Island of Fire – Kabanata 21

April 5, 2017 By In Island of Fire Comments Off on Island of Fire – Kabanata 21

Kabanata 21
Taken

Sa bilis ng pangyayari ay halos hindi ko na masundan. Nagkakagulo ang lahat ng naroon sa Club. Everyone’s running in all directions.

Sa isang madilim na parte ay may biglaang humablot sa akin. The man’s gloves felt rough on my skin. Tumili ako nang pero bago pa ako tuluyang makalayo ay hinigit na ni Radleigh ang aking braso.

Padarag kaming nadapa sa buhangin. Napapikit ako ng mariin at napadaing sa sakit na naramdaman sa tuhod at dibdib. Sinubukan kong bumangon ngunit ang katawan ni Radleigh na nakadagan sa akin ay masyadong mabigat.

“Sir!” sigaw kung saan bago ang mga putukan, may ibang galing malapit sa The Coast, ang iba’t hindi malaman ang direksyon.

Isang mura ang pinakawalan ni Radleigh bago pinalupot ang braso sa aking baywang. I couldn’t move fast and I felt his impatience.

He covered me from where the shots came from.

“Anong nangyayari?” tanong kong natataranta.

Instead of answering, niyuko niya agad ako at hinila patungo sa likod sa isang daanan sa likod ng Club.

“A-Anong nangyayari?” tanong ko ulit nang nakisali na kami sa dami ng taong naroon.

Some were walking fast oblivious to what happened. Some were hysterical. Including me!

Nakatingin ako kay Radleigh ngunit nanatili siyang mapagmasid. Hodling my hand, he’s looking elsewhere.

“Rad!” tawag ko.
“Shh…”

Tumuwid siya sa pagkakatayo bago ako nilingon. Mabilis ang hininga ko at nag-aantay ng sagot.

Ang mga nasasalubong namin ay tumatakbo at nagtitilian na. The tourists who were, at first, oblivious now knew that something’s happened. Ang iba ay nagpapanic, ang iba ay nagtataka, ang iba ay hindi makapaniwala.

I think we should run but Radleigh calmly walked to a pathway I didn’t know.

“Rad, should we…”

Hindi parin siya nagsalita. He continued walking like nothing happened hanggang sa nakalayo na kami. Luminga-linga ako nang tuluyan na kaming nakalayo. Nang wala nang bahid ng mga taong nagpapanic. Nang ang lahat ng narito ay nagtatawanan at nagkakasiyahan na.

Naibalik ko ang tingin ko kay Rad nang may bumangga sa kanya. A man with a black leather jacket secretly gave him a gun. Nilagay agad ni Radleigh ang baril sa ilalim ng kanyang damit.

Sinundan ko ng tingin iyong lalaki na ngayon ay natatabunan na ng maraming tao.

Lumiko kami ni Radleigh sa mas marami pang taong lugar. Isang tianggihan. Maraming mga souvenir stores and boutique. May iilan ding restaurant. Sa sobrang dami ng tao ay hindi ko na alam saan ko ibabaling ang mga mata ko.

From where we are, I found Roman on the other side. Tulad namin ay naglalakad lang din siya na tila hindi kilala. His hands were on the side pockets of his khaki shorts.

Nataranta agad ako. Feeling that we might be safe if our bodyguards were around, pilit kong kinalas ang kamay ko kay Radleigh.

My palm is sweating. It slipped his hold immediately! Kitang-kita ko ang galit na paglingon ni Radleigh sa akin nang biglang may humawak sa aking baywang.

The man is large. My feet left the floor when he carried me.

Sumigaw ako ngunit sa ingay ng malapit na mga Club at banda ay halos ‘di ako marinig!

Bumilis ang lakad ng lalaki, dala-dala ako. Hinampas ko ang braso niya kahit na purong takot ang naramdaman ko.

Terror filled my body. Ang mga luha kong nakaantabay na sa gilid ng mga mata dahil sa kaba.

For a moment, I thought I’m really going to die. A painful death, I’m sure. In it scared the shit out of me.

Nang nakita ko si Radleigh na nakasunod, medyo mabilis ang kilos ngunit hindi parin nahahalata ay medyo naibsan ang takot ko.

The man who got me immediately went to a smaller pathway, the one with the lesser people – malayo sa commercial na parte at mas malapit sa residential area. Mas makipot ang daanan at halos walang taong dumaraan.

“Bitiwan mo ako!” sigaw ko nang napagtantong naiwala niya yata si Radleigh dahil sa ginawang biglang pagliko!

Pumiglas ako. I don’t know which one to attack. I tried to bite his shoulder but he immediately swayed me to the right!

Isang panyo ang sinuklob niya sa aking bibig at ilong. Something weird attacked my nose making me so dizzy. Pumiglas ako ngunit unti-unti akong nawawalan ng lakas.

I was certain that my spirit is leaving me. I tried to stay alert but the call of my body was too absolute. Nahuhulog ang aking mga talukap at mas lalo akong nanghina.

Unti-unting nawawala ang paningin ko. The dim light from the lamp post dimmed more. At wala ni isa akong nakitang nakasunod sa amin.

“Radleigh…” I whispered. I couldn’t shout anymore. I’m too weak.

Before I could fully close my eyes, the man who got me moved suddenly! Hindi ko nasundan kong anong nangyari pero sabay kaming nadapa!

Hinablot niya ang isang baril sa tagiliran, just near where I was positioned in his body. Bago niya pa iyon maitutok ay isang putok na ang narinig ko.

His hand flew away and the gun he almost pointed did, too.

He grunted. I saw his hand bleed. Kumalas ang kamay niyang nakahawak sa akin ngunit masyado akong mahina para gumalaw agad.

“Zari!” a familiar gentle voice called.

Radleigh scooped me when he realized that I couldn’t move properly. He fired a shot to the man who got me and I heard him groan loudly. He’s hit on his feet!

“Shit!” he cursed when a shot was fired from the lamp post.

Nagtago siya sa dinaanan niyang mas makipot na daan kanina. His gun was on his left hand. He cursed more when he realized that he couldn’t deliver properly. Dahil sikop niya ang mga binti ko sa kaliwang braso ay hindi niya maitututok ang baril.

“Let me walk,” I said in a soft voice.

Hindi siya nagsalita. He walked to the opposite side for a while. Pagkatapos ay muling dumikit sa halamanan para makapagtago.

“Rad, please…” I begged. I want to walk so he could point better.

Luminga-linga si Radleigh. The other side was probably infested with the enemies. The right side, we still don’t know.

“Sir!” may biglang tumawag galing sa kanang bahagi.

Isang baril ang nakatutok sa banda roon at nakita ko si Edgar.

“Go! Go! Go!” He ordered hurriedly.

Umiling ako, natatakot para sa kanya. Gusto niya yatang mauna ako sa pagtakbo patungo sa kay Edgar at siya na ang titingin sa likod ko.

Hot tears fell from my eyes. Halos hawakan ko ang mga kamay niya at magmakaawa akong h’wag.

“What about-”
“Go! What the hell, Zari!” mahina ngunit may diin ang pagkakasabi niya.
“What about you? Rad, I…”

Umiling ako habang patuloy ang pagtulo ng aking luha. All mixed with anxiety, guilt, and worry.

Napaawang ang bibig niya nang napagtantong hindi ako aalis doon.

A shot was fired from where we came from. He immediately shielded me. Idinikit niya ako ng mariin sa halamanan.

He groaned and bit his lower lip violently. His sweat mixed with mine as he covered my body properly.

Mabilis ang hininga ko habang tinitingnan siya. He shook his head once in disappointment as he spread his arms, determined to cover everything of me.

Nagpaputok din si Edgar. For a while, their exchange of bullets seemed forever until I heard the stranger talk to someone.

“Sir! Si Ma’am!” sigaw ni Edgar.

Pumikit ako ng mariin. Nilingon ni Radleigh si Edgar. In a swift motion, Radleigh faced the other side.

Paulan ng putok ang ginawa niya.

“Ma’am!” sabi nI Edgar na ngayon ay punong puno ng pawis ang mukha at buhok.

Behind him was Roman, Kanor, and Bon both with uniformed and armed men behind them!

Sabay-sabay na lumapit ang mga armado at de unipormeng mga lalaki, tutok ang kanilang naghahabaang baril.

With strategic positions, they covered us as they anticipate the enemies retribution.

“Zari,” si Rad at hinawakan na ang kamay ko.

He pushed me before him. I was, at first, hesitant to run. I want him to stay with me. When I saw his assuring eyes behind me, mabilis na akong tumakbo patungo kina Roman. Sumunod si Radleigh sa akin. Nilingon ko ang likod at nakitang mas dumami rin ang kalaban.

Roman uttered something in his phone.

Kanor and Bon immediately went beside us. Dumami lalo ang mga de unipormeng armado, pumalibot sila sa amin at ang iba’t inuutusan na kaming sumama roon.

Hawak ni Radleigh ang kamay ko habang nilalapitan nila kami. Maingay sa utos ang mga lumapit sa amin. Ang iba’y maingay sa pagsita sa bawat isa.

We were escorted until we reached the Boracay’s stretch. Parang nahiwa ang mga turista nang nakita ang mga de unipormeng mga tauhan na pumagitna sa amin ni Radleigh.

A speedboat was waiting just meters away from the shore. Walang pag-aalinlangan akong sumunod nang igiya kami roon ng mga armadong lalaki.

Aboard was another uniformed men and a scared hotel staff as the pilot.

Walang hirap na umakyat si Radleigh sa speedboat. Agad siyang naglahad ng kamay sa akin. Ang mga de unipormeng lalaki ay naglahad din ng kanilang kamay para sa akin.

I put my hand on Rad’s. I climbed until I’m aboard.

Namilog ang mga mata ko nang napagtantong sugatan si Rad. His left hand is holding me tight. Ngunit ang kabilang kamay ay hawak ang isang baril. Baril na puno ng dugo. Ang linya ng dugo galing sa braso niya’y tila iginuhit na mga ugat. Nagtatapos sa ulo ng baril at bumapatak sa sahig ng puting speedboat.

“Oh my God!”

Nasapo ko ang bibig ko para pigilan ang sunod-sunod na paghikbi at habol-hininga. He understood what I saw. Agad niya iyong inilayo sa akin.

“All clear!” sabi noong nasa dagat na sundalo.
Tumango siya. “Let’s go!”

Umandar ang makina at mabilis na tumakbo ang speedboat. Muntikan na akong mabuwal sa kinatatayuan ko ngunit nahawakan niya agad ako sa aking baywang.

I couldn’t take my eyes off his right arm! Kahit na pilit niya itong itinatago. Marahan niya akong pinaupo sa dulong bahagi ng speedboat.

Umigting ang panga niya nang nagtama ang aming mga mata. Hindi ko mapigilan ang buhos ng aking luha.

He squatted in front of me.

The armed man with us positioned on the side. His rifle was pointed and readied to the hundreds of people on the long stretch of the beach.

“You-You’re bleeding…” nanginginig ang boses ko.
“Daplis lang ito.”

He looked at the beach, as well. Tulad ng ginawa noong kasama naming sundalo.

Bumagal ang makina ng speedboat nang nakita ko ang mapayapang The Coast. Five more of his new bodyguards were stationed there, waiting for us.

Bumaba si Radleigh. Akala ko’y maglalahad siya ng kamay para makababa ako ngunit tila hindi na siya makapaghintay. He snaked his arm on my lower waist and in a swift move, he carried me up.

Kinagat ko ang pang ibabang labi ko para pigilan ang munting tila sa pagkakagulat. Binaba niya ako sa buhangin. Sinalubong kami ng mga bodyguard.

“Ang sabi ni Engineer Riego, Sir, dito na lang daw kayo magpalipas ng gabi,” salubong ng bodyguard.
“Nakapalibot ang kalahati ng tauhan nila sa buong hotel.”
“I don’t want to compromise the security of their guests,” Radleigh said in a stone cold tone.
“Kung hindi pa nila nahahanap, Sir. Baka si Ma’am Zari ang makompromiso.”
Natigil si Radleigh, napatingin sa huling nagsalita.

Fear was very evident on the bodyguard’s eyes as he looked at Rad. I tried to find his eyes to see what expression he’s giving. Kilala ko siya. Alam ko kung paano siya magalit. He gives me bone-chilling look when he’s angry. Spreading in me his authority. But to see a grown man shaken by his stare is different.

“She won’t be compromised. We’ll double the security-” He stopped there.

Pumikit siya ng mariin. Ramdam ko ang pagdiin ng kanyang kamay na nakahawak sa akin.

“Call Roman. Assemble the group. Do not rely on Gino’s men. At kapag may pagkakataon, kakausapin ko si Gino.”
“Yes, Sir!” sabi ng lalaki at nagpaiwan kasama ang dalawa pang bodyguard.

The entrance of the hotel has more men now. Nakatingin sa amin ang mga naka sibilyang lalaki na paniguradong parte ng mga bodyguard na kinuha ni Radleigh para sa amin.

The staff who saw us in were immediately on their phones. Hindi alam ng mga guests na may nangyayari. Tawanan at chikahan lang ang nakita ko sa kanila. But the staff and our men were all alert.

Lumapit sa amin ang room boy at agad itinuro ang elevator na maaaring ekslusibo para sa amin. Radleigh went in. His gun is still in his hand.

Ang gulat sa kalooblooban ko ay masyadong matindi na hindi ako makapagsalita o makapag-isip ng matino.

Nang nasa pangalawang palapag na kami ay may nag escort ulit sa amin. Bearing the brand of the Armed Forces, they escorted us to our room together with our other bodyguards.

Sinarado ni Radleigh ang pintuan. He turned the lights on and immediately shut all the blinds, including the one leading to the pool.

Nilapag niya ang baril sa side table at agad nagtanggal ng relo. Hindi ako makagalaw, ilang hakbang lang galing sa pintuan.

Ang tuyong luha sa aking pisngi ay malagkit. Ang mga salita sa aking lalamunan ay purong bahaw. Ang mga daliri ko’y nag-uunahan sa sisi.

Umigting ang panga ni Radleigh. He looked at me, unvoiced accusation in his eyes.

He removed his shirt. Revealing the cut on his right triceps. He glanced at me. Kinuha niya ang tuwalya at agad na dumiretso sa banyo.

Napalunok ako at napayuko.

Guilt crept within me. Nilingon ko ang pintuan ng banyo at agad nagpasya.

Tinungo ko iyon. The shower’s turned on. Ang tuwalya’y nakalagay sa sink at ang transparent sliding door ay sarado. He’s inside it, still in his shorts, topless, as the blood ran down to the drained with the waters.

Nakahawak ang kaliwang kamay niya sa tiled wall. Nakayuko siya at ang buhok ay hinahayaan niyang mabasa ng tubig.

I slowly opened the sliding door. He turned to me, his eyes bloodshot. His jaw clenched. Yumuko siyang muli, tila dinarama ang tubig.

“Rad…” tawag ko sa isang mahinahong paraan.

Hindi siya kumibo. Nanatiling ganoon ang kanyang ayos.

I stepped in the shower. Wanting so much to caress the wound he got from my recklessness. Wanting to ease the pain. Wanting to have it just so I could suffer instead of him.

“I-I’m sorry…” sabi ko, medyo nanginginig ang boses.

Nilingon niyang muli ako. His bloodshot eyes were so intense and intimidating. Hindi ko alam kung paano ko nakayang maparoon sa maliit na lugar na iyon kasama ang mga mata niyang hindi ko matanto.

Nakaramdam ako ng takot sa paninitig niya. Savage anger is evident in his eyes. I suddenly regret that I came here to ease him.

Lalabas sana ako nang natantong maaaring nagkamali ako. I was in shocked with what happened, paniguradong ganoon din siya. If I want to say sorry, dapat ay pinalipas ko muna. Hindi ngayong pareho kaming magulo ang isipan. I almost got kidnapped. He was shot trying to save my stupid ass!

Bago pa ako makahakbang palabas ay sinarado niya na ang sliding door.

Napaawang ang labi ko. With his left hand, he turned the shower off. His jaw clenched again and there’s nothing in my mind but to go out and get away from him. The dark storm in his eyes was too much. I have never seen him this angry before.

Hinawakan niya ang aking palapulsuhan at marahang hinila palapit sa kanya. I have no time to protest. He was in full authority that even my body is in submission.

Marahan niya akong isinandal sa baldosa. Ang lamig doon ay parang wala lang sa lamig na nararamdaman ko sa titig niya.

He put his hand on the side above my head. His other hand on the wall near my ear. Pansin ko ang pagkuyom ng pangalawa.

“Who did you email?” he whispered coldly that it sent shivers down my spine.

Pinuno ko ng hangin ang aking baga. Agad na nangilid ang luha ko nang napagtanto ang ibig niyang sabihin.

Rules.

Number two. My accounts might be wired tapped.

My Facebook? That’s my personal account.

“I-I-I didn’t know-”
“Who did you email?” ulit niya sa mas marahan at mas galit na boses.

Hindi ko siya masisisi. Hindi ako magkaapuhap sa aking sasabihin. Alam kong mali ko nga iyon pero hindi ko alam paano ieexplain sa kanya na hindi ko inasahang pati ang Facebook ko.

“I didn’t know my Facebook can be wire tapped. I-I-I inboxed Caleb…” nangingilid ang luha ko.

He nodded slowly. Mas lalo niyang nilapit ang katawan niya sa akin. His elbows were now leaning against the wall as well. His wet chest almost touched mine.

Yumuko siya para lang maabot ang aking tainga. Nararamdaman ko ang kanyang mainit na hininga sa aking balikat.

“I-I told him that I’m fine. He-He was asking me if I’m fine. He’s worried. H-Hindi ko sila nakausap ng ilang li-linggo dahil nasa Isla Fuego ako. N-Nag-aalala ang mga i-iyon. K-Kaya…” my tears fell miserably.

He nodded again. I felt him stiffen.

“N-Nagtataka sila kasi l-lagi naman akong tumatawag. K-Kahit noon. I-I told him I’m in Boracay. But! I didn’t tell him that I’m in The Coast…”

Hinanap ko ang mga mata ni Radleigh ngunit masyado siyang dikit sa akin para makita iyon.

“I-I was vague! I d-didn’t tell him!” nanghihina ako habang sinasabi ko iyon.

Nararamdaman ko ang mainit niyang hininga sa aking leeg. Napatingin ako sa kanyang katawan na ngayon ay basang-basa. His feet was so close to me that our toes touched.

Mas lalong lumapit ang hininga niya. He crouched enough just so he could softly kiss below my ear. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko.

“Do you know how it feels to see you being taken away from me?” he whispered gently.

Parang may natapong mainit na tubig sa aking puso sa tanong na iyon.

“Do you know?” he whispered. “Hmm?”
“I’m sorry…” kasing lambot ng hangin ang aking boses.

In a swift motion, he turned the shower on. He probably felt the heat between us that he needed water to wash it away. Pero imbes na tuluyang tupukin iyon ay inatake niya ng halik ang aking tainga.

His wet kisses traced my ear down to my neck. Bawat halik ay mas lalong lumalalim at mas lalong nang-aangkin. He tilted his head to kiss the other side of my neck. Nakapikit ako ng marahan habang ginagawa niya iyon.

I stopped, making me open my heavy-lidded eyes. The storm in his eyes are unfathomable. Ang tubig galing sa shower ay bumabasa sa likod niya pababa. Hindi ko siya matingnan ng maayos. I feel dizzy and it’s not because of the chemicals I inhaled when I was being abducted. It’s from something else!

In a swift move, hinawakan niya ang magkabilang hita ko, making my feet leave the cold tiled floor. He pushed me back against the wall as his lips crashed into mine.

Pressed against him, I’m all wet and flushed. At ang bawat atake ng halik niya ay kakaiba. His kisses were burning and hungry.

Isang braso lang ang pinanghawak niya sa aking pang-upo at ipinako niya akong mabuti sa dingding gamit ang kanyang katawan. His iron-clad abdomen parted my legs wide to fit him. His other hand is on my jaw, trying to make my head steady for his kisses.

My mouth parted like a slave for his kisses. Delirious, I snaked my arms around his neck. Ang isang kamay ko’y halos sabunutan na siya dahil sa kanyang nagbabagang halik sa akin.

His tongue flicked inside me making me moan. Its movements reflected something primitive. Something I was sure I know of. At kung kanina’y nagbabaga ako, ngayon ay tila sinisilaban na ako sa kanyang ginagawa.

His hand from my jaw went to caress my chest. Lumiyad ako lalo na nang naramdaman ko ito sa gilid ng aking dibdib.

“Oh!” I moaned when I realized what I want.

He caressed the sides of my breasts making me anticipate his touch.

At kahit nasa ganitong ayos na kami, hindi ko parin maiwasang mag-isip sa sarili kong maipagmamalaki. How I suddenly realized that I want to pleasure him so much even though I’m sure, he won’t be satisfied… at all.

Damn it!

Mas lalo akong lumiyad. He groaned when he realized what I want. And then he withdrew from his hot kisses.

Dumilat ako at una kong nakita ang pagdila niya sa kanyang pang-ibabang labi.

His eyes looked foreign. Something is clouding it and like always, I couldn’t fathom it.

“Do you remember my rules…” he whispered.
Mabilis akong tumango. Half of me is attentive. Half of me is heartbroken.

The phone rang. Dalawa iyon. Iyong nasa gilid ng kama at itong nasa bathroom. It filled my ears like thunder.

I licked my lower lip when I realized that I’m just being naive. Of course, he wouldn’t kiss me more than that.

Yumuko ako. He slowly put me down.

Parang naging jelly ang aking mga tuhod. Gusto kong ipaglapit ito at tuluyan na lang na maupo sa malamig na sahig ng banyo. He’s made me feel so much. He’s made me feel so foreign with my own body. He’s lit a switch I didn’t know was there. And now, he’ll never finish it.

Hindi ko alam kung bakit masakit. Hindi ko maintindihan.

“Shower. I need to get this call…” aniya habang hinahawakan ang aking pisngi, hinahagilap ang aking mga mata.

Tumango ako. Inangat niya ang aking mukha para magtama ang tingin namin.

Pulang pula ang kanyang labi. Cherry red, it looked so soft. I want to taste it more but…

Marahan siyang pumikit ng saglit bago dinilaan muli ang labi. Nilagay niya ang takas na buhok sa likod ng aking tainga. Bumaba muli ang tingin ko sa kanyang dibdib.

Patuloy ang pagtunog ng telepono. Patuloy din ang bawat malakas na pintig ng aking bigong puso. I can’t look at him straight. I’m too afraid to see the coldness in his eyes… Alam kong masasaktan lang ako.

He planted one tender kiss before he went outside the shower to answer the call.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Comments are closed.