Island of Fire – Kabanata 14

April 5, 2017 By In Island of Fire Comments Off on Island of Fire – Kabanata 14

Kabanata 14
Relationship

“Zariyah, mag-usap tayong dalawa!” si Mommy pagkatapos kong isarado ang pintuan ng sasakyan.

Sinundo nila ako sa school dahil sa nangyari. Dahil sa pagdudugo ng ilong ni Luigi, ipinatawag si Mommy at Daddy. Naroon din ang mga magulang ni Luigi at mahigit dalawang oras na pag-uusap ang ginawa nila sa loob ng Discipline Officer’s Office.

Pagod na pagod na ako. I know that I am partly at fault for not being able to stop myself from hitting him. Masyado lang talaga akong napuno! The way he insulted me and the way he kicked the battery of my phone! Hindi ko nga lang masabi ng mabuti kay Mommy at Daddy iyong dahilan ko dahil hindi naman nila ako pinapakinggan. Mommy is just so mad at me.

Mabuti na lang at gumagana pa ang cellphone ko.

“Zari!” sigaw ni Mommy nang umamba akong aakyat na sa grand staircase.

Tumigil ako nang nasa gitna na at nilingon siya. I am so tired. I don’t want to talk. Iyon sana ang sasabihin ko ngunit nang nakita kong pulang pula na si Mommy sa galit at halos hinahabol niya na ang kanyang hininga ay agad akong naguilty.

“Lana,” si Daddy sabay alalay kay Mommy.
But Mommy’s anger did not let him. Kumalas siya at umakyat na rin sa hagdanan para mahila ako patungo sa study.

Hinayaan ko siyang gawin iyon. Ramdam ko ang lamig sa kanyang mga kamay ngunit mas nangibabaw ang rahas at gigil doon.

“Days after your sixteenth birthday, may pambungad ka na namang issue?”

Sinapo ni Mommy ang kanyang noo. Nahuling pumasok si Daddy na ngayon ay kay Mommy lang nakatuon. Huminga ako ng malalim at yumuko na lang.

Kakabirthday ko lang bago nagsimula ang pasukan. Unlike my previous birthdays, it wasn’t a grand one. Hindi iyon dahil grounded ako. Even when my parents are mad at me, they are willing to spend just so I can have a memorable party. Iyon ay dahil ayaw ko. Ayaw ko dahil wala rin naman akong iimbitahing matino.

Hindi na muli bumalik ang turing ng mga kaibigan ko sa akin. In a five star hotel, with a few relatives, and guests which includes my highschool batch mates, we ate dinner and a little look back at my 15th year. That’s all. Madalas kasi’y imbitado pati ang mga teachers ng school, mga kasosyo ni Dad, mga family friends at kung sinu-sino pa.

Si Glaiza lang ang naroon kasama si Ethan. She wouldn’t talk about what happened or how Maica and Charm left me alone. Mismong ang mga iyon pa ang nagpatunay na wala nga akong pambayad at maaaring totoong nag shoplift ako.

“Oh come on! That boy was rude to me, Mommy! He kicked the battery of my phone!”
“Phone!? You’re bringing that up again because you want a new phone? God, Zari!” she said in a very frustrated tone.

Pinuno ko ng hangin ang aking dibdib at hinayaan na lamang siya sa kanyang mga sermon.

Tinanggap ko lahat ng paratang. Because I know that even when I tell her the truth, she’d always ignore it.

“Lana, that’s enough. Your daughter is exhausted!” si Daddy lang ang tanging nagpipigil sa kanya.

Though useless, at least Daddy tried to convince her to stop. Nang tumigil si Mommy ay inilingan niya na lang ako na parang sobrang disappointed siya sa lahat ng nagawa ko. Well, that’s not surprising.

“Anak, pagpasensyahan mo na ang Mommy mo. Marami lang kaming ginagawa ngayon sa trabaho at dumagdag ka pa…”

Dumagdag pa ako.

Dumagdag ako.

Why does it feel like I am a lot of work?

Well, maybe I am. Kung ibalik kaya nila ang access ko sa cards, I won’t be a lot of work. I won’t disturb them. And I think I can handle myself when it comes to expenses.

Pero hindi rin siguro… Maybe I can only say that now because I don’t have the money. It takes a week before I can indulge myself to a spa. Ni wala akong pambili ng mga bagong damit. Though, I realized I have a lot of clothes in my closet. Hindi ko pa naisusuot.

Tumango ako kay Daddy. Siguro nga ay masyadong hassle akong alagaan. Dahil kung hindi, hindi naman siguro sila ganito ka stressed sa akin.

“Dad,” tawag ko bago siya umalis.

My fingers crossed on my sides, humakbang ako palapit.

“There are books I couldn’t find in our library. I wonder if you can buy me some.”
Kumunot ang noo ni Daddy. “Books about what?”

Hindi ko namalayan na medyo tumatanda na pala si Daddy. Hindi nga talaga kami masyadong nagpapang abot sa bahay dahil ngayon ko lang napansin ang mga linya sa noo niya.

“About travelling. It features different countries and its picturesque views. Pati na rin iyong mga landscapes na libro.”
“Magtravel ka na lang, hija. But that would mean you need to wait till the summer of next year. At dapat ding magpakabait ka para payagan ka ng Mommy mo.”
“Pero, Dad,” pigil ko nang umamba siyang aalis na sa study. “Hindi ko na po kailangang magtravel. I just need the books.”
“You can search it on the internet, instead… Zari, I’m tired. I have to attend to your Mom.”

Bumagsak ang balikat ko nang umalis si Daddy. Well, I guess he’s right. Maybe I should just Google everything I need. And for the drawing materials that I want, kaya ko naman siguro iyong pag-ipunan ‘di ba? Maybe I can skip the Spa for two weeks or something?

Bumalik ako sa kwarto, medyo pagod at naninikip ang dibdib.

Humiga ako sa kama at nagsimula nang gawin ang sinabi ni Daddy. I found great pictures and somehow I feel better that I did that. Walang gastos.

When I turned of the browser of my phone, my screen flashed some messages from concerned exes and concerned friends.

Nakapagreply ako sa lahat. Something that I don’t normally do. At sa huli ay pinindot ko ang isang numero.

I pressed the “text message” button. We still text but he’s not as attentive as me. Well, I’m not expecting him to reply to me always, anyway. Minsan nga, pinagsisisihan ko pa na nagtext ako dahil sa huli hahanapin ko na naman ang reply niya na ilang taon pa bago dumating.

Ako:
Are you busy?

He replied after about three minutes.

Radleigh:
You should be sleeping. You have class tomorrow.

Ako:
Ba’t ‘di ka pa natutulog kung ganoon?

Radleigh:
I have work. I hope you’re studying.

Napangiti ako.

Inimbitahan sila ni Mommy sa birthday ko pero mukhang nasa probinsya pa ata sila noon kaya hindi nakadalo. He only called me to greet and that’s all. Hindi ko alam na nasa Maynila na siya ngayon.

Ako:
Anong ginagawa mo?

It took him almost twenty minutes to reply. Gosh! What’s taking him so long? Ganoon ba ka raming trabaho? And who works at this hour? Work? Is it office work or his labor work?

Radleigh:
Don’t change the topic. Anong oras ka uuwi bukas?

Kumalabog ang puso ko sa tanong niya. Mali mali pa ang pindot ko.

Ako:
4pm! Bakit? 😀

Radleigh:
I’ll pick you up.

Gumulong ako sa kama bago nagreply.

Simula noon ay ginagawa niya na iyon ng atleast isang beses sa dalawang buwan. Depende pa iyon kapag marami siyang projects sa iba’t-ibang lugar.

Maaga ako nagigising sa tuwing niyayaya niya akong lumabas. I’m sure Mom knows about it because our drivers go home whenever he’s around. Hindi ko alam kung anong iniisip ni Mommy but her treatment of me changed a bit when she realized that I’m kind of seeing him.

Honestly, I don’t care what Mommy thinks. Pabor sa akin na hindi niya na ako laging pinapagalitan. Pabor sa akin na malaya niya akong pinapagala kahit man lang kasama si Radleigh. Her opinion of what I’m doing is not important to me.

“Si Radleigh Riego na naman ba iyan?” tanong ni Calla Samaniego na simula noong ipinagtanggol niya ako sa kay Luigi ay dumidikit na sa akin.

I don’t mind. I like her, actually. She’s a breath of fresh air from my socialite friends. She’s rich, of course. Kapatid niya si Caleb na ngayon ay balita ko’y may girlfriend na raw. She doesn’t want the spotligh, too. Ibang-iba sa akin na madalas ay gustong gitna ng atensyon. Gusto niyang tahimik lang ang kanyang buhay. In fact, mas gusto niyang nasa akin ang lahat ng atensyon.

“Oo.” Umirap ako sa sasakyang palapit.

I know what will happen again. The first time he went here to pick me up, everyone laughed at me the next day because of his car. All the boys who didn’t know him thinks I’m stooping so low that I had to date someone poor. Poor sa standards nila… o namin. Dahil oo, looking back at my exes, they were all with western made cars that screamed of extravagance.

Hindi ko sila masisisi. Maging ako ma’y gusto ko ng ganoon. Hindi ko rin naman gusto ang sasakyan nI Radleigh pero hindi ko na magawang laitin iyon tulad noon.

“Ba’t parang galit ka?” tanong ni Calla.

Hinawi niya ang ilang hibla ng itim at straight na buhok bago bumaling sa akin. Her pale white skin is lighter than mine. Syempre, sinasaway ko na nga siya’t mag vitamins kahit paano dahil sobrang pusyaw ng kulay niya. Her cheeks are not even rosy unlike mine. Kaya iyong mga reserba kong cheek tint, binibigay ko sa kanya dahil wala siyang interes sa make up.

“Nakatulugan niya yata ako kagabi, e. Kainis…” sabi ko.

Niyakap pa lalo ni Calla ang kanyang mga notebook. She looked at me with eyes full of curiousity. Inunahan ko na siya. I glared at her and I made a face.

“Don’t get all too sensitve, Calla! I don’t date boys like him, if you’ve searched about my exes, that is?”
“Hmm.” Kahit na alam kong natatawa siya ay hindi parin mahanap ang ngiti sa mukha niya. “Kung ganoon, ba’t ‘di mo sinagot si Kuya? He completely fits to your type of guy.”

I wish I can tell her how my parents disliked Caleb. Tapos timing pang niligawan niya ako sa pinaka magulong summer sa buhay ko!

Bago pa ako makapagsalitang muli ay nakita ko na sa malayo sina Luigi at ang kanyang pangkat. Nagtatawanan sila habang palapit sa banda kung nasaan nakapark ang itim na Honda ni Radleigh.

Agad akong nagsisi kung bakit pa ako nagpatagal! Kung alam ko lang na magagawi ang grupong iyan dito, hindi na ako nakipagchikahan pa kay Calla!

“Oh my God! Sina Luigi!” sabay alis ko sa harap ni Calla.

Halos tumakbo ako patungo roon sa sasakyan. Walang alam si Radleigh na pinagtatawanan ako sa school tuwing sinusundo niya ako at wala akong planong malaman niya iyon!

“Ohhhhh!” sabay hiyawan nila at turo sa sasakyan ni Radleigh.
“Mukhang may date si Prinsesa, ah!” hiyaw noong isa.

Nang namataan nila akong tumatakbo patungo sa sasakyan ay umaamba na silang haharangan ako. Si Luigi pa talaga ang nauna sa pag harang. But for some reason, he immediately lost his cool. Ang mga kaibigan niya’y nagpatuloy sa paghihiyawan sa akin.

Dahil hindi na natuloy si Luigi sa pagharang, tuloy-tuloy ang takbo ko patungo sa itim na Honda.

Binuksan ko agad iyon at pumasok na sa loob. I slapped the dashboard. Kumunot ang noo ni Radleigh sa akin nang nakita akong nagmamadali.

“Let’s go!” I sighed and calmed myself down.

Ayaw kong magtanong siya kung ano ang nangyari! Ayaw kong sabihin sa kanya na pinagtatawanan ako dahil pangit ang sasakyan niya! Ayaw kong aminin iyon sa kanya! I feel insulted! I feel like I could insult him!

“What’s wrong?” tanong niya habang pinapaandar ang sasakyan.

Ayaw kong lingunin ang likod dahil ayaw ko rin siyang bigyan ng ideya na dapat naming tingnan ang likod.

“Wala! I skipped a group work.”
“What?!”

Oh damn! Wrong alibi!

“Syempre, Radleigh. Tinapos ko na ang parte ko, e, ‘di pa sila tapos kaya nauna na ako!” Nice come back!

Nanliit ang mga mata niya sa akin. Hindi makapaniwala. I made a face.

“I swear! Come on!”

Hindi ko alam kung paano ko siya nakumbinsi. Maybe when he saw Calla passed by his car looking at us like some weird white lady. She looks so creepy, actually.

“See? Si Calla oh!”

Tinuro ko ang kaibigan ko at ‘tsaka pa naniwala si Radleigh na tapos na nga ang group work.

Iyong mga aklat na gusto kong ipabili kay Daddy, si Radleigh ang bumili. Hindi ko sinasadyang nasabi sa kanya na gusto ko ng mga aklat na iyon at hindi ko naman alam na bibilhin niya.

He bought me drawing materials, too. He’s so glad that I’m improving, actually. Iniisip ko tuloy na mag dedesigner na lang ako. And he’s supportive in everything that I do.

“Where do you want to eat?” tanong niya nang dumating na kami sa BGC.

Pakiramdam ko ay ‘tsaka lang ako napupunta rito tuwing nariyan siya. Ang spa kasi na pinupuntahan ko ay iyong malapit lang sa mansyon, iyong suki ni Mommy. Doon lang ako pwedeng gumala. Nakakalungkot. I can’t go out with my friends. Mommy wants Calla and some of my friends to just visit me instead.

Tinuro ko ang isang hindi mamahaling italian restaurant.

“Of course,” he nodded when he realized that it’s pasta again.

Hindi niya masyadong hilig iyon. He likes Filipino food. Iyon daw ang nakagawian niya sa probinsya. Kaya wala rin akong ganang mag-aral magluto ng pasta. Or… I just don’t really want to learn how to cook!

Kung may budget meal man doon, iyon na talaga ang bibilhin ko!

Radleigh in his dark gray t-shirt, dark blue pants, Sperry-looking shoes, and Tissot watch is kind of a headturner, mostly, to those who are professional-looking. Iyong tipong naka cocktail dress and stilletos. With heavy breasts and booty.

Binaba kong bahagya ang menu nang nakitang may bumati sa kanyang ganoon ang demographic profile: socialite, professional-looking, with a Louboutin, Hermes clutch, and a night out dress.

Siguro’y magba-bar iyon. I have never been in one but it’s a dream to be a regular customer of a high end club! Hindi ko sasabihin iyon kay Radleigh, syempre.

“Zari!” tawag nI Radleigh nang sinundan ko na ng tingin iyong grupo ng babaeng pumansin sa kanya kanina.

Startled, I turned to him.

“What?”
“Your order!”

Pinili ko iyong pinakamura. Siya na ang nagdagdag sa iba. Syempre, hindi naman siguro siya magdadagdag ng ‘di kaya ng pera niya.

Pagkatapos naming kumain ay lumabas na kami roon. Gabi na at mas kita na ang bawat boutique na naroon. Para akong hamster na nakawala sa hawla habang tinitingnan paisa isa ang mga boutique.

Dumudugo ang mga mata ko habang tinitingnan ang mga damit, ang mga sapatos, bag, at kung anu-ano pa.

Uso na raw ngayon ‘yong white sneakers. The last sneakers I bought were Converse and Adiddas! Gusto ko sana ng Airmax pero ang mahal! Hindi kayang pag ipunan lalo na kung may pasalad akong kinakain sa school at organic juice talaga ang pinipili ko!

“Want that?” tanong ni Radleigh nang medyo natagalan ako sa pagkakamangha sa isang sapatos.
“Of course… NOT!” ngumiwi ako at nilagpasan iyon.

Pakiramdam ko’y lagi niya akong tinitest kung ganoon parin ba ako. Syempre, walang pinagbago pero alam kong wala rin naman akong pera kaya para ano pa, ‘di ba?

“Kung may pera ako ngayon, damit ang bibilhin ko dahil ‘yang sapatos na ‘yan, pwede namang paulit ulit ang isuot ko everyday. Ang damit? Mahahalata kapag binalik ko after two months!”

He chuckled. Bago ko pa siya malingon ay hinila niya na ang aking palapulsuhan at dinala niya na ako sa loob ng isang boutique ng damit.

And boy, I could cry glitters. He shops for me everytime we go out but I know that it’s hard to earn his money. Kaya hindi ako nag-eexpect pero kapag nakikita ko na ang mga damit, nagtatraydor na ang utak ko.

Lumalapit pa talaga ako sa rack na may nakalagay na “Sale”! And he would suggest better clothes which I actually like!

Pero tuwing nasa fitting room na, siya ay nasa labas at naghihintay, lagi akong natatagalan.

Paulit-ulit kong sinusuyod ang katawan ko suot ang damit. Is this worth his three thousand pesos? I think not. Surely, there are better pieces here. Iyong mas mura o ‘di kaya’y sale.

But I love it so much! Oh the details! I can wear this during our acquaintance parties! But I have dresses at home!

“How is it?” his baritone from outside made me jump.

Huminga ako ng malalim at binuksan na ang pinto. May anim pang damit at kailangan kong ipakita sa kanya ang lahat.

He’d look at me from head to foot. He always like what I’m wearing. Pwera na lang kung sobrang sexy. Pero bago niya pa ipapasukat sa akin, ini screen niya na ‘yan. Walang makakatakas na medyo revealing kaya itong mga isusukat ko ngayon, safe na lahat.

“I don’t like it…” mataman kong sinabi.

Nagtagal ang mga mata niya sa aking katawan. Parang may tinitimbang siyang kung ano.

“You look… good…” he said.

Oh! It’s breaking my heart big time. I want it but I shouldn’t waste his money!

Umiling ako. “No. May mas maganda pa rito,” sabi ko at sinarado ulit ang pintuan ng fitting room.

Useless din ang ginawa kong pagpipigil. Although I got the cheap pieces from good brands, bawi naman iyon sa dami. God, I’m hopeless! Should I enrol for some shopaholic intervention or Rehab?

Iniwan niya pa ako malapit sa isang jewelry store. Para akong hinihigop ng pintuan doon.

Gusto ko na tuloy’ng maiyak. He said he’s just going to the bathroom. Now I’m stuck here looking at all these nice pieces.

“Gusto mong tingnan, Miss?” tanong ng tindera dahil kanina ko pa tinititigan ang isang bracelet.

Nagsisisi ako kung ba’t ‘di ko ‘yon binili noong may pera pa ako!

“Sige po!”

Kahit na alam kong ‘di ko ‘yon mabibili, tiningnan ko parin iyon at sinukat-sukat. It hurts so much to part from it when I had to give it back to the lady.

“Kukunin mo po ba, Miss?” tanong niya.
Umiling ako. “Hindi po. Pero maganda siya!”

Tumango siya at binalik sa kaha. Biglang tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko agad ang cellphone ko at sinagot ang tawag galing kay Radleigh.

“Where are you?” tanong niya.
“Are you done? Sorry. Lalabas na ako…” sabi ko at nagmamadaling lumabas galing sa jewelry store.

Ang mga paperbag na dala niya ay dagdagan ng isa. At sa malayo pa lang ay nalaglag na ang panga ko.

He smiled when he saw my reaction. Hindi niya pwedeng bilhin ‘yon! The clothes cost a fortune, already!

“Ano ‘yan?” I said sounding so upset and thrilled at the same time.

Binigay niya sa akin ang paperbag. Nagmamadali kong kinuha ang box at binuksan. Ang puting sapatos na kanina’y tinitigan ko ay binili niya. Nanginig ang kamay ko. Hindi ko alam kung kaya ko pa ba itong tanggapin. Ngunit sayang naman kung hindi. Kanino niya naman iyon ibibigay?

“Oh my God!”

Binitiwan ko ang paperbag at agad nang inabot ang kanyang batok. I hooked my arm on him and his arm snaked on my waist locking me.

“Thank you!”

He chuckled at my reaction. Tumagal ang yakap ko sa kanya dahil sa dami ng naramdaman ko. I feel guilty. I feel happy. I feel so overwhelmed.

“Thank you…” I whispered on his shoulder where my lips are.

Halos maangat na ako sa pagkakatayo. Naramdaman kong dapat na akong kumalas pero hindi ko parin ginawa. My heart is aching for whatever reason. I don’t know. Maybe some bottled up feelings.

“Baby, you okay?” he whispered when he realized I’m clinging to him too much.

Lumuwang ang pagkakayakap ko. Bago pa ako kumalas ay naayos ko na ang mukha ko, ngunit hindi ang pakiramdam. I smiled at him.

“I’m so happy!” sabi ko.

Hindi siya ngumiti. He only looked at me with his serious eyes. The one so dark that it resembled a powerful storm. Yumuko ako. Because as usual, I can’t take that storm.

“Gustong gusto ko ‘tong sapatos!” sabi ko at pinulot ulit ang paperbag.

Hinawakan niya ang palapulsuhan ko at nilapit muli sa kanya. Pinadausos muli ang kanyang braso sa aking baywang.

“Really?” he whispered on my hair.
“Yup!”

He didn’t say anything. Pinagmasdan niya lang akong namamangha sa sapatos na binigay niya. Tumingala ako sa kanya at muli siyang nginitian.

“What about… uhm… your money?” tanong ko.
His lips twitched. “Don’t worry about it.”

Paanong hindi ako mag-aalala? Hindi nga kami nagkita ng ilang linggo pero tingin ko’y higit pa sa sahod niya sa dalawang buwan ang pinambili niya sa lahat ng ito! At isang gabi lang iyon, ha!

He does that all the time. We don’t see each other that much pero kapag naman nagkikita kami, he’d give in to whatever I want. Kaya madalas, hindi na ako nagrerequest ng kahit ano. Just a simple dinner in a low cost restaurant will do.

Sometimes, I just tell him that I want to watch a movie. Minsan, siya pa mismo ang naghihila sa akin na mamili dahil alam niya raw na gusto ko talaga. Which is actually true. But well… I don’t want to bankcrupt him.

“Binasted mo agad?” Calla asked in a suspicious tone.
“Yup!” I quickly replied.

She turned to one of our classmates who knew me. Sila na ang kasama ko ngayon palagi. Well, they’re some good influence. Kapit na ang grades ko at nahihila lamang dahil sa kanila.

“What happened to the Zariyah Leviste who changes her boyfriend after two weeks? You don’t even allow boys to court you!” puna noong kaklase namin.
Calla looked at me for an answer.
“Why, Calla? Do you want me to fool around?”
Umiling siya. “Of course not! I just can’t believe that they’re all telling me you were a playgirl. Simula noong unang pasok ko rito sa paaralang ito, hindi ka naman namamansin sa mga lalaki.”

Nagkibit lamang ako ng balikat. I don’t want to elaborate on that so I changed the topic.

It was my final examination for my grade 11 when the first incident happened. It broke my heart into pieces but I thought I can build myself from the disappointment I got.

“Sino ‘yang boyfriend mo ngayon? Ang pangit ng sasakyan, Zariyah! Kinakalawang na ata ‘yan, e! And for sure, tumitirik na!” asar ng grupo ni Luigi sa akin.

The boys I rejected piled up and started bullying me. Ngayon pa na nag-aantay ako kay Radleigh!

Aalis sana ako roon ngunit nang nakita nilang palapit na ang itim na Honda ay nagsimula na sila sa pang-aasar! Pilit ko silang pinapatahimik pero nagpatuloy parin sila.

Palinga-linga ako lalo na noong nagpark ang sasakyan ni Radleigh sa harap ko. When I saw him immediately went out of his car, buong lakas kong pinagtutulak ang mga lalaking nang-aasar.

“Tara na, pare!” si Luigi ang naunang nagyaya.
“Hindi, e. Eto ba, Zariyah?” sabay turo noong pinakamatangkad sa grupo.
“What’s wrong, Zari?” tanong ni Radleigh galing sa aking likod.

Hinigit niya agad ako palayo sa mga lalaki. Damn it! Fuck these boys! I hope they all rot in hell!

“Tara na, Rad.”

Hinila ko si Radleigh palayo sa kanila ngunit sa tigas ng pagkakahawak niya sa akin ay natigilan ako.

“Eto ba ang pinagmamalaki mo?” The boy spitted on the grass to show his disgust. “You fell for a commoner? Huh? Bakit? Sawa ka na sa mga mayayaman? Ibang ulam naman tinitikman mo? Ha!”
“What the hell are you talking about?” susugod na sana ako pero hinila ako ni Radleigh at pinalitan sa kinatatayuan.

Umigting ang panga noong lalaki at agad na umamba ng isang suntok kay Radleigh! Umilag si Radleigh at lumapit pa sa lalaki.

Radleigh’s first punch landed on the boy’s face. Napatili agad ako sa naramdamang takot. It was so powerful that I feel like the boy’s bones got broken! Tumba agad ang lalaki kaya may tumulong sa pagsuntok.

A punch landed on the next boy who was immediately on the floor!

“Rad, tama na!” sigaw ko sabay hila sa kanya.

He’s fuming mad. I know. Because when I touched his arm, I heard his heartbeat!

“Please, tama na!”

Reported on the Discipline Office, Radleigh Vesarius Riego was banned on La Salle for his aggressive behavior. Parang gumuho ang mundo ko nang narinig ang hatol.

“But! Ma’am, kasalanan po nila ‘yon!” giit ko.
“Zari, that’s enough…” si Radleigh.

Mommy and Daddy went with us. Si Radleigh ay mag-isa. Ayaw niya na sanang ipaalam sa mga magulang niya ang nangyari lalo na dahil may police report iyon. But for some reason, Mommy contacted Relani Riego kaya ngayon papunta na rin sila rito.

“Radleigh, it’s true! They were bullying me!”
“Rad! What happened?” ang banayad na boses ni Relani Riego ang narinig kong papasok sa opisina.

Nilingon ko agad ang ina ni Rad. His father was behind her. Rad sighed in annoyance. He glared at his parents.

“He assaulted some of our seniors, Mrs. Riego,” sabi ng Principal.
“But Ma’am! I told you, it’s not his fault! They bullied me!”
“Sigurado ka ba, Miss Leviste? Iba ang sinabi nila sa akin.”
“Huh? Bakit? Anong sinabi nila, e, ‘yon naman ang totoo!” giit ko.
“Zari, tama na!” si Daddy na pinal ang tono.
“Mr. Aguilar said that you’re in a relationship and you were caught cheating with Engineer Riego…”

Nanliit ang mga mata ng principal.

“Hindi totoo ‘yan!” si Radleigh ang unang bumasag sa katahimikan.

I was so shocked that I couldn’t speak. Anger boiled within me. I want to personally kill them all!

“How dare they say that!?” sigaw ko sabay tingin sa aking mga magulang at sa mga magulang ni Radleigh.

I stopped at Relani Riego’s reaction. She looked at me with pure disgust. Hindi pa napapatunayan, sa mga mata niya’y pakiramdam ko nahatulan na ako.

“That’s enough, Zari! I said… That’s enough!” sigaw ni Daddy na siyang nagpatahimik sa akin.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Comments are closed.