Blown By The Wind – Kabanata 35

July 24, 2017 By In Blown By The Wind 1 Comment

Kabanata 35
Fame

I want to make so many excuses for myself. That maybe, I don’t deserve it. Sa lahat ng ginawa ko noon, hindi ko na mapapantayan pa ang nagawa niya. At tama lang na ganito ang magyari dahil hindi ko na kayang masira siya ng paulit-ulit dahil sa akin.

I want to convince myself that it is because of that. In fact, I was very convinced at that time kaya ko nagawa.

The crowd roared when I stepped out of the curtains. I smiled at all the people around me.

Tunay na malaking loveteam sina Blair at Zander noon, but this is just out of this world. I can feel the whole building trembling as the people jumped up and down because of happiness.

I waved. Naghiyawan ulit sila. Parang lumilindol sa buong mall. Some are even wiping their tears. How can this moment be an emotional moment for them when I, in turn, feel nothing.

At bakit sa lahat ng panahon, ngayon ko pa napagtanto ang lahat?

He was always giving to me. I thought what I did was heroic. I thought I saved him from his fall. I thought I’d be happy seeing him succeed alone, without me. But I was wrong.

Maaaring nagsakripisyo ako. Inisip ko siya. At kailangan kong panindigan ito dahil nagawa ko na. Pero bakit hindi ko kaya. Hindi pa nagtataon, namamanhid na ako. I feel like I’m living but I’m not really alive.

Ang sabi ni Tita Daisy, love is not the only thing that can make us happy. Making other people happy can also make us happy. Bilang pang-alu sa naging desisyon ko. Pero bakit ganito? Making all of these people in front of me happy does not make me happy… at all!

“Pupunta ka, Amore?” tanong ni Amer sa akin.

Hindi ko na ito gusto pang balikan. This is the one part of my childhood that I want to forget. But right now, in front of this crowd, ngayon ko lang napagtanto kung ano talaga ang sinakripisyo niya sa araw na iyon.

“Oo.”
“Pinayagan ka ba?”

Pouting, I glanced at Amer. Ngumiwi siya sa ipinakita kong mukha.

Hindi naman ako pinapayagan ng parents ko sa kahit anong tungkol dito, e. Kaya hindi na ako nag-abala pang magpaalam. I know I can do this alone.

“Hindi na kailangan,” iyon lamang ang naging sagot ko kay Amer sa araw na iyon.

Nilapitan ko ang driver na siyang kumukuha sa akin pagkatapos ng school. Sa loob ng bag ko ay ang pamalit na damit para sa pagpunta ko sa Go-See.

I’m a very interested to try it. Lalo na dahil ang mga sikat ay galing sa agency na iyon.

Hindi ko man siguradong alam kung saan talaga ang building na tinutukoy, paniguradong alam naman iyon ng taxi kaya magiging madali lang ang lahat ng ito. I’m sure a couple of hours is alright.

“Manong, sasabay na po ako kay Amer pag uwi.”
“Sigurado ka, Eury? Baka mapagalitan ka ng Daddy mo?”
“Pakisabi na lang po na may gagawin pa kami pagkatapos ng school-”
“Pwede naman kitang antayin para hindi ka na mapagalitan.”

If I bring our car to wherever I need to go, malalaman ni Daddy at Mommy na sinusuway ko na naman sila. That I’m pursuing this career again, the one they hate so much, and the only one I’m probably good at.

“Huwag na po talaga. ‘Tsaka nagkasundo na kami ni Amer, e.”
“O… sige… Mag text ka sa Daddy mo, ha? Itetext ko rin siya.”

I nodded confidently. Para hindi niya makitang may kababalaghan akong gagawin mamaya.

Ilang sandali pa akong tiningnan ni Manong bago tumalikod at sumakay na sa aming sasakyan. Hinintay kong mawala ang aming sasakyan. Nanatili ako sa gilid ng kalsada habang ginagawa iyon.

Pressure hit me when our car disappeared. Kailangan kong matapos ng maaga. Kailangan kong umuwi sa tamang oras. Kailangan ko ring ayusin ito.

Bukod sa masisisante si Manong kung matagalan ako, mapapagalitan pa si Amer ni Daddy. I made him an excuse and he did not even know about it. Alam niya lang na tatakas ako pero hindi niya alam na sinabi kong magkasama kami. I don’t want my parents to hate him just because of my petty excuses so I must do this fast and well.

Kumuha ako ng taxi. Luckily, the building is a bit known in Mandaluyong as a residential building so there is no need for me to know where it is.

When I stepped out of the taxi, halong kaba at excitement na ang naramdaman ko. Sa reception ay pinakita ko na lamang ang calling card ng lalaking nagbigay sa akin nito sa eskwelahan. Luckily, they confirmed that it is existing in this building.

Pumasok ako sa loob. Sa elevator pa lang, I practiced everything in my mind. Kung sakaling ipapagcatwalk ako, kaya kong gawin iyon. Nakapagpractice ako sa amin. Kung sakaling picture, mas lalong kaya ko iyong gawin.

Like other go-see’s, they usually try everything. Minsan may instant photoshoot pa, iyon ay kung tingin nila’y may potential ka.

At gaya ng mga naririnig ko noon, tama sila. This industry has its dark sides behind the curtains. Most especially when you are still a rookie. When you are a beginner to everything.

“Eurydyce Amethyst Saniel, tama ba?” a tall man opened the door. Binasa niya rin ang pangalan ko sa kanilang file.
Tumango ako. “Ako po ‘yon.”

Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa bago nilakhan ang bukas ng pintuan. Pumasok ako sa loob.

Ang sala ng unit ay ginawang studio. Kumpleto sa gamit gaya ng camera, lights, backdrop, at kung anu-ano pa. Mayroon ding isang silid sa gilid lamang ng maliit na kitchen nito.

Sa loob ay may dalawang babae. Ang dalawa’y mas matanda lang siguro ng isa o dalawang taon sa akin. Parehong mapuputi, chinita, at maitim ang buhok.

They don’t look like they know each other. Ang isa’y nakaupo lamang sa upuan habang nininerbyos na tinitingnan ang babaeng tinututukan ngayon ng camera.

The girl in front is wearing a small size bikini. Balingkinitan siya kaya bagay iyon sa kanya. The photographer directs the poses. Ginaya naman noong babae ngunit napangiwi ako. The poses were a bit too daring.

Nilingon ko ang babaeng nakaupo rin. She’s wearing a robe. For sure, bikini o underwear lang din ang nasa loob.

“She looks very fine, Don. Sino ang nagscout sa kanya?” sabi ng nakatinging lalaki sa akin.
“Ah. Eto po ang calling card na binigay sa akin.”

Ibinigay ko ang calling card sa lalaki. Habang binabasa iyon, he sucked in his cigarette. Tumango siya sa akin at nilapag ang calling card sa isang maliit na mesa.

Hinawakan niya ang braso ako at pilit na pinatalikod. Pagkatapos ay pinaharap muli.

“Magbihis ka na,” anito.

Ngumiti ako at tumango. Tiningnan ang silid na itinuro niya bago nag tanong.

“Anong susuotin ko?” tanong ko.
“Just strip. Leave only your underwear.”

Nanuyo ang lalamunan ko. Ilang sandali akong natulala bago tuluyang nakumbinsi ang sarili ko.

This is how it is usually in this industry. Hindi na dapat ako nagrereklamo! Swerte na nga at nandito ako!

Pumasok ako sa silid para maghubad ng damit. Kinuha ko ang roba at sinuot.

Wearing only my pink and lacey underwear inside the robe, I went out of the room. Pagkalabas ko, tapos na ang naunang babae. Ang nasa gitna ng studio ngayon ay ang kaninang nakaupo.

She’s also wearing only her undies. Nakatungtong sa isang malaking box, may dalawang lalaking nagbibihis sa kanya ng damit na gutay-gutay.

Kinakabahan ako. Para saan kaya ang pictures na ito?

Nilingon ko ang dalawa pang lalaki malapit sa kitchen para magtanong pero naunahan ako. Hinawakan ako ng isang lalaki at pinatalikod. Ang isa naman ay hinubaran ako ng roba. A slow whistle echoed in the room.

“You’re still minor and you have that kind of body? Wow!”

Pinupuri ako pero bakit parang hindi ako kumportable?

“Suotin mo ito…”

Nang nakita ko ang isang puting t-shirt, I felt relieved. At least I am not going to be photographed with only my underwear.

Sinuot ko kaagad iyon. Kasabay ang pagsulyap sa babaeng kinukuhanan ngayon. Dalawang lalaki ang nasa kanyang tabi. Patuloy ang click ng camera kahit nandoon iyong dalawa. I craned my neck to see whatever those two men are doing beside the girl pero ‘di ko makita.

Pumikit ang babae habang kinukuhanan ng picture. She leaned back a bit, tila ba pagod na pagod siya. Pilit kong tiningnan kung ano ba talaga ang ginagawa pero bigla naman akong kinausap ng lalaki sa tabi.

“Kung magiging masipag ka at masunurin, malayo ang mararating mo, hija.”
“Masipag po ako at masunurin!” in an effort to please them, at least.
The other man laughed. “Tingnan natin. Kung ito talaga ang gusto mo, kailangan mong magsipag. Kailangan wala kang reklamo. Dahil kung dito pa lang, nagrereklamo ka na, naku!”
“Huwag po kayong mag-alala sa akin! Gustong-gusto ko po ito kaya hindi ako magrereklamo!”

Nagkatinginan ang dalawang lalaki sa aking harap. Para bang may lihim silang pag-uusap na hindi ko mabasa ng nakatingin lang sa kanila.

Ilang sandali pa nila ako kinakausap habang ang babae at dalawang lalaking katabi niya ay patuloy sa pagsho-shoot. All this time I thought those other two males are part of their team. Hindi ko inakalang model din pala sila?

Nakasuot na ako ngayon ng isang oversized white t-shirt. Wala mang shorts, mas naging kumportable parin ako kumpara doon ni t-shirt ay wala.

Nakarinig ako ng daing galing sa pinagsho-shooting-an pero binalewala ko na dahil sabi’y patapos na raw ang shoot nila.

“Tapos na! Sunod naman!” sabi noong photographer.
“Ikaw na!” the man cheered for me.

Tumango ako at dumiretso na roon sa studio. Naabutan kong kumukuha ng gamit ang babae kanina. Ngumiti ako sa kanya pero nag-iwas lamang siya ng tingin. She’s not very friendly, huh?

Dumiretso siya sa kwarto kaya hindi na ako nagkaroon ng oras para kausapin siya.

“Upo ka diyan,” utos ng photographer na nakashades kahit na wala namang araw dito sa loob ng silid.

Tumango ako at naupo na isang highchair. Tinanggal na nila iyong puting box na inupuan ng dalawa kanina.

Dalawang shots, pumorma ako. But the photographer did not looked pleased. Tumikhim ako at tumingin sa aking pwesto.

Kinausap niya ang dalawang male models na kasama ng babae kanina. Tumango ang dalawa sa bulong ng photographer at nakita kong kumuha ng gunting ang isa.

Napalunok ako sa kaba. Lalo na nang palapit na ang lalaking may hawak na gunting sa akin.

“Sayang ang katawan mo kung tabunan. Kailangang makita. Gugupitin nila ang t-shirt mo, ha, hija?” the photographer said sweetly.

Bakit hindi ko na lang tanggalin, kung ganoon? But they said I need to be obedient so I nodded.

Hawak ang aking damit ay ginupitan noong lalaki kung saan saan. Malaki ang mga sugat ng damit, kita ang pusod ko pati ang aking bra.

Kabadong-kabado ako the whole time na hindi na ako makapagrelax. Kahit pa noong sinabing kinukuhanan niya raw kami habang ginugupit-gupit ang damit ko.

The other male model started ruffling my hair. Hanggang sa pumwesto siya sa likod ko at nagsimulang singhutin ang aking buhok. The other male model is still cutting my t-shirt into strips and slightly caressing my legs.

A buzz-like sound echoed inside the room. Suminghap ang photographer at bumaling sa mga lalaking siyang nag bukas ng pintuan. Kabado ako pero pinipilit kong makisama para makapasok ako sa agency na ito.

“Sino ‘yan?” narinig kong tanong ng nagbukas ng pintuan.

The male model stopped cutting my t-shirt. Imbes ay pinunit niya na iyon dahilan ng bahagya kong pagkakaalarma.

Mabilis ang naging pangyayari. Vincent’s punch landed on the man’s face. Dahilan kung bakit ang photographer at ang male models na katabi ko ay nagpanic na rin.

“Ano ‘yan!?” sigaw ng photographer.

Namilog ang mga mata ko nang nakitang buong lakas niyang tinulak ang isa pang lalaki dahilan kung bakit maingay na kumalampag ang mesa at mga silya ng kanilang dining area. Pati ang iilang mga plato!

Tumakbo agad ang photographer sa silid kung saan siguro nagbihis ang babae at ang dalawang male models na nasa tabi ko ay hindi malaman kung anong gagawin.

“Eury! Halika na!” Vince’s neck corded with anger and probably panic.
“Huh?” confused, hindi ako gumalaw.

Ang tanging nasa isip ko lang ngayon ay ang takot at pagkakalito. Bakit niya pinagsusuntok ang mga scout? Ano ang ginagawa niya rito? And, oh my gosh, alam ba ng aking mga magulang na nandito ako?

Hawak ang aking braso ay kinaladkad ako palabas ni Vince sa silid. Nilingon ko ang bumabangong scouts. Sinarado nila ang pintuan ng padabog.

Marahas akong pinasok ni Vince sa elevator. And just like that, the opportunity I thought was mine disappeared into thin air.

“What the hell are you-”
“What the hell are you doing?!” inunahan niya ako sa isang galit na tono.

Sobrang sakit ng pagkakahawak niya sa aking braso. Binawi ko iyon ngunit mahigpit ang hawak niya.

“Bitiwan mo ako!” pilit ko.
“Nababaliw ka na ba?” sigaw niya.
“Ikaw ang nababaliw!” sigaw ko pabalik.

I’m a bit confused but one thing is for sure… and that one thing is enough to send me to hysterics.

“Oh my gosh!” tumulo ang luha ko na dala ng kaba at iritasyon.

Tinuro ko si Vince. He looks so angry pero mas galit ako ngayon.

“Sinong nagsabi sa’yo na nandito ako? Huh? Sinundan mo ba ako?”

He laughed mockingly like I just told him a joke.

“Gusto mo yatang ipahamak ako, e! Ano? You’re trying to find fault on me para magpasipsip sa mga magulang ko? Hindi pa ba sapat sa’yo na mas tinuturing ka nilang anak kesa sa akin?!” parang gripo ang luha ko.

Napawi ang demonyong ngiti niya at unti-unting napalitan ng pagseseryoso.

“Alam mo ba kung ano iyong pinasok mo roon?”
“Oo! That was my best shot to pursue my passion and yet, you’re here, selfishly trying to bring me down! Anong sunod na gagawin mo? Isusumbong mo ako kay Mommy at Daddy? Iyon ay kung hindi mo pa ako sinusumbong-”
“Eury! Hindi mo naiintindihan! I just saved you from those assholes! You think it was a legit agency?”
“Are you kidding me? Anong alam mo sa mga agency?”
“One look, alam kong may mali na roon! Look at you! Puro mga manyak ang naroon at hindi natin alam kung saan nila gagamitin ang mga picture mo! O baka may plano pa silang pagsamantalahan ka!” iminuwestra niya ang damit kong gutay-gutay.

Hinubad niya ang kanyang t-shirt at niyakap niya ang aking baywang gamit iyon. I pushed him away from me but he didn’t move. Buong lakas ko siyang tinulak at sinampal muli ‘tsaka pa lang siya natinag.

“Ikaw ang manyak dito-”
“Pumunta tayo sa pulis!” sabi niya sabay hila muli sa akin.

Ang takot ko ay mas lalo lang nadepina. Kapag pupunta kami sa mga police ay malalaman ni Mommy at Daddy na pumuslit ako. Hindi lang ang driver ang masisiira, pati na rin si Amer. And who knows what will happen to me?

Sinalampak niya ako sa loob ng taxi. Pinagtitinginan na kami ng tao pero dahil mabilis niyang inutusan ang driver kung saan kami patungo ay agad din kaming nawala roon.

He instructed the driver to go to the nearest police station. That’s when I started to hyperventilate and cry.

“Ano ‘tong ginagawa mo? Pinapahamak mo ako!” sigaw ko.

Hindi makapagsalita si Vince. Maybe he’s guilty.

Pinalis ko ang mga luha sa aking mga mata. Kunot-noo niya akong tiningnan.

“Kapag malaman ni Mommy at Daddy ito, paniguradong patay ako! Oo! Iyon naman ang gusto mo, ‘di ba? Iyong mapahiya ako sa kanila! Mas lalo lang nila akong ikakahiya! Mas lalo akong papagalitan! Magsama nga kayo! Sana nga ikaw na lang ang naging anak nila! Sana umalis na lang ako roon para maging masaya kayo! Tutal tingin ko… kung mawala man ako, wala silang pakealam!”
“Eury! Hindi ‘yan totoo-”
“Sana ikaw na lang ang naging anak nila! Sana… mag-isa na lang ako. Magiging maayos ako kahit mag-isa! Alam ko! Alam ko… Alam ko…”

Pakiramdam ko katapusan ko na iyon.

Wala akong kawala. Kapag pumunta kami sa pulis ngayon, mapapahiya ako. Kapag umuwi kami sa bahay ngayon, tatanungin at tatanungin ni Mommy at Daddy si Vince kung ano ang nangyari.

Kung paano man naisipan ni Vince na umuwi na lang kami, imbes na pumunta sa pulis, ay ‘di ko na alam. Naibsan sandali ang kaba ko ngunit muling bumangon ito at lumala nang palapit na kami sa bahay at may dalawang redplate SUVs ang naroon. Kung hindi ako nagkakamali, sa police ang mga iyon.

“Shit! Shit!” kinagat ko ang labi ko.

Vince is busy paying for the taxi. Nilingon ko siya at walang pag-aalinlangan na binuksan ang pintuan para makalabas na.

“Eury!” Vince called but then it’s too late.

Ang luha na bumuhos ay dahil sa takot ko. Takot na mapagalitan ako. Takot na tuluyan kong masira ang sarili ko sa pamilyang ito.

Gulat akong nilingon ni Mommy habang kausap ang tatlong de unipormeng police sa bahay.

“Mommy, si Eury!” sigaw ni Ate Reanne nang nakita rin ako galing sa sala.

Ate Reanne rushed to me while I rushed to hug my Mommy.

“Saan ka galing, Eurydyce?” Dad’s voice feels like thunder.

Itinuro ko ang pintuan ng aming bahay, kung saan nakasisiguro akong naroon at papasok na si Vince. Without looking at him, I uttered the most hurtful accusations I thought he’d contradict.

“Vince tried to… tried to…” hindi ko masabi sabi dahil inunahan na ako ng mga hikbi.
“What?” ang ingay sa galit ng boses ni Daddy ang narinig ko.
“Ano, Eury?” Mommy’s voice is in panic.

Dumilat ako at nakitang naghahanda ang mga police sa pagsugod kay Vince.

“He tried to rape me!”

That one sentence. Pumikit ako ng mariin, handa para sa kanyang magiging panangga para sa sarili.

“Vincent! Is that true!?” sigaw ni Daddy.

Walang salita galing kay Vince. Mas lalong humigpit ang yakap ko kay Mommy. Hinakawakan ni Mommy ang gutay-gutay kong damit. Ramdam ko ang panginginig ng kanyang kamay lalo na noong niyakap ako.

“Eury, are you okay?” she whispered.

Hindi na niya ako hinintay na sumagot. She started screaming as well.

“Arrest him!”
“Tria, tinatanong ko siya! Vince! Is it true?”
“Vince, say no! Of course not! Hindi mo ‘yon magagawa!” si Ate Lyanna.

Naririnig ko na ang pagtanggi ni Vince sa aking utak pero sa totoo, wala ni kahit isang salita galing sa kanya.

“Sumagot ka o ipapahuli kita!”

Dumilat ako at bahagya siyang nilingon. His bloodshot eyes bore into me. Nararamdaman ko ang unti-unti niyang pagsuko. Hindi ko alam kung bakit. I did not want him to contradict what I said but I expected him to. I expected him to try and convince my parents that it’s not true but he did not say anything. Kahit sa mga kapatid ko.

Lumapit si Ate Lyanna sa kanya. Hinampas ni Ate ang braso ni Vince ngunit yumuko lamang siya, bilang pagsuko.

“Hulihin ninyo siya!” sigaw ni Mommy sa mga kausap na pulis saka ko napagtanto kung gaano ka mali ang nagawa ko.

It is always… always… during those crucial moments we realize the things we did wrong.

Gaya ngayon.

In the history of Philippine showbiz, wala nang mas sinamba pa kesa sa akin o sa amin. Bata, matatanda, lahat ng edad, parehong sumasamba at humahanga sa akin.

In a span of six months, umakyat ako sa pinakatuktok, naungusan ang kahit sinong batikang actress. Hitting the number one spots in the highest paid movies of all time. Our movie hit blockbusters, too, in the neighboring asian countries.

Habang nasa tuktok ako ngayon, dito ko nakuha ang lahat. Dito. Sa entablado. Ko nalaman na hindi ito. Ang buhay na gusto ko.

We all change. Ang bata kong puso ay umasam ng ganito ka tinding pangarap, ngunit my heart has grown… and it grew differently.

There is far more important things in life than money, fame, and luxury. And only those who are brave can pursue something as intangible as it. Kasi nakakatakot pangarapin ang isang bagay na hindi mo maitatago o mapoprotektahan.

I bowed to the audience like it was my last. And maybe, it is. The audience screamed for more but the spot light is too shiny, hindi ko na kaya.

“Eury! Sige na! Another song for them!” natutuwang sinabi ni Zander sa akin.

Kahit siya, hindi pa nakakamtan ang ganitong klaseng kasikatan sa ilang taon nilang pamamayagpag ni Blair noon. At ngayong kami, we are both making history.

I smiled at him. Then to the audience. Kumaway akong muli. I gave them all a flying kiss before finally taking the exit.

Sa araw na ito ang expiration ng kontrata ko sa Astra. I never signed a new contract for the station. Inubos ko lang ang buong kontrata sa Astra while making the most out of my talent. And that’s it.

Marami ang nangyari sa loob ng ilang buwan. Pakiramdam ko, taon ang lumipas. Sa sobrang daming nangyari at sa sobrang bilis ng lahat, pakiramdam ko mas tumanda ako sa edad ko.

“Eury! Ano ba? It’s just another song, come on!” nakasunod si Zander sa akin pero diretso parin ang lakad ko.

Sa pintuan papasok sa aming dressing room, nakatayo ang isang batang may hawak ng mga bulaklak. To see him again after almost a year feels very nostalgic.

He smiled. Unti-unti akong tumigil sa paglalakad. Ganoon din si Zander sa likod ko.

“Eury!” tawag ulit ni Zander.

Mahirap lumunok lalo na ngayong may nagbabarang parang bato sa aking lalamunan. I squatted in front of the boy. Inilahad niya ang kanyang bulaklak sa akin.

“Ate Ganda, wala na kayo ni Tito, ‘di ba? ‘Di na ‘yon babalik dito. Tayo na lang?” he’s smiling but there were tears beside his eyes.

Tinanggap ko ang mga bulaklak na dala niya. Sinubukan kong magpakatatag at huwag umiyak pero parang nilulukot ang puso ko habang tinitingnan si Milo, a year older than the first time we met, and very very good looking like his uncle. Damn!

“I missed you, Milo!” niyakap ko siya ng buong puso. Like how I would hug his Tito when he’s here with me.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

1

One Response to Blown By The Wind – Kabanata 35