Blown By The Wind – Kabanata 23

July 24, 2017 By In Blown By The Wind Comments Off on Blown By The Wind – Kabanata 23

Kabanata 23
Replaced

“Today, we’ll talk about your upcoming projects and schedules together.”

Kinuha ko ang mga papel na nasa harap namin. Nakasaad doon ang kung ano mang pag-uusapan namin ngayon, pati na ang mga kontrata. Hindi kinuha nina Zander at Blair ang kanila kaya nasisiguro kong alam na ng mga ito ang tungkol doon.

“We’re making a movie, of course with Zander and Blair as the main characters. Ang kakanta ng Official Sound Track ay ang Astra.”

Well, that’s easy. Hinalughog ko ang mga kontrata at nakita ang nakasaad kasabay ng paliwanag ng manager nina Zander at Blair.

“The storyline is based on a book called The Downfall Chronicles. Naka attach sa copies n’yo ang script and also, we already have a theme song. All you have to do is practice it and we’re good.”

Namilog ang mga mata ko nang nakitang may gagawing music video para roon. Bukod sa clips galing sa movie, may appearance din ang dalawa sa studio o venue sa kung saan ito sho-shoot. So this means we’ll work together aside from the mall shows!

“Tonight is your first mall show together. Alam na naman siguro ng Astra ang mangyayari?”
“I have already informed them about it. Una silang lalabas para kumanta and they’ll introduce Blair and Zander, they exit by then.”
“Yup. That’s all. Is everyone up for it?”

Binasa kong mabuti ang schedule. Nasa utak ko ang magiging schedule ko rin sa mga shoots ko sa magazine ni Sir Jed, iilang endorsements, at kung anu-ano pa.

“Eury? You’re hesitating? I hope not.”

Napalinga ako kina Flyn at Carrie na parehong pumipirma na. Flyn looked at me with concern eyes. Si Carrie ay seryoso naman sa pagpipirma. Tita Daisy moved her eyebrows up and down as a signal to sign the whole thing.

Kitang-kita ko sa mukha ni Zander ang pananantya. Siguro ay iniisip niyang nagdadalawang isip ako dahil ayaw kong makasama silang dalawa.

“Hindi, po. I just don’t want to miss work. I have lots of endorsement recently and iniisip ko pa kung maaapektuhan ba ang mga iyon.”
“This is a bigger project than your endorsements. So whatever schedule you have with them, iyon ang iadjust mo.”

I gritted my teeth. She’s right but for some reason, I want the endorsements more. Hindi dahil wala si Blair at Zander doon, I just naturally want it more than all of these.

Kinuha ko ang ballpen at nagsimula nang maglagay ng pirma. I have to take note of the schedule and make sure that it fits the other scheds.

“Kaya n’yo bang ma irecord ang kanta sa lalong madaling panahon?” their manager’s gaze shifted to Flyn.
“We’ll start practicing later, po,” si Flyn.
“Good. I’ll give you a deadline for it.”
Tumango si Flyn at Tita Daisy. Tumikhim ang President at bumaling sa manager nina Zander at Blair.
“I hope this experience will improve your relationships and would clear the fans’ doubts.”

Ngayong siya ang nagsasalita, hindi ko maiwasang maisip ang note na naibigay sa akin noong nakaraan. Was that really Hubert? Wala nang ibang pwedeng magbigay sa akin noon kundi siya.

“Alam kong maayos na si Eury. Now I hope the both of you would stay professional till the end,” sabay tingin niya kina Zander at Blair.
“I am professional, Sir,” Blair said with her eyebrow up.
Huminga ng malalim si Zander at bumaling na lamang sa mga papel, ignoring the President’s call.
Tumango ang president sa kanilang manager bago bumaling kay Tita Daisy. “I trust your expertise on this. Umaasa akong magiging mabuti ang epekto ng trabahong ito.”

Nagpasalamat at nagpaalam ang President sa aming lahat. When he went out, magsasalita pa sana ang manager nina Zander at Blair nang biglang tumayo si Zander. He walked straight out of the room. Tumayo rin si Blair, kitang-kita at konting panic sa mukha at sumunod na sa kay Zander palabas.

“Pagpasensyahan n’yo na ang mga alaga ko. They’re so busy with their offers for the past months kaya medyo pagod. Ngayon lang lumuwang ang schedule nila. Hope to see you before three. I’m sure by five this afternoon, tapos na kayo habang sila’y magsisimula sa shooting ng movie.”

Ngumiti ang manager nila at tumayo na. Tumayo rin si Tita Daisy.

“Well, good luck on that movie you’re all working on, Colleen. Paniguradong blockbuster ulit iyan,” si Tita Daisy.
“Of course. Astra will definitely land on better offers because of this experience so should I say, Congratulations?”

Nagngingitngit sa galit si Tita Daisy pagkaalis ng manager nina Blair at Zander.

“Genta! Tawagin mo nga ang nurse at magpapa BP ako!” sigaw ni Tita habang paulit-ulit na hinilot ang sentido.

Humalakhak si Carrie at tumayo. Hinagot niya ang balikat ni Tita Daisy para marelax ito. Flyn stayed where she’s seated.

“Akala naman ng bruhang iyon na utang pa natin sa kanila ang pagsikat n’yo! Excuse me! Well, she should thank the management for postponing Blair’s so called coming singing career for the movie! Akala naman nila madaling kumanta at kaya na iyon ni Blair kahit wala namang talent sa pagkanta iyon! Naku!” gigil na sinabi ni Tita.

Bumukas ang pinto at dumating na ang nurse kasama ni Genta.

“May plano silang ganoon, Tita?” Carrie asked.

Ginapos na sa braso ni Tita ngayon ang aparatong pangkuha ng Blood Pressure. Nilingon ko si Flyn na nanatiling tahimik at seryoso. Her eyes lit up when she realized that I’m looking at her.

“What do you think?” tanong ko.
Kumunot ang noo niya. Huminga siya ng malalim at sa ilang sandali ay naisip kong wala siyang opinyon para rito. “Hayaan mo na sila. Are you still affected?”
“I cannot say I’m not. Though I am pretty sure I am not as affected as Zander.”
She smirked. “Inuna niya pa ang sariling ego kesa sa kapakanan mo. It’s only right that you broke up with him. And he wasn’t even worried while you were away.”
“Shhh! Flyn, were prohibited to talk about-” si Tita na pinutol naman agad ni Flyn.
“Alam ko, Tita. Sorry.”

Pagkatapos namin sa meeting na iyon, umakyat na kami sa studio para makapagpractice sa kanta. Bukod kay Flyn, tinutulungan din kami ng mga batikang musikero na naka assign sa kanta.

For four hours, we made some good improvement. Hindi na namin pinilit pa dahil hindi pwedeng mapaos, lalo na si Flyn, dahil may mall show pa mamaya.

Sinulyapan ko ang cellphone ko at nakitang may mga mensahe roon galing kay Vince.

Vince:
Are you busy?

Vince:
I realized I’m not as busy as you when it comes to work, huh

Tiningnan ko ang notifications ko sa social media accounts. Sa dami ng notification ay kay Vince lang ang napansin ko. He’s been liking my old posts for the past two hours! Wala ba siyang ginagawa?

Ngumiti ako at nagsimulang mag pack habang nagtitipa ng reply para sa kanya.

Ako:
Are you stalking me?

Vince:
Finally, a free time?

Ngumuso ako at nagtipa muli.

Ako:
We’re leaving for a mall show right now. Pero hindi iyon para sa amin kaya saglit lang kami. Papahatid ako sa opisina ni Ate Reanne pagkatapos.

Vince:
I’ll meet you there, then? I’ll be done a little later than usual…

Hindi niya sinasabi sa akin kung anu-ano ba ang mga ginagawa niya! At bakit siya gagabihin?!

Ginulo ko ang buhok ko. I groaned at the thought of being a “mature lady”. I should let him be pero bakit hindi talaga ako natatahimik kapag ‘di ko malaman ang lahat ng tungkol sa kanya?

Ako:
Bakit?

Vince:
I’ll meet the other Architects for that big project in Singapore. I’ll be done by seven. By 8pm, I’ll be at Reanne’s office. What have you been doing this whole time, by the way? You can’t reply to my simple texts.

“Miss Eury, tapos ka na bang magligpit? Tayo na po,” si Genta na ngayon ay dala-dala ulit ang dalawang duffel bag na may lamang kakailanganin.
“Tapos na ako,” sabi ko at wala sa sariling sumama kay Genta palabas ng studio.
“Kanina pa sina Miss Carrie at Miss Flyn sa van, e.”
“Sorry, Genta. Bagal kong kumilos,” I muttered as I typed in my reply.

Ako:
I’m working. E, ikaw? Ba’t parang wala kang trabaho?

Ngumisi ako at binaba ang cellphone. Laking gulat ko nang ang katabi kong mag-abang sa elevator ay si Zander kasama ang P.A. at kanyang bodyguard.

“Good afternoon, Sir Zander!” si Genta.
“Good afternoon, Genta,” Zander said in a stoic tone.

Tumikhim ako at pinagmasdan ang papabukas na elevator. Pumasok ako sa loob, pumasok din si Zander. Sa huli ay pumasok ang mga kasama namin.

Para akong estatwang nakatayo sa tabi ni Zander. I seriously don’t know what to say or how to react right now. Alam kong dapat maging kaswal ako sa kanya pero kung ganito siya makitungo at makatingin, natatakot ako.

The whole elevator ride is a pain in the ass. Lumabas na lamang kami ng walang imikan. Si Zander, nagmamadali patungo sa sasakyan nila ni Blair, habang ako’y sinusundan siya ng tingin.

Nagkatinginan kami ni Genta.

“Nakapag-usap na po ba kayo ni Sir Zander, Miss, pagkatapos n’yong magbreak?” tanong niya.
Umiling ako. Hell, kahit noong pagbi-break namin hindi pa kami nag-usap, e!
“So, magkagalit kayo?” Genta inquired.
Umiling ulit ako. “I don’t think so.”
“Oo nga naman. Pareho naman kayong may mga boyfriend at girlfriend na kaya bakit pa siya magagalit, ‘di ba?”

Though I don’t know if they really are in a relationship since they have not confirmed it, kung totoo man, dapat na talaga akong maging kaswal. Bukod pa doon, I need to say sorry to Zander privately. I have not been very honest to him even while we were in a relationship. Dapat ay sinabi ko sa kanya noon na mas importante sa akin ang career ko at hindi pa ako handa sa isang seryosong relasyon.

But how the hell will I explain to him now that I am ready to be in a relationship with my new boyfriend? Napakaipokrita ko tingnan kapag sinabi ko iyon!

I groaned and brushed my hair with my fingers. Parehong seryoso si Carrie at Flyn sa pagrerehearse sa kanilang linya mamaya at heto ako, iba ang pinoproblema.

Vince:
I’m in a meeting with my team. Kumain ka bago ang mall show n’yo.

Ako:
Okay. Ikaw din.

Vince:
Yes. We’ll have our late dinner together later so make sure you don’t starve yourself until then.

I hate late dinners. Kailangan kong magwork out ng mas matagal kapag ginawa ko iyon. But I guess I have no choice. For some reason, I like it when he waits for me. I like it when we need to eat together.

“Hoy, Eury!” si Carrie dahilan na napawi ang ngiti ko. “Ikaw ha…” She smirked. “Iba talaga ang nagagawa ng lovelife. Blooming na, ngiti pa nang ngiti!”

Inasar ako ni Carrie kahit noong nasa backstage pa lang kami. I did not dare look at my phone again. Dahil kahit na tinitingnan ko lang naman ang social media accounts ko, nag-aabang na ang ngiting-aso niya.

“Kilig na kilig, e, no? I haven’t seen you that smitten before. Or am I missing something?” asar ni Carrie. Ang tanging ginagawa ni Flyn ay ang tipid na ngiti habang inaayusan siya sa harap ng salamin.
“Ewan ko sa’yo, Carrie. We have thirty minutes to go, right? Labas lang ako,” sabi ko.
“Asuuuuuss! Ilag sa tukso ko!” humagikhik si Carrie at pinindot pa ang tagiliran ko.

I rolled my eyes and left them there. Lumabas ako para tingnan ang dami ng tao na dumalo. Hula ko kasi puno maging ang pinakamataas na palapag ng mall. Sa backstage pa lang, parang umuuga na ang sahig sa dami ng tao at sa dagungdong ng hiyawan.

The bouncers were looking at me. Takot na baka umalis ako galing sa likod at harangan ng mga taong makakakita. Don’t worry, I just want a look.

A gray curtain draped the whole backdrop. There’s even a small room covered with the curtain, diyan tatayo habang tinatawag at bago lalabas sa buong hall. I went inside the dark room. Nang nakapasok doon ay unti-unti kong hinawi ang kulay abong kurtina na pagitan sa maliit na room na iyon at sa entablado.

Namilog ang mga mata ko nang nakita iyon. Their loveteam is really phenomenal. Sa unang palapag hanggang sa pang-apat ay puno ng mga tao. Hindi mahulugang karayom at mukhang wala nang chance na makapagshopping ng matiwasay ang pupunta ritong hindi makikigulo sa mallshow ng dalawa!

Hiyawan at sigawan kahit na hindi pa lumalabas ang loveteam nila. At konting pagkakamali at panunuya galing sa dalawang Master of Ceremonies ay agad na naghihiyawan ang mga tao sa pag-aakalang lalabas na ang inaasam na artista.

“Good lord, that’s so much people,” I whispered.

Huminga ako ng malalim at pinakinggang mabuti ang puso ko. And I am not even fazed with the fact that we are performing in front of this crowd. Hindi ako takot o kinakabahan. I guess the only question of my confidence is him, huh.

Lumabas ako ng room na iyon para sana bumalik na at magkwento kay Flyn at Carrie nang natigil ako sa paglalakad. Mukhang pareho kami ng iniisip ni Zander.

Pareho kaming natigilan. Siya kagagaling sa dressing room na para sa kanila ni Blair, at ako na kagagaling lang sa loob ng madilim na silid bago ang entablado.

I pushed my self to say something just for the sake of saying something. I don’t want us to remain this way. Kahit paano ay may pinagsamahan kami. At hindi ko siya masisisi kung bakit ‘di siya nag-alala sa akin noon dahil hindi niya naman din alam ang nangyari.

“Ang daming tao. Iba talaga ang hatak n’yo,” I said in a casual tone.

He did not say anything. I can hear crickets from wherever because of the silence between us.

“Balik muna ako sa room ng Astra,” sabi ko at umambang aalis na.

Bago ko siya malagpasan ay hinawakan niya ang braso ko. Bago ko siya matanong kung bakit niya ginagawa iyon, hinila niya na ako papasok sa kinurtinahang silid, kung saan ako galing.

Sa gulat ay wala akong nagawa kundi ang magpatianod sa hila niya. And before the curtains fall and cover us, his lips locked on mine.

By instinct, I pushed him away from me tearing the kiss apart. Dahan-dahan pang nag-aadjust ang mga mata ko sa dilim ngunit sa kaonting tingin ay kita ko ang lamig sa kanyang titig.

“Zander, anong ginagawa mo?” natataranta kong tanong.

My eyes adjusted to the dimness of the whole room. Mapupungay ang kanyang mga mata at napaawang pa ang labi habang tinitingnan ako.

“Hindi ba ako ang dapat na magtanong sa’yo niyan?” he said. Hindi man lang niya naisip na baka may makarinig sa amin.
“This is not the right time to be talking about this, Zander, we only have thirty-”
“That’s all you care about, huh? Your career?”

Wow! Nagsalita! This is ridiculous! I don’t have the strength to start this row right now. Lalo na dahil may show kami ilang sandali na lang.

“Let’s talk about this some other-”
“And you’ve replaced me that fast, huh?” Hinigit niyang muli ang aking braso nang nakitang umamba akong aalis sa silid.
“Bitiwan mo ako, Zander,” pabulong kong sinabi sa takot na may nagrerecord sa labas. “Don’t accuse me of choosing my career when it was so clear that you chose your career over our relationship, too.”
Nanlaki ang mga mata niya. His breathing is labored now, tila ba may nasabi akong sobrang ikinagalit niya. “Para iyon sa’yo. Do you think you’ll have all your endorsements and offers if I did not do it? You’ll be ruined-”
“Then why the hell did you offer me a house? Kapag nalaman iyon ng lahat, pareho lang din naman ang mangyayari, ‘di ba? And all these time I thought you offered me that because you’re ready to choose me over your career kahit hindi naman kita pinapapili at lalong wala iyon sa plano ko.”

I don’t make sense. Hindi sa gusto kong piliin niya ako dahil sa totoo lang, hindi ko naman siya pinapapili at mas lalong ayaw ko sa bigay niya. Pero kung ipagdidiinan niya sa akin ngayon na may utang na loob ako sa kanyang ginawa. By denying our relationship. And it’s not even as if I got saved for that. Hell, if anything, it even got worse that I need to get a cover up boyfriend!

His grip weakened. Nabawi ko ang braso ko at maglalakad na sana ako palayo ngunit muli niya akong hinila.

“Eury, Eury, please… I protected you from the issue-”
“Thanks. I got bashed anyway, though.”

Hinigit niya ako ng sobrang lakas na napabalik ako sa kanyang dibdib. He hugged me from the back and all I did is squirm and beg.

“Let me go, Zander.”
“I miss you. I missed you so bad. At sinong nagsabing wala na tayo, huh?” he whispered.

What the hell?

“Ako! Bitiwan mo ako, Zander! Bitiwan mo ako!” sabi ko.

I forcefully turned a bit just to push him away. Pagkatulak ko sa kanya ay patakbo akong lumabas ng silid at dumiretso na sa pasilyo patungo sa aming dressing room.

Asshole! Alam kong may mga pagkakamali ako. Alam kong pareho lang kaming dalawa rito pero kung ginawa niya iyon para magkabalikan kami, I’m certain now. I’m not going back to him.

“Anong nangyari? Mukha kang nakakita ng multo?” si Carrie.
Flyn’s eyes darted on me immediately. Binaba ang natanggap na bulaklak at tumayo para lapitan ako. “Anong nangyari, Eury?”
Umiling ako at sumalampak sa aking upuan. Nilapitan agad ako ng make-up artist. He started powdering my nose, siguro ay pinagpawisan ako ng husto.
“Is it your lipstick o namumutla ka talaga?” si Carrie.
“May problema ba? May nanggulo ba?” si Flyn.
Nag-angat ako ng tingin kay Flyn bago umiling. “It’s just Zander…”

Sabay na suminghap si Carrie at Flyn. Flyn went back to her chair and started blushing her face again.

“Anong sinabi niya?”

I did not tell them the full details. Bukod pa sa maraming nakikinig, kailangan na rin naming maghanda dahil tatawagin na kami.

I did well, actually. Kahit pa may kokonting “boo” akong naririnig sa crowd, mas marami akong narinig na magandang feedback. I guess people are slowly adjusting and accepting all the news about us. Siguro na rin dahil sa alam ng lahat na may boyfriend naman ako at hindi ako makakasagabal sa paboritong love team nila.

I even saw new tarpaulins from the group who wants me with Zander. They’re here even when it’s an event focusing on the two.

May konting kaba akong naramdaman sa entablado nang sumagi sa isip ko ang misteryosong nagpadala ng sulat noong nakaraan. Nandito kaya siya? Wala akong panahon para alamin iyon dahil hindi naman kami ang makikihalubilo sa mga fans kundi si Zander at Blair.

“Y-You’re kidding, right?” nanginginig ang boses ni Ate Reanne pagkatanong noon sa akin.

After our short performance, umalis na rin ako. Flyn’s going to her Mixed Martial Arts work out at si Carrie naman ay umuwi sa kanila. Hindi na namin hinintay na matapos ang buong show dahil paniguradong matatagalan pa iyon sa dami ng tao.

“Wh-Why didn’t you…”

Kanina ay wala siyang reaksyon habang hinahatid ng kanyang sekretarya ang kape at dessert para sa aming dalawa. Akala ko ay talagang wala siyang magiging reaksyon ngunit nang umalis ang sekretarya ay ‘tsaka pa lamang siya nagsalita.

Her troubled expression explained everything. It comforted me that aside from Amer, someone out there is troubled for me. May ibang taong nag-aalala sa akin!

“Goddamnit, Eury! Bakit hindi mo ‘to sinabi sa akin o sa awtoridad?!” her voice is thunderous.

Mabuti na lang at kaming dalawa lang naman ang nasa kanyang opisina.

Kinwento ko ng buo ang nangyari sa kanya. Except, of course, about Vince’s plans. Para rin namang naintindihan niya na agad na si Vince ang nakahanap sa akin at naging kami. Hindi niya na kinwestyun pa kung bakit at paano naging kami. Pakiramdam ko ay iniisip niyang natural lang na maging kami talaga.

“You… you almost got raped. You almost fucking died and you’re here after weeks or months! Iniinsulto mo ba ako!?”

Kung alam ko lang na ganito rin ang magiging reaksyon niya, sana ay ‘di ko na lang din sinabi. Maaaring na trauma ako ilang araw pagkatapos ng nangyari pero sa dami ng sakit na napagdaanan ko, I’m almost that resilient.

“Don’t make much fuss about it, Ate, please-”
“Don’t make a fuss about it? I am a lawyer! I have access to anything involving crime against the people of the Philippines and here is my sister, not dealing with her own injustice! Eury naman!” sabi niya, ngayon miserable.
“I know. I’m sorry. I was in shock and I don’t know what to do. Sinunod ko lang ang sinabi ni Tita Daisy sa akin at-”
“Kakasuhan ko ‘yang manager mo, Eury-”
“Oh, damn it, Ate! Please, will you listen first? This is not about the whole thing. This is about something else-”
“Kahit na!”

Tumayo siya at balisa na ngayon. Paulit-ulit na sinusuklay ang buhok. Binaba niya ang kanyang salamin at hinilot ang bridge ng ilong.

“You. Almost. Died. You almost died!” paulit-ulit niyang sinabi na tila ‘di ko naririnig. “Wala ka bang pakealam sa sarili mong buhay? At sinabi mo na ba ito kay Vince? Eury,” she groaned.
“Huwag na nating palakihin ito, Ate. Please-”
“Bakit mo ba pinagtatakpan ito, huh?”
“The suspects are dead, Ate. Isiwalat ko man sa lahat, wala nang hustisya pang mangyayari-”
“Justice is justice. Be it for the living or for the dead!”
“Isa pa, pwede pa akong pagbintangan sa nangyari. May motibo ako!”
“You said Hubert killed his friends. Paano ka mapagbibintangan?”

Tahimik kaming nagkatinginan ni Ate Reanne. Sa mukha niya, pakiramdam ko’y may unti-unti siyang nahihinuha.

“You said he’s about to surrender, bakit niya pinatay ang mga kaibigan niya? Your case was big but multiple counts of murder is even a bigger case. He’s lost his mind…” she trailed off.
“There’s been weird happenings, Ate,” I confessed.
Nagtaas siya ng kilay. Nilapag ko naman ang note na nakuha ko sa lamesa niya.

Pinulot niya ang kanyang salamin at sinuot muli. She picked the crumpled note up to read it.

“Bukod pa riyan, may note din noong nagbar ako. Hindi ko nga lang dala dahil naiwala ko na iyon. Hindi ko naman inisip na may koneksyon iyon sa nangyari…”
“Get his files. Contracts or anything,” sumimsim sa kape si Ate Reanne.

Noong una ay hindi ko pa alam kung para saan. She looked at me intensely like she just figured out something.

“We’ll hire a detective.”
“I can do it, instead. Ayaw kong palakihin ito-”
“Your life may be in danger, Eury!” iritado niyang sigaw sa akin.
“Please, Ate. I want to do this my way. I don’t want another issue-”
“For goodness sake, mas importante pa ba sa’yo iyan kesa dito?”

Natahimik ako. Dinungaw ko ang kapeng hinanda para sa akin. Nanatiling seryoso si Ate Reanne habang tinitingnan ako. Sa huli ay pumikit siya ng mariin at sinapo ang noo.

“Ang sulat na ito ay pwedeng pain at pwedeng totoo. Pwedeng nanghihingi siya ng tulong dahil ayaw niyang makulong, pwedeng papatayin ka niya para hindi na lumaki ang issue pa. This is very dangerous. Anong mayroon sa unang note na nakuha mo?”

The phone rang. Umiling si Ate Reanne at bago pa ako makapagsalita ay sinagot niya na iyon.

Kasabay pa noon ay ang pagtunog ng aking cellphone. I see Vince’s texts but the new text was from Amer. I opened it to see.

Amer:
You free? I wanna get drunk.

Para akong natauhan saglit. Hindi ito magtitext ng ganito kung walang problema. I’m certainly not free since I’m meeting Vince but I can’t let my bestfriend down.

Ako:
Oo. Anong nangyari? Nasaan ka? I’m meeting Vince for dinner but I think he’ll let me go out with you tonight.

Binaba ni Ate Reanne ang telepono. Hindi kailanman inalis ang tingin sa akin.

“That was Lucas. He’s outside with Vince. Sinabi kong papapasukin ko sila pagkatapos ng tatlong minuto. Let me get this straight with you, Eury…”

Kinagat ko ang labi ko at tumango.

“Papatayin ako ni Vince kapag may mangyaring masama sa’yo. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa’yo. At papatayin kita kapag pumalpak ka sa kung ano mang plano mo, but please, be honest with me with anything. I am going to help you.”

Huminga ako ng malalim at tumango. This isn’t a joke to me but I’m really determined to figure things out without the fuss. Lalo na dahil nasa showbiz ako. Konting kakaibang bagay lang, palalakihin.

“Kumain ka na,” si Ate Reanne sabay tingin sa pinahandang pagkain para sa akin. “Baka magalit pa si Vince sa akin kapag nalamang ‘di kita pinakain dito.”
Umiling ako. “Magsasabay na kami, Ate.”

Nanliit ang mga mata ni Ate Reanne. Bakas pa rin sa mukha ang pag-aalala at galit para sa akin ngunit nahalinhinan iyon ng ngisi pagkatapos ng ilang sandali.

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. For some reason, my face heated.

“You didn’t really hate him, did you?”
“I did!” giit ko.
“O, anong nangyari? Bakit ngayon parang ‘di ka na mabubuhay ng wala siya?”
“Tsss…” I rolled my eyes.

Umiling si Ate Reanne at nilagay ang telepono sa tainga.

“Paki sabi kay Attorney na tapos na kami ni Eury. Maaari na silang pumasok dito.”

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

1

Comments are closed.