Island of Fire – Kabanata 20

April 5, 2017 By In Island of Fire Comments Off on Island of Fire – Kabanata 20

Kabanata 20
Type

Like his plans, we rode on a commercial boat. Maraming turista ang naroon. Even when it’s not summer, talagang dinudumog ang isla.

I can’t stop taking pictures of the sceneries. Lalo na dahil si Radleigh ang nasa center aisle at ako ang nasa gilid at mas kita ang dagat.

Even when the boat is moving, I would stand up just to take some pictures. He would snake his arm on my waist just to get a hold of me. Iniisip niya sigurong pwede akong mahulog doon sa bangka dahil masyado akong magalaw.

“Look at my shot!” sambit ko sabay upo at pakita sa huli kong nakuha.

Tiningnan niya iyon. Ngumiti ako. Pagkakuha niya ng picture ay tumayo ulit ako para kuhanan siya habang tinitingnan ang aking naunang kinuha. I feel like I’m too hyper while he’s too stiff or something.

“Have you been to The Coast Boracay? And which of their chain?” tanong ko, medyo excited.
“I’ve been to both.”

Naitikom ko ang bibig ko. The Coast has two resorts in Boracay. Naisip ko lang kung ano naman kaya ang pwede niyang maging dahilan sa pagpunta sa mga resorts na iyon?

Tinagilid ko ang ulo ko. “Who are you with?”

Nilingon niya ako. Kitang-kita ko ang pananantya sa aking ekspresyon.

“With my cousins and some of my business associates.”

Tumango ako at nilingon muli ang dagat sa bandang kaliwa. His hand on my waist pulled me closer to him. Napatingin ako sa aking mga kamay na hawak ang polaroid. I can barely see my fingers because of the kind of oversized Minnie Mouse hoodie I’m wearing.

“It’s my first time,” sabi ko.
“And you’re with me…” he whispered.

Ngumuso ako at bahagyang inangat ang gilid ng aking labi.

Sometimes, I wish everything is easy.

Pagdating namin sa isla ay nilibang ko ang sarili ko sa mga tanawin. While everyone is busy riding the local tricycle, we were welcomed by another van from The Coast of Boracay.

Pumasok kami sa loob ng van ni Radleigh. There weren’t bodyguards but I know that they’re around.

Hindi malayo ang lugar kung nasaan ang The Coast. Hindi na kami inabot pa ng oras bago nakarating doon. And when we were there, I couldn’t help but notice the intricate designs of its buildings. It has really created an iconic view.

“Let’s go.”

Radleigh took my right hand. Sabay kaming pumasok sa hotel. Siya’y nakatuon sa reception samantalang ako’y nasa paligid ang mga mata.

This isn’t my first time in a five star hotel. In fact, being in one is like breathing to me. Pero siguro’y nanibago lang ako ngayon dahil ilang linggo rin ako sa Isla Fuego at ngayon lang ulit nakakita ng ibang tao.

The tourists, even in their beach attires, looked so fabulous. It’s normal but I can’t help but think about the clothes I brought… or I’m even wearing now.

Napatingin ako sa aking cheap Minnie Mouse jacket. I don’t fit in.

“The one reserved by Engineer Percival Archer Riego, sir?” tanong ng receptionist kay Radleigh.
“Yes, please.”

Kinalas ko ang kamay ko sa kanya para maitutok ng mabuti ang camera sa magandang tanawin sa labas. Natigil ako nang nakakita ng grupo ng mga babaeng puro magaganda ang damit. The taller girl is wearing a beige bandeau and a bohemian trousers. The other two are wearing long revealing dresses with fedoras.

Napatingin ang isang babae sa akin. Isang nang-iinsultong tingin mula ulo hanggang paa bago humarap sa receptionist sa tabi ni Radleigh.

If only I have my closet now.

“We’d like our keycard for our room, please?” the taller girl said with an accent.

Nilingon nila si Radleigh. Wearing their own tempting smiles at hantad ang dibdib, alam kong sa body language pa lang may ibig sabihin na iyon.

The short time I saw Rad’s girlfriend, I knew that she’s a bit older than me. Hindi katangkaran, maputi, at mahinhin ang features sa mukha. Her body’s in full bloom. Of course, it should be. Radleigh’s known to dig girls who are like that. Kaya hindi na ako nasurpresa sa napili niyang pakasalan.

“Here you go, Sir!” sabi noong receptionist pagkatapos ay binigay kay Radleigh ang keycard.
“Thank you!”

And then he turned to me. Kinuha niya ang kamay ko at nagpatuloy na kami sa paglalakad palabas sa mga pool, at papasok siguro sa sunod na building para makasakay sa kanilang elevator.

Panay ang tingin ko sa tatlong babaeng nasa reception. Their eyes were all on us as we walked our way out.

Nang nakalabas kami ay nakita ko agad sa mga pool ang mga nakabikini’ng bakasyunista. Some, who were not swimming, were wearing fabulous dresses with matching beach accessories. Hindi ko maiwasang maramdaman ang panliliit sa suot ko. But then I feel like I passed the standards here just because Radleigh’s holding my hand.

Pagkapasok namin sa isa pang building ay nahanap na ang elevator. A room boy went to us and guided us to our room. It’s just on the second floor.

Radleigh opened the door and let me in our suite. Nagpasalamat siya sa naghatid at pagkatapos ay sinarado ang pintuan. Our bags were already there. Nauna na nga siguro ang mga bodyguards.

Hinawi ko ang glass door na kung saan ay palabas sa isang pribadong pool. Para sa aming dalawa lang!

“Hmm…” tahimik akong namangha.
“Do you like it?” he asked behind me.

Nilingon ko siya at nakita kong nakaupo na siya sa kama. Tipid akong ngumiti.

“Yup.”

He sighed. His eyes never leaving mine. Nilingon ko ang mga furniture sa tabi ng king size bed. Tahimik akong nangarap na sana’y walang sofa roon pero nang nakita kong meron ay hindi na ako nagulat. Of course there will be. It’s a five star hotel and we’re on some exclusive suite.

“Want to shop for clothes? You only have a few.”
Umiling ako. “No. I’m fine with my clothes.”

Nag-iwas ako ng tingin at nilapitan na ang bag na hinanda ko kanina. Kinuha ko iyon, kasama ang kanya at nilagay ko sa cabinet. Nakatingin lamang siya sa akin habang kumukuha ako ng iilang damit para makapagbihis na at siguro’y makapamasyal.

Nag-ayos ako sa banyo. I blowdried my hair. The ends of it curled naturally. Tumalikod ako sa malaking salamin ng banyo at tiningnang mabuti ang medyo mahabang buhok. I’m wearing a backless midriff tank top, isa sa dala ko patungong Isla Fuego, and a royal blue mini skirt shorts.

Pagkalabas ko ng banyo ay nakapagpalit na rin ng damit si Radleigh. A dark blue shorts and a white button down beach shirt, kalas ang unang tatlong butones.

Kitang-kita ko ang pag hagod niya ng tingin sa akin mula ulo hanggang paa. Nagligpit na lang ako ng gamit sa cabinet.

“What do you want to do today?” he asked.

Nilingon ko siya. Mabuti naman at wala naman siyang naging kumento sa suot ko. Syempre, bakit pa? Wala na akong ibang damit. Ayaw ko namang mamili dahil ayos pa naman itong suot ko.

Even without his comments, his eyes says otherwise. I can see that he’s a bit distracted by the skin I’m showing somewhere on my stomach. Kumunot ang noo niya at tinagilid ang ulo. He breathed violently and stopped again on my eyes, waiting for my answer to his question.

“I don’t know? What do they offer in this resort? Boating? Parasailing?”
He nodded. Pinulot niya ang telepono sa gilid ng kama at may kinausap na sa kabilang linya.

I faced another big mirror just near the door while brushing my hair. And even when he’s talking to someone on the phone, he looks at my body in a problematic way.

Sinundo kami ng iilang mga tauhan ng resort. We were brought to the beach and we have our very own boat.

Ang sabi’y pupunta raw kami sa Puka Beach at pwede ring mag snorkelling. Since we arrived late in the afternoon, we only have that offer for the rest of the day.

Bago kami nakarating sa Puka Beach, nagsnorkelling muna kami ng ilang sandali para mamaya ay diretso na ang uwi.

With my polaroid camera, and some of the films he bought with it, I enjoyed the boat ride to Puka Beach. Well, baka ako lang dahil si Radleigh ay masyadong seryoso. While I take pictures of everything, nakasunod lamang siya sa akin.

“Smile!” sabi ko nang tinutok ko sa kanya ang camera.

I clicked it even when he didn’t smile. Alam kong guwapo siya kahit na anong gawin niya sa mukha niya pero a smile won’t hurt.

“Oh you old man! Why can’t you smile a bit?” patuya kong sinabi.

Nilinisan ko ang camera dahil medyo basa at mabuhangin ito dahil sa kakalangoy lang namin kanina.

Tinapon ko sa maaraw na bahagi ng dalampasigan ang aking shorts at ang aking backless top para matuyo at umatras na. Masakit sa paa ang buhangin ditong tila pinaghalong mga bato at kabibe.

I reached the shady part under the rocks. Tumingala ako. This reminds me of Isla Fuego so much. Only that, our island has finer sands.

Tiningnan ko ang nagkakulay niya nang picture. He’s topless with his boardshorts.

“Why do you look so grim?” tanong ko sabay tingin sa kanyang papalapit na rin sa akin.

Nilatag ko ang dalang sarong at dahan-dahang naupo roon.

“I’m so tired!” sambit ko habang nag-iindian seat.

Tiningala ko si Radleigh na ngayon ay biglang nilagpasan ako. Before I could process, I realized he wants to sit, too. Kaya lang, sa likod ko.

“May I see?” he said gently as he tried to squat near me.

His knees locked me. Ang isang kamay niya’y kinuha ang picture niyang hawak ko kanina. Hindi na ako makapagsalita. Tumuwid ako sa pagkakaupo.

I folded my legs because I suddenly find my previous position awkward. Especially now that his legs were spread widely in between me.

Ang maninipis na balahibo sa kanyang binti ay humaplos na rin sa aking binti. He positioned himself properly and I can’t help but notice how we perfectlt fit each other this way.

Binalot ng init ang aking puso. Unable to speak, I watched my knees as I put them together. His warm and wet chest covered my back.

“Did you bring the t-shirts I bought you?” he asked.

Umiling ako. Hindi parin makapagsalita. Ang kanyang mukha ay nasa kaliwang balikat ko.

He nodded. Inangat niya ang siko kong nakababa sa aking hita para makadaan ang kanyang kamay sa gitna nila.

“You didn’t?” he probed.

Nanunuyo ang lalamunan ako. Lalo na nang ang isang kamay niya’y hinaplos ang aking tuhod. Pakiramdam ko’y aakayin na ako pabalik sa resort kapag ipinagpatuloy niya itong ginagawa niya sa akin. I’m trembling just because of his touch. Damn it!

“No.”
“Hmmm…”

Umirap ako. I knew he has comments about my clothes. Ayaw niya lang sabihin kanina pa. At ngayon, pinipigilan niya lang ang sarili niya.

“What’s the problem with what I’m wearing, anyway? Everyone wears that, Rad. You’re too old school. I’m not a manang,” diretsahan kong sinabi.
“I didn’t say anything,” he chuckled.

Nilingon ko bahagya ang kaliwang balikat ko. Our nose almost touched. I saw his lethal smirk. I know he’s enjoying this fight for some reason.

Pakiramdam ko ay kung gugustuhin niya, kayang-kaya niyang wasakin ako sa iisang kamay lang. The way his hand moved on my stomach, I suddenly feel so small. I briefly wonder if he’s this way to his girlfriend. She’s a bit smaller in frame, too. Iyon nga lang, malulusog at hitik ang dibdib at puwitan kaya paniguradong satisfied si Radleigh.

My thoughts bothered me that I frowned. Anger boiled in me that I just want to get away from him.

“Hindi ba bagay sa akin ang mga suot ko? Is that what you’re implying?”
“Whoa…” he chuckled more. “Of course not!”

He slightly pulled my stomach closer to him. Hinampas ko ang tuhod niya at nilingon siyang muli gamit ang matatalim na mga mata. I saw how he’s just so amused. Uminit ang pisngi ko. Mukhang pinagkakatuwaan niya ako. Hindi ko alam kung maiinsulto ba ako o ano.

“Curvy girls aren’t the only one who can wear a bikini, Radleigh. Not that I am not curvy, too! If you’ve noticed, I grew.” A bit. Pero ‘di ko ‘yon idudugtong. The hell!

Lumiyad ako ng pasimple at inirapan siya. Why am I so pissed, I don’t know. I’m not insecure with my body. Kung may genie man ngayon sa harapan ko na tutuparin ang kahit anong wish ko, hindi ko gagalawin ang katawan ko. I like myself this way but something about this… whatever.

“How will you? You’re always on your diet. You’re already skinny,” mapanuya niyang sinabi.

At talagang pinuna niya pa iyon!

“I already did!” pagalit kong sinabi. “I grew! Hindi tulad ng mga gusto mo diyan. And…” pagak akong natawa. “Ayaw ko rin naman maging katulad ng mga gusto mo, ‘no!”

Kung may mas lalo man akong kinaiirita rito ay ang matinding ngisi niya. Kung kanina’y siya ang medyo wala sa mood. Ngayon, sinira niya talaga ang araw ko.

“That’s okay. Anyway, I like your size,” he chuckled.

I stiffened a bit. Bumaba ang kamay niya sa aking tiyan at ibinaon ang ilong sa aking leeg.

My heart hammered on my chest. Natatakot akong maramdaman niya iyon. Marinig. At malaman na may epekto siya sa akin. Na hindi niya alam noon pa man. Hanggang ngayon.

“You liar. I know your types.”

Kung hindi ko siya kilala, malamang maniniwala ako. Pero base sa mga babaeng nalilink sa kanya… may common denominator ang mga iyon.

Ganoon nga siguro talaga. Kapag mga detalye ng mga tipo niyang babae, para akong isda na nilagay sa dagat. Kabisado ko ang lahat ng parte. Lahat ng pasikot-sikot.

“Hmm. Okay. Tell me about it, then?”
“The hourglass type! Big boobs and big butt!” Umirap ako. “’Kala mo nakalimutan ko, ‘no? Mature. The one focused with her career. Mature din siguro sa paghandle ng relationship. Like… not much feelings involved but all sex and satisfaction. And most probably women with a lot of experience for the obvious reason.”

Nilingon ko siya. Akala ko’y mababadtrip siya sa pagiging judgemental ko pero nanatiling naghahamon ang kanyang mga mata. He looked at me with pure amusement and warning.

I realized how different I am with his type of women. Hindi lang sa pisikal, ngunit sa lahat mismo ng aspeto.

I am not immature but I guess I am not mature enough to reach the level he wants his woman to be. Why is this a big deal to me now is a big question.

Pinaglaruan ko ang polaroid para makapaglibang na lang. Pinindot niya ang polaroid. Halos napapikit ako sa biglang flash. Iniluwa agad nito ang panibagong picture.

Then, he looked at me. Bumaling ako pakanan para hindi niya makita ang mukha kong pinaghalong galit, frustration, at ‘di pa mapangalanang nararamdaman.

Inangat niya ang baba ko para magkatinginan kami. His chest touched the whole of my back when he tried to plant a brief kiss on my lips. My face heated frantically. Bumagsak ang tingin ko sa aking tuhod. His other hand’s behind my thighs.

“You didn’t describe yourself properly,” he whispered.

Ngumuso ako at nanatili parin ang tingin sa aking tuhod.

“Soft lips…” he touched my lower lip with his thumb. Napaawang ang labi ko. “Chinky eyes… Long wavy hair…” he detangled my hair using his fingers.

Kumalabog ang puso ko lalo na nang pinababa niya sa akin ang polaroid at pinagsalikop niya ang aming mga daliri.

“She left me in our engagement party.”

Hindi ako makahinga sa lambot ng pagkakasabi niya. Kung hindi ko lang iniisip na baka pinaglalaruan niya ako’y baka kanina pa ako naniwala. Masyado ko siyang kilala para isiping ganoon nga.

“Came back now…”

I covered my toes with my feet.

“And will never leave again,” he said softly, like the wind.

For a long time, I stayed silent. Ang tanging libangan ko lang ay ang pagtingin sa aking mga daliring pinaglalaruan niya. For that span of time, I want to believe it. I want to actually feel it.

But like all the other times, it will end. Tulad na lang ng paglubog ng araw ngayon at ang pagpapaalam namin sa lugar na iyon. Everything ends. However beautiful it is.

Nanatili akong tahimik pabalik ng resort. He held my hand the whole time, weighing my expressions, probably wanting me to say something when I didn’t.

Nilingon ko ang maingay na mga party sa karating resort. The Coast Boracay was peaceful. Lalo na kapag tinitingnan mo ang malayong rave at party ng mga club na naroon sa Station 2 at Station 1.

Natigilan ako habang tinitingnan ang malayo. He stopped, too. Hawak ang kamay ko’y hindi niya ako pinilit na mahila.

“Want to go there?” he asked.

I nodded without looking at him. He sighed.

“Let’s change and eat our dinner first?”

Iyon nga ang ginawa namin. We both went to our suite first. He told me to shower first. Pumayag naman ako lalo na nang nakita ko siyang lumangoy na sa exclusive pool ng aming suite.

A maong shorts and a halter top looked better and more conservative. Siguro naman ay ayos na sa kanya ito.

Siya naman ang nag shower samantalang nagpapatuyo ako ng buhok. Wala sa sarili akong nagpapatuyo ng buhok nang natapos siya sa pagligo. I stopped when I saw his look reflected on the mirror.

“Done?” he asked.

Boy, I’m not conservative but seeing him in a gray sweatpants almost made me choke to death. Alam kong nakita ko na ang kabuuan niya pero hindi na kailangang makita ng lahat iyon kahit na sa ilalim ng kulay abong sweatpants na iyan.

Ilang sandali ko iyong tinitigan at hindi talaga ako nagkakamali. Hindi iyan pwede.

“Do you have other pants?” nangiwi ako roon.

Nagtaas siya ng kilay. I am not sure if he’s kidding right now or what but he looked serious. His member is seriously poking a bit. Damn it!

“I wear this on normal days,” he said.

Ngayon. Palit kaming dalawa.

“Wow! Like I like that information? You’re not allowed to wear that. Wear something else!”

He smirked and then went to the cabinet. Pinagmasdan ko siyang mabuti bago nagpatuloy sa pagbo-blow dry. After a minute, he went out of the bathroom in a better looking black shorts. Mabuti naman at panatag na ang loob ko.

Kumain kami sa restaurant ng The Coast. Masasarap ang luto galing sa iba’t-ibang cuisine. Masarap magluto si Belinda pero na miss ko na ang kumain ng ganito kaya medyo naparami ang kinain ko.

After eating, we decided to go to a near club. Iyong kinamamanghaan ko kanina.

Maingay na nang nakalapit kami ngunit narinig ko parin ang pagtunog ng cellphone ni Radleigh. Nagkatinginan kaming dalawa.

“I need to answer this…” he said.

Hinila niya ako palayo muli sa club na iyon. Para akong batang inagawan ng lollipop habang tinitingnang lumalayo kami sa club para masagot ang tawag na iyon.

Lumapit kami sa dalampasigan at nang medyo mahinahon na ay ‘tsaka niya pa sinagot ang tawag.

“Hello, Roman.”

Nanatili akong nakatingin sa Club. Kinalas ko ang pagkakahawak ni Radleigh sa aking kamay. Nilingon niya ako, medyo kunot ang noo pero mas tinuon ang pansin sa kausap. I smiled and then looked back at the Club again.

“Tinawagan mo ba si Raoul?” he asked. “Sige, tatawagan ko ngayon…”

Dahan dahan akong naglakad patungo sa Club. Nilingon ko si Radleigh na ngayon ay mariing nakatingin sa akin. He started walking towards me, too, while his phone is on his ear.

The beat stopped and the intro of my favorite song played. My heart pumped harder at that. Nangiti ako at nagsasayaw na habang palapit muli sa Club.

Isang sabog ang narinig ko. Akala ko’y parte sa music pero nang nakitang nagtilian ang mga tao sa Club na iyon at nagsitakbuhan ay natigil ako.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Comments are closed.