Island of Fire – Kabanata 38

April 5, 2017 By In Island of Fire Comments Off on Island of Fire – Kabanata 38

Kabanata 38
Never

“Let’s go, Zari,” punong puno ng galit ang boses ni Ethan nang tawagin ako.

I don’t know what to do. The last thing I want now is to use his power just so I could get out of this situation. I want to prove to everyone, without anyone’s power, that I am innocent!

“Zariyah!”

Nilapitan na ako ni Ethan at kulang na lang ay kaladkarin niya na ako roon. Tumango ako at pinalis ang luhang lumandas sa aking pisngi. Tumayo habang hinihintay ni Ethan. Everyone in the room is dead silent.

Bumukas ang pintuan at dalawang lalaking nakaitim ang naunang pumasok bago si Radleigh.

My eyes widened when I saw his expression. At parang basong nahulog galing sa pinakamatayog na palapag ang puso ko noong napagtanto kung gaano ka kahiyahiya ang sinapit ko ngayon, habang siya’y narito.

“Good evening, Engineer Riego…”
“Good evening, Engineer…”

Pasalit-salit ang pagbati ng mga security personnel na naroon. Ethan sighed violently. Pinipilit na kumalma bago ako nilingon.

“I did not steal it…” I said defensively bilang paliwanag kay Radleigh.

Halos manginig ang boses ko nang sabihin ko iyon. Umigting ang kanyang panga habang pinagmamasdan ako.

“I’m taking her home,” si Ethan na agad na tigil nang humakbang si Radleigh palapit sa akin.

Napapikit ako nang ginawaran niya ng halik ang aking noo. Mahigpit niyang hinapit ang aking baywang.

“You didn’t, baby. I’ll prove it…” he whispered.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Parang may dumaang sakit sa aking puso.

“How is the investigation going?” His tone changed when it’s directed at the security personnel.
“U-Uhm… Engineer, hindi pa n-nakikita lahat ng CCTV sa store. The police are here to be with us for the investigation.”

Ang puting balahibong suot ni Tita Relani sa kanyang balikat ang una kong nakita bago siya tuluyang nakapasok sa opisina. Agad akong lumayo kay Radleigh nang nakita siya, slightly pushing Radleigh away from me.

Kumunot ang noo ni Radleigh sa aking galaw. Hinawakan niya ang aking siko at hinila pabalik. Tita Relani’s eyes drifted on us.

“Son, I saw your men outside. You’re here…” Tita Relani said.

Nagkatinginan kami ni Ethan. Ethan looks pissed. Nagkamot siya sa batok bago sumingit sa kanila.

“I called him when I heard the news, Tita…” si Ethan.
Tumango si Tita Relani bago bumaling sa akin. Ngumuso ako at nag-iwas ng tingin.
“Kumusta ang imbestigasyon?” si Tita Relani.
“I want Zari to leave for the mean time. She doesn’t need this public humiliation! All these men did here is to accuse her! Kahit wala pang matibay na katibayan!” si Ethan.

Nag-angat ako ng tingin kay Radleigh. The storm in his eyes looks so frightening. Muli niyang nahagilap ang aking siko bago siya nag-angat muli ng tingin sa mga taong nasa likod ko.

“W-We just want to secure Miss Leviste-”
“Secure for what?” Rad’s tone is stone cold.
“Maybe it’s on their protocol…” I interrupted before he’d use all his power to raise hell here.

Mahigpit niyang hawak ang aking siko at binaba ang tingin sa akin.

“There is no need to keep you here. You did not steal anything.”
“But they haven’t proved anything yet,” halos pabulong at nanghihina kong sinabi.

Kitang kita ko ang sakit at galit na pinaghalo sa mga mata ni Radleigh. Humigpit ang hawak niya sa aking siko at nag-angat muli ng tingin sa mga nasa likod ko.

“Excuse me!” A panicking voice came from the inner part of the office.

Napabaling kaming lahat sa isang medyo bata pang de unipormeng security personnel. Dala ang isang laptop ay nilapag sa malapit na lamesa upang makita ang lahat.

That copy of the CCTV is right above us. Kitang-kita kung paano ko sinukat iyong bracelet. Tiningnan ko iyon sa iba’t-ibang anggulo ng aking palapulsuhan hanggang sa inilahad ko iyon sa tindera.

“Binalik ko po ‘yong bracelet s-sa lalagyanan,” the lady said.

Ngunit halos wala nang nakinig sa kanya dahil tutok ang lahat sa sunod na nangyari. Ipinakita ng babae sa akin ang isa pang bracelet, leaving the the first one.

Three girls entered the video. Namilog ang mga mata ko.

Hindi na dapat ako nagulat. May pakiramdam akong may kinalaman sila kanina. Ayaw ko lang sabihin ng diretso dahil natatakot akong magkamali. Ayaw kong mambintang ng walang tamang basehan.

Lumapit sila sa aking likod. Hindi ko kita ang tatlo dahil abala ako sa sinabi noong babae.

“Regular customer po namin sina Ma’am…” singit noong babae.

Tinigil ng isang guard ang video sa pag lapit ng tatlo sa gilid ko. Hindi kita kung kinuha man nila ang bracelet sa lalagyanan nito dahil natatabunan na ng kanilang mga ulo ngunit kita ang paglapit ni Maica sa akin.

She touched my bag for a brief moment. Medyo napatingin pa nga ako sa gilid bago sila lumayo sa akin at pumwesto.

Binalik ng mga tauhan ang scene ng paglapit ni Maica sa bag ko. They zoomed it in and saw that she really did touch my bag!

Pagkatapos ay pinagpatuloy sa pag-uusap namin hanggang sa tuluyan na akong umalis.

“Secure the three girls,” sabi ng isang police na tahimik lang habang nag iimbestiga.
“Damn!” si Ethan sabay tingin sa akin.

Parang natapunan ng kaginhawaan ang aking damdamin sa nakita. Though I can’t believe that they’ve gone that far to do that to me, still I want justice to be served for myself!

“M-May alam ka po ba, Ma’am, kung bakit nila ginawa sa’yo ‘to?” Now the store manager sounded like a lamb.

Nagtiim-bagang ako. Gusto ko siyang pagalitan pero hindi sa harap ni Radleigh na paniguradong pag nalaman kung paano ako tinrato kanina’y magwawala na.

“Can you spare her the questions, Ma’am? It is very clear in the video that she shouldn’t be interrogated here. Nagkamali na kayo ng paratang, patuloy parin ka’yo sa pagtatanong?”

Alam kong hindi maganda ang tono at pakikitungo ni Ethan. Tingin ko’y fair lang naman na tanungin ako ng ganoon. Radleigh noticed it… Kitang-kita ko ang pagmamasid niya sa mga personnel at sa reaksyon ni Ethan.

“Can I go now?” mahinahon kong sinabi.
“Kailangan ba sa imbestigasyon ang kanyang bag?” tanong ni Tita Relani.
Umiling ako. “I’ll leave my bag here. I just want to go home and rest…”

Muli kong pinagmasdan si Radleigh. Nananantyang mga mata ang pinakita niya sa akin.

“I’ll drive you home.”
“I can drive her home, Rad,” si Ethan.
Umiling ako. “I brought my car. I can drive…”
“Zari, h’wag nang matigas ang ulo!” si Ethan sa isang demanding na tono.

Nanatili ang mga mata ko kay Radleigh. I feel like the only opinion that matters to me is his. Alam kong mali. Kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon ay hindi ko alam. And in front of Tita Relani!

“Okay, then. I’ll stay here for a bit. I’ll leave as soon as everything’s settled.”
“Rad!” si Ethan na nagpoprotesta parin hanggang ngayon.

Tumango ako at bumaling kay Ethan.

“I can do it, Ethan. I can drive. I want to go home.”

Tumingin ako kay Tita Relani na ganoon parin ang ekspresyon. Bumaling kay Radleigh na sinusuportahan ako sa pag-alis na mag-isa. I smiled. Naglakad na ako para lagpasan sila nang narinig ko si Radleigh.

“Bon, sundan n’yo hanggang sa makauwi,” he said coldly to his men.

Huminga ako ng malalim at pinaglandas ang mga daliri sa aking buhok. Damn!

Mabilis akong iginiya ng ilan patungo sa basement nang ‘di na dumadaan sa mismong looban ng mall. Sumunod naman ako dahil ayaw ko nang magkagulo. Lalo na’t ang iilang security personnel ay lumabas na rin para hanapin ang tatlong involved doon.

Glaiza, Charm, and Maica. Kahit si Maica lang ang lumapit sa akin, ang pagtatakip nina Charm at Glaiza sa kanya ay isa na ring malaking ibidensya na kasabwat nga sila.

I wonder what would Ethan do. Or… Radleigh?

Naisip ko si Tita Relani na naroon. Ano kayang iniisip niya tungkol sa akin? I was too concerned about what happened that I almost forgot how she hates me for her son. Kung tinanggap niya man ang trato ni Radleigh sa akin kanina, siguro ay dahil may problema.

Hindi pa ako lumabas ng sasakyan pagkapark noon sa tower. Nanatili ako roon habang tinitingnan ang mga usap-usapan sa aking Facebook account. Friends of friends spread the news. Only that, their news were delayed. Ako parin ang magnanakaw sa balita nila.

Tumunog ang cellphone ko. Calla’s on the other end.

I explained to everyone who called what happened. Gulat pa sila dahil si Maica ang totoong salarin.

Sinabi ko rin kay Belinda ang nangyari pero hindi rin nagtagal ay nagpaalam na akong pumasok sa kwarto.

I feel exhausted. The emotional roller coaster this day gave me made me weak.

I curled on my bed. Kakatapos ko lang maligo at lahat, hindi parin tumatawag o nagtitext man lang si Radleigh. Even Ethan…

I called Dad. Hindi niya naman alam ang nangyari pero kinamusta ko na lang siya. Ayaw ko ring sabihin dahil ayaw kong mag-alala pa siya sa akin.

“Kumusta na, anak? Ang Vista Grande?”

Sa paraan ng pagkakasabi niya ay parang expected niya parin na hawak ko ang lahat.

“Nakuha mo ba ang proyekto?”
“Uh… hindi po. Na approve ng board iyong sa isang Architect nila.”
“Ano?” now he sounds so disappointed. “Kanino? At bakit?”
“It’s another member of the board, Dad. She’s also an Architect so don’t worry. The designs are good.”
“Kahit na! Sa atin ang Vista Grande kaya dapat lahat ng proyekto, sa’yo mapunta! Sinabi mo na ba iyan kay Radleigh!? Kung papakiusapan mo ang boyfriend mo, hija, pagbibigyan ka noon!”

Pumikit ako para sa pagpapatuloy niya. I understand that he wants the Vista Grande to remain with us. Pero kailangang tanggapin ni Daddy na hindi na ito sa amin ngayon. We rely on the board’s decision. I can’t just tell Radleigh to get my design even when he has the power. Ayaw ko rin ng ganoon. I don’t want to power trip. And that’s just another reason why I can’t be with him.

I can’t be with Radleigh if this is the case.

I don’t want people to think I’m using him… that I’m a gold-digger. Not that they think otherwise right now.

Nagising ako ng hating gabi sa isang mainit na yakap galing sa likod. His scent filled my nose. His hot breath touched my collarbones. Pinatong ang kamay sa aking kamay at pilit na pinagsalikop iyon.

“R-Rad?” nilingon ko siya ng bahagya.

His eyes were closed and he’s still on his longsleeves.

“Sorry. Did I wake you up?”

Nakapasok siya sa aking kwarto. Of course. Damn! Binalik ko ang mga mata sa aking higaan at hinayaan siya sa aking likod. His huge hand covered mine. His fingers fitted perfectly on the spaces between mine. His thumb is playing with my palm.

“What happened?” tanong ko.
“Nothing… Just processed things…” aniya sa isang kalmadong boses.

Hindi ako naniniwala.

“I brought your bag, by the way. It’s in your closet.”
Tumango ako ngunit hindi winala ang usapan. “Sina Maica?”

Hindi siya sumagot. Instead, he planted a kiss on my cheek.

“Rad, anong sabi ng mga police?” ulit ko.
“Don’t worry about it…” alu niya.

Oh no… no… no… I know this.

“What happened?” ulit ko, hindi makuntento.
“Baby, I’m tired. Can we talk ‘bout this tomorrow, instead? Hmm?”

Damn!

“Okay…”

Pero hindi na ata ako makakatulog sa kakaisip sa kinahinatnan ng mga tao roon. Lalo na syempre nang nagising akong breakfast in bed lang ang nakita at isang note galing sa kanya.

I love you. See you at work.
I need to leave early and I don’t want to disturb you.

Bumangon agad ako, hindi para kumain sa hinain niya kundi dahil sobrang late na ako! The 9:00AM digits in the clock horrified me!

“Alas singko ata siyang umalis, Ma’am. May aasikasuhin daw. Ewan? Baka trabaho.”
“Ganoon ba? Did he mention about what happened in the mall?”
Umiling si Belinda. “Nahihiya po kasi akong mang usisa kay Ser Radleigh, Ma’am. Hehe. Pero kung nautusan ako, tatanungin ko ‘yon!”

Umismid ako sa reaksyon ni Belinda at naghanda na lang para sa trabaho.

Ako:
You did not wake me up! Where are you?

His reply didn’t come. Kahit noong nasa opisina pa ako.

“Good morning, Miss Zari!” the men from the right wing emerged. They all look happy and normal.

Unti-unti ring sumilay ang ngiti sa aking labi. Akala ko’y magiging laman na naman ako ng usap-usapan sa opisina dahil sa nangyari pero mukhang hindi naman.

Paliko ako sa left wing nang nangahas ang isa sa tauhan ko.

“Kumusta nga pala kagabi, Ma’am? Narinig namin ang balita sa nangyari sa Newport.”
“A-Ayos lang…”

Naroon na sina Glen. Agad na tumayo nang makita ako.

“Good morning, Miss!” ani Glen sabay ngiti.
“Sorry, late ako,” sambit ko.
“Okay lang. Naiintindihan namin.” Malapad parin ang ngiti ni Glen habang tinitingnan ako.

Naupo ako sa aking computer chair at binuhay na ang Macbook.

“Grabe ang nangyari sa Newport, Ma’am, ‘no? Kaibigan mo ba iyong mga gumawa noon?” ulit ng isa.
Tinapunan ng masamang tingin ni Glen iyon ngunit binalik din sa akin. I guess this is inevitable.
“Pasensya na, Ma’am. Nasabi kasi ni Engineer Alfeche ang tungkol sa nangyari kagabi. Magfa-file daw ng kaso si Engineer Riego sa tatlong sangkot, ‘di ba? At pati rin ‘yong Store manager ata at ‘yong Security na nambintang daw sa inyo.”
Namilog ang mga mata ko sa sinabi.

Nilingon ko ang pintuan ni Radleigh sa opisina sabay balik ulit kay Glen at sa mga team ko.

“T-Talaga?!”
“Opo!” tuwang tuwa nilang sinabi samantalang ako’y parang natapunan ng asido. “Galit na galit daw si Engineer Riego kagabi sabi ni Engineer Alfeche dahil sa nangyari!”
“Pero dapat ‘di na ginawa ‘yon!” sabi ko.
“Dapat lang ‘yon, Miss, ‘di ba? Kasi kasalanan nila ‘yon!” si Glen.

Nasa gitna ako ng pakikipagtalo na dapat ay ‘di na ginawa ni Radleigh iyon nang biglang dumaan si Agatha sa aking harapan. Galing sa opisina ni Radleigh kasama ang iilang Engineer, lumabas siya roon ng umiiyak.

Our eyes locked. Imbes na madugtungan ang sinabi ni Glen ay natahimik ako lalo na nang nilapitan niya ako sa aking lamesa.

“Are you happy now, huh?” paunang bati ni Agatha.

Happy? What? Sa lahat ng nangyayari, may puwang pa ba ang kaligayahan?

Itinuro niya ang pintuan ni Radleigh habang pulang pula ang kanyang ilong.

“I am gonna tell Tita Relani about this!” she said in a hysterical tone.
“What are you talking about?” naguguluhan kong tanong.
“You plastic whore!” she spats. “You are seducing your way to this company! You are acting like a damsel in distress to lure Radleigh to you!”

What the hell? Anong kahibangan ang sinasabi niya?

“Iniyak mo lang kahapon ang nangyari sa’yo sa Newport, ‘di ba? Dapat nabulok ka na lang doon, e!” she said, crying.
“Ma’am Agatha…” nilapitan siya ng mga tauhan ko ngunit hinawi niya ang mga alu nito.
“Hindi ba may history ka namang magnanakaw? E ‘di totoo ‘yong nangyari!”
“The CCTV revealed the truth! I don’t know what’s gotten in to you-”
“Hah! Wala kang maloloko rito! Alam ng lahat kung anong klaseng babae ka! You scheming bitch!”

Nagpapanic na sina Glen sa mga paratang ni Agatha. Napatayo na ako sa upuan habang ang dalawang team ko’y pinipigilan na si Agatha na lumapit sa akin.

“Even Tita Relani said that if you’re bankrupt, why were you in an expensive mall? Why were you even in that expensive store? Ha! Ano? Nagpapabili ka ng alahas kay Radleigh?”

What the hell?!

“What the hell are you talking about, Agatha…” may banta na sa boses ko.
“And now you got the project because you want it! Asan na ang delikadeza mo bilang isang propesyunal na arkitekto? Maging sa trabaho, you pay your way to the top! The payment’s just different now, huh? Instead of money, you prostituted your self to him to get that project!?”
“Tama na, Ma’am Agatha…”
“I will talk to Tita Relani! You’re poisoning the CEO’s mind! Bitiwan n’yo ako!” sigaw niya kina Glen at agad na nilagpasan ang tatlo.

Natulala ako sa sinabi ni Agatha.

All my fears are in front of my eyes. Rad suing people for me. Rad giving me the project I didn’t win… Rad… what? What the hell?

Ito ba ang dahilan kung bakit ayaw niyang sabihin iyon sa akin kagabi? Kung bakit ayaw niya akong makausap tungkol doon?

“Ma’am Zari, okay ka lang?”

Hindi ko na sinagot ang tatlo at dumiretso na ako sa opisina ni Radleigh. Ang kanyang sekretarya’y nagulat sa paglapit ko.

“Uh, I’ll just ask him-”
“Is he with a client?”

Impossible! Kalalabas lang nina Agatha sa office niya!

Umiling ang sekretarya. Kitang kita ko ang takot sa mga mata habang pinipisil ang kanyang mga daliri.

Tinulak ko ang pintuan ng kanyang opisina at naabutan ko siyang nakatingin sa syudad sa baba habang may kausap sa cellphone.

“Radleigh, let’s talk!” banta ko.

Gulat niya akong nilingon. His gray suit looked so good on him kaya kinailangan ko pang isantabi ang puri dahil sa nagbabadyang takot at galit sa akin.

“I’ll call later…” aniya tapos binaba na ang cellphone.

Naglahad siya ng kamay sa akin at lumapit na pero umatras ako at hinawi ang kamay na hahawak sana sa aking siko.

“You did not approve Agatha’s project?” pauna ko.

Nabasa niya sa tono ko pa lamang ang galit. Binaba niya ang kanyang kamay at tinantya muli ang aking ekspresyon. He did not respond.

“Answer me!” sigaw ko.
“I don’t like the overall design,” his reason.
“Nakuha iyon ng majority! It won during the meeting! Then who’s design did you approve?”
Umigting ang panga niya. “Yours. Zari…”

Muli niyang hinagilap ang aking siko ngunit lumayo agad ako. Kitang-kita ko ang bahagyang gulat niya sa muling ginawa.

Kung ganito ang gagawin niya, mas lalo kong naipakita sa lahat… at sa aking sarili… na hindi talaga ako karapatdapat. I want to prove to everyone and myself that I am a good Architect! I want to see my skills! I don’t want to get projects just because he approves it without question!

“Your design is good, Zari.”
Umiling ako. “It didn’t win!”
“I have the final say. I am the CEO. Her materials are substandard, too.”
“Mga Engineer din iyong nasa meeting. If it passed them, Rad, that means it is okay!” giit ko.

Kitang kita ko ang pag-iingat sa kanyang ekspresyon.

“It is not. Engineer Alfeche did not like her other materials. Zari, this is our screening-”
“I hope so! Dahil, Rad, kahit na hindi ako nanalo roon, nirerespeto ko iyon! Kahit na gusto ko iyong proyekto na iyon, tinanggap ko na kailangan ko pa ng practice at research para manalo sa susunod! I do not need your help! I do not need your power over this one!”
“Zari, please…” mahinahon niyang sinabi at muling hinagilap ako.
“Hindi mo naiintindihan, e! I want this project but I want to earn it too! I don’t want you to meddle with it! I want an honest opinion of my work! This is not about me keeping the company, Rad! This is a question of my skill!”

His eyes widened with worry. Nahulog ang mga luha ko at nahagilap niya na ako ng husto ngayon, walang kawala.

I pushed him away from me. His comfort is not what I need. I need an honest opinion! I need an honest pain! I don’t need him to shield me! I don’t need to be saved!

“You are good, Zari. Why my opinion doesn’t matter to you is beyond me… Baby, hush…” he tried to pull me again.

He looked tired and weary. He licked his lips. Nakaawang ang kanyang labi habang patuloy akong hinahagilap. Sinusubukang pawiin ang aking luha ngunit agad kong hinawi ang kanyang kamay.

“Zari…”
“And what about the cases you filed against those people?” nag-iba na ang tono ko ngayon.
Ilang sandali siyang nagulat sa nalaman ko bago nagsalita. “They have to learn-”
“I don’t even call Ethan everytime I have a problem! Why do you have to meddle with that as well!?” pahisterya ko nang sigaw ngayon.

Hindi nakapagsalita si Radleigh. I saw fear laced with sorrow in his eyes.

“I don’t need the saving, Rad! I don’t need your help!” sigaw ko.
“Zari, it is what I want to do. I will defend you with all I got. Please, this is not a big deal…”
“Hindi mo naiintindihan, Rad!” sigaw ko ulit habang tuluyan niya na akong nahawakan.

Marahas ang kanyang mga kamay habang hinahawakan ang aking siko. He pulled me closer to him. His hold is terrifying. Tila ba wala na siyang balak pang pakawalan ako. Kahit na anong sabihin ko. Kahit na ayaw ko pa.

“Calm down, please. We can just talk about this when you’re calm. Not now that you’re angry and-”
“You don’t understand me at all!” pagpupumiglas ko.
“I will try to understand, please, baby…” he whispered and tried to carress my face.
“You will never understand it! You won’t understand it! Let me go!”

His grip loosened a bit at my pleading.

Kitang-kita ko ang sakit sa mga mata niya. Pagod at sakit.

“I don’t need you, Rad! Do you understand?! I. Don’t. Need. You!”

Nakalas ko ang kamay ko sa kanyang pagkakahawak. Ang kanyang palad ay marahang naglandas sa aking baywang ngayon, tila nagsusumamo na tumigil na. Nagmamakaawa sa sakit na nararamdaman. Kita iyon sa kanyang mga mata.

Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa amin. He licked his lips again and tried to hold me.

“Naiintindihan mo ba?”

His bloodshot eyes looked at me with both anger and fear in it. Sorrow and gentleness. Mali maling kombinasyon.

“Then, what about me? I need you…” ang madalas na pirming boses niya’y nanginig ngayon.

Hindi ako nagsalita. Libu-libong masasakit na salita ang sumagi sa akin ngunit wala akong balak na sabihin pa. It hurt hearing him hurt… seeing him hurt. Sa bawat sakit na binibigay ko sa kanya, dobleng sakit ang nararamdaman ko.

But then again… anyway hindi rin naman magiging kami.

Narito na lang din kami, kailangan na naming magkaliwanagang dalawa.

“Zari, please, tell me what to do…” halos ‘di ko marinig ang sinabi niya.

Nanatili ang kanyang kamay sa aking baywang. Humilig siya sa lamesa.

“Iatras mo ang mga kaso. Let me handle that,” utos ko.
“Uh-huh…”
“Give Agatha the offer. Iyon ang nanalo kaya iyon ang sundin mo.”

He didn’t say anything for a brief moment.

“Is that all?”

Ang hagod ng kanyang kamay ay lumapat sa aking braso pababa sa aking siko at ngayon ay sa aking kamay… mga daliri.

Umigting ang bagang ko sa sakit na naramdaman. Alam kong dapat ay matagal ko na itong ginawa. Dapat ay noong umpisa pa lang. Dapat ay nakinig na ako kay Calla. Dapat ay hindi na ako nagpadala sa kung ano mang damdamin ang binibigay ni Radleigh sa akin.

“Let’s break up.”
“No…” agap niya sabay hila sa akin.

He captured my lips and gave me fiery kisses. Almost annihilating my thoughts, his kisses were like drugs.

“No…” ulit niya habang hinahalikan ako.

He pulled my hair behind so he could position his mouth better on me. Parang nag black out ang mundo ko nang hinalikan niya ako. Nakalimutan ko lahat lahat ng nasa isip.

He plunged his tongue inside my mouth, licking and tasting all of its corners. He pulled my hair again for a different angle. Our tongues touched before he suckled on my lips. Hard. He kissed me until I’m senseless and crazy.

What the hell, Zari! Ang mga kamay ko’y nasa kanyang kwelyo na, ginigusot ito habang hinihila siya palapit sa akin! Dahil sa totoo lang, gusto ko pa! Gusto ko pang mas malapit pa siya sa akin! I want him so bad that it is illegal. I want him so bad the reason why I shouldn’t have him!

“Stop it, Rad…” bulong ko.
“No…”

Mas marahas ang kanyang halik ngayon. His kisses were demanding and authoritative. I couldn’t almost breathe.

“Stop…” nanghihina kong sinabi at iniwas ko ang labi ko sa kanya.

Habol hininga itong tumigil at idinikit ang noo sa aking noo. Mapupungay ang medyo mamula-mulang mata.

“Sorry…” he said.

Pareho kaming hinihingal. Hawak ang daliri ko’y inangat niya iyon at sa isang mabilis na galaw ay pinadausdos ang isang white gold na engagement ring.

Sa gulat ko’y agad akong lumayo sa kanya! The ring fell on the floor. Ang munting tinig nito ay narinig naming dalawa ng buo sa sobrang katahimikan.

Natigil siya sa sobrang pagkakagulat sa marahas kong pag-atras, tila nandidiri sa singsing… sa kanya… sa lahat…

We’re both stunned. Hawak ko ang kamay ko ngayon, tinatago ang mga daliri sa takot na mailagay niyang muli ang singsing.

“What are you doing?”

Umawang ang labi niya. His cherry red and moist lips made me forget again but then… with conviction and finality, I managed to say it loud and clear.

“I will not marry you, Rad! I will never marry you!”

Ang sakit sa mga mata niya’y bumagsak sa akin. Parang marahas na nabasag at nagkapirapiraso ang aking puso habang nakatingin ako sa mga mata niyang punong-puno ng sakit.

Tinalikuran ko siya at nagmamadali akong lumabas ng kanyang opisina. Pagkabukas ko ng pintuan ay kumalabog ang puso ko nang nakita si Tita Relani kasama si Agatha. She called her so Tita can defend her.

Great.

Don’t worry.

No need to defend her. Nag-iwas ako ng tingin sa kanila at dire diretso na sa aking lamesa. Hinagilap ang mga gamit at nagpaalam na on leave muna ako sa araw na iyon.

Kahit na alam kong nakatingin ang lahat sa akin, wala akong tiningnang pabalik. Dire-diretso ang lakad ko palabas ng building. Taas noo kahit na ang sakit ay sobra-sobra tuwing naaalala ko ang ekspresyon niya kanina.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Comments are closed.