Blown By The Wind – Kabanata 37

July 24, 2017 By In Blown By The Wind 1 Comment

Kabanata 37
Duwag

Panay ang pindot ko sa aking cellphone habang nakaupo sa kulay beige na couch ng hotel lobby na pinasukan ko.

I thought I would enjoy this trip. I thought I’d appreciate everything from the large airport, the great buildings and infrastracture, to the beautifully carved entrance of the Mandarin Oriental, pero nagkamali ako. Dumating pala ako rito para kabahan lang.

I cannot appreciate the granduer of the golden building. Tila ba ginawa ito para sa mga members ng royal family. Its men and maids looking like butlers just to make everyone feel royalty.

The breathtaking view above, the marbled floor, and the different people going in and out of the hotel. Dapat maappreciate ko man lang iyon pero hindi. Para akong mahihimatay sa kaba.

Nakalimutan ko atang malaking syudad ang Barcelona at milagro na siguro kung makita ko si Vince sa mismong hotel na ito.

“Shit…”

Kanina ko pa sinusubukang tawagan si Amer gamit itong cellphone ko. Kaka connect ko lang sa wifi at nagri-ring naman. Busy lang siguro ang bakla. Sabi niya naman, aabangan niya ang pagdating ko.

“Your room is ready, Madame,” sambit ng isang lalaking nagtatrabaho sa hotel na iyon.

“Oh my God, Amore!” pambungad ni Amer sa akin.

Tinanguan ko ang kausap sa harap.

“This way, please…”

Sumunod ako kahit na hindi na ako mapakali sa nagpapanic na boses ni Amer sa kabilang linya.

“What’s wrong?”
“I’m sorry, Amore. I just heard from a friend that Architect Hidalgo is now in Hong Kong!”

What the hell? Really? Natigil pa ako sa paglalakad sa sobrang pagkabigla. Nilingon ako ng lalaking nasa unahan at hinintay. I held up my hand just to stress that I need a minute.

“How is he there? E, sabi ni Ate Lyanna nasa Spain siya, ah? And also Cassandra!”
“Umalis siya diyan exactly the same time ng pag-alis mo rin dito.”

How is that even possible. Okay. I need to calm down.

Kinakabahan ako kanina at ngayon parang lumuwang ang paghinga ko. I want to tell him whatever that’s on my mind but I’m terrified, as well. Ang malamang madedelay ang gagawin ko ay nagpasaya ng bahagya sa akin.

“So are you going to leave immediately and chase him or stay for a while there. By the way, iyong hotel ilang araw ‘yan. Kung aalis ka ngayon, sayang naman pero ayos lang ‘yon.”

I am very relieved. Can you believe it? Gusto ko na siyang makita. Gusto ko nang makausap siya pero nabunutan din ako ng tinik ngayong nalaman kong wala pala siya rito.

“Check it. It may be just rumors.”
“I’ll call Lyanna, rin. Mag enjoy ka muna riyan. Tatawag ako kapag na kumpirma ko na.”
“Book me a ticket to Hong Kong, kung makumpirma mo.”
“Yes, Amore. By the way, you made it to the headlines of the popular showbiz sites. Mukhang may nakaalam nang ‘di ka pumirma ng new contract sa station.”
“Tsss…”

Hell, I’ll shut my social media out for that.

“And Zander also called me. Apparently, Tita Daisy revealed that you’re in Europe. Nagtanong daw kasi si Colleen kasi may Toothpaste commercial dapat kayong pipirmahan. Zander is a bit alarmed because you did not tell him. Hindi ka raw ma contact kaya sa akin tumawag.”

Hindi ko na maintindihan ang mga sinasabi ni Amer. Nagpatuloy ako sa paglalakad kaya ang lalaking gumiya sa akin ay ganoon din ang ginawa.

“Okay. I’ll call him. Just please make sure where Vince is. And book a ticket immediately.”
“Okay! Enjoy ka na lang muna diyan.”

Iyon nga ang naging plano ko. Amer booked me a very extravagant suite. Sa sala pa lang nito, naupo na ako at natulala. Nilatag ko ang mapa ng syudad sa lamesa bago ako nagsimulang tumawag sa mga taong kailangang tawagan.

“Tita, I landed safely.”
“That’s good. Ingat ka diyan. Ayusin mo ang gagawin mo.”
I laughed a bit. “Pinasabi nga pala ni Carrie sa akin na magkwento ka raw pagbalik mo rito sa Pilipinas.”
“Sige po. Tatawagan ko siya pagbalik ko.”
She groaned. “Ang dami nga palang nagtatanong kung kailan ka pipirma ng kontrata sa istasyon. I can’t believe all of this people knows when your contract is going to expire. God! The sources of these reporters!”
“Hayaan n’yo po muna. I want to deal with a single problem at a time. For now, ito muna ang gagawin ko. ‘Tsaka na ang problema sa trabaho.”

Nakaloudspeaker ang phone ko nang nagpasya akong magbihis para makapagpahinga ng saglit. I dialed Zander’s number. We never got along well the whole time we’re together as love team.

Sinubukan niyang maging maayos kami. Pero ang tanging maibibigay ko sa kanya ay ang pagkakaibigan. He wants more than that kaya minsan ay naiirita siya sa akin.

I don’t even try to act on cam. Kung anong trato ko sa kanya on cam at off cam, pareho lang. I treat him like how I treat a friend. I’m not rude. I’m not even pretending to be very nice and caring. Nakaupo lang ako sa tabi niya, sinasagot na walang katotohanan ang mga intriga. While he’s always caring and loving on and off cam, there is just nothing I can do but treat him nicely. Wala nang hihigit pa roon. Tila ba nakalaan ang hihigit pa roon sa isang tao lang.

“Zander-”
“Where are you? I heard you’re in Europe? Bakit biglaan?” sa pagsagot niya’y bumaha agad ang mga tanong.
“I’m in Spain…”

Hindi man namin napag-uusapan si Vince, alam kong alam niya kung nasaan ito ngayon. Sa pagkakatahimik niya, alam ko na nakuha niya kung ano ang pinunta ko rito. No need to sugarcoat it. I’ve been always transparent with my interviews.

“Do you think that love is sweeter the second time around?” tanong noon ng isang nang-iintrigang reporter.
While Zander is slowly caressing my shoulders, tumango ako bilang sagot. “I guess so. For people who are truly in love with each other, then it is.”
“So… does this mean you think a second shot of your relationship would be sweeter?”
Tumawa si Zander, nagpapahiwatig na iyon nga ang gusto niya.
“For now, I just want to focus on my career. It’s what I’ve been doing for the past months. Wala po sa utak ko ang relationships ngayon.”

And he’ll always go cold after interviews like that. Wala akong magagawa. Hindi ko siya maalu dahil iyon ang totoo. Hindi ko kayang humingi ng tawad dahil alam ko sa sarili ko na iyon talaga ang nararamdaman ko.

“Anong ginagawa mo d’yan?” his voice is stone cold nang siguro’y nakabawi.
“I’m visiting Vince but he’s not here…”

Pagkatapos ng sinabi kong iyon, parang nilulukot ang puso ko. Why do I sound like I want him to be a friend, for once, right now.

“What the hell are you doing, Eury! Nababaliw ka na ba? Kapag malaman ito ng fans natin, anong sasabihin nila! Bumalik ka rito sa Maynila, ngayon din!”

Bigo ako sa gustong mangyari. I smiled softly, thinking that maybe, hindi ngayon, pero eventually, he will be a friend to me. Pareho kaming may kasalanan sa isa’t-isa. Ayaw ko nang isipin pa ang lahat ng naging kasalanan niya sa akin. I’m tired of thinking about my pain from other people. It will never end kung patuloy ko rin silang sasaktan dahil nasaktan ako.

I will let the ripples of his pain die down my own shore. Ayaw ko nang ibalik pa ang sakit sa kanila dahil kung ganoon ang gagawin ko, walang katapusan ang sakit sa mundong ito.

“You did not sign your new contract? Anong plano mo, Eury? Please tell me you will sign it once you’re back!” he sounds so miserable.
“Mag-uusap tayo pagbalik ko, Zander-”
“Bakit hindi tayo nag-usap bago ka umalis?”

Because I know you won’t agree with it. I don’t need anyone’s approval to do what I really want to do at ito iyon.

“I know you won’t agree with it, Zander-”
“What the hell, Eury?” iritado niyang sigaw.
“Please, Zander. Alam kong ‘di tayo magkakaliwanagan if we just talk over the phone. We’ll talk when I get back.”
“We have work to do! Is this why you did not sign that contract? You know what will happen if you do this! People will dig. Lalabas at lalabas ang ginawa ng lalaking iyan sa’yo!”

Pagod akong umirap at nilapitan na ang cellphone. I am ready to turn it off.

“Zander, we’ll talk when I get back,” sabi ko at pinatay na ang cellphone.

Naging mapayapa ang aking pagpapahinga sa hotel. The grand king size bed of the hotel is very comfortable. Hindi ko maalala kung kailan ako nakapagpahinga ng ganito.

Pagkagising ko, pakiramdam ko wala akong problema. Naligo at nagbihis ako pagkatapos ay binasa ulit ang mapa ng syudad.

The highrise building Vincent is building is just a walking distance from the hotel. Ito rin ang dahilan kung bakit ito ang pinili ni Amer. Bukod pa sa malapit din ito sa mga kilalang spots sa lugar.

Pinili kong maglakad lakad lang para mapuntahan ang mga lugar na gusto ko. It’s been a while since the last time I’m able to walk freely like this. Walang humaharang, walang nang-iistorbo. It felt weird and liberating at the same time. I can do all the things I want without the other people’s attention.

Pagkatapos ng dalawang pinuntahan kong spots, sa wakas ay tanaw ko na ang ginagawang building na si Vince ang nag disenyo.

It’s not yet done. I don’t think it’s even half way done, yet. Sa bagay, ilang buwan pa naman. Mabilis na nga ang naging trabaho kung iisipin kong noong naghiwalay kami ito nagsimula.

Holding on to the chain strap of my bag, tiningala ko ang kabuuan ng building. Ang plano nito ay naka balandra sa dingding.

The pride I felt while reading his full name as the Architect behind the masterpiece is unbelievable. Parang ako ang nagpaaral sa kanya kung makangiti ako at kung makapagmayabang ako sa aking isipan.

“Architect Vincentius Theron Hidalgo. See that building? Boyfriend ko gumawa niyan,” bulong ko sa sarili ko.

Then my heart breaks at the thought that maybe, another woman is thinking the same. I hope she’ll be proud of him, too.

Naupo ako sa malayong bench. Inubos ko yata ang oras ko kakatingin sa ginagawang building habang nakaupo lang.

Pakiramdam ko mababaliw na ako. Nang palubog na ang araw ay tinigilan ko na iyon. Bumalik na lang ako sa hotel para sa dinner.

Alone in a large round table, with five courses meal, tiningnan ko ang mga tao sa paligid. Kung hindi mga corporate people na nagdidate mga matatanda namang siguro’y madalas dito ang naroon.

I opened my phone after my meal. Kakabukas pa lang ay tawag na agad ni Amer ang narinig ko.

“What the hell? Why did you turn your phone off!? I’ve been calling you for the past two hours, Amore!”
“Sorry. Zander might call me again and again so…”
“Nakumpirma ko na nasa Hong Kong siya! May project ata siya doon!”

Yes! Yes, I remember! Bakit ba ‘di ko ito naisip kanina? Sinabi nga pala ni Andres na may project si Vince sa Hong Kong! Bakit ‘di ko iyon naisip?

“You have a flight at exactly one AM, oras diyan, pa Hong Kong! Kaya kanina pa ako tumatawag kasi baka maiwan ka!”
“Okay! Got it! Hindi ko pa naman na unpack ang gamit ko kaya mabilis na ako.”
“Good! Sige. Call me again when you need anything. I’ll send you the email of your flight details later.”

Nagmamadali ako patungong airport para sa flight ko. Hindi na ako natulog kahit saglit at pinlano ko na lang na sa airplane na magpahinga.

I can’t believe hindi ako nag-isang araw man lang sa Barcelona. The hotel was booked for days but it doesn’t matter to me. I need to see him.

Ang kabang nawala na kanina ay muling bumalik. Hindi ako makatulog sa airplane dahil sa kaba. I can hear my stupid heart beating so fast and hard.

Haggard na haggard ako pagdating sa airport ng Hong Kong. Gusto kong matulog pero nininerbyos ako kaya hindi ko magawa.

I forgot to remind Amer to book me a hotel room pero siguro naisip niya na iyon kanina. Hindi muna ako umalis ng airport. I opened my phone to check if Amer has called and then he did.

“Amore!!! Putangina!” he cursed so loud.

Pakiramdam ko’y narinig ng lahat ng taong nasa paligid ko. Hininaan ko ang volume ng cellphone ko. What is it now? Na issue ba ako?

“Bakit?”
“Layover lang pala iyon! He’s not in Hong Kong anymore!

Oh. Shit.

Ang lahat ng adrenaline na naramdaman ko simula noong umalis ako sa Pilipinas ay nawala ng parang bula. Parang napanis ang kaba ko.

Napaupo ako sa habang kausap ko si Amer.

“He’s here in the Philippines!”

Dahan-dahan akong napapikit. Umuwi siya? Pagkatapos ng ilang buwan, ngayon niya pa napiling umuwi na pinuntahan ko siya?

I remember how he found me that day. Hinipan ako ng hangin patungo sa kanya. Ngayon, hangin din ang nagpipigil sa aming dalawang magkita.

Is this a sign? Destiny’s red flag for me. Dapat yatang tigilan ko ito?

Magsimula na lang ulit ako. Maybe, to finally make use of my degree in interior designing. And probably independent talent as a host or model at the same time. Inisip kong iyon ang gagawin ko kapag nalaos ako. Hindi pa ako nalalaos pero ito na lang ang gusto kong gawin iyon.

“Huy, Amore? Andyan ka pa ba? Do you wanna rest there or we’re going to book you a flight from HK to Manila?”

I am physically tired. I want to stay for the night. I want to sleep. I want to rest.

“Amer, dito na lang muna ako,” mahinahon kong sinabi.
“Huh? Eh… baka umalis ulit siya pagkatapos niyang mag Maynila? Umuwi ka na!”

If fate wants us to be together, siguro kahit na sumakay ako ng bangka sa gitna ng Pacific Ocean, he’ll find me… we’ll see each other.

Kung ayaw ng tadhana, kahit pa puntahan ko siya kung nasaan siya, hindi mangyayari.

“I just want to rest for a bit and enjoy, too.”
“Paano ‘yong gagawin mo?” nagtatakang tanong ni Amer.
“Bahala na. I’m just physical tired as of the moment, Amer.”
“O, sige… I bo-book kita ng hotel.”

I stayed in Hong Kong for a night. Panis na ang adrenaline at ang kagustuhan kong makausap si Vince. All the sudden plans are not going very well. Lalo na noong dumating na ako ng NAIA.

“What?” pagod kong tanong kay Amer nang kanyang tawag muli ang unang pumasok sa aking cellphone.
“I’m very stressed, Amore. Wala na akong pahinga, my gosh! Fuck Vince! I can feel it! Alam niya ang ginagawa mo! Tangina niya! Alam mo bang ayon sa source ko, nag book siya ng flight paalis ng Maynila ulit! Mamaya! Agad! Tang ina niya!”

Suminghap ako. It’s three in the afternoon. Alas kuatro o alas singko na siguro pagkauwi ko ng condo.

“Anong oras daw ba ang flight niya?” tanong ko.
“The flight is ten o’clock this evening! Tumigil ka na nga! Naiirita ako, e. Impossibleng coincidence ‘yan! Ganyan ka daming flights kayo nagkasalise? My God! You don’t have cholera or any airborne disease, why is he acting that way like you’re some allergy! God! Nasstress ako, Amore! Pigilan mo ‘ko! Pigilan mo ‘ko, huh!”

I laughed a bit but I can’t help but agree.

Imposibleng alam niya ang ginagawa ko. Kung alam niya man, does that mean he really doesn’t want to see me. Kung hindi niya alam, isn’t it a bit amazing to realize that it is really fate’s work? To not let us see each other again. Lalo na ngayon?

“Okay.”
“Anong okay?”

I honestly don’t know what to do. Hindi ko alam kung saan siya hahanapin. Mag-aabang ba ako sa condo niya? Paano kong maling desisyon iyon?

Before I could think about another plan, or just give up and start anew, nagreklamo na ang phone ko dahil may isa pang tawag sa kabilang linya.

“Ugh… I can’t think of a new plan, Amer. Can I call you back? May tumatawag kasi?”
“Okay, fine! I hope your new plan does not involve more airports! Bye! Nasa labas si Gelo. Ihahatid ka sa condo mo. Bilisan mo na…”

I put the phone down and started walking towards the exit. Nakita ko agad ang limousine ni Amer at ang kanyang butler na nag-aantay sa akin. Pumasok ako sa loob bago pa ako napansin ng mga tao at nagsimula na nilang dumugin ang limo.

I waved even when the limo is highly tinted and I’m answering my sister’s call. Nagulat lang ako noong lalaki ang sumagot.

“Eury, Eury…” Kuya Dennis’ voice is shaking.
“Kuya Dennis?”

Kay Ate Lyanna itong numero, ah?

“Are you in Manila right now? Shit! Yes, don’t worry, babe… Malapit na tayo.”

I heard a demonic scream on his background. Nilayo ko ang cellphone dahil sa ingay pero sa huli ay kinabahan ako.

“Kuya Dennis, opo. Kalalapag lang ng plane. Anong problema?”
“Your Ate Lyanna is in labor!”
“H-Huh? Hindi ba next month pa?”
“Oo. She’s just suddenly-”
“God! Dennis! Tell her to do the business! It’s important!” My sister is screaming in her own demonic sound.
“Huh?”
“Shit! Uh… May conference kasi mamaya. Kasama dapat ako!”

My sister screamed again. She sounds in pain. Muntik ko nang mapaliko ang limo patungo sa kung saan sila na ospital patungo pero natatakot akong mamura ng kapatid ko. Mukhang importante ang sasabihin ni Kuya Dennis.

“Importante iyon pero ‘di ako makapunta dahil sa emergency na ito. Can you please represent the firm, instead?”

Another demonic scream from my Ate and I’m done. Ayaw ko palang manood sa labor niya, baka maheart attack lang ako sa kaba.

“Okay. Okay. Saan ba? Send me the details.”
“My secretary will send you the details. Sorry, Eury. Sa’yo lang nagtitiwala si Lyanna kaya pasensya na talaga.”
“No problem, Kuya. I’ll do it. Don’t worry.”

So much for a new plan. I sighed when I realized that I’ll be occupied the whole night. Kung aalis siya ng alas diez, there is no chance to see him anymore.

I can’t say no to Ate Lyanna. Not now that she’s in labor. Lalo na’t importante ito para sa kanya.

From my closet, kumuha ako ng isang long gown para sa event. A velvety white dress with a deep sweetheart neckline and long slit. Ang pares nito’y isang itim na single strap stilletos.

I did my own hair and make up. I am expecting media to cover and I’ll just explain that my sister is in labor kaya ako ang mag rerepresent sa company sa ngayon.

Bumuntong hininga ako pagkatapos kong maglagay ng lipstick sa aking labi. Tiningnan ko ang aking mga daliri. I was about to remove the ring when I realized it has left a mark in my ring finger.

Binalik ko ito at hinayaan doon. I specifically wore it when I left Manila for Spain para ipakita kay Vince iyon. Pero ngayong wala rin namang patutunguhan, tatanggalin ko na sana.

It’s almost six. Alas sais daw magsisimula ang conference na dadaluhan ko. I’m late, for sure. All I think about is my lost chance to talk to Vince.

I am literally a walking zombie when I arrived at the venue. The grand hotel has red carpet at maraming reporters ang naroon sa gilid ng aisle.

Sa unahan ay nakita kong naroon na ang mga matatandang CEO ng mga kompanyang related sa construction and infrastracture. This conference is just a social gathering for them. Wala naman daw akong gagawin kundi dumalo lang at irepresenta ang firm namin.

When the media saw my arrival, iniwan halos lahat ng kausap na businessman para lang makalapit sa akin. I walked past them pero sa sobrang dami at ingay nila, hindi na ako pwedeng makatanggi.

“Eury! Eury!” tawag ng lahat. “Just a minute, please.”
“Were you invited here? Or are you representing the Saniel Firm?”
Tumango ako. “Yes, I’m representing the Saniel Firm. My sister is in the hospital. She’s in labor right now. Kasama niya ang brother in law ko so they ask me to come here and represent the firm.”

Teknikal ang bawat sagot ko. Kahit sa tanong tungkol sa suot.

“Who are you wearing, Eury?”
“Uhm… Actually, this is a dress from Chanel. I was not really prepared so I did not have time to have someone design what I’m going to wear.”
“Kahit na! Bagay parin sa’yo!”

Tukso ng mga reporters. Nagtawanan agad sila.

“We heard you haven’t signed your new contract? Is it because you were abroad when it came? Nakita ka raw kanina sa airport? Where were you from? As per your instagram, there is no new update for the past three days?”
“Uh, yes, I went abroad. For your other questions, I don’t think I can answer that. I need to go in. I think I’m late. Sorry…”

I smiled. Dalawang beses na nagpose para sa mga tumawag na photographer sa huli ay umalis na, kahit pa panay parin ang tawag nila.

I went inside the venue to see that all who came here are not familiar to me. May mga nakakakilala sa akin bilang anak ni Architect Saniel, pero hindi ko masyadong maalala kung sinu-sino ang mga iyon.

Isang usher ang gumiya sa akin sa aking lamesa. Tumitigil kami tuwing may isang guest na nagpapapicture sa akin. Sa huling guest na nagpapicture, gumala na ang mga mata ko.

My eyes got fixed at a table full of young people. Nakatayo sa likod lamang noong lamesa ay ang isang taong hindi ko inasahang makikita ko rito.

“C-Can I take a picture of us?”

Nagtawanan ang mga matatandang ginang. Tumango ako at hilaw na ngumisi. Ang mga mata ko’y sumulyap sa lalaking nakatayo sa ‘di kalayuan.

Slowly, it dawned on me that this… could be… the moment I have been waiting for.

He’s talking to two other men. Sa gilid niya’y si Vanessa sa kanyang silver dress. Her hair is in a french twist making her look like part of the socialites. Maybe she is. She’s part of his team, anyway.

Sa upuan, may isang babaeng maputi at beauty queen ang aura. Her doe eyes were fixed at the man in front of her. Nangingiti tuwing may tumatawa ito at sa huli ay tumayo upang tumabi, shoving Vanessa out.

Patuloy parin sa pagpi-picture ang mga ginang hanggang sa pati ang mga matatandang ginoo naman ang nagpakuha ng picture sa akin.

I look awkward in all of the photos. My eyes were glued to him and to the people around him. I can’t help but wonder who he’s with between the two woman around him. O iyon bang babaeng nakaupo sa unahan?

“Gents! Settle down, you! Ikakahiya kayo ni Ephraim kapag nakita niya kayong dinudumog ang anak niya sa seryosong event na ito!” parang si Santa Claus ang boses ng lalaking nagpigil sa lahat ng nagpapakuha ng picture ko.

Napalingon ang mga tabing lamesa sa amin dahil sa ingay ng matanda. And even Vince’s head turned towards us.

Parang lumundag ang puso ko at na-stuck sa lalamunan ko. Hindi ako makalunok o makahinga ng maayos. Agad na umiwas ang mga mata ko sa tingin niya.

God, Eury! You fool! Duwag ka! Akala ko ba matapang ka!? May papunta-punta ka pang Espanya, ngayong nandito na, aatras ka pala?

Huminga ako ng malalim at unti-unting binalik ang tingin sa kung saan siya nakatayo. I saw him resume his talk with his companions.

“Miss, pa selfie? Sorry, last na…” sabi ng isang mas batang babae.
Pumayag ako. And I look constipated in that picture. I look awkward and hurt.
“Ang ganda mo pala talaga sa personal!” anito.
I smiled. Hinawakan ng usher ang braso ko para igiya sa lamesang para sa akin. ‘Tsaka pa lang ako nakawala sa pagdudumog.

Nang nakaupo na ako sa upuan, muli kong sinulyapan si Vince at nakitang naupo na rin siya habang kausap parin ang kausap kanina.

Yumuko ako at tiningnan na lamang ang cellphone. I typed in my message for Amer.

Ako:
Nandito siya sa event.

Amer’s reply was quick.

Amer:
Go! Hanggang ten or earlier lang ‘yan. May flight ‘yan ng Alas diez!

That explains why he came right now. Malapit lang itong venue sa airport, e.

Sa dami ng tao, kailangan ko pang iadjust ang upuan at leeg ko para mahagilap ko siya. Trying to hide myself through the shadows of other people, I saw a bit of him, seriously looking at the speaker in front.

When his head tilted a bit, umatras ako at tumingin sa harap. Ilang sandali ang lumipas, muli ko siyang sinilip.

The beauty-queen-looking woman is telling him something funny. He smiled. They smiled and laughed a bit. It hurt.

Umatras muli ako at muling nakinig kahit na wala namang pumapasok sa utak ko.

Iyon kaya ang bago niya? Or is it Vanessa? Should I choose who I want, already? Sa kanilang dalawa, sino ba ang mas gusto ko para sa kanya?

Kumain at nagsocialize ang ibang tao. As for me, wala akong ganang kumain. Nakita kong pagkatapos kumain ay tumayo na si Vince at may kinausap muling matatandang corporate. Nakita kong iilan doon ay iyong mga kumuha ng picture sa akin kanina. Maybe I can strike a conversation? Maybe I’ll be fine as long as their around?

I gathered all my courage to go to their crowd. Nakita kong namataan ako ni Vanessa. Natigil siya sa pag-iinom ng wine at tumayo. That’s my least concern now. Lalo na ngayong palapit at palapit na ako!

Napatingin si Vince sa akin. Nasa harap ko siya at katatapos lang kausapin ang katabing lalaki. Natigil sila nang nakitang may interes akong sumali sa usapan.

“H-Hi! Uhm…”

Shit! I don’t know what to say exactly!

Ngayong nasa harap ko na si Vince, buhol-buhol na ang utak ko. Walang salitang tama. Tanging ang napansin ko lang ay ang kakaibang pagbabago.

He was already massive months ago. He was already tall and dashing, too. But why do I feel something different right now. Naninibago ako sa kanyang tikas. Naninibago ako sa kanyang dating. Naninibago ako sa kanyang ekspresyon. He was already confident months ago but his confidence right now feels so strange and unfamiliar.

May nagbago. Marami. Hindi ko alam kung ano pero alam kong mayroon. He looks light and carefree now. Unlike the last time I saw him, when I told him that I want my career to bloom. At para mangyari iyon, kailangan wala siya.

He looked so miserable then. So dark and angry. Right now, wala ni anong bakas noon. Walang galit o poot o pagkamuhi. He just looked at me with nothing but a fading smile from their previous conversation. Nakita ko pa nga kung paano medyo hindi siya naging komportable sa pagkakawalan ko ng salitang masasabi sa harap ng mga propesyunal na ito.

“Hija, ikaw ba iyong artistang anak ni Ephraim?” tanong ng babaeng pinakamatanda sa grupo.
“Uh…” tumango ako.

Damn it! I can’t say anything but grunt? What the hell, Eurydyce? You’re not afraid in front of the camera, or on the stage, but in front of him, you’re stupid?

“Naku! Nasaan pala ‘yong kapatid mong Architect? You might not understand what we’re talking about here?”

Oh. Shit.

Kinagat ko ang labi ko at sinubukang ngumiti.

“Naku! Alam mo ‘yong anak ko? Idol na idol niyan si Eury! Baliw na baliw kaya nakapagpicture kami kanina!” sabat noong isa sabay hawak sa aking palapulsuhan.

Pakiramdam ko’y naramdaman niya ang pagkakapahiya ko bigla sa harap ng mga tao. It felt like shit. I don’t know but I just feel like shit!

Hindi ko alam kung maganda bang pinagtanggol ako o kahihiya hiya na kailangan pa akong ipagtanggol.

“Uh… my sister is in labor right now. My brother in law is with her, po, kaya ako ang nag represent sa Saniel Firm.”
“Ah! That’s why…” the old woman nodded and then ignored me. She jumped to another topic involving the crowd.

Sumulyap ako kay Vince na ngayon ay nakikinig na sa babaeng nagsasalita. Slowly, I withdrew from the crowd. Siguro’y wrong move. Maybe I could get him alone? Not with other people?

I spaced out for a little while and the next thing I knew, wala na sila sa kanilang kinatatayuan kanina. Wala rin sa upuan.

Luminga-linga ako at nakita ko sa pintuan ng venue ang pag-alis ni Vince. The beauty-queen-looking girl was with him. I saw him hold the woman’s arm gently, guiding her outside.

Tumayo ako at agad nang naglakad palabas na rin. Maraming humarang para magpapicture pero tinanggihan ko muna dahil sa pagmamadali.

I went out of the venue hanggang sa nasa hagdanan na ako sa harap. Luminga-linga ako para matanaw kung saan sila sumakay pero ang tanging nakita ko ay ang pag-alis ng isang itim na SUV.

Sinundan ko ito nang nakitang bahagya pang nadelay dahil sa traffic. I even ran a bit para lang maabutan. My feet hurts but I need to do it.

Pero bago ko pa maabutan, lumiko na ito at humalo sa traffic. Dahan-dahan akong natigil sa pagtakbo. Naglakad na lang ako at tumigil na sa gilid ng gutter. Naupo ako roon para pansamantalang ibsan ang sakit ng aking paa… at ng nararamdaman.

Parang sirang plaka’y paulit-ulit kong naalala ang pag giya niya sa babae palabas. Ang malambot na hawak niya sa braso nito. At ang paniguradong pag-alis nilang dalawa sa venue.

Paulit-ulit iyon sa aking utak. Inulit-ulit ko at baka sakaling maging masyadong masakit at mamanhid na. My tears fell even when I don’t feel anything anymore. Even when all I feel is the hollowness of my chest.

“Eury! Eury! Anong ginagawa mo rito? Can we interview you for a sec?” a woman reporter asked making it all worst.

Pinunasan ko ang luha ko at tumayo na. But then the reporters flocked towards me to get a scoop.

“Eury? Are you crying? Why are you crying?”
“Eury, is this about Zander?”
“May kinalaman po ba ito sa hindi mo pagpirma?”
“Miss Eury, saglit lang po!”

The reporters were already very aggressive. Hinawakan nila ang braso ko para lang matigil ako sa paglalakad at makuhanan ako ng picture. Yumuko ako dahil sa matinding lights galing sa mga photographers.

“Excuse me, po! Bawal po ‘yan!” sabi noong guard na siyang pansamantalang pumigil sa kanila. “Takbo ka po, Ma’am! Pasok ka sa loob!”

Anito kaya sinunod ko iyon. Could this day… get any worse?

Hindi ko alam saan pa ako pupunta. Ayaw ko nang bumalik sa venue at gusto ko na lang umuwi. This is… a mission failed.

“Eury, sa baba ka po! Para ‘di kayo masundan! Ipasundo ka na lang sa basement!” sabi ng isa pang guard na siyang pumindot ng lift button para sa akin.

Tumango ako at hinintay ang elevator na bumukas habang nagkakagulo na sa bukana ng hotel.

“Umiiyak si Miss Eury, eh! Kailangan naming mainterview!” I heard them say it.

Bumukas ang elevator at pumasok na ako. Pinindot ko ang basement. Pagkasarado nito, doon lang kumawala ang aking hikbi.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

1

One Response to Blown By The Wind – Kabanata 37

  1. It’s really a nice and useful piece of info. I am glad that you shared this useful info with us. Please keep us up to date like this. Thank you for sharing.