Blown By The Wind – Kabanata 40

July 24, 2017 By In Blown By The Wind 1 Comment

Kabanata 40
Never Forget

In just a span of twelve hours, mas lalong dumami ang mga hakahaka. I cannot access my social media accounts. Tita Daisy is panicking, hindi niya rin alam bakit ganoon.

The news about our upcoming wedding is taking the internet by storm. It’s crazy. Hindi ko alam saan nanggaling ang mga balita. Basta-basta na lang itong sumusulpot.

At hindi ko rin alam kung tinulungan ba ako ng Editor-in-chief na ayusin ang pangalan ko, o talagang sinakyan nila ang issues. They released the magazine days before the actual release. But it is to my advantage because I won’t need to explain so much about it now.

“It will be full of reporters,” bigo kong sinabi kay Vince.

Nakaupo ako sa isang sun lounger. Siya’y nasa likod ko, nakayakap at nakapirmi ang mukha sa aking balikat. I stretched my legs out. Sa magkabilang gilid ng aking mga hita ay ang kanya.

He renewed the way he hugged me from the back. Sinikop niya ang mga daliri ko at sinama sa pagyakap.

“It doesn’t matter.”
“They need to stop asking questions. Sinabi ko na ang lahat sa interview na iyon.”

But I saw this coming. Alam kong kahit na naroon na sa article sa magazine na iyon ang lahat ng dapat kong sabihin, kailangan parin nila ng eksplenasyon. Anyway, the people who loves me deserve a live explanation for it. Hindi lang isang article. Kaya nga ako nagpaschedule ng Press Conference pagbalik ko roon.

Tanaw ko ang tahimik na dagat. Mararahang hampas ng alon ang nasa aming harap. The wind is blowing a bit making my tied hair dance. Nilagay ko sa likod ng aking tainga ang takas na buhok.

“What do you want to do after our next wedding?”

Nilingon ko siya. I never really thought that he’s serious when he said we’ll have our wedding again.

“Do you seriously want another one? I mean… ayos na ako rito.” Tiningnan ko ang aking mga daliri. “And I don’t think magrereklamo pa si Daddy. For sure ang gusto lang noon makasal tayong dalawa sa kahit anong paraan.”
“I don’t want you to think that there’s a way out here, Eury. Baka konting away, iisipin mo na pwede pa tayong maghiwalay. No…” he sniffed on my neck.

I chuckled.

“I won’t do that-”
“I want another wedding,” mataman niyang sinabi.
“Fine, Vince. We’ll plan it out.”
“Where do you wanna live after the wedding?” tanong niya.

Nagulat ako roon. Pero ngayong tinanong niya ito, napagtanto kong ang tanging naiimagine ko lang natitirhan sa mga sunod na buwan ay kung saan siya nakatira.

“We’ll build our own house in Manila. It will probably take six months or so, so for the mean time, we’ll live in my penthouse… or you want somewhere else?”
“Kahit saan, Vince. Pero mas gusto ko rito.” Nilingon ko siya, nanliliit ang mga mata. “Wala ka bang ibang kontrata? Trabaho? Hindi ka ba mag-aabroad?”
“I can always work through my laptop. I’ll send a team abroad kung hindi kakayanin.”

Ngumuso ako bilang panunuya sa desisyon niya. Kumunot ang noo niya.

“May mga kliyente ka palang sexy, huh?” sabi ko, inaalala ang babaeng nakasama niya kanina. “Kaya pala noong wala na tayo, labas ka agad ng bansa-”
Niyugyog niya ako para matigil ako sa pagsasalita. Humalakhak ako.
“I can’t stay here. Baka ‘di ko mapigilan ang sarili ko’t masundan kita. I can’t stalk anymore. People know me as your ex boyfriend!”
“You were a stalker!” sabi ko nang naalala ko ang sinabi ni Andres na narinig ko.
He chuckled. “Andres lied.”
“Sana sinabi mo sakin na gusto mo ‘kong makausap, e ‘di pinapasok kita sa backstage! Hindi mo ginagawa kasi enjoy na enjoy ka siguro sa mga babaeng lumalapit sa’yo. Kaya mo pinapatagal!” paratang ko sabay siko sa kanya.
“I don’t have other girls,” natatawa niya paring sinabi.
“Tumigil ka. Hindi ako naniniwala.” Umirap ako.

Hinaplos niya ang aking tiyan. Bumaba ang tingin ko sa kanyang kamay na unti-unting humahaplos pataas. Until it reached my underboob. He slowly carressed it.

“I saw your movie. Was the kiss real?” he whispered while still carressing me.
Pinagpahinga ko ang ulo ko sakanyang balikat habang tinitingnan ang kanyang haplos.
“No. Angle lang sa camera,” sabi ko. “Hindi ako pumayag na… totoo.”
He sighed. “I will probably never get used to that. Fuck.”

Patuloy ang kanyang paghaplos. My lips protruded, pinigilan ko ang pagngiti.

“Sa’yo lang ang mga halik ko, Vince,” sabay lingon.

Nakaawang ang kanyang labi at unti-unti akong hinalikan. Puno ng adorasyon ang marahan niyang halik. Sa sobrang rahan ay nag-iinit ang puso ko. I feel emotional just because of his soft kisses. Maybe because after everything, we’re here in this peacful place… together and happy.

“Ate Ganda, Tito Vince!” narinig kong papalapit na tawag ni Milo sa amin ni Vince.

Binaba ko agad ang kamay ni Vince para hindi makita ni Milo ang ginagawa namin. Tumuwid din ako sa pagkakaupo samantalang hindi man lang nag effort si Vince na umayos. Tumayo ako nang hindi na nakontento lalo na’t nakapalupot parin ang braso ni Vince sa akin.

Nilingon ko siya. He looked at me with fire in his eyes. Like nothing could really ever stop him from feeling for me.

“Ang pamangkin mo, Vince,” paalala ko.

His eyes went effortlessly to Milo then back to me.

“Kung gusto mo ritong tumira, magpapagawa na rin ako ng sarili nating bahay sa ‘di kalayuan. We can’t stay in our ancestral house.”
“Whatever you want, Architect,” I said before finally turning to Milo.

Naging maganda ang araw. Kung hindi lang ako nangako ng Press conference sa mismong araw na iyon ay mas gugustuhin kong manatili kina Vince. But then I have to go to the station for the last time.

Hindi lang naman din iyon para sa aking fans, it is also for the people behind me. My Manager, my friends in showbiz, the staff, the President and Vice President. Kailangan kong magpasalamat sa lahat ng naitulong nila.

Hindi man ako naging lubusang masaya sa tuktok, it was already one great and once in a lifetime achievement. At hindi ko magagawa iyon kung wala ang mga taong ito.

“I’ll be waiting…” sabi ni Vince.

Actually, sinabi ko sa kanya na ayos lang kung pasamahan niya na lang ako ng mga bodyguards niya. Hindi niya na kailangang sumama dahil hindi naman ako magtatagal. Iilang tanong na lang ang sasagutin ko dahil nasagot ko na sa magazine ang lahat.

“Okay. Saglit lang ako,” sabay tango ko.

Seryoso niya akong tinitigan. Ang usapan namin ay pagkatpos dito’y didiretso na kami sa bahay, kung saan nag-aantay ang aking mga magulang. He has to talk to them, too. But for now, I find this one more important.

Paakyat pa lang ng building ay nag-uunahan na ang mga reporters. The bouncers plus Vince’s bodyguards were very efficient. Hindi ako nahawakan man lang ng kahit sino at dire-diretso ang lakad ko.

Wearing an asymetrical top with ruffles on the hem and a tight jeans, I made my way to the hall where the registered reporters are properly seated.

Naroon na si Tita Daisy sa tabi ko. She lean on to me for a whisper.

“Kakausapin ka ni Colleen at Zander. They are waiting in the meeting room. Ako na ang bahala pagkatapos mo rito. Susunod lang ako, okay?”
I nodded.

Panay ang click ng camera. Halos lahat ay may dalang magazine kung saan ako nagsabi ng mga plano.

Si Tita Daisy muna ang nagsalita. She pointed out that all they need to know is just inside the magazine.

I did not even include Zander and Colleen’s threat of revealing Vince’s case. Tama na na sinabi kong kaya ako nagpatuloy at nakipaghiwalay kay Vince ay dahil natatakot akong maungkat iyon. Because that’s how the showbiz industry goes. And I can only imagine the rumors about it once it is shown to the public. People judge things they don’t know about. I don’t want them to judge Vince for something they just really didn’t know about.

“Miss Eury,” sabi ng unang nagtanong na reporter. “Are you leaving showbiz?”

It was so clear in the magazine that I am. Pero siguro iba parin kapag nasabi ko ng harap-harapan sa kanila.

“Yes, I am.”

Umingay agad ang hall. Dumating ang President at Vice President. Hubert is on their side. He is now serving them bilang sekretarya. Nakulong siya ng ilang linggo pagkatapos ng nangyari but we have talked about it kasama ang President at Vice. Flyn was found guilty with Reclusion Perpetua as sentence for multiple case of murder and many other minor cases.

“Tungkol po sa bahay na pinagawa ninyo ni Zander, ano pong ibig sabihin noon kung ganoon?”
“I knew of the lot long before these all happened. Tinanggihan ko siya kaya medyo nagkalabuan kami noon. Hindi ko alam na pinagawan niya ng bahay iyon. Anyway, I am ready to sign any power of attorney to give the house and lot back to him.”

May iilang pumalakpak. Tumango ako. Tingin ko’y nagustuhan nilang hindi ko kukunin iyon kay Zander lalo na’t sa akin nakapangalan. Of course, not! I am not after material things, anyway.

“Nag-usap na ba kayo ni Zander tungkol dito?”

Isang tanong iyon na pinaka ayaw ko. People just really assume that we’re in a relationship even when I clearly stated it on some interviews that we really are just friends.

“Hindi pa kami nag-uusap tungkol sa pag-alis ko at sa mga issue na ito. Maging iyong paggawa niya ng bahay sa loteng pinangalan niya sa akin pero mag-uusap pa kami.”
“But about the-”
“If you are asking about the assumed relationship. I am always clear during interviews na magkaibigan lang kami ni Zander.”
“Hindi po ba kayo? Sinabi niya po iyon, ah? Nasa article din po?”
Umiling ako. “Kami po noon. He’s my ex boyfriend. But we never worked out. I love someone else…” natigil ang reporter na makulit ngunit may isa namang sumabat.
“So kayo po ni Zander habang kayo rin po noon ni Architect Hidalgo noong nasa Astra ka pa?”
“After the Romblon incident, wala na po kami ni Zander because of personal issues. Architect Hidalgo was already my boyfriend pagkabalik ko ng Maynila.”
“But Architect Hidalgo left you?”

Kailangan talaga ng buong pasensya kapag ganito ka usisero ang reporters. Maybe they are trying to destroy me especially now that the fans are heartbroken because I’m leaving. They want to make sure na wala akong babalikan. Na sirain ng husto ang pangalan ko. Label me two-timer, liar, and many more.

“He left me because I asked him to. I lied to him. I told him that I want to pursue this. And I want it without him. I lied because I’m scared. Alam kong mauungkat ang tungkol sa incident report niya way back when I was a teenager. Ayaw kong masira ang pangalan niya sa mga tao. Especially now that he’s already on top of his field. Ayaw kong sirain ulit siya sa pangalawang pagkakataon.”
“Ang sinabi mo sa article ay nagsinungaling ka noon sa mga magulang mo. How can we prove to that? Na hindi nga totoo ang attempted rape case niya?”
“I guess if I was really violated, I don’t think I’d ever think of him as a lifetime partner. He never violated me. In fact, he was always giving and forgiving. Kaya niyang ideny ang sinabi ko sa mga magulang ko pero hindi niya ginawa kasi ayaw niyang ako ang mapagalitan. My parents can attest to that. My sisters can attest to that. It was my fault. I was manipulative. I was jealous of him. I was an angry teenager.”

Tumigil ako nang may nagbara sa lalamunan ko.

“So he sacrificed his name for you? Does that mean kung tinotoo mo iyon, magpapakulong siya?”
“Hindi ko po alam. I don’t want to think about it. Hindi ko nga po kayang balikan ang lahat ng alaalang ito noon sa takot at kahihiyan. Kahihiyan dahil nauungkat kung anong klaseng tao talaga ako. And yes… I never said that I’m kind or patient or true.”

Kahit na tumigil ako para suminghap at para pigilan ang luhang nagbabadya ay wala nang nagsalita. Everyone was attentive.

“I live in a household that failed to acknowledge my strengths. I guess everyone can relate to that. At one point, bilang teenager noon, siguro iisipin mo na hindi naman talaga naappreciate ng mga magulang mo ang lahat ng ginagawa mo. Instead of making that as an inspiration to be better, nagalit lang ako. And I directed that anger towards a person my parents loved dearly. It was Vince. I hated him kaya ko sinira ang pangalan niya noon.”

Tumikhim ako ng nakabawi.

“I lied. I was evil. I let the evil inside me win. And he was so understanding. Alam niya na ganoon ang nararamdaman ko kaya hinayaan niya ako. But one thing’s for sure, storms and anger like that pass. We all grow up and realize our mistakes. And I consider myself lucky because I realized that… at humingi ako ng tawad sa mga taong nasaktan ko.”

Tanging ang flash ng camera lang ang naririnig ko.

“Pity for those who are blinded by their greatness. Pity for those who couldn’t realize their mistakes even after so many years. Pity for those who are very convinced that their mistakes were right, just, and good. Kaya ganito man ang nangyari sa akin… sa amin… masaya parin ako. Dahil nakahingi ako ng tawad sa lahat ng nasaktan ko.”

Iginala ko ang tingin sa nakahilerang mga reporters sa harap. Nobody said a word. Nobody dared to talk again.

“I would like to thank The President and Vice President for giving me a chance to shine this bright for the past months.”
“You deserve it,” sabi ng matandang ginang.
Ngumiti ako sa kanya. Tipid naman na ngumiti si Hubert sa akin.
“Kay Tita Daisy, for being patient towards me. Sa mga P.A.s especially Genta, thanks for the help. I will never forget you. To the staff… to Zander… Colleen. Sa mga nagmamahal na fans… Maraming salamat sa oportunidad at experience. This is a once in a lifetime experience. Marami at malayo pa sana ang maaabot natin kung magpapatuloy ako pero narealize ko po na may iba pa akong gustong gawin sa buhay. May mas importante pa rito para sa akin. And while my fans are giving their all for me, I can’t stand here and give them less just because I want something else.”

Tumuwid ako sa pagkakaupo dahil alam ko patapos na ang sasabihin ko.

“I am already married to the man of my dreams. I want to start a family with him. You may not like my decision but I like my decision so much. And sometimes, we all have to live our lives for ourselves. Thank you for making me who I am today. I owe you all these lessons I will bring with me till the end. At sana may natutunan din kayo sa akin.”

I smiled.

“We’ll meet again some other time. It may or may not be on that stage or behind the camera, but I assure you I will smile. Thank you.”

Tumayo si Tita Daisy at nagtawag na agad ng bouncer.

“Mag uunahan ulit itong magtanong. Tama na ‘yon. Good job, Eury. You need to exit,” naririnig kong sinabi ni Tita sa likod ko habang niyayakap ang President at Vice President. Pati na rin ang staff na naroon.

Nag-iyakan sina Genta. Naluluha tuloy lalo ako.

Parang ‘di ko na maintindihan si Tita Daisy sa mga sinasabi niya. Masyadong maraming nagpapasalamat at nagpapahayag ng damdamin nila sa mga sinasabi ko. Basta ang alam ko, pagkatapos dito’y kakausapin ko na si Zander at ang kanyang manager.

Hindi agad ako nakalabas. Some special reporters had to shake my hands and ask little questions now about my wedding and all.

Kaya naman noong tuluyan na akong nakalabas ay medyo gumaan na ang pakiramdam ko at nasa disposisyon na akong kausapin si Zander.

Kasama ang iilang bouncer at bodyguard, pinapasok nila ako sa meeting room, kung saan kami madalas nag-uusap kung may kontrata man.

Nang nakapasok ako mag-isa ay nagulat ako nang mag-isa rin si Zander. He’s looking at me intently without any expression. Kita kami ng guards sa labas dahil sa bintana.

Tumayo siya galing sa pagkakaupo at unti-unting lumapit sa bintana. Lumayo ako sa bintana at lumapit naman sa lamesa para sana makaupo.

“Nasaan si Colleen? Hindi ba may meeting tayo ngayon?”

Pinagmasdan ko siyang nagla-lock ng pinto at nagbababa ng blinds. Kumunot ang noo ko.

His moves were slow. In an all black shirt and pants, he almost look evil. Lalo na nang bumaling siya sa akin. His bloodshot eyes were angry and devastating.

“You’re married? Is it true?”

I want to talk to them in technical terms… tungkol sa trabaho. Because there is really no point in explaining it to Zander dahil hindi naman talaga kami.

“Yes, Zander.”

Nagkatinginan kami. Ilang metro ang layo namin. Siya, malapit sa pintuan, ako ang nasa malayo.

Humalukipkip ako.

“I don’t know what’s gotten into you. Hindi tayo pero nagtayo ka ng bahay and you told the public.” Huminga ako ng malalim. “We can fix it. Kaya ‘yan ng Ate ko ilipat sayo ang titulo-”
“That was for you!” he shouted.
“Look, Zander… You know I’m with someone-”
“Hindi ba hiniwalayan mo siya!?” he screamed so loud I was so shocked.

Hindi ako nakagalaw o nakapagsalita. I don’t remember him this angry. Humakbang siya palapit sa akin. Bumilis na ang hininga ko sa takot.

“Hiniwalayan mo siya para sa atin! Para sa akin!” dagdag niya.
“Hindi ko ginawa ‘yon, Zander!” giit ko. “Hiniwalayan ko siya dahil natakot ako para sa kanya. Ayaw kong masira ang pangalan niya! Look, I did not include your threats on my interview because I don’t want you ruined… so please… Alam mo. Alam nating dalawa na wala talagang namamagitan sa atin-”

I stopped when his movements suddenly became faster. Lumapit siya sa akin sa mabibilis na mga hakbang. Napaatras ako.

“Anong ginagawa mo, Zander…”

Kinuha niya ang magkabilang kamay ko at idiniin niya ako sa dingding. Mabilis ang hininga ko sa takot. Gustong-gusto ko nang sumigaw pero ayaw kong masira siya kung nagkamali ako.

“Eury, please, I love you. I’m crazy for you… Please…” he begged.

Hindi parin ako makalma kahit na hindi na masyadong bayolente ang mga sinasabi niya.

“Bitiwan mo ‘ko,” nanginginig kong boses.
Umiling siya. “I love you, Eury. Please… Anong gusto mo? Tatalikuran ba natin sabay ang showbiz? Please-”
“What the hell, Zander?” mariin kong sinabi.

Hawak-hawak niya ang magkabila kong palapulsuhan kaya sobrang dali nang ipinako niya rin iyon sa dingding. Buong lakas akong kumawala pero hindi ko magawa. His nose is already touching my neck. Iniiwas ko ang mukha ko sa kanya para hindi mahalikan.

“Zander!” sigaw ko. “Tul-”

Mabilis na nagtungo rin ang kamay niya sa aking bibig. Hawak-hawak pa ang palapulsuhan ko. Gusto kong umiyak. I’m horrified and disgusted at the same time.

“Please, Eury. Mahal na mahal kita. Please…” bulong niya habang hinahalikan ang aking leeg.

The door opened and I heard someone talk.

“Pinapasabi ni-”

Natigil si Hubert nang nakita kami. Naiiyak na ako habang pilit na kumakawala kay Zander at nagsisikap na manghingi ng tulong kay Hubert.

At one point I felt so miserable. Dahil si Hubert pa ang naroon. Hindi ko alam kung may maitutulong siya. Alam kong settled na ang lahat sa aming dalawa. Na ginamit lang siya at nagpagamit siya.

It’s his passion that made him evil. Passion for Flyn. He loved her dearly so he was blinded. Ganunpaman ay hindi na mawawala sa akin ang kawalan ng tiwala sa kanya. Kahit pa sa ganitong sitwasyon!

Mabilis na tumakbo si Hubert patungo sa amin. Agad niyang pinaghiwalay kami ni Zander. I screamed nang nakita kong nakahanap si Zander ng panlaban kay Hubert.

Inangat ni Zander ang isa sa mga gawa sa bakal na upuan at agad niya iyong hinampas kay Hubert. Blood immediately rushed on Hubert’s head. Nadapa ito dahil sa ginawa ni Zander.

The door opened. Mabilis na pumasok ang mga bouncer at bodyguard. Nag-angat ng kamay si Zander sa takot, surrendering to them. But Vince’s bodyguards did not accept it.

Hinigit si Zander at binalibag sa mga upuan. Maingay na natumba ang mga upuan kasama si Zander. He’s crying and saying sorry to the bodyguards. He even called for me but I was too stunned to say anything or just even move.

A warm hug enveloped me tightly. Napaangat ako ng tingin at nakita ko ang nagbabagang galit sa mga mata ni Vince habang yakap ako. Nakatingin ito kay Zander na ngayon ay nakahandusay. I can feel the slight tremble in his arms. Tila ba gigil na gigil at pinipigilan lang ang sarili niya.

Dinaluhan si Hubert ng mga bouncer. Samantalang pinatayo naman ng mga bodyguard ko si Zander at sinuntok!

“Anong nangyari?” boses ni Colleen ang narinig ko galing sa labas.

Namilog ang mga mata niya nang nakita ang ayos ng alaga. Pumasok siya at agad na dumalo roon. Pumagitna sa mga bodyguard at kay Zander.

“What the hell is this?” she turned to me, fuming mad. And then to Vince.
“Hulihin n’yo siya,” Vince said coldly.
Colleen immediately panicked.
“Pinagtangkaan niya si Eury, Colleen. Hulihin n’yo si Zander,” si Hubert habang pilit pang inaapplyan ng pressure ang noo.

Colleen turned to me. Pinalibutan ng mga bodyguards si Zander habang ito’y nasa sahig pa, nanginginig at umiiyak.

“You liar!” aniya.

But then her rage was not enough. Dinampot ng mga bodyguard ni Vince si Zander. Pinagsisigawan na ni Colleen ang pagtigil ngunit hindi nakinig ang lahat.

Mas lalong humaba ang araw na iyon. Another interview was scheduled. Police reports were passed. Galit na galit ang President at Vice President. Mas lalong lumabo ang lahat. Si Tita Daisy at si Colleen ay nag-aaway na.

“Are you okay?” Carrie asked after an hour of investigation.

Makapal ang make up at hindi pa siya nakakapagbihis. Mukhang hindi na nag-abala pa, mapuntahan lang ako rito. I hugged her tight. Napaisip tuloy ako kung tapos na ba ang imbestigasyon dahil nandito na siya.

“Pumunta talaga ako rito para matanong ka… I’m worried about you.”
Ngumiti ako. “I’m fine.”

I’m fine. Despite all the issues and the people calling me a liar. Dahil nagawa ko na raw noon kay Vince, at pwede kong gawin ito ngayon kay Zander. Pero hindi nila maipagkakaila na may nakakita at may witness. And can you believe who the witness is? Because I can’t…

“We believe in you, Eury.”

Ngumiti ako. It actually doesn’t matter who believes in me anymore. We choose our truths. The people who matter to me believes in me, anyway. And that’s what’s important.

“Thank you.”

Dumating ang bodyguard ni Vince. Sumulyap ito kay Carrie bago sa akin.

“Ma’am, nandito po si Architect…”

Nag-angat ako ng tingin at nakita si Vince na kinakausap ang iilang police at pati na rin ang aming Vice President. And even when he’s talking to them, his eyes are only focused to me. Tumayo ako ngunit hindi siya nilapitan dahil sa mga kausap.

Nang natapos ang usapan ay lumapit siya. His white longsleeves are a bit loose now. The sleeves are folded till his forearm and the first two buttons are open. Punong-puno ang mga mata ng pag-alala, pagod, at galit.

Pinalupot niya ang kanyang braso sa aking katawan. Tight but not too tight for me to feel uncomfortable. I felt his restrain, his control over his emotions, and his anger at the same time. Nagpakawala ako ng hininga at pumikit. His scent, his feel, his presence make me feels so safe and so peaceful.

“Sorry. Panganib na naman,” bulong ko.
“Simula ngayon, hindi ka na pwedeng mawala sa paningin ko.”

Nangilid ang luha sa aking mga mata. Parang sa lahat ng nangyari, sa takot ko, ngayon ko lang naramdaman na pwede akong umiyak. I hugged him back.

“Hindi ko kakayanin kung may mangyaring masama sa’yo. Hindi ko kakayanin, Eury. Hindi ko kakayanin…” he said softly.

Lumandas ang mumunting luha sa aking pisngi. Inangat ko ang tingin ko sa kanya at nakita ko ang pagod at galit na pinaghalo sa kanyang mga mata. And even when he’s worried and angry, he still looks good.

Nagawa kong ngumiti kahit na naiyak ako. Nanatili naman siyang seryoso. Hinigit niya akong muli at ngayon ay mas mahigpit na niyakap.

“Ikaw lang talaga ang pangamba ko sa buhay na ito,” he whispered.

Ngumiti ako lalo. Natigil ang aking mga luha.

“The only thing I’m scared about is losing you, Eury.”
“You won’t lose me,” agap ko.

Umiling siya. For a long time, we stayed like that. Parang pinipiga ang puso ko. Nararamdaman ko ang sakit at takot niya. The way he exhales slowly and the way he tightens his hug everytime. And to imagine right now that I could lose him, too? Para akong mamamatay. Hindi ko rin kakayanin, Vince.

“I’m in love with you,” he murmured on my neck.
Mas lalo akong ngumiti. Parang nakalimutan ko ang lahat ng nangyari.

I guess that’s right. That’s the power of this feeling. We all forget anger, fear, and doubt. We all forget everything else. Not this. Not love. We never forget it.

“I’m in love with you, too. Let’s go home?” anyaya ko.

He slowly nodded.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

35

One Response to Blown By The Wind – Kabanata 40