Island of Fire – Kabanata 37

April 5, 2017 By In Island of Fire Comments Off on Island of Fire – Kabanata 37

Kabanata 37
Accused

“Are you serious?” Calla asked.

Bukod sa gusto kong makausap si Calla pagkatapos noong nangyari sa bar, schedule niya rin sa pagpapa-spa ngayon.

Imbes na kumain sa cafe noong nagbreak kami, sa labas na ako kumain para magsabay kaming dalawa.

“Yes, I am serious,” I said filling my plate with some dimsum.

Kasunod ko siya. Mas iniisip niya pa ang pag-uusap namin kesa sa pagkain sa buffet.

“Kaya kang pautangin ni Caleb, Zari. Pwedeng installment ang binili mo!” giit niya.
“Alam ko. Kaso puno na nga sa utang si Daddy, uutang pa ako?”

Nilapag ko ang pinggan sa napili naming lamesa. She looked so worried at me. I will lose millions just because I’m going to invest on Isla Fuego. Everyone should be worried. I’m worried, too. Pero ganyan talaga kapag negosyo. Besides, I see potential in it.

“Bakit hindi ka na lang umalis sa Vista Grande? Maghanap ng ibang kompanya? Sa Le Viste?”
“Walang bakante kina Ethan.”
“Magkakabakante ‘yan kapag sinabi mo sa pinsan mo na gusto mong doon ka magtrabaho.”

I sighed. She really looks so worried. Samantalang ako’y nagsisimula nang kagatin ang mga nasa pinggan ko.

“Ayaw kong may mawalan ng trabaho sa kanyang mga tauhan dahil sa akin. Isa pa, Calla. Vista Grande’s old employees expect me to be with them. Pakiramdam ko’y aalis sila kung malamang aalis na rin ako. Though the RHI team would rejoice if that happens, I still feel for our employees.”
“But they know you’re a stock holder so they won’t do that! Connected ka parin sa kompanya n’yo!”
“Iba parin iyong pumapasok ako araw-araw doon.”
“But if this is the case… Agatha is taking all of these too personal. And then si Relani Riego, masama parin ang tingin sa’yo, bakit ka pa magpapatuloy?”
“All the more I want to pursue this. I don’t want them to think that I’m giving it up because I’m intimidated by them, Calla.”
“Because of that, you’re going to risk your relationship with Radleigh, too? Okay lang umasa si Radleigh, ganoon? Iniisip niyang ‘di ka naman umiiwas kaya baka may pag-asa kayong dalawa?”

Natahimik ako sa sinabi ni Calla. I’m sure I can do something about that without leaving the company. Bakit ba kasi siya pa ang nanalo sa votation ng pagiging CEO? Damn it!

Nagpatuloy ako sa pagkain habang siya’y busangot akong tinitingnan. I’ll figure out what I’ll do when the time comes. Ayaw kong pangunahan ng takot o desperasyon. Huli akong pinangunahan niyan, kinidnap ko si Rad. Ayaw ko nang magkamali pa.

“By the way, I’ve seen your plans for Isla Fuego. Maganda. We might be your first customer.”
I glanced at her and I saw her blush frantically. Nag-iwas siya ng tingin.
“Kumusta nga pala ‘yong uwi n’yo ni Luigi? Nagalit ‘yon, a? Hindi kita natext kagabi dahil bumisita ako kay Daddy pagkatapos ng trabaho.”
“Wala naman…” she trailed off.
“Anong wala? Nag-away ba kayo? Okay ka lang? Nasabi mo ba na alam mong nambababae siya?”
Nagkibit siya ng balikat. “Hindi naman daw siya nambababae. Kliyente niya lang daw ‘yon. Ewan ko. Bahala na.”
“Muntik na silang nagkasuntukan ni Gino,” sabi ko.
“Sinong Gino?”
“’Yong kaibigan ni Radleigh? He saved you from strangers. You were so drunk.”
Umismid siya. “Wala akong matandaan. I don’t remember most of it, actually.”
“Well, that’s not surprising. You were so drunk! So… kumusta? Okay na kayo?”
“Ewan ko. Ang awkward namin ngayon.”

I rolled my eyes. I understand that maybe they started differently but it’s been years! Dapat naman siguro’y medyo open na sila sa isa’t-isa. But then again, we don’t know unless we’re in their shoes. Kaya hindi ako pwedeng maging judgemental. I don’t know how they exactly feel.

“Pag-usapan n’yo, kung ganoon!”
“He tried to talk to me but, damn, his bedroom voice makes me… so…”

Okay fine. Maybe I should stop asking her or she’s gonna tell me so many uneccessary information again.

“I’m no marriage expert but you two should talk things out. Lalo na dahil kasal na kayo. You’re both determined to keep your relationship, right?”
“Well, of course!”
“At… dahil marupok ka, dapat hindi kayo sa kama nag-uusap!”
“Kahit naman sa kusina, Zari.”

Napapikit ako sa hirit niya. Naalala iyong ginawa namin ni Rad sa isla. Right! Kahit saan, actually!

“Then sa isang p-public place?!”

Fuck! I remember that public intimacy we shared the last time.

“Oo nga, ‘no?” Calla realized innocently.

Siguro naman ay hindi kasing tindi ng guts ko ang guts ni Calla. Besides, pawang mga ibon sa himpapawid lang ang saksi sa ginawa namin ni Radleigh. Wala namang ibang tao sa isla.

“Like, date kayo sa isang restaurant or something.”
“Okay… Buti naisip mo ‘yan.”

Our talk was short. May trabaho pa kasi ako ng hapon kaya bumalik din agad ako ng building. Radleigh’s a bit busy today because of his approved project.

Naantala rin tuloy ang approval noong proyekto sa RHI dahil hindi niya pa nakikita ang output ni Engineer Alfeche.

Despite his schedule, he never failed to text me.

Radleigh:
You going to extend work hours later?

Ako:
Nope. Bakit? Maaga ako. May pupuntahan ako sa isang mall mamaya.

Radleigh:
I’ll finish late later. I’ll go to your condo after my meetings.

Bukod sa pag-aaproba ng iilang disenyo ng mga proyekto, pinagtuonan ko rin ng pansin ang mga gagawin sa sarili kong proyekto kapag may break o sobrang oras.

I approved the furniture I’ll be needing for the island. Nacontact na rin ng aking Accountant ang ZAM. Yesterday, I offered Tito Eugene’s men and some of our housemaids the work I have for Isla Fuego. Maganda ang feedback nila at mukhang maraming interesado. Though thanks to the meticulous qualifications of my mother. Kahit si Belinda ay nakapagtapos ng isang short course sa pagluluto at housekeeping. Ang iba’y galing pa sa mga maliliit na colleges sa probinsya, sa kursong pang hotel, na ngayo’y kasambahay din namin.

I assembled the laborers for the slight renovation I will be doing. At siguro’y by weekend, magsisimula na ang trabaho.

I have sent out brochure invitations to some of my trusted friends, as well. I retained the name of the island. Binigyan ko rin sila ng introductory discounted rates ang first guests, kung sakali.

Sa trabaho, tuwing nagkikita kami ni Agatha, umiiwas lamang siya. That’s better actually. Than being too aggressive towards me. Dapat lang na maging kontento na siya ngayon dahil kanyang proyekto naman ang naapprove.

Pagkatapos ng trabaho ay dumiretso na ako sa Pasay, kung saan ko kakausapin iyong pinagdeal-an ko ng mga nipa huts. Wala kasing ganoon sina Caleb at ayaw ko namang magpagawa siya para lang sa proyektong ito. Mas maganda parin iyong mga bihasa na sa larangang ito.

I’m like an addict exposed to so many addictive drugs habang naglalakad sa mall na iyon. I remember when I used to come here and spend my money. Ito ang isa sa paborito kong mall.

My eyes feasted on the luxurious things the mall offered. Siniksik ko sa isip ko na mamaya na dapat ako tumingin sa looban ng mga boutique. May imemeet pa ako at mas importante iyon!

So… in an expensive restaurant, I met the agent or probably one of the managers of the brand.

He’s not very old like what I imagined. About late twenties lang kaya nagulat talaga ako noong lumapit siya sa lamesa ko at nagsimula na sa business.

With him is a Macbook. He showed me the designs as the food I ordered for us came.

“So, is this the final design you want? O gusto mo pang magpadisenyo?” he smirked at me.
Ngumuso ako at nag-isip ng mabuti.

Their designs are not bad. It’s actually nice. Though I have a design in my mind, alam kong mas gagastos lang ako kapag iyong disenyong gusto ko ang ipagawa.

“I know you’re an Architect, Miss Leviste. For sure you have a design in mind?” he’s read my mind!
“Well, yes, you’re right. But I’m on a tight budget.”
“I can make it free for you, actually…” he smirked again.

His idea is tempting but I know business is business. I know how it feels to give in to favors of people who’re close to you. Though you’ve been of help, it will be painful in the future. Lalo na kapag masyado nang maraming pabor ang inaprubahan mo.

“No, it’s okay. Your designs are good. Isa pa, if I’m going to make another design, that would mean it will be processed late. Gagawin pa. I need it as soon as possible.”
“Okay. If that’s what you want.”

He scribbled something on his paper. Tumuwid ako sa pagkakaupo at muling tiningnan ang mga design na inoffer niya. Sa huli ay napagtanto kong ayos lang iyon.

“Is it a deal, then?” he asked.
“Yes, it is… I’ll review the contract. I’ll send it to you tomorrow,” sabi ko.
“Okay. When are you going to process the fund? Ipapapolish ko iyon and it’s ready for delivery next week.”
“Immediately after I give you the contract.”
“Whoa! You want to start this as soon as possible, huh?”
Ngumisi ako. “It’s a long time plan. Isa pa, hindi ako pwedeng magkaroon lang ng isla ng hindi na mimaintain. Might as well make it a better asset.”
“Tama nga naman.”

We talked professionally as we ate. Pagkatapos ng isang tawag ay nagpack up na kami.

Na excite agad ako sa kaalamang dahil maaga kaming natapos, may panahon pa ako para mag-ikot sa mall na iyon.

“Hope to satisfy the needs of your island, Miss Leviste,” sambit niya at naglahad ng kamay.
“Oh, you sure will.”

Nagkamayan kami bago nagpaalam sa isa’t-isa at nagsimula na akong mag-ikot.

Ang una kong pinuntahan ay ang mga boutique ng damit. Though I like shopping for clothes, I am not as tempted as before. Bukod sa marami parin akong damit na hindi pa nasusuot ngayon, mas maka-bag at maka-sapatos ako kaya hindi naging mahirap tanggihan ang tawag ng mga damit.

The next were shoes. Syempre, nagsisimula na akong ma tempt.

“That looks so good in your feet, Ma’am!” sabi pa noong nag entertain sa akin.

Bawat boutique, hindi ko pinalampas. At bawat bagong disenyo ay sinukat ko.

“Do you have this size, Miss?” tanong ko.

Pinahirapan ko pa ang tindera sa paghahanap ng size ko kahit na alam ko sa sarili kong hindi ako bibili sa huli.

I still have lots of shoes in my condo. Isang paikot na cabinet ang naroon sa aking walk in closet. At mas lalo na syempre sa mansyon. Isang pangdalawang room na sukat ang walk in closet ko roon!

“It looks ugly on my feet.” I convinced my self hanggang sa nakayanan ko rin ang bawat temtasyon.

Nakakaproud na kahit sa mga magagara at bagong designer bags, kaya ko ring iwasan. Kahit na panay na ang bulong ko sa sarili kong kailangan ko iyon para sa opisina. Oh come on! Ilang bag ang hindi ko parin nagagamit hanggang ngayon?

I went to a perfume shop at tingin ko’y ito lang yata ang ‘di ko matanggihan. Bukod sa hindi naman kamahalan kumpara sa mga bag at sapatos na gusto ko, mabilis ding maubos ang meron ako sa bahay.

Kahit na marami parin iyon at iba’t-ibang klase. Ang paborito ko’y halos ilang patak na lang kaya bumili ako noon. Isa lang. At iyon lang talaga.

Pagkatapos kong bilhin iyon ay namataan ko ang isang jewelry shop na mukhang may anniversary. Maraming balloons sa loob at marami ring tao.

I walked in confidently to see what’s happening. Iilang kakilala ang naroon at agad akong binati.

“Oh my God, Zariyah Leviste is also here for the anniversary!” sabi noong isang stylist na kilala ko.
Ngumiti ako. “No, actually… napadaan lang ako.”
“You’re a fashion icon, Zari. Come here for the photo op!”

Isang redcarpet ang naroon at nagsimula na ang pagpapapicture.

Hindi naman magulo. Siguro’y sa labas lang, kung nasaan ang isang photographer. But the rest of the store was quiet.

Nang pumasok na ako sa loob at nilubayan na ng ibang tao, may champagne na nilahad sa akin. Kumuha ako ng isa kasabay ang pagtitingin sa mga magagarang alahas.

“This looks good on you, Ma’am!” sabi noong tindera.

Kinuha ang isang necklace at pintalikod ako. I smiled as I looked at the mirror in front of me. Ang pinong necklace ay magandang tingnan sa aking leeg.

Hinawakan ko ang maliit na diamante sa gitna nito bago muling tiningnan ang sarili.

“This amulet is one of the newest in this collection. For now, this is only available in this branch here in the Philippines.”

Marami pa siyang sinabi tungkol sa necklace. Nanatili lamang ang mga mata ko sa aking sarili.

It looks so good on me. Bagay na bagay. Ngumiti ako sa aking sarili.

I know I’m not going to buy it. Fixed na iyon sa utak ko pero hindi ko lang maiwasan ang mamangha. At siguro’y hindi naman masama ang mamangha rito.

How time has changed a lot. Kung noon ay madali ko itong nabibili, ngayon, hindi na. Pero kung tutuusin, kaya ko itong bilhin ngayon sa isang pitik lang. But my priorities has changed. If I give in to myself now, I’m not going to be better for my own sake.

“Oh! Hi, Madame!” narinig kong bati noong stylist ka kadarating lang.

Napawi ang ngiti ko nang nakita si Tita Relani na ngayon ay pinapalibutan na ng mga camera.

“Uhm, this is okay. Tatanggalin ko na, Miss…” I said, panicking.
“Okay po! Here, we also have our earrings, Ma’am…”

Tinanggal noong babae ang necklace sa akin at iginiya ako papasok pa lalo sa store para ipakita ang earrings.

Marami siyang sinabi patungkol doon pero wala na akong ibang maisip. If I leave now, she’d see me anyway, right?

I sighed and continued walking with the girl. Patuloy din siya sa kanyang mga sinasabi. Ganoon din ako sa pagkakamangha ng iilang produkto nila, pilit na isinantabi ang imahe ni Tita Relani.

Lumipat kami sa mga singsing. Pinigilan ko ang sarili kong tumitig sa mga iyon.

“Do you have a boyfriend, Ma’am?” tanong ng babae.

Hindi ako nakasagot. Isang tao ang nasa isipan.

“You can take him here and show him these. Baka magka ideya siya sa mga gusto mo.”
Ngumiti ako. “If I want one, I can buy one. But I’m not a ring kind of girl…”
“Oh! Sorry, Ma’am. Though these are usually bought for engagements, we also have rings you can buy for your self.”

Iginiya niya ako sa isa pang nakahilerang mga singsing. She took the one in the shade of lavender.

“Try it, Ma’am!”

Nagdadalawang-isip akong ngumiti. Sa huli ay sinubukan ko iyon sa aking daliri.

Like a spell, it took me in another place and another time. Nakakalimutan lahat ng suliranin sa gandang hatid nito para sa akin. Eventually, I took it out and put it back on its box.

“We also have earrings, Ma’am.”

Ganoon din ang nilahad niya sa akin. Naglalakihang diamante ang nahulog sa mga earrings na iyon. Saan ko naman iyon susuotin kung sakali?

I declined again until I saw my weakness.

“Then let’s see for our bracelets, Ma’am?”

Hindi pa niya nakukuha ang box na gusto ko ay nanatili na ang mga mata ko roon.

It’s a simple and elegant design. Classic. Ito rin iyong gusto ko noon. It’s the classic design of this brand. Something about it just make me so drawn. Paved with diamonds, it looked so elegant.

Nanginginig kong kinuha iyon. Sinusuot sa akin ng babaeng tindera.

“Though, you can buy this even without a boyfriend, Ma’am… but it is usually given as a gift to a loved-one. This has two-hundred four diamonds all in all.”

Ngumiti ako habang tinitingnan iyon sa aking palapulsuhan. The yellow gold looks so good on me.

Pinatanggal ko na sa kanya at linipat ang mga mata sa mas mura sa ganoong koleksyon din.

“This one has ten diamonds, Ma’am.”

Mura na ito, huh. Kung wala akong problema, kaya ko itong bilhin. But then if I don’t have any problem, I wonder if I’ll ever come back to being that kind of girl. I like things but I know they all fade soon. Or get lost. So why do we invest on it?

Ngumiti ako sa babae at bahagyang umusog nang dumami na ang tao.

“May nagustuhan ka ba, Ma’am?”

I hate to disappoint the accommodating girl but I am not buying anything from this store. Kung gusto ko man, siguro’y pag-iipunan kong mabuti iyon.

“Maybe next time.” I smiled.
Tumango siya at ngumiti rin pabalik sa akin.

“Look who’s here…” isang pamilyar na boses ang narinig ko sa likod.

Iginala ko ang paningin ko at nakita ko agad ang tatlong dating kaibigan. Glaiza is behind Maica and Charm. Sa huling pagkikita ay si Charm itong nakita kong mas agresibo. Ngunit sa anyo nilang tatlo ngayon, si Maica ay nakataas ang isang kilay at halos sarkastikong nakangiti habang nakatingin sa akin. It was her familiar voice.

Oh, please. I don’t have time for this. Tatalikuran ko sana pero nang hawakan ako ni Maica sa palapulsuhan, konting kurot galing sa matutulis niyang kuko ay natigilan ako.

“The whore who can’t decide if it’s Caleb or Radleigh. Tsk. Tsk,” ani Maica.
“Maics…” tawag ni Glaiza sa isang takot na boses.
“Hindi ko inasahang makikita natin siya sa ganitong event. Nag fefeeling rich na naman siguro ang isang ito. May pambayad ka ba?” si Charm.

Tumuwid ako sa pagkakatayo, medyo naapakan ang pride.

“Actually, yes. I can afford these. I just have my priorities in place. I’m not like all of you who didn’t grow up even a bit. Oh, please…” Inirapan ko sila.
Maica laughed sarcastically again. “Sino sa atin ang hindi nagmature, kung ganoon? Of course, you’d save. Ang dami mo kayang utang! Pati sa firm ng Tito ko, ‘di pa raw bayad ng buo.”

Napawi ang ngiti ko. Damn!

“And I heard gumagastos ka na naman daw? God! Ngayon, sino ang hindi nag grow up sa atin, Zari? And also,” nanliit ang mga mata niya. “How dare you seduce a committed man!”

What? Nagulumihanan ako sa sinabi niya. Committed man?

“We were in a relationship and then suddenly, you tell him you hate me?! Ano? Siniraan mo ‘ko kay Caleb, huh?”

Oh right! And damn Caleb for that! Talagang gusto kong siraan si Maica sa kanya pero dahil hindi naman ako ganoon, binigyan ko ng chance si Maica na mapabago ang pananaw ko. Ngayon, mas lumala lang ang tingin ko sa kanya.

“That is not my problem anymore, Maica. You ask Caleb. I’m not part of your relationship so why the hell are you dragging me.”

Sa huling matagumpay kong pag-ikot para matalikuran ko sila ay namataan ko si Tita Relani sa ‘di kalayuan. Siguradong dinig niya ang lahat, pati ang mga kasama niya. She looks at me with her wide eyes, with only indifference as expression.

I swallowed hard. Nagmadali na lang ako sa pag-alis sa jewelry store na iyon. It was a wrong move after all.

Malapit na sa pintuan ay nakakahinga na ako ng mas maluwag. Ngunit nang biglang tumunog ang kanilang alarm at hinarangan ako ng security guard ay nanlamig ako.

I touched my ears for traces of earrings. Then my neck, and my fingers, and my wrist. Wala naman akong suot.

“Ma’am, ichi-check lang po namin ang bag n’yo.”

The Hermes bag I have on my forearm made me sweat. Kung bakit naisip ko ang isang bagay ay ‘di ko alam.

Dalawa pang guards ang humarang sa akin. Making the scene look so horrible.

Nanlamig pa lalo ako. Nilingon ang nasa likod na mga panauhin. One is Tita Relani. Sa ‘di kalayuan ay sina Glaiza, Charm, at Maica. Kita ko ang ngisi sa mukha ni Maica na mas lalong naging dahilan ng matinding pagdududa ko.

Isinuko ko ang bag ko sa mga security guards.

“Excuse me, what’s happening here?” ang bading na nag entertain sa akin kanina ay nakiusyuso.

Maagap niyang nasapo ang bibig nang nakitang hinahalughog ng guards ang aking bag.

“Are you okay, Zari?” he asked.
Tumango ako, ‘di na makapagsalita.

Nag-angat ng tingin ang isang guard sa akin pagkatapos dungawin ng ilang sandali ang bag ko. Ang isa’y lumapit sa akin at hinawakan ako sa palapulsuhan.

Namilog ang mga mata ko. Realizing what is happening and remembering what happened years ago…

Pinagkaguluhan ng dalawang security guard ang bag ko. Maingat na inilabas ang isang bagay na mas lalo lang nagpanginig sa akin.

“How did that get there?!” I shouted at them.

Ang isa’y may kausap na sa kanyang radio transreceiver. Pinaalis ang ibang nakikiusyuso, pati iyong bading. The store manager came together with the security unit of the whole mall.

“Nakita po namin ito sa loob ng bag niya, Ma’am…” sabi ng isang guard sabay pakita sa paborito kong bracelet.

Damn it!

Bulong-bulungan ang narinig. I heard my name uttered so many times. A long with the word “disgrace” and “stole”. Maging ang pagiging bankrupt at history ko.

“She’s got a history of stealing. She was arrested years ago for stealing an expensive lipstick.”

Gusto kong maghisterya ngunit wala akong lakas para roon. Nanatili akong pormal kahit na sa kalooblooban ko’y gusto ko na ring magmakaawa.

“Can we watch the CCTV or something?” sambit ko.
“Ma’am, we need to take you to the security office for investigation,” sabi ng store manager. “This incident is serious. Lalo na’t nakita sa bag mo itong mamahaling bracelet namin. Who’s in charge for this?”

Namumutla ang tindera nang lumapit sa store manager.

“Hindi mo nakita ito?” the manager probed.
Umiling ito at yumuko. “Binalik niya naman po ‘yan, Ma’am. Nagulat ako nawala bigla roon sa pinaglagyan-”
“I’ll have you investigated as well-”
“Ma’am, you should also include it in your investigation… She’s a noted klepto or something like that. Hindi po ito ang unang pagkakataong nahuli siyang nagnakaw,” si Maica.
“I did not steal anything!” sigaw ko nang ‘di na napigilan ang sarili.
“Paano po nangyaring nasa bag mo iyan, Ma’am, kung ganoon?” now the store manager sounds sarcastic.
“Maybe you should take her to a more private place, hija. For further investigation. This is not the place for that,” singit ni Tita Relani.

His only expression is indifference. And maybe… a hint of disappointment.

Nagtiim-bagang ako. Pinigilan ang sariling magmakaawa o kahit ano. This looks so pathetic. I don’t want it to be more pathetic than this!

“We will, Madame. Miss… Leviste. Our security guards will escort you to the office.”

Huminga ako ng malalim. Tinitingnan ang aking bag at inaabot ito. Inilayo iyon sa akin ng security guard. I saw him with his accussing eyes. Nalaglag ang panga ko at ginala muli ang mga mata sa mga taong nakakita.

Tatango-tango ang iba. Covering their mouth as they speak. Parang hindi ko maririnig.

“She’s desperate.”
“For sure she tried to steal that. I know her. Just like her mom who likes jewelries.”
“Bankrupt kasi sila. Wala na ‘yang pera.”
“Once a gold-digger, always a gold-digger. See?”

“I did not steal anything. Please, I demand a copy of the CCTV. I need to talk to my lawyer…” nanginig ang boses ko sa huling pangungusap. “I need my bag so I can call my cousin, please…”

Nagbadya ang mga luha sa aking mga mata.

“Sumama ka muna sa amin, Miss Leviste.”

I nodded. Sobrang sakit ng aking puso. Sa pagkapahiya. Sa pagkakainsulto. At sa panliliit.

Escorted by security guards, agaw pansin ako sa lahat ng mga nagsho-shopping.

“Hindi ba si Zariyah Leviste ‘yon?”

For sure, I’m gonna make it to the headlines tomorrow. Former heiress of a billionaire, now caught stealing a millions-worth bracelet.

Dinala ako sa opisina ng security guards. The way these strangers talk ill about me in front of me makes me sick. O ganito talaga ang trato nila sa taong inaakusahan nila?

“Ang kopya ng CCTV ay nirereview na ng team. Sa ngayon, itong cellphone mo na lang muna ang kinuha namin galing sa bag mo dahil kailangan din iyon sa imbestigasyon.”

Tumango ako. Tanggap ko ang kahit ano.

Nanginginig kong pinindot ang numero ng aking accountant. I wanted to call Ethan but I don’t want to worry him anymore.

“H-Hello…” my tears fell when I heard my Accountant’s voice.
“Ma’am Zari?”
“Beth, can you give my the number of my family’s lawyer? Sorry. Out ka na dapat ngayon.”
“It’s okay po. I’ll send it to you immediately, Ma’am.”
“Thanks.”

Pinunasan ko ang luha sa aking mga mata. Ilang sandali ay dumating na ang numero ng aming abogado. Siya naman ang tinawagan ko ngayon.

I explained my situation. All the tiny details. Pagkatapos ay nanghingi na siya ng numero ng store manager at ng head of security. Pati na rin ang Chief ng pulis na maaring pumunta rito para sa kasong ito.

“I will try to be there, Miss Leviste. After this call, I will immediately call the involved people. Pagkatapos ay tutungo na ako riyan.”
“Salamat po!” sabi ko bago iyon binaba.

Tulala ako habang nakaupo sa sofa. Pinapaligiran ng mga security guards na nakabantay sa akin.

“I’m so sorry, Miss Leviste…” sambit ng Head ng Security.
“Bakit po?”
“Sa CCTV, kahit na hindi kitang pinasok mo nga iyon sa bag mo, hindi rin namin mapatunayan na may ibang tao ngang involve dito gaya ng naiisip mo. The store has filed a complaint. Magpapablotter na rin sila sa ngayon at hintayin na lang natin ang magiging hatol ng Store Manager sa ginawa mo.”
“Wala po akong ginawa! Maniwala po kayo sa akin…” I said desperately.

Bumukas bigla ang pintuan at nakita ko ang nagpupuyos sa galit na si Ethan. With his men and some of the security personnel of the mall, he went inside and found me.

Namilog ang mga mata ko.

“What happened?” his question is directed at me.

Pagod akong ngumiti sa kanya. Mga luha, nakakapit sa mga mata. Hinilamos niya ang kanyang kamay. Di ko na kailangang magpaliwanag.

Nilingon niya ang mga security.

“I want my cousin out of this place. You may continue with the investigation-”
“But Sir, alam n’yo po ba magkano ang maaaring mapuslit niya kung sakali?” tanong ng babaeng store manager kay Ethan.
“I don’t care. I will pay double for that just let her go and proceed with the investigations!” parang kulog ang boses ni Ethan.
“Pay double! Don’t pay a thing, Ethan! I did not steal anything!” sabog ko. “I did not steal it! I will never steal anything!”
“Pero may record ka, Ma’am. Ayon sa nakakakilala sa’yo. Kahit na iyong matatanda ay kilala ka bilang ganoon. May mga witness na magpapatunay na nahuli ka ngang nagnakaw noon.”

Glaiza, Charm, and Maica, probably. Pero ang maisip na pati si Tita Relani ay maaaring nagsabi noon ay para akong sinaksak ng paulit-ulit.

“I was accused but they never proved it! I was only accused!” sigaw ko.
“Nahuli ka rin, Ma’am! Na dala iyong nanakawin mo sana!”

God! Looking back… totoong dinala ko nga iyon. Hindi ko alam kung paano pa makakatakas.

“Can’t you proceed with the investigation without isolating her here?” iritado na si Ethan ngayon.
“Ang sabi’y nakawala raw siya noon, Sir, dahil napakiusapan ang pulis. Iba po ngayon, masyado pong mahal ang nanakawin niya sana.”
“I am gonna sue you all once we proved that she did not steal fucking anything!” Ethan’s voice echoed in the whole room.

Natahimik ang lahat.

“Did you get that?” sigaw muli ni Ethan.

Kinagat ko ang labi ko at muling tumulo ang aking mga luha.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Comments are closed.