Blown By The Wind – Kabanata 36

July 24, 2017 By In Blown By The Wind 1 Comment

Kabanata 36
Regrets

He’s wearing a tuxedo with a cute little black ribbon. Hindi ko alam kung sinong kasama niya. Paniguradong si Andres at si Cassandra.

Luminga-linga ako para mahanap ang kasama niya ngunit tanging ang mga staff lang ang nandoon. Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya. His eyes are fixed behind me and I know why.

“Sinong kasama mo rito? Paano ka nakapasok?” tanong ko.
“Si Mommy at Daddy. Mommy promised she’d let me see you again.”
Ngumiti ako bago tumango.

“May interviews pa tayo, Eury,” si Zander ang nasa likod ko. Siya ang kanina pa tinitingnan ni Milo.
“Susunod na ako. Mauna ka na.”

Zander nodded. Nilagpasan niya kami ngunit kunot-noong nakatingin siya saglit kay Milo. Hindi niya ito kilala kaya hindi na siya nagtanong ng kung ano pa.

“Nasaan ang Mommy at Daddy mo?”

Mabuti at pinapasok siya. May kakilala siguro sila sa staff.

Tinanggap ko ang mga bulaklak na hawak ni Milo. Tipid siyang ngumiti nang inamoy ko ito.

“Nasa labas sila.”
“You look so good. Did you dress up for this?”
He nodded again in a serious manner.

Sa ilang saglit kong titig ay dumaan sa aking isipan ang maaaring mangyari kung natuloy kami ni Vince. My son would look like him. Though, Milo would love a girl playmate. Napawi ang ngiti ko at nagpakawala na lamang ng buntong-hininga.

“Halika, puntahan natin ang Mommy at Daddy mo.”

Nagpatulong ako sa staff. Nasa tanggapan lamang sila ng backstage. They were allowed to go inside but I guess they are not that interested to see me. Naiintindihan ko naman iyon. In fact, I am surprised they allowed Milo to come here and see me.

Sumunod kami sa staff. Ang sabi’y may kilala daw sila sa ilang staff kaya napapasok si Milo.

Kabado ako nang binuksan ang pintuan. Tumayo si Cassandra sa inuupuang couch samantalang si Andres ay kanina pa nakatayo.

“Eury…” tumango si Andres at bumaling kay Milo.

Tipid namang ngumiti si Cassandra sa akin bago tinawag si Milo palapit sa kanya. Milo looked at me. Tumango ako para sabihing bumalik na siya sa Mommy niya but he didn’t move an inch.

“May project si Andres dito sa Maynila kaya napadaan kami. Uuwi na rin kami ng Costa Leona bukas. Pinagbigyan lang namin si Milo. I hope we’re not disturbing you.”

Maagap akong umiling kay Cassandra. It breaks my heart that they think they are disturbing me. A memory flashed on my mind again but I know I should stop. Walang mangyayari kung paulit-ulit ko iyong balikan at iyakan.

“Not at all, Cassandra. I’m actually happy to see Milo… and all of you here…”

I awkwardly glanced at the both of them. Ang nakakabinging katahimikan sa loob ng silid ay nagpakaba sa akin. Hindi na kami nagkita pagkatapos naming maghiwalay ni Vince. And after that, I never thought I’d see them again. Gustuhin ko man ay pakiramdam ko masyado nang makapal ang mukha ko para humarap pa sa kanila.

Kahit pa siguro tinanong ni Cassandra ang kapatid niya sa tungkol sa amin, hindi parin magkukwento si Vince. He’d avoid that topic.

Iniisip ko pa lang ang mga iniisip ng pamilya ni Vince sa akin, pakiramdam ko wala na akong karapatang humarap ngayon. Hindi dapat humahanga si Milo sa akin ng ganito. Hindi na dapat pa nila akong hinaharap ng ganito.

Nanlabo ang mga mata ko kaya binaba ko ang paningin ko kay Milo na ngayon ay nakatingin lamang sa kanyang mga magulang.

“Milo, come here. Your Ate might be busy,” si Andres.
“I won’t disturb her,” he said in a sure tone.

Parang dinudurog ang puso ko sa sinabi ni Milo. Bumuhos sa akin ang mga alaala at habang tumatagal, imbes na manghina at manlabo ang mga ito, mas lalo lamang nagiging maliwanag.

Kumawala ang hikbi sa akin. Pinalis ko ang mga luha sa aking mga mata. Nilingon ako ni Milo. He gave me that worried look so I assured him.

Nagsquat ulit ako para lumebel ang tingin namin sa isa’t-isa.

“Baka maiwan ka rito, Milo…” I laughed. I’m trying to sound happy but I’m failing.
“Bukas pa naman ang alis namin, Ate Ganda,” paliwanag niya.

Lumapit si Cassandra sa amin. Suminghap ako at pilit na kinalma ang sarili.

“Sorry for coming without telling you, Eury.”
“Okay lang… Okay lang…” agap ko dahil iyon ang totoo. I would stop a show kung nalaman kong kailangan nila ako o nariyan sila. Hindi ko na dinagdagan pa.
“Milo,” tawag ni Cassandra sabay bulong sa anak.

Gusto kong alukin si Cassandra na kahit iwan niya si Milo rito pero ayaw ko ring mapilitan siya kung ayaw niya naman talaga. I know that if it’s not because of Milo, they won’t try to see me again.

“Kumusta, Eury?” Andres’ light tone made me a bit comfortable.

Tumayo ako at hinarap siya.

“Maayos naman. Kayo?”
“Hmm… Ayos lang din.” Makahulugan siyang ngumiti ngunit agad ding nagseryoso. “Sikat na sikat ka na.”

Ngumiti lamang ako. Knowing what I have been doing for the past weeks. And what I will certainly not do today.

“Ang bilis ng panahon…” dagdag pa ni Andres. “Vince got another deal in Hong Kong. Nag-aalala kami na baka magustuhan niya na sa ibang bansa.”

Hindi ko inasahan na babanggitin niya ito. May sasabihin sana ako tungkol sa huling sinabi niya pero walang lumabas na salita sa aking bibig. Nilingon ko si Cassandra at nakita kong nakatitig siya sa akin.

Tinikom ko ang bibig ko at tumango.

For the past months, ang tanging ginawa ko ay ang bumili ng lahat ng magazine na related sa kanyang ginagawa. I would see him from there. He doesn’t update his social media accounts that much. Kahit ang ginawang Instagram, ang huling update lang ay isang picture ng skyscraper sa ibang bansa. Wala nang kasunod paglipas ng ilang buwan.

“I-It-It’s not a bad thing, right? He’s doing well in his field,” alu ko sa kanila at sa aking sarili.
“Yeah. I guess so. Ikaw rin…” si Cassandra naman ngayon.

The coldness in her eyes made me tremble. Alam ko na simula sa araw na iyon, ganito na ang mangyayari pero iba parin pala talaga kapag nasa harap mo na at nararanasan na.

“I’m sorry.”

Pinigilan ko ang panginginig ng boses ko. Nagulat ako nang nagawa ko siyang tingnan ng diretso. Her face never changed. Nanatiling sarkastiko at malamig. Naiintindihan ko iyon.

“It’s okay. Alam ko na noon pa na kung hihingin mo iyon sa kanya, ibibigay niya ng buo sa’yo. He was never really like that to me, to his colleagues, and to himself. Sa’yo lang. He’s linient when it comes to you. Iyon ang ikinakatakot ko para sa kanya. Pero… kalimutan na natin iyon, Eury.”

Parang tinutusok ng punyal ang puso ko. Gusto kong sabihin kay Cassandra na hindi ko iyon makalimutan kaya lahat ng gagawin ko simula ngayon ay para kay Vince na. But I guess it’s not a good time to say that. She’s moved on from it and I would let her have her peace of mind. If I tell her now, iyon na naman ang iisipin niya sa akin.

“Vince has moved on. Sa dami ng tinatanggap niyang trabaho ngayon, I think he’s happy with what’s happening to his career. He’s become the biggest architect in Asia and he’s young. We all make mistakes. Iyong ginawa niya sa’yo noon, parte lang iyon ng mga aral niya sa buhay,” she said coldly.
Wala akong magawa kundi tumango.
“I hope the woman he’s with will finally make him at peace, too.”

Namilog ang mga mata kong tumingin kay Cassandra pero agad ko ring kinalma ang sarili ko. I need to stand and stay strong. That’s part of the consequences!

Kung mayroon man siyang girlfriend ngayon, ayos lang. I broke up and I set him free. He’s free to see someone else. He’s free to like someone else. He’s free to love someone else whenever he wants to…

Parang dinudurog ng paulit-ulit ang puso ko nang napagtantong baka hindi niya naman talaga gustong magmahal. Kusa niyang minahal ang bagong babae sa buhay niya. He fell in love. Like it’s the light after his darkest hours. The tallest and brightest skyscraper in his cold night.

The toxic love I gave him made his nights dark and the new love he’s found will illuminate all the dark corners of his life. Para akong mamamatay sa sakit tuwing iniisip iyon.

Gusto kong umatras pero kung aatras ako ngayon, masasabi ko bang nagawa ko ang lahat?

“I-I’m glad that he’s… Is he still in Spain?”

Nagulat ako sa boses kong matapang parin. Ilang buwan pa lang, sanay na sanay na ako sa pagpapanggap at pag-aartista.

“Yes, he’s still in Spain.”

Tumango ako at huminga ng malalim.

The next three minutes were spent in convincing Milo that they need to leave. Para na rin magawa ko na ang mga dapat gawin lalo na’t tinawag na ako ng isang staff para sa isang interview.

“Milo,” tawag ko sa huli.

Nilingon ako ng bata. He innocently smiled at me thinking that I’m not going to convince him like what his Mom and Dad is doing.

“Sige na. Bibisitahin kita kapag may oras ako kaya sumama ka na sa Mommy at Daddy mo. May gagawin pa ako.”

Napawi ang ngiti niya pero sa huli ay tumango rin.

Wala ako sa sarili buong araw. Ang mga interview ay parang routine na lang sa akin. Ang mga intriga ay madaling sagutin. I almost can’t feel anything for my work. And a week or so from now, lalabas na ang natatanging interview na binuhusan ko ng atensyon at pagsisikap.

Paulit-ulit ang sinhap ni Tita Daisy habang tinatanaw akong nakatingin lang sa kawalan. Sakay ng van, nakahalukipkip at tinitingnan ang bawat sasakyang nadadaanan namin.

I remember how she discouraged me to do that interview. That was the only interview she did not want me to do.

“Magbabago pa ang isip mo, Eury. Matagal lumabas ang interview na iyan. Baka sa huli, magbago ang isip mo pero lumabas na,” iyon ang sinabi niya sa akin.

Pero hindi. Hanggang ngayon, iyon parin ang nasa isipan ko. Hindi nagbago. Pakiramdam ko, walang makakapagpabago nito.

“Sinabi mo ba sa interview na ito lahat, Amore?” sa tabi ko ay si Amer. Sa tabi niya naman ay si Genta habang si Tita Daisy ay nasa front seat at nanatiling nakatingin sa akin.
“Yup,” sagot ko.

Binabasa ni Amer ngayon ang sample ng lalabas na magazine para sa susunod na buwan. Naroon lahat-lahat ng gusto kong sasabihin. Sa ngayon, wala nang makakapigil pa sa paglabas nito.

It’s on the printers. Weeks from now, ilalabas na iyon at bibilhin na ng publiko.

“Sinabi mo ba kay Zander kanina?” tanong ni Tita Daisy.
“Hindi po,” sagot ko sabay tingin kay Tita Daisy.
She groaned knowing that she probably got a lot of explaining to do.
“Ako na po ang magsasabi sa lahat. Huwag po kayong mag-alala.”
“Kailan ka ulit aalis?”
“Bukas ng gabi,” sagot ko.
“Eh, kailan ka babalik, Eury? Pano kung lumabas na iyan bago ka pa nakabalik, sakin sila magtatanong.”
“I will be back, immediately, Tita. Pagdating ko doon, hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. Uuwi rin ako pagkatapos.”
“But what if he asks you to stay there. God! Are you going to phone Colleen and Zander? For sure, hindi iyon makakapayag na sa cellphone ka lang mag eexplain.”

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Tita Daisy is seriously thinking that Vince and I will fix this all up. Munting ligaya ang namuo sa aking puso. Kahit na hindi naman totoo pero ang isiping may naniniwalang magiging maayos kami ay positibo para sa akin.

“Last day ng kontrata mo ngayon sa istasyon. I have here your new and bigger contract. I know you won’t sign it anymore but your fans, everyone, will be shocked! This is the peak of your career. Mas dadami pa ang pera mo, Eury. Mas lalaki ang pangalan mo sa industriya. Bata ka pa at malayo pa ang mararating mo! They will be shocked with that news. Lalo na dahil wala kang sinabihan at hindi mo man lang inunti-unti!
“Hindi ho ba nagduda si Ma’am Colleen na walang pinirmahang endorsement si Miss Eury, Ma’am?” si Genta.
“Siguro hindi. Hindi noon maiisip na may iisiping ganitong kababalaghan itong si Eurydyce. Walang matinong artista na titigil bigla sa gitna ng kasikatan. Unless of course kung buntis. Which will probably be the first thing that will come out once they realize that you’re out!”
“Ayos lang ‘yan, Tita. Mabubuntis na rin si Amore, kung magiging totoo ‘yan!” Humagalpak sa tawa si Amer.

Tinapunan ko siya ng tingin. Ngiting-aso lamang ang ginawa niya pagkatapos ay nagpatuloy sa pagbabasa.

“Ewan ko sa inyo. Naku! Sumasakit ang ulo ko! Pakiramdam ko malapit na akong atakehin sa puso!”

Ihahatid si Tita Daisy sa mall show ni Carrie ngayon. Kami naman ni Amer ang makikipagkita kay Ate Lyanna para makapagpaalam ako sa kanya bago ako umalis.

Sa kanya kasi ako tumuloy nang pinalayas ako nina Mommy at Daddy. I stayed with them for about two weeks before I finally found a condo of my own.

I can clearly remember what happened that day. I was so broken and disappointed with myself. Pero iyon lang ang naisip kong paraan para maisalba ang lahat ng ito.

Hindi na ako umuuwi sa condo. Nagtatagal ako sa istasyon para sa mga proyekto. At kung may oras man para umuwi, pilit akong natutulog sa istasyon dahil hindi ko alam paano haharapin si Vince.

He’ll give up everything for me kahit na wala rin akong maibibigay sa kanya kundi ang kasiraan. So might as well end us.

Umuwi ako sa bahay isang gabi, pagkatapos ng lahat-lahat. I did not mind to get my clothes or my things in his condo. Hindi ko kayang magkita ulit kami roon.

“Anong ginagawa mo rito?” iyon ang paunang sigaw ni Daddy sa akin palapit pa lang ako sa pintuan.

Both in their silk robes, nakaabang ang mga magulang ko. I can only see their silhouettes because the light from inside our house is too bright.

“Dad… Mom…”
“Akala mo tatanggapin ka namin dito?”

Naglakad si Daddy palapit sa akin kaya mas lalong naging klaro ang kanyang mukha. He looks so angry. I know they know that Vince and I broke up. Kaya ako babalik ng bahay para roon na pansamantalang tumira.

“Umalis ka rito! Bumalik ka roon kay Vince! Humingi ka ng tawad! And quit your worthless job!” he screamed.

Parang hindi ako napagod umiyak. Umiyak ako buong araw at ngayong gabi na’y patuloy na tumulo ang luha ko.

“Mommy,” I cried for my Mom. Baka tanggapin niya ako pero ang tanging nagawa niya ay umiling.
“Sige na, Eury. Mag-eeskandalo lang ang Daddy mo rito. Bumalik ka na kay Vincent at humingi ka ng tawad.”
“Mom, Dad, hindi n’yo naiintindihan-”
“Wala kang uuwian dito, Eurydyce! Bumalik ka roon sa kanya! Humingi ka ng tawad. ‘Tsaka tayo mag-uusap!” si Daddy, nanggagalaiti.

I know how much they want Vince for me. Or even Vince as part of their family. Kung noon ay kinamumuhian ko ang kanilang rason, ngayon parang wala lang sa akin ang lahat. I’m not even jealous or hurt that Vince is more important for them. Vince is more important for me than anyone else, anyway.

“Dad, please, pakinggan mo muna ako-”

Hindi pa ako natatapos ay nagsisigaw na si Mommy para pigilan si Daddy. Daddy dragged me out of the gates. Kinuha niya ang bag na dala ko at tinapon sa kalsada. Tinuro niya ang aming driver.

“Ihatid mo ‘yan kay Architect Hidalgo!”

Wala nang dagdag pa’y bumalik siya sa loob ng bahay. He locked the gates while I’m crying, unable to even stand.

“Anong nangyayari diyan!?” sigaw ni Ate Lyanna sa likod.

Ang liwanag ng ilaw galing sa kanilang sasakyan ay nakabubulag. Pero dahil puno ng luha ang aking mga mata, balewala sa akin iyon.

“Eury, what happened to you?” she asked nang lumuhod sa aking harapan para matulungan ako.

Sa aming tatlo, si Ate Lyanna ang hindi ko masyadong makasundo. But at that time, I was too broken to choose who I’m going to lean on to.

“Wala na kami ni Vince, A-Ate,” nanginginig kong sinabi.
“Huh? B-Bakit?” the panic in her voice almost feels like Mom’s.

I know she hated me from there. I know she did not understand my decision. I never told her anything sa takot kong kumalat at malaman ng lahat. Pero tinanggap niya ako sa bahay nila ni Kuya Dennis. Even when she despised me so, hated me so, she had sheltered me when my parents failed to. When fame did not materialize to comfort me. Sa panahong ang tanging nagagawa lang ng kasikatan ay ang bigyan ako ng pera kasabay ng pagbibigay din ng kasiraan sa akin at sa taong nakapaligid sa akin.

“Bakit kayo naghiwalay?” tanong niya ng pang ilang beses dahil wala akong binibigay na rason.

Sa hapag, sa kwarto, sa sala, kahit saan, kapag natatanaw niya ako ay tinatanong niya iyon kalaunan. Ngayong nandito na ako sa bahay niya, I know she needs to understand what happened. But I still don’t have the courage to tell her.

“I’m sure it’s because of you. It will never be because of him,” aniya.

Wala akong imik habang tinitingnan ang aking pagkain. Naghahanap na ako ng matutuluyang condominium.

“Umalis na siya. Nagtrabaho na abroad, sagutin mo ako ngayon, ano ang nangyari?” tanong ni Ate Lyanna. “I just heard from the office that he almost did not sign the biggest contract in Spain because he wants to stay in the Philippines. Kaya imposibleng siya ang may problema. Ikaw ang may problema,” mariin niyang sinabi.

Nag-angat ako ng tingin kay Ate Lyanna. The coldness of her eyes told me that she’ll never understand my reason. Lalo na ngayong wala pa ako sa sarili. Hindi ko madedepensahan ang sariling desisyon.

“That good girl you paint on that stage, for your fans, is so fake, Eury. You’re always good at fooling people with your false facade! Sabihin mo sa akin, anong katangahan ang ginawa mo!?”

Hinampas ni Ate Lyanna ang lamesa dahilan kung bakit tumalon ang mga pinggan. Nahuli si Kuya Dennis ngayon dahil sa isang pribadong trabaho. Hindi nila ako madalas kasama sa dinner dahil sa schedule ko kaya ngayong nasa hapag ako, sinasamantala na ni Ate Lyanna ang mga tanong.

Her stare is as cold as the blue dress she’s wearing. And the dress is as blue as her name, Sapphire. She’s retained her classic look, even now that she’s pregnant with her first child. Her body is still like a model’s. Mahirap ang pagdadalang-tao niya kaya si Kuya Dennis ang nagtatrabaho pansamantala. I cannot imagine her marrying Vince. At siguro sa pag-iisip na iyon ang dahilan kung bakit sa kanilang dalawa ni Ate Reanne, siya ang hindi ko masyadong gusto.

“You’re lucky…”

Bumuhos ang kanyang luha. Bahagya akong kinabahan dahil nagdadalang-tao siya. Agad na pumasok ang nurse kasama ang isa sa kasambahay para alalayan siya pero tinaas niya ang kamay upang pigilan ang mga ito.

“You’re lucky Dad’s allowed you to marry someone you love!”
Parang hindi ako makahinga sa sinabi ni Ate Lyanna.
“Samantalang ako? Tapos ngayon, ganito lang ang mangyayari, huh, Eurydyce?!”

“Ma’am, makakasama po ‘yan sa Baby ninyo,” the nurse interrupted.

“Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong nilakad ni Daddy kay Vince, Eury! While I know that he doesn’t like me, I also have someone I want! Pero wala akong magawa dahil hindi iyon ang gusto ni Daddy! He wants a talented architect!”

My jaw dropped at her confession.

“You think I want this, too!? I don’t want it! I don’t want to become an architect! Pero sinunod ko ang lahat ng iyon! I thought you were brave for always defying our parents’ rules! I thought you were bound to get everything you love in this life, not like me… or Reanne, pero bakit ganoon? Huh? Binigyan ka ng pagkakataon, bakit mo sinayang?!”
“Ate Lyanna…”
“Noon pa man, alam ko na na naiinggit ka kay Vince! Naiinggit ka dahil binibigay ni Mommy at Daddy ang atensyon na para dapat sa’yo sa kanya! Pero ngayon, Eury, hindi mo ba nakikita? You thought our parents favored us? Kaming dalawa ni Reanne? Really?”

I know she’s been emotional for the past weeks. Kaya hindi na ako dumugtong.

“We grew up prim and proper because they trained us to be! We grew up liking what they want us to be because we need to follow whatever they want for us! Pareho din naming pingasawa ang taong gusto nila para sa amin, Eury! Anong nangyari sa’yo?” her voice reached probably all corners of their house.
“You have your dream career! You can marry the person you love! And it’s Vince, right? You can marry him without displeasing our parents, pero bakit mo siya pinakawalan? Kompleto ka na, Eury! Ikaw na ang pinagbigyan ng mga magulang natin sa huli, pero bakit pilit mong sinisira?”

Pinalis niya ang luha sa kanyang mga mata. Hinampas niyang muli ang lamesa bago tumayo para talikuran ako.

Inisip ko noon, pinoprotektahan ko lang si Vince.

Umabot din ako sa pag-iisip na ayos lang dahil kung hindi naman ako hinipan ng hangin patungo sa Costa Leona, hindi rin naman magiging kami. So let’s just all pretend that Hubert and Flyn did not happen. Let’s pretend that we’re back to the beginning. When I was a rising star trying to fit into showbiz.

Lahat ng rason, naisip ko na pero sa huli… sa gabi… sa paghiga ko sa kama para magpahinga… mga luha ang naging katabi ko.

I alos thought I can’t be completely happy. Nobody is successful and happy at the same time. This is okay. I can deal with this.

But… months after, I realized I can’t deal with it. I can’t stay and shine brighter than anyone else. That is not what I want in this life. That is not my paradise.

Nilapag ni Amer ang draft ng magazine sa harap ni Ate Lyanna.

She’s now around eight months pregnant. Time flies so fast, huh.

“Nandito ang sagot sa mga tanong mo, Ate,” sabi ko sabay turo sa magazine na kanina’y binabasa ni Amer.

A week ago, pinagkatiwalaan ko ang isang writer para isulat ang nangyari simula sa simula hanggang sa huli. Hubert also got involved. He is very willing to confess, not to justify his side, but to make people understand that passion can also lead to evil.

Binuksan ni Ate Reanne ang magazine. She stopped flicking the pages when she saw my final photoshoot and its headline.

“Eury Saniel: The Bad Girl Behind.”

Nagtaas ng kilay si Ate Lyanna at hindi na binasa pa ang laman ng buong interview. Pakiramdam ko’y alam niya na kung anoi iyon sa pamagat pa lang.

“This is career suicide, for sure.”
I smiled. “I’m not signing any contract anymore. If I get booed, I won’t be on that stage… or anywhere anymore.”
“Hmm!” she laughed a bit. “Bold move. Paano kung wala ka palang babalikan?”

Shit.

“Ah…” Napayuko ako.
“Nawala mo na ang career mo, wala ka ring love life, ‘di ba?”
“I can work independently-”
“Start from scratch again? Still showbiz.”
“Anything. Kaya ko pa namang mamuhay ng ilang taon ng walang trabaho.”
“Don’t worry, Amore… susustentuhan kita kung sakaling wala kang makuhang trabaho!” Amer laughed.
Umiling si Ate Lyanna. “I heard he’s dating someone.”

Natigilan ako. Ate Lyanna’s brow shot up. Una kong narinig iyon kay Cassandra. And now to hear it from Ate Lyanna… sucks big time. They are on the same field, she should know. Or at least Kuya Dennis would know!

“Willing kang manggulo? Eury Saniel: The Real Bad Girl…” she smirked.

Abot-abot ang tahip ng puso ko. Kahit si Amer ay walang pang adlib sa sinabi ni Ate. Palinga-linga lang ito at naghihintay sa sasabihin ko.

“Hindi naman ako…” I stopped mid sentence to breath because my heart is hurting so much. “Manggugulo, Ate. Sasabihin ko lang naman sa kanya. Uuwi rin ako.” Umiling ako. “Hindi ako aasa.”
Tumango si Ate Lyanna. “Good. Then you’re good to go.”

I cursed softly while wiping away the sudden tears.

“Ah… Shit…” Suminghap ako.
“Amer, update me about it. For sure, ikaw lang ang sasabihan niyan.”
Nagkibit ng balikat si Amer. “Yes. I arranged everything for her ultimo ang hotel niya roon, ako pa ang gumawa. No problem.”

I am leaving for Spain. And I don’t care what happens after this. May I live a life with no regrets.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

1

One Response to Blown By The Wind – Kabanata 36