Blown By The Wind – Kabanata 34

July 24, 2017 By In Blown By The Wind Comments Off on Blown By The Wind – Kabanata 34

Kabanata 34
Amethyst

Naging mabilis ang lahat ng pangyayari. I feel like the world turned upside down in only a matter of hours.

Sa labas ng mall habang patuloy na pinapatay ang apoy at pinaghahanap ako, Blair tweeted something that made all her hard work crumble.

Blair: People always get what they deserve.

Minutes after the tweet, while she inside their van, angry fans cried foul. Hindi man sinabi sa tweet kung sino ang ibig niyang sabihin, everyone concluded that it was me. And that she thinks that burning inside the mall is what I deserve.

Umalis ang kanilang van sa pinangyarihan. Pagkatapos ng aking tests, ibinalita agad na isa siya sa pinaghihinalaang gumawa noon dahil sa kanyang sinalida sa social media.

While that news is going on, my parents went to the hospital with some higher authorities. Nagpunta rin doon si Ate Reanne na siyang nagdala ng ebidensya.

They arrived at a conclusion after my confessions. Lahat ay sinabi ko sa kanila simula simula hanggang sa dulo. There was no doubt who the killer.

Everything happened so fast. Nanatili ako sa ospital ng ilang araw. Flyn’s arrest made it to the news headlines. She denied it at first pero nang nalaman ng lahat na nakatakas ako sa apoy at nasa ospital na ako, wala na rin siyang nagawa.

The fire ended like how everything after that… turned into ashes.

Carrie’s sobs filled my room. Silang dalawa ni Tita Daisy lamang ang naroon. Vince is talking to my parents about my possible discharge from the hospital.

“I cannot believe it! I defended her when the police came!” iyak ni Carrie nang inalala ang nangyari sa araw na iyon.

Kitang-kita ko ang panlulumo sa mukha ni Tita Daisy. I know what it is for. Hindi lang dahil sa katotohanang si Flyn ang may gawa ng lahat, ngunit pati na rin sa katotohanang mabubuwag ang Astra sa nangyari.

“Nag-usap na ba kayo ng President, Eury?” Tita Daisy asked.
Tumango ako. “Pumunta na po sila rito kahapon. They wish for Hubert’s fast recovery para mas lalong malaman ang katotohanan.”
“I still can’t believe that Flyn did it, Eury. It’s unbelievable…” umiiling-iling si Tita Daisy habang tumitingin sa kawalan.
“Noong sinabi ng mga pulis na nasa ospital ka at ikaw na mismo ang nagturo sa kanya, tumahimik na lang siya at sumama. Watching her go with the police stunned me. Wala akong nagawa. Wala akong ginawa sa pagkakagulat!” si Carrie.
I reached for Carrie’s hand to hold her.

Sa aming dalawa, mas malapit sila ni Flyn. But thinking about Flyn’s plan breaks my heart. Gusto niyang pagbintangan si Carrie sa nangyari. While Carrie trusts her very much.

“Bakit niya nagawa iyon? She wants that kind of publicity? Nababaliw na ba siya?” panay parin ang iyak ni Carrie.
“She ruined her future.” Umiling muli si Tita Daisy. “Sayang siya. Kung gusto niyang sumikat kayo agad, hindi ito ang sulusyon. Success always needs hardwork, patience, and sacrifice. I remember her as one of my very aggressive talents. Magaling kumanta, sumayaw, ngunit tahimik at hindi masyadong magaling makisama sa ibang tao. She can improve on that kung sana ay iyon ang pinagtuonan niya ng pansin, hindi ang maruming paraan ng pagsikat.”
“Idedemanda siya ng mga pinatay niya. Kahit ang president, ganoon din ang plano! Ito ang binigay sa kanya ng mga ginawa niya? I can’t believe it! She was so sweet to me! To us! She’s a friend to me. I treated her like a sister!”

Hinaplos ko ang kamay ni Carrie. I don’t mind if she rants all day. Hindi ko rin alam kung dapat ko bang sabihin sa kanya ang ginawa ni Flyn. It’ll break her heart so much. I don’t want to add more pain.

Ilang sandali pang hagulhol ni Carrie ay tumuwid na sa pagkakaupo si Tita Daisy.

“Narinig mo ba ang nangyari kay Blair, Eury?” she asked after a long while.

Huminga ako ng malalim at nanatiling nakatitig kay Tita Daisy. It only takes a blink of an eye for the world to really change. Ilang beses ko nang napatunayan iyan. Ngayon, napatunayan ko ulit.

“Opo.”
“I believe the President’s choice was affected by the fact that you’re the victim. Pero hindi na iyon maiisip ng lahat. Ang lahat ay iniisip na talagang masyado niyang inabuso ang kanyang impluwensya.”
“Ngayon po ba iyong press conference niya?” tanong ko.
Tita Daisy nodded.
“Is it true, then?”
She nodded again.

Just like that.

Ganoon kabilis ang mga pagbabago sa mundo. Hindi ako makapaniwala. I can’t even process it properly right now. It’s too surreal.

“Sigurado na iyon. I talked to one of her P.A.s. It’s really true.”
“Then what about the movie? Tapos na ba ang shooting noon?” si Carrie na ngayon ay unti-unti nang kumalma.
“I am not sure but they will really discard the whole thing.”

What the hell? Is this even real?

“Hindi pa nagsasalita si Zander. Siguro ay pinagbabawalan pa siya tungkol doon.”

Blair is taking a break from showbiz. Pagkatapos ng mga bash na tinamo galing sa sariling fans, sa ibang artista, at bantang pag boycott ng movie nila ni Zander, the station’s President offered her to take a break. It was as good as being fired, mas marahan lang. The news spread like wildfire that she did not let the President fire or cut her contract. Siya na mismo ang pumutol. Maybe to spare herself from embarassment.

“Ang sama-sama ng ugali ng babaeng ‘yon! Dapat matagal na siyang tinanggal, e!” Carrie said in an aggressive tone.
“As for the movie, we’re still discussing about it. Astra will lose, for sure…”

Nagkatinginan kami ni Tita Daisy. Hindi ko alam pero pakiramdam ko’y pareho kami ng iniisip. Ngayong watak na kami, at ang isa’y makukulong… ano ang mangyayari sa aming grupo?

“By the way, now that we’re in quorum, siguro mas mabuting sabihin ko na rito sa inyong dalawa ang desisyon ng Presidente para sa inyo.”

Carrie’s still wiping her tears pero pinilit niyang tumingin kay Tita Daisy. Tita Daisy took that as a cue to finally start with whatever offer she has for us.

“I will give you time to think about his offer.”

Kinakabahan ako sa magiging offer para sa amin. I don’t want Carrie to fail just because of me. She has more talent than me, after all.

“Mabubuwag ang Astra. It is obvious and I think you know that.”

Inisip kong kukuha kami ng panibagong miyembro pero isa rin ito sa mga spekulasyon ko. Also, replacing Flyn will be an emotional burden to us… most especaially to Carrie kaya hindi ko na sinabi iyon.

“The President offered Carrie a solo singing career…”
“What!?” gulat na sinabi ni Carrie kahit na nanginginig pa ang boses niya.
“Provided that you will take more lessons about it at magkakaroon ka rin ng acting workshop.”

Hindi nagsalita si Carrie. Hindi rin siya pinilit ni Tita Daisy. Siguro’y naiintindihan na hindi pa namin maproseso ang lahat.

“I’ll give you time to think about it but the next time we sit for a meeting, dadalhin ko na ang bagong kontrata mo.”

Bumaling si Tita Daisy sa akin. Her poker face expression is telling me that she is serious.

“As for you, Eury. Though I think you should at least do workshops para marefresh ang skills mo but the President has offered you a full actress contract. Ang sabi’y sapat na ang experience mo sa theatre arts para sumabak ka sa ganito.”

Nanuyo ang lalamunan ko.

“You will immediately be given roles for primetime and probably one film for this year if you agree to that.”

Shit! Am I hearing things?

“And I can’t help but agree to this decision, Eury. From the very beginning I know you have high potential in this industry. Kung ibinigay man nila ito sa’yo dahil sa utang na loob, then I must say na ibinigay nila sa’yo ang nararapat. You are good at this, Eury. I believe this is your real calling based on your strengths.”

Hindi ko alam kung paano mag rereact iyon.

Sa trabahong ito, masasabi kong isa rin iyon sa naging pangarap ko. Now that it is within reach, why can’t I feel anything. I should be excited. Inisip ko noon iyon na ang pinakamataas kong makukuha sa pangarap na ito. That it is the end. It is my highest peak. But now I feel indifferent. I don’t feel anything.

Siguro ay dahil sa trauma. Siguro masyado pang sariwa ang lahat ng nangyari. Siguro masyadong naging mabilis. Siguro kailangan ko pa ng panahon.

Hindi rin sila nagtagal. Pagkatapos naming i-set ang schedule sa susunod na meeting, sa pagbisita kay Flyn, at sa huling press conference ng Astra, umalis na si Tita Daisy at Carrie.

Minutes away from my discharge, si Amer at ang mga kapatid ko ang nasa kwarto. Vince and my parents are still outside talking to the doctor who checked me.

“Next time you have problems like that, Eury, you have to at least tell us,” si Ate Lyanna ang nagsabi noon.

Ilang ulit niya na akong napangaralan sa nangyari. I revealed the whole thing to the media and it shocked my whole family. Maaaring alam ni Ate Reanne pero iba parin pag narinig ang buong katotohanan ng nangyari sa telebisyon.

“That was no joke. You could’ve been killed-” Tumigil si Ate Lyanna nang hinawakan ni Ate Reanne ang kanyang braso.
“Let’s just be thankful that nothing bad happened, Ate. Plus, she told Vince about it.”
“But it was too late! Imagine Vince’s struggle to understand what she’s going through.”
“Ate…”
“I’m sorry. Hindi na ito mauulit,” simple kong sinabi.
“I bet he’d say no to all of his closed deals dahil sa nangyaring ito…”

Tumayo si Ate Lyanna at tumingin sa labas ng kwarto. She crossed her arms before turning again to me.

Nakita ko ang pagngiwi ni Amer. I know what that reaction is for. Ipinapakita niya kung paano siya umalma sa concern ni Ate Lyanna kay Vince at sa trabaho nito. Hindi inisip ang kalagayan ko pero hindi iyon ang mahalaga sa akin ngayon.

“Why would he do that?” tanong ko.
“Hayaan mo na, Eury. He will have more deals than that. He’s a good Architect… the best, actually. Hindi niya na kailangan ng mas maraming pera para-”
“Pero ba’t niya naman tatanggihan ang mga deals na iyon?” tanong ko, bahagya nang naguguluhan.
“To prioritize you, Amore!” nangingiting sinabi ni Amer para bang magandang balita iyon.

True that I want him to prioritize me. Hell, I want us to be together always pero kung ganoon ang mangyayari…

Natigil ako sa mga iniisip.

The offer I got from Tita Daisy will mean I won’t have time to go out of the country and be with him for his projects.

“Anyway, ‘wag mo nang isipin iyon, Eury. Ang mahalaga ngayon ay makarecover ka at ang career mo. You have interviews tomorrow, right? Iyon na lang muna ang isipin mo…” naririnig ko ang pag-aalinlangan sa boses ni Ate Reanne.

Without any time to process everything, the door opened revealing Vince and my parents. Dumiretso si Vince sa akin para abutin ako. Hinayaan ko siyang gawin iyon.

“Pwede ka nang umuwi…” aniya.
I smiled and nodded.

The day ended quietly. Though my parents would love to throw a party for me, I only suggested we have dinner in a private restaurant. Iyon ang ginawa namin.

It was so quiet the whole dinner. Nasanay na rin naman ako. Ganito ka tahimik ang hapag namin kapag magkasama kaming lahat. Iingay lamang kung may pangungutya sa akin. This time, nobody dared to mock my recent actions even when I know it was dangerous and wrong.

To sit on Vince’s lap inside a dark room lit only by the moon and the city lights gives me peace. Hindi ko alam kung bakit sa sobrang tahimik ay parang kakaiba na. Siguro ay dahil sa mga iniisip ko. Siguro ay dahil sa nangyari. Maybe my trauma can be the reason, too.

“Do you have to work tomorrow?” I can hear the slight hurt in his voice. Or maybe I am just imagining things.
“Yup. Magtrabaho ka na rin. Mag dadalawang linggo ka nang ‘di pumapasok.”

After what happened, he spent most of his time with me in the hospital. Hindi na siya pumasok. I can only imagine his pending works.

“You should also take the bodyguards down. Nahuli na si Flyn,” sabi ko.
“Hmm… but you have stalkers. They could hurt you.” His nose touched my jaw lightly tickling me.
Ngumuso ako at tumingin sa bintana.

The image of the burning city lights reflected how I see my whole life. For this… is the story of my suffering. The dark parts. Lit only with small lamps in predictable places. It was always night. At ang lahat ng tanaw kong ilaw ay ang mga konting panahong naging masaya ako.

“They won’t, Vince,” banayad kong sinabi.

Hindi siya nagsalita ng ilang sandali kaya nilingon ko siya. He stayed near my cheek, breathing slowly, his lips a bit apart.

“Don’t worry, okay?”

I heard him sigh. Ang hawak niya sa aking palapulsuhan ay hindi mahigpit at hindi rin maluwang. Tama lang. It’s as if he’s resting after all his strength were used. O nagkakamali ako?

Tinikom ko ang bibig ko at tiningnan siyang mabuti. Sa kanyang noo ay ang kanyang buhok na bahagyang mataas na ngayon kumpara noong nakaraang buwan.

Hinawi ko ang iilan ngunit bumabalik ito sa kanilang lugar. His jaw clenched and his lips pressed in a thin line.

“Bakit?” tanong ko.
He shook his head a bit and then kissed the side of my lips. Kumalabog ang puso ko. Kahit na kandong niya ay pakiramdam ko lumulutang ako.
“Are you going to be busy with work starting tomorrow?”
Ngumiti ako sa tanong niya. “Yes. Actually, ang daming offers bigla sa akin! I’m excited about it. I know that for the past weeks, delikado ang lahat ng nangyari. I’m relieved that the case is finally solved. At hindi ako makapaniwala na pagkatapos ng nangyari ay may ganitong offer para sa akin. I thought my career is going to end once Astra is gone.”

He nodded again in a weak manner.

“Pupuntahan din siguro namin si Flyn bukas,” dugtong ko. “Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko para sa kanya, actually. Or maybe I’m still too shocked to even processs everything. Hindi ko pa lubusang maisip na masamang tao siya dahil sa pinagsamahan namin. But whenever I think about what she did in the mall, lagi kong naaalala na hindi siya ang kaibigang iniisip ko.”
“Can’t you take a break from it all?” he asked.

Nilingon ko siya at muling tinitigan. Napawi ang ngiti ko. Tungkol ba ito sa trabaho niya? Is he needed outside the country kaya niya gustong magpahinga muna ako para makasama sa kanya? Or am I just imagining things?

“I don’t know. I’ll see…” Pinili ko ang sagot na iyon para safe.

If he’d ask me to take a break from it all so I can go with him abroad, then I’m fine with that, too. Maaaring sayang ang offer ng President sa akin pero kung talaga ngang para sa akin iyon, mapapasakin iyon sa tamang panahon.

Hinawakan niya ang aking mga daliri. He massaged and caressed it slowly. Bumaba ang tingin ko sa mga iyon at tiningnan ang daliri niya.

His thumb is slowly brushing my ring finger.

“Are you allowed to wear a ring?” he asked in a lonely tone.

Parang tumigil sa pagpintig ang puso ko sa nakakabinging katahimikang nadama. Anong ibig niyang sabihin? Could this mean? No way…

“Uh… I think so… Yeah… Yes!” natataranta kong sagot.

He nodded a bit before looking at my ring finger. Bumaba muli ang tingin ko sa aking daliri at ang sunod kong nakita ay may nagbabanta nang singsing.

My jaw dropped when the light hit its gem. Nakakasilawng kulay lila ang tumama sa aking mga mata. Before I could process its meaning, he started kissing my neck.

“I can’t wait to marry you,” he whispered in between his kisses.

Tears pooled in my eyes. Hindi ko alam na kumikirot pala ang puso kapag sobrang saya. Hindi ko alam kung bakit dahil sa sobrang saya ko ay parang nalulungkot ako para sa kanya… para sa amin. Hindi ko alam.

“When the time is right, I will…” he whispered again.

Tumango ako. Gusto kong magsalita ngunit walang tinig ang lumalabas sa akin. Tiningnan ko ng maigi ang singsing na bigay niya. The small lined diamonds around it and the big round cut amethyst in the middle…

“Kelan?” nanginginig kong tanong.

Hindi siya sumagot kaya pilit ko siyang niingon. I saw his lips still pressed in a hard line, his eyes serious and dangerous, jaw clenched like something is stopping him from saying it.

Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung para saan. If it’s because he’s this close to me or because of something I failed to understand.

“Kung kailan mo gusto.”

Binalik ko ang mga mata ko sa singsing. Humugot ako ng malalim na hininga bago siya binalingan para mayakap.

My life right now may be screwed and dangerous but I still love it. I’m still so in love with it. With Vince by my side, I don’t care how much shit I’ll go through.

Laging ganoon. Sa kung kailan akala mo maayos na ang lahat, ‘tsaka mo malalaman na hindi pala.

“Bakit mo nagawa sa amin ‘to, Flyn?” tanong ni Carrie sa nanginginig na boses nang binigyan kami ng pagkakataong makausap siya.

We were in a secluded room with some police. Sa loob ng silid ay kami nina Tita Daisy at Carrie. May schedule ang bisita sa kanya at sa araw at oras na ito, kami ang naroon.

Nanatili siyang nakahalukipkip habang aligaga ang mga mata. Tila ba ayaw makinig sa amin.

“You were our leader!” Carrie said in a heartbreaking tone.

I have so many things to say to her as well but I couldn’t stop Carrie from telling how she feels. Isa pa, mas close silang dalawa.

Pinagmasdan ko si Flyn. She looked so stressed. The dark circles in her eyes showed. Ang kanyang suot ay plain white t-shirt lang at maong. Ang buhok ay nakabuhayhay ngunit hindi nasuklay. Her lips were chapped and dry. Sa kanyang mukha ay ipinapakita niya ang kanyang pagiging palaban. Never giving away whatever she’s feeling right now and refusing all the drama Carrie is giving her.

“Inutusan mo si Hubert na kuhanan ng ganoong picture si Eury? For Astra’s fame?”
Sumulyap si Flyn kay Carrie. She looks a bit pissed at that but she did not say anything.
“Bakit? Hindi pa ba sapat sa’yo ang nangyayari sa atin? Unti-unti na tayong umaangat! Hindi pa ba sapat iyon? Gusto mo ng mabilisang angat at ginamit mo pa si Eury?”

Hinagod ni Tita Daisy ang likod ni Carrie. Napatingin si Flyn sa akin ng ilang sandali bago siya nag-iwas at mas lalong hinigpitan ang halukipkip.

“I believed in you! Damn you! Kaibigan kita! Itinuring kitang kapatid! You’re not very friendly at inisip kong ganoon ka na talaga kaya sa lahat ng nagsasabing maarte ka, pinaglaban kita!”

Napayuko ako. Hearing Carrie’s sentiments make me so hurt.

“At ang nakakainis, Flyn, kahit na ganito na ang nangyari ngayon, hindi ko parin matanggap. I am still trying more explanations from your actions! Na hindi mo naman talaga gustong may mangyaring masama kay Eury! Gusto mo lang sumikat! Na hindi mo magagawa iyon! Na namali lang ang plano mo kaya ka naging desperado!”

My eyes darted on Flyn when I heard small sobs. Nakita ko ang simple niyang paghikbi habang nakatingin sa gilid. Lumandas ang kanyang luha at agad niyang pinalis. Wala sa ekspresyon niya ang lungkot at pagsisisi. Tanging blanko ang mukha habang nakatingin sa gilid ang ipinakita niya.

“And that you killed Hubert’s friends because maybe they realized that it’s your fault! Kaya sila mapagbibintangan dahil sa’yo! Tangina, Flyn!” humagulhol si Carrie.

Hinagod ko ang braso ng kaibigan. Gusto ko siyang yakapin. She looked so torn and angry.

“Kahit na may pinatay ka ng mga tao, ginagawan parin kita ng dahilan! Kahit sa utak ko, pinaglalaban kita! Kahit pinahamak mo kami, pinipilit ko parin na may dahilan ka! Dahil hindi ako naniniwala na natural kang masama!”

Walang sinabi si Flyn sa buong oras na naroon kami sa kanyang harap. Natulala na lamang siya kalaunan at tila naging bato sa manhid.

But her tears told me that despite all the things she did, I know that our group still means something to her. Kahit konti lang may halaga ito sa kanya.

Marami akong naging tanong sa kanya. Wala man siyang sagot ay patuloy akong nagtanong.

“Did you want me killed during that photoshoot o makabalik ng buhay at walang alam?”
“Walang alam na may mga kuha na pala akong hubad at bigla ko na lang makikita sa internet ang lahat. What was that for? Para umangat tayo? Publicity?”
“I’m wondering if you were worried when you heard I got away?”
“And if you were worried, para saan, sa kaligtasan ko o sa katotohanang maaari kang mabuking?”
“I expect it should be the last one, right? Is that why you killed Hubert’s friends? Kasi alam nilang ikaw ang may pakana at ayaw mong masira?”
“Did you treat us your friends? O kahit si Carrie man lang?”

Sa tanong na iyon ay sumulyap siya sa akin. I had goosebumps when our eyes met. Nanatili ang mga mata niya sa akin.

“Did you care for Carrie?”

Matalim ang tingin niya sa akin pero nagpatuloy ako.

“Kung namatay nga ako ayon sa plano mo, is your rise as a solo artist worth it?”

Umirap siya at bumaling ulit sa kawalan.

“Marami pang mas mahalaga sa bagay na iyan. I know because I’ve been there. I thought that career is everything. I thought that it is the only way to make my family proud and to boost my confidence… to be at peace within myself.” Umiling ako. “Hindi iyon. I hope one day you’ll find what is it, Flyn.”

The meeting was emotional. Hindi ko nga alam kung paano haharap si Carrie sa kanyang press conference dalawang oras lang pagkatapos ng nangyari. She’s a wreck when we left the place. Tulala siya habang nasa sasakyan. Kahit kinakausap na ni Tita Daisy ay wala parin siyang imik.

“I will be with you during your signing, Carrie. Just relax during the interview, okay?”

Tango lamang ang response ni Carrie sa sinabi ni Tita Daisy. Bumaling si Tita Daisy sa akin bilang hudyat na kailangan na naming pumunta sa conference room.

Nang tinulak ko ang pintuan ng conference room para makapasok ay gusto ko na agad lumabas. Nakahilera sa upuan ay ang mga taong hindi ko inasahang parte ng magiging meeting ngayon.

The President and the Vice President are both busy with Hubert so a representative is her with us. Kasama niya ay ang dalawang reporter. Isa roon ay pamilyar sa akin dahil nakasalamuha ko na siya sa araw na iyon.

Among them also were Colleen, Zander’s manager, and Zander, beside her.

Nilingon ko si Tita Daisy. Kita sa mukha ni Tita Daisy ang bahagyang pagkagulat ngunit iminuwestra niya parin sa akin ang malapit na swivel chair.

Naupo ako at napabaling kay Zander. He looks at peace. In fact, I can see the concern in his eyes. His fingers touched while he’s watching me intensely. Tumikhim ako at napatingin sa manager niya sa harap ko.

“This is a surprise! I thought it’s Eissen?” sabay baling ni Tita Daisy sa representative ng istasyon.

Umiling ito at nagsimula na.

“Magandang hapon sa inyong lahat. Alam kong alam ninyo kung bakit tayo nandito ngayon.”

The papers in front of me are the contract for the new offer. Sa unang pahina pa lang ay nakita ko na kung ano ang magiging dulo ng meeting na ito.

“Let me get this straight to the point… hindi ito basta-bastang pinagdesisyonan. Inisip itong mabuti bago tuluyang inilahad dito.”

Colleen nodded and leaned on her swivel chair. Her black spikey hair is too black to be natural and her thin lips is in line right now. Sumulyap muli ako kay Zander, nakatitig parin siya sa akin ngayon.

“Blair is on vacation and I doubt it if she’s going to have her reign back when she comes back.”
“Is this going to be about a new loveteam in between Zander and Eury?” inunahan na ni Tita Daisy ang nagsasalita.

Nanuyo ang lalamunan ko. Ang mabasa iyon sa papel ay nakakagulat na pero ang marinig iyon ngayon, hindi na kapanipaniwala.

“The fans are starting to establish a good foundation for it. Maraming conspiracy theory ang kumakalat ngayon and most of them… if you’ve read it…” napatingin sa akin ang nagsasalita. “Were true.”

Hindi ko nababasa ang mg espekulasyon. Masyado akong naging abala sa buhay ko para tingnan pa kung anong sinasabi ng ibang tao tungkol sa akin o sa amin.

“Ngayon, if we push Zander and Eury’s team up, this will be a lot bigger than Blair and Zander. Ang dalawa ay nagsimula sa isang TV show lang. While Eury, everyone knows you started as a third party. Inaakusahan. Binabash. That’s when you gain the sympathy of those who believed in the truthfulness of your interviews and you as a person.”

Hindi ako makapagsalita. Parang ang bilis ng lahat.

“Ngayon, the fans of Astra and Zander’s fans are supporting this. Halos lahat naman ng fans ni Blair ay tumalikod sa kanya nang nakita ang attitude niya for the past weeks… and in turn… they are supoorting you instead.”
“Oh…” nagkatinginan kami ni Tita Daisy ngayon.
“Pati ang mga hindi naman interesado sa nangyayari sa showbiz ay nakikisimpatya at nakikifan na rin sa’yo dahil sa lahat ng nangyari, Eury. So this team up might be the largest… the biggest… ever. This opportunity comes only once in a lifetime.”

Hindi ko alam. I don’t think I’ll say yes to this. I think to be a full actress is a good thing pero kung ganito ang mangyayari, hindi ata ako makakapayag doon.

“Now, there are sacrifices needed to have this dream career, Eury…”

Kitang-kita ko ang pagbabago sa ekspresyon ng representative. Ang dalawang reporters sa harap ay parehong tumango. Tumitig ako roon sa isang alam kong kilala ko. Kumalabog ang puso ko.

“For this to work, I think you are professional enough to understand that your relationship with your bachelor boyfriend is not allowed.”
“Hindi po ako papayag dito…” maagap kong sinabi.
Umiling siya na parang walang halaga ang mabilis kong sagot. “There is no way around it-”
“I will not sign the contract and I’m fine with a full actress contract kahit na magsimula ako sa pinakamababang roles-”
“Uy, hija. Akala mo ba madali iyon? This is a once in alifetime opportunity!” si Colleen, ang manager ni Zander.
“Mapag-uusapan pa namin ni Eury ito, Colleen. Kaya ko ang alaga ko,” si Tita Daisy.
“Hindi na po, Tita. I am really not interested,” pinal kong sinabi.

Tumuwid sa pagkakaupo si Zander. Bumaling ako sa kanya. Hoping for any encouragement from him but instead… he said something horrifying.

“You’re young, Eury. Your relationship with him is still unpredictable. Pwedeng maghiwalay kayo sa susunod na buwan tapos tinanggihan mo na ito para lang pala roon-”
“I don’t care, Zander.”
“Tsss. Just be true to yourself! This is what you want! Probably you want to clear your name that time kaya mo rin siya ginawang boyfriend, hindi ba?”

What?

He laughed mockingly. Nanuyo ang lalamunan ko.

“Admit it. You’re not really in a relationship with him. You’re in an arrangement, am I right?”

Where the hell did he get that?

“Natatakot kang maissue tayo kaya ka kumuha ng boyfriend. That explains why you suddenly have one kahit na hindi naman tayo naghiwalay, ‘di ba?”

Where did he get that? Damn! Kapag itatanong ko sa kanya iyon ay natatakot akong marinig ng mga reporters na narito at gawin pa iyong scoop!

“Or maybe you have other reasons?” Zander said in a cold tone bago hinagis ang brown envelope sa harap ko.

The familiar brown envelope made me tremble. Para akong mahihimatay nang nakita ko iyon. Gusto kong kunin iyon at itago pagkatapos ay tumakbo palabas dito.

“Ano ‘to?” Kinuha ni Tita Daisy iyon at umambang bubuksan.

Tumayo ako para mahablot iyon sa kamay ni Tita Daisy. My heart pounded really fast inside my ribcage. Para akong mamamatay sa kaba.

“Oh don’t bother, Eury. We’ve read it…” sabi ng reporter na pamilyar sa akin.

Hindi ko maalala kung kailan ako sobrang napikon at nagalit sa isang tao sa buhay na ito. Ngayong tinitingnan ko ang reporter ay pakiramdam ko ngayon lang ulit… o ngayon lang talaga.

“Attempted rape case involving your boyfriend? May statement mo pa riyan, ‘di ba? And how it happened?”
“Nagsinungaling ako riyan!” tumaas ang boses ko.

Nanatili silang nakatingin sa akin na tila wala na akong magagawa.

“Anong nangyayari?” si Tita Daisy na walang alam at palingalinga sa kanila.
“Oh, I wonder what will happen to his career if this goes out! You were minor when it happened, Eury?” si Colleen.

What the hell?

“Nagsinungaling ako rito! Alam ng Mommy at Daddy ko iyon!” giit ko.
“And you think it matters once it’s aired?”

Alam kong sa oras na masiwalat ito, kahit na sabihin kong hindi ito totoo, masisira parin si Vince! Nasira ko na siya noon! Hindi ko na kayang sirain siya ngayon! Lalo na dahil may pangalan na siya.

“Are you threatening me-”
“We are only saying that if you continue your relationship with him, mauungkat at mauungkat din ‘yan! May kopya niyan! Hihingin mo lang sa police at maibibigay niya na ‘yan! Whether you sign this contract or not, it will come out!”
“I am not signing any contract, then!” sigaw ko sa sobrang iritasyon.

The reporter smirked. Nilingon ko siya at nakita kong nagkibit siya ng balikat.

“Then, it’ll come out immediately tomorrow.”

What? Nilingon ko si Tita Daisy para maghanap ng sagot ngunit mismong ang manager ko ay walang alam sa mga sinasabi. I turned to Zander only to see that threatening look in his face. Damn him!

“Zander!”
“Come on, Eury. I know you’re not in a relationship with him. I have sources. It’s all an arrangement. For him to clear his name bilang rapist… and for you to clean your name as the third party involved between me and Blair.”
“What do you mean sources!?”

Gusto kong sabihin na noon ‘yon! Totoo na ito ngayon but then I don’t want the reporter to hear it. I know they can twist stories. They might not include the part na totoo na ito ngayon.

May isang taon pa ang contract ko sa station. Hindi ako pwedeng umalis ng biglaan. They could sue me. But I can say no to this contract right now. I don’t care if I don’t earn much. I don’t care if I stay like this.

“I am not signing any contract!” kabadong kabado kong sinabi.
“Fine. Your architect will be headlines tomorrow, for sure,” Zander said in a cold tone.

His cold eyes bore into me like a tiger ready to strike. Nahahapo akong huminga habang tinitingnan siya. Is this real? What the hell? Is this serious?

“You… asshole!” I screamed.

Hinawakan ako ni Tita Daisy at pinigilan na sumugod sa kanya. Lumandas ang aking mga luha sa aking pisngi. Sa aking mga mata’y pinapatay ko na si Zander.

“How could you!” sigaw ko.
“Admit it. It is what’s happening, right? Admit it, Eury.”

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

52

Comments are closed.