mga bagay na nabibili ng pera.

But then again, I know that their frequent absence in my life molded me into who I am before… and probably who am I right now.

“So… how’s Manila? Care to update me of anything?” panimula ko para basagin ang katahimikan sa gitna naming dalawa.
“Fine,” his answer’s brief.
“Wala bang sinabi si Ethan? Any news about him helping my father?”
“We did not talk.”

What? Damn it!

“So… what did you do in Manila? You did not come back for a long time and you have no news for me?”

He sighed heavily. Napainom siya ng tubig at tila walang balak na sumagot sa kahit anong tanong ko. It pissed me off.

“You just went out of Isla Fuego to see your fiancee and that’s it,” deklara ko.

Tumitig siya sa akin. Those intimidating eyes pissed me off again.

“Zari, we shouldn’t fight in front of our food,” aniya.

Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili. Hindi ko pwedeng hindi kaligtaan ito!

I have so many questions unanswered. Not that he’s obliged to answer anything! He kidnapped me and kept me here for whatever reason. Why do I expect him to tell me anything!

Pero bakit ba niya ako kinukulong dito? For sure it’s not because he wanted me, right? May fiancee siya kaya bakit pa ako narito? Pera? Marami siya niyan! Kaya bakit ba talaga?

He can’t just keep me here without any explanation. Ethan’s sympathy isn’t enough!

Nagpatuloy ako sa pagkain kahit na naninikip ang dibdib ko. Mas lalong naging mahirap ang bawat lunok ko ng pagkain. Hindi ko na siya matingnan kahit na alam kong nakatitig na siya ngayon sa akin.

“Why don’t you just stay in Manila instead? I am already sorry for doing that to your own engagement! I know your fiancee is upset and you are, too. Why don’t you just go and live your life the way you should’ve lived it before I kidnapped you?” nanginig ang boses ko.

Hindi parin siya nagsalita. It frustrates me that he doesn’t talk. What is it? Damn it!

Hindi ko maintindihan kung alin sa lahat ng ito ang pinakanakakafrustrate para sa akin!

“The engagement is off,” he simply said like it would make me happy.

Natigil ako sa paghinga at nag-angat ng tingin sa kanya. It’s amazing how his intimidating eyes bore into me with so much gentleness. Sa talim ng mga mata ko habang nakatingin ako sa kanya ay paniguradong nararamdaman niya ang galit ko.

Sa dami ng kamalian ko sa buhay na ito, akala ko huli na iyong bago pa ako umalis patungong Madrid. I thought that it’s the end of every stupid thing but I’m wrong. I proved myself wrong when I thought about that plan I did with him.

Ngayon lang bumagabag sa akin iyon. Kung gaano ka baliw ang mga desisyon ko. Kung gaano ka desperada ang lahat.

Pero bakit ko pinagsisisihan ito ngayon? I shouldn’t regret it! He kidnapped me and he’s keeping me in the dark right now. He deserved the heartaches I inflected him. So what is there to regret?

“You should’ve pushed it with her! You’re free! Don’t make my kidnapping of you be the reason! You could’ve make it happen yesterday.”

Hindi siya sumagot. His jaw repeatedly clenched like he wants to say something but he’s holding back. His restraint is really to the moon. I have proved that a long time ago.

Tumigil na rin ako sa pangungulit. Alam kong wala rin akong makukuha sa kanya. Kung mayroon mang mangyari ay baka malaman niya pa lahat ng nasa isip ko at hindi ko gusto iyon.

I washed the dishes while he remained on the counter until I’m finished cleaning. Pagkabalik ko ng sala ay nakita kong wala na roon ang guard.

“Magpapahinga na ako,” paalam ko sa kanya at umakyat na sa aking kwarto.

He nodded and let me do whatever I want. Nagkulong ako sa kwarto at inubos ang oras sa pag-iisip ng paulit ulit na mga bagay. The possible reasons, the way to escape, Ethan’s support, and Radleigh’s ultimate motive.

At gaya ng dati, nakatulugan ko na lang ay wala paring sagot sa aking tanong.

Nanginig ako sa pagkagising nang narinig ang matinding kulog! I covered my face with my comforter and started praying for it to stop. Hindi ko alam kung anong oras na ngunit tantya ko’y tulad kagabi’y nasa mga alas dos na ng madaling araw. Will it stay like this for the rest of the week? Damn it!

Isang malakas na kulog ulit at napatili na ako.

Covered with my comforter, tumayo ako at lumapit sa pintuan para makalabas! Just when I thought I can finally find comfort from the bodyguard who’s probably standing just near my door ay malalaman kong wala ni isang anino roon!

Isang kidlat na sobrang liwanag at tinakpan ko agad ang aking tainga. Yumuko ako at halos binaon ang mukha sa aking tuhod sa lakas ng kulog.

When it calmed, tumayo ako at luminga-linga. And when another extreme lightning made the solar powered flourescent flicker, hindi ko na hinintay ang dagungdong ng kulog. Tinakbo ko na ang kwarto ni Radleigh at agad na binuksan iyon kasabay ng biglaang pagkulog ng napakalakas.

Sabay ang tili ko sa kulog at pumikit ako ng mariin.

“Zari!” Rad’s husky voice is laced with concern.

Lumiwanag sa kwarto at nang dumilat ako’y nakitang binuksan niya ang mga ilaw. He immediately went to me. Hawak ang aking braso, he bent down to see my face.

“What’s wrong?”

Gumala ang mga mata niya sa aking katawan na tila naghahanap ng kung anong problema.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. His eyes were still searching for answers when a lighting hit again. Pumikit ako, anticipating the thunder that’s going to come after it.

“Oh… shit…” he hissed and then he pulled my arm closer.

I know it’s a stupid phobia. I’m not afraid of anything, eto lang. Nauuna ang pag-iisip ko na sa lahat ay ako ang mapipiling matamaan ng kidlat at sa isang iglap ay mamatay. I don’t want that. I don’t want to suddenly leave this world without settling everything I need to settle.

“B-Bakit… nasaan ang bodyguard?” tanong ko.
“Huh?” he asked a bit confused.
“Lumabas ako ng kwarto para…” tumigil ako nang kumidlat ulit.
“Para?” he probed.
“Para magpalipas ng thunderstorm pero wala si Edgar o ‘di kaya’y kahit sinong guard.”

God! I probably sound ridiculous to him! How I’m so brave everytime we fight and so weak just because of the thunderstorm!

Nanliit agad ako. Gusto ko na lamang lumabas at bumalik sa kwarto. Endure it alone, instead.

“You do that?” hindi makapaniwala ang tono niya.

Hindi ako sumagot. He turned off the lights from the switch just beside the door. Lumapit siya sa bedside lamp at iyon ang binuhay niya.

Dahil sa bilis ng pangyayari ay ngayon ko lang natantong tulad noong unang gabi ko siyang nakita sa loob ng kwartong ito, he’s topless and just on his black boxers.

Kinuha niya ang comforter niya at pinasadahan ng palad ang bedsheet para maayos ang gusot. Even with the improper lighting, I can see his firm body movements with each glide of his hand.

“Sleep here,” aniya sa isang matigas na boses.

I feel like he doesn’t really want me to sleep here. He just needs to be a bit considerate. Hindi ko alam kung bakit pa. At hindi ko alam kung bakit ngayon ko mismo naiisip na nagsisisi akong gusto kong makalagan noon. Sana ay pinahirapan niya na lang ako para walang ganito…

“No. I’ll go back to my room.”

A lightning went on again. Pikit ang isang mata ko habang naririnig ang kulog.

“Don’t worry, you’ll be sleeping alone on my bed,” sabi niya at nakita kong lumapit siya sa kanyang study. He turned his Macbook on without his eyes leaving me.

Kinuha niya rin ang puting t-shirt at sinuot niya iyon. Tila ba wala na siyang balak ulit na matulog.

Bakit? Hindi siya matutulog? Does he think this is my plot just so I can get a hold of his laptop or his phone and call anyone?

Oh damn, how it hurts and I don’t know why!

“Zariyah!” para ring kulog ang baritono niyang boses nang tinawag niya ako dahil tinalikuran ko siya.

Bumaling ako sa kanya, akala’y naroon parin siya sa laptop pero nakalapit na pala siya sa akin!

A lighting hit once again. I closed my eyes tightly anticipating the thunder. Hinawakan niya ang aking comforter at mas lalong pinayakap iyon sa aking katawan.

“Come here. I’ll watch over you,” he said on my ear.
“I can manage.”

I don’t want him to think that this is my ploy to get what I want. I may have plans to escape but this just doesn’t include it. At tuwing naiisip kong iniisip niyang nagkukunwari akong takot para lang makuha ang gusto ko’y insulto para sa akin!

Kakawala na sana ako pero mariin ang pagkakahawak niya sa akin. Nilingon ko siya. His eyes were closed tightly as well like something is frustrating him. Hindi ko lang alam kung ano ‘yon.

“Rad,” marahan kong sinabi para bitiwan niya ako.

He licked his lower lip and then his hand glided down like he’s finally accepted that I won’t stay.

Lightning striked again. Yumuko ako at pumikit ng kumulog. Bago pa kumulog ay umangat na ang mga paa ko sa ere. Tinakpan ko ang bibig ko para hindi makatili nang inangat ako ni Radleigh at pahigang nilipat sa kanyang kama.

“I-I said I can manage!” sabi ko, ngayon matapang dahil natapos muli ang kulog.

Mabilis ang hininga ko. Pakiramdam ko’y lumilindol dahil sa bawat bayolenteng tibok ng puso ko. Aangat sana ako ngunit kumidlat ulit kaya natigil ako.

“Close your eyes and sleep. I’ll make sure you’re safe,” his voice marked with finality. Like he would fulfill all my whims except for this one.
“But you should sleep, too!” hindi ko inasahan ang pagkabanayad ng boses ko noon.

It pained him. I saw it in his eyes even when it’s slightly dark.

Tumayo siya. His silhouette looked so manly. With muscles on their right places and curves that looked so firm, I can’t help but stay in awe. Kumidlat at hinila ko na lang ang comforter ko.

Then he went to his study. Sinundan ko siya ng tingin. Ngayon ay naliliwanagan ang mukha niya dahil sa screen ng laptop. He glanced at me, eyes too serious and guarded.

Maybe I’m right. He thinks I’m using my reasons so I can sleep here and communicate with anyone. That hurt. So much than I’ve expected.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

1

Comments are closed.