Blown By The Wind – Kabanata 38

July 24, 2017 By In Blown By The Wind 2 Comments

Kabanata 38
Wind

The door opened. Sa kalagitnaan pa ng hikbi ko. When I realized who was at the other end, natigil ako sa gitna ng hikbi at nanatilang nakasinghap. Pinadaan ko ang likod ng aking kamay sa aking baba, hindi sa aking pisngi para hindi halata ang pagpupunas ng luha.

I looked straight. Sa likod niya ay ang tanawin ng basement kaya roon ako tumingin imbis sa kanya.

Gusto kong sipain ang sarili ko. Kani-kanina lang ay hinahabol ko ang van para makausap siya, now that Vince is in front of me, I couldn’t even look at him straight… what more if I’ll talk to him? I’ll probably die here!

His expanse covered my vision making me look at his chest. Oo, hindi ko magawang tingnan ang kanyang mukha. I don’t want to die yet.

Miraculously, my tears stopped falling. I squared my shoulders and started walking towards the small space on his right.

Humakbang siya sa kanyang kanan dahilan kung bakit ako natigil. I almost hit his chest. Suminghap ako at agad na humakbang sa kabila para makaalis.

Why is he here? Akala ko kasama siya sa SUV na umalis? Or… maybe I just assumed that they were inside that vehicle? Siguro, bumaba talaga sila noong babae niya.

Nasaan ang babae? Nasa sasakyan niya? Saan siya pupunta, kung ganoon?

I tried to walk out of the elevator but he stepped on the other side blocking my way, again. I don’t want to assume that he’s planning to do this. Siguro ay siya rin, naguguluhan kung saan ako dadaan kaya tumigil muna ako, hoping he’d take the other side instead.

Tumunog ang elevator, hudyat na sasarado na dapat ito pero tinaas ni Vince ang kanyang kamay at hinarangan ang pintuan ng elevator para matigil ito sa pagsasara.

Instinct na ang nagtulak sa akin para mag-angat ng tingin sa kanya. He’s looking down at me, serious and angry. Napaawang ang labi ko.

You know I’ve come to realize that maybe, I don’t really deserve him. Galing sa hirap, nagsikap siya. He’s talented and smart and persistent that is why he’s on top right now. He’s good looking and hot. Kaya maiintindihan ko kung bakit hindi kami para sa isa’t-isa. Seeing him now, I think God took all his time to create him. Parang mas lalo lang siyang gumwapo.

I saw his eyes slid down my arm… my hand.

Napakurap-kurap ako nang napagtantong ang singsing siguro ang tinitingnan niya. Nilagay ko ang kamay ko sa likod bago humakbang muli sa salungat na espasyo.

“Excuse me,” I said in a low voice.

When he slowly stepped in front of me, nagsimula nang kumalabog at mabuhay ang puso ko. What is he doing? Sinasadya niya ba ito?

“Where are you going?” he asked in a deep baritone.
“Uh… Aalis…”
“Ba’t ka aalis?”

Hindi ako nagsalita. Wala akong makalap na salita. The only thing that’s in my mind right now is my fast beating foolish heart.

“Saan ka pupunta?”

Nang sinabi niya iyon napagtanto kong siya ang may pupuntahan sa aming dalawa kaya ba’t ako ang tinatanong niya? Siya iyong aalis? Bakit nandito pa siya?

“Hindi ba ikaw ang may pupuntahan? You have a flight now, right?”

Kinagat ko ang labi ko nang napagtantong masyado akong naging madaldal! You stalker? How the hell will I explain that? Nag-iwas agad ako ng tingin but he pushed my chin up using his fingers just so I’d maintain eye contact. Umigting naman ang kanyang panga.

“Bakit ka umiyak?” his brow shot up.

Pakiramdam ko ay pinaglalaruan niya lang ako. Iniwas ko ang mukha ko sa kanyang kamay para makawala sa kanyang titig.

“I need to go…” I said.

Mabilis akong humakbang sa gilid niya ngunit mabilis din niya akong hinarangan making me collide a bit on his rock hard chest.

“What the hell?” mariin kong bulong.
“You can’t cry. You pushed me away so you’ll be happy, ba’t ka umiiyak ngayon?” kitang-kita ang iritasyon sa kanyang mukha.

Ang dilim at galit ay unti-unting lumukob sa akin. I love him, alright. I’m in love with him so much. I want us to talk. I want to accept whatever his decision is but I just can’t hide my selfishness! I want him for myself! At kung hindi siya mapapasakin, hindi ko kayang makipagkaibigan o makipagplastikan sa kanya!

“I want to go!” I pushed him but he did not move even a bit.
“Sagutin mo muna ako, Eury. Why the tears when you’re supposed to be happy, hmm?” mariin niyang tanong.

I inhaled to try and suppress the coming tears but it’s useless. Mahusay akong artista pero kung tunay akong nasasaktan, hindi ko na mapigilan ang tulo ng luha.

“I never should’ve left, then?”

Parang gripo ang luha ko. Hindi na ako nag-abalang punasan pa iyon dahil hindi na sila maitatago. Vince is now looking at my falling tears with his own blood shot angry eyes.

“You never should’ve left? Hindi ba sa ating dalawa, ikaw ang masaya? You’re on top now! You’re the greatest architect in Asia! You’re happy and care free! Don’t you ever say something you don’t mean, Vince! Kasi alam ko na kahit paano, masaya ka sa naging desisyon ko! See? Leaving me means you’re finally going to be happy with another woman!” gumaralgal ang boses ko.

I saw the anger flickered on his eyes. Pakiramdam ko ay masasaktan niya ako sa sinabi ko sa kanya.

“You pushed me away! I was a burden to you! There was nothing I could do but leave!” sigaw niya sabay hakbang.

Napaatras ako sa ginawa niya.

“Ginawa ko na ang gusto mo, Eury! Fuck! I left my girlfriend so her career would bloom! I left you here to concentrate because you told me you couldn’t do it when I’m around!”

He stopped for a moment like something is distracting him. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at naabutan ko siyang pumikit ng mariin. Nang dumilat siya ay nakita kong kuminang ang kanyang mga mata sa luhang nagbabadya.

“Alam mo ba kung gaano ka sakit iyon? Habang ikaw ang inspirasyon ko, ako ang pabigat sa’yo! When you were young all I want is for you to reach for your dreams! Dahil alam kong hirap na hirap ka pero nagpapatuloy ka!”

He stepped in again dahilan ng pag-atras ko. I remained stunned looking at his intense fired eyes.

“Kaya ngayon, sino ako para pigilan ka sa pangarap mo?! Sino ako para hingin sa’yo na tumigil ka na?! Na hindi ko kayang makita kang nagpapanggap na may mahal na iba?! Those were your dreams, right? And I don’t want to stop you from dreaming.” Umiling siya at nag-iwas ng tingin.

He licked his lower lip and bit it for a while before proceeding.

Parang nilulukot ang puso ko habang tinitingnan siya. Hindi ako sanay na ganito. I never saw him this hurt. Well, I did not try to look at him when I left.

“I respect your dreams and decisions. So much. I don’t care if it’ll destroy me.”

Panibagong luha ang tumulo sa aking mga mata nang napagtanto ang dahilan ng ginawa niya noon. Kaya ba hindi niya binawi iyong bintang ko sa kanya dahil alam niyang mapapagalitan ako ni Mommy at Daddy kapag nalaman nilang nagsisinungaling ako? He knows they’ll find out why I’m in that state. Kapag nalaman nila, baka natakwil ako! Kaya ba hindi siya nagsalita? Kaya ba tinanggap niya ang paratang ko?

And the things he did for me. The way he protected me from Flyn or from whoever is trying to destroy my life. Fuck? Why didn’t I see that?

“Baby,” he reached for my elbows and I saw his tears fall. “This is the only way I know how to love. Is it not enough? Tell me, what else do you want?” halos bulong iyon.

Pinalis ko ang mga bagong luha sa aking mga mata. Hinagilap niya ang aking mga kamay para matigil ako at makita niya ang aking mukha.

“Ano pang kulang ko, Eury? Aayusin ko.”
“I’m sorry, Vince.” Umiling ako. “Walang kulang. I’m sorry. I didn’t really choose my career over you. I will never do that!”

Natigilan siya. Umigting ang kanyang panga habang tinitingnan ako.

“I… I was scared. Masisira ka kapag hindi ako pumayag sa kanila. They have a copy of your case and it will ruin you as an Architect!”

Kitang-kita ko ang poot sa kanyang mga mata. I just don’t know who it is directed to.

“Ilalabas nila iyon. Or maybe, kung hindi sila, may uungkat noon! I know you’re trying to rebuild your name so-”
“That’s bullshit! Kailan pa ako nagkaroon ng pakealam sa kasong iyon!?” he said, full of frustration. “I don’t care what they say about me?! Is that fucking it, Eury?”

Naghahanap ako ng rason na matatanggap niya ngunit iyon lang talaga ang rason ko. I just don’t want to ruin his name when he’s trying hard to rebuild it. Sa lahat ng ginawa niya sa akin, ayaw kong ako ang maging pabigat sa kanya.

“Fuck! That’s it? You left me for that?”
“For that? That’s a big thing, Vince? I’m trying to protect you…” paliwanag ko.
“Kailan ba naging mas importante sa akin ang pangalan ko? If it’s you or my dignity, Eury, I don’t care what they say about me as long as you’re with me! If it’s between you or any other thing, baby, I will always choose you!”
He sounds so frustrated that it made me regret all my decisions. Even the career I have now. Lalo na dahil hindi ko naman nahanap ang saya roon.
“Naiintindihan mo ba, Eury? Kailanman, walang mas humigit sa’yo para sakin! Not my name, not my career, not anyone!”

Yumuko ako at nakita ang luhang bumuhos galing sa aking mga mata.

“Fuck!”
He groaned in frustration bago bumaling ulit sa akin.
“I was miserable for fucking nothing…” he whispered.

For a moment, he stayed silent. Tila ba kinakalma niya ang sarili niya. Ganoon din ang ginawa ko. Natigil ako sa pag-iyak at tanging mumunting hikbi na lang ang nagagawa. Ang bigat na dumagan sa aking puso kanina ay unti-unting nawala.

“Is that it? Do you have anything else to say?” he sounds so dismissive.

Pakiramdam ko tuloy ito na ang katapusan. That we only needed this closure and we’re all done.

Ang pagod ay napalitan ng galit. And I know it is normal to be angry at him. Or to myself. Dahil ako naman ang may kasalanan ng lahat ng ito.

“What else, Eury?” tanong niya.
Umiling ako dahil wala na akong masabi. Whatever I said was enough. I think I could go on but not immediately, though.
“Wala nang iba pa? You pushed me away for just that?”

Matalim ko siyang tinitigan. “Just that?” It’s a big thing for me. Kung maliit na bagay iyon sa kanya, sa akin, hindi.

“Do you have anything else to say?” ulit niya.
Umiling muli ako.
“Then let’s get married now…” dinig na dinig ko ang hamon sa boses niya.

What? Is this true? Parang may nagdiwang sa kalooblooban ko. But then I remembered something. Hinagilap niya ang kamay ko pero iniwas ko agad ito sa kanya.

I don’t want him to lie to my face. Imposibleng aayain niya ako ngayong magpakasal. Imposibleng nagsinungaling si Ate Lyanna at Cassandra sa akin. As much as I want us back, I don’t want to ruin someone else’s relationship.

Huminga ako ng malalim at yumuko.

“I don’t want you to break up with your other woman just because of this.”

Sinubukan kong humakbang at kumawala. He groaned and locked my wrist this time.

“I don’t have another woman,” napapaos ang kanyang boses.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. I hate that he has to lie to me just to get around.
“Are you kidding me? Are you saying that Cassandra and Ate Lyanna lied to me? My eyes lied to me? You know what? Ba’t ‘di mo na lang aminin? Wala na rin naman tayo, ah? It’s okay!” Fuck. I lost it.
“Wala akong ibang babae,” he said, again, in a cold tone.
“Hindi ibang babae ang sinasabi ko, Vince. Pakealam ko kung may kabit ka? Huwag kang magbulag-bulagan! Everyone knows you have a girlfriend!”

Damn! I sound pathetic even to my own ears. Uminit ang pisngi ko dahil sa pinagsasabi niya. Baka nga may ibang babae siya? So ano… si Vanessa ang ibang babae niya tapos iyong maganda ang girlfriend? Wow!

“That’s because we never broke up,” mataman niyang sinabi.

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. The small light of hope shined brighter. Nairita lamang ako. Ayaw kong umasa. Ayaw ko na. At kung ganito siya magsalita, pakiramdam ko mabubuhay ako sa pag-asang hindi totoo. Imbes na umasa ay pinalitan ko iyon ng galit. Galit sa pagpapaasa niya sa akin.

“Shut up! You…” Nadidistract na ako sa titig at mga sinasabi niya. “You have the guts to say that now when all this time, you were running away from me? If I was still your girlfriend, hindi mo gagawin sa akin iyon!”
Kumunot ang noo niya, tila hindi naiintindihan ang sinabi ko.
“I went to Spain to see you! Paniguradong umalis ka roon dahil alam mong pupunta ako roon!”
“What the fuck?” kitang-kita ko ang gulat sa kanyang mga mata.
“Pumunta akong Hong Kong kasi roon ka raw nagpunta! Wala ka!” ngumiwi ako sa iritasyon.

Pumikit siya ng mariin, tumingala, at kinagat ang labi. Nang dumilat siya’y pula man ang mga mata at konti sa ilong ay sumilay pa rin ang ngisi. My face heated up so bad that I want to physically hurt him.

“Ngayon dito? Oh! You might be late with your flight? Umalis ka na at baka nag-aantay na ang girlfriend mo?”
“Sabihin mo nga sa akin. Bakit ka nagpuntang Espanya?” his serious tone made me bite my tongue to shut up. “Tell me. Hmm?”

He advanced. Napaatras ako. The door closed and Vince pushed the last floor. Nalilito ako pero hindi ko na iyon maisip dahil sa mariing titig niya sa akin ngayon.

His hawklike eyes were like a predator waiting for its prey. I refuse to look like a chick trapped by a lion so I squared my shoulders again to prove a point.

“N-Nagpunta lang…” napakurapkurap ako.

He immediately poked my nose.

“I know when you’re lying, Eurydyce. Don’t try me,” punong puno ng pagbabanta ang boses niya.

Nakaawang na ang bibig ko para sa sasabihin. Eto na, Eury. Sasabihin ko na ang totoo. Nagpunta ako roon para makausap ka. Para subukan kung pwede pa. Pero paano ko sasabihin sa kanya iyon ngayon? Paano kung totoong may girlfriend na nga siya?

Aba! Parang kailan lang matapang kong sinabi sa sarili ko na sasabihin ko parin sa kanya kahit na masasaktan ako, ah? Bakit ‘di ko na masabi iyon ngayon?

“I heard you’re quitting showbiz.”

What the hell? Paano niya nalaman.

“Kaya umuwi ako rito ngayon dahil susubukan ulit kita. The plane stopped for a while in Hong Kong.”

What the fuck? Really? I mean… gusto kong mangiti pero hindi ata magandang panahon dahil seryoso siya at kagagaling niya lang sa matinding iritasyon sa akin.

“Susubukan ulit ako? You did not even look at me the whole time we were in that event! You were just busy talking to that girl!”
“You never looked at me, anyway. Paano mo masasabing hindi kita tiningnan?”
“Well at least I don’t have anyone beside me-”
He groaned. Bahagyang tinapik ang dingding ng elevator.
“That’s why she’s gone now. She’s a client for my project in Hong Kong. Fine! You don’t like her, we’ll reject the project,” simple niyang sinabi.

Weh? Weeeh?

“O sige! Kung ‘di ka umiiwas, why do you have a flight out of Manila tonight? To Hong Kong ba, Vince?”

You’re fucking bluffing! Hinilot niya ang kanyang sentido, tila nawawalan ng pasensya sa asal ko.

“Why are we talking about this when it was my turn to ask you a question? Why did you quit showbiz and go to Spain?”
“Sagutin mo muna ako…” hamon ko.
“The flight is to Kalibo! Today is Milo’s birthday and I promised him I’ll be there. Uuwi rin ako rito bukas. Whoever your source is, tell him he should train on my bodyguard’s agency.”

Nalaglag ang panga ko at naalala ang mahal kong kaibigan na si Amer. What the hell? Vince has that cocky look on his face when he realized I was a bit stunned.

“Why are you quitting showbiz and why did you go to Spain?”
“Uhm…” napakurapkurap ulit ako, wala nang kawala ngayon.
“Stop lying to me. It doesn’t work anymore.”
“Well… Hmm…”

Nanatili ang matalim niyang mga mata sa akin. It’s like he’s ready to strike once I say something funny again.

Huminga ako ng malalim. I don’t know why the courage didn’t come fast. Pumikit ako ng mariin para tuluyan nang masabi ang lahat.

“I’m quitting showbiz because it doesn’t make me happy! I went to Spain because I want you back!”

Hindi siya nagsalita. Unti-unti akong dumilat para makita ang reaksyon niya. A slow smile curved on his lips and immediately disappeared. Guni-guni ko lang ba iyon? His eyes remained cold. Para bang sinusubukan niya paring magseryoso.

“Why do you want me back?”

What? Pakiramdam ko ay dudugo na ang labi ko sa kakakagat. He closed the distance between us giving me only the wall to lean on to. Nilagay niya ang kanyang braso sa kaliwang taas ng ulo ko para hindi ako makawala, locking me with his body and the cold elevator walls.

“Come on, tell me, baby…” he whispered.

I can feel his hot minty breath on my cheeks. Nakaliliyo ang lapit niya sa akin. It’s only been six months but I feel like it’s been ages. At ngayong nasa harap ko na siya, parang hindi kapanipaniwala. Parang… akin parin siya… kahit hindi na siya iyong dati. Damn it, you fool! Don’t assume quickly baka mabaliw ka kung masaktan ka pa!

He licked his lips. His eyes got fixed on my half opened lips. Tinikom ko ang labi ko. He licked his lips again before finally settling on my eyes. He titled his head. Muntik na akong pumikit sa pag-aakalang may gagawin siya.

“Tell me. Why do you want me back?”

Bumagsak ang balikat ko sa disappointment. I pouted and looked at the opposite side of the whole.

“I regret what I did,” I whispered.
“You should,” mataman niyang sinabi.

Sumulyap ako sa kanya gamit ang matalim na tingin ngunit sa talim ng tingin niya sa akin, hindi ko kayang magtagal. Para akong kuting na napilayan sa harap ng leon.

“What else is your reason? Why do you want me back so bad that you have to go to Spain? Hmm?” he said every word in an erotic tone.

Tumindig ang balahibo ko. Alam ko ang gusto niyang marinig pero hirap lang akong magsabi ng nararamdaman dahil sa takot. Gone is the Eury who doesn’t care if she gets hurt. Now that my hopes are up, naduduwag na akong mas lalo pang umasa.

“I’m… in love with… you,” marahan kong sinabi, kinakalma ang sarili.

Ang nakaawang niyang labi ay natikom. Hinagilap ko ang mga mata niya at nakita kong bahagya siyang umatras at nagtaas ng kilay. Ngumuso siya, pinipigilan ang ngiti.

My heart hammered on my ribcage so fast and violent that it hurt.

“Then are you ready to marry me?” hamon niya.
Mahinahon akong tumango.
“You sure?” he said in a deep voice.
“Yes…” kumunot ang noo ko dahil sa paulit-ulit niyang tanong.

His brow shot up again. The door opened revealing the hotel’s rooftop. May malaking swimming pool doon, may mga lamesa at upuan kung nasaan ang mga tao. Sa kabilang banda ay ang hardin nito.

Salungat ang hardin ang ang poolside bar. Sa poolside, maraming tao. Sa hardin, halos wala. Natatabunan pa ng mga halaman kaya kahit na tumayo ka roon sa gitna ng tila maze na hilera ng mga hugis parihabang mga berdeng halaman ay hindi ka makikita.

Hinawakan niya ang palapulsuhan ko at hinigit patungo roon. Habang naglalakad ay kinuha niya ang kanyang cellphone at nagsimulang magdial ng numero.

Some waitresses saw us. I immediately ducked so they won’t see us. Tumango si Vince sa kanila at hinayaang magpatuloy doon sa hardin.

Nawala lang ang kaba ko nang nasa gitna na kami ng mga halaman. Looking back at the poolside, parang wala lang ang mga tao. Nakikinig sa kanta ng live band at ang mga naliligo ay nag-eenjoy lang sa ginagawa. They seem oblivious that we’re here. Hindi naman sa ayokong may makaalam. I just don’t want anyone to disturb this private moment Vince had planned. Or did he plan this?

“Sige. Salamat. Maghihintay ako rito.”

I turned to Vince when I realized that he was talking to someone on his phone. Binitiwan niya ako para magtipa ng text, hindi ko alam kung para kanino.

Ngumuso ako at sinusubukang tingnan ang cellphone niya. He seems so serious while looking at it. Is he texting the girl he’s with? Or Vanessa? Sino kaya?

He turned to me, his cold stare still on. Kahit na sinabi ko na sa kanya ang nararamdaman ko, I’m still not comfortable with him. I can’t look at him straight. I don’t even know why we’re here. Gusto kong magtanong pero nahihiya ako.

Umihip ang hangin. Hinipan nito ang palda ng puting damit ko. He’s wearing his tux while trying to call someone again. Ano bang pag-uusapan namin dito?

Bumaling siya sa akin at agad akong nag-iwas ng tingin. Nagkunwari akong interesado sa lahat ng nags-swimming.

Lumipad ang isipan ko sa nangyayari. Is this real? I can’t seem to absorb everything yet. Nananaginip ba ako? Parang kanina lang umiiyak pa ako dahil may ibang babae siya?

Totoo kaya ang sinabi niya? Iyon ang mga inisip ko habang siya’y abala sa mga tinatawagan. Kailan ba kami mag-uusap dito?

Ano pa nga ba ang dapat naming pag-usapan?

Date and time ng kasal? Saan ang kasal? Pwede bang i-avail ko ‘yong sabi niya na kung kailan ko raw gusto? I-aavail ko ‘yon ngayon?

Huh? Baliw ka, Eury! Paano ka ikakasal ngayon, e, gabi na?

“Thank you!” malinaw na sinabi ni Vince.
“No problem, Architect!” isang boses sa likod ang narinig ko.

I turned to them and I realized it was the guard I saw in front of the hotel. Ngumisi at tumango ito sa akin bago muling tumalikod.

Sinundan ko ng tingin ang guard at nakitang tumayo siya roon sa poolside, tila ba nagbabantay.

Is that Vince’s bodyguard? Nilingon ko si Vince at nakitang nakapamulsang tumatawag ulit. Kailan ba kami mag-uusap?

His eyes flew to me. Nagkibit ako ng balikat at nagresume sa mga iniisip ko. And just when I’m starting to lose myself in my happy thoughts, someone came.

Limang tao ang lumabas sa elevator. Binaba ni Vince ang kanyang cellphone, ganoon din ang ginawa ni Ate Reanne na ngayon ay kasama si Kuya Lucas. Behind them is a middle aged woman, looking corporate with her grey suit and eye glasses. May dala itong atache case. Sa tabi ng ginang ay isang babaeng mas bata at naka corporate attire din.

Sa likod nilang lahat ay isang lalaking may dalang malaking camera. Nagtaas ako ng kilay at nilingon si Vince.

He gracefully shake their hand firmly.

“Ate? Anong ginagawa n’yo rito?” tanong ko.

Ngumuso si Ate Reanne at imbes na sagutin ako’y nilahad ang katabing ginang.

“This is Judge del Rosario.”

Nakita kong binuksan noong isang babae ang atache case ng tinukoy na judge at may kinuha siyang mga papeles doon.

My heart pounded hard when I realize what is it. Nilingon ko si Vince at nakitang hinihintay niya ang reaksyon ko. What the hell? Is this even true?

“She’s going to officiate tonight’s rites,” dagdag ni Ate.
“H-Huh?”
Binalewala ni Ate Reanne ang reaksyon ko. But then if she ever make it a big deal, I would probably faint right now.
“Pano ang singsing?” she turned to Vince.
“I have it,” Vince said.
“Oh! Prepared, huh?” tukso ni Ate Reanne.
“Dapat lang! Inistorbo tayo sa gabi natin, e…” Kuya Lucas hugged Ate Reanne from the back.

Vince licked his lips then turned to me. Ngumuso ako para pigilan ang ngiti.

The cold wind blew my hair and the hem of my dress slowly. Hinagilap ko ang buhok ko at tinama iyon sa aking balikat.

Marahang nilagay ni Vince ang takas na buhok sa likod ng aking tainga. Then he leaned a bit, just enough for a whisper.

“Akin ka ngayon,” he declared like he just won a war.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

1

2 Responses to Blown By The Wind – Kabanata 38

  1. Hello admin, i must say you have hi quality articles here.
    Your website should go viral. You need initial
    traffic boost only. How to get it? Search for: Mertiso’s tips go viral

  2. I do like the manner in which you have framed this particular issue plus it does present me personally some fodder for thought. Nonetheless, from everything that I have witnessed, I really hope when the actual feedback pile on that people keep on point and in no way get started on a tirade associated with some other news du jour. All the same, thank you for this excellent point and while I do not really concur with it in totality, I value the point of view.