Island of Fire – Kabanata 11

April 5, 2017 By In Island of Fire Comments Off on Island of Fire – Kabanata 11

Kabanata 11
Grounded

“You are absolutely grounded, Zariyah!” Mommy shouted at me in Dad’s study.
“What did I do?” napatanong ako kahit na marami nga akong nagawa sa araw na iyon.

Glaiza and our friends asked me to arrange brunch here in our house. Alam kong para iyon masilayan nila si Radleigh Riego.

Of course, I did. Alam naman ni Mommy iyon. Sinali ko pa nga si Ethan at Caleb.

The first hours, it’s fun. Syempre, si Radleigh ay nasa bahay lang kapag Sabado kaya mas lalong natuwa ang mga kaibigan ko. They were all so fond of him that I found it so boring dahilan kung bakit niyaya ko si Caleb na lumabas at mangabayo.

“We’ll make out if I beat you this time!” hamon ni Caleb nang nasa kabayo na kami.

Ang hindi ko alam ay sa loob ng ilang araw ay nag-aral pala siyang mangabayo!

The sun is setting and we were both riding our horses to the ends of our land. Sa isang puno ng Acacia sa dulo ang aming hangganan. Ako pa iyong nangunguna ngunit naungusan niya ako nang palapit na kami.

“What the?!” tumatawa akong tinigil ang kabayo just in time.

Nakarating na kami sa puno ng Acacia at malapad na ang ngiti ni Caleb. Ang kanyang buhok ay hinihipan ng mabining hangin at ang kulay kahel na langit ay may repleksyon sa kanyang mga mata.

“Damn!”

Umiling ako at lumapit na sa puno ng Acacia para maitali ang lubid ng kabayo. Ganoon din ang ginawa ni Caleb ngunit nanatiling nakatingin sa akin, with that smirk on.

“You cheated!” giit ko.
“I didn’t!” Umiling siya at bahagyang tumawa.

Matalim ko siyang tinitigan nang patapos na akong magtali ng lubid. Pagkatapos niya’y humakbang siya palapit sa akin at tinuko ang kamay sa puno ng Acacia, pumagitna sa aking mga balikat.

“Let’s race again, Caleb!” giit ko dahil tingin ko talaga’y dinaya niya ako.
“Nuh-uh… We clearly have a deal, Zari.”

Hinaplos niya ang labi ko. Nagtaas ako ng kilay sa kanya.

“Come on, Caleb. Let’s do it again.”
Umiling siya. “Why suddenly change your mind now? Is everything a tease? Huh? Sa dami ng naging ex mo?”

Iniwas ko ang mukha ko sa kanya nang lumapit pa ito. He kissed the sides of my lips. Hinawakan niya ang baba ko at hinarap sa kanya para mahalikan ako sa labi ng maayos.

I have kissed boys before. Willingly. I know that because of that, I have little regard of who’s going to kiss me next.

Natigil si Caleb nang narinig ang humahagibis na mga yapak ng kabayo kung saan. Pareho naming nilingon ang likod niya at nakita naming kadarating lang ni Radleigh doon.

With a stern look, bumaba siya sa kabayong sinasakyan. Kumalas si Caleb sa pagkakatuko sa puno at hinarap si Radleigh.

“Oh, Radleigh, hindi ba nasa loob kayo ng mansyon kasama sina Glaiza?” panimula ni Caleb, tunog iritado sa biglaang pagpapakita ni Radleigh doon.

Napalunok ako. Radleigh looked so pissed. We only have little interactions at home so I will be able to see him this angry.

“Uh,” nanuyo ang lalamunan ko.
Lumipat ang tingin niya sa akin. Lumayo ako sa puno ng Acacia para makawala sa gilid ni Caleb.
“Umuwi ka na, Caleb. Yayain mo ang mga kaibigan mong umuwi na,” malamig at mariin ang pagkakasabi ni Radleigh noon.

Although Caleb’s bulkier, Radleigh’s way taller than him. Napawi ang ngiti ni Caleb at nilingon ako. Nagkatinginan kaming dalawa. Caleb’s waiting for me to shoo Radleigh away but I didn’t.

“Bakit? Hindi ka na ba nalilibang kasama sila?” baling ni Caleb kay Radleigh.

The cold steel dripping in his eyes told me that he’s dangerous. His jaw clenched repeatedly and the veins in his arms were more defined.

“Fine!” Caleb sighed. “Tara na, Zari!”

Nilahad niya ang kanyang kamay sa akin. Napatingin lamang ako roon.

“Maiwan ka, Zari. Mag-uusap tayo,” maliwanag na sinabi ni Radleigh.
“Tsss!” Caleb eyed him heatedly for a while before returning to his horse.

Sinundan ng tingin ni Radleigh ang paglayo ng kabayo ni Caleb bago ako hinarap. Agad kong kinalas ang lubid sa puno ng Acacia para makaalis na rin ngunit hinawakan niya ang lubid.

I turned to him.

“What are you doing?” he asked, tilting his head.
“Babalik na ako sa mansyon!” sagot ko.
“You invited your group of friends for?” nagtaas siya ng kilay.
“For brunch?” I said sarcastically.

Simula nang malaman nina Glaiza na sa bahay namin tumutuloy si Radleigh ay pinlano na nila ito. Ang laman ng group chat namin sa Facebook ay purong impormasyon kay Radleigh. And although I’m not interested for even a bit about it, wala na akong nagawa.

They all said he likes mature girls. They all said that his rumored girlfriends were older than him. Iyong mga nagtatrabaho na o ‘di kaya’y achiever na older batch. And what do these girls have in common? Big boobs and big booties!

Iyan pala ang dahilan kung bakit nakakapang insulto ang mga komento niya sa akin. Not that I’m affected or anything. I really don’t care at all.

Marahas niyang hinawakan ang braso ko. And that familiar fear I felt for him surfaced. Pakiramdam ko ay kung gugustuhin niya, kayang kaya niya akong saktan. After all, he’s the only one in this planet who cannot tolerate me.

“And you’re here to make out with that boy while I’m entertaining your guests?”

Well, they are not my guests, actually. They are yours! Alam ko namang ikaw ang pinunta nila rito. But I won’t say that!

“B-Bitiwan mo ako,” sabi ko sabay bawi sa braso ko.

Sinunod niya ang sinabi ko ngunit sa isang marahas na paraan. Savage anger bore in his eyes as he looked at me. Napaatras ako dahil doon pero bago pa ako makapagsalita ay kinalas niya na ang lubid ng kanyang kabayo at umalis na sa harapan ko.

“Ano bang sinabi ni Radleigh sa’yo, Mommy?” tanong ko nang naisip na iyon lang ang maaaring dahilan kung bakit ako grounded ngayon.

Sumbungero rin ang isang iyon, huh!

“Bakit? Ano pa maaari ang alam ni Radleigh na hindi ko alam, huh?”

Tumayo si Mommy. Pinigilan naman siya ni Daddy na lumapit sa akin.

“Lana, that’s enough,” banayad na wika ni Daddy.
“Geoffrey, there is something wrong here! We can’t just tolerate her all the time!”

I groaned. Nandito na naman kami sa usapang ganito.

“Noong isang taon, kaya pa kitang hayaan, Zariyah! Ngayon, hindi na! You’ve gone too far that I almost don’t know you anymore!”

Tinikom ko ang bibig ko at tiningnan na lamang ang mga nakahilerang aklat sa matayog na antique na cabinet namin.

“Nakikinig ka ba? Ano pang pwedeng sabihin nI Radleigh na hindi sinabi ng mga kasambahay? You’re lucky he’s not telling me anything, Zariyah!”
I turned to her. “What did the maids tell you, then?”
“Na nakita ka nilang nakipaghabulan at nakipaghalikan sa manliligaw mong iyon!” Mom said it with disgust.
“Lana,”
“Hindi, Geoffrey! Bukod sa halos kalahating milyon ang naubos niya ngayong linggong ito, ganyan pa ang inaatupag! I am suddenly reminded that your grades last March were low! And you’re just high school! Your subjects are supposed to be simple! Imbes na naglalandi at nagwawaldas ka ngayong summer, sana ay nag-aaral ka na lang Zariyah!”

Ouch! That hurt!

I equalled her glare at me.

“I did not kiss Caleb, Mommy! We were just having fun! Daddy…” nagpatulong ako sa aking ama.
“Lana, she’s just a girl-”
“A girl that will soon become a monster if we tolerate her, Geoffrey!” iritadong sinabi ni Mommy.

Pagod akong tinitigan ni Daddy na para bang wala na siyang magagawa. Like my Mom’s words are absolute.

“And I’m pretty sure Radleigh’s disappointed of you! Kung hindi ka niya gusto noong una siyang umapak dito, mas lalo ka lang niyang hindi nagustuhan! Hindi ba sinabi ko sa’yong pakitunguhan mo siya ng maayos? Pero anong ginawa mo! You…” Tinuro ako ni Mommy na para bang winasak ko ang mundo para magalit siya ng ganito. “You were caught kissing with that boy! You think Radleigh will ever like you!”
“Oh my God, Mommy! Iyan lang ba ang importante sa’yo?” pahisterya kong sinabi.
“Importante?!” mas lalong lumakas ang tono ng boses ni Mommy.
“Calm down, Lana!” parang kulog ang boses ni Daddy nang pigilan niya si Mommy.

Taas baba ang dibdib ni Mommy sa paghahabol ng hininga. Umatras ako nang humakbang siya sa akin palapit. Nakikita ko ang panggigigil niya habang tinitingnan ako.

I don’t remember her this angry with me before. Ganoon ba ka importante ito sa kanya na parang guguho ang mundo namin kapag ‘di ko ginawa iyon?

“The low cost housing is not going steady, Zariyah. Two years ago, when we launched the estates and your Tito decided to make his own name, bumaba ang kita natin sa negosyo! If we tied with the Riego empire, mababawi natin ang losses. But perhaps you don’t want to know about all these things because all you want to do is shop and burn the cash we’re allowing you to have!”
“Bakit hindi n’yo na lang pakiusapan si Relani? Hindi ba kaibigan mo naman siya? Bakit ako? Bakit kailangan pa akong ipakasal kay Radleigh? And oh my God! Are you sure they are a big empire? Have you seen Radleigh’s ride?”

Hindi ko natapos ang lahat ng punto ko dahil isang malamig na palad na ang lumagapak sa pisngi ko.

Halos mabingi ako sa sampal na iginawad ni Mommy sa akin. Hawak-hawak ang aking pisngi ay hindi ako nakabawi.

“Lana!”

Pumagitna si Daddy sa aming dalawa at agad na nilayo si Mommy sa akin. Tears pooled under my eyes. My heart was wrecked into pieces. I cannot believe that my mother is this desperate to save the company. Na kaya niya akong pagbuhatan ng kamay ng ganito dahil lang sa hindi ko masunod ang gusto niyang mangyari!

“Kailan ka natutong maging mata pobre?!” lumukob sa buong silid ang boses ni Mommy.

Wala na akong ibang narinig kundi iyon. Kahit si Daddy ay natahimik na lamang. Even my tears fell silently because her voice seemed to be in authority.

“It is so ironic that we made Vista Grande for the marginalized and the poor, only ventured another branch of estates for the rich, and here you are having this opinion-”
“Ganyan ba ka importante ‘yan, My, at nagawa n’yo akong pagbuhatan ng kamay!?” nanginginig kong putol sa kanya.
“Oo, Zari! Dahil ‘yang mga kapritso mo, galing ‘yan sa malagong kompanya natin at kapag hindi ito napanatili, mamumulubi kang parang daga! Kaya, oo, importante ito!”
“What a pitiful excuse! You’ve inflected me physical pain just because of that!”
“I slapped you because you have strayed so far from the values I taught you! Kailan ka natutong maging matapobre? Simula noong sobra-sobra na ang pagwawaldas mo!?”

Natahimik ako roon dahil patuloy ang mga luha ko. She blurred in my eyes because of the tears. Dad hugged her side but Mommy’s just too angry to even calm down because of Dad’s hug.

“You. You are grounded! You cannot go out of this mansion! All your cards will be terminated! Even your trust funds will end!”

Umiling ako, hindi naniniwala. They can’t do that to me!

“You can’t do that to me!” sabi ko sabay hikbi.
“Yes! I can do that to you, Zari!”
“All the drivers and maids won’t answer your whims! You are all alone from now on!”

Bumuhos ang luha ko at tinakbo na ang pinto palabas ng study. Pagkalabas ay tinakbo ko kaagad ang kwarto ko at doon binuhos ang mga luha.

Hindi ako makapaniwala. Sa sobrang desperada ni Mommy na makasama ang mga Riego ay nagawa niya sa akin iyon! Napagbuhatan niya ako ng kamay! And she’s making my attitude an excuse when what I told her is true!

Nakatulugan ko ang pag-iyak. Nagising lamang ako kinaumagahan nang naramdaman ko ang hapdi ng aking mga mata dahil sa magdamag na pag-iyak at ang tayog ng sikat ng araw sa labas.

Kinusot ko ang mga mata ko at tinignan ang paligid. Parang isang masamang panaginip lang iyong nangyari kagabi.

Inalala ko muli ang sampal na natanggap ko kay Mommy. Pinilig ko ang ulo ko at unti-unti nang bumangon.

Kinuha ko ang wireless phone sa tabi ng aking kama. Ayaw kong bumaba kaya rito na ako kakain sa kwarto.

“Ma’am Zari?” si Belinda ang nasa kabilang linya.
“I want my breakfast in bed. Maliligo lang ako,” sabi ko at binaba na ang telepono.

I turned my TV on. Hinanap ko ang isang music channel at hinayaan iyon habang naliligo ako. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay lumabas na ako ng walk in closet. Nilingon ko ang side table kung saan madalas nilalapag ang breakfast ko kapag hinihingi ko iyon pero wala akong nakita sa lamesa.

Iritado ay dinampot ko ang telepono para matawagan ulit si Belinda.

“Where is my breakfast?” salubong ko nang nasagot na ni Belinda.
“Uh, eh, Ma’am Zari, mahigpit na bilin ni Ma’am Lana na hindi ka raw pagbibigyan sa mga utos mo.”
“Ano?! Pati ba naman pag akyat ng breakfast?”

O baka naman ayaw lang talaga nilang magpautos?

“Nasaan si Mommy at Daddy?” tanong ko para makausap sila tungkol sa asal ni Belinda.
“Uh, Ma’am, nasa Palawan po sila ngayon. May kausap sila roon para sa susunod na proyekto ng Vista Grande.”
“Si Rosarya ang gusto kong kausapin. Ibigay mo sa kanya ang telepono.”
“Okay, Ma’am. Saglit lang po.”

Tinawag ni Belinda si Rosarya sa background. It took her a while before finally answering me.

“Ma’am?” si Rosarya na ngayon.
“Iakyat mo rito sa kwarto ang breakfast ko,” utos ko.
“M-Ma’am, pasensya na po pero mahigpit na utos ni Ma’am Lana na h’wag kang pagbibigyan sa mga utos mo.”

Hinilot ko ang aking sentido at hinilamos ang palad.

“Fine!” iritado kong wika at binaba na ang telepono.

Is Mommy that serious? Damn it! Pero kung ito lang naman, kaya ko namang bumaba para kumain.

I blowdried my hair alone. Habang pinagmamasdan ko ang mukha ko sa salamin ay paulit-ulit kong inisip na hindi magagawa ni Mommy iyon sa akin.

Kinuha ko ang phone ko at tinext si Caleb. I can’t stay in this house today. Lalo ko lang maiisip ang nangyari kagabi.

Ako:
Caleb, are you free today? I want to go to Rustans. Sorry nga pala kahapon.

Agaran naman ang reply ni Caleb. I was thinking he got angry because of what Radleigh did but I’m glad he’s cool.

Caleb:
May family gathering kami mamaya sa Polo Club, but I can pick you up. Ihahatid kita sa pupuntahan mo, kung gusto mo.

I don’t think there’s a need for that because our cars are free now that my parents aren’t here but…

Ako:
Okay. I’ll get ready. See you this ten?

Caleb:
See you!

Mabibigat na yapak ang iginawad ko sa hagdanan pababa ng aming mansyon. Sa sala ay naroon si Radleigh at nagbabasa ng aklat. Hindi matanggal ang mga mata niya sa aklat kaya nagkaroon ako ng pagkakataong irapan siya.

Dumiretso ako sa kusina at doon na kumain. Walang nagsisilbi ni isa. At ang bawat dumadaang kasambahay ay parang takot na lumapit sa dining area. Para namang ‘di ko alam kung paano maglagay ng juice sa baso! Hmp!

Nilagyan ko ng juice ang aking baso at nagpatuloy na sa pag kain. Then I started scrolling on our group chat kung saan lahat ng kaibigan kong nagpunta rito ay bukambibig na talaga si Radleigh.

Glaiza: He accepted me on Facebook!
Maica: Ako rin!
Ako: Girls, I’m going out today. May titingnan akong mga make up sa Shu Uemura. Anong balak n’yo today?
Maica: Sige, I’m free today, too.
Glaiza: Di ako pwede, e. I have a family brunch. :( Kayo na lang.
Charm: I’m in, too!
Maica: Dala mo ba si Radleigh?

I rolled my eyes to the ceiling and continued eating. Pagkatapos kong kumain ay umakyat na ako para makapagbihis na ng damit para sa lakad ko ngayong araw.

Konting pabango at hair products sa buhok ay tapos na ako. Saktong nagtext si Caleb na nakarating na siya sa mansyon kaya bumaba na ako.

With a purse in hand, I passed by our living room, kung nasaan si Radleigh na tahimik at nagbabasa parin. That is his life. This is mine.

“Good morning, pretty!” salubong ni Caleb sa akin, pababa ako ng hagdanan.
“Good morning!” sabi ko sabay ngiti.
“Sayang at hindi ako pwede ngayon. Ihahatid na lang kita sa pupuntahan mo. But then, who’s going to pick you up later if I cannot be free?”
“I will text the drivers, Caleb. It’s okay. Our cars are complete since my parents are in Palawan.”
“That’s great! Sige…”

Pinagbuksan ako ng pintuan ni Caleb. Pumasok naman ako at ilang sandali pa’y tumulak na kami palabas.

The guards let his car pass and I concluded that whatever Mommy’s orders were, hindi iyon ganoon ka seryoso.

“Nakakairita iyong Radleigh na iyon, ah!” si Caleb.
“Hayaan mo na. By June, I’m sure he’ll be out of our house. Don’t tell me the renovation of their house isn’t done yet by that time!”
“Really? And speaking of June, you’re okay without a boyfriend till then, huh?”

Ngumisi ako. Alam na alam talaga ni Caleb ang galaw ko noon. Hindi ko nga rin alam kung bakit hindi ako interesado sa titulong iyon ngayon. Maybe I finally realized that it’s a lot better to be single. Fooling around is better when you’re not in a relationship.

“You are so impatient, Caleb,” marahan kong wika.

Huminga siyang malalim at ngumisi habang nakatingin sa kalsada. Ngumisi ako at iniba na lamang ang usapan.

Nang nakarating na sa mall ay nagkita na kami ng mga kaibigan ko. Before looking at the products we want, nagpasya kaming mag light lunch muna para hindi gutumin.

And the conversation is such a bore now that they both talked about Radleigh.

“Anong ginagawa niya sa bahay n’yo ngayon?”

I’m starting to think that they just want to fish some information kaya sila sumama sa akin.

“Wala. Nagbabasa? How boring he is…”
“Anong mga libro ang binabasa niya? I can give him one!” sabay ngiting aso ni Maica.
“I don’t exactly know since I don’t look at him a bit,” iritado kong sinabi.

Dumating ang waiter dala ang bill namin. Hinalughog ko agad ang clutch ko para kunin ang aking card pero naunahan na ako ni Maica.

“So… do you think he has a girlfriend right now?”
“I don’t know. Does that man have exes? Puro rumored lang, ‘di ba? And my God, you’re telling me that he likes older women? You mean, like a dean or something?” ngumiwi ako.
Tumawa si Maica. “Gaga! Hindi! Just a bit older like a year older or something. Sabi ni Glaiza, mahilig daw kasi talaga ‘yan sa medyo seryoso at mature sa pangangatawan. You know, the boobs and all!”

Kailan ba matatapos ang usapang ganito?

“Well it doesn’t show. He looks like a nerd to me!”

Ngumiwi si Maica sa opinyon ko at pagkatapos ng bayaran ay nagpatuloy na kami sa mga gusto kong stores. Unang namili si Charm ng mga damit. Tinitingnan ko ang mga new arrival at may nagustuhan ako pero pinigilan ko ang sarili ko.

Mommy will be fuming mad again if she’ll learn I bought clothes gayong may mga damit pa akong ‘di natatanggalan ng price tag.

Ang tanging gusto kong bilhin ngayon ay mga make up. I don’t put much make up. Just subtle and natural but lately I’ve been thinking that I should buy some kahit ‘di naman ako laging maglalagay. Pang events lang, kumbaga.

Kumuha ako ng limang lipstick sa kada brand na maganda. From reds, to pinks, to naturals. And then I also bought some concelear and foundation. Tatlong primer, tatlong klase ng mascara, at iba’t-ibang shade ng eyeshadow.

I still have a lot to buy but I settled for that. Nilapag ko ang mga bibilhin ko sa cashier para makapagbayad na.

“Fifty two thousand and forty-five pesos, Ma’am,” sabi ng cashier.

Nilagyan ko ng card ang harap niya. Pinulot niya iyon at tinanong na ako kung Current ba o Savings. I told her that it’s on Savings.

Nagtipa ako ng password at pagkatapos ay nilingon ulit ang ilan pang make up na gusto kong bilhin.

“Miss, something’s wrong with your card,” she said as she returned it to me.

I froze. May naisip ako pero binalewala ko iyon. Hindi naman siguro, ‘di ba?

“Try this…” sabay bigay ko sa isa pang debit card, kung nasaan ang aking Trust Fund.

I did the drill again but then ngumiwi na ang babae.

“Sorry, ganoon din itong card, Miss…”

What? What the hell?

“May problema ba, Zari?” tanong ni Maica na nag-aalala na.
“Uh, try my credit cards…”

Nilatag ko ang tatlong credit cards na minsan ko lang ginagamit. Imposibleng full ang mga ‘yan dahil purong debit ang pinapangswipe ko.

Umiling ang cashier pagkatapos subukan ang tatlong cards ko! Nanlamig ang aking mukha at binalingan si Maica.

“Anong nangyari? You don’t have money?” Ang pang mamaliit sa kanyang tinig ay hindi nakatakas sa aking tainga.

Of course pride won’t let me ask her some damn money! No. Way!

“I’m sure may pagkakamali lang. Can you please try again, Miss?” sabi ko pero nilingon noong cashier ang mga tao sa likod ko.

Damn it! Mas lalo lang akong nanlamig. Pakiramdam ko’y naubusan ng dugo ang mukha ko sa kahihiyan!

“Matagal pa ba ‘yan, Zari? Nagtext kasi si Mommy, magkikita raw kami sa Manila Pen ngayon for dinner,” si Charm.
“Ah… Uhm… Sige, mauna ka na. I’ll just call my Mom’s secretary. There must be a mistake or something.”

Tumango si Charm at tumingin muli sa mga taong nasa likod ko. Tumabi ako para mauna sila sa pagbabayad dahil hindi ko pa mabayaran ang akin.

Kinuha ko ang wallet ko kahit na alam kong wala akong cash na ganito ka laki roon. Nilingon ko si Maica na ngayon ay kausap na si Charm. Nagbubulungan ang dalawa at nakita ko kung paano umirap si Maica ng palihim.

Iritado ay nilapitan ko sila para matigil.

“You two can go now. Don’t wait for me since I’m still not done shopping. May mga gusto pa akong kunin na eye liner at eyebrow products. My mom’s secretary is now contacting the banks because of this incident. Sige na, Charm, Maica. Mauna na kayo…”
“Oh!” ngumisi si Maica at tumango. “Ganoon ba? Sige, mauna na kami kung ganoon, Zari.”

Tinalikuran ako ng dalawa at nagmamadali nang umalis. Panay ang irap ko sa likod nila hanggang sa umalis na sila.

I cannot believe it! My mom really did this to me?!

Nasa Shu Uemura parin ako nang tinawagan ko si Mommy.

“Mommy! What did you do?” sabi ko.
“Z-Zari… I… talk… poor… signal… tell… Rad-” at naputol ang linya.
“Great!” halos manggigil ako sa cellphone ko nang nakita kong naputol ang linya!

Ngayon ang mga kasambahay naman ang kinausap ko. Unfortunately, wala ni isang may gustong makealam sa problema ko! Nakakainis!

Nagpupuyos na ako habang paulit-ulit na pinapakealaman ang mga tester ng lipstick sa Shu. Sunod pa nang sunod ang mga babaeng tindera sa akin. Siguro’y iniisip na wala akong pambayad sa lahat ng binili ko.

I glared at that one girl who looked so judgemental at sa iritasyon ay nagwalk out na ako sa tinadahang iyon.

I. Have. Never. Been. This. Humiliated. My. Entire. Life.

Akala ko iyon na iyon! Pero nang tumunog ang alarm sa pintuan ng Shu Uemura bago pa ako nakaalis at hinawakan agad ako noong babaeng tindera at ng security guard ay doon ko napagtanto kung gaano ka sama ang ginawa ni Mommy sa akin!

“Ano ‘to?” sigaw ko sa iritasyon at sa pagkakainsulto.
“H’wag ka nang mag maang maangan! Hindi mo pala kayang bayaran ang lahat ng kinuha mo, kukunin mo na ang tester!?” ang babae sabay hablot ng nadala kong tester na hindi ko naman namalayan!
“Ano? E ‘di kunin mo! Hindi ko naman namalayan! Nakakairita ka kasing sunod nang sunod sa akin! Isaksak mo sa baga mo ‘yan!” sabi ko sabay piglas sa pagkakahawak ng sekyu sa akin pero hindi man lang ako nabitiwan.
“Ang dami mong palusot, neng! Sa presinto ka na magpaliwanag!”
“A-Ano?”

Kumalabog sa kaba ang puso ko habang pinagkakaguluhan na ako ng mga guards at ng tindera ng nasabing tindahan. May iilang nagsasabing hayaan na ako lalo na’t menor de edad na ako. Others were telling that I’m no minor anymore and still I have to be reported.

“I’m still fifteen! I’m the daughter or Geoffrey Leviste and Lana Leviste! You can’t do this to me!” I was already hysterical which pissed the manager more.

Para bang nagsisinungaling lang ako para matakot sila. Hinawakan ng babaeng manager ang aking braso at tinawag na ang mga sekyu. Ang iilang mga customer ay nakatingin na sa akin, nandidiri. I even saw someone I know from our school!

Wala na bang mas nakakahiya pa rito!

“Excuse me!” iritado kong sinabi.
“I know her, Ma’am. She’s from La Salle. She’s my schoolmate,” sabi noong nakita kong babae.

Although she’s trying to dignify me, I still couldn’t swallow the fact that she’s seen me in a situation like this!

“Bring me to your quarters and I will talk to my lawyer!” mataman kong sinabi sa manager.

Ang sinabi noong schoolmate ko at ang tono ng pananalita ko’y naging dahilan ng medyo pagdadalawang isip nilang paratangan ako agad. Nag-utos agad ang manager na dalhin ako sa opisina ng General Manager nila na malapit sa quarters ng security. They even called the local police and I couldn’t care much. I just want to be removed from the sight of the people near that frigging store!

Sa inasal ng mga guards na pagbabantay sa akin na tila tatakas ako, o guilty ako, ay mas lalo lang akong nainsulto. The store’s manager is now talking to some authorized person and a police officer!

Sinusulyapan nila ako sa bawat pag-uusap. I only gave them my bored and annoyed look.

Kung tatawagan ko si Mommy at Daddy ngayon para sabihin sa kanila ang nangyari sa akin, I’m pretty sure they’ll really kill me. Pero kaya ko pa ba silang tawagan? They are so heartless! I am their daughter! Their only child! How can they do this to me? These people have insulted me in every possible way!

And do I call my friends? Of course not! Why would I when they all walked out of me when they realized I’ve got no money! Tangina nila!

“Nandito na po ang guardian niya,” sabi ng isa pang police officer na galing sa labas nitong kulay puting silid.

Sunod na pumasok ay si Radleigh na busangot na agad ang mukha. I groaned when I realized that the store has called our house!

“R-Radleigh?” napalingon ang may katandaang police officer na kausap ng store manager.
“Tito,” salubong ni Radleigh bago ako nilingon.

He gave me another disappointed look. Tinaas ko ang kamay ko.

“Is this your sister? She shoplifted in Shu Uemura,” panimula ng store manager.
“Oh you…” I trailed off before I couldn’t help myself. “I did not shoplift anything! If I did, sana ‘yong hindi pa nagagamit ang kinuha ko, hindi ba? Obviously, I was annoyed with your staff-”
“Marami siyang binili pero hindi niya mabayaran. Worth 50 thousand plus but her cards were all blocked so instead, kinuha niya iyong tester,” paliwanag ng manager.
“Ugh! What a cheap accusation!” giit ko.
“Shut up, Zariyah!”

Napatalon ako sa biglaang sinabi ni Radleigh. His cold baritone is even thicker than the police officer’s voice. I winced inwardly.

“Kaano ano mo ito, Rad? Tunay bang anak siya ng mga Leviste?” tanong ng kakilalang Police Officer ni Radleigh.
“Yes, Tito. She’s a family friend. Her parents are in Palawan at ako lang, bukod sa mga kasambahay, ang nasa bahay nila.”
Tumango ang Police Officer kay Radleigh at nilingon ang General Manager ng buong mall. “I can vouch for them, Mr. Andrade. Kilala ko ang batang ito at hindi siya nagsisinungaling.”
“Pero ‘yang kasama niya ang may kasalanan.”
“Sir, she’s only fifteen. In behalf of her, I’m really sorry. H’wag po kayong mag-aalala at babayaran ko ang kinuha niya.”
“Including all the products she couldn’t afford to pay?” singit ng babaeng store manager.

Nilingon ako ni Radleigh. Isang matalim na tingin ang ginawad niya sa akin. I slowly smiled a bit.

They talked more until they finally decided that I’m innocent. Ayaw ko mang bumalik sa Shu, naisip kong supalpalin ang mga tinderang judgemental na naroon kaya pumayag na ako sa gusto ni Radleigh.

Their eyes were all on me as I proudly scanned through the make ups. Radleigh’s walking behind me. Tinitigan ko ang cashier na ngayon ay nakatingin sa akin… o sa kung sinong nasa likod ko.

Nilingon ko si Rad at nakita ang halos magdugtong niyang mga kilay. Ang isang kamay ay nasa bulsa at halos tumubo ang labi sa busangot ng mukha. Binalik ko ang tingin ko sa mga tinderang ngayon ay nagtutulakan na at naghahagikhikan.

What?

“I want these…” sabay kuha ko ng limang pulang lipstick na kanina ko pa gusto. “And a concealer, some eye shadow…”

Tumigil ako sa mga eye shadow at tiningnan ng mabuti ang mga iyon. Sa salamin ay nakita kong tumagilid ang ulo ni Rad habang pinagmamasdan ako.

“All these!” sabay lingon ko sa kanya.
He smirked. Kinuha niya ang mga nakuha kong produkto at ibinalik sa rack.
“But why?” I wailed.
“Isa lang, Zari. ‘Tsaka na ang iba kapag may pera na ako…” bulong niya at kinuha pa ang isang lipstick na sobrang layo sa mga gusto kong kulay.

It was a light pink with subtle coral. Worth three thousand pesos. He immediately went to the cashier.

Bakit pa ako nag eexpect na bibilhin niya lahat ng gusto ko? Damn it!

“I want this one! I want this deep red!” sabi ko. “Rad…”

Umiling siya at matalim akong tinitigan. That one look that won’t take any bullshits from me. I sighed and put the deep red back.

Pagkatapos niyang magbayad ay ibinigay niya na sa akin ang paperbag. Kinuha ko iyon at malungkot na ngumiti.

I can’t believe that my parents can do this to me. Parang may batong nagbabara sa aking lalamunan habang tinitingnan ang maliit na paperbag na binigay ni Radleigh sa akin.

“Let’s go…” he said pagkatapos ay hinawakan niya ang aking palapulsuhan at hinila palabas ng tindahan.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Comments are closed.