Island of Fire – Kabanata 16

April 5, 2017 By In Island of Fire Comments Off on Island of Fire – Kabanata 16

Kabanata 16
Secrets

“Although the engagement party will be on March, medyo may iilan nang nakakaalam na magpapakasal kami ni Radleigh sa June,” walang preno kong kwento kay Calla.

Naglalakad kami sa malawak na bermuda malapit sa parking lot. She’s hugging her books while my handbag is on my forearm.

“Oh! Who’s idea is the date, by the way? Masyadong mabilis. Pero kung sabagay, Radleigh is of age.”
“I don’t know? Maybe my Mom? Siya ‘yong tulak nang tulak. Relani Riego relied on Radleigh’s decision.”

Nagkibit ako ng balikat. Magsasalita pa sana ako ngunit ang maingay na tambutso sa isang kulay pulang luxury sedan ay agaw-pansin. Calla groaned when she saw the car.

Kumunot ang noo ko at tinitigan iyon nang tumigil kaming dalawa sa paglalakad. Halos matigilan din ang ibang schoolmates ko nang nakita ang pagdating noon.

Bumukas ang pintuan ng kotse. Caleb with his wayfarers went out of the driver’s seat. He smiled at some group of girls bago tuluyang gumala ang tingin at tumigil nang nakita kami.

“It’s his new car from Dad,” paliwanag ni Calla.
“Ba’t siya nandito?”

In a span of about two years or more, he’s changed girlfriends like how I did it before. And although we see each other during Calla’s parties, pareho kaming dumistansya. Siya dahil may girlfriend at ako dahil ayaw ni Mommy sa kanya.

“Oh, he’s heard that you’re going to be engaged. It’s all over the college department,” si Calla.

Pinatunog ni Caleb ang kanyang magarang sasakyan at dire diretso ang lakad patungo sa amin ni Calla. Inangat niya ang kanyang wayfarers, revealing his almond-eyes. He smiled when our eyes met. Nanatili naman akong nakatayo roon.

“Hello, Zari!” he snaked his arm around my waist.

Kaswal siyang nagbeso sa akin, pagkatapos ay kay Calla naman. Hindi ko malagyan ng kahulugan iyon dahil kilala ko siya at ganoon siya sa mga kaibigan niyang babae.

“Calla.”
“Why are you here, Kuya?” si Calla na diretsahan ang tanong pagkatapos ang halik.

Bumaling si Caleb sa akin at ngumiti.

“I just want to catch up. Alam kong tapos na ang klase ninyo, hindi ba?”

Ngumuso ako at tumango. He smiled wider and then he nodded, too.

Sumama siya sa amin sa cafe. Girls were looking at him. Syempre, hindi naman madalas na may pumupuntang college rito sa amin. Lalo na ang kalibre ni Caleb na kahit paano’y maraming nagkakagusto.

Like always, I found his company entertaining. Hindi tulad noong nanliligaw siya na puro na lang pagsagot ko ang iniisip, ngayon ay mas lumayo ang mga tanong tungkol sa kursong kukunin at sa kolehiyo at sa lahat ng mga plano.

Tulad noon, mabilis akong naging komportable kahit ngayon lang muli kami nagkausap ng maayos. Panay pa ang hagod niya ng tingin sa mga magagandang batchmates ko na naroon din sa cafe.

Nilingon ko kung saan nakapirmi ang mga mata niya at nakitang tipid na ngumingiti ang mga babaeng nasa lamesang iyon. Calla groaned when she realized that her brother might be on for a new prey in the high school department.

“I’m gonna buy more lemon juice. You want one, Zari?” Calla asked.
Tumango ako. “Yes, please.”

Tumayo siya at dumiretso na pabalik sa counter para bumili ng juice na madalas naming iorder. Ngayon, kami na lang ni Caleb ang natitira sa lamesa. Muli kong tiningnan kung saan nakapirmi ang mga mata niya.

“Careful, Caleb. You’re gonna be sued. She’s from the lower batch,” sabay halakhak ko.

Bumaling siya sa akin. The knowing look in his eyes told me that I said something wrong.

“Hindi ba ay lower batch ka rin at ang pakakasalan mo’y mas matanda ng ilang taon sa’yo?”
Hindi na ako makangiti ngayon. Nanatili ang mga mata ko sa kanya kahit na siya’y may ngiti parin sa labi. I’m not sure if it’s amusement or sarcasm.

His fair complexion and square shaped face drove girls insane. Dumagdag pa ang nagsusumigaw niyang hantad ng yaman at ang aurang pang badboy, iba talaga ang hatak. Naiisip ko tuloy na kaya ko siya pinahirapan noon dahil alam kong hindi rin naman niya ako seseryosohin.

“I heard about your engagement.”

Ibinagsak ko ang aking likod sa backrest ng upuan at humalukipkip ako.

“Wala pa ngang nagaganap na engagement, marami nang nakakarinig.”
“Of course. Your friends were gushing about it. They even said that you’ll be coming at Glaiza’s birthday party this coming Friday.”
“I won’t,” agap ko sabay iling.

Nakatanggap nga ako ng imbitasyon sa birthday ni Glaiza. They expect me to be there after two years of not communicating like usual. Bakit? Dahil nalaman nila na pakakasalan ko si Radleigh Riego? Because they treat him as a prize and I “won” him because of the engagement?

Kung hindi ko papakasalan si Radleigh ay paniguradong hindi ako maiimbitahan sa party na iyon. Tinatak ko sa aking utak na hinding hindi na ulit ako papaloko sa mga manggagamit na kaibigan.

Because I have redeemed myself, they want me back. Pasensya at ayaw ko na sila sa buhay ko.

“Talaga? You were invited, right?”
“I don’t wanna be friends with them. Noong panahon na halos wala akong kaibigan dahil sa eskandalong nagawa ko, wala sila, kaya bakit ako maniniwalang totoo sila ngayon?”
He smirked and then nodded. “You’ve learned, huh?”
“Of course!”

Ilang sandali kaming nagtitigan.

“Why are you marrying someone that fast, Zari?”

Hindi ako sumagot. Kung ano man ang rason, mas nakabubuting h’wag ko nang sabihin sa iba.

“Naaalala kong nagkakilala kayo ni Radleigh Riego noong nanliligaw ako sa’yo, hindi ba? Hindi mo ako sinagot at iniwasan mo ako simula roon. Tell me, is this engagement planned years ago? I remember you not having a relationship after that.”
“People change, Caleb.”
“So you’re telling me that you’re marrying that man because you love him?”

Hindi ako makasagot. Pinagpasalamat kong bumalik si Calla dala ang juice naming dalawa. Tumuwid sa pagkakaupo si Caleb at pinagmasdan ang kanyang kapatid.

Tumahimik kaming dalawa. Tumayo si Caleb at iminuwestra ang kabilang lamesa kung saan iyong mga babaeng kinikilig sa kanya. Calla rolled her eyes and I smiled. Lumapit siya sa mga babae at doon nakipag-usap na sa kanila.

“Nakakahiya talaga siya,” si Calla.

Nangingiti akong pinagmasdan siyang humalo sa mga babae at ngayon ay pinapakinggan na nilang lahat.

Seeing him playing like that, making fun of life, and doing whatever he wants freely reminded me of everything I did before I got grounded. At ang habang grounded nito, ha?

“Hindi pa ba iyan nagseseryoso?” tanong ko habang pinagmamasdan si Caleb sa kabilang lamesa.
“Hindi pa.”

Since then, everytime I go to Calla’s house, we’re slowly rebuilding our friendship. Friendship. Of course dahil sa akin, wala na talaga sa utak ko iyong pagsusubok tulad ng nagawa ko noon. At tingin ko, kay Caleb, wala na rin iyon.

The connection between us is just in between siblings and best of friends. Natutuwa ako tuwing nakikita siyang nagloloko dahil naaalala ko ang mga gawain ko noon. And if he tries to slightly hit on me, I’d find out and cock block him right away.

“Tapos ka na ba, Ma’am Zari?” tanong ni Belinda habang nag kukulot ako ng buhok.
“Malapit na!” sigaw ko.
“Papasok na kasi ang sasakyan ng mga Riego, Ma’am.”

Tonight, we’ll have dinner. Pag-uusapan ang mga detalye sa kasal na gaganapin sa June. Ifafinalize na rin ang mga detalye sa Pre Nup.

I don’t entirely agree with this… lalo na kapag naririnig ko si Mommy at ang kanyang mga plano sa kompanya. But if I think about Radleigh, I feel braver. Pakiramdam ko, kaya ko naman siguro.

Nagmamadali akong bumaba sa hagdanan nang narinig ang pagpasok nina Tita at Tito sa aming tanggapan.

“Good evening, Tita! Good evening, Tito!” bati ko.
“Good evening, Zari!” ngumiti si Tita at nakipagbeso sa akin.
“Relani, I’m glad you’re able to come,” si Mommy sa isang pormal na tono.
“Oo nga! I’m still a bit dizzy because of the turbulence. Mabuti na lang at nakarating kami on time.”

Bumukas ang double doors at iniluwa roon si Radleigh. His casual attire of just black t-shirt and faded jeans filled my system. His lips twitched when our eyes met.

“Rad!” sabi ko sabay nagmamadaling lumapit sa kanya.

“Tara na sa dining area para makakain na kayo!” si Mommy sabay muwestra sa dalawang matandang Riego sa aming dining area.

“Galing ka pang trabaho?” tanong ko sabay tingala sa kanya.
Tumango siya at hinawakan ang batok ko. He combed the hair of my nape with his fingers. Alam ko ang pinupuna niya. Ipinakita ko ang aking buhok.
“Is it nice?”

Hinagod niya ako ng tingin. Nagtaas siya ng kilay kaya napawi ang ngiti ko.

“You don’t like it?”

Yumuko siya at bumulong sa akin. Ang mga kasambahay na nanatiling nasa sala at nanunuod sa amin ay bahagyang nag-iwas ng tingin.

“You look like a woman now…” he whispered.

Uminit ang pisngi ko. Nagbunga rin ang paghihirap ko! I want to curl my hair a bit and make big waves because I will look mature! Tama nga.

“You like mature girls, right?”
He chuckled. Tumingala ako sa kanya at nakita ko ang pagkakaaliw niya sa kung ano.
“Let’s go and have dinner.”

Umismid ako sa kanya nang napagtantong ayaw niyang pag-usapan iyon. I know it’s true. Hindi niya na kailangang ikahiya iyon. People won’t spread rumors if they aren’t true. He’s only doomed because he’s marrying someone a bit younger.

Oh! I can’t wait to really grow up!

Damn!

“Let’s eat?” anyaya ni Mommy nang nakita kaming kakapasok lang sa dining area.

Ngumiti ako kay Tita Relani at naupo na sa tabi ni Mommy. Radleigh sat on the adjacent seat beside me.

“Oh! I remember the days when I got married! I was so excited!” si Mommy.

Wow! Kung makapagsalita ng ganoon ay para namang tunay na ginusto namin ito ni Radleigh galing sa pagkakaroon ng relasyon. Although, I’m not as sad as I was months ago. Hindi rin naman ako sobrang saya ngayon tungkol dito.

Tumawa si Tita Relani.

“Of course! I was excited for you, too!” si Tita Relani habang binabalikan ang dati nilang ginawa.

It lasted for about three minutes until the topic shifted to our Pre Nup.

“The Pre Nuptial Agreement will be signed on Zari’s birthday,” si Mommy.

Hindi ako nagsalita. Nagpatuloy lang ako sa pagkain.

“Will Zari agree to that?” tanong Tita Relani.
Tahimik akong tumango.
“And also, by next week, kukunin na ang size para sa gown niyang gagawin noong paborito kong designer.”
“I trust you on that but is Zari comfortable with it?” si Tita ulit.
“May mga naging gown na siya na dinesign ni Sean, Relani.”
“Kung sa bagay, maging ako’y gusto ko roon.”

Napatingin ako kay Radleigh. Although he’s not joining the conversation, he’s pretty attentive.

“Kailangan mo rin palang magpasukat…” sabay tingin ni Tita kay Radleigh.
“I have scheduled mine with the wedding organizer next week.”
“Kailan next week? Hindi ba pwedeng bukas agad?”
“Monday morning, Mama. Ayos lang iyon.”
Tita Relani looked worried.
“Son, are you sure? Hindi ka ba maiiwan ng plane?”

Plane? Plane patungong saan? Sa probinsya nila?

Bumaling si Radleigh sa akin na tila alam niya ang pinagtataka ko. He gave me an assuring smile before answering his father’s query.

“Hapon pa ang alis ko, Pa. Hindi naman siguro magtatagal ang pagpapasukat.”
“At naku, kailangan talaga magpasukat ka bago ka umalis! You won’t be home for three months, Rai,” nag-aalalang sinabi ni Tita Relani.

Parang naipon ang hangin sa baga ko nang narinig ko iyon. It’s the holidays and I’m always looking forward to dinners like these with them pero sa ilang dinner na naganap, hindi ko alam na aalis pala siya? At kailan? Monday? Base sa pinag-usapan ay Lunes daw!

“You sure are making your own name in this industry!” Mommy proudly noted.

Napainom ako ng tubig. Ba’t hindi ko alam ito? Ba’t ‘di niya sinabi? May tinatago siya sa akin!

“I’ll make sure, po.”
“I didn’t know why you had to think twice about it. I’m glad that you’ve finally made your choice now, Radleigh,” si Daddy.

Hindi na ako kumain. Hindi ko na kailangang magtanong kung ano ang pinag-uusapan nila. Sa sinasabi pa lang nila, may hint na ako. Ang nakakainis lang ay ba’t ‘di niya ako sinabihan? Bakit kailangan pang malaman kong ganito?

“Having such training and experience will really improve your skill.”
“Syempre, Goeffrey, it’s because of the schedule. We may move it, Rad. It’s alright.”
“H’wag na, Lana. The plan is to make the engagement known by the end of March and then they’ll leave for Costa Leona the next day.”

The conversation went on until my father had to excuse himself for a call. Pagkatapos ay nanghingi si Tito Ares ng whiskey sa aming kasambahay. Nagpaalam siya na mag-iinuman sila ni Daddy sa sala.

“Excuse me…” sambit ko at tumayo na para umalis sa hapag.

Why is this so personal to me, anyway? Bakit niya naman sasabihin ang bahagi ng kanyang buhay na hindi ko lubos maintindihan? His career life is out of my league. Hindi ako magiging interesado sa mga ginagawa niya dahil ang nakakakuha lang ng interes ko ay iyong mga damit at kung anu-ano pang materyal na bagay. Iyon siguro ang iniisip niya kaya hindi niya ako sinabihan ng tungkol doon.

Nagmartsa ako palabas ng bahay. Ang mga lamp post sa malayong dingding ng aming bakuran, ang malaking buwan, at ang ilaw galing sa fountain lang ang nagsilbing liwanag sa paglalakad ko.

Balak kong pumunta sa gilid ng bahay kung nasaan ang bench na madalas kong inuupuan kapag palubog na ang araw.

It’s dark. I couldn’t almost see it when I found it. Pero sa iritasyon ko ngayon, hindi ko na makuhang matakot sa mga malignong maaaring magpakita sa akin.

Humalukipkip ako at tiningala ang buwan.

Why does this matter to me? I was forced to marry him, anyway. And… I don’t really like him so does it matter if he doesn’t inform me of anything? No!

“Nilalamok ka rito,” his playful baritone startled me.

Panandalian ang gulat ko. Agad napalitan ng iritasyon. Nag-iwas ako ng tingin kahit na hindi ko alam kung kita niya ba ang ginagawa ko.

I saw his silhouette and his facial expression. Thanks to the light coming from the windows of our mansion.

Naupo siya sa bench sa gilid ko. Kahit nasa kabilang dulo na ako’y umusog parin ako hanggang sa tumama na ang balakang ko sa arm rest.

“I’m sorry,” he said gently.

Bahagya siyang nakaharap sa akin. Kahit na madilim ay natatabunan ang gilid ng aking mata ng kanyang pangangatawan. Hindi na ako nangahas pang lingunin siya dahil wala siyang pake sa distansya namin at ayos lang sa kanya ang sobrang lapit.

“It’s okay. Not that I have to know everything that’s going on with your life.”

Hindi siya nagsalita.

Pinatawad ko ang hindi namin pagkikita masyado dahil sa trabaho niya. Pinatawad ko na nadatnan ko siyang may nanlalandi. Ngayon, ano pa bang magagawa ko kundi patawarin siya sa hindi pagsasabi sa akin ng mga detalye sa buhay niya?

I suddenly wonder if he has this friend who he can freely share his deepest secret with? Nang naisip ko ang mukha noong babaeng nadatnan ko sa office niya, nanginig ang kalamnan ko sa galit.

Ugly thoughts attacked my mind making me want to lash out.

“Hindi ko nasabi sa’yo dahil kahapon lamang ako nagdesisyon na pupunta ako ng ibang bansa para sa training na iyon.”

Really? Pero kahit noong offer pa ito at nagdedesisyon pa siya, dapat sinabi niya na sa akin!

“Sa Lunes ang alis ko at babalik ako dalawang araw bago ang engagement party natin sa March.”
“Dalawang araw!” halos bayolente kong sigaw sa gulat.

His soulful eyes were illuminated only by the lights of the far windows of our house. Kita ko ang pag-aalala niya sa sasabihin ko. Tama at dapat siyang mag-alala.

“Let’s postpone the engagement party!” sabi ko kahit na alam kong hindi pwede dahil pinili talaga ang araw na iyon dahil kaarawan niya.
“I want it as early as possible. I don’t want it to be moved,” aniya.
“I don’t understand how I agreed to this,” I murmured to myself.

Hindi lang ito dahil sa pag-alis niya at sa kaonting araw na ibinibigay na magkasama kami bago ang engagement party, ito ay dahil na rin sa paglilihim niya sa akin sa bagay na ito.

“Kailan pa ‘yan inoffer sa’yo?”
“Last August. I declined. But now I realized that I will need it.”
“Oo! Hindi naman kita pinipigilan ah?” I said guiltily.
“It’s a special training in one of my subjects. It will help us in the future,” parang pinapaintindi niya sa akin na kailangan niya iyon ah!

Bakit? Pinipigilan ko ba siya? Hindi makitid ang utak ko para pigilan siya pati sa career niya!

“Fine! May iba ka pa bang hindi sinasabi sa akin?” sarkastiko ko siyang tinanong.

Natahimik siya. Kitang kita ko ang multo ng galit at gigil sa mukha. The dark storm in his mysterious eyes is devouring me. I couldn’t contain it.

I sighed heavily. Umirap ako at tumayo para magmartsa at iwan siya roon pero bago pa ako makalayo ay hinatak niya na ang palapulsuhan ko at ibinagsak niya ako sa kanyang hita.

“Aray! Ano ba?!” kabado kong protesta.

Kahit na pirmi ang pagkakahawak ay naramdaman ko parin ang pag-iingat niya. I squirmed on his thighs. Ilang beses kong naapakan at nasipa ang binti niya para lang makawala but he’s locked me completely. Our fingers were interwined and his arms were snaked around me.

“Ilang buwan na lang ikakasal na tayo, hindi mo parin magawang sabihin sa akin ang lahat ng ‘di ko alam sa’yo!”

Hinila niya ako palapit sa kanya. Making me rest my back on his warm chest. Magpupumiglas pa sana ako pero naunahan ako ng traydor kong puso.

“I failed to tell you this because I thought I won’t be joining it until yesterday. I’m sorry…” he whispered and slightly sniffed on my hair.

Umirap ako at unti-unting inaangat ang daliri niyang nakahawak sa aking braso para hindi ako makatas. Everytime I move on to the next finger, the first finger would grip me more!

“Please, let’s compromise,” patuloy niya.
“Hindi kita pinagbabawalan sa mga ginagawa mo. Syempre, may magagawa ba ako? Para naman ‘yan sa career mo! But thinking that you did not tell me about it is just so disappointing! Come on, let me go!”

He spread his legs wider making me fall on the small part of the seat in front of him. Yumuko siya at nilagay ang baba sa aking balikat.

“I’m sorry.”
“Puro ka sorry! That means that if we get married, you will always just apologize and not try to avoid disappointing me!” iritado kong sinabi. “Kung ganoon pala, sana h’wag na lang tayong magpakasal at baka puro away lang ang abutin natin!”
“Hmmm. Of course not. We won’t fight much if we get married…” masuyo ang tono niya.

Kinagat ko ang labi ko. I’m trying my best to keep my irritation alive. His tone destroys my anger so much!

“But we will fight because you don’t really think about my feelings!” sigaw ko.
“We will fight, definitely…” hindi ko alam kung bakit para akong sinisilaban sa tono niya.

He chuckled when I stopped squirming.

“But I will always think about your feelings.”
“We can move the date of our engagement! I’m thinking if we should move the date of our wedding, too! A year isn’t enough to get to know you when you have all these secrets!” pilit ko.
“No…” he mumbled.
“We’re just moving it! Not postponing it, Radleigh! Para naman magkaalaman talaga!” I exclaimed a bit weak because of the way he’s holding me right now.
“No, baby. I can’t wait any longer,” he whispered.

Nilingon ko siya. He can’t wait any longer?

He met my eyes. Even when it’s dark, I can clearly see how dilated his pitch black eyes were.

“I-It’s just the same, anyway.”

Umiling siya at hinawakan ang palad ko. He brought my hand to his lips.

Namilog ang mga mata ko nang nakitang hinalikan niya ang aking palad. In a slow and lazy manner, he passionately kissed my palm and then my fingers. Nagmulat siya at tinitigan niya ako habang hinahalikan ang aking index finger.

Sa ilang pagkakataong nagkahalikan kami, napagtanto kong walang kapantay talaga ang pinaparamdam niya sa akin. Kung ikukumpara ko ang mga dating lalaking nahalikan ko na, walang panama ang mga iyon sa nararamdaman ko tuwing naghahalikan kami ni Rad.

I feel like a woman everytime he looks at me like this… and kisses me thoroughly.

Radleigh lifted my legs up a bit making me sit on his lap sidways. Bawat hingang pinapakawalan ko ang mabibigat. Hindi ako makapagsalita at hindi ako makapagprotesta. Maybe because I want it more than anything else.

His iron clad grip on my waist did not allow me to move much. His lips grazed my earlobe making me moan a bit.

His left hand is on my right cheek trying to put my head in place. Dahil kung hindi niya iyon ginawa, baka kanina pa ako nabuwal dito sa kanyang hita.

“We’re not moving anything, Zari,” he whispered and he started kissing the throbbing pulse on my neck.

Napapikit ako habang dinaramdam ang kamay niyang bumaba sa neckline ng aking dress. He drew circles on the sides of my breast making my face hotter than normal.

That’s not even half of what he wants, I’m sure! Mapaliligaya ko ba siya kapag nagkatuluyan nga kami? Damn!

Lumiyad ako. He groaned a little and his lips kissed my jaw, wetting it with each plant.

Skillfully, he slid his hand on the neckline of my dress down to the foam of my brassiere. My pebbled tip immediately responded to his strokes. Pakiramdam ko ay mahihimatay ako.

“How can you wait a bit longer? I don’t understand,” he whispered.

Hindi ko na namalayang nakahook na pala ang aking braso sa kanyang batok at isa kong kamay ay halos patay nang nanatiling hulog sa gilid ko.

Gently, his hand slid on my other boob making me moan a bit louder again. He muttered a curse and then captured my lips.

His hot mouth crushed mine savagely. Tila uhaw sa gitna ng disyertong ngayon lang nakainom ng tubig. Sabik.

He thrusted his tongue inside me and I couldn’t think rationally anymore. Passion burned brighter than whatever reason I have. He growled and I felt his growing massivity beside me.

His kisses turned slow and his hand on my tip gentler. Dumilat ako at tiningnan siya gamit ang nagliliyab na mga mata. His lips is half open and the passion of his eyes equalled mine.

On my side is his member making his presence known.

“W-We won’t move the dates,” I slowly said.

The unexplainable thirst in me just couldn’t be easily quenched by anything. Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakakawit ng aking braso sa kanyang leeg.

Lalapit sana ako para mayakap siya ngunit hindi mawaglit sa isip ko ang pumapagitna sa amin. Bahagya akong umusog.

“A-Are you okay?” I asked.

Kinagat niya ang labi niya. He smiled evilly.

“We should behave a bit before we can go back inside,” aniya.

Bumaba ang tingin ko sa kanyang puson. Sobrang dilim kaya hindi ko masyadong makita iyon. Not that it can be seen anyway. It’s covered with clothes. Why am I suddenly thinking about this?

Inangat niya ang baba ko para makatingin ako sa kanyang mga mata.

“Stop that, Zari. I’m already aching, you’re making it worst!” he chuckled.

Umismid ako ngunit unti-unti ring napalitan ng mapaglarong ngiti.

My skin can still feel his touch. It’s too fresh that I couldn’t stay irritated. Humalakhak ako at pinaglandas ang aking daliri sa kanyang noo pababa sa kanyang pisngi, sa kanyang labi na ngayon ay pulang pula at mamasa masa pa dahil sa mga halik na pinagsaluhan namin.

Something about him is telling me that whatever will happen next year, it will all be worth it. That although future seems to be blurry, and we still have lots of things to learn about each other, it will be worth it. There will be fights. I will be angry. I will be mad. But in the end, he won’t break my heart. In the end, I will want to snuggle in his arms.

My eyes widened as I look at him. His hand rested on my things. Stroking it a bit. Torturing himself even though he’s already dying.

“You… like me,” puna ko pagkatapos kong makita kung paano niya ako pinagmasdan.

He smiled. His grip on my waist now tighter.

Pagilid niya akong hinila at ibinagsak sa kanyang dibdib. Ang kanyang mamahalin at panlalaking pabango ay nanuot sa aking ilong.

His nose sniffed on my hair… on my ear.

“More than that, baby,” he whispered like it’s a big secret.

Lumapad ang ngiti ko at kinagat muli ang pang-ibabang labi. Sana ay walang nakakita sa amin. Kahit na ikakasal na kami, maituturing paring eskandalo iyong ginawa namin kanina.

His nose is on my cheek now. We stayed still for a moment, trying to calm ourselves down.

“I’m gonna miss you,” sabi ko sa isang seryosong tono.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Comments are closed.