Island of Fire – Kabanata 12

April 5, 2017 By In Island of Fire Comments Off on Island of Fire – Kabanata 12

Kabanata 12
Work

Tahimik lang si Rad sa sasakyan. Ganoon din ako kahit na marami akong gustong sabihin.

Dala ko iyong maliit na paperbag na may lamang isang lipstick na binili niya. Nakayuko ako at natutulala sa paperbag na iyon.

I can’t believe that that just happened. I can’t believe that my parents allowed it to happen!

“Please don’t tell Mommy and Daddy about what happened,” simple kong sinabi, medyo paos ang boses.

Sa gilid ng mata ko’y nakita kong sumulyap siya. He sighed heavily before speaking.

“The General Manager called your home. Alam na ng Mommy mo ang nangyari sa’yo.”

Hindi na ako makapag react ng maayos. I’m so drained from all that’s happened that I don’t think I can react more. I will expect a call from my parents when we’re home. At kung hindi pa gaanong mahigpit ang lahat sa pagkakaground sa akin, paniguradong ngayon, mas hihigpit sila.

He parked the car in front of our mansion. Wala sa sarili kong binuksan ang pintuan ng kanyang sasakyan. But before I could go out, I turned to him and showed him the small paper bag.

“Thanks for this.”

Pagod akong ngumiti at lumabas na ng kanyang sasakyan. Because at least he was there, right? When my friends failed to come to me when I’m in trouble, at least, Radleigh’s there.

Hindi naman ako nagpatulong sa mga kaibigan ko, o kahit kay Caleb. At hindi rin naman sila iyong inaasahan ng parents kong dumalo sa akin kapag may sakuna. Si Radleigh naman dahil siya ang naiwan sa bahay.

But then… at least.

Malungkot akong umakyat sa grand staircase namin. Our housemaids were secretly looking at galing sa sala. Hindi ko na lang pinansin dahil alam kong wala na akong magagawa. The news has reached my parents for sure.

Tama nga ako. Pinapunta ako ni Mommy sa study ni Daddy para makausap ako through the laptop. And although I don’t want to hear any of her sermons, I have to at least show her how I’m repenting through hearing every word she has to say.

“Kita mo ang dinulot sa’yo ng pagwawaldas ng pera?! Ngayon, marunong ka nang magnakaw!”
“Hindi po ako nagnakaw!” giit ko nang napuno na.

She just won’t listen to me. God! I am determined to just listen to every sermon she has to say but I just couldn’t swallow that accussation!

“Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa anak mo, Geoffrey,” sabay sapo ni Mommy sa kanyang noo.
“Zariyah,” si Daddy naman ang kakausap sa akin ngayon. “Hija, please tone down with all your caprices.”
“Tone down? You have completely impaired my trust funds. That’s not toning down!”
“Well, you deserve it! Dahil kung hindi namin pinutol ang trust fund mo, malamang hindi ka pa nag e-eighteen, ubos na ‘yon!” si Mommy naman ngayon.
“Then that’s it, Zariyah. You are not going to be tolerated anymore. You are grounded until you learn your lesson!” si Daddy.

Nalaglag ang panga ko. Daddy tolerates me while Mommy scolds me in everything I do. Kaya ngayong siya na mismo ang nagsasabi nito, parang totoong mangyayari na talaga. Maybe it’s because he thinks I really did shoplift?

“Dad, please!” nanginig ang boses ko at umaamba na ang luha sa mga mata. “I did not shoplift!”
“People saw you, Zari! Kung hindi ka menor de edad, nadungisan na ang pangalan mo! You’re a disgrace to your name!”
“Mom!” lumandas na ang luha sa aking mga mata.

Kitang-kita ko ang pagtalikod ni Daddy sa screen.

“Dad…” I called but then Mommy turned off the call. Maybe to stop Dad from taking back his words.

Humikbi ako. Sa galit ay naibato ko ang cellphone ko sa TV kung saan ko nakausap si Mommy at Daddy.

Naninikip ang dibdib ko habang naiisip na tototohanin talaga nila iyon. Mas lalo pang nadagdagan tuwing naiisip na naniniwala silang nagawa ko talaga iyon! Damn it!

Pagod akong bumalik sa kwarto at tinulog na lang ang lahat.

Kinabukasan ay iyon ang una kong naisip. Tiningnan ko agad ang cellphone ko ngunit nakita kong may bitak na iyon at hindi naka on. Baka lowbat lang. Nabasag ito kagabi nang binato ko ang TV. And it landed on the table. The TV was unharmed, though.

Kinusot ko ang mata kong sobrang hapdi dahil sa kakaiyak at bumangon na. Kinuha ko ang charger ng cellphone ko sa drawer ng night table at sinaksak na. My phone did not charge at first pero noong nakita ko na ang battery, nakahinga na ako ng malalim.

Papasok na sana ako sa banyo para makaligo at makapagbihis pero nakita kong umusok ang wire ng aking charger!

“Shit!”

Nagmamadali kong hinila sa saksakan ang aking charger at nakita kong umitim ang screen ng cellphone ko.

“What the?”

Nahahapo kong tiningnan ang aking cellphone na sobrang init na ngayon. Ngayon pa ba ito masisira? Ngayon?

Nagmamadali akong lumabas ng kwarto at pumunta sa study at makausap si Mommy tungkol dito.

Nag-aantay akong sagutin nila ang tawag ngunit naidirekta ako sa sekretarya.

“Yes, Miss Zari. Ano pong itinawag ninyo sa Mommy at Daddy n’yo?” tanong ng sekretarya.
“Please, tell them my phone got broken. Of course I need another one! I can’t buy since blocked lahat ng cards ko and I don’t have cash…” sabi ko.
“I will tell them, Miss Zari. Saglit lang po,” sabi ng sekretarya.

I was put on hold for about three minutes until the secretary showed up on the TV again. Sa mukha niya palang, alam ko nang hindi maganda ang sinabi ni Mommy.

“I’m sorry, Miss Zari but your Mom told me that you should earn your keep. Hindi raw sila magbibigay ng pera. Ikaw na raw po ang maghanap ng sarili mong pera simula ngayon.”
“What!? This is ridiculous! Paano kung may lakad ako at nawala ako!? Tas hindi na ako macontact!?”
“Miss Zari, grounded ka po…” maliit ang boses ng sekretarya.

Dumapo ang dalawang palad ko sa aking mukha.

Damn it!

Is this really fucking happening?

Ilang sandali akong nanatili roon hanggang sa pinutol na ng sekretarya ang linya. My tears fell like waterfalls. Frustration has taken over me.

Naisip ko tuloy kung pati ba ang pagkain? I suddenly wonder if our cooks will cook for me? Sa takot ay mabilis akong bumaba sa aming dining area.

Early morning of Monday, Radleigh’s eating his breakfast on our table. Of course, hindi naman siguro, hindi ba?

Naupo ako roon sa silyang madalas kong inuupuan. Nilapag ko ang wasak na cellphone sa gilid ng platong para sa akin at kumuha na ng pagkain.

Or maybe they cooked because Radleigh will eat. God, my parents are heartless!

Habang naglalagay ng cheese sa wheat bread ay tumutulo ang luha ko. The frustration I’m feeling is so overwhelming.

Hindi ko na makakausap ang mga kaibigan ko. How can I talk to Caleb, too? Not that I want to talk to my friends, anyway. After what happened yesterday, medyo nairita ako sa kanila. Kung sila ang mangailangan, tutulungan ko sila sa abot ng aking makakaya. And as for Caleb, my Mom dislikes him so, maybe, to calm my Mom down, I should stop seeing him?

Oh God! Bakit? Ano ba ang gusto ni Mommy? Or… sino? Si Radleigh? So must I really date him just so she’d calm down and give me back my money?

“Are you okay?” Radleigh’s hesitant voice echoed in our dining area.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. And I deeply wonder how to start dating him anyway? Aside sa tingin ko’y ‘di siya iyong tipong nanliligaw, hindi ko naman siya gusto. He doesn’t like you either, Zari. I’m clearly not his type, too. Big boobs and booties? Maybe I should grow some boobs?

Damn it! Ano ba ‘tong pinag iisip ko?

Mas lalong bumuhos ang luha ko.

“My phone’s broken,” sabi ko sabay tulak sa cellphone kong wasak.

Suminghot ako at kinagatan na lang ang ginawang sandwich. Kapag puno ang bibig ko ay parang gumagaan ang pakiramdam sa aking dibdib.

“Let me see…”

Kinuha ni Radleigh ang aking cellphone. He tried to turn it on. Umiling ako.

“Nagcharge siya kanina tapos umusok iyong charger. Ngayon, wala na,” naiiyak kong sinabi.
Tumango siya at nilapag muli ang cellphone ko.

Pinalis ko ang luhang muling lumandas sa aking mga mata. This is not just about my phone. Not just about my blocked cards. Not just about the humiliation I got yesterday. My mother and father accused me of stealing something because I couldn’t afford it! And it hurts so much na ganoon ka ganid ang tingin nila sa akin!

But then again, maybe they are right. Ang pagkakabagot ko sa summer ang dahilan ng lahat ng ito. And of course, I am a growing teenager! There are lots of stuff in the internet that I want! Nagkataon na maraming pera ang mga magulang ko kaya kaya kong bilhin ang mga iyon!

Maybe I got used to getting my caprices so much! But then, it’s true! We have the money so I can buy anything I want!

“I can buy you a new one,” Radleigh said.

Natigil ako sa paghikbi at napatingin sa kanya. As if I don’t know him, huh? I know he’s so tight. Kahapon nga ay isa lang ang binili niya para sa akin. I appreciate it but if he’s going to buy me a keypad phone, then… well…

“I don’t want a keypad phone,” sabi ko at sumubo muli ng sandwich.
He chuckled. “I’ll buy you one with a camera.”

Namilog ang mga mata ko roon. Tiningnan ko siya na parang napaaga ang pasko.

“iPhone?” maligaya kong sinabi.
“Nope, you little girl! An andriod phone.”
Bumagsak ang balikat ko sa sinabi niya. But I managed to smile a bit. “Well, that will do. I just want to text my friends. When?”

His lips twitched. Uminom ako ng juice habang nag-aantay ng sagot niya.

“Maybe this weekend.”
“Huh?”

Medyo padarag kong nailapag ang baso. Well, I know he’s been good to me all this time pero bakit ang tagal pa? It’s Monday! For goodness’ sake! Nganga ako hanggang Sabado, kung ganoon? Wala pa naman akong ginagawa sa bahay!

“I won’t have money until Friday, so…” tumango siya.
Ngumiwi ako. “You won’t have money? Your parents give you your allowance during weekends?”
Umiling siya. “I work under VHRV, Holdings to earn my money, Zari.”
“You work?” gulat kong sinabi.

He licked his lower lip that made me a bit distracted. Tumikhim ako at binalingan ang aking juice bago bumalik ulit sa kanya.

“What about trust funds?”
Umiling muli siya.
“Walang sa’yo?”
He chuckled again. Hindi sinagot ang tanong ko. “Can you wait till Saturday, then?”
“Kaka Saturday lang, ha? Ubos agad ang pera mo?”
“I paid for your expensive lipstick yesterday, if you remember.”

I pouted. Tiningnan ko ang aking pagkain at muling nangilid ang luha ko.

“Fine,” sabi ko.
“I will go now. I’m running late if I won’t.”

Tumayo siya. Tiningala ko siya habang inaayos niya ang kanyang bag. He smiled at me like he’s so amused with my look right now. And my, do I look disgusting? Ni hindi na ako nakaligo sa takot na baka hindi ako pinagluto.

“Anong oras ang uwi mo?” I suddenly asked, curious.
His lips protruded a bit. “Four.”

Ngumiti ako at tumango. Pagkatapos ay nagpatuloy na sa pagkain. He chuckled again.

“Bye, Zari. I’ll be back…”
“Bye!” pagod kong sinabi at nagpatuloy sa pagkain.

As predicted, my day was so boring. Nalaman ko sa guard na hindi pinapasok si Caleb sa mansyon dahil sa utos ni Mommy!

Wala halos ni isang lumilingon sa akin kapag tinatawag ko! It’s irritating, actually.

“Belinda!” tawag ko sa paborito kong kasambahay na ngayon ay nagsasampay ng mga kurtina sa likod ng bahay.

Bumaba ako sa kabayo at muli siyang tinawag.

“Belinda!”

My call startled her a bit. Nagtama ang mga mata namin ngunit agad din siyang nagmamadaling umalis na tila ba may nakakahawang sakit na makukuha sa akin.

“My God!” sigaw ko sabay lingon sa ilan pang kasambahay na naroon sa likod bahay.

Nakatingin sila sa akin noong una ngunit nang nilingon ko sila ay nagpatuloy sila sa mga ginagawa. I feel trapped in a place full of cannibals or something. Iyong tipong walang nagsasabi sa akin na may cannibal diyan sa tabi kaya ang resulta’y mabibiktima ako.

Naikot ko na yata ang buong bakuran namin at hindi pa natatapos ang umaga. I came back to the mansion and decided to watch movies. Nagulat na lang ako nang kumakalam na ang sikmura ko bigla!

Oh! It’s one o’clock!

Dumiretso ako sa kusina at nakita roon ang pagkaing para sa akin. They were really serious, huh? They did not even call me for lunch!

Binuksan ko ang pagkain at nakitang fried chicken ang naroong ulam. The character on that movie was eating pasta. I craved for it, kanina pa.

“Rosarya!” sigaw ko.

Walang dumalo sa akin. Naupo ako sa silya at nagsimula nang tusukin ang manok.

“Rosarya!? Please, cook pasta?” sabi ko sa isang malambing na boses.

Sumungaw si Rosarya galing sa kusina. Ang kulot niyang buhok ay nakatali at ang nunal niya sa mukha ay mas lalong nakita.

“Please cook pasta…” I gave her my loveliest smile.
Umiling si Rosarya. “Pasensya na, Ma’am Zari. Mahigpit na bilin ni Madame na agahan, tanghalian, at hapunan lang ang gagawin namin para sa’yo.”
“Paano ‘yon! I’m craving for pasta. Come on, it’s just pasta! Pagkain naman iyon! As if I could sin with just that!” giit ko.
“Pasensya na talaga, Ma’am Zari, pero baka sisantehin kami ni Madame kapag sinuway namin siya.”

Mababaliw na yata ako rito!

“Fine!” iritado kong sinabi at nagpatuloy na lang sa pagkain.

Ngayon pa talaga ako maraming naiisip, huh? Bakit ba kasi wala akong ginagawa? Damn it! Bumalik ako sa sala para makapag movie marathon. Ang dami ng kinain noong bida kaya ang dami ko ring naiisip.

Hindi tama ‘to! I will grow bigger and bigger if I stay idle and fantasize so much about food. But then that donut looks yummy!

Pinatay ko ang TV at umakyat na sa aking kwarto para matulog. Pero hindi pa nakakaisang oras sa pagtulog ay nagising na ako!

Wala na bang mas babagot pa ngayon?

I went to the study so I can at least look at my Facebook through the laptop. The first thing I saw on my newsfeed was horrifying!

Picture ko iyon na hawak ng mga guards ng mall! Ang daming comments!

“Kawawang Zariyah Leviste!”
“That’s what she gets!”
“Nagising din ang mga magulang nitong brat!”
“Akala niya ang yaman nila! Hahaha!”

Hindi ko matapos tapos ang pagbabasa ng lahat ng naroon. Parang pinipiga ang puso ko sa frustration at galit. And our group chat? I visited it but there’s nothing but silence… Ang huling chat ay iyong nagyaya pa akong lumabas!

I can’t help but think na baka may ibang group chat silang ‘di ko nalalaman!

Pinatay ko agad ang laptop dahil hindi ko ata makakaya ang lahat ng nakikita sa Facebook. The humiliation did not stop on that mall. Damn it!

Exhausted, bumaba ako ng study. Hindi ko namalayang alas kuatro na pala. Nagulat na lang ako nang bumukas ang pintuan ng mansyon at niluwa roon si Radleigh. Nag-angat agad siya ng tingin sa akin at ako nama’y nagmamadaling bumaba ng grand staircase na para bang may inaasahan ako sa kanya.

“Thank God, you’re here! I’m so bored!” reklamo ko.

Nang nakababa na ako’y bigla kong tinigil ang pagmamadali. Bakit nga ba ako nagmamadali patungo sa kanya?

Kitang kita ko ang gulat sa kanyang mga mata. He looks better without his eye glasses. I wonder why he’s wearing that. Minsan naman, kapag nagbabasa siya, pansin ko hindi niya suot. Kaya bakit pa siya nag a-eye glasses minsan?

“Did you bring some pasta?” tanong ko.
“I didn’t. Why?”

Umirap ako at tiningnan ang kusina.

“Wala. I craved for it the whole day and Rosarya doesn’t want to cook for me.”

Nahagip ko ng tingin ang mga kasambahay naming nanonood galing sa kusina. Agad silang umalis para magpatuloy sa ginagawa. ‘Tong mga ‘to! Nakikichismis pa!

“I’ll cook. Magbibihis lang ako,” sabi ni Radleigh.
A small smile came on my lips. “Okay!”

Umiling siya at ngumisi bago umakyat sa kwarto niya. Sinundan ko siya ng tingin bago tuluyang dumiretso sa kusina. Pinagmasdan ko ang mga kasambahay na tahimik na naglilinis na para bang hindi ko sila naabutang nakikinig kanina.

“Belinda…” tawag ko sabay hilig sa cabinet.
Nilingon ako ni Belinda. “Radleigh will cook pasta for me. At least I can still eat what I want…” patuya kong sinabi.
Huminga ng malalim si Belinda. “Ma’am Zari.”
“O… Bakit?” she sounded so disappointed at me.

Hindi ko maintindihan kung bakit pati ito’y pinagdadamot! Pagkain lang naman iyan. I understand if my parents blocked my cards but then this is just food! I’m eating like normal daughters would do!

“Alas sais pa dapat ang uwi ni Ser Radleigh, ah? Pinaaga mo po ba ang pag-uwi niya?”
“Huh? Ba’t alas sais?” tanong ko.

Hindi ko naman nasusundan ang buhay ni Rad. Hindi ko alam na alas sais pala ang normal na uwi niya.

“At hindi ko siya pinauwi ng maaga no!” giit ko.
“May trabaho ‘yan ng alas tres hanggang alas singko, Ma’am Zari.”
“Huh?” I said, a bit shocked.

Madramang umiling si Belinda at naglakad na palabas ng kitchen. Ngumuso ako at tiningnan ang pintuan bago nagpasya na wala lang iyon. I’m gonna ask him later about his work. He’s working! Sabi nga niya… under the Vesarius Hidalgo Riego the fifth Holdings. Office work ba ‘yon? Oh well, maybe.

Or maybe… I can also work under their office! That way, I can earn some money!

Iyon ang pinag-isipan ko habang nag-aantay sa kanyang bumalik ng kitchen. Ilang sandali iyon kaya ang ginawa ko’y ako na mismo ang kumuha ng maaaring gamitin niya sa pagluluto.

Kumuha ako ng pasta. Pati ang spices at ang sauce ay kumuha rin ako sa cabinet. After a few minutes, nakababa na siya.

Tumuwid ako sa pagkakaupo sa high chair nang nakitang naka puting t-shirt at kulay itim siyang shorts. His hair is a bit damp, siguro’y kagagaling maligo. Nalalanghap ko ang aftershave sa kanya at medyo nagustuhan ko ang lahat ng amoy.

Tumikhim ako para matigil ang imahinasyon.

“What kind of pasta do you want me to cook?”
“You know how to cook?” Late reaction but I still couldn’t help myself.
Tumango siya at nagsimula nang kuhanin ang pasta na hinanda ko.
“Uh, Baked Ziti? Can you do that?”

Hindi niya na ako sinagot. Nagsimula na siya sa pag-aayos noong pasta. Pinanood ko siyang nagluluto noon. Una ay nilagay niya ang pasta sa oven, sunod ay kinanda niya ang pan at nagsimula nang maglagay ng onion at garlic.

Manghang mangha ako na ‘tsaka ko lang naisip na kailangan magsalita nang sumulyap siya sa akin. Damn it!

“You should also learn how to cook,” sabi niya.
Pumangalumbaba ako at nagpatuloy sa pagmamasid. “I will. I’m still fifteen. I have a long way to go. Hmmm. Ilang taon ka na ba?”
“Twenty two.”
“Oh? At ilang taon ka noong natuto kang magluto?”
“Thirteen.”

Shit.

“That’s child labor!”
Humalakhak siya at umiling habang naglalagay ng beef sa ginagawa niya. “Nobody forced me to cook.”
“Ikaw lang? Gusto mong matuto?” tanong ko.
“Uh-huh…”
“Hmm. And you’re working because you want to? Nobody’s forcing you to work, too?”
Kumunot ang noo niya ng ilang sandali bago sumagot. “Uh-hmm…”
“Can I apply in your company?” tanong ko.
“You’re only fifteen.”
“I’m sure you can do something about that, right? I don’t have money and I don’t think I can live without it.”

Hinagod niya ako ng isang matalim na titig bago bumaling sa niluluto.

“At least I know that I should work to earn money. Kaya… ano? I’m willing to work. Full time, this summer!” sabay ngiti ko.
“Alam mo ba kung ano ang trabaho ko?” his tone is now serious.
“Hindi. Bakit?”
“I’m gonna show you my work. Let’s see if you can still ask me to hire you.”
Ngumiwi ako. “Well, depende if malaki ang pasahod!”
“You think you’ll get hired by five digit jobs when you don’t have a degree? You did not even finish high school!” Tumawa siya.

God, he’s got a point!

“Pero… ano ba kasi ang trabaho mo?” tanong ko. “Show it to me, then? Tomorrow?”

His hawklike eyes bore to me like there’s trouble coming. Palaban ko siyang tinitigan. Try me. I’ll do anything for money!

But then… indeed, he’s right!

Sinundo niya ako ng alas tres y media sa bahay para isama sa kanyang trabaho. Nang dumating kami sa isa sa mga proyekto ng kanilang kompanya sa Pasig City ay nanlumo na ako.

“What’s wrong, Zari?” tanong niya habang binibigay sa akin ang kulay yellow na hard hat, gaya ng suot niya.

Sobrang ingay ng naglalakihang concrete mixer na may binubuhos sa iilang mga ginagawang bahay ng isang subdibisyon!

So much for wearing my Jimmy Choos and an Armani Exchange dress! Damn it! Dinala niya ako sa site mismo ng pinagtatrabahuan niya, umano!

“You’re kidding, right?” sabi ko sabay pasada muli ng tingin sa mga trabahador na pawisan.

Panay ang pukpok nila sa mga martilyo at panay ang welding sa kung anong bakal kung saan. Men were looking at me like I’m some gold!

Maalikabok sa lugar. Hindi pa konkreto ang kalsada kaya kada andar ng mga sasakyang pang trabaho rito at umuusok na sa sobrang alikabok.

Kinuha ko ang kulay yellow na hard hat at hilaw na nginitian si Radleigh. Meanwhile, he looked at me with so amusement. He’s enjoying this very much!

“This is where I work. You want to work here, too?”

He’s wearing a uniform just like the rest of the laborers! Do not tell me that his working like them!

I suddenly feel happy that my parents are doing so little in terms of disciplining me, kumpara sa pagpayag ng mga magulang niyang magtrabaho siya ng ganito!

“Well…” hindi ko masabi-sabi ng diretsahan.
“Of course, I won’t let you. Wear that if you want to wait for me…” he smiled.

Muli kong hinagod ng tingin ang buong site. All the dirty works… that’s what he does?

Kaya naman pala ang liit ng sweldo?

“Uhm… Okay. I’ll wait for you.”

Sinubukan kong isuot iyong hardhat pero kinuha niya iyon sa akin at siya ang nagsuot sa aking ulo. Napalunok ako at nilingon muli ang dumaang truck na siyang dagdala pa ng alikabok.

“Dito ka lang. I’ll make it fast. Or you want to stay in my car?”
Umiling ako. “I’m fine here.”

But really… am I fine? Damn it!

Umismid ako sa mga trabahador na nagtatawanan at nagka-cat call pa sa akin. Kung hindi pa siniko noong isa iyong pasaway na sumisipol ay hindi siya natigil. Sa malayo ay pinagmamasdan ko si Radleigh na tumutulong sa pagpupukpok. Really? Oh God! Napakadakila naman ng anak mayaman na ito! Seriously!

People here don’t treat him as the grandson of the owner. Nakikita ko na kung anong ginagawa ng isang normal na laborer, ganoon din ang ginagawa ni Radleigh.

Umusok sa sobrang alikabok ang gilid ko nang may isang puting Ford Ranger na dumating. Tumabi ako at naubo dahil sa usok.

Damn it! Why am I in this place again? God!

Tinakpan ko ang ilong ko at naubo ulit. Habang inuubo ako ay nakikita ko ang isang nasa mid twenties na babaeng lumabas. With a sky blue dress and some dark aviators, she looked as out of place as me. Iyon nga lang, may kinuha siya sa sasakyang malalaking papel na alam ko bilang blueprint.

Pakiramdam ko’y hihikain ako sa kakaubo. Tinampal ko ang dibdib ko para matigil pero mas lalo lang lumala. Nangilid ang luha ko sa kakaubo dahilan kung bakit naagaw ko ang atensyon ng babaeng naka stilletos pa.

Agad din naman siyang tumingin sa grupo ng mga trabahador at sa malapit na quarters nila.

“Magandang hapon, Engineer!” bati ng isang trabahante.

Engineer siya?

“Good afternoon!” bati niya.

Inuubo pa ako habang pinagmamasdan ang katawan niya mula dibdib hanggang balakang. Kahit hindi ko sinasadya ay napansin ko talaga ang hubog ng kanyang katawan. That, probably cup D, boobs… and her booties that looked that of an elephant.

Ang bata niya pa! Engineer na!

Nahagip ng tingin ko ang biglaang pag-iwan ni Radleigh sa kanyang ginagawa. May isa ring lumapit sa babae, iyong may puting hard hat… tapos si Radleigh.

Radleigh smiled at the Engineer. And then the Engineer smiled back. Nakalapit na si Radleigh sa isang malaking lamesa ay nilatag agad noong Engineer ang blueprint. Yumuko siya. Radleigh’s head tilted but although he’s looking at the blueprint, I can’t help but think that he’s probably looking at her booties!

Oh yeah! I forgot! That’s his type, right? Mas matanda. Maganda ang hubog ng katawan. Mature. Achiever. Wow!

Wala sa sarili akong lumapit sa lupon nila. Kitang-kita ko ang pagdako ng matatalim na mata ni Radleigh sa akin pero natigil iyon nang nalingunan din ako noong Engineer at noong isa pang lalaking kasama nila.

“Who’s this girl, by the way?” tanong noong Engineer sabay tingin kay Radleigh.
Radleigh sighed. “Zari Leviste. She’s on me…”

Nilingon ako noong babae. Kahit madilim ang kanyang sun glasses ay alam ko ang binibigay na ekspresyon ng mga mata niya. I smiled widely… sarcastically.

“You’re baby sitting, Radleigh? Kaya ba absent ka kahapon?”
“Ah! Anne, I was so tired at school. Sorry…” si Radleigh.

Aha! And they are on a first name basis! Wow!

Humalukipkip iyong Engineer at nilingon si Radleigh. Rad smiled knowingly before turning to me. Wala akong ibinigay na ekspresyon sa kanya kundi galit at iritasyon.

What the hell? This is the girl they are talking about? The mature… Oh God! This nerd has some guts to try an older woman!

“Talaga lang, huh? Sige na, bumalik ka na sa trabaho mo.”

Rad winked at me bago ako tinalikuran. Gusto ko siyang tawagin at yayaing umuwi na! Kung hindi ko lang naalala na wala nga pala ako sa kaharian namin! The Engineer looked at me from head to foot.

“Nene, you should just stay home. You’re distracting the laborers here…” Umiling siya at iniwan ako kasama iyong lalaking kausap kanina.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Comments are closed.