Island of Fire – Kabanata 17

April 5, 2017 By In Island of Fire Comments Off on Island of Fire – Kabanata 17

Kabanata 17
Honor

Masyadong naging mabagal ang bawat araw na wala si Radleigh. We communicate almost everyday. Iyon nga lang, madalas ay hindi nagkokonekta ang schedule namin. He would always find time to call me, though. He’ll stay up just to catch me online. Pero madalas din na marami siyang ginagawa at iniintindi ko naman iyon.

“I can’t believe that you are going to get married before you can finally experience a clubbing!” si Caleb na hanggang ngayon ay hindi parin naniniwala sa nangyayari.

Ngumisi ako. Although, I get his point. Halos lahat ng kilala ko ay naiinggit na magpapakasal na ako pero sa kahuli-hulihan ay sinasabi rin nilang sayang din. Na masyado pa akong bata at pu-pwede pa akong magliwaliw hanggang kailan ko gusto.

“I have traveled enough. I have been to hundreds of parties at hindi naman ako nanghihinayang. I’m sure Radleigh would understand if I want to go to a bar. Sasamahan niya pa ako!” I exclaimed.

Madalas siya sa school dahil mukhang may pinpormahang batchmate ko. At dahil mas pinaaga ang finals dahil sa nalalapit na graduation kaya ang mga ginawa lang namin ay purong practice at kung anu-ano pa.

“Nobody has traveled enough,” he said as he looked at a group of girls right in front of us. “And…” bumaling siya sa akin. “Akala mo lang na papayag siya. Syempre dahil kinukuha niya pa ang loob mo, pagbibigyan ka niya. Pero kapag kasal na kayo at wala ka nang magagawa, pagbabawalan ka na no’n!”

Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya. Sa likod niya’y nakikita ko na si Calla na papalapit sa amin. Galing siyang faculty dahil nautusan ng teacher. You know her types… teacher’s pet.

“Kung makapagsalita ka ay parang alam mo ang mangyayari,” sabi ko.
“Our family does that to our girls…” nilingon niya rin si Calla.

Kumunot ang noo ko. Hindi matanto kung ano ang ibig sabihin ni Caleb ay bumaling na rin ako kay Calla.

“They let all the girls marry early to a man they want. Ganyang ganyan ang kwento ng mga pinsan kong babae.”
“Hi!” si Calla na kakalapit lang sa amin.

Nanatiling kunot ang noo ko habang tinitingnan ang inosenteng ngiti ni Calla. I wonder if Caleb meant that Calla would marry early, too?

Wala naman kasing kinikwento si Calla sa akin. She’s more like a giver. She gives me so much attention that I sometimes forget that she has her own life. Iniisip ko bahay at eskwelahan lang siya. A life like mine before I got grounded, but with better decisions. No scandals, no boys, no parties, no plastic friends, and no caprices. She’s always pretty simple with just her plain dresses and brown sandals.

Pinutol ko ang linya ng pag-iisip. I would know soon, anyway.

“Natapos ko rin ang pinagawa ni Ma’am,” she sighed and then turned to her brother. “Kuya, you’re here again?”
Caleb smiled and then glanced at me. “Aalis na ako. Are you going to Ethan’s birthday, by the way, Zari?”

Sa March pa iyon pero usap-usapan na. Gaganapin kasi iyon sa bahay nila. Nasa bakasyon kasi si Tito at Tita kaya hawak ni Ethan ang buong bahay nila. His friends are excited. It’s the talk of the town house party.

Simula noong sumang-ayon kami ni Radleigh sa pagpapakasal, medyo mas naging maluwang na sa akin si Mommy at Daddy. Ganunpaman ay hindi ko pinagsamantalahan iyon. The routines I learned were buried deep within me that I couldn’t just let it die now. Mabuti nga iyon. At least I have finally learn what my Mom wants me to learn.

“Baka. Siguro.”
“Oh!? H’wag mo sabihing hindi pa nga kayo kasal ay pinagbabawalan ka na? That’s days after your engagement, right? You should come. Isipin mo na lang na para ka ring nag club bago ka magpakasal.”
“Kuya, you’re being a bad influence!” puna ni Calla.
“I’m not, Calla. Imagine her married at eighteen. Isn’t that sad?”

Ngumiti ako pero hilaw iyon. Ilang beses ko ba naman iyong narinig, pakiramdam ko ay medyo nanunuot na iyon sa akin.

Although, I think this is okay, I also know that I’m too young to get married. Hindi ganito ang average marrying age ng mga tao. Masyado itong sinauna. At syempre, kanino bang ideya ito? Kay Mommy. At para saan? Para sa negosyo?

I suddenly wonder if Rad has build up our chemistry to make our relationship work for the sake of the companies? Hindi ko alam. I feel okay with him. I have no problem with him. And I don’t think much beyond what he makes me feel. Because everytime I think about it, I just have no answers.

Ilan pang ganoon ang narinig ko. But each time he calls me, I’d feel better and I’ll forget about my doubts.

“Goeffrey, imagine the opportunities it can give us!” excited na boses ni Mommy iyon.

Kakatok na sana ako sa pintuan ng study nila pero nang nakita kong hindi sarado ang pinto ay nanatili muna ako roon.

“Once we announce the engagement this Monday, all those companies who rejected us will come to us!”
“Lana, we shouldn’t think about it that much. Let’s not count it when it hasn’t happened yet…” pagod namang tugon ni Dad.
“I hate to admit that we just really need their boost! Mabuti at pumayag talaga si Relani! The Riegos are not fond of fixed marriages. They always find a way to marry the one they love!”
“Radleigh seems to, either, like Zari or find our company an asset.”

Hanggang doon na lang ang pagpipigil ko. Whatever’s beyond that shouldn’t be on my mind. Tinulak ko ang pintuan para makapasok sa study.

Bahagyang gulantang si Mommy nang namataan ako pero agad ding nakabawi. Ngumiti siya at kumalma.

“Zari!” She eyed me from head to foot. “Bihis na bihis ka?”
“It’s Ethan’s birthday tonight. Magpapaalam sana akong lumabas.”

Nagkatinginan si Mommy at Daddy. Kita ko ang pagtango ni Daddy na para bang itinutulak niya si Mommy na pagbigyan ako. Dad’s always answer my whims. Si Mommy itong mahigpit sa akin.

“Sino ang kasama mo?”
“Si Calla, Mommy. I will be home by eleven. Don’t worry. Besides, Ethan will be there.”

Sinulyapan ni Mommy ang orasan sa lamesa bago humugot ng hininga at pumayag.

“Don’t do anything stupid. You’re days before your engagement. Kailan nga pala ang uwi ni Radleigh?”
“Sabi niya bukas ng hapon pa,” sabi ko.

Mommy nodded and then she dismissed me. Para akong nakawala sa hawla nang bumaba ako sa hagdanan.

Lubusan na sana ang saya ko kung hindi ko lang naalala na hindi nga pala kami nakapag-usap ng maayos ni Radleigh tungkol dito. I forgot to ask him about this weeks ago. Kanina lang din ako nakapagdesisyon at hinintay ko siyang mag online buong araw ngunit wala. I just told him that once he’s online, he should call me.

“This is awesome!”

Nakababa ang window ng sasakyan ni Caleb na nag-aantay sa paanan ng hagdanan ng bahay namin. Wala roon si Calla. Iniisip kong isasama niya pero wala pala. SIguro’y ihahatid ng isa pa nilang sasakyan.

“It’s been years since the last time I went here. My punishment has been lifted, huh? he smiled evilly.
Umirap ako. “Shut up, Caleb! Let’s just go! I told my Mom and Dad that I’m going with Calla!”

Iikot na sana ako para makasakay sa sasakyan niya nang nakita ko ang isang pamilyar na Everest.

Nagdadalawang isip pa ako kung magmamadali ba akong papasok sa sasakyan ni Caleb o manatili dahil paniguradong kita ako. Mas nakakapagtaka kung magmamadali ako sa pagtago. Mas magkakaroon ng dumi sa kanilang kaisipan.

“Wait lang,” sabi ko kay Caleb at tuluyan nang binalingan ang Everest.

Lumabas ang driver at pinagbuksan ng pintuan si Tita Relani. Her husband, Ares Riego, went out on the other side. Umikot si Tito para mapuntahan si Tita. Nanatili ang tingin ni Tita sa akin, o sa banda ko, o sa sasakyang nasa likod ko.

“Good evening, Tita!” sabay lapit ko.

Marahan niyang hinawakan ang aking balikat at nagbeso siya sa akin. I did the same to Tito. I noticed Tita’s eyes were fixed on whatever’s behind me. Si Caleb! Damn it!

“Good evening, hija! You’re going out?” she smiled.
“Yes. Uh, it’s my cousin’s party, po. Si Ethan. Uh… Does Mommy know that you’re coming tonight, Tita?”
Tipid na ngiti at iling ang sukli niya sa akin. “Are your parents here?”
“Opo. I will call them-”

Umamba akong babalik sa mansyon pero sa marahang hawak niya sa aking balikat ay napigilan niya ako.

“H’wag na. I know you’re going to be busy. We will just alert your housemaids.” Tumango siya. “You should get going.”

Ilang sandali akong medyo naguluhan bago tuluyang tumango. Lumapit ang iilang housemaids namin dahilan kung bakit mas naging kumbinsido ako na kaya na nila iyon.

Tita Relani smiled at me when they were ordered to go inside the mansion. Ngunit kitang kita ko ang pag talim ng tingin niya nang bumaling sa magiging kasama ko.

“Let’s go!” sabi ko kay Caleb sabay pasok sa kanyang sasakyan.
“You sure it’s okay?” tanong ni Caleb.
“It is! Come on! I’m still single! Almost engaged but… still single. Kaya bakit hindi magiging okay ito?” I half-heartedly said.

May bumagabag sa akin pagkaalis namin. Caleb kept on talking while I’m already spacing out. Ang pampalubag-loob ko na lang ay ang katotohanang wala akong ano mang masamang intensyon. I’m just going to Ethan’s party. I settled for that but negative thoughts has its way in me. Hindi ko maintindihan.

Sabay na kumalabog ang pintuan ng sasakyan ni Caleb nang pareho kaming lumabas. Agad na may sumalubong sa kanyang mga kaibigan, samantalang ako’y sinalubong ni Calla. She looked so out of place with her white bubble skirt and floral top. Everyone else looked like they’re going to a club. Maging ako’y may suot na kulay maroon na sweetheart dress at stilletos. The dress hugged my body like my skin.

“Hello!” inosenteng bati ni Calla.
“Hi! Kanina ka pa?” sabay tingin ko sa likod niyang may dalawang bodyguard.

Gosh! Mabuti na lang at pinayagan naman akong walang kasamang bodyguard dahil kina Ethan lang naman ang punta ko. Isa pa, he has enough security here.

“Let’s go inside and greet Ethan?” anyaya ko at hinawakan na siya sa kamay.

Calla nodded. Sinulyapan ko muna si Caleb na ngayon ay kausap at katawanan na ang mga lalaking kaibigan. All his friends looked at us like it’s a shock that I’m there.

Taas noo kong nilakad ang gitna ng mga iilang pangkat ng mga tao. They would always turn their heads toward us. Some will even greet.

“Hi, Zari! You look great!” sabi noong isang babae na may hawak na wine.

I smiled at her and continued walking like I’m in some aisle. Sa likod ko ay nakasunod si Calla dahil hawak ko ang kamay niya.

I stiffened when I saw my ex-friends. Grupo nina Maica, Charm, at Glaiza ang naroon malapit sa isang exclusive DJ na kinuha ni Ethan. They all looked at me with a plastic smile. Pare parehong nagdadalawang-isip na lapitan ako hanggang sa lumapit nga si Glaiza sa akin.

“I thought you won’t come, Zari! We’re happy that you’re here!” she said in a concerned tone.
“Where’s Ethan?” I asked. Ayaw ko nang pahabain pa ang usapan namin.

Nakita kong napawi ang ngiti ni Maica at tiningnan niya si Calla sa likod ko.

“Uhm, he’s with his friends. Just right there…” sabay turo ni Glaiza sa kaliwang bahagi ng sala nina Ethan na ngayon ay puno ng tao.
“Thanks!”

Doon ko tinapos ang pag-uusap. Agad ko nang pinuntahan si Ethan kahit na nasa gitna pa siya ng mga lalaking kaibigan. His friends looked my way when one of them saw me.

Alam kong ang mga naritong lalaki ay mga kaibigan ni Ethan. Halos lahat ng mga ito, alam na maeengage na ako. Iyan at ang katotohanang pinsan ako ni Ethan ang tanging nagpipigil sa kanila na lumapit. I know because I heard the men talking about me as we walked.

“Happy birthday, Ethan!” bati ko sabay angat sa sarili at yakap sa kanya.

Ethan hugged me back for a while. Nang kumalas ako ay nakita ko ang busangot niyang mukha.

“Sinong kasama mo rito?” he asked.
Ngumiti ako. “I’m with Caleb. Now he’s with his friends.”

Nakita kong bumaling ang isang kaibigan niya sa isa pa na tila ba nagkaroon na sila ng pag-uusapan dahil sa sinabi ko.

“Hindi ba ay maeengage ka na, Zari?” asked by one of his close friends in that group.

Nagtaas ng kilay si Ethan.

“Yup. I’m just here to visit Ethan’s birthday. I am still so young and I’ll be engage without experiencing a party like this!”
“Well then, we’ll let you experience it! Right, Ethan?”

Ethan was hesitant. Pero siguro ay dala ng tamang rason ko ay hindi na rin siya nakaimik. Of course, he understands that I also have to at least experience how all these should be, right?

“I only drink champagne. Even when I was younger, my parents would allow me to drink but only on special occasions and not too much,” I shared.

Naroon naman si Ethan kaya ayos lang. Binigyan kami ng champagne ni Calla. Si Calla ay tahimik lamang sa gilid ko. Kapag may kumakausap sa kanyang kaibigan ni Ethan ay nililingon ko agad. She’s shy and she probably doesn’t know how to interact with guys like these. I can’t help but be protective.

“Kapatid mo pala si Caleb Samaniego?” tanong noong kaibigan ni Ethan kay Calla.
“Oo,” si Calla.
“Caleb is around. We left him outside,” dagdag ko para makita noong lalaki na hindi niya makakausap si Calla na sila lang dalawa.

They also let me drink harder liquors. It tasted gross pero nakisama parin ako. Ethan looked horrified when he saw me drink another shot, ilang oras na ang lumipas.

“That’s enough, Zari!” ani Ethan sabay bawi sa isang shot glass.

Oh come on! I know that I’m already a bit tipsy after those shots. Titigil naman ako kung hindi ko kaya pero nakisali pa itong si Ethan. Ni ayaw niyang sumayaw kahit na halos masira na ang sala nila sa sobrang pagpaparty ng mga kaibigan niya roon.

“Ethan, stop babysitting…” sabi ni Glaiza kay Ethan nang napunta siya sa aming lamesa.

Her friends went to us, too. Mukhang hindi naging maganda ang dulot ng pagmamasid sa akin lalo na’t ang atensyong gusto nilang makuha galing sa mga kaibigan ni Ethan ay nasa akin ngayon. They looked so bitter and instead of feeling happy about it, I couldn’t even care.

Walang sinabi si Ethan. Nanatili siyang naroon kahit na panay na ang hipo ni Glaiza sa kanyang katawan, niyayaya itong magsayaw at mag enjoy sa party.

Nilingon ko si Calla sa gilid ko. Naka ilang inom na ako at nasa unang baso parin siya ng champagne niya.

“You’re so red, Zari. I think we should leave,” she told me.

Kahit ayaw ko pa, hindi ko mapigilan ang pagsang-ayon. Alam ko naman kung kailan dapat ako tumigil. Hindi ko hahayaan ang sarili kong malasing dito.

“Just one last experience, Calla. Come here…”

Tumayo ako at hinila si Calla sa karamihan ng tao sa gitna. They were dancing and cheering to the beat of the DJ.

Nakisali ako roon. Calla looked stressed and a bit scared but she was able to flash a smile when I urged her to dance. Maliliit at tipid na sayaw ang ginawa niya kaya ngumiwi ako. God, she should loosen up! Everyone’s dancing and nobody will judge her with the way she dances.

Mas lalo lang tuloy akong ginanahang magsayaw para maipakita sa kanya kung paano dapat. She stopped a bit when she saw something behind me. Nilingon ko iyon at nakita ko si Caleb na may kasayaw na isang babae.

Lumapad ang ngisi ko at nagkaroon ng ideya. Hinila ko si Calla palapit kay Caleb at doon ay nagsayaw kami malapit sa kanya. Caleb wasn’t fully looking at his partner, for sure, because he immediately saw us.

Tumigil siya sa pagsasayaw at agad na nilapitan kami.

Tumawa ako.

“You’re a bad example to your sister!” aliw kong sinabi.
Sumulyap si Caleb kay Calla at tumawa. He looked so red as well. Mapupungay ang mga mata at masyadong pula ang pisngi.
“Zari, I think we should leave. You’re both drunk!” si Calla.
Tumango ako. “I think we should!”
“Kuya, can you still drive?”
“Of course. But why are we leaving this early?” he even sound playful.

Tama talaga si Calla. Kung ayaw umalis ni Caleb ay sasama na lang ako kay Calla. Tutal ay may driver naman siya.

“Kung gusto mo pa rito, Caleb, you can stay. I’m going home with Calla.”

Parang natauhan si Caleb sa sinabi ko. Umiling siya at hinila na ako palabas ng bahay nina Ethan.

Hindi ko alam kung paano kami nakadaan sa sobrang dami ng tao. Basta ang alam ko’y noong nakalabas na kami ay pareho na kaming nagtatawanan ni Caleb.

Pinagpapawisan ako sa sobrang pagsasayaw at dala na rin siguro ng sobrang init. Nang nakarating sa kanyang sasakyan ay humilig agad ako sa pintuan ng front seat habang humihingal.

Nakapikit ako, tila gustong makatulog saglit para maayos ang pakiramdam. Sobrang lapit ng tawa ni Caleb na dumilat ako ngunit ang sunod kong naramdaman ay ang labing lumapit sa akin.

He tasted my lips with his first kisses before eventually claiming my mouth. Shock washed over me. Before I could protest, he stopped and laughed.

Humilig din siya sa sasakyan sa tabi ko. Agad kong hinanap si Calla na paniguradong nasa paligid lang pero hindi ko na nakita.

“I’m sorry… Damn!” Caleb said.

Nilingon ko siya at nakitang nakapikit parin. He’s drunk. Paano kami uuwi.

“Where’s Calla?” tanong ko na parang walang nangyari.
“She said goodbye to you. You don’t remember?” si Caleb.
“What?”

Kumunot ang noo ko habang sinusubukang alalahanin. Damn it! Ganoon na ba ako ka lasing para hindi na maalala ang ilang bahagi ng gabing ito?

Umahon ako at hinampas ang balikat ni Caleb.

“Umuwi na tayo! Lasing na ako!” sabi ko.

Tumango si Caleb at umahon na rin. Pinatunog niya ang kanyang sasakyan at pinagbuksan ako ng pintuan sa front seat.

Pumasok ako at agad na hinilig ang ulo sa upuan. Pumasok siya at ganoon din ang ginawa.

Hinampas ko ulit ang kanyang balikat.

“Umuwi na tayo, Caleb!”
“I’m a bit drunk. I want to sleep for a while.”
“Ano? E ‘di uuwi ako! Magtataxi na lang ako o ‘di kaya’y magpahatid sa iba!” banta ko.
“Kidding! But can we stop by to a near ramen house or something. Para naman kahit paano’y mahimasmasan ako. I feel so… damn!” umiling siya.
“Fine! Bilisan natin at baka hinahanap na ako ng Mommy.”

Nilingon niya ako at ilang saglit siyang tumitig sa akin. Nagtaas ako ng kilay sa kanya. The next thing I know, he is kissing me again.

Pinilit ko siyang itulak ngunit nawawalan ako ng lakas. Siguro’y dahil sa alak.

“Caleb, stop it! You’re drunk!” sabi ko.

He stopped and then put his head back again at the backrest. Huminga ako ng malalim at dulot ng antok at alak ay ganoon na rin ang ginawa.

I don’t know how long we stayed asleep in his car but when I woke up, he’s already driving. He stopped it in a five star hotel. Lumabas siya at agad na ibinigay sa valet ang kanyang susi.

Dahan-dahan din akong lumabas sa kanyang sasakyan. Magtatanong sana ako kung bakit kami naroon pero nang napagtanto kong may Japanese restaurant nga pala sa loob, hindi na ako nagtangka.

“Let’s go…” aniya at sabay na kaming pumasok doon.

He did all the interaction with the waiters and waitresses. Binigyan kami ng pang dalawahang table at nagsimula na siya sa pag-oorder. I ordered sushi at some ramen as well.

Panay ang pikit ni Caleb habang humihilig sa backseat. Pulang pula ang kanyang mukha. Mabuti na lang talaga at walang nangyaring hindi maganda sa byahe. Mukhang lasing pa naman siya.

“My head is aching. Damn! Magkaka hang over yata ako nito,” aniya sabay hilot sa noo.

Huminga ako ng malalim at pinasadahan ng tingin ang magarbong Japanese Restaurant na ito. Dahil nakatulog ako kanina, ay medyo umayos na ang pakiramdam ko.

“You know the girl I’m dancing with? I forgot to ask for her number. Damn it!” sabay dilat niya.

Once a playboy, always a playboy. Hay naku. Wala talagang pinagbago itong si Caleb. Ngumisi ako at isinantabi ang katotohanang hinalikan niya ako. Not that it’s our first kiss. I’ve kissed him before. He’s just that playful.

“But for sure you know her name, right?” sabay ngiti ko.
“Oo naman!”

We continued chatting like nothing happened. He didn’t mention what happened between us, too. Kahit noong umuwi na kami at madaling araw. I think it’s around four in the morning when we went home.

Pagkadating ng bahay ay bumagsak agad ako sa kama. Kinabukasan ay halos walang nagawa dahil sa sakit ng ulo.

Kaya naman nang narinig ko ang sunod-sunod na tunog ng cellphone ko ay nairita agad ako. Noong naisip kong maaaring si Radleigh iyon ay kumalma ako at dinampot agad. When I saw that it’s Ethan, bumagsak muli ang mata ko at sinagot ang tawag.

“Happy birthday ulit, Ethan…” I tried to sound calm because I don’t want to be such a bitch in his birthday. Even when he’s annoying me right now.
“Zariyah!” galit agad ang sinalubong niya sa akin.
“What?” medyo nagulat ako roon.
“Is it true that you went to a hotel with Caleb last night? Where are you now?” maliit ang boses niya, tila ayaw marinig kahit nino.
“Uhm…” Sasagutin ko sana siya ng tama pero napagtanto ko kung gaano ka pangit noon isipin. “Ano? Sinong nagsabi niyan?”
“Sagutin mo na lang, Zari. Last night, Radleigh was here and I though you went home with him!?”

Napabangon ako sa kama ko at nanginginig ang kamay na pinutol ang tawag. I searched for Radleigh’s name when another call went in.

“Good morning, Zari…” si Caleb ang nasa kabilang linya.
“Caleb! I need to put this call down-”
“Why? I’m outside your house. Nakalimutan mo ang purse mo sa sasakyan ko kahapon. Eto, hinatid ko ngayon.”

Bago pa niya madagdagan ay agad ko na iyong pinatay. Nagmamadali akong lumabas. My make up was still intact. Ang damit ko lang ang nagbago at toothbrush lang ang nagawa ko.

“Belinda, si Mommy at Daddy?” nagmamadali akong bumaba ng hagdanan para itaboy si Caleb sa labas.
“Umalis na kanina pa, Ma’am. Bakit?”

Hindi ako sumagot. Dumiretso ako sa labas at doon, nakita ko si Caleb na hawak ang purse ko at nakahilig sa kanyang sasakyan.

Pahablot kong kinuha ang purse ko. Nagulat siya sa reaksyon ko.

“Umalis ka na, Caleb. Sige na, please?”
“Huh? Bakit? I thought you’re gonna invite me for lunch…” pinasadahan niya ako ng tingin at ngumuso siya.

Damn it! Ngayon pa talaga naisipang magloko?

“Nawala ang hang over ko dahil sa ramen kagabi. Ngayon ka pa nagising?”

My God! He even wants a conversation when my brain is haywired.

“Please leave, Caleb! Nandito na raw si Radleigh at…”

bago pa ako makapagsalita ay kumalabog ang pintuan ng kadarating lang na sasakyan. Relani Riego went out of their black SUV, with her hawk eyes directed at me.

“Uh… Tita! G-Good morning!”

Why is she here? At ayaw pa talagang umalis ni Caleb! Gulong-gulo na ako!

“Good morning, Zari…” she didn’t even smile with her greeting.
“N-Nasa opisina po si Mommy at Daddy, Tita. But I can call their secretary…” Tiningnan ko ang aking damit. “Sorry. Kakagising ko lang.”

She’s wearing a white dress with a brown belt. Ang bag niya’y nasa kanyang braso. Nilingon niya si Caleb bago ako muling tiningnan.

“Ikaw ang sadya ko, hindi ang parents mo, hija. Can we talk?”

Napalunok ako sabay tingin kay Caleb.

“Caleb, please?”
Tumango si Caleb at tahimik na bumalik sa kanyang sasakyan.

A couple of awkward minutes passed. Nakaalis na si Caleb at pareho naming sinundan ng tingin ang sasakyan nitong palayo sa amin bago bumaling ulit si Tita sa akin.

“Pasok tayo sa loob, Tita,” anyaya ko.
Ngumiti siya pero walang humor doon. “Hindi na. Dito na lang tayo at hindi ako magtatagal.”

Ang kabang lumukob sa puso ko ay hindi ko maintindihan. Pakiramdam ko alam ko ang sasabihin niya pero ayaw ko lang harapin. Alam ko ang mga pagkakamali ko pero gusto kong takbuhan.

“Are you sure you’re marrying my son?” she asked.

Hindi ako nakapagsalita roon. Hindi dahil wala akong maisagot kundi dahil masyado akong na disappoint sa sarili ko. I am almost engaged. I should’ve behaved better. Pero paano iyon? Gusto ko lang namang magsaya? Was it wrong to join Ethan’s party? At bakit sinabi ni Ethan na narito na si Radleigh? Na naroon siya kahapon kahit na hindi ko naman siya nakita? Kailan siya dumating? Bakit hindi niya sinabi sa akin? At ngayon… bakit hindi niya ako binisita agad?

Ah. Oo nga pala. Mas importante parin ang trabaho. He’s probably working right now. He couldn’t even pay me a visit. Bukas na ang engagement, ah! Bukas na ang kaarawan niya.

“Zari, hija, I have known your mother since we were young. We were best of friends. I trust her so much. Ang dahilan kung bakit ko ipagkakatiwala ang anak ko sa anak ng aking matalik na kaibigan ay dahil hindi siya tumanggi noong tinanong ko siya,” panimula niya.

Yumuko ako. I want to butt in and say sorry but I know that’s rude.

“We’re not fond of fixed marriage. I want to let my son decide who ever he wants to marry but this isn’t the first time we got asked to a pragmatic marriage for him. Large companies with the same field would always offer us and he would always express how much he dislikes it. Ngayon lang siya hindi tumanggi.”

Kinagat ko ang labi ko. I messed up badly, huh? Where is this going?

“I thought there’s something about you. You’re young and pretty. But you’re spoiled, and that’s one thing he couldn’t tolerate.”

Nag-angat ako ng tingin kay Tita Relani. She looked a bit mad but she’s keeping it together. Ang mga mata niya’y reserved at tila nanunusok. Takot ako pero nagawa kong harapin iyon.

“My son is self-made. Even with all our money, he wouldn’t spend a bit just to prove to us that he can be successful, not because he is a Riego, but because he is a good engineer and a good man. And… when you came…”

Nanliit ang mga mata ni Tita Relani. I felt the hundreds of reasons she wants to rain on me. I felt how frustrated she was but she’s trying to keep her cool. Hinawi niya ang kanyang buhok at huminga ng malalim.

“He’s spent his hard earned money on you and your caprices. You have bankcrupted him years ago just because of your material whims!”
“T-Tita, I don’t-”
“Let me finish it, hija.” She cut me off.

Para akong nanlumo sa tila kulog niyang boses.

“I don’t care about the way he spends his money but I care about the girl he’s spending it with. I don’t think you’re fit to be his wife. At alam ko rin na sinusunod mo lamang ang kagustuhan ni Lana. That in order to have your trust funds back, you have to marry my son… even when you’re really with another man.”
“Tita! I’m not with another man!” agap ko pero nang umiling siya ay napagtanto kong wala siyang papakinggan sa akin.
“I am disappointed. I think he was, too. When he learned that you’re with another man last night.”
“Tita, hindi po ganoon. We went out to eat a noodle soup to-”
“Even so! You’re to be engaged and you shouldn’t be seen with another man. And alone, for that matter!”

Nakaawang ang bibig ko para sa mga salitang gustong kumawala ngunit hindi ko nagawang isatinig. I couldn’t properly utter any word.

“In the long run, you are not healthy for my son. You’re going to be the death of his career. You will bankcrupt him and you’ll find another man. Hindi pa nga kayo nakakasal, ganoon na ang ginagawa mo. I will talk to your mother about this, but I’m sure she would only try and convince me once more. And I won’t have any choice, especially if my son would still choose to be with you.”

Shit! Parang pinipiga ang puso ko.

“Tita, it’s really nothing. Caleb is just my friend. I have to talk to Radleigh.”
“He won’t be here until your engagement. I hope you change your ways. Ang malaman na magpapakasal ka lamang sa anak ko para makuha ang yaman mo’y isang malaking kahibangan para sa akin. Pero ang malamang pinagtataksilan mo siya, ay hindi ko na matanggap. You have disappointed me so much, Zari. I’m talking to you right now because I want you to become a woman. A woman faces the truth. Honor should be your guide. But right now, I don’t think it is. Your guide is money. You’re marrying my son for it.”

Nangilid ang luha sa aking mga mata. Ang tanging naiisip ko sa lahat ng ito ay si Radleigh. Gusto ko siyang makausap!

“You have no honor, at all. Radleigh probably realized that when he got disappointed last night because of you. Kahit na magpapakasal ka lamang sa kanya para sa pera, sana naman ay hindi mo siya binigyan ng ganoong klaseng kahihiyan, Zari.”
“Tita, I sw-ear…” Nanginig ang labi ko. “I’m sorry. I just want to party last night. I swear I did nothing wrong. I will call Radleigh right away and explain to him!”’
“I wish you become a better woman. Not for anyone, but at least for your self.”

Iyon ang huling sinabi niya bago ako tinalikuran.

Nangangatog ang tuhod ko pabalik ng bahay. Pinagtitinginan na ako ng mga kasambahay nang nakitang bumuhos ang mga luha ko habang umaakyat sa hagdanan. Nang nakapasok sa kwarto ay agad kong tinawagan si Radleigh.

I ignored all the text messages, even when its from my parents. I ignored my friends. I just want to contact him so badly but he wouldn’t answer his phone.

Nagtipa ako ng mensahe.

Ako:
Radleigh, please, let’s talk. I’m sorry last night. Walang nangyari sa amin ni Caleb. We’re just partying. I didn’t tell you because I couldn’t reach you. You were not online.

Ilang beses ko iyong sinend.

Iilan pang halos ganoon ang laman ng mensahe ko habang nakahiga sa kama. My tears won’t stop falling. For hours, I stayed that way until I heard a violent knock on my door.

“Zariyah! Mag-usap tayong dalawa!” sigaw ni Mommy galing sa labas.

Oh God!

I typed in my last resort. The last one to restore my honor. Tita Relani is right. I am marrying Radleigh for the wrong reasons. And that’s already a big scandal. Now I have created another one.

Ako:
Please, let’s talk.

Lumabas ako ng kwarto para harapin si Mommy. She dragged me to the study. Marahas niya akong ibinagsak sa sofa. Si Daddy ay naroon at may dalang isang basong tubig at isang kapsula ng kung ano. Tinanggap iyon ni Mommy bago tuluyang nilagok.

She emptied the glass of water. Ang baso’y ibinagsak niya sa sahig malapit sa akin. It created a thunder like sound that made me close my eyes tight.

“Lana!” si Daddy ngunit hindi niya napigilan ang galit ni Mommy.
“I trusted you, Zari! Pinakawalan kita dahil iniisip kong sa wakas ay nagtino ka pero ano itong ginawa mo!?” sigaw ni Mommy.

I feel so miserable. I know that I’m at fault. Kaya tatanggapin ko lahat ng galit ni Mommy.

“Relani was so angry! She wants to stop the engagement! Pasalamat ka’t mukhang gustong gusto ka nang anak niya’y kahit na alam ni Rad na nakipaghotel ka sa ibang lalaki’y patuloy ang kasal ninyo!”
“Mommy, hindi po. Kumain lang po kami. I will invite Caleb here to talk about it!”
“You have the guts to invite that boy here, Zari! From now on, he will forever be on the blacklist! Including Calla, his sister!”
“Mom!” sigaw ko.
“Oo! Dahil kung hindi pa tanggap ni Radleigh ang nangyari, na purnada na ang mga plano ko! We won’t seal this deal! Akala ko ba ay napag-usapan na natin ito ng mabuti! From now on, until your wedding day, you are not allowed to go out unless you’re with your fiancee!”

Hindi na ako umangal. It’s only right!

Pero parang may mali parin… parang… hindi ganito ang gusto ko.

“We will lose this deal if Radleigh realized that you’re not worth this! Ang dami daming pwedeng ireto sa kanya. Mas mature sa’yo at mas maganda ang estado ng kompanya. Kaya dapat maging masaya ka! Their company can provide anything you want for the next five lifetimes! If you want your caprices, you should sacrifice!”

Shit!

“Why don’t you go and apologize to him! I have sent him a gift, on your behalf. With your name on it! Kaya ikaw din, mag effort ka roon! Renew your relationship with him! Tell him you love him! Tell him whatever he wants to hear! God, Zari! Just keep him!”

Nalaglag ang panga ko. Nanginginig si Mommy habang hinahagilap ni Daddy ang kanyang siko.

“Lana, stop it. You’re making this worst.”
“Your daughter can make this even uglier if she doesn’t do that, Geoffrey. Siya rin naman ang makikinabang dito. If we won’t do this, all our efforts will be put to waste! Our company will not prosper! Siya ang maiiwan dito kung wala na tayo kaya, kaya niya bang mamuhay ng naghihirap? She doesn’t even know any work! You think she can lead our company? No! So having a Riego to lead Vista Grande, for her, is her only salvation. Kaya dapat lang, sumunod ang anak mo at magtino!”

Kung gaano kagulo ang utak ko ay ganoon din ka rami ang iniluha ko.

I know that I shouldn’t get affected. Sa lahat ng narinig ko kay Mommy, namamanhid na ako ngayon.

I cannot lead. I don’t know any work. I am marrying Radleigh for money. I need to even be told how to say “I love you” to him. She even sent him a gift on my name. Everything in my life is made up. Nothing is real.

Kaya… kahit na anong gawin kong pagsisisi sa nangyari kagabi. Pakiramdam ko parin isa iyon sa mga gabi na nagawa ko ang gusto kong gawin kahit paano. I felt so free.

The only thing that’s made me regret is how I just let Caleb kiss me like that. And we kissed in a parking lot! For sure maraming nakakita roon at pinagkalat na. How everyone knew we went to a hotel is beyond me. But then my life has always been a subject to the judgements of other people.

By now, everyone probably thinks I’m marrying him for money. Paano niya naatim iyon? Paano niya nakaya iyon?

Hindi ko sinunod ang sinabi ni Mommy.

This incident is the last straw.

Iniisip kong ayaw makipag-usap ni Radleigh sa akin dahil sa galit niya. Iniisip kong maaaring masyado ko siyang nabigyan ng kahihiyan sa ginawa ko.

“Ayos na ba ito, Miss Leviste?” tanong ng isang tanyag na make up artist.

Siya ang gumawa sa make up ko. I looked sweet in that loose curls and pink lipstick. My skin glowed and my lashes looked thicker and longer. Tumango ako bilang pagsang-ayon.

“Naroon na raw si Ser Radleigh, Ma’am,” si Belinda na ang tanging dala ko sa hotel kung saan gaganapin ang celebration ng birthday ni Radleigh at ang aming engagement.

His relatives and friends will be here. My Mom and Dad’s business associates and investors will be here as well. With over three hundred guests, this party is a big event for the elites.

Wala nang mas peperpekto pa sa gagawin ko.

“I cannot wait for your wedding! You’re probably the most beautiful bride I will handle!” sabi noong make up artist sabay hawak sa aking balikat.
“Thank you.” But that’s not going to come.

Sa magarbong function hall ng isang five star hotel ay naroon na ang mga bisita. We went inside. Agad na nagbeso si Mommy at Daddy kay Tita Relani at Tito Ares. Tita Relani smiled but when she saw me, her smile faded.

I braved all the people who look at me with disappointment and disgust.

Radleigh was already there talking with some older businessman.

After three months, this is the first time I saw him again. Kahit side view ay nakitaan ko ng konting pagbabago ang kanyang mukha. He looks more active.

Tita Relani called him. When he turned to us, agad nagdilim ang kanyang mukha. When our eyes met, he immediately looked away.

Naupo ako sa tabi niya. Walang imik siyang naroon hanggang sa tinawag siya ng ilan pang business man. Nilingon ko sina Mommy at Daddy na ngayon ay tawa nang tawa kasama ang mga naglalakihang negosyante sa parehong field. Tita Relani and Tito Ares welcomed the pouring guests.

Napatingin ako sa aking mga kamay. Pakiramdam ko ay pinagkakaisahan ako.

I have memorized the speech in my head. I was so careful not to say anything ill to their family. Even if it means that we’ll be ruined. I’ll be ruined.

Nang nakita ko si Ethan na dumating ay nagtama agad ang mga mata namin. His hooded eyes looked at me and I can’t help but get so emotional. I will bring disgrace to the Levistes for sure. That’s the only thing I’m good at, anyway.

Tinawag si Tito Ares para i-welcome ang guests. Radleigh stood beside him as he looked at the people in front like its his men.

Wearing a black tux, with his hair properly tousled, he screamed of intelligence and success. Tama si Tita Relani, I’m going to be the death of his career. I will only drown him with me. Because I’m going to let my caprices rule him.

Kaya bakit nga ba hindi ako na lang? Bakit kailangan ko pang mandamay? That if I will succeed in time, dahil lamang iyon sa akin at hindi dahil nagpakasal ako sa isang Riego. At kapag bumagsak ako, ako lang mag-isa at hindi ako nang damay ng iba? Kapag bumili ako ng mga materyal na bagay na gusto ko, galing iyon sa sarili kong pera at hindi sa ibang tao? Bakit hindi ako na lang?

“We are all gathered here to celebrate the birthday of Engineer Radleigh Vesarius Riego and his engagement to Miss Zariyah Isla Leviste!”

Isang masigabong palakpakan ang ibinigay ng mga panauhin para roon nang sinabi iyon ng Master of Ceremonies. Si Tito Ares ay kababalik lang sa aming lamesa at si Radleigh ay kinakausap na ng mga bumabati sa kanya.

Hindi pansin ng lahat ang pag-alis ko sa aking upuan. ‘Tsaka lang namalayan ni Mommy nang nasa harap na ako. The applause died. Bulong-bulungan ang narinig at nakita ko galing sa kinatatayuan ko ang pagkunot ng noo ni Radleigh.

“Can I say something?” I smiled at the Master of Ceremonies.

Napakurap kurap ang lalaki ngunit sa huli ay ipinakilala rin ako.

“Ladies and gentlemen, here is Miss Zariyah Isla Leviste for her message,” anito bago ibinigay ang mikropono sa akin.

Naupo ang lahat. Radleigh looked so stunned. Na kahit anong tawag ng mga nasa likuran niya’y hindi siya gumalaw. Nanatili ang mga mata niya sa akin.

“Good evening, everyone. I am happy that I was given a chance to be here right now… in front of so many successful people in the field where my family is best at.”

Tumango si Mommy. Siguro ay iniisip niyang maganda ang sasabihin ko. I sincerely looked at everyone. Kahit hindi ko sabihin ngayon, alam ng lahat kung bakit ako papakasal kay Radleigh. They just want to play blind. Or maybe, they find it normal.

“I will take this opportunity to say thank you to Tita Relani and TIto Ares, for being kind to me. And to Radleigh…”

Hindi ko alam kung paano ko nagawang matapang ang boses ko kahit na para akong ginigibang pader sa kalooblooban ko.

“For being so kind to me when I was always rude. Happy birthday, Rad.”

Shit. I want to curse out loud but I need to continue.

“I don’t know anything. I won’t be an asset to the Vista Grande or to the Vesarius Hidalgo Riego the fifth, Incorporated… The only thing I’m probably good at is burning cash.” I smiled.

Some of the audience even laughed. Radleigh shifted on his chair. His eyes hooded and pitch black now. Ayaw kong tingnan siya. Hindi ko kaya.

Nakita kong hilaw ang ngisi ni Mommy. Parang ayaw niyang sabihin ko iyon.

“My parents think that I will be a burden. That I might bankcrupt our company for living beyond my means… and I think they are right.”

Ngayon. Sobrang tahimik na.

“So the plan is to marry a Riego and let him do the work I couldn’t do.”

Tumayo si Mommy at narinig kong tinawag niya ako. Daddy held Mommy’s hand as he tried to calm her down. Nilingon ko si Ethan na ngayon ay kinakausap na ng kanyang ina. Tumayo si Tito at may inutos sa mga body guards.

“The Riegos were very kind. They couldn’t say no to the request.”

Tumayo si Radleigh. His jaw was clenched when he started walking to me.

“Even when I’m marrying their son for money, not for love. Even when they know I’m only forced by my parents…”

Bumuhos ang luha ko.

“Kaya itatama ko po ito ngayon. I’m canceling this engagement and the wedding this June. I will not marry for money! I will not marry to save my self from whatever is in the future for me. I will not marry a Riego. I will not let anyone lead my life.”

“Zari…” sabay hila ni Radleigh sa siko ko.

He wants me removed from the stage. Lumakas ang bulong-bulungan at nakatayo na ang mga relatives namin. They’re all panicking.

“Radleigh!” tawag ni Tita Relani nang nakitang nakahawak si Tito Ares sa kanyang dibdib habang nakaupo at tila nasasaktan.

Natigil si Rad nang napatingin sa kanyang mga magulang. Men rushed to our table. Lumapit din si Ethan sa akin. Kaya tinapos ko ang lahat.

“I will cancel the engagement. I will not marry Radleigh Riego,” sabi ko bago tuluyang kumawala at lumabas ng hall.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Comments are closed.