Island of Fire – Kabanata 29

April 5, 2017 By In Island of Fire Comments Off on Island of Fire – Kabanata 29

Kabanata 29
Cook

Akala ko’y magiging emosyonal ako pagkakita kong bibilhin na ng ibang tao ang aking BMW pero hindi pala. Maybe, all the drama, the past few days, has made my heart numb. Or maybe, I have finally accepted that things can be replaced. That this has to be done for the betterment of all.

Days passed by the office. Ganoon parin ang pakikitungo sa akin ng mga tao. At si Radleigh, halos gabi-gabi sa condo ko para makapaghapunan.

During the weekend, I did so many things. Sold the BMW, bought a Vios, went to the bank to check on my father’s debts. Naka ilang meeting din ako sa accountant ko. Binisita ko rin si Daddy sa mansion pagkatapos ng lahat.

Unti-unti kong binuksan ang pintuan ng aking Condo unit pagkatapos kong mabasa ang text ni Radleigh na kanina niya pa pala naisend.

Radleigh:
Are you home? I’m with my cousins.

Ang sabi niya’y madalas kapag linggo ay bumibisita rin siya sa kanila. Siguro ay naroon din ang mga pinsan niya. Kanina pa iyong 3PM pero ngayon ko lang napagtuonan ng pansin.

After Dad’s check up, we found out that his kidneys are not in a good shape. Right away, I ordered the doctor to do the necessary things.

“Kanina pa kayo?” tanong ko kay Calla na ngayon ay nakatayo at tinitingnan ang iilang muwebles sa aking sala. Luigi is sitting comfortably on my couch, watching TV.

Ngumiti si Calla.

“Kadarating lang namin.”

Nagbeso kami at pagkatapos ay sabay na tiningnan si Luigi. Tumayo ito at tumango ng pormal sa akin. I smiled at him.

Si Belinda ay nasa hapag at naglalapag na ng mga pinggan para sa aming apat. Bago ako umalis kanina, nagpaalam na si Calla na bibisita sila ni Luigi ngayong gabi sa bahay. Pagkatapos nilang magsimba. At marami pa siyang pangarap tulad ng pagpunta roon sa isang bagong Pub sa pangalawang palapag lang nitong Condo. Hindi naman siguro masamang pagbigyan iyon.

“How’s your visit?” tanong ni Calla.

Habang nagbibihis ako sa kwarto, at si Luigi’y nanonood ng TV sa sala, idinetalye ko kay Calla ang mga nangyari sa pagbisita ko kay Daddy.

“Tito should tone down his wine intake,” ani Calla.
“Oh he is now. Maybe addiction over something runs in the blood, huh?” nangingiti kong sabi.
Ngumiti rin si Calla habang pinagmamasdan ako.

I’m wearing a beige off shoulder top and a blue tight skirt. Calla’s wearing her jeans and black spaghetti top.

Alam ko na ang iniisip niya ngayon. Sa baba lang naman nitong condo ko pero ganito na ang damit ko. Well, I don’t have enough money to buy more simple clothes. Ganito talaga ang closet ko. I have simple clothes too but this is my mood right now, too.

“Speaking of wine, hindi ko pa nache-check kung gaano ka mahal ang mga wine diyan sa Pub,” sabi ko nang lumabas kami sa kwarto.

Pumuslit ako ng text kay Radleigh habang nagsasalita si Calla.

Ako:
I’m home. Calla and Luigi’s here.

“Don’t worry about it,” anito.
“You know me. I have a very expensive tastes with wine. But then I will only pay for what I can afford,” paliwanag ko habang nauupo kami sa lamesa.

Sumulyap ako kay Luigi na tahimik parin. Well, I don’t think he was noisy when we were in High School but he’s certainly not this silent.

“As long as I’m sure it won’t create a large hole in my pocket, I have no problem.”
Humalakhak si Calla at naupo na rin.

In front of me is Calla. Sa tabi niya’y si Luigi. Si Belinda ay nasa gitna na pagkatapos salinan ang mga baso namin ng inumin.

We started eating. It’s my choice to eat here instead of eating out since marami naman ang pinaggrocery ko noong nakaraan. Mas makakatipid kung dito na lang.

Naglalagay ako ng pagkain sa aking plato nang napansin ang paglalagay din ng pagkain ni Luigi sa plato ni Calla.

Pareho yata kaming tumitig ni Belinda dahil tanging sila at ang mga kubyertos lang ang narinig ko sa buong unit.

“That’s fine, Luigi…” Calla whispered but we can hear it.
“That’s not enough. You need to eat more…” bulong din ni Luigi.

Nagtagal ang kutsara sa aking bibig. Kinagat ko iyon habang pinagmamasdan ang mumunting pagtatalo nila dahil sa pagkain.

“You know Luigi, Calla doesn’t want to eat too much. She’ll get fat!” I said matter-of-factly.

Calla blushed. Her lips were now in a thin line, wanting me to shut up. Nakangiti akong tumingin sa seryosong si Luigi.

“I will exercise, Zari. Don’t worry,” mariing sinabi ni Calla.

Bumaling si Luigi kay Calla ilang sandaling tumingin dito. Nagpatuloy naman ako sa pag kain.

“Hindi naman siguro, Ma’am Zari. Ilang taon na ring kasal itong si Ma’am Calla at napanatili niya naman ang ganda ng hubog ng katawan niya,” si Belinda.
I smirked at Belinda.
“Siguro, Ma’am Calla, magbabago lang iyan kapag nagkaanak ka na. Hindi na babalik sa dati ang katawan kapag nagkaanak!”

The awkward silence didn’t make Belinda feel awkward at all. Tumango-tango pa siya sa akin na parang tama talaga siya.

“Though she can always exercise. There are people who got sexier after giving birth, Belinda,” tumango rin ako.

Maisalba lang sa awkwardness si Belinda na mukhang wala namang pakealam.

“Kung hindi ko lang alam na may asawa na talaga itong si Ma’am Calla, maiisip kong marami pa siyang mabibihag na lalaki.”

When Luigi’s eyebrow slightly furrowed, I know it affected him. Nanatiling parang tuod si Calla sa kinauupuan niya.

How awkward could fixed marriage be, I wonder. Kung nagkatuluyan kami ni Radleigh noon, ganito rin kaya kami ka awkward? But I’m not like Calla and he’s not like Luigi. Teka… ba’t ko ba ito iniisip?

“Ay panigurado! Let’s just thank that it’s just a simple Pub and not exactly a club… ang pupuntahan natin,” tukoy ko.
“Pub?” si Luigi na parang walang alam.

Nakita ko ang biglaang pamumutla ni Calla. What? She didn’t tell him?

“I-I asked Zari if we can go to the new Pub in this tower,” nag-aalinlangan niyang wika.

Nakakunot ang noo ni Luigi habang tinitingnan si Calla. That look means “no”. I’m very sure of that. I’ve seen that look on… hey… why are we talking about him right now? This should be fun!

“Naku, Luigi. H’wag mo sanang pagbawalan ang bestfriend ko na lumabas. Mabuti nga’t sinama ka niya, e.”

Luigi turned to me, glaring. I smiled playfully.

“We can… just stay here then. It’s okay, Zari.”

Napatuwid ako sa pagkakaupo sa biglaang desisyon ni Calla. How can she just cancel it when I’m already very ready! And besides, it was her who loved that idea. Hindi ko alam kung nirerespeto lang ba niya ang desisyon ng asawa o talagang masyadong possessive itong si Luigi.

“No, Calla! ‘Tsaka, prelude pa lang ‘to sa pagdating ni Caleb galing sa cruise niya! If you can’t go out to a pub right now, that means the Club won’t happen!”

Kitang-kita ko ang iritasyon sa mukha ni Luigi. Alam ko namang hindi gaanong magala si Calla. She’s content with her life at home but that doesn’t mean she’ll stay that way forever! Lalo na kapag nandito ako!

Alam ko namang mali ang manghimasok sa kanilang dalawa. I guess I just couldn’t simply bite my tongue just to shut up. Masyado akong nagulat sa biglaang desisyon ni Calla na nabulalas ko na iyon bago pa ako nakapag-isip.

“You’re being a bad influence to her, Zari,” ngayon ay seryosong tinig ni Luigi ang nagsalita.

Naitikom ko ang bibig ko. Nagsalita siya na tila ba siya nga ang lider ng pamilyang ito at ako ang kanilang pariwarang anak.

“Oh come on! Years married and yet you don’t let her go out? Kapag ako ginanyan, baka nabagot na ako at kumawala na!” sabi ko nang nakabawi.

I saw him stiffened. Oh come on! I cannot believe it!

I think a one time speech for my opinion is necessary before I can finally shut up.

“Seriously, Luigi?” Nanliit ang mga mata ko. “I know we both came from the same tree. We know what it feels like to have fun that way. Ipinagkakait mo iyon sa kaibigan kong dati ng simple ang buhay.”
“Zari…” tawag ni Calla. “It’s really okay. I mean. We can just have wine here. I’ll have fun…”

Maliit ang boses niya pagkasabi ng huling salita. Pareho naming nakita iyon ni Luigi. I know Calla and I know that she isn’t convinced with her own decision. Kung talagang attentive si Luigi, dapat alam niya ring ganoon ito.

Humalukipkip ako at hinintay ang magiging sagot niya.

“Hindi ka po pala lumalabas noon, Ma’am Calla?” Belinda’s question out of nowhere.
“Uh… Hmm… Lumalabas din naman.”
“’Yon naman pala, Ma’am,” si Belinda ulit.

Determinado talaga si Calla na patayin ang topic o choice na ito, huh?

“Oo. Kapag nariyan lang ako. Kapag wala ako, she’s at home playing the piano, reading Jane Austen, and watering plants! Oh well… people aren’t the same anyway,” nagkibit balikat ako. Kunwari give up na.

Hindi ko alam kung anong ginagawa ni Luigi at bakit parang hindi sila open sa isa’t-isa. Sa ilang taong pagsasama nila, the relationship I’m seeing now is very questionable. Calla seems happy with her… life… but I didn’t know that she’s this submissive when her husband’s around!

Ganoon ba talaga?

“Masaya kaya ang magdilig ng halaman. Gusto ko nga roon sa Isla Fuego, Ma’am Zari dahil kahit paano’y may mga halaman. Dito sa Condo, bonsai lang ang maaalagaan ko, e.”

Belinda’s talkative mouth started with her litany of opinions. Tumango naman ako, kunwari nakikinig habang nagbubulungan ang dalawa sa aming harap.

I should give them privacy and start responding to Belinda’s series of opinions.

“Mga orchid, Ma’am. Dancing lady. Ang dami niyan sa aming probinsya!”
“An hour, Zari…” si Luigi sa isang seryosong boses.

Alam ko agad ang ibig niyang sabihin. Isang oras sa pub na iyon? Katumbas ng panahon sa pagbibihis ko? Seriously?

“Two hours!” tawad ko.

Umigting ang panga ni Luigi. He seemed very annoyed with me. Umirap na lamang ako.

“Fine! E ‘di tara na!” sambit ko at kinuha na ang aking clutch.

I cannot believe that Calla lets this happen to her life. I know that we don’t have the same opinion about having fun but… relying on your husband’s choice is just so suffocating to me. Ganoon ba talaga? O masyado lang ding possessive itong si Luigi?

Possessive?

Ngumiti ako at tumango na lamang nang nakumpirma. Nakaupo na kami sa isang lamesa’y nakatali naman ang braso ni Luigi sa kanyang asawa. Calla’s looking at the people around. Ang madalas na narito ay mga taga Condo ring ito. Kung may dayo man ay konti lang din.

“Now, I feel lonely. Third party pala ako rito!” sabi ko pagkatapos kaming magpapicture tatlo. “Maybe I should look for a partner here. Hopefully not a man next door. Or anyone from the same tower! But if he’s hot, it will do!”

Kinuha ni Calla ang kanyang cellphone galing sa waitress at tiningnan ang mga pictures na naroon. Luigi looked at the pictures, ignoring what I just said.

Bravo! Dapat pala hindi ko na lang tinuloy ito!

Nagpasalin pa ako ng wine at pinangalahatian agad. Para rin pala akong mag-isa ngayon.

“Sasama ka parin ba talaga kahit na paniguradong naroon ang dating mga kaibigan mo?” tanong ni Calla nang nahalatang naroon ako sa harap nila.

Luigi’s looking at her intently. Nilagay pa nito ang takas na buhok ni Calla sa likod ng tainga. I can’t help but smirk. This idiot is… don’t tell me. Well, years, right?

“Well, I don’t care. Besides, I know for sure Maica’s just Caleb’s flavor of the month or something. At isa pa, hindi naman sila ang ipinunta ko!” giit ko.
“Glaiza will probably be there as well. Kadarating lang noon galing abroad, e. How’s Ethan, by the way?”
Nagkibit ako ng balikat. “He seems fine. Why? Kailangan niya bang masaktan dahil nagbalik na ang babaeng iyon? She cheated on him!”
Umismid si Calla sa akin. “Alam kong hindi maganda ang impression mo kay Glaiza, Zari. But while you were abroad, I saw how Glaiza fall madly in love with your cousin. It took her probably years to finally feel deeply in love with Ethan.”
Umirap ako. “Evil lurked somewhere deep within her. Kung sino man ang ipinalit niya sa pinsan ko, sana iyon na lang ang balikan niya!”
“Pinsan ata noong girlfriend ni Ethan ngayon. I heard stories about that… being fabricated by his present girlfriend. Para raw magbreak si Ethan at Glaiza… but… we’re not sure…”

Nagkatinginan kami ni Calla. I harbor ill feelings toward people who’ve pained me in the past. But my rational side has always been the captain of my soul… Walang magandang rason ang pinapalampas ko para lang maipagpatuloy ko ang galit sa isang tao.

Nagkibit ako ng balikat.

“Let’s just let Ethan deal with his issues,” sambit ko at unti-unting sumimsim sa wine glass.

Ilang sandali pa naming pinag-usapan ang isyu na iyon.

Sa kalagitnaan ng pag-inom ay halos masamid ako. A man in white long sleeves folded till his elbows sat beside me. Nang nakitang si Radleigh iyon ay agad kong binaba ang wine glass.

“Radleigh!” ngayon, si Calla ang nagdiriwang.
“Good evening!” pormal na sinabi ni Radleigh sa dalawa.

Tumuwid sa pagkakaupo si Luigi at naglahad agad ng kamay. They crossed palms in a manly way. Bahagyang kumunot ang noo ko. Ang imahe ng cellphone na halos nawasak dahil kay Luigi ang naalala ko.

So… they seem good friends now. Maybe social gatherings? Luigi’s now finally informed that my “boyfriend” years ago is not just nothing.

“Hindi sinabi ni Zari na pupunta ka rito! A while ago she was looking for a partner dahil naiinggit siya sa amin ng asawa ko…” Calla said bluntly.

Wow! Nakita kong hinalikan siya ni Luigi sa pisngi.

“Mag-ingat ka, Radleigh. Nagbabalak yata ‘yang maghanap ng iba,” ngayon si Luigi naman.
“What?” nilingon ko si Radleigh na ngayon ay nakatingin na rin sa akin.

He looked a bit confused. A bit shocked. At maaaring dahan-dahan ay napagtanto ang sinasabi ng dalawa. My goodness!

Sinuyod niya agad ang buong Pub. Hindi ko alam pang-ilang beses na ikot na ng mga mata ko ito ngayon. Muli ay uminom ako ng wine.

Naghahagikhikan si Calla at si Caleb sa harap namin. Nanatili naman akong nakaismid.

“How many bottles did she finish, Luigi?” malamig niyang tanong.
“Excuse me! It’s one bottle for us three!” giit ko.
“Ang sabi ko sa kanila’y isang oras lang kami rito. Lumagpas na.”
Tumango si Radleigh. “Then we should go home.”

What the hell?

“Lumagpas ng limang minuto? You two are old! Damn it!”

Hinagod ni Radleigh ng kanyang palad ang aking hita ng isang beses. Ngumuso ako at natahimik na lamang.

Luigi raised a finger on the waiter. Agad na nagpunta iyon sa aming lamesa. Naglagay siya ng sobrang pera at sabay na tumayo ang tatlo. Calla smiled furiously at me before she uttered the most painful words for me.

“Umuwi na tayo, Zari. I had fun!”

Wow! And just like that, I don’t have any choice.

Nauna ako sa paglalakad sa pasilyo pagkababa namin ng lift ni Radleigh. Umuwi na si Calla at Caleb. Parang ang saya noong dalawa na papauwi na sila, a?

Hindi naman masama ang umuwi ng maaga. Lalo na dahil may pasok pa ako bukas. Pero hindi ako makapaniwalang seryosong isang oras lang kami sa Pub na iyon.

“Magbibihis lang ako,” paalam ko sa kanya nang nakapasok na kami sa condo ko.

Belinda’s busy watching a Filipino movie. Naupo si Radleigh sa pang-isahang sofa nang pumasok ako sa kwarto.

Nagbihis ako ng pambahay. An old rose satin shorts paired with a nighties with the same color is what I’m wearing right now. Lumabas ako ng kwarto at naabutan na tumatawa si Belinda dahil sa palabas.

Napatingin si Radleigh sa akin. Nagtaas ako ng kilay at dumiretso na sa kusina para makainom ng tubig. A few steps behind is Radleigh.

Hinila ko ang ref at kumuha ng isang pitsel ng tubig. Nagsalin ako sa baso at pinangalahatian agad iyon. Nilapag ko ang baso sa counter.

“The next time you go out, you have to tell me…” he said in a clear voice.

Tumingala ako para mag-isip at sa huli ay sumuko rin. Gusto ko sanang ibalik ang topic tungkol sa bakit ko iyon gagawin? Boyfriend ko ba siya? Oo nga pala…

“Well, you were busy.”
“I was just with my cousins at home.”
“Bakit ka pa pumunta rito?” tanong ko at ibinalik na sa ref ang pitsel.

Bago pa ako makagalaw ay may yumakap na galing sa likod ko. His arms were rock hard, I couldn’t move a bit.

“I want to know what happened with your day,” he murmurred on my hair.
“You could’ve texted me.” Damn it. Why is it so hard to breathe?
“I want to see you…”

Para akong kinikiliti. Ang corny din nitong lalaking ito! Hinawakan ko ang braso niya para matanggal ngunit wala akong lakas para sapilitang gawin iyon.

His arms went around me like vines. His left arm above my chest, his right arm on my stomach.

“Fine!” sabi ko.
“But first… can you cook for me, please?” he said tenderly. Kulang na lang ay magmakaawa.
“W-What?” marahan ko ring naging tanong sabay hanap sa mukha niya.
“I’m hungry.”

Halos matawa ako. Pumikit ako ng marahan at tuluyan na siyang naharap. He moved a bit to the side, closing me near the sink. Sumulyap ako sa taas ng kanyang balikat at nakitang tumatawa parin si Belinda habang nanonood ng telebisyon.

Pwede ko namang utusan si Belinda pero… sige na nga.

“You know how expert I am when it comes to cooking, right?”
He smirked boyishly.

Parang may dumagan sa puso ko. Para akong nalulunod. I bit my lower lip.

“You can cook whatever you want.”
I paused for a while. “Fries?”
Ngumuso siya. “That will do…”

For whatever reason, I feel like he’s so good at making me follow him. Nakaupo siya habang abala ako sa pagpiprito ng ready-made na french fries galing sa ref.

I may be a disaster cook but I can certainly do French Fries!

“Ay… Ma’am!” napansin pa ni Belinda. “Ako na riyan!”
“Okay lang, Belinda,” mahinahon kong sinabi.
“Talaga, Ma’am?” tunog ‘di makapaniwala si Belinda.
Radleigh chuckled. “Hayaan mo, Belinda. She’s practicing her skills…”
“Ay! Ganoon po ba, Ser? Tama ngang kailangang magpractice ni Ma’am!” pagsang-ayon ni Belinda. “Kapag nag-asawa na kayo ni Ser Radleigh, Ma’am, may mga panahong kailangang ikaw ang magluluto!”

E ‘di mawawalan na siya ng trabaho noon? I want to counter but I’m too serious with what I’m doing.

Umiling na lamang ako at kinuha na ang mga lutong fries at nilagay sa lalagyanan. Ilang beses ko pa iyong ginawa na namuo na ang konting pawis sa aking noo at aking dibdib.

Pinapahirapan yata ako nitong si Radleigh! Madalas ko siyang nilingon at nakaupo lamang siya sa wooden chair at pinagmamasdan ako. His eyes were hooded and eyebrows a bit furrowed while watching me cook. When his lips twitched with amusement, napagtanto kong aliw na aliw yata siyang nakikita ako rito sa kusina.

I stiffened when I felt him behind me. Sa harap namin ay ang niluluto ko. Sa pinggan kung nasaan ang mga luto nang fries ay kumuha siya ng isa. Pinagmasdan ko ang kamay niya.

Kinagatan niya iyon. Agaran akong ginapangan ng kaba. Tinikman ko ang unang batch kanina at maayos naman. Hindi ko nga lang alam kung kumusta ang mga bagong luto.

“This would pass…” he chuckled. “I think.”

Damn! Napabuntong-hininga ako. He thinks? Bakit? Para paring ‘di pasado?

Naalala ko noon, magaling siyang magluto. He learned how to cook at a young age. It will not be surprising if one of the traits he’s looking for a woman is this. A good cook! Damn! I can hire chef! Belinda can cook for me!

“You like people who can cook?” tanong ko sa isang malamig na tinig pagkatapos ay kinuha ang panghuling batch ng fries.
“Yes…” aniya.
“I can cook!” agap ko sabay tingin sa kanya.

Kitang-kita ko ang gulat sa mga mata niya. The amusement and the control looked so obvious in his eyes and lips. Parang gusto niyang matawa pero pinigilan niya iyon.

Unti-unting uminit ang pisngi ko nang napagtanto kung gaano ka kahiya-hiya ang sinabi ko. Para ko na rin siyang kinukumbinsi na pwede niya akong magustuhan dahil marunong naman akong magluto.

“Tapos ka na, Ma’am? Ako na ang magliligpit…” si Belinda ang bumasag sa katahimikan.

Tinulak ko si Radleigh nang tinablan ako ng kahihiyan.

“Sige, Belinda,” sambit ko at nagmartsa na patungong sala dala-dala ang lalagyanan noong fries na niluto ko.

Nilapag ko sa tabi ng couch ang lalagyanan at tinungtong ang paa sa pag-upo. Nang naroon na si Radleigh ay kinuha niya ang lalagyanan ng fries at nilapag sa center table. I glared at him. Alam niya talagang nilagay ko ‘yon doon para hindi siya makatabi.

Lumapit siya sa akin. It was like sitting there with me isn’t enough for him. He didn’t stop until our thighs touched. Hinawakan niya ang aking sakong. His rough hands tickled me a bit but it was quick. Kinuha niya ng paisa-isa ang paa ko at nilagay sa kanyang hita para maharap ko siya.

I glared and pouted at him. I can feel the heat in my cheeks but I ignored it.

His head tilted. Mukhang aliw na aliw talaga siya sa sinabi ko kanina.

“Do you have a cook, then?” tanong ko nang ‘di na napigilan.
He shook his head. Muli ay may multo ng ngiti sa labi.
“Then who cooks?” lito kong tanong.
“Me.”

So he’s alone in his condo!

“Does Agatha know how to cook, then?” I swear I didn’t sound bitter.
Nagtaas siya ng kilay. Ang isang kamay niya’y nasa backrest ng sofa nakatuko at ang kanyang hinlalaki ay hinahaplos ang kanyang mapupulang labi.
“Does she cook for you?” dagdag ko.
“It doesn’t matter…” his hand stoking my heel slightly.

Ngumuso ako. Bakit ba talagang ang hirap niyang paaminin sa mga dating babae niya?

He chuckled. Napabaling ako sa kanya at nagtaas ako ng kilay.

“Damn it. I like you very, very much,” he said in a lazy whisper.
“I thought you’re hungry?” sabay tingin ko sa fries na hindi niya naman pinagtuonan ng pansin.

Kinuha niya ang lalagyanan. I put my feet across his thighs to the cushion. Napalunok ako nang nakitang kumuha siya roon at tinikman ang niluto ko. Kumuha rin ako at tumikim na rin galing doon.

Patiyad namang naglakad si Belinda habang nilalapag ang isang pitsel ng juice at dalawang baso sa lamesang nasa harap namin. Patiyad din siyang bumalik.

Kumunot ang noo ko habang tinitingnan ito. Radleigh’s eyes were fixed on me.

Huminga ako ng malalim at humilig sa sofa habang pinagmamasdan siyang kumakain ng niluto ko.

Ganito kaya kami lagi kung natuloy iyong pag-aasawa namin noon?

But then he won’t be as successful and I won’t be an Architect if it happened. So… maybe, life has its own way of doing things for you, huh.

The silence between us stretched while we were eating. Nabasag lamang noong nagtanong siya tungkol sa naging araw ko. Ikinwento ko sa kanya lahat ng walang pag-aalinlangan. And he remained so attentive the whole time.

Gaya ng madalas niyang ginagawa, umuwi rin siya nang nag-alas onse. Hinatid ko siya sa pintuan at pagkasarado ko ng pinto ay ‘tsaka lang ako nakahinga ng malalim. Like my heart can now finally rest from the racing it did the whole time Rad’s here.

Saktong pag-ikot ko galing sa pintuan ay si Belinda na nakangisi.

“Kayo na ba, Ma’am?!” she asked.
I smiled shyly for a while.
“Matutuwa si Ser Geoffrey pag nalaman niya ito! Naku! At siguradong maibabalik sa’yo ang kompanya, Ma’am, ‘di ba?”

My smile immediately faded. I know Belinda has little knowledge about the company’s real state… has little knowledge about my personal issues… like people who are watching my life or Rad’s life. His relatives, friends, and colleagues.

Kung ganito ang nasa isipan ni Belinda na malapit sa akin, paano pa kaya ang mga taong hindi ko kilala.

“Hindi naman ganoon, Belinda…” sabi ko.

It is so weird.

I was raised having everything I want and need. At a young age, pinabayaan ako ng mga magulang kong bumili ng mga gamit kahit na hindi ko na kailangan. I like money so much and the things it can buy me. But I walked out of our engagement because I don’t want to be judged by people. Because he’s rich and successful, instead of wanting to be with him for that reason, I don’t want to be with him.

Kabadong-kabado ako Lunes ng umaga dahil sa presentation na gagawin ko.

“Hello!?” pagalit kong salubong kay Caleb nang tinawagan ako kakababa ko lang ng Vios.
“Oh? Galit ka?” he’s laughing hard.
“I have a presentation coming up, Caleb! Next time na tayo mag-usap, please?”
“Oh! Sayang! I’m inviting you later tonight with Calla and Luigi.”

I rolled my eyes. With his girlfriend, my ex friend, huh?

“Itatry ko lang, ha? Akala ko ba sa Biyernes pa ang Birthday celebration mo?”
“Pre birthday Celebration?” he said like, duh!

Huminga ako ng malalim at pinigilan ang sariling pagsabihan siya. Masyadong gastador ang isang ito. But I understand, though. He has all the money to burn. Hope he’d man up and think about his future now.

Wow! Zariyah Leviste, thinking about her future?

“Susubukan ko lang. Sige na. I need to hang up!”

Sweating bullets, I can’t relax on my computer chair. Paulit-ulit kong binasa ang mga nakalagay sa aking presentation.

I was the real author of this project. I presented this the day I got back from Madrid. Sinang-ayunan ito ng mga board members.

There’s no way we can maintain our brand as the largest real estate lands for High Class people. My target now is the middle class. They are not that hard to please compared to High Class people. Kaya kung bibigyan sila ng proyektong mura at mukhang high end, mas maeengganyo silang kumuha ng lote.

Ito dapat ang sasalba sa buong kompanya bago ko nalaman na sandamakmak ang utang ni Daddy sa halos lahat ng affiliates. My first project got postponed.

The land we have for it is now idle. Hindi ko iyon binenta kahit na ang ibig sabihin, kapag binenta ko iyon, ay madadagdagan ang trust fund ko. Alam ko kasi na asset iyon at kapag naayos ang pagkakamanage ay doble doble pa ang makukuha ko, pati pa ang mga empleyado ng Vista Grande. That would benefit me, my father, and our employees in the long run. Plus the people who will choose to live there.

Nasa conference room na ako at kinokonekta ang aking laptop sa board.

“Kaya mo ‘yan, Miss Zari!” Glen encouraged me.

Silang tatlo ng team ko ang tumutulong. Naglalagay ng mga sheets. Inaayos ang board at kung anu-ano pa.

Wearing a beige wholesome wholedress and a black stilletos, tumayo ako sa harap kahit na wala pang tao. Huminga ako ng malalim.

Kaya ko ‘to!

“Tubig, Miss Zari…” sabi noong isa ko pang assistant.
“Thank you,” sabay upo ko at inom muna para maibsan ang kaba.

Ilang sandali ang lumipas ay nagsidatingan na ang mga board members. Ethan was also early, with his assistant. Pagkatapos ng tatlo pang board ay dumating na rin sina Agatha. She smirked at me and then nilahad ang kamay sa kung sinong nasa labas.

Parang may bukol sa aking lalamunan. Natigilan ako at kung medyo nanlaki man ang mga mata ko’y dahil iyon sa nakita. Relani Riego with another older woman went in.

Holy shit.

The coldness in Relani Riego’s face almost gave me chills. Nang binalingan niya si Agatha para magtanong kung saan sila uupo ay tinuro muli ni Agatha iyon.

“Mommy, you should sit near Tita Relani,” si Agatha.

Ethan shifted in his seat. His index finger slightly playing on his lips our eyes met. He mouthed, “Relax. You look tensed.”

Shit!

Parang gusto kong tumakbo palabas ng conference room. Parang gusto kong umalis at itigil na lang ang kahibangang gusto ko.

But then… this is life. I want to be in this business. I want the feeling of being independent. Hindi matatalo ng aking takot ang kagustuhan kong ito.

I inhaled and exhaled properly. Taas noo kong hinarap muli si Tita Relani.

She looked so indifferent. I smiled at her genuinely.

“Good morning… po…”

The “po” came last. Hindi ko alam kung papayagan niya pa ba akong tawagin siyang Tita. The thought of it hurt me. For some reason.

Like I failed someone I liked. I failed someone unintentionally. And not because she’s Radleigh’s mother, but because I look up to her, too.

Bumagsak ang tingin ko sa aking laptop at muli ay ginalaw ang arrow. As if may gagawin. Kahit wala naman.

Damn!

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Comments are closed.