Island of Fire – Kabanata 33

April 5, 2017 By In Island of Fire Comments Off on Island of Fire – Kabanata 33

Kabanata 33

I left the office earlier than my plan.

Agad kong tinapos ang meeting namin ni Caleb. Hindi naman nagtaka ang dalawa sa ginawa ko. He only reminded me of his birthday tomorrow. I greeted him and tried to think what I can give him tomorrow.

Ayaw kong sumali sa party niya kahit na sabihing gusto kong pumunta sa club na iyon. For sure, my ex-friends will be there.

I texted Rad that I’ll need to go home earlier. Na kailangan kong mamili para sa byahe namin ni Ethan kahit na ang totoo’y hindi naman.

Radleigh:
Ok. Take care. Will you call me once you’re on the road?

Ngumiti ako at nagtipa na rin ng sagot. Slowly, my smile faded at the thought of his mother’s angry eyes.

Ako:
Okay. Take care, too.

Maybe this is wrong. Bakit ko nga ba siya pinagbibigyan? Dahil gusto ko rin siya. Ngayon, kung wala pala akong planong maging kaming dalawa, gaya ng sinabi ko sa kanyang ina, bakit pa ako…

Siguro nga ay pinagbibigyan ko lang ang sarili ko. I want him so I stayed.

But right now… is it enough to want him?

Nakahalukipkip ako habang nakatingin sa labas nitong SUV nina Ethan. He’s beside me making some calls for his employees.

Ang driver at isang bodyguard ang nasa aming harap at ngayo’y patungo na kami sa Cavite, ayon sa kanyang plano.

I took my phone out to text Radleigh again. Pagkatapos ay si Calla naman.

Ako:
Calla, hindi ako makakapunta sa party ni Caleb. His girlfriend, Glaiza, and Charm will be there for sure. Something happened in the office yesterday. I don’t want to meet them again for now.

Binaba ni Ethan ang kanyang cellphone at nilingon na ako. Nagkatinginan kaming dalawa. Both serious-looking but I can’t seem to get serious with him.

“I heard what happened yesterday,” panimula ni Ethan.
Nagkibit ako ng balikat.
“Is it bad?”
Huminga ako ng malalim at nilingon na muli ang aking pinsan. “Daddy just announced that we have plans on merging with the RHI through marriage.”

Bumaling si Ethan sa daanan. His mouth wide open in disbelief and control. Humalakhak ako. Trying to put humor on that.

“Though I’m a bit guilty. Dad is just desperate. Ganyan din ang pakiramdam ko noong niyaya ko si Radleigh na magpakasal kami.”
“If he said “yes” to your proposal, ano sa tingin mo ang mangyayari?”
“Well…”

I actually haven’t thought of that. Parang alam kong tatanggihan niya iyon pero umaasa akong hindi.

“I’m not sure. He’ll marry me? His mother would hate me so much. Not that she doesn’t hate me now.”
“You’d probably plan for your wedding. Malaki pa ang chance na makidnap ka nga ng mga humahabol kay Tito Geoffrey.”

Hindi na ako nagsalita roon. I know my faults and I think that’s the last desperate move I have. Ngayon ay unti-unti ko nang natatanggap na hindi ko na maibabalik pa ang noon. That right now, I am not anymore the rich girl who can just stay idle for the rest of her life. I need to work to earn. I have money but not enough for me to shop and stay idle my whole life.

“What did Tita Relani say to you?” tanong ni Ethan.
“She just concluded that I’m really planning the merge through marriage. Hindi ko naman pakakasalan si Radleigh…”
“Anong tawag mo sa relationship n’yong dalawa? Are you telling me that you two are in a relationship, but are not planning to take it to the next level, Zariyah?” ngayon ay may diin na sa boses ni Ethan.

Ngumisi ako at bumaling muli sa kanya. Nanatili siyang seryoso. Feeling insulted about my probable opinion about it.

“It is not new to Radleigh, anyway. Besides, I can just slowly stay away from him right now. If that’s the case, I don’t think it’ll last long. Even his exes are the proofs that it doesn’t last long for him.”
“What exes are you talking about?” tanong ni Ethan.
“Chyna? Mariz Ong? Agatha Valderama? And I’m sure that’s not all?”
“His ex flings, you mean… Ewan ko sa’yo, Zari.”
“Ethan, half of me doesn’t believe in marriage. People cheat in the process of loving someone and I can’t accept that kind of shallow love. Alam kong alam mo ‘yan dahil ikaw mismo nakaranas niyan.”

His jaw clenched at my remark.

“There are still a few men who’re true to his words, Zari.”
Ngumiti ako. “Relani thinks I’m using Radleigh for my vices. She thinks I will bankrupt him. Or I’m going to be a hindrance to his future successes. Maybe she’s right… We don’t know.”
“So what are your plans now?”

Ngumuso ako at naisip na naman ang aking mga plano. It is all for my career… all for myself. Radleigh isn’t included.

“Go back to your masters?”
“Hindi. Bukod sa kailangan iyon ng pera, may sakit din si Daddy. My priority now is to earn. My professional development will come later when I’m stable.”
“Well, do you want me to fund your-”
“Hindi ako lumpo, Ethan, para maging dependent sa’yo o kahit kanino.”
Humalakhak siya. “Just trying you, Zari.”

Dahil papalubog na ang araw ay dumiretso na kami sa property ni Daddy sa Cavite. Dalawa iyon at may event pa si Ethan mamaya kaya isa lang muna ang binisita namin. Iyong pinakamalapit.

“Welcome to the proof that true love exists, Zari!” Ethan said pointing at our large manor.

Kasing laki ng mansyon ng aming Lolo sa Maynila ang malaking bahay na ito. Napaliligiran ng mga baging ang dingding at gate noong mansyon. Ang mga talahib ay sing taas na ng mga tao. Galing doon sa gate, tanging tunog ng mga kuliglig at mga alon ang naririnig namin.

Ethan walked towards the wooden patio. Sumunod naman ako patungo sa double doors nitong may nakaukit na dalawang kambal na anghel.

A ribbon is above their heads with a Spanish sentence. Hinawakan ko pa-isa-isa ang mga letra ng nakaukit sa laso.

“Teak. Mamahalin ang halos lahat ng gamit dito. Ang alam ko, binili ni tito ito galing sa isang pamilyang nangibang bansa na. It was a small house, according to Dad. Tito Geoffrey developed this manor for your mother. As a gift. Noong girlfriend pa niya ito.”
“Besarte es como ver las estrellas…”

Ngumiti ako nang nahawakan ang huling letra ng nakasaad. Nangilid ang luha sa aking mga mata habang tinitingnang mabuti iyon.

Naaalala ko si Mommy.

“What does it say?”
“To kiss you is like seeing stars…” nanginig ang boses ko.

Pakiramdam ko, maling mali ang pagpunta ko rito. How can I actually sell this? Half of Dad’s properties were already sold. Hindi ko maimagine kung kakayanin ko bang ipagbili iyon kung nakita ko.

“Gusto raw ng Mommy mo ng bahay sa tabi ng dagat. Guess you just escalated that, huh? Ikaw naman, gusto mo ng isla?”

Ethan opened the door of the manor. Puro cobwebs at alikabok ang naroon. It was like our mansion but with a touch of modern design.

Pumasok ako sa loob kasunod ni Ethan. Hindi ko kayang pumasok pumagitna sa sala nitong masyadong nagpapaalala sa akin kay Mommy.

Although most of my last memories with her were about our fights, hindi ko rin makakalimutan kung paano siya naging ina sa akin noong mas bata pa ako. I remember how we always ride in first class. We’d always have matching clothes. And I look up to her so much that I used to imitate her moves. Even the way she talks.

Nakapamaywang ang pinsan ko nang hinarap niya ako.

“Gastador man si Tita Lana, siya parin ang dahilan kung bakit lumago ang Vista Grande noon. For years the company grew even in the midst of the world crises. Nalugi lamang ng husto noong namatay siya at si Tito na ang humawak noon.”

Nanatili akong nakatingin sa mga muwebles na narito. Ang iba’y tinabunan na ng mga puting tela.

Ethan sighed.

“You don’t have to renovate this, Zari. My secretary found a buyer at mas malaki ang offer niya sa market value nito.”

Nanuyo ang lalamunan ko sa sinabi ni Ethan. I needed the money but do I have to sell this one? I should talk to my accountant and ask her to just look into other properties, dagdagan lang ng natitirang pera sa aking account para makabayad ng utang. Pwede naman siguro itong h’wag na lang ibenta?

“Pag-iisipan ko.”

After the trip, pumunta na kami ni Ethan sa Le Viste Condominium. I stayed in a room while he’s in a meeting with some of his boards. Ang alam ko, may properties din sila rito sa Cavite. Mas pinipili pa nga nina Tita at Tito na rito manirahan kesa sa Maynila kaya madalas din siya rito.

“Si Kuya talaga… I want to think it’s because he’s aging. He’s not like that, hija,” si Tito Eugene.

Ngayon ay kasabay ko silang mag dinner ni Tita Eliza habang si Ethan ay abala sa meeting. Nakarating din pala sa kanila ang balitang iyon. I can only imagine what the people thinks of us now.

Ikinakahiya ko iyon lalo na’t dala ko ang pangalan ng mga Leviste. Pati sina Tita Eliza at Tito Eugene ay paniguradong nadungisan din ang imahe.

Tita Eliza smiled weakly at me.

“I hope you forgive your father, Zari.”
I nodded and looked at my food. “It’s done, Tita. Kung iyon na rin naman talaga ang iisipin ng mga tao sa akin, tingin ko’y kahit anong kumbinsi ko sa kanila na hindi ako ganoon, hindi parin po sila maniniwala.”
“Especially that you’re working under the Vista Grande now,” si Tito.

Nag-angat ako ng tingin kay Tito na panay ang iling.

“Relani and Ares would think you’re using that to get close to their son.”

Bumagsak ang balikat ko roon. Hindi naman kasi ganoon. That’s my company. Of course I have to work there! Damn it!

“But I need work, Tito. Waiting for the interests from my share will take me years!”
“Naiintindihan ko. But it would be nice if you start your own. Let your money in that company be and work somewhere with people who won’t judge you.”
“Sa Le Viste, Zari? Ethan will welcome you!”
“Nakakahiya na, po. Ethan’s bought half of Daddy’s share. Manghihingi pa po ba ako ng pabor sa kanya? And I’m sure the positions are already filled.”

Uminom ako ng tubig. I don’t know if it is wise to tell them about my plans but I think their opinion would help.

“Hija, kasi… kung magpapatuloy ka riyan, everyone will only think that Kuya Geoffrey’s statements were true! Alam ng lahat na sa credentials mo’y kaya mong makakuha ng magandang trabaho sa ibang kompanya. Konti lang ang mag-iisip na ginagawa mo iyan para sa Vista Grande.”
“If I resign, the project I started would… well…” hindi na ako makapagdesisyon ng maayos ngayon.

My heart is in Vista Grande. Gusto kong ipagpatuloy ang kompanya ngunit sa ngayon ay tila imposible pa. Playing with my strengths, which is mostly designing, I have other ideas, too.

“I actually want to spend money to develop Isla Fuego, Tita, Tito…” sa wakas ay nasabi ko.

Nanatili ang mga mata nilang dalawa sa akin. Eager to hear about my plans. It made me a little happy that they are actually giving me a chance.

“Papasukin ko ang paghohotel but with a more laid back style. Only a housekeeper, security, and chef will be there. But I will need more attraction aside from the white sand, pristine waters, yacht, jetski, and view. Tutal ay nasimulan na rin naman siyang idevelop ni Daddy noon, gusto ko lang dagdagan ng konti ngayon.”
Umaliwalas ang mukha ni Tita Eliza sa akin. “That’s… that’s good!”
“I just need to establish a better transportation option.”
“Bakit hindi ang chopper, Zari? You should put that as an option! It will be very romantic for honeymooners!” excited na sinabi ni Tita Eliza.
Ngumiti ako. “Pag-iisipan ko pa, po, Tita. Since water and power is available in the island for free, mas malaki ang matitipid ko.”

I told them about my plan. Erasing the pain I’m feeling from what my mind is now considering. No… I won’t resign. Hindi bale na kung isipin nilang sinusubukan ko si Radleigh. I won’t marry him anyway. Even if I resign, they’ll think the same.

“Zari, forgive my intrusion but I just want to know. Are you in a relationship with Radleigh Riego?” si Tito Eugene ang nagtanong.

Napalunok ako roon. I know where this all will go. Pati ako ay hindi alam ang magiging sagot doon. Siguro ay sa relasyon ko kay Radleigh, pinagbibigyan ko lang ang sarili ko. I like him so much that I want to be with him. At the same time, I know that I can’t have him forever because I don’t want to be branded as a gold digger. Or prove his Mom right.

“Gene…” si Tita Eliza na tila pinipigilan si Tito roon.
“It’s okay if you won’t answer it. I am just concerned. Maybe the root cause of all of these isn’t just you being there in Vista Grande, but also you being in a relationship with him.”

Umismid ako habang pinaglalaruan ang wine sa aking glass. Bumaling ako kay Tita na ngayon ay malamyos lamang akong nginitian. I feel like she will understand.

“I like him,” I confessed.

Ni hindi pa nga iyon. Kulang pa iyon. I don’t just like him.

“But… I know what you mean, Tito. Dapat akong umiwas. Ang hirap lang gawin kasi gusto ko siya, despite the fact that it will destroy me,” I said a bit confused.

Tita Eliza nodded.

“It will really help if he’ll just vocally reject me or something. Or hurt me so I can just convince myself otherwise. Maybe it will help if he finds another woman?” I laughed to hide the slight pain my words gave me.
“Maybe resigning from your position could mean you can stay away from him, Zari. Mas dumami lang ang dahilan para umalis ka roon.”
“Pag-iisipan ko, Tito. If my plans go well, I won’t hesitate. If I have enough money, I’ll buy more shares until I get the majority.”

I only said that to comfort them now. I know how much they want me to stay away from the Riegos to spare our name. Ngunit hindi ko rin talaga kayang iwan ang Vista Grande. Or maybe, what I said is half true. If I’ll be successful somewhere, I’ll buy more shares, until I can finally leave being head.

Tumagal ang usapan namin ni Tita at Tito. I feel so comfortable with them. Nakakainit ng puso na kahit paano’y may mga taong naniniwala parin sa akin. We’re family and we’ll support each other in whatever we do. That alone speaks volume to me.

That even when people expects the worst from me, there are people who also believe.

Ang wine na ininom namin ay ang dahilan ng pagkakatulog ko agad pagdating ng kwarto. Sobrang himbing na kinaumagahay ipinagpasalamat ko iyon. Sleep erases my worries.

“Zari!” katok ni Ethan sa kalagitnaan ng tulog ko.
“Yeah!”
“It’s already five in the morning! ‘Di ka pa gising?!”

Napabalikwas agad ako sa higaan nang napagtantong nag oversleep ako. Agad akong naligo at nagbihis para makaalis na kami patungong Maragondon.

Ang bayang pinuntahan namin ay halos tulad ng unang napuntahan. Iyon nga lang, medyo malayo ang property namin doon sa dagat.

“I think kabayaran naman ito noong nagkautang sa Daddy mo noon kaya niya na acquire ang property na ito,” ani Ethan.

I brushed my palms against each other as I watch the sun rising from the fields behind the two-hundred square meter manor in front of us. Pati ang dalawang ektaryang lupain sa gilid nito ay nakapangalan kay Daddy.

“Hindi pa nakahanap ng buyer ang assistant ko. You may want to develop this before selling… but… it will cost you much. I think.”

Tumango ako at pinasok ang puting bahay na wala ring tao. Marami itong kapitbahay sa labas ngunit ito ang pinakamalaking bahay sa hilera nila.

We stayed there for a while until the sun has risen. Nagyaya na si Ethan na bumalik na kami ng Maynila.

“Minsan talaga kailangan gumastos kung gusto mong kumita rin ng mas malaki pa sa dating kita.”
“I don’t know, Ethan. Now that we’re here, I can’t seem to convince myself to sell the properties. Paano na lang kung makita ko ang ibang propriedad na naibenta na. I would want to buy them back.”
He sighed. “Alam kong may sentimental value ito sa’yo, Zari.”
“But I have to do it since this is the only way I’d earn money,” paliwanag kong alam ko na iyon ang kailangang gawin. Sinasabi ko lang naman ang pakiramdam ko.

Nilingon ko ang mahabang daanan pa kaliwa. Ang pakanang daan ay patungo namang Maynila.

Hinawakan ni Ethan ang pintuan ng SUV, tila hinihintay na magdesisyon akong umalis na.

Hinawakan ko ang strap ng aking Chanel backpack. The chains were colder than the wind that’s blowing my hair. Tiningnan ko ang Keepall sa loob ng sasakyan ni Ethan. Gusto kong kunin ang aking bagahe roon.

“What are you thinking?” tanong ni Ethan.
“Anong probinsya kung tutunguhin ang daanang ito?” tanong ko sabay turo sa kaliwa.
“Nasugbu.”

Tumango ako at bumaling kay Ethan. Biglaang nabuo ang loob. He looked at me curiosly.

“Malapit lang ako sa Batangas, hindi ba? I just want to check something.”
“Huh?” tila latin ang sinabi ko nang ‘di iyon maintindihan ni Ethan.
“I think I can ride something from here but if you want to support me, please bring me to the nearest terminal in Nasugbu. May sadya lang ako.”
“Why do you want to go to Nasugbu?”
I smiled. “I just want to, Ethan.”

Ayaw kong sabihin sa kanya ang mga plano ko sa ngayon. It will cost a fortune but like what he said, kailangang gumastos kung gusto kong kumita ng mas malaki.

He stayed quiet for a moment. Tinitigan niya ako habang malalim na nag-iisip. Kinuha ko ang bag sa loob dahil kung ayaw niya naman, pwede naman siguro akong sumakay patungo sa Nasugbu.

“You don’t have bodyguards,” he noted.
“May balita bang may kikidnap ulit sa akin?”
Umiling siya. Seryoso kahit na pabiro ang sinabi ko.
“Don’t worry, Ethan. Nakasakay na ako ng pampublikong bus dito sa Pilipinas. I know what to expect. And… there is first class in ships, right?” I smiled.
“Your bag is Louis Vuitton, Zari. Kahit humalo ka sa karamihan…”
Umirap ako. “So what? Come on, Ethan! Magtatanghali na! Not that I need your permission! Kung ayaw mo-”
“Fine! Get inside!” medyo masungit niyang sinabi.

Mabilis akong pumasok sa sasakyan at ngumisi na lamang.

Seryoso si Ethan habang nasa byahe kami. Busangot ang mukha kaya naisipan kong magsimula ng pag-uusap.

“Hindi ka mali-late!” sabi ko.
“Tsss. Magreresign ka?”
Tumawa ako. “Hindi. I just have other plans, Ethan. Chill.”

Nilingon niya ako. Busangot parin ang mukha.

“Did you text Radleigh about this? He’s expecting you to come this morning.”

Naitikom ko ang bibig ko. Hindi ko nga pala siya naitext. Somehow, naisantabi ko ang tungkol sa kanya dahil kagabi. Masyado akong preoccupied kay Tita Eliza at Tito Eugene kahapon.

“I will… later,” sabi ko, nagdadalawang isip na pagkatapos ng napag-usapan kahapon.

Inihatid ako ni Ethan sa isang terminal sa Nasugbu. ‘Tsaka lamang siya umalis doon nang tinaboy ko na siya at pinagalitan. He looked like a rejected puppy when I saw him step back to his SUV.

“Pinagtitinginan tayo rito dahil sa’yo!” paliwanag ko dahil ang mga tao sa terminal na iyon ay masyado sigurong nasisilaw sa SUV na dala niya.

Nang tuluyan nang nawala sina Ethan ay nagsimula na akong magtanong.

Isang bus ang sinakyan ko patungo sa bayan kung nasaan ang pier. Pagkatapos doon ay sumakay na ako ng barko.

The journey will take me eight to ten hours. And from Romblon, a boat ride for fifteen minutes, I will be in Isla Fuego!

Sa huli, mas maganda parin talaga ang ruta na galing sa Nabas. Mas mahaba man ang byahe at mas mahirap man ang dagat, mas convenient parin iyon para sa mga bibisita.

Walang signal sa laot. Nagsisi tuloy ako na hindi nasabihan ulit si Calla na talagang ‘di ako matutuloy sa birthday ni Caleb. At mas lalo akong nagsisi na hindi ako nakapagpaalam kay Caleb!

Ito yata ang unang pagkakataong sumakay ako ng pampublikong barko rito sa Pilipinas. Marami palang tao. Bukod sa turista, marami ring mga locals. May mga dalang manok, mga grocery at kung anu-ano pa.

Sometimes I get scared everytime I see someone looking at me. Even when their intention is to smile at me. Pero kalaunan ay nakasabay na rin ako.

Nilista ko ang mga kailangang gawin. Kailangan, pagdating ko sa isla, pupuntahan ko ang Planta ng ZAM. I’ll inquire from there and ask if they can deliver it to a near island. After that, I will ask a local boat to bring me to Isla Fuego.

Iyon nga ang ginawa ko. Alas kuatro nang dumating ako sa Isla. Nahanap ko kaagad ang planta dahil maraming nakakaalam sa isla ngunit sinabihan din ako na baka ‘di na ako makaabot dahil mag gagabi na. So I asked for the contact number instead so I can call when I’m already in the island.

Tama ang hinala ko. Mahigit na labing tatlong minuto lang ang itinagal ng byahe galing islang iyon patungo sa Isla Fuego.

“Salamat po!” sabay bigay ko ng sobra sa bangkero nang naihatid na ako sa isla.

Tumango ito at nagpasalamat na rin. Nilingon ko ang kabuuan ng Isla Fuego at naisip kung pinagpatuloy ba ng caretaker ang pag-aayos nito kahit na halos hindi na siya maswelduhan ni Daddy.

When I saw the properly raked sands, napatango na lamang ako. Maybe I should give them a bonus? It would help, for sure.

Isang beses kong nilingon ang nagbabantang lumubog na araw bago ko inakyat ang hinagdanang bato patungo sa mansyon.

Kukunin ko rin dito ang blue print ng dalawang mansyon. Siguro’y makakakuha rin ako rito ng mapa ng buong isla!

Pumasok ako sa loob ng mansyon at sinarado na ang pintuan. I opened all the lights.

Nilapag ko ang mga delatang dala na binili ko kanina sa terminal sa kusina, pagkatapos ay umakyat na para makaligo at makapagbihis sa aking kwarto. Hindi nagtagal ay lumabas na agad ako. Nilingon ko ang kwarto ni Radleigh noon.

Bumagsak ang balikat ko habang naaalala lahat ng nangyari.

Maybe Tita Eliza and Tito Eugene are right. Ang pagbigyan ang aking sarili kay Radleigh ay isang malaking kahibangan. This would destroy me more. Indulging myself with Radleigh will only make everyone conclude how true their speculations about me were.

Nilatag ko ang blueprint ng mansyon sa lamesa ng dining area. Kulay kahel na ang ilaw galing sa labas, hudyat na papalubog na ang araw.

I turned the chandelier on before returning to the blueprint. Sinusuklay ko ang basang buhok gamit ang brush habang pinagpaplanuhan ang gagawin sa mga kwarto nitong mansyon at ng nasa baba na nagsilbing Headquarters ng mga bodyguards noon.

Before I can think about it, the main door opened. Natigilan ako habang tinitingnan kung sino ang papasok. Sinarado ko iyong mabuti pagkapasok ko rito kaya ang sino mang papasok, paniguradong may susi!

Radleigh’s silhouette filled my eyes. Hindi ko alam kung bakit imbes na mapanatag ako ay mas lalo lang akong kinabahan. I brushed my hair once. Naglakad naman siya patungo sa kung nasaan ako. Unti-unti kong nakita ang galit sa kanyang mga mata nang nakalapit siya.

Nilingon ko ang orasan at nakitang Alas singko na ng hapon. Paano niya nalamang nandito ako? At hindi siya nag chopper!

“R-R-Radleigh!” nauutal kong sinabi.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Comments are closed.