Island of Fire – Kabanata 10

April 5, 2017 By In Island of Fire Comments Off on Island of Fire – Kabanata 10

Kabanata 10
Brat

I have long realized everything I did wrong way back. The chilling pain and regrets it can give me everytime I look back made me stop thinking about it.

“Sina Mommy at Daddy?” I asked Belinda, back when everything was still simple.

Bumaba ako galing sa kwarto ko. I just woke up in another summer day with a full schedule. Ethan promised me to come here today with his friends. Isasama nila ako sa pamamasyal at doon na rin kami sa labas magkikita ni Caleb.

I stopped midstep when I saw someone on our long dining table. Sitting alone, eating silently, is our guest in our mansion.

Nagkatinginan kami ng isa pang kasambahay. Yumuko siya na tila ba alam ang disgusto ko sa nangyayari.

Since the first time I met him, my mother has been obsessed with making us a match. I don’t know if it’s mutual, though. Hindi naman nabanggit ng Mama at Papa niyang gusto rin nilang mangyari ang gusto ni Mommy. They just want a place to stay for him while their house is under renovation.

Kesyo tagapagmana daw ng isang malaking kompanya, kailangan daw pakitunguhan ng maayos at mas mainam pa kung kami ang magkakatuluyan balang araw.

My mother’s been tricked, I guess. If their company is so great, why should he stay in our mansion? Can’t they buy another one? Can’t they buy a condo unit to make him stay there instead? Should they seek shelter from others when they have the riches? I highly doubt it.

“Maagang tumulak sa trabaho,” sagot ng kasambahay.

Imbes na iwasan ang hapag ay hindi ko ginawa. Why would I do that, right? This is our house! This belongs to my grandfather and this man is a big stranger here. Why would I be ashamed of eating my breakfast on our long dining table?

Sa kabisera siya nakaupo, kung saan madalas si Dad ang umuupo. Doon naman ako naupo sa madalas kong inuupuan.

Inayos ko ang suot na roba bago nagsimulang kumuha ng makakain. He silently continued eating. I glanced at him and saw that same facial expression. Naka bihis na siya at ang buhok ay medyo mamasa masa. Without glasses, he appeared a bit intriguing.

Tahimik kaming dalawa habang kumakain. Nabasag lamang ang katahimikan nang tumunog ang cellphone ko dahil sa tawag ni Glaiza, ang girlfriend ni Ethan na matalik kong kaibigan.

“You’re awake!” salubong niya sa akin.
“Obviously. I’m eating my breakfast. Papunta na ba kayo rito ni Ethan?”

I glanced at the Riego who’s intently looking at me now as he sipped on his water.

“Yes! You should get ready! My friends are already waiting at Shangri-La. I booked an appointment this nine o’clock gaya ng gusto mo kaya bilisan mo na riyan.”
“Alright! I’m already eating, Glaiza. Just take note than mine would only include the Pearl Body Scrub, steam bath and manicure. I don’t want to spend much time there since I want to window shop, too,”

Habang nag-uusap kami ni Glaiza sa kabilang linya ay may lumapit na isang bodyguard kay Radleigh. Nalingunan ko sila at medyo nakuha ang pinag-usapan.

“Sir, aling sasakyan ang gagamitin mo? Ang madalas na ginagamit ni Ma’am Zari ay iyong Subaru. Ang iba po ay wala nang gumagamit.”
“H’wag na. May sasakyan ako sa garahe. Iyon madalas ang ginagamit ko kapag papasok.”

Hindi ko nasundan ang sinabi ni Glaiza nang narinig ko iyon. Oh he has a car!

“Ah! Sige po…” at umalis na ang aming bodyguard.

Hindi pa ako natatapos sa pakikinig kay Glaiza sa kabilang linya ay sinulyapan ko itong muli. I caught him lazily drinking coffee while staring at me. Hindi ko mawari kung anong mayroon sa mga mata niya. Tila nanunuri at naninimbang iyon.

Binaba ko ang kubyertos at agad na sinenyasan ang kasambahay na iligpit na ang aking pagkain. Tumayo ako at walang imik nang umalis sa hapag para makaakyat sa kwarto at makaligo at makapagbihis na ng maayos.

“Hindi ko maintindihan!” I exclaimed.

Si Belinda at Rosarya, dalawa naming kasambahay, ay nasa aking kwarto. While Belinda’s preparing my outfit, Rosarya’s blow drying my hair. Pinagmamasdan ko ang malawak na front yard namin galing sa aking bintana.

Nalalatagan ng kulay berdeng bermuda ang aming bakuran. The cemented two-way path for the cars is on my far right and our large black gate is about half kilometer away from the mansion proper.

Sa baba, malapit sa garahe ay ang isa sa aming mga bodyguard na parang may tinitingnan sa gulong ng isang lumang hatchback model ng isang itim na Honda. Bago pa pumasok si Radleigh ay sinuri nilang dalawa ang mga gulong.

“Ang alin, Ma’am Zari?” tanong ni Rosarya na sunod nang sunod sa ulo ko kung saan man ako lumingon.
“Why does Mom want me to like that guy? She said mayaman daw ito! Na kailangan namin ang kompanya nila?” I laughed mockingly. “Sila yata ang kailangan ang kompanya namin! Look at his ride? I mean… who rides that to school?”

Parehong dinungaw ni Belinda at Rosarya ang bintana para makita ang pagpasok ni Radleigh sa lumang modelo ng Honda. And when the engine started, like a wind, he made it past the line up of trees until I couldn’t see it anymore. Nakita ko rin sa malayong gate namin ang pagdating ng sasakyan ni Ethan.

“Baka hilig niya ang ganoon, Ma’am Zari?” si Rosarya.
Ngumiwi ako. “I doubt it! I lean more to the reason that they can’t afford a good four-wheel drive! Aside from his reason of being here is an unacceptable excuse, his old Honda is just another unacceptable excuse for a ride given that he’s supposedly a rich man’s son! Hindi ko maintindihan kung bakit gusto ni Mommy na gustuhin ko ang lalaking iyon! Hmp!”

Pinasadahan ko ng daliri ang aking tuyo nang buhok at nagmartsa na patungo sa aking kama kung nasaan ang susuoting damit.

“Have they gone mad!? If they wanted me to marry for business’ sake, they should have chosen someone with a better background!”

Nagmamadali na akong magbihis. Final touches of perfume and some subtle gold jewelries and I’m done. Bumaba ako ng grand staircase kung nasaan ko nakita si Glaiza na nag-aantay. Ethan must be in our library.

“Let’s call Ethan now, shall we? I can’t wait for some Spa!” sabi ko pero bago ko pa natapos ay tinampal na ni Glaiza ang aking balikat.

Her skin, like mine, is as creamy as milk. With jet black hair and eyes, red lips, she smiled at me innocently.

“Bakit galing dito si Rai Riego?” she asked.

Wow! That’s one surprising question. Did she notice him while he’s heading out of here? Hindi ko alam na ganoon siya ka agaw pansin gayong magmumukhang kliyente ni Daddy ito sakay ang isang lumang Honda! And oh, does she know him?

“Kilala mo siya?” tanong ko at nagtaas ng isang kilay.

Luminga-linga siya na parang nag-iingat para walang makarinig.

“Are you kidding me? He’s the best student of his batch sa Engineering! He’s a scholar-”
“A nerd in other words!” Humalikipkip ako.
Tinikom ni Glaiza ang bibig niya at tinapunan ako ng naghahamong tingin. “I understand that you still have that kind of opinion now. You’re just fifteen. But you did not answer my question. Bakit siya galing dito?” Makahulugang ngiti ang ipinakita niya sa akin.
“He’s staying here while their house is under renovation. His parents went abroad, too.” Nagkibit ako ng balikat.
“How long will he stay here?” Luminga ulit siya.

Luminga din ako at nang nakitang parating si Ethan ay tinapik ako ni Glaiza sa balikat para pigilan ako sa pagsagot sa huli niyang tanong.

“Tapos na ang prinsesa!” Ethan smirked at me.

His arms snaked around Glaiza’s waist and then he gave her a quick peck on her cheek. Hinalikan siya pabalik ni Glaiza bago tuluyan na kaming tumulak paalis ng mansyon.

I don’t get it. When Ethan went out with his guy friends and we’re in that Spa, panay ang atake ng tanong sa akin ni Glaiza at ng mga kaibigan niya.

“He’s staying in your house!?” ang bestfriend ni Glaiza ay halos daganan ako habang kami’y nagrerelax sa jacuzzi.

Balak ko sanang umidlip pero hindi ata iyon posible dahil lahat sila’y nakatingin sa akin.

“Well, yeah.”
“See?” Glaiza said in a proud tone.
“Oh my God, Zari! Crush na crush ko ‘yan!”

Umirap ako. These are the eighteen years old girls. Am I so behind that I don’t get how they want their boys to be?

“I don’t get it!” iling ko. “He’s not attractive. He has eye glasses! Sira ba ang mata niya? Sira sa kakabasa ng aklat? Does he party? Shop? Does he have male friends? Or does he spend his time inside their library to read? Speaking of, do they have a library at home?”
Ngumiwi ang tatlong magkakaibigang mas nakakatanda sa akin. They seem disappointed with my opinion of Radleigh. “Well, he’s a scholar! Mataas ang mga scores niya at medyo studios.”
“And he’s so attractive, mind you! He’s so tall! Like those models from a men’s magazine!”
“Whoa! Hold your horses, Ate! That’s an exaggeration!”
“Oh my God! I have long dreamt of him to dance with me during our prom! College na siya noon!”

Pumikit ako at dinama ang tubig. It’s so ridiculous to hear them become crazy over someone I don’t really like. Patuloy sila sa pag-uusap tungkol kay Radleigh, kung saan pinakawala akong pakealam. Even Glaiza gushes over him!

And I thought that I’m with the right friend circle since we share the same likes. Oh well, siguro nga’y ganoon talaga.

After spa, we went out to have lunch somewhere in Fort Bonifacio. Nagkasundo rin kami na pagkatapos mag lunch ay magsho-shopping na sila. And of course, that’s my favorite part!

Gabi na nang umuwi ako. Alas otso y media to be exact. Mom called Ethan and Ethan explained that we were out. Hindi naman nagreklamo si Mommy dahil kasama ko naman si Ethan at iyong mga kaibigan niyang babae. Caleb’s also with us when we ate and shopped so I guess it’s okay.

Hinatid ako ni Caleb sa bahay. Pagkatigil sa harap ng aming front door ay nagkatinginan kaming dalawa. He smirked and then looked at my lips. I gave him a swift kiss on the cheek before opening the shotgun’s door.

He chuckled at my sudden move tapos umiling.

“When are you going to make us official?” he asked.

Umirap ako at humalukipkip.

“Can’t you wait?” sabay ngiti ko.

Lumabas galing sa aming bahay ang iilang bodyguards at kasambahay. The doors behind clicked. Pati na rin ang trunk. Ang mga pinamili ko’y naroon. Pagkapasok pa lang ng gate ng mansyon ay sinabi ko na sa guard na magpapatulong ako sa paghahakot nito patungo sa kwarto ko.

“Fine!” natatawang sabi ni Caleb sabay tingin sa mga kumuha ng mga gamit.

I turned to the maids who got at least five paperbags each.

“Ayusin n’yo ‘yan, please. That’s fragile,” sabay turo ko roon sa pinamiling dalawang Cartier Watch at limang Michael Kors na pang-araw-araw ko sana sa susunod na taon.

Kumaway ako kay Caleb sa huling pagkakataon at sinundan na ang mga naunang naghakot. They opened the door and went inside. Pumasok din ako at nakita si Radleigh sa sala na may binabasa. Nagkalat din sa lamesa ang iilang libro. Behind his eye glasses, he stared at me like he knows my deepest secret.

Nagtaas ako ng kilay at patuloy sa pagmando sa mga kasambahay.

“Please, Belinda, be careful with that! Those are Jimmy Choos!”
“Sorry po, Ma’am.”
“Rando! Ikaw na ang magdala noong pinamili kong sun glasses at baka mabasag pa iyon ni Rosarya!” sabay muwestra ko sa iba paakyat ng hagdanan.
“Hija, where have you been?” Dad’s voice echoed above.

Oh! They’re here?

Tumingala ako at nakitang pababa na si Daddy galing sa grand staircase. Meanwhile, Mommy looked at all the paperbags and boxes our housemaids and guards are carrying.

“Zariyah!” she reprimanded.

Daddy hugged me and then I kissed his cheek.

“You’re home early. Akala ko ba may meeting kayo sa Tagaytay?” tanong ko, naaalala ang nasabi sa akin noong isang araw.
“Bukas pa iyon. Pinostpone ko,” si Dad.
“Zariyah!” Mommy’s hysterics were still evident.

Panay ang titig niya sa mga ilan pang grupo ng paperbag na dala ng mga umaakyat na kasambahay.

“What did you buy?” tanong niya.
“Do I have to enumerate it, Mommy? Sa dami, tingin mo maalala ko?” I smirked.

She looked unpleased. I pouted. Binibigyan naman nila ako ng pera pero hindi ko alam kung bakit tuwing nagsha-shopping ako’y nagagalit si Mommy. Dad’s fine with whatever I do!

She stopped one housemaid at kumuha ng isang paperbag. Nagkataon pang iyong Michael Kors watch ang naroon. Well, at least it’s the cheap ones.

“Five fashion watches?” manghang sinabi ni Mommy. “For what?”
“For everyday use? One for each weekday?”

She sighed and closed her eyes. Hinagod ni Daddy ang kanyang llikod.

“Hindi ba kakashopping mo lang last week? As far as I remember, you bought three Marc Jacobs watch! What was that for, then?”

Huminga ako ng malalim. Sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong tumayo si Radleigh. Not wanting to deal with what my Mom just asked, nilingon ko si Radleigh na ngayon ay hinahagilap ang kanyang mga gamit sa malapad na coffee table ng sala.

I felt the sudden embarrassment that I’m being scolded in front of him.

“I’m sorry, Radleigh…” bumanayad ang tono ni Mommy nang harapin niya ito. “I know you’re not used to these-“
“It’s okay, Tita. Wala pong problema,” sagot niya sa isang seryosong tono.

Our eyes met and briefly it stayed like that until Mom started her litany again.

“You’re only fifteen! Hindi ako nagrereklamo kapag gumastos ka pero h’wag naman ‘yang sobra sobra! I bet you did not even wear all your previous watches yet! And what are these?” sabay turo niya sa mga papasok pa lang na house maids.
“Clothes!” katwiran ko.
“Oh! Geoffrey, your daughter has bought the whole mall!”
Tumawa si Daddy. “Hayaan mo na. Alam mo namang ‘yan lang ang katuwaan niya-“
“Katuwaan? Zari, umakyat ka sa kwarto mo at mag-usap tayong dalawa!”

Iyon lagi ang eksena tuwing tingin ni Mommy ay nasobrahan ako sa pamimili. And like always, her litanies are the same. Ang kaibahan lang ngayon, may nadagdag.

“Hindi ka ba nahihiya kay Rad? He’s studying hard to earn his name! Even without his parents, he’s behaving well. Pero ikaw?”
“Mom, I don’t have school this summer whatever I’m doing is just natural.”
“At hindi ba sinabi ko sa’yong pakitunguhan mo ng maayos si Radleigh? You two barely talk! And instead, you were seen with Caleb again today!”

I rolled my eyes to the ceiling. Like always, I would let it all pass ear to ear.

Days passed, iyon lagi ang eksena sa bahay namin. Tuwing umaga, kami ni Radleigh ang nasa dining area, tahimik na kumakain. I don’t talk to him and he doesn’t talk to me either. He’s cold and I’d rather eat silently than converse with him.

“Ano?!” bewildered, I turned to my side just to check if our driver’s just kidding.

Ngunit nang wala akong nakitang ni isang palapit na sasakyan sa akin ay natanto kong seryoso nga ito sa sinabi!

“Sorry, Ma’am, pero emergency na tinawag ako ni Madame Lana. Ang sabi niya’y may ipapapunta raw siya diyan. Schedule kasi ng maintenance ngayon noong Subaru at itong BMW ang dala ko para kunin siya galing sa Cavite.”
“Then tell the driver she asked to make it fast!” I exclaimed. “Kanina pa ako rito, Manong. Ang dami kong pinamili at h’wag niya sabihing magtataxi ako! People die everyday because they ride public utility vehicles.”

Nilingon ko ang mga pinamili ko sa aking likod. Apat ka tauhan ng mall ang nakasunod sa akin dahil sa mga dala ko. Narito na ako ngayon sa basement, expecting my driver and bodyguard to be here but they are not. Kung sana’y narito lang si Caleb ay hindi na sana ako nahihirapan. Dumating pa kasi iyong kapatid niya galing ibang bansa.

Why did I think about shopping today, anyway? Actually, I didn’t! Naisip ko lang na magpakulay ng buhok at nang matapos ay napadpad sa mga boutique at heto na naman.

“Sige, Ma’am, bibigyan na lang kita ng numero ng kukuha sa’yo,” sabi ni Manong. “Kayo na lang po ang mag-usap.”
“Fine! Make it fast! I want to go home!”

Pinatay ko ang tawag para makapag-antay sa driver na kukuha sa akin. I glanced at the four men behind me.

“Magtaxi ka na lang, Ma’am?” sabi noong isa na siyang may dala noong dalawang box ng sapatos na binili ko.
“Hindi na. Someone is coming to get me. Our other car is free, so…”

Tumunog ang cellphone ko hudyat na naiforward na ni Manong ang cellphone number ng kukuha sa akin. He forwarded only the digits without a name, not that it matters to me.

Diretso kong tinawagan iyong numero at dalawang ring ay sumagot naman ito.

“Hello? Where are you?” I asked impatiently.
“You’re at the entrance or the basement?” the other line asked.

Napatingin ako sa cellphone ko bago nilagay muli sa aking tainga. Sino ba itong driver na ito? The cold baritone of his voice gave me chills.

“Nasa basement! Please, make it fast! I’m starving! I want to eat pasta in a near restaurant!” Humalukipkip ako.
The voice on the other end chuckled. His baritone filled my ear and I felt a bit dizzy.
“Hello?” kuryoso kong tanong nang bigla kong namataan ang paparating na sasakyan.

The familiar black hatchback Honda came swiftly. Oh. Wait!

Binaba ko ang cellphone ko at bahagyang nanlamig. Nilingon ko ang mga lalaking nagdadala ng aking mga pinamili. Tinapunan nila ako ng nagtatakang tingin.

“Iyan na po ba ang sasakyan ninyo?”

Embarrassed, I couldn’t even get myself to look at the coming car. I heard it’s engine roared near us and I couldn’t even glance at it. Narinig kong bumukas at sumarado ang pintuan ng kanyang sasakyan. Nakatingin ang mga may tauhan ng mall sa lumabas doon sa sasakyan.

“Are you done shopping?” His voice was so low and husky na tila ba gabing gabi na.

Huminga ako ng malalim. Damn it! I’ve got no choice! With distaste, I looked at him and his car in front of me.

“Yup!”
“Saan po namin ilalagay itong mga pinamili ni Ma’am, Sir?” tanong noong may pinakamaraming dala.

Hinagod ng tingin ni Radleigh ang aking mga pinamili. Ngumuso siya at binuksan ang pintuan sa likod ng kanyang sasakyan.

“Here…” iminuwestra niya sa loob ang aking mga gamit.

Naka linya’y isa-isang pinasok ng mga tumulong sa akin ang aking mga pinamili. Nanatili naman akong nakahalukipkip doon sa labas, tinitingnan ang kanyang sasakyang sa bawat pasok ng pinamili ko’y umuuga. Ni hindi ko na namalayan ang ngiwi ko habang tinitingnan iyon.

He glanced at me. Tumuwid ako sa pagkakatayo. Radleigh’s wearing a black t-shirt and a dark blue jeans. Although, he looked clean, he looked to simple and plain compared to Ethan’s group of friends.

“Our drivers?” tanong ko.
“Naubos. Dala ng Daddy mo sa Ilocos,” he said.

Damn it!

Bumunot siya ng isang itim na wallet at kumuha roon ng pera. He tipped the four men who helped me carry my things.

“Salamat po!” sabi nila sa kanya bago umalis.

Tiningnan ni Radleigh ang likod ng kanyang sasakyan na punong puno ng mga pinamili ko. And then he turned to me…

“You never really learn, huh?”

Umirap ako. I don’t remember us talking at home but I know what he meant. Sa ilang beses niya nasaksihan ang galit ni Mommy sa lahat ng ginagawa ko’y hindi na surpresa ito.

“I need these. For the coming school year!” giit ko at pinasadahan muli ng tingin ang kanyang sasakyan.
“Really? You need that much perfume to go to school?” Mukhang nakita niya ang isang bag na puno ng bagong pabango.
“Well, it’s my collection.”

Umiling siya. He looked at me with disappointment in his eyes and then opened the door of the shotgun.

Nagkatinginan kaming dalawa habang nanatili siyang nakahawak sa pintuan ng kanyang sasakyan. Hindi ako gumalaw kahit na alam kong pinapapasok niya ako roon.

“Wala bang available na sasakyan sa bahay? Na iba?”

Kumunot ang noo niya at binitiwan ang pintuan ng kanyang sasakyan. Nagkibit ako ng balikat.

“Well, your car is old. Baka tumirik pa ‘yan habang bumabyahe tayo. May mga dala pa naman akong mamahaling gamit. And I also want to eat pasta near BGC.”

Umiling siya. Lazily, he held the door open again.

“Then, get in my car,” sabi niya.

Horrified, I looked at the car again in search of a better opinion but I found none.

Matalim niya akong tinitigan na para bang may krimen akong ginawa. His eyes without his glasses looked more soulful and deep. Kaya naman mabilis ko ring iniwas ang tingin ko sa kanya.

“Just call at home and ask the remaining guards to pick me up here instead. Ipasok mo na lang sa bahay lahat ng pinamili ko.”

He sighed. His deep-set and brooding eyes bore into me like daggers. Tinikom ko ang bibig ko at nag-iwas muli ng tingin pero lumapit siya sa akin. Dahan-dahan na ang tanging naririnig ko ay ang bawat yapak niyang mabibigat.

“Get in the car or I’ll leave you here,” hamon niya.

Nag-angat muli ako ng tingin sa kanya, only to close my eyes a bit and look at the other way.

“Well, you may if you just contact the guards…”

He smirked. The kind that isn’t taking any bullshits. Sinarado niya ang pintuan ng shotgun at umikot na siya sa kanyang sasakyan!

Napakurap-kurap ako. Something about him told me that he’s not tolerating any of my whims. Hindi ko matandaan kung kailan ako natakot na tototohanin ang kahit anong parusa sa akin. Sa bahay, puro galit lamang ni Mommy ang nararamdaman ko. Pero bukod doon, wala nang iba pang parusa na nakakapagpaabala sa akin.

“Wait!” sigaw ko ngunit hindi niya na ako narinig.

He turned the engine on and then the car slowly went on.

“Hey! Wait!” sigaw ko, kinakabahan.

He wouldn’t leave me, right? My Mom just asked him to come here and pick me up!

Pero nag nakita kong tuloy-tuloy na itong lumayo ay mas lalo na akong kinabahan! Tinakbo ko ang distansya hanggang sa bumagal ang Honda sa pagtakbo. Bumaba ang bintana ng frontseat at nakataas ang kilay niyang sumalubong sa akin.

“Ano ba?!” sigaw ko, medyo hinihingal.
“Get in or I’ll leave you,” hamon niya.

Humugot ako ng hininga at tiniis na lamang ang pagpasok sa loob ng sasakyan niya. Naupo ako sa front seat at agarang nagseat belts.

Lazily, he pushed the gearstick and the car advanced again. Bukod pala sa luma iyon, wala pang tint. Kitang kita kami galing sa labas.

“Oh damn it!” mura ko nang tumigil ang sasakyan dahil sa traffic palabas ng basement at may nakita akong kaklase sa kabilang sasakyan.

I even saw her look twice at the car I’m in! Siguro’y hindi makapaniwala na sakay ako sa ganitong klaseng sasakyan!

Yumuko ako sa dashboard, making his car appear without someone on the front seat.

“What are you doing?”
“Just… go!” utos ko.

The car moved a bit. Siguro’y traffic pa. Sinilip ko ang kaklase ko sa isang Benz at nakitang titig na titig siya sa bandang front seat nitong sasakyan nI Radleigh.

“Damn it! Bakit ba kasi ganito ang sasakyan mo?” reklamo ko habang nakayuko.
He chuckled. “What’s the problem with my car?”

Oh great! Hindi niya alam!

“I thought your family is rich? Dapat ay bumili ka ng maayos. What is this? Your lolo’s? Third hand or fourth hand?”

Hindi ko siya nakikita dahil patuloy akong nakayuko. I felt the car advanced more, probably freeing us from the basement pero hindi pa ako umahon dahil baka nariyan pa ang sasakyan noong kaklase ko.

“My family is rich. I am not,” simple niyang sinabi.

I ignored what he just said. Mas seryoso ako ngayon sa pagtatago kesa kahit ano pang bagay.

Lumiko ang sasakyan at bahagya na akong umahon. Oh… well… wala na siguro?

“One spaghetti, please,” sabi ni Radleigh nang bumaba ang bintana ng sasakyan.

Inayos ko ang buhok ko at luminga linga kung nasaan kami. It’s a fast food chain for kids. I wonder why we’re here?

He paid for whatever he bought. Umandar ulit ang sasakyan at kinuha niya ang inorder na kung ano. Nakalagay iyon sa isang paper bag.

Nagulat na lang ako nang nilapag niya iyon sa aking hita.

“What is this?” I asked, a bit shocked.

Lumiko na ang kanyang sasakyan at nakihalo na sa mahabang traffic ng Makati.

“Your pasta?” may panunuya sa kanyang boses.

Nalaglag ang panga ko at binuksan ang kartong lalagyan para tingnan kung ano talaga iyong binili niya. It’s a fast food spaghetti!

“I don’t eat this,” agaran kong sinabi.

Ngumuso siya.

“Mahigpit na utos ng Mommy mo na iuwi kita bago mag alas otso. You’re disobeying your parents and I can’t let you break their rules again just because you want to eat somewhere far. Isa pa, wala akong dalang pera. ‘Yan lang ang pasta na kaya kong bilhin.”
Mangha ay tiningnan ko siya. “Did I ask you to buy me one? I didn’t. I have my own cash. I can buy it!”

Bumaling siya sa akin. His shivering eyes struck me a bit. Tinikom ko ang bibig ko.

“Traffic. Kapag may pupuntahan pa tayo, mas lalo tayong matatagalan.”

Pinandilatan ko siya at sinarado ang kartong lalagyanan noong spaghetti. The backseat is full so I’ve got no choice but to just make it stay on my thighs habang bumabyahe.

“The resto is just near. Besides, my parents aren’t home. They won’t know unless you tell them…” I murmured habang nakatingin sa labas.
“Anong sinabi mo?” parang kulog ang baritono niyang boses.

Kahit na alam ko’y normal lamang iyon sa kanya ay halos mapatalon parin ako.

“You’re not just a rule breaker, huh? You can also lie?”

Natahimik ako sa sinabi niya. Tinitigan ko siya. Ang isang kamay niya’y nakahawak sa manibela habang natatraffic kami. Gumagalaw lamang bawat sampung segundo. Ang kaliwang kamay ay nakatuko sa baba ng bintana. He’s playing with his lips, looking at the cars in front like it is his passion.

“It’s a harmless lie. I just want to eat.”
“Can’t you eat that?” he glanced at me a bit.
“I don’t eat fast food.”

He sighed and continued driving. I guess he’s so annoyed that he doesn’t want to talk.

We got stuck on a very heavy traffic. Inaatake ng amoy nitong fast food pasta ang ilong ko at nagugutom lang ako lalo! Sana pala kumain na lang ako kanina habang nagsha shopping!

Tumunog ang cellphone ni Radleigh at agad niya iyong sinagot.

“Hello, Tita. Yes, I got her, po…”

Nagkatinginan kami.

“We got stuck in traffic… Okay. No problem.”

Pinatay niya ang cellphone at binaba ulit sa ilalim ng stereo.

“Anong sabi? Sana nagtanong ka kung pwede ba tayong pumunta muna sa restaurant?”
“You think we can get past this easily? Nahimatay ka na sa gutom kung pupunta pa tayo sa restaurant na tinutukoy mo!”
“Tss…”

Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko habang natatraffic kami. I keep on shifting while my stomach is growling.

“I’m so hungry…” sabi ko habang tinitingnan ang binili niyang pasta.

Ayaw ko man ay medyo gutom na talaga ako. Hindi ko maalala kung kailan ako huling nagutom ng ganito!

“Huh! I am so starving…” reklamo ko medyo umiiyak na at hinahawakan ang tiyan.

Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko siyang nakatingin sa akin.

“Eat the food I bought,” he ordered.
“But I don’t want fast food!” giit ko ng padabog.

Nagkatitigan kami. His lips twitched like he’s hiding an amused smile. Ipinapakita ko naman sa kanya ang pinaka depressed kong mukha.

“You’re pretty, too bad you’re a brat.”

Bumaling siyang muli sa kalsada at pinaandar muli ang sasakyan.

“What did you say?” tanong ko kahit na narinig ko naman.

His lips remained twitched. Hindi ko mapigilan ang paninitig doon. Kamuntikan nang mawaglit sa isipan ko ang gutom ko kung hindi lang pisikal na sumasakit ang tiyan ko.

“I hate you…” I murmured.

Kinuha ko ang paperbag sa dashboard at binuksan iyon. Binuksan ko ang karton ng pasta at nagsimula nang imix iyon sa sauce. Sinulyapan niya ang ginagawa ko kaya bumaling ako sa kanya habang nagmi-mix ng spaghetti.

“This is what you made me eat? A cheap, unhealthy, fast food!” sabay ikot ko sa tinidor at subo ko ng isa.
“You can eat your pasta when we get back to your mansion. We need to go home before eight, like how I promised your mother.”
“I want the way they cook it in that restaurant!” giit ko habang kumakain parin noong binigay niya.

Sumulyap muli siya sa akin. He smirked when he saw my full of his fast food pasta.

“E ‘di aralin mo para sa bahay ka na lang magluto. And you’ll save money.”
“I don’t know how to cook!”

Umawang ang bibig niya at kahit ganoon, nakatingin siya sa mga sasakyan, nakikita ko ang multo ng ngiti sa kanyang labi.

“What a brat…” he whispered.
“Why? Do you expect all girls to know how to cook?” iritado kong tanong habang tinutusok iyong hotdog.

I admit it. This fast food is satisfying. O talagang gutom lang ako?

“Girls should know how to cook and do the household chores. Even when they don’t really do it always.”

Wow!

“From where you came from, probably. That’s ancient!” I said in a mocking tone. “The twenty first century women work. They have no time to do the household chores and I’m on of them. My goal is to work professionally in my own chosen field. Wala na akong magiging time sa pagluluto at paglilinis ng bahay.”

Hindi ko na namalayang papaliko na pala kami sa mansion. I was so engrossed at explaining myself.

He chuckled. “Twenty first century women are independent. They might not have enough time to do the household chores, but I’m sure they know how.”

Tinigil niya ang sasakyan sa tapat ng aming pintuan. He turned to me. Kumunot ang noo ko lalo na nang nakitaan ko ng panunuya ang kanyang mukha. Tumaas ang isang kilay niya at bumaba ang mata niya sa aking labi.

“And you speak like you’re a woman. You’re just a little girl.”

Inangat niya ang isang kamay patungo sa gilid ng aking labi. Iniwas ko agad iyon kahit na huli na ang lahat. Nahawakan niya na iyon.

“I’m not!” I insisted.
“You are. It’s so clear from here…” bumaba ang tingin niya sa aking dibdib.

Namilog ang mga mata ko. Nagtaas siya ng kilay at pumungay ang mga mata niya nang tiningnan ako.

“You pervert!” sigaw ko.

He laughed mockingly and removed his seatbelts.

“How can you say that when there’s just nothing to fantasize about, huh?”

Uminit ang pisngi ko ng sobra-sobra. Sinundan ko siya ng tingin pagkalabas at pagkabukas ng pintuan sa likod. A smirk is plastered on his face as he helped the housemaids carry everything inside our house.

Damn it! I hate this man! I will never like him! Ever!

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Comments are closed.