Island of Fire – Kabanata 35

April 5, 2017 By In Island of Fire Comments Off on Island of Fire – Kabanata 35

Kabanata 35
Everything

Papalubog na ang araw at kakatapos lang naming maligo sa dagat. We’re back in our lounger, cuddling.

Ayaw ko nang umuwi ng Maynila. I want to stay here with him for the rest of the days. But that’s an impossible dream.

We’re both wet. Isang tuwalya ang nilagay ni Radleigh sa balikat ko. Ang laylayan nito ay bumagsak hanggang sa aking mga braso at hita.

I can’t stop watching him close. I feel so comfortable even when it’s a bit cold. Straddling him gives me heat. And that’s enough for me to stay like this with him.

Nilagay ko ang aking dalawang palad sa kanyang magkabilang pisngi. Feeling his soft, probably growing, stubble. Hindi naman kita ngunit kapag hawak ay nararamdaman.

Sinaulo ko ang kanyang mukha habang siya’y nakatitig lamang sa akin. Ang kamay ay nasa aking tuhod. He tilted his head and caught my left palm. He kissed it tenderly.

Lumabi ako at muling iginala ang mga mata mula sa kanyang basang buhok hanggang sa kanyang perpektong ilong. Oh, damn! He’s so manly. No wonder no one came after him. Walang katumbas.

“I feel like I’m the witch in this story,” marahan kong sinabi.
His lips twitched in an adorable way. It looked so delectable. Talaga bang wala na siyang gagawin na hindi ako naaakit?

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. He looks so amused. Or maybe he finds what I said ridiculous.

Nanatili ang kamay ko sa kanyang mukha. Ang isa’y bumaba sa kanyang leeg, hinahaplos ito.

“And… I’m the innocent man, lost in the woods. Trying to go home and live a simple and happy life.”

Mas lalo lang akong ngumiwi sa sinabi niya. He chuckled. I glared at him for not denying how bad I felt. Damn him!

Binaba ko na ang dalawang kamay ko ngayon, feeling a bit down.

His laughter echoed. Hinila niya ako palapit sa kanya at habang matalim ang tingin ay sinusubukang malamyos na halikan ang aking labi.

He licked his lips before giving me another longer torrid kiss. Then he stopped and I’m still glaring. He gave me another sweet kiss until I can’t help but smile.

“The witch has cast her spell on me…” he whispered.

Sinubukan kong tabunan ang ngiting sumisilay muli sa aking labi. Binaba ko ang mga mata ko nang nakitang titig na titig siya sa aking labi.

“I’m trapped,” dagdag niya sa istoryang sinimulan ko.

Nakakainis! Naglebel ang aming tingin. Ngayon, sa mga mata ko na rin siya nakatingin. He looked so amused and cocky at the same time.

“Parang may mali…” nanliit ang mga mata ko.
Lumapad ang ngisi niya nang napagtantong napansin ko rin ang mali sa istorya.
“You were the one who preyed on me from the very beginning…” My voice sounded so sensuous when I whispered it.

The way his eyes bore on me confirmed my idea.

“You loved me before… even with all my flaws. Kaya hindi ka tumanggi nang sinabing papakasal tayong dalawa.”

His smile now is of pure humor. He tried to kiss me again but I pushed him a bit after one. I’m not done talking, Rad! Damn it!

“You’re scared I’d call you a cradle snatcher.”
“You still called me that, baby.”

Sinubukan niya muling halikan ako pero tinulak ko na siya bago niya pa magawa. His head fell in an act of disappointment. Then he smiled.

“Now, you’re using this against me. H’wag mong ipagdamot ang halik, Zari.”

Uminit ang pisngi ko. Nasapo ko na lang ang aking mukha. Damn! Mababaliw talaga yata ako kapag nagpatuloy kaming ganito!

Ayaw kong banggitin sa kanya kung gaano ko kagustong manatili rito kasama siya. Natatakot akong hindi na niya ako pabalikin ng Maynila.

We grilled the fish for dinner. Habang ginagawa niya iyon ay pinag-aaralan ko naman ang gusto kong mangyari sa isla. I want to develop an infinity pool. The rooms are five-star-hotel kind so there is no need to renovate it. Even the whole mansion. Siguro ay furniture lang ang dadamihan.

Ang gusto kong bilhin sa ZAM, na nasa Romblon, ay ang kanilang mga magagandang sun lounger. They also have other plastic-made things and it will be good for outdoor use.

I am also slightly considering a the chopper as transportation. Para mas lalong espesyal. Kokonti lang ang isla ritong nag-ooffer ng ganyan. It will feel so high end that couples would want to try but of course, mas mababa ang magiging presyo nito kumpara sa mga foreign owned private island.

Mas lalong bumilis ang takbo ng oras. Ganoon nga talaga siguro. We wish for longer days and nights when we’re happy. But it just won’t come. Nothing is perfect in this world. If you feel that it is perfect right now, it will end very soon.

Tatawagan ko sana ang caretaker para pasunduan kami ng isang bangka pero ang sabi ni Radleigh ay siya na raw ang bahala at magpapatulong na siya sa kanyang pinsan. True enough, we were at the shores of Costa Leona before three in the afternoon of Sunday.

Alas kuatro nang nakabalik na kami ng Maynila. Kinalas ko ang kamay na hawak niya at hinagilap ang cellphone sa aking bulsa. He stopped midstep and then looked at me. Sa likod ay naroon ang ilang ‘di ko kilalang bodyguards. Siguro’y kanya.

His brow furrowed but then he relaxed when he saw me on the phone.

“Calla…”
“Naka uwi ka na ba?” nag-aalala niyang tanong. “Binisita ko condo mo kahapon kaso sabi ni Belinda, tumawag ka raw na ngayon pa uuwi. Narito ulit ako ngayon, wala ka parin!”
“Kadarating ko lang, Calla.”
“I was so worried! Caleb’s mad at you for not going to his birthday celebration! I told him you didn’t like the group he’s in… alam mo ba kung ano ang ginawa niya?”
“Ano?” naguguluhan kong tanong.
“He broke up with Maica!”

Hindi ko alam kung ano ang itsura ko pagkatapos noon. Half of me is so glad that he broke up with her. Kalahati naman sa akin ay sinasaway ang sarili na maging mabuting tao na simula ngayon at h’wag mag-isip ng masama sa ibang tao.

But then she deserved it!

What the hell, Zari? Malay ko kung nagbago na si Maica ngayon, hindi ba? I only met Charm and Glaiza who seemed the same. At si Charm ang nanalo sa pinaka-ingrata ng taon. Mas lumala pa yata. Or maybe… she’s already like that and I’m too oblivious way back.

“Can you wait for me in my condo? You’re with Luigi, right?”
“Uh… Hmm… No… I’m alone. He’s busy,” she sounds off pero nagmamadali na ako para punahin pa iyon ngayon.

Mamaya na ako magtatanong kapag kaharap ko na siya. O baka naman nag ooverthink lang ako. She’s just upset that her husband is busy.

“Okay. Wait for me. I’ll be there by five.”

Pumasok na ako sa SUV ni Radleigh. I feel fine with cars like this. Jesus, just not a three hundred thousand dollars car, please!

“You’re… going to your condo?” tanong ni Radleigh habang nasa byahe kami.
“Oo. Nag-aantay si Calla at Belinda roon.”
“After that, you’ll sleep in your condo?” his voice sounds a bit too hopeful.

Nagkatinginan kaming dalawa. His expression suddenly changed from hopeful to just relaxed. Hindi ko tuloy alam kung guni-guni ba iyong nakita ko.

“Of course. Why?”

He nodded. Napatingin sa labas bago muli akong minataan.

“Can I sleep there, too?”

Hindi ako agad nakasagot. Ngayon, ako naman ang nananantya sa kanya. The bit of hope is in his eyes again but it disappeared before I can process it.

“Rad, anong sasabihin ng iba kapag sa condo kita natutulog?”
“That I’m your boyfriend anyway?” tugon niya.

This is what I’ve been telling myself. Hay naku, Zari! Do you really need to learn your lesson the hard way?

I probably have an undiagnosed addictive personality. Lahat ng magustuhan ko, hindi ko tinitigilan. Even when I try and refuse, I always end up choosing the wrong path. Ngayon, iyon ba ang pinili ko kay Radleigh sa islang iyon?

But how do I break the heart of the person I am in love with, anyway?

“I’m just asking. I’ll sleep in my condo,” aniya at nag-iwas ng tingin.

Humaba kasi ang katahimikan. Pareho lang kaming nananantya at nalaman niya kaagad ang iniisip ko.

“Magkita na lang tayo bukas sa trabaho,” I said with finality.

Hinatid nila ako sa tapat ng aking condominium. Radleigh gave me a kiss in the forehead before finally letting me go. I waved goodbye before entering the building.

Sa byahe paakyat ay tulala ako. Iniisip kung mali ba lahat ng naging desisyon ko.

Pagkapasok ko ng condo ay agad kong nakita si Calla at Belinda na nag-uusap sa sala. Tumayo agad si Calla nang nakita ako.

“Ma’am Zari! Buti na lang nakauwi ka na! Nagluto ako ng paborito mong pagkain, Ma’am!” si Belinda.

Kinuha ni Belinda ang aking bag. Pati ang mga dala kong blueprints. Hinayaan ko siyang gawin iyon para makausap na si Calla.

Naupo ako sa sofa at tinabihan na ang kaibigan ko. Nagsalin ako ng juice na handa ni Belinda para kay Calla.

She started talking about what happened last Friday. That Luigi was upset that I didn’t come because of his girlfriend’s friends. Tama nga ako! Naroon sina Glaiza at Charm! And worst, Ethan was also there! Baka magkabalikan pa sila ni Glaiza, malilintikan ang Ethan na iyon sa akin.

“Goodness, Calla! I am not sure if I should celebrate or what!” nangingiti kong sinabi.
“You should! Well, I’m sure not because you want my brother. But because he’s finally out of that user girlfriend. At ikaw? How’s the trip?”

Now I am not sure if I should tell her everything. Hindi dahil hindi ko siya pinagkakatiwalaan kundi dahil ikinakahiya ko ang desisyong salungat sa gusto kong mangyari. Puro na lang ba talaga prinsipyo at wala na sa gawa?

Still, I explained it to my bestfriend. How I am so confused. How I’ve just told his mother that I won’t marry him whatever the circumstances may be but is continuing the relationship.

Napaka ipokrita ng lahat ng ito. Just because I want him doesn’t mean I can indulge myself while it lasts!

“Hindi ko na alam, Calla. Buhol ang utak ko kapag si Radleigh ang pinag-uusapan. Mabuti pa siguro ang pagsha-shopping, kaya kong pigilan. Pero…” I sighed.
“Well, shall we drink to that instead?”

What an odd invitation for this misfortune. I mean, sure, hindi naman ako maramot sa ganyan pero ang magyaya si Calla na uminom dahil sa problema ko ay parang masyadong out of character.

Nanatili ang tingin ko sa kanya. She smiled at me like nothing’s weird but I can’t help it.

“You have a problem?” Nanliit ang mga mata ko.
“W-Wala! Ikaw, ‘di ba, ang may problema?”

Well, at least I can still manage and stay sane with my problem. Hers feels like supressed and weird.

Gusto ko sanang tumanggi dahil nakakapagod ang byahe at gusto ko na lang matulog pero ngayon ba ako tatanggi na tingin ko’y may problema siya?

“Well, if you can wait for me, we can go to a Club…” paing ko.
“Yes! Of course, I can wait! And yes, I want to go clubbing! You promised we’d go Clubbing pero wala ka noong Friday! Ayon tuloy, hindi ako nag enjoy!”

Now… this is so weird!

“Hindi ka nag enjoy? Dahil ba kay Luigi?”

Hindi nagsalita si Calla kaya mas lalo lang nakumpirma ang konklusyon ko.

“Calla, aren’t you happy with him?” the question feels forbidden.

Nakita kong halos kumislot siya sa tanong na iyon. But I have to ask my dear friend about it. All this time, she’s always here for me. Never did I once ask her about her relationship.

They have been married for years. Wala akong natanggap na reklamo sa kanya kahit noong bagong kasal sila. Ngayon ko lang napansin na may kakaiba palang talaga.

There you go… fixed marriage won’t always work.

We went to my room. I didn’t mind how tired I am. Naligo ako para medyo magkaroon ng lakas para sa mga plano namin ni Calla sa gabing iyon.

“Well, nasanay na rin naman ako kaya hindi ko alam, Zari.”
“What do you mean?”

Nakatingin ako sa repleksyon niya sa aking salamin. She looked relaxed but I know she’s only trying her best.

“Our first year together, we don’t really talk you know. Hanggang sa nasanay na akong ganoon. Then eventually…” she blushed.

Natigil ako sa pagsusuklay. Eventually what?

“I just…”

Mas lalo siyang namula. Kitang kita sa putla ng kanyang balat. Her long straight hair couldn’t hide the blush.

“I just found myself having sex with him.”

What the hell? Hindi ko alam kung kaya ba iyon iproseso ng utak ko.

“I know it’ll happen eventually but not the way we did it. I don’t even know if he likes me or what. Hindi minsan na umaalis siyang ilang araw. Ganito. Tulad ngayon. At malalaman kong may kasama siyang ibabang babae,” her voice quivered.

What the hell?

Padarag kong naibaba ang brush sabay tingin sa kanya. What the hell, Luigi?

“Bakit ‘di mo sinabi sa akin?” pagalit kong sinabi kay Calla.

Now, she’s on the verge of tears. Wearing her white conservative dress, my friend looked like a doll crying. At mas lalo lang lumago ang iritasyo ko kay Luigi.

“Halika nga rito!” sabi ko sabay higit sa aking kaibigan ko.

Alam kong dahil may asawa na siya, hindi na dapat siya lumalabas ng ganito. Ang iba kasi’y iniisip na naghahanap ng lalaki kapag pumupuntang Club pero para kay Calla, it’s like an exercise of happiness and freedom. Na hindi niya naranasan dahil maaga siyang nagpakasal.

I tried to justify this action by saying that I will not get drunk. I will watch over her the whole time!

“Sinong tinitext mo?” tanong ni Calla habang naghahanap ako ng ibang damit.

I feel like dressing her up. Don’t worry, Luigi, I will take care of your beloved. Sana lang mali si Calla sa mga naiisip niya sa’yo.

“Si Caleb. Hindi tayo pwedeng pumunta roon ng tayo lang. We need your brother, you know…” sambit ko.

I curled her long hair. Put some make up on and she’s ready!

Pagkalabas namin ay manghang-mangha si Belinda sa ginawa ko kay Calla.

“Wow! Saan punta n’yo, Ma’am? Naninibago akong tingnan ka sa suot mong ‘yan, Ma’am Calla!” ani Belinda.
“We’re partying tonight, Belinda. Uuwi rin agad kami ng before midnight. Because we all know that Calla’s the prince’s wife.” I smirked then rolled my eyes.

Sana talaga nagkamali si Calla sa iniisip nito kay Luigi.

Habang kumakain kami’y nagring na ang cellphone ko sa tawag ni Caleb.

“Nandito na ako. Nasaan na kayo?” aniya sa isang malamig na boses.
“Caleb, you’re so early!” sambit ko.
“You know I’m worried about you, Zari. I didn’t know you were jealous of Maica kaya hindi ka dumalo?” his voice is overly dramatic.

Kung hindi ko lang siya kilala, binabaan ko na siya kanina pa.

“Shut up, Caleb. You know why I hate those girls but you didn’t have to break up with her.”

Humagalpak siya sa tawa. Napairap na lamang ako. Mabulaklak talaga ang bibig nitong isang ito! He knows how to flatter someone but… so sad I know how, too.

“I’m tired of her anyway. Siya ang pinakamagastos kong naging girlfriend! Pero kung naging girlfriend kita, pakiramdam ko mas magastos ka,” he joked.
“Ugh! Shut up! Just wait there and let us eat her in peace.”
“Si Luigi ba, kasama n’yo?”
“Hindi, e. Please, don’t tell him.”
“Why?”
“Basta! Anyway, he’s busy!”

Calla’s eyes met mine. Parang alam niya agad kung sino ang pinag-uusapan.

So it was already too late when it dawned on me how wrong it is to come to that club, though with pure intentions, but with Caleb… and Calla… but with Caleb!

I parked my car outside. Bago pa makapasok ay nagtipa na ako ng mensahe para kay Radleigh.

Ako:
Rad, I’m in Paranaque. With Calla and Caleb. I’ll go home before midnight. :)

Nakapasok na kami sa loob. I asked some ushers where Caleb Samaniego is. Iginiya agad kami sa isang malaking sofa. Naroon si Caleb na may dalawang babae na sa magkabilang gilid. When he saw us agad niyang tinakwil ang mga babae causing them to step aside and go.

Umiling ako.

“Hello!” he smiled at me then to his sister.

Tumayo siya at naupo na sa tabi ko. Sinuyod ng mga mata ni Calla ang maingay na bar, tila namamangha.

“Hi, jealous…” patuyang sinabi ni Caleb.

Umusog ako para ipakita sa kanyang hindi ako natatawa sa joke niya.

“For all we know that girl is just a gold digger. You know how much I hate those ex friends but I did not say you should break up with her!”

Habang nagsasalita ako ay panay ang senyas niya sa waiter na dagdagan pa ang inumin. Like we would drink so much? At tatlo lang kami rito ha! Pwera kung isama niya iyong mga babae niya kanina.

Mas mabuting isama niya iyon. Because if we’re to drink all he ordered, our liver might give up.

“So what happened to your trip?”

Nanliit ang mga mata ko kay Calla na ngayon ay sumisimsim ng alak. It’s her second shot! At hindi pa kami nag lilimang minuto rito!

“Well, I got the blueprints. I’ll order soon. Can you recommend a good hut makers or something?”
“We make huts, too. By request?” he smirked.

Ngayon ko lang napagtantong mukhang tipsy na ang isang ito. His pale skin is now tinted with pink. Oh great! I brought him here to take care of his sister, katulong ko, ngayon mukhang pati siya’y poproblemahin ko pa.

“You’re bluffing. And… I don’t trust you. You’re a business major, not an Architect or Engineer. Products made by them are way, way better.”
“We have Architects and Engineers, too, Zari. At kung sana boyfriend mo ako, e ‘di, may personal Architect na ako!”
“Oh God, please!”

Nagtawanan kaming dalawa ni Caleb. He knows where this is going. Hindi ako sigurado kung sila ba ni Calla ang magkapatid o kami ni Caleb.

Tumunog ang cellphone ko ilang sandali ang lumipas. I saw four missed calls from Radleigh.

Oh my God!

He called again. I warned Caleb and opened my phone.

“Hello, Rad…”

He didn’t speak.

“Rad? Are you there?” medyo natatawa kong tanong.

Maingay. Hindi ko siguradong naririnig ko ba siya o hindi.

“Where in Paranaque?” his voice stone cold.
“City of Dreams. Why?”

He cut the line immediately. Dinalaw na agad ako ng kaba. Nanlamig ang mukha ko at pakiramdam ko’y kailangan ko nang umuwi! Why do I suddenly feel guilty?

Ganito ba talaga kapag…

Wait lang. Si Calla nga, asawa niya ‘yon, okay lang naman?

Nilingon ko ang kaibigan ko na ngayon ay hindi ko na alam kung pang-ilan ang iniinom.

“Who called?” Caleb asked.
“Nevermind that, Caleb. Look at your sister. Please don’t drink much or I’ll carry both your dead bodies.”

Hindi nagsalita si Caleb. Nilingon ko siya at nakitang nakatitig sa kanyang kapatid na kunot ang noo.

Hindi kalaunan ay nagdeklara na si Calla na sasayaw. Gustong pigilan ni Caleb pero pinagsabihan ko siyang hayaan niya ito.

“Ang mabuti pa, sundan mo siya roon.”

Umigting ang panga ni Caleb at wala ring nagawa. Calla is not drunk but in that dancefloor, we’ll never know.

Mag-isa na tuloy ako sa sofa. Gusto ko tuloy ayain ni Caleb ang mga babae niya para naman may kasama ako. I tried one shot after fifteen minutes of just listening to music.

“Huh!” Calla wiped her forehead.

Sa wakas! Nakalabas na rin siya. Nilingon ko ang dancefloor ngunit hindi ko na nakita si Caleb. I’m sure he’s just there, though.

“Ayos ka lang?”

Uminom muli siya ng dalawang consecutive shots. I stopped the second one but she pouted. Oh my God, Zariyah Isla! You have a very questionable decision making skills!

“Don’t stop me, Zari. Hindi ko ito naenjoy! Actually, hindi ko na enjoy ang pagiging dalaga ko!” banta niya.

Now, she’s being talkative. That should be a bad sign! She elbowed me – not something that she’d do if she’s sane.

“Mabuti ka pa! Boyfriend lang ang meron. If you don’t want him anymore, you can just break up with him! Ako? If we don’t want each other anymore, we can’t just break up!” pahisterya niyang sinabi.
“Calla,” I know it is pointless to give advice right now. “You’ll learn to love him. Sa nakikita ko naman sa kay Luigi ngayon, maayos naman siya. Pero sige, since sinabi mo na may babae siya, can’t you just talk this out? Since like you said, you can’t break up with him. Kailangan n’yong mag-usap dahil mahaba-haba pa ang pagsasama ninyong dalawa sa buhay na ito.”

Wow! Zariyah Leviste, the ideal wife! Ibang klase talaga ang nagagawa ng isla!

“Oh! Kahit anong pag-uusap, Zari. Iba rin naman kasi ang gusto niya. He likes wild girls!” she almost purred her last statement.

My God. Sorry, Luigi, nagkamali ako!

“I did everything to make him happy! Kaya ikaw, if you want to keep Radleigh, do everything as well. Pero that doesn’t always mean he’d stay, anyway.”

What the hell? May ampalaya plantation yata itong si Calla sa kasalukuyan.

“I…” She motioned something lwed with her right hand.

Pataas-baba iyon na naka bilog ang gitna. Uminit ang pisngi ko nang napagtanto kung ano ang ibig niyang sabihin.

“… do that to him. And also, blow job! Damn it! Pero walang silbi kung gusto niya ng kung ano pa!”
“Oh Calla!” Napapikit ako. “Too much information!”

Hindi naman ako ganoon ka conservative pero ayaw ko nang naiimagine siyang ginagawa iyon kay Luigi!

Nalingat lang ako dahil sa sinabi niya ay uminom muli siya ng isa pang shot. Luigi came back to us. Sinenyasan niya ako kung maayos ba ang kapatid niya. I showed him a thumb’s down.

Tumayo si Calla at muling bumalik sa dancefloor. Mid way, Caleb blocked her. Nagtalo sila ng ilang sandali ngunit nakawala rin agad si Calla kaya sinundan muli ito ni Caleb.

Wow! I feel so guilty!

Kinuha ko ang isang shot – ang pangalawang shot ko sa gabing iyon para inumin ngunit may umagaw nito noon sa akin.

Kunot-noo kong tiningala kung sino. The crowd on the dancefloor has gone wild now. Napatuwid agad ako sa pagkakaupo nang nakita kung sino ang naroon.

“W-Why are you here?” I asked.

Matalim niya akong tinitigan. Binaba niya ang shot glass ko at naupo siya sa tabi ko.

Hindi na ako sigurado kung dahil ba sa bass kaya bumibilis ang takbo ng puso ko o dahil narito siya. Wearing just a gray t-shirt and a dark jeans, he still fits the place. Samantalang ang suot kong sweetheart tube dress ay pinag effortan ko pa para lang dito.

His eyes went down on my chest. Busangot ang kanyang mukha at agad na nilagay ang braso sa aking likod.

“So, this is your plan that’s why you want me to stay in my condo, huh?” he whispered.
Umiling agad ako. “This is unplanned, Rad! Nagkataon lang! I feel like Calla has a problem with Luigi so…”
“Any other way to fix a problem than go to a club? Hmm?” nahihimigan ko ang konting iritasyon sa boses niya.

He wants me to explain to him in 100 words why we’re there. Ngayon, talagang mali pala ito.

“She wants to come here. Plus, medyo tampo pa sila ni Caleb sa akin dahil hindi ako pumunta noong Friday, hindi ba?”

His face remained the same. Hindi ko alam kung naniniwala ba siya sa akin o may hindi siya nagustuhan sa sinabi ko.

“Totoo!” I exclaimed.
“So what if he gets mad at you, then? Why is it a big deal?”

Sinimangutan ko siya. But his expression didn’t change at all.

“Zari… Z-Zari…” Caleb’s voice echoed despite the loud bass from the stereo.

Sabay namin siyang nilingon ni Radleigh. Bumagal ang lakad ni Caleb nang nakita kung sino ang kasama ko.

Nagkatinginan ng ilang sandali si Caleb at Radleigh. Nakikita ko ang mga tanong sa mga mata ni Caleb pero hindi niya isinatinig.

“I can’t find Calla…” balita nito sa akin.
“W-What?”

Napatayo ako dahil sa balita ni Caleb. Tumango si Caleb, tumingin muli kay Radleigh, pagkatapos ay nilingon ang dancefloor.

“Oh my God!” baling ko kay Radleigh.

Radleigh nodded at me. Kahit na busangot ang mukha ay nagawa pang magtawag ng awtoridad kung saan. Makes me wonder if its his first time in this club.

He explained it to the authorities. They asked for a picture kaya agad kong ipinakita ang isang selfie namin ni Calla kanina pagkatapos ko siyang make up-an.

Tumango ang mga bouncer at kinalat na sa kanilang mga kasamahan. I also wonder if it’s allowed to put her name on the screen but for sure she won’t see it! She’s a bit tipsy!

Habang kausap ni Radleigh ang mga awtoridad at gusto nang bumalik ni Caleb sa dancefloor, namilog ang mga mata ko nang nakita si Calla na hawak sa baywang ng isang lalaki.

“Caleb! Caleb!” I panicked.

Nalaglag ang panga ko nang nakita kung sino ang lalaking iyon. Wearing a white button down shirt and slacks, Gino – Rad’s bestfriend, is holding mine on his arm!

“What the fuck, dude?!” sabay tulak ni Caleb kay Gino at kuha nito sa kay Calla galing sa kanyang braso.

Tinaas agad ni Gino ang kamay niya bilang defense.

“Calm down. I saw her forced by man to dance on the dancefloor. I just saved her from them…” malamig na sabi ni Gino sa kay Caleb.
“Gino…” si Radleigh.

Tumango si Gino kay Rad na parang hindi na katakataka ang pagkikita. Naguguluhan ako pero dinaluhan ko na lang si Calla at pinaupo sa sofa.

“He’s my friend, Luigi. No need to pick a fight. I’m sure his intention good,” matamang sinabi ni Rad nang nakitang galit parin si Luigi.
“Calla!” tawag ko habang abala ang tatlo sa pag-uusap.

Calla smiled. Her make up slightly smudged. Damn! Wrong idea! Ngayon pa lang nanginginig na ang kalamnan ko sa iisipin ni Luigi.

“Calla, come on! If you get drunk like this, I doubt if Luigi will let you go to a club again!” I whispered.
“Oh, damn him! He probably wants girls who licks his balls.”

Tangina. Can she stop it for a while?

“Caleb, please, I know Gino, too. Can we just get her some water please?” pagsusumamo ko dahil halos ‘di tantanan ni Caleb si Gino na mukha namang maganda nga ang intensyon.

Rad and Gino both raised their hands for the waiter. Ang waiter ay kay Gino lumapit. Binulungan niya ito. Tumango ang waiter at umalis. Hindi pa nag iisang minuto ay may tubig na si Calla.

“Calla, please…” sambit ko sabay hawak sa baso ng tubig.
“Why did you let a pretty girl get drunk, anyway? Zari…” si Gino. “And she seems so innocent. Hindi ba niya alam na hindi lahat ng naritong lalaki ay mabubuti?”
“Gino…” banta ni Radleigh.

Gino sounds a bit serious. Kung hindi lang sana ako busy sa pagpapainom ng tubig kay Calla ay humingi na ako ng paumanhin sa kanya. Wow! Ba’t sa kanya?

Naubo si Calla nang medyo hindi magandang anggulo ang pagpapainom ko sa kanya. Napamura ako. I feel like I almost drowned her with the water.

Maagap na dumalo si Gino, brushing Caleb away from where he’s standing.

“Ako na…” may awtoridad na sinabi ni Gino.

Tahimik kong naibigay sa kanya ang baso ng tubig. Indeed, he’s done a great job at making Calla drink the water. Nagkatinginan kami ni Radleigh na ngayon ay lumapit na rin sa akin.

Before Gino could put the glass down the table, may dumukot na sa kanyang kwelyo at ilang segundo’y umusog ang aming sofa dahil sa lakas ng impact. Itinapon ni Luigi si Gino palabas ng U shaped place namin. Agad na dumiretso si Radleigh kay Gino upang pigilan ito sa ambang pag suntok kay Luigi, si Caleb naman ang pumigil sa gagawin ni Luigi.

Oh my great God!

“Calla!” sigaw ko.

She opened her eyes and surveyed the scene. Parang wala sa sarili.

May binulong si Radleigh kay Gino. Gino clicked his neck before walking away.

“Sino ‘yon!?” sigaw ni Luigi kay Caleb.
“He’s my friend. Tinulungan niya na makawala si Calla sa mga bastos sa dancefloor.”
“L-Luigi!?” Calla said in horror when finally she realized who it is.
“Umuwi na tayo!” parang kulog ang boses ni Luigi nang hilahin niya si Calla.

Tumayo ako para sana makahingi man lang ng paumanhin. But Luigi’s fuming anger didn’t let me speak a bit!

Umalis na siya, kasama si Calla. He even scooped Calla up in an arm carry. Shit!

Ilang sandali pa bago ko naproseso ang nangyari. Naupo ako sa sofa, unable to move or speak. Everything came very fast, like a whirlwind.

Nagkatinginan kami ni Caleb. Naupo si Radleigh sa tabi ko.

“You didn’t tell Luigi?” he asked.
Umiling ako.

Naupo na rin si Caleb sa sofa at pareho kaming tulala sa nangyari. Ilang saglit ay napagtanto ko kung gaano iyon ka awkward. Me and Radleigh, then Caleb.

Gusto kong yayain umuwi si Rad pero nakakahiya kay Caleb, ako kasi iyong nagyaya!

“Shall we go home and leave him here?” Radleigh whispered.
“Hindi pwede. That’s rude…”

Caleb glanced at us. He saw us whispering at each other. Damn! I suddenly feel mean.

“Caleb, sorry ha? Nakakahiya ang nangyari. Galit na tuloy si Luigi. Calla just wants to have fun.”
“No… It’s okay, Zari…” sabi ni Caleb.

Si Radleigh ay hinahagod na ang hita ko sa kanyang pagpalupot ng kanang kamay sa akin. I saw Caleb’s eyes a bit distracted by what Rad is doing.

“But we have to apologize to Luigi tomorrow. Ano raw ba kasing problema ni Calla?”
“I am not sure if I’m allowed to say it to you. Better ask her when she’s fine tomorrow. You think she’ll be okay?”
“She’s with Luigi. She’ll be okay.”

Natahimik ako. The party exploded more leading Caleb’s eyes to the dancefloor.

“Why is Gino here, anyway?” bulong ko kay Radleigh.
“To have fun, I guess?”

Tatlong babae ang biglang tumigil sa aming harap. Dalawa ay nakatingin kay Radleigh at ang isa ay nakay Caleb.

“Hi, Caleb! Kayo lang? ‘Di kayo sasayaw?”

Sumulyap si Caleb sa amin bago nginitian ang babae. The other two girls were smirking at Radleigh. Hello? Am I invisible here?

Pinasadahan ko ng tingin ang mga babae at nakita kong ganyang ganyan ang tipo ni Radleigh na babae. Nilingon ko si Radleigh na ngayon ay nag-iinitay sa aking mga mata. Bumaling ulit ako sa mga babae bago nilagay ang kamay ko sa hita ni Rad.

“Well, I’ll dance now!” Caleb said in a very energetic tone. Mukhang naka move on na sa nangyari sa kapatid.

The other two girls didn’t seem to mind me. Tumayo si Caleb at hinawakan na agad ang baywang ng nagyaya sa kanya. While the other two girls were still eyeing my man.

Get off, bitches.

I craned my neck and tilted my head a bit. I know what he’d do if I’ll do that. He sniffed and kiss me below my ears then he chuckled. Mataman kong tinitigan ang mga babae.

Ang kamay kong nasa tuhod niya’y pinaglandas ko paakyat hanggang sa tama lang na hindi ko mahawakan ang kanya.

Bitch. He’s mine.

Nawala ang ngiti ng mga babae at umalis na rin sa aming table. These girls lack breeding. Or maybe, Rad’s just that attractive that they all hope he’d leave me for them.

“You should give those girls to Gino,” sabi ko dahil abala na siya ngayon sa paglandas ng kanyang labi sa aking leeg.

There there… I know how to make you busy.

“He seems lonely…”
“Kay Caleb na lang iyon. He needs more girls so he’d stop meddling with you.”

Ngumuso ako at napagtanto kung saan nga pala nanggagaling ang galit niya kay Caleb. Days before I rejected him, everyone thought I cheated on him. Kahit siya.

Nagkatinginan kaming dalawa. Parehong seryoso only that he’s eyes were a bit erotic.

“Magkaibigan lang kami ni Caleb.”

Umigting ang kanyang panga. He snaked his arms on my waist, making me feel the way he can touch me. Damn!

“Yeah…” he trailed off.

I’m not sure if he believes me.

“Did you believe that I went with him in that hotel?”

Alam niya bang siya ang nakauna sa akin? O iniisip niyang ilang lalaki na, bago siya?

My heart hurt at the thought. And the thought that maybe, kung ‘di niya alam, hindi ko na lang babawiin. Dahil mas mabuti pang ganoong klaseng babae ako sa paningin niya. Para sa huli, madali lang ang lahat. He’d realize that I’ve been a slut my whole life and I’m not worth it.

“Yes…” he hissed.

Sumakit ang dibdib ko. Marahan akong tumango at nag-iwas ng tingin. Nanatili ang mga mata niya sa akin. Eyes like that of a powerful storm… very mysterious… we won’t know when it’s going to devastate us… we just know that it’ll seriously destroy everything.

“To eat Ramen,” dagdag niya.

Nagulat ako roon at natingnan siyang muli.

“I saw you kiss him near his car, though.”

Nilagay niya ang kanyang ilong sa aking tainga, making me fail to watch his eyes as it slowly changed.

“I was about to surprise you before the engagement but… you… fucking surprised me with that instead.”

Alam kong naroon siya sa party pero hindi ko alam na nakita niya kaming naghalikan!

“W-What?”
“Uh-huh… I just saw your lips kissed by another man days before our engagement,” sobrang lambing ng pagkakasabi ng bawat salita na hindi ako makapaniwala.
“It took me one day to recover from the biggest hangover of my life. I got drunk to forget that, Zari. But… I couldn’t.”
“H-Hindi ko alam! I-I was only drunk. I never had feelings for Caleb, just like the other boys, Rad. Caleb is just my…”

Pinilit kong harapin siya pero ayaw niya. He firmly put his lips below my ear, kissing a bit of my neck and hair.

“Friend! My brother!” sabi ko.
“Kung alam ko lang… na tatanggi ka, noon. Sana pinilit ko na lang ang sarili kong h’wag magtampo. Sana… pinatawad na lang kita agad. I’d probably never lose you if I didn’t think about the kiss.”

Kinagat ko ang labi ko at umiling. My chest hurt at the thought that… he’s wrong. Kahit na inalu niya ako noon, hinding hindi magbabago ang isipan ko noon. I will still… still say no to him.

“Aren’t you happy that you’re successsful right now? H-Hindi natin alam, baka dahil ‘yan iniwan kita?” nanginig ang boses ko kaya muli kong kinagat ang labi.
He groaned and hugged me tighter. “Screw success if that means you’ll leave.”
“W-What?”
“Is that what you’re planning now? Hmmm?”

Pumikit ako ng mariin at mas lalo lang yatang sumakit ang aking puso. Hindi ako nagsalita ng ilang sandali.

“I’m the fire that will burn you to ashes, Rad.”
“So… you are planning that, huh?” he concluded.

Damn! Tinikom ko na lang ang bibig ko at pinagmasdan ang mga kamay naming dahan-dahan niyang pinagsasalikop.

“I will burn happily, baby…”

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Comments are closed.