Island of Fire – Kabanata 13

April 5, 2017 By In Island of Fire Comments Off on Island of Fire – Kabanata 13

Kabanata 13
Money

“That witch!” sabi ko sabay martsa papasok sa aming mansyon.

Nakasunod si Radleigh sa akin. Padarag akong naupo sa sofa. He stopped, nakapamaywang habang dinudungaw akong tinitingnan siya ng masama.

Mabilis ang aking paghinga samantalang mukhang concerned naman ang kanyang mukha.

“Calm down, she just wants the laborers to work properly.”
“That doesn’t mean na tatawagin niya na akong Nene!”
He sighed lazily. “Hindi mo na dapat pang pinatulan. She has the right to reprimand anyone in that site because it is her responsibility.”
“Hindi ko naman siya pinatulan, ah?” giit ko.
“Don’t show that kind of attitude to other people, Zari! That’s not good. Those people are only doing their job-“
“Including that witch who’s just clearly insecure?”
“Including the Engineer, Zari!” pagalit niyang sinabi.

Ngumuso ako at nanatili ang titig ko sa kanya. He looked so exhausted. Not from work but from scolding me the whole time. He looked so pissed at me. For some reason, may pait akong nararamdaman. To fail people around me already a familiar hobby. To fail a stranger shouldn’t be a problem to me anymore but looking at him this disappointed affects more than how it should. I don’t understand.

“Wala naman akong ginawang masama ah?” mahinahon kong sinabi.

Dahil totoo naman. Hindi ko naman siya pinatulan pagkatapos noong tinawag niya akong “Nene”. Well, I looked so pissed the whole time but I did not say anything to that witch. I kept it to myself!

“Hindi ko naman siya sinumbatan…” I trailed off thinking about my attitude. “I just…”
“You just?”

Nag-angat muli ako ng isang matalim na tingin sa kanya. The ghost of a smile in his lips couldn’t escape me.

“Pouted the whole time. That’s all!” sabi ko.

His lips twitched like he’s amused again. Or he finds me funny. Pero nakikita kong pinipilit niyang magseryoso.

“That’s still unacceptable, Zari.”
“Eh anong gusto mo, ngitian ko ‘yong babaeng ‘yon? Bakit? Girlfriend mo ba ‘yon? Concern na concern ka sa iaasal ko sa babaeng ‘yon, ah!”

Nalaglag ang kanyang panga at ngayon ay mas lalong nakita ang ngiti niya.

“Why are you smiling? It’s true!” I accused him.
Humalakhak na siya ngayon. “You really are a little girl.”
“Huh?”

Kung hindi pa ako galit kanina ay mas nagalit na ako ngayon! Sa sobrang init ng pisngi ko, pakiramdam ko’y pwede nang magprito roon! And he looked more amused by the minute.

“I am almost sixteen! You are only saying that because you are old!” sabay tayo ko para man lang maglebel kaming dalawa.

Pero mas lalo lang akong naasar nang mas lalo siyang tumawa. Maybe because I will never equal his height! Well, he should just wait and see!

“You will see! When I’m sixteen, my body will grow and mature like all those woman! At hindi kita papansinin!”

Hinawakan niya ang siko ko at agad kong iniwas iyon. He captured it again and he pulled me to him just so he can control me.

“Fine, baby. Stop it…” his voice was full of gentleness.

Tinulak ko siya pero hindi na ako nakawala sa hawak niya. Kunot noo ko siyang tiningala habang bahagya siyang yumuyuko. Hinawakan niya ang pisngi ko. Ang isang kamay niya’y nanatili sa aking siko, trying to get a hold of me.

“Sorry. I know you didn’t do anything harsh to her.”

I wrinkled my nose and pouted. Bumaba ang tingin ko sa kanyang dibdib. For some reason, I couldn’t directly look at his mysterious eyes. Hindi ko gusto ang mga mata niya. The way his eyelashes move in every blink, the way his pitch black eyes turn as dark as the coming storm, I couldn’t contain it.

“Uh, Ma’am Zari… Ser Radleigh, handa na po ang hapunan,” si Belinda na sumungaw galing sa dining area.

Sabay kaming lumingon ni Radleigh sa kanya. Tumango ako. I heard Radleigh sigh violently.

“Okay. Magbibihis lang ako.”

Kumawala ako kay Radleigh at nauna nang umakyat sa kwarto. Nilingon ko siya dahil nanatili siyang nakatayo sa sala, nakatingala sa akin. Sa ganitong distansya ko lang siya kayang tingnan.

“Punta ulit ako roon bukas, ha?”

And that is what I did the whole summer. Sa pagkabagot ko naman kasi sa bahay, mas gugustuhin ko na lang na lumabas kahit doon sa pinagtatrabahuan ni Radleigh.

I am even surprised that my parents did not even react when they learned that I’m going out, almost everyday, with Radleigh. Siguro’y iniisip ni Mommy na inaayos ko na iyong plano niya. Nagkakamali siya roon, kung ganoon! I will probably never like Radleigh. He’s not my type and I find him too traditional. Plus, he’s old!

Tuwing bumibisita ako sa site, tinatawanan ko siya madalas kapag nagpupukpok o ‘di kaya’y nagkakarga ng mga bakal. He looked odd. Hindi ko malaman. Like, he’s so out of place. Even when his body is tall, but he’s not very bulky like some of their workers. Tama lang ang katawan niya at kung ikukumpara siya sa mga trabahante, malalaman mo agad ang agwat ng kanilang buhay.

I think he’s really just better when he’s in the office. Hindi siya nababagay sa roon. Or is it just because I know he’s the grandson of the CEO? I just think it’s awkward seeing him doing labor stuff. At tuwing tumitingin siya sa laptop at may eye glasses ay pakiramdam ko, iyon ang mas bagay. Well, he’s a nerd after all. I have heard stories about his achievements in our College Department. At tila nagmamadali siyang matapos ang kung ano mang pinag-aaralan niya ngayon sa Post-Grad.

“Thank you!” sabi ko nang ibinigay ni Radleigh sa akin ang isang kulay puting paperbag na may lamang cellphone!

Dali-dali ko iyong binuksan kahit na alam kong isang mumurahing andriod phone lang iyon. I know that it’s not even the latest. Maybe it’s even one of the oldest version available but then I am still so excited.

Pinunit ko ang sticker at binuksan ang maliit na box. Nangingiti pa ako kanina habang binubuksan ko iyon pero nang naisip ko ang mga ginawa ni Radleigh sa site. Hindi biro iyon! Pagkakarga at lahat ng labor work, ginagawa niya. I thought I’d see some improvements with his work in the next days but I didn’t. Walang diperensya ang ginagawa niya sa normal na labor worker ng kanilang kompanya.

Bumagsak ang balikat ko nang nakita ang nasa loob. For this small piece of cellphone, something that I don’t really need, he spent his little money. Because aside from being grounded, hindi ko na rin muna gustong makamusta ang mga kaibigan ko. And for sure, what happened last Sunday is still very fresh right now. Ayaw ko rin munang makipag-usap kay Caleb. So what’s the use of this phone? I don’t know.

Malungkot kong kinuha iyon galing sa kaha at inasembolo. I realized that I don’t need a phone right now. Baka naman nasayang lang ang perang pinaghirapan ni Radleigh buong linggo para sa cellphone na tingin ko’y hindi ko naman kailangan.

“What’s wrong?” he asked, maybe when he noticed my reaction.

Tiningala ko siya. I sensed his concern and worry. Heck, I even saw fear which disappeared immediately.

Ngumiti ako. “Sayang ang pera mo. Dapat pinanggastos mo na lang ‘to sa school.”
“Why? You don’t want a phone?”
“I just realized that I don’t need it much. Hindi naman ako makakalabas ng bahay, unless magkasama tayo. ‘Tsaka ayaw ko ring mag Facebook o kahit aling social networking sites, kaya wala rin itong silbi. Mom and Dad calls me sa study.”

Huminga ako ng malalim. Kinuha ni Radleigh ang cellphone at binuksan.

“You can call me instead. I won’t be bringing you to work the next days. Mas dadami ang gagawin namin. Mas delikado.”
“Eh ano nang gagawin ko rito?” gulat kong tanong.
“You can just watch movies, and text me when you need something.”
“I can’t watch movies the whole day!” sabi ko.

Ilang saglit siyang tumitig sa akin. Hindi ko alam kung naninimbang ba o may naiisip na bagong ideya. Nakaupo ako sa harap ng maliit na study table ng aming library. He’s in front of me, standing.

“Bibilhan kita ng sketchpad.”
“For what?” tanong ko.
“You can draw, when you’re board. You like clothes, right? Draw the designs you like. Or whatever you want.”

I pouted. That’s not a bad idea but it sounds boring. Pero wala na rin namang mas boboring pa sa walang ginagawa kaya tatanggapin ko iyon.

“Okay. But then I’d rather-“
“Umiitim ka na rin dahil masyado kang nagbabad doon sa site.” He chuckled.

Napatingin ako sa aking mga braso. Hindi ko ko naman namalayan na umiitim ako, ah? Bumaling ako sa kanya at muli siyang sinimangutan. All he’s done is watch all my reaction while smirking. He loves to piss me off!

“You just don’t want me there because of the Engineer Witch!”
He groaned. “Zari…”
“Akala mo hindi ko alam ang mga tsismis sa’yo! Achiever ka raw at walang girlfriend! Pa nerd nerd ka lang siguro pero inaano mo ‘yang mga professor mong may malalaking hinaharap, ‘no?”

His mouth dropped open. Parang hindi siya makapaniwala na alam ko ang mga tsismis sa kanya. Humalukipkip ako at pinagtaasan siya ng kilay.

“Where did you learn that? At anong “inaano”?”
“Playing innocent! Hmp! Alam ko ‘no! How many times do I have to tell you that I’m not a little girl, huh?”

Pumikit siya ng marahan at hinilot ang kanyang sentido na tila ba ang laki laki ng problema niya.

“And you’re proud of that?” aniya sabay lagay ng kamay sa maliit na lamesang nakapagitan sa amin. Umaambang ilalapit ang mukha.

Agad akong umatras dahil ayaw ko talagang makita ng malapitan ang kanyang mga mata. His hot breath is teasing me even when I distanced.

“I just want to prove it to you. I got plenty of exes, boys my age. And you? You don’t look like someone who can court a girl. You probably just hang around Ateneo’s library, with no friends?”

He looked at me in the most leisurely manner. Para bang sinasaulo niya ang bawat katangian ko. Maagap akong nakaramdam ng pagkakailang at hiya. I have never been insecure with my face’s features, skin, whatsoever. Ngayon lang!

“You’re right. I don’t court.”
“See?” I mockingly said, trying to hide my nervousness. Damn it!

Kung nahalata man niya ang takot ko ay hindi ko na alam. His eyes are just too intimidating!

Nilapit niya pa ng konti ang sarili sa akin. I couldn’t move a bit when he tilted his head and slowly planted a soft kiss.

Sa gulat ko’y nanatili akong naestatwa. Tinikom niya ang bibig niya nang kumalas sa halik. I saw the fear in his eyes but with it is determination.

Kumalabog ang puso ko. Hindi iyon dahil sa takot. It’s another kind of beat. Something foreign… and very raw.

I smiled, mocking the way he kissed me.

“Is that it?” hamon ko kahit na abot-abot na ang tahip ng puso ko.

God damn it, Zari! Kung kailan pa umaalon sa kaba ang puso mo, ‘tsaka ka maghahamon!?

He tried to kiss me again, this time he planted two soft consecutive kiss. So… concervative… so gentle.

I smiled as I looked at the cupid’s-bow-shaped curve of his lips. Hinila ko ang t-shirt niya pabalik sa akin at sinuklian ko siya ng tatlo… lima… anim… na mabababaw at mapanuyang mga halik.

He stopped and sighed. Kitang-kita ko ang pagkuyom ng kanyang kamao sa lamesa.

“Hmm…” I purred when I realized he stiffened.
“Where did you learn these, huh?” he asked softly.

I proudly winked at him. And he looked so torn, angry, and problematic. Siguro’y mangha na mas magaling pa ako sa kanya! Ha! You nerd!

Napasandal na lang ako pabalik sa likod ng silya nang biglaan siyang nagpasyang umalis sa kwarto ko. Sapo ang ulo’y pumikit ako ng mariin.

My heart’s rocking me like I’ve run a thousand miles non stop. I need to rest! This can’t be heart attack, for sure! Right?

So basically, the rest of my summer was spent with Radleigh. With my parents barely around the whole time, my being grounded, and my boredom, wala na akong pwede pang gawin kundi ang mangulit sa kanya at mag-antay kung kailan siya babalik.

And on Saturdays, when usually my parents are around, I would stay in my room para hindi maisip ni Mommy na talagang ginagawa ko ang gusto niyang mangyari. Because I don’t really think that I can do it. I won’t!

And although we would fight at times because he’d slap me with some hard truth, lagi akong nakakabangon sa lahat ng mga binabato niya sa akin. Maybe because I know that what he’s telling me is true. Or maybe because I know that he won’t take any bullshits from me.

And because of him, I have found a new hobby. I’ve realized that I have a knack for drawing. O talagang nasanay lang ang kamay ko sa ilang linggong pagda-drawing sa sketchpad na bigay niya.

And after school and work, he’d look at my works. Minsan ay inaasar niya ako tuwing hindi niya nagugustuhan. Minsan naman, he’d applaud me. It will always end with him laughing at me while I glare at him. Pero mas madalas ay nangingiti na lang ako sa mga asar niya.

“Thank you so much, Lana. I owe you, big time!” boses ni Relani Riego ang narinig ko galing sa sala.

Kakagising ko lang. Bababa sana ako para uminom ng tubig pero nang narinig ko iyon, sa pasilyo pa lang ay natigilan na ako. Humilig ako sa dingding at muling sinikap na marinig ang pinag-uusapan.

“I thought you still have a week?” tanong ni Mommy sa kaibigan.
“Yes, iyon din sana pero napaaga lang dahil kinailangan naming umuwi ng Costa Leona. Even Radleigh didn’t know that we’re coming early.”
“Ganoon ba?” bakas sa tono ni Mommy ang lungkot.
“So, paano? We still need to catch a flight to Costa Leona. We will visit here, Lana. Susuklian ko ang ibinigay mong kabutihan sa anak ko.”
“Relani, hindi na kailangan. I’m glad that I could be of help! But I will surely look forward to your visits. Rad…” si Mommy.
“Salamat, Tita.”

Parang tumigil ako sa paghinga nang narinig ang boses niya. Akala ko’y nasa kwarto pa siya pero naroon na pala siya? And maybe he’s ready to go to?

“Hindi ka ba magpapaalam kay Zari?” Mommy’s voice sounded hopeful.

Aatras sana ako at babalik sa kwarto pero natigil ako nang narinig ang sinabi nI Rad.

“Hindi na, Tita. Tulog pa siguro ‘yon.”

He. Won’t. Say. Goodbye!

“I’m really sorry for her, Rad. Alam kong ikaw, sa lahat ng tao, ang nakaranas ng kanyang ugali rito sa bahay. She’s a brat and a bit spoiled. Our own doings, too, but we’re correcting it now,” si Mommy.
“Bakit, Lana? May nangyari ba?” ang baritonong boses ng matandang Riego ang umalingawngaw.
“Ah!” Mommy laughed a bit. “Wala. But Zari’s been a pain this summer. Dagdag pang wala kami masyado dahil sa negosyo.”
“Oh? Hindi halata sa kanya ang sinasabi mo, Lana.”
“If you only knew. Anyway, I won’t slow you down anymore, then. If you have a flight to catch… that is.”

Hindi ko na pinakinggan ang mga susunod na sinabi. For whatever reason, it hurt thinking that he didn’t want to say goodbye. Ano ngayon kung tulog pa ako?

Tiniis ko ang isang araw na hindi nagtitext sa kanya. Even when I got a message an hour after they left.

Radleigh:
Good morning! Are you awake?

Paulit ulit ko iyong tiningnan. And there’s not even another message after it. Hindi ba niya alam na kaya ako hindi nagreply dahil nagagalit ako sa kanya? O iniisip niyang ‘di parin ako nagigising kaya ‘di siya nagtext sa akin?

Hindi na ako nakatiis. Alas dose ng madaling araw, hindi ako makatulog sa kakaisip kung bakit walang sunod na text doon! Damn it!

Ako:
I didn’t know that you’re rude! You did not even say good bye!

Paulit-ulit kong tiningnan ang cellphone ko pagkatapos kong masend iyon. Para akong sinilaban nang tumunog ang cellphone ko. Muntik ko pa iyong nabitiwan, mabuti na lang at nasalo ko. Maingat ko iyong minanipula at binasa ang kanyang mensahe.

Radleigh:
You were sleeping. I’m sorry. Don’t worry, I’ll be back in Manila this June.

Tiniis ko siya. Hindi na ako nagreply muli. Anyway, what’s the point, right?

Bumilis ang takbo ng panahon at nagulat akong nagsisimula na ang unang araw ng skwela. And like what I expected, everything was a mess!

Older batches were mocking me, remembering what happened that certain day at Shu! Maraming pictures na kumalat at ang lahat ay may sariling opinyon.

“Oh? Nasaan ang pinagmamalaki mong college girls na barkada mo, ha?” isang araw ay hinarangan ako ng mga seniors.

Noon pa man, tinatapunan na nila ako ng mapanghusgang tingin pero ngayon ay nagkaroon na sila ng lakas ng loob. Maybe because they’ve heard that I don’t go out with Glaiza’s group anymore! Syempre, inis man sila sa grupo nina Glaiza, gusto parin nilang mapabilang doon. We are at the top of the social pinnacle at dinudungaw lang namin ang mga puchu-puchung grupo tulad ng mga babaeng ito. I’m the only one in the high school batch that has friends from the older socialites and that’s already something for them.

“Tsss…” Umirap ako at umiling na lang.

One of the reason why they are so pissed of me is because I make them feel that they are not worth my time. Everytime they try to pick a fight, hinahagod ko lang sila ng tingin mula ulo hanggang paa, iilingan at lalagpasan. Ganyan din ang gagawin ko ngayon. Because like before, they’re just not worth my time.

Pero nagkaroon sila ng ibang paraan ngayon. Hinarangan ako noong nasa gilid, making me stop midstep.

Tumigil ako at humalukipkip. Really? They will stoop down this low? At pagkatapos ay anong gagawin nila sa akin? Physically harm me? Tapos sasabihing sumbungera kung sakaling malaman ng Mommy at Daddy ko?

“You shoplifter! Klepto!” patuloy niya.

Nanggigigil na ako. Gustong gusto ko na siyang kalmutin pero hindi ko ginawa. My God, I don’t have an unlimited access to my Nail Spa, anymore. Hanggang ngayon, hindi parin naibabalik ang trust fund ko. Ang allowance ko’y araw-araw binibigay at five hundred pesos lang! Seriously, I still need to stop eating for five days bago makapag pa Spa.

“Clea, tama na,” the notorious bad boy of the higher batch held my arm.

Kumunot ang noo ko at tiningnan ang kanyang kamay sa aking braso. Hindi naman marahas pero hindi ko rin alam kung bakit niya ako tinutulungan ngayon.

Nilingon niya ako at nginitian bago nagseryoso at bumaling ulit sa senior na humarang sa akin.

Kitang-kita ko ang pagkurap-kurap noong senior. Nagulat sa lalaking nagtatanggol sa akin.

Sa ibang pagkakataon, sasabayan ko ang lalaking ito. Sa ngayon, pakiramdam ko hindi ko kaya. I’m not in the mood to converse or interact with guys like him. Although I admit that he’s attractive. Last year, I would be glad to be saved by Luigi, but right now… no thanks!

“Bakit? A-Anong pake mo?”

Tinulak noong lalaki ang humaharang na senior at hinigit niya ako palayo roon. Nang nakawala ay nilingon ko ang mga babaeng naiwan bago bumaling ulit sa lalaking tumulong.

“Thanks,” I said.

Sinubukan kong bawiin ang braso ko sa kanyang pagkakahawak pero nang naramdaman niya iyon ay mas lalo lamang niyang hinigpitan. Kumunot ang noo ko. Hindi pa kami nakakalayo sa mga babae at sa mga tsismosang nanonood ay tumigil na ako sa paglalakad.

“Let’s go!” anyaya ni Luigi sa akin.
“Bitiwan mo ako,” may banta sa tinig ko na hindi niya nagustuhan.

His jaw clenched when he realized that I’m serious. I’m not pleased with what he’s doing right now. Kung akala niya’y pagbibigyan ko siya dahil pinagtanggol niya ako sa mga babaeng ‘yon, nagkakamali siya!

Ayaw niya parin akong bitiwan. Imbes ay nilapit niya ako sa katawan niya at hinila sa kanyang dibdib. Pasimple niyang hinipo ang aking hita nang hindi nakikita ng kahit na sino.

“Ano ba?!” sigaw ko sabay marahas na tulak sa kanya.

Because of that sudden force, napalayo siya sa akin. Natapon din ang phone na dala ko. Hindi lang iyon basta natapon! The phone broke into its parts: body, case, and battery.

Hinagilap ko pa isa-isa iyon habang naririnig ko ang tawanan at pang-aasar galing sa mga schoolmate ko.

Nagtiim-bagang ako habang pinupulot ang mga nahulog. Alam ko kung ano ang pinagtatawanan nila!

“Anyare sa cellphone mo? Bankcrupt na yata sila!” sabay tawanan.
“They said you’re the richest student here, Zariyah Leviste. Richest! Then… you’re not that rich, after all. That’s just so sad. Puro salita lang pala ang pera n’yo!” sabi noong senior na humarang sa akin kanina.
“I bet your company is losing! Your every week spree is gone, right? At kumusta ang Facebook? Deactivate ka na lang!”

Luigi, the badboy, even kicked the battery of my phone. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at pakiramdam ko’y napigtas na ang kakarampot kong pasensya!

My heart hurt and I don’t understand. I am only angry. Lumukob ang galit sa akin pero hindi ko alam na masakit din pala ang magalit! Dahil ngayon, parang sinasaksak ang puso ko pagkatapos makita ang ginawa noong lalaki.

How dare he do that to my phone!?

“You little slut! You act like a virgin when obviously, all seniors have been your boytoy!” sabi niya.

Sa isang mabilis na kilos, nagawa kong suntukin si Luigi. Isang suntok lang ay napaatras na siya at nakita kong dumugo ang kanyang ilong! Nagtilian ang mga nakakita!

The heated anger I felt before I punched him disappeared! Ngayon ay nanlamig na lamang ako habang tinitingnan siyang dumudugo ang ilong!

Ang mga babaeng kanina’y nagtatapangtapangan ay siya pang naunang tumili ngayon at nagtawag ng tulong! Just because of that! So they all better be careful now because I can punch them in the face!

“Zari!” isang mahinhin at tahimik na transferee ang lumapit sa akin.

Nag-ugat ang mga paa ko sa kinatatayuan ko. It was very obvious that the guy wanted to hit me back. Kung hindi lang ako nilapitan noong mahinhin na transferee ay hindi siya mapapaatras.

“Luigi!” kahit na mahinahon ang boses ng kaklase ko ay dinig na dinig parin ang diin doon.

The notorious badboy’s smile faded. Umigting ang kanyang panga habang tinitingnan ang pumagitnang babae sa amin. Calla Samaniego, even when she’s short, thin, and soft-spoken, can stop anyone. And that’s how money just affects everyone’s life.

Dahil simula noong nag-aral siya rito noong unang araw pa lang ng eskwela, she’s already so popular for being filthy rich without even trying. My supposed title that’s now with her because of my Dad’s rules with me. Ang nakakagulat ay hindi man lang ako nalungkot na ganoon ang nangyari. Maybe because she’s Caleb’s little sister? Or maybe because I don’t really care about it anymore.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Comments are closed.