Blown By The Wind – Wakas

July 24, 2017 By In Blown By The Wind 2 Comments

Wakas

She hates me.

Iyon lang ang tangi kong opinyon sa kanya. The moment I was introduced to her, I saw the immediate hatred in her eyes.

Alam ko kung paano mabuhay sa mundong ito. Even without my parents, I struggled and worked hard just so I can someday call something my own. My love for spaces and design feels innate. Tila ba dinadala ako ng sarili ko sa mga bagay na mas nagpapasigla sa kagustuhan kong maging arkitekto.

In achieving my dreams, hindi ko kailanman inisip na mandaya o manakit. We can all, after all, work hard without pulling another down. Pinagpatuloy ko iyon. Maybe that’s the reason why Architect Ephraim Saniel, a renowned Architect in the Philippines wanted me to become an intern and a secretary on his firm.

I’ve earned his trust. Kahit ang tiwala rin ng asawa niyang si Judge Demetria Saniel, nakuha ko rin.

“I’ve always wanted a son. Kaya naman, hijo, noong nalaman kong ang pangatlo sa mga anak ko’y babae parin,” umiling si Architect. “I got so disappointed.”

Kumunot ang noo ko. If he wanted a son, sana ay hindi pala siya tumigil sa pangatlong anak. Lumaki ako ng walang mga magulang pero hindi ko kailanman inisip na hindi ko sila nakita dahil hindi nila ako mahal. I appreciated that I’m here… alive… even without them.

But thinking about Architect Saniel’s third daughter, that he just called a disappointment, made me realize how painful it is to know your parents… and also know that they were disappointed of you.

“Kaya, hijo, nakikita ko ang batang ako sa’yo.” He laughed heartily. “How I wish I have a son as talented as you.”
“Architect, Lyanna is good in your field.”
“She has good grades. But she needs to improve more pagdating sa application. Her spatial skills is not that reliable. Yet.”

Umupo si Architect sa kanyang swivel chair at inabala ang sarili sa pagbabasa ng mga papel. Siguro normal na na matayog ang kanyang standard. But then Lyanna’s her daughter and she’s new to this, for sure she’ll learn more.

“Sana pagdating ng panahon ay matutunan mong pakisamahan ang mga anak ko. Especially Lyanna,” sabi nito kahit na nakatingin sa mga papel sa harap. “Alam kong magkakasundo kayo.”

I served Architect Saniel faithfully. He is the greatest in Philippine Architecture and it is a privilege to be one of his trusted members. Kaya naman nag-iingat akong mabuti sa kanila. I promised myself to never hurt the feelings of his family, kay Judge Tria, sa tatlong anak nito… kahit pa ang pinakabata’y nagbabaga ang galit sa akin.

“Ako dapat ang magtanong niyan, hindi ba? What are you doing and why are you alone with that girl!” galit na galit niyang sinabi.

She chased us alone with a boat. Ni hindi ko alam kung paano niya iyon napaandar. Siguro ay sa panonood sa bangkero’y natutunan niya iyon.

“You stupid kid! Muntik ka nang malunod iyan parin ang inaalala mo, huh?”
“Totoo naman! Maybe you have a stupid p-plan… Kiss her while you’re in that boat? Maybe bed her in that boat? Oh right, you like to bed women in bed rather than-”
“What the fuck are you talking about?”

I’ve known her for quite a while now. Madali siyang basahin. She’s a liar but she couldn’t lie convincingly. Kaya niya mang tumingin sa mga mata ko habang nagsisinungaling, kumukura-kurap naman ito. So I know when she’s lying or not. She’s so easy to figure out. Pero eto talaga ang nagpahirap sa akin ng husto.

“Oh my God, Vince!” si Vanessa iyon, nag-aalala.

Tinitigan kong mabuti si Eury. She’s very pale but her nose and lips were very red. Tuliro rin ang kanyang mga mata. She’s scared, confused, and angry.

Galit siya sa akin dahil iniisip niyang inaagaw ko ang mga magulang niya. But wy is her anger right now so different? What was her fucking argument again? Why am I alone with Vanessa? Stupid plan? Kiss her or bed her in that boat? What the fuck is she talking about?

Anong alam niya sa mga ganoon? Ang bata niya pa! At kung iyon nga ang gagawin ko, anong pakealam niya?

“Leave me alone,” she said sharply.

Hinatid ko siya sa kanyang kwarto. She was scolded by her dad in front of us. Napahiya siya dahil sa nangyari. I want to imagine her pain right now… her suffering… pero hindi ko magawa. Something is bothering me and that’s because of her actions.

“You’re father has gone too far again,” sabi ko.

Lumapit ako sa kanya. Nangungusap ang kanyang mga mata. Gusto kong malaman kung galit ba siya sa akin dahil iniisip niyang aagawin ko ang pamilya niya… o galit siya sa akin dahil kay Vanessa.

“You’ll get colds from this,” marahan kong sinabi.
“I don’t care.”

Nag-iwas siya ng tingin sa akin. For a moment, we remained silent. Tinatantya ko siya. Pati ang pamumula ng kanyang mga mata, panginginig ng labi, at luhang lumandas sa kanyang pisngi.

I want to know. I want to understand. I want her to tell me why she’s really angry with me.

“So what if I bed Vanessa on that boat?” sabi ko para matantya talaga siya.

Sinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako kailanman nagkainteres sa babae kahit pa inuuna ko ang trabaho at pagsisikap. Yes, I have been tempted by women before. I don’t play innocent… but this is just different.

Gaano man ka hinog ang kanyang pangangatawan, she’s still a kid to me. She’s still a young little girl, short of attention, and broken. I pity and admire her for hiding her pain and for still trying her best.

“See?” nanginig ang boses niya at agad akong nilingon. “You had that plan!”

Nangilid ang panibagong luha sa mga mata niya. Mas pumula ang kanyang ilong. Kinagat niya ang mapupulang labi at halos itulak niya ako sa galit.

“Fuck!” I closed my eyes.

Hindi ako kailanman nagkagusto sa mas bata pa sa akin. Even a year younger than me! Tapos ngayon… ilang taon ang tanda ko sa kanya? Hell, I doubt if it is even moral and legal!

“You manwhore! And all this time you have been screwing other girls? While your girlfriend is Vanessa?!” sigaw niya.

She hated Vanessa. Ngayon bigla siyang naging protective sa kanya? Bigla siyang concerned na niloloko ko si Vanessa kahit pa hindi naman talaga?

Eurydyce Amethyst Saniel, are you really angry for Vanessa? Or for your little self? Damn it!

“She’s not my girlfriend,” pagtatama ko.
“You liar! She is! You’re a manwhore! And all this time, Daddy prefers you over me?”

Bumuhos ang kanyang luha. Gusto ko siyang aluin but the only thing I could do is touch her. She’s so young. She’s very vulnerable. At hindi ko na alam kung saan lulugar dahil alam kong mali ito. Caring for her is a disaster especially when she’s acting this way. Dahil alam nating lahat na kung galit siya sa akin dahil sa pamilya niya, hindi ito ang pagtatalunan namin. Galit siya. At may ibang dahilan iyon.

She’s too angry to realize it.

“What is it that is really upsetting you, Eury? Please, tell me.”
“Sinungaling ka!”

Tinulak niya ako. Mas lalo siyang umiyak. Sa bawat hikbi niya, gusto ko na lang sumuko at magpaubaya.

“Vanessa is not my girlfriend,” pag-uulit ko.
“Sinungaling!”
“Bakit? ‘Di mo na siya girlfriend? Dahil may girlfriend ka nang iba? Sino? Iyong ka team mo? Iyong tutor ko? Sino?!” she spat without hesitation.

Paulit-ulit niya akong tinulak. Mararahan, tila nawawalan na siya ng lakas. Bumuhos din ang kanyang mga luha. Doon ko napagtanto kung gaano ako kahina, na kailangan ko nang umiwas.

“I won’t have a girlfriend,” I said, finally assuring her.

Huminga siya ng malalim, ngayon hindi na makatingin sa akin at patuloy paring umiiyak. Fine. I won’t have a girlfriend. But that will also mean, I need to lengthen our distance. This is not good.

Simula noon, kapag nariyan siya’y umiiwas ako. She’s so young and confused to feel what she’s feeling. I don’t want to confuse her more.

There’s a thin line between like and dislike. Sometimes we fail to identify our feelings when we choose a different one. Kaya ganoon din ang gagawin ko sa sarili ko. Pipili ako ng nararamdaman para hindi na maging kumplikado pa ito.

Lumabas ako ng opisina ni Architect Saniel pagkatapos niyang ibigay ang ilang trabaho sa akin. He told me I can use the library for my work. Nasanay na rin ako roon dahil tahimik at walang istorbo. Doon sana ang tungo ko bago narinig ang tanong ni Reanne sa kay Eury galing sa baba.

“Ba’t ka nagpapaganda? Saan ang tungo mo?” si Reanne.

Dumungaw ako sa barandilya at nakita ko si Eury sa harap ng malaking salamin sa sala. She’s putting lipstick on her lips. Marahan niyang kinakalat iyon sa pamamagitan ng pagdidikit ng labi. Then she combed her hair using her fingers before she finally answered.

“Sa library…” she said.
“Ba’t ka nagpapaganda pa kung sa library lang naman pala?” si Reanne ulit.

Hindi na sumagot si Eury. I uttered a curse before finally facing the library’s door. Hawak ang door handle ay pipihit na sana ako para pumasok pero napagtanto kong mas gugustuhin ko pang umuwi na lang. Kailangan kong umiwas sa kanya.

Mabibilis ang hakbang niya paakyat ng hagdanan. Nakangiti at excited. Umamba rin akong bababa kaya nang nakita niya’y napawi ang kanyang ngiti.

“W-Where are you going?” she asked innocently.

Sometimes, I am not sure if she’s trying to provoke me or she’s just very innocent. Gusto kong isipin ang nauna para hindi ako tuluyang maloko pero alam ko kung kailan siya nagsisinungaling at kailan hindi.

“Uuwi na ako. Doon ko gagawin ang pinapagawa ng daddy mo sakin.”

Bumaba na ako. Sumunod siya sa akin kahit pa sa pagpapaalam ko kay Reanne hanggang sa pag labas ko ng kanilang bahay.

“Pero lagi mong ginagawa ‘yan sa library, ah? I don’t have tutor anymore, hindi na maingay doon. ‘Tsaka, dito ka rin magdidinner dapat, ‘di ba?” her sweet voice is killing me.

Hindi ko na siya nilingon. The temptations should be ignored. Fiercely.

Hinarangan niya ako bago ako makalabas ng gate. Humalukipkip siya at nakasimangot na.

“May date ka ‘no?” she said.

What the hell is she doing? Damn it!

“Oh, kung meron?” lalagpasan ko na sana siya pero tinulak niya.
“Sabi mo ‘di ka mag gi-girlfriend! Sinungaling ka talaga!”

Nanuyo ang lalamunan ko. I literally called all the angels and saints just to save me from whatever demonic temptation this is.

“Maganda ba ‘yan? Ako kaya ang pinakamaganda sa school! Marami ring nanliligaw sa akin, ‘no! Kaya sige, ipakilala mo ‘yong dinidate mo at titingnan ko kung maganda ba!” she said bitterly.

Oh Lord, this girl. This girl.

“Bakit ba ganyan ang inaasal mo? Ano ngayon kung may girlfriend ako?” medyo iritado ko nang sumbat.
“Sinungaling ka talaga! Sabi mo hindi ka mag gi-girlfriend!” she pushed me again.

Umigting ang bagang ko sa kakatulak niya sa akin. I am losing my patience but I cannot fully get angry with her and I don’t know why! Kinagat niya ang kanyang mapupulang labi. At sa paraan ng pagkakakagat niya’y nakikita ko at nararamdaman kong malambot iyon. Her shoulders squared and it started shaking when she finally realized that my lies could be true.

Sa galit ko sa sarili ko dahil pinaiyak ko na naman siya. Pero mas lalo akong galit dahil nag-aalala pa ako kahit na alam kong hindi rin naman kami pwede. So to further discourage her and stop her from her own disaster…

“Bakit ka umiiyak? May gusto ka sakin?”

Suminghap siya. Akala ko’y gagawa ulit siya ng paraan para masabing hindi niya ako gusto. Ayaw niya lang talaga sa akin. Ngunit walang salitang lumabas sa kanyang bibig.

Mas lalo akong natakot.

I have never fallen in love with anyone. Gaano man kaganda, kabait, at ka propesyunal ang mga babaeng gusto ko, I’ve never, ever fallen fiercely with someone. And this little girl in front of me is already pushing me to the edge of a high cliff…

Humakbang ako palapit sa kanya. Chest heaving, she backed away from me until she’s leaning on their cold rough wall. Umawang ang bibig ko habang pinapasadahan ang kanyang mukha at katawan.

“Do you like me, kid?” I whispered.

Kinagat niyang muli ang kanyang labi, mapupungay ang mga mata habang tumitingin na lamang sa bermudang nakalatag sa aming inaapakan.

Damn it! Damn!

I punched the rough wall behind her making my knuckles bleed. Kailangan kong magising ngayon. Kailangan mas mauna ang tamang pag-iisip kesa sa nararamdaman.

“You said you hate me so much, but you’re acting like you really like me… hmmm…” I whispered praying she’ll finally say no and prove me wrong.

Pero hindi niya dineny. Hindi niya ako sinampal. Hinayaan niya akong makalapit, nakaawang ang labi, hilo ang mga mata, at kabang-kaba ang dibdib.

I licked my lower lip as I looked at her.

It’s very complicated. You can’t like me, baby. Not this way. Certainly not this way.

Bahagya niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin. She tiptoed to reach me. Ang kanyang malamig at mabangong hininga ay tumatama na sa aking baba. Pansamantala akong naestatwa at nakatitig sa mga labing malambot.

Umamba akong hahalikan siya. Her body tensed, she closed her eyes, and she blushed.

“Hindi ako… pumapatol sa mga batang nagpapanggap na mature at dalaga na,” tiim-bagang kong pilit na sinabi.

Dumilat siya at hinanap ang mga mata ko. Akala ko’y sasampalin niya ako.

That’s right, baby. Hate me. Dahil sa oras na tuluyan kang magkagusto sa akin, magkakasala ako ng husto. I have dreams, alright. Dreams of being successful… but if I fucking hear you say those words, I’d probably forget what I should do.

Kaya habang ganito, magalit ka. Magalit ka sakin ng husto.

Hindi tayo pwedeng magkasundo. Dahil ikaw ang magiging kahinaan ko… ikaw lang.

At ayaw ko ng ganoon.

“You’re just a little sister to me. So stop whining about me bedding or dating girls… you sound like a jealous girlfriend when you are nothing but a little sister to me.”

Hindi na ulit kami nag-usap tungkol doon. Or to put it simply, hindi na kami ulit nag-usap pa.

“Hindi ka parin nadadala?” Vanessa’s words echoed in the whole room.

Napatitig ako sa kanya. That four letter question sent me back to a time where she asked me that same question. Ngunit hindi tulad noon, alerto ako ngayon. Noong tinanong niya ako niyan, I’m too preoccupied with my thoughts to even notice someone’s presence.

Noon, gulo ang isipan ko. Gulo sa maraming espekulasyon.

“Alam mo, Vince, hindi ko maintindihan kung bakit siya,” she continued as she walked towards my table.

I loosened up my neck tie to make me feel a bit relaxed and comfortable pero hindi iyon epektibo. Hindi gumaan ang loob ko.

Vanessa leaned on to my table. Yumuko siya para mag lebel ang aming tinginan bago nagsalita.

Pagkalipas ng ilang taon, natagpuan ko siya sa Costa Leona. Nakahiga, maputla, at maraming sugat sa loob ng isang bangka. Oh how cruel destiny is, right? No matter how much I tried to see her, I didn’t have my chance. Or maybe, I was a coward to take that chance. Takot ako na baka sa huli, totohanan na ang galit niya sa akin. Hindi niya na ako mapapatawad. Habang ang lahat ng sinabi ko noon ay puro kasinungalingan lang.

“That spoiled rotten girl will always have an attitude-”
“Don’t call her that!” agap ko.
Tumayo ng matuwid si Vanessa. “Look, do we have to do a recap on how stupid you were years ago?”

Humilig ako sa aking swivel chair at hindi na nagsalita. I hate arguments. Lalo na sa parteng ito kaya hahayaan ko siya sa anong gusto niyang isipin.

“You were her father’s apprentice. She hates you. She’s jealous of you. You never got along. She’s mean and rude at the same time. Naalala mo ‘yong gawa mong shinred niya? Naalala mo ‘yong tutor niyang fired dahil lang ayaw niya roon sa babae? She’s that crazy!”

Sa ibang panahon, pinaalis ko na siya rito. Ngayon, I am too tired to even order her to leave. Hinilig ko ang aking batok sa backrest ng swivel chair.

“Ngayon, anong nangyari? You probably were just used to cover up her heartache! Para hindi masira sa fans niya kaya ngayong nakuha niya ang simpatya ng mga ito, ikaw naman ang tatanggalin niya sa eksena!”

I clenched my jaw as Vanessa’s words dripped with venom. Alam kong hindi iyon totoo. Sa una pa lang, ako naman talaga ang may gusto sa relasyon namin ni Eury. I promised myself once I get a hold of her, I would never ever let go again. Iyon ang ginawa ko. Sinamantala ko ang sitwasyon at ang atraso niya sa akin para gawin ito sa kanya.

But then… maybe she really never liked me.

Namuo na naman ang galit na pilit kong winawala sa kalooblooban ko. Galit para sa aking sarili at galit para kay Eury.

Paanong hindi niya ako gusto? She was possessive of me, I let her. I felt her love all the time. I felt her so much that night so how can I be wrong to think that she’s in love with me?

“Look, Vincent. This has been going on and on for years. You are letting her destroy you!”

Hinilot ko ang sentido ko.

“Maghihintay ka pa ba na isa muling eskandalo ang gawin niya? And what if she tells everyone that you’re just forcing her in your relationship? Anong magagawa mo? We know you are credible but her fans adore her to the point of blindness. Kaya mas iisipin nilang ikaw ang masama kesa sa kanya so-”
“Stop it, Vanessa! You are making this worse!” hindi ko na napigilan.
Natigil si Vanessa sa mga sinabi. She shook her head in disappointment. “I’m just concerned, Vince. Ayaw kong mangyari ulit sa’yo ang nangyari noon.”

She lingered for a while habang nalunod na ako sa dami ng iniisip. Ni hindi ko rin namalayan na umalis na siya.

Hinilamos ko ang aking kamay sa aking mukha. Kinuha ko ang cellphone ko para makatawag sa isa sa mga bodyguard na nilagay ko sa kanya.

Nilingon ko ang orasan. It’s 8:30 in the evening. Please, please, be home now, baby.

“Architect, hindi pa po siya nakaalis ng building,” paunang sinabi ng bodyguard ko. Alam agad niya kung ano ang itatanong ko.
“Ganoon ba? Hintayin n’yo na lang. Uuwi na ako.”

Pagkatapos noong nangyaring sunog at mga pagtatangka, Eury has been so preoccupied with work. Halos hindi na siya umuuwi sa condo ko. Minsan pa, nagdadala na ng damit at tatlong araw na wala.

Naiintindihan ko naman. The station has offered her a great deal and she said it’s her dream. Wala nang mas sasaya pa sa akin basta makamit niya ang kanyang mga pangarap. My dream is for her to reach her dreams. I cannot let my needs stop her from doing what she wants.

Naalala ko noon… Noong nasa malayo pa lang siya at sinusubukan ko pang magtagpo ulit ang mundo naming dalawa.

Because for the past years, kahit na ginawan niya pa ako ng masama, hindi ko kailanman siya sinisi. I was that crazy. And I figured, I may never be this crazy for another girl in this lifetime again.

“Look,” itinapon ni Andres sa aking lamesa noon ang isang magazine na may tatlong babaeng cover.

I did not even bother to look at the other two, my eyes flew immediately to the only one. Kakadating ko lang galing abroad at ito ang ibubungad ni Andres sa akin.

Kahit nasa ibang bansa ako, I get curious about her all the time that I usually spend some time of the day to check on her. Fuck, that’s just disgusting and creepy at the same time!

Tinitigan ko ang magazine. Nakaupo siya roon at seryosong nakatingin sa kumukuha ng larawan. Her band’s name is Astra. She can sing and dance and she has the most fans between them.

“Your archnemesis is all grown up and beautiful,” tukso ni Andres.

Binuksan ko ang magazine samantalang naupo na sa dulo ng aking lamesa si Andres, nakangisi at mukhang may masamang iniisip. I ignored the other pages without her and waited until I saw their pictures.

Pink lips, hooded and mysterious eyes, narrow nose, wavy hair, and a mature body that doesn’t fit for a young girl. Wait, she isn’t young anymore. She’s probably in her twenties, right now. Kaya… hmmm…

I played with my lips while watching her poses. May isa roong medyo awang ang labi niya at mapupungay ang mga mata. Her curves were on the right places. Pero kahit noon pa mang bata pa siya, she already has that body.

Nilapag ko ang magazine at pilit na inalayo iyon sa akin. Hindi pwede ‘yan sa akin. Pagbabawalan ko lang ‘yan kung sakaling…

“Anong problema?” tanong ni Andres.
“Tss. That girl did not even grow up at all,” sabi ko. Nagulat ako sa sariling pagkakairita.
“Did not grow up? Can you hear yourself, Vince? Kung sabagay, baka hilig mo talaga siya dahil mas bata siya ng lubos sa’yo.”
He smirked more.
“Old carabao eats young grass, eh?”
“Shut up, Andres.” Muli kong binalingan ang magazine. Nakakunot-noo at nguso habang sinusuri ang loob noon.
Humalakhak si Andres at siya na mismo ang nagpatuloy sa paghawi ng pahina para makita ko ang susunod na picture at ang article.

This time, it’s a picture on bird’s eye view. Nakahiga sila with all the furry stuff on their body. Her cleavage is showing dahil sa damit. And she’s also craning her neck like she’s giving access to it. Damn!

Nilingon ko ang interview kung saan may quick facts sa kanila.

Eury
Name: Eurydyce Amethyst Saniel
Birthday: February 22
Status: Very single

Very single? Tss. Why should that be included, anyway? It’s not like they are telling everyone that they can court her.

Nilingon ko ulit ang picture niya.

“Baka may boyfriend ‘yan. Sa showbiz pa naman mas mabenta kung ‘di sinasabing may boyfriend,” si Andres.
“Wala ‘yang boyfriend,” pagtatama ko para pawiin ang iritasyon ko sa sinasabi ni Andres. Alam niya talaga kung paano ako gagalitin.
Andres smirked. “Oh? Bakit? Katext mo?”
“Her dreams are important to her. I doubt she’ll entertain boys.”

Hindi na dinugtungan ni Andres ang sinabi niya. Kaya tumayo na ako at nilagay sa harap niya ang appointments ko sa araw na iyon. Dinungaw niya iyon at nag-ayos na ako ng coat para makatulak na patungo roon.

“Shangrila?” he smirked.
“Yes,” kalmado kong sagot.
“And you’re going there, imbes na ako lang?”

Hindi ako sumagot. Ngumuso ako habang nagsisimula na siyang tumawa.

“This couldn’t be a co incedence, brother. Your first appointment was also where her show is. Ngayon, doon ka? Anong meron? Fashion Show sa Atrium? Kasali siya ‘no?”
“What are you talking about?” tanong ko sabay ayos naman ng relo ko ngayon.
“Oh…” Humagalpak ulit siya. “Kaya ka puro laro sa mga babae, huh? May natatangi kang gusto. Too bad, I think she hates you so much. Or worst, she doesn’t even care that you exist.”
“Shut up, Andres. Sa Shangri la ang hotel ni Mr. Chi, kaya roon kami magkikita.”
“Paano iyong si Mrs. De Los Santos, bakit sa Mall of Asia kayo nagkita? Doon din hotel niya? Do you know it’s bad to stalk someone?”
“You stalked my sister-”
“That was different, Vince. We were in a relationship-”
“That’s the same thing!” sabay ligpit ko sa iilang gamit nang ‘di siya tinitingnan.
“So inaamin mo? That’s not the same thing, hindi niya alam na nandyan ka! You’re like a maniac trying to know of her whereabouts!”

Hindi na ako nagsalita. Ayaw kong makipagtalo pa. Wala rin naman siyang magagawa kundi sumama sa akin sa meeting na iyon.

“We are an hour early and for sure that’s not because you are an early person!” he noted nang nakapasok na kami sa mall at nabasa niya na ng husto ang schedule na binigay ng sekretarya ko.

Tanaw na namin ang stage kung saan ginaganap ang fashion show. I leaned on to the glass bannister. Si Andres nasa gilid ko, walang nagawa at nanood na rin.

Kunot noo kong tinitigan mga lumalabas galing sa LCD covered backdrop. Nang napagtantong wala pa siya ay pinasadahan ko ng tingin ang audience. There were girls but most are men. Men within 20s to 40s. Can you believe it?

I heard them scream a bit. Napatingin ako sa lumabas at nakitang lumabas si Eury. Wearing a black and gold cocktail dress, she graced the runaway with so much confidence that I shifted my position. Ngumuso ako habang tinitingnan siyang seryoso at sa huli’y ngumiti. I heard someone scream for her name.

Umigting ang aking panga.

“Lalaki halos ang fans niya,” puna ko.
“Oo. Kaya ka nga nandito, ‘di ba?” Andres laughed.

Hindi ako nagsalita. Nanatili ang mga mata ko kay Eury… observing her every move… admiring her beauty from afar. Mayroon kayang nanliligaw sa kanya.

“Balita ko may mga businessman na nanliligaw diyan,” si Andres. “For sure, puno ang backstage ng bulaklak galing sa mga manliligaw… o kahit lalaking fans.”

I gave him a warning look. Ngumisi siya.

“Hindi rin kayo magtatagal niyan kung magiging kayo man. Masasakal ‘yan sa’yo. Artista ‘yan, Vince. Normal ang ganyan sa artista. Kaya kung magiging seloso at mahigpit ka, you will never work out.”
“I won’t be a jealous boyfriend… if that happens…” I drawled when I realized Andres could be right.

Damn!

Tumawa muli si Andres. Mukhang enjoy na enjoy niya ang nangyayari.

“Ano? Patulong tayo para makalapit ka? You can always use your resources, number one architect in the Philippines. Talk to her father, man. Or our past clients?”
“Hindi ako desperado,” sabi ko. “Bata pa siya.”
“Oh! Hindi ka pa desperado sa lagay na ‘to, ha? Talagang hindi!” Andres laughed.

Umiling na lamang ako tuwing naaalala ko iyon. Ngayon, nandito ako sa condo… naghihintay sa kanya.

Dalawang araw na siyang hindi umuuwi dahil sa trabaho at nag-aalala na ako.

“Vince,” her voice relieved me from all the physical and mental pain I’m feeling.
“Baby, are you coming home tonight?” pagmamakaawa na iyon.
“Hindi ako pwede, e. May gagawin pa kasi ako para sa movie. Matulog ka na.”
“Oh. Okay. Kumain ka na ba? Pinabigyan kita ng pagkain-”
“Kumain na ako. May hinanda naman dito, e.”

So she did not eat the food my bodyguard gave her.

“You should at least rest,” sabi ko.
“Hindi pwedeng magpahinga, e. Maraming gagawin. Pasensya ka na.”
“It’s okay. I’m just worried about you…” I whispered huskily.

Hindi siya nagsalita ng ilang sandali. Nagkasabay pa kami nang sa wakas ay nagsalita siya.

“Want me to-”
“Ibababa ko na-”

Oh.

Pumikit ako ng mariin at hinilot ang sentido. I have never been this fucking crazy over a girl. At ang alam ko sa sarili ko, may mas ibabaliw pa ako sa kanya kesa rito.

“Okay. I hope you rest. I love you, Eury,”
“Good night, Vince.” Pinutol niya agad ang linya.

Halos malukot ko ang cellphone pagkababa nito. It’s been almost two weeks and I haven’t heard her say it. At lagi siyang malamig at ganito.

Hindi ako naniniwalang wala. Hindi. She’s just busy. Pressured. Preoccupied with so many things.

Damn, Eury! What is it?

Hindi na ako nakuntento. Hindi ako makakatulog sa gabing ito kung hindi ko siya masisilayan kahit saglit lang.

Nagbihis ako at nagpasya na bibisitahin ko siya sa istasyon na ‘yan. How could I have her and not have her at the same time? I can be patient for a long time but I have to have her at least for a while to fuel me. To keep me sane. To set all my doubts free. And to assure myself that we are really fine.

Tama nga ako.

Kahinaan ko nga siya.

Passion will always be a weakness. It could lead you to hell, even when it feels like heaven. It could lead you to evil, when all you want is good.

Tinuro sa akin kung nasaan siya. At pagkapasok ko sa tamang palapag ay saktong nakita ko ang kanyang ex boyfriend na papasok sa isang kwartong tinukoy sa akin.

The room has a large glass window. Kita ang loob galing sa labas kaya mas pinili ko munang tingnan kung ano ang nangyayari sa loob.

On a recliner, Eury is sleeping. Sa loob ay may iilang staff na tahimik at mukhang nagpapahinga na rin. Lumapit ang ex niya sa kanya at nilagyan siya ng kumot. Nagkatinginan ang mga staff na naroon at nagsitayuan para umalis.

Her ex carressed her face slowly. She moved a bit, pursing her lips in her sleep.

Ang galit ay nanuot sa aking kalamnan. You know what they say about passion turned into evil? Eto ‘yon. The only thing I’m thinking about right now is to pound on his ex’s face. Pinigilan ko ang sarili ko dahil mas inisip ko na hindi ‘yan… mahal ako ni Eury. Ako ang pinili niya.

But my mind is clouded with so many questions like: Akala ko ba abala siya? Akala ko hindi siya makakapagpahinga? Akala ko marami siyang ginagawa? Bakit ngayon, natutulog lang pala siya? Not that I don’t want her to rest, but I want an explanation from her. Why can’t she rest beside me? Why does she have to rest here and with that fucking bastard?

Pumasok ako sa loob. Nilingon ako ni Zander at nang nakitang palapit ay tumayo siya at lumayo kay Eury. I am just a fiber away from punching him and literally go berserk when Eury slowly opened her eyes.

“Eury,” tawag ko.

Nang nakita ako at agad siyang bumangon. Hurt washed over me when I felt how guilty she is. Pakiramdam ko, may ginagawa siyang masama. Pakiramdam ko, may hindi ako alam.

“V-Vince, anong ginagawa mo rito?” tanong niya.

I turned to his ex who started to strut out of the scene. Bumaling ako kay Eury.

“I just want to visit you,” sabi ko. “I just thought you’re busy. Kung gusto mo, you can rest at home. I will wake you up when it’s your call time. Ihahatid kita pabalik-”
“Dito lang ako,” nag-iwas siya ng tingin.

Nagtiim-bagang ako.

Pinanood ko siya habang inaayos niya ang kanyang kumot. Nakatingin siya sa akin na tila ba nagtatanong kung ano pa ba ang ginagawa ko rito.

My mind works so well. Instead of taking her indifference in a different context, I understand that it is the nature of her work. Siguro ay pagod siya sa mga ginawa at hindi niya na kayang sumama pa sa akin o umuwi para makapagpahinga.

Hinaplos ko ang kanyang ulo. Nag-iwas siya ng tingin at pinikit niya ang kanyang mga mata.

“You’re done eating dinner?” I asked.
“Yeah,” she simply answered.

I nodded again. Gusto kong magtanong sa kanya kung anong oras ba ang call time niya bukas. But I trust that she’ll sleep here again tonight because their call time might be very early.

Kahit pa gaano ‘yan ka aga, gigisingin naman kita, umuwi ka lang sa’tin. Sa’kin.

“I-I’ll go now. I’ll let you rest.”
“Okay.” She did not even open her eyes.
“I love you,” bulong ko sabay halik sa kanyang labi.

She did not say anything anymore. Nanatili siyang walang imik, nakapikit, at hindi gumagalaw. Umalis ako roon pagkatapos kausapin ang iilan sa mga P.A. niya, including Genta who looks after her everyday.

Pagkalabas ay ang mga bodyguards naman ang kinausap ko. I swear to God if anything will ever happen to her while she’s at work and they’re on their job, I will make sure they never find another job again. Ngunit nang nakasakay na ako sa sasakyan, mag-isa, at tahimik, hindi ko na maiwasan ang paglalakbay ng isipan. The thoughts I chose not to think about surfaced.

Why is she cold? What is her problem? Is she really that tired?

Can she stop for a while? Pwede bang magbakasyon kami? Pwede bang magkasama kami? Pwede bang… huwag na lang muna siyang magtrabaho?

You selfish, idiot! Hinampas ko ang manibela ng aking sasakyan.

For years, I have admired her from afar despite the anger and hatred she gave me. Masokista na talaga ata ako. And now that I finally have her for myself, oras naman ang wala para sa kanya. Kailan magkakaroon ng para sa akin?

Hindi ka na talaga nakuntento! Isn’t it enough that you’re her boyfriend, right now, Vince?

No. I want to marry her. I know she will honor vows. Paano pa kung ginawa sa harap ng Panginoon. I honor it so much, too, that I want her vows and mine in front of that altar. Pero paano mangyayari iyon ngayon kung ganito? I doubt she’s allowed to marry yet. She’s rising to her peak as an actress. I doubt she’s even willing to do that, when all her life I saw how she chased for her dreams.

Gaano ka mapaglaro ang tadhana? I was also chasing my dreams all my life. Pero dalawa ang pangarap ko, ang una’y nakamit ko na, ang pangalawa kailangan pa ng pagpapasensya at paghihintay.

Kahit pa gulo na ang utak ko, binaliwala ko iyon.

Nagpatuloy ako sa pagtatrabaho. Inalu lamang ang sarili sa maaaring gawin ng pera sa aming dalawa, sa aming buhay, at sa mga magiging anak namin. I will strive more so if she fears of having no money to spend, I can provide for us. Napangiti ako habang iniisip ko iyon.

Nasa opisina ako noon. Ala una ng hapon at nasa kalagitnaan ng isang importanteng meeting sa isang bigating kliyente. While my team is proposing something, nakatanggap ako ng text galing kay Eury.

Eury:
Vince, uuwi ako ngayon saglit para kumuha ng damit. Hindi ako uuwi mamayang gabi dahil may shooting pa kami.

Uuwi siya! Habang wala ako!

To cut it short, I missed the meeting just so I could go home and see her. Naabutan ko siya. Papunta na kasi ako sa condo noong nagtext ang bodyguard na ganoon din siya.

She was inside my room when I came. I smirked when I realized that I did not text her about this. Pinihit ko ang door handle ng kwarto at pumasok ako sa loob. Pagkapasok ay napawi ang isasalubong kong ngiti. She’s packing her clothes in a small luggage.

Alam kong maaaring sobrang dami niyang kailangang damit para sa shooting. But hell, who am I kidding? Kumabog ang puso ko nang natantong unti-unti nang sinasabuhay ang mga takot ko.

“Where are you going?” I asked.

Kitang-kita ko ang gulat sa mga mata niya sa biglaan kong pagdating. Hindi niya inasahan iyon pero nahalata kong bukod sa gulat, may bakas ng takot din.

“S-Sa istasyon, Vince… Uh, ba’t ka pala narito?” she asked and continued packing her clothes.

Nakapamulsa ko siyang nilapitan. Nakita ko ang bahagyang pagsulyap niya at mabilisang paglayo nang nakalapit ako.

“I came here to see you.”
“Hindi ba may trabaho ka?” tanong niya, nakatalikod at kumukuha pa ng damit sa loob ng walk-i closet.
“It’s only a meeting,” hindi ko na maitago ang lamig sa boses ko.

Pisikal na sakit at iritasyon ang nararamdaman ko. I want to understand everything clearly. I am trying my best to be okay and understand her situation but I must admit, I am not very understanding. I am not very patient. And I am not dense.

“Ganoon ba? Nga pala, hindi muna ako uuwi ng ilang araw dahil busy ako sa trabaho,” hindi siya makatingin sa akin.
“You have work kahit gabi?” nagtaas ako ng noo.
“Baka…”
“If you’re not sure, then can’t you go home and rest here instead. Huwag na sa istasyon. You can rest here-”
“Vince, mas mabuting doon na lang,” ngayon nakatingin na siya sa akin. She sounds irritated.

Kumalma agad ako nang nakita ang iritasyon sa kanya. The last thing I want is to annoy her.

“I-I’m just saying, Eury, na pwede kitang ihatid sa istasyon. It’s not very far from here.”
“Hindi na. Mas mabuting doon na ako magpahinga.” Nag-iwas ulit siya ng tingin at nagligpit muli ng gamit.

Nilapitan ko siya at nahawakan sa palapulsuhan. Pumunta ako sa kanyang likod at niyakap siya galing doon. I felt her stiffen. Akala ko’y luluwang siya kalaunan pero nanatili siyang estatwa habang nakayakap ako.

Her guilty face is reflected on the large mirror beside our room television.

“But I miss you, baby,” I whispered on her hair. “I miss you bad.”
“Vince, kailangan sa t-trabaho, e.”

Kumurap-kurap siya. That’s how she is when she’s lying. Nagtiim-bagang ako. Gusto kong maniwala at habaan pa ang pasensya ko dahil kung hindi ko siya kayang pagpasensyahan, wala akong karapatan sa kanya.

“Even just for three hours. I won’t disturb you. Gusto lang kitang alagaan. Gusto kong magpahinga ka sa tabi ko, Eury.”
“Vince!” now she sounds real annoyed.

Ako naman ang naestatwa nang kinalas niya ang aking yakap at hinarap ako. Her defensive stance made me cold. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Physical pain is present in my gut and in my fucking chest.

“Hindi mo ba maiintindihan na kailangan sa trabaho ko?”
“I know, Eury. Naiintindihan ko. I’m just-”
“Naiintindihan mo? Ba’t ‘di ka pumapayag?” tumataas ang tono ng boses niya.

Napaawang ang labi ko. Pumapayag ako. I just really miss her, that’s all. I just really miss her. Is it wrong to miss her?

“Kung hindi mo pala maintindihan ang trabaho ko, e ‘di maghiwalay na lang tayo!”

What the hell?

“Baby, baby…” mabilis ko siyang nilapitan para pakalmahin ngunit hinawi niya ang kamay ko at umatras siya para makalayo sa akin.
“No, Vince! Stop doing that! Stop touching me just to prove a point!”

Hindi na ako nagsalita. She’s very angry. I might be angry as well pero ayaw kong gatungan pa ang apoy niya.

“Ganito talaga ang trabaho ko! Wala ako sa bahay! Isang linggo akong mawawala ngayon. At kung hindi mo ‘yon kaya, iwan mo na lang ako! Maghiwalay na lang tayo!”

What the fuck? Sinasabi niya ‘yan agad? Sa lahat ng nangyari, isang pagtatalo lang, iiwan agad?

“You respond that way on our first misunderstanding? Hiwalay agad? We should talk about this-”
“Wala tayong dapat pag-usapan pa! Vince, sinasakal mo na ako, e!”

Sinasakal? Kung sinasakal kita, sana lahat ng pangamba ko, sinabi ko na. Lahat ng ayaw ko, hindi ko na inintindi! God! And now she’s accusing me of that? I can’t believe her!

“Baby, that’s not it,” marahan kong sinabi para makalma siya at ang sarili ko.

I swear to God my eyes is now burning. Mabilis ang hininga niya at kita sa kanyang mukha ang hindi mamatay matay na galit sa akin. Wala akong maramdaman kundi takot. Takot lang.

“This is my dream, Vince! Importante ito sa akin kaya wala kang karapatan na pagbawalan ako sa kahit ano!”
“Hindi kita pinagbabawalan.”
“This is the most important thing to me! My career! And it is happening right now! Hindi ako makakapayag na ang relasyon natin ang makakasira nito, Vince! Kaya kung eto pala ang makakasira sa atin, mas gugustuhin ko pang maghiwalay na lang tayo!”
“Oh!”

Lumapit ako sa kanya. Nanginginig ang boses ko pero sinusubukan kong kumalma.

“I know… You love this, okay? I understand.”

Niyakap ko siya kahit panay ang tulak niya sa akin. Hot tears stream down her eyes. Kinagat ko ang labi ko at pinalis ang mga luhang iyon pero iniwas niya ang mukha niya sa akin.

“I’m sorry. I’ll just wait when you’re done being busy.”
“I won’t be done, Vince. Ganito na ang magiging buhay ko simula ngayon,” she said.

Natahimik ako. Pumikit ako ng mariin at mahigpit siyang niyakap. Mahigpit na mahigpit. Because I felt it… I can feel that she’s slipping away from me.

Pakiramdam ko, ako itong sobrang nakahawak at nakakapit sa kanya samantalang siya’y gusto nang makawala.

Siya lang ang kahinaan ko sa buhay na ito. Kasiyahan niya ang pangarap ko. If I give her happiness, I will give my last breath just to see her smile. If I give her despair, I will leave and never return just to promise her relief.

I love her selfishly at times. May mga oras na gusto ko siyang ikulong sa akin. May mga panahon na ayaw ko siyang magtrabaho, lalo na sa trabaho niya ngayon. May mga oras na gusto ko siyang pagbawalan sa kahit anong makakapagpangamba sa akin. But I’ve learned from her parents’ kind of love… and I cannot afford to give her that kind of love now.

I want to give her the love that she deserves. No matter how much it will cost me… no matter if it will cost my heart.

Ibibigay ko sa kanya ang pag-ibig na dapat ay noon pa lang niya naramdaman. Ang pag-ibig na hindi namimilit, hindi namimigil, at mapagparaya. Because that’s how she should be loved… That’s how I want her to be loved… That’s the only way to love her… And this is how I hope to love her, too.

Ibibigay ko sa kanya ang pagmamahal na kailangan niya. Masakit sa akin iyon pero sa paraang ito ko siya gustong mahalin.

“I will be patient, Eury. Don’t worry. I’ll be right here. I love you,” I whispered to her assuringly.

Inayos niya ang luggage at agad na binaba. Hindi niya na ako nilingon pa nang umalis siya. Wala na rin siyang sinabi pagkatapos pa ng sinabi ko.

The next days were hell. I couldn’t concentrate. Palagi akong nakatingin sa cellphone, nag-aabang ng kung ano. At hindi nga siya umuwi na ulit pagkatapos noon. I wonder what she’s doing but my bodyguards tell me, nagtatrabaho lang naman daw.

“Ano ‘yan? Back to the good old stalking days?” Andres laughed when he saw me searching for Eury’s name in the usual social media sites.

May mga espekulasyon ngayon na wala na kami at sila na ni Zander. Well, that’s life. It’s showbiz so it happens all the time.

Binaba ko ang cellphone ko at nilingon ang aking laptop. Sa araw na iyon, kasama pa ang matalik niyang kaibigan sa aming meeting. And Eury’s friend, Amer, couldn’t even look at me in the eye when he’s talking.

“Nagkikita ba kayo ni Eury?” tanong ko pagkatapos noong meeting.

Nagmamadali niyang hinagilap ang mga gamit niya sa lamesa. Sinarado ko ang laptop niya at nanatili ang kamay ko sa ibabaw para hindi siya makaalis. Napatingin siya sa akin nang nakita ang ginawa ko.

“Oo naman,” sagot niya.
“Kailan?” tanong ko.
“K-Kahapon. Noong nagkalugar siya. Alis na ako, Architect,” si Amer.

Anger slowly consumed me. Nagkita sila? Kahapon noong nagkalugar si Eury? She has time, huh? Damn it! I know I shouldn’t ask for her time. Ibibigay niya sa akin iyon kung sapat! Hindi na dapat ako nakekealam pa.

Inalu ko ulit ang sarili ko just to get through the day. Mas pinili kong isipin na hahayaan ko siya sa gusto niyang gawin kahit pa sa kalooblooban ko, alam kong may problema na.

Nasa bahay na ako nang nagdesisyon na kailangan ko talaga siyang makita. We need to talk about our problem. Gustuhin ko mang hayaan siya, it’s still not healthy for a relationship to have small problems like this. I can’t let this go on. We need to fix it. I want us to last. To even never end.

Bumisita ulit ako sa istasyon. To avoid looking forlorn and sad, I brought flowers. Napagtanto kong hindi ko siya kailanman nabigyan nito. Siguro ay dahil sa aming simula at sa lahat ng nangyari.

Sa labas pa lang, kita ko na ang pagkakailang ng mga staff. There were uncomfortable whispers. Some were even shaking their heads. Binalewala ko iyon. Maybe because they all think we’re really are done.

Sa parehong room ko nakita muli si Eury. Ang salaming bintana nito ay natatabunan ng blinds. Half closed lamang kaya didiretso sana ako sa loob ngunit sa munting siwang ay nakita ko siya.

She’s doing nothing. She’s just eating fruits while talking to Zander. Nagtatawanan sila. She’s wearing a spaghetti strap and a jogger pants. May kumot sa kanyang hita habang nakaupo siya sa parehong recliner. She’s going to sleep?

Tiningnan ko ang oras sa aking wristwatch at nakitang alas otso ng gabi. Pipihit na sana ako sa door handle nang may lumabas at sumalubong sa akin. Her manager, “Tita Daisy”, greeted and smiled at me.

“Pasok ka, Architect!” lumaki ang ngisi niya noong sarado na ang pintuan. Kumikislap ang mga mata habang ginigiya ako.
“Anong oras po ang call time ni Eury bukas?”
“Ah!? Bukas? Alas dose pa ng tanghali. Pero rito lang siya matutulog… ngayon…” she said, hesitating the last word. “Excuse me… uh…”

Hilaw na ang ngiti nito ngayon. Umaamba siyang aalis na hindi.

“Pasok ka na.” Pagkatapos ay umalis agad.

That was my cue. Her call time is still twelve noon. Alas otso ng gabi, wala na siyang trabaho pero hindi siya umuuwi.

“Ano, Vince?”

Iniwan niya ang lugar para makapag-usap kami. Ang bulaklak ay itinabi niya lamang sa recliner at hindi na muling tiningnan.

Pinagdasal ko na sana nakita niya sa mga mata ko ang sakit, hindi ang galit. I wish to broaden my understanding but I’m at my limits. I need her explanation. And I need it now.

“Let’s go home,” malamig kong sambit.
“Sabi ko hindi ako uuwi, ‘di ba?” aniya.
“You have no work tonight. Alas dose pa ang trabaho mo bukas, Eury. Sa condo ka na magpahinga-”
“Vince, I told you I’m not going home for the whole week! Mahirap bang intindihin iyon?”

Hinilot ko ang aking sentido. Hindi ako magsasalita habang galit ako. Ayaw kong masumbatan siya habang sinisikap kong mag pasensya. But then I realized, I came here so we could talk about this. I can’t let this problem between us go on!

“Yes…”
“Ano?”

Umigting ang panga ko. Tinitigan ko siya. Nangungulila ako sa kanyang malalambot na labi, sa kanyang maaamong mga mata, sa kanyang tawa, sa kanyang mabangong buhok, sa kanyang ngiti, sa kanyang iniisip. Nangungulila ako. Dahil tingin ko, hindi niya na ulit nasabi pa sa akin kung ano talaga ang tunay niyang iniisip. She had been lying to me.

“I don’t understand why you’re staying here when you can be home for tonight, Eury! You live under my roof! You are my responsibility! Dapat ay umuwi ka sa’kin!”
“Vince, nagtatrabaho ako! Hindi mo maiintindihan, e!”
“You’re done working. You’re preparing to sleep, right? Eury… Please? Kahit isang araw na lang sa isang linggo kang umuwi. Kahit isang gabi lang. Don’t worry, I will let you rest the whole night if that’s what you want, baby…” pabulong at nagmamakaawa kong sinabi. “Please, I miss you.”

Sinubukan kong hawakan siya pero umatras siya para makaiwas. Kitang-kita ko ang galit at pagiging mailap niya.

“Vince, kailangan ko ‘to. Gusto ko ‘tong ginagawa ko…”
“I know, baby. But… don’t you miss me?”

Fuck! I sound so desperate now. Namilog ang mga mata niya, tila ba may nasabi akong mali.

Tinulak niya ako. Wala akong lakas na nagpaubaya sa kanyang ginawa. Huminga ako ng malalim at yumuko.

“You don’t understand! This is my dream! At ayaw ko na, V-Vince!” iyak niya.

Hindi ako nakapagsalita. Tinitigan ko ang panginginig ng kanyang labi at ang pagbuhos ng kanyang luha.

“Sakal na sakal na ako.”

What? My jaw dropped open, unable to breath properly while watching her in sorrow because of our relationship.

“Gusto ko makamtan ang mga pangarap ko at hindi kita kailangan!”
“Bakit? Eury, let’s talk about this,” napapaos na ako.
“Hindi ko makakamit ang mga pangarap ko, Vince, kung patuloy kang ganito!”

Fuck!

“I-I’ll change my… baby, what do you want me to do?” hinagilap kong muli ang kanyang siko. Sinusubukan kong magpakatatag at makabuo ng tamang mga salita kahit na sobrang gulo ko na.
“Hindi mo naiintindihan! When you’re around, I won’t achieve anything! While we are in a relationship, I will never reach my dreams!”

Parang lumubog ang puso ko sa sinabi niya. Hindi ako makapagsalita. The only question that’s in my mind right now is this: Ano ang gusto mong gawin ko?

At natatakot ako na ang magiging sagot niya ay hindi ko gusto… pero hindi ko man iyon magugustuhan, labag man sa akin, mas natatakot ako na susundin ko parin iyon ano man ang mangyari.

Because maybe… there was really nothing for me from her. It was always hatred. I had always been hatred. Maybe the love I felt was only because I was desperate for her love. Or maybe she did love me a bit, but her life is dedicated to her dreams. Sino ako para pumagitna sa kanya at sa kanyang mga pangarap? Pagkatapos kong matupad ang unang pangarap ko, isa na lang ang pinangarap ko pa – siya.

“I want to reach my dreams, Vince! At para magawa ko ‘yon, kailangan nating maghiwalay!”
Umiling ako. Hindi ko maintindihan kung anong kinalaman ng pangarap niya sa relasyon naming dalawa.
“I will never be loved by my fans if I have you! I can never concentrate when I have you! I can never freely pursue my dreams if we are together!”
“Eury, hindi ko maintindihan. I support you in everything-”
“Fans are expecting me to want Zander, hindi ikaw! At gagawin ko ang lahat magustuhan lang nila ako! Kahit pa maghiwalay tayong dalawa, Vince!”

Hindi na ako nakapagsalita. Yumuko na lamang ako. My eyes burned, my breathing is hard-earned.

“Hindi mo kailanman maiintindihan iyon dahil hindi ka naman naging artista! Ganito rito, Vince! Ganyan talaga! May opportunity na ako, tapos ‘di ko pa maabot dahil dito? Maghiwalay na lang tayo, please, Vince.”

Nagmamakaawa siyang maghiwalay na kami.

Of course, baby. As you wish, baby.

Kinagat ko ang labi ko. Nanghihina na. Pagkatapos nito, aalis ako. Pagkatapos nito, hindi ko na kayang magpakita pa. Pagkatapos nito, hindi ko na kayang lingunin pa siya.

“Ito na ‘yong hinihintay ko noon pa man. Abot kamay ko na, Vince. Ikaw na lang ang pumipigil sa akin!” she cried.

I can’t look at her. Is my presence that painful?

“Parang awa mo na, maghiwalay na tayong dalawa. I will never be successful if I have you. I will never get my dreams, when you’re holding me. I will never be happy with you.”
Tumango ako.

Ayaw ko na siyang tanungin kung minahal niya ba talaga ako. Ayaw ko na siyang tanungin ng kahit ano. All her words were enough.

“I’m sorry for keeping you away from your dreams. You will have it from now on, Eury,” sabi ko.
“Thank you…” her voice broke.

My heart broke.

Hindi na ata ako makakapayag na maranasan pang ulit iyon. I shifted on my seat as I watch Vanessa walk towards my table. I cannot afford to lose Eury again.

Tahimik kami buong byahe patungo sa kanila. Hinawakan ko ang kamay niya para mas kumalma pa siya. Iniisip ko lang kung bukod sa nangyari kanina sa istasyon, may nagpapakaba pa bang iba sa kanya… gaya ng… makikipagkita kami ngayon sa kanyang ama’t ina.

“Are you ready?” I asked.

Dinala ko ang kamay niya sa aking labi para mahalikan. I heard her father was furious noong nalamang naghiwalay kami noon. Her father is celebrating right now dahil sa pagbabalikan namin. Pero ayaw kong tanggapin siya ng kanyang mga magulang dahil lang doon.

“Yeah…” lutang niyang sagot.

Lumabas kami sa Corvette. Pagkalabas ko ay nakita kong hindi na siya hinintay ng kanyang ama’t ina na makalapit. Both were crying and running towards her. Sinarado ko ang sasakyan at pinagmasdan sila. Kitang-kita ko ang pagkakagulat ni Eury. Nilingon niya ako sa pagtataka ngunit may luha rin sa kanyang mga mata.

“I’m sorry for the rough childhood, a-anak,” basag ang boses ni Judge Demetria habang niyayakap ng mahigpit si Eury.
“I-It’s okay, Mommy.”

Damn! Damn!

Damn, that’s my baby!

Ngumiti ako. I think I fell a little more for her. Fuck it!

“Eury! Patawarin mo sana kami sa lahat ng p-pagkukulang…” nanginig ang boses ni Architect Ephraim Saniel at agad nang niyakap na rin si Eury.

Umiiyak si Judge habang tinitingnan ang dalawa. Architect’s shoulder shivered while he’s embracing Eury. At tingin ko, hindi lang pisikal niya itong niyakap. He’s embracing Eury’s strengths, weaknesses, brokenness, flaws, and beauty.

I saw that first, Archiect. I saw her first. I saw the beauty and strength in spite of the devastating brokenness, flaws, and weaknesses. I saw her first.

Siguro ay nakita nila ang video ng press conference ni Eury. Siguro ay napagtanto nila ang lahat na matagal ko nang nakita.

Nilingon ko si Eury na ngayon ay pinapahiran ang luha sa kanyang pisngi. I want to wipe away her tears but I understand that this is her moment.

I’m happy for you, baby.

“Hindi ako naging mabuting ama sa iyo, anak! I never saw your pain. I never thought it could affect you this much! I-I’m so, so sorry…”
“Daddy, ayos lang po. Naiintindihan ko. Okay na po ako-”
“I’m sorry… I’m sorry, anak. I have not been fair to you. I’m so, so sorry.”
“I’ve long forgiven you, Daddy. We all make mistakesm. Vince has forgiven me sa mga kasalanan ko. Kaya… I know how to forgive the mistakes of others… Especially you… Mommy, D-Daddy…”

I bit my lower lip. Hinanap niya ako sa gulo ng kanyang ama’t ina. Nang nagtama ang tingin naming dalawa, she smiled through her tears. I smiled back.

From that day on, I promise to dedicate everything I do in my life to you, Eurydyce Amethyst Saniel-Hidalgo, and our future children, and to The Person, The Wind, who brought us together.

“Hindi ka parin nadadala?” tanong ni Vanessa na nagdala sa akin muli sa kasalukuyan.

She smirked. Kinuha ko ang isang papel sa ilalim ng iilang dokumento. I’ve never been harsh to my employees. Hard, maybe, when we’re at work. But harsh, never.

“Nagkabalikan kayo? Nakita ko ‘yong interview niya.”

Nilapag ko ang papel sa harap ng aking lamesa. Dinungaw iyon ni Vanessa. She’s been a dear friend to me since I was in college. Magaling siya sa kanyang trabaho, but I don’t find her exceptionally irreplaceable. Though, even if she is irreplaceable, I will still choose this.

“What?” gulat niyang sinabi.

She’s fired. I’m firing her. Effective today.

“Ano pang ginawa mo?” tanong ko at sigurado akong alam niya ang tinutukoy ko.

Her tears fell. Agad siyang lumapit para magmakaawa sa akin. Siya ang nagsabi kay Zander tungkol sa kaso ko kay Eury. Alam kong mauungkat iyon pero naging malaki ang epekto ng ginawa niya sa nangyari sa amin ni Eury noon. I can’t forgive that.

“Vince, please…”
“You engineered her ex boyfriend’s house…” hindi iyon tanong.
“Vince, I just don’t want you to be crazy for that woman! Ilang beses ka na niyang niloko! She’s manipulative… she’s playing victim-”
“Get out!”
“Vince, please…” she cried.

Alam ko. Masakit tingnan na ang itinuring kong kaibigan ay nasasaktan. Hindi ko gustong gawin ito pero mas hindi ko kayang palagpasin.

“I love you, Vince. I have loved you, ever since… And I don’t understand… w-why you like her so much! She’s spoiled! She’s-”
Malamig kong tinitigan si Vanessa. “I want to still be casual with you after this, Vanessa. So please, go now before I change my mind.”

Pinalis niya ang kanyang mga luha at nagkukumahog na umalis na ng aking opisina. Huminga ako ng malalim at nilingon ang tanawin sa labas. The skycrapers of the city and the almost setting sun is a such sight to behold. Like an ending to a beautiful and devastating day so the calm and cold night will begin.

My phone beeped. Tiningnan ko ang mensahe galing kay Eury. Her face etched on my phone’s background… hindi dahil ganoon ako ka baliw sa kanya. I smirked. Siya ang nag lagay ng picture niya bilang background nito. Pouting, she’s angry when she realized that she’s not my phone’s background. Ni hindi ko alam na kailangan ganoon iyon. Mabuti na lang din at pinalitan niya ng kanyang mukha. I like my phone this way.

Eury:
Anong oras ka uuwi? I miss you.

Humilig ako sa aking swivel chair. This is the only thing that will ever matter.

No matter how cold, dark, and mysterious the night will be… No matter how hard and violent the winds will blow… she will always be blown to me. And I will always… always… find my way to her. No matter what.

Ako:
I’m done with work. I love you.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

15112

2 Responses to Blown By The Wind – Wakas

  1. I’d have to verify with you here. Which is not one thing I often do! I enjoy reading a put up that will make people think. Also, thanks for allowing me to remark!