Jonaxx Stories https://www.jonaxx.com Jonaxx Stories Official Website Sun, 22 Oct 2017 12:14:38 +0000 en-US hourly 1 http://wordpress.org/?v=4.2.18 What Lies Beneath The Sand – Kabanata 40 https://www.jonaxx.com/what-lies-beneath-the-sand-kabanata-40/ https://www.jonaxx.com/what-lies-beneath-the-sand-kabanata-40/#comments Sun, 22 Oct 2017 12:14:38 +0000 https://www.jonaxx.com/?p=1667 Kabanata 40
Worth Living

Tanaw ang marahang sikat ng araw sa malayo at ang malawak at kalmadong karagatan, binaba ko pa ang katawan ko para tuluyang malunod sa asul na dagat. Kabado ako ngayon. Zamiel did not waste another time for our marriage. Gumawa siya ng oportunidad na makasal kami rito sa Costa Leona gamit ang kapangyarihan ng pamilya at ng mga dokumentong natapos namin sa Maynila.

With only a few trusted people watching us sign a legal contract that will bind us together, he did not dare tell even Senyora Domitilla about it. Iniisip niya kasing matatagalan ito dahil gugustuhin pa ng matanda ang engrandeng handaan.

Not that he didn’t want that, anyway. He wants our wedding grand but he won’t let another week pass by without marrying me so he did it his way. Tuloy parin ang kasal namin sa Maynila, iyon nga lang hindi alam ng lahat na kasal na kami dito pa lang.

Inangat ko ang daliri ko kung saan naroon ang kulay gintong singsing na napalilibutan ng diamante, our wedding ring.

I remember how this finger was once enveloped by an engagement ring. Bumaling ako sa kabilang parte ng tanawin, sa mga buhangin ng Costa Leona, kung saan ko huling nakita ang singsing na iyon.

I did not mention it to Zamiel. It is time to forget about the painful past and look forward to the future. Anyway, he’s given me a better promise. Better than what we had years ago.

Hindi ko nga lang maiwasang maalala ang unang tibok ng bata kong puso noon. That even with my rational mind, I still fell for someone out of reach. Even when I know he’s not for me, I still couldn’t stop myself from hoping for us.

Kasama pa noon ang regalo niya sa akin. Isang kuwadro ng guhit naming dalawa. A scene at this very place with us two in the background… where it all started.

Nanatili ang mga mata ko roon hanggang sa nakita ko si Zamiel sa taas ng hagdanan. He leaned on the concrete bannisters before he decided to go down.

Sumama ako sa trabaho ng ilang araw. Ngayon, pinili niyang huwag na muna akong isama dahil bukod sa gagabihin daw ng husto ang mga tauhan, uuwi pa ang kanyang Mama at Papa ngayon. Plano na rin naming sabihin sa kanila na nagpakasal na nga kami noong nakaraan. I can imagine Senyora Domitilla’s reaction.

Wearing a white v-neck t-shirt and a dark maong pants, with his usual brown boots, para akong ibinabalik sa dating buhay naming dalawa. Napaisip tuloy ako kung ano nga ang nangyari kung kami talaga ang nagkatuluyan noong una pa lang.

Yumuko siya nang nasa buhangin na at pinulot ang aking tuwalya. Umahon ako at naglakad pabalik sa dalampasigan para salubungin siya.

Umihip ang hangin. Halos manginig ang likod ko nang naramdaman ko iyon. Sumayaw ang kanyang buhok dahil sa hangin, and for the nth time, I find him more attractive and mysterious than ever. Ang kaibahan lang… ngayon… alam kong… akin siya.

His soulful and ruthless eyes is all on me. Wala rin siyang kahit anong ekspresyon kundi pagseseryoso habang tinitingnan akong umaahon. And even when I married him, I still don’t understand why my heart is jumping up and down thinking that he’s watching me with only a white bikini on me.

His eyes burned a bit for a moment. Humakbang siya palapit sa akin, tila hindi kuntento sa pacing ng lakad ko patungo sa kanya. Nang nakalapit ay agad niya akong niyakap gamit ang tuwalya.

“You got bored?” tamang hula niya.

Buong araw akong walang ginagawa. Abala ang lahat sa pagdating ng mag-asawang Mercadejas. Kabado ako habang tinitingnan ang lahat na abala roon kaya bumaba na ako rito para makapagswimming.

“Slightly. Tapos na ang trabaho?” tanong ko.

He nodded.

Naupo kami sa sarong na dala ko kanina. Nilapag ko iyon sa buhangin kasama ang iba ko pang gamit. He looks so out of place here on the shore. Jean-clad and with his boots, iba sa madalas nakikitang suot ng mga taong nasa dalampasigan. But this is their land and he just got home from work, and it is my normal sight of him since the very beginning.

Pinagdikit ko ang mga binti ko, takot na baka mabasa ang kanyang maong. Kahit nakapagpunas sa tuwalya ay medyo basa parin ako.

He positioned himself behind me. I’m in between his thighs, bilanggo ng kanyang mga binti. Nagulat ako nang hinatak niya ako palapit pa sa kanya. Sinadya ko pa namang gawan ng distansya sa takot na mabasa pati ang damit niya.

“Mababasa ka, Zamiel,” I warned.
“My parents just boarded their flight…” sabi niya, balewala ang warning ko.

Tumuwid na lang ako sa pagkakaupo para hindi na tumama pa ang basang tuwalya sa kanyang dibdib. Inayos ko pa ang tuwalyang nakagapos sa aking katawan para hindi talaga siya madampian ng basang tela. He effortlessly pushed my chest back dahilan ng pagtama muli ng basang likod sa kanyang dibdib. Dinagdagan niya pa ng lalong pag kulong sa mga binti ko. I feel like a small animal lured and imprisoned by a wild beast.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya, suko na sa gusto niyang mangyari pero nag-aalala parin na mabasa siya.

“Hindi pa natin nakausap ang Mama at Papa mo tungkol sa kasal. What if they don’t agree with it?”

Hindi ko alam bakit hindi ko na inisip ang reaksyon ng Mama at Papa ni Zamiel tungkol sa amin. Pakiramdam ko ay ang mahalaga lang ay ang opinyon ni Senyora Domitilla. And since the old lady highly agrees with it, everything is fine. Ngayong pauwi ang Mama at Papa ni Zamiel dito, ngayon ko lang natanto kung gaano ka nakakatakot iyon.

“Does the opinion of other people still matters to you? They won’t throw a party years ago if they didn’t like you, anyway,” si Zamiel.
“Iba ‘yon. They think I was the one promised for you, Zamiel.”

Natahimik siya. Ang kaliwang kamay niya ay hinagilap ang aking kamay. Binitiwan ko ang lupi ng tuwalya para matanggap ang kamay niya. My heart is beating so wild as I watch him leisurely kissing my ring finger like it’s his most fragile possession.

“You are the one promised for me,” he whispered.

Ngumuso ako para pigilan ang ngiti. I know he’s speaking figuratively. Like someone out there promised us together. Like the Maker of colors, the Master of the seas, the Ruler of worlds.

“And you promised yourself to me. Naniningil lang ako, Astherielle.”
“Your parents think we’re just engaged. Hindi kasal. Ibig sabihin, kung ayaw pala nila sa akin, may paraan pa para-”

Natigilan ako sa kalagitnaan ng pagsasalita nang nakita ko kung ano ang ginagawa niya. Tutok ang isang pamilyar na singsing sa parehong daliri kung nasaan ang gintong singsing namin.

Namilog ang mga mata ko at nalaglag ang panga. Bakit nasa kanya?

Tuwing naiisip ko ito, akala ko nasa kailaliman na ng buhangin. Na gaya ng panahon at ng batang pag-ibig, naibaon na ito. Na gaya ng kahapon, kailangan ng kalimutan upang makapagsimula na ng bago.

Now that I am seeing it here, slowly sliding on my ring finger, I couldn’t help but remember how true all my promises were. Na kahit pa lokohin ko ang sarili ko, na hindi iyon totoo at ginawa ko lang lahat ng iyon para sa pera at sa kagustuhang mag-aral, nananaig parin ang patunay na totoo ang bawat salita, haplos, at halik ko sa kanya.

Tears pooled in my eyes. Zamiel kissed me below my ear then he whispered…

“Wala ng paraan pa. You are engaged and married to me.”

I am so lost for words. He smirked even when I saw his eyes blur in slight pain from all the happiness we’re feeling. Parang repleksyon lang ng naluluha kong mga mata ngayon.

“S-Saan mo ‘to nakuha?” nanginginig na boses kong tanong.

His eyes traveled on my body. I twisted a bit when I asked him that question kaya bahagya ring gumalaw ang aking tuwalya. He snaked his arms on my waist para maayos ang tuwalya at matabunan ang katawan ko. Balewala talaga sa kanya kung mabasa man siya o hindi.

“Saan mo ‘yan iniwan?” he said in an accusing tone.

Kinagat ko ang labi ko nang naalala iyon. But then how did he know about it?

“Ibabalik ko sana ‘to sa’yo bago ako umalis noon, ‘di ba? Inisip ko baka gusto mong ibigay kay Daniella. You refused to accept it so I had to do it…”
“You really think it is that easy for me to accept another girl after you, huh? That’s yours. And stop talking about Daniella. Away natin ang nangyari noon, stop dragging other people’s name.”

Gumaan ang puso ko sa hindi malamang dahilan. I chuckled. Tinitigan ko ang mga singsing sa daliri ko. I can imagine another ring for our wedding in Manila. I’m sure Zamiel won’t take that opportunity to put another ring on me.

“Away? Away na umabot ng ilang taon?” patuya kong sinabi.
“Yeah…” bulong niya.

Ngumiti ako. I can sense that he really believes it is just a simple misunderstanding. He was just angry. And I was hopeless.

“So we really did not break up for you, huh?”
“Yes,” siguradong agap niya.

Hinawakan niya ang kamay ko. Slightly resting his arms on the sides of my arms and his elbows near mine. Pinaglaruan niya ang mga daliri ko. Pareho naming pinagmamasdan ang dalawang singsing na bumubuo sa amin.

“I never had any relationship after you…” bagsak niyang bulong.
“Did you try to have one, though?” kalmado kong usisa.
“I lost all interest for it…”

My lips twitched. His thumb is stroking my ring finger. Marahan at tila nanghehele ang kanyang bawat haplos.

“Maybe you’ve changed your sexual preferences?” sabay tawa ko.

I can feel his chest booming a bit.

“Maybe we should try and see if I have? Hmm?” banta niya sabay dikit niya pa lalo sa aking katawan sa kanya.

I felt him flinch behind me, hard and painful. Marahan ko siyang tinampal sa braso sabay tawa pero pinirmi niya ako sa kanyang katawan.

“Stop squirming or I’ll take you here,” banta niya ulit sabay gapos sa mga kamay ko.

Nagpumiglas pa lalo ako habang tumatawa. Nahulog ang tuwalya dahilan ng mabilis niyang pagkuha roon at pag yakap muli sa akin gamit ito.

“I almost forgot that you’ll like that. You won’t take that as a threat, huh?”
“Ewan ko sa’yo, Zamiel! Baliw ka ba? May makakita sa atin dito!” humihinahon kong tawa.
“You think I’m scared someone will see us?” puno ng banta ang boses niya.
“People will see me naked!” sabi ko, inaatake ang possessiveness niya sa akin.

Tumigil siya at mas lalong niyakap ako. His lips found their way to my neck. He sniffed and kissed it for a long while. Mabilis at malakas ang pintig ng puso ko. Sinusubukan kong huminahon pero mahihirapan talaga yata ako.

“Umuwi tayo ng Romblon pagkatapos ng honeymoon.”

Umirap ako dahil alam ko, sa islang iyon niya lang ako magagawan ng pantasya niya ng hindi siya nangangamba sa makakakita sa akin. Oh gosh, I should’ve realized that I have a husband so vital and full of life. Na… sobra sobra rin ang energy niya… sa kahit anong parte ng relasyon.

“Baka buntis na ako pagkatapos ng honeymoon?” sabi ko sabay tingin sa kanya.

Natigilan siya. Hindi ko alam kung saan siya nagugulat, normal naman ang sinabi ko.

“You’re not taking the pill or whatever?”
“Do you want me to?” tanong ko.
“Of course not!” he said with so much conviction. Halos galit pa nga sa akin. “I thought you were because you hated me so. You want my sex but never want my commitment.” inosente niyang dagdag.

Ang yabang din talaga ng isang ito! He really knows his strengths and he’s using it to his full advantage.

“No… I’m not taking the pill.”
“My hunch is probably right. You’re already pregnant with my baby,” sabay halik niya ulit sa aking leeg.

Tinampal ko ulit siya. Kinunot ko ang noo ko pero hindi ko mapigilan ang ngiti. Damn him and his crazy antics!

“We don’t know that! Ayaw mo bang mamuhay muna na tayong dalawa lang?” It’s a stupid question because I know from the very beginning he wanted it so bad.
“Matagal na kitang gustong buntisin, baka nakakalimutan mo?” may halong galit na sinabi niya.

Umirap ako at bumuntong-hininga na lamang. I’m hopelessly in love with all of his crazy. Natatawa na naman ako pero dahil seryoso siya ay pinigilan ko na lang ang sarili ko.

I would probably never get tired of our small conversations. Paano pa ang mga deep. Kahit siguro mga away ay matutuwa ako.

“Mabuti na lang pala talaga hindi ako iyong pinagkasundo sa’yo, kung ganoon. I won’t graduate!” giit ko.
“You will with any course you like…” sabi niya na para bang nag po-promote ng life insurance kung nagpatuloy lang kami noon.
“I’m happy with the course I studied, anyway, kaya ayos lang,” bawi ko naman.
“Hmm. Well, you can take Industrial Technology, too, so there’s nothing much to regret if we married earlier.”

Hay naku, Zamiel! Tinutulak niya talaga na maganda ang buhay ko kung ako nga ang pinagkasundo sa kanya.

“And I’ll wait till you graduate before I’ll get us pregnant,” seryoso niyang bulong.

Hindi ako nakapagsalita nang natantong baka ilang beses niyang ibinaon sa isipan niya ito. Naaalala ko pa naman noon kung paano niya pinagplanuhan ng mabuti ang magiging future naming dalawa. He’s clearly pages ahead of me in terms of planning our future. It made me so guilty. It made his pain more deep-seated. Kaya naiintindihan ko kung bakit sobra sobra ang galit niya sa akin noon.

For a man like him to commit and to plan for the future, only to be fooled with lies, is such a devastating news.

“I imagine helping you with your assignments for school. Sa condo natin ka nakatira, at araw-araw kitang ihahatid sa unibersidad na papasukan mo.”

Parang dudugo ang labi ko sa kakakagat habang iniisip ngayon na iyon nga sana ang nangyari. Somehow, thinking and dreaming about what could have been makes me happy and emotional right now.

“And you’ll get jealous with my boy classmates for sure.”
“Hmmm. Maybe?” he kissed my ear. “But you’ll kiss me and assure me I’m the only one so…”

Parang nilulukot ang puso ko habang iniisip kung paano siya umasa na ganoon nga ang mangyayari. And how many times he got so disappointed with the way I treated him just because I was a coward for a long time. I was a coward because I’m scared of the pain. The pain given by other people. The pain that I was so sure he can give me.

“B-Baka magkasuntukan pa kayo ng lalaking kaklase ko, kung sakali,” tinago ko ang nanginginig kong boses sa isang tawa.
“I don’t punch boys. Violence is for savages… Hmmm… But, I don’t like seeing you touched by any man. Kiss, more so…” he said lazily.
“Baka hindi ka rin sasaya, Zamiel. Busy ka. Busy naman ako sa pag-aaral. Your dream of a married life won’t be that happy if it happened earlier.”
“I don’t dream of a married life. I dream of being married to you. Magka iba iyon. Kaya ano ang dahilan kung bakit hindi ako sasaya, Astherielle?” seryoso niyang sinabi. “Unless you won’t be happy with me?”

Tears fell down my eyes like an overflowing stream.

“Of course, I will be happy with you!”

I squeezed me tighter. He wiped my tears with his thumb. Kahit na basa ako, ang init ng katawan niya ang nagbigay sa akin ng pansariling init. Like a home in a cold night. I didn’t feel cold at all. Naisip ko tuloy, kung ganoon din ba siya? O baka siya naman ang nilalamig dahil sa binibigay niyang init sa akin.

Inayos niya ang buhok ko. Hinagilap ang bawat tikwas na basa ay nilagay sa kanang balikat ko para lang tuluyan niyang maangkin ang aking balat sa kaliwa.

He gave me a soft kiss on the cheek where my tears were just a while ago.

“Then we will be happy…” sabi niya.
I twisted my lips again to finally tell him what I’m thinking. “Ayos lang, Zamiel. Baka hindi mo naabot ang mga pangarap mo kung tayo nga ang nagkatuluyan agad. You have your own company right now, Zamiel. You have the status and all that. Maybe that’s because of what happened between us. At kung nagkatuluyan nga tayo noon, baka lahat ng ‘yan wala sa’yo. Naabot mo lahat ng pangarap mo, kaya ayos lang.”

He renewed our entertwined fingers. Mas humigpit ang hawak niya sa akin.

“Ikaw lang ang pangarap ko, Astherielle,” he whispered valiantly.

He sighed heavily. Ganoon din ako. Tumigil na sa pagsasalita dahil pakiramdam ko sasakit muli ang puso kapag pinantayan pa ang sinabi niya.

“Whether I’ll have you earlier or later, as long as I will have you… my dreams are true…”

Ni hindi ko na namalayan ang pagpapahinga ko sa kanyang dibdib. I gave him my full weight while we sit there and watch the waves touch the shore. Gaya ng ginagawa ko sa kanya noon, tuwing sumasakay ng kabayo. Pinapaubaya ko sa kanya ang sarili ko habang siya’y tuwid na nakaupo, hindi alintana ang dagdag na bigat para sa kanya.

I cherished the silence between us. Na ang tanging maririnig ay ang alon sa aming harap at ang aming paghinga. Wala nang pangamba sa kahit ano pang magiging problema dahil alam ko, basta magkasama kaming dalawa, malalagpasan ko ang lahat.

I rested my legs a bit. Ang kanang binti ay hinayaan kong tumihaya galing sa pagkakahukod. Accidentally, his right hand fell on my thighs, brushing a my underwear a bit. I couldn’t stop myself from purring softly. Naramdaman ko ang pagbaling niya sa akin.

Uminit ang pisngi ko at bahagyang inalis ang kanyang kamay sa akin. Afraid he might realize how my mood just suddenly changed.

Nailayo ko na ang kamay niya ngunit ipinilit niya ang pagbalik. This time, he’s so bold in touching me slowly and passionately.

“Zamiel…” marahan kong sinabi.
“Shhh…” he chuckled and continued doing it.

Mas lalo lang uminit ang pisngi ko. I shut my thighs close so I can stop him but my half-hearted attempt were futile. Hawak ang kabilang binti ko, nanonood si Zamiel sa aking naliliyong ekspresyon habang patuloy na hinahagod iyon. The only thing in between his finger and my womanhood is the thin cloth of my bikini.

“May makakita… s-sa atin, Zamiel…” I warned him with a tone that’s unrecognizable.

He covered my body immediately but continued doing it like nothing’s going on. Napatingin ako sa kanya, batid kong namumungay na ang mga mata ko dahil sa ginagawa. When his finger skillfully maneuvered my undies and find its way to my naked flesh, bahagya akong napadaing.

Alam kong medyo malakas iyon lalo na dahil humalakhak siya, tuwang tuwa sa naging reaksyon ko! I bit my lowerlip to stop my screams especially now that he’s slowly teasing my folds, but never going all out.

I’m softly whimpering and curling on him. Ni hindi siya natinag sa mga pagkakayanig ko. Nanatili siyang tuwid at nagpapatuloy sa ginagawa, tila ba alam na ang lahat ng pwedeng mangyari.

His other hand slid past the towel. He teased my twin peaks alternately and even in between the wet cloth, I am so turned on for it.

“I’m crazily in love with you…” he whispered.

I rested my head on his shoulders, nawawalan ng lakas na maniubrahin ang bawat parte ng katawan. I am no longer the master of my body. It is already Zamiel! Damn!

He teased and teased my folds and my peaks until I couldn’t stop myself from moaning. Ni hindi ko na inisip na nasa pampublikong lugar kami. Ni hindi na ako nangamba pa na may makakita man sa aming kahit sino. For this time, I think we’re alone. I hoped we’re alone. I’m happy to be alone with him… in this world… always.

One touch in the bud and I was screaming and weak. A chuckle on my ear made it more intense. Tinabunan ko ang mukha ko ng mga palad para pigilan ang sigaw at ang mga ekspresyong nararamdaman ko lang talaga sa kanya.

He hugged me so tight while my body is still convulsing and shattering.

“And my only dream is to make you as crazily in love with me, Astherielle. And I’ll do it in any way…” he whispered.
“Sir?” isang sigaw galing kung saan ang nagpadilat at nagpabalik sa aking wisyo.

I immediately panicked. Kahit pa si Zamiel ay lumingon lamang sa likod na tila ba hindi big deal kung may makakita man sa amin o wala.

“Shit! Zamiel!” I whispered when I heard more voices.
“Pinapatawag na po kayo. Dumating na po si Ma’am at Sir…” sabi ng isa pang kasambahay bukod sa tumawag kanina.

Ilan ba silang inutusan at bakit parang may audience pa kami.

“Susunod na kami,” kalmadong sinabi ni Zamiel.
“Okay, po,” sagot pabalik ng mga kasambahay.

Nang nawala ang mga tinig ay nasapo ko na lang ang noo ko.

“They saw us?!” naaalarma kong sinabi.
“Nope. Don’t worry.”
“They saw us!”
“You’re facing the sea, Astherielle. They think you’re just resting on me…” he assured me pero nanatili ang takot sa isipan ko.

Nakita niya iyon sa mukha ko kaya muli siyang humalakhak.

“I won’t let them see you. Though, why does it matter anyway?”

He hugged me tight from the back. Lumilipad parin ang utak ko sa nangyari.

“We’re married. I love you,” aniya na parang iyon lang ang sagot para may dahilan ang lahat ng ginawa namin. “Stop looking guilty. It’s oaky…”
“Dumating na ang parents mo. Haharap na ba agad tayo? I probably looked like a woman who’s just got finger fucked!” natataranta kong sinabi.

He groaned. Kunwaring pagod na pinabagsak ang ulo.

“Where did you learn your foul words?”
“How do we call that? Finger loved?” inosente kong sinabi.

Isang malakas na hagalpak ang binitiwan niya. Like a beast roaring of laughter. Naistorbo yata ang kalikasan sa lakas ng ugong ng malalim niyang tawa. Uminit ang pisngi ko at tumigil na lang sa pagsasalita dahil pinagtatawanan niya na ako sa mga ideya ko.

“Oh you…” umiling siya at nagpatuloy sa pagtawa hanggang sa inangat na ako patayo.

To make things worst, hindi na talaga nag-antay pa ang parents niya na tawagin galing sa kwarto o ng hapunan. Nanatili sila sa bulwagan, naghihintay sa pagdating namin ni Zamiel. Hindi pa nakakapagbihis si Uriel at Lucianna Mercadejas. Both in all black jackets and sophisticate airport attires.

Mabuti na lang at bago pa kami makapasok ay nabigyan na ako ng bathrobe ni Petrina. Iyon lang ang suot ko habang si Zamiel ay ang white v-neck, maong, at bota. Even Senyora Domitilla looks spectacular in her long night dress.

“Is it true, Zamiel?” ang banayad at kalmadong boses ni Lucianna Mercadejas ang nauna. “You’re already married?”

All of them were very expectant of us. Nakita ko pa ang pagkakagulat sa mukha ni Senyora Domitilla. Nanlalaki ang mga mata at halos magpoprotesta na kay Lucianna. Pero nang nagsalita si Zamiel ay natapos agad ang pagtitipon.

“Magbibihis lang kami. Kagagaling niyang maligo sa dagat. Baka magkasakit siya kung matatagalan pa. Let’s talk about it through dinner.”

With a dropped jaw and an alarmed expression, this time for a different reason, Senyora Domitilla turned to us.

“So it’s true? Kailan? Civil? Why? What about the party? Church?”

Hinigit na ako ni Zamiel bago pa ako makasagot sa matanda. I heard her groaning and almost crying dramatically over it.

Kabado na tuloy ako. His parents didn’t seem pleased. Dinaluhan lang ni Lucianna Mercadejas ang matandang senyora sa huling tingin ko.

Naligo at nagbihis ako. Naghintay lamang si Zamiel sa akin sa kama. Nang natapos ako’y nakita kong kasama niya sa kama ang kuwadrang kanina lang ay nasa isipan ko.

The frame is new but the drawing and the colors inside were the same. Hinukay niya talaga ito sa buhangin, e! I know for sure!

“I buried this along with the ring in the hopes that I will bury our memories, too!” sabi ko.
“And was it successful?” nagtaas siya ng kilay.
Umiling ako.
“I’ll dig all your memories up. You won’t forget me…”

I smiled widely and jumped to hug him. Wala nang mas isasaya pa ang buhay ko kapag kasama ko siya. I don’t care if we remember everything in the past… the lies and the pain… the only important thing is whatever we will have in the future together.

“Where are we going to put it?” he asked like it’s a normal thing for us.

Luminga ako at itinuro ang isang espasyong kulang sa kuwadra. Hinalikan niya ang tungki ng ilong ko.

“Okay. I’ll put it there after dinner…”

Still so high of everything that’s happening, hindi ko na namalayan ang oras. Nakita ko na lamang na madilim na sa labas at nasisiguro kong kailangan na naming maghapunan. I made an affort to not look guilty with whatever we did back on the shore. Naglagay ako ng make up at inayos na rin ang buhok.

The awkward silence on the dining table filled us. Paulit-ulit ang iling ni Senyora Domitilla habang halos nagpapahayag ng disappointment sa ginawang kataksilan ni Zamiel.

Zamiel’s father talked first. Small talks about business. Para siguro gumaan ang tensyon. Si Kajik na nasa tabi ng Senyora ay nakikisali na rin. Lucianna, on the other hand, is boldly looking at me like I’m some puzzle she has to solve.

Nakita ko pa kung paano bumagsak ang mga mata niya sa aking mga singsing habang umiinom ng tubig.

“Son, what about the wedding plans in Manila?” her first question made me feel better.

Ang suhestyon ng sinabi niya ay tila tanggap na magpapakasal kami. I sighed heavily.

“Tuloy po iyon, Mama,” malalim na boses ni Zamiel.
“You cannot wait?” patuloy nito.
“Yes…” Zamiel said like it’s nothing.

Kajik chuckled. Uminit ang pisngi ko. Bumaling si Lucianna sa akin.

“At pumayag ka?” she asked me.

Kabado akong yumuko. Her air is intimidating. She’s screaming of class and elegance that I cannot just answer him with whatever’s on my mind.

“That your wed with him without a party and a proper dress?” she voiced out her concern.
“I’m… okay with anything simple, Madame,” agap ko.

She withdrew her intense look. Binaling niya naman ito ngayon sa anak.

“I’m not,” si Zamiel naman. “Kaya nga magpapakasal kami sa Maynila. I just want to do… it… immediately.”
“Well, it is not yet late to celebrate, Lucianna. Let’s just prepare for a party tomorrow,” si Uriel Mercadejas naman iyon.
“That’s a good idea, anak! Iyon nga ang gagawin natin! I have to plan it out now and call our friends!” nagbalik muli ang interes ni Senyora sa sinabi ng anak.

Nakita kong ngumiti at tumango si Lucianna Mercadejas. Then she looked at me with a smile on her face.

“Astherielle, you have to understand that the wedding of my son shouldn’t be simple like what you’re content of. With all the things that happened between you two, I don’t understand why you’re fine with a simple ceremony.”

Bahagya akong natawa para sa aking sarili.

“Madame-”
“And it’s not Madame… or Tita. It’s Mama for you.”

Hindi ko na naipagpatuloy ang sasabihin sa gulat sa sinabi ni Lucianna Mercadejas. Sumimsim siya sa kanyang kopita, nangingiti.

“Through the years, I know I’m a good judge of character. I deeply regret how I let my sons marry the woman we chose for them. Kabilang iyong pagkakasundo ko kay Zamiel kay Daniella. But I judged you poorly after the news of you fooling us for a million,” sabi nito.
Ngumiti ako. “Totoo po iyon. I lied for money dahil hindi ko po alam na mayroon na ako noon. Pinagkaitan po ako ng edukasyon. Pakiramdam ko po na pera ang kailangan ko para makalaya at makapag-aral.”

She nodded cooly like she already knows that. Naramdaman ko ang marahang palupot ng braso ni Zamiel sa aking baywang.

“I know. I’m sorry to hear that. I never want to break my promises to anyone. Even to those who are hated. Or to those who have wronged us. I cannot break my promise to Matilda…” aniya.

Napawi ang ngiti ko sa pahayag. Pakiramdam ko alam ko na kung saan ang tungo nito. Napabaling ako kay Zamiel na ngayon ay namumungay ang mga matang nakatitig sa akin. Like nothing could ever go wrong even when his mother is telling us she can’t say no to Tita Matilda.

“Pero hindi ang anak ko ang nangako kay Matilda. Ako ang nangako kaya ako ang hindi tutupad. My son is free to break my promise and credibility as long as it is for his happiness…”

My mini heart attack faded. Ngumiti si Lucianna Mercadejas. Isang tila bulong na halik ang iginawad ni Zamiel sa akin. Assuring me from all my doubts and fears. I smiled genuinely.

“I know he will love you that way, anak… despite the flaws, and the pain you gave each other…” she said, directed on me.
“Even more than that…” Zamiel murmurred.

Huminga ng malalim si Lucianna Mercadejas, tila nanghihinayang sa pag-ibig na kayang ibigay ng anak sa akin. My heart hurts because of the words from my mother-in-law.

“Yes, Zamiel…” tila may pahiwatig na alam niya ang kakayahan ng anak. “May you both love each other that way,” baling niya sa akin.

Akala ko kanina, nang naibigay ni Zamiel ang singsing at ang kuwadrong simbolo ng mga alaala, sakit, at kasinungalingang ibinaon ko dati sa buhangin ng Costa Leona, iyon na ang pinakamasaya sa lahat. Nagkamali ako.

Mabilis akong tumango. Pinigilan kong tumulo ang mga luha. I smiled and nodded crazily because I definitely will… love him more than that!

Mas may isasaya pa pala sa araw at buhay na ito.

And it is to realize that we have to be loved and accepted, not by everyone, but by ourselves. I now accept all my mistakes and flaws in the past. Wala nang ibabaon pa sa limot dahil lahat ng iyon naging dahilan para maging ganito ako ngayon. Lahat ng pagkakamali ay naging aral.

A life worth living is a life of truth and acceptance… of oneself… of your reality… and of the people you love. This is the life I intend to live with Zamiel from this day on.

]]>
https://www.jonaxx.com/what-lies-beneath-the-sand-kabanata-40/feed/ 0
What Lies Beneath The Sand – Kabanata 39 https://www.jonaxx.com/what-lies-beneath-the-sand-kabanata-39/ https://www.jonaxx.com/what-lies-beneath-the-sand-kabanata-39/#comments Sun, 22 Oct 2017 12:13:12 +0000 https://www.jonaxx.com/?p=1665 Kabanata 39
Years

I’m lucky I did not have to see the end of it. Bago pa tuluyang masugod ni Zamiel si Judson, umalis na ito. Angry, Zamiel tried to run after him. Kung hindi lang ako pumagitna para pigilan siya ay nagkagulo na siguro.

Ni hindi ko maalala kung ano ang mga sumunod kong ginawa. Mabilis ang naging mga pangyayari. Ni hindi ko na napanatag pa si Daphne noong panay ang hingi niya ng tawad. She quickly realized what happened. I don’t blame her, though. Hindi niya na kailangang magpaalam kapag si Zamiel naman ang papasok.

I bit my lower lip. Tahimik kami sa loob ng sasakyan niya. Hindi niya pa pinapaandar ito kahit na tatlong minuto na kami rito sa loob. Ayaw ko ring umalis na kami.

“Zamiel, I’m s-sorry,” nanginig ang labi ko.

Mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa manibela ng sasakyan. Diretso ang tingin niya sa labas at seryoso. I don’t know how to explain it to him, I just know that I need to.

“Friends lang kami ni Judson. Iyong nakita mo kanina, wala lang ‘yon.”
“Wala lang ang halikan?” nilingon niya ako.

I want to take it lightly. Like tell him that it’s just a swift kiss but I know it’s wrong. Pwede ko ring gawing dahilan na dapat hindi siya magalit dahil mag-aasawa lang naman kami para sa pangalan pero hindi ko magawa. Who am I fooling, anyway?

“No… I mean…” napalinga-linga ako, baka sakaling makahanap ng tamang salita.
“You mean what?”

My mind went blank. Hindi ko alam paano ieexplain sa kanya ng mabuti ang lahat.

“You didn’t push him away. You let him kiss you and now you tell me that’s nothing?” he accused me.

I let Judson kiss me because I thought it’s the right thing to do. He was furious and broken because of the things I didn’t tell him. Akala ko tamang paraan ang hayaan siyang humalik. Now, I know it isn’t. And that’s not because Zamiel caught us!

“You like him?”
“N-No!” agap ko.
“Bakit mo hinayaang halikan ka-”
“Zamiel, it’s just my way of farewell to him since I’m getting married to you-”
“That’s fucking bullshit!” malutong niyang sinabi.

Kinagat ko ang labi ko at agad na narealize kung gaano kamali ang nasabi ko.

“I’m not attracted with him, Zamiel,” desperada kong paliwanag.
“When you said goodbye to me, many times, I remember you didn’t kiss me at all. Sinabi mo iyon ng diretso. Why is he treated differently?”

I really have nothing to say. Kung meron man, takot na akong magkamali. Lalo na ngayong nagagalit na rin ako sa sarili ko dahil sa mga binitiwan kong salita.

“Tsss…” he sighed heavily.

Mas lalo pang humigpit ang kapit niya sa manibela. Pakiramdam ko paaandarin niya na ang sasakyan at wala nang aasahan pang eksplenasyon galing sa akin.

With all my guts and might, inipon ko iyon para sabihin ang tatlong salitang dapat matagal ko nang binanggit sa kanya.

“I love you…” sabi ko habang nakapikit.

I perfectly know how wrong it is to say that as of the moment but I have no other words to say. Unti-unti akong dumilat para makita ang reaksyon niya.

Awang ang labi, nakatingin siya sa akin. Nang nakabawi ay agad niyang tinikom ito. I saw a ghost of a smile pero parang guni-guni ko lang iyon. Kunot noo niyang iniwas ang tingin sa akin. Nanatili ang kanyang mga mata sa harap. His lips rose a bit and the engine of his car roared to life.

I just said “I love you”. Narinig niya ba iyon? Bakit wala siyang imik? Bakit parang hindi niya narinig?

For a few moments, nanatili akong nakatitig sa kanya habang siya ay nagmamaneho. I saw him serious and almost furious while driving. Ni hindi ko na alam kung nasaan na kami o pinapauwi niya na ba ako. Kung gusto niyang huwag na muna akong umuwi, ayos lang sa akin. Sa condo niya na ako matutulog sa gabing ito.

Kabado ako. Sa byahe, hindi ko parin alam kung ano ang reaksyon niya. Base sa ekspresyong nanatili namang galit, hindi ko na siya ginambala pa.

I just know that he stopped talking and accusing me so something might be up? O baka nag-iisip pa siya kung maniniwala ba siya sa akin gayong lahat ng ipinakita ko ng nakaraan ay taliwas sa sinabi ko ngayon.

“I’ll email you your ticket for tomorrow. Maaga ka bukas,” aniya at naramdaman ko ang pagbagal ng sasakyan.

Napalinga ako at nakitang nasa bahay na ako. Hinatid niya ako sa amin at wala na kaming pinag-usapan pa kundi iyon.

Wala sa sarili akong lumabas ng kanyang sasakyan. Nilingon ko siya para tingnan ang ekspresyon niya pero nanatili siyang seryoso at ang mga mata ay nasa kalsada.

“Uh, h-hindi ka ba sasama bukas sa Costa Leona?”
“I have an important meeting.”

I know, right? Isa pa, kompanya ko ito kaya dapat mas maging responsable ako. This should not be his first priority. Kahit na inasahan ko iyon, parang may gumuho sa akin. Ngumuso siya.

“I’ll be there in the afternoon with the team. Mauna ka na roon.”

Parang may umilaw sa utak ko pagkasabi niya noon. Pupunta siya! I could not hide my happiness. Pero ilang sandali ay muli kong naalala ang katahimikan niya.

Nakatayo na ako sa labas. HIndi ko na sinasarado ang pintuan ng kanyang sasakyan para humaba pa ang oras. Baka lang may nakalimutan siyang sabihin. O baka may dapat pa kaming pag-usapan.

My phone rang. Sa ingay nito, pakiramdam ko naiistorbo ang kabahayan. Natagalan pa ako sa paghalukay sa bag ko para mahanap iyon at noong nakita ay pinutol ko agad ang tawag. Regardless of who’s calling. And in this case, it’s Jud. I am not in the mood to talk to him. Hindi lang dahil kaharap ko si Zamiel ngayon.

Lumunok ako at pinasok ulit ang cellphone sa bag. Pagkabalik ng tingin ko kay Zamiel, nakita kong sinundan niya ng tingin ang cellphone ko, nagkakasalubong ang mga kilay. He sighed heavily. Nang nagkatinginan kami ay hindi ko nakayang titigan siya pabalik. Iniwas ko ang tingin ko dahil masyado akong guilty.

Tumunog ulit ang cellphone ko para sa isang text. Bumaling si Zamiel sa harap at tinagilid ang ulo. He renewed the engine’s life.

“Good night,” bilin niya.

Mabilis ko namang sinarado ang pintuan bago niya pinaandar ng mabilisan ang sasakyan.
“T-Take care!” napasigaw ako para marinig kahit pa lumayo na at umalis.

Pinagbuksan siya ng gate. Walang pag-aalinlangan niyang pinaharurot ang sasakyan. Bumuntong-hininga ako. Ilang sandali pa akong nanatili roon, hindi makagalaw sa dami ng iniisip nang bigla akong nakarinig ng halakhak.

I instantly know who it was. I turned around lazily so I could get to my room but Daniella’s smirk is the first thing I saw.

“I know what happened today,” aniya. “Did you call off the engagement already?”

Umirap ako at nagpatuloy sa pag-akyat. Wala akong panahon makipaglokohan sa kanya. Hindi ngayong nagkakabuhol-buhol pa ang isipan ko.

“Pinagpalit mo agad si Zamiel sa madungis na iyon?”

Madungis?

“Buti hinatid ka pa niya? Oh, the gentleman in him. He’s probably thinking of calling off your engagement now after you’re seen kissing that dirty man in your office?”

Saan niya nakuha ang balitang ito? Is she calling Judson dirty? Not that anything matters to me as of the moment. Tama na ang pag angkin ni Zamiel sa lahat ng iniisip ko. Hindi ko na kayang bigyan pa ng puwang ang ibang bagay.

“Naroon sa sala si Judson, kausap ang Auntie mo. He shared to us what happened in your office. Yuck! Ang pangit ng pinalit mo kay Zamiel, Ace.” She laughed hysterically.
“Ace…” si Jud sa likod ni Daniella, kadarating lang galing sa loob ng bahay.

I groaned inwardly. I don’t know if I can handle them right now. Daniella talking shit… and Judson… whatever he wants here.

Nagkatinginan ang dalawa. Tensyong namagitan dahil mukhang narinig yata ni Jud lahat ng sinabi ni Daniella pati ang pangmamaliit nito. Napakagat labi si Daniella at napaatras, medyo nakitaan ko ng takot nang matindi ang titig ni Jud sa kanya. Nagpatuloy naman ako sa pag-akyat sa hagdanan, pagod para sa ano mang sirko na handog ng dalawa.

“I’m sorry for what happened,” panimula ni Jud nang ‘di pa nilulubayan ng tingin si Daniella. Sa huli ay bumaling ito sa akin.

Tumango ako. I truly accept his apology. It’s also my fault, anyway. I let him kiss me. But honestly, I don’t have time to talk about it right now.

“Naiintindihan ko ang gusto mong iparating sa akin. Ginawa ko lamang iyon dahil gusto kong-”
“It’s okay, Jud…” mariin kong sinabi at tumigil sa pag-akyat para masabi ang tunay na hinaing. “I understand, too. I don’t blame you. Gusto ko na lang magpahinga sa ngayon. Gabi na… pwede ka ring dito na matulog. Marami kaming guestrooms-”
“Ace, I’m really sorry.”
Tumango ako. “Yes, I know. I’m not ending this right now because I hate you.” I smiled. “Pagod ako at may gagawin pa ako bukas. Pasensya na rin at hindi ko mapauunlakan kung gusto mong pag-usapan pa iyon. Wala na sa akin iyon. Kasalanan ko rin. Kaya kalimutan mo na…”

Walang nagsalita sa dalawa. Dumiretso na ako papasok sa bahay at patungo sa aking kwarto.

Buti na lang, hindi naman ako ginulo nino man. Though before I went inside my room, I heard Auntie Tamara inviting Jud to sleep here instead. I also heard Daniella’s protest. Sinarado ko ang pinto ng kwarto at hinayaan nang datnan ng antok.

Alas dose y media ay gising parin ako. Hindi ako nakaramdam ng kahit anong pakiramdam kundi ang kaba lang. Lalo na noong natanggap ko na sa aking Email ang ticket ko para bukas.

Tuloy-tuloy ang pasok ng sasakyan sa mansion ng mga Mercadejas kinabukasan. Pagkalabas ko ay muli kong naalala ang kauna-unahang naramdaman ko pagdating ko rito noon.

Ang kulay berdeng mga dahon sa taas ng mga puno ay lumalagaslas dahil sa malakas na ihip ng hangin. The brown birds chirped on their nests. Ang mga pula, kahel, at dilaw na mga bulaklak na namumukadkad sa mga halamang naging haligi ng buong propyedad ay ang tanging matitingkad na kulay roon. The rest were greens, browns, and dark reds.

“Hija!” halos umulyaw ang boses ni Senyora Domitilla Mercadejas pagkalabas sa bulwagan.

The rest of her househelps went out to see me, too. Una kong nakita si Mercedita, ang kanilang mayordoma. Sunod ay isang mas may edad na Petrina. Nanlaki ang mga mata ni Petrina at halos nalukot ang mukha sa pagpipigil ng damdamin nang makita ako. Napatakbo pa siya patungo sa amin.

“How’s your flight?” sabay beso ni Senyora Domitilla.

Her warm welcome reminded me of years back, when the same treatment was given to me. She expected me to be Zamiel’s fiancee. Now, I am here, too, as Zamiel’s fiancee.

“Ayos lang po,” sabi ko sabay tingin kay Petrina.
“Hello po, Miss…” Daniella, sa isipan kong dugtong.
“Hi, Petrina. It’s nice to see you again.”

Nalukot ang mukha at hindi na nakayanan ang damdamin. Niyakap niya na ako ng walang pag-aalinlangan. Ngumiti si Senyora at binigyan kami ng iilang sandaling katahimikan. At the back of my mind, inisip ko ang muli naming pagkikita ni Petrina at ng mga taong narito. Pero hindi ko kailanman naisip na magkakatotoo nga.

“Masaya rin ako, Miss. Akala ko talaga hindi na tayo magkikita ulit!”

Bumitiw siya at pinunasan ang mga luha. Napangiti ako. She aged a bit. Mas naging mature sa mukha pero sa pangangatawan ay halos parehas lang.

“You’ll have plenty of time catching up with her, Petrina. Mabuti pa, ayusin mo ang kwarto niya sabay sa paghatid ng mga bagahe.”
“Sige po, Senyora!” ganadong balik ni Petrina.

Pinanood ko siyang nagmamadaling bumalik sa bahay. Their other househelps greeted me, too. Si Mercedita ang nagpakilala naman sa mga bago. Pagkatapos noon ay naiwan ulit kami ni Senyora na mag-isa patungong bulwagan.

“Nga pala, hija, I’m wondering why Zamiel did not travel with you?”
“Ah. May meetings pa po kasi siya.”
“Oh, though, iyon nga pero nasabi kasi ni Uriel sa akin na medyo mainit daw ulo niya sa meeting ayon sa sekretarya. Naisip ko lang… k-kung… may problema ba sa inyo?” nag-aalinlangang sinabi ni Senyora.

Tiningnan ko lang ang bawat yapak ko. Hindi ko alam kung ikukwento ko ba kay Senyora o hindi. Though it is better if our problems will be just in between us.

“Alam mo kasi, hija. Hindi sa nanghihimasok ako pero kilala ko ang apo ko. I could not admit this to myself before but right now I’ve come to realize that he’s been so uptight for years after the failed engagement. Kaya alam ko na problema n’yo lang ang makakapag-init ng ulo niya.”

Nag-angat ako ng tingin kay Senyora. Umiling agad siya.

“But you don’t have to tell me about your problems. Just know that I’m here whenever you need someone for it, okay? Magpahinga ka muna, hija at tutulong ako sa paghahanda sa ilan pang darating na bisita.”
“Sige po.”

Hinayaan niya naman akong umakyat sa dating kwarto. Petrina is so happy to guide me back to my usual room. Walang pinagbago ang kwarto bukod sa inayos pa ang mga muwebles at pinintahang muli ang mga haligi.

“Naaalala mo ba noon, Miss? Dito rin po ang kwarto n’yo noon! Sobrang saya ko nang sinabi ni Senyora na engaged na ulit kayo ni Sir Zamiel!”

Naupo ako sa kama at pinasadahan ng tingin ang bawat bagong muwebles na naroon. Binalik kong muli kay Petrina para mangitian siya.

“Oo…”
“Grabe ang iniyak ko noong umalis ka! Ayaw na ayaw namin kay Ma’am Daniella! Feeling! ‘tsaka papansin kay Sir Zamiel!”
Ngumiti ako.
“Hindi nga iyon pinapansin ni Sir, e. Pero ‘yon lang, medyo suplado rin kasi si Sir nun…” patuloy niya sa kwento.

Nakinig pa ako, kung hindi lang natigil dahil sa isang marahang katok. The door creaked open and I saw who it was.

“Sir K-Karius!” medyo nanginig ang boses ni Petrina nang nakita si Kajik sa pintuan.

Tumayo ako at agad na sinalubong ang dating kaibigan. I cannot ignore the changes in his physique and even his expression. Ngayon, pakiramdam ko mas hawig niya na si Zamiel, mas seryoso at mas madilim. Even so, I know that he’s the same Kajik I know years ago so I was real confident to attack him with a hug.

He chuckled when I hugged him tight.

“Welcome home! Pero pinayagan ka ba ng kapatid kong mangyakap ng ibang lalaki?”

Bumitiw ako at nginitian na lamang si Kajik. His face darkened and his eyes became more menacing.

“Kumusta ka na? Sabi ni Zamiel, you’re already married!” I pointed out.
Napawi ang ngiti niya. Tanging ang madilim na mga mata ang natira. “Why don’t we talk about your upcoming marriage, instead?”

I tilted my head at that answer. Parang may kung ano. He didn’t deny it. I thought Zamiel was bluffing, I guess he wasn’t. But Kajik doesn’t want to talk about it either.

“Or magpahinga ka muna. Kadarating mo lang, ‘di ba? Nasa baba ako mamaya magkita na lang tayo roon. I’m sure you miss riding horseback?”

It’s a hint na ayaw niyang pag-usapan iyon kaya tumango na lamang ako.

“Okay. Magpapahinga lang ako saglit at magbibihis na rin. Bababa ako pagka tanghalian.”

Iyon nga ang ginawa ko. Umalis si Kajik at naiwan kami ni Petrina sa kwarto. Ikinwento ni Petrina lahat ng nangyari sa nagdaang panahon na wala ako. Lahat ng mga detalye tungkol sa pakikipagsapalaran ni Daniella na makuha ang mahal na atensyon ni Zamiel.

Naligo ako at nagpatuloy siya sa katatalak sa kwarto. But I never heard her mention Kajik’s wife or even his wedding. I’m curious but I know I shouldn’t meddle with things.

“Hmmm. Dito rin ba nakatira ang asawa ni Kajik, Petrina?” tanong ko sa kalagitnaan ng mga kwento niya.

For the first time since we met again, she stopped talking without effort. Hirap siyang magsalita. Torn between wanting to answer my question and now wanting the question itself.

“Nevermind…” agap ko.

Bumaba kami para sa tanghalian. Si Senyora at Kajik lamang ang kasabay kong kumain kaya nakumpirma kong hindi yata rito nakatira ang asawa ni Kajik. Hindi na rin ako nakiusyuso pa. Especially that Senyora Domitilla is already talking about my wedding.

“Did you choose a gown already? What about the date, napag-usapan n’yo na ba ni Zamiel?”

Napainom ako ng tubig sa mga binatong tanong ni Senyora. Nakapili na ako ng gown. Sa date, wala pa kahit na preparado na ang mga dokumento namin ni Zamiel. Or maybe Zamiel changed his mind after last night? Parang may gumuho sa puso ko nang naisip ang posibilidad na iyon.

“Hija?” medyo kabado rin ang tanong ni Senyora.

Napatingin ako kay Kajik na ngayon ay umiinom ng tubig habang tumitingin na rin ng seryoso sa akin.

“Pag-uusapan pa po ulit namin ni Zamiel ‘yon.”
“Bakit? Hindi ba kayo nag-uusap? You see each other everyday, right?”

I saw Petrine in front of us looking worried. Binaba ni Kajik ang inumin at ngumisi na.

“Nag-away kayo?”

Huminga ako ng malalim. Hindi ko alam kung kukumpirmahin ko iyon o hindi.

“Break up, perhaps?”
“No way!” agap ni Senyora. Naalarma sa suhestyong sagot ni Kajik.

Hindi ako nakasagot. Now Senyora looks so worried.

“I mean…” kinalma ni Senyora ang sarili. Napainom na rin siya ng tubig at ilang sandaling nag focus sa kanyang paghinga.
“Misunderstanding lang po…” sabi ko para maibsan ang kaba niya.

Kajik chuckled. Sumulyap siya sa bintana kaya napalingon na rin ako. I saw a few drops of rain outside. Umiling siya.

“Nga pala… I promised we’d go horseback but it’s raining a bit. We’ll do that when the rain stops, is that okay?”
Tumango ako.

Hindi na muli nagsalita si Senyora. Kabado ito sa misunderstanding namin ni Zamiel kaya si Kajik na lamang ang nagkwento. He’s here for a vacation. He has a condo in Manila but he’s very busy with so many things kaya hindi kami nagkaroon ng pagkakataong magkita roon.

I suddenly wonder if his wife is in his condo? Hindi ba sumama rito? Busy ba? Pero nagbabakasyon siya kaya dapat natural na kasama niya ang asawa?

We resumed our talk on the terrace. Umuunti ang patak ng ulan pero habang umaambon pa ay pareho kaming hindi willing na mangabayo. Lagpas ala una ay panay na ang tingin ko sa gate para sa darating. Si Senyora ay naging abala sa handaan para sa mga inhinyerong isasama ni Zamiel rito.

“I highly doubt you’re marrying my brother for the company,” biglang sinabi ni Kajik.
Uminit ang pisngi ko. Sa huli ay bumuntong hininga, sumuko sa kahit ano pang pagtanggi.
“Or you made him believe you’re marrying him for that?”
I chuckled mockingly. “He can’t be that dense to realize that, right?”
“Realize what?” medyo gulat na tanong ni Kajik.

Magkapatid nga talaga sila. Did he expect me to agree to marry someone just for the company? Oo, kailangan ko si Zamiel para sa kompanya pero sa dami ng nangyari, kung hindi ko siya mahal, hindi ko siguro maiisip na pakasalan siya.

“That you’re marrying him because you love him?” he sounds a bit surprised at that.
Makahulugang tingin lang ang binigay ko kay Kajik.
“Damn, woman! You’re probably showing him mixed signals. I heard you pushed him away last time. Mahal mo naman pala?”

Wow. He’s updated.

“That’s a different story. Your grandma didn’t want me for him. What choice do I have?”
“Your choice. Hindi naman si Lola ang magdedesisyon kung ikaw nga ang pakakasalan ni Kuya.”

Napaangat ako ng tingin sa kanya. Nag-iwas naman siya at binaling ang atensyon sa baso kahit pa nagpapatuloy sa pagsasalita.

“Maybe you’re not showing my brother much about your real feelings. That’s sometimes the cause of misunderstandings…”

Wow. Wait lang… May problema ba siya sa marriage niya. Imbes na isatinig ang mga iniisip ay lumingon na lang ako sa gate. He’s right, though. I don’t show Zamiel much about my feelings. Kaya ba kahit na sinabi ko na kagabi ay tila hindi siya naniniwala? O wala man lang reaksyon? Baka naman napagod na siya sa akin?

“They’re here…” Kajik declared when we both saw their van entering the gates.

Napatayo ako roon. Nakita ko rin ang isang pick up sa likod ng van. Pakiramdam ko’y sila na nga ito.

Thye househelps lined up, something usual in this mansion. Tumayo na rin si Kajik para salubungin ang pagdating mga bisita. Nagkukumahog na rin akong sumunod, kabado at umiinit na ang pisngi.

“We’ll horseback when the rain stops, okay?” si Kajik nang nakitang medyo lumakas muli ang ulan.

Iilang kasambahay ang lumabas para magbigay ng payong sa mga lumabas sa van. May tatlo naman doong may dalang tuwalya, kung sakali sigurong basa ang mga bisita. Si Senyora Domitilla naman ay nasa harap, ngiting ngiti para matanggap ang mga bisita.

Para akong nakalutang sa anticipation at kaba. Nilingon ako ni Petrina, isa siya sa may hawak ng tuwalya. Nilakhan niya ang mga mata niya kaya lumapit pa ako sa bukana ng bulwagan upang makita ang paglabas ng mga panauhin.

Some of them were wet. Iilang inhinyero namin ang bumati sa akin. Pero naghanap ang mga mata ko kay Zamiel na kabababa lang sa pick-up at medyo basa rin. He refused the offer of umbrellas and pointed one of our engineers without it. Tumakbo siya patungong bukana at walang pag-aalinlangan kong kinuha ang tuwalya na hawak ni Petrina.

“Welcome home, hijo! Pasensya na at noong tumulak ang mga sasakyan ay hindi pa umuulan kaya hindi nakapaghanda…” si Senyora kay Zamiel na sa akin naman ang titig.

My heart is beating so fast and loud. Lalo na noong nagtungo na ako sa kanya para punasan ang tubig ulang nanuot sa kanyang balat at buhok.

“Welcome everyone! I’m so glad you’re all here. Feel at home, gentlemen…” bati ni Senyora at binalewala na kami.

Kahit na hindi naman siguro, pakiramdam ko’y nanonood sa amin ang lahat. Zamiel’s eyes bore into Kajik and then back to me. Nanatili na iyon sa akin hanggang sa makalapit ako. My heart is tingling with so many sensations. Pakiramdam ko ay pinipigilan kong huminga ng mabilis at malakas kahit pa kailangan ko iyon sa sandaling iyon.

Pinipigilan ko rin ang lakas ko sa bawat dampi ng tuwalya sa kanyang pisngi at leeg. Pinipigilan kong maghuramentado sa harap ng nakatingin at sa harap ni Zamiel na nakatitig lamang sa akin.

Sinalubong ko ang patak ng ulan sa dulo ng kanyang buhok. Naramdaman ko ang init ng kanyang balat ng bahagyang dumampi ang aking daliri sa kanyang leeg. I blushed furiously when I realized what I’ll do a few seconds from now. Pagkatapos kong marahang mapunasan ang kanyang mukha ay tumingkayad ako para maabot ang kanyang labi.

I gave him one sweet kiss before proceeding with what I’m doing.

“How’s your flight?” I asked confidently like nothing happened.

Fuck!!!

“Fine. Yours?” he said huskily.

Tumindig ang balahibo ko sa lalim ng kanyang tinig. I can sense the tension and his internal fret.

“Fine, too. Kumain ka na?”

Para akong mahihimatay kahit sa simpleng tanong ko lang! Ni hindi ko siya matingnan kahit na siya ay nanatili ang tingin sa akin. Mabuti na lang at inaabala ko ang sarili ko sa pagpupunas sa kanyang dibdib.

“Yes. You?” he asked back.
“Tapos na rin,” sagot ko at natantong wala nang ibang maitatanong pa.

Tumango ako at biglang napanghinaan. Binaba ko ang tuwalya at bahagyang umatras. Bago ako makalayo ay hinawakan niya ang palapulsuhan ko. My heart jumped so hard I think I’ll have a heart attack!

“Nasa kwarto natin ang mga gamit mo?”

Sa gulat ko ay napaangat ako ng tingin sa kanya. He’s looking ruthless and forceful but deep inside, I know of his gentleness and affection. Akala ko noon, his being ruthless and vulgar are the things I will hate the most on him, pero nagkamali ako. Iyon pa ang naging dahilan mabaliw ako sa kanya.

“H-Hindi. I guess Senyora thinks it’s inappropriate because we’re not married.”

His jaw clenched. Nilingon niya ang iilang kasambahay at agad nag anunsyo.

“Pakilipat ang gamit ng asawa ko sa aming kwarto.”

Isang tingin lang ay umatras na si Petrina at iilang kasambahay para sundin ang naging utos. Senyora Domitilla, on the other hand, is busy pushing the engineers to eat another lunch kahit pa tapos na umano silang kumain.

Naging successful naman siya. Nadala niya ang mga ito sa kusina. Tinapik ni Kajik ang balikat ni Zamiel, tila pagpapaalam na maiiwan niya na kami. Lumingon muna ito sa akin.

“Horseback when the rain stops, huh?”
Tumango ako at ngumiti. Zamiel’s grip tightened. I know why. Nilingon ko siya.
“I don’t know how to ride a horse anymore. Can I ride with you instead?”

I blushed again when I realized what happened the last time we did that. Ngayon, sinabi ko lamang iyon dahil bukod sa iyon naman talaga ang totoo, ayaw kong magselos siya.

“Fine. Let’s go to our room. I’ll just change…” sabi niya at hinila na ako paakyat sa engrandeng hagdanan.

Binitiwan niya lamang ako nang nakapasok na kami sa kwarto niya. His room is a bit bigger. I don’t remember coming here in daylight kaya medyo nanibago pa ako sa looban.

Naghubad siya ng damit. I looked away from his naked back and concentrated on the room’s interior, instead. Nang nakapagbihis na siya ng bagong t-shirt ay ‘tsaka ko lang ibinalik ang tingin ko sa kanya.

Wearing a dark blue v-neck shirt, inayos niya ang kanyang buhok at naupo sa kama. In front of him is a huge mirror. Nanatili akong nakatayo malapit sa pintuan. He turned to me with serious and ruthless eyes.

His hair is messy. Medyo basa parin kasi ito kaya lumapit ako sa kanya. Sa paglalakad ay para akong lumulutang pero tiniis ko ang nararamdamang paghuhuramentado para lang maipadama sa kanya, ayon kay Kajik, ang aking nararamdaman.

Madaling maabot ang kanyang buhok lalo na ngayong nakaupo siya sa kama. Marahan kong inayos ito sa paraang gusto ko. Combing the strands with my own fingers while he’s looking up at me.

“Are you still mad at me?” tanong ko, nakatingin lamang sa kanyang buhok.

Naramdaman ko ang kanyang braso at kamay na yumapos sa aking hita para mas mahigit pa ako sa gitna ng kanyang mga binti. Hinayaan ko siyang gawin iyon kahit pa kabadong kabado ako, hindi mapakali, parang mahihimatay.

“Yes.”

Natigil ako sa pagsuklay dahil sa sagot niya. Napaatras ako ng bahagya. Naramdaman niya iyon kaya hinigpitan niya pa lalo ang yakap sa aking hita at binalik niya ako sa dating distansya.

“But I told you I love you…” sabi ko na tila iyon ang sagot sa away naming dalawa.

He groaned, his frustration very evident. Hinila niya ako pababa sa kanya. He bent my knees forcefully but gently. Napayakap ako sa kanyang leeg sa gulat. I shrieked when he lifted me up and put me down in between him. Ang magkabilang tuhod ay nasa magkabilang gilid ng kanyang baywang.

“You crazy woman. You really think I’d recover that fast after seeing you kiss another man?”

Uminit ang pisngi ko.

“And you didn’t even protest? I thought violence was for savages, I was wrong. Dahil noong nakita kitang hinalikan ng iba, wala akong ibang maisip kundi maging bayolente sa lalaking kahalikan mo!”

Kinagat ko ang labi ko.

“And what was your reason? A farewell kiss? Fuck that. You’re not doing that. Sa kaibigan man o kahit kanino.”
“I know… I was wrong, I’m sorry.”

Suplado siyang umiwas sa akin ng tingin. Ngumuso ako lalo at tinagilid ang ulo para mahanap ang titig niya pero iniwas niya lang lalo.

“I said I love you and you act like it’s nothing…”
“Tss. Paasa ka…” he murmurred without looking at me.

Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko na napigilan ang ngiti. Lalo na nang nakita kong bahagyang nag-iba ang kulay niya at tila may naiisip na kinokontrol lamang.

“You don’t believe me?!”

Umawang ang kanyang labi pero hindi siya nagsalita. Tinikom niyang muli iyon.

“Gosh, Zamiel. We fucked and all that…”

Naagaw ko ang atensyon niya. He put his index finger on my lips. Tinanggal ko agad iyon. He doesn’t want my vulgarity.

“Made love…” he corrected.

Umirap ako at nagpatuloy lamang. “…I couldn’t and didn’t do it with other man because it’s you who I love tapos ngayon, hindi ka naniniwala? Manhid ka rin ‘no?”
“You made sure I remember how much you hate me so I couldn’t forget about it easily.”
“And you think I’ll really marry you for the company, huh?”
“I don’t care, anymore. I just wanna be married to you.”

Umiling ako at natawa na lamang sa kanya. Bahala ka na nga, Zamiel! Nang nagtama ang aming tingin ay nakita kong seryoso siya. Napawi ang tawa ko. I felt his hand snaked on the small of my back. My heart pounded so fast and hard. Pakiramdam ko ay naririnig niya iyon. I don’t like how this feels. I don’t like this intimacy. It’s making me dizzy.

“Hmm. But is it true, though?” marahan niyang sinabi sa akin. “You’re in love with me.”

Bastard! Sabing oo, e! Kumalas ako sa kanya para magpaliwanag. Tumayo ako at tumalikod pero imbes na hayaan akong makawala ay hinigit niya ako pabagsak sa kanyang kandungan. I saw how hard I fell on his thighs and how tight he snaked his arms on my body. Kahit ang mga braso ko ay ayaw niyang makawala.

“You’re in love with me…” ulit niya.

Sa harap namin ay isang malaking salamin. The intensity and passion his eyes is showing off in our reflection made me dizzier. Hindi ko na kayang tumingin pa sa posisyon namin.

Hindi pa siya nakuntento nang nakitang nakakawala pa ang binti ko. He put his legs together just to trap my legs. Para hindi na talaga ako makawala ng kahit konti.

“Yeah…” I whispered.

He chuckled near my ear. Kinagat ko ang labi ko. Ang napapaos niyang halakhak ay nagpatindig sa balahibo ko.

“What happened to all those I-will-never-like-you things?”

Nagkibit ako ng balikat.

“You want to marry me because you’re in love with me, huh?” he whispered near my neck.

Nag-iwas ako ng tingin para mabigyan siya ng tamang espasyo sa aking leeg.

“Yes,” sagot ko.
“Kailan lang ‘to?” he murmurred.
“Back when I was sixteen…”

Natigil siya sa kanyang pagsinghot sa aking leeg. His embrace became tighter, tila ba wala na siyang plano pang pakawalan ang kahit anong parte ng katawan ko simula noon.

“That’s bullshit!” malutong niyang bulong.
“I didn’t lie with my feelings for you, Zamiel. Lahat ng sinabi ko, totoo. Bukod lang sa pangalan ko at sa katotohanang magpapakasal ako sa’yo. But I know we can’t be together. I was so young and-”
“Fuck! I could wait till your eighteen!” agap niya na para bang mababago pa namin ang nakaraan kung sinabi ko lang sa kanya na totoo iyon noon.
Umiling ako. “Iba ang estado natin noon, Zamiel. I’m not like you-”
“I don’t fucking care a bit of your status, Astherielle! You can be a beggar for all I know, I’d marry you anyway! Bakit sinabi mo saking nagsinungaling ka?” he said painfully.

Kita ko ang titig niya sa aking mukha dahil sa repleksyon namin sa salamin.

“So you’d push me away?” sabi ko. “Because that’s what you should do.”

Umigting ang panga niya.

“And how is your pursuit of that ambition, hmmm?” He said sarcastically. “Did you get rid of me?”
“No…”
“Damn you, woman! We lost years!”
“We have years ahead of us, Zamiel. That is what’s important,” I said in a very calm way.

Natigil si Zamiel. He sighed heavily and rested his chin on my shoulder. Hinawakan niya ang mga kamay ko bago hinalikan ang aking balikat ng matagal.

“Kung ganoon, huwag na nating patagalin pa ito. Hindi ko na kayang maghintay pa ulit.”

I bit my lower lip. His words were marked with warning and finality.

“If I can have you now, I’ll have you immediately, Astherielle. This long engagement is over by the end of the week.”

Huminga ako ng malalim.

“I’m tired of hearing Zaldua on your name when it should’ve been Mercadejas a long time ago.”

]]>
https://www.jonaxx.com/what-lies-beneath-the-sand-kabanata-39/feed/ 0
What Lies Beneath The Sand – Kabanata 38 https://www.jonaxx.com/what-lies-beneath-the-sand-kabanata-38/ https://www.jonaxx.com/what-lies-beneath-the-sand-kabanata-38/#comments Sun, 22 Oct 2017 12:12:22 +0000 https://www.jonaxx.com/?p=1663 Kabanata 38
Kiss

Surprisingly, nakatulog naman ako ng mabuti kahit pa ganoon ang nangyari. Due to exhaustion or peace of mind, alinman ang rason, masaya ako. Though I can tell it is because of the latter. When I woke up, my heart is not heavy.

Ngayon ko lang natanto na sa nagdaang mga taon, hindi ako kailanman nakaramdam ng ganitong contentment. And I’m happy to feel it today, despite everything that’s happening.

Agaran ding nawala ang katahimikang natamo ko nang paglabas ng kwarto ay naririnig ko na ang kung anong sigawan sa baba. I sighed when I realized that it is Auntie Tamara and Tita Matilda.

“Ang mahirap sa’yo, Tamara, napakaselosa mo…” tunog tudyo ang boses ni Tita Matilda roon.

Bumababa ako sa staircase habang naririnig ko ang sagutan.

“Ang sabihin mo, nanlalandi ka na naman!”

Humagalpak si Tita Matilda. “Nanlalandi? Says the whore who-“

“Tumahimik kang bruha ka!”

Iilang tili galing sa mga kasambahay ang narinig ko. I heard Renato mutter something. Tumingala ako at huminga ng malalim. Nang lumiko para sa dining area sa harap lamang ng bukanang hardin ay nakita ko sila roon.

Tita Matilda looked satisfied and happy. Si Auntie Tamara naman ay nanggagalaiti, umagang umaga. Renato is holding her arm, trying to stop her from hurting Tita Matilda. Nang nakita ako ni Tita Matilda ay agad nag-iba ang kanyang ekspresyon. Taas noo niyang tinungo ang kabisera sa kabila ng lamesa, knowing that the other one is for me.

Uminom siya ng tubig nang naupo habang sumusugod pa si Auntie Tamara. Tinuro niya si Tita Matilda at kitang kita ko ang galit nito.

“Mapagpanggap ka! Kapag nandyan si Ace, tahimik ka!”

“Anong nangyayari, Auntie?” banayad kong tanong.

Nanatili akong nakatayo malapit sa silya ko. Hindi muna uupo habang hindi pa naliliwanagan sa nangyayari rito.

“Ace, I’m sorry. It’s my fault,” si Renato.

Nilipat ko ang tingin sa lalaki. He looks regretful. Nagulat ako dahil sa pag-amin niya. How is he involved here anyway?

“I need the help so I called Renato and that’s all,” si Tita Matilda naman ngayon.

“You dirty old-“

“Tamara!” Renato’s voice thundered.

Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang tatlo. Bumaling si Auntie Tamara kay Renato. I saw a glint of anger in her eyes. Renato looks calm and weary at the same time.

“Auntie, it’s early in the morning. Kumain muna tayo,” sabi ko.

Hinawakan ni Renato ang braso ni Auntie Tamara. Binawi ni Auntie Tamara iyon at padarag na naupo sa tabi ko. Renato looked so sad and lonely for a moment. Nang nakita kong nakabawi ay naupo ito sa tabi ni Auntie. Sumulyap sa kay Auntie na nagsisimulang kumuha ng pagkain sa ekspresyong galit at iritado.

Tahimik akong naupo at hinayaan ang lahat. I still need to think about my work pero nabigo ako dahil hindi pa yata tapos ang bangayan.

“I don’t understand your problem Tamara. Tumulong lang ang mabait na si Renato sa ginagawa ko sa hardin. You are clearly over reacting…” si Tita Matilda.

Natigil ako sa pagsubo nang nakita ang pandidilat ni Auntie kay Tita.

“You really think I’m a fool for not noticing all your stupid advances on him, huh?”

Tahimik akong nagpatuloy sa pagkain habang nakikinig sa mga mararahang pasaring.

“Tamara, don’t do this in front of the-” Renato whispered.

“Wala kang pakealam kung kailan ko pipiliing gawin ito! Ang mabuti pa! Magsama kayong dalawa-“

“Auntie, what’s wrong? Can’t we chill?” putol ko.

Dumating si Daniella galing siguro sa kanyang kwarto. She looks fine though her eyes were a bit puffy. She glared at me before sitting on her supposed chair.

Okay. Ganito yata ang eksena araw-araw rito? Hindi ko mapipilit na maging maayos ang lahat pero habang hindi ko pa napagpaplanuhan ang mga susunod na gagawin ay kailangan naming magtiis muna sa arrangement na ito.

“Good morning, hija. Eat…” ani Tita Matilda sa anak.

Hindi naman umimik si Daniella. Kumuha lang siya ng pagkain at tahimik na kumain na rin.

“May pinagmanahan talaga, ‘no?” Auntie Tamara murmurred.

“Anong sinabi mo?” ngayon si Tita Matilda naman ang galit.

Hindi na nagsalita si Auntie Tamara. Nagpatuloy siya sa pagkain habang si Renato naman ay nakatitig at mukhang nawalan ng gana sa panunudyo ni Auntie.

“Look… you might be threatened. Hindi mo naman talaga siya gusto, ‘di ba? But it’s convenient to have someone like him to fulfill your worldly needs kaya wala kang pakealam. Ngayong nakikita mong may ibang babaeng nagkainteres ay ‘tsaka mo lang narealize kung gaano siya ka importante sa’yo?” si Tita Matilda.

“So you are interested with him? Kaya ba nagkukunwari kang nahihirapan sa hardin kasi alam mong tutulungan ka niya-“

“Auntie?” pigil ko ulit.

Kitang-kita ko ang naeeskandalong mukha ni Tita Matilda. She blushed.

“No. Ace!” iritadong sambit ni Auntie. “Habang tinutulungan siya ni Renato, she tried to touch his arms and his chest! Akala niya hindi ko nahuli ‘yon!”

“Oh you-“

What the hell?

“If you all don’t try to live together in this mansion then I am gonna throw someone out of here!” iritado kong sinabi.

“I’m willing to go back to my apartment, Ace. Mag-isa!” si Auntie Tamara.

Kita ko ang alarma sa itsura ni Renato. He shifted uncomfortably on his seat. Tiningnan niya ako na tila may gustong sabihin pero hindi niya masabi sa harap ng maraming tao. I nodded to acknowledge whatever it is.

“Hindi ikaw, Auntie. Tita Matilda, kung hindi mo pipigilan ang bangayan ninyong dalawa, mapipilitan akong paalisin kayo rito!”

“You can’t do that to us!” si Daniella.

“Apparently, I can. If I wish to. But I don’t!” agap ko.

Natahimik sila. Si Tita Matilda na magsasalita na sana ay tinikom na rin ang bibig.

“This house is mine. You have a share in the assets of the company but not of this house. You’re here at my mercy, my respect, and my hopes that it will soon be alright. Pero kapag patuloy n’yong guguluhin ang bahay na ito, I’d give you your fair share of assets so you could get your own house!”

“I’m willing to go, Ace. Kahit iwan na si Renato rito,” si Auntie naman ngayon na mas lalong nagpairita sa akin.

“Not you, Auntie. Settle your fight with Renato. I’m sure it’s all a misunderstanding.”

Sumulyap ako kay Renato. Nakita ko ang palihim niyang pagpapasalamat sa sinabi ko. Walang nagsalita sa kanila. Ni si Auntie Tamara na kanina lang ay mukhang maraming sasabihin.

After a few moments, the eating resumed. Nobody dared to talk about anything. Huminga ako ng malalim. Kung hindi ako magmamatigas, hindi ko makokontrol ang mga ito. I hate to say it but I feel like it is also my responsibility to stop them from killing each other.

“Good morning…” naninimbang agad ang tingin ni Zamiel nang pumasok ako sa kanyang sasakyan.

Tahimik naman ang bahay nang umalis ako pero hindi ko parin maialis sa isipan ko na kailangan ko talagang ayusin ‘to. This can’t go on like this.

“Morning,” bati ko kay Zamiel nang nakapasok na.

I saw him scan my clothes. Napatingin din tuloy ako. I’m wearing a white v-shaped spaghetti top, black pencil cut skirt and coat. He pursed his lips for a moment before he leaned closer to me for a swift and subtle kiss.

Naestatwa ako ng ilang sandali. Pinaandar niya naman ang sasakyan habang binabawi ko pa ang aking wisyo. Umagang-umaga pinagpapawisan ako ng malamig dahil sa ginawa niya. Tumikhim ako at tumuwid sa pagkakaupo.

Sumulyap siya sa akin habang nililiko ang sasakyan.

“You have a problem at home?” aniya na parang walang nangyari.

Big deal masyado sa akin ang ginawa niya pero parang wala lang naman iyon sa kanya. O baka naman agad na siyang naka adapt sa “buhay fiance” naming dalawa? Kahapon ko pa nga lang kinumpirma na payag ako sa kasal. Mabilis ding mag adjust ‘tong si Zamiel, huh?

“Bumalik na si Daniella sa amin,” sabi ko bilang paliwanag.

“And?” agap niya na parang hindi na nag-isip kung ano maari ang mangyayari kung nariyan si Daniella.

“Well, she’s a-a bit broken hearted. She’s in love with you…” maliit ang boses ko nang nasabi ko iyon.

I saw him look steadily on the street. Wala siyang sinabi kahit pa noong lumiko ulit ang sasakyan niya at dumiretso pa hanggang sa natraffic. I don’t think he’ll ever say anything about it. Sumulyap siya sa akin kaya nagtagpo ang aming tingin.

“I hope this isn’t an introduction to call this off?” he said in a lazy drawl.

Nagulat ako roon dahil iyon agad ang inisip niya. My words were caught mid air, hirap akong magsalita.

“N-No… I’m just telling you that in case…”

“In case of what? I don’t love her, if that’s what you’re trying to say.”

Ngumuso ako. “Siya dapat iyong pumunta roon sa Costa Leona, Zamiel, hindi ako. Kung siya ang una mong nakita, baka rin siya ang minahal mo.”

“I don’t think so…” he said in a hard tone.

“You want to marry someone when we met. That means you could marry anyone,” sabi ko.

“I did not want to get married until I saw you…” he said like it was nothing.

Ngumuso ako. Talaga ba? He’s a notorious playboy way back. Maiintindihan ko kung totoo ang sinasabi niya ngayon. Marriage should scare him. It will force him to be loyal, imbes na makasungkit ng marami pang babae.

“And like I would believe that? You had girls even after we were introduced! May babae ka nga sa mismong engagement party natin, e.” Umirap ako at umiling.

He smiled wickedly. Hindi na siya sumagot kaya hindi na rin ako nagsalita. See? Oh the playboy in him! Alam kong tama ako sa mga hinala ko. Sinubukan kong maging sport doon pero hindi ko magawa. Nagpupuyos agad ang damdamin ko.

Umiling ako nang nakarating na kami sa building. Isang valet ag nag-aabang para sa amin. Hindi pa nga namamatay ang engine ay binuksan ko na ang pintuan ng sasakyan para maunang makalabas. Bahagyang sumama ang umaga ko dahil sa pinag-usapan namin ni Zamiel.

“Hey…” he said lazily.

All the “good mornings” from the employees were directed at us. Iilan ay mas puntirya si Zamiel. Para bang himala na nandito siya sa building umagang-umaga. Mabilis ang lakad ko pero pagkatapos ng limang hakbang ay napabalik ako at padarag na bumagsak sa kanyang dibdib.

Uminit ang pisngi ko. People are looking at us like we bring the show. And Zamiel is very good at making everyone notice us.

“I won’t let you have a bad morning.” He chuckled.

Sumulyap siya sa valet at may hinagis dito. Hindi ako makawala dahil hawak niya ang palapulsuhan ko. Hindi ko rin matanggal ang kamay ko dahil ayaw kong gumawa ng kumosyon. Baka isipin ng mga tao na nag-aaway kaming dalawa.

When he turned to me, binitiwan niya ang palapulsuhan ko at inilipat niya ang kanyang kamay sa aking palad. Dahan-dahan ay pinagsalikop niya ang aming mga daliri sa isa’t-isa.

Matalim ko siyang tinitigan pero hindi na rin nanlaban. Nagpatuloy kami sa paglalakad sa lobby ng building.

“Good morning, Miss Zaldua and Mr. Mercadejas!” bati ng iilan nang pumasok ako sa elevator.

Ngumiti ako sa mga bumati. I caught Zamiel looking at my skirt with intense glare bago pumasok at tumabi sa akin sa elevator. Mas lalo ko rin siyang tiningnan ng masama dahil sa ginagawa niya.

His jaw clenched and slowly his hand crawled on the small of my back. He pulled me closer to him. Nagpakawala ako ng malalim na hininga at bahagyang iniwas ang sarili roon. May natitira pang inis sa pinag-usapan namin sa kotse tapos ngayo’y kung maka porma siya tila walang problema.

“My secretary will send you the files of the organizer’s suggested suppliers for our wedding. There’s a portfolio of the best wedding gown designers local and international on your desk now.”

I cannot believe him. Dito niya pa talaga naisipang pag-usapan iyan? Napapatingin ang mga tao sa amin. They probably couldn’t believe that it is really happening!

“Okay,” sabi ko para matigil na siya.

Dumantay ang kanyang kamay pababa. Ngumuso ako at nilingon ulit siya. I can only imagine our marriage! Papasok kaya kami sa trabaho kung mag-asawa na talaga kami? My goodness!

“Pick one that won’t reveal much…” pahabol niya.

An employee shamelessly smirked at us. She blushed. Napayuko naman ang iilang nakarinig din. Zamiel just can’t shut his darn mouth about it, huh!

Lumabas kami sa tamang palapag. Ang mga nasa tanggapan ay bumati agad para sa amin. I nodded and greeted them back habang panay lang ang sunod ni Zamiel sa akin. Kahit pa noong pumasok na ako sa opisina ko ay nakasunod parin siya.

Agad na umalis si Daphne. Nagtimpla siya ng kape at hinatid niya iyon pero nang nakitang kasama ko si Zamiel ay nagkukumahog nang umalis ito sa silid. Ano kayang utos nitong isang ito at bakit ganoon?

Mabilis naman ang lakad ko patungo sa swivel chair ko. Sinara ni Daphne ang pintuan. Bago pa lang ako makaikot sa lamesa ay hinigit muli ni Zamiel ang palapulsuhan ko.

“Ano ba?!” pagalit kong sinabi dahil kanina niya pa ginagawa sa akin ‘to.

Bago ko siya masimangutan ay napatili na ako. Parang bumaliktad ang sikmura ko sa takot. Napakapit ako sa kanyang braso. Walang kahirap-hirap niya akong inangat sa baywang. His massive hands maneuvered the move. Nilapag niya ako sa aking mesa, marahas na inalis ang mga dokumentong naroon.

“What the hell are you doing, Zamiel!” sigaw ko sabay tampal sa kanyang braso.

Hindi siya natinag. Imbes ay ikinulong niya ako roon. Ang dalawang kamay ay nasa magkabilang parte ng lamesa, pinapagitnaan ang aking pagkakaupo. Even when I’m already sitting on that table, hindi ko parin naungusan ang tangkad niya. Our eyes only leveled. He tilted his head cockily.

Uminit ang pisngi ko sa lapit namin at sa ginawa niya.

“Tsk tsk…” he shook his head. “My wife is having a bad morning.”

“Oo! Dahil sa’yo! Ang mabuti pa magtrabaho ka na! Marami pa akong tatapusin dito!” Iniwas ko ang tingin ko sa kanya pero hinahabol niya saan man ito magtungo.

“Masama pala ang loob mo noong may mga babae ako?”

I can’t believe he is asking me that! Sino ba ang sasaya doon?

“Bakit? Ano ba dapat ang gagawin ko kung may babae ka? Matutuwa?”

His laughter roared like thunder. Pakiramdam ko ay dinig na dinig iyon sa labas, ayaw lang pumasok ng kahit na sino para maicheck kung ano ang nangyari dahil syempre kaming dalawa ni Zamiel ang nasa loob!

My face heated ten times more because of his laughter. Tinulak ko siya pero ni isang dipa man, hindi siya magalaw.

“On our engagement day you were making out with some random chic! Tapos sa mga sumunod na araw, tig dadalawang babae ang meron ka!”

Ngumuso siya, tinatago ang ngiti. Tuwang tuwa siya na parang joke ang sinasabi ko.

“Ang daya mo rin, ‘no?” patuya niyang sinabi. “Gusto mong patay na patay agad ako sa’yo pagkatapos ng unang kita natin? Of course I tried to fucking get over you! Unang kita pa lang natin, gusto na kitang pakasalan. I can’t be that easy, right?”

What? That’s bullshit!

“And how is the development of that ambition?” I asked cockily.

His eyes narrowed for a moment, tila nagulat sa confident kong linya. Then, he groaned. Tumingala siya at pumikit, ipinapakitang frustrated siya kahit na nakangisi naman. He’s just acting that he’s problematic when the truth is he likes everything that’s happening.

Pagkadilat ay mapupungay na ang mga mata niya.

“How arrogant…” he whispered and tilted his head.

His lips twitched. Bumagsak ang mata niya sa aking labi. Bumagsak ang tingin ko sa kanyang dibdib, hindi ko siya matingnan ng diretso sa mga mata niya.

“Alam mong hindi kita makakalimutan ‘no?” paratang niya sa akin.

Ngumuso ako at pilit na kinunot ang noo.

“You predicted my fall. You know I can never forget you,” he whispered lowly.

Nanatiling iwas ang tingin ko kahit pa diretso ang mga mata niya sa akin.

“If you saw Daniella first-“

“I would’ve broken the engagement,” maagap niyang sinabi.

I bit my lower lip.

“You arrogant woman,” he whispered. “You’re fully informed of your control over me and you’re using it to your advantage, huh?”

Hindi ako nagsalita. Nanghihina ako. His tone and his words sound like a lullaby. Parang gusto kong ganito na lang kami buong araw.

Damn it! Sinasabi ko na nga bang hindi ito magandang ideya!

“Aantayin ko ang araw na mabaliw ka rin sa akin, Astherielle.”

He sniffed on my neck. Napatuwid ako sa pagkakaupo at bahagyang hinayaan siyang gawin iyon sa aking leeg.

“You’ll fall so hard. And I’ll make sure you won’t get over me.”

Gusto kong ngumisi. Ngumisi dahil hindi na ako sigurado. Is he threatening me? Para saan? At kung makapagsalita siya’y parang hindi pa ako lunod na sa kanya. Well, he doesn’t know. I suddenly wonder how he’d feel the moment I tell him the truth. Ngayon pa lang ay para na akong uod na binudburan ng asin tuwing naiisip ang reaksyon niya.

“And how will you do that?” hamon kong muli, tinatago ang pagkakatuwa.

“I’ll show you. Pakasalan mo muna ako.”

You wise asshole!

Umayos siya sa pagkakatayo, alam niya ang dulot niya sa akin at alam niya rin kung ano ang gagawin para masikil ako. Umatras siya at tinuro ang mga nakalatag sa lamesa ko.

“Pick and start planning for your dress. Our wedding organizer will drop by some time today.”

Ganoon ang nangyayari sa nagdaan pang mga araw. Zamiel would always pick me up at home tapos ihahatid sa trabaho. Kukunin niya rin ako sa hapon at ihahatid sa bahay tuwing gabi.

True enough, the wedding preparations started. Wala pang date at iba pang detalye dahil iniisip ko pang mabuti ang lahat. We also scheduled a dinner with his parents. Iyon ang ikinakastress ko pero dahil parehong nasa ibang bansa pa ang kanyang mga magulang, bahagyang maantala iyon.

Mabilis kong binasa ang aprubado kong proyekto sa Aklan. Matagal na pala iyon, naantala lang dahil sa pag aapruba ni Zamiel. It seems promising, gaya ng sinabi ni Senyora Domitilla. Plus, it’s a good experience for the firm. Ibig sabihin sobrang nag eexpand na dahil pati sa Visayas ay may proyekto na talaga kami.

“Ilang araw ka po roon, Ma’am?” tanong ni Daphne pagkatapos ilapag ang kape.

“Hindi ko alam. It’s not specified here but I’ll wait when the project is done.”

“Project?” Napatingala si Daphne.

“I mean surveying…”

Damn! Hanggang ngayon ay blanko parin ang utak ko sa mga gawin dito sa firm. Zamiel did not teach me a thing yet. Pero sinunod ko naman ang mga sinabi niyang gawin kong reform sa mismong structure ng kompanya. But I must admit that I’m still weak with the technicalities.

Tumango si Daphne at nagpaalam nang lumabas.

I canceled some meetings for the surverying. Bukas ang alis ko patungong Costa Leona. Hindi ko nga lang alam kung kasama ba si Zamiel doon. Wala naman siyang sinabi. I just know that he’s busy for the past few days. Ang dami niyang meetings.

Because of our endless banters, I forgot to ask Zamiel if he’ll be with me tomorrow. Bukod pa sa nakakahiya namang magtanong lalo na’t busy siya. Paano kung hindi pala siya kasama? E ‘di parang mapipilitan siya kasi tinanong ko na? Baka isipin niyang gusto ko ngang naroon siya?

Buong araw kong inisip ang dapat kong gawin. Well, kung sa bagay… fiancee niya ako. May karapatan akong magtanong o kahit pa magdemand?

The thought of demanding him to come with me sent shivers down my spine. Am I serious? The hell?

Tumayo ako at iniwan ang mga trabaho sa desk. Hapon na at tapos ko na binasa ang nakalaan para sa araw na ito. The rest will be through emails starting tomorrow.

Gumala ang isipan ko sa pag aaya sa kanya na pumunta kami ng Costa Leona. At kung darating ang parents niya sa makalawa at uuwi rin sila sa probinsya, tama lang na doon na ganapin din ang pag-uusap tungkol sa kasal.

Wow. This is really serious, huh?

And maybe… I can also tell him… about my feelings? I waited a bit. Naghanap ng araw na hindi na masyadong komplikado ang lahat, nagpalipas ng init sa media, at sinugurado ang smooth transition ng lahat. I think it’s time to tell him things…

Iniisip ko palang para na akong matutunaw. I don’t think I can handle his reaction.

“Miss Zaldua, a friend of yours is here…” si Daphne sa intercom.

“Sino?” tanong ko.

“Uh, si Judson daw po.”

Napabuntong-hininga ako. Akala ko kung sino.

“Sige, papasukin mo.”

Tumuwid ako sa pagkakatayo at nagrelax. Si Judson lang pala.

Hinanda ko ang ngiti ko para sa pagpasok ng kaibigan. When the door opened, I smiled wider for him.

“Oh Jud, how’s work?” tanong ko na agad umurong nang nakita ang kanyang ekspresyon.

A furious Judson walked straight towards me. Hindi na ako nakaatras pa o naka adjust man lang sa kanyang naging reaksyon.

Diretso siya sa akin, hinihingal, at galit.

“Totoo ba?!” his voice echoed.

“N-Na ano?” tanong ko, hindi pa makuha kung bakit ganito lamang ang galit niya.

“Nagtrabaho ka raw sa isang club?”

Now… where the hell did he get that? In his office? Kay Amer? Hindi naman siguro ipagkakalat iyon ni Amer, ‘di ba? Someone from their office? Caleb? Ashton?!

“Jud-“

“At customer mo ‘yang si Zamiel Mercadejas at ikakasal na kayo ngayon?!”

Whoa! Whoa! Wait lang.

“Jud, there are so many things you don’t know about. Calm down and I will explain it to you.”

He’s my friend. Noon pa man, hindi ako masyadong makwento sa dating buhay ko sa Maynila at sa nangyari rin sa akin sa Costa Leona. I kept it within myself. Not a secret but not a news to be shared, too.

“Kung ganoon, ano? Ito ba ang pangarap na pinunta mo rito sa Maynila? Ang makaakyat sa tuktok sa pamamagitan ng pagiging pokpok!?”

Naantala ang paghinga ko sa ere sa mga sinabi niya. His words hurt but I don’t blame him. Wala siyang alam. Hindi ko sinabi sa kanya lahat.

“The company is from my father, Jud. At hindi ako pokpok. Hindi ang pagpapakasal ko kay Zamiel ang dahilan na nakuha ko ulit ang-“

“Pero bakit ka magpapakasal sa kanya? Huh? Wala akong makitang ibang rason, Ace! Alam kong matayog ang pangarap mo sa buhay pero hindi ko inasahang ganito kababa ang kaya mong gawin makamit lang lahat!”

He stepped closer to me. Umatras ako at umilag sa kanyang galit.

Alam kong nasabi niya lang iyon dahil sa kanyang galit at dahil na rin hinayaan kong wala siyang alam. I didn’t take his words against him, imbes ay naghanap ako ng paraan para maipaliwanag sa kanya ng mabuti ang lahat.

“Huwag mo akong talikuran, Ace! At ano itong mga nakikitang larawan ng engagement n’yo? Ipinangako kang ipakasal sa kanya? Hindi mo sinabi sa akin?!”

“I’m sorry, Jud. I know you were a friend to me and I couldn’t share everything about myself yet. Siguro ay dulot na rin ng lahat ng experience ko.”

The anger in his eyes is so evident. Nagpatuloy parin ako.

“Zamiel was part of my past. We’ve known each other for a long time and I’ve been once engaged to him-“

“At hindi mo kailanman binanggit sa akin iyon?” tunog akusasyon iyon.

Hindi ako nakapagsalita. I feel bad for him. Seeing him angry made me feel guilty.

Naisip kong masyado nga akong naging sarado sa mga tao. Sa mga kaibigan, at kahit pa sino. I felt like everyone is going to hurt me so I shut people out. I don’t show them my real emotions. Reason why I hardly show and tell Zamiel my real feelings for him.

Namulat ako ngayon sa mga pagkakamali ko dahil sa mga sinabi ni Jud. Ano pa nga ba ang magagawa ko ngayong tapos na ang lahat. The damage has been done and I cannot correct it anymore. The only thing I can do is to apologize for my actions…

“I-I’m sorry, Jud-“

“Tinuruan kita, Ace! Lahat ng kailangan mong malaman, itinuro ko sa’yo! Hindi kita kailanman binigo kahit pa hindi ko alam kung ano ba talaga tayo. Pero sana hindi mo nilihim sa akin ‘yan! Na ipinangako ka pala! Sana hindi mo ako ginawang tanga!”

Yumuko ako at tumango. I feel so guilty.

“I’m really sorry, Jud-“

“Magpapakasal ka ba sa kanya dahil ipinangako kayo sa isa’t-isa at para na rin sa negosyo mo?”

Kinagat ko ang labi ko at umiling.

Mas lalo siyang nagalit. He stepped forward. Hindi ako umatras. Gusto kong panindigan ang sinabi ko sa kanya. Hindi ako takot na panindigan ang pag amin.

“Hindi ako naniniwala. Kilala kita. Matayog ang pangarap mo. Ginagamit mo ang lalaking iyon para umakyat ng husto?”

“Jud, no…” marahan kong sinabi.

He’s been nothing but good to me. Kaya naman hindi ko na kayang gawan siya ng mali. Hindi ko kayang pagsalitaan siya ng masama. Ako ang may pagkukulang sa kanya.

“Mahal ko si Zamiel. Alam kong hindi ko kailanman nasabi sa’yo ang lahat ng ito. I’ve been very secretive. Not only to you but to everyone who dared to offer me friendship. I’m sorry for that. My life has been so full of betrayals that I chose not to tell everyone everything.”

Tumango siya at yumuko. Kinagat ko ang labi ko. I adore Jud so much. I like him so much for being so true to me. For being a friend and a teacher. Pero may mga bagay na hindi ko kayang ipaliwanag. May mga kailangan ang puso na walang makapagdidikta.

There are things we cannot control.

Things we wanted to control but we’ll always fail in the end.

Huminga ng malalim si Judson. Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa amin bago siya yumuko at biglaan akong siniil ng mariing halik.

My eyes widened at his sudden move. Pero hindi ako nanlaban dahil naramdaman ko ang pagwawakas ng kung ano sa kanya. Like it is the end to whatever he started in him. A finale to everything he just said to me.

Tumagal ang halik dahilan ng pag angat ng kamay ko, naghahandang itulak ang kaibigan kahit pa nasasaktan ito. Pero bago ko pa magawa ay bumukas ang pintuan at pumasok si Zamiel doon.

Jud stopped kissing me to see whoever got in. Nakita ko agad ang nag-aalab at tila bagyong apoy na galit sa mga mata ni Zamiel. I know his kind of anger and I’ve memorized everything about him. Agaran ang pagpagitna ko sa dalawa. I find Jud easy to tame but Zamiel… will always be Zamiel.

]]>
https://www.jonaxx.com/what-lies-beneath-the-sand-kabanata-38/feed/ 0
What Lies Beneath The Sand – Kabanata 37 https://www.jonaxx.com/what-lies-beneath-the-sand-kabanata-37/ https://www.jonaxx.com/what-lies-beneath-the-sand-kabanata-37/#comments Sun, 22 Oct 2017 12:10:47 +0000 https://www.jonaxx.com/?p=1661 Kabanata 37
Family

On his third shot, his breath smells like whiskey. Ganunman ay parang naaaddict ako sa kakaamoy sa kanya. Luckily, I don’t need to beg much to smell his breathing. He had spent all his damn time breathing near my neck or my ear. Nakikiliti ako at minsan ay nanghihina sa nararamdaman.

His left hand rested on my left thigh. His other hand holding the glass. Kung hindi naman ito nakahawak sa baso, naglalaro naman sa aking mga daliri.

Si Amer kasama ang iilang mga kaibigang babae ay nasa dancefloor na, nagsasayawan. Kanina niya pa ako niyaya roon pero umiiling lang ako dahil bukod sa nakakahiyang kasayawan ang hindi ko gaanong kilala, masyado ring nakapalupot si Zamiel sa akin. I don’t think he’d let me go.

“Come on, Ace! Let’s have fun! Girl, mas malala pa sa sayawan ang gagawin natin kapag despedida de soltera mo na!” he squealed
Umiling ulit ako at ngumiti. “Maybe later…”

Tumawa siya at nagpatianod na sa mga kaibigan niya.

“I wanna join them,” sabi ko habang nakatitig kina Amer.
“I can’t let my wife go on dancing with total strangers.”

Napabaling ako sa bulong ni Zamiel. Ang mapupungay niyang mga mata at seryoso niyang ekspresyon.

“I’m not yet your wife.”

Ngumuso si Zamiel, hiding an amused grin. Hindi ko alam kung ano ang kinakatuwa niya roon.

“You will be. We just resumed our engagement,” he whispered.

Kinagat ko ang labi ko. His words are music to my ears. Marami akong naaalala dahil sa mga sinasabi niya ngayon. Mga alaalang pilit kong isinantabi at itinakwil sa nagdaang mga panahon.

Lagi kong iniisip na hindi ako ang sinabihan niya ng mga salitang iyon. It was meant for Daniella. Tuwing iniisip kong ganoon, the excruciating pain would always get me. Kaya iniignora ko lahat ng kaisipang ganoon.

“Ang sabi mo noon…” I said while playing with his fingers on my thigh.

He’s attentive. Tahimik at interesado lang sa sasabihin ko ngayon.

“I can’t explore when we are married. So that means I can still explore while we aren’t.”

Nilingon ko siya. Naggagalawan ang muscles sa kanyang panga. I can sense his overwhelming self control taking over. Binagsak ko muli ang tingin ko sa kanyang kamay. I caressed his fingers again, excuse para hindi magtagal ang tingin ko sa kanyang nag-aapoy na mga mata.

“I’m your fiancee. That means, I’m your boyfriend right now.”
“Well, about that. I’ll have to see if it is a good idea-”
“It is! You can’t run the firm alone. I still have to teach you so many things.”
“You can just teach me minus the promise of marriage,” patuya kong sinabi.
“Then, I won’t teach you a damn scrap.”

Ngumuso ako at marahang pinisil ang mga daliri niya. Is he blackmailing me?

“You’re blackmailing me.”
“I’ll have you whatever it takes.”

I sighed. Nakaupo ako pero para akong lumulutang sa saya. May ganito ba? Binablackmail na nga, masaya pa ako? But then… he was happy even when I was lying to him years ago.

“Kaya ba nag-aksaya ka talaga ng thirty million?”

Hindi siya nagsalita.

“Dapat pala naningil ako ng mas malaki. Or tinotoo ko ang sinabi kong patakaran ko na magbabayad ka tuwing nagkikita at nagkakausap na tayo?” Tumaas ang isang kilay ko pagkatingin sa kanya.
“I don’t fucking care. I’ll get you even if it costs a fortune.”

Umirap ako, tinatago ang ngisi. Now I realize I’m happier here in the sofa than on the dancefloor.

“Kung tinotoo ko ‘yon, baka naghihirap ka na…” banayad kong sinabi.
“Hindi pa. Tama lang hanggang sa mapakasalan kita.”

Hinuli niya ang takas kong buhok at nilagay niya sa likod ng aking tainga. Marahan ang kanyang haplos. Lalo na nang dumantay ang kanyang daliri sa aking panga hanggang baba.

“And if your rules stand still even if we’re married, I’ll work hard everyday just so I can afford to see you everyday.”

I smirked. Pinandilatan ko siya dahil imposible iyon. I don’t believe it is seriously possible. Hindi ko rin namang hahayaang ganoon. Huminga ako ng malalim at marahang hinaplos muli ang kanyang daliri.

“I’m not like that, Zamiel.”
“Good to hear that or my ass will be so poor from wanting to see and touch you all the fucking time.”

I chuckled. Pinadaan niya ang ilong niya sa aking tainga kaya natigil ako sa halakhak. His move sent shivers down my spine. I really hope he didn’t have any sense of humor. Damn him!

“Now… Do you know the rules when you’re in a relationship?” pagpapatuloy niya.

Kunot noo akong umiling.

“I’ve never been in a relationship. How will I know?” Hindi ako sigurado kung ano ang tinutukoy niya.
“Makes me wonder how stupid are your male friends in that province. I’ll climb a damn mountain for you.”

Uminit ang pisngi ko. Damn you, Zamiel! Binobola yata ako nito pero…

“I have suitors.”
“I know but none of them impressed you, huh?”

Dahil sa’yo!!!

“Meron naman…”
“Sino?” Humigpit ang hawak niya sa hita ko. I can see the blood behind my skin forming around his fingers.
“Why are we talking about this? I just want to join Amer on the dancefloor?” sabi ko nang napansin ang tinunguhan ng usapan.

He groaned and loosened up a bit.

“You may but you have to take note of your husband’s rules first.”
“What is it?”

Ilang saglit pa siyang nag-isip. Nilingon ko siya at nakita ko ulit ang madilim at mapupungay niyang mga mata.

“You’re not allowed to flirt with boys. You’re not allowed to be touched… more so kissed… Those are the rules and more…”

Well, those are basic rules. I was waiting for him to say “you’re not allowed to talk with boys”. Ayos lang naman pala. Pero… more? Let’s not ask about that. Ngayon pa lang hindi ko na kayang isipin pa kung ano pa ang dugtong.

“No dancing with boys.”
“Amer is gay,” sabi ko.

Bago ko pa madugtungan ay nakita ko nang lumapit si Amer sa amin. Kumuha siya ng isang shot ng inumin sa lamesa at nilagok iyon. He turned to me again. He reached his hand out.

“Let’s go! Come on!” excited niyang sinabi.

Tumayo agad ako. Zamiel’s hand remained on my waist. Kahit pa noong tumayo ako ay tila ayaw akong pakawalan. Hinablot ako ni Amer at hinila na patungo sa dancefloor. Tumawa ako at nagpatianod na lang.

“Ano ka ba? Huwag kang paloko roon kay Zamiel! Itatali ka niya soon tapos ngayon pa lang taling tali ka na? Let’s have fun!”

Then Amer turned to her girl friends. He introduced me to them. Iilan ay nakilala ko na bilang kaibigan din ni Zamiel na dumalo noon sa engagement party namin noon. I thought we are going to talk about it but I was wrong. Nagpatuloy sa pagsasayaw at tawanan ang lahat.

Hindi pa ako kailanman nakapunta sa mga ganito. The closest thing to this were our acquaintance parties and graduation ball. Sumasayaw naman ako pero hindi kasing husay at kasing sanay ng mga kaibigang babae ni Amer.

Buti na lang at hindi naman ako pinapabayaan ni Amer. Hinawakan niya ang isang kamay ko habang sumasayaw siya. That inspired me to move and grind a little. Hanggang sa naghahamon na siya sa akin.

Tumawa ako at pinatulan na rin ang ginagawa niya. Nilingon ko ang lounge namin kung saan ko iniwan si Zamiel kanina. I saw Raoul on our table, too. He’s talking to Zamiel habang si Zamiel naman ay nakatitig sa akin.

Seryoso si Raoul sa mga sinasabi niya. Zamiel’s also listening close but his eyes were on me. Marahan niyang ginagalaw ang shot niya habang ginagawa iyon.

Na awkward tuloy ako. Zamiel is watching me seriously and I cannot even dance properly. Si Amer lang talaga ang nagpapawala sa awkwardness ko.

Nagpakitang gilas si Amer sa pinakanakakaeskandalong sayaw niya. The girls cheered for him while he’s pointing at me, naghahamon. Umiling ako, nahihiya at umaatras sa hamon niya.

“You’ll miss this chance, Ace! Huwag mong sabihing sa harap ka lang ni Zamiel sasayaw?”

The image of me dancing in front of Zamiel in a dark room was very vivid. I groaned and closed my eyes at that. Nagtawanan sila.

Nilingon ko si Zamiel, walang alam sa pinag-uusapan namin. Nakita kong lumagok ulit siya ng isa pang shot. Ganoon din si Raoul.

Some were cheering for me and others were waiting for my “performance”. Umatras ako pero hinila ako pabalik ni Amer. I think he’s already very drunk. Kung papakitaan ko siya ng kahit isang move lang, siguro ay matitigil na ito.

At the beat drop, I accepted the challenge. Hawak ko ang aking baywang. I moved my butt side to side. I grinded my booty down habang pataas ang kamay ko sa aking buhok. They all squealed! I laughed and stopped.

Pumalakpak si Amer at sa huli ay niayakap ako. He whispered something incoherent. Pinakawalan niya rin ako. Mas lalong umingay ang grupo at ang music kaya noong sinabi kong babalik na lang muna ako sa lamesa.

Hinayaan niya naman ako. Nagulat na lang ako nang nakita ko si Zamiel na nakatayo na roon. I smiled at him as I walked towards them. Nilingon ko si Raoul. He raised a glass for me as a form of toast. Tumango ako, ‘tsaka niya ininom iyon.

Sinalubong ako ni Zamiel ng hawak sa baywang. Naupo ako kaya sumunod na rin siya, nakatitig parin sa akin. Sumulyap ako kay Raoul at nakita kong madilim ang mga mata niyang pinagmamasdan kami.

“That’s enough dancing for tonight,” bulong ni Zamiel.
“Easy, Zamiel. You’ll scare her if you’re too possessive…” si Raoul sabay kindat sa akin,

Hindi ko maalala kung nagkaroon ba kami ng interaksyon nitong kaibigan ni Zamiel o hindi pero pakiramdam ko hindi na siya iba. Kahit pa hindi naman talaga kami kailanman naging magkaibigan.

“Based on experience, I guess? Is your girlfriend scared?” patuya kong sinabi para kay Raoul.

Nilagok niya ang isang shot. His dark brows met and his face twisted darkly.

“So you assume I’m possessive?” seryoso nitong tanong sa tanong ko rin.

His eyes drifted somewhere on the dancefloor. Pumirmi ito roon ng ilang sandali.

“Hmm…” Zamiel ran his fingers through my hair. “Bakit? Hindi ba?”

Sumulyap ito kay Zamiel bago tumayo. Inayos nito ang damit bago lumingon sa amin para magpaalam saglit. We stayed silent for a while, watching Raoul disappear through the shadows of the people on the dancefloor. Nakita ko rin kung paano siya halos sambahin ng na dadaanan nila. Lahat ng babaeng naroon, kinakausap siya. Halos gaya rin ng nangyayari tuwing si Zamiel.

Umiling na lamang ako. No wonder they are best of friends, huh?

I can’t believe I’m saying this but I had an awesome night! Ala dose na nang nakarating ako sa bahay. Si Zamiel ang naghatid sa akin doon. He knows I am back in our house. Hindi ko nga lang alam paano niya nalaman.

Malapad ang ngiti ko pagkapasok sa bahay. Hinintay ko pa kanina na umalis si Zamiel bago ako pumasok.

The lights were already dim and I’m expecting everyone to be asleep but I was wrong. Dalawang hakbang papasok sa bahay ay sugod ni Daniella ang sinalubong ko.

Namumugto ang mga mata niya, magulo ang buhok at walang ni ano mang make up. Tinulak niya ako habang siya’y umiiyak at naghihisterya. I almost fell, kung nakainom ako’y paniguradong hindi ko na naayos pa ang balanse ko.

“Fuck you!” she screamed.

Umatras ako at inayos ang sarili. She tried to push me again pero umilag ako.

“Napakawalang hiya mo! Hindi ba nag-usap na tayong dalawa?! At talagang kinalat mo pa talaga na fiancee mo si Zamiel, huh!”

Pinandilatan ko siya. I am already gettig frustrated. I should be sleeping now. May trabaho pa bukas pero imbes ay narito ako at nakikipag-away pa sa naghihisteryang Daniella.

“Everyone assumed that I am engaged to him because of the pictures! Hindi ba sinabi ko naman sa’yong pwede nating-”
“You confirmed it with the media!” gumaralgal ang boses niya.

Fine. I admit it. I am at fault, too. Pero ano nga ba ang pwede kong gawin para sa kanya kung ayaw niyang umamin ako sa totoong nangyari noon?

“Because you don’t want me to tell the truth, Daniella! Ano ba ang gusto mong gawin ko?”

Tears fell down on Daniella’s eyes. Narinig ko ang mga yapak ng kung sino galing sa pangalawang palapag at nakita ko agad si Auntie Tamara, naka pulang roba.

“Anong nangyayari?” si Auntie.

Iilan pang yapak at nakita kong lumabas na rin si Renato at si Tita Matilda. Sumugod muli si Daniella. Tumakbo pababa si Auntie Tamara pero bago pa niya kami mapatigil ay naitulak ko na si Daniella palayo sa akin.

“Bakit ka ba nandito? Hindi ba nasa bahay ka nila? Why don’t you ask his mother to help you out-”
“Shut up!” pulang-pula ang mga mata niya. “Ang daya mo! Just because it’s your face in the pictures doesn’t mean his mother agrees with you!”

Dumalo si Tita Matilda sa kanya. Hinawakan ni Tita ang balikat ng anak. Ganoon din si Auntie Tamara sa akin. Lumapit na rin si Renato sa amin.

“Oo nga! Who says his mother agrees with me?”
“Pinakalat mo na magpapakasal kayo! Pinakalat mo na totoong fiancee mo siya! Napaka kapal ng mukha mo gayong binayaran lang kita noon!”

Her logic is frustrating me so much. Alam kong frustrated lang din siya kaya hindi niya maayos ang lahat ng opinyon niya but this is too much.

“Oo at ano ngayon!? Totoo namang ako nga iyong nasa pictures, ‘di ba? If you want to stop the spread of that news, why don’t you tell the media that it’s supposed to be you!”
“You think I can do that when even his mother is already trying to get rid of me, huh?” umiiyak niyang sumbat sa akin.

Namilog ang mga mata ko. Tumawa si Auntie Tamara.

“Iyon naman pala, e,” Auntie Tamara said.
“Shut up you little…” sigaw naman ni Tita Matilda.
“Ano?” si Auntie Tamara naman ngayon, naghahapon.

Oh my gosh! This is so toxic and difficult. Pumagitna ako sa nagsisimulang away ni Tita Matilda at Auntie Tamara. I acknowledge that Tita Matilda and Daniella shouldn’t be left with nothing, kahit pa gaano nila ako pinahirapan noon. Kahit paano, they have a fair share of all the assets my father has. Pero hindi ko naman yata kayang ganito kami araw-araw!

“Will you all please stop it!?” I shouted at them.

Nakita kong umatras si Tita Matilda. Humawak ulit siya sa balikat ng umiiyak na anak. Yumakap si Daniella sa kanya, humahagulhol.

“Auntie, let me handle this…” sabi ko bago bumaling sa mag ina.

Hanggang galit na tingin lang ang kaya ni Tita Matilda sa akin. Nagpupuyos siya pero bukod doon ay wala na siyang sinabi.

“Daniella, if Zamiel’s mother doesn’t want you around, bakit sa akin mo binubunton iyon? Bakit hindi sa kanya? Bakit hindi mo isumbat iyon sa nanay ni Zamiel? At bakit hindi mo naman tinutulungan, Tita Matilda?”
“You bitch!” sigaw ni Daniella.
“Shhh…” pigil naman ni Tita Matilda.
“Can’t you see? No matter how much you try to prove to me that you’re Zamiel’s fiancee, paano ako maniniwala kung mismong si Zamiel ay tinatakwil ka! Even his mom for that matter! Hindi kaya nag-iilusyon ka lang talaga?!”

Bumangon si Daniella at muling tinuro-turo ako.

“Walang hiya ka! Binayaran lang kita-”
“Oo! Binayaran mo ako! Nagsisisi ka na ba? Huh?”

Natahimik siya. I can see the fresh tears forming in her eyes.

“I was in need of money because you all deprived me of my education!”

Sumulyap ako kay Tita Matilda na ngayon ay parang kuting kung makayuko.

“Kung tutuusin, pwede kong isiwalat iyan lahat sa media! Lahat ng pambubwisit n’yo sa akin pero hindi ko ginawa, hindi ba? Dahil bukod sa naaawa ako sa inyo, kahit paano may malasakit parin ako para sa babaeng pinili ni Daddy pagkatapos ng Mommy ko!”

My voice shivered when I remembered my parents. Pero agad akong nakabangon. Hinawakan ako ni Auntie Tamara sa kamay pero hindi ko pa kailangan ng pagpipigil.

“Now, Daniella. If you wish so much to marry Zamiel, may tanong ako sa’yo… Paano mo siya pakakasalan kung ayaw ng mga magulang ni Zamiel sa’yo? Kung ayaw ni Zamiel sa’yo? Huh?”
“Mang-aagaw ka! Binayaran lang kita noon! Pinagsamantalahan mo ang panahong ibinigay ko sa’yo! Utang mo sa akin lahat ng ‘yan!” she screamed.

Pagod ko siyang tiningnan. Ako na ang napagod sa kakatingin sa kanyang panggagalaiti. She likes Zamiel so much. I bet she likes him more than she liked Ashton way back.

“Ilang buwan ‘yong binigay mo sa akin? Dalawa? Ikaw? Ilang taon kong iniwan si Zamiel sa’yo? Bakit wala paring nangyayari?”
“Napakawalang hiya mo…” nanghihina niyang sinabi.
“You know from the very beginning, right? You just couldn’t accept it. Hanggang ngayon, hindi mo matanggap kaya sa akin mo sinisisi ang lahat.”
“Ang kapal ng mukha mo!”

Umiling ako sa kanya. Humakbang ako ng isang beses para kunin ang nahulog kong purse. Nang matuwid na nakatayo ulit ay huminga ako ng malalim.

“You don’t want me to tell the media that you paid me to pretend for you years ago. I can’t deny my pictures on that engagement. Zamiel’s mother doesn’t want you around. Zamiel, too. You should’ve realized this a long time ago.”
“Kung bakit ka pa kasi bumalik, ‘di ba? Sana hindi ka na lang bumalik!”

Kinagat ko ang labi ko. Tita Matilda stopped her from saying anything more.

“Para ba hindi n’yo maibigay ang mana ni Daddy sa akin?”
“Para hindi mo maagaw si Zamiel!” pagtatama ni Daniella sa sinabi ko.

I smiled weakly again. This is so tiring. I’d rather sleep. I need to end this fast.

“Kahit naman hindi ako bumalik. I don’t think he’ll marry you. Because if he wanted to, he would’ve done that a long time ago-”
“You whore! Bayaran ka!” tanging panama niya.
“I’m marrying Zamiel,” sabi ko sabay ilag sa kanila.
“A-Ano?” Nanghihinang sigaw ni Daniella habang naglalakad na ako patungong hagdanan.

I heard Auntie Tamara’s laugh somewhere. Hindi naman nakapag react si Tita Matilda. Tanging si Daniella lang itong humila sa akin dahilan ng paglingon ko.

Hinila niya ako pababa hanggang sa napaluhod na siya sa sahig.

“No! No! No… please, Ace! No! Please!” pagmamakaawa niya.

I am moved. Not because she looks pitiful but because I remember myself begging for the things I have now. I remember trying my best to please them all just so I can have my precious education. Naaalala ko kung paano ako nalugmok sa putikan kahit pa ginawa ko naman ang lahat. Naalala ko rin na ilang linggo ang lumipas ay ilulugmok nila ulit sana ako. Kung hindi ko lang pinairal ang tapang ko, nakauwi na sana ako sa Sta. Ana ngayon, nagdurusa at sira ang lahat ng pangarap.

“You can marry Caleb Samaniego instead. He’s also rich!” paliwanag ni Daniella habang nakaluhod siya sa paanan ko.

I shook my head. Pitiful.

“I am marrying Zamiel Mercadejas,” ulit ko.
“Ace! Mahal ko siya! Please… huwag mong gawin sa akin ‘to. Magkapatid tayong dalawa!”

Slowly, I bent my knees to see her on the same level. She looked very hopeful. Lumapit si Tita Matilda sa amin but she didn’t dare question a thing. Nagpapanic naman si Auntie Tamara nang nakita ang ginawa ko.

“Ace naman! Huwag ka masyadong mabait!” then her voice died down when I saw Renato near her.

Huminga ako ng malalim bago bumaling muli kay Daniella. Colors of soft lavender and pink feels like this. Isang haplos para sa kapatid. Haplos galing at para sa pamilya. Funny how after all those years of pain, I still can feel it for them.

“I was a literal slave to your family. Your family. Because you never treated me as one. I was your slave. Katulong. And even so… I was willing to catch a bullet for you. I tried my best even when you never did. Kaya ngayon, if we really are sisters like you claim to be. It is your turn to bend and give.”

Umahon ako at tumayo. Imbes na may matanto at maramdaman ang sakit sa mga salita ko ay tinulak lang ako ni Daniella. A tear escaped on me when I realized that they never really treated me as family, huh?

“Walang hiya ka! Hindi tayo kailanman magkakasundo! Fuck you, Astherielle! Mang-aagaw ka!” she screamed.

Nagpatuloy naman ako sa pag-akyat sa hagdanan. Hindi ko na ulit nilingon pa silang naroon sa unang palapag. Kahit pa anong tawag at anong sakit man ang sabihin ni Daniella. Kahit pa tinawag na rin ako ni Tita Matilda para matulungan sa hinaing ang anak.

Whatever you say. I am sure now. I am marrying Zamiel Mercadejas. I don’t need to consult to anyone. I am marrying him period.

I am marrying him finally. And for real.

]]>
https://www.jonaxx.com/what-lies-beneath-the-sand-kabanata-37/feed/ 0
What Lies Beneath The Sand – Kabanata 36 https://www.jonaxx.com/what-lies-beneath-the-sand-kabanata-36/ https://www.jonaxx.com/what-lies-beneath-the-sand-kabanata-36/#comments Sun, 22 Oct 2017 12:10:12 +0000 https://www.jonaxx.com/?p=1659 Kabanata 36
Feelings

Hindi ko alam kung ano talaga ang tunay na motibo ni Senyora Domitilla kanina sa opisina. Did she really forgive me or she realized that I am rich? Hindi sila naghihirap at nasisiguro kong kayang mas yumaman at umunlad pa ni Zamiel without my help or anyone for that matter. But maybe Senyora wants a rich wife for her grandson para… hindi ko alam? For the name? For the honor it can possibly bring? To show off?

It’s horrifying to think that I don’t consider it to be a big deal. Nababaliw na talaga yata ako. Gusto ko pa talaga, huh?

Sabay kaming lumabas ni Zamiel sa lift, patungong lobby. Iilang empleyado ang lumilingon habang naglalakad kami. I’m trying hard not to show signs of uneasiness. Lalo na dahil diretso ang lakad ni Zamiel, halatang sanay sa atensyon ng mga taong nasa paligid. I don’t think he even notice the stares of the people.

Binigay ng valet ang sasakyan ni Zamiel. The valet opened the shotgun’s door for me. Nanatili naman si Zamiel doon, hawak ang baywang ko para igiya ako sa loob.

Nilingon ko siya, nagdadalawang isip sa pagsakay sa magara niyang luxury car. He tilted his head. His eyes full only of me.

“Changed your mind?”
Umiling ako. “No. Naalala k-ko lang. Sabay na raw tayong magdinner nina Amer,” sabi ko.

Hawak ang pintuan ng sasakyan at ang isang kamay ay nasa aking baywang, marahang tumango si Zamiel.

“Okay, then… We will,” malambing niyang sinabi.

Two camera clicks made me blink profusely. Hindi na ako nagdalawang isip pa sa pagbaba at pagpasok sa kanyang sasakyan. Zamiel closed the door and searched for the photographers. May sinabi siya sa nakaabang na guards at kumilos agad ang mga ito.

Umikot si Zamiel at mabilisang sumakay sa kanyang sasakyan. I put my seatbelts on. Sumulyap siya sa ginawa ko bago ginawa rin iyon sa kanya. Pagkatapos, hindi na siya nag-alinlangan pang umalis.

Naiwan ang mga mata ko sa building. Tinitingnan ko kung naroon pa ba ang iilang media na kumuha ng picture sa amin kanina. Hindi ko inasahang kahit gabi na, meron paring natitira sa kanila.

Hindi kami mga artista. Maaring maraming interesado sa buhay ng mga Mercadejas pero hindi ko inasahan na may ganoon ka sugid kung makapangalap ng impormasyon.

“Sorry about that,” Zamiel said.
Umayos ako sa pagkakaupo at bumaling sa kanya. “You have a showbiz life, huh?”

Sumulyap siya sa akin. Nang binalik sa kalsada ang mga mata ay nanatiling seryoso.

“They usually stop once they get the answers they want,” sabi ni Zamiel.

Oh. Tumango ako. Hindi ba nasagot na ni Lucianna Mercadejas ang mga tanong kanina? Kulang pa ba iyon? Kailangan bang kami pa ang iinterview?

Hindi ko na dinugtungan. Ayaw kong pag-usapan namin ang tungkol sa pagharap sa media. Ayaw kong humarap, actually. Kung tatanungin ako, baka wala lang akong masagot.

Are you engaged to Mr. Mercadejas?
No.
Pero hindi po ba may engagement party kayo noon?

I can imagine the stress I’ll go through explaining what happened without dragging Daniella’s name. At kapag aamin naman ako na engaged nga kami para wala ng follow up questions, ano na lang ang sasabihin ni Zamiel at ng pamilya niya?

Isinantabi ko ang lahat ng mga iniisip nang nakarating na kami sa restaurant kung saan nag-aantay si Amer.

Ang engrandeng lugar na iyon ay nagsusumigaw ng kayamanan. The proud display of opulence amazed me. Purong kristal at ginto ang nakapalibot sa mismong lobby ng hotel. Marmol na sahig, kumikinang at halos walang alikabok, ang tinatapakan namin.

Of course I did not make a fool of myself by looking like an idiot, ogling at every corner. Hindi ito ang unang pagkakataon kong napunta sa ganitong klaseng lugar. Though I must say, the first one was probably when Zamiel hired me as his escort.

What an unconventional way to remember my first time, huh?

“This way, Sir,” a girl in the usual nationalistic uniform guided us towards the entrance of a huge ballroom dotted with buffet tables.

Dire-diretso ang lakad namin patungo sa isang malaking lamesa. Si Caleb at Amer lang ang naroon. Siguro ay napagod si Judson sa unang araw niya sa trabaho kaya hindi na rin nakapunta rito.

“Hello!” si Amer sabay beso sa akin nang nakita ang pagdating.

Tumango si Caleb kay Zamiel. Tahimik naman kaming naupo sa mga silyang naroon. The dinner was immediately served.

“Did you know that the reporters came all the way from your building to mine, just to interview me about hiring you weeks ago?” panimula ni Amer sa akin.
“I’m sorry…”
“Ayos lang. Ganoon talaga pag may pinagkakaguluhan sa industrial side. Especially of course…” he smirked at Zamiel.
“Did you answer them?” tanong ni Zamiel.
“Some questions, yes. Ang iba, hindi.”

Kung saan-saan napapadpad ang mga mata ni Amer. Sinundan ko ang line of vision niya at nakakita ako ng iilang mukhang mga prominenteng tao na nakatingin sa lamesa namin.

“See? I know why the reporters are that eager to get any info. Zamiel is one of the most eligible and hottest bachelor right now. Ang mga alta, nagkukumahog na mapili but… he has no girlfriend, and no-”
“Tss. Stop it, Amer. You’re giving her so many ideas…” si Zamiel, pagkatapos ay uminom ng tubig.
“I really thought you’re engaged with Daniella, Zamiel. Inisip kong tama naman ang narinig ko. She made your last birthday celebration possible, right?” si Caleb, tunog panunuya.
“We were there…” si Amer, nanlalaki ang mga mata nang may maalala. “But I don’t really think Daniella is Zamiel’s fiancee. Habang walang engagement, hindi ako naniniwala. A family with the calibre like the Mercadejas won’t let a chance for an engagement party slip away.”

Natahimik ako. Hindi ko naman alam ang mga nangyari diyan dahil hindi kami pareho ng mundo. Right now, I feel like an outsider being introduced of my supposed world. Baguhan ako sa lahat ng ito.

Naisip ko tuloy kung gaano ako pinagkaitan ni Tita Matilda sa lahat ng ito. I did not wish for anything extravagant. I just want a decent home and a formal education, hindi niya ibinigay sa akin. Para siguro hindi ko malaman, para hindi ako maalam sa pagpapatakbo ng kompanya, at para maisahan ako kalaunan.

“Late si Zamiel dumating! Buti dumating nga dahil ang dinig ko’y out of town ka noon, hindi ba?”
“It was my mother and Daniella’s plan. Daniella said my mother will be disappointed if I didn’t show up. We were out of town, it was a surprise so I didn’t know.”
“We? We were out of town? Out of town with who?”

Tumikhim ako. Hindi sumagot si Zamiel. Palipat-lipat ang tingin ni Amer sa amin bago siya madramang naghinagpis.

“You were out with her, Zamiel?” kumpirma ni Amer.
“Yes. Let’s not talk about this.”

Nagngising-aso si Amer habang pinagmamasdan kaming dalawa. He giggled. Kahit pa noong nagsimula na kaming kumain ay hindi parin maalis ang ngisi niya.

“Well, curious lang naman ako. Don’t worry, we won’t tell anybody about it, Zamiel. Actually, ang iniisip ko lang talaga ay kapag nalaman ng media ang trabaho mo bago ka napadpad sa companya namin, Ace…” seryosong sinabi ni Amer sa akin.

Iyon pa. If that news breaks out, mas lalala pa ang lahat ng ito. Though if Tita Matilda and Daniella spreads that, malalaman ang dahilan ng paghihirap ko. Malalaman na pinalayas nila ako kaya tingin ko ay tatahimik ang mga iyon tungkol doon.

“Why did you work there, anyway?” si Caleb.
Madilim ang tingin ni Zamiel nang bumaling siya kay Caleb. Kunot-noo naman si Caleb na tumingin kay Zamiel.
“It’s convenient. Hindi naman masama ang maging waitress…” marahan kong sagot.
“Waitress? Sa mga pinagpuputok ni Matilda, iba ang trabahong iyon, Ace.”
“It was my fault. I requested for her. I was her one and only customer for that. Can we stop talking about this?” si Zamiel.

Amer’s mouth formed into a big O. Napainom naman ng wine si Caleb habang tinitingnan ako.

“How much did he offer? A million or two?” pabirong bulong ni Amer sa akin.
“Amer…” parang kulog ang boses ni Zamiel nang sinabi niya iyon.

Napaawang ang bibig ko, magsasalita na sana para isiwalat kung magkano ang binayad ni Zamiel pero dahil sa galit nito, hindi ko na tinuloy. Sinulyapan ko si Zamiel at nakita kong seryoso siya habang tinitignan ang kanyang wineglass, tila nawalan ng ganang kumain.

Their next topic is about business. Nakinig lamang ako sa kanila. Nagulat pa ako nang nakitang mabuti naman ang naging usapan ni Zamiel at Caleb tungkol doon. I never thought they can manage a good conversation.

Sa restaurant palang, may iilan nang lumapit sa amin. Lalo na noong palabas na kami. Iilan ang pumapansin kay Amer sabay sulyap sa kasama, may isa namang lumapit at pumunta sa amin ni Zamiel.

A girl went to us. She’s not familiar to me pero tingin ko’y kilala ni Zamiel iyon. Zamiel politely greeted. The girl turned to me with all smiles.

“Hello! We were never really formally introduced and I don’t think you remember me?” sabi noong babae.

Doon pa lang, nagulat na ako.

“This is Tana, Astherielle,” si Zamiel nang siguro’y nakita akong lito.
“I’m Tana!” masayang naglahad ng kamay ang babae.

Tinanggap ko naman iyon, though I really don’t remember her.

“My family got invited on your engagement party seven years ago? I remember you wearing a fancy red dress. Gandang ganda ako sa’yo and I told myself that Zamiel really knows how to pick a girl, huh? Indeed, you are very stunning until now,” maligaya niyang sinabi.
“Ah!” I awkwardly laughed. “Uhm, thank you!”
“Sorry for disturbing,” aniya nang naramdaman ang awkwardness ko. “I was just really excited when I saw you both. Just got home from Germany, e.”

Zamiel’s hand landed on my waist na para bang trabaho na nito ang doon manatili.

“No… no, it’s okay!” agap ko.

She smiled sweetly at me again before she waved to us goodbye. Tumango si Zamiel at mabilis akong tinabunan sa iilan pang nagtatangkang lumapit sa amin.

Naisip ko tuloy, ano kayang iniisip ng mga taong hindi updated sa mga nangyari? Inisip nila na nagpakasal na kami ni Zamiel pagkatapos ng engagement. Iilan ang nag-iisip din na may anak na kami?

Papasok na sa isang engrandeng club, lagi kaming napapatigil. Madilim at maingay ang music, gaya ng una kong pasok noon sa pinuntahan namin ni Zamiel. I realized that in this life, almost all of my first times were with Zamiel. Lahat…

Amer’s busy socializing with some other people. Caleb’s chatting with some girls, too. They seem very comfortable with this lifestyle. At home na at home samantalang nag oobserve lamang ako sa lahat ng nangyayari at si Zamiel, nasa gilid ko man ay marami ring kilala.

“Uy hello! Hi!” iilang babae ang lumapit sa amin para bumati.

Kanina ko pa nakikita ang iilang titig kay Zamiel pero konti lang ang lumalapit gaya nitong ngayon. Siguro dahil malapit ito sa pamilya ni Zamiel.

“Congrats on your engagement!” bati noong babae.
“This is Zyra. She was also in our engagement party,” paliwanag ni Zamiel.
“Ah! Hi!” nahihiya kong bati.
“So it is true? Zamiel is engaged?” sabi ng katabi niyang mukhang mataray na babae at kanina pa nakatitig kay Zamiel.
“Of course! Ang tagal na noon, actually. I was a fresh grad when we went to their ancestral home to witness the engagement,” mayabang na sabi noong si Zyra sa kasama.
Her friend scowled at her. Binalik ni Zyra ang tingin sa akin at ngumiting muli.

Iilan pang ganoong pangyayari. I realized some of the regulars of these clubs were also the people who got invited in our engagement years ago. Siguro nasa mga apat ang nagpahayag ng experience sa Costa Leona. Dalawa doon, lalaking kaibigan pa ni Zamiel.

Nakarating din kami sa pinakamalaking lounge ng buong bar. In front of us is the dancefloor. Nagsisimula nang sumayaw ang mga ilaw salin sa tunog ng electronic music sa lugar. Sa gitna agad naupo si Zamiel. He’s holding me close to him, expecting me to sit beside him.

Naupo na rin ako sa tabi niya. Si Amer ang tabi ni Zamiel, si Caleb naman ang nasa banda ko.

Iilan pa ang nakipag-usap kay Amer. Most of them, pretending to be really interested even when I can see their eyes watching Zamiel’s move closely. Nilingon ko si Zamiel na nakahilig sa sofa. I expect him to be looking at the girl pero mali ako.

Mapupungay ang mga mata niyang nakatingin sa likod ko. His hand is slowly carressing my waist and my back.

Nagtatawanan na sina Amer. Si Caleb naman ay unti-unting nakahanap ng babae. Pinaupo niya iyon sa tabi niya at mukhang may pinag-uusapan na silang importante. Wine and hard liquor were served in front of us. Drinks poured in and the music is starting to get me.

“Hi Zamiel! Nice too see you here again,” hindi na napigilan noong babaeng kausap ni Amer.

Amer slowly looked at us then resumed to another animated conversation with the same girl. Sumulyap si Zamiel sa babae at pagod na tumango bago bumaling ulit sa akin.

“Zamiel,” another girl approached behind us. “Raoul is near our table. Lika, puntahan natin?” maligayang sabi ng isang chinita at maputing babae.

Napatuwid ako sa pagkakaupo, naghahanda sa pag-alis ni Zamiel.

“Just send my regards to him,” Zamiel said lazily then he looked at me again.

Awkward na nanatiling nakatayo ang babae roon, medyo napahiya bago hinawi ang buhok at nakihalo na sa mga nagtatawanang kaibigan.

Nilingon ko ulit si Zamiel.

“Bakit hindi ka sumama sa kanya?”
“What will I do with Raoul?”

Nagkibit ako ng balikat at bumaling sa nakalapag na inumin sa lamesa. Tumuwid sa pagkakaupo si Zamiel. I felt his chest behind me. I moved forward a bit just to put some distance between us pero ang kamay niyang nasa baywang ko ang tumulak sa akin pabalik sa dating distansya namin.

My breath hitched when I felt his whole chest on my back. He firmly put his hand on my stomach just to put me in place.

“I know what you’re thinking. Don’t drink,” he whispered slowly.

Ngumuso ako, halos hindi makagalaw dahil sa mga pagkakahawak niya sa akin. His other hand rested on my right thigh. Hirap na akong huminga at masyado na akong nababagabag sa kanyang hawak.

“Why? Inuuhaw ako. Konti lang naman,” sabi ko.

Kahit pa alam ko na ang dahilan noon, tinanong ko parin. He’s probably still upset with what happened the last time I got drunk. Naiintindihan ko naman. Nakakatakot din namang mangyari ulit iyon. Naparami lang naman din ako noon.

He called for a waiter. Lumapit agad ito sa amin. At papalapit ito, hindi ko kayang hindi pansinin ang iilang mga matang nagmamasid sa lahat ng galaw namin.

“Let’s order juice for you. What do you want?”

Nakangiti ang nag-aabang na waiter sa amin. Kunot-noo akong nag-isip ng juice na iinumin.

“I’m fine with pineapple juice…” sabi ko sa kanya.
Nag-angat siya ng tingin sa waiter. “Pineapple juice, please.”
“Noted, sir. Anything else?”

Zamiel motioned none. Umalis ang waiter kaya nilingon ko ulit si Zamiel. I saw him get a shot of whatever’s in front of us. Ininom niya ng tuluyan ang isa at naamoy ko kaagad ang alak sa kanyang hininga.

I shivered when I realized that even the scent of whiskey is attractive for me. Dahil lang sa kanya galing? What the hell? Am I this smitten of him?

“By the way, nareview ko ang iilang proposal at…” I started to distract myself from my inappropriate thoughts of him.

He put the glass back on the table. Binalik niya rin sa aking hita ang kamay niya.

“I saw… well… one you have to review, too. Iyong proyekto sa Panay Island. I find it… okay…” nagdadalawang-isip kong sinabi.

Am I that good to decide about this? Hindi kaya ipapahamak lang ako ng opinyon ni Senyora? Was it meant to shame me or what? Pero hindi naman tinanggihan ni Zamiel ang offer na iyon, ibig sabihin gusto niya pero may ilang problema lang?

“And, uhm… it’s a big project.”

Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. Bukod kasi sa hindi ako sigurado sa pinagsasasabi ko, titig pa siya sa akin.

“I saw your note about the need to survey it again. Ayos lang. Pwede naman nating ipadala roon ang mga engineer, hindi ba? And… you know…”

Uminit ang pisngi ko nang natanto ang susunod na sasabihin. This sounds so biased.

“We can house them in your mansion. Pero magbabayad naman ang kompanya! Pero… kung ayaw mo naman, pwedeng sa hotel na lang. May ibang hotel naman siguro roon, hindi ba?” tuloy-tuloy ang sinabi ko dahil sa kaba.

He did not respond immediately. Tumitig lang siya sa akin, nakikiramdam sa lahat ng mga sinasabi ko.

“Well, I’m sure meron. Marami naman siguro at baka mas malapit pa,” sabi ko nang nanatili parin ang titig niya sa akin.

He looked amused with something, the reason why my heart is racing double time.

“Okay. I’d let our engineers live in our mansion while the project is going on. No need to pay for it.”

Oh! That’s great!

“That will be a big help for the… hmmm… finance. And uhm, I’m thinking I could do this hand’s on. Sasama na rin ako sa kanila.”

Fuck! I forgot to ask if he’ll be there too? Nag aassume na ako masyado na iyon lang ginagawa niya! He has a company to take care of! For sure he can’t be free for my firm all the damn time.

“Uh-huh…”
“So… I will stay in your mansion, too…” I trailed off, gustong idagdag ang tanong kung naroon ba siya kung sakali.
“Hmm. Okay, then. I’ll arrange the schedules immediately.”

Shit. He might not be there anyway. Hindi na lang siguro ako magtatagal doon kung wala siya.

Astherielle! You should be there for work! Hindi para sa ibang bagay! Kailangan kong matuto kung paano ang lahat ng ito! Hindi ko pwedeng ihalo ang personal na mga problema sa trabaho.

“Hello, Zamiel! Hi!” a prominent showbusiness and media host went to our table with his entourage of pretty girls.

Tumayo si Amer para bumati roon. A man, bald and in his mid forties is making a scene in front of us. He’s wearing an all black outfit, and even in the shell of a man I know Eve lies in him inside. Tumayo rin si Caleb at nakita ko ang malamyos na bati nito para roon. Tumayo rin si Zamiel para magpahayag ng pagbati. Kilala ko lamang ang lalaki bilang isang showbiz personality pero hindi kami magkakilala sa personal. Ganunpaman, tumayo ako para sa pakikipagpormalan.

“Congratulations in your engagement! I knew you were engaged for a long time ago but I just assumed it is to Daniella?”

Lumingon ang lalaki sa akin at ngumiti. I smiled back.

“Kung hindi n’yo mamasamain, papaunlakan n’yo ba kung sakaling magsusulat ako para sa isang first class magazine tungkol sa inyo? A little interview will do… about confirming your engagement, Miss Zaldua?” ako ang puntirya ng lalaki.
Tumango agad ako bago pa makaapila si Zamiel. “We’ll set a schedule.”
“Thank you!” Then the man turned to Zamiel. “Isa na naman ang nalagas sa listahan ng Manila’s most eligible bachelors! Oh wait… come on let’s take a picture.”

Nagtawag agad ng photographer si Amer nang nakitang naghahanap ito ng mapagbibigyan ng cellphone para sa picture. The man positioned himself in between us. Inakbayan niya ako, ganoon din si Zamiel. Mabilis ang naging pangyayari. Dalawang picture at binitiwan niya na agad kami.

“I’m looking forward to the interview, Zamiel. I heard, wala pa kayong pinapaunlakan?”
“Yes, I will eventually set the schedule,” ani Zamiel.

His entourage were busy laughing and watching us from afar. Iilan ang pasulyap-sulyap kay Zamiel sabay tingin sa akin, tila nangungumpara ng kung ano. I held my head up and remained composed. Zamiel’s hand slowly caressed the small of my back. When he unconsciously noticed our distance, he pushed me to close whatever is between us.

After the slight commotion, nagpaalam na ang showbiz personality at unti-unti nang lumapit sa kabilang lamesa kung saan may kilala rin. Some of his entourage remained for a chat with Caleb or Amer. Naupo si Zamiel, sinunod ko naman siya, hindi pa nakakalma sa biglaang pakikihalubilo sa mga kaibigan nila.

“You sure with what you just said?”

Uminit ang pisngi ko. Alam ko kaagad kung ano ang ibig niyang sabihin.

“You indirectly confirmed that we’re engaged by telling them you’d schedule an interview.”

Ngumuso ako. Alam ko ang ginawa ko kanina. Gusto kong magpalusot at sabihing iyon naman ang paniniwala ng lahat pero sa tono niya, naramdaman kong hindi niya ako titigilan hanggat hindi niya makumpirma na ganoon nga ang iniisip ko.

“Why? Are you engaged with anyone else? Perhaps, Daniella?”
He winced at that. “I don’t even like your step sister.”
“Then… what’s wrong with it?” matapang kong sinabi.

His eyes lingered on me. The menacing stare he usually sported is surfacing a bit, making me tremble. His fingers slowly tapped the small of my back. He drew circles in it languidly at wala akong magawa kundi ang ipakitang ayos pa ako, hindi pa naman nahihimatay.

I need to clear things up with Daniella and Tita Matilda. I know I said I won’t marry Zamiel, pero sa sitwasyon ngayon na tila agaran na ang pag-aassume ng lahat na kami nga ang magpapakasal, backed up with the pictures of our engagement years ago, what else can I do?

What else can I do, your ass, Ace! You’re just making an excuse for this stupid act!

“I mean… I know your family believes in marriage for convenience. I think… it is really convenient, too,” sabi ko, hindi na alam ang mga pinagsasasabi at ang nais talagang ipahiwatig.
“Convenient to marry me?” he asked huskily.

Napalinga-linga ako sa paligid. How awkward it is that we’re talking about this matter here. Sinikop niya ang mga kamay ko. Bumagsak ang tingin ko sa aking hita, kung saan naroon ang aming mga kamay.

“Yes…” labas sa ilong kong sabi. “Well, I’d have to consult this with Daniella and Tita Matilda yet, pero… I will need your expertise in running a company I barely know about. You will need my expertise in drafting and woodworking…” pormal kong bulong, maging ako hindi makapaniwala sa mga sinasabi.

Hindi siya nagsalita. I can sense the heat of his stare just inches away from me. I did not dare take a peek of him.

“People think we’re already engaged. It will be very… very hard to take it back. Masisira pa sina Tita Matilda kung sakaling uungkatin pa ang dahilan ng lahat.”
“So you’re marrying me because of my expertise in the business? Huh?” the slight amusement in his tone didn’t escape my ears.

Napaawang ang bibig ko. Diretso ang tingin sa dancefloor kung nasaan ang nagsasayawang mga tao. Napakuha ako sa kalalapag lang na juice ng waiter sa harap. I sipped on it a bit, alibi para hindi na makadugtong pa.

“Mahirap akong asawa, Astherielle…”
I laughed mockingly. “You didn’t warn me about that years ago. Hmm. Pero sige… bakit mahirap kang asawa?”

His large hand rested on my thigh. Pilit niyang pinaglapit ang bahagyang nakabahagi kong mga hita. I was unconsciously sitting loosely and I realized he’s been so attentive with my every move.

“I’d stick myself wherever you are concerned. I’ll meddle with all the things in your life.”

Kinagat ko ang labi ko. Why I’m suddenly so alert and happy with what he just said is beyond me.

“And… I am a fucking jealous husband. Can you handle that?”

Parang tinarakan ng punyal ang puso ko. Nag-uumalpas ang sakit nito.

“I thought we’re m-marrying for convenience?” I reminded him to save my panicking face.
“Convenience, my fucking ass. You know that’s not the case for me.”

His lips made its way to my shoulder blades. He rested his chin on it. I bit my lowerlip, aware of his intimacy towards me.

Did he just ask me if I can handle him? He’s literally all over me even before everything happened. He manipulated his way in the club to get to me. He used my Aunt’s weakness to buy me for thirty million. Sige nga… paano akong hindi masasanay sa lahat ng pakekealam niya sa buhay ko?

O baka naman… hindi ito sanayan. Maybe… I like him meddling with my life. I need him to meddle wherever I’m concerned even when I can independently do those things.

“D-Do… you still have feelings for me?” banayad kong tanong habang hinahawakan ang isang baso ng juice.

Parang dinadasalan at sinasamba ko iyon habang pinagpapahinga ang baso sa aking hita. Ang kamay niya’y nanatiling nakahawak sa aking kaliwang hita, slightly pulling it so my legs won’t be apart for even a centimeter.

“No…” he whispered softly and weakly.

Nagpakawala ako ng marahang hininga. Tinitigan ko ang pineapple juice sa aking baso. Sa lahat ng nangyari sa amin, I would understand if he’s lost his feelings for me. Ang hindi ko lang maintindihan ay sa mga sinabi niya at sa mga kilos niya, pakiramdam ko, hindi kailanman nagbago. Maaaring nahaluan ng galit noon, pero kung may ibinago man, mas lumala lang ang intensidad.

“Feelings fade away…” napapaos niyang sinabi.

He sighed heavily before he buried his face more on my neck.

“…this doesn’t. No matter how hard I try.”

]]>
https://www.jonaxx.com/what-lies-beneath-the-sand-kabanata-36/feed/ 0
What Lies Beneath The Sand – Kabanata 35 https://www.jonaxx.com/what-lies-beneath-the-sand-kabanata-35/ https://www.jonaxx.com/what-lies-beneath-the-sand-kabanata-35/#comments Sun, 22 Oct 2017 12:09:35 +0000 https://www.jonaxx.com/?p=1657 Kabanata 35
Deny

“No need to buy lunch, Ma’am. Mr. Mercadejas ordered for you before he left,” si Daphne, pagkatapos kong magtanong tungkol sa menu ng cafe.

Hindi ko na kasi namalayan ang oras. I was so busy reading all the sheets in front of me that I forgot about lunch.

Umalis si Zamiel kanina para sa isang meeting sa kanilang kompanya. May opisina siya rito pero ang sabi ni Daphne kanina ay hindi naman daw iyon dito namamalagi. In fact, meeting lang iyon pumupunta rito.

“Oh. Okay…”
“Pinapaakyat ko na po rito. Do you want anything else, Ma’am?”
“Wala na. Thank you,” sulyap ko sa kanya.

Okay. Sa totoo lang, hindi ko alam kung handa ba talaga akong pangunahan ang kompanya. There are proposals from clients requiring my approval. At sa iilang papel na nabasa ko, iyong may approval lang ni Zamiel ang inaaprubahan ko.

Tingin ko, pwede kong ireview ang mga hindi niya kinuha pero natatakot ako dahil hindi ako maalam sa ganito.

Lumipas pa ang isang oras at ganoon parin ang ginagawa ko sa mga papel. My phone beeped and saw a message from Zamiel. Kunot-noo kong pinulot ang cellphone ko para basahin iyon.

Zamiel:
Did you eat your lunch?

Ako:
Yup.

Ikaw? Huminga ako ng malalim. Hindi ko kayang dugtungan iyon.

Zamiel:
I’ll let you choose your food tomorrow. Sorry for meddling.

I have no problem with his choice of food for me kaya bakit niya ititigil iyon? Huminga ako ng malalim. Of course, I should have a choice, right? I’m an independent lady with a company to manage. Dapat responsable na ako. Pangarap ko iyan noon pero bakit parang contradicting na itong nararamdaman ko ngayon?

Nabibigo pa ako dahil ititigil niya ang pagbibigay ng pagkain.

Tinitigan ko ang cellphone ko. His reply feels dismissive. Parang wala na akong pwedeng ma ireply kundi “okay”. Naaalala ko noong huli akong nagreply ng “okay” sa kanya. Hindi na rin siya nagreply, e.

My phone beeped again at para akong batang tinawag sa recitation nang nakita kong galing ulit iyon kay Zamiel.

Zamiel:
What are you doing?

Shit. He texted again?

Kanina, noong nag-usap kami sa conference room, akala ko… akala ko… he actually sounded confused and tired. Tired of me, huh?

Kaya naman ngayong nakita kong nagtitext siya ng ganito, para akong nililipad ng hangin.

Ako:
Reading the approved proposals. Ikaw?

Pumikit ako ng mariin. Dinikit ko ang mukha ko sa aking lamesa. Stop acting like a child, Ace! You should be damn respectable and not like a teenager!

Umahon ako at inayos ang sarili. Zamiel’s thirty years old. He can find a better woman a bit older than me. Say… Twenty six? Iyong pormal at hindi bata mag-isip. Oh my gosh!

Sumagi sa isip ko si Zamiel na hinahawakan ang baywang ng ibang babae. I’ve never seen him hold Daniella’s arm or waist. At ngayong naiisip ko iyon, para akong kinakatay.

Zamiel:
Meeting with a client for furniture designs.

Naalerto ako roon dahil sa furniture. That is my strength and definitely not this firm. Lalo na noong sinabi ni Zamiel sa akin kanina ang proseso para gawin itong… I forgot the term. He said he wants to invest here and some large companies want to buy shares, too.

Dumudugo ang ilong ko sa mga sinabi niya kanina. He suggested that I read a book about it. Naroon sa shelf malapit dito. Gosh, will I understand and learn this? Pero naniniwala naman ako sa kakayahan ni Zamiel kaya paniguradong kung anong sinuggest niya, iyon ang tama.

Bago pa ako makapagtipa ng sagot ay tumunog na ang intercomm. I’m guessing there’s another reporter out there asking Daphne if I really got engaged with Zamiel. Kanina kasi, may nagtanong kung ako raw ba iyong nasa picture.

I saw the pictures and yes, it is indeed me. Hindi ko maitatanggi dahil high definition photos iyon ng engagement namin sa Costa Leona.

“Ma’am-”

Hindi na natapos si Daphne sa pagsasalita. Basta’t sumabog na lang bigla ang pintuan. Iniluwa nito ang nanggagalaiti at umiiyak na si Daniella.

“I don’t need approval! Fuck you!” she screamed.

Mabilis na tumakbo si Daphne para pigilan si Daniella sa biglaang pagpasok. Tumayo ako sa gulat pero agad ko ring sinenyasan ang sekretarya na ayos lang iyon.

“I’m sorry, Ma’am-”
“Bakit ka nagsosorry? I have the right in this company! She’s not the only Zaldua here!” sigaw ni Daniella sa sekretarya ko.

Sumenyas ulit ako kay Daphne na iwan na kami. She nodded and closed the door. Nakatayo ako pero nanatili akong nasa harap ng lamesa. Based on Daniella’s sudden outburst.

Tinuro niya ako. Ang mga luha sa kanyang mga mata ay mabilis na bumubuhos. Namumugto rin ang mga ito at ang ilong ay sobrang pula na dahil sa pag-iyak.

“Walang hiya ka! May gana ka pang magsabi na engaged kayo ni Zamiel!”

I calmly blinked, sabay ang pagbuntong-hininga.

“I did not say that-”
“You’re not true to your words! Hindi ba nagkasundo tayong dalawa? Pinili mo ang trabaho! Eto na, Ace! Mas sobra pa sa hiningi mo! Na sa’yo na ang posisyon kaya bakit pati si Zamiel ay kinukuha mo!”

It sounds like utang na loob ko pa sa kanila ang kompanyang ito. Sige, hindi ako magrereklamo. They have money here. Pinalago pa nila ito.

“Calm down, Daniella. Why don’t you go to Zamiel and-”
“Fuck you!” she screamed so loud I can hear her vocal cords vibrate. “Kinuha mo ang bahay! Ang negosyo! Ngayon si Zamiel!”

What the hell? Why am I blamed for this?

“Did you tell him what I told you, then?” sabi ko, tinutukoy ang mga masasakit na salitang nabitiwan ko para kay Zamiel.

Kahit pa hindi niya na naman iyon kailangan sabihin kay Zamiel dahil narinig niya naman yata iyon noong pumasok siya. I just want to remind Daniella that I told her what to do.

“Napakawalang hiya mo, Ace! Pagkatapos ng ginawa namin ni Mommy para sa’yo…”

Natigilan ako roon. Unti-unting nauubos ang pasensya ko dahil sa mga paratang niya sa akin.

“Ang landi-landi mo! Kahit noon pa man! Wala kang utang na loob-”
“Walang utang na loob? Come on, Daniella! Huwag mong isumbat sa akin iyan. I did not tell the media how cruel your mom treated me! Pwedeng pwede kong sabihin na pinalayas ako sa sarili kong bahay! Na nagpakalayu-layu ako dahil maging si Auntie Tamara ay dinadamay n’yo! I can always tell them how you two threatened me just weeks ago, pero hindi!”
“At iyan ang dahilan? Iyan lang ang dahilan kaya mo inaagaw si Zamiel ngayon? Huh?” she sounds so disappointed of me.

I groaned. Frustrated ako sa mga argumento niya. Inisip kong maaring desperada lang talaga siya. Mahal niya si Zamiel at natatakot siyang maagaw ko ito kaya lahat ng pwede niyang sabihin ay sinasabi niya sa ngayon.

“I am not taking Zamiel away from you. You’re hallucinating, Daniella-”
“Anong hindi? Kinakalat mo na engaged ka sa kanya?”
“Hindi ko kinakalat! They were asking if I was that girl in the picture. Anong gusto mong sabihin ko? Ikaw ‘yon? E, obvious na ako ‘yon! Don’t worry, the next reporter, ieexplain ko na inutusan mo ako at ikaw talaga ang engaged kay Zamiel-”
“Oo! Para masira ako? Malaman ng lahat na binayaran kita! Don’t you dare say that!” tumaas muli ang boses niya.

What the hell? Then what will I do now?

“Then… how can I help you, Daniella?” kalmado kong sinabi dahilan ng mas lalong pag-iyak niya.
“I hate you! Mang-aagaw ka talaga! Dati ka pang ganyan! Inaagaw mo noon si Ashton sa akin. Pagkatapos si Zamiel. Ngayon, dahil kita mong mahal na mahal ko si Zamiel, binabalikan mo ulit?”

Sinapo ko ang noo ko. Pilit kong iniisip pa ang pwede kong gawin para sa kanya. Iiwasan ko ba si Zamiel? Tell him hurtful words again? Parang bumabaliktad ang sikmura ko habang naiisip ang mga mata niya kanina. He looks so devastated and sorrowful. Pakiramdam ko, hindi ko kakayaning tumitig sa mga mata ni Zamiel at sabihin ulit iyon.

“Napakawalang hiya mo, Ace! Tinulungan kita noon. Tumupad ako sa usapan natin. Pero ikaw?”
“Daniella…” marahan kong tawag.
“Shut up! Sinungaling ka! Napakawalang hiya mo!”

Pagkatapos ay tinalikuran niya ako at mabilis na lumabas sa aking opisina, humahagulhol. Sinundan ko siya ng tingin, nag-iisip ng pwedeng sabihin pero nang natantong wala, yumuko na lamang ako.

Isang nag-aalalang Daphne ang nakita ko sa bukana ng pinto. Mas stressed pa siya tingnan kesa sa akin.

“Ma’am, sorry po. Hindi ko siya dapat papapasukin kaso nagpumilit siya at-”
“It’s okay. Hindi siya ibang tao. She’s my stepsister. She’s one of your boss, too, so…”
“Bilin po kasi ni Mr. Mercadejas na utos mo lang ang sundin ko. Na ikaw lang po ang boss ko…”

Oh that man!

“Anyway, it’s okay, Daphne. Don’t worry about it.”

Tumango siya at pinasadahan ng tingin ang opisina. Siguro, iniisip niyang may nabasag o nasirang mga gamit dahil sa sigaw ni Daniella kanina. Nang nakumpirma niyang wala ay nagpaalam na siya na babalik na sa kanyang lamesa.

Ilang saglit pa akong tumayo roon, iniisip ang lahat ng mga sinabi ni Daniella. What can I do, then? Gosh! Should I just think about work first?

Naupo ako sa aking swivel chair. Nalingunan ko ang cellphone kung saan may huling mensahe ni Zamiel sa akin. Tinabunan ko na lang ng palad ang aking mukha para pigilan ang sariling magreply sa kanya.

It’s okay. Work hours naman kaya kung hindi ako magreply, may dahilan naman. Though, truth is…

Bumuntong hininga ako at binuklat ang iilan pang babasahing proposal para magsimulang magbasa at magreview. Bago pa pumasok sa utak ko ang mga binabasa ay may kumatok na sa aking pintuan.

Bumukas ito at si Daphne ulit. She looks problematic pero pinagpatuloy niya parin. Tumango ako para ipakita sa kanyang ayos lang kung may kailangan siya.

“Ma’am, Madame Mercadejas wants to see you right now.”

My world stopped. Pagkatapos ng tinamo kong mga masasamang salita kay Daniella, ngayon kay Senyora naman. Hindi ako umiyak sa mga sinabi ni Daniella. I was too frustrated to concentrate on the pain pero kung si Senyora ang magsasalita ngayon, pakiramdam ko, hindi ko kakayanin.

“O-Okay…” sabi ko at sinarado ang binabasa para makapaghanda sa ano mang ihahain ni Senyora Domitilla.

Tumabi si Daphne at nakita ko si Senyora Domitilla sa kanyang likod. Pormal at taas noo ang ekspresyon ni Senyora. Kabado agad ako. Tumayo ako para bumati.

“Magandang hapon po…” mahina ang boses ko.

Hindi ko alam kung paano ko imumuwestra sa kanya ang upuan sa harap. Parang hindi bagay sa kanya na pinapaupo sa sofa man. Daphne closed the door, naramdaman ko ang urge na tawagin siya pabalik at makiusap na huwag kaming iwan pero hindi iyon tama.

Pinasada ni Senyora ang kanyang mga mata sa muwebles ng silid. She’s wearing a cream colored whole dress. Her hair is in a bun and her lips, matte of brick red. Nakakanginig ang tunog ng bawat paglapat ng takong niya sa sahig. Ito lamang ang maririnig bukod pa sa tambol ng puso kong gustong tumakbo palayo.

“You fit perfectly here…” panimula niya habang ginagala parin ang mga mata sa iilang abstract paintings na naroon.

Gusto kong magpasalamat pero natatakot akong sarcasm iyon kaya hindi ako nagsalita. Nilingon niya ako, siguro dahil na rin sa katahimikan ko.

“Who would’ve known you’d clean up well and can even manage the company well,” anito.

Napakurap-kurap ako sa sinabi ng matanda. Is this true or should I brace for painful words later?

“Well, anyway…”

Bumalik siya sa harap ng lamesa ko at naupo sa isa sa mga upuan doon. Napalunok ako. Hindi ko talaga alam ang gagawin pero I find it rude to stand while she is sitting down so I sat on my swivel chair. I was so careful not to move much, I might offend her in some ways.

“You’re reading some proposals, I can see.”
I nodded. Tuyot parin ang lalamunan para sa mga salita.
“Nakabasa ka ba riyan noong kliyente n’yo na may project sa Aklan? The one involving my grandson’s rotomoulding company?”
“Uh… Y-Yes, po. Meron.”
“Hmm. Zamiel is hesitating about it but I recommend you get that project. Kilala ko ang may-ari at maayos naman ang terms. Maybe, Zamiel just wants to visit the site first with your expert engineers so he can confirm that it is really fine.”
“Uh, yes, I think I remember that, po. Zamiel noted that the site should be checked thoroughly,” sabi ko habang halos magpanic sa paghahanap noong nabasa ko kaninang proposal.
“You won’t have a problem bringing your engineers there. I suggest you also go. Pwede itong unang hands on activity mo for the company.” Nakangiting tumango si Senyora Domitilla.
I nodded, too, wanting so bad to agree with her.

Maaaring naging masakit ang mga natamo kong salita galing kay Senyora pero naiintindihan kong dahil lamang iyon sa pagsisinungaling ko noon. She didn’t want a girl like me for her grandson. A scam and a liar…

“Sige po. I will check on it…”
“Zamiel can help you understand it more. The engineers survey the land before they start the project. Ibig sabihin, they might need to stay in that place for days. Although, I’m sure your company has budget for the accommodation of your employees but I can suggest you house them in our mansion?”

She smiled again. Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Senyora Domitilla. She offered their mansion for us! Lokohan ba ito? May kapalit ba o baka naman aapihin ako roon?

Hindi ako makapagsalita kahit pa halata sa kay Senyora na hinihintay niya ang sasabihin ko.

“Tumira ka na roon noon. It improved in the past years, not that it needed much improvement. Do you agree?”
“O-Of course, Senyora. Ayos lang po… But… I’m not quite sure if that’s okay. Makakaabala po kami.”
“Hindi, hija!” her tone is very assuring. “I will be very glad, actually. Marami kaming kasambahay and our cooks are very good! We have guestrooms with bathroom for each!”

Is this a promotion? Are they planning on making their mansion a resthouse or hotel? Hindi ko alam.

“Plus… matutuwa silang maligo sa dagat ng Costa Leona. They can have the beach for themselves, unlike if you stay in hotels. Maraming ibang guests at hindi tahimik. Kaya I suggest, hija, doon na kayo tumira sa mansion.”
“O-O… sige po. I will suggest that, too. Kapag… napag-usapan na po namin iyan.”
“That’s good,” she nodded, pleased.

Biglang tumahimik. Mas lalo lang akong nanlamig at nagpanic. Nang naalala ang tamang paggalang sa bisita sa opisina ay hindi na ako nagdalawang isip na mag offer sa kanya.

“Uh, Senyora, would you like coffee, tea, or juice? Anything?”
“Tea will do, hija. Alam mo namang may katandaan na…” humalakhak siya.

I awkwardly smiled, too. Pinindot ko ang intercom para matawag si Daphne at sinabi ko na ang kailangan ni Senyora. Magt-tsaa siya, ibig sabihin magtatagal pa talaga siya rito?

Sana bumukas ang lupa at kainin na lamang ako.

“I’m into healthy living now. Can’t even drink wine that much. Ayaw ko lang pagbawalan ang sarili ko dahil paborito ko iyon!”
“Ah!” Humalakhak akong pilit. “But I guess you have regular visits with your doctors-”
“Yes! Of course, hija. Kaya nga, as much as possible, I want my grandsons to settle fast. I wanna see their children.”

Now, this is so awkward. Tumango ako at nag relax. So this is what she’s here for?

Kumatok si Daphne at pumasok para sa request na tsaa ni Senyora. Nilapag ni Daphne sa isang maliit na lamesa at agad namang kinuha ni Senyora. She played with the teabag’s string as she started her drawl about life.

“Tumatanda na ako at simple na lang ang hiling ko sa mga oras ko sa mundong ito, and that is to see my grandsons happy.”

Mas lalo akong kumalma. Mas nakakatakot kasi iyong wala akong alam sa pinunta niya rito. Ngayon, at least alam ko na kung ano talaga ang sadya niya.

“Tingin ko po, maiintindihan ka ni Zamiel kung sasabihin mo po ‘yan. I think he loves and respect you so much that he’d understand all your wishes. And Daniella is ready for that life ahead of her…” mapait kong sinabi para lang hindi na maulit pa ang pagtatalo sa unang araw ko sa opisinang ito.
“Oh no…” Umiling si Senyora. “They never got engaged…”

What? Kahit alam ko, nagulat parin ako. Nakakagulat na mismong si Senyora ang umamin na hindi nga engaged ang dalawa.

“Honestly, we tried but it just didn’t work. Bukod sa tapos na ang engagement ninyo noon ni Zamiel, my grandson is just not willing to do it again with any other girl.”

Napatikhim ako roon. Engagement namin ni Zamiel? Should I start saying sorry again for that? Magsisimula na sana ako pero may mga dugtong pa siya.

“Ako rin naman. Honestly, it is awkward to suddenly do another engagement pagkatapos malaman ng lahat ng kilala namin na engaged na kayong dalawa. Noong umalis ka, my friends talked about you and the wonderful engagement night you two had in Costa Leona. Kaya naisip kong hindi maganda na uulitin iyon sa mukha ng ibang babae.”

Wait? But Daniella should be engaged to Zamiel, right? Litong lito na ako sa ibig sabihin ni Senyora.

“Iyong pagkakasundo ko at ni Lucianna na ipakasal ang panganay na anak sa anak ni Matilda noon, that’s nothing but words. Not legally binding, at all. Kung may mas legal man sa pangakong iyon at sa engagement party ninyo ni Zamiel, I think we both agree that the engagement party was more legit, right?”

I can now guess what this means pero hindi ko pa kayang aminin iyon kahit sa sarili ko. Tototo ba ito? Not that I want it but…

What the hell? Is this happening?

“You faced our family friends and you are the face they all remember.”
“Uh, Senyora… uhm… Kagagaling lang po kasi ni Daniella rito kanina and she’s not very pleased with-”
“Ay naku, hija! We all go through heartbreaks! Just in her case, she never got her assurance from the start…”

What???

Hindi ko na maitsura ang ekspresyon ko habang tinatanggap ang mga salita ni Senyora.

“Anyway, for the good of all, I think Zamiel’s leadership will do good in your company. You will need his business instinct. I also heard that you’re good at furniture! You know drafting and woodworking?”
“O-Opo… Oo naman po.”
“Well, you can certainly do that in Zamiel’s company! Alam mo bang nag eexport siya? His furniture are export quality! A resort in the Carribean even ordered from him!”

I want to pretend that I’m shocked. Talaga namang outstanding ang achievement na iyon pero hindi iyon ang priority kong isipin ngayon. It’s actually her presence here and her real motive!

Sumimsim siya sa kanyang tsaa at nag simulang tumango.

“Dusit Thani, name it. His furniture is storming the world. Kung sasali ka pa sa kompanya niya, saan kaya kayo makakarating, ‘di ba?”

Tumango ako, parang interesado. Maaring interesado pero mas interesado talaga ako sa kung ano ang ibig niyang sabihin.

“So you can do more for his company while he can do so much more for yours. That’s a give an take relationship. Fair enough for the both of you? What do you think?”
Mabilis akong tumango sa takot na madismaya siya sa opinyon ko. Tama naman pero… Ano ba talaga ‘to?
“This is a very good idea! Strengthening both the companies through merging.”
“Po?”

Humagalpak sa tawa si Senyora Domitilla. Sinasabi ko na nga ba, e. Joke time lang lahat ng sinabi niya.

“Don’t worry, I think if it will happen, you both can take it slow since marami pang aayusin sa mismong organization, hindi ba? But I am looking forward to it.”

Tumayo siya at ngumiti. Napatayo rin ako dahil nararamdaman ko na aalis na siya. Lumapit siya bigla sa akin at hinawakan niya ang aking balikat. Sa sobrang gulat ko, natuyong muli ang aking lalamunan.

“Alam ng lahat na engaged na kayo ni Zamiel, the news of any merging won’t shock them but if you’re not willing to, I don’t think Zamiel will force you. But I’m sure he’ll offer you his company. A piece of advice, hija, if he does, pumayag ka. That will be good for you since it is your strength, right? I know you want to maximize your talent and his company will give you that.”

Napaawang ang labi ko. Bago pa ako makapagsalita ng kung ano ay nakipagbeso na si Senyora sa akin.

“I’m sorry for being hard on you. I was just disappointed for my grandson. I hurt for him so much. I hope you can forgive me,” banayad niyang sinabi.
“Uh… It’s o-okay. I understand, po.”

Masaya siyang tumango at ngumising muli.

“I hope once you two decide on the dates, ako ang una ninyong sasabihan.”

Dates for what?

“And, hija, please don’t mention this to Zamiel. Sana huwag mong sabihin na pumunta ako rito o nag-usap tayong dalawa tungkol sa lahat ng pinag-usapan natin.”

Parang bagyo si Senyora na umalis sa silid ko. Mabilis at parang walang nangyari kahit na ngayon, sirang-sira na ang utak ko.

Buong hapon akong naging preoccupied sa lahat ng mga binitiwan niyang salita. Zamiel’s face will always flash in my mind and it sent shivers down my spine. My heart hurt so much pero abnormal yata dahil nagagawa ko pang ngumiti. It hurts even when it’s happy. Or it is so happy that it hurts.

Bakit ako matutuwa? Bakit masaya? Nababaliw na talaga yata ako!

“Are you okay, M-Ma’am? Do you need anything?” si Daphne nang naabutan akong nakahilata ang ulo at mga braso sa lamesa ko.

Magliligpit siya ng ininumang tsaa ni Senyora at kanina pa ako rito walang nagawa at nakaganito lang. Nevermind the poise… I am literally weak because of everything.

My phone beeped. Tiningnan ko ito at nakitang may mensahe galing kay Amer.

Amer:
Sabay na rin tayo mag dinner mamaya before we head for the club.

I replied weakly.

Ako:
Okay.

Nanatili akong ganoon sa aking lamesa. Hindi man lang naiidlip kahit konti dahil sa dami ng iniisip. Hindi ko na namalayan ang pagdaan ng oras. Naging manhid na rin ako na dapat pala sinasabihan ko si Daphne na huwag na akong antayin dahil nababaliw na ako rito.

It’s six in the evening and my secretary is still here.

“Ma’am, Mr. Mercadejas is here, uh…” aniya sa intercom.

Napabangon ako sa kaba. Agad na napacheck sa salamin at mabilis ding nagsalita.

“Five minutes. I have to get ready first,” sabi ko dahil kailangan ko pang magsuklay at mag retouch bago ko siya makita ulit.

Fuck! Kung ninerbyus ako noon tuwing nagkikita kami, ngayon para akong magkakaheart attack! Pagkatapos ng mga nangyari sa araw na ‘to, bakit mas triple ang kaba ko kapag nariyan siya!? Bakit parang guilty pa ako? Bakit parang may nililihim ako? Damn!

“Are you okay? You’re not feeling well?” Zamiel’s husky but commanding voice made me jump from my chair. Siya ang nagsalita sa intercom.

Mas lalo akong nagmadali sa pag-aayos. Hindi ako nagsalita pabalik. I powdered my nose, put on lipstick, put blush a bit, comb my hair… lahat na!

“We can just tell Amer you’ll celebrate some other time.”

Napawi ang pagmamadali ko when I responded. I had to be cold and calm. Dapat hindi niya mamalayan kung ano man ang nararamdaman ko at ang nagbago dahil sa araw na ito.

“I’m fine,” malamig kong sinabi pagkatapos ay kinagat ang labi.
“Then… may I come in?”

Shit. Shit!!!

“Sure,” malamig ulit na response.

Kinuha ko ang powder ko at nagkunwaring nananalamin habang marahang inilalapat ang powder sa gilid ng aking pisngi. Bumukas ang pintuan. Tuwid na tuwid ang pagkakaupo ko, kalmado, pormal, at parang walang problema kahit pa parang bulkang sasabot ang puso.

Zamiel removed his coat and loosened his tie. Nakatitig siya sa akin. Nilapag niya ang kanyang coat sa likod ng sofa at marahan siyang naglakad palapit sa akin. His massivity is so hard to ignore kaya napabaling din ako sa kanya kahit na pakiramdam ko’y lumalabas ang usok sa aking tainga.

“I heard from Daphne you were tired. You might want to go home and rest…” he drawled.
“No, I’m fine…”

Inangat ko ang tingin ko sa kanya. Tatlong segundong titigan ay para na akong hihimatayin. Nanginig ang kamay ko at agad kong pinutol ang titig ko sa kanya.

“I also heard the reporters were annoying you. You can deny para tumigil na sila…”

Oh. Ngumuso ako, parang may gumuho sa loob ko sa sinabi niya. Gusto kong magalit. Bakit? Hindi ba ako naman ‘yon? Pero baka iniisip niya na naiinis ako dahil sa intriga.

“Okay lang…” sabi ko. “Let’s go?”

Tumayo ako, binalewala ang pagguho ng kalooblooban dahil sa sinabi niya. Bakit? Ayaw niya ba roon? Maybe he thinks I never wanted it, anyway. Na ayaw na ayaw ko iyon. Kasalanan ko naman, I pushed him away every flying chance I had. Now he thinks everything I said is true… hindi ko nga lang mabawi-bawi. Aatakehin yata ako sa puso kung sakali.

I walked towards him. Nanatili siyang nakatayo at nakatitig sa akin. Sobrang sakit ng ribcage ko sa sobrang bilis at lakas ng tibok ng aking puso at dahil lang iyon sa titig niya. Paano pa kaya kung nag-usap na kami? Fuck!

It’s really true, huh? Lies come easy, the truth is so hard to say.

]]>
https://www.jonaxx.com/what-lies-beneath-the-sand-kabanata-35/feed/ 0
What Lies Beneath The Sand – Kabanata 34 https://www.jonaxx.com/what-lies-beneath-the-sand-kabanata-34/ https://www.jonaxx.com/what-lies-beneath-the-sand-kabanata-34/#comments Sun, 22 Oct 2017 12:07:50 +0000 https://www.jonaxx.com/?p=1654 Kabanata 34
Again

I did not prepare for this.

Pagkalabas pa lang namin sa sasakyan ni Renato ay mabilis na dinumog ako ng mga reporters. I was so shocked. I did not expect to be treated that way. Noong una, akala ko nagkamali sila pero kalaunan, nang sinisigaw na ang pangalan ko natanto kong ako nga ang tinutukoy nila.

I forgot that Daniella and Tita Matilda lived a very social lifestyle. They are at the top of the social pinnacle that’s probably why a bunch of reporters are here for a quick interview.

“Miss Astherielle Zaldua! One question, please, Ma’am…”
“Ma’am, where have you been? Abroad?”
“Is it true that Matilda Zaldua claimed the company even when it’s not hers?”
“Miss, are you suing them?”
“Miss Zaldua, are you still friends with Daniella Zaldua?”

Sunod-sunod ang mga tanong. Dahil kasama ko si Judson, na gulat din sa nangyari, ginawan niya ng paraan para hindi makalapit ang mga reporters.

“Is that your boyfriend, Miss Zaldua?”

Ibang klaseng pang-iintriga ang tinamo ko papasok pa lamang sa building. Kabadong-kabado tuloy ako. Hindi ko alam kung dapat bang ignorahin ang mga reporter o kausapin para manahimik.

“Miss Zaldua, what are you wearing? Where do you usually hang out?”

Oh my gosh. These people really think that I am just like my steps. Siguro, kung hindi ako pinagkaitan. Ang hindi nila alam, namuhay akong mahirap pa sa daga for the past years because they fooled me.

“Miss Zaldua, is it true that Matilda Zaldua is a fraud?”
“Miss Zaldua, are you engaged with Zamiel Mercadejas?”

Sa lahat-lahat ng mga tanong na ibinato, sa tanong lamang na iyon ako napalingon. Judson covered me to stop the crowd. May security rin na nag-abang sa akin at agad pumalibot dahilan ng hindi ko pagkakakita sa reporter na nagtatanong.

“May pictures po kasi!”
“Tara na, Ace. Ang dami palang tao rito! Big time ka pala!” si Judson na namamangha rin sa nangyayari.

I had no choice. Mabilis akong pumasok sa building. The security team were there. Nang nakita ako’y parang naliwanagan ang lahat ng naroon.

Isang balingkinitan at maputing babae ang lumapit sa akin. She’s all smiles and her attire is corporate.

“Good morning, Miss Astherielle Zaldua! My name is Daphne, your secretary.”
Ngumiti ako at iginala ang tingin sa buong lobby.

Ilang taon na akong hindi napapadpad dito pero alam ko parin ang pasikot-sikot, iyon nga lang marami ang nagbago. The building looks more modern. Lumaki ang lobby at mas lalong gumanda ang interiors.

“How was your morning, Ma’am? Sorry for the trouble outside, natunugan po kasi ng press ang nangyari at magpapapress conference ang mga Mercadejas mamaya.”

Nagulat ako roon. What? What press conference? What is this all about?

Okay, Astherielle… kumalma ka. I am new to this life but I won’t let them see it. Taas noo akong tumango. Nakataas ang kilay ko paggala muli sa lobby at puro nakangiting empleyado ang nakikita ko.

“My morning’s fine. Where is my office?” mataman kong tanong.
“Oh! I will lead the way, Ma’am…”

Tumango ako at sumunod sa kay Daphne. Sumunod na rin si Judson sa aking likod. Nalingunan iyon ni Daphne dahilan ng bahagyang pagkunot ng noo.

Ang lahat ng naroon sa mga gilid ay panay ang bati sa akin. Mas lalo lang tuloy akong naging tensyunado. But then like how I fooled people before, I know how to look confident even when my insides are in deep shit. Tinanguan ko ang bawat bumabati sa akin but the smile came out smaller than how it should be.

“Ang ganda niya!” puri ng mga nadadaanan ko.
“Is that her boyfriend?”

Pumasok kami sa lift. Si Daphne ang pumindot ng tamang palapag at nilingon niya ulit kami ni Judson.

“Do you want coffee, tea, or just water, Ma’am?”
“I’m fine with coffee,” sabi ko sabay tingin sa repleksyon ko sa salaming nasa elevator.

I look stoic and stiff. I squared my shoulders. Nakapalan yata ni Auntie Tamara ang eye shadow ko, I look too serious or something.

“How about your… uh… friend, Ma’am?” si Daphne.

Nilingon ko si Judson at pinagtaasan ng kilay para masagot ang tanong. He got stunned a bit. Napakurap-kurap siya at napalunok bago sumagot.

“Wala na. Ayos lang a-ako…” si Jud.

Bumukas ang pintuan ng lift at lumabas na kami. Daphne started walking towards the lobby. Gaya ng inaasahan ko, walang tao roon. The office of the executives is located in an exclusive floor, wala rito ang mga empleyado. Iminuwestra ni Daphne ang isang pintuan at nauna akong pumasok doon.

Malaki ang lamesa, sa likod ay ang tanawin sa labas, at may iilang halaman ang naroon. It is decorated minimally and I like it.

Maayos din ang pagkakalagay ng mga papel sa lamesa. Naupo agad si Judson sa sofa habang tinatanaw akong lumalapit sa aking swivel chair. Wow! I can’t believe I’m really here! That this is mine. These are all mine!

Nanatiling nakatayo si Daphne malapit sa pintuan. Sa kanyang kamay ay ang isang maitim na organizer habang nakangiti siyang pinagmamasdan akong umupo. Taas noo kong pinasada muli ang mga mata sa buong opisina.

“This is fine,” deklara ko nang nasiyahan naman kahit paano sa nakikitang office.

I thought Tita Matilda would make my worklife hell and give me a small office.

“Ma’am, uh, the clients and all the other involved guests are waiting for you in the conference room. Doon ko na lang po iseserve ang coffee?”
“Oh?”

Shit! Parang lalabas ang puso ko sa kaba nang narinig ko iyon. I imagine the conference room to be filled with big people! Kung noong naroon ako kina Amer ay kami lang, mas marami panigurado ngayon.

Tumayo ako at hindi muli pinahalata ang kaba.

“Can you tell me the names of the people I am expecting in the conference room, then?”
“Okay, po. First, Managing Director Zamiel Mercadejas.”

Shit… Well, I expected him to be there, pero para akong uod na binudburan ng asin nang nakumpirma iyon. Naroon na kaya siya? Or is he going to be late, grand entrance? And will he enter with Daniella?

“Sino pa?” I probed when I noticed she’s waiting for me to probably faint.
“Uh, Mrs. Mercadejas, the Director’s mother po. And Madame Domitilla Mercadejas…”

Why are these people here? Oh shit! Oh shit! Oh no shit!

Hindi ko pa nakikita si Lucianna Mercadejas pagkatapos ng panlolokong ginawa ko! And what will fucking happen now that they’re in that conference room? Pagtutulungan ba ako roon? Hindi naman siguro. Amer will be there. Caleb will be there. I will be fine.

Kinalma kong muli ang sarili ko.

“Mr. Amer Samaniego and Mr. Caleb Samaniego… Miss Daniella Zaldua and Mrs. Matilda Zaldua. We also have the leader of our Administrative Department…”

Nagpatuloy siya, binabanggit ang mga pangalang napag-aralan ko noong nakaraang linggo.

“For the Project Department, we have Engineer John Paul Mercado. For the Finance Department, we have Miss Ameena Macaraeg…”

Marami pa siyang binanggit habang dire-diretso ang lakad ko palabas ng opisina. Siya ang pumindot sa tamang palapag ng conference hall. Nang tumunog ang lift ay parang sasabog ang dibdib ko sa kaba.

Hindi ko alam kung nasaan ang hall, bago o hindi ko lang maalala talaga kung saan iyon kaya nauna si Daphne patungo roon. Naglalakad pa ay may iilan nang nakangiting empleyado sa akin. I bowed curtly and smiled at them, most were men as expected.

Binuksan ni Daphne ang puting double doors. Bilib na talaga ako sa sarili ko. I have never been this nervous my whole life but I am pretty sure it did not show on my face. Bawat hakbang ko papasok, para akong nililipad ng hangin. Nanlalamig ang mga kamay ko at kung hindi ko pipigilan ang sarili ko, baka manginig na ako sa kaba. Ang kaisipang iyon ang mas nagpaigting sa pagpapanggap kong hindi ako kabado.

Nakaupo si Zamiel sa kabisera ng mahaba at malaking lamesa ng room. It is full of people. Dalawa lang yata ang upuang walang tao, ang kabilang kabisera at ang katabi nito.

When he saw me enter the room, he languidly bore his eyes from my head to toe. He tilted a bit, nakatingin sa papel sa harap, bago umigting ang panga.

“Dito ka na lang, Jud,” sabi ko nang nakitang nagdadalawang-isip ang kaibigan kong pumasok.

Maybe Judson felt intimidated. Mali pala na sinama ko siya rito. He looks hesitant to join me. Kung siguro’y walang ibang taong nanonood sa amin ay baka kanina niya pa pinili na sa labas na lang maghintay.

Binalik ni Zamiel ang tingin sa akin. Nagtagal ito kay Judson na naupo na ngayon. Nagsitayuan ang iilang mga naroon para batiin ako.

“Ladies and Gentlemen, this is Miss Astherielle Serpahine Zaldua,” si Daphne ang nagbasag ng katahimikan.
“Miss Zaldua, it’s nice to finally meet you,” a man in his late twenties held out his hand.
Ngumiti ako at tinanggap ang kamay ng lalaki. Sumunod na rin ang iba.

Nahagip ng tingin ko ang pamilya ni Zamiel na naroon nga. Titig na titig si Lucianna Mercadejas sa akin at kung meron mang nagpakaba pa lalo sa akin doon, siya iyon. Behind her is a bodyguard standing erect. Sumimsim si Lucianna Mercadejas sa kanyang tubig, hindi parin tinatanggal ang tingin sa akin.

Sa tapat ni Domitilla Mercadejas at Lucianna Mercadejas ay si Daniella at Tita Matilda. Nakabusangot ang mukha ng mag-ina. Daniella looked so pissed. Para saan ba? Hindi ba si Zamiel naman ang gusto nila? Nasa kanila naman? Isn’t she living in Zamiel’s condo?

Napatingin ako kay Zamiel ngayon. Iniwas niya agad ang tingin niya sa akin, kunot noong ibinaling iyon sa papel na nasa harap niya, tila may binabasang hindi maganda.

Patuloy naman ako sa pagngiti sa mga nakikipagkamayan at bumati sa akin. Tumayo si Amer, hindi kalayuan sa inuupuan ko. Si Caleb ay nanatiling nakatingin sa akin, he smiled slowly when he noticed me looking at him.

“Shall we start the meeting. I believe some of you have a press conference later, mas mabuting matapos ito ng maaga…” si Amer na siyang nagpaupo na rin sa mga naroon.

Tumango ako. We all settled down. Nilapag naman ni Daphne ang kape sa aking mesa. Hindi ako makadiretso ng tingin dahil sa tapat na kabisera ay si Zamiel. Sumimsim ako sa kape at nagsimulang tumingin sa bawat pahina ng proyektong para sa warehouse na gagawin nina Amer.

“Okay, then. Good morning…” marahang humalakhak si Tita Matilda.

Naagaw niya agad ang atensyon ng lahat. Amer settled down but I saw him watching Judson beside me.

“I did not expect a full table today dahil huling meeting namin ay kami lang naman ang nakipagkasundo sa Samaniego Industries,” panimula ni Tita na tila may kung anong kahulugan. “But anyway, we have Madame Domitilla Mercadejas and Lucianna Mercadejas, imbitado sila sa press conference na gaganapin mamaya.”

Natigil siya dahil sa bulong-bulungan. Hindi ko nilingon ang mga nagbubulung-bulungan. Nanatili ang mga mata ko kay Tita Matilda na bahagyang napawi ang ngiti siguro dahil sa negatibong implikasyon nito.

“We called for a press con to introduce the changes of the firm.”

Tumikhim si Lucianna Mercadejas at yumuko. Napabaling si Tita sa kanya at napawing muli ang ngiti nito.

“Anyway, let’s all welcome the come back of my step daughter, Astherielle Seraphine Zaldua…”

Tanguan at marahang palakpak ang iginawad sa akin. Ayaw ko sanang ngumiti dahil hindi ko nagustuhan ang nagpakilalang muli sa akin pero nakisama ako. Daniella remained indifferent. Nakahalukipkip siya at busangot ang mukha habang tinitingnan ako.

“Thank you for the warm welcome, Tita Matilda,” mariin kong sinabi. Kung may galit man ako ay hindi halata dahil nagawa kong ngumiti.

Tumayo ako. Now their attention is all on me.

“It’s nice to finally carry out what my parents wanted me to do,” panimula ko.

Abot-abot ang tahip ng aking dibdib. Nahagip ko muli ang tingin ni Zamiel. Nariyan na naman ang titig niya, iyong tipong may ginawa kang masama at hindi siya natutuwa. His presence intimidated me to the core even when I am standing here as the head of them all.

“Maaring natagalan ako ng ilang taon, pero sisiguraduhin kong hinding hindi ko iiwan ang kompanyang ito. I have laid out my plans for the expansion and in time, kapag naabisuhan na ako na tama lahat ang gagawin ko, I will call for a meeting to inform all of those who will be directly involved. I will treasure your opinions, too.”

Tumikhim ako, hindi na kaya ang katahimikan at ang titig ni Zamiel na papatay yata sa akin.

“Before we start the meeting for the Samaniego Industries, I’d like to announce that there will be no movements in the organization… for now. So… I acknowledge Zamiel Mercadejas as the Managing Director of Zaldua Firm.”
Tumango si Daniella, like a proud wife for her husband. Ganoon din ang ginawa ni Tita Matilda at halos pumalakpak ito sa desisyon ko.

Zamiel shot his brow up. Tumuwid siya sa pagkakaupo at tinagilid ang ulo. His lips twitched sexily. Nagdadalawang-isip tuloy akong umupo. Bahagya akong pumikit ng mariin nang natantong masyado akong nagpahalata roon.

“Thank you for that, Miss Zaldua. Let’s start with the deal for the Samaniego Industries. Before you is the hard copy of the plans for the proposed thirty-four square meter plant project in Bulacan with the duration of 15 months.”

Napatingin ako sa mga papel na tinutukoy ni Zamiel. Kahit pa ilang araw kong pinag-aralan ang function ng kompanya, hindi ko lubos pa maisip kung paano namin gagawin iyon sa loob ng fifteen months. I honestly don’t know how to start. Will I inform the carpenters? Of course not! Anong carpenters, Ace? What the hell? Why am I leader of this when I don’t even know all of these?

Of course, may teams, right? Anong gagawin ko? Aaprubahan ang budget? Paano ko malalaman kung tama? I have engineers, right? I don’t know. Oh my!

“Ace,” malamig na tawag ni Tita Matilda sa akin.
Taas noo ko siyang binalingan. “Po?”
“Do you know what our scope in this project is?”

What? What scope? I am literally panicking in my mind pero ang mukha ko ngayon ay walang ekspresyon. Kung meron man ay painsulto kong tiningnan si Tita Matilda.

She knows I don’t know much about this yet and she’s attacking that weakness!

“Design and Construction, Mrs. Zaldua,” malamig na sambit ni Zamiel sabay tingin kay Tita Matilda. Napawi ang ngiti ni Tita.

Suminghap ako at muling bumaling sa papel ngunit agad ding naagaw ni Amer ang aking tingin.

“How about the Mechanical works, Zamiel?” si Amer na mukhang businesslike na ngayon.
“I will wait for an exclusive meeting with Miss Zaldua. We will talk about it,” si Zamiel sabay tingin sa akin.

What? I shifted uncomfortably on my seat. Bukod sa wala akong alam tungkol doon, nakakastress pa ang titig ni Zamiel sa akin.

“Zamiel, are you saying that the meeting will be exclusive sa inyong dalawa lang?” Nilingon ni Tita ang mga kasamahan niya sa lamesa, tila nanghihingi ng kakampi.

All of those who were there did not react or agree with her kaya nilingon ni Tita si Daniella.

“Oh, don’t worry, Tita. I won’t let that happen. I will make sure everyone who is concerned will be in that meeting,” agap ko, puno ng sarcasm ang sinabi.
“Concerned, do you mean the ones in the organization, Miss Zaldua?” banayad at kalmante ang boses ni Lucianna Mercadejas.

Para akong nabilaukan nang narinig iyon. Hindi ko inasahan na makikisali siya sa usapan. Kung kanina ko pa naitatago ang kaba ko, ngayon, hindi ko na yata magawa.

“I-Ideally, Ma’am. But I acknowledge Tita Matilda’s eye for business, she may come if she wants to.”

Nagtagal ang tingin ni Lucianna Mercadejas sa akin. Tumikhim ako para maitago ang naramdaman. Ikinakahiya ko ang pagkakautal kanina sa pagsagot niya.

“Shall we proceed with the designs and construction. Engineer John Paul, you may take the floor,” utos ni Zamiel.

Tumayo ang Engineer na nagpakilala sa akin kanina. He nodded and smiled at me before he left his seat for his presentation.

Sinusubukan kong intindihin lahat ng mga sinasabi. Maiintindihan naman pero kapag masyado nang teknikal, hindi ko na alam. Though, I remained attentive with the presentation. I nodded like I know what it means.

Amer is always asking questions and the presentors can provide answers, kung hindi man, si Zamiel ang sasagot. Kinalabit ako ni Judson habang nagsasalita ang isa pang Engineer. I leaned my head closer to him so I can hear what he’s going to say.

“Ang hirap pala rito. Dito ba ako magtatrabaho?” Judson whispered.

Ngumisi ako at umiling.

“Your boss will be Amer Samaniego, the one in black tix…” sabi ko habang tinitingnan si Amer bilang hudyat na iyon ang tinutukoy ko.

Nilingon iyon ni Judson. Nahagip naman ng tingin ko si Zamiel na hindi na nakikinig sa nagsasalita at nakatitig na lamang sa akin. Nilipat ko ang mga mata ko kay Lucianna Mercadejas na pasimpleng nag-iwas ng tingin pagkatapos pinanood ang mga galaw ko.

“I agree with it. What do you think, Caleb?” si Amer, pagkatapos ng pangalawang presentation.
“It’s a done deal,” si Caleb sabay ngiti sa akin.
I nodded and smiled at him, too.

Tumayo ang dalawa. Nagtayuan din ang mga inhinyero namin para makipagkamayan. Tumayo na rin ako para magbigay pugay sa mga nagpresent.

“Congratulations!” sabi ko isa-isa sa mga Engineer.

Tumayo si Tita Matilda. Amer turned to her. Tita smiled but she did not offer her hand. Ganoon din si Daniella.

“Let’s go, Lucianna, let’s talk in my office,” anunsyo ni Tita Matilda.

Tumayo na rin si Zamiel at naglahad ng kamay kay Amer at Caleb. Pagkatapos niya sa dalawa ay ang mga inhinyero naman. Hindi sumunod si Lucianna Mercadejas sa kay Tita Matilda palabas, kaya ganoon din ang ginawa ni Daniella.

“I’m really so glad to meet you. I know your father. We were friends since college,” sabi ng isa sa pinakamatandang officer sa organisasyon.

Ngumiti ako sa lalaki. Agaran namang inagaw ng iilan pang inhinyero ang aking atensyon. Binati ko sila hanggang sa unti-unti nang nagsilabasan ang iilang panauhin.

“Miss Zaldua…” Amer voice curled.

Sumulyap siya kay Judson at alam ko na agad ang ibig niyang sabihin. I smiled.

“Dito muna tayo. This deal between our company should be celebrated! I can’t believe na empleyado kita noong nakaraan tapos ngayon sa inyo na kami nakikipagdeal!” si Amer.
Humalakhak ako. Naglahad ng yakap si Amer kaya niyakap ko siya pabalik. “Ako rin. I can’t believe it…”
“Let’s go out later tonight, then?” si Caleb naman.

Then Amer’s eyes drifted on the man beside me again.

“Ah! This is Judson. Siya ang tinutukoy kong kaibigan ko back in Sta. Ana. He taught me woodworking and he knows drafting, too.”
“Hello! Nice to meet you, Judson!” makahulugang ngumiti si Amer.
Jud smirked and held his hand out. Sumulyap siya sa akin. Tinanguan ko siya to assure that Amer’s fine. Lumapit si Caleb sa amin, malaki ang ngisi.

Naubos na ang mga tao sa conference room. Ang tanging natitira ay si Lucianna Mercadejas at ang kanyang bodyguard, si Daniella, at Zamiel na nakatayo hindi kalayuan sa amin.

Nasulyapan ko si Lucianna Mercadejas, her stare really gets to me. Napapawi ang ngiti ko at nakakaramdam ako ng guilt.

“Daniella, let’s go…” malamig na utos nito dahilan ng paglingon ni Amer.
“Madame! It’s nice to see you again…” ngayon ay doon naman si Amer bumati.
“It’s nice to see you again, too, Amer. I’m sorry for meddling with the meeting. I only got invited so…”
“It’s okay, Madame! It’s actually an honor! Nasaan si Senyora?”
“She’s in Matilda’s office, I guess. Let’s go, Daniella…” utos niyang muli.
“Pero tita, si…” nilingon ni Daniella si Zamiel.

Nag-aalala niyang nilingon si Zamiel. My stomach churned when I saw how her eyes twinkled when she turned to Zamiel. Nasa likod ko ito kaya hindi ko kita kung ano rin ang ekspresyon ni Zamiel.

Mapait akong ngumiti. Gusto kong patuyang sabihin na sumama na si Zamiel. Ano pang hinihintay niya rito e kami lang naman dapat ni Amer, Caleb, at Judson ang nag-uusap.

“Zamiel, let’s go.. What about the presscon..” Daniella’s desperate voice resounded.
“Hayaan mo na siya, Daniella. Let’s just go…” mariing sinabi ni Mrs. Mercadejas.
“I won’t come. It’s your mother’s presscon. Not mine. I have business here…”

Napabaling ako kay Zamiel dahil sa huling sinabi. Kanino siya may business? Kay Amer?

“Let’s go, Daniella,” utos ni Mrs. Mercadejas at nauna nang lumabas.

Walang nagawa si Daniella. She turned to me with sorrowful eyes, tila nagmamakaawa. Kunot-noo ko siyang tiningnan. Bago siya tumalikod ay nakitaan ko ng bahagyang pagtulo ng luha.

I harshly turned to Zamiel again. Sa akin na ang titig nito, his lips are pressed in a thin line. His eyes were a bit too dangerous na hindi ko kayang pantayan.

Tumikhim si Caleb at lumapit sa akin.

“Ace, later, okay?” anito na hindi ko agarang nakuha. Huli na nang natanto kong ang celebration pala iyon na tinutukoy niya.
“Oo! We have to celebrate for this unexpected turn of events!” si Amer sabay baling kay Judson. “Anyway, hindi na rin kami magtatagal dahil may appointment pa kami mamaya but… Judson will come with me, right?”
“Uh…”

Nagkatinginan kami ni Judson. Kunot-noo na ang kaibigan ko habang palipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Zamiel.

“Hindi niya nga pala alam kung paano uuwi galing sa kompanya patungo sa apartment-”
“Hindi ba susunduin mo ako?” si Judson.
“Ay, huwag na! I have a limo! Ihahatid na kita sa apartment n’yo…” si Amer.
“Tss… It’s a Monday, Amer. Let’s just go. We have so many things to do…” si Caleb sabay tapik sa balikat ng pinsan.
“Let’s go, Jud?”

Nagngising aso si Amer sa akin sabay tingin sa lalaking nasa likod ko, si Zamiel. He waved at Zamiel, too.

“Bye Zamiel!” si Amer.
“I’ll reserve the VIP, later. Doon na lang tayo magkita,” si Zamiel, hindi ko maintindihan.
“Oh? Sasama ka?”

Nalaglag ang panga ko. Sinong nag imbita sa kanya? Pero wala na akong magagawa. Amer is so thrilled that Zamiel will be there with us, too.

“Sige! We’ll be there by eight, probably,” si Amer.
“Susunduin ba kita-”
“Ako na ang magdadala sa kanya roon, Caleb,” mariing sinabi ni Zamiel.

Kinagat ko ang labi ko. Tumawa si Amer at hinila na si Judson palayo sa amin pero hindi nagpahila ang kaibigan ko. He stayed there and looked at us with curiosity.

“Hindi ka sasama?” tanong ni Judson sabay sulyap kay Zamiel.

A large warm hand filled the small of my back. Dahil walang saplot doon, ramdam na ramdam ko ang tigas at init ng kanyang palad laban sa aking likod. He stepped forward and stood beside me, tila nagdedeklara ng kanyang posisyon sa buhay ko.

“N-No, Jud. D-Dito kasi ako nagtatrabaho.”

Napakurap-kurap ako sa pagkakautal.

“Let’s go, Jud!” maligayang sabi ni Amer hanggang sa tuluyan niya nang nahila si Jud paalis doon.

Sumunod si Caleb na taas ang isang kilay at may nanunuksong ngisi kay Zamiel. Umiling siya at tuluyan nang umalis kasama ang naunang si Amer at Judson. Nang nasarado ang pintuan ay nagsimula na rin akong maglakad palabas doon.

I don’t like it whenever we are alone in a tight space like this. Oo, malawak ang room pero pakiramdam ko sobrang liit nito para sa aming dalawa.

“Let’s talk,” he said as he stalked me out of the room.
“Anong pang pag-uusapan natin?”

Dire diretso ang lakad ko. Malapit na ako sa pintuan nang bigla akong napabalik dahil sa hila niya sa aking palapulsuhan.

“What the?” pagalit kong sinabi nang muntik nang naglaho ang poise ko sa ginawa niya.

Igting ang panga at madilim ang mga mata nang tinitigan niya ako. Hindi siya natakot kahit pa pinakitaan ko siya ng galit.

“I want us to talk alone.”

Binawi ko ang kamay kong hinahawakan niya at humalukipkip ako. I tilted my head.

“Para saan pa? Sana imbes na ganito, sumama ka na lang kay Daniella para sa presscon ninyo-”
“I did not invite the press today,” kalmante niyang sinabi. “Who is that boy you’re with?”

Mas lalo lang nag-alab ang galit ko sa tanong na iyon. Sino siya para kwestyunin iyon? As if he did not have anyone with him, too!

“Judson, iyong taga Sta. Ana na kaibigan mo?” Nagulat ako sa pagiging tama ng sinabi niya. “Bakit siya nandito?”
“That’s none of your business, Zamiel.”
“Apparently, it is. Where you are concerned is my business.”

Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Humakbang siya palapit sa akin. Parang naging jelly ang mga tuhod ko.

“Excuse me? I’m not your business! Ang mabuti pa, bumalik ka na lang kay Daniella. Naiiyak na iyon kanina dahil ayaw mong sumunod, kawawa naman. Nagsawa ka ba dahil gabi gabi na kayong magkasama sa condo mo?”

Gusto ko siyang tuksuhin pero naging tubig pait ang bawat bigkas ko sa saliti. His eyebrows met and a ghost of a playful smirk crossed his lips.

“Why do you always want to talk about her?”
“I don’t. Ikaw? Bakit lagi mong iniiwasan ang usaping ‘yan? Guilty ka?”

Napaatras ako ngunit nang naramdaman ko ang isang lamesa sa bandang baywang, natanto kong wala na akong aatrasan pa. I told you I didn’t like it when Zamiel is around me in a tight space.

“She’s not in my condo. Nasa bahay siya kasama ang mga magulang ko, and I rarely go home.”

Umirap ako. Humakbang pa siya. I felt his shoes on the sides of my feet, tila kinukulong ako. He crouched slowly, ang magkabilang kamay ay nakatuko sa magkabilang parte ng lamesa. Napalunok ako. Hindi ba you’re good actress, Ace? Try to act like you don’t care, damn it!

Hindi ko magawa. I am inhaling him too much. Our distance make me dizzy and I am panicking.

“Liar!” depensa ko para hindi mahalata ang kaba. “Kaya nga hindi ka nagparamdam ng ilang araw, ‘di ba, kasi abala ka sa kanya?!”

He looks so serious but I can feel that he’s hiding a smirk or something. Mas lalong nasisilaban ang galit ko dahil natutuwa pa siya sa mga sinasabi ko.

“Your words stung bad, I had to stop and think if you ever mean them,” napapaos niyang bulong.

Napaawang ang labi ko nang naisip iyong mga sinabi ko kay Daniella. I have been blunt and brutal. He heard it all? Alam kong totoo naman na mas pipiliin ko ang trabaho ko pero ang iba roon ay depensa ko na lamang para pagtakpan ang sariling nararamdaman.

“I always mean what I say, Astherielle. Isang beses lang akong nagsinungaling sa’yo…”

Namilog ang mga mata ko. So… he did lie. Alin doon? Tinulak ko ang kanyang dibdib ngunit kahit buong lakas ang gamitin ko ay hindi siya natinag ng kahit konti. His massive body is dominating and I feel so small beneath him.

“Sabi na nga ba, e? Alin doon? Noong sinabi mo na hindi ka engaged kay Daniella? Oh please, everyone knows it’s true-”
“I am not engaged with her,” pagtatama niya.

Umirap ako at muli siyang itinulak pero gaya ng dati, hindi ko magawa.

“Leave, child… I don’t… want… to see you… again…” he whispered so slow na pakiramdam ko ay nanghina ang katawan ko.

Hindi ako nagsalita. Yumuko ako nang naaalala iyon. Ang mga kamay kong kanina’y tumutulak sa dibdib niya’y nagpapahinga ngayon doon. I remember his words like it was just yesterday. Naaalala ko ang galit na ipinamalas niya noong nagkita muli kami pagkatapos ng ilang taon, walang pinagkaiba sa galit na ibinigay niya sa araw na nalaman niyang impostor ako.

“I was angry with you. For lying to me. Your lies made me fall in love. Hard and bad.”

Shit.

“Even when I heard you last week… when you said you never cared for me… you never like me… and will never like me… I am still… fucking…”

Kinagat ko ang labi ko. Naaalala ang hamon kay Daniella. It’s true, though. I want Daniella to tell Zamiel that para tumigil na si Zamiel sa akin. Hamon iyon. But… I never meant it. Kung may totoo man akong sinabi roon, iyon ay ang pagpili ko sa trabaho ko.

“Crazy for you.”

He licked his lower lip sensually. His jaw clenched and his eyes soulful and mysterious. Parang may bagyo na humahagupit sa looban, hindi ko mabasa ang tunay niyang nararamdaman.

“I don’t think I’ll get over you anytime soon so…” he said miserably.

Ilang sandali ang lumipas ay huminga siya ng malalim at umatras ng isang hakbang sa akin. Nagulat ako roon. I feel like… I feel like… somehow… the distance is… stretching a bit.

May sakit na dumaan sa aking puso. Gustuhin ko mang balewalain ay hindi ko na magawa. The hurt is too much na pakiramdam ko ay nagmamaterialize ito sa pamamagitan ng kaba… ng takot… na baka…

“Let’s go… I’ll take you to your office,” his husky voice made my heart hurt more.

Hinawakan niya ang baywang ko. Marahan akong tumango at inayos ang palda ng damit ko. Hinawakan niya rin ang straps ng halter ko at tila pinilit na pagtagpuin ito para matabunan ang likod ko. He stopped when he realized that it’s made that way.

The fear I am feeling is so extreme. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Zamiel. Hindi ko rin alam kung ano ba dapat ang dugtong niya roon bago siya nagyayang lumabas kami para sa opisina.

Bago ko pa maisip ng maayos ang lahat ng iyon ay inatake na kami ng bumabahang reporters. Nasa lobby sila at iilang security ang pumigil sa kanilang pagsugod. Zamiel immediately covered me while his bodyguards covered him, too.

“Mr. Mercadejas, Mr. Mercadejas… Mrs. Mercadejas told us that you were engaged with Miss Astherielle Zaldua years ago, is it true?”

Napaangat ako ng tingin kay Zamiel. Iniisip kong tatanggihan niya pero mukhang ang priority niya ngayon ay ang makapasok kami sa lift at makadiretso na sa opisina.

“Miss Zaldua! Pictures of you two from years ago were found in the internet. Kayo po ba talaga iyon? It’s in an engagement party. Mrs. Mercadejas told us in the presscon that it is true! That it happened seven years ago pero wala na po siyang dinugtong. Hingin ko lang po, Ma’am, ang opinyon ninyo.”

Pakiramdam ko, ako lang ang concerned sa mga sinasabi ng media. Zamiel did not mind it. His security, didn’t, too. His mother confirmed the authenticity of a picture somewhere? May kumalat? Hindi ko maintindihan kung alin ang una kong iisipin.

Sa sobrang dami ng mga lumalapit ay halos yakapin na ako ni Zamiel, huwag lang tumama sa nakapalibot na bodyguard.

“This is a long engagement, kailan po ba kayo magpapakasal?”
“Ngayon bang nakabalik na si Miss Zaldua sa Firm, magpapakasal na po ba kayo?”
“Mr. Mercadejas, I’m from a Lifestyle Magazine, can we schedule and interview po about your long engagement with Miss Astherielle Zaldua?”

Inangat ko ang tingin kay Zamiel. He looks serious. His eyes were vicious, walang bakas ng reaksyon sa mga sinabi ng reporters. Hell, I don’t think he even cares about the fast spreading rumors about our long engagement and how his mother confirmed it!

Totoo. I mean, I don’t think Lucianna Mercadejas had any other choice! Nakita niya siguro na ako talaga iyong nasa picture kaya wala siyang nagawa kundi umoo na.

Pumasok kami sa elevator. Zamiel held me close to him while the cameras clicked so fast.

“I know it’s late but Congratulations, Miss Zaldua! Bagay po kayo!”
“Mr. Mercadejas! When is the wedding?” maligayang mga mukha ng reporter ang nakita ko sa labas ng elevator bago ito sumarado.

Oh. Wow. Now… I’m engaged to him again. What the hell?

]]>
https://www.jonaxx.com/what-lies-beneath-the-sand-kabanata-34/feed/ 0
What Lies Beneath The Sand – Kabanata 33 https://www.jonaxx.com/what-lies-beneath-the-sand-kabanata-33/ https://www.jonaxx.com/what-lies-beneath-the-sand-kabanata-33/#comments Sun, 22 Oct 2017 12:07:07 +0000 https://www.jonaxx.com/?p=1652 Kabanata 33
Claim

Engineer Teodorico Fabre Zaldua founded the Zaldua Firm in July 2000 as a sole proprietorship engineering and construction firm with office at Quezon City. Nakasaad sa last will ng ama ko ang aking pangalan bilang natatanging tagapagmana ng lahat ng kanyang ari-arian.

The Zaldua Firm is mine, including all the assets within the company. Warehouses, cranes, mixers, trucks, and many other more. Our home in that exclusive village in Quezon City is mine, too. Nakasaad din doon na habang bata pa ako, si Tita Matilda ang pansamantalang mag-aalaga sa negosyo, until my age of coming. All of the properties are mine by the age of twenty one. And guess what? I’m twenty three now, that only means one thing…

“This is unfair! I treasured that company for years! I am basically the reason why it is so big now!” si Tita Matilda iyon pagkatapos basahin ng apprentice ni Attorney Palomar ang last will.

Hindi ko maproseso ng mabuti. My jaw dropped when I heard it all and I’m still so shocked right now. Nagpakahirap ako kahit na akin pala ang lahat ng iyon? Pinaghirapan ko, ultimo pag-aaral ko kahit na ganoon? I did not even wish for the most expensive school, kaya bakit ako pinagbawalan?

Bakit ako pinagkaitan?

“All the properties can be immediately transferred two years ago,” sumulyap si Attorney Palomar kay Zamiel. “Bumagal lang ang proseso dahil sa kondisyon ko.”
“Zamiel, you are the director of the firm now. I believe you can do something about this?” kalmanteng sinabi ni Senyora Domitilla.

Hindi na mahalaga sa akin ang mga sinasabi nila. Ni hindi ko na inisip ang presensya nila roon. Masyado akong nakulong sa pag-iisip na pagkatapos ng ilang taon, malalaman ko na ang kompanyang iyon ay akin.

Dinungaw kong muli ang mga dokumentong ipinakita sa akin ng matandang attorney kanina. Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak ko ito. Paulit-ulit ko mang basahin ang nakasaad ay hindi ko lubusang maintindihan.

“Wala siyang alam! Paano niya patatakbuhin ang kompanya? It will definitely f-fail!”

Napaangat ako ng tingin kay Tita Matilda. She looks so disturbed and moved. Nang titigan ko siya’y kumalma siya at kung hindi ako nagkakamali ay nakitaan ko siya ng takot. But then Daniella probably did not understand what was happening.

“Zamiel is still the director! We agreed on it! Kaya siya ang mamamahala dahil wala kang alam!” si Daniella.
“Even so… Astherielle Seraphine Zaldua is the sole owner of the Zaldua Firm. The process will begin. Hihintayin ko ang gagawin mo, Ace. You may visit my firm for further questions.”

Tumayo si Senyora Domitilla. Nilingon ni Tita Matilda at Daniella ang matanda.

“Zamiel, stay away from the feud. You have work to do.” Nilingon niya ang magpinsang Samaniego na parehong tahimik at nakikinig lamang. “The meeting is postponed until further notice.”

Inayos ni Tita Matilda ang kanyang bag. Nilingon niya ako gamit ang galit na mga mata pero agad ding ibinalik sa matandang abogado. Attorney Palomar looked amused.

“I will file a reconsideration!” sabi ni Tita Matilda bago sumunod sa umalis na si Senyora Domitilla.

Daniella turned to me with tears in her eyes. Umiling siya, mukhang sobrang disappointed sa akin. I looked at her with nothing but indifference.

“That won’t change a thing,” sabi niya, tinutukoy maaari ang relasyon nila ni Zamiel. “Keep your promise and remain dignified.”

Sumunod din ito sa dalawang nakatatanda. Zamiel moved towards the old attorney. Bumaling naman ang matanda at ngumiti.

“Thank you,” Zamiel said in a hard tone.

Bumaling si Zamiel sa akin. Bumalatay sa kanyang mukha ang lamig. He looked businesslike.

“Do you wish to rearrange the organization or will it operate the same until you decide?”

Ang biglaang pagbagsak ng awtoridad sa akin ay nakakagulat. Ni sa panaginip, hindi ko inaasahan na balang araw ay ako ang magbibitiw iilang kautusan. My brain blacked out and I don’t know what to say to him.

“I won’t rearrange it,” sabi ko ng nakabawi.

He nodded curtly then turned to the old attorney again.

“Let me escort you back, Attorney. I’m sorry to disturb you.”

Hindi ko alam kung ilang sandali akong tulala sa loob ng opisinang iyon. Naupo si Caleb sa pinakamalapit na upuan, titig na titig sa akin. Paulit-ulit naman ang buntong hininga ni Amer habang pinagmamasdan akong gulat pa sa nangyayari.

Nang natauhan ako ay humingi agad ako ng dispensa. I was too preoccupied with so many things. Lalo na nitong papel na hawak ko.

“Pasensya na po.”
“No, it’s okay. I’ll give you today to think about what happened,” si Amer na iminuwestra ang upuan sa tabi ko.
“I didn’t know you’re related with the Zalduas… Or… more like… the real Zaldua,” si Caleb na bakas parin sa mukha ang gulat.

Naupo ako sa iminuwestrang upuan ni Amer. Nanghihina ang mga tuhod ko. Wala akong lakas na tumayong mag-isa sa gitna ng mga nalaman.

“So… this means, even when you’re fired, you still have work, huh?” si Amer.
“You should rearrange the organization. Zamiel Mercadejas is the director now, pinalitan niya ang Tiyahin mo. And he’s also the fiancee of Daniella Zaldua so if you want to get rid of them-”
“She shouldn’t, Caleb. Kahit paano, may nagawa naman si Matilda para sa kompanya.”
“Did you hear what that woman said?”

Gaya ng magpinsan, nagtatalo rin ang utak ko. Hindi ko sila makausap ng maayos dahil tinatanggap ko pa ang lahat.

Naglakad ako pabalik sa aking lamesa ng wala sa sarili. Hindi ko alam kung paano kumalat ang tungkol sa pagkakasisante ko pero pagpasok ko pa lang sa aking floor, iyon na ang unang tanong sa akin.

“Bakit ka sinisante?”
“Are you okay, Ace?”

The questions flooded. Wala akong masagot. Hindi ko alam kung magliligpit ba ako ng gamit in preparation of my leave for this company or what.

“My offer still stands, Miss Zaldua. I’m true to my words so if you’re uncomfortable working on your own company, tatanggapin kita rito sa mga susunod na araw. And also, if you want to recommend someone, you may. Tulong ko na ‘yan sa’yo,” si Amer na sinundan pala ako hanggang sa palapag namin.

Tumango ako.

Hindi ko tinapos ang araw ko sa opisina. Bukod sa ayaw kong harapin ang mga tanong, kailangan ko ring isiping mabuti ang mga susunod na hakbang ko ngayong nalaman ko na ang katotohanan.

“Oh? Nagtrabaho ka ba? O kagagaling mo lang sa condo ni Zamiel?” si Auntie Tamara ang sumalubong sa akin.

Naabutan ko silang nagmemeryenda ni Renato sa kusina. Sa sobrang pag s-space out ay wala sa sarili akong nagmano at tumitig lamang kay Auntie.

“Anong nangyari sa’yo?” she sounds so worried when she saw my reaction.

Naupo ako sa sofa. Iniisip ko kung paano sisimulan ang pagpapaliwanag sa kanya.

It shocked her to the core. Pinaratangan niya si Daddy bilang tanga dahil sa inakala naming piniling desisyon nito na si Tita Matilda ang mamahala sa lahat ng aming ari-arian. She bashed Dad for being “too in love” with someone who only looks like my mother.

She laughed hysterically when it dawned on her.

“Hindi nga, Ace? Is this serious?”
“Si Attorney Palomar na ang nagsabi sa akin, Auntie.”
“You should go and confirm it again on his law firm,” si Renato na kanina pa tahimik na nakikinig.

Tumitig ako sa lalaki. He looks so serious. Ibinigay ko kay Auntie Tamara kanina ang mga papel. Pinasa niya ito kay Renato.

“Double check it. Pag-aralan mo rin ang organization. Don’t rearrange it until you know how everything works.”

Nagulat ako sa advise niya. Pakiramdam ko maalam siya sa mga ito. Tumango ako at tumingin kay Auntie Tamara. Nagtaas ng kilay si Auntie at iniwas ang tingin sa akin, tila may tinatagong kung ano.

“What are you planning now, then? Palamig muna? You want to-”
Matapang akong umiling.

Sa ilang oras kong pagmumuni-muni, sa gulat ko, at sa lahat ng nangyari, hindi ko hahayaang patagalin ng pag-iisip ko ang pagbangon ko galing sa lahat ng ito. The company is mine. My father’s company is mine. Wala nang kailangang isipin pa. Takot ako, oo. Dahil hindi ako maalam sa negosyong ito. I don’t even know the basics of it. Inisip kong kung kumuha ako ng kalinyang kurso, siguro ay may ibubuga ako. Pero dahil pinagkaitan ako, wala. Pinagkaitan ako ng mga taong pilit na inaagaw ang dapat pala’y sa akin.

Kaya bakit ako hihinto? Pansamantala man?

Hindi ako hihinto.

I will claim what’s mine. Kahit pa wala akong alam. Kahit pa mahihirapan ako. I will not let them reign over the properties my parents gave me. I will not let people like them rule it for another day.

“Anong plano mo, kung ganoon?”
“Uuwi ako sa bahay,” untag ko.

Namilog ang mga mata ni Auntie. Sumulyap siya kay Renato, nagbabakasakaling mapigilan ko pero hindi ito kumibo.

“Delikado iyan!” si Auntie.
“Sasamahan ninyo ako.”
Umiling si Auntie at nagsimula ng tumawa sa pagkakabaliw. “No… No… No way. Baka duraan ko lang si Matilda pag nagkita kami.”
“Tamara…” punong-puno ng awtoridad ang boses ni Renato.

Natigil si Auntie sa mga sinasabing pagtanggi.

“Auntie, please…”
“Ace, we have this building. Even without that house, we’ll live-”
“So you’re telling me na hahayaan ko na lang sila roon? Sa bahay ni Mommy at Daddy?”

Pumikit ng mariin si Auntie Tamara, problemado sa desisyon ko. Pero buo ang loob ko.

“Fine. If you won’t come with me, ako na lang!”
She groaned. “Sandali lang. Papalayasin mo ba sila sa bahay na ‘yon?”

Hindi ko alam ang sagot doon. Alam ko kung ano ang hinihintay na sagot ni Auntie pero hindi ko maipapangako sa kanya iyon.

“I don’t know. Bahala na.”
“Make an appearance in the company’s office, too. Bago pa nila malason ang isipan ng mga empleyado roon, Ace,” si Renato ulit na ngayon ay nakatayo at nakahalukipkip na.

Iniisip kong subok lang talaga siguro ng panahon si Renato kaya alam niya ang mga gagawin. Well, I think it is normal to know things about an organization, right?

Tumango ako, desidido sa gagawin.

Mag-iimpake ako ng mga damit. Sa oras na makabalik ako sa bahay, hindi na ako aalis. Doon ako titira, hindi para ipakita sa mag-ina ang kakayahan ko, pero para bawiin ang pinaghirapan ng mga magulang ko.

Tomorrow, I will go to their office and call for an urgent meeting with the employees. Hindi ko alam kung may ngipin ba akong gawin iyon o ano. Basta alam ko, iyon ang kailangan at dapat kong gawin.

Tumayo ako at dumiretso na sa aking kwarto. Sinundan agad ako ni Auntie Tamara.

“Ace, are you sure? Ang demonyong mag-inang iyon ay masama-”
“That doesn’t mean I will give the company to them, Auntie,” sabi ko habang nagliligpit ng gamit.

Padarag siyang naupo sa kama ko habang pinagmamasdan akong hinahalungkat ang aking closet.

“And oh my gosh, you’re living there?”
“I am asking you to come with me. Mahihirapan ako, Auntie, kaya gusto kong suportahan mo ako-”
“You are asking me to live with that monster, Ace!” giit niya.

Nagpatuloy ako sa pagliligpit ng gamit. Kung ayaw ni Auntie, wala na akong magagawa. Buo na ang desisyon ko.

“Ace…” nagmamakaawang tawag ni Auntie Tamara.

I stopped and turned to her.

“Hindi ko pinangarap ito, Auntie. This never crossed my mind at all pero eto siya. Eto ang nangyayari. The company and all the properties of my parents are mine. I have to claim it. Lalo na dahil hindi karapat-dapat ang mga nakikinabang nito sa ngayon. I won’t let Tita Matilda and Daniella claim it for me!”

She exhaled heavily. Nagpatuloy ako sa pagliligpit ng gamit.

“Ace…”
“I’m sorry, Auntie. I understand that this building is dear to you kaya ayaw mong sumama. Bibisitahin na lang kita rito kapag nagkaoras ako.”

She groaned in frustration. Ilang buntong hininga pa bago siya tumayo.

“I cannot let you do this alone. Sasama ako. Isasama rin natin ang tauhan ni Renato. Manlalaban ang mga iyan at hindi ko kayang isipin ang gagawin nila kapag mag-isa ka,” she said.

Tumigil ako at bumaling muli sa kanya. I nodded in approval. She shook her head in dismay.

“Magbibihis lang ako at mag-iimpake na rin.”
“Thank you,” I sincerely said.
She smiled weakly before she rolled her eyes. “Ayaw ko mang harapin ang impaktang iyon, gusto ko naman siyang makitang nakalugmok. Hindi ko hahayaang ma manipula ka nila, Ace. Mabait ka, hindi gaya nila. Kaya alam kong kahit na ikaw na ngayon ang mas may karapatan, natatakot akong magiging kahinaan mo ang kabaitan mo.”

Umiling ako. Hindi nila magagawa sa akin iyon. Hindi ako magpapamanipula.

“Hindi ‘yan mangyayari, Auntie.”

Time came like a whirlwind. Sa iisang iglap, nagbago ang lahat. Sa iisang iglap, nalaman ko na ako pala dapat ang nasa kalagayan nina Tita Matilda at Daniella.

I will consider the things they did for the company. Pinaghirapan din nila iyon kaya hindi ko sila kayang paalisin… sa ngayon.

Sa bahay naman, hindi ko sila papalayasin. I will take my usual room and I will give Auntie Tamara a large guestroom. Hindi ko palalayasin ang mag-ina dahil hindi ako gaya nila. Wala man silang karapatan doon, hindi ko sila sapilitang ibabasura. I am beyond that.

Nagdala si Renato ng mga kasama bilang proteksyon namin. Si Auntie Tamara naman ang tumawag sa Palomar Law Firm para kumpirmahin muli ang tungkol sa last will ni Daddy at kung ano pa ang gagawin para tuluyan nang makuha ang mga dokumento. She’s set a meeting for me while I sit on Renato’s car hanggang sa lumiko ito sa aming village.

Memories suddenly hit me.

Dito ako lumaki. Tinalikuran ko ito nang nawalan ako ng pag-asa. I was so young then. Naaalala ko ang paglalakad ko palabas ng village. Naaalala ko na huling naglakad ako rito, ang tanging iniisip ko lang ay ang mabuo ang tsekeng pinunit ni Tita Matilda.

I feel filthy. Pakiramdam ko para akong tuta na walang mapuntahang bahay pero nagpatuloy parin ako. Nang nakapagtapos at umunlad ang buhay, hindi ako bumalik para maningil. I did not even think about coming here a bit. Sinikap kong magpatuloy nang hindi na ulit nililingon ang masakit na kahapon. Only to find out na lahat ng ipinagkait sa akin, akin naman pala.

Ang perang pinunit, hindi ko na dapat pang pinaghirapan. Ang bahay na iniwan, hindi ko pala dapat hinahayaan.

Tumigil kami sa labas ng gate. Ang mansyon naming bahay ay nanatiling engrande. Siguro ay taon-taon pinapaayos ang pintura at iba pa. The front yard garden looks alive and well so for sure the backyard is that way, too.

Hindi na ang dating guard namin ang nagbabantay kaya naman lumapit ito sa gate, busangot ang mukha at nagsisimulang manakot sa aming pagdating.

“Anong kailangan n’yo? Hindi umaasa ng bisita ang mga Zaldua.”
“Aba’t…” umapila agad si Auntie Tamara pero pinigilan siya ni Renato.
“Good afternoon. I have here a memo and testament regarding this property.”

Ibinigay ni Renato ang papel sa security guard bago bumaling sa akin.

“Mga Zaldua ka d’yan. They are not the real Zaldua…” bulong-bulong ni Auntie Tamara na mabilis na nahighblood.
“This is Astherielle Seraphine Zaldua, daughter of Engineer Teodorico Zaldua and Dorothea Zaldua. Sila ang tunay na may-ari nitong bahay.”
“Tatawagan ko lang po ang amo ko,” diskumpyadong sagot ng sekyu.
“Pakisabi na rin na may kasama syang mga pulis.”

Kumunot ang noo ng sekyu sabay pasada ng tingin sa mga naka uniporme sa likod ko. Hati ako roon. I feel like I shouldn’t fight for my spot like this. Pero para sa habilin ng mga magulang ko, gagawin ko ang lahat mabawi lang ang lahat ng ito.

“Pasensya na po pero bilin na huwag kayong papasukin,” sabi ng sekyu pagkatapos ng isang tawag, siguro’y galing sa loob.

Naroon kaya si Tita Matilda sa loob? Umuwi ba agad siya rito pagkatapos ng nangyari sa mga Samaniego?

“Pakibasa po ng mabuti ang dokumento-” pinutol ng sekyu si Renato.
“Pasensya na po pero hindi talaga pwede.”
“Nandyan ba si Tita Matilda sa loob?” tanong ko at lumapit sa malaking tansong gate namin.

I will not stop or back down now. I will not wait until Tita Matilda arrives and approves my arrival. This house is mine. Hindi ko kailangan ng permiso para pumasok. Hindi ko kailangang magtagal sa likod ng tansong barikadang ito.

“Hindi talaga pwedeng pumasok.”
“Manong, kilala n’yo po ba ang tunay na may-ari ng bahay na ito? Nakita n’yo po ba ang titulo man lang nito-”
“Hindi po,” he said dismissing me. He looks so annoyed with me and he’s not willing to listen anymore.

Nagtiim bagang ako. Nilingon ni Renato ang mga kasamahan niya sa likod pero hindi ako tumigil. Naglakad ako palapit pa sa gate. Hinawakan ko ang maninipis na tanso habang nilalapit ang mukha roon.

“Manong, ako po ang tunay na anak ng may-ari nitong-”
“Pasensya na po, Ma’am. Hindi ka kilala ni Ma’am Matilda.”

Fuck.

I understand that he’s just doing his job. He’s doing it very well, actually.

“Paki basa po ang mga dokumento. Hindi naman po ako papayagang magdala ng mga pulis dito kung hindi aprubado ng gobyerno o ng saligang batas-”
“Umalis na lang kayo! Naiirita na ako, ha? Sabi kong hindi pwede, e!” now his voice was raised.
“Aba’t huwag kang magsalita ng ganyan sa pamangkin ko!” sigaw ni Auntie Tamara.

The security guard’s neck craned to see who it is. Napakurap-kurap ito nang nakita si Auntie.

“Manong, hindi po kami manggugulo. Pakitawag na lang po si Tita Matilda, o…” sabi ko.
“Hindi nga sabi pwede, e! Ang kulit n’yo ah! Akala n’yo natatakot kami sa mga pulis?” now his voice hurled.

Lumapit ang iilang trabahante. Isang security guard pa ang tumulong, ang hardinero, at iilang mga kasambahay. Some of the househelps were our old househelps. Ang hardinero ay kilala rin ako.

“Ace!” tawag ng iilan.
“Umalis na kayo!” sigaw ng sekyu ulit.

Ngumiti ako sa mga nagpakitang kasambahay at hardinero. I even tried to stick my hand in so I could hold those who were shocked and happy pero tinampal ng sekyu ang aking kamay.

“What the hell?!” Auntie Tamara screamed.

Narinig ko ang iilang yapak ng mga kasamahan ni Renato. I even heard the clicking of, I think, guns.

“Sisisantehin ka sa oras na mabawi na ang bahay na ito! Nasisiguro ko ‘yan! Tangina mo!” pahisteryang sigaw ni Auntie Tamara habang inilalayo ako sa gate.

Hindi nakapagsalita ang dalawang sekyu. The maids were afraid, ang iba’y nakikitingin na lang.

“Siya ang anak ni Engineer, Rommel! Papasukin mo siya…” sabi ng pinakamatandang kasambahay namin.

“Ang bibilis din naman talaga ng radar ng mga hampas-lupang gaya n’yo, ano?” boses ni Tita Matilda ang nasa likod ng mga kasambahay.

Anger welled deep within me. Hindi pa siya nakakapagbihis. Mukhang galing pa siyang trabaho. Tumabi ang mga nakiusisang kasambahay, pati ang mga sekyung naroon. Ngumisi si Tita Matilda habang tinitingnan kaming nasa labas at walang magawa kundi manatili roon.

“I will claim what’s mine, Tita. Alam mong wala kang magagawa kundi magbigay dahil ito ang nakasaad sa mga dokumento,” kalmado kong sinabi.

Tiningnan ni Tita Matilda ang mga kasamahan ko. She looked at Auntie Tamara with disgust while I can hear my Aunt muttering curse words.

“Talaga ba, Ace? Tingin mo wala akong m-magagawa?” naririnig ko ang takot sa boses niya pero kaya niya paring mag mayabang at mas manakot. “Hindi mo kami mapapaalis sa mansyong ito.”
Umiling ako. “I am beyond that. Hindi ko kayo papalayasin. I just want to claim it. Don’t worry, until your death, I will let you stay here.”

Matalim akong tinitigan ni Tita Matilda. Itinuro niya ako.

“Once Daniella marries Zamiel, we will leave this ugly mansion, a-anyway,” mas lalo kong nahimigan ang kanyang takot.
“Open this, then. If you won’t, we will. At huwag mong hintayin na magbago ang isip ko sa pagpapatira sa inyo rito, Tita. Baka mapaaga ang paglipat ninyo sa mga Mercadejas kung sakali.”

Ngayon, kahit pa magmayabang siya ay hindi niya na maitago ang kaba. Napakurap-kurap si Tita. Nagkatinginan sila ng security guard at tila alam agad ng guard ang gagawin.

The two guards slowly opened the gates. Pagalit na tumalikod si Tita Matilda para mambastos. Sumilay ang ngiti sa akin nang unti-unting nabahagi ang tansong barikada sa harap.

“Schedule a meeting tomorrow morning, Tita. For the whole firm. I won’t be there, I have other things to do, so I am counting on you. Tell them who the real owner is, then I will let you take your part on-”
“Walang hiya ka! May parte talaga ako sa kompanya kahit anong sabihin mo-”
“Walang kwenta ang parte mo, Tita, kung iisipin kong mabuti ang lahat ng ginawa n’yo sa akin noon!”
Nawala ang tapang sa kanyang mukha.
“Tell the whole organization that I will start to fill my post on Monday. I need an office. Pakisabi na rin kay Daniella para malaman niya,” pahabol ko.

Sumulyap si Tita Matilda sa akin para sa pahabol niya rin.

“My daughter will not sleep here from now on. She’ll live with Zamiel Mercadejas. Hindi kakayanin noon na makasama ka sa iisang bubong,” bago siya tuluyang nakadiretso sa malaking bukana papasok ng bahay.

Nagtagis ang bagang ko nang agaran ang pagbuo ng mga kulay sa aking utak. The image of Zamiel in tangled sheets with Daniella filled my mind.

“Ano?!” dagdagan pa ng gulat na tanong ni Auntie Tamara. “She’s… what the hell, Ace? Hahayaan mo ba ‘to?”
“It’s her fiancee, anyway…” mariin kong tugon. “Kakausapin ko po muna ang mga kasambahay. Choose a guestroom, Auntie…” sabi ko para walain ang usapan doon.
“Pero, Ace! Anong klaseng…”

Iniwan ko si Auntie roon na lito. I get that her impression of Zamiel probably changed. I don’t care. I have other things to do. Mas marami pa ang problema ko at mas importante pa ang iba.

Zamiel is my least priority. In fact, he’s not a priority. I will stand by my decision.

Takot si Renato na iwan kami ni Auntie Tamara sa mansion na mag-isa. Kahit pa pinanatag ko siya sa pagsasabing kilala ako ng iilang kasambahay. So I let him stay with Auntie Tamara without her approval.

“Ace! Kaya kong ipagtanggol ang sarili ko! Kaya kitang ipagtanggol!”
“Auntie, sige na po. Maayos naman ang intensyon ni Renato. Wala namang mawawala-”
“Then at least give him another guest room!” kumurap-kurap si Auntie Tamara sa sinabi niya.
Nagkasalubong ang kilay ko sa pagtataka. “Bakit?”
“Anong bakit? Hindi dapat nag-iisang kwarto ang babae at lalaki!”

Umirap ako. I know what she means. It is true. However, I did not expect to hear it from her. Hindi ko alam kung nagkukunwari lang ba siya, o ayaw niya lang talagang makasama si Renato, o ipinapakita niya sa akin na maayos at matino naman siyang Auntie.

“Haaay!” pati ba ito problema ko pa? “Fine! Choose a guestroom for him.”

Hindi na ulit lumabas si Tita Matilda kahit pa noong gumabi na. Pinadala niya lamang ang pagkain niya sa kanyang kwarto habang kaming tatlo naman ngayon ang nasa hapag.

The househelps look happy. It’s clear that they weren’t treated very well kaya ngayong kami na ang naroon at nakikita nilang maayos ang tungo, tuwang tuwa sila.

“Hindi ka pa pupunta sa opisina mo bukas?” tanong ni Renato.
Tumango ako. “Si Tita Matilda na muna ang ipagdedeklara ko tungkol sa akin. Babalik muna ako sa Law Firm ni Attorney at siguro’y pag-aaralan ko muna ang organization.”
“I’m sure Zamiel can help you with that,” si Renato ulit.
“Naku!” agap ni Auntie. “Huwag ka nang umasa sa manlolokong iyon! He’s with Daniella right now kaya nga wala pa iyong bruha rito, e! Tanggalin mo nga iyon sa poste niya, Ace!”
“Tamara, he’s the director because of his skill. To remove him now habang hindi pa alam ni Ace paano patakbuhin ang kompanya-”
“Wala akong pake! Gwapo lang siya pero manloloko pala! Ganyan talaga ang mga tycoon! Masaya kahit na ibasted may nakareto naman kaya okay lang!” hindi ko maintindihan ang pinaghuhugutan ni Auntie.

Inirapan niya si Renato. Si Renato naman ay napainom ng tubig at natahimik na lamang.

Mas lalo ko tuloy naramdaman ang pagtanda ko. Bigla ko na lang pasan ang mundo. Pati ata si Renato at Auntie Tamara ay pasan ko rin. Para silang mga teenager na nagliligawan na ewan.

After dinner, we toured the house. Tatlong house helper ang sumama sa amin para gawin iyon. Ipinakita rin sa amin ang dati naming library at study na ayon sa kanila’y nililinisan madalas kahit na walang gumagamit.

Pareho kasing umuuwi si Daniella at Tita Matilda rito para lang matulog at kumain. They are mostly in social events, abroad or whatnots.

“Madalas din po kasi si Ma’am Daniella kay Zamiel Mercadejas, Ma’am…” kwento ng pinakabatang kasambahay.

Tumango ako kahit pa nararamdaman ko ang pagkakamuhi. While Auntie Tamara is starting her litany of curses for Zamiel again.

“Wala talaga, oh! Hindi pa umuuwi kahit alas nuwebe na! So totoo nga!” si Auntie Tamara nang sa wakas ay naupo kami sa tansong mga upuan sa backyard garden ng bahay.

It feels good to really be back here. Naaalala ko noong buhay pa si Mommy. We used to have a picnic here and I would play with my toys while she enjoys her tea below the shade of our decorative trees.

Kung hindi lang sana binabanggit ni Auntie si Zamiel at Daniella, tuloy tuloy na ang pag-iisip ko sa nakaraan. She’s right, though. Daniella is not back here. Maybe it’s true, then.

Kinuha ko ang cellphone ko at nakitang may mensahe galing kay Zamiel. My heart leapt but when I saw how businesslike the text was, ibinalik ko ang indifference ko para rito.

Zamiel:
I will call a meeting for the whole organization tomorrow. Will you be there?

Kanina niya pa ito tinext. Ngayon pa lang ako magrereply.

Ako:
No.

Nagulat ako sa agaran niyang pagrereply. Halos hindi ko pa nabababa ay nagreply na si Zamiel.

Zamiel:
Okay. We’ll have a meeting with some clients. I hope you can come by then.

Ako:
Kailan ba?

Zamiel:
I’ll send you a full schedule of the meetings. For now, I can represent you.

Ako:
Ipasend mo na lang sa sekretarya ko. That’s not your job.

Hindi siya nakapagreply agad. Dalawang beses kong dinungaw ang cellphone ko bago naupo sa tabing upuan ni Auntie Tamara.

Tiningala ko ang dami ng mga bituin sa langit. Funny how my most private thoughts include some terrifying things… like… hindi kaya pati ang pagkakasundo, nagkamali rin? Hindi kaya ako talaga ang pinagkasundo kay Zamiel at hindi si Daniella?

Nahihibang na talaga yata ako. Sobrang dami na ang ibinalik sa akin ng tadhana pero nanghihingi pa ako ng sobra sobra pa.

I hope I won’t think about that again. I have to be strong for this new opportunity. Hindi iyon akin para isipin.

Zamiel:
Okay.

Nilapag ko ang cellphone ko sa lamesa. Nilingon ako ni Auntie Tamara.

“Aayusin ko ang bank accounts ko,” sabi ko sabay lingon kay Auntie Tamara. “Ibabalik ko ang pera ni Zamiel.”

KItang-kita ko ang pag-ahon ng dibdib ni Auntie Tamara. Naramdaman ko ang pagsisisi niya. I am not blaming her, anymore. Tapos na iyon. Isa pa, ako naman ang pumayag sa huli kahit pa sabihing napilitan ako dahil nagasta niya ang pera.

“Ayaw kong magkautang ng loob sa kanya,” tanging nasabi kong rason.

The mornings were awkward. Pagkagising ko, pagtatalo at tarayan ni Tita Matilda at Auntie Tamara ang naaabutan ko. Renato looks so stressed as he held Auntie’s shoulders para lang mapigilan itong sugurin si Tita.

“I will leave now for work. Huwag kayong magkakalat dito…”

Nagtagal ang tingin ni Tita Matilda kay Renato. She flipped her long hair at supladang umalis sa harap ng dalawa. Nang nakita ako ni Tita Matilda ay nilagpasan niya lang ako.

Sinundan ko ng tingin si Tita. No need to remind her of the meeting and my office. Sinabi na rin naman ni Zamiel na magpapameeting siya ngayon.

“Anong nangyari?” tanong ko sabay upo sa hapag.

Padabog ding umupo si Auntie Tamara, inaalalayan ni Renato kahit pa binabalikwas naman niya ang kamay nito.

“I just hate that old bitch,” she said without further explanations.

I guess I’ll have to deal with that everyday, then. Hindi ako makapaniwalang mabilis talaga ang pangyayari. Kailanlang ay sa apartment ako gumigising, ngayon nandito na.

Unang ginawa ko sa araw na iyon ay ang bisitahin ang puntod ni Mommy at Daddy. I did not have a chance to visit their graves before because it is near the village. Natatakot akong makita si Tita Matilda kapag napunta ako roon. Funny why I think she’ll see me when I don’t think she visits the grave of my father.

Then, I went to Attorney Palomar’s law firm. Kasama ang isa sa lawyer-apprentice niya, pumunta kami sa bangko para kausapin ang head tungkol sa mga funds ni Daddy.

“Naiprocess na po ito two years ago, noong nag twenty one ka po, Miss Zaldua,” sabi ng attorney.
Tumango ako. “Okay, po. So ano ang gagawin ko ngayon?”

It’s transferred immediately. In fact, kakatapos lang noon. Just last week. Nagulat naman ako. Inasahan kong marami pang gagawin.

Bumili ako ng laptop. Kasabay noon ang follow-up ni Amer sa akin at wala akong ibang maisip kundi si Judson. Though he only has a senior high experience with drafting, and nothing more.

Amer:
I’m fine with that. Bring him to me.

Sa sumunod na araw, tinawagan ko si Judson. Inabala ko rin ang sarili ko sa pag-aaral sa organizational chart ng aming firm. The secretary sent me the complete chart and functions of everyone in it.

Managing Director, Zarrick Amiel Mercadejas. Walang post si Daniella at wala rin kay Tita Matilda. They are so confident, huh? Kung sa bagay…

Hindi umuwi si Daniella. Madalas ko na lang marinig si Tita Matilda na kausap ito sa cellphone habang tumatawa.

“I’m glad you like it there, hija. Send my regards to Zamiel…” malambing na sinabi ni Tita sa kanya.

Pokerfaced ako lagi tuwing naririnig ko iyon pero hindi naman kaya ni Auntie Tamara na manahimik. Araw-araw, mas lalo siyang nagagalit kay Zamiel. Hindi ko na alam kung paano pa siya papakalmahin sa opinyon niya rito.

“Get the Executive Director post,” si Amer nang bumisita ako sa Samaniego at nagkausap kami sa opisina niya.

I had to go back and explain what happened to my colleagues. Hindi nila lubusang naintindihan o hindi lang talaga sila makapaniwala. Ako rin naman. Hindi ko pa lubusang maisip ngayon ang nangyayaring ito. That’s why the opinion of those in the field matters so much to me.

“Tama lang na hindi mo ni reassign. You still don’t know how this works and Zamiel is a good businessman,” si Amer.
“You just like him, Amer,” si Caleb naman na nasa likod ko.

Tumayo ako. For four days now, pinag-isipan ko ang susuotin sa lahat ng mga lakad ko. Ang sabi kasi ni Auntie Tamara, I need to look like a boss – far from my image weeks ago.

I’m wearing stilletos, a white longsleeves and deep v-neck bodycon dress. Kanina’y pinuri ako ni Amer sa pagbabago sa akin. Now Caleb is watching me closely.

“Though, I’m sticking with that. I won’t reassign him, at least-”
“Ace… you do know that Zamiel Mercadejas is bound to marry Daniella, right? Hindi naman kaya maibabalik sa kanila ang lahat kapag hinayaan mo siyang mamuno imbes na ikaw? I can help you with the decision making for free! Promise!” si Caleb.
“Kahit pa magkatuluyan sila, hindi mawawala ang katotohanan na akin ang kompanya. Zamiel is just my employee and that’s all. The assets and liabilities are under my name. His impressive leadership won’t change that.”

Lumapad ang ngisi ni Amer at nag slow clap para sa akin. Uminit ang pisngi ko.

“You are a fast learner. Ipagpatuloy mo lang ‘yan!”

Ngumiti ako. I can’t believe I found friends in them. I appreciate Amer and Caleb’s help. Ni hindi ko inasahan na ganito ang mangyayari.

“Asan na ang ipinangako mong magaling din mag draft, Ace? Papag-aralin ko iyon, kung sakaling gusto niya.”
Ngumiti ako. “Luluwas siya sa Linggo. I will bring him in my first office appearance-”
“Hmmm. Meeting natin iyan, ‘di ba? Zamiel told me that the meeting will be in your conference room for our thirty four thousand squaremeter warehouse.”
Tumango ako. “Doon ko na lang din siya dadalhin, kung ganoon?”
Amer smirked. “Okay. I’m fine with that. Does he have a place to stay, anyway?”

May nahimigan akong kung ano sa boses ni Amer. Mabilis akong tumango.

“He’ll stay in my apartment-”
“Boyfriend mo? Pamalit kay Zamiel?” humagalpak siya sa tawa.
Natawa rin ako. “Hindi naman. He’s an old friend back in Sta. Ana…”
“Tsss. Magaling ba talaga ‘yan, Ace?” si Caleb naman.

Tumango ako at tipid na ngumiti.

For some reason, talking with the people who are good in business boosts my confidence. Reading about the chart and the functions supported what I’ve learned from them. At nalaman ko rin kung gaano na talaga kalaki ang business ngayon. It is the leading firm when it comes to constructing large public buildings. Mga warehouse, gymnasiums, at marami pang iba. The operations even expanded till Visayas. Kaya naman hindi ko masabing walang kwenta ang ginawa ni Tita Matilda. She did good. I can’t believe it.

“Judson!” bati ko nang inanyayahan ni Auntie Tamara si Jud, umaga ng Lunes.

Kabadong-kabado ako kanina pa lang paggising. Ngayong nakita ko ang kaibigan, naibsan ang kaba ko. Today is my first office appearance. I’m physically ready but not mentally.

Niyakap ko si Jud. Wearing a simple white t-shirt and a faded jeans, walang nagbago sa kanya. Samantalang titig na titig siya sa akin dahil siguro sa suot ko.

I’m wearing one of Auntie Tamara’s personal choice of dress. Isang puting haltertop bodycon dress na walang saplot ang likod. Iyon ang pinili ko dahil iyon ang pinakabalot ang harapan. The rest were all deep v-necks and the likes. This one is sexy at the back and formal in front, kaya ayos lang.

“Ibang-iba ka na, ah!?” natutuwang sinabi ni Jud.

Tinampal ko siya sa balikat. Noong tumawag ako sa kanya, sinabi ko ang tungkol sa nangyari kaya hindi ko na kailangang magpaliwanag pa.

“Buti pumayag ka na lumuwas, Jud!” si Auntie Tamara habang pinipresinta si Renato para maipakilala.
“Oo naman, Auntie. Miss ko na si Ace, e…” Ngumiti si Jud sa akin. I grinned. I missed him, too.
“Ay naku! Kayo na lang! Hindi na ako boto doon sa lecheng ex boyfriend ni Ace, e. Kayo na nga!” tukso ni Auntie Tamara.

Sinipat ko si Auntie na agad namang tumahimik at ngumiti. I smiled at Judson again.

“Kung sasagutin ako, bakit hindi?” pasaring ni Jud habang umuupo sa tabi ni Auntie Tamara.

]]>
https://www.jonaxx.com/what-lies-beneath-the-sand-kabanata-33/feed/ 0
What Lies Beneath The Sand – Kabanata 32 https://www.jonaxx.com/what-lies-beneath-the-sand-kabanata-32/ https://www.jonaxx.com/what-lies-beneath-the-sand-kabanata-32/#comments Sun, 22 Oct 2017 12:06:17 +0000 https://www.jonaxx.com/?p=1650 Kabanata 32
Last Will

Hindi pa ako nakakabawi sa pagpunta nilang tatlo sa opisina ay nilapitan na ako ng sekretarya ni Amer.

Pinagtitinginan ako ng mga kasama ko. Iilan sa kanila, alam kong gustong magtanong kung ano ang ibig sabihin noon. Iilan din siguro ang natantong related ako sa mga Zaldua na may-ari ng Zaldua Firm.

“Miss Zaldua, Amer Samaniego wants you in his office.”

Noong una gusto kong tumanggi. Hindi ba may meeting sila? Ibig sabihin naroon din sina Tita Matilda at Senyora Domitilla? I don’t want to face them again. Especially after that big blow on my face.

“Ngayon din, po.”

Tumango ako bilang tugon. Pagod akong tumayo. May sinabi si Ashton para pigilan ako pero hindi na rumihistro sa utak ko. Kung sinabi ni Amer na pupunta ako sa opisina niya, pupunta ako. He’s my boss.

Fear welled in my stomach when I realize that it could be about it. Baka naman sisisantehin niya na ako gaya ng binanggit ni Senyora Domitilla. Saan ako pupulutin na hindi ako abot ng kapangyarihan nila? Kahit sa club ay paniguradong mahahawakan nila sa leeg si Madame Sonja. I have nowhere to go! Damn it!

My fear and loathing intensified when I got into the right floor. Alam kong nasa conference hall sila pero iginiya ako ng sekretarya sa kabilang side, kung nasaan ang opisina ni Amer. Sa sobrang kaba ko, hindi na ako makapag-isip ng matino.

Binuksan ng sekretarya ang pintuan. Pumasok ako at iniwan niya kami ni Amer doon.

Amer is looking at me intently on his swivel chair. Sabi ni Senyora Domitilla kanina, nasa conference hall na raw si Amer. Kung ganoon, hinayaan niya ang tatlo sa meeting nila. I don’t know what their meeting is all about but I’m sure it’s for business. Ang babaw naman siguro kung tungkol sa akin… pero… hindi ako makapaniwalang naiisip kong posible ngang iyon ang dahilan.

“Good morning, Miss Zaldua,” Amer said after a long stretch of silence.

Tumango ako at yumuko.

“Good morning, po.”

Tumingin siya sa gilid na dingding na tila iniisip pang mabuti kung paano sisimulan. He moved his swivel chair back and forth. Pagkatapos ng ilang saglit ay tumigil siya at huminga ng malalim.

“May meeting ako ngayon with the Zaldua Firm for the making of our thirty four thousand square meter place. Sila kasi ang kukunin namin para gumawa noon.”

Tumango lamang ako. Para akong hihimatayin sa kaba. Ano ang magagawa ko kung sabihin ni Amer na gusto niya akong mag resign sa kompanyang ‘to, ano nga ba ang magagawa ko. I will fight for my right? As an employee, may karapatan akong kwestyunin kung bakit ako sisisantehin gayong wala akong ginagawang masama. But then what about my involvement with the escort services plus the truth that I still don’t have my files from school?

Hindi ko maipagkakailang may grounds nga sila na sisantehin ako sa kompanyang ito.

“Si Caleb pa ang naroon para kausapin si Mrs. Zaldua at ang kanyang mga kasama.”

Tumayo si Amer. Nagtungo siya sa isang glass table na may inumin at nagsalin sa kanyang wineglass. It’s either he’s taking his time or he just didn’t know how to break it to me.

“How are you related to the Zalduas?” tanong niya.

Alam kong balang araw, itatanong ito sa akin. Hindi ko nasagot ng maayos noon si Caleb. Marami naman kasi ang pareho ng apelyido.

“Matilda Zaldua is my step mother, po.”
“You’re the daughter of Engineer Teodorico Zaldua, right? The real daughter?”
“Yes…”

Pumikit ng mariin si Amer na tila ba may pagkakamaling nagawa. Dumilat siya para sumimsim sa hawak na wine glass bago binaling ang atensyon sa akin at humalukipkip.

“I know I shouldn’t ask you personal things, nor meddle with your private life, but I don’t have any other choice now.”

The anticipation is killing me. Hirap na hirap ata siya na hindi niya madiretso sa akin.

“Ako man ang head ng kompanyang ito, my father and my uncles are still part of the corporation as investors. Especially my father, Ms. Zaldua. Kung ako ang papipiliin, I will never let politics affect my decisions. Pero hindi ko maipagkakaila na kung hihingin na ng ama ko ang isang bagay, hindi na ako makakatanggi.”

Shit. I think Senyora Domitilla and Tita Matilda asked his father, instead. Hating hati ako. Gusto kong intindihin si Amer pero hindi ko matanggap na matatanggal ako ng ganoon lang.

“Am I going to get fired? Sir, please, no. Wala akong ginagawang masama. Ginagawa ko naman ang trabaho ko-”
“They have evidence of you working inside a night club.”
“Dati iyon. Bago po ako nakuha rito.”
“And they said that my cousin, Caleb, was once your customer?”

What the hell? Umiling ako.

Hindi ko alam kung paano pa ipagtatanggol ang sarili ko roon. Will he believe me, anyway? Will these influential and powerful people believe someone as small as me?

“Hindi po. Kahit tanungin ninyo pa si Caleb. Hindi po kailanman nangyari iyon-”
“You have a picture with him in an expensive restaurant?” nagtaas ng kilay si Amer.
“That was after you accepted me in the company. He treated me and that’s all!”

Sumimsim ulit si Amer sa kanyang wine glass. Naglakad siya palapit sa malaking salamin, dinungaw saglit ang kitang mga building bago bumaling sa akin.

“I believe you, Miss Zaldua.”

Bumalik siya sa kanyang swivel chair. He settled in and then he sighed heavily.

“Pero hindi ko matatanggihan ang ama ko. It is his decision to terminate your employment in this company.”
“Sir, please po. I will work harder for this!” Damn, I sound so desperate.
“I can only ammend it, Miss Zaldua. His memo is to terminate you immediately. I request you to find and recommend a good employee for me bago ka matanggal sa pwesto mo.”

Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam kung makukuntento na ba ako sa alok niya o luluhod pa ako rito huwag lang ako tanggalin.

“Sir, baka naman-”
“I really want you as an employee. Kaya lang, wala talaga akong magagawa sa desisyon ng ama ko. Eto lang ang kaya kong gawin para sa iyo. To extend it for days so you won’t have to deal with it right now,” he said miserably.

Kitang-kita sa mukha niya na bigong bigo rin siya. Kahit pa natatabunan ang mukha ng make up ay nababakas parin ang stress.

“Wala po akong ginagawang masama sa kompanyang ito. O kahit sa mga taong gustong manira sa akin! They all just want me gone, without reasons! I tried my best not to see them again because I know they’ll hate me, hindi ako nanggugulo sa kanila, pero ganito?”
“Recently, I heard rumors about you and Zamiel Mercadejas.”

Shit.

Umiling agad ako. “Wala pong namamagitan sa amin ni Zamiel.”
Kumunot ang noo ni Amer.
“At hindi po iyon ang dahilan nina Tita Matilda at Daniella. Gusto lang talaga nila akong umalis ng Maynila.”
“Say it could affect their decisions. Besides, si Domitilla Mercadejas ang tumawag kay Dad kaya ito nagdesisyon ng pinal tungkol sa’yo. It is the old lady that wants you out and for sure she has her reasons, it’s for Zamiel.”
“Pero Sir…” bigo kong agap.
“Walang namamagitan sa inyo? Are you really sure?”

Kinagat ko ang labi ko at yumuko. Hindi ko kayang harap-harapang tanggihan ang nararamdaman ko sa isang taong gaya ni Amer. He’s done nothing bad to me. Tinutulungan niya pa nga ako.

I need more practice with my lies. I need to be a better liar!

“Well, if you say so, Miss Zaldua. But…”

Tumayo si Amer at naglakad palapit sa akin. His thin suit is all black, gaya ng madalas niyang suot. His small frame is screaming that he’s chosen his own gender, samahan pa ng make up sa mukha.

“I will give you a chance to explain your side,” aniya na nagpaangat ng tingin sa akin.

Explain my side? To who? To Tita Matilda, Daniella, and Senyora Domitilla? Una kong naisip kung hahayaan ba nila si Amer na gawin iyon. Sunod ay ang kaba ko. They will never hear my explanations. Mas lalo lang silang magagalit.

But if I am doomed to have nothing and lose more, then I will drain all my energy para lang maipagtanggol ang sarili ko. Kahit pa alam kong wala nang patutunguhan ‘to, I’ll take every chance I can get to voice out my feelings and my decisions for this.

“Are you willing to?”
“How am I going to do that?” nalilito kong tanong.
“The meeting is exclusively for the firm and the chairman, kasama si Caleb. I will invite you in that meeting and tell them whatever you want to tell them.”

Napaawang ang labi ko. Hindi ko maiwasan ang pag-iisip ng tungkol kay Amer. Paano siya? But then he’s chairman, he can’t be touched. Kahit pa sabihing pagagalitan siya ng ama niya, hindi siya gaya kong mabilis matiris.

“Sinabi mo sa aking wala kayo ni Zamiel, sabihin mo sa kanila. Sabihin mo rin lahat ng pinagdaanan mo, kung gusto mo. I will give you that time. Ayaw kong sisantehin ka nang hindi binibigyan ng pagkakataong magpaliwanag sa mga taong galit sa’yo.”

Kahit pa alam kong ‘di ako pakikinggan, I will grab this chance to fight. Matapang akong tumango. Tumango rin si Amer sa akin.

“Good. Done deal.”

At naglakad siya patungo sa pintuan, hudyat na dapat ko siyang sundan. Kabadong kabado ako. Pero hindi gaya noong unang kita ko kay Tita Matilda kanina, mas may lakas ako ngayon. Siguro dahil alam ko na huling tsansa ko na ‘to. Na matatanggal ako sa trabahong ito kahit pa lumaban man ako o hindi. Lalaban ako dahil pakiramdam ko, magsisisi ako sa huli… kung bakit ko hinayaang pangunahan ako ng takot.

Binuksan ni Amer ang puting double doors na paniguradong papasok sa conference room. I’ve never been here. This is my first time. And probably, last?

Isang mahabang lamesa ang bumungad sa akin. Nakaupo si Caleb sa malayong kabisera at inaasahang uupo si Amer sa malapit na kabisera. Tita Matilda and Senyora Domitilla is sitting on the left side while Daniella is on Amer’s right.

Kanina pa walang ngiti si Senyora Domitilla, nanatiling busangot ang kanyang mukha nang nakita ako. While Daniella and Tita Matilda were both smiling a bit. Their expression changed when they saw me grace the room.

“Good morning, everyone. Sorry for that,” si Amer.

Sinarado ng sekretarya ang pintuan sa likod ko. Hindi na ako uupo. Pakiramdam ko ay hindi na kailagan. Dito lang ako sa likod ni Amer. Pagkatapos kong depensahan ang sarili ko ay aalis na ako rito.

“I am actually expecting Zamiel Mercadejas in this meeting but-”
“He won’t be here, Amer. He trusts my leadership as his future wife kaya hinayaan niya na kami rito,” putol ni Daniella.

Ngumisi si Amer pero agad ding nakabawi. Nakita niya ang titig ni Tita Matilda at Senyora Domitilla sa akin. He turned to me. Iminuwestra niya ako bago pabirong nagsalita.

“This is Astherielle Zaldua, my employee…”

Kunot-noong humilig si Caleb sa kanyang swivel chair, lito sa ginagawa ni Amer. But then this is also to save his name… to clear it before it breaks out as a hideous rumor. Naging mabait si Caleb sa akin at kung isusukli ko sa kanya ang pagdudungis ng pangalan, wala akong kwentang kaibigan.

“What are you doing, Amer? I believe you know my request?” mariing tanong ni Senyora.

Parang humalukay ang tiyan ko sa kaba. Gusto kong magsalita pero hinayaan ko muna sila.

“I know Senyora, in fact, I went back to my office to tell her about the situation. She’s fired. Although, I am asking for an intern from her bago ko siya tuluyang patalsikin-”
“Anong ibig mong sabihin, Amer?” gulat na tanong ni Caleb.
“Can’t you see, Amer? If you fired her immediately, hindi na magiging kumplikado ito kaya bakit mo pa dinala ang babaeng ito rito?” painsulto akong hinagod ng tingin ni Senyora Domitilla.

Unti-unti namang namutawi ang ngiti sa mukha ni Tita Matilda. While Daniella looked at me with an eyebrow shot above to confirm my inferiority.

“Although, I take my father’s commands diligently, I have my own ways.
“She’s fired, Amer?” Tumayo si Caleb sa gulat ngayon.
Nakakalokang tumawa si Tita Matilda. “Of course, she should be! Kung pwede lang pati ang boss ay matanggal dahil sa ginawa ay…” makahulugang tiningnan ni Tita Matilda si Caleb.
“That’s enough, Tita! Hindi ‘yan totoo!” pigil ko.

Hindi ko na kayang makinig habang pinaparatangan niya si Caleb na ganoon. Wala siyang alam kaya bakit siya magsasalita ng ganyan. Pure confusion is on Caleb’s expression. Tahimik naman si Amer habang tinitingnan ang mga taong nasa harap namin.

Humakbang ako palapit sa lamesa. Nagpupuyos ang aking damdamin at pinipigilan ko ang galit ko. I have to set it aside to think clearly. This is my last chance to say everything. I have nothing to lose, anyway.

“Hindi totoo? Alin dun?” Hinampas ni Tita Matilda ang lamesa at tumayo siya sa panggigigil.

“The manager said that it’s true! Sinungaling ka rin, e. Nagsisinungaling ka para tabunan ang kamalian mo at manatili ka sa kompanyang ito?”
“Yes, it is!” natakot ako sa sarili kong boses.

Natahimik silang lahat. Kahit pa kabado ako ay buo parin ang boses ko. Hindi gumagaralgal ko nanginginig.

“Nagtrabaho ako sa isang night club bilang waiter.”
“That’s not what I heard-”
“The picture you presented was me in my usual uniform bilang waitress sa night club na iyon dahil wala kaming pera. Marangal iyon na trabaho-”
“Marangal? You were an escort just like your filty Aunt!”
“I was, yes, it is true!”
“Kita mo na…” sabay baling ni Tita Matilda kay Senyora Domitilla.

Senyora’s face hardened. I can sense her blood boiling but that did not stop me from telling the truth.

“Naging escort ako! Zamiel offered Auntie Tamara a large sum of money. Bago ko pa nalaman iyon, nagastos na ni Auntie ang milyon o higit. Wala kaming pera pambayad doon! Nagalit ako kay Auntie pero alam ko sa sarili ko na wala ring magagawa ang galit ko. I accepted Zamiel’s offer and that’s it-”
“You liar! Pati ang boss mo rito, hindi ba?” sumulyap si Auntie kay Caleb.
“No!”
“Anong ibig sabihin nito?” si Caleb.
“Tinulungan ako ni Caleb sa kompanyang ito. He treated me for dinner and that’s it. He knows I’m only a waitress! Hindi ko kailanman-”
“Wala akong pakealam sa eksplenasyon mo. Isa lang ang alam ko. Bayaran ka. You are targetting Zamiel just so-”
“I am not! Bakit hindi si Zamiel ang kausapin ninyo? Why don’t you tell him to leave me alone!” I shouted.

Nanlalaki ang mga mata ni Tita Matilda. Tumayo si Daniella, ngayon ay mabilis ang bawat hininga at galit na rin.

“Malandi ka! Inaakusahan mo pa ang fiancee ko na lumalapit sa’yo!? Bakit siya lalapit sa’yo? You cheap whore!” she spat.

I turned to her. Bawat bigkas niya ng salita ay naaalala ko kung paano ako nagsakripisyo noon para sa gusto niyang mangyari. Hindi ko inakalang pagkatapos ng pagbibigay respeto at halaga ko sa kanila, ganito ang aabutin ko.

“Iskwater ka! Nangangarap ka sigurong umangat sa sosyedad kaya ganoon, ano? Guess what, he’ll never like you. Guni-guni mo lang ang mga naiisip mo. Gusto ka lang paghigantihan noon. Because he’s so angry with you, all those years… Kaya ‘wag ka nang mangarap, Ace.”
“She probably thinks he’s been waiting for her for years. Baka nga, Ace. Para saktan ka sa ginawa mong panloloko…” humagalpak si Tita Matilda.
“Bakit hindi ninyo sabihin sa kanyang layuan ako, kung ganoon? Bakit ako ang ginugulo ninyo!? I did not offer my services to him! I did not even know how he knew that I was working there!”
“Sinasabi mo bang hinahabol ka ni Zamiel? Ilusyunada ka rin, ‘no?” si Daniella.
“Ang sinasabi ko lang, Daniella, imbes na ako ang pagbuntungan mo, bakit hindi mo kausapin si Zamiel? Pigilan mo siya, kung ganoon! Stop him from leaving your side! Stop him from going to me. Dahil sa totoo lang, nananahimik ako rito! I just want to work hard for myself. Ayaw kong may binabanggang ibang tao. Did you ever see me near your village? O kahit sa building man lang ng opisina ninyo? Hindi! Dahil ayaw ko na ng gulo!”
“Why couldn’t you push him away, then? Pinapatulan mo kasi!” naiiyak na sigaw ni Daniella sa akin.

Now this is becoming so ridiculous. I find it so shallow. Hindi ako makapaniwalang sa harap ng mga taong ito, pinag-aawayan namin ni Daniella ang atensyon ni Zamiel.

“Is this the reason why you want me to leave this company? Is that it?” nanliliit ang mga mata ko.

Ayaw ko nang dugtungan pa ang kahibangan niya. Ayaw ko nang tudyuin pa siya sa takot niyang maagaw ko si Zamiel sa kanya.

I just want to know… is that the reason why they want me fired… or even leave Manila. Si Zamiel ba talaga ang rason? Na kahit si Tita Matilda ay gigil na gigil na itulak ako palayo?

Maiintindihan ko si Senyora Domitilla. Maybe she did not want a filthy cheap girl like me ruining his grandson’s future.

“To leave Manila, Ace,” pagtatama ni Daniella.
“Is this the reason, Daniella? You’re scared I’m going to take Zamiel away from you?”

Walang nagsalita. Caleb shifted his weight. Tumikhim si Senyora Domitilla at kumurap kurap. Natameme naman si Daniella at Tita Matilda, isang bagay na ikinagulat ko pero ginawa kong pagkakataong masabi ng tuluyan ang mga gusto kong sabihin.

Daniella shifted her weight, too. Kumurap-kurap siya at huminahon.

“C-Choose then. Staying here… or Zamiel.”

Kinagat ko ang labi ko. Zamiel is the main reason why they are making my life hell for me, huh?

“You think I’m not pushing him away kaya mo ako pinapasisante rito at pinapaalis sa buong syudad, is that it?”

Walang nagkumpirma. Natahimik lang silang lahat.

“Then, I will. I want to chase my dreams, not some guy.”

No matter how much I love him. I know he’s not for me. Matagal ko nang tanggap ito noon pa. Siguro ay ang pagkakamali ko lamang ay ang pagbibigay sa sarili ko sa iilang pagkakataon namin.

“I will choose my dreams over anything. At salamat sa inyo dahil itinuro n’yo sa akin kung gaano kahalaga ang bagay na ito. Fine. If it is Zamiel and my job here, I am choosing my job. Just promise me to go and tell Zamiel to never see me again. Na hindi ko siya kailanman nagustuhan,” mataman kong sinabi.

Sumungaw sa magkabilang sulok ng aking mga mata ang mga butil ng aking luha. Kung anong tapang ko kanina, ganoong hina ko naman ngayon habang sinasabi ang pinakamalaking kasinungalingan sa talambuhay ko.

Parang iyong pagsisinungaling ko lang noon kay Zamiel. Noong sinabi ko sa kanyang kasinungalingan lahat ng trato ko. Dahil ang totoo, that’s the most raw feelings I ever had in this life time. Minahal ko siya noon, ng walang hadlang at pagbabawal. Minahal ko siya na parang ako si Daniella, ang kanyang mapapangasawa. Minahal ko siya ng husto kahit pa alam kong sa huli, masasaktan ako at hindi na mabubuo pa ulit.

“At hinding hindi ko siya magugustuhan. Sabihin n’yo sa kanya na tigilan na ako. Sabihin n’yo na I never realy cared for him… I never liked him… and I will never like him… so he should stop trying. Sabihin mo.”
“I will tell… him…” banayad na sinabi ni Daniella.
“Then, can I keep my job here?”

Marahang tumango si Daniella. Nilingon ko si Amer na ngayon ay nasa malapit kong likod para ipakita sa kanya na kahit paano, nagkaliwanagan na. Pero imbes na kausapin si Amer ay nawalan na ako ng boses nang nakita ko si Zamiel sa nakabukas na pintuan.

His cold, cold stare is like steel puncturing me. Kung kinakabahan ako kanina, walang panama ang kabang naramdaman ko sa galit at panganib na hatid ng tingin niya sa akin.

“A-Apo, I thought you’re busy with something else?” narinig ko ang pagtayo ni Senyora Domitilla.
“Yes, I am busy,” mariing sinabi ni Zamiel at bahagyang tumabi.

His jaw clenched. Nilingon niya ang papasok na isang matandang lalaking nakawheel chair, kasama nito sa likod, ang nagtutulak na naka all white na nurse, at isa pang mas batang lalaki sa tabi nito na may dalang iilang folders.

“Anong ibig sabihin nito!?” parang kulong ang boses ni Tita Matilda.
“Mommy,” sabay pigil ni Daniella kay Tita Matilda.

Namilog ang mga mata ko nang nakita kung sino ang nakawheel chair na kasama ni Zamiel. This is Attorney Ildefonso Palomar, father’s legal counsel! Nag-angat ng tingin ang matanda sa akin. Pilit siyang ngumisi kahit na kitang-kita ko ang paghihirap.

Sa pagkakaalala ko, hindi siya ganito ka tanda. Kung sabagay, ilang taon na ang lumipas. He looks well, however, with the wheelchair and some tubes on him, I realized that he’s not.

“Attorney Palomar…” pabulong kong sinabi.
“It’s nice to see you again, Ace. I’m glad you remember me…”
“What’s happening?” naglakad si Caleb palapit sa akin.

Sinundan siya ng tingin ni Zamiel pero agad din itong nag-iwas. Nanatiling tahimik si Amer habang si Tita Matilda ay nagpapanic at si Daniella ay nagpipigil.

“I’m sorry, natagalan. I was abroad for my heart transplant. But… I hope it’s not too late to read the last will and testament of Engineer Teodorico Zaldua…” pagkatapos ay bumaling ito sa kay Tita Matilda at Daniella, with pure distaste on his face.
“Stop it,” hindi na napigilan ni Tita ang sarili. “I am the rightful owner of that firm! Ako ang nagpalago noon kaya kahit na sole proprietor siya, ako parin ang may karapatan kumpara sa kay… kay…”
“Sa anak niya, Matilda?” dugtong ni Attorney Palomar.

Nanlalaki ang mga mata ko nang natanto kung ano ang ibig sabihin noon. Nilingon ko si Tita Matilda na ngayon ay naiiyak ngunit galit na tumingin sa akin.

“How dare you, Ace! Wala kang utang na loob kay Mommy!”

Nanginig ang labi ko. Hindi ko lubos ma proseso kung ano talaga ang ibig sabihin ng lahat ng ito. I turned to the attorney once again.

“Sole proprietor? A-Ano po ang last will ni Daddy, Attorney?” maingat kong tanong.
“Let’s go now, Mommy. Iyan naman kasi ang mahalaga kay Ace, e. She doesn’t care about people and relationships. All she cares about is the money. Mas pipiliin niya iyon-”
“Shut up, Daniella! I want to know what is my father’s last will!” putol ko.

Tingin ko, alam ko na. What the fuck?

]]>
https://www.jonaxx.com/what-lies-beneath-the-sand-kabanata-32/feed/ 0
What Lies Beneath The Sand – Kabanata 31 https://www.jonaxx.com/what-lies-beneath-the-sand-kabanata-31/ https://www.jonaxx.com/what-lies-beneath-the-sand-kabanata-31/#comments Sun, 22 Oct 2017 12:05:16 +0000 https://www.jonaxx.com/?p=1648 Kabanata 31
Ever

Sore and sleepy, I laid on bed with Zamiel. He took me over and over again. Ganunpaman, hindi nagbago ang intensidad ng mga sumunod sa nauna. In fact, he actually felt more intense and more ruthless the succeeding times.

He embraced me tightly. Pikit ang kanyang mga mata pero alam ko na hindi siya tulog.

“Where is Ashton?” I said as I suddenly wondered about him.

I am so sore. I tried to move so I could get up but my muscles won’t cooperate. Nakadagan din si Zamiel sa akin. Ang isang braso ay nakabalot sa aking dibdib, ang isang binti ay nakatabon sa aking mga hita. His face is on my neck. Naramdaman ko ang pagdilat niya at ang pagtitig sa akin habang malamyos na hinahaplos ang aking buhok.

“Why do you keep asking about him?” he whispered hoarsely.

Bakit? Kasi wala akong maalala. Zamiel Mercadejas finding me and bringing me in his condo smells fishy. Nasaan sa picture si Ashton kung ganoon?

Not that I wanted Ashton to be there. Gusto ko lang malaman kung paano nangyari ang lahat ng ito gayong nasisiguro kong tama pa ang wisyo ko hanggang sa nagblack out ako.

“Because… the last time I remember, I was with him!” giit ko nang natantong iba pa ang ikinagagalit niya sa tanong ko.

“Stop thinking about him. You’re in bed with me and all you think about is that asshat!”

For revenge, I curled the hair on his chest with my finger. Sinubukan niyang pigilan ako sa ginawa pero huli na ang lahat. He groaned but he can’t hide his smirk.

“Stop it. Napapanot na ang dibdib ko!” sinulyapan niya ang kanyang dibdib habang hawak ang aking kamay.

Ngumisi siya while I tried to look at him with dagger eyes. Tumatakas nga lang ang pagngisi ko dahil sa huling sinabi niya. Napapanot? Seriously? Ugh, Zamiel! Mabilis akong bumawi sa pagkakatuwa.

“I want to know, Zamiel. What did you do to him? He’s still my friend-“

“He was kissing you! You call that your friend?”

“We were both drunk!”

“That’s not enough reason. Stop justifying it! He could’ve done worse!”

“I am not justifying it. I’m not defending him. Sinasabi ko lang na maaring hindi sinadya iyon.”

“You are not allowed be kissed by another man, Astherielle! More so, forced by that asshat!”

Nanliit ang mga mata niya, tila may naintindihang hindi maganda sa akin.

“Tingin mo sobrang bait ng mga taong nakapaligid sa’yo? You think he doesn’t have any motive to kiss you other than his being drunk? And you’re fucking justifying it! Mas lalong hindi ka pwedeng uminom o umalis mag-isa!”

Pumikit ako ng mariin. Our arguments really escalate quickly. Alam ko naman iyon. Hindi ko nagustuhan ang ginawa ni Ashton sa akin pero kahit paano, kuryoso ako kung nasaan siya? Knowing Zamiel, I just really hope he’s not in a morgue. Oh my gosh! That terrified me! Bakit ba iyon ang naisip ko? Am I still frigging drunk?

“Ano nga kasi ang nangyari sa kanya? I just want to know, Zamiel!”

Nilingon ko siya. He looked hestitant on telling me whatever the hell happened. Mas lalo lang tuloy akong natetense. Ano kaya talaga at bakit ayaw niyang sabihin? Kung wala naman ay pwede niya namang sabihin iyon. That only means…

“He’s home now. Now will you stop mentioning him?”

He pulled me closer to him. He feels like a male animal territorial of his prey. In his large frame, around his arms, I feel so small and so protected. Ngumuso ako habang binababa ang kanyang malaking braso na halos tabunan pati ang labi ko.

“Gusto ko lang naman-“

“Enough.”

“E ‘di panatagin mo ako-“

“I did not kill him. Happy?”

Ugh! I groaned but I know he’s exaggerating it. And I’m too drunk that I think the worst of him.

His skin smells like expensive perfume and musk. His nose is touching my cheek and his hot breath teasing my jaw and neck. Marahan ko siyang nilingon. Half way, I saw him watch me with curious eyes. Kumabog ang puso ko. Iniwas ko kaagad ang tingin ko.

I remember all the things that I did that night. All the words I said. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Nababaliw na talaga yata ako. Bakit ko ba iyon sinabi sa kanya? I teased him too much. Ano na lang ang iisipin niya?

Noon, hindi ako naniniwala na makakagawa at makakapagsabi ka ng mga bagay na hindi normal sa’yo kapag lasing ka. Now, I proved that theory right. In a very hard way. Damn it!

Ano kaya ang iniisip niya tungkol sa akin? Uminit ang pisngi ko nang naisip ang napakaraming maaring paratang niya sa akin kung sakali.

“Uuwi na ako. Anong oras na?” sabi ko para mabasag ang katahimikang nagpatakot sa akin.

“You’re too sore to do that. You should just rest. Ihahatid kita bukas sa opisina mo.”

“Hinahanap ako ni Auntie Tamara, Zamiel,” giit ko.

“She’ll be fine. Just tell her you’re sleeping here. We’ll get married soon, anyway.”

By instinct, I pulled some of the thin hair on his chest again. Mabilis niyang sinikop ang kamay ko at marahang pinigilan sa ginagawa. He chuckled.

“I’m not marrying you!”

Kumunot ang noo niya pero pinalagpas parin ako.

“Not yet, at least. We will marry soon-“

Muli kong sinubukan na bunutin ang balahibo niya pero dahil sakop ng kamay niya ang kamay ko, hindi ko nagawa. Imbes ay niyakap niya pa ako lalo, as if the embrace wasn’t tight enough.

“I’m not!”

Pinatakan niya ng halik ang aking pisngi. Bago nilapit pa ang mukha sa aking tainga.

“You have to. I am in love with you.”

Parang may kumurot sa puso ko sa lamig ng pagkakasabi niya noon. Walang bakas na humor ang bawat salita at ang tono. Ni hindi rin siya nag-abang sa magiging reaksyon ko. Nanatiling nakabaon ang kanyang mukha sa aking leeg na tila ba natatakot sa magiging dugtong ko.

“What about me, then? You said you’ll let me marry the man I love?”

Hindi siya nagsalita. For a few moments, nakakabinging katahimikan ang naghari. Hawak niya ang kamay ko habang nakapalupot siya sa akin. He did not speak or react for a few moments. He did not look at me. He remained on my neck.

“Who are you in love with, then?” he asked huskily.

Hindi ako sumagot. Hindi na rin niya ako pinilit. Nanatili akong nakatingin sa mga daliri kong ginawa kong palusot para hindi siya malingunan. Hindi rin naman niya hinagilap ang mga mata ko para mapilitan akong sumagot.

“You’ll fall out of him. You will fall for me,” he whispered.

Kinagat ko ang labi ko. Nanatili siya sa posisyon, never looking at me for some reason. I remained beside him, as well. Nanghihina at hindi makagalaw ng tuluyan sa pagkakahawak niya.

I suddenly wonder if I could ever fall in love with someone else after him. I am hopeful, though. Pero ang huling sinabi niya ay nagpatakot sa akin. It sounds like he’s cursing and dooming me. Sa estado ko ngayon nakakatakot na iyon nga ang mangyari. Kung hindi pa man nangyayari na.

Pinikit ko ang mga mata ko. Pansamantala kong kinalimutan ang mga nangyayari. I just want to treasure this moment with him. Baka kasi huli na ‘to. Baka kasi hindi na ito mauulit. Pinagbigyan ko ang puso ko kahit sa gabing ito lang. Pinagbigyan ko ang sarili ko dahil alam ko, he’ll eventually realize that I won’t do much good for him. Anyway, he got his fair taste of me. There is no regrets, right?

Kinabukasan, una kong nakita sa paggising ko ay ang mapupungay niyang mga mata. I immediately withdrew from his stare because I know I probably look like a potato. Imbes na hayaan niya akong lumayo ay hinila niya ako palapit sa kanya.

“Zamiel!” agap ko. “Magtatrabaho pa ako! Uuwi pa ako para makapagbihis!”

Sinulyapan ko ang digital clock niya at nakitang alas sais na ng umaga. Kung gagawin ko pa ang mga sinabi ko’y walang duda, malilate na ako. Pero hindi bale nang malate kesa sa hindi pumasok.

“I bought you clothes so you won’t have to go home. Nasa lamesa.”

“Bought me clothes? Kailan?” tanong ko, medyo nagulat.

Nilingon ko ang maliit na lamesa. I saw fresh and clean white towels along with a black corporate dresses, and a set of underwear.

“Pinabili ko lang,” dagdag niya.

Ilang sandali akong nag-isip habang tumititig siya sa akin. Sa bagay, mas ayos nga iyon. Hindi ako malilate kung sakaling susuotin ko ang pinamili niya.

“I charged your phone, too so you can call your Aunt,” his tone was a bit hesitant.

Kumunot ang noo ko. He twisted his lips sexily. Tumingin siya sa kawalan na tila ba may iniisip at sasabihing hindi ko magugustuhan.

“I just don’t know your passcode.”

“You don’t have to know my pin code to charge my phone!”

Bumalikwas ako. His grip loosened up kaya nagawa kong bumangon. Hawak ang kumot sa aking dibdib, nilapitan ko ang cellphone ko sa side table ng kama. I checked Auntie Tamara’s texts. Napansin ko rin na walang text si Ashton doon kaya napaisip ako.

I dragged the comforter down as a cover up for my nakedness. Nilingon ko si Zamiel na nakabusangot na nakatingin sa akin. His massive body is sprawled on his king size bed. The bed looked small because of him. He’s wearing his black boxers only. His muscles were on the right places. He looks hard and strong because of it. Well.. actually he feels hard and strong. Uminit ang pisngi ko sa naiisip.

Ang liit ng kama para sa kanya. Paano kaya kami nagkasya roon?

I also noticed the interiors of his room. Sa ilalim ng kama ay may ilaw pa. The curtains are still closed kaya hindi pumapasok ang ilaw sa labas ng mga bintana.

Kinuha ko ang cellphone ko at naglakad palapit sa malaking bintana. I opened the long thick curtains to reveal the view of the skyscrapers and the buildings below. Binalik ko ang tingin ko sa kama at nahagip ng mga mata ko ang kinakaladkad kong puting comforter. Binalik ko ang tingin ko kay Zamiel na ngayon ay seryoso lamang na nakatingin sa akin.

I typed in a message on my phone for Auntie Tamara.

Ako:

Auntie, sorry kagabi. Hindi ako nakauwi. Nasa condo po ako ni Zamiel.

I scrolled up to see her messages. She flooded my phone with worried texts.

Auntie Tamara:

Astherielle! Magpapablotter na kami ni Renato! Mag text ka naman!

Auntie Tamara:

Mamamatay ako ng maaga sa’yo! Please text me where you are!

Auntie Tamara:

Where are you?

Auntie Tamara:

Do not fucking scare me.

Auntie Tamara:

Zamiel Mercadejas texted me. You’re with him?

Auntie Tamara:

Please tell me you’re safe.

Inangat ko ang tingin ko kay Zamiel. His soulful eyes is still on me. He really looks so good when he’s serious and angry. Hindi ko maiwasan ang pagpupuna roon.

“Tinext mo si Auntie kagabi?”

“Yes. You fell fast asleep without texting her, so…”

Marahan akong tumango at nilingon na ang banyo. My face heated when I remember what he did to me last night. Mas lalo lang nag-init nang natanto ko ang lahat ng mga sinabi ko.

Nang hindi siya tinitingnan, kinuha ko ang tuwalya at ang iilang damit na nasa lamesa. With the comforter enveloping my body, I immediately went inside his large bathroom. Alam kong nakatitig siya sa lahat ng ginagawa ko kaya naman nang nakapasok ako sa banyo ay para akong nabunutan ng tinik.

I checked on the clothes he’s bought. Not bad. Pinili ko ang itim na sleeveless dress. Mas simple kasi iyon sa ibang naroon. The others would make me look like the CEO of the company imbes na empleyado lamang.

Ilang sandali pa akong natulala sa loob ng banyo. The image of us in heated desire last night is bothering me. Nababaliw na talaga yata ako. Zamiel is right. Alcohol is not good for me. I get really… damn!

I turned the shower on in full blast sa pag-asang kasabay ng pag-agos ng tubig ay ang pag-agos din ng alaala ko kagabi pero walang silbi iyon. The whole time I’m soaping my body with his familiar bath gel, I remember the places he kissed. At sa pagkakaalala ko, wala siyang pinalagpas na sulok. He kissed me thoroughly, as if he worshipped every bit of it.

Mas lalo ko lang naramdaman ang awkwardness sa sarili ko pagkatapos kong maligo, nang naibalik na ng tuluyan ang katwiran ko. He’s prepared a toothbrush for me last night, iyon ang ginamit ko kanina sa banyo. Pagkalabas ko ay naabutan ko siyang nakatingin sa labas ng bintana habang may kausap sa cellphone. Ang tanging saplot niya ay ang maliit na puting tuwalya na nasa kanyang baywang.

Nagtiim-bagang agad ako. His body is covered with well cut and thick muscles I only see on magazines and TV. Nilingon niya ako nang naramdaman ang paglabas ko sa banyo. Then his eyes never left me even when he’s seriously talking on the phone.

Sinuklay ko ang buhok ko. Pinanatili ko ang tingin ko sa salamin habang ginagawa iyon. But I am very much aware of his eyes on me. Even after the phone call.

Marahan naman siyang dumiretso sa banyo pagkatapos ilapag ang cellphone sa maliit na lamesa sa gilid lamang ng kama. He closed the bathroom’s door so he could take a bath. Para ulit akong nabunutan ng tinik. Bakit ba tensyonado ako pag nasa pareho kaming kwarto? Lalo na pag nakatingin siya?

Nagpatuloy ako sa pagsusuklay. Kinuha ko ang bag na dala ko kahapon at naglagay na rin ng make up na naroon.

Nag-almusal kami sa kanyang dining area. He asked for a room service food. Siguro ay dahil na rin sa pagmamadali na. Ginawan niya ako ng kape habang nakaupo ako sa lamesa. Pinapanood ko siya, in his crisp white long sleeves and dark slacks. Diretso ang tingin niya sa akin pagkatapos ng ginawa.

Nilapag niya agad sa tabi ng aking pagkain ang kape. Tahimik kaming nag-almusal. Pagkalabas namin ng condo niya, nagsimula na ang mga tawag sa kanya. He’s a busy man, I realized. Though, of course he will be. He’s a tycoon with a company dealing with different businesses.

“Thank you,” I awkwadly said when he parked in front of the building. Hindi nagtagal ang byahe dahil mukhang nasa BGC lang din naman ang condo niya, hindi gaya sa apartment namin ni Auntie.

“Ihahatid kita sa opisina mo,” sabi niya habang ibinibigay sa valet ang susi ng sasakyan.

Aangal na sana ako pero mukhang wala na akong magagawa. He made up his mind and the dangerous look in his eyes told me that there is no stopping him. Bahala na. Hindi naman siguro mag-iisip ng masama ang mga tao. Iyon na lang ang inisip ko.

Ngunit pagkapasok pa lang namin sa lobby ay makabali leeg na. His complete suit and his arrogant air is so noticeable. He’s so flashy without even trying. Dire diretso ang lakad ko. Mumunting butil ng pawis ang naramdaman ko dahil sa tensyon galing sa mga nakatingin sa amin.

Ayos lang ito. Nasa likod ko lang naman siya, hindi ba?

That’s why when I felt his large hand on my waist, I quickly stiffened. Ang mga mata ng mga tao ay diretsong bumaling sa akin. His possessive stance amazed them so much. Lalo na noong napansin ni Zamiel ang pagbilis ng lakad ko. He quickly pulled me closer by the waist so I’d stop my sudden sprint.

Kunot noo ko siyang nilingon. Nang nakitang mas galit pa siya ay huminga na lamang ako ng malalim. He pulled me back to him making some employees sigh heavily.

Pumasok kami sa lift. Marami ang pumasok din doon, dumidikit ang mga mata sa aking likuran, kung nasaan siya. His hand rested on my stomach to keep me in place – so close to him.

“I know what you’re doing,” he whispered.

Iilang empleyado na malapit sa amin ang sumulyap. Nagpakawala lamang ako ng hininga at hindi na dinugtungan pa ang sinabi ni Zamiel.

“You’re ashamed people would see us together?”

Kinagat ko ang labi ko lalo na noong sinulyapan na talaga ako ng babaeng nasa tabi ko. She looks a bit shocked. Narinig niya siguro ang bulong ni Zamiel. Can’t he hold it and wait till we’re alone? Kahit na bumubulong siya’y naririnig siya ng mga katabi namin.

Tumunog ang lift sa tamang floor at dumiretso ako palabas. Sumunod si Zamiel. Hindi ko na tiningnan ang reaksyon ng mga kasama namin dahil alam ko na iyon.

Sa lobby ay mabilis ang paglingon ng mga naroon. Pumikit ako ng mariin sa kaba.

“Good morning, Ace! And… Zamiel?” sinalubong kami ng pamilyar na boses.

Nalingunan ko sa gilid ng glass door si Caleb. He’s in his suit and a bit shocked with our sudden entrance. Kahit na ang bati niya’y naging hudyat ng agarang pagkakabawi.

“G-Good morning, Caleb!”

Natigil ako sa pagmamadali para batiin si Caleb. Caleb’s eyes drifted behind me, where Zamiel is.

“Coincidence or?” he said with a mocking tone.

“Hinatid ko siya rito, Caleb,” may diing sinabi si Zamiel.

Caleb’s mouth formed into an “O”. His playful eyes met mine before he turned to Zamiel again.

“I hope you are not trying to steal another company’s asset-“

“I’m not, Caleb. Although, I would like to get her under me…”

Siniko ko si Zamiel dahil nararamdaman ko ang pagkawala ng biro sa ekspresyon ni Caleb. Napalitan iyon ng galit.

“Sige na. You should go, Zamiel,” sabi ko nang napapansin ang tensyon sa dalawa.

Dinungaw ako ni Zamiel. Si Caleb naman ay titig na titig sa aming dalawa. Zamiel crouched, just enough to reach for my forehead.

“I’ll pick you up later. Don’t bother for lunch. My secretary will come here to give you food, ‘kay?” Then he kissed me languidly.

Halos mapapikit ako ng mariin nang hinaplos niya ang siko ko at dumiretso na palabas ng aming floor. Caleb’s eyes stayed on Zamiel until he’s not seen anymore. Bumaling siya sa akin, nanliliit ang mga mata.

“Is he… courting you to be one of his designers, Ace?”

Ngumuso ako at marahang naglakad. Sumunod naman si Caleb papasok ng opisina. Ang mga mata ng mga kasama ko’y nasa akin ngayon. Tuwing susulyap si Caleb ay agad naman silang babaling sa ginagawa.

“Hindi naman, Caleb,” sabi ko.

“Inamin niya kanina. Don’t tell me you’re thinking about it?”

Nakalapit na ako sa lamesa ko nang nilingon ko si Caleb. Mabilis akong umiling para ipakita na hindi ko iyon kailanman naisip. Although Zamiel really did invite me on his company. But for some reason, tingin ko hindi naman iyon dahil gusto niyang makipagkompetensya sa kabilang kompanya.

“Nope, Caleb. Trust me.”

Nanatiling kunot ang noo nito. Ilang sandali naman ay umaliwalas at napalitan ng mas kuryosong ekspresyon.

“Does this mean… he’s…”

Umiling agad ako dahil alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin. He smirked at my reaction.

“I really hope not. I know men in my circle, Ace. And Zamiel Mercadejas is the most ruthless playboy of all. Though, I’m sure you won’t fall for that trap. Matalino ka. I have high expectations of you.”

I could not react. Lalo na noong tumango siya at tumalikod para umalis. Hindi niya na hinihintay ang magiging reaksyon ko. It was like he was so confident that I will never really do something bad for myself. Napabuntong hininga ako at naupo. I opened the computer without thinking.

Tinutukso na ako ng mga katrabaho ko pero wala akong magawa kundi ang bigong umiling. Ilang minuto pa ang lumipas bago ko naisip si Ashton! I glanced at his office and saw that he wasn’t there!

“Perrie, si Ashton?” tanong ko sa katabi kong kanina pa nangingiti sa akin.

“Ah!? Lumabas ‘yon, eh.” Itinuro nito ang pintuan.

Tumango naman ako. Nabunutan ulit ako ng tinik. Well, at least he’s here, right? He’s okay.

Umabot pa ng ilang minuto ang pag-iisip ko kay Ashton. I couldn’t concentrate much on my work because I want to talk to him. Nag-aabang ako sa pintuan, baka sakaling siya na ang papasok pero lumipas pa ang iilang abalang katrabaho, walang Ashton na nagpakita.

Pagkatapos ng isang oras na pagsulyap sa pintuan, parang nabuhay ang kaluluwa ko nang nakita ang busangot na Ashton. May band aid sa kanyang kanang pisngi at ang kaliwang mata ay namamaga. Laglag panga ay tumayo ako para batiin siya at humingi ng paumanhin.

Nag-uunahan lahat ng iniisip ko. I hope Zamiel did not do that to him! Oh my gosh!?

“Ashton…” tawag ko nang nakalapit siya.

Tumayo pa ako para makausap siya ng maayos pero iniwas niya ang tingin niya sa akin.

“Gawin mo na ang trabaho mo,” malamig niyang sinabi at nilagpasan ang lamesa ko.

Nanatili akong nakatayo. Sinundan ko siya ng tingin. Diretso rin ang lakad niya patungo sa kay Bobbie. May sinabi siya roon. Tinanguan naman siya ni Bobbie. He then went straight to his table. Bumagsak ako sa upuan ko.

He’s cold. He’s angry of me? Hati ang opinyon ko sa kanyang naging reaksyon. Sinulyapan ko ulit si Ashton at naabutan ko siyang umiwas ng tingin sa akin.

This can’t go on like this. Ayaw kong may ganito sa trabaho. We shouldn’t have personal issues. I don’t get why he’s angry when in the first place, I should be. Kahit paano, tama si Zamiel. We were drunk but Ashton was wrong in forcing me to kiss him!

Iyong mga pasa? Hindi kaya si Zamiel ang may gawa noon? Posible iyon pero ayaw kong mamaratang. There’s nothing I can do but ask Zamiel if he did it, right?

I took my phone out. Nagtipa ako ng mensahe para kay Zamiel.

Ako:

Did you punch Ashton?

Kalalapag ko lang ng cellphone ko at kahahawak sa computer mouse nang may iilang anino akong nakita sa kanang bahagi ng tingin ko. Unaware, nag-angat ako ng tingin para sa posibleng kliyente o boss na naroon. Perrie and Bobbie were both looking at whoever was there.

Parang natigil ang mundo ko nang nakita kung sino ang naroon. In her ash gray dress and a black Hermes bag, hair jet black in a french twist, Tita Matilda is standing proudly just beside me. Her scowl told me that her presence means something bad. Pagkatapos ng ilang taon, pupunta siya rito sa harap ng lamesa ko, bakit hindi magiging masama ang sadya niya? Siguradong masama iyon.

Behind her is Daniella in her flesh colored dress and hair long and down.

“So, you’re still here, huh?” Daniella said in a mocking tone.

Napatayo ako. Natatakot akong umupo lang sa tabi ng mga ito. Mas gusto kong nakatayo na malayo. I feel like I need to defend myself. Gumapang ang kaba sa akin at tila nabuhusan ng malamig na tubig ang aking tiyan.

“Daniella, please, I’m here for work-“

“Hindi ba pinalayas na kita? Bakit nandito ka pa?” Tita Matilda’s hard voice shocked me.

After seven years, I heard her talk again. Mas lalong nadepina ang takot ko. My fear of her was buried deep within and her voice was the shovel that is digging the grave. Nag-uumalpas ang kaba ko at kahit anong tago ko ay hindi ko magawa.

“Natatakot ka?” Tita Matilda’s eyebrow twitched.

Kunot-noo at seryoso ko siyang tiningnan. Gusto kong panindigan na hindi ako natatakot.

“Dapat kang matakot, hindi ba? Kasi alam mo kung ano ang gusto ko at alam mo kung ano ang kaya kong gawin.”

Some of my officemates were already looking at us. Ayaw kong dito kami nag-uusap. Kung sana pwedeng humingi ng time out at mag-usap kami sa mas pribado pero kitang kita sa mga mata ni Tita Matilda na hindi siya mapipigilan. And if talking here will shame me, she will talk here without hesitation. She will even be glad to shame me in front of all.

“Bayaran ka! Hindi mo ba nakita ang mga larawan na pinadala ko? That will reach the higher ranks of this company! They will all learn that you’re a whore… an abomination of this company’s integrity-“

“Tita, hindi po ako nanggugulo sa inyo ni Daniella. Bakit n’yo pa kailangang gawin ito? I am not-“

“You heard what I said to you, Ace. We want you to leave this place. Can’t you understand that? Bakit ‘di ka na lang bumalik doon sa Sta. Ana?” si Daniella.

“I don’t understand why you’re doing this!” pagalit kong sinabi.

The tears pooling in my eyes were not of pain but of anger. Sa galit ko at sa kagustuhan kong maintindihan nila ako, hindi ko na mapigilan ang sariling emosyon.

“Hindi ako nagreklamo na pinaalis ako! Hindi ako nagreklamo na ginulo n’yo si Auntie Tamara! Hindi ako nagreklamo na ayaw n’yo akong pag-aralin at tinanggalan ng karapatan sa kahit anong pinaghirapan ng mga magulang ko! Hindi ko kayo hinabol para sa kahit ano pero bakit kayo nanggugulo!?” I screamed until I realize that maybe… maybe it’s Zamiel.

Siya ang dahilan ng lahat ng ito. Ayaw ni Tita Matilda at ni Daniella na makasama ko siya. Even as a friend. Even to see him even for a bit because they think I’m a threat!

Tinitigan ko ang galit na mukha ni Tita Matilda. She looks so furious. Her wrinkles were showing and her lips were in a thin line. Nanliit ang mga mata niya nang nakita ang marahas kong pagtitig.

“The meeting will start in a while. I heard…” tunog ng takong ang narinig ko galing sa pintuan.

“Good morning, Madame!” nag-uunahan ang mga katrabaho ko.

“Good morning, Ma’am!”

Palapit ito sa aming tatlo. Nilingon ko kung sino iyon at pakiramdam ko’y mabubuwal ako sa kinatatayuan ko dahil sa kaba. Senyora Domitilla is strutting inside the office with her white and red floral dress and her own big black Hermes bag. Dalawang nakaitim na lalaki sa magkabilang side, tingin ko’y bodyguards niya.

She looked at me with disgust before settling her eyes on Tita Matilda and Daniella. Humalik si Daniella sa pisngi ng matandang senyora bago mayabang na sumulyap sa akin. It was like she’s telling me that she’s so powerful now. That I mean nothing and she means everything to everyone.

“Amer Samaniego is already in the conference room, Matilda. Why waste your time here?”

“Andito pala kasi ang magaling kong katulong.”

Senyora Domitilla turned to me. All her disgust is gone. Just her plain hard and indifferent expression. Gusto kong magsalita pero wala akong masabi. I remember her being good to me. My last memories of her were not that good but… umaasa akong kahit paano ay maaalala niya na hindi naman ako naging masama sa kanya at sa kanyang mga apo.

“Buhay pa pala ang manlolokong ito,” she uttered with pure but calm rage.

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya.

“Kaya nga, Senyora. We want her gone from this company. I hope Amer will realize that he has a bad taste for employees.”

Narinig ko ang pagkabog ng pintuan. Mga yapak ni Ashton na palapit sa amin ang narinig sa mga sumunod na tahimik na segundo.

“Oh! Kaya naman pala. Her boyfriend is working here, Daniella. Kaya pala rito rin siya nagtatrabaho,” Tita Matilda said.

“Ano pong kailangan ninyo?” Ashton said in a formal tone.

Nagtagal ang tingin ni Senyora Domitilla kay Ashton. Puno ng poot at pandidiri ang titig niya rito. She scowled. Bumagsak ang tingin niya sa akin.

“I will make sure you’re both removed from here,” she said with finality.

“Senyora…” agap ko. “Huwag po, please. I’m not doing anything wrong…”

Tumakas ang pag-asa ko sa aking tinig pero nang nilingon niya ako ay natanto kong wala na dapat akong inaasahan.

“Bayaran ka. Nakakahiya ka. May gana ka pang magpakita rito… ganyan na ba ka kapal ang mukha mo?”

“Nilalandi niya si Zamiel, Senyora. May boyfriend na nga siya, nanlalandi pa!” deklara ni Daniella.

Umiling ako kay Senyora Domitilla. I can’t stop myself from hoping that she will eventually believe me.

The pure loathing in her face electrified. Kung nakamamatay lang ang tingin, kanina pa siguro ako pinaglalamayan dito. Nanindigan ako. Umiling ako ng paulit-ulit.

“Hindi ko po boyfriend si Architect Lagdameo. Lalayo po ako kay Zamiel. I want this job, please… I will try my best to never see you-“

“It’s not enough, Ace! We want you to leave Manila!” si Tita Matilda.

Nahahapo akong umiling.

“But you won’t right? Because your dreams are here? What are your dreams anyway? To marry Zamiel Mercadejas?”

“Hindi po, Tita! Nagkakamali kayo sa tingin ninyo sa akin-“

“That’s enough!” si Senyora Domitilla naman. “I will make sure the company will fire you! And no company will ever hire you! Ever!”

“Senyora, hindi po totoo ‘yon…” pagmamakaawa ko.

“Even the smallest company here in Manila and the near cities will never hire you. Naiintindihan mo?”

Tita Matilda smirked. Kitang kita ko ang tagumpay sa kanyang ekspresyon.

“Know your place, rat!” si Daniella sabay irap at sunod sa dalawang naunang nagwalk out.

]]>
https://www.jonaxx.com/what-lies-beneath-the-sand-kabanata-31/feed/ 0