Blown By The Wind – Kabanata 31

July 24, 2017 By In Blown By The Wind Comments Off on Blown By The Wind – Kabanata 31

Kabanata 31
Kill

Mabilis ang naging panahon. Nagising ako nang dumating ang ambulansya. Gising din ako nang nakitang duguan ang noo ni Genta at sa sobrang dami ng dugong nakita ko ay para akong mahihimatay.

“Saan ang masakit sa’yo, Miss?” tanong ng isang naka unipormeng rescuer.

Hindi ako nakapagsalita. Nakalabas na kami sa van. Wala akong malay noong nirescue kami at ngayon lang nagising.

“Gising siya! Check on her vitals again!”

Ipinasok na rin ako sa ambulance. Masyado akong tulala para sumagot sa kanilang mga tanong. Tanging tango lang ang naipapakita ko tuwing may tanong sila tungkol sa kung saan masakit.

My head is aching. I need to be checked thoroughly. Ang dugong dumaloy sa mukha ko ay dugo ni Genta. She needs stitches for her deep cuts. At kanina ko pa naririnig ang mga nurses na sinasabing ang sugat ko ay nasa kamay lang pero kailangan parin akong icheck dahil sa mga pasa.

“K-Kumusta si Genta?” sa wakas ay natanong ko habang ginagamot ang aking sugat.

Hinatid ako sa isang pribadong room. Bago ako nakarating doon, nakita ko ang presensya ng mga pulis sa ospital.

My mind wants to explode from all the worrying. Una, ayos lang ba si Genta? Pangalawa, sino ang driver? Pangatlo, bakit niya ito ginawa?

“Kasalukuyan nang tinatahi ang sugat, Miss.”
“Is she still unconscious?” I asked.
“Gising na po siya noong lumabas ako kanina,” sagot ng babaeng nurse na siyang nag lalagay ng bandage sa aking mga daliri.

I obliged to all the tests they tried on me. Kahit pa gulong-gulo na ako sa nakikitang dami ng pulis sa labas at sa lahat ng katanungan sa utak ko.

I guess, what’s important for me is that Genta’s fine.

Pagkatapos pa ng tests ko nakuha ang aking mga gamit. It was retrieved from the van we’re in. Kasama na rin doon ang gamit ni Genta na hinatid na rin sa kung saan man siyang silid.

“P-Pwede ko bang puntahan si Genta?” I asked worriedly when I did not understand why I’m isolated in a private room when I did not have any major cuts or bruises.
“Sorry po, Miss. Eto ‘yong bilin sa amin. Hindi ka pwedeng lumabas unless may tests. Marami po kasing reporter sa labas na nag-aantay sa sasabihin mo. Masstress ka lang, po.”
“But is she okay?”
The nurse nodded again. Pakiramdam ko ay sawa na siya sa minu-minuto kong tanong.

The door cracked open just after the nurse’s tired nod. Pumasok sa loob ng silid si Mommy na agad ang lakad patungo sa kama kung nasaan ako. Sumunod si Daddy sa kanya, may hinihintay na pumasok din kasama nila. Just a few moments apart, Vince went inside the room wearing his stoic expression.

Tumuwid ako sa pagkakaupo. Binalot ako ng yakap ni Mommy, kinulong ang mukha sa kanya palad bago ako tinanong.

“Are you alright? Nagtanong na ako sa doktor, anak, pero iba parin iyong matanong kita ng maayos.”
“I’m okay, Mom,” sabi ko.

She hugged me again. Daddy is standing behind her, looking at us. Kausap si Vince na nasa hindi kalayuang likod niya.

“Narinig ko, Eury, the driver is a criminal. Is it true? And he’s the grandson of your station’s president?”

Hindi na hinintay ni Daddy ang sagot ko.

“What a disgrace! Kung hindi nila kayang protektahan ang mga artista nila laban sa mga kriminal nilang kadugo, napakawalang kwenta naman nila sa mga trabaho nila?”

Nilingon ni Daddy si Vince. Vince’s attention is all on Dad now.

“This is ridiculous! And why is she without security, anyway? Kayo lang dalawa ng P.A. mo roon?”
“Na-late po ako, Dad,” agap ko.
“Oh, Eury! You’re defending that station again! This is why I never want this for you! Bukod pa sa maraming masasamang tao na hahanga sa’yo, wala pang kwenta ang management diyan!”

Bago pa ako makapagsalita, may pumasok nang muli sa silid ko. Tita Daisy was confident at first, when she realized that my parents were there, bahagyang nawala ang confidence niya.

“Architect, Judge!” She laughed awkwardly habang mabilis ang palo ng kanyang pamaypay.
“Daisy, mag-usap tayo sa labas,” utos ni Daddy.
Hilaw na ngumisi si Tita bago tumango. “Saglit lang po. May ipaparating lang ako kay Eury.”

Bumukas ulit ang pintuan at pumasok si Ate Reanne at Amer. Ate Reanne looks very disappointed while Amer looks too dramatic. Agad itong sumugod at yumakap sa akin. Hindi na ako nagreklamo kahit na masakit pa ang katawan ko.

“Anong nangyari sa’yo, Amore? My God! As soon as the news came to me, dumiretso agad ako rito!” si Amer na huli na nang napagtantong maraming nanonood sa amin.

Kumalas siya at nahihiyang lumayo. Tipid akong ngumiti bago nagsalita.

“Don’t worry. I’m fine.”
“Eury, hija, Carrie and Flyn wishes you well. Hindi na sila pupunta rito dahil maraming reporters. I also suggest that you shouldn’t answer the reporter’s questions in the mean time.”
“Hindi siya sasagot sa mga interview? Bakit? Para pagtakpan ang kawalang kwenta ng security ninyo?” singit ni Daddy

Hinaplos ni Mommy ang braso ni Daddy. May sinabi rin si Ate Reanne sa kanya dahilan kung bakit nagdesisyon itong lumabas sa silid.

Vince went with them. One glance at me before he lead my Mom outside of the room.

Huminga ng malalim si Tita. Kita ko ang kaba sa kanyang mukha. Her fat cheeks were a bit red.

I was about to say sorry for the trouble when I realized I found that brown envelope in her office. She could easily be the killer. Tinikom ko ang bibig ko.

“Mag-uusap lang kami ng parents mo,” paalam niya.

She also left the room. Ang natitira ay ang nurse, si Amer, at si Ate Reanne lamang. The nurse eventually excused herself leaving us three inside that room. Nang kami na lang ay ‘tsaka pa umupo si Ate Reanne sa gilid ng kama.

“Did you know that the driver is…” she trailed off and glanced at Amer.

Alam ko ang ibig niyang sabihin. Siguro’y inisip niyang hindi alam ni Amer ang buong kwento. Tumango ako.

“Is it Hubert?”
“Si Hubert?” natatarantang tanong ni Amer.
Nagulat si Ate roon. Tumitig siya kay Amer.
“Amer knows, Ate Reanne.”
She sighed and relaxed.
“Inooperahan siya ngayon at hindi pa nagkakaroon ng malay. He’s in a critical condition,” si Ate Reanne.
“Wait… Wait lang… Hubert? Si Hubert ang nagdrive ng van?” tinuro pa ni Amer ang pintuan para may emphasis.
“Yes, Amer. What’s funny is…” Ate Reanne’s face dimmed. “…the police received a call just minutes after the incident. Na may criminal na magmamaneho sa van ninyo. Sinabi ang plate number pati ang detalye.”

Kumalabog ang puso ko. That explains the immediate presence of the police!

“Sino?” tanong ko.
“Hindi raw sinabi. Anonymous source. Now they can’t reach the number.”

Nagkatinginan kami ni Ate Reanne. Amer looked confused for a moment before he settled for his reckless answer.

“Baka iyon ‘yong mga pumatay sa mga kaibigan ni Hubert, Eury? He or she wants the police to chase the van para magkaganito nga!”
“Hindi iyon gagawin ng killer, Amer. Paano kung hindi kami bumangga at may malay si Hubert? Hubert would tell the police about the crime-”
“Maybe he or she knows that Hubert is a bad driver?” si Ate Reanne na nakakunot ang noo.
“Bakit nga ba hindi sumuko na lang si Hubert sa unang pagkakataon pa lang? Kung hindi pala siya ang pumatay? Bakit ‘di siya sumuko sa mga police at magsumbong?” si Amer na ngayon ay mas lalong nagpapagulo na sa akin.
“Maybe he used cocaine. Alam niya na kahit anong sabihin niya sa mga police, kung positibo siya sa droga, may chance na nagsisinungaling siya.”
“Or maybe, it’s someone who has alibi that day? Matibay na alibi, dahilan kung bakit kahit magsumbong siya, ‘di siya papaniwalaan.”

My mind is haywired from all their opinions. Pisikal o mental, masakit ang ulo ko. Hindi na ako dumugtong pa sa mga sinasabi nila.

“Where is Zander and Blair when the crime happened?” tanong ni Ate sa akin dapat pero si Amer ang sumagot.
“Boracay.”
“Where is Tita Daisy?” lumiit ang boses ni Ate Reanne.
“Manila?” Amer looked at me. I only nodded.
“Carrie and Flyn?” Ate Reanne.
“Manila, too,” ako na ang sumagot ngunit agad ding umiling. “Si Carrie, nahingan ng opinyon sa interview noon. Nasa Manila siya. Si Flyn, hindi na interview. She’s busy with her shoots. I’m just not sure if it’s in Manila or not.”
“Ay. Wait lang… Listahan ba ‘yan ng suspects? Sorry, I’m a newbie…” Amer said in a girly tone making the whole serious moment funny.

Ngumuso si Ate Reanne habang tinitingnan si Amer.

“Zander might be the killer but he has a strong alibi. Sila ni Blair. Plus there’s pictures of them that day in Boracay. Unless he planned it all out to look like that, right?”
Tumango si Ate Reanne.
“But… Tita Daisy? Carrie and Flyn? Pinagdududahan ninyo sila?” si Amer.
“Yes. It should be Hubert and Eury’s common friend or acquaintance. Marami pero ito ang pinakamalapit at posibleng may motibo.”
“What could Tita Daisy’s motive be, then? She likes Hubert? That’s like… ew?”
“Hindi, Amer. She might be trying to keep Eury’s image clean.”
“So pareho sila ng pwedeng rason sa mga taga Astra? Ayaw nilang bumagsak si Eury. But this one is a bold move, huh? Pinapahuli niya si Hubert sa mga police. If he or she knows that Hubert is a bad driver, he or she knows the van would be wrecked, too. E ‘di, kung kasali si Eury, paano kung may nangyari masama kay Eury? E ‘di bagsak ang Astra?”

Nakatitig lamang ako kay Amer ngayon. I can’t believe he’s dropping reasonable ideas easily. Alam kong madaldal lang talaga siya minsan pero hindi ko inakalang napapaisip ako ngayon sa mga sinasabi niya.

“I will check on the details about the anonymous call. Kung anong oras iyon. Maybe the killer’s goal was only to chase the van without Eury in it. Maaaring na traffic ang mga police kaya napurnada ang plano niya. But this is really positive. It was the killer who called,” kumpirma ni Ate Reanne.
“Wait lang, huh? The killer knows Hubert is a bad driver. That means, the killer is close to Hubert. Iyong tipong sumasakay ito sa sasakyan ni Hubert… dahil alam niya kung anong klaseng driver si Hubert, ‘di ba? Who among your suspects is that close to him?”

Nagkatinginan muli kami ni Ate Reanne. Sa huli ay umiling ako. Wala. Hindi ko maimagine na close si Tita Daisy at Hubert. Parehong si Carrie at Flyn ay may disgusto kay Hubert, kahit pa naging scout nila ito.

I feel like I’m back to sqaure one. Nasa kanila ba talaga ang pumatay? Paano kung wala?

“Eury, you have to tell the police. Or at least Vincent. This is no joke. The killer is very determined to cover up his or her crime. Para gawin iyan, kaya niyang manakit ng tao… pumatay… Delikado ito. I suggest you should take a break from all of these. This isn’t good for you. Your career doesn’t matter now that your life is in danger.”

Ate Reanne is right. Gaano ko man kagustong magtrabaho, ayaw kong isakripisyo ang kaligtasan ko.

I’m still so curious about this. But now that Hubert’s caught, I feel like we’re closer to the truth. I just hope he’ll be fine.

Maaring hanggang ngayon palaboy-laboy parin ang killer. Nakakatakot isiping nasa istasyon lamang ito. Mas nakakatakot isiping malapit ito sa akin. Tumindig ang balahibo ko nang naisip muli iyon.

The door opened and Ate Lyanna entered with Kuya Dennis. Her cold expression did not change at all. Kahit pa sa ganitong sitwasyon. Hindi rin naman sa inasahan kong magbago iyon, I just thought she’d give a little emotion.

Nakita kong pinasadahan niya ng tingin ang aking mga bandage. Tumayo si Ate Reanne para magbeso sa kanya.

“Ate… She’s fine. No major injury. Though her P.A. and the driver are both in the operating room.”
Tumango si Ate Lyanna at lumapit pa lalo sa aking kama.

Hindi ko alam kung paano bumati. Whatever it is that separated me from my sisters before, I don’t feel it anymore. Ang tanging nararamdaman ko na lang ngayon ay ang awkwardness. Dahil alam ko sa sarili ko na sa ilang taon naming pagiging magkapatid, hindi ko maalalang naging malambing ako sa kanila… o sila sa akin. Especially, Ate Lyanna.

The barrier before was called favoritism. Ngayon hindi na. Ang bakod sa gitna namin ay ang kawalan ng kumunikasyon at pag-iintindi.

“Dad and Vincent are talking to the doctors for your results. Ginagawa naman ni Mommy ang lahat para makauwi ka kahit pa may imbestigasyong magaganap,” sabi niya sa akin bago bumaling kay Ate Reanne. “How long do you intend to stay here?”
“Just until tonight, maybe? Saan daw ba uuwi si Eury, Ate?”
“Dad is more comfortable when Eury is with Vince.”
“Oo. Vince hired bodyguards.” Napatingin si Ate Reanne sa akin.
Nanliit ang mga mata ko. “How did you know?”
“It’s obvious outside…” paliwanag ni Ate Reanne bago siya huminga ng malalim. “Fine! He asked me what was wrong with you dahil may mga weird kang gawain, I couldn’t tell him. Sinabi niya sa akin na he hired bodyguards dahil nagdududa siya sa mga kinilos mo.”
“Kailan?” tanong ko.
“Noong nahanap ka roon sa lugar na iyon!” tumaas bahagya ang boses ni Ate Reanne. “Pero base sa sinabi niya, pag-apak ninyo ng Manila galing Costa Leona, may bodyguards ka na. So he’s really a bit doubtful with your crazy excuses!”
“Baka may bodyguard na siya noon pa? Sikat siyang architect, Reanne,” si Kuya Dennis biglang pinuna ang sinabi ni Ate Reanne.
“Oh, I don’t think he’ll need a bodyguard for himself. I can imagine him sexily punching and killing all the bad people who’ll try to get him,” singit naman ni Amer.

Parehong tahimik ang dalawa kong ate habang tinitingnan si Amer. Amer smiled sweetly and dreamily. Umiling na lamang ako. Nabasag ang katahimikan sa sinabi ni Ate Lyanna.

“Hindi na kami magtatagal ni Dennis. I have a flight to Singapore tonight.”
“Oh! Okay!” Ate Reanne kissed my sister again.

Bumaling si Ate Lyanna sa akin. Poker faced, she slowly smiled softly.

“Magpagaling ka. Walang mas importante pa sa buhay, Eury.”

Iyon ang huling sinabi ng kapatid ko bago ito umalis. Pagkaalis niya’y siyang pagbalik ni Daddy at Mommy sa silid. Nag-usap sila saglit ni Ate Reanne.

Nahuhulog na ang aking mga talukap. Nilapitan ako ni Amer para ipaalalang kailangan kong magpahinga ng kahit konti. Hindi na nagtagal, nakatulog na ako roon.

Bago ako pinayagang makauwi, the police officers asked me a few questions. Mabuti na lang at bukod sa insidente, wala na silang ibang tanong. I don’t want to be asked yet about Hubert’s probable motive.

Tahimik akong sinamahan ni Vince sa mga panahong iyon. Kapag tinatanong ko siya, sasagot lang siya. Ganoon din ako sa kanya.

It was like there’s an awkward air between us. I don’t want to touch it. I know what it is.

Gabi ng sumunod na araw nagising na si Genta. Tapos na rin kahapin ang operasyon ni Hubert pero hindi pa raw siya nagigising.

It is Genta’s turn now to be asked by the police officer kaya hindi allowed ang kahit sino sa kanyang silid. Ang sabi ni Vince ay uuwi na kami ngayon sa condo kaya gusto ko sanang bumisita pero hindi na ata pwede.

Galing sa silid ni Genta, kasama ang dalawang bodyguard habang si Vince ay may inasikaso sa ospital, napadaan ako sa isang pasilyo kung nasaan ang President at ang asawa nito. Bouncers mixed with police officers were also on the corridors.

This is Hubert’s room?

Una akong namataan ng Vice President. Sinalubong niya agad ako ng yakap habang umiiyak.

“I’m sorry, hindi kami nakabisita sa silid mo. We we’re busy waiting for Hubert to wake up.”

Sabay naming nilingon ang salamin ng isang silid. Maraming tubo ang nakakapit kay Hubert. Isang bandage ang pumalibot sa kanyang noo. Bali ang dalawang paa. Hindi ko alam kung ano pa ang ibang sugat dahil natatabunan ang katawan niya ng kumot.

Hubert’s room is filled with tubes and machines. Tanging ang sandamakmak na parehong bulaklak lamang ang nagpapaliwanag sa silid niya. Tinitigan ko siya na nakapikit at tahimik na nakahiga roon.

This man tried to harass me back in Romblon. Sabi niya, hindi siya ang pumatay sa mga kaibigan niya. Kung ganoon, sino, Hubert?

“Ayos lang, po.”

Hindi ko kayang kumustahin si Hubert. Kahit pa humingi siya ng tawad at determinado siyang sabihin sa akin kung sino ang pumatay sa mga kaibigan niya, now that I see him this close, I am reminded of how disgusting he is as a person.

Alam ko. For years, the disturbing stares of men made me suffer silently. Inisiip ko noon na normal iyon. They are lusting for me… for my face… for my body… so it’s normal to be stared that way, no matter how uncomfortable I am. I feel harassed pero inisip ko, normal iyon. And even when they touch me, no matter how uncomfortable I feel, pakiramdam ko, normal iyon.

When I was left alone with a group of cruel men, almost naked, they touched me in disturbing places. ‘Tsaka ko napagtanto na hindi normal ang lahat ng iyon.

Sa ilang insidenteng nangyaring ganoon, isa lang ang pinagbintangan ko. For the wrong reason. And simply to save myself.

“Isusuko namin siya sa mga pulis, hija. Pasensya ka na sa lahat ng idinulot ng apo ko sa’yo.” Nanginig ang boses ng matandang ginang.

Bumaling ako sa kanya. Ayaw ko mang makaramdam ng awa, I can feel it creeping in my heart.

“Alam kong mahirap magptawad. At hindi rin kami makikiusap sa’yo na tumahimik na lamang. You telling your story is healing. I want you to heal. And I want my grandson to finally pay for the injustice he did.”

Tumango siya.

She’s right. Telling my story is healing. But I can’t tell it just yet… when I know, there’s a missing part. This is not for Hubert… or for his friends… this is for myself.

May kumusyong nangyari nang dumating ang iilan pang parehong bulaklak sa loob. Ang baritonong boses ng Presidente ang nagpalingon sa aming dalawa ng ginang.

“Ang dami niyan. Dito na lang sa labas!” utos niya.
“We ordered his favorite flowers. He buys that almost twice or thrice every week. Sana gumising na siya. Kahit gumising man lang…” anito.

Tulala ako sa loob ng sasakyan ni Vince. Pinroseso ko lahat ng nangyari at natigilan lamang nang nakita ang iilang mga fans sa labas.

“Get well soon, Eury!” sigaw nila nang nakita ang sasakyan ni Vince.

Puno ang buong islets ng ospital nila. I opened the window and put on a smile before waving.

Naghiyawan at sigawan sila. I even saw the faces of young girls crying the moment I waved at them. It touched my heart.

Eury, stay strong!
I love you, Eury!

Nang nakalayo ay sinarado ko ang bintana at nilingon si Vince.

“Most of my projects were postponed because of what happened,” sabi ko.
Tumango siya. Nanatili ang mga mata sa kalsada.

Mas lalo lang nadepina ang kanina ko pa napapansing barrier sa aming dalawa. And I know why…

“M-Mabuti na lang sa kamay lang ang sugat ko,” I added a jolly voice to break the barrier.
Sumulyap lamang siya sa akin, magkahalong galit at pagpapasensya ang ekspresyon.
“Hindi pa ata makakalabas si Genta.”

Wala siyang dinugtong na kahit ano. Ako lang ang nagsasalita buong byahe, nagbabakasakaling maayos ko ito.

“Nagpunta palang Singapore si Ate Lyanna?” I tried again.

Hindi parin siya umimik.

“Anong hapunan natin ngayon?”
“Nagpabili na ako. Sa condo na tayo kumain.”

The conversation died immediately.

“Anong ulam?”
“Do you have any requests?” he glanced at me.

There!

“Uh, I want lobster and sushi?” I smiled.

Tango lamang ang nagawa niya. Pagkatapos ay kinuha ang cellphone at may tinawagan.

“Add a lobster with butter sauce and all kinds of sushi… Sige. Salamat.”

Hindi na ulit siya nagsalita. I pouted and sighed heavily. I sighed and sighed louder para madinig niya. I crossed my arms but he never glanced my way.

Sinarado ko ang pinto ng sasakyan niya at agad na nagmartsa sa elevator. Sumunod siya, nanonood sa akin ng medyo may tensyon sa mga mata.

Hindi na ako nagsalita sa loob ng elevator. Ganoon din siya. Nang bumukas ay nauna na akong lumabas, sumunod naman siya.

I opened the door of his unit and went inside. Tumigil pa ako sa sala para panoorin siyang pumasok. He locked the door and immediately walk past me para makapasok na sa aming silid.

Sumunod ako sa kanya. Hindi ko na ata siya madadala sa mga arte ko. I opened the door and saw him unbuttoning his white longsleeves while watching the city lights below. His soft silhouette looks so intimidating. Binuksan ko ang lamp shade sa harap para makita ko ang ekspresyon niya.

“Are you mad at me?” tanong ko.

He did not say anything. Imbes ay pinagpatuloy niya ang paghuhubad ng pang-itaas na saplot. My eyes drifted on his core muscles the moment he removed the shirt. Pasimple niyang itinapon iyon sa kama.

“Vince, I know you don’t want me hurt pero this is so unlike what happened the last time. Papunta akong trabaho, I met this accident and…”
He nodded and started unbuckling his pants. I saw his protruding adam’s apple move when he swallowed hard. Humarap siya sa akin.

You know what? Never mind? Magbihis ka muna rito. Umamba akong aalis pero hindi ko nagawa dahil nagsalita siya.

“May hindi ka ba sinasabi sa akin?” he asked coldly.

Ilang sandali kaming nagkatinginan. Just a while ago, I was ready to tell him about it. Now that he’s all ears, I’m suddenly not ready.

He sighed heavily.

“Sorry. I know you’re tired. Magpahinga ka muna.”

I know he’s trying to supress whatever he’s feeling. Alam ko dahil galing sa ekspresyon niya kanina, mas lumambot ang kanyang mukha.

Parang tinutusok ng punyal ang puso ko. Hindi ko na alam kung alin ang uunahin ko.

Ikinahihiya ko ang mga ginawa ko sa kanya. Mas lalo kong ikinakahiya iyon kapag nalaman niya ngayon. At wala siyang ginawa sa akin kundi ang maging mabuti, ang tumulong, ang pabayaan ako sa kahit anong gusto ko. Walang kapintasan ang turing niya sa akin, and yet…

My treacherous tear ducts revealed the supressed tears. I cried more than I should. Siguro ay dala na rin sa takot na ngayon pa lamang sumabog. Dala ng kaba. Ngayon lang ako iiyak. At iiyak lang ako sa harap niya.

Nakita ko ang pag-aalala sa mukha niya. Sa mabilis na kilos, kinain ng malalaking hakbang ang distansyang pumagitna sa amin.

“I don’t want us like this… Vince, I’m… s-sorry…” basag na basag ang boses ko. Natitigil sa hikbi.

He wrapped his arms around me and kissed my forehead.

“Shhh…” alu niya.

Ang dalawa kong palad ay nasa aking mga mata, pilit na pinipigilan ang mala gripong luha na bumubuhos.

“I almost got raped… in Romblon…” it was followed by my deafening sobs.

His embrace tightened. At hindi ko alam kung bakit mas lalo akong naalu sa kanyang mahigpit na yakap.

“Hindi ko masabi… sa’yo dahil iniisip… ko hindi ka maniniwala… sa akin dahil sa ginawa… ko sa’yo noon.”

He muttered a soft curse. I felt his chest heaved, like he enhaled for too long.

“I escaped through that boat. Akala ko… mamamatay na ako, Vince. Akala ko… patay na ako. And… it was so… weird because… I was… ready to die.”

Nanginginig na ako sa pag-iyak ngayon.

“I was miserable… for years… I was… happy to die… pero… napadpad ako sa kung… nasaan ka…”

I can hear his breathing violent. Wala siyang sinasabi pero may poot akong nararamdaman sa kanyang pagkakahawak sa akin.

“Isa… iyong driver… ng van na sinakyan namin ni Genta… sa mga lalaking nagtangka sa akin.”

Tumigil ako sa pagsasalita. Dahan-dahan, parang unti-unting naibsan ang bigat sa aking puso. Parang isang punong timba na unti-unting naibuhos.

Binaba ko ang aking palad. Medyo kumalma na ako but Vince remained the grip and the strength. I can almost feel his anger.

“Do you believe me?” I asked, still sobbing a bit.

Hindi parin siya nagsalita. Humigpit lamang ang yakap niya. My breasts squished between us.

“I hope you do…” I said desperately. “Because this time… this is true.”

Tinulak ko siya kahit na sobrang higpit ng yakap niya. When he felt my force, agad namang nag adjust ang kanyang yakap at nagpatulak siya ng bahagya. Tiningala ko siya. Bloodshot and angry eyes made me realize that he believed me. So much.

Bumagsak ang tingin ko. He believed me when he was once a victim of my lies.

“This… this is not like… what happened between… us… way back-”
“Shh… I know,” he said softly.

I never thought he couls say something that soft even when I can see so much anger in his eyes.

“Ang mga kasama ba niya ang tinukoy ng mga pulis na pinatay sa kanyang apartment?” his voice controlled and precise.
Tumango ako.
“Wala na bang iba bukod sa kanya?”
Umiling ako.

Hinigit niya ang aking palapulsuhan at muli akong niyakap.

“It’s a good thing they’re already dead. I’d kill them, anyway,” his voice full of venom.

Niyakap ko siya pabalik. Ng mahigpit.

“I want to know more, Eury. This is not enough.”

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

1

Comments are closed.