Island of Fire – Kabanata 39

April 5, 2017 By In Island of Fire Comments Off on Island of Fire – Kabanata 39

Kabanata 39
Black

Nagliliparan ang iba’t-ibang ibon sa himpapawid. Ang sinag ng araw ay marahas sa aking mga mata. I should have brought my sun glasses. Nilagay ko ang aking braso sa aking mga mata para matabunan ang marahas na sinag galing sa panghapong araw.

Only the waves and the sound of the chirping birds were heard from this distance. Hinahabol ko pa ang aking hininga dahil lumangoy ako noong natatabunan ng mga ulap ang araw. Tumigil lamang nang muli itong sumilay at nag-init.

Ngayo’y nakahiga na sa buhanging tinabunan ng sarong. Sinusubukang magpahinga.

“Excuse me, Ma’am Zari…” isa sa kasambahay na kinuha ko at ginawang empleyado sa Isla Fuego ang naroon.

I told her to call me when it’s time to pack up. Binaba ko ang braso ko at tiningnan siya.

“Malapit na pong mag check out si Mr. and Mrs. Eusebio.”

Tumango ako at bumangon na. Pinulot ang aking sarong at tumayo. Nagsimula nang naglakad pabalik ang aking empleyado patungo sa mansion.

I invested almost the whole of my remaining money to Isla Fuego without leaving Vista Grande.

Dahil high end na ang disenyo ng Mansion at Manor (iyon ang pinangalan ko sa dalawang building), hindi na kailangan ng ano mang renovation. Each room is equiped with a bathroom and an ample space for anyone who’d wish to stay in this island for a while. Some rooms even have access to a balcony.

Nagpagawa ako ng pool. Hindi pa man tapos sa ngayon lalo na’t may dalawang jacuzzi pa sa infinity pool na iyon ay nag soft opening na ang Isla Fuego. I bought twenty new sun loungers including their matching umbrella.

I also bought four bamboo villas. Nilagay ko iyon malayo sa isa’t-isa at hindi parin tapos sa pag-aayos hanggang ngayon.

The first few weeks of the renovation was stressful. Sabay-sabay na gastos ang ginawa ko lalo na’t hindi pa ito nagagawa ay ipinakita ko na ang perspective nito kay Daddy.

It’s a blessing that I sent brochures of its perspective to some friends because they booked immediately right after. Tatlo agad ang gusto bumisita sa isla at ni hindi isa o dalawang araw ang gusto! They want it for a week!

“Oh, Zari! I love this island so much!” sabi ni Mrs. Eusebio sabay hawak sa aking braso.

Nagmadali ako sa pagligo at pagbibihis. Linggo ngayon at dalawang couple na lang ang mayroon kami. Ang mag-asawang Eusebio ay ngayon ang schedule sa pag-alis. Samantalang ang isa pang couple ay bukas naman.

“Hindi nasabi ng Daddy mo na meron kayo nito!”
Ngumiti ako. “Daddy bought this for me as a gift, Tita. Now that Vista Grande couldn’t maintain its status, ito ang naisip kong pagkaabalahan,” paliwanag ko sabay ngiti sa kanyang asawa.

They’re our family friends. Isa sila sa mga binigyan ko ng brochure na agad nagsabi ng interes. Of course the brochure is very informative and attractive. Magagandang spots sa Isla Fuego, proposed infinity pool, plus the amenities that includes the yacht and some water rides.

I bought pedalo hires, and windsurfing hires. Dahil may yate, speedboat, at jetski na, hindi na kailangang bumili pa ng bago.

I have a frontdesk lady, two room boys, a cook, and two housekeeping personnel, two hired men for the rides, two security personnel, and a pilot.

Medyo marami ang kinailangan kong tao. Talk about high maintenance. Tulad ko, ganoon din ang aking isla.

Well everyone in the island can be the security personnel since only the front desk lady, the cook (Belinda or Rosarya) and a housekeeping personnel are our housemaids. The rest are my bodyguards turned hotel personnel.

I actually made a deal with Tito Eugene. Mabuti na lang at gusto niya rin itong ideya ko. I will be shifting our men. Kung gusto ni Roman na manatili muna sa mansion, may pamalit ako sa kanya bilang piloto. Ganoon din sa ibang mga tauhan. At kapag nasa mansion sila, si Tito Eugene ang magsu-sweldo. Kapag naman nasa isla, ako.

“Ganoon ba? But I know you have a project, right? Akala ko ba ay nakaahon naman?” kita ang lungkot at concern ni Tita para sa aming pamilya.

Of course people in the corporate world knows how it feels to lose a business.

“Maayos naman po. Though a project was halted because of a misunderstanding. But you know… it is not under the Leviste anymore.”
“Oo nga but it should be in good hands. The Riegos are good in this business.”
“Iba parin po pag ako ang nagmamanage noon. But then that’s life. I have to move on from that loss. So… here I am…”

Nagkibit ako ng balikat. Tumango si Mrs. Eusebio.

“Right! Actually, now that we’re talking.” Bumaling siya sa kanyang asawa sabay ngiti muli sa akin. “May resthouse kami sa Cavite, hija. Ipaparenovate sana namin kaso iyon ay kung papayag kang maging arkitekto namin.”
Namilog ang mga mata ko sa offer niya. Hindi agad makapagsalita. Mas lalong lumapad ang ngiti niya sa akin.
“That is not as grand as your Mansion and Manor here but I’m sure you can do something about it, right? The interiors, as well. Ibibigay ko kasi iyon sa anak ko kaya sana na renovate na siya bago ko pa maitransfer ang pangalan.”
“Sure, Tita! Just call me for an appointment!”

I’m too excited for this. Damn!

“And also, my daughter is building a house in an exclusive subdivision in Quezon City. She’s looking for an architect. May ibinigay ako sa kanya noong isang buwan pero hindi niya ata nagustuhan ang disenyo. Can you give it a try, too?”
“Of course! I will give you my calling card, Tita!”

Sa byahe ay lumilipad na ang utak ko sa magiging kahahantungan ng mga offer sa akin!

Hindi pa nagtatapos doon! Last week, I designed a house for an old businessman. Nirecommend ako ni Daddy. Nagulat ako noong may nag email sa akin na nagpapa disenyo rin at sinabing nirecommend noong businessman na dinisenyuhan ko ng mansyon noong nakaraan.

“Hindi po kasi pang mumurahing bahay ang bagay na dinidisenyo n’yo, Ma’am Zari. Kailangan iyong bonggang bahay!” ani Belinda habang kumakain kami at nagbabasa ako ng email nitong bagong kliyente ko.
Umirap ako. “I can design low cost houses, too, Belinda. Interesado akong pag-aralan iyon lalo na’t iyon ang mas kailangan ngayon ng mga tao rito.”
“Hmm. E, hindi ba mas malaki naman ang kuha mo kapag mayaman ang nagpapadisenyo, Ma’am? E ‘di ipagpatuloy mo na lang ‘yan?”
Ngumiti ako. “It’s always good to be well acquainted with everything.”

Tumango si Belinda at hinayaan na akong mag scroll sa aking mga email. Habang kumakain din siya’y may hawak siya sa kabilang kamay. Nang inangat niya ang magazine na iyon ay nakita ko kung sino ang cover.

Nagtaas ako ng kilay at binagsak muli ang mga mata sa kinakain.

That week was shitty.

Pahirapan ang pagpasok ko sa trabaho. Umuurong ang sikmura ko tuwing naaalala ko ang sinabi ko kay Radleigh. Tuwing naaalala ko ang mga mata niya.

That week, he got so busy with his approved project for the Vesarius Riego industries. Nangibang bansa pa siya sa weekend para makausap ang isang investor at pagbalik niya Wednesday sa sunod na linggo ay halos hindi ko magawang tingnan ang kanyang pintuan.

Weirdly, I did not see much of Agatha for the past weeks. Ganoon din si Tita Relani Riego. And if I see Tita Relani, napapatingin siya sa akin at ako nama’y umiiwas sa dadaanan niya at magmamadali.

Ethan never mentioned anything about it. I am not sure if he knows anything about it. Kami lang naman ni Radleigh ang nasa opisina niya. But… I can sense his concern. Madalas siyang bumisita sa aking condominium. Pinakilala niya pa sa akin ang kanyang girlfriend!

Calla’s vocal about what happened. I told her about it. And she’s almost here every night after that! Minsan ay sa trabaho nag-aantay siya sa aking matapos sa lobby at sasabay na kami pauwi ng bahay.

The renovation kept me busy. Weekends, I’m always in Isla Fuego. Kapag hindi bibisita si Calla, Caleb, at Ethan sa weekday nights, nasa kay Daddy naman ako para makausap siya o mahingi ang kanyang opinion.

“Kung sa akin binayad ni Ser Radleigh itong tax niya, naku Ma’am, maisasalba ko na ang Vista Grande!” si Belinda sabay palapit ng magazine sa kanyang mga mata. Nahihirapang magbasa.

Hindi ako nagsalita. Binaba ni Belinda ang magazine.

“Nakabalik na ba si Ser, Ma’am, galing sa trip niya?”

It’s been two weeks. Syempre nakabalik na si Radleigh! Ilang araw lang siya roon! Pero ngayon lang nagkaroon ng pagkakataong magtanong si Belinda dahil medyo naging busy ako.

“Oo.”
“Oh… ba’t ‘di siya bumibisita?”

Belinda, the uninformed housemaid.

“Break na kami,” simple kong sinabi.

Napasinghap siya. Nagpatuloy naman ako sa pagkain na parang normal lang ang lahat.

“Na naman? Kailan kayo magkakabalikan, Ma’am?”
Tinapunan ko siya ng marahas na tingin. She smirked and swallowed her food.
“Joke lang, Ma’am. Bakit?”

Umirap ako at tinuro iyong magazine na binabasa niya.

“Kita mo ba ‘yan? Tingnan mo kung nakasali ba ako sa richest taxpayer.”
Umiling siya.
“O. ‘Yon! ‘Tsaka na kapag kasali na ako riyan.”
“Maaachieve mo naman kaya ‘to, Ma’am?”
“Kaya nga. Imposible. Hanap na lang siya ng iba…”

Ngumiwi si Belinda. Hindi nagustuhan ang sinabi ko.

“May iba ba siya, Ma’am-”
“Tsss. Belinda, kumakain ako. H’wag na natin ‘tong pag-usapan.”
“Sige, Ma’am…” Tumango siya at nagpatuloy sa pagbabasa.

Kunwari ulit na nakatingin ako sa cellphone ko. Nang maalala kung anong gagawin ko bukas ay parang bumabaliktad muli ang sikmura ko. Damn it!

“Ohhh. Ang bata pa pala ni Ser Radleigh noong ginawa niya ang Riego Holdings, Ma’am, ‘no?”

Aba malay ko. Hindi ako nagsalita.

“Between his fourth and fifth year in studying Civil Engeneering, Radleigh Riego spotted an appor-opportunity for the Vesarius Hidalgo Riego Fifth Industries. Riego was convinced that designing larger infrastractures such as malls and hotels should be in-integrated on the VHRV’s priorities.”

Napakurap-kurap ako sa binasa ni Belinda.

The VHRVs are known for building and developing the countries greatest real estate lands. Ang ibang kalaban ng Vista Grande noon, sa kanila nagpapagawa. Radleigh founded na RHI and maybe that’s because he wanted to pursue a different path… more than developing lands for real estate… but also other commercial infrastractures.

“Daming achievements ni Ser! Isa pala sila sa nag develop ng Resorts World!” namilog ang mga mata ni Belinda habang tinitingnan ang magazine.

Nilapag ko ang aking kubyertos at naalala kung paano siya nakilala ng mga tauhan sa gabing iyon. So… he has connections with them!

“Galing! Dios ko!”
“Matutulog na ako. Maaga pa ako bukas, Belinda.”

Tumingala lang si Belinda nang umalis ako. ‘Di ko na siya nilingon pa.

I filed a case against the three: Glaiza, Charm, and Maica. Kahit na iniisip kong dapat hindi na ako mag-aksaya ng panahon at pera. Ayaw ko nang lumaki ito. Ginawa ko parin dahil gusto kong makita nila na hindi na kami mga bata, gaya noon. Lahat ng kamaliang gagawin namin ngayon, nadudungisan ang aming pangalan at madadala namin iyon habang buhay. Lahat ng paninira nila sa akin, madadala ko habang buhay. Hindi na biro ang mga ganitong bagay ngayong pare pareho na kaming propesyunal.

“We will issue an apology,” Maica said in a monotone.

Sa gilid niya’y umiiyak ang dalawang si Glaiza at Charm. They are both very guilty while Maica’s trying to be brave. Kasama ang aming mga lawyer, pinagbigyan ko sila.

“I want a public apology. Gusto kong lahat ng nasa event ng store na iyon ay mabibigyan ng kopya ng public apology ninyo. Including the whole mall and the store manager. I want a public apology on your social media accounts. Public apology to the board members of Vista Grande. Including all my family friends. I will list them down.”

Kitang kita ko ang problema sa mukha ni Maica.

“Magbabayad kami, Zari!” si Glaiza na ngayon ay parang napuno na sa demands ko.
“Miss Leviste clearly stated that she won’t receive any money from you,” sabi ni Attorney. “Iyong sinabi niya lang ang tatanggapin.”

Bayaran man nila ako, hindi na mababawi pa ang kahihiyan.

I forgave the store manager and the security personnel. It is enough that they realized their faults. Hindi ko na kailangan pang singilin sila ng sobra pa sa paghingi ng tawad dahil maaaring balang araw, kakailanganin ko rin humingi ng tawad sa mga taong nasaktan ko.

Hindi na maibabalik pa ang kahit ano. No matter how much I exhaust myself in revenge and in making them pay, my name will never be pure again. Some will forever believe that I’m wrong… that I’m a thief… or that I’m a disgrace.

At kung paano ko natanggap na ganoon nga ang mangyayari ay hindi ko alam. Siguro ay dahil nakatatak sa isipan ko na ang tanging mga importanteng tao lang sa buhay ko ang dapat na intindihin ko.

If I ever fail those who are important to me, I know they’d understand and give me a chance. If they can’t give me a chance, then I have to accept that I can’t please… even those who are important to me.

Looking back… I can’t imagine how I’ve gone through all of it. Siguro’y dahil sa pinagkakaabalahan ko kaya ko nakaya o siguro’y dahil sa grabeng paninindigan ko.

I hugged my pillow tightly as I remember the rest of the four weeks of hell at work.

Kapag nariyan siya, abala ako lagi sa mga proyekto. He would stay in his office for hours. He won’t even take a break. Nagpapadala lang ng pagkain.

Kapag may meeting naman siya ay huling dumadating at nauunang lumabas. Sinusulyapan ko siya minsan ngunit medyo seryoso siya sa pakikinig.

Everytime our eyes lock, he’d immediately look away. Kunot noong babalingan ang kausap o ‘di kaya’y tumitingin sa relo.

I expected it to happen. Gaya noon. Pagkatapos ng aming engagement, wala na. I don’t expect more from it and I accept that. At times, I’d feel depressed… and a bit hopeful. Kaya nga naiirita ako sa sarili ko.

“Oh my God…”

Pag-alis ng aking sasakyan sa basement ay nasa likod ko ang kanyang sasakyan. My breath would hitch at that big litime. I feel ke I’d throw up and hyperventilate. At tuwing lumiliko ito sa ibang daanan, hindi ko alam kung gumiginhawa ba ang pakiramdam ko o mas lalong lumalala.

“Well, at least hindi siya namimilit. Men like him respect a lady’s opinion,” si Calla. “If you say no, he’d understand and give you space.”

Hindi ako nagsalita. I meant what I said.

Alas syete ay nasa opisina na ako para magtrabaho. My presentation for another project proposed by one of the board members will be later this afternoon. Preparado na ako last week pa lang ngunit kailangan ko paring ayusin iyon.

“Good morning, Miss Zari!” si Glen sa kanyang maligayang bati nang dumating.
“Good morning, Glen!”
“Kumusta? Na finalize mo na po ba ‘yong ilang tweaks natin?”
“Oo. Though I’ve presented this Clubhouse, iba parin ngayon dahil mas maraming amenities.”
“Ayos lang ‘yan, Ma’am. Tutal ay sosyal ang next project na ‘to kaya bagay lang sa village.”
Tumango. “Right. Still. Tipid naman ang gastusin pero baka lang iisipin nilang masyado naman nating tinitipid.”
Glen laughed. “Kaya ‘yan, Ma’am. Kailan kaya maaaprubahan iyong project mo? Baka mapag-usapan sa meeting mamaya.”

Nagkibit na lamang ako ng balikat.

I opened another project. Pumuslit sa pinapadisenyong bahay sa akin para medyo ma relax naman para mamaya.

Nagdaan ang isang oras. Sumulyap ako sa pintuan ni Radleigh. Hindi pa siya pumapasok. O ‘di kaya’y kanina pa siya nasa loob.

“Good morning, Madame!” narinig ko ang batian ng mga Engineer sa kung sino.

Bumaling ako sa paparating. Tita Relani’s walking towards Radleigh’s office. Nang nakitang walang sekretaryang nakaabang ay bumaling siya sa mga tauhan.

“Is he on the seventeenth?” she asked.
“Hindi po namin alam, Ma’am. Ipapakontak ko na po ba ang isa pang sekretarya niya?”

Nanatili ang mga mata ko kay Tita Relani. Iginala niya ang mga mata niya sa mga lamesa hanggang sa nagtama ang tingin namin. Mabilis kong binaling ang mga mata ko sa aking laptop. Trying to move the cursor even when I’m not doing anything at all.

“Good morning, Zari…” she greeted me.

Naglakad siya palapit sa aking lamesa. ‘Tsaka ko pa lang siya tiningnang muli.

“Good morning, po.”
“I’m just wondering if you know where Radleigh is? I need to talk to him about the project of VHRV but I can’t contact his secretary.”
Umiling ako. “Sorry po. Hindi ko po alam.”

Marahang tumango si Tita Relani. Gusto ko sanang ibalik ang tingin sa laptop but that would be rude so I continued looking at her.

“I’ll ask Engineer Alfeche later,” dagdag ko dahil mukhang wala siyang plano na umalis sa lamesa ko.
Tumango muli siya at medyo nagtaas ng kilay. “Okay. Maybe I should ask him instead. Radleigh didn’t tell you where he is?”

Wow. Hindi nga kami nagtitext ng kahit ano sa isa’t-isa. She expects me to know where his son is? Alam ba nila ang nangyari sa araw na iyon? Siguro ay hindi. Dahil kung alam niya, ba’t pa siya magtatanong ngayon.

“I’m sorry, Ma’am, hindi po.”
“I see. Hmm. Is it too much if I ask you to stop addressing me in a formal way?”

Sa gilid ng aking mata ay nakita kong bahagyang lumingon si Glen sa amin. Kita ko ring dumapo saglit ang mata ni Tita Relani kay Glen bago muli sa akin.

I awkwardly chuckled. “Ayos lang, po. Nasanay na rin po ako. Besides, we are at work. It is only right to call you in a formal manner.”

Ilang sandali siyang tahimik bago tuluyang nagsalita.

“Well, should I expect you to tell me kung itext ka ng anak ko kung nasaan siya? You don’t have to ask Engineer Alfeche. I am going to his office now and ask him myself.”

Anong itext ako ng anak mo? We don’t text anymore! How do I say that in a better way?

“Opo. I’ll tell you immediately.”

Which will never happen because, again, we don’t text anymore.

Tumango siya at umalis na. Ngayon, hindi na ako makapag concentrate sa ginagawa kong disenyo. Sumasakit ang ulo ko sa pamimilit.

Pati yata ang Macbook ko, naguguluhan na sa akin.

“Oh no…” sambit ko nang nag freeze ang application.
“Bakit, Miss?” si Glen.
“May ininstall akong bagong version kagabi. Bakit ganito?”

Lumapit na si Glen sa aking lamesa at nagsimulang palitan ako sa pagmamaniobra nito.

Kabado ako habang naghahanap siya ng solusyon. Not now, please!? I have a presentation later!

“Buti may copy ako ng presentation mo mamaya,” si Glen.
“Huh? Pero paano ‘yan, kung ganoon?”

Umalis na si Tita Relani pagkatapos lumabas ng opisina ni Engineer Alfeche. Siguro’y alam na kung nasaan si Radleigh. But that doesn’t concern me now… my Macbook is giving up on me. Not now, please. This is a wrong time to die!

“Alam ‘to ni Chris, Ma’am. Dalhin natin sa right wing.”

Hindi na ako nakaangal. Glen carried my laptop. Sumunod ako sa kanya. We crossed the frontdesk to the right wing. Sumungaw agad ang mga ulo ng mga Engineer galing sa kanilang mga lamesa.

“Good morning, Miss Leviste!” bati nila.
Ngumiti ako at tumango kahit na kabado na para sa laptop ko.

Nilapag ni Glen sa ‘di kalayuang lamesa. Kung saan iyong tinutukoy niyang si Chris. The man with long curly hair gave me a smile.

“Anong nangyari?”
“Nag fi-freeze ang application kapag inoopen.”
“Kakainstall lang?” si Chris sabay tingin sa akin.
“Oo.”

Lumapit ang ibang lalaki. Nagkakape at nakikiusyuso habang nagsisimula nang halughugin ni Chris ang problema.

“I force quit mo…” sabi noong isang nagkakape.

Ngumuso ako at pinalibutan pa ng marami para matulungan si Chris.

Nahagip ng tingin ko ang pagdating ni Radleigh kasama ang pinsang lalaki. Sinalubong sila ni Engineer Alfeche at isang tapik bilang pagbati bago binalingan ang right wing, kung nasaan ako.

Kunot-noong nilingon ni Radleigh ang right wing. Nagkatinginan kaming dalawa. Bahagya siyang natigilan at pinasadahan ng tingin ang nangyayari.

Imbes na mag-iwas ng tingin ay nanatili ang tingin ko sa kanya. His corporate look really gets me. He looks so authoritative. He looked so good in his fresh haircut. May nagbara agad sa lalamunan ko. Bakit parang habang tumatagal, kahit nagkikita kami, ang dami kong napapansin sa kanyang bago.

Para bang habang tumatagal, unti-unting pinapamukha sa akin na hindi ko na alam ang lahat sa kanya. Well, anyway, I don’t exactly know everything about him even before. Pero kahit simpleng bagay ngayon tila hindi ko na alam. Parang ang layo niya sa akin. Parang…

Zari, matagal na siyang malayo sa’yo. Way back when you were a kid. Wala kang alam kundi ang gumastos at maging makasarili. Siya, marami. Kaya bakit ka pa magtataka ngayon?

Hindi parang malayo. Talagang malayo.

Mas lalong kumunot ang noo niya at nagpatuloy na sa paglalakad patungo sa kanyang opisina.

“Ah! Sa graphic. Try mo ulit…” sabi noong isa.

Gaya ng mga nagdaang araw dito sa opisina, ganito na kaming dalawa ngayon. This is how it should be. I suddenly wonder if he regrets buying stocks from Vista Grande? Or he wants Ethan to be President instead?

Kung nagsisisi siya, sana tuluyan niya na lang ibigay kay Ethan ang pagiging Chairman. RHI can stand on its own. Hindi na kailangan ng karagdagang problema tulad ng Vista Grande.

“Ayos na, Ma’am!” sabi nila.
Ngumiti ako. “Thank you…”
“Hello! What’s happening here?” si Engineer Alfeche na huli na sa kaguluhan.
“Ah… wala… Marco, pinaayos ko lang ang Macbook ko. Medyo hindi compatible sa bagong software, e.”
“Ayos na ba?” sabay dungaw niya sa aking laptop.

Nilingon niya ang mga tauhang naroon. Tumango ako.

“Thank you, Chris. Thank you, ha?” sabi ko sa mga taong naroon.
“Walang anuman, Miss. Basta ikaw!” biro nila.

Tumawa lamang ako at nagsimula nang bumalik sa aking lamesa. Glen remained on the right wing talking with some Engineers for his designs.

“Oo. Ayos na,” medyo matamlay kong sagot.
“Ready ka na ba mamaya?”
“Oo. Sana ma approve.”
“Naku! Positive ako sa disenyo mong iyon! H’wag kang mag-alala!” si Engineer Alfeche.

I smiled at him weakly.

“Nga pala…” tumingin sa sahig at lumiko patungo sa aking mesa. “Hinanap ni Ma’am Relani si Radleigh kanina.”
“Oo. Nasabi ko na kay Rad.”
Tumango ako at ‘di na dinugtungan ang usapan.
“So ano? Deal tayo. Kung ma approve ‘yan, labas tayo mamaya?” si Engineer Alfeche.
I pouted. “I promised my friends I’d treat them later. But… if you want you may come with us!”
“Oh! Sige! Deal? Treat mo rin ako, ha!?”
“Oo naman! Lalabas kami mamaya dahil medyo successful naman iyong soft opening ko sa Isla Fuego. Tinulungan din kasi ako ni Calla sa pagdedevelop ng website noon, e. Plus Caleb and Luigi helped me with the furniture.”
“That’s good! Congratulations! Kaya mamaya, ililibre mo rin ako lalo na kapag nakuha ang disenyo mo!”

For some reason, I feel weak. Parang kabado ako sa presentation mamaya, at the same time, okay lang. Kung maapprove o hindi, okay lang. Kung kaninang umaga ay excited ako at gusto kong ma approve, ngayon parang naupos na kandila ang reaksyon ko.

Mariz Ong strutted on her all creamy white corporate attire and her hair down in artificial curls. Tumango ang sekretarya ni Radleigh, mukhang expected guest o client ang ex niya.

Tumikhim ako at pinagmasdan ang pagpasok ng babae sa opisina ni Radleigh. She’s in, two in the afternoon. Our meeting will be on three. Ano kayang meron? Not that I should care. My goodness, Zari! Pwede ba? Panindigan mo naman sa utak mo iyong desisyon!

So I waited until the woman’s out ngunit nag quarter to three na lang ay hindi parin ito umaalis.

“Set up na tayo, Miss?” yaya ni Glen.

Tahimik akong tumango at dinala nang muli ang laptop sa conference room. Pinilit ko ang sarili kong mag concentrate sa ginagawa.

Sinaulo ang mga sasabihin kahit na halos iluwa iyon ng aking utak. What’s the problem? Damn it!

Unang dumating si Tita Relani. She nodded curtly and smiled at me. Naupo siya at hindi na tiningnan ang hard copies sa kanyang lamesa. She’s just looking at the projector kahit na wala pa naman akong pinapakita. Just the title and my name plus the names of my team.

Sunod sunod na dumating ang mga matatandang board members. Si Ethan ay dumating kasama si Engineer Alfeche. Si Engineer Ruiz ay dumating kasama ang isa pang board member na lalaki. Huli si Agatha kasama ang kanyang Mommy.

Tiningnan ko ang relo ko at nakitang 3:05pm na. Is he coming or not?

Nilingon ni Tita Relani ang sekretaryang nasa kanyang likod. May binulong siya rito kaya lumabas iyon. Tumingin naman si Ethan sa relo niya.

“Shall we start? I think we are in quorum? Madame secretary?”
“We are in quorum,” si Engineer Ruiz.
“We shall wait for the Chairman of the Board. He’s coming, I’m sure,” Tita Relani interrupted.

Tumango ako at muling tiningnan ang projector.

Hindi kalaunan ay dumating naman si Radleigh at naupo na sa tabi ni Ethan.

“Let’s start, Miss Leviste,” malamig na sinabi ni Radleigh sa akin pagkatapos ay binalingan si Ethan para masagot sa pinag-uusapan.

I saw how Tita Relani’s eyes moved from Radleigh to me.

Tumikhim ako at nagsimula na sa pagpeprisenta.

Because we are yet to present the three model houses, ang Clubhouse ang unang pinapresent nila sa akin. The model houses aren’t as important since we believe that clients will want their houses to be unique. Kaya pupunta sila sa amin para magpadesign pagkatapos nilang bumili ng isang lote. And there will be no redundancy of designs, just like our previous Vista Grande high end villages.

“I’ve presented this before but we added more tweaks,” panimula ko at muling ipinakita ang disenyo noong Clubhouse.

There’s an infinity pool with jacuzzi, a italian style gazebo, a great landscape, the hall is wide and classic, two grandstaircases to the ballroom, and a restuarant.

Ito yata ang forte ko. Classic and spanish-styled. The intricate design of the walls, the doors, and the ceilings is the main highlight of the Clubhouse. Ang lahat ng mga bibili roon ay iisiping nakatira sila sa isang village labas sa Pilipinas.

“This looks expensive,” puna ni Tita Relani.

I bit my lower lip. Tried to look at Radleigh, ngunit naabutan kong umiwas siya ng tingin at sumandal sa backrest ng upuan.

“Ibinagay ko lang po sa classic style na gusto ni Engineer Daez sa proyektong ito. The materials look expensive but they are not. Especially if we close the deal with some foreign suppliers. Marami po akong kilala na foreign suppliers. Most of my friends and professors from UPM are suppliers of these masterpieces. I can use my connections. We may be the first one to use these materials here in the Philippines if this happens.”

Nakahinga ako ng malalim pagkatapos magsalita. Tumango si Tita Relani. They are all unusually quiet. Even Agatha who is now looking at the hardcopy in front of her. Wala ba siyang tanong o ano?

“So you are going to contact them, Miss Leviste?” si Engineer Ruiz.
“Yes. I can email them or personally go to Madrid for the deal.”
“You can just talk to them. We can schedule a trip for that if the email doesn’t do it,” si Tita Relani.
Tumango ako. “I can fund my own trip since I have plans of going back to Madrid.”
“Are there any comments for this?” si Ethan.

Walang nagsalita. Radleigh’s looking at all the documents on my hard copy. Ngumuso ako at nag-antay ng masasabi niya.

“Miss Valderama? Any more suppliers you can add?” si Ethan ulit.

Napalingon ako kay Agatha. Umiling ito nang ‘di tinitingnan ang kahit na sino.

“Let’s proceed with the votations. May I see the hand of those who are in favor of this design for the clubhouse.” Radleigh’s baritone filled the room.

Tahimik nagpataas ng kamay ang halos lahat. Parang tumalon ang puso ko nang nakitang kahit si Agatha ay nagpataas ng kamay. Tita Relani raised her hand then looked at Radleigh who’s eyes ran through the hands of his board.

Tumama saglit ang mata niya sa akin ngunit nagpatuloy siya sa paggala sa mga kamay bago yumuko at nagkunot ang noo.

Hindi siya nagpataas ng kamay! Kitang kita ko ang paglingon ni Ethan sa kanya, tila nag-aantay ang pinsan kong magtaas ito ng kamay pero hindi dumating.

“Thank you. May I see the hands of those who are not in favor?”

Dalawa lang ang nagpataas ng kamay. Agatha’s Mom and an old board member.

Hindi rin naman nagtaas ng kamay si Radleigh.

May problema ba siya sa disenyo ko? Napalunok ako. He’d always raise his hand if he agrees. Lahat ng disenyo ko pinagtaasan niya ng kamay. Ngayon lang ang hindi.

I suddenly wonder if my design is really good.

“I find it too expensive. Lalo na’t iaangkat pa ang mga materyales,” paliwanag ng matandang businessman. “The first project was halted and we have this new expensive project?”
“It was halted only, Sir. Magmemeeting ulit tayo para riyan sa susunod. That will still be our first project providing the fund for this second. We have to agree with the projects as soon as possible to give time to our possible clients. Pre selling of lots is the most important part of every real estate. We can project our profit during that period,” si Ethan.

Tumango ang matanda at natahimik na. Hindi man lang tumingin si Radleigh ay tinapos niya na ang meeting.

“It’s a done deal. Meeting adjourned-”
“Rad, you have no questions? You did not vote,” puna ni Tita Relani.
“The majority voted for it. It is useless to question its apoproval,” pormal at malamig na sinabi ni Radleigh bago umalis.

Nagsitayuan ang ibang board members. Ang iba’t nagmamadali ring umalis. Ang iba’y kinamayan ako para macongratulate.

I smiled at everyone who appreciated my hardwork. Umalis na rin si Ethan habang may katawag. Tita Relani remained for a while. She looks at me as some of the investors congratulated.

“Hija, saan ka nga sa Spain nag-aral?” tanong ng isang matandang board member.
“Sa Universidad Politecnica de Madrid po.”
“Oh! How is their School of Architecture?”

Humaba pa ang usapan. Pansamantala kong nakalimutan ang panghihina dahil sa mga tanong at interes na ipinahayag sa akin. Ngunit nang nag-alisan na ang lahat at pinasok na ng team ko ang hall kasama si Engineer Alfeche ay matamlay na akong nagligpit ng gamit.

“Congratulations!” si Engineer Alfeche sa isang maligayang tono.

Tipid akong ngumiti at inayos ang charger ng aking Macbook. Niligpit ko rin ang Macbook sa loob ng lalagyanan.

“O? Ba’t matamlay?” tanong ni Engineer Alfeche.

Napatingin sina Glen sa akin habang nagliligpit naman ng projector ngayon.

“Anong problema sa design ko?” tanong ko kay Engineer Alfeche.
He looked confused at my question. Hindi niya naintindihan. “Problema? Ang ganda nga noon!”

Bakit hindi bumoto si Radleigh, kung ganoon? He said there’s no use to question my design. Because it’s voted by the majority. So ibig sabihin mayroon nga itong problema, kung ganoon?

“Lahat ng design mo, gusto ko, Zari. Maybe you should stop thinking about the problems of your designs and look on the bright side. Kahit ngayon lang?”

Nag-angat ako ng tingin kay Engineer Alfeche. For some reason, his words struck me. Oo nga naman. Bakit pa kailangan ng opinyon ng ibang tao?

Paano kung ang taong iyon ang importante sa akin? Paano ako hindi mangailangan ng approval?

It is easy to say that we can all leave without other’s opinions, right? Maybe, yes. If those others aren’t really important to you. Pero paano kapag ang opinyon ng mga taong importante sa’yo ang masakit? Ang mali? Hindi ka parin ba maaapektuhan?

“That’s okay. God! You’re better than most architects here! Don’t put yourself down!”

Ngumiti ako at tumango. I remember someone.

“So… mamaya ha? Hindi ko nakakalimutan iyon. Saan? I have a meeting with Engineer Archer Riego after this. Kita na lang tayo roon?”

I nodded. Ibinigay ko sa kanya ang address ng pupuntahan namin nina Calla, Caleb, at Luigi mamaya. Lumabas ako ng hall ngunit hindi parin ako nakukuntento.

Matamang tinitigan ang pintuan patungo sa opisina ni Radleigh, inipon ko ang tapang ko at agad nagpartsa patungo roon.

“Excuse me, Miss Leviste. What can I do for you?” harang ng babaeng sekretarya ni Radleigh.
“I just want to talk to Radleigh.”
The disappointment on her face is evident. “Pasensya na po pero mahigpit na utos niyang h’wag mag entertain muna ng kahit sino. Naroon pa kasi sa loob si Miss Mariz Ong. Pinaghintay niya kanina habang nagmemeeting kayo.”

What the hell?

“Ah. Ganoon ba?”

Napalunok ako at nilingon na ang lamesa ko.

“Anong oras daw ba matatapos ang meeting nila?”
“No definite time po. Siya ang huling gagawin ni Engineer Riego ngayon.”

Kung mabigat na ang pakiramdam ko kanina, mas lalong bumigat ngayon. Bumagsak ang balikat ko.

“Sige. Mag-aantay na lang ako na matapos.”

Bumaling ako sa aking lamesa. Titig na titig sa pintuan ni Radleigh at nag-aabang ng pag-alis ng ex niya sa loob. Ano naman kaya ang pinag-usapan nila?

Magkakabalikan na ba sila? Did he finally realize that…

Well, what is it to me. I told him I am never gonna marry him. I rejected his proposal. Not that I’m changing my mind now that I can see he’s moving on.

Moving on.

Naalala ko noong una ko siyang tinanggihan sa proposal. It hurt a lot but the angst made me survive. The thought that he doesn’t love me or he’s just settling with me because of the tie up made me forget everything. The anger made me forget everything.

I was angry at him for almost everything. Angry with my parents. Angry with the people. Angry with myself. It was so easy to forget.

Ngayon, ang kakulangan ng emosyon at kapaguran ay mas lalong nagpabagal sa lahat. I am not angry with him. Even after what he did. Even after meddling with the problems that are supposed to be mine.

I am not angry with the people around… with Tita Relani… or Agatha. They all have the right to feel that way towards me. Kung sa bagay, they only see the wrong things I did. Nothing more.

Ako lang naman ang nakakaalam sa mga sakripisyong ginawa ko. Sa mga punto ko. Sa lahat. Ako lang. Kaya iintindihin ko ang mga taong nakapaligid sa akin.

The lights dimmed. Kanina pa nagpaalam sina Glen. It’s almost six in the evening and there’s no hints of the door opening anytime soon.

Thoughts about Radleigh and his ex bothered me. Pati ang mga pag-iisip na hindi dapat. That she’s a gymnast or that she’s his ex… or she still likes him. And he’s single and available. They’ve been in that room for hours. Ano kayang pinag-usapan nila?

My phone beeped at Calla’s message.

Calla:
Nandito na kami ni Luigi sa condo mo! Nag out ka na? May niluto si Belinda. Mukhang masarap!

Napalunok ako. Isang empleyado pa ang tumango at nagpaalam sa akin.

I wonder if I’d be able to look at Radleigh once I find out he has a new girl? Pamalit sa akin. Papayag kapag niyaya niyang pakasal. At walang ibang problema kundi ang susunod na susuotin.

Nakatingin ako sa pintuan ni Radleigh na hindi parin bumubukas hanggang ngayon. Mag-isa na lang ako sa hilera ng lamesa namin dito. Halos ubos na ang tao sa left wing.

My phone rang. Calla called. Sinagot ko agad ito.

“Hello…”
“Nasaan ka na? Hindi ka nagrereply ah?”

Suminghap ako at hinagilap na ang mga gamit.

“Mag a-out na ako.”
“Nag OT ka? Lika na rito.”
“Oo. Bababa na ako.”

Natapos na lang ako sa pagliligpit, wala paring lumabas sa opisina ni Radleigh. Kumunot ang noo ko habang iniisip ang maaaring ginagawa nila sa loob.

Mariz straddling Radleigh on his swivel chair. Both of them sweating from the heat of passion. Gusto kong batuhin ng silya ang pintuan ng opisina niya. Unti-unting binalot ng galit ang puso ko ngunit sa huli ay nanghina rin ako. Naiyak na lamang at nagsimulang maglakad palayo.

“I thought we’re celebrating? Did someone die?” Caleb’s playful tone was loud.

Dinig naming lahat kahit na maingay ang paligid. Pagkauwi ko kanina, agad na akong nagbihis. Sa bahay kami kumain at lumabas na agad.

Nanatili ang mga mata ko sa wine. Inaalog ito habang natutulala.

“Kuya!” si Calla na ngayo’y nasa tabi ni Luigi.
“You just got approved, Zari. First time sa mga presentation mo sa Vista Grande! You should be happy. Come on!” si Engineer Alfeche naman ngayon.

Ngumiti ako at tinaas ang wine glass.

“Cheers, then!”

Kumbinsido sila sa alok ko. Agad na pinagbangga ang mga baso at naghiyawan na.

Sa isag lagok ay ininom ko iyon. Nagsalin agad at nag order pa ng isang matapang at mamahaling liquor.

“Let’s dance, Zari!” aya ni Caleb nang ilang beses nang gumala ang mga mata niya sa dancefloor dahil sa naggagandahang babae.

Umiling ako.

“Later…”
“Marco! Ano? May ipapakilala ako sa’yo!” si Engineer Alfeche naman niyaya ni Caleb ngayon.
“Ikaw Zari? Ayaw mo pa?”
Umiling ako, nanatili ang mga mata sa inumin. “Susunod ako mamaya.”
“Promise?” sabay tayo ni Engineer Alfeche.

I gave him a convincing smile. Umalis sila ni Caleb sa aming lamesa at nagmamadaling humalo sa mga babae.

Pang limang baso ng Hennessy na sinamahan pa ng higop ng wine ay medyo umaalon na ang paningin ko. Calla’s watching me silently while Luigi’s hands are all over her.

“What’s the problem, Zari?” si Calla.
Ngumiti ako at nagsalin ulit ng inumin.
“What are you planning to do? Poison yourself with alcohol?” si Luigi.

Nag-angat ako ng tingin sa dalawa. Bumaling si Calla kay Luigi, nakaismid. Si Luigi naman ay nakataas ang kilay sa akin, tila naghahamon. At least they both clicked. Kahit na sobrang opposite nila.

“Nakamamatay ba ‘to?” I asked while trying to drink another shot.
“Zari!” saway ni Calla sa isang bayolenteng tinig.
“He said I could get poisoned, Calla. I’m just asking. Don’t worry. I’m not suicidal.”
“What the hell happened? At work? Hindi ba na approve ka? Bakit parang ‘di ka masaya?”

I licked my lips and started pouring another wine. Tumingala si Luigi. He clicked his neck and a smile is suddenly plastered on his lips. Si Calla naman ay ganoon parin, opposite sa kanyang asawa, kitang kita ang takot at kaba sa mukha.

I shook my head.

It is useless to tell her my problem. It is fixed. There is no solution to it. The only solution is probably getting over it. Living with it. Accepting that this is the way it is now.

Because… love… is not really something you can just fight for. If you fight for love and your lover doesn’t love you, it will be useless. If your lover fights for you while you don’t love him, it is useless, too. If you two fight for it while the whole world disagrees, it will be useless, as well.

It is not enough that I want it. It is not enough that he wants it. The world has to want it for us, too. That is the truth. Without the time, reasons, and destiny’s approval, we can never happen. However we want it.

Halos nakapikit na ako sa kinauupuan ko. Ang dami kong nainom. I feel so awful. Agad na nagsisi sa ginawa dahil kahit na lasing ako’y naaalala ko parin ang lahat ng problema ko.

Paano kung makita ko siyang may kasamang iba, kung ganoon?

Fuck!

Tumayo ako. Muntikan nang matalisod sa aking six inches heels. My royak blue dress is showing just enough of my chest and its slit showed enough skin on my thigh. Dumiretso ako sa dancefloor kahit na narinig ko ang tawag ni Calla.

Pilit kong hinanap si Engineer Alfeche at Caleb. The strobe lights made it worse! Pikit ang isang mata habang luminga-linga sa dancefloor. Naiipit sa mga lasing na nagsasayaw.

“Ugh! Excuse me…” iritado kong sinabi sabay tulak sa isang babae na medyo magulo.

Damn it!

May bumunggong lalaki sa akin dahilan ng halos pagkakatapon ko pabalik sa babaeng tinulak ko kanina dahilan ng pagkakainis ng babae sa akin.

Bumagal ang paghinga ko. Hindi sigurado kung dahil sa daming nainom, sa usok, o sa dami ng tao… o baka sa lahat.

I’m sweating. Hanggang sa hinihingal na ako. I couldn’t breathe normally. Para akong nalulunod!

Before I could react to the woman who pushed me, my world turned black.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Comments are closed.