Blown By The Wind – Kabanata 32

July 24, 2017 By In Blown By The Wind Comments Off on Blown By The Wind – Kabanata 32

Kabanata 32
Lying

I recalled what happened. Nang walang emosyon, kaya kong ibahagi sa kanya ang detalye ng buong nangyari. I’m not surprised. Matagal na iyon. Kung mayroon mang tumatak sa akin sa mga nangyari, iyon ay iyong pagsakay ko sa bangka. I never really thought I’d survive. It is almost a miracle.

“I’m sorry for… lying a bit,” sabi ko pagkatapos kong sabihin ang katotohanan.

Naalala ko kung paano ko tinago sa kanila ang nangyari. Kung paano siya nagtanong pero iniba ko ang sagot.

“I knew you were lying the first time we talked. But even when I tried to investigate about it, mahirap alamin kung iilan lang ang nakakaalam,” aniya.

Nagulat ako roon. I imagine him trying his all to investigate about me way back in Costa Leona, wala siyang malalaman dahil tanging si Tita Daisy lang ang sinabihan ko roon.

“Pinaimbestigahan mo ako?”
“Walang bangkang lumubog sa malapit. Wala kang kasama. Ayaw mong tumawag ng pulis. Marami kang pasa. Wala sa’yo ang mga gamit mo. Wala kang malay nang natagpuan ka ni Milo. Who would believe that you’re alright? And you wouldn’t tell me a thing so I hired armed men to look after you while the investigation is going on.”

Ngumuso ako at hindi na nagsalita sa mangha. He’s watching me close but I can sense that his mind is thinking of so many things.

“My men traced what happened in Romblon. Ang sabi’y maagang umalis ang buong team ninyo roon.”

What? Ganyan na kalawak ang naimbestigahan niya?

“You weren’t seen when you went home. Pero ang sabi ng mga kasama mo ay nasa loob ka ng van. Pinatay ang mga kasama mo roon, bukod sa isa. And that man is in the hospital, lying unconscious as we speak. That’s how far the investigation goes. Hindi ko alam na may nangyaring ganoon sa’yo sa Romblon but I guessed something life threatening happened.”

He sighed and caressed my cheek with the back of his fingers. Bumuntong-hininga rin ako at umayos sa pagkakahiga sa kanyang gilid. I can feel his warm chest beside me.

“I did not force you to tell me what happened. I know you too well. I know you won’t tell me anything. I understand and respect that. Hindi ka madaling nagtitiwala. Kahit pa sa akin.”

Wala akong sinabi. Hindi ako makapaniwalang naisip niya iyon. Hindi ako makapaniwalang may isang tao palang pinag-iisipang mabuti ang mga kilos ko.

“You grew up slow and hard.”

Inangat niya ang baba ko para maangat ko rin ang tinging kanina pa wala sa kanya. When I looked at him, my tears immediately pooled. Para bang ang pagtingin sa kanyang mga mata ay ang dahilan ng panghihina ko.

“You don’t trust because you think everyone will hurt you in the end. You don’t believe anything immediately because your family did not believe in you.”

Pinalis ko ang mga luha sa aking mga mata. Suminghot at pinigilan ang nagbadya pa. Nilapit niya ang kanyang ilong sa aking pisngi. His hot lips kissed a bit of my cheek.

“I’ve seen you grow beautifully in spite of pain, Eury. And now that it’s my turn to take care of you, please, give your full trust to me. Baby, I will give you anything you want… everything you need. I will protect you and support you even when you think you don’t need it.”

Hindi ako makapaniwalang may isang tao sa mundong ito ang kaya akong mahalin, hindi dahil sa aking panlabas na anyo. Hindi ko matanggap na ang kinaiinisan kong tao noon ang siyang mas nakakita pa sa sakit na dinanas ko. Hindi ko lubos maisip kung paano niya ako minahal ng ganito gayong wala akong ginawa kundi ang sirain ang buhay niya.

Noon. Sana hindi na maulit pa. I will do everything to make it right this time.

Ilang sandali kaming nanatiling ganyan. Tinulungan niya ako sa pagpapalis ng luha sa aking mga mata. At nang bahagya akong kumalma ay ‘tsaka niya dinugtungan.

“To do that, please tell me… why was he inside that van? What really happened?”

I inhaled and exhaled long bago ako nagsimula.

“He’s been sending me notes. Minsan din siyang nagpaparamdam.”
“Anong naroon?”
“Sabi niya hindi siya ang pumatay sa mga kasama niya.”

Umayos si Vince sa pagkahiga sa aking gilid. I can feel his weight towards me.

“Do you believe him?”

Naglebel ang aming tingin. Nakita ko ang pananantya sa kanyang mga mata.

“Ayaw kong maniwala pero hindi ko mapigilan. He asked for my forgiveness after what happened in Romblon. He’s protected by his grandparents kaya walang dahilan para matakot pa siya-”
“Your mother and sister are good lawyers. Dapat siyang matakot.”
Umiling ako. “If he’s asked for forgiveness at inamin niya ang kasalanan niya, he’s good as guilty. Sumuko na siya sa testimonya niya kaya walang dahilan kung bakit niya pa papatayin ang kanyang mga kasama. And I don’t think he’d make an effort to see me and risk it if he’s the killer.”

Nagkakasalubong na ang kilay ni Vince. Nakatingin siya sa kung saan-saan. I can almost hear his thoughts. Ganunpaman, hindi ko alam kung bakit tuwing tinitingnan siyang ganito, para akong kumakalma.

“Why would a killer kill the suspects?” Vince asked.
“The killer tried to kill Hubert, too.”
“Bakit nito gagawin iyon?”

His question stunned me.

Alam kong ilang araw na naming pinag-uusapan ni Ate Reanne ang lahat ng ito. We even have our very own set of suspects but I did not think much about the suspect’s possible motive in killing Hubert’s friends.

“May I see the notes? If he’s not the killer, and he wants you to know who the killer is, dapat sa unang kumunikasyon pa lang, nasabi niya na para tapos ang lahat. Bakit hindi siya sumuko sa mga pulis, kung ganoon?”

Tumitig ako kay Vince. He looked so concerned, waiting for all the answers to his question.

“Matagal na naming iniimbistigahan ito ni Ate Reanne. Our suspects boil down to some of my colleagues including Zander. It may be Tita Daisy, Carrie, or Flyn. I even suspected Blair. Pero wala akong maisip na pwedeng maging motibo nila sa pagpatay sa suspects.”

Dugtong na ang kilay ni Vince habang tinitingnan ako. Lips slightly protruding from all the speculations.

“If Hubert and his friends were paid by the killer to do that to me, bakit kailangan pang humingi ng tawad ni Hubert sa akin? They weren’t paid to do that…” I trailed off. “Parehong hindi si Tita Daisy, Flyn, at Carrie ang pwedeng maging suspect dahil ayaw nilang bumagsak ang Astra.”
“Wala na bang ibang sinabi si Reanne tungkol dito? Did she hire an investigator, as well?”
Umiling ako. “Ayaw kong maging mailap si Hubert. Pagkatapos noong nahuli mo akong hinihintay siya sa isang madilim na street, hindi na ulit siya halos nagparamdam. Ang tanging nagpaparamdam na lang sa akin noon, ay ang suspect. The suspect wrote something on our floor’s bathroom…”

Parang mabilis na umilaw ang utak ko.

Ang pwedeng paghinalaan lang sa lagay na iyon ay kung sino ang nasa palapag na iyon. Tatlo lamang ang nasa palapag: Flyn, Carrie, at Blair. Pareho nilang kilala si Hubert. Ayaw bumagsak ng dalawa ang Astra. Si Blair… hindi ko alam.

“What the damn hell, Eury? The killer is also writing notes for you?”
Ngumiwi ako sa mala kulog na boses ni Vince.

Magsasalita pa sana ako pero ginapos niya na ako ng mahigpit na yakap. Para bang ayaw niya akong pakawalan o ipalabas man lang sa kwarto niya.

“What the hell were you fucking thinking?”
“I’m sorry,” my voice is muffled.

Huminga ulit siya ng malalim. Iilang marahan ngunit mariing mura ang narinig ko.

I spent the whole night running through the details while he’s watching me with that relieved and desperate expression. Para bang naiinis siya sa akin ngunit hindi niya magawang magalit at magwala.

Ilang araw akong naging laman ng news. Hindi lang dahil sa aksidente kundi dahil na rin sa mga opinyon ng ilang artista at kakilala tungkol doon.

Nakahalukipkip si Vince na nakasandal sa hamba ng pintuan. Nasa highchair ako at pinaglalaruan ang isang baso ng tubig habang si Amer ay nakaupo sa sofa, nanonood ng TV. Ate Reanne’s a bit stressed. Pabalik-balik ang lakad niya galing sa malaking bintana at patungo sa dining area.

“I think Blair is just bitter with the whole thing. I don’t know really. I just know that Eury is a good person…” testimonya ng isa sa mga rising actress sa ambush interview ng kabilang istasyon.

Kasalukuyan kasing binabatikos ang mga pinagpopost ni Blair na tweets tungkol sa akin.

“We’ve all seen the wreck of that van. I don’t think Eury is just acting or trying to get attention. Kahit sino naman siguro, hindi kayang gawin iyon…” isa pang actor ang nagsabi.
“Nakilala ko si Eury sa isang show namin. She’s a good person. I don’t think others should judge what happened just based on anger…”

Pinatay ni Amer ang TV at bumaling sa akin. Tumuwid ako sa pagkakaupo.

“Ang hirap sa showbiz, hindi ba? Hindi ka pa nga nakakarecover sa nangyari, iniissue ka na na sinadya iyon para publicity ng Astra?” si Amer pagkatapos ay umiling.
“Hayaan mo na,” tanging nasabi ko.
“She’s claiming that you did it for publicity. Because bad publicity is still publicity anyway. Huwag kang mag-alala, she’s being bashed by your fans or even her fans!” si Amer.

Tumuwid sa pagkakatayo si Vince at lumapit sa akin. Dinungaw ko ang aking baso at tiningnan ang loob nito.

“Are you sure you’re ready to work tomorrow?”

Tumigil sa paglalakad si Ate Reanne para lang itanong iyon. Tumango ako. Vince arms snaked around my waist.

“Payag ka, Vince?” si Ate Reanne na parang si Vince lang ang makakapigil sa akin.
Vince sniffed on my shoulders before resting his chin on it.
“I have to work. Isang linggo na, Ate,” agap ko, hindi para kay Ate Reanne kundi para kay Vince.
“Vince…” tawag ni Ate para may kakampi siya sa pag-ayaw niyang bumalik ako sa trabaho.
“Whatever she wants to do. She’s escorted by bodyguards.”
Ate Reanne sighed her disappointment. “God, you spoil her too much, Vince…”
“Reanne, this is why we need to solve this right away.”

Tumango si Ate at muling binalikan ang nilatag na mga ebidensya sa lamesa namin. Sa usapan namin ni Vince, pumayag na akong palihim niyang pa imbestigahan ito. Isang linggo, kung hindi namin malalaman kung sino ang suspect, he’d ask the help of the authorities to solve it. Ayaw ko man, that’s the only way to make him relax. Besides, now that Hubert’s caught, hindi na rin magtatagal at masisiwalat na rin ang totoong nangyari.

“No more alone time for you while this is going on, okay?” malambing na bulong ni Vince sa akin.
Tumango ako.
“Susunduin ka ng bodyguards pagkatapos ng trabaho mo. Sa mga set mo, naroon din sila-”
“Vince-”
“There is no other way around this, Eury. You either agree to that or you’ll stay here in my condo while the case is going on.”

Madramang tumikhim si Ate Reanne. Nakataas ang isang kilay habang pinagmamasdan kami. Pilit na sumisimangot ngunit hindi maitago ang ngisi. Hindi ako nagsalita. I suddenly feel awkward. Ayaw kong makipagtalo kay Vince ngayong nakatingin si Ate Reanne sa amin.

“So far, these are the clues. Naka balot itong lahat. I checked everything for fingerprints but so far, especially the ones sent by the killer, masyadong maingat. It’s almost as if the killer expected you to check on the fingerprints kaya inayos niya ang kanyang trabaho.”

Umalis si Vince sa tabi ko at pumunta na sa lamesa kung nasaan ang mga nakuha ni Ate Reanne. Isa-isa niya itong maingat na tiningnan.

“Ang huling binigay ng killer ay iyong mga bulaklak sa loob ng isang box. Eury, who could try to sneak and put those gifts on your table?”
“Marami, Ate. Mga kasama sa Astra, si Genta, almost all of the staff around.”

Vince opened the box. Sa kung saan ako nakaupo, kita ko ang iilang maliliit at nalalantang bulaklak. Lanta na ito nang natagpuan ko. Ngayon ay halos hindi na maitsura ang bawat isa. Nadurog na ang ibang nahawakan ko noon.

“Did you check what flowers are these?” Vince asked.

Ate Reanne looked confused. Tila hindi naisip na gawin iyon. Tumayo si Amer para tingnan din ang mga bulaklak. Hinawakan niya iyon at nakita ko ang pagkakadurog ng iba.

“Amer, stop doing that…” si Ate Reanne.
Ngumiwi si Amer at agad binitiwan ang mga bulaklak.
“Small daisies? Baby’s breath or something? Tingin ko…” Amer said.
“Wala bang nakalagay kung saan binili ito, Reanne? Maybe the name of a flowershop or what?”
“Kung may lalagyanan man ito, I think the killer removed it. Masyadong halata kung isasali niya pa ‘yon.”

Flowershop? Napapikit-pikit ako. Parang kakabanggit lang sa akin niyan, ah. Hindi ko lang makuha kung saan. Hindi ko maalala kung saan ko huli iyong narinig.

“I’ll talk to my detective later,” si Vince.
“Eury, can you bring the guards inside the dressing rooms?” si Amer na nagseryoso ngayon.
“Carrie and Flyn won’t be comfortable kapag naroon ang mga bodyguards, Amer. They can hang around outside. Why?”
“May CCTV ba sa loob ng dressing room?”
Umiling ako. “Wala. Sa labas lang. Bakit?”
“Bad publicity is still publicity. Sino sa Astra ang pinakagustong sumikat?” the way Amer said it, pakiramdam ko ay malalim niya itong inisip ang lahat.
“We all want that, Amer.”
“For sure, alam mo kung sino ang mas gustong sumikat, hindi ba?” nanliit ang mga mata niya.
“Flyn wants our careers to bloom. I never heard her saying she wants a solo career. Kaya imposible, Amer. Imposibleng nasa kanila ni Carrie. We’re all very close. Lalo na ngayong may problema ako kaya hindi ko kayang isipin na meron sa isa sa kanila.”
“Lalo na? Lalo na ngayong may problema ka?” Mas lalo pang naningkit ang mga mata ni Amer.

Hindi na ako nagsalita. Amer settled for that and started looking at the evidences again. Vince is silent the whole time, maybe making sense of everything he got.

I got a couple of interviews that afternoon. Pinayagan na ako ni Tita Daisy na magsalita ngunit hindi pa ang buong detalye. Tanging ang pagkapasok ko sa van at ang paghabol lang ng mga pulis ang sinabi ko. Never about the history and the probable cause.

Hubert is still unconscious. And while Genta is still recovering, everything is gloomy on our team.

“Nag-usap na ba kayo ni Zander?” si Carrie habang inaayusan kami.

Ito ang una kong pagpapakita muli sa publiko pagkatapos ng nangyari. Wala akong naging masyadong balita sa nangyayari sa labas. Hell, my phone is not even charged until the third day I stayed in Vince’s condo.

“Hindi pa…” umiling ako.
“Kanina pa kasi siya nagtatanong tungkol sa’yo. Nag-aalala raw siya sa’yo. Actually, noong nakaraan pa pero dahil lagi kang wala sa shows, hindi na rin siya masyadong nagsikap.”
Kakausapin ko siya mamaya,” sabi ko.
“Tsss…” alma ni Flyn habang naglalagay siya ng powder sa mukha. “I bet they are trying to fix things between you and Blair dahil masyado nang naiissue si Blair sa nangyari. Lalangawin ang movie nila kung magpapatuloy ito.”

At this point, it all boils down to three. Tita Daisy, Carrie, and Flyn. Hindi ko matanggal-tanggal si Tita Daisy dahil sa nakita kong envelope sa kanyang opisina. At ang dalawa naman ang tanging malapit sa akin, na nakakaalam sa halos lahat ng ginagawa ko.

Pinulot ko ang brush at nagsimulang mag retouch sa aking blush on kahit na hindi na naman kailangan. Gusto ko lang ipakitang kalmado ako. After all, sa aming tatlo, ako ang pinakamagaling sa acting.

“Bad publicity is still publicity, huh?” I said matter-of-factly.

Parehong lumingon si Flyn at Carrie sa akin.

“What do you mean?” natatawang tanong ni Carrie sa akin.

Why do I find that question awkward? Or am I just imagining things?

“Hindi kaya sinisiraan ako ni Blair dahil gusto niya ng publicity?” I said without looking at them.
Flyn sighed heavily. “Who knows…” nagpatuloy siya sa pagpopowder ng mukha.
“Minsan nga, inisip ko… hindi kaya inutusan ng kung sino si Hubert para gawin iyon sa akin sa Romblon. After all, bad publicity is still publicity.”

The deafening silence gave me goosebumps.

“Are you serious?” Carrie asked, almost laughing at my ridiculous guess.
Nagkibit ako ng balikat.
“Kung may gagawa noon, baka gusto kang pabagsakin,” Flyn said in her usual cold tone.

Nilingon ko si Flyn. Nagpatuloy siya sa pagpa-powder ng kanyang mukha. She’s right. Baka gusto akong pabagsakin. With my naked pictures out, fans will condemn me. Wait…

That means, wala sa Astra ang gumawa noon dahil ayaw nilang bumagsak kami.

O baka naman… iyon talaga ang gusto niyang isipin ko? Na wala sa Astra dahil ayaw naming tatlo na bumagsak ang grupo?

They genuinely care for me and for the group. Pinagtatanggol pa nga nila ako sa mga batikos kaya paanong sila ang gagawa ng bad publicity or even pagpapabagsak sa akin?

But… since when did they start to care for me this much?

Nilingon ko si Carrie na ngayon ay umiiling sa akin.

I was ready to die in that boat. I was ready to submit myself to oblivion because I feel no hope for my future. My family doesn’t care much about what I’m doing. My relationship with other people is bruised with jealousy and lies. My relationship with them is… a bit… off… before everything happened.

Biglang nag-iba ang ihip ng hangin nang bumalik ako galing Costa Leona. Biglang naging magaan ang pakiramdam ko sa kanila. Bigla akong nagkaroon ng masasandalan. Maybe I opened up this time. I opened myself to them. I allowed them to see through me… and also… maybe, it’s a front. To make me believe that they couldn’t do something that evil to me.

“Stand by na raw kayo,” biglang sinabi ng staff.

Tumayo si Flyn at tinanguan na kami, bilang pagsasabi na kailangan na naming maghanda.

“Manonood daw si Tita Daisy, Miss Eury. Kakausapin ka raw niya pagkatapos ng performance ninyo.”

I nodded. Sumunod ako kay Carrie at Flyn sa labas. Nasa stage si Zander at Blair at kasalukuyang kinakausap ang kanilang mga fans. I can hear the loud boos from the crowd. Alam ko kung para kanino iyon.

“Uh, I hope you’ll watch the Downfall Chronicles showing this coming July 6-”
“Boooo!” The loud boos from the audience drowned Blair’s voice.

Napapikit ako ng mariin sa pagkapahiya. Nararamdaman ko ang sakit ng dulot noon. Hindi pa siya natapos dahil yata sa ingay. Kinuha ni Zander ang mikropono at siya na ang nagsalita na parang walang nangyari.

Parehong si Carrie at Flyn ay pinapanood ang nangyari sa likod ng kurtina. Nanatili akong nakatayo roon, nakikinig lamang.

“Sorry po, bawal talaga…” a bodyguard said to a woman in early forties. She’s trying to hand me her microphone. Nakaunipormeng at ayos pang reporter at mukhang propesyunal. Probably another TV statuon.
“Saglit lang…” she smiled pero napawi agad dahil sa pagtutulak sa kanya ng mga bodyguard.
“Eury, Eury, paunlakan mo naman o. Tatlong tanong lang!” sigaw niya sa akin.
Umiling ako. Kung sa ibang pagkakataon, papayag pa ako. Pero ngayong naka standby kami, hindi na muna pwede.
“Is it true that you were a rape victim some-” hindi siya pinatapos.

Dinampot siya ng mga bodyguards ni Vince at sapilitang inalis doon. Nanlaki ang mga mata ko. Para akong sinabuyan ng malamig na tubig sa tanong na iyon.

I know that if anyone wants a copy of that, they can always get it sa files ng presinto. Pero mahihirapan sila dahil matagal na iyon!

Tita Daisy? Kinalat niya ba iyon? At nakanino ang kopyang nakita ko sa opisina niya? I failed to ask Vince if he’s seen it! Damn it! Nawala iyon sa utak ko sa dami ng nangyari.

“It’s your turn now! Go!” sabi ng staff.

Wala na akong panahong mag-isip. Paglabas naming tatlo, hiyawan at sigawan agad ang nakuha namin.

I couldn’t believe it. The whole venue is screaming and shouting my name in a monotone.

Noong una, sa gulat ko, sa lahat ng nangyari backstage, hindi ko pa magawang tanggapin ang hiyawan. Eventually, when I relaxed, I smiled and felt their support.

It’s a spectacular experience. Pakiramdam ko, hindi ko pa kailanman naranasan na magustuhan ng marami. Ni sa panaginip, hindi ko pinangarap iyon. I am fine living and liked by the few people who matters to me. Pero ngayong nakikita kong sinusupportahan din ako ng mga taong hindi ko kilala, parang kinukurot ang puso ko.

How can they support me without knowing all my strengths and weaknesses? Did they see something in me from afar? I realized that the stage has always been a touching experience to me.

Dahil tingin ko, kahit hindi ko kilala ang mga taong ito, nararamdaman nila ang nararamdaman ko. And from there, they eventually understood what I’m trying to say. Hindi man nila ako lubusang kilala, nararamdaman nila ang sakit at saya ko. We all probably share the same experience at some point of our lives. They see their self in me. At sinusuportahan nila ako gaya ng dapat nilang pagsuporta sa kanilang sarili.

If I inspire them like this, then I want to keep them inspired. I will do my best.

The euphoria I felt on that stage slowly vanished when our performance is done. Sumulyap si Zander sa akin bago sila bumalik ni Blair sa stage at balik ulit ang fans sa katahimikan, kung hindi man ay pangungutya. I honestly feel bad about it.

“Eury,” matamang tawag ni Tita Daisy sa akin.

Nakita kong parehong bumalik na si Carrie at Flyn sa aming silid. Tinapik ni Tita Daisy ang aking balikat at tipid na ngumiti. She looks tired and pleased.

“I’m proud of you…” si Tita sabay amba ng yakap sa akin.

I hugged her back. Masaya sana ito kung walang ibang gumugulo sa utak ko, pero mayroon.

“I was worried you’d get attacked by some reporters para lang makakuha ng scoop. Aside sa bouncers, mabuti na lang naghire si Vince ng bodyguards.”
Tumango ako. “Opo.”
“Sabi ng bouncer kanina, may sapilitang lumapit na reporter. Don’t answer too much, Eury.”
Kumunot ang noo ko. Ngayong iyon ang pinili niyang pag-usapan namin, hindi ko na napigilan.

Tita Daisy is not a mother to me. She’s really the typical “tita” gustuhin niya mang maging ina ng aming grupo. Sa dami ng hinahandle niya, I doubt she’s concentrating on our group. But I guess, ang unti-unting pagsikat namin ang dahilan kung bakit mas tinuunan niya kami ng pansin sa ngayon.

“I was asked about a case years ago.”
Kumunot din ang noo ni Tita Daisy. Her all attention is on me now.
“Alam mo po ba ang tungkol doon?”
Nagtaas siya ng isang kilay. She’s already fanning herself. “Na ano?”
“I found an envelope in your office containing a copy of the report. It’s an attempted rape report.”
“Wha… What? The one involving Hubert? You called the police for that?” bulong ni Tita Daisy sa isang kalmadong boses.

Umiling ako. Bahagyang nagulat dahil iyon ang inisip niya. Is she acting or not?

“The one involving another person. It happened years ago, Tita. It was in your office.”
Umiling si Tita. “Eury, sa dami ng hinahandle ko, ang mga importanteng bagay gaya ng experience mo sa larangang ito lang ang importante sa akin. I don’t go too much into details like that. I didn’t know what happened.”
“But it’s in your office…” I said almost accusingly.
Huminga ng malalim si Tita. “Siguro ay kasama na iyon sa pagkakalap ko ng impormasyon. You know, I usually do that but I don’t read everything thoroughly. Nilalagay ko iyon doon for future purposes. Hindi ko pa iyon nababasa. Why? You were… almost raped years ago?” lumiit muli ang boses ni Tita sa huling tanong.

I sighed heavily and closed my eyes.

“Eury, ano bang nangyari? What about it?” ngayon tila natataranta na dahil sa katahimikan ko.

Dumilat ako at tiningnan muli si Tita. Her eyes are restless. Parang naghahanap ng sulusyon sa kung saan saan. Nang nakitang nakatingin na ako ay agad na tumitig.

“Anong problema? Should I be worried? I haven’t read that report yet. Kahit iyong mga medical reports ng ibang hinahandle ko, minsan hindi ko nababasa. So whatever that is, paniguradong hindi ko pa iyon nababasa,” she said.

Kinagat ko ang labi ko at pilit na hinanap ang pwedeng makapagsabi na nagsisinungaling siya.

“Anong meron doon, Eury? Is this about Hubert?” she hissed.

I exhaled. Nilingon ko ang pasilyo patungo sa aming silid. I shook my head and looked at Tita Daisy again.

She’s not lying. That’s for sure.

“Wala po. Mag-usap na lang tayo mamaya, Tita. Mag bibihis lang po ako.”

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

1

Comments are closed.