Island of Fire – Kabanata 19

April 5, 2017 By In Island of Fire Comments Off on Island of Fire – Kabanata 19

Kabanata 19
Couple

I seriously don’t know what to do here. Nakaupo ako sa kanyang kama. My feet were up on his sheets and the lights were already turned off. Ang tanging umiilaw ay ang lampshade at ang kanyang laptop.

“Aren’t you sleepy?” he asked.

Nakatuwalya parin siya. At parang kokonting galaw na lang ay mahuhubaran na siya. Gahibla na lang ang pagkakakapit ng tuwalya.

“Well… I’m gonna sleep now.”

Ginalaw ko ang puting comforter at tinabunan ang mga paa ko. Humiga ako at ngayo’y tinitiningala na siyang nakapamaywang sa gilid.

“A-Anong oras kang dumating?” wala sa sarili kong tanong.
“Around twelve midnight.”
“Dapat ay hindi ka na bumyahe. The weather is not good,” sabi ko.

Kitang-kita ko ang pag-aliwalas ng kanyang mukha. Tumikhim ako at muling ginalaw ang comforter at tinabunan ang sarili ko pagkahiga.

The rain outside is pouring and thinking about his rough travel. Bakit pa ba kasi siya umuwi rito ng ganito ang panahon?

Lumapit siya sa lampshade malapit sa aking ulunan. Looking at his towel, I couldn’t help but think about his image when I turned the lights on. He didn’t even panic when I saw everything about him.

I am not exactly innocent. I have seen porn. I have seen kissed boys. I have been slightly touched but not on my most private parts. My mind is not new to worldly desires. But other than that, nobody has gotten farther than Radleigh to me. Siguro ay pinapayagan ko man ay tumitigil din kapag napapansin kong lumalalim. And it’s not even that hard to stop men. The temptation they are talking about is not that tempting at all. Dahil madali lang ang pag-ilag. Madaling takasan. Walang bagang pinipilit pang patayin.

I am a big liar if I don’t admit that it’s only him who can make me feel like a dried wood lit by extreme fire. How could I forget that night on the bench at the back of our mansion? How could I forget all the kisses we shared?

If I have denied it for long, it is because I want to comfort myself. I want to convince myself that it’s not only him. That maybe, I’m just responding to him because he’s had a lot of experience. He’s just good at this. And the males I’ve been with aren’t. Soon, I will find someone else who can make me feel like that way.

He dimmed the lampshade beside me. Nag-iwas ako ng tingin sa kanyang tuwalya at pinikit ko na lamang ang aking mga mata.

I heard his distant footsteps. I continued shutting my eyes. Lalo na noong may naramdaman akong kidlat at muling kumulog. Tinabunan ko ng kumot ang aking mukha.

For a while, I only heard the rain. Ipinagdasal ko na huwag nang kumidlat at kumulog. Ipinagdasal ko rin na sana makatulog na lang agad ako rito para hindi na maging mahirap.

Pero habang tumatagal na pumasailalim ako sa kumot ay mas lalong hindi ako makatulog. Parang hindi ako makahinga na ano. I quickly removed it on my face and I breathed normally without it.

Nahanap agad ng mga mata ko si Radleigh na ngayon ay naka boxers na. I am not sure which one is better. The boxer shorts or the towel. They are both obscene. Nahuli niya akong nakatingin sa kanya.

“Hindi ka ba matutulog?” agap kong tanong para hindi maging awkward ang titigan.
“Later…” he pointed at the sofa just behind him.

Oh. So he won’t sleep beside me?

Tumango ako at pilit na lang na pinikit ang mga mata.

Obviously, Zari. A man loyal to his girlfriend won’t. Or maybe, he thinks I’m still going to attack him just so I could use his computer or something.

Libu-libong rason ang itinatak ko sa utak ko para lang maipaliwanag ang lahat. Para lang hindi ako manlambot.

The rain stilled. The lightning and thunder stopped. Hinila ako ng antok at hindi kalaunan ay nakatulog na ng mahimbing.

Dumilat ako kinabukasan sa isang maaliwalas na araw. The shadows of the french windows were reflected on the wall. Malamig ngunit base sa anino ng bintana ay maaraw na sa labas. Kinusot ko ang mga mata ko at nilingon ang sofa. It’s empty.

Isang katok ang nagpabaling sa akin sa pintuan. Mabilis at medyo takot ang katok na iyon. Babangon sana ako ngunit lumapit si Radleigh roon.

His broad back was evenly muscled. He’s now wearing some faded jeans and his hair is damp. Topless, he opened the door just enough to see who’s outside.

“Ser, dadalhan ko sana ng gatas si Ma’am Zari, eh, wala siya sa kwarto niya!” boses ni Belinda ang narinig ko. “Dios ko!”

Radleigh opened the door slightly. Just enough for Belinda to see me on his bed. Damn it! Maayos na pala ang lagay ni Belinda! She’s back to business now. Clearly. I saw her eyes widened when she saw me on his bed! Babangon sana ako para ipakitang ayos lang ako rito pero muling sinarado ng kaonti nI Radleigh ang pintuan.

“Paki dala na lang dito ang almusal naming dalawa, Belinda.”
“Ah… Eh… Sige po, Ser. Hehe. Iwan ko na lang dito ang gatas na dala ko para kay Ma’am. Bumagyo kagabi, matatakutin pa naman ‘yon sa kulog.”

Radleigh nodded and opened the door widely for the tray to enter. Belinda craned her neck to check me again. A funny smile is plastered on her face. Bago ko pa siya maabutan ay sinarado nang muli ni Radleigh ang pintuan.

Bumangon na ako. Medyo naalimpungatan sa mukha ni Belinda kanina. Nilapag ni Rad ang tray sa side table. My line of vision is only until his torso. I can’t look at his face. I’m too sleepy and too embarrassed to do that.

Kaya naman nang naupo siya sa gilid ng kama at bigla kong nakita ang kanyang mga mata ay nagising ng mabuti ang buong diwa ko.

“Did you sleep well?” he asked.
Tumango ako at nanatiling nakaiwas ang tingin.
“If the weather permits, we’re leaving Isla Fuego for Boracay later today.”

Napabaling ako sa kanya. Hindi ko inasahan iyon ah!

“You’re bored here, right?” nagtaas siya ng kilay.
“Y-Yes!”

Umigting ang panga niya pagkatapos kong sagutin iyon ng diretso. I can feel the strain in his body language. He sighed.

“But we will have a few rules,” he said matter of factly.
“What is it?” excited kong tanong.
“We’ll talk about it over breakfast. Mag-uusap muna kami ni Ethan.”

Tumayo siya at naglakad ng diretso sa kanyang laptop. Sinundan ko lamang siya ng tingin.

I can’t believe it! We’re leaving Isla Fuego! And I wonder where? Manila? Probably not!

Gustuhin ko mang bumalik sa kwarto ay hindi ko na ginawa. I want to eat breakfast and hear what he has to say. Or even hear his talk with Ethan.

Tumayo ako at lumapit sa tukador. I found a comb and I started combing my hair.

I’m wearing an oversized t-shirt, like what he bought me, and a very short shorts. Hindi kita iyon kapag nakatayong ganito. Nakapaa lang ako dahil naiwan sa kwarto ang aking tsinelas. At medyo magulo pa ang buhok dahil kagigising lang.

“Well, I think we should follow Gino’s orders,” boses ni Ethan iyon.

Gusto ko sanang makita siya pero ano na lang ang iisipin noon kapag nalamang nasa kwarto ako ni Radleigh, kagigising lang? For sure, he’d think dirty. H’wag na lang.

“If you leave the island, at least they won’t find out about it. And I think it will be safer.”

May kumatok ulit sa pintuan. Nilingon iyon ni Radleigh. I assured him that I’ll answer it. Binuksan ko ang pintuan at nakita si Belinda na may dalang tray ng pagkaing pangdalawahan.

“Good morning, Ma’am Zari,” humalakhak siya bahagya.
“Akin na ang tray. Ako na ang magpapasok nito sa loob.”
“Okay, Ma’am Zari.”

Parang ang saya-saya ni Belinda ah. Maayos na ang rayuma o nakikitsismis ulit. Inirapan ko siya at kinuha na ang tray.

“Enjoy your meal, Ma’am Zari!” aniya at nagawa pang kumaway-kaway habang sinasarado ko ang pintuan.

Umismid lamang ako hanggang sa nawala siya sa aking paningin. Nilapag ko ang tray sa isang bulugang lamesa. May dalawang upuan doon at pwedeng doon kami mag-almusal. Inayos ko ang mga pinggang may pagkain habang nakikinig kay Ethan at Radleigh.

“We will leave this afternoon,” si Radleigh.
“Ang pinsan mo na ang bahala, hindi ba? Gino will be there, too,” si Ethan.

Habang nilalapag ang mga kutsara at tinidor ay pinagmamasdan ko si Radleigh na mariing nakatingin sa monitor ng kanyang laptop.

“Tell my cousin that she’s not gonna wear her designer clothes, this time.”

Radleigh’s lips twitched. Tumigil ako at pinakinggang mabuti.

“She’s stubborn, Rad. I’m sure you know that, right? Noong binantaan ko siya, hindi nakinig. Kaya paniguradong ngayon, hindi ulit iyan makikinig.”

Nalaglag ang panga ko. Sinisiraan pa talaga ako ng sarili kong pinsan, huh!?

“And staying in The Coast Boracay would mean a lot of things to her. She’ll think it’s a social function and will wear flashy clothes-”
“Ethan, ako na ang bahala sa kanya…” Radleigh interrupted.

We are staying in Boracay! And it’s going to be in one of the most expensive and exclusive hotels?! Oh my God!

“Do you think I have flashy clothes here, Ethan?” hindi ko na napigilan ang sarili ko.

I saw how Rad twitched his lips again. Nanatili siyang nakatingin sa monitor samantalang lumapit ako roon para maharap ang pinsan kong napaka judgemental.

“You’re in your room, right?” Ethan asked.

Pero bago pa siya masagot ni Radleigh ay nagpakita na ako. Ethan face palmed and sighed. Humalukipkip ako.

“Thanks for keeping me in the dark. You should’ve sent me better clothes.”
“I did not keep you in the dark! Pagkarating mo, hindi ba, pinagsabihan na kita? You just didn’t listen. I know you won’t. Thinking of everything so lightly-”
“Well, I hope you’re doing something to improve the company’s state now that you’re choosing to do this to me-” natigil ako nang hinawakan ni Radleigh ang baywang ko na para bang gusto niyang tumigil na ako sa pagsasalita.
Tumikhim si Ethan. Hiding a smile, kinunot niya ang noo niya. Nilingon ko si Radleigh gamit ang matalim na tingin but Rad only looked at his monitor.
“Ako na ang bahala sa kanya, Ethan.”
“Thank you very much, Radleigh. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung hindi ka tumulong ngayon.”
“You’re welcome, Ethan. Call you soon.”
Tumango si Ethan at agad na pinatay ni Radleigh ang tawag.

I glared at Rad before marching to the rounded table. May minanipula pa siya sa kanyang laptop bago sumunod sa akin. Papalapit siya’y inabala ko ang sarili ko sa paglalagay ng juice sa aming baso.

“Why are we leaving Isla Fuego?” tanong ko nang ‘di siya tinitingnan.

Naupo siya sa harap ko. His shirtless state made me kind of uncomfortable. Kung hindi ako makatingin at nagtataray na ay dahil iyon diyan.

“My friend, Gino, traced the whereabouts of the head of the syndicate. They’re in Visayas. He’s received reports that they’re finding almost all of your properties. It’s only a matter of time now before they find out about Isla Fuego.”

Friend. Gino. Hindi ko alam iyon, ah? Looking back, I actually didn’t know his friends. Akala ko pang wala siya noon.

“Why are we going to Boracay?” tanong ko.
“Gino thinks that being in a crowded place will stop the syndicate’s operation. Isa pa, hindi iisipin ng mga iyon na malapit ka lang. They’ll think you’re off far, running away from them,” he said.

Nagsimula na kaming kumain. Hindi parin ako makatingin sa kanya. Ni hindi ko alam kung may pumapasok pa bang impormasyon sa utak ko.

“So you’ll have your rules now.”
“No flashy clothes, I get it. Besides, I don’t have flashy clothes here. And what’s the use of Valentino and Balenciaga in Boracay, anyway?” Umirap ako.

Sumulyap ako sa kanya at nakitang nakataas ang kilay niya, tila nag-aantay na matapos akong magsalita ng pasarkastiko. Huminga ako ng malalim at umirap.

“Fine! What are the rules?” I relaxed.

Ang galing niya talagang pasukuin ako, ‘no? Kahit noon, ganito na talaga siya.

“Number one, you should stay with me the whole time.”

Nilunok ko ang piraso ng sandwich na kinain para lang makapagreact. Is that seriously a rule?

“What if we fight and I want to walk out?”
He slightly frowned at my question.
“Fine!” sabi ko at muling sinubo ang pagkain.
“Number two, you can’t contact anyone through any form of gadgets. Your accounts might be wire tapped.”

Nagkibit ako ng balikat.

“Number three, don’t be stubborn. You do whatever I tell you. We might leave the country, if we need to.”

Wala sa sarili kong tinanggap ang mga patakaran. Ayaw ko mang isipin ang pagpunta namin sa Boracay, hindi parin iyon matanggal sa aking utak. Syempre, pakiramdam ko ngayon lang ulit ako makakakita ng ibang tao bukod sa mga bodyguards at kay Belinda.

The smell of freedom is very close.

I started wondering about what’s happening in Manila. Magdadalawang linggo na akong nawawala. Hindi pa ba nagtataka si Calla at Caleb? I’m sure Ethan said something that will convince them that I’m okay. Pero maniniwala ba si Calla roon kung ‘di ko naman siya kinokontak? We’ve never lost contact even when I was abroad.

“What?” halos pasigaw kong tanong nang tumigil ang yate sa gitna ng dagat para maisakay kami sa isang maliit na bangka.

Radleigh’s already on the boat with a bangkero. He held out his hand for me while Roman is stilling the yacht.

“Zariyah!” Radleigh’s baritone made me put my hand on his.

Inangat ko ang sarili ko at medyo takot na tinungo ang mas maliit na bangka. Ibabalik ni Roman ang yate sa Isla Fuego at sabay sila ni Belinda patungo rito sa The Coast sa isang bayan dito sa mas malaking isla.

“Isn’t that dangerous, Radleigh?” tanong ko habang abala siya sa pagpupunas sa upuang maalikabok.

Nakayuko siya sa gilid ko. Ang isang kamay ay nakahawak sa akin, ang isa ay nagpupunas. Umandar ang makina ng maliit na bangka at umuga iyon. Napatili ako dahil masyadong magalaw at nawawalan ako ng balanse.

Kung hindi niya ako hawak, kanina pa ako tumilapon sa dagat! Iginiya niya ako sa upuan at nagsimula na itong lumayo sa yate at nagtungo na sa dalampasigan. The cold wind blew my hair habang tinitingala ko si Radleigh na seryosong tinitingnan ang malayong dalampasigan ng isang five star hotel.

Hindi niya ako sinagot sa tanong ko. Nagpatuloy lang siya sa pagtingin sa malayong dalampasigan. Ang isang kamay ay nakahawak sa akin. Hinila ko ang kamay niya para makuha ang kanyang atensyon.

Dinungaw niya ako.

“It’s better than using your chopper or yacht, Zari. That’s too flashy.”
“Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Hindi pa ako nakakasakay ng bus dito sa Pilipinas!”

Ngayon ay parang buong katawan niya na ang humarap sa akin. I thought I said something that would piss him off but instead, he looked at me with soft eyes.

“Van ang sasakyan natin patungo sa Caticlan. From there, we’ll ride a commercial boat to the island.”
“Commercial boat? With so many tourists in it?” I asked.

He squatted in front of me. Tumango siya. Ang kanyang buhok ay hinihipan ng hangin at kahit na ganoon ay mas lalo tuloy siyang nagmukhang modelo. Tila bagay sa kanya ang lahat! Kahit magulong buhok pa!

“Yes.”

Tumango ako at tinanaw ang malapit na dalampasigan. Humina ang makina ng bangka at natanaw ko agad ang isang mansyon sa tabi noong napakalaking hotel. There were two people watching us as the boat came to its full stop.

Isang maputing babae at isang matangkad at matipunong lalaki. The girl looked so familiar. I am not sure where I saw her. The way she looked at me with an indifferent expression told me that maybe I’ve seen her at parties or other social functions. I turned to the man. Kinausap niya ang bangkerong bumaba. Bumaba na rin si Radleigh at muli akong nilaharan ng kamay.

Now, this must be his cousin. They have the same frame, built, and facial features. Kung may pagkakaiba man ay mas malambot ang features nitong pinsan niya. Medyo hindi rin kasing itim ang buhok at may kakaibang kulay sa mga mata.

The couple looked at me with curious expressions. Taas noo kong binalingan si Radleigh pagkababa ko sa buhangin.

“Kumusta ang byahe? Maalon ba?” panimula ng lalaki.
“Medyo. We expected it since the weather isn’t good the past few days. Snow,” si Radleigh sabay tingin sa babaeng kasama noong lalaki. “This is Zari. Zari, this is my cousin, Percival and his wife, Snow Galvez. She’s the owner of The Coast.”
Tumango ako at ngumiti. “Zariyah Leviste.” Naglahad ako ng kamay sa babae.
She smiled. She shook my hand. “Nice meeting you, Zari.”

Naglahad din ako ng kamay sa pinsan ni Radleigh. He shook my hand, too.

“Handa na ang van ninyo, Rad. Sigurado kang hindi na kayo rito magpapagabi?” tanong ni Percival sabay baling kay Radleigh.

Nilingon ko rin si Rad. Oo nga? Bakit hindi rito sa The Coast? Not that I don’t want to go to Boracay. Of course I want to go to Boracay!

“Hindi na. Roon na kami, Sibal.”
“Is this Gino’s plan?” tanong ni Snow.
“Yes.”
Tumango si Snow at ngumiti muli sa akin.
“Well then, it’s this way…”

Iminuwestra ni Percival ang daan patungo sa kanilang mansyon. Agad akong sumimangot at hinila bahagya si Radleigh.

“We won’t see their hotel? It’s just near here…”

Ngumuso siya at hinila ako. Nilagay niya ang isang kamay sa aking baywang at nilapit ang bibig sa aking tainga.

“We have plenty of time to do that soon. Don’t worry.”

Nalingunan kami sa ganoong ayos ni Snow. Nagtaas siya ng kilay at nakitaan ko ng palihim na pagkakatuwa. I slightly walked faster to stay away from Radleigh for a bit.

Binuksan ni Percival ang pintuan ng isang HiAce van. Naroon na ang dalawang bodyguard namin sa likod at isa pa sa harap. Iginiya ako ni Radleigh sa loob.

“Enjoy your stay in our Boracay Branch, Zari!” maligayang sinabi ni Snow.
“Oh, I will. Surely!” I smiled back.
“Snow, she’s not there for a vacation,” si Percival.
Nagkibit ng balikat si Snow. Pumasok si Radleigh sa loob at tumabi sa akin.
“Salamat, Sibal!”
“Ingat kayo!” si Sibal na ngayon ay hawak na ang pintuan ng van. “Did Gino send some men for Tita Fely, Rad?”
“Oo. Pati rito, Sibal. Sorry for the trouble.”
“No problem. We have a better security here kumpara sa hacienda. Malaki iyon at hindi mabilis tutukan.”
Tumango si Radleigh. “I will ask Gino later.”

Pagkatapos ng usapang iyon ay sinarado na ang pintuan. The van’s engine started. Sinundan ko ng tingin ang iniwan naming mag-asawa sa mansyon bago tuluyang nasa kalsada na ang van.

Paniguradong nauna na ang iilang bodyguard sa Boracay. Ang alam ko’y may nakasunod din sa amin bukod sa mga narito sa van. Kung ilan ang dinagdag ni Radleigh ay hindi ko na mabilang.

Pinuno ko ang mga mata ko sa mga dinaanan naming maberdeng kapaligiran. I even saw the windmills on top of the hills. I can’t help but marvel on them. Nang nakalayo at nasa ibang bayan na kami ay nakakita rin ako ng mga tiangge.

Looking at my outfit today in this bohemian dress, I can’t help but think about what clothes I brought for the trip. Dala ang bag namin ni Radleigh ng mga naunang bodyguards.

It’s not summer. It’s actually kind of cold. Kaya nilalamig ako kanina sa bangka dahil sa suot ko. I regret not wearing a jacket. Radleigh’s only wearing a white v-neck t-shirt as well.

Nang nakarating na kami sa Caticlan ay muling sinabi ni Radleigh sa mga bodyguards ang kanilang gagawin. From here, we are going to separately go to Boracay. They will be wearing different clothes so they can blend in with the civilians. Habang sinasabi iyon ni Radleigh ay panay ang tingin ko sa mga tianggihan sa labas.

I saw a black jacket with a cartoon character’s face in it. I am not exactly a fan but if we’ll ride on a commercial boat with our clothes right now, we’ll freeze to death.

“Rad, bili tayo noong jacket,” sabi ko ng wala sa sarili habang nagsasalita siya sa mga bodyguards. “I don’t exactly like Minnie Mouse but it’s cold.”

Tumigil si Radleigh at nilingon ako. Tumango siya.

“We’ll buy that one after this, okay?”
Tumango ako at ngumiti.

Hinintay kong matapos siya sa pagsasalita. At nang natapos ay bumaba na siya sa van. Naglahad siya ng kamay sa akin para makababa na rin ako. Nang nakababa na kami pareho ay sinarado niya ang van.

“What do you want to buy?” he asked.
“The jackets…” itinuro ko ang dalawang mumurahing jacket na may Mickey Mouse at Minnie Mouse sa gitna.

Tumango si Radleigh at tinungo na namin iyong tianggihan. Maraming tao. Puro turistang Pinoy at may mga foreigner din. Some tourists even looked at us. We aren’t wearing flashy clothes but we got they’re attention. Or… not really. Dahil iyong grupo ng mga babae’y parang pinag-uusapan na agad ang kasama ko nang nalapit kami sa tiangge.

Nilingon ko si Radleigh gamit ang aking matatalim na mata. And all he’s doing is looking at the products on that store. Just like before, he’s just so oblivious to the girls who are drooling at him. Nakakainis lang.

“Ano pong sa inyo, Ma’am, Sir?” tanong noong babae na nakatingin parin sa kanyang tablet at nakangiti.
“We’d like the jackets. How much are these?” Radleigh asked as he took his wallet out.
“Hindi pa natin babayaran! What if it won’t fit you? Or me?” nagtaas ako ng kilay sa kanya.
“May fitting room kami, Ma’am,” sabi noong tindera sabay turo sa isang lugar na kumot lang ang naging dingding.

Napangiwi ako. What? Seriously?

Tumango si Radleigh at kinuha na ang dalawang jacket.

“We’d like to try it. Zari, ikaw na roon sa fitting room. Dito na ako sa labas,” aniya na para bang wala lang sa kanya iyon.
“Ano?”

Napatingin ako sa paligid. Hindi ako sigurado kung gusto niya bang mabadtrip ako sa fitting room na tinuro sa amin o mabadtrip sa mga nag-aabang ng aksyon sa kanya kapag susuotin niya ang jacket na ‘yan sa harap ng mga taong ito.

“Ikaw muna! I’ll wait here.”
“I can wear this here. I won’t need a fitting room.”
“You will need it, Radleigh! Matatagalan tayo rito kung magtatalo pa tayo.” Sabay pasada ko ng tingin sa mga babaeng nakikinig pa yata sa usapan namin.

Pasimpleng nagngitian pa iyon. Lalo na iyong medyo payat at boyish kasama ang kaibigan niyang maputi at maliit. The fairer girl could pass for a poor version of Radleigh’s girlfriend. Mas lalo lang akong nairita.

“Come on! Go to that fitting room, Radleigh!” sabay tulak ko sa kanya kahit na hindi naman siya natitinag.

When I turned to him, his lips were redder. Tila ba kakadila niya lang roon. A ghost of a smile was on his face until he nodded.

“Fine. Don’t go anywhere.”

Tumango ako at humalukipkip. Muling binalingan ang mga babaeng nangangarap ng gising.

“Gwapo ng boyfriend mo, Ma’am…” isa pa itong tinderang ito.
“Asawa ko ‘yon…” Taas noo akong bumaling ulit sa mga babae, pinagmamasdan ang mga mukha nilang ngayon ay naiilang na dahil sa akin.
“Oh! Bagay na bagay kayo, Ma’am,” dagdag noong tindera. Now, I like this girl.

Nilingon ko siya at nakita ang Facebook sa kanyang tablet. Napakura-kurap ako. Kakalog out niya lang sa Facebook!

Nilingon ko ang fitting room at wala pa namang senyales na lalabas na si Radleigh. Kakapasok niya lang naman.

“Can I use your tab? I just want to check something.”
Mabilis na tumango ang babae. Siguro’y nakita niya ang pagmamadali ko.

Adrenaline rushed to my veins. Nanginginig ang kamay kong tinipa ang aking email address at password. When I opened it, I saw the tons of notifications. Pero imbes na iyon ang icheck ko, dumiretso ako sa chatbox at hinanap si Calla o si Caleb. When I saw Caleb’s online, I clicked his name. I saw his worried chats.

Caleb: Where are you, Zari?
Caleb: Are you mad at me?
Caleb: Nag-aalala na si Calla. Hindi mo siya kinokontak.
Caleb: Ethan says you’re on vacation. But you’re not responding to us.
Caleb: Your phone is out of coverage.
Caleb: Come on, Zari! We’re worried!

Ako: Caleb, don’t worry about me! I’m just in Boracay for a vacation. Will stay in a five star hotel. I’m excited! Will call you soon.

Then I logged out. Mabilis kong binigay sa tinder ang tablet niya. Hindi ko namalayang pinagpapawisan na pala ako ng malamig. Saktong pagbaling ko sa fitting room ay ang paglabas ni Radleigh.

He looked relaxed when he found me.

“It fits.”

Tumango-tango ako. A bit guilty and at the same time satisfied. I guess it won’t hurt if I assured a friend, right?

Ilang sandali pa bago rumihestro sa utak ko ang suot niyang Mickey Mouse jacket. Ngumuso ako upang mapigil ang ngiti.

“But isn’t this a bit…” he trailed off but I know that he’s embarrassed to wear a Mickey Mouse jacket.
“Ay! ‘Yan po ang uso ngayon, Sir! Couple Jacket! Para ‘yan sa magboypren, Sir!”

Radleigh turned to me. He looked at my jacket.

“Let’s see yours, then?”

Ngumisi ako at muling pinasadahan ng tingin ang suot niya. Damn! Even with a cute jacket, he’s still so hot!

“Fine! But I think this will fit…” sabi ko at dumiretso na sa fitting room.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Comments are closed.