Blown By The Wind – Kabanata 28

July 24, 2017 By In Blown By The Wind Comments Off on Blown By The Wind – Kabanata 28

Kabanata 28
Silently

Hirap na hirap akong iexplain kay Amer ang lahat. Bukod sa may iilang pumasok sa powder room, medyo magulo pa siya at hindi makapaniwala.

“Totoo ba ‘yon?” si Amer habang palabas kami ng powder room.
“Maybe we should talk some other time. Ang dami nating kailangang pag-usapan, Amer, at hindi ko alam kung tamang panahon ba ito…” kakatapos ko lang sabihin noon ay nabaling na agad ang atensyon ni Amer sa isang reporter.

While another two went to me, wala na akong nagawa kundi ang ientertain sila habang ang kaibigan ko’y ganoon din.

“Hi, Eury! You’re with your boyfriend, right? Si Architect Hidalgo?” tanong ng isang babaeng lumapit sa akin.

Tumango ako at sinubukang ngumiti. My eyes drifted to where Vanessa is. Nakita ko siyang lumiko sa hall. Hindi naman siguro niya sinabi sa mga reporter na ito ang maling narinig niya, hindi ba?

“We heard that he got the biggest offers among the best Architects here in the Philippines. Isa iyong sa Spain at may isang sa Singapore, tama ba?”
“Uh, yeah…”
“So, in an interview just a while ago, he said that he’s open to a long distance relationship with you once the project starts, are you ready for that?”

Napakurap-kurap ako sa sinabi ng babae. Ininterview si Vince at iyon ang naging sagot niya?

Uminit ang pisngi ko. Isang malaking kahihiyan ang mga pinag-iisip ko kani-kanina lang. That I’ll go with him wherever he goes!

“Uh, yeah, yeah…” I awkwardly agreed.
“You think you can handle a relationship like that?”
“Of course!” tumawa pa ako para itago ang awkwardness na naramdaman.
“You think pareho kayog dalawa na career-centered? Siya, mas inuuna ang trabaho… ikaw ganoon din?”
“Uh… yeah. You can say that…”

The hollow space in my gut became more defined. Halos hindi na ako makangiti ng maayos sa rumagasang iniisip ko.

Ang sabi ni Vanessa, hindi ako ang tipong seseryosohin ni Vince. Is he really serious with me, though? I recalled the night when my father suggested our engagement and Vince did not agree with it.

“Kanina sa performance mo sa mall show ng Astra kasama si Blair at Zander, you cried, right? Dahil ba ito sa kay Zander?”
“No…” umiling ako.
“Kalalabas lang noong pictures ninyo ni Zander sa internet. Iyong naghahalikan kayong dalawa. So far, you did not issue any word about it. Was it true?”

Nanuyo ang lalamunan ko. Hindi ako nakapaghanda sa tanong na ito. The statements were only issued by Tita Daisy at hindi siya umamin doon. Hindi niya rin naman dineny. Hindi ko alam na maaari pala akong tanungin ng media nito.

“Uh, well…” hirap na hirap ako.

Gusto kong aminin na totoo pero natatakot akong mali ang iisipin ng lahat. And if I say it’s true, his fans would probably turn against him. Wala akong pakealam kung magalit sila sa akin but his fans would doubt his loyalty with Blair!

“No comment,” sa wakas ay nasabi ko.

Kumawala agad ako roon. Kahit na marami pa siyang tanong at tinatawag niya pa ako. I did not look back. I’m sure Amer would understand what I did. Itetext ko na lang siya sa nangyaring pag-iwan ko sa kanya roon.

Naabutan ko si Vince na kausap ang iilang foreign businessmen. Nakipagkamayan at tawanan siya sa mga ito. Magulo na ang venue at mukhang patapos na ang party.

Everyone’s leaving their tables to sit somewhere else and chat with other people. My parents were busy talking to their crowd. Pinili kong bumalik sa upuan at uminom ng tubig.

Ang mag-asawa sa harap ko ay abala kasama si Raoul, kausap ang iilan pang matatandang negosyante.

Nilingon kong muli si Vince. He’s busy talking but his eyes drifted to me. Napawi ang ngiti niya at biglang nagseryoso.

Nag-iwas ako ng tingin at naalala ang lahat na parang kailan lang ay hindi sumasagi sa isipan ko. His kisses were wild and hot. Our first, wild and hot. Una ko iyon ngunit mulat ako. I know how romantic it can get, and ours is screaming with lust.

A memory flashed on my mind. Nang tinanong siya kanina kung seryoso ba siya sa akin, he ignored the reporter. He did not clarify anything kaya natural lang na isipin ng media na hindi.

For years, I have read and heard about him in magazines and in common friends. He jumped from one woman to another. I wonder if he told them he loves them, too. At ilan sa kanila ang pinagnasaan niya ng ganoon, ilan ang marahan niyan hinalikan at inalagaan?

How stupid of me to think that I am the one for him. That all this time, it’s me? E, dinala lang naman ako ng hangin sa kanya, ah? Kung ‘di ako dinala ng hangin sa Costa Leona, I doubt if he’d ever look at me.

Why am I whining when it was my fault from the very beginning, anyway?

Ang munting bula ng kaligayahan simula kahapon ay biglang naglaho. That’s how fast the weather changes, huh?

“Are you tired? Let’s go home,” ang baritonong boses ni Vince galing sa likod ang nagpagulat sa akin.

Umiling agad ako at ngumiti. I don’t want to be a burden to him.

“I’m not. I can wait until you’re done,” sabi ko.

His eyes remained on me. Palipat-lipat sa aking mga mata, naninimbang sa maaari kong iniisip. I can’t look at him straight. It hurt looking at him kaya binaba kong muli ang tingin ko sa aking mga kamay.

“Let’s go home,” ulit niya.

Gusto kong ipaliwanag sa kanya na hindi pa ako pagod at pwede pa siyang makipag-usap sa mga taong naroon. Hahaba ang pag-uusap namin, tatagal ang titigan. Ayaw ko ng ganoon. I can’t do that while I’m feeling this way so without a word, I rose and nodded.

Mabilis ang pagpapaalam ni Mommy at Daddy sa akin. Nagtagal lang kay Vince dahil may konti pa silang pinag-usapan at tinawanan. I searched for Amer while they were talking. I found him in the middle of the many reporters. Hindi ko na lang inabala dahil ayaw kong ako naman ang bigyang pansin ng iilan.

Pagkatapos sa aking mga magulang, nakasalubong din namin ang grupo nina Vanessa. Vince’s team are with her. Ilang sandali pang nag-usap ang mga ito samantalang nakangisi si Vanessa tuwing tinitingnan ako. Umiiwas ng tingin pagkatapos ay nagtataas ng kilay. Nararamdaman ko na akala niya’y nakakalamang siya dahil sa nalaman.

I am too weak to think more of it. I feel drained, actually. Malayong-malayo sa naramdaman ko kani-kanina lang sa trabaho.

Vince caught my hand pagkatapos magpaalam sa kanila. Nagulat ako sa ginawa niya kaya napatingin ako sa kamay niyang hawak ang akin. Using his fingers, he spread mine gently so he’d fit in the spaces. Napalunok ako sabay angat ng tingin sa team niya. Half of them (including Vanessa) is looking at our intertwined hands.

“Excuse me, Architect Hidalgo? Pwedeng pa interview sa inyo ni Eury?” may isang reporter na lumapit sa amin.
Umiling si Vince. “She’s tired. Sorry.”

Mabilis niya akong inalis doon. The hollow in my got rapidly grew. All thoughts that bothered me filling it like a monster eating all the happiness that’s left.

I caught Vince watching me as we waited for the valet. Iniwas ko agad ang tingin ko sa kanya. He sighed. Mas lalong hinigpitan ang pagkakasalikop ng kamay namin.

“What’s wrong?” tanong niya.
“Wala…” agap ko sa isang mas positibong boses.

Dumating ang kanyang sasakyan. He immediately got the keys and opened the door for me. Pumasok na ako sa loob ng ‘di siya tinitingnan. Umikot siya para mapunta sa driver’s seat. Sumulyap muli sa akin bago sa kalsada.

“Nagkita kayo ni Amer sa powder room?” tanong niya.
“Yup.”

Sa gilid ng mga mata ko’y naramdaman ko ang paglingon niya. Gustuhin ko mang salubungin ang mga mata niya, alam kong hindi ko iyon kaya.

“What did you talk about?” I can sense that he’s waiting for a loophole. Any reason why I’m suddenly this drained. Ayaw kong isipin niya na may pagbabago kaya sinubukan kong ayusin ang reaksyon ko.

I am a good actress, anyway. I can lie to anyone’s face with anything… without even blinking. I can make it seem like it’s true. Kaya ko pang maniwala sa sarili kong kasinungalingan.

“Wala masyado. The reporters went to us immediately so we got separated. ‘Di na kami nakapag-usap masyado.”
“Did the reporters bug you too much?”
“Hindi naman…”

Sumulyap ulit siya. Mabuti na lang at tumigil na siya sa pagtatanong. Kahit na paminsan-minsan ang sulyap niya sa akin kahit noong nasa elevator na kaming dalawa.

Pagkapasok sa condo ay dumiretso na ako sa pasilyo patungo sa kwarto. I’m just relieved that we stopped talking. I don’t want another conversation with him, at least not now that I’m feeling this way. Wala akong karapatang makaramdam ng ganito.

Lumiko ako sa aking kwarto, pinihit ang pintuan para makapasok ngunit bago pa ito mabuksan ay may braso nang pumalupot sa aking baywang.

“Where are you going?” he whispered on my ear.

I want to shout and scream to myself. Ganoong galaw niya lang, para na akong malulusaw.

“But I’m tired and I want to rest.”
“In my room, then.”

Para akong alipin sa nararamdaman ko para sa kanya. I know how much I’m doubting all of these right now but I just couldn’t stay away from him.

Tumango ako at pilit na kumalas sa kanya.

“Kukuha lang ako ng gamit. Pupunta rin ako roon.”
“Ipapakuha ko lahat ng gamit mo riyan bukas, ipapalipat ko sa kwarto.”

The treacherous butterflies on my stomach are shamelessly flying around. Fools!

“Okay. I’ll just change…” mahinahon kong sinabi.

Kumalas siya dahilan ng pagkakawala ko. Pagkapasok at pagkasarado ay para akong nilulubayan ng lakas. I feel so torn. I’m in between my craziness for him and the pain it’s causing me.

I washed away my make up, hoping to wash away my doubts. Pero tingin ko, nakahabol lang talaga ang mga ito sa sayang naramdaman ko.

I changed into a floral cotton terno. Spaghetti strap at ruffled shorts. Tumunog ang cellphone ko sa text ni Amer kaya binuksan ko ito pagkatapos maglagay ng lotion sa sarili.

Amer:
Totohanan na ba ‘yan, Amore? We have a lot of catching up to do! My God! When can we meet?

Ako:
I have to take a look at my schedule first. Medyo busy ako dahil sa mall shows ng new movie nina Zander.

Pagkatapos noon ay lumabas na ako ng kwarto. Ang ilaw sa pasilyo ay dim na. Pati ang sa sala, ganoon din.

Nilingon ko ang pintuan ng kwarto ni Vince at nakita kong half-open ito. I opened the door and went in. Dim na rin ang ilaw ng buong kwarto ngunit may ilaw sa loob ng malaking bathroom niya. He’s probably taking a bath now.

Nilingon ko ang kama niya. Malaki ito at kasyang-kasya kami. Sobra pa nga. Last night, sa kaliwang part ako ng kama kaya doon din dapat ako ngayon.

Umikot ako para mapunta doon. The city lights are shining brightly. Kita iyon dahil hindi sarado ng buo ang kanyang bintana. And I don’t know how to close it the way he does kaya hinayaan ko iyon.

His phone is charging beside a laptop. Bago ako naupo sa kama ay nakita kong umilaw ang kanyang phone sa isang mensahe.

Si Vanessa ang nagtext. But below her message were texts from unknown numbers. I clicked the middle button to see a bit of it.

Vanessa:
Are you home? Kasama kayo ni…

Unknown Number:
Are you serious with that…

Unknown Number:
Your gf’s recent photos were kiss…

Parang may punyal na tumama sa aking puso. Naupo ako sa kama kahit na pakiramdam ko’y hindi dapat ako roon. Dapat bumalik na ako sa kwarto ko at pilit na mapag-isa. I know Vince will insist but he’d let me be if that’s what I want.

Habang nasa gitna ako ng pag-alis doon at paghiga na lang ng tahimik ay bumukas ang pinto ng bathroom. Ayaw ko nang magkasagutan pa kami lalo na ngayong ganito ang nararamdaman ko.

Nagbabadyang tumulo ang aking mga luha, wala pa man. And that’s the last thing I want to do tonight, to cry.

Silently, humiga ako sa parte kong iyon. Hindi ko na siya nilingon. Inayos ko ang comforter at tinabunan ko ng ganoon ang sarili ko.

Nang tumihaya para maayos iyon ay nasulyapan ko siya. His hair a bit damp and with only his shorts on. Sa dilim ay kita ko ang mga mata niya nakatingin sa akin. It sent shivers down my spine. Hindi yata ako kailanman masasanay na titigan niya ng ganoon.

Watching him move in that muscular frame, in a ruthless and very male manner, hindi ako makapaniwalang may puwang ako sa atensyon niya. Mas lalo lang lumalim ang paduruda ko na hindi totoo ang lahat ng ito.

That maybe, my feelings are playing games at me. Sa sobrang pagkagusto ko sa kanya, naniniwala na ako sa mga imposible.

Alam ko, dahil noon pa man, I seem to do so many weird things when he’s involved. Whether I make my jealousy as an excuse or just my plain hatred towards him. Ngayon, iba na ang excuse ko. Gusto ko siya… kaya ayos lang.

How many times do I have to feel undeserving for the people I love? Maybe I need to improve more? Gaya ng gusto ng mga magulang ko? Maybe if I act a little better and dress maturely, I’d feel equal with him?

Tinalikuran ko ang parte niya at pinikit ang mga mata. Tears rolled down my eyes. Bumagsak sa unan na hinihigaan ko.

I’m so good at crying silently. Para bang pinag-aralan ko na iyon buong buhay ko. Pagpipigil ng hikbi, pagpapakawala ng hininga sa tahimik na paraan, at pag singhot na tila humihinga lang. My chest won’t even move. My shoulders will never tremble. I know how. I’ve cried enough that I can say I major this.

Umuga ang kama. Pinikit ko ng mariin ang mga mata ko at pinigilan ang hininga. Mas maingat pa sa ginawang pag-iyak kanina.

“What’s wrong with my baby, hmm?”

His arms enveloped my waist immediately. His warm chest covered my who back and his legs reached mine.

Dios ko? Paano?

Imbes na tumigil ako sa pag-iyak ay mas lalong bumuhos ang luha ko. His lips made its way to my neck. His minty breath is hovering on my right ear.

“What’s our problem?” he whispered gently.

Parang gripo ang mga luha ko. Kumawala ang mga kamay ko sa comforter. Sana ay malibang ako sa mga kuko ko para makalimutan ko ang iniiyakan ko rito.

Umiling ako.

Mas lalo niyang pinalupot ang braso niya sa akin. His hand rested on my stomach. Ang isa’y nasa aking balikat.

“Is it about your performance?”

Natigilan ako sa tanong niya. Anong performance? Kanina? ‘Yong umiyak ako? What about it?

“Did your ex say something bad ‘bout you?” medyo malamig niyang tono.

Umiling agad ako. Ba’t niya naman iisipin iyon? Hindi ko hahayaang isipin niya iyon.

He sighed.

“Why did you cry, then? You missed him…”

What the hell?

“No!” halos bayolente kong deny.

Ayaw kong isipin niyang ganoon! Damn it!

His hand loosened up. Napatingin ako sa kamay niyang parang nawalan ng lakas.

“If you’re still confused ‘bout this, I don’t want to force you to do anything.”

What?

“Kaya kong mag-antay, Eury, till you sort your feelings out.”

Muling humigpit ang hawak niya. But I can felt his restraint. Huminga ako ng malalim at ngumiwi.

“Hindi naman ‘yon, e…” pumiyok ang boses ko kaya mas lalo tuloy akong naiyak.

He froze for a bit. Goddammit! Why am I so weak when it comes to him?

Nagsimula na akong umiling para sa mga salitang hindi ko pa magawang isatanig. Bumundol ang kaba sa aking puso. Though, I am not sure if it is purely fear or there’s something else. Something so intense… I don’t know how to calm this shit down.

“Hindi ko na naman siya mahal,” sabi ko.

Malakas akong humikbi, hindi na kayang itago. Pinalis ko agad ang luha sa aking mga mata. Mas lalo niyang idinikit ang sarili niya sa akin. His lips touched my neck. Ang paraan ng pagdiriwang ng mga paru-paru sa aking tiyan ay masakit. Parang gusto kong tumakbo, magwala, mahimatay sa sakit kasiyahan nila.

“I cried during my performance because I realized that I’ve finally forgiven my parents for all the hurt they’ve caused me…” nanginig ang boses ko.

Hindi ko alam kung papaniwalaan niya ako. Hindi ko na rin dudugtungan na siguro ay habang magkasama kaming dalawa, unti-unti akong natututo ng mga bagay na hindi ko matututunang mag-isa. That’s just too dramatic and clingy. I don’t want him to think that I’m that kind of girl.

“Na hindi na ako naapektuhan sa mga sinasabi ng mga tao tungkol sa akin dahil may mas masasakit pang salita galing sa mga magulang ko noon.”
“What are they saying ‘bout you?” he said in a serious tone.
Umiling ulit ako. “It doesn’t matter. Let’s not talk about it. You’d get bored.” I don’t think it matters to you, anyway.
“I won’t get bored. I’m interested in anything about you,” he breathed.

Ngumiwi ako. Tatahimik na sana ako pero sa sobrang sakit ay ‘di ko na napigilan.

“Do you say that to your women, too?”
“What…” he said lazily.
“Your exes…” kalmado kong sinabi.

Tanggap ko iyon. At kung gaya lang din ako ng iba, pakiramdam ko’y matatanggap ko parin naman. At least I felt like he loves me and he cares for me.

“Sinasabi mo bang interesado ka sa kanila? Na hindi ka mabo-bored?” I asked casually like it won’t hurt.
“No. Let’s not talk about that.”

He’s so unfair! Pero talo parin talaga ako!

“You were asked if you’re serious with me or am I just another girlfriend…”
Halos marinig ko ang frustration sa hininga niya.
“At… nga pala, may mga text sa cellphone mo. Vanessa texted… and a couple of unregistered numbers. Might want to check them out,” I said cooly.
“I don’t,” malamig at medyo may galit ang tono niya.
“Sorry… it’s okay. I understand how this is going to be-”
“What do you understand? What are you talking about?” I heard the panic in his voice.

Hinila niya ako. Pilit na hinaharap pero nagsimula muli ang mga luha ko kaya hinawakan ko ang kamay niya para matigil siya.

Ngumuso ako at pilit na nililibang ang sarili sa sariling ekspresyon.

“I never cared about other girls the way I care about you! Please, look at me, Eury.”
Umiling ako. “I’m more comfortable this way.”

Isang marahan at malutong na mura ang narinig ko sa kanya. His grip tightened on me. Diniin niya ang kanyang mukha sa aking leeg.

“You’re going out of the country, too. Iiwan mo pala ako. It’s okay. I’m fine with long distance relationships. Though, it’ll be my first time. You see, I have less experience when it comes to relationships like this…”
“Fuck!” his soft but angry tone resounded.

Huminga siya ng malalim at mas lalong binaon ang mukha sa aking balikat. His hand fisted on my chest.

“Kaya ko ‘yon. Hope you stay faithful, too. While you’re abroad. How long is it gonna be? Six months-”
“I won’t go abroad.”
Nagulat ako roon. “Pero hindi ba kailangan-”
“I can design from here. Kung aalis ako, dadalhin kita.”
“Pero-”
“And that’s not because I can’t stay faithful to you! I can! Kahit taon pa ‘yan, Eury! But I’m gonna miss you real bad, I’ll probably go crazy without you for a week so I won’t let that happen to us!”

Naitikom ko ang bibig ko. My chest hurt so good.

“You promise me you’ll clear your schedule once I go abroad dahil dadalhin at dadalhin kita!”
Kinagat ko ang labi ko.
“I promised myself… kapag nahawakan ulit kita, hinding-hindi na kita pakakawalan. Nothing will ever make me lose you again. Even your own doing. Do you understand that?”
Huminga ako ng malalim. “Pero hindi ko mapigilan, Vince. You did not take your other women seriously. I am a realist. I know that-”
“It’s all a cover up because I’m lusting on the woman I couldn’t have. Even when I’m already successful. Even with my name now. I couldn’t pursue you because that’d make me a fucking pervert right?”

Shit!

“At sino sa ating dalawa ang dapat na magtampo, huh? You had a boyfriend! You fell in love with another man!”

Oh! Ngumuso ako at naisip si Zander. I’m not even sure I fell for him.

Inangat niya ang mukha niya galing sa aking balikat. He breathed heavily near my ear.

“It might not be love, though. You lust on me like all the other men I met. Sa paraan ng paghalik mo, alam ko na. You kiss me wildly all the time. I can imagine you kissing other girls tenderly while you’re always in a frenzy when it comes to me.”

Halos marinig ko ang frustration sa hininga niya bago ko naramdaman ang pagrerelax.

“Baby, did you not hear what I just said? Hmm?”

His arms snaked around me. His one hand rested just below my boob.

“I have been so crazy about you for years. You think I can stop myself from kissing you that way? Damn!”

He cursed more. Nilingon ko siya. His lips grazed my cheek. Pati ang kanyang ilong kaya hindi ako gumalaw sa posisyong iyon.

“I’d kiss you tenderly and slowly, next time. But I’d probably lose control the half way because…” he hissed.
“B-Because?”
“Hindi mo maiintindihan.”

He cursed more kaya mas lalo akong walang naintindihan.

“What’s this punishment all about?” he murmured.
“Huh?”
He groaned. Halos marinig ko na ang kanyang frustration. Ang kanyang kamay na nasa aking tiyan ay biglang sinoot sa aking damit. I froze at his move but he continued doing that.

Nahanap ng kanyang kamay ang aking dibdib. Halos mapapikit ako. Halos mawala ako sa aking sarili.

Tumigil siya at binaba ang kamay muli sa aking tiyan. I pouted and tried to look at him. His breathing is a bit heavy.

“What else do you want to talk about? I want to hear all your thoughts.”
Umiling ako.
“Nahawakan lang kita, titigil ka na? Tell me more about it, Eurydyce!”
“Wala na…” I pouted again waiting for him to do that but his hand just rested on my stomach.
“Look at me, then…” utos niya.

Huh? But I like this position? Sige na nga!

Parang bulang nawala ang nakadagan sa aking puso. Oh his wonders. What the hell?

Mabilis akong bumaling sa kanya. Nagkatinginan kami dalawa. Kahit madilim ay kita ko ang mapupungay niyang mga mata. His lips twisted and his hand rested on my back.

“Wala na…” ulit ko.

He poked my nose. Pagkatapos ay inayos niya ang aking buhok. Nilagay ang takas sa likod ng aking tainga.

“I know how your mind works, Eury. Pull any funny stunt and-”
“Wala na nga!”
Kumunot ang noo niya habang tinitingnan ako. ‘Di ko mapigilan ang mangiti.

Is this really happening? Is he really serious? I’m not sure if I’m really convinced but I’m happy. That’s the only thing I’m sure of.

“You’ll read all my phone messages everyday from now on-”
“What? ‘Di ko gagawin ‘yan, ‘no! Bahala ka!” iritado kong sinabi.

Nagkatinginan kami. Nag-iisip pa siya kung ano pang pwedeng iapply para sa akin. I smiled to assure him that I’m fine now. God, I am crazy.

“Wala na sabi akong problema. I understand that girls want to text you, anyway. Gaya ko. Boys text me…”
Nakita ko ang pagtaas ng kilay. The ridiculously cold look is upon him now. Nasapo ko ang labi ko ngunit ‘di ko napigilan ang mangiti.
“Let me see your phone,” the authority on his voice sent shivers down my spine.
“Minsan lang…” pigil ko.

Hindi pa ako nakakapagreact ay inabot niya na ang cellphone ko sa side table ng kama. Pilit kong kinuha pero nailayo niya agad sa akin.

He looked so serious as he tried to hack on my phone. So serious and rude as he scrolled my inbox.

Parang panaginip ang lahat. At kung iyon nga ito, sana hindi na ako magising. Dahil alam ko, beyond the walls of his penthouse is a life that’s difficult and dangerous.

“Where can you find the files of those people? I mean, showbiz files. Kaya ko naman sigurong magpahanap-”
“Huwag na, Ate. I think I know how…” sabi ko habang tinitingnan ang isang pintuan, kung saan galing si Genta.

Sa tagal ni Tita Daisy sa istasyon, may sarili na siyang silid. Doon siya madalas lalo na kapag magmemeeting sa bagong mga talent at sa mas malalaking talent niya.

Galing sa practice, pumuslit ako ng panahon para pumunta rito.

Tita Daisy went out with a known stylist.

Iniisip kong pwede akong lumapit sa President at sa kanyang asawa patungkol dito pero mahihirapan akong ipaliwanag ang lahat ng nangyayari. And of course, maaari pa akong mapaghinalaan. Kapag nalaman nilang nagpaparamdam si Hubert sa akin, their probable initial reaction would be… because I am involved in something like this. That’s the last thing I want them to think of.

Mabilis akong naglakad patungo sa pintuan. May biglang dumaan kaya tumigil ako at nagkunwaring napapadaan lang din.

Nang nawala ito ay bumalik ako sa dinaanan para mapuntang muli sa pintuan ng opisina ni Tita Daisy.

“Don’t put the phone down-”
“It will slow me down, Ate Reanne. I need to…” sabi ko sabay baba ng cellphone.

Luminga ako at nakitang ang CCTV ay nakaharap dito sa akin. Shit!

But I can explain to Tita Daisy na akala ko’y nasa loob siya! Right! That’s it!

Normal kong pinihit ang door handle. I opened it and I immediately went inside.

Walang tao sa loob, just as I expected. Iginala ko ang mga mata ko sa mga papel sa kanyang lamesa, sa sofa na may medyo magulong throw pillow at sa halaman malapit sa bathroom.

I need to find Carrie and Flyn’s file. Kung mayroong kay Tita Daisy, kukunin ko rin iyon. Kung mayroong kay Blair at Zander, dadalhin ko rin iyon. Pero ang dalawa sa huli ay malabo. Maaaring kakailanganin ko ring maghanap sa ibang lugar para roon.

Nagsimula akong maghalungkat sa mga filer. Sa drawer. Sa cabinets. Sa mismong lamesa. My heart pounded on my ribcage. I’m sweating so much. It’s taking so much time!

Bumukas ang pintuan. Pareho kaming napatalon ni Genta nang nakita ang isa’t-isa.

Tiningnan niya ang magulong lamesa, kung saan ako naghahanap sa ngayon, pagkatapos ay tumingin siya sa akin gamit ang seryosong pares ng mga mata.

“Anong ginagawa mo rito, Miss Eury?” seryoso niyang tanong.
“A-Ah… Hinihintay ko si Tita D-Daisy, Genta,” nangatog ang boses ko.

Muling tumingin si Genta sa lamesa ni Tita, kunot ang noo at masyadong seryoso. Kumalabog ang dibdib ko.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

1

Comments are closed.