Blown By The Wind – Kabanata 26

July 24, 2017 By In Blown By The Wind Comments Off on Blown By The Wind – Kabanata 26

Kabanata 26

Alamin

I’m sore all over!

Iyon ang una kong naisip pagkagising kinaumagahan. Hindi ko pa namumulat ang mga mata ko, ramdam ko na ang pamamaga ng katawan ko. I feel like I jogged the whole day yesterday.

Biglaan ang pagdilat ng mga mata ko nang unti-unting bumabalik sa akin ang nangyari kagabi. In fragments, memories of the heated rhythm last night stunned me. Nangyari ba talaga iyon?!

Dahan-dahan kong kinapa ang aking dibdib. And then my eyes flew to whoever is on the other side of the bed. Hindi ko pa nakikita kung sino, alam ko nang hindi iyon ang kwarto ko! The frigging bedroom was huge. Though designed minimally like mine, it looked better and more manly with the dark and gray accents from curtains down to furniture.

“Morning,” Vince said huskily.

Napalunok ako nang nakita ang mapupungay niyang mga mata. He’s half naked. Kahit na pareho kaming nasa iisang kumot, kita ko ang kanyang dibdib at ang mga mumunting balahibo nito na lumatag sa nakikitang bahagi.

I’m wearing my panty and a short silky nighties. At least I had the decency to dress myself last night! Oh, naalala ko, si Vince ang kumuha nito galing sa walk in closet!

Mabilisan kong pinasada ang aking mga daliri sa aking mukha. Hindi ako nakapaghanda rito! I never really thought I’d sleep here or I’ll wake up next to him.

Bumangon ako nang walang sinasabi. Parang tambol ang puso ko sa sobrang bilis at lakas. I could sprint out of this room right now and pray hard the floor would eat me. Kaso alam kong hindi iyon mangyayari!

Sinulyapan ko siya at nakitang nilagay niya ang kaliwang kamay sa ulo, revealing his firm triceps and… iniwas kong muli ang tingin ko sa kanya para maghanap sana ng tsinelas.

“Where are you going?” he asked calmly while I’m already panicking.

Tila gatilyo ang tanong niya. Wala na akong panahong maghanap ng tsinelas. Tingin ko rin ay wala naman iyon doon. Mabilis akong naglakad patungong pintuan at palabas nito. Naramdaman ko ang pagbangon niya sa gulat sa biglaang ginawa ko but then I’m fast, he’d never catch me.

Successful akong nakapasok sa aking kwarto. Matagumpay ko ring nasarado ito bago pa lang siya kumatok.

“Eury!” the laugh after my name made me tremble.

Anong nakakatawa? Is he laughing at me? Because of what happened last night?

Bumagsak ang tingin ko sa aking mga paa. They were a bit apart so I shut them close.

“Baby, open the door,” malambing niyang sinabi.

I remember how he lead me to his bed, kissing me hungrily. Nalasing ako sa kanyang mga halik. Alam kong hindi pwedeng idahilan iyon.

He kissed me intensely that I lost my sanity to him. Ni hindi ko na makilala ang boses ko kagabi habang tinatawag siya. And I let so many promises out of my lips just because…

Kinagat ko ang labi ko. Napatalon ako nang muli niyang kinatok ang aking pintuan.

“Eury,” he said cooly.

Pakiramdam ko panaginip ang lahat ng nangyari. It’s too good to be true. It’s too surreal. Hindi na ako nasurpresa sa kanyang kakayahan, ngunit hindi ko maiwasan ang pag-iisip sa mga dati niyang karanasan. At muling naibalik sa akin, kung paano niya nalaman kagabi na siya lang…

Ngumuso ako at sa huli ay bumuntong hininga.

Maybe, I’ll just act like it’s no big deal, right? Hiding here is futile. We’d see each other eventually anyway.

Binuksan ko ang pintuan para maharap siya. Nang nabuksan ay halos mabilaukan ako sa kanyang porma. Topless and with disheveled hair, he conquered the doorway with his large frame. Agad nagflash muli ang ginawa niya kagabi sa akin. I can feel him inside of me. Ikinakahiya ko na sa gitna ng iritasyon at galit na ipinakita ko sa kanya noon, I let him in me so easily like I did not hate him with a passion. Damn!

His eyes bore into me like fire in the middle of North Pole. Bumilis pa lalo ang takbo ng aking puso. Halos hindi ako makahinga. Hindi ko kaya ang mga titig niya na pinili kong isarado muli ang pintuan para matigil siya ngunit pinigilan niya ako.

Ang malapad niyang kamay ay lumapat sa itaas ng aking pintuan, he pushed it gently back. Kahit na buong lakas ko mang isarado, isang kamay at kaonting lakas niya lang, bumubukas ng husto ang pinto.

His large frame blocked the doorway stoping me to close the door further. Napaatras ako at napakurap-kurap sa ginawa niya.

Nasa lalamunan ko na yata ang aking puso dahil hindi na ako makalunok ng maayos, o makahinga man lang. I turned to make the bed as an excuse but he secured my wrist, immediately.

Kitang-kita ko ang concern sa kanyang mga mata kahit na mapaglaro siyang nangingiti. What’s the concern for? Para sa nangyari kagabi?

“Let’s talk,” aniya.

“Don’t worry, I won’t drag you to the altar,” sabi ko nang ‘di siya tinitingnan.

Sinarado niya ang pintuan. Gusto ko nang maghisterya, magwala, at mahimatay. To be with him in a room this small makes me unable to breathe or live properly.

“I might,” he whispered.

Naupo siya sa aking kama, hindi binibitiwan ang kamay ko. A smirk played on his lips, but he tried hard to conceal it with a serious expression. Naglalaro nga lang sa kanyang mga mata ang ngiti.

Uminit ang aking pisngi. The embarrassment I’m feeling right now is to the moon. I can’t even look at him straight. I don’t think I can coverse with him, even.

Hindi ako gumalaw. Nakatayo ako sa pinakamalayong pwede habang hawak niya ang kamay ko. Completely aware of the little cloth I’m wearing, agad kong pasimpleng tinabunan ang sarili ko. Sinulyapan ko siya, his eyes looked so confused – halong natatawa, namumungay, nanlalambing.

Pabigla niya akong hinila na bahagya akong napatili. Agad kong pinigilan ang sarili ko. The sound of my shriek is too erotic to be discribed as in distress. Nahulog ako sa kanyang kandungan at mabilis niyang pinallupot ang kanyang mga braso sa aking tiyan at dibdib.

“Vince! Ano ba?!” reklamo ko.

Hindi ako sigurado kung nababaliw na ba ako o ano. The feel of his skin on the piece of clothing makes my knees weak and my voice quiver. I don’t remember feeling this way with anyone or anything.

Hinawakan ko ang kanyang braso para kalasin ito ngunit mismong ang lakas ko ay hindi gumagana. Ang kanyang braso at kamay ay tila bakal na nakahawak sa akin. Hindi man masakit, ngunit mahigpit.

“Why’d you have to run after our first night, huh?” he whispered on my ear.

Kinagat ko ang labi ko. The way his breath tickled my ear makes me so weak. Naiinis ako sa sarili ko. Bakit ko hinahayaan ang sarili kong magkaganito sa kanya?

I summoned all the memories of my hate. The way my parents compared me to him. The way my parents want him more than me. The way he treats me way back – like a little sister… like a kid. The way he finds me pitiful. The way he’s always seen with women while we’re living our different lives. Lahat na lang inalala ko para lang maibalik ang lakas at makawala na sa kanya ngunit walang silbi iyon.

“To avoid confrontations like this? Vince, maghahanda na ako para sa trabaho!” giit ko.

“And did you successfully run from it?”

Ngumiwi ako at tumigil sa pag-aalis ng kanyang kamay sa aking katawan. My hand rested on his arm.

“Let’s talk first. I’ll let you go after this.”

“I’ll be late!” tunog iritado kong sinabi.

“Ako na ang magpapaliwanag sa manager mo,” I heard the slight smile on his voice.

“At ano naman ang sasabihin mo?” I tried to look at him to see if he’s serious.

I caught a glimpse of his lips curving sexily trying to stop a smile.

“That it’s my fault you’re late? I made you stay up late last night.”

Hinawakan niya ang aking braso saglit at hinagod bahagya pababa. I saw how my skin turned pinkish. Dahan-dahan din naman agad itong bumalik sa dating kulay.

“I need to shave everyday. Your skin is so delicate, it turns pink every slight touch.”

Uminit ang pisngi ko at naalala ang ginawa niya sa akin sa banyo. Damn, he must’ve noticed my pink-colored skin after that! At talagang pinagpaplanuhan niya pang araw-araw mag shave. Bakit? Mauuli pa ba? Oh, damn!

“A-Anong pag-uusapan natin?” marahang tanong ko.

Hindi siya agad sumagot. He hissed a bit making me look at him again. Ang tanging nakikita ko lang ay ang kanyang labi. I want to see more of his eyes but I’m afraid I’d give in. Baka makalimutan ko pang may trabaho ako.

“Can you work?”

Nagtaas ako ng kilay, lito sa kanyang tanong. “I need to.”

Naramdaman ko ang pagtango niya. Hinigpitan niya pa ang yakap sa akin. Ang mga kamay ko’y tila dahon na lang na naka patong sa kanya. Bumuntong-hininga siya at ilang sandali bago nagsalitang muli.

“What’s your schedule for today?” he said in a monotone.

My brows shot up. Iniisip ko kung ano nga ba dahil wala akong maalala. Naiwala ko ang wisyo ko sa nangyari kagabi.

“I’ll ask Genta later.”

“I will need Genta’s number,” he said.

Nilingon ko siya sa pagtataka. “Why?”

“Because you always do things on your own without telling me. Anong ginagawa mo roon kagabi?”

Bumagsak ang tingin ko sa kamay kong marahang nakahawak sa kanyang braso. Hindi ko alam kung paano siya sagutin sa ngayon. Bahagya niyang hinigpitan ang palupot ng braso sa akin, maybe to get my attention.

“Alam mo bang delikado ang lugar na iyon? You went there alone for what?” his voice sounds frustrated.

“May kikitain akong tao-“

“And who might it be? Why in that kind of place?”

Nilingon ko si Vince. Nagkatinginan kaming dalawa. While he’s both confused and frustrated, I am here slowly thinking about something weird.

Bakit siya naroon? Sino iyong mga kasama niyang lalaki? Paano niya nalamang naroon ako?

Nagtaas siya ng kilay. Nagtataka sa paninitig ko sa kanya.

“Bakit ka naroon? Sino iyong mga kasama mo?”

Siya naman ngayon ang nagtaas ng kilay. Kumalabog naman ang dibdib ko. May ibang rason ba kung bakit siya naroon? Paano niya nalamang naroon ako? Kanino niya nalaman gayong si Hubert lang ang may alam tungkol sa kung saan kami patungo? And who are those men? Goons? Why is he ready, then?

“Those are my bodyguards.”

Napakurap-kurap ako. Well, I know he’s a renowned international architect. Sa taba ng bank account, paniguradong maraming magtatangka sa kanya. But I just did not see him as someone who would hire such men for that specific reason. I find him capable of dodging danger. Hindi ko alam kung bakit. Maybe it’s his large frame, his movements, and the way I know how strong he can be. What the hell?

Setting aside those thoughts, bakit niya nga alam? Nabasa niya ba ang note? And if he did… what the hell?

Wait… alam niya ba ang tungkol kay Hubert?

Is he… does he have a motive to do anything?

Paano kung alam niya pala ang tungkol kay Hubert? After all, sa Costa Leona niya ako nahanap pagkatapos ng pangyayari. I did not tell him what happened but… how did these all happen?

Hindi kaya?

Nilagay niya ang kanyang daliri sa aking baba. He pulled it closer to him making my deep thoughts blur. Damn it!

“Paano mo nalamang nandoon ako, kung ganoon?”

Palapit na sana ang labi niya nang nagtanong ako kaya tumigil siya at ngumuso na lamang. His eyes remained on my lips as he answered.

“Hindi mo pa nasasagot ang tanong ko. Anong ginagawa mo sa lugar na iyon?”

“May kikitain nga ako, Vince.” I looked away.

Kung hindi niya masagot ang tanong ko, hindi ko rin siya sasagutin ng maayos.

Hindi siya pwedeng magkaroon ng kaugnayan sa nangyayari. Bukod sa hindi niya alam ang nangyari sa akin sa Romblon, hindi niya rin kilala si Hubert. Well, that’s what I think.

Kung mayroon mang pwedeng tukoyin si Hubert bilang suspect, kilala naming dalawa iyon pareho. So that would mean it’s going to be around showbusiness and Vince is nowhere near there?

Para akong nabunutan ng tinik. I relaxed a bit after that realization. This man would never do that. Paano ko ba iyon naisip?

I know Vince is ruthless. If he ever wants do bad things to anyone, I can imagine him finding other ways to make his revenge.

“Who are you meeting?”

“Isang kaibigan.”

“Who the hell will want to see you in that place, hmm?” the slight sting in his voice is very evident.

Bumagsak ang tingin ko sa kanyang braso na bumaba ngayon sa aking baywang. Sa paraan ng paghagod niya, para akong lumulutang. The smooth silk dripping on my skin made me more aware of his sensual hand.

“A friend. Kaibigan ko sa showbiz.” It’s true. Napakurap-kurap ako.

“You little liar. Kilalang kilala kita. Hindi ka pwedeng magsinungaling sa akin.”

“Totoo!” agap ko. Dahil iyon ang totoo. Slightly wrong but it is still the truth.

He sighed heavily. “Stop seeing anyone in places like that…” he trailed off. Parang may gusto pang sabihin na hindi nagawa.

“Okay,” sabi ko sabay patong ulit sa kamay ko roon sa braso niya.

Ni hindi ko namalayan na sumagot ako. I was too preoccupied with his touch that I’m losing focus.

Kumalas siya sa aking baywang para hulihin ang kamay ko. Galing sa likod ng aking palad, pinagsalikop niya ang aming mga daliri. He adjusted my frame to better fit him in between his thighs. Gusto ko tuloy mag absent. I can call Tita Daisy and say I’m sick. Pero kung magtatrabaho si Vince, e ‘di mag-isa ako rito?

Magtatrabaho kaya siya kung hindi ako magtatrabaho? My God, thinking about it makes me tremble.

Ano namang gagawin namin kapag pareho kaming ‘di magtrabaho?

Fuck! I am literally going crazy!

“Is it a man? Your ex, perhaps?”

“I’m not seeing him!” agap ko.

His jaw slightly clenched. Hindi ko na siya makita dahil nilagay niya na ang kanyang baba sa aking balikat. He sighed again.

“I don’t get jealous very often. You’ve been single all those years, hindi ko alam na may lihim ka palang boyfriend. Now, you’re not going to see him secretly while you’re mine.”

My lips parted. Kumawala ang hanging galing yata sa aking puso. Halong sakit at galak ang naramdaman ko. Hindi ko alam na masakit pala kapag masaya. Hindi ko rin alam kung anong ikinatutuwa ko sa sinabi niya.

I am really losing it.

My thoughts are even rejecting all my doubts. I cannot believe how head over heels I am.

Gusto kong sirain ang mood ko. Gusto kong isipin iyong mga sabik niyang halik. The way he kisses me is a profound manifestation of lust. I have never been kissed like that and I have not much experience but I know fire when I hold one. It’s definitely that. Ngunit kahit anong isip ko noon. Kahit pati ang unang dahilan ng ginagawa namin ngayon, walang makakatibag sa kasiyahang nararamdaman ko ngayon.

“I’m yours?” imbes na tanong iyon, tila naging pahayag pa ng pagkagalak. I cannot believe you, Eurydyce! Wala ka na bang ibang gusto sa buhay kundi ito?

He sniffed on my neck.

“Yes,” he breathed.

Nanuyo and lalamunan ko. I’m too thrilled to say anything rational. What about our arrangements? What about all of our reasons?

Bago pa ako nagkaroon ng rason, alam kong papayag na ako sa gusto niya noon. I’m too guilty to say no to him. The silent years without him was painful. Ngayon lang ako aamin na ganoon nga. Dahil sa mga taong iyon, wala akong ginawa kundi ang magpaka miserable. Maghanap ng ibang rason kung bakit ako ganoon. Refusing to acknowledge that I’m miserable because of my mistakes, and just blaming my family for whatever I’m feeling. Never really accepting that it was the guilt, it was my hatred for him, it was my anger that consumed me… making me miserable.

“B-Bakit?” Tumindig ang balahibo ko nang narinig ang desperasyon sa sariling boses. “Do you love me?”

He nudged my cheek with his nose.

“Uh-huh…”

Parang ilang sandali akong hindi huminga sa sinabi niya. Nahati ang nararamdaman ko. Hating saya. Hating tampo. But even with the little pain I’m feeling, I swear I could curl in his arms and hug him tight – and it wouldn’t even be enough.

“Bakit noon, kung ganoon? Ang dami mong babae. I think you even dated my tutor. I hated her for liking you. She’s fired eventually because of that. You dated Vanessa, too. And I’m sure marami pa akong hindi alam sa labas ng buhay mo…”

He chuckled and pinched my left cheek. I pouted, nakatitig lang sa kamay niyang nakasalikop sa kamay ko.

“You little devil! Why did you do that?!” bahagya niya akong inalog kahit na natatawa siya.

“Why are you so concerned, then?!” pagalit ko siyang nilingon.

He smirked sexily. This is so fucking unfair! I get so weak, kahit anong gawin niya. Ngayon kahit galit ako, naaapektuhan parin ako.

“Pinagtatanggol mo pa ang mga babae mo?! You treated my like your little sister! You treat your girls like your woman!” I hate you so much for that!

“Bakit? Anong gusto mong gawin ko sa’yo noon? You’re so young. You’re the daughter of your father. I was a struggling amateur Architect! Did you have a crush on me, then?”

What the hell! Uminit ang pisngi ko at wala akong maisagot.

“You hated me so much. You accused me of rape.”

“Pero binawi ko ‘yon!” agap ko.

“Even so… that was a big thing. You probably hate me that much, huh? You’d do anything to get rid of me.”

“I’m sorry…” iyon lamang ang nasabi ko. At sa bawat banggit ko ng mga salitang iyon, alam kong totoo iyon. I have never been this so sincere my entire life.

Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa amin. His thumb played with my thumb. Inayos niya ang ayos ng aming mga kamay at mas lalong hinigpitan ang hawak sa akin. Can I just call Tita and say I’m not feeling well today? Gosh!

“Did you have a crush on me back then?” ulit niyang tanong

“Yeah…” pasimple kong sinabi.

“Really?” may bahid ng tawa sa kanyang boses.

“I said yes!” iritado kong sinabi. Pinapaulit-ulit pa kasi.

Humalakhak siyang muli at pinalupot pa lalo ang braso sa aking baywang.

“Akin ka na simula ngayon. Akin ka lang.”

I can see rainbows everywhere.

“Magandang umaga po!” sabi ko sa guard pagkapasok sa building ng istasyon.

I can’t believe I even greeted the artists who talked ill of me behind my back. I am too happy to remember their attitude towards me. At nang naalala ko iyon sa elevator, wala rin akong pakealam.

“Saan ka ba galing!?” iritadong tanong ni Tita Daisy sa akin pagkadating ko.

Hindi ko nasipot iyong meeting dahil late ako. Kahit sa sigaw ni Tita, hindi parin napawi ang ngiti ko.

“Sorry po. I overslept-“

“Alam mo bang iniisip na ng manager nina Zander at Blair na may issue ka nga dahil hindi ka sumipot? Ayos lang kahapon dahil wala namang meeting? Ngayon! Jusko, Eury!”

“Tita, dapat si Zander ang magpaliwanag sa press tungkol sa mga kalat na pictures nila ni Eury, hindi ba?” si Flyn.

“Tama. It was his fault, anyway.”

“Bakit? Sino ba ang magpapaliwanag?” napalinga-linga ako. Mamaya ako pala iyong haharap sa press?

“Let’s just ignore this one, okay? Ikaw, Flyn, pumayag ka pa talaga sa interview na iyon?”

Umirap si Flyn. “Yes, because I know the truth!”

“Hindi magsasalita ang kampo ni Zander dahil masisira sila kung sasabihin ni Zander ang totoo!”

“So we’d rather be ruined, then, kesa sa love team nila?” si Flyn.

“Kasi sikat sila kaya dapat tayong mag give way, Tita?” si Carrie.

Hinilot ko ang sentido ko. Ngayon lang nag sink in sa akin na may problema nga pala akong ganito. Why do I have to think about this, anyway? Vincent is large enough to fit in my mind. Hindi ko na mapagkasya pa ang kahit anong issue ko.

Pagkatapos kaming pangaralan ni Tita Daisy, nagsimula na siya para sa schedule namin sa araw na iyon. Alam ko na kung anong gagawin namin ngunit kailangan pa ng mas maraming detalye para roon.

“So after your recording today, tutulak na tayo sa mallshow nila. You’ll be in one van. Sina Zander at Blair, nasa iisang van. Isa pang van para sa kanilang entourage. Eury, susunduin ka ni Architect pagkatapos ng show?”

Tumango ako. Pagkatapos akong ihatid ni Vince dito, sinabi niya nang kukunin niya ako mamaya dahil sa pupuntahan naming party ng association ng mga international architects.

“Heads up for your shoot this Saturday, huh? Si Genta na bahala sa’yo roon. Okay?”

“Okay po.”

“Wow! Dami mong magazine shoots ah! Cover?” tanong ni Carrie.

“Aalamin ko pa,” sagot ko.

After the meeting, we started the recording. Hindi gaanong matataas ang naka assign na lines sa akin kaya ayos lang. Flyn gets all the high notes, si Carrie naman sa malalalim. It’s enough for me, though. I know my abilities and high notes isn’t one of them.

Pumalakpak si Flyn pagkatapos ng mahigit dalawang oras na recording. That was probably our fastest recording. Lagi kasi kaming umuulit noon dahil hindi kami masatisfy. Ngayon, mukhang okay na.

“You did great, Carrie, Eury!” she said excitedly.

May mga kanta talagang alam ko, pagkatapos pa lang ma irecord, na magiging hit agad. Ito ang isa sa mga iyon. I don’t know. I just feel like Flyn arranged this song thoroughly to touch the hearts of the people.

“Ikaw ang magaling! Ganda ng pagkakagawa ng kanta!” sabi ko.

“Oo nga, Flyn. You’re the music genius!”

Flyn smiled.

“One day, I’m sure maiisipan mong mag solo ng career,” si Carrie.

Tumango rin ako roon. When that happens, pareho kami ni Carrie na mangangapa ng career. Lalo na ako. I won’t have any place in the music industry alone.

“Huwag kayong mag-isip ng ganyan! Sama-sama tayong tatlo na aangat! I don’t like a solo career. Baka kayo ang gustong mag solo? Eury?” she turned to me.

“Konting acting workshop ka lang, plus your theater experience, you’ll get in the acting industry for sure!” si Carrie sabay lapad ng ngisi.

Umiling agad ako. “No… No… Wala iyan sa plano ko.”

Nanliit ang mga mata ni Flyn sa akin. Sa huli ay ngumisi siya. “Mag promise kayong dalawa na solid ang Astra at hindi tayo mag kakawatak-watak, okay?”

“Promise!” agap ko.

“Of course! Korny mo, Flyn!” tukso ni Carrie bago kami nagtawanan.

We continued to practice for the mallshow. Lagi akong napupuri sa ganda ng performance ko. I can’t help but think why I feel great with everything that I do today.

Tumunog ang cellphone ko. If it was just anyone, hindi ko iyon sasagutin. Lalo na kapag nasa kalagitnaan ng practice.

“Hello!” sumenyas ako kay Flyn nang namataan niyang sinagot ko ang cellphone.

I have to excuse myself for Ate Reanne’s call.

“Eury, I have something,” she said.

“What?”

Dumiretso ako sa pintuan ng kwarto para makalabas. Nang tuluyan kong maisarado ang pinto ay naglakad na rin ako patungo sa dulo ng pasilyo.

The corridor is unusually quiet. Usually, it is filled with busy people and artists trying to do their regular work. Pero sa ngayon, sobrang tahimik. But that is my least concern now, Ate Reanne’s on the other line.

Naglakad ako patungong dulo kung nasaan ang salaming bintana, giving me a view of the building’s surrounding.

“Cocaine was found on the crime scene,” si Ate Reanne na pinapakaba pa ako.

“Yes, I know that.”

“Alcohol is found, too.”

Tumango ako, mas lalong kinakabahan dahil sa tono ng kapatid.

“The previous investigation says they were negative!”

Natulala ako roon. Kaluskos kung saan ang narinig ko sa pasilyo kaya napalingon ako roon. Ang puting dingding at kisame ay tahimik at wala ni isang tao ang naroon. But the plant decorative is moving like it is being blown by the wind.

Napakurapkurap ako, muling binalik ang atensyon kay Ate.

“Baka itinago ng mga pamilya nila, Ate.”

“Because their parents are powerful? You can do that but in this case, I don’t think they did that. Ang ebidensyang may Coke sa apartment, eskandalo na, hindi ba? No need to get tested to prove that they used it. Anyway, even so… Cocaine is a stimulant. If they all used it, how were they taken easily and with a knife?”

Isang kaluskos ulit ang narinig ko. Nilingon ko ulit ang pasilyo. Ang halaman malapit sa pintuan ng girl’s comfort room ay gumagalaw. This time, it’s for sure that it’s not the wind. I did not dare take my eyes off the corridor anymore. Hindi ko na rin makuha ng maayos ang sinasabi ni Ate dahil sa kaba.

“So let’s say, si Hubert lang ang nag Coke. And his friends drank alcohol so baka lasing na ang mga ito kaya mas madali niyang nasaksak, hindi ba?”

Hindi ako nakapagsalita. Dahan-dahan akong naglakad paalis doon sa bintana at patungo sa kabilang dulo, kung nasaan ang common comfort room sa floor na iyon.

“And if Hubert is not the suspect, it’s possible that he’s also drunk like his friends. So what’s the cocaine for? Kung hindi si Hubert ang gumamit nito, sino? Or was it just planted to frame someone up?”

“What the hell?!” Sumabog ang tawanan at hagikhikan galing sa aking likod.

Muntik ko nang maitapon ang cellphone ko sa kaba sa narinig. Nilingon ko ang kadarating lang na mga stylists at iilang grupo ng artista. Kaaakyat lang nila sa hagdanan. Napalingon ako agad sa kaba na baka kung sino na iyon.

“Eury? What’s wrong?” si Ate sa kabilang linya.

Hindi ako nakapagsalita. Nanatili akong nakatitig sa mga dumaang stylist. Some even smiled and greeted.

“Tapos na ang recording n’yo?” nakipagbeso ang isang stylist sa akin.

Tumango ako.

“Excited to work with you again! Katatapos lang ng interview ni Glenda, ‘di pa kami nag lalunch! Gutom na ako!” he said and walked with the crowd.

Nag ngitian ang mga ito sa akin. I nodded and tried to smile until I realized that I’ve not been attentive with the corridor.

Nagsipasok sila sa katapat na silid sa aming set. Nagpatuloy ako sa paglalakad, ngayon, mas mabilis.

“Eury? Still there?”

“Yup…” sagot ko kay Ate.

“Busy?”

Nang nakalapit sa pambabaeng comfort room, tumigil ako. From the outside, I can hear the creaking sound of the doors of the cubicles. May tao sa loob?

Luminga-linga ako. Kakapasok lang ng huling artista sa kanilang silid. Muli ay naging tahimik ang buong corridor, gaya ng paglabas ko kanina. My heart is already in my throat. I couldn’t speak even when my sister sounds so in distress on the other end.

“Eury! Ano na? Ibababa ko na lang ‘to kung busy ka.”

“Something’s strange… like… the last time…” marahan kong sinabi habang pumapasok.

“What’s strange? Hold on… Where are you?”

I heard her click some things but I’m too preoccupied to think about it.

Nang nakapasok sa CR, una kong tiningnan ang ilalim ng mga cubicles. To see if someone is inside. I can almost hear the screams from horror movies and I’m not sure if I’m exaggerating things. Nang napagtanto kong wala namang tao at siguro’y hangin nga lang ang umihip na iyon, umayos ako sa pagkakatayo at nilingon ang malaking salamin.

My eyes widened. I wanted to scream pero walang tinig na lumabas sa aking bibig.

In bright red and large letters… four words were printed on the mirror and I’m immediately sure it was really for me.

“WAG MO NANG ALAMIN”

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

1

Comments are closed.