Island of Fire – Kabanata 6

November 29, 2016 By In Island of Fire Comments Off on Island of Fire – Kabanata 6

Kabanata 6
Bind

Isang katok ang nagpagising sa akin. Imbes na bumangon ay tinabunan ko na lamang ng unan ang aking mukha.

Tanghali na yata, base sa matayog na sikat ng araw. Kaninang umaga’y bahagya akong nagising sa ingay ng chopper. Akala ko’y tuluyan na akong magigising doon pero nang nakaalis na’y hinila ulit ako ng antok kaya heto’t nagising sa ibang oras.

“Ma’am Zari, mag-almusal ka na! Bilin ni Ser Radleigh na gisingin kita para makapag-almusal,” si Belinda sa labas.

Dumilat ako ng pabigla-bigla at unti-unti kong napagtanto kung ano ang ginawa ko kaninang madaling araw!

Bumangon ako at nilinga ang paligid. Magulo ang aking kama at nagkalat ang iilang gamit ko sa sahig.

Nang bumalik ako kagabi ay dumiretso lamang ako sa kama at pinilit ang sariling umidlip. Agad naman akong nakatulog dahil sa sobrang pagod.

Sapo ang ulo ay inalala ko ang lahat.

“Shit!”
“Ma’am Zari?” si Belinda na nasa labas pa yata.
“Lalabas din ako!”

Pumikit ako ng mariin at hinilot na lamang ang sentido. I wonder if Radleigh left his laptop? Malamang dinala niya. Pero pwede akong maghanap ng ibang paraan upang matawagan man lang si Calla o ang kapatid niyang si Caleb?

Where did he put my cellphone? Is it here inside the house?

Hindi pa naliligo ay lumabas ako ng kwarto. Nagkatinginan kami ni Roman nang nakita ko siya sa labas ng aking kwarto.

“Magandang umaga, Ma’am Zari,” anito at matalim ko na lamang siyang tinitigan.

Bumaba ako ng hagdanan at nakita pa ang iilang bantay sa akin.

“Umalis na si Radleigh?” tanong ko sa kung sino mang sasagot.
“Yes, Ma’am. May aasikasuhin sa trabaho.”

Umismid ako at dumiretso sa kusina. Naupo ako at nakita ang mga tinapay na luto ni Belinda sa harap. Kumuha agad ako ng isa at nilagyan na ng butter iyon.

Lumapit ang mga guard sa lamesa at tanaw nila ako habang naglalagay ng butter gamit ang bread knife.

Oh God! Am I going to be stuck here?

Kung tatakas ako ngayon gamit ang jetski, paniguradong mahahabol nila ako! And I don’t think Radleigh’s stupid to leave his laptop, my phone, or any way or comminication here! Damn it!

Pero syempre may mga cellphone ‘yang mga guard, ‘di ba?

Pero hindi ko naman kabisado ang numero ng mga kaibigan ko! Damn it! There should be a better escape plan!

“Kailan ang balik niya?” tanong ko habang kinakagatan ang tinapay.
“Hindi niya sinabi, Ma’am.”
“Ganoon? Ano ba kasing ginagawa niya sa Maynila?” wala sa sarili kong tanong.
“Trabaho,” si Roman naman ang sumagot ngayon.
“Tapos ako rito, nandito lang? Paano iyong trabaho ko rin?”

Walang sumagot sa akin. Nagpatuloy sila sa ginagawa na para bang walang narinig.

I feel mad at them for doing this. I am angry because of what’s happening. Ngunit gaano man ako ka galit, mas napapagod ako.

Hindi ako nagsalita. Hindi na rin naman sila nagsalita nang tumigil na ako sa pangungulit. Pero suot ko na yata ang iritasyon buong araw dahil walang kumakausap sa akin kahit na lagi namang may nakabuntot na guard.

Pagkatapos kong maligo at magbihis, nanood ako ng telebisyon. At mas nakikita ko ang mga suot ng mga Hollywood actresses ay mas lalo lang akong nakukulong sa aking pighati rito.

I want to buy a new dress! I want new stilletos, too! Shoes are my obsession! Parang naghuhugis puso ang mga mata ko habang tinatanaw ang mga gamit ng artista sa TV.

When I got bored, I daydreamed of all those shoes I saw. Iniisip ko kung anu-ano ang mga bibilhin ko pagka balik. Ang tanong, kailan ako babalik?

My mood shifted and I got angry again!

Inubos ko ang buong hapon ko sa pag-upo sa sun lounger sa lilim ng batuhan. Nang bumaba ang araw ay ‘tsaka ako naligo.

The guards were far from me but they were alert. idiots! I won’t pull that trick again, if that’s what you are all thinking.

Nang naglapag si Belinda ng shake sa aking lamesa ay umahon ako para makainom. Hindi agad umalis si Belinda. Nanatili siyang nakatayo roon at nakangiti sa akin. Her brown curly hair is blown by the sea breeze. Hinahagilap niya ito at pinipirmi.

Simangot ang isinukli ko sa kanya at kinuha ang watermelon shake para makainom.

“Tumawag nga pala si Ser Radleigh. Ang sabi niya’y hindi siya babalik ngayon.”
“Tss…” I mocked.

I knew it. Iyon ang unang pagkakataon na umuwi siya sa Maynila pagkatapos ng pagkidnap ko sa kanya. Malamang ay hinarap niya ang parents niya at ang parents din ni Agatha.

Malamang sinuyo pa niya ang girlfriend niya para hindi siya iwan. Not that he’s the type that would… well…

“Ang sabihin niya, kinulong niya lang talaga ako rito para magpakasaya siya roon!”

Hindi nagsalita si Belinda. Well, now that she’s here… and like a rock, she just keeps her silent while I throw ugly things, I might as well take this opportunity to rant.

“Hindi ko maintindihan! Sino ba ang nagpakidnap sa akin? I know that I planned it all out but when the tables were turned, sino ang nagpakidnap? Si Ethan o si Radleigh talaga?”

Hindi nagsalita si Belinda. Not that I’m expecting her to talk. Natuto na ako noong nakaraan.

“Kung si Ethan, bakit pa nakekealam si Radleigh?”
“Hindi magagawa ni Ser Ethan ‘yon,” si Belinda.

Natigil ako at napatingin sa kanya. It’s like she’s telling me that this is really Radleigh’s idea.

“And besides, kung abala nga siya sa trabaho at malamang sa engagement niya, bakit pa siya nakekealam?”

Nanatiling nakatingin si Belinda sa akin. Uminom muli ako sa watermelon shake na ginawa niya at pinalupot na ang roba sa aking katawan.

“At sana h’wag na siyang bumalik, ‘di ba? Inaasikaso niya ang engagement nila tas babalikan niya ako rito? For what? For whatever his motives may be? My gosh! If I’m Agatha, I’d tie him up just so he couldn’t go anywhere with another girl!”

Umikot ang mata ko. Sumungaw naman ang ngiti sa labi ni Belinda. Malisyosang mga mata ang pinapakita niya sa akin.

“Si Ma’am talaga… Bakit Ma’am, biglang type mo na siya?”

Padabog kong binaba ang aking iniinom. Halos naubo ako sa sinabi niya. Aapila na sana ako ngunit naaliw yata sa pagsasalita ang aming kasambahay.

“Naaalala ko pa noon, Ma’am. Kung paano kayo nagtalo ni Madame Lana at kung ano ang mga sinabi mo.”

Natigilan ako habang nakikita ang reaksyon ni Belinda. Pati tuloy ako’y naalala ang parteng iyon kasama si Mommy.

Kinagat ko ang labi ko. I have been a brat all my life. And I always thought that everything won’t change. I didn’t believe that anything could. Ngunit noong nawala si Mommy, doon ko napagtantong nagbabago nga pala talaga ang buhay. Oras lang ang hinihintay nito.

“Ang bagal mo, Caleb!” sigaw ko at unti-unting yumuyuko para mas bumilis ang takbo ng aking kabayo.

Ang lupain ni Lolo, kung saan ako lumaki, ay malawak. Sa gitna ng syudad at isang malaking exclusive subdivision, naroon ang walong ektaryang lupain niya kung saan sa gitna ay may isang malaking mansyon.

“Zariyah!” tawag ng aming mga kasambahay galing sa malayo.
“Ma’am Zari!” si Belinda.

Hindi ako nakinig. Nagpatuloy ako sa pakikipagpaligsahan kay Caleb sa ilalim ng kulay kahel na langit.

“Ayoko na!” si Caleb at tumigil na.

Hinila ko ang lubid ng aking kabayo at unti-unti itong tinigil para mapaliko at makapagpasikat kay Caleb.

“You’re a loser,” sabi ko.

Hinihingal pa si Caleb. Beads of sweat is on his forehead. His eyes looked dangerous and his hair slightly untamed because of what we just did. He smiled and that devilish look on his face was what convinced me to entertain him.

“That’s because I just learned this. Matagal ka nang marunong mangabayo, Zari. Give me time and I’ll beat you…”

Nilapit niya ang kabayo niya sa akin. Umirap lamang ako. Bumaba ako sa aking kabayo at binigay ang lubid sa lumapit na tagapangalaga. Bumaba na rin si Caleb at ganoon din ang ginawa.

“Kanina ka pa tinatawag ng mga kasambahay n’yo.”

Napalingon ako sa likod ng mansyon ni Lolo. Three girls, including Belinda, waved at me like they think I did not hear them.

“Hayaan mo sila,” sabi ko.

Lumapit si Caleb sa akin at pinalupot agad ang kanyang kamay sa aking baywang. Nag-iwas ako ng tingin at nagtago ng ngiti.

I was fifteen then but I’m not that innocent when it comes to boys. Boys flock at me like I’m some kind of trophy. Sinasagot ko sila ngunit pagkatapos ng ilang araw ay agad ko ring pinapalitan. They just won’t stop courting me. Sayang naman kung sakaling hindi ko bibigyang pansin lalo na kapag type ko naman.

Caleb’s exactly my type. Badboy image, dangerous-looking, handsome, and funny.

“Are you addicted to me now, Zari?” he whispered.

Humalukipkip ako at nilingon siya. His evil smile made me smile, too.

“May bisita lang sa bahay sina Mommy at Daddy. Hindi ko alam kung gaano ka importante na kailangan pang kompleto kami pag tanggap.”
“So ano? Takas na lang tayo?”

His idea was tempting. But then I promised Daddy I will be there for dinner.

“Umuwi ka na lang sa inyo,” sabi ko.
“Oh! Come on, Zari. ‘Yon lang?” si Caleb sa isang disappointed na tono.

Lumapit pa siya sa akin. I can feel his hot breath on my cheek. Hindi pa kami pero kung makaasta siya’y tila ba dapat may obligasyon ako. Tinulak ko siya at nginitian. Mangha niya akong tiningnan pagkatapos ng ginawa ko.

“Just go! We’ll see each other tomorrow.”

Ngumisi siya at umiling. Tinalikuran ko na lamang siya at nagsimula nang maglakad pabalik ng mansyon.

“H’wag mo akong igaya kay Johnny!” sigaw niya, pertaining to my last ex.

I just waved at him and shrugged it all off.

I hate it when I’m bored. Kaya naman hindi ako makapagtagal sa isang relasyon. Bukod sa maraming nag-aantay, mabilis din akong mawalan ng gana. People judge me because of it ngunit mas nangingibabaw ang takot at respeto nila sa aking pamilya at sa apelyidong dinadala ko kaya sa huli ay tahimik din sila.

“Bakit ba kailangan magpaganda?” tanong ko habang sinusuklay ni Belinda ang aking buhok.

The younger maid blowdried my hair. Tinitingnan ko sila sa salamin pagkatapos kong magtanong.

“Darating ang mga Riego, hindi ba?” si Belinda.
“Sinong mga Riego?” kumunot ang noo ko.

Should I know them? I don’t know them so they’re probably not important.

“Nag offer si Madame Lana na rito muna manirahan pansamantala ang anak ng mga Riego dahil kasalukuyan itong nag sa-summer. Nag rerenovate daw yata sa bahay nila rito sa Maynila, tapos aalis ang mga magulang niya. Pupuntang abroad.”
“Mangingibang bansa?” Ngumiwi ako.

Bago pa ako makapagsalita ay kumatok ang isa pang kasambahay. Isang malaking bouquet ng bulaklak ang pumasok at isang box ng tsokolate. Ngumiti ako at tinanggap ang bulaklak. Sa card ay naroon ang note ni Caleb.

Zari,
You deserve flowers everyday.
Caleb

Inamoy ko iyon at pagkatapos ay binigay sa kasambahay.

“Paki lagay ‘yan sa flower vase.”
“Ma’am Zari, ha, grabe talaga ang mga manliligaw mo. Pare parehong masugid! Mga galante pa!”
“Syempre. Dapat lang! If they like me they must spend their effort and money.”

Nawala rin ang usapan sa makakasabay namin sa hapunan ngayon dahil sa ibinigay ni Caleb. But then the way my parents looked so excited for the coming of these people is ridiculous.

Matalik na kaibigan daw ni Mommy si Relani Riego. High school palang ay magkaibigan na sila kaya naman nag offer talaga siya na rito na lang tumira ang batang Riego.

“Nandito na sila,” excited na sinalubong ni Mommy ang isang mestiza at matangkad na babae.

They hugged.

“Kumusta?” natutuwang tanong ni Mommy.
“We’re good, Lana.”

Ngumiti si Relani Riego sa kay Daddy, pagkatapos ay sa akin. Behind her is probably her husband who screamed of spanish ancestry. His spanish eyes, and perfectly sculpted nose made me stare at him longer than usual.

Father is of spanish descent, too. Pero dahil chinita si Mommy ay nakuha ko rin ang medyo pagka chinita niya. I’m not monolid but somehow my eyes is a chinkier than most with almond eyes.

“Goeoffrey, kumusta?” salubong ng lalaking Riego. “I’d like you to meet my son.”

Sa likod niya ay isang matangkad na lalaki. He looked at me, expressionless. His spanish eyes behind glasses made me a bit uncomfortable.

“This is Radleigh Vesarius Riego. Rai, this is your Tito Geoffrey and Tita Lana.”

Naglahad ng kamay ang lalaki kay Daddy. Nagtaas ako ng kilay sa kanyang ginawa. He’s too formal.

“Magandang gabi, Tito.”

Tinanggap iyon ni Daddy. Naglahad din siya ng kamay kay Mommy at ganoon din ang ginawa ni Mommy.

Muli kong inangat ang tingin ko sa kanyang mukha. His eyes bore into me like he’s wondering who am I.

“Ah! Rad, this is my daughter.”

Hinawakan ni Mommy ang aking mga balikat at bahagya akong itinulak palapit sa lalaki.

“This is Zariyah. You may call her Zari as we all call her that.”

He looked as cold as eyes. Iyong tipong hindi mo mabibiro o hindi marunong magbiro. I won’t even be shocked if someone tells me that he is a nerd. He looks like it, anyway. Even when his features are a bit greater than most.

Matangkad siya. Mas matangkad kay Caleb na siyang pinakamatangkad sa mga manliligaw ko. Caleb’s body built looked a bit thicker compared to this guy’s built.

“Good evening,” sabay tanggap ko sa kanyang kamay.

His palms were calloused. Tila ba ang dami niyang ginagawang trabaho sa kanila dahilan ng ganoon ang kanyang kamay.

Uneasy, I immediately withdrew my hand from his hold.

Mommy laughed awkwardly. Hinila niya ako ng kaonti pabalik. Unti-unti kong binalik ang tingin sa lalaki at nakita kong nakatingin din siya sa akin. His eyes were hard and cold. He’s stiff, with unreadable mind. Too formal for my liking. Not that it matters if I like him.

“Etong si Radleigh kasi, pu pwede namang ipagpaliban ang pag-aaral para makasama sa amin lalo na ngayong inaayos pa ang bahay pero ayaw niya,” si Relani Riego habang nasa harap kami ng hapagkainan.

Hinihiwa ko ang Chateau briand habang nakikinig sa mga pinag-uusapan. Ha! I knew it! He’s a nerd!

“Sayang ang oras, Mama. Kung gusto niyo’y pwede naman akong maghanap ng matutuluyan habang inaayos pa ang bahay-”
“Huwag na, Rad. Dito ka na lang dahil malaki ang mansyon namin. Isa pa’t malapit lang sa unibersidad na pinapasukan mo,” si Mommy. “I’d be more than happy to help your Mama!”
“Salamat, Lana. I really wish I could change his mind about staying but…” nilingon ni Relani Riego ang anak.
“Hindi ka ba masaya na grabe ang interes ng anak mo sa pag-aaral? Our Zari here doesn’t even like reading anything!” kahit na hindi naman insulto ang intensyon ni Daddy, natawa naman sila, pakiramdam ko pari’y nainsulto ako!

Why in the world would he say that in front of this people?

I glanced at Radleigh. Sumulyap din siya sa akin. Ang gilid ng labi ay bahagyang angat na tila ba kahit nagtatawanan na’y kay mahal parin ng ngiti niya.

“She’s still young, Geoffrey! That’s okay!” si Relani Riego.

Yumuko ako at bahagyang nahiya na pinagtatanggol ako ng isang estranghero para sa akin.

“What do you like, hija? You’re young and you have yet to find out what interests you. High school ka pa, hindi ba?” ngumiti siya.
I nodded.
“Don’t get me wrong, Relani. We are not complaining. I love Zari more than anything,” sabay halik ni Daddy sa aking noo.

Ngumiti ako kahit na bahagyang nahiya kanina. I openly tell my parents about whatever I do.

“Well, Zari likes fashion, you know… like most girls of her age,” si Mommy. “Maybe if developed, she can be a good designer or something. I often take her abroad for shopping. She likes shoes and jewelries. She’s got a good eye for jewelries,” Mommy proudly said.
Ngumiti ako at bahagyang naging proud sa aking sarili.
“That’s great, hija!” sabi ni Relani.
“Ikaw hijo, aside from your studies, ano pang pinagkakaabalahan mo?” tanong ni Mommy para kay Radleigh.
“Tinutulungan ko si Papa sa trabaho. Inaalam ko rin ang bawat trabaho ng empleyado.”

Wow! I am expecting him to say that he likes Basketball, Swimming, Scuba Diving, Bowling, Golfing, or whatever better activities than that. There’s just no doubt! This man is a nerd.

Sumulyap muli siya sa akin. Nagtaas ako ng kilay at bumaling ulit sa pagkain.

“That’s good! Wala bang girlfriend?” patuyang tanong ni Mommy.

Natawa siya. Mabilis kong binalik ang tingin ko sa mukha niya. Looking at him laugh evilly made me uneasy again. Something about his laugh. Para bang sarkastiko ang pagkakatawa niya. Hindi ko maintindihan. I just don’t like him.

“As of now, I don’t.”
“Bakit, Lana? Etong si Zari ay meron?”

Aawatin ko sana si Mommy sa pagsasalita ngunit naunahan niya na ako.

“My God, Relani. Maraming manliligaw. Pinauwi ko pa kanina ang isa niya pang manliligaw!” Mommy said with drama.
“What do you expect! She’s pretty! Kahit naman ikaw noon, hindi ba?”

Their conversation went on. The whole night was very formal. Kaya naman noong umalis na sila ay para akong nabunutan ng tinik.

Papasok na ako sa kwarto nang bigla akong tinawag ni Belinda dahil gusto raw ni Mommy na makausap ako. Little did I know that she wants me to do something unbelievable!

“Dito tutuloy si Radleigh Riego ngayong summer. Gusto ko pakitunguhan mo siya ng maayos, Zari.”

I can’t believe she called me for this sermon.

“Bakit? Hindi ko ba siya pinakitunguhan ng maayos kanina?” tanong ko pabalik sa kanya.

Seryoso si Mommy nang tinitingnan niya ako. Si Daddy ay nakaupo sa swivel chair, tahimik at hinahayaan ang aking ina na magsalita.

“Is that all?” tanong ko nang wala na silang nasabi.
Mommy sighed. “I want you to treat him better. Better than how you treat your suitors.”

Kumunot ang noo ko.

“What do you mean?”
“Anak…”

Lumapit si Mommy sa akin. Hinagod niya ng haplos ang likod ko. Nilingon ko siya para mabasa ang iniisip ngunit tila ako naglalakad sa kadiliman.

“The Riegos are influential in the business world of construction.”
“Oh? Tapos?”
“Zari, although Relani’s my friend. Business is business. Vista Grande will be a better company when we’re paired with good engineers and projects like theirs.”

Hindi ko maintindihan. Nilingon ko si Daddy na ngayon ay nakatitig lamang sa akin. Walang sagot sa kanyang mga mata.

“Tapos, Mommy?” tanong ko, medyo nababahiran na ng pag-aalala.
“I want you to be a friend of Radleigh as I plan to bind you two into marriage in time.”

Hindi agad nag sink in sa akin iyon. I stared at her for a full minute before I removed her hand on my shoulder.

“Ano?”
“Anak, come on. Rad seems fine-”
“You want me to marry that nerd?” sigaw ko at agad napaatras.
“Zariyah!” parang kulog ang tinig ni Daddy nang sawayin niya ako.

Tumigil sa pagsasalita si Mommy. Tinalikuran ko sila.

Nahihibang na ba sila? Sino sila para sabihin ‘yon sa akin?

“Zariyah, h’wag mong talikuran ang Mommy mo!” si Daddy.

Pinihit ko ang door handle at binuksan ang pintuan. Nilingon ko silang dalawa.

“Zariyah! All your life your mother tolerated your whims! She gave everything to you! We gave everything to you, ngayon, ito na lang ang maitutulong mo sa negosyo, hindi mo pa magawa?”

Tumayo si Daddy at mabilis na lumapit sa akin.

“Geoffrey,” si Mommy sabay pigil sa kanya.

Hindi ako natinag. Nanatili akong nakatingin sa kanilang dalawa.

“Anak, Radleigh is a good man. I just want you to treat him good and maybe”
“Oh my God!” nangilid ang luha ko. “Can you hear yourself, Mom? How old is he? Twenty? Twenty one? I don’t know! He’s old! He’s a nerd! I don’t like him and most of all, you cannot control whatever I want to do!”
“Zariyah!” si Dad ngunit bago pa siya makapagsalita ay padabog ko nang sinarado ang pintuan.

Hindi nila ako mapapapayag doon. Hindi nila ako pwedeng pangunahan sa ganitong bagay.

Naiisip ko pa lang na iyong lalaking iyon ang kakaibiganin ko, naghihisterya na ang kalooban ko. I don’t like him. Simple. He’s not my type. And this is not just because of that. My parents can’t dictate me what I want to do!

Habang naaalala ko iyon, bumalik muli sa akin ang lahat ng nararamdaman ko. Ngunit hindi tulad noon na poot at iritasyon para sa plano ng mga magulang ko’y napalitan iyon ngayon ng pangarap. Pangarap na muli’y makita silang dalawa. Mommy who’s in heaven and Dad who’s in jail now. How time changed everything and how I realized that it’s probably my fault made me weak.

“Kumakain na po, Ser,” si Belinda habang kumakain ako ng hapunan.

Nagpatuloy ako sa pagkain mag-isa. Hindi siya uuwi ngayon. Baka abala. Baka naroon kay Agatha… making up for the lost time. Making up for not showing up to their engagement party. Or… maybe it’s their engagement party? Whatever.

“Ma’am Zari, may ipapasabi ka ba kay Ser?” tanong ni Belinda habang tinatakpan ang mga butas ng cellphone niya na para bang hindi siya maririnig ni Radleigh.
“Wala!” sinadya kong lakasan ang boses ko dahil iyon naman ang totoo.
“Wala raw ho, Ser, e.”

Ilang tango ni Belinda ay binaba niya na ang cellphone.

I can’t believe it. I am really stuck on this island while everyone’s doing their thing in Manila. I just can’t believe this!

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Comments are closed.