Island of Fire – Kabanata 7

November 29, 2016 By In Island of Fire 9 Comments

Kabanata 7
Nostalgic

The next day came fast like the strong northern wind. Ginugol ko ang oras ko buong umaga sa pag-aayos ng aking gamit sa aking kwarto.

I realized I have only a few clothes. Paulit-ulit na ang damit ko sa halos isang linggo ko rito sa isla.

After lunch, I took a nap in one of our sun loungers. Nagising lamang ako nang bahagyang lumakas ang ihip ng hangin.

Kinusot ko ang mga mata ko habang tinitingala ang langit. It’s dark. Nilingon ko si Roman sa malayong gilid at nakitang nakatanaw lamang siya sa dalampasigan. When he saw me rise, he immediately alerted whoever’s at the end of the other line.

“Anong oras na?” tanong ko pagkabangon.
“Alas kuatro, Ma’am Zari.”

Nilingon ko ang batuhan ng ilang sandali bago bumaling ulit kay Roman. He’s expecting another question.

“Si Radleigh?” tanong ko.
“Baka po mamayang gabi pa. Sabi niya.”

Tumayo ako at nagsimula nang maglakad pabalik ng mansyon.

Naiinip na ako rito. I went to the gym room located at the back portion of the second floor. I checked the equipments. Naroon parin ito at ayos pa naman. Pinalagay ito ni Daddy dito last year para makapag ehersisyo siya kahit paano kapag nagbabakasyon.

I spent about two hours there. Tanaw ko ang langit at kitang kita ko ang kulimlim nito.

Pagkatapos kong mag ehersisyo ay tumulak na ako sa kwarto para makaligo at makapagbihis na rin.

Umaambon sa labas. Hindi ko alam kung may namumuo bang sama ng panahon kaya pinili kong bumaba para makapanood ng telebisyon.

Naabutan ko si Belinda na naglilinis ng isda. Dumiretso ako sa ref at kumuha ng pitsel. Nagsalin ako sa ng maiinom at pinangahalatian iyon.

The background is the sound of the television telling some weather updates. Sumulyap lamang ako nalamang wala namang bagyo.

“Nagluluto ka ba para sa pagdating ni Rad?” tanong ko kay Belinda pagkatapos ay nilapag ang baso sa sink.
“Para sa hapunan,” aniya at ‘di na tumingin dahil abala sa isda.
“Huli ba iyan nina Roman noong nangisda sila kanina?” tanong ko at bahagyang lumapit sa isda.
“Oo, mabuti nga at nakahuli. Medyo kinulang na sa ulam, e,” si Belinda. “Mabuti at mayaman ang dagat dito.”

Napatuwid ako sa pagkakatayo at sinungaw ang refrigerator. Nakita kong tama siya’t halos wala nang pagkain doon.

Babatikusin ko na sana si Radleigh sa sinabi ni Belinda pero naisip ko rin namang baka hindi talaga ako magtatagal dito kaya maayos na rin na hindi na nagdagdag ng pagkain.

Due to boredom, tumulong ako sa pagluluto ng isda. I am not familiar with what she’s doing with it but I still assisted her anyway.

“Anong oras daw ba ang dating niya?”

Naaamoy ko na ang niluluto ni Belinda. Dinungaw ko iyon at nakitang kumukulo na ang sabaw. Hindi ako maalam sa ganitong mga pagluluto pero sa gutom ay nasarapan na agad ako sa halimuyak pa lamang ng luto.

Ngising aso ang naabutan ko kay Belinda nang sinulyapan ko siya dahil hindi na muli sumagot. I sighed and rolled my eyes.

“Hindi naman sinabi ni Ser Radleigh, Ma’am. Bakit? Nami-miss mo na siya?”

Napipika na ako sa masyadong makahulugang mga tanong ni Belinda. Nakapamaywang akong hinarap siya. Noong isang araw pa ito, ah?

“Paano ko mamimiss ang kidnapper ko?”

She made a face as she looked at the soup in front of her. Mas lalo lang akong nairita pero pinigilan ko ang sarili kong magwala ulit.

“Do you think I like him?” naituro ko ang sarili ko para sa tanong na iyon.

Sinulyapan ko si Roman na nasa pintuan lang ng kitchen. He stood there with straight face but beyond that I can sense that he’s hiding a reaction. I turned to Belinda again.

“Hindi naman, Ma’am. Nagtataka lang po,” Belinda said defensively.

Hinila ko ang high chair at naupo na roon samantalang si Belinda ay naglilipat ng sabaw sa isang malaking bowl. Humalukipkip ako at tila tinitiris na siya sa aking paningin.

“Hindi ba ay inaya mo siyang magpakasal, Ma’am? Pagbalik mo galing Madrid?”

Wow! Alam ba niya ang nangyari?

“Yes, I did-”
“O, e ‘di, like mo siya, Ma’am.”

My mouth was already half open. Sometimes I wonder why I chose her to come with us instead of those silent house maids we have back in my lolo’s mansion.

“Iyon ay dahil kailangan ko ang kompanya nila. If we marry and he’ll fund my company’s next project, there will be hope for an increase of profit. Mababayaran ko lahat ng utang ni Daddy at maisasalba ko ang kompanya.”
“Sana pala noon pa lang ay pumayag ka na sa sinabi ni Ma’am Lana at baka hindi na nangyari ito.”

Natahimik ako sa sinabi ni Belinda. I have long accepted everything. And although I don’t think forgiveness means ignoring it, I think it’s healthier that way. Otherwise, I won’t be able to move.

“Hindi talaga papayag iyon, hindi ba? Hindi ba may girlfriend siya, Ma’am?” dagdag pa ni Belinda.
“Malay ko. How would I know when I am too busy abroad!”

Tumaas ang mga kilay ni Belinda at ngumiwi siya habang ibang ulam naman ang inaasikaso ngayon.

“Noong tumawag kanina, mukhang kausap yata iyong girlfriend niya, Ma’am. Naririnig ko sa background, e. Hula ko ‘di ‘yon makakabalik ngayong gabi rito.”

Tumikhim ako at nagtaas ng kilay. Some cold liquid spread on my gut.

“Kung hindi iyon makabalik, paniguradong dahil sa sama ng panahon,” sabi ko.
“Hmm. Siguro rin, Ma’am.”
“Pero… sabi niya ba… uh… babalik siya?”

I tapped my fingers on the marbled counter. Hinawakan ko ang baso gamit ang dalawang kamay. Kumuha si Belinda ng pitsel ng tubig sa ref at sinalinan ang baso ko.

“Sabi niya,” ngumiwi ulit siya. “Pero hula ko hindi. Naririnig ko kasi sa kabilang linya na ayaw noong girlfriend niya na umalis siya.”

Nanliit ang mga mata ko. Now that she keeps on mentioning that girl…

“Matagal na ba sila noong girlfriend niya?”
“Hindi ko alam, Ma’am. Alam mo namang hindi na bumibisita si Ma’am Relani sa mansyon. Ilang taon ko na rin silang hindi nakikita, e. Sa TV na lang at sa magazine.”
“And in those magazines, do you see Radleigh with Agatha?”
“Wala naman po. Pero kasi, hindi si Ser Radleigh iyong tipong nakikipagrelasyon ng basta-basta kaya…” tinapos ni Belinda ng kibit balikat ang sinabi.

Pagkatapos ng ilan pang tanong na wala namang kasiguraduhang sagot ay umakyat na ako sa kwarto.

“Ma’am, kain ka na lang muna.”

Isang sulyap sa relo at nakita kong maaga pa naman. Maybe I can wait for Radleigh a bit?

“Later. Mauna na kayong kumain,” sabi ko pero bago pa ako makaalis ay umapila na si Belinda.
“Si Ma’am… E ‘di mapapagalitan kami ni Ser Radleigh kung ‘di ka pa kakain.”
“Just knock on my room when he’s already here.”

Iyon lang at tumulak na ako sa kwarto. Itinulog ko ang pagkakainip ko lalo na dahil mas malamig sa normal ang panahon.

Kung ilang oras akong natulog ay hindi ko na alam. Basta’y nagising lamang ako nang may biglang kumatok sa aking pintuan.

Immediately, I rose from my bed to check on my face. Hindi na ako sumigaw para malaman kung sino iyon. I combed my hair with my fingers and then went to the door to see whoever that is.

Bumagsak agad ang balikat ko nang nakitang si Belinda lamang iyon. With her is a tray of the food she made.

“Lumamig na ang sabaw. Hindi ka kasi bumaba kaya dinala ko na lang dito, Ma’am.”

Iginala ko ang mga mata ko sa likod niya. Isang bodyguard lang ang naroon at bukod doon ay wala na. Belinda immediately blocked my view with a smiling face.

“Heto na po, Ma’am!” aniya.
“Si Radleigh?” tanong ko, getting pissed by the minute.
“Hindi raw siya makakabalik, Ma’am, e. Busy sa trabaho.”

Incredibly pissed, tinanggap ko ang tray na may lamang pagkain at sinarado na lang ang pinto.

“Okay, salamat.”

Nilapag ko sa night table ang tray at naupo na sa kama. I sighed heavily. Hinilot ko ang sentido ko. Hindi ko na alam kung sumasakit ba ang ulo ko sa gutom o dahil sa ibang dahilan.

I want to say that I’m pissed because I expected him to be back and I’m already effing bored here but that will mean I have too much expectations of him and he brings my entertainment! No! Of course not!

Kung hindi siya babalik dito, e ‘di bahala siya! It’s not like he’s obliged to come here anyway. For all I know, this is just Ethan’s ideas for the betterment of God knows what! Damn it!

Ilang subo lang ang nakain ko sa dahil nawalan din ako ng gana.

In the end, I fall asleep. I woke up in the middle of the night because of thunder. Mabilis kong binuhay ang night lamp sa tabi ng aking kama. Naupo ako at hinila ang kumot para matabunan ang kalahati ng aking katawan.

Yumuko ako habang naririnig ang ingay ng kulog. Sa bawat kidlat ay agad kong tinatakpan ang tainga ko.

I dislike storms. Though it did not rain and it’s all just thunder and lighting, it scared me to the point of going out of my room.

Sa labas ay parang nagising mula sa medyo antok na state ang guard. He turned to me when he saw me covered with a comforter and just there standing on my door.

“Ayos ka lang, Ma’am?” he asked.

Imbes na sumagot ay tiningnan ko ang kwarto ni Radleigh. A ball of heat enveloped my stomach. The thought of him comfortably living in Manila made me angry. Kung bakit hindi pa niya ako pinapakawalan ay lagpas na sa kakayahan kong umunawa.

“Dito muna ako,” sabi ko sa guard at ilang sandali pang natayo roon nang nakapikit.

When the thunderstorm stopped, I went back to my room. Hindi na ulit ako dinalaw ng antok. Thoughts bothered me and my anger for whatever is happening and for the people behind it grew.

Kinabukasan ay puyat na puyat ako. Sa hapag ay halos ‘di ko magalaw ang toasted bread, cheese, at egg. Nanatili lamang akong nakatitig doon.

“May problema ba, Ma’am?” si Belinda.

My days would probably end up just interacting with the guards and Belinda. Kung parusa man ito ay nagtagumpay na siya.

“Wala.”

Pagod kong kinuha ang toasted bread at nilagyan na iyon ng cheese. Hindi ako matuloy tuloy sa paglalagay pa ng ibang laman dahil medyo inaantok pa ako.

Iniisip ko pa lang na isang panibagong araw na wala akong gagawin ay naiinip na ako. What will I do today? Swim? Exercise? Watch television? Jetski? What? I don’t know, really. He practically left me here to rot.

“Belinda, may manok pa ba tayo riyan?”

Maybe I can take out my boredom if I start learning the kitchen?

“Wala na, Ma’am, e. Kaya mamaya ay mangingisda muli sina Roman.”

I sighed. Siguro ay sasama na lang ako sa pangingisda? That would be a better choice so I will stop my boredom.

Pagod kong nilagyan ng ham ang aking sandwich nang narinig ko ang tunog ng cellphone. I glanced at Belinda who took her phone out of her apron.

“Ser, magandang umaga,” Belinda said.

My senses alerted at that. I cleared my throat and started eating a bit. Kalahati sa akin ay hindi maintindihan kung bakit ganito ang reaksyon ko.

“Nag-aalmusal na po siya ngayon, Ser.”

I’m sure ako ang tinutukoy riyan. Hindi ko alam kung gugustuhin ko bang makausap siya o hindi. Pride got me that I’ve decided to decline it immediately.

“Sige po, Ser.”

Inilahad ni Belinda ang cellphone niya. Pinagmasdan ko na lamang iyon at agad nakuha na gusto nga niyang makausap ako.

“Ma’am, sabi ni Ser-”
“H’wag na. Kumakain ako,” I said.

Kinagatan ko ang sandwich at nagkunwaring walang pakealam na nasa ere parin ang cellphone ni Belinda.

“Ser, ayaw ho ni Ma’am… Okay…”

Sumulyap ulit ako kay Belinda.

“Ma’am, sige na po oh. Sabi ni Ser, kailangan niya kayong makausap.”

On second thought, maybe it’s about my freedom? Maybe he finally got away with whatever’s happening in Manila so I need to swallow my pride.

Kinuha ko ang phone at nilagay sa aking tainga. Belinda threw me curious looks. Umiling na lamang ako at nagsimulang tinidurin ang aking pagkain.

“Yes,” I said in a formal tone.
“How are you?” his husky voice told me that he just woke up.

Images of him and a girl beside him screamed on my head. Napapikit ako sa iritasyon ngunit isang buntong hininga na lamang ang pinakawalan ko para makalma ang sarili.

“Fine,” sagot ko.

Fine? Really? Am I? I might die out of boredom here! I almost died last night! And he’s just there in Manila, living his damned life!

“Hindi ka raw kumain kagabi?” his words sounded concerned but his voice is a bit distant.
“Kumain ako. Konti lang kasi diet nga ako, ‘di ba?”
He chuckled a bit.

Parang may nalaglag sa dibdib ko. Marahan akong pumikit. I need to get a hold of myself. Parang nakakalimutan ko ang iritasyon ko. Nakakalimutan ko ang lahat ng mga naisip ko at naiirita ako sa sarili ko.

“You should still eat, though.”

Binaba ko ang kubyertos. Nawawala ngang talaga ako dahil sa boses niya. I can imagine him sniffing on his pillow. If only I couldn’t imagine the hair he’s probably sniffing while he’s talking to me. Not that it mattered. Jesus, why am I even pissed when I think about that? I should be pissed when I think about how stuck I am here.

“I am so bored here,” reklamo ko nang ‘di ko na napigilan. “Do you expect me to eat merrily everyday, Radleigh? Do you know what I do in the morning?”
“What?” Hindi ko alam kung bakit tila punong puno iyon ng kuryusidad. Isang salita lang naman iyon.
“I wake up, eat my breakfast, try the kitchen. There’s nothing here! Gusto kong mag-aral magluto dahil nakakainip pero wala nang pagkain sa fridge! They are just fishing everyday so that we can have a decent meal!”
“Uh-hmm…”

I shifted uncomfortably.

“And! And… at lunch, I eat and then sleep under the shade of the rocks on the shore! I couldn’t even swim everyday! Isa lang ang bikini ko! My clothes look old now! It’s been almost a week and I only have a few! I go back to the mansion at night to eat again! And then sleep!”

Hindi maubos-ubos ang sasabihin ko. Pakiramdam ko’y masyado na akong sumbungera imbes na paratangan siyang kinukulong niya ako rito! Hindi ko gustong ganoon ang lumabas kaya dinugtungan ko pa.

“And you? You’re there living the life while I’m here? Why can’t I talk to Ethan instead! I need him to know about my concerns!” iritado kong sinabi.
“I can hear your concerns now, Zari. I will immediately ask my secretary to shop for your supplies. May iba ka pa bang kailangan?” now he sounded like a real businessman.

Naninikip ang dibdib ko. Ganoon lang? Well, why am I surprised?

Why can’t I be happy instead? That he’s asking me what I need?

“Buy me more sunscreen. I also need some granola, fresh fruits which will include kiwi, strawberries and blue berries. Oats, almonds, and pasta. Tortiglioni, Biscotti, Croutons… I also need new slippers and new bikinis and that’s with an S! I need clothes, lingeries, as well…”
He groaned so I stopped.
“What? You said I’ll treat this as a vacation, right? Then here’s my vacation!”
“Okay, what else do you want…” he trailed off like he stopped mid sentence.
“I want a polaroid camera. If you can find one that can do underwater shots, the better. I also need a tinted moisturizer, body scrub. Cucumber and lavender.”
He chuckled so I stopped again.
“Is there a problem?”

I can all list down what I need. Not that I need to tell him everything, though. I just want him to know how hassle it is to make me alive. Alam kong alam niya na iyon. Noon pa man. So, Radleigh, let me refresh your memories.

“I also need an anti-frizz spray. The lotion should have shea butter and vitamin E. I don’t like the shea butter variant. It should be mixed with either strawberry or dragon fruit. I also need-”
“Baby, please list it down. I will buy everything that you need, okay?” he said in a lazy and considerate tone.

Nanuyo ang lalamunan ko roon. Gusto kong mainis. Sa kanya. Sa sarili ko. Sa lahat. Mainis dahil hindi ko alam kung bakit sa kabila ng lahat, may sumasamyo sa damdamin kong ‘di ko malaman.

“Fine! Tell your secretary to make sure that the Polaroid will be hand carried. Please separate my things from all the supplies for the mansion. And separate my toiletries with the clothes. My bank account number is-”
“Zari, I won’t need it.”

Ngumuso ako. Stunned by a nostalgic force.

“I have my trust fund, Radleigh.”
“Give the phone to Belinda now. Finish your food and list down everything that you need.”
“Okay,” marahan kong sinabi at hindi na nag-atubiling ibigay kay Belinda ang cellphone.

Funny how years ago, I wanted to get rid of him so much. I succeeded only to come back and beg.

Tahimik akong kumain at nang natapos ay siya ring pagkatapos ng tawag ni Radleigh kay Belinda. Sumulyap ako sa cellphone ni Belinda at pagkatapos ay uminom na lamang ng tubig. Naabutan ko siyang titingin-tingin sa akin. I gave her dagger looks that’s when she started humming and minding her own business.

Buong araw ay naaabutan ko na lamang ang sarili kong natutulala.

I don’t think this is a good idea at all. Stuck here will only mean having the time to think about the past. Kung mayroon man akong gustong kalimutan sa buhay na ito, iyon ay ang lahat ng nangyari sa nakaraan. And being stuck alone here is not helpful at all.

The sea breeze blew my hair. Sa kabilang dako ay nakikita ko ang yate namin. Roman, together with the other three guards went inside. Alam ko kung anong gagawin nila ngayon. It’s for sure fishing.

“Edgar,” sambit ko sabay tayo galing sa buhanginan.
“M-Ma’am?” He sounded startled.

Nilingon ko siya at napakurap kurap habang tinitingnan ako. I’m wearing my usual spaghetti strap and a thin board shorts. Hinawi ko ang buhok ko at tinuro muli ang yate.

“I want to come with them and fish.”
“Yes, Ma’am. Tatawagan ko po si Roman.”

I heard his radio. Nagsimula na akong maglakad patungo sa dalampasigan. Nakita kong lumingon na si Roman sa banda ko at tumigil sila sa pagmamaniobra ng yate palayo.

Tahimik sila nang umakyat na ako. Niyakag ako ni Roman paakyat at nang naroon na’y agad akong naglibot sa yate. Ilang balde ang dala nila. Nakita ko rin ang mga kagamitang pangisda.

“Ayos na,” si Roman sa mga kasamahan at nagsimula nang tumulak palayo.
“Sigurado ka, Ma’am? Baka matagalan kami. Mga dalawang oras o higit pa,” ang pinaka pandak sa lahat ng bodyguards ang nagsabi.
“I don’t have anything to do, anyway. I would rather spend the day here.”

Hinagod ko ang barandilya ng yate at tiningnan ang alon sa dagat. They looked at each other before finally deciding that there’s no turning back for me.

Sa laot ay nagtatalo ang mga bodyguards. Obviously, only one of them knows how to really do it. The other three, including Roman, who’s the captain right now, didn’t know how to fish.

Kinuha ko iyong fishing rod. Sila’y gumamit ng lambat. And even when it’s impossible to actually catch a fish when I think we are disturbing them, naglibang na lamang ako sa pagbabantay sa paing.

Few minutes later, the sound of the engine of a chopper was heard. Nilingon namin kaagad ang pinanggalingan noon.

The familiar chopper landed on Isla Fuego. Hindi ko alam kung bakit abot-abot ang tahip ng puso ko habang pinagmamasdan iyon. Surely, it’s just his secretary, right?

Nilingon ko si Roman. I caught him looking at me.

“Babalik ba si Radleigh?” That did not come out right, though.

I already concluded a while ago that he won’t be coming back today. Why do I have to ask that question again?

“Hindi ko alam, Ma’am. Base sa huling pag-uusap namin ni Sir, marami pa siyang inaasikaso, e.”

Binalingan ko ang aking fishing rod na hanggang ngayon ay wala paring huli. After a few hours, the sun is already setting. That’s when they decided to go back to the island. Kaonti lang ang huli ngunit tingin ko’y sapat na rin sa siguro’y dalawang araw namin dito mula mamaya.

Hindi ako nakahuli ng kahit isa. Well, that is not really my talent, anyway. Pinilig ko ang ulo ko nang muling may naalala. Bitterness dripped like acid on my stomach. Humilig ako sa barandilya nang unti-unting lumapit sa Isla Fuego ang yate.

The wind blew in different ways. I stretched by pushing the railing down making me tiptoe. Pinuno ko ng hangin ang aking baga at nang nakita kung sino ang nag-aantay sa dalampasigan ay halos maubo ako pagbuga ng hangin.

He looked so out of place. Sa isang isla ay nakatayo siya sa dalampasigan suot ang isang puting longsleeve na nakatupi hanggang siko. His black slacks defined his long and iron clad legs. His black shoes made him look like he’s from a men’s magazine photoshoot. The wind blew his hair a bit making them look like art.

His thick eyebrows defined his spanish eyes. His lips were redder than the last time I saw him and his jaw clenched repeatedly as the yacht docked to the ends of the hardwood boardwalk.

“Andyan naman pala si Sir, Ma’am,” si Roman.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

1

9 Responses to Island of Fire – Kabanata 7

  1. kailan po ulit pwede mag order ng UT bundle :(( di ko kasi nakita di tuloy po ako na kaorder huhuhu lol

  2. Have you ever considered about adding a little bit more than just your
    articles? I mean, what you say is important and everything.
    But imagine if you added some great images or video clips to give your
    posts more, “pop”! Your content is excellent but with images and videos,
    this site could undeniably be one of the greatest in its niche.
    Very good blog!