Blown By The Wind – Kabanata 6

July 24, 2017 By In Blown By The Wind Comments Off on Blown By The Wind – Kabanata 6

Kabanata 6
Hate

Katatapos lang ng huling schedule ng play namin. It’s already eight in the evening. Wala ni isang minuto kong hindi inisip na baka mapadpad si Mommy at Daddy sa auditorium.

Tuwing nasa entablado ako, hindi ko magawang magconcentrate ng mabuti. Panay ang suyod ko sa audience para lang mahanap ang aking mga magulang. At kapag naman nasa backstage ay nagtatanong na ako sa mga kaibigan kung nakita ba nila ang kahit isa sa dalawa. Sa huli, kahit kapatid ko na lang.

My friends went to their families. Nagsipuntahan sa kanilang mga pamilyang piniling manood sa huling schedule dahil abala sa mga trabaho. Huli kong nadatnan si Amer na ngayon ay niyakap ng mahigpit ng kanyang ama.

Bumagsak ang aking mga balikat. Kinuha ko ang cellphone ko at nakitang may isang text galing sa aking driver.

Manong:
Eury, matagal pa ba iyan? Baka mapagalitan ka na naman ni Architect.

Huminga ako ng malalim. Muling tingin ko sa harap ay nakita ko ang isang classmate na may dalang bouquet. Nahihiyang lumapit at tipid na ngumingiti sa akin. Behind him are a bunch of boys, including Mike, and some of his team.

“Congratulations, Eury,” my classmate greeted.

Nagulat ako dahil tahimik naman ito. Madalas ay inaasar ng mga kaklase kong lalaki. Inayos nito ang eye glasses nang natanggap ko na ang bouquet.

“Thank you.”

Pero bago niya pa madugtungan ang sasabihin ay nilapitan na ako ni Mike. Mike sneered at my classmate. Agad namang umatras ang classmate ko dahil masyadong agresibo si Mike.

“Congrats! Ang galing mo,” Mike said.

How can this kind of attention be easily given by these people. They are not even my family. They are my friends, acquaintances, classmates, and schoolmates. My parents, my whole family, can’t even watch me for a couple of minutes. Or even just pretend that they are interested with anything that I do.

In the end, nakapasok ako sa aming SUV, mag-isa. Tanging ang driver lang ang sumundo sa akin. Kinawayan ko ang iilang kaibigang naghatid sa akin sa parking lot bago tumulak ang aming sasakyan.

Nang nakawala sa karamihan ay tahimik akong tumingin sa panggabing mga ilaw sa labas. Kandong ang bouquet ng bulaklak na ibinigay sa akin, suot ang make up na ginamit ko sa entablado.

“Manong, hindi pa ba nakakauwi si Mommy at Daddy?”

Tinanong ko iyon para bigyan ng rason ang aking mga magulang. That maybe they were busy. They couldn’t make it.

“Nasa bahay n’yo na, Eury,” sagot ni Manong. “Nang tumulak ako kanina’y naghahapunan na ang mga iyon.”
“Ganoon po ba…”

The hurt I’m feeling in my heart is wearing me out. Pilit akong naghanap pa ng pu-pwedeng dahilan para magkaroon lang ng ibang rason bukod sa kawalang pakealam.

Nang nakarating kami sa bahay ay agad kong gustong magtungo sa dining area. Ngunit bago ako nakapunta roon ay nakita ko silang nagtatawanan sa lamesang nasa hardin.

Maraming tao. Siguro’y isang team ng firm ni Daddy ang naroon at nagkakatuwaan. They were done eating. Nag-iinuman na ang mga iyon at naroon pa pati si Mommy at ang dalawa kong kapatid.

Some of the men’s eyes went to me. May narinig akong nagsabi kay Daddy na nandito na ako. Nilingon ako ni Daddy pagkalapit at hinalikan ko na siya sa pisngi.

He scanned me first. Saw the bouquet on my hands and then his brows furrowed.

“Where have you been? Bakit ganitong oras ka nang umuwi? At sino ang nagbigay sa’yo ng mga bulaklak?”

Nawala ang usap-usapan dahil sa mga tanong ni Daddy. Iginala ko ang aking mga mata sa mga naroon. It is indeed a team of Engineers and Architects. Kasali roon si Vincent. Nagtama ang mga mata namin. He’s looking at me intently as my father proceeded with his questions.

“Ngayon po iyong play namin. The final show is until eight in the evening kaya natagalan ako,” sagot ko.

Dad shook his head in an obvious irritation. Parang may gumuho sa kalooblooban ko nang nasaksihan iyon.

“Anak, magbihis at kumain ka na,” si Mommy.
Tumango ako at muling naghintay sa sasabihin ni Daddy ngunit nagpatuloy lamang siya sa sinasabi sa team.

“I will only take this project because the client is my good friend. After this, I will definitely go back here and guide all of you. Is that okay?” si Daddy.
Nagtanguan ang kanyang team. “Architect, natatakot talaga kami na kami lang. Sana si Vincent ay sa grupo lang.”
Umiling agad si Daddy pagkatapos uminom sa kanyang beer. “No, I need to bring Vincent. It was his design that got approved after all. H’wag kayong mag-alala. Kaya n’yo ‘yan. Pipili ba ako ng grupong hindi makakaya ito?” si Daddy sabay tawa.
“Excited na ako, Daddy! This will be good for the vacation!” si Ate Reanne sabay palakpak.

Napakurap-kurap ako. Nilingon ko si Mommy na nakangiting nakatingin kay Daddy.

“Bakit po, My?” tanong ko.
“We are leaving for Batangas after your finals. May project ang Daddy mo roon,” si Mommy.

Namilog ang mga mata ko. Nacontact ko na iyong nag offer sa akin ng isang Go-See. I said yes and it will be immediately after our finals!

“P-Po? Kaya lang may Go-See po ako niyan.”
Kumunot ang noo ni Mommy sabay tingin kay Daddy na parang wala akong sinabi.
“Your daughters are pleased, Ephraim. Mabuti at pumayag na isang linggo roon. I honestly thought it will be just one or two days?” si Mommy na parang ‘di ako narinig.
“Syempre at wala namang nakatira roon kaya pinaunlakan naman…”

Nagsimula na akong umurong. Tinalikuran ko sila at nagsimulang maglakad pabalik ng looban ng bahay para makaakyat at makapunta na sa kwarto.

“I’ve never been to Batangas!” si Ate Lyanna.
“Me too,” si Ate Reanne naman.

Muli kong nilingon ang labasan. Nakahawak na ako ngayon sa barandilya ng hagdanan.

So that means, I won’t be going to that Go-See this semestral break, huh? Huminga ako ng malalim at tuluyan nang umakyat.

Naligo at nagbihis ako. Nagdadalawang isip na bumaba at makihalubilo ngunit alam kong kailangan kong kumain.

Bumaba ako at dumiretso sa hapag. Kapag naroon ay kita parin naman ang labas dahil malaki ang aming sliding door patungong hardin. I can hear Dad’s hearty laugh. I can hear their reminiscing of previous projects. Naririnig ko rin ang asaran nila.

“Oh, nagkulang pa tayo sa beer. Nasaan na ba iyong si…”
“Ako na po ang kukuha, Architect,” narinig kong sinabi ni Vincent.

Tumuwid ako sa pagkakaupo at pumormal sa pagkain ng hapunan. Agad nag-iwas ng tingin nang nakitang papasok na si Vincent sa aming sala at papaliko na sa harap ko patungong kusina.

“Vince, wait lang. Samahan na kita,” a girl from Dad’s team went with him.
“Okay lang. Kaya ko na,” pormal na sinabi ni Vincent.
The girl laughed sweetly. “Tutulungan parin kita. Sige na…”

Sabay silang naglakad. The girl started talking to Vincent. Nakita ko ring bumaling si Vincent sa akin habang nagsasalita ang babae. Matalim ko siyang tiningnan. A ghost of a smirk is plastered on his lips. Hindi ko nga lang alam kung dahil ba sa sinasabi ng babae o pinagtatawanan niya ako rito.

Is it because I’m alone? And it is obvious that he realized that my Father cares less about me compared to my two sisters.

Nang nawala sila para sa kusina ay uminom na ako ng tubig at tumayo. Sumunod ako roon para tingnan kung ano ang ginagawa nila.

Without sound, my footsteps were little. Lalo na nang nakalapit ako sa hamba ng pintuan patungong kitchen.

“Vince, I’m gonna miss you,” malambing na sinabi noong babae.

The beer bottles clinked. Narinig ko rin ang pagbukas at sarado ng aming refrigerator. Ngumuso ako at kumunot ang noo sa mga pinagsasabi noong kasama ni Vincent.

“Hindi naman kami magtatagal doon, Ella.” Vince chuckled a bit as if he finds her confession funny.
“Hindi magtatagal!? It’s going to be a week, Vince!” mas marahas na wika noong babaeng arkitekto.

Natutop ko ang aking labi.

Parang bumuhos sa akin ang sobrang daming ideya. I thought he’s in a relationship with Vanessa? Why is this conversation suggesting otherwise? Or is he two timing?

Nagkamali ba si Daddy sa pag-iisip na isa siyang mabuting tao?

“Mabilis lamang iyon. Come on, Ella. I thought you’re going to help me with these?” Vince chuckled, tila naglalaro lamang.
“I’m gonna miss you so bad. Your lips, your body, your….” the girl said in a sweet voice.

Hindi na nakapagsalita si Vincent. The images of them kissing stopped my rational thoughts. I stepped out of the shadows and I appeared before them.

Naabutan kong seryosong nakatingin si Vincent sa babaeng arkitekto at ito nama’y halos may pagsusumamo sa mga mata. Sabay silang lumingon sa akin nang nakitang biglang sumulpot.

I fisted firmly. Trying to get my strenth from them.

“What are you doing?” mariin kong tinanong.

Isang kilay ang tumaas sa kay Vincent. The girl looked at me with both shock and question.

Bumaba ang mga mata ko sa kamay ng babaeng nakahawak sa braso ni Vincent. Ang isa’y nasa kamay nito. Pakiramdam ko ay uminit ang buong pisngi ko sa nakita.

I marched directly to them just to harshly remove her hand on his. Sa gulat ay napakurap-kurap ang babae at napaatras.

“Ikaw’ng malandi ka!” I screamed, hysterical. “May girlfriend ‘yong tao at nilalandi mo?”
“W-What?” Hindi ito makapagsalita.

I pushed the girl just enough for her to back away. Pilit akong hinawakan ni Vincent ngunit hinawi ko rin ang kamay niya. I’m fuming mad. So mad that I couldn’t control my own strength or emotions.

I know that me being Architect Ephraim Saniel’s daughter is holding the girl back. Kung hindi lang ako anak ni Dad ay baka kanina niya pa ako nilabanan.

“And you…” I pointed at Vince.

He looked so amused that I don’t get it. Iritadong-iritado ako sa kanyang anyo. Eyes hodded with unknown thoughts, lips a bit up because of a hidden smile… tuwang tuwa pa siya na naabutan ko silang ganito?

“Hindi ba ay may girlfriend ka naman? Bakit ka pa lumalandi sa ibang babae, huh?”
“Miss Saniel, you know-” I cut the girl off.
“Shut up! Leave!” sigaw ko.
“Eury, you are being unreasonable. Hindi tama iyang iniisip mo,” pormal na wika ni Vincent bilang pagpipigil sa akin.

Nilipat ko ang mga mata ko sa kanya. The ghost of a smile was gone. Now he looks all serious.

“You don’t understand-” the girl tried but I cut her off again.
“I said you leave!” may diin sa sinabi ko.

Umiling ang babae at walang nagawa kundi umalis.

Tiningnan ko ito hanggang sa tuluyan nang nawala sa aking paningin. Napabaling lamang muli ako kay Vincent nang hinawakan niya ang braso ko.

“Why are you so rude?” he asked in a hard tone.

His lips pursed. Hindi ko alam kung sarkastiko siyang nangingiti o hindi. Taas noo ko siyang hinarap.

“I am not being rude! I am just telling the truth! May girlfriend kang tao at lumalandi ka sa ibang babae, Vince! Para ano pa ang paghanga ni Daddy sa’yo kung isa ka palang-”

Humalakhak si Vincent sa sinabi ko kaya natigil ako roon. Uminit ang pisngi ko nang nakitang tuwang-tuwa siya.

“What are you laughing at?” I demanded.
Umiling siya. Pumungay ang mga mata.
“You asshole! Kung dadalaw ulit si Vanessa rito, isusumbong kita sa kanya! You’re a two-timing feeling gwapo! How dare you get involve in a relationship when you can’t even stay loyal! You’re deceitful! Playboy! Bitiwan mo ako!”

Sabay bawi ko sa aking braso galing sa kanya. Kumaripas ako ng takbo patungo sa aming hardin, kung nasaan silang lahat. I found the girl Vincent’s talking to in the kitchen. Kitang-kita ko ang pamumutla niya nang namataan ako patungo kay Daddy.

“Dad!” I called.
“Hmm?” Natigil si Daddy sa pagsasalita para bumaling sa akin.

Taas-baba ang aking dibdib dahil sa paghingal. Hindi ko masabi agad ang gusto ko.

Kitang-kita ko ang pagkunot-noo ng dalawa kong kapatid. Si Mommy ay pinapanood ako at nag-aantay sa sasabihin.

“Narinig ko po ang usapan ni Vincent at ng isang arkitekto ninyo! They are in a relationship all this time when Vince has a girlfriend!”

I can almost hear the crickets. Wala ni isang nagsalita. Umiling ang babaeng tinutukoy ko at si Dad ay nanatiling nakatingin sa akin.

“What’s your point, Eury?” Ate Lyanna asked. Nakakunot ang kanyang noo at tila may nahihinuha.
Ate Reanne smiled then pouted.
“Si Ella ba, Miss Saniel?” tanong ng isang arkitekto.

Para akong nabunutan ng tinik nang may nagpatunay sa sinasabi ko. Nilingon ko ang babae at kitang-kita ko ang pamumula niya. Narinig ko ang asaran ng ibang lalaki sa kanya.

“Dad! Vince is a playboy! He’s not to be trusted!” sabi ko na naputol lamang nang nagsimilang humalakhak si Daddy.

Nanlaki ang mga mata ko. Vince’s scent attacked my nose. Nilapag niya sa harap ko ang beer na nakuha. Nilingon ko siya at nakitang seryoso.

“Matinik ka talaga sa babae, Vincent,” sabi ni Daddy sabay tawa.
Hindi nagsalita si Vince. Nagsimula ang marahang tawanan at asaran nila sa kay Vincent at sa babaeng arkitekto. Nakisabay sa tawanan ang babae.

Nilipat-lipat ko ang tingin ko sa lahat. Kahit si Mommy ay nagsisimula na ring tumawa. Sina Ate Reanne at Ate Lyanna ay nanatiling nakatingin sa akin, kuryoso.

I felt so humiliated. Pakiramdam ko ay walang naniniwala sa akin. Pakiramdam ko’y ako ang pinagtatawanan ng lahat. My words are always invalid. Even when it is against someone who’s not related to them!

Nilingon ko si Vincent at nakitang nakatingin siya sa akin. Tila nananantya.

Isang singhap at tinalikuran kong muli ang grupo para tumakbo paalis doon. Determinadong hindi na ulit bumalik o magpakita man lang.

Sinubsob ko ang aking mukha sa aking kama. Hindi ko kayang isipin muli ang buong nangyari. Ikinakahiya ko ang lahat. Bakit ba tila lahat sila’y hindi naniniwala sa akin? At kung si Vincent ang pag-uusapan ay parang okay lang ang lahat?

Sabado at wala akong gagawin. Hinilig ko ang aking ulo sa aking forearm habang nasa veranda. Hinayaan kong mahulog ang aking kamay sa veranda. Tinitingnan ko ang iba pang mansyon sa paligid na tila kaya kong hawakan sa distansyang ito.

I heard laughter below. Sa harap ng gate namin ay nakita kong tumakbo si Ate Reanne galing sa kung kanino.

I saw Vincent laughing while holding a green hose for our plants. Sumunod si Ate Lyanna na natatawa rin.

“Tama na! May lakad pa kami!” si Ate Reanne sabay taas ng kanyang kamay.

Vincent’s thunderous laughter echoed. Kinuha ni Ate Reanne ang isa pang hose sa baba at muling idinirekta kay Vincent dahilan kung bakit nabasa ito.

May lakad silang apat ngayon. Mommy, Daddy, Ate Reanne, and Ate Lyanna. Ang sabi ay sa school daw. Hindi naman ako sinabihang sasama kaya nanatili ako rito sa bahay, nababagot.

Nilagay ko ang anyo ni Vince sa gitna ng aking index finger at thumb. Kunwari titirisin ko siya. I firmly put my fingers together just so it can give me the illusion. Paulit-ulit ko iyong ginawa habang nagtatawanan sila.

Binabasa ni Ate Reanne si Vincent. Tumatawa naman si Ate Lyanna.

The image of them happy made my insides turn. Full of malice, I can’t help but think about his intentions again. Malandi ka ring lalaki ka, ‘no? Maybe you want to get to one of my sisters?

Muli ko siyang tiniris sa aking daliri.

“Eurydyce! Anong ginagawa mo? Baba ka rito, oh? Laro tayo? Are you bored?” Ate Reanne called.

Nagtawanan ulit sila. Tumingala si Vincent at nakita ko siyang tumingin sa akin sa gitna ng mga daliri ko. Tinigil ko ang pagtiris sa kanya.

“Ayaw ko…” sagot ko kay Ate.

Parang hangin ay binalewala muli ako. Nagpatuloy sila sa pagtawanan hanggang sa basang-basa na ang kulay gray na t-shirt ni Vincent.

“Tama na, Reanne! Lalagnatin pa si Vince niyan!” si Ate Lyanna.
Tumawa si Ate Reanne.

Pikit ang isang mata’y muli kong tiniris si Vince. Natigil lamang sa kalagitnaan nang nakitang naghubad siya ng t-shirt. His golden brown muscled built is undeniably very manly. Kumunot ang noo ko at bayolenteng napalunok.

“Andyan na ang sasakyan!” si Ate Lyanna.
“Bye Kuya Vincent!” panunuya ni Ate Reanne sabay labas ng gate.

Sumunod si Ate Lyanna na tiningala muna ako at kinawayan bago umalis.

Tumingala rin si Vincent sa akin. Ginulo niya ang kanyang medyo basang buhok bago pinulot muli ang hose at nagpatuloy sa pagdidilig ng mga halaman.

Ngumuso ako at tiniris ulit siya. Umalis ang sasakyan at natahimik na ang buong bahay.

Bumuntong-hininga ako at narinig ang cellphone na tumunog. Dinampot ko ito at tiningnan kung sino ang nagtext.

Mike, the basketball captain, despite my being unresponsive to his texts, is texting me still.

Mike:
Hi! Nasa village n’yo kami ng team. Pwede ba kitang mabisita kahit saglit? :)

My initial reaction should be, “I’m not interested” or “My Dad is strict.” But when I thought about it again, wala na sina Daddy at hindi naman nagsusumbong si Vince. Hindi ako interesado kay Mike at hindi rin naman ako ganoon ka bored para magkaroon ng biglaang interes… pero… parang gusto kong…

Ako:
Sure. Nasa veranda lang naman ako at wala sina Mommy at Daddy. We can hang out for a while on our front yard.

Mabilis ang reply ni Mike.

Mike:
Great! I’ll be there in a few.

I resumed my new hobby. Puting Vincent in between my fingers. Nanatili siyang naroon, nagdidilig ng halaman nang namataan ko si Mike, naka basketball jersey na papalapit na sa aming gate.

“Papasukin n’yo po, Manong!” sigaw ko sa guard na humarang agad kay Mike.

Nakita kong tumingala si Vincent sa akin dahil sa biglaan kong sigaw. Pagkatapos ay bumaling sa kung sino ang nasa gate.

Hindi naman ako naeexcite kay Mike pero bakit parang iba ngayon? Bago ako makababa ay dumiretso muna ako sa kwarto para makapagsuklay ng maayos.

I’m wearing a white spaghetti strap whole dress. Tightly hugging my body, and very comfortable bilang pambahay. I brushed my hair a bit and licked my lips. Hindi na kailangan ng ano pang make up. Pwede na ‘to!

Mabilis ang kalabog ng hardwood sa aming grand staircase dahil sa pagmamadali kong bumaba. Nang nasa labas na’y dahan-dahan akong naglakad.

Nakita ko si Vincent na nasa tapat na ng gate at nagdidilig ng halaman doon. Plaster sa aking labi ang ngiti, sa pag-aakalang mawewelcome si Mike papasok sa loob ng aming bahay nang nakitang wala siya roon.

“Manong!” medyo nagtataka kong tawag. “Asan na iyong bisita ko?”
“Umalis na. Pinaalis ni Vincent at baka mapagalitan ka ulit ni Architect,” si Manong.

Nilingon ko si Vincent na ngayon ay nakataas ang kilay habang nagdidilig ng halaman.

“Ba’t mo pinaalis ang bisita ko?” nagsisimula na naman ang pagkakairita ko sa kanya. Actually, nawawala ba iyon?
“Gaya ng sabi ni Manong. Kung ayaw mong mapagalitan ulit, h’wag mong bigyan ng rason ang Daddy mong magalit.”
“Sino ka ba para magdesisyon niyan, kung ganoon?”

I crossed my arm. Nilingon niya ako. He turned the hose off and I saw his eyes checked me a bit.

Umiling siya at biglang tinalikuran ako. Kinuha ang basang t-shirt at nagsimulang maglakad papasok ng bahay.

Sa iritasyon ko ay nagmartsa ako pasunod sa kanya.

“Just because my Dad likes you doesn’t mean the whole family likes you here! Sino ka para manduhan ako ng ganoon?”

Lumiko siya sa kusina. Nakakuha na ng hindi basang extra t-shirt at nilagay lamang sa balikat. Sumunod ako sa kanya sa kusina para lang marinig niya ang mga sasabihin ko.

“Your father will scold you again for entertaining boys. And with that kind of clothes on!”

Hinila ko ang braso niya sa iritasyon. Lalo na noong pinuna niya pa ang damit ko! Bakit ba siya nangengealam?

“How dare you tell me that? Who are you to-”

Nilingon niya ako at bigla siyang marahas na humakbang paharap dahilan ng sapilitang pagkakaatras ko. Tumama ang likod ko sa center table ng aming kitchen. His hands flew immediately on my sides, locking my body, and my eyes.

“Sino ka rin para makealam sa buhay ko, kung ganoon? Hm? Why are you so angry last night? You even made a fool of yourself in front of my colleagues because of your anger!”

Nag-aalab ang kanyang mga mata. Hindi ko nga lang alam kung galit ba ang nakikita ko o ano.

Tinulak ko siya ng buong lakas. Hinampas ko ang kanyang dibdib ngunit hindi siya natinag sa kahit ano.

“May karapatan ako because my father trusts you!”

Ngumuso siya. Isang multo ng ngiti ang sumilay sa labi. Hindi ko alam kung para saan.

“Why do I find your reasons now so hard to believe? Why don’t you ask your father to remove me from his firm? Imbes ay ginugulo mo ako, huh?”

Gumapang ang kaba sa aking dibdib. Hindi ko alam kung normal pa ba ito ngunit sobrang bilis ng pintig ng puso ko. Tinulak ko siyang muli pero yumuko siya at hindi natinag. Hindi ako nakapagsalita.

“So, that’s your boyfriend, huh?” medyo mahinahon niyang tanong.

Napakurap-kurap ako sa sinabi niya.

“W-What? What are you talking about? I don’t even like Mike!” I said it before I could stop it.

Inangat niya ang titig niya sa akin. Suddenly, I’m tongue-tied for no reason. His burning eyes is making me tremble in fear… fear so different from being afraid of something. It’s another kind of fear. Something I’ve never met before.

“So why did you invite him? To piss me off?”

Nanuyo ang lalamunan ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makapagsalita.

“And you’re wearing that to entertain a visitor? Kid, clothes like that should be worn only behind the doors of your room. That’s close to a lingerie!”

Pinamulahan ako ng mukha sa insultong natanggap. I feel so embarrassed. Lalo na nang muli niyang pinasadahan ng tingin ang aking damit. Inangat muli ang mga mata sa akin. Sa wakas, nagkaroon ako ng boses para magsalita.

“I’m not a kid!” sigaw ko.
He smirked. “Oh, you are.”

Pinindot niya ang ilong ko. Mas lalo lang akong nag-init sa galit. I pushed him again, full force but his iron-clad chest just didn’t move even an inch.

“I said I’m not!” sigaw kong muli.
“You are until you sort out your feelings.”

He chuckled breathily. Mas lalo akong kinabahan. Pumikit ako at muling pinilit na itulak siya para makawala lang ako. My heart is beating like crazy and I couldn’t take him this close to me!

“Let me go! I hate you! I hate you so much!” sigaw ko.

Humalakhak siyang muli at nagkusang umatras para makawala lamang ako. Tumakbo agad ako palayo ng kusina at patungo na sa aking kwarto. My heart is beating loud and fast. My legs are trembling. My face is heated and I am so damn pissed!

I hate him so fucking much!

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

3

Comments are closed.