Blown By The Wind – Kabanata 30

July 24, 2017 By In Blown By The Wind Comments Off on Blown By The Wind – Kabanata 30

Kabanata 30
Dilim

Hinalughog ko ulit ang aking bag. This time, I am already panicking.

I lost the report I found at Tita Daisy’s office! Damn it!

Kapapasok ko lang sa istasyon ngayon. Sinadya kong parehong bag ang dalhin para roon. I failed to check it at home because I’m too preoccupied with Vince. I failed to check it earlier because I’m too busy with work, too.

Alas tres y media nang umalis kami ni Vince sa condo. Our call time is four in the morning, that day.

Sinabi ko sa kanya na pwede naman akong magpakuha sa service. Ayaw niya naman. I also told him to go home after niya akong ihatid but he didn’t want it, too. Imbes ay nagbihis na rin siya pantrabaho dahil didiretso na siya sa opisina niya mamaya.

Gaganapin ang shoot ng music video sa isang unibersidad. Sa pagkakaalam ko, dito rin ginanap ang shooting ng movie nila. Hindi ko lang alam kung tapos na ba.

“Are you sure you’ll stay here?” tanong kong muli pagkalabas niya sa sasakyan.

Wearing his white longsleeves rolled till his forearm, hair still a bit damp, he looked all male without a trace of vanity. Kahit pa sobrang gwapo at maayos ding manamit.

He scanned the whole busy tents before he nodded. Uminit ang pisngi ko nang napagtantong mukhang first time niya itong makita ako sa ganitong trabaho. With large cameras, so many staff, and other things. I wonder if he understands what this is all about.

“Eury, sabi sa tent na lang daw si Architect…” Genta said kasabay ng tipid niyang ngiti kay Vince.

Tinuro ni Genta ang tent namin. Naroon si Carrie na tinuturo na rin ang isang upuang inihanda ata para kay Vince. Tita Daisy beamed at me pagkatapos ay nilapag ang iilang pagkain sa tapat ng lamesang uupuan ni Vince.

“You’ll sit there. Aayusan pa ako.”

Vince nodded again. Hinatid ko siya roon. Parang sobrang big deal ang presensya niya. Everyone’s extra hyper. Lahat din ay nag-ooffer sa kanya ng pagkain at maiinom. The staff tried to converse with him. Habang inaayusan ako ay tinitingnan ko siyang nakikipag-usap sa kanila. Some giggled like a little girl. Some shamelessly flirted.

Umiling na lamang ako. I know his charms could even affect any woman… or even a flower pot.

Masyado ko silang binantayan na huli ko nang narealize na naroon nga pala sa kabilang tent sina Zander at Blair. I saw Zander’s piercing eyes on me. Nang nakitang napatingin ako sa kanya ay agad siyang umiwas. He shook his head looking so disappointed with something. Tumayo siya at umalis sa kanilang tent kahit na tinawag siya ng ibang staff.

“Eury, nandito ang mga gagawin ninyo,” may binigay na isang folder ang isang staff sa akin.

Bumaling ako roon at binasa ito. Napatingin ako kay Flyn at Carrie na parehong inaayusan din sa harap ko.

“May frame na kayong tatlo. Prepare for the bashers,” si Flyn.
“I’m always ready for it,” I sighed.
“Though lately, nahahati ang fans nila dahil sa attitude ni Blair,” si Carrie.
Napalingon kami ni Flyn sa kanya.
“I’ve read a conspiracy theory pa nga na sinasabing totoong may relasyon kayo ni Zander noon. You broke up for the love team. You have a boyfriend for show…” maliit ang boses ni Carrie sa huling sinabi niya.

For a moment, I feel like she believed the last one.

“Pero syempre…” tumawa si Carrie. “That’s impossible! Surely, Architect won’t let you use him. At kita naman na masaya kayong dalawa! Stupid fans…”
“Huwag mo nang patulan. Let the fans think,” si Flyn.

Nag simula na kaming mag shoot nang papasikat na ang araw. The team made use of the perfect lighting during the sunrise.

Nasa basketball court kami, background ang building ng unibersidad na pinagshootingan.

Nasa script na kakanta kaming tatlo habang ang dalawa ay nasa likod. Blair would even lipsync some of Flyn’s lines. Mayroon ding kakanta kami habang nasa likod ng dalawa.

Tumayo si Vince sa likod lamang ng mga staff. Hindi nanatiling nakaupo sa kung saan siya dapat. He crossed his arms and have this cocky look directed at me.

Tumikhim ako at hinagilap muli ang confidence. I know that the way he stared is just normal. Kung sa ibang pagkakataon, ayos lang iyon. Ngunit ngayon, para akong maiihi sa kaba.

Damn it! I need to overcome this thing. If I intend to marry him, dapat ay normal na lang sa akin ang titig niyang ganyan. Dapat ay hindi ako masyadong kabado.

“Cut!” sigaw ng direktor.

Mas lalo akong kinabahan nang tinuro ako. Akala ko ako ang may problema. Ang tao pala sa likod ko.

“Zander! Are you still asleep? You need to convince the viewers that you’re happy. Mukhang inaantok ka pa.”

I sighed. Buti na lang, hindi ko pala kasalanan.

Nagretake ulit kami. Nagkakasalubong na ang kilay ni Vince. I never thought a man could look so hot habang seryosong nakatitig.

“Cut! Eury, ‘wag kang ma conscious!” ang direktor kaya nagulat ako.
“Po? Sorry, po!”
“Ayusan n’yo muna. Mukhang hindi nagustuhan ang ayos ng buhok. Paulit-ulit mong hinawi ang buhok mo.”
I glanced at my side at nakita ko roon si Zander at Blair. Blair’s ranting to her P.A. while Zander looked at me.

“Ulitin natin!” sigaw ng direktor.

Tumango ako at tumingin muli kay Vince. Pakiramdam ko ay iniisip niyang kabado ako dahil kina Zander. Lalo na ngayong kita ko na ang dalawa sa kanilang sweet scenes.

I saw his heavy sighs. He titled his head a bit and clenched his jaw habang nakatingin sa monitor. I bit my lower lip. Kabadong-kabado ako. Baka mamaya mag-away pa kami dahil lang dito?

“Eury! You forgot to sing for your lines! Jusko naman!”

Shit! Really?

Gusto kong magsalita pero walang lumalabas na salita sa aking bibig. The director waited for my defense but it did not come. Bumaling ito kay Zander at Blair na ngayon ay tumigil sa sweet scenes nila. Napakurap-kurap ako.

I want to ask for a short break and talk to Vincent pero naunahan na ako ng direktor.

“Eury, Zander, let’s talk for a sec…” anunsyo nito.

Naglakad palayo sa staff ang direktor. Agad na sumunod si Zander. I glanced at Vincent’s way and saw his annoyed look. I feel like my heart is going to explode. Galit na ba siya? Shit!

“What’s wrong with you two?” unang tanong ng direktor sa amin.
“I’m fine…” agap ni Zander.
“I am, too. I’m just a bit nervous.”
“This is a short scene. I want it perfect. Hindi tayo pwedeng magtagal dito! Set aside your personal issues and be professional!” sabay tingin ng direktor sa akin.

I feel guilty. Kahit pa hindi naman iyon dahil kay Zander. I am so nervous because of Vince. Gusto kong humingi ng break ngunit alam ko ako ang may kasalanan kung bakit kami paulit-ulit kaya kailangan kong ipagpatuloy ito. I’ll explain it to Vince later.

“Really? You look stressed,” si Zander.

Nilingon ko siya. Nakita ko ang hamon sa kanyang mga mata. I don’t know what is it for but his remarks got me. I look stressed?

“Pwede po pa retouch?” tanong ko sabay hawak sa aking panga.

Konti lang ang make up na nilagay. If I look stressed, I probably need more make up. Dahil ba sobrang aga ng gising namin ni Vince? Baka pangit ako, ha? What if he’ll realize that I’m not attractive enough for him? Oh my gosh!

The artist rushed to me pagkatapos tawagin ng direktor.

“Eury, presence of mind. Zander, you have to act more.”
“I have no problem. Si Eury lang po ang mayroon.”

Napalingon ako sa kanya. He smirked. Parang may ibang pahiwatig siya roon, ah?

“I’m really just a bit nervous.”
“Or bothered…” dagdag ni Zander.

Hindi ako nakapagsalita. I’m a bit bothered hut not because of what he’s thinking.

“Ayusin n’yo ang issues ninyong dalawa. Don’t let it affect the whole team-” I cut the director off at that.
“I’m already fine with Zander, po. Sorry, I have other things in mind that’s why I’m nervous. Aayusin ko na ngayon. Pasensya na…”

Tumango naman ang direktor sa sinabi ko. Sumulyap ako kay Zander bago umalis sa munting pagtitipon. I have to finish this fast so I can talk to Vince.

Pinagpatuloy namin ang shoot. Kinakausap na si Vince ng isang batikang video editor na isa sa gagawa ng aming video. Ang mga mata niya’y hindi nagbago. Nanatili itong nakatingin sa akin kahit na may kausap siya.

Medyo kumalma naman ako dahil sa nangyari. I find his full attention very bothering. Ngayong may kausap, though he still makes me nervous, but at least not as bothering when his attention is all on me.

“Cut! We’re done!” sigaw ng direktor ‘tsaka lang ako napabuntong-hininga.

“Nahirapan ka roon, ah?” si Flyn nang papasok ulit kami sa tent para magbihis.

Nakatingin ako kay Vince na ngayon ay pinapalibutan na ng iilang staff. Pagkatapos kong magbihis ay kakausapin ko siya.

I glanced at my wrist watch. It’s quarter to seven. Hindi ko alam kung anong oras ang trabaho niya pero ayaw kong matraffic siya o ‘di kaya’y ma late.

“Tsss… Vince is very intimidating,” I said without thinking about it.
Humalakhak si Carrie. “Akala ko pa naman na aawkwardan ka kina Zander at Blair!”
Ngumuso ako. I just hope that was my problem. Mas madaling magkunwari roon kesa sa matense dahil kay Vince.
“Eury, there’s breakfast prepared for us,” yaya ni Flyn.
Umiling ako. “Diretso na ako sa studio. Baka ma late si Vince, e…”

Naintindihan naman nila iyon. Mabuti na lang at pinakawalan din agad ako ng staff dahil sa paliwanag ko. Hindi ako lumingon sa tent nina Zander pero ramdam ko na nakatingin sila sa amin. Lalo na noong dala ko na ang gamit ko at nilalapitan ko na si Vince.

“I’m done. Let’s go…” sabi ko.
Vince nodded. His lips a bit pouting. Binati niya ang mga nakausap at nagpaalam na. Pagkatapos ay sabay kaming naglakad patungo sa kanyang sasakyan.

“I’m sorry. Baka ma late k-ka…” I nervously started the conversation.
“I own my time so it’s okay.”
Napalunok ako at pinagmasdan ang ekspresyon niya. Nahuli niya ang pagmamasid ko kaya nagtaas siya ng kilay.
“What is it?”
Umiling ako kahit na may sagot. “I wasn’t nervous because of Zander…”

Umikot kami sa sasakyan. Hindi niya na kailangang buksan ang pintuan ng front seat pero ginawa niya parin. Hindi na kami kita ng lahat ngayon. Ang pintuan ng driver’s seat ang kaharap ng buong korte.

He opened the door for me. Pumasok agad ako at nilingon ko siya para magpaliwanag.

“I was nervous because you’re watching me,” nasabi ko rin.

Akala ko’y isasarado niya na ang pintuan pero nagulat ako nang nanatili siya nakatayo roon. He crouched a bit to fit. Lumapit ang mukha sa akin, a ridiculous evil look on his face.

“Totoo!” giit ko. “Stop looking at me like I did something wrong. I did not! I’m not affected.”

Humalakhak siya. Tila natutuwa na kabado ako at… takot.

“Defensive, huh?” he whispered.

Mas lalo akong nainis. Hindi ako defensive! Iyon ang totoo! Tinulak ko siya palayo sa akin. Ayaw kong pinagdududahan niya ako. Ayaw ko talagang isipin niya na may gusto parin ako sa kay Zander!

“It’s true, Vince!”

Kahit na tinutulak ko na siya sa iritasyon, nagawa niya paring hawakan ang aking nakakuyom na kamay. He locked it in his palms just to steal a hot kiss. Nanghina agad ako.

“Well, then… I’ll watch all your other shoots…”
I groaned. “I’ll probably fuck the whole shoot up if you keep on watching me like that!”
He chuckled. “Then, next time, I’ll wait inside your dressing room. We’ll make out when you’re done.”
Ngumuso muna ako bago unti-unting tumango.
He laughed at my response. Pinilit kong magalit ngunit sa huli ay napangiti na rin ako.

He leaned closer to taste my lips. Isang halik pa ulit na ngayon ay sinalubong ko na.

And because of all that, nawala na sa isipan ko ang brown envelope na iyon? Baka nasa condo? Pero hindi ko na inayos ang gamit ko kagabi? Baka nakay Vincent? I doubt he’d get that? And for what, right?

“Oh. Akala ko mauuna ka rito?” salubong ni Flyn sa akin pagpasok ko sa studio.
“Nagbreakfast pa kami ni Vince sa labas…” sabi ko habang hinahalughog ang aking bag.
“Okay. Sabi ni Tita Daisy, we can have the whole morning. Pagpaliban daw muna natin ang practice. I will go to the gym. Babalik din ako rito. Carrie will stay here. Magkita na lang tayo mamayang alas tres para sa mall show. Ikaw?”

I did not hesitate. I immediately booked an appointment to my sister. Tinext ko rin si Vince sa kung saan ako pupunta pagkatapos ko rito.

“Sige. I might visit my family…” sagot ko kay Flyn.

She nodded. Nilingon niya ang nasa lamesa, iyong mga letters at gifts na pinadala ko kay Genta noong nakaraan.

“Sa’yo na ‘yan lahat. Naiuwi na namin ni Carrie ang amin,” bago siya umalis.

Inisa-isa ko ang lahat ng letters. Wala akong natanggap kay Hubert simula noong nahuli ako ni Vince. I wonder if he’s still around or what? Baka naman dahil sa mga bodyguards ay hindi na siya nagtangka ulit na magbigay ng kahit anong mensahe.

I opened the gifts as well. They are all from the fans hanggang sa nabuksan ko ang isang box na kulay gold. Noong una, inisip ko na baka namatay ang mga bulaklak sa tagal noon. Ngunit kalaunan, napagtanto kong kahapon lamang ito dumating. I don’t think flowers would die easily.

Masyadong lanta na ang mga bulaklak. Sa sobrang lanta ay ‘di ko na alam kung anong klase ito. The petals were so small. One touch and it will turn into ashes. Ganoon siya ka lanta. And in red bold letters, there’s a simple note that sent shivers down my spine.

HINDI BA DAPAT MASAYA KA NA? PINATAY KO NA SILA KAYA TUMIGIL KA NA.

Nakalatag ang box ngayon sa harap ni Ate Reanne. Tinititigan niya ito habang umiinom ng kape. Pagkatapos ng ilang sandaling walang kibo ay umiling na siya sa akin.

“You should report this to the police,” aniya.
“Paano natin malalaman kung sino ito kung irereport agad sa police. There are no clues! Kung mayroon, e ‘di sana hindi si Hubert ang pinaghahabol ngayon? The killer got away with no traces, Ate. Ito lang ang ebidensya natin na mayroon ngang ibang pumatay!”
“Bukod sa dalawa mong kasama sa Astra, who are your other suspects, then?” she asked with a worried look.
“I don’t know. Nakita ko sa files ni Tita Daisy ang report tungkol sa kay Vince noon. The attempted rape. Hindi ko alam na alam niya ang nangyaring iyon. And she acts like she didn’t know a thing about it so I’m a bit in doubt, too.”
“Si Zander kaya? Si Blair?” si Ate Reanne.
Nagkibit ako ng balikat.
“Zander has motives. Blair… maybe. But I doubt na kayang patayin iyon ni Blair unless may binayaran siya. But with this new evidence we have, I don’t think may binayaran ang killer. He or she is the one who killed them.”
“So we have… in order of the most possible to the least, we have: Zander, Tita Daisy, Blair, your friends in Astra. Zander being the most possible.”
“Dahil lalaki siya at pwede siyang may motibo?” tanong ko.
“Pwedeng babae, but it will need girls who are a bit experienced in fighting or even just self defense,” si Ate Reanne.

Natulala ako sa sinabi ni Ate Reanne.

“Flyn and Carrie are both enroled in Mixed Martial Arts.”

Kumunot ang noo ni Ate Reanne at naupo na sa kanyang swivel chair. She printed the images I sent her. Iyon iyong nakuha kong files sa opisina ni Tita Daisy.

“Tingin ko… the cocaine is either plotted or they really are using it. Lasing sila kaya may mga bote ng alak. Maaaring sa sobrang lasing ay nakatulog kaya naging madali ang pagpatay. Maaaring si Hubert lang ang nanlaban.”

Tinitigan ni Ate Reanne ang mga files ni Carrie at Flyn. Maaaring pinagdudahan ko sila pero hindi ko pa lubusang matanggap na maaaring isa sa kanila ang pumatay kay Hubert.

“Carrie looks a bit boyish in this picture…” puna ni Ate Reanne. “Pareho pala nilang talent scout si Hubert?”
“Yes. They hate him.”
“Bakit?” tanong ni Ate Reanne.
“Nobody likes him very much, Ate.”
“Kung isa sa dalawa ang pwedeng suspect, we must find a motive. Kung si Zander, madaling paghihiganti ang motibo. Pero base sa imbestigasyon ko, he’s in Boracay with Blair. Your Tita Daisy knew what happened. She told your groupmates that means alam ng tatlo ang lahat. So… Tita Daisy’s motive could be to shut the issue up. Ang motibo naman ng dalawa, maaari ang dahilan kung bakit galit sila. Iyon lang.”
“I should ask them, then?”
“Of course not! If you ask them, alam na nila agad kung para saan!”

Tama si Ate Reanne. Pero saan naman ako kukuha ng impormasyon? Paano kung wala sa dalawa ang killer? Paano kung ibang tao pala… someone I did not even consider to be the criminal?

Hindi ko na alam. Mahirap isipin ang lahat lalo na kung lahat din sila ay posibleng pumatay.

“Nasaan ka na, Genta?” tanong ko nang napagtantong medyo natagalan si Genta sa pagsundo sa akin.
“Natraffic po. Pasensya na. Galit na si Ma’am dahil wala pa tayo. Ang layo po pala ng opisina ng kapatid n’yo!”

Kinagat ko ang labi ko at nagpatuloy sa panghihintay sa kanya sa lobby.

Nauna na yata si Flyn at Carrie sa mall. Alas dos y media na at wala pa si Genta rito. Kabado na ako. Sana pala ‘di na ako nagpasundo at sumakay na lang ako sa sasakyan ng mga invisible bodyguards ni Vince.

Ginala ko ang mga mata ko sa paligid. I can’t see them. I wonder if they really are around? Or did he fire them?

Hindi pa nakakalapit ang van ay bumukas na ang pintuan. Agad akong kinawayan ni Genta sa loob. Tumango ako at nagmadali rin sa pagpasok.

Dahil huli kami, kaming dalawa lang ang naroon. The whole van looks so big for us pero nasanay na ako. Minsan pa nga, mag-isa lang ako.

“Galit na galit na si Tita Daisy. I received her texts!” sabi ko. “Sana makaabot tayo…”
“Paki bilisan po, Manong,” si Genta na kausap ang driver.

Nilingon ko ang driver sa harap. Ilang sandali na natigil ang mundo ko.

I stared at the rearview mirror. Tanging ang noo at ang hoodie lamang ang nakikita roon. Bahagyang nakayuko ang driver dahilan kung bakit ‘di kita ang mga mata niya.

“Ma’am… Ma’am… opo. Nandito na si Eury,” si Genta na kausap ata si Tita Daisy sa cellphone.

My heart lost the ability to beat fast. I can hear it beating slowly habang dahan-dahan ko ring nilingon si Genta.

“Genta…” tawag ko.

She held her hand to make me understand that she’s talking to someone over the phone pero hindi ko kayang pigilan ang sarili ko.

“Opo! Nandoon na sila.”
“Genta…”

Una sa lahat, kahit na iba-iba naman ang driver namin sa mga service, parehong naka uniporme ang mga iyon. It’s either a white polo shirt or a red polo shirt. The driver right now is wearing a black hoodie. Hindi lang iyon, he wore the hoodie on his head. Para saan pa?

“Genta, do you know the driver?” I whispered.
“Pati po ang mga make up artists. Baka nga lang po matraffic kami…” si Genta.
“Genta… G-Genta…” ulit ko para ibaba niya na ang cellphone ngunit ‘tsaka niya lang binaba nang nakitang iba na ang kinuhang ruta ng driver.
“Ay Manong, ba’t n’yo po niliko? Baka po matraffic-”

Hindi niya na natapos. Sobrang bilis ng takbo ng van sa mga eskinita! Never minding the almost hit pedicabs and people. Nagsigawan ang mga tao sa kalsada. May nasagasaang gulong ngunit patuloy parin ito sa mabilis na takbo.

“Oh my God!” sigaw ko sabay kapit sa unahang upuan.

Sumigaw na si Genta sa takot! Ilang beses siyang tumama sa akin dahil sa bilis ng takbo. My head hurts from all of it.

Within seconds, narinig ko ang busina ng mga pulis sa likod. Behind them were the familiar cars of Vince’s bodyguards.

Tumunog ang cellphone ko ngunit wala akong panahong sumagot ngayong nakakapit pa ako sa upuan para hindi mauntog kahit saan!

“Tulong!” sigaw ni Genta, umiiyak.

I can hear Tita Daisy’s hysterics on the other line. My phone is still ringing. I saw Vince’s number. I want to answer it but I can’t.

“Hubert!” sigaw ko kahit na hindi ko pa makumpirma kung sino iyon.

The car drifted violently. Tumama ang ulo ko sa salamin ng bintana. Tumama rin ang ulo ni Genta sa akin. I suffered from her full body weight. Nang nakabawi ay nakita kong nahimatay na siya.

Blood dripped on my face down my chin. Naramdaman ko iyong unti-unting tumulo sa aking damit.

Bago pa ako makasigaw sa takot ay narinig ko na ang malakulog na pagkakawasak ng mga salamin. I got squeezed at the impact. Tumilapon ang katawan ko sa likod ng upuang nasa harap. Ang mga daliri ko ay naipit at ang ulo’y nauntog sa hindi ko malamang bagay.

Naubo ako sa usok. Ngunit bago pa ako makagalaw, kinain na ang aking paningin at ang aking utak ng dilim.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

1

Comments are closed.