Island of Fire – Kabanata 25

April 5, 2017 By In Island of Fire Comments Off on Island of Fire – Kabanata 25

Kabanata 25
Relief

Masyadong naging mabilss ang oras.

I slept deeply that night. So peacefully, actually. Pag gising ko’y naroon si Radleigh sa aking tabi, mahimbing na natutulog at bahagyang nakadagan sa akin.

His heavy arm was wrapped around my chest, giving me so much comfort. Tinitigan ko pa siya ng ilang sandali habang siya’y mahimbing ang tulog.

And even when he’s asleep, his eyebrows were a bit a bit creased. Napangiti ako. Bakit ba kahit tulog ay mukha parin siyang suplado?

Sa paggising, pagkain, at pag-iimpake, bumilis pa lalo ang oras. Like how I want it. Before I could process everything, kinamulatan ko na lang na pababa na kami ng chopper sa bakanteng lote ng mansion.

Naunang bumaba si Ethan at nilingon niya ang pagbaba namin. Lumagpas ang tingin niya kina Roman na ngayon ay dala-dala ang mga gamit ko. He rolled his eyes and then waited for us to walk towards him.

“She doesn’t look isolated, Radleigh,” komento niya.

Nagtaas ako ng kilay kay Rad. Nagkatinginan silang dalawa at sabay pang nilingon ang tatlong naglalakihang maleta sa aking likod.

A playful smile rose on Rad’s lips. Umiling si Ethan.

“Well, what’s new?”
“What’s your problem with my luggages? It has my essentials! I did not even bring most of my clothes and things from that island!” giit ko.

Ethan ignored my explanations and started walking towards our mansion. Palapit pa lamang kami ay nakita ko na si Daddy kasama ang iilang kasambahay. Ethan’s parents were behind him, too.

Nagmamadali ako noong una para makasalubong si Daddy pero nang nakalapit ay humina ang lakad ko. He looked ill. Pumayat siya at mas lalong tumanda ang mukha sa loob lamang ng ilang linggo kong pagkawala.

My tears immediately fell and I hugged him tight. His body feels so light and I can’t help but cry more.

He needs medical attention or a vacation, perhaps. He needs to be nourished. I know that the past years without my Mommy was hard for him. She was the love of his life. He won’t stop talking about his feelings for my Mom. The reason why I indulged his vices is because I feel guilty for my Mom’s death. Ni hindi ko alam na sa mga panahong nagkakasagutan kami, may sakit na siya noon.

“Daddy!”
“I’m sorry, Zari,” nabasag ang kanyang boses.
“It’s okay…” sabi ko.

Bumitiw ako sa yakap at tiningnan siyang mabuti. Ilang sandali kaming nagkatinginan bago niya pinuna kung sino ang nasa likod ko.

“We’re glad you’re well, Zariyah,” sabi ni Tita Eliza at hinagod ang aking braso.

I smiled at her. Hinawakan ko ang kanyang kamay at niyakap na rin.

Natanggal ako sa pagkakayakap ng narinig ko ang bati ni Radleigh kay Daddy. Nagmano rin si Ethan at bumati.

Isang mababang tawa ang ginawa ni Daddy sabay tingin sa akin. Tumango siya na tila may nahinuha sa pinagmamasdan.

“I am glad that you two are working things out again. Para rin naman iyan sa ikabubuti ng kompanya.”

Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko. Hindi ako makatingin kay Radleigh sa kahihiyan at awa sa sariling ama. I am not sure if he even thought about his words when he uttered it.

“Goeffrey, they are tired from their travel. Let us first give them time to rest,” sabi ni Tita Eliza sabay tingin kay Tito Eugene.

The awkwardness in the air was very evident. Sa katahimikan habang uminumuwestra ni Tita Eliza sa mga katulong na alalayan si Daddy papasok sa mansion at sa tingin ni Tito Eugene kay Radleigh, mas lalo kong napansin kung paanong pinaglayo ng lahat ang aming mga pamilya.

“Thank you, Radleigh, for helping my son and niece out. Please, give Zariyah time with her Daddy.”

Napasinghap ako sa sinabi ni Tito. Si Tita at ang mga kasambahay ay tumulong na sa pag-alalay kay Daddy papasok sa mansyon. Nilingon ko si Radleigh. The look on his eyes almost made me hide from the earth. Parang may malamig na tubig na bumalot sa aking katawan.

“Hindi na rin po ako magtatagal, Tito. And, you can always count on me…” aniya sabay sulyap sa akin.

Yumuko ako. Embarrassment got into my system. If someone heard what Daddy thinks about all these, mauungkat ang nangyari noon.

“Zari, mag-usap kayo ng Daddy mo tungkol sa plano mo. Ikaw ang magdedesisyon sa lahat simula ngayon. Hindi ba iyon ang gusto mo?”
Bumaling ako kay Tito. “Opo. Susunod na ako.”

Nilingon ko si Radleigh ng isang beses bago ako tuluyang sumunod kina Tita sa mansion. The thick atmosphere between my Tito, Ethan, and Radleigh is too much to bear.

Huli na nang napagtanto kong kung paaalisin ni Tito si Radleigh ngayon, hindi na ako makakapagpasalamat sa kanya. I was in my Dad’s study when I thought about it. And it was in the middle of his accounts about how he got so many debts.

“I loaned the project, Zari. I know I can pay for that. For the investors. I just accidentally used the money one night in a casino…” Daddy said huskily.

Nakahalukipkip ako at nakahilig sa malaking lamesa. Siya’y nasa sofa samantalang si Tita Eliza ay tumatanggap ng mga tray galing sa labas.

Ang gilid sa mga mata ni Daddy ay puno ng luha. I don’t know what to feel while I’m looking at him, miserable because of his own doings.

On the table behind me is the complete account of all his debts, including his debt on that Drug Lord. Hindi ko alam kung kaya ko iyong bayaran at mas lalong hindi ko aabalahin ang pamilya ni Ethan para sa mga utang ni Daddy na purong Casino lang ang dahilan.

Yes, I truly indulged him with his vice because I remember how he’s always indulged me with mine. Shopping filled the gap my parents made. They gave me the money to make me feel loved. Iyon din ang natutunan ko sa murang edad. Na mahal nila ako kaya ako maraming pera. And now, I unconsciously did that to my father.

It is a wrong way to express love. Hell, it is not even love! It is only relief. A temporary alternative to express what you think is love. A lazy excuse.

Iyon ang ginawa nila sa akin. Iyon ang natutunan ko. At ito ang ginagawa ko ngayon.

I want to stop Daddy from talking about his experiences but I guess it was therapeutic for him to. Kinuha ko ang mga papel at nagsimula na akong mag scan doon.

Noon ko pa alam ang mga pinagkakautangan niya na mga kompanya at investors. Pero ngayon, kompleto na ang listahan, kasama ang mga utang niya sa pagca-casino.

With a heavy heart, nilapitan ko siya. He was shaking as he cried. Parang pinipiga ang puso ko. There’s no point in blaming now. I can’t solve the problem by pointing fingers.

“I’m sorry, Zari… I’m sorry, anak…”

The pain stabbed my chest. Halos hindi ako makahinga habang pinagmamasdan si Daddy na sising sisi sa lahat. I hugged him tight for minutes. We stayed like that for a while.

“Ayos lang, Dad. I can deal with all these…” I assured him.
Tumango si Daddy at umiiyak parin.
“For now, I want you to rest here,” sambit ko.

Ilang sandali pa kaming nanatiling ganoon hanggang sa pumasok si Ethan sa silid. Si Tita Eliza ay nagtatawag na ulit ng katulong para alalayan si Daddy sa kwarto at makapagpahinga na ito.

Nang tuluyan nang lumabas si Daddy ay hinarap ko na si Ethan na ngayon ay siyang naroon sa lamesa, nakahilig, gaya ng posisyon ko kanina.

He looked at me with worry in his eyes. Umiling lamang ako at naglakad pabalik sa sofa para maupo.

“We grant you a loan, Zari,” si Tita Eliza.
Ngumiti ako at umiling. “I won’t pay for his loans with another loan.”
“What’s your plan?” tanong ni Ethan.
“I’m gonna sell Mommy’s properties.”
“The island should be on your top list. Walang silbi ang isla na iyon, Zari,” Ethan said harshly.

Hindi ako nakapagsalita. Although it holds a place in my heart, the only thing I want now is practicality.

Buy selling my Father’s stocks to Ethan, I will have enough money to pay for the employees and some of my Father’s loans from the bank. My trust funds can pay for his casino debts. And by selling properties, I can pay for his other small time loans. Pero ibig sabihin noon, hindi ko pa mababayaran ang iilang utang niya sa ibang investors na nawalan ng tiwala.

The island should be sold.

But that’s going to be the last thing I’d do.

Mananatili ang kompanya, hindi man ako ang maging Presidente. My stock will probably earn. I will have to work under Vista Grande and I will look for other jobs. Maybe I can make it happen.

“I think I can pay for it.”
“You need to have a press conference, too, Zari. For the sake of your employees,” si Ethan. “Narito na rin ang listahan ng mga bagong investors na nagplanong bumili ng stocks. Your approval is the only thing that’s needed.”
Tumango ako. I don’t think I have any choice.
“What about you?” tanong ni Ethan na alam ko agad ang ibig niyang sabihin.
“I will work under Vista Grande as an Architect. Besides, it will benefit me. I’m also planning to get another job aside from that.”

Pinlano ko iyon lahat doon na halos makalimutan kong nakabalik na nga pala ako ng Maynila. I did not contact my friends. All I think about are my plans for the company.

Inilahad ko iyon kina Tita at Tito. Sinang-ayunan naman nila iyon. Buying my Daddy’s stocks is already a big help. Kahit na alam nilang medyo tagilid ang Vista Grande, susugal parin sila. And I won’t abuse that.

Tiningnan ko lahat ng mga dokumentong nakalap habang wala ako. Halu-halo iyon. Legal documents, complaints, feedback, summons, party invitations, and so on.

Nakatulugan ko pa ang lahat ng iyon sa silid na iyon.

I also gave Ethan the right to issue the announcement of my press conference for the whole Vista Grande, pagkatapos ng closed door meeting ng mga dati at bagong investors.

Kinabukasan ay nagpaalam na ako kay Daddy na babalik ako sa condo. Aside from it’s near the office, I will feel more alert there compared to the mansion. I feel too comfortable at the mansion to live there while my life is haywired.

Kakapark ko lang sa basement ay nakita ko na agad si Calla at Caleb doon. Nagmamadali akong bumaba para mayakap silang dalawa.

Sinabi ko kasi kay Ethan na siya na lang ang bahalang magsabi sa magkapatid dahil natatakot pa akong humawak ng cellphone o mag log in sa mga social accounts ko. He told me he’ll have it checked if it is safe. Ihahatid niya rin agad sa aking condo kapag tapos na.

“I missed you! Saan ka ba galing?” tanong ni Calla, mahinahon.
“Boracay?” nagtaas ng kilay si Caleb sa akin.

Hindi ko alam kung tama bang sabihin ko sa kanila ang nangyari.

Napag-usapan na rin namin ‘to nina Ethan. Kasalukuyang nakakulong ang lider at ang mga tao niya at mukhang hindi na ata iyon makakalabas. Matunog ang tagumpay ng mga sundalo sa operasyon nila pero hindi isinama sa balita ang tungkol sa pagtatangka sa buhay ko.

Sa sobrang dami ng nangyayari sa buhay ko, hindi ko na alam kung alin ang uunahin kong ikwento sa kanila.

I believe that it’s therapeutic to tell someone about your problems. I trust them both. Even when I was in Boracay, maaaring pinagdudahan ko si Caleb pero ngayong nakikita ko na naman siya sa harap kong hindi makapaniwala sa mga kabulastugan ko ay napagtanto kong talagang mabubuti silang tao.

“You what, Zari?” halos pabulyaw na sinabi ni Caleb.
“I knew it!” si Calla.

Nagkakagulo na ang gamit ko rito sa Condo unit. Caleb’s standing beside the window while Calla’s helping me out with my clothes.

Natulala si Calla sa ibinalita kong kinidnap ko si Radleigh Vesarius Riego sa engagement party niya.

Bumagsak ang balikat ko sabay tingin kay Caleb na ngayon ay may halong mangha at kalituhan ang mukha.

He’s wearing a black shirt and black jeans. His one ear piercing ringed on his right ear and his thin silver necklace hung loosely on his neck. Nilingon ko si Calla na punong-puno ng pang-aakusa ang mukha.

Ang kanyang sobrang haba at itim na buhok ay tila kurtina hanggang baywang. Ang puting t-shirt at blue jeans ay humulma ng husto sa kanyang tamang siksik na katawan.

“I said I kidnapped him on his engagement day!”

I filled them with the right information. Mula sa pagkidnap at pagkabaliktad ko. Hanggang sa pagkakaalam kong may humahabol na sindikato at sa barilan sa Boracay. Of course, minus all the parts about Radleigh cuddling me on his lap. Why the hell would I say that?

“Where is he now?” tanong ni Calla.
“You can file a case against him,” tumango si Caleb at ilang sandali ay kumunot ang noo. “But… he can also file a case against you, too.”
“I’m glad you’re okay!” nag-uunahan sila sa kanilang opinyon.
“I replied to your message but you didn’t. You were out before I could type!” si Caleb.
Matalim na tumingin si Calla sa kapatid. “That should be enough, Kuya. Muntikan na siyang napahamak dahil sa pangungulit mo!”

Napakurap-kurap si Caleb sa sinabi ni Calla.

Our talk lasted for half of the day. Their presence means a lot to me lalo na ngayong naghahanda na ako para sa magiging meeting pagkatapos dito.

Caleb ordered for food while Calla remained on my room as I perfected my eye make up. Nakatitig siya sa akin na tila ba isa akong palaisipan. Nakikita ko ang repleksyon niya sa aking salamin.

“Are you sure about your decisions?” tanong ni Calla. “I remember you were so angry and you won’t let go of your company the last time we talked.”

Huminga ako ng malalim at nilingon si Calla. Hinagod niya ulit ako ng tingin. Wearing my peach spaghetti strapped dress with a deep backless, her lips protruded.

“Inisip kong mabuti ang lahat, Calla,” sabi ko. “Wala na rin akong ibang paraan. Ito na lang.”
“Okay…” aniya at nagpatuloy sa mapanuring mga tingin.

Huminga ako ng malalim at binalingan muli siya.

“You don’t look bankcrupt,” puna niya.
Natawa ako roon. “Of course, I won’t look poor! Isa pa, magtatrabaho ako para hindi ako tuluyang mawalan ng pera. I can work!” I proudly said.
Nagtaas siya ng kilay. Hindi naniniwala sa akin.
“Totoo!” sabi ko sa kanya. “I will be a good Architect to the Vista Grande! I will make sure of that!”
“Hindi ako makapaniwala. I’m not used to seeing you work like that. Just used to seeing you shopping and all.” She giggled.
“Well, you have to get used to it now. I’ll be a working girl from now on! Actually, marami na akong naiisip na designs para sa projects!”

Tinikom ni Calla ang kanyang bibig. Isang multo ng awa ang nakita ko sa kanyang mukha. It poked my heart a bit. Insulted me a bit. In the end, I sighed.

“I will still shop. Don’t worry, Calla!” ngumisi ako.
“I can ask Luigi to invest in your company-”
“No! Don’t. The new investors are complete.”

She’s just worried about me. Alam ko. At ayaw kong isipin niyang kaawa awa nga ako.

“And Caleb is probably thinking about doing that now that you told us…”
Umirap ako.

Tinagilid ni Calla ang ulo niya. She looked adorable. Kahit sino’y hindi makakapaniwalang limang taon na siyang kasal sa asawa niya.

Naglakbay ang isip ko bigla sa maaaring nangyari noon kung tinuloy ko ang pag-aasawa kay Radleigh. Oh the things I look forward to, before. Ang paglipat ko ng bahay. Ang mga damit ko. Ang pag-aaral ko. Siguro ay ganito rin ang nangyari sa amin ni Radleigh.

Damn it, Zari! Bakit iyan ang iniisip mo?

“How can this be your last resort when you clearly told me how you need Radleigh’s help before you went to Isla Fuego?” may nahimigan akong pagdududa sa kanyang tanong.

Nag-iwas ako ng tingin at muling naglagay ng produkto sa buhok.

“Because I can do it? Isn’t that enough reason now, Calla?”

Bumangon siya sa aking kama at ngayon ay nasa likod ko na. Inayos niya ang kulot-kulot kong buhok sa likod.

“Kayong dalawa lang ba ni Radleigh ang nasa isla na iyon?” Ngayon, mukhang alam ko ang patutunguhan nitong tanong niya.
“Hindi! Obviously, we have bodyguards. A lot of them. And Belinda, our housemaid. Oh! Bukas pa ang punta ni Belinda rito dahil pinauwi ko pa sa kanilang probinsya.”

Nanliit ang mga mata ni Calla. Oh. This girl, really. Umirap muli ako at binalingan na lang ang mga damit ko sa kama para magsimulang magligpit. Yes. Magtutupi ako habang naka stilletos!

“Ever kissed him while on the island?” she inquired suspisciously.

Nakakapagod naman kausap ang isang ito. Kapag talaga may karanasan na, ang galing manghuli.

Naka on leave yata ang mga brain cells ko, tulad ni Belinda, dahilan ng mabilisan kong sagot.

“I fucked him once and I have no intention to do it again. Happy?” Nilingon ko si Calla na na ngayon ay laglag ang panga, hawak ang dibdib na tila ba sinaksak ko siya roon.
“Talaga?!” Hindi ko alam kung maiiyak ba siya o matutuwa.

Pinapaulit pa yata sa akin. Nagpatuloy na lang ako sa pagtutupi ng damit. Bigla siyang sumulpot sa gilid ko.

“Bakit hindi na mauulit? My God, Zari! Paano nangyari?”

Para siyang uod na binudburan ng asin sa likod ko. Kulang na lang ay hilahin niya ang mga mata ko para mapatingin ako sa kanya.

How ironic that I was the more playful one and she’s reserved. And yet, now she has more experience than me. Five years worth of experience, huh?

“Who initiated first? And Oh my God! Are you two? Oh my God! I have so many…”

Pakiramdam ko day-off din ng brain cells ni Calla ngayon dahil mukhang hindi niya maayos ang kanyang mga iniisip. Naghilot pa siya ng sentido.

“Do not tell me he’s not good! He’s casually dated a lot of women. Baka ikaw ang hindi marunong at nahihiya ka nang ulitin iyon?” she shamelessly accused me.
“Excuse me!” magagalit na sana ako ngunit nang nagflash ulit sa aking utak ang mga nangyari.

I didn’t do much than kiss him. What the hell?

“I have no plans of doing it again. We’re not in a relationship. He has a fiancee or girlfriend. I’m busy. I have so many problems. I have no time. Okay, Calla? Okay na?” sarkastiko kong tanong.

Gumulong siya sa kama at tawang-tawa. She looked possessed. Hinampas ko siya ng damit. She pouted at me and continued laughing.

Uminit ang pisngi ko. Damn it! I won’t do it again. Whatever happened in Isla Fuego, will forever stay in that Isla Fuego!

“If you have plans to do it again, you can ask me for more ideas,” tukso niya.
“Ewan ko sa’yo-”

Natigil ako nang narinig na may pumasok. Si Caleb iyon, sigurado.

“Now. Shut your mouth!”

I was pretty much annoyed with Calla’s grin while we were eating our lunch. Hindi matanggal ang ngiti niya at si Caleb ay nagtatanong na kung anong nangyayari sa kapatid.

“May problema ka ba, Calla?” tanong ni Caleb, laced with pure concern.

Nakakunot ang noo ko pero habang tinitingnang mukhang tanga si Calla ay natatawa na lang din ako.

Iyon lamang ang nagpatanggal sa kaba ko. As soon as I was alone in my car, driving to the building, my heart started to hammer.

I’m thirty minutes early. Gaya nang pinag-usapan namin ni Ethan dahil mag-uusap pa kami ng iilang empleyado ko bago kami magsisimula sa meeting.

Maraming empleyado sa labas. When they saw my BMW, halos dumugin iyon. Kung wala lang ang mga bodyguards ay baka hindi na ako nakadaan patungong basement.

The employees were not as furious than before. Siguro ay nahilot na ni Ethan ang mga opinyon nila.

Media covered it and I understand that because Vista Grande is a leading real estate company. Sa magkabilang panig ko ay si Roman at Edgar. Maingay nang lumabas ako ng elevator at dire diretso ang lakad namin patungo sa conference hall ng building.

In there was Ethan, some leaders from my employees, and the bodyguards.

Naging smooth ang pag-uusap. Alam na kasi nila ang plano ko dahil nasabi na rin ni Ethan sa kanila bago pa lang ako napunta roon.

“Nagpo-protesta ang mga regular employees na damay sa cost cutting. Iyan ang pinagsisigaw nila sa labas, Miss Leviste,” sabi noong empleyado.
Tumango ako. “I understand. My plan is to give the regular employees a choice. To remain with the company or not. Ang tanging sapilitang matatanggal ay ang mga trainees at contractual. I will give them their final pay and at the same time, payment for the damages.”

Nagkatinginan ang mga naroong empleyado. Ethan shifted on his chair. They deserve more pay. Hindi bale na kung maubos ko man lahat ng natitirang pera.

“The regular employees who will choose to stay will receive a bonus. The regular employees who will leave will receive their final payment, bonus, and the damages, as well. At sila ang pipili roon kung alin ang gusto nila. I will not force the regular employees to leave if they don’t want to.”

Pagkatapos kong sabihin ang mga iyon ay isa-isa na nilang pinuri ang desisyon ko. And then I started signing all the documents approving all my decisions. I hope these will all finally settle everything.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Comments are closed.