Island of Fire – Kabanata 9

April 5, 2017 By In Island of Fire Comments Off on Island of Fire – Kabanata 9

Kabanata 9
Fight

Nagising ako pagkatapos ng isang malalim na tulog. The manly scent filled my nose as I slowly opened my eyes.

Noong una’y hindi ko pa naunawaan kung nasaan ako pero nang unti-unti kong nakita kung sino ang nasa harap ng malaking bintana ay nalaman kong nasa kwarto nga niya pala ako.

Kinusot ko ang aking mata. My sudden movement made him look at me. Binaon ko ang mukha ko sa unan. I checked for any particles on my face before finally settling for a yawn.

Naamoy ko ang kape galing sa mug na hawak niya. He put it down on the table before sitting down. Umuga ang kama pagkaupo niya roon.

Questions went around my head. I can’t believe that I just woke up and I already have so many questions.

Ngayon ba siya aalis ulit para sa trabaho? Did he sleep? I’m sure he didn’t. Is he still worried that I might plan to escape? Or even contact someone? Why am I asking the last questions? Am I not interested in escaping?

Damn it!

“Morning,” his husky voice is enough to finally make me look at him.

Suot ang isang kulay gray na t-shirt at isang puting shorts ay naroon siya sa tabi ko. His head is a bit damp and I can smell his manly body wash mixed with aftershave.

“Morning,” napapaos din ang boses ko. “Sorry.”

Bumangon ako at mabilisang sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri. Wala nang kidlat sa labas at medyo mataas na ang sikat ng araw. Nilingon ko siya at naabutang nakatitig siya sa akin. We’re both sitting on the bed.

“Babalik lang ako sa kwarto ko,” sambit ko.
“Okay, then, I’ll be downstairs. What do you want for breakfast?”

Mabilis ko siyang nilingon. Something in my system just won’t accept that. He bit his lower lip the moment our eyes met.

“Ako na ang magluluto ng breakfast.”

Hindi ko na siya hinintay na sumang-ayon. Dire-diretso na akong lumabas ng kwarto niya. Pagkalabas ay naroon na ang dalawang bodyguard na nag-uusap. Si Roman at si Fernan ay sabay na lumingon sa akin.

Noong una ay kumunot ang noo ko sa bahagyang pagkamangha ng dalawa pero kalaunan ay nalaman ko rin kung bakit ganoon na lamang ang reaksyon nila.

Pinasadahan ko ng mga daliri ang aking buhok at nilagay sa aking balikat. Bahagya ko pang nilayo ang tela ng damit ko sa harap sa aking dibdib. Naalala ko tuloy ang demand ni Radleigh na magsuot ako ng bra kagabi. Now that he mentioned about the men, I suddenly feel awkward.

“Good morning, Ma’am!” maligayang bati ni Fernan.
Tumango lamang ako at tinulak na ang pintuan sa kwarto.

Sa pagligo at pagbibihis ay hindi ko natanggal ang pait na naisip ko kagabi. But then again, why does it matter to me when it shouldn’t. His opinion of me has long been tainted and it shouldn’t be my problem anymore. Why I’m making a fuss out of it now is a big question.

Bumaba na ako pagkatapos na magbihis. I wore one of the sleeveless his secretary bought. Isang white and red stripes na bahagyang midriff. He should award that secretary when he gets back to Manila! And some raise, for sure. Syempre, ginagampanang mabuti ang tungkulin. Then a faded shorts matched it perfectly.

“Magandang umaga, Ma’am Zari,” si Kanor ang nasa labas ng aking kwarto ngayon.
“Si Radleigh?”
“Nasa dalampasigan po yata, kasama sina Roman at Edgar.”
“Si Belinda?” tanong ko.
“Nagpapahinga pa po. Sinusumpong yata ng rayuma niya at hindi parin magalaw ang kamay kaya nanatiling nasa kwarto.”

Oh well. I know that this is hard for Belinda. I suddenly feel sorry for choosing her among our housemaids. Syempre, a housemaid with no family is the best choice for a job like this so I chose her. Byuda na siya at walang anak samantalang halos lahat ng yaya namin sa bahay ay mayroon o ‘di kaya’y single na may binubuhay na pamilya. So I chose her instead.

Dumiretso na ako sa kusina para magluto. I know fried foods but then for today, I want to cook something I miss. Kung si Belinda kasi ang nagluluto ay madalas omelette, ham, hotdog, bacon, at kung anu-ano pa. Kaya ngayong ako ang magluluto, pancake ang gagawin ko.

Sa tinitirhan ko noon sa Madrid, may cafe sa baba. I eat my breakfast there and my favorite food is pancake.

Although I don’t know how to cook it, nakita ko iyong recipe niya kagabi rito sa recipe book ni Belinda kaya mdali lang iyon. Marunong naman akong mag sunny side up na egg at tingin ko’y pareho lang ang pag gawa noon.

I followed the procedures and I’m surprise it’s easy. Iyon nga lang walang panghulma kaya napilitan akong hulmahin na lamang iyon sa kawali.

Takot akong masunog ang pancake kaya ilang beses kong inakalang luto na at sinubukang balikatarin only to find out that it’s not yet even hard kaya ang resulta, durog durog!

“Well, that’s just for the first pancake. Let’s try again, Zari. You’re not just a pretty face, I’m sure,” I cheered myself.

Kinuha ko ang durog durog na pancake at tinikman. Masarap naman siya kaya ayos lang pero syempre, let’s aim for the best!

Hinulma ko muli ang pangalawang pancake na may butter sa ilalim. After a few minutes, I saw its sides turned black kaya nataranta ako sa pagbabaliktad kaya ang resulta’y durog-durog na, nasunog pa!

“Wow! Can this get any worse?”

Gayun pa man ay nagpatuloy ako. I started the third pancake and then tried desperately to at least make it perfect but in the end, ang mga tira-tirang sunog noong pangalawa ang naging dahilan ng pagkakadurog-durog niya.

Wow! I’m sweating big time! And I feel suddenly useless!

I am not sure if it’s because I’m in this boring island or what! Ngayon ko lang nalamang wala pala akong skill na ganito!

Alright, I know designs but I’m not the best architect in our batch but I have the money and the company so I seemed like I’m the most successful. I suddenly wonder if I’d be the same if I didn’t have Vista Grande!? Then all the more I must save our company, right?

Wow! Zari, what’s wrong? Giving up now? No! Of course not! Just starting to make a drama about it!

Sa pang apat at pang limang pancake ay ganoon parin ang nangyari. I cannot believe it!

Ang tanging pampalubag loob ko na lang dito ay na masarap naman iyon kahit na durog-durog.

Nilapag ko ang isang platong punong-puno ng durog-durog na pancake sa gitna ng dining table. Kung ako lang ang kakain, tatanggapin ko iyon but then… I sighed and decided to cook another meal when I heard his footsteps nearing.

“You done?”

Guiltily, I looked at him. Hindi ako makahagilap ng sasabihin. Bago pa ako makahanap ng mga salita ay bumagsak na ang tingin niya sa pinggan na nasa lamesa.

Tumigil siya sa paglalakad habang nagpupunas ng kamay. He put the face towel near the counter, his eyes never leaving the pancake I made.

Pinisil pisil ko ang aking daliri habang tinitingnan ang nang-uuri niyang mga mata. Nakapamaywang siya. He looked disappointed and amused at the same time. Then he turned to me.

“These are crushed pancakes,” palusot ko.
He nodded, amusement evident on his face.

Umirap ako at umikot na sa kanya para makaupo. I don’t need to bluff, obviously! He knows that I did it wrong!

“Did you use your Stainless Steel to crush it?” he chuckled.

I glared at him and then he looked more amused. Naupo siya sa kanyang upuan at ako’y nagsimula nang kumuha noong pancake.

“Kung ayaw mong kumain, e ‘di ‘wag! Masarap naman ‘to kahit ganyan!” sabi ko.
“Well, let’s see,” kumuha rin siya ng durog-durog na pancake at nilagay sa kanyang pinggan.

Tinikman niya iyon at kahit ‘di ko sinasadyang tingnan ang reaksyon niya’y nagkatinginan parin kami. Those hawk eyes in between sarcasm and evil, and that half smile made me want to lash out!

“It’s fine,” sabi niya at napagtanto kong tulad noong Spanish Chicken ay maaaring pinaglalaruan niya lang ako.

Nagpatuloy ako sa pagkain. I did not glance at him until he started eating the crushed pancakes.

Matalim ang tingin ko sa kanya kahit na hindi naman siya nakatingin sa akin. And everytime he’d look at me, I’d look away.

Everytime I get a chance to freely look at him without his obscene eyes looking at me, I chew slowly.

If there is one thing I clearly remember about him before is his unexplainable effect to girls… women. I did not get it.

At the age of fifteen, I already know what I like. It’s those boys who wear ball caps, do basketball, cuts class, drink vodka like a pro, and drive good cars. Even when they are underage. I find it so cool to sit on shotgun and scream as they drive it fast. I like kisses and having someone beg for my attention. And it’s ironic that while liking it so much, I, also, either believe in deep love or believe that marriage sucks.

Sa murang edad, alam ko na kung ano ang gusto ko at alam ko na hindi siya iyon. Kaya naman lubusan ang rebelyon ko nang nalaman kong gusto ng Mommy na pakitunguhan ko si Radleigh ng maayos sa dahilang kailangan namin ang kompanya nila para mapanatili ang aming pangalan.

My parents gave everything I want and that one thing they want me follow, I couldn’t seem to comply. Pwedeng, “Simple lang naman iyon, Zari. Hindi ba, hindi ka naman naniniwala sa pag-ibig? Laru lang naman iyan kaya kaya mo ‘yan.” Because I know that deep love, might not be for me.

Bottom line? Hindi ko kayang gawin.

Not when I’m a struggling teen on top of the social everest. Being glorified by my friends and even my cousin’s friends! Oh, the attention they gave me, I liked it so much that I think having Radleigh as my fiancee or even friend would mean a disaster.

Nagulat na lang ako na nagkakandarapa pala ang mga iyon sa kanya! He has this intriguing aura that have girls defy their want for bad fucking boys and fuck shitting boys. Or maybe… it’s because they know that he’s capable of doing both. That he can do his homework all night long and probably fondle your breasts at the same time.

Tumikhim ako nang tumagilid ang ulo niya. His intriguing eyes made me look at my disastrous pancakes. Damn it!

“The guards will be out for fishing after breakfast. They might cook grilled fish for our lunch so you don’t have to cook anymore.”

Like a subtle insult, I realized that he just don’t want me doing something in the kitchen.

“Gusto mo bang sumama sa pangingisda?” tanong niya.
Umiling ako at nagpatuloy sa pagdudurog pa sa pancake. “Hindi na. I can stay here.”

He paused for a while.

“I thought you’re bored?”

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Hindi ko alam kung kailan nagsimulang hindi ko na siya kayang tingnan tuwing nakatingin siya sa akin ng ganito.

“I have things to do here so you can go with them.”
“Like?” his eyebrow shot up.

Umismid ako. Maybe he thinks I’m rummaging his drawers so I could go and escape. Pasensya na’t may naiisip akong gawin. Yaman din lamang na nandito ako sa aming isla, sa mansyon, at injured si Belinda, maglilinis na lang ako!

Hindi ko ito maiisip kung hindi ako bored!

“I’m cleaning the sala,” I said.

Hindi siya nagsalita. Nanatili siyang nakatitig kaya nag-angat ako ng tingin. Tila napapaso ay binalik ko agad ang mata ko sa pancake.

“That’s a good idea. But as far as I can remember, you don’t know anything about household chores!” he slightly chuckled.

Nagtiim-bagang ako. Why am I taking everything too dramatic? Bakit parang insulto iyon sa akin kahit na totoo naman dapat?

“I lived in Madrid for quite a time and I know how to clean up a room, Radleigh.”

Hindi natanggal sa kanyang labi ang ngiti.

“Well, I have to see that one, then!” hamon niya.

Kaya naman pagkatapos naming kumain ay nagvolunteer siyang maghugas ng pinggan. My pride just wouldn’t let him do that. Sa ibang pagkakataon ay papayag ako pero ngayong kakainsulto niya lang sa akin, hindi.

“Go to the yacht and fish. Make sure to get me a good fish. Ayaw ko ng bangus,” I demanded.

He’s behind me while I’m facing the sink. Pinipilit niya pang siya ang maghugas ng pinggan kaya ‘di siya mataggal tanggal doon.

“Sure, is that all?”
“Yeah,” I replied trying to maintain my cool.

I am not sure if he noticed how tensed I am that I couldn’t even hold the plates properly. His hand rested briefly on my waist and I heard him chuckle a bit.

“I’ll come back. Make sure the living room’s clean.”

And then he went out of the kitchen. Hindi ko namalayang kanina ko pa pala tinigil ang paghinga dahil noong nawala siya’y saka lang ako nakabuga.

Before I could question what’s happening with me, I started moving the large sofas so I could sweep on the marbled floor of our living room.

May mga kalat din sa mga cabinet na may lamang mga libro at magazine. Siguro’y ang nagbabantay na guard tuwing gabi’y naghahanap ng pampapawi ng antok kaya hinahalughog iyon doon.

Nagwalis muna ako bago nagmop. Pagkatapos kong magmop ay pawis na pawis na ako. Of course, it’s not easy to mop on an approximately 200 square meter sala! Ang hirap kaya.

I yawned. Nang tumingala ako ay nahagip ng tingin ko ang chandelier at ang mga cobwebs sa gilid nito. Oh! I also need to clean that up!

Gamit ang walis, winalis ko ang cobwebs sa taas. Medyo matagal akong natapos dahil hindi ko abot iyong iba. I deeply regret why I did not suggest a vacuum here. Hindi naman siguro masakit sa kuryente ang vacuum, hindi ba?

But it’s too late to think about that now. Lalo na nang nakita ko sa sahig ang dami ulit ng kalat na cobwebs dahil sa ginawa ko! Oh great!

I started sweeping again but the cobwebs seemed to like the wet floor. Tumigil ako at hinintay na matuyo ang sahig. Sa pag-aantay ko’y inuna ko iyong mga magazine at aklat. Naupo ako sa sahig at tiningnan ang mga magazine. It was dated about a year ago and it’s all about homes and buildings.

My mind began to wonder deeply. Kumuha ako ng isang walang sulat na papel galing sa notebook malapit sa cabinet at nagsimulang gumuhit. And each time I meet a disappointment, I would crumple it and throw it across the room so I can immediately start to draw another one.

Hindi ko na namalayan ang oras. Nagulat na lang ako nang narinig si Radleigh kung saan.

“I thought you’re cleaning the living room?” he asked.

Napatayo agad ako. Tinanggal ko ang mga cobwebs na dumikit sa aking tuhod. Iginala ni Radleigh ang kanyang tingin sa lahat ng kalat ko at huminga siya ng malalim.

“Damn it!” bulong ko sabay kurot sa aking daliri.
“Nalibang lang ako sa pagdo-drawing,” sabi ko at nang pumasok siya’y agad niyang tinulak ang sofa sa dating ayos. “What-”
“The guards are cooking our meal.”

Bumagsak ang mga mata niya sa aking dibdib. Kung hindi pa ako tensyunado kanina ay ngayon, eto na.

“You might want to clean up and change so we can have our lunch-”
“Hindi pa ako tapos maglinis!” giit ko kahit na alam kong talo na ako rito.

He looked a bit lazy as he pushed another sofa back.

“You don’t know any household chores, don’t push yourself. Just go and-”
“I know! Malinis na ito kanina! Nagulo lang ulit dahil nagdrawing ako! I was just distracted!”
“Fine. Let’s not make a big deal about this. Just go to your room and-”

Kinuha ko ang walis at nagsimulang magwalis ng cobwebs. Sa sobrang iritasyon ko’y halos mawalis ko pati ang marmol na sahig. Manghang pinagmasdan ako ni Radleigh habang ginagawa ko iyon.

“I know how to do it! See?”
“Zariyah, stop being stubborn! You’re only making this worse!”
“I am cleaning! How can I make this worse?”
“You’re sweeping the wrong way! H’wag mo nang ipilit kung hindi mo kaya! Stop it! You don’t have to pretend that you know this!” pagod niyang sinabi.

Hindi ko alam kung bakit naiirita ako. Alam kong kasalanan ko na hindi pa ako natatapos pero bakit hindi niya ako hayaang gawin na lang ito? I know how to do it so why the hell would he immediately assume that I don’t!

“For your information, Radleigh, I’m done sweeping and mopping this floor! Nahulog lang ‘yong mga cobwebs dahil tinanggal ko kaya uulitin ko ngayon! Do not assume that I don’t know anything about household chores because I do!”

With a groan of exasperation, he walked towards me and got a hold of my broom.

“See? Dapat ay inuna mo ang cobwebs bago ang paglilinis ng sahig para hindi ka na umulit!”

Nang napagtanto ko kung gaano ka tama ang sinabi niya ay para akong nasampal ng insulto! Mabilis kong sinaksak sa kamay niya ang walis at padabog na nagmartsa paakyat ng hagdanan!

Halos dumikit si Kanor sa dingding nang nakitang galit na galit akong umaakyat at lalagpasan siya.

Galit na galit ako’t hindi ko maintindihan kung bakit ang babaw ng luha ko. Tears pooled in my eyes.

Padabog kong sinarado ang pintuan at naupo na ako sa upuan malapit sa side table. Maybe it’s the situation. Yes, that’s it! I have nothing to do that even the smallest things is a big deal to me.

Pinalis ko ang luha ko habang nanginginig ang aking kamay. The way he insulted me reminded me of so many things. Maybe they are all right and it is okay. Maybe even when I am like this, I still have a place in this world!

“Shit!” my eyes darted on the door handle.

Nakita kong umikot ito dahil alam kong kahit lock iyon ay mabubuksan iyon ni Radleigh! He has a key. He’s my kidnapper and I literally have no privacy when he wants lift his muscles of authority.

Hawak ang unan sa aking kama ay inasahan ko ang pagbukas ng pinto! At nang bumukas iyon ay agad ko siyang tinapunan noon! He got almost hit if only he didn’t cross his arm on his face. Tumayo ako at kinuha ang isa pa. Tinapon ko ulit sa kanya ng buong lakas pero umilag siya.

“Zari,” he called but I am too far angry to even see reason.

Kumuha pa ako ng isa pang unan para itapon sa kanya pero hinablot niya iyon at marahas na hinawakan ang aking braso!

“Bitiwan mo ako!” sigaw ko ngunit nadala niya na ako nang umupo siya sa inupuang silya ko kanina. Pumiglas ako ngunit hinagilap niya ang aking mga palapulsuhan at pinirmi iyon sa aking hita.
“I’m sorry,” he whispered.
“Bitiwan mo ako!”

Tears rolled down my cheek.

“I’m sorry, alright…” he whispered on my ear.

Nanghihina ako lalo na ngayong mabilis ang aking paghinga sa pag-iyak at sa pagpupumiglas. Kinagat ko ang labi ko at sinubukang kumawala pero mas lalo lamang niya akong binagsak sa kanyang hita making me sit on his lap.

“You think I don’t know anything? Huh?” pahisterya kong sinabi.

Pilit kong binabawi ang palapulsuhan ko galing sa kanyang pagkakahawak.

“E baliw ka! Marunong din ako! Hindi lang ikaw ang marunong dito! Hindi ako walang silbi! And I’m pretty sure I can learn so don’t act like I know nothing!”
“Yes, I know. You know things. You will learn how to cook and clean. Damn, why are we fighting over these petty things…” he whispered the last sentence.

Kinagat ko ang labi ko at bumagsak ang tingin ko sa mga kamay niyang mariing nakahawak sa aking palapulsuhan na naka ekis sa baba ng aking tiyan. I closed my legs and stopped moving.

His breath is on my ear. Konting lingon lang ay paniguradong mararamdaman ko na ang kanyang labi.

“You’re crying over petty things,” he whispered.
“That’s because you look down on me so much!” galit kong sinabi.
“I don’t,” maagap niyang sagot.

Hindi ako nagsalita. Unti-unting tumigil sa pagbuhos ang aking luha ngunit may luha parin sa aking pisgi. Sa gilid ng aking mga mata ay kitang kita ko ang paninitig niya sa akin. Iniwas ko ang pisngi ko sa aking kaliwang balikat kung nasaan ang kanyang mukha.

“If I agreed to your proposal, you’ve probably went home the first night.”

Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o ano pero seryosong seryoso ang tono niya. Nanuyo ang lalamunan ko at agad na ginapangan ng kaba. I closed my knees that I slipped in between in between his thighs.

“I might be demanding but I don’t look down on you, Zari.”

Napasinghap ako sa sobrang rahan ng pagkakasabi niya noon.

“Yes, you are demanding! And that is why you look down on me!” giit ko.
“No. I’m only demanding in some cases,” he whispered so low that I think kami lang talaga ang nakakarinig.
“What cases, then?” I equalled his whisper.
“Like…” he pulled me closer to his chest, parang nagbibigay ng halimbawa.

Sa pagkakayakap niya sa akin galing sa likod ay wala akong ibang magawa kundi ang magpaubaya at bumagsak nga sa kanyag dibdib. Pumiglas ako ng bahagya pero agad niya akong naipirmi.

“Baby, stop moving.”

Suminghap ulit ako. He moved his legs and firmly pushed my legs a bit closer together.

“Let’s not fight over petty things,” he whispered again.

Pumikit ako ng marahan. Damn!

“Don’t kiss another man…”

Ang pikit na marahan ay dumiin ngayon. Damn it!

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Comments are closed.