Blown By The Wind – Kabanata 33

July 24, 2017 By In Blown By The Wind Comments Off on Blown By The Wind – Kabanata 33

Kabanata 33
Killer

My heart is beating so fast. Papalapit ako sa silid ay parang mahihimatay ako sa lakas ng pintig ng puso ko. Natigil lamang iyon nang pumasok ako at naabutan si Flyn doon.

Nagreretouch siya. Nakatayo habang pinagmamasdan ang mukha sa salaming pinapalibutan ng ilaw. She looked at me through the mirror. Unti-unti kong sinarado ang pintuan habang nakatingin sa kanya.

“Si… Carrie?” tanong ko nang napansin na kaming dalawa lang ang nasa silid.
“Nasa bathroom…” she trailed off.

Hindi ko man sinasadya, paunti-unti ang paglapit ko sa kanyang lamesa. She noticed it. Tumigil siya sa paglalagay ng powder sa mukha at tumuwid sa pagkakatayo.

Mas lalong kumalabog ang puso ko kaya pinilit kong magkaroon ng normal na kilos. Lumapit ako sa katabing lamesa niya para tingnan ang mga naipong gifts galing sa mga fans. Sinulyapan ko ang lamesa niya at nakita ang tatlong iba-ibang bouquet doon na may parehong laman.

I feel like my heart stopped beating. At nang pumintig ulit ito ay halos mabilaukan ako sa sobrang bilis at lakas.

Baby’s breath. Kagaya ng nakita ko sa kwarto ni Hubert. Gaya ng inorder ng kanyang mga magulang dahil ayon sa kanila’y paboritong bulaklak iyon ni Hubert. Ayon sa flowershop ay paboritong mga bulaklak iyon ni Hubert.

Paano niya naging paborito iyon?

It seems weird for a guy to love flowers. And order it for himself!

Hindi… may iba siyang pinagbibigyan. Someone who loves Baby’s Breath, too.

Pero pwedeng nagkataon lang. Pwedeng gusto lang din ng fans ni Flyn na bigyan siya ng ganoon.

But those are unusual flowers. Kung bibili ng bulaklak para sa taong hinahangaan, roses and tulips feels more acceptable. Hindi iyong purong Baby’s Breath lang.

And for three differant fans to give her the same kind of flowers, she must’ve mentioned it in her interviews? That she likes them.

“Hay naku! Nakakapagod! My God!” reklamo ni Carrie kahit ‘di pa siya nakakalabas ng bathroom.

Lumipad ang mga mata ko sa kanya. My initial assumptions were either or both. Ngayong nakita ko ang mga bulaklak ni Flyn, iniisip kong mas nakakalamang na si Flyn ngayon pero kailangan ko paring makasiguro.

Nagsimulang magtanggal si Carrie ng mga suot na accessories. Her bracelets, her necklace, her earrings. Pagkatapos ng ginawa ay naupo na agad sa kanyang upuan.

Abala naman si Flyn sa kanyang bag. She’s holding her handkerchief and I think she’s getting ready for something.

“Kumusta ang usapan ninyo ni Tita Daisy, Eury?” she asked in an enthusiastic tone.
“Ayos lang naman. We didn’t talk much,” tanging sagot ko.
“Oh? May interview din kami ni Flyn ngayon. Siya sa isang magazine, ako sa isang radio station. I bet some questions will be about you.” Tumango tango si Carrie sa sinabi niya.

I smiled a bit. I don’t know how to react at that. Bumaling ako kay Flyn at nakitang bahagyang tumaas ang kilay niya at nag-iwas ng tingin.

“May napag-usapan kami ng konti tungkol kay Hubert…” sabi ko para lang makita ang reaksyon ng dalawa.

Patuloy sa ginagawa si Flyn. Si Carrie naman ay nanatiling nakatingin sa akin.

“Bakit? Gising na siya?” she said it with so much concern.
Umiling ako. “Hindi pa.”
“Anong pinag-usapan ninyo tungkol sa kanya?”

Pinag-isipan kong mabuti ang sunod na sasabihin. Wala naman kami masyadong pinag-usapan ni Tita Daisy. Sinabi ko lang iyon para matantya ang dalawa. Now that they are both showing no signs related to it, I am becoming desperate.

“Na baka… ang pumatay sa kanyang mga kaibigan ay nasa paligid lang.”

Hindi ako nilingon ni Flyn. In fact, she acted so normal that I think something is not right. While Carrie looked so shocked.

“Imposible iyon. Eury, Hubert is a bad guy! It is not impossible that he killed his friends,” si Carrie. “Kung hindi siya, bakit siya umalis? Bakit ayaw niyang sumuko?”
“Baka dahil malapit sa kanya ang pumatay?”
Carrie laughed mockingly. “That’s impossible. If my friend is a criminal, I will never tolerate that. Lalong hindi ko hahayaang mapagbintangan ako, ‘no! At magsasakripisyo ako para sa kanya? No way. I would surrender and then tell the police about it.”
“May girlfriend ba si Hubert?” tanong ko nang napagtantong tama si Carrie.

Hindi ko maimagine si Hubert bilang martyr. Hindi ko siya maimagine na magmamahal ng sobra sa isang tao. But then again, what do I know about people. My fans never imagined me as a liar. Gaya nang hindi ko rin maimagine na isa sa dalawang ito ang pumatay.

“I don’t know. It’s been years since the last time we communicated.”
“Flyn, tingin mo may… girlfriend si Hubert?”

At mas lalong hindi ko maimagine na gusto ni Hubert ang mga bulaklak na iyon. For sure, he’s giving it to someone. For Hubert to buy the same flowers twice or thrice a week, paniguradong hindi iyon para sa kanyang sarili. It is for someone else. It is for someone who’s dear to him.

“How will I know?” malamig ang tingin niya sa akin.
“Akala ko may isa sa inyong nakakaalam. Naging scout n’yo rin siya, ‘di ba?”
“He was your scout, too. Bakit ‘di mo alam?” Something about Flyn’s response that told me she’s not taking this lightly.
She smiled. Tumawa rin si Carrie ngunit alam ko alin sa dalawa ang peke.
“Eury, Carrie, mauna na ako sa interview.”

Tumayo si Flyn at agad nang nagligpit ng gamit. Nagulat si Carrie doon at agad na ring naghanda. Mabilis niyang nilagyan ng powder ang mukha.

Walang prenong dumiretso si Flyn sa pintuan at lumabas ng silid. Tiningnan ni Carrie ang kanyang wrist watch at bahagyang nagmura.

“Hindi ko namalayan ang oras!”

Nakatayo siyang naglalagay ng lipgloss ngayon. Nanatili naman akong nakaupo habang pinagmamasdan siyang nagmamadali.

“Saglit lang, Eury, ha? Babalik din ako…”

Tumango ako at hinayaan siyang umalis. The next thing I know, she’s out of the door and I’m left all alone in the room.

The only thing I hear is the clock ticking. At dahil nasa entablado pa si Zander at Blair, all the staffs are still watching them.

Sinamantala ko ang oras na iyon para manghalughog. Hindi ko na kailangang mamili kung aling lamesa ang titingnan ko. I don’t want to believe it. Nasasaktan ako, iniisip ko pa lang, pero kailangan.

Nagsimula ako sa paghahalungkat sa mga regalo ng fans. Ang isang bouquet ng Baby’s Breath ay kinuhanan ko ng card.

Your favorite. We love you, Flyn.

Iyon ang nakasulat sa card ng kanyang bulaklak. Kinuha ko ang isa pang bouquet at gaya noong isa, it mentioned that it’s her favorite flower, too!

My heart is beating so loud. Natatabunan na ang ingay ng orasan dahil sa lakas ng dagungdong ng puso ko.

Nagulo ko ang mga make up niya. Nagulo ko ang mga accessories. I opened her bag and started rummaging for anything that would help me think.

Sa gilid ng kanyang bag ay nakakita ako ng isang lalagyanan ng gamot. I took out the dark brown bottle with a white blurry label. Gamot para sa boses niya? Gamot para saan?

Inangat ko ito para tingnan kung gaano karami ang nasa loob nito. I felt the bottle’s lid open a bit. Tila ba kakasarado lang nito…

What could this be?

My heart skipped a beat when the door opened. Sa salamin ay nakita ko si Flyn na nakatingin sa akin at walang pag-aalinlangang naglakad ng mabilis.

Binaba ko ang bote at nagsimulang maghanap ng pwedeng eksplenasyon sa ginagawa nang bigla niyang kinuha ang mga accessories ni Carrie.

Lumayo agad ako sa kanya sa sobrang kaba. I struggled for any alibi but I know deep inside, she knows what I’m doing. Alibis won’t work.

“Anong hinahanap mo sa bag ko?” she asked in a calm tone.

So calm and so serene that it’s creepy. Bakit hindi ko ito naisip noon? Bakit binalewala ko ang biglaang pagbabago ng trato niya sa akin pagkatapos ng trahedya? Bakit noon ay tila wala siyang pakealam sa akin ngunit pagkatapos sa Romblon ay bigla siyang napalapit?

“Your favorite flower is Baby’s Breath?” now that I mentioned it, I realized that the withered flowers given to me were probably also Baby’s Breath.

Hinablot niya ang kanyang bag. Umatras pa lalo ako, trying to get far away from her hanggang sa naramdaman ko ang tela ng kurtina sa fitting room at ang sandamakmak na damit na nakahanger sa tabi nito.

She opened the brown bottle and started pouring it on her handkerchief. Napakurap-kurap ako habang tinatanaw siyang kalmado. It sent shivers down my spine. To look at her this calm is scary.

“Hindi ka talaga nakuntento, ‘no?”

I got stunned. Hindi ko inasahang sasabihin niya iyon. Inaamin niya na ba? Hindi ko man siya pinagbintangan ay talagang alam niya kung ano ang iniisip ko.

“You should just be happy that they’re all dead. Gusto mo pa talagang makealam.”
“Bakit mo sila pinatay?” hindi ko na napigilan.

She smiled. Nagpatuloy sa pagbabasa sa kanyang panyo.

“Hindi ba pwedeng… ‘Salamat, Flyn’?”

Hindi na ako nagsalita. Mas lalo pa akong umatras nang nakitang tapos na siya sa ginagawa at unti-unti nang naglakad palapit sa akin.

I know she’s good in Mixed Martial Arts. She’s also taller than me and probably more sporty. At kung napatay niya ang mga kaibigan ni Hubert, alam kong mahihirapan akong makatakas sa kanya.

I scanned the room for anything that would help me. Nakakita ako ng isang stainless na hanger. Unti-unti akong lumapit doon nang ‘di pinapahalatang iyon ang sadya ko.

“Gago si Hubert. Ang sabi ko, ikalat lang ang hubad mong larawan. Pinatakas ka pa.”

What the hell?

“Inutusan mo sila!?” I sound so shocked even when that’s one of my speculations!
“Siya lang! Tanga siya at nalaman ng mga kaibigan niyang parehong manyakis din. Look, Eury…” she sighed.

Palapit na ako sa hanger ngayon. Nagawa pang sumilay ng ngiti sa labi ni Flyn. Ngayong nakikita ko siya na hati sa liwanag at dilim ang mukha, mas lalo lang akong kinilabutan. Her curls made her look like a horror film antagonist. Her all black outfit made her look like she’s dressed to literally kill.

Pilit kong tinago ang takot na nararamdaman ko sa pamamagitan ng pakikinig. Kahit na desperada na akong malapitan ang hanger at mahampas siya nito.

“You should be happy I killed them. Dapat ay tumahimik ka na lang at ‘di na nakealam. All you should do is pray that Hubert gets killed, too, pero ‘di ka parin nakuntento, ‘no?”

Abot kamay ko na ang hanger kaya agad ko itong inabot! Nagulat siya sa ginawa ko kaya sumugod agad siya sa akin. Itinusok ko ang hanger sa kanyang tiyan. She got stunned. Ininda niya ang sakit sa kanyang tiyan pero ang pagkakabawi niya’y hindi ko inasahan.

She pulled the other end of the hanger dahilan kung bakit ako naanod at napalapit sa kanya. In a swift move, she locked my arms with her forearm making me unable to move. Bago pa ako makaisip ng sunod na gagawin ay tinabunan niya na ng panyo ang aking ilong!

Shit!

I struggled for a moment. My voice was muffled. Inabot ko ang aking cellphone at pilit din siyang tinulak ngunit agad kong naramdaman ang panghihina ng aking katawan hanggang sa nagdilim.

Ubo ang nagpagising sa akin. Hindi makahinga at naghahanap ng hangin, sunod-sunod ang ubo ko.

Nanghihina ako ngunit pinilit ko ang sarili ko. My first thought was immediately what happened.

Hindi iyon panaginip. Kung ano man iyong ginawa ni Flyn, sigurado na ako ngayon. Flyn is the killer. She killed Hubert’s friends. She tried to kill Hubert, too. Whatever motive she has, I don’t completely know yet but one thing’s for sure. Flyn killed them. There is no doubt now.

Hindi ko na halos makita ang silid. White smoke filled the place. Basa ang hinihigaan kong sahig. Basa ang aking katawan at kahit anong dilat ko’y ‘di ko makita ang kahit ano.

Nahawakan ko ang isang bagay. I tried to lift myself up with whatever it was pero kumalabog ito at nadapa muli ako.

Isang balde iyon. At sa sikip ng silid ay nahawakan ko na ang magkabilang malamig na dingding. Tumayo ako.

I’m inside the bathroom. I don’t know where the smoke is coming from but I am literally hyperventilating now.

The smoke is thick. I couldn’t see a thing. Nahihilo na ako sa lahat ng nararamdaman. Halos hindi ako makalapit sa pintuan dahil sa panghihina.

I slammed the door dahilan kung bakit mas lalong pumasok ang usok! I tried to open the doorknob but it was locked for some reason.

“Tulong!” sigaw ko bago pa natauhan.

Ang usok ay galing sa labas. Paniguradong malapit lang dito ang kung anong nasusunog.

Dumapa ako. Mas manipis ang usok sa baba kesa sa taas. Nakahinga ako ng mas maluwang ngunit walang silbi ang paghampas ko sa pintuan.

“Tulong!” I screamed my lungs out.

Agad kong inalala na hindi dapat ako nag-aaksaya ng lakas ngayon. I need to get the hell out of here.

Gumapang ako ng konti at nagulat nang may nahawakang mga beads sa sahig.

Aztec beads are scattered on the floor. An image of Carrie’s accessories flashed in my mind. Ito iyong necklace at bracelet niya! Bakit ito nandito!

Damn it!

Flyn set this up!

May sinunog siya sa labas! Made sure that the smoke reaches the bathroom para ma suffocate ako! Sinira niya ang accessories ni Carrie rito sa loob para lumabas na nag-away kami ni Carrie at siya ang pumatay sa akin!

What the fuck!?

I slammed the door again, feeling desperate.

Kung noon ay pilit kong sinalba ang sarili ko kahit na handa akong mamatay, ngayon sinisikap kong masalba ang sarili ko kahit na pakiramdam ko’y wala na.

My breathing is labored. Hindi ko na madilat ng maayos ang mga mata ko. Gawin ko man ay umiikot na ang mundo ko. Bagsak ang aking talukap kahit pinipilit kong magising. At ni konting enerhiya para itulak ang pintuan ay wala na.

Shrieks from the outside roared. Isang alarm ang narinig ko at tingin ko’y ngayon ang buong building na ang nagpapanic.

“Eury!” I heard a girl’s voice.
“Nasaan siya? Wala nang tao sa loob! Lumabas ata. Tara na!” Flyn’s high pitch tone did not escape my ears.

Parang gatilyo ang mga boses na iyon. Adrenaline filled me.

“Tulong! Carrie!” I screamed. Muli ay nagawa kong hampasin ang pintuan pero wala na akong narinig sa labas. Siguro ay sumang-ayon na si Carrie na lumabas na ako!

Tears dropped from my eyes. For whatever reason, I always get into trouble. At sa lahat ng napasukan kong gulo, dito lang ako nakaramdam ng katapusan.

I slammed the door once again. Kahit na nawawalan na ako ng pag-asa’y ayaw ko paring sumuko.

“Tulong, please… Please…” my tears rolled even when I don’t want to cry.

Kailangan ko ng lakas. Kailangan kong huminga ng mabuti.

The only reason why I’m still fine right now is because the smoke is not thick near the floor. Doon lamang ako nakakahinga but I doubt I’d last. I doubt I’ll survive with only just that!

“Vince!” I screamed and cried.

Hinampas kong muli ang pintuan. Kasabay ng hampas ko ay isang malakas na hampas din galing sa labas.

Nagising ako roon. Kumalma at bahagyang umilag nang naramdaman ko iyon.

“Eury!”

Ilang saglit akong namangha. To hear his voice just behind the door is like a dream. Hindi ako makapaniwalang naroon siya. Pinaglalaruan lang ba ako ng aking tainga.

“Vince!!!”

One hard slam and a bodyguard went inside. Hinigit agad ni Vince ang aking palapulsuhan. Imbes na mamangha ay mas nag-alala pa ako.

Ang buong silid ay nagbabaga sa apoy! Wala akong makita bukod sa usok at kahel na apoy kung saan-saan.

“Wala nang tao! Alis na!” narinig ko ang sinabi ng isa pang bodyguard na inuubo na rin.

Walang pag-aalinlangang inangat ako ni Vince at mabilis na kumilos paalis ng silid.

“Eury…” I heard him call habang patuloy akong dinadala.

Humugot ako ng malalim na hininga at naramdamang hindi na masyadong makapal ang usok. I slowly opened my eyes and saw that I’m out of the room. May usok pero kita na ang corridors at ang mga bodyguard ni Vince na nasa kanyang gilid lang.

Dinig sa buong mall ang fire alarm. Nauna pababa ng hagdanan ang dalawa sa tauhan ni Vince. Sumunod siya, dala-dala ako. May tatlo sa likod namin.

Nang nasa basement na, nag-aantay na ang itim na SUV na siyang pinagamit ni Vince sa akin. Nilapag niya agad ako roon. Inutusan niya ang mga bodyguard ng kung anu-ano habang inaadjust ang backrest ng upuan. Gustuhin ko mang humiga at magpahinga, tila sinadya ni Vince na paupuin lamang ako.

A bodyguard brought him a towel. Habang si Vince ay abala sa paghahalughog sa aking mga braso at mga binti ay tumulak naman ang sasakyan palabas ng basement.

My breathing is still trying to normalize. Iyon ang pinagtuonan ko ng pansin habang pinagmamasdan si Vince na seryosong ineexamin ako. His jaw clenched tightly and his eyes are all on me.

“Tawagan mo si Dr. Castro. Sabihin mo emergency galing sa akin,” mariin ang boses niya.

Nilingon niya ang bodyguard na nakasquat sa tabi ko. Kinuha ni Vince ang tuwalya. He wrapped it around me.

Isang sulyap sa tabing bodyguard ay tumango ito at umalis sa aking tabi.

May nag-abot ng tubig kay Vince galing sa likod. Kinuha niya iyon at tinabi sa akin. He then immediately loosened the buttons of my pants. Bahagya akong nagulat. I saw the gleam of anger strike in his eyes. Inangat niya ng konti ang katawan ko para mahawakan ang aking likod.

In a click, he unclasped my bra with clothes on.

“Vince-”
“Stop talking. I need you to breathe normally, Eury…”

Tumango ako at hindi na nagsalita. Lumabas ang sasakyan sa basement. Ang ingay galing sa mga firetruck sa labas ay naririnig ko.

Sa pagliko ng SUV ay nakita ko ang dami ng taong pinalabas sa mall at pansamantalang naroon sa field sa likod lamang nito. Near the firetrucks and in front of the people were the vans of our station. Isang van ang nakabukas at nakita ko si Zander na nakatayo sa labas habang may tinatawagan.

Tita Daisy is being interviewed by some firefighters. She’s crying and shaking her head. Ang van ng Astra ay sarado. Dahil tinted, ‘di ko kita kung sino ang nasa loob.

“Yes, Architect. I found her. Papunta po kami ng ospital ngayon,” malamig na sinabi ni Vince sa tabi ko.

Nilingon ko siya at nakita kong may kausap siya sa cellphone.

“She’s conscious but I’m not sure if she is…” I heard him say it. “Kakausapin ko po ang manager niya-… Yes, in the mean time my priority is her safety and health.”

Binaba ni Vince ang cellphone at nilingon niya ang mga bodyguards sa likod.

“Jude, paki sabi kina Noel na pagkarating sa ospital, agad silang bumalik. Kausapin nila ang manager ni Eury. Inform her that she’s fine. Sumunod na lang sila.”
“Sige po,” simpleng sagot ng bodyguard sa likod.

I know Vince is busy thinking about what’s happening. Pero kailangan kong sabihin sa kanya, bago kami makarating sa ospital. I still have energy to say it. I can still say it before it’s too late and while the public is probably thinking that I’m trapped in there. And she can’t plan her escape.

“Vince, Flyn did it.”

Vince stared at me like I’m a puzzle he’s trying to solve.

“I figured it out. At sinabi inamin niya sa akin! Maybe because she thinks I won’t survive this one.”

Pumikit siya ng mariin. Ramdam na ramdam ko ang kanyang pagpipigil. Nang dumilat ay kita ko ang lambot sa kanyang titig.

“Tell me more about it when you’re feeling fine.”
“No, I need to say it to you before she escapes. Siya ang nagkulong sa akin sa bathroom na iyon.”

Vince stilled for a moment. I see his jaw clenching tightly.

“Hinalughog ko ang bag niya habang wala siya, Vince. We talked for a bit! I tried to get away noong nalaman kong siya nga pero tinabunan niya ang ilong ko ng panyo! Nawalan ako ng malay at pagkagising ko, umuusok na sa loob ng banyo!”

He nodded briefly. Hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit. Huminga ako ng malalim dahil naramdaman kong muli akong kinakapos ng hininga. He squeezed my hand tight and then ruffled my hair.

“Please listen carefully, baby. I need you to be okay. I need you to calm down and breath normally. I want you to be fine. That will always be my priority. Okay?” he said softly.

I nodded. He nodded back and then briefly kissed my forehead.

“I need to call Reanne right now. Kailangan na nating ipaalam ito sa mga awtoridad.”

I exhaled long and nodded. Ang isang kamay niya’y nagda-dial na ng numero ng aking kapatid. Nilagay niya iyon sa kanyang tainga pagkatapos ng ilang sandali. Siguro ay tinanggap na ni Ate ang tawag.

Hindi siya nakapagsalita. Tila may sinasabi si Reanne. Nilingon ko si Vince at nakitang nag-aantay siya ng mabuti.

“Calm down. She’s with me.”

Another pause. I can hear Ate Reanne’s voice kahit pa hindi naman naka loudspeaker ang cellphone ni Vince.

“Turn the TV on,” utos ni Vince sa kung sino.

The bodyguard on the front seat immediately turned the TV on. Unang channel pa lang, ang sunog na sa mall ang coverage.

“I need you in the hospital. I’ll have her checked. After that, you should hear what she has to say.”

Umiiyak si Tita Daisy sa coverage ng nasusunog na mall. Hindi halos marinig ang sinasabi niya sa interview.

“We haven’t seen her out of the dressing room. Baka kasi nasa CR siya at hindi pa nakalabas noong nagkasunog na…”

Tita Daisy cried. Ayon sa reporter ay inaalam pa ang cause ng sunog. Kasalukuyan paring pinapatay ang apoy dahil hindi lang pala sa parteng iyon ang may sunog!

Napatuwid ako sa pagkakaupo nang nakita si Carrie at Flyn sa camera. They both looked so stressed. Flyn’s cheek is filled with tears. Si Carrie ay tulala naman.

“Hindi ko alam. Hindi ko siya nakita. Pagbukas ko sa dressing room namin, si Carrie lang nakita ko kaya niyaya ko agad siyang lumabas. Hindi namin nakita si Eury,” si Flyn gamit pa ang kanyang nakakakumbinsing mukha.

Napatuwid ako sa pagkakaupo. Uminit ang ulo ko lalo na nang nakita si Carrie na parang nagsisisi.

“Hinanap ko siya sa dressing room pero masyado nang makapal ang usok at umaapoy pa ang mga damit at kisame. Hindi ko na nacheck ng maayos-” Carrie stopped there for her sobs.
“Vince!” I squeezed his hand tight. “Mapagbibintangan si Carrie! Nagkalat ang beads ng bracelet niya kanina sa bathroom! I need to tell the police about this! Immediately!”

Tumango si Vince at dinala ako sa kanyang dibdib. He kissed my head while I’m panicking for Carrie.

“I need to talk to the police now!” I demanded.
He sighed. “Yes.”

Tears fell down on my cheeks. Siguro ay dahil sa trauma at sa hindi pagkakatanggap sa nangyari.

I suspected her but I never thought she could really do that. In fact, sa utak ko gusto kong maprove na nagkamali ako. Pero ngayon, nandito na kami. Eto na ang katotohanan. The girl I trusted, I treated as a friend… is all fake.

Tinitigan ko si Flyn na ngayon ay umiiyak habang kinakausap ng reporter.

“Sana ay mali kami. Sana ay wala siya sa bathroom!” she cried. “Wala naman siguro, hindi po ba? Siguro naman kapag naramdaman niyang umuusok na, umalis na agad siya roon? Hindi mo ba talaga nakita, Carrie?” nilingon niya si Carrie na ngayon ay guilty’ng guilty na.
“Hindi.”
“Shut up!” I screamed. Sana ay marinig iyon ni Flyn.

Mas lalong humigpit ang yakap ni Vince sa akin.

“Shhh,” Vince said in a soothing voice.
“I trusted her, Vince! I thought she’s one of those people I can honestly rely on! Pero siya pala ang may gawa nito? Sinabi niya kay Hubert na ipakalat ang hubo’t hubad kong larawan! Hindi sila nagtagumpay dahil nakatakas ako! And now she killed them all! And if I wasn’t saved, baka pati ako! She’ll put all the blame on Carrie!”
“Hush, baby…” alu ni Vince.
Pilit kong umayos pero dumaloy ng natural ang mga luha ko. Pinalis ni Vince ang luha sa aking pisngi.
“Shh. Don’t worry…” he said in a cold baritone. “I’ll make sure all of them will rot in jail.”

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

3

Comments are closed.