Blown By The Wind – Kabanata 27

July 24, 2017 By In Blown By The Wind Comments Off on Blown By The Wind – Kabanata 27

Kabanata 27
Totoo

Hindi pa ako nakakahinga ng maayos nang may biglaang pumasok doon.

“Eury! Come on! I’m worried! What’s wrong?” Ate Reanne’s panicking voice resounded.

Pumasok si Blair, natigilan nang nakita ako. Probably not because of my shocked expression, but just because of my mere presence. Her nose flared and her eyes widened, stunned that she saw me there.. Agad siyang humalukipkip, hinawi ang buhok sa balikat at umambang aalis.

“Wrong powder room. This is for the cheap and lowly rising stars…”
“W-Wait-”

Bago pa niya iyon narinig, nagmamadali na siyang nawala roon. Nilingon ko ulit ang sulat na nasa salamin, balik sa pintuan kung saan nawala si Blair. Mabilis akong tumakbo patungo sa pintuan upang sundan kung saan nawala si Blair ngunit wala nang ni isang tao sa pasilyo.

Sobrang lakas ng kalabog ng puso ko.

“Who’s there?” Ate Reanne asked from the other end.
“Blair,” iyon lamang ang nasabi ko.

Tulala pa ako sa nangyari. Ilang sandali bago ko naisipang magtawag ng maintenance sa palapag na iyon. Ilang sandali rin bago lumabas si Carrie at Flyn na parehong naghahanap sa akin, dahil kailangan na naming maghanda para sa aming mall show.

“It’s definitely Blair,” Carrie concluded.

Kaming tatlo ay nasa loob ng girl’s comfort room. Nililinis ng maintenance ang salamin habang naroon kami.

“Can we see the CCTV?” tanong ni Carrie sabay baling sa babaeng tagalinis.
“Ang camera ay nasa hagdanan lang po, Ma’am. Maaaring hindi kita ang papasok sa CR,” sagot nito.
“Si Blair talaga ito, e. ‘Wag mo nang alamin? Bakit? Ano bang problema, Eury?”
“Carrie, don’t conclude right away. Pwede kang kasuhan kapag mang-aakusa ka ng walang sapat na ebidensya,” Flyn interrupted.

Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa dalawa kung ano ang iniisip ko. O ang simpleng dahilan man lang ng lahat ng ito. Bukod pa sa hindi ako siguradong para nga iyon sa akin, wala pa akong planong ipaliwanag din sa mga kagrupo ko na may ganitong nangyayari sa akin.

“Baka po mga child stars lang, naglalaro, Miss. Madalas kasi sila sa CR na ito dahil tahimik,” sagot ng tagalinis habang tuluyan nang pinunasan ang huling letra ng nakalagay.

Nilingon ako ni Flyn.

“What do you think, Eury? Ano naman ang ibig sabihin ng mensaheng iyon para sa iyo? If it does not relate to you or to your issues with Blair, I don’t think we should overthink about this.”

Sa huli ay tumango ako at pilit na ngumiti. Nagpaalam ako kanina kay Ate Reanne nang dumating si Flyn at Carrie. Sinabi ko sa kanyang tatawagan ko lang ulit siya mamaya. She’s worried but she trusted me, anyway.

I cannot think straight pagdating sa aming schedule. I relied mostly on Genta’s reminders and Flyn and Carrie’s nagging.

WAG MO NANG ALAMIN.

That message is definitely not from Hubert. Gusto ni Hubert na malaman ko kung sino ang pumatay sa mga kaibigan niya kaya hindi maaaring galing iyon sa kanya.

That means… that message is from the killer!

My heart pounded as I think about it.

Ate Reanne:
You seriously need to tell Vincent, Eury. Konting-konti na lang at magpapadala na ako ng mga tao para imbestigahan ang kaso mo kaya wag na wag kang magkakamaling gawin ito ng mag-isa!

Mas lalong lumakas ang hinala ko na nasa loob lamang ng istasyon ang pumatay.

Buong byahe patungo sa mall show, I closed my eyes to rest for a bit but my brain just won’t shut up.

The killer goes to the station a lot. Kung siya ang nagsulat noon, alam niya kung nasaan ako, alam niya rin ang ginagawa ni Hubert sa akin. He or she knows that Hubert is reaching out to me.

Sinu-sino ba ang mga taong pareho naming kilala ni Hubert?

Hubert is a photographer but he’s more known as a talent scout and publicist. He’s the reason why I got into Astra and almost all of my first opportunities in showbiz.

Mahirap isiping mabuti dahil bukod pa sa kamag-anak niya ang may-ari ng istasyon, we’re directly connected because of my showbiz history, too.

But first, who has the motive to kill his friends? And is it also directly connected with what happened in Romblon?

Bakit papatayin sina Hubert? Dahil ba sa ginawa nila sa akin? O may iba pa bang rason? Or were they paid to ruin me? Were they?

“Nandito na tayo, Miss Eury,” si Genta ang gumising sa akin galing sa pag-iisip.

Hindi naman talaga ako tulog kaya mabilis din akong nakapagreact at gumalaw.

Sa backstage pa lang, panay na ang paalala sa akin tungkol sa gagawin. I need to be reminded over and over again that Blair and Zander’s fans will get mad at me on stage. Kailangan kong tatagan ang concentration ko para sa kanila.

“Did you see Zander, yet?” tanong ni Flyn habang inaayusan kami.
Umiling ako.
“’Wag kang paapekto sa lalaking iyon.”
“Tama! And don’t mind their fans. You have your own, anyway,” si Carrie.

Tumango ako at nanatiling nakatingin sa salamin.

Sino ang magkakaroon ng motibo para patayin sina Hubert? At ano maaari ang motibo? Personal anger? Revenge? Revenge for what? Or for who? Is it for me? For doing that to me?

Sinu-sino ang may alam sa nangyari sa Romblon? As far as I know, it’s Tita Daisy, Flyn, Carrie, the President, and his wife.

The President and his wife surely won’t try to kill their grandson. Unless they want it to look like that?

Tita Daisy… Did she care that much about me na kaya niyang pumatay? The thought sent shivers down my spine.

Flyn and Carrie…

Flyn… nilingon ko si Flyn na ngayon ay taas noong nakatingin sa salamin habang nilalagyan ng powder ang mukha. Like me, she’s discovered by Hubert. Mas maaga nga lang lalo na’t talented.

Carrie, she’s discovered by Hubert, too.

They both don’t trust Hubert. Bakit?

May isa pang may pagduruda kay Hubert… si Zander! If he’s the killer, what could his motive be? Alam ba niya ang nangyari sa akin sa Romblon?

Mas lalo akong kinilabutan sa mga naiisip ko sa mga taong malapit sa akin. Paano ko nagagawang pag-isipan sila ng ganito? Once I find out, I’d probably be laughing at myself!

Si Blair… nandoon siya sa CR kanina. Pero kung siya ba ang gumawa noon, magpapakita ba siya? I don’t think so? Kung ako ang gumawa noon, magtatago akong mabuti para hindi paghinalaan.

“It’s your turn now!” sabi ng staff at nagmamadali na kaming lumabas ng backstage.

Si Carrie ang opening ng kanta kaya siya ang unang lumabas. The crowd is amazing. Kung hindi man mas marami iyon sa nauna, iyon na siguro ang pinakawild. Parang umuuga ang sahig dahil sa tilian at talunan ng mga naroon.

Lumabas si Flyn sunod ni Carrie dahil sa kanya ang pangalawang stanza. Mine is the third, just before the chorus – and just enough for my pitch.

Nilingon ni Carrie at Flyn ang kurtina nang alam nilang palabas na ako. When I went out, the crowd roared. Hindi ko na halos marinig ang boses ko sa ingay. Tumawa si Flyn at Carrie sa nangyari.

May narinig akong konting “boo”. Umiling si Carrie sa akin, ibig sabihin ayaw niyang pansinin ko iyon.

Walang maaaring makakasakit sa akin bukod sa aking pamilya. Those boos are nothing compared to the pain I felt with my family. Ngumiti ako habang tinitingnan ang napakaraming tao – may mga bata, may matatanda, magkahalo.

In the middle of the chorus, I realized that I have forgiven my parents for everything. Ni hindi ko alam kung kailan at saan banda sa mga nangyari sa akin. I just know it in my heart that I’ve forgiven them.

Tears pooled in my eyes. I tried to blink them away but it wouldn’t disappear. Ngumiti ako dahil sa sayang naramdaman.

I remember jumping on that boat feeling so miserable, wanting to be gone, and praying the waves would devour me to my eternal sleep. It was a near death experience. And somewhere along that miserable night, I let go of all the pain I felt for years. Hindi ko namalayan na unti-unti akong nagpatawad. At ngayon, wala na akong sakit na nararamdaman para sa kanila… just plain gratitude. For raising me and making me who I am – broken but strong.

Nanginig ang boses ko nang kinanta ko ang linya ko. But I smiled, not to hide anything, but because I am truly happy.

“Eury! Eury! Eury! Stay strong, Eury!” naungusan ang lahat ng “boo” ng isang panibagong sigaw galing sa audience.

Tumawa si Flyn at inakbayan ako. Carrie hugged as both and we barely finished the song because the tears rolled down our cheeks. Hindi ko alam kung bakit napaiyak ko ang dalawa. Flyn looked at me with accusation in her eyes. Tumatawa naman si Carrie.

“Ba’t ka ba umiiyak? God!” reklamo ni Flyn sabay palis sa kanyang mga luha.

Hindi na makapagsalita si Carrie. Patuloy na lang siya sa paghikbi at muling niyakap kami ni Flyn ng mahigpit.

“We love you, Astra!”
“We love you, Eury! Stay strong!”

We bowed and immediately went out of the stage, nagtatawanan at naghahagikhikan.

My life is not perfect. In fact, I am in the middle of something so strange and dangerous at the same time… but I don’t remember the last time I’m this genuinely happy.

Nagyakapan ulit kami sa backstage. Pagkatapos ay nagtawanan muli dahil sa ginawang iyakan sa stage.

“Naku! Tatanungin tayo nito, ba’t tayo nag-iyakan! Para tayong mga tanga, e!” iritadong sinabi ni Carrie.
Tumawa si Flyn. “It’s Eury’s fault! Bakit ba? Huh?”

Hindi nga sila nagkakamali. The bouncers are now trying to push the media away. May nakaabang pala at umaambang lalapit, ngunit ‘di makawala sa bouncer kaya ang mikropono na lamang.

“Flyn, Flyn, ba’t kayo emosyonal? Miss Eury, can we ask a few questions, please?”

Nilingon ko ang mga nasa limang reporter na sinusubukang kumawala sa bouncers.

“Tara na, Eury,” si Carrie sabay higit sa akin patungo sa aming silid.

Nanatili ng ilang sandali ang mga mata ko sa mga reporter bago tuluyang sumama sa kay Carrie at Flyn, patuloy sa pagtatawanan.

“’Wag na muna kayong mag entertain ng reporters. Papagalitan tayo ni Tita Daisy, kung sakali,” sabi noong staff at patuloy kamig iginiya pabalik sa silid.

A door opened and Zander’s P.A. went out. Natigilan kami dahil humarang ito sa dadaanan namin. Lumabas si Zander at Blair sa kanilang kwarto. The mood immediately turned awkward. Tumigil sa hagikhikan at usapan si Carrie at Flyn. Ganoon din ata si Zander at Blair.

Zander looked at me with cold eyes. Humalukipkip si Blair at nagtaas ng kilay. She turned to Zander to whisper something. Umilag ng bahagya si Zander sa bulong ni Blair sa kanya. Agad na umismid si Blair sa ginawa ni Zander. Zander’s eyes never left mine so I turned to him and smiled.

“Good luck sa performance. I know you’ll do well,” I said gently.

Umawang ang labi ni Zander. Hindi niya siguro inasahan na ganoon ang sasabihin ko. But really, it’s true. I wish them luck. I know they’ll do well. They won’t come this far if they’re not good.

“Let’s go, Eury,” si Flyn sabay higit sa aking braso.

Nilagpasan namin sila. Sa paglagpas na iyon, naramdaman kong nawala ang kahit anong sakit na dumagan sa aking puso. I’m not even sure how long I’ve been carrying that pain. Pakiramdam ko’y buong buhay ko, pasan ko na iyon. Parang si Atlas na pasan ang daigdig. Ngayon, binaba ko na ang mundo para mag resign. I giggled at that thought.

“Why did you have to wish them luck? Kung ako nasa kalagayan mo, I’d wish they fail the audience!” si Carrie nang nakapasok na kami sa aming silid.
Tumawa si Flyn. “Sarcasm?”
Umiling ako. “No… Really, I’m wishing them luck. Umiyak ako sa stage dahil narealize kong napatawad ko na ang lahat na nanakit sa akin. I don’t know why I suddenly just feel emotional but… I did.”

Naupo sa couch. Tulala pa at hindi makapaniwala sa naramdamang iyon.

“I cried because I felt inspired, Eury,” tumabi si Flyn sa akin. “Sa dami ng galit sa’yo, you greeted them with a smile. I thought you were hurting kaya ka umiyak.”
Umiling ako. “Those boos won’t hurt me. I’ve been through worse.”

Nagkatitigan kaming tatlo. Lately, I’ve been so connected with them that even in the midst of silence, I know they know how I feel.

“Magaling!” sumabog ang boses ni Tita Daisy sa silid.

Nagulat kaming tatlo, pati ang mga staff, sa biglaan niyang pagdating. Bumukas ang kanyang pamaypay kasabay ang tunog nitong pamilyar na sa akin. Kasabay ng pangaral at papuri niya ay ang bilis din ng paypay.

“Have you heard the fans? Some of your fans cried because of your performance! At ang mga fans nila ang mismong pasimuno sa sigawan bilang suporta kay Eury at sa buong Astra!”
“You were there, Tita?” isinatinig ng tanong ni Flyn ang tanong ko rin sa isipan.
“Of course! I won’t miss it! Lalo na dahil akala ko papalpak ulit dahil sa mga issue nitong si Eury. I did not tell you three because I know you’d all be scared of me!” she said matter of factly.
Ngumiwi si Carrie kaya nabatukan siya ni Tita gamit ang pamaypay.
“Thank God for the crying part! Oh my goodness! I should enrol you three sa acting lessons! Baka pwede!”

Flyn rolled her eyes. Natawa na lang kami ni Carrie.

“Hindi iyon acting, Tita,” sabi ko.
“Let’s schedule your enrolment to some acting workshops!”
“I want to stick to singing!” si Flyn.
“You can sing and act at the same time, Flyn! ‘Yong mga artista nga, kumakanta rin, e.”

Umiling ako at nanatiling nakangiti habang patuloy naman si Tita sa kanyang pag-iisip tungkol sa aming acting workshop.

Vince:
Just tell me when you’re done. Nasa basement parking ako.

Nag-angat ako ng tingin kay Tita. Nagdedeklara na siya ngayon na magkakaroon kami ng victory party. I just don’t know what it is for but Carrie seems to like the idea and Flyn keeps on reminding her that she’ll be off for her Mixed Martial Arts session.

“Tita, ‘di ako pwede. May pupuntahan kaming party ni Vince ngayon,” sabi ko.
Natigil si Tita sa pag-iisip ng kung anu-ano. Finally, she’s listening. “Oh! Architect Hidalgo will pick you up? Party saan, Eury?”
Umiling ulit si Flyn. Disappointed sa kilos ni Tita pagdating sa… boyfriend ko. I smirked at the thought.
“Association ng mga Architect at mga related na company. I need to go now. Nag-aantay na siya.”
“Oh sure! We won’t keep him waiting. I’m gonna call the bouncers now to escort you. In the mean time, I’ll stay here until the end of their show. Titingnan ko anong mangyayari at anong reaksyon ng fans!”

Tita Daisy laughed like a villain the whole time. Lalo na dahil binibigyan siya ni Genta ng buong imahe sa sitwasyon sa labas. Sa mga fans na sinisigaw parin ang pangalan ko kahit na naroon na ang dalawa sa stage. She seems to enjoy the fall of the loveteam.

Pababa ako kasama ang tatlong bouncers. May mga nakakita sa akin kaya nagmadali kami dahil ilang sandali ay maabutan kami ng mga iyon. Kahit pa mas mahaba ang route na dinaanan nila.

Vince’s Corvette was parked directly near the shortcut. Umilaw agad ito pagkababa ko. Ang isa sa mga bouncer ay binuksan ang pinto ng sasakyan. Pumasok ako roon at agad na nagseatbelts. Sa harap ay nakita ko ang takbuhan ng iilang mga fans galing sa elevator pa basement.

“How’s your day?” he asked.

Hinawakan niya ang aking baba gamit ang index finger. He kissed me smoothly once. Bahagya siyang lumayo, umawang ang bibig ko sa halik niya. Imbes na umatras ay muli niya akong inatake ng halik. Dalawang mababaw na halik at muli siyang tumigil. My head spinned and my eyes figuratively melted. Nanghihina ako.

“Fine,” namamaos kong sinabi.

Hindi niya na ako pinagsalita pa. He kissed me again, this time, consecutively and thoroughly. Heat spilled within me. Para akong matutupok nito. Bumaba ang kanyang halik sa aking panga. Napapikit ako at napatingala ng bahagya, giving him access to my neck – where I want him to kiss me.

When he did, napadaing ako. His tender lips caressed my neck in a featherlike manner.

Tumigil siya. Narinig ko ang engine ng sasakyan. Dumilat ako at nakitang nakaawang pa ang kanyang mamula-mulang labi habang pilit na pinapaandar ang sasakyan.

“What’s wrong?” I asked, a bit worried.

Nang bumaling ako sa harap ay napagtanto ko kung anong problema. Fans flocked in front of his Corvette. Ang iba’y nasa gilid. Mabuti na lang at sobrang tinted nito na hindi kami kita sa loob. Plus the bouncers with some men helped in controlling them… stopping them from moving closer to the car.

Ngumisi ako at sinundan ng tingin ang mga batang nagsisigaw yata ng pangalan ko. Sinundan nila ang Corvette hanggang sa nakalabas na ito.

“You did well,” he said coldly.

Umayos ako sa pagkakaupo. Medyo windang pa sa halik niya at sa ipinakitang enthusiasm ng mga fans. Uuwi pa kami sa bahay para makapagbihis bago tumuloy sa nasabing party.

“I guess so…” sabi ko sabay lingon sa kanya.

Nanatili ang mga mata niya sa kalsada. His lips pursed, his head tilted.

“I got booed by some but I still did well,” paliwanag ko.
Tumango siya. “I heard you cried a bit?”

Kanino niya ba narinig iyon? Nasa balita na ba agad-agad? Siguro. Sa panahon ngayon, mabilis na ang balita, e.

“Yeah…” I unwillingly answered.

Tumango siya at pinanatili parin ang mga mata sa kalsada. Nanatili naman ang mga mata ko sa kanya. His lips protruded in a pout. He tilted his head again, I can sense his annoyance with something.

“Your ex was there?”
“Uh, yup…” Tumango na rin ako kahit bahagya kong ‘di naintindihan kung bakit niya iyon tatanungin.

Hindi na ulit pa nasundan iyon ng tanong. We walked silently to the elevator pagkatapos sa parking ng towers. Itinago ko ang ngiti habang nakatayo sa tabi niya.

Am I allowed to hold him? Like hold his hands like what normal couples do? Or can I hug him? Hide my face on his chest? Gosh! Thinking about it makes me blush!

Tumunog ang elevator hudyat na nasa tamang palapag na kami. I rolled my eyes on fate. Hirap na nga akong mag-isip kung paano ba dapat kapag magkasama kami, hindi pa nakikisama ang tadhana.

Well, if I make him feel that I’m clingy, baka magsawa siya sa akin! Sa dami niyang naging babae, paniguradong nakakasawa na ang mga clingy! I feel horrified thinking about him getting tired of me.

Kung mayroon man siyang pagsasawaan sa akin, iyon ay ang pagiging immature ko! Kaya dapat hindi ako ganoon!

“Maliligo muna ako. May dalawang oras pa naman, ‘di ba?” I said calmly but I’m hyperventilating inside. Tinuro ko ang kwarto ko para may emphasis sa gagawin.
Tumango siya.

Umismid agad ako. My expectations were a bit higher. I thought he’d invite me to take a bath in his bathroom. Pero kung sa bagay, that’s not a good idea. I’m still so sore right now and I don’t think I can do that thing again with him. Sa utak, siguro oo. Pero sa katawan, I don’t think so.

So I went inside my room to take a bath. I pouted so many times thinking about taking a bath with him in his bathroom. Kahit walang mangyayari, ayos lang naman, e. Or… maybe he did not like what happened? But he said he loves me?

You fool! Stop overthinking! Damn it!

Pagkatapos kong maligo ay nag-ayos na ako. I blowdried my hair and tied it in a half pony tail. I curled it a bit on its ends. I put on light make up and then a long stringed-back dress in dark blue.

Nilagay ko sa kanang balikat ang aking buhok at bahagyang tumalikod sa salamin para makita ang ganda ng mga ekis sa likod ko.

When I got satisfied with my look, lumabas na ako ng kwarto. Una kong tiningnan ang kwarto ni Vince. Pagkatapos ay ang sala naman. I heard his footsteps in the living room kaya naisip kong baka tapos na rin siya.

Dumiretso ako roon at nakita siyang naglalakad patungo sa malaking bintana habang inaayos ang kanyang cuffs. Napakurap-kurap ako habang tinitingnan siyang naka coat and tie. When he goes to work, he usually wears his white longsleeves, his coat and tie on hand. Nakita ko na siya noon na nakasuot nito pero nawiwindang parin ako hanggang ngayon.

He stopped and looked at me, too. Nakataas ang isang kilay habang binababa ang tingin sa akin at balik muli sa aking mukha. He let out a small sigh. Napaka unfair talaga dahil kaya niyang huminga samantalang hirap na hirap na ako ngayon!

“A-Ayos lang ba ‘to?” tanong ko sabay talikod para makita niya ang likod ko.

I saw his expression change a bit. Kumunot ang noo pero muling huminga ng malalim.

“Are you comfortable with that?” he asked.
Tumango ako.
“Then, I’m fine with that…” he said lazily.

Lumapit siya sa akin. Mabilis na kumalabog ang puso ko, simpleng lapit niya lang. His hand caressed the small of my back.

“Let’s go,” aniya.
I smiled and let him lead me.

The event was very publicized. Siguro dahil ito ang pinakamalaking event sa larangang ito.

Parang may zombie apocalypse sa dami ng media sa labas. Siguro na rin dahil madalas kinocover ang ganitong event ng iba’t-ibang magazines. It’s not only a show of the best people on the field, but also who’s the most striking bachelor in town.

After all, the richest tax payers always come from the field of Infrastracture and Construction. Bukod pa roon, international pa ito kaya maraming dumalong tanyag din sa parehong larangan.

Vince was immediately subject to the media. Hindi iyon dahil sa akin, ngunit dahil iyon sa mga offer sa kanya recently. He’s the only Filipino Architect to achieve those opportunities. Mas successful pa siya kesa sa aking ama.

Speaking of my father, I bet he’s here, too with my mum. He announced his retirement and the passing of the torch to Ate Lyanna but Vince said he’ll still attend this event.

“Architect Hidalgo, I’m from Forbes Philippines. We heard you will be part of Singapore’s biggest project along with your first solo project in Barcelona, how do you feel about it?” tanong ng reporter na malaki ang ngiti para kay Vince.

Hindi naman sa gusto kong magpapansin, naiirita lang ako na ang buong atensyon ng babaeng reporter ay na kay Vince lamang. Her body language is telling me that she’s interested with him.

“It’s overwhelming to accept projects this big. I’m thankful for trust of the companies-”
“Of course, who wouldn’t trust you? Your previous projects were not only high end, but also very successful!”

Nasulyapan ako ng babae. Ngumiti ako para makita niyang narito rin ako pero nanatili parin ang mga mata niya kay Vince.

“We would like a thorough interview about you. I hope you have time. Ibibigay ko sa’yo ang calling card ko. You can call me anytime. You will also be featured on our next month’s issue. You are among the top fifty highest taxpayers of the year.”

Binigay ng babae ang kanyang calling card. Tinanggap naman ito ni Vince. Unti-unti nang napapawi ang ngiti ko.

“You will also be included on the top ten hottest bachelors for the magazine I’m also covering-”

Natigil ang babae sa pagsasalita dahil may sumikong bading na reporter sa kanya. Buti nga! Sa dami ng reporter ay nawala siya sa pagsisiksikan.

“Architect Hidalgo, how do you feel about-” nakita ako noong bading kaya nanlaki ang mga mata niya. “Oh! You’re with Eury of Astra! If it’s not too much to ask, pwedeng malaman kung ano ang estado ng relasyon ninyo?”

What the hell is the problem of these people? Inannounce ko na nga na boyfriend ko siya? Bakit parang ‘di matanggap ng iba?

“She’s my girlfriend,” si Vince.

Taas noo akong ngumiti.

“Girlfriend as in… girlfriend… or girlfriend… you know…” humagikhik ang bading na tila may ibang pahiwatig sa parehong pangalang iyon.
“Excuse me? What do you mean by that?” iritado kong tanong.

Mabilis na diniinan ni Vince ang pagkakahawak niya sa aking baywang. Natigil ako sa pagtataray dahil doon. The reporter immediately giggled.

“Well, I’m just asking because like the other bachelors, girlfriend doesn’t always mean serious girlfriend.”

Napasinghap ako roon. Iniwas ako ni Vince sa mga reporter at iginiya na papasok sa venue.

Nakakainis talaga ang media. Hindi ko na mabilang ang mga panahong nagpapainterview ako at agad agad na naiirita sa kung sino mang nag iinterview sa akin!

“Don’t mind them,” Vince said.

Imbes na ma frustrate ay agad akong nakahanap ng paglilibangan. I saw my Mom and Dad on the venue. Hindi naman ako pinatawag ni Dad ngunit kusa akong dinala ni Vince sa kanila.

“You look so good together, Hija, Vince…” Mommy kissed my cheek and hugged Vince a bit. “My…” muli niya akong pinasadahan ng tingin.
“Thanks, Mom,” I smiled.
“I heard about the news, Vince. Congratulations! But are you leaving for Barcelona, anytime soon?” si Daddy.

Nagulat ako roon. Vince’s hand caressed my waist slowly.

“I can work here, Architect.”
“Pero Vince, alam nating dalawa na iba parin kapag on site ka. Kahit ilang buwan lang,” si Daddy. “I bet for your project in Dubai, ilang buwan ka bang nasa ibang bansa noon?”
“Pinuputol ko naman po. I go home very often but I was in Dubai for six months, at most, while the project is going on.”

Six months! That means I’ll live in Barcelona for six months, too? At most? Hindi pa ako nakakatira abroad… and it’s not an English speaking country. Will I survive? Well, ayos lang siguro?

Wait… what will happen to my career by the way? Hmmm.

Dumami pa ang nakisali sa usapan. Dad’s coworkers and his previous team went to their table. Kausap si Vince at bahagya akong tinitingnan. I know this people from the past and they definitely heard what I did to Vince. Ngayong narito ako sa tabi ni Vince, tahimik na lang sila at palihim na lang siguro na nag conclude sa mga pangyayari. I hope they all realize that Vince won’t do that to me or to anyone.

Ilang sandali ang lumipas, nagpaalam na kami ni Vince kay Mommy at Daddy. Apparently, our table is far from theirs. Nasa harapan ang lamesa namin ni Vince, kasama ang mga international Architects and Engineers. Tatlo lang yata silang medyo mas batang nasa lamesang iyon. The rest were old and the others, foreigners.

“Nandito ka,” Vince said to a man beside him.

Nilingon kami ng lalaking mukhang preoccupied. His eyes bore into me. Sumilay agad ang ngising-aso sa labi nito.

“So rude, Vincentius. Instead of greeting me like that, why don’t you introduce your woman?” he said, grinning devilishly.

Isang halakhak ang narinig ko sa lalaking nasa aming harap. Nakapalupot ang braso ng lalaki sa baywang ng isang babaeng may suot na kulay abong lacey long gown.

“Eury, this is Raoul Vesarius Riego. Radleigh Riego and Zariyah Riego in front…”

Ngumiti ako sa kanila.

“Eury Saniel? Daughter of Ephraim Saniel, right? I’m Vincent’s cousin.”

Lumakas ang tawa ng lalaking nasa harap. Umiling si Vince at nagseryoso.

“Just a relative, Eury,” agap ni Vince. “Akala ko hindi ka na aalis ng Costa Leona?”

Oh! He’s from Costa Leona, too.

“Father is manning all the meetings while he’s just giving his usual orders. The bastard,” the man in front said.
“Pwedeng hindi. Sinabi ko naman kay Tito na ako na ang bahala, ah? Why don’t you handle it, instead, hmm?” hamon ni Raoul.
“Stop it, Raj. Mag-aaway lang kayo-” hindi na natapos ang babaeng nasa harap.
“Oh, you stop calling him with his fucking nickname, Zari…” anang lalaki.

Humalakhak si Raoul at tinapik si Vincent. Vince immediately groaned.

“You’ll design my newest project in Makati, right?”
“I’m busy. Why don’t you design it yourself?” si Vince.
“Nilagay ko na ang pangalan mo sa proposal. A Hidalgo won’t say no to a project with his ancestors…” he smirked.

So these are his relatives, huh? Vince talked to them fondly. His hand is drawing circles on my waist… sometimes slightly caressing it. I shifted uncomfortably and look at the woman in front of me.

Naabutan ko siyang nakataas ang kilay habang tinitingnan ng kamay ni Vince sa aking baywang. Nang nagkatinginan kami ay ngumiti siya sa akin. She then looked at the speaker, pretended that she’s listening before whispering something to her husband. Nakita kong bumaling din ang lalaki sa kamay ni Vince sa aking baywang.

Uminit ang pisngi ko. I’m sure they’re talking about us!

Pinag-usapan sa harap ang mga parangal. Pati na rin ang mga proyektong gagawin. The four-course meal was fine. I enjoyed the food and Vince enjoyed the company of the two other men. Minsanan ay nag-uusap kami ni Zariyah Riego kaya mas naging kumportable ako.

My phone beeped and I saw Amer’s message. Muntik ko nang nakalimutan! He’s probably here.

Amer:
Enjoy na enjoy ka diyan sa table n’yong pang elite Architects, huh! Kawala ka muna kay Vince! Kita tayo sa girl’s powder room. Che!

Ngumisi ako at nilingon si Vince. My hand rested on his thigh, mabilis siyang bumaling sa akin.

“Powder room lang ako,” sabi ko.
Ilang sandali pa siyang nag-isip. “Let’s go…”
Umiling agad ako. “Magkikita kami ni Amer doon. Saglit lang ito.”
Muli siyang nag-isip, nakatitig sa akin bago ako pinakawalan.

It is impossible to see Amer around here. Sa dami ng tao ay kung hindi siya nakipagkita, maaaring hindi nga kami magkita buong event.

Sa labas pa lang ng powder room, ilang pose na ang nagawa niya para lang mapakita sa akin ang suot niyang damit. He’s wearing a dark tuxedo sprinkled with gold vines.

“You look so beautiful! Give me your phone!”

He snapped pictures of me bago kami pumasok sa loob ng powder room.

“My God! Parang nakalimutan mo na ako, ha! Sobrang abala mo kay Vince, Amore!?”
“Amer… kumusta ka na? Heartbroken pa rin?” sabay tawa ko.

Nasa loob na kami ng powder room ngayon. Noong una, iniisip ko kung may magagalit ba sa kanyang pagpasok doon. Mukhang wala namang tao sa loob kaya ayos lang siguro iyon.

“Ayos na ako, ‘no! Naghahanap na ng bago. Kung ayaw niya, e ‘di, huwag!” Umirap si Amer.
Tinantya ko ang reaksyon niya. Hindi siya masyadong makatingin kaya pakiramdam ko’y sinisikap niya lang iyon. Umismid agad siya nang napansin ang ginagawa ko.
“E ikaw, Amore? I thought it’s all just for show? Pero kung makakapit kay Architect, wagas, huh? It’s all over the showbusiness sites. Pati ‘yong umiyak ka kanina sa show mo? Kanino ka ba brokenhearted? Sa ex mo o kay Architect? Sus! Totohanin n’yo na lang kasi!”

Marami pa sanang idadagdag si Amer nang biglang bumukas ang isang cubicle. In a short black dress and a french twist hair, Vanessa went out with a poker face. Kumalabog ang dibdib ko. Damn it!

Tumikhim si Amer at natahimik. Suminghap ako habang pinagmamasdan siyang naglalagay ng powder sa mukha.

Suminghap muli ako nang nagdesisyong pigilan na ang pagkalat sa sinabi ni Amer. I know rumors too much and I know what she’ll think about once she’s out of this room.

“What my friend said wasn’t true. My relationship with Vincent is true,” agap ko kahit unti-unti na akong nawalan ng pag-asa.

Iisipin niya syempre na mismong ang kaibigan ko na ang nagsabi na hindi totoo ang relasyong ito! Bakit pa siya maniniwala, ‘di ba? Damn! Damn you, Amer!

“Yeah right! I already have a hunch that it wasn’t. Nakumpirma ko lang ngayon. I’m not surprised, actually. Hindi ikaw ang tipong seseryosohin niya.” She smiled and went out of the bathroom fast and sure.

Pag-alis niya’y nasapo ko agad ang sentido ko.

“Hala!? Amore, seryoso ka ba o ayaw mo lang na malaman niya iyon?” si Amer na walang alam. “Totoo ito?”

I groaned. Tinabunan ko ng mga palad ang aking mukha.

“Totoo, Amore?”
“Fuck you, Amer!” frustrated kong sinabi.
“Oh! I’m no tomboy. Sorry.”

Why am I going through this whole shit? Damn it!

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

1

Comments are closed.