Blown By The Wind – Kabanata 29

July 24, 2017 By In Blown By The Wind Comments Off on Blown By The Wind – Kabanata 29

Kabanata 29
Bodyguards

“Ah! Kalalabas lang ni Tita Daisy. Gusto mo tawagin ko, Miss Eury?” concerned na tanong ni Genta.

I moved away from Tita Daisy’s table. Hindi ko alam kung ipapatawag ko ba sa kanya, para magkaroon ako ng oras na mag-isa rito o h’wag na lang. She stared at me with a confused expression.

“Huwag na, Genta. Mag-aantay na lang ako rito.”

Tumango si Genta. Isang beses na sinulayapan ang lamesa ni Tita Daisy bago siya lumapit doon.

I started walking slowly towards the gray couch. Narinig kong may mga kinuha siya sa lamesa ni Tita Daisy. Naupo ako sa couch at hinarap si Genta.

Dala niya na ngayon ang folders at envelop na nasa lamesa kani-kanina lang. She turned to me while I pretend to be sitting cozily on the couch.

“Ihahatid ko ‘to kay Tita. May kameeting siya ngayon. Baka mamaya pa ‘yon, Miss.”
“Ah. Ganoon ba? Mag-aantay na lang ako rito saglit. Aalis din ako pagmabagot ako.”

I took my phone out and opened an app. Ilang saglit pa si Genta na tumingin sa akin bago nagpasyang aalis.

“Sige, Miss. Sasabihin ko na rin sa kanya.”
I nodded absent-mindedly para maisip niyang normal lang lahat ng ito sa akin.

Lumabas siya ng pintuan at tuluyan nang sinarado ito. Nag-angat ako ng tingin sa door handle. Pinanood ko ang unti-unting pagpihit nito. Nang ‘di na gumalaw ay agad na lumapit sa cabinet at inisa-isa na ang mga filer.

There are files for the big stars she’s handling. There are files for the rising stars. Sa baba ay mayroon din sa akin.

If I get this now, she’ll definitely realize it! Pero hindi niya naman iisipin na may kumuha nga ng mga ito.

I took my phone out and started taking pictures of our files. From the basic information, the career history, medical history, and all the other things related to us.

Hindi pa natatapos sa pagpipicture ng makapal na files ay natigil ako nang may nahulog na brown envelop. Ang initials sa harap ang siyang nagpasimuno ng kuryusidad ko.

E. A. S. That’s my initials!

I opened it. I glanced at the door. I can sense it’s moving? O guni-guni ko lang iyon.

My heart is beating so fast and my palms are sweaty. Nakaliliyo pala ang ganito ka bilis na pintig ng puso.

“Subject: Attempted Rape…”

I froze while looking at the piece of paper that’s been so familiar to me, ever since.

Hindi ko na kailangan pang basahin ang lahat ng iyon. My eyes immediately drifted to Vince’s name in bold and capslock letters. And mine in the same way.

Shit! Alam ni Tita ang nangyari sa amin ni Vince noon?

Nagflashback sa aking memorya ang lahat ng reaksyon ni Tita kay Vince. She did not seem to know him. Did she lie? For what?

Mas lalong kumalabog ang puso ko sa sari-saring naisip. I closed our folders and put it back in the filer. Tinupi ko ang envelop at itinago sa aking suot.

Walang pag-aalinlangan akong umalis sa opisina kahit na kabadong kabado pa. My mind is haywired. I can’t believe what I just learned!

My remaining schedule for today is not very hectic. Practice lang para sa shoot ng aming music video, bukod doon ay wala na. I know Flyn will get mad at me for slacking, but I really need to at least talk to Ate Reanne on the phone and in private.

Dumiretso ako sa rooftop, kung saan kami nagsho-shoot ng iilang clips para sa music video na ginagawa namin.

Nang nakarating ako doon, agad akong sinalubong ng stylist.

“Eury, the shoot was fine. Bukas, alas kuatro y media ang call time ninyo sa University para makapag shoot din kayo.”
Tumango ako. Hindi ko na madugtungan pa ang sinabi dahil sa mga bumabagabag sa akin.

I went to my table. Si Carrie sa tabi ko ay abala sa pags-scroll sa kanyang cellphone. And although it is still past three, the weather is a bit gloomy so they aren’t bothered with any heat.

Hinagilap ko ang bag ko. Kinuha sa ilalim ng aking damit ang envelope na nakuha at nilagay doon. I heard laughters from the other table – kung saan naroon si Zander at Blair kasama ang kanilang team.

For the whole of the shoot, Zander was a little too serious. He would hardly smile. Siya ang dahilan kung bakit medyo natagalan kami kahit na ilang segundo lang dapat ang clips sa apat na minutong kanta at music video.

I turned to their table. Tanging si Blair lang ang naroon. She laughed louder than all the other staff. Nang nakita akong nakatingin ay nagtaas siya ng kilay.

“Ang OA talaga ng isang ‘yan,” Carrie said while sipping on her juice.

Zinipper ko ang aking bag bago niligid ang tingin sa lamesang puno ng mga sulat at regalo. May mga araw kasi na ibinibigay ang lahat ng pinapabigay ng mga fan’s club at isa ata ‘to sa araw na iyon.

Ilang saglit akong tumitig doon, marami ang iniisip. Like Hubert’s note could be there. Or something important?

Usually, inuutusan ko lang si Genta na ilagay iyon sa lamesa ko sa recording o ilagay sa van para madala ko sa bahay. Pero ngayon, higit pa roon ang ginawa ko. Inisa-isa ko ang mga sulat na para sa akin. Hinanap ang pwedeng pagsuspetsyahan pero wala akong nakita.

The big boxed gifts were too hard to open so I neglected them. Itetext ko si Genta mamaya na ilagay na lang ito sa van.

Hinanap ko si Flyn at nakita kong nakikipag tawanan siya sa dalawang bading na stylist, tanaw ang mga skyscraper. Umihip ang malakas na hangin kaya sumabog ang buhok ko. I collected my hair and started walking towards Flyn.

Nang nakita niya ako ay tipid siyang ngumiti at bumaling.

“Are we done?” I asked.
Tumango siya at kumunot ang noo. “Hmm. But we have to practice for tomorrow. Medyo mahabang clip iyon,” aniya. “Though, we practiced just this morning but… why? Any appointments?”
I nodded. “Pasensya na, Flyn.”
Tumango siya. “No problem. Anyway, iyon lang naman ang gagawin natin bukas bukod pa sa mall show. And the call time is a bit early so we have the whole morning to shoot for it.”
“Thank you! I need to go…” sabi ko.

Ngumiti muli si Flyn at bumalik na ako sa aking lamesa. I glanced at all the gifts again. Nagbeso na rin kay Carrie at nagpaalam na may gagawin pa bago umalis doon.

When I reached the elevator, I was with some of the stylist. Dala ang mga damit at iilang accessories. Nagtawanan sila at nagchikahan. I could join them but I still have to text Genta.

Ako:
Genta, paki kuha na lang ang gifts at fanmails ko. I have things to do. Just bring it tomorrow, either sa shoot o sa mall show. Thanks!

Dalawang beses nang tumigil ang elevator para makalabas ang nasa tamang palapag. Nang nakalabas ang mga stylists, tumahimik ang buong elevator.

Bago ako dumiretso kay Ate Reanne, balak kong tawagan muna siya dahil baka may kasong inaatupag o nasa korte. Pupunta ako sa pinakamalapit na coffee shop to call her. I need to be in a place na wala masyadong tao.

Nang lumabas ang isang executive sa kanyang palapag ay tatlo na lang kaming naiwan. Nilingon ko ang taong nasa kaliwang side ko. A man in a black hoodie is standing just inches beside me. Hindi ko makita ang kanyang mukha. The hoodie is a bit oversized that even the point of his nose couldn’t be seen in my angle.

Tumunog ang elevator at lumabas ang taong nasa harap namin.

My heart is thumping when the door closed. This is Hubert’s attire. Or at least that’s what I think or I’ve seen.

Hindi ko matantya kung parehong height ba dahil hindi ko na nilingon ang katabi ko. The silence grew, my fear grew as well. Bawat segundo, tila kay haba.

Tumalon ang mga mata ko sa numero ng floors. I punched the ground floor, while he’s leaving on the second.

We’re still on the fifth.

Sa sobrang tahimik, pakiramdam ko naririnig ang pintig ng puso ko. Sa gilid ng aking mga mata, tiningnan ko ang katabi. Ang kanyang mga kamay ay nasa bulsa ng jacket. Hindi rin siya gumagalaw kaya mas lalo akong kinabahan.

I’m breathing heavily. Ginala ko ang mga mata sa kisame ng elevator. I’m a bit relieved that there’s a CCTV.

Tumunog ang elevator, hudyat na nasa ikalawang palapag na kami. Sa gilid ng aking mga mata, nakita kong gumalaw siya. The doors opened. Ang tahimik na pasilyo ay nagbigay ng kilabot sa akin.

Ngunit bago siya nakalabas ay hinila niya ako palabas ng elevator!

Sa gulat, hindi ko alam kung anong gagawin ko. I pulled my hand off him so he struggled! Tumili ako at paulit-ulit na pinindot ang close button sa elevator!

Hinila niya na ako ngayon gamit ang dalawang kamay. Natanggal ang kanyang hoodie. Nawalan ako ng lakas na manlaban nang nakita ko kung sino iyon.

“What the hell are you doing, Zander?!” iritado kong sigaw sa gitna ng kalabog ng puso at nakakahilong adrenaline rush.

He sighed heavily before turning his back on me. Hinila niya ako patungo sa dulo ng pasilyo.

Hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko ba na si Zander lang iyon o mas lalong magagalit dahil sa kabang binigay niya sa akin.

“Bitiwan mo ‘ko!” utos ko.

Binitiwan niya ako nang nasa dulo na kami ng pasilyo. Bumaling siya pagkatapos ay pumikit ng mariin. Hinawakan ko ang palapulsuhan ko na ngayon ay namumula sa higpit ng pagkakahila niya kanina.

“Anong ginagawa mo?”
“I want to talk to you, okay?” he said in a defensive tone.
“Why the hell would you do that, then? You frigging scared me to death!”
“I’m sorry…” mahinahon niyang sinabi.

Ilang sandali kaming parehong naestatwa roon. Tiningnan ko siyang mabuti.

Noon pa man, expressive na ang kanyang mga mata. Even when resting, he looked sad and soulful. Iyan ang dahilan kung bakit sobrang daming interesado sa kanya, at sobrang dami niya ring fans. It’s his soulful and expressive eyes. Pero ngayon, habang narito siya at nakatingin na sa sahig, nararamdaman ko ang totohanang kalungkutan niya.

“I’m sorry, I’m not allowed to see you…”

Pinasadahan ko ng mga daliri ang aking buhok. I licked my lips and then looked at the other end of the corridor – where the stairs are.

“Nobody in my friend circle has your number… or is willing to give me your number.”

My plans for today is completely ruined. But I know it sucks to make anyone feel that they are a bother so I tried to be soft.

“It’s for our own good, I think.”
Nag-angat siya ng tingin sa akin. Bukod sa lungkot, nakitaan ko ng pagkamuhi ang mga mata niya.
“Our good? Really?”

He laughed mockingly.

“It’s to keep me away from you, Eury! That’s just so unfair!” tumataas ang boses niya.
“Zander, I think that’s very reasonable right now. Pareho tayong may sariling buhay.”

Tumigil ako nang nakita ang pamumula ng kanyang mga mata at pagbabadya ng mga luha.

“Sariling buhay? I don’t believe you love that man! Did your parents suggest him?”

What the hell?

“Zander, hindi. Walang kinalaman ang mga magulang ko rito-”
He laughed mockingly again. “Walang kinalaman? I know what happened to your sisters, Eury! You can’t lie to me about this.”
“Believe it or not, I am really in a serious relationship with him.”
“Ang galing mo rin, ‘no? Ilang araw lang tayo noong hindi nagkausap, may bago ka agad?! Did you cheat while we are in a relationship, then? Because I don’t believe you fell for him just in between those days!”

Suminghap ako. Hindi ko na alam kung paano pa ipapaliwanag sa kanya o kailangan pa ba iyon. Should I convince him or should I just let him think whatever he wants to think?

“Binilhan kita ng para sa bahay nating dalawa. You rejected it and you expect me to be okay about it?!”
“Zander, hindi mo naiintindihan. Career pa ang-”
“Kung career ang uunahin mo, bakit may karelasyon ka ulit ngayon. That means if you offered him a house or anything, you’d reject him, too? Huh?”

Hindi na ako nagsalita. I’m deeply bothered by the tears in his soulful eyes.

“Bakit hindi ka makasagot, Eury?”

Napatingin ulit ako sa kanya. I want to defend myself but I feel so guilty. Maaring tinanggihan ko si Vince noon, sa alok niyang bahay. Pero… hindi iyon gaya ng pagtanggi ko kay Zander noon. I rejected Vince because of pride. I rejected Zander because I couldn’t really see that kind of future with him.

“Because you’re fucking lying, right? You’re living with him now, huh? Hinding-hindi ako maniniwala na desisyon mo ‘yan. Your family is involved in this, right?”
“Zander, hindi nga-”
“I will face your parents! Just come with me, Eury!”

Hinawakan ni Zander ang aking palapulsuhan. Hinila niya ako kahit na pilit ko ring hinihila ang sarili ko palayo sa kanya.

The elevator door opened. Bago pa ako kabahan sa maaaring makakita sa amin ay lumabas na ang tatlong lalaking nakaitim galing doon. Some of them were even from the stairs just on the far left of the corridor.

What the hell?

Isang lalaki ang tumulak kay Zander. Ang isa ay humila sa akin at itinago ako sa likod.

Walang armas na pinakita pero pakiramdam ko’y armado sila. They are not in uniform but they are all wearing black. And they are silently coordinating with each other, alam ko na agad kung sino sila. I don’t have to confirm it.

Bumagsak si Zander sa lakas ng pagkakatulak sa kanya. Bumangon siya agad at sinubukang manuntok ng isa. They look well trained that one of them expertly braced Zander’s fist only to strangle him.

“Huwag!” sigaw ko nang nakitang nahirapan si Zander.

Nagkatinginan ang mga lalaki. They were a bit young, kung hindi man ka edad ni Vincent.

“Bitiwan n’yo nga siya!”

Kumawala ako sa humigit sa akin kanina. Tinampal ko ang braso ng lalaking may hawak kay Zander kaya kinalas niya iyon at pinakawalan ito.

Zander coughed. Hinila niya ako palayo sa mga lalaki but another man chopped his forearm making him groan in pain.

“What the hell? Tumigil nga kayo!?” sigaw ko.
“Sorry, Ma’am. Trabaho lang, po.”
“Zander, I’m sorry. Let’s talk some other time-”
“What do you mean? Who are these people, Eury?” Hinila muli ako ni Zander. Ngayon, nakatingin na lamang ang mga lalaki.

I know who these people are. Anim silang lahat. Tatlo kanina galing sa elevator, tatlo rin galing sa hagdanan. I don’t know how they got inside the building but I guess Vince used his power to do this.

Bumaling ako sa mga lalaki. Tahimik sila, parang estatwang nakatitig sa amin. Tila nag-aantay ng trigger para bugbugin si Zander sa likod ko.

Vince has gone too far!

Bumuhos sa akin ang lahat ng ideya. Galing pa noong nahanap niya ako sa pagtatagpuan dapat namin ni Hubert. Were they following me since then? O kahit noon pa man? Kaya ba alam niya halos lahat ng pinupuntahan ko?

Damn it! Is that it?

I wonder what his orders are?

“Eury, let’s go! Come on!”

Hinawakan ni Zander ang aking baywang at umambang hihilahin akong muli. Nakita kong gumalaw ang isa sa kanila. Nagkatinginan muli, may pag-aalinlangan sa mga kilos.

“Bring me to your boss.”

Nagkatinginan sila. Kitang-kita ko sa mga ekspresyon ang pag-aalinlangan. I wonder if Vince told them not to tell me? Kasi wala ni isang nagsalita sa kanila.

“I know who your boss is!”
“Eury, what are you talking about?” Zander continued.
“Dalhin n’yo ako sa kanya! Ngayon din!”
“Ma’am, bawal po kasi-”
“Anong bawal? Bawal akong dalhin sa kanya ngayon?”
“Hindi naman po sa ganoon, Ma’am. Pero bawal kasing malaman ninyo na…”
“Masisante tayo ni Architect, Jed. Ihatid na lang natin si Ma’am,” sabi noong isa.

Hati ata sila sa desisyon pero sa huli ay pinagbigyan ako. I left Zander in the area. Naubos din ang tanong niya, eventually. I wonder if it’s because he realized what’s happening.

The all black high end cars escorted me to Vince’s workplace in Makati. Nakahalukipkip ako sa loob ng sasakyan habang paulit-ulit na nireplay sa aking utak ang mga tanong ko sa kanya.

Bakit siya nag hire ng bodyguard?

Pagod na ba siya sa mga lihim na lakad ko? Does he need to know where exactly I am all the time… pero ayaw niya lang na malaman ko kaya nag hire siya? May alam ba siya tungkol sa nangyari sa akin sa Romblon? Nagdududa ba siya sa loyalty ko sa kanya?

Alin kaya sa mga ito ang dahilan?

Dahil ba ito noong nadatnan niya akong mag-isa sa liblib na lugar?

Kailan pa siya nag hire ng bodyguards?

Will they always guard me all the freaking time?

Am I going to allow it?

Escorted by the bodyguards, I went out of the elevator in a flashy manner.

Lahat ng empleyadong dumadaan ay halos mabali ang leeg kakatingin kung sinong dumating.

Nagkatinginan kami ng receptionist sa tanggapan ng kanyang firm pero parang natuyo ang lalamunan nito nang nakita ako.

Immediately, I heard the gossips from his employees.

“Dito po, Ma’am…” sabay giya ng bodyguard sa akin patungo sa isang opisina.

Isang nasa mid-thirties na babae ang sumalubong sa amin. She’s all smiles when she saw me. Ramdam ko ang excitement niya nang tinanggap kami.

“Hello! I’m Giselle, one of Architect Hidalgos secretary. He’s not in his office but you may wait there, Miss Eury.”

Kunot-noo kong tiningnan ang kanyang secretary mula ulo hanggang paa.

“Bakit? Nasaan ba siya?” my lips almost protruded for a pout.
“He’s currently in a meeting with a prospect client on that room. But I’m sure he’ll be out a few minutes from now,” anito sabay turo sa isang mas malaking room.

Ilang sandali kong masamang tinitigan ang isang conference room.

I’ve seen too many movies like this. Minsan, sa mga meeting-meeting na iyan, diyan mo malalaman na may kabit pala ang asawa o boyfriend. Hindi ko matandaan saang palabas iyon pero ramdam ko na ganoon nga.

“No, I’ll go to his conference room…” giit ko at hindi na nagpapigil.
“But, Miss Eury…”

Dire-diretso ang lakad ko sa salaming pintuan. Hindi kita ang loob dahil smoked glass iyon. Hindi naman sarado kaya hindi ako nahirapang buksan iyon.

Lahat ng init sa aking katawan ay dumapo sa aking mukha nang nakapasok doon sa kalagitnaan ng tanong ng isang matanda at mukhang respetadong lalaki. There were about ten people sitting on a large rectangular table in their own swivel chairs. Isang magandang babae ang nakatayo sa harap, may presentation sa isang LED screen.

Nilingon nila ako. I even saw Vanessa’s wide eyes directed at me. Sa tabi niya’y isang lalaki na hindi na muli natanggal ang tingin sa akin.

“Uh…” Tumango ang matanda, hindi matuloy ang tanong dahil sa pagkakakita sa akin. “Miss Saniel!” puna niya.
“Adjourned. I’ll email my thoughts. You can send yours to my secretaries, Tito Ares. I’ll review everything,” Vince’s cold baritone resounded.

Tumango ang matanda at sumenyas na lamang kay Vince. Nagsitayuan ang lahat, kahit si Vanessa, pati ang kasamahan at isa-isang lumapit sa pintuan para makalabas.

Lalabas na rin sana ako pero naharangan ako nang isang lalaking naunang lumabas. Mabilis niyang nilahad ang daanan sa akin.

“Mauna ka, Miss…” he smiled shyly.

I saw his neck turned a bit red.

“Hindi na po. Ikaw na po…” hiyang-hiya kong sinabi.

Vanessa took that opportunity to go out of the hall. Nagkamot ng ulo ang lalaking nakausap ko at naunahan agad siya ng iilan pang kasamahan niya.

“Architect, should I send you the copy of my presentation, too?” the woman in front asked.

Nakita ko ang pasulyap-sulyap nito sa akin. Tumabi ako at hinayaang umalis ang mga naroon. Naglakad siya palapit. Ni hindi ko pa nasusulyapan si Vince dahil abala ako sa mga taong paalis.

“I can put this on your laptop?”
“No. Just email me that and leave,” Vince said.

Napalingon ako kay Vince. Nakatayo na siya at nakatingin sa akin. His eyebrow shot up and both of his hands are in his pocket.

“Okay, po, A-Architect,” the woman stuttered. I can feel her embarrassment.

Imbes na titigan si Vince ay sa babae pa ako nakatingin. Nakita kong nagmamadali siya sa paghagilap sa kanyang laptop. Halos matalisod pa siya nang paalis na. She’s lost her poise a bit. She bowed slightly to Vince and then awkwardly went out of the conference room, just like everyone else.

“Architect, pasensya na po-”

Ni hindi ko namalayan na naroon pa pala sa labas ang mga bodyguards. Tumango lang si Vince at naputol na ang pangungusap.

Parang alam agad ng mga bodyguards ang gagawin dahil umalis agad sila roon pagkatapos ay sinarado na ni Vince ang pintuan.

Okay. I was wrong about the movies part. He’s in the middle of a meeting and he adjourned it the moment he saw me.

Bukod pa sa ibang nararamdaman ko kanina, hiyang-hiya agad ako. Lalo na tuwing naiisip kong kilala ako ng halos lahat ng beteranong naroon!

Patagilid akong niyakap ni Vince. He crouched to let his chin rest on my left shoulder.

“Sorry for interrupting your meeting… but… What are those bodyguards for?!” panimula ko nang nakabawi.

Kinakalas ko ang kamay niya sa tagiliran ko pero parang bakal ang mga daliri niya. Hindi ko magalaw.

“For your safety,” he murmurred.
“Muntik na nilang mabugbog si Zander!” I exclaimed.

Akala ko ay magugulat siya pero mukhang kanina pa dumating sa kanya ang balita.

“Well, he’s not allowed to just drag you from the elevator.”

What the hell? Masuyo niyang hinawakan ang aking palapulsuhan at hinigit ako patungo sa kanyang swivel chair. Nagpatianod ako sa kanya. Hinihila niya ako pababa nang naupo siya pero ‘di ako nagpadala. Nanatili akong nakatayo. Alam kong pag umupo ako sa hita niya’y mahihypnotize agad ako at makakalimutan ko ang mga tanong.

“When did you hire them?”

He looked at me seriously. He looked unwilling to answer that. Tinuko niya ang siko sa arm rest ng swivel chair, pinaglaruan niya ang labi habang tinatanya ako.

“Since that incident, Vince? Is this why you know where I’m going all the time? Or what I’m doing?”
“It’s for your safety.”
“Against what?” Nanliit ang mga mata ko.
“Anything… your crazy bashers, obsessed fans, everything-”
“Ayos lang naman ako, Vince. Nabuhay naman akong walang bodyguards noon.”
He sighed. “I just don’t want to worry all the time while I’m working…”
“Lagi lang naman ako sa istasyon, ah? And I have Genta… and our team?”

Hinilot ni Vince ang kanyang sentido.

“If you’re uncomfortable, I can all just fire them. I clearly ordered them to just roam around, not to bother you with anything. Hindi magpapakita. Hindi magpaparamdam. Hindi guguluhin ang mga tao sa paligid mo unless if it seems life threatening. In your ex’s case, it looks like it was so they took action.”

Ngumuso ako at pilit na kinunot ang noo.

“Why did he do that, by the way?” he raised a brow again.

Napakurap-kurap ako. Mas lalong nanliit ang kanyang mga mata. Umigting ang kanyang panga at hinigit ako pabagsak sa kanyang hita.

Tumili ako ng bahagya pero tumigil din nang pinalupot niya ang kanyang braso sa akin. Kaharap ko ngayon ang nag-aagaw na kahel at dilim sa langit.

“He… We just talked…” paliwanag ko.
“Ano pa?” he asked breathily.
I want to change the topic. “Bakit ‘di mo sinabi sa akin na may bodyguards ako?”
“They are not supposed to reveal themselves. I hired them in case of emergency so I don’t think there is a need for you to know…”

Thank God the topic was changed! Tumango ako at huminahon na.

Bukod sa maaari akong mabuking sa mga pinaggagagawa kong research, wala na akong problema sa bodyguards. In fact, I think I need them just in case. At least ‘di na ako masyadong paranoid. But… will that mean Hubert will roam around me less?

Kaya ba ilang araw na rin siyang ‘di nagpaparamdam? Does he know I have a bodyguard? And does the guards know things about him?

Mukhang wala naman. He doesn’t directly contact me. ‘Tsaka lang din naman umaaksyon ang bodyguards kapag kinaladkad na ako o may pisikal na ganap na. Ayos lang siguro ito.

“What else did you talk about?” I can hear the sting in his voice.

Damn it! He’s still at it!

“Why did he have to drag you? Alone in that place? To steal a kiss? Hmm?”

Nilingon ko si Vince. His dangerous but playful eyes send shivers down my spine. Pakiramdam ko, malalaman niya ang kahit anong kasinungalingang sasabihin ko. I can almost hear his mocking laugh at all my stupid lies. And beyond that, he’d get mad at me for lying to his face.

“I don’t know. Ask him…” sarkastiko kong sagot.

Hinawakan ko ang braso niya. Sumulyap ako sa kanya at nakitang nakatingin na siya sa kamay ko. He looks bothered by my touch. Ngumuso ako.

For some reason, whenever we’re like this. I find it so hard to accept that I will be busy tomorrow and we won’t see each other during the day. Ang hirap pala! Parang gusto ko na lang mag apply dito sa opisina niya. I wonder if there’s any available position.

I blushed at the word.

“Maybe I should send the guards to ask him, huh?”
Ang kaninang hinaplos kong braso ay tinampal ko ngayon. He chuckled and sniffed on my ear. Tumindig ang balahibo ko sa kiliti.
“Did he ask you back?” seryoso biglang tanong niya.

Hindi ako nagsalita. Did he ask me back? Nakalimutan ko ang pinag-usapan namin, e. Kailangan ko ng time i recall ang nangyari dahil medyo unstable ang memory ko pag magkasama kami ni Vince.

I pretended that my index finger and my middle finger were legs of a human. Pinalakad ko iyon sa ugat ng kanyang braso, touching a bit of soft hair on his forearm.

“Oh… he’s asked you back, huh?” he concluded.
“No, he didn’t.”
“Then what did you talk about?”

Pilit kong inalala ang mga pinag-usapan namin. Nagkatinginan kami ni Vince. He looked at me, waiting for what I’m going to say pero talagang nakalimutan ko ang pinag-usapan namin ni Zander.

“What?” he probed.

Kunot na ang noo ko at tumingala para isipin kung ano nga pero walang pumapasok sa utak ko kundi ang pagkakahawak niya.

“I don’t remember…” I honestly said.
“Ayaw mo lang sabihin sa akin.”
Ngumisi ako at hopeless na umiling. “I really forgot!”
He glared at me dangerously. His grip tightened. I can feel his forearm tightened below my hand.

Pinalupot ko ang aking braso sa kanyang leeg. I saw a small smile curve on his lips. Uminit ang pisngi ko. The butterflies in my stomach are harassing my whole being by flying violently around.

I reached for him a bit and then rested my face against his neck. His manly and musky scent made me long for him more. I have never felt this good, this secured, this content, my entire life. Filled with so much attention. Heart so warm and happy. And soul… at peace.

“I honestly forgot. I swear, I’m not lying.”

I felt his hand move at the small of my back. I breathed on his neck and closed my eyes.

Hindi na siya nagsalita. Ngumuso ako. My lips touched his neck a bit.

“You know how to make me shut up now, huh?”

Ngumisi ako at mas lalong hinigpitan ang hawak sa kanya.

“Are you hungry? I’ll ask my secretary to buy us food. Dito na tayo kumain, bago tayo umuwi.”

I nodded pero ‘di parin inaangat ang tingin. His hand rested on the insides of my thigh. Kinagat ko ang labi ko. Ang isang kamay niya ay nasa kanang tainga dahil katawagan na ang sekretarya para sa aming pagkain.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

1

Comments are closed.