Island of Fire – Kabanata 36

April 5, 2017 By In Island of Fire Comments Off on Island of Fire – Kabanata 36

Kabanata 36
Support

In the end, we couldn’t find Caleb. Maybe he’s with the girl he’s dancing with? Kaya tinext ko na lang siya na uuwi na kami ni Radleigh noong nag alas onse y media na. Radleigh wants me to stick to what I “promised”. And that is to go home before twelve.

Ayos din naman. Lalo na dahil may pasok kami bukas, kailangan nga naming maagang matulog.

My breathing hitched when I saw his car beside my car. Tuwing nakikita ko ang sasakyan niya’y nanunuyo ang lalamunan ko. Nagbabara na tila wala akong masabi.

I fell silent as we move towards them on the parking lot. Nauna ako sa paglalakad, siya’y nasa likod ko.

“I’ll make sure you’re home,” anito.

Dahil sa hindi ko na kayang magsalita. Tumango na lamang ako. I can sense how his attention is all on me but I did not give him a chance to catch whatever I’m feeling. Pumasok na ako sa loob ng aking kotse at inatras ito.

Nanatili siya sa labas, tinitingnan ang pag-alis ko. Ako nama’y ‘di siya kayang tingnan sa tabi ng kanyang sasakyan.

I love expensive things. I love glitters and golds. I love extravagance and the things money can give me. Now, I don’t understand why I just can’t look at his car straight. Tila ba isa ito sa mga rason na dapat akong mamulat.

Tulad ng dati, sunod nang sunod ang kanyang sasakyan sa akin. Kahit na binagalan ko na ang pagmamaneho.

I went inside the basement. He also parked it beside my car.

“See you tomorrow,” sabi ko pagkatapos nang tahimik na byahe patungo sa aking unit.

He’s silent, too. Pero alam kong pinanonood niya ang bawat galaw ko. Humikab ako at papasok na sana sa unit ngunit hinila niya ang palapulsuhan ko.

“Good night,” he whispered and kissed me on my forehead.

Ilang sandali akong tumitig ng seryoso sa kanya. Sa huli ay nginitian ko na rin siya.

“Good night.”

Humikab ako at pumasok na sa loob nang pinakawalan niya ako. I smiled again at him before closing the door.

For some reason, even with the alcohol in my system, I find it so hard to sleep.

Mabuti na lang at hindi naman ako ang mag pe-presenta bukas. Si Agatha naman. Although, I will still need presence of mind, at least I’m not the one going to be roasted in that platform.

“Welcome back, Miss Zari!” si Glen sabay laki ng ngiti.
“Good morning, Glen! Thanks!” sabi ko sabay lingon sa ilan pang bumating kalalakihan galing sa right wing.
“Kampante ako na iyong designs mo ang makukuha sa project na ito, Miss!” si Glen.

Pumangalumbaba ako.

“Ayaw ko munang umasa, Glen. Mahirap kapag ganitong puro taga RHI ang nasa meeting mamaya.”
Umismid siya. “Pupunta ba si Sir Ethan? Pakiramdam ko, wala si Engineer Riego mamaya sa meeting kasi mamaya niya ata ipepresent ang naantala niyang gawin noong Friday.”

Bahagyang kumunot ang noo ko. I glanced at Rad’s early morning message. Hindi pa ako nakakapagreply pero wala naman siyang sinabi sa aking ganoon.

“Naantala? Bakit? Anong nangyari?”
“Wala kasi siya noong Biyernes, Ma’am. Medyo nagalit nga si Big Boss dahil short notice daw masyado ang leave niya.”
“Leave?!”

Oh my God! Nakarating siya ng Isla Fuego ng mga alas kuatro o alas singko ng Biyernes. Hindi ko naman alam na hindi siya dumalo umaga noon!

Tumango si Glen, tila naguguluhan sa pagkakagulat ko.

“Ba’t daw siya nag leave?” tanong ko.
Nagkibit ito ng balikat.

Agad kong pinagtuonan ng pansin ang aking cellphone. Pagkatapos ay nilingon ko ang kanyang opisina.

Ako:
You have a presentation today? Hindi mo ginawa noong Biyernes?

Matagal siyang nagreply. Nagawa ko pang magtanong sa babaeng sekretarya niya kung nasaan siya.

“Ma’am, nasa office ng VHRV, Incorporated siya ngayon. May ipapasabi ko po ba?”
I shook my head. “Wala naman po. Is his presentation for the VHRV today?”
“Opo. Kasabay po ng presentation ni Miss Valderama sa RHI.”

Pagkabalik ko ng aking lamesa ay nakita ko na roon ang reply ni Radleigh.

Radleigh:
Yes. I left early morning. I’ll make this fast so I can be on your meeting.

As if that’s my presentation? Si Agatha naman ang magpepresent kaya ba’t niya pa kailangang magmadali? Isa pa, baka mamaya pumalpak pa siya dahil sa pagmamadali?

Ako:
Take your time. You should do that well! It’s your great grandfather’s company! I know how much that means to you. Isa pa, hindi ako ang magpepresent mamaya kaya wala rin naman akong gagawin doon.

Ilang sandali ang lumipas ay pinatawag na kami sa conference room. Hindi na nakapagreply si Rad. Pakiramdam ko’y naghahanda na nga siyang mabuti o ‘di kaya’y nagsisimula na sila.

Pagkarating ko ng conference room, naroon na si Agatha. She’s alone preparing for her presentation. Naupo ako roon kasama ang iilang board members ng RHI.

Ilang sandali ay dumating na si Ethan. Kasunod ay si Engineer Alfeche na agad akong hinanap at naupo sa bakanteng upuan sa tabi ko. Ethan is about to sit beside me too but he’s greeted by another board member. Ilang sandali pa silang nag-usap at naunahan na siya ng isa pang Engineer sa tabi ko.

“So… how’s your vacation? I missed seeing you here,” hirit ni Engineer Alfeche.
“It’s fine. Not really a vacation. May inaaral lang akong isla.”
“Oh! Iyan ba iyong pinaplano mo kasama si Caleb Samaniego?”
“Nagpaplano akong bumili ng furniture sa kanila para roon.”

Bagoko pa madagdagan ang paliwanag ko ay dumating si Tita Relani kasama ang mommy ni Agatha. Agatha’s mom immediately went to her and kissed her cheeks.

“Good luck, hija! I know you can do it!” her resounding praise was heard by all.
“You must be very proud of your daughter, Angie…” bati noong isang board member.
“Of course!” maagap na sagot ng Mommy ni Agatha.

Humalakhak si Agatha. Her face turned red. May binulong siya sa kanyang Mommy dahilan kung bakit ito naupo na sa tabi ni Tita Relani.

Tita Relani sat on the only chair that’s available – iyong nasa gitna. Tabi niya si Ethan sa kanan at sa kaliwa ay ang Mommy ni Agatha.

Nilagay ni Tita Relani ang kanyang eye glasses at tiningnan ang mga hard copy ng ipepresenta ni Agatha sa harap.

“Shall we start?” Ethan said. “We are in quorum. Though the chairman is not around-”
“I can be the substitute of the chairman,” matamang sinabi ni Tita Relani.

Ilang sandali silang nagkatinginan ni Ethan bago tumango ang aking pinsan at nagpatuloy.

“Architect Valderama can now start her presentation for the New Project of Vista Grande.”
“Thank you, Ethan,” Agatha gave him a sweet smile.

Ethan’s now looking at Agatha’s reports. Hindi na napansin ang ngiti.

Kinuha ko narin ang mga hard copy at nagsimula ng tingnan iyon. Namilog ang mga mata ko.

I thought she wants the box type!? What happened?

The first designs were just like mine. Modern at maraming corners. Pinagkumpara ko ang mapa ng site sa disenyong ginawa niya.

She divided the site into three phases. Phase one has a single detached, two-storey houses. Isang bagay na pinagtakhan ko dahil ang target dapat ay ang pinakamurang posibleng datnan ng isang bahay na maganda na.

The designs of the houses were just like mine, only enhanced a bit. Maraming corners, modern ang steel roofing, at glass windows. Painted with maroon and cream, like how the RHI’s built their houses.

Phase two has my design! Almost! Isang bloke ng single-detached houses in modern design. Halos tulad ng disenyo sa akin, nagka iba lang ng paint.

Phase three has the same design with both phases one and two, modern parin. Iyon nga lang, halos walang corners. Box type and detached with each other! Ito iyong plano niya, iyon nga lang, hindi ko inasahang moderno pala iyon. I thought she’s going for the usual type?

Siguro ay natauhan?

“Kaya bakit ko ginawang tatlong phases ito?” tanong ni Agatha para sa sarili.

Binagsak ko ang mga papel at sumandal na lamang sa aking upuan.

“Una sa lahat, ayaw kong maliitin ang mga kliyente natin. For sure, not all of the poor will buy houses from here-”
I cut her off. “The target is middle class.”

Kitang kita ko ang iritasyon sa mukha niya ngunit kalmado siyang bumaling sa iba pang board members.

“Still…” aniya.

Nilingon ako ni Engineer Alfeche. Ngumisi siya sa akin. I saw how Tita Relani looked at us behind her eye glasses. Nagtiim bagang na lamang ako.

“So I’ve decided to design something for those who have extra budget. I know that families want more space. The 40-square house isn’t enough for say… a family of six? Kaya mas ma appeal sa kanila ito.”

Tiningnan ko muli ang disenyong iyon at ang cost ng materials. It doesn’t cost much. Tiningnan ko ang presyo ng mga gamit na materyales. All from some alternative materials. Maging ang sementong gamit. This should be MERC but she changed it to a company that would offer lower price.

“Is this brand okay?” bulong ko kay Engineer Alfeche.
“It’s okay. A bit substandard but… fine…” tango ni Engineer.
“Maraming reklamo sa amin nito. Ang sabi ng mga site workers, makati raw ang sementong ito.”
Tumango si Engineer Alfeche. “I also noticed that.”

Nagpatuloy pa si Agatha.

“Sa phase one ko siya nilagay. In front of the gates so people would think that this project is still high end. Since it would be weird for Vista Grande to immediately change their clients, right?”

Tumango-tango ang ibang board member. Nanatili naman akong tahimik.

“The phase two has the single-detached houses. For smaller families or for families with lower budget than those of the phase one. And of course, ang pinakamura… ang phase three, kung nasaan ang mga gusto kong joint houses. Which would cater those who are in need but with the lowest budget among the three.”

Suminghap ako. I would have to admit that her ideas are good. I mean, ang iniisip ko lamang ay apat na disenyo para sa buong subdivision. Trying hard not to make the houses the same. Ayaw ko kasi ng may bahay na magkatabi at pareho ng disenyo. Ganunpaman, magaling din ang naisip niya. Magkapareho man ang disenyo ng tabi, sa ibang phase naman, naiiba.

But this would only encourage people to be conscious of their status. May mas mayaman, may mas mahirap. Sa iisang village!

“Ganito ang naisip ko para mas marami tayong maging kliyente. Also, this way, the Vista Grande can still boast its two-storey houses that looks high end… in front of the gates! That’s all. Thank you for listening!”

A resounding round of applause filled the room. Pumalakpak ako kasama nila. Ethan raised his hand while everyone is celebrating.

“Yes, Ethan,” si Agatha.
“Your idea is quite good, Miss Valderama,” ani Ethan. “Akala ko’y iyong nasa phase three ang gagawin mo para sa buong subdivision.”
“Thank you!” she smiled sweetly.

Nagpalakpakan at nagtawanan ulit. Nakatingin lamang ako sa disenyo niya. A bit convinced that my design won’t be approved at all.

Alam kong maganda ang mga disenyo ko. May mga kamalian pero maayos naman at simple ang naisip ko. Agatha’s idea is complex but great! Isang bagay na mas magkakaroon ng appeal, panigurado, sa mga board members dito.

Ngayon pa lang, napanghinaan na ako ng loob. These designs will be approved for sure.

The bitterness spread on my system. Tinikom ko ang bibig ko at nanatili ang mga mata sa mga materyales na gamit.

“Kaya lang, napansin kong mahahati sa iba’t ibang grupo ang mga tao. Their status in this hierarchy will be determined by the house they’re in. The mission of this project is to make people feel that they are living “the life”. If you put this social groupings to the subdivision, I doubt they’d feel happy eventually.”
“Tingin ko naman, Ethan, hindi ganoon ka babaw ang mga magiging kliyente natin. They would understand it. Anyway, this would only enhance our profit! Ibig sabihin, ang mga conscious na kliyente ay paniguradong bibili sa phase one para walang masabi ang mga kapitbahay nila!”

A board member raised his hand.

“I agree with Ethan here, Miss Valderama. This will not be good for profit. Kapag five hundred thousand lang ang pera ko at maghahanap ako ng subdivision, syempre, hindi ako kukuha roon sa may ganitong klaseng sistema. This would insult me!”
Napakurap-kurap si Agatha roon.
“Basic need ang isang bahay,” singit ng Mommy ni Agatha. “If the client has only five hundred thousand, working somewhere near the site, he’d buy that regardless of the subdivision’s primary design!”
“I agree!” si Agatha.

Siniko ako ni Engineer Alfeche. He smiled at me.

“Tahimik ka, Architect.”
Ngumisi lang ako sa kanya.

“Anyone else with comments?” tanong ni Agatha sabay tingin sa akin.

Bumaling muli ako sa kanyang disenyo na nasa aking kamay. Alam kong pati si Tita Relani ay nakatingin sa akin. Mas lalong kumalat ang pait sa aking damdamin. Ang kaalamang mananalo si Agatha bilang Arkitekto nitong gagawing project na pinangunahan ko ay napakasakit.

I said, I’ll do my best. I said, I’m not giving this up. I said, this one should be mine. I am the Architect of Vista Grande. The sole heiress of the leading high end real estate company.

“Miss Leviste? Wala ka bang kumento? If I will have the majority votes, your designs will be put in the trash.”

What?!

Huminga ako ng malalim. Naiirita sa babaeng ito ngunit alam kong nasa harap ako ng pormal na mga tao. At nasa harap pa ni Tita Relani. Isa pa, hindi man ako mabait, hindi ko ipapahiya ang sarili ko ng ganoon.

“First, I commend your idea, Miss Valderama. Actually, hindi ko inasahan ito at hindi ko rin naisip ito bilang arkitekto.”

Now she looks so proud of herself. Iniwas ko na lamang ang tingin ko sa kanya.

“My comment is the same with Ethan’s. I want to carry out my mission and vision and that is to provide the clients a shelter that would make them happier.”
“By creating an illusion that they are rich…” dinagdagan ni Agatha ang sinabi ko. Pagkatapos ay humalukipkip ito.

Damn!

“Yes!”
“This must’ve been so personal to you, Miss Leviste.”
“Agatha, please, stick to the topic. Make Zari talk…” si Tita Relani.

Nilingon ko si Tita. Nanatili ang mga mata niya kay Agatha. Hindi man lang ako sinulyapan. Parang may kurot sa aking puso roon.

“Well…” nanginig ang boses ko. “I also did not think about a two-storey house that would cost a million for the clients simply because my target clients are those who have regular jobs with only probably around two-hundred thousand to three-hundred thousand pesos annual income. Ang paraan ng pagbabayad nila nito ay sa pamamagitan ng Housing Loan o kung may cash man, puwede rin.”
“Trust me, Miss Leviste. They can afford this even if they only have three-hundred thousand pesos as annual income.”
“Yes! Pero sobrang madi-drain ang pera nila-”
“E ‘di sa attached houses ng phase three sila kumuha kung hindi nila afford ang Two-storey houses!” sarkastiko niyang sinabi.

Fucking bitch.

“Of course but I assume that the clients will be attracted with the two-storey house-”
“The reason why I designed three phases or three types of house. Para may pagpipilian sila. Hindi iyong pare pareho lang ang itsura at puro mahal pa ang gamit na materyales!”
“Miss Leviste, you’re being sentimental about this,” si Tita Relani.
Umiling agad ako.

Nagkatinginan kami ni Ethan. He looked so pissed. Nakaigting ang panga at matalim ang tingin sa akin.

Bago pa niya ako ipagtanggol, kailangan kong ipagtanggol ang sarili ko!

“No! No!” agap ko. “Actually, I’m just stating my opinion, M-Ma’am. I really appreciate her idea. Maganda. It is only natural for me to think about the client’s feelings because that is the mission of this project. To be a bit sensitive of the client’s needs and opinions. Dahil ito ang unang proyektong ganito, gusto ko maganda agad ang impresyon nila rito. Na walang sistema na naghahati sa kanila sa kanilang mga kapitbahay. But then I guess-”
“Dear Zari, how old are you? Twenty three?” ani Agatha bilang pagpuputol sa akin. “Marami ka pang pagdadaanan. Hindi mo gamay ang masang Pilipino. Hindi mo alam na magkabahay lang ay ayos na sa kanila.”
“Miss Valderama, you’re making this too personal…” Engineer Ruiz bluntly said.

Nagulat si Agatha roon.

“I got Miss Leviste’s point. She wants to reach out to the clients. Not just by providing them a house, but by making them feel happy habang nakatira sila roon. Your idea is short-lived. Just to attract profit. Which I doubt, actually. Her idea is not just to attract profit, but to also continuously make the clients happy,” si Engineer Ruiz.
“I guess we have enough.” ani Tita Relani nang nakitang medyo mabilis na ang hininga ni Agatha sa harap.

Her breathing changed. Una ko siyang nakitang ganito noong nagtalo sila ni Mariz Ong. Mukha na naman siyang maiiyak.

“Let’s vote! Raise the hands of those in favor of Agatha’s design for this project,” ani Tita Relani.

Hindi siya nagpataas ng kamay. Nagulat ako dahil marami man ang nagpataas ay marami rin ang hindi. Binilang ni Tita Relani ang nagpataas ng kamay. Ganoon din ang ginawa ng sekretarya niya.

“Thank you, ladies and gentleman. Now can we have those who are in favor of Zariyah Leviste’s design.”

Hindi rin siya nagpataas ng kamay sa akin. Ethan and Engineer Ruiz raised their hands. Kahit na marami ay alam kong mas marami ang nagpataas ng kamay para kay Agatha.

“May I speak?” Agatha’s Mommy raised her hand.

Binaba ng iba ang mga kamay na para sa akin. Tumango si Tita Relani at hinayaan ang Mommy ni Agatha na magsalita.

Nginitian ni Mrs. Valderama ang lahat ng naroon. Nakatuko ang dalawang kamay sa lamesa bago tumango.

“I’d like to express my disappointment with the Riego Holdings, Incorporated’s decisions for the past few weeks.”

I shifted uncomfortably. Kahit na hindi pa niya nasasabi ang opinyon ay pakiramdam ko, alam ko na.

“Getting the majority stocks from the Vista Grande, a failing company, is a big risk!” she exclaimed.
“May I speak?” nagtaas ng kamay si Ethan.
“Let me finish, young man!” anang matanda.

Shit! Nararamdaman kong ang respeto na lang ang nagpipigil kay Ethan na magsalita sa kalagitnaan ng pagsasalita ng matanda.

Nilingon ko si Agatha, hoping for a wise view about this but she’s just there looking through her designs. Parang natural lang sa kanya ang sinasabi ng ina.

“Hiring a kid as Architectural Design head is just another wrong decision!” giit niya.

Damn!

“Madame,” si Engineer Ruiz. “I guess the majority votes can summarize your opinions-”
“Engineer Ruiz, let me finish first, please? It is rude to butt in, you know. Kung hindi mo alam.”

Nagtaas ng kilay si Engineer Ruiz at tumuwid sa pagkakaupo.

“I’m starting to think that an external force is clouding the chairman’s mind. He’s not here but I expect his colleagues, and Mrs. Riego, to tell him that. And I will also send him an official letter about it. His decision to hire an incompetent Architect will bring the company down!”
“With all due respect, Mrs. Valderama. I am so sorry to butt in but you’re right. I asked Radleigh to hire my cousin as the Architectural Design Head because she carries the company’s vision. After all, this is still Vista Grande.”
“Which is not effective, right? You have to understand that it is part of the RHI now! At ayaw nating ma kompromiso ang kalidad ng ating gawa dahil lang sa… isang pabor… o dahil lang sa siya ang dating magmamana ng kompanya. Let’s face the truth, Miss Leviste might be the heiress of this company before but she won’t have it in the future anymore! Eventually, this will be purely part of RHI. Makikita ninyo-”
“Madame, I do hope we are not mixing personal grudges here with work. I get that Engineer Riego canceled his engagement to Miss Valderama months ago and now, he’s almost always seen with Zariyah Leviste-”
“That is not my point!” nanginig ang Mommy ni Agatha sa sinabi ni Engineer Ruiz.
“Ann! Stop it. Calm down, Angie,” si Tita Relani na ngayon ay inaalalayan ang kaibigan na umupong muli.

Maagap na dinaluhan ni Agatha ang ina. Umikot ang mga mata ni Engineer Ruiz bago sumandal ulit sa kanyang upuan.

“I will approve Architect Agatha Valderama’s designs for this project. I will inform the Chairman of the Board. Meeting adjourned.”

Pagkasabi noon ay unang lumabas si Ethan, tila nagwalk out.

Tinapik ako ni Engineer Alfeche sa likod at nilahad na ang labasan sa akin. I smiled weakly at him then went with him outside. Hindi ko na nilingon sina Agatha, ang kanyang ina, at si Tita Relani.

“Ayos ka lang?” tanong ni Engineer Alfeche.
“Yeah…” mahina kong sinabi.
“H’wag mo masyadong dibdibin. Nakarinig na ako ng mas grabeng mga salita para sa mga disenyo ko kesa diyan…”

Tumigil ako sa paglalakad. I truly appreciate Enginner Alfeche’s words for me. Gumaan ang loob ko. Tumigil din siya sa paglalakad.

Nahagip ng gilig ng aking mata si Agatha na nagmamadaling naglakad patungo sa amin. Hinarap ko siya. Kitang-kita ang pagkamuhi sa mukha.

“Iyan ba ang mga sinasabi mo sa mga tao rito?”

Noong una ay hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya. I traced back and realized it’s because of Engineer Ann Ruiz’s comment on her mother. At ako ang sinisisi niya.

“Leave, Engineer Alfeche!” iritadong sinabi ni Agatha.
“Agatha-”
“Leave!” she screamed making him step back.

Ilang sandali ay umalis na si Engineer Alfeche at kaming dalawa na lang ni Agatha ngayon. Pagod ko siyang hinarap.

“Pinagkakalat mong mabuti na ikaw ang dahilan kung bakit nagkasiraan kami ni Radleigh!?”

Sana ay hindi ko alam ang tungkol sa tunay na nangyari. Humalukipkip ako at hinintay pa ang karagdagang sasabihin niya.

“And you’re proud of it, huh?”

Namumula ang kanyang mga mata. The sweet Agatha Valderama, almost as soft as my bestfriend, is nowhere to be found.

“I know your history! You almost married Radleigh for his money, right? No wonder narito ka ulit! No wonder galit si Tita Relani sa’yo! Kasi… kung gugustuhin mo, pwede ka namang maghanap ng trabaho sa ibang kompanya! Lalo na’t ‘di naman pasado lahat ng disenyo mo rito! Napagbigyan ka lang dahil sa pinsan mo!”

What the hell?

“Pero nanatili ka rito! Tama si Tita… Kasi gusto mo na namang mapalapit kay Radleigh! Gaya ng ginawa ninyo ng Mommy mo noon!”

Namilog ang mga mata ko nang tinukoy niya si Mommy.

“Kung napagbigyan lang ako at threatened ang RHI, come on, cast your vote and end my career here! I dare you!” giit ko. “And don’t mention my Mom here!”

Nagulat siya dahil sumagot ako. Anong akala niya sa akin?

“Bakit kailangan pa ng ganoon? Ikaw mismo… alam mong sobrang baba ng kakayahan mo! For all we know, you paid your diploma abroad! Nabibili mo naman ang lahat, hindi ba? Kaya ka naging architect, kahit ang totoo, wala kang talent! You don’t even have the heart for this business! And you know that! That’s why you’re seducing a CEO! Para may pantustos sa mga kapritso mo!”

I advanced. Npakurap-kurap siya sa ginawa ko.

“Oh dear, dapat nag suggest ka kay Radleigh na gusto mong maging Architect Head. Bakit kaya ‘di ka kinuha? Maybe you lack talent, too?”
“Hindi niya ako kinuha dahil miyembro ako ng board! Hindi ko kailangan iyon! And I’m his fiancee!”

There you go, Agatha! Pumutok din ang Bulkang Pait.

Humalakhak ako kahit na sa kalooblooban ay pinaghalong sakit at galit ang nararamdaman ko.

“Desperate fiancee-wanna-be. Why don’t you ask your CEO why he’d have to meddle with my mess, Agatha? That he’d have to go that far just to trigger what I did?”

Nagulat siya dahil alam ko na alam niya. Now, you can’t lie to me, bitch. Hindi mo mabibilog ang utak ko!

“And you? Why did you go that far to help him? You’re that desperate to at least be a pretend-fiancee for a day? Or is it a week?”
“Zariyah!” isang boses ang nagpatikom sa aking bibig.

Behind her is Tita Relani, fuming mad at me. Nanlamig agad ako.

“You are so unlike your mother. You have no class at all!” pagalit na sinabi ni Tita Relani sa akin.

Yumuko ako. Sakit ang bumalot sa aking dibdib.

My respect for her is to the moon that her words are like daggers to my heart.

“You should be thankful that my son’s plan worked. And you should be thankful that Agatha helped him do that!” giit ng Tita Relani. “Despite of your plans of marrying Radleigh to save your company.”
“You’re right, Tita. She’s here to seduce Radleigh. Para makuha ulit ang kanyang kompanya. Hindi nadaan sa business proposal kaya heto siya’t dinadaan sa drama.”

Hindi nagsalita si Tita Relani. Nag-angat ako ng tingin kay Agatha.

“Maybe you should tell Radleigh that, then,” mapait kong sinabi.

Hindi ako makapaniwalang iyon lang ang naging sagot ko sa lahat ng binato sa akin. Tinalikuran ko sila at nagpatuloy na sa paglalakad, bagsak ang puso at ang kaluluwa.

Maybe they should tell him that. Maybe if they convince him, he’d stay away and it’ll be easier for me.

Nagbanta ang mga luha sa gilid ng aking mga mata kaya dumiretso na ako sa washroom. May dalawang babae sa harap ng salamin. Dire diretso ang lakad ko patungong cubicle at sinarado ang pintuan. Binagsak ko ang toilet cover at pinuno ng tissue bago ako naupo at yumuko.

Maybe…

Maybe I’m not meant for Architecture? Pero paano ‘yon? Gusto ko iyon!

The pain stabbed my soul. Paano ko nararamdaman ang matinding insekyuridad para isang bagay na gusto ko?

Kailan ako nagduda sa kakayahan ko sa Arkitektura? Maaaring hindi ako ganoon ka galing, pero may kaya naman siguro akong itama na disenyo!

Maaaring hindi ako ang pinakamagaling, pero alam ko, kaya kong gawin ito!

Pinalis ko ang luha sa aking mga mata.

Wala akong naipasa sa sarili kong kumpanya. Bakit pa ako naging Architectural Design Head, kung ganoon?

If I want to prove something to myself, then I should be somewhere with people who aren’t biased. Dahil alam kong kung si Radleigh, Ethan, at Engineer Alfeche ang pagdedesisyunin, makukuha ang disenyo ko. But that’s only because they know me. Because they want me to be there. Hindi dahil marunong ako. Hindi dahil kaya ko.

Nanginginig kong hinanap ang numero ng aking Accountant. I called her and waited. Tears rolled down my cheeks like waterfalls. Agad ko iyong pinunasan na parang wala lang.

“Good morning, Ma’am Zari!”
“Morning… Uhm… Kumusta nga pala iyong pinapaproseso ko sa’yo na permit?”
“Ah! Ma’am, pwede na pong simulan iyon.”
“Okay. Release the budget tomorrow. I will send the design immediately.”
“P-Pero, Ma’am, hindi n’yo ba talaga ibebenta iyong properties sa Cavite?”
“Hindi na. Kaya pa ng pera ko, hindi ba? Including Dad’s meds.”
“Yes, po, Ma’am, pero mahihirapan kang ibalik sa dati kung uubusin mo lahat pati sa construction na gusto mo.”
“I will send you the complete list of the furniture I will order. I will meet with the contractor and supplier soon. Mag re-release din ako ng budget para sa employees.”
“This will all be against your trust fund, am I correct, Ma’am Zari?” pagkukumpirma niya.
“Yes,” nanginig ang boses ko.

Ilang sandali akong nanatili roon para kalmahin ang sarili. Ang malamang may siguradong desisyon na ako ngayon para sa aking sarili ay nagpagaan ng loob ko.

Hindi lang talaga siguro ako para rito.

Lumabas ako roon na maayos na ang mukha. Walang bakas ng pighati. At ang opisina’y ganoon din. Walang alam sa bagyong dinaranas ng kalooblooban ko.

Napakurap-kurap ako nang nakitang may ibang taong nakaupo sa aking computer chair. Radleigh’s playing with my ballpen, looking at my Macbook.

“Hey!” maligaya kong bati para itago ang nararamdaman.

Mukhang wala na ang board. I bet Agatha is still around and Tita Relani is probably in another floor.

Tumayo si Radleigh at sinuri ako. Nag-iwas ako ng tingin.

“How’s your presentation?” tanong ko sabay sulyap kay Glen na ngayon ay mukhang may tinatrabaho, pero alam kong nakikinig.
“Fine,” sagot niya at pinalupot ang braso sa aking baywang.

He sniffed on my hair and whispered.

“I’m sorry about your project.”

Bakit pa ako magtataka? Paniguradong nalaman niyang si Agatha ang nanalo sa proyektong iyon.

“I’ll make our own. Apply your designs there.”
“Tsss. That should be earned, Rad. Hindi pwedeng dahil gusto mong ako ang maging arkitekto, kukunin mo na ang disenyo ko.”

Hindi siya nagsalita. Nanatili ang mga mata sa akin. Hindi ako sigurado kung totoo ba iyong inoffer niya o para lang tingnan kung ano ang magiging reaksyon ko. O pareho.

“I don’t mind if Agatha won that project. I agree that her ideas are good. Complex but good. Ayaw kong kunin ako dahil gusto ako. Gusto kong kunin ako dahil naniniwala kayo sa kakayahan ko.”
“Naniniwala ako sa kakayanan mo,” aniya.

Nagkatinginan kami. Now he looks serious.

Uminit ang pisngi ko. Liar! He’s both an Engineer and Architect! Hindi siya mapupunta rito kung hindi siya magaling!

I shrinked more at the thought that for all of them, I am an amateur… a kid playing and using her money to get whatever she wants.

I swallowed the words at the tip of my tongue.

“I believe in you so much, Zari.”
“Ako rin! Ang galing niya, Radleigh. It’s just that people hate taking risks… She’s new…” nagkibit ng balikat si Engineer Alfeche.

Umiling ako at kumalas kay Radleigh. Naupo na at napatingin sa Macbook. I minimized the design of the island I’m working on immediately! What the hell!?

“Mambobola ka rin, Marco,” wala sa sarili kong sinabi.

Nag-angat ako ng tingin sa dalawa. Ngumisi si Engineer Alfeche sa akin.

“Hindi ako nambobola, Zari. Totoo! I’m planning to have this project with you-”
“Engineer Alfeche, may I ask you to please get Miss Valderama’s design and check the Structural design of each?”
“Whoa! Okay. Hindi ikaw ang titingin?” baling ni Engineer Alfeche kay Radleigh.

Napatingin ako kay Radleigh. Nakapamulsa siya ngayon at seryoso ang mukha.

“Hindi.”
“Okay… Later, Zari…” Engineer Alfeche left with a big smile on his face.

Huminga ako ng malalim at nanatili ang mga mata sa aking Macbook. Hawak ang aking lamesa at ang likod ng aking computer chair, yumuko si Radleigh para magtama ang aming tingin.

Nagtaas ako ng kilay sa kanya. At first he looked a bit pissed but then his expression softened. Kinagat niya ang pang-ibabang labi. Parang nagpipigil ng kung ano.

Bumagsak ang tingin ko sa lamesa.

“I don’t need the pity,” sambit ko.

He sighed.

“Don’t ever think you have to do something about it…” dagdag ko dahil parang alam ko ang iniisip niya.
“I know…” bulong niya.

He planted a soft kiss on my lips. Napalinga-linga ako at naabutan kong nakatingin ang team ko sa amin. Hindi talaga marunong si Radleigh makiramdam sa paligid! Damn!

“I just want you to know that I’ll support whatever you want to do.”

Nagkatinginan kaming dalawa. Kitang-kita ko ang pag-iibang muli ng ekspresyon niya.

“Except you leaving me. Remember that,” mariin niyang sinabi.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Comments are closed.