Island of Fire – Kabanata 27

April 5, 2017 By In Island of Fire Comments Off on Island of Fire – Kabanata 27

Kabanata 27
Jealous

“Madaling araw yata siya umalis, Ma’am,” ani Belinda habang nagsasalin ng kape sa kanyang sariling tasa.

He must’ve been very guilty. Iyon ay kung may natitirang guilt pa sa kanya.

I must’ve forgotten that he didn’t say yes to marrying me. That alone means something. Why this is a big deal to me, I don’t know. What happened in that island is just nothing. We’re both adults. It’s just lust. We’re in a dark room. Our hormones are raging. That’s all.

“Bilin niya sa akin na sabihin sa’yo, Ma’am, na maaga siya ngayon dahil may aasikasuhin siya sa Cavite. Magkasama yata sila ni Ser Ethan sa isang conference sa Cavite.”
“Why, I don’t really care, Belinda. Besides, I have so many things to do aside from talking to him of nonsense.”

Ngumiwi si Belinda sa sinabi ko. Tila walang tiwala sa naging sagot ko. Pero iyon ang totoo!

“Poor man, he must’ve been very stressed at work. Where did he sleep then, Belinda? Or did he?” masamyong boses ni Calla habang nakatingin sa aking kasambahay.

I asked her to come over today. She’s more than willing to be with me since she doesn’t have work.

Dakilang housewife si Calla at kung hindi nagtatanim ng mga halaman sa kanilang hardin ay nagpapa-spa ito. She’s literally living the life I want. Well, except that if I’m not going to work, I will be broke as fuck.

“Sa sofa lang, Ma’am Calla. Hindi ako sigurado kung natulog iyon pero mukha nga siyang pagod. Kawawa nga, e.”

Binalingan ako ni Calla. Her eyes accused me of being so hard on that bastard. That’s just right, ‘no!

“Oh well, I’ll reserve my pity to the people I like,” I said proudly.
“Hindi mo ba like si Ser Radleigh, Ma’am?” Mausisang tanong ni Belinda habang nilalapag ang tasa ng kape kay Calla.

Napigil sa ere ang ambang paghigop ko ng kape dahil sa nakakaagrabyadong tanong ni Belinda.

“No,” I denied to save my pride. Ngayon lang yata may pakinabang ang pride, e.

Humagikhik si Calla. Nanginginig ang kanyang balikat sa tawa. Nang tinapunan ko ng tingin ay umiling siya na parang wala lang.

So… today we will move the office. Ang sabi’y kagabi agad sisimulan ang pag-eevacuate para walang masayang na panahon. I agreed to it even if it hurts me. Ilang taon na rin kami sa building na iyon. But if moving will mean for the betterment of the company, so be it.

Dadaan muna kami ni Calla ngayon sa dating opisina ko. Pagkatapos ay kukuhin ang isang box na inayos ng secretarya ko noon at pupunta sa bagong opisina ko.

The new office is located at the 16th floor of the building where the RHI is. Ang alam ko, sakop ng floor na iyon ang RHI. Sa 17th, 18th, at 19th naman ang VHRV, Inc.

At dahil ilang bloke lang ang layo noon sa building namin, hindi na rin naman ako mahihirapan.

“Kuya is always partying with his girls. Alam mo bang si Maica ang girlfriend niya ngayon?”

Halos umuga ang sasakyan sa gulat ko sa sinabi ni Calla. Nasa front seat siya habang ako’y nagmamaneho. Kanina pa naglalakbay ang utak ko sa pagbibenta nitong BMW pero nakuha niya ang atensyon ko nang sinabi niya iyon.

Maica? My ex barkada? Glaiza’s friends?

Buti na lang iniwan ni Ethan si Glaiza. I heard Glaiza cheated. Obviously! Medyo nararamdaman ko nga noong gusto ni Glaiza si Radleigh, e. Ethan’s probably only her trophy! Once a cheater, always a cheater. A leopard just doesn’t lose its spots.

“Really?” nagulat ako roon.
“Yes!”

Nagpatuloy sa pagkukwento si Calla tungkol sa mga escapades ni Caleb. Na tulad ko’y gastador din. Iyon nga lang, mas grabe siya ngayon. Magkakasundo talaga kaming dalawa noon!

Nangingiti ako habang kinikwento ni Calla na bumili ng Ducati si Caleb at hindi niya man lang daw ginamit. Nagpaplano raw itong maglakbay sakay ng isang cruise ship. Wow!

“We should join one him one of these days, Calla. Iyang mga parties niya. I want to get even with those girls,” sabi ko.
Ngumiwi siya. “Luigi won’t let me go to Clubs without him.”
“E ‘di, isama mo siya!”

She pouted a bit. Nakakasakal ba? Buti na rin pala at hindi ako maagang nag-asawa. May panahon pa ako para makapag explore!

“Akin na nga ‘yang box!” sabay hablot ni Calla sa dala ko.

Hinayaan ko siya. She looked at me from head to foot. Ganoon din ang ginawa ko sa kanya.

“I’m going to a spa. You’re going to your office. And yet, we look like this?” natatawa niyang sinabi.

Ako’y nakasuot ng isang tube top dress, covered with a boyfriend coat. She’s wearing skinny jeans, a red t-shirt, and a red flat shoes.

“What? This is, normally, my office look!” halos natigil ako sa paglalakad. “Besides, if I have time, I’ll go with you in that spa.”

Sinubukang buksan ni Calla ang aking BMW. Pinatunog ko ito at ‘saka niya pa nabuksan.

“I know, Zari. I just think you’re a little bit overdressed.”

Kumunot ang noo niya nang napagtantong hindi niya maipasok ang dalang box sa likod. May isa pa kasing malaking box diyan.

“This is my fashion statement. I’m glad I shopped for enough clothes before I paid my father’s debts. At least I have something to wear.”
“And where do I put this? Kakandungin ko na lang?” tanong ni Calla sa akin.

The pink clip on her hair looked so childish. May asawa ba talaga ang isang ito?

“Yes, you should.”

Sinarado ko ang pintuan sa likod bago tumuloy sa sasakyan. Sumunod na rin siya sa akin at nagseatbelts.

“How much did you spend yesterday? I don’t mean to intrude, friend, but I’m wondering.”
“Ugh! Pati ba naman ikaw? Those are needs, Calla. I’m actually glad I didn’t buy anything other than that.”
“Fine, then!” she ignored.

Umirap ako at pinaandar na ang sasakyan.

Ang gusali kung saan ang VHRV ay mas matayog sa gusaling pinagrentahan namin para sa opisina ng Vista Grande. I can imagine more high end companies here and I’m suddenly excited.

Lumabas kami ni Calla sa basement parking. Kinausap ko ang guard tungkol sa mga dalang gamit ko. Ang iba’y naihatid na sa taas at ang dala ni Calla ay iyong iilang mga kakailanganin ko na lang.

Nakapunta na ako roon dito. This is where I caught Radleigh cheating with his client. Bittersweet memories of my childhood filled me. I remember how heartbroken I was back then.

Agad ko ring iwinaksi iyon sa aking isipan. Hindi panahon ng pagto-throwback ngayon.

Tumunog ang elevator at pumasok na kami ni Calla sa loob. Bumaling ako sa reception na may nakalagay na Riego Holdings, Inc. Sa baba nito ay inaayos ang kulay green na Vista at kulay blue na Grande, gaya ng aming logo.

“I look like your maid here,” ani Calla habang nakasunod sa akin.

Bawat nakakasalubong ay pinagtutinginan kami. I removed the coat I have and let it hang loosely on my shoulders. Hawak ko ang isang Louis Vuitton clutch.

“I told you I should bring that.”
“Nevermind. I like it…”

Baliw din pala ang isang ito.

Nang nakalapit na kami sa receptionist ay nilingon ko ang magkabilang panig. The left side is full of cubicles. The ends were doors leading to the offices of high ranking people. Ganoon din ang right wing. I wonder where I will sit?

“Where is the Vista Grande staff located?” tanong ko.

The receptionist looked at me with amazement in her eyes. Hindi na ako nagtataka. Ganoon naman talaga ang epekto ko.

“On the left wing, Ma’am.”

Iyon nga rin ang iniisip ko dahil nakikita kong medyo magulo pa. Maraming boxes at kung anu-ano sa kanilang mga cubicles.

Nagtagis ang bagang ko. Cubicles. I will surely be in one of those!

Nilingon ko ang right wing at nakita ang dami ng lalaki roon. The left wing has men but mose were girls. Ang lalaking nahalo lamang ay ang mga empleyado ko roon.

“I am the Head for the Architectural Design. Could you lead me to my office?” tanong ko.

Nilingon noong receptionist ang kasama. Natataranta namang tumango ang kasama nito.

“My name is Zariyah Leviste. Can you check it in your files?”

Nagmamadaling nagcheck iyong babae. Pagkatapos ma kumpirma na naroon nga ako ay lumabas na iyong isa para igiya ako sa aking magiging cubicle.

The familiar faces of some of my employees were there. Sanay na sila sa akin pero kitang-kita ko ang pagkakatigil nila nang nakitang palapit ako.

Men looked at me in awe. Ang mga babae naman, hindi ko sigurado kung pagkakamangha ba iyan o pagkakainis. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad.

“Here is your table, Ma’am,” sabi noong receptionist.

At least I expected it to be a cubicle, hindi na ako nagulat. Nilapag ni Calla ang aking box doon. Tiningnan ko ang computer chair at agad nasiyahang bumili nga ako ng mas komportable.

The computer chair I have here is generic. I don’t like it. I want something similar to my swivel chair, only not as big.

“Can you please call the guard and ask him to deliver the box I have downstairs. He’ll know if you tell him my name,” sambit ko sa receptionist.
“Okay, po.”

Humalukipkip ako tiningnan ang box na hinatid na rin siguro kanina ng mga tauhan. Aayusin ko na sana ang nasa loob nang bigla kong nakita si Agatha.

Wearing a dark orange ruffled dress, she’s with three other younger males. Nakatingin siya sa akin, seryoso ang mukha habang kausap ang mga lalaking kasama.

“Oh…” napasinghap si Calla nang nakita iyon.

Oh well. We shouldn’t be affected by Agatha. I’m here for work and not for any competition.

Habang inaayos ko ang mga papel sa aking magiging lamesa ay narinig ko naman ang sinabi ng isang nasa mga late thirties na babae sa isang kadarating lang na kliyente.

“Engineer Riego will be here soon, Ma’am!” anito sa babae.
“Okay. I’ll be back,” sagot noong babae at muling naglakad paalis ng opisina.

My eyes unconsciously went to her body. The same demographic status. Galing talaga ni Radleigh, ‘no? Is he choosing his clients through their body?

And he’ll be here from Cavite? I thought he won’t be here today. God!

“Good afternoon, Miss Leviste,” si Agatha sa isang pormal at banayad na tono.

I expected her to come to me. Ibinaling ko sa kanya ang tingin nang nawala na iyong kliyente kanina. Kitang-kita ko ang paghagod ng tingin ni Agatha sa aking damit. Her brows furrowed.

“Good afternoon,” I smiled a bit and then turned towards her companions.

She has done nothing wrong to me. Why I am so pissed of her is beyond my logic.

“These are your Architectural assistants. Sa tabing table ang kanilang lamesa. I believe you know these two. These are from Vista Grande?”
Tumango ako nang nakilala ang mga natitirang employees ko. Ang dalawang lalaking kakapasa lang sa board ay nanatili sa kompanya. Parehong magaling magtrabaho si Phil at Barth.
“And this is Glen. He’s from RHI. He will be part of your team,” ani Agatha.

Naglahad ng kamay si Glen sa akin. Hindi kagaya ng naunang dalawa ay mas matanda siya ng siguro’y ilang taon. Kinamayan ko siya at pagkatapos ay nagkamot siya sa batok, namumula.

“Boys, this is going to be your cubicle. I believe you all know your job description?” si Agatha sa isang pormal na tono.

She smiled at them. Sinuri kong mabuti ang damit at galaw niya. Well, walang kapintasan sa mga iyon. Kahit ang boses ay pormal. She’s screaming of class and elegance.

Sumulyap ito nang nakita akong nakatingin sa kanya. Binaling ko agad ang tingin ko sa aking lamesa. I pulled out the chair I disliked and put it beside Calla.

Calla glared at me and then siya na mismo ang nagbuhat noon para mailagay sa tabi.

“Why did you pull that chair out, Miss Leviste?” tanong ni Agatha.

Bago ko pa masagot ay nakita ko ang sunod-sunod na pagpasok ng mga naka tuxedo na mga panauhin. One man immediately went to an office. Ang isa, iyong Engineer na sumang-ayon sa akin kahapon, ay naglalakad kasama si Radleigh.

The Engineer talked to Radleigh as Rad’s stern face looked straightway na tila walang kausap. Ang sekretarya ay nagmamadaling lumapit sa kay Radleigh, informing him probably of a client waiting in his office.

Tailing them are the two building guards, bringing my new computer chair inside the box!

And shoot! Kailangan nga pala iyong iassemble pa!

Rad’s eyes met mine. Lumiko siya patungo sa cubicle ko. I shifted my gaze to the bodyguards behind him.

My heart started pounding but I didn’t mind it so much. I am so busy for anything.

“Good afternoon, Rad!” si Calla ang unang bumati.
Kita ko ang pagkabigla ni Radleigh sa presensya ni Calla. He nodded curtly at her.

Nakatitig agad si Radleigh sa akin. The Engineer he’s with is on his side. Binati niya kami at palipat lipat ang ngiti sa amin ni Calla pero natigil din sa akin.

“It’s nice to see you here, Miss Leviste!” malamyos na sinabi noong Engineer.
Kung hindi dahil sa kanya, hindi na ako nag-angat ng tingin. “Nice to see you, too, Engineer. I will be working here in this cubicle.”
“Well, that’s good! I’m the head of the Engineering Department. My office is just near,” sabi nito.

Sumulyap ako kay Radleigh na ngayon ay lumalim ang gitla sa noo habang nakatingin sa akin. Imbes na magpatuloy sa kwentuhan ay nilingon ko ang kadarating na mga security guards.

“What is that?” tanong ni Agatha.

Obviously, it’s a new computer chair.

“Can you do it, Manong? I think it’s easy,” sabi ko sa dalawa.
“Kaya po, Ma’am…” Sabay ngiti noong mas batang security guard. “Madali lang ito.”
“Oh! Thank you! I can do it myself but I’m not in the proper attire to do the dirty work.”
“Miss Leviste, you bought a new computer chair? Kaya ba inilayo mo iyong isa?” si Agatha ngayon.

I sighed. Why are there so many nosy people? Kahit ang mga empleyado rito ay nakatingin na sa amin.

Bahagya pang tumabi si Calla dahil masikip na ang daanan at naaabala na siya ng dalawang guards na ngayon ay kinukuha na ang mga parte ng computer chair at pati na rin ang papel kung paano iyon iaassemble.

“Is it bawal?” sarkastiko kong tanong kay Agatha.
Napakurap-kurap siya sabay tingin sa pinagkakaabalahan ng guards ngayon sa sahig. “Rad…”

Nagbabanta ang tingin ko kay Rad. Anong problema sa pagbili ng panibagong computer chair? His serious pitch black eyes remained that way. He didn’t speak.

“Paano ba ito?” tanong noong isang guard.
“Hindi n’yo po ba kaya, Manong?” malambing kong sinabi sa pag-aalala.
“Medyo mahirap po pala ito.” Binaliktad niya ang papel na binabasa sa pagkakagulo.
“I think I can help…” sambit noong si Glen, na isa sa team ko.

Umaliwalas ang mukha ko. He squatted with the guards near me. Then he turned to me with a wide smile.

“Kaya ko ‘to, Miss Zari,” he proudly said.
“Oh! Thank you! Sige, tulungan mo sina Manong!”
“I have a computer chair like this, Zari. I think I still remember how this works,” si Engineer I-don’t-know ang nagsabi noon.
“That’s great! You can help, too!”
“Anytime…” sabi noong Engineer at nakisali na ngayon sa pag-aayos noong computer chair ko.
“I see nothing wrong with our computer chairs here…” si Agatha habang nakatingin kay Radleigh.

Nagtiim-bagang ako. Why is this girl so nosy? Power tripping? Bakit? Pera niya ba ang pinambili ko ng silya?

“Zariyah, in my office,” mahinahon ngunit mariin ang pagkakasabi ni Radleigh noon.

Napaawang ang bibig ko. Inayos niya ang kanyang tuxedo at tinalikuran ang lupon. Nagkatinginan kami ni Calla.

Now what?

“Miss Leviste,” si Agatha.
Nilingon ko at nahanap ang ngiti niya. She looked pleased and I don’t know for what reason.
“You just insulted him. Getting a new chair and dispatching the company’s chair means you’re not pleased with his decisions.”

Bumilog ang labi ko sa sinabi ni Agatha. I don’t know why I am suddenly so sarcastic that even her threats are funny to me. Napansin niya ang sarcasm ko. Her features hardened and lips in a grim line.

“Please, don’t act like a child here. This is business and we take it seriously,” she said.
“I take it seriously, too, Agatha. Don’t worry…” sabi ko at naglakad na patungo sa pinasukang opisina ni Radleigh.

Before I left, I saw her face contort in anger. I don’t know what’s her relationship with Rad but if it’s true that they planned to engage for business, and for him to say yes to that, there must be something going on.

My heart hurt a bit but I did not let it affect me.

Ganito naman siya, noon pa. He was always vague and unlike other men, hindi ko basa ang kanyang mga kilos.

He acts like he likes me but then sometimes I also think he thinks of me as his little sister. Back when I was fifteen, I always have the first move with him through texts. And it’s always me who’s excited to see him. Hindi pa iyon dahil bibilhan niya ako ng mga gamit! Ako lagi.

Siguro ay masyado pa akong bata. That him being so mature means everything I do is a childish act. The texting thing. The excitement thing.

Damn!

Pagkabukas ko sa kanyang opisina ay namangha ako sa kalinisan nito. Walang wala ang opisina ko noon bilang CEO. It looks sleek and neat. With white and chocolate brown interiors. Spikey green plants on the side is the only source of other color.

His large table sat on the right side. Ang isang dingding ang isang mahabang glass windor galing sa dulo hanggang dulo. The ash gray carpetted floor and the ash gray rectangular sofa greeted me.

His coat was removed now. Nasa likod ng kanyang upuan. I caught him trying to loosen up his tie. His eyes met mine.

Nasa likod siya ngayon ng kanyang swivel chair, nakatayo.

Palihim kong hinagod ng tingin ang kanyang torso pababa. His white longsleeves hugged his body right. I swallowed hard, secretly as I confidently strut till his sofa. Tinutupi niya ang kanyang damit ngayon hanggang siko para. The veins of his arm showed up when he fisted. He shifted a bit. His long and powerful legs is hugged rightly by the soft material of his slacks.

Nainsulto ko raw siya. I proudly looked at him in the eye.

He looked dangerous. His strong and masculine bone structure is more defined now that anger is etched on his face.

Nangatog ang binti ko pero dahil isa akong mahusay na artista, hindi ko iyon pinaramdam sa kanya.

I crossed my arms. Trying to piss him off…

“Care to explain?” tumaas ang isang kilay niya.
“Explain what? The chair? You’re insulted because I didn’t like the computer chair you have here?” panimula ko.

Marahan siyang pumikit, tila nagpipigil ng galit. Then he sighed before opening his eyes again.

“I hope you’re not wearing that everyday.” He pointed at my body.

Napatingin din ako sa aking damit. Hindi ko alam na marami pala siyang issues sa akin. Una ang aking silya. Ngayon ay ang aking damit.

“Wow! Care to inform me of your suggested office attires? Why is Agatha allowed to wear her dress while I can’t?Oh! Right… She has the priviliges while I don’t…”

Mas lalo yata siyang naging problemado sa sagot ko. Nakapamaywang na siya ngayon at nagtatagis din ang panga.

“Those men are looking at you like you’re some TV show. Have you seen the staff around you, Zari?”
“If they find me pretty, then that’s not my problem, Radleigh.”

Kinagat niya ang labi niya at muling pumikit bago bumaling ulit sa akin. Pakiramdam ko ay kaonti na lang, sasabog na siya. Kung kahapon ay ako ang nainis sa kanya, ngayon siya naman. Now, we’re even.

“They are all wanting to please you, Zariyah! And you’re using that to your advantage! These men should be working and you’re distracting them from doing that because of your new computer chair!”

Pakiramdam ko ay mapupudpod ang ngipin ko sa galit. Humakbang ako palapit at nagmukha siyang binuhusan ng malamig na tubig galing sa pagkakainit.

Tumuwid siya sa pagkakatayo at naestatwa. Tatlong hakbang lang ang ginawa ko.

“E ‘di sana sinabi mo ‘yan kanina at nang sa ganoon, pinigilan ko sila sa pagtutulong sa akin at ako na lang ang gumawa noong silya ko, ‘di ba? You are the CEO, you should’ve stopped them from doing that! Also, the last time I checked, I am also an investor here! That means, hindi ako sakop, tulad ni Agatha, sa kung ano mang damit na gusto mong ipasuot sa mga empleyado mo. I can wear whatever I want, whenever I want, Radleigh. Don’t be so controlling over me! I’m not your employee!”
“Zari…” now his voice turned softer.

Diretso ang lakad ko patungo sa labas at patungo sa aking cubicle. Ngiting tagumpay ang iginawad ni Agatha sa akin na ngayon ay naroon parin, tinitingnan ang mga hired men ko. Calla gave me a meaningful gaze. Tila alam kung ano ang nangyari.

“Excuse me, Engineer, Sirs… Thank you for your help.”

Narinig kong kumalabog din ang pintuan sa opisina ni Radleigh sa aking likod.

“However, Engineer Riego doesn’t want to distract you from work,” sabi ko.
Unang umalma iyong Engineer. “I have a free time, Miss Leviste,” he smiled.
“Mang Salyo…” si Radleigh sa aking likod.

Muntik nang umikot ang mga mata ko.

“Po!” sagot noong mas matandang sekyu sabay tayo.
“Paki dala na lang ho iyang silya niya sa aking opisina. I’ll let some Vista Grande employees assemble that instead.”

Ngayon hindi ko na napigilan ang pag-irap ko. Fine! Whatever!

Sinenyasan ko si Calla na aalis na lang kami. Natatakot siyang lumapit sa akin.

“Thank you for the help, po…” masuyo kong sambit sa mga tumulong. “Engineer, thank you very much.”
“No problem, Miss Leviste.” Tumayo si Engineer at lumaki ang ngisi sa akin.
I smiled sweetly and then turned to Rad’s scowl. “Bukas pa ang simula namin, ‘di ba? I’ll go now.”

Hindi iyon para sa kanya. Para iyon sa lahat. I smiled at the men who helped me again then immediately left the whole room. Almost all of their male employees looked at me. I ignored all of them, too.

“He is vile! He thinks he’s so great!” patuloy ko sa paninira kay Radleigh habang nagpapabody scrub kami ni Calla ngayon sa isang paborito niyang spa sa Fort Bonifacio.
“You’re going at this for the last fifty minutes, Zari.”
“Because it’s true! Hindi ko nga alam kung bakit… bakit…” hindi ko masabi.

Narinig ko na lamang ang hagikhik ni Calla.

“Maybe he’s just really jealous?”

My heart hurdled a bit at Calla’s statement. Mabuti na lang at pareho kaming naka prone position kaya hindi niya nakita ang ekspresyon ko.

“Ba’t siya magseselos? Bakit? May gusto ba ako sa mga lalaking iyon?” wala sa sarili kong sinabi. “Isa pa!” ngayon pagalit naman. “Ba’t siya magseselos? Gusto niya ba ako?”

Hindi nagsalita si Calla.

“He’s bedded women before. I can’t be suddenly the chosen one. Lalo na dahil pinahiya ko siya ng husto noon.”

Our conversation went on until our availed services was done. Iyon lang ang gusto ni Calla sa araw na ito samantalang mangha ako sa isang bagong serbisyo sa buhok.

I’m not sure if I’m hallucinating or what but I think my hair has been so dry for the past few weeks dahil sa dagat ako tumira. Gusto ko tuloy marejuvenate iyon.

“So? Ano? Papunta na rito si Luigi,” ani Calla pagkatapos bayaran din ang pati sa akin.

Well, I can certainly avail that rejuvenating thing for the hair since Calla has paid for my body scrub and manicure-pedicure!

“Oo. Mauna ka na. Hindi naman kalayuan ang condo ko, e. Thanks Calla!” sabi ko.

Alas singko y media na noong nagsimula ang hair treatment. Ang sabi’y isang oras at kalahati lamang iyon.

It costs a lot but the feedbacks were great that I think it will be worth it. Hindi rin naman lagi. Nilibre naman ako ni Calla sa spa. At ibebenta ko naman ang BMW ko.

I need to budget! Damn it!

When it’s all done, my hair looked so soft and shiny! Tuwang-tuwa ako na pakiramdam ko’y hindi ito ang magiging huling treatment ko ng ganoon.

“Ten thousand pesos, all in all, Ma’am,” sabi ng baklang nasa counter.
Binigyan ko siya ng isang Debit Card. Nagulat ako nang ngumiwi siya.
“Ay, Ma’am. Wala ba kayong cash? Sira kasi iyong machine namin for Credit Cards.”

Oh great!

I scanned my wallet for some cash and to my surprise… I have only five hundred pesos!

Nanuyo ang lalamunan ko at napatingin muli sa bakla. Ready na akong makipag-away. Hindi ko naman kasi kasalanan kung sira ang machine nila!

“I only have five hundred pesos. I can withdraw if there’s an ATM nearby.”
“Hmm…” Medyo nalito siya. “Meron po pero sa kabilang building pa.”

Bigo niya akong tiningnan na tila ba ako dapat ang maghanap ng paraan kahit na kaya ko namang bayaran ito.

“Well, I can just go there and withdraw first…”

I walked out and he immediately called help from the guards. Natigilan ako at napatingin sa bakla, nagpupuyos.

“How can I pay this then? I can certainly pay for it if only you have that machine. I don’t pay cold cash, dear…” iritado kong sinabi.
“Saglit lang po, Ma’am. Sir!” may tinawag siya sa loob.

It’s their freaking manager. A tall, chinito guy went to the counter. Lumagkit ang tingin niya sa akin bago sa bakla.

“Anong problema rito?” tanong nito.
“Kasi Sir… wala po siyang cash…” pangit na tono ang gamit ng bakla.
“I don’t really pay cash, usually. Is it my fault that your machine is not working? I have to go to the ATM nearby.”

Tumango ang Manager at may kinuhang mga papel sa ilalim ng lamesa.

“We’ll have to get more of your information so we would allow you, uh…” Napatingin siya sa papel. “Miss Leviste, to go out…”

Nag-angat siya ng tingin sa akin. I sighed and then went to the table again to fill in some information about me. Umalis iyong bakla at ipinaubaya na sa lalaking manager.

“Especially that you’re not a regular customer,” marahang dagdag niya habang nagsusulat ako.
“Well, this isn’t my spa. This is my bestfriend’s. It’s pretty insulting, you know. I pay everything and it’s not my fault that…”

Hinawi ko ang takas na buhok sa aking balikat at nag-angat ng tingin sa lalaki. I caught him looking at my chest. I licked my lowerlip and smile at him.

“… your machine is not working. You think a girl like me won’t pay it?” malambing kong sinabi.
He grinned and then gave me another chilling head-to-toe before leaning on the counter. “Of course you would. Magkano ba ang bill mo?”

Nagulat ako sa tanong nito. He reviewed my bill and then an eyebrow shot up before he looked at me.

“I like your services here,” I praised.
“You know what, I can do something about your bill…”

With that, naitikom ko ang ngiti ko. My smile faded into a grim line. What does he mean by that? Biglang lumamig ang aking tiyan.

“If you go out with me tonight, I can just forget about this amount…” before I started lashing out, may isang makapal na tig iisang libo na nailapag sa counter.

A large warm hand scooped my waist making me almost fall on my knees. Tumingala ang manager na kausap ko sa taong nasa likod. Stunned, bumaling ako sa lalaki at nakita si Radleigh na matalim ang mga matang nakatingin sa manager.

“Is this all?” his cold baritone made some customer’s head turn.

Tiningnan ni Radleigh ang aking bill.

“Ah… Y-Yes, Sir!” The manager said hastily.

Bahagyang tumango si Radleigh pagkatapos ay iginiya na ang katawan ko palabas.

“Let’s go home now, baby…” he said just enough for everyone listening to hear.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Comments are closed.