Island of Fire – Kabanata 32

April 5, 2017 By In Island of Fire Comments Off on Island of Fire – Kabanata 32

Kabanata 32
Marry

I feel so weak.

Sinarado ko ang pintuan ng elevator at umakyat na ito paitaas. The excruciating pain in my chest made me so numb. Hindi na ako umiiyak ngunit sa kalooblooban ko, gusto kong magsumigaw.

Paano mo ipapakita sa lahat ang tunay mong nararamdaman? While words can easily be said without the real intentions, actions can also be lies. Kaya kahit saan ako pumili, pareho lang iyon. No one would believe. Everyone expects the worst from me.

“Magandang gabi, Ma’am Zari! Nakapagluto na ako ng dinner. Ikaw lang?” maligayang salubong ni Belinda sa akin pagkapasok ko ng pintuan.

I smiled weakly at her before nodding. Dumiretso rin ako sa aking kwarto. Hindi ako ginugutom. All I want to do now is to rest. I am tired. Physically and emotionally.

Tinanggal ko ang aking sapatos at humiga na sa aking kama. I hugged my pillow tightly as hot tears fell from my eyes.

Pinalis ko agad iyon. Nanatili ang mga mata ko sa lamp na nasa tabi ng kama ko.

Both actions and words are the same. They both can easily be tampered. Ganoon din ang iniisip ng mga tao. Even when I tell them and show them my real feelings, nobody will believe anyway.

The image of Radleigh’s eyes when he tried to hold on to me before I slip away filled my mind. Ang takot ko ay sariwa pa rin sa akin. Ang takot na hindi ko na namalayang sobrang layo ang agwat naming dalawa. Hindi lamang sa pinansyal na kakayahan, pati na rin sa pag-uugali.

I remember how I’ve been so rude to him before. How I don’t care what he thinks of me. How I’m always the materialistic one while he’s doing his best for his job. Kung gaano hindi na mawawala sa isipan ng mga tao ang ugali ko noon, hanggang ngayon.

How… the people I respected so much were disappointed. How I want to just get out of their way to spare them from the disappoinments I will bring in the future.

Bumukas ang ni-lock kong pintuan. Lumipad ang tingin ko roon at nang nakita ko si Radleigh na nakatayo at may hawak na susi ay kinabahan ako.

He closed the door behind him. Nilagay niya ang susi sa tukador ko.

For a moment, I thought it’s just a dream. Naupo siya sa aking kama at umuga agad ang paanan nito.

He removed his coat and tie. He removed his shoes. Itinabi niya iyon sa mga gamit ko. Nanatili ang tingin ko sa kanya, tahimik parin siya ngayon.

Ang kanyang wrist watch naman ang tinatanggal niya ngayon. Nilagay ko ang likod ng aking mga daliri sa aking labi habang tinitingnan siya. Nilingon niya ako. His dark eyes are in the middle of a big dark storm.

Lumapit siya sa akin. Gamit ang likod ng kanyang palad ay hinaplos niya ang aking pisngi. When he felt the moist of my cheek, he sensually wiped it with his thumb. Napapikit ako sa sobrang lambot ng pagkakapalis niya ngunit mas lalo lang yatang piniga ang puso ko roon. He’s always been so gentle with me.

Huminga ng malalim si Radleigh at tumabi na sa pagkakahiga ko. His large frame didn’t fit the space kaya umatras ako sa kama para magkasya siya. He couldn’t fit. Not just here… even in my whole world, actually.

“I’m sorry. My father caused a scandal,” sabi ko kahit na medyo nanginginig pa ang boses.
Umiling siya. His eyes hooded and brooding.

I smiled weakly to hide the pain. He threaded my hair gently as we stayed that way on my bed.

“Dami pa namang tao. May media pa.”

Ayaw kong makita niyang sobrang dinamdam ko ang lahat ng ito. Ayaw kong maawa siya sa akin. Ayaw kong maramdaman niya ang panlulumo ko kahit na kanina pa lamang ay ipinakita ko iyon sa kanya. My emotions escaped. Now, I am in full control of it. Ang maiksing byahe galing opisina hanggang dito ay nakatulong kahit paano.

“Baka mamaya, ikasisira pa iyon ng image mo?” nag-aalala kong sinabi.

Hindi parin siya nagsasalita. Patuloy ang panonood niya sa akin, tila tinatantya ang aking ekspresyon at magiging susunod na kilos.

Gustuhin ko mang umalis, gaya ng ginawa ko dati, para lang mapatunayang hindi pera ang habol ko sa kanya, alam kong hindi na iyon basta-bastang mangyayari ngayon. My father’s debts are now mine. Ang mga propriedad na hindi ko pa nabibenta ay kailangan kong pagtuonan ng pansin para tuluyan na akong makapagbayad sa mga nalalabing utang.

My father is also sick. He needs medical attention. Nobody can provide that but me. Leaving would mean being irresponsible. Leaving would mean I give all the responsibilities to Ethan. Ayaw ko ng ganoon. Kung kaya ko naman, gagawin ko. At lalong ayaw kong umasa kay Ethan. If only I have other choice other than telling our shares to Ethan, iyon na siguro ang ginawa ko.

“Si Daddy talaga, wrong timing pang pumunta ng opisina,” I joked.

Nanatiling seryoso si Radleigh. Pakiramdam ko tuloy hindi siya totoo sa aking harapan. Ang tahimik niya.

“I hope you don’t… uh… believe what my father just said.” Umiling ako. “We have no plans like that, Rad. Maybe I did… pero ngayon, wala na…”

Kumunot ang noo niya at hinila niya ako patungo sa kanyang dibdib. Mahigpit ang kanyang yakap sa akin. With my hands against his chest as our borderline, nanatili ang tingin ko sa kanyang kwelyo. Ang mga pintig ng kanyang puso ay damang dama ko… mabilis at malakas. O hindi kaya, akin naman ang pintig na iyon?

Hindi na ako nagsalita nang napagtantong tapos na ako sa pagpapaliwanag. Even if I tell and show him that, it will still be the same.

For a long time, we stayed that way. Ang kanyang bango ay unti-unting naghahari sa aking sistema. I feel hypnotized. I feel so comfortable in his arms. I feel like in his arms, I won’t need anything. That… I fit perfectly in him. Kahit sa totoo’y napakalayo na ng agwat. At baka noon pa man, hindi naman talaga ako ang para sa kanya.

He kissed my forehead and my hair. Dahan-dahan bawat minuto.

“Why won’t you come with me?” he softly whispered.

Sana ay madaling sagutin ang tanong niya. Ngayon, ako naman ang hindi makasagot. Nanatili akong nakiatingin sa kanyang kwelyo at leeg. His adams apple is moving as he speaks. His voice is hoarse and almost husky.

“What did my mother tell you?”

Parang kay hirap sagutin ng lahat ng mga ibinabato niyang tanong. The storm in his eyes must’ve been the reflection of his internal storms. Something that he wants to know but I couldn’t easily answer.

I won’t come with you, Radleigh, because you are too flashy for me now. It is not his fault. He’s gained so much in the past years and he’s been successful while I am away. Hindi ko makakayang isagot sa kanya iyan dahil pinaghirapan niya naman ang lahat ng iyon. Dahil hindi kasalanan ang maging successful. It is me and my self-worth that’s talking. It is me and my fear of being judged, again, that’s talking.

Kung ano man ang sinabi ni Tita Relani Riego sa akin, tama lang naman iyon. She’s witnessed my selfishness when I was a kid. She’s tried to like me but ended up hating me after seeing the kind of girl I was. Or maybe… I am. Lahat naman siguro ng mga ina ay ganoon ang magiging tungo sa babaeng katulad ko.

“I have a car…” sabi ko upang malibang ang sarili sa masyadong seryoso niyang mga tanong. “And… Tita Relani was civil to my Dad.”

Kumalas ako sa yakap niya. Nagkatinginan kaming dalawa. His jaw clenched when I tried to smile playfully at him, hiding the pain I’m feeling. Hindi ako mamemerwisyo ng ibang tao. Lalo na sa kanya. I’ve caused him too much. I don’t need the pity.

Huminga siya ng malalim. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya tungkol sa mga rason ko pero tingin ay tama lang iyong mga sinabi ko.

We stayed that way until I couldn’t help but sleep. Sa kalagitnaan ng pagtulog at pagkakagising ay narinig ko si Radleigh na inuutusan si Belinda na kunin na lang ang hapunan namin para mailagay niya sa aking kwarto.

Kinabukasan, nagising ako na narito si Radleigh sa aking tabi. Sleeping peacefully, he still looked too stern. Ngumiti ako at kinalas ang nakadagang braso niya sa aking dibdib. He’s now topless. Konting galaw ko lang ay dumilat agad siya.

I greeted him with a smile.

We have to work. Seriously.

Bumangon siya agad pagkakitang gising na ako. Nang tumayo siya ay nakita kong naka boxers lamang siya. Samantalang ako’y ganoon parin ang suot kagabi. Damn!

“Maliligo muna ako,” sabi ko at nagbihis.

He nodded. Naupo siya sa aking kama samantalang ako’y halos hindi na magkaugaga sa kung alin ang uunahin. Ang mamili ng damit sa walk in closet, ang ayusin ang mukha ko, ang utusan si Belinda na maghanda ng breakfast, o ano. Slightly nervous, I glanced at him.

Medyo magulo ang kanyang buhok. Crouching a bit, he’s looking at me intently. Nang lumipat ako sa tukador ay nanatili parin ang mga mata niya sa akin, nanantya hanggang ngayon.

“Hindi ka ba uuwi?” tanong ko.

Damn it, Zari! That’s rude! You should invite him fro breakfast!

“My clothes for work are here…” he said.

Oh? I’m a bit shocked! Paano nangyari? Nakataas ang kilay niya sa akin ngayon. Pakiramdam ko ay mas lalo lang akong nininerbyos.

“Pinakuha ko kagabi,” paliwanag niya tila alam ang iniisip ko.

Marahan akong tumango at diretsong pumasok na sa banyo. Pagkasarado ko ng pintuan ay ‘tsaka lamang ako nakahinga ng maluwang.

What the hell did that man do to me? I mean… why am I suddenly nervous! Hindi naman ako ganito, a?

Damn it!

Naligo ako at nagbihis sa banyo. Kung bakit ba kasi glass type ang walls ng walk in closet ko, e. Hirap tuloy ako sa loob ng banyong magbihis nitong damit ko.

A sweetheart top and at the same time a low flowing off shoulder dress in peach is what I am wearing. Nagmamadali na ako sa pagpili ng damit kanina kaya ito ang nakuha ko.

Pagkalabas ko’y naroon parin siya sa kinauupuan niya. Pinasadahan niya ng tingin ang aking damit mula ulo hanggang paa. Uminit ang pisngi ko. Naglaro sa akin ang magiging reaksyon niya. The way I dress doesn’t reflect my bank account and it’s true. I wonder if he’s judging me for it.

Nagbo-blowdry ako ng buhok sa loob ng aking walk in closet nang pumasok siya. Umusog ako ng konti para magkasya siya.

Hinawakan niya ang aking baywang dahilan ng medyo pagkakatigil ko. Ang repleksyon niya sa salamin na nakatingin sa akin ay nagpatindig ng aking balahibo.

Lalo na nang pinalupot niya ang kanyang braso sa aking baywang. My back is against his bare chest. He crouched a little just so he’d fit in my shoulder.”

Tinigil ko ang pagbo-blow dry sa aking buhok.

“Are you feeling better now?” he asked.
Ngumiti ako at tumango. He nodded, too.

Nagkatinginan kami sa repleksyon namin sa salamin. A bit of insecurity filled me as I watched him behind me. He’s tall and very masculine. It is only right for him to pursue girls like that of his exes. With bodies like that of Aphrodite just to satisfy his patrician features.

Pinutol niya ang titigan namin para mahalikan ako sa baba ng aking tainga.

“You’re never slipping away from me again,” he whispered before going to the bathroom.

Ilang sandali pa bago ko naipagpatuloy ang aking pag-aayos sa aking buhok.

My chest hurt at the thought that no matter how much I like him… no… actually, it is more than “like”, I don’t want to touch him. I don’t want to be with him. Ito ang napagtanto ko kahapon.

Binaba ko ang suklay at ang blower pagkatapos ay lumabas na roon para abalahin ang sarili ko.

Lumabas ako ng kwarto para masiguradong may breakfast kaming dalawa. Alam kong nagluto na si Belinda lalo na’t alam niyang si Radleigh ay dito natulog. Pero nang namataan ko kung sino ang nasa dining table, kumakain ng apple, at nakikipagkwentuhan kay Belinda habang naglalapag ito ng breakfast ay na sapo ko na lamang ang aking noo.

Why is Ethan here?

“Good morning, princess…” he joked looking at what I’m wearing.
“Why are you here?” salubong ko.

Nalaman niya kaya ang nangyari kahapon? Hindi na ako magdududa kung nalaman niya nga iyon.

“How cold…” umismid siya at ngumisi rin agad. “I’m here to tell you that I’m leaving for Cavite later for my project there. Ang mabuti pa, sumama ka na lang sa akin para makita mo iyong property ni Tito Geoffrey doon na sinasabi ko sa’yo.”
“I have work.”

Kumuha ako ng isang pitsel ng tubig at nagsalin sa isang baso. Alam kong importante rin ang gagawin namin ni Ethan pero pwede naman sigurong ipagpaliban iyon sa Sabado.

“You have allowable leaves, Zari. It’s your privilege as one of the board. At saka, hindi ako pwede sa Sabado. Naisip ko lang na tutal pupunta ako ng Cavite mamayang hapon, ipagsabay na lang natin ang pagpunta. Makakatipid pa sa oras.”

Tipid. The keyword. Uminom ako ng tubig. Medyo naliliwanagan sa sinabi ni Ethan.

“Mamayang hapon ka pupunta?”
“Oo. May sasalihan kasi akong meeting ngayong umaga. We’ll stay overnight. Ibabalik agad kita bukas ng umaga at baka pumalpak pa si Radleigh sa VHRV project proposal niya bukas ng umaga.” Humagikhik siya.

Humalukipkip ako at nanatiling seryoso habang tinitingnan siyang natatawa.

“Isa pa, hindi pa naman bukas iyong proposal ni Miss Valderama, hindi ba? Sa Lunes pa iyon gaganapin kaya ayos lang na umabsent ka, in case na ‘di tayo umabot ng uwi bukas ng umaga.”

The door from my room opened. Noong una ay inignora iyon ni Ethan pero kalaunan ay kumunot ang noo niya at sumungaw sa likod ko para makita kung sino ang lumabas doon.

I saw his eyes and jaw dropped in slow motion. Umiling ako at naupo na lamang sa lamesa. Sinulyapan ko si Radleigh na ngayon ay naka business attire na at mukhang handa nang magtrabaho.

“Whoa! Someone’s changed his address!”

Tumayo si Ethan at tinapik ang likod ni Radleigh.

“Ethan…” Radleigh greeted him cooly.
“Sorry, Ser Ethan, hindi ko nga pala nasabi sa inyo na rito natulog si Ser Radleigh,” ayon kay Belinda.
“This is not surprising…” sabay ngisi ni Ethan sa akin.

Pinilig niya ang ulo niya at naupo na pabalik sa silya. Ako ang sa gitna at si Radleigh ay naupo sa harap ni Ethan ngayon.

“Stop it, Ethan. Ginabi lang siya kahapon dito. Uuwi rin siya mamayang gabi sa kanila,” paliwanag ko.
“I bet. Lalo na dahil pupunta nga tayong Cavite mamaya, hindi ba?”
“Cavite?” si Radleigh.

Nagkatinginan kaming dalawa. Now he looked confused.

“I was just telling her that we should check Tito Geoffrey’s property there. Lalo na dahil pupunta ako sa proyekto ng Le Viste roon kaya ipagsasabay lang namin. Hindi naman siguro masama, hindi ba? I guess she has her leaves?”

Nilapag na ni Belinda ang aming mga pagkain. Kumuha na ako roon habang ang dalawa’y abala sa pag-uusap.

“Can’t this wait till the weekend? I want to see it, too,” si Radleigh.
“Hindi na. He’s busy during the weekend. Mag-oovertime na lang ako bukas at sa weekend to make up for what I’ll be missing.”

Kumunot ang noo ni Radleigh, tila may malalim na iniisip. When he finally said what he’s thinking about, agad akong umalma.

“I’ll see if I can move the project proposal tomorrow.”
“No! Don’t! Radleigh…” banta ko.

If he’ll do that, ano na lamang ang sasabihin ni Tita Relani? I’m not just a gold digger, I also affect Radleigh’s decisions? Nahihirapan na akong manatili rito ngunit kailangan. Kung gagawin pa ito ni Radleigh, mas lalo lang akong mahihirapan.

“Ayos lang na kami lang ni Ethan ang pumunta. Hindi naman kami magtatagal. Uuwi rin agad ako bukas,” sabi ko.

Ethan shifted on his seat. A smile is plastered on his face.

Ilang sandali pa akong tinitigan ni Radleigh bago siya huminga ng malalim. Pakiramdam ko ay pinagbigyan niya na ako.

“That’s great! So we’ll see each other later, Zari. Dito na lang kita kukunin. Mag halfday ka ngayon at kung pwede’y pati bukas para hindi tayo magahol sa oras.”

Sinang-ayunan ko ang sinabi ni Ethan. He was there until we decided to leave for work.

Gamit ko ang Vios pag-alis ko sa aking condo. Hinatid ako ni Radleigh sa kung saan nakaparking iyon. Hindi ko rin alam kung saan siya nakaparking pero noong lumabas ako ng basement ay nakikita ko siya sa likod ko, nakasunod lamang sa akin.

Everytime I go fast, he’d go fast as well. Looking at his extravagant car horrifies me. I don’t know why.

Everytime I go slow, he’d slow down even when he can actually go ahead of me. Niliko ko sa basement ng opisina ang aking sasakyan. Hindi ko na siya nakita na nakabuntot sa likod ko pagkatapos noon.

Para akong nabunutan ng tinik nang ‘di ko na nakita ang sasakyan niya. Something about his car is stressing me out.

“Ayos ba ‘to?” tanong ko kay Glen at ipinakita ang mga disenyo na completely unrelated sa aming trabaho.

Si Radleigh ay nasa loob na ng kanyang opisina. Early morning, he’s bombarded with so many documents to fill. Ang ginawa ko naman kanina pagkapasok ko rito ay ang pagfile ng leave para sa plano ni Ethan.

I texted Calla about it, too. I texted her about what happened yesterday and now my phone won’t stop beeping because of her texts.

Calla:
Paano bukas? Pupunta ka?

Calla:
They are so rude!

Calla:
You think Glaiza is plastic? He wants to get Ethan again?

“Ayos, Ma’am. Saang disenyo mo ba iyan nakuha?”
“Sa ZAM, Glen. Ayos kaya iyon?” tanong ko.
Tumango siya. “Bakit naman sa bago pa, Ma’am? Alam kong matibay naman ang kanila pero may mas matagal na sa serbisyo ng rotomoulding, e. Alam ko…”
“Well, I also researched about that but…” May sumagi saglit sa isip ko. “I think I want it near para hindi na mahirapan sa delivery. I think the plant of ZAM is near there.”
“May mapa ka ba riyan, Ma’am? Saan ba mas malapit ang isla?” tanong ni Glen.

I showed him a map.

“It is in the middle of the two islands but is more accessible from Boracay kahit na sakop ng ibang probinsya,” paliwanag ko habang pinagmamasdan ni Glen ang mapa. “Also, they said from Costa Leona, the ocean is rougher. The reason why nobody wants to buy the island and also the reason why it is removed from the itinerary of their island hopping. Only skilled captains can go there.”
“E ‘di, Ma’am, paano?” nagtaas ng kilay si Glen.

Tama ang kanyang tanong. Mas naging buo tuloy ang isipan ko sa ngayon.

Before I the kidnapping, I got to the island only through the chopper. Noong naroon kami sa isla, first time ko iyong bumyahe gamit ang yate patungo sa Nabas. But I’ve known that the Boracay sea trip to Isla Fuego is faster than from Nabas kaya paniguradong mas malapit iyon. Kahit sa mapa.

Tinuro ko ang isa pang mas malaking isla.

“Susubukan ko rito,” sabi ko.

Overall, though I felt a little awkward in the office, the thought that most of them here are males – and didn’t care much about what happened, comforted me. May iilang babaeng medyo mapanuri sa akin dahil sa ginawa ni Daddy kahapon ngunit nagpatuloy parin ako sa trabaho.

Nagtipa ako ng mensahe para kay Calla.

Ako:
I am not sure anymore. Gusto kong umiwas sa grupo nila. Please don’t tell Caleb.”

“You have a visitor, Miss Leviste…” Agatha’s cold voice startled me.

Binaba ko ang cellphone ko at nag-angat ng tingin sa kanya. I am expecting a visitor now but he didn’t text me he’s here! Damn it!

“Thank you, Miss Valderama…” I addressed her coldly, as well.
She smiled at me innocently. “You’ve entertained so many guests this week, huh?”

Sabay kaming napatingin sa babaeng dire-diretso ang lakad patungo sa pintuan ng opisina ni Radleigh. Mariz Ong didn’t even ask permission from Radleigh’s secretaries! Dahilan kung bakit nilapitan ito ng dalawa.

Imbes na sasagot ako kay Agatha, naagaw nito ang atensyon niya dahilan ng paglalakad niya patungo sa kay Mariz Ong, medyo galit.

“Oh well… That’s a better competition, right?” sabi ko ng wala sa sarili.
Humagikhik si Glen na kanina pa pala nakikinig sa usapan namin ni Agatha. “Sungit ni Miss Valderama sa’yo, Ma’am, ah? Mabait naman ‘yan dati pero ngayon ko lang napansin na medyo…”
Umiling ako. “Now that she’s busy, I need to entertain a friend, Glen. Sorry wala ako mamaya but the team should at least rest. You’ve done well!”
“Walang problema, Ma’am. Isa pa, sabi relax daw bukas. Halos lahat ng right wing, wala bukas, e. Nasa 19th floor sila bukas para sa VHRV!”

Pagkaalis ko sa aking lamesa, sinundan ko pa ng tingin si Agatha na ngayon ay tinatarayan na ni Mariz Ong. She looked like she’s going to cry. Ano naman kaya ang pinag-uusapan nila? Siguro’y nagtatalo kung sino talaga ang karapatdapat para kay Radleigh?

The bitterness crept inside me. I wish I can just do that. Have a row with Radleigh’s girls fighting for my spot. I wish I can easily just tell everyone that I want him for me. Bumagsak ang tingin ko sa mga papel sa aking lamesa at sinubukang pigilan ang pag-iisip.

After that, tahimik akong umalis sa aking lamesa. Dumiretso na ako kay Caleb na nag-aantay sa akin sa sofa. He’s wearing his usual jeans and v-neck t-shirt. His cap made him look boyish.

Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa bago tumayo at naglahad ng mga braso para mayakap ako. The Engineers from the right wing kind of looked at us. At alam kong kahit hindi sila nakatingin ay iirapan ko parin si Caleb.

He smirked.

Humalukipkip ako. Naging bahaw ang gusto niyang yakapan kaya binaba niya agad ang kanyang mga kamay.

“What?” he asked.
“Caleb Samaniego, right?” Engineer Alfeche is now suddenly beside me.

Kumunot ang noo ni Caleb. Nanliliit ang mga mata. Mukhang ‘di kilala ang lumapit at naglahad ng kamay pero tinanggap niya parin.

“I’m Marco Alfeche. I’m a client of your father’s company.”
Umirap muli ako kay Caleb. “Sorry Engineer Alfeche, he’s not really hands on with their company kaya hindi ka siguro niya maalala.”
“Oh!” tumango si Engineer Alfeche sa akin at ngumisi kay Caleb.
“Sorry, Yes, I’m Caleb Samaniego…” nahihiyang sinabi ni Caleb.

Ayaw ko mang sumama si Engineer Alfeche sa amin, wala na rin akong nagawa dahil noong niyaya ko siya patungo sa isang coffee shop, sumama naman agad siya.

We ordered coffee and then Caleb started showing me his iPad with the furniture I want.

“Maganda ito, tulad ng gusto mo. May specs na rin dito para malaman mo kung ilang taon ang life span niya,” sabi ni Caleb sa akin.

Dumungaw din si Engineer Alfeche sa iPad ni Caleb.

“Wooden tables? For your home, Miss Leviste?” tanong ni Engineer Alfeche.
“Well… maganda ba?” tanong ko.
“Maganda! Costly but it looks great!
“It is costly because it is made of hard wood,” paliwanag ni Caleb.
Tumango si Engineer Alfeche. “Kung para kay Miss Zariyah Leviste, syempre dapat iyong pinakamatibay, pinakamaganda, at pinakamahal.”
Tumawa ako kay Engineer Alfeche. “I don’t know where you get that but I have to omit the last word, Engineer. Nagtitipid na ako ngayon!”

Ilang sandali pa akong tinitigan ni Engineer Alfeche bago tumikhim si Caleb sa aming harapan.

“You may drop the Engineer, Zari. Just call me Marco.”

Mas lalong naubo si Caleb dahilan kung bakit nag-iwas ako ng tingin sa kanila.

The door opened and I saw Tita Relani with two older women. Nagtama agad ang tingin namin ni Tita Relani. Nakangiti siya kanina habang kausap ang dalawang babae ngunit nang nakita ako’y napawi ang ngiti niya.

Tumuwid ako sa pagkakaupo at halos maestatwa. Kitang kita ko ang paglipat-lipat ng tingin niya sa mga lalaking kasama ko. Now her lips are in a grim line.

Mas lalong kumalabog ang puso ko.

Though I am not doing anything, I feel guilty. I feel like I know what she’s thinking about.

Tumayo si Engineer Alfeche at doon ko lang napagtanto na dapat ko ring gawin iyon.

“Good morning, Mrs. Riego!” bati ni Engineer.
“Good morning, Marco,” Tita Relani said coldly.
“G-Good morning, Ma’am…” I said, hesitating.

Bumaling si Tita Relani sa akin sabay tingin muli kay Caleb at pagkatapos kay Engineer Alfeche naman.

“I probably destroyed the rendezvous.” She smiled. “I’ll leave you here.”

Nang tinalikuran niya kami ay nanatili ang mga mata ko sa kanya. Muling humawak sa aking kalooblooban ang nangyari kahapon.

Hindi na ako nag-isip pa. Nilapitan ko siya at hinarap.

“M-Ma’am, I’m sorry for the commotion my Daddy caused yesterday. He didn’t mean it. He was just joking when he said it…” nahihiya kong sinabi.

Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. Her Louis Vuitton is in her arm. Napanood ko ang konting swing nito nang bumaling siya sa lamesa namin bago sa akin.

“Oh, I’m sure, hija. But I wish I can believe that when I’ve heard of the letter you gave my son. The one proposing to him about the merge of the companies through your marriage.”

Pinuno ko ng hangin ang aking baga at hindi ko na napakawalan iyon. Lumaki ang bukol sa aking lalamunan kaya naging kay hirap huminga ng mabuti. My chest hurt a lot. And I know her actions were only just. I know where she is coming from. And I know that her prejudices mirrored my previous actions. The reason why I just couldn’t hate her.

Tears pooled in my eyes again. Kahit ayaw ko. Kahit na tingin ko’y ang pag-iyak sa harapan niya’y iskandalo. She’ll think I want her to pity me. She’ll think I’m only putting an act to gain her sympathy.

“Don’t worry, Ma’am. I know I’ve been wrong. I will not… marry him… Whatever the circumstances may be…”

One glance, I saw her a bit shocked. Hindi ko na inulit at tinalikuran ko na siya.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Comments are closed.